You are on page 1of 4

In other dimention

“Mark!”echo na boses mula sa ilalim or on my mind.


“Naandito ako!” sigaw ulit na ikinabahala ko. Ewan ko talaga kung nasaan ang tumatawag sa
akin.

“Stalker ba yun?” tanga kong sabi na ikinaisip ng mga kaibigan ko.

“Sino kinakausap mo bui?” sabi ni Angela.

Nagtataka ako sa parteng yon. Di ba talaga nila narinig?

“Meron kasi akong nari————” boses ko ng biglang nahimatay ako sa kalsada.

Ito ay biglang ikinatakot ng aking mga kaibigan.

“Huy MARK! Wag kang mag biro!!!”

Napunta ako sa isang madilim at madamong lugar. Biglang may nagsisulpot na maliwanag na
mga mata sa mga puno na nagtataasan. Dahan dahan ay unti-unti na akong parang pagong at
hindi na makagalaw. Ang mga mata na nasa dilim ay palapit na ng papalapit sa akin at inilabas
ang matutulis netong ngipin Sa uri ng ngipin nito ay masasabi ko na isa itong uri ng aswang.
Bigla nalang akong hinatak pambihirang pwersa at itinali nang mahigpit sa isang puno. Pamaya
maya ay nagbukas ang madilim na kalangitan at may nnagsalita. Di ko maintindihan pero ito
lang ang nakita ko na sinabi nito.

“Kahit kailan ay makukulong ka na dyan at di na makaka alis pa. Tsaka hindi ka dyan nag iisa,
may kasama kang leon at tigre dyan. Matagal na silang di nakakakain.”

Nanginig ang aking mga buto nang marinig ang salitang“may kasama ka dyang leon at tigre.”
Para akong wild at nagpupumiglas sa pagkakatali. Pamaya maya ay lumabas ang mga leon at
tigre sa dilim. Nanginginig na ang aking mga buto. Ang isa dito ay tumayong parang tao na di
mo aakalain. Parang gusto nya akong pakawalan. Tumakbo syang parang kabayo at mabilis
nyang naputol ang mahika sa aking katawan. Dinala nya ako sa isang maliwanag na lugar at
kinausapdnya ako.

“Wag kang sumunod sa aking yapak. Baka matulad ka sa akin.” Sinabi nya ito sa akin at sya’y
naglahong alikabok.

Nagising nalang ako at maputi parin ang nakikita ko. Nakita ko ang mga magulang ko na nag
aalala na sa akin. Iyak sila ng iyak. Di pa nila alam na gising na ako.

“Ma, buhay pa ako. Wag po kayo todo iyak. Masayang po iyan.” Pabiro kong sabi.
Nagulat sila at gising na ako. Ako na ngalang ang magdadala ng lahi namin. Pamaya-maya ay
pumasok ang doktor na parang alam na ang nangyari sa akin. Sinabi nya sa amin ang totoong
nangyari sa akin.

“Napunta ka sa isang dimension kung saan ay ala nang makakabalik. Ang dimensyon ng mga
engkanto. At ang nagligtas sa iyo ay ang aking kapatid na namatay sa dimensyon na ito.

Sana po ay magustuhan nyo po.

You might also like