You are on page 1of 12

“Namutawi sa Labi ng Isang Nars”

Kuwento ni Alberto Segismundo Cruz

Mataas pa ang aking lagnat, noon. Hindi ko mawatasang mabuti ang sinasabi ng aking
manggagamot, nguni't sa kanyang mahinang pakikipanayam sa nurse na nakatakda sa
aking silid ay nabatid ko, sa gitna ng kaalinsanganan sa mahirap kong paghinga na
katugon ng matinding sakit ng ulo, na sadyang may kaselanan ang aking kalagayan,
sapagka't maaaring sa lagnat ay may sumapi pang ibang karamdaman.

Humigit-kumulang ay may isang oras lamang na kararating ko pa sa pagamutan nguni't


habang nalalapit ang paglubog ng araw'y lalo manding nadarama ko ang bigat ng aking
katawan at para bagang ako'y sinasalab ng apoy na kung saan nagbuhat.

Sa paningin ko'y naging malabo ang lahat ng bagay at ang mukha ng nars na
nakatunghay sa akin ay parang natatakpan ng manipis na usok. Naramdaman kong
may sinubo siya sa aking isang tubong kristal na ang dulo'y nakahantong sa ilalim ng
aking dila. At sa gayong kagandahang-loob ay nanariwa ang aking lalamunan,nagluwag
ang aking dibdib at nagunita ko ang pampalamig na naihahandog sa akin sa pasulatan
kung nagkakaharap ang mga manunulat.

Saka ang isa niyang kamay ay naramdaman kong pumisil sa aking pulso. Kung ano pa
ang nangyari'y hindi ko na nalaman. Datapuwa't kinaumagahan ay nagliwanag nang
kaunti ang aking paningin at sa pagliliwanag na ito ng aking mga mata'y napamangha
ako nang matiyak na sa aking kaliwang bisig ay may nakatusok na matulis na karayom
na nakakabit naman sa isang maliit na bitukang gomang tinatakbuhan ng kung anong
uri ng tubig na nagbubuhat sa isang nakatuwad
na botyelyang papatak-patak ang laman sa pinakatubo - papatak-patak na anaki'y luha.

At patuloy ang pagpatak sa loob ng isa . . . dalawang oras, samantalang ako'y


nakamata sa daloy ng tubig sa maliit na tubong kristal at sa patak na anaki'y luha . . .
Nang umagang yao'y iba ang nakatakdang nars sa aking silid, datapuwa't nang mag-
iika alas dos na ng hapo'y sumipot uli ang nars na siyang unang nagpala sa akin. Noon
ko namasid ang mukhang kaayaaya ng Anghel ng Kaligtasang iyon. Noon ko lamang
napagwari ang kanyang anyo. Noon ko napaghulo kung bakit ang kanyang tinig kung
magsalita'y walang iniwan sa mga nota ng isang awiting matimyas at naglalagos sa
kaluluwa.

Tinawag niya ang aking pangalan. Ipinagunitang lulunukin ko ang isang tila pildoras.
Pagkatapos ay sinabing kailangan ding ako'y tumagilid upang malagyan ng inyeksiyon,
o maturukan. Sa huling wika niya'y napilitang mangunot ang aking noo, sapagka't
nababatid kong sadyang mahirap ang tumanggap ng gamot sa pamamagitan ng
pagturok.

Nguni't ako'y ngumiti lamang - nababatid kong iyo'y isang ngiting tuyot. Wala akong
lakas na magsalita, lalo na ang tumutol. Nababatid kong wala akong dapat gawin kundi
ang tumalima, sapagka't sila man ay napag-uutusan din. Ni magtanong ay hindi rin ako
nangahas, sapagka't ayokog lumitaw na ako'y nag-aalinlangan sa kanilang ginagawa.
Natitiyak kong sila o, sa tiyakang pag-uusap, ang tagapag-alagang iyon ng maysakit, ay
nagpapakasakit sa mahirap na gawain, hindi alumana ang pagod, pagal ng katawan at
panganib na mahawa sa karamdaman, matupad lamang ang layong makapaglinkod at
makapagpala sa mga nasa banig ng karamdamang katulad ko.

Ilang araw pa ang nagdaan. Bumaba na nang kaunti ang aking lagnat, nabawasan ang
sakit sa ulo at nakarama ako ng bahagyang ginhawa. Ang mabait na nars sa paminsan-
minsan ay lumalapit sa akin at naghahandog: "Ibig ba ninyong uminom ng katas ng
dalandan? Mabuti sa inyo iyan," at kasunod ang isang ngiting kaayaaya na lalo pang
nagpaparilag sa kanyang mukha.

Isang ngiting tuyot din ang aking naitugon. Wari'y mahirap pa sa aking bigkasin noon,
ang ano mang kataga sa aking labi.

Ang tunay na kagandahang-loob - hindi pakitang-tao lamang - ay sadyang nauulit, at


ang paghahandog ng mga gayong inumin at iba pang uri ng bungang-kahoy, ay patuloy
hanggang sa ang aking manggagamot ay magpasiyang ako'y makakakain na nang
kaunti at samaktuwid ay nangangahulugang nasa landas na ako sa pagbuti't
panunumbalik sa dati...

Makaraan ang tagpong iyon, ang marilag, mayumi't mabait kong tagpag-alaga na ang
huling alaalang iniwan sa akin nang nagdaang linggo'y nang ako'y punasan niya, ay
biglang nawala. May palagay akong napadako sa isang ward kundi man napatakda
kaya sa dispensary. Nguni't may isang linggo rin halos ang nagdaan at nang siya'y
bumalik, nagulat ako sa pagtulak sa pinto ng aking silid ay bumati siya nang buong
lugod.

"Magaling na kayo!" Kailangan lamang ang mag-ingat. Nasa panahon na kayo ngayon
ng pagpapalakas. Nabasa ko ang inyong chart, babalik ako mamaya."

Hindi nga naman naglaon at nagbalik siya, sapagka't halos ay iyon na ang takdang oras
sa pagtupad niya ng tungkulin ng araw na yaon, matapos na sila diumano'y
makapagpaliwanag sa head nurse sa hindi niya pagsipot agad, gayong kulang na
kulang ang mga tagapaglingkod na nars sanhi sa marami ang nagsisipagliwaliw sa
kani-kanilang bayan sa lalawigan nang sumapit ang tag-araw.

"Kayo ang kapatid ni Nitang, hindi po ba? Kami'y nagkasama sa North High School,
noong araw. Ngayo'y Arellano High School ang paaralang iyan."

"Ah, kayo'y si Evangeline, hindi po ba?" parang nagliwanag ang aking isip sa isang
biglang nagbalik na alalahanin nang nakalipas.

"Ako nga. Ikaw ma'y namumukhaan ko rin. Hindi na kita pupupuin pa, sapagka't tayo
pala nama'y dating nagkakakilala. Kagagaling ko pa lamang sa aming bayan. Ayaw na
ayaw ng tatay na ako'y magbalik pa: Ibig niyang magpatuloy ako sa aking napatigil na
kurso sa piyano. Sa katotohana'y bumili siya ng bagong piyano at sinabing magpatuloy
lamang ako at limutin ko lamang ang ospital ay susundin niya ang lahat ng maibigan
ko."

Parang nagliwanag na lalo ang aking paningin nang magsimulang mabuksan sa akin
ang isang kabanata ng buhay sa ilalim ng isang mapagtangkilik na pagamutang iyon.

"Nguni't paano ako makapananatili sa amin," ang patuloy niya, "na ang lahat ng bagay
sa aming nayon ay nakapagpapagunita upang akoy manatili naman
sa pagdaramdam at pagdadalamhati."

"Bakit naman," ang naitanong ko sa isang basag na tinig.

"Hindi mo ba natatandaan, Edgardo ang iyong kaibigang makata rin sa panahon


ninyong nanunulat sa high school pa lamang. Si Edgardo, gaya ng batid mo'y mahilig sa
hukbo. Noon pa lamang na kayo'y nagsasanay sa pamumuno bilang kadete ay
naglunggati nang maging tenyente ng inyong kompanya, na siyang nagkagantimpala sa
paligsahan ng hukbo sa Trade School Grounds.

"Buhat noon ay nagsumakit na siya upang makapaghanda sa West Point, at sa


katunayan ay nakasulit naman siya sa ibinigay na pagsusulit ng Serbisyo Sibil,
datapuwa't nang gawin ang pagsisiyasat sa kanyang kalusugan ay nakatagpo ng kung
anong sagabal sa kanyang ilong at lumilitaw na siya'y hindi pa muna matatanggap.
Kailangan pa ang magpagamot.

"Gayon man ay hindi niya dinamdam ang pagkabigo. Bagkus nagpatuloy siya sa
paghahanda sapagka't ang hilig niya ay ang maging pinuno ng hukbo. Sa wakas nang
dumating ang talaga ng Diyos sa ating bayan, noong ika-8 ng Disyembre ng 1941, kusa
siyang nagpatala sa hukbo at napatakdang tenyente sa isang pangkat. Buhat noon ay
hindi na kami nagkita pa, datapuwa't sa dahilang magpapasko na noon, sinabi niya sa
akin na tatanggapin ko ang aking pamasko kagaya ng dati, ang pamasko ng pusong
umiibig.

"Magulo na ang kalagayan nang mga araw na yaon. Laganap na ang ligamgam at ang
panganib ay nakapaligid sa lahat ng dako ng ating bayan. Nang una'y nagtungo muna
kami sa bukid upang doon mangubli at maghanda ng kailangang pagkain una na ang
bigas. Nakitulong ako sa pagpapagiik ng palay. Nakitulong ako sa pag-iimbak ng
pagkain. Kailangan ang paghahanda sa mahabang araw sa loob ng isang panahong
hindi matiyak.

"Datapuwa't. . . nang dumating ang bisperas ng Pasko – Noche Buena pa naman – ay


ano't ibinalita ng aking tatay na sa kabayana'y naroon ang isang bangkay ng binatang
may mga tama ng puglo. "Isang bangkay ng isang pinuno ng Hukbong Pilipino. Noon pa
lamang ay sumasal na ang tibok ng aking puso. Buhat sa bukid ay nagpasama ako sa
isa kong kapatid na lalaki at gayon din sa tatay upang makilala ko ang bangkay. At. . .
Diyos ko! (Hindi ko na ibig pang magunita!)

"Sa bahay-pamahalaan na noon ay wala pa sa kamay ng mga Hapon ay nakahandusay


at dugo-duguan sa tama ng puglo ang katawan ni Edgardo – si Edgardo na lalong
malapit sa aking puso.

"Hindi ako makapagpigil. Naalis na sa akin ang kahihiyan, at sa harap ng


punong-bayan at ng madla'y nanambitan ako at tinawag ko ang kanyang pangalan na
labis na ikinahambal ng aking amang kumandong sa aking parang bata nang ako'y
manggipuspos at mawalan ng lakas.

"Nang ako'y mahimasmasan, narinig kong nagsasalita ang punong-bayan . . .

"Nagsadya si Edgardo dito sa atin, taglay ang pahintulot at kautusan ng pamunuan ng


Hukbong Pilipino upang ipatalastas na bukas o sa makalawa'y papasok na rito ang mga
Hapon. Kailangan ang maghanda at ihanay agad ang mga kusang-loob upang
makatulong ng isang pangkat ng hukbong makikiharap sa kaaway.

"Sinasabi rin naman sa isang sulat sa dibdib ni Edgardo na kusang-loob na


naghahandog ang tenyente Edgardo Ramiro upang magbigay ng kaukulang himatong
sa kanyang mga kababayan, yamang may nais din lamang siyang paghandugan ng
isang alaalang pamasko sa bayang ito, sa harap ng lalong mapanganib na paglakad. At
ang liham na basang-basa ng dugo, ay may kalakip na isang dosenang marikit na
panyolitong rosa na anki'y maliliit na bandila ng pag-ibig at sa bawa't dulo nito'y naroon
ang aming pangalang nakukulong ng burdang hugis-puso.

"Noon ding hapong yaon, sa libingan ng nayon ay inihantong ang bangkay ng aking
bayani. Datapuwa't buhat na rin noon ay naging bago na ang aking isipan. Kailangang
ako'y makatulong sa Hukbong Pilipinong nagtatanggol sa kaaway. Nagtapos ako ng
pagna-nars sa kabila ng pagtutol ng aking mga magulang, nguni't dumating naman ang
pagkakataong ako'y maglingkod sa bayang tinubuan.

"Tumutol nang una ang aking ama. Sinasabi sa akin ang ipinagunitang maselang lubha
ang panahon. Datapuwa't sinabi kong magiging walang saysay ako sa bukid, yamang
pati ang isa kong kapatid na lalaki ay sumama na rin sa pangkat ng mga kusang-loob . .
. namundok na.

"Iyan ang dahilan kung bakit ako napasama sa paglilingkod sa hukbo. Sa kabundukan
ng Bataan, sa Lawag, sa Tarlak … at nang huli nang sumuko na ang bayan sa kaaway
ay hindi ko minarapat ang magbalik sa sinapupunan ng kapayapaan, pagka't itinuring
kong kailangan kong ipagpatuloy ang aking paglilingkod sa kagubatan.

"Paano'y para nang lumubog sa akin ang araw ng aking kabataan. Waring nangulimlim
na sa akin ang langit sa habang panahon. Mandi'y hindi na namumulaklak sa aking
pakiwari ang mga halaman. Sa palagay ko'y madilim ang aking kapalarang kasing-dilim
ng kapalaran ng aking Inang-Bayan.

"Kung ilang taon pa ang nagdaan at kaugnay ng aking hirap, dalamhati't pagsuong sa
panganib, ang unti-unting pagkabuhay ng isang pag-asa. Nagliwanag ang Silangan at
hindi naglaon at nagbalik ang makapangyarihang hukbong tagapagligtas. At ako'y
napalipat sa paglilingkod sa hukbo hanggang nitong mga huling buwan nang magdaang
1945. May karapatan na ako sa pamamahinga nang sumuko ang Kapangyarihang
Nipon, datapuwa't nang minsang ako'y dumalaw sa aming nayon ay para bagang
nabubuhay sa aking alaala ang malungkot na kabanata ng aking pag-ibig . . .

"Gayon na lamang ang pag-aliw nila sa akin. Inihanda ng aking mapagpasunod na mga
magulang ang aming tahanan upang maging maligaya kaming magkakapatid. Ibinili ako
ng mga bagay-bagay na makapagdudulot sa akin ng kasiyahan, kahulihulihan nga ang
piyano upang diumano'y maipagpatuloy ko ang aking hilig sa musika. Datapuwa't . . .

"Ang aking kahapon, ang aking kabataan ay waring kaugnay ng ngayon sa aking
paglilingkod. Sa palagay ko, sa larangang ito ng paglilingkod, ay para ko ring
pinaglilingkuran ang dakilang lunggating pinagkamatayan ng aking mga bayani na siya
ring ikinasawi ni Edgardo.

"Kaya't ang paglilingkod na ito - mahirap man, lipos man ng pagsasakit, nalalagay man
sa panganib na pagkahawa sa karamdaman ng mga maysakit, ay dakila rin sa akin; na
katotohana'y siya kong kaligayahan, tangi kong kaligayahan.

"At lagi nang nagugunita ko ang ilang talatang isinulat sa autograph ni Edgardo, noong
araw:

--Sa habang, ibigin mo ma't hindi, ako ang iyong Edgardo at ikaw ang aking
Evangeline.--

"Saka sa isa niyang aklat na may pamagat na "Vigil in the Night" ay sinasabi ang ganito:

--Evangeline, Nawa’y mamalagi kang tagapag-alaga ng maysakit kong puso na laging


nahuhumaling sa iyong tanging pagmamahal. --”

Dahilan sa ako'y pinayagan nang makaupo't makabasa ng aking manggagamot, kaya't


ang mga unang dahon ng aklat o ng kathang-buhay na iyong ipinahiram sa akin ng
mabait na nars ay akin nang tinunguhan, at sa bawa't talata, sa bawa't kataga'y para
kong nakikita ang naglalamay na kaluluwa sa gitna ng mga maysakit – halos katulad ng
Anghel ng Kaligtasang may dalang ilawan sa buong magdamag . . . dakilang
kaluluwang nagpapalait, nagdudulot ng lunas sa mga may karamdaman, samantalang
ang sariling karamdama'y taglay sa habang panahon palibhasa'y hindi makapangyari
ang kagahaman. . . hindi makapangyari ang kadalubhasaan . . . walang lunas na
mailalapat . . . sapagka't karamdaman ng kaluluwa, sugat ng alaala, damdamin ng
pusong nagmamahal ay wala ang minamahal . . .
I. URI NG KWENTO

 Kwento ng Tauhan o Pantao– nangingibabaw sa kwentong ito ang isang


masusing pag-aaral at paglalarawan sa tunay na pagkatao ng pangunahing
tauhan.
o Ito ay tumutukoy sa isang babaing mangbubukid at dahil sa trahedyang nangyari
at dahilan ng pagkamatay ng kasintahan at pag kusang loob na lumahok at
ipagtanggol ang hukbong kinabibilangan. At ito rin ay nagalalarawan sa kung
anong buhay mayroon ang pangunahing tauhan noon kung bakit gusto niyang
magsilbi sa kapwa at sa bayan.

II. PAMAGAT
 “Namutawi sa Labi ng Isang Nars”
o Ang Kwentong ito ay patungkol sa isang babaing nawalan ng minahal dulot ng
pananakop ng mga Hapon. Nag nag buklod sa kanya na maging isang
manggagamot upang makatulong sa kapwa, naglagay sa kaisipan ang sumali sa
hukbo para magamot ang kasamahang sugatan at kinabibilangan at tulungan
ang mga kababayang lumabad sa kaaway at ang tumulong na talunin ang mga
kaaway.

 AUTHOR
o Alberto Segismundo Cruz
o Pinanganak noong November 21, 1901 sa Sta. Cruz Manila at sumakabilang
buhay noong 8 ng Octobre 1989. Siya ya isang PIlipinong nagsusulat ng mga
tula, maikling kwento, at mga nobela. Tatlo sa nagawa niya ay na published ng
Atenio de Manila Press. Siya ang humahawak sa Literary Award Record sa
Maikling Kwento at Poetry sa Pre-war Taliba at Liwayway. Siya rin ang nanaluto
sa Commonwealth Literary Contest (1940). Naging Novelist of the Republic
(1942), Poet Laureate of the Republic (1947), Book-essay Rizal Centennial
Commission (1961), 1975 Palanca Awards, at isang Layer at naging Press
Relation Division at Legal Division of the Office of the President of the
Commonwealth noong Febrero 10, 1939 hanggang Desyembre 31, 1941.
Nangibang bansa siya pumunta ng Estados Unidos sa gitna ng 1960 kasama
ang kanyang mga anak at apo.

III. NILALALAMAN

A. Tauhan
o Nitang – siya ang pasyenteng may sakit, na nakahiga sa banig ng karamdaman,
isang lalaking manunulat, isang kasamahan ni Edgardo, at ang ninaalagaan ng
nars sa pagamutan. At pinahiram ng aklat ng isa ng nars na katham-buhay ning
nars.
o Evangeline – isang magandang babae, masipag, at hilig ang manilbihan sa
kapwa, at sumapi sa hukbo sa gubat para ipagtanggol ang bansa at ang mga
kasamahan sa hukbo at pagalingin ang may sugat na kasamahan, siya ang
kasintahan ni Edgardo at buntong anak ng pamilya, mahilig siya sa musika lalo
na sa piano at siya ang nars na ng alaga kay Nitang sa pagamutan. At
nagpahiram ng isang katham-buhay kay Nitang.
o Edgardo - matapang na Pilipino, may matiponong katawan, at tapat manilbihan
sa kapwa, at mahilig siyang sumali sa hukbo at dating tenyente ng isang
kompanya at ang masaklap ay di nakapasa sa Civil Service dahil sa kanyang
kalusugan at problema sa kanyang ilong. Disyembre 8, 1941 kusang loob siya ng
patala sa isang hukbo at nagpatakdang tenyente ng isang pangkat. Kalaaonan
ay maghahatid sana ng balita ngunit ito pala ang dahilan ng kanyang pagkasawi.

B.)
o Ospital – Dito na ospital at nagpagamot si Nitang mag-iisang linggo rin nanatili si
Nitang sa ospital na to ditto rin kung saan niya nakilala si Evangeline na kung
saan sa pagamutang iyon siya ng tatrabaho
o Bahay pamahalaa – Dito nilagay at dinala ang duguang bangkay ni Edgardo at
pumunta kaagad si Evangeline upang makibalita kung sino at sa doon naalis ang
kahihiyan ni Evangeline sa buong punong-bayan sa sinapit ni edgardo
o Gubat – Dito kung saan sumali si Evangeline sa hukbo upang labanan ang mga
Hapon at kung saan ng patalaga si Evangeline na maging isang manggamot sa
mga kasamahang sugatan.

C. Galaw ng Pangyayari

a.) Pangunahing pangyayari

 Nag kasakit si Nitang ng lagnat, nahihirapan na rin sa paghinga at matinding


pananakit ng ulo. Agad naman siyang iniasikaso ng isang Nars na para siyang
nakakita ng isang anghel na bumaba para alagaan siya. Mga mata’y niya ay
unting unting lumalabo. Makalipas ang ilang mga araw ay unti unti na siyang
gumagaling.

b.) Pagtaas ng pangyayari

 Nang may balitang dumating sa bayan nila Evangeline na may isang kasapi ng
isang hukbo ang napaslang ng mga kaaway at agad nag tungo si Evangeline
upang makibalita kung sino ang sundalong na paslang at nakita ni Evangeline
kasintahang niyang si Edgardo ang sundalong na patay ng mga Hapon, wala sa
isipin ni Evangeline ang kakahihiyan sa punong-bayan.

c.) Kasukdulan

 Umalis si Evangeline upang sumali sa hukbo at tulongan ang mga kasahang


may sugat naging isang tagapanggamot si Evangeline sa hukbo na nag tatago
sa kagubatan at nag-aantay ng tamang panahon para talunin ang mga kaaway
nag silbi si Evangeline sa hukbo, hanggang sa matapos ang labanan.

d.) Pababang aksyon

 Tapos na ang labanan at naka pag-pahinga na si Evangeline at tapos na ang


pagsisilbi niya sa hukbo naging masaya siya dahil sa nakatulong siya sa hukbo
marami siyang mga sugatang nagamot at nakauwi sa kanyang pamilya, naging
malungkot si Evangeline sa mga naging nangyari lalo na sa kanyang
kasintahang si Edgardo. At Napansin ng pamilya ni Evangeline na di siya
masaya.

e.) Wakas

 Ginawa nila ay ang bigay lahat ng hilig ni Evangeline lalo na sa musika at upang
maging masaya siya sa mga bagay bagay na gusto niya na binigay ng kanyang
ama, at lalo na ang pag sisilbi sa mga tao at sinupurtaan siya ng kanyang ama
na maging isang nars dahil sa gusto niyang mag silbi sa taong bayan.

IV. Taglay Na BIsa

 Ang napili naming uri ng bisang taglay ng maikling kwento ay “Bisang


Pandamdamin, tumutukoy ito sa naging epekto o pagbabagong naganap sa
iyong damdamin matapos mabasa ang akda.
Dahil ang kwentong ito ay tumutokoy sap ag babago ng ugali ng tauhan na nag
buklod sa kanya na sumali at tulungan ang mga kababayan laban sa mga
kaaway, at ang manilbihan sa kapwa tao. Dahil hindi siya ng atubiling tumulong
kagaya ng ginawa ng kanyang kasintahan.

V. Kamalayang Panlipunan

 Sa panahon natin ngayon marami paring mga kababayan nating handa mag-alay
nag oras, pasinya, at buhay para sa ating bayan. Gaya ng mga tao nasa ospital
ginagawa nila ang lahat magamot lang ang may sakit, umaga man o gabi sila’y
nan jan para tingnan kung maayos na ba ang pasyente. Sa mga sundalong
handang ialay ang buhay para sa inang bayan, mga bayaning lumalaban sa
kasamaan, terorista, at sa mga krminal kahit na malayo sila sa kanilang mga
pamilya ang gusto lang ay ang makapagsilbi sa bayan. Mga taong nag alay ng
panahon at oras para manilbihan sa kapwa tao.

VI. Teorya

 REALISMO - Layon nitong ipakita ang karanasan ng tao sa lipunan sa isang


makatotohanang pamamaraan.
 Dahil ang kwento ay pinakita kung ano ang dahilan kung bakit nanilbihan ang
tauhan sa kapwa tao at pag-kwento niya sa naging karanasan niya noong
sinakop pa ng mga dayohan ang ating bansa. At binahagi rin sa kwento ang pag-
ibig na ang dahil kung bakit nanilbihan bilang tagapaggamot ang tauhan.

You might also like