You are on page 1of 171

Lucid Dream

Aly Almario
(Alyloony)
Angelique, alam mo ba na ang ganda talaga ng reality mo? Hindi mo lang
napapansin, pero sobrang ganda talaga ng buhay mo sa labas ng isang panaginip. At
alam ko, mas gaganda pa iyon.

Hindi ko maintindihan kung bakit bigla kong naalala ang mga salitang binitiwan
niya noon. Kung sabagay, palagi ko naman siyang naalala eh. Paano ko ba naman siya
makakalimutan kung gabi-gabi eh binibisita niya ako sa panaginip ko?
Marami siyang sinabi sa akin dati na hanggang ngayon ay nakatatak pa rin sa isip
ko.
Maganda ang reality mo, Angelique.
Paulit-ulit niyang sinasabi sa akin dati yan at pilit niyang ipinapakita sa akin ang
reyalidad.
Napatingin ako sa paligid ko.
Puro mga hile-hilerang cherry blossom tree na dati eh akala ko, sa panaginip ko
lang makikita.
Iba rin pala ang pakiramdam na makita ang mga to sa reyalidad. Mas maganda,
mas nakakamangha at mas surreal.
Pero may kulang pa rin.
Napapikit ako para mapigilan ang mga luha na nagbabadyang kumawala sa mga
mata ko.
Nakita ko na ang tinutukoy mo. Na-realize ko nang maganda ang reality ko. Alam
ko nang marami akong dapat ipagpasalamat sa Diyos.
Pero lagi ko pa ring iniisip, ano kaya ang pakiramdam kung nandito ka rin sa
reality ko?
First Dream

Wow Angelique, nice European trip photos ah? Nakakainggit ka talaga! sabi sa
akin ni Amanda habang bino-browse ang photos na nasa DSLR camera ko.
Oo nga. Ang saya naman ng naging summer vacation mo. Sa Europe pa talaga!
Ang dami mo pang napuntahan. Sana kami rin, sabi naman ni Lilianisa sa mga
kaklase kohabang bakas sa mukha niya ang inggit.
Ano ba, parang yan lang, sagot ko sa kanila pero hindi ko magawang itago ang
pagmamalaki sa boses ko.
Syempre Europe yun! Hindi basta-basta nakakapunta ro'n dahil kailangan mong
maglabas ng malaking halaga para makapag-bakasyon doon.
Buti na lang kaya ko kahit hindi ako maglabas ng malaking salapi.
Napatingin ako sa pinto ng classroom namin and as expected, nakatayo ro'n si
Owen habang titig na titig sa akin. Nagtama ang tingin naming dalawa. Napangiti siya sa
akin at hindi ko maiwasang ngumiti rin sa kanya.
Ang gwapo niya talaga. Ang ganda ng ngiti niya at mas lalo pa itong gumaganda
sa tuwing lilitaw sa kanyang kaliwang pisngi ang dimple niya. Isama mo pa yung
mamula-mula niyang pisngi at sobrang puting kutis.
Para siyang babae dahil sa kinis ng balat niya at ang linis pa niyang tingnan.
Parang ang bango-bango niya palagi.
Bumibilis talaga ang tibok ng puso ko sa tuwing nakatitig siya sa akin.
At alam ko, ganoon din siyaat least dito sa mundong to.
Umalis siya sa kinalulugaran niya at naglakad siya papunta sa akin without
breaking our eye contact. Alam kong tinitingnan na kami ng mga taong nakapaligid sa
amin.
Lahat sila kinikilig at naiinggit.
Oo, aware ako ro'n dahil ayun ang gusto kong maramdaman nila. Ayun ang gusto
kong maging reaksyon nila.
Nakalapit na si Owen sa pwesto ko at ipinatong niya ang dalawa niyang kamay sa
desk ko at saka niya ako tinitigan sa mata.
Angelique
Yes?
Will you



ANGELIQUE! ABAY BANGON NA! MALE-LATE KA NA!
Bigla akong napa-dilat at nakita ko ang nanay ko na naka-pamewang na sa
harapan ko.
Bumangon ka na diyan! Anong oras na oh!
Napaupo ako at kinusot-kusot ko ang mata ko.
Si nanay talaga istorbo. Ang ganda na ng panaginip ko eh. Ang ganda na nang
sunod na mangyayari! Pero wala, naudlot. Si nanay kasi eh.
Mamayang gabi na nga lang ulit.
Bumangon na ako at nag-ayos ng sarili. Tinignan ko ang itsura ko sa salamin.
Naninilaw na ang uniporme ko at 'yung skirt ko, ang iksi na. Yung sapatos ko pa-
sira na rin. At yung backpack na nakasabit sa balikat ko, bulok na bulok na ang itsura.
Napailing na lang ako sa itsura ko at saka lumabas ng kwarto.
Anak, mag-almusal ka muna, sabi ni nanay.
Lumapit ako sa lamesa at tinignan ko ang pagkain namin. Dalawang pirasong
pandesal na lang at isang lata ng paubos nang liver spread.
Pasensya na at dalawa na lang natira ah? Yung kuya mo kasi apat na pandesal
ang kinuha. Eh hinati ko nga na tig ta-tatlo tayo eh.
Okay lang po, sabi ko kay nanay at kinuha ko yung dalawang pandesal.
Sinabayan ko si nanay sa pagkain. Tulala lang ako habang siya naman ay busy sa
pagbabasa ng dyaryo.
Ma, may extra money ka ba?
Bakit? tanong niya nang hindi man lang ako tinitignan.
Ah kasi yung sapatos ko pa-sira na. Gusto ko po sana bumili ng bago.
Dahan-dahang ibinaba ni nanay ang dyaryo na hawak niya at tinignan ako.
Eh, anak, pagtyagaan mo na yang sapatos mo. Ilang buwan na lang naman at ga-
graduate ka na ng highschool. Nagtitipid kasi ako ngayon at nag-iipon para may pang
tuition ka sa college.
Tumango ako at nginitian si nanay, ah, ganun po ba? Sige, okay lang po.
Pasensya na ah? sabi niya habang mukhang na gi-guilty.
Para tuloy biglang kumirot ang puso ko.
Okay lang po yun nay! Favorite ko rin tong sapatos na to eh! masigla kong
sabi sa kanya.
Nginitian ako ni nanay at nagpatuloy na kami sa pagkain.
Ganito ang buhay ko sa reyalidad. Mahirap lang kami at sa isang public school
ako nag-aaral. Pag walang pasok, nasa palengke ako at tinutulungan si nanay sa
pagtitinda ng gulay.
Hindi ako prinsesa. Hindi rin ako maganda. At mas lalong hindi ko afford ang
mag-European tour.
Pero sa panaginip ko, kaya kong ibahin ang lahat.
Sa mundong ito, may ibat-ibang paraan ang mga tao para makatakas sa reality
nila.
Yung iba nagbabasa ng libro, yung iba through music at yung iba naman, sa
paglalaro ng video games. Meron ding nagsusulat ng mga stories, nag do-drawing at nag
co-compose ng kanta.
Pero ako? Ang paraan ko ay ang managinip.
You see, may kakaiba akong kakayahanang kakayahang ma-manipulate ang
sarili kong panaginip.
Hindi ito daydreaming. Tulog talaga ako pero nagagawa kong i-manipulate ang
panaginip ko. Nagagawa kong kontrolin ang mga pangyayari. Kung ano ang nasa
imagination ko, ayun ang mangyayari sa panaginip ko.
Katulad na lang kagabi, isa akong mayaman at popular na estudyante sa isang
elite school. Kinaiinggitan ako ng lahat dahil sa aking beauty and brains. At patay na
patay rin sa akin ang campus heartthrob na si Owen.
Lahat yun ay dahil sa manipulation ko. Lahat nang yun ay nagmula sa fantasies
ko.
Twelve years old ako nang ma-diskubre ko ang ganitong kakayahan ko. Nung
una, nakakatakot. Lalo na pagka gising ko, tandang-tanda ko lahat ng nangyari sa
panaginip ko. At habang nasa panaginip ako, aware ako na hindi totoo ang mga
nangyayari dahil panaginip lang yun.
Nung panahon na yun, hindi ko pa sinusubukan i-manipulate ang mga
pangyayari. Ilang beses na rin akong muntik-muntikanan na bangungutin pag
nakakatakot ang panaginip ko.
Pero kada sinasabi ko na gusto ko nang magising, nagigising ako. Ilang beses
kong sinubukan ang ganoong scenario kaya naman one time, tinry ko na i-manipulate ang
mga mangyayari sa panaginip ko.
Sa panaginip kong iyon, may humahabol sa akin nun, isang matandang babae na
puno ng dugo sa katawan at mukha. Tanggal na ang mata niya sa kaliwang bahagi ng
mukha niya. Sobrang takot na takot ako nun. Alam kong hindi totoo ang nangyayari pero
takbo pa rin ako nang takbo.
Bigla kong inisip na gusto ko siyang mawala na parang bula. Nang lingunin ko
siya, nawala nga talaga siya. Ilang beses ko pang tinry. Nung nasa isang garden ako sa
panaginip ko, inisip ko na gusto kong makakita ng isang paru-parong color rainbow. May
biglang lumitaw na ganoong paru-paro. Yung sumunod naman, inisip ko na gusto kong
makapunta sa Paris. Nagulat ako na nasa harap ko na ang Eiffle tower. Paunti-unti.
Hanggang sa ako na ang gumagawa ng sarili kong panaginip. Ako na ang nag c-create ng
sarili kong scenario.
Hanggang sa hindi na lang basta panaginip ang pinapasok ko kundi ang mga
fantasies ko na rin.
Napagalaman kong lucid dreaming ang tawag doon. Rare lang ang kakayahan na
iyon at isa ako sa mga biniyayaan.
Pero syempre walang nakakaalam. Baka kasi pag may pinagsabihan pa ako, isipin
nila may problema ako sa pagiisip.

Habang papasok ako sa school, nakita ko si Owen---yung real life Owen at hindi
yung nasa panaginip ko.
Sa all boys private school siya nag-aaral. Doon lang malapit sa public school na
pinapasukan ko.
In reality, langit at lupa ang agwat namin. In reality, hindi ako nag e-exist sa
mundo niya.
Kaya minsan ayoko nang magising. Parang ang sarap na lang kasi managinip.
Ayoko nang harapin ang mapait na reyalidad.
Nakita ko siya na nakikipag tawanan sa mga kaibigan niya. Dumaan ako sa gilid
niya pero hindi siya lumingon sa akin.
Sino nga naman ba ako para mapansin niya?
Sa panaginip ko lang naman nabibigyan ng chance ang sarili ko na mapansin niya
eh.
Nung gabing iyon, maaga akong natulog para mahaba-haba ang maging panaginip
ko. Syempre itinuloy ko ang scene kung saan naudlot yung paglapit niya sa akin.
Palapit na nang palapit si Owen at nung nasa harapan ko na siya, he leaned
forward to me.
Hi Angelique, are you free this weekend?
Hmm bakit?
Wala lang. Gusto sana kitang yayain lumabas kung okay lang sayo?
Tumango ako, sure. Wala naman akong gagawin.
Mas lumawak ang ngiti ni Owen, good! Sa Saturday ah? Its a date!
Napangiti ako.
Mag d-date kaming dalawa! Saan kaya maganda? Ano kayang scenario? Ano
kayang gagawin namin sa date namin?
Hahayaan ko na bang halikan niya ako? Kahit sa panaginip man lang siya ang
first kiss ko!
Anong date yan?!
Bigla akong napalingon sa nagsalita.
Two chairs away from me, may isang lalaking nakangiti ng nakakaloko sa amin.
Napa-kunot bigla ang noo ko.
Hindi ko kilala yung lalaki. Hindi ako familiar sa kanya. At talagang nakakagulat
yun kasi panaginip ko to at lahat ng tao na nandito sa panaginip ko eh familiar ako dahil
nanggaling silang lahat sa imagination ko.
At itong lalaking to? Hindi ko siya kilala.
Isa pa, ramdam kong hindi siya nanggaling sa panaginip ko dahil hindi siya naka
school uniform katulad ng ibang mga estudyanteng gawa mula sa imagination ko.
Naka-suot siya ng black leather jacket, white shirt at maong pants.
Tumayo yung lalaki at lumapit sa amin ni Owen.
Babe, sabi mo sa akin tayo ang mag d-date. Bakit pumayag ka na makipagdate sa
kanya? tanong niya sa akin.
What?! hindi ko makapaniwalang tanong.
Anak ng---! Sino ba tong nilalang na to at bat niya ginugulo ang fantasies ko?!
Napalingon ako kay Owen. Wala siyang reaksyon. Ni hindi siya nagseselos.
Natural, paano siya magseselos? Hindi ko naman iniisip na mag selos siya.
Kailangan ko pa talagang isipin na mag selos siya.
Panaginip lang kasi to at kontrolado ko ang lahat.
Uh oh.
Sino ka ba?! nanggagalaiti kong tanong sa stranger na nasa harapan ko.
Si Caleb to! Ikaw talaga! at kinurot niya ako sa pisngi.
MASAKIT AH! Kahit nananaginip ako naramdaman ko yung sakit! Bakit
ganon?!
Tinitigan ko maigi yung lalaki---si Caleb---at nag concentrate ako.
Mawawala ka na parang bula. Mawawala ka. Disappear! Chupi! Lumayas ka sa
panaginip ko! Alis!
Ngumiti si Caleb habang i-iling iling.
Hindi eepekto sa akin yan, Angelique.
H-huh?
Nagulat ako nang bigla na lang nawala ang mga taong nasa loob ng classroom
kasama na si Owen.
What the hell?
Binabangungot ba ako?
Bat hindi ko ma-control ang panaginip ko?!
Napalunok ako at nakaramdam ang ng takot.
What if nawawala na yung kakayahan kong manipulahin ang panaginip ko?!
Hindi pwede!!
S-sino ka? tanong ko ulit sa lalaki.
Hindi niya ako sinagot at tinignan niya lang ang paligid ng classroom.
Hmmm, so this is your dream. Mukhang masaya dito ah? manghang-mangha
niyang sabi. Okay then, nakapag desisyon na ako!
H-ha? Ano?
Ngumisi siya sa akin, dito muna ako ta-tambay sa panaginip mo. Ayos lang
naman siguro sayo, di ba?
Ano?! Ano yang sinasabi mo!
Dont worry, mas gagawin kong exciting ang panaginip na to, kinindatan niya
ako at bigla siyang nag-laho sa harapan ko. Kasabay ng paglaho niya eh bigla na lang
akong nagising.
Hingal na hingal ako.
Ang bilis ng tibok ng puso ko.
Sino yung lalaking yun?
No. Scratch that.
ANO ang lalaking yun?!
At paano niya napasok ang panaginip ko?
Second Dream

Angelique, yung skirt mo natuluan na ng sauce! sabi ni Amanda sa akin at


napatingin ako sa skirt ko. May mantsa na nga ito ng sauce nitong fishball na kinakain
ko.
Mukhang kailangan ko nang i-handa ang tenga ko sa katakot-takot na sermon ni
nanay mamaya sa akin.
Nandito ako ngayon sa may basketball court sa likod ng school namin kasama
sina Amanda at Lilianyung dalawa kong kaibigan---habang nag me-meryenda ng
fishball at juice na nasa plastic.
Kanina ka pa tulala. May problema ka ba? tanong naman ni Lilian sa akin.
Napabuntong hininga ako.
Kanina pa ako nangangati na i-kwento ang tungkol sa panaginip ko. Pati na rin
yung tungkol sa lalaking bigla na lang sumulpot dito.
Paano ba naman, first time na nangyari sa akin yun. All this time, lagi kong
kontrolado ang panaginip ko. Lahat ng taong nandoon eh ako ang may gawa. Nandoon
man sina Lilian, Amanda at Owen, eh dahil yun sa kasali sila sa imagination ko.
Pero yung lalaking yun? Sino o ano ba siya? Paano niya nagawang makapasok sa
panaginip ko? Bakit hindi ko siya ma-kontrol?
Mamayang gabi ba, nandoon ulit siya?
Ayoko siyang makita. Mamaya manggulo lang siya sa panaginip ko eh. Yun na
nga lang ang natatanging magandang nangyayari sa akin, guguluhin pa niya.
Ayan na naman siya, natutulala, rinig kong bulong ni Lilian kay Amanda.
Sorry guys, iniisip ko lang kung saan ako papasok ng college, palusot ko sa
kanila.
Hindi ko naman kasi talaga pwedeng ikwento ang panaginip ko. Hindi rin naman
nila ako paniniwalaan kung sasabihin kong lucid dreamer ako. At hindi lang basta basta
lucid dreamer. Kaya ko pang i-manipulate ang panaginip ko.
Ang hirap paniwalaan ng bagay na yun.
Narinig ko ang pag buntong-hininga ni Amanda.
Buti ka nga Angelique matalino ka. Pwede kang mag apply ng scholarship.
Paano naman akong pinagkaitan ng utak? Saan na lang ako pupulutin?
Hanap tayong boyfriend! masayang sabi ni Lilian. Yung mayaman! Yung ma-
pera. Tapos dapat gwapo rin! Para buhay prinsesa tayo!
Tinignan ko si Lilian at pinanliitan ng mata, lakas maka Koreanovela ng hiling
mo ah?
Bakit ba! Masama bang mangarap? Ikaw ba hindi mo pinangarap yun?!
Tinawanan ko na lang siya habang iiling-iling.
Actually hindi ako nangangarap Lilian. Nananaginip ako.
Raver High boys, bulong ni Amanda habang nakatingin sa harapan.
Napalingon ako sa tinitignan niya at nakita ko ang grupo ng mga kalalakihan na
naglalakad at nagtatawanan.
Pare-pareho silang mga naka varsity jacket na kulay asul at may dalang gym bag.
Itsura pa lang nila, halata ng mga varsity players ng kung ano mang sports sa school nila.
Ano kaya ang feeling maging rich kid tulad ng mga yan no? tanong ni Lilian.
Ang sarap siguro ng buhay nila. Pag weekends, nasa bahay lang ang mga yan,
naka-aircon sa kwarto, naglalaro ng kung anong video games o pwedeng nasa mall at
namamasyal. Samantalang tayo, kumakayod, sagot ko naman. Hindi ko maitago ang
bitterness sa boses ko.
Kada kasi nakikita ko ang mga estudyante ng Raver High, lagging pumapasok sa
isip ko na ang unfair ng mundo. Nakakainis.
Okay lang yan guys. At least naranasan natin mag hirap. Sabi nga ni principal,
no pain, no gain. Yung pinaka mga nag hirap ang pinaka aasenso, sabi naman ni
Amanda.
Eh sila hindi na nila kailangan umasenso. For sure may mga negosyo ang
pamilya nila. May trabaho na agad sila pagka-graduate, sagot ko sa kanya.
I-boyfriend ko kaya ang isa sa kanila? Para di na ako maghirap? naka-ngiting
tanong ni Lilian.
Gaga neto! natatawa-tawa namang sagot ni Amanda. Alam niyo, ang nega
niyong dalawa! Hindi niyo naiisip ang mga swerte na dumarating sa inyo. Ikaw Lilian,
di ba yung tita mo ang mag papaaral sayo sa college? Swerte mo may sponsor ka na! At
ikaw naman Angelique, di ba malaki ang chance mo na makakuha ng scholarship doon
sa university kung saan ka nag exam? Sosyal yun, private school! Kaya wag nga kayong
nega. Think positive, guys! tumawa ulit si Amanda. O, lakas maka rich kid ng English
ko di ba?
Natawa na lang din kami ni Lilian.
Minsan hanga ako sa pagiging positive nitong si Amanda. Katulad ko, hirap din
naman siya sa buhay pero nakukuha pa rin niyang maging masaya.
Bakit kaya ako hindi?
Siguro dahil hindi ako kuntento?
Pero sino ba naman makukuntento sa ganitong buhay.
Wala akong ama. Hindi ko siya nakilala. Ayaw naman banggitin ni nanay kung
sino siya. Yung kuya ko hindi naka-graduate sa college dahil nag bulakbol. Ngayon,
construction worker na lang siya. Buti na lang at wala siyang planong mag-asawa. At safe
akong isipin na hinding-hindi siya talaga makaka-aksidente o makakabuntis ng babae.
Paano lalaki rin ang type niya.
Wag lang siyang maguuwi ng palamunin na lalaki sa amin kundi ako mismo ang
gugulpi sa kanya.
Pero kahit ganun ang ate kuya kong yun, mahal ko yun. Kita ko rin naman ang
hirap niya sa pagtatrabaho matulungan lang si nanay sa pag-iipon para sa pang college
ko.
Kita ko ang hirap nilang dalawa para sa akin.
Kaya siguro hindi ako makuntento. Na-g-guilty kasi ako. Lalo na yung time na
nanakawan pa kami. Kita ko kung paano nangutang at nagpakababa si nanay nun may
maipang bayad lang sa miscellaneous fee ko sa school.
Ang sakit makita.
Ilang beses ko nang sinabi na hihinto na lang ako pero ayaw naman nilang
pumayag. Hindi ko maintindihan. Hirap na sila eh. Magtatrabaho na lang din ako.
Nagugutom na kasi kami. Walang-wala na kami. Pero patuloy pa rin sila sa pagkayod.
Ang pait masyado ng reyalidad ko.
Kaya nga sa panaginip ko, hindi nila kailangan mag trabaho. Sa panaginip ko,
hindi sila napapagod.
Marami kaming pera doon. Maraming-marami.
Kaya minsan ayoko nang magising. Sana forever na lang akong nasa panaginip
ko.
Kaso ang problema, mismong sa panaginip ko nagkaroon ng epal.
Sana mamayang gabi wala na yung nilalang na yun!

Matapos naming mag meryenda, nag paalam na rin ako kina Amanda at Lilian na
uuna na ako ng uwi. Tambak kasi ang assignments na dapat gawin. Syempre hindi ako
pwedeng mag pabaya. Kailangan kong ma-maintain ang grades ko para naman makakuha
pa ako ng scholarship sa college. Yung sa FEU kasi hindi pa sure.
Dumiretso agad ako sa kwarto namin at doon gumawa. Oo iisa lang ang kwarto sa
bahay namin. Iisa lang din ang kama namin. Medyo gitgitan kasi ang laking lalaki bakla
nitong si kuya.
Pagka talaga ako nagkaroon ng magandang trabaho na may malaking sahod, kama
ang una kong bibilhin!
O kaya bahay na lang kaya?
Kinuha ko ang libro ko sa Foreign Literature at sinimulang basahin yung isang
short story doon na gagawan ko ng reaction paper. Next week pa talaga ang pasahan nito
pero naisipan ko nang gawin na agad para wala na akong iintindihin.
Kaya lang dahil sa pagod, di ko namalayan na unti-unti na pala akong
nakakatulog.
Langit na puno ng bituin at isang buwan na ubod ng laki. Pakiramdam ko ang lapit ko
sa langit kasi kitang-kita ko ang hugis ng buwan. Kita ko ang laki nito. Pakiramdam ko
rin kaya kong sumungkit ng bituin sa langit.
Pero nagpatuloy ako sa paglalakad ditto sa tulay na tinatahak ko.
Ilang beses na akong naglalakad sa tulay na ito. Kada nananaginip ako, ito ang
daan na tinatahak ko.
At sa dulo ng tulay na to, nandoon ang mundong binuo ko sa panaginip ko.
Natanaw ko na agad to.
Isang malaking school na akala mo eh paraalan ng mayayaman sa ibang bansa.
Mukha itong isang malaking glass castle. Parang paaralan ng mga prinsipe at prinsesa.
Sa right side ng school na to, kita ang hile-hilerang cherry blossom trees. Sa may
likod ng cherry blossom tree, kita ang mga pine trees na natatabunan ng snow. Sa harap
ng school, may isang malaking soccer field. Sa paligid ng soccer field, nandoon ang lanai
kung saan tumatambay ang mga estudyante. Sa far left corner ng soccer field, tanaw ang
isang glass garden. Sa left side naman ng school, may isang magandang park. Sa gitna ng
park, makikita mo ang Eiffle tower.
Ang weird tignan. Parang isa siyang lugar kung saan pinag-sama sama pa ang
ibang mga lugar. Pero para sa akin, ito ang paradise ko. Ito ang sarili kong mundo na
walang ibang taong nakakaalam kundi ako lang.
At yung lalaking bigla na lang sumulpot dito
Nang makapasok ako sa loob ng school, umakyat ako agad sa rooftop. Isa ito sa
pinaka favorite place ko sa panaginip ko kasi bukod sa malamig at masarap ang simoy ng
hangin dito, tanaw na tanaw ko ang kabuuan ng panaginip ko.
Astig ah?
Halos mapatalon ako sa gulat nang makarinig ako ng lalaking nag salita. Pag
lingon ko sa likuran ko, nandoon si Caleb, nakasandal sa railings ng rooftop at kumakain
ng sandwich.
At infairness masarap ang sandwich dito ah?
Anong ginagawa mo na naman sa panaginip ko?!
Uhmm, itinaas niya ang hawak niya. Kumakain ng sandwich?
WOW! Philosopher!
Astig talaga nitong panaginip mo. Nakakaaliw eh. Cherry blossom ba yun? sabi
niya habang tinuturo ang mga cherry blossom trees. At bakit sa parte lang na yun nag i-
snow? this time, nakaturo naman siya sa mga pine trees na natatabunan ng snow.
Walang pakielamanan ng panaginip!
Bakit? Wala naman akong sinasabi ah! Astig nga eh? Teka, nasaang bansa ba
tayo exactly dito sa panaginip mo? Korea? Japan? O Paris? Kasi parang nakakita ako
kanina ng Eiffle Tower.
Umiling ako, Pinas pa rin.
Pinas?! gulat na gulat na sabi niya sabay hagalpak ng tawa. Nabilaukan pa sa
kinakain niyang sandwich. Buti nga.
Tapos ka na bang tumawa at maibalukan? Pwede bang lumayas ka na sa
panaginip ko?
To naman di mabiro! Na-amuse lang ako. Nasa Pinas tayo pero may cherry
blossom tree. Tapos ang lamig pa ng weather. Yung setting pa ng school hindi pang Pinas.
Astig ng imagination mo. Writer ka ba?
Hindi---I mean wala kang paki. Eh ikaw, ano ka ba?
Ngumisi siya, lalaki. Gwapong lalaki.
Napa-irap ako.
Ang pilosopo mo talaga! Bat ka ba nandito sa panaginip ko at nanggugulo ha?
Sino ka ba?
Ito naman. Tumatambay lang ako sa panaginip mo. Masyado kasing solid eh.
Masyadong buong-buo. Parang reality na. Ngayon lang ako nakakita ng ganitong
panaginip na ang ganda ng pagkakabuo.
Napakunot bigla ang noo ko, ibig mong sabihin, bukod sa akin, may iba ka pang
panaginip na napuntahan?
Tumango siya, yep. Thats what I do.
Paano? Bakit?
Okay let me introduce myself properly.
Umayos siya ng tayo at inilahad niya ang kamay niya sa harapan ko.
My name is Caleb and I am a dream traveler.

Third Dream

Dream traveler? tanong ko kay Caleb habang nakakunot ang noo ko. Ano naman
ang ginagawa mo?
Obviously nag t-travel ako sa mga panaginip! sabi niya na parang ito na ang
pinaka obvious na bagay sa mundo.
Teka, hindi ko pa rin gets! Nag l-lucid dream ka rin?
Umiling siya, nope. Nag t-travel nga ako. Kaya nga dream traveler ang pakilala
ko sayo at hindi lucid dreamer di ba?
Teka, masyadong magulo ang usapan natin.
Nag kibit-balikat siya, ikaw kaya ang magulo.
Ibig sabihin hindi lang itong panaginip ko ang napuntahan mo?
Tama! Marami na akong panaginip ng ibang tao na nakita. May nakakatakot,
may maganda, may malabo, meron ding censored! sabi niya sabay taas baba ng kilay
niya at naka-ngisi ng malawak.
Kinunutan ko siya ng noo. Parang ayokong malaman kung ano ang censored na
panaginip na nakita niya ah.
Pero hindi ito lucid dreaming? Itong ginagawa mo?
Hindi nga sabi. Ang kulit mo rin no? Saan ka ba pinaglihi ng nanay mo?
Eh kasi ang gulo talaga. Ibig sabihin, hindi ka aware ngayon na nananaginip ka?
Ang kausap ko ngayon ay ang unconscious mind mo? Pero naalala mo ba lahat nang to
pagka gising mo?
Binigyan ako ni Caleb nang isang malungkot na ngiti, the thing is, Angelique,
gising ako ngayon.
A-anong ibig mong sabihin?
Tinalikuran ako ni Caleb at nag lakad siya papunta sa may railings ng rooftop at
pinagmasdan ang kabuuan ng panaginip ko.
This is my life, Angelique, sabi niya sa akin. Nakatira ako sa mundo ng mga
panaginip. Ang lugar kung saan hindi ako nagigising at hindi ako natutulog. Walang
katapusang paglalakbay lang ang nararanasan ko.
Natigilan ako sa sinabi ni Caleb. Walang katapusang paglalakbay? Habang buhay
na pagtira sa mga panaginip?
Wow, bulong ko.
Napalingon siya sa akin.
Wow? Ayun ang reaksyon mo?
Nilapitan ko siya at sumandal din ako sa railings.
Oo. Ang saya kaya nun! Kung ako nga tatanungin, gagawin ko ang lahat para
dito na tumira.
Itinuro ko sa kanya ang kapaligiran na nagawa ko dito sa panaginip ko. Di ba
ang ganda? Ang aliwalas? Ang peaceful? Walang gulo. Walang paghihirap. Parang ito
yung paradise ko. At sino ba naman ang hindi gugustuhing tumira sa paraiso?
Napabuntong hininga si Caleb na parang hindi makapaniwala sa sinasabi ko. At
nagtataka naman ako sa reaksyon niya.
Hindi ba niya nage-gets kung gaano siya ka-swerte?!
Iba pa rin ang reyalidad, Angelique. Dahil doon, tunay lahat ang nangyayari
samantalang dito, kathang isip lang ang lahat.
Napasimangot ako, kaya mo nasasabi yan kasi wala kang reyalidad na tulad
nang sa akin. Hindi mo naranasan ang nararanasan ko ngayon. Hindi mo tuloy ma-
appreciate kung gaano ka kaswerte.
Angelique?
Napalingon kami pareho ni Caleb sa tumawag sa akin at nakita namin si Owen.
Ang Owen sa panaginip ko.
Kanina pa kita hinahanap. Kain tayo ng lunch?
Nginitian ko siya, sige, sunod na lang ako sa baba.
Okay!
He gave me a sweet smile atsaka siya bumaba.
Boyfriend mo in real life? tanong ni Caleb nang makaalis na si Owen.
Hindi. In real life, hindi niya ako kilala. Hindi ako nag e-exist sa mundo niya.
Kaya nga mas prefer ko ang panaginip eh.
Napatango si Caleb, ahmas prefer mo ang peke.
Tinignan ko ng masama si Caleb.
Wag kang makielam dream intruder! Tsaka ituloy mo na lang yang paglalakbay
mo sa mga panaginip! Kung huhusgahan mo ako, pwede ka nang maka-layas sa
panaginip ko!
Ayoko nga. Ang sarap ng sandwich dito eh, isa pa may cherry blossom!
Umuulan din ba ng snow!
Inirapan ko na lang siya at iniwan doon. Ayokong sirain ang mood ko at mamaya
eh maging nightmare pa ang panaginip ko.
Bumaba na ako at dumiretso sa cafeteria. Syempre tinodo ko na ang imagination
ko rito. Ang cafeteria ay parang buffet restaurant sa isang five star hotel. Lahat ng
pagkain masasarap. Lahat pang mayaman.
Mga uri ng pagkaing never kong matitikman sa reyalidad.
Nakita ko sa isang table si Owen kasama sina Amanda at Lilian. Nilapitan ko
naman sila.
Nandiyan ka na pala! nakangiting bati ni Lilian.
Kanina pa nagaalala itong si Owen na baka ipagpalit mo na siya doon sa cutie na
kasama mo! natatawa-tawa namang sabi ni Amanda.
Uy! Ang ingay mo! saway ni Owen sa kanya.
Napalingon ako rito at nakita kong namumula ang tenga niya. Nilingon niya rin
ako at nag tama ang paningin namin. Nginitian niya ako na parang nahihiya siya sa akin.
Upo ka, sabi niya sabay turo ng silya sa tabi niya.
Naupo naman ako.
Alam mo, bagay talaga kayong dalawa! sabi ni Amanda. Owen, kelan ka ba
magtatapat dito kay Angelique? Wag nang babagal-bagal. Baka maunahan ka pa!
Tss, wag mo kasi akong pangunahan! sabi nito kay Amanda at mas lalo siyang
namula.
Napangiti ako. Ang sarap naman sa feeling ng ganito.
Mas prefer mo ang peke.
Nawala bigla ang ngiti sa labi ko. Nag echo kasi sa pandinig ko ang sinabing yun
ni Caleb.
Peke.
Oo peke lang lahat to. Eh bakit ba? Masaya ako rito eh. Bakit kailangan niyang i-
spoil ang nagiisang paraan ko para makatakas sa reality?! Yung nagiisang paraan ko para
kahit man lang sa panaginip ko eh maging masaya ako!
Nakakainis!
Kailangan na talaga niyang lumayas sa panaginip ko!
I excused myself at lumabas ako ng cafeteria. Nagtungo ulit ako sa rooftop para
kausapin yung dream trespasser na si Caleb. Kaya lang pag dating ko doon, wala siya.
Napabuntong hininga ako at naglakad papalapit sa may railings ng rooftop.
Pinagmasdan ko ang kabuuan ng panaginip ko.
Yung malawak na field, yung lanai, yung garden, mga halaman, pati ang hilera ng
cherry blossom tree. Ang ganda.
May mga times na nandito lang ako sa rooftop at pinagmamasdan ang
kapaligiran. Minsan hindi pa rin ako makapaniwala na ako ang naka-create nito. Nagawa
kong ganitong kagandaganitong kaaliwalas.
Kung pwede ko lang dalhin si kuya at nanay dito eh.
O, bumalik ka?
Napalingon ako sa likuran ko at nakita kong naglalakad papalapit sa akin si Caleb.
Ayaw mo nang ka-bonding yung manliligaw mo?
Nang makalapit si Caleb sa pwesto ko, sumandal siya doon sa railings.
Kailangan mo nang umalis sa panaginip ko, diretsahan kong sabi sa kanya.
O bakit naman? Ang sarap tumambay rito eh!
Eh ginugulo mo ako eh! Ang dami mong pinagsasasabi! Hindi ka welcome dito!
Please lang, umalis ka na. Wag mong sirain ang nagiisang magandang bagay sa buhay
ko.
Chill, Angelique. Wala akong gagawing masama sa panaginip mo. Tsaka isa pa,
mas maganda kung nandito ako. May gwapo kang nakakausap maliban sa mga imaginary
friends mo.
Inirapan ko siya. Nakakairita eh.
Imaginary friends? Nag e-exist din naman sila sa reality ko bakit ba!
Hindi ka pa rin welcome dito!
To naman oh! Ang gwapo-gwapo ko pinagtatabuyan mo ko!
Nag pogi sign siya sa harap ko habang naka ngisi.
Infairness ang gwapo niya nga. Killer smile. Pilyo looks.
Pero nakakainis pa rin siya!
Sige mag stay ka rito pero---!!
Sabi na eh! No one can resist my charm! Ibang klase pa rin ang kagwapuhan ko!
Pang ilan ka na bas a mga kababaihang nabighani sa lalaking nagpakita sa panaginip
nila?
Hinampas ko siya sa braso, wag kang mag buhat ng bangko ano ba! Tsaka
makinig ka nga muna!
O ano yun?
Pwede kang mag stay dito pero wag na wag kang makikielam sa kung ano ang
itinatakbo ng panaginip ko? At wag kang mag co-comment. Ayokong pakinggan ang
opinyon mo!
Yes maam! nag salute siya sa akin. Pero may tanong ako sayo. Wag kang
mag-alala, wala tong kinalaman sa panaginip mo.
Tinignan ko siya at pinanliitan ng mata, sige ask away!
Paano kung maging close kayo ni Owen sa reality? Mag l-lucid dream ka pa
ba?
Natigilan ako bigla sa tanong ni Caleb. Hindi ko alam ang isasagot ko.
Paano nga kaya?
E-ewan! sagot ko sa kanya.
Tumango lang si Caleb.
Okay, tanging sagot niya.
Aba himala hindi nangulit. Mukhang tumutupad nga sa pangako niya!
Sige Angelique, doon muna ako sa may mga cherry blossom trees. Mukhang
maganda roon eh.
Naglakad na papalayo sa akin si Caleb. Hindi ko naman siya pinigilan dahil gusto
ko rin mapag-isa. Iniwas ko na lang ang tingin ko sa kanya at muli kong pinagmasdan
ang kabuuan ng panaginip ko.
Kaso bigla ko ulit narinig na nagsalita si Caleb.
Ah Angelique?
Napalingon ako sa kanya, ano na naman?
Nagulat ako nang makita kong sumeryoso ang expression niya.
Hindi ako naniniwalang itong panaginip na to lang ang tanging maganda sa
buhay mo.
At bago pa ako makapag react, tuloy tuloy na siyang umalis.

Hay buhay parang life.


Naka-ilang buntong hininga na ako. Buong araw na naman akong lutang. Nabato
pa ako ng chalk ng teacher namin sa Filipino.
Hindi kasi mawala sa isip ko ang mga sinabi ni Caleb sa akin eh.
Una, na hindi lang ang panaginip ko ang tanging maganda sa buhay ko. Ewan ko
kung paano na nasabi ang bagay na yun samantalang hindi naman niya ako kilala. Hindi
niya alam ang pinagdaraanan ko. Pero nung tignan niya ako, parang siguradong-sigurado
siya sa sinabi niya.
At hindi ko maintindihan kung bakit ganoon ang pakiramdam ko.
Isa pa, yung tanong niya na kung makikilala ako ni Owen sa reality, mag lu-lucid
dream pa kaya ako?
Alam kong malabong mangyari yun. Pero paano nga kaya kung mangyari?
Paano kung makilala ko siya in real life?
Paano kung maging close kami, maging magkaibigan? Then eventually, mahulog
sa isat-isa?
Ayun na ba yung time kung saan ko masasabin reality is better than my dreams?
Marahil hindi na nga ako mag lu-lucid dream nun.
Kaya lang alam kong ma-mimiss ko ang lugar na binuo ko doon. Kaya siguro
baka mag lucid dream pa rin ako pero hindi na ganoon ka-dalas.
Kasi magkakaroon na ako ng reason para gumising sa umaga eh.

Nung uwian, nauna na akong umalis kina Amanda at Lilian. Assigned cleaners
kasi sila ngayon eh at ako naman ay kailangan umuwi ng maaga dahil mag lalaba pa ako.
Tatlong kanto lang ang layo ng bahay namin mula sa school ko. Mga 20 to 30
minutes na lakaran. Medyo malayo nga kung lalakarin. May tricycle naman pero mas
pinipili ko ang maglakad kasi sayang sa pamasahe. 25 pesos kasi ang isa. Masyadong
mahal.
Habang naglalakad ako, bigla akong may nakitang isang blue and white na card sa
kalsada. Pinulot ko ito at doon ko lang na-realized na ID pala to.
ID ng Raver High all boys school.
ID ni Owen.
Fourth Dream

Marc Owen Santos.


Napa-buntong hininga ako habang tinititigan ko ang ID na hawak ko. Ang gwapo
ni Owen sa ID picture niya. Ang fresh niya tignan. Para siyang bagong paligo.
Bat ganun? Di ba karamihan ng mga picture sa ID eh ang chachaka natin? Wala
akong naging matinong ID picture. Kahit mga kaklase ko ganun. Puro ang du-dugyot ng
itsura namin.
Pero bakit siya fresh na fresh? Pino-photoshop kaya ito sa school nila?
Napa-buntong hininga ulit ako at napadako ang tingin ko sa leather wallet na
nakapatong sa lamesa namin.
Kanina nung mapulot ko ang ID ni Owen, may nakita naman akong isang wallet
sa di kalayuan nang kinatatayuan ko. Nang buksan ko ito upang humanap ng
identification ng naka-hulog ng wallet na to, picture ni Owen ang bumungad sa akin.
So ngayon, nasa kamay ko ang ID at wallet niya.
Dalawang susi na pwede kong gamitin para lapitan siya at makausap.
Dalawang bagay na pwedeng maging dahilan para maging aware siya na may
isang kagaya ko ang nag e-exist sa mundo.
Hindi ko maiwasang mapangiti.
Makakausap ko na siya bukas. Libreng-libre ako na lapitan siya.
May dahilan ako para kausapin siya!
Alam ko saglit lang yun. Pero kahit na!
Okay lang kaya na makipag kaibigan ako? Okay lang naman siguro. Hindi naman
masama
Huy!
Ay tipaklong!
Halos mapatalon ako sa gulat nang tapikin ako bigla ni kuya sa balikat. Tinignan
ko siya ng masama.
Kanina ka pa nakangiti diyan beh? Ano may jowa ka na?
Inirapan ko siya. Bwiset na baklitang kuya ito. Kinikilig na ako, sukat naging
kontrabida pa!
Minsan na nga lang akong kiligin ng GISING ako eh. Madalas sa panaginip lang
ako nagkakaganito!
Bago wallet mo? tanong niya habang nakatingin sa hawak ko.
Ah hindi. Napulot ko.
Ay talaga? agad niyang inagaw yung wallet na hawak ko at binuklat ito.
Uy ano ba! Hindi sayo yan!
Ay beh may dalawang libo oh!
Agad akong lumapit at aagawin ko na sana kaya lang itinaas niya ito. Hindi ko
maabot dahil ang tangkad niya.
Ilang araw na natin tong pangkain beh!
Hindi pwede! Kilala ko may-ari niyan! Ibabalik ko yan! Amin na kasi!
Nakakainis si kuya!
Nag-aaway ba kayong magkapatid?
Pareho kaming napatingin kay nanay na kakapasok pa lang sa loob ng bahay.
Ma nakapulot si Angelique ng wallet! May dalawang libo!
Ibabalik ko yun! mariin kong sabi.
Bakit ba niya pinag-iinteresan yung pera! Alam kong ang hirap kumita.
Pero kasi hindi naman sa amin yun.
Tinignan ko si nanay. Nakatitig siya sa wallet.
Naku naman!
Biglang napabuntong hininga si nanay.
Angelo, ibalik mo yan kay Angelique. Hindi sa atin yan.
Iniabot ni kuya sa akin ang wallet.
Ito na nga bakla! Kikitain ko rin naman yan. Hmp!
Napangiti ako at masayang kinuha yung wallet sa kanya.
Angelique na-contact mo na ba yung may ari ng wallet? tanong ni nanay.
H-hindi po. Ibabalik ko na lang sa kanya bukas.
I-text mo. Mamaya nababaliw na yun kakahanap ng wallet niya. O baka
nabubulyawan na ng nanay niya, sabi naman ni kuya sabay abot sa akin ng bente. Mag
paload ka muna doon sa kanto.
Mas lalong lumawak ang ngiti ko, thanks kuya! hinalikan ko siya sa pisngi.
Napa-eew pa siya pero naka-ngiti rin naman siya. Agad akong tumakbo sa sari-sari store
sa may kanto at nagpaload ng bente pesos.
Nang pumasok na ang load sa pipitsugin kong phone, dali-dali akong umuwi,
nagkulong sa kwarto, at agad kong tinignan ang cellphone number ni Owen na naka-
indicate sa ID niya. Syempre sinave ko na sa phone ko para may number na niya ako.
Ang swerte talaga ng araw na to!
Huminga muna ako nang malalim bago ko siya i-text.

Binasa ko nang paulit-ulit yung tinype kong message. Hindi ko muna sinend.
Parang ang over naman ata? Hindi kaya ma-creep out sa akin ang isang to?
Pero cute yung mga emoticons eh.
Ah alam ko na!
Binura ko yung tinype ko at nag type ako ng bagong message.

Binasa ko ulit yung tinype ko. Mas okay na. Hindi creepy.
Lagyan ko ba ng smiley face sa dulo?
Eh! Wag na nga! Bahala na!
Sinend ko na sa kanya ang message. At tinitigan ko ang phone ko.
One minute. Two minutes. Five minutes.
Bat ang tagal niya mag reply?! Aba five minutes na ah! Hindi ba siya nagaalala
sa wallet niya? Dalawang libo rin yun! Isa pa yung ID niya! Alam ko hindi siya
papapasukin ng guard ng school nila pag walang ID!
Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang tumunog ang phone ko.
Owen <3
Calling

Whawhaaaaat! Tumatawag siya! Teka, tumatawag siya! Oh my gosh! Totoo ba


to?! Tumatawag siya!
Agad kong sinagot yung tawag niya habang nanginginig pa ang kamay ko.
H-hello?
Hey! Hello, this is Owen. Ako yung may ari nung wallet and ID na napulot mo,
sabi nung boses mula sa kabilang linya.
Napalunok ako.
Si Owen nga to. Kilala ko tono ng boses niya. Ilang beses ko na tong narinig
nung nakikipag kwentuhan siya sa mga kaibigan niya.
Shaks! Kinikilig ako! Naririnig ko ang boses niya mula sa kabilang linya! Boses
niya!
Kinakausap niya ako!
A-ah o-po. Uhmm, ano ah i-isosoli ko p-po bukas yung w-wallet..wallet mo.
Magkatapat lang tayo ng school.
Ano ba Angelique! Bat ka nauutal ha?! Baket! Umayos ka!
Ow thanks talaga! Thank you! Thank you! Akala ko nawala na yung wallet at
ID ko. But uhmm, can I ask a favor?
S-sige. Ano p-po yun?
Can we meet now? Kailangan ko kasi yung wallet. Hindi ako mapakali.
O-okay lang po. Saan?
Nandito ako ngayon sa basketball court near our school. Alam mo ba yun? The
one in front of the daycare center?
Ah o-opo alam ko yun. Sige pupunta ako diyan ngayon.
Okay! Ill wait for you! And thanks talaga ha? Big time!
O-okay lang!
Bye. Ingat ka.
B-bye!
In-end na namin pareho yung call.
Huminga ako ng malalim.
Hindi naman ako nananaginip ngayon di ba? Totoo ang nangyayaring to!
Dali-dali akong lumabas ng bahay. Ni hindi pa ako nakakapagpalit. Naka-school
uniform pa rin ako. Pero excited kasi ako.
Isa pa wala naman akong matinong damit bukod sa school uniform ko.
Hindi ako nag-aksaya ng oras. Dahil ayoko siyang pag-antayin, nag tricycle na
lang ako. Buti na lang may na-itatabi ako sa baon ko.
Ilang minuto lang ay nandoon na ako sa basketball court. Natanaw ko naman agad
siya na nakaupo sa isa sa mga benches doon.
Ang init. Pero ang fresh niya pa ring tignan. Nakaka-insecure ang isang to.
Pinunasan ko ng panyo ang mukha kong nagmamantika at inipit ko sa
magkabilang tenga ang buhok kong magulo atsaka ako naglakad papalapit sa kanya.
Uhm Owen?
Napalingon siya sa akin at ngitian niya ako.
Ano ba yan! Para akong matutunaw
Hey, ikaw yung nakapulot?
Tumango ako at ini-abot ko yung wallet at ID niya, ito oh.
Bigla siyang bumuntong hininga.
Hay thank you talaga. Kinabahan ako nung nawala to eh. Ang dami kasing
importanteng cards na nandito. My parents will kill me! Thank you. Youre a savior.
Naramdaman ko ang pag-init ng mukha ko. Feeling ko namumula ako ngayon.
Sana hindi niya mahalata. Sana hindi niya mahalataaaa!
Napangiti ako sa kanya ng awkward.
W-wala lang yun.
Ay wait! sabi niya at binuklat niya ang wallet niya. Nakita kong naglabas siya
ng isang libo at iniabot niya sa akin. Here.
Napatitig ako sa perang iniaabot niya. Hindi ko ito tinanggap at tinignan ko siya
nang nagtataka.
Para saan?
Ah.. kasi napulot mo yung wallet ko. Pang thank you ko sayo.
Napalunok ako bigla.
Alam kong masyadong sensitive pero---bakit parang nainsulto ako?
Tinabing ko ang kamay niya na may hawak ng pera.
Pagkakawang-gawa yung tawag sa ginawa ko. At libre iyun na ibinibigay.
Nakita ko ang gulat sa mukha niya dahil sa sinabi ko.
Oh. I---I didnt mean to offend you. IIm sorry. Akala ko kasi---di ba
usually---? he trailed off.
Binigyan ko siya ng malungkot na ngiti, tsaka ka na lang din mag bigay ng
pabuya kapag perang pinag trabahuhan mo na ang ginagamit mo. S-sige alis na pala ako.
May gagawin pa ako.
Nginitian ko ulit si Owen at nag lakad na ako palayo sa kanya.
At habang naglalakad ako pa-uwi. Parang pabigat nang pa-bigat ang hakbang ko.
Wow. Sinabi ko talaga yun? Napakagaling ko talaga! At dahil diyan, iiwasan na
ako nun. Hindi na siya magpapakita sa akin.
Mas lalo akong lumayo sa mundo niya.
Good job Angelique! Nakakainis ang ginawa mo.
That night, hindi ako mapakali. Parang inaksaya ko kasi ang chance na makipag
kaibigan kay Owen.
Bat hindi ko na lang basta tinanggihan? Ang dami ko pang sinabi! Pinangunahan
na naman ako ng bibig kong walang preno at opinyon kong nakaka-ewan. Sana sinarili
ko na lang yun.
Itext ko kaya siya?
Kinuha ko ang phone ko at nagulat ako nang biglang tumunog ito. Pero mas
nakakagulat na makita kong nag flash sa screen ko ang pangalan niya.
Tinatawagan niya ako!
Teka! Bakit? Bakit niya ako tinatawagan?!
Napa-bangon agad ako, huminga ng malalim, atsaka ko sinagot ang call niya.
Buti na lang at hindi pa pumapasok si nanay at si kuya sa kwarto namin!
H-hello? halos pabulong kong sabi. Para kasing biglang nawala ang boses ko sa
sobrang nerbyos.
Hey, its me, Owen.
O-Owen? B-bat ka napatawag?
Gusto ko lang mag thank you ulit sayo and Im sorry if na-offend kita kanina. I
swear, hindi ko talaga sinasadya ko. Im really, really sorry.
Hindi ko napigilan ang pag lawak ng ngiti sa mukha ko.
Bakit ba siya ganyaaaaan?!
O-okay lang. Wala ka naman masamang ibig sabihin. S-sorry din.
Alam mo, I forgot to ask your name. Ano ang pangalan mo?
Angelique.
Angelique. Wow. Bagay sayo, I heard a hint of smile from his voice.
S-salamat.
So Angelique! masigla naman niyang sabi. Friends na tayo ha?
H-ha?
Friends na tayo. Well, uhmm, kung okay lang sayo?
O-oo naman! sagot ko. Okay na okay.
Good, good. So talk to you next time?
O-okay.
Good night.
Good night!
At in-end na namin ang call.
Nagpagulong-gulong ako sa kama.
Ay tinola! Tinola! Sinigang! Adobo!
Totoo ba to?! As in nangyayari ito sa reality? Hindi ako nananaginip? Totoo ba
to?!
Ang hirap paniwalaan!
Pero totoo nga!
Buong gabi, hindi ako makatulog. Ayokong matulog. Paulit-ulit na nag re-replay
sa utak ko ang nangyari. Parang sira akong naka-ngiti at kinikilig. Ilang beses na akong
sinaway ni kuya dahil hindi rin siya makatulog sa kakapa-palit-palit ko ng pwesto sa
kama. Ipinikit ko na lang ang mata ko pero hindi ko na magawang makatulog.
For the first time, tinamaan ako ng insomnia.
Siguro mga bandang alas-dos na ng hating gabi nang makatulog ako. At pag mulat
ng mata ko, umaga na. Kailangan ko nang pumasok ulit sa eskwela.
Pero isang nakakatakang pangyayari---hindi ako nanaginip.
Bakit kaya?
Lutang ako nang pumasok ako sa school. First subject namin ay history at talaga
nga namang nakakaantok ang subject na to. At dahil wala akong tulog, pilit kong
nilabanan ang antok.
Pero hindi ko nagawa. Natalo ako. Hanggang sa napa-subsob na lang ako sa desk
ko at nakatulog.

Nasa may field ako ng school. Doon malapit sa may mga cherry blossom trees.
Agad akong lumapit sa hile-hilerang cherry blossom trees at nakita ko na nakasandal sa
isa doon si Caleb. Nakalagay ang kanang kamay niya sa dibdib niya at humihinga siya ng
malalim.
Hindi ko maipinta ang expression sa mukha niya.
Inikot niya ang paningin niya hanggang sa mapadapo ito sa akin.
Angelique?
Bigla siyang ngumiti ng malawak. Kita ko ang saya sa mukha niya.
Uy. Ano ang problema mo? tanong ko rito.
Hindi niya ako sinagot, instead dali-dali siyang lumapit sa akin.
At nagulat ako nang bigla niya akong yakapin ng mahigpit.
Fifth Dream

Hindi agad ako nakapag-react nang yakapin ako ni Caleb.


Ang higpit ng yakap niya sa akin. Halos hindi ako maka-hinga.
C-Caleb..?
Naramdaman ko ang unti-unting pagluwag ng yakap niya hanggang sa humiwalay
siya sa akin. Nginitian niya ako.
Welcome back! Akala ko tinigil mo na ang pagkakaroon ng panaginip eh!
masigla niyang bati na para bang wala lang ang pagyakap na yun. Na parang normal lang
sa kanya ang ginawa niya.
O baka ganoon lang talaga siya?
Naglakad siya patungo sa isang puno ng cherry blossom at naupo sa ilalim nito.
Oh? Tabihan mo naman ako rito. I-enjoy natin ang view! Wag mong sabihin na
sawa ka na sa view na to?
Naglakad ako palapit sa kanya at tinabihan ko siya.
Hindi ah! Never akong magsasawa. Pag tinitignan ko to, nagkakaroon ako ng
will na mag-aral maigi.
Tinignan niya ako na takang-taka, why? May super powers ba ang cherry
blossom tree na makapagpasipag sa pag-aaral?
Umiling ako, hindi yun. Nagsisipag ako mag aral para makakuha ng mataas na
grades, maging scholar, makapasok sa magandang university, makapagtapos ng may
honor, at magkaroon ng magandang trabaho na may mataas na sweldo. Tapos magiipon
ako. Tapos pupunta ako sa mga bansang may cherry blossom. Para makakita na ako ng
ganyan sa reality. Tapos dadalhin ko sina nanay at kuya para makita rin nila.
Oh. Maganda naman pala ang pangarap mo. Bakit mo pa tinatakasan ang reality
mo?
Napa-buntong hininga ako, kasi hindi madali eh.
May pangarap ba na madaling abutin?
Bigla akong natigilan sa tanong ni Caleb.
Oo nga naman.
Nakakainis talaga ang isang to! Minsan ibang klase ang lumalabas sa bibig niya!
Nasa panaginip kami ngayon. Pero masyadong totoo ang mga pinagsasasabi niya.
Teka nga, curious lang ako, kapag hindi ako nananaginip, nandito ka pa rin ba? I
mean, nakikita mo rin ba ang panaginip ko, yun nga lang, wala ako doon? pagiiba ko sa
usapan namin. Though, curious talaga ako kung saan siya napupunta kada nagigising ako.
Ang itsura kasi niya kanina, parang inaantay niya ako.
Umiling si Caleb, pag nagising ang taong nananaginip, kasabay rin niyang
nawawala ang panaginip na binuo niya. Nagiging madilim ang kapaligiran. Para akong
nasa isang silid na walang ilaw at liwanag. Kaya ang ginagawa ko, lumalabas ako sa silid
na yun at pumapasok ako sa ibang panaginip.
Ganun? Edi ang dami mo pa ring panaginip na napupuntahan kada gising ako?
Nilingon ako ni Caleb at ngumiti siya ng malungkot, pagka lumabas ako sa silid
na yun, mahihirapan na ulit ako hanapin ang daan pabalik. Or worst, may pagkakataong
hindi ko na talaga nahahanap ulit ang panaginip na pinasok ko. Dahil gustong-gusto ko
ang panaginip mo, nagiintay na lang ako na bumalik ka. Natatakot kasi ako nab aka hindi
ko na mahanap ang daang pabalik eh.
Natigilan ako sa sinabi niya.
Ibig sabihin ilang gabi na siyang nagaantay sa madilim na silid na yun? Kaya ba
ganun ang itsura niya nung nakita ko siya?
Hindi ako nanaginip kagabi dahil nagka insomnia ako. Onti lang ang oras nang
naging tulog ko.
Pero inantay niya ako.
Bakit?
Caleb, anong---
Ms. Guevarra!
Halos mapatalon kami sa gulat ni Caleb ng marinig namin ang sigaw na yun.
Ay tipaklong! sabi ko.
Wait, saan ka natutulog ngayon?! natatarantang tanong niya.
S-sa klase!
Hala ka! Gumising ka na! nginitian niya ako.
Isang magandang ngiti.
Tinitigan niya ako sa mata.
Ill wait for you.
Pagkasabi niya nun ay bigla na lang akong napadilat.
Sa harapan ko ay naka-pamewang si Maam Magpantay at naka-taas ang kilay
niya.
You are running for honor tapos tinutulugan mo lang ang klase ko?!
Napalingon ako sa paligid at lahat ng mga kaklase ko ay nakatingin sa akin.
Uh-oh.
S-sorry po!
Napakamot ng ulo si Maam Magpantay.
I will give you an extra home work as a punishment, Angelique! Kailangan mo
ipasa sa akin bukas ah?
O-opo.
At wag na wag mo nang tutulugan ang klase ko.
O-opo.
Good!
Buong period niya ay sinubukan kong imulat ang mata ko. Nawala na rin naman
bigla ang antok ko dahil napahiya na ako sa buong klase. Kaya lang, pagdating sa next
period, pumipikit-pikit na naman ang mata ko. Syempre nilabanan ko na ang antok ko at
baka may magalit na naman sa aking teacher.
Bakit ba kasi ako nagka-insomnia kagabi?! Side effect ba talaga yun ng sobrang
kakiligan?
Ang hirap naman palang kiligin ng husto.
Pag dating ng lunch break, halos hindi ako makausap ni Amanda at Lilian. Paano
kasi mabilis kong kinain ang baon ko. Pagkatapos nun ay ipinatong ko ang ulo ko sa
lamesa ng canteen namin at umidlip. Antok na antok na kasi talaga ako.
Yun lang, hindi ako nakabalik sa panaginip ko.
Nung uwian, para na akong lantang gulay na naglalakad. Antok na talaga ako. For
sure pagdating ko sa bahay, tulog ako nito.
Okay lang din. Gusto kong matulog ng mahaba. Yung tipong bukas na ako
gigising.
Hindi kasi mawala sa isip ko si Caleb. Nagiintay siya sa madilim na silid na yun.
Sabi niya walang ilaw o liwanag sa paligid. Ibig sabihin wala siyang nakikita?
Nakakatakot. Ang lungkot.
Hanggang kelan kaya niya ito gagawin?
Hi Angelique!
Bigla akong napalingon nang marinig ko ang boses na yun.
Sa di kalayuan ay nakita kong tumatakbo papalapit sa akin si Owen.
Parang biglang lumundag ang puso ko.
Hi! naka-ngiti niyang sabi nang makalapit siya sa akin. Pauwi ka na?
Ah, oo, ngiting-ngiti ko ring sagot.
Napalingon ako sa mga kaibigan ko at kita ko ang gulat sa mga mata nila.
Friends ko pala. Si Amanda at Lilian!
Hi! sabay na sabi nung dalawa. Kumaway pa si Amanda sa kanya.
Hi. Nice to meet you! masigla at naka-ngiti namang sabi ni Owen sa kanilang
dalawa.
Ay tupa! Ang ganda naman ng ngiti na yan.
Ibinalik ni Owen ang tingin niya sa akin.
Teka, parang matutunaw ako.
Teka, parang may kung anong nagwawala sa sikmura ko.
Nakita kitang palabas ng school mo. Lumapit lang ako para mag hi, naka-ngiti
pa rin niyang sabi.
G-ganun ba? Edi, uhmm, hi!
Sayang nandito na sundo ko. Talk to you later!
L-later?
Itinaas niya ang phone niya at nginitian ako.
Bye, nag wave siya sa amin.
Bye! pahabol ko naman.
Hinila ako ni Amanda at Lilian sa isang sulok.
Angelique!! Anong ibig sabihin nun!! sabik na tanong ni Amanda. Kelan ka pa
nagkaroon ng friend sa Raver High? Ha?
Ang pogi niya! Shet! Man of my dreams! sabi naman ni Lilian.
Ewan ko sa inyong dalawa, natatawa-tawa kong sabi.
Hindi mo ba siya type? tanong ni Amanda.
H-hindi no! K-kaibigan ko lang siya, pagsisinungaling ko naman.
Ayokong mag sabi ng mga crush dito sa dalawang to. Masyado silang madaldal.
Mamaya malaman pa ni Owen eh. Wala na akong mukhang maihaharap sa kanya.
Edi kung kaibigan mo lang siya, gagawin ko na siyang crush! sabi ni Lilian.
Oy ako rin! Crush ko na siya! dagdag pa ni Amanda.
Edi wow! Tatlo na kaming may crush sa kanya.
May mga karibal na ako!
Pero may number ako ni Owen! Lamang ako sa dalawang to!
Pagkauwi ko, naka-receive agad ako ng text message galing kay Owen.
Tinatanong niya kung nakauwi na ako. Nireplyan ko naman siya na oo, nakauwi na. At
nagulat ako nang bigla siyang tumawag.
Ni hindi na ako nakapagpalit ng uniform. Paano kasi nakipag kwentuhan na ako
kay Owen. At hindi ko rin ma-i-alis ang ngiti ko habang nakikipagusap ako sa kanya.
Kung anu-ano lang ang napagusapan namin. Random things. Mula sa pagkain
hanggang sa libro.
Masyado siyang maraming kwento. Hindi nga ako halos makasingit. Pero okay
lang. Gustong-gusto ko na nakikinig sa kanya. Interesado ako sa bawat kwentong
ikinukwento niya sa akin.
Mga bandang five pm na nang huminto kami sa paguusap. Ayoko pa sana pero
kailangan ko na talagang magpaalam sa kanya dahil gagawa pa ako ng assignment.
Nang matapos akong gumawa ng assignment, nag dinner na ako, naghugas ng
pinggan, nag ayos ng gamit, and atlast, nahiga sa kama.
Dapat matutulog ako kaninang hapon pag uwi ko kaya lang hindi ko na nagawa
dahil kay Owen eh.
Sana naman wag akong tamaan ulit ng insomnia ngayon. Ibang klaseng kilig pa
rin kasi ang nararamdaman ko eh.
Nagiintay si Caleb. Kailangan kong matulog.
Ipinikit ko ang mata ko. At dahil siguro kulang ako sa tulog nung isang gabi at
pagod din ako ngayon, agad akong nakatulog.

Nandito ako ngayon sa classroom. Walang tao. Sumilip ako sa labas ng bintana at wala
rin akong nakitang estudyante.
Saan mo dinala ang mga estudyante sa panaginip mo?
Napalingon ako sa kanan ko at nakita kong katabi ko na si Caleb.
Napa-kibit balikat ako, hindi ko rin alam eh. Ayaw gumana ng imagination ko.
Parang hindi ko feel na nandito sila ngayon.
Pinindot niya ang pisngi ko, ikaw ah! Gusto mo akong ma-solo no?
Oy hindi ah! tinabing ko ang daliri niya. Ni hindi pa nga kita kilala masyado
eh. Mamaya kung ano ang gawin mo sa akin!
He chuckled, ano naman ang masamang pwede kong gawin sayo sa panaginip
mo? Eh hindi naman totoo ang lahat ng nangyayari rito? Tanging ikaw lang at ako ang
totoo rito.
Ewan ko sayo.
Tumayo si Caleb sa kinauupuan niya at inunat niya ang braso niya.
Ay grabe! Im bored! Ang sakit ng mga buto ko. Halos hindi kasi ako
kumikilos!
Tumingin ako sa labas ng bintana, may field dito sa panaginip ko. Mag jogging
ka kung bored ka.
Ayoko! Tamad akong mag exercise eh! naka-ngisi naman niyang sagot. Ay,
alam ko na!
Nilingon ko siya, ang alin?
Lumapit siya sa akin at ipinatong ang dalawang kamay sa desk ko habang
tinititigan ako sa mata.
Do you want to do something fun?
A-ano?
Gagala tayo!
Saan?
Lumawak ang ngiti niya, sa panaginip ng ibang tao.

Sixth Dream

Pupunta tayo sa panaginip ng ibang tao? paguulit ko sa sinabi ni Caleb. Seryoso


ka ba diyan?!
Oo naman! Masaya yon promise!
Napa-kunot ang noo ko, paano natin gagawin yun aber? Isa pa sabi mo pag
lumabas ka sa panaginip ng iba, mahihirapan ka nang hanapin yung daan pabalik doon sa
panaginip na yun. Eh paano kung hindi na tayo makabalik sa panaginip ko?
Dont worry Angelique, dahil kasama kitang lalabas sa panaginip mo,
mahahanap natin agad ang daan pabalik dito dahil pwede mo itong markahan.
Napatingin ako sa kanya na nagaalinlangan, pero kasi
Trust me. Itll be fun!
Natatakot ako baka mamaya hindi ko na mabalikan ang munting mundo na
ginawa ko. Pero bukod doon, naku-curious din ako sa itsura ng panaginip ng iba. Na-cu-
curious ako sa kung ano ang pwede kong makita pag lumabas ako sa panaginip ko.
Baka bigla rin akong makahanap ng paraan para dito na ako sa mundo na ito
manirahan.
Sige na nga! Hindi to delikado ah? Hindi ako mapapahamak?
He chuckled, ano namang masama ang pwedeng mangyari sayo sa isang
panaginip? Lalo na lucid dreamer ka pa. Aware ka na nananaginip ka lang at pwedeng-
pwede kang magising kung gugustuhin mo.
Napahinga ako nang malalim, oo na! Nakumbinsi mo na ko! So ano, paano tayo
lilipat sa panaginip ng iba?
Nagulat ako ng biglang hawakan ni Caleb ang kamay ko. Para akong na-kuryente
bigla dahil sa hawak niya.
Nginitian niya ako and then he lead me papunta sa harap ng pinto ng classroom.
You see that door? tanong niya habang nakaturo sa pinto sa harap namin. Pag
lumabas tayo diyan, kahabaan ng hallway ang makikita natin dahil ayun ang meron sa
panaginip mo. But I want you to think na pag lumabas tayo diyan eh lalabas na tayo sa
panaginip mo.
Nilingon ko siya, gagana ba yun?
Oo naman. Panaginip mo to di ba? Ikaw lang ang makakapag-manipulate nito.
Nag-kibit balikat ako, okay.
Ginawa ko ang sinabi ni Caleb. Inisip ko na pag bukas ng pinto ni Caleb ay ang
daan na palabas ng panaginip ko.
Binuksan ni Caleb ang pinto at sabay kaming lumabas. Napa-simangot ako nang
makita ko ang hallway sa harap ko.
Hindi naman gumana eh, sabi ko sa kanya.
Nginitian niya ako, gumana.
Huh? Pero nandito pa rin tayo sa panaginip ko!
Kasi hindi ko pa isinasara ang pinto. Kailangan mo ng susi.
Paano?
Mag produce ka. Nasa panaginip tayo di ba?
Napa-simangot ako. Oo nga naman. Malay ko bang kailangan ko ring gamitan ng
imagination ang pag p-produce ng susi!
Dumukot ako sa bulsa ng vest ng uniform ko at may nakapa ako. Inilabas ko ito at
nakita kong isa itong susi na color silver at may kulay asul na stone sa gitna.
Ang marka ng panaginip mo.
Biglang umilaw ang asul na bato doon sa susi, at kasabay ng pag ilaw nito ay
bigla ring umilaw ang pinto.
Isinara na ni Caleb ang pinto at nagulat ako nang biglang umikot ang paligid
namin. Mabilis na mabilis. Nakakahilo tignan.
Napakapit ako bigla kay Caleb.
A-anong nangyayari?!
Dont worry. Ganyan lang talaga yan.
Biglang huminto ang pag-ikot ng paligid. Nagulat ako dahil hindi na hallway ang
nasa harap namin ngayon kundi isang mahabang tulay.
Yung tulay na madalas kong nadaraanan tuwing papasok ako sa panaginip ko.
Lets go!
Naunang mag-lakad si Caleb doon sa tulay. Dali-dali naman akong sumunod.
Habang naglalakad kami, napatingin ako sa kaliwat kanan ko. Para kaming nasa gitna
ng karagatan. May mga nakalutang na ball of lights sa tubig at ito ang nagmimistulang
liwanag sa kapaligiran namin.
Mga panaginip ang mga yan, sabi ni Caleb sa akin nang mapansin niyang
nakatingin ako doon sa mga ball of lights. Ayan yung mga ilaw na inihuhulog ng mga
taga Tala para patuloy na magkaroon ng ibat-ibang panaginip ang mga mortal.
Mga taga Tala?
Tumango si Caleb, ang Tala ay isang kaharian sa gitna ng mga panaginip. Doon
nakatira ang mga high elves at faeries. Sila ang bumubuo ng panaginip ng mga tao.
Sila rin ba ang bumubuo ng panaginip ng isang lucid dreamer na kagaya ko?
Yep. Tama yon! Yun lang, bago mo pa makita ang panaginip na binuo nila para
sayo, nagawa mo nang baguhin ito ayon sa gusto mo. Galing sa isang liwanag ng taga
Tala ang panaginip mo Angelique. At sa liwanag na to, nakabuo ka ng sarili mong
mundo.
Napa-tahimik ako bigla.
Aware ako na masyadong magical ang mundo ng mga panaginip. Maraming
bagay na hindi maipaliwanag kung saan nagmumula ang panaginip ng tao. Mas lalong
mahirap ipaliwanag kung bakit may mga taong may kakayahang mag lucid dream.
Pero hindi ko inakala na mas malawak at mahiwaga pa pala ang mundo ng mga
panaginip kesa sa inaasahan ko.
Isang munting mundo lang ang binuo ko sa loob ng panaginip. Pero hindi ko
inaasahang malawak pa pala to. Na may mga nilalang din pala talagang nakatira sa
mundo ng panaginip.
Tala.
Ano kaya ang itsura ng lugar na yun?
Napatingin ako kay Caleb.
Sa Tala ka rin ba nakatira, Caleb?
Napatigil sa paglalakad si Caleb at tumingin siya sa kalangitan. Napa-angat din
ang tingin ko.
Ang laki-laki ng buwan. Pakiramdam ko sobrang lapit nito sa amin. Mas tanaw ko
rin ang mga bituin sa langit.
Muli kong ibinalik ang tingin ko kay Caleb at napansin kong napa-buntong
hininga siya.
Caleb?
Siguro
Hmm? Ang alin?
Siguro sa Tala ako nakatira.
Eh? Ang gulo mo! Hindi ka sigurado kung saan ka nakatira? Tsaka ano ka ba?
Isa ka bang faerie o elf? O may iba pang creatures na nakatira sa Tala?
Lumapit si Caleb sa akin at pinitik niya ang noo ko. Napahawak naman ako bigla
rito.
Bat mo ko pinitik?!
Ang dami mo kasing tanong eh. Bilisan mo na ang paglalakad mo dahil limitado
lang ang oras natin. Maya maya kailangan mo nang gumising.
Naglakad na ulit si Caleb at iniwan ako doon. Napa-takbo naman ako bigla
papalapit sa kanya.
Lokong yun! Iniwan ako!
Uy! Bat ayaw mong sagutin ang tanong ko?
Tumawa lang siya ng mahina habang parang amused na amused sa akin.
Kinukutan ko siya ng noo.
Biglang huminto sa paglalakad si Caleb kaya naman tumama ang mukha ko sa
likod niya.
Bat bigla bigla kang humihinto?
Nandito na tayo, sabi naman niya.
Eh?
Napatingin ako sa paligid. Nasa kalagitnaan pa rin kami ng tulay.
Dito? Sure ka?
Humarap si Caleb sa akin at ngumisi, oo. Dahil mula dito, tatalon tayo sa tubig at
magsisimula tayong sumisid.
S-sisisid?
Right! Marunong ka bang lumangoy?
H-hindi!
Wag kang mag alala, nasa panaginip ka naman eh. Magagawa mo yan. Tsaka
nga pala magiingat ka dapat. Wag kang masyadong gagawa ng ingay habang nasa ilalim
tayo ng dagat. Baka magising mo ang mga sirena.
Mga sirena?
Oo. At hindi sila katulad ng mga sirenang nasa isip mo na magaganda at
mukhang prinsesa. Nakakatakot ang itsura ng mga sirena rito at kumakain sila ng
kaluluwa ng mga nananaginip.
Ha?! E-eh teka! Sige---babalik na ako sa panaginip ko! Bye!
Agad kong tinalikuran si Caleb at naglakad ako pabalik.
Lokong yun! Delikado pala itong daraanan namin sukat dinala niya ako dito!
Gusto kong tumira sa mundo ng mga panaginip pero ayoko namang makain ako ng
sirena!
Narinig ko ang pag hagalpak ng tawa ni Caleb. Hinawakan niya ako sa balikat
para pigilang umalis.
Im just joking, Angelique! Wag kang mag-alala, hindi tayo sisisid at lalong
walang sirena!
Pinanliitan ko siya ng mata, hindi ka nakakatuwa!
Okay lang, nakakatuwa ka naman eh.
Bwiset ang isang to!
Pero nandito na nga talaga tayo.
May inilabas si Caleb mula sa bulsa niya na isang bato na halos kasing laki ng
kamao ng isang sanggol. Kulay asul ang bato na to at kumikinang. Kamukha nito ang
bato na nasa gitna ng susi ng panaginip ko.
Inilapag ni Caleb ang bato at bigla itong umilaw. May tumamang liwanag dito
mula sa buwan.
Napa-kurap ako bigla.
Dahil sa harap namin ngayon ni Caleb, may isang pinto na kulay ginto ang
lumitaw.
Binuksan ni Caleb ang pinto at tinignan niya ako, tara na Angelique!
Kahit medyo kinakabahan ay sumunod ako kay Caleb papasok ng pinto na yun.
Nandito kami ni Caleb sa loob ng isang pa-bilog na kwarto. Sa paligid namin ay
may walong pang pinto na may ibat ibang kulay. Black, red, pink, orange, blue, violet,
green at yellow.
Ang walong pinto na yan ang daan papunta sa panaginip ng ibat-ibang tao,
pagpapaliwanag niya sa akin. Now choose. Ano ang gusto mong pasukin?
Kahit ano diyan?
Yep. Kahit ano.
Okay, tinitigan ko yung mga pinto. Sa color pink.
Pink? Masyadong pangbabae ha? natatawa-tawa niyang sabi.
Eh bakit ba! Curious ako kung anong meron diyan! Hindi mo pa ba napapasok
ang pinto nay an?
Umiling siya, hindi pa. Iniiwasan ko ang pink na pintuan. Baka pang babae lang
ang mga panaginip dyan eh.
Eh gusto ko pa ring pasukin!
Nag kibit-balikat siya, okay, tara na sa pink!
Naunang naglakad palapit sa pinto si Caleb. Sinundan ko naman siya.
Ready?
Tumango ako.
Binuksan niya ang pinto at sabay kaming pumasok doon. Kusang sumara ang
pinto at bigla itong nawala sa likuran namin.
Inikot ko ang paningin ko sa paligid. Nandito kami ngayon ni Caleb sa isang
kalsada. Gabi. Tanging ilaw lang sa poste at sa buwan ang nagsisilbing liwanag.
Ine-expect ko pa naman, castle o snow o garden ang nasa likod ng color pink na
door, sabi ko sa kanya.
Ako rin, bulong naman niya.
Ano naman meron sa panaginip na to? Ang creepy ah?
I guess well just have to find out.
Sabay kaming naglakad ni Caleb. Walang ka-tao tao. Sino kaya ang nananaginip?
Tatanungin ko na sana si Caleb kung may idea siya kung sino ang nananaginip
nang maka-rinig kami ng tili ng isang babae.
Napalingon kami sa likuranat may nakita kaming babaeng tumatakbo papalapit sa
amin.
Tulong! Tulong! Nandiyan na siya! sigaw nito.
H-ha? Sino? Sinong siya?!
S-siyaa!
Para akong nawalan ng dugo sa katawan nang makita ko kung sino ang
humahabol doon sa babae.
Isa ring babae. Nakasuot ito ng itim na bestida. May hiwa ang leeg. May dugong
lumalabas sa mga mata nito.
At may hawak siyang patalim.
Nanlaki ang mga mata ko. Nagtindigan lahat ng balahibo sa katawan ko. Bigla na
lang din ako napatili.
Angelique, calm down! dinig kong sabi ni Caleb.
Pero hindi ko siya pinakinggan. Tumakbo ako palayo kasabay nung babaeng
hinahabol ng multo.
May multo! May humahabol sa aming multo!
Wait Angelique!
Biglang hinatak ni Caleb ang katawan ko at tinignan niya ako.
Wag kang mag panic. Panaginip lang to? Relax okay?
Alam kong panaginip lang to but still hindi ako makapag relax dahil ang lapit-
lapit na nung multo.
C-C-Caleb
What?
Tinuro ko yung multo na nasa likuran na niya at nakatayo.
Nilingon naman siya ni Caleb.
Hi! masiglang bati niya doon sa multo.
At nagulat ako ng bigla siyang ngitian ng multo.
Anong---?!
Wait lang ha? sabi ni Caleb doon sa multo at tumango naman ito.
Okay?
Iniwan ako ni Caleb doon katabi yung multo na hindi nga gumagalaw sa
kinatatayuan niya. Nakita kong nilapitan ni Caleb yung babaeng hinahabol nung multo na
ngayon ay naka-upo na sa semento at mukhang takot na takot.
H-help me! Hinahabol niya ako! sabi nung babae kay Caleb.
Nginitian siya nito, wag kang mag-alala. Hindi ka na niya hahabulin.
Parang biglang nawala ang takot nung babae nang mapatitig siya kay Caleb.
Ikaw ba ang knight in shining armor ko?
Ngiting-ngiti naman na tumango si Caleb.
Napataas ang kilay ko.
Edi wow!
My hero! at biglang yumakap yung babae kay Caleb.
Ssh dont worry. You are safe now, sabi ni Caleb habang hinihimas-himas ang
likod nung babae.
Ay anak ng--! Mukhang nag eenjoy ang mokong na to ah? Kung hampasin ko
kaya sa ulo to?! Kung siya kaya ang ipahabol ko sa multo?
Ang landi!
Humiwalay si Caleb sa pagkakayakap doon sa babae at pinunasan niya ang luha
nito atsaka binigyan ng killer smile.
Isa man siyang faerie lord o isang high elf, positive akong playboy ang isang to!
Hey, princess, sabi niya doon sa babae in a husky voice. Panaginip lang to at
kailangan mo nang magising para matigil na ang nightmare na to. Wake up, love.
Tumango yung babae at nakita ko pa siyang nag blush.
Walanjo!
Unti-unting nawala ang kapaligiran kasabay nung multo at nung babaeng
nanaginip.
And then
Naging madilim ang kapaligiran.
Wala akong makita. Para akong nabulag. Nag panic ako. Hindi ako makakilos sa
kinatatayuan ko.
C-Caleb?! Caleb!!!
Its okay. Its okay.
Naramdaman kong may humawak sa kamay ko.
Caleb?
Its me, Angelique.
Naglakad kami. I let him lead me. Hindi ako makakita. Mas lalo akong
napahawak ng mahigpit kay Caleb.
Ganito ba kadilim ang lugar kada umaalis ako sa panaginip ko? Sa ganitong
kadilim na kapaligiran nag-aantay si Caleb sa akin?
Hindi ba siya natatakot? Hindi ba siya natataranta kada umaalis ako sa panaginip
ko?
Nakita ko na ang pinto, dinig kong sabi niya.
May pumasok na liwanag at naaninag ko na ang mukha ni Caleb. Lumabas kami
sa pinto at bigla na naman umikot ng mabilis ang kapaligiran. Nang huminto ito ay
nakita na naman namin ang walong pinto sa harapan namin.
Kaya pala iniiwasan ko ang pink door. Nightmares pala ang nandoon, natatawa-
tawang sabi ni Caleb.
Bakit ba kasi nila pininturahan ng pink ang pinto papunta sa nightmare ng ibang
tao?
Malay! May pagka weird si dream goddess. Pero enjoy naman pala doon.
Mukhang mapapadalas ang pag pasok ko doon sa pink na pintuang yun!
Hinampas ko siya, enjoy na enjoy ka kanina! Napagsamantalahan mo pa yung
babae!
Oy! Wala akong ginawa no?! Sadyang ibang klase lang ang karisma ko sa mga
mortal na babae! he flashed his killer smile.
Ewan ko sayo. May pagka-playboy ka rin no? Naging hobby mo ba ang
manlandi ng mga babae sa panaginip?
Bat gusto mong malaman? pinindot niya ang braso ko. Ikaw ah.
Hinampas ko naman palayo yung daliri niya.
Teka, bat kanina sinabihan mo yung babae na gumising siya? Hindi ba siya
aware na nananaginip siya?
Umiling si Caleb, nope! Shes not a lucid dreamer.
Napatango ako. Kaya pala.
Anyway, ano? Isa pa ulit na pinto? Wag na yung pink ah!
Hindi na talaga! Aatakihin ako sa puso doon!
Tinignan ko yung mga pinto. Kung yung light color na pink eh puro nightmares,
ano naman kaya yung sa black na pinto?
Tara sa black, sabi ko kay Caleb.
Your wish is my command! sabi niya at hinawakan niya ulit ang kamay ko.
Napatigil ako at tinignan ko ang magkahawak naming kamay.
Wag kang mag-alala, hindi panlalandi itong ginagawa ko sayo.
Ibinalik ko ang tingin sa mukha niya at bigla niya akong kinindatan.
Napa-kurap ako bigla.
Bwiset! Ma-karimsa nga talaga ang isang to!
Nilapitan namin yung black door at in-open naman yun ni Caleb. Sabay kaming
pumasok sa loob at bumungad sa amin ang isang malaking garden.
Sa gitna ng garden ay may isang grupo ng mga tao. Mga naka formal attire sila.
Napuntahan ko na ang panaginip na to dati, sabi ni Caleb.
Talaga?
Oo. Pero tingin ko matagal na panahon na. Tara lapit tayo.
Naglakad kami papalapit doon sa grupo ng mga taong naka formal attire. Nang
makalapit kami, doon ko lang narealized na nasa reception pala kami ng isang kasal.
Nasa unahan ang bride at groom at nagpapalitan ng wedding vows. Lahat ng tao sa
paligid ay masaya silang pinapanuod.
Sino kaya ang nananaginip? Yung groom o yung bride? bulong ko kay Caleb.
Nilingon niya ako at nginitian, wala sa kanila.
Huh? Eh sino?
Yung bata.
May itinuro siyang batang babae na naka-upo sa third row. Isa siya sa mga flower
girls. Siguro mga nasa around seven or eight ang edad ng bata.
May dalawang bakanteng upuan sa likod at doon kami pumwesto ni Caleb.
Sabi mo napuntahan mo na dati tong panaginip na to? Ibig sabihin, paulit-ulit
lang din ang panaginip na to? Gabi-gabi rin binabalikan nung batang babae? Parang
yung panaginip ko lang din?
Tumango si Caleb, tama. Lucid dreamer din siya.
Pero bakit kaya wedding reception ang napapaniginipan niya?
This is not just a dream, Angelique. Its her memory.
Memory?
Yes. Seven years old siya nang ikasal ang mommy at daddy niya. It is the
happiest moment of her life. Makalipas kasi ang isang taon, namatay ang parents niya.
Car accident. Kaya ayun, paulit-ulit niyang binabalikan ang ala-alang to sa panaginip
niya.
Napatingin ako doon sa bata.
Ang lungkot siguro ng buhay niya kapag gising siya. At masyado pa siyang bata
para kaharapin ang trahedyang iyon. May nagaalaga kaya sa kanya sa reality? May
nagpapasaya pa kaya sa kanya?
Siguro kaya paulit-ulit niyang binabalikan ang panaginip na to eh marahil miss
na miss na niya ang parents niya.
Meron din palang iba na kagaya ko. Yung tumatakas sa reyalidad at nagtatago sa
panaginip.
Pero minsan kailangan mo ring harapin ng buong puso at buong lakas ng loob
ang reyalidad.
Napailing ako, dadating pa kaya ang araw na magiging maganda ang reality ko?
Angelique, biglang ipinatong ni Caleb ang kamay niya sa akin kaya agad akong
napalingon sa kanya. Nakatitig siya sa mga mata ko na para bang sinisilip niya ang
kaluluwa ko.
Ang init ng kamay niya na nakapatong sa kamay ko.
Napalunok ako.
Bakit pakiramdam ko kinukuryente ako?
B-bakit? tanong ko sa kanya.
Bakit ang sarado ng isip mo, Angelique?
H-ha?
May magagandang bagay pa rin sa reality mo. Ang kailangan mo lang ay imulat
ang mga mata mo para makita iyon. Hanggat maaga pa, i-appreciate mo na yun. Baka
mamaya mahuli na ang lahat.
Nginitian ako ni Caleb.
Hindi ito tulad ng mga ngiti niya noon na nakakaloko o mapangasar o wala-wala
lang.
This smile warms my heart.
Ang gand ang ngiti niya.
Binitiwan ni Caleb ang kamay ko at tumayo siya.
Lets go? Feeling ko malapit ka nang gumising. Yung bata rin malapit nang
gumising. Kaya doon na tayo pumwesto kung saan lalabas ang pinto.
Tumayo rin ako at sabay kaming naglakad papunta doon sa kanina naming
pwesto.
Pero di pa man kami nakakaalis ay bigla na lang may yumakap sa hita ni Caleb.
Yung bata.
Napangiti si Caleb at nakita ko naman na umiiyak yung bata.
Umupo si Caleb para maging ka-level niya yung bata.
Hanggang kelan pa? tanong nung bata sa kanya.
Tumango si Caleb, Ill do my best.
Between her tears ay ngumiti ng malawak yung bata at tumango.
Kailangan mo nang gumising, sabi ni Caleb dito.
At bigla na lang nag dilim ang paligid. This time, hindi na ako nag panic.
Naramdaman ko na kasi agad ang kamay ni Caleb na nakahawak sa akin. Binuksan niya
ang pinto, umikot ulit ang paligid at after awhile, nasa harap na naman namin ang walong
pinto.
Paano ko malalaman kung saan diyan ang panaginip ko?
Ilabas mo ang susi.
Ginawa ko ang sinabi niya. Umilaw ang asul na bato sa gitna ng susi at kasabay
nun ay umilaw ang color blue na pinto.
Pumasok kami ni Caleb doon at nandito na ulit kami sa loob ng panaginip ko.
Nag enjoy ka ba? naka-ngiting tanong ni Caleb.
Oo naman. Sayang dalawa lang ang napuntahan natin. Yung isa eh nightmare
pa.
Dont worry, may next time pa.
May next time pa. Ibig sabihin wala pa siyang planong umalis sa panaginip ko.
Bigla ay naka-rinig kami ng alarm.
Yung alarm sa cellphone ko.
You need to wake up now, Angelique.
Hindi ko alam parang nalungkot ako. Parang ayoko pang umalis.
Gusto ko pa dito. Ayoko pang iwan si Caleb.
Ill wait for you, naka ngiti niyang sabi.
Babalik ako agad, sagot ko sa kanya.
At nagising na ako.

Seventh Dream
Pinatay ko ang alarm ng phone ko at bumangon sa kama. Nagunat ako.
Ang sakit ng katawan ko. Gusto ko pa ulit humiga sa kama at matulog. Feeling ko
pagod na pagod ako.
Epekto ata to ng pag t-travel namin ni Caleb sa ibat-ibang panaginip. Lalo na
doon sa may pink door. Tumakbo pa naman ako doon dahil sa babaeng multo.
Inayos ko ang kamang pinag-higaan ko habang iniisip ko si Caleb.
Nandoon siya sa loob ng kwartong may asul na pinto. Sa loob ng panaginip ko.
Pero malamang madilim doon ngayon. Wala ilaw. Wala siyang makita.
Naalala ko bigla yung naramdaman ko nung mapunta ako sa madilim na kwartong
yun.
Nakakatakot. Hindi ako makakilos. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari.
Hindi ko kayang mag stay sa ganoong katagal na lugar.
Pero si Caleb, nag aantay siya doon. Inaantay niya ako.
Napa-buntong hininga ako.
Maiintindihan ko kung pag balik ko, wala na siya. Alam kong sa panaginip ko,
siya ang hindi permanent.
Ewan. Medyo nakakalungkot
Ay naku, umagang-umaga nag e-emo ako. Makapag-ayos na nga lang!
Bumangon na ako at naligo at naghanda para sa school. Pagbaba ko naman, nakita
ko nang halos kakatapos lang mag-hain ni nanay ng almusal at si kuya naman eh naka-
upo na doon pero mukhang antok na antok pa rin.
Angelique ang dugyot mo tignan! sabi ni kuya sa akin.
Huh? Kakaligo ko lang.
Oo nga. Pero nag lagay ka ba kahit pulbos man lang sa mukha? Mag-ayos ka
nga!
Sinimangutan ko lang siya.
Lagi na lang niya pinupuna itsura ko.
Umupo ako sa tapat niya at napansin kong medyo makintab ang labi niya na akala
mo eh kumain ng lechon.
Kuya, naka lipgloss ka ba?
Baket? May problema ka kung oo?!
Kuya! Construction site ang pupuntahan mo at hindi bar! Ang landi mo talaga!
At saan mo nakuha yang lipgloss na yan ha?
Bigay ni Benjie! sabi niya. Si Benjie yung kaibigan ni kuya na may-ari ng isang
maliit na salon. At ikaw wag mo akong pakielamanan. Ikaw dyan ang may boobs pero
mas marunong pa akong mag ayos sayo.
Kayong magkapatid kayo nag babangayan na naman kayo! sabi ni nanay nang
makalabas sa kusina at may dalang isang pinggan ng sardinas.
Nay, naka-lipgloss ka rin?!
Eh naku yang kuya mo pinagpilitan na lagyan ako!
Tinignan ko si kuya.
Ikaw gusto mo rin? tanong niya sa akin.
Ayoko!!
Nagtawanan naman si nanay at kuya. Napatawa na rin ako.
Tama nga siguro si Caleb. Hindi lahat ng bagay sa reality ko ay panget.

Maaga na naman akong umalis ng bahay. Pagkakain ng almusal, nag-sipilyo na


ako agad at lumayas bago pa ako ma-pilit ni kuya na mag lagay ng lipgloss.
Isa pa, mas dobleng bagal ang paglalakad ko ngayon dahil may dala-dala akong
one whole illustration board. Project ko na dapat ipapasa ngayon. Naisip ko nang mag
tricycle kaya lang saying sa pamasahe. Kaya naman lakarin eh.
Patawid n asana ako sa high way nang may biglang huminto na kulay puting kotse
sa harapan ko.
Bumukas ang bintana nung kotse at nakita ko ang gwapong pagmumukha ni
Owen na nakangiti sa akin.
Are you going to walk all the way to school while carrying that thing? tanong
niya sa akin.
Tumango ako.
Binuksan naman niya ang pinto ng kotse niya.
Hop in!
Ay.. naku wag na Owen. Nakakahiya naman. Kaya ko na.
Ano ka ba! Iisa lang naman ang way natin. Tara na!
O-Okay!
Tumabi ako kay Owen sa backseat ng kotse. Pag sakay ko, napansin ko na may
babaeng maganda sa passengers seat sa harap at sa drivers seat naman ay isang
matandang lalaki na sa tingin ko eh driver ng pamilya nila.
Ate ko nga pala, si Ate Olivia. Ate Oli, si Angelique, friend ko.
Nilingon ako ng ate niya at nginitian.
Hi Angelique!
Natigilan ako bigla nang makita ko ang mukha niya. Natigilan din siya ng makita
niya ako.
Wait, you look so familiar. Have we met before? tanong niya sa akin.
Umiling ako agad, h-hindi po. Ngayon lang po.
Oh. Siguro kamukha mo lang.
Ibinalik na niya ang tingin niya sa harap.
Si Ate Olivia---sa kanya yung panaginip na napuntahan namin ni Caleb kagabi!
Yung hinahabol ng multo.
Yung nilandi ni Caleb.
Buti hindi niya masyadong naalala kung saan niya ako nakita!
Ano pala to? tanong sa akin ni Owen habang tinitignan yung illustration board
na hawak ko.
Ah project..
Mapa ng Pilipinas? Ikaw ang nag drawing?
Nginitian ko siya at tumango ako.
Ang ganda ah! Ang galing mo naman!
Ang talented mo pala Angelique.
Napangiti lang ako. Hindi ko alam kung ano ire-react ko. Hindi talaga ako sanay
na pinupuri ako.
Pero ang sarap pala sa feeling. Lalo na dahil si Owen pa ang pumuri sa akin.
By the way Angelique, are you free this afternoon?
Ah.. pagkatapos ng klase? Bakit?
Wala naman. Sportsfest namin sa school. Eh may laban kami ng basketball. Baka
gusto mong manuod kasama mga friends mo?
S-sige! mabilis kong pagpayag.
Great! Mamaya ah? Aasahan ko kayo?
S-sige! Okay lang sa akin. Tsaka Friday naman eh, wala naman kaming gagawin
after class.
Syempre palalagpasin ko pa ba ang pagkakataong to? Hindi!
Minsan lang mangyari sa akin ang mga ganitong pagkakataon.
Nang makarating kami sa parking ng school nila, binuhat ni Owen yung
illustration board para sa akin hanggang sa makarating kami sa school ko.
Kaya pagpasok ko ng classroom, hindi na maalis ang ngiti sa labi ko. Niyaya ko
na rin sina Amanada at Lilian. Agad naman pumayag yung dalawa.
At buong klase akong hindi mapakali. Excited ako eh.
Ngayon ko lang mapapanuod si Owen na maglaro ng basketball. Kailangan ko
nang ihanda ang boses ko dahil for sure mapapaos ako nito mamaya kaka-cheer.
Nang mag dismiss na ang last subject teacher namin, agad kaming nagpuntang
tatlo sa school nina Owen na katapat lang ng eskwelahan namin.
Excited Angelique? Hindi mo manlang kami pinag-retouch ni Lilian! sabi ni
Amanda.
Eh 15 minutes na lang before 4pm! Baka hindi natin maumpisahan ang game!
Relax ka lang Angelique, hindi maguumpisa ng on time yan! Pustahan tayo!
Binagalan ko ang paglalakad pero itinago ko ang inis.
Excited na akong makita si Owen eh!
Nang makarating kami sa gate ng school nila, nagulat ako nang makita kong
naka-tayo doon si Owen at mukhang inaantay kami.
Hi, naka-ngiti niyang bati sa amin.
H-hi! sabi ko naman at nag wave ako. Ganun din sina Amanda at Lilian.
Lets go?
Tara!! excited na sabi ni Lilian. Natawa naman kami nina Amanda.
Sinundan namin si Owen papunta sa basketball gym nila.
Ang ganda ng school nila no? bulong ni Lilian sa amin.
Tumango lang ako. Wala sa paligid ng school ang atensyon ko kundi na kay
Owen.
Naka varsity jacket siya ngayon. Ang athletic ng dating niya. Ang aliwalas din ng
istura niya ngayon.
Ipinuwesto kami ni Owen sa bandang harap na bleachers, kung saan kitang-kita
talaga namin ang mga naglalaro.
Girls, enjoy the game. Cheer niyo kami ah?
Oo naman! Nakahanda na ang boses namin dito! masiglang sagot ni Amanda.
Good luck! sabi ko kay Owen.
Thanks, Angelique!
Nag wave siya sa amin at umalis na. Maya maya lang eh nakita ko na siya sa may
court at kasama ang mga ka-team niya. Nakapag palit na rin siya ng jersey nila.
Bat ang gwapo gwapo niya? Nakakainis. Alam kong isang lingon niya lang dito,
mahuhuli na niya akong titig na titig sa kanya. Pero hindi ko magawang i-iwas ang tingin
ko.
Ang sarap niyang titigan eh.
Biglang napalingon si Owen dito sa kinalulugaran ko at nginitian niya ako.
Biglang nag init ang mukha ko.
Ay fishball! Eto na nga ba ang sinasabi ko!
Naiinitan ba kayong dalawa? dinig kong tanong ni Lilian.
Hindi naman. Naka-aircon naman dito sa gym nila, sagot ko sa kanya.
Ah namumula kasi ang mukha niyong dalawa.
Napatingin ako kay Amanda. Ang pula nga rin ng mukha niya.
Hindi kaya?
Magsisimula na sila!! sabi ni Lilian.
At tama nga, magsisimula na ang game.
Kasama sa limang players si Owen.
Ang gwapo nung naka-jersey na number 4! sabi sa akin ni Lilian habang
tinuturo ang isang lalaking matangkad at moreno. In love na ako sa kanya!
Agad agad, Lilian?! sabi naman ni Amanda. Ang bilis ah!
Gwapo eh!
Nag jump ball na sila kaso sayang lang at napunta sa kalaban yung bola. Mabilis
naman naka-rebound ang team ni Owen at sila ang unang naka score.
Sigaw kami nang sigaw at cheer nang cheer sa team nila. Close fight eh. Madaling
nakakabawi yung kabilang team.
Pero hindi ko ine-expect na kaya ko pang magtititili ng malakas at mag-wala na
parang walang bukas ng mapunta kay Owen ang bola.
Three points shot ang ginawa niya. Pasok. Napatayo kaming tatlo nina Lilian
habang nag ch-cheer.
Lumingon si Owen sa pwesto namin at nakita kong kumindat siya sa akin.
Biglang nanlambot ang tuhod ko.
God, ang sarap sa feeling!

Hinawakan niya yung, bola, tapos pumwesto siya. Sabay talon ng mataas! sabi
ko at inihagis ko sa ere ang bola na hawak ko. Hindi tumama sa ring.
Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Caleb.
Tapos napatayo kami nina Lilian at sinigaw ko ang name niya. Tumingin sa sa
direksyon ko at kinindatan niya ako! masigla kong sabi.
Ikinukwento ko kasi kay Caleb ang mga nangyari kanina. Nandito kami ngayon
sa park na nasa panaginip ko. May maliit na basketball court dito at ini-re-replay ko sa
kanya lahat ng nangyari.
Tatlo kayong magkakatabi nun. Sigurado kang ikaw ang kinindatan niya?
Kanino pa ba? Sa akin siya close eh! Ako ang tumawag sa kanya!
Baka naman yung nasa likod mo ang kinindatan niya o yung nasa harap mo.
Sinimangutan ko si Caleb.
Ikaw, lagi mong sinasabi sa akin na ang ganda ng reality ko! Ngayong nakikita
ko na ang ganda ng reality ko, nagpapaka nega ka naman!
Tumayo si Caleb mula sa bench na kinauupuan niya at lumapit siya sa akin
habang naka-ngisi.
Joke lang! Ikaw naman. Ayokong lumandi ka kaagad kasi highschool ka pa lang.
Mamaya niyan mabuntis ka ng maaga.
Hinampas ko ng mahina ang braso niya.
Buntis agad? Kinilig lang sa crush, lumandi na agad? For your information, sa
mundo namin, normal lang sa mga taong ka-edaran ko ang kiligin at magka-crush no.
Siguro dahil never ka pang nagka-crush kaya ka ganyan makapag-salita.
Oy! Grabe ka ha! Nagka-crush na ako!
Weh? Kanino?
Kay.... kay. napa-kunot ang noo ni Caleb.
Wala kang maisip na pangalan?
Kay dream goddess! sabi niya. Maganda siya, at mabait, at magaling na
prinsesa. Crush ko siya!
Dream goddess?
Yes. Prinsesa Celeste ang pangalan niya. Isa siya sa mga guardians ng Tala at
nasa kanya ang pinaka mahirap na trabaho dahil siya ang nag p-produce ng shield para
protektahan ang Tala at ang mga panaginip ng tao. Siya rin ang guardian ng star stone
kung saan nagmumula ang liwanag na kinukuha at inilalaglag ng mga elves at faeries sa
lake para maging isang panaginip. Pagka nakuha yun ng masasamang loob,
mapapahamak lahat ng mga taong nananaginip.
T-teka, may masasamang loob dito sa mundo ng mga panaginip?!
Yep. Sila ang mga dark faes.
Ibig sabihin sila yung may gawa ng mga bad dreams? Yung katulad ng mga
panaginip doon sa pink door? Yung mga nightmares?
Umiling si Caleb, no. Galing din sa Tala ang mga panaginip na yun. Ginawa ang
mga bad dreams para maging balance ang panaginip ng mga tao. Na hindi sa lahat ng
pagkakataon eh laging masaya ang nangyayari. Parang sa totoong buhay lang. Pero yung
mga dark faes, sila yung dahilan ng mga bangungot. Hindi lang basta masamang
panaginip ang idinudulot nila kundi kinukuha rin nila ang kaluluwa ng mismong
nananaginip. Pagka nakuha nila ang ball of light dream
Nakakatakot naman pala. Ibig sabihin kahit kaming mga nag l-lucid dream, nasa
panganib na rin pag nakuha ng mga dark faes ang star stone?
Oo. Dahil hindi natin alam kung ano ang pwedeng gawin ng mga dark faes. Pero
sa ngayon, nananahimik ang mga dark faes. Hindi sila nagtatangkang magnakaw ng mga
bola ng panaginip para gawing bangungot.
Baka natakot sila kay dream goddess?
O pwedeng may iba silang pinaplano
Natigilan ako bigla.
Akala ko ang pinaka safest place ko na ay ang panaginip ko. Pero hindi ko
akalaing may mga ganito palang nangyayari. Na pwede rin pala akong mapahamak dito.
Hey, Angelique, naramdaman ko ang kamay ni Caleb sa balikat ko. dont
worry. Malalakas ang mga guardians ng Tala at hindi nila papayagan na may gawing
masama ang mga dark faes. Tiwala lang. Tsaka malakas din si dream goddess. Nagawa
nga niyang i-patapon ang isa sa pinaka malakas na High elf sa mundo kung saan walang
mahika eh. Basta nandito si dream goddess, walang mangyayari sa atin.
Napangiti ako, kaya pala crush mo si dream goddess. Kahanga-hanga kasi siya.
Oo naman! Selos ka no?
Hinampas ko si Caleb sa braso, at bat ako magseselos aber?
Kasi crush mo ko?
Tumawa ako ng malakas, assuming mo pre!
Napa-ngiti si Caleb habang iiling-iling. Natigilan naman ako bigla at napalunok.
Anong meron sa ngiti niya at naapektuhan ako?!
Angelique..
B-bakit?
Unti-unti ka na bang nagiging masaya sa reality mo? Dahil kay Owen?
Bakit mo naman natanong yan?
Wala lang. Gusto ko lang malaman.
O-oo, ang saya ko lately dahil sa kanya.
Tumango si Caleb at tumingin siya sa kalangitan.
Caleb?
Ibinalik niya ang tingin niya sa akin at nginitian niya uli ako.
Yung ngiti niyang maganda at genuine na nakakaapekto sa akin.
Im glad Angelique.
H-ha?
Im glad na nagiging masaya ka na sa reality mo.kahit si Owen pa ang dahilan
nito.

Eighth Dream

So, ano nang plano niyo sa college? tanong ni Owen sa amin.


Nandito kami ngayon sa park na nasa likod ng Raver High Academy. Kasama ko
sina Lilian at Amanda at kasama naman ni Owen ang dalawa niya pang kabarkada na sina
Howard at Gerald.
Si Howard yung lalaking tinuro ni Lilian nung basketball game nila. Yung
lalaking moreno na gwapo na matangkad na may dimple sa kaliwang pisngi.
Si Gerald naman, hindi siya kasali sa basketball team pero madalas ko siyang
makitang kasama ni Owen dati. Matangkad din si Gerald, mukhang foreigner at color
brown ang kulay ng mata.
Kanina lang, nakasalubong namin silang tatlo nang pauwi na kami. Nagyaya sila
na mag meryenda muna saglit. Nagulat nga ako na kumakain pala ng streetfoods ang mga
to.
Kaya kami nandito ngayon sa park at kumakain ng chicken balls na libre nila
habang nagkukwentuhan.
Itong si Angelique nag apply siya ng scholarship sa isang magandang
University!
Wow, really? tanong ni Gerald. What course are you planning to take?
Ah architecture sana kung papalarin akong makakuha ng scholarship.
Architecture, wow, ang hirap nun Angelique ah? sabi naman ni Owen. Pero
pag-isipan mo rin. Yung kuya ko kasi architecture ang course niya at ilang beses siyang
nag repeat sa ilang subjects niya. Lalo na ikaw, may kailangan ka pang i-maintain na
grades para sa scholarship mo.
Kayang-kaya ni Angelique yan! sabi ni Amanda at umakbay sa akin. Running
for salutatorian kaya tong kaibigan namin na to.
Napangiti na lang ako.
Thats nice Angelique! Well Ill pray na makuha mo yung scholarship! sabi
naman ni Owen.
Nagkwentuhan pa kami ng kung anu-anong bagay doon. Actually, halos hindi na
rin ako nagsasalita. Naisip ko kasi yung sinabi ni Owen.
Alam kong mahirap ang architecture. Alam kong susugal ako pag ayun ang
kinuha kong course. Hindi pwedeng mawalan ako ng scholarship dahil hindi naming
afford ang tuition. At hindi rin madaling i-maintain ang grades na mataas sa course na
yan.
Oo nakakatakot talaga at alam kong nagpapaka practical lang din si Owen.
Pero buo na dati ang loob ko.
Kaso ngayon, medyo nag d-doubt na ako.
Kakayanin ko kaya? Kaya ko ba?

So wala kang ibang gagawin dito sa panaginip mo kundi ang lumamon? Ayaw
mong mag travel ulit sa ibang panaginip. Ayaw mong mag laro tayo. Ayaw mo rin mag
salita. Tititigan na lang ba kita hanggang sa tumaba ka? tanong ni Caleb habang
kinakain ko ang isang strawberry shortcake.
Hindi ako tataba dahil hindi naman totoong pagkain ang kinakain ko kundi
imagination lang.
Edi tataba ka sa imagination ko. Ano kaya itsura mo no? Mukha ka sigurong
baboy. Ang cute! at humagalpak ng tawa si Caleb.
Tinignan ko siya ng masama.
Ay napikon, tatawa-tawa pa rin niyang sabi. Ano ba kasi problema mo?
Bumuntong-hininga ako.
Caleb, gusto kong maging architect.
Edi maging architect ka!
Tinignan ko siya at bumuntong-hininga ulit ako.
Sana ganun kadali lang yun.
Hindi naman talaga madali eh. Pero kung gusto mo talaga, gagawin mo ang lahat
para magawa mo yun.
Pero mahirap lang kami at mahirap na course ang gusto ko. Kung makakuha man
ako ng scholarship, kailangan kong i-maintain ang grades ko para hindi mawala ang
scholarship ko. Dahil pag wala akong scholarship, hindi namin afford ang tuition fee.
Mapipilitan akong mag shift ng course. Baka bigla lang ako mamili ng pang 2 year
course. Ayokong ma-disappoint. Masakit.
Hmmm, napahawak si Caleb sa baba niya.
Actually si Owen ang nagpa-realize niyan kanina sa akin. Nakakahanga na kung
gaano siya ka-practical mag-isip. Tingin mo no mas okay kung ibang course na lang yung
kunin ko? Yung safe at alam kong kaya ko?
Tumango si Caleb, oo mag change course ka na lang.
Napa-tahimik ako.
Ewan. Ang bigat sa pakiramdam eh. Alam mo yung gustong-gusto mo ang isang
bagay pero hindi mo naman pwedeng makuha. Yung alam mong deserving ka para doon
pero hindi siya para sayo eh.
Kung si Caleb na laging positive sinasabi na mag change na ako ng course, ibig
sabihin yun na talaga ang dapat kong gawin.
Tingin mo no? Ayun na talaga ang tamang gawin?
Right! Ang malalaking pangarap na tulad niyan eh hindi pwede para sa mga
duwag na katulad mo.
Napalingon ako bigla sa kanya at napasimangot ako, ano? Duwag?
Oo. Bakit hindi ka ba duwag? Ayaw mo masaktan, ayaw mo mag take ng risk.
Doon ka lang sa safe zone. Duwag ka.
Hinarap ko si Caleb.
Hindi pagiging duwag ang pagiging praktikal. Wag mo kong husgahan. Hindi ko
alam kung ano ka pero ako? Tao ako. Marunong akong matakot at mag-alala. Ayokong
magipit kami nang dahil sa akin. Hindi mo ako naiintindihan!
Tinalikuran ko si Caleb at naglakad ako palayo sa kanya. Naramdaman ko ang
pag-init ng mga mata ko na hudyat na may namumuo nang mga luha dito.
Agad kong pinunasan ang mata ko.
Nakakainis!
Bat ganyan siya magsalita?
Masyadong matalim.
Naramdaman ko na hinawakan ni Caleb ang braso ko at inihrapa niya ako sa
kanya. Nakita ko ang gulat sa mata niya nang makita niya na umiiyak ako.
Angelique
Tinabing ko ang kamay niya.
Palibhasa nakatira ka sa magandang lugar kaya hindi ka nakakaramdam ng takot.
Wag kang magsalita na para bang may alam ka sa mundo ko!
Napa-layo ng onti sa akin si Caleb at nakita ko na nasaktan siya sa sinabi ko.
Para tuloy na guilty ako.
Bakit ako ang ma g-guilty?! Siya nauna!
Sorry kung masyadong harsh ang pagkakasabi ko sayo pero hindi ko babawiin
yun Angelique. And please, sana wag mo rin husgahan ang kalagayan ko. Wala kang
alam.
Napa-iwas ako ng tingin.
Oo nga pala. Itong lalaking to, gabi-gabi ako inaantay sa isang madilim na
lugar. Hindi siya umaalis doon para sa akin. Kahit nakakatakot, kahit wala siyang
nakikita.
S-sorry, sabi ko at napalunok ako. Naguguluhan lang ako. Gustong-gusto ko
mag architecture pero mahirap. Pero pagiging duwag ba yun at hindi pagiging praktikal?
Anong masama sa magpaka-praktikal?
Angelique, hindi yun masama. Walang masama sa pagiging praktikal. Pero may
mga bagay talaga na worth it mag take ng risk. Nung pumapasok na sa isip mo na wag
nang mag architecture, di ba masakit? Di ba nakakaramdam ka ng disappointment?
Napatango na lang ako habang nakayuko at tuloy-tuloy ang pagbagsak ng luha sa
mata ko.
Naramdaman ko ang mga kamay ni Caleb na hinawakan ang magkabilang side ng
mukha ko at inangat ang ulo ko. Pinunasan niya ang luha ko.
Tingin ko mas masakit yung nabigo ka nang hindi mo sinusubukan kesa yung
nabigo ka nga, pero alam mo sa sarili mong ginawa mo ang lahat. Tsaka malay mo
kayanin mo talaga? Ikaw pa!
Napangiti ako.
Tingin mo?
Oo naman. Naniniwala ako sayo eh!
Ipinatong ni Caleb ang kamay niya sa tuktok ng ulo ko tas ginulo niya ang buhok
ko.
Ano ba Caleb! Ginagawa mo naman akong aso eh! saway ko sa kanya pero
natatawa-tawa na rin ako.
Parang isang iglap lang nawala yung bigat ng nararamdaman ko tas lumakas din
ang loob ko.
Nakakahawa ang positivity ng isang to.
Hindi kaya isang anghel na nakatira sa mundo ng mga panaginip si Caleb?
Edi tumawa ka rin! Pero hmm, architect huh? Ibig sabihin magaling ka mag
drawing?
Oo naman! Pinuri kaya ni Owen yung drawing ko ng mapa ng Pilipinas!
Sus. Mapa? Sus. Parang yun lang. Dali-dali mag drawing nun!
Ay ang yabang mo! Marunong ka mag drawing?! Ano pagandahan tayo ng
drawing!
Sige ba! pag-tanggap niya sa hamon ko. Ano ang i-d-drawing natin?
Kahit ano!
Okay! Go ako!
Umakyat kami ni Caleb sa rooftop at doon namin naisipang mag drawing dahil
sariwa ang hangin.
Naka-indian seat ako sa semento at habang nakasandal sa railings. Si Caleb
naman ay nasa tapat ko pero medyo malayo siya sa akin.
May sarili akong pandrawing. Pencil at ibat-ibang pang kulay. Si Caleb naman,
papel at pencil lang ang kanya.
Ha! Hindi niya ako sine-seryoso! Talagang mag e-effort ako dito, makikita niya!
Naisipan kong i-drawing yung hile-hilerang mga cherry blossom tree. Ayun kasi
ang pina paborito kong parte ng panaginip ko.
Inumpisahan kong i-sketch muna gamit ang pencil. Pagkatapos nun, pinatungan
ko ito ng pen. After that, sinimulan ko nang kulayan.
Pero habang nasa-kalagitnaan ako ng pagkukulay, may napansin akong parang
kulang sa drawing ko.
Napangiti ako.
Doon sa malayong parte ng hile-hilerang mga cherry blossom tree sa drawing ko,
nilagyan ko ng isang lalaki na nakasandal sa puno habang nag-aantay. Hindi masyadong
pansin kasi maliit lang ang drawing ko.
Pero kung mapapansin man to ni Caleb, alam kong mare-realized niya agad na
siya iyun.
Napatingin ako sa kanya. Nagulat ako ng makita kong nakatingin din siya sa akin.
Nginitian niya ako. Yung usual na smile niya na maganda.
Napa-iwas agad ako ng tingin.
Ano yun? Bat parang kinakabahan ako.
Sinubukan ko na lang ulit mag focus doon sa dina-drawing ko. Pero sa peripheral
vision ko, napapansin kong mayat-maya ang tingin ni Caleb sa akin.
Ako ba ang dina-drawing niya? O imagination ko lang?
Gusto kong i-angat ang tingin ko sa kanya pero hindi ko magawa. Nahihiya ako
na ewan. At na co-concious din ako.
Kung ako nga ang dina-drawing niya, ibig sabihin panay talaga ang tingin niya sa
akin.
Ano na lang ang itsura ko ngayon? Aware ako na kahit sa panaginip eh mukha pa
rin akong haggard at gusgusin.
Naglakas loob akong i-angat uli ang tingin ko sa kanya at nakatingin nga siya sa
akin! Ngumisi siya at yumuko ako agad. Ramdam ko ang pag-init ng mukha ko.
Ano ba! Bat ba nagiinit ang mukha ko dahil kay Caleb?
Si Caleb yan at hindi si Owen! Si Caleb na parang ewan at sira-ulo na loko-loko
na masakit magsalita! Yung baliw na dream traveler na di ko malaman kung isa ba
siyang fae, elf, angel o devil na mukhang angel.
Napansin kong lumagpas yung kulay ko.
Anak ng--!!
Sinasadya niya to! Dini-distract niya ako para pumanget ang gawa ko! Madaya
talaga ang isang yun!
Nag focus na talaga ako sa ginagawa ko at pinilit dedmahin si Caleb na mayat
maya ang tingin sa akin.
Tapos ko na! sabi ko after a few minutes.
Tumayo si Caleb at nginitian ako, kanina pa ako tapos.
Eh bat di ka nagsasalita.
Ayokong istorbohin ka eh. Ang sarap mo kayang panuorin kanina. Masyado
kang seryoso, natatawa-tawa niyang sabi.
Sabi na eh! Tinitignan niya ako kanina para pag-tripan lang!
Patingin na ng drawing mo, sabi niya sabay kuha ng papel sa kamay ko bago pa
ako makapag react.
Nawala ang mapang-asar na ngiti sa labi ni Caleb.
A-ano sa tingin mo? Okay lang ba? Panget ba?
Hindi siya nagsalita at tinitigan niya lang ang gawa ko.
U-uy! Mag react ka naman!
Inangat niya ang tingin niya sa akin, ang ganda nito Angelique.
Parang lumundag yung puso ko.
Ang simple lang ng sinabi niya pero ramdam ko ang sincerity.
T-talaga?
Ngumiti siya, sobra. Sobra-sobra.
Y-yung iyo naman! Patingin!
Wag na!
Agad niyang tinupi yung dinrawing niya at inipit niya sa bulsa niya.
Uy ang daya mo! Patingin! Ipinakita ko yung akin eh! Dapat yung sayo rin!
Wag na. Panget. Mas maganda yung iyo.
Alam ko yun. Pero gusto kong asarin ka!
Edi mas lalong ayokong ipakita sayo! natatawa-tawa niyang sabi.
Ang daya mo Caleb! Ang daya mo talaga!
Gwapo naman ako. Tignan mo dito sa drawing mo, ang gwapo ko! sabi niya
habang tinuturo niya ang lalaki na nasa ilalim ng cherry blossom tree doon sa drawing ko.
Ni-hindi nga kita mukha mo diyan eh!
Ngumisi siya, but still, inilagay mo ako dyan. Ibig sabihin, masyado akong
gwapo para maging model mo!
Yabang mo.
Gwapo ko.
Patingin na kasi!
Wag muna ngayon.
Eh kelan? Sabi mo tapos ka na!
Basta! Basta promise ipapakita ko sayo.
Kelan nga?
Kung sakaling he trailed off.
Ano?
Umiling si Caleb. Bago pa ako makapag-salita uli, bigla nang tumunog yung
alarm clock ng phone ko.
Its time to wake up, Angelique.
Eh pero---!
Dont worry. Nandito pa naman ako pag balik mo eh. Pwede mo akong tanungin
ng kahit ano pagkagising mo.
Promise?
Promise.
Gumising na ako.

Ninth Dream

Promise.
Napa-buntong hininga ako.
Promise.
Promise na hahayaan niya akong magtanong o promise na pagbalik ko nandoon
pa rin siya?
Ilang araw ko nang iniisip ang bagay na yun.
Hanggang kelan kaya mag-i-stay si Caleb sa panaginip ko? Nasanay na kasi ako
sa presensya niya doon eh. Hindi na ako gumagawa ng mga imaginary na estudyante sa
panaginip ko. Yung presence lang ni Caleb, okay na sa akin.
Pero bakit pakiramdam ko hindi pang matagalan yun? Bakit parang
nakakaramdam ako na any moment pwede niya akong iwan?
Na baka sa susunod kong pag balik sa panaginip ko, wala na siya?
Ayokong isipin.
Napa-iling ako.
Ano ba yan. Espesyal ang araw na to sa akin tapos inumpisahan ko sa negative
thought.
Bumangon na ako at inayos ko ang kama.
Nang maayos ko na ang kama namin, dali-dali akong naligo at nagbihis. Matapos
nun, bumaba na ako at nakita ko sa hapagkainan si nanay at kuya na nag-aalmusal na at
pareho silang busy sa pagbabasa ng dyaryo.
Lumapit ako.
Oh Angelique ang aga mo ngayon, sabi ni kuya sa akin. Napansin kong hindi na
siya nag lagay ng lipgloss ngayon.
Dadaan kasi ako sa chapel bago pumasok.
Ibinaba ni nanay ang dyaryo na binabasa niya.
Bakit ka dadaan? tanong ni nanay.
Natigilan ako sa tanong niya.
Uhmm, wala ba kayong natatandaan ngayon?
Nagkatinginan si kuya at nanay at parehong may pagtataka ang itsura nila.
Nilingon ulit nila ako.
Ano bang meron? tanong ni kuya na parang naiirita.
Binigyan ko sila ng isang pilit na ngiti.
Wala po.
After nun, hindi na ako umimik. Tahimik na lang akong kumain at mahinang
nagpaalam sa kanila. Wala naman silang sinabi. Hindi nila napansin ang ikinikilos ko.
Lumabas na ako sa bahay. 5:30 am pa lang. Medyo madilim pa. Pero marami
nang tao ang nakikita sa paligid. Maaga kasi gumising ang mga tao dito sa amin dahil
maaga rin nagsisimula ang mga trabaho nila.
Good morning Angelique! bati ni Aling Kath mula sa likod ng panaderya nila.
Tatlong taon na namin siyang kapitbahay kaya naman tatlong taon na ring kada umaga eh
amoy ng bagong lutong pandesal ang naamoy namin.
Good morning po, Aling Kath! masigla kong bati.
Ay teka lang, birthday mo ngayon di ba?
Naka-ngiti akong tumango sa kanya.
Buti pa siya naalala niya na birthday ko. Samantalang sina nanay at kuya
kinalimutan ako.
Halika dito.
Sinenyasan niya ako na lumapit kaya naman lumapit ako. Naghiwa siya ng
dalawang slice ng chocolate cake na paninda niya at inilagay sa isang tupperware atsaka
ini-abot sa akin.
Happy birthday!
Naku thank you po!
Masarap yan. I-share mo rin sa mga kaibigan mo.
Sige po! Salamat po talaga!
Masaya kong tinanggap yung cake na bigay niya at nagpaalam na rin ako sa
kanya.
Dumiretso ako sa maliit na chapel na di kalayuan sa school namin at nag pray
kay God. Nagpasalamat sa kanya at humiling ng ilang bagay.
Sana makakuha ako ng scholarship sa magandang paaralan. Sana wag niyang
pababayaan si nanay at kuya.
Sana bantayan niya si Caleb.
Ewan bat bigla kong ipinagdasal si Caleb. Feeling ko kasi nawawala siya eh.
Feeling ko hindi niya alam ang direksyon ng buhay niya.
Pero kung sa bagay, saan nga bang direksyon papunta ang pagiging isang dream
traveler? Nasa panaginip lang siya. Wala siyang ibang pwedeng gawin. Hindi siya
pwedeng mangarap. Para siyang isang
Napahinto ako sa paglalakad papunta sa school.
Para siyang isang kaluluwa.
Hindi kaya, kaluluwa na lang si Caleb? At ang napili niyang pag-tambayan ay ang
panaginip ng mga tao?
Good morning Angelique!
Napalingon ako sa bumati sa akin at nakita ko si Owen na tumatakbo papalapit sa
akin. Naka-suot siya ng color green na jacket at fresh na fresh ang dating niya.
Ang gwapo niya.
Biglang lumundag ang puso ko at napangiti ako.
G-good morning!
Sinabayan niya akong mag-lakad.
Ang aga mong pumasok ah, sabi niya.
May dinaanan pa kasi ako.
I see.
Biglang umihip ang malakas na hangin at napa-yakap ako sa sarili ko dahil sa
lamig.
Wait, hinawakan ni Owen ang balikat ko kaya naman napahinto ako sa
paglalakad.
Nagulat ako nang bigla niyang hubarin ang jacket niya at ipinatong niya sa balikat
ko.
Ah n-naku wag na! Nakakahiya!
No. Malamig. Hiramin mo muna.
Pero paano ka?
Dont worry about me. Ill be fine. May isa pa akong jacket sa locker ko.
Nahihiya-hiya akong ngumiti sa kanya, s-salamat!
Nakakatuwa. Kapareho ni Owen sa reality ang Owen sa panaginip ko. Mabait,
gentleman, maalalahanin.
Ang pinagkaiba nga lang eh, doon gusto niya ako, dito, malamang hindi.
Angelique!!
Biglang may yumakap sa likuran ko.
Happy happy birthday!!
Nilingon ko siya at nakita ko si Amanda na ngiting-ngiti sa akin.
Salamat!
Wait, birthday mo ngayon? tanong ni Owen sa akin.
Tumango ako.
Wow! Happy birthday!
S-salamat!
May gagawin ka mamaya?
H-ha? B-bakit?
Birthday mo eh. We need to celebrate!
Ah naku wag na. Wala rin akong pampa-celebrate!
My treat! tumingin siya kay Amanda. Sama ka na rin Amanda. Pati si Lilian.
Naku wag na
Go kami! pagputol ni Amanda sa sasabihin ko atsaka ako lumingon. Wag ka
nang tumanggi! Libre niya. Masama tanggihan ang grasya! tinginan niya uli si Owen,
di ba?
Oo tama! natatawa-tawang sabi ni Owen at kinindatan niya si Amanda.
Natawa rin si Amanda.
Hay. Makaka-hindi pa ba ako sa lagay na to? Isa pa nakalimutan naman nina
nanay at kuya ang birthday ko eh.
Sige na nga.
Yun oh! masayang sabi ni Owen. Paano ba yan see you later after class?
See you! sabi ni Amanda.
Nagpaalam na sa amin si Owen at pumasok na siya sa classroom nila habang
kami naman ni Amanda ay sa kabila.
Grabe ang gwapo niya! bulong sa akin ni Amanda.
Napangiti na lang ako sa kanya at niyakap ko ng mahigpit ang jacket ni Owen.
Ililibre niya ako sa birthday ko. Ang hirap paniwalaan. Parang kelan lang hindi
niya alam na nag-e-exist ako sa mundo. Ngayon gusto niya na akong ilibre.
Kinikilig ako.
Buong klase, hindi ko hinubad ang pinahiram na jacket ni Owen sa akin. Buti na
lang at malamig ang panahon. Hindi kasi di-aircon ang mga classrooms namin pero sa
gilid naman namin ay isang malaking bukid kaya malamig.
Nung recess, pinag-hati-hatian namin nina Lilian at Amanda yung cake na
ibinigay sa akin ni Aling Kath. Ang sarap pala talaga. Ang galing niya mag bake. Kaya
naman marami talagang bumibili sa kanya.
Pag-dating ng last subject, hindi na ako mapakali. Na-e-excite ako na
kinakabahan.
Kakain lang naman kami ni Owen sa labas. At hindi ko naman siya solo. Kasama
ko sina Lilian at Amanda. Baka nga isama niya rin si Howard at Gerald eh.
Pero ninenerbyos pa rin ako.
Nung nag ring na ang bell at dinismiss na kami ng teacher, excited na excited
akong hinila nung dalawa sa CR para raw mag retouch.
Wala naman akong i-re-retouch. Sinuklay ko na lang ang buhok ko. Napatingin
ako doon sa dalawa na parehong nag lagay ng lipgloss at nagpabango pa.
Ang ganda nila tignan.
Napatingin ako ulit sa salamin.
Mukha talaga akong basahan. Ang dugyot ko tignan.
Pwede makahingi ng pulbo? tanong ko kay Lilian.
Walang imik naman niyang iniabot ang pulbo niya dahil busy siya mag-ayos.
Pinulbusan ko ang mukha ko. Ipinahiram naman sa akin ni Amanda ang lipgloss
niya at pinabanguhan pa ako ni Lilian.
Syempre dapat maganda rin ang birthday girl! sabi ni Lilian.
Napatawa na lang ako sa kanila.
Sabay-sabay na kaming lumabas ng school at agad naming nakita si Owen sa
tapat ng gate ng eskwelahan nila. Kasama niya sina Gerlad at Howard doon at mukhang
nag bibiruan yung tatlo.
Napangiti ako.
Ang fresh pa ring tignan ni Owen. Parang bagong paligo pa rin kahit alas-tres na
ng hapon.
Never atang nag mukhang dugyot ang isang to.
Napalingon sa akin si Owen at nang makita niya ako, napangiti siya at kinawayan
kami.
Ang gu-gwapo talaga ng tatlong yan! bulong sa akin ni Lilian.
Napatango na lang ako sa kanya habang nakangiti.
Totoo naman na gwapo talaga sila. Pero ang mata ko, nakapako lang kay Owen.
Hi! bati ko nang makalapit kami.
Girls, okay lang ba na kasama natin tong mga mokong na to? tanong ni Owen
sa amin. Angelique?
Angelique, sama kami ha? sabi ni Howard. Minsan lang kasi manlibre si Owen
eh.
Oo nga! Kuripot yan eh! Kaya gulat kami nang biglang man-t-treat! dagdag pa
ni Gerald.
S-sige. Okay lang naman, sagot ko sa kanila.
Ayun oh! Tara na sa pizza house! I-celebrate na natin ang birthday ni
Angelique! masayang sabi ni Gerald at mahina kaming napatawa sa kanya.
Sabay-sabay na kami naglakad papunta sa pizza house.
Medyo maingay lang yung dalawa pero mababait naman sila kaya sana
mapagpasensyahan mo, bulong ni Owen sa akin.
O-okay lang ano ka ba. Nakakatuwa yung mga friends mo.
Nginitian ako ni Owen at nagulat ako nang bigla niyang inayos ang collar ng
jacket na ipinahiram niya sa akin.
Bagay sayo, nakangiti niyang sabi.
Hindi ako nakapag react. Napangiti lang din ako pero naramdaman ko ang pag
init ng mukha ko.
Nang makarating kami sa pizza house, pumwesto kami doon sa long table sa
gilid. Nasa gitna ako nina Lilian at Amanda pero nasa tapat ko naman si Owen.
Tinanong niya ako kung ano ang gusto ko pero hinayaan ko na na siya ang pumili
dahil libre naman niya. In the end, um-order siya ng malaking pizza at tig-isang platter ng
carbonara at spaghetti. Dinagdagan pa niya ng chocolate mousse para sa dessert.
Wow! Thanks talaga Owen! sabi ni Amanda habang tinitignan ang mga pagkain
sa harap namin.
No problem. I-enjoy niyo lang. Minsan lang ako manlibre! natatawa-tawang
sagot naman ni Owen.
Talagang i-e-enjoy namin to! sabi ni Gerald at nilingon niya si Amanda. Pero
pagsisilbihan ko muna ang magandang binibini sa aking harapan.
Pinaglagay ni Gerald si Amanda ng pizza at carbonara sa plato niya. Nahihiya-
hiya namang ngumiti si Amanda. Samantalang kami, kinakantsawan namin silang
dalawa.
Nagulat ako nang biglang kunin ni Owen ang plato ko.
Which one do you like? Carbonara or spaghetti? nakangiti niyang tanong.
S-spaghetti, sagot ko sa kanya.
Ipinaglagay niya ako sa plato ko ng spaghetti at pizza atsaka niya inabot sa akin.
Nung hinawakan ko ang plato, sumagi ang daliri ko sa daliri niya at para itong nagbigay
ng kuryente sa buong katawan ko. Hindi pa agad binitiwan ni Owen ang plato.
Nagkatinginan kaming dalawa at agad na napaiwas sa isat-isa.
Halos lumundag ang puso ko.
Okay, ano yun? Ano yun?
Uminom ako ng tubig para pakalmahin ang sarili ko.
Parang gusto ko nang umuwi ng bahay at magkulong sa kwarto at magtititili sa
kilig.
Pero joke lang! Ayoko pang matapos ang araw na to!
Habang kumakain eh patuloy sa pagbibiruan sina Howard at Gerald kaya naman
tawa kami nang tawa sa kanila. Masarap sila kasama at madaling maka-close kaya naman
ang comfortable na agad namin sa kanila.
Nung sinerve na yung mousse, nagulat ako nang biglang nag lapitan ang staffs sa
table namin at sabay-sabay nila akong kinantahan ng happy birthday.
Malamang sa kagagawan ni Owen.
Ang saya-saya lang.
Mga bandang 6pm na nang matapos kami.
Ibinalik ko na rin ang jacket niya kahit na nag eenjoy pa ako sa pag suot nito.
Amoy kasi ng pabango niya.
Happy birthday again, Angelique. Sana nag enjoy ka! sabi ni Owen.
Oo naman! Sobra! Thank you talaga Owen ah?
Wala yun. So, see you sa Monday?
Tumango ako, see you!
Biglang lumapit si Owen sa akin at hinalikan ako sa pisngi. Medyo natulala ako
sa ginawa niya at mas lalong nag rebelde ang puso ko.
Bye, nakangiting sabi niya at naglakad na siya kasabay ang mga kaibigan niya
patungo sa parking lot.
Hindi ko na rin napansin na nagpaalam na sa akin sina Lilan at Amanda.
Nakahawak lang ako sa pisngi ko
at hindi maalis ang ngiti sa labi ko.
Tulala ako nung naglalakad ako pauwi. Damang-dama ko pa rin yung kilig.
Paulit-ulit kong nire-replay sa utak ko ang nangyari.
Oh god. Naramdaman ko ang labi niya na dumikit sa pisngi ko.
Teka, paano nga ba ulit huminga?
Hindi ko alam.
Hindi ko na alam ang nangyayari.
At dahil doon, hindi ko napansin ang nangyayari sa loob ng bahay namin. Nang
buksan ko ang pinto, halos mapatalon ako sa gulat nang biglang may kumanta.
Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday, happy
birthday! Happy birthday Angelique!
Ayun sa harapan ko ay si nanay at kuya. May dala-dalang isang plato si kuya na
may pinagpatong-patong na cupcake. Sa taas ay may nakasinding maliit na kandila. Sa
lamesa namin, may nakita akong pancit canton at isang litrong coke.
Gulat na gulat akong napatingin kay kuya at nanay. Nanginig bigla ang labi ko.
Napalunok ako.
At bigla na lang akong napahagulgol ng iyak.
Nilapitan agad ako ni nanay at niyakap.
Oh, bat umiiyak ang anghel namin? nag-aalalang tanong niya.
A-akala ko kasi nakalimutan niyo na eh! pahikbi-hikbi kong sabi.
Gaga to! Syempre joke lang yung kanina no para effective ang sorprays! sabi
naman ni kuya.
Oo nga naman! Ikaw pa ba makakalimutan namin? Eh paborito kitang anak na
babae eh! sabi ni nanay.
Eh ako lang naman ang anak mong babae eh! natatawa-tawa kong sabi habang
pinupunasan ko ang luha sa mata ko.
Aray ko ha! Nasasaktan ako dito! Nay babae rin ako! Wala nga lang vagina!
sabi naman ni kuya.
Nilingon siya ni nanay, ikaw! Yung bunganga mo talaga! saway nito.
Natawa na rin ako sa kanila.
Wala ka ring boobs! sabi ko.
Madali na yun bruha!
At nagtawanan kaming tatlo.
Nginitian ko sila habang pinupunasan ang luha sa mata ko.
Thank you!
Mas lalong hinigpitan ni nana yang yakap sa akin at hinalikan ako sa noo.
At dahil diyan, hipan mo na tong kandila bago pa tayo magkasunog! sabi ni
kuya.
Hinipan ko ang kandila at pinalakpakan ako ni nanay. Sabay-sabay kaming
nagsalo doon sa pancit canton na binili ni nanay.
Si kuya naman, binigyan ako ng regalo. Isang cute na ipit na may star na design at
maraming bato. Agad ko itong sinuot.
Ang ganda ng araw ko ngayon. Parang isang panaginip pero nasa reality ako.
Siguro nga tama si Caleb. Maraming ding magagandang bagay ang nasa reality
ko. Sadyang hindi ko lang ito napapansin.
Nung gabing yun, natulog agad ako. Gusto ko na agad makabalik sa panaginip ko.
Ikukwento ko lahat kay Caleb ang nangyari.
Magpapasalamat na rin ako dahil unti-unti ko nang nakikita ang mga positive na
bagay sa reality ko.
At dahil yun kay Caleb.
Tenth Dream

Nakatayo ako ngayon sa gitna ng hilera ng mga cherry blossoms.


Tinitignan ko ang kapaligiran.
Nasaan na ba si Caleb?
Naglakad ako papunta sa may soccer field pero wala siya doon. Kahit sa park o
doon sa parte na puro pine trees at nag-i-snow ay wala rin siya. Tiningnan ko siya sa
lanai, sa may mga gazebo. Umakyat ako sa classroom maging sa rooftop pero wala si
Caleb.
Pumunta ako sa cafeteria.
Wala rin siya.
Napatingin ako sa paligid.
Wala ni isang tao.
Kelan pa nawala ang mga estudyanteng binuo ko sa panaginip na to? Bakit hindi
ko na sila ibinabalik dito?
Kasi nandito si Caleb?
Napahinga ako ng malalim.
Parang naninikip ang dibdib ko.
Alam ko naman na aalis at aalis siya. Hindi naman niya sinabing permanente
siyang mamamalagi rito sa panaginip ko. Isa pa, hindi biro ang ginagawa niyang pag-
aantay sa dilim.
Naiintindihan ko.
Pero sana hindi niya sinabing mag-iintay siya sa akin.
Naupo ako doon sa isa sa mga silya sa cafeteria. Ang bigat bigla ng pakiramdam
ko.
Karaniwan, lagi akong masaya sa panaginip ko. Pero bat ngayon iba ang
nararamdaman ko? Bakit ako nalulungkot na naiinis?
Bwiset na Caleb yun. Sabi na eh. Delubyo lang talaga ang dala niya. Sinira niya
ang nag iisang lugar kung saan ako nagiging masaya.
Ipinikit ko ang mga mata ko at unti-unti kong ibinalik ang mga tao sa kapaligiran.
Nakakarinig na ako ng kwentuhan, masasayang tawanan, ingay ng mga estudyanteng
kumakain.
Hindi ko iminulat ang mga mata ko. Pinakinggan ko lang ang nasa paligid ko.
Maingay. Maraming tao. Naririnig kong nagkukwentuhan sina Lilian. Nagtatawanan.
Tinatawag nila ang pangalan ko.
Angelique! Saan tayo mamaya sa birthday mo? Feeling ko may surprise para
sayo si Owen! dinig kong sabi ni Amanda.
Hindi ko inintindi. Ipinikit ko lang ang mata ko.
Kasi ewan.
Kahit gaano kaingay ang kapaligiran, ramdam ko pa rin na nagiisa lang ako.
Nice hair clip.
Biglang napamulat ang mata ko nang marinig ko ang boses na yun. Sa harap ko
ay nakita ko si Caleb na nakangiti sa akin.
Biglang nawala ang mga estudyante. Natahimik ang paligid.
Tanging si Caleb lang ang naiwan kasama ko.
Ang ganda ng ngiti niya. Ang sarap tignan.
Caleb!! masiglang-masigla kong bati sa kanya at halos mapayakap pa ako kundi
ko lang napigilan ang sarili ko.
Akala ko talaga hindi na siya magpapakita sa akin. Ewan pero kinabahan ako ng
husto.
Bat parang nag e-emote ka kanina? Bad day?
Umiling ako, hindi! Ang ganda ang araw ko! masaya kong sabi sa kanya.
Mas lalong lumawak ang ngiti niya.
Really? Pwede mo bang ikwento sa akin? At saan galing ang clip mo? Ngayon
ko lang nakita na suot mo yan ah.
Hinawakan ko ang clip sa buhok ko ang nginitian ko si Caleb, gift sa akin ng
kuya ko.
Gift? Birthday mo?
Tumango ako sa kanya.
Why didnt you tell me!! tumayo siya bigla kailangan natin mag celebrate!
Kahit sa panagip kailangan mag-celebrate ka. Wait, gusto mo ba ulit mag travel sa ibang
panaginip?
Inilingan ko siya, hindi. Pero gusto kong magpunta sa beach.
Beach? Paano tayo pupunta doon?
Nginitian ko siya ng malawak, Caleb, panaginip ko to.
I saw his eyes brightened and the he grinned.
Tara sa beach! masigla niyang sabi at hinawakan niya ang kamay ko habang
hinihila ako palabas ng cafeteria.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Parang may something na gumagalaw sa
tyan ko. Parang nakukuryente ang kamay ko na hawak-hawak niya.
Okay. Okay. Okay.
Anong nangyayari sa akin?
Bakit ganito nag-re-respond ang katawan ko sa lalaking to?
Wow, sabi ni Caleb ng makalabas kami ng school at nakita niya ang asul na asul
na dagat sa harapan namin.
Napangiti ako.
White sand. Blue sea. Clear sky. May isang bangka sa isang side nung dagat. Pero
walang tao sa paligid. Kami lang ni Caleb.
Tahimik.
Tanging pagaspas lang ng hangin at alon ng dagat ang naririnig namin.
Angelique, ang ganda ganda nito, sabi ni Caleb habang manghang mangha
siyang nakatingin sa dagat.
Kitang-kita sa mata niya ang saya.
Hinarap niya ako, at nagulat ako nang bigla niya akong buhatin.
H-HOY! Ano ba! Bat mo ako binibuhat! Caleb!!
Tumawa siya, syempre beach to! Kailangan natin mag swimming!
W-what?! T-teka hindi ako marunong lumangoy! Seryoso ako! Caleb!!
Hindi niya ako pinansin at tumakbo siya palusong sa tubig habang buhat-buhat
ako. Nang nasa dalampasigan na kami, inihagis niya ako sa tubig kaya naman basang-
basa agad ako.
Wow! Talaga naman! Ang ganda ng regalo mo sa akin! sabi ko na natatawa at
naiinis na ewan.
Si Caleb naman, tawa nang tawa!
Ikaw ang kulit mo! Natatakot ka sa sarili mong panaginip? tanong niya habang
inaalalayan ako na tumayo. Para namang may mangyayari sayo rito. Lahat nako-
kontrol mo.
Maliban sayo! sabi ko sa kanya.
Nginitian niya ako ng nakakaloko, dont worry. Hindi kita pagsasamantalahan sa
panaginip mo! Nene ka pa eh!
Kinunutan ko siya ng noo, nene? Makapag-salita ka parang hindi tayo magka-
edad ah? bigla akong napatakip ng bibig dahil may na-realized ako, w-wait. Wag mo
sabihing nabubuhay ka na ng ilang libong taon?
Mukha ba akong sinauna? Edi sana malalim ang pananalita ko sayo.
Napasimangot ako. May point siya. Inglisero pa nga siya kung magsalita eh.
Eh ilan taon ka na ba?
Napatingin si Caleb sa malayo na para bang may malalim siyang iniisip.
Hindi ako sigurado, halos pabulong niyang sagot.
Huh?
Nilingon niya ako at nagulat ako ng bigla niya akong sabuyan ng tubig sa mukha.
Sabi ko ang panget mo! natatawa-tawa niyang sabi.
Ginantihan ko nga, ang kapal ng mukha mo ha! Gwapo ka ha? Gwapo ka?!
Nag pogi sign siya sa harapan ko, bakit hindi ba? Crush mo nga ako eh!
A-ano?! Hindi ah! Crush kita? Assuming ka ganun? Ha! Kapal mo ah! Excuse
me ha! I have standards!
Nilapitan ako ni Caleb at tinitigan ako sa mata habang naka-ngiti siya ng
nakakaloko. Naka-tingala na ako sa kanya habang siya naman ay nakayuko sa akin.
Ang tangkad pala ng isang to! Nakaka-stiff neck pag nakikipag labanan ako ng
tingin sa kanya.
Mas lalong lumapit si Caleb.
Napaatras ako.
A-ano? B-bat ka ganyan? nauutal-utal kong tanong.
Kasi naman ang lapit lapit niya! Ang puso ko nagkakarera sa bilis!
Napatitig ako sa mata niya. Dahil ang lapit niya, doon ko lang napansin na brown
pala ang kulay nito at hindi itim. Mula sa mata ay napababa ang tingin ko sa labi niya na
kasalukuyang nakangiti ng nakakaloko.
Mas lalong nag wala ang puso ko.
Ay tipaklong! Bat ganito ako?
You have standards ba kamo? he asked me with a playful tone. May mas g-
gwapo pa ba sa akin?
S-si O-o-owen, nauutal-utal kong sagot.
Pero come to think of it, hindi ko sigurado kung mas gwapo nga ba si Owen sa
kanya.
Tinaasan ako ng kilay ni Caleb, yooon? Mas gwapo sakin? Talaga lang ah!
B-b-bakit ba!
Itinulak ko siya papalayo sa akin at tinalikuran ko. Pakiramdam ko nag iinit ang
mukha ko eh.
Siguro dahil sa araw.
Oo, dahil sa araw.
Uy joke lang! To naman! natatawa tawa niyang sabi at hinawakan niya ang
kamay ko. Hindi ko na aasarin ang crush mo!
Sinimangutan ko siya. Bwiset to.
Stop pouting. You look so cute, naka-ngiti niyang sabi.
H-ha?
Napakamot siya bigla sa ulo niya, sabi ko gawa tayo ng sand castle!
Binitiwan niya ang kamay ko at nauna siyang bumalik doon sa dalampasigan.
At ako, sa hindi malamang kadahilanan, eh napangiti ng malawak.

Masaya ka naman ba? tanong niya sa akin habang inaayos niya ang sand castle na
ginagawa namin.
Hindi nga lang ito mukhang sand castle. Parang malaking bundok lang na
sinaksakan namin ng kung anu-anong kabibe at sanga.
Oo. Sobra, nakangiti kong sagot.
Kinuwento ko kasi sa kanya ang mga nangyari kanina. Yung akala ko nakalimutan
na ng pamilya ko ang birthday ko. Yung binigyan ako ng kapit-bahay namin ng cake. Pati
yung panlilibre ni Owen sa amin at nung hinalikan niya ako sa pisngi.
Inangat ni Caleb ang tingin niya sa akin at nginitian niya rin ako.
Sabi sayo eh. Kailangan mo lang i-appreciate ang mga magagandang bagay sa
paligid mo. Minsan kasi na-t-take for granted na natin ang magagandang bagay na yun
kaya hindi na natin na a-appreciate.
Yumuko ako at nagdagdag ng buhangin sa sand mountain na ginagawa namin,
tama ka nga. Maganda rin naman pala ang reality ko.
Ibinalik ni Caleb ang tingin niya sa ginagawa namin at finlat niya ang tuktok nung
mountain.
Uy bat mo fina-flat! tinabing ko ang kamay niya. Hindi na siya bundok kung
flat yung tuktok!
Akala ko ba sand castle ang ginagawa natin? at muli niyang finlat yung tuktok.
Eh mas madali yung bundok, sabi ko naman at inuubok ko ulit yung finlat niya.
Nagtama ang mga daliri namin.
At nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko.
C-Caleb?
Tinignan niya ako sa mata. This time seryoso na ang expression niya.
Wala yung mapang-asar at nakakalokong ngiti.
Instead, parang ang lungkot niya.
Angelique, ma-mimiss kita.
Napalunok ako bigla.
Bakit parang may naka-bara na naman sa lalamunan ko. Bakit parang nagiinit
yung mata ko?
Nagpapaalam ka na ba sa akin?
Binigyan ako ni Caleb ng isang malungkot na ngiti at umiling siya, hindi. Alam
kong malapit mo nang matapos ang pag l-lucid dream mo.
B-bakit naman?
Angelique, napaka-ganda ng reality mo. At alam ko, mas magiging maganda pa
to.
At pag naging maganda na ba ang reality ko, mawawala na ang ability ko sa pag
l-lucid dream?
Umiling si Caleb, no. Hindi mo na kakailanganin pang mag lucid dream. Dahil
yung mga panaginip mo, yung mga pangarap mo, tutuparin mo na lahat nang yun sa
reality mo. At wala ka nang dahilan pa para mag lucid dream.
Pwede namang ikaw ang dahilan ko.
I almost blurted out. Pero pinigilan ko ang sarili ko.
Dahil hindi ko maintindihan kung bakit ganun ang naiisip ko.
Kung bakit naging si Caleb ang dahilan ng pagbalik ko sa mga panaginip ko.
Ano ba tong pakiramdam na to?
Angelique.
Mas lalong humigpit ang hawak ni Caleb sa kamay ko. Pero naramdaman ko na
parang may inilalagay siya sa palad ko.
Nginitian ako ni Caleb, syempre may gift din ako para sayo!
Binitiwan niya ang kamay ko at tinignan ko ang inilagay niya rito.
Isang kwintas na may crescent moon at star na palawit.
Caleb. Ang ganda manghang mangha kong sabi habang nakatingin doon sa
kwintas.
Lumapit siya sa akin at kinuha niya ito sa palad ko.
Isusuot ko sayo.
He leaned forward at isinuot niya ang kwintas sa leeg ko.
At for a moment, bumilis ang tibok ng puso ko.
There you go, nakangiti niyang sabi.
Kinapa ko yung kwintas.
Thank you Caleb! Pero wag mo munang isipin na ititigil ko ang pag l-lucid
dream ha? Babalik at babalik ako. Pwede namang maganda ang reality ko at the same
time, nananaginip pa rin ako eh.
Umiling si Caleb, no Angelique. I want you to face your reality at maging
masaya ka na hindi mo na kinakailangan ang panaginip mo. At alam kong mangyayari
iyon. Pero sa ngayon, hanggat bumabalik ka pa, hindi ako mawawala rito. Ill still wait
for you.
Pero Caleb--!
Hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko dahil bigla na lang niyang hinalikan ang
noo ko.
I was taken a back.
Happy birthday Angelique.
Ayun ang huling mga salitang narinig ko. Dahil bigla na lang akong nagising.
Napahawak ako sa may dibdib ko at kinapa ko ang kwintas na ibinigay sa akin ni
Caleb.
At bigla akong napabangon nang makapa ko ang kwintas.
Agad akong tumakbo papunta sa harap ng salamin.
Nasa leeg ko pa rin ang kwintas.
Pero paano nangyari ito?
Ibinigay niya sa akin to sa panaginip!
Paanong napunta ito sa reality ko?!

Eleventh Dream
Paano ko kaya nagawang dalhin ang kwintas na ito sa reality?
Kinapa-kapa ko ang pendant ng kwintas na nakasabit sa leeg ko atsaka ako napa-
buntong hininga.
Napaka-imposible na nitong nangyayari sa akin.
Hindi ako makakapag-labas ng mga gamit o bagay na nagmula sa panaginip ko.
Sinubukan ko na yun dati. Kahit simpleng ballpen lang, hindi ko kayang madala sa
reality. Pero itong kwintas na to, paanong pag mulat ng mata ko eh suot-suot ko na?
Naisip ko, baka naman regalo rin ito ni nanay sa akin? O baka ni kuya?
Pero pinansin nila ito eh. Tinanong nila kung sino ang nagbigay. Nung sinabi
kong kaibigan ko, normal lang naman ang reaction nila.
Hinihintay ko na baka sinu-surprise na naman nila ako, pero wala namang
nangyari.
Ano bang ginawa ko bakit nadala ko ito sa reality ko?
Hindi kaya dahil kay Caleb? Pero paano?
May magic ba si Caleb bukod sa kaya niya akong dalhin sa kung kani-kaninong
panaginip?
After all, mukha naman siyang isang fae o elf.
Huy tulala ka na naman!
Napatingin ako sa nagsalita at nakita ko si Lilian na papalapit sa akin habang may
dala-dalang kikyam at isang plastic ng juice na color orange na hula ko eh melon.
Nandito kami ngayong dalawa sa may basketball court at nakatambay sa mga
bleachers. May naglalaro sa court ngayon. Mukhang mga juniors ng school namin.
Naupo si Lilian sa tabi ko at inabutan ako ng isang stick na may tatlong pirasong
kikiyam
Ayan kumain ka muna. Ikaw, palagi kang natutulala lately. May problema ka
ba?
Ah w-wala naman. Inaantok lang ako. Kulang siguro ako sa tulog, palusot ko sa
kanya.
Medyo umusog palapit sa akin si Lilian at tinignan niya ang kwintas ko.
Ang ganda naman niyan. Saan mo nabili?
Napa-hawak ulit ako sa pendant nito.
Ah, regalo lang sa akin.
Pinanliitan ako ng mata ni Lilian at nginitian, sino sa mga boys ang nag regalo
sayo niyan?
Huh? Anong mga boys?
Si Owen at ang mga kabarkada niya. May nanliligaw sayo doon no?!
Medyo natawa ako sa sinabi ni Lilian, naku ikaw, tumigil ka nga! Ang exagge
mo mag isip!
Si Owen yan no? Si Owen no? Feeling ko type ka nun!
Hindi aaaah! sabi ko sabay tulak ng malakas kay Lilian.
Hindi ko mapigilan ang paglawak ng ngiti sa labi ko. Kainis!
Aray ko naman! Makatulak! Tignan mo nga yung ngiti mo. Aba ineng halatang
kini-kilig ka!
Hinampas ko siya sa braso, hindi kayaaaa!
Tignan mo to, tinulak na nga ako, hinampas pa ako. Thank you ha!
Eh kasi ikaw nang-aasar ka eh!
Speaking of, ayan si Owen oh parating! ngumuso si Lilian sa may likuran ko at
agad naman akong napatingin.
Nakita ko si Owen na naglalakad kasama si Amanda. Papalapit sila dito at naka-
ngiti siya sa akin.
Hi! bati niya sa amin ni Lilian habang naka-ngiti pa rin.
H-hello, sagot ko naman.
Naupo si Owen sa tabi ko at si Amanda naman ay sa tabi ni Lilian.
Owen bat di mo kasama yung mga friends mo? tanong ni Lilian.
Ah, si Gerald may tennis training. Varsity kasi yun kahit hindi halata. Si
Howard naman sinundo ng mama nya at mukhang nagpapasama sa mall, natatawa-
tawang sabi ni Owen. By the way girls, do you want to eat meryenda? My treat!
Game! Libre eh! mabilis na sagot ni Lilian.
Ito talagang isang to basta libre!
Ako rin, go ako! sabi naman ni Amanda.
Isa pa to!
Tumingin si Owen sa akin at nginitian ako, Angelique?
Sorry. Pass muna ako! Need ko tulungan si nanay eh.
Eh, sayang yung libre! Takas ka muna! Saan ba yan? tanong ni Lilian.
Oo nga Angelique! dagdag pa ni Amanda.
Tinignan ko si Owen at naka-ngiti siya sa akin, please? Sama ka na?
Napa-buntong hininga ako at nginitian ko siya, sorry hindi talaga pwede.
Kailangan ako ni nanay eh. Next time na lang siguro.
Ganun ba? Sige okay lang. Marami pa namang pagkakataon.
Tinapik ni Owen ang braso ko at nagpaalam na sila sa akin. Dumiretso na rin ako
sa bahay para magpalit ng damit at nang makapunta na ako sa palengke.
Wala kasi yung kasamahan ni nanay ngayon na magtinda ng gulay sa palengke
kaya kailangan ko siyang tulungan.
Nakakainis naman na kahirapan to. Naging handlang pa sa chance ko kay Owen.
Pagka talaga ako yumaman, hindi ko na hahayaan si nanay na magtinda sa
palengke.
Dahil hapon na ay onti na lang din ang bumibili sa amin. Nag stay kami sa
palengke hanggang alas-sais ng hapon atsaka kami umuwi.
Pagdating naman sa bahay, mabilis akong naligo at kumain dahil tambak pa ako
ng homeworks na dapat kong gawin.
Pero bago yun, chineck ko ang phone ko kung may message ba si Owen.
Wala.
Siguro napasarap ang kwentuhan nila ng mga best friends ko.
Natapos ko nat lahat ang assignment ko pero wala pa ring message sa akin si
Owen.
Wala naman akong karapatan na mag-antay ng text message niya eh. Hindi naman
kami. But somehow, nalungkot ako.
Ewan. Na sanay siguro ako na gabi-gabi siyang may message sa akin. Simula kasi
nung magkakilala kami, lagi niya akong tinetext ng good night gabi-gabi.
Baka walang load?
Siguro naman nawawalan din ng load ang mga mayayaman?
Isinarado ko ang notebook at libro ko atsaka ko inilagay sa bag. Matapos yun ay
tumabi na ako kay kuya at mama sa kama na parehong mahimbing na ang tulog.
Maya-maya lang din ay nakatulog na ako.

Welcome back! masiglang sabi ni Caleb habang naka-upo siya sa ilalim ng cherry
blossom tree.
Napangiti ako at nilapitan ko siya. Naupo ako sa tabi niya.
Matagal ka bang nag-antay? tanong ko.
Nginitian ako ng malawak ni Caleb, walang matagal basta ikaw. At nag wink
siya sa akin.
Ay sus.
Bakit?
Wala.
Teka, gusto mo bang gumala ulit ngayon sa ibang panaginip?
Tumango ako, sige! Tara! Gusto ko i-try pumasok sa iba pang pinto.
Tumayo si Caleb at inilahad niya ang kanyang kamay, lets go?
Ipinatong ko naman ang kamay ko rito at inalalayan niya akong tumayo.
Naglakad kami papunta sa pinto sa di kalayuan. Ang pinto na palabas sa
panaginip ko.
Hindi binitiwan ni Caleb ang kamay ko habang nag lalakad kami sa mahabang
tulay na nasa gitna ng lake. Ang dami pa ring nakalutang na ball of lights dito. Iniisip ko
tuloy, ano kaya ang nasa loob ng mga bola na yan? Good or bad dreams?
Hindi talaga inalis ni Caleb ang kamay niya na nakahawak sa kamay ko. Hindi rin
ako nag react. Ewan, pero hinayaan ko lang siya na hawakan ang kamay ko.
Kung dati, may kakaiba akong nararamdaman pag hinahawakan niya ang kamay
ko. Yung parang tipong sasabog ang dibdib ko at hindi ko malaman kung bakit.
Pero ngayon, ang kumportable ng pakiramdam ko.
Pwede pala yun? Yung comfortable ka sa hawak ng isang tao.
Siguro dahil kumportable akong kasama si Caleb?
Pero bakit si Owen? Pag nandyan siya para akong kinakabahan na ewan. Hindi
ako mapakali. Na s-self conscious ako.
Ganun ba pag gusto mo ang isang tao? Hindi ka mapakali?
Kaya ba magkaiba ang pakikitungo ko kay Caleb at Owen?
Dahil gusto ko si Owen at kumportable ako kay Caleb?
Teka bat ko ba sila pinagkukumpara! Magkaibang-magkaiba sila.
Magkaibang-magkaiba.
Si Owen ay nasa reality ko at si Caleb naman eh
Napa-pikit ako.
Ayokong isipin.
Nang makita namin ang golden door na papasok sa room kung saan nandoon ang
ibat-iba pang pinto ng mga panaginip, binitiwan ni Caleb pansamantala ang kamay ko
para buksan ang pinto. Nang makapasok kami ay bigla na namang umikot ang buong
paligid. At nang huminto na ang pag-ikot, nakita ko sa harap ko ang walong pintuan na
may ibat-ibang kulay.
Saan naman tayo ngayon? naka-ngiting tanong sa akin ni Caleb.
Tinuro ko ang pulang pintuan, gusto kong i-try sa red door!
Red door? nilingon ako ni Caleb habang naka-ngiti siya sa akin ng nakakaloko.
Gustuhin ko mang pumasok diyan ay ayokong dalhin ka. Baka mabahiran ang inosente
mong pag-iisip.
Kinunutan ko ng noo si Caleb, hindi ko ma-gets ang sinasabi mo.
Mas lalong lumawak ang ngiti nya, sa likod ng pulang pintuan, nandoon ang
mga panaginip na, nag lean siya sa akin at itinaas baba niya ang kilay niya, censored.
Biglang nag-init ang mukha ko sa sinabi ni Caleb.
G-ganun ba? S-sige wag na lang tayo doon.
Bigla naman humagalpak ng tawa ang pilyong lalaking to, Angelique! Yung
mukha mo, kasing pula na ng pintuan!
Humawak si Caleb sa tyan niya habang tawa siya nang tawa. Tinaasan ko lang
siya ng kilay.
Bwiset eh!
Hindi ko naman kasi alam na censored pala ang nasa likod ng pinto na yun!
Malay ko ba! Ako ba ang dream traveler?! Kainis!
Yung green door na lang! irita kong sabi sa kanya.
Okay.. okay huminga siya ng malalim para pakalmahin ang sarili sa grabeng
pag tawa. Sorry! Tara sa red door!
Green!
Este green!
Ngumisi siya at inilahad niya ang kamay niya. Hinampas ko lang ito at nag tuloy-
tuloy ako maglakad papalapit sa green door. Ang init pa rin ng mukha ko.
Bwiset na dream traveler ito!
Biglang may humawak sa kamay ko at nakita kong nasa tabi ko na si Caleb.
Naka-ngiti pa rin ng nakakaloko sa akin at itinaas pa niya ang magkahawak naming
kamay para makita ko.
Napailing na lang ako.
Pero hindi ko maiwasang mapangiti.
Bwisit. Nagkaroon ata ng sariling buhay ang labi ko.
Binuksan ni Caleb ang green door at sabay kaming pumasok doon.
Bumungad sa amin ang isang mahabang kalsada. Maraming taong naglalakad. Sa
right side namin, may ibat-ibang shops na nakabukas.
May boutique, restaurant, bakery, accessory store at bookstore.
Pero isa ang kapansin-pansin sa lahat.
Umuulan ng snow.
Kanino kayang panaginip to? Parang sa ibang bansa ang setting.
Nilingon ako ni Caleb at nginitian, tignan natin kung kaninong panaginip to.
Naglakad kami sa kahabaan ng kalsada. Nung marating na namin ang dulo, may
nakita kaming isang bench doon. May naka-upo na isang babae at lalaki.
Naka coat and tie ang lalaki habang naka French coat naman ang babae. Yung
girl, nakasandal sa balikat nung guy. Pareho silang nakatingin sa langit at nanunuod ng
fireworks.
Medyo lumapit ako para tanawin ang mukha nung dalawa at halos mapa-sigaw
ako ng makita ko kung sino ito.
Si Lilian!
At yung kasama niyang lalaki ay si Howard. Si Howard na kabarkada ni Owen!
Mga kaibigan ko sila! Panaginip to ni Lilian!!
Napangiti si Caleb.
Hmmm. Mukhang umiibig ang kaibigan mo, Angelique.
Naglakad kami ni Caleb at naupo sa bench sa di kalayuan kay Lilian at Howard.
May gusto si Lilian kay Howard? Wow. Sabi na eh! Sabi na! Naku sana si
Howard din, sabi ko habang nakatingin ako doon sa dalawa.
Angelique.
Napalingon ako kay Caleb at nakita kong nakatingala siya, pinapanuod din ang
fireworks.
Hmm?
Sabi mo kanina, feeling mo nasa ibang bansa tayo ngayon. Tingin mo, saang
bansa ito ngayon?
Hmm inangat ko rin ang tingin ko at pinanuod ang fireworks. Tingin ko
nasa France tayo. Sa Paris.
Paris? Bakit naman?
Wala lang. Yung lang ang na-f-feel ko. Yung itsura rin kasi ng mga shops parang
may pagka French ang dating.
Napatango si Caleb at nilingon niya ako.
Nasa Paris nga talaga tayo.
May itinuro siya sa akin sa bandang likuran ko kaya naman napalingon ako. At
doon, nakita ko na nakatayo sa di kalayuan ang napakagandang Eiffel Tower.
Wow, manghang-mangha kong sabi. Ang ganda ng lugar kung saan
nananaginip si Lilian!
Right. Ang ganda nga.
Napa-tingin ulit ako kay Caleb at nakita kong nakatitig siya sa akin ng husto.
Hindi ko alam kung bakit pero parang bumilis ang tibok ng puso ko.
B-bakit?
Nginitian niya ako at hinawakan niya ang pendant ng kwintas na suot ko.
Youre wearing it.
Oo nga pala! Caleb, pagkagising ko, nagulat ako na suot-suot ko tong kwintas!
Paano nangyari yun? Paanong na-ilabas ko ito sa panaginip ko at nadala ko sa reality?!
Malakas kasi ako kay dream goddess kaya pinayagan niyang madala mo iyan sa
reality, sagot niya sa akin sabay kindat.
Close talaga kayo?
Oo naman! BFFs kami!
Hinawakan ko ang braso ni Caleb, pwede ko ba siyang ma-meet?
Hmmm, depende kung gusto niyang magpakita sayo. Tsaka nasa Tala ngayon si
dream goddess at hindi ka pwedeng pumunta doon.
At bakit naman?
Hindi ka para sa lugar na yun.
Napa-simangot ako.
Madalas ba kayong magkitang dalawa?
Umiling si Caleb, nope. Madalang lang. Busy kasi yun. Masyado siyang
maraming inaasikaso.
Hindi ko alam kung bakit pero medyo nanikip ang dibdib ko para kay Caleb.
Ibig sabihin palagi lang siyang mag-isa. Palagi lang naglalakbay sa kung kani-
kaninong panaginip.
Hindi ka ba nalulungkot? tanong ko ulit.
Napatingin si Caleb sa malayo, dati oo. Pero nandito ka na naman eh. Nilingon
ako ni Caleb, masaya ako na kada matutulog ka, nakakasama kita. Sarap mo kasing ka-
kwentuhan eh. Tsaka sarap-sarap mong asarin! medyo natatawa-tawa niyang sabi.
Napa-tawa na lang din ako. Pero hindi mawala ang bigat nang nararamdaman ko.
Hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman to. Pero pakiramdam ko hindi
permanente ito. Darating ang araw na pag nanaginip ako, wala na si Caleb sa panaginip
ko. O baka dumating ang araw na mawalan ako ng kakayahan na makapag lucid dream.
Hindi ko alam.
Natatakot ako.
Ang bigat sa loob.
Feeling ko na-a-attach na ako ng sobra kay Caleb. Pakiramdam ko masasaktan
ako ng husto pag natapos ito.
At hindi ko maintindihan kung bakit.

Twelfth Dream

Kamusta naman ang panaginip mo kagabi?


Ngiting-ngiti ako habang nakatingin kay Lilian. Naglalakad kami ngayon papasok
sa school.
Panaginip? medyo kumunot ang noo niya. Parang hindi naman ako nanaginip
kagabi. Nag-kibit balikat siya, kung sabagay, feeling ko nanaginip nga ako, hindi ko
lang matandaan. Ganun naman kadalasan. Laging hindi ko natatandaan ang panaginip
ko.
Napatango na lang ako.
Its either ayaw ipaalam ni Lilian sa akin na napanaginipan niya si Howard o
talaga ngang nakalimutan niya.
Pero kung nakalimutan nga niya yun, sayang naman, kay gandang panaginip kaya
nun.
Pag dating namin sa classroom, nandoon na si Amanda at busy sa cellphone niya.
Ngumi-ngiti ngiti pang mag isa.
Anong meron?
Huy! tinapik ni Lilian si Amanda at halos mapatalon to sa sobrang gulat.
Ano ba Lilian!
Ngumiti ng nakakaloko si Lilian, ikaw ah? May ka-text ka no? Crush mo ba
yan o jowa na?
Hay naku ewan ko sayo Lilian! umirap si Amanda at lumipat ng upuan.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Lilian.
Ikaw talaga! Shy siya eh! natatawa-tawang sabi ko kay Lilian.
Sorry naman! Malay ko bang umiibig na talaga ang kaibigan natin! at sabay
kaming nagtawanan ni Lilian.
Halos dalawang buwan na ang nakalipas at araw-araw, palaging may ka-text itong
si Amanda. Hindi naman niya sinasabi kung sino pero parang dama ko na kung sino ang
ka-text niya.
Ilang beses kong nahuhuli si Geraldisa sa mga kaibigan ni Owen---na
nakatingin kay Amanda kada magkakasama kami. Feeling ko talaga type ng isang to ang
kaibigan ko eh.
Pero kung nanliligaw na siya kay Amanda, sana sabihin niya sa amin. Okay
naman siya eh. Tsaka isa pa gentleman si Gerald.
Sa dalawang buwan na lumipas, halos hindi ko nakikita si Owen. Sabi nina
Gerald at Howard, busy raw ang isang yun ngayon sa pag-aaral para sa entrance exam
niya sa Ateneo. Nainggit tuloy ako kaya madalas na rin akong umuwi ng maaga para
mag-aral. Kailangan kong makakuha ng scholarship kaya dapat taasan ko ang score ko sa
entrance exam.
May times na nakaka-text ko si Owen pero madalang na lang. Usually puro about
academics ang pinaguusapan namin. Ginu-goodluck ko siya at ganun din naman siya sa
akin.
Pero kahit papaano, namimiss kong maka-bonding siya.
Sa panaginip naman, kung anu-ano at kung saan-saan kami pumupunta ni Caleb.
Nakakatuwa nga eh. Para kasi kaming hindi nauubusan ng paguusapan. Kahit
sobrang random na nang nagiging takbo ng pag-uusap namin, nag eenjoy pa rin ako na
makasama siya.
Lately ko lang na-realize na pa-aga nang pa-aga ang pag tulog ko. Ewan ko ba.
Lagi akong excited na makasama si Caleb.
Siguro dahil sobrang gaan ng loob ko sa kanya.
Yun nga lang, yung isang yun hindi pa rin pinapakita sa akin yung drawing niya.
Sabi niya, tinapon na raw niya. Hindi ako naniniwala. Ang daya talaga niya!

Eighteen years old, sabi sa akin ni Caleb isang araw habang naglalakad kami sa
beach dito sa panaginip ko.
Anong eighteen years old?
Nilingon niya ako at nginitian, ayan ang edad ko sabi ni dream goddess.
Napatango ako, eighteen years old. Mas matanda ka pala sa akin ng two years.
Ngumisi ako sa kanya, dapat ata kuya Caleb ang tawag ko sayo?
Napatawa siya ng mahina, bakit? Kuya ba ang turing mo sa akin?
Napa-ngiti na lang ako at napailing.
Hindi ko makuhang sagutin ang tanong niya sa akin.
Isang beses, bumisita uli kami sa panaginip ng isang tao. Medyo weird at creepy
ang panaginip nito kahit na hindi yung pink door ang pinasok namin.
Sa panaginip niya kasi, nandito kami sa isang mahabang eskinita na may dikit-
dikit na bahay. Maraming tambay sa paligid. Marami ring nagkalat na asong kalye. Sa
isang side, may mga nagiinumang mga lalaki. Sa kabila naman, may aleng sinisigawan
ang asawa niya.
Very familiar ang aura ng paligid, sabi ko kay Caleb habang naglalakad kami sa
kahabaan ng squatters area.
Bakit naman?
Sa ganitong lugar kami dati nakatira. Kaya lang nung nanakawan kami, lumipat
na kami.
Napatango si Caleb, eh kamusta naman yung tinitirhan niyo ngayon?
Uhmm. Ganun pa rin. Maliit lang ang bahay namin. Gawa sa yero ang bubong.
Pag bumagyo, lagi kaming binabaha. Tapos iisa lang ang kwarto namin sa bahay. Iisa
lang din ang kama.
Napangiti si Caleb, iisa lang ang kama? Ibig sabihin tabi-tabi kayong matulog?
Oo! At ang sikip! Bat ka ba nakangiti na parang nakakatuwa yun?
Napailing si Caleb pero nakangiti pa rin siya, wala lang. Kung tabi-tabi kayong
matulog, ibig sabihin close kayo ng pamilya mo. Alam mo ba na tingin ko, kapag mas
maliit ang bahay, mas nagiging malapit ang pamilya sa isat-isa. Lagi kasi kayong
magkakasama at mas maraming oras na makapag-kwentuhan.
Napangiti na lang din ako.
Tama naman si Caleb eh. Tama siya.
Hindi ko ba alam kung paano niya nagagawa ito. Kung paano niyang nakukuhang
makakita ng maganda sa mga panget na bagay sa reyalidad ko.
Pero dahil doon, simula nang makilala ko si Caleb sa panaginip ko, ang dami
kong na-realize.
Napagtanto ko na hindi naman pala ganoon ka-sama ang reyalidad ko.
Sa totoo lang, blessed pa nga ako sa maraming bagay eh.
Si nanay at si kuya lang, ang laking blessing na sa akin.
I-describe mo naman sa akin yung crush mo, sabi ni Caleb sa akin habang naka-
upo kami sa likod ng bus.
Nandito kami ngayon sa panaginip ng isang elementary student. Ang setting, nasa
bus sila at may field trip.
Si Owen? Eh nakita mo na siya sa panaginip ko dati di ba?
Wala lang. Im just wondering kung ano ba siya sa reality mo.
Hmm, gwapo siya.
I know that. Pero mas gwapo pa rin ako.
Tinulak ko siya ng mahina, aba! Makapal ah?
Totoo naman eh! Pero ano nga? Ano ang ugali niya?
Mabait. Gentleman. Maalalahanin. Masipag mag aral, mabuting kaibigan. Ano
pa ba?
Wow ha! Sigurado ka bang totoong tao yang Owen na yan at hindi isang
fictional character sa librong nabasa mo?
Oo kaya! Bakit ba!
Masyado siyang perfect eh. Hindi na makatotohanan.
Eh ganun talaga siya eh. Kaya ko nga siya nagustuhan eh.
Napatango si Caleb at napa-ngiti, kung sabagay. Swerte niya.
Ha? Ano yun? Di ko narinig yung huling sinabi mo.
Wala. Sabi ko, tingin mo, saan papunta ang bus na to?
Nagkibit-balikat ako, ewan. Hula ko sa zoo. Ikaw?
Factory ng tinapay, naka-ngisi niyang sabi.
Medyo natawa ako. Madalas kasi sa factory ng mga pagkain ang field trip eh.
Yun nga lang, hindi na namin nalaman kung saan patungo ang bus na sinasakyan
namin kasi bago pa man kami makarating, nagising na yung bata.
Eh ikaw, naranasan mo na bang ma-inlove? tanong ko naman kay Caleb habang
naka-sakay kami sa isang ferris wheel. Nandito kami ngayon sa panaginip ko. Gabi.
Tanaw na tanaw ang kabuuan ng panaginip na ginawa ko sa tuktok ng ferris wheel.
Seryoso ka sa tanong na yan? naka-ngiting sabi ni Caleb.
Oo! Seryoso ako!
Tumingin si Caleb sa labas ng ferris wheel at ngumiti.
Ngunit hindi niya sinagot ang tanong ko.
Gusto ko siyang pilitin. Na c-curious talaga ako. Alam kong naka-crush na siya
pero na-inlove na ba siya? Si dream goddess kaya? Bat ang ganda ng ngiti niya?
Pero hindi ko siya matanong.
Parang natatakot ako kung ano man ang isasagot niya.
Marami pa kaming napuntahan ni Caleb sa mga dumaan pang araw. May times na
napupuntahan ulit namin ang panaginip na napuntahan na namin dati. Katulad na lang
nung panaginip ng batang babae na nasa isang garden wedding. At katulad ng dati, bago
kami lumabas sa panaginip niya, niyakap na naman niya si Caleb at tinanong kung
babalik na ito.
Nginitian lang siya ni Caleb.
Ilang beses ka na bang nakarating sa panaginip nung bata? tanong ko sa kanya
habang nandito kami sa isa na namang panaginip ng ibang tao.
This time, isang matandang babae ang nananaginip. Dito sa panaginip niya, nasa
farm siya at naka-upo sa isang duyan habang pinapanuod niya ang mga apo niyang
nagtatakbuhan sa damuhan.
Naka-upo kami ni Caleb sa kabilang duyan na malapit doon sa matanda.
Mga limang beses na, sagot naman niya sa akin.
Napatango ako, kaya pala lagi ka niyang pinapabalik.
Feeling ko crush niya ako. Ang gwapo ko kasi!
Hinampas ko siya sa braso, ikaw talaga! Pati ba naman bata?!
Ganun talaga pag gwapo! at kinindatan niya ako. Napa-iling na lang ako.
Welcome back, naka-ngiting sabi sa akin ni Caleb pagkarating na pagkarating
ko sa panaginip ko.
The usual, dito ko na naman siya nakita sa hile-hilerang mga cherry blossom tree.
Sabi niya sa akin, ito ang favorite place niya sa panaginip ko.
Dati, wala akong favorite place sa panaginip ko. Pero ngayon, mukhang itong
parte na rin na to ang pinaka paborito ko.
Nilapitan niya ako habang naka-ngiti pa rin ng malawak.
Saan mo gustong pumunta ngayon? tanong niya sa akin.
Hmmm, ikaw naman ang magsabi. Nung last time ako na ang nagsabi kung saan
tayo pupunta eh.
Okay. Gusto kong mag ice skating!
Ice skating? Saan naman?
Medyo natatawa-tawang pinitik ako sa noo ni Caleb.
Aw, ikaw bat mo ko pinitik sa noo?!
Wala lang. Nakakatawa ka. You lack imagination, dont you?
Huh?
Napatingin sa kanan si Caleb at sinundan ko ang tingin niya. Nakita ko ang parte
ng panaginip ko kung saan may mga pine trees at umuulan ng snow.
Oh okay. Gets ko na ang gusto mong mangyari.
Tara na! Masaya to!
Bago pa ako maka-angal eh hinila na ako ni Caleb papunta doon sa may mga pine
trees.
Ayan ang imagination! masiglang sabi ni Caleb nang makita niya ang isang
skating rink sa gitna ng mga pine trees.
Marunong ka bang mag ice skating? tanong ko sa kanya.
Im Caleb the great. Lahat ng bagay, alam kong gawin!
Hinampas ko siya ng mahina sa braso, ang yabang mo talaga!
Hindi naman. Gwapo lang.
Tignan mo yan! Yan!
Alin? Yung mukha ko? nakangisi niyang sabi.
Ay naku, ewan ko sayo Caleb.
Eh ikaw? Marunong ka bang mag ice skating?
Umiling ako, paano naman ako matututo? Pang mayaman lang ang pag i-ice
skating!
Eh pwede ka naman matuto sa panaginip mo.
Biglang inilahad ni Caleb ang kamay niya.
Ano yan? sabi ko habang nakatingin sa palad niya.
Inilalahad ko ang kamay ko kasi gusto kitang yayain mag sayaw.
Pinanliitan ko siya ng mata.
Joke lang! Obviously niyayaya kitang mag ice skating. Tuturuan kita.
Kailangan magkahawak kamay?
Oh edi wag. Bahala ka.
Medyo nataw ako at kinuha ko ang kamay niya.
Joke lang! Pero finally naasar din kita!
Napangiti na lang si Caleb habang iiling-iling.
Inumpisahan niya akong turuan. Madali lang naman pala. Or ewan kung madali
lang talaga dahil nasa panaginip ako at kaya ko ring i-control ang learning skills ko dito?
Pero nag eenjoy ako.
Hindi pa rin binibitiwan ni Caleb ang kamay ko. Ayoko rin bumitiw. Mas
komportable ako ng ganito.
Hindi kami naka-suot ng kahit anong panlamig. Walang hand mittens o scarf. Si
Caleb, suot pa rin niya yung leather jacket at white shirt niya. Ako naman, yung uniform
ko.
Palaging ganito ang damit namin. Hindi naman namin kailangang magpalit ng
damit eh.
Pero weird, kasi ngayong malapit ako kay Caleb, naamoy ko siya.
Ang bango niya.
Bumabaho ba ang mga kagaya niya?
Napatingin ako sa langit. Ang ganda ng blue moon. Ang ganda rin ng ilaw ng mga
bituin.
Alam mo bang dito sa panaginip mo may pinaka magandang blue moon? Mas
maganda pa kesa sa blue moon na nasa Tala, sabi sa akin ni Caleb.
Talaga? Mas maganda pa sa Tala?
Tumango si Caleb at tinitigan ako.
Oo, mas maganda
Napa-yuko agad ako at napalunok.
Sobrang komportable ko kada kasama si Caleb. Pero kada tinitignan niya ako ng
ganyan, parang may nagwawala sa kaloob-looban ko. Hindi ko maintindihan kung bakit.
Nagkakagusto na ba ako sa kanya?
Imposible. Si Owen ang gusto ko eh.
At hindi pwede. Hindi pwede kasi hanggang sa panaginip ko lang siya
makakasama. Hindi siya parte ng reality ko.
Kahit ilang beses kong pinagdasal at hiniling sa Diyos na sana maging parte siya
ng reality ko.
Alam mo ba, nag take na ako ng entrance exam doon sa school na gusto ko,
kwento ko kay Caleb.
Bigla siyang napa-ngiti at kita ko sa expression niya ang saya, talaga? Thats
great Angelique!
Kinakabahan pa ako kasi next month pa malalaman kung pasok ako sa school o
hindi. Okung natanggap ako sa scholarship.
Nararamdaman kong makukuha mo ang scholarship.
Sus. Alam kong pinapalakas mo lang ang loob ko. Pero thank you, Caleb.
No, Im serious. Nararamdaman ko talaga na makukuha mo ang scholarship.
Bakit naman.
Dahil si Angelique ka.
Napa-ngiti ako bigla ng malawak.
Sa lahat ng taong nakilala ko, ito pang lalaki na nasa panaginip ko ang kayang-
kayang pagaanin at palakasin ang loob ko.
Thank you Caleb ah? Thank you sa lahat ng pina-realized mo sa akin.
Napatango si Caleb at nginitian niya ako.
Masaya ka na bas a reality mo?
Hmm, hindi ito perfect pero na-realized ko na wala naman talagang perfect na
reality eh. Na-realized ko na ang dami kong bagay na dapat ipagpasalamat. Na-realized
kong blessed pa rin ako. At oo, masaya ako sa reality ko Caleb. Sobrang saya.
Im glad Angelique. Im glad.
P-pero hindi ibig sabihin nun hindi na ako mag l-lucid dream ha? Masaya rin ako
dito pag kasama kita. Promise yun! Kahit pang-asar ka pa!
Medyo napatawa si Caleb.
Hindi ako magsasawang asarin ka.
Balang araw makakagati ako sayo!
Natawa si Caleb at ako naman, na out balance. Napahawak tuloy siya bigla sa
waist ko at inalalayan akong umayos ng tayo.
Ayos ka lang?
O-oo, napa-tingin ako sa kanya at halos mag-init ang mukha ko nang ma-
realized kong sobrang lapit na namin sa isat-isa.
Angelique, alam mo ba, ang saya ko
H-ha?
Nagulat ako nang biglang hawakan ni Caleb ang mukha ko.
C-Caleb
Thank you ah? Kahit papaano nagkaroon ng saysay ang existence ko rito.
Ngayon ko lang na-realized kung gaano pala kasaya na pumunta sa ibat-ibang panaginip.
Kasama kasi kita eh. Ngayon ko lang naranasan na mag plano ng mga susunod na
gagawin. Ngayon ko lang naramdaman ang excitement na mag travel sa ibat-ibang
panaginip. Dahil sayo iyon Angelique. At sobrang nagpapasalamat ako dahil dumating
ka sa buhay ko.
T-teka Caleb. Bat mo naman sinasabi to? Parang namamaalam ka na eh.
Ngumiti lang siya sa akin.
Its time for you to wake up.
Pagkasabi ni Caleb nun ay bigla na lang akong nagising.
Ang bilis ng tibok ng puso ko.
Ang sikip ng dibdib ko.
Napahawak ako sa pisngi ko.
Gabi-gabi, bago ako magising, laging sinasabi ni Caleb na magiintay siya sa akin.
Walang palya iyon. Walang mintis.
Pero ito ang unang beses na hindi niya sinabi sa akin na maghihintay siya.
Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko.
Aalis na ba siya? Hindi ko na ba siya makikita?
Namamaalam na ba kanina sa akin si Caleb?
Napa-pikit na lang ako at hindi ko na napigilan pa ang pag-bagsak ng luha sa mga
mata ko.

Thirteenth Dream

Hindi ako mapakali. Gusto ko ulit matulog. Gusto kong bumalik sa panaginip ko.
Bat ganun ang inasal ni Caleb? Bakit niya sinabi ang mga bagay na yun? Aalis
na ba siya? Iiwan niya na ba ako?
Napa-iling ako.
Napaparanoid naman ako masyado. Baka talagang feel niya lang mag-drama nun.
May times pa naman na hindi ko maintindihan ang mood niya.
Pero hindi pa rin niya sinabing iintayin niya ako.
Napahinga ako ng malalim. Baka naman nakalimutan niya lang? O dahil nagising
na ako bago pa niya sabihin.
Siguro naman kung mawawala siya sa panaginip ko eh magpapaalam siya sa akin
ng maayos.
After all, kahit sa panaginip lang, may pinagsamahan naman kami.
Naging magkaibigan naman kami.
Ang lalim ng iniisip mo ah?
Halos mapatalon ako sa gulat nang may nagsalita sa gilid ko. Napatingin ako rito
at nakita ko si Howard.
Uy ikaw pala, good morning! bati ko sa kanya.
Sinabayan niya ako sa paglalakad papunta sa school.
Angelique, gusto sana kitang makausap.
Hmm? Ano yun?
Nilingon ko siya at nakita kong namumula ang tenga niya.
About Lilian
Napahinto ako bigla.
Oh. My. Gosh.
Tinignan ko ang wrist watch ko. May 40 minutes pa kami bago mag start ang
klase.
Parang gusto ko munang kumain bago pumunta sa klase, sabi ko sa kanya.
He grinned at me, ako rin.

~*~

Hindi ako makapaniwala. Hindi ko maitago ang ngiti sa labi ko dahil sa sinabi ni
Howard.
Gusto niya si Lilian. May gusto siya sa kaibigan ko!
At yung panaginip na napuntahan namin ni Caleb? Hindi yun panaginip ni Lilian
kundi kay Howard yun.
Habang kinukwento ni Howard ang panaginip niya, grabeng pagpipigil ang
ginawa ko para wag kong masabi na nandoon din ako sa panaginip na yun. Na nakita ko
ang lahat.
Nakita namin ni Caleb.
May pinaplano akong surprise para kay Lilian and I need your help, sabi sa akin
ni Howard.
Ano yun?
Ipinaliwanag niya sa akin ang plano niya at abot hanggang tenga ang ngiti ko.
Sure! Go ako! sabi ko sakanya at nag high-five kaming dalawa.
Nang pumasok ako sa classroom namin, nadatnan ko si Lilian na busy magbasa
ng notes at si Amanda naman ay busy na naman sa pagpipindot ng phone niya. Nakita ko
pang nangingiti mag-isa doon si Amanda.
Napa-ngiti na lang ako sa dalawa.
Mukhang bago kami grumaduate ng highschool, may lovelife na ang dalawa kong
kaibigan.
Napa-buntong-hininga na lang ako.
Buti pa sila.

Nung gabing yun, nagmamadali kong tinapos ang assignment ko pati na rin lahat
ng inutos sa akin ni nanay. Gusto ko na matulog agad. Excited akong i-kwento kay Caleb
ang tungkol kina Howard at Lilian.
Kaya naman nang matapos ko na lahat ng inutos ni nanay, dali-dali akong nahiga
sa kama.
Sa lahat ng teenager na kilala ko, ikaw lang yung maagang natutulog, sabi sa
akin ni kuya.
Maaga pa pasok ko bukas eh, pagdadahilan ko naman.
Kaso 9pm pa lang ineng. Ano to, probinsya?!
Oy late na kaya ang 9pm! Gusto mo magpuyat ako? Wag mo nga ako guluhin,
antok na ako! at nagtalukbong na ako ng kumot.
Kuya ko talaga minsan may pagka kontrabida!
Ipinikit ko na ang mata ko at pinilit matulog.
Caleb?
Inikot ko ang field kung saan hile-hilera ang mga cherry blossom tree.
Caleb?
Hindi siya sumagot. Nagumpisa na akong makaramdam ng pagpapanic.
Caleb ah, ayoko ng joke mo! sigaw ko. Lumabas ka na, ano ba!
Pumikit ako at huminga ng malalim.
Tumingin ako sa kaliwat kanan ko.
Wala pa ring Caleb na nagpapakita.
Baka wala siya rito sa mga cherry blossom tree.
Pumasok ako sa loob ng school. Walang tao. Walang mga estudyante.
Walang Caleb.
Inisa-isa ko ang classroom pero hindi ko siya nakita. Pumunta ako sa cafeteria
pero wala rin siya doon. Pati rin sa rooftop.
Bumaba ulit ako sa may mga cherry blossom trees. Inikot ko ang buong field.
Pumunta ako sa beach. Pumunta ako sa mga pine trees na may snow. Wala siya. Bumalik
ulit ako sa classroom, sa rooftop at sa cafeteria.
Pero wala si Caleb.
Nanginginig akong naupo sa gitnang table sa cafeteria. Nangingilid na ang luha
ko.
Nasaan na ba si Caleb? Bakit hindi ko siya makita?
Pinilit kong pigilan ang nagbabadyang luha na bumagsak sa mata ko.
Nangyari na to dati nung birthday ko. Yung akala ko wala na siya pero bigla na
lang ulit siya sumulpot.
Darating din siya. Alam ko darating siya.
Hindi ako umalis sa kinauupuan ko. Nandoon lang ako at inaantay si Caleb na
magpakita sa akin.
Nung una, iniisip ko ang katakot-takot na sasabihin ko sa kanya. Mag rereklamo
ako nang mag rereklamo hanggang sa sumakit ang tenga niya. Sasapakin ko rin siya sa
braso kasi pinagaantay niya ako. Sasabihin ko kailangan niyang bumawi dahil
kinakabahan ako rito.
Pero habang nararamdaman ko ang papalapit na papalapit na oras ng pag-gising
ko, naglaho na lahat ng inis ko kay Caleb.
Basta magpakita lang siya sa akin, hindi na ako magagalit.
Basta malaman ko lang na hindi siya umalis sa panaginip ko, okay na ako doon.
Kahit na isang nakakainis na pantitrip to mula sa kanya, tatawanan ko na lang.
Basta magpakita lang siya.
Please Caleb. Please.
Narinig kong nag alarm ang phone ko.
Hindi. Hindi pa ako pwedeng gumising.
Ayoko. Wala pa si Caleb. Hindi pwede!
Sunod-sunod na ang patak ng luha sa mata ko.
Ayokong gumising hanggat hindi ko siya nakikita.
Caleb naman eh! sigaw ko.
Tumakbo ako palapit sa pintuan ng cafeteria. Kailangan kong mag travel sa mga
panaginip ng iba.
Kailan kong hanapin si Caleb.
Kailangan ko siyang makita.
Hindi pwedeng hindi siya magpapaalam sa akin. Ayoko.
Binuksan ko ang cafeteria habang iniisip ko na lalabas na ako sa panaginip ko.
Ganun ang kadalasan kong ginagawa pag nag t-travel kami ni Caleb sa panaginip ng
ibang tao.
Pero pag bukas ko, hallway ang nakita ko.
No. Bat ayaw gumana? Bat hindi ako makapag travel?
Mas lalong lumakas ang tunog ng alarm clock ko. Hindi ko to pinansin.
Hindi pa ako pwedeng gumising. Si Caleb. Kailangan kong makita si Caleb!
Isinara ko ulit ang pinto ng cafeteria at muli ko itong binuksan. Hallway pa rin
ang bumungad sa akin.
NAKAKAINIS! pinagsisipa ko ang pinto habang tuloy-tuloy ang agos ng luha
sa mata ko.
Hindi ako makapag travel. Hindi ako makalabas sa panaginip ko.
Kailangan kong hanapin si Caleb!
Caleb!
Angelique gumising ka na! Male-late ka na!!!
Napadilat ang mata ko at nakita kong nandito na ako sa kwarto ko. Gising na
gising na ako. Napatingin ako sa pintuan ng kwarto namin at nakita ko si nanay na
palabas na rito.
Hindi. Hindi. Hindi pwede.
Bat ganun?
Bat hindi siya nagpakita?
Ipinatong ko ang unan sa mukha ko at humagulgol ng iyak.
Bat umalis siya ng walang pasabi? Ni hindi man lang siya nag paalam ng
maayos!
Bakit bigla niya na lang ako iniwan ng ganun?!
Matapos niyang mas pagandahin ang panaginip ko, bigla na lang siyang aalis ng
ganun?
Hindi ba niya alam na hindi na magiging tulad ng dati ang panaginip ko?
Hindi ba niya alam na hindi ko na pwedeng yun maging takbuhan kada may
nangyayaring hindi maganda sa reality ko? At dahil yun sa kanya.
Dahil kung hindi na siya babalik, mas malulungkot lang ako pag babalik ako sa
panaginip ko.
Pina-realize niya kasi sa akin na peke lang lahat ng yun. Na kada nananaginip ako
noon, magisa lang ako.
Siya ba, peke lang din? Parte lang ba siya ng imagination ko?
Pero bat totoong totoo siya? Bakit?
Hindi ko na nakuha pang mag almusal. Ayokong ipakita kina nanay ang
namamagang mata ko. Magtatanong lang sila kung ano ang problema at hindi ko alam
kung paano ko sasagutin iyon.
Maaga akong pumasok. Pagdating ko sa classroom, ako pa lang mag isa.
Lumabas ako agad.
Ayokong mag isa. Ayoko nang tahimik.
Nabibingi ako.
Naiiyak ako.
Bat umalis siya ng walang pasabi?
Pumunta ako sa may court malapit sa school namin. At least dito nakikita ko ang
mga dumadaan. Dito maingay.
Dito, maraming makakakita sa akin kaya hindi ako pwedeng umiyak.
Nakita kong parating si Owen. Kahit papaano ay napangiti ako.
Si Owen.
Siya na lang ang magandang nangyayari sa akin ngayon.
Inayos ko ang buhok ko gamit ang daliri ko. Inunat ko ang unipormeng suot ko.
Pagkatapos nun ay tumayo ako at patakbong lumapit sa kanya.
Pero hindi pa ako tuluyang nakakalapit eh napahinto na ako bigla.
Nakita ko si Amanda na tumakbo rin papalapit kay Owen.
Nang makalapit siya, niyakap siya ni Owen ng mahigpit. Hinalikan pa niya sa noo
si Amanda.
Pagkatapos nun ay kinuha niya ang kamay nito at sabay silang naglakad habang
magka-holding hands.
Napatalikod ako at bigla kong pinagsisihan na nasa court ako.
Ang daming tao.
Hindi ako makaiyak.
Gusto kong umiyak.
Gusto kong mapag-isa.
Gusto kong bumalik sa pagtulog.
Pero sa panaginip ko, iniwan na ako ni Caleb.
Biglang nag ring ang phone ko. Nanginginig ang kamay ko nang kunin ko ito sa
bulsa ko at nakita kong tumatawag si nanay sa akin.
Sinagot ko agad ito at nagulat ako nang marinig kong nag h-hysteria siya mula sa
kabilang linya.
Angelique! Anak! Umuwi ka muna! Ang kuya mo!!! Ang kuya mo, isinugod sa
ospital!!!
At tuluyan nang bumagsak ang luha sa mga mata ko.

Fourteenth Dream

Nadatnan ko si nanay na nakaupo sa labas ng operating room.


May hawak-hawak siyang panyo at pinupunasan niya ang mga luhang
bumabagsak sa mata niya.
Ipinaliwanag ni nanay sa akin ang nangyari.
Appendicitis ang dahilan kung bakit isinugod si kuya. Buti na lang nadala siya
agad dito. Sa ngayon ay ino-operahan na siya pero sabi ng mga doktor eh magiging ayos
na ang lagay niya.
Pero kahit sinabi na ng doktor na magiging maayos si kuya, patuloy pa rin ang
pag iyak ng nanay. Sunod-sunod na luha ang bumabagsak sa mata niya.
At alam ko kung ano ang dahilan.
Wala kaming maipapambayad sa ospital.
Hindi ko magawang matignan si nanay pero rinig na rinig ko pa rin ang mga hikbi
niya.
Ang sakit talagang makita at marinig na umiiyak ang nanay mo. Ang sakit
makitang nahihirapan siya.
Parang dinudurog ang puso ko. Pakiramdam ko wala akong kwenta.
Wala akong magawa.
Hindi ko alam ang pwede kong gawin ngayon.
Gusto kong tumakas. Gustong-gusto kong tumakas.
Naalala ko dati nung nanakawan kami. Naalala ko ang tunog ng hagulgol ni
nanay. Ang pagmamakaawa niya sa iba naming mga kamag-anak para pautangin siya.
Ang hindi niya pagtatanggol sa sarili niya sa masasakit na salitang binitiwan nila nung
nangungutang si nanay.
Nagpakababa siya noon. Tiniis niya yun.
Para lang may perang mapagkuhanan pangkain namin.
At ako? Nakatingin lang mula sa malayo. Umiiyak lang. Pero wala rin akong
magawa nun.
Wala akong kwenta.
Bigla akong may naalala. Napatingin ako kay nanay.
Nay, uuwi lang po muna ako sa atin. Kukuha lang ako ng pera.
Napalingon sa akin si nanay.
Anak protesta niya.
Nginitian ko siya at hindi ko mapigilan ang pag bagsak ng luha sa mata ko.
Ngayon, mas mahalaga si kuya. Magiging okay rin ang lahat.
Tumango si nanay at sabay nun at ang pag hagulgol niya ng iyak.
Pinigilan kong wag maiyak. Kailangan kong magpaka-tatag. Kailangan kong
makayanan to.
Umuwi agad ako sa amin at dumiretso sa kwarto ko. Binuksan ko ang cabinet
namin at sa kaila-ilaliman nun ay may isang maliit na kahon na may lamang pera.
Perang inipon ni nanay para sana sa college ko.
Perang pinaghirapan ko rin at kinita ko sa pagtitinda ng gulay sa palengke.
Alam kong kahit makakuha ako ng scholarship, kailangan pa rin namin ng
panggastos para sa college ko. Mahal ang mga kagamitan sa architecture. Kailangan ng
extra money.
Kaya lang
Mas importante si kuya.
Nanginginig ang kamay ko nang kinukuha ko ang pera sa kahon.
Bat ba nangyayari sa akin to? Bat nangyayari to sa reality ko?
Bakit kung kelang nakikita ko na ang ganda ng reality ko tsaka pa kailangang
may mangyaring ganito?!
Napahagulgol ako ng iyak. Ipinatong ko ang ulo ko sa mga tuhod ko. Sumigaw
ako at pinagsusuntok ang hita ko.
Sa isang araw ang dami na nangyari.
Si Owen. Si Amanda. Si Kuya.
Si Caleb.
Gusto kong tumakas. Please. Hayaan niyo muna akong tumakas.
Kahit saglit lang.
Kahit ilang minuto lang.
Naramdaman ko ang unti-unting pagbigat ng mata ko.
At bigla na lang akong nakatulog habang umiiyak ako.
Nasa rooftop ako ng panaginip ko. Tahimik pa rin. Walang tao. Walang makakarinig sa
akin.
Sumigaw ako nang sumigaw hanggang sa halos mawala na ang boses ko.
Humagulgol ako ng iyak. Pinagsisipa ko ang railings ng rooftop. Nahiga ako sa malamig
na semento. At humagulgol ulit ako.
Pero kahit gaano ka-lakas ang pag iyak ko. Kahit gaano pa ako magsisisigaw,
walang lalapit sa akin. Walang makakarinig. Walang magtutuyo ng luha ko.
Mag-isa lang ako dito.
Mag isa lang umiiyak.
Walang karamay.
Tumayo ako at unti-unting nag lakad papalapit sa railings.
Ano kaya ang pakiramdam ng tumalon diyan? Masasaktan ba ako kahit nasa
panaginip ako?
Mararanasan ko bang mamatay kahit sa panaginip lang?
O dapat bang gumising na lang ako at totohanin na tong pinaplano ko?
Pagod na kasi ako. Hindi ko na kaya.
Hinawakan ko ng mahigpit ang mga railings.
Gusto kong tumalon. Gusto ko nang maramdaman kung paano unti-unting
mawalan ng hininga.
Parang ganito na kasi ang nangyayari sa akin sa reality eh.
Unti-unti na akong pinapatay sa sobrang hirap at sakit.
Pagod na talaga ako.
Pumikit ako.
Ayoko na.
Sasampa na sana ako sa railings nang may dalawang kamay ang yumakap sa
bewang ko at hinila ako papalapit sa kanya.
Angelique, tama na.
Mas lalo akong napahagulgol ng iyak nang marinig ko ang boses ni Caleb.
Hinarap ko siya at nakita ko ang mga mata niya na malungkot at nasasaktan
habang nakatingin siya sa akin.
Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok ko na tumakip sa mukha ko.
Nandito na ako. Sorry. Sorry. Sorry talaga.
Bigla ko siyang niyakap ng mahigpit na mahigpit habang umiiyak. At sa pagitan
ng pag-iyak ko, ikinuwento ko lahat sa kanya.
Yung kay Owen at kay Amanda. Yung nangyari kay kuya. Yung pambayad sa
ospital.
Malabo na akong makapasok ng college ngayong taon. Paano na ako? Saan na
ako pupulutin?
Ayoko nang gumising Caleb. Dito na lang ako please? Ayoko na. Sasamahan na
lang kita dito. Hindi ko na kayang mabuhay doon. Nahihirapan na ako.
Angelique, medyo humiwalay si Caleb sa pagkakayakap sa akin at tinignan
niya ako sa mata. Kailangan mong gumising. Kailangan mong harapin yun. Isipin mo
ang nanay mo. Ano ang nararamdaman niya ngayon? Paniguradong mas nasasaktan siya
kesa sayo kasi Angelique, isa siyang magulang. Tingin mo gusto niya ang nangyayari?
Tingin mo ayos lang sa kanya na hindi ka makakapasok sa college? Tingin mo hindi siya
nasasaktan?!
C-Caleb
Wag kang maging makasarili!
Wala naman akong magagawa! Wala!
His eyes softened at hinawakan niya ang kamay ko.
Thats not true, Angelique. Malaking bagay na para sa kanya na nandoon ka sa
tabi niya.
Hindi ako umimik. Hinayaan ko lang na tuloy-tuloy na pumatak ang luha sa mata
ko.
Angelique, mas lalong lumapit si Caleb sa akin at pinunasan niya ang luha sa
pisngi ko gamit ang daliri niya. Kailangan mo nang gumising.
Pag bumalik ako nandito ka pa ba?
He gave me a sad smile.
Hanggat kaya ko pang manatili, magiintay ako.
A-anong ibig mong sabihin?
Caleb leaned forward at hinalikan niya ang pisngi ko.
Wag kang mag-alala, hindi na ako aalis ng walang pasabi.
Caleb
Magiintay ako.
I tried my best para bigyan siya ng ngiti. Tumango ako.
Babalik ako.
And with that, nagising na ako.
Agad kong idiniretso sa ospital ang pera at nag impake na rin ako ng ilang damit
para sa aming tatlo. Sumobra pa yung nadala ko kaya naman sinabi ko kay nanay na
bibili muna ako ng pagkain para sa amin.
Nginitian ko si nanay. Sinabihan siya na magiging okay lang ang lahat. Na
magiging okay lang kami at si kuya.
At nung ngumiti rin si nanay, parang kahit papaano eh gumaan ang loob ko.
Magiging okay lang kami.
Pababa sana ako sa cafeteria ng ospital nang may makasalubong akong isang
babaeng nasa late 30s na may buhat buhat na dalawang mukhang mabibigat na plastic
bags.
Medyo napatingin ako sa kanya.
Parang familiar ang mukha niya. Pakiramdam ko nakita ko na siya eh. Hindi ko
lang matandaan kung saan.
Ay napigtas!
Nakita kong napa-yuko ang babae habang isa-isang inilalagay ang mga grocery
items na nahulog sa napigtas na plastic bag. Agad ko siyang nilapitan at tinulungan.
Naku salamat hija, sabi niya at tinignan niya ako atsaka nginitian.
Napa-hinto ako.
Pati ang pag ngiti niya pamilyar sa akin.
Hindi ko lang matandaan kung saan ko ito nakita.
Tulungan ko na po kayo.
Ay naku salamat. Eh dito na lang hija, binuksan niya ang hospital door na
katapat namin.
Nauna siyang pumasok at sumunod ako.
Ilalapag ko na sana sa side table na tabi ng hospital bed ang plastic bag pero hindi
na ito umabot doon.
Dahil nabitiwan ko na lang ito bigla.
At gulat na gulat akong nakatingin sa lalaking mahimbing na natutulog sa hospital
bed.
Caleb?

Fifteenth Dream
Caleb?
Hindi ako maka-galaw sa kinatatayuan ko.
Totoo ba tong nakikita ko? Si Caleb. Si Caleb
Unti-unti akong lumapit.
Si Caleb nga. Hindi ako pwedeng magkamali. Si Caleb nga ito.
Totoong tao siya. Nag e-exist siya sa mundong ito.
Comatose siya?
Pero nag eexist siya sa reality. Tunay siya. Tunay.
Kilala mo ang anak ko?
Napatingin ako sa babaeng tinulungan ko at nakita ko ang bakas ng pagtataka sa
mukha niya. Medyo lumapit siya sa akin at unti-unti ay nanlaki ang mga mata niya.
Kilala kita, sabi niya sa akin at hinawakan niya ang mukha ko. Ngumiti siya at
nagulat ako nang makita ko ang pangingilid ng luha sa mga mata niya. Ikaw ang kasama
ng anak ko sa panaginip. Doon mo siya nakilala, hindi ba?
P-paano niyo po nalaman yun? Paanong nakilala mo ako?
Mas lalong lumambot ang expression ng mukha niya sa akin.
Dahil hija, dalawang beses ka nang nakapunta sa panaginip ko kasama ang anak
ko.
Hindi ko po maintindi natigilan ako bigla nang may maalala ako. Ikaw yung
bata? Yung laging nasa reception ng kasal?
Tumango siya, ako nga yun, hija. Ako yung batang yun. Paulit-ulit kong
binabalikan ang panaginip na yun dahil isa yung magandang ala-ala sa akin. At doon,
ilang beses ko ring nakikita ang anak ko.
Napatingin siya sa natutulog na si Caleb at kitang-kita ko ang hinagpis sa mukha
niya.
Kaya pala palagi siyang sinasabihan ng bata na bumalik na siya.
Dahil pinababalik na siya ng kanyang ina sa reyalidad.
Ano pong nangyari sa kanya?
Naupo ang ina ni Caleb sa may gilid ng kama at hinawakan niya ang kamay nito.
Na-aksidente po ba siya kaya siya comatose? Gaano na po katagal? dagdag na
tanong ko.
Napahinga ng malalim ang ina ni Caleb at umiling ito.
Hindi na-aksidente ang anak ko. Wala rin siyang malubhang sakit. Basta isang
araw na lang, hindi na namin siya magising mula sa pagkakatulog niya. Tatlong taon na
siyang hindi gumigising.
Tatlong taon?!
Napa-upo ako bigla sa kabilang side ng kama. Parang nanlambot ang tuhod ko.
Tatlong taon. Ang tagal. Tatlong taon
Natulog siya at bigla na lang hindi nagising? Paano nangyari yun? Bakit?
Imposible!
P-papaano pong nangyari yun. Napaka-imposible nun!
Inangat ng mama ni Caleb ang tingin niya sa akin at kita ko ang pangingilid ng
luha sa mata niya.
Posible iyon, hija. At alam mong pareho natin alam kung bakit hindi magising
ang anak ko ngayon. Dahil na kulong na siya sa mundo ng mga panaginip.
Napatingin ako sa natutulog na si Caleb.
Gusto kong maiyak. Gusto ko siyang yugyugin hanggang sa magising na siya.
Nakulong siya sa mundo ng mga panaginip.
Kaya ba ayaw niyang doon ako tumira? Kaya ba madalas niyang ipakita sa akin
ang positive side ng reality ko?
Dahil ayaw niyang mangyari sa akin ang nangyari sa kanya?
Makakabalik pa po ba siya?
Huminga ng malalim ang ina ni Caleb at nakita kong may bumagsak na luha
galing sa mga mata niya.
Hindi ko alam. Pero umaasa ako na babalik pa siya. Umaasa ako na makikita ko
pa ulit ng gising ang anak ko sa reality.
Sorry talaga. Sorry!! sabi ni kuya habang humahagulgol siya ng iyak sa harap namin ni
nanay.
Ikaw bata ka! hinampas ng mahina ni nanay si kuya sa balikat. Ngawa ka nang
ngawa diyan eh kaka-opera mo pa lang! Paano kung bumukas ang tahi mo?
Pahikbi-hikbi si kuya habang pinupunasan ang mga luha sa mata niya at
pinapakalma ang sarili niya.
Angelique, promise ko magtatrabaho ako ng maigi. Hindi pwedeng hindi ka
papasok sa college ngayong taon! sabi ni kuya at napahagulgol na naman siya.
To namang si kuya, ubod ng drama oh. Confident akong makakakuha ako ng
scholarship, nginitian ko siya at kinindatan.
P-p-pero kasi eeehhh
Wala kang tiwala sa akin ganun? Abay ibahin mo ko sayo ha! Matalino ako
no di tulad mo!
Mahina akong hinampas ni kuya sa braso habang pinupunasan ulit ang mga luha
sa mata niya.
Bruha kang chaka ka! Mas maganda naman ako sayo!
Medyo napatawa si nanay.
Tong magkapatid na to oh. Hala sige Angelo, tumigil-tigil ka na sa pag ngawa
diyan. Para kang kinakatay na baboy eh!
At nagtawanan kaming tatlo.
Masaya ako na okay na si kuya ngayon. Nakakangawa na nga at nagagawa na
akong hampasin.
Kailangan kong magpasalamat kay Caleb dahil patuloy niyang pinalalakas ang
loob ko.
Naramdaman kong nag beep ang phone ko at nakita kong nag text sa akin si
Owen. Nabalitaan nila ang nangyari at ngayon ay nasa labas sila ng ospital.
Kasama niya sina Howard, Gerald, Lilianat Amanda.
Napahinga ako nang malalim.
Hindi ko alam kung gusto kong makita si Owen at Amanda. Pero alam kong
kailangan ko rin silang harapin dalawa. Hindi naman habang buhay eh pwede ko silang
pag taguan.
Hindi habang buhay eh pwede kong pagtaguan ang reality ko.
Nagpaalam ako saglit kina nanay at lumabas ako sa ospital para puntahan sina
Owen. Agad ko naman silang nakita doon.
Angelique! tawag sa akin ni Lilian. Nagulat ako nang makita kong
magkahawak kamay sila ni Howard.
Napangiti ako.
Napatingin ako kay Owen at Amanda. Magkahawak na rin sila ng kamay.
Uhmm, Angelique, me and Amanda is Owen trailed off at itinaas niya ang
magkahawak nilang kamay.
I gave them a smile. A genuine one.
Medyo kumirot ang dibdib ko. Afterall, crush ko talaga si Owen eh. Pero ewan,
hindi ako nagagalit.
Siguro dahil alam ko sa sarili ko na wala naman akong karapatan na magalit.
Siguro nga na-misunderstood ko ang friendly gestures ni Owen sa akin. At si Amanda?
Hindi naman niya alam na may gusto ako kay Owen.
Hindi nila alam ni Lilian.
Hindi ko kasi inaamin.
O baka, hindi ko talaga ganung ka-gusto si Owen. Yung akala ko, malalim na ang
nararamdaman ko sa kanya, pero hindi naman pala talaga.
Siguro, na-inlove ako sa idea hindi doon sa tao.
O sadyang may iba lang talaga akong gusto.
Nag kwentuhan kami saglit nina Lilian. Pinahiram din nila sa akin ang mga notes
nila para mapag-aralan ko yung na-missed kong lectures ngayon. Matapos nun, sumilip
din sila saglit kay kuya at nakita ko namang tuwang-tuwa si kuya na magkaroon ng
maraming bisita.
Lalo na kung tatlo sa mga bisita niya eh mga gwapong teenager. May dala pang
pagkain para sa kanya.
Kuya ko talaga.
Nung pa-gabi na, umuwi na rin ang mga kaibigan ko. At dahil hindi pa pwedeng
lumabas ng ospital si kuya, dito kami ngayon matutulog.
Si nanay yung nag occupy ng couch. Ako naman ay sa sahig natulog.
Siguro dahil sa sobrang daming nangyari, pagpikit ko ng mata eh agad na akong
nakatulog.

Nasa rooftop ako ngayon. Pagkarating ko pa lang sa panaginip ko ay mukha na agad ni


Caleb ang nakita ko.
Naka-ngiti siya sa akin ng malawak.
Yung ngiting gustong-gusto ko laging nakikita.
Welcome back! masigla niyang sabi.
Agad akong napatakbo sa kanya at niyakap ko siya ng mahigpit.
Whoa! Angelique what happened? Bat mo ko niyayakap ah? Ang higpit pa!
Sige ka, mag a-assume ako na in love ka na sa akin!
Loko! Eh nakayakap ka rin sa akin! Mahigpit din!
Tumawa siya ng mahina at humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya.
Tinignan ko siya ng diretso sa mata. Naka-ngiti siya sa akin. Ang aliwalas ng
mukha niya.
Ang gwapo niya.
Bakit ngayon ko lang inaamin sa sarili ko na naga-gwapuhan talaga ako kay
Caleb?!
Kanina, sinabi sa akin ng mama niya kung gaano niya ka-miss si Caleb. Na gusto
na niyang makita itong ngumiti sa reality. Na gusto na niya ulit marinig ang tawa nito pati
na rin ang mga korning biro niya.
Ako rin. Gusto ko siyang maging parte ng reality ko.
Bat hindi mo sinabi sa akin? tanong ko kay Caleb.
Hmm? Ang alin?
Huminga ako ng malalim.
Nakita kita kanina, Caleb. Sa ospital. Nakaratay sa kama. Mahimbing na
natutulog.
Nawala bigla ang ngiti sa labi ni Caleb at napatalikod siya sa akin. Naglakad siya
papunta sa may railings ng rooftop. Sinundan ko naman siya doon.
Na-meet ko ang mama mo. S-siya pala yung bata doon sa wedding reception na
panaginip na napuntahan natin? Kaya pala pamilyar ang mukha ng mama mo sa akin.
Napa-pikit si Caleb.
K-kamusta na siya?
Ayun, miss na miss ka na niya. Sabi niya, sabihin ko raw sayo na gumising ka
na.
Hindi siya umimik pero nakita ko ang panginginig ng kamay niya.
Ano bang nangyari Caleb? Pwede mong sabihin sa akin? Paano ka na-trapped sa
mundong ito?
Huminga siya ng malalim at nilingon niya ako.
His eyes is full of sadness.
Hindi ako sanay na makita ang mga mata ni Caleb na ganyang kalungkot.
Dahil ginusto ko ito, Angelique. Ginusto kong manirahan sa mundong ito.
B-bakit?
He gave me a sad smile, dahil katulad mo ako noon, Angelique. I used to be a
lucid dreamer. At katulad mo, tanging panaginip lang ang escape ko sa mga masasamang
bagay na nangyayari sa reality ko. You see, my dad is a business man at architect naman
ang mom ko. Lagi silang wala sa bahay. At kung nandoon naman sila, madalas silang nag
aaway. Bangayan nang bangayan. Palagi kong nakikitang umiiyak si mommy at si daddy
naman, palagi na lang lasing. Hindi ko kaya ang ganung buhay, Angelique. I feel so
alone. Kaya pinili kong takasan ang lahat. Nakilala ko si dream goddess sa panaginip ko
at sinabi ko sa kanya na hayaan na niya akong tumira rito. Pumayag siya, at ayun, ginawa
niya akong dream traveler.
P-pero ayaw mo na bang bumalik, Caleb? Ayaw mo na ba sa reality? Miss na
miss ka na ng mama mo eh.
At gusto rin kitang maging parte ng reality ko. Gusto kitang makasama sa reality,
Caleb.
Please Caleb
Angelique, kinuha niya ang kamay ko at hinawakan niya ito ng mahigpit.
Walang araw na hindi ko sinubukang makabalik. Gusto ko nang gumising. Gustong-
gusto. Nung araw na naririnig kong umiiyak ang mama ko, nagsisi ako. Iniwan ko siya.
Mag-isa na lang siya ngayon. At wala akong ibang hiniling kundi ang bumalik sa kanya.
Kaso kasi
Nagulat ako nang biglang may bumagsak na luha galing sa mata ni Caleb.
Napaiwas ng tingin sa akin si Caleb at agad niyang pinunasan ang luha na
bumagsak sa mata niya.
Naninikip ang dibdib ko. Hindi ko alam ang i-re-react ko.
Kinakabahan ako.
Nilingon ulit ako ni Caleb at tinignan diretso sa mata.
Angelique, hindi na ako pwedeng bumalik. Hindi na ako makakabalik.
Napailing ako.
Hindi.
Hindi.
Hindi. Hindi. Hindi. Hindi
Ayaw tanggapin ng utak ko.
Hindi. Hindi totoo ang sinasabi niya.
Hindi ako naniniwala.
Hindi pwede, halos pabulong kong sabi. Pakiramdam ko nanlalambot ang
buong katawan ko. May paraan pa! Kakausapin natin si dream goddess! Sabi mo,
malakas ka sa kanya!
Ginawa ko na yan. Siya mismo ay walang magagawa. Kasalanan ko rin naman
eh. Binalaan niya ako sa pwedeng mangyari sa akin at pumayag ako.
Halos mapaupo ako sa sahig.
Masamang panaginip lang to. Masamang panaginip.
Bullshit! Bakit ba parte siya ng panaginip na to?!
Hindi pwede to. Kailangan ko ng paraan.
Kahit ano.
Basta ma-ilabas ko lang sa mundong to si Caleb.
Habang-buhay ka nang trapped dito? tanong ko sa kanya.
Iniwas niya ang tingin niya sa akin at napapikit siya. Mas lalo akong kinabahan.
May hindi ka pa sinasabi sa akin. Ano yun Caleb?
Hindi siya umimik.
Please Caleb! Sabihin mo na sa akin! Please!
N-nung isang gabi? Nung hindi mo ako nakita sa panaginip mo? Nandito lang
ako nun, Angelique. Sinadya kong hindi magpakita sayo.
Bakit?
Dahil hindi ko kayang magpaalam.
M-mag paalam? Aalis ka na talaga? Aalis ka na sa panaginip ko?
Umiling siya, aalis na ako sa mundong to.
Anong ibig mong sabihin?
You see, Angelique. Walang mortal ang pwedeng manatili sa mundo ng mga
panaginip ng panghabang buhay. At sa lagay ko, malapit nang matapos ang oras na
ibinigay sa akin ni dream goddess.
At saan ka na pupunta? Saan?!
Napapikit si Caleb at ipinatong niya ang mga kamay niya sa magkabilang braso
ko.
Iminulat niya ang mata niya at tinitigan ako sa mata.
Malungkot. Nasasaktan.
Nanghihinayang.
Mabubura na ang existence ko, Angelique. Dito o sa reality man.hindi na ako
mag e-exist.

Sixteenth Dream
Mabubura na ang existence niya.
Dito o sa real world.
Mawawala na si Caleb.
Hindi ko na maririnig ang boses niya, ang masayang tawa niya pati ang mga
pangaasar niya. Hindi ko na makikita ang maganda niyang ngiti, ang maamo niyang
mukha.
Dito o sa real world.
Hindi ko na siya makakasama.
Napapikit ako. Nagbabadya ang mga luha sa mata ko.
Hindi magandang biro yan, halos pabulong kong sabi sa kanya.
Im sorry.
Umiwas siya ng tingin sa akin. Napa-tingala siya. Ilang beses siyang kumurap.
Siguro para hindi bumagsak ang mga luha sa mata niya.
Parang lalong bumigat ang pakiramdam ko.
Bakit ganun? Panaginip to di ba? Dapat hindi totoo ang mga nangyayari rito.
Pero bakit ganun? Bakit nangyayari sayo to?!
Hindi ko na napigilan ang pag bagsak ng luha sa mga mata ko.
Hindi to pwedeng mangyari. Panaginip lang to eh! Pero bakit totoo ang mga
nangyayari?!
Angelique, Caleb gave me a sad smile. Kasi tunay ako. At ito ang kapalit ng
pinili kong buhay. At nagkamali ako. Mali ang naging desisyon ko. Pero wala na akong
magagawa. Tanggap ko na.
Umiling ako.
Hindi pwede Caleb! Hindi eh! Ayokong tanggapin! Hindi pwede!
Umiling ako nang umiling nang umiling.
Ayoko.
Bakit ganun? Bakit ganito ang nangyari.
Ang bigat bigat bigat sa puso.
Angelique, hinawakan ni Caleb ang mukha ko at nginitian niya ako. Mali man
ang naging desisyon ko, may maganda pa ring nangyari sa akin.
Anong maganda Caleb? Sabi mo peke lahat ng to! Iba pa rin ang reality! Anong
maganda rito ha?! Ano?! Hindi ko matanggap! Hindi pwede!
Pero tunay ka. At ikaw ang magandang nangyari sa akin.
Natigilan ako bigla sa sinabi ni Caleb. Lumapit siya sa akin at pinunasan niya ang
mga luha sa pisngi ko.
Ikaw ang magandang nangyari sa akin, Angelique.
Hinila ako papalapit ni Caleb at niyakap niya ako ng mahigpit na mahigpit.
Naramdaman ko ang labi niya na dumikit sa noo ko.
Napapikit ako kasabay ng muling pagbagsak ng luha sa mata ko.
Alam ko na lahat. Ramdam ko na lahat.
Kung bakit ganito ang epekto ng ngiti ni Caleb sa akin, kung bakit hindi ako
ganoon nasaktan nung malaman kong si Owen at si Amanda na.
Kung bakit ang komportable ng pakiramdam ko pag kasama ko siya o kung bakit
siya lang ang kaisa-isang taong may kakayahan na pagaangin at palaksin ang loob ko.
Alam ko na. Naiintindihan ko na.
Kung bakit gabi gabi ay excited akong matulog at managinip.
Kung paanong mas gumanda sa paningin ko ang munting paraiso na binuo ko.
Ramdam ko na lahat. Tinatanggap ko na lahat.
Mahal ko siya.
Pero bakit kung kelan ko pa na-realized ang mga bagay na to eh atsaka pa siya
mawawala sa akin?
Hanggang kelan na lang kita pwedeng makasama? halos pabulong kong tanong
sa kanya.
Naramdaman ko ang paghinga ni Caleb ng malalim.
Bukas ang huling araw
Bukas?
Napatakip ako ng bibig at tuloy-tuloy na naman ang pagbagsak ng mga luha sa
mata ko.
Ang sakit sakit sakit.
H-hindi ako aware na ganito na pala ka-ikli ang oras nating dalawa.
Mas lalong napalakas ang paghagulgol ko. Sunod-sunod ang paghikbi na
lumalabas sa bibig ko.
Ang hirap huminga.
Ang sakit sa dibdib
Hindi nag salita si Caleb. Niyakap niya lang ako ng mahigpit.
Hindi ba pwedeng humingi ng extension kay dream goddess? Kahit isang araw
lang?
Humiwalay si Caleb sa pagkakayakap sa akin at pinunasan niya ang luha sa mata
ko. Nakita ko ang lungkot sa mata niya.
Lungkot at panghihinayang.
Bakit hindi ka tinutulungan ni dream goddess?
Binigyan niya ako ng isang malungkot na ngiti, tinulungan niya ako. Ginawa
niya rin ang lahat ng makakaya niya. Sadyang wala na talaga siyang magawa.
Hinawakan ko ang pisngi ni Caleb. Tinitigan ko siya sa mata, sa kilay, sa ilong..sa
labi niya.
Kumirot na naman ang puso ko.
Hindi ko matanggap na hindi ko na siya makikita. Ayaw mag sink in sa akin na
hanggang bukas na lang to.
Na mawawala na siya.
Ayokong tanggapin
Angelique, okay ka lang ba talaga? Kanina ka pa wala sa sarili, tanong sa akin
ni Amanda habang kumakain kami ng lunch sa canteen ng school.
Ah, wala. May iniisip lang ako, nginitian ko siya. Pero sa pagpipilit kong
ngumiti, parang gusto ko na naman maiyak.
Wait CR lang.
Agad akong tumayo at dali-dali akong tumakbo papuntang CR. Pagkasara ko ng
pinto sa cubicle, tuloy tuloy na naman ang bagsak ng luha sa mata ko.
Kagabi, ayokong umalis sa panaginip ko. Ayokong gumising. Ayokong iwan si
Caleb doon.
Iyak ako nang iyak. Kaso pilit ako pinapagising ni Caleb. Ramdam ko na rin ang
pag yugyog ni nanay sa akin para magising. Nang magising ako, umiiyak din ako.
Tinanong ni nanay ang problema at napayakap na lang ako sa kanya.
Sabi ko, nagkaroon ako ng masamang panaginip. Medyo tinawanan pa nila ako ni
kuya
Isang msamang panaginip.
Pero kung alam lang nila. Panaginip nga iyon pero totoong nangyayari iyon.
Bakit ganun? Sana ang panaginip, manatili na lang peke. Bakit kailangan pa
maging tunay yun.
Edi naging peke rin si Caleb.
Napahagulgol ako ng iyak.
Gusto kong makilala si Caleb sa reality. Gusto ko siyang makasama rito.
Bakit kailangan mangyari sa kanya ang bagay na yun?
Bakit kailangan niya mawala sa akin?
Tuloy tuloy na naman ang bagsak ng luha sa mata ko. Naguunahan. Ayaw mag
patigil.
Pilit kong pinakalma sarili ko. Hindi nila pwedeng makita na namamaga ang mata
ko sa pag iyak. Ayokong magtanong sila kung ano ang problema ko. Mahihirapan lang
akong kumbinsihin sila na wala akong problema.
Hindi ko naman pwedeng sabihin ang about kay Caleb.
Pero sa totoo lang, gusto ko nang makakausap kasi ang bigat bigat na.
Hindi ko naman magawang puntahan ang mama niya. Hindi ko alam kung paano
ko sasabihin.
Mawawala na po sa atin si Caleb.
Hindi ko kaya. Mas madudurog ang puso ko sa magiging reaksyon niya. Mas
masasaktan ako.
Lumabas ako sa cubicle at tinignan ang sarili sa salamin.
Magang maga na ang mata ko.
Ano na ang sasabihin ko sa kanila?
Gusto ko nang umuwi at matulog.
Gusto ko nang balikan si Caleb.
Ito ang huling beses na nagaantay siya sa akin.
Angelique
Napakurap ako bigla.
Pakiramdam ko parang nag iba ang reflection ko sa salamin. Bat ganun?
Angelique
Napatingin ako sa kaliwat-kanan ko nang marinig ko ang boses na tumatawag sa
akin.
Biglang umikot ang paligid ko. Mabilis na mabilis. Parang yung pagikot lang ng
kwarto na may ibat-ibang pinto patungo sa panaginip. Nakakahilo.
Nagdilim ang paningin ko.
At tuluyan akong bumagsak sa sahig.

Seventeenth Dream

Hi Angelique.
Una kong nakita ang mukha ni Caleb. Nakatingin siya sa akin at naka-ngiti. Pero
hindi ito yung usual na ngiti na ipinapakita niya.
Dito sa ngiting to, kita ko ang lungkot.
Napatingin ako sa mata niya. Nakangiti, pero nangingilid ang luha niya.
Ito na ang huling araw.
Caleb
Napatakbo ako papalapit kay Caleb at niyakap ko siya ng mahigpit. Naramdaman
ko rin ang mga braso niya na niyayakap ako.
Welcome back, sabi niya pero hindi ito tulad ng pagkakasabi niya dati na
masigla at puno ng buhay.
Basag ang kanyang boses.
Nanginginig ang mga braso niya.
Bumitiw siya sa pagkakayakap sa akin at kita ko angg luha na bumabagsak sa
mga mata niya.
Pero kahit na umiiyak siya, nagawa pa rin niya akong ngitian at punasan ang luha
na bumabagsak naman sa mata ko.
Hinawakan ni Caleb ang kamay ko.
Tara?
Tumingin siya sa isa sa mga cherry blossom tree. Tumango naman ako and I let
him lead me.
Naupo si Caleb sa ilalim ng isa at tinabihan ko naman siya.
Sabi ko sa sarili ko, bago ako mawala, gusto ko ito yung huling parte ng
panaginip mo na pupuntahan ko. Ito kasi yung favorite place ko rito.
Napatango lang ako pero hindi ko na alam ang sasabihin ko.
Alam kong wala na akong magagawa pero ang hirap tanggapin.
Hinawakan ni Caleb ang kamay ko.
Sorry Angelique ah? Sorry ngayon ko lang nasabi sayo. Sorry hindi ko
hinayaang maghanda ka sa kung ano ang mangyayari sa akin.
Umiling ako, never akong makakapag handa sa ganitong sitwasyon, Caleb.
At never kong matatanggap ang ganitong mga bagay. Ang hirap masyado.
Pwede ba kitang akbayan?
Medyo napatawa ako nang mahina sa tanong niya.
Niyakap mo na nga ako kanina eh.
Napangiti rin si Caleb. Naramdaman ko ang pagpatong ni Caleb ng braso niya sa
balikat ko habang hinihila niya ako papalapit sa kanya. Inihiga niya ang ulo ko sa dibdib
niya.
At dinig na dinig ko ang tibok ng puso niya. Buhay na buhay. Masigla.
God, please, please
Hinawakan ni Caleb ang noo ko at pinagapang niya ang mga daliri niya pabababa
sa talukap ng mata ko, sa ilong, sa pisng, hanggang sa makarating ito sa labi ko.
Angeliquekaibiganin mo si mama ha? Wala na kasi siyang kasama sa buhay
eh. Sana palagi kang nandiyan para sa kanya. Wag mo siyang papabayaan ha?
Tumango lang ako. Pero hindi ko mahanap ang boses ko.
Magbigay ka naman ng pabaon sa akin na kwento oh. Isang magandang memory
sa childhood mo, dagdag pa niya.
Umiling ako, parang hindi ko ata kayang mag-isip ng magandang bagay
ngayon.
Eh dali na. Please? Para sa akin?
Pumikit ako at pilit humugot ng masayang alaala sa memory ko.
Nung eigth birthday ko, dinala ako ni kuya at nanay sa mall. Wala kaming binili
nun. Nag window shopping lang kami pero pinakain kami ni nanay sa isang fastfood
restaurant. Pero ang saya ko nun. Kasi yun yung nagiisang araw na hindi nagtatrabaho si
kuya at si nanay. Yung lumabas kami at nag bonding kahit sobrang simple lang.
Tumingala ako at nakita kong napangiti si Caleb.
Naramdaman ko na naman ang pangingilid ng luha sa mata ko. Napalunok ako.
Ikaw naman ang mag kwento sa akin. Ikaw naman ang magbigay ng pabaon.
Isang magandang alaala.
Naramdaman ko ang paghinga ng malalim ni Caleb. Hinawakan ko ang kamay
niya at napakurap ako.
Parang unti-unting nagiging invisible sa paningin ko ang mga kamay niya.
Napahiwalay ulit ako sa kanya at tinignan ko siya. Nakita kong nababalutan ng
liwanag si Caleb.
No. Hindi pa pwede! Caleb!!
Angelique, hinawakan ni Caleb ang magkabilang pisngi ko at tinitigan niya ako
sa mata.
He gave me a sad smile.
Isang magandang alaala?
C-Caleb! umiling-iling ako. Aalis ka na ba? Iiwan mo na ba ako? Bat ang
bilis? Hindi pwede! Wag muna please! Please! Wag muna.
Shhh Angelique, listen to me. Hindi ko pa nasasabi sayo ang magandang alaala
na ipapabaon ko.
Ibinaba ni Caleb ang pagkakahawak niya sa mukha ko at kinuha niya ang
magkabilang kamay ko.
Matagal na ako sa panaginip mo. Matagal pa sa inaakala mo. Hindi lang ako
nagpapakita sayo nun. Lagi kitang ino-observe nun, Angelique. Kasi nakikita ko ang
sarili ko sayo. Isang taong gustong tumakas sa reyalidad. Na-curious ako kung bakit.
Kaya naman lagi kitang inaantay sa panaginip mo. Tapos magtatago ako habang
tinitignan ko ang mga nangyayari sa panaginip mo. Hindi ko magawang umalis nun.
Hindi kita magawang iwan. Hanggang one time napatitig na lang ako sa mukha mo, at
ewan, tinamaan ako nun.
C-Caleb.
Ang foreign sa pakiramdam. Kakaiba. Something na nun ko pa lang naranasan.
Yung bumibilis ang tibok ng puso ko pag alam kong pabalik ka na sa panaginip mo. Yung
lagi kong ina-anticipate ang pagbabalik mo. Yung namimiss kita kada gising ka. Hindi ko
alam bat ganun ang nararamdaman ko samantalang hindi pa naman tayo nagkakausap
nun. Pero wala eh. Ganun talaga. Pag dating sa pagmamahal, hindi mo kontrolado ang
mga mangyayari. Hindi mo alam kung kelan ka tatamaan. At ayun, bago pa ako
magpakita sayo, bago mo pa kita makausap, tingin ko mahal na kita.
Napahagulgol ako ng iyak.
Bakit? Bakit ganito! Hindi pwede! Hindi!
Angelique... mahal kita.
Caleb!
Nagliwanag ang paligid. Wala akong makita. Nasisilaw ako.
Hindi ko na maramdaman ang hawak ni Caleb sa kamay ko. Hindi ko na alam ang
nangyayari.
At nang maglaho na ang nakakasilaw na liwanag..
wala na siya sa harapan ko.
Wala na si Caleb.

Eighteenth Dream

CALEB
Kailan ko nga ba siya unang nakita?
Bata pa lang ako, kung saan-saang panaginip na ako napapadpad. Nung una, akala
ko sariling panaginip ko iyon. Pero nang makilala ko si dream goddess, ipinaliwanag niya
sa akin ang kakaibang kakayahan ko.
Bukod sa pag l-lucid dream, kaya kong makapag travel sa ibat-ibang panaginip
ng mga tao.
Ako pa lang daw ang kauna-unahang mortal na nakilala niya na may ganoong
kakayahan kaya naman tinuruan niya ako. Sa paglalakbay kasi sa panaginip, maari akong
maligaw. At kung mapadpad man ako sa lugar na hindi ko dapat puntahan, pwede akong
ma-trapped dito.
Binigyan niya ako ng isang kwintas na may star at half moon na pendant. Sa loob
ng kwintas na ito ay nakatago ang isang liwanag na laging magbibigay sa akin ng
direksyon para hindi ako maligaw.
But the thing is, I want to get lost. I want to be trapped in this wonderful world.
My life in reality is hell.
Ayoko na doon. Gusto ko nang takasan.
. May isang beses, sa paglalakbay ko sa panaginip, nakakita ako ng isang
mahabang tulay. Isang tulay na nasa gitna ng tubig. Sa tubig ay maraming lumulutang na
ball of lights.
Tumawid ako sa tulay na yun hanggang sa may marating akong pinto na kulay
ginto. Binuksan ko ang pinto na yun at hindi ko inaasahan ang makikita ko.
Isang kaharian na napapaligiran ng mga lumulutang na bituin. Sa kaharian na ito,
puro mga elves at faeries ang nakikita ko.
Alam kong wala ako sa panaginip ng ibang tao. Alam kong tunay ang nakikita ko.
Dahil nandito ako sa Tala. Ang kaharian nina dream goddess. Ang reality sa gitna
ng mga panaginip.
Dito sa kaharian na ito, kilala si dream goddess bilang Princess Celeste. Siya ang
nagiisang anak ng hari nilang si Sirius.
Mabait si Prinsesa Celeste. Gusto siya ng lahat. Matulungin siya. At kahit ako ay
ang laki na nang naitulong niya sa akin.
Ngunit hindi niya magawang pagbigyan ang kaisa-isang kahilingan ko.
Gusto ko nang manirahan sa mundo nila. Gusto ko na nandito na lang ako sa Tala.
Pero ayaw niya.
Hindi raw para sa mga mortal ang lugar na ito. Ikamamatay namin ang
pamamalagi rito. Maaring manatili kami ng ilang taon pero sa kalaunan ay bigla na
lamang mawawala ang existence namin.
At hindi na namin magagawang makabalik sa reality namin.
Pero sa akin, ayos lang yun. Parang patay na rin naman ako sa bahay namin eh.
Laging sigawan nina mama at papa ang naririnig ko. Nakalimutan na nila ang existence
ko.
Ano pang saysay na mabuhay ako?
Siguro hindi nila mapapansin na nawala na ako. Masyado kasi silang busy sa
trabaho nila at sa pag aaway nila.
Gumawa ako ng paraan. Kung ayaw akong tulungan ni Prinsesa Celeste, ako na
ang tutulong sa sarili ko.
May isang faerie na nakapagsabi sa akin na puntahan ko ang isang old elf na
naninirahan sa isang kweba sa gitna ng kagubatan. Makakatulong siya sa akin kung ano
ang dapat kong gawin.
Sinunod ko ang payo niya.Pinuntahan ko ang old elf na ito. At tama nga, ito ang
nagbigay sa akin ng payo sa kung anong pwede kong gawin.
Dito sa Tala, ang mga elves at faeries ang bumubuhay sa panaginip ng mga tao.
Kada gabi ay naghuhulog sila ng isang bola ng liwanag sa magical lake na nasa gitna ng
Tala. Bawat isang bola ng liwanag ay katumbas ng isang panaginip ng isang tao.
Sabi ni old elf, kailangan ko lang daw ihulog sa magical lake ang kwintas na
ibinigay sa akin ni Prinsesa Celeste. Naglalaman din kasi ng liwanag ang kwintas na
iyon. At pag ginawa ko iyon, tuluyan na akong makukulong sa mundong ito.
Binalaan din niya ako sa kung ano ang pwedeng mangyari sa akin.
Tatlong taon lang ako mabubuhay. Pag natapos iyon ay mawawala na ang
existence ko.
Pero mas pinili ko nang mamatay sa paraiso kesa sa impyerno kaya ginawa ko
iyon. Inihulog ko ang kwintas na ibingay ni Prinsesa Celeste.
At tuluyan na akong na-kulong sa mundo ng mga panaginip.
Sobrang saya ng pakiramdam ko.
Feeling ko, for the first time, malaya na ako.
Marami akong naging kaibigan na elves at faeries. Gusto rin nila ako.
Dito may nag aalaga sa akin.
Dito hindi ako invisible.
Dito masaya ako.
Or so I thought.
Isang beses nang bisitahin ko sa palasyo si Prinsesa Celeste, napadpad ako sa
isang kakaibang kwarto. Kulay itim ang diningding at kisame pero may kumikislap-
kislap na puting liwanag sa buong paligid. Parang kalangitan na puno ng bituin sa langit.
Walang kahit anong nakalagay sa kwartong ito maliban sa isang lamesang kulay
ginto na nasa harapan ko. May isang maliit na bato na kulay asul na nakapatong sa
lamesa.
Nilapitan ko ito at hinawakan. At nagulat ako sa narinig ko.
Si mama. Ang boses ni mama. Kinakausap niya ako. Sinasabihan niya ako na
bumalik na ako. Na ako na lang ang meron siya. Paulit-ulit siyang nag s-sorry sa akin.
Umiiyak siya. Naramdaman ko ang mga kamay niya sa braso ko. Narinig ko ang sakit sa
tinig niya.
Gusto kong imulat ang mata ko. Gusto kong igalaw ang braso ko.
Gusto kong magising.
Pero hindi ko magawa. Ayaw gumising ng diwa ko. Hindi ko magawang buksan
ang mata ko.
Nakaramdam ako ng isa pang kamay at nang tumingin ako sa gilid ko, nakita ko
si Prinsesa Celeste na nagaalalang nakatingin sa akin.
Ipinaliwanag niya sa akin ang nangyari. Isang magical object pala ang batong
yun. May kakayahan na dalhin ako sa reality pansamantala. Yun nga lang, dahil sa reality
talaga ako nakatira, nakabalik ako sa katawan ko na ngayon eh ayaw nang gumising.
Sabi ko kay Prinsesa Celeste, nagsisisi na ako. Gusto ko nang bumalik. Kailangan
kong balikan si mama. Nagiisa na lang siya. Hindi na ako pwedeng mawala sa kanya.
Hindi.
Pero wala na raw paraan.
Sabi ko, gagawin ko ang lahat.
Ang lahat.
Sabi niya, may isang paraan, pero mahirap. Hindi maganda.
Tinanong ko kung ano ito. Willing akong subukan kahit mahirap pa yan.
Sabi niya, kailangan kong makahanap ng papalit sa akin. Isang mortal na gustong
takasan ang reyalidad. Isang mortal na gustong tumira sa mundo ng mga panaginip.
Kaya umalis ako sa Tala at nagpalipat-lipat ulit sa ibat-ibang panaginip ng mga
tao. Naghahanap ng mortal na pwedeng sumalo sa kapalaran ko. Yung gusto nang
tumakas sa reyalidad nila.
At napunta ako sa panaginip niya.
Sa panaginip ni Angelique.
Unang tingin ko pa lang, alam kong lucid dreamer na si Angelique. Masyadong
solid ang panaginip niya. At tama nga ako kasi nang bumalik siya, ganun pa rin ang
scenario sa panaginip niya.
Kinokontrol niya ito.
Nandoon lang ako sa panaginip na yun at laging nag mamasid sa kanya. Minsan,
iniikot ko ang paligid. Iniisip ko, bat ganito ang setting ng panaginip niya? Bakit
gustong-gusto niyang bumabalik dito?
Anong meron sa reality niya at ganito ang ginawa niya sa panaginip niya?
Naupo ako sa ilalim ng isang cherry blossom tree habang nakatingin kay
Angelique na masayang nakikipagusap sa isang lalaki na gawa rin ng panaginip niya. Pag
patong ko ng palad ko sa damuhan, may nakapa ako.
Isang pendant.
Inangat ko ito at nagulat ako nang makita ko ang kwintas na ibinigay ni Prinsesa
Celeste sa akin.
Bakit ito nandito?
And then, it hit me.
Ang mga liwanag na inihuhulog sa magical lake ang nagbibigay buhay sa bawat
panaginip ng mga tao.
Katumbas ng isang liwanag ang pendant na ito. At nang ihulog ko ito, nagkaroon
ito ng bagong pwesto para sa isang panaginip.
Ang liwanag na hinulog ko ang dahilan kung bakit nabuo ni Angelique ang
panaginip na ito.
Dahil sa akin.
Kaya masyadong solid.
Dahil hindi lang nagiisang taong gustong makatakas sa reality ang bumuo ng
panaginip na ito.
Dalawa kami.
Fate bang matatawag yun? Si Angelique na ba ang taong papalit sa akin dito? Siya
na ba ang magiging susi para makabalik ako sa reality?
Siya na ba ang sasalo sa kapalaran ko?
Mas lalo ko siyang in-obserbahan. Pero the more na pinapanuod ko siya, the more
na mas na cu-curious ako sa kung anong meron sa reality niya.
May isang beses na nakita ko siya sa rooftop ng school na nasa panaginip niya.
Nakatingin sa kabuuan ng ginawa niya.
Hindi siya mukhang masaya.
Malungkot ang itsura niya.
Nasasaktan.
Walang pag-asa.
Napaisip ako.
Baka may magulang din siya sa reality na nag aantay sa kanya. Baka may mga tao
rin sa paligid niya na nagmamahal sa kanya.
Baka akala lang niya na panget ang reality niya pero sa totoo lang, nabulag lang
siya sa mga negative na bagay kaya hindi na niya napansin ang mga positive.
Baka katulad ko rin siya.
Parang hindi ko ata siya kayang i-sacrifice.
Bumuntong hininga siya at tumingala. Humangin at humawi ang buhok sa mukha
niya.
Ang amo ng itsura niya.
Ang ganda niya.
Gusto ko siyang lapitan.
Gusto ko siyang kausapin.
Gusto ko siyang i-comfort.
Nagdaan ang araw, linggo, buwan. Lagi lang ako nakatingin sa kanya mula sa
malayo.
Parang pakiramdam ko buhay na buhay ako kada nakikita ko siya. Paano kasi
ramdam na ramdam ko ang tibok ng puso ko.
Mabilis. Hindi mapakali.
Ganito ba ang pakiramdam pag nahuhulog ka na sa isang tao?
Sinubukan ko siyang kausapin. Yun lang mali ata naging paraan ko eh. Mayabang
at nakakabwisit ang naging dating ko sa kanya. Umpisa pa lang tuloy ayaw niya na sa
akin.
Pero kasi kinakabahan talaga ako. Hindi ko alam kung anong approach ang
gagawin ko. Ayoko namang ipakita sa kanya na kinakabahan ako. Ayokong mahalata niya
na gusto ko siya.
Buti na lang na-redeem ko ang sarili ko. Buti na lang, sa kalaunan, naging okay
ako sa kanya.
At nung panahong nagagawa niya nang tumawa sa mga biro ko at ngitian ako
sumuko na ako.
Isinuko ko na ang lahat.
Hindi ko kayang i-give up si Angelique.
Hindi ko kayag i-give up ang kahit na sino pang nilalang.
Kasalanan ko kung bat ako napunta sa lugar na to. Ayokong may madamay.
Haharapin ko ang pagkakamali ko.
Tinawag ko si Prinsesa Celeste sa panaginip ni Angelique. Sinabi ko sa kanya ang
lahat ng plano ko. Humiling ako na sana, pag dumating na ang araw na mawawala na
ako, burahin niya ang alaala ni mama at ni Angelique.
Gawin niyang parang hindi talaga ako nag exist sa buhay nila.
Na walang Caleb na dumating sa mundo nila.
Na hindi nila ako nakilala.
Mas mabuti na yun para hindi na sila mahirapan.
Hindi ko akalain na darating ang point na malalaman ni Angelique ang bagay na
to. Na mawawala na ako.
Hindi ko ipinaliwanag sa kanya ng buo dahil alam kong mas masasaktan siya.
And knowing her, baka mag sacrifice pa siya para sa akin.
At ayokong mangyari yun.
Masakit lang kasi nakita ko siyang umiyak ng dahil sa akin. Ang sakit kasi
naramdaman kong ayaw niya akong mawala.
Na gusto niya akong maging parte ng buhay niya.
Hindi ko alam kung mahal ba niya ako o dahil sa itinuring niya na akong isang
kaibigan.
Pero okay na yun. Mahalaga sa akin, nalaman kong mahalaga ako sa buhay niya.
Naramdaman kong mawawala na ako. Naramdaman kong unti-unti nang
hinihigop ang buhay ko sa kawalan.
Kaya sinabi ko na kay Angelique ang nararamdaman ko.
Alam kong pagkagising niya, wala na siyang maalala. Pag nagising siya,
mabubura na rin ang existence ko sa alaala niya.
Kaya okay lang na sabihin ko na.
Tinitigan ko ang mukha niya. Ang maamo niyang mukha. Ang maganda niyang
mata. Ang labi niya, ang ilong, ang pisngi.
I love her. I love her so much.
Paano humantong sa ganito ang nararamdaman ko?
Angelique mahal kita
Bulong ko sa kanya.
At tuluyan na akong nag laho.
Pakiramdam ko lumulutang ako sa dagat. Tinatangay ng agos ng tubig. Ang
sarap sa pakiramdam. Ang kalmado. Parang ang gaan. Wala na akong dinadala. Payapa
ang lahat.
Alam kong masaya ako.
Alam kong wala akong problema.
Iminulat ko ang mata ko at sumalubong sa akin ang isang liwanag. Kumurap ako
hanggang sa maglinaw ang paningin ko.
Isang puting kisame.
CalebAnak?!
Nineteenth Dream

Angelique, anak?! Angelique!


Napadilat ako. Mukha agad ni nanay ang nakita ko. Napatingin ako sa paligid at
na-realized kong nasa clinic ako ng school namin.
Anak ko! at niyakap ako ni nanay. Wag mo na akong pakakabahin ng ganun
bata ka!
Hinimatay ka kanina due to over fatigue, sabi nung nurse sa clinic. Buti na
lang nakita ka agad ng mga kaibigan mo.
Napahawak ako sa noo ko at napapikit ako.
Caleb
A-ano anak?
Hindi ko maidilat ang mata ko. Iniisip ko ang mukha ni Caleb. Paulit-ulit kong
pine-play sa utak ko ang sinabi niya sa akin.
Mahal kita, Angelique.
Gusto kong maiyak. Bakit bigla na lang siyang nawala? Bat hindi ako nabigyan
ng pagkakataon na sabihin sa kanya na gusto ko siya.
Pero ayos na siya ngayon, Angelique. Ayos na siya at hindi na siya nasasaktan at
hindi ka na rin niya naalala.

~ Flashback ~

Angelique
Napatingin ako sa kaliwat-kanan ko nang marinig ko ang boses na tumatawag sa
akin.
Biglang umikot ang paligid ko. Mabilis na mabilis. Parang yung pagikot lang ng
kwarto na may ibat-ibang pinto patungo sa panaginip. Nakakahilo.
Nagdilim ang paningin ko.
At tuluyan akong bumagsak sa sahig.
Angelique
Napa-angat ang tingin ko at nagulat ako nang wala na ako sa school.
Kundi nandito ako sa tulay na nasa gitna ng tubig at napapalibutan ng mga
lulutang na ball of lights.
Mga bola ng panaginip.
Sa harap ko ay may nakatayong isang babae na nakasuot ng bestidang kulay puti
na abot hanggang talampakan.
Mahaba at itim na itim ang kulay ng buhok niya. May nakapaikot na kumikinang
na maliliit na bato dito.
Parang kalangitan na puno ng bituin.
Napatingin ako sa tenga niya. Patulis ito.
Isa ba siyang elf or faerie?
Naka-ngiti siya sa akin.
Ang ganda niya.
Ang ganda ganda niya.
Dream goddess? tanong ko.
Napatango siya, ako nga Angelique. Pero pwede mo akong tawaging Celeste.
Napatingin ako sa paligid, bakit ako nandito? Bakit mo ako tinatawag?
Nilapitan niya ako at hinawakan niya ang pisngi ko.
Nagulat ako sa pakiramdam na naidulot nito sa akin. Parang medyo gumaan ang
nararamdaman ko. Parang bigla akong na co-comfort.
Alam kong ayaw mo siyang mawala, Angelique.
Halos mapaiyak ako sa sinabi niya.
Please tulungan mo po siya. Please, please
Nakahanap ako ng paraan.
T-talaga?
Pero sa paraan na yun, kinakailangan ko ang tulong mo.
Paano? Kahit ano gagawin ko! Please! Please!
Sa likod ni Celeste ay biglang may lumabas na pinto na kulay ginto. Sabi niya sa
akin ay sumama ako sa kanya papasok dito.
Sinunuod ko siya at pumasok kami pareho sa kulay ginto na pinto.
At nagulat ako sa bumungad sa akin.
Isang kaharian na may lumulutang na mga bituin.
Sa di kalayuan ay tanaw ang isang castle na gawa sa glass.
Habang naglalakad kami ni dream goddess patungo sa castle na yun, marami ang
bumabati sa kanya.
Mga faeries at elves.
Lahat ay tinatawag siyang prinsesa.
Naalala ko ang kwento ni Caleb tungkol sa kanya at ang responsibilidad niya.
Siguro ginagalang siya ng lahat.
Prinsesa Celeste!
May lumapit na isang babae sa amin. Tulad ni dream goddess, patulis din ang
tenga niya. Pero kulay ginto naman ang buhok at mata niya. May hawak din siyang kulay
ginto na flute.
Oh, may mortal na naman ang nais manirahan sa ating kaharian? tanong sa akin
nung babae.
Lyra, siya si Angeliqueang kaibigan ni Caleb.
Napatakip ng bibig si Lyra at nilapitan ako.
Kay gandang binibini! Pero siya ba--?
Siya ang tutulong para maligtas si Caleb.
Napatango lang si Lyra habang nakatingin sa akin.
Ipapanalangin ko sa mahabaging Tala na naway maging masaya ka sa tanang
buhay mo, sabi sa akin ni Lyra at nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang tuktok ng
ulo ko at may lumabas na ilaw sa kamay niya.
Bigla akong napalayo sa kanya at napatawa siya sa akin ng mahina.
Wag kang mag-alala, swerte yan, at kinindatan niya ako.
Itinuloy na namin ang paglalakad namin ni Prinsesa Celeste hanggang sa
makarating kami sa loob ng palasyo. Hindi ko na nagawa pang pagmasdan ang kabuuan
ng palasyo dahil pumasok agad kami sa isang silid.
Isang silid na walang laman.
Dito ay sinabi sa akin ni Prinsesa Celeste ang lahat.
Na dapat ako ang papalit kay Caleb dito para makabalik siya sa reality ngunit
hindi ito ginawa ni Caleb dahil hindi niya ako kayang isakripisyo.
Ang gagawin naming ritual ngayon para mailigtas si Caleb.
Tatanggalin na ni Prinsesa Celeste ang kakayahan kong mag lucid dream.
Ang kakayahan kong yun ay kapalit ng buhay ng lalaking mahal ko.
Napakadali sa akin yun. Wala lang ang bagay na yun. Aanhin ko pa ang
kakayahan kong yun kung wala na si Caleb sa panaginip ko?
Isang sumpa ang gagawin ni Prinsesa Celeste. At ang sumpang yun, once na na-
cast na niya, wala nang makakapagpabago pa noon.
Yun lang, may side effect ang sumpang ito.
pag dating sa reality, hinding-hindi na magtatagpo ang landas niyo ni Caleb.
Kahit hanapin mo siya, hindi mo na siya makikita. Kahit puntahan mo siya, may
mangyayari at mangyayari para hindi mo siya makita. At ganun din siya sa iyo. Hindi na
magtatagpo ang mga tadhana niyo.
Napaluhod ako.
Wala na bang paraan?
Hindi ko na ba makikita si Caleb?
Hindi na ba talaga kami pwede? Wala na bang paraan para mawala na ang side
effect ng sumpang iyon?
Napayuko si dream goddess, mawawala lang iyon pag nawala na ang
kapangyarihan ko. At dito sa Tala, mawawala lang ang kapangyarihan ng mga tulad ko
kapag akoy pumanaw na o kapag ipinatapon na ako sa mundo ng mga nilalang na
walang kapangyarihan
Imposibleng mangyari.
Alam kong ilang daang taon silang nabubuhay at alam ko ring hinding-hindi
maipapatapon si dream goddess sa mundo ng mga walang kapangyarihan.
Napapikit ako at tumango ako.
Ang sakit.
Pwede mo ba akong burahin sa alaala niya?
Angelique
Please? Para hindi na siya masaktan.
Pumunta sa harapan ko si dream goddess at hinawakan ang magkabilang pisngi
ko.
Ilang araw bago mangyari ito, hiniling din sa akin ni Caleb ito. Na burahin siya
sa alaala mo. Nalulungkot ako.dahil mahal niyo talaga ang isat-isa.
Napapikit na lang ako at hinayaan ko ang luha na umagos sa mata ko.
Pero gusto kong maka-alala. Gusto ko siyang maalala. Alam kong masakit ang
mangyayari pero isa siyang parte ng buhay ko na gusto kong dalhin sa alaala ko
hanggang sa mamatay ako.
Sigurado ka, Angelique? Hindi ko buburahin ang alaala mo? Sigurado kang ayos
sa yo na gawin ko na ang sumpang ito?
Tumango ako, siguradong-sigurado.
Matutupad ang iyong kahilingan.
At nabalot ng liwanag ang buong paligid.

Final Dream
Gustong-gusto mo talaga ang mga cherry blossom no? naka-ngiting sabi sa akin ni
Caleb habang nag-lalakad kami sa gitna ng hile-hilerang mga cherry blossom tree.
Malamig ang panahon pero hindi ko maramdaman ang ginaw. Siguro dahil
mahigpit niyang hawak ang kamay ko.
Bat kasi wala nito sa Pinas, sabi ko sa kanya.
Okay lang, meron namang isang Caleb sa Pinas, pabiro naman niyang sagot
sabay kindat.
Hinampas ko siya sa braso.
So ganun? Pwede kang i-sight seeing ng mga tao?
Ng mga girls, at kumindat ulit siya.
Sinimangutan ko siya.
Joke lang! hinila niya ako papalapit sa kanya at inakbayan niya ako. Hanggang
tingin lang naman sila eh kasi ikaw lang ang pwedeng humawak sa akin. Ikaw lang, wala
nang iba.
Drama mo.
I love you too.
At bago pa ako maka-sagot, naramdaman ko na ang labi niya sa labi ko.
Para akong kinukuryente. Parang bumilis bigla ang pagikot ng mundo ko. Parang
may fireworks na sumasabog sa puso ko.
Ang sarap sa pakiramdam.
Ang saya.
.
.

Bigla akong napadilat at napabangon.


Panaginip lang.
Ipinatong ko ang ulo ko sa dalawang palad ko.
Nakakainis naman.
Inalis nga ni dream goddess ang kakayahan kong makapag-lucid dream, pero
gabi-gabi naman si Caleb ang nasa panaginip ko.
Iba-ibang lugar.
Iba-ibang sitwasyon.
Sa loob ng anim na taon, lagi niya akong dinadalaw sa panaginip ko.
Oo. Anim na taon na ang nakakalipas simula nang mangyari ang lahat ng yun.
Ayokong paniwalaan ang side effect ng curse ni dream goddess. Pagka-gising ko,
agad akong pumunta sa ospital kung saan naka-confine si Caleb. Pero wala na siya doon.
Naka-alis na sila ng mommy niya.
Sinubukan ko siyang hanapin sa social media pero hindi ko siya makita.
Lagi akong nagiikot, umaalis mag isa. Umaasa na baka makasalubong ko siya sa
daan. Na baka makita ko siya.
Pero wala. Hindi nangyari yun.
Kasi totoo talaga. Hindi na pwedeng magtagpo ang mga landas namin. Hindi na
kami magkikita kahit pa hanapin namin ang isat-isa.
At mukhang hindi rin naman mangyayari na hahanapin ako ni Caleb dahil burado
na ang existence ko sa alaala niya.
Ilang beses kong sinubukang mag move-on. Sinubukan ko pang pumasok sa isang
relationship. Pero hindi nag work-out.
Paano kasi gabi-gabi kong napapaniginipan si Caleb.
Paano ako makakapag move-on kung gabi-gabi eh dinadalaw niya ako sa
panaginip ko?
Na hindi siya nawala.
Yun nga lang, hindi na siya totoo.
Ang malupit pa nun, wala na akong kakayahang mag lucid dream. Sa panahong
nananaginip ako, akala ko totoo lahat ng nangyayari. Hindi na ako aware na panaginip
lang yun. Kaya naman kada nagigising ako, ramdam ko ang disappointment, ang sakit,
ang matinding pagka-miss kay Caleb.
Nakakaiyak. Gustong-gusto ko na siyang makita.
Wow! Gising na ang mahal na prinsesa!
Napa-angat ang tingin ko kay Amanda na naka-pajama pa at magulo ang buhok.
Sa likuran niya ay naka-sunod si Lilian. Mukhang pareho silang galing sa kusina namin.
Breakfast is almost ready! masiglang sabi ni Lilian.
Nag overnight silang dalawa dito sa bahay namin. Halos kagagawa lang kasi nito
four months ago at nag request ang dalawa kung pwede ba silang mag overnight dito.
Syempre pumayag naman ako dahil madalang na lang talaga kaming makapag bonding
tatlo.
Maayos na ang bahay namin. Malaki na.
Dito, tatlo na ang kwarto namin. Tig-iisa kami nina mama at kuya. May second
floor na ang bahay namin. May banyo sa bawat kwarto. May malaking kitchen. May
magandang garden. May pool na rin.
Design ko.
Isa na kasi akong architect.
Oo, nakapag tapos ako ng pag-aaral. After ng graduation ng highschool, naghanap
agad ako ng summer job para makaipon ng pambaon sa pasukan. Ang hirap makakuha ng
trabaho pag highschool graduate ka lang. Pero buti yung kapitbahay namin ay
naghahanap ng tutor ng elementary niyang anak.
Yun nga lang, sobrang liit ng sahod.
Pero may isang swerte na dumating sa buhay namin.
Tumigil na si kuya sa pagiging construction worker dahil ipinasok siya ng
kaibigan niya doon sa parlor na binuksan nito malapit sa amin. Nung fiesta sa amin, may
nagpa-make-up na starlet kay kuya. Yung starlet na kakanta sa fiesta. Eh nagustuhan niya
ang pagkaka make-up ni kuya kaya naman ini-hire siya ulit nito doon sa isa pang fiesta na
pupuntahan niya para make-up-an siya. Dahil doon, medyo nadagdagan ang income
namin.
Eh nagkataon, may international producer na naka-discover kay starlet.
Nagkaroon ng album sa abroad si starlet at nakilala worldwide kaya big star na siya
ngayon. At doon sa unang music video niya, ni-request niya na si kuya ang mag make-up
sa kanya. May ibat-ibang international singers na naka-puna sa talent ni kuya kaya hina-
hire rin siya.
At ang bruha kong kapatid, na-make-up-an na rin sina Taylor Swift, Beyonce at
Ariana Grande.
Ang sarap niyang sabunutan. Hindi pala talaga pang construction worker ang
beauty niya.
Pero talagang sobrang saya namin sa blessings ni kuya dahil ngayon eh
nakapagpatayo na kami ng bahay, may sarili na ring salon si kuya na talaga nga namang
dinadayo pa ng mga artista.
At ako? Pinalad akong mapasok sa isang magandang kompanya.
Ang daming swerteng dumating. Napalitan lahat ang ilang taong kamalasan.
Masaya ako kasi hindi na nahihirapan sina nanay at kuya.
But still, may kulang pa rin.
Hay grabe ang saya last night! sabi ni Amanda habang kumakain kami ng
breakfast. Gawin ulit natin to ah? Hindi pa rin talaga tayo matanda para sa mga
overnights!
Oo naman! Next time magdadala ako ng anime na pwede nating i-marathon!
sabi naman ni Lilian.
Natawa naman ako, anime talaga? Hindi ba pwedeng Korean drama naman?
Oo nga. Korean drama naman. Sa mga koryano lang kinikilig itong si Angelique
eh! sabi ni Amanda at pareho silang tumawa ni Lilian.
Sige pagtawanan niyo ako! Palibhasa may mga lovelife kayong dalawa!
Boyfriend na ngayon ni Lilian si Howard at going strong pa rin naman si Amanda
at Owen. Kaya ang lalakas ng loob ng dalawang yan na pag trip-an ako.
Eh kasi bat hindi mo i-entertain ang feelings ni Gerald sayo? Matagal nang
patay na patay sayo ang isang yun, sabi ni Lilian habang itinuturo ang tinidor niya sa
akin na may naka-tusok pang sausage.
Napa-buntong hininga ako, hindi para sa akin si Gerald. Wag na natin ipilit.
Hay naku. Eh sino naman ang para sayo? Sino ba ang man of your dreams? Ma-
hunting nga at ang tagal ka nang pinagiintay! sabi naman ni Amanda.
Nginitian ko lang sina Amanda at itinuloy ko ang pagkain ko.
Man of my dreams.
Kung alam lang nila na yung man of my dreams ko ay nakilala ko lang talaga sa
panaginip ko.
At hanggang panaginip na lang talaga siya.
Matapos mag breakfast ay umuwi na rin sina Amanda at Lilian. May family
reunion kasing pupuntahan si Lilian at si Amanda naman ay makikipag kita kay Owen.
Mukhang mag ce-celebrate ata ng anniversary yung dalawa.
At ako, dahil off ko ngayon eh pumunta na lang ako mag-isa sa mall.
Gusto ko lang maglibot mag-isa.
Umaasa na baka makita ko si Caleb. Na baka maging mabait ang tadhana at
mag-tagpo ang landas namin ngayon.
Napadaan ako sa isang pet shop. May nakita kasi akong sobrang cute na baby
golden retriever. Ang sarap bilhin. Kaya lang baka magalit si nanay o si kuya sa akin.
Kailangan ko munang tanungin sa kanila kung okay lang na magka-aso kami.
Ako naman ang mag-aalaga. Ako ang magpapaligo. Ako ang mag t-train.
Tapos papangalanan ko yung aso na.Caleb.
Lumabas agad ako sa pet shop.
Malala na ako. Malala na talaga ako!
Hindi ako maka-move on. Lagi kong iniisip si Caleb.
Ang shunga ko kasi talaga. Dapat pinabura ko na rin kay dream goddess ang
alaala ko. Para hindi na masakit. Para hindi na ako nahihirapan.
But still, ayoko pa ring makalimutan si Caleb.
Ang hirap naman nito.
Hi maam! Would you like to check our art collection? tanong sa akin ng isang
lalaking naka-corporate attire.
Tumango ako at pumasok sa loob ng store nila. May isang pamilya na tumitingin
ng mga paintings sa kabilang side. Sa may sulok naman, may mag-jowang magka-akbay
na naghaharutan habang tinitignan yung painting ng babae at lalaki na naghahalikan.
Kainis. Sarap nilang batuhin.
Inalis ko ang tingin ko sa kanila at pinagmasdan ko ang mga paintings sa harapan
ko. Karamihan puro abstract. Meron ding painting ng lugar, ng tao, at yung iba, hindi ko
mawari kung ano.
Magaganda naman lahat. Sa gilid ng mga paintings, nakalagay ang price. Nakaka-
lula ang presyo. Around 20k 40k ang halaga. Hindi practical kung bibilhin.
Nahinto ako doon sa painting na tinitignan kanina nung mag-jowa. Magka-yakap
yung babae at lalaki doon sa painting. Walang saplot. At naghahalikan sila.
Feeling ko pag isinabit ko to sa sala namin, aatakihin sa puso si nanay. Si kuya
naman, made-depress at baka biglang maisipan na nun magpa-sex change.
Biglang lumapit yung lalaki kanina na naka-corporate attire doon sa painting at
inalis yung presyo. Pinalitan niya ito ng tag na sold
Napatingin ako sa may cashier at nakita kong nagbabayad na yung couple kanina.
Wow. Baka hindi lang mag jowa ang dalawang yun ah. Baka newly wed couple
sila.
At talagang naisipan nilang gumastos para sa painting na yun.
Tinignan ko yung kabilang painting at napahinto ako bigla.
Isang babae at lalaki na nakatayo sa rooftop. Nakatalikod siya at tinatanaw ang
kapaligiran. Yung kalangitan sa painting, magkahating gabi at umaga. Sa left side, kita
ang Eiffle tower. Sa right
Napapikit ako at napahinga ng malalim.
Sa right side may hile-hilerang mga cherry blossom tree.
Sobrang pamilyar ng painting. Sobrang pamilyar ng scenario.
Ang paraiso ko. Ang munting paraisong ginawa ko dati sa panaginip ko.
Ang lugar kung saan ko siya nakilala.
Tinignan ko sa gilid ng frame ang pangalan ng painting at kung sino ang gumawa
nito.
Angels Dream by John Caleb de Dios
Caleb Caleb Caleb
Napahawak ako doon sa painting.
Hindi ako makapaniwala. Si Caleb. Siya ang gumawa nito.
Naramdaman ko ang pangingilid ng luha ko.
He painted my dream.
He painted our paradise.
Naalala ba niya? Natatandaan ba niya ako?
O katulad ko rin, gabi-gabi akong nasa panaginip niya?
Totoo ba to? Totoo na tong nangyayari na to?
Hindi ako makapaniwala.
Ah maam, sorry, bawal pong hawakan yung painting, suway sa akin nung
lalaking naka-corporate attire.
Ay, sorry sir. Uhmm, I would like to purchase the painting, sabi ko sa kanya ng
walang pagdadalawang isip.
Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng pangyayaring to. Hindi pinagtatagpo
ang tadhana namin but somehow, nagawa kong makita ang painting ni Caleb.
Kailangan kong makuha to.
Alright maam! Sa cashier na lang po!
Pumunta ako agad sa cashier at pinunch naman nung babaeng bantay doon yung
code ng painting.
That would be 40,000 pesos.
40K?! gulat na gulat na tanong ko.
Ah yes maam.
Anak naman ng--! Caleb naman! Bat mo naman binebenta ng mahal ang gawa
mo?!
Go pa po ba ang transaction? naka-ngiting tanong sa akin nung babae.
Pero alam ko deep inside gusto na niya akong palayasin. Na kung wala akong
pera eh lumayas layas na ako sa shop nila.
Kasi naman bat naman ang mahal!
Yes. I-ca-card ko na lang, sabi ko.
Inilabas ko ang wallet ko at hinalungkat ko yung credit card kong minsan lang
magamit.
Ngayon lang to. Ngayon lang ako gagastos ng ganitong kamahal para sa isang
painting.
Ngayon lang talaga.
After nito magpapaka-practical na ako.
Pagbigyan niyo na ako.
Gawa to ni Caleb. Patunay to na nag-eexist siya sa reality.
Nasa reality na siya. Ligtas siya. Ligtas at buhay na buhay. Wala na siya sa
mundo ng mga panaginip.
At wala rin sa wallet ko ang credit card ko.
Anak naman ng--!!
Naiwan ko sa bahay!!
Anak naman ng--!! Talaga naman oh!
Ah, pwedeng hold muna? I left my credit card in my house. Babalikan ko lang?
sabi ko doon sa babae. Can you reserve the painting for me?
Sorry maam, hindi po pwedeng i-reserve eh, sagot niya with matching plastic
na ngiti.
Bwiset. Mukhang hindi pa ako pinapaniwalaan ng isang to.
Sige, babalik na lang ako agad.
Lumabas ako doon sa store at dali-daling pumunta sa parking lot. Pagkasakay ko
sa kotse ko, pinaharurot ko agad ito papunta sa bahay.
Wala si nanay sa bahay. Mukhang tumutulong siya ngayon sa salon ni kuya. At si
kuya naman ay bukas pa ang uwi galing New York. Kaya ako lang talaga ang nandito.
Dali-dali akong umakyat sa kwarto ko at kinuha ang credit card ko sa drawer ko.
Iniwan ko nga pala yun doon para hindi ako gumastos nang gumastos.
At ngayon, gagastos ako ng 40k para sa isang painting.
Pagkakuha ko ay dali-dali akong bumalik sa kotse ko at pinaharurot ko pabalik sa
mall. Nang makarating na uli ako sa store, dumiretso na ako doon sa cashier.
I already got my card, ngiting-ngiti kong sabi sa kanya habang pinapakita ko
ang credit card ko.
Akala mo ha poser ako! Ano ka ngayon.
Nginitian niya ako, sorry maam, pumunta po yung gumawa nung painting
kanina. Nagbago ata ang isip niya, hindi niya na ipagbibili yung painting.
What?! Are you kidding me?!
Sorry po, at itinuro niya ang painting.
Nakita ko doon sa gilid ng frame ang not for sale na signage.
Napa-hinga ako ng malalim.
Nandito pa ba siya? mahinahon kong tanong doon sa babae. Y-yung gumawa
ng painting?
Halos kaaalis lang po ni Sir Caleb. Sorry po. Pero try niyo po tomorrow around 2
in the afternoon. Lagi siyang nag d-drop by ng ganung oras dito.
Tumango lang ako at lumabas na ako.
Tinanong ko pa. Imposible na nandito si Caleb. Imposible na mag pang-abot
kami.
Hindi naman pwedeng mag-tagpo ang landas namin eh.
Asa pa ako. Asa pa.
Ang sakit.
Pumasok ako sa kotse ko at isinandal ko ang ulo ko sa manibela. Nangingilid ang
luha ko.
Ang lupit naman.
Yung feeling na alam mong ang lapit na niya sayo. Yung alam mong pinuntahan
niya ang lugar kung saan nandun ka.
Ang heartbreaking.
Kasi hindi kami nagkita. Hindi ko siya nakita.
At kung sakali man hindi niya ako naalala.
Bakit ang sakit?
Umuwi na lang ako at nagkulong sa kwarto.
Six years na. Six years. Pero bakit siya pa rin ang gusto ko? Bakit hinihintay ko
pa rin siya?
Ilang taon lang ako nung nakilala ko siya. Sa panaginip pa.
Pero bakit ganun? Bat hindi ko siya makalimutan?
Gusto ko nang mag move-on pero ang puso ko masyadong pasaway. Attached na
attached pa rin ito kay Caleb.
Bwiset na puso to. Ang hilig-hilig nasasaktan.
Hinawakan ko ang kwintas na ibinigay ni Caleb sa akin. Lagi ko pa rin tong suot-
suot. Hindi ko magawang alisin o palitan.
Hindi ko magawang i-detach sa katawan ko.
Parang si Caleb lang.
Kinabukasan, bumalik ako doon sa shop.
2pm. Baka sakaling nandoon si Caleb.
Naku, maaga po siyang pumunta ngayon. Nag simba kasi sila ng mom niya kaya
napaaga ang punta. Sayang halos kaalis niya lang.
Tinitigan ko na lang ang painting niya atsaka lumabas sa shop na yun ng bigo.
Oo na, ang tanga ko na. Alam kong hindi pwede pero ipinipilit ko pa rin.
Gusto ko lang naman kuhanin ang chance eh. Na baka pwedeng mangyari ang
gusto ko.
Kaso wala. Tadhana na talaga ang nagsabing hindi kami magkikita. Isinasampal
na niya sa mukha ko na wala akong magagawa para maging parte si Caleb ng reality ko.
Hayop kang tadhana ka. Wag kang magpapakita sa akin. Ipapalapa kita sa leon!
Kaya naman pagbalik ko sa bahay, nagkulong na naman ako sa kwarto. At
humagulgol na naman ako ng iyak.
Bakit ba kasi bumalik ako doon? Alam ko naman na walang mangyayari eh. Alam
ko namang madi-disappoint ako eh.
Edi ngayon, nga-ngawa-ngawa ako ng iyak? Broken hearted na broken hearted?
Iniimagine ang mga bagay na hindi pwede?
At ayokong matulog.
Kasi makikita ko na naman siya sa panaginip ko.
Man of my dreams.
Bwiset. Hanggang panaginip na lang ba to?
Napakapit ako sa kwintas na ibinigay sa akin ni Caleb.
Miss na miss na kita Caleb. Sobra. Sobra sobra. Kung pwede lang kitang makita
ngayon. Kung pwede lang tayo

Kinabukasan, buti na lang at may trabaho ako. Nagpaka-busy ako ng husto para
makalimot. Para hindi ko na maalala yung mga nangyari.
Mas okay yun. Para pag uwi ko, pagod ako. Diretso tulog na lang ako.
At yung panaginip ko naman ang bubulabugin ni Caleb.
Bwiset ka Caleb.
Nung gabi na pauwi na ako, dinala na naman ako ng mga paa ko sa shop na yun.
Pero this time hindi para hanapin si Caleb.
Gusto ko lang tignan ulit yung painting niya.
Gusto kong maalala ulit ang itsura ng panaginip ko nung panahong may
kakayahan pa akong mag lucid dream.
Hile-hilerang cherry blossom tree.
Napangiti ako.
Malapit ko nang makita ng personal ang mga cherry blossom. In two months,
pupunta kami nina nanay at kuya sa Japan. Spring season na kasi sa kanila.
Ano kaya ang pakiramdam na makita yun sa reality? Mas okay kaya kesa doon sa
panaginip lang?
Feeling ko mas maganda ang reality.
Yun lang, ang pinagkaiba, sa panaginip ko, kada nakikita ko ang cherry blossom,
palaging may isang lalaki na nakaupo sa ilalim nito at inaantay ako.
Samantalang sa reality, wala na.
Miss na miss na talaga kita, Caleb.
Maam?
Nilingon ko yung lalaking laging bantay dito na napag-alaman kong Henry ang
pangalan.
Ah, yes po?
Gustong-gusto niyo po talaga ang painting na yan no? Parang na-attached ka
talaga ng husto diyan.
Tumango ako, sayang ayaw ibenta nung artist.
Oo nga po eh. Kinausap ko rin si Caleb. Ayaw niya talaga. Sabi niya kasi
nakaramdam siya ng personal connection sa painting na yan.
Napalingon ako sa kanya at hindi ko maiwasang mapangiti, t-talaga? Bakit
daw?
Lagi niya kasing napapaniginipan yung scene na yan. Ewan ko ba sa kanya
maam. May pagka-weird kasi yun. Sabi niya yung babae doon sa painting, laging
nagpapakita sa panaginip niya. At ayun daw ang pinaka-magandang babae na nakita niya.
Parang girl of his dreams. Mukha raw anghel. Kaya Angels Dream ang pangalan ng
painting niya.
Huminga ako ng malalim. Gusto kong maiyak sa nalaman ko. Gusto kong tumili,
tumawa at humagulgol. Hindi ko alam kung ano ang tamang mararamdaman ko.
Matutuwa kasi laman ako ng panaginip niya kahit hindi niya ako naalala?
O maiinis kasi hanggang doon na lang. Hanggang sa panaginip na lang talaga ang
lahat.
Walang reality na nag-aantay sa aming dalawa.
Sayang nga po maam hindi niyo siya naabutan. Nai-kwento ko po kasi ikaw sa
kanya. Sabi ko ilang beses ka nang bumalik dito. Inantay ka niya kanina kaya lang late ka
na po dumating.
Napangiti na lang ako ng malungkot.
Baka hindi talaga kami meant na magkitang dalawa.
Gusto mo po bang mag set ng date para magkita kayo?
Umiling ako, wag na po. Ayos lang.
Kasi kahit mag set pa kami ng date, kung tadhana naman ang kalaban namin,
anong magagawa namin?
Walang mangyayari.
Baka ika-pahamak pa ng isa sa amin iyon kung nagkataon.
Sayang naman po maam. Malay mo makahanap ka pa ng painting na mas
maganda rito.
Sana nga po
Kahit alam kong wala nang iba. Si Caleb lang.
Siya lang.
Ay maam, may ipapakita pala ako sa inyo. Hindi dapat naming i-o-out to dahil
ayaw ni Caleb, pero dahil mukhang gustong-gusto niyo naman po siya, hahayaan ko nang
silipin niyo ang isa pa niyang master piece.
Talaga? Okay lang?
Oo naman po! Come with me!
Sinundan ko si Henry doon sa parang stockroom nila at sa gilid noon, may nakita
akong isang canvass na natatakpan ng tela.
Ito po yun. Isang napaka-gandang obra.
Inalis ni Henry ang takip doon sa tela.
Isang painting ng isang babae ang nandoon sa canvass.
Naka school uniform yung babae habang naka indian seat at naka-sandal sa
railings ng rooftop. May drawing pad sa lap nung babae at halatang nag c-concentrate ito
sa pag d-drawing.
Napatingin ako sa bandang leeg nung babae sa painting.
Isang confirmation na tama ang hinala ko.
Napalunok ako.
May suot siyang kwintas. Isang halfmoon at star na pendant.
Napahawak ako sa kwintas na ibinigay sa akin ni Caleb at parang biglang nag
flashback ang araw na iyon. Yung araw na nasa rooftop kami at nag d-drawing. Hindi
ipinakita sa akin ni Caleb ang ginuhit niya pero ilang beses ko siyang nahuli na
nakatingin sa akin.
Ayan po ang pinaka unang artwork ni Caleb. Kaya rin siya na-discover ay dahil
dyan. Ang ganda hindi ba?
Hindi ko na magawang sumagot. Ilang beses akong lumunok. Ilang beses akong
huminga ng malalim.
Babagsak na ang luha sa mata ko.
Ma-am? Are you okay?
Hindi ko na siya nagawang sagutin pa. I immediately excused myself at dali-dali
akong tumakbo palabas.
Dumiretso ako sa parking lot at pinaharurot ko ang sasakyan ko pauwi sa amin.
Tuloy-tuloy ang pag bagsak ng mga luha sa mata ko. Ayaw magpatigil.
Gustong gustong gusto ko siyang maging parte ng reality ko at ang hirap hirap
tanggapin na hindi pwedeng mangyari yun.
Nang makarating ako sa bahay, dali-dali akong dumiretso sa kwarto ko. I opened
my drawer at nakita ko agad ang sketch pad ko nung nagaaral pa lang ako.
Hindi ko nagawang dalhin sa reality ko ang iginuhit ko nung araw na yun sa
rooftop. Pero sinubukan ko ulit iguhit ito sa reality ko.
Si Caleb, sa gitna ng hile-hilerang mga cherry blossom tree. Nandoon siya
nakatayo at inaantay ang pagbabalik ko.
Niyakap ko ang sketch pad ko habang umiiyak ako.
Ang sakit na talaga. Ang hirap na.
Hindi ko siya maalis sa puso ko. Hindi ko magawang makapag move on.
Sa panaginip ko lang siya nakilala pero siya ang taong nagpakita sa akin ng lahat
ng magagandang bagay.
Paano ko siya magagawang kalimutan ko ramdam na ramdam ko pa rin kung
gaano ko siya kagusto?
Ang hirap-hirap.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nasa sahig at umiiyak. Dumating ang
umaga at nagising ako sa ganoong sitwasyon.
Katulad ng dati, napaniginipan ko pa rin si Caleb. Nasa beach kami at pinapanuod
ang sunset. Naka-akbay siya sa akin at nakapatong naman ang ulo ko sa dibdib niya.
Walang nag sasalita. Tahimik lang kami pareho. Pero yung klase ng katahimikan na hindi
awkward. Ito yung tipo ng katahimikan na masaya dahil damang dama mo kung gaano ka
kasaya at ka komportable na nasa tabi mo lang siya.
Napapikit na lang ako.
Ang bigat sa loob. Ang bigat na.
Pagod na akong masaktan.
Paano ko ba magagawang makapag move on sayo, Caleb?
Bago ako pumasok ay dumaan muna ako doon sa art gallery. Naisip kong humingi
ng pasensya kay Henry sa bigla kong pag-alis kanina.
Kaya lang pagdating ko doon, bakante na ang art gallery. Tapos na raw ang
exhibit nila doon.
Parang sinasabi na rin nito na tapusin ko na ang kahibangan ko.
Tama na, Angelique.
Move-on na.
Angelique hindi ka kita! Gumilid ka!
Sinunod ko si kuya at medyo pumunta ako sa kabilang side ni nanay.
Ayan! Smile!
He clicked the capture button at agad niyang tinignan yung selfie naming tatlo.
Ay perfect! Oh! Ang gaganda natin!
Tinignan din namin ni nanay ni kuya at ang ganda nga ng kuha niya. Kitang-kita
pa yung mga cherry blossom na nasa likuran namin.
Finally, nakapunta na rin kami ng Japan. Nandito kami ngayon sa Osaka Castle
Park at talaga nga namang ang daming cherry blossom tree dito. Ang ganda ng paligid.
Anak, kuhanan mo nga ako ng litrato doon sa may Osaka castle, sabi ni nanay
kay kuya. Gandahan mo at i-u-upload ko yan sa Facebook ko.
Nagkatinginan kami ni kuya at pareho kaming napangiti.
Sige mader! Tara lets at pi-picture-an kita ng bongga!
Hinayaan ko si kuya na dalhin si nanay doon sa Osaka castle. Ako naman ay
mabagal na naglakad sa gitna ng mga hile-hilerang cherry blossom tree.
Akala ko maganda na yung nasa panaginip ko dati. Hindi ko akalaing mas
maganda pala ang nasa reality.
Angelique, alam mo ba na ang ganda talaga ng reality mo? Hindi mo lang
napapansin, pero sobrang ganda talaga ng buhay mo sa labas ng isang panaginip. At
alam ko, mas gaganda pa iyon.
Hindi ko maintindihan kung bakit bigla kong naalala ang mga salitang binitiwan
niya noon. Kung sabagay, palagi ko naman siyang naalala eh. Paano ko ba naman siya
makakalimutan kung gabi-gabi eh binibisita niya ako sa panaginip ko?
Marami siyang sinabi sa akin dati na hanggang ngayon eh nakatatak pa rin sa isip
ko.
Maganda ang reality mo, Angelique.
Paulit-ulit niyang sinasabi sa akin dati yan. Paulit-ulit niyang pilit na ipinapakita
sa akin ang reyalidad.
Napatingin ako sa paligid ko.
Puro mga hile-hilerang cherry blossom tree na dati eh akala ko, sa panaginip ko
lang makikita.
Iba rin pala ang pakiramdam na makita ang mga to sa reyalidad. Mas maganda,
mas nakakamangha, mas surreal.
Pero may kulang pa rin.
Napapikit ako para mapigilan ang mga luha na nagbabadyang kumawala sa mga
mata ko.
Nakita ko na ang tinutukoy mo. Na-realized ko nang maganda ang reality ko.
Alam ko nang marami akong dapat ipagpasalamat sa Diyos.
Pero lagi ko pa ring iniisip, ano kaya ang pakiramdam kung nandito ka rin sa
reality ko?
Two months na ang nakakalipas simula nung incident sa art gallery. Tinigilan ko
na rin ang paghahanap kay Caleb. Unti-unti ko nang tinatanggap na hindi na talaga kami
magkikita.
Pero hindi ko pa rin maiwasang isipin kung kamusta na kaya siya? Ano kaya ang
ginagawa niya? Sana okay lang siya ngayon.
Excuse me miss, is this yours?
Napalingon ako doon sa nagsalita sa likuran ko at tumapik sa braso ko.
Nakita ko ang isang lalaki na naka-ngiti sa akin habang may inaabot na panyo.
Matangkad siya, maputi, medyo singkit ang mata, tousled hair, and he has a very
bright smile na nawala agad the moment na lumingon ako sa kanya.
Napalunok ako.
I blink and blink and blink pero mukha niya pa rin ang nakikita ko.
Bigla na lang napuno ng luha ang mata ko.
Nananaginip ba ako? Please please sana hindi please.
I-Im Angel
Angelique halos pabulong niyang sabi.
Caleb
Hinila niya ako papalapit sa kanya at hinalikan niya ako. Naramdaman ko ang
mga braso niya sa likod ko at inilagay ko naman ang akin sa may balikat niya.
Tuloy-tuloy ang pagbagsak ng luha ko.
Please. Please.
Napahiwalay ako sa kanya.
Hindi ako nananaginip di ba? Hindi di ba?
Umiling si Caleb at pinunasan niya ang luha sa mata ko.
Naalala ko na. Naala ko ang lahat Angelique. Hinanap kita pero hindi ko alam
kung saan ka dapat puntahan.
Paano? Paano mo naalala? Sabi ni dream goddess..
It doesnt matter. Alam ko nakagawa siya ng paraan. Pero Angelique, I want you
to know, kahit binura niya ang alaala ko, hindi ka tuluyang nawala sa akin. Lagi kang
nasa panaginip ko. Gabi-gabi. Hindi ko maintindihan pero alam kong gusting gustong
gusto kong makilala ang babaeng laging bumibisita sa panaginip ko gabi gabi. Pero
ngayon, naalala ko na lahat. Angelique, hinila ako papalapit ni Caleb sa kanya at
niyakap niya ako ng mahigpit. I love you. I still do. Never nagbago yun.
I love you too. Sorry! Sorry kung hindi ko nasabi sayo dati! I love you! I love
you! Hindi to panaginip di ba? Hindi di ba?
Humiwalay si Caleb sa pagkakayakap sa akin at nginitian niya ako.
Yung ngiting gustong-gusto kong nakikita at akala ko never ko nang masisilayan.
Mas lalo akong napaiyak.
Reality na to, sabi niya sa akin.
And again, he claimed my lips.
Dream Goddess

Nasaan ako?!
Napatingin ako sa kapaligiran. Nasa isa akong silid. Sa bintana ay tanaw ang
kalangitan. Madilim. Halos walang bituin sa langit. Ni hindi ko makita ang buwan.
Tinignan ko ang mga palad ko at napapikit ako.
Hindi ko maramdaman ang kapangyarihan ko.
Anong nangyayari?! Bakit nawala ang kapangyarihan ko?!
Hindi kaya?
Kamusta na, mahal na prinsesa Celeste?
Napalingon ako bigla sa nagsalita at nakita ko ang isang lalaki na nakatayo sa
gilid ko. Hindi ko halos maaninag ang mukha niya dahil madilim ang silid na
kinaroroonan ko. Pero kitang-kita ko ang bagay na hawak niya dahil nagliliwanag ito.
May hawak siyang isang itim na dream catcher.
Nandito ako sa mundo ng mga mortal..
Ang mundo kung saan pag pinuntahan ng kahit na sinong mga taga Tala ay
nawawala ang kapangyarihan namin dito.
S-sino ka?! Paano ka nakakuha ng ganyang mahika?! Bakit mo ako dinala sa
mundo ng mga mortal!
Hindi mo ba talaga ako naalala, mahal na prinsesa?
Unti-unti siyang lumapit sa akin hanggang sa maaninag ko na nang buo ang
mukha niya.
Hindi maari
Iba na ang ayos ng buhok niya. Mukha na siyang mortal ngayon. Ngunit kilalang-
kilala ko pa rin ang itsura niya.
Hindi ako pwedeng magkamali.
Yung mga ngiting yun. Yung mga matang yan.
Yung nakakaakit niyang itsura.
Hinding-hindi ko makakalimutan.
Orion
Mas lalong lumawak ang ngiti niya, ang tagal kong inantay na dalawin mo ako
sa mundo ng mga mortal matapos mo akong ipatapon dito, Celeste. Nainip na ako kaya
ikaw na ang dinala ko rito.
Mas dumoble ang bilis ng tibok sa puso ko.
Si Orion. Ang lalaking nagtaksil sa Tala. Isang high elf na muntikan nang nakawin
ang kapangyarihan ng Tala.
Ang high elf na ipinatapon ko sa mundo ng mga mortal upang hindi na
makapanakit ng kahit na sino.
Ang lalaking minsan kong minahal ng palihim
Bakit mo ako dinala rito?!
Hmm, bakit nga ba? unti-unti siyang naglakad palapit sa akin habang ako
naman ay umaatras palayo sa kanya.
Masyado akong maraming gustong gawin sayo, prinsesa. Hindi ko lang maisip
kung ano ang uunahin ko.
Hindi ako natatakot sayo.
Ngumiti ulit siya ng malawak, talaga? Pero bakit unti-unti kang umaatras sa
bawat paghakbang ko papalapit sayo? Baka nakakalimutan mo na dito sa mundo ng mga
mortal, wala kang kapangyarihan.
Napasandal ako sa dingding habang si Orion naman ay iniharang ang braso niya
sa gilid ng ulo ko.
Sobrang lapit niya.
Halos hindi ako makahinga sa kaba.
Dito sa mundo ng mga mortal, kung pisikal na lakas lamang ang tangi mong
magagamit, matatalo ka sa akin. Wala kang kawala, Celeste.
Wala kang karapatan na tawagin ako sa pangalan ko, mariin kong sabi sa kanya.
Ipagpaumanhin mo, prinsesa. Pero kailangan mong magbayad ngayon.
At unti-unti niyang hinawakan ang leeg ko.

End of Lucid Dream


Dont miss Princess Celestes story

Goddess of
Dreams
Soon!

www.wattpad.com/alyloony
Acknowledgement

I know most of my readers love my contemporary romance and teen fiction


stories. I know na may iba na nanibago nang i-try ko ang fantasy genre. But its really my
dream to write a fantasy story at gusto kong magpasalamat sa mga readers ko na
sinuportahan ito. Nakakatuwa na mabasa ang ilan sa mga message niyo na na-inlove kayo
sa fantasy genre because of Lucid Dream. Thank you talaga dear readers! I really had a
great time writing this story.
Gusto ko rin mag thank you sa mga admins ko na walang sawang sumuporta sa
akin kahit once in a blue moon lang ako magparamdam sa kanila. Thank you Raquel,
Marlene, Praise, Ara and Jerice!
Salamat din sa mga fellow authors ko na kadamay ko sa pag gawa ng manuscript
at madalas kong kausap about sa pagsusulat, books, at kung anu-ano pa --- Aril, Ales, Jen,
Berna, Ann, Kuya Em, Aivan and Rhadson.
Of course, thank you sa maganda at mabait naming EICMommy Khuey. Thank
you for always guiding us. Pati na rin kina Ms. Mae, Ms. Ann, Ms. Nestly, Lifli and Kuya
Mark.
And lastly, sa mga readers ko na up until now naka suporta pa rin sa akin. Sa mga
members ng group ko na Tambayan, salamat po. Hinding-hindi ako magsasawang
magpasalamat sa inyo.

You might also like