You are on page 1of 551

She Who Stole Cupid's Arrow

by alyloony

Sabi nila, lahat ng taong sobrang in love ay nagiging desperada. Kaya naman sa
kagustuhan ni Jillian na mahalin siya ni Luke, nagawa niyang nakawin ang pana ni
Kupido. At dahil sa ginawa niya, limang tao ngayon ang nanganganib na hindi na
mahahanap ang kanilang one true love at idagdag pa ang pag-a-alboroto ni Kupido
dahil naudlot ang pagkikita nila ng kanyang asawa na si Psyche.

=================

Prologue

Prologue

“Alam ko ang ginawa mo,” sabi sa’kin nung lalaking naka-sandal sa pader ng
apartment ko. Naka-crossed arms siya habang naka-ngisi siya sa akin na para bang
nahuli niya akong gumagawa ng kasalanan.

            “S-sino ka?! Magnanakaw ka ‘no! Wala kang makukuha sa apartment ko!
Magpapatawag ako ng s-security!”

            Mas lalong lumawak ang ngiti sa labi niya at lumapit siya sa’kin.

            “Sino ako? Pwede mo akong tawaging Eros. Pero mas kilala ako sa
pangalang Cupid. At sa ating dalawa, ikaw ang magnanakaw.”

Pinanliitan ako ng mata nung lalaki. Seryoso na ngayon siyang nakatingin sa’kin.

“You broke into my lair and you stole my bow and arrow.”

            Para akong nawalan ng dugo sa katawan dahil sa sinabi niya. Nanlamig
ang pakiramdam ko at ramdam ko ang malalagit na pawis na namumuo sa noo ko.

            Napalunok ako bigla.

            This isn’t happening. Nag hahallucinate lang siguro ako. Hindi totoo
ang mga nangyari kanina at nung mga nakaraang araw. Yung magandang babaeng naka-
belo, yung kumikinang na compass at love potion, pati yung malaking bahay na
pinuntahan ko at yung pana ni kupido... hallucination lang lahat nang yun.

            Epekto siguro ito nang pagbabasa ko ng maraming manuscript.

            Bukas na bukas talaga mag re-resign na ako sa trabaho ko!

            “You are not hallucinating, Jillian. Totoo ang lahat ng mga nangyayari
sa’yo,” sabi sa’kin nung lalaki na para bang nabasa niya ang nasa isip ko.

            “Ninakaw mo ang pana ko at pinlano mo itong gamitin kay Luke, tama ba?”

            Napalunok ako bigla.

            Totoo ang sinabi niya. Ninakaw ko ang pana niya at ibinuhos ko doon ang
love potion na ibinigay nung babaeng naka-itim na belo. Pero nung papanain ko na si
Luke, biglang dumating si West at siya ang tinamaan ng pana.

            Si West. Ang boss kong terror.

            Ayoko nang paniwalaan ang mga nangyayari.

            “Alam mo bang dahil sa ginawa mo, ginulo mo ang timeline ko, limang tao
ang nanganganib na hindi na mahahanap ang one true love nila, at mauudlot na naman
ang pagkikita namin ng asawa kong si Psyche dahil kailangan kong ayusin ang gulong
ginawa mo.”

He took a step forward at bigla niyang hinawakan ang magkabilang kong braso.
Tinitigan niya ako ng seryosong-seryoso sa mata na halos atakihin ako sa puso dahil
sa sobrang kaba ko sa kanya.

 “At ngayon binibining Jillian, magbabayad ka...”

***

This week ko rin po ippost ang first chapter nito. Pag napost ko na ang Epilogue ng
Angel in Disguise :D
Note: May ilang greek gods/godesses akong babanggitin sa story na 'to na hindi po
talaga nag-eexist sa Greek Mythology. :)

=================

Chapter 1

Chapter 1

“Pumalpak ka na naman.”

Nakakunot ang noo ng editor-in-chief namin na si Sir West habang nakatingin sa’kin.
Sa table niya may nakalatag na tatlong libro Mga book sample ng librong ire-release
namin two weeks from now.

“Ano po ba ang problema?” tanong ko sa kanya while avoiding his gaze. Wala naman
talagang nabubuhay na nilalang ang nakaka-tingin ng diretso sa mata ni Sir West eh.
Pakiramdam ko katapusan ko na pag inangat ko ang tingin ko sa kanya.

“Anong problema? Yung trabaho mo ang problema! May mga naka-lusot na naman na
typographical and grammatical errors! Ano ba Jillian, kailangan mo na ba ng salamin
ha?”

“S-sorry po. Aayusin ko na lang po.”

“Sige na! Kunin mo na ‘to at lumabas ka na sa opisina ko!”


Dali-dali kong kinuha yung mga book sample at naka-simangot akong bumalik sa table
ko.

Ang sungit-sungit talaga ng boss namin! Kung matandang binata siya maiintindihan ko
eh kaso hindi. Halos magka-edad lang kami pero yung kasungitan niya dinaig pa ang
babaeng nag me-menopause. Laging lukot ang noo at salubong ang kilay.

Hindi kaya na-sobrahan siya sa kape?

Isa akong proofreader sa isang publishing house. Kung hindi nga lang maganda ang
pa-sweldo rito, matagal na akong nag quit dahil laging akong pinag-iinitan ni Sir
West. Feeling ko kada nakikita niya ang pagmumukha ko eh bigla na lang nasisira ang
araw niya.

Wag siyang mag-alala. The feeling is mutual. Sadyang malas lang ako dahil mas
mataas ang posisyon niya sa’kin.

Napa-buntong hininga na lang ako at binuklat yung book sample. Hinanap ko yung mga
ini-highlight ni Sir West na dapat kong ayusin.

Tatlo! Tatlo lang! Yung isa sumobra lang ng spacing. Tas kung pagalitan niya ako eh
akala mo pumatay ako ng tao!

“Jillian, napag-initan ka na naman ba ni Sir West?”


Napalingon ako bigla sa likuran ko at nakita kong nakatayo doon ang layout artist
naming si Luke. Naka-ngiti siya sa’kin habang may hawak-hawak na mug.

“Uminom ka muna ng kape para mawala ang init ng ulo mo,” inilapag niya ‘yung mug ng
kape sa table ko.

“T-thanks Luke!”

“Wag mo na pansinin ‘yun. Wala kasi siyang lovelife kaya siguro masungit,” pabulong
at natatawa-tawa niyang sabi sa’kin bago siya bumalik sa desk niya.

Ininom ko yung kapeng tinimpla ni Luke at parang biglang nawala ang init ng ulo ko.
Napalitan agad ‘to ng kilig at para na akong shunga na nakangiti mag-isa sa tapat
ng desktop ko. Jusko. Sa ginawa niyang ito, hindi na naman ako makakatulog mamayang
gabi.

Si Luke ang isa pang dahilan kung bakit hindi ako makapag-resign sa publishing
house na ‘to. At in the first place, siya rin ang dahilan kung bakit dito ako nag
apply ng trabaho.

First year college pa lang kasi, type ko na siya. Hanggang sa lumalim na ng lumalim
at siya na ang laman ng utak ko. Kahit anong gawin niya, kahit saan siya magpunta,
lagi akong nandoon. Sabi nung mga kabarkada ko, ang creepy ko kasi mukha na akong
stalker ni Luke. Pero dinedma ko lang sila. Hindi kasi sila nila alam ang
nararamdaman ko eh. Hindi sila ang na-inlove at lalong hindi sila ang nabiktima ng
pana ni kupido.

Pero lecheng kupido ‘yan, ako lang ang pinana. Ni-hindi man lang naisipang panain
na rin si Luke para maging masaya na kami.
Limang taon na ang unrequited love na ito. Hanggang kelan pa kaya ako mag-aantay?

Buong magdamag, si Luke ang laman ng isip ko. Hindi tuloy ako makapag-concentrate
sa pino-proofread kong manuscript. Kaya naman ng ipasa ko ulit ito kay Sir West,
nabulyawan na naman ako.

“Yung 'like' naging 'luke!' Ano ba naman ‘yan Jillian!”

Napayuko na lang ako at paulit-ulit nag sorry. Napilitan pa akong mag overtime. At
dahil doon, ginabi ako ng uwi. Pagdating ko sa may kanto ng baranggay namin, wala
ng pila ng tricycle kaya no choice ako kundi ang maglakad. Hay buhay ‘to.

Ang dilim-dilim ng daanan. Wag sana akong maka-salubong ng mga lasenggo, masasamang
tao, engkanto o aso. Pag tumili ako, walang makakarinig sa’kin. Hindi pa ako
pwedeng mamaalam sa mundong ‘to. Hindi ko pa nakukuha ang puso ni Luke. Kailangan
pang maging kami, magpakasal, magka-anak at tumanda ng magkasama bago ako mawala sa
mundong ‘to.

Nasaan na ba si Cupid? Ba’t hindi na niya kasi panain si Luke para ma-inlove na
sa’kin. May kotse pa naman siya. Hindi na ko kinakailangan mag commute pauwi pag
naging kami.

“Wag ka nang umasa. Hinding-hindi ibibigay ni Cupid sa’yo ang lalaking gusto mo.”

Bigla akong napahinto sa paglalakad at nilingon ang nag-salita sa likuran ko.


Isang babae na halos ka-edaran ko ang naka-ngiti sa’kin. Naka-suot siya ng itim na
mahabang bestida na longsleeves at may nakabalabal na belong itim sa ulo niya.

Napalunok ako bigla. Hindi kaya multo ang babaeng ‘to o engkanto? Nandito pa naman
kami ngayon sa tapat ng narra tree. Hindi ba bali-balitang sa narra tree
naninirahan ang mga engkanto?

“Mali. Balete tree ‘yun. At hindi ako engkanto.”

Mas lalo ako pinanindigan ng balahibo, “n-nababasa mo ang nasa isip ko?!”

“Manghuhula ako eh. At kung makatingin ka sa puno ng narra at sa’kin, kahit sino
mababasa ang nasa isip mo.”

Naka-hinga ulit ako ng maluwag, “akala ko naman. Pero ano ang ibig mong sabihin
kanina na hinding-hindi ibibigay ni Cupid ang lalaking gusto ko? At ba’t ganyan
pala ang attire mo? Hindi ka ba naiinitan?”

Binigyan niya ako ng isang ngiti at para na namang nagsi-taasan ang mga balahibo sa
katawan ko. Kakaiba kasi ang ngiti niya. Para bang pinapahiwatig niya na marami
siyang alam at marami siyang kayang gawin.

“Hindi mapupunta sa’yo ang lalaking gusto mo sa kadahilanang sa iba iginuhit ni


Kupido ang tadhana niya.”
“Huh? At paano mo naman nasabi at nalaman ‘yan aber?”

“Lahat ng bagay alam ko, Jillian.”

Natigilan ulit ako at napa-titig sa mukha nung babaeng naka-belo at may


nakakalokong ngiti. Paano niya nalaman ang pangalan ko?!

“Sabi ko sa’yo, lahat ng bagay alam ko.”

Now I’m positive! Nababasa niya ang nasa isip ko! Engkanto nga siya!

“U-uhm. S-sige a-alis na ako.”

Kahit nanlalambot ang tuhod ko ay sinubukan kong maglakad palayo sa kanya. Kaya
lang, nakaka-ilang hakbang pa lang ako, bigla niyang hinawakan ang balikat ko.

“Hindi man ikaw ang itinadhana ni Cupid para kay Luke, may paraan pa rin naman para
maging kayo. 'Yun ay kung magagawa mong nakawin ang pana niya.”

Nilingon ko yung babae, “hehehe, nang gu-good time ka na lang miss eh! Kailangan ko
nang umuwi kaya alis na ako ha?”
“Hindi ka naniniwala sa’kin?”

Bigla akong napa-tingin ng diretso sa mga mata niya. Masyadong malalim ito.
Masyadong nakaka-lula. Parang bigla akong nawala sa sarili. Ilang segundo akong
natigilan na para bang hindi ko alam ang nangyayari sa paligid ko.

“Naniniwala ako sa’yo. Ano ba ang dapat kong gawin para manakaw ko ang pana ni
Cupid?”

Bigla ulit akong natigilan. Ano ba ang sinasabi ko? Ba’t sinabi kong naniniwala ako
sa kanya? Eh hindi naman kapani-paniwala mga pinagsasasabi niya eh! At sinong tanga
ang maniniwala sa pinagsasasabi ng babaeng ‘to?

Pero bakit may nakikipagtalo sa isipan ko at pilit itinatatak sa utak ko na totoo


ang sinasabi niya? Bakit parang may nakikipagtalo sa kaloob-looban ko?

Hini-hypnotize niya ba 'ko?!

May inabot siya sa aking isang kwintas na may malaking bilog na pendant at isang
maliit na bote na may liquid na kulay pula sa loob. Tinignan ko maigi ‘yung pendant
ng kwintas at doon ko lang napagtanto na isa itong gold compass.

“Ang compass na ‘yan ang magtuturo sa’yo kung saan mo matatagpuan ang kinalulugaran
ng pana ni Cupid. Siguraduhin mong palagi mong suot ‘yan dahil mag-sisilbi rin
‘yang proteksyon sa’yo para hindi ka mapansin at makita ni Cupid. Pag nakuha mo na
ang pana, ibuhos mo dito ang potion na nasa bote atsaka mo gamitin para panain si
Luke.”
Tinignan ko ang mga kagamitan na ibinigay niya sa akin atsaka ko siya tinignan ng
diretso sa mata, “mamahalin na ba ako ni Luke pag nagawa ko ‘to?”

“Oo. Magiging sa’yo na ang lalaking ‘yon. Pero may kapalit ang pag tulong ko sa’yo
Jillian.”

“A-ano?”

“Simple lang naman. Pagkatapos mong gamitin ang pana ni Cupid, kailangan mong
ibigay ito sa akin.”

“Yun lang naman pala! Simpleng-simple.”

“Good. Tuparin mo ang pangako mo. Goodluck.”

Bago pa ako makasagot, bigla-bigla na lang nawala ang babaeng naka-itim na belo sa
harapan ko. Habang ako, napanganga na lang at hindi makapaniwala sa mga nangyari at
nasabi ko.

Shet. Ano ba ‘tong napasok ko?


***

Disclaimer: I don't own Cupid, Psyche or kahit na sinong Greek/Roman Gods and
Goddesses na babanggitin ko sa story. Lahat sila ay kabilang sa Greek/Roman
Mythology. But I might alter some of their roles/powers :) Baka magbanggit din ako
ng ibang fictional Gods and Goddesses na hindi talaga nag e-exist sa mythology. 

=================

Chapter 2

Chapter 2

“Sir mamatay na po ako. Hindi ko kayang pumasok *ubo ubo* ngayon. Kasi *ubo ubo*
ang taas talaga ng *ubo ubo* lagnat kooo!”

        Nandito ako ngayon sa kahabaan ng EDSA, nakasakay sa bulok na kotseng


nirentahan ko pa sa kapitbahay ko at nakikipag sagupaan sa matinding traffic---at
init dahil sira ang aircon ng kotse. Kasalukuyan ko ngayong kinakausap ang boss ko
at nagpapanggap/nagdadrama na may sakit para lang payagan niya akong um-absent
ngayon.

        Kasi naman kanina bago ako umalis, nag sabi na ako kay Elise, yung isa pang
editor doon na ka-close ko, na hindi na ako makakapasok. Eh itong si Sir West sukat
tinawagan pa ako dahil ayaw maniwala!

        “Jillian siguraduhin mo lang na hindi ka nag-d-drama sa’kin ha?! Ang dami


mong manuscripts na kailangang i-proofread! Malapit na ang deadlines nang mga
‘yon!” bulyaw sa akin ni Sir West mula sa kabilang linya.

        “Opo sir! I-p-proofread ko po ang mga ‘yun kahit na nasa death bed na ako!”

        “Pinipilosopo mo ba ako ha?! At ba’t ang ingay diyan sa inyo? Ba’t


nakakarinig ako ng mga busina?! Sigurado ka bang nasa bahay ka lang ngayon at
nagpapahinga ha?!”

        “N-nanonood po ako ng t-t.v!”


        “Hay naku Jillian! Basta I need those manuscripts by Monday kaya mag
pagaling ka at ayusin mo ang trabaho mo!”

        Bago pa ako maka-sagot eh binabaan na niya ako ng telepono. Rinig na rinig


ko pa ang pag bagsak nito kaya bigla-bigla kong nailayo ang phone ko sa tenga ko.

        Ang highblood na naman ng isang ‘yun! Grabe siya! Isang araw lang niya ako
‘di makikita eh akala mo end of the world na kung makapag-maktol siya.

        Ang malas siguro ng papanain ni Cupid para maging forever nitong si Sir
West. Kawawang babae.

        Speaking of Cupid, kaya ako napilitang um-absent ngayon ay dahil kailangan


kong nakawin ang pana niya.

        Ewan ko ba kung bakit ko ginagawa ang kahibangan na ‘to. Baliw lang ang
taong maniniwala doon sa babaeng nakaitim.

      Pero sa hindi ko maintindihang kadahilanan eh eto ako, sinusunod ang sinabi


niya sa’kin. Parang nagkaroon ng sariling buhay ang katawan ko.

            Bahala na nga. Hindi naman masama kung susubukan ko ‘di ba? Kahit na
itong compass na ibinigay sa’kin ay dinala ako sa kahabaan ng EDSA.

            So saan ko naman hahanapin ang pana ni kupido sa gitna ng traffic na


ito?

            Lagpas isang oras akong stranded sa EDSA dahil sa sobrang traffic.
Iniisip ko nga baka mali ang pagkakabasa ko sa compass. Pero pinakiramdaman ko na
lang ang instinct ko at tinuloy itong daanan na tinatahak ko.

            Hanggang sa makarating na ako ng SLEX, lumagpas na ng Laguna at ngayon,


binabaybay ko na ang Tagaytay.

            Buti na lang naisipan kong punuin ng gas itong kotseng ‘to. Mamaya
makarating ako hanggang Bicol nito.

            Sinundan ko ang route na tinuturo ng compass. Nakakapagtaka nga at


naiintindihan ko ito kahit hindi naman ako marunong mag basa ng compass. Pwede ko
kayang hingin na lang ito doon sa babaeng naka-itim? Madalas kasi akong maligaw at
mukhang mas okay pa 'to kesa sa GPS ng cellphone. Hehe.
            Akala ko mag tutuloy-tuloy ako hanggang sa makalagpas ako ng Tagaytay
pero nabigla ako ng mag-iba ng posisyon ang kamay ng compass. Sinundan ko ito
hanggang sa mapansin ko na ang binabaybay ko na ay 'yung daan pababa sa may taal
lake.

            Dito ako nag simulang mataranta. Hindi kaya nasa ilalim ng taal lake
ang pana ni Cupid? O baka naman nasa may crater na ng taal volcano? Kasi kung
ganoon eh uuwi na lang ako. Masyado na akong nag-aaksaya ng oras, panahon, energy
at perang pampa-gas sa kotseng bulok na ito para lang sa isang kalokohan.

            Oo at nakakatakot ang aura nung babaeng naka-itim. Feeling ko may


gagawin siya sa’king masama pag hindi ko ginawa ang gusto niya. Pero mas
nakakatakot pa rin si Sir West sa kanya. At pag hindi ko na-meet ang ibinigay
niyang deadline sa akin ay for sure, si San Pedro ang ma-me-meet ko.

            Buo na ang loob ko na bumalik na lang sa Manila pero bigla-bigla ay nag
iba ng galaw ang kamay nung compass. Tumingin ako sa right side ko kung saan naka-
turo ito ngayon at may nakita akong isang malaking bahay.

            Teka, ngayon ko lang napansin ang bahay na ‘yan ah?

            Ilang beses na akong nakababa sa may Taal Lake at ito rin ang ruta na
dinadaanan ko pero ngayon ko lang nakita ang bahay na ‘to.

            Hindi kaya... dito nakatira si Cupid?

            Sosyal ah! Ang laki ng bahay! Rich kid!

            Ipinarada ko sa tapat ng bahay ang kotse ko atsaka ako bumaba.


Nakasabit sa leeg ko ang compass habang ang bote ng potion naman ay nasa bulsa ng
pantalon na suot ko.

            Hindi naka-kandado ang gate kaya naman madali akong nakapasok.
Sinubukan kong buksan ang front door pero naka-lock ito sa loob.

            Wala ba silang door bell?

            Napakamot ako bigla sa ulo ko. Shunga ko rin. Mag nanakaw nga ako, ba’t
ako mag do-doorbell!

            Tinignan ko ulit ang compass na nakasabit sa leeg ko. Hindi ito naka-
turo sa may front door, instead, tinuturo nito ang likuran ng bahay.

            Naglakad ako papunta doon at nagulat ako sa bumungad sa’kin.


            Isang malaking garden. Maraming puno, bulaklak at bushes sa paligid.
May fountain pa sa gitna. Para akong nasa shooting ng pelikula. Ang ganda-ganda
kasi ng pagkakaayos. Parang mini-paradise ang dating.

            Nakaturo ngayon ang kamay ng compass sa malaking fountain sa gitna ng


garden. Nilapitan ko ito. Tumuro naman ang compass sa ilalim ng tubig nung
fountain.

            Sinilip ko yung tubig. Mababaw lang at malinis. Pero wala akong
makitang pana. Tinignan ko ulit ang compass baka kasi nagkamali ako ng basa pero
dito pa rin naka-turo ito.

            'Wag niyang sabihing nasa ilalim ng fountain na ‘to ang pana ni Cupid?
Paano ko makukuha ‘yun? Titibagin ko ang fountain? Mag huhukay ako sa lupa?

            Anak ng tupa. Hindi pala ganito kadali ang ginagawa ko.

            Naupo ako sa gilid ng fountain.

            I knew it. Kalokohan lang ang lahat ng ‘to. At ako naman si dakilang
uto-uto, sukat sinunod ko ang babaeng ‘yun.

            Baka naman nasa Wow Mali ako ah?! Baka may hidden camera rito!

            Tinignan ko ulit yung compass at nakaturo pa rin siya doon sa tubig ng
fountain.

            Hay kalokohan.

            Patayo na sana ako para umalis pero bigla akong tinamaan ng idea.

            Hindi kaya...?

            Napalingon ako doon sa fountain na nasa likuran ko. Masubukan nga.
Tutal mukha na naman akong tanga rito, wala nang mawawala sa akin.

            Hinubad ko ang sandals na suot-suot ko at itinaas ko hanggang tuhod ang


pantalon ko. Lumapit ulit ako sa fountain atsaka ako sumampa rito. Mababaw lang ang
tubig. Lagpas talampakan lang ang taas. Pero wala pang limang segundo kong naapakan
ang semento ng fountain, may biglang humila sa paa ko pailalim kaya napatili ako
bigla. Nakita ko na lang ang sarili ko na lumulubog sa isang malalim na tubig.

            Ay anak naman ng--!! Hindi ako marunong lumangoy! Malulunod ako!
            Sinubukan kong umangat at humanap ng hangin pero wala, parang ang taas-
taas na ng tubig.

            Paano nangyari ‘to? Kanina lang hanggang talampakan lang ang tubig eh.
Naapakan ko pa ang semento ng fountain. Pero bakit ngayon parang biglang ang lalim-
lalim na nito?

            Malapit na akong mawalan nang hininga nang bigla akong bumagsak sa
semento. Napadilat ako at laking gulat ko kasi tuyong-tuyo ang buo kong katawan
samantalang kanina lang ay nalulunod na ako sa tubig

            Oh my gosh. Ano na ba ang nangyayari?

            Umayos ako ng tayo at tinignan ko ang paligid. Nasa loob ako ng isang
silid kung saan ang ilaw lang na nag mumula sa torches na naka-kabit sa dingding
ang nagsisilbing liwanag.

            At ayun, sa gitna ng silid na ‘to, nakita ko ang pana ni Cupid na


nakapatong sa isang glass table.

            Nilapitan ko ito at agad na kinuha. Kulay ginto ang pana at nag-iisa
lang ‘yung arrow na nakalagay sa quiver.

            Nag-iisa lang. Ibig sabihin hindi ako pwedeng magkamali.

            Dali-dali kong isinabit sa likuran ko ang bow, at yung quiver na may
naglalamang isang arrow.

            Ngayon, paano ako lalabas dito? Walang pinto!

            Tinignan ko ‘yung compass na nakasabit sa leeg ko. Bigla-bigla ay may


lumabas na kakasilaw na liwanag galing dito kaya naman napapikit ako.

            Wag naman sana ako mapunta ulit sa malalim na tubig na ‘yun please!
Hindi ako marunong lumangoy!

            Inaantay ko na mahulog ulit ako sa tubig pero hindi ito dumating.

            Unti-unti ay iminulat ko ang mata ko at nakita ko na lang ang sarili ko


na nasa labas na ng fountain. Yung bow at quiver nakasabit pa rin sa likuran ko.

            Napa-upo ako bigla sa gilid ng fountain at ramdam ko ang panginginig ng


mga tuhod ko. Hindi ma-absorb ng utak ko ang mga nangyari.
            Nakuha ko ang pana ni Cupid. Ang weird man nang mga nangyari pero totoo
itong lahat. Hindi hallucination, hindi imagination at mas lalong wala ako sa Wow
Mali.

            Akala ko sa mga fiction stories lang nag-e-exist ang mga ganitong
eksena. Hindi ko akalaing mararanasan ko ito.

            Tumayo ako at ready na sanang umalis nang bigla akong matigilan dahil
may pumasok sa loob ng garden.

            Isang lalaking matangkad, maputi, brownish yung eyes, itim ang buhok,
gwapo, at---at nagagawa ko pa siyang i-describe kahit na kumakabog ang dibdib ko sa
sobrang kaba.

            Napalunok ako at napahawak ng mahigpit sa compass na nakasabit sa leeg


ko.

            Si Cupid kaya ito? Pero ba’t mukha siyang Pinoy? Mukha siyang
Pilipinong artista na mestizo na pwedeng rumampa sa underwear fashion show ng
Bench. Gwapo eh. At mukhang may abs.

Pero mukhang hindi siya si Cupid kasi base sa na re-search kong picture niya, kulot
na ginintuan ang buhok niya, naka-bahag lang siya ng puting tela, at doon sa ibang
picture naman eh isa siyang batang mataba.

            Baka caretaker ni Cupid?

            Pero kahit sino pa siya, I’m doomed! Nandito lang ako sa fountain,
nakatayo, habang nasa likod ko ang pana ni Cupid. At siya naman nasa may entrance
ng garden at nakaharap sa pwesto ko.

            Naglakad siya palapit sa fountain. Pinagpawisan ako ng malagkit kahit


ang lamig ngayon sa Tagaytay.

            Hindi ako makapag-salita. Wala rin naman akong sasabihin. Halangan
naman i-introduce ko ang sarili ko? Magpapakilala akong mag nanakaw? Sasabihin kong
na-hypnotized ako ng babaeng nakaitim? Aamin ako na desperada lang ako sa
pagmamahal ni Luke? Ano sasabihin ko!

            Palapit na ng palapit sa akin ‘yung lalaki at ako naman ay naka-ngaga


pa rin sa kanya. Speechless. Hindi ko alam kung paano ko dedepensahan ang sarili
ko.

            Kaya lang nagulat ako nang bigla niya akong lagpasan na para bang hindi
niya ako nakita. Naupo lang siya sa gilid ng fountain habang nakatingin sa tubig
nito.
            T-Teka, hindi niya ako nakita?

            Doon ko naalala ang sinabi sa’kin nung babaeng naka-itim about sa
compass na suot-suot ko.

            “Siguraduhin mong palagi mong suot ‘yan dahil mag-sisilbi rin ‘yang
proteksyon sa’yo para hindi ka mapansin at makita ni Cupid.”

            Para hindi ako makita? Ibig sabihin hindi ako nakikita ng lalaking ‘to
ngayon?

            Naglakad ako palayo habang pinapakiramdaman ko kung tatawagin o


susundan niya ako. Pero hindi niya ginawa.

Nang makalagpas ako sa entrance ng garden, dali-dali akong tumakbo palabas ng gate
at sumakay sa kotse ko habang ang pana ni Cupid ay hindi ko pa rin inaalis sa likod
ko.

Nakakakaba, pero nagawa ko.

Nanakaw ko ang pana ni Cupid.

To be continued...

=================

Chapter 3

Chapter 3

Babaeng naka-itim, nasaan ka na ba?


            Umaga. Kasalukuyan akong nandito ngayon sa tapat ng mga narra tree at
umaasang makikita ko ang babaeng naka-itim. Syempre wala akong balak umatras sa
usapan namin. Ngayon pa ba na nasa akin na ang susi para wakasan ang limang taong
unrequited love ko?

            Gusto ko lang siyang hingan nang advice kung paano ko gagamitin ang
pana na ito. Una sa lahat, hindi ako marunong pumana. Pangalawa, hindi ko alam ang
sasabihin ko sa mga ka-trabaho ko kung bakit ako may dala-dalang pana. Baka may
magical kagamitan siya o device na pwede kong gamitin para itago ang pana ko.

            Kaso halos fifteen minutes na akong naka-tambay sa tapat ng mga narra
tree, hindi pa rin nagpapakita sa’kin yung babaeng naka-itim.

            Hay bahala na nga. Ma-l-late na ako sa trabaho. Mamaya mabulyawan pa


ako ni Sir West.

            Nag-lakad na ako palabas ng baranggay namin at sumakay ng jeep


patungong office. Buti na lang at nakarating ako on time.

            “Uy Jillian! Buti naka-pasok ka na. Okay na ba ang pakiramdam mo?”
salubong sa’kin ni Elise.

            “Oo okay na. Lagnat lang naman!”

            “Buti naman kung ganoon. Bilin kasi ni Sir West na pagkarating na
pagkarating mo ipaalala namin sa’yo na tambak ka na ng deadlines.”

            Napabuntong hininga ako. Ang ganda-ganda talagang mag welcome ni Sir
West ng kababalik pa lang na employee mula sa pagkakasakit ‘no?

            “Sige uumpisahan ko na nang wala na siyang masabi.”

            “Oo nga. Wag kang mag-alala. Matatapos mo ‘yan,” pang e-encourage naman
sa’kin ni Elise.

            “Thanks!”

            Nag tungo na ako sa pwesto ko. Isinandal ko naman ‘yung pana doon desk
ko. Buti na lang at hindi ma-intriga itong si Elise. Hindi niya ako tinanong kung
bakit may dala-dala akong pana sa likuran ko.

            “Good morning Jill! Glad you’re back!”

            Napalingon ako bigla sa tumawag sa’kin at napangiti ng malawak nang


makita ko ang gwapong pag mumukha ni Luke. Andoon lang siya sa kabilang desk,
masayang naka-dungaw sa akin. Naka suot siya ng eyeglass ngayon. Medyo messy ang
hair at ang boyish ng ngiti niya.

            My god!

            “L-Luke!”

            Pinaandar ni Luke ang gulong ng swivel chair niya papalapit sa akin.
Bigla naman niyang tinamaan ang pana kaya natumba ito sa sahig.

            “Hala!” dali-dali akong yumuko para pulutin ito.

            “Oh ba’t ka nakayuko Jillian? May hinahanap ka ba? Teka, nahulog ba
yung contact lense mo?”

            Napa-angat bigla ang tingin ko sa kanya at hindi ko maitago ang


pagkagulat sa mukha ko.

            “Why are you looking at me like that? Did I say something wrong?”

            “H-ha? Ah, w-wala naman!” ngitian ko siya at inangat ko ang ballpen na
hawak ko. “Nahulog ‘yung ballpen ko. Pinulot ko lang.”

            “Oh I see.”

            I’m positive! Hindi nila nakikita ang pana! Pero paano nangyari yun?
Paanong ako lang ang natatanging nakakakita nito?

            Napahawak ako sa compass na nakasabit sa leeg ko. Hindi kaya dahil din
ito sa compass na ‘to?

            “Anyway, buti naman at magaling ka na. Nag-alala kaming lahat sa’yo
nung nagka-sakit ka,” binigyan ako ng isang nakakatunaw na ngiti ni Luke. Para
tuloy nag-lumundag ang puso ko.

            “T-thanks!”

            Nginitian lang ulit niya ako atsaka siya bumalik sa pwesto niya. Habang
ako naman, ngiting-aso na naman ako habang ino-open ko ang computer ko.

            Sabi nila sa highschool mo lang daw mararanasan ang kiligin ng husto
dahil sa crush mo. Working peeps are too old for this kind of things.
            Pero wala eh. Para akong higschool na inlove na inlove dito at
kinikilig. Ang sarap sa feeling.

            Lalo na alam ko mamaya magiging akin na ulit siya.

            Naging maayos ang first three hours ng trabaho ko kahit na medyo
distracted ako sa panang nasa tabi ko. But all in all, hindi pa naman ako
pinapatawag ni Sir West. Hindi ko pa nakikita ang pag mumukha niya kaya hindi pa
nasisira ang araw ko.

            Dumating na ang lunch break. Pinauna ko na muna ang mga kasamahan ko na
bumaba sa canteen. Nang ako na lang ang natitira sa office, inilabas ko sa pouch ko
ang potion na ibinigay sa akin nung babaeng naka-itim atsaka ko ito ibinuhos sa
pinaka arrow nung pana. Hindi ko naitanong doon sa babae kung para saan ang potion.
Siguro para gumana ang pana or hindi ako sumablay ng tira? But all in all, sinunod
ko na lang din ‘yung instruction sa akin nung babae.

            Isinabit ko ang pana sa likuran ko atsaka ako bumaba sa canteen. Sana
makakuha ako ng tsempo mamaya. Hindi na kasi ako makapag-hintay na matapos ito.

            Sakto namang pag-baba ko, natanaw ko si Luke na nakaupo sa bench doon
sa mini garden sa labas ng building namin. Napa-ngiti ako bigla.

            Ito na! Ang pagkakataong hinihiling ko!

            Kesa pumasok sa canteen ay lumabas ako ng building at nagtago sa likod


ng isang estatwa doon. Inayos ko ang pana sa kamay ko. Inimagine ko ang porma ni
Katniss ng Hunger Games. Huminga ako ng malalim atsaka ko itinutok sa gawi ni Luke
ang pana ni Cupid.

            You’ll be mine Luke.

            Pinakawalan ko ang pana sa kamay ko.

            Not knowing na may isang taong papalapit kay Luke.

            “Hey, Luke.”

            “Oh Sir West! Mag l-lunch ka na?”

            Hindi ko na narinig ang sagot ni Sir West kay Luke. Napako na lang ang
tingin ko doon sa pana na tumama sa kanya. Kay Sir West. At saktong-sakto itong
nakasaksak sa kanang bahagi ng dibdib niya.

            Sa puso.
            “Sir West? Okay lang po kayo? Ba’t parang natulala kayo?” tanong ni
Luke sa kanya.

            “H-ha? Ah wala. Sige balik na ako.”

            Dali-daling pumasok si Sir West sa building namin habang ako naman ay
nangangatog-ngatog ang tuhod na napa-upo sa likuran ng estatwang pinagtataguan ko.

            Pak---shet.

            Sumablay ang tira ko. Iba ang tinamaan. Ano nang mangyayari sa’kin?
Paano na ‘to?! Paano ko maayos ‘to?!

            Tinagaktakan ako ng pawis at napa-tulala na lang ako. Sa lahat ng


nangyari sa akin, ito ang pinaka ayaw tanggapin ng utak ko.

            Si Sir West! Of all people! Siya ang tinamaan ng pana!

            Ibig sabihin ay.... siya.... sa’kin....

            No! No, no, no, noooo!

            Tumakbo ako papasok sa loob ng building at papuntang ladies room. Agad-
agad akong nag hilamos para mahimasmasan ako sa mga nagyayari at mga nagawa ko.

            Imposible! Hindi pwede ‘yung iniisip ko!

            Si Sir West?!

            That guy is heartless! Hindi siya marunong mag mahal. Siguro naman
hindi gagana ang pana ni Cupid sa kanya ‘di ba?

            Pero kung sakali... kung sakali lang naman na may natitirang love sa
puso niya...

            Arrggh! Kailangan ko yung babaeng naka-itim! Kailangan naming


solusyonan ito!

            Kahit nanlalambot pa ang mga tuhod ko ay pinilit kong umakyat ulit sa
floor ng opisina namin. Wala na akong ganang kumain. At alam ko ring hindi ako
makakapag concentrate sa trabaho. Ang dami ko pang manuscript na dapat i-proofread.
            Sinubukan kong mag focus pero ang gulo-gulo ng isip ko. Hindi ko na rin
namalayan na nagsi-akyatan na ang mga katrabaho ko. Hindi ko na rin napansin na
nag-lapag ng juice at sandwich si Luke sa table ko.

            Siguro kung hindi lang ako distracted, kinilig na ako sa ginawa ni
Luke. Pero parang biglang nawalan ng pwesto ang kilig sa nararamdaman ko eh.

            “Jillian,” naramdaman kong may nagpatong ng kamay sa balikat ko kaya


naman napatalon ako sa gulat.

            “Uy okay ka lang ba?”

            It’s Elise. At alalang-alala ang expression niya.

            “O-oo. I’m okay.”

            “Pinagpapawisan ka.”

            “H-ha? T-talaga?”

            “Sure ka bang okay ka lang?”

            “Yes! I’m okay!” I try my best to smile genuinely.

            “Okay. Pinapatawag ka ni Sir West.”

            Biglang nawala ang ngiti sa labi ko.

            Ang pinaka-ayaw kong mangyari ngayon ay makita ang nakakabwisit na


pagmumukha ng boss ko.

            Everything’s perfect! Bakit kailangan wrong timing siya sumulpot?! He


ruined everything! I hate him!

            Naka-simangot akong tumayo at naglakad papasok sa office ng boss kong


walang puso. Nadatnan ko pa siya doon na naka-pako ang tingin sa monitor ng
computer niya.

            “Pinapatawag niyo raw po ako?”

            “Hindi ka pa rin ba tapos sa mga manuscripts?” masungit niyang tanong


sa’kin habang hindi pa rin inaalis ang tingin niya doon sa monitor niya.
            “Hindi pa po eh,” matipid at naiinis kong sagot.

            “Jillian, ‘di ba sinabi ko na sa’yo--!”

            Bigla siyang natigilan. Inangat niya kasi ang tingin niya sa akin at
nag tama ang mga mata namin. Parang gulat na gulat siyang makita ako. Bigla-bigla
ay umamo ang mukha niya.  

       “I-I mean, m-malapit na kasi ‘yung ano eh.. yung deadline nung mga ano, mga
manuscript,” bigla siyang napakamot sa gilid ng tenga niya at iniwas niya ang
tingin sa akin. Bigla ring namula ang magkabilang tenga niya.

        “Ah a-ano...uhm.. okay ka na ba? W-wala ka na bang sakit?”

            “Sir, nahihilo po ako. Parang lalagnatin ulit ako.”

            Napa-angat ulit ang tingin niya sa’kin at nakita ko ang mukha niya na
punong-puno ng pagaalala.

            “Ganun ba? May sakit ka pa ba? Gusto mong mag half day muna? Wait, may
maghahatid ba sa’yo? Kaya mo bang umuwi?”

            “K-kaya ko na p-pong umuwi.”

            Napatayo siya bigla at tinignan ako maigi atsaka siya napa-buntong
hininga.

            “Okay, just be careful please.”

            “Y-yes sir!”

            Lumabas ako ng office ni Sir West nang tulala at wala sa sarili.

            “Jillian, okay ka lang ba?” nag-aalalang tanong ni Elise sa akin.

            Hindi ko siya pinansin at tulala pa rin akong naupo sa silya ko.

            “Pinagalitan ka na naman ba ni Sir West?!” tanong naman ni Luke. “Yung


taong yun talaga lagi ka na lang pinagiinitan! Tell me, ano na naman ang sinabi nun
sa’yo ha?”
            “Pero hindi ko naman narinig na sumigaw si Sir West,” sabi naman ni
Elise.

            Umiling ako at ipinatong ko ang ulo ko sa dalawang kamay ko. Bigla-
bigla ay humikbi ako.

            “J-Jillian..?”

            “H-hindi... Hindi niya ako pinagalitaaaaaan!” at dito na ako humagulgol


nang iyak.

            Hindi ako pinagalitan ni Sir West! Ang hinahon ng pagkakasabi niya
kanina sa’kin. Concerned na concerned pa siya! At pinayagan niya ako mag undertime
kahit na tambak na ako nang deadlines.

            Oh no. What have I done?

            For the first time in my life, hiniling ko na sana binulyawan at


pinagalitan na lang ako ni Sir West.

To be continued...

=================

Chapter 4

Chapter 4

“Lady in black! Babaeng naka-itim! Babaeng manghuhula! Lumabas ka na please.


Kailangang-kailangan kita. Hindi ako matatahimik dito eh. Please lumabas ka na!”

            Kanina pa ako palakad-lakad sa may tapat ng mga narra tree. Naiiyak-
iyak na rin ako sa kaba at inis. Ba’t hindi pa siya nagpapakita sa akin? Palubog na
ang araw pero wala pa rin siya. Ni hindi man lang niya sinabi kung saan ko siya
pwedeng hanapin. Wala akong pwedeng mahingan ng tulong kundi siya lang.

            Napaupo ako sa sidewalk at ipinatong ko ang ulo ko sa mga braso ko.
Nanginginig pa rin ako at nanlalambot ang mga tuhod ko.

            Ano ba naman kasing kapalpakan ang nangyari sa akin? Akala ko pa naman
uuwi ako ngayong masaya. Pero heto ako ngayon, nasa sidewalk, nag e-emo at
problemado.

            Nasaan na ba kasi ang babaeng naka-itim?!

            “Hinahanap mo ‘ko?”

            Napa-angat bigla ang ulo ko at ayun, nakita ko siya sa harapan ko.
Nakatingin sa akin at naka-ngiti.

            Dali-dali akong tumayo at nilapitan siya, “kanina pa kita hinahanap!”

            “Hmm, mukhang nagtagumpay ka sa pagkuha ng pana ni Cupid. Nakita ko rin


na nagamit mo na ito.”

            “Ayun nga! Tulungan mo ako. I-ibang tao ang tinamaan ng pana. May
pangontra k aba diyan or something? Doon sa potion na binigay mo sa’kin, may
antidote ba ‘yun para mawalan ng bisa?!”

            “Jillian, bawat pana ni Cupid ay may naka-ukit na pangalan. Kung


kaninong pangalan ang nakalagay sa bala ng pana ni Cupid ay siyang taong
nakatadhanang papanain gamit ang panang ‘yun. Kaya ko sinabing ibuhos moa ng potion
na ‘yun sa pana ay para mabura ang pangalan at gumana ito sa taong papanain mo.”

            “Teka, i-ibig sabihin hindi gumana ‘yung potion?”

            “Mali. Gumana ito Jillian. Sadyang nagkamali ka lang ng tinamaan at


iyon ay kasalanan mo.”

            “Pero may paraan pa ‘di ba? I know there’s still a way para maayos ‘to!
Hindi pwedeng ma-inlove sa akin si Sir West! At paano na si Luke? Please I’ll do
anything! Tulungan mo lang ako!”

            “Pero Jillian, pag tinamaan ka na ng pana ni Cupid, na sealed na ang


kapalaran mo sa isang tao. Ipagpatawad mo pero ang tanging may kakayahan lang na
baguhin ‘yun ay si Cupid mismo.”

            Napa-iling ako bigla, “hindi pwede! Hindi ko siya pwedeng hingan ng
tulong kasi nakagawa ako ng kasalanan sa kanya! Ikaw lang ang makakatulong sa akin.
Please, help me!” maluha-luha kong sabi sa kanya.

            Hindi pwedeng hindi maayos ang gulong ‘to. Sir West’s fate is already
sealed with mine? Hindi ako makakapayag! Pag siya ang makakasama ko habang buhay,
walang pinagkaiba ‘yun sa pag tira ko sa impyerno!  

            “Patawarin mo ako Jillian pero wala akong magagawa.”

            Hinawakan ko ng mahigpit ang pana ni Cupid, “then hindi mo makukuha ang
pana na ‘to hangga’t hindi mo ako tinutulungan!”

            “Ganoon ba?”

            Bigla siyang ngumiti. Yung nakakakilabot na ngiti. Ikinumpas niya ang
kamay niya at sa isang iglap lang, nakita kong hawak-hawak na niya ang bow at
quiver na ngayon ay wala nang arrow na laman. Maging ang compass ay nasa kanya na
rin.

            “Hindi mo na suot ang compass. Wala ka nang proteksyon. Maari ka nang
mahanap ni Cupid.”

            “T-teka! Ibalik mo ‘yan! Ang daya mo naman eh! Wala namang gamitan ng
hocus pocus!”

            “Tapos na ang ating kasunduan, Jillian. Ikaw ang gumawa ng sarili mong
kapalpakan kaya patawad kung hindi kita matutulungan. Paalam.”

            “Sandali lang---!!”

            Bigla na lang nag laho sa harapan ko ang babaeng naka-itim.

            I can’t believe this! She refused to help me! Paano na ako? Ano na ang
gagawin ko?!

            Nangangatog ako na naglakad papunta sa apartment na tinutuluyan ko.


Ayoko nang paniwalaan ang mga nangyayari. Sana nag ha-hallucinate lang ako. Sana
epekto lang ‘to ng pagbabasa ng mga manuscripts o ng stress na dulot ng deadlines
at ni Sir West.

            Pinaka maganda, sana masamang panaginip lang ang lahat.

            Pero kung sakali mang totoo ang lahat nang ‘to, kailangan kong magtago
kay Cupid! Kinuha na sa akin nung babaeng naka-itim ang compass! Nakakaramdam ako
na any minute now, mahahanap na ako ni Cupid.

            Mamaya kung ano ang gawin nun sa akin.


            Nagmamadali kong binuksan ang pinto ng apartment ko. Kaya lang nang
makapasok ako sa loob, hindi ko pa man nabubuksan ang ilaw, may narinig na akong
nag-salita.

            “Alam ko ang ginawa mo.”

            Dali-dali kong in-on ang switch ng ilaw at ayun, may nakita akong isang
lalaking naka-sandal sa pader ng apartment ko. Naka-ngisi siya sa akin na para bang
naaliw siyang makita ang takot na takot kong expression sa mukha.

            “S-sino ka?! Magnanakaw ka ‘no! Wala kang makukuha sa apartment ko!
Magpapatawag ako ng s-security!”

            Mas lalong lumawak ang ngiti sa labi niya at lumapit siya sa’kin.

            “Sino ako? Pwede mo akong tawaging Eros. Pero mas kilala ako sa
pangalang Cupid. At sa ating dalawa, ikaw ang magnanakaw.”

Pinanliitan ako ng mata nung lalaki. Seryoso na ngayon siyang nakatingin sa’kin.

“You broke into my lair and you stole my bow and arrow.”

            Para akong nawalan ng dugo sa katawan dahil sa sinabi niya. Nanlamig
ang pakiramdam ko at ramdam ko ang malalagit na pawis na namumuo sa noo ko.

            Napalunok ako bigla.

            Oo kilala ko siya. Siya ‘yung lalaking nakita ko doon sa malaking bahay
sa Tagaytay. At hindi siya caretaker ni Cupid. Siya mismo si Cupid.

            Please, sana hallucination lang lahat nang ito.

            “You are not hallucinating, Jillian. Totoo ang lahat ng mga nangyayari
sa’yo,” sabi sa’kin nung lalaki na para bang nabasa niya ang nasa isip ko.

            “Ninakaw mo ang pana ko at pinlano mo itong gamitin kay Luke, tama ba?”

            Hindi ako sumagot instead tinitigan ko lang siya habang nag sa-
somersault na ang puso ko. Hindi dahil sa gwapo siya kundi dahil nakakatakot talaga
ang aura niya.

            “Alam mo bang dahil sa ginawa mo, ginulo mo ang timeline ko, limang tao
ang nanganganib na hindi na mahahanap ang one true love nila, at mauudlot na naman
ang pagkikita namin ng asawa kong si Psyche dahil kailangan kong ayusin ang gulong
ginawa mo.”

He took a step forward at bigla niyang hinawakan ang magkabilang kong braso.
Tinitigan niya ako ng seryosong-seryoso sa mata na halos atakihin ako sa puso dahil
sa sobrang kaba ko sa kanya.

 “At ngayon binibining Jillian, magbabayad ka...”

            “S-sorry!” sigaw ko sa kanya. “Sorry hindi ko sinasadya! Hindi talaga!


Desperada lang ako at—at—feeling ko talaga na hypnotized ako ng babaeng ‘yun kaya
sumunod ako sa pinapagawa niya! Sorry talaga!”

            “Walang mararating ang sorry mo,” seryoso pa rin niyang sabi. “Paano na
lang yung limang kawawang tao na nadamay dahil sa ginawa mo?”

            “Teka, bakit ba lima eh isa lang naman ang napahamak ko?”

            “Hindi mo gets? Okay ipapaliwanag ko sa’yo. Pero bago ang lahat, may
kape ka ba? Para naman masarap ang kwentuhan natin!” nag tungo si Cupid sa sofa ko
at dumekwatro na siya doon ng upo.

            Pinanliitan ko siya ng mata. Medyo feel at home rin siya ano?

            “May gusto kang sabihin, binibining magnanakaw?” tanong niya sa’kin
habang naka-ngisi.

            “W-wala. Sabi ko nga mag titimpla na ako ng kape.”

            Tinalikuran ko siya at nagtungo ako sa mini-kitchen ko.

            Hindi naman siguro masama si Cupid ‘di ba? Hindi naman niya siguro ako
sasaktan o aalilain o pagbabayarin ng malaki?

            Sana naman. Gusto ko pang mabuhay sa mundong ito. Mag papakabait na
lang ako kay Cupid para tulungan niya ako. Tutal sabi nung babaeng naka-itim siya
lang makakatulong sa akin.

            Inabutan ko si Cupid ng kape at masayang-masaya niya naman itong


kinuha. Hindi naman siya mukhang problemado. Ibig sabihin, baka hindi ganoong ka
big deal ang ginawa ko?

            “Anong hindi big deal! Ang laki kayang gulo nang ginawa mo!” bulalas
niya sa akin.
            At talaga nga naman! Pareho pa sila ng babaeng ‘yon na nakakabasa ng
isipan.

            “Sinu-sino ba kasi ang mga napahamak ko?”

            “Okay, iisa-isahin natin. Una, yung kawawang lalaking walang kamuwang-
muwang na pinana mo.”

            “You mean si Sir West. Ang boss kong terror.”

            “Oo siya nga. You sealed his fate with yours. At dahil iba ang laman ng
puso mo at isang side lang ang napana mo, siya lang ang nahulog sa’yo at ikaw,
hindi ka nagkagusto sa kanya. Meaning, habang buhay na niyang mararanasan ang
magmahal sa isang taong hinding-hindi siya ma-mahalin.”

            Napatahimik ako. Kahit ganoon kasama si Sir West, parang ang lupit
naman ng ginawa kong kaparusahan sa kanya. Tsaka isa pa, ayoko naman habul-habulin
ng taong ‘yun sa tanang buhay ko!

            “Pangalawa, ‘yung babaeng nakatadhana kay West. Paano pa sila


magkakaroon ng connection kung inagaw mo na ang tadhana ng soulmate niya?”

            Sumimangot ako, “well, I think I did that girl a favor!”

            “Pangatlo at pang-apat!” pagpapatuloy ni Cupid. “Yung panang ginamit mo


sa kalokohan mo ay naka-laan para sa ibang tao. At dahil nagamit mo ‘yun, na
messed-up ang timeline ko at hindi ko sila nagawang panain pa. Paano na ngayon sila
magkakaroon ng connection?”

           Napa-yuko na lang ako. Oo na. Ako na. Ang dami ko nang naapektuhan.

            “At pang-lima, yung soulmate mo.”

            Napa-angat ulit ang ulo ko at tinignan ko siya.

            “T-teka! Paano nadamay ang soulmate ko rito?!”

         “Dahil wala akong planong gawan kayo ng connection kung hindi mo aayusin
ang gulong ‘to.”

            Ay anak ng--! Ibig sabihin pati lovelife ko dito ay damay?!

            Tinignan ko si Cupid na naka-ngisi na naman sa akin ng nakakaloko.


Mukhang tuwang-tuwa siya na nakakapang-blackmail ng mortal ano?
            Napa-pikit na lang ako at napa-buntong hininga.

            “Okay fine. Tell me what to do.”

            “Dahil nagamit mo na ang pana na sana ay para sa ibang tao, ikaw ngayon
ang gagawa ng paraan para magkaroon sila ng connection.”

            “At paano ko naman gagawin ‘yun?!”

            “Wag kang mag-alala. I will guide you.”

            “Okay, then tell me. Sino ang dalawang taong ‘yun?”

            Mas lalong lumawak ang ngiti ni Cupid.

            “Si Luke. . . . . . . . . . at si Elise.”

To be continued....

=================

Chapter 5 (10/30/14)

Chapter 5

[Jillian’s POV]

Si Luke at si Elise...
Tahimik akong tumayo at iniwan si Cupid sa sala ng maliit na apartment ko. Nagtungo
ako sa kitchen at binuksan ang ref atsaka ako kumuha ng tubig.

Kailangan kong mahimasmasan. Parang may nakabara sa lalamunan ko. At sa oras na


‘to, feeling ko, ako ang tinamaan ng pana ni Cupid...straight trough the heart.

Ang sakit. Sobra.

Matagal ko nang alam na imposible talagang maging kami ni Luke. He never treated me
as more than friends. Kahit na bigyang meaning ko lahat ng kind gestures niya sa
akin, I know at the back of my mind, wala lang ang mga bagay na ‘yun sa kanya. Wala
lang ako sa kanya.

            Pero ang sakit pala na marinig mo mismo kay Kupido na hindi yung taong
matagal mo nang gusto ang itinakda niya para sa’yo. At mas dobleng sakit kasi
nalaman ko pa na yung isa sa pinaka close kong kaibigan ang para kay Luke.

            Bakit si Elise pa? Simula college gusto ko na si Luke. Mas nauna kong
nakilala si Luke kesa kay Elise. Mas nauna akong nahulog, nag mahal at umasa. Pero
bakit sa kanya itinadhana si Luke samantalang wala naman siyang ibang ginawa kundi
ang ngumiti rito araw-araw kada umaga. Ni-halos hindi nga sila nagpapansinan dalawa
eh.

            Pero bakit siya? Bakit siya pa?

            “Ano, kaya mo ba Jillian?”

            Napalingon ako sa likuran ko at nakita ko doon si Cupid na nakatingin


sa akin at ang lawak pa nang ngiti niya. Parang tuwang-tuwa siya sa sitwasyon ko.

            Huminga ako ng malalim habang nangingilid-ngilid ang luha sa gilid ng


mata ko.

            “Cupid, ang hilig mo talagang manakit ‘no?”

            “So it’s a no. I hope you do understand na hindi ka pwedeng humindi sa
ipapagawa ko sa ‘yo,” Cupid told me while still smirking.

            Iniwas ko na ang tingin ko sa kanya. Ayokong makita siya na nasisiyahan


sa sitwasyon ko ngayon.

            Ang cold niya. Para siyang walang nararamdaman. Para siyang hindi
marunong maawa.

            Ganyan ba talaga si Cupid?

            “Acceptance is the key, Jillian. Hahayaan muna kita ngayong gabi. Pero
bukas nang gabi, babalikan kita. At siguraduhin mong naihanda mo na ang sarili mo
sa panahon na ‘yun.”

            Hindi ko siya nilingon pero ramdam ko na umalis na siya. Ewan kung
naglakad siya palabas ng apartment ko o tinamad siya at nag disapparate na lang
siya tulad ni Harry Potter, pero wala akong paki. Ang mahalaga, lumayas na siya.

            So ang gusto niyang mangyari eh bukas ng gabi, naka move-on na ako,
ganun ba? Eh gago naman pala nang isang ‘yun! Sinong tao ang makakapag move-on ng
overnight lang ha?! Naranasan niya na bang ma-brokenhearted?! Naranasan niya na ba
ang mag mahal sa isang taong hinding-hindi ka mamahalin?!

            Palibhasa ang trabaho niya lang ay pumana nang pumana eh! Ni hindi niya
alam na minsan yung pag pana niya ay masyadong masakit.

            Bwiset na Kupido na ‘yan!

            Hindi ko na nagawang makapagpalit pa ng damit. Nahiga na lang ako sa


kama at tinitigan ang kisame ko habang tuloy-tuloy ang pag-agos ng mga luha sa mata
ko. I feel so exhausted yet may lakas pa pala ako para umiyak. Pero dahil sa dami
ng nangyari at halos hindi rin ako nakatulog nung isang gabi, naramdaman ko na lang
ang pagbigat ng mga mata ko hanggang sa makatulog na ako.

            The next day, parang pinagpyestahan ng ipis ang mga mata ko. Parehong
namamaga eh. Hindi ko tuloy nai-suot ang contact lense ko at napilitang gamitin ang
eyeglass kong may makapal na frame.

            Hindi na nga ako kagandahan, mas lalo pa ako nag mukhang manang sa
itsura ko. Ngayong sawi ako sa pagibig, paano pa ako makakahanap ng lalaking
magkakagusto sa akin sa itsurang ‘to?

            Merong isa. Si West.

            Napakamot na lang ako ng ulo at padabog kong inayos ang gamit ko.
Nawalan na rin ako ng ganang kumain. Wala na. Dahil sa naalala ko, sira na agad ang
umaga ko.

            Pagkarating ko sa office, nadatnan ko agad si Elise at Luke na


magkatabi. Nandoon sila sa table ni Luke at mukhang masayang-masaya sila sa kung
ano mang bagay ang tinitignan nila sa computer monitor ni Luke.
            At kelan pa naging close ang dalawang ‘yan? Simula nang sabihin sa akin
ni Cupid na sila nakatadhana? Eh bakit kailangan pa niya ako kung ngayon pa lang,
pwede nang magkaroon si Elise at Luke ng connection.

            Kaya na nila ang sarili nila! Hindi na nila ako kailangan! Dito na lang
ako at pagmamasdan silang mag mahalan hanggang sa mamatay ako sa inggit.

            “Uy Jill! Andyan ka na pala!”

            Napatayo bigla si Luke at nilapitan niya ako.

            “Okay ka na ba talaga ngayon?”

            Tumango ako at nginitian siya, “yep! Okay na ako.”

            “What happened to your eyes?” tanong naman ni Elise habang nakasilip
siya sa akin mula sa table ni Luke.

            Dahil sa’yo ‘to! Dahil nalaman kong ikaw ang nakatadhana kay Luke!

            “Ah, napuyat lang,” sagot ko naman sa kanya.

            Naku po. Nagiging bitter na ako kay Elise.

            Ayoko namang magalit sa kanya. Wala naman siyang kasalanan eh. Si Cupid
kasi talaga ang may kasalanan nito.

            Pero kasi hindi ko maiwasan...

            “By the way, pinapakita ko kay Elise ‘yung book cover na ginawa ko para
sa isang librong ire-release natin. Tignan mo naman Jill kung okay lang.”

            Ibinaba ko ang bag ko sa table ko atsaka ako dumungaw sa table ni Luke
para tignan ‘yung cover.

            “Maganda pero parang may hindi tugma,” sabi ni Elise. “Tingin mo ano,
Jillian?”

            “Siguro try niyong gawing red yung kulay nung font,” suggestion ko
naman.

            “Oo nga ‘no! Thanks Jill! You’re the best!” naka-ngiting sabi ni Luke
sa akin.
            Kung ako ang the best, bakit hindi ako ang naging the one para sa’yo?

            Ay anak ng tupa! Nagiging madrama na rin ako.

            “Uy Elise, Jillian, bumalik na kayo sa pwesto niyo! Andyan na si Sir
West!” sigaw nang isa naming ka-trabaho kaya naman pareho kaming nagmamadali ni
Elise sa pag-alis sa table ni Luke.

            Ibang klase ang dating ni Sir West! Lakas maka-prof na papagalitan kami
pag hindi kami nakaupo sa assigned seats namin!

            Narinig na namin ang pag-open ng pinto ng opisina. Lahat kami tumingin
sa kanya para mag good morning.

            Pero ni isa, walang nakapag-salita agad. Lahat natulala kay Sir West...

            ...at sa kakaibang aurang taglay niya ngayong umaga.

            H-he is smiling.....brightly.

            Tumingin siya sa gawi namin.

            No. More like, tumingin siya sa akin.

            “Good morning!” masiglang bati niya.

            “G-good morning, sir!” we said in unison.

            Hindi na siya sumagot. Nginitian niya lang ulit kami/ako bago siya
tuluyang pumasok sa pinaka office niya.

            “Holy sh1t!” bulong sa akin ni Elise. “Nakita mo ‘yun? Ngumiti si Sir
West! May himala! Ano kaya nakain niya ano?”

            “Ano ka ba Elise! Tao rin naman si Sir West at marunong din maging
masaya!” sabi naman ni Luke habang naka-dungaw siya sa amin ni Elise.

            “Kaso ngayon ko lang nakitang ngumiti si Sir West! Infairness, ang
gwapo pala niya talaga. Aware naman tayong gwapo siya pero madalas nakakalimutan
natin ‘yun kasi lagi siyang nagsusungit. Pero ngayong nakangiti na siya, naalala ko
na ulit kung gaano siya ka-gwapo! ‘Di ba Jillian? Ang gwapo ni Sir!”
            “H-ha? Ah a-ata.. O-oo.”

            “Baka may girlfriend na,” sabi naman ni Luke. “O baka may nililigawan
kaya good mood.”

            “Sana wala!” at tuluyan nang bumalik si Elise sa table niya.

            “Ikaw Jillian. Tingin mo ba’t good mood si Sir West ngayon?” tanong
naman ni Luke.

            Malamang dahil sa akin! Dahil in love siya! At hindi ako proud. Naiinis
ako. In love siya dahil sa kapalpakan ko!

            Kahapon hindi niya ako pinagalitan. Ngayon naman nakangiti na siya.

            Ayoko nang isipin ang susunod pa niyang gagawin.

            “E-ewan? Siguro dahil..uhmm..baka may bonus sa sahod niya?” sagot ko na


lang kay Luke.

            He shrugged, “maybe. By the way, showing na pala bukas ang Mockingjay.
May kasama ka bang manuod?”

            “H-ha? A-ako? Ah wala. Bakit?”

            “Tara sabay tayo! Wala kasi akong makakasama eh nakakalungkot naman
manuod mag-isa. ‘Di ba? “

            “Manunuod...tayong dalawa?”

            “Oo. Uhmm, kung okay lang sa’yo?”

            “S-sige! Game ako!”

            “Okay! Bukas ha? Kita tayo.”

            Mukha na naman akong ewan dito na naka-ngiti.

            Oo Cupid. Alam kong mali ito. Pero pwede bang i-delay ko muna ang
paghahanda sa gagawin ko kahit isang araw lang?
            Last na talaga ito. Last na talaga.

[Cupid’s POV]

            “Kanina pa kita inaantay.”

            Hinarap ko ang babaeng kalalabas lang sa isang tagong kweba sa gitna ng
kagubatang ito. Mahigit isang daang taon na ang nakakalipas pero ganyang-ganyan pa
rin ang itsura niya mula nang huli ko siyang nakita.

            Patunay lang na hanggang ngayon, dala-dala pa rin niya ang sumpa ni
Zeus.

            “Sabi na at hahanapin mo ako, Cupid,” naka-ngiting bati niya sa akin.

            “Nandito ako para kunin ang pana ko, Ayesha.”

            “Ako’y iyong patawarin ngunit hindi ko pwedeng ibigay sa iyo ang pana
mo. At siguro naman hindi ko na kailangan pang ipaliwanag ang sarili ko kung
bakit.”

            Huminga ako ng malalim, “Ayesha, hindi ka pa ba napapagod? Hanggang


kelan mo ito gagawin? Bakit hindi mo na lang tanggapin ang naging kapalaran mo?
Kung humingi ka na lang kaya ng tawad kay Zeus at kay Aphrodite?”

            Nawala bigla ang ngiti sa labi niya at napalitan ito ng pagkamuhi.

            “Tawad? Bakit ako hihingi ng tawad?! Wala akong ginawang masama!
Sapilitan ang ibinigay niyo sa aking katungkulan! Hindi ko hiniling iyon! Tapos
binura mo pa ang aking kapalaran?! Hindi. Hindi na ako makakapayag na gawin niyo sa
akin ulit ang bagay na ‘yon! Nahanap ko na siya! Nabigyan na kami ng pangalawang
pagkakataon!  Hindi ko na hahayaan na makapang-gulo ka pa ulit!”

            Tinignan ko siya ng seryoso, “ibalik mo na ang pana ‘ko.”

            Umiling siya habang may namumuong luha sa kanyang mga mata.
            “Hindi. Hindi ko hahayaang makuha mo ulit iyon.”

            At bago ko pa siya mapigilan, bigla-bigla ay nawala na lang siya.

***

AN: November pa showing ng Mockingjay. LOL :D

=================

Chapter 6 (11/8/14)

Chapter 6

[Jillian’s POV]

“Jillian, tomorrow ha? Before lunch. See you! :)”

            Abot tenga ang ngiti ko habang paulit-ulit kong binabasa ang text
message ni Luke sa akin.

            Bukas, before lunch. Ibig sabihin halos isang buong araw ko siyang
makakasama. First time ito! I mean, first time ko siyang makakasama na siya lang
talaga at wala kami sa trabaho. For the first time, masosolo ko ang taong matagal
ko nang gusto.

            Considered as date na ba ito?

            Gulay! Ano isusuot ko? Wala akong bagong damit! Si Sir West kasi pinag
overtime na naman ako kaya naabutan ako nang pagsasara ng mall eh!
            Binuksan ko ang cabinet at isa-isa kong inilatag ang mga damit ko sa
kama. Ang onti naman ng matitino kong pang-alis! Puro itim pa! Itim na blouse, itim
na bestida, itim na longsleeves! Bakit ba ang hilig ko sa itim? Ba’t hindi ko man
lang naisipang bumili ng pulang bestida o blouse dati? Ni wala rin akong sleevless
na damit! At yung mga sapatos ko, puro doll shoes at flats na itim o puti.

            Ganito ba talaga ka-plain ang taste ko?

            What should I do?!

            “Sabi ko ihanda mo ang sarili mo sa misyon na ibinigay ko sa’yo.


Mukhang iba ata ang pinaghandaan mo.”

            Napatingin ako sa may pintuan ng kwarto ko at nakita ko doon si Cupid


na seryosong nakatingin sa akin habang naka-crossed arms pa.

            “Nakalimutan mo na ba ang mga pinagusapan natin, Jillian?”

            Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at isa-isa kong kinuha ang mga damit
na inilatag ko sa kama.

            “Sinabi ko na sa’yo na hindi ikaw ang nakatadhana para kay Luke. Bakit
mo pa gagawin ang bagay na ito? Masasaktan ka lang,” pagpapatuloy niya.

            Napa-upo ako sa kama ko at huminga ng malalim.

“Bakit? Hindi ba ako masasaktan sa pinapagawa mo ha? You are asking me na maging
tulay sa lalaking mahal ko at sa isang kaibigan na malapit sa akin. Hindi ba
masakit ‘yon, Cupid? Okay, alam ko mali ang ginawa ko. Hindi ko dapat ninakaw ang
pana mo. But I’m really, really sorry. Hindi ko sinasadya ang bagay na ‘yun. Kaya
lang, hindi ko talaga kaya ang ipinapagawa mo sa akin!”

Kanina sa office, buo na ang loob kong um-ayaw sa pinapagawa ni Cupid. So what kung
si Elise ang naka-tadhana kay Luke? Edi i-ibahin ko ang tadhang naayon sa gusto ko.

            Narinig ko ang pag buntong-hininga ni Cupid. Lumapit siya sa akin at


lumuhod sa harapan ko para maging ka-level niya ang mukha ko.

            “Jillian, malaki ang magiging kapalit pag pinilit mong baguhin ang
tadhana.”

            “Stop reading my mind!” I snapped at him.

            “Akala mo pag hinayaan mong hindi maka-buo ng connection si Luke at


Elise, magiging masaya ka na. Pero mali. Maaring maramdaman moa ng panandaliang
kasiyahan. Pero maniwala ka, pag natapos na ‘yun, habang buhay mo na itong
pagsisihinan.”

            Muli kong iniwas ang tingin ko kay Cupid. Hindi ko lang kasi talaga
magawang tanggapin ang tadhanang sinasabi niya sa akin eh.

            Bakit kasi hindi na lang ako ang idinuktong niyang tadhana kay Luke?
Mahigit limang taon ko na siyang gusto. Ibig sabihin, kaya ko pa siyang mahalin
nang panibagong limang taon o higit pa. Hindi pa ba sapat ‘yun? Hindi ba ako
deserving sa kanya?

            “Hindi ganun ‘yun. Ni minsan ay hindi ako nagkamali sa pag du-duktong
ng kapalaran ng dalawang tao.”

            “I told you, stop reading my mind!”

            “At sa lagay mo, Jillian...” pagpapatuloy niya at hindi man lang
pinansin ang sinabi ko “...hindi ka magiging masaya kay Luke.”

            Hindi ako agad nakasagot sa sinabi ni Cupid. Naramdaman ko na lang na


namumuo na ang mga luha sa gilid ng mata ko. Lumunok ako para mapigilan ang sarili
ko sa pag-iyak.

            Ang hirap tanggapin ng mga sinasabi niya.

            “Bakit ganun? Kung hindi ka nagkakamali sa pagduduktong mo ng mga


kapalaran, bakit ang dami pa ring taong nasasaktan? In some ways, nagkaroon ako ng
connection kay Luke. Nahulog ako sa kanya. One sided nga lang. But still, may
connection! Kung hindi ako ang para sa kanya, bakit nahulog pa ako sa kanya? Hindi
ba pwedeng mahalin na lang namin ‘yung itinadhana mo sa amin? Cupid, kung never ka
talagang nagkamali sa trabaho mo, bakit maraming taong nasasaktan dahil sa pag-
ibig?!”

            Hindi ako sinagot ni Cupid. Instead, tumayo siya mula sa pagkakaluhod
niya sa harapan ko at naupo sa tabi ko. Nakita kong may maliit na ngiting gumuhit
sa mga labi niya.

            “Why are you smiling? Talaga bang masaya ka nakakapanakit ng iba?!”

            Napailing si Cupid, “no, Jillian. It’s just that, pang ilang milyong
tao ka na na sinisi ako sa pagiging brokenhearted nila. Kung baga masyado nang
gasgas ang tenga ko sa ganyang paratang.”

            “You are the freaking God of love! Sino pa ba ang sisisihin namin?”
            Napatawa nang mahina si Cupid dahil sa sinabi ko, “kung sabagay. Ako
nga naman ‘yon. Pero nakakalimutan na nang mga tao na nasa nature na nila ang
magmahal. May mga pagkakataon na nakaka-gawa kayo nang connection sa isang taong
hindi naman talaga naka-tadhana para sa inyo. At ang result? Heart break. Tao mismo
ang may gawa nun pero sa kabilang banda, hindi ko rin ito pinipigilang mangyari.
Pagka kasi naka-experience ka ng heart break at pinana na kita doon sa taong
nakatadhana para sa’yo, mas doble ang saya, mas worth it.”

            Nilingon ako ni Cupid at nginitian, “pero bawat connection na nagagawa


ng isang tao ay mababaw lang. Maaring ramdam mo na minahal mo ang taong yun ng
sobra-sobra, pero maniwala ka, wala yan sa pag mamahal na ibibigay mo para sa taong
naka-tadhana sa’yo. Kaya ako nandito para maging isang guide. Pag tinamaan ka nang
pana ko, isang malakas na connection ang mabubuo sa’yo at sa taong nakatadhana
sa’yo. Isang connection na kahit anong mangyari, hinding-hindi ito mapuputol.”

            “Teka lang. Tao lang din ako. Kung ako ang magiging tulay sa pag gawa
ng connection ni Luke at ni Elise, magiging mahina lang ito. Please, ibang
kaparusahan na lang ang ipataw mo sa akin! Bawiin mo na lang ulit ang pana mo doon
sa babaeng naka-itim! A-alam ko kung saan siya makikita.”

            “Kung ganoon nga lang sana kadali iyon. Sadyang si Ayesha ay hindi
ordinaryong tao.”

            “P-pero wala rin naman akong magiging silbi! Ikaw na ang mismong
nagsabi na tanging ikaw at ang pana mo lang ang makakagawa ng isang malakas na
connection!”

            Napa-iling si Cupid, “may isang bagay pa ang makakagawa ng malakas na


connection na iyon at ikaw lang ang makakagamit ng bagay na ‘yun, Jillian. Patawad.
Nag sinungaling ako. Hindi kita pinaparusahan. Sadyang ikaw lang ang pinili kaya
ikaw ang hiningan ko ng tulong.”

            “T-teka. Hindi kita maintindihan. Anong bagay? At pinili ako nino?
Saan?”

            Ikinumpas ni Cupid ang kamay niya at bigla-bigla ay may lumitaw na


isang kwintas dito. Inilapag niya ito sa palad ko at nang makita ko ito, nagulat
ako.

            Yung gold compass na ibinigay sa akin nung babaeng naka-itim!

            “Paanong napunta sa’yo ito?!”

            “Pag mamay-ari ko ang bagay na ‘yan, Jillian. Ibinigay sa akin ni Ina
Aphrodite. Sa loob nang compass na ‘yan ay ang kapangyarihang katumbas ng pana ko.
Pero hindi ko ito magagamit. Tanging ang taong pinili lang ng compass na ito ang
makakagamit sa kapangyarihang nasa loob nito.”
            Kinuha ni Cupid sa kamay ko ang compass at isinuot niya ito sa leeg ko.
Nagulat ako nang bigla-bigla na lang may lumabas na liwanag mula sa compass.

            “Umiilaw siya! Bakit?! Teka ano nangyayari?”

            “Ikaw ang pinili niya.”

            “H-ha?! Wait ako? Bakit ako?”

            “Aba malay ko. Tanong mo sa compass,” naka-ngising sagot ni Cupid.

            May pagka-pilosopo rin siya ano?!

            “Ano ba! Seryoso nga, bakit ako?”

            “Hindi ko alam Jillian. Sa totoo lang, nagtataka rin ako kung bakit
ikaw. Pero ito nag liwanag. Ibig sabihin, ikaw lang ang makaka-gamit niyan. Sa
ngayon, ikaw lang ang makakapagduktong ng malakas na koneksyon sa dalawang tao.
Kaya please Jillian, ikaw lang ang makakatulong sa akin.”

            Huminga ako ng malalim habang hawak-hawak ko ang compass. Mahal na


mahal ko si Luke. Kaya lang, kung totoo ang sinasabi ni Cupid, mababalewala lang
ang pagmamahal na nararamdaman ko sa kanya. Hindi kami magiging masaya.

            Kung hindi ko gagawin ito, habang buhay nang hindi magduduktong ang
kapalaran ni Luke at ni Elise.

            “Cupid, ‘y-yung naka-tadhana sa akin, mamahalin niya ba ako ng husto?”

            Cupid gave me a genuine smile, “mamahalin ka niya ng sobra-sobra. At


magiging masaya ka. ‘Di ba sabi ko sa’yo, never akong nagkamali?”

            “Si Luke, magiging masaya ba siya kay Elise?”

            “Sobra.”

            Napapikit ako.

            “Okay. Mukhang wala na naman akong choice kundi gawin ito ‘di ba? Kesa
kalabanin ko ang tadhana.”
~*~

[Cupid’s POV]

            “Hindi ako makapaniwalang na-isahan mo ako doon. Hindi ako


makapaniwalang napapayag mo siya!” giit sa akin ni Ayesha.

            Nandito ako ngayon sa aking hardin. Sa harapan ko ay naroon si Ayesha


at hindi maipinta ang mukha.

            “Talagang sinadya mo ako rito para lang sa bagay na ‘yan, Ayesha.”

            “Nag sinungaling ka sa kanya! Hindi mo sinabi sa kanya na magkaiba ang


compass ko at compass mo! Siya rin ang pinili sa akin! Ni hindi mo man lang siya
hinayaang makapili sa ating dalawa!”

            Ngumisi ako, “patawad, nakalimutan kong sabihin sa kanya eh.”

            “Ang tuso mo!”

            “Hindi naman. Sadyang pinoprotektahan ko lang ang mga tao sa


kapahamakang kaya mong idulot. Mas dobleng kapahamakan pa pag nakuha mo si Jillian.
Medyo may pagka-utu-uto pa naman ang isang ‘yun.        “

            “Maagaw ko siya sa’yo! Alam kong hindi niya tatanggihan ang
kapangyarihan ng compass ko!”

            Nagkibit-balikat ako, “hindi rin, Ayesha. Suot na niya ang compass ko.
Wala ka nang magagawa. Pinili ni Jillian ang kaligayahan ng mahal niya. Alam kong
magtatagumpay siya kay Luke at Elise. At pag nagkaroon na nang koneksyon ang
dalawa, alam mo na kung sino ang isusunod ko.”

            Nang-gagalaiting nakatingin sa akin si Ayesha. Kitang-kita ko ang galit


sa kanyang mga mata.

            “May mga alas pa ako Cupid, kaya wag kang makampante. Gagawin ko ang
lahat para hindi mabuo ang koneksyon na iyon!”

            Matapos niyang sabihin iyon ay bigla na lang siyang nawala.


            Napa-upo ako sa gilid ng fountain. Sa totoo lang, hindi ko alam kung
gaano na kalakas ang kapangyarihan ni Ayesha. Pero nakikita ko sa mga mata niya na
gagawin niya ang lahat para mapigilan kami.

            Gagawin niya ang lahat, makuha lang niya ang bagay na minsang
ipinagkait sa kanya.

To be continued...

=================

Chapter 7 (11/10/14)

Chapter 7

[Jillian’s POV]

“Bakit ba kasi ako ang naisipan mong piliin ha? Sa dinami-rami ng tao sa buong
mundo, bakit sa akin ka kailangan umilaw?”

            Napa-buntong hininga ako habang naglalakad ako papunta sa labasan ng


barangay namin at papasok sa trabaho. Mukha na kasi akong sira rito na kinakausap
ang gold compass na hawak ko. Wala namang nangyayari. Sinubukan ko paikot-ikutin
ang kamay nito pero wala namang kakaibang mahika ang lumalabas dito.

            Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan ang sinasabi ni Cupid


na ako lang ang makakapagduktong ng malakas na koneksyon sa mga tao. Hindi ko alam
kung paano ko gagawin ‘yun.

            Pagka ba pinagdikit ko ang mga palad nila eh magkakaroon na sila ng


koneksyon? O kailangan ko rin magkaroon ng pana? Kaso palpak nga ako pumana! Mamaya
lalong magulo ang lahat!
            Paano ko ba gagawin iyon?

            “In an old fashion way!”

            Halos mapa-talon ako sa gulat nang bigla-biglang may nagsalita sa


likuran ko. Nakita ko doon si Cupid na pormang porma ang suot at naka shades pa ang
loko.

            “Wag ka ngang bigla-biglang sumusulpot! Tsaka saan ba ang lakad mo at


nakaporma ka ng ganyan ha?”

            “Punta akong abs-cbn, mag a-audition ako bilang leading man ni Maja
Salvador.”

            Pinanliitan ko siya ng mata.

            “Joke lang! ‘To naman! Masama bang i-try ang fashion ng mga mortal?”

            Tinalikuran ko siya.

            Ngayon ko lang napagtanto na minsan talaga hindi matinong kausap ang
God of Love.

            Pero kung sabagay, mismong ang love ay never naging matino. Ang God of
Love pa kaya!

            “Uy teka lang! Nangiiwan ‘to! Hindi pa tapos ang sinasabi ko!
Tinatanong mo kanina kung paano mo magagawang magkaroon ang dalawang tao ng
koneksyon ‘di ba?”

            Napahinto ulit ako at tinignan ko siya. “O, paano?”

            “Do it in an old fashion way.”

            “Huh? Ano ba kasing ibig mong sabihin dyan?”

            “Magiging matchmaker ka!”

            Tinaasan ko siya ng kilay, “at paano ko naman gagawin yun, aber?”

            “Ewan. Mag bas aka ng mga libro kung paano maging matchmaker. O mag
search ka doon sa internet. Masyado nang high-tech ang mga mortal kaya marami ka
nang paraan para makakuha ng tip kung paano maging matchmaker.”

            “Wait. You mean to say, magiging isang literal talaga ako na
matchmaker? As in matchmaker talaga? As in mano-mano kong paglalapitin ang landas
nung dalawa? Walang magic? Walang hocus-pocus?”

            “Wala.”

            “Eh anong silbi ng gold compass na ‘to?!” nanggagalaiti kong tanong sa
kanya habang itinataas sa leeg ko ang pinaka compass.

            “Secret. Malalaman mo rin balang araw. Pero may kailangan ka munang
malaman ngayon.”

            “Ano?”

            “8:45am na.”

            “Oh eh ano naman kung 8:45 am na---sheet! 8:45 na! Ma-l-late na ako!”

            Nagsimula na akong tumakbo papuntang labasan. Anak ng tokwa! 15 minutes


na lang late na naman ako! At bwiset, ang taas pa naman ng takong ko! Nakakainis na
naman! Malilintikan na naman ako kay Sir West!

            Napahinto ako bigla sa pagtakbo.

            Teka nga, eh bakit ba ako nagmamadali ah? Hindi naman ako papagalitan
ni Sir West eh. Well, hindi na ngayon kasi kasalukuyan siyang in love sa akin at
hindi niya ako magagawang bulyawan.

            Napa-ngisi ako.

            Alam kong masama ang mag take advantage sa kapalpakang naidulot ko sa
kanya. Pero ngayon lang naman. Hindi ko na ‘to uulitin. Promise Cupid!

            Petiks na petiks akong rumampa papuntang labasan at nag abang ng jeep.
Punuan. Pero petiks din akong nag abang. Pinauna ko pa yung dalawang estudyante na
mukhang mal-late na.

            Bandang 9:40 na ako nakarating sa office. I’m 40 minutes late. Pero
cool na cool pa rin akong pumasok sa opisina namin.

            “Good morning Jill!” naka-ngiting bati ni Luke sa akin.


            Natigilan ako bigla. Hindi natuloy ang movie date namin. Kahit labag sa
loob ko ay maka-durog puso ko siyang tinext na hindi na matutuloy kasi may biglaan
akong kailangan gawin. Kaya naman kinabukasan, dumayo ako sa malayong lugar para
manuod ng sine at mag senti.

            At nung panahon na ‘yun, unti-unti ko nang nakukumbinsi ang sarili ko


na hindi ako ang para kay Luke. Na hindi kami sasaya sa isa’t-isa. And that time,
muntikan nang manalo ang isip ko sa puso ko.

            Pero anak ng tinola naman! Isang ngiti lang niya, nanghihina na naman
ang isip ko at nag wawagi na naman ang puso ko.

            Agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya bago pa niya ako tuluyang
maimpluwensyahan.

            “Good morning din.”

            Dali-dali akong nag punta sa table ko. Pero nagulat ako sa nadatnan ko
doon.

            May isang malaking bouquet ng flowers ang nakapatong sa desk ko. Meron
pang isang box ng Ferrero chocolates.

            “Kanino ‘to galing?” tanong ko kay Elise na nasa kabilang table lang.

            “Ewan. Pag pasok naming lahat, andyan na ‘yan,” ngiting-ngiti naman
niyang sagot.

            “Wow! Mukhang may secret admirer ka ah?” naka-ngisi ring sabi ni Luke
sa akin. “Sino kaya siya?”

            Napa-buntong hininga ako. Sino pa nga ba? Malamang si Sir West ‘yan!

            “Oh, ba’t mukhang hindi ka masaya?” tanong ulit sa akin ni Luke. “May
problema ba?”

            “Wala naman,” matipid kong sagot sa kanya without even looking at him.

            “Nga pala, Jill. Gusto mo mamaya na natin ituloy ang panunuod ng movie?
After work. Tapos tara mag dinner! My treat.”

            Oh god help me. Bakit ganyan si Luke? Bakit nagyayaya na naman siya?
Ha? He’s making it harder for me!
            Mahina ako sa ganito. Mahina ako pag dating sa kanya.

            Pero kasi...

            Nilingon ko si Luke at nginitian.

            “Naku, hindi ako pwede mamaya eh. Sorry talaga Luke.”

            “Ganun ba? Sayang naman...”

            “P-pero baka feel ni Elise manuod!”

            Napalingon bigla sa amin si Elise, “ha?”

            “Gusto mo bang manuod ng movie?” nakangiti kong tanong sa kanya.

            “O-okay lang naman..”

            “Okay then! Ayun nuod kayo ni Luke oh.”

            “Sige. Later?” tanong ni Luke kay Elise.

            “Sure! Later.”

            Agad kong iniwas ang tingin ko sa kanila at naupo na lang sa pwesto ko.

            Wow lang. Nakagawa ako ng paraan para makapag solo sila. You must be
really proud, Cupid!

            Medyo masakit.

            “Pero sino kaya ang secret admirer mo ‘no, Jillian?” naka-ngiting
tanong ni Elise sa akin.

            “Hindi ko nga alam eh,” sabi ko sabay buhat ng pagka-laki-laking


bouquet ng flowers.

            Fresh na fresh pa ang isang ‘to. Saan kaya ito binili ni Sir West? At
infairness gumastos pa talaga siya ha. Ang mahal na kaya ng bulaklak na ganito
ngayon!

            Sayang ang pera niya. Pinagkagastusan niya ang babaeng hindi naman
nakatadhana sa kanya. Nakaka-gulity tuloy.

            Napangiti ako habang nakatingin sa bouquet na hawak ko.

            Well, at least naranasan kong mabigyan ng bulaklak. First time ito!

            “Jillian!”

            Halos mabitiwan ko ang bouquet na hawak-hawak ko dahil sa biglang pag-


tawag ni Sir West sa akin.

            Napalingon ako sa kanya. Nakita ko naman na napatingin siya sa hawak


kong bulaklak at ibinalik niya ang tingin niya sa akin habang unti-unting kumukunot
ang noo niya.

            “Y-yes sir?” kinakabahan kong tanong sa kanya.

            Teka bakit ang sungit na naman ng aura niya? Hindi ba siya natutuwa na
na-aappreciate ko ang binigay niya sa akin?

            “Come into my office,” he told me coldly at tumalikod na siya.

            Tahimik ang lahat at ako naman, parang tinatagaktakan na ng pawis kahit
ang lakas ng aircon sa office namin.

            Inilipag ko ang bouquet sa desk ko at sumunod sa office ni Sir West.

            Nadatnan ko siya sa office niya na nakapangalumbaba habang naka-


simangot.

            “Sir..”

            “Jillian, tambak na ng trabaho pero nakuha mo pang maging late!”

            “S-sorry po. T-traffic eh..”

            “Then wake up extra early! Hindi dahilan ang traffic! I need the
manuscript today. Hindi ka uuwi hangga’t hindi mo ‘yun tapos!”
            “O-okay po...”

            Balik masungit na naman siya. Ano kayang problema nito? Hindi kaya
nawawalan na ng bisa ang pana ni Cupid?

            Teka, pwede ba yun mawalan ng bisa?

            O sadyang heartless lang talaga si Sir West at hindi niya kayang mag
mahal ng matagal?

            Siguro nga.

            “And one more thing,” pag papatuloy niya.

            “A-ano po?”

            Tumayo siya at lumapit sa akin. Bigla siyang may inabot na supot sa
akin. Tinignan ko kung ano ang laman nito.

            Pandesal.

            Nagtataka akong napatingin kay Sir West at nakita kong biglang namula
ang tenga niya.

            “B-baka hindi ka pa nag b-breakfast..”

            “Ha?”

            “S-sabi ko kainin mo ‘yan para ganahan ka sa pag p-proofread! Sige na,
lumabas ka na at mag trabaho!”

            This time buong mukha na niya ang namumula kaya naman tumalikod na siya
at bumalik sa harap ng computer niya.

            “Thank you po,” halos pabulong kong sabi sa kanya at dali-dali akong
lumabas sa opisina niya.

            Mukhang mali ako.

            Ibang klase talaga ang pana mo, Cupid.


To be continued...

=================

Chapter 8 (11/11/14)

Chapter 8

[Jillian’s POV]

“Jillian, una na kami ha?” sabi sa akin ni Elise habang pinapatay niya ang desktop
niya.

            “Sige. Ingat kayo and enjoy.”

            “Sayang hindi ka makakasama,” sabi naman ni Luke.

            Nginitian ko siya, “okay lang ‘yun. Marami pang next time.”

            Sabay na umalis si Luke at Elise. Maya-maya lang din, isa-isa nang
nagpapaalam sa akin ang mg aka-opisina ko hanggang sa ako na lang ang nag-iisang
natitira dito---at si Sir West na nandoon pa rin sa loob ng opisina niya.

            Napakamot ako ng ulo. Paano ko magagawang tapusin ang 80K word count na
manuscript na ito kung nasa 40K pa lang ang nababasa ko? Naduduling na talaga ako.
At pagod na rin ang mata ko.

            Napatingin ako sa orasan. 7:30pm na. Hanggang 5pm lang ang pasok ko eh.
Pero nandito pa rin ako sa opisina at nag t-trabaho.

            Kung pakiusapan ko na lang kaya si Sir West na bukas ko na lang


tatapusin ‘to? O kaya iuuwi ko sa bahay at hindi ako matutulog para lang matapos
‘to. Kesa naman gabihin ako dito sa opisina!

            Kaso may pagka-strikto pa rin siya eh. Paano kung bulyawan ako?

            Eh kung magpa-cute na lang ako sa harap niya? Mag b-beautiful eyes ako!
Ha! Hindi siya makaka-resist sa charm ko!

            “Tsk, tsk, tsk. Bad ‘yan.”

            Bigla akong kinilabutan nang may nag salita. Anak ng tokwa naman oh!
Mag isa na lang ako dito! May multo pa naman sa opisina namin!

            “Ang gwapo kong multo.”

            Napalingon ako bigla sa desk ni Luke at nakita ko doon si Cupid na naka
de-quatro habang iniinom ang kape ko.

            “Huy! Ano ang ginagawa mo rito ha? Mamaya makita ka ni Sir West eh!
Tsaka pwede ba, tanggalin mo nga yang shades mo! Wala nang araw ‘no!”

            Ibinaba niya ang tasa ng kape sa desk ni Luke. Sinunod naman niya ako
at tinanggal ang shades niya atsaka niya isinabit ito sa polo na suot niya.

            “Masama kang mortal ka!” naka-ngisi niyang sabi sa akin. “Mapag-
samantala ka ng damdamin ng ibang tao!”

            “Ano na naman ‘yang pinaparatang mo ha?”

            “Balak mo pang mag take advantage sa nararamdaman ni West sa’yo. Tsk
tsk. Bad.”

            Bigla ako napaiwas ng tingin sa kanya.

            “Isang beses lang naman...” I murmured.

            “Kahit na! Masama pa rin ‘yun!”

            “Oo na! Oo na! Lumayas ka nga rito kasi na-di-distract ako sa trabaho
ko. Ang dami-dami ko pang gagawin. Hindi ko na alam paano pa tatapusin ‘to!”

            “S-sorry..”

            Natigilan ako bigla dahil ibang boses na ang narinig ko. Nilingon ko
ang desk ni Luke. Wala na si Cupid doon.

            Lumingon ako sa kabilang side, at ayun, nakita kong naka-tayo si Sir
West habang parang nagi-guilty na nakatingin sa akin.
            “S-Sir West! Hindi ikaw yung sinasabihan ko na lumayas! Eh kasi po..
ano kasi... ah.. yung ano po...kasi ano..”

            Oh my god! Hindi ako makaisip ng dahilan! Nakakainis ka Cupid!

            “It’s okay, Jillian. Sorry for being so harsh to you,” malungkot na
sabi niya.

            Ay anak ng---! Oo nga harsh talaga siya sa akin pero bakit nagu-guilty
ako?!

            Maybe because alam ko sa sarili ko na hindi rin ako naging mabuting
empleyado at ang tamad-tamad ko pa?

            “S-Sir West, hindi po talaga ‘yun ‘yon...”

            He gave me a sad smile, “naiintindihan ko naman kung inis na inis ka sa


akin. Okay lang ‘yun.”

            Ay ano ba naman ‘yan! Nagi-guilty naman tuloy ako bigla!

            “Anyway, bumili ako ng dinner. Baka kasi gutom ka na. Kumain ka muna
bago ka umuwi. Pwedeng bukas mo na ituloy yan dahil gumagabi na rin.”

            Inilapag ni Sir West ang supot ng pagkain na dala niya doon sa table ni
Elise na nasa tabi ko lang din. Kinuha niya yung isang Styrofoam food container
doon at isang drink atsaka siya naglakad papunta sa office niya.

            Huminga ako ng malalim.

            Hay naku!

            “T-teka po Sir West!”

            Napatigil siya at nilingon ako. Nginitian ko naman siya.

            “Sabay na po tayong kumain. Mas ganado po kasi ako kapag may kasabay
eh.”

            “O-okay lang sa’yo na kasabay ako kumain?”

            “Oo naman po! Bakit naman hindi?”


            Napayuko si Sir West pero kitang-kita ko ang maliit na ngiting gumuhit
sa labi niya.

            Sheet. May killer smile naman pala itong si Sir West eh. Bakit hindi
niya gawin palagi? Hindi niya ba alam na yung mga ganyang klaseng ngiti ay
nakakahawa ng good vibes?!

            “Sige, sabay na tayong kumain,” mahinahon niyang sabi at hindi pa rin
nawawala ang ngiti sa labi niya.

            Doon kami pumwesto sa mini table sa gilid ng office namin.

            “Wow Jollibee!” sabi ko habang inilalabas sa supot ang pagkain.

            “Sorry ‘yan lang ah? Hindi ko kasi alam ang gusto mo.”

            In-open ko yung food container at halos mag ningning ang mata ko nang
makita kong one piece chicken at palabok ang in-order niya.

            “Favorite ko! Stress reliever ko!” masayang-masaya kong sabi.

            Mas lumawak ang ngiti ni Sir West at nakita ko na naman ang pamumula ng
tenga niya.

            “Really? Thank God...” at bumuntong hininga siya.

            Napangiti naman ako. Naiimagine ko kasi si Sir West na nasa loob ng
Jollibee at napapakamot na ng ulo kasi hindi niya ma-figure out kung anong pagkain
ang magugustuhan ko.

            Nakaka-amuse lang. Sanay kasi akong seryoso at masungit siya. Then all
of a sudden, masusulyapan ko ang side niya na ‘to.

            Which is wrong. Kasi wala kang karapatan makita ang side niya na ‘yan.
Pero dahil sa pagkakamali mo, look what you’ve done to him.

            Napailing ako at sinubukan kong alisin sa isip ko ang bagay na ‘yun.

            Ayoko nang isipin ang pagkakamali na nagawa ko. Kasi ginagawa ko na
naman ang tama ngayon ‘di ba? Inaayos ko na ang lahat.

            “Siguro ang daming lalaking nagkakagusto sa’yo.”


            Napa-angat ang tingin ko kay Sir West at nakita kong naka-tingin siya
doon sa bouquet ng flowers at chocolate na nasa desk ko.

            “Imposible po ‘yan sir! Hindi naman ako kagandahan ‘no. Alam ko naman
na karamihan ng lalaki, unang na-attract talaga sa mukha at katawan ng isang
babae,” unless panain na sila ni Cupid.

            Tumingin siya sa akin at nginitian ako, “hindi lahat, Jillian.”

            Kung alam mo lang sana ang dahilan ng pagka-attract mo sa akin.

            Nginitian ko rin siya, “siguro nga po.”

            “P-pero maganda ka naman eh! Kaya sure akong maraming nagkakagusto
sa’yo,” and again, namula na naman ang mukha niya.

            One thing I learned about Sir West---ang transparent niyang tao. Kita
agad sa expression niya kung masaya siya, galit, o nahihiya.

            “Thank you po pala sa dinner ah?” pag-iiba ko nang usapan. “Nakaka-
dalawang treat ka na sa akin. Kanina yung pandesal. Ngayon naman po yung dinner.
Ba-bawi po ako sa’yo next time!”

            “W-wala ‘yun. P-pero kung gusto mo talagang bumawi, may request sana
ako..”

            Napalunok ako bigla.

            Patay! May request daw! Paano kung yayain ako nito makipag-date? Hindi
ako pwedeng um-oo! Ayoko mag take advantage sa kanya. Magagalit si Cupid!

            “A-ano po ‘yun?”

            “Uhmm,” iniwas niya ang tingin niya sa akin at mukhang nag-aalangan
siya sa sasabihin niya. Mas lalo tuloy akong kinabahan. “Uhm, pag tayong dalawa
lang ang magkasama, w-wag mo na akong i-po or tawaging sir. Pakiramdam ko kasi ang
tanda ko na eh hindi naman nagkakalayo ang age gap natin. You’re 22 and I’m only 24
years old.”

            Bigla akong naka-hinga ng mulwag. Akala ko kung ano na eh!

            “Yun lang naman po—este yun lang naman pala West! No problem!”
            Nginitian niya ako ng malawak, “thanks, Jillian.”

            Halos mag e-eight thirty na rin kami natapos ni West kumain. May kasama
kasing kwentuhan. Naka-ilang sorry rin siya sa mga panahong nag su-sungit siya sa
akin. Naintindihan ko naman. Pressured din siya at may hinahabol na trabaho. At oo
na, kasalanan ko naman talaga kasi lagi akong late mag-pasa. Dahil tuloy dito,
bigla akong ginanahan mag trabaho. Na-guilty rin kasi ako.

            “Jillian, baka mahirapan ka umuwi kasi punuan na sa jeep. Ihahatid na


kita,” sabi niya sa akin habang pababa kami ng building.

            “Naku wag na. Okay lang talaga ako.”

            “Pero kasi...”

            “Don’t worry about me! Ako pa? Sanay na sanay akong bumyahe promise!”

            “O-okay. Sige. Mag-i-ingat ka ha?”

            “Ikaw rin! Promise bukas, hindi na ako male-late!”

            Nginitian niya ako, “see you tomorrow.”

            Nauna akong bumaba ng elevator. Sa lobby kasi ang daan ko palabas
habang siya naman ay dumiretso sa ground floor kung saan nandoon ang parking lot.

            Rush hour na. Punuan na ang mga jeep. Buti na lang talaga at sanay ako
makipag gitgitan kaya naman nang may dumaang jeep na hindi puno, nakipag-unahan na
ako. Pa-sampa na sana ako kaya lang may isang lalaking sumagi sa akin kaya nahulog
ako at natumba sa kalsada. Ang magaling na lalaki, ni-hindi man lang nag sorry.

            Ang bastos! Nakakainis!

            Naka-skirt pa naman ako ngayon! Ayan, nagkasugat tuloy ako sa tuhod!

            Naramdaman kong may dalawang kamay na humawak sa magkabila kong braso
at inaalalayan akong tumayo.

            “Sabi na kaya hindi ako mapakali eh.”

            Napalingon ako sa taong ‘to at nakita ko si Sir West na nag-aalalang


naka-tingin sa akin.
            “Ihahatid na kita please?” his eyes is pleading. My gosh! Ano ba ‘to?
Bakit niya ako tinitignan ng ganyan?

            Nakakatunaw ng puso.

            “Mag pahatid ka na sa kanya. Hindi pag t-take advantage ‘yun,” dinig
kong sabi ng isang boses sa utak ko.

            Boses ni Cupid.

            Tumango ako kay Sir West at nginitian ko siya.

            “S-sige na nga. Salamat ah?”

            “Okay lang ‘yun. Basta wag kang ma-l-late bukas ah?”

            Napatawa ako ng mahina.

            “Promise!”

            At inalalayan niya ako pasakay sa kotse niya.

To be continued...

=================

Chapter 9 (11/19/14)

Chapter 9

It’s still seven in the morning pero nakapaligo na ako at nakapag ayos. Ngayon
naman ay kasalukuyan na akong nag a-almusal. Napaka-unusual na bagay nito para sa
akin.

            Ang aga pa! For sure pag umalis ako ng bahay ng 7:30, makakarating ako
sa office ng 8-8:30 kahit pa ang traffic. Pero keri lang. Nangako ako sa boss ko na
magiging mabuting empleyado na ako.

            “Wow naman, ang aga ha!”

            Napatingin ako kay Cupid na sumulpot na naman out of nowhere at ngayon
ay paupo na sa harapan ko. Hindi na siya pormang porma ngayon at wala na rin siyang
suot na shades. Buti naman at simpleng shirt at pants na lang ang suot niya.

Kumuha siya ng pandesal at pancit canton na kinakain ko.

            “Wala ka bang bahay? Wala ka bang pera? Pansin ko lang, madalas kang
makikain dito!”

            “Huwag kang madamot binibini. Ang mga biyayang ibinibigay sa’yo katulad
ng pagkain na ito ay dapat ibinabahagi rin sa iba,” pangaral niya sa akin sabay
kagat ng pandesal.

            “Ewan ko sa’yo. Ano na naman ang ginagawa mo rito?”

            “Wala naman. Kakamustahin ko lang ang pag porma sa’yo ng boss mo. May
pa-Jollibee-Jollibee pa siyang nalalaman!” pang-aasar ni Cupid.

            I just glared at him. Masyadong maganda ang umaga ko para patulan ko
siya.

            “Nga pala, nag date si Luke at Elise kagabi,” naka-simangot kong sabi
kay Cupid.

            Oo, ipinapakita ko talaga na naiinggit ako sa pag-alis ni Luke at ni


Elise dahil dapat ako ang kasama ni Luke. Hindi na talaga ako nag-abala pang itago
ang inis ko dahil wala rin naming saysay.  Alam na rin naman ni Cupid ‘yun, itatago
ko pa ba?

            “Hindi pa considered as date ‘yun.”

            “Pero umpisa na. Lumabas na silang dalawa. Alam kong mag e-enjoy si
Luke sa company ni Elise. Masaya naman kasi kasama si Elise eh. Pala-tawa siya,
mahilig mag biro, magaan kausap, ang dali niyang nakakaisip ng topic na pwedeng
pag-usapan, mabait pa siya at maganda---“

            “---at mag lilista ka pa nang pagkahaba-habang magagandang bagay about


kay Elise habang iniisa-isa mo rin ang panget na bagay sa sarili mo.”

            Napa-tikom ako ng bibig. Totoo naman ang sinasabi ni Cupid eh. Nag
sisimula nang lumabas ang mga insecurity ko kay Elise. At gusto kong pigilan ‘to.

            “Ang mga tao talaga ang hilig mag self-pity, ang hilig mainggit. Marami
silang bagay na gusto na hindi naman para sa kanila. At pag hindi nila nakuha, kung
sinu-sino ang sisishin. Hindi nila naisip na may darating naman na bagay na
nakalaan sa kanila. Sadyang ang impatient lang nila mag-antay.”

            Hindi ko magawang sumagot kay Cupid. Natameme na naman ako sa kanya.
Kadalasan ay wala siyang sense kausap pero pag bumanat siya ng ganyan, hindi ko na
magawang kontrahin pa. Tama naman kasi siya. Sapul na sapul ang sinasabi niya.

            Lahat ng tao nag mamadali sa happy ending nila.

            “Siguro dapat bilisan mo na rin mag emote diyan kasi kanina pa nag-
aantay ang sundo mo sa labas.”

            Nagtaka ako bigla sa sinabi ni Cupid, “sundo? Anong sundo?”

            Tumingin siya sa bintana, “ayun oh.”

            Agad akong napatayo at sumilip sa bintana. Laking gulat ko nang may
makita akong kotse na nakaparada sa tapat ng apartment namin at doon ay nakasandal
si Sir West at mukhang may iniintay.

            “What the hell is he doing here?!”

            “Malamang eh dumadamoves sa’yo.”

            Nag-madali ako bigla sa pag-aayos ng gamit ko.

            Anong oras pa kaya siya nandiyan sa tapat ng apartment ko? At ba’t niya
ako sinusundo?!

            “Cupid, ikaw na mag hugas ng pinggan ha!”

            “Ba’t ako?!”

            “Nang may silbi ka naman!”

            “Wow lang! Wala ba akong silbi? Samantalang kung wala ako, edi lahat na
nang tao eh tuluyan nang hindi naniwala sa forever.”

            “Ewan ko sa’yo!”

            Basta ko na lang isinaksak ang mga kagamitan ko sa bag. Ni hindi ko na


nakuha pang ayusin sa pouch ko ang mga make-up ko.

            “Sige bye!” paalam ko kay Cupid nang hindi siya tinitignan dahil busy
ako sa pag check ng bag ko kung lahat na ba ng gamit na kailangan ko ay nailagay
ko.

            “Ah, saglit Jillian.”

            Inangat ko ang tingin ko kay Cupid at nagulat ako na nasa tabi ko na
pala siya.

            “Wag na wag mong aalisin ang compass sa leeg mo ha?”

            “Alam ko.”

            “At... kung may mapansin ka mang kakaiba, sabihin mo agad sa akin ha?”

            Tumingin ako sa bintana ng kitchen ko at nandoon pa rin si Sir West at


nag-aantay. Itinuro ko siya kay Cupid.

            “Siya. Siya ang kakaiba sa buhay ko ngayon.”

            “Hindi ganyang kakaiba! Given na siyang maging kakaiba kasi na-pana mo
siya eh. Basta trust your instinct. Pag may napansin kang hindi tama, sabihin mo
agad sa akin.”

            “Okay fine.”

            “At mananalangin na lang akong katiwa-tiwala ang instinct mo.”

            Sinimangutan ko lang si Cupid pero ‘di ko na kinontra. Mamaya eh hindi


pa mag hugas ng pinggan ‘yan.

            “Aalis na ako,” paalam ko ulit sa kanya.

            “Bye! Ingat! Enjoy kayo ng boss mo!” pahabol niya habang palabas na ako
ng pinto.
            Dali-dali kong nilapitan si Sir West. Akala ko maaga ako! Pero mukhang
mas maaga ata siya! 7:20am pa lang. Anong oras kaya ‘to kung bumangon?

            “Sir West!”

            Napalingon siya sa akin at agad na ngumiti.

            “Oh, Jillian.”

            “What are you doing here?”

            “Hmm, g-gusto ko lang siguraduhin na ano, n-na h-hindi ka uhmm ma-l-
late,” naka-ngiti niyang sabi sa akin at yung expression ng mukha niya ay parang
cool lang. Kaso yung tenga niya namumula na naman.

            Anak ng isda naman oh! Bakit ba ang transparent ng taong ‘to? Ang dali-
dali niyang mabasa.

            Nginitian ko rin siya, “ganun po ba? Naku nag promise na ako sa’yo.
Naka-ready na nga ako oh.”

            “O-oo nga hehe. So uhmm, so... ah, kasi nandito na lang din ako, s-
sabay ka na?”

            Gusto kong humindi kasi naawa ako sa kanya. Pero hindi ako maka-hindi
kasi naawa ako sa kanya.

            Wait, what?

            Ang gulo ko. At ang gulo na nang nangyayaring ‘to!

            “Ah... Jillian?”

            “S-sige! Tara nang pumasok.”

            Bigla siyang napa-ngiti ng malawak. Yung ngiting parang nakamtan na


niya ang Nirvana. Ngiting parang nanalo siya sa lotto.

            Oh my gulay. What have I done to him?

            Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse at pumasok naman agad ako.
Kinabit ko na rin agad ang seatbelt ko bago pa niya maisipang siya ang magkabit sa
akin nito. Ang awkward lang pag nagkataon.

            Hindi kami halos nag uusap habang nag mamaneho siya. Ewan kung bakit
biglang naging awkward kami sa isa’t-isa samantalang kahapon eh parang close na
close na kami. Hindi ako makapag simula ng conversation samantalang siya naman eh
mukhang tinatamaan ng hiya.

            Buti na lang naisipan niyang buksan ang radio kaya naman hindi
masyadong tahimik.

            “K-kamusta ang sugat mo sa tuhod?” tanong niya sa akin.

            Oo nga pala, kagabi nung mabangga ako ng isang lalaki habang pasakay
ako sa jeep, nadapa ako sa kalsada kaya naman nagkasugat ako sa tuhod.

            Hindi naman kalakihan at kayang tapalan ng bandaid, yun nga lang, medyo
makirot.

            “Okay naman. Nalinis ko na kagabi. Sana lang wag magkapeklat ‘no?
Ayokong mag goodbye sa skirt at shorts!” pagbibiro ko sa kanya.

            Nilingon ako ni Sir West at nginitian, “maganda ka pa rin kahit simple
lang ang i-suot mo.”

            I blinked. Hindi nag sink-in agad sa utak ko ang sinabi niya. Nawala
rin ang ngiti sa labi niya dahil mukhang pati siya ay nagulat din sa pag banat niya
ng ganun.

            Halos maalog ang utak ko nang bigla siyang mag emergency break.

            “S-sorry. Akala ko may dumaang pusa,” sabi niya at muli niyang
pinaandar ang kanyang sasakyan.

            The whole ride, wala nang nag salita sa amin. Gusto kong mag thank you
sa kanya sa pag sabi niya ng maganda ako pero tinamaan ako ng hiya. At alam ko
naming maganda ako sa paningin niya ngayon dahil sa pana ni Cupid at hindi dahil sa
maganda talaga ako---which is kind of depressing.

            8:15am pa lang nang makarating kami sa office samantalang 9am pa ang
pasok ko. Pero okay na rin naman para marami akong trabaho na matapos ngayon.

            Pag-akyat naming sa office, kaming dalawa pa lang ang nandoon.

            “S-sige, doon na ako sa office ko ah?” sabi niya at nagmadali siya sa
pagpasok sa opisina niya.
            Naupo ako doon sa pwesto ko at ipinatong ko ang ulo ko sa desk.

            Ngayon lang nag s-sink-in sa akin ang mga nangyayari.

            Kahit na sabihin nating aayusin din ni Cupid ang nagawa kong kapalpakan
kay Sir West, hindi ko maalis ang fact na may gusto siya sa akin ngayon at 99.9% na
masasaktan siya.

            At isa pang problema---boss ko siya.

            Paano na lang kung maisipan niyang pumorma sa akin? Paano kung
manliligaw na siya? Eh bawal yun sa company rules.

            Paano kung mag resign siya para sa akin? Edi masasaktan na siya,
nawalan pa siya ng trabaho! Edi sinira ko pa ang buhay niya?

            Kung hindi ko man kayang pigilan na masaktan siya, at least man lang
wag kong hayaan na mawalan siya ng trabaho.

            Dapat pala simula sa araw na ‘to, dedmahin ko na siya ng tuluyan para
wag na siyang umasa sa akin.

            ‘Wag kang mag-alala West, ipapakilala rin ni Cupid sa’yo ang babaeng
para talaga sa’yo.

To be continued...

=================

Chapter 10 (11/24/14)

Chapter 10

[Jillian’s POV]
 

“Jill? Totoo ba ‘to? Ang aga mong pumasok?” hindi makapaniwalang tanong ni Luke sa
akin pagkarating na pagkarating niya sa opisina.

            “Miracles do happen,” naka-ngiti namang sagot sa kanya ni Elise na


ngayon ay nasa kabilang desk na at nag ta-trabaho.

            “Nangako kasi ako kay Sir West na magiging isang mabuting empleyado na
ako.”

            “Wow,” naglakad si Luke patungo sa desk niya. “Katakot-takot na naman


bang verbal abuse ang ginawa sa’yo nung monster boss na ‘yun kaya napilitan kang
pumasok sa opisina ng maaga?”

            Parang nag-pantig ang tenga ko nang tawagin ni Luke si Sir West na
‘monster boss.’ He’s Luke and I love him at alam kong concern lang siya sa akin
pero hindi ko alam kung bakit ako biglang nairita sa kanya.

            “Mabait naman si Sir West eh! Hindi lang siya...uhmmm... showy!”

            Pinaandar ni Luke ang swivel chair papalapit sa akin at bigla-bigla ay


idinampi niya ang likod ng kanyang kamay sa noo ko.

            My heart skips a beat. Ang lapit-lapit kasi niya sa akin eh.

            “What are you doing?”

            “Chine-check ko lang kung nilalagnat ka. Pinagtatanggol mo kasi ang


monster boss natin eh.”

            Hindi ko halos naintindihan ‘yung sinabi niya kasi busy na akong
matunaw rito sa tingin at ngiti niya.

            Pakshet na ngiting ‘yan oh! Mula umpisa hanggang ngayon lagi na lang
akong pinanghihinaan ng tuhod dahil diyan. Tapos yung lips pa niya! My gosh yung
lips niya! Kahit wala namang ginagawa eh parang nangaakit na sunggaban mo ito ng
halik.

            Bigla akong napalayo kay Luke.

            “Magtitimpla lang ako ng kape.”


            Tumayo ako sa pwesto ko at dali-daling naglakad doon sa may water
dispenser.

            Cupid, kill me now! Bakit ganun?! Ang tindi pa rin ng epekto sa akin ng
taong ‘yun? ‘Di ba dapat nag m-move on na ako kasi nga may trabaho ako na i-match
make siya kay Elise?!

            Napabuntong hininga ako.

            Kung alam ko lang na mangyayari ang lahat nang ‘to, edi umpisa pa lang
nag move-on na ako para mas madali ang trabaho ko ngayon!

            Pero kung umpisa pa lang nag move-on na ako, hindi mangyayari ang lahat
nang ‘to.

            Hay buhay.

            Kumuha ako ng isang pakete ng kape at ibinuhos ko ito sa mug ko. Habang
nilalagyan ko ito ng mainit na tubig galing sa water dispenser, dumating naman si
Elise at nag timpla rin ng kape.

            “Kamusta pala ang lakad niyo ni Luke kagabi?” tanong ko sa kanya.

            “You mean, kamusta ang movie? Maganda naman. Bitin nga lang.”

            “I see.

            Nilingon ko si Elise at pinagmasdan habang nag titimpla siya ng kape.


Petit siya. Siguro mga nasa 5’0 lang ang tangkad. May pagka morena ang kutis at
meron siyang mahabang buhok na lagi niyang itinitirintas. Sobrang simple lang
niyang manumit at mag-ayos but that makes her look attractive. Isa pa, masiyahin
kasi si Elise kaya naman madali siyang pakisamahan.

            With or without Cupid’s arrow, hindi talaga malabong magka-gusto sa


kanya si Luke.

            “Uhmm Elise..”

            “Hmm?”

            “H-how do you find Luke?”

            Nilingon niya ako, “what do you mean?”


            “Ibig kong sabihin, kamusta si Luke sa’yo as a person?”

            “Oh. Paano ba? Hmm, he’s kind, makulit, ang hilig mag patawa. At oo nga
pala, kahapon nung nanood kami ng sine, napatunayan kong ang gentleman din niya!”

            Ngumiti ako at tumango, “oo nga, ganun na ganun siya.”

            Siniko ni Elise ng mahina ang braso ko, “idagdag mo pang ang gwapo
niya, ‘di ba?”

            Tumango ako bilang pag sang-ayon sa kanya.

            “Bakit mo pala na-itanong?”

            “Wala naman. Tara balik na tayo.”

            Sabay kaming naglakad ni Elise pabalik sa kanya-kanya naming pwesto.


Napansin ko pang ngiting-ngiti siya sa hindi maipaliwanag na kadahilanan.

            Mukhang kahit si Elise ay malaki ang pag-asang magka-gusto kay Luke.

            Ano pang silbi ko? Ba’t pa ako nandito? Eh mukhang hindi ko na
kailangan gawin ang trabahong ‘to!

            Na-imagine ko bigla si Cupid. Kung nandito lang siya for sure kung anu-
ano na namang pangaral ang sasabihin niya sa akin.

            Oo na Cupid. Alam ko naman na kailangan kong gawin ‘to for the sake of
those five people---at kabilang na ang soulmate ko---na nanganganib ang love life
dahil sa kapalpakan ko.

            Ibinalik ko na ang focus ko sa manuscript na pino-proofread ko. Ayoko


nang ipasa ‘to kay Sir West na hindi na-proofread ng maayos. Sa trabaho ko man lang
makabawi ako sa kanya.

            Nakapag-focus na naman ako sa trabaho ko. Ilang chapters na rin ang
nababasa ko nang bigla akong kinalabit ni Elise.

            “Jillian..”

            “Hmm?” tugon ko habang hindi inaalis ang tingin sa computer screen.
            “Bakit umiilaw ang kwintas mo?”

            Bigla akong natigilan sa pagbabasa at tinignan ang gold compass na


naka-sabit sa leeg ko. May kulay pulang ilaw na lumalabas galing doon sa bato na
nasa gita ng compass.

            Teka anong nangyayari?!

            Nginitian ko si Elise, “Ah, a-ang galing ‘no? M-may flashlight kasi
‘yan. Built-in. Para, alam mo na, pag nag brownout.”

            Oo! Alam kong ang ewan nang palusot ko. At yung ilaw na lumalabas sa
kwintas ko ay malayong-malayo sa ilaw na lumalabas sa isang flashlight o isang
bumbilya. Yung ilaw na nasa compass ngayon ay parang sinag ng araw kaso kulay pula
nga lang.

            “Ganun ba? Ang galing naman!” sabi ni Elise at mukhang paniwalang-
paniwala siya sa sinabi ko.

            Thank god madaling utuin ang isang ‘to!

            “Uy wait, pupunta lang ako sa restroom!” paalam ko sa kanya habang
hawak-hawak ko ng mahigpit ang compass.

Nagmadali ako palabas ng office kaya lang bigla kong nakasalubong si Sir West. At
may kasama siyang babae. Matangkad, mestiza, balingkinitan ang katawan, nakalugay
ang mahaba niyang buhok na may natural curl sa dulo, mapungay ang mata, at oo
maganda siya. Mukha siyang model. At---at---bakit ngiti siya nang ngiti kay Sir
West ha?!

            “Jillian? Saan ka pupunta?” tanong ni Sir West.

            “Sa restroom lang po,” sagot ko naman nang hindi ko inaalis ang tingin
sa babaeng kasama niya.

            Mukhang nahalata niya ang pagtataka sa istura ko kaya naman agad niya
itong ipinakilala sa akin, “Jillian, this is Enid Dimasalang. She will be our new
graphic artist.”

            “Hi Jillian! Nice to meet you!” masiglang bati ni Enid sa’kin sabay
lahad ng kamay.

            I took her hand at nakipag shake hands naman ako. “Hi Enid! Welcome sa
aming company. Proofreader nga pala ako dito.”
            “Wow! Excited na akong makatrabaho kayo! By the way, ang ganda naman ng
necklace mo,” tinuro niya ang compass na nabitiwan ko nang makipag-kamay ako sa
kanya. Umiilaw pa rin ito kaya agad akong napahawak dito.

            “Thanks! Ang ganda—ang ganda rin ng bracelet mo,” tinuro ko naman yung
bracelet niyang may butterfly na charms.

            Sa totoo lang sasabihin ko sanang maganda siya kaya lang tinamaan ako
ng too much insecurity kaya hindi ko na tinuloy.

            Sorry na, babae lang din ako at madaling ma-insecure sa mas maganda sa
akin!

            Nag thank you siya sa akin then he and Sir West excused themselves.
Ipapakilala raw niya si Enid sa mga kasamahan namin.

            Ako naman ay dumiretso sa comfort room. Chineck ko muna ang bawat
cubicle kung may tao. Buti na lang at wala. I locked the door.

            “Cupid?” tawag ko sa hangin. “Uy, Cupid, naririnig mo ba ako?”

            “Sa dinami-rami naman ng lugar na tatawagin mo ako, bakit sa CR pa?”

            Napalingon ako sa likuran ko at ayun, nakatayo si Cupid at naka-crossed


arms pa habang naka-ngisi sa akin.

            “Miss mo na ‘ko agad?” tanong niya.

            “Hindi, loko! Look at this!” hinubad ko ang compass sa leeg ko at


ipinakita sa kanya. “Umiilaw siya!”

            “Wag mong hubarin!” agad ko namang isinuot ito sa leeg ko.

            Hinawakan ni Cupid ang compass.

            “Bakit pulang ilaw ang lumalabas dito?” tanong niya.

            “Aba malay ko! Sa’yo nanggaling ‘yan! Ano bang ibig sabihin nang pag-
ilaw nito?”

            Hindi ako sinagot ni Cupid. Nakatitig lang siya sa compass at parang
may malalim na iniisip. Yung itsura niya parang nabo-bother siya.
            “Cupid?”

            He cupped the compass using both of his hands at nang bitawan niya ito,
nalawa na ang pulang liwanag na lumalabas dito.

            “May kailangan lang akong punatahan,” sabi niya at bago pa ako makapag-
salita, nawala na lang siya sa harapan ko.

            Okay, ano ba ang problema? Sana naman nag-aabala siyang i-share sa akin
‘di ba?!

            Since huminto na naman ang pag-ilaw ng compass, bumalik na rin ako sa
opisina para ituloy ang trabaho ko. Mukhang naipakilala na ni Sir West si Enid sa
mga katrabaho namin. Nakita ko kasi siya na in-occupy na ang isang bakanteng table
at kasalukuyan siyang tinutulungan sa pagaayos ng isa sa mga editors namin na
lalaki na halatang pinopormahan siya. Yung iba namang mga ka-trabaho kong lalaki ay
titig na titig kay Enid na akala mo eh nakakita sila ng dyosa.

            “Ang ganda niya girl!” bulong sa akin ni Elise. “Bakit niya naisipang
mag trabaho sa publishing company? Seriously, pwede siyang maging model! Pwede nga
siyang maging cover girl ng mga magazines natin eh!”

            I just shrugged my shoulders at ibinalik na ulit ang atensyon ko sa


pinoproofread kong manuscript.

            Nung lunch time, sabay-sabay kaming bumaba nina Luke at Elise. Sa totoo
lang, ayokong sumabay sa dalawang ito kasi masyadong masakit kada iisipin kong
kailangan ko silang i-matchmake. Gusto ko sanang dumistansya muna kaya lang naisip
ko rin na pagka nag stay naman ako sa office, si Sir West naman ang makakasabay ko
at hindi na talaga kakayanin ng konsensya ko kung mas magiging malapit pa siya sa
akin. Kaya pinili ko na lang si Luke at Elise na makasama.

            Nang makababa naman kami sa cafeteria, nakita namin si Enid na


pinapaligiran ng mga lalaki naming ka-workmate. Mukhang nag-aagawan sila kung
kanino sasama si Enid. Si Enid naman ay mukhang naiilang na sa mga katrabaho naming
lalaki kaya naman nilapitan siya agad ni Elise and invited her to join us.

            “Thank you talaga. Hindi ko alam ang gagawin ko kanina,” sabi ni Enid.

            “No worries! Naku pagpasensyahan mo na ang iba naming kasamahan. Ganun
lang talaga sila pero mababait naman ang mga ‘yun,” pagpapaliwanag naman ni Elise.

            “Oo nga! Hindi lang sila sanay na makakita ng magagandang babae,”
dagdag pa ni Luke.

            “Ah, so hindi kami maganda ni Jillian?!” tanong ni Elise habang


pinanliliitan niya ng mata si Luke!
            “Syempre naman magaganda kayo! At alam mo na!” Luke gave him a
meaningful look at napatawa si Elise.

            “I know, I know!”

            Napatingin ako sa kanilang dalawa. Alam niyo yung pakiramdam na para
bang may bagay na silang dalawa lang ang nagkakaintindihan? And the way they look
at each other, bakit parang ang meaningful?

            Nakakaramdam ako na para bang magiging madali ang trabaho ko.

            Gusto kong maging masaya sa thought na ‘yun pero may kirot pa rin akong
nararamdaman.

            Nakakwentuhan namin si Enid ng mas matagal habang nag lu-lunch kami.
She’s actually nice. May pagka-mahinhin din pala siyang kumilos na hindi ko
nahalata kanina. At may pagka-inosente rin. Taga-probinsya pala siya at ngayon ay
nakikitira lang siya sa kaibigan niya. Buti na lang pala at napasok agad siya ng
trabaho.

            A few minutes bago matapos ang lunch break, sabay-sabay kaming umakyat
sa opisina. Dahil katapat lang ng pinto ng opisina namin ang pinaka office ni Sir
West, natanaw ko siya doon na busyng-busy na may binabasa sa computer screen niya.

            Bigla tuloy akong napaisip kung kumain na ba siya ng lunch o hindi pa?
Parang hindi kasi siya bumaba kanina eh. O baka naman may dala siyang lunch? O baka
ine-expect niya na sabay kaming mag l-lunch pero pag labas niya ng opisina niya eh
wala na ako?

            Nakaramdam ako ng konsensya.

            Anak ng isda naman oh! Alam kong makokonsesnya ako pag sinabayan ko
siya sa pagkain at mapapalapit siya lalo sa akin. Pero nakokonsensya rin ako sa
thought na akala niya magsasabay kami pero iniwan ko siya dito mag isa.

            Seryoso, nakakabuwang ang ganitong problema! Hindi ko alam na pwede


palang mahati ang konsensya ko at sabay akong makonsensya sa dalawang magkaiba at
total opposite na bagay.

            Anak ng konsensya!


            Iniwas ko na lang ang tingin ko kay Sir West at bumalik sa pwesto ko.
Ipinasak ko ang headset ko sa aking tenga at pinakinggan ang “Shake it off” ni
Taylor Swift habang nag p-proofread. Baka sakali kasing ma-shake it off ko ang mga
iniisip ko dahil sa kantang ito.

            A few minutes bago mag-uwian, natapos ko ang 70k+ words na manuscript
na pinroofread ko then I send it to Sir West’s email. Alam ko naman na maya’t-maya
siya nag ch-check ng email kaya kahit hindi ko na siya sabihan, makikita niya agad
ang manuscript.

            Pag-patak na pag-patak ng 5pm sa orasan, pinatay ko agad ang desktop ko


at nagmamadali kong inayos ang gamit ko. Wala naman talaga akong lakad, sadyang
ayoko lang maiwan mag-isa rito sa opisina o kaya naman maharang ni Sir West o ni
Luke. Isa pa, gustong-gusto ko nang umuwi sa bahay dahil katakot-takot na tanong
ang gusto kong ibato kay Cupid.

            Nagpaalam na ako kina Luke, Elise at sa iba pang mga kasamahan ko.

            “Wow Jillian on the dot ka mag o-out ngayon ah!” pang-asar sa akin ni
Edgar, yung isa naming editor.

            “Shut up! Minsan lang ‘to!”

            Palabas na sana ako ng pinto kaya lang, narinig ko ang pag slide ng
pinto ng office ni Sir West. Wala na sana akong balak lumingon kung hindi lang niya
ako tinawag.

            “Jillian, I need you in my office.”

            Napa-buntong hininga na lang ako. My gawd! Sir West naman eh! Iniiwasan
na nga kita eh. Bakit ganyan ka pa?

            “Sorry Jillian, hindi ka pa rin on time makakapag-out,” asar ulit ni


Edgar. I just rolled my eyes at him. Makakaganti rin ako sa mokong na ‘yan balang
araw!

            Sinundan ko si Sir West sa office niya.

            “Bakit po?”

            “Ahm, napasa mo na ba ‘yung manuscript?”

            “Yep. Nasa email niyo na po.”


            “Ah ganun ba? Wow,” sabi niya na hindi man lang nag abala na tignan ang
email niya. Kasi malamang, nakita na niya yun.

            “Uuwi ka na?” tanong niya ulit.

            “Yep. Naiwan kasi mag-isa yung—yung pinsan ko sa apartment ko. Eh hindi
siya marunong mag hugas ng pinggan. Kaya kailangan ko nang umuwi,” palusot ko
naman.

            “I see. Ay tamang-tama p-pauwi na rin ako. Uhmm s-sabay na tayo?”


natataranta siyang pinatay ang desktop niya at inayos ang gamit niya. “Saglit lang
‘to. Mabilis na mabilis lang.”

            “Sir West, u-una na po ako.”

            “H-ha? E-eto, okay na ako.”

            Huminga ako ng malalim, “no Sir West. Hindi po ako sasabay sa inyo.
Boss kita eh. Hindi pwede.”

            Biglang natigilan si Sir West sa pag-aayos ng gamit niya. Nagkatinginan


lang kami ng diretso sa mata. Because of that, I saw a mixed of hurt and
disappointment in his expression.

            “I—I didn’t mean anything like that, Jillian. I just want to be your
friend.”

            Iniwas ko ang tingin ko sa kanya, “I’m sorry.”

            Tinalikuran ko si Sir West at dali-dali akong lumabas ng opisina. My


knees are trembling. There’s a part of me na gustong bumalik sa opisina at sumabay
kay Sir West. Kasi nakita ko ang expression niya kanina. Nakita ko ang pakikitungo
niya sa akin. He is so sincere at siya lang kauna-unahang lalaking nagpakita sa
aking ng ganito kaya naman nakokonsensya ako sa pagtaboy ko sa kanya.

            Kaya lang hindi ko pwedeng kalimutan na kaya lang din naman siya ganyan
sa akin is because of that one stupid arrow.

            Naisipan ko nang sumakay ng taxi para mas mabilis akong makauwi. Kaya
lang, nang naglalakad na ako papuntang taxi bay, natanaw ko si Enid na palabas na
rin ng building.

            Lalapitan ko sana siya at isasabay na since sa pagkakaalam ko, malapit


lang ang lugar niya sa amin, kaya lang napahinto ako nang  tumakbo siya papalapit
sa isang babae.
            Bigla akong napatago sa poste sa gilid ko at napahawak ako ng mahigpit
sa gold compass.

            Wala siyang suot na belo pero namumukhaan ko siya.

            Siya yun, ang babaeng naka-itim na nag utos sa akin na nakawin ang pana
ni Cupid.

            Bakit sila magkakilala ni Enid?!

To be continued...

***

Ang kyot nung #WesLian <3

=================

Chapter 11 (11/25/14)

Chapter 11

[Jillian’s POV]

 
What the eff?! Bakit magkasama si Enid at si lady in black? Bakit sila magkakilala?

            Pinagmasdan ko sila habang naglalakad palayo. Kung titignan, para lang
silang magkaibigan na sabay uuwi. Ang inosente ng mga mukha nila lalo na ni Enid!
Pero baka may pinaplano sila?!

            O baka naman ginagamit nung lady in black si Enid? Dahil nasa
proteksyon na ako ni Cupid, ibang babae naman ang gagamitin niya! Pero ano? Ano na
naman ang ipapagawa niya?

            Nang makaalis na sila, dali-dali akong naglakad papunta sa taxi bay.
Kaso nakakainis naman, ang haba ng pila ng tao sa taxi bay pero wala namang
nakapila na taxi.

            Ay naku naman! Kung kelan namang kailangan kong umuwi agad!          

            Umalis ako sa pila ng taxi at pumunta sa may sakayan ng jeep. At dahil
rush hour na, karamihan ng dumadaang jeep ay puno na ng pasahero. Yung iba nga eh
sumasabit na sa jeep.

            Siguro kailangan ko na talagang magpaturo kay Cupid kung paano mag
appear at disappear sa mga lugar katulad nang ginagawa niya. Seriously, ang laking
bagay nun. Tipid na sa pamasahe, hindi ko pa kailangang gumising ng maaga para
hindi ma-late!

            May tatlong jeep na padaan at nabuhayan ako ng pag-asa. Yung dalawa,
puno. Yung isa hindi. At talagang nakipag-gyera ako pasakay. Yun lang, sadyang mas
matatangkad at matataba yung ibang nakipag-unahan kaya hindi rin ako nakasakay.

            Nakakainis naaaaa!!

            “Uy.”

            Biglang may humatak sa braso ko palayo sa kalsada.

            “Jillian.”

            Nakita ko si Sir West na nakatingin sa akin na para bang nag mamakaawa
siya.

            “Sir!”

            Napabuntong-hininga siya.


            “Wala na tayo sa loob ng opisina kaya hindi mo ako dapat tawaging sir.”

            “Pero boss pa rin kita.”

            “Hindi ba kita pwedeng maging kaibigan man lang?” tanong niya sa akin
at ang lungkot-lungkot ng boses niya. Yung mga mata niya parang nangungusap, nag
mamakaawa. Yung itsura niya—well gwapo—pero para siyang gwapong pinag sakluban ng
langit at lupa.

            Ano baaaaaaa. Bakit niya ba ginagawa ito? Madali akong mahabag! Madali
akong bumigay! At pag ako bumigay sa taong ‘to, mas lalong magiging mali ang bagay
na itinatama ko.

            Pwedeng bang umiyak sa harapan niya ngayon?

            “Sir kasi eh...”

            “Masama ba talaga akong tao?” tanong niya ulit na parang guilty na
guilty siya. “Alam ko naman na hindi ako nagging mabuting boss sa’yo, but I’m
changing. Tsaka alam ko naman na ang stiff kong tao, mahirap pakisamahan, masyado
akong awkward sa lahat ng bagay.”

            Oh no. Ito na ba ‘yung sinasabi ni Cupid na ang hilig mag self-pity ng
mga tao?

            “At alam ko naman na hindi ako masyang kasama kaya siguro ayaw mo akong
maging kaibigan,” pagpapatuloy niya. At bumuntong hininga pa ulit siya. “Siguro
nga, dahil doon. Naiintindihan ko naman, Jillian. S-sorry. S-sige una na ako.”

            Tumalikod na siya at naka-yukong nag lakad palayo.

            Ow may gawd! Why are you doing this to me? This is torture!

            “S—West! W-wait lang!” hinawakan ko siya sa braso at lumingon siya sa


akin.

            “Mabuti kang tao at napatunayan ko na ‘yun matagal na. It’s just that—“
it’s just that tinamaan ka ng pana ni Cupid kaya ka ganyan sa akin. At lumalayo ako
kasi hindi mo ako dapat mahalin. May ibang tao kasing nakatadhana para sa’yo. If
only I could say those things!

            “It’s just that?”


            Umiling ako, “wala. Marami lang akong pinagdaraanan lately and I’m
sorry kasi mukhang sa’yo ko naibuntong lahat ng pinagdaraanan ko. Of course I want
to be your friend and I’m so sorry kung itinaboy kita,” I smiled at him.

            Wala na. Gumulo na lalo. Kill me now, Cupid.

            Nakita ko ang pag liwanag ng mukha ni Sir West at paglawak ng ngiti sa
labi niya. Para bang ang saya-saya niya dahil kaibigan na niya ako.

            Mag darasal na lang ako ng masinsinan na sana wag niyang isiping
magiging more than friends kami. At sana bago siya masaktan ng bongga sa akin, na-
ibalik na kay Cupid ang pana at napana na niya si West sa babaeng nakatadhana
talaga sa kanya.

            Sana.

            “Hatid na kita?” alok niya sa akin.

            At since desperada na akong maka-uwi, pumayag na ako. Sinundan ko siya


sa parking lot at sumakay sa kotse niya.

            Kaya lang kung mamalasin, ayaw mag start nung kotse.

            “What’s wrong with this thing?” tanong niya at muling sinubukang
paandarin ang kotse niya.

            “Bakit ganun? Okay naman siya kanina ah?” bumaba si Sir West at pumunta
sa harapan para i-check ang makina ng kotse niya.

            Seriously, mukhang may divine intervention na nangyayari kaya hindi ako
makauwi ah? Hindi na maganda ang kutob ko rito.

            Napa-hawak ako sa compass na suot ko. Inikot ikot ko ang ring na
nakapalibot dito.

            Gusto ko na talagang umuwi. Sana makauwi na ako. Gusto ko nang makausap
si Cupid. Kinakabahan na talaga ako. Sana maayos na ang kotseng ‘to.

            Bigla-bigla ay umilaw na naman ang compass na suot ko. This time, kulay
asul na liwanag naman ang lumalabas dito at nag mumula siya doon sa letter W ng
compass. Sa west part.

            What the hell is happening? Bakit na naman umilaw ito?


            Sinubukan kong gayahin yung ginawa ni Cupid kanina. I cupped the
compass using my hands at nawala na lang ang ilaw nito. Kasabay nang pagkawala ng
ilaw ay biglang nabuhay ang makina ng kotse.

            “Okay na ‘yung kotse,” Sir West told me habang pasakay siya. “Wala
namang problema. Baka nag-loko lang.”

            “Buti na lang.”

            Pinaandar niya ulit ang kotse at maayos namang umandar ito. At sa totoo
lang, maayos na maayos ang lahat ng bagay nung pauwi kami. Walang traffic, tuloy-
tuloy ang pag mamaneho niya at mabilis kaming nakarating sa apartment ko.

            “Thank you talaga, West,” sabi ko sa kanya bago ako bumaba.

            “No problem. So see you tomorrow?”

            “Yep. See you tomorrow, sa office ha?”

            Medyo napatawa siya dahil sa sinabi ko at mukhang na-gets naman niya,

            “Oo, sa office na tayo magkikita, I promise.”

            Bumaba na ako sa kotse niya and gave him wave bago ako tuluyang pumasok
sa apartment ko.

            Pagkapasok na pagkapasok ko, agad kong tinawag si Cupid.

            “Cupiiiiddd!!”

            “Jillian,” nakita ko siyang nakatayo sa maliit ko sala at seryoso


siyang nakatingin sa akin.

            Agad ko siyang nilapitan.

            “Cupid! Nakita ko ‘yung babaeng naka-itim kanina! Y-yung babaeng nag-
utos sa akin na nakawin ang pana mo!”

            “Si Ayesha?! Nakita ka ba niya? Hinubad mo ba ang compass?”

            Umiling ako, “no. Hindi niya ako nakita at mas lalong hindi ko hinubad
ang compass. Pero may bago kaming empleyado at nakita ko silang magkasama kanina!
My gosh! Baka kasabwat ni Ayesha yun o ginagamit siya ni Ayesha. Kailangan natin
malaman ang plano nila! Paano kung plano nilang saktan si Luke at Elise o kaya
naman si Sir West? O baka may plano rin silang masama sa akin? Cupid, I’m scared!
Kailangan natin sila agad mapigilan!”

            Hinawakan ni Cupid ang magkabilang braso ko, “Jillian, huminahon ka.
Okay, sabihin mo sa akin, may kakaiba ba doon sa bago niyong empleyado? Ibig
sabihin, meron ba siyang magical object o kahit anong bagay na parang kakaiba....
Parang katulad ng compass mo?”

            “Hindi ko alam! Wala akong napansin! Well, kung kakaibang bagay yung
bracelet niyang may butterfly na charms o yung kwintas niyang may butterfly o yung
obvious obsession niya sa paru-paro eh ewa---“

            “Wait! Paru-paro?!”

            “Oo, bakit? Wait. Magical object ba talaga ‘yun?”

            Napahigpit ang kapit niya sa braso ko at tinignan niya ako maigi,
“Jillian, ano ang pangalan niya?!”

            “Enid. Enid Dimasalang. Teka, kilala mo ba siya?”

            Napa-bitiw si Cupid sa akin at bigla siyang napa-upo sa sofa. Hindi ko


maipinta ang expression sa mukha niya.

            “Enid... Enid... Soul? No. Hindi pwede...”

            Ipinatong niya ang ulo niya sa kanyang dalawang palad and he look so
scared.

            “Cupid, ano bang nangyayari? I-explain mo sa akin, please! Gulong-gulo


na kasi ako! Wala akong maintindihan. Please naman Cupid!”

            Huminga ng malalim si Cupid, “kailangan kong makita si Enid.”

            “Bakit? Mag-explain ka naman oh!” halos pasigaw kong sabi. Napupuno na
ako ng frustrations. Ginagawa ko kasi ang trabaho na alam kong tama pero hindi ko
alam kung bakit. Ni-wala akong alam tungkol sa compass na ibinigay niya o kung ano
ang meron sa Ayeshang yun. At parte na ako nito kaya parang hindi makatarungan na
wala akong ka-alam alam sa mga bagay.

            Cupid looked at me with his sincere eyes, “pangako, ipapaliwanag ko


sa’yo ang lahat. Pero Jillian, please, kailangan ko munang makita si Enid. May
kailangan lang akong alamin tungkol sa kanya.”
            “Sige, sumama ka sa akin bukas. Pero pagkatapos nun, ipaliwanag mo sa
akin lahat ah? As in lahat!”

            Tumango si Cupid, “you have my word.”

            Kinabukasan, maaga kaming umalis ni Cupid papunta sa opisina ko.


Palalabasin ko na pinsan ko siya at magpapasa siya ng resume. Buti na lang din at
naisipang pumora ng God of Love na ito ng something formal at hindi yung parang
pupunta siya sa ABS-CBN para mag audition bilang ka-love team ni Maja Salvador.

            Marami-rami nang nasa opisina pagkarating namin, pero wala pa si Enid.
Ito namang si Cupid eh pinagkaguluhan ng mga ka-opisina kong babae.

            “Ang gwapo mo naman, iho!” sabi ni Lalaine, yung isa naming editor na
matandang dalaga.

            “Oo nga, single ka pa ba Eros?” tanong naman ni Agnes, columnist ng


fashion magazine namin.

            “Sana i-hire ka rito para lagi akong ganado pumasok,” sabi naman ni
Cynthia, isa ring columnist.

            Pinagmasdan ko si Cupid at ngi-ngiti-ngiti lang doon at parang nahihiya


na natutuwa sa atensyong nakukuha niya.

            “Mabenta ang pinsan mo sa mga girls ah,” bulong sa akin ni Elise.

            Napatawa na lang ako. Kung alam lang kasi nila na ang real-life Eros
talaga ang kaharap nila.

            “At eto na ang pinagkakaguluhan ng mga boys,” sabi naman ni Luke habang
nakatingin sa pintuan ng office.

            Nakita kong papasok na si Enid kaya agad akong napatingin kay Cupid.
Nawala ang ngiti sa labi niya habang nakatingin din siya kay Enid.

            “Hi guys, good morning!” bati ni Enid sa amin at napa-tingin siya kay
Cupid. “Hello!” naka-ngiting bati niya rito.

            Hindi kumibo si Cupid. Nakatitig lang siya kay Enid na para bang
nakakita siya ng multo. At parang bigla rin akong kinabaha.
            “Ah, b-bakit ka po nakatingin sa’kin ng ganyan?” tanong ni Enid sa
kanya.

            Hindi siya sinagot ni Cupid instead, nilapitan niya si Enid at nagulat
ako ng bigla niyang hawakan ang mukha nito.

            “E-Eros!”

            Pipigilan ko na sana siya nang mapahinto ako dahil sa sinabi ni Cupid
kay Enid.

            “Anong ginawa niya sa’yo... Psyche?”

To be continued...

***

Author's Note:

Para po sa mga hindi nakakakilala kay Psyche, she is the Greek Goddess of Soul and
the wife of Eros/Cupid :)

=================

Chapter 12 (11/27/14)

Chapter 12

[Jillian’s POV]

 
“Anong ginawa niya sa’yo... Psyche?”

            What the hell.

            Psyche? Tinawag niyang Psyche si Enid? Ibig sabihin siya ang asawa ni
Cupid?

            Paano nangyari yun?! At bakit magkakilala sila ni Ayesha?!

            Tinabing ni Enid ang kamay ni Cupid, “excuse me sir, pero hindi po kita
kilala at hindi po Psyche ang pangalan ko.”

            “H-hindi! Ikaw si Psyche! Hindi mo ba ako nakikila? Si Cupid ‘to!”   

            Oh no.

            Nakarinig ako ng mga bulungan mula sa mga ka-opisina ko habang weird na
weird silang nakatingin kay Cupid.

            “Psyche, hindi mo ba ako nakikilala?” nilapitan niya ulit si Enid at


amba niyang hahawakan ang mukha nito nang bigla siyang kinuwelyuhan ni Edgar, isa
sa mga ka-opisina ko.

            “Okay pre, ayos ka rin dumamoves ah! May pa Cupid and Psyche ka pang
nalalaman diyan. Pero hands-off pare. Respeto naman sa babae.”

            Hindi pinansin ni Cupid si Edgar at ang tingin niya ay na kay Enid pa
rin.

            “Psyche, hindi mo ba talaga ako nakikilala?”

            “Hindi nga yun ang pangalan ko sir!”

            “Si Ayesha ba ang may kagagawan nito?!” giit niya kay Enid at hinawakan
niya ang kamay nito.

            “Ano ba pre!” hinila ulit siya ni Edgar palayo kay Enid at sinuntok
siya nito.

            Oh my goodness! Sinuntok ni Edgar ang God of Love! Hala siya! Mamaya
tanggalan siya ni Cupid ng love life!
            Agad akong pumagitna sa kanila, “Edgar! T-teka tama na!”

            “Jillian, what the heck is wrong with your cousin?!”

            “Sorry!”

            Tinignan ko si Cupid at inalalayan patayo.

            “Psyche..”

            Hinila ko si Cupid palabas ng opisina habang nag pupumiglas siya.

            “Ano ba! Kailangan ko siyang kausapin! Kailangan kong kausapin ang
asawa ko!”

            “Cupid, calm down!”

            “Si Psyche! Si Psyche ‘yun! Yung mahal ko yun!”

            “Teka, sigurado ka ba?”

            “Asawa ko siya at kilalang-kilala ko siya!” nakita ko ang galit sa mga


mata ni Cupid. “Si Ayesha. Siya ang may kagagawan nito. Hindi ko siya mapapatawad.”

            Tinalikuran ako ni Cupid at alam kong aalis siya.

            “Cupid, saglit lang!”

            Hinawakan ko ang braso ni Cupid at nagulat ako nang biglang may
nakakasilaw na liwanag ang pumalibot sa aming dalawa.

            “W-what’s happening?!”

            “Wag kang bibitiw sa akin,” sabi niya kaya naman napahigpit ang hawak
ko sa braso niya.

            Naramdaman ko ang pag lutang namin sa ere. Hindi ko alam kung gaano
kami kataas ngayon. Hindi ko rin nakikita ang kapaligiran dahil sa nakakasilaw na
liwanag na pumapalibot sa amin.

            Maya-maya lang ay naramdaman ko ang unti-unti naming pagbaba hanggang


sa maramdaman na ng mga paa ko ang lupa. Unti-unti ring nawala ang nakakasilaw na
liwanag hanggang sa nagging visible na sa paningin ko ang kapaligiran.

            “Ay tinola,” bulong ko sa sarili ko nang ma-realized kong wala na kami
ni Cupid sa opisina ko kundi nasa gitna kami ng gubat.

            Tumingin ako sa paligid. Puro puno at mga halaman lang ang nakikita ko—
well except doon sa malaking kweba na nasa harapan namin ni Cupid.

            “Nasaan na tayo? Saang parte ng Pilipinas ‘to? At ba’t tayo nandito?”
sunod-sunod kong tanong sa kanya. “Pwede bang bumalik na tayo sa opisina?
Considered as AWOL kasi itong ginagawa ko at matatanggal ako sa trabaho.”

            Hindi ako pinansin ni Cupid, instead dire-diretso siyang nag lakad
papasok sa kweba.

            Ay anak ng--!!

            Dali-dali akong sumunod sa kanya.

            “Ayesha!” sigaw ni Cupid habang nag lalakad kami papasok ng kweba.

            “C-Cupid, nandito ba talaga si Ayesha?”

            Hindi pa rin ako sinagot ni Cupid instead tuloy-tuloy lang siyang nag-
lakad papasok.

            Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang braso niya. Nakakaramdam kasi ako
ng matinding kaba sa lugar na ‘to. At isa pa, ang dilim masyado sa loob. Wala akong
makita. Kung hindi ko hahawakan si Cupid, alam kong hindi ako makakagalaw sa
kinatatayuan ko.

            “Cupid, a-ano bang nasa loob ng kwebang ‘to?” bulong ko ulit sa kanya.

            “Hindi ko alam,” sabi naman niya sa akin.

            Mas dumoble ang kaba ko. Paano kung may lumabas na halimaw diyan o wild
animal? Paano kung biglang may umatake sa amin? Paano kung may inilagay na kung
anu-anong patibong si Ayesha sa lugar na ‘to?

            Ayoko pang mamatay.

            “Wag kang matakot,” dinig kong sabi ni Cupid. And this time, mas
kalmado na siya.
            Inalis ni Cupid ang pagkakahawak ko sa braso niya and instead ay
hinawakan niya ang kamay ko.

            Kahit papaano ay nawala ang pangambang nararamdaman ko.

            Well, I’m with a god. Hindi ko nga lang alam kung ano ang kaya niyang
gawin pag wala ang pana niya, pero siguro naman ay kaya niya kaming protektahan ‘di
ba?

            Habang nag-lalakad kami ni Cupid, nakarinig ako ng mga patak ng tubig
na nagmumula sa itaas ng kweba. Sa ‘di kalayuan ay nakatanaw ako ng liwanag.

            “Tara dali!” sabi ni Cupid at magka-hawak kamay kaming tumakbo patungo
sa liwanag na natatanaw namin.

            Nang makarating na kami sa kinalulugaran ng liwanag, nagulat ako nang


makita kung saan nagmumula ang liwanag ito. Sa paligid ng bahaging ito ng kweba ay
may mga hugis bola ng liwanag ang nakalutang dito. Parang mga enchanted lights—mga
ilaw na likha ng mahika.

            Pero ang mas nakakagulat ay sa gitnang bahagi ay may isang malaking
pond. At sa gitna ng pond ay may nakalutang na pana na kulay ginto.

            Ang pana ni Cupid!

            “Cupid! Yung pana mo! Ayan yun ‘di ba? Dito pala niya tinatago ang pana
mo!”

            Dali-dali akong lumapit sa pond kaya lang bigla akong hinila ni Cupid.

            “Wag kang basta-basta lalapit. Hindi mo alam ang pwedeng mangyari sa’yo
kung padalos-dalos ka ng kilos.”

            Tinignan ko siya at pinanliitan ng mata. Talaga naman ako pa ang


sinabihan niyang padalos-dalos? Samantalang siya ang sumugod sa loob ng kwebang
‘to!

            Dumampot si Cupid ng bato at tinignan ako.

            “Si Ayesha ay apprentice ni Hecate kaya hindi natin siya pwedeng
maliitin.”

            Bago ko pa ma-itanong kay Cupid kung sino si Hecate dahil mahina ako sa
Greek mythology, ibinato niya ang hawak-hawak niyang bato doon sa pond. Gumalaw
bigla ang kaninang tahimik na tubig. Hanggang sa biglang nagkaroon ng isang
malaking whirlpool sa gitna nito.

            Tinignan ako ni Cupid, “kung sumulong ka doon, malamang nalamon ka na


ng tubig na ‘yan.”

            Napalunok na lang ako. Tama nga siya, hindi dapat ako basta gumagawa ng
kahit ano rito.

            “Ayesha!” tawag ulit ni Cupid. “Alam kong nandito ka! Magpakita ka sa
akin!”

            Bigla akong nakarinig ng tawa ng isang babae. Napakapit ako sa braso ni
Cupid at tumingin sa paligid.

            “Nandito ka ba upang tanungin ako kung ano ang nangyari sa


pinakamamahal mong si Psyche?”

            Mula sa dilim ay naaninag ko si Ayesha na papalapit sa amin. Nakababa


ngayon ang belo niya kaya naman kitang-kita ko ang nakakakilabot na ngiti sa
gumuguhit sa labi niya.

            “Anong ginawa mo kay Psyche?!”

            “Ang pagtanggal ng alaala at pagpapalit ng panibago ay napakadaling


bagay lang na gawin ng isang tulad ko, Cupid. Kahit anong pilit ang gawin mong
ipaalala sa kanya kung sino ka, hindi ka niya maalala. Ang kanyang alaala ay
kontrolado ko na.”

            “Bakit kailangan mo siyang idamay? Wala siyang kinalaman sa gulong


ito!”

            “Sabi ko naman sa’yo, gagawin ko ang lahat Cupid.”

            “Hindi kita mapapatawad!”

            Bigla-bigla ay sinugod ni Cupid si Ayesha. Kaya lang, bago pa siya


makalapit sa kanya ay tatlo sa mga hugis bola na liwanag ang tumama kay Cupid kaya
naman napatilapon siya pabalik.

            “Cupid!” agad ko siyang nilapitan at nakita ko na nagtamo siya ng


malalaking sugat sa braso, tagiliran at tuhod.

            Tinignan ko ng masama si Ayesha.


            “Bakit mo ginagawa ang mga bagay na ‘to? Bakit kailangan mong guluhin
ang lahat?! Ano bang problema mo?!”

            “Marami ka pang bagay na hindi naiintindihan, Jillian. Katulad ng


compass na ‘yan.”

            Napakapit ako bigla ng mahigpit sa compass ko.

            “Wag kang mag-alala, babawiin kita kay Cupid---sa tamang panahon.”

            “A-anong ibig mong sabihin?”

            Hinawakan ni Cupid ang braso ko kaya nabaling sa kanya ang atensyon ko.

            “W-wag kang makinig sa kanya. M-magtiwala ka sa akin.”

            “Cupid..”

            “Makinig kayo!”

            Napatingin kami bigla kay Ayesha. Bigla niyang itinaas ang kanang kamay
niya at kasabay ng pagtaas niya nito ay ang pagtaas din ng tubig mula sa pond na
nasa likuran niya.

            “Isang beses ko lang sasabihin ito,” pagpapatuloy niya.

            Hinawakan ko sa braso si Cupid at inalalayan ko siyang tumayo.

            Masama ang kutob ko rito.

            “Ang isipan ay madaling palitan. Ang alaala ay madaling burahin. Ngunit
pagdating sa puso, mahabang panahon ang kailangang gugulin.”

            Unti-unting naglakad papalapit si Ayesha sa amin ni Cupid habang kami


naman ay unti-unti ring umaatras palayo.

            “Ang bagay na nagbuklod sa inyo noong umpisa, ay siyang magiging susi
upang maibalik ang nawala.”

            “Ano ba ang sinasabi mo? Ano ang ibig mong sabihin?!” tanong ko sa
kanya.
            Pero hindi niya pinansin ang tanong ko dahil tuloy-tuloy pa rin siya.

            “Gawin ito agad. Dahil kapag natakpan na ng dilim ang liwanag, tuluyan
nang mabubura ang lahat.”

            Pagkasabi niya noon ay itinuro niya kami gamit ang kanang kamay niya.
Bigla-bigla ay naging isang malaking-maliking alon ang tubig na nagmula sa pond at
lalamunin kami nito.

            “Takbo!”

            Bigla akong hinila ni Cupid palayo. Dinig na dinig ko ang rumaragasang
tubig na papalapit sa amin pero hindi na ako lumingon. Ni-hindi ko na ininda ang
dilim ng dinaraanan namin. Basta tumakbo lang kami ng tumakbo at nang maaninag ko
ang liwanag, bigla akong hinila ni Cupid papalapit sa kanya. Niyakap niya ako ng
mahigpit hanggang sa napapaligiran na naman kami ng liwanag. Naramdaman ko na naman
ang paglutang namin sa ere. At nang makalapag ako sa sahig, nakita kong wala na
kami sa gubat o sa kweba kundi nandito na kaming dalawa sa loob ng apartment ko.

To be continued...

***

Author's Note:

Hecate = Goddess of magic, sorcery and witchcraft.

Yung mga nagagalit kung bakit may asawa si Cupid, mehehehe sisihin niyo po ang
Greek mythology XD

=================

Chapter 13 (11/28/14)
Chapter 13

[Jillian’s POV]

Hingal na hingal akong sumalampak sa sofa ko. Nanlalambot ang tuhod ko at


nanginginig pa rin ako. Hindi ko na napansin kung saan nag tungo si Cupid. I didn’t
even notice that my clothes are soaking wet. Basta para lang akong naka-hinga ng
maluwag nang makaalis kami sa lugar na yun.

            Nang medyo nahimasmasan na ako, doon ko lang naisipang i-check si


Cupid. Nakita ko siyang nakaupo doon sa silya ng dining table ko. Nakapatong ang
mukha niya sa kayang dalawang kamay. His clothes are also soaking wet.

            Kanina, hindi ko na naramdaman na tinamaan pala kami ng malaking alon


na iyon. Pero siguro kung nahuli ng onti si Cupid sa pag-alis, baka may iba pang
masamang nangyari sa aming dalawa.

            Nilapitan ko si Cupid at naupo sa tabi niya.

            “Natatakot ako,” sabi niya sa akin. “Natatakot ako na baka tuluyan nang
mawala sa akin si Psyche. Hindi ko kakayanin. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko.”

            Tinignan ko si Cupid. Kabadong-kabado at ang miserable ng itsura niya.


Malayong-malayo sa Cupid na una kong nakilala. And for a moment, I felt my heart
sink.

            “Cupid, gusto kitang tulungan. Pero hindi ko magagawa ito kung hindi mo
ipapaliwanag sa akin ang lahat. Naguguluhan talaga ako. Sino si Ayesha at bakit
niya ginagawa ang mga bagay na ‘to? Bakit parang ang laki ng galit niya? At, ano
ang ibig niyang sabihin na babawiin niya ako?”

            Napa-buntong hininga si Cupid at inangat niya ang tingin sa akin.

            “I’ve been a fool. Dapat umpisa pa lang ipinaliwanag ko na sa’yo ang
lahat. Pero sasabihin ko na ngayon.”

            Umusog ako ng kaunti kay Cupid at pinakinggan maigi ang sinasabi niya.

            “Si Ayesha, dati siyang isang mortal. Maganda at napakaraming lalaki
ang nagkakagusto sa kanya. Pero katulad ng ibang mortal, meron ding nagiisang
lalaking nakalaan sa kanya. Nung una iniisip ko, hindi na ako masyadong mahihirapan
sa kanila. Bago ko pa kasi sila mapana ay may nabuo na agad na connection sa
kanilang dalawa. Ang gagawin ko na lang ay ang pagtibayin at patatagin ang
connection na ‘yun gamit ang pana ko. Kaya lang nagulo ang lahat ng makielam si
Aphrodite.”

            “Si Aphrodite? Yung mother mo? Yung Goddess of Beauty?”

            Tumango si Cupid, “oo. Kinuha ni Aphrodite si Ayesha sa mundong ito at


dinala sa mundo namin upang gawing apprentice niya. Kahit ayaw ni Ayesha, wala
siyang nagawa. Afterall, wala namang kakayanan ang isang mortal na kalabanin ang
kagustuhan ng isang Goddess.”

            Napa-tango ako. Tama siya diyan. Tamang-tama. Kaya nga mina-matchmake
ko ngayon si Luke at Elise eh.

            “Nang makasanayan na ni Ayesha ang mundo namin, naging maayos naman ang
lahat,” pagpapatuloy niya. “Kaya lang nang aksidente niyang mabasa ang book of
soulmates, doon na ulit nagkaroon ng bagong kaguluhan. Nakita niya kasi na
nakaguhit ang tadhana niya sa lalaking mahal niya. Pero dahil malapit na siyang
maging isang ganap na Goddess, unti-unti nang nabubura ang pangalan niya sa librong
iyon dahil nag-iiba na ang kapalaran niya. Nag-rebelde si Ayesha at tumakas kay
Aphrodite. Hindi ko alam kung sino ang tumulong kay Ayesha para makatakas, pero
nagawa niyang makabalik sa mundo ng mga tao. Yun nga lang, huli na ang lahat nang
makabalik siya. Dahil patay na ang lalaking nakatadhana sa kanya.”

            Hindi ako makapag-salita. Hindi ko alam ang ire-react ko sa kinuwento


ni Cupid. Oo at nakakainis si Ayesha.

            Pero at the same time, nakakaawa ang nangyari sa kanya.

            “Teka, kanina sabi mo apprentice ni Hecate si Ayesha?”

            “Totoo rin ‘yun. Dahil hindi makabalik sa amin si Ayesha, naawa sa
kanya si Hecate at dinala siya sa Underworld. Doon ay ginawa siyang apprentice ni
Hecate.”

            “At itong Hecate na ito, ano ang bagay na kaya niyang gawin?”

            Napahinga ng malalim si Cupid at tinignan ako ng seryoso, “Hecate is a


very strong Goddess. She’s a Goddess of magic, witchcraft, sorcery, moon, night,
ghost and necromancy. Maliban pa doon, naka-tanggap din siya ng kapangyarihan mula
sa langit, lupa at dagat kaya nagagawa rin niya itong kontrolin.”

            Napalunok ako sa sinabi ni Cupid. Kung napakaraming bagay ang kayang
gawin ni Hecate, ibig sabihin ay malakas na kalaban si Ayesha.
            She’s a scary, formidable foe. At naguumpisa na talaga akong kabahan
dito.

            “Wait, k-kung patay na ang lalaking naka-tadhana para sa kanya, bakit
kailangan pa niya ang pana mo? Ano ang pinaplano niya?”

            “Dahil kay Zyron.”

            “Sino yun?”

            “Nakakatandang kapatid ni West at ang susunod mong ima-matchmake kapag


natapos ka na kay Luke, Elise at kay West.”

            “Teka nga, ano ang kinalaman ni Zyron kay Ayesha?”

            “Dahil kamukhang-kamukha niya ang lalaking nakatadhana kay Ayesha na


nabuhay mahigit isang-daang taon na.”

            This time napatayo ako sa kinauupuan ko at ramdam ko ang galit na


namumuo sa dibdib ko.

            “What the hell! Ginagawa niya lahat ng bagay na ito para sa isang taong
kahawig lang ng nakatadhana sa kanya?! Okay lang ba siya?”

            “Hindi niya naiintindihan ang bagay nay un, Jillian. Dahil ang nasa
isip niya ay si Zyron at ang lalaking nakatadhana sa kanya ay iisa. Kaso hindi.
Magkaiba sila at sa ibang tao rin nakaguhit ang tadhana ni Zyron. Kaya niya kinuha
ang pana ko ay para hindi ko magawan ng connection ang dalawa.”

            Napa-upo ulit ako at tinignan ko si Cupid, “bakit sinabi niya na


babawiin niya ako sa’yo?”

            Iniwas ni Cupid ang tingin niya at napayuko siya, “dahil pinili ka rin
ng compass niya Jillian. She wants to use you against me. Alam niya kasing pag
nagsama kayong dalawa, wala na akong magagawa. Afterall, ikaw lang ang may
kakayanan ngayon na makagawa ng strong connection.”

            “Then you don’t have to worry about me. I cannot be bribe from some
strong magic. Hindi ko naman gusto ‘yun eh. I’m on your side Cupid.”

            May gumuhit na malungkot na ngiti sa labi ni Cupid “salamat Jillian ah?
Hindi ko lang talaga matanggap na magagawa niyang gawin ang bagay na yun kay
Psyche. Natatakot ako para sa kanya. Hindi ko kaya kapag may nangyaring masama sa
kanya. Kanina nung tinignan niya ako at hindi niya ako nakilala, parang dinudurog
ang puso ko sa sakit.”
            “Pero may paraan pa Cupid! Naalala mo, bago tayo makaalis sa kweba, may
sinasabi si Ayesha sa atin. Isang riddle! Marahil ayun yung sagot kung paano
maibabalik ang alaala ni Psyche!”

            Biglang tumayo si Cupid at kinuha ang ballpen at notebook na nasa tabi
ng telepono ko. Bumalik siya sa kinalulugaran namin at nagsimulang magsulat.
Mayamaya lang ay ipinakita niya sa akin ang isinulat niya.

            Yung riddle ni Ayesha.

           

            Ang isipan ay madaling palitan.

            Ang alaala ay madaling burahin.

            Ngunit pagdating sa puso,

            Mahabang panahon ang kailangang gugulin.

            Ang bagay na nagbuklod sa inyo noong umpisa

            Ay siyang magiging susi upang maibalik ang nawala

            Gawin ito agad.

            Dahil kapag natakpan na ng dilim ang liwanag

            Tuluyan nang mabubura ang lahat.

            Pinaulit-ulit kong basahin ang riddle hanggang sa mapa-ngiti ako.


Napaka-simple lang ng isang ‘to.

            “Kapag natakpan ng dilim ang liwanag. In five months, magkakaroon ng


isang eclipse! Ayun ang deadline natin, Cupid. At ang sagot kung paano babalik ang
alaala ni Psyche ay yung bagay kung paano kayo naging magkasama!”

            Pero kesa matuwa ay mas lalong naging down ang itsura ni Cupid.
            “Ang pana ko ang dahilan kung bakit kami nagkasama ni Psyche.
Aksidenteng tumama sa puso ko ang pana ko kaya ako nagkagusto kay Psyche. At
ngayon, wala ang pana ko. Paano ko gagawin ‘yun?”

            “Cupid, listen to me,” mas lumapit ako kay Cupid at hinawakan ko ang
balikat niya atsaka ko siya tinignan ng seryoso. “Hindi man ako magaling sa
mythology, pero alam mo ba na ang story niyo ni Psyche ang hinding-hindi ko
makakalimutan. Yung mga pinagdaanan ni Psyche para lang makita ka ulit niya, at
kung paano mo siya ipinagtanggol at pinrotektahan kay Aphrodite, hinding hindi ko
makakalimutan yun. At alam mo ba, yung mga Gods ang dami nilang nagugustuhan na
iba’t-ibang babae. Pero ikaw, nag-iisa lang si Psyche sa paningin mo. Siya lang ang
mahal mo at alam ko, kahit anong mangyari, kahit anong pagsubok pa ang ibato sa
inyo ni Ayesha, malalagpasan niyo ito. Cupid, hindi lang ang pana ang tanging bagay
na nag buklod sa inyo ni Psyche,” mula sa balikat ni Cupid ay inilipat ko ang kamay
ko sa dibdib niya. “Ang puso niyo rin ang dahilan kung bakit kayo nagmamahalan.”

            “Jillian...”

            “Tsaka may nakakalimutan ka ata. Wala man ang pana mo, nandito naman
ako. I’ll be your arrow, Cupid. So ano, paiibigin na ba natin si Psyche in a
traditional way?”

            Biglang lumawak ang ngiti ni Cupid at sa wakas, nakita ko na ulit ang
buhay sa mga mata niya.

            “Let’s do this!” masiglang-masigla niyang sabi.

            Nabuhayan din ako ng loob.

            Eh ano naman kung apprentice si Ayesha ni Hecate? Kaya namin siyang
labanan ‘no!

            Kakayanin...

            To be continued...

***
Author's Note:

I suggest you read Cupid and Psyche's myth para sa mga hindi pa nakakaalam ng story
nila. Pero kung maiintay niyo ang ilang chapters, baka ikwento ko rin yun dito sa
mga susunod na chapters.

At, mas maganda kung nagbabasa ng author's note. May mga goddesses kasi akong
nababanggit at sinasabi ko sa author's note kung sino ang gods/goddess na 'yun.
Pero syempre doon sa mga hindi nagbabasa ng AN ay hindi rin mababasa ang tip ko na
'to. Wahahaha XD

Salamat po sa mga nagaabangg palagi ng update ko sa story na ito <3

       

=================

Chapter 14 (12/1/14)

Chapter 14

[Jillian’s POV]

“Oh my gaaasssh!!! Oh my gosh! Hala! Patay! I’m dead! Patay! Anong gagawin ko?!
Saan na ako pupulutin!” natatarantang sigaw ko habang pabalik-balik akong
naglalakad sa harapan ni Cupid.

            “Calm down,” chill na chill niyang sabi habang naka-hilata siya sa sofa
at busy kumain ng chichirya.

            Tinignan ko ng masama si Cupid. Maayos na ang istura niya. Mukhang


napagaling na rin niya ang sarili niya doon sa mga tumamang bola ng ilaw sa katawan
niya. Isa pa, tuyong damit na ngayon ang suot niya.
            Maayos na rin naman ako ngayon. Naka t-shirt at pajama na nga ako eh.
Ang kaso lang...

            ANAK NG PANA NAMAN OH! Nakalimutan kong may trabaho ako ngayon! At nag
AWOL ako nung dalhin ako ni Cupid sa kweba! Ang pag-alis ko ng hindi nagpapaalam sa
opisina ay considered as AWOL. At ang AWOL ay equals to goodbye job kapag hindi ako
nakapag-produce ng katanggap-tanggap na excuse.

            Anong gagawin ko? Paano ko i-e-explain ang sarili ko? Anak naman ng--!!

            “Wag ka ngang mataranta, Jillian. In love naman sa’yo ang boss mo kaya
hindi ka nun patatalsikin.”

            “User! Isa pa hindi lang si West ang boss ko ‘no! May mas mataas pa sa
kanya!”

            “Okay. In love sa’yo si West kaya hindi ka niya isusumbog sa mas mataas
pang boss para hindi ka mapatalsik.”

            Sinimangutan ko si Cupid at pumasok ako sa kwarto ko para magpalit ng


matinong damit. Pupunta na lang ako sa office ngayon at bahala na si batman kung
ano ang idadahilan ko. Nawa’y patawarin ako ni Sir West. Sana wag akong mapatalsik
sa trabaho. At nawa’y maabutan ko pa siya. Past five na at uwian na. Sana nag
overtime ulit ngayon si Sir West.

            Dahil nag mamadali ako, simpleng pants at t-shirt lang ang sinuot ko at
dali-dali na akong lumabas. Kaya lang, napahinto ako bigla nang ma-realized ko na
lahat ng gamit ko ay naiwan ko sa opisina. Kahit ang cellphone at wallet ko.

            Paano ako aalis?!

            Nilapitan ko si Cupid at inagaw ko ang chichirya na kinakain niya.

            “Uy ano ba! Ibalik mo sa akin ‘yan! Nag i-stress eating ako dito eh!”

            I glared at him, “MAS STRESS AKO! Dalhin mo ako sa office namin!” utos
ko sa kanya.

            Oo, ako na. Ako na ang nanguutos sa isang Olympian God.

            Napaayos ng upo si Cupid, “wala akong kotse. Hindi kita madadala.”

            Pinanliitan ko siya ng mata.


            “Oo na! Ito na nga, dadalhin ka na sa opisina mo!”

            Napangiti ako. Marunong naman pala makuha ang isang ‘to sa tingin.

            Cupid offered me his arm at isinukbit ko naman ang kamay ko doon. Maya-
maya lang ay nag liwanag na ulit sa kapaligiran namin, at sa isang iglap lang ay
nandito na kami sa elevator ng building ng opisina ko at paakyat papunta sa office.

            “Ituro mo nga sa akin ang technique na ‘yan. Laking tipid nito sa oras
at pamasahe.”

            “Mga Gods and Goddesses lang ang may kakayahan ng ganito. Hindi ka
isang Goddess kaya wag kang umasa.”

            Sinimangutan ko siya. Hindi man ako Olympian goddess, mukha naman akong
dyosa!

            Nang marating na naming ang opisina ko, dali-dali akong pumasok doon.
Wala na ang iba kong mga ka-opisina pero andoon pa si Luke at Elise. Agad naman
nila akong sinalubong dalawa.

            “Jillian! Where have you been?!” tanong ni Luke sa akin. “Anong
nangyari sa’yo?”

            “H-ha e-emergency,” palusot ko.

            “Bakit? Anong nangyari?” tanong naman ni Elise.

            “Yung lola namin sinugod sa ospital. Sa sobrang taranta namin eh hindi
na kami nakapag-paalam,” singit ni Cupid.

            “How’s your lola?” tanong ulit ni Elise.

            “O-okay naman na siya.”

            Biglang napa-buntong hininga si Luke, “hay good thing. Akala namin kung
ano na ang nangyari sa’yo eh. Pinakaba mo kami lahat.”

            “S-si Sir West nasaan?”

            And right on cue pagkasabi ko nun, biglang nag bukas ang pintuan ng
opisina at pumasok si Sir West. Halata ang gulat sa mukha niya nang makita niya ako
pero bigla na lang naging cold ang tingin niya sa akin atsaka siya dumiretso sa
loob ng opisina niya.

            “Kanina ka pa niya hinahanap Jillian,” bulong sa akin ni Elise. “Nung


nawala ka, umalis siya sa trabaho para hanapin ka.”

            My heart sink. Magkahalong, kaba, takot at konsensya ang naramdaman ko


dahil sa sinabi ni Elise.

            “Kakausapin ko lang siya.”

            Kumatok ako sa opisina niya pero hindi siya sumagot. Ganun pa man,
lakas loob na akong pumasok sa loob at nadatnan ko siya sa may desk niya na
nakapatong ang ulo sa dalawa niyang kamay.

            “Sir West...”

            Inangat niya ang tingin niya sa akin. Ang cold ng mga mata niya. Mas
bumilis ang tibok ng puso ko.

            “S-sorry nawala ako kanina. M-may emergency po kasi at—at hindi ko na
nagawang magpaalam. Sorry po talaga at hindi na talaga mauulit.”

            Tumayo siya at nilapitan niya ako.

            “Boss mo ako,” sabi niya habang nakatingin ng seryoso sa akin. “And I
should fire you for what you’ve done. Policy ‘yun ng kumpanya eh.”

            Napapikit na lang ako at napaiwas ng tingin. Gusto kong ituloy ang
dahilan ko na sinugod ang lola ko sa ospital (which is hindi nakakakonsensya kasi
wala naman akong lola), kaya lang hindi ko magawang makapag-sinungaling sa kanya.
Masyado na akong nakokonsensya.

            “Pero nung nawala ka, I don’t have any intentions of firing you.”

            Napamulat ulit ako napatingin sa kanya. He’s still looking at me


seriously at palapit na siya ng palapit sa akin.

            “Ang gusto ko lang mangyari kanina ay mahanap kita dahil kabadong-
kabado ako.”

            Bigla niyang hinawakan ang magkabilang braso ko.

            “S-Sir West...”


            He pulled me closer to him at niyakap niya ako ng mahigpit na mahigpit.

            “And I’m so glad you’re here. I’m so glad you’re safe. Akala ko kung
ano na ang nangyari sa’yo. You scared me.”

            “Sorry po, Sir West,” bulong ko sa kanya.

            Humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin at tinignan niya ulit ako ng


seryoso.

            “Hindi kita kayang parusahan, Jillian. Let’s just forget what happened
today.”

            Bigla akong nakaramdam ng matinding konsensya.

            Ganun na lang yun. Hindi na niya ako pinagalitan na dapat ay gawin niya
dahil deserve ko naman. Ni-hindi ko nga naipaliwanag sa kanya maigi ang pagkawala
ko sa trabaho kanina eh.

            Napahinga ako ng malalim, “Sir West, I am really thankful na hindi mo


ako pinatalsik sa trabaho o sinubong sa mga big boss. Kaya lang ikaw na ang nagsabi
na boss kita. At sa tingin ko, nagiging unfair ka na sa ibang empleyado rito. Hindi
ka dapat mag-alala sa akin ng husto o ang pag bigyan ako sa mga ganitong bagay.”

            “P-pero ‘di ba magkaibigan tayo?”

            “Ayun lang ba talaga ang inaasahan mo sa relasyon natin?”

            Hindi siya nakasagot. Iniwas niya agad ang tingin niya sa akin at
halata ko na ang pamumula ng mukha niya.

            “H-hindi ba ako dapat umasa?” halos pabulong niyang tanong sa akin.

            “I’m sorry but I’m in love with someone else.”

            Tinalikuran ako ni Sir West pero kitang kita ko ang pangangatog ng
kamay niya.

            “I’ll give you two days suspension. You may leave now,” mariin niyang
sabi.

            “Thank you, sir.”


            Lumabas ako ng opisina niya na ang bigat-bigat ng pakiramdam. Hindi man
ako napatalsik sa trabaho at napaka-gaan lang na parusa ang ibinigay niya sa akin,
pero ang bigat-bigat pa rin ng pakiramdam ko.

            Ganito pala ang feeling pag nakakasakit ka.

            To be continued...

=================

Chapter 15 (12/05/14)

Dedicated to JUSTsimplyME-101 salamat sa energetic na mga comments <3

***

Chapter 15

[Jillian’s POV]

“Cupid, pwede mo bang ipakilala sa akin ang soulmate ni West?” tanong ko sa kanya
habang nandito kami ngayon sa Mcdo at kasalukuyang nag i-stress eating.

            “Hindi pwede. Hindi pa nakatakda,” sagot naman ni Cupid habang idini-
dip niya ang French fries niya sa hot fudge sundae.
            “Bakit naman? Eh ‘di ba ima-matchmake ko rin naman siya at ‘yung
babae?”

            “Hindi pa rin pwede. Mamaya madaliin mo ang kay Luke at Elise at bigla
mo na lang i-matchmake si West.”

            Hindi ako umimik. Ganun naman kasi talaga ang plano ko. Gusto ko nang
mag jump agad sa lovelife ni West. Paano ba naman kasi parang pinipilipit sa sakit
ang puso ko dahil sa ginawa ko sa kanya. Nasaktan ko siya. Nasasaktan ko siya. At
alam kong mas masasaktan ko pa siya. Monster man ang tingin ko sa kanya noon, alam
ko ngayon na hindi naman pala talaga siya ganoon. Ang isang taong kung mag mahal ay
katulad ni Sir West ay malayong-malayo sa pagiging isang halimaw.

            Mukhang ako pa ata ang halimaw.

            Sabay kaming napa-buntong hininga ni Cupid kaya napatingin ako sa


kanya.

            “Miss na miss mo na siguro si Psyche ‘no?”

            Lumungkot bigla ang mukha ni Cupid, “oo. Sobra. Hay, kung hindi nga
lang ninakaw ng isa diyan ang pana ko, edi sana matagal na akong nakauwi ngayon at
masaya kaming magkasama ni Psyche.”

            Sumimangot naman ako. Bwiset na ‘to. Kino-comfort na nga tapos biglang
ganun!

            “Hindi pa rin kayo magkakasama kasi gagawa at gagawa si Ayesha ng


paraan manakaw lang ang pana mo!” irita kong sabi sa kanya.

            Bigla naman niya akong nginitian, “ang init ng ulo mo. Joke lang ‘di
ba? Tsaka isa pa may tiwala ako sa’yo na maayos mo ito.”

            “Teka lang Cupid, naisip ko lang, kahit magawa kong i-matchmake si Luke
at Elise. Si West at ang nakatadhana sa kanya pati si Zyron at ang nakatadhana rin
sa kanya, paano kung mas magalit si Ayesha at hindi niya ibalik ang pana mo? Paano
na?”

            “Wag kang mag-alala, may alam na akong paraan para maibalik sa akin ang
pana ko.”

            “Ano ‘yun? Isinumbong mo siya kay Aphrodite? Kay Zeus? Kay Athena? Kay
Hades? Anoooo?”

            “Hindi. Hindi ko pwedeng gawin ‘yun. Pero may hiningan ako ng tulong at
kasalukuyan nang ginagawa ang bagay na kakailanganin ko. Sa ngayon, kailangan mo
munang gawin ang trabaho mo okay? Mag focus ka doon at hayaan mo muna si West.
Magiging okay rin siya. Parte ng buhay ang ma-brokenheart. Hindi naman siya
suicidal na tao eh.”

            Sinimangutan ko ulit si Cupid. Nakakainis kasi talaga ang nilalang—este


—god na ito eh. May pagka-selfish siya.

            Pero kung sabagay, wala naman ako talagang ibang magagawa kundi ang
pabayaan na lang si West.

            Sana nga lang, hindi talaga siya suicidal na tao.

            Apat na araw akong pahinga sa bahay. Natapat kasi ng Thursday at Friday
ang suspension ko sa trabaho at sakto namang Saturday at Sunday ay wala akong
pasok.

            Minsan nandito si Cupid at nakikikain. Minsan naman ay bigla-bigla na


lang siya nawawala at ewan ko kung saan nagpupunta. Pag tinatanong ko naman siya
kung ano ang pinagkakaabalahan niya, ang sagot niya ay kung hindi nag m-malling ay
gumigimik siya. Niyayaya pa akong mag bar.

            Bwiset talaga ang isang ‘yun. Walang katino-tino sumagot.

            Monday morning, ten minutes bago ang time ako nakarating sa office.
Ibang klase kasi ang traffic pag Lunes. Ang hirap pang sumakay ng jeep kasi
palaging punuan. Si Cupid naman ay hindi bumisita sa pamamahay ko ngayong umaga
kaya hindi ko napakiusapan na ihatid ako sa office gamit ang hocus-pocus niya.

            Pagka-pasok ko ng opisina, halos lahat ng mga katrabaho ko ay nandoon


na. Nasa isang gilid nga sila at nagkukumpulan eh. Nang lumapit ako, nagulat ako
nang nakapalibot pala sila kay Sir West at mukhang masayang nag ku-kwentuhan habang
kumakain ng pancit canton at pandesal.

            Teka, namamalikmata ba ako? Nakikipagkwentuhan si Sir West sa kanila?

            “Jillian andito ka na pala!” salubong sa akin ni Enid. “Tara dito oh.
Nanlibre ng pandesal at pancit canton si Sir West!”

            Napatingin ako bigla kay Sir West. Talagang nanlibre siya?!

            He avoided my gaze at nginitian niya si Enid.

            “B-baka kasi hindi pa kayo nag aalmusal kaya nanlibre ako,” sabi niya
rito at bigla na naman namula ang tenga niya.
            “Ang bait naman ni Sir!” masiglang sabi ni Elise at bigla niya akong
hinila sa pwesto niya at inabutan ng pandesal na may palamang pancit canton. “Ayan.
Kainin mo ‘yan!”

            Ibinalik ko sa kanya yung pandesal, “kakakain ko lang ng almusal eh.”

            “Asus! Kahit na. Masama tinatanggihan ang grasya!” at muli niyang
ibinalik ang pandesal sa kamay ko.

            “Oo nga, masamang tinatanggihan ang grasya,” mahinang bulong ni Sir
West.

            Napailing na lang ako habang naka-ngiti.

            Obvious naman kasi kung bakit niya ginagawa ito eh. Pero ewan ko ba
kung bakit parang natutuwa ako?

            “Ay teka, gusto mo nang coffee? Ipagtitimpla kita?” alok ni Luke sa
akin.

            O-oo na sana ako nang biglang nagsalita si Sir West.

            “Wag na! W-wag na. Dalawang baso ang nalagyan ko ng kape eh—uhmmm
accidentally. Ito na lang sa kanya. Lalagyan na lang ng mainit na tubig ‘to.”

            Dali-daling nagpunta si Sir West sa water dispenser without looking at


us. Sinundan ko naman siya doon.

            “Ano Sir West---“

            “—hindi ako nanlibre dahil sa’yo ah! Wag kang mag assume!” pagputol
niya sa sasabihin ko. “T-tsaka isa pa, masama bang manlibre sa mga ka-officemates?
Normal na bagay lang ‘yun!”

            Inabot niya sa akin ang tasa ng kape na tinimpla niya at agad niya
akong tinalikuran atsaka pumasok sa loob ng opisina niya.

            Maniniwala na sana ako sa kanya kung hindi lang siya guilty eh. At ang
cute niya ma-guilty at mahiya. Pulang-pula ang dalawang tenga niya.

            Napa-palo ako bigla sa noo ko.

            Ano ba Jillian! Ba’t ka natutuwa sa inaasal ni West? Dapat kabahan ka


kasi hindi epektib ang pambabasted mo sa kanya. Ayaw ka pa rin niyang layuan. Mas
masasaktan mo siya!

            Anak ng pana naman oh!

            Nagtungo na ako sa desk ko para mag simula nang trabaho. Kaya lang, pag
dating ko doon, nakita kong may nagiwan na naman ng chocolates.

            Nakalagay sa note na “For Jillian” pero walang naka-sulat kung kanino
nanggaling.

            Kung sabagay. Hindi na naman kataka-taka kung kanino galing ang
chocolates na ito. Malamang si Sir West na naman ang nag-iwan nito.

            “Secret admirer?” tanong sa akin ni Luke na ngayon ay naka-silip sa


desk ko.

            I shrugged my shoulders, “baka nantitrip lang.”

            “Grabe naman pantitrip ‘yan. Talagang gumastos siya? Baka secret
admirer talaga.”

            “Ewan. Wala namang ibang tao ang pwedeng magkagusto sa akin sa
opisinang ito,” except si West dahil napana ko siya.

            “Malay mo naman. But whoever that guy is, sana siya yung taong mabuti
at hinding-hindi ka sasaktan.”

            Nginitian ako ni Luke. Yung normal na ngiti lang niya pero napaka-
daling makapang-hawa kaya naman napangiti na lang din ako.

            Madalas siyang ganito sa akin noong college pa kami. Concerned,


overprotective friend. Kaya naman nahulog talaga ako sa kanya. Mabuti kasi siyang
tao at kaibigan. Isa pa, he is capable of making someone feel so special---kahit
hindi niya sinasadya.

            Kaya ayun, hindi rin sinasadya na may nahuhulog sa kanya at umaasang
may gusto rin siya sa kanila. At isa na ako doon. Yun nga lang, ako ata ang pinaka-
matagal na umasa.

            “Luke, alam mo ba, na-realize ko lang na kahit gaano kabuti ang isang
taong minahal mo, kung hindi naman talaga siya ang nakatadhana para sa’yo,
masasaktan at masasaktan ka pa rin niya.”

            Biglang ipinatong ni Luke ang kamay niya sa ulo ko at ginulo ang buhok
ko.
            “Kung anu-ano na ang sinasabi mo, Jill. Puro romance stories ba ngayon
ang manuscripts na ine-edit mo?”

            Tinawanan ko siya, “oo eh! Naapektuhan na nga ata ang utak ko.”

            “Kainin mo na lang yung chocolates na ibingay sa’yo ng secret admirer


mo. Pantaggal stress ‘yan,” sabi niya at bumalik na siya sa pwesto niya.

            Kung kaya lang gamutin ng chocolate ang mga pinagdaraanan ko ngayon.
Hay.

            Sinimulan ko nang mag-trabaho. So far, wala pa namang nanggugulo sa


araw ko ngayon. Kaya lang mga bandang bago mag lunch time, biglang tinawag ni Sir
West ang attention namin at halos malaglag ako ng makita ko si Cupid sa tabi ni Sir
West. Ipinakilala niya sa amin si Cupid bilang Eros Evangelista, our new
proofreader.

            “Hi I’m Eros!” masayang-masaya na bati sa amin ni Cupid. “Pinsan ko nga
pala si Jillian Evangelista! Hi Jillian!”

            Nginitian ko siya at kinawayan pero hindi ko maitago ang pagka-mangha


ko sa kanya. Seriously? Nag-apply talaga siya dito? At paano naman siya na-hire ng
ganitong kabilis?

            Ibang klase talaga pagka god ka!

            Ibinilin siya sa akin ni West (at kinakausap niya ako nang hindi ako
tinitignan sa mata). After nun, bumalik na ulit siya sa opisina niya. Si Cupid
naman ay biglang dumiretso sa table ni Enid.

            “Hi!” ngiting-ngiti na bati niya rito. Hindi siya pinansin ni Enid.

            “Alam kong hindi maganda ang inasal ko sa’yo noong huling beses tayong
nagkita. Sana patawarin mo ako. Gusto ko lang magpakilala sa’yo ng mas maayos. Ako
nga pala si Eros,” at inilahad niya ang kamay niya sa harapan ni Enid.

            Tinignan siya ni Enid na para bang nag-aalangan siya kung kakamayan
niya si Cupid o hindi. Natuwa naman ako nang makita kong aabutin na niya ang kamay
ni Cupid. Kaya lang, bigla na lang pumagitna sa kanila si Edgar.

            “Ang bilis mo pumorma pre ah. First day mo pa lang sa trabaho.”

            “Nagpapakilala lang ako sa kanya,” chill na chill na sabi ni Cupid at


tinalikuran na niya si Edgar atsaka lumapit sa akin.
            “Kapag natapos na ang lahat nang ito at nakuha ko na ang pana ‘ko,”
bulong sa akin ni Cupid, “kailangan mong ipaalala sa akin na dapat akong maging
patas. Baka kasi bigla kong maisipang iduktong ang kapalaran ng edgar na ‘yan sa
isang unggoy.”

            Tinapik ko siya sa braso.

            “Chill. Mas gwapo ka sa kanya.”

            “I know.”

To be continued...

=================

Chapter 16 (12/6/14)

Chapter 16

[Jillian’s POV]

“Hay. Ibang klase talaga ang hagupit ng bagyong Jillian sa puso ng kanluran,” naka-
ngising bulong sa akin ni Cupid habang naka-lean siya sa may desk ko at sarap na
sarap sa pagkain ng pizza.

            Sinimangutan ko siya. Ayan na naman kasi siya at nangaasar eh.

            Paano, tatlong araw nang nagpapa-breakfast itong si Sir West sa


opisina. Kung nung una ay pandesal at pancit canton ang binili niya, kahapon naman
ay lugaw at tokwa’t baboy. Tapos ngayon, nagpa-pizza naman siya! Ano ba! May plano
ba siyang waldasin ang sahod niya nang ganito lang?

            “Okay lang ‘yan Jillian. Nag eenjoy ka rin naman sa mga binibili niya
eh. ‘Di mo ba napapansin? Favorite mo lahat ang binibili niya!”

            Mas lalo kong tinignan ng masama si Kupido. Ba’t ba parang aliw na aliw
siya pag may mga nilalang na nag durusa o nagiging mukhang shunga at uto-uto nang
dahil sa pag-ibig?!

            “Ibang klase talaga ang tama ni Kanluran sa’yo,” iiling-iling na sabi
ni Cupid sabay kagat ng pizza.

            “Ibang klase rin ang tama ni Edgar sa asawa mo!” ganti ko naman sa
kanya kaya biglang nawala ang ngisi sa mukha ni Cupid.

            Ha! Ano ka ngayon!

            Napalingon si Cupid sa pwesto ni Enid na ngayon eh masayang nakikipag-


usap kay Edgar. Napailing na lang ako.

            Sa tatlong araw na pag-pasok nitong si Cupid sa opisina namin, hindi


niya magawang makalapit kay Enid dahil laging bantay-sarado itong si Edgar. Naawa
naman ako kay Edgar. Alam ko kasi na the more na ginagawa niya ‘yan ay the more na
tumataas ang pagasang unggoy ang magiging ka-happily ever after niya.

            Mabait naman itong si Edgar. Hindi nga lang kagwapuhan. At may pagka
maangas at mahangin kaya minsan nakakapikon talaga siya. Pero masipag naman siya.

            Yung nga lang, walang kaalam-alam ang mokong na ‘to na God of Love ang
kanyang binabangga.

            “Kailangan na talaga akong umisip ng paraan para maging malapit kami ni
Psyche. Hay kung nasa akin lang sana ang pana ko ngayon, magiging madali ang
lahat.”

            “Perks of being the God of Love.”

            “Huh?”

            “Pana ka lang nang pana. Alam mo kung sino ang nakatakda para kanino.
Hindi katulad naming mga mortal, walang kaalam-alam kung sino ba talaga ang the one
para sa amin. Kaya naman kapag nag mahal kami, palagi kaming nagbibigay ng effort
sa mga taong minamahal namin. At ayun ang hindi mo naranasan. Ang mag bigay ng
todo-todong effort.”

            Napa-simangot lalo si Cupid, “nag e-effort naman ako eh. Sadyang ang
laking hadlang lang ng Edgar na ‘yan.”
            Tinaasan ko siya ng kilay, “hanggang doon na lang ba ang kaya ng effort
mo?”

            Hindi umimik si Cupid at naupo na siya sa pwesto niya. Hindi na rin
niya naubos ang pizza na kinakain niya. Nawalan ata ng gana dahil sa akin. Pero
bahala siya. Sana mapaisip siya sa mga sinabi ko.

            Alam kong nakakainis si Edgar. But I am secretly thanking him na


nagiging hadlang siya sa kanila ni Enid. Tingin ko kasi magiging walang kwenta ang
pag break ng curse ni Ayesha kay Enid kung hindi ito paghihirapan ni Cupid.

            Tahimik lang si Cupid na nagtatrabaho doon. Kinakabahan nga ako baka
kung anu-ano na ang tumatakbo sa isipan niya. Kawawa naman si Edgar. Feeling ko
masisira talaga ang future ng lalaking ‘yun.

            Pagdating ng lunch break, yayayain ko sana si Cupid na sumabay sa amin


nina Elise kaya lang nagulat ako nang dire-diretso siyang naglakad papunta sa desk
ni Enid. As usual, hinarang naman siya ni Edgar pero nabigla ako nang tinabing siya
ni Cupid.

            “Alam kong hindi dapat pinipilit ang pagkakaibigan,” sabi ni Cupid kay
Enid. “Pero pwede ba natin subukan kung may chance na magiging magkaibigan tayo?
Pwede ba tayong sabay na mag lunch ngayon?”

            Hindi agad nakasagot si Enid. Bigla na naman ulit humarang si Edgar.

            “Wag ka nga sasama sa lalaking ‘yan. Type ka niyan eh,” hirit ni Edgar.

            Hindi siya pinansin ni Cupid at nagaktingin pa rin siya kay Enid, “kung
sinasamahan mo si Edgar, pwede mo rin akong samahan. Halata rin naman na type ka
niya eh.”

            Ha! Nice one Cupid! Ayan ang God of Love!

            Nakita kong napangiti rin si Enid sa sinabi nito.

            “Sige na nga, Eros.”

            “Yes!” sigaw ni Cupid, “I-I mean.. yes. Hehe. Yes. Tara na?”

            “Seriously?!” iritang sabi ni Edgar pero dinedma lang siya nina Cupid
at Enid. Sabay na lumabas yung dalawa.

            Pag butihin mo ‘yan Cupid!


            Nahalata kong mukhang balak pa ni Edgar na sundan yung dalawa kaya
naman agad ko siyang nilapitan.

            “Uy! Edgar! Tara sabay ka sa amin kumain!” yaya ko rito.

            Hindi naman siya nakapalag at napilitan na rin siyang sumama sa amin
nina Elise. Kaya lang, pagdating sa cafeteria, humiwalay rin siya sa amin at naki-
table doon sa mga kasamahan naming mga lalaki.

            Buti naman at lumayas na siya. May iba pa kasi akong plano eh.

            “Guys, gusto niyo bang manuod ng musical play sa Sabado?” tanong ko kay
Elise at Luke habang kumakain kami. “May mga tickets kasi ako rito. Sayang naman
kung hindi magagamit.”

            “Sounds fun!” sabi ni Luke. “Sige ba!”

            Tinignan ko si Elise, “ikaw Elise?”

            “Hmmm. Hindi ata ako pwede sa Sabado eh.”

            “Okay lang. May Sunday rin naman eh. Pwede namang sa Sunday tayo.”

            “Pero kasi...” napatingin siya kay Luke at mukhang nag-aalangan pa rin
siyang sumama.

            “Sige na Elise, sumama ka na. Mas masaya kung tatlo tayo,” pagpipilit
ko sa kanya. “Di ba Luke?”

            “H-ha. Ah o-oo nga! Sumama ka na Elise!”

            “Sige na nga!” mabilis na pagpayag niya.

            Aba. Bakit nung si Luke na ang nagyaya, um-oo agad siya? Hmm.

            “Okay! Naka-set na ah? Wag kayong mawawala!” sabi ko sa kanila.

            Sa totoo lang, ako ang mawawala sa Sabado. Wala akong planong siputin
silang dalawa. I think mas magiging malapit sila kung lalabas ulit sila na sila
lang.

            Hay, I’m proud of myself. Nagagawa kong i-matchmake ang mahal ko sa
iba. Masakit pero hindi pa masyado.

            Pero kailangan ko nang i-handa ang puso ko kapag naging successful na
ako sa pag m-matchmake ng dalawang ito.

            After lunch, nakita kong ngiting-ngiti si Cupid. Binilhan pa niya ako
ng siopao bilang pasasalamat daw sa mga pinagsasabi ko sa kanya. At dahil masaya
siya ngayon, inabuso ko naman ang kasiyahan niya at ipinasa ko sa kanya ang halos
kalahati ng mga manusripts na dapat kong i-proofread. Masayang-masaya naman niyang
tinaggap ang trabaho.

            Mwahahaha. Okay lang ‘yan. God naman siya eh. Madali niyang matatapos
‘yan.

            Nung hapon na pauwi na kami, bigla namang bumuhos ang ulan. Mabuti na
lang talaga at palagi akong may dalang payong.

            “Si Psyche,” sabi ni Cupid sa akin habang nasa may labasan na kami ng
building.

            Napatingin ako doon sa tinitignan ni Cupid at nakita ko si Enid na


nakatayo sa hindi kalayuan. Mukhang wala siyang dalang paying kaya hindi siya
makaalis.

            “Cupid, it’s your chance!” bulong ko at inabot ko ang payong ko sa


kanya. “Puntahan mo na siya!”

            “Teka, paano ka?”

            “Wag mo akong alalahanin. Dali na!” at pinagtulakan ko siya papalapit


kay Enid.

            Nakita kong kinausap ni Cupid si Enid at mayamaya lang din ay


magkasabay na silang naglalakad paalis habang naka-silong sa payong ko.

            Buti na lang wala si Edgar.

            Napatingin ako sa kalangitan. Ang dilim na. At medyo malakas din ang
ulan. Ngayon ko lang na-realize na ang shunga ko. Sana pala nagpahatid muna ako kay
Cupid sa bahay gamit ang hocus pocus niya. Ngayon, paano ako uuwi?

            Dahil walang choice at ayokong ma-trapped dito, lumusong na ako sa


ulan. Goodluck talaga. Nawa’y wag akong magkasakit.

            Nabigla ako nang may humatak sa braso ko at isinilong ako sa isang
payong. Napatingin ako sa likuran ko at nakita ko si Sir West doon.

            “Traffic, punuan, wala kang masasakyan,” sabi niya sa akin.

            “Okay lang. Kaya kong mag-antay,” sagot ko naman.

            “Hahatid na kita.”

            “Ayoko.”

            “Hindi kita tinatanong. Ihahatid na kita.”

            “May karapatan akong humindi.”

            “I-inuutusan kitang w-wag humindi! B-boss mo ako!” he told me without


any conviction.

            Nilingon ko ulit siya at nakita ko na naman ang nahihiya niyang mukha.

            “Bakit kailangan mo pang gawin ‘to? I told you may iba na akong mahal.”

            “Ihahatid lang naman kita. Hindi naman kita nililigawan eh,” mahinang
sabi niya at parang any minute eh mag p-pout na siya.

            Ano baaaaa! Nagpapaawa ba siya sa akin ah? Nagpapakonsensya ba siya?


Kasi kung oo, effective eh! Sobra!

            Okay Jillian, focus. Hindi ka dapat magpatalo sa kanya.

            “Sir West, hindi mo ako pwedeng ihatid. Boss kita. Isa pa, kailangan mo
nang itigil ang panlilibre mo ng breakfast sa mga kaopisina natin. Hindi mababago
nun ang fact na may iba na akong mahal.”

            Nakita ko sa expression niya na nasaktan siya sa mga sinabi ko.


Tinamaan na naman ako ng konsensya. Ayokong pagsalitaan siya ng ganito pero kung
hindi ko ‘to gagawin, aasa at aasa lang siya sa akin.

            Kaso akala ko tatalikod na ulit siya at iiwan ako, kaya lang tinignan
niya ako ng seryoso.

            “Paano kung sabihin ko sa’yong wala na akong pakielam?”


            “H-ha?”

            “Wala na akong paki kung boss mo ako at may iba ka nang mahal. Hindi ko
kasi kayang lumayo sa’yo, Jillian.”

            Napa-iwas ako nang tingin, “t-tumigil ka na West. Please.”

            “Bakit hindi mo ba ako mabigyan ng chance?”

            Huminga ako nang malalim, “kasi hindi ako ang para sa’yo.”

            “Paano mo naman nalaman ‘yan?”

            “B-basta! Basta alam ko.”

            Naramdaman kong lumapit si West sa akin. Napabalik ang tingin ko sa


kanya at doon ko lang nalaman na sobrang lapit na pala niya sa akin.

            “Pero paano kung ikaw talaga ang para sa akin?” seryosong tanong niya.

            “I-imposible.”

            “Edi gagawin kong possible.”

            Napalunok ako. Full of determination ang nakikita ko sa mga mata niya.
Para bang kahit anong tulak ko sa kanya, hinding-hindi siya lalayo.

            Kinabahan ako bigla.

            I am in deep trouble.

To be continued...

=================

Chapter 17 (12/9/14)
Dedicated to leily kea 

Tawa ako nang tawa sa comment mo sa Chapter 15 XD Yung Edgar + Unggoy = Edgoy XD
Pati yung "baka si Edgar at Ayesha ang nakatadhana?"

Nyahahahaha XD

***

Chapter 17

[Jillian’s POV]

Napatingin ako sa bintana ng kitchen ko habang kumakalampag dito ang malakas na


hangin. Sarado ang bintana at hindi ko makita ang labas ng apartment ko pero dinig
na dinig ko naman ang malakas na buhos ng ulan.

            Nadinig ko mula sa sala ang news sa TV. Unpassable na ang karamihan ng
mga daan. Mataas na rin ang tubig sa ilang parte ng lugar namin.

            Kaya naman ngayon...

            Napatingin ako sa boss kong nakapangalumbaba sa may sofa ko habang


nanunuod ng news. Naka-suot siya ng hoodie na blue, maong pants at rubber shoes.
Isang magandang bagay sa opisina namin ay wala kaming dress code. Dahil publishing
company naman ito, kahit simpleng t-shirt at pantalon lang, okay lang.

            Simple lang pumorma si Sir West. Bagay naman sa kanya ang mga damit na
sinusuot niya kasi maganda built ng katawan niya. Pero kahit anong simple niya
pumorma, hindi nawawala yung aura niya na alam mong angat siya sa buhay.

            Kaya naman nang makita ko si Sir West na nakaupo sa bulok kong sofa
habang nanunuod sa t.v kong hugis kahon ay para akong biglang nanliit.
            Tinignan ko ang ref ko kung ano ang pwede kong ipakain sa kanya.
Tanging dalawang pistel ng tubig, isa bote ng peanut butter, isang can ng liver
spread, at isang pack ng sandwich spread lang ang nakita kong laman nito.

            Binuksan ko ang cupboard ko at ay bumungad naman sa aking tatlong lata


ng 555 tuna Mechado flavor.

            Nasaan na ang mga pagkain kong matitino?! Nasaan na?!

            Naiumpog ko ang ulo ko sa ref ko.

            Napaka-hina ko talaga. Kanina nung sinabi sa akin ni Sir West na


gagawin niyang possible ang impossible, parang lumundag ang puso ko at parang na
touch ako. Ewan. Siguro dahil siya ang kauna-unahang lalaking nakapagsabi sa akin
ng ganyan. He made me feel special. Kaya naman hindi ko magawang humindi sa kanya
nang alukin niya akong ihatid.

            Pero habang nasa byahe kami, doon ako nagsisi. Naalala ko kasi ang
pana. Hindi naman niya gagawin at sasabihin ang lahat nang ito kung hindi dahil sa
pana ni Cupid.

            At ewan. Nalungkot ako sa thought na ‘yun.

            Pero hindi ko na nagawa pang malungkot nang mas matagal dahil
pagkarating namin sa bahay, mas lalong lumakas ang buhos ng ulan. Nag stay lang
siya saglit para magpatila kaya lang, tatlong oras na siyang nandito at hindi pa
rin tumitila ang ulan. At ayon sa balita, mukhang wala pa itong planong tumila
hanggang bukas ng umaga.

            “Jillian.”

            Napatalon ako sa gulat nang biglang magsalita si West. Nakita ko na


nasa likuran ko na pala siya.

            “Uhmm Jilian, sabi sa news na baka abutin daw bukas ng hapon ang bagyo
kaya naman nag suspend na kami ng pasok bukas sa trabaho.”

            So ibig sabihin hindi talaga siya makakauwi.

            “O-okay lang bang nandito ako ngayon?” tanong niya sa akin na para bang
nahihiya-hiya.

            “Oo naman! Ayos na ayos lang. Hindi naman kita hahayaan na umalis
habang bumabagyo,” ang tanging problema ko lang ay wala akong maipapakain sa’yo.
            “Salamat Jillian ah?”

            “Kaso may problema...”

            “Ano ‘yun?”

            Ipinakita ko sa kanya ang dalawang de lata na hawak ko.

            “Eto lang ang kaya kong ipakain sa’yo eh...”

            Bigla naman napangiti ng malawak si Sir West, “ayun lang ba? Walang
problema.”

            Kinuha niya sa akin ang de-lata at nagpaalam na makikigamit siya ng


lutuan ko. Hinayaan ko siya habang ako naman ay nag sa-saing. Iginisa ni Sir West
sa bawang at sibuyas ‘yung tuna. At infairness, nagutom ako bigla sa amoy nito.

            Maya-maya lang din, ay natapos na siya sa pag gi-gisa at naluto na rin
ang sinaing. Sabay namin pinagsaluhan ang simpleng hapunan.

            “Infairness, mas masarap pala ‘to kung ginigisa ah,” masayang sabi ko.
“Siguro marami kang alam sa kusina ‘no?”

            Bigla naman napayuko si West, “u-uhmm, n-nabasa ko lang y-yung style na
‘yan doon sa isa n-nating manuscript.”

            “Oh...I see.”

            “P-pero marunong ako mag luto ng lasagna.”

            Napangiti ako, “buti ka nga marunong mag-luto eh. Ako hindi. Nasanay na
kasi ako bumili diyan sa kanto ng ulam at kanin. Tutal mag-isa lang din naman ako
sa bahay.”

            Napaangat ulit ang tingin niya sa akin, “wala ka bang kapatid? Nasaan
ang parents mo?”

            I shrugged my shoulders, “hindi ko alam.”

            Hindi nagsalita si West pero halata sa expression niya na maraming


bagay pa siyang gustong itanong sa akin.

            “Hindi ko alam kung may kapatid ba ako o wala. Hindi ko kasi nakilala
ang mama ko. Ang papa ko naman, busy ako itago kasi malaking issue pagka nalaman na
may anak siya sa labas.”

            Nakita ko ang gulat sa mga mata ni West nang dahil sa sinabi ko. Hindi
ko rin alam kung bakit na-banggit ko sa kanya ang bagay na ‘yun. Tanging ang mga
kaibigan ko lang na nagmula sa bahay ampunan at ang mga madre na nag-alaga sa amin
ang nakakaalam ng bagay na ‘yan. At siguro si Cupid since wala naman ata siyang
hindi nalalaman tungkol sa akin kahit hindi ko ikwento sa kanya.

            Pero kasi, ewan, parang ang gaan ng loob ko ngayon kay Sir West.

            “P-pwede ko bang tanungin kung sino?”

            Nginitian ko siya, “Si Ricardo Evangelista.”

            Mas lalong nanlaki ang mga mata niya, “yung senador?!”

            “Oo siya nga.”

            Biglang napa-kuyom ang kamay ni West at nakita ko ang inis sa mata
niya.

            “That guy! Akala namin mabuting tao. Tinulungan pa naman ng pamilya
namin sa pangangampanya niya tapos biglang---“

            “Wait, wait,” pag putol ko sa sinasabi niya. “Tinulungan ng family


niyo?” biglang nanlaki ang mga mata ko.

            Mga Martinez ang tumulong kay Sen. Evangelista. (Oo hindi ko siya
tinatawag na papa, tatay, daddy o ama.) Yung mga Martinez na may ari ng biggest
telephone company ng bansa.

            Napabitiw ako bigla sa kutsara na hawak ko dahil sa realization kung


sino ang nilalang na nasa harapan ko ngayon.

            Pak---shet.

            Si West Martinez? Anak siya ng isang business tycoon tapos—tapos---


pinapakain ko lang siya ng 555 tuna! Tapos napana ko pa siya!

            Yung anak ng business tycoon.

            Napalunok ako. Baka ipapatay ako nito pag nalaman niya kung anong
kagagahan ang ginawa ko sa kanya.
            Three days straight pa naman siya nagpa-breakfast sa opisina!

            “Bakit isa kang editor in chief ng isang publishing company?!” tanong
ko sa kanya at medyo napataas ang boses ko kaya nagulat siya.

            “I-I’m not interested in our family business,” nahihiya-hiya niyang


sabi.

            Hindi ako halos makapag salita. Ngayon lang kasi ako nakakita ng isang
taong born with a golden spoon on his mouth na paglaki ay pinili na lang magpaka
low profile.

            At ang humble ng dating niya sa paningin ko.

            “A-ang tanga ko ‘no?” halos pabulong niyang sabi at namula na naman
siya.

            Napailing ako bigla, “no! You’re amazing!”

            “H-ha?”

            “I mean, grabe. Nasa harap mo na ang kayamanan pero mas pinili mong
tumayo sa sarili mong paa. At para sa akin kahanga-hanga ‘yun.”

            A wide, beautiful smile spread across his, “t-talaga? Ayun yung tingin
mo?”

            Tumango ako, “oo naman! As in kahanga-hanga ka talaga!”

            “Thank you Jillian. Ikaw pa lang ang kauna-unahang nagsabi sa akin ng
ganyan. P-pero kung sabagay ang opinyon mo lang naman ang mahalaga sa akin eh.”

            Ako naman ngayon ang namula dahil sa sinabi niya.

            “S-so,” he cleared his throat, “dito rin ba natutulog yung pinsan mo?”

            “Pinsan?”

            “Si Eros?”

            “A-ah! O-oo! Minsan nakikitulog yun dito.”


            “Dito rin ba siya uuwi ngayon?”

            Actually hindi ko alam. Pero sana wag dahil ayokong magulat si West na
bigla na lang susulpot mula sa hangin si Cupid.

            “Hindi. Baka sa ibang bahay tumuloy ‘yun.”

            Medyo napaiwas ng tingin si West at nakita kong mas lumala ang pamumula
ng mukha niya. Sa daming beses ko siyang nakitang mamula, ngayon ata ang pinaka
mapula.

            Buti na lang at meztiso ang isang ‘to!

            Nag-taka naman ako kung bakit nag blush siya nang ganyang katindi. Then
bigla ko na lang na gets.

            Buong gabi kaming magkakasama ngayon sa iisang bubong.

            Tapos malamig pa.

            Tapos umuulan pa ng malakas.

            Napatingin ako sa namumulang si Sir West. Medyo mahaba ang pilik-mata
niya kaya naman parang ang pungay ng mga mata niya. Tapos yung mata niya, itim na
itim na para siyang naka-contact lense kahit hindi naman. Tapos yung labi niya
mamula-mula. Kung aalalahanin ko maigi, oo, napatitig ako dati sa braso niyang may
muscle. Hindi malaki, hindi ubod ng liit, yung tama lang

            Nag-init bigla ang mukha ko.

            BAKIT BIGLA KO NA LANG TINITITIGAN ANG ASSETS NI SIR WEST SA KATAWAN?!

            Dirty thoughts, please leave me aloooneee!

            “Nuod tayong movie!” sabi ko na lang para mawala ang awkwardness namin
sa isa’t-isa (at maduduming bagay na naglalaro sa isip ko)

            “S-sige!” natataranta siyang tumayo at tumama pa ang tuhod niya sa


lamesa ko kaya naman natumba ang baso niyang may tubig at tumapon ang laman nito sa
hoodie niya.

            “H-hala.. s-sorry!” sabi niya.


            Napatayo rin ako bigla at agad ko siyang inabutan ng tissue.

            “Hala nabasa na ang hoodie mo. Wala pa naman akong damit na mapapahiram
sa’yo rito. Hala paano na?”

            “N-no worries. May t-shirt naman ako sa loob,” sabi niya sabay pinadaan
ang hoodie sa ulo niya para hubarin.

            Medyo sumama yung panloob nyang t-shirt kaya naman sumilip ng onti ang
abs niya sa harapan ko. At nang tuluyan na niyang mahubad ang hoodie niya, nag
hello sa mukha ko ang biceps niya.

            Oh my gosh. CUPID NASAAN KA? DUMATING KA NA PLEASE AT ILIGTAS MO ANG


LALAKING ITO SA KAPAHAMAKAN.

            Iniwas ko agad ang tingin ko sa kanya at inumpisahan iligpit ang mga
pinagkainan. Mas okay kung hindi ako titingin. Mas okay kung lalayo muna ako.

            “Ah—Jiliian! A-ano tulungan na kita.”

            “Hindi na. Okay lang. Bisita kita. Umupo ka na doon at mabilis lang
‘to,” nakangiti kong sabi. Smile Jillian. Smile at wag ipahalata na may namumugad
nang paruparo sa bituka mo.

            “P-pero---“

            “Sige na! Okay lang talaga,” umalis ka na sa harapan ko. Ayokong maakit
sa’yo. Hindi pwede. Hindi. Hindi talaga.

            Hindi na ako kinulit ni Sir West at nagtungo na siya doon sa sofa. Ako
naman, pilit na pinapakalma ang sarili habang nag huhugas. Buti na lang at
nahimasmasan ako kahit papaano.

            Seriously Jillian. Bakit bigla-bigla ka na lang naapektuhan sa boss mo?


Mali ‘yan! Maling-mali!

            Pagkatapos kong maghugas, kinuha ko yung hard drive ko na puro mga
movies ang laman. Kumuha rin ako nang dalawang kumot na pwede namin ibalot sa
sarili namin gawa nang sobrang lamig ngayon.

            Nang bumalik ako, pinapili ko si Sir West kung anong movie ang gusto
niya. Good thing he chose a safe-romance free movie---Despicable Me.
            Aliw na aliw pa rin ako sa mga minions. At nakakatawang isipin kasi
hindi pa pala ito napapanuod ni Sir West. Kaya naman nang matapos naming ang
Despicable Me, pinapanuod ko naman yung part 2 nito sa kanya.

            Nasa kalagitnaan na kami nang movie nang medyo makaramdam na ako ng
antok. Nanlalabo at napipikit-pikit na nga ang mata ko eh. Halos hindi ko na ring
naiintindihan ang pinapanood ko.

            Naramdaman ko ang kamay ni Sir West na inaalalayan ang ulo ko pahiga sa
dibdib niya. Hindi ako pumalag. Hinayaan ko lang ang ganoong pwesto.

            Masyado kasi komportable.

            To be continued...

***

#TeamKanluran

#TeamKupido

#TeamLuke

#TeamEdgar (?!!!)

=================

Chapter 18 (12/17/14)

Dedicated to DatGuyStoryMaker :)

Salamat sa mga meaningful at mahahabang comments! Nag eenjoy ako sa pagbabasa ng


comments mo sa mga stories ko :D
***

Chapter 18

[Jillian’s POV]

Hindi mawala ang pag-ngisi ni Cupid habang naka-upo ako sa dining table ko at
umiinom ng kape habang naka-busangot ang mukha.

            Kanina ko pa talaga gustong batuhin ng kung ano ang bwisit na God of
Love na ito!

            Paano kasi, pag-mulat ko ng mata ko, bumungad sa akin ang pagmumukha ni
Cupid na ang lawak ng ngiti habang titig na titig sa amin ni West sabay sabi ng:
“Huling-huli kayo sa akto!”

            Oo nakatulog kaming dalawa sa sofa ko. Nakapulupot ang braso ko sa tyan
niya habang naka-akbay naman siya sa akin. At nang mahuli kami ni Cupid sa ganoong
posisyon, matingkad pa sa kulay ng sili ang mukha ni West.

            Kaya ayun si West, nasa banyo ko ngayon at naliligo. Buti na lang at
may damit si Cupid na pwedeng ipahiram sa kanya. Hindi ko lang alam kung saan niya
ito nakuha.

            “O Jillian, ba’t ka nakasimangot? Disappointed ka ba dahil hindi ka


niyaya ni West na sabayan siyang maligo?”

            Kinuha ko yung kutsara sa harap ko at ibinato ko ito kay Cupid. Bwiset
lang at nasalo niya.

            “’To naman! Ang pikon mo. Pero kung makikita mo lang itsura niyo
kanina. Ang cute-cute mo. Para kang koala na naka-yakap sa puno.”

            Tinignan ko ng masama si Cupid, “pag hindi mo pa ako tinantanan ng


pang-aasar mo, hindi na kita pakakainin dito!”

            Ngumisi naman siya, “para namang may kakayanan kang pigilan ako.”

            Mas sinamaan ko ang tingin ko sa kanya pero hindi na ako nag-salita.
Kasi naman! Tama naman siya! Wala akong magagawa kung gusto niyang tumambay sa
bahay ko, o kainin ang mga pagkain ko or to wreck havoc in my life. Because I am
just a mortal and he’s a freakin’ god!

            “Anyway, paalala lang Jillian,” medyo naging seryoso ang mukha ni
Cupid. “Wag kang mai-inlove kay West ah? Alam mo naman na iba ang para sa kanya.”

            “O-oo naman! Hindi ako ma-i-inlove ‘no! Hinihintay ko na nga ang para
sa akin eh.”      

            “Good.”

            Bigla kong ipinako ang tingin ko sa tasa ng kape na iniinom ko. Hindi
ko alam kung bakit pero parang bigla akong na-depress sa sinabi ni Cupid.

            May ibang tao ang para kay West. Alam ko naman ‘yun eh. Pero in some
ways iniisip ko, kung sakaling si West ang nakatadhana sa akin, siguro ayos lang sa
akin. Nakita ko kung paano siya magmahal. Baka nga hindi pa niya pinapakita masyado
eh pero halata nang sobra-sobra siya kung mag mahal.

            Naisip ko dati, ang malas ng kung sino mang babae ang nakatadhana kay
West. Pero ngayon, sa nakikita ko, ang swerte-swerte ng babaeng ‘yun.

           

            Maya-maya lang din ay lumabas na si West sa CR na fresh na fresh at


bagong paligo. Simpleng kulay puting v-neck shirt lang ang suot-suot niya at maong
pants pero bakit ang lakas ng dating niya sa paningin ko ngayon ha? Alam kong gwapo
si Sir West dati pa pero wala akong paki sa looks niya noon dahil nakaka bwiset
siya. Pero ngayon, bakit napapansin ko lahat ng magagandang bagay sa kanya?

            Anong nangyayari sa akin?

            Masama ‘yan, Jillian.

            “Sabi ko na bagay sa'yo ‘yang mga ganyang pormahan Sir West eh!” papuri
naman ni Cupid. “Gusto mo sumama sa akin minsan na mag audition sa PBB?”

            “Ang dami mo namang gustong salihan. Mamaya niyan pati sa The Voice mag
audition ka rin!” sabi ko naman kay Cupid.

            “Pwede rin! Alam mo namang lahat kaya kong gawin,” Cupid gave me a
meaningful smile.
            Hmp! Hindi rin lahat! Dadaan muna siya sa butas ng karayom bago makuha
ang puso ni Pysche!

            “Sakto hindi na umuulan,” sabi ulit ni Cupid.

            “O-oo nga. Pwede na akong umalis. M-medyo nakaka-abala na ata ako kay
Jillian,” Sir West gave me an innocent smile.

            “H-hindi naman. O-okay lang!” sagot ko sa kanya. Amputlong oh! Bakit
pati ako nahawa na sa pag stammer niya?!

            “Oh okay lang daw kay Jillian, sir! Jillian, dalhin mo kaya si Sir West
doon sa lugawan sa kanto. Hindi pa nag b-breakfast yung boss natin oh! Mahiya ka
naman!” pang-u-udyok ni Cupid sa akin.

            “H-hindi na. Okay lang ako,” ngumiti ulit sa akin si Sir West.

            Ay tokneneng! Bakit siya ngiti nang ngiti?! Bakit?! Bakit????

            “S-sige na. Tara, kain tayo?”

            “Pero—“

            “Sama ka na, sir! Masarap doon. Promise!”

            “S-sige na nga....”

            The moment na pumayag si Sir West na pumunta sa lugawan, pinagtulakan


na kami agad ni Cupid palabas ng sarili kong pamamahay. Binulungan pa ako na
interviewhin si Sir West about sa kapatid niyang si Zyron na type ni Ayesha.

            Sabi na eh, may pinaplano talaga ang isang ‘yun kaya bigla niya akong
pinasama kay Sir West.

            “Jillian, ako ang taya ah? P-pinatuloy mo na ako sa bahay mo kagabi
kaya naman babawi ako.”

            “Hindi pwede. Ilang araw mo na akong nililibre ng breakfast. Ako naman
ngayon.”

            Bigla namang namula ang tenga niya, “h-hindi kita nililibre ah? K-kelan
‘yun? Wala akong matandaan.”
            “Sige na nga. Sabi mo eh.”

            Bigla akong hinawakan ni Sir West sa braso kaya naman napalingon ako sa
kanya.

            “J-joke lang! Oo nanlilibre ako sa office kasi baka hindi ka pa nag
breakfast. Alam ko kasing pag inabutan kita ng pagkain, hi-hindi-an mo a-ako.”

            Bigla akong napa-ngiti ng malawak dahil sa biglaan niyang pag-amin.

            “Kaya it’s my treat,” sabi ko sa kanya.

            Napa-ngiti na lang din siya at sinundan ako sa lugawan. Buti na lang at
bukas na sila ngayon kahit na bumabagyo kahapon. Buti na lang din, saglit lang ang
ulan.

            Sinalubong agad kami ni Aling Melissa pagkapasok na pagka-pasok namin


sa lugawan niya. Kilala na kasi niya ako dahil regular customer na ako dito.
Ipinakilala ko naman si Sir West sa kanya bilang boss ko.

            “Boss mo?” tanong ni Aling Melissa habang naka-ngiti kay Sir West.
“Akala ko boyfriend na eh!” pagbibiro niya.

            Pareho kami ni West na namula ang mukha.

            Um-order ako ng champorado habang goto naman ang in-order ni Sir West.

            Napansin ko naman ang anak ni Aling Melissa na si Cassy na naka-upo sa


kabilang table habang nakatingin sa kisame at parang tulala. Tinawag ko siya at
binati pero tumingin lang siya sa akin ng saglit at ibinalik ulit ang tingin niya
sa kisame.

            “Uhmm, ba’t hindi ka niya pinansin?” tanong sa akin ni West.

            “Naku, ganyan lang talaga si Cassy. Medyo may problema kasi siya sa
pag-iisip pero mabait naman siya. Sayang lang kasi tignan mo siya, ang ganda-ganda
kaya niya.”

            “Isa lang ang maganda sa paningin ko,” titig na titig niyang sabi sa
akin.

            Nag-init ang mukha ko sa biglaan niyang pag banat ng ganun. At mukhang
na-realized din niya ang sinabi niya kaya natataranta siyang nagpaalam sa akin na
kukuha lang siya ng tubig.

            Ano ba Jillian! Bakit ka ba naapektuhan kay West? Bakit ka


nagkakaganyan?

            Hindi pwede ito. Isang malaking heartache ang katapat nito pag
nagkataon.

            Bakit ba ang daming distraction sa trabaho ko?! Bakit?!

            Naramdaman kong bumalik na si West sa pwesto namin, kaya naman napa-
angat ang tingin ko sa kanya. Pero mali ako. Dahil hindi si West ang naka-upo sa
tapat ko ngayon kundi si Cassy.

            “Uh Cassy, may kasama ako ngayon eh. Dyan siya naka-upo,” naka-ngiting
sabi ko sa kanya.

            Hindi nag salita si Cassy at tinignan lang niya ako.

            “Cassy...?”

            “Dalawa,” mahina niyang sabi sa akin.

            “Ha?”

            “Dalawa sila.”

            “Sinong sila?”

            Tumingin sa kisame si Cassy at ibinalik niya ulit ang tingin niya sa
akin.

            “Dalawa silang nakaduktong sa kapalaran mo,” paglilinaw niya sa


sinasabi niya.

            “D-dalawa? Paanong dalawa?”

            “Ang una ay yung makakasama mo hanggang dulo. Yung pangalawa naman ay
mamahalin ka ng sobra-sobra at iaalay niya ang kanyang buhay para makasama mo at
maging masaya kayo nung una.”

            “Cassandra! Wag mo silang guluhin diyan! Halika dito!” sigaw ni Aling
Melissa.
            Bigla akong nginitian ni Cassy at umalis na siya sa harapan ko habang
ako ay naiwang nakatulala doon at pinanindigan ng balahibo sa katawan.

            To be continued...

**

Ba't ang daming nag comment sa #TeamEdgar? Ang dami namang Edgarnatics dito!
Mwahahahaha 

=================

Chapter 19 (12/23/14)

Chapter 19

[Jillian’s POV]

Dalawa sila. Dalawa. At ‘yung isa, mamamatay nang dahil sa akin.

            Kanina pa ayaw mawala sa isip ko ang mga sinabi ni Cassy. Habang
kumakain kami ni West, lumilipad ang isip ko. Halos hindi ko na maintindihan ang
sinasabi niya dahil masyado akong naging pre-occupied sa sinabi ni Cassy. Mukhang
napansin niya rin naman ito kaya hindi na rin siya nagsalita. Nang matapos kami,
inihatid niya lang ako sa apartment ko at tuluyan nang nagpaalam sa akin.
            At ngayon, kasalukuyan akong naka-upo sa sofa ko at hindi mapakali.

            Ipinatong ko ang ulo ko sa dalawa kong kamay at sinubukan kong alisin
sa isip ko ang mga sinabi ni Cassy. Alam ko namang dapat hindi ako nagpapa-apekto
sa mga ganitong bagay eh. Ilang beses na akong hinulaan ng kung sinu-sinong
manghuhula sa Quiapo. Ang una ay sinabi sa akin na may mag a-ampon sa akin na
mayaman na business man, pero tumandna na ako sa bahay-ampunan, wala pa ring nag-a-
ampon sa akin. Yung isa naman, sabi sa akin mamahalin ako ng taong matagal ko nang
gusto. Pero eto, nalaman ko na hindi naman pala sa akin naka-tadhana si Luke.

            And now this.

            Posible bang maging dalawa ang taong naka-duktong sa buhay ko?

            Imposible ata yun.

            Napa-hinga ako ng malalim. Bakit ba ako masyadong na-a-apektuhan sa


sinabi ni Cassy? Una sa lahat, hindi normal ang pag-iisip niya. Pangalawa, may
tiwala naman ako kay Cupid.

            Pero bakit ang uneasy pa rin ng pakiramdam ko?

            “Ba’t ganyan ang itsura mo? Hindi ba masarap ang kinain niyo sa
lugawan?” tanong ni Cupid na ngayon ay nasa harapan ko na galing sa who-knows-
where.

            Inangat ko ang tingin ko sa kanya at bumuntong-hininga ako.

            “Something’s bothering you,” mahinahon niyang sabi at tumabi siya sa


akin.

            I raised my eyebrow, “tinigilan mo na ata ang pagbabasa sa isipan ko?”

            “That thing is blocking your thoughts kaya hindi ko na mabasa,” sagot
naman niya habang nakaturo sa compass na nasa leeg ko. “Ngayon, pwede mo bang
sabihin sa akin ang ikinaka-bahala mo?”

            Ikinuwento ko kay Cupid ang sinabi sa akin ni Cassy. Mahinahon naman
siyang nakikinig sa akin. Nang matapos ako, ngumiti ng malawak si Cupid.

            “That fortune-teller is a fraud,” full of confidence niyang sabi.

            “S-sure ka?”


            Ipinatong niya ang isa niyang kamay sa balikat ko at tinignan ako ng
diretso sa mata.

            “Jillian, hawak ko ang book of soulmates kung saan nakalagay ang mga
pangalan ng magkakaduktong ang tadhana. At sa lagay mo, isa lang talaga ang naka-
duktong para sa’yo. Wag kang mabahala sa sinabi nung manghuhulang iyon dahil hindi
ito totoo.”

            “Pero, pwede bang mabago ang nakalagay sa book of soulmates?”

            Umiling si Cupid, “once your name is written in the book of soulmates,
your fate is already sealed. Not unless may makikielam na isang god o goddess.
Katulad nang nangyari sa kapalaran ni Ayesha.”

            Tumango na lang ako at hindi nag-salita. Alam ko namang hindi


pababayaan ni Cupid ang kapalaran ko. Alam kong hindi magkakatotoo ang sinabi ni
Cassy.

            Kailangan ko lang talaga na mag-tiwala.

            Kinabukasan, muntikan na kaming ma-late ni Cupid sa opisina. Ang bagal


niya kasing kumilos eh kaya na-traffic tuloy kami. Nahirapan pa kami sa pag-sakay
kasi punuan. He refused to use his magic para maka-punta kami agad sa office. Nag
e-enjoy raw siya sa ganitong scenario. Ang thrilling daw.

            Seryoso, sa lahat ng nakilala ko, siya lang ang nag enjoy at na-thrill
sa punuan ng jeep at traffic.

            Abnormal talaga siya.

            Nang makarating kami sa opisina, nakita kong nagka-ngitian si Cupid at


Enid. Medyo nag blush pa si Enid nang ngitian siya ni Cupid.

            Anong meron?

            “Anong nangyari sa inyo nung gabing bumagyo?” bulong ko sa kanya.

            “Secret,” naka-ngisi naman niyang sagot.

            “Don’t tell me---“

            “Wag mo nang ituloy. Mas intimate pa rin ang ginawa niyo ni Kanluran.”

            Siniko ko nga siya. Bwiset eh!


            Dumiretso na ako sa desk ko at nagulat ako nang may isang bouquet na
naman ng bulaklak na naka-patong dito. At may isang malaking-malaki na teddy bear
ang naka-upo sa swivel chair ko.

            What the hell?

            “Good morning, Jillian!” sabay na bati sa akin ni Luke at Elise na


parehong naka-ngisi.

            “Grabe yung secret admirer mo, oh! Ang laki ng teddy bear,” sabi ni
Elise.

            Nginitian naman ako ni Luke.

            Tinignan ko yung note na nakalagay doon sa bouquet. May naka-sulat na


For Jillian, pero wala pa ring nakalagay kung kanino galing.

            Pero dapat pa ba akong mag-isip kung kanino? Iisa lang naman ang
lalaking pwedeng mag bigay sa akin nito.

            Hindi ko maiwasang mapa-ngiti ng malawak habang naka-titig ako sa teddy


bear.

            Dear Sir West, masyado nang cliché ang ganitong style pero saludo ako
sa effort mo.

            “Wow. Mukhang nagugustuhan mo na ang ipinapadala sa’yo ah?” sabi ni


Luke habang naka-dungaw sa desk ko.

            Nginitian ko siya, “bakit? Mukha bang hindi ko nagustuhan yung dati?”

            “Honestly speaking? Oo. Parang ang lungkot mo habang nakatingin sa


bouquet at chocolate dati. Pero ngayon mukhang masaya ka na.”

            Hindi ako nagsalita sa sinabi ni Luke. The reason kung bakit ganoon ang
reaction ko noon ay kasi mali na gawin sa akin yun ni West. Mali na bigyan niya ako
ng mga regalo o pakitaan ng effort.

            Hanggang ngayon naman eh mali pa rin eh.

            Pero bwiset na ‘yan! Ba’t hindi ko mapigilan na maging masaya?


            “Nga pala, bukas na yung play na pupuntahan natin. Ready na ba kayo ni
Elise?” pag-iiba ko nang usapan.

            “Oo naman. I am looking forward to it,” naka-ngiting sagot niya at


bumalik na siya sa desk niya.

            “Wow! Haba ng hair!” dinig ko namang sabi ni Edgar na ngayon eh


papalapit sa akin.

            Kinuha niya yung teddy bear na ngayon ay nakapatong na sa desk ko at


tinignan ito.

            “Sabihin mo naman sa manliligaw mo, i-pera na lang niya ang ibibigay sa
inyo kesa stuffed toy. Hindi mo naman magagamit.”

            Inagaw ko sa kanya yung bear, “walang pakielamanan ng trip!”

            “Kayo talagang mga babae kayo. Kaya ang dali niyong makuha, isang teddy
bear lang, kilig na kilig na kayo agad.”

            Sinimangutan ko siya. Bakit ba nakakabadtrip ang isang ‘to?

            “Ano bang kailangan mo?”

            “Pinapatawag ka ni Sir West sa opisina niya,” sabi nito.

            Tumayo naman ako at tinalikuran ko na siya.

            “Goodluck!” pahabol pa niya.

            Panira ng araw!

            Kumatok ako sa opisina ni Sir West at binuksan ko ito. Nakita ko siyang
seryosong naka-tingin sa monitor screen. He’s wearing a plain black shirt and
jeans. His hair is a little bit messy. Naka suot din siya ng reading glasses
ngayon. Nilingon niya ako at nginitian.

            I almost melt.

            OMG! Ba’t parang natutunaw ako? Bakit? Huy Jillian, umayos ka! Binalaan
ka na ni Cupid! Bakit nag aalboroto ang puso mo? Bakit ang pasaway ng damdamin mo?
Bakit naapektuhan ka kay West ha?
            Bakit ka puro bakit nang bakit samantalang alam mo na ang sagot at in
denial ka lang?

            Shet. Hindi ito pwede. Kailangan kong pigilan ‘to.

            “Jillian? Okay ka lang?” tanong niya sa akin at ngayon ko lang napansin
na nasa harapan ko na siya at nakahawak na siya sa magkabila kong braso.

            “H-ha? Ah o-opo. Okay lang. B-bakit niyo po ako pinatawag?”

            “Ah, ibibigay ko lang sana yung schedule ng books na i-p-proofread mo


next month.”

            Bumalik siya sa desk niya at may inilabas na papel at iniabot sa akin.

            “Ikaw na rin ang bahalang mag bigay kay Eros ng ipo-proofread niya.”

            “A-alright! G-got it!”

            Okay. Bakit ngayon ako naman ang nauutal ha?! Anak ng!

            Agad akong tumalikod sa kanya at naglakad palabas. Pero bago ko


mabuksan ang pinto, napahinto ako at nilingon ko siya.

            “Uhm, thank you pala,” sabi ko.

            “Hmm? Saan?”

            “Doon sa bouquet at sa teddy bear.”

            Hindi sumagot si Sir West. He just look at me weirdly na para bang
nagtataka siya. Mayamaya ay nagbago ang expression ng mukha niya at naging seryoso
ito.

            “H-hindi ako ang nagbigay nun, Jillian.”

            “What?”

            Nag loading ata ang utak ko sa sinabi niya.

            Hindi siya ang nagbigay?! What the hell?


            Biglang nag init ang mukha ko at pakiramdam ko, grabe akong namula sa
harapan niya.

            Ay anak ng!! Tapos tinanong ko siya?! Yun pala in-assume ko lang na
siya ang nagpapadala nun?!

            This is so embarrassing.

            I fake a laugh. “G-ganon b-ba? S-sige..”

            Dali-dali akong lumabas ng opisina niya. Pero bago ko pa tuluyang


maisara ang pinto, narinig ko ang sinabi niya.

            “Mukhang meron na akong karibal.”

            To be continued...

***

Guys, sali kayo sa group ko sa facebook if you want. Chikahan tayo doon. Hehe.
Search niyo lang -- "Tambayan ng mga Alyloonytunes"

Or click ze external link on the side :D 

=================

Chapter 20 (12/29/14)
Chapter 20

[Jillian’s POV]

“Malapit na talaga mapunit ang bunganga mo dahil sa lawak nang ngiti mo,” sabi sa
akin ni Cupid habang naka-sandal sa desk ko at kumakain ng burger.

            “Mag-trabaho ka na doon! Layas! Para maka-uwi na tayo!” senyas ko naman


sa kanya.

            Overtime na naman kami sa trabaho dahil may kailangan kaming habuling
deadline. Pero this time, hindi na namin kasalanan. Hindi kasi nakapag-pasa ng
manuscript ng maaga yung dalawang authors kaya naman ngayon ay hinahabol namin ang
deadline para ma-i-publish on time.

            “I’m done with my work,” sabi ni Cupid sabay kagat ng burger na
kinakain niya.

            Nilingon ko siya, “paanong tapos ka na? Eh halos buong araw parang
kumain ka lang dyan nang kumain eh! Pagka nakahanap si Sir West diyan nang mali sa
trabaho mo, patay ka doon!”

            I told him, a little smile escaped from my lips.

            Tinignan ako maigi ni Cupid tapos napa-iling siya bigla.

            “What!”  irita kong tanong sa kanya.

            Itinapon ni Cupid ang pinagkainan niya ng burger doon sa trashbin na


nasa tabi ko atsaka siya lumapit sa akin at tinitigan ako maigi.

            “Your heart is in danger, miss,” seryoso niyang sabi sa akin.

            “A-and w-why is that?”

            “Naiinlove ka na kay West,” sabi niya sa akin.

            Hindi ako makasagot. Gusto kong itanggi yung sinasabi niya. I want to
defend myself. Gusto kong sabihin na hindi naman ako na-i-inlove eh. Bakit ako ma-
i-inlove sa kanya samantalang alam ko namang hindi siya nakatadahana para sa akin?
Hindi naman ako tanga para hawakan ang kalderong nakasalang sa kalan dahil alam
kong mapapaso lang ako.

            Pero nanahimik lang ako at iniwas ko ang tingin ko kay Cupid.

            “West is destined to be with someone else, Jillian,” mahinahong sabi ni


Cupid bago siya tuluyang bumalik sa table niya.

            Tuluyan nang nawala ang good mood ko at ngiti sa labi ko dahil sa
sinabi sa akin ni Cupid. Mas na badtrip pa ako dahil na-realized ko kung bakit ang
saya ko kanina.

            Kasi mukhang threatened si Sir West dahil may secret admirer ako. Sa
totoo lang, hindi ko iniisip kung sino ba talaga ang nagpapadala nitong mga
regalong ‘to sa akin. Parang wala akong paki? Parang mas may paki ako sa ire-react
ni Sir West?

            And I really, really hate myself for this.

            Halos 10pm na ako natapos sa pag p-proofread. Sinabihan ako ni Sir West
na ihahatid na niya kami ni Cupid pa-uwi. (Ayaw akong iwanan ni Cupid. Ayaw niyang
mapag-solo kami ni Sir West dahil baka kung ano raw ang gawin ko.) Pero hindi
pumayag si Cupid. Sabi niya, mag c-cab na lang kami.

            He used his power instead. Kaya wala pang isang minuto, nasa bahay na
kami.

            “Hungry?” naka-ngisi niyang tanong sa akin.

            Hindi ako umimik at tuloy-tuloy lang akong pumasok sa kwarto ko.

            “Kainin ko na ang carbonara mo rito ah!” sigaw ni Cupid. Hinayaan ko


lang siya.

            Sumalampak ako sa kama at tumingin sa kisame. Bakit ba nade-depress


ako? Ano bang problema ko ha?! Bakit ako nagkakaganito?!

            Anak naman ng!

            Tumayo ako bigla sa kama at nag punta sa kitchen ko. Nakita ko naman si
Cupid doon na kinakain ang carbonara ko. Ni-hindi niya naisipang alisin sa
tupperware.

            Inagaw ko sa kanya yung kinakain niya.


            “Anong problema mo?!” irita niyang tanong habang punong-puno ng bibig.

            God ba siya ha?! Ba’t wala siyang ka poise-poise?! Minsan napapaisip
ako kung ginu-good time lang ako nito o nasa reality show ba ako eh!

            Dinedma ko siya at kinain ko yung carbonara ko. Stress eating.

            “You’re falling in love! Ayun ang problema mo,” sabi niya.

            I glared at him at pinagpatuloy ko lang ang pagkain ko.

            “Jillian, sa lahat ng mortal na nakilala ko, ikaw na ata ang may
pinaka-pasaway na puso.”

            Inilapag ko sa lamesa ang kinakain ko at bumuntong-hininga ako.

            “Mali, Cupid. Hindi pasaway ang puso ko. Sadyang mortal lang talaga ako
kaya ginugusto ko ang mga bagay na hindi pwede. Ayan naman ang hobby naming mga tao
‘di ba? Ang mag mahal ng taong hindi nila pwedeng mahalin.”

            Lumapit sa akin si Cupid at ipinatong niya ang kamay niya sa balikat
ko.

            “Pero hindi ka lang basta mortal. Meron kang katungkulan na dapat
gawin. At hindi mo magagawa yun kung nagiging sagabal ang puso mo.”

            “Then tell me, paano ko maiiwasan ‘to? Paano mo nagagawa ang tungkulin
mo nang hindi nagiging sagabal ang puso mo?”

            He gave me a sad smile at ipinatong niya ang palad niya sa kanyang
puso, “because this heart only belongs to Psyche. It only beats for Psyche. Kung
pwede ko lang ipakilala sa’yo agad ang lalaking naka-duktong sa kapalaran mo,
ginawa ko na. Pero hindi pa kasi panahon para mag tagpo kayo. Wag kang mag-alala
Jillian, yung lalaking yun, mamahalin ka ng sobra-sobra. Higit pa sa pagmamahal na
ipinapakita sa’yo ni West ngayon.”

            Tumango ako pero hindi ko makuhang maging masaya o excited sa sinasabi
ni Cupid.

            Maybe he’s right. I am falling for West. Hindi pa man ako tuluyang
nahuhulog, alam kong malapit na malapit na. Para akong nasa gilid ng bangin.
Tanging pagkapit ko na lang sa bato ang dahilan kung bakit hindi pa ako nahuhulog.
            Pipilitin ko ulit sumampa. Hindi ako pwedeng mahulog.

           

            It’s Saturday morning. Ten minutes bago yung oras na sinabi ko kina
Elise at Luke na magkikita kami para manuod ng musical play. At dahil ginagawa ko
ang misyon ko sa kanilang dalawa, nandito pa rin ako ngayon sa sala ko, at sitting
pretty na nanunuod ng TV.

            Inutusan ko si Cupid na tawagan si Elise at sabihing may sakit ako kaya
hindi ako makakasama. Syempre para mas maganda ang effect! Kunyari mataas ang
lagnat ko kaya ni-pakikipag-usap sa kanila sa phone eh hindi ko na magawa.

            “Oh Elise? Si Eros ‘to!” sabi ni Cupid habang kausap si Elise. “Hindi
na raw makakasama si Jillian eh. May sakit kasi. LBM.”

            Napatingin ako bigla sa kanya.

            LBM?! Ay anak ng--!!!

            “Oo. Nasa banyo siya ngayon. Hindi ka niya makaka-usap, baka marinig mo
pa ang pag-iri niya. Ha? Naku ituloy niyo yan. Sayang ang tickets! Enjoy kayo ni
Luke! Sige-sige, ikakamusta ko kayo kay Jillian. Bye!”

            He ended the call at ibinalik sa akin yung phone ko. Tumayo naman ako
at pinaghahampas ko siya ng unan.

            “Nakakainis kang God of love ka! Bwiset ka! Nakakainis ka!”

            “Aray ko! Wag mo akong hampasin! Isusumbong kita kay Aphrodite!
Sasabihin ko papangitin ka niya lalo!”

            “Leshe ka! Nag-sumbong ka pa sa nanay mo!” tuloy pa rin ako sa pag-
hampas sa kanya.

            Nakakayamot!

            “Ito naman! Tinulungan ka na nga eh!” sabi niya sabay tayo at inayos
ang damit niyang nagusot.

            Doon ko lang napansin na bihis na bihis na naman ang isang ‘to.

            “Saan ka naman mag o-audition ngayon?” pagbibiro ko sa kanya.


            “Sa The Voice. Sige, male-late na ako. Baka mapagalitan ako ni Coach
Sarah. Bye!”

            At bago pa ako makapagpaalam sa kanya, naglaho na siyang parang bula.

            So mag-isa ako sa bahay ngayon, ganun?

            Paano kung maglaslas ako bigla?!

            In-open ko na lang ang laptop ko at naisipang manuod ng movie. Tutal


wala naman akong gagawin ngayong araw, ima-marathon ko na lang ang Harry Potter
series!

            Inilabas ko mula sa kwarto ko ang mga pinamili kong chichirya,


chocolates at biscuit. Buti hindi pa nakakain ng God of Glutton—este Love ang mga
chichirya ko. Bumili rin ako ng 1.5 na coke sa katabi naming tindahan. Nang mai-set
ko na lahat, inumpisahan ko na ang panunuod.

            Nasa gitna na ako nang Harry Potter 2 nang biglang may kumatok sa pinto
ng apartment ko.

            Sino naman ‘tong istorbong ‘to?!

            Dali-dali akong tumayo at muntikan pa akong matalisod dahil sa nagkalat


na chichirya sa sahig ko. Anak ng tokwa!

            Yung kumakatok, tuloy pa rin sa pagkatok!

            “Wait lang!” sigaw ko.

            I opened the door at nagulat ako nang makita ko si Luke na naka-tayo
doon.

            “L-Luke? Teka, what are you doing here?! Di ba nanunuod kayo ng play ni
Elise?”

            Huminga ng malalim si Luke.

            “J-Jillian....”

            Napatingin ako bigla sa hawak niya.


            Isang bouquet ng flowers at isang box ng chocolate.

            “Jillian, pwede ba kitang mayayang mag lunch? I need to tell you
something.”

To be continued...

***

Pansin ko lang, ang daming fans ni Edgar! Bakeeet? Hahahahahahaha

=================

Chapter 21 (12/30/14)

Chapter 21

[Jillian’s POV]

Wala na bang mas ikaka-awkard pa ang sitwasyon na ito?

            Nandito kami ngayon ni Luke sa isang restaurant sa isang mall. Kanina
pa kami hindi nag i-imikan. Nakapako lang ang tingin niya sa pesto na kinakain niya
habang ako naman ay palipat-lipat ang tingin sa lasagna ko at sa bouquet ng flowers
at isang box ng chocolate na nasa tabi ko.

            Hindi ako mapakali. Mula kanina nang pumunta siya sa apartment ko
hanggang ngayon ay walang nag sasalita sa amin. Kinakabahan ako. Yung bouquet ng
flowers at yung box ng chocolate, kaparehong-kapareho ng bulaklak at chocolate na
madalas iwanan ng kung sino mang secret admirer ko sa desk ko.

            Ayokong mag-isip nang kung ano. Ayoko munang mag assume. Pero kasi---my
gosh.

            “S-sorry pala bigla kitang niyaya ah? Uhmm sabi kasi ni Eros, ano, sira
ang tyan mo? Binigyan pa kita ng chocolate..”

            I blushed. Bwiset na Cupid yan! Kung siraan ko kaya siya kay Psyche
bilang ganti?!

            Joke. Baka hindi na niya ako ipakilala sa destiny ko.

            I fake a laugh, “o-okay na naman ako. Nakainom na ako ng gamot,” sabi
ko sa kanya. “Nasaan pala si Elise? Ba’t hindi mo isinama?”

            Sige lang Jillian, play dumb. Maganda ‘yan.

            Iniwas ni Luke ang tingin niya sa akin, “I left her because I need to
see you. Anyway, kasama naman niya si Enid manuod ng musical play.”

            “Ah I see..”

            Another awkward silence.

            Napa-buntong hininga ako. Walang mangyayari kung ganito.

            “Luke, kung ano man ang sasabihin mo, please paki-sabi na.”

            Nakita kong nabigla si Luke sa request ko. Napalunok siya bigla.

            “Okay... kasi.. well.. uhmm..”

            He’s hesitating! My gosh! Luke please don’t prolong our agony!

            “Naalala mo yung bouquet ng flowers at isang box ng chocolate na


nakalagay sa desk mo nung araw na nan-treat si Sir West ng breakfast?”

            Tumango lang ako sa kanya.


            “Sa akin galing yun.”

            I knew it. I knew it. Luke, bakit ngayon pa? Ha? Ano ba? Bakit hindi
noon? Bakit ngayon mo pa inamin kung kailang nanakaw ko na ang pana ni Cupid para
sa’yo! Tapos nalaman kong hindi ako ang naka-destined sa’yo!

            “...pero hindi dapat para sa iyo iyun.”

            Sabi na! Tapos—what?

            Napataas bigla ang kilay ko sa kanya.

            “H-ha? Pero may for Jillian na nakalagay doon!”

            Napakamot siya ng ulo, “well, uhmm, kasi,” huminga siya ng malalim. “I
like Elise. Pero ang buong akala niya ay gusto kita.”

            Napa-kunot naman bigla ang noo ko.

            “Pwedeng paki-explain ng maigi, Luke?”

            “Okay. Kasi ganito yun, nung unang-unang beses kang nakatanggap ng
bouquet ng flowers at isang box ng chocolate, ako ang unang nakakita sa desk mo
nun. Dahil curious ako, tinignan ko kung kanino galing. Pero nakita ako ni Elise
noon at akala niya, ako ang naglagay sa desk mo. Syempre todo tanggi ako pero
nagmukha lang akong guilty sa harap niya kaya simula noon, inisip niya na may gusto
ako sa’yo. Then naisip ko, gagayahin ko ang ginawa sa’yo ng secret admirer mo kaya
naman nung araw na nagpa-breakfast si Sir West sa opisina, may dala ako noon na
isang bouquet ng flowers at isang box ng chocolate. Ilalagay ko sana sa desk ni
Elise kaya lang ang aga niyang dumating. At dahil iniisip niya na gusto kita, akala
niya para sa’yo ang dala ko. Siya pa nga ang nag lagay ng “For Jillian” doon sa
gift tag.

            And then now, wala ka sa musical play. Kaya pinilit niya akong puntahan
ka. Siya rin ang bumili niyan para sa’yo.”

            Hinayaan kong mag sink-in sa isip ko ang mga sinabi ni Luke. And then,
I let out a hearty laugh. Para akong biglang nabunutan ng tinik sa dibdib. Para
akong nakahinga ng maluwag. I thought—oh my gosh! Pero buti na lang talaga!

            “Uhh, why are you laughing?” takang-taka niyang tanong sa akin.

            Nginitian ko siya, “seriously? Kung nakita mo ang itsura mo kanina sa


labas ng apartment ko habang may dala-dala ng rosas at isang kahon ng tsokolate,
aakalain talaga ng kahit na sino eh umaakyat ka ng ligaw.”
            “Oh,” nag-iba ang expression ng mukha ni Luke at parang na-realize niya
ang itsura niya kanina kaya natawa na rin siya. “Oo nga ‘no? Sorry, Jill!”

            “Pasalamat ka hindi na kita gusto kundi umiiyak siguro ako ngayon!”
natatawa-tawa kong sabi sa kanya.

            Bigla naman sumeryoso ang mukha niya, “what?”

            At doon ko na-realized ang sinabi ko.

            Sheet. Packing tape and sheet of paper! Sheet.

            “W-well...uhmm..dati?”

            Ano ba! Awkward na naman?! Bakit kailangan akong madulas ng ganyan ha?!
Bakit?!

            “Kelan pa?”

            “N-nung college,” ...at after college. Actually mga five years, ganun
kitang gusto. Ganun.

             Napatango si Luke at bigla na lang siyang napangiti, “I can’t blame


you. I am so attractive during our college days.”

            Binato ko siya ng tissue, “mayabang!” sabi ko at natawa na rin ako.

            Tama naman siya. He is so attractive to the point na nagawa kong


nakawin ang pana ni Cupid para sa kanya. Pero hindi ko na sinabi. Baka umiyak siya
bigla.

            “So, you like Elise?”

            “Yep.”

            “At kaya mo ako pinuntahan ngayon ay dahil hindi mo na kayang itago ang
nararamdaman mo. Since hindi mo masabi kay Elise, sa akin mo na lang sinabi?”

            Tumango si Luke bilang pag sangayon.

            “Torpe ka, alam mo ba yun?”


            Napa-simangot siya bigla, “gwapo naman ako.”

            “Aanhin mo ang gwapo kung torpe naman?”

            Mas lalo siyang napa-simangot, “kailangan mo ba talaga ipagdiinan?”

            Nginitian ko siya, “wag kang mag-alala, tutulungan kita kay Elise!”

            “T-talaga? Tutulungan mo ako? Talaga?”

            “Oo naman!” actually matagal na kitang tinutulungan! “May gagawin


tayong mga steps para mapasagot mo si Elise.”

            Umayos siya ng upo at mas lumapit sa akin, “ano yun?”

            “Step one: Wag kang magpaka-torpe.”

            Natigilan si Luke.

            “Ang hirap ng step one.”

            “Gusto mo bang maging girlfriend si Elise o gusto mo?”

            He grinned, “gustong-gusto!”

            “Edi gagawin mo ang step one!”

            Huminga siya ng malalalim.

            “Game!”

~*~

[Enid’s POV]
 

            “Wow, ang ganda,” sabi ni Elise habang manghang-mangha siyang nanunuod
sa musical play.

            Bibili lang sana ako ng lunch kanina sa labas nang bigla akong nakita
ni Elise at isinama ako dito sa isang theatre hall para manuod ng play. Maganda
naman yung play. It is about a Greek God falling in love to a mortal. Magaling ang
mga stage actors and actresses. Ang gaganda pa ng mga boses nila.

            Pero ewan, hindi ko makuhang kiligin o maapektuhan sa love story ng


Greek God at mortal na ‘yun.

            “Enjoying yourself?” dinig kong sabi ng lalaking katabi ko.

            Dededmahin ko na lang sana siya at wala akong balak na lingunin ito
kung hindi lang talaga sobrang familiar ang boses niya.

            “E-Eros?” gulat kong sabi kaya naman sinenyasan niya ako na tumahimik.

            He smiled at me. May dimple siya sa kaliwang pisngi niya. Naging
rainbow-shape ang mata niya.

            God, he’s hot.

            Mas hot pa sa Greek God na pinapanood namin ngayon.

            Hindi ako makapag concentrate sa panunuod. Parang nag-wala ang buong
katauhan ko nang tumabi siya sa akin.

            Okay, alam kong winarningan ako ng kaibigan kong si Ayesha tungkol kay
Eros. Manghuhula kasi si Ayesha at nagkakatotoo ang lahat ng sinasabi niya. At sabi
niya sa akin, sasaktan daw ako ng husto ni Eros kaya naman habang maaga pa lang,
dapat lumayo na ako sa kanya.

            Pero parang hindi ko ata magagawa. Lalo na’t pansin ko lang, kahit saan
ako magpunta, palagi ko siyang nakikita.

            Nang matapos ang musical play, nilingon ko ulit siya pero wala na siya
sa upuan niya. Sabay naman kaming lumabas ni Elise ng theatre hall.

            “Ang ganda ng play ‘no, Enid? Nakaka-mangha!”

            Napatango ako, “oo! Thank you sa pag-sama sa akin ah?”


            “No problem! Anyway, sorry ah? Mukhang iiwan na muna kita. Nakapangako
kasi ako sa kapatid ko na sasamahan ko siya mamili ngayon.”

            “Ay. Okay lang. Pauwi na rin ako.”

            “Sure? Pasensya na talaga!”

            “Okay lang. Okay lang. No problem!” nag thumbs up ako sa kanya.

            Nagpaalam na sa akin si Elise at nakita ko pa siyang sumakay sa taxi.


Nang makaalis siya, bigla naman sumulpot si Eros sa tabi ko.

            “Hi,” naka-ngiti niyang bati.

            “Are you following me?” I asked him at hindi ko mapigilang mapa-ngiti.

            “Nabasa ko kasi sa isang libro na dapat, follow your dreams.”

            Napatawa naman ako sa sinabi niya, “alam mo bang gasgas na ang hirit na
‘yan?”

            Napakamot siya bigla sa ulo niya, “ganun ba? Makaluma kasi talaga ako.
Anyway, nagustuhan mo ba yung play?”

            I shrugged my shoulders, “ewan? Maybe?”

            “Ba’t alangan ka? Hindi ka ba na-touch sa love story ng isang Greek god
at mortal?”

            “Hindi. Kasi mga babaero ang mga Greek gods. Kaya nga ang daming
demigods ‘di ba? Marami silang babaeng pinaibig at inanakan. Hindi sila stick to
one!”

            “Uy! Hindi lahat ah!”

            “Sige nga, magbigay ka ng example ng isang god na hindi babaero?”

            “Actually marami. Pero ang pinaka-magandang example ay si Cupid.”

            Natawa ako bigla. “Really?”


            “Oo! Hindi mo ba alam ang love story ni Cupid at Psyche?”

            Natigilan ako bigla.

            Alam ko noong college ako, paborito ko ang English literature na


subject lalo na pag Greek and Roman mythology na ang pinaguusapan. Kabisado ko ang
lahat nang tungkol dito. Lahat ng gods and goddesses ay kilala ko.

            Pero hindi ko matandaan ang tungkol kay Cupid at Psyche.

            Teka, pinag-aralan ba ang story nila sa school? May nag e-exist bang
storya nila?

            “Halata sa mukha mo na hindi mo alam ang storya nila,” sabi ni Eros and
for a second, parang nakita kong lumungkot ang mukha niya. Madali niya lang ito
naitago sa isang magandang ngiti.

            “At dahil wala kang alam tungkol kay Cupid at Psyche, ikukwento ko
sa’yo ang love story nila. But before anything else, tara kumain muna ng lunch.”

            Bago pa ako maka-angal, hinila na ako ni Eros papasok sa isang


restaurant.

To be continued...

***

Author's Note:

Nagugulat ako kasi may mga nagtatanong sa akin kung anong title ng story ni Cupid
at ni Psyche at bakit wala raw ito sa My Works ko. Meron ding nagtatanong kung ako
ba ang author ng story ni Cupid at Psyche. Medyo na-windang ang bangs ko. XD
Sa mga naka-misunderstood, parte po ng Greek Mythology ang story ni Cupid at
Psyche. Hindi po ito wattpad story at mas lalong hindi ako ang author. LOL. Kung
gusto niyong mabasa, search niyo lang kay mareng google. Type niyo lang ang "Cupid
and Psyche"

By the way, mapag-aaralan niyo rin yan sa school niyo. 4th year HS ata tinuturo
yun. World Literature. Mehehehe (at least medyo nabigyan ko na kayo ng background
wahahahahaha)

=================

Chapter 22 (1/2/15)

Chapter 22

[Enid’s POV]

“Eros, umorder ka pa ng sizzling sisig kung pinapalamig mo naman ‘yang pagkain mo.
Ba’t hindi mo na umpisahan ang pagkain at mamaya mo na ako titigan?” I told him
kaya naman napababa ang tingin niya sa pagkain niya pero masyadong evident ang
masayang ngiti na gumuguhit sa labi niya.

            “Mas maganda ka kesa sa sisig,” pabulong niyang sabi.

            Napataas ang kilay ko, “inihahalintulad mo ba ang itsura ko sa isang


sisig?”

            Ibinalik ni Eros ang tingin niya sa akin at mas lalong lumawak ang
ngiti niya.

            “Gusto mo ba, ang lasa mo at ang lasa ng sisig na ito ang ipag-compare
ko?”

            Bigla akong namula sa sinabi ni Eros at napayuko ako. Bakit ba ganyan
siya kung bumanat?! Minsan ang korny, minsan ang cheesy at ngayon naman, katulad ng
kinakain niya...ang sizzling?
            I cleared my throat, “so, uhm, ano na ang story ni Cupid at Psyche?”
pag-iiba ko ng topic.

            “Gusto mo ba talaga malaman?”

            “Oo naman!” sagot ko sa kanya.

            Hindi ko alam talaga kung may nag e-exist bang ganung story. Siguro
gawa-gawa lang ni Eros. Paano ba naman kasi, English major ako at nabasa ko ang
buong greek mythology. Back to back. Cover to cover. Lahat ng tungkol doon ay
masasagot ko. Pero wala talagang story ni Cupid at Psyche doon. Ni hindi ko nga
kilala kung sino si Psyche eh.

            “Okay, ikukwento ko sa’yo,” sagot niya sa akin na parang ang saya-saya
niya dahil makikinig ako sa kanya.

            Might as well na sakyan ko na lang siya.

            “I’m listening,” nginitian ko siya.

            “Merong isang hari na may tatlong anak na babae,” pagsisimula niya ng
kwento niya. “Lahat sila, biniyayaan ng walang kapantay na ganda pero sa kanilang
tatlo, ang bunso ang pinaka maganda sa lahat. At si Psyche ‘yun.”

            Napa-ngiti ako, “wow. Lakas maka-fairy tale!”

            Sumimangot si Eros, “hindi ito fairytale! Myth ito.”

            Napa-tikom ulit ang bibig ko. Mukhang seryoso talaga siya sa kwento
niya. Mas maganda pa kung hindi ako sasabat.

            “Iba’t-ibang mga kalalakihan na nag mula sa iba’t-ibang lugar ang


naglalakbay papunta sa kaharian nila para lang masilayan ang kagandahan ni Psyche.
Yung iba pa ay tumigil na sa paniniwala kay Aphrodite—the goddess of love and
beauty---at si Psyche na ang kanilang sinasamba. Dahil doon, nagalit at nagselos si
Aphrodite sa mortal na si Psyche kaya naman inutusan niya ang kanyang anak na si
Cupid na iduktong ang kapalaran ni Psyche sa isang halimaw. Pero kesa mapana ni
Cupid ang halimaw, aksidente niyang napana ang sarili niya kaya naman siya ang na-
inlove kay Psyche.”

            “Wait, may loophole ka sa kwento mo,” singit ko ulit sa kanya.

            Napataas naman ang kilay niya, “at ano naman iyon?”
            “Cupid never misses his arrow.”

            Lumawak ang ngiti ni Eros, “tama ka. Sabi sa Greek mythology,
aksidenteng na-pana ni Cupid ang sarili niya. But do you know what I thought?”

            “Ano?”

            “Sinadya niyang panain ang sarili niya para mahulog siya kay Psyche.”

            Napalunok ako. Bakit parang bumilis ang tibok ng puso ko? Kinakabahan
ba ako? Naapektuhan?

            Bakit parang feeling ko ako si Psyche?

            ...at siya si Cupid?

            “Pwede na ba akong magpatuloy?”

            Tumango ako, “g-go ahead.”

            “Nakahanap na ng mapapangasawa ang dalawang nakatatandang kapatid ni


Psyche pero siya, hindi pa rin. Kahit siya ang pinaka-maganda, walang nag-a-alok sa
kanya ng kasal. Kaya naman ginawa ng hari at reyna, nagpa-consult sila sa oracle ni
Apollo. At sabi dito, si Psyche ay nakatadhana sa isang halimaw at hindi niya
matatakbuhan ang kapalaran niya. Kinakailangan nilang iwanan si Psyche sa isang
bundok upang hintayin ang kanyang mapapangasawa. Kahit masakit sa kanila, ginawa
nila iyon dahil natakot sila sa magiging kapalit kapag hindi nila ibinigay si
Psyche. Mula sa bundok ay dinala siya ng west wind sa isang malaking palace kung
saan siya maninirahan. Doon ay gabi-gabi, pinupuntahan siya ng kanyang asawa.

            Dahil tuwing gabi lang pumupunta ang asawa ni Psyche ay hindi niya
nakikita ang istura nito dahil lagi itong nagtatago sa dilim. Sinabihan naman siya
ng kanyang asawa na magtiwala ito sa kanya at wag na wag niyang titignan ang mukha
nito. Pumayag naman si Psyche. At sa mga gabing nagdaan na kasama niya ang kanyang
asawa, kahit hindi niya nakikita ito, ay natutunan na rin niya itong mahalin.”

            Napangiti ako. Ewan ko, damang-dama ko ang kwento ni Eros. Hindi naman
ako nakaka-relate pero ewan... parang naiintindihan ko ang nangyayari? Parang
nararamdaman ko ito.

            At parang nakikita ko sa imagination ko ang ikinukwento ni Eros.

            “Isang araw, binisita si Psyche ng kanyang mga kapatid at kinamusta.


Nang maikwento ni Psyche sa kanila na hindi pa niya nakikita ang itsura ng kanyang
asawa, agad siyang sinabihan ng mga kapatid na panigurado ay isang halimaw ito.
Binigyan siya ng magandang buhay at masasarap na pagkain para patabain lang at
kainin. Kaya habang maaga pa, dapat patayin niya na ito.

            Natakot si Psyche sa sinabi ng mga kapatid. Kaya naman nung gabing
iyon, habang natutulog ang kanyang asawa, dala ang isang lampara at isang kutsilyo,
ay nilapitan niya ito para patayin. Kaya lang, nang matapatan ng liwanag ang mukha
ng kanyang asawa, nagulat siya ng makita ang isang napaka-gwapong nilalang.”

            Napa-ngisi ng malawak si Eros. Napataas naman ako ng kilay.

            “Gaano ka-gwapo?” tanong ko sa kanya.

            “Kasing gwapo ko,” sagot naman niya.

            Napa-iling na lang ako habang ngiting-ngiti.

            “Anyway, ayun na nga, nakita niya ang ubod ng gwapong si Cupid,”
pagpapatuloy ni Eros. “Nagulat siya at kinilig—siguro---kaya naman natapunan niya
ng oil na nagmumula sa lampar si Cupid at nagising ito. Nasaktan si Cupid sa pag
suway ni Psyche sa kanya at sa kawalan ng tiwala  nito kaya naman iniwan niya si
Psyche. Naiwan si Psyche doon ng malungkot at broken hearted.”

            “Pasaway kasi,” bulong ko.

            Eros chuckled, “oo pasaway siya at napaka-curious niya sa pagkarami-


raming bagay kaya madalas siyang mapahamak.”

            “Pero I bet hindi siya natiis ni Cupid ‘no?”

            Ngumiti si Eros, “oo. Pero bago yun, hinanap muna ni Psyche si Cupid.
Hanggang sa pinuntahan niya si Aphrodite para magpatulong dito. Dahil sa galit pa
rin si Aphrodite sa kanya, sinabi ni Aphrodite kay Psyche na kailangan niya munang
patunayan na karapat-dapat siya para kay Cupid kaya naman binigyan niya ito ng
iba’t-ibang pagsubok.”

            “Like?”

            “Katulad ng kailangan niyang pagbukludin ang iba’t-ibang klase ng


butil, katulad ng palay, sebada and the like. At kailangan, matapos niya iyon ng
isang araw lang. Meron din na inutusan niya si Psyche na kumuha ng ginintuang
balahibo ng tupa doon sa may ilog kung saan may naninirahang halimaw na pwede
siyang saktan at mapatay.”

            Napanganga ako, “Aphrodite is ruthless.”

            “Sinabi mo pa. Pero dahil nalaman ni Cupid ang pinapagawa ng kanyang
ina, palihim niyang tinutulungan si Psyche na kahit si Psyche mismo ay hindi alam
na si Cupid na tumutulong sa kanya. Pero may isang pagsubok na napahamak si Psyche.
Nang utusan siya ni Aphrodite na puntahan si Persiphone sa underworld at manghiram
ng kagandahan dito. Nagawa naman makapunta ni Psyche sa underworld at binigyan siya
ni Persiphone ng isang kahon para dalhin kay Aphrodite. Habang pabalik siya,
naisipan ni Psyche na buksan ang kahon. Naisip niya kasi na kapag maambunan siya ng
onting kagandahan ni Persiphone, baka doon ay maging karapatdapat na siya para kay
Cupid. Kaya lang, pag bukas niya ng kahon, wala itong laman at bigla na lang siyang
nakatulog at walang makagising sa kanya. Pinuntahan ni Cupid si Psyche para
gisingin gamit ang pana niya. Nagising naman si Psyche at ngayon ay ipinagtanggol
na siya ni Cupid sa kanyang ina. Eventually, pumayag na din si Aphrodite na
magpakasal sila at ginawa na rin nilang isang goddess si Psyche. She then became
the Goddess of the soul.”

            Napangiti ako, “sabi ko na eh, hindi matitiis ni Cupid si Psyche.”

            “Oo. Kahit pasaway siya. Kahit masyado siyang curious. Kahit na iniisip
niyang hindi siya karapatdapat para kay Cupid,” nagulat ako nang biglang kuhanin ni
Eros ang kamay ko. “Kahit iniisip niya na hindi pa sapat ang kagandahan niya para
maging asawa ni Cupid. Hindi niya alam, siya ang tanging minahal ni Cupid. Ang
nagiisa. Na kahit sino pa ang dumating, hinding-hindi siya ipagpapalit ni Cupid.”

            He look at me, straight to the eye at hindi ko maiiwas ang tingin ko sa
kanya.

            “Na kahit pa mawala ang alaala niya at tuluyan niya nang makalimutan
ang kwento nilang dalawa at ang pagmamahal nila sa isa’t-isa, gagawa at gagawa si
Cupid ng paraan para bumalik siya. Katulad ng ginawa ni Psyche noon para mahanap
niya si Cupid. Mahal na mahal kasi nila ang isa’t-isa.”

            Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Parang hindi ako makahinga.
Biglang may nag flash ng mga images sa utak ko. Lampara, kutsilyo, palasyo, butil
ng bigas, mga tupa, isang kahon. Si Eros. Mukha ni Eros.

            Napailing ako. Ano yung nakita ko? Imagination?

            Memory?

            Bigla kong hinila ang kamay ko sa pagkakahawak ni Eros.

            “I—I need to go.”

            And before he could stop me, tumakbo ako palabas ng restaurant.

~*~
[Jillian’s POV]

“Siguro nanghihinayang ka kasi hindi mo nasamahan si Elise sa play ‘no?” tanong ko


kay Luke habang naglalakad kami sa mall.

            Katatapos lang namin mag lunch at eto kami ngayon, nagpapababa ng
kinain.

            “Medyo,” sagot ni Luke sa akin. “Pero okay na rin, at least nakausap
kita.”

            “Oo nga. At least nalinawan na rin ako kung sino ang nagpapadala ng mga
ito sa desk ko,” sabi ko habang nakatingin sa bouquet ng rose na dala ko.

            “Ah, Jill, pag lilinaw lang ah? Isang beses lang ako naglagay sa desk
mo. Yung una at yung huli, hindi na ako yun.”

            Napalingon ako bigla kay Luke, “shet! Edi sino yun?!”

            He shrugged, “feeling ko si Edgar.”

            Bigla kong hinampas ang braso niya, “ano ba! Seryoso, tingin mo sino?”

            “Si Edgar nga! Hindi mo ba napapansin ang malalagkit na tingin niya
sa’yo? Ang mga nakakaakit na ngiti niya sa’yo?”

            Mas lalo kong pinaghahampas si Luke. Buset! Ayokong i-imagine! Naiinis
ako!

            “Kainis ka! Kainis ka talaga! Nakakainis ka!”

            Tumawa siya ng malakas, “joke lang Jill! Binibiro lang kita. Pero ito
seryoso, nakita ko na si Edgar ang may dala nung stufftoy.”

            Pinanliitan ko siya ng mata, “wag kang magbibiro ng ganyan! Tatalon ako
sa tulay!”
            “I’m not joking! Pero hindi naman ibig sabihin na siya ang nagbibigay
sa’yo. Actually, I asked him. Napagutusan lang siya. Binigyan siya ng dalawang libo
para ilagay sa table mo yung stuffed toy at bulaklak. At may bonus pa na isang libo
para sa pananahimik niya pag may magtatanong. Kaya ayun, hindi ko nalaman kung sino
ang secret admirer mo. Pero grabe. Para bayaran si Edgar ng tatlong libo? I guess
your secret admirer is a millionaire.”

            Napatahimik ako sa sinabi ni Luke. Sa totoo lang, wala talaga akong
paki kung sino siya. Pero dahil dito, bigla akong na-curious.

            Bukod kay West, sino naman ang maaring magpadala sa akin ng mga ganito?
Sino pa ba ang nabighani sa kagandahan kong naka-conceal?

            “Uy,” tinusok ni Luke ang pisngi ko. “Kung sakaling multi-millionaire
ang mapapangasawa mo, lagi mo akong yayain sa bahay niyo ah?”

            Hinampas ko ulit siya, “kainis ka!”

            “Ikaw ah! Nakakarami ka na ng hampas sa akin! Child abuse!”

            “FYI, magka-edad lang tayo!”

            Hinila ako ni Luke papalapit sa kanya at inpit niya ang balikat ko ng
braso niya atsaka niya ginulo ang buhok ko.

            “Oy! Grabe ka! Binlower ko pa yan! Wag mo guluhin buhok ko!”

            “Ba’t ka nag blower ha? Dahil niyaya kita mag lunch ‘no?” pang-aasar
niya.

            “Kapal mo! Topre ka naman!”

            “Ouch masakit yun!”

            “Torpe ka! Torpe! Torpe!”

            Pareho kaming natawa ni Luke sa pinag-gagagawa namin. Ang saya rin pala
maging ka-close ng ganito si Luke. Yung close na talagang magkaibigan lang kayo.
Wala ng butterflies in the stomach. Wala nang kilig moments. Yung ganito na lang.
Magkaibigan na nag-aasaran.

            At least tanggap ko na ang misyon ko sa kanya. At alam kong hindi na


ako mahihirapan masyado.
            “Uy, si Sir West oh.”

            Napalingon ako bigla sa tinuro niya at nakita ko nga si Sir West na
nakatingin sa amin. May mga kasama siya at pare-pareho silang naka-suot ng polo na
puti.

            “Tara lapitan natin,” hinila ako ni Luke papalapit sa kanya.

            “Hi Sir!” bati ni Luke dito.

            “H-hi!” bati ko naman sa kanya.

            Tinignan niya ako at si Luke. Tapos napadako ang tingin niya sa bouquet
na hawak ko. At tinignan niya ulit si Luke.

            “Hi,” malamig na pag bati niya.

            Uh-oh.

            “Ano pong ginagawa niyo rito?” tanong ulit ni Luke.

            “Ah, nag volunteer kami para doon sa mga nasalanta ng bagyo,” malamig
pa rin niyang sabi.

            “Wow! Ayos ‘yan ah, sir!”

            “Kayo? Anong ginagawa niyo rito?” tanong naman ni West habang iniiwas
ang tingin niya sa akin.

            “Ah wala. Kumain lang kami sa labas nitong si Jill. Nilibre ko siya,”
masayang sagot ni Luke.

            Napansin kong napa-kunot ang noo ni Sir West.

            Shet. Shet. I want to kill you, Luke. Tokwa ka! Ano yang sinabi mo! Ma-
mi-misinterpret niya!

            “Ah kaya kasi kami lumabas ni Luke kasi---!”

            “Oh West, mga kaibigan mo?”

            Naputol ang pagpapaliwanag ko nang may sumulpot na lalaki sa likuran ni


Wjest.

            “Workmates ko,” malamig pa rin na sabi ni West.

            WORKMATE? WOW. WORKMATE AKO? SAMANTALANG PINAGPIPILITAN NIYA NA MAGING


FRIENDS KAMI TAPOS IPAPAKILALA NIYA AKO BILANG WORKMATE NIYA?!

            “Oh! Hi!” bati nung lalaki at nginitian kami.

            “Hi! I’m Luke, and this is Jillian,” pakilala naman ni Luke sa amin
dalawa.

            “Jillian?” sabi nung lalaki at bigla niya akong tinitigan. “Jillian
Evangelista?”

            Napatango ako, “ah, ako nga po. Uhmm, do I know you?”

            “No. But I heard a lot of things about you,” naka-ngisi niyang sabi at
napatingin siya kay West. Bigla namang namula ang tenga ni West and he still
avoiding my gaze.

            “R-really?”

            “Yep! By the way, I’m Zyron--West’s brother. Nice meeting you again,”
sabi niya at nagpaalam na sila ni Sir West sa amin.

            Napanganga ako.

            He is Zyron. Zyron. Si Zyron!

            Pinagmasdan ko ang features niya habang naglalakad sila palayo sa amin.

            He’s tall like West. Maputi. Medyo singkit din. Ang seductive ng ngiti.
Ang ganda ng built ng katawan. Sobrang gwapo.

            Tofu! Eh kaya naman pala nabaliw si Ayesha sa lalaking iyan!

To be continued...
=================

Chapter 23 (01/07/15)

Chapter 23

[Jillian’s POV]

Monday morning. Mag-isa akong pumasok sa work dahil hindi nagpakita si Cupid sa
apartment ko. Actually, mula Sabado pa simula nang sinabi niya sa akin na mag o-
audition siya sa The Voice eh hindi na siya bumalik sa apartment ko.

            Hindi kaya, talagang nag audition ang isang yun at nakapasok siya?

            Paano na ang misyon namin kung papasok na talaga siya sa showbiz?

            Maaga akong umalis ng bahay dahil ayokong sagupain ang punuan sa jeep
at ang traffic sa C5. At dahil napaaga naman ako masyado, 8am pa lang nasa opisina
na ako.

            Well, okay nang maaga kesa late.

            Akala ko, ako ang unang makakarating sa opis kaya lang pag bukas ko
nang pinto, nakita ko si Enid na naka-pwesto na sa desk niya at nagbabasa. I
approached her.

            “Hi Enid!”

            Inangat niya ang tingin niya sa akin, “oh Jillian! Ang aga mo ah?”

            “Ikaw rin! Ano yang binabasa mo?”

            Inangat ko yung isang librong nasa desk ni Enid at binasa ko yung
title.

            Greek Mythology in Contemporary English.


            Tinignan ko yung hawak niyang book na kasing laki ng pocket book. Greek
mythology din. At yung isang itim na hardbound na book na may black cover, silver
pages ay may nakalagay din na “Greek Mythology” in gold letters.

            “Anong meron sa Greek Mythology?”

            “A-ah w-wala. M-may hinahanap lang ako,” sagot niya sa akin at kinuha
niya ang book na hawak ko.

            I shrugged, “okay.”

            Naglakad na ako papunta sa desk ko.

            “Uhmm, Jillian..”

            Nilingon ko si Enid, “hmm?”

            “M-may kilala ka bang Psyche?”

            Natigilan ako bigla sa tanong niya.

            “What do you mean?”

            “I mean, si Psyche na kabilang sa greek mythology? Meron bang story si


Cupid at si Psyche sa book ng Greek Mythology?”

            “Oo!” mabilis kong sagot sa kanya. “Meron! Favorite ko nga ang story
nila eh. Ang sweet-sweet kaya nilang dalawa!”

            Alalahanin mo na si Cupid please. Sana matandaan mo na siya.

            “Sa greek mythology book mo nabasa?”

            “Yep!”

            “Anong version ng greek mythology book?”

            “Hmm, sa lahat ng version, may story doon ni Cupid at Psyche. Pero ang
meron ako ay katulad nung sa’yo na contemporary English version.”

            Ibinalik ni Enid ang tingin niya sa libro na binabasa niya.


            “This is weird. This is so weird,” she muttered.

            Nilapitan ko ulit siya, “why? What’s wrong?”

            “Kinuwento kasi sa akin ni Eros yung story ni Cupid and Psyche kaya
naman na-curious akong hanapin sa book. Pero nabasa ko na ito ng buo at ni-isang
beses hindi nabanggit ang story nilang dalawa.”

            “Huh? Imposible yun! Let me show you.”

             Kinuha ko yung isang book na katulad ng akin. Dahil yung story lang ni
Cupid at Psyche ang madalas kong binabasa sa greek mythology, alam na alam ko na
kung anong page ito. Kaya lang, nagulat ako nang ibang myth ang nakalagay sa page
kung saan nandoon ang story ni Cupid at Psyche.

            Ibinaba ko yung book, “search na lang natin sa net.”

            “I did that already at wala rin akong nakita.”

            “Huh? Pero imposible yun!”

            Pumunta ako sa desk ko at in-open ang computer ko.  Agad ko namang
sinearch si Cupid at Psyche at ang daming results na lumabas. I clicked the first
link at nakita ko agad ang kwento nilang dalawa.

            “Enid, ito oh! Cupid and Psyche.”

            Pumunta sa desk ko si Enid kaya lang, bago pa niya mabasa ang story ni
Cupid at Psyche, bigla na lang namatay ang desktop ko.

            “What the hell?”

            Sinubukan ko ulit i-open ito pero ayaw na bumukas.

            “Naku, nasira ata ang desktop mo, Jillian.”

            Napa-kunot bigla ang noo ko.

            Wala sa greek mythology book ni Enid ang story ni Cupid at Psyche. Nung
sinearch ko sa desktop ko, bigla na lang itong namatay.
            Divine intervention.

            Ang dumi mo maglaro, Ayesha!

            Nagsi-datingan na ang iba naming mga ka-opisina maging si Cupid. Agad
ko naman sinabi sa kanya ang nangyari.

            “She’s messing up with Psyche’s memory,” sabi sa akin ni Cupid at


nakita ko ang galit sa mga mata niya. “Nababasa ko ang nasa isip ni Psyche. Matapos
kong ikwento sa kanya ang nangyari, nakita ko na may nag flash na mga alaala sa
isipan niya. Alam kong naguguluhan siya pero iniisip ko na good sign yun. But now,”
nilingon ni Cupid si Psyche. “Hindi ko na mabasa ang isipan ni Psyche. Ayesha’s
blocking it. At para ma-i-block niya nang ganito ang isipan ni Psyche, ibig
sabihin, malapit lang si Ayesha sa kanya. Malapit na malapit.”

            Cupid balled his hand into fist. Nanginginig siya sa galit. Napapikit
siya at napahinga ng malalim at pilit na pinapakalma ang kanyang sarili.

            “Kada maiisip ko na sobrang lapit ni Psyche kay Ayesha, natatakot ako.
Pwedeng-pwedeng gawan nang masama ni Ayesha ang mahal ko. At naiinis ako sa sarili
ko kasi wala akong magawa.”

            Ipinatong ko ang isang kamay ko sa balikat niya.

            “May nagagawa ka. Tignan mo si Psyche. Dahil sa kinuwento mo, hinahanap
niya sa libro ang kwento niyong dalawa. Wala man siyang makita sa ngayon, pero alam
kong hindi niya hahanapin yun kung hindi siya naapektuhan sa kinuwento mo.”

            Cupid gave me a sad smile, “tingin mo magugustuhan kaya niya ako kahit
hindi ko gamitin ang pana?”

            “Bakit wala kang confidence? Kapag hindi mo napaibig si Psyche, lagi
mong tatandaan na si Edgar ang magiging end game niya. Magpapatalo ka sa unggoy na
yun?!”

            He scowled, “syempre hindi! Mapapariwara buhay ng mahal ko pagka


nakatuluyan niya yun!”

            “That’s the spirit!”

            Medyo gumanda na rin ang mood ni Cupid at maya-maya lang, naka-
concentrate na siya sa pag p-proofread ng manuscript. Ako naman, naka-nganga lang
at binabasa ang isang libro na kakapublished lang namin. Horror/Paranormal book na
tungkol sa isang possessed na libro. Maganda naman kung hindi lang nakakabwiset
yung main character.
            Gusto ko nang magsimula ng trabaho pero sira nga ang desktop ko thanks
to Ayesha. Bwiset siya. Hindi ko naman ma-i-report dahil for the first time in
forever, late ang magaling naming boss na si West.

            By 11am, dumating na si Sir West. One hour siyang late! Wow! Tinalo
niya ako! Record breaking!

            Madalas man akong nale-late pero hindi ko pa naman na-try ma-late ng
one hour.

            Ang pinagkaiba nga lang, nang pumasok siya sa opisina, nag good morning
lang sa kanya ang lahat at wala manlang pumansin sa pagiging late niya.

            Huh! Palibhasa boss!

            At palibhasa workmates niya lang kami! Workmates! Hindi friends! Kaya
walang naglalakas-loob na punahin ang pagiging late niya!

            “You’re growling,” sabi sa akin ni Luke.

            “I’m not!” I snapped at him.

            “Woah, ba’t ka galit? Sino ang kaaway mo?” he asked me looking amused.

            Buset! Bwiset!

            Hindi ko rin alam kung ano ang ikinagagalit ko! Nakita ko lang si Sir
West naginit na ang ulo ko.

            Tumayo ako’t sinundan si Sir West sa loob ng office niya. I knocked
three times at hindi ko na inantay pa ang sagot niya dahil binuksan ko na ang
pintuan niya.

            “Sir West na-sira po ang desktop ko,” sabi ko sa kanya with an
irritated tone at nakasimangot na mukha. Pero hindi ko siya tinitignan.

            Bakit ba ang frustrated ko?!

            “Sige ire-report ko,” he told me coldly.

            What the hell is his problem? Bakit ang cold niya sa akin.

            I mumbled a thanks at lumabas na ako sa opisina niya. Maya-maya lang,


dumating na ang technician para tignan ang desktop ko. Na virusan pala at kailangan
i-reformat. Buti na lang na-save ko sa hard drive ko ang mga manuscripts na hindi
ko pa tapos i-edit.

            At dahil ilang oras ang aabutin sa pag re-reformat ng desktop ko,
sinabi ni Sir West na yung kanya na muna ang gamitin ko since dala naman niya ang
laptop niya.

            So here I am, inside Sir West’s office at nakiki-share sa desk niya at
desktop niya. Nasa kabilang side siya ng desk at nag la-laptop.

            Walang nagsasalita sa amin. Siya, focused na focused sa trabaho niya


habang ako naman ay nagpapanggap na focused sa trabaho ko.

            Sinisilip-silip ko siya at nakapako lang talaga ang tingin niya sa


laptop niya.

            Why is he acting like that? Bakit hindi na siya nauutal sa harapan ko?
Bakit ang cold niya bigla?!

            Wala na bang epekto ang pana?

            Bakit wala nang epekto ang pana?!

            Napa-simangot ako.

            Malala na ‘to. Malalang-malala. Kada pinapaalalahanan ako ni Cupid,


lagi kong ginagawa ang kabaligtaran ng paalala niya. Ang tigas talaga ng ulo ko.
Alam kong hindi magtatagal eh mapapahamak ako sa pagiging pasaway ko.

            Pero kasi...

            Ba’t ko kailangan malagay sa pinaka mahihirap na sitwasyon? At lahat na


lang ba nang nagugustuhan ko eh hindi pwede para sa akin?

            “So anong ginagawa niyo ni Luke sa mall nun?” dinig kong tanong niya
kaya naman napabalik ang tingin ko sa kanya. He’s still looking at his laptop
screen.

            “Ba’t mo naman nataong? Eh workmates lang naman tayo?”

            Shet. Bakit ko sinabi yung huli? Ang bitter ng dating!

            Napatingin siya sa akin, “is he courting you? Siya ba ang nagpapadala
sa’yo ng mga regalo?”

            Hindi ko siya sinagot. I just shrugged.

            “S-siya ba ang dapat kong pag selosan?”

            Biglang napa-yuko si Sir West at nakita ko na naman ang namumula niyang
tenga na sobrang na-miss ko. He looked embarrassed at parang pinagsisishan niya ang
tanong niya.

            Pero hindi ko maiwasang mapangiti—from ear to ear.

            “Friends lang kami ni Luke,” mahinahon kong sabihin. “Iba rin ang gusto
niya.”

            Tinignan ako ni Sir West at nginitian, “akala ko—“ huminga siya nang
malalim, “sorry if I introduced you to my brother as my workmate. Nagselos kasi
ako.”

            It’s my turn para mag-init ang mukha ko. Mahiyain siya pero ibang klase
rin ang pagiging straightforward ng isang ‘to! Ni hindi man lang gumawa ng excuse!
Masyadong honest!

            “S-so, u-uhmm, p-pwede ba akong bumawi sa’yo?”

            “H-ha?”

            “Uhmm, labas tayo sa uhmm, s-sa Sabado?”

            “Are you asking me on a date?”

            Biglang nangamatis ang mukha ni Sir West, “well, ah, p-parang ganun na
nga...”

            Say no, Jillian. Palalalain mo lang ang sitwasyon. Mas mahuhulog ka
lang sa kanya. Masasaktan ka lang pag mina-match mo na siya at ng babaeng
nakatadhana sa kanya. Sasaktan mo lang ang sarili mo. Iiyak ka lang sa dulo.

            Say no. Say no.

            “Sige.”

            Boom tanga.


            “O-okay. It’s a date.”

            I tried my best to smile, “it’s a date.”

            Good luck heart.

To be continued....

=================

Next update will be on....

Hi readers!

I-p-post ko po ang next chapter on February 1, 2015

Sorry kung medyo matatagalan. May importante kasi akong ginagawa na hindi ko
mabitiwan kaya naman hindi ko ma-i-singit ang pag u-update. :)

Ayun. Salamat sa pag intindi :)

- Aly A.

=================

Chapter 24 (2/1/15)

Chapter 24

 
[Jillian’s POV]

“Pasaway,” bulong ni Cupid sa akin.

            I glared at him, “ilang beses mo nang sinabi ‘yan. Hindi ka pa ba


nagsasawa?!”

            He just shrugged his shoulders at ibinalik na niya ang atensyon niya sa
trabaho niya.

            Kanina pa na-ayos ang desktop ko kaya naman dito na ulit ako nagta-
trabaho sa desk ko. At magmula nang makabalik ako, naka-tingin na ng masama sa akin
si Cupid at paulit-ulit na ibinubulong sa akin na ang pasaway ko, ang tigas ng ulo
ko at ang tanga ko.

            Ewan. Siguro nabasa niya ang nasa-isip ni West at nalaman niyang
pumayag akong makipag-date dito sa Sabado.

            Hindi ko na lang din pinansin si Cupid. Alam ko naman na concern lang
siya sa akin at inaalala lang niya ang mararamdaman ko kapag ang i-m-match ko na ay
si West at ang nakatadhana rito

            Pero kasi...

            I sigh.

            Cupid’s right. Pasaway ako at ang tigas ng ulo ko at ang tanga ko.
Seriously, what the hell am I thinking?! Bakit ba ako pumayag na sumama kay West sa
Sabado? Ako na mismo ang naglalapit ng sarili ko sa kanya. Kung sakali man mahulog
sa akin nang husto si West, alam kong darating ang point na kailangan ko siyang
saktan. Maaring magalit siya sa akin nang pang habang buhay. O baka hindi na niya
ako pansinin ko kahit gawing kaibigan man lang niya.

            Pero ayos lang. Kasi alam kong once na makilala ko na ang naka-match
kay West gagawa na ako nang paraan para pag-duktungin ang kapalaran nila. At
magiging masaya na ulit siya nun.  

            Matagal pa ako. Kailangan pa naming mabawi ni Cupid ang pana niya kay
Ayesha. Kailangan ko pa i-match si Luke at Elise, si West, si Zyron pati si Cupid
at Psyche.
            At natatakot ako na baka hindi ko magawa ang task ko pagka tuluyan nang
naging pasaway ang puso ko.

            Napa-buntong hininga ako at tinignan ko si Cupid na seryoso nang


nagata-trabaho. Pina-gulong ko ang swivel chair ko papalapit sa desk niya.

            “Sorry,” bulong ko sa kanya.

            Napa-buntong hininga rin siya and his expression soften.

            “Promise, I’ll give you the right guy,” mahinahong sabi ni Cupid.

            I smiled at him as genuinely as I could.

            “I know,” sabi ko while trying my best to keep my voice steady.

            Bumalik ako sa desk ko at nagpaalam ako na pupunta lang sa restroom


saglit.

            Buti na lang at hindi na nagagawang basahin ni Cupid ang nasa isipan
ko. Kundi malalaman niya na hindi na ako na-e-excite malaman o makilala ang taong
ima-match niya sa akin.

            Sa ngayon kasi, isa lang ang gusto ko.

            Dali-dali akong naglakad papuntang comfort room kaya lang bago pa ako
makapasok, nakita ko naman si Edgar na palabas sa male’s comfort room.

            Naalala ko yung sinabi ni Luke. Alam ni Edgar kung sino ang nagpapadala
ng ng bouquet sa akin.

            Nilapitan ko siya.

            “Uy, may tanong ako,” sabi ko sa kanya.

            “Sorry hindi ako pwedeng sumama sa’yong mag dinner mamaya. I’m busy,”
sabi naman niya.

            Can I kill this guy?!

            “Wala rin akong planong yayain ka, unggoy! May kailangan lang akong
malaman.”
            “Yes, I’m single but my heart is already taken. Sorry Jillian.”

            Oh my god.

            “Ano ba! Kelan ka ba titino kausap?!”

            Tumawa siya, “’to naman! Nagbibiro lang! Ano yun?”

            I give him a “hindi-ako-nakikipagbiruan” look.

            “Sino ang nagpapadala ng bouquet at yung malaking bear sa desk ko?”
walang paligoy-ligoy kong tanong sa kanya. Mamaya kung ano pa sabihin ng bwiset na
‘to eh.

            Nakita ko ang gulat sa mukha ni Edgar dahil sa tanong ko. Maya-maya
lang ay nagkibit-balikat siya.

            “See you sa loob,” sabi niya at naglakad palayo.

            “Uy teka! Sagutin mo! Sino?”

            Hinarap niya ako, “binayaran ako ng isang libo sa pananahimik ko.”

            “I’ll pay you two thousand para magsalita ka.”

            “Game!” mabilis na sagot nito.

            Mukhang pera!

            “Wait, dyan ka lang.”

            Iniwan ko si Edgar sa labas ng opisina namin at kumuha ako ng dalawang


libo sa wallet ko. Nak ng tupa, ang daming bagay ko nang mabibili sa dalawang libo!
But I need to know kung sino ang nagpapadala ng mga yun.

            Buti na lang talaga sahod na bukas.

            “Oh ayan!” sabi ko kay Edgar sabay abot ng pera na masaya naman niyang
tinaggap. “Now spill it!”
            “Okay, sasabihin ko sa’yo lahat ng nalalaman ko,” pagsisimula niya.

            “Wag ka na magpaligoy-ligoy please?”

            “Mayaman yung admirer mo!”

            “Obviously.”

            “Pero....” he paused. My gosh!

            “Pero ano?” I asked him impatiently.

            “Pero ang nakakausap ko lang ay ang driver niyang nag ngangalang
Richard kasi ayun ang nagaabot sa akin ng mga ipinabibigay niya sa’yo at ang bayad
niya sa akin. That’s all I know. Thanks sa dalawang libo!” kinindatan niya ako at
tuloy-tuloy nang pumasok sa loob ng opisina.

            What---what---what the---

            AY BWISET NA YAN OH! BWISET NA UNGGOY YAN OH! BWISET TALAGA!

            Nakakainis! Unggoy talaga siya! Naisahan ako doon! Arrggghh!!


Nakakainis talaga!

            Naka-simangot akong bumalik sa loob ng opisina. Mukhang napansin naman


ni Cupid ang dark aura na bumabalot sa akin kaya nilapitan niya ako.

            “Ano problema?” tanong niya.

            “Pwede bang pag nakuha mo na ang pana mo, paki duktong ang kapalaran ni
Edgar sa kuto?!”

            He chuckled, “masama ‘yan.”

            “Then I’ll steal your arrow again.”

~*~

 
It’s 8 o’clock in the evening. Iwan ako rito sa office sa kadahilanang hindi ko na
naman natapos ang trabaho ko nang maaga. Kasalanan ito ni Ayesha at Edgar eh! Si
Cupid naman, pina-una ko na ng alis para masabayan niya si Enid. Si West naman,
kanina pa hindi lumalabas sa opisina niya. Mukhang busy rin.

            Gusto ko nang umuwi. Isipin ko pa lang na kaming dalawa na lang ni West
ang nandito sa opisinang ito eh para nang nagwawala ang puso ko.

            At mali ito. Mali.

            Binilisan kong i-proofread ang last chapter ng manuscript na binabasa


ko. Bahala na kung may makawalang typographical error. Ibabalik naman sa akin ito
ni West eh kung meron. Basta kailangan ko na lang makaalis.

            Nang matapos ko na ang trabaho ko at na-i-send ko na rin sa email ni


West ang manuscript, dali-dali kong pinatay ang desktop ko at nag-ayos ng gamit.
Kaya lang, bigla namang may kumatok sa office. Pinagbuksan ko ito ng pinto at
nagulat ako sa lalaking nakatayo sa harap ko.

            The guy is around 45-50 years old. He’s wearing a perfectly tailored
business attire and he look so intimidating. Yung parang bigla akong nanliit sa
sarili ko by just merely looking at him.

            I know him. Ilang beses ko na siyang nakita sa TV at business magazine.

            He’s Edmond Martinez, a business tycoon and West’s father.

            “Can I come in?” he asked me with a deep voice at hindi siya
ngumingiti.

            “S-sir. Y-yes, please come in.”

            Tumabi ako sa daraanan niya at pumasok naman siya.

            “Is West here?”

            “Ah opo. P-please take a sit first. Inform ko lang po siya na nandito
kayo.”

            Humila ako ng swivel chair at doon ko siya pinaupo. Nakakahiya man ay
walang sofa o maayos na waiting area ang opisina namin.

            “Do you want some coffee sir?” tanong ko rito.


            Tumingin siya sa water dispenser namin at doon ko lang na-realized ang
hile-hilerang pack ng instant coffee rito.

            “No thank you,” he replied curtly.

            Of course hindi siya umiinom ng instant coffee. Stupid Jillian.

            Kumatok ako sa office ni West and before pa siyang makasagot, binuksan
ko na ito agad. Hindi ko na kasi ma-take ang pakiramdam na nandito ang father niya.
Kinakabahan ako na ewan.

            “Sir West!”

            “Oh Jillian?” nakangiting tanong niya sa akin.

            “Y-yung father mo, n-nasa labas...”

            Biglang nawala ang ngiti sa labi niya at parang hindi niya nagustuhan
ang sinabi ko.

            “Okay... let him come in.”

            Tumango lang ako at lumabas ng opisina ni West. Sinabi ko naman sa


father niya----in a very polite way----na pwede na siyang pumasok. Hindi ito nag
react at tuloy-tuloy lang sa opisina ni West.

            My gosh! Nakaka tense naman ‘yun. Feeling ko nabawasan ng isang taon
ang buhay ko. Bakit kapag mga business tycoon ganun ang aura nila?

            Kumuha ako ng tubig sa water dispenser at uminom. Teka, am I supposed


to bring something inside? Like coffee kahit ayaw niya or something to eat? Alam
kong hindi ako secretary ni West pero may bisita siyang isang VVIP. Kaso baka
masyadong personal ang pinaguusapan nila sa loob at mamaya maka-istorbo ako?

            Bumalik ako sa desk ko at naupo. Mamaya na lang siguro ako aalis kapag
wala na si Sir Edmond. Mamaya kailanganin ako ni West.

            Para libangin ang sarili ko, naglaro na lang ako sa phone ko ng Candy
Crush. Habang nasa kalagitnaan ako ng isang level, bigla akong nakarinig ng
something na nabasag sa opisina ni Sir West kaya naman napatayo ako bigla.

            Ano yun? Ba’t may nabasag? Teka, papasok ba ako? Kakatok ba ako? Hindi
ba rude kung bigla akong papasok sa loob para i-check kung ano ang nangyari?
            Pero bago pa ako makapag-decide, biglang bumukas ang pinto ng opisina
ni Sir West at lumabas si Sir Edmond. He looked so furious and he stormed out of
the office nang hindi man lang tumitingin sa akin.  

            Nang makalabas siya, dali-dali akong pumasok sa opisina ni West.


Nagulat ako nang makita kong nasa sahig at basag ang isang frame na dating naka-
sabit sa tabi niya.

            Naka-upo si West sa swivel chair niya habang nakapatong ang ulo niya sa
kaliwa niyang kamay. Agad ko namang napansin ang sugat sa kanang kamao niya.

            Mukhang alam ko na ang nangyari.

            Nilapitan ko siya at kinuha ko ang kamay niya. Inilabas ko ang panyo ko
at ibinalot ito sa sugat niya. Hindi kumibo si West.

            “Alam mo, may na-discover kaming kainan ni Eros sa di kalayuan dito sa
office. Masarap ang pasta nila pero pinaka the best yung desserts. Nag crave ako sa
gelato ice cream nila. Gusto kong kumain. Pwede mo ba akong samahan?”

            Tinignan ako ni West, “Jillian...”

            “Tara na. Pero pa-check muna natin sa clinic ang sugat mo okay?”

            He gave me a sad smile, “okay.”

            Tumayo ako, “tara na?”

            Nauna na akong lumabas kay West para tumawag ng janitor at sabihing
linisin yung nabasag na frame. Kinuha ko na rin ang gamit ko sa desk ko.

            Hindi ko alam kung ano ang pinagusapan nila ng father niya. Pero
obviously, mukhang hindi ito maganda. West look so helpless awhile ago at sa hindi
ko at parang kumirot ang puso ko nang makita ko siyang ganun.

            I am not in the position to ask kung ano ang nangyari.

            Pero pwede ko naman sigurong subukan na pagaangin ang loob niya kahit
papaano ‘di ba?

            Maya-maya lang ay lumabas na rin si West.

            “Let’s go? Excited na akong kumain!” I told him cheerfully.


            Nginitian niya lang ako.

            Nauna rin akong maglakad palabas ng opisina kaya lang bago pa ako
makaabot sa pinto, nagulata ko nang biglang hawakan ni West ang kamay ko and he
pulled me against him. Niyakap niya ako ng sobrang higpit.

            At parang lalabas na sa dibdib ko ang puso ko.

            “S-Sir West....”

            “Jillian,” mas humigpit ang yakap niya sa akin. “Thank you. Ikaw lang
ang magandang nangyayari sa buhay ko ngayon.”

            Napalunok ako bigla sa sinabi niya at pakiramdam ko parang nangingilid


na rin ang luha sa mata ko.

            Kung alam lang niya.

            Humiwalay si Sir West sa akin then he gave me a smile that melts my
heart.

            It hurts.

            “Let’s go,” sabi niya sa akin then he took my hand.

            At kahit na nagsusumigaw na ang puso ko na kumalas sa pagkakahawan


niya, hindi ko magawa.

            Hinayaan ko lang na magkahawak-kamay kami habang naglalakad.

To be continued...
***

AN:

Yay! Nakapag update na rin ako! Waaaaaah. At kinilig naman ako dahil pag open ko
1.1M reads na ang SWSCA. Huhu salamat po readers! At thank you sa mga matyagang
nag-antay. As promised, ito na ang update! <3

 February na! Month na ni Cupid! Mehehehe

- Aly

=================

Chapter 25 (02/07/15)

Chapter 25

[Jillian’s POV]

“Tell me what happened,” walang paligoy-ligoy ko na sabi ko kay West matapos naming
maubos ang isang mud pie na in-order namin dito sa restaurant kung saan ko siya
dinala.

            Napa-buntong hininga si West at tinignan niya ang kanyang kamay na


ngayon ay may bandage na.

            “He wants me to resign.”

            “W-what? Why?”

            “Sabi niya it’s about time na panindigan ko na ang pagiging isang
Martinez. Gusto niyang doon na ako mag trabaho sa kumpanya namin.”
            Napa-buntong hininga rin ako dahil sa sinabi ni West. Sa totoo lang,
ayokong umalis siya sa kumpanya namin. Effective siyang boss at masipag sa trabaho.
Alam kong maraming times na ang strict niya at may pagka-masungit siya, pero iba pa
rin pag siya ang kasama namin.

            Yun nga lang, may point ang father niya.

            “Ayaw mo ba talagang mag trabaho sa inyo? Gusto mo ba talaga ang


pagiging editor in chief?” malumanay kong tanong sa kanya.

            Napa-baba ang tingin niya sa kinakain niya at napapikit siya.

            “Yes and no,” sagot niya.

            “What do you mean?”

            “Yes, I love this job. I always love literature kaya masaya rin ako sa
trabaho ko. Pero hindi rin ibig sabihin nun eh ayokong magtrabaho sa amin. It’s
just that....”

            “Just what?”

            He look hesitant na sagutin ako at napa-buntong hininga ulit siya.

            “It’s just that I hate it when they give me a lot of responsibilities.
Kaya ako umalis doon kasi ayokong magtrabaho at gawin ang mga bagay na yun just to
please my father. Gusto kong kumayod at magtrabaho para sa future ko. Isa pa, wala
naman silang nakikitang maganda sa akin eh. Lagi akong palpak. Ang perfect sa
paningin nila ay si Kuya Zyron.”

            Napa-ngiti ako ng onti, “so na-i-insecure ka sa kapatid mo.”

            “I’m not!” mabilis niyang sabi. “I mean, close naman kami ni kuya.
Ayoko lang na ikinukumpara niya ako sa kanya. Feeling ko wala akong kwenta.”

            “That’s not true! Hindi ka man nila mabigyan ng tamang appreciation,
but I---we appreciates you...a lot. Yung mga efforts mo, yung kasipagan mo, yung
dedication mo...yung---“ yung haba ng pasensya mo sa akin, yung hindi mo pagsuko
kapag tinutulak kita palayo, yung grabeng pag c-care na pinapakita mo.

            Napayuko ako at iniwas ang tingin sa kanya.

            “H-hindi talaga ako magaling mag advice,” mahinang bulong ko.
            “Jillian...”

            Inangat ko ng onti ang tingin ko sa kanya and I was shocked to see that
he is giving me a genuine smile.

            “Thank you. Bakit simpleng salita mo lang nagagawa mo na ‘kong


pasayahin?”

            Feeling ko nasira ang aircon sa restaurant na ‘to. Bigla na lang nag
init ang kapaligiran eh.

            Napayuko ulit ako. Hindi ko kayang ipakita ang mukha ko kay West. Alam
kong nangangamatis na ito sa pula.

            Bakit ba dati siya yung madalas mag blush? Bakit ngayon ako na?

            Bakit dati nauutal siya? Ngayon ako na ang nauutal?

            Nagkabaliktad na ba ang mga pwesto namin? Hindi kaya sa akin na


gumagana ang pana ni Cupid?

            “Uy, ba’t ayaw mo akong tignan?” he asked me. There’s a hint of a smile
in his voice.

            “Shut up,” I mumbled.

            “What? Sinasabihan mong shut up ang editor-in-chief mo?”

            Tignan niyo! Tignan niyo! At kalian pa siya natutong mang-asar?!

            Narinig ko ang mahinang tawa niya kaya naman napa-angat ang tingin ko
sa kanya.

            He look vibrant and happy. He look so handsome.

            Ang sarap niyang titigan.

            Nahawa na rin tuloy ako ng ngiti sa kanya.

            “I’m so happy you came into my life,” naka-ngiting sabi niya.
            I tried my best na wag mawala ang ngiti sa labi ko. I tried my best na
wag ipakitang gusto kong maiyak sa salitang binitiwan niya.

            Masasabi pa kaya niya yan sa akin kapag bigla-bigla ko na lang siya
sasaktan?

~*~

[Enid’s POV]

“Ba’t kasi hindi ka pa magpakita? I know you’re following me.”

            May lumabas na isang lalaki sa gilid ng poste at nakita ko ang masayang
mukha ni Eros na naka-ngiti sa akin.

            Alam kong mula sa office pa lang, sinusundan niya na ako.

            Alam kong dapat akong ma-creep out sa ginagawa niya.

            Pero ewan, parang ang saya kong makita siya.

            “Ayaw mo kasing magpahatid pauwi eh. Sorry. Gabi na kasi at baka
mapaano ka,” pagdadahilan niya.

            Napangiti ako na iiling-iling, “you’re acting like a stalker, Eros


Evangelista.”

            Mas lumawak naman ang ngiti sa labi niya, “grabe stalker talaga? Pang
panget lang yun. Dahil gwapo ako, dapat secret admirer ang tawag mo sa akin.”

            “Yeah right,” I rolled my eyes at him at naglakad na ako sa kalyeng


dinaraanan ko. Sinabayan naman niya ako.

            “Ba’t nga pala hindi ka hinahatid ng asungot na si Edgar? ‘Di ba


nanliligaw siya sa’yo?” tanong ni Eros na may halong bitterness sa boses.
            “Kung sa’yo nga hindi ako nagpapahatid, sa kanya pa kaya?”

            He shrugged, “kung sabagay.”

            Biglang napa-buntong hininga si Eros at napatingin sa kalangitan.

            “Oh, what’s your problem?”

            “Wala may hinahanap lang ako.”

            Napatingala rin ako at puro mga yero ng kaptibahay at mga kable ng
kuryente ang nakita ko.

            “Ano naman yun?”

            “Shooting star.”

            Napataas ang kilay ko, “at bakit naman?”

            “Gusto ko kasing humiling na sana pumayag kang sumama sa akin na


makipag-date this weekend.”

            Hindi ko ma-itago ang ngiti sa labi ko. Nakakainis naman kasi ang isang
‘to eh. Ubod ng corny.

            Pero bwiset na ‘yan, ba’t ako kinikilig?

            “Wala kang makikitang shooting star dito kahit pa mamuti ang mata mo.”

            “Ayun shooting star!” sabi niya sabay turo sa langit. Napatingin naman
ako agad pero puro yero at kable ng kuryente pa rin ang nakita ko.

            “Wala naman eh!”

            “Meron. Ginamit ko ang imagination ko. At nakapag wish na rin ako.”
Nginitian niya ako ng nakakaloko, “wish granted na ba?”

            Hindi ko mapigilan ang paglawak ng ngiti ko dahil sa kanya.

            “Eh hindi ko naman pwedeng kalabanin ang shooting star. Malakas ang
effect nun. Lalo na yung nanggaling pa sa imagination mo.”
            “Yes! It’s a date?”

            Tumango ako habang nakangiti.

            “Dito na pala ako. Ingat ka paguwi.”

            “Wait.”

            Nagulat ako nang biglang hawakan ni Eros ang kamay ko at hinalikan niya
ako.

            “Good night,” naka-ngiting sabi niya at naglakad na siya paalis.

            Dali-dali akong pumasok sa loob ng bahay ko at nang ma-isara ko ang


pinto, pa-impit akong tumili.

            Oh my gosh. Kelan ba ako huling kinilig ng ganito? Kelan ba ako naging
ganitong kasaya?

            Hindi ko matandaan.

            Pero ewan. Everytime na kasama ko si Eros, parang nag m-melt ang puso
ko. Parang ang sarap sa pakiramdam na nandyan siya sa tabi ko.

            Ang kumportable.

            “Enid?”

            Napa-angat ang tingin ko at nagulat ako nang makita ko si Ayesha na


naglalakad papalapit sa akin.

            “Oh Ayesha!” naka-ngiti kong bati pero deep inside parang hindi ako
mapakali.

            Hindi ko maintindihan. Lately parang hindi ako kumportable na kasama


siya. Parang ayokong nakikita si Ayesha. Which is wrong. Kaibigan ko siya at wala
naman siyang ginagawang masama sa akin.

            Pero bakit ganito?

            “Sino yung kasama mo kanina?” naka-ngiting tanong niya.


            “Ah s-si Eros, ka-opisina ko.”

            Tumango siya habang naka-ngiti.

            “Yung ka-opisina mong kinagagalitan mo?”

            “H-ha? Hindi naman ako galit sa kanya.”

            She gave me a creepy smile, “galit ka sa kanya, Enid.”

            “G-galit ako?”

            “Oo. Galit ka to the point na ayaw mo siyang makita o lapitan o


kausapin. Galit ka to the point na kaya mo siyang saktan.”    

            Parang bigla akong nawala sa sarili ko. Wala akong makita. Puti lang
ang kapaligiran at tanging ang ngiti lang ni Ayesha ang nakikita ko.

            Paulit-ulit sa utak ko ang mga katagang galit ako kay Eros. Galit ako
kay Eros. Galit ako kay Eros.

            Dahan-dahan ay napatango ako.

            “Oo. Galit ako sa kanya. Ayoko siyang makita.”

            Naramdaman ko ang kamay ni Ayesha na hinihila ako at bigla na lang


luminaw ang lahat ng nasa paligid ko.

            Pero may nag bago.

            Nakaramdam ako ng matinding galit kay Eros. Galit na hindi ko alam kung
saan nagmula.

            At gusto ko siyang saktan.

            Gustong gusto.

 
To be continued...

=================

Chapter 26 (2/16/15)

Chapter 26

[Jillian’s POV]

“Basahin mo na Jillian. Sige na. Paki proofread mo. Paki edit. May dapat ba akong
tanggalin? May dapat ba akong dagdagan?”

            Tinignan ko ang mukha ni Luke at kitang-kita ko ang nerbyos dito habang
iwinawagayway niya ang isang pirasong papel sa mukha ko.

            I rolled my eyes at him, “for pete’s sake Luke, hindi mo kailangan ang
bagay na ‘yan. Hindi mo kailangan ng script kapag magtatapat ka. Sabihin mo sa
kanya kung ano ang nararamdaman mo that moment. Mas effective yun.”

            Napahinga ng malalim si Luke at kita ko ang nerbyos sa mukha niya.

            Matagal na kasi kaming gumagawa ng plano dalawa. He’s going to take
Elise on a date at doon niya sasabihin ang lahat. Kaso ito namang si Luke, sukat
gumawa ng script sa kung ano ang sasabihin niya kay Elise.

            Hindi ko akalain na ganito pa lang ka-torpe ang isang ‘to.

            Mas cool at mas confident pa siyang tignan kay West pero pagdating sa
pagpapakita ng feelings talong-talo siya ni West!

            Syempre alam na alam ko ang bagay na yun.

            “Kaya ko ba ‘to? Parang ayoko na eh,” mahinang bulong ni Luke sa akin.

            “Luke, listen ‘to me. I know it’s terrifying na mag sabi ng
nararamdaman mo sa isang ‘to. There are million reasons na magsasabing hindi worth
it ang risk na yun. Pero kung lagi kang tatakbo at magpapaka-torpe at magpapaka
duwag, eh habang buhay mo na lang tititigan si Elise.”

            Iniwas ni Luke ang tingin niya sa akin.

            “W-what if ayaw niya pala sa akin? What if may gusto siyang iba? What
if ma-basted ako?”

            I smiled at him, “at least you tried at wala kang magiging regret
doon.”

            Napangiti bigla si Luke, “thank you Jillian ah? I don’t know why you’re
doing this pero sobrang thankful ako na nandyan ka at pinapalakas ang loob ko.”

            “Ay sus! Nag drama pa! Basta pag naging kayo, kailangan ilibre mo ako!”

            Ipinatong ni Luke ang kamay niya sa ulo ko at ginulo ito, “oo naman, my
little cupid!”

            Inalis ko ang kamay niya sa ulo ko, “ano ba! Ang tagal kong inayos ang
buhok ko, guguluhin mo! Mukha na tuloy akong bruha!”

            “Okay lang yan! Maganda ka pa rin. May manliligaw pa rin sa’yo!”

            “Ewan ko sa’yo!”

            We both laugh.

            “Good morning.”

            Napaangat ang tingin namin ni Luke sa dumating at nakita namin si


Elise.

            “Good morning!” medyo hyper na sagot namin ni Luke.

            We both shoot each other a meaningful look at bumalik na si Luke sa


table niya.

            Sana talaga maging sila na.

            Hindi lang para sa task ko kundi para na rin kay Luke. Alam ko kung
gaano kabuting tao nitong si Luke. Kasama ko siya mula college pa lang at kitang-
kita ko kung gaano niya ka-deserve na maging masaya. Kaya nga na-inlove ako dati
dito eh.
            At ngayon, magiging masaya ako para sa kanila ni Elise.

~*~

Katatapos lang ng lunch break at taas kilay akong nakatingin kay Cupid dahil ang
lawak na naman ng ngiti ng isang ‘to. Yung ngiti na parang nanalo siya sa lotto.

            “What!” nakangiti pa rin niyang sabi sa akin.

            “Ano na naman ang nangyari at ngingiti-ngiti ka diyan ha?”

            Pinagulong niya ang swivel chair na inuupuan niya papalapit sa akin.

            “Gusto ni Enid na ihatid ko siya mamaya pag uwi sa bahay nila,”
masayang sab niya sa akin. “And she also asked me to stay for dinner.”

            Biglang nag ningning ang mata ko dahil sa sinabi niya, “really?!”

            “Yep! At may date rin kami sa weekend!”

            “Wow. Do you think, na-i-inlove na siya sa’yo?”

            “Maybe? Pero hindi pa masyado. Kasi kung oo, maalala na niya ako. Pero
sana. Sana talaga.”

            I look at Cupid’s happy face. Sana nga talaga.

            Pero bakit parang bigla akong kinakabahan?

            Parang may mali. Hindi ko lang ma-point out kung ano.

            “Uy Jillian pinapatawag ka ni bossing sa loob!” sabi ni Edgar.

            “Wait lang,” paalam ko naman kay Cupid.


            Naglakad ako papunta sa office ni West at nakita ko naman siya doon na
nakasandal sa edge ng table niya at may binabasang libro na published sa amin.

            There’s a small smile on his face at parang na-a-amused siya sa


binabasa niya. Habang ako naman, nanlalambot na nakatingin sa kanya dito sa may
pinto at parang hindi ako makakilos. Gusto ko lang siyang titigan.

            He is so handsome.

            Inangat niya ang tingin niya then our eyes met. Feeling ko malulunod
ako.

            “S-Sir West, pinatawag mo raw po ako?” naka-ngiting tanong ko sa kanya.

            “Ah yes, ibibigay ko lang sa’yo ‘to. Schedule ng next releases natin at
kung kelan ang deadlines niyo sa next manuscript.”

            Lumapit ako sa kanya at kinuha yung note na hawak niya.

            “Got it!”

            Nginitian niya ako, “thank you.”

            Napangiti rin ako at naglakad na palabas kaya lang isang hakbang ko pa
lang ay na out balance ako gawa ng takong ko.

            “Uy!”

            Naramdaman kong may mga kamay na umaalalay sa akin patayo.

            “Are you okay?”

            Napatingin ako kay West. Sobrang lapit niya sa akin. Ramdam ko na ang
hininga niya and I can even smell his perfume.

            I felt a tight knot in my stomach. Parang pakiramdam ko mawawalan ako


ng hininga. At pakiramdam ko ang pula ng mukha ko ngayon dahil ang init ng
pakiramdam ko.

            Humiwalay agad ako sa kanya.

            “S-sorry. Lampa lang. Hehe thank you,” sabi ko sa kanya.


            “Please be careful, okay?”

            Tumango ako, “o-okay!”

            Tinalukuran ko na ulit siya dahil any minute now, hihilingin ko na sana
lamunin na ako ng lupa. First, he caught me gawking at him. Tapos bigla naman akong
madadapa sa harap niya?!

            Ano ba namang kahihiyan ito.

            “Ah Jillian!”

            Naramdaman kong hinawakan niya ang pulse ko at para akong nakuryente sa
hawak niya.

            “Y-yes?”

            “Excited na ako sa weekend.”

            Sa weekend. Sa date namin.

            Nginitian ko lang siya at tuluyan na akong lumabas ng office niya.

            I almost told him na ako rin, excited na ako. Na pinaplano ko na ang
isusuot ko sa araw na yun. Na halos mapaniginipan ko na ang araw na yun dahil hindi
na mawala sa isip ko.

            Pero hindi ko tinuloy.

            Because I know, after that day, kailangan ko nang umiwas ng tuluyan.
Hindi na dapat ako magpa-kontrol sa nararamdaman ko para sa’yo.

            Dahil hindi siya ang para sa akin.

~*~

[Cupid’s POV]
 

“Ang saya pala ng ganito?” naka-ngiting sabi ni Enid habang naglalakad kaming
dalawa papunta sa bahay niya.

            Tinignan ko siya, “ang alin?”

            “Yung ganito.”

            Itinaas niya ang magkahawak naming kamay.

            Napangiti ako kay Psyche.

            Kanina habang naglalakad kami, pa-simple kong kinuha ang kamay niya.
Pinapakiramdaman ko ito kung babawiin niya sa akin pero hinayaan niya lang ako.

            Ngayon, ayoko nang makarating sa bahay nila. I just want to hold her
hand forever. Hindi ko kayang bitiwan ito.

            Ilang beses ko siyang nililingon habang naglalakad kami. There’s a


small and happy smile on her face. She look so beautiful. I am never going to get
used of her beauty.

            “We’re here!” masiglang sabi niya at binitiwan niya at hinila ako
papasok sa gate ng isang bahay.

            “Diyan ka nakatira mag isa?” tanong ko sa kanya.

            “Nope. Kasama ko yung friend ko. Kaso wala siya ngayon eh. Pasok ka.”

            Binuksan niya yung pinto at pinatuloy ako sa loob.

            Inikot ko ang mata ko sa paligid. Malaki ng onti ito kesa sa


tinutuluyan ni Jillian. May maliit na TV at isang mahabang sofa sa sala. Sa
kabilang side naman, may bilog na lamesa at apat na upuan.

            “Cupid.”

            Bigla akong napalingon kay Enid at seryoso siyang nakatingin sa akin.

            “Anong tinawag mo sa akin?”


            “Cupid,” paguulit niya.

            Nanlaki ang mata ko habang nakatingin sa kanya at halos hindi ako
makapaniwala sa salitang lumabas sa bibig niya. I took a step forward at tinitigan
ko siya maigi sa mata. I held her face between my hands.

            “P-Psyche, naalala mo na ako?”

            She smiled at me at bigla na lang niya pinagdikit ang mga labi namin.

            I kissed her back. I placed my hand around her shoulder and pulled her
against me. I kissed her with longing, with passion, and with too much emotions.

            Hindi ko akalain na ganito kong ma-mimiss ito. Hindi ko lubusang maisip
kung paano ko natiis na hindi siya halikan for a long time.

            I missed her so much. Psyche. My wife. My soulmate.

            “I love you Psyche,” I told her in between our kisses.

            Biglang huminto si Psyche sa paghalik sa akin at tinitignan niya ako sa


mata. I froze—literally. Hindi ako makagalaw. I just look at her with horror. She
gave me a wicked smile at unti-unti ay inangat niya ang kamay niya papunta sa leeg
ko.

            No. She’s not Psyche. Hindi pa rin niya naalala ang lahat.

            Hindi pa rin niya ako naalala.

            “I will kill you,” mahinahon niyang sabi habang unti-unting humihigpit
ang pagkakahawak niya sa leeg ko.

            Hindi ako makapag salita. Hindi ako makakilos. I know she can’t kill me
but seeing her looking at me with those empty eyes, it feels like I am dying
inside.

            “Psy—c—che...”

            “Kahit anong tawag mo sa kanya, hinding-hindi ka niya maalala.”

            Nakita ko si Ayesha sa gilid sa likod ni Psyche. Naglakad ito papalapit


sa amin at ipinatong niya ang kamay niya sa magkabilang braso ng asawa ko.
            Gusto ko siyang sigawan at saktan. Wala siyang karapatan para hawakan
ang asawa ko. Hindi niya pwedeng kontrolin ang mahal ko.

            Pero wala akong magawa. Nandito pa rin ako at nakatayo sa harap nila,
hindi makakilos, hindi makapag salita. I am under Ayesha’s blackmagic.

            “Without your arrow, you are just a useless and pathetic god, Cupid,”
she told me. “Ano kayang gagawin ko sa’yo? Isumpa na lang kaya kita? Ikulong ng
panghabang buhay? Ah alam ko na,” ngumiti siya sa akin. “Iparanas ko na lang kaya
sa’yo ang  ipinaranas niyo sa akin?”

            Napapikit ako. Kailangan kong makakawala. Baka kung ano ang gawin niya
kay Psyche. Hindi pwede. Hindi niya pwedeng ilayo sa akin ang asawa ko.

            “Nasa mortal na katauhan si Psyche at ang dali-dali niyang saktan at


patayin.”

            Hinila ni Ayesha si Psyche papalapit sa kanya at walang imik itong


sumunod.

            “Ano kaya ang gagawin ko sa kanya? Mabilisan? O uunti-untiin ko? Para
naman mag enjoy ka sa panunuod.”

            Walanghiya ka Ayesha! Walanghiya ka! Bakit kailangan mo siyang i-damay


dito?! Bakit si Pysche ang kailangan mong saktan?! Wala siyang kasalanan sa’yo!
Naging mabuti siya sa’yo! Itinuring ka niyang kaibigan! Paano mo ‘to nagagawa?!
Walanghiya ka!

            “Manuod kang maigi.”

            Pagkasabi niya nun ay nakita kong may gumuhit na isang malaking sugat
sa braso ni Psyche.

            Nanginginig ang buong katawan ko sa galit. Hindi ako makakilos. Ni


hindi ako makagawa ng paraan! Naiinis ako sa sarili ko! Ba’t ang hina ko?! Ba’t
napaka-walang kwenta ko!

            Nasa panganib ang babaeng mahal ko pero hindi ko siya magawang mai-
ligtas!

            “Cupid!!!”

            Bigla akong nakakita ng isang asul na liwanag. Nakakasilaw. Hindi ko


maaninag ang tumawag sa akin pero kilalang kilala ko ang boses na yun.
            Napaupo ako bigla. Itinaas ko ang kamay ko at napansin kong naigagalaw
ko na ito. Bigla akong nakarinig ng isang malakas at nakabibinging sigaw ngunit
hindi ko na malaman kung nanggagaling ang sigaw na yun.

            Masyadong maliwanag. Wala akong makita.

            “Cupid!!”

            Napatayo ako bigla.

            “Jillian?!”

            Unti-unting nawawala ang liwanag sa kapaligiran at nakita kong


papalapit sa akin si Jillian. Sobrang liwanag ang bumabalot sa compass na suot-suot
niya.

            “Jillian!”

            Nang makalapit na siya ay doon ko lang napansin na may dalawang


malalaking hiwa siya sa kanang braso at isa naman sa kaliwa. Halos mapuno ng dugo
ang braso niya.

            “S-si Enid! Hindi ko mahawakan si Enid!” sigaw niya sa akin.

            Napalingon ako sa paligid ko at nakita ko sa may paanan ng lamesang


bilog, nakahiga si Psyche at walang malay.

            Tumakbo ako papalapit sa kanya pero bago ko pa siya maabutan ay nakita
ko na sa tabi niya si Ayesha.

            “Layuan mo siya!”

            Hinawakan ni Ayesha ang braso ni Enid at bago pa ako, makakurap,


naglaho na silang dalawa.

            “Psyche! No! Psyche!”

            Para akong biglang nanlambot at napaluhod na lang ako.

            Wala na naman akong nagawa.


            Unti-unti ko na lang naramdaman ang pagbagsak ng luha sa mga mata ko.

To be continued...

=================

Chapter 27 (3/15/15)

Chapter 27

[Jillian’s POV]

“Stay still,” sabi ni Cupid habang hawak niya ang braso kong may sugat at may
ipinapatak siyang kulay asul na liquid dito. Hindi ko alam kung ano pero unti-
unting nawawala ang mga sugat ko.

            Iniikot ko ang paningin ko sa lugar kung saan ako dinala ni Cupid
matapos yung encounter namin kay Ayesha at Enid. Nakapunta na ako dito. Ito yung
mismong lugar kung saan ko kinuha ang pana niya. Sa harap ko ay nandoon pa rin ang
glass table kung saan nakalagay ang pana ni Cupid dati.

            Ibinalik ko ang tingin ko kay Cupid. Seryosong-seryoso ang itsura niya
at halata sa kanya na distracted siya. Na parang any minute, bibigay na siya.

            “P-paano ka nga pala napunta sa bahay ni Enid?” tanong sa akin ni Cupid
habang isinasara niya ang takip ng maliit na bote na pinaglalagyan ng asul na
liquid.

            Inangat ko ang braso ko at wala na akong nakitang bakas ng sugat dito.
Mantsa na lang nang natuyong dugo.

            “Yung compass,” sagot ko sa tanong niya. “Pauwi na ako kanina tapos nag
dilim yung paningin ko. Tapos narinig ko ang boses mo at ang boses ni Ayesha. Sunod
nun, bigla na naman nag liwanag ang compass ko. Napapikit ako at nung pagdilat ko
ulit, nakita kita sa harapan ko kasama si Ayesha at si Enid.”
            Cupid gave me a sad smile, “I am useless without my arrow. But I guess
you really did became my living arrow. Thank you for saving me, Jillian.”

            Ipinatong ni Cupid ang ulo niya sa magkabila niyang kamay, “wala na
naman akong nagawa para kay Psyche. Natatakot ako, Jillian. Baka kung ano ang gawin
ni Ayesha sa mahal ko. I’m useless without my arrow. Pero mawawalan na nang kwenta
ang existence ko pag si Psyche ang nawala sa akin.”

            Nakita kong may tumulong luha sa gilid ng mata ni Cupid. I felt a tight
knot in my stomach. Nasasaktan ako para kay Cupid, pero hindi ko alam ang sasabihin
ko sa kanya. Hindi ko siya magawang bigyan ng encouraging word.

            Dahil hindi mawala sa isip ko ang sinabi sa akin kanina ni Ayesha.

           

            [Flashback]

            “Manuod kang maigi!!”

            Parang bombang sumabog sa tenga ko ang boses ni Ayesha. Biglang


lumiwanag ang paligid. Napapikit ako. At nung dumilat ulit ako, nakita ko sa di
kalayuan si Cupid pero agad akong hinarang ni Ayesha. Sa may paanan niya ay nandoon
si Enid at walang malay.

            “Wag kang lalapit!” punong-puno ng pagbabanta ang boses niya habang
nakatingin siya sa akin.

            “Bakit mo ba ginagawa ‘to ha? Ano bang problema mo?! Tigilan mo na ‘to
Ayesha, please lang!”

            Hindi siya sumagot at nginitian niya lang ako.

            Para akong biglang kinilabutan. Seriously, mas nakakatakot pa siya sa


multo. Ang creepy niya.

            “Alam mo ang laki ng issue mo sa buhay! Lahat na lang sinisira mo!
Tigilan mo na ‘to!”

            Hindi pa rin siya sumagot at nakatingin lang siya sa akin.

            Nakakaubos na ng pasensya ha!

            Dali-dali akong lumapit kay Enid kaya lang nang hahawakan ko na siya,
naramdaman ko na parang may humihiwa sa braso ko. Napasigaw ako nang makita ko ang
apat na mahahabang hiwa sa braso ko.

            Nanlambot ang tuhod ko at natumba ako. My arm is burning with pain.
Nahihilo ako sa sakit.

            Lumapit sa akin si Ayesha at tinitigan ako maigi.

            “Sigurado ka bang kakampihan mo sila, Jillian? Buksan mo ang mga mata
mo. Isipin mong maigi kung sino dapat ang kampihan mo.”

            I gave her a bitter laugh, “hindi ko na kailangan mamili. Obvious naman
na Team Cupid ako ‘no! Never kong kakampihan ang katulad mo!”

            Nagulat ako nang biglang mas lumawak ang ngiti ni Ayesha habang napapa-
iling-iling siya.

            “Tandaan mo Jillian, laging nasa huli ang pagsisisi. Wag mo sanang
antayin na dumating ang araw na matulad ka sa akin.”

            “Never akong magiging katulad mo ‘no!”

            Bigla akong sinugod ni Ayesha at hinawakan niya ang leeg ko.

            “A-ano b-ba! Bitiwan mo ‘ko!”

            Hindi ako makahinga. Hindi ako makalaban. Nanghihina ako.

            “Hindi ba niya sinabi ang plano niya? Hindi ba niya ipinaliwanag ang
mangyayari sa’yo ngayong na sa’yo na itong compass na ‘to? Ikaw ang apprentice ni
Cupid. Balang araw, magkakaroon ka rin ng sarili mong pana, ng sarili mong
kapangyarihan at katungkulan. At iaalis ka nila sa mundong ‘to. Malayo sa mga
kaibigan mo. Malayo sa taong nakatadhana para sa’yo.”

            “H-hindi totoo yan! Hindi gagawin ni Cupid sa akin yun!”


            Tumawa ng pagkalakas-lakas si Ayesha at binitwan ako. Napahawak agad
ako sa leeg ko habang nasasamid-samid.

            “Nagawa na nila dati! Ginawa na nila sa akin yun! At nung tumakas ako,
alam mo kung ano ang naging kapalit, ha Jillian?! Yung buhay ng mahal ko!”

            Bigla akong napatingin sa kanya.

            “Bakit? Hindi rin ba niya sinabi sa’yo na sila ang dahilan ba’t namatay
ang mahal ko, ha? Hindi ba niya sinabi sa’yo na para magampanan ko na ang trabaho
ko, kinakailangan nilang patayin ang mahal ko?!”

            Nanlalaki ang mata ko habang nakatingin ako kay Ayesha. Hindi ako
makapag-salita. Ayaw mag sink-in sa utak ko ang sinabi niya sa akin.

            Ayaw maniwala ng isip ko.

            Umiling ako.

            “You’re lying! Wag mo nang siraan si Cupid sa akin!”

            Nagulat ako nang makita kong may namumuong luha sa mata niya.

            “Inosente ang mahal ko, Jillian. Inosente siya. Wala siyang ginawang
masama sa kanila. Napaka buti niyang tao tapos inaksaya lang nila ang buhay niya.
Ang sakit. Sobrang sakit. Wag mo sanang maranasan ang naranasan ko.”

            Napapikit ako bigla.

            Nanginginig ako.

            Bakit ganun? Bakit parang gusto kong umiyak? Bakit nararamdaman ko
bigla ang sakit na nararamdaman niya?

            No. Mali ‘to. Hindi ako dapat maniwala sa kanya. Mapanlinlang ang
babaeng nasa harapan ko ngayon.

            Hindi totoo lahat ng sinabi niya sa akin.

            Tinitigan ko si Ayesha.

            “I believe in Cupid.”


            Matapos kong sabihin iyon ay tumakbo na ako papalapit kay Cupid.

[End of flashback...]

            Kanina, siguradong-sigurado ako sa nararamdaman ko. Sigurado ako sa


pinaniniwalaan ko. Pero ewan, hindi ko magawang maalis sa isip ko lahat nang sinabi
ni Ayesha. Hindi ko maalis sa imagination ko ang itsura niya kanina.

            She’s in pain.

            Tinignan ko si Cupid. Miserableng miserable rin ang dating niya. Walang
buhay ang mata niya. Para bang malapit na malapit na siyang bumigay.

            Cupid ano ba talaga ang totoo? Gagawin mo rin ba sa akin yun? Ilalayo
mo rin ba ako dito against my will?

            Ilalayo mo ba ako kay West?

            Napatingin sa akin si Cupid at bumuntong-hininga siya.

            “Jillian... sorry ah?”

            “Saan?”

            “Wala. Kasi nasaktan ka nang dahil sa’kin.”

            Napailing ako.

            “Wala na naman yung sugat eh.”

            Tumayo si Cupid.

            “Kailangan na kitang i-uwi.”

            Napatayo rin ako bigla.


            “Sabay tayong uuwi.”

            “Hindi. M-may kailangan akong asikasuhin.”

            “Ano yun?”

            Iniwas niya ang tingin niya sa akin, “basta.”

            Napapikit ako at pilit pinapakalma ang sarili ko. Tinignan ko siya.

            “I thought I’m your living arrow. Ibig sabihin, team tayong dalawa.
Partners tayo. Pero bakit laging hindi mo sa akin sinasabi ang mga plano mo? Bakit
ang dami mong lihim sa akin, Cupid?”

            “Jillian, kailangan mo lang mag focus sa task na ibinigay ko sa’yo.”

            “No! Ang dami kong gustong malaman. Bakit kahit yung mga simpleng
tanong ko hindi mo magawang masagot?”

            “Jillian please!”

            “No Cupid! It’s about time para ipaliwanag mo sa akin ang lahat! Bakit
ako ang pinili ng compass? Ano ang magagawa ng compass na ‘to? Saan ka pumupunta
pag nawawala ka bigla? Ano ang plano mo para mabawi ang pana kay Ayesha? Cupid
naman eh!”

            He looked at me with full of guilt in his eyes.

            “I’m sorry Jillian.”

            Bigla na lang lumiwanag ang paligid. Naramdaman kong lumulutang ako.

            “Cupid! Wait!”

            Bigla na lang naglaho si Cupid sa harapan ko at nang mawala na rin ang
pumapalibot na liwanag, na-realized kong nandito na ako ngayon sa apartment ko.

            At wala si Cupid sa tabi ko.


            To be continued...

****

Author's Note:

Waaaah sorry po medyo natagalan ang update! Nagbakasyon kasi si otor ng matagal na
panahon hahaha. Nagbabalik na ulit ako and I'll do my best para tuloy-tuloy na ulit
ang update. Salamat po sa pag-aantay :)

=================

Chapter 28

Chapter 28

[Jillian’s POV]

Naku Cupid! Kung hindi ka lang brokenhearted, baka nasakal na kita! Pasalamat ka
hindi ako marunong mag appear-disappear kundi pupuntahan kita diyan sa
kinalulugaran mo, itatali sa silya, at hindi kita pakakainin hanggang sa magsalita
ka!

            Sinapak-sapak ko yung unan ko dahil sa sobrang inis.

            Seriously, nakakaubos na nang pasensya ang Kupidong ‘yan.

            Hindi man lang niya shine-share sa akin ang mga kaganapan samantalang
involved ako!
            Ayokong mag hinala sa kanya. Gusto ko siyang pagkatiwalaan. Pero paano
ko gagawin yun kung masyado siyang maraming tinatago?

            Napa-buntong hininga ako. Naalala ko na naman ang sinabi sa akin ni


Ayesha.

            Sina Cupid ang dahilan bakit namatay ang soulmate ni Ayesha. Kung totoo
man ang sinasabi niya, parang naiintindihan ko na kung bakit siya nagkakaganyan.
Kung bakit galit na galit siya kay Cupid. At kung totoo man talaga yun, ibig
sabihin ako rin? Ganun din ang gagawin niya sa akin?Kaya ba ako pinili ng compass
ay para maging apprentice ni Cupid?

            Ilalayo rin ba niya ako sa soulmate ko? Wala rin ba akong magiging
choice?

            Napailing ako bigla.

            No. Hindi ko dapat isipin ‘to. Hindi dapat ako maniwala sa Ayesha na
yun. Malamang inuuto niya lang ako!

            Ha! At akala niya magpapauto ako?! Ano ako shunga?

            I chose to believe Cupid at paninindigan ko na yun hanggang huli. Kasi


atleast si Cupid hindi nagnanakaw ng jowa nang may jowa!

            Isa pa, sa kanya nakasalalay ang lovelife ko!

            Pero kasi naman. Nasaan na ba yung lalaki na yun?!

            That night,  hindi ako halos makatulog. Baka kasi biglang mag appear si
Cupid sa harap ko. Pinili ko mang mag tiwala sa kanya eh ang dami ko paring
katanungan na gustong itanong sa kanya. Isa pa nagaalala ako sa kanya. Paano kung
sinundan niya si Ayesha para iligtas si Psyche? Paano kung bigla siyang mapahamak?

            At si Psyche, ano na kaya ang nangyari sa kanya? Hindi naman siguro
siya sasaktan ni Ayesha? Pero paano kung oo? Paano kung sa mga oras na ‘to eh
tinotorture na ni Ayesha ang asawa ni Cupid?

            Parang mas lalong sumikip ang dibdib ko sa thought na yun.

            Wag naman sana.

            Hindi ko man lubusan na kilala si Psyche, ramdam na ramdam ko kung


gaano siyang kamahal ni Cupid. At alam ko na hindi kakayanin ni Cupid kung sakali
mang may mangyari kay Psyche.
            Nakakainis talaga ‘tong si Ayesha!

            Kinabukasan, um-absent ako sa work. Una dahil wala akong tulog ni isang
minuto. Pangalawa, alam kong lutang ang isip ko at wala rin akong magiging silbi
kung papasok man ako. At pangatlo, kailangan ko i-handa ang sarili ko kung sakali
man magliwanag ulit ang compass at dalhin ako somewhere kung saan man naghahasik ng
lagim itong si Ayesha.

            Pero ngayon, kakain muna ako ng almusal. Gutom na ako! Ni hindi ako
nakapag dinner kagabi!

            Dahil ubos na ang stock ng pagkain ko rito (matakaw kasi si Cupid) at
hindi pa ulit ako nakakapag-grocery, dumiretso na lang ako sa gotohan para doon mag
almusal.

            Since Friday ngayon at may pasok sa opisina at eskwelahan ang


karamihan, walang masyadong kumakain sa gotohan.

            “Hi Aling Melissa!” bati ko doon sa nagtitinda.

            “Oh Jillian! Ang tagal mo nang hindi nabibisita rito ah? Nagkaroon ka
lang ng manliligaw na pogi!” pagbibiro niya.

            “Manliligaw na pogi?”

            “Oo! Yung kasama mo last time! Yung si West!”

            Parang nag init yung mukha ko sa pinagsasasabi ni Aling Melissa.

            “Aling Melissa talaga! Boss ko nga po yun kayo naman.”

            “Aysus! Eh sabi nung pinsan mong si Eros head over heels sa’yo ang
gwapong binatang yun!”

            “Si Eros?”

            “Oo. Madalas nandito yun eh. Laging bumibili sa akin tas lagi rin
nakikipag chikahan. Feeling ko type ako ng pinsan mo! Naku sabihin mo mukha na
kaming mag ina. Pero byuda naman ako, at age doesn’t matter naman kaya pwede na
rin.”

            I tried my best not to laugh at nginitian ko si Aling Melissa.


            “Bigyan niyo na lang po ako ng isang order ng goto with egg pati
tokwa.”

            Nagtakal ng goto si Aling Melissa sa isang mangkok.

            “Nasaan na nga pala ang pinsan mo? Dalawang araw nang hindi bumabalik
yun dito ah?” inilapag niya sa tray yung order ko.Kinuha ko naman ito.

            “Nag second honeymoon po sila ng asawa niya eh.”

            Nakita ko ang gulat sa mukha ni Aling Melissa dahil sa sinabi ko.

            “M-may asawa na siya?!”

            “Yep.”

            Napailing siya, “mga lalaki talaga ang hilig nagpapaasa! Kung
makaporma, wagas! Yun pala tali na siya!”

            Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napatawa na talaga ako.

            “Wag po kayong mag alala Aling Melissa! Mahal ka ni Mang Jose!” sabi ko
sabay turo doon sa magtataho na regular customer din nina Aling Melissa.

            “Like eww!” sagot niya sabay make face pa.

            I-iling-iling ako habang nakangiti at nagtungo ako sa isa sa mga upuan
doon. Si Aling Melissa talaga ang lakas maka-bagets kahit kelan!

            Habang kumakain ako ng goto, may biglang tumabi sa akin. Si Cassy. At
nakatitig siya sa akin.

            Natigilan ako bigla.

            Yung huling beses ko siyang nakita, may sinabi siyang kakaibang bagay
sa akin. Parang isang hula. Sabi niya dalawang lalaki ang nakaduktong sa kapalaran
ko. Ang una ay makakasama ko hanggang sa dulo. Ang pangalawa ay mag-aalay ng buhay
niya para makasama ko ang una.

            Sabi ni Cupid hindi iyun totoo dahil iisa lang ang naka-duktong sa
akin. Pero hanggang ngayon, bothered pa rin ako sa sinabi ni Cassy.
            “Cassy... kamusta?” tanong ko sa kanya at pilit akong ngumiti. “May
gusto sana akong itanong sa’yo...”

            Hindi siya sumagot. Patuloy lang siya sa pagtitig sa akin.

            “Yung tungkol sa sinabi mo sa akin dati. Yung about sa dalawa ang
nakaduktong sa kapalaran ko? Ano yung---“

            “Jillian,” pagputol niya sa sasabihin ko. “Mag-iingat ka.”

            “H-ha?”

            “Mag ingat ka sa pagbibigyan mo ng tiwala mo. Isipin mong maigi ang
bawat desisyon na gagawin mo. Baka magsisi ka sa huli.”

            Nginitian ako ni Cassy at tumayo na siya at iniwan akong mag-isa doon.

            What the hell.

~*~

Kanina pa ako nakahiga sa sofa ng sala ko. Nakatitig sa kisame. Ni hindi ko alam
kung anong oras na. After nung lahat nang sinabi sa akin ni Cassy, ni hindi ko na
nagawang ubusin ang pagkain ko nun at umuwi na ako.

            I tried to make myself busy. Naligo ako, naglinis ng bahay. Inilabas ko
ang laptop ko at sinubukan kong i-proofread ang manuscript na inaasikaso ko. Kaya
lang hindi ako makapag concentrate. Lumilipad pa rin ang utak ko. In the end,
nahiga na lang ako sa sofa at hinayaan ko nang i-absorb lahat ng mga nangyayari.

            Kaso ang problema, wala talaga akong ma-absorb.

            Naguguluhan na talaga ako. Hindi ko na alam ang paniniwalaan ko.

            Tama ba na pagkatiwalaan si Cupid? Mali ba na hindi ko pinapaniwalaan


si Ayesha?

            Ano ba ang totoo? Ano na ba ang nangyayari?


            Ano ba ‘tong pinasok ko?

            Parang ngayon, pinagsisihan ko na ang lahat.

            Bakit ko ba ninakaw ang pana ni Cupid? Sana hinayaan ko na lang ang
desperada kong puso. Alam ko naman na makaka moved on din ako kay Luke eventually
eh. Pero dahil sa pagiging desperada at gaga ko noon, ayan, ayan na. Ang dami kong
napahamak. Nadamay pa si Psyche.

            At si West.

            I heaved a sigh.

            Kung hindi ko ninakaw ang pana, hindi ko mapapana accidentally si West.
Hindi siya magkakaganito sa akin. Malamang ngayon, sinusungitan niya pa rin ako.

            Hindi ko makikita ang other side niya.

            Hindi ako mahuhulog.

            Parang sumikip ang dibdib ko sa realization na ‘to.

            Kaya nagkaganito si West is because of my stupid mistake. Pero kung


hindi ko ginawa yun, malabong-malabo na magkagusto siya sa akin.

            Bakit ang sakit isipin nun?

            Hindi naman siya ang naka-tadhana sa akin eh, pero bakit kailangan ko
na naman masaktan ng ganito?

            Napapikit ako.

            Ang tanga-tanga mo talaga, Jillian.

            Napadilat ako bigla nang makarinig ako ng katok sa pinto ng apartment
ko.

            Sino kaya yun?

            Tumayo ako sa pagkakahiga ko sa sofa at sumilip sa bintana kung sino


yung kumakatok.
            Shit. It’s West.

            Anong ginagawa niya rito?! May pasok ah!

            Tinignan ko ang wallclock na nakasabit sa ibabaw ng TV ko. It’s already


5:30pm. Gaano ba ako katagal nakahiga?

            Kumatok ulit si West.

            “Jillian? Are you there?”

            Oh my gosh namaaaan!

            Inunat ko ang t-shirt na suot ko at sinuklay ko ang buhok ko gamit ang
mga daliri ko bago atsaka ko binuksan ang pinto. Bumungad sa akin ang pagmumukha ni
West. Worried is written all over his face. Pero kahit ganoon, ang gwapo pa rin
niya.

            “Jillian, may sakit ka raw sabi ni Elise. Here, I brought you foods,”
sabi niya sabay taas nung paperbag na dala niya.

            Nginitian ko siya at pinatuloy sa loob ng apartment ko.

            “W-west, thank you ha?”

            “Don’t mention it. Pero okay ka na ba? May lagnat ka pa ba?”

            Lumapit siya sa akin then he touched my forehead.

            “You look pale pero okay naman ang temperature mo. Wait uminom ka na ba
ng gamot?”

            Tumango ako sa kanya. Then I feel a lump in my throat.

            “O-okay na ako..”

            He heaved a sigh, “thank goodness. Pero kainin mo ‘tong dala ko ah?
Teka aayusin ko.”

            Inilapag niya ang paperbag na hawak niya sa lamesa ng maliit kong
hapagkainan. Isa-isa niyang inilabas yung mga dala niyang pagkain.
            Hindi ko makita kung ano iyon. Nakapako lang ang tingin ko sa mukha ni
West.

            Napahinga ako ng malalim at hindi ko na napigilan ang pag bagsak ng


luha sa mata ko.

            Oh my god, in love na ako sa kanya.

            Bakit ganito yung nararamdaman ko? Mali ito eh. Hindi siya ang para sa
akin. Kung hindi ko siya accidentally na napana, hinding hindi siya magkakaganito
sa akin.

            And it made my chest hurt so bad.

            Sobrang sakit.

            “Jillian tara na kain na---“

            Natigilan si West nang harapin niya ako at nakita niya ang tuloy-tuloy
na pagbagsak ng luha sa mata ko.

            “Jillian?”

            Gusto kong umisip ng dahilan. Gusto ko magpalusot kung bakit ako
umiiyak ngayon sa harapan niya na parang sira.

            But I can’t seem to find my voice. Umiyak lang ako nang umiyak.

            “Jillian, what’s wrong?”

            Nilapitan niya ako.

            “W-West kasi, hindi ko na alam ang gagawin ko eh.”

            “Bakit? Ano yun? Tell me what’s wrong, Jillian? Ayoko nakikita kang
nagkakaganyan.”

            He wiped my tears. Pero bigla na lang ulit ako napahagulgol ng iyak at
niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit.

            “Jillian?”
            “Hindi ko pwedeng sabihin pero okay lang ba na ganito muna tayo?” I
asked him in between sobs.

            Naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni West. Mahigpit din. At mas lalo
akong napaiyak.

            Iniyak ko ang lahat sa kanya. Lahat ng worries ko, lahat nang pangamba
ko pati ang kapalpakan ko.

            Iniyak ko yung fact na alam ko, matatapos din ito.

            Alam ko na darating ang araw na ima-matchmake ko si West sa iba.

            At nararamdaman ko na kung gaano magiging masakit ang trabahong iyon.

            Ang sarap sukuan.

To be continued...

=================

Chapter 29 (3/25/15)

Chapter 29

[Jillian’s POV]

“Masarap?” tanong sa akin ni West habang pagkasubo ko ng pasta na dala-dala niya.

            I smiled at him, “the best! Saan mo ‘to nabili?”


            “May bagong bukas na pasta house near our office. Minsan kain tayo
doon.”

            “Sure!” masigla ko naman sabi.

            West gave me a bright smile. Hindi ko rin maiwasang mapangiti.

            Dalawang oras na ang nakakalipas simula nang umiyak ako sa harap ni
West. Niyakap niya lang ako ng mahigpit nun. Hindi siya nagsasalita. Hindi niya
tinatanong kung bakit ako umiiyak. Pero nung humiwalay ako sa kanya, kitang-kita ko
ang pagaalala sa mukha niya.

            He tried to hide it by smiling at me. Pero kitang-kita ko pa rin na


nagaalala siya.

            Isang katangian kasi ni West na sobrang nagustuhan ko---he is too


transparent. Hindi siya magaling mag tago ng emosyon.

            Halatang-halata na nag-aalala siya sa akin but he didn’t dare ask me


what is wrong kasi nirerespeto niya ako. Alam ko gusto niya na kusa akong mag open
up sa kanya.

            This guy---ngayon pa lang alam ko nang sobrang swerte ng nakatadhana sa


kanya.

            How ironic. Parang dati lang iniisip ko na ang malas ng taong
nakatadhana rito. I misjudge this person. Ang nakikita ko lang ay ang front act
niya dati. I never thought that this guy is more than just a terror boss with a
cold heart.

            Ibang-iba pala talaga siya doon.

            “Oo nga pala Jillian, about our date tomorrow. If you still not feeling
well, it’s okay if we cancel it.”

            “No!” mabilis kong sabi. “I—I mean, okay lang. Go ako syempre. Okay na
okay na talaga ako!”

            “Are you sure?” tanong niya habang bakas sa mukha niya ang
pagaalinlangan at pag aalala.

            “Oo naman! Sure na sure ako.”


            Ngumiti si West, “okay then. I’ll pick you up tomorrow at around 4am.”

            “Alright! 4am-----4am?! Bakit ang aga?!”

            Mas lumawak ang ngiti ni West.

            “I forgot to tell you, pupunta nga pala tayong dalawa sa Baguio. Mag
pack ka na ng gamit for three days and two nights.”

            “Baguio?! Teka, Baguio? Pupunta tayo sa Baguio?!” paulit-ulit kong


tanong sa kanya. Hindi ko ma-itago ang excitement ko.

            “Yep. Dahil alam kong gusto mong bumalik doon.”

            Natigilan ako, atsaka biglang napahagulgol na naman ng iyak.

            Anak ng tokneneng! Nagiging emotional na talaga ako!

            “J-Jillian!” natatarantang sabi ni West atsaka siya lumapit sa akin.


“H-hey. A-ayaw mo ba? Sorry. Sorry a-akala ko magugustuhan mo eh. Sorry hindi man
lang ako nag tanong sa’yo. Please don’t cry!”

            West brushed my tears away at tinignan ko siya at nginitian.

            “No. Natuwa lang ako. Ang tagal ko na kasing hindi nakakabalik sa
Baguio eh. Pero paano mo nga pala nalaman?”

            Sa isang bahay ampunan sa Baguio kasi ako dati nakatira. Fourth year
highschool ako nang magpakita na sa akin ang tatay kong politician. Pag dating ng
college, dinala niya ako sa Manila para dito na mag aral. Hindi na ako nakabalik pa
ng Baguio simula noon.

            At miss na miss ko na ang buhay ko doon.

            Maliit man ang bahay ampunan, mababait naman ang mga tao doon.

            Sila yung itinuring kong pamilya.

            Nakita kong namula ang tenga ni West and he gave me a guilty smile.

            “Well... uhmmm.. accidentally kong nakita yung papers mo nung nag apply
ka sa amin at nakita ko nga na taga-Baguio ka dati so uhmmm ayun.”
            Napangiti ako sa sinabi niya.

            “Buti na lang accidentally mong nakita yung papers ko.”

            He just shrugged habang hindi pa rin nawawala ang guilty smile sa labi
niya.

            “West, thank you ah?”

            “Anything for you Jillian.”

            My heart skipped a beat.

            Alam kong mahihirapan ako sa huli. Alam kong masasaktan ako ng husto.

            Makaka move on ba ako?

            Siguro.

            Magagawa ko ba ng maayos ang trabaho ko pag i-ma-match ko na si West sa


iba?

            Hindi ko alam. Ayoko munang isipin.

            Ang mahalaga yung ngayon. Habang nandito pa, susulitin ko na.

            I’ll just treasure every moments with him.

            Sa babaeng nakatadhana kay West, pahiram muna ako sa kanya ha? Habang
wala ka pa, sa akin muna siya.

           

~*~

[Cupid]

 
Isang palasyo sa Mount Olympus.

            Matagal-tagal na rin ang huling beses na tumapak si Cupid sa lugar na


ito. Hangga’t maari ay ayaw niyang magpakita sa kanyang ina na si Aphrodite. Alam
niya kasing makikielam at makikielam ito sa kaguluhang nangyayari ngayon.

            Ngunit kailangan niyang sumugal. Kailangan niyang makipagkita kay


Hephaestus---ang asawa ni Aphrodite. Ito na lang kasi ang tanging makakatulong sa
kanya.

            “Malapit na bang matapos?” tanong ni Cupid kay Hephaestus.

            “Habaan mo ang pasensya mo, Cupid. Kinakailangan ko pa ng panahon.”

            “Pero baka mamaya kung ano na ang gawin ni Ayesha kay Psyche. Hindi ako
mapapakali hangga’t alam kong nanganganib ang buhay ng babaeng mahal ko!”

            Napa-buntong hininga si Hephaestus, “manalig ka na lang na hindi


magagawang saktan ni Ayesha si Psyche. Naging matalik na magkaibigan ang dalawa.
Nung panahong nandito si Ayesha, si Psyche lamang ang nakakaintindi sa kanya at
alam kong may utang na loob ito sa babaeng mahal mo.”

            “Pero hindi na siya ang Ayesha na nakilala natin! Nilamon na ng galit
ang puso niya at gagawin niya ang lahat, magantihan lang kami sa nangyari sa
lalaking mahal niya!”

            Hindi umimik si Hephaestus. Napa-hinga naman ng malalim si Cupid.

            Tandang-tanda niya ang nangyari noon.

            Inosenteng lalaki si Marco. At kitang-kita ni Cupid kung gaano minahal


ng binata si Ayesha. At ang pagmamahal na yun din ang dahilan kung bakit ito
namatay.

            Sa kagagawan niya.

            Sa kagagawan nila ng kanyang inang si Aphrodite.

            Kung paano sila gumawa ng patibong sa inosenteng binata para mapunta
ito sa kinalulugaran ni Medusa at doon ay natapos ang buhay ng binata.

            “Cupid?”
            Agad na napalingon si Cupid sa kanyang likuran nang marinig niya ang
boses na yun. Nakita niyang papalapit sa kanila ang isang napaka-gandang babae. Ang
ganda na hindi kayang pantayan ng kahit na sino man.

            Si Aphrodite. The goddess of love and beauty.

            “Ina,” halos pabulong na tawag ni Cupid dito.

            Nginitian siya ni Aphrodite at hinalikan ang magkabilang pisngi nito.

            “Kamusta ka na, anak ko?”

            Hindi sumagot si Cupid. Iniiwas niya lang ang tingin niya rito.

            “Alam ko ang lahat, Cupid. Alam ko ang ginagawa ni Ayesha. At alam kong
nahanap mo na rin siya.”

            Hindi pa rin umimik si Cupid at diretso lang itong nakatingin sa


kanyang ina.

            “Jillian. Siya si Jillian hindi ba? Ang pinili ng compass?”

            Tumango si Cupid.

            “Interesado ako sa kanya.”

            Napakunot ang noo ni Cupid.

            “Ina, compass ko ang pumili kay Jillian. Ibig sabihin ay akin siya.
Hindi mo siya pwedeng galawin.”

            Binigyan ng isang malambing at mahinahong ngiti ni Aphrodite si Cupid


at hinawakan ang pisngi nito.

            “Naiintindihan ko, anak. Wag mo lang sanang maisipan na pakawalan ang
babaeng iyon. Kadugo natin siya at nararapat lang na makasama natin siya dito.”

            Napapikit si Cupid, “naiintindihan ko.”

            “O siya. Mukhang kinakailangan mo nang umalis, aking anak. Mag iingat
ka.”
            Yumuko si Cupid sa kanyang ina at kay Hephaestus bilang pag galang bago
tuluyang umalis.

To be continued...

***

Aly's Note:

May mga nababasa akong comments na medyo nalilito sila sa family line ni Cupid XD

Si Cupid po ay anak ni Aphrodite (Goddess of Love and Beauty) at ni Ares (God of


war) ..Hindi po si Zeus ang tatay ni Cupid. Lolo niya si Zeus dahil ayun ang tatay
ni Aphrodite. Ang asawa naman ni Aphrodite---yung official (kekekeke) ay si
Hephaestus (God of blacksmith)

Medyo magulo talaga ang family tree ng mga greek gods and goddesses. Mahilig kasi
sila sa affair. Lol XD

Anyway, I'm thinking na gawan ng prequel short story/novella si Ayesha. Yung


nangyari sa kanya before siya maging evil. Babasahin niyo ba if ever? Wahahaha.
Pero after na siguro ng SWSCA XD

=================

Chapter 30 (4/2/15)
Chapter 30

[Jillian’s POV]

‘Yung tampalasang god of love na ‘yun, talaga nga naman! Hindi talaga nagpakita sa
akin! Magaling na bata! Hay naku!

            Tinignan ko ang orasan. It’s 3:45am. Ready na ang mga gamit ko at
inaantay ko na lang si West na dumating. Inaasahan kagabi na magpapakita sa akin
ang kumag na si Cupid pero wala. Hindi.

            Napa-buntong hininga ako.

            “Cupid, kung sakali mang may powers ka na marinig itong sinasabi ko,
gusto ko lang malaman mo na bwiset ka. Makikipag date lang ako kay West kahit hindi
siya ang nakatakda sa akin. Sana sa araw na wala ako eh wag mong maisipang kainin
ang stock ng pagkain ko kundi patay ka talaga sa akin! Ima-matchmake kita kay
Edgar!”

            Pinakiramdaman ko ang paligid. Baka kasi bigla siyang sumulpot. Kaso
wala.

            Napabuntong hininga ulit ako.

            “Well, sana narinig mo ang sinabi ko.”

            Just to be sure, nag iwan na lang din ako ng note sa lamesa ko.

            Maya-maya lang din ay nakarinig na ako ng katok sa pinto. Ilang ulit
muna akong tumingin sa salamin bago ko pinagbuksan si West.

            “Good morning,” bati niya sa akin while smiling brightly.

            My heart did a somersault.

            “G-good morning.”

            “Are you ready?”


            Tumango ako.

            “Yep. Let’s go?”

            “Let’s go!”

            Ni-lock ko na ang pinto ng bahay habang si West naman ay kinuha sa akin
ang bag ko para ilagay sa kotse.

            “Ang gaang ng bag mo ah?” sabi nya habang isinusukbit niya ito sa
balikat niya.

            Tinaasan ko siya ng kilay habang naka-ngiti, “expected mo ba na dala ko


ang buong bahay ko sa lakad natin?”

            Napatawa siya ng mahina, “kaya kita gusto eh.”

            Natigilan ako bigla dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam ang dapat kong
i-react.

            Magbibiro ba ako? Sasabihin ko thank you? Sasabihin ko ang haba ng hair
ko?

            O sasabihin kong I like you too?

            “U-uhmm, d-dalhin ko na ‘to sa kotse,” sabi niya at bago pa ako makapag
salita, tumalikod na siya.

            Medyo madilim. Pero kahit ganun, alam kong namumula na naman ang tenga
niya.

            Napangiti na lang ako at sinundan ko na siya.

~*~

“Gusto mo bang mag breakfast muna? Pwede tayong mag stop over if you want,” tanong
sa akin ni West habang nasa byahe na kami.
            “O-okay lang. Actually gumawa ako ng sandwiches para sa’tin pero—“

            “—really?!”

            “---pero okay lang! Mas okay kung mag stop over na lang tayo. Baka ‘di
mo magustuhan eh.”

            “No! Ayan na lang ang kainin natin.”

            “Hmm? Hindi ka ba napipilitan?”

            Nilingon niya ako saglit at nginitian, “Jillian, you don’t know how
much your effort made me happy. At sigurado akong masarap ‘yan. Ikaw gumawa eh.”

            Napangiti na lang din ako bigla.

            Alam niyo yung kinikilig? Ako yun eh.

            Ba’t ba ang hilig akong pinupuri ng isang ‘to? Binobola na ba niya ako?
Natututo na ba siyang mambola?

            Nilingon ko ulit siya at naka-pako na ulit ang tingin niya sa kalsada.
But there’s a genuine smile on his face.

            Ang sarap titigan.

            Agad kong iniwas ang tingin ko.

            Nag-aalboroto na naman ang utak ko. Sinasabing mali ‘to, ba’t nandito
ako ngayon sa loob ng kotse ni West papunta sa isang malayong lugar samantalang
alam ko na pag natapos na ang bakasyon namin, mas magiging mahirap ang lahat para
sa akin.

            Mas magiging mahirap ang trabaho ko.

            Bawal ko siyang titigan. Bawal akong magkagusto sa kanya.

            Masasaktan lang kami.

            Pero minsan pala, kahit sinasabi nilang kaya nasa itaas ang utak ay
dahil ito muna ang dapat sundin, may pagkakataon talaga na hindi mo kayang hindian
ang sinasabi ng puso mo.
            Alam ko na ang sasabihin sa akin ni Cupid pag nagkita ulit kami. Alam
kong katakot-takot na sermon ang aabutin ko.

            Pero okay na. Bahala na.

            Yung bonding naming dalawa ni West---yung huling bonding namin---i-e-


enjoy ko na lang yun.

            Kahit masaktan ako.

~*~

Nag stop over kami ni West sa isang gasoline station para kumain muna ng inihanda
kong sandwich. Bumili rin siya ng kape para sa aming dalawa.

            “So? How was it?” tanong ko sa kanya nang kumagat siya doon sa
sandwich.

            He smiled at me, “masarap syempre! As expected!”

            Pinanliitan ko siya ng mata, “yung totoo?”

            “Yun ang totoo.”

            “Weh?”

            “Wala kang bilib sa sarili mong gawa?”

            “Hindi. Kasi mamaya sinasabi mo lang ‘yan kasi...” I trailed off.

            I heard him chukle, “kasi?”

            “Wala! Kumain ka na lang!”

            At sinunod nga niya ang sinabi ko. Tinuloy-tuloy niya ang pagkagat sa
sandwich at muntik-muntikanan pa siyang mabulunan. After a while, tanging tissue na
lang ang natira doon sa sandwich.

            “You know that I like you right?” bigla niyang tanong.

            “H-ha?”

            “I like you. But I swear, hindi kita binobola nung sinabi kong masarap
yung sandwich.”

            Namula ako. Naginit ang mukha ko. Natigilan. Napatingin ako sa gilid ng
labi niya. May mayonnaise. Bigla na lang akong natawa.

            “What? Why are you laughing? Akala mo talaga binobola kita?” seryoso
niyang sabi.

            “Hindi. Kasi naman eh. Ba’t ang cute mo!”

            At siya naman ang namula.

            “T-talaga? Cute lang hindi gwapo?” halos pabulong niyang tanong.

            Pinunasan ko ang mayonnaise sa gilid ng labi niya gamit ang thumb ko at
nang dumikit ang balat ko dito, para akong nakuryente bigla.

            Agad kong inalis ang kamay ko then I smiled at him shyly.

            “Ayan, gwapo na.”

            Na-hihiya-hiya rin siyang napangiti sa akin.

            “Ang sarap talaga nung sandwich.”

            “Sige na. Naniniwala na ako!”

            “Ay wait. Wala pala tayong tubig. Gusto mo bumili ako?” tanong niya
habang nakaturo siya doon sa convenience store sa tapat namin.

            “Tara. Sama na ako sa’yo.”

            “Okay.”
            Bumaba kami ni West sa sasakyan at pumunta sa convenience store.
Dumiretso siya sa may fridge habang ako naman ay nag hanap ng candy na pwede kong
mabili. Nakakahilo nga pala ang madadaanan namin paakyat ng Baguio. Mabuti nang mag
baon ng candy kesa masukahan ko pa ang magandang kotse ni West.

            Nakakita ako ng paborito kong candy na nasa lower shelf. Nung yumuko
ako para kumuha nung isa, may nabangga ako sa likuran ko.

            “Ay sorry!” sabi ko doon sa nabangga ko at nilingon ko siya.

            “Okay lang,” sagot naman niya.

            Natigilan ako.

            Sa harap ko ay may isang babae na nakasuot ng pulang beside. Maputi


siya, itim na itim ang buhok, mamula-mula ang pisngi at labi at...

            At hindi pangkaraniwan ang ganda niya.

            Kakaiba.

            No.

            Wala pa akong nakitang ibang babae na higit o kasing ganda niya.

            Ang hirap i-describe ng itsura niya. Pero nakakatulala siya.

            Nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang braso ko at ngitian niya ako.

            Ang lambot ng palad niya. Ang tamis ng ngiti niya.

            “B-byahe kayo?” tanong niya sa akin.

            Hindi ko makuhang mag-salita. Para akong naputulan ng dila. Kaya naman
napa-tango na lang ako sa tanong niya.

            Bakit pati ang boses niya sobrang ganda? Ang sarap pakinggan sa tenga.

            “Ganun ba? Mag-iingat kayo ah, Jillian.”

            Pagkasabi niya nun, binigyan niya ako ng isang huling ngiti atsaka siya
umalis.
            Jillian.

            Sinabi niya ang pangalan ko. Nabanggit ko ba sa kanya? Nagpakilala ba


ako?

            “Jillian, nabili ko na yung tubig natin.”

            Napalingon ako kay West at nakita kong may hawak na siyang supot.

            “Hey, okay ka lang? Ba’t parang tulala ka.”

            “Yung babae kasi,” sabi ko sabay turo doon sa may pinto.

            Lumingon si West.

            “Babae?”

            Wala na yung babae na nakita ko.

            “W-wala. Wala,” nginitian ko siya. “Tara na.”

            Binayaran ko yung candy na kinuha ko at lumabas na kami ni West.

            Habang nasa byahe, hindi maalis-alis sa isip ko yung babae.

            At hindi ko alam kung bakit.

To be continued...

Aly's Note:
Hello readers! Nabasa ko yung mga comments about kay Aphrodite doon sa last
chapter. May mga nag correct kasi sa akin na hindi si Zeus ang father ni Aphrodite.
That Aphrodite is the oldest olympian God at tinapon siya ni Uranus sa sea.

Actually may ganoong kwento nga sa myth. I believe kahit sa Percy Jackson series,
ganoon din ang nakasulat about kay Aphrodite. Pero yung finollow ko kasi is yung
nakalagay sa Iliad ni Homer which is according to him, Aphrodite is the daughter of
Zeus kaya ayun ang inilagay ko sa aking explanation.

Yes, magulo ang Greek mythology wahahaha. XD

By the way, member na po ba kayo sa aking official FB group? If hindi pa, sali na
kayo. Search niyo lang "Tambayan ng mga Alyloonytunes" May meet up din kami this
summer at baka gusto niyo mag join :D

Sa mga members na *kaway kaway* :

=================

Chapter 31 (04/18/15)

Chapter 31

[Jillian's POV]

"Jillian!!! Ikaw bata ka! Tignan mo ang itsura mo! Ang ganda-ganda mo na!"
masayang-masayang bati sa akin ni mother superior habang hawak-hawak niya ang mukha
ko.
Natatawa-tawa at naiiyak ko siyang niyakap ng mahigpit.

Halos kararating lang namin ni West sa bahay ampunan kung saan ako
nakatira dati. Nang makita ko ang gate nito kanina, dali-dali akong bumaba ng kotse
at tumakbo papasok.

Sobrang excited akong makita ang mga taong kumupkop sa akin pati na rin
ang lugar na kinalakihan ko.

Lalo na si mother superior.

Itinuring niya kasi ako na parang isang tunay na anak.

"Miss na miss ko po kayo. Sorry talaga ngayon lang ako nakadalaw.


Sorry. Sorry!!" sabi ko sa kanya at mas hinigpitan ko pa ang yakap ko.

"Ano ka bang bata ka! Okay lang yun. Ang mahalaga nandito ka ngayon.

Humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin at hinawakan niya ang kamay ko,


"kamusta ka? Anong trabaho mo?"

"Okay naman po ako. Eto, proofreader ako sa isang publishing company."

"Doon ka pa rin ba nakatira sa ama mo?"

"Ama? Meron ba ako nun?" natatawa-tawa kong sabi.

"Jillian," sabi naman niya na medyo may pagbabanta sa boses.

I pout, "hindi po. Hindi ako sa kanya nakatira at never akong tumira sa
bahay niya."

"Ha? Aba'y nung kinuha ka niya rito sa ampunan, ipinangako niya sa akin
na di ka niya pababayaan!"

"Hindi naman po niya ako pinabayaan. Siya naman nagbayad ng tuition ko


at lahat ng mga gastusin ko. Eh, yun nga lang po, nakabukod ako sa kanya. Nung
grumaduate na ako ng college, hindi na ako nagpakita pa sa kanya. Ayoko rin naman
po. Ayoko siyang kasama. Never ko po siyang kinilalang tatay so okay lang."

Napa-buntong hininga si mother superior, "eh paano kung hinahanap ka


pala niya ngayon? Paano kung namimiss siya?"
Medyo natawa ako, "malabo pong mangyari yun. Masyado siyang busy sa
trabaho niya."

Tinapik ni mother superior ang pisngi ko, "sige change topic na tayo.
Sino yung gwapong binata na kasama mo? Siya ba yung nobyo mo?"

Biglang uminit ang mukha ko sa tanong ni mother superior

"N-naku hindi po! K-kaibigan ko po siya. B-boss ko rin po," I gave her
an awkward smile.

"Boss? Kay bait naman ng boss mo. Talagang nag abala pa na dalhin ka sa
Baguio para lang makita kami."

Mas lalong nag init ang mukha ko, "hehe o-opo. Matulungin siya sa
kapwa."

Napatango si mother superior habang ngingiti-ngiti.

"Sayang. Tingin ko pa naman, bagay kayong dalawa. Isa pa, tignan mo


siya oh, gusto siya ng mga bata."

Napatingin ako sa labas ng bintana ng office ni mother superior.


Natanaw ko si West na nakikipag-laro sa mga bata. Yung isa naka-sakay sa likod niya
habang hinahabol naman niya yung tatlo. Masayang sumisigaw at tumatawa ang mga
bata.

"Ang swerte ng magiging asawa niya nararamdaman ko," sabi ni mother


superior.

Napatango ako at napangiti.

"Oo nga po eh. Sobrang swerte."

~*~

Halos tatlong oras akong nakipag kwentuhan kay mother superior. Doon na
rin kami kumain ni West at gustong-gusto niya ang luto ni mother superior.
Nung medyo pa-gabi na, nag-paalam na kami sa kanila. Pero bago kami
umalis, may ibinigay sa akin si mother superior na isang kahon.

"Ito yung mga gamit na naiwan mo bago ka umalis. Itinabi ko kasi alam
kong babalik ka rito."

"Thank you po ah? Promise, dadalaw agad ako sa inyo."

"Basta mag-i-ingat ka ah?" hinawakan niya ang pisngi ko at nginitian


ako. Sunod naman ay ibinaling niya ang atensyon niya kay West. "Hijo, salamat sa
pagdala kay Jillian dito ah? Talaga nga namang miss na miss na namin ang batang
'to! Salamat talaga!"

"Naku wala po iyon!" nilingon ako ni West at nginitian, "worth it naman


eh."

Napaiwas ako ng tingin at kinagat ko ang lower lip ko to stop my self


from smiling.

Nakakainis! Ang cute niya!

Matapos ng ilang paalala ni mother superior ay sumakay na kami sa kotse


ni West at dumiretso sa hotel na tutuluyan niya.

Boyscout ang boss ko. Nag advance booking na siya. Two bed rooms. Ewan
pero napailing na lang ako. Paano kasi sa dinami-rami ng manuscript ng romance
stories na nabasa ko, pag may hotel scene, asahan, magiging fully booked agad ang
mga rooms at isa na lang ang matitira kaya mapipilitan si girl at boy na mag share
ng room.

Buset na hotel 'to ba't hindi na fully booked?!

Napabuntong hininga ako.

Bakit feeling ko disappointed ako?!

"Oh, ba't ka nakasimangot? Ayaw mo nung hotel?" tanong ni West habang


nasa elevator kami paakyat sa mga kwarto namin.

Nag pout ako, "hindi ah. Gutom lang!"

I heard him chuckled, "okay. Mag-ayos lang tayo ng gamit tas kain na
tayo."
Hindi ko siya sinagot at nag pout lang ako hanggang sa makarating na
kami sa room namin.

"See you later," ngiting-ngiti na sabi niya while he's opening the door
to his room.

"Okay," sagot ko naman at binuksan ko rin ang kwarto ko.

Pagkapasok ko, isinara ko ang pinto ko napa-sandal ako sa gilid nito.


Ibinaba ko ang bag ko sa sahig.

"Bwiset na West. Nasobrahan sa pagiging gentleman! Pwede namang isang


room lang! May tiwala naman ako sa kanya. Hindi ko rin naman siya
pagsasamantalahan! Kainis!"

Bigla akong naka-rinig ng mahinang tawa kaya natigilan ako.

Oh my golly wow! Uso nga pala multo rito sa Baguio! Ba't hindi ko
naisip yun?! Pwede kong sabihin kay West na mag-sama na lang kami sa isang room
kasi baka takot siya sa multo!

"Sana sinabi mo na lang sa akin na gusto mong sa iisang room lang


tayo."

Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ko ang boses ni West. My jaw
literally dropped nang makita ko siya na nakatayo sa gilid ko habang naka-ngisi ng
malawak.

"B-b-bakit...? P-p-p-paanong...?"

Nag step-aside si West at nakita kong may isa pang bedroom dito sa loob
ng room ko.

Itinaas ni West ang keycard niya, "connecting rooms ang kinuha ko,"
paliwanag niya habang amuse na amuse siyang nakatingin sa akin.

Parang umakyat bigla lahat ng dugo sa mukha ko.

Shet. Shet. Shet.

Ibig sabihin narinig niya yung mga pinagsasasabi ko?!


Ay anak ng pana ni cupid naman oh! Nakakahiya! Ba't ko ba sinabi yun?!
My gawd! Bakit?!

"Jillian," naramdaman ko ang kamay ni West sa balikat ko. Dumoble ang


bilis ng tibok ng puso ko.

"B-bakit?"

Mas lumapit si West sa akin and I can feel his breath in my neck.

What the. What theeee!!!

"Tsaka na tayo mag share ng isang room pagka sinagot mo na ako," bulong
niya sa akin. Humiwalay siya and I heard him chuckled. "Mag ayos ka na, kakain na
tayo," at naglakad na siya papunta sa room niya.

Napa-upo ako sa kama ko.

What the hell.

What the.

At kelan pa siya natutong gumanon? Kelan pa siya natutong mangakit at


pabilisin ang tibok ng puso ko?!

What. The. Hell.

~*~

Halos hindi ako makatingin kay West habang kumakain kami ng dinner. Hindi ko rin
halos mai-lunok ang mga pagkain ko. Naka buffet pa naman kaming dalawa.

Siya naman, ngiting-ngiti akong pinapanuod. Mabilaukan sana siya!

"Are you still mad at me?" tanong niya sa akin habang nasa veranda kami
ng restaurant ng hotel na ito at nagpapababa ng kinain. "I'm sorry for teasing you.
Natuwa lang talaga ako na gusto mo akong makasama."

Nilingon ko siya at tinaasan ng kilay, "hindi ka mukhang nag-sisisi sa


pang-aasar mo!"
Nag lean forward siya sa akin, "I made you blush. That's an
achievement!"

Napailing na lang ako habang nakangiti ng malawak.

Hindi ata alam ni West kung ilang beses nang nag-init ang mukha ko at
nag blush ng dahil sa kanya.

Hindi ata siya aware kung ano ang epekto niya sa akin.

"This is nice," sabi ni West habang nakatingin sa view at nakangiti.

Napatango ako, "yep. Ang ganda ng view."

"No. Ibig kong sabihin, yung ma-solo kita," nilingon ako ni West at
nginitian. "Thank you talaga Jillian ah? Dahil pinagbigyan mo ako."

"Ano ka ba! Dapat ako nga ang mag thank you eh dahil dinala mo ako
rito. Nakita ko tuloy ulit yung mga itinuring kong pamilya."

"I'll do everything to make you happy. You know that right?" Medyo
umusog papalapit sa akin si West. "Naalala mo yung sinabi mo sa akin dati na hindi
ako ang para sa'yo? Jillian, I want to prove that you're wrong. Na pwedeng ako ang
maging para sa'yo. Na I deserve to be the one for you."

"W-West..."

"And thank you for giving me a chance to prove myself."

Napalunok ako bigla.

Anong gagawin ko? Bakit minahal ako ng ganito ni West? Bakit sobra-
sobra?

Hindi naman ako ang para sa kanya.

At bakit ganun? Ang sakit-sakit.

"W-West, may gusto sana akong itanong sa'yo..."

"What is it?"
"Kelan ka nagsimulang magustuhan ako?"

I braced myself for his answer.

Hindi ko alam kung bakit tinanong ko pa ang bagay na 'yan. Alam ko na


naman eh. Alam ko ang puno't dulo.

Pero gusto kong marinig.

Gusto kong magkaroon ng dahilan para tigilan na 'to.

Nakita kong ngumiti si West.

"Ewan. Siguro the moment na nag apply ka sa publishing company?"

Bigla akong natigilan sa sinabi niya.

"A-ano?"

Napatango siya, "oo nga 'yun yon! Nung second day mo sa trabaho.
Tandang-tanda ko yun. Nasa cafeteria tayo tapos may isang business man ang bumangga
sa isang matandang babae. Natumba yung matandang babae at hindi man lang pinansin
nung business man. Nilapitan mo yung business man at pinagsabihan mo not knowing na
isa pala siya sa mga big bosses natin. Muntik ka nang mapatalsik nun."

"But you defended me...." I trailed off.

Dahil natatandaan ko yung pangyayaring yun.I am so scared pero ayokong


humingi ng sorry. Mali naman nung business man eh. Pero to the rescue si West nun.
Pinagtanggol niya ako. He stood up for me. Hindi niya hinayaang mapatalsik ako. And
that time, I thought he is such a cool guy. Yun nga lang, katakot-takot na bulyaw
ang inabot ko sa kanya after kaya naman naging mortal enemy ko siya.

"I started noticing you after that," pagpapatuloy ni West. "Kaso


nahihiya ako sa'yo eh. Kaya dinaan ko sa pagiging boss ko ang trato ko sa'yo. Lagi
kitang pinapatawag sa office ko. Lagi kitang pinapagalitan. Ewan. Ganun ang alam
kong way ng pagpapapansin eh. But then, bigla akong natauhan. Kung ipagpapatuloy ko
ang ganoong tactics, I might lose you. Ayokong mangyari yun. Because I like you so
much Jillian. I love you. Feeling ko guguho ang mundo ko kapag napunta ka sa iba.
Kaya sorry nung panahong sinusungitan kita ah? I know, ang stupid move nun. Pero
promise, babawi ako--"

Hindi naituloy pa ni West ang sinasabi niya because I grabbed him and
kissed him. He froze tapos humiwalay ako sa kanya. Nakita ko ang gulat sa mga mata
niya dahil sa ginawa ko.
"Jillian..."

"Ah... ano...uhm I-I'm sorry.. Kasi ano..."

He held both sides of my face.

"Hindi 'to panaginip...." halos pabulong niyang sabi.

Unti-unti ay inilapit niya ang mukha niya sa akin. Pumikit ako.


Inaantay ang labi niya na dumikit sa labi ko.

West kissed me gently. Dahan-dahan. At sa bawat pagdampi ng labi namin,


parang samu't-saring kuryente ang dumadaloy sa katawan ko.

He's holding my face. My hand is at the back of his neck.

Hindi ito panaginip.

"Jillian, stop."

My eyes shot open ng marinig ko ang boses na 'yun. Sa di kalayuan ay


natanaw ko si Cupid na nakatingin sa amin. His eyes is full of sorrow.

"He's not meant for you. You're just going to hurt yourself. Pati siya
masasaktan mo ng sobra. Tama na. Wag ka nang gumawa ng bagay na ikasasakit niyo."

Biglang bumagsak ang luha sa mata ko.

Mahal ko si West. Mahal na mahal ko na siya.

Hindi ba pwedeng siya na lang? Please. Siya na lang sana ang para sa
akin.

"I'm sorry, Jillian."

Humiwalay ako kay West. He looked me in the eyes at nakita ko ang gulat
sa mata niya nang makita niya akong umiiyak.

"J-Jillian? Why are you crying?"


Umiling ako.

"I-I'm so sorry."

"B-bakit ka nag s-sorry?"

Nanginginig ang buong katawan ko. Hindi ko magawang sagutin ang tanong
ni West. Tanging iling nalamang ang naisagot ko sa kanya bago ako tuluyang tumakbo
palayo sa kanya.

Narinig kong hinahabol niya ako. Narinig ko ang boses niya na tinatawag
ang pangalan ko.

Pero hindi ko siya nilingon.

Tuloy-tuloy lang ako sa pagtakbo.

Nakita ko si Cupid sa harapan ko. Inilahad niya ang kamay niya at


hinawakan ko 'to. Nagliwanag ang buong paligid. Naramdaman ko ang paglutang namin.
Napapikit na lang ako.

At nang imulat ko ang mata ko, nandito na ako sa apartment ko.

Napaluhod na lang ako.

"I'm sorry West. Sorry. Sorry. Sorry talaga..."

Hindi ko na napigilan pa ang sunod-sunod na pagbagsak ng luha sa mata


ko.

Napahagulgol na lang ako ng iyak.

Tapos na.

Wala na.

Wala na talagang pag-asa.

To be continued...
=================

Chapter 32 (5/6/15)

Chapter 32

[Jillian's POV]

"Jillian, ito yung mga gamit mo. Kinuha ko na,"  sabi ni Cupid sa akin habang
inilalapag niya ang bag ko sa kama pati na rin yung malaking box na ibinigay sa
akin ni Mother superior doon sa ampunan.

            Hindi ako umimik. Nagtalukbong lang ako ng kumot. Ayokong makita si
Cupid o makausap. Gusto ko munang mag-isa.

            "Jillian, I'm sorry," dinig kong sabi niya. His voice is full of
remorse. "Gusto kitang hayaan kay West. Kung pwede lang na siya na ang gawin kong
para sa'yo, ginawa ko na. Pero hindi talaga siya ang para sa'yo eh."

            Naramdaman kong umupo siya sa gilid ng kama ko.

            "Kung ipagpapatuloy mo 'to, mas magkakasakitan lang kayo. Maraming


masasakit na salitang mabibitiwan sa isa't-isa. Magbabago lang ang tingin mo sa
kanya. At ayokong madungisan ang alaala mo kay West. Alam kong ayaw mo rin yun."

            Naramdaman ko na naman ang pamumuo ng luha sa mata ko at inalis ko ang


kumot na nakataklob sa akin. With my tear-stained face, I looked at Cupid.

            "Kung hindi malakas na connection ang nagduktong saming dalawa, bakit
sobrang sakit Cupid? Bakit ang sakit sakit?"

            Cupid gave me a sad smile at pinunasan niya ang luhang tumulo sa mata
ko.

            "Dahil hindi man malakas na connection ang nabuo niyo, tunay na
pagmamahal naman ang naramdaman mo."
            Hindi na ako umimik pa. Umiyak lang ako nang umiyak sa harap ni Cupid.
Umiyak ako hanggang sa wala nang mailabas na luha ang mata ko. Umiyak ako hanggang
sa manlabo na ang paningin ko at humapdi na ang mga mata ko.

            Pero kahit wala na akong luha, kahit tuyo na ang lalamunan ko sa
kakaiyak, gusto ko pa rin ilabas lahat ng ito.

            Dahil sobrang sakit. Para akong pinapatay sa sakit.

            Mahal ko si West. Mahal na mahal ko siya.

            Minsan iniisip ko, sana hindi ko na lang siya napana.O sana hindi ko na
lang alam na hindi pala siya ang nakatadhana para sa akin.

            Para atleast kahit papaano nabigyan ko ng chance ang nararamdaman namin
sa isa't-isa. Na kahit hindi kami para sa isa't-isa, at least may alaala kami na
minsan, naging masaya kaming dalawa na magkasama.

            Pero worth it nga ba?

            Hindi ko alam. Pwedeng tama si Cupid. Na hindi lang magiging maganda
ang katapusan ng relasyon namin. Na baka habang buhay kong kagalitan si West o siya
sa akin. Na baka pagsisihan ko rin sa huli lahat ng maganda naming alaala.

            Kasi alam ko na kahit anong gawin ko, sa heart break papatungo ang
relasyon namin.

            Hindi kami pwede. Kahit mahal na mahal ko siya, hindi kami pwede.

            Pinaalis ko si Cupid. Sabi ko sa kanya, gusto kong mag-isa. Nung una,
ayaw niya pang umalis pero na persuade ko rin siya na iwan ako.

            Ayokong kumausap ng kahit na sino. Pinatay ko ang phone ko kahit na


nangangati akong i-open ito dahil alam kong kino-contact ako ni West.

            Kamusta na siya? Hinahanap ba niya ako? Umiiyak ba siya ngayon?

            Ano ang nararamdaman niya?

            4am, napa-bangon ako sa kama ko nang marinig kong may kumakalampag sa
pinto ng apartment ko.

            Dali-dali akong lumabas ng kwarto ko at narinig kong may sumisigaw mula
sa labas.

            "JILLIAN!!! JILLIAN!!"

            Shit. Shit.

            I opened the door at tumambad sa akin ang mukha ni West. Bakas sa
itsura niya ang grabeng pag-aalala.

            "West—-!"

            Bigla na lang niya akong hinila at niyakap ng mahigpit.

            "Akala ko kung ano ng nangyari sa'yo. Ba't bigla kang nawala? Nag alala
ako ng husto, Jillian."

            Napalunok ako. I feel a tight knot in my stomach. Hindi ako makahinga
sa sakit na nararamdaman ng dibdib ko.

            I gently pushed West away.

            "Umuwi ka na, West," halos pabulong kong sabi sa kanya without looking
at him.

            "Jillian, what's wrong?"

            Umiling ako, "tama na 'to West. Masasaktan ka lang sa akin. Tama na
'tong lahat ng ginawa mo."

            Hinawakan ni West ang magkabilang braso ko at pilit na hinahabol ang


tingin ko.

            "Jillian ipaliwanag mo naman sa akin kung anong problema oh? Please
naguguluhan na rin ako."

            Umiling ulit ako, "tama na West. Tama na. Basta itigil mo na lang 'to.
Tama na..."

            My voice cracked.

            Ang hirap.


            Paano ko ipapaliwanag sa kanya ang lahat ng 'to? Paano niya
maiintindihan? Paano ko siya mapapapaniwala na pag itinuloy niya pa 'to, mas lalo
lang kaming masasaktan?

            Ang sakit. Ang hirap hirap.

            "Masasaktan lang kita..."

            Napabagsak ang kamay ni West mula sa balikat ko. Inangat ko ang tingin
ko sa kanya at kitang-kita ko ang painful expression sa mukha niya.

            "Okay lang sa akin na saktan mo ako basta bigyan mo lang ako ng chance,
Jillian!"

            Bumagsak ang luha sa mga mata ko.

            Cupid, kung mababaw lang ang connection na ito, bakit ganitong kahirap?
Bakit ganitong kasakit? Bakit willing siyang gawin ang lahat para sa akin?

            "Hindi ako ang para sa'yo," nanghihina at pahikbi-hikbi kong sabi sa
kanya.

            Nakita ko ang galit sa mata ni West.

            "Paano mo nasabi ang bagay na yan nang hindi mo pa sinusubukan?!"


huminga siya ng malalim at napahilamos sa mukha. "Just tell me the truth Jillian.
Wag mo nang paligoy-liguyin pa! Mahal mo ba ako?!"

            Hinarap ko si West habang hindi ko na mapigilan ang sunod-sunod na pag-


bagsak ng luha sa mata ko.

            Huminga ako ng malalim. Naramdaman ko ang panginginig ng labi ko. Pilit
akong kumukuha ng lakas ng loob para bigkasin ang sagot ko sa tanong niya.

            "H-hindi.." halos pabulong kong sabi.

            Napapikit si West at kita ko ang pangingilid ng luha sa mata niya.

            "Then all this time, sinasakyan mo lang ako dahil bakit? Naawa ka sa
akin?"

            Umiwas ako ng tingin.


            Hindi ko na kaya pang sumagot ng isa pang kasinungalingan sa kanya
dahil masyado nang masakit. Parang unti-unting pinapatay ang puso ko.

            "I see," I heard him laugh bitterly. "Mukha siguro akong tanga 'no?
Mukhang asong ulol na habol nang habol sa'yo."

            Tama na West. Tama na. Hindi ko na kaya ang sakit.

            "Maybe I became a nuisance to you," dagdag pa niya.

            Napapikit na lang ako.

            "Umalis ka na please."

            "Okay."

            Lumapit si West sa akin at hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit.


Hihilahin ko sana ito nang bigla niyang patungan ito ng maliit na kahon.

            He released my hand.

            "Salamat sa halik," he told me with full of bitterness. Bawat salita


niya ay parang kutsilyong sumasaksak sa puso ko. "Hindi na kita guguluhin ulit."

            With that, tinalikuran na niya ako at tuluyang lumabas sa apartment ko.

            Pagkasarang-pagkasara niya ng pinto, napabagsak na lang ako sa sahig at


muling humagulgol ng iyak.

            Ni hindi ko na magawa pang tignan ang bagay na ibinigay niya sa akin.

            Masyadong masakit.

~*~

[Cupid's POV]
 

Napatingin ako sa kapaligiran.

            Maganda pa rin ang hardin na 'to. Buhay na buhay ang mga halaman. Puno
ng kulay ang bulaklak sa paligid at maraming paruparong nagliliparan.

            Pero hindi na ito tulad ng dati.

            Napapikit ako at pilit kong inaalala ang hardin na ito nung mga
panahong nandito pa si Psyche. Yung magandang ngiti niya habang pinapalibutan siya
ng mga paruparo. Yung tunog ng tawa niya na tila musika sa pandinig ko. Kung paano
siya tumayo sa harapan ko habang nakangiti sa akin at inaantay na lumapit ako para
yakapin siya.

            Inaalala ko ang lahat ng 'yon.

            Dahil hindi ko na alam ang dapat kong gawin para maibalik sa tabi ko
ang mahal ko.

            Hinanap ko si Psyche at si Ayesha. Pero kahit anong gawin kong


paghahanap, hindi ko sila matagpuan.

            Puno ng galit ang puso ni Ayesha. Alam kong minsan silang naging
matalik na magkaibigan. Pero sa sitwasyon ngayon, alam kong kayang-kaya nang saktan
ni Ayesha si Psyche para masaktan din ako.

            At natatakot ako.

            "Ama?"

            Napalingon ako nang marinig ko ang tinig na 'yun. Sa harap ko ay isang
napaka-gandang dilag. Kahawig na kahawig siya ni Psyche.

            Kahawig na kahawig ng kanyang ina.

            "Hedone!"

            "Ama!"

            Tumakbo palapit sa akin ang nagiisa kong anak at niyakap ako ng napaka-
higpit.
            "Ama, ba't ang tagal mong hindi umuwi? Ang tagal mong hindi ako
dinalaw! Kamusta ang misyon mo? Nasaan si ina?" sunod-sunod niyang tanong sa akin.

            Pilit ko siyang binigyan ng ngiti.

            Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok na tumakip sa mukha ng maganda kong
anak.

            "Malapit na rin siyang umuwi," pagsisinungaling ko sa kanya.

            Hindi ko pwedeng sabihin kay Hedone ang totoo. Alam kong bababa rin
siya sa mundo ng mga mortal upang hanapin si Psyche at ayoko na siyang madamay.

            Ayokong pati siya ay kunin sa akin ni Ayesha.

            "Sabay natin siyang iintayin?"

            Umiling ako, "pasensya na, pero kailangan ko umalis agad."

            Napasimangot si Hedone, "maiiwan na naman ako mag isa."

            "Babalik din ako agad."

            Medyo nag liwanag ang aura niya at ngumiti siya sa akin ng malawak,
"sabi mo 'yan ama ah? At uuwian mo ako ng pasalubong. Basta kahit anong galing sa
mga mortal masaya na ako."

            "Cupid."

            Napatingin ako sa harap at nakita ko si Aphrodite, ang aking ina, na


papalapit sa akin.

            Tinignan ko ulit si Hedone.

            "Anak, pwede bang iwan mo muna kami?"

            Tumango si Hedone at humarap siya kay ina. Yumuko siya rito bilang pag
galang atsaka niya kami iniwan.

            Hinarap ko ang aking ina.


            "Bakit ka nagpakita kay Jillian?" walang paligoy-ligoy kong tanong sa
kanya.

            Binigyan niya ako ng isang matamis na ngiti, "gusto ko lang makita ng
malapitan ang aking apo."

            Napahinga ako ng malalim, "ina, kung may binabalak ka—-"

            "Wala akong binabalak sa kanya, Cupid," pagpuputol nito sa sinasabi ko.
"Pero nais lang kitang balaan. Masyadong magulo ang puso ng batang iyon. Maraming
katanungan sa kanyang isipan. At baka dumating sa punto na sa sobrang hindi na niya
alam ang gagawin niya, maging mali ang mga desisyon niya. Kung hindi mo iyon
masusulusyunan, maaring siya ang magdala sa inyo sa kapahamakan. Mag-iingat ka,
aking anak."

            Pagkasabi niya nun ay agad siyang nawala sa harapan ko.

To be continued...

***

Aly's Note:

Hedone - goddess of desire/pleasure. Daughter of Cupid and Psyche :)

So binasa ko ulit sa umpisa itong SWSCA pati yung mga comments. Na-realized ko lang
na ang pinaka sikat na character na nagawa ko sa tanang buhay ko eh si Edgar. Siya
lang ang umaani ng napakaraming comment pag nababanggit ang pangalan niya. Tipong
wala naman siya sa eksena, basta nabanggit lang ang name niya, ang dami na agad
nagco-comment sa line na yon. Waahahahaha ANONG MERON KAY EDGAR GUYS? Bat ang dami
niyong "Edgarnatics" dito?! XD
=================

Chapter 33 (5/19/15)

Chapter 33

[Cupid's POV]

Napabuntong hininga ako habang nakatitig ako sa dalawang pitbull sa harap ko at


kinakahulan ako. Pareho silang nakahanda na dambahin at kagatin ako pagka kumilos
ako sa kinatatayuan ko.

            Ikinumpas ko ang kamay ko at parehong natahimik ang dalawang aso. Maamo
silang naglakad palayo sa akin at tumabi doon sa security guard na ngayon eh
mahimbing na rin na natutulog.

            Tinignan ko ang napaka-laking bahay na nasa harapan ko ngayon.

            Ang bahay ni Senator Ricardo Evangelista.

            Ang ama ni Jillian.

            Tuloy-tuloy akong pumasok sa loob. Kinailangan ko ring patulugin muna


pansamantala ang mga katulong niya at ang dalawa niyang anak.

            Mga half-brothers ni Jillian na ni-minsan ay hindi niya nagawang


ipakilala rito.

            "Anong ginagawa mo rito?! Anong ginawa mo sa kanila?!" sigaw ni Ricardo


habang natatarantang nakatingin sa dalawa niyang anak.

            "Wag kang mag-alala, pinatulog ko lang sila saglit. Alam ko namang
gagawin mo silang dahilan para wag makipag kita sa akin eh."

            Kumunot ang noo niya, "ano ang kailangan mo, Cupid?!"
            Kitang-kita ko ang galit sa mata niya habang nakatingin siya sa akin.
Alam kong gusto niya akong saktan ngayon. Gusto niya akong patayin.

            Isa na namang nilalang na galit sa akin dahi sa isang kasalanang hindi
ko ginustong gawin.

            "Kailangan ko ang tulong mo."

            Tumawa si Ricardo. A laugh full of sarcasm.

            "Kailangan mo ng tulong ko? Talaga namang ang kapal ng apog mo na


lumapit sa akin matapos ng lahat ng ginawa niyo!"

            "Makinig ka muna sa akin—-!"

            "Hindi! Lumayas ka sa pamamahay ko!"

            "Ricardo—-!"

            May inilabas siya sa bulsa niya. Isang kwintas na may kulay asul na
bato.

            Ang kwintas ni Janeia—-ang kapatid ko at ang ina ni Jillian.

            "Alam mo kung ano ang pwedeng magawa sa'yo ng kwintas na 'to, Cupid.
Kaya lumayas ka na sa pamamahay ko."

            Napapikit ako, "Ricardo, kailangan ko ang tulong mo. Makinig ka muna sa
akin. Nakasalalay ang buhay ni Jillian dito!"

            "Hindi ako naniniwala sa'yo! Wala kayong ibang ginawa kundi paglaruan
kami! Ni-hindi niyo nagawang iligtas si Janeia! Ni hindi niyo ginawan ng paraan
para makalabas kami ni Jillian sa sumpa! Hindi ko mahawakan ang anak ko! Hindi ko
siya magawang mayakap o makasama! Tapos ano? Ang sama ng tingin niya sa akin bilang
isang ama! Akala niya pinabayaan ko siya!"

            Lumapit siya sa akin at tinignan ako ng masama.

            "Dahil sa inyo namatay ang pinaka-mamahal ko at hindi ko makasama ang


anak ko! Lumayas ka na rito bago pa buhay mo ang bawiin ko!"

            Napapikit na lang ako at umalis na sa bahay ni Ricardo.


            Napa-buntong hininga ako.

            Mali ito. Kailangan ko ng tulong niya. Kailangan ko mahanap ang bagay
na yun bago mahuli ang lahat para kay Jillian.

            Pero paano ko gagawin iyon kung galit na galit siya sa amin?

            Napapikit ako.

            Hindi ko na alam kung hanggang saan pa aabot ang pasensya ko.

~*~

[Jillian's POV]

Tinignan ko ang itsura ko sa salamin ng bathroom ko.

            Namumugtong mga mata. Haggard na itsura. Mukhang parang pinagsakluban


ng langit at lupa.

            Wasted na wasted ang itsura ko na kahit make-up eh hindi maitago ang
nararamdaman ko.

            Ilang araw akong walang tigil sa pag iyak. Halos hindi ako makakain.
Halos hindi ako lumalabas sa kwarto ko. Tatlong beses akong pinuntahan ni Cupid
para i-check kung buhay pa ako. Nakita ko namang masaya siya na makita akong hindi
pa naglalaslas o nag bibigti. Binilhan pa niya ako ng siopao.

            Pero gusto ko siyang sapakin.

            Hindi niya alam ang nararamdaman ko ngayon. Parang gusto ko nang
mamatay dahil sa sakit.

            Napapikit ako habang nararamdaman ko ang pangingilid ng luha sa mata


ko. Naalala ko na naman kasi ang itsura ni West matapos kong sabihin sa kanya ang
lahat ng mga bagay na 'yun eh.
            Kung pwede ko nga lang sanang bawiin yun. Pero mabuti na yung galit
siya sa akin para makapag move on agad siya. Mabuti na yun para mailabas niya ang
sakit na nararamdaman niya sa pamamagitan ng pagkagalit sa akin.

            Mabuti nang mas masaktan ako kesa siya.

            Huminga ako ng malalim. Hindi na ako pwedeng umiyak. Dalawang araw na
akong absent sa trabaho at hindi ko na kayang umabsent pa ulit. Ang laki ng kaltas
nun sa sweldo ko. Paano na lang ako magbabayad ng kuryente at tubig?

            Buti sana kung may paki sa akin ang tatay kong politician na mayaman
eh. Kaso wala. Ni hindi niya ata naalala na may anak pa siyang Jillian ang
pangalan.

            Kinuha ko ang bag ko at isinukbit ko sa balikat ko.

            Bahala na kung mukha akong wasted. Deserved ko naman magmukhang wasted
eh.

            Five minutes before 10am, nakarating na ako sa opisina. At dahil medyo
late na rin akong nakapasok, marami nang tao sa opisina ngayon. Lahat pinansin ang
mugto kong mata at wasted kong itsura.

            "Wohohooo! Ba't ganyan itsura mo Jillian? Sinong lalake ang nambasted
sa'yo?" tanong ni Edgar habang nakangisi pa ng mapang-asar.

            Hindi ko na lang siya pinansin at tuloy-tuloy ako sa upuan ko. Mamaya
masipa ko pa siya sa itlog eh.

            "Aba suplada siya!" dagdag ni Edgar at sinundan pa ako sa desk ko.
"Anyare? Anong problema?"

            "Leave her alone!" singit naman ni Elise at tinulak niya si Edgar
palayo sa akin. "Stop acting like a jerk!"

            "Woah! Nagtatanong lang eh! Kayong mga babae kayo dami niyong
kadramahan. Dami niyong problema!"

            "Ikaw lalaki ka, ang daming mong kaangasan ang mukha mo naman malaking
problema!"

            Sinimangutan ni Edgar si Elise at bumalik na siya sa table niya. Si


Elise naman, humarap sa akin at tinignan ako.
            "Jillian, what's wrong? Ba't namamaga ang mata mo?"

            Yumuko ako. Gusto ko na naman maiyak.

            Ganun ako eh. Yung tipong pag tinanong ako kung ano ang problema,
naiiyak ako. Pag may taong nag co-comfort sa akin, napapahagulgol ako.

            Kaya ayokong may nag co-comfort sa akin eh.

            Ayoko nang umiyak.

            "Okay lang ako," mahinang sagot ko kay Elise.

            "Jillian, gasgas na kasinungalingan na ang linyang yan. What's wrong?"

            "W-wala! Wala talaga," sabi ko sa kanya.

            Pero pakshet na luhang yan, napaka traydor, bigla na namang bumagsak sa
mga mata ko.

            "Wala. Walang problema," pa-hikbi-hikbi kong sabi kay Elise habang
pinupunasan ko ang luha sa mata ko. Pero kada punas ko eh may bumabagsak na naman
na panibago.

            "Jillian..." niyakap ako ni Elise.

            Mas lalo akong naiyak.

            Nakakainis. Ayoko na sabing umiyak eh. Ayoko na. Kailangan ko nang
itigil 'to.

            Hindi na pwede.

            "Jillian, chocolate oh!" sabi naman ni Luke at inabutan niya ako ng
isang bar ng Hershey's.

            "T-thanks!" sabi ko at kinuha ko yung chocolate at kumagat ako.

            Pinagtimpla naman ako ni Elise ng kape.

            Inubos ko yung chocolate at yung Hershey's dahil gusto kong kumain ng
marami ngayon.

            Para brokenhearted man ako, busog naman ako.

            Hindi na naman ulit ako tinanong nung dalawa kung ano ang nangyari.
Siguro nakaramdam din sila na ayokong pagusapan. Pinilit ko na lang na mag
concentrate sa trabaho ko.

            Pero medyo mahirap din lalo na't alam ko na nandoon lang sa kabilang
room si West.

            Ano kaya ang itsura niya? Mukha rin ba siyang wasted tulad ko? Mugto
rin ba ang mga mata niya?

            Kamusta na ang pakiramdam niya? Sobrang sakit din ba ang nararamdaman
niya?

            Nagpipigil din ba siya ng luha ngayon?

            "Jill, tawag ka ni Sir West," bulong ni Luke sa akin.

            "H-ha? A-ako? Ako talaga? Tawag ako?"

            "Oo. Punta ka raw sa office niya."

            Tumango ako at tumayo. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Parang kakawala
sa dibdib ko.

            Kumatok ako sa office door niya.

            "Come in," dinig kong sabi niya.

            Napalunok ako.

            Na-miss ko ang boses niya. Sobrang miss na miss na miss ko.

            Binuksan ko ang pinto at pumasok ako sa loob.

            Hindi nakatingin sa akin si West. Nakapako lang mata niya sa laptop
niya. Pero aninag na aninag ko ang mukha niya.

            Nagbago siya ng hairstyle. Nagpagupit siya. At kung dati eh nakababa


lang ang buhok niya, ngayon itinaas na niya. Medyo spikey na messy ang dating. Pero
mas kita ang mukha niya.

            Hindi niya suot ang usual na long sleeves na checkered polo niya. Naka
dark blue na v-neck shirt lang siya. At kitang-kita ko ang biceps niya.

            Hindi rin niya suot ang eyeglass niya na madalas niyang suotin pag
nandito kami sa trabaho.

            Napalunok ako.

            He looks so hot... so handsome.

            Sabi nila, babae ang gumaganda after dumanas ng brokenheart. Pero sa
lagay namin? Siya gumwapo ng husto. While me? I look like shit.

            "Why are you gawking at me?"

            Bigla akong napaiwas ng tingin ng magsalita siya. Hindi ko napansin na


napatitig na pala ako sa kanya.

            "P-pinapatawag niyo raw po ako?"

            May ipinatong siyang tatlong book samples sa lamesa niya.

            "May mga nakita akong typo rito. Paki-ayos naman para malinis na pag i-
p-print na natin."

            Lumapit ako sa table niya at kinuha yung mga book samples.

            "O-okay."

            Hindi na umimik si West. Ibinalik niya na lang ang tingin niya sa
laptop niya.

            Hindi ko mabasa ang nasa isip niya. Hindi siya nagpapakita ng emosyon
sa akin.

            Galit ba siya? Nasasaktan? Okay na ba siya?

            Bakit parang mas mahirap yung ganito? Yung tinatrato niya ako na parang
wala lang nangyari?
            "May kailangan ka pa ba?" he asked me, one eyebrow raised.

            "W-wala na."

            "Edi makakalabas ka na."

            Tumango lang ako at tinalikuran ko na siya. I feel a lump in my throat.

            Lumabas ako ng office ni West at nang maisara ko na ang pinto, tuloy-
tuloy akong naglakad papunta sa restroom.

            Nang makapasok ako sa isang cubicle, napa-iyak na naman ako.

            Mukhang wala pang planong maubos ang mga luha ko.

To be continued...

***

Aly's Note:

Eris - Goddess of discord :)

Medyo natawa ako sa comments last update. Nung maraming nag comment na anak ni
Cupid si Jillian. Nyahahaha. Ang lawak ng imagination ng mga readers ko!
Wahahahahaha XD Napalabas tuloy ang tatay ni Jill ng wala sa oras. Lol XD Pero it's
about time na rin :D
Anyway, sino po mga aspiring writers dito na gustong makapag publish ng book under
VIVA-PSICOM, taga Manila or kayang pumunta sa Megamall? Magkakaroon po kasi kami ng
writing workshop doon this coming May 27 at doon sa workshop, may mapipiling mag p-
publish under Viva Psicom :) If interested po kayo, check niyo po ang pinned post
ko sa FB page ko —> facebook.com/alyloony

Nandyan po ang complete details kung paano makpag register! :D

P.S isa po ako sa mga speaker sa workshop! :)

=================

Chapter 34 (6/9/15)

Chapter 34

[Jillian's POV]

"Ang panget mo."

Sabi ni Cupid sa akin pagka-pasok na pagkapasok ko sa loob ng apartment


ko.

Nasa sofa siya ngayon at nakahilata habang nanunuod ng TV at pumapapak


ng isang jar ng Nutella.

Nakakainis!

"Bad day?" tanong niya sa akin habang hindi inaalis ang tingin doon sa
pinapanuod niya.
Naupo ako sa tabi niya at nakita kong Power Puff Girls ang pinapanuod
ni Cupid. Inagaw ko yung jar ng Nutella sa kanya. Hindi naman siya umangal.

"Panget ka rin," sabi ko sa kanya.

"Never naging panget ang God of love," seryosong sagot niya.

"Ngayon. Panget ka ngayon. Mukha ka ring wasted."

"Nagsalita ang hindi mukhang wasted."

Sabay kami napa-buntong hininga.

"Kamusta ang trabaho mo? Hindi ka naman ba pinatalsik ni West?"

Umiling ako, "hindi naman. He's just giving me a cold shoulder the
whole day. Madalas din siyang nagpapanggap na hindi ako nag e-exist. I can't blame
him though."

Tumango si Cupid.

"Sorry."

"Okay lang. Ganun talaga. Hindi siya ang para sa akin eh."

Napa-buntong hininga ulit si Cupid, "kung may kapangyarihan lang ako


para pagalingin ang puso mo ngayon."

"Ayos lang. Alam kong magiging okay rin ito. Someday... Someday..."

"Kaso kailangan na niyang maging okay ngayon kasi patay tayo kung
hindi."

Nilingon ko siya, "hmm? Bakit?"

Takang-taka naman na tumingin sa akin si Cupid, "err-hindi mo alam?"

"Ang alin?"

"Pumasok ka kanina sa opisina pero hindi mo alam?"


"Ang alin nga?!"

"Si Luke at Elise na."

"W-what?! What? Silang dalawa na? Wait! Hindi ako ininform ni Luke!
Paanong? Anong-? Paano nangyari yun?!"

Cupid chuckled, "you're my living arrow pero hindi mo na-sense na


nagkatuluyan na ang mina-matchmake mo? Hindi ka nga talaga pang goddess."

Umiling ako, "paanong nangyari 'yun?"

"Call them."

Dali-dali kong tinawagan si Luke at pagka-sagot na pagkasagot niya,


diniretsa ko agad siya ng tanong.

Tama nga si Cupid. Sila na nga ni Elise.

Nung nasa Baguio kami ni West, sinabi ni Luke kay Elise na hindi talaga
ako ang gusto niya kundi si Elise. Na hindi si Luke ang nagbigay ng stuff toy at
chocolate sa akin nung araw na nahuli ni Elise si Luke.

Umiyak daw si Elise. Akala ni Luke nagalit ito sa kanya. Yun pala, may
gusto rin si Elise sa kanya.

At ayun na nga. Doon na nagsimula na maging sila.

Gustong sabihin ni Luke sa akin ng personal kaya lang pumasok ako


kanina na mukhang pinagsakluban ng langit at lupa kaya hindi na niya nasabi.

I congratulated him. I'm really happy na finally sila na talaga.

Yun nga lang...

"So.... Si West na pala at ang babaeng naka-tadhana sa kanya ang ima-


matchmake ko ngayon?" sabi ko kay Cupid nang matapos kong kausapin si Luke.

"Ganun na nga..."

Napalunok ako. Feeling ko namumuo na naman ang luha sa gilid ng mata ko


at gustong kumawala nito.

Tumayo ako.

"Oh saan ka pupunta?"

"Sa tindahan, bibili ng beer."

~*~

[Cupid's POV]

"Ba't ganito ang alak ng mga mortal? Ni hindi ako nalalasing. Nakaka-pitong bote
na ako dito ah?" tanong ko kay Jillian habang binubuksan ko ang ika-walong bote ko.

Ilang beses ko nang tinangkang magpaka-lasing at lunurin ang sarili ko


sa alak. Pero walang epekto sa akin. Siguro dahil isa akong god.

Minsan, nakakainis maging god. Lalo na sa panahong gusto kong


makalimot.

Tinignan ko si Jillian. Iniinom niya ang pang apat na bote niya at


seryosong nanonood sa TV. Tom and Jerry na ang palabas.

Mukhang hindi rin tinatamaan ang isang 'to.

Malamang. Demi god eh.

Napa-buntong hininga na lang ako.

Kawawa rin si Jillian. Alam kong gusto niya ring makalimot ngayon.

Biglang bumuntong-hininga si Jillian.

"Hindi kaya tubig lang ang laman ng beer na 'to? Hindi rin ako
nalalasing," sabi niya habang nakataas ang bote ng beer at tinititigan niya ito.
"Hay buhay parang life. Gusto kong kumatay ng baboy pero takot ako sa dugo," at
bigla siyang humagalpak ng tawa.
Takang-taka akong napatingin sa kanya.

"HAHAHAHAHA. Oh my god! Naalala ko na naman ang katawan ni West! Oh my


gosh! Shet my abs siya! Naalala ko nasulyapan ko ang abs niya nung na-trapped siya
rito nung bumabagyo!"

"J-Jillian.."

"Tapos kanina sa opisina jusko, ang hot niya tignan. Ewan ba't mas
gwapo siya sa suplado looks? Tapos nagiba pa siya ng maayos. Bad boy look na. Wala
na ang good boy na si West. Pero good boy or bad boy man, ang attractive pa rin
niya sa paningin ko. Gosh! West! Gosh! You're so hot! HAHAHAHAHAHA. Ba't hindi ka
para sa akin ha? Bakeeeet?!" at humagulgol siya ng iyak.

O--kay?

"Hindi ka talaga lasing, Jillian?

"Hindi nga sabi ako lasing! Ba't ba pinagpipilitan mong lasing ako ha!
Hayop ka! Kasalanan mo 'to! Halika rito at bibigwasan kita ha! Bwiset ka! Ano
papalag ka ha? Hoy sagot! Leche kang hayop ka! Nakakairita kang bwiset ka! Patay ka
talaga sa akin!!" pahikbi-hikbi niyang sabi habang pinupunasan ang luha sa mata.

"Hindi ka nga lasing..." tatango-tango kong sabi.

Mukhang mali ang hinala ko. Mukhang tinatalaban ng alak ang mga demi-
god.

O si Jillian lang talaga kasi abnormal ang pamangkin kong 'to?

Si Aphrodite talaga hindi marunong mamili ng pag-la-lahi-an. Tignan mo


ang epekto.

Natahimik bigla si Jillian at tinuloy niya ang panunuod ng Tom and


Jerry.

"May gusto ba si Tom kay Jerry?" tanong niya.

"Pareho silang lalaki."

"Pwede yun! Kasi tignan mo oh, hinahabol-habol ni Tom si Jerry palagi!


Parang ikaw lang kay Enid!!" at humagalpak na naman siya ng tawa.
Pinanliitan ko siya ng mata.

Kung hindi lang siya lasing, baka hinamon ko na 'to ng away. Palibhasa
siya nakakalimot ngayon at ako eh hindi!

"Maganda ba yung nakatadhana kay West?" tanong niya sa akin.

"Oo maganda. Mahinhin. Babaeng babae. Walang bisyo. Ni hindi marunong


uminom ng alak. Magalang. Hindi nagmumura."

"Gago ka! Ba't mo siya minatchmake sa madre?!" at tinulak niya ako


ulit. "Hindi sila pwede! Bawal yun! Mab-brokenhearted lang uli si West ko!"

"Makatulak 'to! Hindi siya madre! Wag kang bitter!"

"Hindi ako bitter! Maganda ba talaga?"

"Oo nga sabi!"

"Gulo mo kausap Cupid! Lasing ka na ata!"

"Ako pa talaga ang lasing..." bulong ko sa sarili.

Hay, ba't pinayagan ko ba ang isang 'to na uminom?! Sakit sa ulo.

"Cupid... sino mas sexy? Ako o yung naka-tadhana kay West?"

"Yung naka-tadhana kay West."

Pinagpapalo niya ako.

"Bwiset ka! Akala ko magkaibigan tayo!"

Tumayo si Jillian kaya naman napatayo rin ako bigla.

"Saan ka pupunta?"

"Kay West! Itatanong ko kung sino mas sexy sa amin nung ka-tadhana
niya! Ako pipiliin nun! Makikita mo!"
Ay nakakaubos ng pasensya! Mas masakit siya sa ulo kesa kay Ayesha!

"Hindi ka pwedeng lumabas," irita kong sabi.

"Sino nagsabing lalabas ako? Dadalhin mo ako ngayon sa..."

Napahinto bigla si Jillian. Kahit ako rin ay natigilan.

Umiilaw ang compass.

"Jillian! Anong ginagawa mo?"

"Gusto kong makita si West..."

"Jillian--!!!"

At bago ko pa siya mahawakan, tuluyan na siyang nawala sa harap ko.

SHIT.

~*~

[Jillian's POV]

Hindi ko alam kung nasaan ako. Hindi ko matandaan na lumabas ako ng bahay. Bigla na
lang nawala si Cupid sa tabi ko.

Bwiset na yun! Iniwan ako ni Cupid! Sabi ko dalhin niya ako kay West
eh! Pero ba't hindi niya ako sinamahan?!

May nakita akong pinto sa harapan ko. Nag doorbell ako. Pinindot ko
nang pinindot nang pinindot yung doorbell dahil ang tagal buksan ng pinto.

Umiikot ang mundo ko.

Sabi ng teacher ko sa science hindi natin nararamdaman ang pag-ikot ng


mundo.
Langyang teacher yan! Ba't ba naging teacher yan! Sinungaling! Ramdam
na ramdam ko ang pag-ikot ng mundo ko ngayon!

At ba't ba ang tagal bumukas ng pinto. Halos ma-rape ko na ang


doorbell, hindi pa rin na-o-open?

Sino ba nakatira dito sa dino-doorbell ko ngayon?!

At nasaan si Cupid!

Bumukas ang pinto.

"What. The. Hell."

Napa-ngisi ako.

SI WEST!

"Hi West!" ngiting-ngiti kong bati sa kanya.

Kumunot ang noo niya.

"What are you doing here?"

He's cold. He is sooo cold!

Nag pout ako, "hindi mo ba ako gustong makita? Ikaw kasi gustong gusto
kitang makita!" at humagulgol ako ng iyak sa harapan niya.

"J-Jillian? What the hell is wrong with you!" he hissed!

"May itatanong lang naman ako eh! Ba't ka galit sa akin?!" at mas lalo
ko pang nilakasan ang paghagulgol ko.

"Uy West, ba't ka nagpapaiyak ng babae ha?" dinig kong sabi ng isang
lalaki sa may likuran ko.

"H-hindi.. Tsk! Wag ka nga magulo!" iritang sabi ni West at hinila niya
ako papasok ng condo niya at binalibag niya ang pinto.
"Paano mo nalaman kung saan ako nakatira?"

Nginitian ko siya, "may liwanag kasi! Tas sinabi ko gusto kitang


puntahan. Then poof!" at tumawa ako.

"Jillian, you're drunk!"

"I'm beautiful!"

Napa-hawak si West sa noo niya habang i-iling-iling.

"Oh god, woman!"

"May itatanong lang kasi ako! Sumagot ka!"

"Ano yun?"

"Sino mas sexy? Ako o yung naka-tadhana sa'yo?"

Kinunutan ako ng noo ni West.

"Lasing ka. Iuuwi na kita sa inyo."

"Eeeeeehhh! Sumagot ka!"

"Wait kukunin ko lang ang susi ng kotse ko."

Iniwan ako doon ni West at ako naman ay sumunod sa kanya. Nakita kong
papasok siya sa isang kwarto. Pumasok din ako sa kwartong yun.

"Jillian!!"

"Ba't hindi mo masagot ang tanong ko? Nahihirapan kang pumili? Hindi ba
obvious na mas sexy ako? Gusto mo patunayan ko pa?"

At unti-unti kong tinanggal ang butones ng polo ko.

"Stop it!" hinawakan ni West ang kamay ko at inalis niya ito sa


pagkakahawak sa butones ng blouse ko. "Bakit ka ganyan? Bakit mo 'ko pinapahirapan
Jillian? Tama na. Wag ka nang gagawa ng bagay na pwedeng maging dahilan para mas
gustuhin kita."
Tinitigan niya ako sa mata. Nakakalunod na tingin.

Bakit kumikirot ang puso ko.

"Ihahatid na kita sa inyo. And please, wag mo nang subukang mag-hubad


diyan. Baka pareho tayong magsisi kinabukasan."

Tinalikuran ako ni West. Bigla na naman umikot ang paligid. Nagdilim


ang paningin ko.

At hindi ko na matandaan ang sunod na nangyari.

To be continued...

=================

Chapter 35 (6/14/15)

IMPORTANT NOTE. PLEASE READ:

Hi dears! Nag update po ako last June 9! Baka po kasi hindi niyo nakita ang update
since maraming nag m-message sa akin na hindi nila mabasa ang update. If ever,
check that first before reading this. Baka malaktawan niyo ang chapter 34 :)

***

Chapter 35
 

[Jillian's POV]

Ang sakit ng ulo ko!!

            Napahawak ako sa noo ko at hinimas-himas ko 'to. Hindi ako masyadong


maka-dilat ng maayos dahil sa sobrang liwanag na nagmumula sa bintana ng kwarto ko.

            Kelan ba naging ganitong ka-liwanag ang kwarto ko?!

            Nagtalukbong ako ng kumot.

            Ano ba ang nangyari? Nalasing ba ako kagabi? Gaano karami ang nainom
ko?

            Feeling ko lasing na lasing ako.Paano ang weird ng panaginip ko. Nagawa
ko raw makapag teleport katulad nung power ni Cupid. Tapos pumunta ako sa condo ni
West. Tapos...naghubad ako sa harap niya?

            What the hell 'di ba?

            Ang weird ng panaginip na 'yun!

            Pero buti panaginip lang talaga.

            Gusto ko pang matulog. Ayoko nang pumasok.

            Ang lambot sa pakiramdam ng kama ko. Parang never naging ganitong ka-
lambot ang higaan ko pero ngayon ang lambot talaga. Para akong nakahiga sa ulap.

            Tapos ang bango pa ng bedsheet ko. Samantalang tatlong buwan ko nang
'di pinapalitan 'to. May natapon bang pabango dito ngayon?
            "Tulog ka pa rin?"

            Napa-mulat bigla ang mata ko.

            Shit.

            Naririnig ko ang boses ni West!

            Lasing pa ba ako?!

            Naramdaman kong may tumapik sa braso ko.

            "Jillian, wake up. Male-late na tayo kung 'di ka pa babangon diyan."

            Holy crap! What the hell?!

            "Jillian!"

            Inalis niya ang pagkakatalukbong sa ulo ko at nagtama ang mga mata
naming dalawa.

            Napa-baba bigla ang mata ko sa katawan niya.

            AY ANAK NG—!

            Ba't siya naka-topless?! Ba't siya nandito sa kwarto ko at naka-


topless?!

            He's already wearing his pants pero wala siyang suot na shirt.

            Oh gosh!

            "Oh. You're awake," sabi niya, expressionless. "Bumangon ka na at male-


late na tayo. Nagiintay si Eros sa labas."

            Tinalikuran niya ako at napa-bangon ako bigla.

            At doon ko na-realize na wala ako sa kwarto ko.

            Nasa ibang lugar ako.


            Nasa ibang kwarto.

            Kasama si West na naka-topless...

            Napatingin ako bigla sa kasuotan ko at nakita kong naka-bukas ang


tatlong butones ko.

            OH MY GOSH!!

            "N-nasaan tayo? B-ba't tayo nandito? Anong nangyari?" natataranta kong
sabi.

            Oh gosh! Oh gosh! Oh gosh!

            Wag niyang sabihing ginawa namin yung you know what! Tapos wala akong
maalala?!

            Hindi pwede!!

            First time ko yun kung nagkataon at dapat maalala ko ang bawat
detalye!!

            Hinarap ako ni West. Halos magsalubong ang dalawang kilay niya.

            "Hindi mo matandaan kung ano ang nangyari?"

            Umiling ako.

            Mas lalong nag-salubong ang kilay ni West.

            Lumapit siya sa akin at naupo sa gilid ng kama. Mas lalong bumilis ang
tibok ng puso ko.

            "Kagabi, sumugod ka rito sa condo ko."

            "C-condo mo 'to?"

            Tumango siya.

            "Lasing na lasing ka kagabi. Ni-hindi ko alam kung paano mo nalaman


kung saan ako nakatira. Sabi mo may nakita kang liwanag and then poof! Nandito ka
na sa condo ko. Does that make any sense to you?" kalmado pero seryoso niyang sabi.

            Alam kong galit na siya.

            Umiling ako.

            "Walang sense 'di ba? Sabi ko ihahatid na kita. Pero sinundan mo ako sa
kwarto ko. At alam mo kung ano ang sunod mong ginawa?"

            West leaned forward. My heart skipped a beat.

            "Alam mo kung ano ang sunod mong ginawa?" medyo tumaas ang boses niya.

            Napalunok ako.

            Ayokong sagutin. Gusto ko na lang bumuka ang lupa at lamunin ako.

            Kasi anak ng tupa! Mukhang hindi panaginip ang lahat! Mukhang totoong
nangyari.

            West looks so frustrated but at the same time, namumula ang tenga niya.

            Lumayo siya sa akin bigla.

            "Maligo ka na. Male-late na tayo."

            Tumayo siya at naglakad papunta sa pinto.

            "S-sir W-West! W-wala akong pampalit na damit," nahiya-hiya kong sabi
sa kanya.

            "May dala si Eros. Isusunod ko na lang sa'yo," at tuluyan na siyang


lumabas ng kwarto.

            Dali-dali akong pumasok sa bathroom ni West at naghilamos.

            Kailangan kong mahimasmasan at feeling ko ang init init nang mukha ko.
Ang sakit pa ng ulo ko.

            Oh my gosh! So hindi panaginip yun? Totoo lahat nang yun? Paano ko
nagawang makapag-teleport?!
            At oh my gosh talaga!

            Muntikan na akong maghubad sa harap ni West!

            At...at tinatanong ko sino ang mas sexy sa amin nung naka-tadhana sa
kanya?

            What the hell!!!

            Paano ako haharap sa kanya ngayon?!

            Ano, matapos ko siyang saktan, susubukan kong maghubad sa harapan niya?

            I want to die! Kill me now! Kill me!!

            Ayesha nasaan ka? Gamitan mo na ako ng hocus pocus! Hindi ko kayang
harapin si West!

            Nakarinig ako ng katok sa pinto ng banyo.

            "Yung damit mo," dinig kong sabi ni West.

            Bahagya kong binuksan yung pinto para abutin yung damit.

            Tinignan ko yung damit na kinuha ni Cupid para sa akin at halos mapa-
mura ako.

            Isang red dress na sleeveless. Ginamit ko 'to once nung um-attend ako
ng debut.

            Bwiset na Cupid na 'to! Office ang pupuntahan ko at hindi debut!

            At.. ay tokwa!

            Walang underwear!

            Hindi niya ako kinuhanan ng underwear!!

            Bwiset ka talaga Cupid! Bwiset ka!


            Hinawakan ko yung compass. Pagkakatanda ko umilaw 'to bago ako makapag
teleport eh.

            Baka pwede akong mag teleport sa bahay ko para kumuha ng underwear?

            Pero ayaw umilaw! Paano ko nagawa yung kagabi!

            Cupid!!!

            May kumatok uli sa pinto ng bathroom.

            "It's me," boses ni West. "M-may nalaglag."

            Napapikit ako.

            Parang alam ko na kung ano ang nalaglag na yun.

            Bahagya ko ulit binuksan yung pinto at gusto kong sugurin si Cupid sa
labas nang makita ko kung ano ang ini-aabot sa akin ni West.

            Isang naghuhumindik na kulay pulang panty.

            Hinablot ko ito kay West at isinara ko agad yung pinto.

            Shit ka talaga Cupid!!!

            Sa dinami-rami ng underwear ko, bakit ito pang kulay pula, may lace at
manipis ang kinuha mo?!

            Naalala ko 'to eh! Ni-regalo sa akin nung loko-loko kong kaklase nung
college nung 18th birthday ko. Hayop talaga yun! Never kong naisuot itong underwear
na 'to.

            Mas lalong nag-init ang mukha ko dahil tokwa talaga! Nakita ni West
'to! Nahawakan pa niya!

            Mamaya isipin niya, inaakit ko siya!

            Ay bwiset ka Cupid!!!!

            Dali-dali akong naligo at nagpalit ng damit. Para talaga akong a-attend
sa debut.

            Papatayin kita, Cupid!

            Pag-labas ko ng bathroom, maayos na ang kama ni West.

            Tumingin ako sa paligid. Ang organize niya talagang tao. Kahit lalaki
siya, ang linis ng kwarto niya.

            Hindi tulad ng apartment ko. Palaging madumi.

            Tapos yung Greek God pa na nakikituloy sa akin eh balahura.

            Lumabas na ako ng room ni West at nakita ko agad si Cupid at West sa


may bar counter at kumakain ng breakfast. Si Cupid, enjoy na enjoy sa pag nguya. Si
West naman eh nagbabasa ng newspaper.

            "Hi cous! Good morning!" naka-ngiting bati sa akin ni Cupid.

            Bwiset!

            "Nagluto na ng almusal si Sir West oh! Pinag-brew ka pa niya ng coffee!


Kain na!"

            Hindi umimik si West at tuloy lang siya sa pagbabasa ng dyaryo.

            Naupo ako sa tabi ni Cupid. Itiniklop naman ni West ang dyaryo at
tumayo. May ipinatong siya sa harap ko.

            Gamot.

            "Inumin mo pagkakain," he told me curtly at iniwan na kami ni Cupid


doon.

            Pumasok si West sa room niya at nang maisara na niya ang pinto,
pinaghahampas ko si Cupid.

            "Ikaw! Ikaw! Sa dinami-rami ng underwear ko, ba't ayun ang kinuha mo
ha? Bwiset ka talaga! At ano 'tong get up na 'to?"

            "Ang dry kasi ng taste mo sa fashion, Jill! Puro itim at puti ang damit
mo. Yan lang ang may kulay na medyo formal kaya ayan ang kinuha ko! At yung
underwear, bakit ba! Sexy kaya!"
            Pinagpapapalo ko siya lalo, "bwiset ka! Ang perv mo! Bwiset!"

            "Hoy! Makapalo ka! Hindi mo ba alam kung gaano mo pinasakit ang ulo ko
kagabi ha?"

            "Ano bang nangyari?"

            "Nalasing ka. Nagloko yung compass. Napunta ka sa condo ni West.


Muntikan ka nang mag hubad sa harapan niya alam mo yun? Pinipilit mong mas sexy ka
doon sa nakatadhana sa'yo. At bago ka pa mag collapse kagabi, sinugod mo siya at
muntikan mo nang halikan."

            Napatakip ako sa bibig ko.

            Shems! Ano ba ang mga pinag-gagagawa ko!

            "T-teka, nakita mo pala lahat! Ba't hindi mo manlang ako pinigilan?"

            "Edi mas lalong nagtaka si West kung paano ako napunta sa condo niya.
Nandoon lang ako at nagtatago. Inantay kong tawagan niya ako para sunduin ka. Pero
nung time na tinawagan niya ako, mahimbing ka nang natutulog at hindi ka namin
magising pareho."

            "P-pero wala naman nangyari sa amin ni West?"

            Ngumisi si Cupid, "wag kang assuming. Paano may mangyayari sa inyo eh
bitter sa'yo yung tao? Laki ng galit sa'yo nun!"

            "Heh! Ewan ko sa'yo! Hindi ba pwedeng kaya walang nangyari sa amin eh
dahil hindi siya mapagsamantala? Na gentleman siya? Na ginagalang niya ako?"

            He snorted, "pwede rin. Kung sabagay, ikaw pala yung muntikan nang
gumahasa kay West kagabi."

            Sinimangutan ko si Cupid.

            Gosssshhh! Ayoko na talaga maalala yung kagabi. Nakakainis naman eh!
Ba't ba kasi ako nagpaka-lasing! Never ko nang gagawin yun kahit anong mangyari!
Hindi na talaga!

            Nakakahiya talaga!!


            Matapos namin mag breakfast, ako na ang naghugas ng pinggan. Wala naman
sinabi si West. Hindi niya ako iniimikan. Si Cupid na lang ang kinakausap niya.

            Hanggang sa pagsakay namin ng kotse, hindi ako tinitignan ni West.

            Sinubukan kong mag thank you at mag sorry sa kanya pero tinignan niya
lang ako at wala siyang sinabi.

            Ramdam ko ang galit niya sa akin.

            Parang gusto ko ulit maglasing ah?

           

~*~

"Mahal naman eh, tataba na ako kakabigay mo ng chocolate sa akin," sabi ni Elise
kay Luke habang naka-ngiti.

            "Kahit tumaba ka pa, mahal pa rin kita," sabi naman ni Luke.

            "Guys, kumakain kami ni Jillian dito. Pwedeng tumigil kayo?" sabat
naman ni Cupid.

            Nagkangitian lang si Luke at Elise.

            "Kayong dalawa talaga! Hinuli niyo ako sa balita!" sabi ko sa kanila.
"Ako ang nagmistulang tulay niyo tas ako pa ang huling naka-alam?"

            "Sorry na Jill! Hindi lang namin masabi sa'yo kasi mukhang wasted ka
kahapon," sabi naman ni Luke.

            "Di bale pag ikakasal na kami, ikaw ang unang makakaalam!" sabi naman
ni Elise.

            "Kasal agad? Ang bilis ha!" natatawa-tawa kong sabi.

            "Ganun talaga. Feeling ko forever na 'to eh," tumingin siya kay Elise
at ngumiti.

            Napa-ngiti rin ako.

            Oo nga, forever na sila. Kahit sa kabilang buhay wala nang makakabali
sa connection nilang dalawa.

            Nakaka-bitter.

            Sarap makisali doon sa mga nagsasabi ng walang forever!

            Pero paano ko nga ba magagawa yun kung alam ko sa sarili ko na meron?
At patunay ngayon ang dalawang taong nasa harap ko? Na alam ko kahit magkagalit
sila, magkasakitan, maghiwalay, eh in the end, sila pa rin talaga.

            Kasi ayun ang naka-guhit sa kapalaran nila.

            Nauna akong umakyat sa office.

            Napapaisip na naman ako eh.

            Sino ang para kay West?

            Siya na ang sunod na ima-matchmake ko. Hindi ko pa kilala kung sino ang
naka-tadhana sa kanya pero ngayon pa lang, gusto ko nang umiyak.

            Nakakatawa. Nangyari na 'to noon.

            Nung nalaman kong si Elise ang para kay Luke.

            Alam ko masakit yun.

            Pero bakit parang ibang sakit itong nararamdaman ko ngayon?

            Sumakay ako ng elevator. Buti na lang at ako lang mag-isa.

            Pakiramdam ko kasi parang nangingilid ang luha sa mata ko.

            Bumaba ang elevator sa parking lot. Napa-sapo ako sa noo.

            Pababa pala 'tong nasakyan ko! Kainis!


            Nag open yung pinto ng elevator at may pumasok na isang lalaki.

            Nagkatinginan kami at parehong nanlaki ang mata namin.

            "Oh, you're Jillian right? West's co-worker?"

            Tumango ako.

            "Zyron right? Sir West's brother?"

            "Yep. That's me!"

            Nginitian niya ako at doon ko lang napansin na may dimple siya sa right
side.

            Killer smile.

            Bigla ko naalala na si Zyron ang kahawig ng lalaking mahal ni Ayesha.


Si Zyron ang dahilan kung bakit ginagawa ni Ayesha lahat ng 'to.

            Hindi ko masisisi si Ayesha. May killer smile ang isang 'to eh. At amoy
ko ang pabango niya.

            "Uhmm, pupuntahan mo po si Sir West?"

            "Yep. Actually nagkita na kami kanina. May naiwan lang ako sa kotse.
Kasama ko nga yung kababata namin na galing sa states. Gusto makita si West eh."

            "Ohh, nasa taas na po sila?"

            "Right," nilingon niya ako at nginitian ulit.

            I blink.

            Familiar ang ngiti niya. Parang nakita ko na dati. Hindi ko lang
matandaan kung saan.

            Huminto na elevator. Nakarating na kami sa floor namin. Pero nung


nagbukas ang pinto ng elevator, hindi ako nakalabas agad.
            Dahil sa tapat nito... kitang-kita ko...

            Si West...

            At isang babae...

            They are kissing each other.

To be continued...

Author's Note:

Sa mga confused pa rin, pamangkin ni Cupid si Jillian. Kapatid ni Cupid ang mother
ni Jillian at pareho nilang ina si Aphrodite, okay?

Lola ni Jillian si Aphrodite XD

Half-goddess si Jillian.

Nagulat kasi ako last update dahil clueless sila na pamangkin pala ni Cupid si
Jill.. pero na-reveal ko na ito sa mga huli pang chapters XD

Ayun lang po :D
=================

Chapter 36 (6/16/15)

Chapter 36

[Jillian's POV]

I blinked. I blinked again.

Pero hindi nawala sa harapan ko si West ang yung babaeng hindi ko


kilala.

Magka-dampi pa rin ang mga labi nila.

Bakit West?! Bakit mo siya hinahalikan?!

Nagulat ako nang biglang nag-sara ang pinto ng elevator kahit na hindi
pa kami nakakababa ni Zyron.

"Sorry. We're not supposed to see that," dinig kong sabi niya.

Napalunok na lang ako at tumango. I'm trying my best to hold back the
tears.

Ayokong umiyak. Hindi pwede. Hindi pa muna.

Please naman luha, wag ka na munang babagsak.

Pumanik ng isang floor yung elevator, nung walang sumakay, pinress uli
ni Zyron ang 7th floor kung saan kami dapat bababa.
Please. Sana hindi na sila naghahalikan. Please. Baka mamaya makapatay
ako. Ayokong maghalo ang balat sa tinalupan. Ayokong maging murderer.

Baka bigla ulit akong mag lasing.

Nakarating na nang 7th floor. Bumukas uli ang elevator. Magkalayo na si


West at yung babae.

At nagkatinginan kaming dalawa.

Saglit lang. Pero parang mas nadurog ang puso ko nang tignan niya ako
na para bang wala siyang pakielam.

Ang sakit.

"Bro, saan kayo punta?" tanong ni Zyron.

"We're going up. Doon tayo sa conference room mag-usap," sagot naman ni
West.

"Alright!"

Hindi umalis si Zyron sa loob ng elevator. Ako naman, parang nabato


doon. Nakalimutan ko na dapat akong bumaba.

Dali-dali akong bumaba ng elevator at si West naman tsaka yung babae eh


pumasok sa loob. Nakita ko pang inilagay nung babae yung kamay niya sa braso ni
West.

Napalingon ulit ako.

West is staring at me.

Pero bago ko pa mabasa ang expression sa mukha niya, nag-sara na ang


pinto ng elevator.

At bumagsak na ang luha sa mata ko.

Wala akong karapatang umiyak. Wala akong karapatang magalit o mag


selos.
Sinaktan ko siya eh. Napaasa ko siya. Nagbigay ako ng motibo.

Pero ang sakit.

Sobra.

Hindi ko alam kung paano ko pa magagawang ituloy ang pinapagawa sa akin


ni Cupid. Gusto ko nang mag quit. Hindi ko na kaya 'to. Paulit-ulit na lang akong
nasasaktan.

Deserve ko ba talaga 'to? Deserve ko bang masaktan ng sobra?

Bakit palagi na lang?

Soulmate my ass!

Ilang beses pa ba ako dapat masaktan bago ko makilala ang para sa akin?

Parang ayoko na ata siyang makilala.

Ayoko na magmahal.

~*~

[West's POV]

"Sir West! Kain na tayo ng lunch!" naka-ngiting aya sa akin ni Elise.

Napatingin ako sa gilid niya. Kasama niya si Jillian. Naka-yuko ito at


iniiwasan ang tingin ko.

"Sige una na kayo."


Nagsi-alisan na sila isa-isa para kumain ng lunch. Lahat naka-ngiti.
Lahat masayang naguusap.

Napatingin ako sa likod ni Jillian habang naglalakad siya palayo.

Palayo sa akin.

Gusto ko na lang matawa sa nangyayari.

Parang last week lang, nagagawa pa naming tignan ng diretso ang isa't-
isa. Nagagawa ko pa siyang ngitian.

Parang last week lang ang saya ko kasi papunta kami ng Baguio dalawa.

Parang last week lang, ramdam ko na mahal niya ako.

Nakakatawa isipin kasi na-realized ko kung gaano ako ka-tanga at ka-


uto-uto.

Ba't hindi ko napansin na naawa lang siya sa akin? Ba't hindi ko


naramdaman na hindi naman niya talaga ako mahal?

Ba't ako nabulag sa katotohanan?

Oo nga naman. Nakakaawa naman talaga ako. Pinagpilitan ko ang sarili ko


sa kanya eh. Siya namang maawain, nag kawang-gawa sa akin at pinapaniwala akong
mahal niya ako.

Leche.

Sana nagmatigas na lang siya. Sana umpisa pa lang pinamukha na niya sa


akin na hindi niya ako magugustuhan.

Kesa ngayon.

Umasa ako.

I closed my laptop at napa-sandal ako sa swivel chair ko habang


nakapikit.

Nung isang araw lang, sinabi ko sa sarili ko na hindi ko hahayaan 'tong


maka-apekto sa akin.
Oo sobrang sakit. Halos mamatay ako sa sakit. Pero magiging maayos ako.
Magiging okay ako.

Kaya ko.

At nung napapaniwala ko na ang sarili ko na makakaya ko 'to, bigla-


bigla na lang siyang susulpot sa condo ko para ipamukha sa akin na hindi ko kaya.

Na kahit anong gawin ko, hindi ako makaka-move-on sa kanya.

Dahil bwiset na buhay 'to.

Mahal na mahal na mahal ko siya.

[Flashback]

"Sino ang mas sexy? Ako o yung naka-tadhana sa'yo?"

Tinitigan ko maigi si Jillian. Namumula ang mukha niya. Amoy alak ang
hininga niya.

At hindi ko talaga malaman kung paano niya nalaman kung saan ako
nakatira.

"Lasing ka. Iuuwi na kita sa inyo."

"Eeeeeeeehhh! Sumagot ka!" sabi naman niya habang nagpapapadyak doon at


nagsisisipa na akala mo eh isang bata.

Kung hindi lang ako sinaktan nito, hinila ko na siya palapit sa akin
para yakapin ng mahigpit.

Tinalikuran ko siya bago ko pa talaga hindi mapigilan ang sarili ko na


yakapin siya.

"Wait kukunin ko lang ang susi ng kotse ko."

Iniwan ko siya doon at pumasok ako sa kwarto ko para kunin ang kotse.
Kaya lang, sinundan niya ako sa loob ng kwarto ko at isinara pa niya ang pinto.

"Jillian!"
Lumapit siya sa akin.

"Ba't hindi mo masagot ang tanong ko? Nahihirapan kang pumili? Hindi ba
obvious na mas sexy ako? Gusto mo patunayan ko pa?"

I look at her, confused. Ano nga yung tanong niya? Hindi ko ata narinig
kanina kasi busy akong titigan siya.

Kaso bago pa ako makapag-salita, nalaglag na ang panga ko dahil unti-


unti niyang tinatanggal ang butones ng polo niya.

What the hell?!

Matapos nang lahat ng masasakit na salitang binitiwan niya! Matapos


niyang sabihin na hindi niya ako mahal!

Ngayon... ngayon...

She's stripping naked in front of me?!

What do you want, woman?!

"Stop it!" agad kong hinawakan ang kamay ni Jillian at tinanggal ko ang
pagkakahawak niya sa butones ng polo niya.

Pakiramdam ko biglang uminit sa paligid. Halos hindi ako makahinga.

What the hell Jillian?

Why are you doing this to me?!

"Bakit ka ba ganyan? Bakit mo 'ko pinapahirapan Jillian? Tama na. Wag


ka nang gagawa ng bagay na pwedeng maging dahilan para mas gustuhin kita."

Binitiwan ko ang kamay niya at tinalikuran ko siya. Kinuha ko ang susi


na nakasabit sa may salamin ko.

"Ihahatid na kita sa inyo. And please, wag mo nang subukang mag-hubad


diyan. Baka pareho tayong magsisi kinabukasan."

Baka hindi ko magawang pigilan ang sarili ko. Baka hindi ko ma-kontrol
ang emosyon ko.

Because damn it! I want you! I love you so much!

"Umiikot..."

Dinig kong sabi niya kaya agad ako napalingon at nakita kong gumegewang
na siya at matutumba na siya.

Lumapit ako para alalayan siya kaya lang bigla siyang bumagsak. Dahil
na out balance ako, pareho kaming napatumba sa kama.

Nakalapat ang likod niya sa kama at ako naman ang nasa itaas.
Itinungkod ko ang braso ko sa gilid niya para hindi ko siya madaganan.

Napatitig ako bigla sa mata niya. Hindi pa siya nawawalan ng malay.


Gising pa siya.

At nakatitig din siya sa akin.

"Ayokong mapunta ka sa iba," sabi niya. "Ayoko. Akin ka lang ha?"

At bago pa ako makasagot, hinila niya ako papalapit sa kanya at


hinalikan niya ako.

Parang ako ang nalasing. Nablangko ang isip ko. Hindi ako makatigil.

I kissed her back. I kissed her pationately. I kissed her with longing,
with love.

With love....

Bumukas ang mata ko at lumayo ako agad kay Jillian.

Mali. Mali.

Hindi 'to pwede.

I can't do this to her.

She's drunk. At alam kong wala siya sa tamang pagiisip. Alam kong hindi
niya alam ang pinag gagagawa niya.
Alam kong pag hindi siya lasing, hindi niya gugustuhin ang bagay na
'to.

Tumayo ako. Nakatingin lang si Jillian sa akin, nagtataka.

Agad kong itinaas ang kumot sa bandang dibdib niya dahil hindi na niya
nagawang i-butones pabalik ang polo niya.

Napapikit ako.

"H-hindi na ata kita kaya ihatid ngayon. Tatawagan ko na lang si Eros."

Dali-dali akong lumabas ng kwarto ko. Agad akong uminom ng tubig para
mahimasmasan ako. Tinawagan ko si Eros para sabihin na nandito si Jillian sa condo
ko at kailangan niyang pumunta.

Dahil baka kung ano pa ang mangyari.

At hindi na ulit ako pumasok sa kwarto ko hangga't hindi nakakarating


si Eros.

[End of flashback]

Napa-hinga ako ng malalim at napahawak ako sa labi ko.

Damn it Jillian! Ba't ka gumagawa ng paraan para mahirapan akong


kalimutan ka?!

"Mukha kang problemado bro!"

Napa-angat ang tingin ko sa nagsalita sa harapan ko at nakita ko si


Kuya Zyron sa may pinto at naka-ngiti ng malawak sa akin.

"Kuya! What are you doing here?" naka-ngiti ko ring sabi sa kanya.

"Wala naman. Tinitignan ko lang 'tong publishing company na binili ni


dad. I'm just wondering kung kelan pa nagka-interes si dad sa pag ppublish ng mga
libro at magazine."

I shrugged.
Ewan ko ba sa tatay namin. Ang galing gumawa ng paraan. Ayokong
magtrabaho sa kompanya namin. Pero tignan mo nga naman, binili niya ang kompanyang
pinagtatrabahuhan ko ngayon.

"May kasama ako. Matutuwa ka!"

"Hmm? Who?"

"Me!"

May isang babaeng dumungaw sa office ko.

Matangkad. Mestiza. Elegant. Brunette. Mukhang foreigner.

"Sasha?"

"Yep! Hindi mo agad ako nakilala, West?"

"Oh my god."

Napatayo ako bigla at nilapitan ko siya atsaka niyakap.

"How are you? Wow. You're a lady now, huh?"

"I know right! Halos hindi rin ako makapaniwala nung sinundo ko siya sa
airport kanina!" natatawa-tawang sabi ni Kuya Zyron.

Sasha is our childhood friend.

Every summer kasi, nag-i-stay kami dati ni kuya sa San Fransisco, sa


bahay nina lola. Kapit-bahay ni Sasha sina lola at madalas kaming mag-laro doon.

She's half American, half-Filipina pero straight siya mag-tagalog dahil


madalas siyang kausapin ng dad niyang Pinoy ng tagalog.

"Are you staying here for vacation?" tanong ko sa kanya.

"No. I'm staying here for good!"

"Wow. That's nice! Hindi talaga kita nakilala agad. Hindi ako
makapaniwala na yung madungis na si Sasha eh.."
"Oh shut up West! Wag mo nang ipaalala sa akin yan!"

"Oo nga! Nahihiya si Sasha! Dalaga na kasi siya!"

"Isa ka pa Kuya Zyron!"

Nag-tawanan kaming tatlo.

"Oh dang, I forgot my phone in my car. Wait baba lang ako," sabi ni
kuya at lumabas siya ng opisina ko.

"So.. kumain ka na ng lunch? Do you want something to eat?"

"No. Kakakain lang namin ni Kuya Zyron. Nag drop by lang talaga ako
para makita ka, West. How are you?"

I smiled at her, "ayos naman ako. Okay lang."

Broken.

"May girl friend na?"

Umiling ako, "focused muna sa work."

Kasi yung akala kong magiging girl friend ko, pinaasa lang ako.

"Ay sus. Wag kang masyadong mag focused sa work. Sayang ang gwapo mo."

Natawa na lang ako sa sinabi ni Sasha.

"Kelan ka pa natutong mambola?"

"Hindi naman ako nambobola! 'To talaga!" napapaypay siya. "Pero ang
init sa office mo ha?"

"Hindi ka lang sanay sa climate dito. You want to go upstairs? We can


use the conference room. Mas malamig doon."

"Sure. Let's go. Ang init dito. I'll just text Kuya Zyron."
Tumayo kami at lumabas ng opisina. Nag-intay kami sa tapat ng elevator.

"West..."

"Hmm?"

"Do you remember what I told you two years ago? Nung bumalik kayo ni
kuya Zyron sa San Fransisco?"

Hindi ako umimik.

Natatandaan ko ang bagay na yun. Tandang-tanda.

Pero ayokong maalala.

"West.. I still like you."

"Sasha..."

Bigla siyang lumapit sa akin at hinalikan ako.

I was taken a back. Hindi ako agad nakapag react.

Agad akong humiwalay.

"Hindi ba pwedeng mahalin mo rin ako, West? Hindi kasi ako maka-move on
sa'yo."

Napa-hinga ako ng malalim. Parang biglang bumalik sa alaala ko yung


nangyari two years ago.

She told me she loves me.

I have to tell her that I only love her as a sister.

I saw the hurt expression on her face.

Masakit para sa akin. Pero yun ang totoo. Kapatid lang ang turing ko sa
kanya. At hindi ko siya kayang lokohin sa kung ano ang totoo kong nararamdaman.

Bumukas ang elevator.


Hindi ko in-expect na si Jillian ang makikita ko.

Nag-tama ang tingin namin.

Mukha siyang nasasaktan. Parang gusto niyang maiyak.

Hindi ko maintindihan kung bakit.

May nangyari ba? Bakit parang nahihirapan siya?

"Bro, saan kayo punta?" tanong ni Zyron.

"We're going up. Doon tayo sa conference room mag-usap."

Bumaba ng elevator si Jillian.

Naramdaman ko naman ang kamay ni Sasha sa braso ko.

Sumakay kaming dalawa.

Bakit tinitignan niya ako na parang nag seselos siya?

Imposible.

Sabi niya hindi niya ako mahal.

Inangat ko ulit ang tingin ko kay Jillian pero bago ko pa makita ang
mukha niya, sumara na ang pinto ng elevator.

To be continued...

=================

Chapter 37

Chapter 37
[Jillian's POV]

"Maglalasing ka na naman ba?" tanong ni Cupid sa akin.

Hindi ko siya sinagot at tinakpan ko lang ng unan ang mukha ko.

Kanina pag uwi ko, nag lakas loob na akong buksan yung maliit na box na
ibinigay sa akin ni West nung araw na sinabi ko sa kanyang hindi ko siya mahal.

Isang bracelet ang laman nung box.

Bracelet na hugis arrow. May note na iniwan si West doon sa bracelet.

"You pierced my heart with an arrow and now I am deeply and madly in
love with you, Jillian. Will you be my girlfriend?"

Gusto kong matawa at maiyak. Yung sinabi niya, it is supposed to be a


metaphor pero hindi siya aware kung gaano katotoo iyon.

Yes West, kung alam mo lang, I really pierced your heart with an arrow.
At aksidente ang nangyaring iyon. And I'm sorry. I am so sorry.

Kung pwede lang sanang yes ang sagot ko sa tanong mo.

Naalala ko yung sinabi niya sa akin sa Baguio.

Nagustuhan niya ako nung umpisa pa lang na nagtrabaho na ako sa


kompanyang yun.

Umpisa pa lang. Bago ko pa makilala si Cupid. Bago ko pa nakawin ang


pana niya.

Nakakaiyak.

Pero mahalaga pa ba yun?

Kanina lang may kahalikan na si West.

"Jillian.."
Naramdaman kong naupo si Cupid sa tabi ko at inalis niya ang unang
nakatakip sa mukha ko.

"Nakakita ako ng artista kanina!" masigla niyang sabi.

Pinanliitan ko siya ng mata.

Nakakainis ang isang 'to! Nag eemote ako rito tapos sasabihin nakakita
siya ng artista!

"Paki ko?"

Inilabas niya ang phone niya.

Jusko.

May phone pala siya!

"Tignan mo oh! Nag selfie kami! 'Di ba siya yung drummer ng Endless
Miracle? Si Jasper Yu? Mas gwapo ako sa kanya!"

"Malamang. Anong laban ng mortal sa isang Greek God."

"Di ba crush mo siya?"

"Eh? Hindi. Hindi ako mahilig sa artista."

"Asus! Crush mo siya eh!"

Tinaasan ko ng kilay si Cupid, "ba't mo naman ipinagpipilitan na crush


ko siya? Bakit? Siya ba nakatadhana sa akin? Umamin ka!"

Biglang tumawa ng malakas si Cupid.

"Jillian hindi ko akalaing assuming ka pala at ang taas mo mangarap!


Hahahahahahaha!"

Leche ang isang 'to.

Tinulak ko siya sa kama at nagtalukbong ako ng kumot.


"Eto na naman! Pinapasaya lang kita! Gusto mo mag-inuman ulit tayo?"

Bigla akong may naalala.

"Cupid, nung nag inuman tayo, nung nalasing ako, biglang gumana yung
compass. Nakapag teleport ako! Paano nangyari yun?"

"I told you, may kapangyarihan ang compass. You have a strong will nung
nalasing ka at ayun ang makita si West. That's why you accidentally unlocked the
power of the compass."

"Huh? Eh edi magandang sign yun? Pwede kong magamit?"

"No. The power of the compass is quite dangerous kaya mas magandang
hindi mo na ito pakielamanan at magiingat ka parati."

Napa-buntong hininga na lang ako.

"Jillian?"

"Hmm?"

Ipinatong ni Cupid ang kamay niya sa ulo ko at ginulo ang buhok.

"You'll be okay. I know and I will make sure na in the end, magiging
masaya ka. I promise you that."

I gave him a sad smile.

Sana nga, marating ko na ang "end" na sinasabi ni Cupid para maging


masaya na ako.

Kasi ang sakit-sakit na.

~*~

The next day, nag meeting kaming lahat ng employees kasama si Sir West
para ipakilala ang dalawa pa naming magiging "boss."

Binili na pala ng family nina West ang publishing house na ito. Elise
was promoted as Editor-in-chief---ang dating posisyon ni West. At ngayon naman,
hands-on na sa business aspect si West kasama ang brother niyang si Zyron....at
yung kahalikan niya na nakita ko na si Miss Sasha Collins.

So, boss ko ang kahalikan niya.

So, higher boss na ang lalaking sinaktan ko.

At dahil doon, sa taas na ang office niya at hindi na rito na kasama


namin siya.

Palayo na nang palayo ang agwat namin sa isa't-isa.

"Hi guys I am Zyron and mas mabait ako kay West kaya wag kayong mag-
alala," sabi ng kuya ni West sabay kindat sa amin.

Naka-ngiti naman si West habang iiling-iling.

"Ang gwapo niya!" rinig ko pang bulong ng isa sa mga editors namin.

Nagpakilala na sunod si Ms. Sasha.

She's actually nice. Nakangiti, ang lambing ng boses niya.

Ang ganda niya, mukhang mahinhin, ang demure kumilos, sosyalin.

Ang sarap niyang sabunutan.

Dear Cupid, kung siya ang nakatadhana kay West, hindi ko na ata talaga
kayang gawin ang bagay na 'to.

In-annouce rin nina West na magkakaroon kami ng summer outing sa isang


beach resort sa Subic. Three days, two nights kami doon. Syempre kasama yung dalawa
naming boss.

Hindi ko alam kung mag e-enjoy ako o hindi.

"Magpanggab ka na lang na may sakit," bulong ni Cupid sa akin after ng


meeting.

"Tapos ikaw kasama?"

"I-ta-tag na lang kita sa mga photos," sabi ni Cupid.


Pinanliitan ko siya ng mata.

Buti pa ang isang 'to, kahit nawawala ang asawa niya nagagawa pa niya
ang mga bagay na yan.

Sa totoo lang, curious ako kung ano ang ginagawang paraan ni Cupid para
mahanap si Psyche. Kada tinatanong ko siya, nagiiba ang aura niya.

Hindi ko maintindihan.

Pero isa lang ang sigurado ko.

He's trying to hide all his pain behind a smile.

"On the second thought, bawal ka palang hindi sumama!"

"At bakit?"

"Basta, I need you there!"

Hindi na ipinaliwanag pa sa akin ni Cupid kung bakit kailangan niya ako


doon.

Baka may kinalaman na naman sa misyon ko at sa compass.

Cupid wag na wag mo talagang sasabihin sa akin na si Ms. Sasha ang


nakatadhana kay West. Hindi ko kaya! Hindi talaga.

Hay naku Jillian, mukhang kahit na sino naman hindi mo matatanggap para
kay West eh.

Nang matapos na ang office hours at oras na para umuwi, nauna si Cupid
sa akin at may kailangan daw siyang puntahan.

Yung isang yun talaga hindi manlang nag magandang loob na ihatid muna
ako sa apartment ko gamit ang hocus-pocus niya! Walang utang na loob! Samantalang
doon siya nakikitulog sa apartment ko, nakikigamit ng kuryente, tubig at nakikikain
pa. Pero hindi siya nag s-share ng bayad!

Come to think of it, parang naging palamunin ko si Cupid.


Tapos sinasaktan pa niya ako sa mga pinapagawa niya sa akin!

Dali-dali na rin akong umalis at sumakay sa elevator dahil nakita ko


mula sa labas kanina na parang uulan. Hindi ko pa naman dala ang payong ko.

Pasara na sana ang elevator nang may narinig akong nagsalita.

"Oh, wait!"

I immediately pressed the open button at nang makita ko kung sino ang
sasakay, nagsisi agad ako na hindi ko pa hinayaang sumara ng tuluyan ang elevator.

It's Ms. Sasha and West... I mean, Sir West.

"Thanks!" naka-ngiting sabi ni Ms. Sasha.

Nginitian ko rin siya kahit ayoko. Syempre boss ko eh. Hindi naman
pwedeng mag attitude ako sa kanya. Mamaya mapatalsik pa ako sa trabaho. Paano na
lang kami ni Cupid? Ano na lang ang kakainin naming dalawa pag nawalan ako ng
trabaho?

Bwiset. Palamunin talaga si Cupid.

"West, I'm hungry. Let's eat dinner?" tanong ni Ms. Sasha kay Sir West
at pinulupot pa niya ang kamay niya sa braso nito.

Bwiset! Bwiset talaga!

"Hmm, okay. Maaga pa naman."

Oh god. Ang tagal ng elevator. Ang tagal naman makarating sa lobby! Ang
tagal!

Gusto ko nang bumaba.

"Isa ka sa mga editors right?" tanong sa akin ni Ms. Sasha.

Oh god, why is she talking to me? I don't want to talk to her.

Inaamin kong bitter ako!

"Proofreader po," sabi ko with a fake smile.


"Oh I see. And your name is?"

"Jillian Evangelista po."

Tumango siya, "great! Hopefully makilala ko na kayo lahat. Medyo


excited na nga ako sa outing eh! Let's have some fun Jillian, ha?"

Nginitian ko ulit siya.

Gusto kong maging cheerful. I want to like her.

Pero hindi ko kaya.

Nakakainis! Ang bitter ko talaga!

"How about you West? Are you excited?" tanong naman niya kay Sir West.

"Of course I am. Tsaka kasama ko kayo ni kuya," West gave her a genuine
smile.

"Naks naman! It's been a while na rin nung last na nakapag-outing


tayong tatlo. Do you remember yung sand castle na pinaghirapan nating gawin tas
nung nabuo na biglang umalon ng malakas at nasira yun?"

Natawa si West, "yes! I remember that! Inis na inis ka kaya nun! Ang
epic!"

"At kinailangan niyo akong ilibre ng dessert para mawala ang inis ko!"

Don't mind me. I'm not here. Invisible lang ako. Sige lang, go ahead
lang, mag reminisce kayo ng masasayang alaala niyo. Wag niyo akong pansinin.

Bwiset.

Biglang huminto yung elevator at pare-pareho kaming na out balance.

At kung mamalasin ka nga naman, nakatakong pa ako kaya naman natumba


talaga ako at napaupo sa sahig.

Oh god!
"Sasha, are you alright?"

Inalalayan ni West si Sasha umayos ng tayo kahit na nakasandal naman


agad ito sa pader at hindi natumba.

Di tulad ko.

"I'm fine! I'm fine! Ms. Jillian, are you alright?" tanong ni Ms.
Sasha.

"Opo," sagot ko habang itinatayo ko ang sarili ko.

Bwiset ang sakit ng ankle ko.

Pero mas masakit ang puso ko.

Ganito pala yung feeling 'no pag hindi ka pinili ng taong mahal mo? Ang
sakit pala. Nakakaiyak. Kahit ikaw ang mas may kailangan sa kanya, iba ang pinili
niyang alalayan.

Kasalanan mo yan Jillian. Desperada ka! Sana umpisa palang hindi mo na


ninakaw ang pana ni Cupid para hindi mo aksidenteng napana si West at hindi ka
nasasaktan ng husto ngayon. Ang desperada mo kasi sa pagmamahal! Sobrang desperada
mo!

"Are you sure na okay ka lang?" tanong ulit ni Ms. Sasha.

I gave her a reassuring smile, "opo. Okay lang po."

Umandar na ulit yung elevator.

Nakarating na kami sa lobby.

Nagpaalam na ako sa dalawa kong boss. Nginitian ako ni Ms. Sasha at si


West naman ay diretso lang ang tingin. After that, dumiretso na sila sa parking lot
at ako ay naupo muna saglit sa may gilid ng hagdan ng entrance ng building.

Ang sakit ng ankle ko. Nanginginig ang tuhod ko sa sakit.

At malala, umuulan pa. Wala akong payong.

Napatakip na lang ako ng mukha dahil hindi ko na napigilan ang pagiyak.


Hindi ko alam kung dahil sa kamalasang natamo ko o dahil sa
nararamdaman ko.

Hindi ko na maintindihan.

Jillian, kalma. Kalma. Kalma.

Huminga ako ng malalim at pinunasan ko ang luha sa pisngi ko.

Walang mararating ang pag-iyak ko.

Tumayo na ako ulit at hinubad ko ang blazer na suot ko atsaka ko ito


itinakip sa may ulo ko.

Gusto kong tumakbo pero bawat hakbang ko, sumasakit ang paa ko.

Nakakatawa lang kasi nangyari na 'to noon. Wala akong payong. Umuulan.
Dumating si West at pinagpilitan niyang ihahatid niya ako sa amin.

Ayaw ko pa nun pumayag.

Pero ngayon, ang saya ko siguro kung mangyayari ulit yun.

Alam ko kasing imposible na eh. Napaka imposible na nun.

Sinaktan ko siya. He's mad at me. At may kasama na siyang ibang babae.

Pero kahit ganoon, sana dumating pa rin ang panahon na mapatawad niya
ako sa ginawa ko sa kanya.

Hindi man niya ma-realized na para sa ikabubuti niya yung ginawa ko,
sana mapatawad pa rin niya ako.

Bigla akong nadulas at natumba ako sa semento, sa gitna ng ulan.


There's a searing pain in my ankle. Napahawak ako bigla dito.

I am so frustrated! I hate it! I hate what's happening! Ayoko na!


Nakakainis na!

Napahawak ako sa compass.


Pwede bang gumana ka muna ngayon? Kahit ngayon lang? Please! Dalhin mo
na ako pauwi! Ayoko na! Hindi ko na kaya ang araw na 'to! Ayoko na---

Napa-angat ang ulo ko nang maramdaman kong may mga kamay na umaalalay
sa akin.

"You sprained your ankle."

Parang lalabas ang puso ko sa dibdib ko.

Bigla akong nagpasalamat na umuulan at basang-basa ako kaya hindi


pansin ang umaagos na luha sa mata ko.

Kinagat ko ang labi ko para mapigilan ko ang paghagulgol ng iyak.

"S-Sir West."

Binitiwan ni West ang payong na hawak niya at nagulat ako nang bigla
niya akong buhatin.

"Kailangan mo munang pumunta sa ospital para matignan 'yan....tapos


ihahatid na kita pauwi."

Hindi ako umangal o naginarte. Hinayaan ko lang siya na buhatin ako.


Hinayaan ko lang na maging sobrang lapit sa kanya ngayon.

Alam kong mali.

Pero hinayaan ko muna ang sarili ko na makagawa ng pagkakamali ngayon.

Kasi sobrang sakit na.

To be continued...

=================

Chapter 38

Chapter 38
[Jillian's POV]

Sobrang lakas ng ulan. Traffic. Maingay sa labas.

Pero nabibingi pa rin ako sa katahimikan.

Walang nagsasalita sa amin ni West habang nandito ako sa loob ng kotse


niya. Halos kakagaling lang namin sa ospital at ngayon eh nagmamaneho na siya
papunta sa apartment ko.

Kanina tinanong ko siya kung nasaan si Ms. Sasha. Sabi naman niya,
kasama na nito si Sir Zyron. After nun, hindi na ulit siya nagsalita. Hindi na niya
ako kinakausap. Kahit nung nasa ospital kami. Kahit nung inaalalayan niya akong
maglakad.

Nakakabingi talaga ang katahimikan.

Ilang beses akong lumunok. Para kasing may nakabara sa lalamunan ko.
Ilang beses din akong kumurap nang kumurap dahil nararamdaman ko ang nagbabadyang
luha sa mata ko.

Sobrang lapit ni West sa akin. Kayang-kaya ko siyang hawakan.

Pero bakit ganun? Ang layo ng pakiramdam ko sa kanya? Hindi ko maabot.


Parang may isang malaking pader na nakaharang sa pagitan namin ngayon.

I embraced myself at tumingin ako sa labas ng binata.

Naka-hinto kami ngayon. Sobrang traffic kasi.

Ang sarap hilingin na wag nang umandar ang kotse para mas matagal ko
pang ma-solo si West. Para mas mapahaba ko pa ang stolen moment na 'to.

Pero sa totoo lang, gusto ko na ring umuwi. Gusto ko nang matapos 'to.

Kasi habang nagtatagal ako na kasama siya, mas lalo akong nasasaktan sa
thought na hindi kami pwede.
Napa-hinga ulit ako ng malalim.

May mga pagkakataon talaga na mas okay na wala ka na lang alam. Parang
ngayon. I'll do everything para hindi ko malaman na hindi si West ang para sa akin.
Kung hindi ko alam yun, magkakaroon pa siguro kami ng chance na maging kami. Okay
lang kahit hindi mag work out. Okay lang kahit in the end, magkakasakitan lang
kami.

At least, maeexperience namin kung paano mahalin ang isa't-isa.

Pwede kong gawin yun. Pwede akong magpaka selfish ulit. Pwede kong i-
grab ang chance na ma-experience kung paano mahalin si West ng malaya.

Ang problema....may task ako.

Ang problema, hindi ako pwedeng magpaka-selfish dahil sa kagagahang


ginawa ko noon.

Ang problema... si West na ang isusunod kong ima-matchmake. At kung


tama ako ng hinala, malapit na sa timeline ni Cupid ang panahon kung saan
ipapakilala na niya sa akin ang naka-tadhana kay West.

Alam ko malapit na. Nararamdaman ko kasi parang sinasabi na sa akin ng


compass.

At kung ganoon nga ang mangyayari, paano pa ako magkaka-chance?

Nagulat ako nang biglang ipatong ni West ang coat niya sa akin.
Napatingin ako bigla sa kanya at diretso na siya ulit nakatingin sa kalsada.

"West... salamat."

Hindi siya sumagot. Hindi rin niya ako nilingon. Diretso lang ang
tingin niya.

I can't blame him kung bakit ayaw niya akong kausapin. Nasaktan ko ba
naman siya eh.

Pero alam niyo kung ano ang nakakaiyak?

Itong inaasal niya na 'to. Itong pakikitungo niya na ganito.

Na kahit nasaktan ko siya, he still cares for me.


Kanina, pwede niya akong pabayaan. Pwede niya akong hindi balikan o
tulungan. O kaya naman, pwede siyang maki-suyo sa iba na tulungan ako.

Pero hindi. Tinulungan pa rin niya ako.

Iniwas ko ulit ang tingin ko kay West at tinalikuran ko siya. Ramdam ko


na kasi ang luha sa pisngi ko. Agad kong pinunasan 'to dahil ayokong makita niyang
umiiyak ako. I don't want to confuse him anymore.

Mas okay pa na paniwalaan niyang hindi ko siya mahal.

Halos kalahating oras kaming trapped sa traffic. Pero nakita ko nang


papalapit na kami sa apartment ko, hindi ko alam ang dapat kong maramdaman.

Makakahinga na ba ako ng maluwag kasi matatakasan ko na ang awkwardness


na 'to?

O malulungkot kasi wala nang panibagong chance para ma-solo ko siya?

Baliw. Umpisa pa lang wala na kayong chance. Hindi yun nag e-exist sa
inyong dalawa.

"We're here," sabi niya.

Tumango ako at iniabot ko yung coat niya.

"Salamat talaga, Sir West."

Hindi siya umimik at agad niyang binuksan ang pinto ng kotse niya para
kumuha ng payong at para alalayan ako.

"Nandyan ba pinsan mo?" tanong niya habang pinagbubuksan ako ng pinto.

"H-hindi ko alam."

"Wala ka bang pwedeng makasama?"

"A-ayos lang! Kaya ko na sarili ko. T-tsaka pauwi na rin si Eros."

Tumango lang siya at inalalayan niya ako papunta sa apartment ko. Nung
makarating na kami doon, binitiwan na niya ako.
"Sige, una na ako. Bye Jillian."

Tumalikod na siya at naglakad papunta sa kotse niya.

Parang gusto kong maiyak ulit.

Bakit parang permanent na ang pamamaalam niya sa akin?

I have this urge to stop him from leaving. Gusto kong gumawa ng iba't-
ibang dahilan.

Malakas ang ulan, traffic, may bagyo, delikado. West dito ka muna sa
akin. Saglit lang. Wag kang tumalikod.

Nanakawin ko ang book of soulmates at iibahin ko ang nakasulat doon.


Gagawin kong tayo na lang.

Kung pwede ko lang talaga gawin yun.

Huminga ako ng malalim at tumalikod na rin ako kay West habang tuloy
tuloy na naman ang pagbagsak ng luha sa mata ko.

Ano ba! Kelan ba ako matatapos sa kakaiyak?

Ba't hindi ba nauubos ang luha ng isang tao?

Nakakapagod na kasi eh.

Narinig ko ang pagsara ng pinto ng kotse niya ay maya maya lang din ang
pagbukas ng makina nito.

Paalis na talaga siya.

Binuksan ko na rin ang pinto ng apartment ko at pumasok ako sa loob.


Isasara ko na sana ang pinto nang marinig kong biglang huminto ang makina ng kotse
ni West.

Napa-lingon ulit ako sa kotse niya.

Umandar uli yung makina then huminto ulit.


Nakita kong bumaba ng kotse si West at binuksan niya yung unahan ng
kotse niya para tignan nito.

Sobrang lakas ng ulan. Bumaliktad na ang payong na hawak niya. I even


heared him cussed.

Agad akong pumasok sa loob ng bahay at kumuha ng payong. Iikia-ika


akong lumapit kay West na ngayon eh basang-basa na ng ulan.

"Sir West? Kailangan mo ng tulong?"

"It's okay. Just go inside. Malakas na ang ulan."

Nakarinig ako ng kulog at mas lalong lumakas yung hangin. Bumaliktad na


rin ang payong na hawak ko. Kaya ngayon, pareho na kaming basang sisiw rito.

"Sir West, doon ka muna sa loob. Ang lakas ng ulan."

"I need to go."

"Pero sira ang kotse mo."

Tumingin si West sa akin at nilapitan ako.

"Hindi ko kayang pumasok sa apartment mo lalo na kung alam kong tayong


dalawa lang ang nandoon. I don't want to spend another minute alone with you,"
madiin niyang sabi.

Napapikit ako.

Ang sakit.

"West, alam kong galit ka sa akin. Alam kong ang laki ng kasalanan ko.
Pero please, isipin mo na lang na ginagawa ko 'to para maka-bawi sa tulong mo
kanina. Please."

Tinalikuran niya ako, "I'll stay inside my car."

"West naman! Delikado!"

Sinundan ko siya kaya lang bigla akong nadulas.


"Jillian!"

Agad akong nahawakan sa likod ni West para hindi ako tuluyang matumba.
Nahila niya ako papalapit sa kanya at ngayon eh sobrang lapit ko na sa kanya.

Tinignan niya ako sa mata at huminga siya ng malalim.

"Why are you doing this to me?" halos pabulong niyang tanong sa akin.

Kitang-kita ko sa expression ng mata niya na sobrang nasasaktan siya.

Sobrang nasasaktan ko siya.

And it's really, really breaking my heart.

"W-West... I—I---"

Napahinto ako.

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin o gawin. Hindi ko alam
kung paano ko siya icocomfort kung ako ang dahilan kung ba't siya nasasaktan.

...kung ako mismo eh nasasaktan din.

Don't worry West. Malapit ka nang maging masaya. Malapit ka nang


magmahal ng iba.

Malapit mo na akong makalimutan.

"Let's just go inside," sabi niya at inalalayan niya uli ako hanggang
sa makarating kami sa bahay.

Pareho kaming basang-basa dahil sa ulan. West is looking at me


intently. Naramdaman ko ang biglang pag-init ng mukha ko kaya naman bigla akong
napaiwas ng tingin kay West at tumalikod ako sa kanya.

"K-kukuha lang ako ng tuwalya at pwede mong pang palit."

Dali-dali akong pumasok sa kwarto ko at pinakalma ko ang sarili ko.

Ba't ganun? Ba't sobrang bilis ng tibok ng puso ko? Ba't nanginginig
ako ng husto?

Bumuntong-hininga ako.

Jillian, kalma, kalma, kalma.

Oh god. Saan ako kukuha ng pamalit niya? Wala namang damit si Cupid
dito! Ni hindi ko alam kung saan siya kumukuha ng damit!

"Cupid," bulong ko.

Hinintay kong lumabas si Cupid sa harap ko pero wala!

Anak ng tokneneg naman oh!

Anong gagawin ko? Ano, hayaan ko na lang si West na nakahubad?!

Though naalala ko na maganda ang katawan niya...

Agggghhh!! Jillian!

Napalingon ako sa side table ko at nakita kong nandoon ang bag ni


Cupid. Yung lagi niyang dala pag pumapasok siya.

I opened it at ewan ko kung paano nangyari ito. Hindi ako makapaniwala.

Pero sa loob ng bag niya eh may isang kulay itim na shirt at shorts.

Oh god Cupid!!!

Agad kong kinuha 'to at kumuha na rin ako ng tuwalya. Nilabas ko si


West at nakita ko naman na naka-sandal siya sa pader na nasa tapat ng kwarto ko.

"A-ah, Sir West, i-ito mag palit ka muna."

Kinuha niya yung inabot ko sa kanya na damit at tuwalya.

"Thanks," matipid niyang sagot at dumiretso siya sa loob ng comfort


room.

Ako naman, pumasok ako ulit sa kwarto ko para makapagpalit ng damit.


Ngayon ko lang nakita sa salamin ang itsura ko.

Para akong basang sisiw na nanlilimahid. Dikit na dikit sa katawan ko


ang tela ng puting longsleeves na suot ko.

Yes. Puti.

At nagmistulan na 'tong see through dahil basa.

Napapikit na lang ako gusto kong i-umpog ang ulo ko sa pader.

Bwiset na lintek na tadhanang 'to. Nakakayamot talaga. Ang sarap


kumatay ng baboy!

Sasabihin niyong hindi ako ang nakatadhana kay West pero anak ng tupa
oh! Ba't gawa ka nang gawa ng paraan para magkalapit kami?

Para ano? Para pahirapan kami?!

Parang dinala mo si West sa buhay ko para sabihing: "You see that


awesome guy? He's the person you CAN'T have."

Bullshit.

Nagtuyo na ako sa sarili at nagpalit ng damit.

"Cupid, bwiset ka. Umuwi ka na," bulong ko sa ere. Hindi ko lang


sigurado kung narinig niya yun pero sana oo!

Lumabas ako ng kwarto at nakita ko si West na naka-upo sa sofa.


Nakapikit siya at nakatakip ang braso niya sa mata niya.

"Sir West? Gusto mo na bang kumain?" tanong ko.

Hindi siya sumagot.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya.

"Sir West...?"

Mukhang natutulog na ata? O ayaw lang talaga niya akong pansinin?


"West," tinapik ko siya sa braso at doon ko lang napansin na parang ang
init ng singaw ng katawan niya.

"Oh god."

Hinawakan ko ang noo niya at ang leeg niya. Ang init niya.

"You're sick. Sir West, wake up. D-doon ka muna sa kwarto ko. May sakit
ka."

"Magpapahina lang ako ng ulan tas aalis na ako," matamlay niyang sabi
nang hindi man lang dinidilat ako mata niya.

"Sir West naman. Please? May sakit ka! Doon ka muna sa kwarto ko."

"I'm fine."

"No you're not! Tignan mo ang init-init mo!" hahawakan ko sana ulit ang
noo niya nang bigla niya akong pinigilan. Hinawakan niya ng mahigpit ang wrist ko
at idinilat niya ang mata niya.

"Bakit concern ka?"

"S-Sir West..."

"Bakit Jillian?!" mas lalong humigpit ang hawak niya sa wrist ko. "Ano
ba talaga? Ba't ganito trato mo sa akin ha? Nakokonsensya ka ba sa ginawa mo kaya
nagpapanggap ka na concern ka sa akin?!"

"That's not true! Hindi ako nagpapanggap!"

"Then ano?! Do you like me?!"

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya.

Stupid stupid Jillian. Sana nagsinungaling ka na lang na nakokonsensya


ka para hindi mo na kailangang ulitin pa ang kasinungalingang hindi mo siya mahal.
Mas masakit kasi bitiwan yun eh.

"Jillian! Why are you doing this to me?! Ang sakit sakit sakit!"

Binitiwan ni West ang pagkakahawak niya sa akin at itinakip niya ang


dalawa niyang kamay sa mukha niya.

"If you don't like me then wag ka nang gumawa ng mga bagay na pwedeng
maging dahilan para mas lalo kitang magustuhan. Please? Ang hirap mo kasing
kalimutan eh. Ang hirap hirap. At sobrang sakit na."

Tumango ako at tinalikuran ko siya. Pumasok ako sa kwarto ko at


pagkasarang-pagkasara ko ng pinto, napaupo na lang ako sa sahig at umiyak ako.

Hindi ko na kaya.

To be continued...

=================

Chapter 39

Chapter 39

[Jillian's POV]

"Ayos ka lang ba talaga?" tanong ni Cupid sa akin.

Lagpas limang beses na niyang tinanong ang bagay na 'yan. Sa totoo


lang, naiirita na ako.

"Cupid, naka-impake na ang mga gamit ko. Ready na akong umalis. Ibig sa
bihin, go na go ako."

Bumuntong hininga si Cupid at iniwan na ako sa kwarto ko.

Tinapos ko ang pag iimpake ng gamit ko. Naghahanda na kasi ako para sa
outing namin. At ilang oras na lang, kailangan na naming umalis ni Cupid para
pumunta sa opisina kung saan ang meeting place naming mag o-office mates.
Kanina ko lang naisipan mag impake ng damit. At ngayon, basta lagay na
lang ako sa bag ko ng kahit ano dahil wala talaga akong gana.

Kung papipiliin ako, mas gugustuhin ko na lang mag stay sa bahay.


Ayokong sumama. Ayokong makita si West.

Nung gabing na-trapped siya rito sa bahay ko, ayun ang huling beses ko
siyang nakita. Ni-hindi ko alam kung anong oras siya umalis nun. Hindi ko alam kung
sinugod ba niya ang bagyo makalayo lang sa akin.

Though alam kong ayos naman siya dahil sabi ni Elise, naka-salubong daw
niya si West sa opisina.

Yun lang, ako, kahit anino ni West ay hindi ko nakita. Siguro sinasadya
niya rin na wag magpakita sa akin. Malamang iniiwasan niya ako.

Sa ginawa ko ba naman sa kanya, hindi pa ba niya ako iiwasan.

Pero sa outing, magkakasama kami sa isang lugar. Gagawin namin ang mga
activities na magkasama. Mahihirapan kami kung iiwas kami sa isa't-isa.

At gusto ko talagang wag nang sumama.

Yun lang, mapilit si Cupid. May importante raw kaming dapat gawin. At
ewan ko rin kung bakit. Parang may pakiramdam ako na dapat akong sumama.

Which is nakakakaba.

Ilang beses na ba akong naniwala sa instinct ko? But it turns out na


laging palpak ang instinct ko.

Bahala na nga si Batman.

At dahil kanina lang ako nag-sipag mag impake, male-late na kami ni


Cupid. Buti na lang at naisipan na niyang gumamit ng magic para maka-punta agad
kami sa office. Nakaka-taka nga dahil pumayag siya agad samantalang dati hindi ko
siya mapilit.

"Wow! On the dot kayo ah!" sabi ni Edgar sa amin nang dumating kami ng
saktong 7am sa office. "Sayang talaga at nag resign si Enid! Gusto ko pa naman
siyang makitang naka-bikini!"

Napa-simangot si Cupid sa sinabi ni Edgar and I saw him balled his


fist. Hinawakan ko agad ang wrist niya at hinila siya palayo kay Edgar. Mamaya
masapak ni Cupid si Edgar. O worst, gamitan pa niya ng salamangka.

"I swear, matapos lang talaga 'to, isusumpa ko ang mortal na 'yan!"
Cupid hissed.

"Relax! Hindi naman niya nakita ang asawa mo na naka bikini eh!"

Naka-simangot pa rin siya. Mukhang na-badtrip talaga.

"Hi guys!"

Napalingon kami sa dumating at nakita namin si Sir Zyron. He's wearing


that bright smile again na parang wala siyang problema.

"Are you ready?"

"Yes sir!" sagot namin sa kanya.

"Alright! Nasa baba na si West at Sasha. Nandyan na yung sasakyan


natin!"

Parang biglang sumikip ang dibdib ko nang marinig ko ang pangalan ni


West.

Hindi ko talaga siya pwedeng iwasan ng habang-buhay. Makikita at


makikita ko pa rin siya.

And a part of me wants to see him badly.

Kinuha na namin yung mga gamit namin at sumunod kami kay Sir Zyron.
Isang mini van yung sasakyan namin at sakto namang kasya kaming lahat---including
the three bosses.

"Ang babait ng mga boss natin 'no? Halatang gusto tayong maka-bonding.
Talagang hindi sila humiwalay ng sasakyan at sasabay sila sa'tin," sabi ni Luke.

"I heard na idea ni Ma'am Sasha 'to. Grabe maganda na mabait pa! She's
indeed a role model," dagdag pa ni Elise.

Sumimangot ako at medyo binilisan ko ang pagpasok sa mini van. Doon ako
sa dulo naupo. Ayoko sa harap. Gusto kong mapag-isa.
Lalo na na nakita ko sa may bandang harap naupo si West at katabi pa
niya si Ma'am Sasha.

Naiinis ako.

Ang hinhin kumilos ni Ma'am Sasha. Ang sophisticated.

Hindi kaya siya ang tinutukoy ni Cupid na nakatadhana kay West? If


ever, paano ko siya magagawang i-matchmake kay West kung naiinis ako sa kanya?

Nung kay Luke at Elise dati, medyo kinaya ko pa dahil hindi naman ako
naiinis kay Elise.

At nandyan si West para libangin ang puso ko.

Habang tumatagal, mas pahirap nang pahirap ang duty ko.

Sana naman wag na dumating sa point na kailangan kong i-matchmake si


Ayesha sa isang santo. Hindi ko na kakayanin promise.

Nag-sakayan na ang iba ko pang mga ka-officemates. Naupo naman si Cupid


sa kabilang side ko sa tabi rin ng bintana.

Aba, hindi ako tinabihan ng isang 'to ah?

Dahil sobra-sobra pa ang seats, in the end, wala kaming katabi pareho
ni Cupid.

Napa-buntong hininga na lang ako.

Siguro kung nasa ibang sitwasyon kaming dalawa, malamang katabi ni


Cupid si Enid at ako? Katabi ko yung nakatadhana sa akin---kung sino man siyang
leche siya na ang tagal tagal dumating sa buhay ko. Sana naman nagpapakilala na
siya 'no para hindi na ako naghihirap nang ganito.

"Matulog ka muna, sandal ka sa akin," dinig kong sabi ni Luke kay Elise
at nakita ko pang sinandal ni Elise ang ulo niya sa balikat ni Luke. Naka-akbay
naman si Luke kay Elise.

Anak naman ng--!! Ba't dito ba pumwesto ang dalawang 'to sa harap ko
ha? At bastusan, nag PDA pa ang mga malalandi!

Nagsimula na ang byahe. Ang ingay sa bus. Akala mo mga estudyante na


mag f-fieldtrip. Puro lokohan at tawanan. Pinangungunahan pa ni Edgar na
nagmimistulang clown sa harap at mukhang nagpapabibo sa tatlong boss.

Nag-pasak na lang ako ng earphones sa tenga ko at pumikit ako at nag


panggap na tulog para hindi nila ako istorbohin.

At sa pag papanggap ko, nakatulog talaga ako.

~*~

Nagising ako na nakahinto ang bus namin at halos walang laman ito.
Napatingin ako sa labas ng bintana at nakita kong naka-stop over pala kami.

"Hindi ka bababa?"

Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko si Sir Zyron na nasa harapan


ko.

"Ah... hindi po sir."

Tumango siya.

"Nag eenjoy ka ba?"

"Opo.. bakit po?"

"Wala lang. Pansin ko lang na mula kanina sa opisina naka-simangot ka


na."

Medyo kinabahan ako bigla sa sinabi niyo.

Hala! Na-notice pala niya ang bad mood ko! So bad shot na agad ako sa
boss ko?

The hell I care. Gusto ko nang mag resign.

"Uhmm...medyo wala lang po ako sa mood kanina."

Naupo siya sa bakanteng seat sa tabi ko.

"Alam mo bang nakakahawa ang bad mood? Kaya dapat sa mga outing na
ganito, ipakita mong masaya ka. Paano mag eenjoy ang iba kung may isang badtrip?"
Napa-kagat ako ng labi.

Gusto kong huminga ng malalim. I badly want to roll my eyes. Gusto ko


siyang tarayan at sabihin na anong gusto niyang mangyari? Eh bad mood ako. Hindi
naman naapektuhan yung iba sa akin eh. Ni hindi nga nila nahahalata eh. Kaya nga
nandito ako sa likod ng bus eh para walang mang istorbo sa akin.

Tsaka sino siya para pakielamanan ang nararamdaman ko? Hindi ba siya
aware na kaya ako ganito eh dahil sa kapatid niya?!

"Malapit nang kumunot ang noo mo. I can sense it," sabi niya habang
naka-ngisi ng nakakaloko.

Napahawak ako sa noo ko at tumawa naman siya. Tinignan ko lang siya


habang kinakagat ko pa rin ang labi ko kasi gusto ko na talaga siyang sigawan.

"Why don't you say something?" tanong niya matapos niyang mapa-kalma
ang sarili niya sa pag tawa.

"Uhmm.. I don't know what to say, sir. Hindi naman po kita pwedeng
tarayan..."

Iniwas ko ang tingin ko.

Anak ng tupa! Sinabi ko talaga yun sa harap ng bago kong boss? Seryoso
yan? Oh my gosh! Anak naman talaga ng tupa oh!

Narinig ko ulit ang pag tawa niya.

"Ganito ka ba talaga palagi? Naka-simangot at nagtataray?"

"Hindi po at hindi ko po kayo tinatarayan."

"Hey, I'm just joking okay? Inaalam ko lang yung sinasabi ng kapatid ko
na masiyahin ka raw at kahanga-hanga. Pero sa nakikita ko ngayon ang gloomy mo."

Sige! Ipagkalandakan pa niya na gloomy ako! Leche talaga ang sarap


sagutin kung hindi ko lang siya boss!

May inilabas siyang candy sa bulsa niya at inabot sa akin.

"Para hindi ka mahilo."


Kinuha ko yung candy, "oh.. thanks po."

Tumayo siya at paalis na ulit pero huminto siya at tinignan ako.

"By the way, kay West galing yung candy. I-abot ko raw sa'yo."

Naglakad na pabalik si Sir Zyron doon sa harapan ng bus kung saan sila
nakapwesto kanina.

Napatingin ako sa may entrance ng bus at sakto namang pumasok si West


kasunod si Ms. Sasha. Nagtama ang tingin naming dalawa.

Ewan ko kung sino ang unang umiwas. Ako ba o siya o sabay naming iniwas
ang mga tingin namin?

Hinigpitan ko ang hawak doon sa candy na ibinigay niya sa akin at


napapikit na lang ako.

Sa ilang segundo na nag tama ang tingin namin, parang nakuryente ang
buong katawan ko.

Ano yun, sparks? Sparks ba ang tawag doon?

Bakit kailangan pa magkaroon ng sparks kung hindi naman kayo para sa


isa't-isa?

Nakaka bitter na talaga ang sitwasyon kong 'to.

~*~

"Ang ganda ng resort!!" masayang sabi ni Elise nang makapasok kami sa


resort na pinagdalhan sa amin ng mga big boss.

Maganda nga talaga ang resort. Sosyal. Member ata ang family nina West
dito kaya naman naka discount kami. Isa pa, halos solo namin ang buong resort.
Kakatapos lang kasi ng summer kaya naman wala nang masyadong nagbabakasyon dito.

Sabi nung nag assist sa amin, may anim na pool daw sa resort. Tapos sa
'di kalayuan, nandoon yung beach. Though pwede kami maglakad sa dalampasigan, pero
in-advice-an kami na wag munang mag su-swimming dahil high tide raw ngayon.

Great.
Nagpunta na kami sa mga assigned rooms namin. Apat ang magkakasama per
room. Kasama ko sa room si Elise, si Dina ang isa pa naming editor at si Grace—yung
book cover artist namin.

Nagpahinga lang kami saglit at after that, lumabas na kami at nagtungo


sa buffet hall kung saan kami mag l-lunch.

"Ayun sina Cupid at Luke," turo ni Elise. Nakita ko yung dalawang


lalaki na nandoon na at mukhang inaantay kami.

Nilapitan namin sila ni Elise.

"Tara kuha tayo ng food?" aya ni Luke kay Elise.

"Tara."

Nagpunta na yung dalawa doon kaya naman naiwan kami ni Cupid.

"Una ka na. Ako na magbabantay ng table natin," sabi niya sa akin.

Tinaasan ko siya ng kilay, "aba himala hindi ka nakikipagunahan sa akin


kumuha ng pagkain."

Nag kibit-balikat lang si Cupid at ako naman, hinayaan ko lang siya.

Pansin ko kanina pa siya matamlay. Walang imik. Dahil pa rin ba yun sa


biro ni Edgar kanina?

Yung Edgar na yun talaga ang sarap tadyakan sa balls eh.

Kumuha na ako ng makakain doon sa buffet. Chicken ceasar salad,


mushroom soup, breadsticks, crab, rice, shrimp, beef, pasta.

"Sa'yo lahat 'yan?" tanong ni Edgar sa akin nung nakatabi ko siya sa


pila.

"Oo baket?"

"Kaing construction worker tayo ah!" pangaasar niya sa akin.

Nag kibit-balikat lang din ako at hindi ko siya pinansin.


Wala siyang alam! Lahat ng manghuhusga sa akin, walang alam!

Hindi nila alam kung paano magmahal ng isang tao na hindi naman pwedeng
maging kayo! Hindi nila alam ang pakiramdam ng masaktan dahil nakikita mong
nasasaktan ang mahal mo nang dahil sa'yo at wala kang magawa!

KAYA BAHALA SILA KUNG HUHUSGAHAN NILA AKO KUNG BAKIT ANG DAMI KONG
KINUHANG PAGKAIN! BAHALA SILA KUNG SASABIHAN NILA AKONG PATAY GUTOM!

Grabe sila! Patay gutom agad?! Hindi ba pwedeng may pinagdaraanan


lang?!

Bumalik na ako sa table namin at nakita kong nanlaki ang mata ng tatlo
kong kasama nang makita ang dala kong pagkain.

"What?!"

Umiling si Luke, "w-wala. Wala."

Buti hindi ka nag react! Palibhasa may girlfriend na!

Si Cupid naman ang tumayo para kumuha ng pagkain at hindi ko na siya


naisipan pang hintayin dahil nagumpisa na akong lumamon.

Kakain ako hanggang sa makalimutan ko ang sakit na nararamdaman ko.

"Oh masigla na pala si Jillian eh."

Napa-tigil ako sa pagkain nang makita kong pumwesto sa table namin si


Sir Zyron. Kasunod niya si Ma'am Sasha....at si West.

Naupo si Ma'am Sasha sa tabi ni Sir Zyron.

Isa na lang ang natitirang upuan.

Yung upuan na nasa gitna namin ni Ma'am Sasha.

"Upo na West," sabi ni Sir Zyron habang tinuturo ang upuan sa tabi ko.

Oh god.
Napaiwas na lang ako ng tingin. Naramdaman ko namang in-occupy ni West
ang upuan sa tabi ko.

"Buti naman at mukhang masigla ka na Jillian. Dami mo nang kinakain


eh!" pagbibiro ulit ni Sir Zyron sa akin.

Ba't naman kailangan niya pang pansinin 'to?!

Ang sarap niya talagang bulyawan. Mag sama sila ni Edgar!

"Bakit po sir? Matamlay po ba si Jillian kanina?" tanong naman ni


Elise.

Isa pa 'to! Inintriga talaga! Wala siyang utang na loob! Ako ang
dahilan bakit may lablayp siya ngayon!

"Oo eh. Mukhang nag e-emo kanina sa bus!" sagot ni Sir Zyron at
nagtawanan naman sila.

"Kuya Zyron! Leave her alone! The poor girl is already blushing because
of you!" saway naman ni Ma'am Sasha sa kanya.

Walangya kang babae ka! Kaya ayoko sa'yo! Sinaway mo nga pero pinoint-
out mo naman na namumula na mukha ko sa kahihiyan!

"Jillian, ba't hindi ka nagsasalita? Tahimik ka ba talaga. Weird. Sabi


nitong si West madaldal ka raw eh," pangungulit uli ni Sir Zyron.

God, he's so annoying.

"Kuya, just eat," mariing sabi ni West.

"Sir West nakukwento mo po pala kami sa kapatid mo!" sabi naman ni


Luke.

Zyron snorted. West gave Luke an awkward smile.

Mukhang alam ko na kung ba't ganyan ang reaction nila.

Kasi ako lang ang kinukwento ni West kay Sir Zyron.

At ngayon ganito kami.


Siguro kaya ang hilig akong pinapahiya nitong si Sir Zyron kasi alam na
rin niya ang ginawa ko kay West.

Binilisan ko ang kain ko. Ngayon lang ako nagsisi na ang dami kong
kinuhang pagkain. Gusto ko na lang makaalis sa table na 'to.

Isa pa para akong kinukuryente dahil katabi ko si West. Ang hirap


huminga. Lalo na pag accidentally na nagtatama mga siko namin.

Kelan pa naging ganitong kalala ang epekto niya sa akin?

"Akin na lang 'to Jillian!" sabi ni Cupid na hindi ko napansin na nasa


tabi ko na pala.

Masaya kong ibinigay ang more than half ng pagkaing kinuha ko sa kanya
then I gave him an appreciative smile.

Hindi ko alam kung gutom lang talaga 'to o nakaramdam din siya na gusto
ko nang lumayas dito.

Nang matapos akong kumain, I excused myself.

"Ay alis ka na? Bawal! Masamang may aalis habang 'di pa tapos kumain
ang iba. Pare-pareho kami ritong hindi makakapag-asawa!" sabi ni Zyron sa akin.

Anak naman ng pamahiin na yan oh!

"Hayaan mo na siya," dinig kong sabi ni West.

At ewan, parang kumirot na naman ang puso ko.

Halata sa tono niya na gusto na niya akong umalis eh.

Tuloy-tuloy na akong lumabas ng buffet hall.

Makapunta na nga lang sa room. Matutulog na lang ako.

Iiyak na lang ako.

"Jillian!"
Napalingon ako kay Cupid at nakita ko siyang tumatakbo papalapit sa
akin.

"Hmm?"

"Come with me."

"Saan?"

"Basta."

Hinawakan ni Cupid ang wrist ko at hinila niya ako palabas ng hotel na


tinutuluyan namin.

"Uy, saan tayo pupunta? Teka, kay Ayesha ba? Nakita mo na ba siya?
Pwedeng kung dadalhin mo ako ngayon kay Ayesha magpalit muna ako ng damit? Naka
shorts, t-shirt at flipflops lang ako! Pwedeng mag suot muna ng mas protective na
damit ha?"

"Hindi! Basta!"

Dinala ako ni Cupid sa may dalampasigan at naupo kami sa isang bench


doon.

"Anong gagawin natin dito?"

"Basta!"

Tinignan ni Cupid ang orasan niya.

"Manuod ka," bulong niya sa akin.

Tinignan ko naman yung dagat.

"Cupid---don't tell me lalabas si Poseidon diyan ngayon?"

"Hindi! Ay naku Jillian, pwede manahimik ka muna at tignan mo na lang


ang darating?"

Sinimangutan ko siya pero sinunod ko ang sinabi niya. Tinignan ko ang


dagat sa harapan ko.
...

...

...

...

"Uhm.. Cupid, ano bang meron?" tanong ko makalipas ang ilang minutong
pagtitig sa dagat.

Napakamot ng ulo si Cupid, "hindi ko na alam ang nangyayari."

"Ako rin. Hindi ko na gets. Ano ba dapat ang mangyayari?"

Napakibit balikat si Cupid, "hindi ko na talaga alam."

Buntong hininga ako.

"Pwede na ba akong umalis? Kasi sa totoo lang wala ako sa mood ngayon
eh."

Tumango lang si Cupid nang hindi ako tinitignan. Ako naman, iniwan ko
na siya doon at dumiretso ako sa kwarto. Agad akong pumasok sa CR ng room namin,
nagbabad sa bathtub doon hanggang sa maubos ang luha sa mata ko.

Leche.

Wala na atang katapusan ang pag iyak na 'to.

~*~

[Cupid's POV]

Ang hirap ng intindihin ng tadhana. Ang hirap ng intindihin ng mga mangyayari.

Kahit ako, naguguluhan na rin.

Napabuntong hininga na lang ako habang nakatitig sa book of soulmates


na hawak ko.
Malinaw na malinaw pa rin ang nakalagay rito eh.

Nakaduktong si West sa ibang babae at hindi kay Jillian.

Ba't hindi na lang kasi si West at Jillian? Bagay naman sila? Bakit iba
ang para sa kanila?

Ang naka-sulat sa book of soulmates ay hindi pwedeng mabago. Hindi


pwedeng magkapalit-palit ang mga magkakatadhana. Pwedeng mawalan ka ng nakatadhana
kung mamamatay ito bago mo pa siya makilala. Doon nagkakaroon ng mga taong single
hanggang sa pagtanda nila.

O pwede rin yung nangyari kay Ayesha. Nawalan ng ka-tadhana ang


lalaking para sa kanya dahil kinuha ni Aphrodite si Ayesha.

Pero ang magkapalit-palit ng mga nakatakda? Hinding-hindi mangyayari


yun.

Pero naguguluhan talaga ako.

Kanina, dapat dadating ang nakatadhana kay West. Ayun ang dapat
ipapakita ko kay Jillian.

Alam ko kasi na gusto na niyang i-matchmake si West. Gusto ko na rin


itong matapos para maipakilala ko na kay Jillian ang para sa kanya.

Para hindi na siya masaktan.

Pero hindi dumating yung babae. Nakakapagtaka talaga. Nandito pa rin


nakasulat ang pangalan ng babaeng yun. Nakaduktong pa rin ito sa kapalaran ni West.

Pero bakit wala siya kanina?

Bakit naiba ang naging takbo ng tadhana.

Dito sa lugar na 'to dapat magkikita si West at ang babaeng yun. Pero
hindi nangyari.

Ano na ba ang nangyayari?

Napatingin ako ulit ako sa may dalampasigan at nakita kong naglalakad


doon si West.
Napaayos ako ng upo.

Hindi kaya na-delay lang yung babae? Baka na-traffic?

Anong klaseng explanation yan Cupid!

Pero baka dumating na nga yung babae! Supposedly magkakasalubungan


sila!

Napalingon ako sa kabilang side at halos malaglag ako sa kinauupuan ko


nang makita ko kung sino ang makakasalubong ni West.

It's Jillian.

Hindi niya napapansin na nasa harap na niya si West at nakatitig ito sa


kanya.

Busy kasi siya sa pagkuha ng litrato sa dagat.

At hindi rin napansin ni West ang isa pang taong parating dahil busy
siya sa pagtitig kay Jillian.

It's Zyron.

Anong nangyayari?

To be continued...

(PLEASE READ. IMPORTANT)

Author's Note:

Hi po! Kung sakali mang medyo ewan ang naging dating ng update na 'to, pasensya na
po. Pinilit ko lang po kasi na tapusin ito ngayong gabi dahil ayokong bitiwan.
Aside sa may inasikaso lang na manuscript, may naka-sagutan ako na demanding reader
sa twitter na talagang umubos ng pasensya ko at medyo nawalan ako ng gana dahil sa
tweet niya. And yes, nagsisisi ako ba't ko pa siya pinatulan. Naapektuhan lang ako.

Sa mga nakabasa nun sa twitter, I'm so sorry po at nakita niyo pa side ko na


talagang napuno ang pasensya ko.

Pero ito lilinawin ko lang po ulit sa lahat ng readers ko na nag iintay ng update
ko: MARAMING SALAMAT PO SA INYONG LAHAT. Thankful ako na matyaga kayong nagaantay.
Aminado ako na mabagal ako mag update. Pero I am trying my best na mapabilis ito.

Mahirap po magsulat. Mahirap mag isip ng update. Mahirap ipilit ang feels kung ang
author mismo ay wala sa mood magsulat. Mas mahirap pag na ppressure kami. Ganado
kami pag inspired kami.

At nakakawala po ng inspiration ang mga comments na katulad nito: "ang bagal bagal
mo mag update. Hindi mo na naisip ang mga readers na nagiintay ng update mo." 

Kung hindi ko po naisip ang mga readers na nag aantay ng update ko, bakit pa po ako
nag uupdate?

Gusto ko lang po i-inform kayong lahat na libre kong ginagawa ang pagsusulat dito
sa Wattpad. (Not unless sponsored ito like ng That One Summer ko. Which is ayan
lang ang natatanging story ko na sponsored.)

Sa totoo lang, pwede ko na nga ito isulat ng directly sa word at ipasa sa


publishing house para diretso publish na at no need nang dumaan sa wattpad. Pero
passion ko kasi 'to eh. Nag eenjoy ako na makita ang comments ng readers per
chapter. Nakakatuwa na maka communicate ang mga readers. Kaya pinopost ko pa rin
ito ng libre. Ng walang bayad. Ng walang hinihinging kapalit kundi ang onti niyong
pag unawa na minsan eh tao lang din po ang mga authors, napapagod din kami,
nagsasawa rin kami sa pressure.

Lagi kong sinasabi, if ayaw mabitin, pwede naman po natin basahin na lang pag tapos
na.

Napuno ako kanina sa twitter dahil ang naging dating sa akin ng tweet ng certain
reader na yun (no need pangalanan kasi blocked na siya sa akin at mukhang wala na
talaga rin siyang planong magbasa,) ay wala akong paki kung nagiintay ang mga
readers ko ng matagal.

That's not true.

Like ngayon. Kailangan ko mag focus sa manuscript ko pero isinisingit ko 'tong


update na 'to.

Sobrang saya ko po at thankful dahil nagbabasa kayo ng stories ko. 

Pero humihingi ako ng tawad kung hindi ko maibigay ang buong time ko para sa inyo.

Salamat sa mga nakakaintindi.

=================

Chapter 40

Chapter 40
[Jillian's POV]

Ang hirap mabuhay sa mundong ibabaw! Ang hirap mag mahal at masaktan! Bakit ganun?
23 years old na ako pero NBSB pa rin ako?! Wala pa akong nagiging jowa! Yung
dalawang lalaking pinaka minahal ko pa eh kinakailangan kong ipares sa iba!

Ayoko nang mabuhay!

Magpapakamatay na lang ako!

Kainin ko kaya 'tong sabon sa harapan ko? Makakaya kayang tapusin ng


sabon na 'to ang paghihirap ko?!

Napa-buntong hininga ako at pinunasan ko ang luha sa pisngi ko.


Tinignan ko ang sarili ko sa salamin ng bathroom ng hotel room namin.

Shet! Ang ganda ko pa rin kahit namamaga na mata ko kakaiyak!

Naghilamos ako. Makalabas na nga lang bago ko pa maisipang patayin ang


sarili ko sa loob ng bathroom na 'to. Baka nasa may dalampasigan pa si Cupid at nag
s-senti. Mapuntahan na nga lang ulit.

Palabas na sana ako ng bathroon ng makarinig ako ng mga boses na


naghahagikgikan.

"Ano ba Luke! Nakakakiliti! Itigil mo 'yan!"

Boses ni Elise.

Ay anak naman ng mga---!!

"Love you so much!" dinig kong sabi ni Luke and then Elise giggled.

Mga walanghiya!

Ang sarap sumigaw ng go get a room kung wala lang kami sa isang room!

Lumabas ako sa bathroom at bumungad sa akin yung dalawa. Nakaupo sa


kama si Luke at naka-kandong naman si Elise sa kanya.
"Mga bastos!" sigaw ko sa kanilang dalawa.

Parehong napa-tingin sa akin yung dalawa at nginitian naman nila ako.

"Oh nandyan ka pala Jillian!" sabi ni Elise.

"Nahuli mo kami sa sexy time namin!" naka-ngisi namang sabi ni Luke.

"Sige na ituloy niyo na yang ginagawa niyo!" sigaw ko sa kanila.

Agad kong kinuha yung camera ko at tuloy-tuloy akong lumabas ng kwarto.

Sana kung gagawa man sila ng kababalghan eh bilis-bilisan nila. Ayokong


madatnan ko silang gumagawa ng milagro mamaya pag balik ko!

Inikot kong mag-isa ang buong resort habang nagkukukuha ako ng mga
photos. Nakita ko na rin yung iba kong mga ka-opisina na nasa infinity pool at nag
su-swimming na.

Pero napahinto ako nang makita ko si Edgar na naka-upo sa isang


gazeebo. May kausap siyang babae.

Medyo lumapit ako para tignan ang kausap niya.

Maganda, matangkad, morena.

Anak ng tokwa! I know that girl! Sumali siya dati sa binibining


Pilipinas!

Masayang nagkukwento yung babae kay Edgar at nakita ko naman si Edgar


na parang nahihiya-hiya ang itsura.

WOW.

Marunong pala mahiya ang isang 'to! WOW! Ang epic!

Natatawa-tawa kong kinunan ng picture si Edgar at yung babae. Ipapakita


ko mamaya kay Cupid nang ma-goodvibes naman ang isang yun!

Nagtungo na ako sa may dagat at doon ko naman naisipang magkukuha ng


photos.
Walang taong naglalakad ngayon sa tabing dagat kundi ako lang. High
tide kasi kaya walang nag suswimming. Isa pa, sobrang lakas ng alon ng tubig
ngayon.

Pero hindi ko maipagkakaila ng ang ganda ng view.

Kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko.

Napa-buntong hininga ako.

Naalala ko dati nung nasa bahay ampunan pa ako noon, nangako tatay ko
sa akin na lalabas kami at dadalhin niya ako sa beach. Sobrang excited ko nun kasi
makakabonding ko na ang ama ko.

Nung araw na sinabi niyang susunduin niya ako, maaga akong nagising at
nagantay sa may gate ng bahay ampunan.

Pero hindi siya dumating.

Hindi rin siya dumating kinabukasan.

At nung mga sumunod pang araw.

Matapos ang limang taon tsaka lang siya ulit nagpakita sa akin. Kinuha
niya ako sa bahay ampunan para pag-aralin ng college sa isang university sa
Maynila. Pero kahit ganun, malayo pa rin ang loob ko sa kanya.

Itinira niya ako sa isang apartment at hindi sa sarili niyang bahay.


Naghuhulog siya ng pera sa bank account ko pero hindi siya nagpapakita sa akin.

Sana sinabi na lang niya nun na ayaw niya sa anak niya.

Ngayon ko lang na-realized, kaya nga siguro ang desperada ko sa


pagmamahal. Kaya nga siguro ako nagawang utuin agad ni Ayesha dati sa pagnakaw ng
pana ni Cupid.

Hayok at sabik ako sa taong magmamahal sa akin.

Paano lagi na lang akong naghahabol. Buong buhay ko nagmamakaawa ako sa


atensyon.

Sa bahay ampunan, ayaw sa akin ng mga bata doon. Hindi ko alam kung
bakit. Isa lang ang naging kaibigan ko nun at naghiwalay agad kami kasi sinuwerte
siyang maampon.

Walang magulang na nag-aaruga sa akin.

At lahat ng lalaking minahal ko, eh hindi pwede para sa akin.

Masisisi mo ba ako kung hanggang ngayon eh desperada pa rin ako?

Nakakapagod na kaya ang maging mag-isa.

"West!"

Napalingon ako nang marinig ko ang pangalan niya. Nakita ko sa 'di


kalayuan si West at nakatingin siya kay Sir Zyron na papalapit sa kanya.

Inangat ko ang camera ko at kinunan ko silang dalawa.

I zoomed the photo at tinitigan ko ang mukha ni West.

Ang sakit na ngang isipin na hindi ka pwede para sa akin eh. Tignan mo
yang itsura na yan! Ang gwapo gwapo mo!

Tapos gentleman ka pa, sweet, maalalahanin, maalaga.

Ang swerte talaga ng naka-tadhana sa'yo. Sarap sabunutan ng buhok kung


sino man siya!

"Hi Jillian!"

Napa-angat ang tingin ko at halos mabitiwan ko ang camera nang makita


kong nasa-harap ko na ang dalawa kong boss.

Naka-ngisi sa akin si Zyron—well as usual. Mukhang lagi naman siyang


nakangiti ng nakakaloko at parang gagawa ng masama.

Si West naman ay nakatingin sa malayo.

"What are you doing?" tanong sa akin ni Zyron.

"W-wala po. Nag lalakad-lakad lang."


Napatango siya.

"Ahhh, kumukuha ka ng photos? Patingin naman! Baka may pwedeng ilagay


sa travel magazine natin."

"Hindi! Wala! I-I mean lowbatt."

Anak naman ng---!! Ba't ang usisero ng isang 'to?

"Nag text si Sasha, nasa café raw siya. Puntahan ko lang," sabi ni
West.

"Ay sama na ako!" sabi naman ni Zyron.

Napa-simangot ako.

Pwede bang wag mo na lang puntahan si Sasha, West?

As if may karapatan akong pigilan ka.

"Sama ka na rin sa amin, Jillian!"

"H-ha? Naku wag na po! Okay lang po ako!"

"Sumama ka na! Ililibre tayo ni West ng kape at cake!" he winked at me.

"P-pero k-kasi eh..."

"I insist! West oh, sabihan mo nga 'tong si Jillian na sumama na siya!"

Sinulyapan ako ni West pero mabilis na mabilis lang. Yung para bang
hindi niya ma-atim na tignan ako.

I felt a tight knot in my stomach.

"Sumama ka na," sabi ni West at dire-diretso na siyang naunang


maglakad.

"See? Tara na!" hinawakan naman ni Sir Zyron ang wrist ko at humabol
kami kay West.
Gusto kong umalis pero wala eh, tuloy-tuloy ang paglalakad ko na para
bang nagkaroon ng sariling isip ang mga paa ko.

Nang makarating kami sa café na nasa loob ng resort, nakita naman agad
namin si Ms. Sasha na nakaupo doon while drinking a cup of coffee and reading a
book.

Akala mo nasa commercial siya.

A great example of elegance and beauty.

Lecheng 'to! Pakainin ko siya ng leche flan eh!

"Oh you're here!" naka-ngiting bati niya nang makita niya ang
magkapatid. "Oh sumama ka rin pala, Jillian."

I just smiled at her.

Wala naman talaga siyang ginagawa sa akin pero bakit asar na asar ako
sa kanya?!

Insecure ako! Oo na! Oo na!

"What do you want?" tanong sa akin ni Sir Zyron.

Tinignan ko yung menu board.

"Caramel Machiatto," sabi ko sa kanya.

"Oh? Pareho kayo ng favorite ni West ah?"

"I'll order café mocha this time," mabilis na sabi ni West.

Bakit ba talaga ako sumama sa kanila? Para saktan ang sarili ko, ganon?

Stupid Jillian!

"Mine's iced americano! Ikaw na um-order, West!" sabi ni Zyron dito.

Hindi naman pumalag si West at pumila na. Agad akong tumayo at lumapit
kay West sa pila.
"Sir West, y-yung bayad ko sa coffee ko," sabi ko habang inaabutan ko
siya ng pera.

Dalawang daan na lukot.

Nakakahiya naman sa credit card na hawak niya.

Sinubukan ko pa itong i-unat bago ko ulit i-abot kay West.

Tinitigan lang 'to ni West.

"Bumalik ka na doon," masungit na sabi niya sa akin.

"Pero kasi—"

"Bumalik ka na doon."

Huminga ako ng malalim at bumalik na ako sa pwesto ko.

"Sabi nang libre na ni West eh! Kulit mo talaga!" mapang-asar na sabi


ni Sir Zyron sa akin.

"Don't mind him!" sabi naman ni Ms. Sasha. "Tsaka okay lang naman
talaga kay West na i-treat ka niya. That guy is a perfect gentleman."

"Eh ako hindi?" tanong ni Sir Zyron sa kanya.

"Hmmmm..."

"Wow! Nag-isip ka talaga ha?" at pabiro niyang tinulak si Sasha. Tumawa


naman ito.

Nginitian ko lang sila. Pero awkward na ngiti dahil pakiramdam ko, out
of place talaga ako dito.

Dumating na si West na dala ang mga kape namin.

Pabilog ang lamesa kung saan kami naka-pwesto.

Magkatapat kami ni Ms. Sasha habang nasa left ko naman si Sir Zyron at
nasa right ko si West.
Wow.

Sa loob ng isang araw dalawang beses kong nakatabi si West.

"So Jillian, may boyfriend ka?" tanong ni Zyron sa akin.

Dahil sa bigla ko sa tanong niya, tumapon ang kapeng iniinom ko sa may


dibdib ko. Naka-sleeveless pa naman ako at medyo mababa sa may bandang dibdib kaya
diretso sa balat ko tumapon yung kape.

At wow! Mukhang extra hot pa ang kape ko kasi sobrang init.

"Jillian!"

"Sorry! Sorry!" sabi ko habang nararamdaman ko na rin ang pag init ng


mukha ko dahil sa kahihiyan.

Katabi ko pa si West!!! Nakakainis!

"Let me see!"

Nagulat ako nang biglang tinabing ni West ang kamay ko na may hawak na
tissue at pinupunasan ang dibdib kong tinapunan ng kape.

"Namumula. You need to apply an ointment. Wait, may clinic dito sa


resort," sabi ni West.

"Uh-oh. It's my fault. Bigla-bigla akong nagtanong! Ako na magdadala


sa'yo sa clinic, Jillian!" sabi naman ni Sir Zyron.

Gusto kong maiyak. Gusto ko kasi na si West ang magdala sa akin pero
alam kong hindi pwede yun.

Tumango na lang ako and I immediately grab my things.

Nung pagtayo ko, napatingin ako sa bintana ng café at para akong


nanlumo nang makita ko ang isang babaeng nakatingin sa akin at nakangiti.

It's Ayesha.

Walang pag d-dalawang isip ay tumakbo ako palabas ng café para puntahan
si Ayesha. Nakita ko siyang naglalakad palayo.

"Ayesha!"

Lumingon siya sa akin at nginitian niya ako. Bigla siyang nawala sa


harapan ko.

What the hell?!

Hinanap ko si Ayesha.

Nandito siya sa resort!!

Si Psyche! Baka kasama niya si Psyche!!

At anong ginagawa niya rito?!

Napadpad ako sa pinaka dulo ng resort. Yung sa private area kung saan
naka-check in ang mga VIPs. May malaking private pool din dito.

Walang tao.

"Jillian."

Napalingon ako sa likuran ko at nakita kong nandoon si Ayesha.

"Anong ginagawa mo rito?!" sigaw ko sa kanya. "Nasaan si Psyche?!"

"Sumama ka na sa akin," sabi niya habang naka-lahad ang kamay niya.


"Makukuha mo ang gusto mo kapag sumama ka sa akin at tinulungan mo ako."

"Heh! Shut up! Anong akala mo sa akin, uto-uto?!"

Binigyan ako ni Ayesha ng isang malungkot na tingin. Biglang nagtayuan


ang mga balahibo sa katawan ko.

"Wag mo sanang pagsisihan na sila ang kinampihan mo, Jillian. Wag ka


sanang magsisi."

"Ang dami mong sinasabi! Ilabas mo si Psyche kundi patay ka talaga sa


akin!"
Sinugod ko siya at akmang hahawakan sa magkabilang braso pero hindi pa
ako nakakalapit ay bigla na lang akong lumutang sa ere.

"A-anong?! Ibaba mo ako!!"

Tumawa ng malakas si Ayesha, "akala mo kaya mo akong saktan ha?! Isa ka


lang hamak na mortal!!"

Bigla akong bumagsak sa pool.

Ang lalim. Hindi ako makalangoy. Ayaw gumalaw ng hita at kamay ko.

Nalulunod ako.

Ang daming pumapasok na tubig sa akin.

Hindi ako makahinga!

Hindi ako makagalaw!

Lumulubog ako sa ilalim! Bakit hindi ko magalaw ang katawan ko?!

Nanghihina ako! Hindi ako makahinga!

Am I going to die?!

No! No! Help me! Cupid! Cupid!!

Napapikit ako.

Unti-unti.

Nanghihina na ako.....

Pero bago ako tuluyang mawalan ng malay, may naramdaman akong dalawang
kamay na humawak sa braso ko at hinila ako pataas.

To be continued...
=================

Chapter 41

Chapter 41

[Jillian's POV]

"Jillian? Jillian? Jillian!!"

Napa-mulat ang mata ko at naaninag kong may lalaki sa harap ko.

"Jillian? Are you okay?"

West... West?

I blinked.

"S-sir Zyron."

Inalalayan niya akong maka-upo at naramdaman kong may nagpatong ng


twalya sa likod ko.

"Are you okay? What the hell happened?!" tanong niya sa akin at bakas
sa mukha niya ang pag-aalala.

Napatingin ako sa paligid.

Wala na si Ayesha.

Pero pinapalibutan naman ako ng mga ka-office mates ko.

Nasa gilid ko si Luke at Elise na parehong nag-aalalang nakatingin sa


akin. Sa tabi ni Zyron ay si Ms. Sasha.

Wala si Cupid.
Wala rin si West.

Napapikit ako.

"Jillian!" dinig kong tawag sa akin ni Elise. "Naku sir Zyron, dalhin
na natin siya sa clinic!"

"Yes. Yes, let's bring her to the clinic. Namumutla siya," dinig ko
namang sabi ni Ms. Sasha.

"Okay. Okay.."

Naramdaman ko ang mga braso ni Zyron sa balikat at hita ko at alam kong


bubuhatin niya ako. Napadilat ako.

"Sir.. I-I'm okay. Thank you. Ayokong pumunta sa clinic."

"Ha? No! Kailangan mong ma check up."

"No sir. Seriously, I'm fine. Gusto ko na pong magpahinga sa room


namin."

Inalis niya ang pagkakahawak niya sa akin instead ay inalalayan niya


akong makatayo.

"Ihahatid na kita sa room niyo."

Napatingin ako agad kina Elise. Alam ko nangungusap ang mata ko at


nagpapasalamat ako dahil na-gets niya agad ang gusto kong ipahiwatig.

"Sir, naku wag na po. Kami na ni Luke ang bahala kay Jillian."

Agad na lumapit sa akin si Luke at inalalayan ako.

"Opo. Kami na po ang bahala sa kanya."

Napatango na lang si Sir Zyron at agad naman kaming naglakad palayo


nina Elise.

Ewan ko kung bakit gusto kong makalayo sa kanya. Hindi ko alam kung
ba't naninikip ang dibdib ko.
Kanina, akala ko si West ang tumulong sa akin. But it turns out it's
Zyron.

Wala si West sa paligid.

Wala siyang alam sa nangyari.

At wala akong karapatang ma-disappoint pero bakit ganito ang


nararamdaman ko?

Nung makarating kami sa room, nahiga agad ako sa kama at nagtalukbong


ng kumot. Ilang beses akong tinanong nung dalawa kung may kailangan ba ako. Alam
kong nag-aalala lang sila sa akin pero sinabi ko na gusto ko muna magpahinga.

Maya maya lang din ay iniwan na nila ako sa kwarto.

At pagka-alis na pagka-alis ng dalawa, naramdaman ko na parang may


umupo sa gilid ng kama ko.

Inalis ko ang pagkakatalukbong ng kumot ko at nakita ko si Cupid.

"I'm so sorry, Jillian," sabi niya sa akin at kita ko ang pagaalala sa


mukha niya.

"I'm fine, Cupid. Hindi naman niya ako nasaktan eh. Okay lang ako. Pero
si Ayesha--!"

"I know. Nagpakita rin siya sa akin kaya hindi ko narinig ang tawag mo.
Sorry, sorry. She distracted me. I'm really, really sorry Jill."

"Ano ka ba! Ayos lang ako! Buhay ako Cupid. P-pero nakausap mo ba siya?
May sinabi ba siya sa'yo about kay Psyche?"

Huminga ng malalim si Cupid.

"Ang paulit-ulit na sinasabi sa akin ni Ayesha, kailangan kitang ibigay


sa kanya."

"Ano bang gusto niya sa akin ha? Eh wala naman akong kwenta. Wala nga
akong halos magawa eh."

Napa-iling si Cupid.
"That's not true Jillian. You are the living arrow. Bukod sa akin, ikaw
lang ang natatanging may kakayahan na magduktong ng kapalaran ng mga tao. Kaya ka
gustong makuha ni Ayesha. Nasa kanya man ang pana ko, wala naman silbi ito. Ikaw
lang ang makakagamit nun..."

"At gusto niyang iduktong ko ang kapalaran niya kay Zyron."

Tumango si Cupid.

Napa-buntong hininga na lang ako.

"Ambisyosa siyang froglet siya. Ba't hindi ba siya maka-move on?! Wala
na bang soulmate itong si Ayesha at nang tantanan na niya si Zyron, si Pysche, ikaw
at ako! Ang bitter niya eh. Kurutin ko siya sa singit! Nakakainis na ha!"

Medyo napa-ngiti si Cupid.

"Wala eh. Wala na siyang soulmate."

"Forever alone na talaga siya?"

Napatango na lang si Cupid.

"Mas kawawa naman pala siya kesa sa'kin. At least ako, kahit nasasaktan
ako ngayon, alam kong meron ka talagang inilaan sa akin. Pero siya..."

"Wala na tayong magagawa doon. The moment na ginawa na siyang


apprentice ni Aphrodite, na-putol na ang guhit na nagduduktong sa kanila ng
lalaking nakalaan para sa kanya. Maari siyang umibig sa isang greek god tutal ay
hindi naman naka-sulat sa book of soulmates ang mga kapalaran namin. Yun nga lang,
hindi niya magawang ma-i-alis ang puso niya sa mundo ng mga mortal."

"Dahil dito na siya nasanay..."

Napatahimik ako. Hindi ko alam pero naiintindihan ko kahit papaano si


Ayesha. Siguro kung ako ang nasa lugar niya, magiging ganun ka-bitter din ako.

Pero kahit naiintindihan ko siya, hindi ibig sabihin nun ay tama na ang
ginagawa niya.

Mali pa rin.

Naka destined na sa iba si Zyron at hindi naman niya pwedeng sirain


yun.
Deserve ni Cupid at Psyche ang maging masaya, kaya mali rin na manggulo
si Ayesha sa kanila.

Afterall, si Aphrodite ang kumuha sa kanya bilang apprentice at hindi


si Cupid.

Napatingin ako kay Cupid. Kitang-kita ko ang lungkot sa kanya.

Siguro ngayon lang nalagay sa panganib si Psyche. Siguro ngayon lang


sila nagkahiwalay ng ganitong katagal.

Nararamdaman ko na namimiss na niya talaga ang asawa niya.

"Ay! May ipapakita ako sa'yo!" sabi ko to lighten the mood.

Inilabas ko yung camera ko at in-on ko. Hinanap ko agad yung photo ni


Edgar kasama yung isang beauty queen na kausap niya kanina. Yung itsura ni Edgar na
nahihiya-hiya na akala mo eh natatae na ewan. Ang epic! Mukha siyang unggoy!

"Look! Si Edgar! Tignan mo itsura niya! Ang saket sa panga!" natatawa-


tawa kong sabi habang iniaabot ko kay Cupid yung camera.

Kinuha ito ni Cupid at tinignan. Inintay ko ang expression niya.

Kaya lang nagulat ako ng biglang kumunot ang noo niya at mas lalong
naging gloomy ang itsura niya.

Inabot niya agad sa akin yung camera ko.

"Cupid? B-baket?"

"Ilayo mo 'yan sa'kin! Ayokong makita 'yan! Naiinis lang ako na


nabubwiset na ay naku grabe! Ang sarap sumapak! Nakakainis! Naiintindihan ko na ang
mga mortal kung bakit lagi nilang sinasabi na unfair ang buhay!"

"Huh? Hindi kita gets? Ba't ganyan ka maka-react?"

"Seriously Jillian, you don't want to know."

"Eh? Ano yun!"


Napa-buntong hininga si Cupid at tinuro niya yung camera ko.

"That girl in the picture. That.. that beauty queen?"

"Oh?"

"Siya ang naka destined kay Edgar."

Nabitiwan ko bigla yung camera----

--at lumipad ng mga unan sa kwarto.

"Walangya! Bwiset! Hayop! Anong kalokohan 'to ha?! Bawiin mo 'yan!


Bawiin mo!!" sabi ko habang patuloy kong pinapalipad ang mga unan sa direksyon ni
Cupid.

"O-oy! Oy! Hindi ko kasalanan 'yan! Hindi ko ginusto 'yan! Hindi ako
ang gumagawa ng desisyon kung sino ang iduduktong para kanino! Sisihin mo ang
tadhana wag ako!"

"Hindi! Hindi ko gagawin yan! Hindi ko sila ima-matchmake! Ayoko!


Hindi!"

"Wag kang mag-alala. Pag dumating ang araw na kailangan nang magduktong
ang kapalaran nila, eh dapat lang na nasa akin na ang pana ko. Medyo matagal-tagal
pa naman yun pero wag kang mag-alala kasi trabaho ko na yun at hindi mo na trabaho
yun kaya ako ang dapat manlumo at hindi ikaw!"

Napatigil ako sa paghampas sa kanya ng unan.

"Really? Ikaw na gagawa niyan?" ngiting-ngiti kong sabi.

"Oo. At salamat sa moral support ha! Ang saya mo talaga! Gustong-gusto


kong ipares ang isang yun sa unggoy pero wala eh. Trabaho eh. Bwiset."

Napabuntong hininga ako.

"Pero ba't naman kasi beauty queen ang para kay Edgar ha? Yung ugaling
yun? Paano? Paanong magkakagusto sa kanya ang beauty queen na yun? Imposible talaga
eh!"

Napa-buntong hininga rin si Cupid.


"Love is blind, Jillian. Love is blind."

~*~

Hindi ko na alam ang dapat kong bilhin!

Nandito ako ngayon sa souvenir shop. Naghahanap ako ng pwedeng bilhin


para kay Sir Zyron.

Kanina lang nag sink in sa utak ko na siya nga pala ang nag ligtas sa
akin. Ni-hindi manlang ako nakapag-pasalamat ng maayos sa kanya. Halos ipagtabuyan
ko pa siya matapos niya akong tulungan.

Napahawak ako sa labi ko.

Naramdaman ko na nagdikit kanina yun.

He gave me a mouth to mouth.

Shit.

Doon ako nagpapasalamat na wala si West kanina.

Ayokong makita niya ang bagay na yun.

"Jill? Okay ka na ba?"

Nakita ko si Luke na kakapasok lang sa souvenir shop. Agad naman niya


akong nilapitan.

"Okay na okay na ako!" nakangiti kong sabi sa kanya.

"Ang aga mo naman mag shopping ng pasalubong?"

"Ah hindi. Nagiisip lang ako ng pwede kong ibigay kay Sir Zyron. Siya
yung tumulong sa akin eh. Pang thank you."

"Hmm.. pagkain na lang kaya? Feeling ko mas ma-a-appreciate niya yun."

"Tingin mo?"
"Oo. May masarap na mga ihaw-ihaw doon lang sa may labas ng resort.
Samahan kita?"

"Magugustuhan niya kaya yun?"

"Oo! Promise! Nasabi niya na parang gusto niyang i-try. Matutuwa yun."

Napa-ngiti ako.

"Sige tara!"

Naglakad kami ni Luke palabas ng resort. Agad ko naman nakita yung


nagtitinda ng mga ihaw ihaw.

The usual. Barbeque, isaw, betamax, adidas.

"Gusto ko rin ata!" sabi ko.

"Ako rin. Tara bili tayong extra tas kainin natin nila Elise sa room
niyo?"

"Sige!"

"Kaso kumakain kaya si Sir West nito?"

Napatingin ako sa kanya, "hmm bakit naman? Para kay Sir Zyron lang
naman 'to. Pero e-extra-han ko na rin para kung sakaling manghingi yung dalawang
boss."

"Ikaw ah?" medyo tinulak niya ako ng mahina. "May crush ka kay Sir
Zyron 'no?"

"Huh?! Huy saan mo naman nahugot ang conclusion na 'yan?"

"Eh siya lang bibilhan mo eh!"

"Eh siya yung nagligtas sa akin eh!"

Natawa si Luke.

"Ang tanging ginawa lang niya eh ang gisingin ka, Jillian."


"E-eh?"

"Hindi mo alam? Si Sir West yung tumalon sa pool nung nalulunod ka at


siya rin ang nag revive sa'yo. Binigyan ka pa niya ng mouth to mouth."

To be continued....

***

Author's Note:

Sa mga Edgarnatics, eym sow sarreh. Hahahahha

=================

Chapter 42

Chapter 42

[Jillian's POV]

Huminga ako ng malalim habang nandito ako sa tapat ng hotel room nina West at
Zyron. Kanina pa ako nakatayo rito. Pinanlalambutan ako ng tuhod. Ilang beses na
rin akong napahawak sa labi ko at parang paulit ulit na nag re-replay ang sinabi sa
akin ni Luke.

"Hindi mo alam? Si Sir West yung tumalon sa pool nung nalulunod ka at


siya rin ang nag revive sa'yo. Binigyan ka pa niya ng mouth to mouth."
I felt a tight knot in my stomach.

I know he did that to save me pero bakit kakaibang saya ang naidudulot
nito sa akin?

How I wish I was concious when he did that.

Kasi inaamin ko, gusto ko siyang halikan ulit. Gusto ko siyang yakapin.
Gusto kong hawakan ang buhok niya, ang mata niya, ang pisngi niya.

I badly want him. I want all of him.

I want his heart.

God, I'm so selfish.

I love him. I love him.

Napapikit ako.

No. Hindi ko pwedeng isipin ngayon ang mga bagay na yun. I-ma-matchmake
ko na si West sa iba.

Suicide mission.

Hay naku! At ano bang ginagawa ko rito sa tapat ng hotel room nila?!
Mali ito eh! Mali!!

Pero mali ba talaga?

O nag o-overthinking lang ako?

Wala namang masama sa gagawin ko 'di ba? Hindi naman masamang bigyan ng
isaw, betamax at barbeque si West. Mag t-thank you lang ako sa pag save niya sa
akin. Yun lang. Yun lang talaga. Kaya hindi ako dapat kabahan!

At hindi ko dapat bigyan ng ibang kahulugan.

Huminga ako ng malalim at kakatok na sana ako sa pinto ng hotel room nila nang
bigla itong bumukas.
I was greeted by a beautiful pair of jet black eyes.

West's eyes

Nakita ko agad ang gulat sa mata niya nang makita niya ako.

At ramdam ko nanlaki rin ang mata ko dahil bigla-bigla na lang niyang


binuksan ang pinto.

Hindi pa ako prepared!

"H-hi!" nanginginig kong sabi. "Uhmm... ahmm.. Hi!"

Shet ka Jillian! Ano ba! Umayos ka!

"Oh?" tanong niya.

Mula sa mata niya ay napababa ang tingin ko sa labi niya.

Yung labing kaninang dumapi sa akin para bigyan ako ng hangin.

At ngayong nakatitig ako dito, those lips are sucking the air out of
me.

"Jillian?"

Napabalik ang atensyon ko sa kanya. Ramdam ko ang pag init ng mukha ko.

Oh god! Ba't nagiinit ang mukha ko. Sana hindi ito namumula. Please.
Please. Please.

Ayokong mag assume siya na namumula ako dahil sa kanya. Dahil apektado
ako sa kanya. Dahil ang ganda ng mata niya at ng labi niya at ang hot niyang tignan
sa gray na v-neck shirt na suot niya.

Ayokong mag assume siya kasi kahit totoo naman eh HINDI PWEDE.

LECHE.

"Uhmm... n-nag dala ako ng foods para..." —sa'yo..."para sa inyo ni Sir


Zyron. Pa thank you kanina..."
Hindi kumibo si West and he's just looking at me intently. Parang
sinusuri niya ako. Parang may gusto siyang sabihin.

"Jillian.." sabi niya.

Napalunok ako.

Lecheng puso ka umayos ka ha! Sinabi lang niya ang pangalan ko nag wala
ka na! Ano, pasaway tayo ha?!

"Y-yes?"

"Uy Jillian! You're here!"

Biglang lumapit si Sir Zyron sa pinto at mas binuksan niya 'to.

"A-ah, nag dala ako ng foods pang thank you sa pag save sa akin
kanina," sabi ko kay Zyron.

"Wow thanks!"

Kinuha ni Sir Zyron yung supot na dala ko at napatingin naman ako kay
West. Nakatalikod na siya at pumasok na ulit sa loob ng room nila.

Nadidismaya ako at hindi maganda 'to.

"Uy favorite namin 'to ni West! Thanks Jillian ha?" tinapik niya ako ng
mahina sa braso.

Pilit naman akong ngumiti sa kanya.

"But wait, okay ka na ba?" tanong ni sir Zyron and I was taken aback
because his voice is full of concern and sincerity.

This time, napangiti ako ng tunay, "opo sir. Okay na po ako. Thank you
po kanina."

"Just be careful next time okay?"

Tumango ako at nagpaalam na rin ako sa kanya.


Pero habang naglalakad ako pabalik sa room namin, parang ang bigat
bigat ng mga hakbang ko.

Gusto kong bumalik sa kanila at kausapin si West. Gusto kong diretsang


magpasalamat sa kanya.

Hindi lang sa pag sagip niya sa akin kundi sa patuloy na pag aalala
niya sa akin.

Kahit sinaktan ko siya.

Nang makabalik ako sa room, nakita kong nagkakainan na sina Luke doon.
Nahatak pa ni Luke si Edgar para makikain sa binili naming pagkain.

Nakita ko naman si Cupid na nakaupo sa sulok ng kama at halatang


badtrip.

"Totoo nga kasi ang sinasabi ko! Ayaw niyong maniwala!" dinig kong sabi
ni Edgar.

"Ang alin?" tanong ko naman.

"Naku Jillian! Kinukwento nitong si Edgar na hiningi raw ni Diana


Martin yung number niya!" natatawa-tawang sabi ni Luke.

"Nag ha-hallucinate na 'tong si Edgar! Ba't hihingin ng isang beauty


queen ang number niya?" sabi naman ni Elise at nagtawanan sila.

Ah. Kaya pala badtrip na badtrip si Cupid.

Lumapit ako at naupo ako sa tabi ni Cupid.

"Kasi nga totoo naman! Nabighani talaga sa akin yung beauty queen na
'yon!" sabi ni Edgar.

"Baka kaya hiningi ang number mo kasi naghahanap siya ng bodyguard?"


sabi ko.

"O driver," dagdag pa ni Cupid.

"Pwede ring PA," sabi ko ulit.

Napasimangot si Edgar at nagtawanan kami ni Cupid.


Alam naman naming totoo ang sinasabi nitong unggoy na 'to. Pero ang
sarap lang niyang ganituhin kasi kahit pag bali-baliktarin ang mundo...

...ANG UNFAIR TALAGA NG SITWASYON NAMIN AT NAKAKA BITTER.

Naisipan mag laro nina Elise ng card game. Unggoy-ungguyan yung


sinuggest ni Cupid at pumayag naman si Edgar. Excited pa siya. Nakisali na rin ako.

Ilang beses akong natalo.

Nung mga bandang 7PM na, pinababa na kami para kumain. Outside buffet
kami ngayon. Malapit sa mga swimming pools.

Nakita ko agad sina Sir Zyron, West at Ms. Sasha. This time, ibang mga
empleyado naman ang katabi nila sa upuan.

Si Cupid ang namili ng pwesto namin at talagang ang pinili niya eh yung
malayo kina West.

I know Cupid. I know.

Onting vegtable salad, fruits at isang slice ng cake lang ang kinain
ko. Nabusog kasi ako kanina sa isaw at wala akong masyadong gana. Nang matapos ako,
I immediately excused myself.

Hindi ako bumalik sa room instead dumiretso ako sa kabilang pool kung
saan walang tao. Hinubad ko ang flipflops na suot ko at naupo ako sa gilid habang
nakalubog ang mga paa ko sa tubig.

Wag lang darating si Ayesha. Ayoko nang malunod ulit. Marunong akong
lumangoy kaso madaya lang 'tong si Ayesha at pinaralyze ang buo kong katawan
kanina.

Palibhasa bitter.

Pareho kami.

Napa-buntong hininga ako.

Kanina nakita kong magkatabi si West at Ms. Sasha. Nagkukwentuhan sila


habang kumakain. Panay pa ang ngiti ni West sa kanya.
Alam mo yung masakit?

Yung nagagawa na niyang ngumiti dahil sa ibang tao.

Gustong-gusto ko na maging dahilan ng pag ngiti niya at pagtawa niya.

Kaso kontrabida si tadhana eh. Ayaw niya akong maging masaya.

Ang tragic ng buhay ko. Pwede nang i-send sa MMK.

Isang babaeng hindi na nakilala ang kanyang ina at iniwan naman siya ng
kanyang ama sa bahay ampunan. Ulila na nga, dama pa niya na walang paki ang ama
niyang mayaman sa kanya. Dalawang beses na rin siyang nainlove---at yung dalawang
taong yun, kailangan niyang i-pair sa iba.

Wow Jillian.

Wow.

What a life.

Kumuha ako ng bato sa gilid ko at ibinato ko sa pool. Hindi ako


kuntento. Kumuha pa ako ng isa---mas malaki---at binato ko ulit ito.

Magagalit sa akin ang naglilinis ng pool.

Sorry po. Naglalabas lang ng inis.

"Bawal 'yan."

Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang may nagsalita sa likod ko.

At gusto kong tumalon sa pool nang makita ko kung sino ito.

"S-Sir West.."

He gave me a small smile.

HE. GAVE. ME. A. SMALL. SMILE.

Hindi naman ako nag ha-hallucinate 'di ba? Totoo 'to?!


Hinubad din ni West ang tsinelas na suot niya at tinabihan niya ako.

Oh dear heart. Be still heart. Why are you beating so fast?!

"How are you? Okay ka na ba?" tanong niya sa akin.

Napalunok ako.

Dila gumana ka! Tinatanong ka niya 'di ba?!

"O-okay na ako," sagot ko at napalunok ako.

Ba't parang nawawala ang boses ko dahil sa kaba?

Ayaw pang tumigil sa pagaalburoto ang puso ko.

Medyo umusog si West papalapit sa akin at nagtama ang mga braso namin.
Para akong nakuryente. Saglit na saglit na pagtatama lang pero buong katawan ko ang
naapektuhan.

"I'm glad you're safe," halos pabulong niyang sabi sa akin.

Napalingon ako sa kanya at huminga ako ng malalim.

"West... s-salamat... and I'm really, really sorry.."

Nilingon ako ni West at bakas sa mata niya ang lungkot.

Napalunok ako. Naramdaman ko ang pamumuo ng luha sa mata ko.

Ayokong umiyak sa harap niya. Ayoko. Ayoko.

Hindi niya ako dapat makitang umiiyak.

Mali. Mali. Mali.

Wag kany iiyak Jillian! Pigilan mo 'yan please? Hindi pwede! Wag!

"Jillian..."
Napapikit ako.

West please, please stop saying my name. Please. Nahihirapan ako lalo.
Masakit. West naman.

Naramdaman ko ang kamay ni West sa pisngi ko.

He is wiping my tears away.

"Look at me, please?"

Kahit mahirap, kahit masakit, idinilat ko ang mata ko at tinignan ko


siya diretso sa mata.

I love his eyes. I love everything about him.

Oh god, I love this guy so much.

"Kanina nang makita kitang nalulunod, sobrang natakot ako Jillian. Nung
tinatawag ko ang pangalan mo at hindi ka dumidilat, para akong mamamatay sa kaba.
Sinubukan kong iligtas ka, at nung nagkakamalay ka na, nung dumating na si kuya at
kinuha ka niya sa akin, nung iminulat mo ang mata mo, para akong nakahinga ng
maluwag. Umalis ako agad kasi hindi ko na kaya ang nararamdaman ko. I badly want to
hate you."

"West.."

"But I can't."

Biglang umihip ang hangin at ang ilang strands ng buhok ko ay napunta


sa mukha ko. Dahan-dahan niyang inayos ito at tinitigan ako sa mata.

Parang sasabog ang puso ko.

"I don't want to hate you anymore, Jillian. Hindi na kita pwedeng
sisihin kung bakit hindi mo ako magawang mahalin. Naiintindihan ko na ang lahat.
Hindi talaga natin pwedeng diktahan ang mga nararamdaman natin."

Medyo lumayo sa akin si West and he smiled at me again.

A genuine one.
Parang dinudurog ng ngiting yun ang puso ko.

"I want us to be friends again," sabi niya. "And I promise Jillian,


I'll try to moved on. Dahil okay na sa akin ang makita kang masaya."

At tuluyan nang nawasak ang puso ko.

To be continued...

=================

Chapter 43

Chapter 43

[Jillian's POV]

Friends... friends... friends...

I should be happy right? Hindi man nag work out ang sa'min ni West
dahil sa lecheng tadhana na 'yan, at least pwede pang maging maayos ang relasyon
namin sa pamamamagitan ng pagiging magkaibigan.

Pero shit na 'yan, ang sakit. Hindi ko matanggap.

Iniisip ko, sana maka move on na si West para hindi na siya nahihirapan
sa akin. Para hindi na siya nasasaktan.

Pero ngayon na sinasabi na niya sa akin na handa na siyang mag let go,
parang ayoko. Hindi ko tanggap. Hindi ko kaya.

Ang selfish kong tao.

Ako itong hindi maka-move on.

"Hindi ko na pwedeng isisi sa'yo kung bakit 'di mo ako magawang


magustuhan," sabi ni West at nilingon niya ako atsaka ako nginitian. "Tanggap ko na
na hanggang magkaibigan na lang tayo, Jillian. Tanggap ko na."
Huminga ako ng malalim at pilit kong nginitian si West.

"O-kay. T-thank you West! I-I'm really h-happy!"

Liar! Liar!

Nilahad ko ang kamay ko, "friends?"

He took it at nakipagkamay siya sa akin.

"Friends!" ngiting-ngiti niyang sabi at bumitiw na siya sa kamay ko.

Sana may kakayahan akong pahintuin ang oras para ititigil ko ito doon
sa part na hawak niya ang kamay ko at nakangiti siya sa akin.

Kakalimutan ko na lang ang salitang friends.

"West!"

Pareho kaming napalingon sa tumawag sa kanya at nakita kong papalapit


si Sasha.

Isang plain black na spaghetti strap dress lang ang suot niya pero ba't
sobrang ganda niya?

"Oh Sasha."

"I'm looking for you. I want to buy something in the souvenir shop."

"Alright! I'll accompany you," naka-ngiting sabi ni West dito.

Nanikip ang dibdib ko.

Gusto kong sabihin na wag siyang sumama kay Sasha. Wag niya akong iwan
dito. Gusto ko pa siyang makausap. Scratch that. Kahit hindi siya magsalita. Kahit
tahimik lang kami. Basta dito lang siya sa tabi ko, masaya na ako.

Please West. Please.

I'm really selfish, huh?


"Una na kami, Jillian," sabi ni West.

Nginitian ko lang sila.

"Bye Jillian!" masigla namang sabi ni Sasha.

Sige lang! Maging masaya ka! Swerte mong bruha ka eh! Kasama mo ngayon
ang buong buhay ko leche!

Pagka talaga ikaw hindi nakatadhana kay West, hahalakhak ako. Pareho
tayong masasaktan.

Napakamot ako ng ulo.

Bwiset.

Ang bitter ko.

Napa-buntong hininga ako at tumayo na rin ako.

Wala naman akong mararating kung mag s-senti lang ako dito. Mas okay pa
kung maglasing na lang ako.

Pumunta ako doon sa bar na nasa loob nitong resort. Wala masyadong tao
bukod doon sa magbabarkada na nasa gilid at nag tatawanan.

Naupo ako sa may barstool at um-order ng cocktail drink na unang


nahagip ng mata ko.

Hindi ako pala-inom talaga. Pero gusto kong maglasing ngayon.

Wala na akong paki kung sumugod ulit ako sa kwarto ni West pag nalasing
ako.

Bahala na si Batman.

"Hi miss. Mag-isa ka lang?" dinig kong sabi ng isang lalaki.

Jusko. Cliché.

Jusko. Sa dinami-rami ng manuscript na pinroofread ko, ilang beses ko


nang nabasa ang ganitong sitwasyon.
May lalapit na guy, tatanungin kung mag isa lang si girl. Medyo
mababastos si girl. Tas may susulpot na knight in shining armor sa tabi niya.

So sa akin ba meron?

Sana naman kung may sumulpot eh yung nakatadhana na sa akin ano?

"Obviously wala. Nakita mo ba na meron akong katabi? Wala 'di ba?!"


irita kong sabi nang 'di ko siya nililingon.

Bwiset. Mainit ulo ko ah!

I heard him chuckled, "taray mo naman, Ms. Jillian."

Napalingon ako bigla at halos malaglag ako sa kinauupuan ko nang makita


ko si Zyron.

"S-sir! I-ikaw pala yan! Oh my gosh! I'm sorry!"

Napa-ngisi ng malawak si Sir Zyron, "nakakatuwa ka. Kaya mong ihandle


ang sarili mo sa ganung sitwasyon."

Napa-yuko na lang ako habang nahihiya hiya.

Anak nang! Naman Jillian eh! Lingon-lingon kasi muna bago mag taray!

Naupo si Zyron sa bar stool na katabi ko.

"So, why are you here? At ba't mag-isa ka lang na umiinom dito?"

Napailing ako, "ah wala po. Wala lang."

"Hmm. Mind if I join you?"

"O-okay lang po."

"Wag mo na ako i-po pag tayong dalawa lang," he winked at me tapos


tinawag na niya ang bartender para sa order niya.

"Banana chocolate milkshake please," sabi ni Zyron.


Napalingon ako, "milkshake?!"

"Why? Anong masama sa milkshake?" natatawa-tawa niyang sabi.

Napailing naman ako, "wala lang po. Nakakagulat lang."

"Hindi na ako umiinom. Madali kasi akong malasing," sabi ni Zyron. "At
ayoko naman malasing sa harap ng isang magandang babae."

"E-eh? Maganda?"

Nginitian ako ni Zyron, "oo. Maganda. So Jillian, matanong ko lang,


pagbalik natin sa Manila...can I ask you to go out with me?"

This time, tuluyan na akong nahulog sa kinauupuan ko.

To be continued....

Author's Note:

Guys sorry super short update lang! Mag uupdate po ulit ako sa FRIDAY don't worry.
Pasensya na talaga. Salamat po sa pagbabasa <3

=================

Chapter 44

Chapter 44

[Jillian's POV]
"Hey! Are you okay?" tanong sa akin ni Zyron habang inaalalayan niya akong tumayo
dahil nahulog ako sa kinauupuan ko.

Napatingin ako sa kanya.

"Sir... a-ano po uli ang sinabi niyo kanina?"

Nginitian niya ako.

Shet. Pareho sila ng smile ni West! Ba't ngayon ko lang nahalata?

"I said, I am asking you to go out with me pag nakabalik na tayo sa


Manila."

Napapikit ako.

Okay, kalma Jillian. Kalma. Wag ka muna mag aassume. Yung mga babaeng
assumera, binabaril sa Rizal park.

Malay mo na misinterpret mo lang ang sinabi niya?

Malay mo iba talaga ang nasa isip mo? Madumi ka pa naman mag isip!
Lahat sa'yo may malisya!

Wag muna mag assume.

"Bakit niyo po ako niyayaya?" tanong ko sa kanya.

"Type kita eh."

Shit na malagkit!

"So.... payag ka?"

Napatingin ako sa mata ni Zyron. Hindi ko alam kung sincere siya o


hindi. Jino-joke ba ako nito?

"Sir, nagbibiro po ba kayo?"

"No. I'm serious."


"Weh?"

"I am. What should I do para patunayan kong type kita?"

Napabuntong hininga ako.

This guy is full of confidence. He did not blink nung tinanong niya
ako. Diretso pa siyang nakatingin sa akin.

Dahil ba iniisip niya na madali akong mapapayag?

Napailing ako.

"I'm sorry sir. I can't."

Nawala ang ngiti sa labi ni Zyron.

Hmm. Hindi niya expected ang reaction ko?

"Why?" tanong niya.

"I just can't."

"Dahil sa work mo? Pwede namang weekends eh. Or I'll grant you a
leave."

"Sir...paano niyo po ako naging type?"

"Huh? What kind of question is that?"

"Wala. Curious lang po ako. Hindi mo naman po talaga ako kilalang


kilala. Ilang araw pa lang tayo nagkakasama. Tapos niyayaya niyo na po akong
lumabas kasama kayo? Bakit ang bilis?"

"Jillian--!"

"I'm sorry. Pero ayoko po nang ganun eh. Excuse me po."

Dali-dali akong lumabas sa bar.

Buti na lang at naisipan ko na bayaran agad ang ininom ko kaya libreng-


libre akong makapag walk out nang walang sagabal.

Narinig ko ang pagtawag sa akin ni Sir Zyron pero hindi ko siya


nilingon.

I know because of what I've said, may tendency na mawalan ako ng


trabaho. Hindi ko lang basta boss ang sinabihan ko ng ganun kundi anak siya ng may
ari ng publishing house na pinagtatrabahuhan ko.

Pero ewan! Nainis ako!

Bakit ang dali para sa kanya yun?

Dahil "type" niya ang isang tao, ang bilis niyang pumorma? Na akala
niya lahat ng babae na ngitian niya nang ganun eh mabibingwit niya?

Samantalang si West... kami ni West... bullshit. Iisa lang ang gusto


kong pumorma sa akin at hindi pa pwede yung taong yun.

Nakakayamot.

Naramdaman ko ang pamumuo ng luha sa mata ko.

Ano ba! Ilang araw na akong iyak nang iyak dito ha!

Hindi naman ako iyakin eh.

Nung hindi nga ako sinipot ng daddy ko nung birthday ko hindi ako
umiyak eh.

Nung professor ko ang nagsabit ng medal sa akin nung graduation ko nung


college, hindi rin ako umiyak.

Nung after ng graduation, diretso ako sa bahay at malamig na sardinas


ang tangi kong handa---wala pa akong kasama kumain---di rin ako naiyak.

Pero si West. Dahil kay West. Naging iyakin ako.

Hindi ko na narinig ang boses ni Zyron. Napalingon ako sa likod ko at


hindi rin siya nakasunod sa akin.

Malamang. Hindi sanay humabol ng babae ang isang yun.


Medyo nabawasan ata ang respeto ko sa taong yun.

Naupo ako doon sa loob ng isang kubo na medyo malapit sa dagat.

Wala nang masyadong tao sa paligid. Madilim. Malakas pa ang alon.

Kung may rapist man dito, patay ako panigurado.

Pero gusto ko mag stay pa kahit saglit.

Pahuhupain ko lang ang luha. Ayaw tumigil eh.

Nakakainis.

Ba't ganon. Bakit?

"Jillian?"

Dinig kong tawag sa akin

Shit. Shit.

Not you.

Bakit ikaw pa?!

"Hey, Jillian. Are you okay?"

Inangat ko ang tingin ko at nakita ko si West na nakatingin sa akin


habang bakas ang pagaalala sa mukha. Agad akong napayuko.

Bakit?

Tadhana naman eh. Leche ka naman eh.

"S-Sir West, what are you doing here?" tanong ko nang hindi ko pa rin
siya tinitignan.

Thank god madilim. Sana hindi niya nakita ang luha sa pisngi ko.
"I saw you na papunta rito. Nagtaka ako eh. Madilim ang part na 'to.
Are you okay?"

Napatango lang ako, "opo. Nagpapahangin lang."

Naramdaman kong naupo si West sa tabi ko.

"Why are you crying?"

Oh dear.

"Hindi. Napuwing dahil sa buhangin."

"May puwing pa? Nagluluha mata mo eh."

Bakit ba ang talas ng paningin nito ha?!

"Hindi na po."

Biglang humangin ng malakas. And this time, may pumasok na talaga na


buhangin sa mata ko.

"Aw!"

ANONG KALOKOHAN 'TO TADHANA?! NAKAKABADTRIP KA NA HA!

"Let me..."

Naramdaman ko ang tip ng daliri ni West sa pisngi ko at ang hangin na


ibinubuga niya sa mata ko.

Halos hindi ako makahinga.

Ang lapit niya.

Yung labi niya.

Yung hininga niya ramdam ko.

Naalala ko yung sa Baguio. Yung hinalikan niya ako. Yung pakiramdam na


parang umiikot ang buong mundo ko. Literal na nahilo ako sa sagil na halik na yun.

Gusto ko ulit maranasan.

"Jillian," dinig kong sabi niya.

Halos pabulong. Parang naglalaro ang pangalan ko sa mga labi niya.

Hindi na hinihipan ni West ang mata ko pero hindi pa rin niya inilalayo
ang mukha niya sa akin.

Mula sa mata ko ay bumaba ang tingin niya sa labi ko.

Napalunok ako.

Bumilis ang tibok ng puso ko.

Medyo lumapit siya.

Para akong nakukuryente. Bakit ganun? He is not touching me but his


presence is electrifying.

Ang hirap huminga.

Mas lumapit pa siya. Paunti nang paunti ang gap ng mga mukha namin.

Alam kong mali 'to. Alam kong hindi ito tama.

Pero hindi ko gumawang lumayo.

I badly want him to kiss me. Please.

Please.

Naiiyak ulit ako.

West gently touched my cheek. His touch is as light as a feather.

Pero grabe na ang epekto nito sa buong katawan ko.


Unti-unting nilapit ni West ang labi niya sa labi ko.

Napapikit ako. Hinihintay na dumapi ang labi niya sa akin.

Pero hindi dumating.

Naramdaman ko na inalis na ni West ang pagkakahawak niya sa pisngi ko


at humiwalay siya sa akin.

Napadilat ako.

At kita ko ang mga mata niya na titig na titig sa akin.

"You don't have to feel sorry for me anymore, Jill," sabi niya then he
patted my head. "Bumalik na tayo sa hotel. Delikado rito."

Tanging tango na lang ang naisagot ko sa kanya.

Ang sikip sa dibdib.

No. Akala niya siguro kaya ko siya hinayaan dahil natatakot akong
masaktan ang feelings niya pag pinigilan ko siya.

Pero hindi niya alam, gusto ko yun. Gusto kong halikan niya ako.

I want him and I love him so much it hurts.

~*~

[Cupid's POV]

"Sabi na nga ba."

Halos mapatalon si Cassy sa gulat nang makita nita akos a gilid ng


poste at naka-abang sa kanya.
Ilang beses na akong pabalik-balik sa lugawan na ito. Simula nung
sabihin sa akin ni Jillian na may babaeng nanghula sa kanya rito at sinabihan
siyang dalawang lalaki ang nakatakda sa kanya, hindi na ako matahimik.

Nung una, ayokong pansinin masyado. Maraming pekeng manghuhula sa mundo


ng mga mortal.

Pero dahil sa mga nangyayari, napapaisip ako na baka totoo ang hulang
yun.

Kanina matapos namin kumain ng dinner sa beach, nagpaalam ako na


matutulog na ako. Pero sa totoo lang, bumalik ako sa lugar na 'to at
nagbabakasakaling maabutan ko siya.

At hindi nga ako nagkakamali.

Alam kong hindi niya inaasahan na nandito ako ngayon dahil kasama ako
sa outing.

Talagang iniiwasan niya ako.

Dahil kilala ko siya.

Si Cassandra. Ang mortal na isinumpa ni Apollo.

Binigyan ni Apollo si Cassandra ng kakayahan na makita ang hinaharap


ngunit ang sumpa nito sa kanya ay walang mortal na maniniwala sa kung ano man ang
mga hulang sasabihin ni Cassandra at iisipin ng lahat ay nababaliw siya.

Pero hindi ako mortal.

At ganun din si Jillian.

Kaya tama ang hinala ko.

Magkakatotoo ang sinabi niya.

"Sino ang isang lalaking duduktong sa kapalaran niya?" diretsahan kong


tanong sa kanya.

"Hindi ako nakikipagusap sa mga kagaya mo! Hindi kita tutulungan!"


"Para kay Jillian ang ginagaw ako!"

"At paano ako nakakasigurado?"

"Magtiwala ka sa akin."

Napailing si Cassandra.

"Hindi. Nakita ko, may isang manlilinlang kay Jillian. Hindi ako
sigurado kung ikaw yun o si Ayesha. Pero kahit na sino pa, hindi ko kayo
pinagkakatiwalaan pareho. Ito lang masasabi ko. Hindi mababago ang nakatakda sa
hinaharap. Kahit anong pagpipigil ang gawin niyo, hindi niyo ito mababago."

Tinalikuran na ako ni Cassandra at tuloy tuloy siyang naglakad palayo


sa akin.

Napa-buntong hininga ako.

Sino yung isang lalaki?

Kailangan kong malaman.

Hindi pwedeng magulo ang timeline.

Kahit anong mangyari.

To be continued...

=================

Chapter 45

Chapter 45
[Jillian's POV]

Mag resign na lang kaya ako?

Napabuntong hininga ako at napabangon sa kama. Kinuha ko yung phone ko


at tinignan ko ang oras.

5:30 am pa lang. Nakatulog ako ng mga bandang alas-tres.

Wow lang. Anong itsura ko pagpasok sa opisina?

Kung sabagay, ilang araw na akong walang tulog. Mula nung umuwi kami
galing sa outing hanggang ngayon, hindi ako makatulog ng maayos. Ang daming
gumugulo sa isip ko.

Gusto ko nang mag resign sa trabaho at humanap na lang ng ibang work.


Gusto kong malayo kay West.

At doon sa kuya niya na sinungitan ko.

Simula nung gabing niyaya niya ako at tinanggihan ko siya, hindi na


niya ako kinausap at naging cold ang treatment niya sa akin.

Malamang nasaktan ng husto ang ego niya.

Siya? Si Zyron Martinez? May pangalan, mayaman, gwapo, habulin ng


babae, eh tinanggihan ng isang kagaya kong hampaslupa?

Malamang magalit talaga sa akin yan. At hindi na ako magugulat kung


ipapatawag ako sa opisina nila at sasabihing sesante na ako.

Ano bang laban ko sa anak ng may ari ng kompanya?

Mas okay na rin yun nang medyo malayo-layo na ako sa kanila.

Dahil gising na rin naman ako, naligo na ako agad at kumain ng


breakfast. Wala si Cupid, may inaasikaso na ayaw naman sabihin sa akin kung ano.
Palagi na lang niyang ayaw sabihin sa akin ang mga pinagkakaabalahan
niya. Nakakahinala na siya ah sa totoo lang!

Pero sa hindi ko malamang kadahilanan, palagi kong pinagkakatiwalaan si


Cupid. Ewan. Siguro ramdam ko ang sincerity niya. Siguro sa maikling panahon na
nagkasama kami, alam ko at tiwala ako na wala siyang gagawin para ikapahamak ko.

Naniniwala ako na magiging masaya rin ako dahil sinabi yun ni Cupid.

May tiwala ako sa kanya.

Pero sana pagkatiwalaan niya rin ako.

Maaga akong nakarating sa office. An hour bago ang duty ko. Pero okay
na rin. Gusto kong magpakalunod sa trabaho ngayon.

Mamaya niyan huling trabaho ko na pala 'to. Baka mapatalsik na ako. O


kung hindi man, baka mag resign na ako.

As expected, wala pang tao sa office. Ako pa lang magisa. Agad akong
pumunta sa desk ko at nagulat ako ng may isang box na color pink at may ribbon ang
nakapatong sa upuan ko. May tag na nakadikit sa box at tanging "For Jillian" lang
ang nakalagay.

Eh? Kanino na naman galing 'to?

Binuksan ko yung box at nakita kong may laman itong chocolates. At


hindi lang chocolates. May laman din itong bracelet, hikaw at kwintas na
magkakapares. At sa itsura pa lang nito, alam kong mahal ang alahas na 'to.

What the hell?

Sino magbibigay sa akin ng ganito?

Biglang bumukas yung pinto ng office kaya naman agad kong naisara yung
box. Tinignan ko kung sino ang pumasok.

It's West.

My heart fluttered. I feel butterflies in my stomach.

Yung feeling ng bigla mong nakita ang crush mo. Yung feeling ng
pinansin ka ng crush mo for the first time.
Anak ng feelings 'to! Tigas ng ulo bwiset!

"Oh.. Jillian? Ang aga mo ah?" naka-ngiti niyang bati sa akin.

Sabi ko dapat maging masaya ako dahil hindi na siya galit sa akin.
Hindi na cold ang pag trato niya.

Pero ba't nasasaktan ako sa mga ngiti na 'yan ha?

Ang aliwalas. Ang ganda.

Ang tunay.

Para bang nakapag move on na siya?

Siguro ganoon lang talaga ako kadaling kalimutan.

Napayuko ako.

"Uhmm.. n-napaaga lang po."

"Ah.. okay."

"K-kayo? A-anong ginagawa mo po dito?"

Sa taas na kasi ang office ni West at hindi na dito. Hindi na siya ang
Editor-in-chief namin kundi isa na siya sa mga big bosses ng kumpanya.

"May naiwan lang ako sa dati kong office. Mga files. Kukunin ko lang."

"Ah...okay po."

I smiled. Pilit na ngiti. Plastic na ngiti. Hindi kasing genuine nang


sa kanya.

Anong magagawa ko? Hindi naman ka-smile smile ang sitwasyon ko?

Pumasok na si West doon sa dati niyang office. Napalingon ako sa pinto


nito.
Two years ago, first time kong makilala si West, nakaupo ako sa tapat
niya diyan din sa office na yan for my job interview.

Naalala ko ang gaan agad ng pakiramdam ko sa kanya kasi lagi siyang


naka-smile sa akin habang iniinterview niya ako. Hindi siya yung nakakatakot ang
dating kaya naman hindi rin ako kinabahan sagutin ang mga tanong niya noon. Kaya
rin siguro ako madaling na hire sa trabaho.

Kaso nung nag i-start na ako ng work, pansin ko pasungit siya nang
pasungit sa akin. Nawala lahat ng gaan ng loob ko sa kanya. Naging terror ang
tingin ko sa kanya.

Pero nung nalaman ko na sinasadya niyang ganoon ang trato niya sa akin
para hindi ko mapansin yung feelings niya noon, parang ang bigat sa dibdib.

Bago ko pa siya mapana, nagustuhan na niya ako. Maaring yung pana ang
dahilan kung bakit nagkalakas siya ng loob na iparamdam sa akin yun.

But still, nagustuhan niya pa rin ako.

As Jillian.

Hindi lang dahil sa pana.

Ang sarap siguro sa pakiramdam 'no kung siya na ang nakatadhana sa


akin? Ang sarap ipagmalaki nun na bago pa man kami mapana, na-attract na siya sa
akin. Minahal na niya ako.

Yun lang, hindi eh.

Napabuntong hininga ako.

West is such a great guy. He deserves to be happy.

Siguro... siguro kaya ko nang tanggapin ang kapalaran namin basta


malaman ko lang na yung nakatadhana sa kanya eh talagang aalagaan siya, mamahalin
siya ng buo, susuportahan at papasayahin siya.

Masakit.

Pero basta ganoong klaseng babae ang nakatadhana sa kanya, magiging


masaya na lang ako.

Napabuntong hininga ulit ako at ramdam ko ang pangingilid ng luha ko.


Wow lang talaga.

Mga luha, ang astig niyo 'no? Wala na kayong pinipiling lugar para
bumagsak.

Wow talaga. Sobra. Sobra sobra.

"Jillian? Can you help me--?"

Napalingon ako kay West.

Shit.

"You're crying again," sabi niya.

Napalunok ako.

"Napuwing."

Wala ka nang magandang dahilan 'no? Ayos Jillian. Nauubusan ka na ng


palusot.

Lumapit sa akin si West at inabutan niya ako ng panyo.

Parang may pumipilipit sa dibdib ko sa sobrang sakit.

Dati siya pa ang magpupunas ng luha sa mata ko. Ngayon, hindi niya na
pwedeng gawin yun.

Pero ano nga ba naman ang karapatan kong mag reklamo.

"Thanks," nakayuko kong sabi sabay kuha nung panyo sa kanya. "U-uhmm..
s-saan po kita tutulungan?"

"Ah, sa pagdadala lang nitong documents. Medyo marami eh. Okay lang ba
sa'yo?"

I tried my best to smile.

"Okay lang po!"


Agad akong lumapit doon sa mga files na tinuro ni West. Ayokong makita
niya ang facial expression ko.

Malamang nakasimangot ako.

Malamang eh mukha akong pinagsakluban ng langit at lupa.

Ang sakit eh.

Hindi man lang niya tinanong kung ano ang problema ko.

Napahinga ako ng malalim.

Why would he? Paki ba niya sa akin? Sabi ko naman napuwing ako 'di ba?
Baka naniwala siya?

O baka wala na siyang pakielam?

Oo. Wala na siyang pakielam.

Ganun naman talaga eh. Madali naman akong kalimutan eh.

Bwiset. Nakakabitter.

Tahimik lang kami habang nakasakay kami sa elevator papunta sa bagong


office ni West. Diretso lang akong nakatingin. Nahihiya akong lumingon sa kanya.
Kahit siya rin naman ay hindi nagsasalita.

"Dito na tayo," sabi niya sa akin at nuna siyang bumaba ng elevator.


Sumunod naman agad ako.

Malaki ang bagong office ni West. Walang-wala yung luma niyang office.

Ito talaga yung office na bagay sa kanya. Yung pang sosyal. Pang
mayaman.

Pang highclass katulad niya.

Ilang kilometro pa ba ang nadadagdag sa agwat naming dalawa?


"Palagay na lang sa table. Thank you talaga sa help, Jillian!" masigla
niyang sabi.

Nginitian ko siya, "sige po... bababa na ako."

"Hi good morning!" dinig kong sabi ni Ms. Sasha na kakapasok pa lang sa
room. Napalingon ako at nakita kong naka-sunod sa kanya si Zyron.

"Oh Jillian you're here!" sabi ni Ms. Sasha.

"Tinulungan ko lang po si Sir West..."

"Oh okay," she smiled at me.

Mas nakakairita ang ngiti niya kesa kay West. Kung kay West nasasaktan
ako, dito naman sa babaeng 'to feel kong manakit.

Ba't ba ako naiinis sa bruhang 'to?

"West, tara let's eat breakfast muna?" dinig kong sabi niya.

Medyo napalingon ako ng onti at nakita kong nakapulupot ang kamay niya sa braso ni
West.

West is smiling at her.

Shet naman.

"Labas na po ako," sabi ko.

"Alright. Thanks again sa help!" naka-ngiting sabi ni West.

I smiled back at tinalukuran ko na sila.

Pagkatalikod ko, nagtama ang tingin namin ni Zyron. I mumbled a good morning at
dali-dali na akong lumabas ng office nila.

Okay. Seryoso na talaga ako. Gusto ko nang mag resign.

Pumasok agad ako sa elevator pero bago pa ito tuluyang magsara, nagulat
ako nang biglang humabol si Zyron sa loob.
Oh god.

Pinindot niya yung lower ground kung saan nandoon ang parking lot.

Nagpapasalamat ako na sa next floor na agad ang opisina namin. Sa totoo


lang ang awkward kasi.

Buti na lang at mabilis na nakarating sa next floor yung elevator. Nang


magbukas yung pinto, pababa na sana ako kaya lang biglang hinawakan ni Zyron ang
braso ko.

"S-sir..?"

"Let's talk," seryosong sabi niya.

"H-ha? P-pero. Sir! Please let me go."

"No. Let's talk."

"P-pero---!"

Nag sara na ang pinto.

Shit.

Nasa 11th floor pa naman kami!

"Jillian..."

Biglang hinawakan ni Zyron ang magkabila kong braso. Bumilis ang tibok
ng puso ko.

What the hell? Anong gagawin niya.

"I'm sorry," bulong nito.

"H-huh?"

"I'm sorry sa way nang pagyayaya ko sa'yo doon sa beach. I know,


masyadong mayabang. But I need you to come with me."
"Pero Sir Zyron---!"

"No. Please. Give me a chance na patunayan ko sa'yong sincere ako."

~*~

(Cassandra)

Nakaupo si Cassandra sa tapat ng salamin kung saan siya madalas


mamalagi. Sari-saring boses na naman ang naririnig niya. Sari-saring kapalaran ang
nakikita niya.

Yung iba, malabo. Pero may iba ring malinaw.

Napahinga ng malalim si Cassandra at ipinikit niya ang kanyang mga


mata.

"Kailangan kong malaman kung sino yun. Kailangan kong mahanap.


Kailangan kong makita," bulong niya sa kanyang sarili.

Pilit niyang hinahanap ang mukha ng taong magiging sanhi ng kapahamakan


ni Jillian. Alam niyang may isa, pero hindi niya makita kung sino ito.

Sigurado siyang isa kina Ayesha at Cupid ang magtataksil sa kanya. Pero
sino?

Maari pang mabago ang nakatakda kung magiging tama ang desisyon ni
Jillian.

Maari pang maligtas ang isa sa nakatadhana sa kanya kung tama ang taong
pagkakatiwalaan niya.

Alam ni Cassandra na labas siya sa gulong ito. Na hindi niya dapat


tinutulungan si Jillian.

Pero hindi niya ito kayang pabayaan.


Hindi niya kayang may mapahamak na naman dahil sa lahi nila.

Hindi pa ganap na goddess si Jillian. Maari pa siyang mamuhay bilang


isang mortal.

Pwede pa siyang maging masaya.

At kailangan lang talagang malaman ni Cassandra kung sino ang taong


maglalagay dito sa kapahamakan.

To be continued...

=================

Chapter 46

Chapter 46

[Jillian's POV]

"Sir Zyron please, bumalik na tayo sa office. Ma-l-late po ako. Marami pa po akong
trabaho."

"Akong bahala sa'yo," kinindatan niya ako at ibinalik niya ang tingin
niya sa kalsada.

Napasimangot ako.

Mali talaga na pumayag akong sumama sa kanya. Maling maling mali. Sabi
niya kasi diyan lang sa coffee shop sa kabilang street kami pupunta. Sasamahan ko
lang siyang mag kape. Pero ilang street na ang nilagpasan namin. Ang layo na namin
sa office.

"Sir may trabaho pa po ako," seryoso kong sabi.


"Wala ka nang magagawa Jillian. Pumayag ka na eh," nilingon niya ako
and then he gave me a mischievious smile.

"Okay just tell me saan po ba tayo papunta?"

"Sa condo ko."

Nanlaki mata ko, "huh?! Why?!"

Bigla-bigla naman siyang tumawa ng malakas, "I'm just joking! May alam
akong restaurant sa 'di kalayuan. Masarap ang breakfast nila doon."

Mas lalo akong napasimangot, "nag breakfast na po ako."

"Hindi ka naman siguro on diet."

Napabuntong hininga ako, "Sir Zyron, marami pa po akong trabaho.


Please?"

"Malapit na deadline?"

"Opo."

"Imomove ko."

"You cannot do that. Maapektuhan ang release date ng mga libro."

"So what? I'm the boss."

I look at him in disbelief.

Magkamukha sila ni West. Ang daming similarities ng itsura at kilos


nila.

Pero magkaibang magkaiba sila.

Si West, never niyang ginamit ang posisyon niya para sa akin. At hindi
masama ang loob ko doon kasi mas nakakainis yung ganitong trato. Wala siyang
pagpapahalaga sa trabaho niya.

Kahit naman noong okay kami ni West, never niyang ini-move ang
deadlines ko para sa pangsariling dahilan. Hindi niya rin nakakalimutan na
paalalahanan ako na may dapat akong tapusin at ipasa.

Walang special treatment.

Okay yes, meron. Pero special in a way na walang masasagasaan.

Napailing ako.

Bakit ba hindi ko maiwasan na i-compare si West kay Zyron?

O baka sa lahat ng lalaking darating sa buhay ko ikukumpara ko si West.


At nararamdaman kong palaging si West ang mas lamang.

Tumingin na lang ako sa bintana at pilit kong nilalabanan ang inis na


nararamdaman ko. Paulit-ulit kong sinasabi sa utak ko na boss ko si Zyron at dapat
mag dahan-dahan pa rin ako sa pakikipagusap sa kanya.

"Hmm, napatahimik ka. Are you mad at me kasi marami ka pang trabaho?"

Hindi ako umimik.

"Kung mag resign ka na lang kaya? Ako na bahala sa'yo."

Napalingon ulit ako sa kanya.

"Excuse me?"

"Ako na bahala sa'yo. Basta maging tayo."

Oh god. Oh dear dear god.

"Ganyan ka ba pumorma sa isang babae? Dinadaan mo sa pera?"

He shrugged, "it usually works."

"Sa akin hindi."

"Ano pa ba kailangan mo?"

Napapikit ako.
"Paki hinto yung kotse."

"Inuutusan mo 'ko? I'm your boss."

"Yes boss kita pero wala kang karapatan na insultuhin ako. I don't like
you, Zyron!"

He grinned at me.

"May galit ka ba sa lahi namin? Gwapo naman kami ah? Pero pareho mo na
kaming binasted ngayon ni West."

"A-alam mo yung about doon?!"

"Of course I do. Kapatid ko si West eh."

Napapikit ako, "alam mong gusto niya ako and yet...ginagawa mo 'to?
Balak mo bang gumanti sa akin dahil sa ginawa ko sa kanya."

Umiling siya, "pinopormahan kita ngayon dahil gusto talaga kita."

"Pero alam mo ang nararamdaman ni West para sa akin!"

"So? Ano naman? Porket ba nagustuhan ka niya at binasted mo siya eh


hindi na kita pwedeng magustuhan at pormahan?"

Wala na bang ikaka selfish ang taong 'to?!

Ipinarada ni Zyron ang kotse sa tapat ng isang restaurant. Bumaba ako


agad. Instead na dumiretso ako sa loob ay nagtuloy-tuloy ako doon sa hilera ng mga
taxi.

"Wait Jillian! W-walk out-an mo na naman ako? Sumama ka na sa akin


kumain."

"Kailangan ko na pong magtrabaho, sir."

He smiled at me, "alright, I'll let you go today. But I promise you,
Jillian, you will fall for me."
~*~

Nakakaasar! Nakakaasar talaga!

Inumpog ko yung ulo ko sa pinto ng cubicle sa restroom ng opisina


namin. Nakakafrustrate eh!

So porket sinabi niya na maiinlove ako sa kanya eh ganun ganun na lang


yon? I-matchmake ko siya kay Ayesha eh! Mas mabuti pa nga! Ibibigay ko siya kay
Ayesha para tumigil na si Ayesha sa pang gugulo sa amin at happily ever after na
kami! Jusko!

Makabalik na nga sa trabaho!

Palabas na sana ako ng cubicle ng marinig ko ang pangalan ko na


binanggit ng isang babae na kakapasok pa lang sa restroom.

"...that Jillian girl. Yung proofreader namin."

Wait, wait, boses ni Ms. Sasha yun ah?

"Is she pretty?" dinig ko namang tanong nung babaeng kausap niya. Hindi
ako pamilyar sa boses nito.

"Uhmm.. meh.."

Aba't---! Anong meh?! Insecure ka te?!

"I can feel it. Type niya si West. But as if namang papatulan siya ni
West."

Napakunot ang noo ko.

Ang bait pag nakaharap pero grabe manlait pag nakatalikod.

'Di lang pala insecure ang isang 'to, plastic din! Wow lang! Kaya pala
'di ko siya feel!

At wow ha, 'di ako papatulan ni West?! WOW HA!


KUNG ALAM LANG NIYA! BRUHA SIYA!

"And now, type siya ni Zyron?" tanong nung kausap ni Sasha bitch.

"Yes! Oh my gosh talaga. Hindi ko na maintindihan mga type niyang si


Zyron. But anyway Zyron is my best friend and I know that guy. Alam kong nasa
nature na niya ang pagiging playboy. For sure sex lang ang habol nun kay Jillian.
Alam mo na, hipon. Katawan lang ang gusto," nagtawanan sila.

AY PUCHA!

Okay Jillian, kumalma ka. Wag kang manunugod. Boss mo pa rin yan. Tsaka
mo na siya gantihan kapag nakapag compose ka na ng isang pang Palanca awards na
resignation letter.

"You're so mean talaga Sasha! Pero careful ka rin ha. Mamaya niyan
mapahamak si Zyron kay Shrimp. Mamaya pagkaperahan lang siya nun."

"Don't worry girl, babalaan ko rin si Zyron. Sabihin ko next time kung
may p-pormahan siya, yung class naman."

"Oo nga! Like me! Reto mo ako ha?"

"Sure!"

Narinig ko ang mga yapak nila na palabas na ng restroom.

Napahinga ako ng malalim.

Akala ko sa pelikula lang nangyayari 'to, pero wow lang, pwedeng pwede
mo palang maranasan? Yung tapaktapakan ka dahil sa estado ng buhay mo? Yung
husgahan ka dahil eto ka lang?

Masyadong nagmamataas. Nakakainis.

At siya? Grabe siya! Anghel sa harapan mo, demonyo pag nakatalikod ka


na.

Two faced bitch!

Lumabas ako ng cubicle at tinignan ko ang mukha ko sa salamin ng


restroom.
Maganda naman ako ah! Anong hipon! Porket may pimple ako ngayon sa
pisngi eh panget na ako? Hindi ba niya alam na kaya ako tinigyawat eh dahil kay
West?

Bwiset!

Nag retouch ako. Nag lagay ako ng concealer nang ma-conceal ang
nagiisang tigyawat ko sa mukha na pilit na nagpapapansin. Naglagay ako ng eyeliner
at eye shadows. Yung pink lipstick ko pinalitan ko ng pula. Nag blush on ako. Yung
tama lang hindi yung mukhang pikachu. Inalis ko rin sa pagkakatali ang buhok ko at
iniladlad ko.

Bwiset siya!

Wag niya akong huhusgahan! Porket di ako pala-ayos at pumapasok ako sa


trabaho ng tanging pulbo at lipstick lang ang nakalagay sa mukha ko eh panget na
ako?

Iduktong ko kaya kapalaran niya kay Edgar? Hayop!

Nakita ko sa bag ko yung alahas na ibinigay sa akin nung kung sino mang
nilalang ang nagiwan ng pink na box na may lamang chocolates at accessories sa desk
ko.

Sinuot ko yung hikaw at bracelet pero hindi yung kwintas. Hindi ko kasi
pwedeng tanggalin yung compass sa leeg ko. Buti na lang at bagay ito sa suot ko
ngayon.

Last touch, nagpabango ako. After that, taas noo akong lumabas ng
restroom.

Nakaka beastmode 'yun ah.

Pero napangiti ako.

Humanda ka talaga sa akin! Mapapanganga ka sa beauty ko!

Binuksan ko yung pinto ng office pero sakto naman na may bigla rin
nagbukas mula doon sa loob kaya tumama sa noo ko yung pinto.

"Aw!"

Anak naman ng! Poise na poise ka bigla kang sasapakin ng pinto?!


"Oh, sorry, sorry! Are you okay?"

Napatingin ako doon sa nagbukas.

It's West. Halleluja! Hindi ako pwedeng magalit!

I smiled at him, "a-ayos lang po sir."

He blinked. He blinked again. Medyo naka-buka ang bibig niya.

O---kay? Um-over ba ako sa ayos?

"S-sir?"

Napailing siya bigla.

"Mag ingat ka next time!" masungit na sabi niya then he strode past me.

Eh?

Um-over nga ata ako? Baka mukha akong clown?

"Wow," dinig kong sabi ni Luke pagka-upo ko sa pwesto ko. "Ba't ang
blooming mo bigla? In love ka 'no?"

"Hindi! Bumalik ka na nga doon!"

I shooed him away at narinig ko naman siyang tumawa ng mahina pero


hindi na siya nag react pa.

Pag blooming in love agad? Hindi ba pwedeng badtrip lang?

Nagpangalumbaba ako.

Grabe. Nung inlove ako hindi ako naging blooming. So dapat ginagalit
muna ako bago ako gumanda? Nakakainis naman ata yun.

Ibinalik ko na ang focus ko sa trabaho. Tutal baka ito na rin naman ang
huling trabahong gagawin ko.
Buo na talaga ang loob ko na mag resign. Una dahil kay West at Zyron.
Tas dumagdag pa si Sasha na may tinatago palang kasamaan. Kala mo perfect.

Pero kung mag re-resign ako, paano ko kaya magagawang i-matchmake si


West doon sa nakatadhana sa kanya?

Napabuntong hininga ulit ako.

Sana ipakilala na sa akin ni Cupid kung sino man ang babaeng yun para
matapos na lahat ito

Nakakapagod na rin kasi.

"Hi Ms. Sasha!" rinig kong bati nila.

Napatingin ako at nakita kong pumasok sa opisina ang demonyita na may


plano pa atang sumunod sa yapak ni Ayesha.

"Hi guys!" naka-ngiti naman niyang sabi.

Plastic.

Lumapit siya sa table ko and she gave me a sweet smile. Sa sobrang


tamis feeling ko magiging diabetic ako.

"Jillian, sama ka muna sa akin sa office? May ipapaasikaso lang kami ng


Sir West mo."

Nginitian ko rin siya. Yung mas matamis na ngiti kumpara nung sa kanya.
Sana mauna siyang magka diabetes at mamatay!

"Sure po!"

Tumayo ako at bigla naman nagiba ang expression niya. Nanlalaki ang
mata.

Problema nito? Sinasaniban?

"Your earring looks familiar," sabi niya. "Pati rin yung bracelet mo."

"E-eh?"
"Sasha, we need you upstairs!" sabi ng isang babae na kapapasok pa lang
sa opisina namin.

Siya yung kausap kanina ni Ms. Sasha.

"What's wrong?" tanong nung babae kay Sasha.

"Darlene, look at the earing and the bracelet that she's wearing.
Familiar 'di ba?"

Tinignan ito ni Darlene at bigla siyang napatakip ng bibig.

"Oh my god! Ayan yung gift ko sa'yo 'di ba Sasha?! Yung bigla na lang
nawala sa bag mo?! Oh my god girl! Magnanakaw ka!"

To be continued....

Author's Note:

Hello guys! Nagugulat ako bakit marami pa ring nagugulat kada nilalagay ko sa
update na half goddess si Jillian. I understand na medyo matagal ang update and you
tend to forget the details pero ang ikinakaloka ko ay ilang beses nang nababanggit
sa story na may lahing goddess si Jillian pero hindi pa rin matandaan ng mga
readers. Wahahahaha. Anyare?

At sa mga naguguluhan po, nasa Chapter 33 ang super brief explanation pero sige
uulitin ko po uli.

(fiction lang 'to. Not included sa Greek myth pero kasama sa story ko)

Nagka anak si Aprhodite sa isang mortal and that's Janeia.

Janeia is half goddess. Anak ni Janeia si Jillian and that makes Jillian a demigod
as well.
Paano naging tito ni Jillian si Cupid?

Anak ni Aphrodite si Cupid. Kapatid siya ni Janeia. Mag tito sila.

I don't want to go into details muna kasi baka may ma-i-spoil. Pero ito po ay
reminder lang ulit na may lahing goddess si Jillian. Madalas kasi makalimutan ng
iba eh. Buti pa si Edgar naalala pero yung isang malaking bahagi ng plot, hindi.
Wahahaha. Iba talaga kamandag ni Edgar hayayay.

- Aly A.

=================

Chapter 47

                 

Chapter 47

[Jillian's POV]

"Bakit nasa 'yo 'to Jillian?" tanong sa akin ni Sasha habang bakas sa mukha niya
ang gulat at pagka hurt.

            WHAT THE HELL.

            "Gift ko 'yan kay Sasha ah? God, Sasha may magnanakaw kang empleyado!"
sabi naman nung Darlene.

            Napatingin ako sa paligid. Lahat ng mga ka-opisina ko nakatingin sa


akin na parang hindi sila makapaniwala. Lahat gulat na gulat.

            What the hell.

            "Akin 'to. Regalo sa akin 'to!" sabi ko sa kanila.


            "You're a liar!" sigaw nung Darlene. "Anong gift? Eh kabibigay ko pa
lang niyan kay Sasha yesterday!"

            "Baka naman po magkapareho lang. Gift po sa akin 'to."

            "Wag mo akong pinaglololoko!" inangat ni Darlene ang kamay ko at


hinawakan niya ang bracelet. "Ayan oh may naka-engrave na "S" sa bracelet. Pina-
engraved ko pa yan for Sasha. Or idadahilan mo na sa S din nagsisimula name mo
JILLIAN?"

            Napapikit ako.

            God, I'm so stupid. Malamang na set up ako. Ba't ko ba sinuot ang mga
alahas na 'to?!

            "It's okay, Darlene. It's okay," kalmadong sabi naman ni Sasha.


"Jillian? Don't worry I'm not mad. Basta ibalik mo lang sa akin yung jewelries.
Importante kasi para sa akin 'yan eh."

            I look at her in disbelief.

            Ba't ang galing galing nitong um-arte ha?!

            "Why are you doing this to me?" tanong ko sa kanya.

            "J-Jillian?"

            "Alam kong galit ka sa akin. Narinig ko ang usapan niyong dalawa sa


banyo. Ano? Gusto niyo akong mapatalsik dito sa kompanyang 'to dahil ang dumi ng
iniisip niyo sa akin? Ganon ba? Sana sinesante niyo na lang ako kesa yung ganito!"

            "J-Jillian, what are you talking about? Wala kaming iniisip na ganun.
Ikaw ang favorite employee ko. Hindi ako makapaniwala na masasabi mo 'to," sabi
niya na parang iiyak na siya.

            Santa-santita! Nakakakinis!

            "Wag ka ngang plastic!"

            "Hoy boss mo yan!" sabi nung Darlene. "Seriously Sasha, patalsikin mo


na nga 'to sa trabaho! Magnanakaw na bastos pa!"

            "What the hell is happening?!"


            Pare-pareho kaming napalingon.

            Napapikit ako.

            Shet naman.

            "W-West si Jillian kasi," lumapit si Sasha kay West at hinawakan ang


braso nito. "She stole my jewelries at pinaparatangan pa niya ako ng kung anu-ano.
After I treated her right! Alam mo yan! Nakita mo kung gaano kaayos ang pagtrato ko
sa kanya!"

            BWISET!

            Kung may ninakaw man ako, yun ay ang pana lang ni Cupid! Wala nang iba!

            Tinignan ko si West. He's looking at me seriously.

            Nagbabadya ang luha sa mata ko pero pilit ko talagang pinigilan. Hindi


ito ang oras para umiyak.

            Wala akong ginawang mali kaya hindi ako dapat umiyak.

            Nilapitan ako ni West at hinawakan niya ang wrist ko. Tinignan niya ang
bracelet na suot ko.

            "West, 'di ba familiar ka dyan sa bracelet na 'yan? Even her earrings!


Nakita mo nang ibigay ko 'yan kay Sasha!" sabi ni Darlene.

            "Is it true Jillian? Kinuha mo ba?" tanong niya habang seryosong


seryoso ang tingin niya sa akin.

            Ba't ganito? Bakit? Naniniwala ba siya kay Sasha?

            Napalunok ako.

            Wag kang iiyak. Please. Wag kang iiyak. Hindi pwede.

            Sinalubong ko ang tingin sa akin ni West. Diretso sa mata.

            "Hindi ako magnanakaw, Sir West."


            Napatango si West.

            "Let's check the CCTV," sabi niya.

            Napapikit ako.

            Alam kong hindi nila ako makikita sa CCTV. Alam kong malilinis ang
pangalan ko sa paratang nila pag tinignan nila yun.

            Pero ba't masakit?

            Bakit kailangan pang tignan yun bago niya ako paniwalaan?

            "Hindi kasi magagawa ni Jillian ang magnakaw."

            Biglang napaangat ang tingin ko kay West.

            "Kaya let's check the CCTV. I'm sure makakampante na kayo na hindi
kinuha ni Jillian yung alahas pagka nakita niyo na ang CCTV," sabi ni West kay
Darlene at Sasha.

            Kita ko ang gulat sa mukha nila. At kahit ako rin, hindi ko maitago ang
gulat sa mukha ko.

            "B-but West! Akin talaga yun!" sabi ni Sasha na hanggang ngayon ay


hindi pa rin makapaniwala na ako ang kinampihan ni West.

            HA! Ano ka ngayon bruha ka!

            "No need to check the CCTV."

            Napatingin kami sa nagsalita.

            It's Zyron.

            "Ako ang nagbigay kay Jillian niyan."

            "W-what?!"

            Napuno ng bulungan ang opisina namin. Napatulala na lang ako sa sinabi


ni Zyron.
            Siya ang nagbigay? Teka... paanong? Yung mga nakaraan ba na bulaklak at
teddy bear ay siya rin?

            "Bakit S ang naka engraved?!" tanong ni Darlene

            Napangisi ng malawak si Zyron at nilapitan niya ako. Nagulat ako ng


hinila niya ako palayo kay West at bigla niyang hinawakan ang kamay ko.

            "S for sweetheart kasi nililigawan ko si Jillian."

            WHAT.

            THE.

            HELL.

            "So if you'll excuse us, may gusto lang akong sabihins a future
girlfriend ko."

            Bigla akong hinila palabas ni Zyron.

            "S-saglit lang--!!"

            "Come on, Jillian. Sumunod ka na lang. I saved you," bulong niya sa


akin.

            Napalingon ako sa likod ko. Kay West.

            Nakatingin siya sa akin.

            At kitang kita ko kung paano siya nasaktan.

~*~

"Bakit sinabi mo yun sa harap ng maraming tao ha? Ano ka ba! Boss kita eh! Bakit
kailangan mong ipaalam ha?!" inis na inis kong sabi kay Zyron habang nakaupo kami
sa hagdanan ng fire exit kung saan walang makakarinig sa amin.

            "Woah woah woah. Don't be mad! Totoo naman yung sinabi ko eh. And
besides, I did save you a while ago. Kailangan magpa thank you ka sa akin!"
            Kinunutan ko siya ng noo, "ikaw ba ang nagpadala nito?"

            "Nope. At oo nga pala, akin na yan. Ibabalik ko na yan kay Sasha. Sa


kanya talaga ang mga yan. Ako na bahala kumausap sa kanya about this. At ikaw
naman, you don't have to steal. If you want a jewelry, pwede kitang bilhan."

            Halos hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Zyron.

            Hindi ko alam kung ano ang mas masakit? Yung na-set up ako ni Sasha
pero alam niyang hindi ko talaga ito kinuha. O itong ginawa ni Zyron. Na iniligtas
nga niya ako, but still, iniisip niya na ninakaw ko ito?

            Nanginginig ang kamay ko habang tinatanggal ko ang mga alahas sa tenga


ang wrist ko. Kinuha ko yung necklace na ka-pares pa nito at iniabot ko lahat kay
Zyron.

            "Don't worry Jillian. I'll protect you, okay? Ako na rin ang bahala kay
Sasha. And later, let's go to the mall. I'll buy you something."

            Nginitian ko siya, "alahas?"

            "Yep! Kahit anong gusto mo!"

            Napatango ako, "wow. It's really weird."

            "Hmm? Weird? Ang alin?"

            "Ikaw."

            He grinned, "at bakit mo naman nasabi yun?"

            "Wala. Iniisip ko kung paano mo ako nagustuhan samantalang hindi mo


naman ako kilala."

            Tumayo ako.

            "Hindi ako pwede mamaya, sir. At oo nga pala, hindi ako mahilig sa
alahas. Kaya no thanks. Save your money."

            Iniwan ko siya doon at dire-diretso ako sa elevator. Uuwi na lang ako.


Bahala na kung ma-AOWL ako. Bahala na kung bukas wala na akong trabaho.
            Bahala na.

            Hindi ko na kasi mapigilan ang luha sa mata ko eh.

            Gusto ko nang umuwi at mapagisa.

            Nagbukas ang elevator. Nakita ko si West.

            Ang joker mo talaga tadhana.

            Pumasok si West sa loob ng elevator at ako naman, napayuko na lang.


Ayokong makita niya ang expression sa mukha ko.

            "Are you okay?" dinig kong sabi niya.

            I just nod.

            Gusto ko na talaga maiyak.

            "Hindi kasi magagawa ni Jillian ang magnakaw."

            Alam niyang bracelet ni Sasha yun but still, pinaniwalaan niya ako. 
Kilala niya kasi ako. Alam niya na hindi ako ganung klaseng tao.

            At ano ang isinukli ko sa kanya?

            Nasaktan siya dahil kay Zyron. Hindi ko ma-imagine ang iniisip niya sa
akin ngayon.

            "I'm glad na dumating si kuya. At least na clear agad na hindi mo


ninakaw yun."

            I bit my lip.

            Hindi pa ako pwedeng umiyak.

            "Jillian."

            Please wag mo na akong kausapin. Alam kong pag nagsalita ako, mababasag
boses ko. Tuloy tuloy nang aagos ang luha sa mata ko. Please West.
            Please.

            Bumukas ang elevator. Nasa lobby na kami. Dali-dali akong lumabas


without saying a word to him.

            Nanginginig ang tuhod ko. Sana meron na lang akong kapangyarihan tulad
ng kay Cupid. Para pwede na akong makaalis sa lugar na 'to agad agad.

            May biglang humatak sa braso ko kaya napalingon ako.

            Seryosong-seryoso na nakatingin sa akin si West.

            "Where are you going?" tanong niya sa akin.

            "Home," tanging sagot ko.

            Hinila niya ako papalapit sa kanya at niyakap ako ng mahigpit.

            "It's okay to cry, Jillian."

            At before I know it, naguunahan na sa pagbagsak ang mga luha sa mata


ko.

~*~

[Psyche]

"Cupid..."

            Napatingin si Psyche sa paligid niya. Madilim. Halos wala siyang


makita. Nanghihina ang buong katawan niya.

            Ilang araw na ba siyang nakakulong sa kwebang ito? Ilang araw na ba


niyang hindi nakikita ang sinag ng araw?

            Hinang hina siya. Halos hindi na makagalaw. Masakit pa rin ang mga
sugat sa braso at hita niya na dulot ng mahika ni Ayesha nung minsang nagtangka
siyang tumakas.

            "Cupid..." paulit-ulit niyang sabi.

            Tandang-tanda na niya ang lahat. Nung panahong binura ni Ayesha ang


alaala niya. Yung panahong sinaktan niya si Cupid dahil sa utos ni Ayesha.

            Pero hindi malalabanan ni Ayesha ang pagmamahal na nararamdaman ni


Psyche para sa kanyang asawa. Kahit kailan, hinding hindi mabubura ng kahit anong
mahika ang pagmamahal na iyon.

            At alam niya, darating ang asawa niya para iligtas siya. Alam niyang
gagawa ng paraan si Cupid para matupad ang naaayon sa plano nila.

            Magagawa ni Cupid iyon. May tiwala si Psyche.

            "Hanggang ngayon ay hinihintay mo pa rin ang iyong pinakamamahal na


asawa?"

            Napa-angat ang tingin ni Psyche kay Ayesha na papalapit sa kanya       


.

            "Darating siya. Magagawa niya ang tungkulin niya at ililigtas niya


ako."

            Tumawa si Ayesha.

            "Napakalaki talaga ng tiwala mo sa kanya ano? At talagang kahit anong


mangyari, itutuloy niyo ang plano niyo para kay Jillian? Hindi ba kayo
nanghihinayang sa kanya?"

            Tinignan ng masama ni Psyche si Ayesha, "ayun ang nararapat. Ayun ang


tama."

            "At wala kayong balak ipaalam sa kanya?"

            Iniwas ni Psyche ang tingin niya kay Ayesha.

            Hindi pwedeng malaman ni Jillian. Mas mabuti nang wala siyang alam para
walang gulo.

            Hindi pwede.

To be continued...

Readers, mawawala ako ng isang linggo kaya baka one week ding walang update. Mag
babakasyon lang si Ms. Author. Hahanap ng inspirasyon sa tabing-dagat. Hahaha.
Kita-kits after a week! :D

=================

Chapter 48

Chapter 48

[Jillian's POV]

"The amazing—mud pie sundae!" ngiting-ngiti na sabi sa akin ni West. "Kain na!" at
inabot niya sa akin yung dessert fork na hawak niya.

Napangiti na rin ako.

"T-thanks sir..."

Pinanliitan ako ng mata ni West, "kelan mo pa ako tinawag na sir pag


tayong dalawa lang?"

Napangiti na lang ako sa tanong niya. Sa totoo lang, nakakailang na rin


siyang i-address sa first name niya ng walang "sir"

Ramdam na ramdam ko na ang gap naming dalawa.

Kanina lang nung nagsusumbong si Sasha sa kanya na ninakaw ko yung mga


alahas, grabe ang kaba ko. Parang naninikip ang dibdib ko. Nung tinanong niya ako
kung totoo ba yun, parang nadudurog ang puso ko.

Akala ko kasi maniniwala siya kay Sasha.

Napatingin ako doon sa mudpie sundae. Mukhang masarap pero hindi ko


makuhang mag cheer up.

Naiinis ako sa sarili ko na umiyak ako sa harapan ni West. Nakakainis


kasi ayoko nang makita niya akong umiiyak. Ayoko nang i-comfort niya ako.
Mas lalo kasing lumalalim ang feelings ko para sa kanya kada gagawan
niya ako ng mabuti. Minsan iniisip ko sana pala nag stay na lang siyang galit sa
akin kesa yung ganito.

Mas lalo atang mahirap mag move on.

"Alam mo, mas okay kainin yung mudpie sundae kesa titigan. Eat. You'll
feel better."

Inangat ko ang tingin ko sa kanya at nginitian siya.

"Paano mo naman nalaman na I'll feel better after kong kumain ng


mudpie?"

He shrugged, "it works for me. Remember nung dinala mo ako dati dito
nung depress ako dahil sa father ko?"

Napatango ako, "hindi ko akalain na kahit papaano na cheer up ka ng


mudpie sundae nun. At least I did something right."

"Ikaw kasi ang nag-dala sa akin noon dito kaya sumaya ako."

Bigla akong natigilan. Napaiwas ng tingin si West sa akin.

Please West wag nang ganito. Please please please.

He chuckled, "wag ka nang ma-awkwardan. Past na yun. Wala na yun sa


akin."

Nginitian ko lang siya.

Wala na akong maisagot kundi ngiti.

Puro ngiti. Pekeng ngiti.

Past na yun.

Nakaka gago naman ang sakit na 'to oh!

Tumusok ako sa mudpie sundae at dali-dali kong sinubo. Halos mangilo


naman ako dahil ang lamig nito at kinagat ko.
"Dahan dahan, hindi kita uubusan," natatawa-tawang sabi ni West.

"Sorry sorry excited lang!"

"May chocolate ka na sa may gilid ng labi mo," inabutan niya ako ng


tissue.

Agad ko naman kinuha at pinunasan yung labi ko.

Ayan! Yung mga simpleng gestures na ganyan ang nakakainis eh! Yung
tipong hihilingin mo na sana siya magpunas ng chocolate sa labi ko.

Walangya!

Naghahangad pa rin ako ng moment sa kabila ng mga nangyari!

Napahinga ako ng malalim at tinignan ko si West.

"Salamat pala ah?"

"Hmm? Sa alin?"

"Sa paniniwala mo sa akin."

"Kahit sino namang nakakakilala sa'yo alam na 'di mo gagawin ang bagay
na yun. Don't worry Jillian, I'll talk to Sasha. Sasabihin ko sa kanya na mag sorry
siya sa'yo."

Napatingin ako kay West at hindi ko maiwasang mapangiti.

Naalala ko kanina yung sinabi sa akin ni Zyron. Kakausapin niya si


Sasha na palagpasin ang pagnanakaw ko. Isang bagay na hindi ko naman talaga ginawa.

Kung sabagay hindi ko rin naman siya masisisi. Hindi naman talaga niya
ako kilala eh. Mas kilala niya si Sasha. Malamang maniniwala siya na ninakaw ko
yun. Hindi ko lang talaga maintindihan kung paano niya nasasabing gusto niya ako
samantalang mukhang hindi naman niya ako kilala.

Ano nabighani sa kagandahan ko?

Naghahanap ng fling?
Trip niya lang?

Napagutusan ni Sasha?

Malamang hindi si Ayesha ang dahilan kasi magmamaktol ng bongga 'yon


kasi kaya nga kami nagkagulo ay dahil talaga kay Zyron na ka look-a-like ng ka-
destiny niyang naudlot.

"West... tingin ko parang mag reresign na ako."

"Ganun ba?"

Tumango ako. Hindi umimik si West kundi tumingin lang siya sa labas ng
bintana. Blangko ang expression niya. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip
niya.

Bigla na lang siyang bumuntong hininga at tinignan ako sabay ngiti.

"Hindi pwede."

"H-ha? Pero West--!"

"May offer ka na ba sa ibang kompanya?"

"Wala."

"New work?"

Napaiwas ako ng tingin. Hindi ko malaman kung magsisinungaling ako o


hindi.

"I bet wala rin. Hindi ka makakapagsinungaling sa akin. Mag re-resign


ka it's either dahil naiilang ka sa akin o dahil kay Sasha."

Bakit ang galing magbasa ng isip ng isang 'to?!

"O dahil nililigawan ka na ng kapatid ko."

Napaangat ako ng tingin.


"I-it's not about that---"

"May plano ka bang sagutin siya?"

"West, hindi ko gusto si Zyron."

At kung sakali mang sasagutin ko siya, edi napatay naman ako ni Ayesha?

Napatango siya, "I know my brother Jillian. At...at nakikita ko na


seryoso siya sa'yo."

"West..."

"Well, ikaw pa rin naman ang mag d-decide."

Tumayo na siya, "kailangan ko nang bumalik sa office. Hahayaan muna


kitang mag undertime ngayon at mag leave bukas. Basta wag mo nang babanggitin ang
pag re-resign."

"But West---!"

"Basta Jillian."

~*~

Umuwi ka na Cupid.

Napa-buntong hininga ako habang naka-hilata ako sa kama. Gusto kong


makausap si Cupid. Gusto kong manghingi ng advice about Zyron. Feeling ko kasi mas
lalong magiging kumplikado ang sitwasyon namin dahil sa ginagawa ng mokong na yun.

Sabi ni West nakikita niyang seryoso sa akin si Zyron. Hindi ko lang


maintindihan kung bakit hindi ko maramdaman na seryoso siya? Hindi ko maintindihan
saan o kelan siya nagumpisang magkagusto sa akin? Ba't ang bilis?

Ang sarap iumpog ng ulo ko sa pader.

Bumangon ako sa kama. Makakain na nga lang. Gutom na ako.

Naisipan kong mag bukas ng de-latang tuna na mechado flavor tas ginisa
ko sa sibuyas at bawang tulad nung ginawa ni West nung araw na na-stranded siya
rito sa bahay ko dahil sa lakas ng ulan. At habang kumakain ako, inalala ko yung
panahon na yun.
Walanghiyang nakaka-emong buhay 'to.

Biglang may kumatok sa pinto ko.

Si Cupid?

Of course not. Kung si Cupid yun edi nag hocus pocus na lang sana siya
papasok sa bahay ko.

Bigla akong kinutuban ng masama. Ewan. Instinct?

Hindi kaya si Ayesha?

Nakarinig ulit ako ng katok. Mas malakas na kesa doon sa una.

Feeling ko napapraning na ako. May kumatok lang si Ayesha na agad? Baka


kapit-bahay lang!

But just in case.....

Kinuha ko yung kutsilyo ko at itinago ito sa likod ko. Better safe than
sorry.

"Sino yan?" sigaw ko bago ko buksan yung pinto. Hindi sumagot.

Sisilipin ko na sana sa bintana yung kumatok nang bigla niyang binuksan


yung pinto. Sa sobrang gulat ko, naitapat ko agad sa kanya ang kustilyong hawak ko.

"Jillian, ba't hindi ka---what the hell?!"

"Sir Zyron?! Anong ginagawa mo rito ha?!"

"Okay.. calm down. Dinalhan kita ng dinner at wala akong planong masama
sa'yo. Pwedeng pakibaba ang kutsilyo na hawak mo?"

"Ay sorry!" ibinaba ko yung kutsilyo. "Pero paano ka nakapasok dito?"

"Bukas ang pinto mo. Hindi ka ba marunong mag lock?!"

"Paano mo nalaman ang bahay ko?"


"Magaling ako eh!" at kinindatan niya ako. "So, dinner tayo. Nag dala
ako ng pagkain."

"Kakakain ko lang."

"Oh so cold. I don't care. Basta sasamahan mo akong kainin itong dala
kong foods."

"Sir Zyron---!"

"Bawal tumanggi. Ba't pag si West ang nagyayaya sa'yo okay lang? Ba't
pag ako hindi?"

Hindi ako sumagot.

"Tell me the truth Jillian, do you like West? Halatang halata ka kasi
alam mo yun? Pero pinagtataka ko, bakit mo siya binasted?"

"Basted na nga 'di ba? Tatanungin mo pa yan."

"So you don't like him?"

Huminga ako ng malalim. Bakit ang hirap magsinungaling sa ganitong


pagkakataon? Ang bigat sa dibdib.

"Answer me Jillian. Oo o hindi lang. I'm sure alam mo naman kung ano
ang nararamdaman mo?"

"Bakit kailangan kong sagutin ang tanong mo?"

"Oooh umiiwas? So you like West? Ba't mo siya binasted kung ganoon? Or
don't tell me na-realized mong gusto mo siya after mo siyang basted-in? Kung
sabagay nangyayari naman talaga yun. Magulo utak ng mga babae eh."

"Tumigil ka na nga! Ba't ka ba nangiintriga ha? Boss kita pero nandito


ka sa pamamahay ko!"

"Eh hindi kita tatantanan hangga't 'di mo sinasagot ang tanong ko. Oo o
hindi lang eh."

"Hindi ko gusto si West! Kaya ko nga siya binasted eh! Sinagot ko na


ang tanong mo. Happy?!"
Mas lalong lumawak ang ngiti niya, "sobrang happy."

Nagulat ako nang bigla niyang itinaas ang phone niya at itinapat sa
tenga.

"Oh bro narinig mo ang sinabi ni Jillian. Hindi ka niya gusto. Maling
akala lahat ng iniisip mo kaya mag move on ka na. Bye bro."

"S-si West y-yung--?"

"Yes. At narinig niya ang lahat ng sinabi mo. Thank you rin dahil
sinigaw mo. Mas malinaw na sa kanya. Hindi na aasa ang mokong na yun," he winked at
me.

Napaupo ako sa sofa. Nanlalambot ang mga tuhod ko.

Why? Ba't kailangan niyang marinig yun? Sa pangalawang pagkakataon


ipinamukha ko sa kanya na hindi ko siya gusto.

"Kain na tayo!"

Tinignan ko ng masama si Zyron.

"Ba't mo ginawa yun ha?! Wala ka bang pakielam sa nararamdaman ng


kapatid mo ha?! Ba't ganyan ka? Ang selfish mo!"

Nilapitan ako ni Zyron then he lean forward.

"Stupid," pinitik niya ang noo ko.

"ARAY HA! Lumayo ka sa akin! Sasaksakin kita!"

He chuckled, "Jillian, may paki ako kay West. Kaya nga ipinarinig ko sa
kanya yun eh. Masasaktan siya oo. Pero hindi na siya talaga aasa sa 'yo. Ikaw kasi
eh yung mga tingin mo sa kanya, yung pakikitungo mo sa kanya, masyado kang paasa.
Hindi mo siya gusto pero ba't ganun ka makitungo sa kapatid ko? Ayan umaasa na
naman siya tuloy."

Napaiwas ako ng tingin. Ang sarap niyang sumbatan. Gusto kong sabihin
sa kanya na hindi paasa ang mga kilos ko. MAHAL KO SI WEST kaya ganun ako umasta.

Pero tama nga siya. Kung hindi masasaktan uli si West baka umasa na
naman siya.

Hindi pwede. Masasaktan lang siya sa akin. Magkakasakitan kaming dalawa


pag pinilit ko 'to kasi hindi kami ang naka destined sa isa't isa.

Oo magiging kami. Oo mararanasan naming mahalin ang isa't isa. Pero sa


hiwalayan din magtatapos ang lahat. Sa sakitan at iyakan. Baka sa huli kagalitan pa
namin ang isa't-isa.

Ayokong maranasan yun kay West.

"Jillian, kakain na tayo."

Hinawakan ni Zyron ang kamay ko pero agad ko itong binawi.

Isa pa 'to.

"Zyron, please, tama na. Wag mo nang gawin sa akin 'to."

"Ayoko nga."

"But Zyron."

"I really, really like you Jillian. I really do."

"Paano? Bakit? Saan nagsimula? Hindi mo pa naman ako kilala. Kelan lang
tayo nagkakasama. Halos wala pang dalawang buwan kang nagttrabaho sa kompanya,
mahal mo na ako agad? Ang bilis!"

"No. Hindi mabilis kasi dati pa lang gusto na kita. Dati pa lang,
nililigawan na kita. Hindi mo lang ako kilala."

"H-ha? Anong ibig mong sabihin?"

Lumapit siya sa akin then he gently touch my face.

"My dear Jillian, ako yung palaging nagpapadala sa'yo ng mga bulaklak
at stufftoys."

To be continued....
Author's Note:

Ang dami nag co-comment na putol-putol daw at magulo yung last update? Not my fault
po. Wag ako awayin niyo. Hahaha. Nagloloko ang Wattpad app niyo siguro. Dahil sa
app ko naman maayos ang update eh.

At sorry naman sa typo last update. Pasensya na kung instead "West" eh "Ice" ang
nalagay ko. Wag niyo na po pagtawanan huhu masyado niyo naman ipinamukha sa akin
>.< Kung alam niyo lang ang pagod ko nun. Nag sacrifice ako ng tulog makapagupdate
lang ng sabay sa SWSCA at GO. Hindi ko tuloy nagawang basahin lahat ng comments
kasi nasira ang feels ko >.< In-edit ko agad yun. Hindi lang ata nag reflect ang
edit ko sa app niyo kasi nga nagloloko.

Ayun. Pasensya na tao lang.

=================

Chapter 49

Chapter 49

[Jillian's POV]

"My dear Jillian, ako yung palaging nagpapadala sa'yo ng mga bulaklak at
stufftoys."
Napatulala ako sa harapan ni Zyron.

"P-paanong ikaw ang napadala ng mga bulaklak sa akin? Paano? Paano mo


ako nagustuhan? Hindi tayo magkakilala. Paano?"

"Jillian, hindi mo ba talaga ako natatandaan?" mas inilapit ni Zyron


ang mukha niya sa akin. My heart skipped a beat.

Ano ba 'to?

Medyo lumayo ako sa kanya, "magkakilala na tayo dati? Ba't hindi kita
matandaan?"

Napa-buntong hininga naman si Zyron, "I can't blame you. Ang laki naman
kasi nang iginwapo ko."

Pinanliitan ko siya ng mata.

Ano ba! Pinaglololoko ba ako nang isang 'to? Kelan ko siya nakilala?
Saan? Hindi ko siya matandaan.

"Okay, okay. I used to be Aaron Jimenez bago ako maging Zyron


Martinez."

Aaron jimenez? Aaron... Aaron...

Napatakip ako bigla ng bibig.

"Oh my god! I-ikaw.."

"Naalala mo na?"

"Ikaw yung batang bully sa ampunan!!" sabi ko sabay turo sa kanya.

"Grabe bully? Hindi ako bully ah!"

Hinawakan ko siya sa chin at medyo itinaas ko ang ulo niya. Doon sa may
ilalim ng baba niya, meron siyang scar na maliit.

Ako ang gumawa sa kanya niyan noon dahil sinira niya ang teddy bear na
binigay sa akin ng daddy ko. Itinulak ko siya ng malakas at tumama ang baba niya sa
isang matulis na bato.

"You already marked me, darling," he whispered then he winked.

Binitiwan ko siya agad.

"You deserved it! Sinira mo ang teddy bear ko noon!"

"Hindi ko sinira yun."

"Hanggang ngayon nagkakaila ka pa! Huling-huli kita na ginugupit ang


tyan niya!"

"Ginugupit ko yun dahil lalagyan ko ng recorded music sa loob. Narinig


kasi kita na naiinggit kay Faye noon. Isa sa mga sponsor ng bahay ampunan natin,
natuwa sa kanya at binigyan siya ng stuffed toy na tumutunog. Remember?"

Natigilan ako bigla.

Ibig sabihin, I misunderstood him?

Pero bully talaga siya noon! Lahat ng mga bata nilalayuan siya at takot
sa kanya.

But come to think of it, wala naman talaga siyang sinaktan o inaway.
Maybe because of the way he look at us? Siguro dahil laging naka-kunot ang noo niya
noon at wala siyang kinakausap na iba?

At nagulat kaming lahat kung bakit inampon siya ng isang mayamang


pamilya.

Pero ibig sabihin...?

"Hindi kayo tunay na magkapatid ni West?"

Tumango siya, "yes."

"P-pero magkahawig kayo eh! Paano..?"

"Kaya nga ako naampon eh. Halos kahawig ko si West. They want an older
brother for West. Someone to look after him. At dahil nga magka-hawig kami, pwede
akong pumasa na kapatid niya. Kaya ayun, inampon nila ako."
Napatango na lang ako.

Isang bagay pa rin ang hindi ko maintindihan...

"..paano ka nagkagusto sa akin?" tanong ko sa kanya.

He grinned.

"Matagal na akong may crush sa'yo ano ka ba. Kahit nung mga bata pa
lang tayo. Nung bagong lipat ako sa bahay ampunan sa Baguio, ikaw kaya ang unang
kumausap sa akin. Yun lang natakot ka rin ata kasi hindi ako nagsasalita," he
chuckled.

"Ang seryoso mo kaya noon! Kabata-bata mo, napaka seryoso mo!"

"But I am older than you. You were 10, I was 13 years old that time.
Teenager na ako. Sobrang wala na akong pag-asa na ma-ampon noon."

"But it turns out na ikaw pa ang naampon."

"I beg them you know? I told them na ampunin ka rin."

"T-talaga? Ginawa mo yun?"

Tumango siya, "oo. Kaso sabi nila, ako lang ang gusto nila. Nung una
nainis ako. Ayokong malayo sa'yo kahit hindi mo ako kinakausap nun. But then,
naisip ko na pag inampon ka nila, magiging magkapatid tayo at mawawala ang pangarap
ko na maging asawa ka. Kaya okay na rin."

"Zyron..."

"Every birthday at Christmas kaya pinapadalhan kita ng gifts.


Natatanggap mo ba?"

"Sa'yo galing yun? Yung mga regalong walang tag?"

Napakamot siya sa ulo niya, "uhmm oo. Nahiya lang akong magsabi kung
sino ako. Baka ma-creep out ka. Bakit sino ba iniisip mo na nagpapadala sa'yo nun?"

Napayuko ako bigla, "I thought it was from my dad."

"I-I'm sorry."
Nginitian ko siya, "thank you ah? Sa lahat ng mga regalo mo. Hindi ko
talaga alam ang i-re-react ko ngayon sa'yo."

"Well... masaya na akong binigyan mo ako ng isang genuine na ngiti. M-


maybe masaydo akong nagmamadali. I want you to get to know me first. I need to
prove to you that I am not really a jerk."

Lord, bakit mo ba ako binibigyan ng ganitong problema? Sana normal na


babae na lang ako nang maenjoy ko naman na may mga gwapong lalaking nagkakagusto sa
akin 'di ba?

"Zyron, I'm really, really sorry---"

"Drop it," pag putol niya sa sasabihin ko. "Hindi ako papayag na
basted-in mo ako nang hindi mo ako binibigyan ng chance. That's unfair Jillian. For
now, kainin muna natin 'tong dala kong pagkain. Ang tumanggi, panget!"

Napabuntong hininga na lang ako.

Gusto man kitang bigyan ng chance Zyron, kaso ayokong magaya ka kay
West.

Ayokong dumating sa point na dalawa na kayong nasasaktan nang dahil sa


akin.

~*~

Buo na ang loob ko, mag re-resign na ako.

Alam kong padalos-dalos ang desisyon ko. Alam kong ang hirap humanap ng
bagong trabaho. Bahala na. May savings pa naman ako. Kaya ko pang mabuhay nang
dalawang buwan ng walang trabaho.

Lakas loob akong umakyat sa floor kung saan nandoon ang office ng mga
big boss. Syempre kay West ako di-diretso since siya ang nag hire sa akin. Though
iniisip ko talaga na siguro mas madali ang pag re-resign ko kung kay Sasha bitch
ako lumapit? For sure papalakpak ang tenga nun pag sinabi kong mag re-resign ako.

Oo nga tama. Kay Sasha na lang kaya ako lumapit?

Napailing ako.

No. Kay West dapat. Siya ang nag hire sa akin. At pag kay Sasha ako
lumapit, baka isipin pa ng bruha na yun na nag wagi siya. Na siya ang dahilan ng
pagreresign ko. Mukha niya!

Bumukas ang elevator. Huminga ako ng malalim at nilapitan ko yung


secretary na nasa lobby. Sinabi kong I need to talk to Sir West.

Pinaupo niya ako habang tinatawagan niya si Sir West. Nang ibinaba na
niya yung phone, agad akong lumapit sa kanya.

"Ano raw sabi?"

"Wait lang daw po."

Tumango ako at bumalik sa kinauupuan ko.

Ano ba! Ba't ba ako kinakabahan?!

Sana nandito ka ngayon, Cupid.

Bumukas ang opisina nina West. Napa-ayos ako nang upo. Nakita kong
lumabas si West kaya mas napa-straight ako ng upo.

He's wearing a corporate attire today. White long sleeves with black
blazer.

Shit naman ang gwapo niya. So mas pahihirapan niya ako ngayon?!

Tinignan niya ako. Seryosong seryoso. Ni hindi niya ako nginitian.

Aba malamang. Matapos niyang marinig na ipinagsigawan kong hindi ko


siya gusto, magagawa pa ba niyang ngitian ako?

"Follow me," he told me coldly at nauna siyang maglakad.

Agad naman akong tumayo at sinundan si West papasok sa kabilang office.


Siguro dahil nasa loob na ng office nila si Sasha bitch at iniiwas niya ako sa
bruhang yun kaya sa kabila kami.

"Sir West, mag reresign na po ako," diretsahang sabi ko sa kanya nang


makaupo kami.

Agad kong iniabot sa kanya yung resignation letter. Kinuha niya naman ito nang 'di
tumitingin sa akin at binasa. Blangko lang ang expression niya.
Ano ba! Ba't ba sumisikip ang dibdib ko! Ba't ganyan lang ang expression niya?!

Palibhasa ine-expect mo na magugulat siya, magagalit, at pipigilan ka. Ang pabebe


mo Jillian!

"May typo dito sa resignation letter mo."

Halos malaglag ako sa kinauupuan ko.

Lecheng typo yan oh! Sa dinami-rami nang nakasulat diyan, napansin pa


niya yon?!

"Tell me, bakit ka mag re-resign?"

"N-nandyan na po sa letter yung reasons."

"Wala akong pinaniwalaan ni isa sa mga nakasulat dyan."

He's really making this harder for me.

"Is it because of my brother?"

"No!"

"Because of me?"

"Hindi!"

Ang liar mo Jillian.

Napabuntong-hininga si West.

"I don't want you to resign, Jill."

"But Sir West---!"

"Kaso kung binigyan mo na nang chance si Kuya Zyron, wala naman akong
magagawa 'di ba?"
I was taken a back.

"A-ano?"

"Sinabi niya na sa akin Jillian na binigyan mo na siya ng chance. I—I


also heard what you said last night..."

"West--!"

"No it's okay," pag putol niya sa sasabihin ko. "It's okay. Mabuti na
yun para matauhan na ako. Mabuti nang narinig ko yun. Kesa umaasa pa ako sa'yo."

Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Itatanggi ko


ba o hahayaan ko na lang?

Napalunok ako. Gusto kong maiyak. Gusto kong itanggi.

Pero para saan pa?

Sasabihin kong mahal ko siya tapos kinabukasan ima-matchmake ko na siya


sa iba?

Go signal na lang ang iniintay ko kay Cupid. Sabi niya malapit na


malapit na niyang ipakilala sa akin ang para kay West. Sa timeline ni Cupid, si
West na ang susunod. Pag nagulo ang timeline, maraming maapektuhan, maraming
masasaktan.

Wala na kaming chance. Ang sarap magpaka selfish ngayon.

"I'm sorry kung napapaasa kita," sabi ko sa kanya. Parang bawat


salitang binibitiwan ko eh patalim sa puso ko.

"Ayos lang. Kasalanan ko naman eh. Sinabi mo na sa akin noon na wala.


Pero umasa pa rin ako. Ngayon tatanggapin ko na lang."

Shit naman. Ba't ang sakit naman.

Kung ganito na ako nasasaktan para sa isang tao na hindi naman


nakatadhana sa akin, what more doon sa taong para sa akin? Ayoko na ata.

"Thank you for giving Zyron a chance, Jillian. I accept your


resignation."
Napalunok ako. Pumayag siya 'di ba? Dapat magsaya na ako.

Pero ang bigat sa pakiramdam.

"T-thanks."

"Huling hirit na, pwedeng next month na lang ang last day mo?
Anniversary kasi ng company. Yung party man lang sana natin, mapuntahan mo."

Tumango ako, "o-okay lang. Kailangan ko rin maghanap ng ibang work.


Thank you West ah? At... sorry."

Hindi na umimik si West. Iniwas na lang niya ang tingin niya sa akin.

Nagpaalam na ako at tumayo.

Ilang beses ko pa bang mararanasan ang magpaalam sa'yo?

Bubuksan ko na sana ang pinto nang maramdaman ko ang mga braso ni West
na yumayakap sa akin mula sa likod.

"W-West...?"

"Saglit lang please?" halos pabulong niyang sabi. "Saglit lang. Hayaan
mo lang na yakapin kita."

Mas lalong humigpit ang yakap ni West sa akin. Napapikit ako.

God knows kung gaano ko ginustong maramdaman ulit ang yakap niya. Gusto
kong maiyak.

"Nakakainis naman," he whispered. "Bakit ba kasi ang hirap hirap mong


kalimutan? Kahit ilang beses kong sabihin na past na yung nangyari sa atin, na wala
na yun, sarili ko lang niloloko ko. Jillian, paano ba ako makaka-move on sa'yo?"

At tuluyan nang bumagsak ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan.

To be continued...

~*~
Sa mga readers kong na-meet last Saturday and Sunday sa MIBF *kaway kaway*! Salamat
sa pagpunta <3

=================

Chapter 50

Chapter 50

[Jillian's POV]

"Jillian, paano ba ako makaka-move on sa'yo?"

Tuloy-tuloy ang pagbagsak ng luha sa mga mata ko habang yakap-yakap ako


ni West.

Itinakip ko ang mga kamay ko sa bibig ko para hindi makagawa ng ingay.


Nagpapasalamat ako na nakatalikod ako sa kanya dahil hindi niya nakikita ang mukha
ko.

Ayokong makita niya na umiiyak ako. Ayoko. Mag iisip lang siya. Aasa
lang siya.

Pero leche ang sakit talaga.

"Jiliian..."

Humiwalay ng pagkakayakap si West sa akin at naramdaman kong ipinatong


niya ang mga kamay niya sa magkabilang balikat ko. Pilit niya akong pinapaharap
pero tinatabing ko ang kamay niya.

"Jillian please..."
"Ano pa bang gusto mong mangyari West?"

"Humarap ka naman sa'kin."

Umiling lang ako. Ayokong magsalita dahil maririnig niya ang pagkabasag
ng boses ko.

"Jillian—"

"Aalis na ako."

Dire-diretso akong naglakad pero bigla niyang hinatak ang kamay ko kaya
napalingon ako sa kanya.

"Bakit ka umiiyak?" tanong niya sa akin habang diretso siyang


nakatingin sa mata ko.

Para akong matutunaw kaya napaiwas ako ng tingin sa kanya.

He gently touched my cheek at pinunasan niya ang luhang tumulo rito.

Mali.

Sa aming dalawa, alam kong mas nasasaktan siya. Mas may karapatan
siyang umiyak.

Pero bakit ganun? Sa kabila ng lahat ng sakit na ibinigay ko sa kanya,


nagagawa pa rin niyang punasan ang luha sa mata ko.

Hinawakan ko ang kamay ni West na kasalukuyang nakahawak sa pisngi ko


at ibinaba ko ito.

"West, tama na..." halos pabulong kong sabi.

Ang bigat sa dibdib.

"Sorry... sorry ah? Sorry k-kung hirap na hirap akong maka move on
sa'yo. Ginawa ko na lahat eh. Pero wala. Mas gusto ko na ngang piliin magpaka-tanga
sa'yo eh. Gusto kong i-try ulit na ligawan ka. Baka sakaling magkaroon ng chance.
Baka mag-iba ang ihip ng hangin at magustuhan mo rin ako."

"Pero West---!"
"Gusto mo si Kuya Zyron?"

Hindi ako naka-imik.

Wala akong nararamdaman para kay Zyron pero kapag sinabi ko ito kay
West, alam kong ipagpipilitan niya na ligawan ako.

At oo, sinungaling ako kung sasabihin kong hindi iyon ang gusto kong
mangyari. God knows kung gaano ako kabaliw na makasama siya. Gustong gusto ko sa
pucha, mahal ko talaga ang isang 'to.

Walanghiya.

Sabi ni Cupid mababaw lang daw na connection ang nagagawa naming mga
mortal. Pero tignan mo 'tong nararamdaman ko para kay West, sobrang lalim at habang
tumatagal, palalim nang palalim.

Napapaisip tuloy ako, si West lang ba ang napana ko o pati mismong puso
ko ay napana ko na rin?

Bakit mahal na mahal ko siya?

"Gusto mo ba talaga ang kuya ko, Jillian? Dahil kung oo, rerespetuhin
ko yun. Hindi ako gagawa nang bagay na ikagugulo ng relasyon niyo. Just please
answer my question."

Napalunok ako.

"West..."

Ikaw ang mahal ko, not Zyron. Ikaw ang gusto ko. Kung pwede lang sana.
Kaso paano na tayo? Paano? Makikilala mo na ang para sa'yo. Mabubura na ang
pagmamahal mo sa akin kapag nangyari yun. West.

West paano na?

Cupid, pwede bang kahit ilang araw lang? Please. Pagbigyan mo na ako.
Saglit lang. Gusto ko lang maranasan na mahalin ng buong-buo ang lalaking nasa
harapan ko ngayon. Ayoko nang mag panggap na hindi ko siya mahal.

Cupid.. please...
Tinitigan ko siya sa mata.

Ang ganda ganda ganda ng mata niya. Lalo na nung panahong puno pa 'to
ng buhay. Nung panahong hindi ko pa siya nasasaktan.

I gently touched his eyelids. Napapikit si West.

I love you.

I mouthed. Nagpapsalamat ako dahil nakapikit siya at hindi niya


mababasa ang sinasabi ng labi ko.

I love you, West. I love you and I am so sorry.

Dumilat si West at hinawakan niya ang kamay ko sabay hila sa akin


papalapit.

Halos lumundag ang puso ko dahil sobrang lapit ko na sa kanya.

"Jillian... pwede ba akong humingi ng second chance?"

Gusto kong sumagot ng oo, West. Oo. I-grab na natin ang chance na 'to.
Kahit saglit lang. Gusto ko rin. Mahal na mahal na mahal kita. Please. Please.

Gusto kong magsalita.

Pero parang nanunuyo ang lalamunan ko. Hindi ko mahanap ang boses ko.

At the back of my mind, I heard a voice.

A female voice.

"Jillian, magiging masaya ka rin. Alam ko yun. Nakikita ko yun. Pero


wag kang gagawa agad ng desisyon na ikakapahamak ng iba."

Bigla akong napalayo kay West at napahawak sa compass na nasa leeg ko.

Ang init nito. Parang sinusunog ang balat ko.

"Jillian?!"
I let out a cry at napaluhod ako sa sahig.

Naramdaman ko ang mga braso ni West na inaalalayan ako.

"Jill?! What's happening?!"

"W-west.. A-ang sakit---A-ng.."

Biglang umikot ang paligid.

Nagdilim ang paningin ko.

At tuluyan na akong nawalan ng malay.

~*~

Isang babae ang nasa harapan ko ngayon. Mahaba at itim na itim ang buhok nito. Ang
ganda ng pilik mata at ng ngiti niya. Nakasuot siya ng puting bestida at may hawak
siya na isang tangkay ng rosas.

Iisipin ko sanang anghel siya kaya lang masyadong pamilyar ang mukha
niya. Hindi ko alam kung saan ko siya unang nakita. Hindi ko matandaan.

Pero pakiramdam ko matagal ko na siyang kilala.

"Jillian," nakangiting tawag sa akin nung babae at hinawakan niya ang


pisngi ko.

Napapikit ako.

Ang comportable ng hawak niya. Ang gaang sa pakiramdam.

"Magiging masaya ka rin, pangako 'yan. Pero ikaw pa rin ang hahawak ng
kapalaran mo. Hindi ka nila matatanggalan ng karapatan na mamili. Alam kong minsan,
nagiging makasarili ang puso ng isang tao. Wag mong hayaan malamon ka nito. Alam
kong masakit. Alam kong nahihirapan ka ngayon. Pero labanan mo. Darating din ang
tamang oras, wag kang mag alala. Gawin mo ang alam mong tama."

Unti-unting nawala ang babae sa harapan ko pero pilit kong hinahawakan


ang kamay niya.

Sino ka?
Gusto kong isigaw kaya lang hindi ko mahanap ang boses ko.

Kilala kita. Alam ko kilala kita. Pero sino?

Saan ko siya unang nakita?

~*~

[Cassandra]

Halu-halong imahe ang naglalaro sa isip ni Cassandra. Samu't-saring mukha ang


nagpapakita sa kanya. Iba't-ibang tinig ng mga tao. Maraming klaseng pangyayari na
magaganap sa hinaharap.

Itinuon ni Cassandra ang atensyon niya sa isang bagay.

Sino ang taong 'to? Sino ang taong maglalagay kay Jillian sa
kapahamakan?

Malabo pa rin ang imahe ng taong 'to sa isip niya. Hindi pa rin niya
makilala kung sino pero nararamdaman niyang malapit na.

Napa-takip siya sa magkabilang tenga niya at napasigaw.

Kamatayan. Kamatayan ng isang tao ang kapalit.

Pero sino?

Bakit hindi niya magawang makapasok sa mga mangyayari.

Alam niyang masamang kalabanin ang tadhana. Kung ano ang nakasulat
dito, mangyayari at mangyayari pa rin ito.

Pero hindi niya pwedeng ipagpasawalang-bahala na lang ang bagay na 'to.

Masisira si Jillian. Pag natuloy ito maaring hindi niya kayanin ang
bagay na 'to.

Magagawa niyang i-baling ang tadhana pero meron at meron pa ring


mangyayari na makakapagpahiwalay sa kanila.
Bakit hindi niyo na lang hayaang sumaya ang babaeng ito? Bakit
kailangan maging ganito ang kahahantungan ng lahat?

Napadilat si Cassandra at napatakip siya ng bibig.

Isang nakakasilaw na liwanag ang dumaan. Pero ngayon, kitang-kita na


niya ang mukha ng taong maglalagay kay Jillian sa kapahamakan.

Nanlambot ang tuhod ni Cassandra.

Hindi. Hindi pwede 'to. Paano?!

"Hindi mo dapat nakita ang bagay na 'yun."

Napalingon bigla si Cassandra sa likuran niya. Ngunit bago pa siya


makakilos, nawalan na siya ng malay.

To be continued....

Aly's Note:

Guys sorry medyo nagkamali lang ako ng info last update. Sa mga nagulantang, wag
kayong mag-alala. Hindi 10 years ang tanda ni Jillian kay West xD 

=================

Chapter 51

Chapter 51

[Jillian's POV]
Unti-unti kong iminulat ang mata ko. Isang puting kisame ang una kong nakita.

"Jillian?!"

Naramdaman kong may lumapit sa kama kung saan ako nakahiga.

"Jillian, thank god nagkamalay ka na rin."

Naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko at idinikit ito sa pisngi


niya.

"Wag ka na ulit mahihimatay nang ganun ah? Pinag-alala mo kaming


lahat!"

Napalingon ako at nakita ko ang mukha ni Zyron na puno nang pag-aalala.

"A-anong nangyari?" tanong ko sa kanya. Ramdam na ramdam ko ang


pagkatuyo ng lalamunan ko.

"Habang naguusap kayo ni West, bigla kang hinimatay. Buti na lang at


dumating ako at naisugod ka sa ospital agad. Sabi nung doctor, over fatigue raw."

Napapikit ako. Medyo ramdam ko pa rin ang onting pagkahilo.

Over fatigue? I don't think so.

Alam kong yung compass ang may dahilan. Naramdaman ko ang init nito
bago ako mawalan ng malay. Naramdaman kong parang hinigop nito ang buong lakas ko.

At nakita ko siya. Yung babae sa panaginip ko.

Sobrang pamilyar ng mukha niya. Ang gaan ng presensya niya.

Sino siya?

"Jillian?"

Napabalik ang atensyon ko kay Zyron. Nakatingin siya sa akin na parang


any minute, pwede akong mawala sa mundong 'to.

I gave him a small smile, "ayos na ako, Zyron."

"Sure ka ha? What do you want? Gusto mong kumain? May nararamdaman ka
ba? Should I call the doctor?"

Umiling ako, "s-si W-West nasaan?"

Medyo natigilan si Zyron at napa-buntong hininga siya.

"Nasa bahay na siya at nagpapahinga. Jillian, it's already 2am."

"Oh."

Bumangon ako at inalalayan naman ako ni Zyron para mapaupo.

"Siya ba ang nagdala sa akin sa ospital?" tanong ko.

"Nope. It's me. Hindi siya makaalis sa trabaho dahil ang daming dapat
gawin."

Napatahimik ako.

Kanina lang nanghihingi siya sa akin ng second chance. Kanina malapit


na ako um-oo.

Pero hindi man lang niya nagawang dalhin ako sa ospital.

Napa-buntong hininga ako. Pero kahit ang lalim na nang pag buntong-
hininga ko, hindi pa rin mawala-wala ang bigat sa dibdib ko.

"Okay ka lang?" tanong sa akin ni Zyron.

Tumango ako at tinignan ko ulit siya, "thank you Zyron ah?"

"Ano ka ba! Wag kang magpasalamat sa akin. Alam mo naman na willing


akong bantayan ka."

"Pasensya ka na ah? Inabot ka pa ng 2am dito."


"Wala yun Jillian. Isa pa, natitigan naman kitang matulog eh kaya
masaya na 'ko," he winked at me.

Medyo napatawa ako nang onti, "para kang si Edward Cullen ng Twilight.
Talagang tinitigan?"

"Is that a compliment? 'Di ba kilig na kilig ang mga kababaihan sa


bampirang 'yun?"

Napailing ako, "ang creepy kaya na may tumititig sa'yong matulog."

He laughed, "kung sabagay. Wag kang mag alala, may iba rin naman akong
ginagawa bukod sa pagtitig ko sa'yo habang natutulog ka. Uma-attack din ako sa
COC."

Napangiti ako, "salamat talaga, Zyron. Salamat."

"Ayan ka na naman sa pasasalamat mo eh. Wag ka nang magpasalamat. You


know the reason why I am doing this."

"Zyron---!"

"Isa pa," pag putol niya sa sasabihin ko, "nalaman ko na nag resign ka
na. Dahil ba may pag-asa ako sa'yo?"

"Zyron please---!"

"No. Wag mo na lang sagutin. Mas okay na hindi ko alam ang sagot. Basta
kahit anong mangyari hindi kita susukuan, Jillian."

Parang bigla na naman nanikip ang dibdib ko.

Ano ba. Hindi ba effective ang basted sa taong 'to?

Aasa lang siya sa akin eh. Nasaktan ko na nga si West, pati ba naman
siya?

Nagulat ako nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko at inilapit niya
ito sa labi niya.

"Zyron.."

"Madali kang sinukuan ni West. Pero magkaiba kami Jillian. Papatunayan


ko na ikaw ang tipo nang babaeng dapat pinaghihirapang makuha."

Napapikit na lang ako.

Sinukuan.

Pero nanghihingi siya sa akin ng second chance. At ibibigay ko sa kanya


yun.

Kaso, nasaan siya ngayon? Ba't hindi si West ang katabi ko?

~*~

Kinabukasan, pinayagan na ako ng doctor na makalabas sa ospital.


Inihatid naman ako ni Zyron sa apartment ko. Good thing at hindi siya pwedeng um-
absent sa trabaho nya ngayon.

Gusto kong mapag-isa at mag-isip.

Pumasok ako sa kwarto ko at inilabas yung kahon na ibinigay sa akin ni


Mother superior noong nagpunta kami ni West dati sa bahay ampunan kung saan ako
lumaki.

Simula nung pag uwi ko, never ko pang nagalaw ang box na 'to at hindi
ko na rin matandaan yung mga naiwan kong gamit noon sa bahay ampunan.

I opened the box at unang bumungad sa akin yung bear na bigay sa akin
ni daddy. May hiwa ito sa tagiliran niya na kagagawan ni Zyron noon.

Tinignan ko kung ano pa ang nasa box. Mga old text books ko, coloring
books, mga kung anu-anong laruan.

Nakita ko yung isang pamliyar na notebook na color pink.

Diary ko noon. I opened it and read a random entry.


Dear Diary,

Wala talagang may gusto sa'kin. Wala nang pag-asa na ma-ampon ako.

Sabi ni Faye, kaya hindi ako naapon kasi hindi ako marunong kumanta o
sumayaw. Pero bakit ang bully na si Aaron na-ampon? Tapos mukhang mayaman pa ang
naka-ampon sa kanya. Isa pa, ang bait nung magiging kapatid niya.

Kanina, habang kinakausap si Aaron ng future parents niya, nakausap ko


yung magiging kapatid niya. Nag-hi kasi siya sa akin. Nakikipag kilala. Sabi niya
West ang pangalan niya. Nakangiti siya sa akin ng maganda at parang gusto niyang
makipag laro. Kaya lang nahihiya akong lumapit sa kanya kaya naman nagtago na lang
ako sa likod ni Mother Superior.

Pero nararamdaman ko na mabuti siyang tao.

Ang swerte naman ni Aaron. Nakahanap siya ng mabait na kapatid.

At dapat pala Zyron na ang itawag ko sa kanya kasi sabi ni Mother


Superior, pinalitan na ang pangalan niya.

Pagka kaya ako naampon, papalitan din nila ang pangalan ko? Gusto ko pa
naman ang Jillian eh.

Pero kahit panget ang ipalit nilang pangalan sa akin, okay lang. Basta
ampunin lang nila ako.

Gusto ko kasing maramdaman kung paano magkaroon ng isang pamilya.

Agad kong isinara yung diary at tuloy tuloy ang bagsak ng luha ko. 13 years ago na
ang nakalipas simula nang isulat ko 'to.

13 years ago... nagkita na kami ni West.

Parang biglang nagtayuan ang lahat ng balahibo ko sa katawan.

Isang maliit na pagkakataon pero bakit ang laki nang epekto sa akin
nito?

13 years ago.
Naalala pa kaya niya ang araw na 'yun?

Sinamahan niya akong bumalik sa bahay ampunan na yun. Naalala pa kaya


niya na doon din sa mismong ampunan na yun nanggaling si Zyron?

Eh ako? Naalala pa kaya niya?

Alam kong malabo. Kung ako nga hindi ko na natatandaan ang araw na 'to
eh. Masyado nang matagal. Ang bata ko pa rin nung panahon na yun.

But still...

God. Tadhana. Bakit pinaglalaruan niyo nang ganito ang feelings ko? Ano
ba!

Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang may kumatok nang malakas sa
pintuan ko. Halos kalampagin ang pinto ko.

Dali-dali akong lumabas at sinilip kung sino ang kumakatok.

"Aling Melissa?"

Binuksan ko agad ang pinto at ngayon ko lang napansin na umiiyak pala


si Aling Melissa, yung nagtitinda ng goto malapit sa amin.

"Aling Melissa? Bakit po? Ano pong problema?"

"Eh Jillian gusto ko lang sana itanong kung nakita mo ba ang anak ko?"
sabi niya habang pinupunasan ang luha sa mata.

"Si Cassy? Hindi po. Bakit po? Ano po ang nangyari?"

"Kagabi pa kasi siya nawawala eh! Nagaalala na ako! Hindi naman ako
pinapansin ng mga pulis dahil wala pa raw bente kwatro oras na nawawala si
Cassandra! Pero kinakabahan ako. Jillian, hindi naman umaalis magisa ang anak ko
eh!"

Hindi ko alam kung bakit bigla akong nanlamig. Para akong pinagpawisan
ng malagkit at nakaramdam ng sobrang kaba.

Agad kong niyakap si Aling Melissa.

"Hahanapin po natin si Cassandra. Tutulungan ko po kayo."


~*~

[West's POV]

"West, ilang beses ka nang bumubuntong hininga. Okay ka lang ba?"


tanong ni Sasha sa akin.

"Ah, y-yes I'm fine," ibinaling ko ulit ang atensyon ko sa laptop ko.

Sinubukan kong mag concentrate sa trabaho pero hindi ko magawa.

I want to see her.

Pero hindi pwede.

Tama na West. Wag mo na siyang isipin. Kalimutan mo na siya.

Mahal niya ang kapatid mo. Tama na. Wag mo nang ipagpilitan pa ang
sarili mo.

Halos paulit-ulit na nag rereplay sa utak ko ang sinabi sa akin ni Kuya


Zyron.

"She told me she loves me. I'm so sorry West."

Nung panahon na yun, gusto kong sapakin ang kapatid ko. Gusto ko siyang
sigawan na bawiin niya ang sinabi niya. Na hindi totoo yun.

Pero ayan na lahat ng pruweba sa harap ko.

Kaya siya nag resign dahil gusto niya si Kuya Zyron. Walang rason ang
kapatid ko para magsinungaling sa akin. Sa tagal na namin magkasama, never siyang
nagsinungaling sa akin.

Pero ang hindi ko maintindihan, bakit nagsinungaling si Jillian nang


tanungin ko siya kung mahal ba niya si Zyron.
Sabi niya hindi.

Ginawa niya ba yun para protektahan ang puso ko? Para hindi ako
masaktan?

Bullshit.

Mas masakit sa akin ang nangyari kasi umasa ako.

Ang tanga ko. Umasa ako.

Jillian, ang hirap mong kalimutan. Ano bang ginawa mo sa'kin?!

Ang sakit.

"West."

Naramdaman ko ang kamay ni Sasha na nakapatong na sa isa kong kamay. I


gently pulled away.

"No, West."

Hinawakan niya ang braso ko. Napapikit ako.

"Sasha, bumalik ka na sa trabaho mo."

"Mag move on ka na sa kanya please?"

"Sasha.." sabi ko nang medyo may halong pagbabanta sa tono ng boses ko.

"Kalimutan mo na lang siya at tumingin ka na lang sa taong handa kang


saluhin. Pinagmumukha ka na niyang tanga, West. Wag ka nang umasa sa kanya. Can't
you see? Tinituhog niya kayong magkapatid!"

"She's not like that. Tigilan mo na yan."

Napailing siya, "maaring 'di mo nakikita ngayon kasi nabubulag ka sa


nararamdaman mo sa kanya. Pero makikita mo rin yun unti-unti West. Kaya ngayon pa
lang, mag move on ka na."

Tumayo ako at lumabas ako nang opisina.


Kailangan kong magpahangin.

No. Ayokong tignan sa ganoong paraan.

Kahit gaanong kasakit ang nararamdaman ko, kahit gaano ako nahihirapan
nang dahil sa kanya, ayokong humatong ang nararamdaman ko sa ganon.

Ayokong magalit sa kanya.

Mas okay nang sisihin ko ang sarili ko.

Pero hindi ko magawang i-alis sa isip ko ang mga sinabi ni Sasha.

To be continued..

=================

Chapter 52

Chapter 52

[Jillian's POV]

"Miss excuse me," tinapik ko sa braso yung isang babae na naglalakad at agad naman
siyang napatingin sa akin. Pinakita ko ang litrato na hawak ko sa kanya. "Nakita
niyo po ba ang babaeng ito? Petite po siya na mas maliit sa aking ng onti tapos
mahaba ang buhok at mestiza?"

"Naku sorry miss, hindi eh."

"Ah ganun po ba? Salamat po."


Napabuntong hininga ako at naupo sa mahabang silya sa tapat ng isang
sari-sari store. Kanina pa kami nagpapaikot-ikot ni Aling Melissa para hanapin si
Cassy. May 24 hours na rin siyang nawawala kaya naman na-i-report na namin ito sa
pulis at tinutulungan na rin nila kaming mag hanap.

Kinakabahan ako at hindi ako mapakali.

Pwedeng kagagawan ni Ayesha ang pagkawala ni Cassy---pero bakit? Dahil


sa kakayahan nitong makita ang hinaharap?

Kung si Ayesha nga ang may pakana nito, ibig sabihin lahat ng sinabi ni
Cassy ay totoo?

Napailing ako.

No. Hindi lahat ng bagay na nangyayari ay konektado kay Ayesha.

Maaring iba ang dahilan ng pagkawala ni Cassy. Pero ninenerbyos pa rin


ako sa hindi ko malamang kadahilanan. Masama ang kutob ko rito.

Napapikit ako.

Please, sana walang nangyaring masama sa kanya.

Nasaan na ba kasi si Cupid? Ang tagal na niyang hindi nagpapakita sa


akin. Kung nandito lang siya, for sure nahanap na agad namin si Cassy!

Cupid naman eh! Umuwi ka na!

Tumayo ako at nagsimula na ulit mag-hanap. Good thing at hindi na


umaatake ang hilo ko. Alam kong kalalabas ko lang sa ospital pero hindi ako
mapapakali hangga't hindi nakikita si Cassy.

Alam kong hindi ko kadugo sina Aling Melissa at Cassy. Hindi rin naman
kami ganoon kalapit sa isa't-isa.

Pero may time na dati, nung nagiisa ako at may sakit, silang dalawa ang
tumulong sa akin. Sa umaga, dadalhan ako ni Aling Melissa ng lugaw. Sa hapon naman,
si Cassy ang nag ch-check sa akin kung uminom na ba ako. Nung nagka dengue ako,
sila rin ang umalalay sa akin nun.

Mahirap mag-isa. Oo, natuto akong maging independent. Pero yung mga
small gestures na ginawa nila sa akin noon, sobrang thankful ako.
Naranasan ko kasi kahit papaano ang merong mag-aaruga sa akin.

"Miss! Miss!"

Napalingon ako nang may lalaking tumapik sa akin.

"Ikaw yung naghahanap sa babae 'no? Yung may dalang litrato?"

"Ah opo. Bakit po? May balita na ba?"

"Opo. Naku sumama na lang kayo sa amin. Papunta na rin ang nanay niya!"

Dali-dali akong sumama doon sa lalaki. Sinundan ko siya hanggang sa


makarating kami sa may likod ng palengke.

Maliit na eskenita.

Parang pabigat nang pabigat ang bawat hakbang ko.

Bakit dito niya ako dinadala?

Sa 'di kalayuan, may kumpol kumpol na mga tao. Parang may


pinagkakaguluhan. Samu't-saring bulungan.

Napahinto ako nang tuluyan nang marinig ko ang isang malakas na iyak.

Iyak ni Aling Melissa.

Napatakip ako ng bibig.

Hindi. Hindi. Hindi. Mali 'to. Mali ang iniisip ko. Hindi!

"Cassandra! Hindi! Cassandra! Anak naman! Bakit! Bakit ganito ha?!


Hindi!!"

Habang palapit nang palapit, unti-unti kong natatanaw si Aling Melissa


na nakaluhod sa harap ng isang....

Napapikit ako. Hindi ko na napigilan ang sunod sunod na pagbagsak ng


luha ko.
Si Cassandra.

Duguan. Maputla na ang labi.

Wala nang buhay.

Napaluhod ako. Alam kong may mga umalalay sa akin para tumayo pero
hindi ko na sila magawang pansinin. Alam kong kinakausap na ako ng mga tao sa
paligid ko pero hindi ko sila maintindihan. Tanging ang boses lang ni Aling Melissa
ang nangingibabaw sa pandinig ko.

"Sino gumawa sa'yo nito anak?! Bakit! Bakit ka pinatay?! Ikaw na lang
ang meron ako! Hindi ka pwedeng mawala sa akin! Anak naman gumising ka na please?
Nandito na si nanay. Hinding hindi na kita pagtataasan ng boses. Lahat ng sasabihin
mo, paniniwalaan ko na! Basta anak, gumising ka na!"

Unti-unti akong lumapit sa kinalulugaran nila. Ni-hindi lumingon sa


akin si Aling Melissa. Yapos-yapos lang niya ang anak niya.

Hinawakan ko ang kamay ni Cassy. Ang lamig lamig nito.

Bakit kailangang mangyari 'to?

Sino ang gumawa nito sa'yo? Sino?!

"Ma'am, kailangan na po natin ayusin ang bangkay ng anak niyo," sabi ng


isang pulis.

"Anong bangkay?! Buhay pa si Cassandra! Gigising pa siya!"

Hinawakan ng mga pulis si Aling Melissa para ilayo kay Cassy. Nag-tama
ang tingin naming dalawa.

"'Di ba Jillian? Buhay pa ang anak ko! 'Di ba?!"

Hindi ako makapag salita. Hindi ako makakilos.

Tanging luha na lang ang na-isagot ko sa kanya.

~*~
Pinagtitinginan ako ng mga taong nakakasalubong ko. Naririnig ko ang mga bulungan
nila pero hindi ko sila pinansin.

Kailangan kong maglakad. Kailangan kong mahanginan. Parang ang hirap


hirap huminga.

Kanina, nagsidatingan na ang ibang mga kamag-anak ni Aling Melissa para


tulungan siya. Nung hindi na kinakailangan ang tulong ko, umalis na ako.

Ayaw mawala sa isip ko yung itsura ni Cassy. Sabi nila, isang malalim
na sugat sa tyan ang tinamo niya. Parang sinaksak ng isang patalim. May sugat din
sa may pulso niya at paa na parang iginapos siya.

Hindi raw siya ginahasa. Pero kung bakit siya pinatay, anong dahilan?
Hindi rin siya na-hold-up dahil yung pera at phone niya, nasa bulsa pa rin ng
bestida na suot niya.

Nanlalambot ako.

Paano kung si Ayesha ang may gawa nito? Paano kung pinatay niya si
Cassandra dahil nakikita niya ang hinaharap at ayaw ni Ayesha na malaman ko 'to?

Paano.... paano kung ako ang dahilan kung bakit wala na ngayon si
Cassy?

Napahinto ako at napahawak sa may poste dahil parang umiikot ang


paligid ko.

God, kung ako ang dahilan, hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko.

Ano ba 'tong pinasok ko?

Ngayon, pinagsisisihan ko ang lahat.

Bakit kailangan kong maging desperada? Bakit ko pa ninakaw ang pana ni


Cupid? Bakit ako ang nalagay sa sitwasyon na 'to?

Kung hindi dahil sa akin...baka buhay pa ngayon si Cassandra.

Kung si Ayesha ang may gawa nito, ako ang may kasalanan.
Biglang nanlambot ang tuhod ko kaya napaluhod na lang ako.

Cupid, please, please naman. Hindi ko na kaya eh. Kailangan na kita.


Parang mamatay na ako. Nasaan ka ba? Please dumating ka na.

"Jillian..."

Napa-angat ako ng tingin nang marinig ko ang boses na yun.

May lumapit sa akin at hinawakan ako sa braso.

"Jillian!"

"Z-Zyron?"

"Anong nangyari sa'yo?! Ba't puro dugo ang damit mo? Nasaktan ka ba
Jillian? Tell me what happened!"

He cupped my face at tinignan niya ako ng puno nang pagaala, "please,


please Jillian mag salita ka! Are you hurt? Please! Dadalhin kita sa ospital!"

Bubuhatin na sana ako ni Zyron pero agad kong hinawakan ang braso niya
para pigilan siya.

"I-I'm fine... I just..."

"Jill?"

"Please take me home."

Inalalayan akong makatayo ni Zyron.

"Jillian, what happened?"

Napatingin ako ng diretso sa mata niya. Puno nang pagaalala.

Ang bigat bigat ng pakiramdam ko. Para akong mamatay. Ang hirap
huminga.

Hindi ko na kaya.
Napayakap na lang ako kay Zyron at humagulgol ng iyak.

~*~

[Cupid's POV]

"Nagustuhan mo ba ang bagong pana na ginawa ko para sa'yo?" tanong sa akin ni


Hephaestus.

Nginitian ko siya, "hindi man ito tulad ng pana ko noon, maari ko na


'tong magamit para kalabanin si Ayesha."

Napatango si Hephaestus at lumapit sa akin. Napatingin siya sa pana na


nakasabit sa likuran ko.

"Hmm, nakakaamoy ako ng dugo. Wag mo sabihing nagamit mo na agad ang


panang 'yan?"

Hindi ako nagsalita.

"Sinong nilalang ang minalas na mapana mo?"

"Isang walang kwenta na hadlang sa plano ko."

"At napatay mo siya?"

Tumango ako, "masyadong matalas ang panang ginawa mo para sa akin."

"Mabuti naman kung ganoon. Ngayon, kinakailangan na kitang singilin


para sa aking serbisyo."

Napatahimik ako.

Sabi na eh, agad agad maniningil ang isang 'to. Alam kong ayaw na ayaw
niyang nag-hihintay. At gustuhin ko man balikan si Jillian ngayon, alam kong hindi
ako paaalisin ni Hephaestus nang hindi nakakapag-bayad.
"Handa ka na ba Cupid?"

Napabuntong hininga ako.

"Sabihin mo sa akin ang plano para mabalikan ko na si Jillian at ang


asawa ko."

To be continued...

=================

Chapter 53

IMPORTANT: PLEASE DON'T FORGET TO READ THE AUTHOR'S NOTE SA DULO :)

Chapter 53

[Jillian's POV]

"Jillian, sorry sa nangyari sa kaibigan mo," sabi sa akin ni Zyron habang inaabot
sa akin ang isang baso ng tubig.

Nandito na kami ngayon sa apartment ko. Kumalma na rin ako sa pagiyak.


Ang tanging nasabi ko lang kay Zyron ay patay na ang kaibigan ko.

Kanina, hindi niya ako binitiwan habang umiiyak ako. Hindi siya umalis
o nagsalita. Pinakinggan lang niya ako at hinayaang umiyak.

Kahit papaano, na-appreciate ko ang presence niya ngayon. God knows


kung gaano ko ka-kailangan ng makakapitan ngayon. Gulong gulo ako sa mga
nangyayari. Parang any moment, bibigay na ako. Hindi pa nagpapakita sa akin si
Cupid.
Kung sino ang kailangan ko ngayon, siya pa ang wala.

"Thank you Zyron ah? At pasensya ka na talaga. Masyado lang talagang


mabigat sa akin ang nangyari."

Kinuha ni Zyron ang kamay ko then he squeezed it.

"Wag kang magpasalamat Jillian, okay lang yun. Naiintindihan kita."

Tinignan ko si Zyron. He's smiling at me. Hinigpitan ko rin ang kapit


ko sa kamay niya kaya naman napatingin siya sa kamay ko.

"Zyron...ba't kahit ilang beses kitang itaboy ayaw mong sumuko?"

He looked taken a back because of my question.

"Jill, I told you, I really like you at hinding hindi kita susukuan 'di
ba? Kahit itulak mo pa ako palayo o kahit ikaw ang lumayo, hindi kita lulubayan.
Kahit makulitan ka pa sa akin, I'll prove to you na deserve ko ring mabigyan ng
chance."

Napangiti ako, "eh paano kung magka-boyfriend na ako ng iba?"

"Kung magkakaboyfriend ka sisiguraduhin kong ako yun."

"Eh paano kung magkagusto ka na sa iba?"

Napailing siya, "that's impossible. Paano mangyayari yun kung ninakaw


mo ang puso ko? Tinago mo, pinadlock tas tinapon ang susi?"

Napatawa ako ng mahina.

"Magkakagusto ka sa iba Zyron..." dahil after ni West, ikaw naman ang


i-ma-matchmake ko.

Napakunot ang noo ni Zyron, "kailan ka pa naging manghuhula?"

I shrugged, "wala lang. Basta alam ko mangyayari yun."

Ipinatong ni Zyron ang kamay niya sa ulo ko at tinitigan ako sa mata,


"hindi mo pa alam ang pwedeng mangyari. Pustahan tayo, sa simbahan ang tuloy nating
dalawa balang araw."
"Magkano pusta mo?"

He grinned, "buong buhay ko ang ipupusta ko."

Napailing na lang ako sa kanya habang nakangiti.

Kahit ang kulit ng isang 'to, kahit papaano medyo nakakalimot ako.

~*~

Dalawang araw akong hindi pumasok sa trabaho. At nung bumalik ako sa opisina, yun
ay para kuhanin na ang mga gamit ko.

Hindi ko alam kung pinagsisisihan ko ang biglaan kong pag re-resign.


Paano kasi, bigla na lang akong mawawalan ng trabaho. Ngayon, nganga ako sa bahay.
Hindi pa naman ganoon kadali makakuha ng trabaho. Buti na lang at kahit papaano eh
may ipon ako.

Pero kailangan na dahil masyado nang nagiging magulo ang lahat ng mga
nangyayari. Tingin ko mas makakabuti kung aalis na ako sa kompanyang 'to.

Aaminin ko, maimiss ko ang mga katrabaho ko. Sina Luke at Elise---at oo
na—pati ang nakakabwisit na si Edgar.

At si West.

Nung pumunta ako sa office, tanging si Zyron lang ang present na boss.
Wala si West at Sasha. According kay Elise, may pinuntahan na out of town na
meeting yung dalawa.

Nanikip ang dibdib ko. Ewan ko ba. Kahit papaano gusto kong magpaalam
at magpasalamat kay West kasi siya ang nag hire sa akin. At oo na, lolokohin ko na
ang sarili ko kung 'di ko sasabihin na gusto ko rin siya makita.

Kaso nga wala siya. At kasama pa niya yung bruha na si Sasha.

Sana present siya sa company anniversary ball. Kahit papaano kailangan


ko rin maayos ang relationship namin kahit bilang magkaibigan. Kasi paano ko siya
imamatchmake kung ganito kami?

And speaking of matchmaking, langyang Cupid yan hindi pa rin umuuwi


hanggang ngayon.
Dahil nga wala na akong trabaho, madalas akong na-kina Aling Melissa
ngayon. Tumutulong ako sa lamay ni Cassy. Hindi naman ganoon karami ang mga
pumupunta. Iilang mga kamaganak lang at malalapit na kaibigan. Kaya lang nagaalala
ako ng husto kay Aling Melissa.

Hindi siya nagsasalita. Tulala lang siya. Kahit nung ilibing namin si
Cassy, walang reaksyon si Aling Melissa. Nakatingin lang siya sa kawalan. She
became an empty shell. Kahit ilang beses namin siyang kausapin, hindi siya
kumikibo.

Natatakot ako sa kalagayan niya.

Sa ngayon, inuwi muna siya sa probinsya ng kapatid niya. Sana, sana


maging okay na ulit siya.

~*~

"Ang lungkot ngayon sa office. Wala ka na, wala na si Eros, wala nang
makulit!" sabi ni Elise sa akin.

Nandito kami ngayon sa mall at naghahanap ng dress na ma-i-su-suot para


sa anniversary ball ng kompanya.

"Pero buti na lang te at invited ka pa sa ball! At least may kasama


akong mamili ng dress!" masigla niyang sabi.

"Nahihiya nga akong pumunta eh. Resign na ako tapos aattend pa ako?"

"Okay lang 'yan! Pupunta ka naman doon as date ni Sir Zyron!" sabi nya
sabay kindat.

Medyo siniko ko si Elise, "uy! Hindi 'no! Anong date? Pupunta ako doon
para sa inyo."

"Sus. Ay naku Jillian. Alam na ng buong opisina na nililigawan ka ni


Sir Zyron. Yung iba nga eh iniisip na kayo na kasi nag resign ka na. Sabi nga ni
Edgar ikakasal na kayo!"

Napapikit ako.

Lecheng unggoy yun! Talo pa babae sa pagpapakalat ng chismis! At chi-


chismis na nga lang eh mali-mali pa!

"Lakas pa ipagmalaki ni Edgar na ikakasal na kayo sa harap mismo ni Sir


West. Hay yung isa talaga na yun."
Napalingon ako bigla kay Elise.

"Sa harap ni Sir West? Ano sabi niya?"

"Wala. Ngingiti-ngiti lang. Lam mo naman yun 'di masyado nag re-react."

Nalungkot naman ako bigla.

Ano ba Jillian! Ano bang gusto mong gawin niya? Magwala? Sugurin ka? I-
confirm kung totoo yun?! Gusto mo siyang magselos?! GAGA. GISING. HINDI KAYO
PWEDENG DALAWA.

LECHE.

"Pero girl, ano na nga ba ang status ng relationship niyo ni sir?"

Napalingon ulit ako kay Elise.

"W-wala ah! Wala naman kaming relasyon! Anong status sinasabi mo diyan.
Boss ko siya, empleyado niya ako. Yun lang. Ano ka ba. Wag mong bigyan ng meaning
ang closeness namin dati ni Sir West! Wala lang yun!"

Tinaasan niya ako ng kilay. "West? Gaga, I'm talking about Sir Zyron!"

Napatikom ang bibig ko.

Shit na malagkit naman!

Puro ka kasi West, West West! Move-on move-on din kasi!!

"Ay akala ko si Sir West," I faked a laugh. "Ah wala kaibigan ko lang
din si Sir Zyron."

"Ewan ko sa'yo Jillian. Push mo 'yan. Nililigawan ka nga eh."

Hindi na ako kumontra.

Sa totoo lang napapagod na ako ng kakapaliwanag. Wala naman


makakaintindi sa akin bukod kay Cupid. Bahala na sila sa iisipin nila.
Imamatchmake ko si West. Then isusunod ko si Zyron. Tapos babawiin
namin ni Cupid ang pana niya kay Ayesha. Imamatchmake ako ni Cupid sa taong
nakalaan para sa akin. After that, back to normal na ang buhay ko.

Napabuntong hininga ako.

Sana ganoon lang kadali iyon.

~*~

"O 'di ba ang ganda? Bongga!" sabi nung baklang nasa parlor kung saan ako
nagpaayos.

Anniversary ball na mamaya. Sa totoo lang, wala naman sa plano ko ang


sumugod sa parlor at magpaayos. Kaso nga lang nasira ang pang plantsa ko sa buhok
at kanina ko lang napansin na pudpod na ang lipstick ko kaya naman sumuko na ako at
nagpaayos na lang.

Syempre ayoko naman mag mukhang basahan doon. Nandoon si Sasha na for
sure eh bongga ang itsura. Bwiset siyang sosyalera siya! Kung may trabaho nga lang
ako ngayon, tinodo-todo ko na ang pagpapaayos! Buti na lang mabait itong si Miki at
binigyan ako ng discount. Crush niya kasi 'ang pinsan kong' si Cupid.

"Ayan girl, dyosang dyosa na ang feslaks mo ah? Kabogera ka na! Dahil
dyan, reto mo ako kay Eros ah?"

"Oo na. Mag se-set ako ng date niyo pag nakabalik na siya."

"Yay! Dahil diyan bibigyan kita ng 50% off!"

Napangiti ako.

Sorry na Cupid, ibebenta muna kita panandalian for the sake na


makatipid ako para may pangkain tayo sa mga susunod na araw.

Agad na akong bumalik sa bahay para magbihis. Isang simpleng black


sleeveless na cocktail dress na may lace na red sa waist ang nabili ko. Sakto rin
kasing naka-sale ito kaya naman nakuha ko ng mura.

Napatingin ako sa salamin nang makabihis na ako. Napabuntong hininga


ako.

Sa mga nangyayari ngayon, may gana pa talaga akong pumunta sa ball?


Tama ba 'tong gagawin ko? Magpapakasaya ako ngayong gabi?
Ba't 'di ko feel magpakasaya?

Pero ano bang dapat kong gawin?

Sa araw-araw na wala si Cupid, parang mas pabigat nang pabigat ang


nararamdaman ko. Ngayon ko lang na-realized, nakadepende pala talaga ako kay Cupid
sa mga susunod na hakbang na gagawin ko.

Pag wala siya, parang naliligaw ako.

Napailing ako.

Siguro kahit ganito naman ang nangyayari, may karapatan pa rin akong
mag-saya 'di ba? May karapatan pa rin akong i-experience ang isang napaka normal na
gabi.

Kinuha ko yung pouch ko at lumabas na ako.

Nung kinakandado ko na ang apartment ko, nagulat ako nang may nakita
akong naka-park na puting kotse sa tapat.

Shit.

Dali-dali kong sinarado ang pinto at nilapitan ang kotse. Bumukas ito
at bumaba si Zyron na pormang porma na rin. Complete coat and tie. With shades pa.

"Zyron, what are you doing here?"

He smiled at me.

"Seriously Jillian, siguro dapat tigilan mo na ang kakatanong kung


bakit ako nandito. The answers to your questions are always obvious."

"Pero sabi ko sa'yo mag tataxi na ako papunta doon sa event."

"Nope. As if papayagan kitang mag taxi mag-isa. Sakay ka na."

"Pero---"

"Hindi ka na makaka-kontra. I'm already here."


May point siya.

At nakakainis kasi ang tigas ng ulo ng isang 'to.

Wala na akong ibang nagawa kundi ang sumakay na lang sa kotse niya.

Pinagbuksan ako ni Zyron ng pinto at nang makaupo na ako, siya naman


ang pumasok sa kabila.

Hindi agad niya pinaandar ang kotse nang makapasok siya. Instead, he
stared at me and then he smiled again.

"Bakit?"

Umiling siya, "wala. You just---you look so perfect today."

"Bola."

"I'm not. I'm telling the truth Jillian. Sa totoo lang, parang ayoko na
kitang dalhin sa event ngayon. Parang gusto na lang kitang solohin. Baka maagaw ka
pa sa akin doon eh."

Napailing ako habang nakangiti, "tigilan mo na 'yang mga cheesy lines


mo at mag maneho ka na."

He grinned, "yes ma'am! Let's go!"

He started the engine.

Marami nang tao nang makarating kami ni Zyron sa events place. Bukod sa
mga employees, marami ring special guests na nandoon. Pati ang mga big bosses
kumpleto---sabi ni Zyron.

Pero hindi ko makita si West.

At naiinis ako sa sarili ko dahil pag tapak na pagtapak ko pa lang sa


events' place na 'to, si West agad ang una kong hinanap.

Papasok pa lang kami ni Zyron, naharang na agad siya ng mga business


partners niya kaya naman nag excuse muna ako. Sabi ko hahanapin ko muna sina Elise.
Sakto naman, nakita ko sila sa isang table na malapit sa stage area. Agad akong
lumapit sa kanila.
"Uy Jill!" salubong ni Luke sa akin. "Ang ganda mo ah!"

Nginitian ko siya ng malawak at umikot ako sa harapan niya para ipakita


ang suot ko.

"Ang hot 'di ba?" proud na proud namang sabi ni Elise. "Tinulungan ko
siya sa pagpili ng isusuot!"

Napailing na lang si Luke, "patay si Sir Zyron nito. Maraming magiging


kaagaw."

Hinampas ko ng mahina si Luke sa braso, "pati ba naman ikaw inaasar ako


kay Zyron?"

"Hay naku Jillian! Alam na ng lahat na nililigawan ka niya. Hindi mo na


kailangan magkaila. Kaya ka nga nag resign 'di ba?"

Hindi ko siya sinagot at iniba ko na lang usapan.

Kasi nga paano ko ba ipapaliwanag sa kanila na kaya ako nag resign ay


dahil nahihirapan na akong makasama si West? Nasasaktan na ako para sa aming
dalawa. Na gustuhin ko mang maging kami, epal lang si tadhana. Na susugal na sana
ulit ako, bahala na kung ano mangyayari sa susunod, kaya lang bigla namang hindi na
ako pinapansin ni West.

May ikinukwento sa akin sina Elise at Luke about sa bagong magazine na


ilalabas ng company. Dumating din yung iba pa naming ka-work at kinamusta ako.
Lahat si Zyron ang bukambibig.

"Baka sa susunod na pagtapak ni Jillian sa opisina eh boss na rin natin


siya!" sabi naman ni Edgar. "Mag practice na kayo sa pagtawag sa kanya ng Ma'am
Jillian!"

Bwiset na 'to. Sapatusin ko 'to eh!

"Hi guys!"

Pare-pareho kaming napalingon sa nagsalita.

"Sir West! You're here!" sabi ni Luke.

West is smiling brightly at us.

He's smiling brightly. Ang gwapo niya tignan ngayon sa coat and tie na
suot niya.

He's smiling brightly! Gosh!

Bakit parang ang saya na niya? Okay na siya ngayon?

Buti naman okay na siya. Buti naman ayos na siya.

May binanggit si Edgar na nagpatawa kay Sir West.

Buti nakakatawa na siya.

Naka move on na ba siya?

Buti pa siya.

Buti pa siya ayos na.

"Good thing nakarating ka."

He's looking at me. He's smiling at me.

Fuck that bright smile.

Lumunok ako and I try my best to smile.

"O-oo nga po. Thanks for inviting me."

"Oh don't thank me. Yung kapatid ko ang nag invite sa'yo 'di ba? Alam
mo na..." he winked.

Ngumiti lang ako.

Gusto kong mag wala.

Bwiset! Leche! Nung araw na nag resign ako, ikaw ang nag invite sa
akin! Nung araw na yun 'din, nanghihingi ka sa akin ng second chance!!!

Bwiset na yan! Nakakainis! Ano! Ano na?!


Ano na naman ang nangyari at ganyan ka?

At bwiset talaga! Dapat hindi ako nabubwiset eh! Dapat okay sa akin
'tong nangyayari. Mas pabor. Mas madali para hindi na kami magkasakitan.

Pero tinola, adobo, nilaga, hayop talaga!

ANG SAKIT AH!

"West."

Nakita ko si Sasha na papalapit kay West at pinulupot niya ang kamay


niya sa braso nito.

"I want you to meet someone," nakangiti niyang sabi rito.

Tumingin si West sa amin at nginitian din kami. "Enjoy the party guys.
Babalik ako mamaya."

At sumama na siya kay Sasha.

"Ganda rin ni Ms. Sasha 'no? Bagay sila ni Sir West," sabi ni Ate Tina,
isa sa mga layout artist namin.

"Sus. Yang si sir West halata namang pinopormahan si Ms. Sasha!" sabi
naman ni Edgar.

"Kung sabagay. Hindi malabong maging sila. Bagay naman sila eh," pag
sangayon naman ni Elise.

Tinignan ko silang dalawa habang naglalakad palayo.

Bagay nga sila. At oo nga, baka nga maging sila.

Pero pwede ring hindi kung hindi naman si Sasha ang para kay West.

At sana talaga hindi siya ang para kay West. She doesn't deserve him.

Nagsimula na ang kainan. Masarap ang mga pagkain sa buffet table pero
parang hindi ko maenjoy.

Halos onti lang ang nakain ko.


Ewan ko ba ba't ang bigat ng pakiramdam ko.

Lumabas ako saglit sa event's hall. May mini garden kasi dito kung saan
pwedeng magpahangin. Naupo ako doon sa bench na malapit sa fountain at ipinikit ko
ang mga mata ko habang pinapakiramdaman ang malamig na hangin na tumatama sa mukha
ko.

Kapag natapos na ang lahat nang 'to, ano kaya ang magiging takbo ng
buhay ko?

Ipinangako ni Cupid na magiging masaya ako. Naniniwala akong tutuparin


niya yun.

Para kahit papaano naman, masabi kong worth it lahat ng pinagdaraanan


ko ngayon.

Napahawak ako sa compass na nasa leeg ko.

Compass ka 'di ba? Pwede mo bang ituro sa akin ang daan habang wala pa
si Cupid? Kasi seryoso, hindi ko na alam ang susunod na gagawin ko.

"West."

Napadilat ako nang marinig kong may nagsabi ng pangalan na yun.

"I really like you. Hindi ba pwedeng sa akin ka na lang tumingin?"

Napatayo ako at nakita ko sa 'di kalayuan si West at Sasha.

Ang lapit nila sa isa't-isa. Nakita kong inilagay ni Sasha ang isang
kamay niya sa batok ni West at naglapit ang mga mukha nila.

I blinked.

I blinked again.

They're kissing---in front of me.

Napalunok ako. I felt a lump on my throat. Parang may nakadagan din sa


dibdib ko dahil ang sakit sakit.
Oh god, ano 'tong pakiramdam na 'to?

Bakit kailangan niyo ipakita sa akin kung paano gumuho ang mundo ko?

Hindi ko na namalayan ang pagbagsak ng luha sa mata ko.

Tuloy tuloy. Ayaw mag-paawat.

Naghiwalay silang dalawa. Napa-angat ang ulo ni West.

Nag tama ang tingin naming dalawa.

Agad akong napatalikod at pinunasan ko ang luha sa mata ko.

Shit. Shit. Shit.

Dali dali akong umalis. Naglakad ako nang mabilis palabas.

Shit. Sana may dumaan na taxi, jeep, kahit ano.

Leche naman! Ba't ba nasa loob ng isang village ang event's place na
'to?!

Ang dilim ng kalsada. Walang dumadaang kotse.

Nakakainis!!

Hinawakan ko ng mahigpit ang compass.

Sige na please, lend me your power. Please. Gusto kong mag teleport.
Gusto ko nang umuwi. Please naman. I-uwi mo na ako.

May humawak sa braso ko at hinila ako.

"Jillian."

Napaiwas ako ng tingin.

Bakit kailangan mo akong sundan West?!


"Uhmm.. s-sumama pakiramdam ko. I-I think uuwi muna ako..."

"Ba't ka umiiyak?" he asked me coldly.

"Hindi ako umiiyak."

"Liar."

Hindi ako umimik.

"Dahil ba sa nakita mo ha?"

"Wala akong paki kung naghahalikan kayo ni Sasha," madiin kong sabi.

"I'm not kissing her."

Inangat ko ang tingin ko sa kanya.

"Eh anong tawag doon sa nakita ko? Ano yun? Hindi ba halikan yun?"

"Ba't ka nagagalit ha?"

"Hindi ako nagagalit!"

"Eh anong tawag dyan?"

"Naiirita kasi tinatanggi mo pa eh kita ko na!"

"At dahil sa nakita mo kaya ka umiyak?"

"West---! Ano ba! Ano bang gusto mong palabasin ha?!"

Mas humigpit ang hawak niya sa braso ko at hinila niya ako palapit sa
kanya.

"Sasha is kissing me but I'm not kissing her back."

"Wala akong paki. Wala kang dapat i-explain! Paki ko kung gumanti ka ng
halik sa kanya o hindi?! Ano ngay---!"
Hindi ko na nagawa pang ituloy ang sasabihin ko because he started
kissing me.

Hawak niya ang magkabilang side ng ulo ko.

Dapat nagpupumiglas ako ngayon. I should push him away.

Pero bwisit naman! Why am I letting him kiss me?! Why?!

Humiwalay siya at tinitigan niya ako sa mata.

"Kiss me back," he whispered.

Then he started kissing me again.

At ang nakakainis?

Sinunod ko siya. I kissed him back.

Kahit alam kong mali.

But damn it! I love him and I badly want him!

Bakit ang hirap hirap pigilan nang nararamdaman ko para sa lalaking


'to?! Bakit?!

I love him and it hurts so much.

Naramdaman ko ang mga braso niya sa likod ko. He's pulling me closer.
Our bodies crashed into each other. Hindi ko napapansin na hinihila ko na rin siya
papalapit sa akin.

God, I want him. Please. Ba't hindi na lang siya. Ba't hindi pwede?

I kissed him. I kissed him with too much love, and passion and longing.

At hindi ko napansin, tuloy tuloy na rin ang pagbagsak ng luha sa mata


ko.

Dahil alam kong hindi pwede itong ginagawa ko.


Pero ginawa ko pa rin.

To be continued..

IMPORTANT!!!! PLEASE READ!!

Para po ito sa ikalilinaw nang lahat.

Ang daming nag comment sa last chapter about kay Hephaestus. Ang daming nanghuhula
sino ba si Hephaestus. Sa last na pagkakatanda ko, na-introduce ko na siya BEFORE
sa isang chapter dito.

Hephaestus is APHRODITE'S HUSBAND. He's a blacksmith kaya siya ang gumawa  (ulit)
ng pana ni Cupid doon sa last chapter.

Sa mga nagsasabing TATAY NI JILLIAN si Hephaestus..

- Hindi po. Parang ilang chapters na ata nabanggit na ang tatay ni Jillian ay isang
mortal at POLITICIAN? XD

Sa mga nagsasabing NANAY NI JILLIAN si Hephaestus

- Mas lalong hindi. Sa huling pagkaka check ko, straight na lalaki naman si
Hephaestus. So wititit.

About Cassandra:

May isang chapter na pinaliwanag na rin ni Cupid sino ba si Cassandra? Pero sa mga
hindi nakakaalala, sige i-explain ko na rin.

MORTAL po si Cassandra. Hindi siya goddess. Tao lang din siya na isinumpa ni Apollo
na makakakita ng "future" pero hindi paniniwalaan nang kahit na sinong mortal.

Kaya naniniwala sa kanya si Jillian ay dahil may dugong goddess siya at kasama na
yun sa instinct niya.

"HA?! MAY DUGONG GODDESS SI JILLIAN?!"

- Sa magtatanong nito, mag backread ka na lang ng ilang chapters. Nyahahahaa


=================

Chapter 54

Chapter 54

[Jillian's POV]

"West, stop.."

Medyo humiwalay ako sa kanya. He's still holding me close. Ramdam ko pa


rin ang hininga niya sa mukha ko.

"Stop? Really?" he whispered and then, he claimed my lips again.

Nakasandal na ako sa poste na nasa tabi namin. Hindi ko alam kung paano
ako napasandal dito. Hindi ko na maintindihan ang mga nangyayari.

Ang tanging nasa isip ko na lang ay, gosh, West is kissing me and I am
kissing him back.

"Jillian.." bulong ni West. Malapit na malapit na ang labi niya sa


tenga ko. Ramdam ko ang pag hinga niya sa leeg ko.

Gosh ano ba! Akala ko alak lang ang nakakalasing pero bakit pakiramdam
ko na-ha-high ako kay West ngayon? Ano ba!

"W-West, we shouldn't be doing this."

"Really?"

"O-oo!"
"Bakit ayaw mong alisin ang dalawang kamay mo sa batok ko?"

Oh damn it!

Hindi ko napansin na I'm still pulling him closer to me. Shit naman.

"Should I stop, Jillian?" he breathed then he planted a kiss on my


lips.

Damn! Damn!!! West naman eh!

He grinned, "ba't hindi ka nagsasalita?"

Hayop! Paano ako magsasalita kung bago pa ako makasagot sa kanya


hinahalikan na niya agad ako?!

At anong meron sa mga kamay ko? Mukhang na-glue na ata sa batok ni


West. Hindi ko magawang tanggalin!

Ano ba! I should push him away. Dapat itigil 'to. Mali 'to! Mali! Mali!

Oh what the hell. He's kissing me again. And I'm kissing him back
again!

Ano ba! Nakakainis naman eh? Ba't ba ang weak ko. Ano ba!

"W-west.."

Humiwalay siya at tinignan niya ako ng diretso sa mata.

"W-West... I-I want to..."

I want to stop. Please. Let's stop this. Mahihirapan lang tayo lalo.

"What do you want Jillian?" he asked softly.

Napapikit ako.

"I want to go home."

Mas lumayo sa akin si West then he smiled at me.


Yung genuine smile niya na kayang-kayang tunawin ang puso ko.

Ipinatong niya ang kamay niya sa ibabaw ng ulo ko.

"Then I'll bring you home."

Napalunok ako.

Hindi kaya iba ang iniisip ng isang 'to?!

"Let's go Jillian."

Tell him uuwi ka mag isa. Tell him na maiiwan siya dito at ikaw, aalis
ka na. Na hindi ka niya pwedeng ihatid kasi---holy crap! Mag-isa lang ako sa bahay.
At baka halikan ulit niya ako. At baka kung saan pa ito mauwi.

"Jillian?"

Napalunok ako.

At sumunod ako kay West papuntang parking lot.

Holy shit.

Bakit ba napakahirap gawin ang tama?!

~*~

Nandito kami ni West pareho sa tapat ng apartment ko. Nasa loob pa rin
kami ng kotse. Walang nagsasalita. Mula kanina nung umalis kami, walang umiimik.

Ang lakas ng tibok ng puso ko. Halos hindi ako makahinga sa sobrang
kaba. Hindi ko na alam ang next move ko.

Ano? Ano nang gagawin ko? I kissed him awhile ago. Kung sasabihin kong
hindi ko siya mahal, paano pa niya ako paniniwalaan kung maliwanag pa sa sikat ng
araw ang nararamdaman ko sa kanya.
Ano ba. Paninindigan ko na 'to? Hahayaan ko nang maging kami?

Then what? Habang in a relationship kami, ima-matchmake ko siya sa iba,


ganun ba?

Nakaka-lecheng senario yun pag nagkataon.

Or...

Or bahala na si Cupid? Bahala nang magulo ang timeline niya? Basta


paninindigan ko na 'to at wala na akong paki kung ako lang at si West ang magiging
masaya. Kung lahat ng tao sa mundo eh hindi na mahahanap ang soulmates nila dahil
ginulo ko na ang timeline.

Ganun ba ang gusto kong mangyari?

"Jillian."

Naramdaman kong hinawakan ni West ang kamay ko. I badly want to pull
away pero hindi ko magawa.

Bakit ba mahal na mahal ko ang isang taong hindi naman para sa akin?

"Jillian, I---"

Hindi naituloy ni West ang sasabihin niya dahil biglang tumunog ang
phone niya.

Nasa dashboard ang phone ni West kaya naman nakita ko kung sino ang
tumatawag.

It's Zyron.

Pareho kaming natigilan. Pareho kaming napatitig doon sa phone.

Hindi sinagot ni West ang tawag pero unti-unti siyang napabitiw sa


kamay ko.

Sumandal si West at ipinatong ang kamay niya sa ibabaw ng mata niya.

I know that for a moment, nakalimutan niya ang kapatid niya. At alam
kong ngayon na naalala na niya si Zyron, guilt is eating him up.
Hindi ako umimik. Hinihintay kong siya ang unang mag salita. Kasi sa
totoo lang, hindi ko na alam ang dapat kong gawin.

"Jillian."

Napalunok ako.

"Please look at me."

Paano ko gagawin yun West kung natatakot ako? Baka 'pag lumingon ako
sa'yo, hindi na ako makaatras. Alam kong 'pag tinignan ko ulit ang mga mata mo,
mawawala na naman ako sa sarili.

Lalo na pag hinalikan mo ulit ako. Baka mamaya niyan makaimutan ko na


ang lahat.

"Jillian please.."

Hinawakan niya ulit ang kamay ko. This time, ang higpit na ng hawak
niya.

Nagulat ako ng ipatong ni West ang isa pa niyang kamay sa pisngi ko at


iniharap niya ako sa kanya.

"Jillian, I still love you. Hindi na ata kita mapapalitan sa puso ko."

West please...

"Kanina, you kissed me back. Kanina, niyakap mo ako. Mahal mo ba ako?


Ayoko nang mag assume. Gusto ko nang marinig mismo sa'yo 'to."

"West..." iniwas ko ang tingin ko. "I-I can't answer you."

"At bakit hindi?! Naguguluhan ka ba ngayon? Do you love Zyron? Kung


mahal mo ang kapatid ko, irerespeto ko yun. Pero kung hindi, I swear Jillian, hindi
ako titigill o susuko because I love you so much."

Tinignan ko ulit si West then I touched his cheek.

Napalunok ako dahil ramdam ko na naman ang luha sa mata ko.

"Bakit mo ba ako minahal ng ganito?" I whispered.


He gave me a sad smile. "Hindi ko alam. Yun na ata ang destiny ko. Ang
mahalin ka nang husto."

"West I---"

"Hey!"

Bigla kaming naghiwalay ni West nang may kumatok doon sa bintana niya.

HOLY CRAP.

"Hey! West? Jill?"

Oh my gosh!

"Si Eros."

Tumango ako.

"Uh, West uhmm I need to go."

"Jillian," he smiled at me. "Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Pero


okay lang. I-a-assume ko na lang na binibigyan mo na ako ng second chance."

"West---!"

"Kahit na itulak mo ako palayo, hindi kita susukuan. I love you."

At bago pa ako makapag react, hinalikan niya ako sa pisngi.

~*~

"Aray! Aray ko! Masakit Jillian ah! Nakakarami ka na sa akin ng sapak!"

"Eh bwiset ka! Bwiset bwiset!!" pinagsusuntok ko ang braso ni Cupid


habang patuloy ako sa pag ngawa ng iyak. "Nakakainis ka! Ba't ang tagal mong nawala
ah? Hayop ka talaga!!! Nakakainis ka!"

"Ow! Ang sakit! Ganyan ka pala magpadama ng pagkamiss sa isang tao.


Nananapak."
"Sinong nagsabi sa'yong namiss kitang hayop ka na patay gutom ha?"

"Namiss mo 'ko eh! Umiiyak ka eh!"

"Leche ka! Umiiyak ako kasi sobrang frustrated ako sa'yo! Hayop!"

He chuckled.

Bwiset!

"Cupid...si Cassandra, wala na siya."

Biglang nawala ang ngiti sa labi ni Cupid at napalingon siya sa akin.

"A-anong nangyari?"

"Nakita siyang patay sa may palengke."

"Na-report na sa pulis?"

Tumango ako, "oo. Pero tingin ko si Ayesha ang may gawa nito."

"Si Ayesha? Bakit naman? Jillian, bakit naman sasaktan ni Ayesha ang
isang mortal na kagaya ni Cassy?"

"Cupid, nakakakita si Cassy ng hinaharap. Binabalaan niya ako.


Naramdaman kong kagagawan ito ni Ayesha para mapatahimik si Cassy!"

Umiling si Cupid. "It's impossible Jillian. Nag masid ako kay Cassy,
she's a fraud."

"Ha? No. Hindi magsisinungaling si Cassy sa akin!"

"Jillian I swear. Lahat ng sinabi ni Cassy sa'yo ay hindi totoo. Baka


may problema siya sa pagiisip. Kaya wag mo nang isipin na si Ayesha ang dahilan.
Wag mo na rin isipin na ikaw ang may kasalanan. Mag dasal na lang tayo na mabigyang
hustisya ang pagkamatay niya."

Hindi ako umimik. Gusto kong paniwalaan ang sinabi ni Cupid para hindi
na rin ako ma-guilty. Pero bakit ganoon? Bakit iba pa rin ang pakiramdam ko rito?
"What are you doing inside West's car?" tanong ni Cupid sa akin.

Napalingon ako sa kanya.

"Cupid, I love him."

Napabuntong hininga si Cupid, "Jillian, hindi siya ang para sa'yo."

Umiling ako, "I know. Ilang beses mo nang pinaulit-ulit yan sa akin. P-
pero pwede bang mag request?"

Hindi umimik si Cupid. Alam kong may idea na siya sa irerequest ko.
Alam ko ring katangahan na itong gagawin ko. Pero hindi ko na talaga kaya.

Lumuhod ako sa harap ni Cupid.

"Jillian?! What are you doing?!"

"Cupid please? Pwede mo ba kaming bigyan ng time? Kahit saglit lang.


Kahit ilang araw lang. Gusto ko lang maging masaya kasama si West. Please Cupid."

"Jillian!" lumuhod din si Cupid at hinawakan ang magkabila kong braso


para alalayan ako patayo.

"Jillian.."

"I love him so much," my voice broke. Tuloy tuloy na naman ang
pagbagsak ng luha sa mata ko. "I love him, Cupid. Nahihirapan na ako. Please?"

Hinila ako papalapit ni Cupid at niyakap ng mahigpit.

"I'm sorry Jillian. I'm so sorry."

"Wag ka nang magsorry. Pagbigyan mo na lang ako."

"Jillian, magugulo ang lahat."

"Wala akong paki! Wala na akong paki kung magulo ang lahat o mas
masaktan ako sa huli. I just want to be with him now. I love him and damn it! It
hurts!"
Humiwalay si Cupid sa pagkakayakap sa akin at tinignan ako ng seryosong
seryoso.

"Jillian, wala pa akong plano sabihin sa'yo dapat ito pero kung ito
lang ang magiging dahilan para mas maging malinaw sa'yo ang lahat, then I think I
need to tell you this."

"A-ano yun?"

"Si Zyron ang nakatadhana para sa'yo."

Napalayo ako kay Cupid. Parang nabibingi ako sa naririnig ko.

"And remember your best friend nung nasa ampunan ka pa? Si Ana Morillo?
Siya ang nakatadhana para kay West, Jillian. At bukas, kailangan natin siyang
puntahan dahil kailangan na siyang makilala ni West bago pa mahuli ang lahat."

Napaupo na lang ako sa sahig. Ayaw mag sink in ang lahat ng sinasabi sa
akin ni Cupid.

Hinawakan ako ni Cupid sa magkabilang balikat.

"Kung ipipilit mo ang gusto mo, paano na lang si Zyron at Ana? Kung
ipipilit mo 'yan, malalagay lalo sa kapahamakan ang lalaking nakatadhana talaga
para sa'yo dahil alam mo naman na gusto siya ni Ayesha. Jillian, alam kong gustong
gusto mo nang maging masaya. Alam kong sa ngayon, gusto mo nang magpaka selfish.
Pero please, magtiwala ka sa akin. Alam kong hindi biro ito. Pero pinapangako ko
sa'yo, you'll be happy. Pangako yan. Pero sa ngayon, may misyon ka."

Hindi ako makasagot. Ni-pagtango hindi ko magawa.

Ang bigat sa dibdib. Ang sakit.

Tanging luha na lang ang naisagot ko kay Cupid.

~*~

[West's POV]

"West, saan ka galing? Where's Jillian? Kasama mo ba siya?" salubong sa akin ni


Zyron nang makauwi ako. "Pareho ko kayong hindi ma-contact eh."

Nilingon ko siya. Bakas sa mga mata niya ang pagaalala.


I know how much he loves Jillian. At ayokong masaktan ang kuya ko.

Pero hindi ko na kayang pigilan 'to. I love her so much. Akala ko nung
una kaya kong magparaya.

Pero hindi ko pala magagawa yung kung hindi rin ako lalaban para
mahalin niya ako.

I'm sorry Zyron.

"West?"

"We need to talk."

Mas lalong sumeryoso ang mukha ni Zyron.

"You're with her awhile ago."

Tumango ako.

"I kissed her."

Hindi umimik si Zyron pero kita ko ang galit sa mga mata niya. Ramdam
ko na gusto niya akong sapakin ngayon.

"I still love her, kuya. I'm sorry. Hindi ko siya kayang bitiwan. Mahal
ko siya."

Napapikit si Zyron. I saw he balled his hand. Nakailang buntong hininga


siya bago niya iminulat ulit ang mata niya at tinignan ako.

"Wala na ba akong magagawa?"

Hindi ako sumagot.

"Okay then," sabi niya. This time, mas mahinahon na ang boses niya.
"May the best man win."

"Kuya..."

He smiled at me at hindi ko mapigilan na mapangiti rin.


"Babala lang kapatid, hindi agad ako susuko kay Jillian," sabi niya.

"Same here. Hindi ko rin siya susukuan."

"Edi goodluck na lang sa ating dalawa."

To be continued....

=================

Chapter 55

Chapter 55

[West's POV]

"So, we fell in love with the same girl huh?" sabi ni kuya Zyron sabay inom ng
beer.

I shrugged, "oo nga eh."

Bumuntong hininga ang kuya ko. "Alam mo ba nung inampon ako ng parents
mo-"

"-natin," pagtatama ko sa kanya.

"Okay---ng parents natin eh ang saya ko kasi ikaw ang naging kapatid
ko. Magkasundo tayo sa lahat ng bagay. Marami tayong pagkakapareho. At halos iisa
ang mga gusto natin. But who would have thought na pati babaeng mamahalin natin eh
pareho rin?"

Hindi ako sumagot instead nilagok ko yung alak na hawak ko.


Hindi ko alam kung matatawa, maiinis o mawi-wirduhan ako sa sitwasyon
naming dalawa. Magkapatid kami eh. Pero eto kami ngayon, magkaribal dahil sa isang
babae. At kahit magkaribal kami, nagawa pa naming mag inumang dalawa.

"Minsan iniisip ko sana hindi mo na lang nakilala si Jillian," sabi ko


sa kanya.

He grinned, "sorry bro pero mas nauna ko siyang nakilala kesa sa'yo."

I sighed, "so, magkakilala na nga talaga kayo doon sa bahay ampunan?"

Tumango siya.

Naghinala na ako dati na kilala ni Zyron si Jillian nang malaman kong


sa iisang bahay ampunan tumira ang dalawa.

Pero hindi ko akalain na gusto rin siya ng kapatid ko.

"West, alam kong mas lamang ka sa akin ngayon but I want you to know na
hindi ko agad susukuan si Jillian."

Napatawa ako ng mahina. "Anong mas lamang? Pakiramdam ko nga ikaw pa


ang mas lamang eh. Ilang beses na kaya niya ako binasted. Pero katulad mo, 'di ko
rin siya susukuan. It's either her o mananatili na akong single habang buhay."

He grinned. "It's either her o ikamamatay ko kapag hindi ako ang pinili
niya."

Napailing ako. "Matindi na ang tama natin."

"Sobra. Grabe kasi ang babaeng yan. Pag tinamaan ka sa kanya, sobra
sobra."

"Pero paano kung may iba siyang magustuhan?"

"Edi iyak tayong dalawa."

Napatawa ulit ako ng mahina.

"Para tayong gago 'no? Magkaribal tayo pero nagagawa pa rin nating
makipagbiruan sa isa't-isa."
"Hindi lang kasi tayo magkaribal West. Magkapatid din tayo. Pero 'di
porket mas bunso ka eh pagbibigyan na kita ah?"

I smile, "hindi porket panganay ka magpapa bully na ako sa'yo."

"Edi ayos. Sabi ko nga kanina, may the best man win."

Napatango ako.

Ang gaan sa pakiramdam. I know Jillian kissed me back a while ago pero
ayokong pakampante sa gesture niya na yun.

Kuya Zyron is a great guy at tanga na lang kung sinong hindi magkagusto
sa kanya. At alam ko malaki ang chance na mahulog si Jillian sa kanya.

But I don't want that to happen. I love her and I want her to fall for
me. At hindi ako papayag na matalo nang walang ginagawa.

Kaya kung sakali man na ang ending nito eh magiging si Jillian at Kuya
Zyron, mas madali kong matatanggap.

Kasi alam kong ginawa ko na ang lahat.

~*~

[Jillian's POV]

At first I was numb and speechless. Hindi ko alam ang i-re-react ko. Ni-hindi ko
magawang umiyak. Ayaw mag sink-in sa utak ko ang mga nangyayari.

Hawak ko ang book of soulmates. Ang linaw linaw nang nakalagay.

Nakaduktong ang kapalaran ko kay Zyron. Nakaduktong kay Ana si West.

Si Ana.

Pumikit ako at pilit kong inalala ang matalik kong kaibigan sa bahay
ampunan. Eleven years old kami nung maghiwalay kaming dalawa dahil naampon siya.
Naalala ko na palatawa siya, makulit, ang hilig mag biro. Favorite niya na laro
noon eh yung kunyari nasa ospital kami at siya yung doktor na gumagamot sa mga
pasyente.
Ngayon kaya naging isang ganap na doktor na siya? Ganun pa rin kaya
siya? Palatawa, masiyahin, makulit, laging masaya?

Kaya kaya niyang pasayahin si West? Mapapatawa niya ba 'to?


Makakapagbigay ba siya ng oras kay West pag may problema siya? Maalagaan niya ng
husto?

Napahawak ako sa dibdib ko.

Nakakainis naman. Hindi ko pa nakikita ulit si Ana. Hindi ko pa alam


kung gaano kalaki ang pinagbago niya. Pero bakit ganun? Bakit parang hinihiling ko
na sana "hindi" lahat ng sagot sa mga tanong ko?

Para magalit ako sa kanya? Para magkaroon ako ng dahilan para wag na
siyang i-matchmake kay West?

Ang selfish mo talaga Jillian.

Isinarado ko ang book of soulmates at ibinato ito sa pader. Bwiset


naman oh!

Oo aaminin kong nagkaroon ako ng doubt kay Cupid. Oo pinilit ko siyang


ipakita sa akin ang book of soulmates. At ano ang napala ko?

Pakshet.

Minsan hinihiling ko na lang na sana nantitrip lang 'tong si Cupid eh.


Na joke lang lahat. Na kay West talaga nakaduktong ang kapalaran ko.

Pero nakakayamot. Ayan. Pinakitaan na ako ng pruweba. Bwiset.

Ang tagal kong hiniling na sana ipakilala na sa akin ni Cupid ang para
sa akin. Nung nalaman ko, bakit ang bigat sa dibdib?

Hindi ba dapat maging masaya ako? Zyron is a great guy.Kahit ang yabang
ng dating niya sa akin dati, napatunayan naman nya na he's a complete gentleman and
he really cares for me.

Pero bakit hindi ko ma-imagine ang sarili ko na kasama siya?

"Impatient."

Napa-angat ang ulo ko at nakita ko si Cupid sa gilid ng kwarto ko na


pinupulot ang book of soulmates na binato ko.
"You are so impatient, Jillian."

"Leave me alone."

"Ayoko. Baka susunod mo namang ibato eh ang compass mo."

Naupo siya sa gilid ng kama ko.

"Lagi ka na lang broken hearted," sabi niya.

"Eh bwiset ka pala eh. Kasalanan mo 'to!"

"Ikaw kaya ang may kasalanan. Kung 'di mo ninakaw ang pana ko edi hindi
mangyayari 'to."

I wiped my tears aggressively at tinignan ko siya ng masama.

"Ang galing galing mo talaga mang comfort 'no?!"

Ngumisi siya. "Talent ko eh. Ano, bibilhan na ba kita ng alak?"

Umiling ako, "para ano pa? Para maglasing tapos susugod na naman ako
kay West at mag i-strip dance?!"

He chuckled. Binato ko nga ng unan.

"Aray ah!"

"Wag kang umaray! Mas nasasaktan ako ngayon! Hayop!"

"Nasasaktan din naman ako. Hindi ko pa rin kasama ang asawa ko."

Nakakainis ang isang 'to!!

"Alam mo Cupid, minsan iniisp ko bakit ang laki laki laki ng tiwala ko
sa'yo samantalang ang dami dami mong inililihim sa akin? Bakit kaya ginagawa ko pa
lahat ng sabihin mo kahit nasasaktan na ako?"

"Kasi masokista ka? O uto-uto? O ginayuma kita? Who knows."


Hinampas ko ulit siya pero napabuntong hininga ako.

"Siguro nga ganun ang ginawa mo. Ginamitan mo ako ng kung anong
salamangka. Kahit kasi anong isip ang gawin ko hindi ko maiwasan na mag tiwala
sa'yo eh."

Hinila ako ni Cupid papalapit sa kanya at inakbayan.

"Alam kong paulit ulit na ako Jillian, pero itaga mo man sa bato,
tutuparin ko ang pangako ko na magiging masaya ka."

Napahikbi ako.

Bahala na. Umpisa pa lang si Cupid na ang pinili kong pagkatiwalaan.


Kailangan ko na lang maniwala na totoo ang mga sinasabi niya.

At sana hindi ako nagkamali.

~*~

"Hindi ba pwedeng pag-isipan ko muna 'to?" tanong ko kay Cupid habang hawak-hawak
niya ang braso ko.

"Hindi."

"Cupid naman eh! Maga ang mata ko kagabi kakaiyak because of West tapos
ngayon gusto mo nang puntahan natin si Ana? Ayoko!" hinatak ko ang braso ko sa
pagkakahawak niya.

"Jillian please, we need to go. We are running out of time. Ni hindi pa


magkakilala si Ana at West."

"Do we really have to go now?"

"Yes."

"Hindi ko pa kaya."

Hinawakan ako ulit ni Cupid. "Then sorry, I have to do this."

"Cupid---!!!"
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil napalibutan na kaming
dalawa ng liwanag. Pilit akong kumalag sa pagkakahawak niya pero ang higpit.

Shit naman!

Dadalhin niya ako kay Ana! Hindi ba niya maintindihan na hindi pa ako
handa?! Ba't hindi niya ako mabigyan ng oras?! Wala ba siyang pakielam sa
nararamdaman ko?!

And why the hell am I still trusting this guy?!

Napapikit na lang ako. Naramdaman ko ang paglutang namin ni Cupid. At


nang muling maramdaman ko ang sahig, nakita kong nasa parking lot kami ng isang
building.

Hinampas ko si Cupid.

"Nakakainis ka! Ba't ba ayaw mo akong pakinggan ha?! Nakakainis ka!"

"I'm sorry Jillian, kailangan talaga nating umalis ngayon or else we


will miss our chance!"

"Excited ka talagang i-matchmake sa iba si West 'no?" sabi ko sa kanya.

He smile, "excited na akong maging masaya ka. Halika na."

Sinundan ko si Cupid papasok ng elevator.

"Cupid, hindi ko maintindihan..."

Nilingon niya ako, "ang alin?"

"Sabi mo si Zyron ang para sa akin. P-pero bakit ganun? Bakit si West
pa rin ang mahal ko?"

"Kasi Jillian hindi nangyayari ng overnight lang ang pag m-move on."

"Magagawa ko kayang mahalin si Zyron katulad ng pagmamahal ko kay


West?"

He smile at me. "Alam kong higit pa doon ang ibibigay mo sa kanya."


Napaiwas ako ng tingin.

Higit pa? May hihigit pa ba rito sa nararamdaman ko?

Nagbukas ang elevator at unang bumungad sa amin ay ang nurse station.


Napahinto ako bigla.

"Nasa ospital tayo?"

Tumango si Cupid.

Napangiti ako.

"Wow. Natupad nga niya ang dream niyang maging doktor."

Napaiwas ng tingin si Cupid at nagulat ako nang makita ko ang lungkot


sa mata niya.

"Jillian, a-actually... Ana is a patient here."

"H-ha? W-what do you mean?"

Napahinga ng malalim si Cupid at tinignan ako sa mata.

"Ana has cancer. She's dying. That's why we are running out of time."

To be continued.

=================

Chapter 56

Chapter 56

[Jillian's POV]
Halos hindi ko maigalaw ang mga hita ko papasok sa hospital room ni Ana. Hawak-
hawak ko nang mahigpit ang braso ni Cupid. Ang bilis ng tibok ng puso ko.

Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit nagaalinlangan ako na makita


siya?

Kumatok si Cupid sa room pero walang nagbukas para sa amin. Instead


isang mahinang "pasok kayo.." ang narinig namin.

Cupid opened the door at pumasok kami sa loob. Walang ibang tao sa loob
bukod kay Ana na naka-higa sa hospital bed. Sobrang payat niya. May bonnet na rin
siyang suot na sign na wala na siyang buhok.

Leukemia.

Parang gusto kong maiyak.

Nilingon kami ni Ana at nakita ko siyang ngumiti ng malawak.

"Jillian," sabi niya.

Agad akong lumapit sa kanya.

"Na-recognize mo ako?"

Tumango siya, "yung picture natin palaging nasa wallet ko."

"Ana..."

I occupy the seat beside her bed at hinawakan ko ang kamay niya.

"P-paano ka pala napunta rito, Jill? Sinabi ba ni Mother Superior


sa'yo?"

Hindi ako nagsalita.

"Si mother superior talaga... pero atleast nakita kita uli. Ang tagal
na 'no?"

Tumango ako, "k-kamusta ka doon sa pamilyang umampon sa'yo?"


She smiled, "masaya ako doon Jillian. Sobrang saya." Napahinga siya ng
malalim. "Naalala mo noon sabi ko gusto ko ang aapon sa akin eh mayaman? Tapos na-
disappoint ako na isang oridinaryong pamilya lang ang umampon sa akin. But it turns
out, sa kanila ko pa mararamdaman ang tunay na pamilya."

Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya, "I'm really happy for you
Ana."

Tumawa siya ng mahina.

"Sa lahat ng dumalaw sa akin, ikaw lang an nagsabi niyan."

"N-no! H-hindi yun ang ibig kong sabihin. I-I mean---"

"I know Jillian. I know. And I'm glad na may tao pa ring sasabihan ako
na masaya sila sa akin sa kabila ng nangyayari sa akin ngayon."

Napalunok ako. I fought back the tears.

God. She's the same old Ana. Yung Ana na kaibigan ko na masiyahin at
masyadong positive ang outlook sa buhay.

She's smiling brightly. Her eyes are shining.

Kahit nahihirapan siya. Kahit may sakit siya.

She deserves West. At ang bigat sa dibdib.

"Ikaw naman? Kamusta ka? Boyfriend mo ba yung kasama mo kanina?"

Napalingon ako sa likod. Wala si Cupid. Ibinalik ko ang tingin ko kay


Ana at nginitian siya.

"Pinsan ko yung kasama ko. Si Eros."

"Oh. Kaya pala magkahawig kayo."

Parang bigla naman akong nag blush dahil sa sinabi niya. Kahawig ko raw
si Cupid? Ibig sabihin ang ganda ko?!

"Jillian... how are you? Doon ka sa papa mo nakatira na?"


Natigilan ako bigla at napaiwas ng tingin sa kanya.

"Uhmmm... hindi eh. Ang tagal ko na rin siyang hindi nakakausap."

"Why? What happened?"

"Eh ganun talaga. Itinakwil..."

Biglang lumungkot ang mukha ni Ana.

"I-I'm sorry Jillian.."

Umiling ako, "ano ka ba! Wag na nga natin pagusapan yun. Sige change
topic tayo!"

Kung anu-ano ang pinagusapan namin ni Ana. Tawa kami nang tawa. Ang
daming kwento sa isa't-isa.

Sabi nila pag matagal na hindi nagkikita o nagkakausap ang magkaibigan,


nagiging awkward na sila sa isa't isa. Pero with Ana, parang walang nagbago. Hindi
na nga lang kami yung mga batang nine years old na walang ibang ginawa kundi mag
laro. We're both grown ups now. Pero siya pa rin ang nag iisang best friend ko.

For a moment, nakalimutan kong siya ang nakatadhana kay West. For a
moment, I forgot that she's dying.

Ang ganda kasi ng ngiti niya. Ang sarap niya kausap.

Ang sakit naman.

Sana dati ko pa siya hinanap. Sana matagal ko na siyang pinuntahan. Ang


dami siguro naming bonding moments 'no?

Sana dati pa niya nakilala si West.

Oo nga. Kung dati pa dumating si Ana sa buhay ni West, magugustuhan


niya kaya ako?

Sabi ni West, nung kaka-hire pa lang niya sa akin, napapansin na niya


ako. He already likes me long before ko pa siya mapana.

Pero kung nakilala kaya niya si Ana, magugustuhan kaya niya ako without
the help of the arrow?
Malamang hindi.

"Saan ka pala nauwi Jillian?"

"Ah.. diyan lang ako sa Pasig."

"Oh? Eh ano ginagawa mo rito?"

"Dinadalaw ka nga!"

"Talagang pumunta ka rito sa Cebu para dalawin ako?"

Nanlaki bigla ang mata ko, "nasa Cebu tayo?!"

Ana look puzzled. I fake a laugh.

"Ah hehe... j-joke!"

Bwiset kang Kupido ka! Ni hindi mo ako ininform na nasa Cebu pala tayo!

Napailing siya habang nakangiti, "hanggang ngayon ang corny mo pa rin."

"Ang sama mo ah!"

Napatawa siya.

"I'm really happy to see you again, Jill. Thank you ah? Dahil
pinuntahan mo ako dito."

I feel a tight knot in my stomach.

Nakokonsensya ako. Sa totoo lang, kung hindi pa dahil kay Cupid, hindi
ko pupuntahan si Ana. Hindi ko siya hahanapin. Kung hindi siya ang nakatadhana kay
West, hindi ko siya uli makikita.

West.

Hindi ko alam ang mas masakit. Ang malaman kong may malubhang sakit si
Ana o ang ma-realize na bagay na bagay silang dalawa ni West.
Pero paano si West kung mamatay si Ana? Paano na siya?

~*~

"Are you okay?" tanong ni Cupid sa akin nang lumabas ako sa room ni
Ana.

Nang dumating na ang parents ni Ana, nagpaalam na rin ako sa kanila at


nangako na babalik ako.

Hindi ako sumagot instead hinawakan ko lang sa braso si Cupid.

Nagtungo kami sa fire exit kung saan walang tao. When the coast is
clear, nag teleport na kami papuwi sa apartment ko.

Napaupo agad ako sa sofa ng living room ko at ipinatong ko ang ulo ko


sa dalawa kong kamay.

"Jill..."

"Dapat pa bang makilala ni West si Ana?" halos pabulong kong tanong.

"Jillian... bakit ganyan ang tanong mo?"

Inangat ko ang ulo ko at tinignan ng seryoso si Cupid.

"Ana is dying! Paano kung magkakilala sila ni West at nahulog sila sa


isa't-isa? Masasaktan lang sila pareho! Lalo na si West! Worth it pa ba na
pagkitain ko sila?!"

Napa-hinga ng malalim si Cupid at lumapit siya sa akin.

"Ayan ba talaga ang iniisip mo o ayaw mo lang bitiwan si West?"

Parang patalim na sumaksak sa dibdib ko ang tanong ni Cupid.

"B-ba't ganyan ka mag-isip sa akin?! Concern lang ako sa dalawa Cupid!"

"I know that. Pero Jillian, gusto ko lang ipaalala sa'yo na you don't
own West. He's not the one for you."
"Alam ko yun!" sabi ko habang hindi ko na napigilan ang pagbagsak ng
luha ko.

Stupid, stupid Cupid!

"Alam ko yun Cupid! Hindi mo na kailangan ipagdiinan pa iyon sa akin!!"

"Jillian," ipinatong ni Cupid ang mga kamay niya sa balikat ko at


tinitigan ako. "Kapag namatay si Ana, mawawala na ang kaduktong ng tadhana ni West.
But it doesn't mean na pwede na kayo because you are destined to be with Zyron.
Walang pwedeng makapag-bago sa nakasulat sa book of soulmates—kahit ako. At
gustuhin man kita ibigay kay West, hindi pwede."

Napaiwas ako ng tingin.

"Pero may pag-asa pang mabuhay si Ana."

Bigla ulit akong napatingin kay Cupid.

"P-paano?"

"The gods can help her kung makakahanap si Ana ng reason at will para
mabuhay. Sa ngayon kasi, tanggap na niya ang kapalaran niya."

Napapikit ako habang humihinga ng malalim.

"Kaya kailangan kong dalhin si West sa kanya?" my voice broke.

"I know it hurts you Jillian. Pero isipin mo, kapag namatay si Ana,
habang buhay na mag-isa si West. Yes mahal mo si West. Yes maaring suwayin mo ang
lahat at tatakbo ka ngayon sa kanya. Pero darating at darating ang panahon na
mawawala ang pagmamahal mo sa kanya dahil kay Zyron. Because Zyron is the one for
you. At ano na ang mangyayari kay West?"

Ayokong isipin. Ayokong tanggapin.

Ang sakit.

"Jillian, hindi ako humihingi ng pabor para sa sarili ko. I'm asking
this favor to you para kay West at Ana."

Lumayo ako kay Cupid at tinalikuran ko siya.


Ang sakit sakit sakit.

Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko at tinawagan ko si West.

"Jillian?" sabi niya mula sa kabilang linya.

Boses pa lang niya parang dinudurog na ang puso ko.

"W-West.. uhmm.. busy ka ba n-next week?"

"H-hindi! Hindi! I'm free next week. Why?"

Huminga ako ng malalim.

"Samahan mo naman ako bisitahin ang kaibigan ko. Okay lang ba?"

"Sure! No problem! Basta ikaw Jillian!"

Punong-puno ng sigla ang boses ni West. Ang saya saya niya.

Kung alam lang niya...

To be continued...

=================

Chapter 57

Chapter 57

[Jillian's POV]

Nandito ako ngayon sa isang coffee shop at iniintay si West na dumating. Nakatingin
ako sa bank account ko at paulit ulit kong minumura si Cupid sa isip ko.

Lecheng god of love talaga ito! Leche!


Ang lakas ng loob niya para sabihin na siya na ang bahala sa trip namin
ni West papuntang Cebu para dalawin si Ana. Dahil daw nasasaktan na ako, unfair
naman daw kung mas pahihirapan pa niya ako sa pagaayos. Kaya siya na raw ang
bahala. Wala na raw akong dapat isipin.

Aba'y siya nga ang nagasikaso lahat pero ang ginamit naman niya na pera
ay ang savings ko. Walanghiya talaga! At nagbook nga ng hotel! Sa mamahaling hotel
pa! At mamahaling hotel room pa ang kinuha niya para sa amin ni West!

At syempre hindi naman kami pwede magsama sa isang kwarto, tig-isang


room ang kinuha niya.

8,000 per night. Two nights kaming naka-book. Tig 16,000 kami ni West.
All in all, 32,000 ang babayaran ko para sa kwarto namin. WALANGHIYA.

Tapos ang libre lang doon eh breakfast! Saan na ako kukuha ng pang
lunch at dinner namin?!

At syempre hindi pa kasama dyan ang airfare namin na sa savings ko rin


kinuha.

WOW CUPID! WOW!

I think I got swindled!

Seryoso! Eto ako ngayon papunta sa Cebu para i-match make ang lalaking
mahal ko sa best friend ko tapos wow, ako pa ang sumagot lahat.

Well, hindi ko naman pwedeng hingan si West ng pera. Nakakahiya dahil


alam niya nagpapasama lang ako sa kanya. Hindi siya aware na nandito ako para
gamutin ang pagiging broken hearted niya by matchmaking him to Ana.

Hayop ka talaga Cupid!!!! Humanda ka sa akin pag nakabalik ako!


Ibebenta ko ang katawan mo nang mapalitan naman lahat ng nagastos ko!

"Jillian?"

Napa-angat ang tingin ko ng marinig ko ang boses ni West. Papalapit


siya sa akin habang ang ganda ganda ng ngiti. He's wearing shades, a blue checkered
polo and black maong pants.

Parang nabura ang galit na nararamdaman ko.


Ano ba 'to? Ba't ang gwapo niya?! Dati naman hindi gwapo ang tingin ko
sa kanya! Dati inis na inis ako sa kanya kasi ang sungit sungit niya. Lagi niya
akong binubulyawan at pinapagalitan. Para siyang matandang babae na nasa menopausal
stage.

Pero ngayon...

Oh damn it!

Ano ba Jillian! Wag mo na siyang pagnasahan. Kahit pa mag laway ka


dyan, hindi siya magiging sa'yo okay?

You don't deserve a guy like him.

Bwiset na buhay 'to.

"Hi Jillian. I'm so sorry napag-antay kita."

"O-okay lang ano ka ba! Pareho naman tayong maaga."

He checked his watch, "medyo maaga pa nga tayo pero tingin ko okay na
rin yun para hindi tayo nagmamadali. Let's go?"

Tumango ako at tumayo na. Kinuha naman ni West ang bagahe ko at siya
ang nagdala.

"Ah West okay lang ano ka ba! Ako na mag dadala ng maleta ko."

"Okay lang. Ako na," nakangiting sabi niya.

"P-pero color pink yung maleta ko..."

He grinned, "so?"

Umiling ako. Yung puso ko lumulundag. Simple gesture yet ang sweet ng
dating sa akin.

Nakakabwiset ka naman West. Ang sarap mong batukan talaga. Gustong


gusto mo ako pinapahirapan 'no? Magsama kayo ni Cupid.

"So your friend Ana..." sabi ni West habang nagmamaneho siya papunta sa
airport. "Kwentuhan mo naman ako about sa kanya."
Napalunok ako.

Si Ana? Siya yung para sa'yo West.

"Uhmm... si Ana? Ahmm, ayun sabay kami lumaki sa bahay ampunan. Pareho
kami ng kapalaran nun. Baby pa lang pinaampon na. Yun lang sa kanya, hindi niya
kilala ang parents nya. Ako, dinadalaw minsan ng tatay kong nantakwil sa akin. Best
friend ko si Ana. Lagi kaming magkasama niyan lalo na sa kalokohan. Actually ako
lang ang maloko. Ang hilig kong gumagawa ng ikapapahamak ko. Tapos lagi niya akong
pinagtatakpan kaya naman minsan kahit wala siyang kasalanan, nadadamay siya. Ana...
she is such a great friend."

He smiled.

"Wow. Excited na akong makilala siya."

Medyo kumirot ang puso ko. Ano ba naman kasi ito. Bakit ba naman
ganito.

"Gusto ko ring pasalamatan siya kasi naging mabuti siyang kaibigan


sa'yo."

Nilingon niya ako saglit at nginitian.

Parang natutunaw ang puso ko. Ano ba naman 'to.

Huminga ako ng malalim.

"Mas okay siguro kung bibigyan mo rin siya ng encouraging words. She
badly need it."

"Of course I'll do that."

Nakarating na kami ni West sa airport. Hindi gaano karami ang tao


ngayon dito kaya naman mabilis lang kami nakapag check-in. One and a half hour
before the flight, nakaupo na kami sa waiting area.

"You want coffee?" tanong niya sa akin.

"Ah, no thanks. Nakapag kape na ako."

"How about something to eat?"


Nginitan ko siya, "nope. I'm full. Thank you."

Nag paalam si West sa akin na bibili lang daw siya ng kape saglit. Ako
naman, inginudngod ko ang ulo ko sa backpack ko. I am so sleepy. Kagabi hindi ako
halos nakatulog kakaisip sa trip na 'to. Iniisip ko kung ano ang mga mangyayari,
kung ano ang mararamdaman ko. Iniisip ko kung ano ang magiging reaksyon ni West pag
na-meet na niya si Ana.

Natatakot ako.

Part of me, gusto nang umatras. Pero may parte rin sa akin na pinipilit
kong i-push ang sarili ko sa sitwasyon na 'to dahil sa isang dahilan.

I want West to be happy.

Dahil sa antok ko, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.


Nagising na lang ako nang tinatapik na ni West ang braso ko.

"Jillian, papasok na tayo sa eroplano."

Kinusot-kusot ko ang mata ko. I am so sleepy.

Groggy akong naglakad kasunod si West. Halos papikit na rin ang mata ko
kaya naman nang makaupo na kami sa loob, tulog na agad ako. Ni hindi ko na
namalayan na nag-take off na ang eroplanong sinasakyan namin. Ni hindi ko na rin
namalayan na sinandal ko ang ulo ko sa balikat ni West at ginawa kong hotdog pillow
ang braso niya.

Nagising na lang ako sa kalagitnaan ng byahe na nasa ganung posisyon.


Halos mapamura ako at nawala talaga ang kaantukan ko nang makita ko ang sarili ko
na nakapulupot sa braso ni West!

"Ba't 'di mo ako ginising?!" sabi ko sa kanya.

"Eh?" sagot niya habang ang lawak ng ngiti.

Holy crap!

Tinalikuran ko siya. I heard him chuckled. Hindi ko pinansin at pumikit


ako. Nagpanggap ulit na tulog.

Ano ba! Ano ba naman!


Naka-nganga pa naman ako matulog! Natuluan ko kaya ng laway ang braso
nya?

Ano ba! Nakakahiya ka Jillian! Argghh! Ang sarap sabunutan ng sarili


ko!

Hanggang sa makarating kami sa Cebu, nagpanggap ako na tulog kahit na


nakakangawit ang pwesto ko. Nakakahiya kasi!

Pagbaba tuloy namin ng eroplano, feeling ko nagka stiff neck ako.

"Kasi naman mas comfortable ka sa pwesto mo kanina sukat lumipat ka pa


ng pwesto," naka-ngiting sabi ni West.

Feeling ko naginit lalo ang mukha ko.

Bwiset na 'to! Nakuha pa akong asarin!

Nang makalabas kami sa airport, may nag-aantay na sa amin na service


papunta sa hotel na tutuluyan namin.

"Kuya malapit lang po ba yung hotel?" tanong ko sa kanya.

"Ay ma'am medyo malayo-layo po. Mga 30 to 40 minutes na byahe."

Napatahimik ako. Ba't ang layo? Alam ko banda rito lang sa town yung
ospital?

Kasi naman 'tong si Cupid! Basta na lang ata namili ng hotel ng hindi
manlang nagiisip. Feeling ko ni hindi niya alam saan ang pinaka location mismo ng
ospital dahil masyadong convenient ang kanyang pag t-teleport at hindi na inaalam
ang mga lugar lugar!

"Jillian hindi ba masyadong malayo yung nakuha mong hotel sa ospital?"


tanong sa akin ni West. "Ano pala ulit name nung hospital? Para i-s-search ko ang
location."

Napaisip ako.

Shet na malagkit! I don't even know the hospital name!"

"Err, hindi ko alam eh. Pero susunduin daw tayo ng father ni Ana sa
hotel."
"Oh I see. Then that's good."

Tumango ako rin ako.

Ilang oras na lang magkikita na sila.

~*~

"Jillian, this place looks expensive," sabi ni West sa akin nang


makarating kami sa hotel.

No. Hindi lang hotel 'to. Hotel resort to be exact dahil sa harap nito
ay beach na.

Kaya naman pala ang mahal!!! Sasakalin talaga kita Kupido!!

"Seriously Jillian, okay lang sa akin kahit sa mga inn or cheap hotel
tayo tumuloy. How much ang nagastos mo rito?"

Napalunok na lang ako.

"D-don't mention it."

Pero para na akong aatakihin sa puso.

Nang makarating kami sa front desk, agad kong tinanong yung reservation
ko. Hindi pa full ang bayad ni Cupid. Downpayment pa lang. Walanghiya. Mauubos ang
laman ng savings ko.

"Jillian."

Hinila ako ni West palayo sa front desk at kinausap.

"Seriously, ang mahal."

I gave him an awkward smile, "o-o-okay lang ano ka ba!"

Kinunutan niya ako ng noo.

"It's not okay."


"Pero hindi na pwede i-cancel ang reservation kasi nakapag downpayment
na."

"Okay, ganito na lang, I need you to trust me."

"E-eh?"

"Hahati ako sa'yo-"

"No!"

"Hahati ako sa'yo," madiin niyang sabi.

"West, mahal!"

Tumango siya, "mahal din kita."

I was taken a back dahil sa sinabi niya. Hindi agad nag loading sa utak
ko.

At hinampas ko na lang siya sa braso habang siya naman ay tatawa-tawa.

"Seryoso! Wag ka muna pumick-up line dyan!"

"Seryoso ako na mahal kita pero sige, hindi muna ako pi-pick up line,"
ngiting-ngiti niyang sabi.

Ano ba! Kinikilig ako leche naman oh! Bawal ako kiligin hayop!

"Ayokong humati ka. Almost 9k ang per room. Ako na ang nagpasama tapos
magpapabayad pa ako sa'yo?"

"Okay ganito na lang para hindi masyadong mahal ang paghahatian natin.
Isang room ang kunin natin."

Parang umakyat ang dugo sa mukha ko.

"W-West kasi...."

"Pwede tayo doon sa room na may dalawang queen size bed. Chill ka lang.
If you're still uncomfortable, pwede akong matulog sa bath tub."
Napalunok ako. Feeling ko maling maling mali na idea 'to.

Baka ma-rape ko siya.

Ipinatong ni West ang mga kamay niya sa magkabilang balikat ko.

"Jillian, I swear I am not going to make a move on you habang nasa


kwarto tayo. I promise. Please trust me."

Alam ko naman yun West. Pinagkakatiwalaan naman kita.

Hindi ko pinagkakatiwalaan ang sarili ko. Kasi naman!

"S-sige na nga."

"Alright."

Lumapit si West ulit sa front desk at inasikaso yung room namin.

Maya maya ay bumalik na siya sa kinalulugaran ko na may dala ng susi.

At sabay na kaming umakyat.

Oh dear.

To be continued...

=================

Chapter 58

Chapter 58
[Jillian's POV]

Malaki ang room na nakuha namin sa hotel-resort na 'to. Malawak. Maraming breathing
space. Kasya na nga ang apat na tao.

May dalawang queen size bed. I occupied the one near the window.

Medyo malaki ang gap sa pagitan ng mga kama namin ni West.

Nandoon siya sa kama niya at iniaayos ang mga gamit niya.

Napaiwas agad ako ng tingin.

Ang laki ng room pero bakit ganun? Bakit pakiramdam ko ang sikip at
hindi ako makahinga? Bakit ang init? Nakapatay ba ang aircon?

Nilingon ko si West. Naka jacket siya.

Ako lang ba ang naiinitan?

Parang mali ata ang desisyon ko na pumayag akong mag-isang room na lang
kami ah.

"Jillian gagamit ka ng bathroom?"

"E-eh?"

Napalingon ulit ako sa kanya. Hindi siya nakatingin sa akin dahil busy
siya sa pagliligpit ng gamit niya.

"Papasok ka sa bathroom?" paguulit niya sa tanong niya sabay tingin sa


akin.

Napaiwas agad ako ng tingin.

"H-hindi.. hindi. Mamaya maya na ako. Uhmm, una ka na."

"Okay."
Narinig ko ang mga yapaka niya at pagsara ng bathroom door. Nang
makapasok na siya sa loob, napahinga ako ng malalim.

Whew. Anong nangyayari sa akin? Bakit ang hirap huminga?!

Tinanong niya lang ako kung gagamit na ako ng bathroom, kung saan saang
direksyon na pumunta ang utak ko.

Kasi naman nasa iisang kwarto kami! Tapos isa lang ang bathroom!
Tapos---!

Ayoko na!

Gumapang ako sa kama ko at pinulupot ko ang comforter sa katawan ko.

Ano ba naman! Bakit ba ako ninenerbyos? Wala naman kaming gagawin.


Tiwala naman ako kay West! Pero kasi naman eh.

Napa-ayos bigla ako ng upo.

Wait. Erm, may dala kayang damit si West sa loob ng banyo? Paano kung
lumabas siya diyan na nakabalabal lang ang towel sa hips niya? Tapos magbibihis
siya sa harapan ko?

Holy shit.

Mas lalong bumilis ang kabog ng dibdib ko. Nag init ang mukha ko. At
naiinis ako sa utak ko becaue I am actually anticipating it.

Ba't ba ako na-e-excite?!

Itinaklob ko ulit yung comforter sa ulo ko. Mas safe rito. Wala akong
makikita. Hindi magkakasala ang mata ko at hindi magpapasaway ang puso ko. Oo. Mas
safe rito.

Narinig kong bumukas ang pinto ng bathroom at automatic na inalis ko


ang pagkakataklob ng comforter sa akin.

At nakita ko si West na bihis na bihis.

Feeling ko namula ang buong mukha ko. Yes. Nararamdaman ko ang paginit
ng mukha ko.
Jillian naman kasiiiii!!!

"You can use the bathroom now," he said while smiling at me innocently.

I cleared my throat.

"O-okay.. okay.. okay sabi ko nga. Ako na. Sige gagamit na ako."

Dire-diretso akong pumasok sa banyo.

Nakakainis! Ano ba!!

Shit naman!

Lumabas ulit ako.

"Nakalimutan ko yung damit ko," sabi ko kay West na takang-taka na


nakatingin sa akin.

I heard him chuckled.

Shet naman! Pinagtatawanan niya ako oh! He's making fun of me! Hindi ba
niya alam ang nararamdaman ko ngayon?!

"Relax Jill. Hindi ako maghuhubad sa harap mo I promise."

"H-heh!"

At tumakbo ulit ako papasok ng banyo.

Wala pang isang oras na magkasama kami sa room na 'to, ganito na ako.
Paano pa kaya mamayang gabi pag matutulog na kami?!

~*~

"Jillian, ngayon pa lang thank you ah? Talagang nag effort ka pa para mapuntahan
ang anak ko," sabi ni Tito Rex, ang adoptive dad ni Ana.

"Naku okay lang po yun. Wala po yun," sabi ko sa kanya.


Nandito kami ngayon sa sasakyan niya at on the way na sa ospital. Hindi
ako mapakali. I'm nervous.

Hindi ko alam kung saan mauuwi ito. Hindi ako sure sa magiging epekto
nito kay Ana at West.

Makakaramdam na ba agad sila ng sparks? Paano kung hindi? Paano kung


hindi mailigtas ni West si Ana?

Pero paano kung oo? Paano kung magustuhan agad niya si Ana? Paano kung
may sparks agad?

Huminga ako ng malalim.

Basta bahala na. Basta gagawin ko ang dapat kong gawin. Kahit gaano
kasakit o kahirap. Baka mamaya ito pa ang daan para maging okay ang best friend ko.

Baka ito ang maging way para mas sumaya na si West.

Habang nasa byahe, ang daldal ni Tito Rex. Ang jolly ng personality
niya. Palangiti. Nakikita kong mabuti siyang tao at mahal na mahal niya si Ana.

Sinuwerte talaga si Ana pag dating sa pamilya. Ang swerte niya sa mga
umampon sa kanya. Alam ko ring naging maganda ang buhay niya.

At kung hahaba pa ito, mas gaganda pa. Si West ba naman ang nakatadhana
sa kanya eh.

Lumunok ako.

Okay that sounds bitter. And I don't want to be eaten up by bitterness.


Ayun ang ayokong mangyari sa akin.

Ayokong magaya kay Ayesha.

Kaya kung ito ang tama, then hindi na ako kokontra pa sa tadhana.
Magtitiwala na lang ako.

"Are you okay?" bulong sa akin ni West.

Napalingon ako sa kanya. He look worried. I tried my best para bigyan


siya ng isang genuine na ngiti.
"Napagod lang ako sa byahe but don't worry, I'm okay."

Nginitian din niya ako.

A heart melting smile.

Tumingin na lang ako sa bintana ng kotse.

Ang swerte swerte swerte mo Ana dahil mamahalin ka ng lalaking 'to.


Kaya please lang, mabuhay ka pa ng mahaba.

~*~

"Anak may bisita ka!" masiglang sabi ni Tito Rex nang pumasok kami sa
hospital room ni Ana.

Nakita kong nagbabasa si Ana ng libro. Napa-angat naman ang tingin niya
at lumawak ang ngiti niya nang makita ako.

"Jillian! Bumalik ka!"

Nginitian ko rin siya.

"Oo naman. Pwede bang hindi?"

Lumapit ako sa kanya and then I gave her a hug.

"Grabe na-miss kita! Kahit isang linggo lang tayong hindi nagkita."

"Ay naku yang si Ana, walang ibang bukambibig kundi ikaw!" sabi naman
ni Tito Rex.

"Asus ito namang best friend ko namiss agad ako!"

"Akala ko kasi hindi na kita makikita eh."

Biglang nagiba ang ihip ng hangin. Nawala ang masiglang aura ni Tito
Rex.

"O-o siya diyan muna kayo. Hahanap lang ako nang makakain natin."
Lumabas si Tito Rex ng kwarto kaya naman naiwan kaming tatlo doon.

"Ah, oo nga pala." Hinila ko papalapit si West. "Si West pala, kaibigan
ko."

Nginitian ni West si Ana at inilahad ang kamay niya.

"Hi, nice meeting you."

Ngumiti rin si Ana sa kanya at nakipag shake hands kay West.

"Nice meeting you rin!" masigla niyang sabi.

I look away.

Hindi ko alam kung may naramdaman silang spark sa isa't-isa. Pero


bwiset na yan. Ako pa ata ang nakaramdam nang maglapad ang mga kamay nila.

Parang biglang nag init yung compass sa leeg ko.

Is it a sign?

"Ikaw Jillian ah, parati ka na lang may kasamang gwapo," nakangiting


sabi ni Ana. "Una yung pinsan mong gwapo. Ngayon naman yung friend mo."

"Gwapo ako?" tanong ni West sa kanya habang nakangiti.

"Mr. West, wala bang salamin sa kwarto mo?"

Napa-iling na lang si West habang naka-ngiti.

Kung hindi ko lang alam na si Ana ang nakatadhana sa kanya malamang


binatukan ko na siya. Malamang nagalit na ako.

Malamang pagbabawalan ko siyang ngumiti ng ganyan sa ibang babae except


sa akin. Dapat sa akin lang. Bawal sa iba.

Pero sa sitwasyon ngayon, ako yung ibang babae at si Ana lang ang dapat
niyang ngingitian ng ganyan.

Kinuha ko yung phone ko at nagpanggap na may binabasang text.


"Oh no! Nag text sa akin yung in-apply-an ko ng trabaho. Uhmm okay lang
ba uhhm iwan ko muna kayo? Kailangan ko lang siyang tawagan?"

"Oh, sure.." sabi ni Ana.

Hindi ko na tinignan si West. Dire-diretso na ako papalabas. Halos


tumakbo ako papuntang comfort room at nagkulong sa isang cubicle doon.

Wala pa nga nasasaktan na ako at umiiyak. Paano pa kaya kung gusto na


nila ang isa't-isa?

~*~

[West's POV]

Tinignan ko nang tingin si Jillian habang palabas siya ng room.

Nag apply na pala siya sa iba. I wonder kung anong company at anong
trabaho ang in-apply-an niya.

Maganda kaya sahod? Maganda ba ang trato nila sa mga employees doon?
Sana wala siyang boss na masungit.

Okay. Alam ko dati nagsusungit ako sa kanya. Wala akong ibang ginawa
kundi ang bulyawan siya. But that's because I like her from the start at hindi ko
alam kung paano ako aasta sa harap niya.

Wait.

Paano kung may iba siyang magustuhan sa pagtatrabahuhan niya?!

"So West, paano mo nakilala si Jillian?"

Napabalik ang tingin ko kay Ana. She's smiling at me.

I don't know why pero ang gaan sa pakiramdam ng ngiti niya.

She's thin. She looks fragile. Yung itsura niya parang any minute, mag
b-breakdown na siya.

Pero habang nakangiti siya, ang sigla ng aura niya. Parang puro
positive vibes ang nasa paligid niya.
It's nice. I like her smile.

"Ahm, magka-workmate kami before," sagot ko sa kanya.

"Oh... I see... may gusto ka sa kanya?"

Halos mahulog ako sa kinauupuan ko dahil sa tanong niya.

"B-bakit ganyan ang tanong mo?"

Mas lalong lumawak ang ngiti niya.

Damn that smile.

"Namumula ka. I guess I'm right."

Huminga ako ng malalim at nginitian ko rin siya.

"Yes, I love her."

"Wow... you love her..." ibinaling niya ang tingin niya sa libro na
binabasa niya. "Love... love.. love.. So tell me Mr. West, ano ba ang pakiramdam ng
isang taong in love?"

Sinilip ko ang title nung libro na binabasa niya at napangiti ako.

"I think malalaman mo diyan sa librong binabasa mo?"

"Hmm?" inangat niya. "Wait, nabasa mo na 'to?"

I smile, "yep. Company ko ang nagpublish niyan."

Nanlaki ang mga mata niya at parang biglang sumigla ang itsura niya.

"Really? Kayo? Wow! Oh my gosh! This is my favorite book! As in sobra.


Nung nag booksigning dito yung author talagang pumunta ako. I even cried in front
of her! At company niyo pa ang nag publish?"

Nagulat ako nang biglang hinawakan ni Ana ang kamay ko at tinitigan


niya ako sa mata.
Ang lalim ng tingin niya. Napalunok ako. Naramdaman ko ang pag init ng
mukha ko. Hindi ako sanay na tinititigan ng ganito..

"Mr. West.."

"Y-yes?"

"Thank you for publishing this wonderful book. Dahil sa inyo,


nakarating ito sa aming mga readers. Salamat talaga."

I let out a nervous laugh.

"Ah hehehe, y-you're welcome..?"

Binitiwan niya ang kamay ko and then she grinned.

"Pero balik sa tanong ko. Okay, idiniscribe ng author dito sa book na


'to ang feeling niya nung in love siya. Pero paano siya nakasiguro na love na nga
yung nararamdaman niya? Walang sinabi eh. Basta sinabi na lang niya sa sarili niya
na in love siya. Paano mo malalaman kung love mo na talaga ang isang tao?"

Napangiti ako. Easy question.

"Paano mo malalaman na love mo na ang isang tao? Kapag hindi mo na


kini-kwestyon ang nararamdaman mo. Kapag hindi ka na naguguluhan sa kung ano ba
siya para sa'yo. Basta malalaman mo na lang, na mahal mo na siya. No need to ask
questios. No need to seek for an answer."

"Oh... so ayun pala yun. That's why..."

Tinitigan ko ang mukha niya. Parang ang lalim ng iniisip niya. Gusto
kong tanungin pero naunahan naman ako ng hiya. Hindi naman kami close. Wala pa
kaming isang oras na nagkakakilala tapos ang pinaguusapan na agad namin eh about sa
...errr..love?

At wala pa kaming isang oras na nagkakakilala alam na niya agad na


gusto ko si Jillian.

Ganun ba ako kadaling basahin?!

"O, ba't nakatitig ka sa akin?"


Napabalik ako sa sarili ko. Ang lalim ng iniisip ko, hindi ko napansin
na nakatitig na pala ako sa kanya ng matagal.

"Ah.. wala..wala..."

She smile, "nagagandahan ka sa akin? Masama yan. May Jillian ka na."

"N-no. H-hindi ganun--!"

"So panget ako?"

"T-that's not what I mean."

"Ganun na rin yun," sumimangot siya.

"H-hindi!" huminga ako ng malalim. "Okay, maganda ka kaya lang hindi


ako nakatitig sa'yo dahil maganda ka. Nawala lang ako sa sarili ko."

I bite my tongue para hindi na ako magsalita pa. Kahit anong sabihin ko
ang creepy ng dating. Mas mabuti pa kung itikom ko na lang ang bibig ko.

She giggled.

"I'm just joking. Alam ko naman.. inaasar lang kita."

Napakunot ang noo ko.

"Alam mo na ano?"

"Na hindi na ako maganda. Ang payat payat ko oh. Wala na akong buhok.
Alam ko naman," nakangiti niyang sabi.

Napailing ako at napasimangot.

"Oh? Don't worry, I'm not offended. I swear."

Huminga ako ng malalim.

"Ana.."

"Hmm?"
"Hindi tayo close.."

"Errr, I know."

"And I know hindi dapat ito sinasabi ng isang lalaki kapag hindi naman
niya ka-close ang isang babae dahil baka mapagkamalan pa siyang creepy na manyak na
babaero o kahit ano. Kaya ngayon palang, inuunahan na kita, hindi ako ganon."

Tinignan niya ako na parang takang taka siya sa kung ano ang pinu-punto
ko.

"What I mean is, alam mo ba ang nasa isip ko bago kami pumunta rito sa
ospital na 'to? Iniimagine kita. Nakahiga sa kama, ang tamlay, halos hindi
makangiti at parang wala nang pagasang mabuhay. Pero nung pagpasok ko, complete
opposite ang nakita ko. At ang unang pumasok sa isip ko? Ang ganda mo ngumiti. Yes
payat ka, wala nang buhok, so what? Ang positive ng aura mo at mas kapansin pansin
yun. After all, pag gumaling ka na babalik naman ang buhok mo 'di ba? Magkakaroon
ka rin ng laman."

Napaiwas ako ng tingin. I cleared my throat.

Sabi ko na dapat talaga itinikom ko na lang ang bibig ko eh. Kung anu-
ano na ang lumalabas na salita galing dito.

Hindi umiimik si Ana. Medyo inangat ko ang tingin ko at nakita kong


nakangiti siya sa akin.

"Thank you," sabi niya.

Parang umurong ang dila ko.

Napahinga siya ng malalim.

"Ang swerte ni Jillian sa'yo. Alam na ba niya nagusto mo siya."

"W-well, o-oo. N-nililigawan ko na siya."

Tumango siya.

"Good. At ma-bigyan nga ng advice ang best friend ko na sagutin ka na.


Mga lalaking kagaya mo hindi na dapat pinapalagpas."
"Uhm.. thanks."

Inangat niya ang tingin niya sa akin at nginitian ulit ako.

"At pag naging kayo, swerte ka rin sa kanya. Mabuting tao siya, West.
Alagaan mo ah?"

Napangiti rin ako.

"Oo naman. Aalagaan ko siya. And yes tama ka, swerte ako pag naging
kami. Sobrang swerte ko kapag minahal niya ako."

"Ngayon pa lang nasa'yo na ang boto ko!"

We both laugh.

Well, at least boto sa akin ang best friend niya.

To be continued...

=================

Chapter 59

Chapter 59

[Jillian's POV]

Nadatnan ko si Ana na umiiyak habang nakikipagusap kay West.


Umiiyak kakatawa.

"Jillian!" sabi niya nang makita niya ako. "Grabe I like this guy! He
is so funny!" natatawa-tawang sabi ni Ana habang tinuturo si West.

"Kinakabag na ata kakatawa si Ana dahil sa akin," nakangiti namang sabi


ni West.

Pinilit kong ngumiti.

"Wow! Mukhang close na kayo ah?" sabi ko.

"Eh madali naman maka-close itong si West! Grabe tawa ako nang tawa sa
mga kwento niya. Komedyante pala 'to!"

Nginitian ko siya. Hindi ko na alam ang itsura ng ngiti ko. Halata bang
pilit? Halata bang plastic?

Halata bang gusto ko ulit lumabas at umiyak?

I know West is an amazing guy. Alam kong kahit sino, makaka-close agad
siya. Kahit sino, pwedeng magustuhan siya sa una pa lang nilang paguusap.

But damn! Hindi ko pa nakikita ang side ni West na nagpapatawa at nag


j-joke.

"Jillian kamusta pala yung tumawag sa'yo? Saang company yun?" sabi ni
West.

"A-ah... wrong info. S-si Eros lang pala yun. Nang g-good time."

"Oh.. I see," nginitian niya ako.

Agad akong napaiwas ng tingin.

Ayokong tignan ang ngiti na 'yan. Please sana iwas iwasan muna niya ang
pag ngiti sa akin dahil mas lalo akong nahihirapan. Ang lakas ng bulong ng demonyo
sa utak ko ngayon.

Jillian, hayaan mo na si Cupid. Hayaan mo na ang book of soulmates at


ang timeline niya. Ayan oh, mahal mo na si West. Mahal ka rin niya. Ano pang
inaantay mo? Make him yours. Wag mo nang intindihin si Ana. Mas nauna ka eh. Isa
pa, paano kung mamatay siya? Edi nasaktan lang si West? Kunin mo na siya hangga't
maaga pa. Para sa ikasasaya mo 'yan. Gawin mo na Jillian. Gawin mo na.
Hindi tama.

Pero masakit ang tama. At gusto mo pa bang masaktan?

Huminga ako nang malalim.

Kakayanin ko ba talaga 'to?

"'Di ba kakaiba yung plot twist sa dulo? Ang mind blowing lang!" sabi
ni West kay Ana habang hawak hawak niya ang libro na kaninang binabasa ni Ana.

"Sobra! Iyak ako nang iyak doon. Feeling ko ako yung protagonist eh.
Parang yung puso ko yung nabiyak!" sabi naman ni Ana.

"Tama ka dyan! Wala, ang galing talaga nung author! Isa 'yan sa pinaka
talented naming authors eh kaya hindi ko talaga 'yan binibitiwan. Right Jillian?"

"Eh?"

Itinaas ni West yung librong hawak niya, "'di ba ikaw ang nag proofread
nito? Biruin mo yun, favorite book pala 'to ni Ana!"

"Ah.. talaga? W-wow! Oo maganda 'yan," kahit hindi ko na naalala ang


librong 'yan.

Sige ngiti lang Jillian. Makipagtawanan ka sa kanila. Ngiti lang at


ipakita mo sa kanila na wala lang sa'yo ang nangyayari. Wag mong ipahalata na
nilalamon ka na ng selos, ng bitterness at ng dark and selfish thoughts. Tutal dyan
ka naman magaling eh. Ang mag pretend na okay ka lang.

Kung anu-ano ang pinaguusapan nung dalawa. Nandoon lang ako, tiga-tawa
at ngiti. Kung titingnan mo sila, parang sila yung matagal nang magkakilala at ako
yung kaka-close pa lang nila.

Kinukwento ni West yung tungkol sa most embarassing moment niya nung


elementary siya. Kinukwento niya yung about sa pag c-cutting class niya nung
highschool siya.

Hindi ko ma-imagine ang elementary at highschool na si West. Never


naman niyang kinuwento sa akin ang mga bagay na yun noon.

Pero dito, bigla na lang siyang nag kwento.


Maya maya pa, nauwi na sa mga libro ang kwentuhan nila. Ang dami nilang
pagkakapareho ng hilig. Puro romance and fantasy ang pinaguusapan nila. Paano ako
makakrelate kung karamihan ng binabasa ko horror at thriller?

Ang dami nilang tugma. Ang dami naming opposite.

Tinititigan ko sila. Yung ngiti ni Ana at ni West, ang ganda.

Ang ganda nila tignan pareho.

At nakakapagtaka talaga. 'Di ba pag nakakakita tayo ng maganda sa


paningin natin, natutuwa tayo? Pero bakit ako ngayon parang pinipilipit ang puso
ko?

Ang hirap pala nang ganito? Yung wala kang takas. Yung gusto mong
umalis kasi hindi mo na kayang makita. Gusto mong iiwas ang tingin mo kasi
nasasaktan ka na. Gusto mo nang umiyak pero kailangan mong pigilan. Kasi hindi
pwede. Hindi nila pwedeng malaman na nahihirapan at nasasaktan ka na kaya wala kang
ibang nagawa kundi ang ngumiti at tumawa.

Nakakabaliw pala.

Mga bandang 8pm na nang umalis kami ni West. May nagsi-datingan pa


kasing mga kamag-anak ni Ana na dumadalaw. Since hindi naman kalakihan ang hospital
room niya, umalis na lang kami.

Nagsabi kami na babalik kami bukas kaya lang treatment pala iyon ni Ana
kaya hindi kami pwedeng dumalaw. Ang mangyayari, sa susunod na araw na lang, dadaan
kami sa ospital bago ang flight namin papabalik sa Manila.

At ang sama sama sama sama ko dahil medyo nakahinga ako nang onti dahil
doon.

I know, I'm so selfish and I hate myself for feeling this way. Sa
nararamdaman ko ngayon, sa itinatakbo ngayon ng utak ko, unti unti kong na-re-
realize kung gaano ako kasamang tao.

At alam niyo ang mas twisted?

Naiintindihan ko na ang nararamdaman ni Ayesha.

Nakakainis. Ayokong magisip ng ganito. Ayokong matulad sa kanya. Pero


badtrip! Ang hirap palang labanan kung sa'yo na nangyayari mismo.
Iniisip ko dati, ang bitter ni Ayesha, ang sama niya, napaka-selfish
niya para gawin lahat nang 'to.

But wow lang. Ganito rin ang nararamdaman ko ngayon.

"You have such an amazing friend, Jillian," nakangiting sabi ni West


habang palabas kami ng ospital. "Deserve niya talagang mabuhay nang mahaba."

Tumango lang ako habang pilit na ngumingiti. Baka kasi pag nagsalita
ako, mahalata pa ni West na hindi ako okay.

"So, gusto mo munang kumain bago tayo bumalik sa hotel?" tanong niya sa
akin.

"N-no, I'm okay."

"Eh? Hindi pa tayo kumakain ng dinner. My treat."

"Pero---!"

"Ang tumanggi, panget!" sabi niya at bago pa ako maka-angal, hinila na


niya ako pasakay sa isang taxi.

~*~

Tahimik ako habang kumakain samantalang si West naman, ang daldal-daldal. Kwento
nang kwento about kay Ana. Mahal ko si West. Pero sa ngayon, gusto kong saksakin ng
tinidor ang dila niya para manahimik siya.

Oo na! Oo na! Nag enjoy na siya sa company ni Ana. Oo na! Masaya kausap
ang best friend ko. Tama na siya, nagkakasundo sila sa lahat ng bagay.

Sige na! Oo na! Aware na ako! Aware na aware na! Wag na niyang
ipagdiinan please?

Masakit na talaga eh.

"Oo nga pala, gusto mo bilhan natin si Ana ng book? Nabanggit niya kasi
na hindi pa siya nakakabili ng sequel nung book na binabasa niya. Surprise natin?"

Huminga ako ng malalim. Kinuha ko ang tubig na nasa tabi ko at


idineretso ko ng inom.
"Jillian?"

Nginitian ko si West.

"Gusto ko na talagang umuwi. I'm not feeling well."

"A-ah ganun ba? Wait, masakit ba ulo mo? Feeling mo ba lalagnatin ka?
May gamot ako rito. Inuman mo na kaya bago ka pa magkasakit."

Kinuha niya ang bag na dala niya at naghalungkat siya doon.

"West."

"Hmm?" he ask me without looking at me.

"West," hinawakan ko ang kamay niya kaya naman napa-angat ang tingin
niya sa akin.

Oh no. No. Jillian naman eh. Don't do it. Wala kang karapatan. Hindi
pwede. Wag ka nang pasaway please? Wag kang magbibitiw ng salita na pagsisisihan
mo.

"Jillian," kinuha ni West ang kamay ko at hinawakan ito ng mahigpit.


"What's wrong? Please tell me. Kanina ka pa walang imik. Ang tahi-tahimik mo. Hindi
ka ngumi-ngiti. May problema ba?"

Napapikit ako.

Oh no. Luha naman wag ka munang babagsak. Please naman. Wag ngayon.

Idinilat ko ang mata ko at tinignan ko si West. I hold back my tears


and tried my best to smile.

"Okay lang talaga ako. Gusto ko lang matulog. Okay lang ba, umuwi muna
tayo?"

"Oo naman. You should have told me earlier para nakaalis tayo agad."

"Okay lang sa'yo yun?"

"H-ha? Ang alin?"


"Na aalis tayo doon agad kahit nag eenjoy ka pa makipagusap kay Ana."

Shit Jillian! Shit ka talaga! Ba't mo sinabi 'yan ano ba!

Napayuko ako at hindi ko na inintay pang magsalita si West. Nag excuse


agad ako sa kanya at dumiretso sa comfort room.

Nakakainis talaga! Ang bitter bitter ng dating ko. Ang tono ko, para
akong nagseselos.

Well, YES oo inaamin ko. Nagseselos talaga ako. Sobra sobra sobra
sobra.

Pero mali kasi may sakit si Ana. Hindi dapat ako magisip sa kanya ng
ganun.

Mali kasi eto naman talaga dapat ang nangyayari eh. Sila naman talaga
ang nakatadhana sa isa't isa.

Mali kasi wala akong karapatan na mag selos.

Naghilamos ako. Pinakalma ko ang sarili ko. Paulit ulit kong tinatatak
sa utak ko na makakaya ko 'to at hindi ako maiiyak pag labas ko.

At nang okay na ako, pinuntahan ko na si West doon.

"Let's go?" naka-ngiti niyang yaya sa akin.

Napayuko ako.

Hindi ko siya matignan. Nakakainis.

Sabay kaming naglakad ni West palabas ng mall kaso nagulat ako nang
biglang hawakan ni West ang wrist ko at hinila niya ako papalapit sa kanya.

"B-bakit?"

"Picture tayo."

"Huh?"

Inakbayan niya ako at itinapat niya ang cellphone sa mukha ko. At kesa
makunan pa ako nang naka-busangot ang mukha, ngumiti na lang ako.

"Okay, one!" masigla niyang sabi habang nakatingin sa picture namin.

"Anong one?"

"Nakakaisang selfie na ako sa'yo. May isa na akong pang wallpaper ng


phone ko."

"H-ha?! Wallpaper?! U-uy West naman! Wag!"

"At bakit? Phone ko 'to. May karapatan ako kung ano ang gusto kong
gawing wallpaper."

"Pero kasi naman---!"

"Jillian, I'm sad kasi hindi natin madadalaw si Ana bukas."

Bigla akong natigilan. Iniwas ko agad ang tingin ko sa kanya.

"O-oo nga eh. Oo nga. Nakakalungkot. Sayang."

Liar.

"P-pero, I know you'll hate me for thinking this way. B-baka isipin mo
na nag t-take advantage ako... well, she's your best friend..."

Napa-angat ang tingin ko sa kanya. Nagulat ako na namumula na ang tenga


niya.

Damn. Ang tagal ko nang hindi nakita na nag b-blush siya.

"W-what are you talking about?"

"Well.. uhmm.. s-since wala naman na tayong gagawin bukas, pwede ba


kitang ma-solo?"

Hindi ako maka-imik. Hindi ko alam kung bakit parang umurong ang dila
ko. Ano ba 'to. Bakit ganito?!

"H-hindi naman sa nag t-take advantage ako sa opportuni---I mean---no,


not opportunity. Well, uhmm opportunity para sa akin kasi nililigawan kita pero
mali na isipin mo na nag t-take advantage talaga ako. Hindi yun ganun ah? Alam kong
malungkot ka kasi hindi natin makikita si Ana bukas. Pero---oh god, I'm seriously
bad at this. Just, please come with me tomorrow?"

At tuluyan na akong napa-ngiti.

Ano ba. Bawal yan Jillian! Why the hell are you smiling?!

Ako pa rin ang mahal niya.

Eh gaga ka pala! Ba't ang saya mo? Dapat malungkot ka kasi dapat si Ana
ang mahal niya!

"Well, I'll take that as a yes. Afterall, wala ka namang choice. Ako
lang ang kasama mo," he grinned.

Napailing na lang ako.

"Pwedeng isa pang picture?" sabi niya sabay angat ng cellphone niya.

"Bukas na. Marami tayong magiging picture bukas."

"Talaga? Pwede ko bang i-send kay Zyron mga photos natin?"

"West!"

"Joke lang."

Napayuko na lang ako habang nakangiti.

Ang ironic ng buhay. Alam kong mali ang lahat nang 'to.

But damn! Hindi ko mai-alis ang ngiti sa labi ko.

To be continued...

=================
Chapter 60

Chapter 60

[Jillian's POV]

Ang liwanag ng buong paligid. Hindi ko makita ang taong nasa harapan ko. Hindi ko
siya mamukhaan. Pero kilalang kilala ko ang boses niya.

Kaya nga nang marinig kong tinatawag niya ang pangalan ko, sinundan ko
siya. Ang dami kong gustong itanong.

"Cassandra, sino ang gumawa ng bagay na yun sa'yo? Bakit ka nila


sinaktan at pinatay? Bakit?"

"Jillian magiingat ka sa kanya. Mag iingat ka. Maari kang mapahamak


dahil sa kanya."

"Sino ang tinutukoy mo? Kanino ako magiingat? At sino ang pumatay
sa'yo? Si Ayesha ba?! Cassandra!"

"Dalawa ang nakatadhana. Isa ang magaalay ng buhay para makasama mo ang
isa. Mag iingat ka. Buksan mo ang mata mo."

"Cassy!"

...

"Jillian? Jillian gising na! Ang ganda ng araw sa labas oh. Bumangon ka
na please?"

Biglang napadilat ang mata ko at nakita ko si West na nakangiti sa


akin.

"Wake up sleepyhead! It's time for breakfast!"


Bumangon ako at kinusot ko ang mata ko. Nag l-loading ang utak ko kung
bakit nasa harapan ko si West at kinigising niya ako. And then I realized, nasa
Cebu nga pala kami para kay Ana.

Nasa Cebu ako para ilapit si West sa babaeng para sa kanya.

Pero eto ako ngayon, nangako na makikipag date kay West kahit nakaratay
sa hospital bed si Ana.

"Mag ayos ka na para makakain na tayo ng breakfast," masiglang sabi ni


West sa akin.

Ang ganda ng ngiti niya. Halata sa mata niya na excited siya sa araw na
'to.

Nginitian ko rin siya.

"Sige mag-aayos na ako."

Kumuha ako ng damit at pumasok sa loob ng bathroom. Pagkasara ko ng


pinto, agad akong naghilamos ng mukha.

Napahawak ako ng mahigpit sa sink at ipinikit ko ang mata ko.

May iba ngayon.

Pakiramdam ko mag co-collapse ako any minute now. Ramdam ko ang pagikot
ng paligid. Hindi talaga maganda ang pakiramdam ko ngayon.

Nag flashback bigla sa akin ang panaginip ko.

Ang boses ni Cassandra. Ang sinasabi niya.

Hindi ko maintindihan bakit ako mananagipi ng ganun? Bakit si Cassy at


bakit bumalik sa akin lahat ng mga sinabi niya noon.

Una, dalawa raw ang nakatadhana sa akin. Isa ang makaksama ko habang
buhay at yung isa, magaalay ng buhay para sa akin.

Pangalawa, mamili ako ng pagkakatiwalaan ko dahil maaring ito ang


ikapahamak ko.
Sabi ni Cupid fraud daw si Cassandra. Sabi niya hindi totoo ang mga
sinasabi nito sa akin.

Ipinakita niya sa akin ang book of soulmates. Malinaw na malinaw,


nakatadhana ako kay Zyron at si West naman ay kay Ana.

Wala nang iba pang nakaduktong sa pangalan ko bukod kay Zyron.

Si Zyron. Siya ang para sa akin. Kapatid siya ni West.

Si Zyron.

Napapikit ako.

Grabe ang tadhana, napaka unpredictable. Alam mo yun? Yung nararamdaman


ko ngayon, feeling ko hindi ko na kayang mag mahal pa ng iba bukod kay West. Yung
parang lahat ng pagmamahal sa puso ko ibinuhos ko na sa kanya kaya naman wala nang
natira para sa iba.

Hindi ko maisip, paano ako ma-i-inlove kay Zyron? Kung siya talaga ang
nakatadhana sa akin, paano mangyayari yun?

Ayokong umabot sa punto na pinapaniwalaan ko lang na in love ako kay


Zyron just because ayun ang alam kong mangyayari. I'm scared. Yes, I want to love
him. I want to believe na mapapasaya niya ako higit pa kay West.

But god, there's a small part of me that refused to believe that. Yung
katiting na bahagi na yun ang may pinaka malakas na boses sa buong katauhan ko.
Sinisigaw na hindi, si West lang ang mamahalin mo. Siya lang. Hindi mahihigitan ni
Zyron yun o nang kahit na sino pa.

Si West lang. Siya lang.

Huminga ako nang malalim. Nakakainis naman, umagang-umaga ganito ang


takbo ng isip ko. Binabagabag na naman ako ng mga pangyayari.

Ba't kasi kailangan ko pang managinip ng ganun? Dapat ko bang bigyan ng


meaning ang panaginip ko about kay Cassy o hahayaan ko na lang?

Dapat ba akong magtiwala kay Cupid?

Napailing ako.
Ano ba! Bakit ganito takbo ng utak ko? Bakit ako nagkaka-doubt kay
Cupid?!

Hindi. Dapat magtiwala ako sa kanya. Sigurado ako na kung may


pagkakatiwalaan ako, si Cupid yun. Alam kong nasasaktan ako sa mga ipinapagawa niya
sa akin pero naniniwala ako na may dahilan siya.

Sana lang sinasabi niya sa akin 'di ba para hindi ako mukhang tanga?

Pero naniniwala ako kay Cupid. Kasi kung hindi siya ang paniniwalaan
ko, sino? Si Ayesha? Mas lalong hindi. Umpisa pa lang, si Ayesha na ang dahilan
kung bakit nangyayari sa akin lahat nang 'to. Kung hindi lang niya ako binrainwash
na nakawin ko ang pana ni Cupid!

Yung bruhang yun talaga! Dahil sa kanya nahihirapan ako! Pagka yun
naka-face to face ko na, babalatan ko siya ng buhay!

Naligo na ako ng mabilisan dahil iniintay ako ni West. Nakaka tense


pala yung ganito? Nagmamadali kang maligo pero kailangan mong sabunin ang bawat
singit ng katawan mo kasi nakakahiya sa kasama mo.

At habang kinakadkad mo ng sabon ang katawan mo, mapapaisip ka na


lang---leche, ba't ka nagpapaganda para sa kanya? Eh hindi naman kayo?

Leche.

Pero kahit ganun ang reyalidad, nagpaganda pa rin ako. Kakain lang ng
breakfast, nagpabango at nag make up pa ako.

Hayop na yan.

Nang makalabas ako ng kwarto, nakita ko si West na nakaharap sa laptop


niya habang naka-kunot ang noo.

"Uhmm work?" tanong ko.

Napa-angat bigla ang tingin niya sa akin at nawala ang kunot sa noo
niya.

"Yep. Ang daming mali kasi dito sa manuscript na pinasa."

"Hmm? Ba't ikaw nag ch-check? 'Di ba dapat si Elise since siya na ang
editor in chief?"
"Ah, hindi hiningi ko lang 'tong manuscript na 'to kasi ito yung best
seller eh tapos last book pa sa series. Hindi ako mapakali. Gusto kong siguraduhin
na maayos talaga."

Napa-ngiti ako.

Same old West. Ang sipag sa trabaho. Talagang hands-on at pinagtutuunan


ang mga manuscripts. At allergic sa typo.

Napa-buntong hininga siya.

"Hay, nag resign kasi yung favorite proofreader ko eh. Hindi tuloy ako
mapanatag sa mga manuscripts."

Napatawa ako ng mahina.

"Favorite pagalitan?"

Napangiti naman siya ng malawak.

"Favorite kong magpapansin sa kanya. Dati pinapagalitan ko siya kaya


lang naiinis siya sa akin. Edi gumawa ako ng ibang way. Nagpa-breakfast ako sa
opisina para sa kanya. Yung paborito niya. Pancit canton at pandesal."

Napailing ako habang nakangiti.

Naalala ko yung araw na yun. Yun yung panahon na hindi ko alam ang
dapat maramdaman ko kay West. Sanay akong nagsusungit siya sa akin tapos all of a
sudden, bigla na lang magiging sweet.

Paano kaya 'no kung hindi ko nalaman na sa iba siya nakatadhana?


Malamang sasagutin ko siya. Siguro kami na hanggang ngayon.

Or not?

Paano niya kaya makikilala si Ana nun?

Itong mga nangyayaring 'to, nasa plano rin ba ng tadhana?

~*~

Nasa beachfront yung buffet area kung saan kami nag b-breakfast. Ang ganda ng
dagat. Blue na blue. Kanina pa ako titig na titig. Gusto ko nang magswimming! Kung
hindi nga lang ako gutom, malang nag skip na ako ng breakfast.

"Jillian, may nakita ako na pwede nating pagbilhan ng swim wears kung
gusto mong mag swimming."

"Sige bili tayo! Hindi ko kasi ine-expect na magkakatime tayo para


makapag swimming kaya hindi rin ako nagdala ng pampaligo."

Napangiti siya, "buti na lang nagka-time. Tapos nasa malayong lugar pa


tayo. Hindi makakapang-gulo si Zyron."

I forced myself not to smile.

Mali. Wag kang kikiligin. Bawal kang mag smile. Mali yan. Mali yan
Jillian!

Langya Jillian, kelan mo ba ginawa ang tama?

Tumayo ako.

"Uhmm.. kukuha lang ako ng drinks."

Dali-dali akong pumunta sa buffet table dahil nararamdaman ko na naman


ang pag-init ng mukha ko.

Sana lang hindi napansin ni West dahil pag napansin niya 'yan, patay
ako. Hindi ako patatahimikin nun. Hindi ako tatantanan nun. Tapos gagawa na naman
siya ng bagay na ikakikilig ko at magpapatong-patong na naman ang kasalanan ko
hanggang sa tuluyan nang masunog ang kaluluwa ko sa impyerno.

At ayokong mangyari ang bagay na yun.

Kumuha ako ng tasa at maglalagay na sana ako ng kape nang bigla kong
maramdaman ang pag init ng compass sa leeg ko.

Napahawak ako dito.

Parang biglang umikot ang paligid ko.

Wait.. wait mag te-teleport ba ako?!

Ba't ang init ng compass? Bakit parang nahihilo ako?!


Nabitiwan ko ang tasa ng kape at narinig ko ang pagkabasag nito.
Napahawak ako sa buffet table to support myself dahil parang tutumba ako.

Narinig kong tinatanong ako nung matandang babae sa tabi ko kung ayos
lang ako pero hindi ako maka-sagot.

Dahil may nakikita akong vision sa isip ko.

Dalawang kamay na magkahawak. Yung isa, unti-unting bumibitiw sa isa.


Tunog ng life support. Isang mahaba at diretsong linya...

No.

"Jillian?! Jill! What happened to you?!"

Naramdaman ko ang kamay ni West sa balikat ko.

"Jillian! Namumutla ka. Anong nangyari?! Please magsalita ka."

Napatingin ako sa kanya.

"West..."

"Hey, I'm here. Dadalhin kita sa clinc."

Napahawak ako ng mahigpt sa braso niya, "no. Pumunta tayo sa ospital.


Puntahan natin si Ana. Please?"

"Jillian, bakit? What happened?"

"West, please?" napalunok ako. Feeling ko naluluha na ang mata ko.


Parang pinipiga ang puso ko.

Please, sana hindi yun totoo. Please.

Huminga ng malalim si West.

"Okay, pupuntahan natin si Ana."

"T-thank you."
Agad kaming sumakay ni West sa shuttle service nitong beach-resort.
Sakto kasi na dadaan ito sa ospital ni Ana. Buti na lang at naabutan pa namin ito
ni West.

Buong byahe, hawak ko ng mahigpit ang kamay ni West. Tahimik siya at


hindi nagsasalita. Nanlalamig ang kamay niya. Hindi ako aware sa kung ano ang
nararamdaman niya o iniisip niya dahil wala naman akong sinabing dahilan kung bakit
gusto kong pumunta sa ospital.

Pero halata sa kilos niya na kinakabahan siya.

Napapikit ako.

Please, sana hindi yun totoo. Promise, gagawin ko ang lahat para kay
West at Ana. Pero sana hindi pa siya mawala. Please, please, please.

They deserve to be happy together.

Nang makarating kami sa ospital, walang sali-salita, pareho kami ni


West na halos napatakbo papunta sa room ni Ana.

At nadatnan naming nagkukumpulan ang doctor at nurse dito. Magkayakap


ang mga magulang niya at parehong umiiyak.

My heart sank. Parang may nakabara sa lalamunan ko. Ni-hindi ko


namalayan na umiiyak na pala ako.

"J-Jillian?" sabi ng daddy niya. "Si Ana inaatake. Hindi ko na alam ang
lagay niya. Hindi na namin alam."

Napapikit ako at nakita ko na naman ang vision na yun.

Magkahawak na kamay.

Yung isa unti-unti nang bumibitiw.

Tunog na mula sa life machine.

Isang mahabang linya.

"Sir hindi po kayo pwedeng pumasok!"


Napadilat ang mata ko at nagulat ako nang makita ko si West na dire-
diretso sa kwarto ni Ana.

Hindi niya pinansin ang mga nurse na pumipigil sa kanya. Dire-diretso


lang siya dito at parang ikamamatay niya kapag hindi siya nakapasok sa loob.

"Sir please!" hinawakan ng isang nurse ang braso ni West pero tinabing
niya ito.

"Ana."

Agad kong sinundan si West sa loob

"W-West..."

Hindi niya ako nilingon. Parang hindi niya ako narinig. Dire-diretso
lang siya papalapit kay Ana.

"Ana," tawag niya dito.

Nagulat ako nang makita kong dumilat ang mata ni Ana. And then she
smiled at him.

"I-it's you.." nanghihina niyang sabi.

Hinawakan ni West ang kamay nito.

"Please. You need to live."

Huminga ng malalim si Ana. Nakita ko ang pagpatak ng luha sa mata niya. Nakita ko
ang panghihina ng katawan niya. Pero pilit niyang nilingon si West at nginitian.

"Win her heart okay?"

"Ana, please. You need to live!"

"Sir, hindi kayo pwede rito!"

Nagsilapitan ang tatlong nurse na lalaki kay West at hinila siya


papalayo kay Ana. Unti-unting bumitiw si Ana sa kamay ni West hanggang sa pareho na
kaming tinulak palabas ng dalawang nurse.
Napatingin ako kay West and my heart broke into million pieces.

He is crying.

Napatakip ako ng bibig at luhod sa labas ng kwarto ng best friend ko.


Hindi ko mapigilan ang paghagulgol ng iyak. Gulong gulo ang isip ko. Hindi ko alam
kung bakit nakita ko ang mga bagay na yun sa isip ko.

Yung kamay ni West at Ana na magkahawak. Yung unti-unting pagbitiw ni


Ana.

Ayoko na. Ayoko nang ma-witness ang susunod na mangyayari. Please,


please, please.

Narinig ko ang mahabang tunong ng life machine. Narinig ko ang malakas


na paghagulgol ng parents ni Ana.

Idinilat ko ang mata ko.

Nakita ko ang life machine at isang mahabang linya na lang ang nandito.

Nilapitan ng doktor ang parents ni Ana.

"Time of death, 10:43 am"

No. This isn't happening.

To be continued...

Aly's note:

Sorry sa maikling update! Gusto ko kasi kayong nabibitin ng bongga. Mwahahaha.


Labyu! <3
=================

Chapter 61

Chapter 61

[Jillian's POV]

Everything's a blur.

Wala ako sa sarili. Hindi ko na naiintindihan pa ang mga nangyayari.


Ayaw mag sink-in sa utak ko kung bakit nagkakaganito.

Ilang beses ko nang tinawag si Cupid. Paulit ulit ulit. Pero hindi siya
pumupunta.

Bakit ganun si Cupid? Kung kailan kailangan ko siya atsaka pa siya


hindi nagpapakita sa akin?!

Bakit namatay si Ana?! Sabi niya magagawa siyang iligtas ni West. Pero
isang araw pa lang silang nagkikita eh! Huli na ba? Nahuli ba kami sa pagpunta?

Bakit ngayon lang ipinakilala ni Cupid ang makakatadhana ni West! Sana


noon pa! Sana dati pa!

Sana dati pa nung hindi pa malubha ang sakit ni Ana. Dapat noon pa nung
hindi pa ako nahuhulog ng husto kay West.

Sigurado ako, iba ang mangyayari.

Bull shit na timeline 'yan! Bullshit na book of soulmates yan!

Wala na ang best friend ko. Wala na ang nakatadhana para sa lalaking
mahal ko.

At hindi ko ineexpect na masasaktan ako ng husto dahil dito.

Naramdaman kong hinawakan ni West ang kamay ko nang mahigpit. 

Napatingin ako sa kanya. Diretso lang ang tingin niya sa harap. Doon sa kabaong ni
Ana.

"Jillian, ang weird ng pakiramdam ko," halos pabulong niyang sabi sa


akin. "Bakit ganun? Saglit lang naman kami nagkausap ni Ana. Kahapon ko pa lang
siya nakilala. Pero sobrang bigat ng pakiramdam ko ngayon. Alam mo yung pakiramdam
na parang may nawala sa akin na napaka halaga? Bakit ganito?"

Hindi ako makasagot. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Hindi ko
alam kung tama ba na sabihin ko kay West na si Ana ang nakatadhana sa kanya. Na
ngayong wala na si Ana, wala na ang para sa kanya. Na ni hindi man lang sila
nagkaroon ng chance na magkakilala.

At parang nilulunod ako ng konsensya.

Dapat nung nalaman ko ang tungkol doon, dinala ko na agad si West kay
Ana. Sana nung sinabi na hindi kami pwedeng dumalaw dahil schedule ng treatment ni
Ana, nag pumilit pa rin ako. Sana hindi ko kinuha ang chance na makasama si West
dahil hindi naman siya para saakin eh.

Nag selos ako nung naguusap sila. Nasaktan ako nun. Pero leche Jillian,
sana itinatak mo sa utak mo na wala kang karapatan sa mga bagay na yan.

Tulay ka nila. Match maker. You are Cupid's freakin living arrow.

Nakakainis!

Sana manhid na lang ako.

"I'm sorry..." sabi ni West and he gently squeezed my hand. "I-I know
na mas mabigat ang nararamdaman mo ngayon at wala man lang akong masabing
comforting words."

Napalunok ako dahil pakiramdam ko, lalabas na naman ang luha sa mga
mata ko.

Agad akong bumitaw sa pagkakahawak ni West sa kamay ko.

"E-excuse me, restroom lang."

Hindi pa man nakakasagot si West, dire-diretso na akong pumunta sa


restroom. Pakiramdam ko kasi kapag nag salita pa ako, maiiyak na ako.

At sakto ngang pagkapasok na pagkapasok ko, bumagsak na ang luha sa


mata ko.

"Cupid."

Napapikit ako.

"Cupid.."

Idinilat ko ang mata ko pero walang Cupid na dumarating.

"Cupid naman eh! Ano ba naman! Wag mo naman akong abandunahin ng


ganito! Please! I need to talk to you! Please naman!"

Wala. Walang Cupid na dumarating.

Bakit ganun? Tama ba na pinagkakatiwalaan ko siya? Nauubusan na ako ng


dahilan para gawin pa lahat ng inuutos niya sa akin.

Masyado nang masakit at mahirap. Ayoko na.

Gusto ko na lang bumalik sa dati. Yung simple at normal kong buhay.

Bakit sa akin pa kasi nangyari ang bagay na 'to?

Leche Jillian. Ba't ang desperada mo kasi sa pagmamahal? Ba't hindi ka


na lang masanay na lagi kang nagiisa! Ayan. Ayan ang napala mo. 
"Jillian."

Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig kong may tumawag sa pangalan
ko.

At nakita ko ang taong hindi ko inaasahan na makikita ko sa lugar na


'to ngayon.

It's Ayesha.

Napaayos ako ng tayo at dumistansya agad ako kay Ayesha.

"Anong ginagawa mo rito?!"

"Wag kang mag-alala Jillian. Hindi ako pumunta rito para manggulo o
para saktan ka. Gusto lang kitang kausapin."

"Ano na naman Ayesha! Please wag muna ngayon! Wag muna ako!"

"Kailangan mong sumama sa akin, Jillian."

"At bakit?! Ano ba Ayesha!"

Nagulat ako nang bigla siyang lumapit sa akin at hinawakan ang braso
ko.

"Patawad Jillian, pero kailangan kong gawin ito."

"A-Ayesha---!!!"

Biglang nag liwanag ang paligid at naramdaman ko na lumulutang ako.

Shit! Shit shit shit!

"Cupid!!" sigaw ko.

But it's too late. Wala na ako sa restroom ng funeral homes kung saan
nakaburol si Ana.

Kundi nandito ako sa loob ng isang kweba. At sa harap ko, andoon si


Ayesha.
"Ibalik mo ako!" utos ko sa kanya.

"Hindi kita ibabalik hangga't hindi ka nakikinig sa akin, Jillian."

Napahinga ako ng malalim at parang gusto ko na lang ulit maiyak dahil


nag halo halo na ang nararamdaman ko kay West, kay Ana at ang frustration ko pa kay
Ayesha.

"Ayesha patayin mo na lang kaya ako ngayon? Kasi sa totoo lang, kung
may gagawin kang masama, wala na ako sa wisyo na lumaban sa'yo. I'm in a complete
mess!"

"Ang sabi ko, gusto lang kitang makausap."

"Bakit? I-co-comfort mo ako? Thanks but no thanks."

Bumuntong hininga si Ayesha at tinignan ako ng seryoso.

"Jillian, yung nararamdaman mo ngayon, naiintindihan kita. Napagdaanan


ko rin yan. At pareho tayong dalawa. Lahat nang 'to kagagawan ng mga Gods na 'yun.
Ginugulo nila ang buhay nating dalawa. Kaya dapat, tayo ang magkampihan."

Napaiwas ako ng tingin.

Gusto kong sabihin sa kanya na ayoko siyang kampihan dahil nagtitiwala


ako kay Cupid.

Pero parang may pumipigil sa akin.

Nagtitiwala ka ba talaga kay Cupid, Jillian? Tingin mo hindi ka


nagmumukhang tanga? Nasaan siya ngayon na kailangan mo siya?!

"Jillian, alam ko na iniisip mo na hindi makatarungan ang nangyayari


sa'yo ngayon."

Napa-angat ang tingin ko kay Ayesha.

"Mali ka Ayesha. Alam mo kung ano talaga ang iniisip ko?! Iniisip ko na
hindi makatarungan ang nangyayari kay West! Hindi makatarungan na namatay si Ana!"

"Yun nga ba talaga, Jillian? Hindi mo ba talaga inisip na dapat kayo na


lang ni West? Hindi mo ba ginrab ang mga pagkakataon na makasama siya kahit alam
mong hindi siya para sa'yo? Jillian, hindi ka ba nakaramdam ng selos kay Ana? Hindi
ka ba nainggit sa kanya ha?!"

Napatakip ako ng tenga.

"Tama na Ayesha!! Tama na! Tumahimik ka na! Please ibalik mo na ako


doon!"

"Ayaw mong marinig Jillian, dahil ayun ang totoo! Ayun ang tunay mong
nararamdaman at hindi mo maitanggi iyon!"

Pinunasan ko ang luha sa pisngi ko na ngayon ko lang napansing


bumabagsak na. Tinignan ko si Ayesha ng seryosong seryoso.

"Oo! Oo na! Tama ka na! Ako na ang pinaka selfish na tao sa buong
mundo. Oo, nagselos ako kay Ana. Oo, ginrab ko ang chance na makasama si West kahit
alam kong may sakit si Ana! Oo paulit ulit ulit kong hinihiling na sana ako na lang
ang nakatadhana kay West. Kasi mahal na mahal na mahal ko siya. At oo selfish akong
tao! Ang sama sama sama ko!"

Nilapitan ako ni Ayesha at ipinatong niya ang dalawang kamay niya sa


balikat ko. For a second, napahinto ako sa pagiyak.

Because she's looking at me with a genuine concern.

"Jillian," she said softly. "Oo, selfish nga. Oo nakaka guilty ang
ganung mga pagiisip. Pero alam mo, normal lang 'yan. Kahit sinong nilalang ang
mapupunta sa sitwasyon mo, ganyan ang mararamdaman at ikikilos. Mas selfless ka pa
nga sa iba eh. Dahil kung selfish ka talaga, hindi mo dadalhin si West sa Cebu para
makilala si Ana. Na kahit alam mong masasaktan ka, ginawa mo pa rin dahil gusto mo
ang maging masaya siya. At ngayon bakit ka umiiyak? Dahil alam mong wala na ang
nakatadhana kay West."

Napaiwas ulit ako ng tingin kay Ayesha.

Nakakainis. Dapat nagagalit ako sa kanya 'di ba? Kasi masama siya. Kasi
siya ang nangugulo rito.

Pero bakit parang nabubunutan ako ng tinik sa dibdib dahil sa mga


sinasabi niya?

"Jillian naiintindihan kita kasi ayan din ang naranasan ko. Ganyang-
ganyan. Alam mo ba siya ang nakatadhana sa akin? Yung lalaking mahal ko? Pero dahil
pilit akong ginawang apprentice ni Aphrodite, nabura ang pangalan ko sa book of
soulmates. Alam mo ba gusto akong bawiin ng lalaking mahal ko? At alam mo ang
ginawa nila? Pinatay nila ang pinakamamahal ko. Pinatay nila Jillian!"
Napailing ako.

"Hindi. Si Cupid? Hindi niya papayagan ang bagay na yun!"

"Buksan mo ang mga mata mo Jillian! Bakit ako magiging ganito ka-galit
kay Cupid?!"

"Gusto mong kunin ang pana niya dahil iniisip mo na si Zyron at yung
lalaking mahal mo ay iisa!"

"Dahil ayun ang totoo! Siya ang lalaking mahal ko at siya ang
nakatadhana sa akin pero binago nila ang book of soulmates!"

"Tama na. Wag mo nang guluhin ang utak ko! Please!"

"Makinig ka sa akin Jillian! Alam kong sinabi sa'yo ni Cupid na si


Zyron ang nakatadhana sa'yo, pero binago niya ang book of soulmates! Sa akin si
Zyron at kilala mo ang lalaking nakaduktong talaga sa'yo, Jillian?!"

Hinawakan ni Ayesha ng mahigpit ang magkabila kong braso.

"Si West ang para sa'yo Jillian."

Napahiwalay ako kay Ayesha. Gulong gulo ang isip ko.

Totoo ba yun? Totoo ba ang sinasabi niya?

Gustong gustong gusto kong maniwala.

Pero paano kung nagsisinungaling siya? Paano kung niloloko niya lang
ako? Paano ako makakasigurado na tama ang sinasabi niya?!

Napailing ako.

"Hindi. Hindi magagawa yun ni Cupid. Wala siyang dahilan para ibahin
ang book of soulmates. Wala. At sabi niya kahit na sino walang makakapagpabago ng
nakasulat sa book of soulmates! Please wag mo na akong lokohin!"

"Wala nga ba Jillian? Wala nga ba?"

"Walang dahilan si Cupid para lokohin ako!"


"Sigurado ka? Lahat ba talaga alam mo? Wala ba talaga siyang nililihim
sa'yo?"

Hindi ako makasagot. Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong
paniwalaan. Hindi ko na alam kung ano pa ang tama.

"Jillian, binago ni Cupid ang nakalagay sa book of soulmates dahil sa


dalawang dahilan. Una, para saktan ako dahil galit siya sa akin sa ginawa ko kay
Psyche. At pangalawa, dahil kahit baguhin pa niya ang kapalaran mo, mabubura rin
naman ang pangalan mo sa book of soulmates."

"A-anong ibig mong sabihin?"

"Isa kang Goddess Jillian. Patunay na ang compass na nasa leeg mo na


pag natapos na ang lahat nang 'to, isasama ka na ni Cupid sa Mt. Olympus at
gagawin ka niyang apprentice niya."

To be continued...

Author's Note:

Hi dear readers! I know may magtatanong kung paano ko nalagyan ng photos sa gitna
ang update ko XD Actually, I'm participating as a beta tester sa Wattpad para sa
new media functionality nila. Sa ngayon, hindi pa pwede sa lahat ng users ang
feature na 'to but hopefully soon magamit niyo na rin! Mas masaya mag basa pag may
mga photos 'no? Wahahaha <3

ALY A. 

=================

Chapter 62
SUPER DUPER IMPORTANT NOTE. PLEASE READ!!!

Hi dears. Marami po akong na-receive na comments last chapter (chapter 61) na hindi
niyo mabasa ng maayos yung update dahil putol putol yung words and may nauulit na
sentence. May bug po kasi ang Wattpad app kaya nasira ang update. I suggest na i-
update niyo ang Wattpad app niyo OR basahin niyo na lang ang chapter 61 sa browser
niyo, o laptop/desktop. Hindi niyo po kasi pwede i-skip ang chapter na yun kasi
important chapter yun. 

Ayun lang. And yes, sira po ang wattpad kaya naging ganun ang update ko AT HINDI PO
IYON TYPO. Wahaha hindi naman ako lasing nang isulat ko yun lol

Chapter 62

[Jillian's POV]

Halos mapatumba ako sa sobrang panlalambot dahil sa sinabi sa akin ni Ayesha. Ayaw
mag function ng utak ko. Ayaw i-absorb nito ang lahat ng mga nalaman ko.

Si West ang nakatadhana sa akin. Isa akong Goddess. Gagawin akong


apprentice ni Cupid?

Paanong nangyari yun?! Hindi yun totoo! Imposible! Hindi ako lolokohin
nang ganoon ni Cupid!

Hindi niya kayang gawin sa akin ang bagay na yun. May tiwala ako sa
kanya. Alam kong hindi niya magagawa yun!

Hindi nga ba?

Napailing ako.

"Tama na! Please Ayesha tama na! Wag mo nang guluhin ang utak ko! Wag
mo nang sabihin sa akin ang mga kasinungalingan na 'yan!"
"Jillian, nagsasabi ako sa'yo ng totoo."

"Pero bakit?! Sige nga! Paano ako magiging goddess?! Mortal pareho ang
mga magulang ko!"

"Sigurado ka Jillian? Nakilala mo ba ang iyong ina?"

Napailing ulit ako.

"Hindi batayan 'yun Ayesha!"

"Walang mortal ang makakagamit ng kapangyarihan ng compass Jillian."

"Hindi ko naman nagagamit ang kapangyarihan ng compass eh!"

"Sigurado ka?"

"Oo! Sigurado—"

Natigilan ako.

Naalala ko dati nung nasiraan ng kotse si West. Hiniling ko na sana


maayos na 'to. Nagulat ako nang biglang umilaw ang compass at naayos ang kotse ni
West.

At nung time na nalasing ako. Nakapag teleport ako nun sa condo ni


West.

"Ano Jillian?"

Napahawak ako sa ulo ko.

"Naguguluhan ako. Hindi ko na alam!"

"Naiintindihan kita Jillian. Alam kong magulo peero sana makinig ka sa


akin. Kayo ni West ang nakatadhana Jillian. Pero binago ni Cupid ang book of
soulmates at idinuktong niya ang pangalan mo kay Zyron at si West naman ay kay
Ana."

"Bakit niya gagawin yun? Kung buburahin lang din naman niya ang
pangalan ko sa book of soulmates, bakit kailangan pa niyang iduktong si Zyron sa
akin?!"
"Dahil gusto niya akong saktan at gusto niyang hindi ko malapitan si
Zyron. Reincarnation ng lalaking mahal ko si Zyron at dahil hindi pa ako patay at
ginawa akong immortal ni Aprhodite, sa akin pa rin ang nakaduktong ang tadhana
niya. Pero nabura nga ang pangalan ko sa book of soulmates kaya naman walang
nakaduktong para kay Zyron. Pero dahil idinuktong niya ang pangalan mo kay Zyron,
hindi ko siya malapitan Jillian. Ikaw ang ginawang pangharang sa akin ni Cupid."

Napapikit ako. Pilit kong nilalabanan ang mga luha sa mata ko.

"At si Ana?"

"Nakatakdang mamatay si Ana ng maaga dahil sa isang sakit kaya wala rin
siyang soulmate. Kaya naman naging madali ang pag duktong ni Cupid ng pangalan ni
West sa kanya."

My hand balled into fist. Nanginginig ang buong katawan ko. Hindi ako
makapaniwala sa lahat ng mga sinasabi sa akin ni Ayesha.

At biglang nag flashback sa isip ko ang sinabi ni Cassandra.

Mag ingat ka sa pagbibigyan mo ng tiwala, Jillian dahil maari mo itong


ikapahamak.

Tiwala. All this time nagtitiwala ako kay Cupid. All this time.

"At pag natapos ang lahat nang 'to, isasama na niya ako? Kahit ayaw
ko?"

Malungkot na tumango si Ayesha.

"Gagawin nila sa'yo ang ginawa nila sa akin."

Dito na tuluyang bumagsak ang luha ko.

Bakit ganun? Ang hirap hirap paniwalaan na magagawa ito ni Cupid. Pero
totoong totoo naman ang sinasabi ni Ayesha.

"Jillian, kailangan mong magtiwala sa akin. Alam kong mahirap pero


ayokong magaya ka sa akin. Ayoko ring mapahamak ka katulad ni Cassandra."

Napatingin ako bigla kay Ayesha. "Si Cassandra?! Kilala mo siya


Ayesha?!"
"Oo Jillian. At alam kong binalaan ka niya na mag ingat ka sa
pagkakatiwalaan mo. Kaya naman pinatay siya ni Cupid para hindi siya mo malaman ang
totoo Jillian."

Napatakip ako ng bibig at tuluyan akong napaluhod.

Naalala ko bigla ang reaksyon ni Cupid nang sabihin ko sa kanya ang


bagay na yun. Hindi siya makatingin sa akin. Hindi siya mukhang malungkot sa
nangyari. Ni hindi siya na bother sa kung sino ang pumatay kay Cassandra. Sinabi pa
niya na isang fraud si Cassandra.

Shit.

Dapat doon pa lang nawalan na ako nang tiwala sa kanya. Hindi ko


maintindihan ang sarili ko bakit nakuha ko pa ring magtiwala sa kanya nun.

At hanggang gustong gustong gusto ko pa ring pagkatiwalaan si Cupid.

Pero palagi siyang naglilihim sa akin. Wala akong alam sa mga plano
niya. Ni hindi niya sinasabi sa akin kung saan siya nagpupunta kapag nawawala na
lang siya.

"Hindi na ba pwedeng mabago ang lahat nang ginawa niya?" halos pabulong
kong tanong kay Ayesha.

Lumuhod si Ayesha sa harapan ko at ipinatong niya ang dalawa niyang


kamay sa magkabila kong balikat.

"Jillian, pwede pa. May paraan pa. Pero dito, kinakailangan ko ng


tulong mo. Syempre, hahayaan kitang mag desisyon kung tutulungan mo ako o hindi."

"Paanong paraan?"

May inilabas si Ayesha na isang golden dagger mula sa bulsa ng itim na


bestidang suot niya.

"Ikaw ang living arrow ngayon ni Cupid, Jillian. Ikaw ang makakatama sa
mga ginawa niya. Nasa akin pa ang pana ni Cupid pero wala nang arrow na natitira.
Kailangan natin ng bago, Jillian. May ginawang bagong pana si Hephaestus para kay
Cupid. Kailangan nating kumuha ng dalawang pana doon at dalawang patak ng dugo ni
Cupid na nag mula sa hiwa ng ginituang patalim na 'to."

"At kailangang ako ang kumuha?"

Tumango si Ayesha.
"Papanain mo si West para iduktong ang kapalaran niya sa'yo. Gagawin mo
rin iyon kay Zyron para iduktong ang kapalaran niya sa akin at maibalik ang
pangalan ko sa book of soulmates."

Hindi ako umimik. Nakatingin lang ako sa patalim na hawak ni Ayesha.

"Ano Jillian? Kaya mo ba? Magagawa mo bang mag tiwala sa akin?"

Tinignan ko ng seryoso si Ayesha at walang sabi-sabi ay kinuha ko ang


patalim sa kamay niya.

Nginitian niya ako.

"Ginawa mo ang tama Jillian. Mahahanap mo si Cupid gamit ang compass


mo. Magiingat ka."

~*~

Ang lakas ng tibok ng puso ko habang nagmamaneho ako papunta sa kinalulugaran ni


Cupid. Alam ko, kahit hindi ko na tignan ang compass, alam ko na kung nasaan siya.

Doon sa lugar kung saan ko siya unang nakita. Sa malaking bahay sa


Tagaytay.

Halos hindi ako makahinga dahil sa kaba. Alam kong pinangungunahan ako
ng takot ngayon. Ang daming what ifs na tumatakbo sa isip ko.

At malamang, kung magkakamali ako, maari kong ikapahamak 'to.

Pero there's no other way. I have to do this. I have to follow my


instincts.

Malinaw na ang isip ko sa dapat kong gawin. Buo na ang desisyon ko.

Pero sa ngayon, kailangan ko ng lakas ng loob.

Nakarating na ako sa malaking bahay. Napahawak ako nang mahigpit sa


compass at parang kumukuha ako rito ng lakas ng loob.

Huminga ako nang malalim at bumaba sa kotse.


Pumasok ako sa gate ng bahay at agad kong pinuntahan ang garden nito.
Wala pa ring pagbabago sa itsura. Naalala ko ang huling beses na nakita ko 'to ay
ang araw din kung saan ko ninakaw ang pana ni Cupid.

Nilapitan ko ang fountain sa gitna ng garden at sumampa ako rito.


Katulad nang dati, unti unti akong lumulubog sa fountain kaya naman napapikit na
lamang ako.

Nang imulat ko ang mata ko, nandito na ako sa loob ng hidden room ni
cupid. Sa gilid ng hidden room, nakakita ako ng isang kama. At doon, nakahiga si
Cupid at mahimbing na natutulog.

Parang pabigat nang pabigat ang bawat hakbang ko habang papalapit ako
sa kanya. A part of me is telling me to stop. Na wag ko nang ituloy itong binabalak
ko.

Pero hindi. Wala nang atrasan 'to. Kailangan kong gawin ito.

Nang makalapit na ako kay Cupid, inilabas ko ang golden dagger atsaka
ko ito itinaas.

~*~

"Jillian!!" salubong sa akin ni Ayesha nang makabalik ako sa kweba niya.

Napatingin ako sa likuran ni Ayesha. May dalawang lalaki ang lumulutang


sa ere habang walang malay.

Si West at si Zyron.

"Nakuha mo?"

Ipinakita ko sa kanya ang dalawang arrow na nakasukbit sa likuran ko.


Inilabas ko rin ang maliit na bote kung saan ko inilagay ang dugong nag mula sa
sugat ni Cupid.

Napangiti si Ayesha.

"Teka, si Cupid?" tanong niya.

Nginitian ko rin siya.

"Matapos ko siyang saksakin sa braso, bigla na lamang siyang nawalan ng


malay."
Napatango si Ayesha.

"Kinuha ko na si West at Zyron dahil kinakailangan na natin 'tong gawin


agad, Jillian. Handa ka na ba?"

Tumango ako at tinignan ko siya nang walang pag-aalinlangan.

Kinuha ni Ayesha ang pana ni Cupid at iniabot niya sa akin.

"Kailangan mo na silang panain, Jillian."

Kumuha ako ng isang arrow na nakasubit sa likuran ko. Nilagyan ko ang


pinaka patalim nito ng isang patak ng dugo ni Cupid atsaka ko ito itinutok kay
West.

"Gawin mo na Jillian. Ibalik mo sa'yo ang lalaking mahal mo! Ang


lalaking talagang para sa'yo!"

Huminga ako ng malalim. Tinignan ko si West. Napapikit ako.

I'll save you, West.

Nang muli kong idilat ang mata ko, pinakawalan ko ang pana sa kamay ko.

Pero kesa kay West ko itinira, pinatama ko ito sa may lagusan ng kweba.

Parang may nabasag na invicible mirror sa lagusan ng kweba nang tamaan


ito ng pana. At doon, nakita kong nakatayo si Cupid habang nakangiti ng malawak.

"A-anong ibig sabihin nito?! Jillian?!" dinig kong tanong ni Ayesha.

Nilingon ko siya at nginitian ng malawak.

"Sorry Ayesha, pero walang makakasira sa tiwala ko kay Cupid."

"Hi Ayesha! Namiss kita!" dinig ko namang sabi ni Cupid.

Nanlalaki ang mga mata ni Ayesha habang nakatingin sa aming dalawa ni


Cupid.
"Nahihibang ka na ba Jillian?! Matapos nang lahat ng sinabi ko sa'yo,
siya pa rin ang pinaniwalaan mo?! Nabubulag ka na! Buksan mo ang mga mata mo. Si
Cupid ang kalaban!"

"Talaga?" mahinahon kong tanong habang kumukuha ulit ako ng pana sa


aking likuran at ngayon ay itinapat ko na ito kay Ayesha.

"Jillian!"

"Ayesha, bakit hindi mo gisingin si Zyron ngayon? Gusto ko siyang


makausap."

Hindi umimik si Ayesha pero kita ko ang gulat at galit sa mata niya.

Tinignan ko siya ng seryosong seryoso.

"Dali na Ayesha. Gisingin mo si Zyron. Gusto kong makausap ang taong


tinutukoy ni Cassandra na magtataksil sa akin."

To be continued...

=================

Chapter 63

Chapter 63

[Jillian's POV]

FLASHBACK.

Nang makalapit ako kay Cupid, inilabas ko ang golden dagger atsaka ko ito itinaas.
Itinapat ko ito sa ulo niya. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Para akong aatakihin sa
puso.

Alam kong may point si Ayesha sa lahat ng sinabi niya sa akin. Kung
tutuusin, mas madali na lang kung paniniwalaan ko siya. Mas pabor pa sa akin.

Si West ang nakatadhana para sa akin. Si Zyron naman ay kay Ayesha.


Ginagawa ito ni Cupid para gawin akong apprentice.

Oo, kung iisipin pwedeng ayun ang totoo.

Pero isang bagay ang napaisip ako.

Si Cassandra.

Sabi ni Ayesha, kaya siya pinatay ni Cupid ay dahil tama ang prediction
ni Cassandra na may mag b-betray sa akin. Kung ganoon ay tama rin ang prediction ni
Cassandra na dalawang lalaki ang nakatadhana sa akin?

Bakit sabi ni Ayesha si West lang ang nakatadhana?

At kahit pag bali-baliktarin ko ang mga nangyari. Kahit anong isip ang
gawin ko, hindi pa rin ako completely makapaniwala na gagawin sa akin ni Cupid yun.

Naalala ko lahat ng pinagsamahan namin. Na kahit bwiset siya sa buhay


ko, pinatunayan niya ang concern niya sa akin.

Kada sinasabi niya na sasaya ako, alam kong meant niya yun.
Nararamdaman ko yun.

At maaring mali ang instinct ko na magtiwala kay Cupid. Maaring mali na


hindi ko susundin ang inutos sa akin ni Ayesha.

Pero bahala na. Kailangan kong mag take ng risk. Hindi ko alam kung
mapapahamak ako o ano.

Pero kailangan kong gawin ito. I need to know his side.

Huminga ako nang malalim.

"Cupid," bulong ko. "Gumising ka."

Biglang napadilat ang mata ni Cupid at agad kong itinapat ang patalim
sa kanya.

"Jillian?!"
Dumistansya ako pero hindi ko pa rin ibinababa ang patalim.

Napa-bangon si Cupid at tinignan niya ako habang nanlalaki ang mga mata
niya.

"Jillian, saan mo nakuha ang patalim na 'yan? At bakit mo itinututok sa


akin yan?!"

Inilayo ko ang pagkakatutok ng patalim kay Cupid at itinutok ko 'to sa


puso ko.

"J-Jillian? Anong nangyayari sa'yo."

"Hindi kita magagawang saktan o patayin sa patalim na 'to Cupid kung


sakali mang kalaban ka. Pero alam kong kailangan mo ako ng buhay para isama sa Mt.
Olympus kaya kung gagawa ka ng kalokohan, sasaksakin ko ang sarili ko."

Itinaas ni Cupid ang dalawa niyang kamay.

"Jillian, kahit saksakin mo ang sarili mo niyan, hindi mo 'yan


ikamamatay. Sasaktan mo lang ang sarili mo."

Napakunot ako ng noo.

"Dahil ba sa goddess ako? Dahil immortal din ako katulad mo?"

Natigilan si Cupid at iniwas niya ang tingin niya sa akin.

"Cupid sagutin mo ako! Kinausap ako ni Ayesha at sinabi na niya sa akin


ang lahat! Ngayon binibigyan pa kita ng chance na magpaliwanag sa akin kaya gawin
mo na! Tell me the truth! Goddess ba ako? Totoo ba ng si West ang nakatadhana sa
akin? Binago mo ba ang book of soulmates? Ikaw ba ang pumatay kay Cassandra ha?!"

"Jillian kasi..."

"Jillian!"

Bigla akong natigilan nang marinig ko ang pamilyar na boses na 'yun.


Lumingon ako sa likod ko at tuluyan kong nabitiwan ang patalim na hawak ko.

"C-Cassandra..?!"
"Jillian, bakit mo sasaktan ang sarili mo?"

Hindi ko pinansin ang tanong niya at agad ko siyang nilapitan.


Hinawakan ko ang braso niya, ang mukha, ang balikat.

"B-buhay ka! Buhay ka! Paanong nangyari yun?!"

"Gising ka na pala?" dinig kong sabi ni Cupid.

Nilingon ni Cassandra si Cupid at nginitian.

"Oo. Maraming salamat sa pagliligtas mo sa akin. Nang magising ako,


ikaw naman ang mahimbing na natutulog. Hula ko ay kagagawan din ni Ayesha ito kaya
naman pinainom ko sa'yo ang liquid na nasa tabi ng higaan ko. Buti pala at hindi
yun lason."

"Buti na lang din at umepekto sa akin iyon kung hindi napatay na ako
nitong si Jillian."

Napatingin ako kay Cassandra, and then kay Cupid.

"Teka nga, pwedeng paki paliwanag sa akin ang mga nangyayari?! Sawa na
kasi akong walang nalalaman eh!"

"Iniligtas ako ni Cupid kay Ayesha, Jillian. Gusto akong ipapatay ni


Ayesha dahil nalaman niyang nakita ko ang taong magtataksil sa iyo."

"At nung araw na papatayin na si Cassandra, nahanap ko siya at ang


demonyong lobo na inutusan ni Ayesha na paslangin si Cassandra," sabi naman ni
Cupid.

"P-pero nakita ko ang katawan ni Cassy! Nakita yun ng dalawang mata


ko!"

"Katawan yun ng demonyong lobo, Jillian," paliwanag ni Cupid.


"Kailangan kong palabasin na patay na si Cassandra para hindi na siya hanapin pa ni
Ayesha. Kinailangan ko ring itago si Cassandra para maging ligtas siya."

"Matagal akong nakatulog Jillian," sabi ni Cassandra. "Pinainom ako ng


potion ni Ayesha. At nung ako naman ang nagising, si Cupid naman ang mahimbing na
natutulog."

"Bwiset na Ayesha 'yon!" iritang sabi ni Cupid. "Buti na lang at hindi


niya alam na nandito si Cassandra kaya nakontra niya ang potion na pinainom sa
akin."
Napahinga ako ng malalim at napaupo sa kama. Kahit papaano ay parang
nabunutan ako ng tinik sa dibdib.

Hindi si Cupid ang tinutukoy na hindi ko dapat pagkatiwalaan kundi si


Ayesha. Pero bakit?

"Hindi mo pa nasasagot ang isang katanungan ko. Isa ba akong goddess,


Cupid?"

Napayuko si Cupid.

"Please, sagutin mo na Cupid. Kailangan kong malaman ang lahat."

"Totoo 'yun Jillian. You're a part goddess. Kapatid ko ang iyong ina."

Napapikit ako.

"At totoo na isasama mo na ako sa Mt. Olympus."

"Ayun ang gustong mangyari ni Aphrodite."

Hindi ako sumagot. Para akong nawalan ng boses.

"Pero hindi iyon ang gagawin ko, Jillian."

Bigla akong napalingon kay Cupid at nakita ko ang lungkot sa mga mata
niya.

Nilapitan ako ni Cupid at lumuhod siya sa harapan ko at pilit na


sinilip ang ang mukha.

"Jillian, ayokong matulad ka kay Ayesha. Ayokong mangyari ang mga bagay
na yun sa'yo. Ang unang step para lumabas ang kapangyarihan mo ay ang malaman kung
sino ka talaga. Kaya wala akong sinasabi sa'yo. I gave you the compass para ma
contain ang powers mo. Pero minsan, may nakakalusot dahil nasa nature mo na yan."

"Eh yung about sa book of soulmates?"

"Si Zyron talaga ang nakatadhana sa'yo at si West ay para kay Ana. Pero
bago pa ako mapainom ni Ayesha ng potion, ito ang nakita ko sa book of soulmates."
Inilabas niya ang book of soulmates at iniabot niya sa akin.

Nakaduktong pa rin ang pangalan ko kay Zyron.

Pero hindi lang siya.

Nakaduktong din ang pangalan ko kay West.

Napa-angat ang tingin ko.

Dalawang lalaki ang nakaduktong sa akin.

Paanong nangyari ito?

Hinablot ni Cassandra ang book of soulmates.

"Nagsisimula na. Ito na nga. Ang prediction, Jillian!"

"Paano nangyari ito?!"

Napailing si Cupid, "hindi ko rin maintindihan Jillian. Hindi ko alam."

"Dahil kay Zyron..."

Pareho kaming napatingin ni Cupid kay Cassandra.

"Si Zyron?"

"Siya ang nasa prediction ko, Jillian. Siya ang taong hindi mo dapat
pagkatiwalaan."

"Teka, akala ko ang tinutukoy mo ay si Ayesha?" sabi ni Cupid.

"Buong akala ko rin ay si Ayesha o ikaw ang magtataksil kay Jillian.


Kaya nagulat ako nang makita ko ang mukha ni Zyron bago pa man ako mahuli ni
Ayesha. Pero alam ko na ang nangyayari. Mahal ni Zyron si Jillian mula umpisa pa
lang. At oo, alam ito ni Ayesha. Pero kesa makita niyang hadlang ang pagmamahal ni
Zyron kay Jillian, ginamit niya ito para sa mga plano niya. Pinaniwala ni Ayesha si
Zyron na si Jillian ay nakatadhana kay West. At para mabago ang tadhana na yun,
kailangang umibig ni Jillian kay Zyron. Jillian, lahat ng mga bagay na ibinibigay
sa'yo ni Zyron ay may love potion na galing kay Ayesha. Binubuhusan ni Zyron ito.
Hindi alam ni Zyron na may dugo kang goddess kaya naman hindi umeepekto ang bagay
na 'to sa'yo. At bawat love potion na ginagamit ni Zyron, ay nakakagamit din siya
ng ipinagbabawal na mahika ng tadhana. At dahil doon, unti-unting nagiging mahina
ang connection niyong dalawa. Ayun ang nais mangyari ni Ayesha. Dahil kapag tuluyan
nang naputol ang connection niyo, makukuha na niya si Zyron."

Ipinatong ko ang dalawang kamay ko sa mukha ko.

Kaya pala kahit anong gawin ko, hindi ko makuhang magustuhan si Zyron.
Siya na mismo ang gumagawa ng paraan para mabura ang connection naming dalawa.

I feel a tight knot in my stomach.

Hindi ko inakala na magagawa ni Zyron 'to. Hindi lang sa akin kundi


pati na rin kay West.

Paano niya nagawang maging sobrang selfish?!

"Si Zyron at West ay kasalukuyan nang nasa kweba ni Ayesha," sabi ni


Cassandra.

"Pupuntahan natin sila Jillian. Ililigtas natin sila," sabi ni Cupid.


"May magic barrier ang cave ni Ayesha kaya hindi ako makakadaan. Pero kung
susugatan mo ako at ipapatak mo ang dugo ko sa barrier na 'yun, mababasag ito at
makakapasok ako. Pero, uhmm, wag mong gagamitin yung golden dagger dahil mamatay
ako. Galing sa mga fury ang golden dagger na 'yan. At pag sinaksak ka ng kadugo mo,
mamatay ka."

"Kaya ibinigay ni Ayesha sa akin 'yan. Kaya inutusan niya ako na ayan
ang gamitin ko para sugatan ka."

Tumango si Cupid.

"Halika na. Iligtas na natin si West at Zyron. At tutuparin ko na ang


pangako ko sa'yo na magiging masaya ka, Jillian."

"Teka Cupid, may naiisip ako na paraan."

"Ano yun?"

"Hindi lang si West at Zyron ang ililigtas natin. Pati na rin si Psyche
at ang pana mo."

"Paano natin gagawin 'yun?"

"Kailangan ko ng dalawang pana at ang dugo mo."


~*~

Nandito na kami ni Cupid sa labas ng kweba ni Ayesha. Paulit-ulit kong iniisip ang
plano namin.

Magpapanggap ako na nagawa ko ang gusto niya. Sasabihin kong nawalan ng


malay si Cupid nang saksakin ko siya sa braso dahil ayun ang inaasahan ni Ayesha.

Inaasahan niyang patay na si Cupid.

At kapag naibigay na sa akin ni Ayesha ang pana ni Cupid, kesa si West


o Zyron ang papanain ko ay ang lagusan. Dahil ang pana ay may dugo ni Cupid at
magagawa nitong basagin ang magical barrier.

Sunod nun, ililigtas ko si West.

At papatayin ko si Ayesha.

To be continued...

Author's Note:

Sa mga naguluhan po last chapter, ayan na ang kasagutan. Sana malinaw na XD

Sa mga nang alipusta, nambash, nangapi, nangaway, minura, at nagalit kay bebe
Cupid... MAG SORRY KAYO SA KANYA! Wawa naman bebe Cupid. Ilang chapters ko na
siyang gustong gusto na ipagtanggol kaya lang pinigilan ko sarili ko for the sake
of plot twist. WAHAHAHAHA

At sa mga nag comment last chapter na bobo at tanga si Jill dahil nagtiwala na
naman siya kay Cupid, MAG SORRY RIN KAYO SA KANYA! Wahahahaha

Labyu guys. <3


Alam na next chapter. Labanan na itey.

=================

Chapter 64

Chapter 64

[Jillian's POV]

"Dali na Ayesha. Gisingin mo na si Zyron. Gusto kong makausap ang taong tinutukoy
ni Cassandra na magtataksil sa akin."

Unti-unting lumapit si Ayesha sa harap ni Zyron at inihrapang niya ang


katawan niya rito.

"Alam mo na pala ang lahat, Jillian. Pero hindi mo ako mapipigilan.


Kung hindi mo papanain si Zyron, ikaw ang papatayin ko, Jillian!"

"Hindi naman pwede yun," sabi ni Cupid at itinaas niya ang bago niyang
pana na gawa ni Hephaestus. "Hindi ko hahayaang saktan mo ang pamangkin ko."

Sumeryoso lalo ang itsura ni Ayesha at itinaas niya ang palad niya.
Nakita kong may bola ng ilaw na kulay asul ang lumutang sa palad niya.

Diniinan ko ang hawak sa pana.

"Ayesha, kasing bilis ng pana ko ang mahika mo," sabi ni Cupid. "Ang
panang hawak namin ni Jillian ay gawa sa mahika ng mga Furies. Pagka-bumaon ito
sa'yo, ikamamatay mo 'to."
"Hindi ako natatakot sa inyo!" sabi ni Ayesha. "Akin si Zyron. Hindi
niyo na siya kailanman mababawi sa akin!"

"Simula nang pumayag kang maging apprentice ng aking ina ay natanggalan


ka na ng karapatan sa mortal na iyan!" sigaw ni Cupid. "Oo, mali ang aking ina na
patayin ang lalaking mahal mo. Ngunit iniligtas naman siya ulit ni Zeus at binigyan
ng pangalawang pagkakataon sa katauhan ni Zyron. Pero wala ka pa ring karapatan sa
kanya, Ayesha!"

"Tinanggalan niyo ako ng karapatan noon! Babawiin ko lang iyon ngayon!"

"Tandaan mo, kusa mong tinanggap ang pagiging Goddess mo. Ginusto mo
rin iyon kaya wag mo sa amin isisi ang lahat. Minsan hinangad mo rin magkaroon ng
walang kapantay na kapangyarihan!"

"Ayesha, itigil mo na 'to," mariin kong sabi. "Pakawalan mo na si Zyron


at West. Hindi ka mananalo sa amin ni Cupid, Ayesha!"

Ngumisi si Ayesha.

"May mga alas pa ako."

Bigla kaming may narinig na isang nakabibinging ungol sa hindi kalayuan


na na parang nanggagaling sa isang lobo.

Bumilis ang pintig ng puso ko at parang hindi ako makahinga. Pilit kong
pinapakalma ang sarili ko.

Ilang oras pa lang simula nang malaman kong part goddess ako. Kung
tutuusin, pwede ko pang i-consider ang sarili ko bilang isang mahinang mortal.

Pero ngayon, kailangan kong lakasan ang loob ko. Bawal matakot. Baka
pag pinangunahan ako ng takot, pare-pareho kaming mamatay rito.

No. Kahit ikamatay ko basta mailigtas ko sila. They deserve it. Both
West and Zyron. Hindi ako makakapayag na may magsasakripisyo sa kanila.

Bigla kaming nakarinig ng malakas na tili ng isang babae. Nanlaki ang


mata ni Cupid.

"P-Psyche--!!"

"Gutom ang alaga kong lobo. Ano kaya ang lasa ng asawa mo, Cupid."
"Ayesha--!"

"Cupid, puntahan mo si Psyche."

"Pero Jillian--!"

"Kailangan mong iligtas ang asawa mo. Wag kang magalala, magiging okay
lang ako."

Naramdaman ko ang pag-hinga ng malalim ni Cupid.

"Babalikan kita agad, Jillian."

Sinulyapan ko siya at nginitian ng bahagya.

"I know. Go, save your wife!"

Tumango siya at tumakbo papunta sa pinanggagalingan ng ingay.

Ibinaba ni Ayesha at kamay niya.

"Ngayon Jillian, makakapagusap na tayo ng maayos."

"Aayos lang ang paguusap natin kung ibabalik mo sa akin ni West at


Zyron."

"Jillian, alam kong mahal na mahal mo si West. Ito na nga, binibigyan


na kita nang pagkakataong makuha siya ng walang hadlang. Hayaan mo na si Zyron."

"Hindi mo ako madadaan sa ganyan Ayesha. Oo mahal ko si West pero hindi


ko kayang pabayaan si Zyron sa'yo."

"Bakit Jillian? Matapos nang ginawa niya sa'yo! Katulad ko rin si


Zyron. Gagawin niya ang lahat makuha lang ang gusto niya. Ang buong akala niya ay
kay West ka nakatadhana. Pero wala siyang paki kung aagawan niya ng tadhana ang
kapatid niya! Ba't hindi ka na lang magpaka-selfish at kunin mo ang lalaking para
sa'yo?! Hindi mo na rin naman magagawang mahalin pa si Zyron dahil siya na mismo
ang nagpahina ng koneksyon niyo!"

Bago pa ako makasagot kay Ayesha ay bigla na lang lumindol ng malakas


kaya pareho kaming napatumbang dalawa.
My heart skipped a beat.

Sana walang nangyayaring masama kay Cupid. Please, Cupid mag-iingat ka.

Nang huminto ang malakas na paglindol, hindi na ako nagdalawang isip


pa. Agad akong tumayo at pinakawalan ko ang panang nasa kamay ko.

Kaso nakita agad ito ni Ayesha at gumulong siya paalis sa kinalulugaran


niya kaya hindi siya tinamaan ng pana.

Tumayo si Ayesha at tumawa nang malakas.

"Paano ba 'yan Jillian, wala ka nang pana. Paano ka na ngayon?"

Muli niyang itinaas ang palad niya at nakita ko na naman ang kulay asul
na ball of light sa ibabaw nang palad niya. Bigla niya itong ibinato sa akin at
laking pasasalamat ko dahil nakailag ako. Tinamaan ng ball of light ang malaking
bato na nasa tabi ko at nakita ko itong naging abo.

Shit.

"Ang lakas ng loob mo na paalisin si Cupid. Tingin mo kaya mo akong


labanan? Sino ka ba? Anong laban mo sa akin?"

Hindi ako umimik. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Sa peripheral vision
ko, nakikita ko ang pana ni Cupid na tinira ko para sirain ang invisible barrier ni
Ayesha. Onti lang ang layo nito sa akin. Kaya ko 'tong abutin.

Kaya lang alam kong mas mabilis ang ball of light ni Ayesha kesa sa
pagtakbo ko.

Shit shit shit.

What should I do?!

"Tulungan mo ako Jillian at hahayaan kitang mabuhay."

"Manigas ka diyan."

Agad pinakawalan ni Ayesha ang asul na ball of lights at naramdaman


kong dumaplis it ko sa braso ko. I let out a cry of pain. Ang init ng braso ko.
Parang nasusunog. Ang sakit. Sobrang sakit!
Napatumba ako.

"Pwede naman kitang patayin Jillian para tuluyan nang mawala ang
koneksyon niyo ni Zyron. Katulad nang kung paano ko pinatay si Ana para maiduktong
ko ang kapalaran mo kay West."

Tinignan ko ng masama si Ayesha. Nanginginig ang buong katawan ko.

Siya ang dahilan kung bakit nawala agad si Ana. Si Ayesha... siya ang
may kagagawan...

"Ngayon Jillian, tutulungan mo ako o mamamatay ka?"

Napansin kong halos nasal likuran ko na ang arrow. Onting stretch na


lang maabot ko na ito. Pero hindi dapat mapansin ni Ayesha kaya naman dinistract ko
siya.

"Hindi mo ako papatayin Ayesha. Kailangan mo ang tulong ko. Kahit


mawala ang koneksyon namin ni Zyron, hindi mo maiduduktong ang kapalaran niya
sa'yo."

Tumawa nang malakas si Ayesha.

"Jillian Jillian Jillian...wag mong kalilimutan na madaling gayumahin


ang mga mortal."

Nahawakan ko na ang pana at itinago ko ito sa likuran ko.

Unti-unti akong tumayo at nginitian ko si Ayesha.

"Bago mo siya magayuma, papatayin muna kita."

Agad kong isinalang ang pana at pinakawalan ito. Kahit na nakailag si


Ayesha, nadaplisan pa rin ang tagiliran niya kaya naman napaluhod siya.

Nakita ko ang gulat sa mga mata niya.

Alam kong dapat ibaon ang pana para mamatay ang isang imortal. Pero
makaka-cause pa rin ito ng malaking damage sa katawan nila kung madadaplisan ka
nito.

"Tama na Ayesha. Talo ka na. Itigil mo na 'to. Hindi mo na magagawang


lumaban."
"Hayop kayong lahat!!"

Bigla ulit yumanig ang buong kweba kaya naman napatumba ulit ako.
Nagbagsakan ang malalaking bato sa ulunan ko at bago pa ako makailag, may isang
matalim na bato ang tumama sa hita ko.

Napasigaw ako ng malakas.

Umiikot na ang paningin ko dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko.

Sa braso ko na tinamaan ni Ayesha ng ball of lights. Sa hita ko na


hindi ko na maigalaw dahil may naka-tusok na matalim na bato.

Naka-aninag ako ng pulang ilaw.

Napatingin ako sa direksyon ni Ayesha at nakita ko na kahit hinang hina


na siya, may mahika pa rin siya.

"Sa ating dalawa, ikaw ang mamatay Jillian."

Pinakawalan ni Ayesha ang pulang ilaw patungo sa direksyon ko.

Pero bago pa ito tumama sa akin, may biglang yumakap sa akin at siya
ang tinamaan ng mahika ni Ayesha.

"J-Jillian..."

Kitang-kita ko ang panlalaki ng mata niya. Kita ko kung paano lumabas


ang dugo mula sa bibig niya at unti-unti siyang napapikit at tumuba sa harapan ko.

Hindi ako makahinga.

Hindi.

Hindi pwede.

Bakit.

HINDI PWEDE.

"WEST!!!"
To be continued...

=================

Chapter 65

Chapter 65

[Jillian's POV]

Kasabay ng malakas na pagtawa ni Ayesha ang pagbagsak ng katawan ni West sa harapan


ko.

Nangiginig akong lumapit kay West.

Nakapikit ang mata niya at may dugo sa gilid ng bibig niya.

Na b-blangko ang utak ko. Ayaw nitong i-process ang mga nangyayari sa
paligid.

Hindi 'to totoo. Hindi. Namamalik-mata lang ako. Please. Hindi si West
ang lalaking nasa harap ko. Please tell me na hindi si West ito.

"Ano Jillian? Masarap ba sa pakiramdam ang mawalan ng minamahal ha?"


sabi ni Ayesha. Ang saya saya ng tinig niya.

"Ganyang-ganyan ang naramdaman ko ng kunin nila sa akin ang lalaking


pinakamamahal ko! Ngayon naiintindihan mo na ako Jillian, hindi mo na ako masisisi
kung bakit ako nagkakaganito!"
Naramdaman ko ang paginit ng compass na nakasabit sa leeg ko. Para
akong namanhid. Hindi ko na maramdaman ang mga sugat na natamo ko.

Iisa na lang ang nasa isip ko.

Papatayin ko si Ayesha.

Hindi ako makakapayag na lalabas ako ng kwebang 'to na humihinga pa


siya.

She killed West. She killed the man I love.

Wala na akong paki kung ano ang mangyayari sa akin. All I know is that
I need to kill her.

I will kill her.

Naglakad ako papalapit kay Ayesha. Ang init ng compass ay parang


naglalakbay sa buong katawan ko.

"Pinatay mo siya," halos pabulong kong sabi habang tuloy-tuloy ang pag-
agos ng luha sa mata ko. "Pinatay mo si West! Pinatay mo siya!"

Ngumisi siya sa akin, "oo Jillian. Pinatay ko ang lalaking mahal mo!
Wag kang mag-alala, magkikita pa rin naman kayong dalawa sa kabilang buhay!"

Umayos ng tayo si Ayesha. Namumutla na siya gawa ng pagkaka-daplis ko


ng pana sa tagiliran niya. Pero kahit ganun ay nakukuha pa rin niyang makagawa ng
ball of lights sa palad niya.

Nakaramdam ako ng init palad ko. Isang enerihiya. Naramdaman ko ang


pagdaloy ng mahika mula sa compass hanggang sa palad ko.

Inilahad ko ang kamay ko at nakita kong may nakalutang na asul na ball


of light dito.

Nakita ko ang panlalaki ng mata ni Ayesha.

"P-paanong nakagawa ka niyan?!"

"Papatayin kita."

Napa-atras si Ayesha at hinawakan niya sa leeg ang walang malay na si


Zyron.

"Pag pinatamaan mo ako niyan, madadamay siya!"

Hindi ko inintindi ang sinasabi niya. Tuloy tuloy akong naglakad


palapit sa kanya. Nanginginig pa rin ang buong katawan ko.

Si West.... Si West..

Hindi ko matatanggap 'to. Habang buhay kong dadalhin 'to.

Ayaw tanggapin ng puso't isipan ko na wala na siya. Ang bigat bigat sa


dibdib. Para akong unti-unting pinapatay. Para akong nalulunod. Ang hirap huminga.

Papatayin ko si Ayesha!

Itinaas ko ang palad ko. Nakita kong itinulak ni Ayesha si Zyron palayo
sa kanya at napaatras siya sa akin.

"J-Jillian.... Please... pwede nating pagusapan 'to."

"Magagawa mo pa bang ibalik ang buhay niya?!"

Hindi umimik si Ayesha. Nanlalaki lang ang mata niya habang nakatingin
sa akin. Kita ko sa expression niya na hindi siya makapaniwalang gagawin ko 'to.

At kahit ako, hindi ako makapaniwala na buong buo ang loob ko na


patayin ang babaeng nasa harapan ko.

She killed the man I love. Walang kapatawaran ang ginawa niya.

Ibabato ko na sana ang ball of lights sa direksyon ni Ayesha ng biglang


may yumakap sa akin mula sa likod at pinigilan ako.

"Jillian! Please wag!" dinig kong sabi ni Cupid.

"Bitiwan mo ako Cupid! I will kill her! I need to kill her!!"

"Wag mong gagawin yan Jillian! Magiging full goddess ka. Hindi mo
pwedeng gamitin ang kapangyarihan mo!"

Umiling ako, "wala akong paki Cupid! Wala na akong paki kung ano ang
mangyari sa akin! She killed West! She killed him!!"

"Jillian!"

I tried to push him away pero ang higpit ng pagkakayakap ni Cupid sa


akin. Ayaw niya akong pakawalan. Nanghihina na ako. Pinanlalambutan ako ng tuhod.

Narinig ko ang tawa ni Ayesha mula sa malayo.

"Wow Cupid, kaya mo palang maging concern! Bakit wala kang ginawa ng
panahong kinuha ako ng iyong ina?!"

Tinignan ni Cupid si Ayesha.

"Hindi ka niya kinuha. Kusa kang sumama sa kanya."

"Dahil pinangakuan niya ako ng kung anu-ano!"

"Pinangakuan ka niya ng kapangyarihan na talaga namang ibibigay niya


sa'yo kung hindi ka umalis! Hindi mo pwedeng isisi lahat sa amin ang bawat maling
desisyon na nagawa mo!"

Humarang si Cupid sa harap ko. Ngayon ko lang napansin na his clothes


are soaking of blood. Nanginginig din ang mga binti niya na parang any minute ay
bibigay na siya.

Lumingon ako sa likod ko at nakita ko ang asawa ni Cupid na si Psyche.


Walang malay pero wala ring galos sa katawan.

Pero si Cupid...

"Pareho na tayong nanghihina Cupid. Pero sa lagay mo na yan, hindi mo


ako kakayaning talunin," ngiting-ngiti na sabi ni Ayesha.

Hindi sumagot si Cupid pero kita ko ang napahigpit ang paghawak niya sa
kanyang pana.

I tried to stand up pero naramdaman ko ulit ang sakit ng hita ko dahil


sa malaking sugat na natamo ko.

Nakita kong palaki nang palaki ang ball of light sa palad ni Ayesha.
Ramdam ko ang panghihina ni Cupid.
Pero isang bagay ang hindi ko inaasahang mangyari.

Mula sa likod ni Ayesha, nakita kong sinaksak siya ni Zyron ng pana ni


Cupid.

Nanlaki ang mata ni Ayesha. Nakita kong may lumabas na dugo mula sa
bibig niya. Unti-unti siyang natumba.

"B-bakit...?" tanong niya kay Zyron nang makita niya na ito ang
sumaksak sa kanya.

"Tama na Ayesha," mariin na sabi nito.

May bumagsak na luha galing sa mata ni Ayesha.

"Gusto lang kitang makasama. Katulad ng dati. Katulad nung hindi pa


sila dumarating sa buhay natin.." hinang-hina na sabi nito.

"Hindi na ako sa'yo simula ng pinili mo ang kapangyarihan."

Napapikit si Ayesha habang tuloy-tuloy ang pagbagsak ng luha sa mata


niya.

"Patawad, mahal..."

Biglang nag-liwanag ang buong katawan niya at sa isang iglap lang ay


naglaho na ito.

Napaluhod si Cupid.

"Wala na siya..."

Napayuko ako at nilingon ko si West. Pagapang akong lumapit sa katawan


niya at hinawakan ko ang kamay niya.

Ang lamig lamig na nito. Kulay papel na ang labi niya. Wala na rin
kulay ang balat niya.

Pinunasan ko ang dugo sa gilid ng labi ni West gamit ang daliri ko. At
hindi ko na napigilan ang pag hagulgol ng iyak. Ipinatong ko ang ulo ko sa dibdin
ni West. Pilit ako umaasa na marinig ko ang tibok ng puso niya o maramdaman ang
paghinga niya.
Pero hindi. Wala.

Isa na lamang siyang malamig na bangkay.

At ang sakit sakit sakit.

Hindi ko kaya. Ayokong tanggapin ito.

"West naman eh. Bakit ka naman ganyan!!"

Naramdaman kong may tumabi sa akin at nakita ko si Zyron. His eyes are
full of tears.

Iniharang ko ang katawan ko sa harap ni West.

"Wala kang karapatang hawakan o tignan siya!" sigaw ko rito.

"Jillian..."

"Bakit wala kang pakielam kay West ha? Buong akala mo nakatadhana ako
sa kanya pero nakuha mo pa ring gawin yun! Bakit ang selfish selfish mo ha? Zyron!
Bakit?! Hindi mo alam kung gaano ka kahalaga kay West. Nung panahong inamin mo sa
kanya na gusto mo ako, siya lumayo sa akin dahil pinapahalagahan niya ang
mararamdaman mo! Samantlang ikaw!!"

Lumuhod sa harapan ko si Zyron.

"I'm sorry. I'm so sorry! I'm really really really sorry!"

Tuloy tuloy rin ang pag agos ng luha ni Zyron. Katulad ko, humahagulgol
din siya ng iyak habang paulit-ulut na humihingi ng tawad sa harap ni West.

Bakit hindi na lang ako ang namatay?

"Hiram lang ang buhay na 'to," sabi ni Zyron. "Natatandaan ko ang lahat
ng nangyari noon sa amin ni Ayesha. Niligtas ako ni Zeus pero dahil tinangka kong
pumunta sa Mt. Olympus, ang parusa niya sa akin ay sa susunod kong buhay, maalala
ko pa rin lahat nang nangyari sa akin noon. Nung makita ko ulit si Ayesha,
nagtiwala ako sa kanya kasi akala ko nagsisisi na siya sa pagiwan niya sa akin.
Akala ko tinutulungan niya ako para makabawi sa kinahantungan ko noon. I never
thought na ganito pala ang plano niya..."

Iniwas ko ang tingin ko kay Zyron.


"Hindi na maibabalik ang buhay ni West sa kwento mong yan. Wala nang
saysay ang pagsisisi mo, Zyron."

Nagulat ako nang biglang hawakan ni Zyron ang magkabilang pisngi ko at


tinitigan ako sa mata.

"Hiram lang ang buhay na 'to, Jillian."

"Z-Zyron.."

"Mahal na mahal kita, Jillian. Sobra. At oo naging selfish ako dahil


ayoko na ulit mawalan ng minamahal. And I'm really really sorry dahil doon. Ang
gusto kong mangyari ay maging masaya ka. I'll be happy too."

Hinalikan ako ni Zyron sa noo and then humiwalay siya sa akin at


humarap kay West.

"Z-Zyron..? Anong pinaplano mo?"

Hinawakan ni Zyron ang braso ng kapatid niya at nagulat ako nang


biglang nagliwanag ang paligid nila.

"Z-zyron?! Anong nangyayari! Zyron!!"

Naramdaman ko ang mga braso ni Cupid sa balikat ko.

"Cupid! Cupid si Zyron!!!"

Iniharap ako ni Cupid sa kanya at kita ko ang lungkot sa mga mata niya.

"Cupid?"

Napayuko si Cupid.

"I'm sorry Jillian."

"A-anong nangyayari?!"

Nilingon ko ulit si Zyron at West. Nakatingin sa akin si Zyron and he's


smiling.
"Be happy."

Pagkasabi niya nun ay bigla na lang siyang nawala.

And West starts breathing again...

~*~

Ibinalik ang ayos sa lahat. He removed West's memory. Pinalabas niya na car
accident ang nangyari kay Zyron.

Sa kabilang banda naman, bumalik na si Cassandra sa pamilya niya.

Katulad ng ginawa ni Cupid kina West, binura niya sa alaala ng mga


kamag-anak at kaibigan ni Cassandra na namatay siya.

Naalala ko, habang ginagawa ni Cupid lahat nang 'yon, nakatulala lang
ako habang tuloy tuloy pa rin ang pagbagsak ng luha sa mata ko.

I'm happy that West is alive. But at the same time, hindi ko maitatago
ang grabeng sakit na naramdaman ko nang i-sakripisyo ni Zyron ang buhay niya para
kay West.

Akala ko kaya kong pigilan ang premonition ni Cassandra. Na kaya kong


baliktarin ang sitwasyon.

Akala ko kaya ko silang iligtas dalawa.

Mas pipiliin ko pang ako ang mag sacrifice para sa kanila.

Ang hirap pala kapag ikaw ang naiwan. Ang sakit. Ang hirap hirap
huminga.

At mas dobleng sakit kada naiisip ko si West. Ano kaya ang nararamdaman
niya sa pagkawala ng kapatid niya.

Wala siyang idea sa totoong nangyari.

It will kill him kapag nalaman niya ang totoo.

"Jillian."
Napa-angat ang ulo ko at nakita ko si Cupid na nag-aalalang nakatingin
sa akin.

"How's Psyche?"

"Ayos na siya. May malay na rin siya."

Tumango ako.

"Salamat sa pag gamot mo sa sugat ko," sabi ko kay Cupid.

Naupo si Cupid sa tabi ko at pareho naming pinagmasdan ang paligid ng


garden niya.

"I was able to tend your physical wounds pero nalulungkot akong isipin
na hindi ko mahilom ang mas malalim mong sugat."

Hindi ako umimik. Hindi ko kayang pagusapan ang mga nangyari.

"Pero syempre hindi ko naman hahayaang masaktan ka ng husto. Pinangako


ko na magiging masaya ka 'di ba? Tutuparin ko na."

Bigla akong napaayos ng upo at gulat akong tumingin kay Cupid. Ang
bilis ng pintig ng puso ko.

Bakit parang hindi maganda ang pakiramdam ko rito?

"Anong pinaplano mo?"

He smiled at me sadly.

"I'm really happy na nakilala ko ang pamangkin ko. Well, kahit mukhang
magka-edad tayo at mas bagay na mag pinsan. But really Jillian, salamat sa lahat
ah?"

"Cupid! Don't tell me---!"

"Oo. Buburahin ko ang alaala mo."

"Pero Cupid! Ayoko!" umiling ako at nagsimula na namang mamuo ang luha
sa mga mata ko. "I still want to remember you! Please! You're the only family I
have! Please!"
"You still have your dad Jillian and he loves you very much. Kaya hindi
siya makalapit sa'yo ay dahil sa sumpa. Pero isa sa mga usapan namin ni Aphrodite
iyon. Pag nagawa kong maayos ito nang hindi humihingi ng tulong sa kanya ay aalisin
na niya ang sumpa sa ama mo at hindi ka na niya tatangkain na kuhanin."

"Cupid naman!"

"You'll be happy. Don't worry. Kayo ni West---kayo nang lalaking


nakatadhana sa'yo. Darating ang araw na magiging masaya kayo. Pangako 'yan."

Ipinatong ni Cupid ang kamay niya sa ulo ko at bago ko pa matabing ang


braso niya, nawalan na ako ng malay.

~*~

[Cupid's POV]

Napabuntong-hininga ako habang inaayos ko ang pagkakahiga ni Jillian sa kama niya.


Ang sakit ng braso ko. Ang bigat naman kasi ng pamangkin ko na ito eh. Sana
maisipan niyang mag diet para sa susunod na pagkikita nila ni West eh sexy na siya.
Naturingang apo ng goddess of beauty at pamangkin ng god of love eh mukha naman
siyang piglet.

Tinignan ko ang mukha ni Jillian at nakaramdam ako ng kalungkutan.

Sayang hindi na niya ako maalala pagkagising niya. Nakakalungkot din


naman kasi napalapit talaga ako sa kanya. Inaamin kong sobrang naging masaya ako sa
mga panahong nakasama ko ang pamangkin ko na ito.

Para akong nagkaroon ng best friend noon. Isang nilalang na


nakakaintindi sa akin. Isang taong kahit anong mangyari, magtitiwala at magtitiwala
sa akin.

Bago pa ako maging emosyonal masyado ay lumabas na ako ng kwarto ni


Jillian. Nakita ko naman ang asawa kong si Psyche na nagaantay sa akin.

Nilapitan niya ako at hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko.

"Magiging ayos lang siya," sabi niya sa akin.

Tumango ako, "I know she will. Pamangkin ko 'yan eh."

Napangiti si Psyche at nakita ko na naman ang sugat sa kanang pisngi


niya. Sabi ni Psyche kagagawan ito ni Ayesha.
I traced the scar using my finger.

"Patawad mahal. Patawad nahuli ako sa pagligtas sa'yo. Ang sakit isipin
na napabayaan kong saktan ka ni Ayesha ng husto."

"Cupid, niligtas mo pa rin ako. Ayun ang mahalaga. Magkasama na tayo."

I caressed her cheek and I leaned forward to give her a kiss.

"I love you," bulong ko sa kanya.

"I love you too, Cupid."

Humiwalay siya sa akin at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko.

"Uwi na tayo? Miss ko na ang anak natin."

Tumango ako.

"Uuwi na tayo."

At sa susunod na bumalik ako sa mundong 'to, sisiguraduhin ko nang


walang hahadlang kay West at Jillian.

To be continued...    

Aly's Note:

Guys! May collaboration story kami na sinusulat ngayon ni Aril_Daine! (Author ng


Sadist Lover, Fake Lovers, Hello Neighbor, etc...) Nakapost din dito yung collab
story namin sa Wattpad! Baka trip niyo basahin. Title: Black Stone: Sapphire ...
Doon po nakapost sa account na ginawa namin. Username, "Ariloony" Hehehe. Thank
you! :D
=================

Epilogue

Epilogue

AFTER 1 YEAR.

[Jillian's POV]

Naka-ilang buntong hininga na ako dito sa coffee shop kung saan ako naka-tambay.
Dalawang beses na akong um-order ng Dark Mocha Frappuccino. Parehong venti at
pareho kong pinalagyan ng extra whipped cream.

Oo na. Nag-i-stress eating na ako. Sabi ko sa sarili ko mag d-diet ako


pero napagtanto ko na okay na ang chubby basta busog. Bakit ko ipagkakait sa sarili
ko ang masasarap na pagkain?

Wala na nga akong trabaho at lovelife tas hindi pa ako kakain ng


marami?! Aba unfair naman ata 'yon!

Simula nang mag resign ang sa publishing company na pinagta-trabahuhan


ko noon, hindi na ulit ako nakahanap ng ibang work. Pero nung panahon na kasi na
yun, nagkabati na kami ng daddy ko. He asked for my forgiveness and invited me to
live with him kasama ang bago niyang pamilya. At first, I'm hesitant. But I badly
want to have a family. Nakakasawa na rin ang mag-isa that's why I agreed.

I love my dad's wife. She's an amazing woman and she treated me like
her own. Nakakasundo ko rin ang mga half-brothers ko. Close ko na nga sila eh.

Kahit ang daddy ko. Okay na kami. Masaya na kami. Nakabawi na siya sa
akin.

Masaya na ako ngayon.


Yun lang, nabuburyo na talaga ako sa buhay ko. Feeling ko walang
direction ang life ko. Sinubukan kong tumulong sa business ni mommy (yes, mommy na
ang tawag ko sa new wife ni daddy) kaso hindi ko talaga gamay.

Kaya ngayon gusto kong bumalik sa publishing industry dahil ayun naman
talaga ang hilig ko.

Bakit ba kasi nag resign resign pa ako!

Well, ang epic naman ng dahilan ko sa pag reresign noon. Na


brokenhearted kasi ako kay Luke. Si Luke na mahal ko eversince college ako. Tapos
ngayon girlfriend na niya ang kaibigan kong si Elise. At para maka-move on, nag
resign ako.

Shitty move.

Though effective dahil naka move on na rin naman ako. And I am really
happy for them. Nakaka bonding ko na ulit ang dalawang yun at inaamin ko na wala na
ang sakit na nararamdaman ko.

Yun nga lang, wala pa rin akong work ngayon.

Kakagaling ko lang doon sa isang publishing company para sa job


interview at ayun, hindi ako nakapasa. Ang saklap.

"Hi Ms. Jillian!" bati sa akin ng isang barista. Kilala na niya ako
dahil madalas akong nandito. "Free taste oh!"

May inilapag siya sa table ko na brownies. Dalawa pa.

"Ba't dalawa?" nakangiti kong tanong.

"Para mag smile ka na!" pabiro naman niyang sabi.

Natawa ako nang onti at siya naman, lumapit na sa kabilang table para
abutan ng free taste ang mga 'yon.

Kinain ko yung brownies.

Ang saya saya. Puro pampataba na 'tong kinakain ko.

Nang maubos ko na ang kapeng iniinom ko, naisipan ko na rin umalis.


Makapag-ikot ikot na lang muna sa mall pang tanggal depression.
Nagtungo ako sa bookstore at nag tingin-tingin ng mga new releases na
libro doon.

Nasa best selling list na naman ang tatlo sa mga pina-publish naming
book. Yung isa, ayun na ang ika-fourth book ng favorite kong author.

Naalala ko, ako ang nag proofread noon ng first book niya at gandang
ganda talaga ako sa kwento nito. Ngayon, released na pala ang ika-fourth book.

Nakakamiss din magtrabaho sa publishing house ko dati. Kaso hindi ko


alam kung pwede pa akong bumalik doon.

"Jillian?"

Napalingon ako sa tumawag sa akin at nakita ko ang isa sa mga ka-


trabaho ko na papalapit sa akin.

"Uy! Edgar musta na?" bati ko rito.

"Eto ayos naman! Ikaw? Ano ang pinagkakaabalahan mo?" tanong niya.

"Wala nga eh. Naghahanap ako ngayon ng work," natatawa-tawa ko namang


sabi. Napatingin ako bigla sa hawak-hawak ni Edgar. Puro mga fairytale books.

"Pang-regalo?" tanong ko sabay turo ng mga librong hawak niya.

Napa-ngiti ng malawak si Edgar.

"Ah hindi, para sa baby ko."

Nanlaki bigla mata ko.

"B-baby?! As in bata? As in anak?!"

Tumango siya, "oo magkakaanak na ako. Eh sabi nila mas okay raw pag
binabasahan na agad ng books ang bata habang nasa sinapupunan pa."

Shit. Sino ang nabuntis ng isang 'to?

"Babe! Kanina pa kita hinahanap!"


Nagulat ako nang may isang babaeng lumapit kay Edgar at pinulupot nito
ang braso niya sa braso nito.

Nanlaki ang mata ko.

Isang babaeng matangkad, morena, makinis, and holy shit, I know her!

She's Diana Martin. Isang beauty queen.

At nakita kong medyo bilugan na rin ang tyan niya.

"Ay babe, may ipapakilala ako sa'yo," sabi ni Edgar sa kanya sabay
tingin. "Si Jillian nga pala, dati kong ka-trabaho. Jillian, si Diana, ang napaka-
ganda kong asawa."

Nag-shake hands kami ni Diana.

Shit talaga hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.

"Oo nga pala Jillian, nasabi mo na naghahanap ka ng trabaho? Baka gusto


mong bumalik sa publishing house natin. Nag resign na kasi ako doon at naghahanap
sila ng bagong proofreader."

"Talaga? Wait, ba't ka nag resign?"

Hinawakan ni Edgar ang kamay ni Diana at tinignan niya 'to tsaka


nginitian.

"May business na kasi kami ng babe ko. Focus na ako doon!"

Tumango si Diana, "I can feel na magiging isang mabuting ama 'tong baby
Edgar. Nung boyfriend ko pa nga lang siya, sobrang caring na eh. Ngayon pa na
magkakababy na kami."

Napangiti ako. Kita ko na sobrang mahal ni Edgar si Diana.

Kahit unggoy pala tumitino pag naiinlove. I'm happy for him.

"Ngayon pa lang congrats na sa inyo!"

"Thanks Jillian!" sabi ni Edgar. "So ano, sasabihin ko kay Sir West na
interviewhin ka na?"
"S-si Sir West ang mag i-interview? E-eh 'di ba big boss na siya doon?
B-ba't hindi si Elise?"

"Sus alam mo naman si Sir West masyadong hands on!"

Napayuko ako.

"Oh what's wrong?"

"Baka hindi ako matanggap pag si Sir West ang nag interview. Alam mo
naman yun, ang init ng dugo sa akin."

"Ano ka ba! Think positive! Syempre mas gusto nun i-hire yung hindi na
kailangan i-train. Kaya mo 'yan. I-email mo sa akin ang resume mo ah? I'll forward
it to him."

Tumango ako.

"Thanks Edgar."

"Wala 'yon! Ay sige una na kami at papakainin ko pa ng lunch ang mahal


ko."

"Bye Jillian," sabi naman ni Diana.

Nag wave ako sa kanila. Kita ko pang hinawakan ni Edgar ng mahigpit ang
kamay ni Diana.

Napabuntong hininga ako. Ang bait naman ng tadhana kay Edgar.


Samantalang ako, 24 years old na pero NBSB pa rin.

That night, I forwarded my resume to Edgar. Nag email back naman agad
siya sa akin na i-interviewhin na ako ni Sir West bukas.

Excited na akong pumunta ulit sa office. Namimiss ko na rin kasi ang


mga ka-workmates ko dati. Yung trabaho ko. Yung amoy ng bagong print na libro.

Pero hindi ko namimiss ang pambubulyaw ni Sir West. Si Sir West na


parang araw-araw may dalaw. Ka-lalaking tao na binata, akala mo parang matandang
babae na mag me-menopause dahil sa sungit.

Wag lang sana niya akong lamunin ng buhay sa interview bukas.


Gumising ako ng maaga para makapag-ayos ng bongga. I wore my best
corporate attire---black skirt and white longsleeves. Itinali ko pa ng maayos ang
buhok ko at nag make-up ako tama lang. Yung mukhang kagalang-galang.

"Ang ganda ng anak ko ah!" sabi ni daddy sa akin bago ako umalis.

"Ayos ba di?" nakangiti ko namang sabi sabay ikot.

"Ba't hindi ka mag-suot ng blazer? Mas okay."

"Eh daddy talaga. Baka ma-intimidate ang mag iinterview. Sabihin


mukhang inaagawan ko na siya ng posisyon."

"Aba dapat lang maintimidate siya sa'yo! Dahil for sure pag hinire ka
niya, ilang buwan lang nasa mataas na posisyon ka na."

"Aysus si daddy masyadong bilib sa akin," natatawa-tawa kong sabi.

Kung alam lang niya kung gaano ako kapalpak dati sa trabaho ko.

Nagpaalam na ako kay daddy at mommy bago ako umalis.

Dumating ako sa office ng 30 minutes early.

"Jillian!!!" salubong sa akin ni Elise sabay yakap ng mahigpit.

"Elise! Oh my gosh!"

"Hi Jill!" masiglang bati naman ni Luke sa akin sabay patong ng kamay
sa ulo ko.

"Oy wag mong guluhin ang buhok ko! Ang tagal kong inayos 'yan!"

Tinignan ako ni Elise mula ulo hanggang paa.

"Ang ganda mo shet! Naku office girl na office girl! Galingan mo sa


interview ah? Miss ka na namin dito!"

"Kinakabahan nga ako eh! Nandito na ba si Sir West?" sabi ko.

"Nasa taas siya. Doon ata ang interview."


Isa-isang naglapitan din sa akin ang mga dati kong ka-work. May mga new
employee rin silang ipinakilala sa akin.

Naeexcite na talaga akong bumalik dito.

"Jill, sabi ng secretary ni Sir West umakyat ka na raw for the


interview," sabi ni Elise.

"Oh gosh."

"Chill! Kaya mo 'yan!" sabi ni Luke.

"Oo nga. You got this."

Napatango na lang ako. Kinakabahan pa rin talaga ako. Alam ko kasing


mutual ang feelings namin ni Sir West sa isa't-isa.

We both hate each other.

Good luck talaga sa akin. Hindi ko aakalaing kakaharapin ko ulit si


monster boss.

Umakyat na ako sa next floor. Pinapasok naman agad ako sa office ni Sir
West nung secretary niya.

"May kinuha lang si Sir sa kabilang office. Wait here okay?" sabi nung
secretary.

I nod at naupo sa chair sa kabilang side ng table ni Sir West.

Inikot ko ang tingin ko sa opisina niya. Maayos, organized ang lahat.


Kahit yung mga patong-patong na manuscripts sa desk niya organized din.

Ang ayos ayos talaga ng nilalang na 'to. Kaya siguro ayaw niya rin sa
akin kasi burara ako at magulo. Dati, madalas niyang pansinin ang work table ko na
sobrang gulo. Madalas din niya akong sermonan.

Ang saya siguro niya nung umalis ako sa kumpanya niya. Wala na siyang
sakit ng ulo. Wala nang pinapagalitan na lousy employee at laging late.

Ngayon, mabibigyan pa kaya niya ako ng chance?


Narinig kong nag-open yung door kaya naman agad akong napatayo.

Pumasok si Sir West at agad na nagtama ang tingin namin.

Ewan ko ba ba't mas dumoble ang kaba ko?

Dahil hanggang ngayon nakakatakot pa rin ang aura niya? Dahil nandoon
pa rin yung yung vibe na nakamasid siya sa bawat pagkakamali ko?

O fuck shit, bakit gumwapo siya ngayon?

I mean, hindi naman siya ganyan ka-gwapo dati ah? Ang sungit ng dating
niya. Naka-kunot ang noo palagi. Same age kami pero feeling mo matandang binata ang
kaharap mo.

But now....

Okay, may lovelife ba 'to at blooming?

"Hi Jillian," bati niya sa akin.

"Sir West."

Lumapit si Sir West at inilahad niya ang kamay niya.

"Nice to see you again."

Nakipag shake-hands ako sa kanya at feeling ko may kuryenteng dumaloy


sa buong katawan ko nang magdikit ang palad namin.

Okay. Shit. Anong nangyayari sa akin? Bakit ganito ang na-f-feel ko?
Ano 'to? Bakit ang hirap huminga?

I used to hate this guy.

Pero bakit ganito ang effect niya ngayon?

Naupo si Sir West sa tapat ko at nginitian niya ako.

Parang mas tumindi ang kuryente na dumadaloy sa buong katawan ko. Oh my


gosh. Kelan pa siya natutong ngumiti ng ganyan.
Ang gwapo niya ngayon.

Erase, erase, erase! Wag kang magpapalinlang Jillian! Kahit gwapo 'yan,
halimaw pa rin 'yan!

"How are you Jillian?" tanong niya.

"I---uhmm, I-I'm fine."

Leche. Ba't ako nauutal?

"Good. So, you're applying again as a proofreader?"

Tumango ako.

"Yes sir."

"Why?"

Kasi kailangan ko ng trabaho, obvious ba?

"I realized that—uhmm—proofreading is—err---my passion?"

Kumunot ang noo niya.

Bwiset naman kasi Jillian! Anong klaseng sagot yan! Proofreading is


your passion? What the hell! Anong kabobohan 'yan?!

Nabablangko talaga ang utak ko ngayon at hindi ko alam kung bakit.

Nag practice ako kagabi! Nasaan ang confidence ko ngayon?!

"Proofreading is your passion. Really?"

Hindi ako umimik. Feeling ko first question pa lang, tegi na ako.

Tinignan ni Sir West ang resume ko.

"So, hindi ka nag work after you resigned here a year ago."
"Ah, tumulong-tulong po ako sa family business namin."

"And what business is that?"

"Family restaurant po."

Tumango siya.

"Tell me, why should I hire you again? Actually your record here is not
good. You're always late. Kahit sa pagpapasa ng mga manuscripts lagi kang late. And
you said that proofreading is your passion."

Sabi na eh. Kaya ayokong siya ang mag i-interview sa akin dahil ganito
ang mangyayari.

Ang laki nga ng ikina-gwapo niya ngayon pero ang ugali same pa rin.

"Okay lang Jillian, just tell me honestly kung bakit dapat kitang i-
hire ulit."

Huminga ako ng malalim at tinignan siya ng diretso sa mata.

"Kasi sir I miss this job. Na after kong mag resign, I realized na sana
pala pinagbuti ko noon. Ito yung place kung saan pakiramdam ko belong ako. That's
why I am giving it a shot. I'm asking for another chance, Sir West. This time I
promise I'll do better."

Iniwas ni Sir West ang tingin niya sa akin at tumango.

"Okay. I'll just email you the result of your interview. Thank you
Jillian."

Tumango ako at pakiramdam ko maiiyak ako kaya hindi na ako nagsalita at


tumalikod na lang ako at tuloy-tuloy na lumabas ng opisina niya.

I'll email you the result your face.

Ilang kumpanya na ang nagsabi sa akin niyan. At laging failed naman ang
result. Bakit hindi na lang ako diretsahin na hindi ako tanggap kesa yung
pagiintayin pa ako? Masakit kaya umasa.

At nakaka-frustrate kasi kung kelang gusto mo nang ayusin ang buhay mo


tsaka pa hindi ka nabibigyan ng chance.

Alam ko namang pabaya ako dati eh. Alam kong walang wala akong gana sa
lahat ng bagay.

Pero ngayon kasi nagbago na ako. I have my family. Now I want a


purpose. Gusto ko nang gawin ang bagay kung saan ako nag e-excel.

At nakaka disappoint.

Well, I can't blame him if he doesn't want me back. Sakit nga naman ako
sa ulo niya. Pasaway.

"Are you okay?" tanong ng secretary ni Sir West.

Hindi ko namalayan na naiyak na pala ako.

Tumango lang ako at agad kong pinunasan ang luha sa mata ko.

Nakakainis. Napakaiyakin ko bwisit.

Agad akong sumakay sa elevator pero bago pa tuluyang sumara ang


elevator door, biglang pumasok si Sir West sa loob.

Shit naman.

Napatalikod ako sa kanya.

I don't want him to see my tear-stained face. Todo make-up pa naman ako
kanina para sa interview na 'to. Ngayon ayan, ang mascara lusaw.

Bwiset.

"Why did you leave my office? Hindi pa ako tapos eh," dinig kong sabi
niya.

Hindi ako umimik. Ganun na rin yun eh. Nag-t-thank you na siya. Meaning
pinapaalis na niya ako.

"Jillian."

Hindi pa rin ako humaharap sa kanya. Nahihiya ako. Feeling ko mukha


akong pathetic loser ngayon.

Bakit ba kasi sumige-sige pa ako sa job interview na 'to?

Sa bahay na lang ako. Tutulong na lang ako ulit sa business namin. Yun
na lang. Ayoko na. Pinapahiya ko na lang sarili ko eh.

"Jillian."

Naramdaman kong hinawakan ni West ang balikat ko at pilit niya akong


pinapaharap sa kanya.

Shit naman eh!

Yumuko ako.

"S-sorry Sir West. Please don't mind me. Medyo frustrated lang ako sa
sarili ko pero hindi naman kita masisisi. Okay lang po."

"Jill."

Biglang napa-angat ang tingin ko sa kanya nang tawagin niya akong Jill.

Never pa niya akong tinawag na ganun noon.

And I don't know why. I feel nostalgic. Parang narinig ko nang tinawag
niya ako dati na ganun but that's impossible.

"Y-you're crying..." gulat na sabi niya.

Napaiwas agad ulit ako nang tingin.

Wala na bang ikaka-awkward pa ang encounter namin na 'to?

"Here."

Inabutan niya ako nang panyo at agad ko namang kinuha at ipinunas sa


mukha ko.

Nakakahiya ka talaga Jillian.


"You're hired."

Napa-angat ulit ang tingin ko sa kanya.

"W-what?!"

"I said you're hired."

"P-pero.. b-bakit...? Wait are you hiring me dahil naawa ka sa akin? If


that's the case then, I'm so sorry Sir West. I can't accept the job."

"No. Tanggap ka naman talaga eh. The reason why I said na mag e-email
na lang ako sa'yo is because wala pa akong nakahandang contract ngayon para sa'yo.
Eh yung itsura mo kanina na lumabas ka sa office ko, halatang akala mo hindi ka
tanggap."

Napatulala ako. Halos hindi ako makapaniwala sa naririnig ko.

"H-hired ako? Totoo? Sigurado ka? Tama ba ang dinig ko?!"

He smile, "yes Ms. Jillian Evangelista. You're hired. I want you to


report next week."

"Yes!"

At hindi ko napigilan ang sarili ko. Napatalon na lang ako at napayakap


kay Sir West.

"Ay shit." Bulong ko.

Agad akong humiwalay.

"S-sorry sir! Masayang-masaya lang!" ngiting ngiti kong sabi.

Napayuko si Sir West at tumango lang sa akin. Nakita kong namumula ang
tenga niya.

Eh? Ba't namumula ang tenga niya.

"S-sige Jillian see you next week," pagkasabi niya nun ay bigla na lang
siyang bumaba sa third floor.
Anong problema nun?

Pasara na sana ang elevator nang bigla ulit niya itong binuksan at
hinarang ang kamay niya.

"Sir West?"

Tinignan niya ako ng diretso sa mata at pakiramdam ko kinukuryente na


naman ang buong katawan ko. Feeling ko malulusaw ako dahil sa mga tingin na yan.

"Jill..."

"P-po?"

He smiled at me.

"Na miss kita."

After that, inalis niya na ang kamay niyang nakaharang sa elevator at


tuluyan na itong nag-sara.

Habang ako ay napatulala na lang sa loob with my mouth hanging open.

~*~

[Cupid's POV]

Pinagmasdan ko si Jillian na palabas ng opisina habang ngiting-ngiti at namumula-


mula pa ang pisngi.

Matapos ang isang taon, nagkita na ulit sila ni West.

It's starting.

Kaso nakakainis naman ang pamangkin ko na 'to. Nananaba eh! Ni hindi


man lang nag diet.

Buti na lang mahal pa rin sya ni West hanggang ngayon.

Well, napana ko na ang dalawa. Nag dugtong na ang kapalaran nila.


Ngayon babantayan ko na lang silang dalawa para wala nang makakasagabal sa happy
ending nila.
Sabi ko sa'yo Jillian 'di ba sasaya ka na?

Nakakatuwa na maayos na ang buhay ni Jillian ngayon. Masaya akong


nakikita mula sa malayo na may kasama na si Jillian at may itinuturing na pamilya.

Though inaamin ko paminsan-minsan nalulungkot ako kasi hindi na niya


ako naalala. Pero ang pag bura ko ng alaala niya ay para na rin sa ikabubuti ng
lahat.

Tuluyan ko nang pinutol ang koneksyon ni Jillian sa mundo namin para


hindi na siya mapag-interesan ng iba pang mga gods and goddesses. At ang final step
doon ay ang pagbura ng alaala niya.

Dahil hangga't may naalala siya sa mga nangyari, hindi siya


makakapamuhay ng normal. Ayokong mangyari yun.

Ngayon na pinili na ni Jillian ang buhay ng isang mortal, nawala na rin


ang pagiging part goddess niya.

Siguro maaring bumalik kapag siya'y pumanaw na. Maaring pag nawala na
siya sa mundong ito, maninirahan na siya sa Mt. Olympus para maging isang full
goddess.

But I doubt na gagawin ni Jillian iyon.

Pakiramdam ko hanggang sa kabilang buhay ay doon siya kung saan


makakasama niya si West.

Ganun naman talaga pag mahal mo. Ganun pag nahanap mo na ang soulmate
mo.

Kung nasaan siya, andoon ka. At hinding-hindi na kayo mapaghihiwalay.

Sa puntong 'to, nag-i-istart na ang panibagong kwento ni West at


Jillian.

Sisiguraduhin kong magiging isang magandang kwento ito.

- END OF BOOK ONE-


Aly's Note:

Yes! Tama po ang nabasa niyo! End of book one! Ibig sabihin ay may sequel!
Yaaaaay!!!

Hahayaan ko ba naman mabitin kayo ng bongga? Wahahahahaha. Of course gusto ko pa


rin makita niyo ang journey nina West at Jillian.

Pero sa mga contented na sa ending nito, okay lang kung mag stop na kayo. Sa mga
gusto naman samahan si West at Jill sa kanilang road to forever, push sa second
book na ipopost ko NEXT WEEK..

Title: "The Living Arrow"

Sa mga nagbasa po ng SWSCA, thank you po! Salamat talaga! At first medyo nangangapa
ako sa storya nito. Hindi ko alam kung paanong atake gagawin ko. Pero I'm glad na
na-appreciate niyo ito. Thank you thank you dear readers! I love you all!! Sana wag
niyo akong awayin kung hindi kayo ang nakatuluyan ni Edgar. Alam ko naman na
sobrang mahal niyo siya. Wahahahaha.

Kita-kits sa BOOK TWO!

Mwah!

You might also like