You are on page 1of 183

Reincarnation of Lucifer

Ang istoryang ito ay masasabi kong kontrobersyal.


Tinutukoy dito ang istorya ni Lucifer na prinsipe ng
kadiliman. Paunawa na ito ay isang kathang isip
lamang ng isang taong may malawak na
imahinasyon. Kung hindi tanggap ang ganitong
kategorya ay kung maaari lamang inyo na itong
isara at hwag ipagpatuloy ang pagbabasa.
Maraming salamat.
***@@#@@***^#~o0o~#^***@@#@@***
Naririnig ko na naman sila. Ang iyak ng kanilang
paghihinagpis na parang sinusunog ang kanilang
mga katawan sa mainit na apoy. Ang mga
kaluluwa na humihingi ng kapatawaran sa langit
upang sila ay mailigtas mula sa madilim na mundo
ng impyerno.
Iligtas nyo po kami!
Nagsisisi na po kami Ama!
Mainit! Napakainit!
Tulungan nyo ako!

AAAAAAAAAHHHHH!!
Ayoko dito! Hindi ako dapat dito!
Tinakpan ko ang magkabila kong tenga para hindi
sila marinig. Nanginginig akong napaupo sa sahig
at ipinikit ang aking mga mata upang mawala sila.
Hindi ko man sila nakikita sa gitna ng kadiliman,
naririnig ko naman ang kanilang mga boses.
Nagustuhan mo ba mahal ko? ang tanong ng
isang pamilyar na boses.
Tumingin ako sa kanya. Sa gitna ng dilim, nakikita
ko parin sya. May pulang liwanag ang nakabalot sa
kanya. Tila mga sumasayaw na apoy sa kanyang
katawan. Isang ngiti ang rumehistro sa kanyang
anghel na mukha.
Iniliyad nya sa harap ko ang kanyang palad.
Halika mahal ko, pagmasdan mo sila. Pagmasdan
mo ang kaharian na ginawa ko para sa iyo.
Nagustuhan mo ba?
***
AURA. Ito ang pangalan na ibinigay sa akin ng

aking mga magulang. Hindi pangkaraniwan. Iilan


lang ba ang may ganitong pangalan?
Aura anak! Bumaba ka na rito, tawag sakin ni
Mama.
Tumingin ako sa orasan. Tanghali na pala. May
isang oras nalang ako para maghanda at pumasok
sa eskwela.
Pagkatapos kong mag-ayos ay agad na rin akong
bumaba mula sa kwarto ko. Nakahain na ang
pagkain sa mesa.
Happy birthday Aura! bati sakin nila Mama at
Papa na may hawak na chocolate cake at isang
kandila sa gitna.
Nakangiti naman sa akin ang aking kuya.
Make a wish baby, then blow the candle, excited
na sabi ni Mama.
Hilingin mo na magka-boyfriend ka na. Pfft! asar
sa akin ni kuya.
Hep! Bawal pa! Kahit na eighteen ka na Aura,
bawal parin ang boyfriend, pagbabawal ni Papa.
"Papa, hindi pa po
natatawa kong sabi.

ako

magbo-boyfriend,"

Nakahinga naman nang maluwag si Papa.


"Hay, hayaan mo nga na magka-boyfriend si Aura.
Malaki na sya," sabi naman ni Mama.
Sumimangot nalang si Papa at tumawa si kuya.
"Ako ang bahala Pa. Bantay sarado 'yan si bunso,"
sabi ni kuya.
"Isa ka pa Gabriel. Kailan
girlfriend?" tanong ni Mama.

ka

ba

magkaka-

"Mama. Hindi naman po kami nagmamadali.


Mabuti nang handa dyan, hindi ba bunso?" tanong
sakin ni kuya.
Napangiti nalang ako. Alam naman nila na wala pa
akong panahon para sa mga bagay na yon. Hindi
ko rin alam, pero hindi ko pa gustong makipagrelasyon.
Sana manatili kaming isang masayang pamilya,
tahimik kong hiling bago hipan ang kandila.
Yes naman! Dalaga na si bunso! sabi ni kuya
bago gulohin ang buhok ko.
Kuya! reklamo ko.
Gabriel tigilan mo na ang kapatid mo, birthday
nyan ngayon, suway ni Mama.

Sige na nga, sabi ni kuya.


Umupo na kami sa harap ng lamesa na napupuno
ng pagkain. Nagdasal muna kami at nagpasalamat
sa Dyos para sa pagkain at para sa araw na ito.
Habang nagdadasal ay hindi ko magawang alisin sa
isip ko ang tungkol sa panaginip ko. Isa yong
panaginip na meron ako mula pa nang bata ako
hanggang ngayon. Sa tuwing sasapit ang aking
kaarawan ay napapanaginipan ko iyon.
Tila isang paalala na hindi ko dapat kalimutan.
***
Kasabay ko si kuya Gabriel papasok ng school.
Nasa fourth year na sya ng kursong Nursing
samantalang ako naman ay sophomore sa kursong
Education. Kotse nya ang gamit namin at
dadaanan namin ang kaibigan nyang si Miguel sa
bahay nito. Isa ito sa mga madalang na araw kung
saan papasok kaming magkakasabay. Magkakaiba
kasi ang aming mga class schedules.
Birthday girl! bati ni Miguel sa
makapasok sya sa kotse. Kumusta?

akin

nang

Nasa passenger seat sya at si kuya ang nasa driver


seat. Okupado ko mag-isa ang backseat.
Okay lang, tipid kong sagot.
Parang ang lungkot mo ah, puna nya.
May sakit ka ba bunso? tanong bigla ni kuya.
Wala, tinatamad lang ako ngayon, sabi ko nalang
at muling tumingin sa madilim na langit.
Mukhang uulan.
Nang dumating kami sa St Lourdes International,
ang school na pinapasukan naming tatlo, tumigil
na naman sa paglalakad ang mga estudyante para
tumingin sa paparating naming sasakyan.
Hindi kaila sa akin ang
nakukuha mula sa kanila.

atensyon

na

aming

Hindi maipagkakaila na kakaiba kaming tatlo.


Bumaba na kami ng sasakyan at nag-umpisang
maglakad. Nakatingin sila sa amin. Puno ng
admiration at shock ang kanilang mga mukha.
Hindi parin sila nagsasawa na tignan kami. Sa mga
mata nila, mukha kaming perpektong tao na
pinagkalooban ng magagandang hitsura at talino.

Aura, tawag sa akin ni kuya I-text mo lang ako


kapag magpapasundo ka na.
Isasabay nyo ako pag-uwi? gulat na tanong ko.
Hindi naman kasi sabay ang dismissal namin.
Basta, sabi nya na parang nag-aalala Mabuti
nang mag-ingat
Inihatid nila ako sa tapat ng room ko.
Text ka ha, sabi ulit ni kuya.
Tumango nalang ako.
See ya later birthday girl! Here catch! may
inihagis si Miguel sa akin na maliit na box.
Umalis na sila ni kuya patungo sa building nila.
Pumasok na ako sa loob ng room. Pagkaupo ko sa
table ko, binuksan ko na ang ibinigay sa akin ni
Miguel.
Isa iyong silver na kwintas. May pendant itong
dalawang pakpak na magkadikit at gumawa ng
hugis puso. Namangha ako sa detalye na meron
ang pakpak. Tila pakpak ng isang anghel.
***

Nagpapaliwag ang instructor namin sa chemistry


pero sa hindi ko malaman na dahilan ay
nahihirapan akong ituon dito ang aking atensyon.
May kakaiba akong nararamdaman katulad nalang
ng parang may nagmamasid sa akin.
Tumingin ako sa mga kaklase ko pero wala ni isa
sa kanila ang nakatingin sa akin. Lahat sila ay
nagsusulat o di kaya ay nakatingin sa ginagawa ng
aming instructor.
Tumingin ako sa bintana. Halos tumigil ang pintig
ng puso ko nang makita ang napakaraming itim na
ibon na nakadapo sa malapit na puno. Lahat ng
mga ibon ay nakatingin sa akin.
Napalunok nalang ako. Kakaiba ang mga tingin
nila.
Tingin na may karunungan katulad ng sa mga tao.
***
Hindi ko na hinintay pa na matapos ang buong
araw para umuwi. Gusto ko nalang tumakbo
palayo mula sa lugar na iyon.

Hindi ko maintindihan kung bakit may mga


ganoong ibon dito ngayon. Napakadami nila. Saan
sila galing? Bigla nalang silang sumulpot dito.
Biglang dumilim na naman ang langit.
Napatigil ako sa paglalakad at napatingin ako sa
itaas. Ilang daang ibon ang lumilipad sa itaas ko.
Ang mga itim na ibon kanina.
Mga uwak.
Sinusundan nila ako.
Tumakbo ako para makapagtago mula sa kanila.
Kakaibang takot ang naramdaman ko.
Narinig ko ang malakas na paghagupit ng kanilang
pakpak sa hangin at ang mga tunog na
pinapakawalan nila habang lumilipad sa itaas ko.
Parang sinasabi nila na hwag akong tumakbo.
Na kahit ano'ng takbo o pagtatago ang gawin ko
ay masusundan at mahahanap nila ako.
Tumakbo ako papasok sa isang eskinita. Isang
shortcut papunta sa bahay namin.
Tumakbo ako nang tumakbo hanggang sa bigla
nalang akong napatid at napahiga sa semento.
Tumingin ako sa langit.

Maliwanag.
Wala na ang mga ibon.
Nakahinga ako nang malalim.
Nawala nalang sila bigla.
Namalikmata lang ba ako kanina?
Bakit sila biglang nawala?
Sinubukan kong tumayo pero mukhang napilayan
yata ako.
Tumayo nalang ako nang isang paa lang ang
nakasayad sa lupa.
Makakauwi kaya ako?
"Hik!"
May narinig akong parang suminok.
May isang lalaki na papalapit sa akin. Isang
matandang lalaki na may hawak na bote ng alak.
"Hik! Hi Miss. Naligaw ka ba? Hik!"
Oh dear..
Gustuhin ko mang lumayo ay hindi ko magawa.

Kahit mag-tatalon ako palayo gamit ang isa kong


paa sigurado naman akong maabutan nya ako.
Ni wala man lang gamit sa paligid na maaari kong
maidepensa sa sarili ko.
Kung meron mang gamit, hindi ko rin alam kung
kaya ko iyong gamitin laban sa lalaking ito.
Hindi ko alam kung kaya kong manakit ng tao.
Tatlong hakbang nalang ang layo nya sa akin.
"Miss beautiful..hik!" ngumiti sya habang ang mga
mata nya ay tumingin sa kabuuan ko. "Gusto mo
bang sumama sakin?"
"A-Ayoko," puno ng takot na sagot ko sa kanya.
Tila nasiyahan pa sya sa takot na nakikita nya sa
mukha ko.
"Hik! Ang ganda mo Miss," at unti-unti nyang
isinara ang distansya sa pagitan naming dalawa.
Napapaatras nalang ako.
"AH!" sigaw nya bigla.
Napigil ko ang paghinga ko nang may makita
akong lalaki sa likod nya. May pula itong buhok na
katulad ng sa apoy at may matatalas na mata na
nakatingin sa lalaki.

Nakahawak ang isang kamay nito sa balikat ng


lalaki.
"AAAAAHHH!!" sigaw nya na tila nahihirapan.
"Mortal, isang basura.." sabi ng lalaking may
pulang buhok sa mababang tono.
"AAAAAAAAHHH!!" mas lumakas ang sigaw ng
matandang lalaki.
Hindi ko alam kung ano ang ginagawa sa kanya ng
lalaking kararating palang.
Napasinghap ako nang tumingin sa akin ang
lalaking pula ang buhok. Nakita ko ang dalawang
maliit na sungay sa ulo nya.
Ang lalaking ito..
"AAAAAAAAAAAAHHHH!!"
Unti-unting binalot ng apoy ang matandang lalaki
na nagmula sa loob ng katawan nito palabas.
Kitang-kita ko kung paano nawala ang buhay nito.
Sa loob ng isang minuto tumumba ang walang
buhay nitong katawan para lang mabasag at
maging abo.
Hindi ako nakagalaw.

Nanghihina ang tuhod ko at napa-upo nalang ako.


Hindi ko maalis ang tingin sa lalaking naging abo
na ngayon.
Hindi ako makahinga sa sobrang takot sa nakita
ko.
Bigla nalang syang nasunog.
Hindi ko namalayan na na umiiyak na pala ako.
Nanginginig ako sa sobrang takot.
Hindi tumigil ang paghikbi ko kahit nang makita ko
ang itim na kasuotan ng lalaking pumatay sa
matanda na nasa harap ko.
Nasa harap ko na sya.
Inangat ko ang ulo ko para tignan sya.
Hindi ko magawang mag-salita.
Umiilaw ang sya.
May kakaibang liwanag ang dalawang sungay nya
pati na rin ang mga mata nya.
Hindi sya tao.
Papatayin din ba nya ako?
"Aura," tawag nya sa akin.

Bumaba sya sa level ko para titigan ako nang


mabuti.
Kusang nablanko ang isip ko.
Hindi ako nag-protesta nang haplusin nya ang
pisngi ko.
"Mahal ko"
Yun ang huling salita na narinig ko bago dumilim
ang paligid ko.
II

May malamig na hangin na umiihip sa aking pisngi.


Iminulat ko ang aking mga mata at nagising
nalang ako na nakahiga sa kama ko.

Nasa loob ako ng kwarto ko.

Nung una akala ko ay normal lang na nagising ako


pero nang maalala ko ang lahat nang nangyari..

Napaupo nalang ako hawak ang noo ko.

Pano ako napunta dito?

Gumagalaw
ang kurtina
nakabukas kong bintana.

na

nakasabit

sa

Tumayo ako para isara 'yon.

Madilim na sa labas pagtingin ko.

Nanaginip na naman ba ako?

Sa panaginip ko nakita ko na sya.

Nandito na sya sa mundo namin at pinuntahan nya


ako.

Iniligtas nya ako.

Nakita ko sya nang buo sa liwanag.

Sobrang makatotohanan ang panaginip na 'yon.

Matapos kong isara ang bintana ay naisipan kong


dumiretso sa kusina, pero hindi pa man ako
nakakalabas ng kwarto ko nang mapatigil ako.

Nadaanan ko ang salamin.

Napamaang nalang ako sa nakita ko.

Suot ko parin ang uniporme ng eskwelahan na


pinapasukan ko.

Bakit ako nakasuot nito?

Napatingin ako sa itim na palda ng uniporme. May


dumi na para bang nagpagulong gulong ako sa
lupa.

Pagtingin ko sa binti ko, wala naman akong sugat


hindi kagaya nang sa panaginip ko.

At wala rin akong pilay sa paa.

Pero.. paano ko maipapaliwanag na panaginip lang


ang lahat kung suot ko pa ang uniporme ko?

Hindi kaya.. SYA ang nagdala sa akin dito?

***

"Aura sa susunod mag-text ka kung uuwi ka nang


maaga," sermon sa akin ni kuya habang papunta

kaming school "Hinanap ka namin kahapon. Ang


akala namin kung ano na ang nangyari sa'yo.
Mabuti nalang nasa bahay si Mama at sinabing
natutulog ka sa kwarto mo. Bakit ka nga pala
umuwi nang maaga kahapon? May sakit ka ba?"

Nakumpirma ko kahapon kina Mama na hindi nga


pangaginip ang lahat. Eighteenth birthday ko
kahapon at totoong umuwi ako nang maaga dahil
sa mga uwak.

Awtomatiko akong napatingin sa langit. Maliwanag.


Wala sila. Walang mga ibon.

"Aura?"

"Huh?"

"Tinatanong kita. May sakit ka ba?" usisa ni kuya


at sumulyap sa akin sandali bago tumingin sa
harap ng kotse.

"Wala," sagot ko.

"Aura yung regalo ko bakit hindi mo ginagamit?


Ayaw mo ba?" tanong sa akin ni Miguel.

Napakurap ako.

Ngumiti ako at umiling sa kanya.

"Gusto ko. Nakalimutan ko lang na birthday ko


pala kahapon. Akala ko nanaginip lang ako," sabi
ko habang hinahanap sa bag ang maliit na box.

"Haha! Ang weird nun ah," tawa ni Miguel.

Kinuha ko ang kwintas mula sa box. Agad ko iyong


isinuot.

"Ayan," ngumiti ng malapad si Miguel "Bagay


sa'yo. Hwag mong tatanggalin ha?"

May kakaiba sa mata nya. Nakangiti sya pero


seryoso sya.

"Miguel ano ba ang ibinigay mo sa kapatid ko?"


narinig kong tanong ni kuya.

"Wala naman," nag-shrug si Miguel "Proteksyon"

***

May nararamdaman akong kakaiba nang tumapak


ako sa loob ng room namin.

Nagbalik sa akin ang pakiramdam na


nagmamasid sa akin pagkapasok ko palang.

may

Napatingin ako sa direksyon na 'yon at hindi ako


nakagalaw nang makita ko sya.

Tatlong upuan mula sa pwesto ko, nakaupo sya at


nakatingin sa akin.

Nag-taasan nalang ang balahibo


mamukhaan ko kung sino sya.

ko

nang

Sya ang demonyo na nakita ko kahapon.

Sya ang pumatay sa matandang lalaki sa eskinita.

Nasa klase ko sya.

Ano'ng ginagawa nya dito?

Sa uri ng tingin na ipinupukol nya sa akin ay alam


ko na ang sagot.

Nandito sya para sa akin.

"Aura natapos mo ba ang notes sa chemistry? May


quiz kasi tayo ngayon eh, pwede pahiram?" tanong
sa akin ng kaklase kong si Anna. "Please Aura?
Pleaaaaase."
"H-Huh? Oo sige," kinuha ko ang notebook ko
mula sa bag.

"Alam mo iba ang titig sa'yo ni Lucci," sabi nya.

"Ano?" napatingin ako sa kanya.

"Si Lucci. Kanina pa sya nakatingin sa'yo. Ang


gwapo nya, ang swerte mo mukhang napansin nya
ang ganda mo," masayang sabi nya at kinuha ang
notebook na hawak ko.

"Sino si Lucci?" mahinang tanong ko.

"Ano ka ba? Halos dalawang taon na natin syang


kaklase hindi mo parin sya kilala? Hahaha! Ayun
sya oh," sinundan ko ang tingin nya.

Nakatingin sya sa direksyon kung saan nakaupo


ang demonyo.

"Sya si Lucci."

***

Kung nahirapan ako kahapon dahil sa tingin ng


mga uwak habang nasa klase ako, sampung beses
non ang kaba ko ngayon.

Habang nasa klase wala akong ibang naramdaman


kundi takot at kaba.

Hindi nawala ang pakiramdam na nakatingin sya


sa akin. Nakatingin mula sa likod ko. Nakamasid sa
bawat kilos ko.

Ang ipinagtataka ko ay kung bakit sinasabi nila na


dalawang taon na namin syang kaklase. Alam ko
at kilala ko lahat ng kaklase ko, hindi namin sya
kasama sa loob ng halos dalawang taon na yon.

Pula parin ang buhok nya na katulad sa kulay ng


apoy. Nakasuot sya ng bonnet sa ulo.

Naalala ko na meron syang dalawang maliit na


sungay.

Itinatago nya ba 'yon kaya sya may suot na


bonnet?

Mabilis kong iniligpit ang gamit ko nang makita na


patapos na ang klase.

Pagkatunog ng bell,
lumabas ng silid.

ako

ang

nangungunang

Tumakbo ako sa gitna ng siksikang hallway.

Wala akong ibang gusto ngayon kung hindi ang


makalayo sa kanya.

Hindi na ako pwedeng umuwi sa bahay ngayon,


alam ko na susundan nya lang ako. Mas maganda
kung dito lang ako sa loob ng campus at hintayin
sina kuya para isabay ako pauwi.

Kung saan mas maraming tao, mas magandang


dun ako mamalagi.

Hindi nya naman siguro ibubuko ang sarili nyang


balat-kayo sa harap ng maraming tao.

Pero bakit ba nya ako sinusundan?

Ano'ng kailangan nya sa'kin?

"Hi Aura"

Napatigil ako at nagulat.

"Oh bakit ganyan ang mukha mo? Nagulat ba kita?


Sorry," hinging paumanhin ni Jake.

Si Jake. Ang manliligaw ko. Ilang beses ko na


syang sinabihan na tumigil pero ang sabi nya
hayaan ko lang syang patunayan ang pagmamahal
nya sakin.

Pero kahit na matagal na syang nanliligaw wala


parin akong maramdaman na espesyal para sa
kanya.

"Yayayain lang sana kita na mag-lunch kasabay


ko. Okay lang ba?" tanong nya.

Napalingon ako sa likod nang maramdaman ko na


papalapit na sya.

Sinusundan nya ako?

"Aura?"

"Huh?" napatingin ako kay Jake.

"Lunch? Kasama ko? Okay lang ba?" tanong nya


ulit.

"Ah. O sige"

Mabilis kong hinila si Jake patungo sa canteen.


Lumingon ulit ako sa likod ko.

Matalim na tingin ang sumalubong sa akin galing


kay Lucci.

Bigla syang naglaho pagkatapos


segundong palitan namin ng tingin.

ng

ilang

***

"Kilala mo ba si Lucci?" tanong ko kay Jake.

"Yung kaklase mong pula ang buhok?"

Napahinga ako nang malalim. Bakit pati si Jake


kilala ang lalaking 'yon? Kung ganon kilala sya ng
buong estudyante dito? Pero sigurado ako na ito
ang unang araw nya sa school na 'to.

Hindi kaya kinontrol nya ang mga ala-ala ng mga


tao dito?

Isa nga syang demonyo kung ganon.

Pero bakit hindi nya binago ang alaala ko?

[Mr. Jake Cardena kailangan ka sa Dean's Office]


sabi ng babae sa intercom.

Napatingin ako kay Jake.

"Well, mukhang hindi na kita maihahatid sa klase


mo," sabi nya habang mukhang nanghihinayang.

"Okay lang. Walang problema sa'kin."

Tumayo sya at kinuha ang gamit nya.

"Pano? Bukas nalang ulit?" tanong nya na puno ng


pag-asa ang mga mata.

Tinatanong nya ako kung pwede kaming maglunch ulit na magkasama bukas.

Ngumiti nalang ako at tumango.

Mas maganda rin siguro na palagi akong may


kasama para hindi ako malapitan ni Lucci.

"Salamat Aura," nginitian nya ako bago sya umalis.

Bakit may kakaiba akong nararamdaman?

Tumingin ako sa paligid. Wala naman si Lucci dito.


Wala ring uwak na nakatingin sa akin mula sa
bintana.

Ibinalik ko nalang sa lamesa ang tingin ko.

Nakita ko na nakalimutan ni Jake ang cellphone


nya sa lamesa. Kinuha ko ang mga gamit ko at
inabot at cellphone sa mesa.

Lumabas ako ng canteen at hinanap si Jake.

Habang palayo ako nang palayo sa canteen, paunti


nang paunti ang mga tao sa paligid ko.

Nakapagtataka dahil sa mga ganitong oras dapat


marami paring estudyante sa hallway.

Lumiko ako papunta sa kabilang building kung


nasan ang Faculty office.

Napatigil ako bigla.

Tila nababalot ng kakaibang dilim ang buong


building. Nagtaasan bigla ang mga balahibo ko.

Naramdaman ko bigla ang presensya nya bago ko


sya nakita.

Bago ko sila nakita.

"JAKE!!"

"A-Aura--hwag!" pigil nya sakin na lumapit.

Hawak sya ni Lucci sa leeg gamit lamang ang isang


kamay. Tila isang magaang bagay lamang si Jake
para sa kanya. Nakaangat sa lupa ang mga paa ni
Jake. Nasasakal sya.

"Tigilan mo yan! Mapapatay mo sya!" sigaw ko.

Tumingin lang sakin si Lucci sandali. Ngumiti sya


sa akin bago muling tumingin kay Jake.

"AHHHH!!" sigaw ni Jake.

"JAAAAKE!!" tumakbo ako palapit.

Bigla nalang nilamon ng apoy si Jake.

"AAAAAAAAHHHHH!!!"

Nakangiti syang pinagmamasdan ni Lucci.

"AAAAHHHH.."

Napatigil ako.

Nahuli na ako.

Binitawan sya ni Lucci. Bumagsak ang katawan ni


Jake sa sahig at tulad ng nangyari sa lalaki

kahapon, nabasag ang katawan ni Jake at naging


abo nalang.

Napaluhod ako at napa-upo.

Wala na sya.

Wala na si Jake.

Patay na sya.

Walang tigil ang agos ng luha


nakatingin sa abo na nasa sahig.

ko

habang

Kanina lang kasama ko syang kumain. Wala pang


kalahating oras ang nakakalipas nang yayain nya
ako na sumabay ulit sa kanya mamaya.

Ngayon wala na sya.

"Bakit mo iniiyakan ang isang basurang mortal


mahal ko?"

Papalapit sa akin si Lucci.

Hindi ako makagalaw.


nasaksihan ko.

Nanghihina

ako

sa

Wala na si Jake.

"Bakit mo sya pinatay?" umiiyak na tanong ko.

Ngumiti lang sya sa akin. Iniluhod nya ang isa


nyang tuhod sa harap ko at ang isa naman ay
pinatungan nya ng siko.

"Bakit?" tanong nya "Hindi ka ba nasiyahan? Wala


nang gagambala pa sa'yo."

"Isa kang demonyo, napakasama mo," mahinang


sabi ko.

"Tama mahal ko. Isa nga akong demonyo."

Inangat nya ang isa nyang kamay para hawakan


ang pisngi ko.

Hindi ko nagawang gumalaw.

Nang dumampi ang kamay nya sa aking pisngi


agad din syang napaatras.

"Hsss.." nakatingin sya sa kamay nya.

Napasinghap ako nang makita na may puting apoy


ang daliri nya. Hindi katulad ng apoy nya,
nasasaktan sya ngayon dahil sa puting apoy na
'yon.

Agad din iyong nawala. Mabagal na gumaling ang


sugat nya pero mabilis parin para sa karaniwang
tao.

Tumingin sya sakin.

"Nilagyan ka nila ng harang laban sakin,"


nagtitimpi sa galit na sabi nya "Pangako mahal ko,
papatayin ko kung sino man ang gumawa nito
sa'yo."

Kinilabutan ako kung paano nya ako tignan. Hindi


sya titigil sa pagpatay.
Ngumiti sya sakin. Napatingin ako sa kamay nya.

Isang harang.. laban sa kanya?

Napatingin ako sa kwintas ko at naalala kung ano


ang sinabi ni Miguel sa kapatid ko.

'Miguel ano ba ang ibinigay mo sa kapatid ko?'

'Wala naman, proteksyon'

"Hindi ka nila mailalayo sa akin."

Nabalik kay Lucci ang tingin ko.

Bumilis ang tibok ng puso ko habang nakatingin sa


mga pula nyang mata na tila lumiliwanag. May tila
apoy na nagsasayaw sa mga yon.

"Sa akin ka lang Aura. Hindi nila ako mapipigilan


sa pagkuha sa'yo."
III
***
A life without you is like an imprisonment for life

An extinction from the world to the point where I'd


go crazy
Your existence is a chronic disease, repitition of
pain
You're a lingering attachment in my heart
The people of the world have turned their backs
against me
The corners of their eyes are all twisted up
The greatest pain to me,
Is the fact thay you became the same as them
- Monster [BIGBANG]
***

Ilang araw pagkatapos mamatay ni Jake, nagkalat


na ang Missing posters sa buong syudad. Hindi
lang sya ang pinaghahanap ngayon kundi pati na
rin ang matandang lalaki sa eskinita. Pareho silang
pinatay ni Lucci. At dahil naging abo sila at walang
katawan na nahanap, patuloy parin silang
hinahanap ng mga kamag-anak nila.

"Excuse me Mr. Bautista," sabi ni Dean na nasa


labas ng pinto.

Sandaling lumabas si Mr Bautista. Makaraan


lamang ang ilang minuto ay muli syang pumasok
sa loob ng klase.

"Ms. Angeles," tawag sa akin ni Mr. Bautista


"Kailangan ka sa Dean's Office"

Nakaramdam ako ng titig sa akin ng ilang pares ng


mga mata. Kinuha ko na ang mga gamit ko at
lumabas ng silid. Napalingon ako sandali kay Lucci
na nasa dulo ng classroom. Nakatingin sya, agad
kong binawi ang tingin ko at isinara ang pinto sa
likod ko. Sinalubong ako ng Dean sa labas at
tahimik kaming naglakad patungo sa opisina nya.

Nadaanan namin ang bulletin board kung saan


may missing poster si Jake. MISSING basa ko sa
malalaking letra na nakalagay doon. Sa ibaba
naman ay ang nakangiting mukha ni Jake.

Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko. Hindi sya


dapat namatay. Mabuti syang tao.

Nakarating na kami sa opisina ng Dean. Agad nya


akong pinaupo sa upuan na nasa harap ng table
nya. May dalawang pulis sa loob kasama namin,
isang babae at isang lalaki.

"Ms Angeles, hwag kang kabahan. Nandito lang


sila para tanungin ka," sabi ni Dean.

"Ms Angeles may ilang katanungan lang kami


sa'yo. Ayon sa mga saksi, ikaw ang huling nakita
nila na kasama si Mr Cardena," sabi ng lalaking
pulis.

Nag-umpisa nang sumikip ang dibdib ko sa kaba.


Tatanungin nila ako kung ano ang nangyari.
Masasabi ko ba na pinatay sya ng isang demonyo?
Na sinunog at naging abo na ang katawan nya
kaya hindi nila makita? At paano ko ipaliliwanag sa
kanila ang lahat nang hindi napagkakamalan na
baliw?

"Ms Angeles ano ang relasyon mo kay Jake?"


malumanay pero puno ng awtoridad na tanong ng
babaeng pulis.

"Kaibigan ko po sya," sagot ko habang nakakuyom


ang dalawang kamay sa palda ng uniporme ko.

"Kaibigan? Yun lang?"

"N-Nanliligaw po sya sa'kin"

May sinulat sya sa notepad nya.

"May napansin ka bang kakaiba sa kanya nang


makausap mo sya?"

Umiling ako. "Wala po"

"May nasabi ba sya sa'yo na problema?"

"Wala rin po" nakayukong sagot ko.

"Ms Angeles may alam ka ba sa pagkawala ni Mr


Cardena?"

Bumilis ang tibok ng puso ko. Ito na ang tanong na


kinatatakutan ko. May kinalaman ako. Nandon ako
nang mangyari ang lahat nang 'yon.

"P-Po?"

"Ayon sa record na nakuha namin, nung araw na


hindi umuwi sa bahay nila si Mr Cardena. Hindi ka
pumasok kinabukasan. Maaari bang malaman kung
bakit?" tanong ng lalaking pulis.

Napalunok ako. Nung araw na nakita kong


namatay si Jake tumakbo na ako pauwi. Dahil sa
sobrang takot na naramdaman ko bigla akong

nilagnat kaya naman hindi ako nakapasok


kinabukasan. Hanggang ngayon hindi parin ako
makabawi sa mga nakita ko. Ayoko lang na magalala sina Mama kaya naman pinilit ko na pumasok
na.

"M-May sakit po ako ng araw na 'yon"

Hindi ko kinaya ang tingin na ibinibigay nila sa akin


kaya naman napayuko ako.

"O sige. Yun nalang muna sa ngayon, kung may


mga kailangan pa kaming itanong babalik nalang
ulit kami," narinig kong paliwanag ng lalaking
pulis. "Salamat sa kooperasyon."

"Pwede ka nang bumalik sa klase mo Ms Angeles."

Mabilis akong lumabas ng Dean's Office. Tumakbo


ako palayo. Pumasok ako sa Ladies Room.
Pumasok ako sa isa sa mga cubicle doon at isinara

ang pinto. Ibinaba ko ang takip ng toilet bowl at


umupo ako roon.
Unti-unting pumatak ang mga luha ko. Hindi ko na
alam kung ano ang mararamdaman ngayon. Sobra
akong natatakot at kinakabahan. May dalawang
tao ang namatay sa harap ko nang magkasunod na
araw. Ang masama hindi ko iyon masabi sa kahit
na sino dahil sa takot ko.

Pero may dalawang pulis dito sa campus.


Maniniwala kaya sila kung sasabihin ko na si Lucci
ang pumatay sa dalawang nawawala?

Pinunasan ko ang mga luha ko at lumabas ng


cubicle. Natigilan ako nang makita ang babaeng
pulis na nakaharap sa salamin at naghuhugas ng
kamay.

Ito na ang pagkakataon ko. Kailangan ko lang


subukan na ipaliwanag sa kanya ang lahat. Sana
lang maniwala sya.

"E-Excuse me," lumapit ako sa kanya.

Napatingin sya agad sa akin at rumehistro ang


pagkakilala nya sa akin.

"Ms Angeles?"

"May importante akong sasabihin.. A-Alam ko na


mahirap paniwalaan pero totoo ang sasabihin ko
maniwala ka," paliwanag ko. "Si Jake at pati na rin
yung isang matandang lalaki na nawawala. Patay
na silang pareho."

Nagulat sa sinabi ko ang pulis.

"Huminahon ka Ms Angeles. Sigurado ka ba na


patay na sila?"

"O-Opo. Namatay sila sa harap ko. Pinatay sila ni


Lucci."

"Sino si Lucci? Isa ba sya sa mga estudyante rito?


Halika, kailangan natin itong sabihin kay sarhento-" hinawakan nya ako sa braso at iginiya palabas.

Biglang namatay ang ilaw sa loob ng ladies room.

Halos tumigil ang pintig ng puso ko nang


maramdaman
ang
presensya
ng
taong
tinatakbuhan ko.

Kasabay ng pagbalik ng ilaw ang paglitaw ni Lucci


sa harap namin. Nakatingin ng masama sa
babaeng pulis.

Isang segundo. Sa loob ng isang segundo nakalapit


na si Lucci sa babaeng pulis. Hawak nya ito sa leeg
at inangat ang katawan sa ere.

"AH--!" nasasakal na protesta ng babae.

"Lucci! Itigil mo 'yan!" awat ko sa kanya kahit na


alam ko na wala akong magagawa.

Isang matalim na tingin lang ang isinagot nya sa


akin bago muli tumingin sa biktima nya.

Namumutla na ang mukha ng babaeng pulis. Kung


hindi ako kikilos may mamamatay na naman sa
harap ko.

Ayoko nang tumakbo!

Napatingin ako sa kwintas ko. Naalala ko na hindi


nya ako pwedeng hawakan dahil sa proteksyon ko.

Tumakbo ako at itinapon ang sarili ko kay Lucci


mula sa likuran nya.

"AAAAAAHH!"

Sabay kaming bumagsak habang nakaibabaw ako


sa kanya. Agad akong lumayo nang makita na
nasusunog sya sa puting apoy. Napatingin ako sa
babaeng pulis.

Hawak nya ang leeg nya at hindi makapaniwalang


nakatingin kay Lucci na patuloy na nilalamon ng
puting apoy sa sahig.

Nilapitan ko ang babae at inalalayan tumayo.


Kailangan ko syang ilayo dito.

Hinila ko sya sa kamay at sabay kaming tumakbo


palabas ng ladies room. Tumakbo kami sa gitna ng
abandonadong hallway.

Lumiko kami pabalik sa Dean's Office pero imbes


na opisina ang tumambad sa amin ay isa na
namang mahabang hallway. Tinakbo namin iyon at
muling lumiko sa isang kanto at muli ay isang
mahabang hallway na naman ang tumambad sa
amin. Sa gitna ng hallway ang Ladie's room na
pinanggalingan namin. Tila paikot-ikot lang kami.

"A-Ano'ng nangyayari?" tanong ng babaeng pulis.

Lumingon ako sa likod namin at binunggo ako ng


takot nang makita si Lucci sa dulo ng pasilyo.
Madilim ang tingin nya sa amin. Wala ang bonnet
nya sa ulo at patuloy ang pag-ilaw ng pulang apoy
sa sungay nya.

"Aura," tawag nya. "Hindi nyo ako matatakasan."

Kinilabutan ako sa uri ng tingin nya. Handa syang


pumatay. At sa pagkakataon na ito, mukhang
kasama pati ako.

Nakarinig ako ng kasa ng baril.

Saktong pagtingin ko sa babaeng pulis naiputok


nya ang baril sa direksyon ni Lucci.

Nakaramdam ako ng sobrang takot. Hindi ko rin


alam kung bakit. Mabilis akong tumingin kay Lucci.
Tinamaan sya ng bala sa dibdib nya. May nakita
akong umagos na itim na likido sa dibdib nya.
Halos hindi ako nakagalaw. Bigla nalang akong
nanghina nang makita ko na tinamaan sya ng bala.
Isa syang demonyo, dapat lang sa kanya ang
mawala pero bakit natatakot ako ngayon na
mawala sya?

"Lucci.." bulong ko.

Humakbang ako palapit sa kanya.

"Lucci.."

"Hwag kang lumapit sa kanya!" hinawakan ako sa


braso ng pulis at pinigilan. "Isa syang demonyo!"

Biglang tumingin sa amin si Lucci. Bigla syang


napaligiran ng apoy. Lumakas ang ihip ng hangin

at natakpan ng mga makakapal na ulap ang langit.


Naging madilim ang paligid.

Kahit nasa magkabilang dulo pa kami ng hallway,


ramdam ko ang panginginig nya sa galit. Mas
tumitindi ang apoy sa pagdaan ng bawat segundo.

Hinila ako ng pulis palayo kay Lucci.

"Kailangan na nating makaalis dito!" sigaw nya.

"AURA!!!" sigaw ni Lucci na ikinagitla ko.

Nagpatuloy kami sa pagtakbo ng babaeng pulis


palayo kay Lucci. Tumakbo kami nang tumakbo sa
hallway pero sa tuwing liliko kami, palagi namin
syang nakikita sa dulo.

"DITO TAYO!" pumasok kami sa isang classroom.

Ini-lock nya ang pinto at hinarangan namin iyon ng


lamesa.

Napatingin kami sa tanging exit ng silid. Sliding na


salamin ang bintana. Kasya kami kung sakali.
Sabay kaming lumapit doon. Nasa 5th floor kami
ng building.

Marahas na bumukas ang pinto at lumipad palayo


ang mga harang na inilagay namin doon. Lumipad
ang lamesa at tumama sa salaming bintana.
Malakas na tunog ng pagkabasag ng salamin ang
sunod na narinig ko at huli na para maka-iwas ako
sa lumipad na bubog sa pisngi ko.

"Pahangas na mortal."

Napalingon ako at nakita na hawak ni Lucci sa


buhok nito ang babaeng pulis. Tumakbo ako para
pigilan sya pero mabilis nya akong napansin at
itinulak palayo. Nakita ko rin na nasunog ang
kamay nya ng puting apoy pero parang hindi nya
iyon napansin.

Sa lakas ng pagkakatulak nya sa akin nahulog ako


mula sa bukas na bintana. Nahigit ko ang kurtina
para hindi malaglag sa building.

Napatingin ako sa ibaba at nalula sa sobrang taas


ng kinaroroonan ko. Napakapit ako nang mas
mahigpit sa kurtina. Sigurado na mamamatay ako
sa oras na bumitaw ako.

Napatingin ako sa kurtina at narinig ko ang


paglaslas non. Unti-unting napipilas ang kurtina.
Hindi ako kayang suportahan no'n nang matagal.

"AAAAAAAAAHHHH---" narinig ko ang sigaw ng


babaeng pulis sa loob ng silid.

Nakita ko ang pulang apoy sa loob non pero


masyado na akong mababa para makita kung ano
ang nangyayari sa loob. Alam ko.. patay na sya.

Wala na naman akong nagawa para makapagligtas


ng buhay ng isang tao.

Muling napilas ang kurtina. Desperado ko iyong


tinignan.

Nagpatuloy lang iyon sa paglaslas. Mabagal na


parang binibigyan ako ng pagkakataon na
magdasal. Ipinikit ko ang mga mata ko nang
makita na malapit na iyong mapunit hanggang
dulo.

Naramdaman ko na nalaglag ako.

Pakiramdam ko nasa lalamunan ko na ang puso


ko. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko.

"AURAAAA!!"

May yumakap sa katawan


pagkahulog ko.

ko

at pumigil

sa

Binuksan ko ang mga mata ko.

Nakita ko ang itim na tela at alam ko na si Lucci


iyon.

Nasa ere kami. Nakatigil kami sa tapat ng third


floor ng gusali.

Napatingin ako sa kanya at bumungad sa akin ang


malalaki at pulang apoy na pakpak sa likod nya.

"Hsss..."

Nasusunog sa puting apoy ang katawan ni Lucci na


nakadikit sa akin. Nanlaki ang mga mata ko.

"Bakit..?" bulong ko.

Hindi nya ako sinagot. Bakas sa mukha nya na


nahihirapan sya.

Pinilit nya parin na lumipad paitaas.

"Lucci!"

Bumagsak kami sa rooftop. Bumigay na nang


tuluyan ang mga pakpak nya.

Mabilis akong
namin.

lumayo

sa

kanya

pagkabagsak

Pinagmasdan ko sya habang nakahiga sya sa


sahig. Tinutupok ng puting apoy ang katawan nya.
Bakit nya ako hinawakan? Bakit nya ako iniligtas?
Bakit pinilit nyang sagipin ako kahit na alam nya
na masusunog sya?

Napahawak ako sa kwintas ko at napatingin sa


kanya. Hindi sya gumagalaw. Unti-unti na rin
nawawala ang mga puting apoy sa kanya.

Nilapitan ko sya at umupo sa tabi nya. Nakapikit


sya. Namumula ang balat nya na parang nasunog
ng araw.

"Lucci.." mahinang tawag ko sa kanya.

May kung anong kirot sa puso ko nang makita


syang nahihirapan. Nasasaktan ako para sa kanya.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko.

Unti-unti nyang iminulat ang kanyang mga mata.


Tumingin sya sa akin. Nagulat ako dahil hindi ang
malamig na tingin ang nakita ko sa mga mata nya.
Lungkot.

"Bakit Aura...?" nanghihinang tanong nya "Bakit


mas pinipili mo ang mga mortal kaysa sakin?"

"Dahil.. iyon ang tama," sobra akong nakaramdam


ng lungkot sa naging sagot ko.

Tumawa sya ng mahina.

"Hanggang ngayon nananatili parin na busilak ang


puso mo mahal ko," tumingin sya sa langit
"Hanggang ngayon ipinagtatanggol mo parin sila."

Mahabang katahimikan ang lumipas.

"Galit ako sa mga mortal.." sabi nya "Sila ang


dahilan kung bakit nawala ka sakin. Ang sakim
nilang mga puso ang dahilan kung bakit ka nawala.
Hindi ko sila mapapatawad."

Hindi
ko
maintindihan
ang
sinasabi
Naguguluhan ko lang syang tinignan.

Muli syang tumingin sa akin.

nya.

"Magkikita tayong muli mahal ko," itinaas nya ang


isa nyang kamay para hawakan ang pisngi ko.
"Hwag mo sana akong kamuhian."

Nang dumampi ang kamay nya sa balat ko


napapikit ako nang mariin.

Pagmulat ko.. wala na sya.

Naiwan akong nakaupo at nag-iisa.

Napahawak ako sa pisngi ko at napansin ang isang


bagay.

Nawala ang sugat sa pisngi ko.

IV
Hindi pumasok si Lucci kinabukasan. Mukhang
wala rin nakapansin sa pagkawala nya. Hindi ko

alam kung ano ang nangyari sa kanya. Hindi


naman siguro sya namatay kahapon. Natakot ako
sa naisip ko. Hindi naman siguro.

Hindi ko kayang ipaliwanag kung ano ang


naramdaman ko nang mawala sya sa harap ko.
May parte sakin na nagluluksa pero hindi ko
maintindihan kung bakit. Isa syang demonyo at
tatlong tao na ang napatay nya. Dapat lang na
matuwa ako dahil wala na sya hindi ba?

Pero bakit tingin ako ng tingin sa bakanteng upuan


ni
Lucci?
Nasanay
na
akong
palaging
nararamdaman ang tingin nya sakin. Hinahanap
hanap ko ba sya?

"Anna," tawag ko sa katabi ko "Nakita mo ba si


Lucci sa campus?" tanong ko.
Binigyan nya ako ng nagtatakang tingin.
"Lucci? Sino 'yon?"

Doon ko lang nalaman kung bakit walang


nakapansin sa pagkawala nya. Nabura na ang
alaala nila tungkol kay Lucci. Kaya pala hindi
tinawag ang pangalan nya sa roll call.

"W-Wala.." sagot ko nalang.

Tumingin ako sa bintana sa tabi ko. May nakita


akong itim na ibon na nakadapo sa sanga ng puno.
Pero hindi katulad dati, nag-iisa lang ang ibon na
'yon.

Natapos ang buong araw nang hindi ko nakikita ni


anino nya. Umuwi na ako sa bahay. Wala sina
Mama at Papa. Ngayon ang wedding anniversary
nila kaya naman pumunta silang Palawan para
mag-bakasyon sandali ng tatlong araw. Sa Lunes
ang balik nila.

Nag-iisa lang pala ako ngayon sa bahay.

Bukas pa ang uwi ni kuya. Nasa hospital sila


ngayon at naka-duty. Marami ang nasunog na
bahay kagabi lang. Marami ang nasaktan at
namatay sa sunog. Iniisip ko kung kagagawan ba
yon ni Lucci. Hindi ba at galit sya sa mga mortal?

Humiga lang ako sa kama at tinitigan ang kisame.


Yung babaeng pulis kahapon isa na rin sa mga
pinaghahanap ngayon. Tatlo na silang nawawala.
Naaawa ako sa pamilya nila pero ano'ng
magagawa ko? Hindi ko talaga kayang pigilan ang
isang demonyo. Muntik na akong mamatay nang
subukan ko.

Naalala ko ang nangyari kahapon. Nalaglag ako sa


building at iniligtas nya ako. Pero bakit?

At ano ang sinasabi nya na 'dahil sa mga mortal


kaya nawala ako'? Kilala ko ba sya dati? May
nabura ba akong alaala? Bakit parang kilala nya
ako matagal na?

Yung mga panaginip ko. Ano ang kinalaman non


kay Lucci? Hindi ko maintindihan kung bakit ko sya
nakikita sa mga panaginip na 'yon.

Isasama nya ako sa mundo nya? Sa impyerno ba?

"Meow~" tumalon sa kama ko si Whiskey.


"Whiskey ano 'yon?" tanong ko. Hinimas ko ang
kulay puting balahibo nya.

Tinitigan ako ng kulay asul nyang mga mata. Isa


syang albino na pusa at hindi sya nakakarinig kaya
naman nonsense kung kakausapin ko sya.

"Meow~" humiga sya sa tyan ko.


"Nagugutom ka na ba?" tanong ko ulit.
Hindi sya sumagot. Dinilaan lang nya ang paa nya.

Binuhat ko sya at tumayo ako sa kama. Lumabas


ako ng kwarto at pumunta sa kusina. Ikinuha ko

sya ng catfood at inilagay 'yon sa bowl nya.


Tahimik syang kumain.

Ganon lang natapos ang gabi ko. Walang kahit na


ano'ng kakaiba ang nangyari.

SABADO.
Umuulan kaya naman hindi ako nakalabas ng
bahay. Nanatili lang ako sa loob. Masyadong
tahimik ang loob ng bahay. Nasa kwarto nya si
kuya at natutulog. Tanging si Whiskey lang ang
katabi ko. Sya lang ang kinakausap ko kahit na
hindi nya ako naririnig.

Natulog lang kaming dalawa sa kama ko habang


malakas parin ang buhos ng ulan sa labas. Sa
tingin ko nanaginip ako dahil nakita ko si Lucci na
nakatayo sa dulo ng kama ko.

LINGGO.
Maaliwalas sa labas. Pumunta ako ng simbahan
para sa misa. Habang nasa loob ako ng simbahan

parang may naramdaman akong nakatingin sa


akin. Hindi ko nalang pinansin. Hindi si Lucci 'yon.
Kung pano ko nalaman, hindi ko rin alam. Basta,
kapag nasa malapit sya nararamdaman ko sya.
Parang may tali na nag-uugnay sa aming dalawa.

Pagkatapos ng misa lumibot muna ako sa mga


tinitinda sa labas ng simbahan. May mga rosaryo
at kung anu-ano'ng ugat ng halaman na pangtaboy
daw sa mga engkanto. Meron din kaya sila para sa
demonyo?

Kinapa ko ang kwintas ko. Saan kaya ito nabili ni


Miguel?
"MALAPIT NA ANG KATAPUSAN NG MUNDO!" may
matandang lalaki ang sumisigaw. Madungis sya at
may suot na itim na salamin sa mata. "HUMINGI
NA KAYO NG KAPATAWARAN SA DYOS! KUKUNIN
NG DEMONYO ANG INYONG KALULUWA KUNG
HINDI KAYO MAG-SISISI!"

Kukunin ng demonyo ang kaluluwa ng mga tao..

Iyon ba ang pakay sa akin ni Lucci? Isa syang


demonyo, interesado ba sya sa kaluluwa ko?

Naguguluhan na umuwi ako ng bahay. Hindi


nawala ang pakiramdam na may nakamasid sa'kin.

LUNES
"Aura, yung baon mo," tawag sa akin ni Mama
"Heto oh, muntik mo nang makalimutan."
"Salamat Ma"
"Nagmamadali ka yatang pumasok"
"Uh.."
"Haha napaka-sipag mo talaga mag-aral, sige na
baka mahuli ka pa sa klase mo," nakangiting sabi
ni Mama.
"Bye Ma," humalik ako sa pisngi nya at umalis na.

Hindi ko kasabay si kuya at si Miguel ngayon. Sa


bus ako sumakay. Hindi ko rin alam kung bakit ba
ako nagmamadali na pumasok. Parang ang pangit

isipin na nagmamadali ako dahil gusto kong


malaman kung pumasok na si Lucci.

Mabilis akong naglakad sa hallway. Napatigil ako


sa labas ng room ko. Parang natatakot akong
madismaya ngayong araw. Ano ba ang nangyayari
sa'kin? Hindi ko dapat kalimutan na isa syang
demonyo. Masama sya. Pero iniligtas nya ako. At
kahit na ano'ng sama pa nya, hindi ko kayang
makaramdam ng galit para sa kanya.

Huminga ako nang malalim at binuksan ko ang


pinto.

Napalundag ang puso ko sa saya nang makita sya


na nakaupo sa dulo ng classroom. Pula ang buhok,
may suot na bonnet sa ulo at nakatingin sa akin na
parang kanina pa nya ako hinihintay. Hinihintay
nya ako.

Napayuko ako at mabilis na lumakad papunta sa


upuan ko. Nang makaupo na ako, nilingon ko sya.

Kung saan ko nakuha ang lakas ng loob para


tignan sya sa mata ay hindi ko alam.

Nagtitigan kaming dalawa. Unti-unti ay nawala ang


mga tao sa paligid ko. Sya lang ang nakikita ng
mga mata ko. Sa kanya lang nakatuon ang
atensyon ko.

Tumayo sya at naglakad palapit sa akin. Umupo


sya sa bakanteng silya sa tabi ko. Nakatingin lang
ako sa kanya at ganoon din sya. Hindi kami
nagsasalita.

Nasa tabi ko sya. Magkatabi kami ngayon. Ang


lapit nya sakin. Ang dami kong gustong itanong sa
kanya pero di ko magawang ibuka ang bibig ko.

Nagkadikit ang dulo ng mga daliri namin at may


munting puting apoy na sumunog sa daliri nya.

Kumunot ang noo nya habang nakatingin sa daliri


nya. Nawala rin agad ang puting apoy na yon at
mabilis na gumaling ang sunog sa daliri nya.

Mariin nyang ikinuyom ang mga kamao nya. Galit


sya. Nakatingin sya sa lamesa nya at doon nya
ibinuhos ang matalim na tingin nya.

Pinagmasdan ko lang sya nang matagal. Hinihintay


ko na mawala ang galit nya pero mukhang mas
tumitindi ang galit nya sa paglipas ng minuto.

"Saan ka pumunta?" tanong ko sa kanya na


parang dati pa kaming magkaibigan "Nung nawala
ka. Saan ka pumunta?"

Nalipat sa akin ang tingin nya. Nakita ko na


napalitan na ang emosyon sa mata nya.

"Kinakausap mo na ako mahal ko. Lumipas na ba


ang galit mo sa'kin?"

"Hindi ako galit sa'yo. Pero ayokong pumapatay ka


ng mga inosenteng tao."
"Hindi sila inosente," dumilim ang mukha nya
"Hwag mo silang ipagtanggol sa harap ko."
"Ikaw ba ang may kagagawan kung bakit nagkaron
ng sunog dito?"
Ngumiti sya nang madilim. "Oo ako ang may gawa
non."
"Bakit mo ginawa 'yon?" bulong ko.
"Hindi mo maiintindihan. Isa akong demonyo
mahal ko. Nabubuhay ako sa kasamaan ng mga
tao. Ang pagiging makasarili nila ang nagpapalakas
sa akin. Pero ang pinakanagpapalakas sa amin ay
ang
pagkuha
sa
mga
kaluluwa
nilang
makasalanan."
"Hindi ko maintindihan," sabi ko. "Pumapatay ka..
para lumakas?"
"Itigil mo na ang pagmamalasakit mo sa mga
mortal Aura. Hindi mo sila dapat pinag-aaksayahan
ng panahon."
"Mortal ako," pagbibigay diin ko "Hindi ako katulad
mo. Isa akong tao Lucci. Hwag mo akong kausapin
na parang iba ako sa kanila."

Nabalot ng galit ang mga mata nya.


"Iba ka sa kanila mahal ko, hwag mong isipin na
mababa kang uri ng nilalang katulad nila," mariin
nyang sabi na may halong galit "Hindi ka
makukulong sa mortal na katawan na 'yan kung
hindi ka nila hinayaan na mamatay."
Kinilabutan ako sa sinabi nya. Namatay ako?
"Alam mo
ngayon?"

ba

kung

kanino

ako

pinaka-galit

"Kanino?"
"Sa Dyos ng mga tao."

ISANG demonyo si Lucci. Sa panaginip ko, sya si


Lucifer. Ayon sa mga libro isang dating anghel si
Lucifer na naging sakim at gustong agawin ang
kapangyarihan na nakuha ni Hesus sa langit. Isa
syang anghel na pinapaboran ng Dyos higit sa
lahat, nang umakyat si Hesus sa langit
nakaramdam sya ng inggit at poot dahil nawala
ang atensyon sa kanya. Bumuo sya ng isang hukbo
na kakalaban sa Dyos ngunit hindi sya
nagtagumpay. Pinutol ang kanyang mga pakpak at
ipinatapon sa impyerno. May iba namang
paniniwala na hindi si Lucifer ang anghel na

nalaglag mula sa langit kundi si Satan. May iba


naman nagsasabi na iisa lang ang dalawang 'yon.

Sa sobrang dami ng kwento tungkol sa kanya


mukhang nabaluktot na ang totoong pangyayari.

Walang hindi nakakakilala sa kanya. Pero bakit


galit sya sa kasakiman ng mga tao kung naging
sakim din sya noon? Bakit sya galit sa mga tao
kung nagiging malakas sya dahil sa kanila?
Mukhang may mas malalim na dahilan pa ang galit
nya. Hindi ko maiwasan na isipin na may
kinalaman din ako doon. Ang sabi nya namatay
ako kaya nakulong ako sa katawan ng isang
'mortal'? Ano'ng ibig nyang sabihin doon? Ano ba
ako dati?

Tinitigan ko nang diretso si Lucci.

"Ano ba ang gusto mong makuha sa'kin?" tanong


ko matapos ang mahabang katahimikan sa aming
dalawa.

Tinignan nya ako ng seryoso. "Ang kaluluwa mo


mahal ko. 'Yon ang gusto ko mula sa'yo."
Nabalot ako ng takot.
"Papatayin mo rin ba ako?"
"Hindi sa ngayon mahal ko. Hindi pa ngayon."
V
Simula nang sabihin sakin ni Lucci na interesado
sya sa kaluluwa ko at may balak sya na patayin
ako, dumistansya ako sa kanya. Hindi ko sya
tinitignan o pinapansin. Hindi ko sya maintindihan,
bakit nya ako sinagip kung may balak syang kunin
ang kaluluwa ko?
Ni minsan hindi nawala ang tingin nya sakin.
Hindi nya ako kinakausap o nilalapitan pero lagi
lang syang nakasunod sa kung saan ako
magpunta.
Kung minsan napapagod na rin ako sa kakasunod
nya. Para kasi akong nakakulong, palagi akong
hindi makakilos nang malaya. Natatakot rin ako na
makipag-usap sa kahit na sino kapag nandyan sya.
Baka kasi pumatay syang muli.
Ang mga nabiktima kasi nya ay mga tao na
nakausap ko.

Magpapasalamat
ba
ako
dahil
hindi
pa
nadadagdagan ang mga tao na pinatay nya sa
harap ko?
Isang linggo na ang nakalipas simula nang huli
kaming nag-usap.
Nasa bahay ako ngayon at nag-rereview. Umpisa
na ng midterm exam namin.
Abala ako sa pagbabasa nang may narinig akong
malakas na sirena ng ambulansya. Napatayo ako
at sumilip sa labas ng bintana.
Mabilis akong lumabas ng kwarto at bumaba.
Nakita ko si Mama na may kausap sa labas ng
bahay. Maya-maya lang ay pumasok na sya.
"Aura hwag kang lumabas ng bahay," agad na bilin
ni Mama.
"Bakit po Ma? Ano po ang nangyayari sa labas?"
tanong ko.
"Yung anak ni Tilde na si Atong, namatay sa
aksidente."
"N-Namatay po sya?"
"Oo, pupuntahan ko muna si Tilde ikaw na muna
ang bahala dito sa bahay Aura. Delikado nag-iisa
ka pa naman. I-lock mo ang pinto paglabas ko,"

kinuha lang ni Mama ang pitaka nya mula sa


cabinet at umalis na.
Ini-lock ko ang pinto katulad ng bilin nya.
Si Atong ay isang trenta anyos na lalaki na may
pag-iisip ng isang walong taong gulang na bata.
Palagi ko syang nadadaanan sa labas ng tindahan
nila at nakikipaglaro sa ibang mga bata doon. Si
Aling Tilde ay kaklase ni Mama at kaibigan mula
Higshschool, may-ari sila ng isang sari-sari store
sa kabilang kanto.
Napaka-lapit ng aksidente pero ano kaya ang
nangyari?
Biglang pumasok sa isipan ko si Lucci.
Umiling ako. Hindi ko dapat isisi sa kanya lahat ng
pagkamatay ng mga kakilala ko. At ang isang pa,
hindi ko naman nakakausap si Atong kaya hindi
nya 'yon papatayin. Pero pumatay parin sya ng
maraming tao kamakailan lang sa isang sunog
hindi ba? Hindi ko tuloy masabi kung aksidente ba
ang pagkamatay ng anak ni Aling Tilde o sinadya.
Pumunta ako sa kusina at kumuha ng tubig.
Umakyat na ulit ako sa kwarto ko. Ipinatong ko
ang baso sa lamesa ko at umupo na.
Napatingin ako sa bintana. Nakasara.

Napatayo akong muli nang maalala na nakabukas


ko iyong iniwan. Sumilip pa nga ako sa labas.
"Napakalinis ng kwarto mo mahal ko"
Ang boses na 'yon. Agad na bumilis ang tibok ng
puso ko. Bakit hindi ko sya napansin kanina nang
pumasok ako?
Tumingin ako sa kanya.
"Ano'ng ginagawa mo dito?"
"Dumadalaw," simpleng sagot nya bago humiga sa
kama ko.
Kinakabahan na napahawak ako sa kwintas ko.
"Papatayin mo na ba ako?"
Tumingin sya sakin.
"Naiinip ka na ba? Gusto mo na ba akong
makasama nang habangbuhay mahal ko?" may
inilabas syang gintong punyal.
Napaurong ako nang makita iyon.
"Gagamitin mo ba 'yan sa pagpatay sa'kin?"
"Oo mahal ko," sagot nya bago tignan ang punyal
"Pero nakikita ko na natatakot ka ngayon kaya

naman hindi pa ito ang oras para gamitin ko ito


sa'yo."
Naguluhan ako sa sinabi nya. Tila lahat ng sinasabi
nya sakin ay nakakagulo sa pag-iisip ko.
"Ano'ng ibig mong sabihin?"
"Gagamitin ko lang ito kapag hiniling mo sa'kin
mahal ko," itinago nya ang punyal sa damit nya
"Hindi ko ito magagamit sa'yo kung nababahid ng
takot ang puso mo."
Sa tingin ko malala ang epekto ng lahat ng ito sa
akin dahil natawa ako bigla.
"Sino ba ang hindi natatakot mamatay?"
"Mahal ko," tumayo sya at lumapit sa akin "Hindi
mo ba ako gustong makasama sa kabilang buhay?
Hindi ka pa ba pagod sa pagiging mortal mo?"
Unti-unti akong nakakaramdam ng inis.
"Hindi kita maintindihan," naiinis na umiwas ako
ng tingin sa kanya "Bakit ko naman hihilingin sa'yo
na patayin mo ako?"
"Dahil gusto mo akong makasama," sagot nya
"Hangga't nasa katawan ka ng isang mortal hindi
kita maisasama sa kaharian natin."

Sa kaharian. Naalala ko ang panaginip ko. Balak


nya akong isama sa impyerno, sa kaharian na
ginawa nya.
"Bakit mo naman iniisip na gusto kong sumama
sa'yo?" tanong ko at nagpatuloy nang hindi sya
sumagot "Bakit ako sasama sa isang demonyo na
katulad mo?"
"Dahil gusto mo"
"Bakit?"
"Dahil gusto mo akong makasama."
"Mali ka. Hindi kita gustong makasama Lucifer."
Nakita kong naikuyom nya ang mga kamao nya.
Dumilim ang mukha nya at tumalas ang tingin nya
sa'kin.
"Gusto mo," mariin nyang sabi "Gusto mo akong
makasama Aura."
"Hindi," madiin kong sagot "Walang dahilan para
gustuhin ko na makasama ka."
"Dahil mahal mo ako!" malakas nyang sabi na
ikinabigla ko "Mahal mo ako."

"Hindi kita mahal," matatag na sabi ko "Paano ko


mamahalin ang isang napakasamang nilalang na
katulad mo? Naisip mo ba?"
Bigla nalang nya akong hinawakan sa magkabilang
balikat at isinandal sa pader. Umiilaw sa galit ang
mga mata nya, pero sa pinakatagong bahagi non
ay may nakita pa akong isang emosyon na hindi ko
maintindihan.
"Ano ba ang ginagawa mo?!" sigaw ko nang makita
na nasusunog na ang mga kamay nya.
"Bakit Aura?! Bakit hindi mo ako maalala?!" galit
na tanong nya habang dumidiin sa balat ko ang
mga daliri nya.
"Hindi kita kilala! Bitiwan mo ako!" nagpumiglas
ako sa hawak nya pero masyado syang malakas.
"Alalahanin mo ako Aura! Pilitin mo!" utos nya.
"Bitawan mo ako!"
Binitawan nya rin ako. Mabilis ang paghinga nya
habang iniinda ang sakit ng pagkakasunog ng
kamay nya. Mabilis akong tumakbo palayo sa
kanya.
Tumakbo ako papunta sa pinto ngunit bigla iyong
sumara nang malakas.

Pinihit ko ang seradura pero ayaw nitong bumukas.


Naramdaman ko ang mabibigat nyang yabag at
bago ko pa mamalayan ay nahila na nya ako at
naitapon sa kama ko.
Nagulat ako nang tumama
malambot na higaan.

ang

likod

ko

sa

Pinilit kong bumangon pero mabilis nya akong


dinaganan. Itinulak ko sya sa dibdib pero itinaas
nya lang ang dalawa kong kamay gamit ang isa
nyang kamay. Nasa itaas ito ng ulo ko ngayon.
Kinakabahan ako. Sobra akong natatakot lalo na
nang makita ko na hindi lang umiilaw sa apoy ang
dalawang sungay sa ulo nya, lumaki iyon.
"Sa akin ka lang Aura! Hindi
matatakasan!" galit na galit sya.

mo

ako

May kung ano'ng nagbago sa kanya. Iba ang galit


nya ngayon kaysa dati. Iba'ng iba. Hindi man lang
nya napapansin na nasusunog sya dahil sa
proteksyon ko.
"A-Ano ba ang kailangan mo sa'kin?" naiiyak na
tanong ko.
"Ilang libong taon kitang hinintay Aura! Hindi mo
alam kung gaano katagal kitang hinintay! Hindi

ako nanghintay nang ganon katagal para lang


marinig na hindi mo na ako mahal!" nagtatagis ang
bagang na sabi nya.
"Hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo! Bitawan
mo ako!"
Hinawakan nya ang baba ko para matitigan sya sa
mata.
"Hindi na ako maghihintay pa na bumalik ang
alaala mo mahal ko," may galit parin nyang sabi
"Mas mabuti kung ipaalala ko na sa'yo ang lahat
ngayon. "
"Ano'ng gagawin mo sa'kin?"
Tumingin sya sa leeg ko. Mabilis nyang hinablot
ang kwintas at pinigtas. Itinapon nya ito sa
malayo.
"Inisip mo ba na hindi ko mahahalata?" mababang
sabi nya at ngumisi "Na sa tuwing natatakot ka ay
hinahawakan mo ang kwintas na 'yon? Ang
proteksyon mo?"
Nakaramdam na talaga ako ng sobrang takot sa
kanya. Ngayong wala na ang proteksyon ko
magagawa na nya lahat ng gusto nya sa'kin.
Naluha nalang ako sa sobrang takot.

Ibinaba nya ang mukha nya sa akin at pilit akong


hinalikan sa labi. Tila naparalisa ang buo kong
katawan nang maramdaman ang epekto ng halik
na 'yon. Sya ang unang lalaki na humalik sa akin.
May malakas na boltahe ng kuryente ang dumaloy
sa balat ko at awtomatiko akong napapikit.
Naglaho ang takot na nararamdaman ko at
napalitan ng init.
Nagtatalo ang isip ko at ang puso ko sa dapat kong
gawin.
Dapat ko syang itulak pero pinipigilan ako ng
nararamdaman ko. Tuluyan nang naglaho sa pagiisip ko na lumaban nang mawala ang distansya sa
mga katawan namin. Naramdaman ko ang bigat ng
katawan nya sa'kin. Ang init nya.
Napasinghap ako nang maramdaman na kinagat
nya ang labi ko. Nagulat ako nang ipasok nya ang
dila nya sa bibig ko.
Hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Hindi ko
alam kung ano ang ginagawa nya. Parang
kinokontrol nya ang katawan ko, ni hindi ko
magawang lumaban.
Lumipat ang bibig nya pababa hanggang sa gilid
ng leeg ko at patuloy parin akong hinahalikan. Ang

bawat halik nya ay nag-iiwan


pakiramdam sa balat ko.

ng mainit na

"Alalahanin mo mahal ko," bulong nya sa tenga ko


at naramdaman ko ang mainit nyang hininga "Ang
pakiramdam na ito. Pilitin mong alalahanin."
Napapikit ako nang mariin nang marinig ang
pagwasak nya sa damit ko.
Pilitin na alalahanin ang pakiramdam na ito?
Pinakawalan nya ang mga kamay ko. Naisip ko na
itulak sya pero hindi ko magawa.
Tinitigan ko lang sya habang nakatingin sya sakin
na parang may hinihintay.
Nawala na ang galit nya. Bumalik na rin sa dating
laki nito ang mga sungay nya. Kalmado na ulit sya.
"Hayaan mo na ipaalala ko sa'yo mahal ko,"
malumanay nyang sabi habang hinahaplos ang
pisngi ko.
Muli nya akong hinalikan.
Nahihilo
ngayon.

ako

sa

dami

ng

nararamdaman

ko

"Mahal ko.." bulong nya sa pagitan ng mga halik.


"Aura.."

Pabilis nang pabilis at tila sasabog ang dibdib ko sa


bilis ng pintig ng puso ko.
Mali ito. Maling mali.
Pero hindi sumasangayon ang nararamdaman ko.
Iginalaw ko ang mga kamay ko at hinaplos sya sa
mga braso hanggang sa mapagsalikop ko ang
dalawang kamay ko sa batok nya.
Hinila ko sya nang mas malapit at tinugon ang
bawat halik at haplos nya.

VI
Isang malakas na pagsabog ang yumanig sa lupa.
Masyado itong malapit sa kinaroroonan ko. Agad
kong hinagilap ng tingin si Lucifer. Nakita ko syang
nakikipaglaban sa isang demonyo.
May naramdaman akong papalapit sa akin kaya
naman agad kong itinaas ang espada na hawak ko
para sanggain ang atake nya. Isa syang mababang
uri ng demonyo ayon sa laki ng sungay nya.
Ginamit ko ang mga pakpak ko para dagdagan ang
pwersa ng atake na gagawin ko. Nahati ang
espada nya at bumaon ang espada ko sa dibdib
nya.

"AAAAAAAAAAHHH!!" sigaw nya bago sya nasunog


sa puting apoy at naglaho.
Kapag namamatay ang mga demonyo walang
pinupuntahan ang mga kaluluwa nila. Nawawala
nalang sila sa mundo. Ang tanging may kakayahan
na mapatay sila ay kami, ang mga anghel.
Isa na namang malakas na pagsabog ang yumanig
sa buong paligid.
Naramdaman ko na lang na tumilapon ako sa kung
saan. Ilang segundo akong natigilan, ilang minuto
akong walang narinig at nanlalabo ang mga mata
ko.
Sa unti-unting pagbalik ng mga pakiramdam ko ay
unti-unti ko ring naramdaman ang sakit ng
katawan ko. Malala ang naging epekto sakin ng
pagsabog.
Malala
ang
pagkakabagsak
ko.
Nadaganan ko rin ang mga pakpak ko kaya hindi
ko magawang igalaw sila.
Nanatili akong nakahiga.
Naririnig ko ang mga sigaw ng mga demonyo at
anghel na naglalaban. Naririnig ko ang tunog ng
mga nagbabanggaang espada nila.
Nakita ko si Gabriel at Miguel na tinutulungan ang
ibang anghel na nanghihina na.

May isang anghel akong hinahanap. Ang mahal ko.


Si Lucifer. Nasaan sya?
Wala pa akong nakita na kasing perpekto nya. Sya
ang pinaka-perpektong anghel na nakita ko. Ang
mahal
kong
Lucifer.
Napakaganda
nyang
pagmasdan habang nakikipaglaban.
Mabilis nyang tinalo ang kalaban nyang demonyo.
Lumingon sya sa pwesto ko kanina kung saan ako
huling pumatay ng demonyo. Lumapit sya roon at
lumingon sa paligid habang hinahanap ako.
"AURA!!" sigaw nya sa pangalan ko.
"Lucifer.." pilit kong isinigaw ang pangalan nya
ngunit isang mahinang tawag lang ang nagawa ko.
"May buhay pa palang anghel dito" isang boses ng
demonyo ang narinig ko.
Lumapit sya at tumayo sa kung saan ako
nakahiga. Pinagmasdan ko sya. May sungay sya na
mas malaki kaysa sa ibang demonyo, kulay pula
ang balat nya at mas malaki sya kumpara sa
karaniwang demonyo. Sya na siguro si Satanas,
ang anghel na bumuo ng hukbo laban sa Dyos.
Ito ang ikalawang digmaan na ginawa nya. Hindi
namin inaasahan na magiging ganito kalakas ang

pwersa nila. Gumawa sila ng paraan


makakuha ng lakas mula sa mga tao.

para

"AURAAAA!!" narinig kong sigaw muli ni Lucifer.


Tinignan ko kung nasaan sya. Humahangos sya
nang takbo papunta sa akin. Nababalot ng takot
ang mukha nya habang nakatingin sa mukha ko.
Ngumiti ako sa kanya.
'Huli na ang lahat mahal ko.'
Naramdaman ko ang espada na tumusok sa dibdib
ko.
Isang sigaw na puno ng pighati ang narinig ko
mula kay Lucifer bago ko ipinikit ang mga mata ko.
'Mahal kita.. Lucifer.. Paalam mahal ko..'

***
Nagising ako bigla at napaupo sa kama.
Pinagpapawisan ako at parang tumakbo ako nang
napakalayo sa bilis ng tibok ng puso ko. Sobrang
totoo.
Ramdam na ramdam ko ang sakit ng pagtusok
sakin ng espada nya.

Pati na rin ang mga pag-sabog. Totoong totoo ang


lahat.
Kinalma ko ang sarili ko. Isa lang panaginip yon.
Panaginip lang.
Huminga ako nang malalim at yumuko nang may
biglang sumakit sa akin. Bigla ko nalang naalala
ang nangyari sa amin ni Lucci. Nanlaki ang mga
mata ko nang maalala ang mga ginawa namin.
Hindi ko akalain na hahayaan ko syang.. gawin
'yon. Pero mas dumoble ang laki ng mga mata ko
nang makita na wala ako sa kwarto ko. Nasa ibang
lugar ako. Ibang silid. Puro kulay pula at kulay abo
ang kwarto.
Tinignan ko ang pulang kumot na tumatakip sa
hubad kong katawan. Nakaupo ako sa pulang
kama na mukhang apat na beses ang laki kaysa sa
kama ko sa bahay namin.
Nasaan ako?
Ang huling natatandaan ko ay nasa kwarto ko kami
nang gawin namin yon. Ano'ng ginagawa ko dito?
May bumukas na itim na pinto. May usok na
lumabas mula roon at isang pigura ng tao ang
nakita ko.
"Lucci?"

Hindi nga ako nagkamali. Si Lucci ang lumabas


mula sa pinto na 'yon. Lumabas sya na pantalon
lamang ang suot. Hindi ko na-kontrol ang sarili ko
nang hagurin ko sya ng tingin. Napaka-puti ng
balat nya, katamtaman lamang ang laki ng
katawan
nya
pero
kababakasan
iyon
ng
kapangyarihan.
Kakaibang kaba ang naramdaman ko nang
magtama ang mga mata namin. Bakas sa mga
mata nya ang pagnanais na makasama ulit ako.
Tinitignan nya ako na parang isang pagkain.
Mabilis syang lumakad palapit sa akin.
Mahigpit kong hinawakan ang kumot at itinakip sa
katawan ko.
"Hwag mong gawin yan," sabi nya at hinila ang
kumot mula sa akin "Hwag mong itago ang sarili
mo sa akin mahal ko."
Namula ako nang hagurin nya ng tingin ang
katawan ko. Umupo sya sa tabi ko at hinawakan
ang pisngi ko.
Agad nya akong ginawaran ng isang malalim na
halik. Pakiramdam ko sa iba na naman ang
kahahantungan nito kaya naman itinulak ko na sya
palayo.

Naglagay ako ng distansya samin habang habol ko


ang hininga ko.
"Mahal ko bakit mo ako nilalayuan?" tanong nya sa
mababang tono.
Bakas sa mukha nya na hindi nya nagustuhan ang
paglayo ko. Mas napaurong ako palayo sa kanya.
Nasa kabilang dulo na ako ng kama at nakasandal
sa ulunan nito. Kinuha ko ang pulang unan at
itinakip sa katawan ko. Nasaan ba ang mga damit
ko?
Hindi ko namalayan nang umakyat si Lucci sa
kama. Hinila nya ang magkabila kong paa,
napahiga ako at napasigaw sa gulat. Bago ko pa
mamalayan ay nakapaibabaw na sya sa akin.
"Napakaganda mo mahal ko" bulong nya habang
tinititigan ang kabuuan ko.
Agad akong namula. Akmang hahalikan nya na
naman ako nang iiwas ko ang mukha ko sa kanya.
"Hwag Lucci," tinulak ko sya sa magkabilang
balikat.
"Hwag mo akong labanan mahal ko," banta nya at
gamit ang isang kamay ay pinaharap nya ako sa
kanya "Alam ko na nagustuhan mo ang nangyari

sa atin. Gusto mo na malapit ako sa'yo, gusto mo


ang mga haplos ko. Bakit mo ako itinutulak
palayo?"
Napuno ng takot ang dibdib ko. Totoo ang mga
sinabi nya. Pero hindi ko 'yon magawang aminin sa
sarilli ko. Alam kong mali ang nangyari sa amin.
Hindi ko sya mahal.
"Ano'ng makukuha mo kapalit ng pagtulak mo
sakin palayo? Ano ang makukuha mo sa paglaban
sa nais ng katawan mo?" hinaplos nya ang
katawan ko.
Nakagat ko ang labi ko at pilit na pinipigilan ang
gustong gawin ng katawan ko. Hindi pwede. Hindi
'yon pwedeng mangyari ulit. Isa 'yong malaking
pagkakamali.
"Ayokong may mangyari
mahinang sabi ko.

ulit

sa'tin

Lucci,"

"Kasinungalingan!" diin nya.


"Hindi ako nagsisinungaling!" itinulak ko syang
muli.
Hinablot nya ang magkabila kong kamay at itinaas
iyon sa ulo ko.

"Hwang mong subukan na labanan ang sarili mo


Aura," mariing sabi nya habang nakatitig sa akin
ng diretso "Mapapagod ka lang"
Ibinaon nya ang ulo nya sa gilid ng leeg ko at
marahas nya akong hinalikan doon.
Napasinghap na ako nang maramdaman ang
pagkagat nya roon. Dumaloy muli ang mainit na
sensasyon na dulot ng mga halik nya. Sa bawat
balat na madampian ng labi nya ay nag-iiwan ng
kaaya-ayang pakiramdam.
Ano nga ba ang makukuha ko sa pag-tanggi sa
kanya?
Nilalabanan parin ng isip ko ang kagustuhan ng
katawan ko.
Napaungol ako nang bumaba ang labi nya patungo
sa dibdib ko.
"Sa akin ka lang Aura," bulong nya habang paulit
ulit na sinisipsip ang balat ko "Sa akin ka lang."
Pilit kong hinihigit ang mga kamay ko sa hawak
nya. Isang kamay lang ang gamit nya roon pero
hindi ko parin maalis.
"Hwag Lucci.. Hwag mong gawin.." mahina kong
tanggi habang naluluha dahil sa kahinaan ko.

"Hindi mahal ko," sagot nya "Hindi ako titigil


hanggat hindi mo inaamin na gusto mo rin ito."
"Hwag please.. Nagmamakaawa ako.. Hwag"
Dumoble ang kaba ko nang makita na naalis na
nya ang huling saplot nya sa katawan at
inihahanda ang sarili nya sa pagitan ng mga hita
ko. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig.
Matapos ang nangyari sa amin kagabi hindi pa ako
handa na may mangyari ulit. Masyado paring
masakit ang katawan ko.
Nagpumiglas ako sa hawak nya.
"Hwag Lucci!" sigaw ko sa kanya
"Sabihin mo na mahal mo rin ako Aura!"
"Hindi kita mamahalin kung ipipilit mo ang sarili
mo sakin!"
Lumiyab ang mga mata nya sa galit.
"Bakit mo ba ako pilit na nilalabanan Aura?!
Bakit?!" galit na tanong nya.
"Dahil hindi ito tama! Hindi kita mahal!" mariin
kong sabi.
Umilaw ng kulay pula ang mga sungay nya.
Nanginginig sya sa sobrang galit. Mas humigpit

ang hawak nya sa kamay ko. Nakaramdam ako ng


sobrang takot dahil baka mas ituloy nya ang gusto
nyang mangyari.
"Ilang libong taon," nagngingitngit sa galit na sabi
nya "Ilang libong taon kitang hinintay. Hindi pa ba
sapat ang pagdurusa ko ng mga panahon na 'yon?!
Bakit mo ako kinalimutan Aura?! Paano mo
nagawa sa akin ito?!"
Natahimik ako sa mga sinabi nya. Punong puno ng
pighati at galit ang mga mata nya. Na sobra syang
nahihirapan at nasasaktan.
Bigla nalang akong naiyak. Nalulungkot ako at
nasasaktan para sa kanya.
Umalis sya mula sa ibabaw ko. Isinuot nya ang
pantalon nya at mabilis na lumabas ng kwarto.
Malakas na sumara ang pinto sa likod nya.
Naiwan akong umiiyak sa kama.
Nasaktan ko sya. Nasasaktan ako na isipin na
nasasaktan ko sya.
Pero ano'ng gagawin ko? Mali na mahalin ko sya.
Hindi sya tao.
Kaya ko ba na magmahal ng isang demonyo?

Bumukas ang pinto at pumasok si Lucci. Nakabihis


na sya at mahinahon.
"Lucci," napa-upo ako.
May nilapag syang damit sa kama. Mga damit ko.
"Magbihis ka," sabi nya sa malamig na tono
"Ibabalik na kita."
Yumuko ako at kinuha ang mga damit ko.
Nagbihis ako sa harap nya.
Hindi sya gumagalaw o nagsasalita. Napaka-lamig
ng tingin nya sakin.
Parang may harang sa pagitan namin.
Ibabalik na nya ako sa bahay namin.
Bakit imbes na matuwa ako, mas lalo lang akong
nasaktan?
VII
Wala akong ginawa sa bahay kundi ang umiyak.
Hindi ako lumabas sa kwarto ko nang makabalik
ako. Sa tuwing papasok si Mama sasabihin ko lang
sa kanya na masama ang pakiramdam ko.
Nahihiya ako na harapin sya. Nahihiya ako sa
ginawa ko. Nahihiya ako na nagsisinungaling ako
sa kanya.

Nagpasalamat ako nang umulan nang malakas


kinabukasan. Agad na sinuspinde ang mga klase sa
mga paaralan. Kahit papaano may oras ako para
makapag-isip. Hindi ko pa sya mahaharap agad.
Nagmukmok lang ako sa loob ng kwarto ko.
May mga bagay akong hindi masagot. Ako ba
talaga ang Aura na sinasabi ni Lucci na mahal nya?
Hindi kaya kamukha ko lang sya? Pero kung hindi
ako, bakit ko sya napapanaginipan? Bakit parang
totoong totoo na ang mga panaginip ko kung saan
namatay ako?
Namatay nga kaya ako noon? Muli akong nabuhay
bilang isang mortal?
Kung totoo yon, isa akong anghel? Ganoon din sina
Kuya at Miguel..? Natatandaan ko na nakita ko sila
sa panaginip ko. Sila ang dalawang anghel na
tumutulong sa iba pang nasugatan habang
nakikipaglaban.
Isang reincarnation.
Napaupo ako sa kama ko. Namatay din kaya sila
kaya naman nabuhay silang muli bilang mortal
naman?
Higit sa lahat na ipinagtataka ko. Magkaibang
demonyo si Satanas at Lucifer. Hindi katulad ng
sinasabi ng iba na iisa sila.

Pero sa pagkakatanda ko, isang anghel si Lucci sa


panaginip ko. Bakit naging demonyo na sya
ngayon?

***
"Bunso," tawag sa akin ni kuya bago ako lumabas
ng bahay "may sakit ka ba?"
Umiling ako. "Wala naman kuya."
"Hay nako Gabriel yang kapatid mo mukhang
masyadong
natututok
sa
pag-aaral
kaya
nagkakasakit," sabi ni Mama habang inaayos ang
pagkain sa mesa.
Kakatapos ko lang mag-almusal. Ngayon palang
kakain si kuya. Mamaya pa ang pasok nya kaya
naman hindi kami sabay.
Nagtaka ako nang hindi inaalis ni kuya ang tingin
nya sa akin. Nakakunot ang noo nya at tinitignan
ako na parang may nagbago sa akin.
"Aura magsabi ka ng totoo, may boyfriend ka na
ba?" tanong nya.
"H-Huh?"

"Para kasing..." ibinulong nya ang kasunod na


salita kaya naman hindi ko narinig.
"Ano 'yon kuya?"
"Wala, ingat ka sa pag-pasok. Gusto mo bang
sumabay sa pag-uwi?"
"Hindi na kuya. Bye Ma! Alis na po ako."
"Sige Aura, yung payong mo nilagay ko sa bag mo.
Hwag kang magpapa-ulan."
"Opo Mama."
Medyo madilim parin ang langit paglabas ko ng
bahay. Mukhang uulan ulit mamaya.

***
Mga nakatayo at nagke-kwentuhan ang mga
kaklase ko nang pumasok ako sa loob ng room.
Wala pa ang GenPsy instructor namin.

"Kyaah! Lucci hwag dyan, nakikiliti ako," may


narinig akong tumili.

Agad na napadako roon ang tingin ko. Pakiramdam


ko sinampal ako nang malakas sa mukha. Doon sa
dulo ng room, si Lucci may kasamang babae na
nakakandong sa hita nya.
Mukha silang normal
naglalambingan.

na

magkasintahan

na

Hindi ako makahinga, parang may bumara sa


dibdib ko at bigla iyong sumakit. Hindi ko
magawang iiwas ang tingin ko sa kanilang dalawa.
Naguguluhan ako sa nangyayari. Bakit sila
magkasama?
Gusto na ba ni Lucci ang babaaeng 'yon?

"Nandyan na si Maam!" sigaw ni Sandy


nagmamadaling umupo sa pwesto nya.

na

Pinilit kong lumakad papunta sa upuan ko.


Napahinga ako nang malalim nang maabot ko ang
pwesto ko. Naririnig ko parin sila.

"Okay class settle down" sabi ng ni Ms Corpuz


habang inilalapag sa teacher's table ang gamit
nya. "May faculty meeting kaya naman ang gusto

ko gumawa muna kayo ng essay tungkol sa last


topic natin habang wala ako. I want five hundred
words okay?"
"Yes Maam"

Umalis na rin si Maam agad. Ni hindi man lang nya


sinaway sina Lucci na patuloy sa ginagawa.
Wala sa sarili na kumuha ako ng yellow pad at
isinulat ang essay. Hindi ako mapakali dahil sa
ginagawa ni Lucci sa likod ko. Ang sabi nya mahal
nya ako? Naghintay pa nga sya ng libong taon
para sakin. Kasinungalingan lang ba ang mga 'yon?
Dahil ba nakuha na nya ang gusto nya sakin? Dahil
naibigay ko na sa kanya ang katawan ko?
O naghanap sya ng iba dahil hindi ko hinayaan na
may mangyari ulit samin?

"Gosh Lucci ang hot mo talaga. You're hot as hell."


"Gusto mo bang isama kita sa impyerno?" narinig
ko ang boses ni Lucci.
"Sure baby, basta kasama kita," tumawa ang
babae.

Isasama nya ang babaeng 'yon sa impyerno?


Naalala ko na naman ang panaginip ko kung saan
isinama nya ako sa mundo nya. Ipinakita nya sa
akin ang kaharian na ginawa nya para sakin.

"But before tayo pumunta sa impyerno dadalhin


muna kita sa langit," mapang-akit ang boses ng
babae.
"Kaya mong gawin 'yon?"
"Oo naman"

Nagsimulang magkagulo ang mga kaklase namin.


"Whooo!! Ang hot nyo!"
"Dun na kayo sa labas! PDA!"
"Ayos yan! Di na
education natin!"

magiging

boring

"Pre! Astig mo!"


"Danna! Ako naman isunod mo!"
"Gusto ko rin makapunta sa langit!"

ang

sex

Hindi ko na kailangan pang lumingon para


malaman ang ginagawa nila. Napatingin ako sa
isinusulat ko. May mga tulo ng tubig doon.
Pinunasan ko agad ang pisngi ko. Nagmamadali
kong inayos ang mga gamit ko at patakbo na
lumabas ng classroom.
Isa nga pala syang demonyo. Bakit ba ako
naniwala sa mga sinabi nya? Isa syang manloloko.
Sinungaling. Sasabihin nya ang lahat para lang
makuha ang gusto nya.

Saktong paglabas ko sa pinto bigla akong


napatigil. Imbes na hallway ang mapuntahan ko,
nakita ko ang sarili ko na nakatayo sa loob ng
classroom. Nakatayo ang mga kaklase ko at
nagku-kwentuhan. Hindi katulad kanina na
nagsisigawan at humihiyaw, nasa tahimik na
pwesto lang ang mga lalaki at naglalaro ng PSP.
Napatingin ako sa pwesto ni Lucci.
Nakatingin lang sya sakin na parang pinag-aaralan
akong mabuti.
Walang babae sa kandungan nya.

"Nandyan na si Maam!" sigaw ni Sandy


nagmamadaling umupo sa pwesto nya.

na

Umayos ng upo ang mga kaklase ko. Naguguluhan


parin na pumunta na ako sa pwesto ko.

"Okay class settle down" sabi ng ni Ms Corpuz


habang inilalapag sa teacher's table ang gamit
nya. "May faculty meeting kaya naman ang gusto
ko gumawa muna kayo ng essay tungkol sa last
topic natin habang wala ako. I want five hundred
words okay?"
"Yes Maam."

Tila isang replay ang nangyari. Isang edited na


replay kung saan walang Danna na kasama si
Lucci. Hindi ko rin tanda na may Danna kaming
kaklase.

Umalis ang instructor namin pero hindi parin ako


nagsimulang isulat ang essay.
Imahinasyon ko lang ba 'yon?

Lumapit si Lucci at umupo sa tabi ko. Nagtatanong


ang mga mata na tinignan ko sya.

"Hindi totoo ang mga nangyari kanina," sabi nya


habang diretso ang tingin sa harap nya.
Nakumpirma ko na sya ang nagmanipula sa isip
ko. Kung hindi sya, paano nya nalaman?
"Bakit mo 'yon ginawa? Bakit mo pinaglaruan ang
isip ko?"
Humarap sya sa akin nang galit.
"Ano pa ba ang gusto mo na gawin ko Aura?
Napapagod na ako sa pag-tanggi mo sakin na
mahal mo rin ako."
Natigilan ako.
"Ginawa mo 'yon para saktan
makapaniwalang tanong ko.

ako?"

hindi

Saglit syang ngumiti.


"Kung ganon nasaktan ka mahal ko? Alam mo ba
ang ibig sabihin ng naramdaman mo?"
Na mahal ko sya? Gusto nya na aminin ko 'yon?
Yun ba ang ibig sabihin non? Nasaktan ako dahil
mahal ko sya?

"Pinaglalaruan mo ba ako?"
"Hindi mahal ko," mariin nyang tanggi "Ginawa ko
yon para malaman mo na mahal mo ako."
"Ilang beses ko ba na sasabihin sa'yo Lucci? Hindi
kita--"
"Ituloy mo ang sasabihin mong yan Aura, sa
susunod hindi ko na yon gagawin sa isip mo lang.
Tototohanin ko na ang lahat," nag-aalab ang mata
na banta nya.

Tinutukoy
babae.

nya

ang

pakikipaghalikan

sa

ibang

Sa gulat ko ay nakaramdam ako ng matinding galit


at sakit. Natakot ako sa sarili ko dahil kaya ko
palang magalit nang ganon.
Ayoko syang makita na may kasamang iba. Ang
gusto ko akin lang sya. Ayoko na may ibang babae
na hahawak o hahalik sa kanya, ako lang ang may
karapatan sa kanya.
Naitikom ko ang bibig ko. Hindi ko magawang
tumanggi. Hindi ko masabi na hindi ko sya mahal.
Natatakot ba ako sa gagawin nya sa susunod?

Kumuha na ako ng yellow paper at nag-sulat nang


tahimik. Buong oras ay nakatingin lang sa akin si
Lucci. Pinagmamasdan ako.
Hinawakan nya ang ilang hibla ng buhok ko at
pinaglaruan iyon sa daliri nya.

"Mahal ko," mahinang tawag nya.


Tumigil ako sa pagsusulat at tumingin ako sa
kanya. Mahinahon na sya ulit. Napakabilis
magbago ng emosyon nya.
"Kung naging mortal ba ako, magagawa mo ba
akong mahalin?"
Nagulat ako sa tanong nya. Magsisinungaling ba
ako o hindi?
"Hindi ko alam.." bulong ko "Siguro.."
"Pero hindi ako mortal. Kaya ba hindi mo ako
mamahalin?"

Kumunot ang noo ko. Hindi ko sya gustong


mahalin dahil isa syang demonyo. Pero kung tao
syang katulad ko mamahalin ko sya?
Mahal ko na ba si Lucci?

Itinatanggi ko ba na mahal ko sya dahil isa syang


demonyo na pumapatay?
Ano ba talaga ang nararamdaman ko para sa
kanya?

"Lucci. Bakit mo ako mahal?"


"Dahil nilikha ka para sa akin. Ikaw ang kalahati ko
Aura."
"Pero paano ka nakakasiguro na ako nga ang
mahal mo? Iba na ako."
"Ikaw parin si Aura. Nakikita ko ang kulay ng
kaluluwa mo. Hindi ako maaaring magkamali."
"Mahal mo ba talaga ako o ang anghel na Aura
noon?"
"Pinagdududahan mo ba ang pagmamahal ko
sa'yo?" hinawakan nya ang pisngi ko "Paano mo
nalaman na isang anghel si Aura?"
"S-Sinabi mo sakin.." hindi ko matandaan kung
sinabi nga nya iyon sakin. Pero ayokong sabihin na
dahil napanaginipan ko ang tungkol don.
"Mahal ko, may itinatago ka ba sa'kin?"

Hindi ko sya sinagot. Nagsulat nalang ako katulad


ng bilin ng instructor. Dapat ko bang sabihin?

***
May babaeng nakatayo sa tapat ng bahay namin
pag-uwi ko. May ginto syang buhok at
katamtamang kulay ng balat. Mukhang kasing
edad ko sya. Nakasuot sya ng kulay itim na damit,
itim na jacket at pantalon.

Ngumiti sya sa akin nang makalapit ako.

"Ikaw na siguro si Aura," bati nya at pinagmasdan


ako mula ulo hanggang paa.
"Ako nga, kilala ba kita?" nagtatakang tanong ko.
May kamaganak ba kaming umuwi galing sa ibang
bansa?
"Magkakilala tayo," sabi nya.
"Pasensya na pero hindi kasi kita
Kamaganak ka ba namin?" tanong ko.
Ngumiti lang sya.

maalala.

"Ang pangalan ko ay Hecate. Pwede ba tayong


mag-usap?"
Hecate.. Parang pamilyar ang pangalan nya pero
sigurado ako na ngayon ko lang iyon narinig.
"S-Sige.." binuksan ko ang gate at pinapasok sya.
"Mabuti naman. Marami tayong dapat na pagusapan Aura."
May kinuha syang pulang bote. Inalis nya ang
takip nito at may lumabas na pulang usok.
"A-Ano'ng ginagawa mo?"
Pinanood ko ang pulang usok na lumibot sa buong
bahay namin. Umikot yon sa paligid ng bahay
namin at tumaas sa langit. Nagkaron ng pulang
ulap na syang dahilan para maging madilim ang
paligid.
"Sinisigurado ko lang na hindi makakagambala sa
usapan natin si Lucifer pati na rin ang dalawang
anghel na nagbabantay sa'yo."
Ibinalik nya ang maliit na bote sa itim nyang
jacket.
"K-Kilala mo si Lucci?"

"Lucci? Yan na pala ang pangalan nya ngayon.


Kung sabagay, masyadong halata kung gagamitin
nya ang totoo nyang pangalan," nagkibit balikat
sya.
"Isa ka rin bang demonyo?" kinakabahan na
tanong ko.
Tumawa sya.
"Mukha ba akong demonyo?" tumatawang tanong
nya.
Lumakad sya papasok sa bahay. Kung hindi sya
demonyo.. anghel ba sya?
"Masyado naman yatang maliit ang bahay mo,"
puna nya.
Hindi maliit ang bahay namin para sa akin. Simple
lang iyon pero sapat sa aming pamilya ang
espasyo ng bahay.
"Ano ba ang kailangan mo sakin?"
"May pagkakamali akong nagawa noon. Gusto ko
sana iyong itama," tumitingin tingin parin sya sa
loob ng bahay namin.
Tumigil ang mga mata nya sa The Last Supper na
litrato. Nakasabit iyon sa sala.

"Ano naman ang kinalaman ko don?"


"Ikaw ang pagkakamali na tinutukoy ko Aura.
Hindi ka dapat nabuhay muli," tumingin sya sa
akin.
"Hindi ko maintindihan.."
"Hindi ko dapat sinabi kay Lucifer kung paano ka
bubuhayin muli. Hindi ko dapat sya tinulungan.
Hindi ko dapat sinuway ang kagustuhan ng Dyos.
At ngayon napakalaking kaguluhan ang magiging
epekto nito sa mga tao."
"Ikaw.. ang bumuhay sa akin?"
Umiling sya.
"Tinulungan ko lang si Lucifer. Sinabi ko sa kanya
ang isang bagay na mahigpit na ipinagbabawal at
ngayon pagdurusahan iyon ng mga mortal. Hindi
ka dapat bumalik Aura."
"Hindi ko.. maintindihan. Papatayin mo ba ako?"
"Patawad Aura. Nagkamali ako. Hindi ko dapat
ginawa 'yon," kumuha sya ng isang patalim mula
sa likod nya.
Napasinghap ako nang makita kung gaano katalas
'yon.

Papatayin nya nga ako.


"Ito lang ang tanging paraan na nakikita ko para
mabago ang hinaharap ng mga tao."
Napaatras ako nang lumapit sya.
Ano'ng gagawin ko?
"Hwag kang mag-alala. Hindi mo mararamdaman
ang sakit nito."

VIII
Ito ba ang kamatayan?
Napakadilim at napakalamig naman.
Tila nakalutang ako sa hangin.

"Aura! Aura!"

Bigla kong iminulat ang mga ko.

"Aura.. mahal ko."

Hinawakan nya ang pisngi ko. Napa-init ng kamay


nya.

"Lucifer.. mahal ko.." bulong ko.

Nalasahan ko ang sarili kong dugo sa bibig ko.


Malala ang sugat sa dibdib ko. Alam ko na hindi na
ako magtatagal.

"S-Si Sa..tanas.."
"Wala na sya mahal ko," bakas ko ang takot sa
mga mata nya "Pinatay ko na sya. Hindi ka na nya
masasaktan. Dito ka lang Aura. Hwag kang
matutulog. Dito ka lang."

Ngumiti ako.
Buhat nya ako, lumipad sya sa himpapawid.

"H-Hind ka pwedeng mawala sakin, dito ka lang


Aura.." mabilis nyang sabi sa akin "Dito ka lang.
Hwag mo akong iiwan."

Pinilit ko na sundin sya. Marami nang dugo ang


nawawala sa akin. Alam ko na malapit na ang oras
ko. Hindi sinasabi sa amin kung ano ang
mangyayari sa isang anghel kung mamamatay sila.
Katulad ba ng demonyo na basta nalang
mawawala?

"Uriel!" sigaw ni Lucifer.


"Lucifer, ano ang ginagawa mo dito?"
"Si Aura, kailangan nya ng tulong!"

Tinignan ako ni Uriel na may bakas ng awa sa


mata. Alam ko na ang sagot bago pa nya ito
sabihin. Tanggap ko na 'yon. Tanggap ko na ang
kapalaran ko.

"Wala na akong magagawa sa kanya," inaasahan


ko na sabi nya.

"Hwang mong sabihin 'yan! Nasan si Ama?! Sa


kanya ako hihingi ng tulong!"
"Wala si Ama rito Lucifer, inaayos nya ang
problema sa lupa. Kahit na nandito pa sya, wala na
syang magagawa sa anghel."
"ITO BA?! Nakipaglaban kami, itinaya ang buhay
para sa kanyang kaharian pero ito ang igaganti
nya sa amin?!"
"Hwag mong pagsalitaan nang ganyan si Ama,
Lucifer!" sigaw sa kanya ni Uriel.
"Bakit Uriel? Hindi ba at totoo naman? Nawala
sa'yo si Karisma dahil hindi sya iniligtas ni Ama!
Nawala sa'yo ang babaeng mahal mo at hindi ka
man lang nya tinulungan!" sigaw pabalik ni Lucifer.

Hindi nakasagot si Uriel.

"Lu..cifer..
huminga.

tama

na..."

nahihirapan

akong

Hindi ko na makita ang mukha nya. Nanlalabo na


ang paningin ko.

"Aura! Pangako gagawin ko ang lahat mabuhay ka


lang," naramdaman ko syang muling lumipad.
"Lucifer!" boses ni Uriel.

Hindi ko na makita kung saan sya pumunta.


Nararamdaman ko lang ang hangin sa
Lucifer..

"Hindi ka mawawala. Hindi pwede Aura. Hindi ka


pwedeng mawala sa akin. Hindi ka pwedeng
umalis."

Nanlalamig
na
ang
buong
katawan
ko.
Nararamdaman ko na ang unti-unting paghina ng
pakiramdam ko. Hindi ko na magawa pang ibukas
ang bibig ko para tawagin ang pangalan nya.
Hindi ko alam kung nakasara na ba ang mga mata
ko o hindi. Wala na akong makita. Napakadilim na.

"HECATE!!"

Hecate.. Bakit.. Bakit sya lumapit sa Dyosa ng


Mahika?

"HECATE!! Alam kong nandyan ka!! Magpakita


ka!!"
"Ano ang kailangan mo Anghel?" isang malamig na
boses ng babae ang sumagot.
"Tulungan mo ako! Tulungan mo si Aura!"
"Wala na akong magagawa pa para sa kanya"
"May kakayahan ka! Alam ko na kaya mo syang
tulungan."
"Espada ni Satanas ang pumasok sa dibdib nya.
Alam mo ba kung saan gawa ang espada na 'yon?
Isang libong kaluluwa! Sa oras na matamaan ka ng
espada nya, hihigupin nito ang kaluluwa mo. Ito
ang nagpapalakas sa espada nya. Unti-unti nang
kinukuha ng espada ang buhay ng anghel na yan.
Mawawala na sya. Tanggapin mo na."

Tama sya. Nararamdaman ko na ang pagkawala


ko. Tanggap ko na. Pero si Lucifer..

"Tumigil ka! Hwag mong sabihin 'yan! Gumawa ka


ng paraan! Handa kong ibigay ang kahit na ano!
Gumawa ka lang ng paraan para mabuhay sya..
Kahit ano Hecate."

Lucifer..

"Kahit ang iyong mga pakpak?"

Hindi.. Hwag ang mga


Pabayaan mo nalang ako.

pakpak

nya.

Lucifer.

"Ibibigay ko sa'yo kahit na ano. Kahit ang buhay


ko pa Hecate," matigas na sabi ni Lucifer.

Unti-unting nadudurog ang puso ko.

"Sige Anghel," pagpayag ni Hecate "Bunutin mo


ang mga pakpak mo at ibibigay ko sa anghel na
yan ang isang buhay na walang hanggan.."
"Pagagalingin mo ba sya?"
"Hindi ko na magagawa pa 'yon. Kailangan nyang
mamatay. Muli syang mabubuhay makalipas ang
dalawang libong taon. Mabubuhay sya sa mundo
ng mga mortal."
"Dalawang libong taon?!"
"Kailangan ko ang espada ni Satanas. Dalawang
libong tao ang kailangan ko para muling kunin ang
kaluluwa nya sa loob nito."

Lucifer... Hwag mong gagawin. Kung hahawakan


mo ang espada nya.. Hindi ka na maaari pang
bumalik sa langit.

"Sana lang ay alam mo kung ano ang mangyayari


sa oras na hawakan mo ang espada nya. Kung
tama ang hula ko na patay na sya, kailangan ng
bagong hari ng impyerno."
"Nang talikuran ng langit si Aura, tinalikuran ko na
rin sila."

Hindi Lucifer. Hwag mong gawin..

"Maghihintay ako.." matatag na sabi nya, bakas


ang lungkot sa boses nya "Hihintayin kita Aura.
Muli tayong magkakasama mahal ko."

Iyon ang mga huling salita na narinig ko bago ako


nawala nang tuluyan. Magkikita kaming muli
pagkalipas ng dalawang libong taon.

Itatama ko ang pagkakamali nya.

Kahit na ano pa ang mangyari, itatama ko ito.


IX
Pagkagising
ko
mula
sa
mahimbing
na
pagkakatulog ko, agad kong napansin ang
dalawang bagay. Una, nawala na ang sakit sa
dibdib ko na dulot ng pagkakasaksak sakin ni
Hecate, ang ikalawa ay ang mga boses na naguusap sa di kalayuan.

May isang boses sa isip ko na nagsasabing hwag


ko munang ipaalam na gising na ako. Binuksan ko
ang mga mata ko nang kaunti upang silipin ang
paligid. Nasa loob ako ng kwarto ko. Sa labas ng
bahagyang nakabukas na pintuan, sa tapat ay may
mga nag-uusap, nagtatalo.
Pinilit kong mabuti na pakinggan ang pinaguusapan nila.

"Ano sa tingin mo ang gagawin ni Lucifer sa oras


na malaman nya na pinagtangkaan mo ang buhay
ni Aura? Naisip mo ba na palalalain mo lang ang
sitwasyon Hecate?" boses ni Miguel.
"May hindi magandang epekto sa mga mortal ang
muling pagkabuhay ni Aura. May mas malaking
bagay na mangyayari sa hinaharap. Mas malaki pa
kaysa sa digmaan ng mga demonyo at anghel,"
sagot ni Hecate.
"Pero hindi mo dapat ginawa 'yon kay Aura!" sigaw
ni kuya Gabriel "Hindi ko maisip kung ano ang
mangyayari sa kanya kung sakaling hindi ako
lumabas mula sa kwarto ko. Mabuti nalang at
nandito ako sa bahay at hindi umalis! Ano nalang
ang mangyayari kung sakaling napatay mo nga
ang kapatid ko--"

"Nakakalimutan mo na ba kung sino ka Gabriel?


May misyon ka!" matigas ang pagkakasabi ni
Hecate. "Hindi mo sya totoong kapatid. Hindi ka
mortal. Ipinadala ka lang dito para bantayan sya.
Alam nating lahat na mangyayari ito. Darating sa
punto na kailangan humantong ang lahat sa
kamatayan nilang dalawa. Sila ang isinumpang
magkasintahan! Hindi sila maaaring magsama."
"Ang isinumpang dalawa ayon sa propesiya?" usisa
ni Miguel.
"Oo, ang mga isinumpang anghel na hindi
maaaring magsama. Sa oras na magkasama sila,
magiging impyerno ang mundong ito. Magugulo
ang mundo ng mga mortal," paliwanag ni Hecate.

May nakabibinging katahimikan ang sumunod.


Hindi
ko
maintindihan..
Isinumpang
magkasintahan?

"Kung ganon ano ang dapat nating gawin? Wala sa


propesiya na isa sa atin ang dapat pumatay kay...
Aura, ibig sabihin ay nakatakda syang mabuhay,"
si Miguel ang bumasag sa katahimikan.

"Kailangan nyang mamatay," ang matigas na sagot


ni Hecate "Pinagsisisihan ko kung bakit ko sya
binuhay pa. Nasira ko ang balanse ng mundo kaya
naman magkakagulo sa lupa. Maraming mortal ang
mapapahamak.
Maraming
anghel
ang
mamamatay."
"Si Lucifer ang dapat na mamatay. Bakit hindi sya
ang patayin mo Hecate?" tanong ni kuya Gabriel.

Hindi kami maaaring magsama ni.. Lucci.. May


kailangang mamatay sa amin?

"Hindi ko kayang tumapak sa mundo nya," sagot ni


Hecate "Hindi ko kayang pumunta sa purgatoryo.
Masyado na rin syang lumakas simula nang huli
naming pagkikita. Dala nyo ba ang gintong
punyal?"
"Oo, maingat ko iyong itinago. Yun nalang ang
tanging sandata na maaaring pumatay kay Lucifer.
Masyado syang naging malakas sa paglipas ng
dalawang libong taon," sagot ni kuya Gabriel sa
kanya.
"Sadyang lalakas sya kung araw-araw ay ilang
libong kaluluwa ang nakukuha nya," seryosong

sabi ni Miguel. Nakakapanibago na marinig ang


ganitong tono nya.
"Masyado nang dumarami ang mga masasamang
mortal kung ganon," kumento ni Hecate.

Muli silang tumahimik. Nagulat nalang ako nang


biglang bumukas ang pinto. Nakatingin sa akin si
Hecate.

"Ilang minuto ka nang gising Aura?" tanong ni


Hecate.

Pumasok sa loob sina kuya at Miguel nang marinig


ang sinabi ni Hecate. Tinignan ko silang tatlo, may
iba't-ibang emosyon na dumaan sa mga mukha
nila. Pagkagulat, pag-aalala.

"Aura!" lumapit si kuya sa akin.

Agad akong lumayo. Hindi ko sya kapatid. Isa


syang anghel. Hindi sya tao. Niloko nya ako. Alam
rin kaya nila Mama at Papa ang tungkol dito?

"Aura.." malungkot na sambit ni kuya habang


nakatingin sa akin.
"Alam na nya," sabi ni Hecate atsaka bumuntonghininga.
"Oo, alam ko na gusto nyo akong patayin pati na
rin si Lucci," mahinang sabi ko. Tumingin ako kay
Hecate "Natatandaan ko na sinaksak mo ako sa
dibdib kanina. Muntik mo na akong mapatay."
"Muntik lang," sabi nya na parang hindi importante
'yon "At ang isa pa, ibinigay ko sa'yo ang buhay na
yan. May karapatan akong kunin yan mula sa'yo."
"Nakipag-kasundo sa'yo si Lucifer," matiim ko
silang tinitigan. "Isinuko nya ang mga pakpak nya
para sa buhay na 'to. Wala ni isa sa inyo ang may
karapatan upang bawiin ito. Sya lang."
Natahimik sila
akong anghel
nabuhay dahil
ang kapalit ng
pakpak.

sa sinabi ko. Naalala ko na. Isa


noon, namatay ako at muling
kay Lucifer. Ang buhay ko ngayon
paghugot nya sa sarili nyang mga

Hindi ko matanggap 'yon. Napakasakit ng ginawa


nya sa sarili nya. Buhay ng isang anghel ang mga

pakpak nila, kung huhugutin nila ang mga 'yon,


imposible pa na mabuhay sila sa sobrang sakit.
Pero kinaya iyong lahat ni Lucifer. Wala sa
kalingkingan ng ginawa ni Lucifer ang ginawa ni
Hecate upang ibigay sa akin ang buhay na ito.
Walang mas hihigit pa sa sakripisyo na ginawa
nya.

"Aura bumalik ka na.." sabi ni Miguel na tila di


makapaniwala.

Ngumisi si Hecate habang nakahalukipkip ang mga


braso, nakasandal sya sa saradong pintuan ng
kwarto. Nakatayo naman si Miguel, nakatingin sa
akin. Napaupo naman sa kama ko si kuya.. hindi..
hindi ko nga pala sya kapatid.

"Oo," pag-amin ko sa kanila "Bumalik na ang mga


alaala ko. Naaalala ko na kung ano ang nangyari."
Tinitigan ko ang dalawang anghel sa harap ko.
"Naaalala ko na rin kayo Gabriel.. Miguel."

"Kung narinig na nya ang lahat, kailangan syang


ikulong sa bahay na ito bago pa nya sabihin ang
plano natin sa mahal nyang demonyo," suhestyon
ni Hecate.

Tinitigan ako nila Gabriel at Miguel na parang


nahahati ang desisyon.

"Hindi nyo na kailangan pang gawin 'yan, isa pa rin


naman
akong
anghel..
dati,"
hindi
ako
makapaniwala na isa na akong mortal. Dati ay
tagabantay lang nila ako pero ngayon ay ako na
ang binabantayan ng mga anghel. "Nasa pagkatao
ko parin na gawin ang tama."

Isa akong dating anghel, nilikha upang pagsilbihan


si Ama pati na rin bantayan ang mga mortal dito
sa lupa. Sa di inaasahang pangyayari, namatay
ako.
Tinignan ko ang mga kamay ko.
Sino na ba ako ngayon? Isa na akong mortal, ito
na ang mundo ko at hindi sa langit. Pero nananaig

sa akin ang katarungan. Kailangan kong gawin ang


tama.
Kailangan kong magsakripisyo para sa kanilang
lahat.
Kailangan kong gawin ito.

"Ano ang ibig mong sabihin Anghel?" tanong ni


Hecate na hindi inaalis ang mapanuring tingin sa
akin.
"Kung sino man ang may karapatan na kunin ang
buhay na ito, si Lucifer lang 'yon," bulong ko "At
kung sino man ang may karapatan na patayin si
Lucifer, ako lang 'yon."

Natigilan silang tatlo. Hindi nila inaasahan ang mga


sinabi ko. Kahit na ako ay nasasaktan din sa
gagawin ko.
Ang isipin na ako ang kailangang bumawi sa buhay
ng mahal ko.. isa iyong napakabigat na misyon na
nakapatong sa balikat ko.

"Sinasabi mo ba na ikaw..." nag-aalalang bulong ni


Gabriel.

Tumango ako.

"Kung plano nyo na kunin ang buhay ng mahal ko,


ako ang dapat na gumawa nito at hindi kayo."
X
Araw ng byernes nang napagdesiyunan kong
sabihin kay Lucci ang pagbabalik ng aking mga
alaala. Napakalaki ng pagbabago na nakita ko
ngayon sa mundo. Iba'ng iba na ito kumpara sa
kapanahunan ko noon. Noon bilang isang anghel
na nakatanaw lang mula sa langit.
Masyado nang moderno ang panahon ngayon.
Napakaraming bagay ang naimbento ng mga tao
na nakamamangha para sa akin.

Pumasok ako sa loob ng classroom. Sinadya kong


agahan ang pagdating. Gusto ko syang makausap.

Pagka-upo ko sa upuan ko, lumingon ako sa likod.


Wala pa sya. Nakapagtataka. Madalas ay sya ang
laging nauuna.

Tumingin ako
pagpasok nya.

sa

pinto.

Inaabangan

ko

ang

"Aura pupunta ka sa acquaintance party diba?"


tanong sa akin ng kaklase kong si Kara.
"Uhm. Oo bukas 'yon diba?" sagot ko.
"Oo," may inilapag sya sa lamesa ko na listahan.
"List yan ng mga siguradong pupunta. Pa-sign
nalang sa tapat ng pangalan mo."
"Okay," kinuha ko ang ballpen at nilagyan ng
pirma ang tapat ng pangalan ko.
"Oo nga pala, magiging formal ang theme."
"Formal?"
"Oo, dapat kasi overnight swimming lang ang
acquaintance pero dahil tag-ulan ngayon ginawa
nalang party. So i-ready mo na ang dress mo,"
nakangiti nyang sabi.

Kinuha na nya ang list at ipinapirma sa iba pa


naming kaklase.

Nakapangalumbaba akong bumalik sa ginagawa ko


kanina. Nakatingin sa may pintuan. Hinihintay
pumasok si Lucci. Ang tagal nya yata.
Napa-ayos ako ng upo nang maramdaman sya.
Lumingon ako sa likod ko. Sa dulo ng classroom
nandon sya, nakaupo at nakatitig ulit sa akin
katulad ng palagi nyang ginagawa noon. Kanina pa
ba sya roon?
Bumilis ang tibok ng puso ko nang makita sya. Ang
mahal kong si Lucifer. Nabalot ng saya ang puso
ko nang makita sya. Ngumiti ako sa kanya.
Dala ang mga gamit ko ay tumayo ako at nilapitan
sya. Ito ang unang beses na ako ang kusang
lalapit sa kanya.
Inilapag ko ang gamit ko sa mesa na katabi ng
kanya, umupo ako sa tabi nya.
Tinignan ko sya at hinawakan sa kamay. Nahapit
nya ang hininga nya nang gawin ko 'yon.
Naramdaman ko ang init ng kamay nya pati na rin

ang sensasyon na dumaloy sa akin nang hawakan


ko sya.
Tila napakatagal na panahon na rin simula nang
magsama kami, dalawang libong taon. Kahit
kakakita palang namin kahapon, hindi ko
maiwasan na hanap-hanapin ang presensya nya.
Gusto ko palagi ko syang kasama.
Ngayon alam ko na kung bakit kahit wala ang
alaala ko sa kanya ay kakaiba na ang
nararamdaman ko kapag wala sya o kapag malapit
sya. Mahal ko sya. Hindi ko maitatanggi 'yon.
Mahal ko si Lucifer. Mahal na mahal ko sya.

"Bakit ka dito palaging umuupo mahal ko? Bakit


hindi sa tabi ko?" tanong ko sa kanya.

Nakatingin sya sa magkahawak na kamay namin


na nasa lamesa. Hinigpitan ko ang hawak ko sa
kamay nya. Inangat ko yon at marahang idinampi
sa labi ko. Pinagmamasdan lang nya ako habang
ginagawa ko 'yon.
Binitawan ko ang kamay nya, hahawakan ko sana
ang mukha nya pero mabilis nyang kinuha ang
kamay ko pabalik at mahigpit iyong hinawakan.

Ngumiti ako sa kanya nang tignan nya ang mukha


ko.

"Mahal ko may problema ba?" tanong ko. "Bakit


ang tahimik mo?"
"Tinawag mo akong mahal ko," bulong nya.
Nakikita ko sa mga mata nya ang labis na
pagkalito.
Hinaplos ko ang pisngi nya.
"Bakit hindi? Mahal naman kita," sagot ko.
Natahimik sya sandali.
"Mahal mo ako?" hindi makapaniwalang tanong
nya.
"Oo, mahal kita," mabilis kong sagot. "Alam mo
naman 'yon diba"
Tinitigan lang nya ako.
Bumuntong hininga ako.
"Mahal ko, alam ko na nakalimot ako. Sana
mapatawad mo ako kung nasaktan kita sa mga
inasal at nasabi ko sa'yo nang mga panahon na
hindi kita nakilala. Pero gusto ko na mag-umpisa

tayo'ng muli," tinitigan ko sya sa mga mata


"Pwede ba tayo'ng mag-umpisa muli mahal ko?"

Bilang sagot ay mabilis nyang inangkin ang aking


labi. Malalim at ubod ng pagmamahal nya akong
hinalikan.
Mabilis ko sya itinulak nang maalala kung nasaan
kami.

"Lucci.." kapos sa hiningang tawag ko sa kanya


"Hwag dito.."
Tumayo sya at binuhat ako.
Sa isang iglap ay naglaho ang mga nasa paligid
namin, napalitan iyon ng isang bagong lugar. Ito
ang silid na pinagdalhan nya sa akin nang may
mangyari sa amin.
"Nasaan tayo?" tanong ko.
Maingat nya akong inihiga sa kama. Muli syang
tumayo at hinubad ang pang-itaas na damit nya.
Lumuhod sya sa kama at unti-unting pumaibabaw
sa akin.

"Sa tinutuluyan ko habang nasa mundo ako ng


mga mortal," muli nyang hinalikan ang labi ko
"Sabihin mong mahal mo ako. Gusto kong marinig
mahal ko."

Hinawakan ko ang magkabila nyang pisngi.


Tinitigan ko ang mga mata nya, ang minsang asul
nyang mata ay napalitan ng kulay pula. Tanda ng
pagtataksil nya sa langit, tanda ng walang
hanggan na pag-ibig nya para sa akin.
Mas lalo lang lumalim ang pagmamahal ko para sa
kanya.
"Mahal kita Lucifer.." marahang sabi ko "Mahal na
mahal."
"Naaalala mo na ako mahal ko?" tanong nya.
"Oo. Ikaw ang mahal ko. Ikaw ang kalahati ko.
Mahal na mahal kita."

Isang
maalab
at
malalim
na
halik
ang
pinagsaluhan namin. Muli, nauwi 'yon sa
pagbibigay ko sa kanya ng sarili ko. Hindi ko 'yon
pagsisisihan, habang buhay kong itatatak sa isip
ko ang pag-iisa ng mga katawannamin. Niyakap ko

sya nang mahigpit at tinugon ang bawat halik


nya.
Napa-iyak ako sa saya at lungkot.
Maaaring ito na ang huling beses na gagawin
namin ito. Ito na ang huling beses na magiging
masaya kaming dalawa. Ang huling beses na
magkakasama kami.

***
"Sabihin
mo
ulit.."
bulong
nya
habang
pinaglalaruan ang ilang hibla ng buhok ko "Sabihin
mo na sa'kin ka lang.."
Ngumiti ako habang nakapikit ang mga mata.
Pinakikinggan ko ang tibok ng puso nya. Mahigpit
ko syang niyakap at isiniksik ang sarili ko sa dibdib
nya.
"Sa'yo lang ako mahal ko. Sa'yo lang."
Hinawakan nya ang kamay ko na nakapatong sa
dibdib nya. Hinalikan nya iyon.
"Napakasaya ko mahal ko.." hinalikan nya ang noo
ko "Masaya ako dahil bumalik ka na.."
Niyakap nya ko nang mas mahigpit.

"Masaya rin ako mahal ko, hinanap mo ako.."


sagot ko at tinitigan sya sa mga mata "Hindi ka
sumuko sa pagmamahal mo sa'kin."
Ngumiti sya.
"Gusto mo na bang sumama sa'kin mahal ko?"
tanong nya "Gusto mo na ba'ng makita ang
kaharian na ginawa ko para sa'yo?"

Para makapunta ako don, kailangan nyang gamitin


sa akin ang gintong punyal na ipinakita nya sa akin
noon. Katulad ng kay Hecate, kaya nitong tapusin
ang buhay ko. Ang ipinagkaiba, buburahin ng kay
Hecate ang kaluluwa ko, at ang kay Lucci naman
ay ipadadala ako sa impyerno.
Sandali akong nanahimik at nag-isip.

"Bukas ng gabi.." sagot ko "Gusto kong pumunta


tayo sa isang pagdiriwang. Gusto kong makasama
ka sa pagdaraos na 'yon."
"Isang pagdiriwang?"
"Oo mahal ko, masaya 'yon. Bago mo ako isama sa
mundo mo, maaari ba na pumunta muna tayo
doon?"

Ngumiti sya habang hinahaplos ang pisngi ko.


"Kung 'yan ang makapagpapasaya sa'yo mahal
ko."
Nginitian ko sya. Inangat ko ang ulo ko at
hinalikan sya sa labi.
"Maraming salamat mahal ko.."

Muli kong ipinatong ang ulo ko sa dibdib nya.


Bukas ng gabi, doon ko gagawin ang plano ko.
Unti-unting dinudurog ang puso ko sa naiisip ko.
Kailangan kong kayanin, ito ang tamang gawin.
Kailangan kong isakripisyo ang pagmamahalan
namin para sa ikabubuti ng iba. Sa ikabubuti ng
mundong ito. Kailangan kong ibalik ang balanse ng
mundo.
Patawarin mo ako mahal ko.
Patawarin mo ako sa gagawin ko.
XI
Tumigil ang sasakyan namin sa tapat ng
engrandeng Green Leaf Hotel. Sa loob nito idaraos
ang kasiyahan.

"Sigurado ka ba sa gagawin mo Aura?" puno ng


pag-aalala na tanong sa akin ni Gabriel.

Napag-usapan na namin ang plano, pero palagi


nya parin akong tinatanong. Parehas sila ni Miguel
na di sangayon sa gagawin ko. Mas gusto nila na
sila ang gumawa ng misyon ko. Masyado daw itong
delikado, ngayon pa na isa lamang akong mortal.
Iniisip nila ang posibilidad na malaman ni Lucci ang
tungkol sa pagtataksil ko sa kanya at sa plano ng
pagpatay ko sa kanya.

"Ilang beses ko ba'ng kailangan ulitin Gabriel?"


napapagod na sagot ko "Hindi ko hahayaan ang isa
man sa inyo na galawin sya. Sa akin nakapatong
ang responsibilidad na ito. Ako lang dapat ang
tumapos nito, hindi nyo kailangan makialam."
"Pero--"
"Ibigay mo na sa kanya ang gintong punyal
Gabriel," utos sa kanya ni Hecate.

Magkatabi silang dalawa sa unahan ng kotse, nasa


likod naman kami ni Miguel. Bumuntong hininga si
Gabriel bago kunin ang punyal at ibigay sa akin.

"Sasamahan kita sa loob," sabi ni Miguel.


"Kaya ko'ng mag-isa," sagot ko. Itinago ko ang
punyal sa maliit kong hand bag.
"Aura," pigil sa akin ni Miguel bago ko buksan ang
pinto ng kotse
Nilingon ko sya.
"Manonood parin kami sa mangyayari, kung hindi
umayon ang lahat sa plano," tumigil sya sandali
para titigan ako sa mga mata "Pasensya na pero
kami ang tatapos sa nasimulan mo."
Dumilim ang tingin ko sa kanya. Hindi ako anghel,
isa na lamang akong mahinang mortal ngayon
pero hindi ako kasing hina nang iniisip nila. Alam
ko ang ginagawa ko.
"Hinding hindi mangyayari 'yan," sagot ko saka
lumabas ng kotse.

Malamig na hangin ang sumalubong sa akin


paglabas ko ng kotse. May isang valet na lumapit
sa akin at pinayungan ako, umaambon. Inangat ko
ang laylayan ng palda ko. Nakasuot ako ng
pinaghalong teal at gold na dress. Mahaba ito na
abot hanggang sa paa ko, nakabukas ang likod
nito at hugis puso ang disenyo ng sa harap. Isang
eleganteng damit para sa isang epesyal na
okasyon. Ngayong gabi, mababahiran ng dugo ng
mahal ko ang aking mga kamay.
Nilunok ko ang sakit na gustong umahon sa puso
ko, muli ko iyong ibinaon sa pinakamalalim na
parte ng puso ko. Hindi ako maaaring magkamali
ngayon, hindi ako maaaring matakot. Malaking
pagkakamali ang ginawa nya, mahal ko man sya o
hindi, ito ang tamang gawin. Nabubuhay lamang
kami para protektahan ang mga mortal. Kami ang
mga taga-gabay nila. Pero si Lucci, napakarami na
nyang inempluwensyahan na mga mortal upang
gumawa ng masama. Napakarami na ng mga
kaluluwa na kinukuha nya, halos doble noong si
Satanas pa ang hari.
Hindi ko alam na magiging ganito sya kasama.
Hindi ko kailanman naisip na darating sa punto na
ako pa ang kailangan tumapos sa kanya.

"Mahal ko," bati nya nang makita ako.

Ngumiti ako sa kanya. Pormal ang suot nya, wala


ang bonnet sa ulo nya. Pero hindi naman 'yon
pansin ng mga tao. Hindi nila pansin ang
dalawang maliit na sungay sa ulo ni Lucci na
bahagyang natatakpan ng pulang buhok nito. Sa
tingin ko ay dahil ito sa pagkontrol nya sa isip nila.
Naalala ko nang mga anghel pa kami. Nagliliwanag
ang buong paligid dahil sa kanya. Walang kayang
tumapat sa kakisigan at lakas na taglay nya noon.
Isa syang perpektong anghel na may mataas na
posisyon
sa
langit.
Isa
lamang
akong
pangkaraniwang anghel noon, mahina. Pero pinili
nya parin ako. Tinuruan nya ako na maging
malakas. Minahal nya ako nang lubos.
Ngayon iba na. Ibang liwanag na ang nakapaligid
sa kanya. Ang dating puti ay naging pula. Ang
dating pagmamahalan namin ay mababahiran na
ng kataksilan.

"Lucifer.." tumigil ako sa harap nya "Kanina ka pa


ba?"
Ngumiti sya at pinagmasdan ako sandali.

"Napakaganda
ngumiti sya.

mo

ngayong

gabi

mahal

ko,"

Kinuha nya ang pulang rosas sa dibdib nya at


inilagay sa buhok ko. Pinagmamasdan ko lang sya
habang ginagawa iyon. Nakangiti sya, masaya sya
ngayon. Mas dumoble ang sakit sa puso ko. Kahit
ano pa ang pigil ko, hindi ko parin mapigilan na
masaktan. Sobra ko syang mahal, pero bakit
kailangan mangyari ito sa amin? Bakit kami pa?
Niyakap ko sya nang mahigpit nang matapos
nyang ayusin ang rosas sa buhok ko. Kailangan ko
syang maramdaman. Kailangan ko sya sa tabi ko.
"Ilang oras nalang mahal ko.." bulong nya sa tenga
ko habang nakayakap din sakin "Magsasama na
tayo sa kaharian na ginawa ko para sa'yo. Hinding
hindi na tayo maghihiwalay pa."
"Talaga mahal ko?" nakangiti akong tumingin sa
kanya "Hindi na ako makapaghintay."

***
Pormal ang party sa loob ng malaking bulwagan.
Walang upuan kaya naman nakatayo kaming lahat.

May kanya-kanyang matataas na lamesa na


pabilog kung saan may nakapatong na mga
bulaklak. May buffet table at mga waiter na
naglalakad na may dalang mga baso na may
lamang alak ang iba naman ay mga pagkain.
Kanina pa nag-umpisa ang party. Ang saya nilang
lahat habang nagsasayawan sa tugtog na likha ng
mga musikero sa stage.

"Hi Aura!" lumapit sa amin si Kara na may dalang


camera "Kukunan ko kayo ng picture ni Lucci okay
lang?"

Tumingin ako kay Lucci. Mukhang hindi sya


komportable. Niyakap ko lang ang braso nya at
nginitian sya.

"Oo sige," sagot ko kay Kara.


"Okay! One, two.." bilang nya "Three! Ayan.. Ang
cute nyo!"
Umalis na si Kara at naiwan na naman kami ni
Lucci na nakatayo sa harap ng isang lamesa.

"Halika," yaya ko sa kanya "Mag-sayaw tayo."

Mukhang ayaw nya pero nang makita nya ang ngiti


ko sa kanya, pumayag na rin sya. Pumunta kami
sa gitna kasama ang iba pang pares na
nagsasayaw. Mabagal at malungkot ang tugtog.
Tinitigan ko ang mga mata nya. Kahit man lang sa
paraan na ito, mayakap ko sya nang matagal.

***
"Gaano mo ako kamahal Lucci?" tanong ko habang
naglalakad kami sa hardin ng hotel.
"Higit pa sa buhay ko," diretso at seryoso nyang
sabi.
Tila may humarang sa lalamunan ko. Pilit ko iyon
nilunok at huminga ako nang malalim. Tumigil ako
sa paglalakad at tumingin ako sa langit.
"Hindi ka ba nagsisi? Na isinuko mo ang mga
pakpak mo para lang mabuhay ako?"
"Hindi kailanman mahal ko," niyakap nya ako mula
sa likod "Wala nang mas hahalaga pa sa'yo."

Hinawakan ko ang kamay nya. May tumulong luha


sa mga mata ko. Pinunasan ko iyon bago humarap
sa kanya. Hinawakan ko sya sa magkabilang pisngi
at hinalikan ko sya sa labi. Mabilis syang gumanti
sa halik at niyakap ako nang mahigpit, hindi sya
nag-iwan ng puwang sa pagitan ng mga katawan
namin.
Iniyakap ko sa likod nya ang mga kamay ko.
Dahan dahan kong kinuha ang gintong punyal sa
loob ng maliit na bag na dala ko.
Ito na ang oras na kailangan kong gawin ito.
Nanginginig ang mga kamay ko habang itinututok
sa likod nya ang maliit na kutsilyo. Ang banal na
punyal na sisira sa kaluluwa nya at sa kahit na
anong klase ng demonyo.
Lahat ng alaala naming magkasama ay dumaan sa
isip ko. Nalasahan ko ang luha ko sa pagitan ng
halik namin.
Tumigil sya sa paghalik sa akin at naguguluhan na
tinignan ang mukha ko.

"Bakit mahal ko?" tanong nya.


"M-Mahal kita," umiiyak na saad ko "Mahal na
mahal kita."

"Alam ko," ngumiti sya "At magsasama na tayo


habang buhay."

Hinawakan ko gamit ang dalawang kamay ang


punyal. Patuloy parin sa panginginig ang mga
kamay ko habang nakatutok ito sa likod nya.

"Patawarin mo ako.." puno ng sakit na sabi ko sa


kanya "Patawarin mo ako mahal ko.."

Inilayo ko nang kaunti ang punyal mula sa likod


nya. Kumuha ako ng bwelo. Nagbilang ako bago ko
mabilis na ginalaw ang mga kamay ko. Kailangan
kong gawin ito... Kailangan kong gawin para sa
kabutihan nang mas nakararami..

"Ako rin mahal ko.." bulong nya.

Nabitawan ko ang punyal. Nakaramdam ako ng


sobrang sakit mula sa likod ko. Bigla akong
nanghina, sinalo nya ako nang matumba ako.

Tinignan ko sya sa mukha. Puno ng pighati at


lungkot ang mga mata nya.

"Patawarin mo ako," bulong nya bago halikan ang


noo ko "Sandali lang ang sakit mahal ko. Paggising mo, nasa kaharian na tayo. Matulog ka
muna, dito lang ako sa tabi mo pangako."

Nabigo ako. Tumingin ako sa langit. Tila


nagdadalamhati sila sa nangyari. Pumatak isa-isa
ang butil ng ulan. Nakita ko sina Gabriel at Miguel
sa di kalayuan bago ako nawalan ng malay.

XII
Pagmulat ng mga mata ko, muli kong narinig ang
mga boses na sumisigaw sa aking panaginip. Mga
boses ng mga nahihirapan at sinusunog na
kaluluwa sa impyerno.

Iligtas nyo po kami!


Nagsisisi na po kami Ama!

Mainit! Napakainit!
Tulungan nyo ako!
AAAAAAAAAHHHHH!!
Ayoko dito! Hindi ako dapat dito!

Ito'ng ito ang laman ng mga panaginip ko. Ang


ipinagkaiba lang, ngayon alam ko na totoo na ito
at hindi na panaginip. Namatay ako at napunta sa
kaharian ni Lucifer ang kaluluwa ko. Pinatay nya
ako.
Nanginginig ang buong katawan ko dahil sa mga
boses na naririnig ko. Tumayo ako at naglakad
patungo sa liwanag. Tila nasa loob ako ng isang
kweba. Nagbabagang apoy ang sumalubong sa
akin sa labas. Ang buong paligid ay nababalutan
ng apoy.
Sobrang init. Ito na ba ang impyerno? Mukhang
nasa loob kami ng isang pumutok na bulkan. May
mga kaluluwa ng tao na nalulunod sa kumukulong
lava. May mga demonyong kulay pula ang buong
katawan, may sungay at nakakatakot na mukha
ang naglalakad sa paligid. Pinagmamasdan at
pinagtatawanan nila ang mga nahihirapang
kaluluwa. Ang iba naman sa kanila ay may hawak

na latigo at hinahampas sa likod ang ilang


kaluluwa na nakatali sa isang malaking bato,
pagkatapos ay itatapon nila ang bato na yon
kasama ang nakatali sa kumukulong lava.

Nagustuhan mo ba mahal ko? ang tanong ng


isang pamilyar na boses.

Tumingin ako kay Lucifer. Tila mas umangat ang


kapangyarihan nya ngayong nasa mundo na nya
kami. May pulang liwanag ang nakabalot sa
kanya, mas maliwanag at mas mapula na tila
dugo. Tila mga sumasayaw na apoy sa kanyang
katawan. Mas malaki na rin ang sungay sa ulo nya.
Isang ngiti ang rumehistro sa kanyang malaanghel na mukha. Iniliyad nya sa harap ko ang
kanyang palad.

Halika mahal ko, pagmasdan mo sila. Pagmasdan


mo ang kaharian na ginawa ko para sa iyo.
Nagustuhan mo ba?
"Lucci.. Ano'ng ginawa mo?" hindi makapaniwalang
tanong ko.

"Mahal ko," lumapit sya sa akin nang nakangiti "Sa


wakas hindi na tayo magkakahiwalay pa. Sabay
nating pamumunuan ang kaharian na ito. Ikaw ang
magiging reyna ko."
"Hindi.." bulong ko "Hindi.. Hindi.." umiling ako.

Napaupo ako. Nabigo ako. Sunod-sunod ang


pagpatak ng luha sa mga mata ko. Nabigo ako.
Nabigo ako sa misyon ko, hindi ko sya napatay.
Hindi ko nagawa. Kasalanan ko 'to. Tinakpan ko
ang magkabila kong tenga para hindi marinig ang
mga iyak ng kaluluwang sinusunog. Mas dadami pa
sila ngayon, dadami ang krimen sa mundo ng mga
tao at patuloy na dadami ang mga kaluluwa na
susunugin sa impyerno. Hindi dapat ganito.

"LUCIFER!!!!!!!!"

May sumabog na puting liwanag sa harap namin.


Mula doon ay lumabas sina Uriel, Miguel at Gabriel.
Nakaputi sila at nababalutan ng gintong baluti,
nakalabas ang mga pakpak. May mga hawak na
espada.

"AAAHHHHHHH!!!!" sigaw ng ilang demonyo sa


paligid namin. Nakatakip sila sa mga mukha nila
na parang nasisilaw. Maya-maya lang ay nasunog
sila at nawala na.

"MGA ANGHEL!! ANO'NG KARAPATAN NYONG


PUMASOK SA KAHARIAN KO?!!" sigaw ni Lucifer
saka bumunot ng espada. Malaki at kulay pula ang
espada nya. Naalala ko na ito rin ang espada na
pumatay sa akin dalawang libong taon na ang
nakararaan.
"IBIGAY MO SA AMIN SI AURA! ALAM MONG HINDI
SYA DAPAT NA NARIRITO!" sigaw ni Gabriel.
"Mamamatay muna ako bago nyo sya makuha
mula sa akin!" nagngingitngit sa galit na sagot ni
Lucifer. "SA AKIN LANG SYA!"
"KUNG GANON SA NGALAN NI AMA, MAMAMATAY
KA!" sabi ni Miguel habang nasa itaas parin.
"HWAG KAYONG PAKASIGURO!! NASA KAHARIAN
KO KAYO!!" sagot ni Lucifer.

May mga matataas na uri ng demonyo ang


lumitaw, may suot silang baluti at hawak na
espada. Sumugod sila kina Uriel, Gabriel at Miguel.
Tatlong arkanghel laban sa isang batalyon ng mga
demonyo. Wala akong magawa kundi ang panoorin
ang labanan. Mas maraming demonyo ang
namamatay ngunit hindi sila nauubos. Sa tuwing
may mamamatay, may agad na papalit sa kanila.
May humawak sa akin at inangat ako.

"Mahal ko, hwag kang mag-alala. Hindi ko sila


hahayaan na paghiwalayin tayong muli," sambit sa
akin ni Lucifer habang buhat nya ako sa mga braso
nya "Papatayin ko sila. Papatayin ko lahat nang
magtangka na paghiwalayin tayong dalawa."
"Lucifer.." umiiyak na tawag ko sa kanya "Itigil mo
na ito.."
"Hwag kang umiyak mahal ko.. AH!"
May dumaplis sa pisngi nya, umagos ang itim
nyang dugo mula roon. Napalingon ako sa lumipad
na bagay. Nakita ko ang gintong punyal na
tumama sa isang malaking bloke ng bato.
"LUCIFER!!!!!!!"

Nabitawan ako ni Lucci nang dambahin sya ni


Miguel. Bumangon ako at nakita na naglalaban
silang dalawa. Espada sa espada.
Napaatras ako nang dumami at mas naging
mahigpit ang laban ng mga demonyo at ng tatlong
anghel. Kinuha ko ang gintong punyal mula sa
pagkakatarak nito sa bato. Mahigpit ko itong
hinawakan sa mga kamay ko.
Makaraan ang napakatagal na oras, nakikita ko na
ang resulta ng laban. Gaano man kalakas ang
tatlong arkanghel, wala silang laban sa isang
batalyon ng mga matataas na antas na mga
demonyo. Tama si Lucifer, nasa kaharian nya ang
tatlo. Wala silang laban.

"AAAAHH!!"
Agad akong napalingon sa direksyon nila Miguel at
Lucifer. Nakahiga at sugatan si Miguel, nakatayo
naman si Lucifer at nakadagan ang isang paa nito
sa dibdib ng anghel. Hindi ko alam kung ano ang
mararamdaman ko, matutuwa ba ako dahil ligtas
ang mahal ko o matatakot para sa buhay ng
kaibigan ko?

"Ano ang pakiramdam anghel?" tanong ni Lucifer


kay Miguel "Ano ang pakiramdam na pabayaan ka
ng itinuturing mo'ng Ama?"
"Hindi ko alam Lucifer," nakangiting sagot ni
Miguel sa kabila ng sakit na nararamdaman nya
"Bakit hindi ikaw ang sumagot dyan? Alam mo ang
pakiramdam hindi ba? AAAH!!" daing ni Miguel ng
diinan ni Lucifer ang tapak nito sa dibdib nya.
"Hangal na anghel. Ito ang nakukuha ng mga
hangal na katulad mo, kamatayan!"
"Mas hangal ka Lucifer.. dahil tinalikuran mo si
Ama.." may dugong lumabas sa bibig ni Miguel.
"Bakit hindi ka nalang mamatay?" madilim ang
mukha na sambit ni Lucifer bago iangat ang
kanyang espada.
"Naaawa ako para sa'yo Lucifer.." umubo ng dugo
si Miguel "Hindi mo alam kung ano ang idinulot
mong sakit sa pinakamamahal mo.."

Tumingin sa akin si Miguel, nakangiti sya habang


naghihintay ng kamatayan nya. Tumigil ang tibok
ng puso ko. Hindi ito dapat nangyari. Kailangan
kong mamili. Kailangan ko ng desisyon at alam

kong habangbuhay kong sisisihin ang sarili ko sa


gagawin ko.
Mabilis akong tumakbo at isinaksak sa likod ni
Lucifer ang gintong punyal. Naramdaman ko ang
sakit ng ginawa ko sa puso ko, para ko naring
sinaksak ang sarili ko.
Isang mahabang katahimikan ang sumunod.

"Patawarin mo ako mahal ko," malakas na iyak ko


sa kanyang likod.
Narinig ko ang pagbagsak ng kanyang espada.
"Patawad.. Patawarin mo ako!" sigaw ko sa gitna
ng pag-iyak ko.
Hinarap ko sya at tinignan sa mukha. Bakas ng
pagdurusa
ang
mukha
nya,
nandon
ang
katanungan sa mga mata nya na parang hindi
makapaniwala sa nangyari.
Napaluhod sya sa lupa at tumingin sa dibdib nya.
May itim na tila ugat ang kumalat sa buo nyang
katawan. Mas lumakas ang iyak ko.
"Patawarin mo ako. Patawad mahal ko.."

"Bakit Aura.." bulong nya bago tuluyang napahiga


"Bakit?"
Lumuhod ako at umupo sa tabi nya. hinawakan ko
nang mahigpit ang kamay nya. Unti-unti nang
nawawala ang apoy sa paligid ng katawan nya.
Kasabay non ang pagliit ng sungay nya.
"Hindi tama ang ginawa mo mahal ko," hinawakan
ko ang pisngi nya "Hindi mo dapat sinuway si Ama.
Hindi mo dapat ako binuhay pa. Hindi mo dapat
sinira ang balanse ng mundo."
"Mas pina..halagahan mo ang mga mortal.. kaysa
sa pagmamahalan natin?" tanong nya.
Umiling ako.
"Hindi ko kayang makita na ang kapalit ng
pagmamahalan natin ay ang pagkamatay ng
napakaraming inosenteng tao.. Hindi ko kaya.."
Huminga sya nang malalim na tila sumusuko na.
Tumingin sya sa akin. Wala akong nakikitang galit
sa mga mata nya sa ginawa ko sa kanya.
"Mahal.. na mahal kita.." sambit nya at nakita ko
na lumuha sya ng dugo "Mas nanaisin ko ang
mamatay kaysa mawala ka sa'kin.."

Mas lumakas ang iyak ko. Mahigpit kong


hinawakan ang kamay nya habang nakatingin sa
mukha nya. Hinalikan ko ang kamay nya.
"Mahal kita Lucifer.. Kung maibabalik lang ang
panahon.. Kung naging normal lang sana tayo.."
niyakap ko sya nang mahigpit "Kung may
magagawa lang sana ako para sa ating dalawa
mahal ko.."
Hinaplos nya ang buhok ko. Nagpatuloy lang ako
sa pag-iyak sa dibdib nya.
"Mahal ko.." bulong nya. "Siguro nga.. ito ang
nakatakda para sa ating dalawa."
Humiwalay ako sa yakap at muli syang tinignan.
Kumalat na rin ang itim na linya sa mukha nya.
Inangat nya ang kamay nya. Kinuha ko 'yon at
idinikit ang palad nya sa pisngi ko.
"Pata..warin mo ako kung naisama kita.. sa
impyerno.." mahinang sabi nya na puno ng
pagsisisi ang mga mata "Sana.. hindi ka Nya
pabayaan ngayon.. Sana.. tanggapin ka Nyang
muli... bilang anghel sa.. kaharian nya."
"Hwang mo akong alalahanin mahal ko.." umiling
ako at paulit-ulit na hinahalikan ang kamay nya.

"Aura.." habol ang hiningang tawag


pangalan ko "Mahal.. na ma..hal kita.."

nya

sa

Ipinikit na nya ang mga mata nya. Nawala na ang


maputla nyang balat, nabalutan na ito ng kulay
itim. Ang buong katawan nya ay ay nabalutan ng
kulay itim, indikasyon ng kanyang pagkamatay.
"Luci... mahal ko!!" niyugyog ko ang katawan nya
pero hindi na sya gumalaw pa "Mahal ko!!
LUCIFER!!"

Wala na sya. Wala na sya! Pinatay ko sya! Bakit


kailangan pang mangyari sa amin ito?! Bakit kami
pa ang kailangan dumaan dito?! Niyakap ko ang
katawan nya at umiyak nang umiyak. Sumigaw
ako nang sumigaw para mailabas ang sakit sa
dibdib ko. Hindi ako makahinga. Sobrang sakit.
Paulit ulit kong tinawag ang pangalan nya. Wala na
sya.
Nagdaan ang ilang oras, mukhang naubos ang luha
sa mga mata ko. Tulala lang akong nakayakap sa
kanya. Hindi ko sya magawan iwan. Hindi ko sya
iiwan. Ang sabi nya gusto nyang sa tabi nya lang
ako palagi. Dito lang ako sa tabi nya. Sasamahan
ko sya sa pagtulog nya.

"Aura," tawag sa akin ni Miguel.


Nilingon ko sya. Nasa likod nya sina Gabriel at
Uriel.
"Kailangan na nating umalis.." malungkot na sabi
ni Gabriel.
"Iwan nyo na ako," paos na sagot ko "Dito lang
ako sa tabi nya."
"Aura hwag mong gawin ito," nakikiusap ang mga
mata ni Miguel.

Wala akong pakialam sa sasabihin nila. Wala na


akong pakialam sa kahit na ano'ng iisipin nila.
Hindi ko iiwan ang mahal ko dito. Patay na rin
naman ako hindi ba? Dito lang ako. Hindi ko sya
iiwan.

"Hindi na kayang suportahan ni Hecate ang


lagusan. Kailangan na nating umalis dito," narinig
kong sabi ni Uriel.
"Aura," may humawak sa balikat ko, si Gabriel
"Kailangan na nating umalis bago pa tayo
makulong dito habang buhay."

"Umalis na kayo.." mahinang sagot ko at mas


hinigpitan pa ang yakap sa katawan ni Lucifer.
"Magiging abo na sya mamaya," paalala ni Miguel
"Mawawala na rin sya. Gusto mo bang makulong
dito nang nag-iisa?"

Umiyak ako. Mawawala na rin pati ang katawan


nya. Umiyak ako nang umiyak.

"Aura," niyakap ako Gabriel "Umalis na tayo.."


"Si Lucci.." umupo ako at tinignan muli si Lucifer.
"Wala na tayong magagawa pa. Hindi na sya
babalik pa," sabi sa akin ni Gabriel.
Binuhat nya ako at pilit na kinalas ang hawak ko sa
kamay ni Lucci. Hindi ko inaalis ang tingin ko sa
kanya. Lucci..
"Tayo na.." sabi ni Miguel.

Unti-unti kaming tumaas. Lumipad na sila. Naiwan


ang katawan ni Lucifer sa impyerno. Naiwan syang
nag-iisa. Pumasok sa portal na nilabasan nila sina
Gabriel. Nawala na nang tuluyan sa paningin ko si

Lucci. Niyakap ko si Gabriel at umiyak sa dibdib


nya.

Iyon na ang huling beses na makikita ko sya. Ang


huling beses na nakita ko ang lalaking minahal ko
mula buhay hanggang kamatayan. Paalam Lucifer.
Paalam mahal ko.
XIII
Napatigil ako sa kalagitnaan ng pagta-type sa
keyboard ng laptop nang pumatak ang luha ko.
Pinunasan ko ang pisngi ko pero nagpatuloy lang
ako sa pag-iyak. Ang alalahanin ang lahat at
isalaysay
ang
mga
pangyayari
ay
isang
napakasakit na bagay para sa akin. Muli nitong
binuksan ang malalim na sugat sa puso ko. Kahit
na lumipas ang napakaraming taon, hindi
nabawasan ang sakit at pangungulila ko para sa
lalaking minahal ko nang lubos. Minahal ko sya at
nagawa ko syang patayin gamit ang sarili kong
mga kamay.
Tumigil ako sandali at tinitigan ang screen ng
laptop ko. Ito ang huling kabanata ng istorya ni
Lucifer. Ano na ngayon ang gagawin ko? Natapos
ko na ang nobela na isinusulat ko. Hindi ito ang
ending na gusto ng mga readers ko online.

Bumuntong hininga ako bago ko pindutin ang


'Save and Publish'. Ilang minuto lang ay
nagdagsaan na ang notifications ko, marami na
ang nakabasa at nag-komento sa huling kabanata
na in-upload ko.
Hindi ko kayang basahin ang mga 'yon.
Isinara ko na ang latop ko. Kahit na sabihin pa nila
na umiyak sila at nasaktan, alam ko na
makakalimutan din nila ang istorya ni Lucifer.
Madali lang silang makakapag-move on dahil
istorya lang naman ito para sa kanila. Hindi totoo
sa paniniwala nila. Hindi katulad ko, araw-araw
walang oras na hindi ko naalala ang mahal ko.
Makalipas ang dalawang daang taon, hindi na
tumanda ang katawan ko. Matapos kong bumalik
mula sa impyerno, nakulong na ako sa imortal na
katawan na ito. Ito ang katawan na nilikha ni
Hecate kapalit ng mga pakpak ng mahal ko. Isang
imortal na katawan at buhay na walang hanggan.
Isang sumpa.
Ang paulit-ulit na makita na ang mga taong
malalapit sa akin ay namamatay at ako ay hindi.
Paulit-ulit kong kailangan lumayo sa mga kaibigan
ko makalipas ang ilang taon kasama sila para lang

hindi malaman na hindi ako tumatanda. Kung


minsan natatakot ako sa sarili ko.
Bakit pa nga ba ako nabubuhay? Ano ang dahilan
ko para mabuhay?
Hindi ko kayang patayin ang sarili ko. Ang buhay
na ito ay bigay sa akin ng mahal ko kaya bakit ko
itatapon? Dahil lang sa kalungkutan?

*beep.beep*
Kinuha ko ang cellphone ko mula sa lamesa.
Binasa ko ang text message.

[Ms. Otor =( un na po ba tlga ang ending ng s2ry?


bakit po reincarnation of lucifer ang title? dba
dapat mabubuhay xa ulit? T_T huhu please upload
pa kau ng 1 chap]

Napahinga nalang ako nang malalim. Bakit ko nga


ba naisip ang ganong title? Iniisip ko ba.. hinihiling
ko ba na muli syang mabuhay bilang isang mortal?
Naalala ko ang tanong nya sa akin noon. Kung
naging mortal ba sya, magagawa ko ba syang
mahalin?

Sana naging mortal nalang kami. Sana naging mas


simple ang buhay para sa amin.
Maswerte ang mga tao. Ang mga iniisip nilang
mahirap na sitwasyon ay hindi kasing hirap nang
sa amin. Hindi nila alam kung gaano sila kaswerte
na naging mortal sila. Na kaya nilang tumanda at
mamatay. Hindi nila naranasan ang mapagod dahil
sa tagal ng buhay nila. Hindi rin nila naranasan
ang mga naranasan ko.
Hindi ko alam kung bakit lumikha si Ama ng mga
tao. Para ba magkaroon ng silbi ang mga anghel o
para may mangalaga at tumira sa mundo?
Bakit sya lumikha ng mga tao? Kahit na alam
nyang may pagkasakim ang mga ito. Hindi dalisay
ang puso ng mga tao, hindi sila kasing puro ng
mga anghel. Pero bakit mahal ni Ama ang mga
tao?
Bakit nya inatas sa amin ang pagprotekta sa
kanila?
Tila kahit lumipas ang ilang libong taon ay hindi ko
ito masasagot. Tanging si Ama lang ang
nakakaalam ng mga sagot sa tanong ko.

***

"Uwaah! Nag-update na sa ROL! Grabe ang iyak ko


dun! Kawawa naman si Lucci, ang mahal ko!" sabi
ni Janice, ang kaklase ko.

Isa akong estudyante. Isang kolehiyala. Kung bata


akong mag-uumpisa sa isang lugar, mas matagal
akong maaaring manatili dito. Limang taon ang
inilalagi ko sa isang lugar. Palagi kong sinasabi na
kailangan kong mag-migrate sa ibang bansa para
hindi na nila ako kulitin na makipagkita sa kanila.
Katulad nalang ng sa mga reunion.

"Oo nga eh. Pero malay mo naman, may next


chapter pa diba? Kasi reincarnation nga eh tapos
walang reincarnation si Lucifer dun? Di naman
pwede 'yun!" sabi ng isa ko pang kaklase na si
Meridith.
"Kawawa naman si Aura no? Ano na kayang
nangyari sa kanya? Naging anghel kaya sya?"
tanong ni Karen.
"Malay nyo! Pero baka na-reincarnate ulit sya pati
si Lucci tapos happy ending na sila!" sabi ni Luisa.
"Haay grabe naman kasi si miss author nun, bakit
bitin? Magpo-post ako sa wall nun mamaya!"

"Bruha ka! Hwag mong awayin! Ang warfreak mo


pa naman sa mga online writers dun! Lagi mo
silang inaaway kapag may di ka gusto! Kakahiya
ka!"
"Di ko naman sya aawayin, kukulitin ko lang na
mag-update!"
"Sus! Yan din sinabi mo nung nakaraan pero
inaway mo nung di ka bigyan ng soft copy!"
"Ang sarap nilang pag-tripan eh. Di naman nila ako
kilala kaya okay lang. Hahaha!"

Napailing nalang ako. Hindi ko nalang siguro


bubuksan ang account ko sa site na 'yon. Tapos na
rin naman ang novel ko kaya wala na akong
gagawin pa don. Gusto ko lang talagang may
mapag-sabihan ng nakaraan ko. Naisip ko na
masyadong limitado ang pag-iisip ng mga mortal.
May mga bagay silang hindi pinaniniwalaan.
Kahit si Ama ay hindi pinaniniwalaan ng iba. Kahit
na napakadami nang milagro sa mundo, hindi
parin sila naniniwala sa Dyos.
Ngayon kinukwestyon ko ang sarili ko.

Tama ba na isinakripisyo ko ang buhay ng mahal


ko para sa ikabubuti nila? Sa paglipas ng dalawang
daang taon nang pag-iisip at pakikisalamuha sa
mga tao, tila naiiba na ang tingin ko sa kanila.
Nahahawa na rin ba ako sa kanila at
nakakalimutan ko ang parte ng pagiging anghel
ko?
Nahahawa na ba ako sa pagiging sakim nila?
Pinili ko sila kaysa kay Lucifer. Dapat ba na
pinabayaan ko nalang sila noon?

Tumingin ako sa katabi kong bintana. Bakit ko ba


itinatanong ang mga 'yon sa sarili ko. Hindi ko na
maibabalik pa ang nakaraan. Hindi ko na
maibabalik ang buhay na nawala.

"----Lucifer Rising,"
Napalingon ako sa mga kaklase ko. Ano'ng sinabi
nila?
"Ah! Yung boy band? Oo may ticket na ako para sa
concert nila! Pupunta ako!"
"Grabe! After one million years pupunta na rin sila
dito sa Pilipinas!"

"Ang alam ko nga hindi kasama ang bansa natin sa


world tour nila pero bigla silang naglabas ng
statement last week na pupunta sila dito!"
"Yiiieeehh! Sobrang hot nila!"
"Oo! Sobrang hot nila! Super sikat nila!"
"Super yaman din! Alam nyo bang billion dollars
ang kinikita ng world tour nila? Pangatlo na 'to eh!"
"Napaka-successful ng group nila no? Kahit ang
bata pa nila."
"Pero alam nyo ba ang balita na part daw sila ng
Illuminati?"
"Illuminati? Yung mga hindi naniniwala kay Papa
God? Yung anti-Christ daw?"
"Yep! Sa demons daw sila sumasamba kaya
sobrang sikat nila."
"Di naman yan totoo eh. Chismis lang 'yan!"
"May mga satanic symbols daw kasi yung mga
music videos nila--"
"Baka naman yung gumawa lang ng MV ang
illuminati?"
"Siguro."

"Pero ang weird ng pangalan diba? Lucifer Rising?


Ano 'yun?"
"Hahaha! Pakialam ko? Catchy nga eh. Astigin!
Basta crush ko parin sila kahit ano'ng mangyari!"
"Sira talaga 'to! Lucci daw kasi yung pangalan ng
Presidente ng Entertainment na pinagbuuan ng
group nila kaya ganon. Kaya ang nangyari, ginawa
nalang nilang Lucifer."
"HAAAAA?!!"
"Parang yung
Lucifer?"

online

story?

Reincarnation

of

"Ay! Oo nga noh?!"


"Siguro fanfic yung story ni otor. Baka may crush
sya dun sa President ng LAEnt."
"Eeew! Matanda na?"
"Twenty-six palang naman 'yun! Nag-start yung
company eight years ago, unang trainees ang
Lucifer Rising!"
"Wow ang galing naman ng President! May picture
ka ba nya?"
"Wala, di naman kasi nagpapakita 'yun."
"Baka nga crush ni otor 'yun!"

"Haaay! Excited na ako sa concert mamayang


gabi!"
"Kikidnapin ko sila at ire-rape ko hahaha!"
"Baliw! Uunahan mo pa ako sa plano ko hahaha!"

Napatayo ako sa upuan ko at lumapit sa grupo


nila. Nakaramdam ako ng kakaibang kaba nang
marinig ko ang pangalan nya. Lucci ang ginamit
nyang pangalan noon.

"Ano'ng sinabi nyo?" tanong ko


pangalan ng Presidente ng LAEnt?"

"Lucci

ang

Mukha naman silang nagulat.


"O-Oo--"
"Kasama ba nila sa tour ang presidente?" tanong
ko ulit.
"Huh? Ah ehh hindi ko alam.."
"Oo kasama nila ang president. May nakita kasi
akong lalaking naka-shades sa stolen shots sa
airport, mukhang sya yun. Mukha pati syang
importante kaya baka sya nga yun."

"Alam nyo ba kung saan silang hotel?"


"Sa Green Leaf, mga isang oras ang layo dito--"

Nagmamadali kong kinuha ang bag ko at tumakbo


palabas. Si Lucci. Nandito sya.
Sa wakas, pagkalipas ng dalawang daang taon.
Makikita ko na ulit sya.
Pumunta ako sa hotel na sinasabi nila. Halos
sumabog sa kaba ang dibdib ko.
Naglakad ako sa loob, kung tama ang iniisip ko, sa
Presidential Suite ang kukunin nilang kwarto. Nasa
pinakatuktok ito ng hotel, kailangan ng VIP card
para makapunta don ang elevator. Kailangan kong
gamitin ang hagdan sa fire exit.
TOP FLOOR.
Nilalamig ang mga kamay ko habang nakatayo ako
sa pintuan ng suite.
Ano'ng gagawin ko kung hindi sya 'yon?

Bumukas ang pinto sa harap ko. Gulat akong


napatingin sa lalaking nagbukas non. Tinignan nya
ako bago ngumiti. Namumukhaan ko sya,

myembro sya ng grupong Lucifer Rising. Hindi nga


ako nagkamali ng kwarto.

"Come in," nilawakan nya ang bukas ng pintuan.


Sumilip ako sa loob. Hinila nya ang kamay ko
papasok sa kwarto.
Labing isang pares ng mga mata ang biglang
tumingin sa akin. Nakaupo sila sa mahabang sofa
at ang iba naman ay nakatayo.
"Is that her?"
"She looks like her."
"It's her."

Napaatras ako nang lumapit sila sa akin at titigan


ako.
Ano'ng nangyayari? Niyakap nila ako bigla isa-isa.
Hindi ako nakagalaw nang isa-isa nilang gawin
'yon.

"That's enough Kai.." sabi ng isang kalmado ngunit


malamig na boses.

Humiwalay sa akin ang lalaking huling yumakap sa


akin. Napatingin ako sa direksyon ng nagsalita.
Tila nabalutan ng yelo ang katawan ko, hindi ako
makagalaw. Napakatagal na simula nang huli ko
syang nakita.

"Lucci.. Ikaw nga.."

***
HECATE.

Pinanood ko ang pagbabalik ng tatlong anghel


mula sa impyerno kasama ang kaluluwa ni Aura.
Nananatiling puro at dalisay ang kanyang
kaluluwa. Sobrang ganda ng kaluluwa nya na
naaakit akong kunin ito. Isinara ko na ang lagusan.

"Ano'ng dapat nating gawin sa kaluluwa ni Aura?"


tanong ng anghel na si Miguel.

"Kailangan natin syang dalhin kay Ama," sagot


naman
ni
Gabriel
habang
nakatingin
sa
nanghihinang kaluluwa sa mga braso nya.
"Hindi pa sya tuluyang namamatay," lumapit ako
sa kanila.
Napatingin silang tatlo sa akin.
"Nilagyan ko ng proteksyon ang katawan ng mortal
na 'yan. Maaari pa syang bumalik sa katawan nya
at ipagpatuloy ang naudlot nyang buhay."
"Magagawa mo 'yon?" tanong ni Gabriel.
Kinuha ko mula sa kanya ang kaluluwa at ibinalik
sa katawan nya na nakahiga sa mahabang upuan.
"Kailangan nyo nang umalis," babala ko sa kanila
"Buburahin
ko
ang
kanyang
alaala.
Mas
makabubuti kung hindi nya kayo makikita."

Lumapit ang dalawang anghel sa mortal para


magpa-alam. Nilapitan ko si Uriel. Tinignan ko sya
nang matiim. Tumango sya sa akin. Kung ganon,
tuloy ang parin ang plano. Pareho naming tinignan
ang mortal.
Natapos na rin ang unang propesiya. Kailangan na
naming paghandaan ang ikalawa.

Hindi dapat manatiling bakante ang pwesto ng hari


sa impyerno. Kailangang may pumalit sa pwesto.
Ang sinumang humawak sa espada ni Lucifer ang
magiging bagong hari.

"Patawad Gabriel, Miguel pero hanggang dito


nalang ang misyon nyo. Maraming salamat sa
pagtulong," sabi ni Uriel sa dalawang anghel.
"Uriel! Bakit mo hawak ang espada na 'yan?!"
"Ano'ng ibig sabihin nito?!"

Hindi ko na pinanood ang sumunod na ginawa ni


Uriel sa dalawang anghel. Binuhat ko ang katawan
ng mortal at inilayo sa kanila.

"Aura.. Gumising ka," utos ko sa kanya na may


kalakip na mahika.
Agad syang dumilat at tumingin sa akin.
"Hecate.." mahinang bulong nya.
"Makinig kang mabuti sa itatanong ko sa'yo.
Sumagot ka ayon sa nararamdaman mo."

Tumango sya.
"Gusto mo bang maibalik sa'yo ang buhay ni
Lucifer?"
"Oo," namuo ang luha sa mga mata nya.
Ngumiti ako sa kanya.
"Kung ganon ano ang kaya mong ibigay sa akin
kapalit ng muli nyang pagkabuhay?"
"K-Kahit ano.."
"Matulog ka na Aura, sa muling pag-gising mo
hindi mo maaalala ang usapan na ito."
Gamit ang mahika ko ay sinunod ng katawan nya
ang utos ko. Lumapit sa amin si Uriel. May bahid
ng dugo ang puti nyang kasuotan. Ang dugo ng
dalawang anghel.

"Tapos na ba? Nakuha mo na ba si Karisma?"


naiinip na tanong sa akin ni Uriel.
"Mag-ingat ka sa tono mo Uriel. Maaaring
magkakampi nga tayo pero hindi mo ako utusan,"
babala ko sa kanya.

Tinutukoy nya ang namatay nyang kasintahan na


isa ring anghel. Si Karisma, ang anak ko.
Ipinatong ko ang dalawang kamay ko sa tyan ng
mortal. Mula roon ay kinuha ko ang hindi pa
naisisilang na sanggol. Inilipat ko ito sa katawan
ko, ako na ngayon ang muling magsisilang sa anak
ko. Ang anak ko na pinabayaan ng itinuturing
nilang Dyos na mamatay sa digmaan. Dahil sa
walang kwentang propesiya ay hinayaan nilang
mawala ang anak ko.

"Tapos na," tumayo ako at iniwan ang mortal na


nakahiga sa lupa.
"Binura mo ba ang alaala ng mortal?" tanong nya
sa akin.
"Hindi nya malalaman na may anak sila ni Lucifer.
Hwag kang mag-alala."
"Bakit hindi mo nalang binura nang tuluyan ang
alaala nya?"
"Isa syang imortal Uriel. Hayaan na natin sya. At
ang isa pa, marunong akong tumupad sa
kasunduan. Sila parin ang naging susi sa
pagbabalik ng anak kong si Karisma. Kahit

papaano marunong akong tumanaw ng utang na


loob," matalim ko syang tinignan para tumigil na.

Umalis na kami ni Uriel. Hindi nila malalaman ang


katotohanan na hindi sila ang isinumpang
magkasintahan kung hindi ang anak ko at si Uriel.
Hindi si Lucifer ang dapat nilang pinatay. Hindi rin
dapat namatay noon si Aura. Pero ang pagbabalik
ng anak ko ay matagal nang nakasulat sa libro ng
tadhana. Hindi nila ito mapipigilan kahit na ano
ang gawin nila.
Kahit pa gaano kalakas ang kapangyarihan ng Ama
nila, hindi parin nila magagawang kunin ang buhay
ni Aura. Dahil isa syang mortal. At ang mga mortal
ang kahinaan ng Dyos nila.
Nakakatawang isipin na dahil sa sobrang
pagmamahal nya sa isang mortal, mabubuo ang
impyerno sa mundo ng mga tao.
Ano na kaya ang gagawin nya ngayon?
Muli ba nyang ipapadala ang anak nya sa mundo
para pasanin ang bigat ng kasalanan ng mga tao?
Siguro? Siguro ganon nga ang gagawin nya..

***~(;__;)~***
Blue Moon ngayon, such a coincidence XD.
May naintindihan kayo sa chapter na ito? Hohoho!
Kung hindi, basahin nyo ulit. Flashback yung part
ni Hecate. XD Ang nangyari.. Nabuhay si Lucci at
bumuo ng mga illuminati na syang lilikha ng New
World Order.. trololo! At dahil mortal si Lucci
ngayon, di sya magawang galawin ni Ama. Mahal
nya kasi ang mga mortal. At sa paglipas ng
dalawang daang taon.. mas bumigat na ang
kasalanan ng mga tao. At dahil dito.. muling
tatapak sa lupa si Kristo para pasanin ang
kasalanan ng mga tao. TT^TT
Pero ang totoo bumuo si Lucci ng group para
mahanap si Aura. Ipinadaan nya sa musika ang
paghahanap nya. Baka kasi sakaling nakikinig sya.
At dahil don naging prinsipe sya ng music! Yay! Si
Aura naman, nalaman ni Lucci kung nasan sya
dahil sa internet novel nya. XD Kaya biglang
nasingit ang Pinas sa world tour. Hahaha! Ayos
diba?
Ito yung sinasabi ni Hecate noon, na magugulo
ang mundo ng mga mortal. Pero syempre sya ay
nagkukunwaring mabuti lamang. Trololo. At ang

lahat naman ay umayon sa kanyang plano.


Matalino kasi sya. Ang mga babae talaga kapag
nagplano sa mga ganitong bagay, LAGOT! Malufet
eh, Dyosa kasi sya katulad ko. Trololo!
Pero syempre ito ay sa kwento ko lamang. Kaya
naman hwag nyong itama ang kwentong ito ayon
sa paniniwala nyo. Kung naniniwala kayo sa ibang
meaning ng illuminati then okay. Kung naniniwala
kayong walang anak si Hecate, then okay. Ngunit
ito ay kwento ko lamang. Naging makatotohanan
naman hindi ba?
Hindi ako illuminati o anti-KPOP o whatever. Sinabi
ko na sa inyo na nagawa ko ang story na ito dahil
sa lumabas na issue na illuminati ang peyborit
kong BIG BANG. Nga pala EXO--> Yung boy group
hahaha! Love em!
Pero totoo ang pagdating ni Jesus kasi
makasalanan ulit tayo, as in sobrang bigat na.
Alam nyo yung John 3:16?
For God so loved the world, that he gave his only
begotten Son, that whoever believeth in him
should not perish, but have everlasting life.
At ito lang ang kabisado kong quote sa bible.
TT^TT Dati alam ko yung Psalm 23 ngayon hindi
ko na kabisado ang haba kasi..

Medyo bitin ang ending.. Eh kasi parang di tama


kung isusulat ko pa ang pagkikita nilang dalawa.
Anyway, salamat sa pagbabasa. =) Pakabait na
kayo at hwag nyo na akong awayin. Trololo! Dahil
ako si Aura, at isusumbong ko kayo kay Lucci.
*U*
Dadating na sya dito sa Oct >__<. Wala akong
pera para sa concert kaya di nya ako makikita
Ajujuju!
Salamat sa mga nag-submit ng drawings nila Starlene Barona, Em Andal, Kyut Daw Ako, Koline
Valino, Maryann Lapso, Crisca Jallorina, Sammie
Wattpad, Rhei Load, Aira Joyce De Leon, Neodge
Wattpad, Fatima Mae Galera Cua, Gel Sartin II,
Katrina-Killjoy Arellano, Helena Elise, Rerushi
Watabe, Lhen Pinon, Ivie Benigno, Hanna Lorraine
Luna, Shaira Langitan, Mi Mhytot, Wattpad Reader
at Medz Talla Eugenio XD
See you sa isa ko pang story na NTBG.
XOXO
Alesana Marie

You might also like