You are on page 1of 166

My Love From The Century

by maikitamahome

Si Ayesha Yana Darvin o mas kilala sa palayaw na Yana ay walang kamuwang-muwang na


napadpad sa lugar kung saan nakatira ang tanging kinikilala na lamang niyang kamag-
anakan na si Catherine.
Malayong kamag-anak na niya ito kung tutuusin ngunit sadyang madamot ang tadhana sa
kanya. Nagipit siya at walang mapupuntahan. Tanging pag-asa niya na lamang ay ang
kanyang ate Catherine.
Sa pagtuntong niya sa lugar na iyon. Kakayanin din kaya niyang tanggapin ang mga
natatagong sekreto sa lugar na iyon? Kakayanin niya kaya ang lahat kung sakali mang
magtagpo na ang landas nilang dalawa ng kanyang iniirog. Maging hadlang kaya ang
nakaraan tungo sa kasalukuyan?
Tunghayan niyo pong muli ang aking bagong akda at hayaan niyo muling kayo ay dalhin
ko sa kasaysayan ng mga nilalang na halang sa dugo ng tao.

=================

INTRODUCTION

INTRODUCTION

Fairies,

A little reminder.

*This is Rated-18 pero hindi ko pinipigil ang magbasa ang mga below 18.

*Way of writing, First person o Monologue at kunting makata na pinagsama ang modern
ways of writing.

*SPG, ang mga eksenang ito ay lihetimo kung ginawang pribado upang hindi baguhin ng
Wattpad ang mga kaukulang inilahad ko.

*Maaari lamang makita ang nawawalang kabanata sa pamamagitan ng pagfollow sa


author.

*Maaga lang ang posting ngunit sa susunod na taon pa po ito. Salamat sa pang unawa.

*Ang mga nilalaman nito ay pawang kathang isip lamang, kung may nabanggit mang mga
eksenang naihalintulad sa realidad, ito ay hindi sinasadya at pawang hindi
katotohanan.

*Kung sakali mang hindi niyo nagustuhan, wag niyo nalang pong ituloy ang pagbabasa
at wag niyong basagin ang saltik ng utak ko. XD
Salamat sa pag-unawa,

Maikitamahome/Miaki

To Ms. Dianne Darvin o Yana Darvin,

Maraming salamat sa paghintulot na gamitin ko mismo ang pangalan mo be. Mahal kita.
XD

To Ansherina Lirpa babe,

Salamat sa walang sawang pagmamahal sa akin at para narin sa ginawa mong Book Cover
na ito. Mahal kita babe. Salamat.

To Fairies,

Enjoy mga bebe/anak ko. XD

Special THANKS to,

Ansherina Lirpa and Bebe Krystal.

Posted: October 10, 2015

=================

PANIMULA

PANIMULA

Sa ikalaliman ng aking pagtulog ay nagmulat ako ng aking mga mata. Napabangon ako
mula sa pagkakahiga ko sa tuyong dayame at dahan-dahan akong napababa sa animo'y
sementong altar.

Sinipat ko ang aking sarili at laking pagkamangha ko dahil mamahaling tela ang
saplot na tumatakip sa aking katawan. Puting bestida ito ngunit nagmumukha itong
pangkasiyahang kasuotan. Masarap at malambot sa katawan. Magaan din itong dalhin.

Ngunit iba ang pumukaw sa aking atensyon at napalinga sa aking paligid. Nasa loob
ako ng isang lumang bulwagan. Ngunit nakapagtataka dahil ako lamang ang mag-isa sa
nakakatakot na lugar na ito.
Isang hakbang sa hagdan ay siyang pagpalid ng buhok ko dahil sa haplos ng hangin sa
akin.

Isang hakbang pa pababa ay siyang pagsindi ng mga lampara sa paligid ko.

Bahagya akong natigilan. Samu't saring emosyon ang nararamdaman ko ngayon.


Naghahalong kaba, takot at pangamba ang nananaig sa akin. Sa pagkurap ng aking mga
mata ay siyang paglitaw ng isang bulto ng katawan. Hindi ko maaninag ang mukha nito
ngunit alam kong lalaki ito. Nakasuot ito ng itim na tuksedo.

"...Alyana" Anito kasabay ng paglahad nito ng kanyang kamay.

Hindi Alyana ang pangalan ko ngunit bakit parang pakiramdam ko'y ako ang babaeng
iyon.

Nagsitayuan ang mga balahibo ko ngunit daig ko pa ang nahipnotismo. Humakbang akong
muli pababa. Mabigat ang aking hakbang habang lumalapit sa kinatatayuan nito.

Wala sa sarili kong iniabot ang aking kanang kamay sa nakalahad nitong palad.
Maingat na dumantay sa aking baywang ang isang palad nito at hinapit ako ng husto.

Isinayaw nito ako kahit na walang musika. Hindi ko alam kung bakit ganito ang aking
pakiramdam. Parang matagal ko na siyang kilala at parang ang laki ng puwang niya
dito sa puso ko.

Habang isinasayaw nito ako'y napagawi ang aking paningin sa likuran nito. May
malaking salamin na nakalagay sa likuran namin. Napakunot ako ng aking noo at
natigilan. Iba ang replika ang nakikita ko sa salamin. Kulay gintong mapusyaw ang
aking buhok sa salamin gayong kulay itim naman talaga ito.

Bahagya ding tumaas ang mga kuko ko sa aking mga kamay. Mas lalo ko pang ikinagulat
ang kulay ng aking mga mata. Nag-aalab na kulay pula ito.

Kumalas ako sa pagkakahapit nito sa akin at napatanga sa harapan ng salamin. Bakit


ganito ang itsura ko?

Napasinghap ako sa biglaang pagpulupot ng braso nito sa akin. Hinawi nito ang aking
buhok dahilan para lumantad sa kanya ang aking leeg. Sa isang kurap lang ay
nakabaon na ang mga pangil nito sa aking leeg. Kitang-kita ko sa salamin kung paano
umagos ang malapot kong dugo sa aking leeg.

Pakiramdam ko'y hinihigop nito ang aking lakas, maging ang aking pandama ay naging
walang silbi.

Sa pagbitaw nito sa akin ay siya ring pagbagsak ko sa sahig. Maging ang salaming
nasa harapan ko ay nabasag. Sa biak ng salaming nagkalat sa paligid ko'y nakita ko
ang mga mata nitong nag-aalab na kulay pula. Pakiramdam ko'y parang katapusan ko na
sa mundo.

"...Ayesha.." Huling sambit nito bago ako tuluyang malagutan ng hininga.

=================

MLFTC-1

MLFTC-1

Delay updates! XD Enjoy!

*****

"Yana!" Napalundag ako sa tindi ng gulat.

Ngalingali kong nahampas si Jeorgie sa kanyang balikat at hinila ang ilang hibla ng
kanyang buhok.

"Gaga ka ba!? Gusto mo akong mamatay ng maaga!?" Napanguso naman ito at napakamot
sa kanyang ulo.

"Palagi mo kasing tinititigan ang larawang iyan sa tuwing napapagawi tayo rito sa
silid-aklatan." Napaismid ako.

"Nakapagtataka lang kasi dahil may kakaiba akong nakikita sa nakapintang larawan na
ito." Imbes na sagutin ako'y inirapan niya lamang ako.

"Ewan ko sa iyo!" Padabog pa itong umalis sa tabi ko.

Wala akong nagawa kundi ang magkibit-balikat at muling napatitig sa larawang nasa
harapan ko. Ewan ko ba pero iyon talaga ang nakikita kong eksena sa larawang ito.
Pakiramdam ko'y bahagi ako ng larawan. Nakakabaliw mang isipin ngunit simula nang
tumuntong ako ng dise-otso'y sa tuwing napapatitig ako sa larawang ito, ang sarili
ko mismo ang nakikita kong nakatayo sa harapan ng salamin na nakapinta sa larawan.
Napabuga ako ng hangin at pinilig ko ang aking ulo. Masiyado na yata akong praning
at kung anu-ano na ang aking nakikita. Ngunit hindi ko pa rin maitatanggi sa aking
sarili ang katotohanang sa mga mata ko'y buhay na buhay ang larawang nakapinta.
Tinitigan kong mabuti ang larawan at pilit na inaaninag ng aking mga mata ang
pangalan ng pintor.

"Ma...Matt---" Sambit ko na ngunit napaurong ako dahil sa biglaang paghatak sa akin


ni Jeorgie.
"Nakakainis ka na talaga Yana! Ang hirap talaga tanggalin ng prisensya mo sa
larawang iyon! Palagi nalang!" Talak nito sa akin at tanging pagkamot sa aking
sintido lamang ang nagawa ko.

Aminado ako, natatagalan kami sa aming mga gawain dahil sa biglaan kong paghinto
para lamang titigan ang larawang iyon.

"Patawad Jeorgie..." Paumanhin ko ngunit tanging irap lang ang itinugon niya.

Bumigat ang aking paghinga. Paniguradong magpapasuyo na naman ito sa akin at


talagang mahihirapan na naman ako nito.

"Matatanggalan tayo ng trabaho nito Yana kapag ipinagpatuloy mo pa iyan! Ilang taon
na ba? Dalawang taon na! Diyos ko naman Yana!" Talak niyang muli habang pababa kami
ng hagdan. Nanatili akong walang imik sa naging mgapatutsada niya.

Wala talaga ako sa aking sarili ngayong araw na ito. Hindi lang ngayon yata, kundi
araw-araw matapos kong titigan iyong nakapintang larawan ay talagang nawawala ako
sa aking sarili. Wari'y ang lawak ng imahinasyon ko dahil damang-dama ko pa ang
bawat nangyayari sa loob ng larawan. \

"Ayesha Yana!? Nakikinig ka ba ha?" Bumaling ako sa kanya.

"Oo na..." Tipid ko lamang na sagot at nagpatiuna na sa pagbaba.

Diretso ako agad sa ikalawang palapag at tinungo ang bodega na pinaglalagakan ng


mga gamit sa paglilinis. Dalawang taon na akong nagtatrabaho dito sa pribadong
iskuwelahan ng St. Mary's College bilang isang portero o dyanitor. Mababa man ang
antas ngunit ikinararangal ko ang trabahong ito. Muli akong humugot ng malalim na
hininga at agad na dinampot ang walis ting-ting at ang mga basahan para pamunas sa
salamin. Ngunit bago ko pa man madampot lahat ay may umihip na pinong hangin sa
batok ko. Natigilan ako at nagsitayuan ang aking mga balahibo sa katawan.
Nanginginig ang mga tuhod ko at pakiramdam ko'y nanigas ang buo kong katawan.
Pinagpapawisan ang mga palad ko, maging ang tungki ng aking ilong, pati na ang
buong mukha ko. Panay kabog din ang aking dibdib. Sa lakas nito'y parang
nakakabingi. Napakurap pa ako ng maraming beses at buong tapang na napahugot ng
malalim na hininga. 'Wala iyan Yana.' Sa isipan ko. Ngunit nang bumaling ako sa
aking likuran ay biglang sumirado ang pinto. Napatili ako sa sobrang takot. Agad
akong kumilos at nagkukumahog na lumapit sa dingding para kapain ang ilaw ngunit
bago ko pa man ito mahawakan ay naramdaman ko nalang ang biglang paghawak sa aking
kanang kamay. Maging ang isa pa nitong kamay ay ramdam kong nakahapit sa aking
manipis na bewang. Natigilan ako at tila nalunok ang aking dila dahil hindi ko man
lang nagawang sumigaw o humingi ng tulong. Madalim man ngunit damang-dama ko ang
bawat haplos nito sa akin, dahilan upang magkagulo ang sistema ng aking katawan.
Damang-dama ko ang hininga nito sa aking leeg, maging ang marahang paghagod ng
kamay nito sa aking likuran. Kabaliwan man ito kung tutuusin ngunit hindi ko alam
kung bakit takot ko'y lumisan bigla. Sa isang pagsinghap ko'y sakop na nito ang
aking labi. Dampi lang ito ngunit pakiramdam ko'y buong katawan ko ang nakadadama
ng halik niyang iyon. Napasinghap akong muli at sa isang galaw ko lang ay bigla na
lamang itong nawala sa harapan ko at napalitan ng matinding lamig ang buong silid.
Bumilis lalo ang tibok ng puso ko at muling nanaig ang matinding takot sa akin.
Mabilis kong pinihit ang seradora at napatakbo palabas. Sa pagmamadali ko'y
nabangga ko pa si Jeorgie.

"Hoy Yana! Ayos ka lang ba? Namumutla ka ah? Tagaktak pa ang pawis mo." Anito.

Kay bigat ng aking paghinga at panay ang paghabol ko rito.

"M-may...s-sa...." Tanging naisambit ko at tuluyan akong nawalan ng malay.

=================

MLFTC-2

MLFTC-2

*****

Pakurap-kurap pa ako bago ko tuluyang idinilat ang mga mata ko. Iginiya ko pa ang
aking paningin at mukhang nasa klinika ako ng eskwelahan.

"Salamat naman at nagising ka rin, pinag-alala mo 'ko ng husto." Ani Jeorgie habang
nakapamewang sa aking harapan. Tipid akong ngumiti. Naupo naman ito sa may paanan
ko at bahagyang pinisil ang aking kanang braso.

"Ano ba talaga ang nangyari sa iyo, Yana?" Napahugot ako ng malalim na hininga at
napabangon.

Inalalayan naman niya akong makaupo ng maayos. Nahilot ko ang aking sinitido at
mariing napakapit ang aking kaliwang kamay sa kama. Nagdadalawang-isip ako kung
sasagutin ko ba siya o hindi. "Oy Yana..." Pukaw nito sa akin. Nag-angat ako ng
aking ulo.

"Sa bodega..." Panimula ko at bahagyang napalunok dahil sa nanunuyot kong


lalamunan.

"O? Ano naman meron doon?" Halata sa mukha nito ang pagkabitin.

"Kas---aray!" Daing ko at napahimas sa aking balikat na hinampas nito.

"Dami mo pang arte, dali na!" Napaismid ako.

"May multo sa bodega..."


"Ha? Huwag ka nga magbiro riyan. Ni kahit katiting na ganyang tsismis ay wala pa
akong narinig na ganyan dito sa lugar na ito Yana." Aniya. Malalim akong napahugot
ng hininga.

"Kung ganoon ay ano iyong nangyari sa akin sa bodega? Alam mo bang hinalikan pa ako
ng multong 'yon!" Nandidiri ko pang dagdag. Napahagalpak naman nang tawa itong si
Jeorgie.

"Wow? Nanghahalik na pala ang mga multo ngayon?" Para na siyang mamamatay sa
katatawa at napapahawak pa sa tiyan niya. Tinulak ko siya sa sobrang pagkasuya
kaya't napatigil ito sa pagtawa.

"Patawad naman..." Aniya at umayos sa pag-upo.

"Hindi kasi kapani-paniwala iyang kuwento mo Yana. At saka, baka masesante tayo
dahil diyan sa kuwento mo. Alam mo namang bawal 'yan dito." Aniya.

Napakamot ako sa aking ulo. Oo nga naman, masiyadong napakarelihiyoso ng


eskwelahang ito at imposible nga talagang multo iyon. Sa tagal ko nang naninilbihan
dito ay ngayon lang naman iyon nangyari sa akin. Nakapagtataka talaga!

"Oy..." Pukaw ni Jeorgie sa akin.

"O? Oo na, baka nalipasan lang ako ng gutom. Kape lang kasi ang naging tanghalian
ko kanina." Sagot ko na lamang.

Ayaw ko na ang ipilit pa ang nangyari sa akin kanina sa bodega. Magmumukha lamang
akong katawa-tawa kapag ipinilit ko pa.

"Mabuti pa nga't magmeryenda muna tayo. Halika na." Gayak pa nito sa akin. Bumaba
na ako sa kama at tinungo ang opisina ni Doktora upang magpasalamat. Matapos ay
lumabas na ako ng klinika. Naabutan ko si Jeorgie na kinakausap ang ibang dyanitor.

"Jeorgie..." Tawag ko rito. Agad namang siyang lumapit sa akin at iniingkis ang
kanyang braso sa akin.

"Ano na naman ang pinagsasabi mo doon sa iba?" Usisa ko.

"Nako, iyon ba? Siniguro ko lang talaga na walang nakakita sa iyo nang mahimatay
ka. Baka kasi mang-usisa na naman ang mga iyon." Paliwanag niya. Kinurot ko ang
pisngi nito.

"Bait talaga nito..." Ani ko.


Ngumuso lang siya at kinabig na ako papunta sa kantina. Habang abala si Jeorgie sa
pagbili ay hindi ko maiwasang mapasulyap sa palapag kung saan naroon ang bodega.
Namamalikmata nga lang siguro ako ng mga oras na iyon. Sa pagpaling ko paharap ay
may nabunggo ako. Muntik pa akong matumba ngunit wala man lang akong nakuhang
paumanhin mula sa nakabunggo sa akin. Nang mag-angat ako ng aking ulo ay laking
pagtataka ko't wala namang taong nagawi sa puwesto ko. Napalunok ako at tila
kumakabog na naman nang mabilis ang aking puso.

"Hoy!" Napaatras ako ng hakbang.

"Jeorgie..." Tanging naisambit ko. May bitbit na itong pagkain at bakas sa mukha
nito ang pagtataka sa akin.

"Ayos ka lang ba?" Anito.

"Ha? O-oo naman..." Nag-aalangan ko pang sagot.

"Sige." Sang-ayon din naman nito at umuna na sa paglakad papunta sa paboritong


puwesto namin.

Napabuga ako ng hangin. Ano ba talaga ang nabangga ko kanina? Multo? Ngunit wala
namang kakayahan ang mga nilalang na iyon na mahawakan ang mga bagay dito sa mundo.
Kinikilabutan na ako sa aking mga kuro-kuro.

"Yana!" Tawag pa sa akin ni Jeorgie at may kasama pa itong pagsenyas sa akin.

Lumaki ang pulgada ng bawat hakbang ko upang mabilis akong makalapit sa puwesto
niya. Nang umabot ako'y naupo ako sa tabi nito at nagsimula nang kumain.

"Balisa ka yata, Yana." Bigla ani niya.

"Dala lang ito ng pagod Jeorgie." Sagot ko.

"Pagod ka nga ba talaga o sadyang inaalala mo pa rin ang iyong amain." Natigilan
ako sa pagsubo at sinulyapan siya ng kaunti.

Bumalik sa akin ang matinding lungkot. Mag-aasawang muli ang aking amain at sa
susunod na linggo na darating ang bagong pamilya nito.

"Nahihirapan pa rin akong tanggapin ang katotohanang may bagong pamilya na ang
itay, Jeorgie." Wika ko at pinahiran ang nangingilid kong mga luha sa mata.
Naramdaman ko ang paglapat ng palad niya sa aking likuran at ang marahang paghagod
nito.
"Paano ka na niyan Yana? Siguradong problema iyan para sa iyo. Ang balita ko pa
nga'y mga sutil daw ang mga anak ng magiging madrasta mo." Ani Jeorgie na
ikinatango ko rin naman.

Hindi naman lingid sa aking kaalaman ang ugali ng mga anak ng madrasta ko. Kahit
hindi ko pa man nakikilala ng personal ang mga ito'y marami ng tsismis ang
nakarating sa akin. Ika nga nila'y may pakpak ang balita.

"Mapipilitan akong bumukod Jeorgie. Ayaw ko rin naman ng gulo kaya hangga't maaari
ay ako ang iiwas." Wika kong muli at mapait na napangiti.

"Tutulungan kitang makahanap ng bagong mauupahan Yana." Ani Jeorgie.

Nginitian ko lamang siya at tahimik na kaming kumain muling aming meryenda. Masaya
ako't may kaibigan pa rin akong makakapitan. Simula elementarya ay kaibigan ko na
si Jeorgie. Kahit na minsan ay kalog ito ngunit lagi ko namang maaasahan sa
maraming bagay. Sana nga lang ay huwag masamain ng aking amain ang desisyon kong
bumukod.

=================

MLFTC-3

MLFTC-3

Mattheaus read as Ma-ta-yos

#MattyeshaKeayana

Zoldic Legacy ( Knights Series)

****

"Una na ako, Yana." Paalam ni Jeorgie sa akin at lumakad na sa kabilang daan.

Ako nama'y kumaway lang sa kanya at lumakad na rin sa kabilang daan. Nilalakad ko
na lamang pauwi upang makatipid ako sa pamasahe. Hindi rin naman kalayuan ang
unibersidad sa aming baranggay. Isa't kalahating oras din ang aking nilakad bago
ako makarating sa bahay namin. Laking gulat ko na ang sumalubong sa akin ay ang
nagliliparan kong mga gamit. Nakita ko pang lumabas ang itay at inaawat ang bagong
asawa nito.

"Lusing naman! Anak ko pa rin naman si Yana, pakiusap!" Rinig kong sumamu ng itay
habang dinadampot ang aking mga damit na nakakalat sa lupa.

"Hindi mo anak ang batang iyan! Mamili ka Berting! Ako o ang iyang ampon mo!"
Bulyaw nito at malakas pang binalibag ang pinto naming gawa sa ratan.

Naningkit ang aking mga mata at nagkusa ang aking katawan na kumilos. Dinampot ko
ang aking mga damit at maluha-luhang isinilid ito sa malaking bayong. Natigilan ang
itay at napalingon sa akin. Mapait akong napangiti.

"Tay, ayos lang ako." Agad kong wika rito. Alam kong nag-aalala ito sa akin.

"Anak, patawarin mo ako." Naluluha nitong ani at agad akong niyakap. Tuluyang
bumagsak ang aking mga luha at niyakap ko ito pabalik.

"Hindi ko kayang mamili anak. Mahal kita, kahit 'di man kita kadugo." Gumaralgal
ang boses nito dahil sa pag-iyak. Kumalas ako nang yakap.

"Tay, maging ako ay ganoon din. Ngunit alam kong mahal niyo siya at isa pa,
nagdesisyon na rin ho akong bumukod kaya huwag na ho kayong mamili sa amin." Ani
ko.

"Pero Yana..." Nailing ako.

"Susulat at dadalaw ho ako sa inyo itay, kung iyan ang inaalala ninyo. Kaya ko na
po ang sarili ko." Paniniguro ko pa. Wala itong nagawa kundi ang yakapin na lamang
ako. Kakayanin ko ito! Kumalas kami ng yakap sa isa't isa at dinampot na ang
natitira ko pang mga gamit. Nang maisilid ko na lahat sa malaking bayong ay
nagpaalam na ako kay itay. Masakit man sa akin na mawawalay ako sa kanya ngunit mas
masakit sa akin ang maging hadlang sa kasiyahan nito.

"Itay, mauna na ho ako." Paalam ko.

"Sandali lang anak..." Anito at mabilis na pumasok sa loob ng bahay.

Ilang minuto lang ay bumalik din naman ito agad. May dala ito maliit na kahon at
isang sobre.

"Bago pumanaw ang iyong ina, ibinilin niya sa akin na ibigay ko raw ang mga ito sa
iyo."Aniya.
Tango at mapait na ngiti ang naitugon ko bago ko tuluyang kinuha ang kahon at
sobre.

"Anak, may kaunting pera akong isinilid sa kahon. Gamitin mo." Dagdag nito.

"Pero tay..." Protesta ko ngunit umiling ito.

"Lakad na at baka mahuli ka pa ni Lucing. Dali na anak. Susulat ka at dadalaw ha.


Ipangako mo sana. Mag-iingat ka." Anito at mabilis na pumasok sa loob ng bahay.

Wala akong nagawa kundi ang itikom ang aking bibig na kanina lang ay nakaawang para
sana awatin ito.

Pinahiran ko ang aking basang pisngi at malungkot na sinulyapang muli ang bahay
namin. Siguro nga'y hindi ako nararapat sa lugar na ito. Ngunit lubos pa rin akong
nagpapasalamat sa aking amain dahil kinupkop niya kami ng aking ina. Tinanggap niya
ako bilang tunay niyang anak at tinatanaw ko iyon bilang malaking utang na loob sa
kanya. Ngayong may bago na siyang pamilyang kinakasama, ako na ang magpaparaya.
Kahit sa ganito man lang ay masuklian ko ang kabutihan nito sa amin ni ina.

Mapait akong ngumiti at lumakad na palayo sa bahay namin. Hindi ko alam kung saan
ako dinala ng aking mga paa. Namalayan ko na lamang ang aking sarili na kumakatok
sa pinto ng bahay ng aking kaibigang si Jeorgie.

"Diyos ko Yana!" Sambit nito nang makita ako at agad na giniya papasok sa kanilang
bahay.

"Ano ba ang nangyari?" Tanong niya nang makaupo ako. Muling umagos ang aking mga
luha sa mata.

"Pinalayas ako ni tiya Lucing. Ang akala ko'y sa susunod na linggo pa sila lilipat,
mukhang napaaga yata." Sagot ko at panay pahid sa aking pisngi. Hinagod niya ang
aking braso.

"Nakakainis talaga ha! Akala mo naman kung sino siya! Ano naman ginawa ni tiyo
Berting? Hindi ka man lang ba niya ipinagtanggol!?" Malungkot akong napayuko.

"Nahihirapan siyang mamili sa amin Jeorgie pero alam ko naman na mas matimbang ang
madrasta ko, kaya ako na mismo ang nagkusang lumayo at huwag na magpumilit pa.
Gusto ko rin namang maging masaya ang itay." Sagot ko.

Narinig ko ang malalim niyang pagbuntong-hininga at napatayo. Bahagya itong kumuha


ng tubig para sa akin. Inabot ko rin naman ito pagkabigay niya at nilagok lahat ng
laman ng baso. Tuyong-tuyo na ang aking lalamunan dahil sa walang humpay kong pag-
iyak.
"Tahan na Yana. Dumito ka munapansamantala habang wala ka pang malilipatan. Wala
rin naman kasi dito ang ama at ina. Umuwi sila ng probinsya kaya't ayos lang na
dumito ka muna." Ani Jeorgie.

Tanging tango lang ang naitugon ko. Kinuha na niya ang aking mga gamit at ipinasok
sa kuwarto niya.

"Ayos lang ba kung magtabi tayo?" Napatawa ako ng kaunti.

"Oo naman. Aarte pa ba ako? Salamat talaga sa pagkupkop dito sa akin Jeorgie."
Tumayo ako at niyakap siya.

"Wala iyon, Yana. Natutuwa nga ako't sa akin mo naisipang lumapit. Isa pa, ako lang
naman mag-isa rito kaya ayos lang." Kumalas ako ng yakap sa kanya at matamis na
ngumiti rito.

"Magpalit ka na. Tamang-tama dahil katatapos ko lang magluto ng hapunan. Saluhan mo


na ako." Nakangiting wika nito at tinungo na ang kusina.

Ang suwerte ko nga naman at may kaibigan akong kagaya niya.

*****The Knight In The Dark (Book One of Knight Series) - For the first time ay
nag-number one siya sa what's hot ranking on vampire genre and still on hot list pa
rin.

Lubos akong nagpapasalamat sa inyong lahat. XD

Makita ko lang na may soft copies ang mga gawa ko? I will asure you guys, I will
unpublish my books. Pakalat-kalat pa naman ako sa mga wattpad groups. Kaya
makuntento sa libre at huwag tangkilin ang pirated copy. At ikaw na magnanakaw,
talagang pasisikatin kita! Kapag nahuli kita. XD

=================

MLFTC-4

MLFTC-4

Pakiusap ko lang, magbasa ng author's note kahit nakakaepal sa pagbabasa niyo. Kasi
iyong mga tanong ninyo ay masasagot lahat sa author's note. Napaghahalataang hindi
nagbabasa ang ilan sa inyo kaya hindi tayo nagkakaintindihan. Minsan lang ako
umepal kaya tiyagaan niyo na. Lols! XD

*****

Pumasok na ako sa kuwarto niya at nagpalit na ng damit. Matapos kong mag-ayos ay


sumunod na ako sa kusina. Katatapos lang ni Jeorgie na maghain kaya't naupo nalang
ako. Tumabi naman ito sa akin at pinagsilbihan pa ako.

"Jeorgie naman, kaya ko na ito." Protesta ko.

"Ito naman, bisita kaya kita kaya ayos lang 'yan." Dipensa nito.

"Ikaw talaga..." Nasabi ko na lamang.

Bigla naman nitong nasagi ang sandok, dahilan para ito'y mahulog. Nagkataon naman
malapit ito sa akin kaya ako na mismo ang yumuko sa ilalim ng mesa upang abutin
ito. Ngunit natigilan ako, laking gulat ko nang makita ang isang taong nakatayo sa
may pinto. Nang lumakad ito palapit, sa gulat ko'y nauntog ako sa mesa.

"Hala? Yana!" Narinig ko pang sambit ni Jeorgie at agad akong inalalayang makaupo.

"Ayos ka lang ba?" Wala akong naisagot sa kanya dahil nanatiling nakatuon ang aking
utak sa aking nakita kanina lang.

"Yana!" Pukaw nito sa akin.

"Ha? Ano...pasensya na." Paumanhin ko pa.

"May masakit ba sa iyo?" Nailing ako at inilapag ang sandok sa mesa.

"Kain na tayo." Yaya ko pa at pilit na pinasisigla ang aking sarili upang hindi ito
makahalatang balisa ako.

"Sige..." Sang-ayon nito at nagsimula nang kumain.

*****

Pagkatapos ng hapunan ay maagang nahiga si Jeorgie sa kama. Ako naman ay hindi pa


madalaw-dalaw ng antok kaya't nanatili lamang akong naupo sa tabi ni Jeorgie.
Napabuga ako ng hangin at bahagyang sinulyapan ang mahimbing na natutulog kong
kaibigan. Nagdadalawang-isip ako kung sasabihin ko ba sa kanya ang nakita ko ng
kami ay maghapunan. Ngunit alam ko, pagtatawanan niya lang ako at hindi
paniniwalaan. Niyakap ko ang aking sarili. Hanggang ngayon ay narito pa rin ang
matinding kaba sa aking dibdib. Kalahati lang ng katawan nito ang nakita ko kanina
ngunit alam kong siya iyon. Iyong lalaking humalik sa akin no'ng ako'y nasa loob ng
bodega.

Natampal ko ang aking noo. Imposible talang multo ang humalik sa akin pero paano ko
naman ipapaliwanag iyon ng malinaw gayong hindi naman talaga iyon kapani-paniwala.
Ang nakapagtataka lang ay bakit ngayon lang ito nangyayari sa akin. Puno man ng
kaba at takot itong kaloob-looban ko, pero may parte rito ang nag-uutos sa akin
upang bumuo ng isang malaking kuryursidad.

Napahugot ako ng malalim na hininga at kinuha ang kahon, maging ang sobreng kasama
nito. Nakasulat sa likod ng sobre ang aking pangalan at mukhang hindi pa nga ito
nabubuksan ng itay dahil nakasilyado pa ito. Pinunit ko ang dulo ng sobre at kinuha
ang laman nitong papel. Nanginginig pa ang aking mga kamay habang binubuklat ang
nakatuping papel.

Nang mabuksan ko ito'y nagsimula nang tumulo ang aking mga luha sa mata.

Mahal kong Ayesha,

Anak, alam ko, marami akong pagkukulang sa iyo ngunit labis pa rin akong
nagpapasalamat dahil naging mabuti kang anak sa akin. Ayesha, alam kong
nangungulila ka sa akin ngunit ito ang tandaan mo anak, lagi akong nasa iyong tabi.
Alam ko, sa oras na binabasa mo ito'y wala na ako at alam kong hindi iyon madali
para sa iyo. Ayesha, sa oras na kailangan mo ng tulong, iyong tipong wala ka ng
malalapitan ay hanapin mo ang malayo nating kamag-anak na si Nely. Kasama sa sulat
kong ito ang larawan niya anak. Pakiusap ko sana sa iyo na sana'y huwag kang mahiya
na lumapit sa kanya sa oras ng kagipitan anak. Mahal na mahal kita, Ayesha Yana.

Nagmamahal, Mathilda.

Nang mabasa ko ang sulat ay mapait akong napangiti. Kahit wala na ito'y kapakanan
ko pa rin ang iniisip niya. Itinabi ko ang sulat at muling inusisa ang laman ng
sobre. Gaya nga ng sabi sa sulat ni ina ay may larawan nga itong kasama.

Pinagmasdan ko itong mabuti. Napakaganda lang ng aking tiyahin. Tiningnan ko ang


likod nito at may nakasulat kung saan nakatira ang tiyang Nely.

"1994..." Naisambit ko.

Hindi ko alam kung taon ba ito no'ng huli silang magkita. Kay tagal na pala nito at
mahigit dalawapu't dalawang taon na pala ang lumipas.

"Buhay ka pa kaya tiyang..."

Naibulong ko sa kawalan.
Nagdadalawang-isip akong hanapin siya dahil hindi naman ako sigurado kung buhay pa
ba siya pero sa sulat ni ina ay mukhang sigurado siyang matutulungan ako ng aking
tiyahin. Mariin akong napapikit at niligpit ang sulat, maging ang larawan ni tiyang
Nely. Kinuha ko naman ang kahon at binuksan ito. May kasama pa itong maliit na
papel at ang nakalagay dito ay maligayang kaarawan Yana. Galing ito kay ina. Muling
naglandas sa mukha ko ang butil ng mga luha sa aking mga mata. Hindi niya
nakalimutan ang kaarawan ko. Talagang pinaghandaan niya pa ito. Masuyo kong
hinaplos ang isang mamahaling bestida na kulay pula. Iniangat ko ito at talagang
walang pagsidlan ng tuwa ang aking nadarama. Kay ganda ng damit na ibinigay ng ina
sa akin. Halatang iningatan niya ito ng husto dahil animo'y bago pa itong bili,
dahil na rin sa amoy nito. Kinuha ko ang damit at napatayo. Inilapat ko ito sa
aking katawan at talagang kasyang-kasya ito sa akin kahit hindi ko pa man nasusuot.
Kaya lang ay parang masiyado itong magara, para bang dadalo ako sa isang piging.

Napalabi ako't ibinalik muli sa loob ng kahon ang damit. Kinuha ko ang perang
nakarolyo. Ito marahil ang tinutukoy ng itay kanina. Mapait akong napangiti.
Mangungulila ako sa kanya ng lubos nito ngunit alam kong may mag-aalaga naman sa
kanya kaya mapapanatag na ako. Iniligpit ko na ang mga gamit ko at muling isinilid
sa loob ng malaking bayong. Matapos ay nagdasal muna ako bago tuluyang nahiga sa
tabi ni Jeorgie.

=================

MLFTC-5

MLFTC-5

Follow me for you guys to read the missing parts dahil naka-private, para walang
aberya.

Salamat.

*****

Sa kalagitnaan ng gabi ay bigla na lamang akong naalimpungatan at napakurap ng


aking mga mata ngunit agad din naman akong natulog muli. Ang akala ko'y tuluyan na
akong makakatulog ngunit natigilan ako.

Malamig na hangin ang dumampi sa aking balat. Napabiling ako sa kanan at pinilit na
makatulog muli.

"Yana..." Bulong sa aking punong tainga.

Sa takot at pagkabigla ko'y napadilat ako at napabangon. Wari'y parang nasa karera
ako dahil sa lakas nang pintig ng aking puso; idagdag mo pa ang biglaang pamamawis
ko ng malamig.
Sa sobrang kaba at takot ko'y napalabas ako ng kuwarto upang magtungo sa kusina
para makainom ng tubig. Panay ang pagtahip ng aking dibdib. Tinungo ko ang lababo
at wala sa sariling napahilamos ng mukha.

"Ano ba Yana!" Mariin kong sita sa aking sarili.

Mariin akong napakapit sa dulo ng lababo. Panaginip ba iyon o imahinasyon ko lang?

"Yana naman..." Usal ko.

Pakiramdam ko talagang may bumulong sa akin. Pinilig ko ang aking ulo at bahagyang
napahimas sa batok ko.

"Wala iyon Yana..." Kastigo ko sa aking sarili.

Inilagay ko na ang baso sa lababo at muling bumalik sa kuwarto ni Jeorgie. Nahiga


akong muli sa tabi niya at kinumutan ito. 'Diyos ko, sana'y matigil na itong mga
kakaibang nangyayari sa akin.' Nasabi ko sa aking utak bago ako tuluyang hinila ng
antok.

*****

Kinabukasan nang magdilat ako'y wala na si Jeorgie sa aking tabi at tanging maliit
na papel lamang ang naiwan. Kinuha ko ito at binasa gamit ang aking mga mata.

'Yana,

Umalis ako ng maaga dahil may sakit si Alona. Iyong nakabantay sa kantina, siguro
naman ay kilala mo iyon. Nakapagluto na ako ng agahan mo, maging ang baon mo. Ingat
ka riyan ha. Iyong susi ay nasa altar. Magkita na lamang tayo rito sa unibersidad.'

Jeorgie.

Napangiti ako. Kahit kailan talaga ay napakamaalaga nito sa akin. Bumaba na ako sa
kama at niligpit ang pinaghigaan ko. Nag-ayos muna ako ng aking sarili bago
tuluyang lumabas ng kuwarto. Mabuti nalang at may sariling banyo itong si Jeorgie
kaya hindi nakakahiyang pumarada sa bahay nila ng nakatapi lang. Tinungo ko agad
ang kusina at talagang nakahanda na nga ang agahan ko.

Agad din naman akong naupo at kumain na; matapos ay agad ko rin namang nilisan ang
bahay nila upang makapasok na sa trabaho. Siniguro ko pang nakakandado lahat ng
bintanda at pinto para iwas na rin sa mga masasamang loob. Mabilis akong nagtawag
ng traysikel at agad din naman itong pinasibad ni manong.

Pagkarating ko sa unibersidad ay napakunot ako ng aking noo. Sa tarangkahan pa lang


ay sinalubong na ako ni Jeorgie. Bakas sa mukha nito ang matinding pagkabahala at
'di ko mawari kung bakit.

"Oy Jeorgie!" Sita ko rito. Para kasing hindi niya man lang ako napansin.

"Diyos ko Yana!" Ngawa nito at agad akong niyakap.

Nagsalubong ang dalawa kong kilay at kumalas sa yakap nito.

"Ayos ka lang ba? Ano ba ang nangyayari sa iyo?" Nag-aalala kong tanong. Nagsimula
na itong maiyak at mas labis ko iyong ikinabahala.

"Jeorgie naman..." Alo ko rito.

"Kasi...pinawatag ako kanina sa opisina ng punong guro...tapos ano...Yana!" Aniya


sa pagitan ng kanyang pag-iyak at muling napayakap sa akin.

Hinagod ko ang likod nito.

"Ang gulo mo namang kausap Jeorgie, ayusin mo naman." Medyo nakaramdam ako ng
kaunting pagkairita rito dahil sa pambibitin niya. Imbes na sagutin ako'y hinila na
niya ako papasok at mukhang sa opisina ng punong guro ang tungo namin.

Nang matapat kami sa opisina ay halos pinagtitinginan kami ng mga istudyante; o mas
tamang sabihin na ako ang pinagtitinginan nila.

"Jeorgie..." Tawag ko sa kanya kasabay ng pagkalabit ko sa kanyang balikat.

Ngunit bago pa man ako sagutin ni Jeorgie ay bumungad sa aming harapan ang punong
guro ng unibersidad. Matalim itong napasulyap sa akin.

"Sumunod ka sa akin Darvin. May pag-uusapan tayong importante." Anito at umuna nang
pumasok sa opisina nito.

Nagtataka akong napasulyap kay Jeorgie. Nakayuko lang siya at panay pa rin ang
pagpahid sa kanyang pisngi. Mariin akong napakagat ng aking labi. Kinakabahan ako
sa maaaring sasabihin sa akin ng punong guro.

Lumakad na ako papasok sa loob ng opisina nito.

"Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa Yana. Kailangan na kitang tanggalin sa trabaho


mo." Anito na ikinabigla ko ng matindi.
"Ho? Pero bakit po?" Puno ng pagtataka kong tanong.

"Nakakahiya ang ginawa mo sa unibersidad. Ipinagkalat mo na maraming multo ang


iskuwelahang ito gayong ni minsan sa haba ng panunungkulan ko rito ay ngayon lang
may kumalat na ganitong balita." Halata pa sa mukha nito ang pagpipigil na
pagtaasan ako ng kanyang boses. "Nagkakamali ho kayo. Wala po akong pinagkalat na
ganyang balita." Mariin kong tanggi.

"Lahat ng nakakaalam ay ikaw ang itinuturo kaya kung maaari lamang ay umalis ka
na." Matigas nitong sagot sa akin at padabog na ibinigay sa akin ang sobre na
naglalaman ng huli kong sahod.

Hindi ko na napigilan pa ang aking sarili na maiyak. Paano na ako nito!?

"Ayaw ko na makita ang pagmumukha mo rito! Isang malaking kahihiyan ang ginawa mo
sa amin!" Anito.

Hindi na ako umimik pa at patakbong napalabas ng opisina. Hindi ko naman


ipinagkalat ang tungkol doon at tanging si Jeorgie lang naman ang pinagsabihan ko.
Ngunit alam kong hindi iyon magagawa sa akin ni Jeorgie.

Mabilis na hinanap ng aking mga mata si Jeorgie. Tinungo ko ang kantina at laking
gulat ko nang makita kong sinampal ni Jeorgie ang kasamahan namin sa trabaho, si
Liza. Agad akong lumapit at inawat si Jeorgie dahil akmang sasabunutan niya pa kasi
si Liza.

"Bitawan mo nga ako Yana! Sisirain ko ang pagmumukha ng babaeng iyan!" Humarang ako
kay Jeorgie.

"Tama na Jeorgie!" Bulyaw ko. Bahagya naman siyang kumalma.

"Yana, siya ang dahilan kung bakit wala ka ng trabaho ngayon! Hindi mo ba alam?
Anak pala iyan ng madrasta mo e!" Natigilan at napaawang ang aking bibig dahil sa
nalaman ko. Napakuyom ako ng aking kamay at napaharap kay Liza.

"Bakit mo ginawa iyon?" Kunwari ay kalmado ko pang tanong dito ngunit ang totoo'y
kating-kati na ang mga kamay ko. Napamewang naman ito.

"Para wala ng dahilan ang itay na dalawin ka pa rito!"

Ang kapal! Naningkit ang mga mata ko at napalapit sa kanya. Isang malutong na
sampal ang ibinigay ko sa kanya.

"Puwes isaksak mo sa baga mo ang amain ko!" Singhal ko't agad na hinila palayo si
Jeorgie.
Patuloy sa pag-uunahan ang mga luha ko sa pagtulo. Saan ako ngayon pupulutin nito?

=================

MLFTC-6

MLFTC-6

Show no respect on me and I will show no love too. Muntik na ako tubuan ng sungay
at burahin ang TKITD kaya hinay-hinay lang sa pagbuka ng bibig.

Salamat sa fairies ko.

*****

Panay ang aking pag-iyak habang kaharap ang kaibigan kong si Jeorgie. Nasa parke
kami ngayon at panay ang pagpapalakas ng loob ni Jeorgie sa akin.

"Paano ka na Yana?" Ani Jeorgie.

"Hindi ko alam, Jeorgie." Sagot ko pa habang napapailing.

Malalim naman itong napahugot ng hininga.

"Paano ka niyan ngayon? Alam mo naman na sa linggo na ang biyahe ko papuntang


Singapore." Malungkot na wika nito.

Mas lalo akong naiyak. Matagal na kasi niyang pangarap ang makapunta sa ibang
bansa. Inayos ko ang sarili ko. Hindi ako dapat nagpaapekto sa mga nangyayari sa
akin. Kailangan ko maging matapang dahil wala na akong makakapitang iba, kundi ang
sarili ko lamang.

"Hahanapin ko ang tiyang Nely. Siya nalang ang makakatulong sa akin." Bahagya
namang umaliwalas ang mukha niya.

"Mabuti naman at may kamag-anak ka pa. Saan ba siya nakatira?" Bahagya akong
napaisip.

Pilit inaalala sa balintataw ko ang nakasulat na lugar sa lumang larawan ng tiyahin


ko.

"Pag-asa iyon eh." Sagot ko pa.


"Hala? Huwag mo sabihing sa Isla Pag-asa 'yan. Ang layo kaya noon." Napaawang ang
bibig ko sa naging reaksyon niya.

"Malayo? Hindi ko nga alam kung isla iyon o baranggay ba." Sagot ko rin naman.

"Isla iyon Yana. Sa palawan kaya iyon. Ang layo no'n ah? Nasa Maecuayan, Bulacan pa
naman tayo." Napangiwi ako.

"Akalain mo Jeorgie, gumagana pa pala utak mo?" Kunwari ay biro ko pa. Nakatikim
naman ako nang batok sa kanya.

"Babaeng 'to, nakuha pa talaga magbiro." Napanguso ako. Pilit ko lang kasing
pinagagaan ang pait ng buhay na sinapit ko ngayon.

"Tara Jeorgie, umuwi na tayo." Yaya ko pa at tumayo na.

Napabuga at napahugot ako ng aking hininga. Sana nga'y tama ang disesyon ng itay na
mag-asawa ulit. Sana nga'y maayos ang kalagayan niya sa piling ng mga ito.

"Yana! Ingat!" Narinig ko pang sigaw ni Jeorgie ngunit huli na ako dahil hindi na
ako nakailag sa pagkakabangga ko sa aking nasalubong.

"Aray..." Daing ko.

Pakiramdam ko'y parang tumama ako sa isang pader. Nag-angat ako ng aking ulo dahil
napuna kong may nakaalalay sa akin.

"Patawad..." Agad kong paumanhin at lumayo ng kaunti sa lalaking nabangga ko.

Hindi ko makita kung ano ang itsura ng mukha nito dahil natatakpan ito ng panyo at
nakasuot din ito ng salamin; pananggalan sa sikat ng araw.

"Ginoong Zai---" Napatigil ang babaeng kadarating lang nang masenyasan ito ng
lalaki.

Kinuha nito ang supot na hawak ng babae at agad na umalis. Para bang hangin lang
kami sa harapan nito.

"Ang taray! Sungit niya ah!" Narinig ko pang talak ni Jeorgie.

Hindi ko man lang namalayan na nakalapit na pala ito sa akin.


"May masakit ba sa 'yo?" Tanong naman nito.

"Wala naman Jeorgie." Tipid na sagot ko lang.

Ngunit ang totoo'y kumikirot ng kaunti itong aking hinaharap. Para talaga akong
tumama sa malapad na pader kanina. Ang akala ko nga'y baka nagkamali ako nang
dinaanan.

"Tara na Jeorgie." Yaya ko sa kanya.

"Tara na nga talaga dahil nagugutom na ako." Aniya at nagpatiuna na.

Muli ko pang sinulyapan ang lalaking nabangga ko. Halos malaglag ang panga ko nang
makita ko ang biglang pagkawala nito. Nanlamig ang buong katawan ko dahil sa aking
nasaksihan.

"Yana!" Muntik na akong mapatakbo dahil sa tindi ng gulat; mabuti na lamang at


hawak ni Jeorgie ang kanang kamay ko.

"Oy? Ayos ka lang?" Aniya.

"Ha?" Iwinawagayway pa ni Jeorgie sa harapan ko ang kanyang mga kamay.

"Oy! Yana!" Sigaw nito kasabay nang pagbatok sa akin.

"Ano ba!" Inis kong wika.

Natauhan ako sa ginawa niyang pagbatok sa akin.

"Namumutla ka kaya. Ayos ka lang ba?" Usisa pa nito habang hinahawakan ang mukha
ko.

"Ang lamig mo! Umuwi na nga tayo." Hinatak na niya ako pauwi at wala akong nagawa
kundi ang manahimik.

Hindi talaga ako makapaniwala sa nasaksihan ng mga mata ko kanina. Maniniwala kaya
si Jeorgie sa akin kapag sinabi ko sa kanya ang nakita ko? Pero wala namang
mawawala kong sasabihin ko sa kanya ang nakita ko.

"Jeorgie..." Pigil ko sa kanya.

"Oh?" Tila nagtataka pa ito sa ginawa kong pagpigil sa kanya.


"Iyong lalaki kanina...kasi biglang nawala." Pikit-mata ko pang sambit.

"Sinong lalaki? Iyon ba? Iyong suplado?" Napadilat ako sa isinagot sa akin ni
Jeorgie.

Sinundan ko pa nang tingin ang itinuro niya, laking gulat at pagtataka ko na naroon
pa rin ang lalaki sa puwesto nito kanina no'ng ito'y mawala. Napaawang ang aking
bibig. Pakiramdam ko'y parang pinaglalaruan yata ako ng aking imahinasyon.

"Pero..." Akmang protesta ko ngunit agad akong kinayag ni Jeorgie.

"Gutom lang iyan, Ayesha Yana." Aniya.

Pilit ko pang nilingon muli ang lalaki. Naroon pa rin ito sa puwesto nito kanina.
Laking takot ko nang salubungin din nito ako ng tingin. Sa lagkit nang titig nito
sa akin ay para akong hinahatak sa aking kinatatayuan. Sa sobrang takot at kaba
ko'y hinila ko si Jeorgie at agad na tumakbo.

"Ah! Yana! Diyos ko! Awat na! Ho! Grabe!" Reklamo ni Jeorgie habang napapahawak sa
magkabilang tuhod niya hanggang sa tuluyan na itong maupo sa gilid ng kalsada.

Maging ako ay hapong-hapo rin sa pagtakbo at pilit na humihinga ng maayos.

"Bakit ba kasi tayo tumatakbo. Tingnan mo, nakaabot tayo sa bahay ko ng 'di natin
namalayan. Daig mo pa ang may karera!" Angal pa nito at bakas sa mukha ang
pagkainis sa akin. Napasapo ako sa aking dibdib, maging sa aking noo.

"Kasi...gutom nga ako, 'di ba? Tapos...mag-iimpaki ka pa, 'di ba? 'Yon!"
Pagdadahilan ko.

Mataman ko pang sinipat ang kanyang mukha dahil alam kong magdududa na naman ito.

"O? Ewan ko sa iyo. Tara na nga." Aniya.

Inabot ko ang kanyang kamay upang alalayang makatayo ito. Hawak-kamay kaming
tumawid sa kalsada. Bumitaw lang ito nang matapat na kami sa bahay niya. Umuna na
rin itong pumasok sa loob at naiwan akong nakatanga pa.

Hindi ko talaga maiwasang isipin ang nasaksihan ko kanina. Sa pakiwari ko'y parang
normal lang iyon ngunit ayaw talaga pumasok sa kukute ko na normal iyon. Hindi
isang normal na bagay lang iyon. Nabuga ako ng hangin. Ano na ba itong nangyayari
sa akin.
Nakapagtataka na talaga.

=================

MLFTC-7

MLFTC-7

*****

Pinilig ko ang aking ulo at akmang papasok na sana ngunit natigilan ako dahil may
kung anong bagay ang tumama sa ulo.

Nang yumukod ako'y laking gulat ko nang makita kong may itim na rosas sa paanan ko.
Wala sa sarili kong pinulot ito at inamoy. Napapikit pa ako dahil sa kakaibang amoy
nito, na kung manuot ay talagang nakakahalina.

"Diyos ko Yana!" Napaigtad ako sa narinig ko mula kay Jeorgie.

Nabitawan pa nito ang hawak niyang baso na may lamang tubig, dahilan para magkalat
ang mga nagkapira-pirasong bubog sa sahig. Agad ko siyang dinaluhan.

"Jeorgie may tama ka ba? Ha?" Usisa ko.

Nakasuot pa naman ito ng maikling bestida. Namimilog pa rin ang mga nito habang
nakatitig sa hawak.

"Si-sino may bigay niyan, ha!?" Halata sa mukha nito ang takot.

"Ito ba..." Sagot ko naman sabay angat sa itim na rosas.

"Hindi ko alam, e. Napulot ko lang sa labas." Sagot ko pa.


"Yana naman e! Alam mo ba na masama ang ibig sabihin niyan!" Aniya at tumungo sa
kusina upang kumuha ng walis tambo.

"Ha? Ano naman?" Napapangiwi pa ako dahil para lang dito'y nagkakaganyan siya.

"Madalas sa patay iyan ibinibigay Yana. Kung hindi itim, madalas puti ang
binibigay." Paliwanag nito matapos iligpit ang nabasag niyang baso.

"Baka naman galing 'yan sa madrasta mo Yana at pinagbabantaan ka na."

Halata sa boses nito ang pag-aalala at takot sa rosas na hawak ko. Napaisip naman
ako sa kanyang sinabi kaya't agad kong itinapon sa basurahan ang rosas na hawak ko.

Ngunit pakiramdam ko'y labag sa loob ko ang ginawa kong pagtapon no'n.

"Yana, mag-impaki ka na. Ihahatid pa kita sa paliparan." Ani Jeorgie. Nanlulumo


akong napaupo.

"Jeorgie, 'di ba bawal pa pumunta roon." Sagot ko naman. Nanonood din naman ako ng
balita kahit papaano.

"Maliit na bagay lang naman iyan Yana. Marami akong paraan, ang importante sa akin
ay ang mailayo kita rito."

Lumabas ito mula sa kuwarto niya at naupo sa tabi ko. Ginagap nito ang aking mga
kamay at masuyong pinisil.

"Ayaw ko ang iwan ka rito habang wala ako. Kung puwede nga ay dito ka na tumira'y,
ayos lang sa akin. Pero dilekado ka rito Yana, signos na ang itim na rosas na iyon
para tuluyan kang lumayo sa lugar na ito." Paliwanag niya pa at kunti nalang ay
maiiyak na ito, gano'n din naman ako.

Pinisil ko rin ang kamay nito.

"Oo na, susunod na po." Hindi na ako nagprotesta pa dahil alam ko naman na tama ang
punto niya.

Niyakap ko siya at hinagod ang likod nito. May kaunting butil ng luha sa aking
kanang mata ngunit agad ko rin naman itong pinahiran. Panigurado kasing aasarin na
naman niya ako. Kumalas ako sa yakap ko sa kanya.

"Mag-impake na tayo." Yaya ko pa.


Napangisi ito ng kaunti at hinila na ako papasok sa kuwarto nito.

*****

Hindi rin naman naglaon ay agad din naman kaming natapos. Nakakalungkot man ngunit
kailangan ko talagang makipagsapalaran sa ibang lugar.

Tuloy na tuloy na rin kasi ang pag-alis ni Jeorgie papuntang Singapore. Ayon sa
kanya ay mamalagi muna siya sa Maynila bago tumulak papuntang Singapore sa linggo.
Marami pa raw kasi siyang tatapusin patungkol sa kanyang pag-alis.

"Grabe! Ang init!" Angal ni Jeorgie habang pinapaypayan ang sarili gamit ang
kanyang kamay.

Kasalukuyan kasi kaming nasa paliparan at papasakay na ako ng eroplano, ano mang
oras ngayon.

Nag-abala pa kasi siyang ihatid ako gayong kaya ko naman. Sobrang bilis lang ng mga
pangyayari. Sa dami ba naman ng kontak nito ay madali lang sa kanya ang ikuha ako
ng iskedyul para makaalis agad.

"Yana!" Ngawa nito bigla.

"Naiinitan ka pa rin? Ang lamig kaya." Wika ko pa.

Napanguso naman ito.

"Gaga! Gusto ko lang ng yakap. Mangungulila ako nito sa iyo." Aniya.

Walang pasabi ko itong hinila at niyakap ng mahigpit.

"Mag-ingat ka doon ha. Sumulat ka sa akin o kaya tumawag." Bilin nito.

Tuluyang naglandas sa mukha ko ang mga butil ng luha. Napatango-tango ako at


kumalas sa aking pagkakayakap.

"Ingat ka rin doon ha. 'Wag lumandi." Biro ko pa at muli ito niyakap.

Tumugon naman ito.

"Oo naman. Lakad na." Aniya saka bumitiw sa akin.


Kinuha ko na ang mga gamit ko at mabigat ang ginawa kong paghakbang habang papasok
sa eroplano. Nilingon kong muli si Jeorgie. Napapahagulhol na ito habang tinatakpan
ang kanyang bibig. Wari'y pinipigilan niya ang kanyang pag-iyak ng malakas.

Kumaway ako bilang pahiwatig na ako'y magpapaalam na at itinuon ang aking atensyon
sa unahan. Paalam Jeorgie, paalam ama ko, hanggang sa muli kong pagbabalik.

*****

Nang makasakay na ako sa eroplano ay agad din naman akong naupo sa nakatoka sa
akin. Hindi ito ang unang beses na sumakay ako sa ganito pero hindi pa rin mai-
aalis sa akin ang kabahan.

Wala nang ligtas sa panahon ngayon kaya't sana ay patnubayan ako ng diyos. Sa
mahigit kalahating minuto kong pagkakaupo ay 'di ko na namalayang nakaidlip na pala
ako. Ngunit ilang oras lang ay naalimpungatan ako kaya't bigla akong napadilat at
sakto ang bumungad sa akin ay isang patay na pasahero. Duguan ito at napakabrutal
nang pagkamatay nito. Tila natuyo pa ang katawan nito. Animo'y naubusan ng dugo ang
katawan. Namilog ang aking mga mata at nanginginig na napatayo. Hihingi na sana ako
ng tulong ngunit laking takot ko dahil lahat ng pasaherong kasama ko ay patay na;
maging ang mga empleyado. Napasigaw ako sa tindi ng takot. Napaatras ako ng hakbang
ngunit may nabangga ako. Akmang lilingunin ko sana ito ngunit laking takot ko nang
may ibinulong ito...

"Yana..."

Ang pangalan ko!

=================

MLFTC-8

MLFTC-8

*****

"Madam, gumising ho kayo. Madam..." Napadilat ako at napasinghap. Napahawak ako sa


aking dibdib dahil sa tindi ng kaba.

"Tubig..." Wala sa katinuan kong naisambit.

Mabilis naman ang pagbigay nila sa kailangan ko kaya't walang pag-aalinlangan kong
ininom ang tubig na nasa plastik na bote.

"Binabangungot po kayo. Gusto niyo po bang ipa-eksamin ko kayo sa aming kasamahan


na doktor." Anito. Nailing ako.

"Ayos lang ako..." Pinipigilan ko ang boses ko na manginig.

"Puwede na po kayong bumaba." Anito ulit.

Ngayon ko lang napansin na ako na lang pala ang natitirang pasahero sa loob.

Hugot at buga ang ginawa ko bago ako tumayo. Kinuha ko agad ang mga gamit ko at
dali-daling lumabas ng eroplano.

Nakakahiya ang ginawa ko kanina. Ang akala ko talaga ay totoo na iyon, panaginip
lang pala.

Mariin akong napakapit sa maleta ko. Nakakatuwa mang isipin dahil pinalitan talaga
ni Jeorgie ang lalagyan ng mga gamit ko upang magmukha raw akong presintable.
Ngunit hindi ko rin naman ikakahiya kong iyong malaking bayong ang dadalhin ko.

Naniningkit ang aking mga mata habang napapatanaw sa papalubog na sikat ng araw.
Hindi naman masakit sa mata ngunit nakakasilaw pa rin. Ngalingali na akong lumapit
sa mga taga-rito at nagtanong-tanong.

Hindi kasi ako sumabay sa mga turista na may nakahandang bus para sa kanila.

"Manong, saan ho ang sakayan papuntang Isla Pag-asa?" Ani ko.

"Ay ineng, tamang-tama lang ang pinagtanungan mo. Papunta kami roon sa pantalan.
Maaari kang sumabay sa amin kung gusto mo." Anito. Natuwa naman ako sa mabuting
pakikisama nito.

"Sige ho! Salamat po talaga."

~~~~~

Hindi rin naman nagtagal ay binabagtas na namin ang daan papuntang pantalan. Masaya
akong nakipagkuwentuhan kay Mang Edgar.

Nag-aangkat pala siya roon ng mga isda na ibenibenta sa palengke. Iyon nga lang daw
ay mahina ang benta dahil sa tindi ng pag-aagawan ng tiretoryo sa pagitan ng
karatig na bansa.

Hindi kami inabutan sa daan at nakarating din kami sa pantalan. "Mang Edgar may
alam ho kayong matutuluyan dito?" Ani ko.
"Nako ineng, nalagpasan na natin ang mga posible mong tutuluyan. Pero kung ayos
lang sa iyo aba'y sa bahay ko nalang ikaw magpalipas. Hayan lang naman ang bahay
ko." Anito.

Nagdadalawang-isip ako kung tatanggapin ko ang alok nito sa akin. Bago pa man ako
makapagdisesyon ay dumating naman bigla ang may edad na babae.

"Edgar! Diyos ko naman, lubos mo naman akong pinag-alala. Bakit ngayon ka lang
umuwi?" Anito at mukhang hindi niya pa yata ako napapansin.

"Asun naman, mahiya ka nga sa bisita." Napapakamot pa sa ulo si Mang Edgar.

"O? Ay nako madam, pasensya na ho." Paumanhin nito sa akin.

Nailing ako.

"Wala po iyon." Nakangiti ko namang sagot.

"Nako, pasensya ka na talaga..." Bahagya pa itong tumigil sa sasabihin nito. Ngunit


parang nahulaan ko na ang ibig nito.

"Ayesha Yana po, Aling Asun." Sagot ko naman at nakipagkamay sa kanya.

"Asun, pakitawag mo si Selia para maihanda iyong tulugan na pinaparentahan natin.


Nalagpasan ko na kasi ang mga pahingahan dito sa atin kaya't nag-alok na ako na
dito muna siya magpalipas ng gabi." Paliwanag ni Mang Egdar sa asawa niya.

Todo naman kung makangiti itong si Aling Asun sa akin.

"Tara na Ayesha Yana..." Gayak pa nito.

"Yana nalang po." Wika ko naman.

"Ikaw bahala." Tugon naman nito at inalalayan pa akong makatawid sa tulay na gawa
sa kahoy.

"Nasaan ho ang bahay paupahan niyo?" Usisa ko.

"Hayan lang, iyang katabi ng bahay namin. Makakasama mo rin si Selia, ang anak ko.
Ayaw kasi nito sa kuwarto niya dahil masyadong masikip." Ani Aling Asun.

Napatango-tango lang ako at bahagyang nilingon si Mang Edgar na bitbit ang mga
gamit ko.

"Selia, anak!" Tawag pa ni Aling Asun nang matapat kami sa kanilang bahay.

"Opo nay, papanaog na ho!" Sagot naman nito.

Base sa boses nito ay mukhang dalaga pa ito. Hindi rin naman nagtagal ay lumabas
ito at sinalubong ng mano ang kanyang mga magulang.

"May bisita po pala tayo nay." Ani Selia.

"Oo, pero mukhang ngayon lang mananatili rito si Yana. Edgar, saan mo nga ba
ihahatid itong si Yana." Ani Aling Asun.

"Sa Isla Pag-asa..." Sagot ni Mang Edgar.

"O, siya Selia, samahan mo na siya roon at hahatiran ko na lamang kayo ng pagkain."
Ani aling Asun.

Bago ako maakay ni Selia ay humugot muna ako ng pera sa bulsa ko.

"Aling Asun, ito ho, pangdagdag man lang po."

Inabot ko sa kanyang ang isang libo.

"Nako Yana, hindi na kailangan iyan." Tanggi pa nito.

"Pero gusto ko po, sige na ho." Pagpupumilit ko pa.

"Mukhang hindi mo na matatanggihan ang batang iyan Asun. Siya rin ang bumili ng
gasolina kanina para sa bangka natin. Aba'y ilang araw din iyon bago tuluyang
maubos." Nakangiting sabat pa ni Mang Edgar sa amin.

Walang ano pa'y ginagap nito ang aking kamay at nagpasalamat ng lubos sa kabaitang
ginawa ko. Ngumiti lang ako at kinayag na ako ni Selia papunta sa tutuluyan ko.

"Masuwerte ka sa kanila." Wika ko.

"Oo nga po ate. Salamat po sa tulong niyo." Ani Selia.

"Wala 'yon. Mabuti rin naman ang ginawa nilang pagtulong sa akin." Ngumiti lang
ito.
=================

MLFTC-9

MLFTC-9

*****

Matapos ang kuwentuhan namin at masayang hapunan ay maaga nang gumayak sila Aling
Asun. Nasanay kasi sila na maagang matulog. Naiwan kami ni Selia rito sa kabilang
bahay.

Nakakatuwa lang dahil parang kapamilya na ang trato nila sa akin gayong kung
tutuusin naman ay isang hamak na istranghero lang.

"Ate, ano nga pala ang sadya mo sa isla?" Napabaling ako kay Selia. Abala ito sa
pag-aayos ng hihigaan namin.

"Hinahanap ko ang tiyang ko." Sagot ko at muling napatanaw sa buwan.

"Ah, ate mauna na po ako ha. Kung inaantok na po kayo, pakisara nalang po ng
bintana." Aniya.

Tumango lang ako at napatanaw muli sa buwan. Kay ganda nitong pagmasdan. Ngunit sa
kalagitnaan ng aking pagmamasid sa buwan ay nakaramdam ako bigla ng malamig na
hangin sa aking batok. Para bang may umihip kaya't nagsitayuan ang mga balahibo ko
sa katawan.

Dali-dali kong isinardo ang bintana at tumabi na kay Selia.

Napapadasal pa ako ng ilang beses bago tuluyang gumaan ang aking pakiramdam.

Napatalukbong ako ng kumot. Hindi ko na talaga gusto itong mga nangyayari sa akin.
Hindi ko man lubos na maunawaan kung bakit ako nagkakaganito pero pakiramdam ko'y
normal lang ito. Normal nga ba talaga?

Sinubukan ko na lamang ang matulog ngunit kahit nakapikit ako'y hindi pa rin ako
mahila-hila ng antok. Inalis ko ang kumot at dumilat. Bumaling ako kay Selia,
napaakahimbing ng tulog nito. Muli akong napatihaya at muling nakipaghilaan ng
antok, hanggang sa tuluyan na akong makatulog.

*****
"Ate Yana gising po!" Nagulat ako sa biglaang pagtapik ni Selia sa aking braso
kaya't napabalikwas ako't papungas-pungas pa.

"Hesus, Maria, Joseph! Selia, ginulat mo ako." Ani ko pa habang inaayos ang buhok
ko.

Napasulyap ako sa orasan nilang nakasabit sa dingding, alas-kuwatro pa ng madaling


araw. Bigla naman itong sumiksik sa akin.

"Kasi ate, may...may itim na rosas sa hagdan." Aniya.

Sa sinabi nito'y napatayo ako at inusisa kung talagang totoo ba ang sinasabi nito.
Napasinghap ako nang makita ko mismo na totoo nga ang kanyang sinasabi.

Bumaba ako upang kunin ito at bumalik nang panhik. Lumapit ako kay Selia, mababakas
pa rin sa mukha nito ang matinding takot.

"Selia, nakikiusap ako sa iyo. Ilihim mo na lamang ang tungkol dito." Napatango-
tango naman ito.

"Maaari bang gisingin mo ang iyong ama? Gusto ko sanang lumakad na ng maaga."
Dagdag ko pa.

"Sige po." Anito.

Dali-dali itong pumanaog at tinungo ang kanilang tahanan. Mariin akong napakuyom.
Sino ba talaga ang nagbibigay nito sa akin?

Noong una ay akala kong hindi iyon sadya ngunit pangalawang beses na ito. Sa
palagay ko'y may nagmamatyag sa akin. Hindi kaya ang madrasta ko ang may pakana
nito?

Nasapo ko ang aking dibdib. Diyos ko, sana'y nasa mabuting kalagayan ang aking
amain.

Inayos ko na ang hinigaan namin ni Selia at nag-ayos na rin ako ng aking sarili.

Hindi rin naman nagtagal ay pumanaog na ako't lumabas na din ng bahay.

"Magandang umaga Yana. Aba'y wika ni Selia, aalis ka raw ng maaga." Salubong sa
akin ni Mang Edgar.

"Paumanhin po kung naabala ko ang tulog niyo. Tama po si Selia, kailangan ko ho


talagang umalis ng maaga." Sagot ko naman.

"Nako sige, aba'y ihahanda ko na ang bangka." Ani Mang Edgar.

"Salamat po." Pahabol ko pa bago tuluyan itong umalis.

Bumalik ako nang panhik sa kuwarto at iniligpit ang mga gamit ko. Maging ang rosas
na iniwan ko kanina ay isinilid ko rin sa maleta ko. Matapos kong magligpit ay
lumabas na ako ng bahay. Tinungo ko ang bahay nila Selia.

"Ang ina mo, Selia?" Tanong ko pa nang maabutan ko ito sa pintuan.

"Tulog pa ho, ate Yana." Aniya.

Humugot ako ng ilang pera sa bulsa ko at iniabot kay Selia. Akmang tatanggi ito
ngunit nagpumilit ako.

Matapos ay tuluyan ko nang tinungo ang bangka ni Mang Edgar. Inalalayan niya pa
akong makasakay at tinulungang buhatin ang maleta ko. Pinaandar na ni Mang Edgar
ang kanyang bangka at agad itong pinasibad.

Hindi rin naman nagtagal ang aming biyahe dahil nakarating din naman kami ng
maayos. Muli akong ibinaba ni Mang Edgar sa Isla Pag-asa.

"Mabuti nalang at sa likod ng isla tayo nadaan. Mas malapit kasi dito." Anang Mang
Edgar habang ibinababa ang mga gamit ko.

"Mang Edgar, salamat po sa lahat." Niyakap ko ito, na bahagya namang ikinagulat din
nito.

"Naging mabait ka rin naman sa amin Yana. Nawa'y mahanap mo na kung ano man iyan."
Nakangiting tugon nito.

Isang matamis na ngiti lang ang itinugon ko.

Nang tuluyan na itong nasa laot ay nagpalitan kami nang kaway sa isa't isa; hudyat
ng pamamaalam. Naalala ko tuloy sa kanya ang aking amain. Humarap na ako sa mga
taga-isla. Ito na ang simula. Mahahanap din kita tiyang.

*****

Nagsimula na akong nagtanong at naghanap. Sa kalagitnaan ng paghahanap ko'y ibig ko


na yata ang sumuko. Wala man lang nakakakilala kay tiyang dito. Tama nga ba talaga
ang nakasulat sa lumang litrato? Gusto ko na yatang sumuko dahil huling bahay na
yata itong pagtatanungan ko. Lumapit ako sa isang matanda na nagwawalis sa kanyang
bakuran.

"Manang, maari ko ba kayong abalahin?" Panimula ko. Nag-angat naman ito ng ulo at
ngumiti.

"Sige ineng..." Kinuha ko ang tinuping larawan sa bulsa ko.

"May kakilala ho ba kayong Nelyncia Natividad dito? Ayon ho kasi sa isinulat niya'y
taga-rito raw ho siya pero ni isa ho sa pinagtanungan ko'y 'di naman nila kilala."
Paliwanag ko pa.

"Ay ineng, si Nely ba kamo? Aba'y mahigit limang taon na iyong wala rito. Ang
balita ko sa kanya noong huli kaming magkita, napangasawa raw ng pamangkin niya
'yong anak ng amo niya. Nako ineng, kay layo ng islang iyon." Anito.

Nabuhayan ako ng loob sa narinig ko.

"Saang isla ho 'yon?" Usisa ko pang muli.

"Sa Isla Bakunawa ineng pero hindi ka basta maihahatid doon kung wala ka namang
kakilala at ebidensyang iniimbitahan ka ng mga taga-roon. Pribado raw kasi ang
islang iyon." Sagot nito.

Muli akong nanlumo dahil sa narinig ko.

"Salamat po." Nasabi ko na lamang at nanlulumong tinungo ang dalampasigan.

=================

MLFTC-10

MLFTC-10

*****

Napabuga ako ng hangin. Wala sa sarili pa akong napasabunot sa magulo kong buhok.
Nawawalan na talaga ako ng pag-asa. Hindi naman kasi porke't kamag-anak ko si
tiyang Nely ay agad na akong makakapunta roon. Wala na nga yata akong pag-asa.

Napalinga ako sa aking paligid at napuna kong panay ang sakay ng mga biyahero sa
mga bangka, maliban na lamang sa isang bangka. Hindi naman ito gaanong malayo sa
puwesto ko ngunit kitang-kita ko kung paano baliwalain ng mga biyahero ang bangkang
'yon.
Sa tindi naman ng aking kuryusidad ay tinungo ko ang bangka habang bit-bit ko ang
mga gamit ko. Nang makalapit ako'y bahagya pa itong tumitig sa akin. Napatikhim pa
ako.

"Ah...Manong...sa inyo po ba ang biyahe papuntang Isla Bakunawa?" Panimula ko pa.

Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso dahil may kakaiba ang mga mata niya.

"Ano ang pakay mo sa lugar na iyon?" Anito. Napakamot pa ako sa aking batok.

"Pupuntahan ko lang po ang tiyang Nely." Matapat ko rin namang sagot.

"Ang rosas..." Aniya.

Nagulat ako sa kanyang sinambit. Bakit niya alam?

"Ay rosas..." Nasabi ko na lang kunwari at ipinakita sa kanya ang itim na rosas na
hawak ko.

Hindi na ito kumibo, bagkus ay kinuha nito ang mga gamit ko at isinakay sa bangka
nito. Bahagya pa nito akong sinulyapan.

"Sabi ko nga, sasakay na." Naibulong ko sa sarili.

Nang makasakay na ako'y agaran din naman niya itong pinaandar. Habang binabaybay
namin ang dagat ay hindi ko man lang matanaw ang sinasabing isla. Hanggang sa
naabutan na kami ng dilim sa laot. Kumakalam na rin ang sikmura ko. Kanina pa kami
rito sa laot at hindi ko malaman kung saan ba talaga ang islang ito. Ibig ko sanang
mang-usisa ngunit natatakot naman ako. Napailing na lamang ako at itinulog na lang.

*****

"Yana..." Napadilat ako sa narinig ko at sa kasamaang palad ay nahulog lang naman


ako sa bangka. Agad akong umahon at napasinghap. May kamay namang lumahad sa akin.

"Ayos ka lang ba?" Anito.

Nang mag-angat ako ng aking ulo ay ganoon nalang ang pagkamangha ko dahil sa
sobrang ganda niya. Inabot ko ang kamay nito at inalalayan akong makaalis
sa...ilog? Napalunok ako.
"Tama ba pinuntahan ko?" Nangangatog ko pang naisambit. "Mahal ko, akin na nga ang
balabal." Wika no'ng babae sa lalaking kasama nito.

Diyos ko! Kung hindi lang mahigpit itong suot ko'y baka kanina pa ito nalaglag.
Kung maganda ang babaeng 'to ay mas lalo namang nakakalula ang kaguwapuhan ng
lalaking kasama nito. Bigla namang ipinatong no'ng babae sa akin ang hawak niyang
balabal.

"Nasa isla Bakunawa ka, hindi ka ba taga-rito?" Nailing ako. Mabuti nalang at tama
ang napuntahan ko.

"Si kuya bangkero kasi...nasaan na iyon?" Takang-taka pa ako dahil bigla na lamang
nawala ang bangkang sinasakyan ko kanina.

"Kung maayos ka na'y mauna na kami." Wika muli nito.

"Ha? Teka po, isang tanong lang po." Pigil ko pa rito.

Ngumiti naman ito at para bang hinihintay nito ang susunod kong sasabihin.

"May kakilala po ba kayong Nelyncia Natividad? Lumipat daw kasi dito kasama iyong
pamangkin niya." Pareho naman silang dalawa na nagkatinginan.

"Kaanu-ano mo ang tiyahin ko?" Wika nito na ikinalaki naman ng aking mga mata.

"Po? Kayo ang pamangkin ni tiyang Nely?" Gulat na gulat talaga ako at hindi
makapaniwala. Napatango itong muli.

"Pamangkin din po niya ako, kapatid niya po ang inay Leticia ko." Dagdag ko pa.

Bumaling naman ito sa kasama niyang lalaki, na kanina pa tahimik.

"Isama mo na siya." Ani ng lalaki at lumakad na.

"Dalian mo..." Ani no'ng babae sa akin at agad na hinabol ang lalaking kasama nito.

Ako naman itong wala pa sa huwisyo ay nagkukumahog na kinuha ang mga gamit ko at
sumunod sa kanilang dalawa. Kung ganoon nga'y pinsan ko siya. Ibang klase nga
talaga ang tadhana, laging nagkukusa. Habang nakasunod ako sa kanila'y hindi ko
maiwasan ang mapangiti. Nakakatuwa silang panoorin. Magkahawak-kamay ang mga ito at
panay halik sa noo ng pinsan ko ang lalaki. Nakakainggit, sana'y may ganyan din
akong iniirog.
Habang naglalakad ay panay din ang paglinga ko sa paligid. Isang maliit na nayon
ang meron sa islang ito. Ngunit ang mas lalong pumukaw sa aking atensyon ay ang
napakalaking pader. Napakataas nito at tila parang ayaw talagang magpapasok. Lumiko
kami sa gilid ng simbahan at bumungad sa akin ang napakalaking bahay.

"Umakto kang normal mahal ko." Narinig ko pang wika ng aking pinsan sa lalaking
kasama niya. Hindi ito umimik at pumasok na sa loob. Normal? May sakit ba ang
kasama ng pinsan ko? Ganyan ka gandang lalaki, may diperensya?

"Pasensya ka na sa inasal niya kanina. Siya nga pala, ako si Catherine at iyong
kasama ko kanina ay asawa ko." Aniya. Napatango-tango ako. 'Ang suwerte niya nga
naman.' Sa isipan ko.

"Ikaw? Taga-saan ka ba pinsan? Bakit ka napadpad dito? Paano ka nakapasok dito?"


Sunod-sunod na tanong nito.

Sasagot na sana ako ngunit nabitawan ko ang mga gamit ko. Kanina pa kasi ako
nabibigatan sa mga ito.

"Nako, pasensiya ka na." Paumanhin nito at tinulungan ako sa mga gamit ko.

"Pasok ka..." Gayak nito sa akin.

Sa pagpasok ko'y ibig ko yatang mangliit at laitin ang sarili ko. Ang ganda ng loob
ng bahay. Mamahalin ang mga muwebles at palamuti. Ang iba pa'y nababalutan ng kulay
ginto at pilak. Hindi yata nababagay ang aking mga kasuotan sa bahay na ito.

***** This is fun! XD

Paano ba naging pinsan ni Catherine si Ayesha Yana? Kung may hula kayo, feel free
to comment. At kung nabasa niyo ang series one TKITD, may clue na kayo.

=================

MLFTC-11

MLFTC-11

*****

"Tara sa magiging kuwarto mo." Gayak pa sa akin ni pinsan.

"Pero huwag na po..." Protesta ko pa.


Ang tiyang Nely lang naman ang sadya ko at hindi ang makitira sa bahay ng pinsan
ko.

"Pamangkin ka ni tiyang, 'di ba? Kaya wala naman sigurong masama kung dito kita
patitirahin." Anito.

Magsasalita pa sana ako pero umiling ito. Tinikom ko nalang ang aking bibig.

"Ito ang magiging kuwarto mo, katabi nito ay ang silid-aklatan. Sa ika-tatlong
palapag nama'y amin ng asawa ko." Paliwanag nito.

"Ngayon ikaw naman ang magkuwento." Baling nito sa akin.

"Ako nga pala si Ayesha Yana Darvin, ate. Taga-Meycauayan, Bulacan po ako. Wala na
po ang ina ko at amain ko naman ay may asawa ng iba. Ang bilin po kasi ni inay sa
sulat niya'y hanapin ko raw po si tiyang Nely upang makahingi ng tulong." Mahabang
paliwanag ko.

Napatango-tango ito.

"Ilang taon ka na ba, Ayesha." Ani ate Catherine sa akin.

"Yana na lang po, beynte na po." Lumapit naman ito sa akin at biglang ginagap ang
kamay ko.

"Simula ngayon ay parte ka na ng pamilya ko, maaari ba?" Wala sa loob akong
napatango.

"Paano ka nga ba nakapasok dito?" Tanong nito ulit.

"Dahil po yata sa itim na rosas." Hindi pa sigurado kong sagot.

Bigla naman nito nabitawan ang plorerang hawak nito, dahilan para ito'y mabasag.
Bigla namang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang asawa ni ate Catherine.

"Ayos lang ako, Steffano." Wika ni ate Catherine.

Walang kibo ang asawa ng pinsan ko at hinila ito palabas ng silid ko. Naiwan akong
tulala at puno ng katanungan sa utak.

Inilapag ko ang mga gamit ko at sumilip sa labas. Wala ang pinsan ko at ang asawa
niya. Marahil ay nasa itaas na ang mga iyon. Napabuntong-hininga ako at naupo sa
kama.
Ito na nga ba ang umpisa ng pagbabago ng buhay ko?

May kumatok naman sa pinto kaya't napatayo ako mula sa pagkakaupo.

"Pasensya ka na Yana..."

Paumanhin ni ate Catherine sa akin.

"Ayos lang po, ate. Ate, alam kong napakamabuti ng pagtanggap mo sa akin pero si
tiyang Nely lang po talaga ang sadya ko." Matapat kong wika. Bigla namang nalungkot
ang anyo nito.

"Pasensya ka na talaga, Yana. Pero kasi wala ang tiyang Nely dito, kasama niya kasi
ang anak ko." Anito. Laglag ang aking mga balikat sa narinig.

"Pero puwede kitang dalhin sa kanya. Sa ngayon kasi ay hindi muna kami uuwi ni
Steffano sa kabilang bahay kaya matatagalan pa iyon." Dagdag nito.

"Naiintindihan ko po..." Sagot ko na lamang.

"Tama! Trabaho? Gusto mo ng trabaho bukod sa makausap ang tiyang, 'di ba? Puwede
kitang ipasok sa silid-aklan at museo dito bilang taga-bantay. Ayos ba iyon?"
Nakangiting alok pa nito. Sa sobrang tuwa ko'y niyakap ko siya. Tumugon din naman
ito sa yakap ko.

"Kaya lang Yana ay doon ka titira pero libre naman lahat." Kumalas ako sa yakap ko.

"Nako ate Catherine, ayos na po iyan." Nakangiting sagot ko.

Alam ko, marangyang buhay ang maibibigay ni ate Catherine sa akin, ngunit ayaw ko
rin namang isipin niyang umaabuso ako sa kabaitan niya.

"Tara..." Gayak nito sa akin at muling binitbit ang mga gamit ko.

Nang makalabas kami ng bahay ay muli kaming lumiko sa kabilang kanto at bumungad sa
akin ang malaking silid-aklan at museo. Magkabilang gusali ito ngunit magkarugtong
naman. Nasa dalawang palapag lang ang bawat gusali at hindi naman masiyadong
malawak ang inuukupahang puwesto nito.

"Ate Catherine!" Bungad sa amin ng isang binatilyo at bahagyang napasulyap sa akin.


"Egoy pakidala naman ito sa magiging kuwarto ng ate Yana mo." Utos ni ate
Catherine. Pinagkukuha naman ni Egoy ang mga gamit ko at dinala na sa loob.

"Si Egoy nga pala, siya ang makakasama mo rito. Siya kasi ang taga-linis dito at
dito na rin siya nakatira. Pasensya ka na Yana ha, ito lang kasi muna ang
maitutulong ko sa iyo. Ang bilin din kasi ng asawa ko, dapat malapit ka lang sa
amin." Aniya.

"Wala po iyon. Ako nga po dapat ang humingi ng dispensa dahil sa pang-aabala ko po
sa inyo." Nailing naman ito.

"Obligasyon ko rin naman na tulungan ka. Sigurado ka bang ayos ka lang dito? Kasi
puwede naman na sa bahay ka na lang mamalagi." Ako naman ang nailing.

"Talagang maayos na po ito sa akin, ate. At saka kawawa rin naman si Egoy, wala
siyang kasama dito." Sagot ko rin naman. Napatango-tango ito.

"O siya, kung may kailangan ka'y bisitahin mo lang ako sa bahay." Bilin pa nito.
Muli akong napatango.

"Catherine..." Pareho kaming napalingon ni ate Catherine; ang asawa niya.

Mukhang sinusundo na siya nito. Napayuko ako. Nahihiya akong tumingin sa asawa ng
pinsan ko. Nakakaakit kasi ang kakisigan nito.

"Ingat ka Yana. Mauna na kami." Paalam pa ni ate sa akin at lumakad na.

"Nagugutom ka na?" Narinig ko pang tanong ni ate Catherine kay kuya Steffano habang
napapabungisngis ng kaunti. Ang saya nila panoorin. Para akong nanonood ng totoog
teleserye. Napangiti ako at pumasok na sa loob.

"Ate Yana, tama po ba?" Ani Egoy habang isinasara na ang pinto."Oo, Egoy..." Sagot
ko kasabay ng aking pagtango. Inakbayan ko ito

"Ilang taon ka na ba?" Usisa ko.

"Katorse pa po ate." Sagot naman nito.

"Nasaan ba ang kuwarto ko?" Tanong ko pa.

"Dito po ate..."

Sa isang bakanteng pasilyo ako dinala ni Egoy. Sa sulok nito ay may pinto.
Pagkabukas ni Egoy dito ay bumungad sa akin ang maliit na kusina at dalawang silid;
na sa palagay ko'y magiging kuwarto ko.

"Dito ka po sa kabila ate, nalinis ko na po iyan." Nakangiti nitong wika habang


binubuksan ang silid ko.

Nang mabuksan niya ito'y ibinigay din naman niya kaagad ang susi sa akin.

"Ate Yana, maghahanda lang po ako ng hapunan natin." Paalam pa nito.

"Sige..." Tipid ko lamang na sagot.

Nang makalabas ito'y nagkaroon ako ng oras para pagmasdan ang kabuoan ng aking
silid. Maganda at halatang pambabae ang silid na ito. Isinilyado ko muna ang pinto
bago ko inilapag ang mga gamit ko.

=================

MLFTC-12

MLFTC-12

*****

"Ate Yana..." Tawag pa ni Egoy sa akin kaya't pinagbuksan ko ito ng pinto.

"O Egoy, bakit?"

May inabot naman ito sa akin na malaking kahon.

"Pinabibigay ni ate Catherine, suotin mo raw ate." Aniya.

Wala sa loob naman akong napatango at muling isinarado ang pinto. Inilapag ko ang
malaking kahon at binuksan ito. Laking pagkamangha ko dahil puro magagandang
bestida ang laman nito. Mahigit sa kinse ang bestida, maging ang pares ng sapatos
na walang takong.

Napalabas ako ng silid, dala ang malaking kahon. Napalingon naman sa akin si Egoy,
na abala pa sa paghahain.

"Egoy, pakibalik ito kay ate Catherine." Pakiusap ko pa. Ngumiti naman ito.
"Ate, hindi na niya iyan kukunin pabalik. Nasubukan ko na po iyan. Talagang mabait
lang po talaga iyon, at saka magpinsan po kayo 'di ba? Natural lang po siguro na
tanggapin niyo iyan." Aniya.

Napabuga ako ng hangin.

"Wala na ba talagang pagpipilian?" Biro ko pa. Bahagya naman itong natawa.

"Wala na po."

Napanguso na lamang ako at muling pumasok sa aking silid. Nagpalit na ako ng damit
at muling lumabas. Naupo na ako sa hapag.

"Tuyo at kamatis..." Wika ko pa. Bahagya namang napakamot sa ulo itong si Egoy.

"Hindi po ako nakapunta ng palengke ate kaya ito lang ang meron po tayo. Hindi ko
naman po kasi alam na may magiging kapalit agad si ate Melba." Paliwanag nito at
naupo na sa hapag, kaharap ko.

"Melba?" Sambit ko sa pangalang binanggit nito.

"Opo, si ate Melba. Dating taga-bantay din po dito pero..." Napatigil ito at tila
nag-aalangan pa kung dudugtungan ang sasabihin.

"Kasi...atin lang po ito ate Yana, ha?" Bulong nito kaya napatango ako.

Sumubo pa ako ng kamatis at matamang naghihintay sa sasabihan niya.

"Kaya po kasi umalis si ate Melba dito ay may kakaiba raw siyang napupuna sa museo.
Lagi daw kasing nababago ang puwesto ng mga nakapintang larawan." Anito.

Napalunok naman ako sa sinabi nito.

"Hindi nga? Baka naman namamalikmata lang siya." Sabi ko pa at muling sumubo ng
kanin.

Napapailing naman itong si Egoy.

"Sa maniwala ka at sa hindi ate Yana, talagang nagbabago ang puwesto ng mga larawan
sa museo. Sa tagal ko ba namang naging taga-bantay dito ay alam ko talaga ang mga
nangyayari." Aniya.

Napatigil ako sa pagkain.


"Egoy naman...tinatakot mo ako e!" Angal ko pa.

Napahagalpak naman nang tawa ito. Sabi na nga ba e! Nagbibiro lang ito.

"Biro lang po iyon. Nakapag-asawa na po kasi si ate Melba at sa Maynila siya dinala
ng asawa niya." Anito.

Bahagya naman akong nakahinga ng maluwag.

"Muntik na akong maniwala e." Sabi ko pa at muli nang kumain.

Habang pinagmamasdan ko si Egoy ay natutuwa ako. Napakagaan ng loob ko sa kanya.


Minsan ko rin naman hiniling sa Diyos na sana'y magkaroon ako ng bunsong kapatid.

"Bakit ate?" Pukaw nito sa akin.

Napailing ako at ngumiti ng kaunti.

*****

Matapos ang hapunan ay natulog na kami ng maaga. Wala rin naman kasing telibesyon
dito at tanging radyo lang ang napuna ko. Sabagay, abala rin naman iyon sa trabaho
ni Egoy dito. Bigla namang sumagi sa akin ang sinabi ni Egoy. Pakiramdam ko kasi ay
totoo iyon. Napasulyap ako sa antigong orasan na gawa sa kahoy.

Malapit na ang hating gabi nang 'di ko man lang namamalayan. Kanina pa pala dilat
ang mga mata ko at ayaw talaga magpahila sa antok.

Tumagilid ako sa paghiga ngunit laking pagtataka ko nang makarinig ako ng tunog na
nagmumula sa instrumentong piyano. Kasabay niyon ay ang pagsapit ng alas-dose.

Napabangon ako at nagsindi ng lampara. Hindi ko pa kasi alam kung saan ang saksakan
ng mga ilaw. Mabuti nalang talaga at iniwanan ako ng lampara ni Egoy. Sumilip ako
sa labas. Nakakahalina ang tunog na nagmumula sa piyano. Humakbang pa ako hanggang
sa makalabas na ako ng tinitirhan namin ni Egoy. Napalinga-linga pa ako sa buong
paligid ng silid-aklatan. Ngunit hindi ko naman naririnig dito iyon. Humakbang pa
ako hanggang sa matapat ako sa pinto ng museo. Ngunit nakakandado ito mula sa loob.

Inilapag ko ang lampara at muling pinilit na mabuksan ang pinto. Ngunit natigilan
ako sa pagpupumilit na mabuksan ang pinto dahil pakiramdam ko'y may nakatayo sa
likuran ko. Nanlamig ang buo kong katawan, maging ang aking paghinga ay ganoon din.
Dahan-dahan akong lumingon. Pigil na pagsinghap ang aking nagawa nang mapatunayan
mismo ng aking mga mata na totoo ngang may tao sa likuran ko kanina. Madilim na
parte sa puwesto nito kung saan ito nakatayo. Ang tanging naaaninag ko lamang ay
ang pang-ibaba nitong bahagi; sa pamamagitan ng ilaw na nagmumula sa lampara. Mas
lalo namang bumigat ang aking paghinga nang humakbang ito ng isang beses. Gustohin
ko mang tumakbo ay hindi ko magawa. Pakiramdam ko'y baon na baon ang mga paa ko sa
sahig. Ang kaninang nanlalamig kong katawan ngayon ay namamawis na. Panay din ang
aking paglunok dahil sa biglaang panunuyo ng aking lalamunan. Namilog lalo ang
aking mga mata nang humakbang pa itong muli. Mukha nalang nito ang natatakpan ng
dilim at parang gusto ko pa ang humakbang siyang muli.

Akmang hahakbang pa ito ulit ngunit...

"Ate Yana..." Hawak ni Egoy sa aking balikat.

"Egoy!" Wika ko nang lingonin ko ito.

Hingal na hingal ako, na para bang kagagaling ko lang sa karera. Daig ko pa ang
naghihingalo dahil sa tindi ng gulat ko kanina'y pakiramdam ko'y humiwalay ang
kaluluwa ko sa akin. Nanlulumo akong napaupo sa sahig at napahawak sa balikat ni
Egoy.

"Ate, ano ang nangyari!?" Napalunok ako at wala pa talaga sa ayos ang utak ko.

Namalayan ko nalang na nadala na ako ni Egoy pabalik sa aking kuwarto. Tumabi ito
sa akin at inabutan ako ng tubig.

"Ate Yana, ayos ka lang ba? Pinakaba mo ako e." Ani Egoy.

"Egoy...may lalaki kanina..." Sabi ko pa.

"Po? E tayong dalawa lang naman po ang nandito ate. Imposible rin namang may
nakapasok e nakakandado naman po lahat ng pinto, lalo na ang mga bintana." Aniya.
Mas lalo yata akong ninerbyos sa sinabi niya.

"Egoy, maari bang dito ka muna matulog. Kahit ngayon lang, pakiusap." Napatango
naman ito.

Kinuha niya ang basong hawak ko at lumabas ng aking silid. Hindi rin naman ito
nagtagal at bumalik ito. Dala niya ang manipis na kutson, unan at kumot. Inilapag
niya ito sa sahig.

"Ate, tulog na po tayo. Maaga pa ho ako maglilinis bukas." Aniya.

Napatango lang ako at nahiga na rin sa aking kama. Pinatay na ni Egoy ang ilaw
ngunit dilat pa rin ang aking mga mata.
Hindi pa rin mawala sa isipan ko ang eksenang naganap kanina. Hindi ko alam kung
bakit pero nakaramdam ako ng panghihinayang kanina. Kung hindi kasi dumating si
Egoy kanina, marahil ay nakita ko na ang mukha ng lalaking iyon. Alam kong siya pa
rin iyon, ang lalaking humalik sa akin. Napatakip ako ng mukha gamit ang aking mga
palad. Malalaman ko rin kung sino ka.

=================

MLFTC-13

MLFTC-13

*****

Bago pa man tumilaok ang manok ay bumangon na ako. Hindi rin naman kasi ako
nakatulog ng maayos kaya't napagpasyahan ko na lamang ang bumangon na at maghanda
ng agahan para sa aming dalawa ni Egoy. Nagsaing lang muna ako, matapos nito ay
ginising ko si Egoy.

"Ate pasensya ka na ha, dapat kasi pupunta ako sa pamilihan ngayon ng maaga.
Mukhang napasarap po ang tulog ko." Nahihiya pa nitong paumanhin sa akin.

Ginulo ko ang kanyang buhok.

"Ayos lang, kasalanan ko rin naman kung bakit ka napuyat." Tipid naman ito ngumiti.

"Tara ate, isasama ko po kayo para naman alam niyo po ang mga pasikot-sikot dito."
Aniya.

"Sige ba..." Kaagad kong sang-ayon.

Gusto ko rin naman kasing libutin ang islang ito. Bumalik naman si Egoy sa kanyang
silid at agad din namang lumabas. Ako naman ay abala sa pag-aayos ng buslong
paglalagyan ng aming mga bibilhin.

"Tara na po..." Ani Egoy at nagpatiuna na sa paglakad.

Ngunit bago pa man ako makalabas ng silid-aklatan ay nahinto ako sa tapat ng pinto
ng museo.

"Ate Yana, tara na po..." Sinilip pa ako ni Egoy, na ikinapukaw naman ng aking
atensyon.
Agad akong sumunod sa kanya at isinarado naman nito ang pinto.

"Inaalala mo pa rin ba ang nangyari kagabi, ate?" Wika bigla ni Egoy.

Inakbayan ko naman ito at ginulo ang kanyang buhok.

"Dala lang siguro ng pagod iyon Egoy." Sagot ko.

Kahit na gusto ng aking utak at puso ang magprotesta ay nanatili akong mangmang sa
aking sa sarili.

Alam ko, kakaiba iyon ngunit wala akong mapapala kung ipipilit ko pa. Ang
ikinababahala ko lang ngayon ay mas lalo yatang lumala ang mga kakaibang nangyayari
sa akin simula nang marating ko ang islang ito.

"Egoy, Para saan ang malaking bakod na iyan?" Tukoy ko pa sa malaki at mataas
pader.

"Hindi ko po alam ate, pero diyan ho nakatira sila ate Catherine, pati na po ang
kuya Steffano. Ang sabi, pribadong tirahan po ng mga may-ari ng islang ito; ang mga
Zoldic po." Aniya.

Napatango-tango naman ako.

"Kung ganoon ay isang Zoldic ang asawa ng pinsan ko?" Usisa kong muli.

"Opo, pero huwag na po natin iyan pag-usapan ate. Tara na po..."

Nagpatiuna na ito sa paglakad. Bahagya naman akong napakunot ng aking noo. Bigla na
lang kasi nagbago ang timpla nito at tila may iniiwasan. May masama ba akong
naitanong? Sa palagay ko nama'y wala.

Sumunod na lamang ako sa kanya hanggang sa marating namin ni Egoy ang palengke.
Hindi ito kalakihan gaya nang nakagisnan ko ngunit puna ko namang kumpleto sila sa
rekados. Iyong tipong hindi mo na kailangang lumipat pa sa ibang palengke para
lamang bumili ng mga ka-kailanganin mo.

Lumapit ako sa isang tindahan kung saan naroon si Egoy. Pumipili ito ng mga isda at
karne, habang ako naman ay namimili rin ng mga gulay, prutas at mga sangkap ng
pampalasa sa pagkain sa katabing tindahan.

"Ineng, ano ang...sa iyo?" Ani no'ng matanda ngunit bakas sa tanong nito kanina ang
tila ba pagkabigla.
"Ito lang po..." Tukoy ko pa sa mga itinabi ko.

"Ahm...Alyana kumusta ka na? Ang tagal na no'ng huli kitang makita. Ilang taon na
ba? Anim na taon." Anito na ikinabigla ko rin naman.

Bakit tinawag niya akong Alyana? Bigla nanlamig ang pakiramdam ko nang tawagin niya
ako sa pangalang Alyana. Akmang magsasalita na sana ako ngunit nakatunghay na sa
amin si Egoy. Bigla nitong pinagkukuha ang mga nabili ko at isinilid sa buslong
hawak ko.

"Aling Lupe, hayan po ang bayad." Ani Egoy at hindi na ako palayo sa tindahan.

Panay ang lingon ko kay aling Lupe habang hinihila ako ni Egoy. Halata sa mukha ni
aling Lupe ang lungkot sa nangyari. Tila ba'y may gusto pa itong sabihin sa akin.

Nang makalagpas na kami sa palengke ni Egoy ay doon lamang ako natauhan. Inalis ko
ang kamay ni Egoy na nakahawak sa akin at nahinto.

"Bakit mo ginawa iyon Egoy, ha!?" May halong pagkainis sa tono kong tanong dito.

"Kasi po nagmamadali tayo." Sagot lamang nito at nagpatiuna na sa paglakad.

Napaawang ang aking bibig at hindi talaga ako makapaniwala sa naging reaksyon nito.
Bigla-bigla na lamang itong nagmamadali gayong kadarating lang naman namin. Mariin
akong napapikit at pinilig ng marahan ang aking ulo. Mabilis akong lumakad hanggang
sa maabutan ko si Egoy. Ngunit diretso lang ako sa pagpasok sa loob ng silid-
aklatan at 'di na nag-abala pang lingonin si Egoy. Naiinis ako at aminado naman
sigurong napupuna niya ang mga pagdadabog ko. Naiinis ako sa pabago-bago ng timpla
ng ugali nito at kung uusisain mo naman ay panay ang iwas; puna ko rin ang
paglilihis nito sa aming usapan.

Nang makapasok ako sa tinutuluyan namin ay kaagad ko rin namang inayos ang mga
napamili namin. Rinig ko ang paghila nito ng silya habang ako'y abala pa rin sa
pag-aayos ng mga sangkap sa pagluluto.

"Ate..." Tawag nito sa akin kaya't napatigil ako sa pag-aayos. Nilingon ko ito at
muling inabala ang sarili sa pagliligpit.

"Ate Yana, patawad talaga. Hindi ko naman intensyon na bastosin ka." Anito.

Tinapos ko na ng tuluyan ang ginagawa ko, matapos ay humila ako ng isang silya at
naupo sa harapan nito.

"Ang sa akin lang naman Egoy, ipaliwanag mo sa akin ang dahilan. Kung ayaw mo na
bumili ako kina aling Lupe ay wala iyong problema sa akin. Gusto ko rin naman
kasing malaman para naman alam ko kung saan ako lulugar." Pahayag ko pa ng aking
saloobin. Nailing naman ito, na ikinakunot din ng aking noo.

"Egoy bakit?" Untag ko rito.

"Halika po..." Hinila pa ako nito hanggang sa mahinto at matapat kami sa pinto ng
museo.

Binuksan ito ni Egoy at bumungad sa akin ang loob ng museo.

Puno ito ng mga nakapintang larawan at talagang napakaganda ng mga ito. Maging ang
kisame ay hindi nito pinalagpas sa paglalagay ng mga larawan. Inikot ng mga mata ko
ang buong loob ng museo at talagang walang pagsidlan ng tuwa itong kaloob-looban
ko. Ang mga tema ng mga ito ay halos nasa kagubatan. Iyon nga lang ay puna kong
iisang babae lang ang modelo nito.

"Ang ganda..." Naisambit ko.

"Maganda nga po pero puno naman ng lungkot ang mga nakapinta." Ani Egoy.

Nilingon ko siya at nakamasid lang ito sa isang larawan. Nang tingnan ko rin ang
larawang pinagmamasdan niya'y natigilan ako. Nakapinta sa larawan ang isang babaeng
nakatanaw lang sa labas ng bintana at tila malungkot ito. Ngunit iba ang mas lalong
pumukaw ng aking atensyon.

"B-bakit kamukha ko...siya?" Wika ko.

"Iyan nga po ang gusto ko sanang sabihin sa inyo ate. Kamukha niyo po si Alyana."
Ani Egoy.

'Alyana' Paulit-ulit na sinasambit ng aking utak.

*****

Sino ba si Alyana sa tingin niyo? Feel free to guess! Lels!

*****

Promote ako, basahin niyo din po sana, TANGLED ByGorgeousWolfTrainee ko po 'yan,


meaning hindi 'yan jeje at magaling po siya. Salamat sa babasa. Hanapin niyo lang
sa FOLLOWING ko iyong username niya. Naka-follow ako sa kanya. Salamat!

=================
MLFTC-14

MLFTC-14

*****

Saan ko nga ba narinig ang pangalang iyan. Napalunok ako. Imposible namang maging
ako ang nasa larawang iyan gayong sa tanang buhay ko'y ngayon lang naman ako
napadpad sa lugar na ito.

"B-baka nagkataon lang naman Egoy." Sabi ko na lamang kahit na ang totoo'y
bumabagabag ito sa akin.

"Siguro nga po." Sang-ayon din naman nito.

"Kaya pala tinawag ako bigla ni aling Lupe sa pangalang Alyana dahil kamukha ko
siya. Sino ba siya Egoy?" Tanong ko, tutal naman ay napagkamalang ako'y siya. Mas
mabuti na rin iyong may alam kahit kaunti man lang.

"Ayon sa mga kuwentong nasagap ko, bigla na lang nawala si Alyana at naiwang sawi
ang kanyang kabiyak. Ang sabi, nagpakamatay daw ito pero wala namang
nakapagpapatunay na nangyari iyon, ate Yana. Hanggang ngayon ay misteryo pa rin ang
kanyang pagkawala at ang kanyang kabiyak nama'y hanggang ngayon ay hindi pa rin
kilala." Napatango-tango naman ako.

"Ang sabi, ang lalaking nagpinta raw nito ay ang kabiyak ni Alyana. Ngunit wala pa
ring patunay na siya nga dahil halos lahat nang nakapintang larawan dito ay walang
pangalan ng pintor." Dagdag niya.

Sinipat kong mabuti ang larawan, maging ang iba. Totoo nga na walang pangalan ng
pintor ang bawat larawan; nakapagtataka talaga.

"Akala ko talaga no'ng una kitang makita ay ikaw si ate Alyana. Pero no'ng kausapin
ko si ate Catherine, hindi raw po ikaw iyon." Aniya. Muli akong napatango-tango.

"Heto ang mga susi ate. Ang utos ni kuya Steffano, tanging silid-aklatan lang ang
puwedeng buksan sa publiko." Dagdag nitong muli. Napalabi ako at kinuha ang susi.

"Areglado Egoy. Tara na, medyo kumakalam na ang sikmura ko." Yaya ko pa rito.

Tumango naman ito. Sabay na kaming lumabas ng museo. Bago ko pa maisarado ang pinto
ng tuluyan ay bahagya ko pang sinulyapan ang larawan ni Alyana. Pakiramdam ko'y
para lang akong nananalamin habang pinagmamasdan ito kanina. Pinilig ko ang aking
ulo. Baka nga nagkataon lang na may pagkakamukha kaming dalawa. Muli kaming bumalik
sa tinutuluyan namin ni Egoy. Nagsimula na rin akong magluto, hanggang sa nag-
agahan na kami ng sabay ni Egoy.
Hindi rin naman nagtagal ay napagpasyahan na naming buksan ang silid-aklatan.

Pumuwesto na ako sa aking mesa habang si Egoy naman ay abala pa rin sa paglilinis.
Nang sumapit ang alas-otso ay nagsidatingan na ang mga istudyante. Habang sunod-
sunod ang pagpasok nila ay may pumukaw ng aking atensyon. Sa dulo ng pila para sa
talaan ng mga pumasok ay may lalaking nakaitim lahat ang suot. Mula sa hikaw nito
hanggang sa suot na sapatos. Lahat ay kulay itim, maliban sa kulay ng buhok nito.
Kulay itim ito ngunit lutang pa rin ang ilang kulay pulang hibla ng mga buhok niya.

Ang lakas ng dating niya sa akin, na para bang may kung anong puwersa ang humahatak
sa akin. Nang ito na ang susulat sa talaan ay wala sa sarili akong napalunok.
Matapos nitong sumulat sa talaan ay kinuha ko ang papel. Nang tuluyan na itong
pumasok sa loob ay inusisa ko agad ang kanyang isinulat.

"Zsakae Zither Zoldic..." Sambit ko sa pangalan nito.

Muntik pa akong masamid dahil medyo naguguluhan pa ako kung paano ko sasambitin ang
unang pangalan nito. Binasa kong muli ang pangalan nito at doon lamang ako
natauhan. Isa siyang Zoldic! Napaalis ako sa aking puwesto at agad na hinanap ng
aking mga mata si Egoy. Nang makita ko ito ay kaagad akong lumapit sa kanya.

"Egoy..." Mahina ko pang tawag.

Lumapit naman ito sa akin.

"Zoldic..." Bulong ko at pasimpleng itinuro ang lalaki kanina. Abala ito sa pagpili
ng mga libro.

"Huwag niyo na lang po pansinin ate." Ani Egoy at bumalik na sa kanyang ginagawa.

"Huwag pansinin? Paano kung kausapin ako?" Wika ko pa aking sarili.

Nailing na lang ako at bumalik na sa mesa ko. Gaya nga nang sinabi ni Egoy ay
binalewala ko na lamang ang presinsya ng lalaking iyon at inabala na lamang ang
aking sarili sa pagbabasa ng mga nobela. Taga-bantay lang din naman ako dito at
wala namang ibang puwedeng gawin kundi ang magbasa na lang.

"Diyos ko!" Sambit ko pa sa kalagitnaan ng aking pagbabasa at napahawak sa aking


dibdib.

Bigla na lang kasing ibinagsak ang mga libro sa aking mesa. Nang mag-angat ako ng
aking ulo ay muntik pa akong malaglag sa aking kinauupuan.
"Ah..." Tanging nautas ko.

"Isusuli ko kapag naalala ko..." Anito.

Para lang din naman akong timang na napatango lang. Kinuha na nito ang apat na
makakapal na libro at agad din naman na umalis. Napakapit ako sa aking inuupuang
silya. Sandali yatang lumabas ang kaluluwa ko dahil sa ginawa niyang iyon. Nasapo
ko na lamang ang aking noo at pinakalma ang aking sarili. Panginoong mahabagin,
huwag niyo naman sana po akong hayaang mamatay sa gulat! Napabuga na lamang ako ng
hangin at bahagyang hinawi ang aking buhok. Ngunit bago pa man bumalik ang atensyon
ko sa binabasa ko'y narinig ko na naman ang piyesa ng isang awitin na nagmumula sa
piyano. Ito 'yong narinig ko kagabi. Napatayo ako at sinundan ang musikang
naririnig ko. Muli na naman akong dinala ng aking mga paa sa pinto ng museo. Kinapa
ko ang aking bulsa at kinuha ang mga susi. Bago ako pumasok ay hinanap ng mga mata
ko si Egoy. Abala pa rin ito sa paglilinis. Marahan kong isinara ang pinto. Hindi
ko talaga mapigilan ang mamangha sa lugar na ito.

***** #MattYeshaKeaYana or#ZsaYana

Lols!

Zsakae Zither Zoldic- Pronounce as Za-kay Si-ter Zoldic

Nabalul kayo ano?! XD Sorna!

=================

MLFTC-15

MLFTC-15

*****

Iisa lang ang tema ng mga larawan ngunit kanya-kanya naman ng senaryo. Ngunit bago
pa man ako malunod sa ganda ay hayan na naman ang musika. Pero ang ipinagtataka ko
ay wala namang piyano dito sa loob. Ang tanging narito lang naman ay ang mga
larawan at ang malawak na espasyo ng museo. Puwede nga itong maging bulwagan kung
nanaiisin ng may-ari na dito ganapin ang isang importanteng okasyon. Saan ba talaga
nagmumula ang musikang iyon. Nakapagtataka lang dahil tanging ako lang ang
nakakarinig nito. Lumapit ako sa malaking larawan. Nakapinta rito ang nakatalikod
na babae at mag-isang nagtatampisaw sa ilog. Akmang hahawakan ko na sana ito ngunit
may narinig naman akong mga yabag papalapit sa pinto. Bumilis ang takbo ng tibok ng
puso ko. Kinakabahan ako ng husto. Baka kasi mahuli ako ni Egoy na pumasok dito.
Ang bilin kasi sa regulasyon dito, papasok lang kapag maglilinis. Diyos ko!
Pinagpapawisan na ako ng malamig. May pumihit naman ng seradora kaya't mas lalo
akong kinabahan.
Napasinghap ako nang tuluyang umawang ang pinto. Bahagya rin akong napaatras. Sa
'di malamang kadahilanan ay nasagi ko ang larawang pinagmamasdan ko kanina kaya't
bigla na lamang akong bumaliktad.

"Hmm..." Ungol ko dahil sa tindi ng bagsak ko sa sahig.

Ngunit bago ko pa alalahanin ang sarili ko'y mabilis akong napatayo. Nasa isang
lihim na lugar ako. Kinapa ko ang pader na dahilan nang pagkakapasok ko rito ngunit
wala man lang akong makitang bakas na dito nga ako pumasok. Mas lalo akong
kinabahan at nagsimula nang mangilid ang mga luha ko dahil sa sobrang takot. Hindi
naman madilim ang napasukan ko dahil may nakasabit namang sulo sa bawat dingding.
Ngunit ganoon pa man ay natatakot pa rin ako.

"Egoy! Tulong!" Puno ng takot kong sambit at tuluyan nang naglandas sa pisngi ko
ang aking mga luha.

"Egoy!" Muli kong sambit habang pinupokpok ang pader.

Ngunit kahit ano ang gawin ko'y wala talaga. Napaluhod na ako at wala sa sariling
naisandal ang aking ulo sa pader habang ako'y umiiyak pa rin. Napahikbi akong muli
pero bigla akong napatigil sa pag-iyak dahil nakarinig ako nang rumaragasang tubig.
Agad akong napatayo at lakas-loob na sinundan kung saan ito nagmumula. Natatakot
man ngunit kailangang makaalis ako sa lugar na ito.

Lumakad ako ng ilang hakbang pakanan habang niyayakap ang sarili ko. Bawat hakbang
ko'y siya ring paglinga ko sa aking likuran. Ano ba itong napasok ko!? Pinunasan ko
ang aking mga luha at nagpatuloy sa pag-usad. Ngunit nang marating ko ang dulo'y
ibig ko yata ang lumupasay sa sahig. Wala nang daanan at tanging pader na lang ang
nakikita ko. Naiyak ako ng husto at walang nagawa kundi sandalan na lamang ang
pader. Sa kinatatayuan ko'y rinig na rinig ko ang pagragasa ng tubig. Muli akong
napaharap sa pader at kinapa ito. Bahagyang bumaon ang mga daliri ko sa pader.
Wari'y may kung anong nakasulat dito. Dali-dali kong kinuha ang isang sulo at
inilawan ang pader. May nakasulat nga. Hinawi ko ang mga alikabok na natatakip
dito.

Isinulat ito sa ibang lengwahe ngunit kaya ko namang basahin ang mga nakasulat.
Pinadaan ko ang aking mga daliri sa bawat letrang nakaukit sa pader.

"In...profundum...cordis...videam...secretum...iter..." Dahan-dahan kong sambit.

Napaatras naman ako dahil sa biglaang pagyanig ng pader. Bigla itong umangat.
Naningkit naman ang aking mga mata dahil sa liwanag na nagmumula sa sikat ng araw.
Kumurap ako ng dahan-dahan hanggang sa tuluyan ko nang maidilat ang aking mga mata.
Nabitawan ko ang sulong hawak ko. Kung kanina'y naririnig ko lang ang rumaragasang
tubig, ngayon ay nasa harapan na nito ako ngayon. Isang maliit na talon, na sa
tantiya ko'y kasing haba lang ng isang bus. Ngunit hindi lang iyan ang pumukaw at
bumusog sa aking mga mata. Nakahilera paikot sa talon ang tanim ng mga rosas na
kulay itim. Iginiya ko pang lalo ang aking paningin. Para itong sekretong lugar.
Naglalakihang puno ang nakapalibot dito at natatabunan ng baging. At dito mismo sa
kinatatayuan ko nakasentro ang bawat paglubog at pasikat ng araw; na para bang
sinadya ito.

Iginiya ko pang lalo ang aking paningin upang makahanap ng daanan ngunit wala akong
makitang lagusan. Humakbang ako palapit sa talon at dumungaw sa malinaw na tubig.
Para akong nananalamin lang dahil sa sobrang linaw.

"Yana..." Natigilan ako at napalingon ako sa aking likuran.

Ngunit sa 'di inaasahang pangyayari'y nawalan ako ng balanse at bumagsak sa tubig.


Pakiramdam ko'y ang tagal nang pagkakabagsak ko sa tubig. Hanggang sa tuluyan akong
lumubog. Kitang-kita ko ang bulto ng katawan ng isang lalaki hanggang sa lumabo ang
aking paningin at tuluyan akong nawalan ng malay.

*****

May nabanggit sa TKITD na eksena kung saan nga ba raw mapipitas ang mga itim na
rosas na sumisimbolo sa pagiging maharlika ng mga piling Zoldic. Ngayon alam niyo
na, nasa lihim na lagusan ng museo. Lels!

=================

MLFTC-16

MLFTC-16

*****

"Ate Yana! Ate! Nariyan ka ba?" Narinig kong pagtawag ni Egoy sa akin.

Dahan-dahan kong idinilat ang aking mga mata. Kaunti pa akong napaubo at nakaramdam
ng panlalamig. Bahagya pa akong natigilan nang mapuna ko na basang-basa pala ako.
Namilog ang aking mga mata at dahan-dahan na napatayo. Totoo ang lugar na
napuntahan ko ngunit paano nakabalik at sa mismong silid ko pa.

"Ate Yana..." Muling tawag sa akin ni Egoy kasabay ang pagkatok sa aking pintuan.
Napatikhim ako at nanginginig na napalapit sa pinto.

"E-egoy! Narito ako, sandali lang!" Sagot ko rito.

"Sige po!" Anito.

Napahawak ako sa aking basang damit at isa-isang hinubad ang mga ito. Diretso ako
agad sa banyo upang magbanlaw. Napapikit ako ng mariin. Diyos ko! Ano ba itong
pinasok kong lugar? Humugot ako ng malalim na hininga at nagpalit na ng damit
matapos kong makapagbanlaw. Nang matapos ako'y pinakalma ko ang aking sarili at
binuksan ang pinto. Nakita kong nag-aabang si Egoy sa labas ng aking silid.

"Egoy..." Pukaw ko rito dahilan para ako'y lingunin nito.

"Ate, kanina pa kita hinahanap." Bakas sa mukha nito ang matinding pag-aalala sa
akin. Matipid akong ngumiti at napalunok.

"Natagalan lang sa banyo, masyado kasing maalinsangan." Pagdadahilan ko pa.

Diretso akong napatitig sa kanya upang huwag itong maghinala. Kinakabahan ako at
panay nginig itong mga tuhod ko.

"Ate, ayos ka lang?" Usisa nito.

Akmang sasagot na sana ako ngunit hindi talaga kinaya ng tuhod ko ang tumayo ng
matagal kaya't diretso akong naupo sa sahig.

"Ate Yana..." Sambit ni Egoy at agad akong dinaluhan.

Tinulungan niya akong makatayo at pinaupo sa silya. Binigyan din niya ako ng tubig
at agad ko rin naman itong ininom. Kanina pa kasi nanunuyo itong lalamunan ko.

"Ate may sakit ka ba? Kasi puwede namang ako muna ang magbantay sa silid-aklatan."
Nailing ako.

"Wala ito Egoy." Wika ko.

"Pero ate..." Protesta nito ngunit nailing akong muli.

"Kaya ko." Madiin ko pang wika sa kanya.

Inilapag ko ang basong hawak ko sa mesa at napatayo ng diretso. Siguro'y masyado


lang akong kabado kanina kaya't biglang nanghina itong mga tuhod ko.

Inalalayan niya naman ako kahit sumenyas na ako na kaya ko. Inalalayan niya ako
hanggang sa makabalik ako sa mesa kung saan ako pumuwesto kanina no'ng hindi pa
nangyari ito.

"Dadalhan na lang kita ng tanghalian mo, ate." Aniya.

Tumango lang ako at napasandal sa aking kinauupuan. Sino ba talaga ang lalaking
'yon? Bakit ba sa tuwing nagkakaroon ako ng pagkakataong makita ito'y lagi namang
nauudlot. Humugot ako ng malalim na hininga at napatakip sa aking mukha gamit ang
aking mga palad. Isa pa ang bumabagabag sa akin ay kung paano ko narating ang aking
silid gayong sa pagkakatanda ko'y nahulog ako sa malinaw na tubig ng talon.

Pinilig ko ang aking ulo at napakuyom ng aking kamay. Buo na talaga ang aking
pasya. Babalik ako doon kung saan ako galing kanina. Gusto kong malaman ang totoo,
maging ang mga katanungang bumabagabag sa akin.

"Ate..." Napalingon ako kay Egoy. Bitbit niya ang aking tanghalian.

Talagang nag-abala pa itong dalhan ako gayong kaya ko naman na. Inilapag nito ang
mga pinggang dala niya sa aking mesa. Sinangag na dilis at sinangag na kanin ang
inihanda nito para sa akin. Maluwang akong napangiti.

"Salamat dito, Egoy." Wika ko.

Tumango ito at ngumiti rin naman. Kapag kuwan ay umalis na ito. Kinuha ko ang mga
pagkain at inalapag sa kabilang mesa upang hindi naman maging sagabal at mahihiya
sa akin kung maglilista sila ng pangalan.

"Ate, ito po iyong indeks, nakasulat na po diyan ang pangalan ko pati na ang
librong hihiramin ko." Anang dalagita nang makalapit ito sa akin. Kinuha ko ang
indeks na tinutukoy niya.

"Sige..." Ngumiti lang ito at umalis na. Napaisip ako bigla.

Bakit 'yong si...ano nga ba pangalan no'n? Napapakamot pa ako sa aking batok. Basta
wala 'yong ibinigay na indeks sa akin. Binalewala ko na lang at nagsimula nang
kumain.

*****

Hindi rin naman nagtagal ay natapos ang buong araw nang lutang pa rin ang aking
utak. Hindi ko kasi maiwaksi sa aking isipan ang nangyari sa akin kanina.

"Egoy, magsasara na ba tayo?" Tanong ko pa.

Itinago nito ang basahan na hawak niya sa maliit na tukador, na katabi lang din
naman ng mesa ko.

"Opo ate. Nga pala ate, may kasiyahan sa perya. Kasapi po kasi ako sa organisasyon
ng sangguniang kabataan kaya kailangan nandoon po ako para tumulong. Ayos lang po
ba kung maiwan ko kayong mag-isa dito?" Ani Egoy.

"Oo naman, Egoy." Maluwang na ngiti rin ang itinugon ko sa kanya.


"Pero puwede kayong sumunod ate. Katabi lang naman po ng palengke ang perya. 'Di ba
napuna niyo naman po iyon?" Anito ulit.

"Oo Egoy. Kung ayos lang din naman sa iyo." Nahihiyang napatawa naman ito.

"Oo naman po. Sige ate, una na po ako." Paalam nito.

Bahagya pa itong kumaway sa akin bago tuluyang tinungo ang perya. Mabuti na lang at
kaya lang nang lakaran ang papunta doon. Ngunit napakamot din naman ako sa aking
ulo. Katabi nga ba ng palengke ang perya? Diyos ko naman! Hindi ko maalala e.
Bahala na lang mamaya.

=================

MLFTC-17

MLFTC-17

*****

Iniligpit ko na ang mga librong nakakalat sa bawat mesa at ibinalik sa tamang


puwesto nito sa lagayan ng mga libro. Habang abala ako sa pagliligpit ay napuna ko
na para bang may taong nakatayo sa aking likuran. Dahan-dahan akong pumaling.

"Ay!" Sambit ko at napasinghap sa sobrang pagkagulat.

"Ito 'yong mga lumang nahiram ko..."

Inabot pa nito sa akin ang mga hawak niyang libro. Siya 'yong lalaki kanina na puro
nakaitim ang suot sa katawan. Napatikhim ako. Ang lakas pa rin nang kabog ng dibdib
ko dahil sa tindi ng gulat kanina.

"S-salamat..." Alanganin ko pang kinuha ang mga librong hawak niya. Tumango lang
ito at umalis na.

Dali-dali akong sumunod nang makalabas na ito at isinarado ang pinto. Sinilyado ko
na ito upang wala nang makapasok pa. Hindi naman ako masyadong nagkakape pero
aatakihin ako sa nerbyos dahil sa panggugulat nila sa akin.

Muli kong inabala ang aking sarili sa pagliligpit hanggang sa ako'y matapos.
Isinilyado ko na rin ang bawat bintana at ibang puwedeng pasukan. May susi naman si
Egoy kaya't ayos lang kong isisilyado ko ang mga pinto. Nang masiguro kong maayos
na ang lahat ay tinungo ko na ang silid ko. Nagpalit ako ng damit at pares ng
sapatos. Siguro'y sa labas na lang ako kakain. Nakakawalang gana kasi kung ako lang
ang mag-isa.

"Yana..."

Nabitawan ko ang panyo ko. Sa linaw nang pagkakatawag sa pangalan ko'y agad akong
tinubuan ng kaba at takot. Dali-dali kong iniligpit ang aking mga gamit at lumabas
ng aking silid. Nagkukumahog akong lumakad papunta sa pinto ng silid-aklan.
Pagkalabas ko'y nakahinga ako ng maluwang. Alam ko, gusto ko siyang makilala ngunit
hindi sa ganitong paraan na para bang tinatakot niya ako.

Nang maisarado ko na ang pinto ay nagsimula na akong lumakad. Yakap-yakap ko pa ang


aking sarili habang binabaybay ang daan papuntang perya. Hindi naman madilim ngunit
nakakatakot pa rin dahil kakaiba ang simoy ng hangin na dumadampi sa aking balat.
Bumigat ang mga hakbang ko at panay linga sa aking paligid. Sobrang tahimik kasi ng
lugar at para bang may hindi magandang mangyayari sa akin.

Bigla akong nahinto dahil sa narinig kong mga kaluskos aking likuran. Napalunok ako
at muling humakbang. Nilakihan ko na ang bawat hakbang ko upang mapabilis ang aking
paglalakad. Halos magkanda-tisod na ako sa bilis ng aking hakbang. Ngunit hayan pa
rin at naririnig ko pa rin ang mga kaluskos sa aking likuran. Nagsimula nang tumayo
ang mga balahibo ko sa katawan at tinutubuan na ako ng kaduwagan. Maging ang mga
tuhod ko'y nagsisimula na ring manginig. Napasapo ako sa aking dibdib at napalingon
muli sa aking likuran. Lumitaw ang isang anino ng lalaki. May limang dipa ang layo
nito sa akin at nakatayo ito sa dilim kaya hindi ko maaninag ang itsura nito.
Tanging anino niya lang ang natatamaan ng ilaw mula sa maliit na poste.

"S-sino---" Bago ko pa man matapos ang sasabihin ko'y bigla na lamang nagbago ang
porma nito base na rin sa anino nito.

Napatakip ako ng aking bibig at namilog din ang aking mga mata. Naging isang
malaking aso ito. Diyos ko! Hindi na ako nag-atubili pa at napatakbo na ako. Ngunit
sa bilis nito'y konti na lang ang aming pagitan. Naiyak na ako sa sobrang takot
habang binibilisan ko ang aking pagtakbo. Sa sobrang laki nito'y hindi ko matantiya
kung talaga aso nga ba ito. Mas bumilis pa ang aking pagkilos at sa 'di inaasahan
ay may bigla akong nabangga. Sa lakas nang pagkakabunggo ko rito'y muntik na akong
matumba. Bigla akong napalingon sa aking likuran dahil sa ngayon ay wala ang utak
ko sa taong nabangga ko kung 'di nasa humahabol sa akin. Naabutan na nito ako at
wala akong nagawa kung 'di ang pumikit na lamang ng mariin. Ngunit napuna ko ang
biglaang pagtahimik ng aking paligid at ang mga bisig na nakapulupot sa aking
bewang lang ang tangi kong nararamdaman.

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at bahagyang nilingon ang aking
likuran. Hawak ng lalaking 'to ang leeg no'ng malaking aso gamit ang kanang kamay
nito at sa pakiwari ko'y patay na ito dahil nakalabas na ang dila nito. Tulala ako
at lutang sa nasaksihan ng mga mata ko. Hindi ordinaryong aso ang humahabol sa akin
dahil nakakatakot ang itsura nito. Natauhan naman ako mula sa aking pagkakatulala
nang bitawan ito ng lalaki at bumasag sa aking likuran. Natatakot man ako ngunit
dahan-dahan kong inangat ang aking ulo. Kung sa asawa ng pinsan ko ay pakiramdam
ko'y mapipigtasan ako ng karsonsilyo; itong lalaki namang nasa harapan ko'y para na
talaga akong mahuhubadan dahil sa sobrang pagiging magandang lalaki rin nito.
Napalunok ako at tila takot sa aking dibdib ay biglang naglaho; napalitan ito nang
pagkamangha. Napatiim-bagang ito at mas lalong ako hinapit sa aking bewang.

"May katigasan din ang iyong ulo, Caritas mea..." Anito.

Napaawang lang ang aking bibig dahil wala akong ideya kung ano ang tinutukoy niya.
Anong 'Caritas mea'? Ayesha Yana ang pangalan ko at hindi 'Caritas mea'.

"Tinawag kita kanina ngunit binalewala mo ako." Anito at bigla akong kinarga.

"Ha?" Tanging naisambit ko. Mas lalong gumulo ang utak ko sa mga sinasambit niya.

"Yana..." Muling sambit nito at muling namilog ang aking mga mata.

"I-ikaw!?" Nanginginig ko pang sambit. Hindi ito sumagot at may kung anong idiniin
sa aking leeg. Sa isang iglap lang ay bigla na lang akong nawalan ng malay.

*****'Caritas mea' Endearment iyan ni Mattheaus kay Yana.Spread loves!

=================

MLFTC-18

MLFTC-18

*****

"Yana..." Nagising ako bigla dahil sa pagkakatawag ng aking pangalan.

"Ayos ka lang ba?" Kinusot ko ang aking mga mata at doon luminaw ang aking
paningin.

"Ate Catherine?" Sambit ko.

Kaonti itong napatango at hinaplos ang aking braso. Napabangon ako at napaatras
nang upo.

"Ano po nangyari?" Taka ko pang tanong.

Sa pagkakatanda ko kasi'y karga-karga ako ng lalaking 'yon.

"Nakita ka ni Dhelfin sa daan at wala kang malay. Mabuti na lang at nakita ka


niya." Paliwanag ni ate Catherine.

Bahagya kong sinipat ang lalaking nakatayo sa likuran niya. Sa pag-asang makikita
kong muli ang lalaking iyon. Ngunit nadismaya ako sa nakita ko. Hindi siya ang
lalaking iyon dahil matanda na ang tinutukoy na Dhelfin ng aking pinsan.

"Wala po akong kasama nang makita niyo ho ako?" Baling ko pa kay mang Dhelfin.

"Wala ho, Senyora. Kayo lang po..." Anito.

Napatango-tango ako. Nakapagtataka naman gayong karga-karga niya pa ako kagabi at


'yong aso! Namilog ang aking mga mata.

"Ate may malaking aso po ang umatake sa akin kagabi." Kuwento ko pa.

Bahagya itong napasinghap at nagkatinginan ang dalawa.

"Magpahinga ka na Yana. Walang malaking aso, baka'y guni-guni mo lamang ang mga
'yon." Ani ate Catherine.

Kaonti akong napakunot ng aking noo. Halatang-halata ko sa mukha ng aking pinsan


ang pagkabahala. Bakit kaya? Tumayo na ito at nagpaalam saglit, silang dalawa ni
mang Dhelfin. Pagkalabas nila'y agad akong gumapang pababa ng kama at pumuwesto sa
pinto. Idinikit ko ang aking ulo upang malayang makarinig ang aking tainga. Narinig
kong nagtatalo ang pinsan ko at si mang Dhelfin. Ngunit mas nangibabaw sa akin ang
matinding kuryosidad kaya pinihit ko ng marahan ang siradora at iniwang ito ng
konti upang sila'y makita.

"Senyora, hindi na po talaga mauulit." Ani mang Dhelfin nang maiawang ko ng konti
ang pinto.

Limang dipa ang layo nila sa akin nguni klarong-klaro ko naman ang mga pag-uusap
nila. Napatampal sa noo ang aking pinsan.

"Mang Dhelfin naman, alam niyo kung gaano ito kadelekado. Kailangang pagbutihin
niyo pa ang siguridad natin. Kung kailangang pataasin pa'y, gawin ninyo. Kung
kailangan araw-araw na linisin ito'y, gawin niyo." Litanya ni ate Catherine.

Tanging pagtango lang din naman ang naitugon ni mang Dhelfin sa aking pinsan.
Matapos nilang mag-usap ay agad nang umalis si mang Dhelfin. Dahan-dahan kong
isinara ulit ang pinto at napasandal dito. Hindi ko maintindihan kung ano ang
pinag-uusapan nilang dalawa. Pero pakiramdam ko talaga'y may kinalaman ito tungkol
sa nangyari sa akin kagabi. Kahit pa itanggi ng aking pinsan na imahinasyon ko lang
iyon ay talagang hindi ako naniniwala. Kung kailangang tumalon ako sa itaas ng
gusali ay gagawin ko; mapatunayan ko lang na totoo ang lalaking iyon at hindi ko
lang basta guni-guni.
Bumalik ako sa aking kama nang makarinig ako ng mga yabag papunta rito sa
tinutuluyan kong silid.

"Yana..." Tawag sa akin ni ate Catherine nang maiawang ang pinto.

"Po?" Sagot ko naman at nagkunwaring masigla.

"Kung maayos na ang iyong pakiramdam, tara at kumain na ng agahan." Aniya.

Tipid na ngiti lang ang itinugon ko sa kanya. Pumanaog na ako sa kama at sabay na
naming tinungo ni ate Catherine ang hapag.

Naabutan namin ang asawa ni ate Catherine, si kuya Steffano. Abala ito sa pagbabasa
ng libro at sa harapan nito ay may kopita.

"Maupo ka na, Yana." Ani ate Catherine sa akin at ipinaghila pa nito ako ng silya.

Kaagad din naman akong naupo at talagang hindi ko maiwasan ang mapayuko. Sa lakas
ng karisma ng asawa ng pinsan ko'y talagang hindi mapipigilan ang kahit sino man na
mapatitig rito, lalo na ako.

Tumabi naman ang pinsan ko sa kanyang asawa. Abala pa rin ito sa pagbabasa at tila
ba balewala lang presensya namin ni ate Catherine sa kanya.

"Kumain ka na, Yana." Nakangiting untag sa akin ni ate Catherine. Tumalima rin
naman ako at nagsimula nang kumain.

"Wala na bang laman?" Biglang tanong ng pinsan ko kay kuya Steffano.

Hindi ito sumagot at bahagyang lang na itinulak ang kopita kay ate Catherine.
Nakakamangha lang dahil nakatitig pa rin ang mga mata nito sa binabasa niyang
libro.

"Teka..." Natauhan ako sa biglaang pagtayo ni ate Catherine kaya't mabilis akong
napayuko at itinuon ang aking atensyon sa aking plato.

Puna kong may kung anong kinuha naman ang pinsan ko sa kabilang kuwarto. Hindi rin
naman nagtagal ay bumalik din naman ito, dala niya 'yong kopita at mabilis na
inilapag sa harapan ni kuya Steffano. Ako naman ay kain lang din nang kain at
tahimik lang na nagmamasid sa kanilang dalawa. Pakiramdam ko talaga ay may kakaiba
sa kanilang dalawa.

Nang sumubo ako'y muntik na akong masamid sa pagkagulat dahil kitang-kita ko ang
dugong kumalat sa bibig ni kuya Steffano. Halos mamilog ang aking mga mata at
nagsisimula ng manginig ang aking mga tuhod. Diyos ko! Huwag niyong sabihing dugo
ang laman ng kopita! Bumaling naman ako kay ate Catherine at nakita kong may
malaking sugat siya sa kanyang palad at mukhang balewala lang ito sa kanya.

"A-ate m-may s-sugat ka..." Nagkandabuhol-buhol kong wika rito.

Nahinto naman ito sa pagkain.

"Nako, dumi lang ito Yana." Aniya.

"Akin na nga po..." Sabi ko pa at mabilis na hinawakan ang kaliwang kamay nito.

Nang tingnan ko ito'y kaonti akong napasinghap dahil wala na ang malaking sugat
nito sa kamay. Ngumiti naman ang pinsan ko.

"Sabi ko naman sa 'yo Yana, dumi lang 'yon. Ikaw talaga, kumain ka na lang."
Masiglang wika nito.

Natameme ako at nanlulumong napayuko. Imposible talagang dumi ang nakita ko.
Talagang malaking sugat iyon at hindi lang basta imahinasyon ko lang.

"Ito Yana, tikman mo. Masarap 'yan..." Wikang bigla ni ate Catherine habang may
hawak na pitsel.

Namilog muli ang aking mga mata. Pinagsalok niya ako ng inoming...dugo!

"Po!?" Tarantang sambit ko pa.

"Masarap 'yan. Inomin mo na." Nakangiti pang alok ng pinsan ko.

Mariin akong napalunok at napakapit sa aking kinauupuan. Nanginginig pa ang aking


mga kamay na kinuha ang baso. Kunwari akong ngumiti at napalunok muli. Nag-aalangan
akong inomin ang laman ng baso. Ngunit ayaw akong lubayan ng tingin ni ate
Catherine kaya't mukhang mapapasubo ako nito. Diyos ko! Gusto ko na yatang masuka
rito at tumakbo na pauwi.

Napapikit ako ng mariin at walang nagawa kung 'di ang inomin ang laman ng baso.
Natigilan ako nang malasahan ko ito. Pinahiran ko pa ang aking bibig dahil bahagya
itong kumalat.

"Ano po ito?" Tanong ko.

Ang sarap lang kasi! Ang tanga ko lang dahil nag-isip ako agad ng masama.
"Minatamis na ubas at berrys. Masarap 'di ba?" Ani ate Catherine. Napatango-tango
ako.

"Kasi naman ate, kulay ano kasi..." Alanganin ko pang sabi.

"Dugo ba? Nako, hindi a! Ganyan talaga kapag purong katas at naluto na." Natatawa
pang dugtong niya sa sinabi ko.

Hiyang-hiya naman ako sa mga naiisip ko. Kung ganoon din pala ay hindi rin dugo ang
iniinom ni kuya Steffano kundi ang inoming gawa ni ate Catherine.

Bahagya akong nakahinga ng maluwag. Ang akala ko talaga ay dugo 'yon. Pinilig ko
ang aking ulo at tinapos na lang ang aking agahan.

=================

MLFTC-19

MLFTC-19

Zoldic Legacy Series Volume One- The Knight In The DarkIyan po unahin, bago po ang
Volume Two- My Love From The Century.Salamat!

*****

Nang matapos ang agahan ay nagpaalam na ako kina ate Catherine at kuya Steffano.
Paano ba naman kasi'y nakalimutan kong may kasama pala ako sa tinutuluyan ko, si
Egoy. Paniguradong nag-aalala na 'yon sa akin.

Nang makalayo na ako sa bahay ng pinsan ko ay napuna kong madami ang nagkukumpulang
mga kalalakihan malapit sa mataas na bakod. Lumapit ako upang makiusyoso kay mang
Dhelfin. Puna kong siya yata ang nagmamando sa mga tao.

"Mang Dhelfin..." Tawag ko rito.

"Nako senyora, kayo po pala." Anito.

"Yana na lang po. Ano pong mayroon diyan?" Tukoy ko pa sa mga nagkukumpulang mga
kalalakihan.

"Nagpapalista sila, senyora. Pasensya na po, nasanay lang talaga ako kay senyora
Catherine." Paumanhin nito. Ang tinutukoy niya ay ang pagtawag sa akin ng senyora.
"Ayos lang po..." Napahagod naman ako ng tingin sa malawak na pader.

"Gaano ho ba iyan kataas mang Dhelfin." Naitanong ko bigla.

"Kung ikukumpara po sa isang gusali, aba'y nasa sampung palapag po iyan. At 'yang
mga nagpapalista ay dudugtungan ulit ang taas ng pader, siguro mga limang palapag
po." Paliwanag nito.

"Talaga po?" Mangha ko pang sambit.

Kung ganoon ay napakataas na nga niyan.

"Hindi lang basta sementong pader 'yan, senyora. Lalapatan pa 'yan ng solidong
bakal, sa kabila nama'y purong pilak." Paliwanag nito ulit.

"O? E 'di ang laki po ng magagastos no'n at saka grabe naman po 'yang pader na 'yan
mang Dhelfin, masyado pong mapili sa materyales." Sabi ko pa.

"Basta ba sa siguridad ng pamilya Zoldic at ng mga Seltzer, maging ang mga iba pang
nakatira ay wala sa kanila ang malaking gagastusin para lang dito." Nakangiting
sagot din naman ito.

Seltzer? Akala ko ba ang mga Zoldic lang ang nagmamay-ari ng islang 'to.
Magtatanong pa sana ako ngunit nakita kong tumatakbo palapit sa aming puwesto ni
mang Dhelfin si Egoy.

"Ate Yana..." Sambit nito at bigla akong niyakap.

"Egoy, bakit?" Alala ko namang tanong.

"Kasi ate, ang akala ko'y may masamang nangyari sa iyo. Dapat kasi isinabay na lang
kita sa perya kagabi." Anito. Napangiti naman ako at ginulo ang kanyang buhok.

"Huwag mo sisihin ang sarili mo, Egoy. Ayos lang naman ako." Nag-angat naman ito ng
kanyang ulo.

"Sa susunod na aalis ako ate ay isasama na talaga kita." Paniniguro pa nito. Ngiti
lang ang itinugon ko.

"Mauna na ho kami, mang Dhelfin." Paalam ko pa.

Tumango lamang ito at lumapit na sa mga kalalakihang nagpapalista. Kami naman ni


Egoy ay lumakad na pabalik sa silid-aklatan.
"Egoy, nagsara ka ba?" Tanong ko nang matanawan kong nakasirado pa ang mga kurtina
ng mga bintana.

"Opo ate, utos ni ate Catherine para naman po raw makapagpahinga kayo." Aniya.

Tipid na ngiti lamang ang itinugon ko.

"Egoy, maari bang tumambay ako sa museo?" Pagpapaalam ko pa.

"Oo naman po..." Nakahinga naman ako ng maluwag sa pagpayag nito.

Nang umabot kami ay tuluyan na akong nagpatiuna nang lakad papasok sa museo. Nang
makapasok ako'y sinigurado kong silyado ang pinto. Humakbang ako palapit sa
larawang napasukan ko no'ng nakaraan. Ngayon lang kasi ako nagkaroon ng oras na
makabalik dito kaya't lulubosin ko na ang pagkakataon.

Napamasid akong muli sa larawan at sinubukang galawin ito ng kaonti. Napaatras ako
sa biglaang pag galaw ng pader ngunit agad din naman akong sumampa upang madala ako
nito sa oras na ito'y bumaliktad.

"Hmm..." Ungol ko.

Hindi ko na naman kasi napaghandaan ang aking pagbasak sa sahig. Dahan-dahan akong
napatayo at muling kumuha ng isang sulo na nakasabit lamang sa pader. Lumakad na
ako at muli ay narating ko ang dulo ng makipot na daanang 'to. Kinapa ng mga daliri
ko ang nakaukit sa pader at muli ay binigkas ito.

"In profudum cordis videam secretum iter..."

Muli ay napaatras ako at isinabit muli sa pader ang sulong hawak ko. Muling umakyat
ang pader. Hindi ko talaga mapigilan ang sobrang tuwa at mangha ko talaga sa lugar
na ito. Napatakbo ako at agad na dumungaw sa malinaw na tubig ng talon. Nagsalok
ako ng tubig gamit ang aking mga palad at ininom ito. Talagang kay sariwa at presko
ng tubig. Napalinga rin ako sa aking paligid at talagang ang gaganda ng
pagkakatanim ng mga itim na rosas. Ngunit napaisip ako saglit.

"Itim na rosas..." Sambit ko.

Bakit nga ba ngayon ko lang naalalang may itim na rosas din ang nagbibigay sa akin.
Ang akala ko ay ang tiyang dahil 'yon ang paniniwala ni Jeorgie. Nasabi pa nitong
masama raw ang ibig sabihin nito ngunit sa nakikita ko ngayon ay mukhang may iba
pang kahulugan ito.

"Yana..." Narinig kong bulong ng hangin sa akin. Natigilan ako.


"Nagustuhan mo ba ang nakikita mo..." Mas lalo yata akong natigilan sa biglaan
nitong pagsasalita sa aking likuran.

Napalunok ako. Tanghaling tapat ay narito siya! Umiral na naman ang matinding kaba
at kuryusidad sa akin. Natutuwa ako na natatakot. Sari-saring emosyon ang
pumapaibabaw sa akin. Akmang lilingonin ko ito ngunit sa isang kurap lang ay yakap
na nito ako mula sa aking likuran.

Ipinatong din nito ang kanyang baba sa aking balikat at tila ba inaamoy ang aking
leeg. Hindi ko alam kung paano niya nagawa iyong mabilis na pagkilos niya.

Nagsimula nang manlumo ang aking mga tuhod. Kung hindi ito nakakapit sa bewang ko'y
baka nabuwal na ako sa aking pagkakatayo. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko,
ni ang pag-ungol ay hindi ko magawa! Bumigat ang aking paghinga nang maramdaman
kong inilapat nito ang kanyang labi sa aking leeg.

"Bakit ka naritong muli? Hinahanap mo ba ako, Yana..." Halos pabulong nitong wika
sa akin. Sa tono nang pananalita nito'y tila ba't nababasa niya ang mga kilos at
iniisip ko. Diyos ko Yana! Gumalaw ka!

Para akong nasemento sa aking kinatatayuan at kulang na lang maging isang ganap na
rebulto. Napalunok akong muli.

"...ah." Tanging naiusal ko ngunit pabulong iyon.

"Lakas-loob kang pumarito ngunit hindi mo naman alam ang labasan sa lugar na ito."
Bulong nito ulit sa aking tainga.

Sa bawat letrang bigkas nito'y katumbas ng ilang milyong boltahe ng kuryente ang
gumagapang mula sa dulo ng hibla ng aking buhok hanggang sa aking talampakan.
Napalunok akong muli. Diyos ko! Tanging paglunok na lang yata ang magagawa ko!

"Gusto mo yata ang ikulong kita rito..." Muling bigkas nito.

=================

MLFTC-20

MLFTC-20

Kung may nais itanong, post lang kayo sa message board ko para madali ako makapag-
reply. Salamat Fairies! Fb: Maikitamahome WP
*****

Napasinghap ako. Hindi puwede mangyari 'yon! Bigla ko siyang hinarap ngunit hindi
ko inaasahan ang susunod na mangyayari dahil bigla nito akong siniil ng halik. Para
pa itong nanggigil dahil bahagya pang dumugo ang pang-ibaba kong labi. Ngunit
takang-taka ako sa aking sarili dahil hindi ko man lang magawang pumalag sa
mapangahas na paghalik nito sa akin. Kasabay nang halik ay ang pagsalubong ng aming
mga mata. May kung anong hipnotismo ang mga mata nito upang mapatitig ako ng husto.
Kulay luntian ang mga mata nito at kay sarap lang nitong titigan ng pangmatagalan.
Bahagya itong kumalas sa pagkakahalik sa akin ngunit nanatiling nakapulupot ang mga
bisig sa aking bewang. Natigilan naman ako nang biglang dinilaan nito ang aking
labi at tila sarap na sarap pa ito sa dugong nalasahan niya mula sa akin.

"Ngayon caritas mea, sabihin mo sa akin kung ano ang iyong ginagawa sa sekreto kong
pahingahan." Anito.

Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi. Hindi pa nga ako nakakabawi sa ginawa nitong
paghalik sa akin kanina, o mas tamang sabihin na tulala pa ako at hindi ko alam
kung saan ako mag-uumpisa.

"G-gusto ko lang magpasalamat...kaya kita hinahanap..." Sagot ko at napayuko.

Ibig ko na yatang mahimatay dahil sa sobrang nerbyos. Muli akong nag-angat ng aking
ulo at nakita mismo ng mga mata ko ang pagbabago ng kulay ng mata nito; naging
kulay pula. Napaatras ako dahilan para makakalas ako rito ngunit sa bawat pag-atras
ko'y siya ring paghakbang nito palapit sa akin. Imposible! Alam na alam ko kung
anong klaseng nilalang ang may kakayahang maging pula ang mga mata, maliksing
kumilos, may lakas na walang kapaguran at ang paborito nilang pagkain na ang
tanging bumubuhay sa kanila ay dugo; mga bampira!

Napaatas akong muli ngunit bago pa man ako makaatras lalo ay bigla itong lumitaw sa
harapan ko at may kung anong idiin sa parte ng aking leeg dahilan para ako'y
mawalan na naman ulit ng malay.

*****

Dahan-dahan kong idinilat ang aking mga mata at gaya nga nang nangyari no'ng unang
beses ay narating ko na naman ang aking silid nang 'di ko namamalayan. Kung no'ng
una'y sa sahig ako nagising, ngayon nama'y sa mismong kama ko na. Namilog ang aking
mga mata ng maalala ko sa aking balintataw ang tagpong nangyari kanina. Totoo nga
ba talaga sila? O talagang namamalikmata lang ako at baka dala lang iyon ng
imahinasyon ko? Pinilig ko ang aking ulo at hinilot ang aking sintido. Sumasakit na
talaga ang ulo ko sa mga nangyayari sa akin.

Una'y ang mga pangitaing nakikita ko sa larawan no'ng nasa unibersidad ako
nagtatrabaho. Pangalawa'y ang malaking aso na umatake sa akin. Ngayon nama'y ang
lalaking nagpaparamdam sa akin noon pa man ay hindi isang multo o isang normal na
tao bagkus ay isang bampira. Diyos ko! Iniisip ko tuloy kung may sakit na ba ako sa
pag-iisip dahil kung anu-ano na ang nakikita ko.
Mariin akong napapikit. Alam ko kung ano ang nakita ko kanina sa mga mata nito.
Hindi rin naman ako isang mangmang para baliwalain ang mga kaalaman sa ganyang
bagay. Madalas ay napapanood ko lang ang mga gaya nila sa sinehan. Ngunit iba ito,
talagang totoo sila. Napabuga ako ng hangin at bumababa sa aking kama. Sa pagtayo
ko'y may nahulog na papel sa sahig.

'Huwag na huwag ka nang babalik sa muli sa lihim kong pahingahan.' Basa ko sa


nakasulat sa papel. Napapikit ako ng mariin at itinapon ang papel na hawak ko.
Lumabas ako ng silid ko at saktong papasok rin naman si Egoy. Bahagya pa itong
nagulat nang makita ako.

"Nandito po kayo? Ang akala ko'y nasa museo kayo, ate." Anito.

"Ha? Kalalabas ko lang..." Sagot ko pa. Nagsalubong naman ang mga kilay nito.

"Po? E kanina pa po ako dito sa labas ng tinutuluyan po natin e." Ani Egoy at
napapaisip pa. Alanganin akong napangiti.

"Hindi mo lang yata ako napansin. Nga pala akin ba ito?" Tukoy ko pa sa pagkaing
nasa mesa.

"A, opo ate. Bigay po iyan ni ate Catherine. Baka kasi may gana ka na pong kumain,
pasado ala-singko na po ng hapon kung 'di niyo napapansin." Anito.

Napaawang ang aking mga labi. Kung ganoon pala'y kay haba pala ng aking naitulog.
Itinikom ko ang aking bibig at naupo na sa hapag. Nagkunwari akong masigla.

"Nako Egoy, napasarap lang talaga ako sa pagtulog. Tara na't samahan mo akong
kumain." Nakangiting alok ko pa.

Nailing naman ito at naupo lamang sa aking harapan. Kumikit-balikat na lamang ako
at nagsimula nang kumain. Sa totoo lang ay ngayon ko lang naramdaman ang pagkalam
ng aking sikmura.

"Ate..." Ani Egoy kaya't tiningnan ko ito.

"Bakit Egoy, may problema ba?" Tanong ko pa habang sumusubo.

"Kasi ate papasok po ako sa kabilang bakod mamaya." Natigil ako sa pagsubo.

"Talaga? Puwede ba akong sumama? Malapit lang naman siguro ang bahay na tinutuluyan
ni tiyang Nely 'di ba?" Nailing naman ito na siya ring ikinanglumo ko.

Ang akala ko pa naman ay makikita ko na ang tiyang Nely.


"Malayo po 'yon ate at saka kukuha lang naman po ako ng mga bagong libro doon."
Paliwanag pa nito.

Napayuko ako at tahimik na lamang na kumain.

"Pero wala naman sigurong makakaalam kung ipupuslit po kita, 'di ba ate?" Aniya.
Nag-angat ako ng ulo.

"Talaga? Isasama mo na ako? Kahit hindi tayo makapunta kay tiyang Nely ay ayos
lang. Mabuboryo lang kasi ako rito." Sabi ko pa.

"Opo ate. Teka may kukunin ako, bilisan niyo na po sa pagkain." Masiglang wika rin
naman nito.

Agad itong napatayo at pumasok sa kanyang kuwarto. Ako naman din ay mabilisang
inubos ang pagkaing nasa harapan ko. Nang matapos ako'y kaagad din naman akong
nagpalit ng bestida at pares ng sapatos.

Pagkalabas ko ng silid ko'y nagkasabay pa kami ni Egoy. Nagsalubong ang aking mga
kilay. Nakasuot kasi ito ng tsaketa.

Hindi lang simpleng tsaketa dahil ito iyong madalas kong nakikitang suot ng mga
hudyo o kaya'y mga sinaunang prayle; o kaya nama'y madalas ko rin itong nakikita sa
mga myembro ng mga kulto. 'Yong parang nagsasagawa ng ritwal sa mga dayuhang
palabas. Napahagikhik ako.

"Egoy, ano ang pumasok sa utak mo at kailangan pa ng ganyan?" Natatawa ko pang


tanong.

Napanguso ito at nahihiyang napakamot sa kanyang ulo.

"Kailangan kasi ate e. Ito 'yong sa 'yo tapos gamitin mo itong pabango, madali
mawala ang amoy niyan kaya limang bote ang ibibigay ko sa iyo." Paliwanag pa nito.

Napangiwi ako at walang nagawa kundi ang isuot ang itim na tsaketang bigay niya.

"Mamahalin ito a." Tukoy ko pa sa pabangong hawak ko.

"Sige na po ate, gamitin niyo na po. 'Wag kalimutan po gamitin kada minuto." Bilin
pa nito.

"Kailangan pa talaga nito?" Taka kong tanong.


Napatango naman ito. Nailing na lamang ako at ginamit na ito.

"Tara na po..." Gayak nito sa akin.

Ngumiti lang ako at napatango.

=================

MLFTC-21

MLFTC-21

Pinalitan ko na ang endearment call ni Mattheaus kay Yana. -> 'Caritas mea'.

Magiging delay na masyado ang updates ko sa susunod na mga week. Medyo abala lang.

Salamat sa uunawa.

*****

Lumabas na kami ng silid-aklatan at siniguradong nakasilyado ang mga bintana at


pinto. Hinila ako ni Egoy papunta ng tarangkahan. Nang matapat kami'y mabilis din
naman kaming pinapasok nang sumenyas itong si Egoy.

"Ano ang lalagyan natin ng mga libro?" Taka ko pang usisa.

"May karwahe naman po tayong gagamitin." Anito.

Napatango naman ako. Ibang klase, uso pa pala ang mga karwahe sa islang 'to. Nang
tuluyan kong mailibot ang aking paningin ay bahagya pa akong nagulat. Ang akala
ko'y naglalakihang bahay na dikit-dikit ang makikita ko ngunit nagkamali ako.
Masyado yatang makaluma ang lugar na ito at magkakalayo ang mga bahay; puro luma pa
ito at sinauna pa ang mga materyales.

"Egoy, ito ba talaga ang lugar?" Paniniguro ko pa.

"Opo ate, lumakad na po tayo. Isang bilin pa po pala, huwag po kayong makipag-usap
sa kahit kanino at huwag po kayong titig sa mga taga-rito." Ani Egoy.

"O? May ganoon pa? Sige na nga lang." Wala akong nagawa kundi sundin ang mga bilin
ni Egoy.
Total din naman kasi ay dapat na sumunod talaga ako dahil ngayon pa lang ako
nakapasok sa balwarte ng mga Zoldic. Hinila naman akong bigla ni Egoy papunta sa
isang malaking garahe at nang makapasok kami'y agad na bumungad sa amin ang
karwahe; ito na marahil ang tinutukoy ni Egoy kanina na gagamitin namin. Umuna
siyang sumakay at ako din nama'y naupo sa tabi niya.

"Ate ang pabango po..." Baling pa sa akin ni Egoy.

Tumango lang ako at agad na iwinisik sa aking sarili ang pabangong hinugot ko sa
aking bulsa. Ang selan naman sa amoy ng mga taga-rito.

Habang binabaybay namin ang daan ay tahimik akong napapaisip. Magpakita pa kaya
siya akin? Hindi man kapani-paniwala ngunit may parte dito sa puso ko na hinahanap-
hanap ko ang kanyang prisensya.

Alam ko, kakaiba nga siya at isang nakakatakot din na nilalang, na akala ko dati'y
mga kuwentong barbero lang. Ngayong ayaw na niya akong makita'y lubos yata akong
nanghihinayang.

Baliw na mga ako kung iisipin ngunit alam kong nakakatakot siya pero pakiramdam
ko'y hindi naman.

Diyos ko! Kung anu-ano na yata itong naiisip ko. Inalog ko ng konti ang aking ulo.

"Narito na po tayo..." Wika ni Egoy kaya't natuon agad ang aking atensyon sa
hinintuan namin.

Halos lumuwa yata ang mga mata ko nang makita ko ang napakalaking unibersidad na
ito.

"Maligayang pagdating sa La Luz De Vermont Universidad." Bulong pa ni Egoy sa akin.


Napangiti ako.

"Zoldic din ba ang may-ari nito?" Naitanong ko.

"Opo ate. Si La Luz De Vermont Zoldic po, ang ninuno ng mga Zoldic." Ani Egoy.

Napatango-tango naman ako. Ganito pala kayaman ang mga Zoldic at ang ganda talaga
ng unibersidad ngunit parang kami lang yata ang taong narito.

Nahinto kami sa tapat ng malaking pinto ngunit pinatakbo muli ni Egoy ang mga
kabayo at nahinto ulit sa gilid mismo ng unibersidad.

"Baba ka na po ate. Kailangan nating magmadali. Mamaya lang ay darating na sila."


Napakunot ako ng noo.

Ganitong oras ng alas-nuebe ay may mag-aaral pa? Nakakamangha naman. Bumaba na


lamang ako at sumunod na kay Egoy. Ang dami naming inikutang pasilyo at inakyatang
hagdan hanggang sa marating namin ang silid-aklatan ng unibersidad. Pagkabukas pa
lang ni Egoy sa pinto ay agad na bumungad sa akin ang napakalaking silid-aklatan.

"Egoy, naayos ko na ang mga dadalhin mo." Salubong pa sa amin ng isang babae.

Nakasuot ito ng salamin sa mata at nakalugay ang buhok nito na may pagka maalon-
alon.

"Talaga ate Mocha? Salamat po a..." Sagot naman nitong si Egoy.

"May kasama ka pala, Egoy..." Baling naman ni ate Mocha sa akin.

Sa tantya ko kasi'y magkasing-edad lang sila ni ate Catherine. Tinanggal ko naman


ang sumbrerong karugtong ng aking tsaketang suot.

"Pasensya na po kung napasama..."

Nahihiya ko pang paumanhin. Bahagya naman itong natigilan at agad na tinabig ng


marahan si Egoy. Lumapit si ate Mocha sa akin at sinipat ng mabuti ang aking mukha,
maging ang aking pangangatawan. Bigla pa nitong inamoy ang aking buhok.

"Kamukha niya si Alyana, 'di ba Egoy?" Ani ate Mocha at bahagya pang pumaling kay
Egoy. Si Egoy din naman ay napatango lang din.

"Bilis Egoy! Kunin mo na ang mga kahon at saka mo balikan itong kasama mo.
Magpatulong ka sa iba." Utos ni ate Mocha kaya agad din namang tumalima itong si
Egoy.

Gusto ko sanang tawagin si Egoy ngunit nag-aalangan naman ako. Hinila naman ako ni
ate Mocha sa isang sulok at kinuha ang kaliwang kamay ko.

"Bakit po?" Taka ko rin namang tanong.

"Bakit ka pa sumama rito, alam mo bang inilalagay mo lang sa piligro ang buhay mo."
Anito at bakas sa mukha niya ang takot at pag-aalala.

Napaawang lang ang aking bibig dahil hindi ko naman alam ang tinutukoy niya. Bigla
naman niyang pinisil ang kaliwang braso ko at aminado akong masakit iyon kaya't
napadaing ako. Bigla namang may lumabas na matinik na tangkay ng isang itim na
rosas sa aking kaliwang braso at nang ito'y kanyang bitawan ay agad din naman itong
nawala. Ano ang bagay na 'yon!?
"Nagpakita na ba siya sa iyo?" Tanong nito.

"S-sino po?" Taka ko rin namang sagot at napahawak sa aking braso. Para yatang
magkakapasa ako nito mamaya kapag hindi ko ito nalapatan ng yelo.

"Ang lalaking bumabagabag sa iyo. Huwag kang lumubay sa kanya kung ayaw mo ang
magaya kay Alyana. Kailangang mangyari ang dapat na noon pa sana'y nangyari.
Nakikiusap ako sa iyo, Ayesha Yana..." Nanlaki naman ang aking mga mata nang
banggitin nito ang aking pangalan gayong hindi naman ako nagpakilala rito.

Naguguluhan din ako sa bawat salitang binibitawan nito. Sino ba talaga si Alyana?
Ano ang nag-uugnay sa aming dalawa at bakit ko siya kamukha? Magsasalita pa sana
ako pero bigla namang dumating ito si Egoy at nagmamadaling hinila ako palabas,
hanggang sa matapat kami sa karwaheng sinakyan namin kanina. Halos kapusin ako ng
aking hininga dahil sa bilis naming tumakbo ni Egoy.

"Dahan...dahan n-naman..." Hingal na hingal kong sambit.

"Sakay na ate..." Ani Egoy kaya kahit na hapong-hapo ako'y mabilis akong sumakay
agad.

Habang pinapatakbo ni Egoy ang karwaheng sinasakyan nami'y bigla naman itong nabaon
sa maputik na parte ng daanan.

"Ate Yana, hintayin mo ako dito ha? Hihingi lang ako ng tulong kay ate Mocha." Ani
Egoy at agad na napatakbo pabalik sa pinanggalingan namin.

Napalinga naman ako sa aking paligid dahil sa may narinig akong mga kaluskos. Kung
bakit naman kasi ay dito pa sa masukal na daan kami dumaan ni Egoy e! Bumilis na
ang pagkabog ng aking dibdib. Napakapit ako sa aking kinauupuan. Talagang ayaw
huminto ng mga kaluskos na naririnig ko.

"Egoy, nasaan ka na..." Sambit ko sa kawalan habang napapalingon sa aking likuran.

=================

MLFTC-22

MLFTC-22

*****

Nagsimula nang bumigat ang aking paghinga dahil 'di na talaga maganda ang aking
pakiramdam. Bigla naman akong natigilan nang makarinig ako ng mga ungol. Namilog
ang aking mga mata nang marinig kong may sumampa sa ibabaw ng karwahe. Dahan-dahan
kong sinilip kung ano ang nasa itaas. Halos mamilog ang aking mga mata sa
nasaksihan. Ang malaking asong umatake sa akin no'ng nakaraan ay yaong nandito din
sa ibabaw ng karwaheng sinasakyan ko. Sa sobrang takot ko'y agad akong napababa at
dahan-dahang lumakad. Ngunit bago pa man ako makalahati nang hakbang ay narinig ko
ang pagbaba nito sa lupa.

"Sa tingin mo ba'y makakatakas ka sa akin!" Biglang wika nito.

Mas lalong namilog ang aking mga mata. Huwag niyo sabihing ang taong nasa likuran
ko'y isang taong-lobo!? Napalunok ako. Wala ano pa'y mabilis na akong napatakbo
palayo. Diyos ko! Ano ba ito! Una'y bampira, ngayon nama'y taong-lobo! Imposible na
talaga ito!

Takbo lang ako nang takbo ngunit ramdam ko ang pagsunod nito sa akin. Ngunit
mabilis ito kaya't nahapit ng kanyang matulis na mga kuko ang aking kanang hita
dahilan para masugatan ito at tumilapon ako sa damuhan.

"...aah!" Daing ko sa pagitan ng aking pag-iyak.

Sobrang lalim ng sugat sa aking kanang hita kaya't mabilis rin ang pagdaloy ng dugo
ko.

"...aah!" Muling daing ko at halos kagatin ko na ang aking dila dahil sa sobrang
hapdi at kirot.

Bigla namang lumitaw ang taong-lobo sa aking harapan. Naglalaway pa ang bibig nito
at talagang ano mang oras ay mananakmal na ito. Bigla namang nag-anyong tao ang
pang-itaas na bahaging katawan nito.

"Ang hina mo nga pa lang nilalang. Masakit ba?" Anito at napahalakhak pa.

"P-parang...awa mo..." Sambit ko.

"Awa? Ikaw ang sisira sa angkan namin at hindi ako papayag na mangyari ang nakasaad
sa propesiya!" Nailing ako at natutop na ang aking bibig.

"Napakasuwerte ko naman at ako ang unang nakahanap sa iyo." Aniya at malutong na


napatawa.

Bumalik ito sa kanyang anyo at bigla akong sinugod. Wala akong nagawa kundi ang
matulala na lamang. Sa pagkurap ng aking mga mata ay siyang paglitaw ng isang
lalaking nakasuot ng itim na tsaketang kagaya ko at bigla nitong hinawakan sa leeg
ang taong-lobo at walang kahirap-hirap nitong ibinaon sa lupa ang mukha. Talagang
bumaon ito dahil sa sobrang lakas ng puwersa. Natigilan akong saglit nang lingonin
nito ako. Ang lalaking nagpakita sa akin sa talon ang siyang nagligtas sa akin.
"Walang kuwentang Seltzer!" Anito at mas lalong ibinaon sa lupa gamit ang kanyang
kanang paa. Mukhang patay na ito. Napalunok ako at natigil sa pag-iyak.

"Masyado talagang matigas ang iyong ulo." Baling nito sa akin.

Nanatili akong walang imik dahil hindi ko naman alam kung ano ang dapat kong
sasabihin. Lumapit ito sa akin at inilahad ang kanyang kanang kamay. Nailing ako
dahil hindi ko kayang tumayo sa sitwasyon ko. Bigla niya naman akong binuhat ng
maingat.

"Alam na nilang nandito ka kaya't hahabulin ka nila, maging ako." Wika nito.

"S-sino ba sila? Ikaw? At ang lugar na ito." Lakas-loob kong tanong rito.

Hindi niya ako sinagot at nanatiling nakatuon lang sa daan. Hindi na rin ako
nagtanong pa ulit dahil talagang iniinda ko pa itong sugat ko sa kanang hita.

Sa isang kurap nama'y narating namin ang karwahe. Hinawakan niya ito at bahagyang
iniangat kaya hindi na ito nakalubog sa putikan. May iniwan din siyang papel at
isinukbit sa isa mga kabayo.

"Baka hanapin ako ni---"

Hindi ko na naituloy dahil sasabihin ko dahil sa biglaan nitong paghalik sa akin.


Nagtama ang aming mga mata at kitang-kitang ko ang pagbabago ng mata niya mula sa
luntian hanggang sa maging kulay pula. Humiwalay ang labi nito sa akin at lumakad
nang muli. Tanging paglunok na lamang ang nagawa ko. Diyos ko, pangalawang halik
niya na ito sa akin at aminado akong kinilig sa kanyang ginawa. Napayuko na lamang
ako at ibig ko yatang batukan ang aking sarili dahil tila yata'y may namumuo na
akong pagtingin sa kanya; sa isang istranghero.

Hindi rin nagtagal ay narating namin ang masukal na daan. Nahinto kami sa tapat ng
nakukumpolang mga baging at nang kanya itong hinawi ay bumungad sa akin ang maliit
na kuweba. Sa dulo nito ay isang rumaragasang tubig. Dumaan kami sa gilid nito at
laking gulat ko nang mapagtanto ko kung nasaan kami. Nasa lihim na lagusan kami ng
museo kung saan matatagpuan ang mga tanim na itim na rosas at ang malinaw na tubig
ng talon.

Lumakad pa siya ulit at nahinto sa tapat ng pader kung saan ako dumaan no'ng
nakaraan. Kusa itong umangat at diretso lang siya sa paglakad habang bitbit ako.
Muli namang sumirado ulit ang pader nang makapasok kami. Lumakad pa siya ng ilang
hakbang hanggang sa tuluyan naming narating ang kabilang dulo. Pader pa rin ang
dulo nito at walang ano pa'y bigla ulit itong umangat.

Bumungad sa akin ang hagdan pababa. Dalawampung baitang ito pababa hanggang sa
matapat kami sa dalawang pinto. Itinulak niya ang kaliwang pinto at bumungad sa
akin ang isang kuwarto. Antigo ang mga muwebles na ginamit sa silid at sa gitna
nito ay isang malaking kama. Dahan-dahan naman niya akong ibinaba. Iyong tipong
marahan at maingat na pag-alalay kaya't medyo hindi nagalaw ang sugat ko sa hita.

Lumayo naman ito sa akin at hinubad ang suot niyang tsaketa. Tumambad sa akin ang
matipuno at makisig nitong katawan. Wala pala itong suot na pang-itaas at tanging
kupas na maong na kulay asul lang ang suot niya sa ibabang parte. Wala sa sarili pa
akong napalunok at 'di man lang inalintana itong sugat ko.

=================

MLFTC-23

MLFTC-23

Enjoy sa update. Magiging madalas na po itong delay updates pero bagsakan, meaning
tatlo o higit pang chapter ang updates ko sa susunod na posting.

Salamat sa uunawa minamahal kong mga diwata.

*****

Iniitsa niya lang ang tsaketa sa sulok at may kinuha sa loob ng tukador. May kung
anong bote itong kinuha at isinalin sa kulay gintong kopita. Nilagok niya ang lahat
ng laman nito at lumapit sa akin. Inilapag niya sa katabi kong mesa ang hawak
niyang bote at maging ang kopita. Mataman naman nito akong tinitigan kaya't
napayuko ako dahil parang nakakapaso ang mga titig nito sa akin.

Bigla naman niyang hinawi paitaas ang tsaketang suot ko kaya't napapitlag ako.
Maingat din niyang itinaas ang suot kong bestida ngunit pinigilan ko ang kanyang
kamay. Hinawakan niya lang ang kamay ko at inalis, saka tuluyang inangat ang
bestida ko. Pakiramdam ko'y lulubog na ako sa sobrang kahihiyan dahil konti na lang
ay makikitaan na ako.

Binitawan naman niya ang kanang kamay ko at kinuha ang bote. Walang ano pa'y walang
pasabi niya itong ibinuhos sa sugatan kong hita.

"...aah!" Daing ko nang pagkalakas dahil sa sobrang hapdi.

Mabilis niyang kinabig ang batok ko at pinakagat sa akin ang kanyang braso.

"...ugh!" Ungol ko habang kagat ko ang kanyang braso.

Nag-uunahan sa pagtulo ang aking mga luha dahil sa sobrang sakit at hapdi. Hindi ko
inaakalang alak pala ang ibinuhos nito sa akin. Diyos ko! Sinaunang tao nga talaga
ang nilalang na ito dahil alak ang ginagamit bilang panglinis ng sugat imbes na
alkohol.

Bahagya niya naman akong itinulak at pinasandal sa kama. Biglang nanghina ang
pakiramdam ko dahil sa ginawa niyang 'yon. Kitang-kitang ko naman ang pag galing ng
kagat ko sa kanyang braso. Ibang klase talaga siya!

Dahan-dahan naman nitong inangat ang hita ko at natigilan ako sa ginawa niya. Bigla
na lamang kasi siyang yumuko at walang pasubaling dinilaan ang sugat sa aking hita.
Namilog naman ang aking mga mata sa biglaang pag galing ng mga sugat ko. Hindi
naman kaya'y may sa lahing engkanto ang lalaking 'to!?

"A-anong ginawa mo?" Sa wakas ay naiutas ko.

Kumikit-balikat lang ito at nilubayan na ang hita ko. Tumayo naman na ito at
lumapit muli sa tukador at may kinuha ulit. Isang bestida na kulay asul ang iniabot
nito sa akin.

"Magbihis ka..." Utos pa nito. Natigilan akong muli.

"S-saan?" Alanganin ko pang sagot.

Hindi ito umimik at seryoso lamang na katitig sa akin. Kung hindi lang talaga
kakaiba itong lalaking 'to, marahil ay nasapak ko na ito. Napalunok ako at walang
nagawa kundi ang magbihis sa harapan nito. Ngunit bago ko pa man mahubad ang suot
ko'y tumalikod na ito. Nakahinga ako ng maluwag. Kahit pa-paano'y may respeto rin
pala ito sa akin. Dali-dali akong nagbihis at itinabi ang marumi kong damit.Saka
naman ito humarap sa akin.

"Dito ka lang..." Anito at saka lumabas ng kuwarto.

Mas lalo akong nakahinga ng maluwag. Makailang beses ko yatang pinigil ang aking
paghinga. Hindi ko talaga mapigilan ang kabahan sa kanya. Hindi siya isang
ordinaryo, bagkus isa siyang bampira.

Dahan-dahan naman akong napatayo at tinantsa kung kaya ko na bang ikilos ang kanang
hita ko. Napangiti ako. Salamat naman sa Diyos at gumaling na ito ng tuluyan.

Ngunit paano niya kaya iyon nagawa?

Bumukas naman bigla ang pinto kaya't awtomatiko akong napaupo. Aatakihin ako sa
puso dahil sa lalaking 'to. May inilapag naman ito sa maliit na mesa, na sa tingin
ko'y pagkain. Kumakain din ba sila?

"Kumain ka na..." Anito.


Kay tipid naman nang binibigkas nitong mga salita. Nanatili naman ako nakaupo lang
sa kama kaya binuhat na lamang nito ang mesa gamit ang isang kamay. Napaawang ang
aking bibig dahil sa sobrang pagkamangha pero agad ko rin namang itinikom ito nang
mapuna ko ang malagkit niyang pagtitig sa akin. Itinulak naman nito ang pinggan
palapit sa akin. Alanganin pa akong kumilos dahil napakahirap talaga nitong
basahin.

Umalis naman ito sa harapan ko at nahiga sa kama. Napalunok naman ako ulit at
walang kibo na ring kumilos upang makakain.

Hindi nagtagal ay natapos din naman ako at bahagyang sumulyap sa antigong orasan.
Ala-una na ng madaling araw at tila ba nakapagtataka't hindi pa ako dinadalaw ng
aking antok.

"Yana..." Natigilan na naman ako at bahagya itong nilingon.

Kung bakit ba kasi nagsisitayuan ang mga balahibo ko sa katawan sa tuwing tinatawag
niya ang pangalan ko.

"M-maari ba akong magtanong?" Wika ko.

Umayos naman ito sa pag-upo at sumandal.

"Kung nabigla ka at naguguluhan, masasanay ka rin. Mamaya na kita dadalhin sa


kuwarto mo. Mahiga ka na rito." Mariin kong nakagat ang aking ibabang labi.

Ni hindi man lang ako binigyan ng pagkakataong magtanong pa. Kalaunan ay natauhan
din naman ako sa iba niyang sinabi. Magtatabi kami!?

"H-ha? S-sa a-ano---ay!" Bigla na lamang kasi nito akong binuhat at inihiga sa
kabilang dulo ng kama.

Agad akong napatalikod at niyakap ang aking sarili. Kinakabahan ako na 'di ko
mawari. Wala akong naging nobyo kahit isa lang at unang beses kong mahalikan,
maging ang makatabi ang isang lalaki sa kama.

Napalunok ako. Ramdam ko naman ang biglang paghila niya sa kumot at tinakip sa
akin. Ngunit mas lalo kong ikinabigla ang sunod niyang ginawa. Iniunan nito sa akin
ang kanyang kanang braso at ang kaliwang braso naman nito'y nakadantay sa bewang
ko. Maging ang mukha nito'y isiniksik sa aking leeg. Ramdam na ramdam ko ang lamig
ng katawan nito ngunit wari pakiramdam ko'y nasasapat na itong matinding init ng
aking katawan.

"Ano ba talaga kita?" Wala sa loob kong nautas.


"Ang iniirog mong nagmula sa nagdaang taon." Bulong niya.

Hindi na muli akong kumibo at marahang ipinikit ang aking mga mata.

=================

MLFTC-24

MLFTC-24

*****

Kinaumagahan nang magising ako'y narito na muli ako sa aking silid. Gaya nga nang
sabi nito'y ibabalik niya ako ngunit hindi ko man lang namalayan kung paano niya
ako ibinalik dito. Napatitig ako sa kawalan. Hindi ko alam kung totoo na ba talaga
itong nangyayari sa akin. Sa pagkakasabi niya kanina ng mga 'yon ay parang nobyo ko
na siya. Napabangon ako at napasabunot sa aking sarili. Nakakabaliw na talaga!
Ngunit sa isang saglit ay napangiti ako sa malasakit nito sa akin. Nahihibang na
nga yata talaga ako ngunit pakiramdam ko'y nahuhulog na ako sa kanya. Tumayo na ako
at pumasok sa banyo.

Matapos kong magbabad sa banyo at mag-ayos ng sarili ay napagpasyahan ko na ang


lumabas sa aking silid.

"Nakauwi ka na pala ate Yana?" Si Egoy na abala sa paghahanda ng aming agahan.

"Ha? A, oo..." Hindi makatingin kong sagot sa kanya.

"Mabuti naman po at nag-iwan kayo ng sulat para ipaalam sa akin na nadaanan po pala
kayo nila ate Catherine. Nag-aalala po ako sa inyo ng husto ate." Ani Egoy at naupo
na sa hapag.

Maging ako ay naupo na rin sa kaharap nitong silya.

"G-ganoon ba? Oo e." Sabi ko na lamang.

Pambihira ang lalaking iyon. Paano kung mang-usisa pa si Egoy at malaman niya ang
totoo. At paano niya kaya nakilala si ate Catherine. Diyos ko! Gusto na yatang
sumabog itong utak ko sa kakaisip kung paano ko papaliwanagan itong mga nangyayari
sa akin. Kailangan ko ng mga sagot sa mga tanong ko at hahanapan ko iyon sa kahit
anong paraan.

"Egoy, may libro ba dito tungkol sa mga bampira at mga taong-lobo?" Naitanong ko pa
habang kumakain kami ng agahan.
"Nako ate, wala po e. Sa internet mo po iyan mahahanap." Sagot naman nito. Mataman
ko siyang pinagmasdan. Mukhang wala talaga itong alam kung ano ang nasa kabilang
bakod.

"E bakit may kuryente? Wala bang internet talaga dito?" Nailing naman ito.

"Talagang wala po ate. Masyado na kasing malayo ang islang 'to at kung sa kuryente
naman po, may sariling pinagkukunang suplay ang islang 'to ate, kaya may kuryente
at libre pa." Napatango naman ako.

Nasa impluwensya nga talaga ng makalumang pamumuhay ang islang 'to. Hindi na ako
muling nagtanong at tinapos na ang agahan. Bumalik muli ako sa aking silid upang
makapagpalit ng sapatos. Masyado kasing masikip ang naisuot ko. Natigilan naman ako
nang makita ko ang aking hita na walang galos o kahit pilat man lang bilang
indikasyon nang pagkasugat ko. Biglang nagsitayuan itong mga mumunting balahibo ko
sa katawan nang maalala ko ang ginawang pagdila ng lalaking iyon sa aking hita.
Tinampal ko ang aking sarili. Wala lang 'to.

Muli na akong lumabas ng aking silid at gaya nga ng trabaho ko'y pumuwesto na ako
malapit sa pinto, ngunit kumuha muna ako ng ilang libro na babasahin ko, baka kasi
sakaling may libro dito tungkol sa mga bampira at taong-lobo. Hindi kasi ako
naniniwala kay Egoy na walang ganoong libro dito. Naupo na ako sa silya ko at
nagbasa na.

"Gusto ko sanang magpatulong..." Narinig kong wika ng isang lalaki.

Ibinaba ko ang librong hawak ko. Siya lang pala, iyong lalaking may nakakasamid na
pangalan.

"S-sige..." Alanganin ko pang sagot.

Hindi ko rin maipagkakaila sa sarili ko na may itsura rin itong lalaking 'to.
Guwapo ito, matikas at may angas din.

"A-ano nga pala ang hinahanap mo?" Alanganing baling ko pa rito.

Abala ito sa kabilang mesa at may binubuklat na mga libro.

"Red Roses..." Tipid na sagot nito.m

Mukhang nobela yata ang tinutukoy niya. Inusog ko ang hagdan at ginamit ito. Nasa
pinakamataas na parte ito nakalagay. Hindi rin naman mahirap hagilapin ito dahil
nakalagay naman ito ng pa-alpabetiko.

Umakyat na ako gamit ang hagdan at kinuha ang gusto nito.


"Red Roses sa panulat ni Leigh Daz Seltzer." Narinig ko pang wika nito nang makuha
ko na ang libro pero natigilan ako.

"Seltzer..." Wika ko.

Wala sa sarili akong napabitaw ng hawak sa hagdan dahilan para mawalan ako ng
balanse. Napapikit ako dahil alam kong semento talaga ang babagsakan ko.

"Ayos ka lang?" Napadilat ako at napatitig sa kanya.

Saka ko lang napagtanto na karga niya pala ako.

"Ha? A-ayos lang!" Agad na sagot ko at nagpababa sa kanya.

"Paano nangyari 'yon?" Nasabi ko pa.

"Ang alin?" Tanong din naman nito at napamulsa.

"Tatlong dipa ang layo mo sa akin at may tatlong mesa pang nasa pagitan natin kaya
paano mo ako nasalo ng ganoon kabilis?" Mangha ko pang sabi.

"Ha? Kanina pa ako sa likod mo." Kampante lang din naman na sagot nito.

"Sigurado ka?" Nakakunot-noo ko pang paniniguro sa kanya.

Napatango naman ito at kinuha ang librong hawak ko.

"Salamat..." Tipid na sabi lang nito at tumalikod na pero agad din naman na umikot
pabalik.

Bigla niya namang kinuha ang kanang kamay ko at kinamayan ako.

"Zsakae Zither, pamangkin ni kuya Steffano..." Pagpapakilala niya pa sa akin at


malagkit pa akong tinitigan.

Napaawang lang ang aking bibig at tila ba ayaw niyang bitawan ang kamay ko.

"Yana..." Tipid kong sagot at pahapyaw na ngumiti.

"May kamukha ka..." Aniya.


"Si Alyana na naman ba?" Napatango naman ito sa tanong ko.

"Baka nagkataon lang..." Nasabi ko na lamang kahit na gusto ko pa sanang magtanong.

Baka kasi sakaling may alam siyang kahit kapiranggot lamang na impormasyon tungkol
kay Alyana. Bigla namang may kumalabog sa loob ng museo kaya agad kong hinila ang
aking kamay.

"Paumanhin..." Sabi ko pa at nagmadaling lumakad papunta sa pinto ng museo.

Binuksan ko at sinilip kung ano iyong nahulog. Nakita ko sa sahig ang isang
larawang nakataob. Lumapit ako at kinuha ito. Natigilan ako sa nakita ko. Hindi ko
alam kung ako ba o si Alyana ang nakaguhit sa larawan ngunit sa nakikita ko'y ako
ito at may lalaki akong kasama na nakatalikod habang nakikipagkamay ako rito.
Nabitawan ko ang larawan at agad na napalabas ng museo. Bumilis ang tibok ng puso
ko. Paano naiguhit ang larawang iyon gayong kagaganap lang no'n kani-kanina lang.

"Ayos ka lang?" Si Zsakae.

"Ha? Oo naman..." Agarang sagot ko at bumalik na sa aking mesa.

=================

MLFTC-25

MLFTC-25

*****

Natampal ko ang aking noo. Sino kaya ang gumuhit no'n? Napapikit ako ng mariin. Isa
pa itong inaalala ko. Narinig ko na ang pangalang Seltzer do'n sa nagligtas sa akin
kagabi. Hindi ako puwedeng magkamali dahil tinawag niya pa itong walang kuwenta.
Naalala ko rin iyong sinabi ni mang Dhelfin sa akin no'ng nakaraang araw. Nabanggit
niya ang apilidong Seltzer. Diyos ko naman! Maloloka na yata ako sa kakaisip kung
paano ko pagtatagpiin ang mga napansin ko. Napatayo akong muli at binalikan ang mga
libro na ang may akda ay si Leigh Daz Seltzer.

Inisa-isa ko lahat na binasa ang mga gawa niya. Hindi nagtagal ay nakatapos ako ng
tatlo. Pinunasan ko pa ang namamasa kong mga mata. Wala namang sinyales na taong-
lobo itong lalaking 'to. Puro lang naman tungkol sa pag-ibig itong mga nobela niya.
Napatungo ako sa mesa. Baka naman siguro kapareho lang ng apilido at may ganoon
naman talagang nangyayari. Napabuga ako ng hangin at iniligpit na ang mga librong
nagamit ko. Muli ko itong ibinalik sa lagayan ang mga ito. Napabalik ako sa aking
mesa at napatungong muli.
"Ate!" Biglang tawag ni Egoy sa akin kaya't napatakbo ako agad.

Naabutan ko siyang nasa museo at may hawak na larawan; hindi lang isa kung 'di
dalawa na.

"Egoy, bakit?" Alalang tanong ko pa rito.

"Kasi ate, o? May bago na naman. Hindi ko alam kung saan ko na ito ilalagay. Napuno
ko na itong museo sa kakadikit ko ng mga bago e. Kung bakit kasi lagi na lang
ganito." Litanya pa ni Egoy at bahagya pang napatakip ng kanyang bibig.

Tila ba gusto nitong tampalin ang sarili dahil sa sobrang kadaldalan.

"May hindi ka ba sinasabi sa akin Egoy?" Pag-iiba ko ng tono at napataas ng kilay.

Napakamot naman ito sa kanyang ulo at napatakbo sa pinto at isinarado ito.

Bumalik ito sa akin at naupo sa marmol na sahig. Ginaya ko siya at hinintay kung
ano ang sasabihin niya.

"Ganito kasi 'yon ate. Simula nang tumuntong ako dito no'ng diyes anyos pa lang po
ako'y sa isang buwan, isa o dalawang larawan ang laging naiiwan dito sa loob ng
museo. Kaya hayan, ganyan na 'yan kadami ngayon." Kuwento nito.

"Alam mo ba kung sino ang nag-iiwan ng mga 'to?" Tukoy ko pa sa mga nakapintang
larawan. Nailing naman ito.

"Nasanay na po ako na may ganitong nangyayari. Ang ipinagtataka ko lang po ay no'ng


huling isang taon pa may iniwang larawan dito. At ngayon lang po naulit kaya nga po
nagulat ako e." Ani Egoy na nahiga na talaga sa sahig at iniunan ang kanyang mga
braso.

Kinuha ko ang isang larawan. Napalunok ako nang matitigan ko itong maigi. Nagbabasa
ng libro ang isang babae at nakasulat pa ang pamagat ng libro, ito'y kay Leigh Daz
Seltzer. Namilog ang aking mga mata at nabitawan ang larawan. Diyos ko! Ako ulit
ang nakapinta sa larawan!

"Egoy, tara na..." Hindi mapakali kong yaya rito at agad akong napatayo.
Pinagpapawisan ako ng malamig. Namamasa na rin itong mga kamay ko sa sobrang kaba.

"Ate, ayos ka lang po ba?" Wika ni Egoy.

"O-oo!" Nauutal kong sagot at umuna nang lumabas ng museo.


Kaagad akong bumalik sa aking mesa at napahilamos ng mukha. Masakit na talaga ang
ulo ko sa kakaisip. Daig ko pa ang imbestigador!

"Ate Yana..." Pukaw ni Egoy sa akin. Nilingon ko siya.

"Egoy, puwede bang umidlip ako saglit? Masakit lang talaga itong ulo ko." Paalam ko
pa.

Total din naman kasi ay magsasara na kami at mukhang kailangan ko talagang ipahinga
itong utak ko.

"Sige po ate." Sagot lang din naman ni Egoy.

Agad na rin akong lumakad papunta sa aking silid. Nang makapasok ako'y kaagad akong
sumampa sa kama at napatihaya. "Sino kaya siya..." Nausal ko at tuluyang ipinikit
ang aking mga mata.

*****

Naamlimpungatan ako sa narinig ko. Hayan na naman kasi ang musikang naririnig ko
mula sa piyano. Naniningkit ang mga mata kong napasulyap sa antigong orasan; pasado
alas-nuebe pala ng gabi at medyo kumakalam na itong sikmura ko. Bumaba ako ng kama
at lumabas ng silid ko. Napuna ko pang may mga pagkaing tinakpan sa mesa kaya't
agad akong naupo at nagsimula nang kumain. Habang kumakain ako'y patuloy pa rin sa
pagtutog ang piyano. Napapikit pa ako at ninamnam ito. Tila yata napakalungkot nang
tinutugtog niya at talagang nakakapukaw ito ng atensyon. Mabilis ko nang tinapos
ang kinakain ko, para naman mahanap ko na iyong piyano at ang tumutugtog nito.

Hindi nagtagal ay natapos din naman ako, maging ang makapagbihis ay natapos ko rin.
Sinilip ko rin si Egoy sa kuwarto niya kung ito ba'y mahimbing na at mukhang
masarap nga tulog nito dahil naghihilik pa. Napuna ko namang dalawang ulit yata
tinugtog ang kanta. Kaagad kong tinungo ang museo. Dito na naman kasi nagmumula
iyong musika.

Nang hawiin ko ang larawan ay walang nangyari. Kukng anu-ano na yata ang ginawa ko
para mabaliktad ang pader na 'to. Napaisip ako saglit.

'Di kaya siya ang tumutugtog no'n? Pero wala naman akong nakitang piyano sa silid
nito nang kanyang ako'y dalhin. 'Di kaya'y nasa likod ng gusali ng museo?

Agad akong napatakbo palabas nang museo, hanggang sa makalabas ako ng tuluyan sa
silid- aklatan. Mabuti na lamang at may mga poste ng ilaw kaya hindi masyadong
madilim. Lumakad na ako ng marahan dahil baka matalisod lang ako dito. Marami pa
namang nakausling ugat ng mga puno.

Natigil naman ako sa paglakad nang makarinig ako ng alolong galing sa isang taong-
lobo. Diyos ko! Ibig ko yatang batukan ang aking sarili dahil sa pagiging tsismosa
sa paligid ko. Pakialamera na nga talaga ako pero hindi talaga ako matahimik dahil
sa dami nang kababalaghang nangyayari sa akin.

Lumakad akong muli ng ilang hakbang at ayan na naman ang mga alolong nila. Kaya ba
may matayog at mataas na pader ay para protektahan ang maliit na bayang ito? Bakit
nga ba ngayong ko lang ito naisip. Sumilip ako sa gilid ng museo at kitang-kita ko
kung paano pumanaog ang mga ito patawid dito sa lugar namin. Halos mamilog ang
aking mga mata nang umalolong ito ng sabay. Napabalik ako nang lakad ngunit nahinto
din naman ako dahil ang isa sa kanila ay nakabantay sa harapan ng silid-aklatan.

Diyos ko! Napabalik akong muli ngunit agad din naman akong nahinto dahil parang may
nakatayo sa aking likuran.

"Narito ang itinakda!" Narinig ko pang sambit nito.

Walang anu-ano pa'y diretso na akong napatakbo nang walang lingonan. Sa sobrang
takot ko'y halos magkandatisud-tisod na ako sa pagtakbo nang mabilis. Daig ko pa
yata ang nakikipagkarera sa isang atleta. Halos kapusin na ako ng aking hininga
ngunit wala pa rin akong balak na huminto sa pagtakbo.

*****

WARNING!Must follow para mabasa niyo ang Chapter 26.Aba'y kung ayaw, ayos lang,
walang sapilitan. XD Enjoy!

=================

MLFTC-26~

MLFTC-26~

*****

Nang lumingon ako sa aking likuran ay halos dalawang dipa na lang ang layo nito sa
akin. Ibig ko na yata ang sumuko sa pagtakbo dahil sa pakiwari ko'y katapusan ko na
yata sa oras na maabutan niya ako. Panay kabog na ng dibdib ko. Nagsimula nang
mangilid ang mga luha ko dahil sa tingin ko'y hindi na siya darating para iligtas
ako.

Lumingon akong muli sa likuran ko at halos mahablot na ako ng matutulits nitong mga
kuko. Ngunit sa paghakbang ko'y bigla na lamang akong nahulog sa isang malaking
butas. Napapikit ako ng mariin at tuluyang naiyak ngunit natigilan ako't marahang
napadilat dahil tila ang lambot yata nang nabagsakan ko. Nang tuluyan kong maaninag
ang paligid ko'y nagulat ako. Nagkasalubong ang aming mga mata at ngayon ko lamang
napansin na nakapatong pala ito sa akin.
"Paano..." Pigil hininga kong sambit.

Paano ko narating ang kanyang silid?

"Bakit ka lumabas ng ganitong oras..." Anito nang hindi patanong.

Napalunok ako at mariing nakagat ang aking ibabang labi. Hindi ako makasagot dahil
sa sobrang takot na magkamali ako. "Bakit? Bawal? Hindi mo naman ako pag-aari."
Kunwari'y inis ko pang sagot.

Pilyo naman itong napangiti at ibig ko yata ang lumubog sa aking kinahihigaan.
Nanlumo ako at naiyak. Sa pakiwari ko kasi'y pinaglalaruan niya lamang ako.

"Sino ka ba talaga!? Bakit ba ako nandito? Ako ba ang hinahanap ng mga taong-lobong
'yon? Ang dami kong tanong dito sa utak ko na hindi ko masagot!" Napahagulhol na
ako't napatakip ng mukha.

Hindi ko mapigilan ang magdamdam dahil sa totoo lang ay nahihirapan na ako.

"Hindi lahat ng mga bagay ay minamadali, Caritas mea..." Inalis nito ang mga kamay
ko at kanang kamay ko nama'y ginagap nito.

Laking gulat ko nang kanyang isinubo ang mga daliri ko. Sa lamig ng dila nito'y
nakakapanghina ng mga tuhod.

"Pa-paano mo ako nadala rito?" Wala sa sarili kong tanong.

"Sa butas..." Napangiwi ako.

"Alam kong sa butas ngunit paano nga?" Pangungulit ko pa.

"Hulaan mo..." Anito.

Diyos ko! Wala yata akong mahihita sa lalaking 'to.

"Pangalan mo?" Tanong ko pa ulit ngunit bigla naman nito akong siniil ng halik.

Nang humiwalay ito'y ramdam ko pa ang pununugo ng aking labi. Natigilan ito at
napapikit, tila ba nilalasap nito ang amoy ng dugo ko. Nang magdilat ito'y nagbago
kaagad ang kulay ng mga mata nito, naging kulay pula na naman. Kaagad kong
pinahiran ang aking dumugong labi. Inilapit naman nito ang kanyang mukha sa akin.
"Mattheaus..." Bulong niya.

"Kay tagal kitang hinanap at ngayong narito ka na, hindi ko na hahayaang kunin ka
nila sa akin." Anito at bigla na lamang pinunit ang damit ko.

Natulala akong saglit at namilog ang aking mga mata. Napaawang din ang aking bibig
at tila'y nalunok ko na naman yata ang dila ko. Pilyo naman itong napaismid.

"Kailangan mangyari ang dapat ay nagawa na sana noon pa..." Wika nito.

"Yana, kailangan nating bumuo..." Sa pagsambit nito'y ay siyang pagsiil din nito ng
halik sa akin.

Gumapang ito sa aking leeg, hanggang sa umabot sa matayog kong pinagpala.

"...aah!" Daing ko.

Tila may hipnotismo itong ginamit sa aking ngunit sa palagay ko nama'y wala dahil
maging ang utak ko ay ayaw magprotesta. Nakiayon ang puso at utak ko sa gustong
mangyari nito.

"...aah!" Daing kong muli nang lumapat ang kamay nito sa aking tiyan.

Nilapat niya nang husto ang palad niya pababa sa aking puson.

"Metis noctis opacae..." Biglang utas nito.

Pakiramdam ko'y mas lalong uminit ang buo kong katawan. Muli niyang sinakop ang mga
labi ko at wala akong nagawa kung 'di ang tumugon. May sariling utak bigla itong
katawan ko upang umayon sa nais niya. Habang sakop niya ang lapi ko'y hindi naman
niya inaalis ang kanang kamay niya sa aking puson.

"...dilectus meus hic..." Muling sambit niya kasabay nang pagdiin nito sa aking
puso.

"...aah!" Daing ko nang pagkalakas dahil para yatang mas lalong sumakit ang katawan
ko, lalo na sa parte ng aking tiyan.

Hindi ko na napigilan din ang aking sarili na napakapit sa batok nito.

"...et innocentia cordis sui..." Napaliyad ako at namilog ang aking mga mata.

Wari'y tinutusok ng karayom itong tiyan ko.


"...tamquam virgo mortalibus dare..." Kasabay nang pagbigkas nito ay siya ring
pagpasok nito sa kaibuturan ko.

"...aah!" Napaluha ako sa sobrang sakit dahil hindi ko napaghandaan ang kanyang
ginawa.

Nagpatuloy ito sa pagbayo sa akin habang hindi pa rin inaalis ang kamay nito sa
aking puson.

"...mihi velle et sanguine..." Muling sambit niya.

"...M-mattheaus! Ah!" Sambit ko sa pangalan niya.

Pakiramdam ko'y parang isinasalang ang buo kong katawan sa isang malaking pugon.
Namilog din ang aking mga mata nang biglang lumitaw sa magkabilang pulsuhan ko ang
tangkay na marka ng itim na rosas na napupuno ng mga tinik. Gumapang ito paakyat sa
aking balikat hanggang sa aking leeg at nahinto sa aking puson.

"...aah!" Sambit ko ng maabot ko ang aking sukdulan kasabay ang masakit na


pakiramdam sa kaloob-looban ko.

Bigla naman niya akong hinawakan sa batok at walang pasubaling kinagat ang aking
leeg. Nanlumo ako ng matindi, 'yong tipong paralisado ang buo kong katawan. Ramdam
na ramdam ko ang mainit na likidong umaagos sa leeg ko.

Nang humiwalay ito sa leeg ko'y kitang-kita ko kung gaano ka dami ang kumalat na
dugo sa kanyang bibig. Binatawan niya ang batok ko at diretsong bumaon ang katawan
ko sa malambot niyang kama.

Gusto kong magsalita o ibuka man lang ang aking bibig ay hindi ko magawa.
Nanatiling dilat lamang ang aking mga mata habang nakatitig kay Mattheaus.

Umalis ito sa pagkakadagan sa akin at doon ko muli naramdaman ang masakit na parte
sa akin nang ito'y kanyang biglaang hinugot.

Napapikit na lamang ako dahil talagang pakiramdam ko'y pagod na pagod ang buo kong
katawan. Ramdam ko naman bigla ang pagtabi nito sa akin sa kama. Kinumutan niya
ako. Iniunan naman nito ang kanyang kanang braso sa akin at niyakap ako. Isiniksik
nito ang mukha sa leeg ko at dinilaan ang parte kung saan niya ako kinagat.
Gumapang ang kiliti sa buong katawan ko.

"...M-mattheaus..." Sa wakas ay naiusal ko ngunit halos pabulong na ito.

Tumigil ito sa pagdila sa aking leeg at dinampian nang halik itong kaliwang pisngi
ko.

"Mahal na mahal kita, Yana..." Bulong nito at maingat akong niyakap.

Napangiti ng kusa itong mga labi ko. Unang beses itong nangyari sa buhay ko. Ngayon
lang yata ako nakaramdam ng ganito kasaya. At ang nakakamangha lang ay sa isang
istranghero ko pa ibinigay ang sarili ko. Hindi lang siya basta istranghero, bagkus
siya'y aking nobyo mula sa nagdaang taon.

=================

MLFTC-27

MLFTC-27

*****

"Yana..." Bulong sa akin kaya't dahan-dahan akong napadilat.

"Hmm..." Tanging ungol ko.

"Gising na, Caritas mea..." Wika nito.

Nailing ako ng marahan at nagtalukbong ng kumot. Mabigat pa ang katawan ko at hindi


ko pa kaya ang tumayo o kumilos man lang dahil sa nangyaring pagniniig namin
kagabi. Sa sobrang sakit ng mga hita at binti ko'y daig ko pa ang pinalo ng palo-
palo.

Hinablot naman niya ang kumot ko kaya't mabilis kong inalis ang unan at itinakip sa
aking kahubadan. Nag-init bigla itong magkabila kong pisngi. Umiral sa akin bigla
ang hiya. Tumalikod naman ito at may kinuhang itim na balabal sa ibabaw ng tukador.
Nagsalubong naman ang aking mga kilay. Saan niya kaya gagamitin iyan? Lumapit naman
ito sa akin at tuluyang inalis ang unang nakatakip sa akin. Ngalingali kong
tinakpan ang katawan ko at pilit na ikinilos ang katawan ko upang makaatras ako.
Napapikit pa ako dahil hindi ko naman alam kung ano na naman ang maaari niyang
gawin sa akin. Ngunit nagkamali yata ako nang inakala dahil ipinulupot niya sa akin
ang hawak niyang balabal. Napadilat ako at napamasid lang sa kanya.

Nang matapos siya'y binuhat na niya ako at muli'y dinala paakyat, palabas ng
kanyang silid. Hindi rin naman nagtagal ay natapat kami sa pader kung saan ang
harapan nito ay ang isang larawan. Bigla na lamang itong bumaliktad at kaagad din
naman siyang sumabay habang karga pa rin ako. Nang mabaliktad ito'y bumungad ulit
sa amin ang museo.

Lumakad pa siya ng ilang hakbang hanggan sa tuluyan kaming makalabas ng silid-


aklatan. Mabuti na lang talaga at tulog pa si Egoy. Talagang magtataka iyon sa
akin, lalo na kay Mattheaus. Narating namin ang silid ko ng puno nang pag-iingat.
Napasulyap pa ako sa antigong orasan, alas dos pa pala ng madaling araw. Ibinaba na
niya ako sa aking kama.

"Huwag sanang maging matigas ang iyong ulo, Yana." Aniya at dinampian nang halik
ang aking noo. Napapikit ako.

"Isipin mo ako lagi, Yana..." Anito.

Nang magdilat ako'y wala na siya sa aking harapan. Napabuga ako ng hangin at
diretso napatihaya nang higa sa aking kama.

May nangyari sa amin kanina bukod doon ay wala na akong ibang maalala. Hinaplos ko
ang aking leeg. Napapaisip ako kung kinagat niya ba ako o ano? Natampal ko ang
aking noo. Ngayon lang yata pumasok sa kukute ang mga naganap sa pagitan naming
dalawa. Nakipagtalik ako sa lalaking hindi ko pa iniibig o mas tamang sabihin na
nagsisimula pa lang itong puso ko na ibigin siya.

"Rosas..." Biglang sambit ko nang maaninag ko sa aking alaala ang bulaklak na 'yan.

Agaran kong sinipat ang magkabilang pulsuhan ko. Hindi naman ako nagpalagay ng
ganoon pero bakit parang may nakita akong gumapang sa buong magkabilang braso ko.
Diyos ko! Nababaliw na nga yata talaga ako at kung anu-ano itong nakikita ko.
Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata at natulog.

*****

Pagsapit ng bukang liwayway...

"Ate Yana..." Narinig kong pagtawag ni Egoy sa akin.

"B-bakit?" Nakapikit ko pang sagot.

"Ate Yana, gising na po. Tanghali na." Pagkarinig ko sa sinabi niyang tanghali na
ay agad akong napabalikwas nang bangon, dahilan para ako'y mahulog sa aking kama.

"Aw..." Daing ko.

"Ate Yana! Ayos lang po ba kayo riyan?" Anito kasabay nang pagkatok sa pinto ng
aking silid.

"E-egoy, mamaya na lang ako lalabas. Masama kasi ang aking pakiramdam." Sagot ko pa
upang hindi na ito magtanong pa.
"Sige po, ate Yana." Anito.

Nakahinga ako ng maluwag. Mabuti na lamang at nakasilyado ang pinto ng aking silid.

Tumagilid ako at sinubukang bumangon ngunit tila daig ko pa yata ang baldado.
Napahugot at buga ng hininga ang aking ginawa upang humugot ng lakas. Kumapit ako
sa kama at puwersahang pinilit ang aking katawan na makabalik sa ibabaw ng kama.

"...ugh!" Ungol ko kasabay ang pagpikit ng aking mga mata nang makahiga ulit ako sa
aking kama.

Sinipat ko ang buo kong katawan. Ang dami kong pasa mula sa aking braso, hita
hanggang binti.

Pinilit kong makabangon muli at talagang gumapang na ako papasok sa banyo. Pinilit
kong kumikilos kahit sobrang sakit ng katawan ko. Hindi ko na rin napigilan ang
aking sarili na maiyak dahil talagang hindi maganda ang pakiramdam ko. Nang matapos
akong makaligo ay lakad-pagong ang aking pagkilos upang huwag lalo mapuwersa itong
katawan ko. Napakapit ako sa tukador at naghagilap ako ng damit na maaaring tumakip
sa buong katawan ko. Baka magtaka si Egoy at mang-usisa kung saan ko nakuha itong
mga pasa ko.

Dahan-dahan akong lumakad para makalabas sa aking silid.

"Ate..." Sambit ni Egoy nang makita ako.

Kaagad siyang lumapit sa akin at inalalayan akong makaupo sa silya na kanyang


hinila para sa akin.

"May gamot ba riyan para sa sakit ng katawan at pasa, Egoy? Tumama kasi itong braso
ko sa pinto ng banyo nang mawalan ako ng balanse." Sabi ko pa at bahagyang
ipinakita ang maliit na pasa ko.

Maingat ang ginawa kong pagpapakita rito upang huwag itong magtaka pa.

"Meron po akong naitabi rito, ate Yana." Aniya, na kaagad din namang naghalungkat
sa lagayan ng mga sangkap sa pagluluto.

Nang makita nito ang hinahanap ay agad niya itong ibinigay sa akin.

"Nagluto po ako ate Yana ng tsampurado. Baka po kasi masama ang panlasa niyo." Ani
Egoy habang ipinagsasandok ako ng lugaw sa kaldero.
Nang mapuno ang maliit na mangkok ay agad niya itong ibinigay sa akin. Inamoy ko pa
ito.

"Ang bango naman..." Kumento ko pa habang 'di nawawala ang ngiti sa aking labi.

"Naman, ate Yana. May dahon ng pandan 'yan e upang bumango 'yan." Pagmamayabang
niya pa.

Nakakagutom ang tsampuradong gawa niya at talaga namang masarap ito dahil nababad
talaga sa tableya. Sinimulan ko na ang kumain at talagang ang sarap nang
pagkakaluto nito. Kumain na rin si Egoy na kasama ako kaya't mas lalo akong
ginanahan na kumain.

=================

MLFTC-28

MLFTC-28

Para sa iyo ito bilang pasasalamat sa bonggang comments mo sa bawat mystery ng


TKITD. :) Salamat po!

*****

Habang nasa kalagitnaan kami nang pagkain ay bigla namang may kumatok sa pinto.
Pareho kaming napatingin sa pinto.

"Nagsara ka ba, Egoy?" Baling ko pa rito.

"Opo ate e. Teka lang po a?" Aniya.

Tumango lang ako bilang pagsang-ayon. Nang mabuksan nito ang pinto ay bumungad sa
amin si Zsakae. Nahinto ako sa pagsubo.

"Kuya Zsakae, kayo po pala..." Wika ni Egoy nang makita ang lalaki.

Ginulo nito ang buhok ni Egoy at pumasok bigla nang walang paalam.

"May sakit ka raw kaya dinalhan kita ng mga prutas." Ani Zsakae kasabay nang
paglapag ng buslong hawak niya sa aking harapan.

Muntik na yata akong mapairap sa ginawa nito. Pumaling ako kay Egoy. Napapakamot pa
ito sa kanyang ulo at napatingala pa sa kisame. Kung ganoon ay si Egoy ang
nagsabing may sakit ako.

"S-salamat..." Alanganin ko pang sabi rito.

Umupo naman ito sa kaharap kong silya. Muli kong sinulyapan si Egoy at
pinaningkitan ng aking mga mata. Agad itong lumapit at naupo sa tabi ko.

"Gusto mong kumain?" Alok ko pa kahit na ang totoo'y puno ako nang pag-aalinlangan.
Ewan ko ba? Pero hindi talaga magaan ang loob ko rito dahil sa pagiging presko
nito.

"Sige lang, mas gusto ko ang panoorin ka." Ani Zsakae.

Ngalingali kong kinurot si Egoy sa kanyang tagiliran nang 'di napapansin ni Zsakae.

"Ara---mina..." Sambit pa ni Egoy.

Napahagikhik naman ako.

"Aramina?" Wika ni Zsakae na nakakunot na ang noo.

"Ay si Aramina po? Nako kuya, nobya ko po sa aking panaginip." Natatawa pang
pagdadahilan ni Egoy.

Napatango-tango naman si Zsakae at nakangiting pumaling sa akin. Napayuko ako.


Bakit kaya 'di pa ito umaalis?

"Maari ba kitang imbitahan ngayong linggo? May piging kasing gaganapin sa kabilang
bakod." Ani Zsakae.

Napaangat ako ng aking ulo.

"Sa kabilang bakod?" Ulit ko pang sambit.

Napatango naman ito. Napalunok ako. Nag-aalangan ako. Hindi ko alam kung ano ang
sasabihin ko sa kanya. Kung tatango ba ako o magdadahilan. Inaalala ko lang kasi
'yong sinabi ni ate Mocha sa akin noong nagdaang gabi. Kabilin-bilinan niyang huwag
na akong bumalik sa kabilang bakod. Tinukoy din nito ang lalaking bumabagabag sa
akin. Sa pagkakaalala ko'y ang huling sinabi nito'y huwag na akong babalik sa
kabilang bakod at ang sabi pa niya'y huwag akong lumubay sa lalaking 'yon. 'Di
kaya'y si Mattheaus ang tinutukoy ni ate Mocha?

"Ate Yana..." Pukaw sa akin ni Egoy kaya natauhan ako.


"Paumanhin, maari bang pag-isipan ko muna ang iyong alok?" Wika ko pa.

"Oo naman..." Nakangiti nitong sang-ayon.

Sumulyap ako sa kalendaryong nakasabit sa dingding. Biyernes ngayon at may bukas pa


akong mag-isip kung paano ako tatanggi sa kanya.

"Mauna na ako Egoy, Yana..." Ani Zsakae.

Tango lang ang itinugon ko at inubos na ang pagkain ko, maging ang gamot para sa
sakit ng katawan ay ininom ko na rin. Nagpaalalay na din ako kay Egoy pabalik sa
aking silid.

"Ate, hindi niyo po ba kakainin 'yong mga prutas?" Tanong nito bigla.

"Mamaya na lang siguro..." Tipid ko lamang na sagot.

Ngumiti lang naman si Egoy at tuluyan nang lumabas ng aking silid. Nang makalabas
ito'y pinilit kong makatayo agad at isinalyado ang pinto. Paika-ika akong bumalik
sa kama ko at sinimulan nang hubarin ang aking pang-itaas na damit. Napangiwi ako
dahil talagang ang dami kong pasa sa katawan. Kinuha ko ang pamahid at nilapatan
kaagad ang mga pasa ko. Hindi nagtagal ay natapos ko rin lahat lagyan ng gamot ang
mga pasa ko sa buong katawan. Napaliyad pa ako at iniunat ang aking mga braso dahil
sa pangangalay. Diretso akong nahiga sa aking kama at napatitig sa kisame. Pupunta
ba ako? Ngunit hindi ko pa naman gaanong kakilala si Zsakae.

Oo nga't pamangkin siya ni kuya Steffano, ngunit hindi ko pa rin maiwasan ang mag-
alangan. Lalo pa ngayon at may nobyo na ako, si Mattheaus.

Oo nga't kay bilis ng mga pangyayari at naging nobyo ko na agad ito pero bilang
nobya na nito'y obligado kong isaalang-alang ang nararamdaman nito. Napahilamos ako
ng mukha ko at kinuha ang mga damit ko. Muli akong nagbihis at napagpasyahang
magpahinga na lang muna. Mukhang aabutin ng ilang araw itong pananakit ng katawan
ko at ang pag galing ng mga pasa ko sa katawan.

*****

Napadilat ako nang madama kong masyado yatang malamig ang aking nahigaan. Nang
luminaw sa utak ko kung nasaan ako'y agad akong napabangon. Nakahiga ako sa lupa na
napapalibutan ng tuyong mga dahon. Nasa isang gubat ba ako? Ngunit kanina lang ay
nasa aking kuwarto pa ako.

Natigilan ako nang mapuna kong iba na pala ang aking kasuotan. Suot ko'y itim na
bestida. Hindi lang isang simpleng bestida dahil mukha itong pangkasal na damit.
Iyon nga lang ay kulay itim ito, maging ang suot kong pares ng sapatos ay kulay
itim na may palamuting pilak na dekorasyon. Napakunot ako ng aking noo at inikot
ang aking mga mata sa aking paligid. Paano ako napunta rito? Nasaan ako? Lumakad
ako at napuna kong nagsilapitan sa akin ang mga paru-paronig kulay itim rin. Dumapo
ang mga ito sa aking damit ngunit kaagad din namang nagsiliparan ang mga ito.
Ngunit ewan ko ba kung bakit sinundan ko ang mga ito. Nakakatuwa lang kasi dahil sa
iisang direksyon lang ang dinadaanan ng mga ito. Bigla namang nagkumpulan ang ito
at laking gulat ko nang magsialisan ang mga paru-paro ay may lalaking lumitaw dito.
Nakatalikod ito sa akin. Suot niya'y isang tuksedo, na talaga namang bumagay sa
matikas nitong pangangatawan. Ang kulay gintong abong buhok naman nito'y nakalugay
lang na umabot hanggang leeg. Ngunit kahit mahaba ang buhok nito'y hindi ito naging
dahilan para hindi ito bumagay sa kanya, kahit pa nakatalikod ito sa akin.
Humakbang pa ako palapit hanggang sa isang dipa na lang ang distansya ko sa kanya.
Parang huminto ang oras ko at para bang lahat ay nakahinto. At ang tanging
gumagalaw lang ay siya nang kanyang ako'y lingonin. Napaawang ang aking mga labi
ngunit agad din namang napalitan nang ngiti sa aking labi.

"Mattheaus..." Sambit ko.

Humakbang ito palapit sa akin at ipinulupot sa bewang ko ang magkabilang bisig


nito. Gumapang ang kanang kamay nito sa aking leeg at hinaplos ang aking kanang
pisngi. Napapikit ako dahil sa banayad na paghaplos nito sa aking mukha. Nang
magdilat ako'y nagimbal ako sa aking nasaksihan. Unti-unting naglalaho ito at
nagiging abo, kasabay nang pag-ihip ng hangin. Nailing ako at mahigpit na napakapit
sa suot nitong damit ngunit ganoon na lang ang pagkagulat ko nang maging abo na ito
ng tuluyan. Tuluyang naglandas sa aking mukha ang mga butil ng luha mula sa aking
mga mata.

"Mattheaus! Hindi!" Nanginginig kong sambit.

"Ugh! Hindi!" Puno nang paghihinagpis ang nadarama ko.

=================

MLFTC-29

MLFTC-29

*****

"Hindi!" Malakas na sigaw ko nang magdilat ako kasabay nang aking pagsinghap.

Wari'y galing ako sa isang karera dahil sa hinahabol ko ang aking hininga. Isang
masamang panaginip. Napahilamos ako ng aking mukha gamit ang mga palad ko. At
ngayon ko lang napagtantong umiiyak na pala ako.

"Si Mattheaus!" Sambit ko at napababa sa aking kama.


Kaagad kong tinungo ang museo kahit na masakit pa ang aking katawan. Talagang
napatakbo na ako at kaagad na pumasok nang makarating ako. Diretso ako agad sa
larawan dinadaanan ko dati ngunit ganoon na lang ang aking pagkadismaya dahil hindi
pa rin ito bumubukas.

"Bakit ba ayaw!" Mangiyak-ngiyak ko nang sambit.

Napamewang ako at pinunasan ang aking pisngi.

Talagang hindi siya nagbibiro na ayaw na niyang magtungo pa ako sa lungga niya.
Nailing ako. Wala na akong ibang paraan para makita at masigurong maayos siya.
Kailangang sumama ako sa kabilang bakod kay Zsakae ngayong linggo.

Nanlulumo akong napabalik nang lakad sa aking silid at muling nahiga sa kama.
Pahapyaw ko pang tiningnan ang oras. Tatlong oras na lang bago mag-umaga at mukhang
hindi pa yata kumakalam ang sikmura ko; mabuti naman.

*****

"Ugh!" Ungol ko nang 'di na ako makatiis sa kinahihigaan ko.

Talagang hindi mawala sa isip ko ang masamang panaginip kong iyon. Talagang nag-
aalala ako sa kanya. Napabuga ako ng hangin. Saktong pagtayo ko sa kama'y siya ring
pagtilaok ng manok. Nang lumabas ako ng silid ko'y muntik na akong mapatalon sa
sobrang gulat. Bumungad ba naman sa aking harapan ang mukha ni Zsakae.

"Magandang umaga..." Masiglang bati nito sa akin.

"M-magandang umaga. Ang aga mo yata..." Sagot ko pa at nilagpasan ito.

Diretso ako sa lababo upang makapagmumog. Nang matapos ako'y hinarap ko na siya.

"Ano nga pala ang sadya mo rito Zsakae? Kay aga mo namang naparito, ni hindi man
lang ako nakapaghanda." Wika ko pa habang nagsasalin ng mainit na tubig sa aking
tasa.

"Paumanhin ngunit gusto ko lang sanang isama ka sa isang boutique. Gusto ko sanang
ikaw ang pumili ng damit na susuotin mo kung papayag ka nang sumama sa akin."
Anito.

Lihim akong napangiti.

"Oo naman..." Nakangiti ko pang baling dito.


Pagkakataon ko nang makapunta sa sekretong lugar ni Mattheaus. Gusto kong
siguraduhing maayos siya. Nagliwanag naman ang mukha nito.

"Talaga Yana? Kung oo na talaga'y lubos ko itong tatanawin na utang na loob.


Ipagpaumanhin mo sana ang pag-imbita ko sa iyo ng ganito kabilis gayong hindi mo pa
naman ako lubos na kakilala. Talagang kailangan ko lang ng kasama sa pagtitipon
namin." Mahabang wika nito. Nailing ako.

"Ayos lang Zsakae. Gusto mo ng kape?" Alok ko pa.

Nailing naman ito. Kumikit-balikat lang din naman ako at ininom na ang kape ko.

Napamulsa naman si Zsakae na napatitig sa akin.

"Hintayin na lang kita sa silid-aklatan." Anito.

"Sige..." Sang-ayon ko rin naman.

Nang makalabas ito'y agad kong hinanap si Egoy. Saktong papasok ito sa tinutuluyan
namin nang hilain ko siya.

"Ate Yana, bakit po?" Takang-taka naman nitong tanong sa akin.

"Bakit mo pinapasok si Zsakae?" Tanong ko pa. Kumunot naman ang noo nito.

"Po? E kapapasok niya pa nga lang ate. Kabubukas ko lang po ng silid-aklatan."


Anito.

Napaawang ang aking labi at napakunot.

"Sigurado ka ba? Kanina lang nga'y kausap ko siya dito mismo sa loob." Wika ko.

"Po? E talagang kapapasok niya lang talaga ate. Imposible naman pong magkasalubong
kami, e 'di sana'y nakita ko siya." Ani Egoy.

Napatiim-bagang ako at napaekis ng aking mga braso.

"Baka panaginip ko lang 'yon, Egoy. Sige na." Sabi ko na lamang.

Ngumiti lang din naman siya sa akin at lumabas na. Sumunod ako sa kanya ngunit
nahinto lang ako sa may pintuan at napasandal. Tinanaw ko kung saan nakaupo si
Zsakae. Abala ito sa pagbabasa ng libro. Napapaisip ako. Paano niya kaya ako
napasok nang 'di nakikita ni Egoy? Talagang may kakaiba sa kanya. Hindi lang naman
niya ngayon ginawa itong pagsulpot-sulpot niya sa aking harapan. Aalamin ko rin
kung ano siya ngunit saka ko na siya pagtutuonan ng pansin kapag nakita ko na si
Mattheaus. Labis talaga akong nag-aalala sa kanya.

Alam ko, kakaiba siya ngunit sa sitwasyon naming dalawa ngayon ay talagang hindi ko
maiwasan ang hindi makampante. Sa mahabang pag-iisip ko kanina'y napagtanto kong
ako nga talaga ang nakasaad sa propesiya. Hindi ako hahabulin ng mga taong-lobo na
'yon kung hindi ako ang nakasaad. May parte sa akin na hindi pa rin makapaniwala
ngunit kung susuriin kong mabuti ang mga masasamang naganap sa akin ay mukhang
napapaniwala na ako na ako talaga ang nakasaad sa propesiya. Kailangan ko lang ng
impormasyon o 'di kaya'y libro na mapagkukunan ko pa ng ibang kaalaman tungkol sa
tinutukoy nilang propesiya.

Umayos na ako sa pagtayo at pumasok na sa loob. Naghanda na ako ng agahan namin ni


Egoy. Nang matapos ako'y umuna na akong kumain at nag-ayos na ng sarili pagkatapos.

Hindi nagtagal ay natapos din ako sa lahat ng aking mga ginagawa. Lumabas ako sa
tinutuluyan namin at kaagad na nilapitan si Zsakae na hanggang ngayon ay nagbabasa
pa rin ng libro.

"Egoy, nauna na akong nag-agahan. May lakad kasi kaming dalawa ni Zsakae e." Wika
ko kay Egoy.

"Ayos lang ate." Nakangiting sagot lang din naman niya. Binalingan ko si Zsakae.

"Tara na..." Anito.

"Sige..." Sang-ayon ko rin naman.

=================

MLFTC-30

MLFTC-30*****

Nang makalabas na kami ng silid-aklatan ay wala kaming imikan ni Zsakae. Hindi


naman sa nahihiya ako o kung ano man, may parte lang talaga sa akin ang nag-iingat
ng husto.

"Yana, nakalimutan kong ipaalam sa iyo na mamaya na pala 'yong piging. Napaaga
kasi." Basag nito sa gitna ng aming paglalakad.

"Talaga? Ayos lang. Walang problema sa akin 'yon." Nakangiti ko pang sabi.
'Di dahil natutuwa akong makadadalo sa isang piging kung 'di dahil mapapaaga ang
pagpunta ko sa talon kung saan naroon si Mattheaus.

"Alam mo bang maganda ka pa kay Alyana..." Wika ni Zsakae. Napakunot ako ng aking
noo.

May alam siya tungkol kay Alyana. Kunwari akong napatawa ng kaonti.

"Talaga ba? Huwag mo akong biruin ng ganyan Zsakae." Sabi ko pa.

"Oo at mabait ka kumpara sa kanya." Seryosong sagot naman nito. Napalabi ako.

"Masama ba siyang babae?" Nailing naman ito sa tanong ko.

"Kung ganoon ay bakit nasabi mong mabait ako kumpara kay Alyana." Napabuntong-
hininga naman ito.

"Minahal ko siya Yana ngunit pinaasa niya lang ako. Ngunit nang makita kita, tila
ba nabuhayan ako ng lakas ng loob." Napaawang ang aking mga labi. Kung gaanon
pala'y kilala niya talaga si Alyana.

"Ikaw ba ay nagtatapat ng damdamin sa akin Zsakae?" Diretsahan kong tanong.


Napangiti naman ito.

"Oo Yana. Hindi dahil kamukha mo siya'y mamahalin na kita kung 'di gusto kita
bilang ikaw." Prangka ring sagot nito. Kaya pala. Napabuga ako ng hangin.

"Patawarin mo sana ako Zsakae ngunit may nobyo na ako kaya't hindi ko mapagtutuonan
ng pansin ang iyong damdamin para sa akin." Matapat kong sagot.

Ibig ko na yatang i-umpog ang aking ulo sa pader dahil sa pag-angkin ko kay
Mattheaus bilang nobya nito. Ngunit siya na rin ang may sabing nobyo ko na siya.
Diyos ko! May nangyari na nga sa amin, ngayon pa ba ako tatanggi. Ayaw ko rin
namang matawag na isang kaladkaring babae kaya't mas mabuti pang umamin na ako na
may nobyo na ako.

"Talaga ba?" Malungkot nitong tanong. Napatango naman ako. Bigla niya naman akong
hinila at niyakap.

"Naiintindihan ko. Alam ko, masyadong naging mabilis ang pagkahulog ko sa iyo
ngunit mapaglaro ang damdamin Yana. Hindi mo mahuhulaan kung kailan ka iibig."
Anito.

Mariin akong napakagat ng aking labi. May punto siya at kahit ako rin naman ay
nakaranas din ng ganitong pakiramdam kay Mattheaus kahit hindi ko pa ito lubos na
kilala. Kinalas naman niya ang yakap sa akin at hinalikan ako sa aking noo, na
ikinabigla ko rin naman.

"Maari bang maging kaibigan mo? Kahit 'yon man lang?" Ani Zsakae at matamis na
ngumiti sa akin.

Maging ako ay napangiti na rin dahil sa pagiging maginoo nito.

"Oo naman at salamat." Saad ko.

Muli na kaming naglakad hanggang sa marating namin ang tindahan ng mga damit.
Pinagbuksan ako ng pinto ni Zsakae. Laking tuwa ko talaga at ang gaganda ng mga
nakahelerang damit na nakasabit sa istante.

"Zsakae ano sa tingin mo?" Tanong ko pa habang namimili ng damit.

"Ikaw Yana. Pumili ka kung ano ang gusto mo. Pipili lang ako ng tuksedo."
Nakangiting sabi nito.

Napatango ako. Nang makatalikod ito'y hindi ko maiwasan ang mapangiti sa kanya.
Kahit papaano'y mabait naman pala ito at walang masama kung makipagkaibigan ako sa
kanya.

Itinuon ko na ang atensyon ko sa pagpili ng mga damit. Hanggang sa mahinto ako sa


isang damit na kulay asul. Ang disenyo nito ay para bang kasuotan ng isang diwata.

"Bagay 'yan sa iyo." Biglang wika ni Zsakae sa aking likuran. Napangiti ako.

"Talaga? Aba'y kung 'di ka nagbibiro e 'di ito na lang." Natatawa ko pang sabi.

"Oo naman. Aling Mercy, ipadala niyo na lang po kung magkano ang babayaran ko
mamaya." Ani Zsakae nang makalapit sa puwesto namin ang isang matandang babae.
Mukha ito ang may-ari ng tindahan.

"Ay oo naman Zsakae." Ani aling Mercy.

Kinuha naman na nito ang napili kong damit, maging ang kay Zsakae.

"Kawawa naman si Egoy kung maiiwan lang siya mag-isa mamaya." Nasabi kong bigla.

"Huwag ka mag-alala Yana. May lakad sila mamaya. May aktibidad yatang dadaluhan sa
barangay kasama ang mga iba pang kabataan. Sa iyo nga iyon nag-aalala dahil ang
akala niya'y maiiwan kang mag-isa mamaya." Mahabang paliwanag nito. Nakahinga naman
ako ng maluwag.
"Salamat naman." Bumalik naman na sa amin si aling Mercy dala ang dalawang kahon na
sa palagay ko'y ang laman nito ay ang mga damit na napili namin.

"Narito na lahat maging ang pares ng sapatos. Siya na rin ang namili ng sukat,
ineng." Ani aling Mercy.

"Alam mo ang sukat ko?" Gulat ko pang tanong kay Zsakae.

"Tinanong ko kay Egoy kanina Yana kaya pumili na ako ng babagay sa damit na gusto
mo. Mabuti na lang at pareho kayo ng sukat ni ate Catherine." Paliwanag niya.

Napatango-tango naman ako.

Hindi nagtagal ay napagpasyahan na lang din namin ni Zsakae na umuwi ng maaga upang
makapagpahinga rin naman ako.

"Sunduin na lang kita ng maaga mamaya Yana." Ani Zsakae nang matapat kami sa
pintuan ng silid-aklatan.

"Sige. Salamat dito ha." Sabi ko pa at tinuro ang dala ko.

Ginulo lang nito ang buhok ko at umalis na. Naisip ko, hindi naman pala siya
ganoong klase ng tao. Ako lang talaga itong praning.

Pumasok na ako sa loob at saktong naabutan ko si Egoy. Napahagikhik ako nang makita
ko ang itsura nito. Talagang nakapustura ito at nakaayos pa ang buhok.

"Oy si Egoy, mukhang may liligawan a." Tukso ko pa. Napakamot naman ito sa kanyang
batok.

"Ate Yana talaga. Kailangan lang po talaga mag-ayos." Aniya.

"Oo na. Nagtanghalian ka na ba? Huwag ka magpalipas ng gutom ha." Napasaludo naman
ito sa akin.

"Opo ate. May iniwan na akong tanghalian mo. Mag-ingat ka po mamaya sa kabilang
bakod ate ha." Napatango ako. May kinuha naman itong maliit na supot sa kanyang
tagiliran.

"Ate o." Napatawa ako ng konti.

"Gamitin bawat minuto." Sabi ko pa.


Kahit 'di ko pa nakikita ang laman ng supot ay alam na alam kong 'yan 'yong
mamahaling pabango na pinagamit niya sa akin no'ng isang araw.

"Mag-ingat ka po ate." Ani Egoy at agad akong niyakap.

Niyakap ko rin siya pabalik at tinapik ang kanyang balikat.

"Alis ka na at baka'y mahuli ka pa." Tumango naman ito.

Bago ito makalabas ay sumulyap pa ito at kumaway sa akin. Ngiti lang ang itinugon
ko kay Egoy. Nang masara na nito ang pinto ay agad na rin akong pumasok sa aking
silid. Inilapag ko sa kama ang kahon at supot na dala ko. Inusisa ko pang muli ang
damit na napili ko at talaga namang kay ganda nito. Pakpak na lang yata at tiyara
ang kulang sa akin at talagang magmumukha na akong diwata nito. Maging ang sapatos
na kulay asul na may takong ay talagang bumagay din sa aking damit na napili.

Kaagad ko itong itinabi at lumabas muli ng aking silid upang makapagtanghalian.

=================

MLFTC-31

MLFTC-31

*****

Hindi nagtagal ay natapos din naman ako at agad na akong nagsimulang mag-ayos ng
aking sarili. Mas mabuti na itong maaga kaysa naman ang paghintayin ko pa si
Zsakae. Nakakahiya naman kung ganoon pa ang mangyayari.

Nang makatapos ako sa pagligo ay labis pa rin akong nag-aalala sa suot ko. Dahil
mukhang makikita pa yata ni Zsakae ang ilan sa mga pasa ko sa katawan. Dali-dali
kong hinalungkat ang mga gamit ko at hinanap ang mga gamit kong pangkolorete sa
mukha. Isang krema na kakulay ng balat ko ang ginamit ko upang matakpan ang mga
pasa ko sa katawan. Mabuti na lang talaga at napadalhan ako ni Jeorgie ng mga
ganitong kolorete sa mukha.

Nang masiguro kong nalagyan ko na lahat ay kaagad din naman akong nagbihis at
maging ang pares ng sapatos ko'y sinuot ko na rin. Naglagay lang din ako ng
kaonting polbo sa mukha ko at pinahiran ang aking labi ng kulay pulang lipstik.
Pinagmasdan ko pa nang ilang saglit ang aking sarili sa harapan ng salamin. Sayang
at wala akong kamera, 'di sana'y nakuhanan ko ng litrato itong magandang ayos ko.

Nang makuntento ako sa aking ayos ay lumubay na ako sa harapan ng salamin.


Napahugot ako ng malalim na hininga at naupo sa aking kama. Maayos kaya siya? Hindi
na talaga ako makapaghintay pa na makita siya. Kinuha ko ang ilang pabango at
iwinisik sa aking sarili. Talagang mula ulo hanggang paa ko itong ginamit at talaga
namang napakabango nito.

Nang makuntento na ako'y kinuha ko na ang itim tsaketa na hanggang binti ko ang
haba nito at ang maliit na pitaka na naglalaman ng limang bote ng mamahaling
pabango.

Lumabas na ako ng aking silid at agad nang tinungo ang labasan ng silid-aklatan.
Nang makalabas ako'y ikinandado ko na ito.

"Yana..." Narinig ko pang wika ni Zsakae sa aking likuran kaya't nilingon ko siya.

"Zsakae..." Bati ko rin naman.

Napatulala naman itong nakatitig lang sa akin.

"Oy Zsakae!" Untag ko pa rito kaya natauhan naman ito mula sa pagkakatulala niya.

"Para kang isang diwata na inihulog mula sa langit, ngunit napakasayang lang dahil
hindi ako ang unang nakasalo sa iyo Yana." Mapait nitong wika.

Nakagat ko naman ang aking dila. Tila yata ay nagseselos ito kay Mattheaus.

"Zsakae naman..." Tanging nautas ko. Nailing naman ito.

"Ayos lang pasasaan ba't makakalimutan ko rin ito." Aniya at inilahad na ang kanang
kamay nito sa akin, na siya ring inabot ko naman.

"Isuot mo na ang iyong tsaketa, Yana." Utos pa ni Zsakae sa akin. Napatango naman
ako at isinuot na ito.

"Anong oras na ba?" Tanong ko pa.

"Ala-singko y medya na nang hapon, Yana. Tamang-tama lang dahil mamayang ala-syete
ay naroon na tayo sa unibersidad." Sagot nito.

"Sige." Tahimik naming nilakad ang daan papunta sa kabilang bakod.

Nang matapat kami sa harapan mismo ng pinto ay biglang nangatog itong mga tuhod ko
sa sobrang kaba.
"Kapit ka lang sa akin." Ani Zsakae.

"Kapatid ni kuya Steffano. Tatlo silang magkapatid, pangalawa ang kuya Keanno at
anak sa labas naman ay ang kuya Zairan." Aniya. Kung ganoon ay may kapatid pala ang
kuya Steffano.

"Bakit natakot yata 'yon bigla?" Usisa ko pa. Inayos naman niya ang sumbrero ng
tsaketa ko.

"Lahat sila ay takot kay kuya Keanno at ilan lang sa kanila ang kaya siya, maging
ako ay malaki ang respeto ko sa kanya. Ang pagkakaalam ko'y nakauwi na siya galing
sa bakasyon, iyon nga lang ay wala pang nakakaalam kung nasaan siya dito sa isla.
Pero ang talagang nakakatakot sa kanilang tatlo ay ang kuya Steffano. Masama lang
talaga galitin si kuya Keanno kapag may ganitong okasyon para sa kanya." Aniya.
Napatango lang din naman ako.

"Tara na, delikado ang magpagabi ngayon." Ani Zsakae.

Delikado talaga ang magpagabi rito dahil dito ako pangalawang beses na sinalakay ng
isang Seltzer na taong-lobo. Kumapit lang ako ng husto kay Zsakae habang naglalakad
kami. Kahit hindi pa man kami nakakalapit ng husto sa unibersidad ay kitang-kita ko
na ito mula sa aming puwesto. Kay bilog din ng buwan, ngunit hindi lang naman
ngayong araw na ganyan ang buwan. Madalas kong napupuna na palaging bilog ang buwan
tuwing gabi.

"Yesha..." Natigilan ako nang marinig kong may tumawag sa isa ko pang palayaw.

"Yana, bakit?" Wika ni Zsakae. Maging ito ay nagtaka sa biglaan kong paghinto.

"H-ha? W-ala." Sagot ko agad at ako na mismo ang humila kay Zsakae.

Si Mattheaus kaya iyon? Ngunit nakapagtataka namang Yesha ang itinawag nito sa
akin. Inalog ko ang aking ulo. Dala lang siguro ito nang matinding nerbyos.

Hindi nagtagal ay narating na namin ni Zsakae ang unibersidad. Ang daming tao ang
dumalo at para yatang mas lalo akong kinabahan. Dinukot ko ang isang bote ng
pabango at iwinisik sa sarili ko. Napangiti lang naman din si Zsakae sa akin.
Ginagap niya ang aking mga kamay at iginiya na ako papasok. Ang gaganda yata ng mga
dumalo at ibig ko yata ang manliit sa aking sarili.

"Huwag kang kabahan..." Bulong ni Zsakae sa akin. Napatango lang ako.

"Gusto mo ng alak?" Napatango ako sa alok ni Zsakae.

Kahit na hindi ako umiinom ay mukhang kailangan ko yata ng alak upang maibsan ito
nerbyos ko.
"Dito ka lang at huwag kang makikipag-usap sa iba." Bilin pa nito ng marating namin
ang malaking bulwagan kung saan idinaraos ang piging.

Napatango akong muli at pinaglaruan ang aking mga daliri. Hindi talaga ako
mapalagay. Pakiramdam ko kasi'y naiiba ako sa kanilang lahat, bukod pa doon ay baka
may mga taong-loob din na umaaligid. Mariin akong napakagat-labi at napatingkayad.
Hinahanap ng aking mga mata si Zsakae. Sa dami ba naman ng tao ay talagang
mahihirapan akong hanapin siya.

Nang gumawi ang paningin ko sa kanan ay namilog ang aking mga mata. Ang pinsan
kong si ate Catherine at ang kuya Steffano ay narito! Agad akong nagtago sa likod
ng mga nakaayos na bulaklak. Diyos ko! Sa oras na malaman nilang narito ako sa
kasiyahang ito'y tiyak na hindi nila magugustohan ang pagpuslit ko rito.

=================

MLFTC-32

MLFTC-32

*****

"Yana, nariyan ka lang pala..." Bungad sa akin ni Zsake, na may dalang dalawang
baso na naglalaman ng alak.

Ngunit ang ipinagtataka ko'y kulay malapot na pula yata ang laman ng baso ni
Zsakae. Samantalang sa akin naman ay isang bino lang.

"Ano 'yan?" Usisa ko.

"Minatamis na ubas at berry..." Sagot nito sabay inom.

"Teka, pahingi!" Awat ko pa sabay kuha sa baso nito.

Nagdududa talaga ako sa laman ng baso. Kopita ang sa kanya, gaya no'ng kay kuya
Steffano. At halos lahat ng tao dito ay kagaya ng baso niya maliban sa aming dalawa
ni ate Catherine, na makikita ang laman.

"Yana..." Awat pa niya sa akin ngunit talagang nagmatigas ako at idinutdot ang
hintuturo ko sa loob ng kopita.

Akmang isusubo ko ito ngunit bigla namang kinuha ni Zsakae ang kamay ko at isinubo
ang hintuturo ko. Namilog ang aking mga mata kasabay niyon ang pagkabasag ng mga
salamin sa bubong at bintana. Maagap naman akong tinakpan ni Zsakae upang hindi ako
tamaan ng mga bubog.

"Pakiusap, maging kalmado ang lahat!" Wika no'ng matandang babae, na sa tingin ko'y
taga-pangasiwa ng piging na ito.

"Zsakae ano'ng nangyari?" Natatakot ko pang tanong dito.

"Tara na at i-uuwi na kita..." Anito.

"Ngunit kadarating lang natin." Sabi ko pa.

Pero napaisip akong saglit.

"Magpaiwan ka na lang, kaya ko umuwi mag-isa." Sabi ko pa.

"Hindi puwede 'yon, Yana." Angal niya.

"Puwes kapag 'di ka pumayag, hindi na kita ka-kaibiganin." Mataray ko pang wika.

Natigilan naman ito at walang nagawa kung 'di ang mapatango. Niyakap ko siya at
dali-daling lumabas ng bulwagan. Kinakabahan ako ng husto. Alam kong siya ang may
gawa no'n. Nang makalabas ako ng unibersidad ay patakbo akong dumaan sa lugar kung
saan ako dinala ni Mattheaus no'ng nakaraan. Hindi-hindi ko makakalimutan ang
daanang iyon.

Halos madapa na ako sa pagtakbo dahil natatakot din ako na baka may taong-lobo
dito. Hinubad ko na ang aking sapatos at tumakbo na.

Nang makarating ako'y halos hindi ako makahinga sa sobrang pagod. Hugot-buga ang
paghinga ko dahil talagang hapong-hapo ako sa pagtakbo. Hinawi ko ang mga baging na
nakatakip sa maliit na kuweba. Lakad-takbo ang ginawa ko hanggang marating ang
dulo. Dumaan ako sa gilid ng talon, agad na sumalubong sa akin ang isang kanta.

'Girl, you're my every woman in the world to me...'

Nasapo ko ang aking dibdib. Nagkalat ang mga bulaklak ng itim na rosas sa damuhan.
At halos masira ang mga paninim dahil tila ba'y nagwala ito.

'You're my fantasy, you're my reality...'

"Mattheaus!" Tawag ko rito.


Nakabukas ang pader. Nakarinig ako ng mga yapak papunta dito sa kinatatayuan ko.
Hindi ko alam kung bakit ngunit agad na nangilid ang mga butil ng luha sa aking
pisngi. Nang makita ko ang bulto ng katawan niyang nakatayo na mismo sa aking
harapan. Wala itong suot na pang-itaas at tanging kupas na maong na kulay asul lang
ang tanging suot nito. Nakalugay din ang mahabang buhok nito at ang kulay ng mga
mata nito'y kulay pula na. Naiyak ako ng husto dahil sa sobrang galak. Binitawan ko
ang hawak kong sapatos at agad na napatakbo sa kanya.

Agad ko siyang siniil nang halik at ipinulupot ang mga braso ko sa kanyang batok.
Tumugon ito sa halik ko at niyapos ang aking bewang. Nakagat nito ang labi ko
dahilan para ito dumugo ngunit wala akong pakialam. 'Mahal ko na siya!'

Humiwalay ito sa akin at hinaplos ang aking pisngi.

"Hindi ko gusto ang ginawa niya..." Napaawang ang aking labi at napayuko. Mukhang
ang tinutukoy yata nito ay ang ginawa ni Zsakae. Sabi ko na nga ba!

"Hindi ko alam na gagawin niya 'yon..." Nagtaksil ba ako? Sa palagay ko naman ay


hindi. Mukhang nagseselos lang ito. Pero grabe naman ito magselos, nakakatakot!

"Patawad..." Nakagat ko muli ang aking labi.

Hindi ito umimik at kinuha ang kanang kamay ko. Pinupog niya ito nang halik at
isinayaw ako sa saliw ng musika.

"Gumanda ka pa lalo..." Aniya. Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya.

"Akala ko pangit..." Sabi ko pa at nahilig sa dibdib nito.

"May gusto siya sa iyo at hindi ko gusto ang ginagawa niya." Aniya.

Inalis ko ang mga kamay ko sa batok niya at niyakap ito sa bewang.

"Alam niya namang may nobyo ako..." Sagot ko pa nang nakataas noo.

"May gusto pa rin siya..." Matabang nitong sagot.

Bigla namang nagsiangat ang mga naglalakihang bato sa paligid naming dalawa. Diyos
ko! Hindi lang siya nagseselos, bagkus ay galit na ito! Sa sobrang pangamba ko'y
wala sa sarili ko itong hinagkan upang kumalma ito kahit pa-paano.

Bigla namang nagsibagsakan ang mga batong nakalutang kanina lang at muntik pang
magulungan ang paa. Mabuti na lang at maagap ito dahil kaagad niya naman din akong
inangat.
"Huwag ka na magalit..." Lambing ko pa rito. Napaismid ito at tila ba ayaw talaga
nito ang mapalapit ako kay Zsakae.

=================

MLFTC-33~

MLFTC-33~

*****

"Oras na..." Aniya bigla.

"A-ang alin?" Takang tanong ko pa.

Hindi niya ako kinibo bagkus ay iginiya niya lang ako sa may talon. Napaatras pa
ako dahil mukhang mababasa na ako ngunit hawak ni Mattheaus ang kaliwang kamay ko
kaya't maging ako'y nadala na niya.

"A-ang...init?" Sabi ko pa nang nasa may bewang ko na ang taas ng tubig.

Akala ko malamig ngunit parang nakasalang sa konting apoy itong talon na ito dahil
talagang naghahalo ang init at lamig ng tubig. Napatitig ako kay Mattheaus at
mukhang alam ko na ang tinutukoy niya. Akmang hahawakan niya ako ngunit lumayo ako.
Kumunot ang noo nito.

"Ako na, sisirain mo na naman ang damit ko." Nakanguso ko pang presinta.

Pupunitin na naman niya ito. Sayang naman kung sisirain niya lang. Hinubad ko na
ang aking damit at talagang diretso kong inilubog ang sarili ko sa tubig. Napalunok
ako. Diyos ko! Hindi naman ito unang beses na may mangyayari sa amin ngunit
talagang hindi pa rin maalis sa akin ang hiya. Pilyo namang napangiti itong si
Mattheaus kaya napayuko ako. Nakakabaliw ito kung ngumiti! Tuluyan naman na itong
lumapit sa akin at niyakap ako.

"May magbabago sa iyo at gusto ko sanang huwag mo itong ikatakot." Anito. Niyakap
ko siya ng mahigpit.

"Susubukan ko..." Sagot ko. Kung ano mang pagbabago 'yon ay tatanggapin ko, huwag
lamang siyang mawala sa akin.

Hinawakan naman nito ang aking mukha. Dinampian niya nang halik ang aking noo, mga
mata ko at ang tungki ng aking ilong. Pasumandali itong tumitig sa aking labi at
siniil ako. Buong puso ko itong tinugon ng walang pag-aalinlangan. Gumapang ang
labi nito sa aking leeg at nahinto sa aking matatayog na hinaharap.

"...aah!" Daing ko.

Parang may kung anong gumagapang sa buong katawan ko na hindi ko maintindihan.

"Metis noctis opacae..." Sambit nitong bigla at wala sa sarili akong napaliyad.

Kitang-kita ko kung gaano kabilog ang buwan at para bang nakikita ko ang pagbabago
ng kulay ng mga mata ko. "...adsum offerens tibi ubera..." Napasinghap ako.

Heto na naman iyong pakiramdam ko na parang isinasalang ako sa isang malaking


pugon.

"...aah!" Daing ko nang maramdaman ko ang pagpasok nito sa akin. Narinig ko ang
malalim na pagsinghap din nito.

"...mea per sanguinem ejus...." Muling sambit nito kasabay nang pagbayo sa akin.

Namilog ang aking mga mata dahil lumabas na naman sa magkabilang pulsuhan ko ang
itim na rosas. Gumapang ito paakyat sa braso ko at gumapang sa buong katawan ko.

"...aah!" Ungol ko.

Nang mapayuko ako'y lahat nang kumalat na tinik ng itim na rosas sa aking katawan
ay nagkumpulan sa aking puson.

"...aah!" Hiyaw ko dahil sa biglaan pagsakit ng puson ko.

Parang may kung ano rito sa aking sinapupunan ang nagwawala at talagang napakasakit
nito. Napakapit ako sa magkabilang balikat ni Mattheaus upang kumuha ng suporta.
Hindi ko alam kung saan ko ibabaling ang ulo. Hindi ako mapakali. Parang gusto kong
lumaklak ng pampamanhid ng sakit dahil talagang napakasakit nito.

"...puritas mentis et da mihi..."

Halos manginig ang buo kong katawan nang muli itong nagsambit ng mga salitang hindi
ko maintindihan. Nakakabingi at masakit sa ulo!

"...aah!" Hiyaw ko at hindi na napigilan pa ang sarili na maiyak.

"...filium tuum semper..." Muling sambit niya kasabay ang pagkagat niya sa aking
leeg at ang pagrating namin sa sukdulan.
Diretso akong bumagsak sa tubig ng kanyang ako'y bitawan ngunit maagap ito at muli
akong inangat. Lupaypay ang buo kong katawan at talaga namang pagod na pagod itong
pakiramdam ko. Nawala rin ang biglang sakit ng katawan ko, lalo na sa parte ng
sinapupunan ko. Napapikit ako sa sobrang pagod. Ramdam ko naman ang pagbuhat niya
sa akin at ang mabilis na paglapag nito sa malambot niyang kama. Alam kong nasa
silid niya ako dahil alam na alam ko kung gaano kalambot ang kama nito. Ngayon ko
lang din napuna na kay bango rin pala ng silid nito. Ngayon ko lang ba talaga
napuna? Kahit 'di ko man nakikita ang ginagawa nito'y ramdam na ramdam ko naman
siya. Kinumutan naman niya ako at niyakap. Tuluyan ko na ring hinayaan ang sarili
ko na makatulog.

*****

Nang maalimpungatan ako'y nakaramdam ako ng hininga sa aking leeg. Nang idinilat ko
ng tuluyan ang aking mga mata'y nasa aking silid na ako at ang ikinagulat ko pa'y
katabi ko si Mattheaus. Sinulyapan ko ang orasan at ilang oras na lang bago mag
ala-sais ng umaga.

"M-mattheaus..." Mahinang tawag ko rito.

Alam ko, ang mga gaya nila ay 'di natutulog. Bahagya itong gumalaw at isiniksik pa
ng husto ang kanyang mukha sa aking leeg.

"Matthe---" Sambit ko ngunit agad din namang naputol dahil sa isang iglap lamang
ay bigla na itong nakadagan sa akin at nakalapat ang labi nito sa aking labi.

"Caritas mea..." Sambit nito habang hindi pa rin inaalis ang nakalapat nitong labi
sa akin.

Napapikit ako at nang magdilat ako'y wala ito sa harapan ko. Napabuga ako ng hangin
at kusang napangiti itong mga labi ko. Hindi man kami normal na mag sing-irog
ngunit para sa akin ay parang ganoon na rin. Nakakatawa mang isipin at kay bilis ko
itong naging nobyo nang wala man lang ligawang naganap ay 'di 'yon isang kalabisan
upang huwag siyang aking ibigin. Muli kong ipinikit ang aking mga mata at muling
nagpahila sa aking antok.

=================

MLFTC-34

MLFTC-34

*****

"Ate Yana---nako patawad po!" Narinig ko pang sambit ni Egoy nang ito'y makapasok
sa aking silid. Napadilat ako at agad na sinipat ang aking ayos. Diyos ko! Suot
ko'y isang tsaketa, na sa palagay ko'y kay Mattheaus ito. At halos makita na ang
hinaharap ko dahil sa nakahawi ito ng todo. Napabangon ako at agad ko naman itong
inayos.

"Pasensya ka na Egoy, ang alinsangan kasi." Pagdadahilan ko pa. Napayuko naman ito
at halatang takot sa akin.

"Patawad talaga ate. Hapon na kasi at 'di po kayo lumabas para mag-agahan at
tanghalin. Nag-alala lang po ako ng husto. Pasensya po at kung 'di ako nakakatok."
Paliwanag niya. Nailing naman ako at nagkunwaring napahilot sa aking noo.

"Masama na naman kasi itong pakiramdam ko Egoy. Hindi ko namalayang buong araw na
pala akong nakahilata sa aking kama." Sabi ko pa.

"Sige ate, diyan ka lang at ipaghahanda kita nang makakain mo." Aniya.

Tumango lang ako. Nang makalabas na ito'y diretso ako ulit na bumagsak sa aking
kama. Sa pagmamadali ko kanina'y 'di ko man lang naramdaman itong pananakit ng buo
kong katawan. Nang hawiin ko ang tsaketa ay ganoon na lang ang aking pagkadismaya.
Ang dami ko na namang pasa sa katawan, ni hindi pa nga gumagaling 'yong iba'y
nadagdagan na naman. Muli kong ipinikit ang aking mga mata.

"Ate Yana, gising po." Narinig kong pukaw ni Egoy sa akin. Hindi ko pala namalayang
nakatulog ako ulit. Inalalayan niya naman akong makaupo at sinapo ang aking noo.

"Nako ate! Inaapoy po kayo ng lagnat!" Tarantang wika pa nito at tanging ungol
lang ang itinugon ko.

"Ayos lang ako Egoy." Sagot ko pa at sinubukang tumayo ngunit diretso naman akong
bumagsak sa sahig.

Nagdidilim ang paningin ko at sobrang bigat din ng aking pakiramdam. Napapikit ako
at tila hapong-hapo na hinahabol ang aking paghinga.

"Kuya Keanno..." Narinig ko pang wika ni Egoy. Namalayan ko na lang ang biglaan
kong pag-angat sa ere.

"Ako na ang bahala sa kanya Egoy." Narinig ko pang wika nang lalaking kumarga sa
akin.

Pinilit kong idinilat ang aking mga mata ngunit sadyang traydor itong katawan ko
dahil talagang ayaw nitong sumunod sa akin. Sinubukan kong idinilat muli ang mga
mata ko ngunit kay labo ng aking paningin. Pakiramdam ko'y sing-init ng katawan ko
ang sikat ng araw; nakakapaso!
Napasinghap ako. Dinig na dinig ko ang mga yapak ng mga paa nito. Hindi ko alam
kung saan niya ako dadalhin dahil masyadong malabo ang aking paningin. Dahan-dahan
akong humugot ng hinga. Ngayon ay ramdam ko na ang paglapat ng likod ko sa malambot
na kama at amoy na amoy ko ang pamilyar na bango ng silid.

"Mattheaus..." Wala sa sarili kong naisambit.

Napasinghap akong muli nang madama ko ang malambot na bagay na dumadampi sa aking
balat. Bumigat ang aking paghinga at sinubukan ulit na idilat ang aking mga mata.
Sa wakas ay naaninag ko na rin kung nasaan ako ngunit nadismaya ako dahil ang akala
ko'y nasa silid ako ni Mattheaus, iyon pala'y ibang silid ito. Inaninag kong mabuti
ang lalaking nasa aking harapan.

"M-mattheaus?" Mahinang tawag ko rito.

Abala ito sa pagdila ng mga pasa ko. Diyos ko! Kailan pa naging pamalit sa pamahid
ng pasa ang dila nito. Napapikit akong muli. Tila ilang libong bloke ng yelo yata
ang dumadampi sa aking balat dahil sa ginagawa nito. Ngunit paano niya ako nakuha
gayong kanina lang ay kasama ko lang si Egoy.

Ngunit masyadong masakit itong ulo ko at 'di ko pa kayang pagtagpiin ang mga napuna
ko. Naramdaman ko muli ang pag-angat ko sa ere at ang paglapat muli ng aking
katawan sa maligamgam na tubig. Sa palagay ko'y pareho kaming nasa isang malaking
batya na kasya ang dalawang tao. May kalaliman ito ng konti ngunit sapat na upang
ibabad ang buong katawan.

Sa napuna ng aking pandama'y nakakandong ako sa kanya at ang tanging nakatakip sa


hinaharap ko'y ang kaliwang bisig nito. Ang kanang kamay naman nito'y panay ang
pagsalok ng tubig at inihahaplos sa aking katawan. Hindi ko man nakikita kung ano
ang nangyayari ngunit dama ko naman ang bawat galaw nito. Amoy na amoy ko ang
mabangong halimuyak ng itim na rosas, na sa palagay ko'y kanyang ginamit upang
bumango ang tubig. Bigla namang lumuwag ang aking paghinga maging ang aking
pakiramdam. Mainit man ang aking katawan dahil sa lagnat ngunit sa pakiramdam ko'y
maayos ako at tila ba unti-unting bumabalik ang sigla ng aking katawan.

"Patawad Yana..." Bulong nito sa akin.

Ginalaw ko ng konti ang aking ulo at simiksik ng husto rito. Marahil ang inihingi
nito nang tawad ay ang pagkakasakit ko matapos ang pag-niniig namin. Ngunit para sa
akin ay wala siyang dapat na ihingi ng tawad. Tao ako at isa siyang bampira, lubos
kong nauunawaan ang pagkakaiba namin. Sadyang hindi lang talaga kinakaya ng aking
katawan ang pag-niniig naming dalawa.

"Mahal kita Mattheaus..." Tanging naiusal ko kahit ito ay pabulong lamang.

Muli kong ninamnam ang maingat na yakap nito sa akin at hinayaan ang aking sarili
na makatulog muli.
=================

MLFTC-35

MLFTC-35

*****

Papungas-pungas akong napabangon sa aking kama dahil sa gulat ko nang tumilaok ang
tandang. Naningkit ang aking mga mata nang tumama sa akin ang sikat ng araw.
Kinusot ko pa ang aking mga mata bago tuluyang dumilat at napabangon. Napahimas pa
ako sa aking tiyan dahil talagang gutom na gutom na ang aking pakiramdam. Kinuha ko
ang maliit na tuwalya at diretso akong pumasok sa banyo upang makapaghilamos at
nang makapagsipilyo na rin. Kinuha ko ang maliit na tuwalya at pinunasan ang aking
mukha. Akmang ilalapag ko na sana ito nang maalala ko ang nangyari sa akin.

Agad akong lumabas ng banyo at inusisa ang buo kong katawan. Diyos ko!
Namamalikmata lang ba ako o kung ano dahil lahat ng pasa ko sa katawan ay wala na.
At isa pa ang ipinagtataka ko dahil kagabi lang ay kasama ko pa si Mattheaus at
nakita siya ni Egoy. Diyos ko! Napalabas ako agad ng aking silid at saktong
nakatayo na si Egoy sa harapan ng aking silid. May bitbit itong pagkain ko at
halata pa sa mukha ang pagkagulat.

"Ayos na po kayo ate!?" Aniya.

"Ha? Oo naman. Nga pala si Matt---" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil
sumingit ito kaagad.

"Si kuya Keanno po ba? Nako ate, mabuti na lang talaga at dumating siya no'ng bigla
kayong nahimatay. Kaninang alas-tres po niya kayo hinatid." Paliwanag niya at
inilapag na lamang sa mesa ang dala niyang plato.

"Keanno?" Ulit ko pa sa pangalang binanggit niya. Napatango naman si Egoy.

"Opo ate, ang sabi niya kasi ay kailangan niya ng mga bagong nobela at sakto naman
pong kapapasok niya'y nakita ka niyang nasa sahig na. Mabuti na lang talaga at
maayos na po kayo ate." Nakangiting kuwento niya pa. Napatango-tango ako ulit.

"Iyang Keanno ba na tinutukoy mo ay kapatid ni kuya Steffano?" Tanong ko pa.


Naalala ko kasing nabanggit ni Zsakae ang pangalan na iyan.

"Opo ate, talagang ayos na po kayo?" Paniniguro niya pa.

"Oo naman..." Nakangiti kong sagot.


Ang akala ko'y si Mattheaus ang kasama ko kagabi. Nakakainis! Wala pa naman akong
maalala kung ano nangyari sa akin kagabi. Ang huling naalala ko lang ay 'yong
Keanno na tinawag ni Egoy. Napasuklay ako sa aking buhok gamit ang aking mga daliri
at pilit na inaalala sa aking utak ang mga eksena kagabi.

"Mukhang maayos na nga talaga kayo ate. Ganda pa nga po ng buhok niyo e. Gumanda ka
po lalo sa kulay na 'yan ate." Wika ni Egoy na ikinagulat ko naman.

"H-ha?" Nakaawang pa ang mga labi ko at kumunot na ang aking noo. Nang makabawi ako
sa pagkagulat ay kaagad kong sinipat ang aking buhok. Halos mamilog ang mga mata ko
sa nakita ko. Diretso akong napatakbo pabalik sa aking silid at agad na pinuna ang
aking sarili sa harapan ng salamin.

"Diyos ko!" Naisambit ko habang tutop ko ang aking bibig.

Napahawak ako sa aking buhok. Kailan pa ako nagpakulay ng buhok!? Ngunit natigilan
ako. Sa pagkakaalala ko'y ganitong-ganito ang nakikita kong kulay ng buhok ko sa
tuwing napapatitig ako sa nakapintang larawan noon sa unibersidad na
pinagtatrabahuan ko; kulay gintong mapusyaw. Imposible! Napalabas ako muli ng aking
silid.

"Egoy! May napuna ka bang larawan na 'yong parang nasa isang malaking bulwagan
pagkatapos ay may lalaki at isinasayaw niya 'yong babae? Tapos ano? May malaking
salamin din." Tarantang tanong ko pa kay Egoy.

Napahinto naman ito sa paghahain ng agahan namin.

"Po? Paano niyo po nalaman 'yan ate?" Gulat din namang sagot nito.

Natigilan din naman ako.

"H-ha? Kasi ano...naalala ko kasing may ganyan kasing larawan sa dati kong
pinasukan na trabaho bilang dyanitor. Meron ba?" Pagdadahilan ko.

Ang totoo'y gusto kong makasiguro. Kung tama ba ang hinala ko.

"Ah? Meron po tayo niyan ate. Tara po sa museo." Yaya nito.

Napatango ako at sumunod sa kanya. Diyos ko! Paano ba nag-iba ng kulay itong buhok
ko.

Nang matapat kami sa museo ay agad din namang binuksan ni Egoy ang pinto. Nang
makapasok kami ay agad din naman niya itong isinara. Lunes ngayon, ngunit mabuti na
lamang at mamayang tanghali pa kami magbubukas. Tuwing lunes lang kami nagbubukas
sa tanghali.
Hinila naman ako ni Egoy sa gitna. Nagtaka naman ako rito.

"Mamamangha kayo rito ate." Natutuwa pang wika niya.

Tipid lang din naman akong napangiti, kinakabahan kasi ako. May pinag-aapakan naman
itong si Egoy sa sahig at hindi ko maiwasan ang matawa ng konti. Para saan naman
kaya 'yon.

"Tingnan mo ate." Turo ni Egoy sa sahig.

Bigla na lamang itong gumalaw at umangat ang semento. Napaatras ako at bumungad sa
akin ang isang larawang nakadikit sa sementong umangat. Napasinghap ako. Parehong-
pareho sa larawang nakita ko sa unibersidad!

"Replika lang 'yan ate kasi ang tunay niyan ay nasa pangangalaga ni kuya Keanno.
Siya kasi ang orihinal na nagpinta niyan." Aniya.

Napatitig akong muli sa larawan. Ganoon na lang ang gulat ko na maging ito ay buhay
din. Kaparehong-kapareho ang kulay ng buhok ko ngayon sa kulay ng buhok no'ng
babae. Napahawak ako bigla sa aking tiyan.

"E-egoy? Na-nasusuka ako!" Diretso akong napatakbo palabas ng museo.

Halos takbuhin ko na ang kusina. Nang makita ko ang lababo ay agad akong sumuka.
Nang matapos kong maisuka lahat ay uminom ako agad ng tubig.

"Ate Yana, ayos ka lang?" Napalingon naman ako kay Egoy.

"Hindi yata ako natunawan Egoy." Sagot ko.

"Ipagtitimpla na lang kita ng tsaa ate, makakabuti po 'yan sa inyo." Nginitian ko


lang siya. Umayos ako sa pag-upo sa hapag.

"Nga pala Egoy, si Keanno ba talaga ang pintor no'n? 'Di ba magagalit sila kuya
Steffano na ipinakita mo sa akin iyon?" Tanong ko pa.

"Siya talaga ate. At saka 'di naman siguro, kung 'di mo sasabihin sa kanila."
Nakangiting sagot nito kasabay nang paglapag niya sa harapan ko ng isang tasang
tsaa.

"May napuna ka ba sa larawan Egoy?" Wika ko na ikinakunot ng noo nito.

"Po? Wala naman po ate." Napatango akong muli at humigop ng tsaa.


Akmang uupo na sana si Egoy nang makarinig kami ng mga kalabog. Pareho kaming
napalingon ni Egoy sa pinto.

"Sandali lang ate Yana." Ani Egoy at agad na inusisa kung ano'ng meron sa labas.
Nang makalabas si Egoy ay bigla na lamang sumakit ang puson ko.

"Ah!" Daing ko habang sapo ko ang puson ko. Napayuko ako at napakapit sa damit ko.

"Ah!" Daing kong muli at talagang napakapit na ako sa mesa. May kung ano'ng
tumutusok dito sa loob ko.

"Ate Yana o?" Wika pa ni Egoy nang makapasok ito.

May bitbit siyang dalawang larawan na naman at sa palagay ko'y galing na naman ito
sa museo. Umayos ako sa pag-upo at pinakalma ang sarili ko kahit na ang totoo'y
masakit pa rin talaga itong puson ko. 'Di kaya'y kabuwanan ko na ng aking regla?
Ngunit ang aga naman yata.

"Ate Yana..." Pukaw sa akin ni Egoy.

"Ha? Bakit?" Tanong ko pa.

"Kanina pa po ako may sinasabi pero 'di po kayo nakikinig." Aniya.

Kinumyos ko ang damit ko kung saang parte meron ang sakit.

"N-nako Egoy...may ini...iniisip lang..." Putol-putol ko pang sagot.

"Ayos ka lang ate? Namumutla ka kasi." Aniya. Napatango lang ako at sumenyas na
maayos ako.

"Ate o? Ang ganda na naman ng gawa niya." Mangha pang reaksyon ni Egoy habang
ipinapakita sa akin ang mga larawan.

Natigilan ako at sa palagay ko ay mas lalo akong namutla. Ako na naman ang nasa
larawan habang nakababad sa batyang paliguan, kasama ko ang isang lalaki ngunit
hindi kita ang mukha nito. Ang isa naman ay ang itsura ko no'ng may piging.
Nakatalikod ako habang kaharap ko ang talon.

"E-egoy, wala ka bang napapansin? Kamukha ko ang babae." Sabi ko pa na ikinakunot


din naman ng noo nito. Muli nitong pinagmasdang mabuti ang larawan.
"Medyo nga ate, pero baka nagkataon lang. Alam mo naman ang tao, may pagkakamukha
rin paminsan-minsan. Ika nga nila'y, makapangyarihan ang maykapal." Anito at
niligpit na ang larawan. Wala sa loob akong napahawak sa braso ni Egoy.

"Ate Yana bakit?" Aniya. Bumigat pa lalo ang paghinga ko at nagsimula nang mamawis
ang buo kong katawan. Humigpit na rin ang pagkumyos ko sa aking damit.

"E-egoy..." Sambit ko bago dumilim ang paningin ko.

=================

MLFTC-36

MLFTC-36

*****

Maingay yata ang paligid ko. Dinig na dinig ko ang mga konting pag-apak ng mga paa
sa sahig. Maging ang mga kalansing ng mga kubyertos ay halos mabingi ako. Ang tunog
ng pag-galaw ng orasan at ang bawat pag-ikot ng mga kamay nito'y dinig na dinig ko.
Ang bawat paghinga, ang bawat kibot ng labing bumubulong ay dinig na dinig ko rin.

"Yana..." Napasinghap ako nang magdilat ang aking mga mata at diretsong napabangon.

Pakiramdam ko'y nagbago yata ang kulay ng mga mata ko dahil biglang mas lumiwanag
ang mga nakikita ko.

"Yana!" Kasabay nang pagsambit nito ay ang malakas na sampal na natanggap ko.

"A-ate Catherine?" Gulat ko pang sambit nang makilala ko ito. Umiyak ito at bigla
akong niyakap.

"Patawarin mo ako Yana..." Wika nito nang puno ng sensiredad. Alanganin naman akong
napahagod sa likuran nito.

"Bakit kayo humihingi ng tawad ate? Bakit kayo umiiyak?" Nagtatakang tanong ko pa.
Kumalas ito sa pagkakayakap sa akin.

"N-nasampal k-kasi kita..." Aniya at pinunasan ang mga luha nito sa mata. Tumawa pa
ito ng konti.

"Nako! Ang drama ko na yata. Pasensya ka na ha, teka lang at ikukuha kita ng
tubig." Nagmamadali pa itong lumabas ng silid.
Sinundan ko lamang siya nang tanaw. Ngayon ko lamang din napuna na nasa bahay niya
pala ako. Bumaba ako sa kama. Ano ba ang nangyari? Nahimatay na naman ba ako?
Lumapit ako sa pinto at tinungo ang kusina. Ngunit 'di pa man ako nakakaabot ay
narinig kong may kausap ang pinsan ko.

"Mama, hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko!" Ani ng pinsan ko. May problema ba
sila ng kuya Steffano?

"Anak naman, ano ang gagawin mo? Itatago mo siya? Alam mong wala tayong magagawa sa
kapalarang meron siya. Alam mo'ng pag-aari siya ng anak ko. Alam mo iyon
Catherine." Ani ng mama ni ate Catherine. Sino ba ang tinutukoy nila?

"Ma, malalagay sa piligro ang bayan sa oras na manatili pa siya rito. Kailangan
niyang lumipat sa looban." Ani ate Catherine. Sino ba ang lilipat? 'Di kaya'y ako
ang pinag-uusapan nila?

"Yana..." Napatuwid ako nang tayo nang marinig ko ang kuya Steffano sa aking
likuran.

"K-kuya pa...pasensya na po---"

Hinawakan naman nito bigla ang aking buhok.

"Bumagay sa 'yo ang kulay. Bumalik ka na sa iyong silid." Nakangiting wika nito.

Napalunok ako at talagang napatakbo ako pabalik sa aking silid. Daig ko pa yata ang
natakot sa multo dahil sa sobrang kaba ko. Guwapong multo yata! Paniguradong nahuli
ako ni kuya Steffano na nakikinig sa usapan nila ate Catherine. Sana naman ay huwag
ako nitong isumbong.

Napaupo ako sa dulo ng kama at napabuntong hinga. Napayuko ako at bahagyang inangat
ang suot kong pang-itaas. Sinapo ko ang aking puson. Bigla na lamang akong
nahimatay kanina dahil sa pananakit ng puson ko. May sakit na ba ako sa matres
ngayon at talaga namang daig ko pa ang may kanser sa sobrang pamimilipit ko kanina.
Inayos ko na ang damit ko at sakto rin namang may kumatok sa pinto.

"Tuloy po..." Paanyaya ko.

Iniluwa ng pinto si ate Catherine na may hawak na tubig at isang buslong maliit na
napupuno ng mga prutas.

"Hindi na ba talaga masama ang pakiramdam mo?" Aniya. Nailing ako at napatitig sa
kanya.
Tila pareho yata kami ng kulay ng buhok ng aking pinsang ngunit no'ng unang
magkakilala kami ay ganyan na ang kulay ng kanyang buhok.

"Yana..." Sambit nito.

"Po?" Nailing naman ito.

"Kumain ka ng marami ha, para naman hindi ka magkasakit. Lagi ka raw nagkakasakit
nitong mga nakaraang araw ayon kay Egoy." Anito habang ipinagtatalop ako ng
mansanas.

Nang matapos ito'y lumapit siya sa akin at naupo sa tabi ko. Ibinigay niya sa akin
ang hawak niyang platito na naglalaman nang mansanas. Kumuha ako ng isang piraso
nito at isinubo.

"Ate, may gamot ka ba para sa sakit ng puson?" Kumunot naman ang noo nito.

"Bakit Yana? Masakit ba ang iyong puson? May dalaw ka na ba?" Nailing ako at
napatango.

"Wala pa akong dalaw ngunit masakit itong puson ko ate." Akmang sasagot pa sana ang
pinsan ko nang bumukas ang pinto ng silid. Bumungad sa amin ang kuya Steffano.

"Mahal ko, bakit?" Anang ate Catherine sa asawa nito.

Seryoso lang ang mukha nito at bahagya pang nilapat ang kanang kamay sa tiyan nito.
Bigla namang napasinghap ang pinsan ko at agad na pumaling sa akin.

"Magbihis ka na at nang maihatid na kita sa tinutuluyan mo." Aniya at agad na


kumuha ng damit sa tukador.

Parang namumutla yata ang pinsan ko at hindi ito makatingin sa akin ng diretso. Ang
kuya Steffano naman ay tahimik lang at tila parang walang pakialam sa mundo.

"Kalma mahal ko..." Wikang bigla ni kuya Steffano.Ang sarap lang sa tainga ng boses
nito. Diyos ko! Ayaw ko nang magkasala muli kay Mattheaus! Tukso layuan mo ako!
Nag-iwas ako agad ng aking tingin sa asawa ng pinsan ko.

"Iwan ka muna naman, Yana. Hihintayin ka namin sa labas." Wika ni ate Catherine.

Simpleng tango lang ang itinugon ko at tuluyan nang lumabas ng silid ang mag-
asawa. Hindi na ako nagdalawang-isip na magpalit ng damit ngunit bago ko pa suotin
ang bestidang bigay ng aking pinsan ay napuna kong nakaumbok yata ng konti itong
aking tiyan. Hinimas ko pa ito at pinisil-pisil. Baka naman ay bilbil lang ito.
Kumikit-balikat na lamang ako at nagbihis na. Nang matapos ako'y diretso ko agad na
tinungo ang sala. Nakaabang na sa pinto ang pinsan ko at may kausap pa ito. Nang
humakbang pa ako palapit ay nakita kong si Egoy lang pala ang kausap ng aking
pinsan.

"Ate Yana!" Ani Egoy nang makita ako at agad akong niyakap.

"Nandito ka?" Usisa ko pa.

"Sinusundo ko po kayo ate Yana." Anito nang makalas ang pagkakayakap sa akin.

=================

MLFTC-37

MLFTC-37

*****

Hinalikan ko ang kanyang noo at ginulo ang kanyang buhok.

"Ikaw talaga, nag-abala ka pa. Pauwi na rin ako e." Sabi ko pa.

"Kahit na ate, baka mahimatay na naman po kayo e." Napangiti ako rito at bumaling
sa aking pinsan na nakangiti lang din naman habang nakasandal sa pinto.

"Ate, pasensya ka na ha kung 'di po ako nakakapagtrabaho ng maayos." Paumanhin ko.


Kahit naman na pinsan ko ito'y nakakahiya pa rin.

"Walang problema sa akin 'yon Yana, ang importante ay ang kalusugan mo. Sige na,
lumakad na kayo." Ani ng pinsan ko.

Bumeso ako kay ate Catherine at lumakad na palabas ng bahay niya. Nauna na ring
lumakad si Egoy, ngunit bago pa man ako makalabas sa bakuran ng pinsan ko'y bigla
niya akong tinawag.

"Yana, huwag ka sanang papasok pang muli sa kabilang bakod nang walang paalam.
Nakikiusap ako sa iyo." Anito na ikinabigla ko.

"Paano mo nalaman ate?" Taka kong tanong.

"Si Zsakae, masyado kasing madaldal ang batang 'yon. Ngunit sana'y pakinggan mo
sana ang pakiusap ko Yana." Anito at bigla sumeryoso ang mukha.
"S-sige po..." Sagot ko na lamang upang matapos na ang usapan.

Lumakad na ako at humabol kay Egoy. Malalim akong napahugot ng hininga. 'Patawarin
mo ako ate Catherine dahil hindi ko magagawang sundin ang nais mo.' Mas maalab ang
pagmamahal ko kay Mattheaus kaya kahit ano pang gawin nilang pagbawal sa akin ay
hindi ko ito susundin. Sa oras na buksan muli ni Mattheaus ang lagusan sa museo ay
mapapadali ang pagdalaw ko sa kanya. Ngunit kung hindi pa rin ay mapipilitan akong
pumuslit sa kabilang bakod. Iyon lang ang isa pang tanging daanan ko papunta sa
kanya. Harangin man ako ng sibat ay hindi ako makakapayag na hadlangan ang pag-ibig
na mayroon ako para kay Mattheaus.

"Ate Yana, dumaan si kuya Zsakae kanina. Nag-iwan nga po ng bulaklak at mga
prutas." Wika ni Egoy.

Napataas ako ng aking kilay. Tila yata iba na ang ipinapahiwatig sa akin ni Zsakae.
Ang akala ko ba'y nagkaintindihan na kami.

"Dalian mo na Egoy." Sagot ko na lamang at binilisan ang aking paglalakad.

Hindi nagtagal ay narating na namin ni Egoy ang silid-aklatan. Umuna akong pumasok
at agad na dumiretso sa tinutuluyan namin. Gaya nga nang sabi ni Egoy ay may mga
bulaklak nga at prutas na nasa mesa. Ngunit iba yata ang hanap ng dila ko ngayon.
Gusto ko 'yong katas na galing sa ubas at berry, iyong inoming gawa ni ate
Catherine. Saan kaya niya natutunan 'yon?

"Ate Yana..." Tawag sa akin ni Egoy.

Nang lingonin ko siya'y bahagya pa itong natigilan.

"Bakit Egoy?" Tanong ko.

"Ate may suot ka ba no'ng pangpakulay sa mata? Ang astig ate Yana, kulay dilaw,
bagay sa 'yo." Nakangiti pang wika ni Egoy sa akin.

Ang tinutukoy niya ba ay iyon pamalit sa salamin sa mata? Namilog ang mga mata ko
at diretso napapasok sa silid ko. Agad kong inusisa ang mga mata sa harapan ng
salamin. Natutop ko ang aking bibig. Diyos ko! Totoo ngang nagbago ang kulay ng mga
mata ko. Diretso ako agad sa banyo at naghilamos. Nang matingnan ko muli ang mga
mata ko sa salamin ay bumalik ulit sa normal ang kulay nito. Napabuga ako ng
hangin. Sa lakas ng tibok ng puso ko'y halos bumabakat na ito sa damit ko. Sinapo
ko ang aking dibdib at pinakalma ang aking sarili. Diyos ko? Ano na ba itong
nangyayari sa akin at parang hindi na ito maganda.

Una ang buhok ko, ngayon nama'y mga mata ko. Napasandal ako pinto. Mukhang
kailangan ko na yatang magpatingin sa doktor. Para yata akong nakulam o naengkanto.
Inayos ko na ang sarili ko at lumabas na ng aking silid. Wala si Egoy nang lumabas
ako kaya tinungo ko ang silid-aklatan. Nagliligpit ito ng mga libro.

"Hindi ka na ba magbubukas Egoy?" Pukaw ko rito. Nahinto naman ito at nilingon ako.

"Nako ate Yana, alas-tres na ho ng hapon. At saka konti lang naman po ang mga taong
dumating ngayon." Sagot nito.

Napatango ako. Alas-tres na pala ng hapon at hindi ko man lang namamalayan.


Tinulungan ko na lamang si Egoy na maglipit ng mga librong nakakalat sa bawat mesa.

"Tinanggal niyo po 'yong nasa mata niyo ate?" Wika pa ni Egoy bigla kaya napatigil
ako. Napalunok at lumakas na naman itong tibok ng puso ko.

"H-ha? Ay oo Egoy. Ano kasi...sagabal sa mata." Pagdadahilan ko pa.

"Ah, bagay pa naman po sa inyo." Aniya.

Ngumiti lamang ako ng tipid at nag-iwas na nang tingin sa kanya. Ngunit natigil din
naman ako dahil may nakalimutan akong itanong.

"Egoy, may doktor pa ba sa klinika ngayon? Gusto ko sanang magpakunsulta at kung


puwede sana ay magpapasama na rin ako sa iyo." Nagbago naman ang anyo ng mukha
nito, tila ba nag-alalang bigla sa akin.

"May sakit ka ba ate?" Malungkot na tanong naman nito. Lumapit naman ako sa kanya.

"Egoy naman, wala akong sakit. Gusto ko lang magpatingin sa doktor kung maayos ba
ako. Alam mo namang lagi ako nagkakasakit, 'di ba?" Paliwanag ko.

Niyakap naman ako nito bigla.

"Basta ate, sabihan mo lang ako kapag may kailangan ka ha." Anito.

"Pangako Egoy, pero parang gusto 'yong inoming kulay dugo. Marunong ka ba no'n
Egoy?" Napaangat naman ito ng kanyang ulo.

"Iyong ubas at berry po ba ate? Oo naman po! Si kuya Keanno ang nagpauso niyan sa
kabilang bakod e." Aniya at humiwalay na sa akin.

"Keanno? Siya 'yong tumulong sa akin, 'di ba? Ang dami naman niyang talento." Wika
ko pa.
"Naman ate. Igagawa ko kayo pag-uwi natin mamaya. Dadaan na din ako sa bayan para
bumili ng sangkap." Ani Egoy.

Kumikit-balikat lamang ako at ipinagpatuloy na namin ang pagliligpit.

=================

MLFTC-38

MLFTC-38

*****

Hindi nagtagal ay natapos din naman kami sa lahat-lahat ng gawain. At heto kaming
dalawa ni Egoy ngayon sa malapit na kainan. Dito na kami naghapunan nang sa gayon
ay diretso na lang kami ng klinika.

"Egoy, sigurado ka bang may doktor pa?" Tanong ko sa kalagitnaan ng aming


paglalakad.

Ang galing lang dito sa bayan nila'y puwede lang nang lakaran dahil ang lalapit
lang ng mga gusali.

"Oo naman ate Yana. Tatlong doktor ang nakatoka diyan sa klinika at saka libre po
ang tsek-ap, kasi sila kuya Steffano naman po ang nagpapasuweldo sa kanila. Iyon
nga lang po ay talagang bibilhin niyo 'yong resita na ibibigay ng doktor." Aniya.

Tamango lang din naman ako. Diyos ko! Huwag sanang sumakit ngayon ang puson ko.
Lumakad pa kami at nahinto sa harapan ng klinika. Umunang pumasok si Egoy habang
nakasunod lang ako sa kanya.

"Magandang gabi po doktora Abby." Bati ni Egoy nang makita niya ito. Nakaupo ito sa
harapan ng mesa at abala sa pagbabasa ng libro sa medisina.

"O? Magandang gabi Egoy, nagawi ka rito? May sakit ka ba?" Wika naman ni doktora
Abby.

"Wala po. Si ate Yana ko lang po, magpapatingin po sana." Sagot naman ni Egoy at
bumaling sa akin.

"M-magandang gabi po..." Alanganin ko pang bati.


Maganda ito at may pagkamorena ang kutis nito. Mukhang nasa trenta pa ang edad
nito, hula ko lang din naman.

"Egoy, hintayin mo kami dito. Titingnan ko lang ang ate mo sa kuwarto." Bilin pa
nito kay Egoy.

"Sige po." Inakay naman ako ni doktora papasok sa kuwarto.

Pagkapasok namin ay maraming aparato ang nakapalibot sa amin. Pinaupo naman niya
ako sa kama at sinimulan na niya akong sinuri.

"Hinga ng malalim...pakalmahin ang sarili." Aniya nang maitapat sa aking dibdib ang
hawak nitong aparatong estetoskopio. Sinunod ko naman ang inutos nito sa akin.

"Sobrang lakas." Nakangiting wika nito at inalis na ang hawak nitong estetoskopio.

"Hindi po normal? May sakit po ba ako sa puso?" Kabadong tanong ko. Ngumiti naman
ito at nailing.

"Normal ka at wala kang sakit sa puso. Ngayon mahiga ka at titingnan ko kung


malusog ba siya." Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi nito, ngunit sinunod ko pa rin
naman ang utos nito. Sino'ng malusog na tinutukoy niya? Itinaas naman nitong bigla
ang pang-itaas kong damit pero inawat ko siya.

"Anong gagawin niyo!?" Taka kong tanong.

"Iha, kumalma ka lang. Pangako, hindi ito masakit." Aniya nang puno ng
kasiguraduhan.

Binitawan ko ang braso niya at hinayaan itong tuluyang maitaas ang damit ko
hanggang bewang. May hinaplos naman itong malagkit na likido sa parte ng puson ko
at ginamitan ako ng isang aparato na kung tawagin ay isang ultrasound. Buntis ba
ako? Nagugulohan ngayon ang utak ko.

"Malusog siya ha, ngunit kakaiba yata ang batang ito. Tatlong buwan pa lamang ito
ngunit kumpleto na ang anyo nito. Nakakapagtaka naman." Wika ni doktora Abby.
Nasapo ko ang aking dibdib.

"Buntis ako..." Gulat at natulala akong saglit sa nalaman ko.

"Oo iha. Ayon dito, nasa labing limang linggo na itong tiyan mo. Hindi nga lang
halata na lumaki ang tiyan mo pero tatlong buwan na ito. Hindi mo ba alam na buntis
ka, iha?" Aniya na ikinailing naman ng aking ulo.

Parang paulit-ulit na tumatakbo sa utak ko ang sinabi nitong buntis ako. Pinahiran
naman nito ang puson ko ng tuyong tela at inalalayan akong maupo. May kinuha naman
itong papel at panulat.

"Ito ang mga gamot na bibilhin mo, tapos kumain ka ng masustansyang pagkain para
'di ka dapuan ng sakit at nang 'di magkaroon ng kumplikasyon ang bata." Bilin pa
nito ngunit tila yata tulala pa rin ako sa mga nangyayari sa akin.

Paano umabot sa tatlong buwan ang tiyan ko gayong mabibilang lang naman sa kamay ko
ang araw ng pananatili ko sa islang 'to at ang mga araw na ginalaw ako ni
Mattheaus. Wala sa sarili akong napaiyak sa sobrang tuwa. Imbes na matakot ako'y
natuwa pa ako. Dinadala ko ang anak ng pinakamamahal ko. Bakit ko pa nga ba
ipagtataka itong kalagayan ko gayong alam na alam ko namang hindi normal na tao ang
naging nobyo ko.

"I-iha? Ayos ka lang ba?" Alalang tanong sa akin ni doktora. Pinahiran ko ang mga
luha ko kahit patuloy pa rin ito sa pagtulo.

"Masaya lang po ako, doktora. Salamat po." Wika ko sa pagitan ng aking pag-iyak.
Niyakap naman ako nito at hinagod ang aking likuran.

"Panganay mo siguro ito kaya ka medyo natutuwa. Tahan na iha." Kumalas ito sa
pagkakayakap sa akin at inalalayan akong makatayo.

"Iyong mga bilin ko sa iyo ha? Huwag mong kalimutan." Paalala pa nito.

"Opo..." Tugon ko rin naman.

Lumabas na kami ng silid at sinalubong naman ako ni Egoy.

"Ate ano'ng nangyari?" Usisa nito agad. Bakas sa mukha nito ang matinding kaba at
pag-aalala.

"Walang problema Egoy."

"Ba't po kayo umiiyak?" Usisa nito. Nailing ako at pinahiran ang mga luha ko sa
pisngi.

"Masaya lang ako, Egoy. Tara na at mapapagabi pa tayo sa daan." Wika ko at bumaling
kay doktora Abby.

"Salamat po, dok." Wika ko. Ngumiti lamang ito ng kay tamis at tumango. Hinila ko
na palabas ng klinika si Egoy. At talagang ayaw mapalis sa mukha ko ang matinding
saya.

"Ate Yana? Ano po bang resulta?" Usisa ni Egoy sa akin. Mukhang 'di pa rin kasi ito
mapakali. Inakbayan ko naman ito at ginulo ang kanyang buhok.

"Malusog ako Egoy at walang sakit. Kulang lang daw ako sa pahinga."
Pagsisinungaling ko pa.

Ayaw ko mang ilihim itong pagdadalang tao ko ngunit kailangan. Panigurado kasing
magtataka ito kung bakit nabuntis akong bigla gayong wala naman ito nakilalang
nobyo ko simula nang mapadpad ako sa islang 'to.

"Mabuti naman at ganoon ate." Masiglang wika naman ni Egoy sa akin.

Muli ko lamang ginulo ang kanyang buhok at lumakad na.

=================

MLFTC-39

MLFTC-39

*****

Hindi rin naman nagtagal ay narating na namin ni Egoy ang silid-aklatan. Nagulat pa
kami at nagkatinginan ni Egoy nang mapuna naming bukas ang pinto ng silid-aklatan.
Dali-dali kaming pumasok ni Egoy at ganoon na lang ang pagkagulat namin nang
makitang magulo ang loob. Diretso agad na napatakbo si Egoy sa museo. Agad din
naman akong sumunod sa kanya at nang mabuksan nito ang pinto ay pareho kaming
nakahinga ng maluwag. Maayos ang loob ng museo, maliban dito sa silid-aklatan.
Parang may kung anong hinahanap ang magnanakaw sa lugar na ito dahil talagang ang
mga librong nasa ikalawang palapag ay umabot hanggang sa unang palapag.

"May nawala ba Egoy?" Alalang taong ko pa. Nakita ko kasi itong napatakbo rin
papasok sa aming tinutuluyan.

"Wala naman ate, maliban lang dito." Tukoy niya sa mga mesa at librong nasa sahig.
Napamewang ako at natampal ang aking noo.

"Egoy, ipagbigay alam mo nga ito kay ate Catherine." Utos ko pa.

"Sige ate..." Akmang lalabas na ito sa pinto ngunit hinila ko naman ito ng marahan
braso.

"Bukas na Egoy. Gabi na masyado. Halika na, matulog na tayo. Bukas na lang tayo
mag-ayos Egoy." Humihikab ko pang sabi.
Bigla akong nakaramdam ng matinding pagod at pagka-antok. At tila ba balewala sa
akin ang nangyari dito. Ewan ko ba! Dala siguro ito nang pagbubuntis ko.

"Sige ate, magsasara na lang po ako." Tinanguan ko lamang ito at umuna na ako sa
aking silid.

Bukas ko na lamang dadalawin ang pinakamamahal kong Mattheaus.

*****

Kinaumagahan nang magising ako'y diretso ako agad na nag-ayos ng aking sarili.
Pinagmasdan ko pa ang sarili ko sa salamin. Talagang 'di na bumalik sa dating kulay
itong buhok ko. Permanente na yata itong ganito at talagang nagmumukha akong
dayuhan sa buhok kong 'to; parang kay Mattheaus lang. Matapos kong masipat ang
kabuoan ko sa harapan ng salamin ay kaagad din naman akong lumabas ng aking silid.
Naabutan ko pang naghahain nang agahan si Egoy sa mesa.

"Magandang umaga, Egoy." Masiglang bati ko rito. Ngumiti naman ito sa akin.

"Magandang umaga rin po ate. Kain na po tayo." Tumango lang ako at naupo na sa
hapag.

"Ate o, ispesyal 'yan." Ani Egoy bigla at may inabot na pitsel sa akin.

Kumunot ang aking noo ngunit bahagya din namang umaliwalas ang mukha ko nang
makita ko ang laman ng pitsel.

"Ay grabe Egoy! Ang sarap nito!" Wika ko pa.

"Naman ate! Alam kong gusto mo 'yan e." Agad naman akong nagsalin sa baso at
tumikim ng konti.

Para akong nabunutan ng mabigat na bagay na nakadagan sa katawan ko. Ang sarap
talaga nitong minatamis na inoming galing sa katas ng ubas at berry.

"A-ate Yana..." Tawag naman ni Egoy sa akin. Gulat ang mukha nito habang nakatitig
sa akin.

"Egoy, bakit?" Napalunok naman ito.

"Dilaw na naman po mata niyo." Sagot nito.

"Ha?" Diyos ko! Nakita ni Egoy! Agad kong kinusot ang mga mata ko.
"Dilaw pa rin ba?" Kabado kong tanong.

"H-hindi na po..." Napahawak ako sa aking damit.

"E-egoy---" Nailing naman ito.

"Ayos lang ate. Minsan ganyan din ang mga mata ni kuya Keanno kapag natititigan ko
ito. Ang sabi niya, natural daw iyon at piling tao lang ang may kakayahan niyan.
Ang siyensya nga naman, talagang nakakamangha. 'Di ba po ate?" Ngumiti pa ito sa
akin at tila ba'y wala lang ito sa kanya.

"O-oo naman..." Kunwari'y sang-ayon ko.

Kung bakit ba naman kasi ngayon pa nagbago ito ng kulay. Nakita pa tuloy ito ni
Egoy. Aminado akong kinakabahan talaga kanina. Kumain na lamang ako at 'di na
umimik pa.

"Siya nga pala ate. Papasok na ako sa paaralan ngayong linggo. Linggohan kasi ang
iskedyul na kinuha ko ate para naman makapagtrabaho ako at 'di ko kayo maiwanan
mag-isa dito." Ngumiti ako.

"Nako Egoy, kaya ko mag-isa at saka dapat lang talaga na mag-aral ka para naman
makahanap ka ng magandang trabaho sa siyudad." Sabi ko pa.

"Samalat ate." Anito.

Tinanguan ko lamang siya at agad na tinapos ang kinakain ko. Nang matapos kami ni
Egoy ay agad na naming sinimulan ang pag-aayos sa mga libro.

"Nasabi mo na ba ito kay ate Catherine, Egoy?" Nailing naman ito.

"Huwag na lang po ate. Panigurado kasing mag-aalala na naman iyon. At saka hindi na
po bago sa akin itong ganito. Maraming beses na po itong nagkaganito. Para bang may
hinahanap 'yong sumisira dito." Nagsalubong naman ang dalawang kilay ko.

"Maraming beses na? Grabe naman 'yon. Ano naman kaya ang hinahanap ng taong 'yon."
Nailing naman itong si Egoy at ipinagpatuloy ang pagliligpit.

"Siguro 'yong librong hinahanap no'n ate ay ang La Luz De Vermont Zoldic dyornal."
Natigilan naman ako sa sinabi ni Egoy.

"Hindi ba 'yan ang pangalan ng unibersidad sa kabilang bakod, Egoy?" Sabi ko pa.
"Opo ate. Ang libro kasing iyon ay naglalaman ng mga importateng bagay mula sa
kinanunuan ng mga Zoldic. Dalawang libro 'yan ate, ang isa ay aklat ng ritwal at
mga propesiya. Ewan ko ba sa pamilya nila ate Yana. Masyadong makaluma e." Kuwento
niya pa. Libro ng propesiya at ritwal? 'Yan ang hinahanap ko!

"Ano Egoy, alam mo ba kung nasaan iyon?" Tanong ko pa kunwari.

"Iyong dalawang libro po? Nasa pangangalaga po ni kuya Keanno, ate Yana." Mariin
akong napakagat ng aking labi. Kung ganoon ay kay Keanno ko lang makukuha ang
librong iyon. Kunwa'y tumabi ako kay Egoy at kinuha ang mga libro.

"Puwede bang samahan mo ako sa kanya Egoy?" Napatingin naman ito sa akin ng puno
nang pagtataka.

"Bakit po ate?" Ngumiti ako.

"Nako Egoy, gusto ko lamang magpasalamat sa kanya. Alam mo na, iyong ginawa niyang
pag-aalaga sa akin no'ng nagkasakit ako." Napatango-tango naman ito. Lumusot sana
ang palusot ko.

"Sige ate, sasamahan kita sa mansyon niya kapag hindi na po tayo abala rito, pero
sa kabilang bakod 'yon ate. Nasa likod 'yon ng unibersidad. 'Yong bahay ni kuya
Zairan at kuya Steffano lang kasi ang narito na tinitirhan nila, pero may bahay din
naman sila sa kabilang bakod." Paliwanag niya at tanging tango lamang ang naitugon
ko.

=================

MLFTC-40

MLFTC-40

*****

Napakahirap naman pala hagilapin niyang si Keanno.

"Ganoon ba Egoy? Sayang naman." Malungkot ko pang wika.

"Huwag ka na po malungkot ate, sasamahan kita doon pero kailangang itaon natin na
naroon siya. Mahirap hagilapin iyon ate." Aniya.

Tumango lamang ako. Sayang naman ngunit napag-isip-isip ko rin. Bakit kailangan ko
pa ang librong 'yon, kung puwede ko namang itanong kay Mattheaus 'yon. Napahawak
ako sa aking tiyan. Nagagalak na talaga akong ibalita sa kanya ang pagbubuntis kong
'to.
"Ate Yana, huwag ka po lalabas mamaya ha. Dito ka lang po. May lalakarin po ako sa
kabilang bakod. Napag-utusan po kasi ako ni Mang Dhelfin na ihatid 'yong mga talaan
ng mga trabahador, suweldo po nila ate, kasama 'yong sa atin." Natigilan naman ako
at natampal ang aking noo.

Hindi ko pa pala nasusulatan ang itay at si Jeorgie. Naman! Masyado yata akong
nawili sa lugar na ito at nakalimutan kong may pamilya at kaibigan pala akong 'di
nasusulatan.

"Sige Egoy, para naman makapagpadala ako ng pera sa itay ko." Sagot ko.

"Sige ate..." Ipinagpatuloy na namin ang pag-aayos at panay ang sulyap ko kay Egoy.

Patawarin mo ako Egoy ngunit dadalawin ko ang nobyo kaya't 'di kita masusunod.
Akmang kukunin ko naman ang iba pang mga librong nang may humawak din sa
hinahawakan ko.

"Zsakae..." Sambit ko nang makita ito.

"Nanakawan na naman ba kayo?" Aniya.

Napatango naman ako at hinila na ang librong hawak din nito.

"May kailangan ka ba?" Usisa ko.

Bigla akong nakaramdam ng pagkainis kay Zsakae at 'di ko alam kung bakit
nagkakaganito ako.

"Wala naman, gusto lang kitang dalawin." Napatango-tango ako ngunit 'di ko man lang
ito tinapunan nang tingin.

"Tulungan na kita, Yana." Aniya at biglang tumabi sa akin.

"Ayos lang Zsakae, kaya na namin 'to." Ngumiti pa ito ng tipid at mukhang ayaw
talaga nitong makinig sa akin. Napabuntong-hininga ako. Ang hirap magkunwari!

"Talagang mapilit ka, sige. Magluluto lang ako ng pananghalian natin. Diyan muna
kayo ni Egoy." Diretso ako agad sa tinutuluyan namin at agad din namang nagluto na.

"Yana..." Biglang nagsitayuan ang mga mumunti kong balahibo sa katawan dahil sa
pagtawag nito sa akin.
"Mattheaus..." Mahinang sambit ko.

"May kinakausap ka, Yana?"

"Ay!"

Muntik ko nang mabitawan ang kawang hawak ko.

"Zsakae!" Inis na sambit ko. Napatawa ito ng konti.

"Patawad Yana. Gusto sana kitang tulungan." Ani Zsakae.

"Nako huwag na Zsakae. Kaya ko na ito." Awat ko pa kasabay nang pagsenyas ko.

Lumapit naman ito sa akin at halos mapaliyad na ako. Akmang lalapat na sana ang
labi nito sa akin ngunit bigla namang bumukas ang bintana at pumasok ang malakas na
hangin. Agad akong umipod at lumapit sa bintana. Ganoon na lang ang gulat ko nang
matanawan ko si Mattheaus na nakatayo sa tuktok ng mataas na bakod. Napaharap ako
agad kay Zsakae.

"Alis muna ako." Paalam ko at iniwan ko kaagad si Zsakae. Kaasar! Magtatampo na


naman 'yon dahil sa nakita niya.

"Ate Yana may lakad ka po?" Pigil sa akin ni Egoy.

"Oo Egoy. Pupunta lang ako sa botika. Kailangan ko bilhin ang mga gamot ko para
naman malusog ako, 'di ba? Sige!" Tarantang-taranta pa akong napalabas ng silid-
aklatan.

Nang makalayo ako at nasigurong wala namang nakasunod sa akin ay agad akong umikot.
Alam kong 'di ako makakadaan sa museo, o kahit sa pasukan sa kabilang bakod ay
kailangan kong makahanap ng paraan. Pinagmasdan kong mabuti ang matayog na bakod.
Nililinis ito araw-araw upang huwag magapangan ng mga baging ang pader. Lumakad pa
ako ng konti at saktong may ilang parte pa ng pader ang 'di pa nila nalilinisan.
Lakad-takbo ang ginawa ko hanggang sa matapat ako sa pader.

Tanghaling tapat at heto ako, inaakyat ang matayog na pader sa gitna ng sikat ng
araw! Panginoon ko, huwag sanang bumigay itong mga baging na hinahawakan ko.

Hingal na hingal na ako at sa tantsa ko'y nasa ika-limang palapag pa ako kung
ikukumpara ko ito sa isang mataas na gusali.

"Pinahihirapan mo ako ng matindi Mattheaus!" Inis na sambit ko.


Buntis pa man din ako! Napahinto ako sa pag-usad nang makaramdam na ako ng
matinding pagkahilo ngunit sakto rin namang narating ko na ang tuktok. Wala sa
sarili akong napatayo kahit nanginginig itong mga tuhod ko. Sa lakas ng hangin dito
sa kinatatayuan ko'y halos matangay na ako. Napahawak ako sa aking tiyan dahil sa
biglang pagsakit nito. Sa isang maling pag-galaw ko lamang ay bigla na lamang akong
nabuwal at nahulog. Parang umikot ang paningin ko at parang huminto ang oras ko.
Mariin kong pinikit ang mga mata ko.

"Mattheaus..." Huling sambit ko bago ako mawalan ng ulirat.

=================

MLFTC-41

MLFTC-41

*****

Nang magdilat ako'y natigilan ako. Nasa ibang silid ako at ang ayos ko'y.... Hubad!

Nakadapa ako sa isang mahabang upuan na malambot at ang tanging natatakpan sa akin
ay ang aking hinaharap at ang aking hiyas. Para bang sinadya lamang inikot sa akin
ang manipis na tela. Umungol ako at muling napadapa. Umikot ng konti ang aking
paningin.

"Huwag kang malikot, Yana..."

Napatda ako sa aking narinig at itinuon ang aking atensyon sa isang lalaking
nakaupo sa aking harapan at mukha itong nagpipinta. Si Mattheaus! Sa sobrang inis
ko'y inabot ko ang plorerang nasa gilid ko at ibinato sa kanya. At nasalo lang
naman niya ito, magtataka pa ba ako?

Napatihaya ako at ipinikit ang aking mga mata.

"Dumapa ka, Yana..." Aniya ngunit 'di ko ito sinunod.

Ginawa pa akong modelo! Sa isang galaw ko lamang ay bigla na akong nakakandong sa


kanya at tinakpan ng tsaketa ang aking kahubadan. Ramdam ko ang paglapat ng labi
nito sa aking noo.

"Matigas talaga ang iyong ulo, Yana. Muntikan ka ng mapahamak sa ginawa mo kanina."
Litanya nito.
Isiniksik ko ang mukha ko sa leeg nito. Ang hilig niya talagang maghubad ng pang-
itaas.

"Dumating ka naman 'di ba? Nasaan ka ba kanina?" Hinaplos naman niya ng banayad ang
aking buhok at inamoy-amoy ang mga hibla nito.

"Nasa ibaba ako kanina. Hinihintay lang kitang mahulog." Napataas ako ng kilay at
nahampas ito sa kanyang dibdib kahit na alam kong wala naman 'yong epekto.

"Loko ka! Paano kung wala ka ng mga oras na iyon? Paano kung 'di ka dumating?
Paano...paano ang anak natin." Nagsimula nang mangilid ang mga luha ko sa aking mga
mata.

Dinampian naman niya nang halik ang mga mata ko at ang tungki ng aking ilong.

Napapikit ako at muling napadilat.

"Hindi ko hahayaang mangyari 'yon sa iyo at sa anak natin. At imposible ring wala
ako dahil bawat kibot at sambit mo sa pangalan ko'y naririnig kita, kung nasaan
ka..."

Lumapat ang kaliwang palad nito sa aking tiyan at banayad itong hinimas.

"Alam mo?" Gulat ko pang sambit. Napatango naman ito.

"Bakit 'di mo sinabi? Akala ko surpresa ko iyon para sa iyo." Pagtatampo ko.
Pinahiran naman niya ang aking mga luha sa mata.

"Ikaw pa lang ay isang malaking surpresa na para sa akin..." Dinampian naman niya
nang halik ang aking leeg.

"Gusto mo?" Alok ko pa at napahagikhik ng konti.

"Nakakabaliw ang kagat ko, Yana..." Bulong niya. Napalunok ako.

"Hindi bale na ang mabaliw, makagat mo lang, Mattheaus."

Napabungisngis pa ako. Laking gulat ko nang kabigin niya ako't kinagat nang marahan
ang aking leeg. Napasinghap ako't napakapit sa kanyang batok. Ramdam na ramdam ko
ang pangil na nakabaon sa aking leeg. Muli akong napapikit at nang magdilat ako'y
nilubayan niya na nang kagat ang aking leeg at napalitan ito ng kanyang marahang
pagdila sa aking leeg. Para akong kinikiliti sa lambot at lamig ng kanyang dila.
Niyapos naman niya ang aking bewang at halos manlumo ang mga tuhod ko. Hindi ito
lumubay sa aking leeg hanggang sa pakiramdam ko'y naglaho na ang kirot nang kagat
nito sa akin. Nag-angat ito ng kanyang ulo at kitang-kita ko ang pag-aalab ng mga
mata nito. Sa pakiwari ko'y parang nagbago na naman ang kulay ng mga mata ko dahil
kitang-kita ko sa kisame ang maliit na langgam na gumagapang sa isang sulok.
Kumurap-kurap ako at muling bumalik sa dati ang aking paningin. Siniil naman niya
ako nang halik at buong pagnanasa ko naman itong tinugon. Nang maghiwalay ang aming
mga labi ay halos habulin ko ang aking paghinga. Pinahiran ko pa ang aking labi
dahil dumugo ito ng konti. Wagas ba naman ito kung makahalik, nagkasugat tuloy ang
aking pang-ibabang labi.

"Maligo ka muna at nang makapagtanghalian ka na." Nakangiting wika ng minamahal


kong si Mattheaus. Simpleng pagtango lang ang itinugon ko. Akmang aalis na sana ako
sa pagkakakandong sa kanya ngunit pinigilan niya ako at kinarga. Nahulog ang
tsaketang nakatakip sa akin at ang tanging naiwan na lamang ay ang manipis na
telang nakaikot sa akin.

"Saan tayo pupunta?" Takang tanong ko ngunit hindi ito sumagot.

Minsan talaga nakakainis din siyang kausap! Hindi na lamang ako umimik pa. Lumabas
kami ng silid. Ang akala ko'y kung nasaan kami, iyon pala'y nasa lungga niya lang.
Ang kaninang silid na pinasukan namin pala kanina ay ang isa pang pinto na katabi
ng kanyang silid-pahingahan.

Kung saan ako natulog at kung saan may unang nangyari sa amin. Agad na nag-init ang
aking magkabilang pisngi nang maalala ko ang tagpong iyon. Bumigay ba naman ako
nang biglaan.

Pumasok na kami sa kanyang silid at ibinaba ako sa tapat ng kanyang banyo. May
malaking batya na ang nakahanda at puno pa ito ng talulot ng mga bulaklak ng itim
na rosas.

"Kaliligo ko lang kanina..." Sabi ko pa.

"Hmm..." Tanging 'yan lang ang narinig ko mula sa kanya.

Tinanggal naman nito ang manipis na telang nakabalot sa akin. Ibig ko yatang
mahimatay sa sobrang hiya! Diretso ako agad sa malaking batya at inilublob ang
katawan ko.

"Ang bango naman nito..."

At pamilyar ang amoy nito. Ngumiti lamang ito at pinagapang ang kanyang kanang
kamay sa aking braso. Mariin kong nakagat ang aking labi. Paano ba ako magtatanong
sa kanya gayong 'di naman ito sumasagot kapag ayaw niya.

"Ako ang nasa propesiya, 'di ba? Ako ang hinahanap ng mga Seltzer." Lakas-loob ko
pang wika rito.
"Caritas mea..." Sambit nito. Nag-iwas ako nang tingin.

"Kung 'di mo sasabihin sa akin ang totoo ay ako mismo ang hahanap ng sagot." Sa
isang kurap lamang ng aking mga mata ay nakababad na rin ito sa tubig.

At ang mas matindi pa'y nakakandong na ako sa kanya. Ngunit naiinis ako sa kanya
kaya umatras ako ngunit maagap ito sa pagkabig sa akin kaya yakap-yakap na niya ako
ngayon.

"Bitawan mo ako..." Utos ko pa. Isiniksik naman nito ang mukha sa aking leeg.

*****

Bitin? I know right! Lols! Pasensya po kung hindi ko kaya nare-replayan lahat.
Poorita kasi sa signal pero nagpapasalamat po ako sa suporta niyo.

I will update as soon as I can finnish it all. I am still under editing. Unawain
niyo po sana. Love lots fairies.

Malapit na itong matapos kapag kakayanin, update ko lahat. Kaya ko pa naman siguro
ang 15 chapters!

Sa nag-request na pahabain, oh well, wish granted at pasok pa rin po sa plot.

Remember,

This is different from TKITD, you will know if I finnish this. Pasabog pa more! XD

Miaki/Maikitamahome

=================

MLFTC-42~

MLFTC-42~

*****

"Nagtatampo ka sa lagay na yan, Yana." Bulong niya. Napairap ako.

"Kung ayaw mo, 'di 'wag!" Pinilit kong tanggalin ang pagkakayakap nito sa aking
bewang ngunit masyado itong malakas.
"Ikaw nga ang nasa propesiya at ang ilan nga sa mga Seltzer ay hinahanap ka."
Napaawang ang bibig ko sa narinig.

"A-ako? Ngunit bakit ako?" Hinaplos naman nito ang aking tiyan na nakaumbok ng
konti.

"Dahil ikaw ang napili ng buwan..." Malungkot akong napatungo.

"Mapapahamak kami ng anak ko, iyon ba ang punto mo?" Hinawakan naman nito ang aking
pisngi.

"Hindi mangyayari 'yon, Yana." Kusang gumalaw ang mga kamay ko para kumapit sa
batok niya at siniil ito nang halik sa kanyang labi.

"Mahal na mahal kita..." Bulong ko. Inalalayan naman niya ako upang magkaharap
kami.

"Mahal na mahal din kita, Yana..." Muli niya akong hinagkan sa aking labi at agad
din naman akong nagpatangay dito.

Maingat nito akong kinabig palapit ng husto sa kanya. Banayad nitong hinaplos ang
bawat parte ng aking katawan.

"...aah!" Singhap ko sa pagitan ng aming mapupusok na halikan. Nang maramdaman ko


ang kahandaan nito'y walang pasubali itong pumasok sa kaibuturan ko.

"...aah..." Ungol ko sa bawat galaw nito.

"Luna plena sum in..." Biglang sambit nito at bigla akong natigilan. Para na namang
may nagwawala dito sa sinapupunan ko.

"H-huwag ngayon..." Pakiusap ko.

Dahil alam ko, may kung ano na naman siyang sasambitin na ikakasakit ng buo kong
katawan. Panay ang iling ko at ayaw ko talaga ito pakiramdam na ito.

"Kailan nating gawin ito, Yana..." Malumanay nitong sagot sa akin at muli akong
hinagkan sa aking labi. Nang humiwalay ako'y muli akong nailing.

"Bakit pa Mattheaus?" Nag-aalangan kong tanong. Natatakot talaga ako, na baka 'di
ko kayanin.
"Para mabuhay siya..." Napaawang ang aking bibig. Ayaw kong mawala ang anak ko, ang
anak namin. Hindi ako makakapayag!

"Gawin mo na..." Matapang kong utos sa kanya.

Hinaplos nito ang aking pisngi at muling bumalik ang galaw nito. Napalunok ako at
napahawak sa batok niya. Humugot din ako ng malalim na hininga at napapikit. Para
sa anak ko kakayanin ko.

"...conspectu tuo..." Pigil hininga akong napakapit ng mahigpit sa batok nito.


Biglang nanginig ang buo kong kalamnan.

"...oblationem carissimum sodalem..." Napatungo na ako sa sobrang sakit.

Daig ko pa ang napasailalim sa kulam at talaga namang napakasakit nitong tiyan ko.

"Ugh!" Daing ko at 'di na maiwasan pang maiyak.

Diyos ko! Nagsimula na namang kumalat sa buo kong katawan ang kulay itim na rosas.
At alam ko kung saan ang pinupunterya ng mga ito, ang puson ko.

"...aah!" Napatungo na ako sa sobrang pagpipigil.

Oo nga't may sarap na kasama itong pagniniig naming dalawa ngunit mas nangingibabaw
sa akin 'yong sakit, kirot at hapdi sa kaloob-looban ng aking sinapupunan.

"...quaeso audite..." Muling sambit niya at kulang na lang ay i-untog ko ang sarili
ko sa pader.

Wala sa sarili akong napatingin sa aking kaliwang kamay at laking pagtataka ko nang
humaba ng konti ang mga kuko ko.

"...benedixeris in utero!" Muling sambit niya kasabay nang pagbayo sa akin.

Napaliyad ako nang umabot ako sa rurok ng kalangitan. Maging siya'y napaungol din
at niyakap ako. Napabitaw ako sa pagkakahawak sa kanyang batok at unti-unti na
namang bumabalik sa normal ang aking pakiramdam. Ang markang itim na rosas sa aking
katawan ay muling gumapang pabalik sa aking pulsuhan at agad na naglaho. Ngunit
bahagya akong natigilan. Pakiramdam ko'y parang lumubo pa ng konti ang aking tiyan.
Hinaplos naman ito ni Mattheaus.

"Lalaki siya, Yana..." Bulong nito sa akin. Marahan kong inangat ang aking ulo.

"L-lalaki?" Alanganin ko pang sambit.


Paano naman niya nalamang lalaki ang magiging anak namin gayong wala naman itong
gamit na aparato.

"Talagang lalaki?" Ulit ko pa.

"Hmm..." Aniya kasabay nang pagtango ng kanyang ulo.

Sa sobrang saya ko'y talagang nagawa ko siyang yakapin sa kabila ng panglalanta ng


aking katawan.

"Diyos ko..." Mangiyak-ngiyak kong sambit. Hindi talaga ako makapaniwalang lalaki
ang anak naming dalawa ni Mattheaus.

"Mahal na mahal kita..." Sambit ko at buong puso ko siyang hinagkan sa kanyang


labi.

*****

Hindi nagtagal ay umahon na kami sa pagkakababad sa tubig. Inilapag niya ako sa


kanyang may kalakihang kama at kinumutan. Tumabi sa akin si Mattheaus at niyakap
ako ng marahan, tipong 'di ako masasaktan. Napangiti ako at ipinikit na lamang ang
aking mga mata.

*****Fb: Maikitamahome WP

Kung may mga tanong po kayo, kindly post it on my message board para po madali kong
makita.

Salamat Fairies.

Miaki

=================

MLFTC-43

MLFTC-43

*****

Ilang oras lang ay naalimpungatan ako at nagising. Wala na si Mattheaus sa aking


tabi. Bago ako bumaba sa kama'y inusisa ko pa ang aking katawan. Nagtaka ako bigla.
Wala man lang bahid na nagkapasa ako kahit na inaasahan ko na iyon sa tuwing may
nangyayari sa amin. Pati ang pananakit ng katawan ko ay bigla ding naglaho. Ano na
naman kaya ang ginawa niya sa akin? Nailing na lamang ako at kinuha ang bestida ko
sa dulo ng kama. Inayos ko ang sarili ko at lumabas ng kanyang silid. Kailangan ko
na ang umuwi at kumakalam na rin itong sikmura ko.

"Mattheaus..." Tawag ko.

Ilang segundo ko ring hinintay na may sumagot sa akin ngunit wala namang sumagot.
Kaya napagpasyahan ko na lamang ang pumasok sa kabilang silid. Ngunit wala si
Mattheaus dito at iba ang pumukaw sa akin. Sa sobrang pananabik ko'y agad akong
lumapit sa kinalalagyan ng vinyl. Isa itong lumang kagamitan sa musika na
ginagamitan ng plaka upang tumugtog. Napangiti ako. Minsan ko ring pinangarap na
magkaroon ng ganito. Mayroon kasing ganito ang inay dati ngunit naisangla nang
magipit kami.

Binuksan ko ang takip nito at pinaandar. Natigilan ako sa narinig ko. Ito 'yong
musikang naririnig ko mula sa museo. Akala ko pa nga'y tinutugtog ito mula sa
piyano ngunit sa isang lumang vinyl lang pala. Kung ganoon din pala ay dito lang sa
kabilang silid nanggagaling ang musika. Hanap ako nang hanap, narito lang pala. Ang
ganda din ng tugtog, Lady by Kenny Rogers.

Habang nakikinig ako ng musika sa lumang vinyl ay inabala ko rin naman ang aking
sarili sa paglilibot sa kanyang silid. May kalakihan ang kuwartong ito at maraming
lumang muwebles na disenyo.

Pumukaw naman sa aking atensyon ang isang larawan na natatakpan pa ng manipis na


tila. Hinila ko ito at namangha ako sa tumambad sa akin. Ako ang nakapinta sa
larawan at ito 'yong eksenang nakadapa ako sa malambot na upuan habang may
nakapulupot na manipis na tela sa aking kahubadan. Wala sa sarili kong nahaplos
ito. Lahat nang anggulo ay detalyo at talaga namang napakagaling niyang magpinta.
May aking talento rin pala sa pagpipinta ang pinakamamahal kong si Mattheaus. Muli
kong tinakpan ng tela ang larawan at bumaling sa isa pa na may nakatakip ring
manipis na tela. Nang tangggalin ko ito'y nawala ang matamis kong ngiti sa aking
mukha at ito'y napalitan ng pagtataka o mas tamang sabihin na napalitan ito ng
sakit.

"Alyana..." Nanginginig ang boses kong sinambit ang pangalan ng babaeng nasa
larawan. Hindi ako puwedeng magkamali!

Si Alyana ang nasa larawan at hindi ako! Oo nga't kawangis ko siya ngunit 'di
maipagkakaila sa akin ang konting kaibahan. May maliit na nunal si Alyana sa
kanyang leeg. Nailing ako at napaatras. Ano ang ibig sabihin nito!? Nagsimula nang
naglandas sa magkabila kong pisngi ang aking mga luha. Diyos ko! Huwag sanang
tumama ang hula ko!

Sa huling pag-atras ko'y bumangga ang likuran ko sa isang matigas na bagay. Nang
humakbang ako pasulong at nilingon ito'y bumagsak ang isang itim na tela sa sahig.
Mas lalo akong naiyak, nailing, napaatras, natutop ang aking bibig, nasapo ang
aking dibdib at naiyak ng matindi dahil sa nakita ko; larawan nilang dalawa! Hindi
lang basta ito larawan, ito'y larawan ng kasal nilang dalawa.

"Hindi totoo 'to!" Sigaw ko sa kawalan.

Ngunit paano itatanggi ng aking mga mata ang nakikita ko ngayon. Si Alyana,
nakasuot ng trahe de boda at ang nobyo kong si Mattheaus ay nakasuot ng puting
tuksedo. Magkayakap pa ang mga ito sa larawan at kitang-kitang ko sa mukha nilang
dalawa ang matinding kasiyahan sa kanilang pag-iisang dibdib. Napaluhod ako at
napayuko. Sa sobrang sikip ng dibdib ko'y parang mamamatay na ako.

"A-asawa niya si Alyana!?" Galit kong wika sa sarili ko. Nagsinungaling siya sa
akin! Niloko ako ni Mattheaus!

"Ugh!" Hiyaw ko at nagwala.

Binasag ko lahat nang kung ano mang madampot ng kamay ko. Ngunit kahit ano ang
gawin kong pagbabasag ng mga muwebles ay 'di man lang naibsan ang sakit na
nararamdaman ng dibdib ko. Tumakbo ako palabas ng silid at dumaan sa lagusan
papunta sa talon.

Nang makalabas ako sa kuweba'y wala na ako sa aking sarili at lumakad na lamang.
Bawat hakbang ng aking mga paa ay 'di na alam kung saan ito paroroon. Walang humpay
pa rin ang aking pag-iyak. Ang sakit isiping minahal lang ako ni Mattheaus dahil
kawangis ko si Alyana! Napaluhod ako at napatingala sa buwan.

"Ugh! Bakit!" Puno nang paghihinagpis kong sigaw sa kawalan.

Parang daig ko pa ang namatayan. Namatayan nga ako, ng puso! Iisipin ko pa lamang
na ginamit lang ako at niloko ay parang sasabog na itong dibdib ko. Mas masakit ito
kumpara sa pagwawala ng anak ko sa aking sinapupunan. Ang dami kong gustong itanong
sa kanya ngunit natatakot ako sa maaari niyang maisagot sa akin. Niyakap ko ang
sarili ko at muling napahagulhol. Ganito pala magmahal, akala mo puro sarap, 'yon
pala'y kay pait ding umibig, lalo na kung may kahati ka.

Napapikit ako nang mariin at dahan-dahan na napatayo. Putikan ang mga paa ko,
maging ang kasuotan ko ngunit hindi ko na ito ininda pa. Wala nang mas dudumi pa sa
isang kagaya ko na naging isang kabit.

Napahikbi ako at lumakad muli. Wala na akong pakialam kung makasalubong ko man ang
mga taong-lobo na humahabol sa akin. Parang mas gugustuhin ko pa ang mamatay na
lamang kaysa ang mabuhay na puno ng sakit sa dibdib. Diyos ko? Nagkamali yata ako
ng minahal, o mas tamang sabihin ay nagkamali akong pumunta sa lugar na ito. 'Di
sanay 'di ko nakilala si Mattheaus.

------

Wala daw kasing poreber! Lols!


=================

MLFTC-44

MLFTC-44

*****

"Yana..." Natigil ako sa paghakbang at napakuyom ng aking mga kamao.

"Huwag kang lumapit!" Bulyaw ko sa kanya.

Ngunit alam kong matigas ang ulo nito kaya bigla na lamang itong lumitaw sa harapan
ko at agad na hinawakan ang aking pisngi.

"Yana, makinig ka muna sa akin, pakiusap..." Pagsusumamo ni Mattheaus sa akin


ngunit nailing ako.

"Niloko mo ako!" Alam kong walang epekto ang sampal ko sa kanya pero ginawa ko pa
rin at gaya nga nang inaasahan ko'y 'di man lang ito natinag.

"Hindi kita niloko, Yana." Aniya at nagsimula nang lumuha.

Nahabag ang puso ko ngunit mas matimbang ang galit ko para sa kanya. Hindi ko siya
pinansin at humakbang muli.

"Yana!" Pigil nito sa kaliwang braso ko.

"Hindi ikaw ang Mattheaus na minahal ko, dahil kung ikaw, siya? Hindi siya
maglilihim sa akin kung talagang mahal niya ako." Matigas kong wika at binawi ang
aking braso.

Muli akong humakbang nang walang lingonan palayo sa kanya. Ayaw ko mang saktan siya
ngunit mas nasasaktan ako sa nalaman ko. Hindi nagtagal ay nakalabas ako muli sa
bakod. Nagtaka pa ang taga-bantay kung paano ako nakapasok ngunit 'di naman ako
nito inusisa pa. Siguro ay dahil na rin sa itsura ko, puro ako putik at iyak ako
nang iyak. Napahawak ako sa aking tiyan.

"Huwag ngayon anak ko, pakiusap..." Pagsusumamo ko.

Nais kong huwag sana muna siyang magwala sa sinapupunan ko. Masyado nang masakit
ang nangyari sa akin at 'di ko na kayang lumasap pa ng iba pang sakit. Dahan-dahan
lang akong lumakad hanggang marating ko ang silid-aklatan. Agad na bumungad si Egoy
sa akin.

"Ate Yana! Takbo!" Sigaw nito.

Namilog ang mga mata ko nang makita ko kung sino ang sumunod na lumabas; taong-
lobo! Awtomatiko akong napabalik at lakad-takbo ang ginawa ko.

"Ate Yana!" Sambit pa ni Egoy nang maabutan niya ako. Umiiyak ito at halata sa
mukha ang matinding takot.

"A-ate Yana, umalis ka na. Ililigaw ko sila." Umiling ako.

"Hindi kita iiwan dito!" Sagot ko at hinila na ito.

Inalalayan ako ni Egoy na tumakbo ngunit hindi pa man kami lubusang nakakalayo ay
bumungad na sa aming harapan ang dalawang taong-lobo.

Napayakap sa akin si Egoy ngunit kinalas ko ito at itinago siya sa aking likuran.

"Ako ang kailangan niyo, 'di ba!? Nakikiusap ako, huwag niyong idamay ang bata!"
Pagmamakaawa ko sa gitna nang aking pag-iyak.

"A-ate Yana..." Nanginginig sa takot na sambit ni Egoy.

"Nandito ako Egoy." Bigla namang nag anyong tao ang lobo.

"Hangal! Lahat ng mapapalapit sa iyo ay kailangang mawala!" Anito at muling bumalik


sa pagiging taong-lobo.

"Parang awa niyo na---" Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko dahil pareho na
kaming tumilapon ni Egoy sa sahig.

Ngunit nagulat ako nang may sumalag sa pagkakatilapon ko, si Zsakae! Ibinaba niya
ako at itinuon ang atensyon sa kaaway. Halos magkalasog-lasog ang mga ito dahil sa
ginawa niyang pag-atake. Ngunit isa lang ang pumasok sa kukute ko ngayon, isa rin
pala siyang bampira!

"Yana, si Egoy!" Ani Zsakae. Agad akong natauhan at dali-daling lumapit kay Egoy na
nakahandusay sa lupa.

"Diyos ko!" Sambit ko nang makita ko ang kalagayan nito.


May malaking sugat ito sa kanyang tagiliran. Marahil ay nahigip siya sa matulis na
kuko no'ng taong-lobo.

"Egoy!" Pukaw ko rito at tinapik ang kanyang pisngi.

Isinandal ko ang kanyang ulo sa aking hita at muli itong tinapik. Panay din ang
pagpahid ko ng luha sa aking pisngi.

"Egoy! Gising!" Ngunit wala pa rin itong tugon.

Inihiga ko siyang muli at idinikit ang aking tainga sa kanyang dibdib. Hindi na ito
tumitibok, wala na ring pitik ang kanyang pulso. Dali-dali kong ginawa ang pang-
unang lunas.

"Egoy! Ano ba! Gumising ka! Pakiusap!" Sambit ko habang patuloy ito binubuhay gamit
ang pagbibigay ng hangin at pagdiin ng mga palad ko sa bandang dibdib nito.

"Egoy! Huwag ngayon! Ano ba!" Pilit ko siyang binubuhay kahit na alam kong wala na.
Kinabig ko na lamang ito sa kanyang batok at niyakap. Duguan man ang damit ko dahil
sa sugat nito ay 'di ko na ininda pa. Mas lalo akong naiyak ng matindi.

"Egoy naman e! Mag-aaral ka pa 'di ba? Sa linggo na nga ang pasok mo. Bakit..."
Halos 'di ko na matuloy pa ang sasabihin ko dahil sobrang nahihirapan na ako sa
paghinga.

"Egoy naman...bakit bumitaw ka bigla?" Napahagulhol na ako at halos yakapin ko na


ng husto si Egoy. Bigla naman akong hinila ni Zsakae at inilayo kay Egoy.

"Ano ba! Bitawan mo ako! 'Di ko puwedeng iwanan si Egoy!" Pagpupumiglas ko.
Iniharap ako ni Zsakae sa kanya at kinulong ang aking mukha sa kanyang mga kamay.

"Kailangan nating umalis, Yana! Wala na si Egoy!" Aniya. Umiling-iling ako.

"Hindi! Pakiusap Zsakae..." Napaluhod na ako.

Ang sakit mawalan ng minamahal. Napalapit na sa akin ng husto si Egoy at 'di ko


matanggap na nawala siya nang dahil sa akin. Itinuring ko na siyang parang kapatid
ko at labi akong nasaktan nang mawala ito.

"Pakiusap Zsakae...iwan mo na lang ako..." Wika ko.

"Bakit Yana? Sa tingin mo ba matatapos agad ang lahat ng 'to? Hindi Yana!"
Napatakip ako ng aking mukha.
Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Bigla naman akong binuhat ni Zsakae at
inilayo sa lugar.

Tanaw na tanaw ko si Egoy na nakahandusay sa lupa ngunit laking pasasalamat ko nang


makita kong kinuha siya ni ate Mocha at inilayo rin sa lugar. Yumakap ako ng husto
kay Zsakae at talagang kailan na kailangan ko nang makakapitan ngayon.

*****Happy birthday po kay ate @aprilsamaniego11April Salvan! XD Love you po ate.


(April 11)

=================

MLFTC-45

MLFTC-45

*****

Itinuon ko ang atensyon ko sa dinaraanan namin. Halos liparin ni Zsakae ang matayog
na pader.

"S-saan tayo pupunta?" Taka kong tanong sa pagitan pa rin nang aking pag-iyak.

Ewan ko ba! Ngunit tila yata parang gripo itong mga mata ko at talagang ayaw
paawat.

"Kay tiyang Nely, mas ligtas ka doon. Bakit ba hinayaan ka nilang manatili sa bayan
gayong alam naman nilang ikaw ang nakasaad sa propesiya." Wika ni Zsakae.

"Sinong may alam?" Pumaling ito sa akin at muling humarap sa dinadaanan namin.

"Si ate Catherine at kuya Steffano, alam nila kung gaano ka kahalaga pero itinago
ka nila imbes na ibalik dito mansyon ng mga Zoldic. Hindi mo man lang ba nahalata
'yon Yana?" Nailing ako.

Gulat na gulat ako sa mga nalaman ko. Isa rin palang bampira ang kuya Steffano at
ang pinsan ko.

Parang sasabog na ang utak ko dahil sa mga nalaman ko. Diyos ko! Bigyan niyo po
sana ako ng lakas upang makayanan ko itong mga nangyayari sa akin. Pinunasan ko ang
mga luha ko ngunit may kaonting butil pa rin ng aking luha ang pilit na kumakawala
sa aking mga mata.

Sa isang kurap ko lamang ay walang kaabog-abog na narating namin ni Zsakae ang


isang napakalaking bahay. May apat na palapag ito at may malawak na hardin sa gilid
nito. Ang likod ng bahay ay napapaligiran ng mga naglalakihang baging. Ibinaba ako
ni Zsakae at muntik pa akong matumba ngunit maagap ito sa pag-alalay sa akin.

"Kaninong bahay 'to?" Halos parang pabulong na ang bawat bigkas ko ng mga salita.

Namamaos na kasi ang boses ko, dala nang matinding pag-iyak ko.

"Ito ang mansyon ni tita Maria Carissa Zoldic, ang ina ni kuya Steffano." Sagot ni
Zsakae sa akin.

Bumigat pa lalo ang aking paghinga. Kung tama ang hinala ko'y marahil siya 'yong
kausap ng pinsan ko no'ng minsa'y nagising ako na nasa kanila, 'yong nahuli ako ng
kuya Steffano na nakikinig sa usapan. Bumukas naman ang pinto at may isang
dalagitang tumakbo palapit sa kinatatayuan naming dalawa ni Zsakae. Nagulat pa ako
dahil sa sobrang ganda niyang bata ay para itong isang dyosa o kaya'y isang anghel
dahil sa mukha nitong napakaamo.

"Kuya Zsakae!" Tawag nito at biglang tinalon si Zsakae.

Natulala ako sa sunod na nangyari. Halos mabaon si Zsakae sa kinahihigaan nitong


semento ngunit tila baliwala lang sa dalawa. Masaya pa nitong niyakap si Zsakae
habang nakakapit sa leeg.

"Diyos ko namang bata ka! Cereina Erine! Nako naman, ilang beses ko bang sasabihin
sa iyo na huwag mo nang gagawin sa kuya Zsakae mo iyan! Nako bata ka, malalagot ako
sa ama mo nito." Litanya ng may edad na babae sa dalagitang sumampa kay Zsakae, na
tinawag niya sa pangalang Cereina Erine.

Kalalabas lang nito sa bahay at mukhang 'di pa nito ako napansin. Napasinghot ako,
saka ito bumaling sa akin.

"Yana..." Sambit nito nang makita ako.

Nagulat pa ako nang bigla ako nitong yakapin at nagsimula nang umiyak.

"Anak ko!" Usal nito habang patuloy pa rin sa pagyakap sa akin.

Parang ayaw na nito akong bitawan. At mas lalo akong 'di nakaimik nang tawagin niya
akong anak. Ayaw pumasok agad sa kukute ko ang pagtawag niya sa akin ng salitang
anak.

"Tiyang Nely, hindi na po makahinga si Yana." Wika ni Zsakae.

Agad din naman itong kumalas ngunit kumapit pa rin ito sa aking mga braso. Inayos
pa nito ang magulo kong buhok at pinahiran ang aking pisngi na kanina pa nababasa
ng luha. Napakurap ako. Ang inaakala kong tiyahin ko ay ang tunay kong ina!? Ngunit
paano?

"Nay----" Naisambit ko ngunit 'di ko na kinaya at bigla na lamang umikot ang


paningin ko.

*****

Bigla na lamang akong napasinghap at napabangon nang magdilat ako. Nahagod ko ang
batok ko at niyakap ang aking mga tuhod. Napakasama nang panaginip ko. Nawala raw
si Egoy. Natigilan ako at napahagulhol. Hindi panaginip 'yon! Dahil talagang wala
na si Egoy. Nasapo ko ang aking dibdib at nakumyos ang aking damit.

"Egoy..." Sambit ko.

Sana pala panaginip na lang 'yon. Para ko na siyang kapatid at wala man lang akong
nagawa para iligtas siya. Bumukas naman ang pinto kaya napalingon ako.

"Anak, Yana?" Kumunot ang aking noo.

"Sino po kayo? Nasaan po ako?" Tanong ko rin naman.

Inayos ko pa ang aking sarili at pinahiran ang aking pisngi. Lumapit naman ito ng
husto sa akin at naupo sa kama.

"Hanggang ngayon pa rin ba ay 'di mo pa rin ako maalala, anak?" Mapait nitong wika.
Mas lalong kumunot ang aking noo.

"Ang inay Mathilda po ang aking ina." Sagot ko dahil siya naman talaga. Bigla naman
itong na paluha at muling bumaling sa akin.

"Kung ganoon nga'y si Mathilda pa rin ang itinuturing mong ina imbes na ako..."
Puno nang pagtatampo ang kanyang boses.

"Kung bakit ba naman kasi nailayo ka pa sa akin, 'di nasanay natanggap mo na ako
ang iyong ina kahit wala kang maalala." Dugtong nito.

Pinagmasdan kong mabuti ang kanyang mukha at ganoon na lang ang pagkagulat ko.

*****After this book,Volume 4- SEEKING MY KNIGHT (Zairan Jacob Zoldic) Volume 5-I'M
HIS KNIGHT(Cereina Erine Zoldic)
=================

MLFTC-46

MLFTC-46

*****

Siya si tiyang Nely!

"Pero tiyahin po ang pagpapakilala ng inay sa akin sa inyo." Sagot ko. Nailing ito.

"Ako ang tunay mong ina, Yana." Mapait pa itong napangiti sa akin.

"Halika sa aking silid, may ipapakita ako sa iyo." Umuna itong lumabas ng silid.

Nagdadalawang isip ako kung susunod ba ako sa kanya. Ngunit kailangan kong malaman
ang totoo. Pumanaog ako sa kama at lumabas ng silid. Nakaabang ito sa akin at nang
makita nito akong sumunod sa kanya ay lumakad na ito pababa nang hagdan.

"Bahay ito ng ginang Zoldic, ang kuwartong ginamit mo ay ang silid ni Catherine, na
ngayon ay silid na ni Cereina Erine. Anak siya ng ate Catherine mo at ng alaga kong
si Steffano." Ani ng tiyang Nely o mas tamang itawag ay inay.

Mariin akong napapikit at napahugot ng malalim na hininga. Kaya ko pa, makakaya ko


pa 'to! Mga bampira ang mga Zoldic. Grabe!

Narating namin ang kusina, sa gilid nito ay isang pinto. Pinihit nito ang seradora
upang bumukas. Nilakihan nito ang pagkakaawang ng pinto upang makapasok din ako.

Binuksan nito ang mga bintana at bumungad sa akin ang sandamakmak na mga litrato sa
dingding nang tumama ang sikat ng araw sa loob ng silid.

"Ito ka at ang kakambal mong si Alyana." Napaawang ang bibig ko sa narinig.

Kakambal ko si Alyana!? Ibig yatang manlumo ng aking mga tuhod kaya napakapit ako
sa sandalan ng upuan. Nasapo ko ang aking dibdib at inilipat ang aking kaliwang
kamay sa aking tiyan. Nagsimula na namang mangilid ang mga luha ko. Kaya pala sa
tuwing nakikita nila ako'y Alyana kaagad na pangalan ang kanilang naisasambit dahil
'yon pala ay kakambal ko siya. Nunal lang sa leeg ang pagkakaiba naming dalawa
ngunit kung wala talagang pagbabasehan ay para talaga kaminp nananalamin sa isa't
isa.

"Tiya---inay..." Alaganin ko pang tawag dito. Bumaling naman ito sa akin.


"Paano ako nawalan ng alaala? Bakit ang inay Mathilda ang kasama ko at 'di kayo?
Paano?" Sunud-sunod kong mga tanong.

Mapait namang napangiti ang inay Nely. Lumakad ito palapit sa akin at pinaupo ako,
saka ito tumabi.

"Dise-sais lang ako noon nang mabuntis ako ni Efren, ang nobyo ko. Si Mathilda
naman ay matalik kong kaibigan at hindi lingid sa aking kaalaman na may gusto si
kay Efren, ang iyong itay..." Kuwento nito. Nasapo ko ang aking noo.

"Efren? Kaibigan lang ang pagpapakilala ng inay sa kanya." Sagot ko naman dahil
iyan lang naman talaga ang alam ko.

"Kung ganoon ay nagsinungaling siya sa iyo. Alam mo bang lubos kong dinibdib ang
iyong pagkawala Yana. Itinago ka sa akin ni Alyana dahil lamang sa inggit, galit,
selos at poot. Binilog niya ang utak ni Mathilda upang maisama ka sa paglayo nila
ng tatay mo. Nalaman kasi ng itay mo na isa akong immortal at ang paniniwala niya'y
salot kami. Isinumpa raw ng Diyos." Muling naiyak ang inay Nely at pinisil ang
aking kanang kamay.

Para yatang aatakihin na ako sa puso dahil sa mga nalaman ko. Napatayo ako at
napamewang.

"Bakit naman niya gagawin 'yon nay!? Kapatid ko siya 'di ba? Ano ang dahilan!?"

Hindi ko na napigilan pa ang aking sarili na mainis kay Alyana. Tama nga si
Zsakae, masama ang ugali nito. Ngunit bakit?

"Dahil lamang kay Mattheaus! Simula nang mapili ka ng buwan bilang nakatakda sa
propesiya ay nagkaganoon na ang kapatid mo. Mahal niya si Mattheaus ngunit ikaw ang
minahal ng alaga ko." Mapait itong napangiti. Halos mamilog naman ang aking mga
mata sa sinabi ng aking tunay na ina.

"Si Mattheaus? Pa-paano niyo siya nakilala?" Gulat na gulat kong pang tanong.

Dahil lang kay Mattheaus kaya ako nagawan ng masama ni Alyana? Ngunit kasal silang
dalawa! Naupo ako sa sobrang gulo na ng aking utak. Parang ayaw kong maniwala sa
mga nalaman ko.

"Siya ang isa sa mga alaga ko, Yana. Pangalawa siya sa anak ng ginang Zoldic." Muli
akong napatayo.

"Zoldic!? Ano ang totoo niyang pangalan?" Tumayo naman ang inay Nely at may
kinuhang larawan. Nang mai-abot niya ito sa akin ay muntik ko na itong mabitawan.
Si Mattheaus nga!
"Mattheaus Keanno Zoldic ang buo niyang pangalan, anak." Bumigat bigla ang paghinga
ko. Ang buong akala ko'y magkaibang tao si Mattheaus at Keanno, iyon pala ay iisa
lang sila!

"T-tubig..." Tanging naisambit ko.

Agad na tumalima ang inay Nely para ikuha ako ng tubig sa kusina. Naiwan akong
tulala at pilit na hinahagilap ang aking katinuan. Diyos ko? Ano pa ba ang hindi ko
alam! Gustohin ko mang umiyak ngunit tila yata biglang natuyo ang aking mga mata.

*****After this book MLFTC? Magpapahinga po muna ako, bilin po sa akin no'ng
therapist noong minsang nagkasakit ako for almost two weeks. I should rest my right
arm. Mahirap pigilan ang kamay ko. Lols! Kaya kailangan. You guys don't know how
many books ang kaya ko pagsabayin. 4 books, always long novel. Hindi naman sa
nagmamayabang ako but as you can see my works, it's true. I started writing January
2014.

Kaya 'di ko aabusuhin ang bagay na importante sa akin. I will come back after a few
weeks.Salamat sa uunawa.I love you guys.

Miaki

=================

MLFTC-47

MLFTC-47

*****

Hindi nagtagal ay bumalik naman na ang inay Nely na may dalang baso ng tubig.
Ibinigay niya ito sa akin at talagang 'di na talaga ako nagdalawang isip pa na
inomin lahat ng laman ng baso.

"Nay, ano ang ginawa ni Alyana sa akin? Bakit wala akong maalala? Bakit mula sa
pagkabata ko'y wala man lang akong matandaan? Ang lugar na ito? Hindi ko
matandaan." Mariin akong napapikit at napabuga ng hangin.

Kahit pa siguro buksan ang ulo ko'y talagang wala akong maalala.

"Nang malaman ni Alyana na ikaw ang pinili ng buwan ay halos ikamatay niya ito.
Sampung taon pa lamang kayo noon ngunit iba na mag-isip si Alyana kaysa sa iyo. At
mas lalo niya pang ikinagalit nang malaman niyang kay Mattheaus ka ikakasal, lalo
pa no'ng nalaman niyang nagmamahalan na kayong dalawa." Kumunot ang aking noo.
"Nagmamahalan? Ang ibig niyo bang sabihin ay matagal ko nang kasintahan si
Mattheaus?" Napatango naman ito.

"Inay, nobyo ko po si Mattheaus ngayon, simula nang magkita kami at..." Napatigil
ako nang maalala ko ang larawan ng kasal nilang dalawa ni Alyana na magkasama.

"Si Alyana ang pinakasalan niya imbes na ako." Malungkot kong wika. Bumalik na
naman iyong matinding kirot at sakit dito sa dibdib ko.

"Anak, hindi! Ikaw pa rin ang mahal ni Mattheaus. Nilinlang niya lang ito dahil sa
matinding pagmamahal niya para rito. Ginawa niya ang lahat. Pinainom ka niya ng
katas galing sa itim rosas kaya nawala ang mga alaala mo. Pang habang buhay 'yon
Yana at kasalanan ko kung bakit nagawa niya iyon. Ako ang nagsabi sa kanya tungkol
sa kayang gawin ng itim na rosas, ngunit hindi ko naman alam na magagawa niya ito
sa iyo. Plinano niya ang lahat. Nang masiguro niyang wala ka nang maalala ay agad
ka niyang ibinigay kay Mathilda. Nilinlang niya si Mattheaus, nagpanggap siyang
siya ang pinili ng buwan imbes na ikaw. Kahit labag man sa kalooban ni Mattheaus
dahil ikaw ang minahal niya ay mas pinili niya si Alyana para lamang sundin ang
nasa propesiya. Hindi ka niloko ni Mattheaus anak ko. Mahal ka niya." Mahabang
salaysay ng inay Nely sa akin. Tuluyan na akong naiyak. Mahal ako ni Mattheaus!
Mahal niya ako!

"Bakit alam niyo ang lahat nang ito, inay? Ano'ng immortal ba ang sinasabi niyo?
Akala ko ba'y isa ka ring kagaya nila ate Catherine, mga bampira." Nailing naman
ito.

"Immortal ako at ang ate Catherine mo, maging si Alyana. Ngunit ikaw lang ang
naging mortal. Alam ko, may isa talaga sa inyo ang magiging mortal. Lahat nang ito
ay nalaman ko sa sagradong salamin na pag-aari ng mga Zoldic." Wika ng inay Nely.
Napatayo ako.

"Nay, kailangan kong makita si Mattheaus. Gusto ko siyang makausap." Wika ko.

Ibig ko yatang awayin ang aking sarili dahil 'di ko man lang pinakinggan si
Mattheaus sa pakiusap niyang magpapaliwanag siya sa akin. Ngunit 'di niya ako
masisisi, nasaktan lang din naman ako sa nakita ko at ngayong alam ko na'y gusto ko
siyang makita at mayakap.

"Nay, iwan niyo po muna ako." Ani ko.

"Sige anak." Anito at agad na tumalima. Nang makalabas ito'y humugot ako ng malalim
na hininga at pinakalma ang aking sarili.

"Mattheaus..." Bulong ko. Pinikit ko ang aking mga mata.

"Mattheaus..." Muling sambit ko.


Biglang humangin nang pagkalakas kaya napadilat ako. Kumalabog ang mga bintana at
kusang sumara. Suminding mag-isa ang lampara na tanging naging gabay ko upang
makita ang loob ng silid. Nangilid ang mga luha ko nang makita kong nakatayo si
Mattheaus sa aking harapan. Sa sobrang tuwa ko'y agad ko siyang niyakap. Ngunit
nagulat ako sa kanyang ginawa. Inalis nito ang pagkakayakap sa akin at itinulak
ako, dahilan para ako'y matumba.

Ngunit naging maagap ako kaya kahit masakit ay itinukod ko ang mga kamay ko upang
huwag akong bumagsak ng todo. Ang anak ko! Sinapo ko ang aking tiyan.

"Mattheaus! Nababaliw ka na ba!" Singhal ko.

"Bakit mo ako tinawag Alyana? Ano ang karapatan mong tawagin ako!" Galit nitong
tanong.

Napaawang ang aking bibig at nailing. Pinilit kong bumangon at niyakap ito muli.

"Mattheaus ako 'to, hindi ako si Alyana!" Napahagulhol na ako at napatingala rito.

"Ako ito Mattheaus, si Yana."

Nagtagis ang mga bagang nito. Sa isang kurap lang ng aking mga mata ay tumilapon
ako muli. Ngunit laking gulat ko nang makita kong si Zsakae ang nadiin sa pader
habang yakap-yakap ako. Namilog ang mga mata ko at 'di makapaniwalang nagawa akong
saktan ni Mattheaus.

"Huling beses na ito, Alyana! Sa susunod ay papaslangin na kita."

Napasinghap ako. Sa isang kisap ng aking mga mata ay nawalang bigla si Mattheaus.
Natulala ako sa ginawa niya. Diyos ko! Ano ba ang nangyayari!?

"Yana..." Si Zsakae.

"Zsakae!"

Niyakap ko siya. Kailangan ko ng makakausap.

"Zsakae...bakit ganoon siya? Zsakae..." Panay ang hikbi ko at tanging yakap lang
ang naitugon ni Zsakae sa akin. Parang maging siya ay walang alam.

"Zsakae..." Muling sambit ko bago ako mawalan ng malay.

*****
MLFTC are already finnished, last month pa March 2016. Sa editing po ako mabagal.
Dakilang tamad! Yeah! I suck on it. SORRY PO! XD PABITIN AKO! LOLS!

Miaki

=================

MLFTC-48

MLFTC-48

*****

"Kamusta siya, tiyang?" Narinig kong tanong ni Zsakae.

"Maayos siya..." Sagot ng aking ina. Napadilat ako. Nasa silid na ako ulit ng ate
Catherine.

"Yana..." Wika ng inay Nely at agad akong inalalayang makaupo.

"Nay, si Mattheaus po?" Agad na hanap ko. Nailing naman ito at malungkot na
napatungo.

"Kailangan ko siyang puntahan!" Bumaba ako ng kama ko at akmang tatakbo palabas


ngunit hinarang ako ni Zsakae.

"Kumalma ka Yana." Ani Zsakae.

Agad na nag-unahang tumulo ang mga luha ko, maging ang kirot dito sa aking dibdib
ay mas lalong lumalawak.

"Kalma? Paano ako kakalma ha! Hindi na niya ako kilala! Kasalanan ko 'to e!"
Napaluhod ako at napatakip ng mukha gamit ang dalawang palad ko.

Bumalik sa akin ang eksenang naganap kaninang umaga. Hindi ako maalala ng minamahal
kong si Mattheaus. Tinawag niya pang ako raw si Alyana.

"Zsakae, nakikiusap ako sa 'yo. Gusto ko siyang makita." Ani ko sa pagitan nang
aking hikbi.

Nagsimula na ring mamaos ang aking boses, marahil sa walang humpay ko itong pag-
iyak, simula kahapon pa. Napaluhod naman si Zsakae at niyakap ako.

"Yana, tahan na. Masama sa iyong kalagayan ito. Paano kung magkita nga kayo at si
Alyana pa rin ang nakikita niya imbes na ikaw. Mapapahamak ka Yana, lalo pa ngayong
nagdadalantao ka pala." Nailing ako at itinulak si Zsakae.

"Hindi! Ang punto mo ba'y hayaan ko na lamang siya? Puwes 'di ako makakapayag!
Masaktan man ako nang paulit-ulit ay pipilitin ko paring ipaalala sa kanya na ako
si Yana at hindi ang kapatid kong si Alyana!" Galit na bulyaw ko.

Nanghihina man ngunit pinilit kong makatayo. Ikamatay ko man ito ay wala na akong
pakialam pa. Hindi ako papayag na makalimutan lang ako basta ni Mattheaus. Mahal
niya ako at alam ko 'yon. Sigurado akong may mali talaga sa kanya.

"Anak naman, tama si Zsakae..." Segunda ng inay Nely. Nagtagis ang mga bagang ko.

"Hindi nay. Kailangan maalala niya ako alang-alang sa magiging anak namin." Lumabas
ako ng silid.

Tinungo ko agad ang labasan. Nai-kuwento ni Egoy sa akin no'ng nakaraan kung nasaan
ang mansyon ni Mattheaus at nasa likod iyon ng unibersidad.

"Yana!" Napatigil ako sa paglakad at nilingon si Zsakae. Agad itong lumapit sa akin
at inalalayan ako.

"Sasamahan kita." Anito.

Mapait na ngiti lamang ang itinugon ko kay Zsakae. Alam kong nasasaktan siya sa
kalagayan ko ngayon ngunit mas mabigat itong dinadala kong sakit sa aking dibdib.
Nagkamali ako kay Mattheaus. Pinagdudahan ko ang pagmamahal niya para sa akin
ngunit kung tutuusin ay siya ang mas lalong nagdurusa.

Ilang taon akong nawalay sa kanya at ngayong narito na ako ay 'di ko hahayaang
malayo pa siya sa piling ko, lalo na sa magiging anak namin.

Pinasan naman ako ni Zsakae kaya mas napabilis ang pagpunta namin sa mansyon ni
Mattheaus. Tama nga ang sabi ni Egoy, nasa likuran nga ng unibersidad ang may
kalakihang bahay na pag-aari ni Mattheaus. 'Di na ako magtataka pa, isa siyang
Zoldic, isa sa nagmamay-ari ng islang 'to.

Ibinaba ako ni Zsakae sa harapan mismo ng bahay ni Mattheaus. Panghihimasok man ang
ginawa namin nang walang paalam ngunit ito lang ang paraan.

"Kuya Mattheaus!" Tawag ni Zsakae. Ngunit napakatahimik ng paligid at tila yata


wala siya rito.
"Baka nasa hardin..." Ani Zsakae at muli akong inakay.

Nang matapat kami sa hardin ay pareho kaming natigilan ni Zsakae. Hindi nga kami
nagkamali na narito si Mattheaus sa hardin ngunit 'di siya nag-iisa. May ibang
babae itong kasama. Humalik pa ito sa kanyang pisngi. Nagsimula na namang tumulo
ang mga luha. Sino siya at bakit kasama niya ang Mattheaus ko!

"Si...si Alyana..." Sa wakas ay usal ni Zsakae.

Maging ako ay nagulat sa sinabi. Buhay ang kapatid ko!? Naigting ang panga ko at
agad na sumugod palapit sa puwesto nila.

"Alyana!" Malakas tawag ko dahilan para pareho silang mapalingon sa akin.

Gulat pa ang itsura ng kakambal ko nang makita niya ako. Sa sobrang pagpupuyos ko
ng galit ay kaliwa't kanang sampal agad ang ibinigay ko sa kanya. Tinabig naman ako
nang pagkalakas ni Mattheaus at saktong tumama ako sa koral na bakal ngunit gaya
nang kanina'y nasalo pa rin ako ni Zsakae. Ngunit masyado siyang nahuli kaya tumama
pa rin ako sa koral. Pigil hininga ang ginawa ko at napahawak sa aking nakaumbok na
tiyan. Diyos ko! Huwag sanang bumitaw ang anak ko sa akin.

"Ako na ang bahala dito, mahal ko..." Narinig ko pang wika ni Alyana kay Mattheaus,
na agad din namang tumalima.

"Yana, ayos ka lang ba!?" Tarantang usisa ni Zsakae sa akin.

Tumango ako kahit taliwas 'yon sa nararamdaman kong hapdi sa aking ulo. Inalalayan
akong tumayo ni Zsakae at 'di ako binitawan.

"Masakit ba Yana? Kung oo, aba'y nararapat lang sa iyon." Napahalakhak pa ang
kapatid ko at napamewang.

"Ano ang ginawa mo sa kanya!" Galit kong singhal.

Ang tinutukoy ko ay si Mattheaus. 'Di pa rin kasi ako makapaniwalang nakaya niya
akong saktan sa kabila ng kalagayan ko.

"Ano ka ba naman, Yana. 'Di mo ba nakikita? Ako ang mahal niya at 'di ikaw!" Muli
siyang napahalakhak.

"Sinungaling!" Bulyaw ko.

Sa isang kurap ay biglang nawala sa tabi ko si Zsakae at nakita kong nasa harapan
na siya ng kapatid ko.
"Zsakae..." Sambit ni Alyana.

Punong-puno ito ng katanungan sa kanyang mga mata. Sa isang galaw lang ng kamay ni
Zsakae ay agad na tumilapon ang kapatid ko.

"Dati na kitang pinatay! Makakaya ko ulit iyon Alyana, kahit paulit-paulit pa!"
Galit na galit ang tono ni Zsakae.

Nagulat ako sa ginawa niya. Siya ang dahilan kung bakit matagal nawala ang kapatid
ko. Bigla namang bumangon sa pagkakalugmok sa lupa ang kapatid kong si Alyana.
Napahalakhak pa ito at laking gulat ko nang mapagaling niya ang kanyang mga sugat.

"Ikaw naman Zsakae, 'di ka na mabiro."

"Hangal! Itigil mo na ito, Alyana! Alam mong hindi naging sa 'yo ang kapatid ko!
Sumusobra ka na sa pagiging sakim at ganid mo! Nagawa mo pa talagang paslangin ang
sarili mong kapatid para lang sa kahangalan mo!" Ani Zsakae. Nagulat ako sa sinabi
niya. Hindi totoong pamangkin siya ni Mattheaus, bagkus ay kapatid siya nito sa
labas.

=================

MLFTC-49

MLFTC-49

*****

"Mas hangal ka! Dahil sa babaeng 'yan napunta lahat ng atensyong ng inay sa kanya!
Lahat ng taong nakakaalam sa propesiya ay tinatrato siyang isang mamahaling bato!
Samantalang ako? Ano ako? Naging anino niya! Masisisi mo ba ako Zsakae? Buong buhay
ko, sinunod ko ang gusto ng inay Nely. Protektahan si Yana! Sinunod ko 'yon dahil
mahal ko siya! Pero ano ang nangyari!? Ipapakasal siya sa taong lubos kong
minamahal ng palihim! Nalaman ko pang matagal na silang magkasintahan at nagmukha
akong tanga! Kaya dapat lang mawala ang babaeng 'yan!" Iyak ako nang iyak sa
himutok ng aking kapatid. Wala akong maalala kaya paano ko siya maiintindihan.

"Itigil mo na ito Alyana. Kakalimutan ko lahat nang nagawa mo, magbago ka lang."
Pakiusap ko.

Kahit papaano ay kapatid ko siya.

"Bakit Yana? Maibibigay mo ba sa akin si Mattheaus!" Diretsong nailing ang aking


ulo.
"Kahit ano, Alyana huwag lang siya." Lumuhod na ako sa harapan niya. 'Di ko
kakayaning mawala si Mattheaus sa akin. Kailangan ko siya at ng anak namin.

"Hindi! Ugh!" Akmang susugod sa akin ang kapatid ko ngunit maagap si Zsakae sa
paghila sa kanya.

"Sinabing tama na!" Talagang galit na galit na ang anyo ni Zsakae dahil halos
pilipitin na niya ang braso ng kapatid ko.

"Sige na Yana! Puntahan mo na ang kapatid ko." Napakurap pa ako at agad din namang
tumalima. Patawarin mo ako Alyana pero babawiin ko na ang matagal na sa akin.

"Yana!" Malakas na tawag ni Alyana sa akin ngunit 'di ko na siya nilingon pa.

Halos paika-ika ko nang nilakad papasok ang bahay ni Mattheaus.

"Mattheaus!" Tawag ko kahit sumasakit na itong lalamunan ko.

Panay ang pahid ko ng aking mga luha. Napapahawak din ako sa aking tiyan na may
kalakihan na. Sa tantsa ko'y parang nasa walong buwan na itong tiyan ko.

"Mattheaus!" Muling tawag ko hanggang sa nahinto ako sa isang malaking bulwagan.

May altar sa gitna at may malaking salamin sa gilid. Kumunot ang noo ko at
napalunok. Ito ang lugar kung saan ko nakikita ang sarili ko na isinasayaw ng isang
lalaki na nakasuot ng tuksedo.

"Si Mattheaus ang kasayaw ko sa larawang nakapinta?" Gulat ko pang bulong sa aking
sarili.

Buong buhay kong hinanap ang sagot kung sino ang pintor ng larawan. Iyon pala'y
siya lang, lahat nang nasa museo ay siya rin ang nagpinta. Napalinga-linga ako sa
paligid ko.

"Matt----" Bago pa man ako makapagsalita ay bigla na lamang akong nakahiga na sa


altar at kapwa nakatali ang dalawang kamay at paa ko sa solidong bakal.

Lumitaw si Mattheaus sa harapan ko at halos matibag ang sementong hinihigaan ko


dahil sa malakas na paghampas niya rito.

"Dapat noon pa'y pinaslang na kita Alyana dahil sa panlilinlang mo sa akin. Lubos
talaga akong nagpapasalamat at 'di natuloy ang kasal natin." Hindi ko alam kung
matutuwa ba ako dahil 'di talaga sila nakasal ng kakambal kong si Alyana o maiiyak
ako lalo dahil hindi na niya ako makilala bilang si Yana.

"Mattheaus, ako 'to, si Yana..." Humihikbi kong wika.

"Magpapanggap ka paring ikaw si Yana? Napakaistupida mo talaga!" Bulyaw nito at


muling napahampas sa semento. Konting hampas pa nito'y mawawasak na itong altar na
hinihigaan ko.

"Mattheaus..." Umiiyak kong usal.

"Tama na Alyana!" Namilog ang mga mata ko nang humugot ito ng matulis na punyal.

Napapikit ako ng mariin. Diyos ko! Kayo na po ang bahala sa akin. Muli nitong
hinampas ang sementong altar dahilan para mabasag ito ng tuluyan. Nakawala ang
kanang kamay ko sa pagkakaposas dahil nabuwal ang bakal na nakakabit sa akin.

"Mamatay ka na!" Walang pag-alinlangan nitong tinarak sa akin ang punyal ngunit
sinalag ko ito gamit ang aking kamay.

Bumaon ito sa palad ko at tumama sa aking dibdib ang matulis na dulo nito. Hindi
ito pa ito tuluyang nakabaon. Konting tulak na lang nito'y talagang babawian na
ako ng buhay.

"Mattheaus...ayos lang... Mahal...na mahal kita..." Mahinang usal ko sa pagitan ng


aking paghikbi.

'Di na ako pumalag pa at niluwagan ang puwersa sa aking kamay. Ngunit bigla itong
natigilan at hinaplos ang tiyan ko.

"Yana..." Aniya at nagsimula nang tumulo ang mga luha niya sa mata. Nakikilala na
niya ako.

Dali-dali niyang hinugot ang punyal sa aking kamay at halata sa mukha ang
pagkabahala.

"Yana...hindi ko sinasadya..." Nanginginig ang boses nito.

Agad niya akong kinarga at kinulong sa mga bisig niya. Pinilit kong iniangat ang
kaliwang kamay ko sa kabila ng panglalanta ng katawan ko.

"Ayos lang sabi..." Nakangiti kong sagot.

"Hindi. Nasaktan kita, hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may


nangyaring masama sa iyo." Pinunasan ko ang luha niya.
"Mattheaus, buhay naman ako 'di ba? Maayos ako..." Niyakap naman niya ako at
pinugpog nang halik.

"Mahal na mahal kita Yana." Aniya at ayaw pa rin huminto ng mga mata nito sa
pagluha.

"Ikaw ang buhay ko Yana, simula't sapul ay ikaw lamang ang inibig ko. Kailanman ay
'di 'yon magbabago." Ginawaran niya ako ng matamis na halik. Lahat ng sakit dito sa
puso ko'y lahat naglaho.

"Hindi!" Pareho kaming napabaling ni Mattheaus kay Alyana.

"Mattheaus..." Pigil ko sa akmang pagbabago ng anyo nito.

"Ano ba Alyana! Itigil mo na ito!" Awat ni Zsakae.

"Zsakae, ipatapon siya sa Isla Herodes!" Wika ni Mattheaus. Isla Herodes?

"Hindi! Ayoko doon! Gagawin lang nila akong utusan doon!" Pagmamakaawa ng kapatid
ko.

"Mattheaus, h'wag na, pakiusap!" Pigil ko.

"Ibilin mo na lamang siya kay inay Nely, pakiusap!" Segunda ko.

"Zsakae, ikulong siya sa bartolina." Muling utos ni Mattheaus. Napangiti ako.


Salamat naman at nagbago ang isip niya.

"Kuya, dalian mo. May dalawang araw ka na lang para ilayo ang anak mo. Malapit na
raw sila sa ilusyong tulay." Ani Zsakae.

"Umalis ka na Zsakae. Sabihin mo kay kuya Steffano na ihanda niya ang barkong
gagamitin ko." Ani Mattheaus.

"Bitawan mo ako Zsakae!" Pagpupumiglas ng kapatid ko.

"Magtigil ka Alyana! Pasalamat ka at may awa pa sa iyo si Yana! Kung bakit pa ba


kasi hinayaan pa kitang pakawalan!" Galit din na bulyaw ni Zsakae sa kapatid ko.

Agad din silang naglahong dalawa at naiwan kaming dalawa ni Mattheaus. "Ano bang
nangyayari?" Takang tanong ko kay Mattheaus.
"Ayos ang lahat Yana." Aniya at lumakad na kami.

=================

MLFTC-50

MLFTC-50

*****

Nangangalahati na kami sa paglalakad ay sa isang kisap ng aking mga mata'y narating


naming ang bahay ng ginang Zoldic. Diretso kaagad niya akong dinala sa kuwarto ng
ate Catherine.

"Mattheaus ano ang gagawin mo?" Kinakabahan kong tanong nang mailapag niya ako sa
kama.

"Dapat kahapon pa siya lumabas." Bakas din sa mukha niya ang pagkabahala. Napahawak
ako sa aking tiyan.

"Mattheaus ang anak ko! Hindi!" Nagsimula na naman akong maiyak. Una si Egoy,
ngayon ang anak ko na naman ang nasa panganib. Iniluwa naman ng pintuan ang ate
Catherine.

"Mattheaus ano ang nangyayari!?" Ani ate Catherine.

"Hindi pa lumalabas ang anak ko ate." Sagot ko at napalunok.

Panay pa rin ang pagtulo ng luha ko. Ayaw din mawala itong matinding kaba sa dibdib
ko.

"Kailan nahinto ang pagsakit ng tiyan mo Yana?" Ani ate Catherine.

"Kahapon ng umaga..." Sagot ko.

Aligagang bigla naman si Mattheaus at may kung anu-anong pinagkukuhang mga bagay.
Nakakahilo itong panoorin dahil masyadong mabilis ang mga kilos nito.

"Lumabas ka na Catherine." Utos ni Mattheaus.

"Pero..." Angal ko.


Malungkot na napabaling ang ate Catherine. Hindi ito kumibo kanina at mukhang may
alam ito sa nangyayari sa akin.

"Magiging maayos ang lahat, Yana." Ani ate Catherine at hinalikan ang aking noo.

Kumawala ang mga luha nito sa kanyang mga mata ngunit agad din naman niya itong
pinahiran. Agad itong lumayo at lumabas ng silid. Naiwan kaming dalawa ni
Mattheaus. Lumapit ito sa akin at hinagkan ang aking noo.

"Kagatin mo 'to..." Utos niya kasabay nang pagbusal sa aking bigbig.

'Di na ako nakapagprotesta man lang dahil bigla nitong tinali ang dalawang kamay ko
sa haligi ng kama gamit ang puting tela. Natatakot man ngunit mas minabuti ko na
lamang na pakalmahin ang aking sarili. Hindi ko alam kung ano ang gagawin niya pero
kailangan kong magtiwala.

Bigla nitong pinunit ang suot kong bestida hanggang sa mahinto ang punit nito sa
aking tiyan.

"Kayanin mo, Yana. Pakiusap..." Bakas sa mukha ng nobyo ko ang matinding pag-
aalala.

Isang mabigat na paghinga lang ang itinugon ko. Kumuha naman bigla ng punyal si
Mattheaus at walang pag-alinlangang hiniwa ang tiyan ko. Namilog ang mga mata ko sa
ginawa niya at napakapit sa telang nakatali sa akin. Sa sobrang sakit nang
pagkakahiwa sa tiyan ko'y halos mapasigaw ako ngunit may busal ang aking bibig
kaya't tanging malakas na ungol lang ang nailabas ko. Bumilis ang paghinga ko at
'di na naiwasan pang maiyak nang matindi.

"Ugh!" Daing ko nang hiwain niya pa ito ulit.

Hindi ko alam kung saan ko ibabaling ang ulo ko. Kirot, sakit at hapdi. Halo-halong
pakiramdam na hindi ko maipaliwanag. Pawisan na rin ang buo kong katawan.

"Ugh!" Muling daing ko nang maipasok ni Mattheaus ang kanang kamay nito sa loob ng
sinapupunan.

Mas lalo pa yatang sumakit, tipong parang mamatay na ako sa sobrang sakit. Wala man
lang anitisyang ginamit sa akin kaya hirap na hirap ako ngayon. Dahan-dahan namang
hinugot ni Mattheaus ang anak namin. Laking tuwa ko nang makita ko ang anak ko.
Agad itong binalot ni Mattheaus sa tela at bahagya itong napakunot ng noo. Lumapit
siya sa akin at tinanggal ang pagkakatali ko sa kama. Tinanggal niya rin ang
nakabusal sa aking bibig. Nanghihina man ngunit pinilit kong makasandal sa kama.

"Akin na..." Sabi ko pa nang mahina.


Tumalikod bigla si Mattheaus habang karga ang anak namin.

"Akin na!" Galit kong sabi muli at nagsimula na naman akong maiyak.

Humarap sa akin si Mattheaus at laking kaba ko dahil panay na ang pagtulo ng


kanyang mga luha. Mas lalo akong naiyak. Lumapit siya sa akin at ibinigay ang anak
ko.

"Bakit... Bakit 'di siya umiiyak!?"

Tanong ko agad kay Mattheaus. Hindi siya makatingin sa akin at panay pa rin ang
pag-iyak niya.

"Mattheaus hindi! Anak gumising ka! Pakiusap! Nandito na si mama. Anak...gising


na!" Sa sobrang sikip ng dibdib ko'y halos habulin ko na ang aking hininga.
Hinaplos ko ang pisngi ng anak ko at niyakap ito.

"Anak gising na o! Nandito na si mama..." Muli kong hinaplos ang pisngi niya.

Kumalat sa bibig nito ang dugo ko na galing sa sugat ng aking palad. Napatingala
ako at napahagulhol muli.

"Diyos ko! Nagmamakaawa ako sa inyo! Huwag ang anak ko!" Sambit ko sa kawalan.

Muli kong pinagmasdan ang anak ko. Hinalikan ko ang kanyang noo. Laking gulat ko
nang biglang gumalaw ang kamay nito. Hindi ko siya nilubayan nang tingin. Ngunit
baka'y namamalikmata lang ako.

"Mattheaus..." Tawag ko habang nakamasid pa rin sa anak namin. Ramdam ko naman ang
paglapit nito sa akin.

"Yana..." Aniya.

Ramdam ko ang sakit sa boses niya. Pareho kaming nawalan.

"Ayoko na..." Daing ko.

Parang ang laki yata nang kasalanan ko sa Diyos at pinaparusahan niya ako ng
ganito. Bigla kaming natigilan ni Mattheaus nang umiyak ng pagkalakas ang anak
namin. Buhay siya! Sa sobrang tuwa ko'y pinugpog ko siya nang halik.
Agad siyang kinuha ni Mattheaus sa akin at 'di niya maiwasang mapangiti dahil buhay
ang anak namin. Hindi ko alam kung paano ngunit isa lang ang alam ko, mahimala ang
Diyos. Pinikit ko ang aking mga mata at tila yata para akong nawalan ng lakas
bigla.

=================

MLFTC Huling Kabanata

MLFTC Huling Kabanata

*****

"Mattheaus!" Sambit ko kasabay nang akin pagsinghap.

Nasapo ko ang aking noo at ang aking dibdib. Tila yata ang sama ng tulog ko. Bumaba
ako sa kama at laking gulat ko nang mapuna kong nakahubad pala ako. Napahawak ako
sa aking tiyan. May malaking pilat ako sa tiyan. 'Di ko naman matandaang nagkasugat
ako sa tiyan. Kinuha ko ang kumot at itinakip sa katawan ko. Napamasid ako sa buong
paligid ko. Nasa isang malaking silid ako.

Nahinto ako sa harapan ng salamin. Agad akong napalapit at pinagmasdan ang sarili
kong replika. Bukod sa dati nang nagbago ng tuluyan ang buhok ko ngunit ang mas
ikinagulat ko ay ang mga mata ko. Kulay pula na ito, maging ang mga kuko ko ay
humaba rin ng konti.

"Mattheaus!" Dali-dali akong lumabas ng silid.

Naniningkit pa ang mga mata ko nang tumama sa akin ang sikat ng araw. Isang malakas
na hangin din ang sumalubong sa akin at ang... Dagat!?

"Matt---" 'Di ko na natapos pa ang sasabihin ko dahil bigla na lamang lumitaw si


Mattheaus sa harapan ko.

Ang kanyang mga labi agad ang pumigil sa akin. Hinapit niya ang aking bewang at
pinalalim pa ang pagkakahalik sa akin. Dalang-dala ako sa halik niya kaya napakapit
na rin ako sa batok niya. Napuna ko pang muntik nang malaglag ang kumot na nakatapi
sa katawan ko ngunit maagap ito at itinaas muli.

Nang maghiwalay ang aming mga labi ay takang-taka ako na 'di man lang ako kinapos
ng hininga.
"Bakit ganito ang kulay ng mga mata ko?" Tanong ko agad. Kinulong naman niya ako sa
mga bisig niya.

"Isa lang ang sagot sa tanong mo, Yana. Pag-ibig na walang kamatayan." Aniya.

"Gusto mo na ba siyang makita?" Tanong niya.

"Sino?" Wika ko ngunit agad din naman akong natigilan.

"Ang anak natin!? Nasaan siya?" Kinakabahan ko pang tanong.

Bigla namang nawala si Mattheaus sa harapan ko at nang magbalik ito'y may dala na
itong kulay pulang bestida. Hinila niya ako papasok ng konti sa silid at inalis ang
kumot na nakatakip sa akin. Siya na mismo ang nagdamit sa akin at ibig ko yatang
mahiya dahil pati ang pang-ibabang panloob ko'y siya na rin mismo ang nagpasuot sa
akin.

"Sobrang ganda mo, Yana." Aniya.

Isang matamis na ngiti lamang ang itinugon ko sa kanya. Hindi naman nagtagal na ay
inakay na niya ako palabas. Pinaakyat niya ako sa hagdan at ngayon ko lang napuna
na nasa isang malaking barko kami. Magtatanong pa sana ako ngunit may biglang
gumapang sa isang sulok. Hindi ko ito makita nang malapitan dahil natatabunan ito
ng kuna. Humakba ako palapit at laking tuwa ko nang makita ang anak ko. Dali-dali
ko siya kinuha at hinagkan. Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko na maiyak dahil
sa sobrang galak.

"Arthyseuos Ynue Zoldic." Napabaling ako kay Mattheaus.

"Ano?"

"Ang pangalan ng anak natin." Sagot naman nito. Napangiwi ako.

"Nakakasamid sa dila pero bagay sa kanya." Natutuwa ko pang wika.

Ang guwapo niyang bata, halatang nagmana sa ama niya. Ngunit isa lang ang 'di ko
maipagkakaila, isa rin siyang bampira. Mukhang dadami yata ang papakainin ng
Mattheaus ko. Panay ang yakap at halik ko kay Arthyseuos. Talagang nakakagiliw ito.

"Aalis ba tayo?" Tanong ko nang mapuna ako ang mga kalalakihan na naghahakot ng mga
gamit.

Ngunit mas madami yata ang mga kahon at 'di ko alam kung ano ang mga laman nito.
Hinagkan naman ni Mattheaus ang aking noo.
"Kailangan nating ilayo si Arthyseuos sa islang 'to Yana." Sagot niya.

'Di na ako kumibo pa. Alam ko naman ang rason kung bakit. Ang anak ko ang tutupad
sa propesiyang sinimulan ko. Hinahabol pa rin kami ng mga taong-lobo at kailangan
nga talagang ilayo namin si Arthyseuos sa isla Bakunawa.

"Ang mga gamit ko? Nasaan?" Kinuha naman niya ang bata sa akin.

"Nasa silid natin." Agad kong tinungo ang silid at hinanap ang mga gamit ko.

Nang makita ko ang bayong ay agad kong kinuha ang maliit na kahon. Kinuha ko ang
pera at sumulat sa maliit na papel. Sinulatan ko si Jeorgie. Nang matapos ko ito ay
agad din naman akong lumabas ng silid. Diretso ako sa pagtakbo at ewan ko ba dahil
bigla ko na lamang tinalon pababa si ate Catherine na abala sa pagmamando ng mga
kargador.

"Ang taas no'n a!" Napabungisngis pa ito at agad na lumapit sa akin.

"Pasensya po ate, 'di ko nga po alam kung bakit nagawa ko 'yon." Sabi ko pa.
Nailing naman ito.

"Isa ka ng ganap na kapamilya ng Zoldic, natural lang na maging ganyan ka. Hayaan
mo't masasanay ka rin." Ani ate Catherine. Kinuha ko ang kamay nito at ibinigay sa
kanya ang hawak ko.

"Kayo na po sana ang magpadala nito para sa akin. 'Di namin alam ni Mattheaus kung
kailan kami babalik dito." Napangiti naman ang ate Catherine.

"Ako na ang bahala dito." Niyakap naman niya ako bigla.

"Hindi man tayo magkadugo Yana ngunit pinsan pa rin ang turing ko sa iyo. Alagaan
mo ang mag-ama mo, lalo na ang anak mo." Aniya at kinalas na ang pagkakayakap sa
akin.

"Salamat ate, sa lahat." Tugon ko. Sa isang talon ko muli ay agad akong nakabalik
sa barko.

"Diyos ko Yana!" Sambit pa ng aking ina. Nagulat ko yata ito dahil sa biglaan kong
paglitaw.

"Nay? Bakit kayo narito?" Nagtataka ko pang tanong.

"Pababayaan ko ba naman ang anak ko?" Anito at lumapit sa akin.


"Paano si Alyana, nay? Ang alaga niyong si Cereina Erine?" Wika ko. Hinawakan nito
ang magkabilang braso ko.

"Huwag ka ng mag-alala Yana, nariyan si Aranaya para alagaan si Cereina Erine. At


kung tungkol naman kay Alyana, nasa husgado siya ngayon." Nakahinga ako ng maluwag.
Sana naman ay magbago na ang kapatid ko.

"Yana..." Tawag sa akin ni Mattheaus. Agad akong lumapit sa kanya.

"Bakit?" Taka kong tanong.

"Maayos na ba ang lahat?" Aniya. Isang tango ang itinugon ko kay Mattheaus.

"Itaas ang angkla!"

Pareho kaming napalingon ni Mattheaus sa mga tauhan namin na makakasama sa aming


paglalayag. Kinuha ko si Arthyseuos sa kanya. Kumilos din naman agad si Mattheaus
at inangat ang angkla nang mag-isa. Hindi na nagtaka ang mga tauhan namin dahil
lahat naman sila ay kapwa mga bampira.

"Nay, kayo po muna ang bahala kay Arthyseuos." Wika ko at ibinigay kay inay Nely
ang bata.

Pinagmasdan ko muli ang isla Bakunawa. Ito na ang huling beses na masisilayan ko
ang islang 'to. Sa konting panahon na pananatili ko sa isla ay nakumpleto ang
pagkatao ko; bunos pa at nakilala ko ang nobyo kong si Mattheaus. Kung 'di ako
dinala ng kuryusidad ko sa lugar na ito, 'di ko makikilala ang ama ng anak ko. Lalo
na si Egoy, na naging malapit sa akin, si ate Catherine at ang asawa niyang si kuya
Steffano, si Zsakae, si ate Mocha, si mang Dhelfin at lahat nang nakilala ko. Sila
ang mas lalong kumumpleto ng buhay ko. Lalo na ngayon na nakilala ko na ang tunay
kong ina at ang kakambal kong si Alyana. Nawala man ang alaala ko ngunit sapat na
ang mga nalaman ko upang maging buo ako. Narinig ko naman ang pag-ugong ng barko,
hudyat na aalis na kami.

"Yana..." Bulong ni Mattheaus sa akin nang makalapit ito sa akin. Nasa likuran ko
siya habang nakayakap sa akin.

"Ano ba ang ginawa ni Alyana sa 'yo't 'di mo ako maalala? Hmm..." Naitanong ko
bigla at napaharap sa kanya. Ipinulupot ko ang aking mga bisig sa kanyang leeg.

"Hindi ko matandaan, caritas mea..." Sagot niya.

"Talaga? Ngunit paano mo rin ba ako naalala?" Dinampian niya nang halik ang tungki
ng aking ilong.
"Simple lang, Yana. Wagas ang pagmamahal ko para sa iyo. Kahit pa mawala nang
tuluyan itong alaala ko sa iyo'y 'di maitatanggi ng puso ko na ikaw ang laman at
tinitibok nito." Matamis akong napangiti sa naging sagot niya. Hinagkan ko siya sa
labi at kinagat ito.

"Pakakagat ka na naman ba Yana?" Pilyong tanong sa akin ni Mattheaus.

"Pakakagat ako sa iyo buong maghapon at magdamag. 'Di ba nga ang sabi ko sa iyo?
'Di bale na ang mabaliw, makagat mo lang Mattheaus." Napahagikhik ako at muli
siyang hinagkan sa kanyang labi.

"Pilya..." Aniya at tumugon sa halik ko.

"Caritas mea, pakasalan mo na ako." Napatawa pa ito ng konti. Tinalon ko siya, na


siya ring pagbuhat nito sa akin.

"Oo naman, kahit paulit-ulit." Kumindat pa ako. Isang malutong na pagtawa lamang
ang nagawa niya.

"Te amo, caritas mea Yana."

"Ikaw ang minamahal kong galing sa nagdaang taon." Sagot ko.

~WAKAS~

=================

MAIKITAMAHOME

*****Lubos po akong nagpapasalamat sa lahat nang tumangkilik ng aking akdang ito.


Nawa'y nasiyahan kayo sa pagbabasa.

Mga sagot sa tanong na;

My FB?Maikitamahome Wp

My FB Page?Heartkeeper-Love Story

My FB Group?MIAKISTERS(MAIKITAMAHOME)

How to read this names?Zsakae Zitter ZoldicZA-KAY ZIT-ERArthyseuos Ynue ZoldicAR-


TEY-YOS I-NU-WEMattheaus Keanno ZoldicMA-TA-YOS KE-YAN-NO
May Specail Chapter po ba?Yes. I will post it as soon as I can.

May book two po ba?WALA. PERIOD! XD HINDI NA MAGBABAGO ISIP KO.

May book po si Arthyseuos?Meron po.Visit my wattpad profile na lang po if posted na


siya.

Volume 3SEEKING MY KNIGHT& Volume 4I'M HIS KNIGHT? Coming so soon.

Ano po mga meaning ng mga ritwal?I decided na hindi ko po-post dito. Baka magaya na
naman.

Caritas Mea?My love in english.

My Confessions I did my best to make my own justice on vampire genre. Till next
book again fairies.

Thanks to;

Thank you sa lahat ng Fairies ko na nakigulo sa bawat chapter, specially lalo na sa


mga naging kaibigan ko sa FB na napamahal na sa akin ng husto. Alam niyo kung sino
kayo.

Thank you din kay Ansherina Lirpa at Bebe Krystal A. Na nandiyan lagi para
sumuporta. Mahal ko kayo! Spread love!

Signing off: Maikitamahome

=================

Announcement!

Hello fairies!

Gusto ko lang ipaalam sa inyo na unpublished po ang special chapter dahil THE
KNIGHT IN THE DARK ay magiging libro na, Self published only. Mababasa niyo ng buo
ito sa mismong libro. Kung akala niyo iyon na lahat ang naka-post sa story,
nagkakamali po kayo dahil pinutol ko ang mga eksena, well to protect my works.
Again, I'm sorry if gagawin ko 'to. Lols!

For more details, message me in my Facebook. Search Maikitamahome WP.

Please like also the page of mind.

Search- Zoldic Legacy Series and Heartkeeper-love story.

Thank you,

Miaki/Maikitamahome

You might also like