You are on page 1of 202

Moonlight Blade (Gazellian Series #4)

4.5M Reads 248K Votes 53 Part Story


By VentreCanard
Completed
Read
My deepest cut will always come from your blade...
Cover is not mine. Credits to the rightful owner.
Moonlight Blade
144K 2.1K 24
by VentreCanard
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and
incidents are either the products of the author's imagination or used in a
fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual
events is purely coincidental. 4
No part of this book may be reproduced or transmitted in any form or by any means,
electronic or mechanical, including photocopying, recording or by any information
storage and retrieval system, without written permission from the author.
Plagiarism is a crime
2
This story is unedited, so expect typo graphical errors, grammatical errors, wrong
spellings and whatsoever errors. If you're looking for a perfect story, don't
continue reading this. Thanks!
Hi! Salamat po sa mga votes at comments. But please, kahit wag na lang po
magcomment kung about sa ibang story at ibang character ang sasabihin nyo. Just be
a silent reader :) Highly appreciated.
Nagsulat po ako ng story na walang binabastos na reader, please do the same.
Magbasa po tayo na walang binabastos na author. Maraming salamat po! Happy reading!
Nagmu-mute po ako ng readers.
There are few chapters with mature scenes. Read at your own risk.
Prologue
307K 10.3K 3.1K
by VentreCanard
Moonlight Blade
372
Mainit na paglandas ng mga luha, samyo ng hanging banayad, sayaw ng mga piraso ng
bulaklak, huni ng mga ibon, kumpas ng mga puno, bulong ng mga ilog, patnubay ng mga
bundok at walang katapusang yakap ng liwanag-mundong may gandang nakakubli'y sa
akin ay nangangalit. 61
Mundong aking pinaglingkuran, ako ngayo'y handang talikuran. 20
Aking paniniwala'y inakalang kataksilan, aking hinihiling na kapayapaan, paglabag
sa batas ang mariing tiningnan. 3
Ang aking di masukat na katapata'y-isang iglap ay isinabahala.
Ako ngayo'y walang saysay, ako ngayo'y nakakulong, tinanggalan ng kapangyarihan,
tinanggalan ng katungkulan. 51
Isang dyosang inakusang nais umangkin sa karapatang kalabisan. 18
Ang tanging nais ko lamang ay tumulong at tuldukan ang digmaan, ngunit hindi ko
inaasahang may mas malaking dahilan kung bakit nais ng pagkakataong ako'y bumaba sa
lupa at pumagitna sa digmaan. 94
Pumatak muli ang aking mga luha at mas dumiin ang aking mga yakap sa aking binti
habang nananatili akong nasa loob ng isang gintong kulungan sa gitna ng mahinahong
kagubatan na napalilibutan ng mga punong ay may maliliit na dahong kulay rosas at
puting sinasayaw ng hangin. 6
Ilang taon na akong nakakulong sa kasalanang ipinaratang sa aking hindi nararapat.
Nakakalungkot, nakakahabag at nakapanghihina ang aking sinapit. 6
Muling kumawala ang hikbi sa aking mga labi nang muling nagbalik-tanaw ang aking
alaala, sa desisyong pinaniwalaan ng mga kauri kong isang kataksilan.
Natapos ang digmaan sa pagitan ng mga iba't-ibang imperyo sa hindi ko inaasahang
dahilan. Wala ito sa aking plano at lalong hindi ko ito inaasahan.
Nakarating na ako sa mataas na talampas para muling umalis matapos ang digmaan,
ngunit alam kong nakasunod ang hari ng Sartorias sa akin. 40
"Isa akong dyosa, nagkakamali ka mahal na hari. Naririto lamang ako para itigil ang
digmaan." Tuluyan na akong humarap sa kanya. 20
Ngunit ang kanyang presensiya at ang matinding epekto sa aking buong katawan ay
nagsisimula nang sumalungat sa aking mga salita. Dahil ang kanyang mga matang
nangungusap at ang paraan ng kanyang pagtitig ay simula na nang aking trahedyang
pagbagsak. 16
Hindi sumagot ang Hari ng Sartorias, sa halip ay umihip ang banayad na hangin sa
pagitan ng aming mga titig. 54
"Nawa'y maging maayos ang 'yong panunungkulan, mahal na hari." Hindi na ito
nagbigay ng emosyon sa aking harapan, sa halip ay nagsimula itong humakbang
papalapit sa akin. 12
Ilang beses akong napahakbang paatras sa pag-aakalang sa akin ito magtutungo.
Ngunit lumampas ito at tumapat lamang sa akin habang nakatanaw sa kalawakan ng
kapaligiran kung saan nakadungaw ang talampas na siyang aming kinalalagyan. 3
Nasa likuran ang mga kamay nito at mas pinili nitong hindi na ako pagmasdan.
"Nawa'y hindi ka bumalik sa inyong mundong dala'y kasinungalingan, aking dyosa."
Pormal na sabi nito. 75
"Kahit kailan ay hindi ako magdadala ng kasinungalingan, mahal na hari." 1
"Ngunit ang 'yong mga mata at mga salita ay magkasalungat. Ang 'yong mga mata'y
nais ako ngunit ang 'yong mga salita'y pinagkakaila ako." Napahugot ako nang
marahas na paghinga dahil sa direkta nitong mga salita. 97
"Nagkakamali ka mahal na hari," mabilis na sagot ko. 3
Muling humarap sa akin ang hari at sa pagkakataong ito ay ginagawaran niya ako ng
titig na may kawilihan. 1
"Kung ganoon, ako ang 'yong unang kasinungalingan, aking mahal." Tuluyan na akong
natulala sa haring nasa aking harapan. 126
"Nagkakama-" hindi na ako binigyan pa ng pagkakataon ng Haring muling salungatin
ang kanyang mga salita.
Natagpuan ko ang sarili kong gahibla ang distansya sa Hari na nagniningas ang mga
mata, ang kanyang mga kamay sa aking magkabilang pisngi at ang kanyang mainit na
paghinga na unti-unting tumutunaw sa akin. 41
"Nais ako ng 'yong mga mata, itinatanggi ako ng 'yong mga salita ngunit-"
nagsimulang humaplos ang kanyang ilang daliri sa aking mga labi. "Ang ating mga
labi'y kapwa nauuhaw sa isa't-isa, aking mahal." 244
Sa unang pagkakataon, tuluyan nang tinanggap ng aking sistemang tumikim ng saglit
na kasalanan. Nalunod, nagpaubaya, nalusaw at nahalina-- sa halik ng isang makisig
na haring tila ang pinong mga kilos ay higit pa sa mahika. 51
Hindi nagkaroon ng lakas pumiglas ang aking buong sistema, lalo na nang sandaling
naglapat ang aming mga labi. 8
Halik ng isang haring katumbas ng isang malinis na ilog na may banayad na pagdaloy,
na higit mong nanaising habang buhay na maanod. 27
Pinakawalan ng hari ang aking mga labi kasabay ng paglukso ng dibdib kong sumisigaw
ng agad na pangungulila. 1
"Hahayaan kitang kumawala sa akin sa panahong ito, ngunit sa muli mong pagbaba sa
mundong ito, habang buhay ka nang aangkinin ng Hari ng Sartorias." Marahan nitong
hinaplos ang aking buhok bago ako makaramdam nang biglaang pagtulak dahilan kung
bakit unti-unting bumulusok ang aking katawan mula sa talampas. 101
"Hanggang sa muli, aking dyosa. Dalhin mo ang aking halik sa bawat pagpikit ng
'yong mga mata."
Chapter 1
188K 6.7K 1.9K
by VentreCanard
Chapter 1
Kagat
94
Tagumpay na hinihiling sa araw-araw, kislap ng mga matang ninanais hindi lamang sa
sariling balintawtaw at pagtanggap na mga salita, ilang gabi nang aking hinahangad-
hangad.
17
"Jewellana Leticia, aking sarili... kaunting tiis na lamang at ang iyong tagumpay
ay makakamit mo rin." Ihip ng sariling mga salita'y ibinulong sa pusong nananabik.
46
Hindi alintana ang mga kamay na nanginginig sa pagod, nerbiyos at pagkasabik. At
hinayaang mamayani ang mabibigat na yabag ng maestrang diyosa na tila'y nagtataglay
ng mga mata ng isang agila. 1
Wala sa sariling nakagat ang pag-ibabang labi, kasabay nang pagkislap ng aking mga
mata sa huling letrang igagawad ng aking gintong punyal. 4
Isang kurbang guhit, ngalan ko'y tuluyan nang nagbigyang buhay. Ngiti'y sumilay sa
aking labi. Binitiwan ang punyal, isinilid sa ilalim ng lamesa. Marahang itinulak
ang gintong batong may ukit ng pangalan, sa masuring mga mata ng maestrang
tagasanay. 35
Magkadaop ang aking mga nangangatal na kamay habang nakatitig sa maestrang may
antisipasyong mabibigyan ng mga salitang alam ko sa sarili kong nararapat na sa
akin sa pagkakataong ito.
"Ulitin mo, Leticia..." malamig na tinig ang sumalubong sa aking pandinig, kasabay
nang hapdi ng gintong tangkay na lumapat sa aking mga nangangatal na kamay.
Bumagsak ang aking mga balikat at nag-init ang sulok ng aking mga mata. Mukhang ang
umasang ako'y minsang magtagumpay mula sa kanyang mga mata at persepsyon ay isang
napakalaking kalabisan. 3
"Opo...aking Dyosa Maestra Manuella ..." inuyuko ang aking ulo at pilit bumubulong
sa sariling walang luha ang yayakap sa aking mga pisngi. 3
Ang mundo ng mga dyosa ay hindi inaakala nang lahat na puro kaginhawaan lamang.
Kami'y naghihirap din at natututo, ang kapangyarihan ay hindi namamana, sapagkat
ito'y aming pinaghihirapan. Kami'y umaakyat din sa mahabang proseso kung nais
makakamit ng katungkulan. 4
Mga katungkulan na hindi minsang sumagi sa aking isipan, ang mamuhay bilang isang
simpleng dyosa na walang koneksyon sa ibang mundo ay masasabi kong isa nang
kalayaan.
Ngayong pagguhit lamang ng pangalan sa isang gintong bato ay hindi ko
mapagtagumpayan, ano na lamang ang aking sasapitin kung mas malaki itong tungkulin?
Hindi lamang ito ang siyang dahilan kung bakit hindi ko hiniling na magkaroon ng
katungkulan, dahil hindi lingid sa aking kaalaman ang sinapit ng dating
tinitingalang dyosa ng lahat. Ang kanyang responsibilidad ang siyang naging dahilan
nang kanyang matinding paghihirap at pagdurusa.
Hindi kailaman pinangarap sumunod sa kanyang mga yapak.
"Leticia! Ang atensyon mo'y tila punyal na nagsisimula nang mangalawang! Tumatakbo
ang oras! Huwag ilipad ang isip sa walang katuturan!" Muntik na akong mahulog mula
sa aking upuan nang marinig ang singhal ng maestra. 16
Agad hinawakan ang gintong bato, hinila sa ilalim ng lamesa ang punyal at
nagsimulang muling mag-ukit sa likurang bahagi nito.
"Paumanhin, Maestra Manuella... hindi na po mauulit."
Nang sandaling tumalikod na ito mula sa akin, isang malalim na buntong-hininga ang
aking pinakawalan. 7
Isang pangunahing pinagkakaabahalan ng mga batang diyosa ay ang paggugol ng
kanilang mga oras sa pag-ukit o paghulma ng mga kakaibang pigura gamit ang mga
ginto. 1
Ito ang pangunahing abilidad ng mga dyosa na dapat unang maperpekto, ang sining.
Ang sining na may iba't-ibang klase ng aspeto, ngunit malaki ang kaiba namin sa
kilalang sining mula sa ibang mga mundo, dahil sa bawat galaw ng aming sining ay
may kaakibat na lapat ng ginto. 1
STORY CONTINUES BELOW
Bakit ginto? Dahil namamayani ang ginto sa mundo ng mga dyosa. 3
Isa nang magandang halimbawa ay ang aming mga sayawin at awitin, dahil sa bawat
halina ng musika sa hangin, sa bawat indayog ng aming mga katawan ay sinasabayan ng
saliw ng buhanging ginto na siyang pumapatnubay sa aming mga pagtatanghal.
Ang kaharian, estatwa, mga rebulto ng mga makakapangyarihang dyosa, mga kagamitan,
kasuotan at ang bawat bagay na makikita sa mundong ito ay pawang may halik ng
ginto.
Puti, ginto, kristal at berde... ang siyang bumubuhay sa mundong ito.
Puti na sumasalamin sa aming kalooban...
Ginto na nagpapahayag nang aming walang katapusang halaga... 4
Kristal na nagpapahiwatig nang aming malinaw na hangarin...
At berde na nagpapahiwatig ng buhay... 10
Isang mundong halos yakapin ang salitang perpekto, ang mundong siyang nagsilang sa
akin.
Hindi ko napigilan ang sarili kong lumingon sa direksyon ni maestra nang marinig ko
ang magandang papuri nito sa mga kapwa ko dyosa. Sa tagal nang aking pag-uukit,
hindi ba talaga ako nagkaroon ng gawang tama sa kanyang mga mata? Lagi na lamang
may mali o kulang. 12
Muli akong huminga nang malalim at marahan kong hinaplos ang kamay kong kasalukuyan
nang namumula dahil sa pamalo. Kung sana'y mabilis itong maghilom sa sandaling
ito'y ilubog ko sa ilog. Ngunit alam kong espesiyal ang pamalo ng maestra para
madesiplina ang mga batang dyosa na katulad ko. 1
Mukhang maging ang mahiwagang tubig sa ilog ay hindi matutulungan ang aking mga
kamay.
Sinulyapan ko ang ibang mga dyosa, kaiba ko'y pawang mga ngiti at tango ang
kanilang natatanggap mula sa maestra. Ilang beses kong sinulyapan ang gawa ng
dyosang katabi ko at mariing ikinumpara sa aking likha, ngunit halos wala man lang
itong kaibahan! 1
Hindi ko man gustong mag-isip nang hindi maganda, hindi ko na magawang pigilan ang
aking sarili. Ang mundo ng mga diyosa'y walang diskrimanasyon, ngunit bakit tila
nararamdaman ko ito? 1
Ito ba ay dahil kakaiba ako sa mga dyosang kasabayan kong inilabas sa bunga? 2
Saglit akong sumulyap sa malaking bintana ng aming gintong aralan na siyang nasa
ikaapat na palapag ng aming palasyo, para tanawin ang napakalaking punong nakatayo
sa gitna ng mga kahariang nagtatayugan. Ang punong hitik sa malalaking gintong
bunga, na sa sandaling magliwanag ang bawat mga bunga ay magsisimula itong
magkawala ng bagong silang na mga dyosa. 14
Ang bungang nagluwal sa akin at sa mga diyosang naninirahan sa mundong ito.
Ang purong dugong mga dyosa ay magmumula lamang sa punong ginto na tinatawag naming
lahat, na Puno ng En Aurete. Isang klase ng puno na tanging sa mundong ito lamang
matatagpuan. Sa Mundo ng mga dyosa na tinatawag na, Gottin Deeseyadah. 13
Nabubuo kami hindi mula sa pakikipagtalik ng babae at lalaki, kundi sa pamamagitan
ng dasal at bulong sa puno. Isa itong ilang buwang ritwal na isinasagawa nang
pinakamagagaling na dyosang bihasa sa pagdarasal. 4
Ang mga diyosang magdarasal ay gagawa ng isang malaking bilog sa palibot ng Puno ng
En Aurete, na may kasamang madamdaming pag-awit at pagkumpas ng mga kamay. 1
Dalawampu't isang dyosa ang mga kasabayan ko noon, ngunit sa mabilis na paglipas ng
panahon para lamang silang hinipan ng hangin tangay ang kanilang pamumukadkad
bilang mga dyosang dalagita.
At tanging ako lamang ang naiwan. Mabagal ang pag-angat ng aking edad. Minsa'y
narinig kong inihambing ng isang dyosa ang paggalaw ng aking orasan sa isang
bampira. Mga nilalang na may pangil, mga matang nagniningas na kawangis ng kulay ng
dugo at higit sa lahat mga nilalang na may libong taon nang nakaukit na kasalanan
sa aming lahi. 36
STORY CONTINUES BELOW
Marami rin akong narinig na marahil daw ay nagkamali ng dasal ang dyosang bumulong
sa aking bunga, maaari rin daw itong nakatulog o saglit na nakalimot ng isang araw
dahilan kung bakit nagkaroon ng problema ang aking tamang paglaki. 11
Sa ngayon ay madalas akong makihalubilo sa mga batang dyosa na nararapat lamang sa
aking katawan at aking pag-iisip, ngunit alam ko sa sarili kong higit akong may
nalalaman sa kanila.
Kaya hindi ko hinahayaang lumampas sa akin ang ginagawa ng mga dyosang siyang
kasabayan ko, at isa na nga itong pag-uukit sa ginto.
Nang kumagat ang dilim, oras kung kailan nabibigyan kami nang pagkakataong
magpahinga, umiikot si Maesta Manuella para masiguro nitong nasa tamang mga silid
na kami.
Agad akong nagkunwaring natutulog nang magbukas ang pintuan, ilang minuto akong
naghintay para mawala ang kanyang mga yabag bago ako bumangon at buksan ang aking
lampara.
"Maaari mo bang ulitin ang sinabi mo sa akin, Hua?" tanong ko sa aking alagang itim
na langgam. 2
"Sa mundo ng mga bampira ay may naihulog na matalas na punyal ang unang dyosang
bumaba sa lupa. Ang kahit anong pag-ukit nito ay masisigurong isang obra maesta,
Leticia. Hindi ka na makakaranas pa nang mahapding patpat na ginto!" sumilay ang
ngiti sa aking mga labi, pero nang maalala ko kung saan ko makukuha ang punyal ay
agad itong nagtago at napalitan ng pagsasalubong ng aking kilay. 3
"Ngunit papaano bumaba sa mundo ng mga bampira? Hindi ba at delikado sa mundong
ito?"
"Leticia, wala ka pang ganap na basbas bilang isang dyosa. Walang bampira ang
makakakilala sa'yo." Umawang ang bibig ko sa sinabi niya. 1
"Totoo?"
"Oo Leticia, wala ka na bang tiwala sa akin?"
"May tiwala ako sa'yo, Hua. Ngunit paano kung may makaengkwentro akong bampira?
Sasaktan nila ako! Hindi pa ako makakapanlaban, isa lamang akong mahinang dyosa." 1
"Hindi ka nila sasaktan, kung magpapanggap kang isang bampira." Saglit akong
natulala kay Hua. 1
"P-Paano?"
"Pangil. Kailangan mong gumamit ng huwad na pangil."
"Ngunit paano kung madiskubre akong isang huwad na bampira?"
"Hindi mo na makukuha ang punyal at magpapatuloy ka sa pagtitiis sa gintong pamalo
ng 'yong maestra." Marahas akong umiling sa sinabi ni Hua.
Nagmamadali akong bumaba sa kama at halos tumakbo ako sa mga nakapatas na aklat, sa
pinakailalim nito ay isang libro na may nakaguhit na kaanyuan ng bampira. Ginamit
ko ang aking munting kapangyarihan para pilit gayanin ito at nang saglit akong
pumikit at tiningnan sa salamin ang aking repleksyon, pansin ko na agad ang pangil
sa aking mga ngipin.
"Hua? Mukhang na ba akong bampira?"
"Ikaw ang pinakamagandang bampirang nasilayan ko, Leticia!" Marahan kong isinumping
ang takas na hibla ng buhok. 49
"Maraming salamat." Yumuko akong may ngiti sa aking mga labi na may nag-iinit na
pisngi. 3
"Ngunit paano ako makakarating sa kanilang mundo? Lalo na sa maiksing panahon, baka
madiskubre ni Maestrang bumaba ako sa mundo ng mga bampira."
"Sa kapatid na puno ng En Aurete! Madali ka para mabilis tayong makabalik." Nanlaki
ang mga mata ko. "Hindi ba at ito ang pinakamaliit na puno at kakaunti lamang ang
ginto nito!"
"Dahil hindi nais ng mga nakatataas na dyosa na may mawili sa punong ito. Madali
ka, Leticia! Tumatakbo ang oras! Hindi mo naman siguro nanaising muling lapatan ng
gintong patpat hindi ba?" agad akong tumango kay Hua. 6
STORY CONTINUES BELOW
Tumalon si Hua sa aking balikat, binuhat ko ang aking lampara at dahan-dahan akong
lumabas sa aking silid.
Ang abilidad ni Hua ang siyang tumulong sa akin para hindi ako makita ng mga
dyosang nagbabantay sa gintong pintuan, nagagawa ako nitong mawala sa hangin at
hindi makita gamit ang mga mata.
"Iwan mo na ang lampara, Leticia." Tumango ako at nagpatuloy sa paglalakad.
Mariin kong kagat ang aking labi para pigilan ang aking pagtawa nang hindi man lang
kami napansin ni Hua nang dalawang diyosa na nagbabantay.
"Ang galling galling mo, Hua..." 12
"Para sa'yo, Leticia." 1
Nilakad ng aking mumunting mga paa ang kahabaan ng kagubatan para lamang maabot ko
ang pinaka hindi popular na puno sa mundong ito. Ang Puno ng En Auyenta. 4
Sa gitna nito ay may maliit at madilim na butas, nagsimula akong lumuhod at
gumapang dito hindi alintana ang pagdudumi ng aking puting kasuotan, ramdam kong sa
paglamon sa akin ng kadiliman ay ang unti-unting pagbigat ng aking paghinga.
Humihingal na akong sapo ang aking dibdib, maging ang aking kasuotan ay naliligo na
rin sa aking sariling pawis.
"Hua, ilang oras akong gagapang-" hindi ko pa man natapos ang aking katanungan nang
maramdaman ko ang matinding paghigop paibaba sa aking katawan. 1
Malakas na pagsigaw at pagluha ang aking nagawa habang patuloy akong bumabagsak,
ngunit nang sandaling sumabog ang liwanag at masilaw ang aking mga mata sa bagong
kapaligiran, unti-unting rumehistro sa akin ang maingay na agos ng marahas na
tubig.
"Isang talon Hua!"
Kasabay nang pagbagsak ng malalaking agos ng tubig mula sa itaas nang naglalakihang
bato ay ang aking katawang bumubulusok.
"Hua! Hindi ako marunong lumangoy!" 13
Tuluyan na akong nilapon nang rumaragasang tubig. Pilit kong ginamit ang
kapangyarihan ko para iligtas ang aking sarili sa pagkalunod ngunit ramdam ko ang
bigla kong panghihina.
Ang tangi ko lamang nagagawa ay ang paglubog ultaw sa tubig. Nawawala ba ang
kapangyarihan ng mga dyosa sa mundong ito?
"H-Hua!"
"H-Hua!"
Wala akong makita! Puro tubig at kakahuyan!
Pilit kong itinataas ang aking dalawang kamay at umaasang may makakapitan.
"H-Hua!" muling sigaw ko kasabay nang malalakas na yabag ng mga kabayo.
Pinili kong tumahimik at huwag sumigaw hanggang sa makadaan ang mga kabayo. At nang
inakala kong wala na ang mga ito, muli kong tinawag ang aking alagang langgam.
"Hua! H-Hua!"
"Hooowoo!" boses ng lalaki ang namayani kasabay nang pag-iingay ng yabag ng kabayo.
47
"H-Hua..." nanghina ang boses ko sa pagtawag kay Hua.
Nakarinig muli ako nang mararahas na yabag ng kabayo.
"Dastan! Tayo na! Hinahanap na tayo ni Lily." 72
"Mauna ka na, Zen! Susunod na ako." 5
"Maliligo ka sa talon, Dastan?" 6
"Just go!" 1
"Anong sasabihin ko kay Lily? Hahanapin ka niya sa akin, she's waiting for us. Ako
ang kukulitin niya!" 1
"W-What?"
"A-Alam mong laging umiiyak sa akin si Lily. Sabay na tayong umuwi, Dastan." 2
"J-Just tell her-right! Maliligo ako sa talon, Zen. Go ahead, hahabol ako." 15
STORY CONTINUES BELOW
"Hmm, may sirena ba sa talon?" 45
"Zen Lancelot Gazellian!" 13
"Right away, brother. Have a nice bath." 17
Nakarinig akong muli nang papalayong yabag ng kabayo. Handa na sana akong hindi
manlaban pa sa agos nang rumaragasang tubig nang makarinig ako nang malakas na
ingay mula sa kung anumang pwersang humalo sa tubig.
Nasa akma na akong ipipikit ang aking mga mata sa ilalim ng tubig nang may kung
anong humarang sa akin para hindi tamaan ng sinag ng araw na tumatagos sa malinaw
na tubig.
Mga bisig na yumakap sa akin ang marahang nag-angat sa akin mula sa tubig. Sunod-
sunod na pag-ubo ng tubig ang pinakawalan ko nang sandaling makakuha ako nang sapat
na hangin. 2
"You're alive..." 46
Hindi ako nakapanlaban sa bampira hanggang sa dalhin ako nito sa pangpang. Nanatili
akong nasa kanyang kandungan, kanyang mga bisig na nakayakap sa akin at isang
magaang haplos sa ilang hibla nang aking itim na buhok na siyang nagbunyag sa aking
kaanyuan. 19
"Isang batang bampira." Pakinig ko ang saglit nitong pagtawa. Nakapagtataka na
hindi niya ako kinakagat. 35
Mukhang busog pa ang binatang bampirang ito. Ipinilig ko ang sarili kong iniisip,
hindi niya ako kakagatin dahil inaakala niyang isa rin akong bampira, ngunit may
nabasa akong kumakagat din sila sa kapwa nila bampira. 6
"Tinulungan mo ako, maraming salamat..." 1
Tumango lamang sa akin ang bampira. Kung ikukumpara sa aking edad na sinasabi
nilang pitong taon lamang para sa mga bampira, masasabi kong posibleng higit sa
akin ng sampung taon ang bampirang ito! 16
"Saang emperyo ka nagmula?" tanong nito sa akin. 1
Agad nanlaki ang mga mata ko hindi dahil sa katanungan niya, kundi sa laki ng
pangil niyang higit sa akin. 1
"Ang 'yong mga pangil ay higit na malaki kaysa sa akin, binata!" nawala ang
panghihina ko. Napaluhod ako sa pagitan ng kanyang mga hita, umangat ang aking mga
kamay sa kanyang mga pisngi habang unti-unti kong ibinubuka ang aking bibig para
lamang ako ay gayanin ng binatang bampira. 35
"Binata...? Marahil ay hindi ako nakikilala ng 'yong mga magulang?" katanungan niya
sa akin na may kasamang pagkunot ng noo.
Hindi ko nagawang sagutin ang kanyang katanungan dahil masyado akong nawili sa laki
ng kanyang pangil. Nanatili pa ring nakahawak ang aking mumunting mga kamay sa
kanyang pisngi at pilit kong ibinubuka ang mga labi ko. 25
Nagkibit balikat ito at sinimulan niyang ibuka ang kanyang labi para mas makita ko
ang kanyang mga pangil. Saglit siyang napaatras sa kanyang pagkakaupo nang subukan
kong hawakan ang pangil niya gamit ang aking maliliit na daliri ngunit sa sumunod
na mga segundo ay hindi na siya gumalaw.
Mukhang mali ang larawang aking kinupyahan? Mahahalatang huwad ang aking pangil...
siguro'y hindi lamang ako kinakagat ng binatang bampirang ito dahil busog siya.
"What an innocent kid..." tinanggal nito ang aking kamay. 16
"Nais kong makita ang 'yong pangil." Nanlaki muli ang aking mga mata at pilit
itinikom ang aking labi.
Marahas akong umiling sa kanya.
"Hindi maaari binata..." tinakpan ko ulit ng aking mga kamay ang aking labi.
"But I saved your life...anong ginagawa nang isang batang bampira sa talon na ito?"
saglit niyang inilibot ang kanyang mga mata sa paligid. 4
"May kasama ka ba? Bakit hinayaan ka nilang mag-isa? Papaano kung hindi kami
dumadaan dito ni Zen?"
Habang patuloy siya sa pagtatanong sa akin, bigla kong naalala si Hua.
"Si Hua!"
Nagsimula akong kapain ang sarili ko. "Nasaan si Hua?"
"Hua?"
"Ang alaga kong langgam, binata---" kumislap ang mga mata ko sa harapan ng binata
nang makita ko si Hua sa kanyang leeg. 15
"Hua!" pinagdaop ko ang aking mga kamay kasabay nang pag-iinit ng sulok ng aking
mga mata.
"Buong akala ko'y nadala ka na ng tubig! Oh Hua..." kapwa ko inilagay ang mga kamay
ko sa balikat ng binata at marahan kong ipinatong dito ang aking baba habang
nakangiting hinihintay ang paggalaw ni Hua sa kanyang leeg.
"T-This baby vampire is talking to an ant... on my neck..." narinig kong nasapo ng
binata ang kanyang noo. 114
Naramdaman kong hinawakan ng binata ang bewang ko at pinaupo niya akong muli sa
kanyang kandungan. 98
"Nais kong malaman ang 'yong ngalan."
"Leticia." Ngumiti ako sa kanya.
Pansin ko na nakakunot pa rin ang noo nito. "Ang pangalan ng 'yong pamilya?"
Umiling ako sa kanya.
"Kung gano'n, marahil ay ako na lamang ang magpapakilala. At sana'y ipabatid mo ang
aking mensahe para sa'yong mga magulang."
Marahang hinawakan ng binata ang basa kong buhok at tuluyan na akong natulala sa
ginawa ng binata. 1
"Kilala ako bilang unang prinsipe ng Parsua Sartorias, Dastan Lancelot Gazellian."
Hindi siya ngumiti sa akin dahil seryoso ang mga mata nitong nakatitig sa akin.
Siya mismo ang nagtayo sa akin at tumayo na rin siya sa harapan ko. 16
Sa pagkakataong ito ay nakatingala ako sa kanya at siya'y nakatingin sa ibaba para
magtama ang aming mga mata.
Tinanggal niya si Hua sa kanyang leeg at ibinigay niya ito sa akin.
"Hindi nakakalimot ang mga prinsipeng katulad ko, Leticia. Nais kong ipabatid
sa'yong mga magulang na sa susunod na sampung taon... ako'y maniningil sa kagat ng
langgam na iginawad sa akin ng kanilang anak." 82
"M-Maniningil?! Ngunit walang utang ang aking mga magulang!" walang akong
magulang...
"Ako'y isang marangal na bampira, may ngalan at reputasyong iniingatan-ngunit ako'y
nagkaisip sa pamantayang ang utang ay kailangang bayaran." 15
Saglit na yumuko sa akin ang binata na may hudyat nang pamamaalam. 2
"Isang uri lamang ng kagat ang tinatanggap ng isang Gazellian."
Chapter 2
93.8K 5.3K 1.7K
by VentreCanard
Chapter 2 16
Estranghero 8
"Isang uri lamang ng kagat ang tinatanggap ng isang Gazellian." 22
Hinayaan ko ang sarili kong tumitig nang matagal sa harap ng binata habang
pinuproseso ang mga salitang kanyang binanggit sa akin.
Ito ang unang kumalas ng mga titig sa pagitan ng aming mga mata at agad itong
tumalikod sa akin, humakbang patungo sa kanyang kabayo. 4
"Leticia, malaki ang posibilidad na ang punyal ang matatagpuan sa ilalim ng talon."
10
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa ibinulong sa akin ni Hua. Kung nasa talon,
imposibleng makuha ko ito dahil bukod sa mahina ang aking kapangyarihan sa mundong
ito, wala akong abilidad sa paglangoy. 3
Kung hindi pa dumating ang prinsipeng ito, marahil ay hindi na maganda ang nangyari
sa akin.
Bumalik ang mga mata ko sa binatang mukhang handa nang lumisan. Siya na lamang ang
natitira kong pag-asa, isa pa, tumatakbo ang oras. Hindi ako maaaring magtagal sa
lugar na ito.
"Ngunit binata..." tawag ko sa kanya. 14
Sumulyap ako sa talon, mabibigyan niya kaya ako ng tulong?
Saglit itong tumigil sa paghakbang pero nanatili siyang nakatalikod sa akin.
"Hindi ba mas nakabubuting magtungo ka na pabalik sa inyo? Higit na mapanganib para
sa batang bampirang katulad mo ang maligaw sa ganitong lugar."
Ngunit higit na mapanganib ang gintong pamalo ni Maestra! 24
"N-Nais ko lamang hanapin ang p-punyal ng aking ama..." mariin akong pumikit sa
aking ginawang pagsisinungaling.
Isa itong napakalaking kasalanan para sa isang dyosang kagaya ko. Ngunit hindi ka
pa tuluyang dyosa, Leticia, wala ka pang basbas.
"Punyal?" humarap na muli ito sa akin.
Tumango ako sa kanya at itinuro ko ang talon. Saglit siyang sumulyap dito bago niya
ibinalik ang mga mata sa akin. Dalawang beses niyang pinagpabalik-balik ang kanyang
titig sa akin at sa talon.
Marahan niyang isinuklay ang kanyang isang kamay sa kanyang magulo at basang buhok,
huminga nang malalim hanggang sa lumapat ang kanyang dalawang kamay sa kanya
bewang. Bumabang muli ang kanyang titig sa akin. 50
Naghalo ang hindi ko mapangalanang emosyon sa kanyang mga mata.
"Ito marahil ang dahilan kung bakit ka nalulunod kanina, tama ba?" mabagal akong
tumango sa kanya.
Totoo naman, hindi ba? Muntik na akong malunod dahil sa paghahanap sa punyal.
"They are trying to kill you! Alam ba nilang hindi ka marunong maglangoy?" Sa
pagkakataong ito ay hindi ko agad nasagot ang katanungan niya.
Sino ang sinasabi niyang papatay sa akin?
"A-Ano?"
"Your parents! Nasasakupan ba kayo ng Parsua Sartorias? Mahigpit ipinagbabawal ni
ama ang pagbibigay nang mabibigat na tungkulin sa mga batang bampira. Lalo na kung
may posibilidad itong makapagpahamak ng buhay."
Nanatili akong nakatitig sa kanya. At mas naging balisa ito sa aking isinagot na
ekspresyon.
"I'll definitely report this to father!" 11
Pinagmasdan ko lamang ang binata, ilang beses nagbalik-balik ang kanyang mata sa
kanyang kabayo, sa talon at sa akin na parang hindi ito makapagdesisyon.
Nagsimula na siyang maglakad nang pabalik-balik, hawak ang kanyang bewang at
nagsalita sa kanyang sarili tungkol sa batas, panunungkulan at pagpapahalaga ng
kanilang kaharian para sa buong emperyong kanilang nasasakupan. 28
STORY CONTINUES BELOW
Sinabi ko lamang sa kanya ang mga magulang ko at ang utos nila tungkol sa punyal,
na walang katotohanan, pero ngayon ay nasa batas na ang kanyang pag-iisip. 12
"I should present this to father..."
"No, I don't want to disappointment him... he thought everything was good..." 2
"But I can't just disregard this baby vampire and her situation..." 65
"How many are them?"
"They could be suffering for years!" 27
Umiiling na siya habang kinakausap ang sarili. Halos mahilo na ang aking mga mata
sa kanya at sa walang katapusan niyang pagkausap sa kanyang sarili. 6
Ngayon naman ay nakahawak ang kanyang kanang kamay sa kanyang baba habang nakatukod
sa kanyang kaliwang braso ang siko nito. Wala rin tigil sa pagtulo ng maliliit na
patak ng tubig mula sa kanyang basang buhok at kasuotan. 8
Malalim itong nag-iisip na hindi alintana ang kanyang basang kaanyuan.
"Should we send the palace guards?"
"We need to see each family..." 6
"Or should I ask the advisers first?"
"Or I should ask Zen? But he's no good!" 50
"Or I could go and see it to myself... but Lily's waiting for me..." 21
Ako naman ngayon ang bumuntong-hininga, lumapit ako sa talon at marahan kong nilaro
ang kamay ko sa umaagos na tubig.
Patuloy pa rin ang binata o ang prinsipe sa pagkausap sa kanyang sarili. Muli
siyang bumalik sa pagbanggit ng batas. Ayon sa ilang nabasa ko tungkol sa mga
bampira, mga hari, reyna, prinsepe at prinsesa ang namumuno rito. Kaya hindi na
kataka-takang marinig ang batas mula sa kanya. 3
"Or maybe to mother?"
"Maybe she will understand... I can't just give this news to my king, this will
disappoint him..."
"Or I'll just wait... wait? What for?" 1
"Which part in Parsua?"
"Damn it! I'm confuse..." 48
Napahilamos na ang prinsipe sa kanyang sarili, na parang sobrang laki na ng
problema niya. Nagsimula lang sa nawawalang punyal, pero ang konklusyong pumasok sa
kanyang pag-iisip ay umabot sa iba't-ibang emperyo ng mundong ito. 5
Mga pagkukulang ng bawat henerasyon na mga nanungkulan, mga pagkakamaling maaaring
naging sanhi sa pang-abusong pag-agaw sa kalayaan ng mga batang bampira at marami
pang iba na pati pagsasagawa ng ritwal na hindi naayon sa tradisyon ay nadamay. 2
Masyadong komplikado ang pag-iisip ng prinsipeng ito. 15
"Nais ko lamang humingi ng tulong para sa aking punyal, ngunit tila naungkat na ang
pinakalumang batas ng inyong emperyo dahil dito." Kumento ko. 70
Natigil sa pagsasalita ng batas ang prinsipe, lumingon ako sa kanya, nakakunot na
ang kanyang noo sa akin.
Tumalim ang titig nito sa akin, nagdilim ang kanyang buong presensiya at pakiramdam
ko'y biglang nanlamig ang hangin. 1
Hanggang sa iniwas nito ang kanyang mga mata mula sa akin sa pinaka-iritado nitong
paraan, na parang hindi natuwang may nilalang na pumuna sa kanya.
Ngunit... ang mga mata niya...
U-Umirap ba siya sa akin? 271
Oh dyosang may gintong latigo! Ako'y saglit na napapangiti. 8
"Hua, inirapan niya yata ako..." bulong ko sa kaibigan kong langgam na ngayon ay
nawalan na yata ng lakas sumagot sa akin. 18
STORY CONTINUES BELOW
Hindi ba sanay ang prinsipeng ito na may sumisita sa ginagawa niya? Kanina pa
siyang nagsasalita ng batas! Hindi ako interesado! 3
Hinintay ko siyang sumagot sa mga sinabi ko, pero mabilis lamang itong sumakay sa
kanyang kabayo at mukhang nainsulto siya sa aking ginagawang pagpapatigil sa kanya.
2
"Aalis ka na ba?"
Hindi ako sinagot ng prinsipe at hindi man lang lumingon sa akin. Mabilis nitong
sinipa ang kanyang kabayo at sa isang iglap ay nawala na ito na parang isang bula.
1
"Hmm, antipatiko!" sigaw ko nang makalayo siya.
Sinimulan kong gisingin si Hua. Bakit ba nawala na naman ito ng malay? 1
"Pinisil ka ba niya nang malakas kanina?" 2
Dumapa na ako sa lupa at pumangalumbaba ako habang pinagmamasdan ang umaagos na
tubig. 4
"Anong gagawin natin, Hua? Ang tagal na nang inilagi natin dito, baka mapansin na
nila ang pagkawala ko. Ayoko na ng gintong latigo."
Sinubukan kong paulit-uliting gisingin si Hua pero mukhang mahimbing ang
pagkakatulog nito.
"O maaaring bumalik tayo sa susunod na araw?"
Siguro ay magagawa ko pang tiisin ang pamalo ni Maestra o maaaring sumubok ulit
ako? Baka sa susunod ay magustuhan na niya ang gawa ko.
Pinagmasdan ko ang repleksyon ko sa tubig, mapait akong ngumiti. Kung sana ay
naging normal na lang ako katulad ng ibang dyosa, siguro ay hindi ko mararanasan
ang diskriminasyon.
Dahil kahit anong gawin kong tama, kung sa mata nila'y isa akong pagkakamali kahit
anong gawin ko ay hindi nila bibigyan ng ngiti. Minsan ay napapaisip ako kung bakit
sa dami ng dyosang bunga ng mahiwagang puno ay ako pa ang nagkaroon ng ganitong
karanasan. 1
"Hua-" naputol ang paggising ko kay Hua nang makarinig na naman ako ng yabag ng mga
kabayo.
Nang lumingon ako, bumalik ang kaninang prinsipe. Natuyo na ang kanyang buhok at
ang kanyang kasuotan.
"Nagbalik ka..." 10
"Isa akong marangal na prinsipe, may pangalang iniingatan. Hindi ako tumatakbo sa
biglaang tungkulin. Ito ang naaayon sa batas ng emperyong ito." 46
Pinagmasdan ko ang prinsipe kung paano ito matikas na naglakad papalapit sa akin,
saglit na tumigil na may mga matang nakatitig sa umaagos na tubig, habang unti-unti
nitong tinatanggal ang butones ng kanyang kasuotan. 1
"M-Maghuhubad ka?" nauutal na katanungan ko. 48
Saglit siyang sumulyap sa akin pero hindi siya sumagot. Ipinagpatuloy niya ang
pagtatanggal ng butones, tumalikod ako sa kanya, pero hindi rin nagtagal ay narinig
ko ang pagsukbo niya sa talon.
Nang wala na siya sa lupa, ibinalik ko ang aking paningin sa tubig at hinintay ang
kanyang pag-ultaw mula rito.
Nakalimang beses na siyang nakalubog-ultaw pero wala pa rin itong makitang punyal.
"Sigurado ka ba na sa talon na ito matatagpuan ang 'yong hinahanap?" ilang beses
akong tumango sa kanya.
Muli siyang sumisid sa malalim na talon, ngunit nakailang sukbo na siya ay wala rin
siyang ipinakikita sa akin. Hindi kaya sa ibang talon makikita ang punyal? Ngunit
saan?
Hindi na muling umulit ang prinsipe, umahon na siya at isinuot ang kanyang
kasuotan.
"Ginawa ko ang lahat ng aking makakaya ngunit natitiyak kong nasa maling talon ka.
Maraming talon ang Parsua Sartorias, posibleng nalito ka lamang."
Gusto ko pa sanang magtanong sa kanya, pero kapwa naagaw ang aming atensyon ng
grupo ng mga kababaihang nagtatawanan, papalapit ito sa direksyon namin.
"Elizabeth, sigurado ka ba na malinis ang tubig dito?" 41
"Sigurado ako, minsan na akong naligo rito. Masarap sa pakiramdam."
Hindi nagtagal ay iniluwa nito ang tatlong naggagandahan babae na kung titingnan ay
hindi nalalayo sa binatang nasa tabi ko.
Nang sandaling maramdaman nila ang presensiya ng prinsipeng nakatindig sa tabi ko,
halos manlaki ang mga mata nila. Nagmadali ang mga itong yumuko. 2
"M-Magandang araw, Mahal na Prinsipe! Isang surpresang makatagpo ng isang Gazellian
sa ganitong lugar."
"Nagawi lamang ako rito nang hindi sinasadya." Pansin ko na halos hindi na kumurap
ang prinsipe sa babaeng nasa gitna. 12
Pero hindi na naghintay pa ng pagsagot ang prinsipe, mas mabilis ito ngayong
sumakay sa kanyang kabayo.
"Paumanhin, ngunit hinahanap na ako sa palasyo." Muling yumuko sa kanya ang tatlong
babae.
Agad nilahad sa akin ng prinsipe ang kanyang kamay.
"Sumama ka na sa akin." Marahas akong umiling sa kanya.
"Darating na rin ang mga magulang ko." Kumunot ang kanyang noo pero hindi na
nakipagtalo.
Tinapik ang kanyang kabayo at sa pangalawang pagkakataon ay agad itong nawala nang
parang bula.
Kakausapin ko sana ang tatlong babae at ang ibang lokasyon ng mga talon, pero
mukhang nagkaroon na sila ng sariling panagimpan. Dahil namumula na ang mga pisngi
ng mga ito habang pinag-uusapan ang nakaraang prinsipe. 1
"Ngunit ang kapatid si Zen na sumunod sa kanya ang matagal ko nang hinahangad
makita nang mas malapitan." 1
"Ang prinsipe ng mga nyebe, Elizabeth?" 18
Nagsimula na silang maghagikhikan. Pinili kong lumayo na sa talon at magsimulang
maglakad sa kagubatan.
Kung sana'y hindi dumating ang mga babaeng 'yon, siguro ay hanggang ngayon ay
tinutulungan pa rin ako ng antipatikong prinsipe na mahilig sa batas. 6
"Hua, kailan ka ba gigising?"
Nagpalakad-lakad lamang ako nang ilang minuto sa pusod ng gubat. Wala na akong
marinig na ingay ng tubig na posibleng malapit lamang sa akin.
"Kung bumalik na kaya ako?"
Pero masasayang ang pinaghirapan ko, nandito na ako dapat ay ituloy ko na ito. Kung
mapansin man nila ang ilang oras kong pagkawala, isang beses ko na lamang itong
gagawin. Dahil kailangan kong siguraduhin na mapapagtagumpayan ko ito.
May hawak na akong maliit na kahoy na siyang ginagamit ko sa paghawi ng malalaking
damo.
"Nawawala ka ba?" agad akong naging alerto nang makarinig ng boses ng panibagong
lalaki. 11
Itinaas ang kahoy na hawak at inilagay ito sa aking una bilang proteksyon.
"Huwag kang matakot." Natatawang sabi nito. "Alam mo ba na pang-anim na beses mo
nang dumaan dito, pinaglalaruan ka na ng kagubatan."
Hindi ko makita kung nasaan siya.
"N-Nasaan ka, magpakita ka!"
"Nasa taas." Inangat ko ang paningin ko.
Isang panibagong bampira ang sumalubong sa akin, marahan itong kumaway at muling
sumandal sa puno.
"A-Anong ginagawa mo dyan?" 1
"Nagtatago?"
"Isa kang kriminal?" 1
"Hindi lahat ng nagtatago kriminal." 7
Tumalon ito mula sa taas at bumagsak siya sa mismong harapan ko. Agad akong
napaatras at mas hinigpitan ko ang hawak sa aking kahoy.
"Huwag kang matakot, hindi ako nananakit ng bata, lalo na kung isang dyosa." 57
Tuluyan na akong natulala sa kanya. P-Paano niya nalamang isa akong dyosa? Sino ang
estrangherong ito?
"S-Sino ka?"
Nagkibit-balikat siya. Pero hindi nakaligtas sa akin ang pait na repleksyon sa
kanyang mga mata. 1
"A rejected mate."
Chapter 3
94.7K 5.3K 1.7K
by VentreCanard
Chapter 3 24
Pangako 7
"Rejected mate?" tanong ko sa bagong dating na bampira. 3
Dumiin ang aking kamay sa hinahawakan kong kahoy at mas iniharang ito sa aking
unahan na parang may magagawa ito para protektahan ang sarili ko.
Isa lamang akong mahinang dyosa at hindi kayang ipagtanggol ang sarili sa mga oras
na ito. Kung alam ko lamang na humihina ang kapangyarihan ng isang dyosa sa
sandaling bumaba rito, ay hindi na ako sumugal pa.
Ngunit hahayaan ko bang habang buhay akong pahirapan ng aming dyosang maestra? Ito
na lamang ang tanging paraan para hindi na ako makaranas pa nang matinding
pagmamalupit sa kanya.
Matapang kong sinagot ang titig ng bampira. Ngunit sa pagtagal ng aming mga mata sa
isa't-isa, bakit parang tila iba ang sumasalamin sa kanyang mga mata?
Lungkot, pagod at matinding pagdaramdam... 5
Dahilan kung bakit unti-unting nanghina ang aking mga kamay sa paghawak ng kahoy,
parang may emosyon sa kanyang mga mata na tila maaapektuhan ang kung sino mang
tititig sa kanya.
Ang kanyang kalungkutan ay higit pa sa talon na muntik nang lumamon sa akin. 3
Ang makilala bilang isang dyosa sa mundong hindi naman ako nararapat ay isa nang
malaking panganib. Ngunit bakit sa halip na matinding pag-iingat ang nais mamayani
sa akin, ito ako at nagsisimulang humakbang patungo sa kanya at itanong ang kanyang
matinding suliranin?
Kailanman ay hindi nais ng mga dyosa mula sa Deeseyadah ang mga nilalang na may
pangil, namulat na ako sa tradisyon at paniniwala rito dahil sa nangyari sa
nakaraan, ngunit tama ba ang paraang bigyan ng pare-parehong pagtingin ang mga ito
dahil sa kasalanan ng kanilang ninuno? 9
"P-Paano mo nalamang isa akong dyosa?"
Mapait na ngumiti ang bampira at marahan siyang yumuko bilang pagbati.
"I possessed the tarnish blood. I am in the lineage of King Andronicus Clamberge
III." 175
Suminghap ako sa sinabi niya. Dapat ay tumakbo ako, dahil ang kanyang ninuno ang
unang nangahas kumalaban sa isang dyosang katulad ko, pero may kung anong pumigil
sa aking mga paa para manatiling nakatindig at salubungin ang kanyang mata.
Nagawa kong humakbang paatras ngunit muli itong bumalik sa nauna nitong posisyon.
Ang kanyang mga mata'y sumisigaw ng ilang taong pagdurusa. 1
"Kung ganoon ay nakilala mo ako dahil sa dugong nananalaytay sa'yo." Tumango sa
akin ang bampira.
"They sent you here to chase me?" tanong nito sa akin.
Marahas akong umiling, wala akong nalalaman sa aksyon ng mga dyosa tungkol sa
trahedyang nangyari sa pagitan ng sinaunang dyosa at ang pitong pinakamatataas na
upuang pinagtaksilan siya. 1
"Then why are you here?" kunot noong tanong nito.
"Hinahanap ko ang punyal ng unang dyosa."
"Sa lugar na ito?"
"Sa talon." Itinuro ko sa kanya ang aking pinanggalingan.
Sa pagkakataong ito ay mas kumunot ang kanyang noo. "Bakit tila hindi ka na
natatakot sa akin?"
Nag-iwas ako ng tingin sa kanya.
"Bata man ako sa'yong paningin, ngunit ang mga mata ko'y higit pa sa aking
kaanyuan. Ang 'yong presensiya'y hindi sumisigaw ng karahasan, kundi puro lamig at
kalungkutan." 23
Hindi sumagot sa akin ang binata ng ilang minuto.
"Maaari kitang tulungang hanapin ang punyal." Alok nito sa akin.
STORY CONTINUES BELOW
"At ang kapalit na nais mo?"
"Just a little talk? Ilang taon na akong walang nakakausap. I've been hiding and
running for years." Natatawang sabi nito. 78
Isang huwad na pagtawa.
Tumango ako sa kanya. Nagbalik kami sa talon, eksaktong nagsisimula nang umalis ang
mga babaeng bampira kanina, pero hindi pa rin matigil ang kanilang pag-uusap
tungkol sa dalawang prinsipe ng Sartorias. 1
Hindi tulad ng naunang prinsipe kanina, mabilis lamang nakuha ng bampira ang punyal
sa talon. 4
Titig na titig ako sa punyal na hawak ko habang inaalala ang ilang oras na iginugol
ng prinsipe kanina. Bakit kaya hindi niya nakita? 13
Tila marunong lamang siya sa batas, pero hindi siya marunong maghanap. Saglit akong
ngumisi nang maalala ko ang hitsura nito nang subukan ko siya sitahin sa napakarami
niyang sinasabi. 52
"Bakit parang gulat na gulat ka? Hindi mo inaasahang nandito ang punyal?" umiling
ako sa bampira.
"May prinsipeng tumulong sa akin kanina, sinubukan niyang hanapin ang punyal nang
maraming beses, wala siyang nakita."
"Marahil ay isa siyang bampira na may malabong mga mata." Natatawang sabi ng
bampira. 54
"Ngunit hindi ba at matalas ang mga mata ng mga bampira, isa pa, isa siyang
prinsipe. Sinabi niyang galing siya sa Sarotias..." natigil sa pagtawa ang bampira.
"Anak ni Thaddeus..." 19
Ibinaba ko ang punyal sa aking tabi at mas binigyan ko ng atensyon ang bampira.
"Ngayong sinabi mo ikaw ay nasa salinlahi ng haring siyang kinamumuhian ng mga
dyosang katulad ko, anong kalagayan mo sa mundong ito?"
"A criminal?" 5
Bumalik sa akin ang unang salitang binitiwan niya sa akin. Hindi lahat ng nagtatago
ay kriminal, ang ilan ay tumatakbo dahil wala nang mapagpilian o kaya ay wala nang
panahon para magpaliwanag dahil matagal nang sarado ang katwiran para sa kanila. 6
May ilan akong nalalaman tungkol sa nangyaring nakaraan, karamihan sa matataas na
dyosa ay naging matatag sa patingin sa lahing lumapastangan sa pinakamataas na
dyosa, ngunit may ilan din na nais nang putulin at magsimulang muli.
Ang isa sa kilalang dyosa na tumayo at pinaglaban ang pagputol sa paulit-ulit na
galit laban sa mga bampira ay ang dyosa ng asul na apoy. Sa mundo ng Deeseyadah ay
taksil ang tingin sa kanya ng lahat ng mga dyosa, itinakwil at pinalayahas sa
pagpapayag ng kapayapaan. 14
Nagpaliwanag ito ng maaaring paraan para palambutin ang nakasanayang damdamin ng
mga bampira. Ang mga bampirang mabibigyan ng hindi pangkaraniwang lakas at
kapangyarihan ay ipapares sa ilalim ng kapangyarihan ng mga dyosa, sa mga nilalang
may kakayahang makapagpalambot ng damdamin na walang bahid ng salamangka at anumang
kapangyarihan. 4
Ang mga malalakas na bampira na maaaring magkaroon ng tukso para abusuhin ang
kanilang mga kapangyarihan ay ipapares sa tao. Ipapares sila, hindi para magkaroon
ng kahinaan, kundi magkaroon ng kabiyak na siyang magbibigay ng linaw, timbang at
pag-aalaga sa kapangyarihang mayroon sila. 45
Ang pagmamahal ng isang tao ang maaaring maging dahilan para mapigilan ang muling
pagsilang ng isang bampirang uhaw sa posisyon at kapangyarihan. 1
Hanggang ngayon ay wala na akong nababalitaan tungkol sa dyosa ng asul na apoy,
kung saan ito naglalagi at kung papaano ito nabubuhay malayo sa mundong kanyang
nakasanayan, ang tanging aking nalalaman ko lamang ay hindi nito napagtagumpayan
lahat ang kanyang mga plano, masyado na itong nanghihina dahil sa paglayo sa
kanyang sariling mundo. 6
STORY CONTINUES BELOW
"Ikaw? Tila hindi isang bata ang aking nakakausap."
"Hindi ako isang bata, kung hindi ako nagkakamali ay higit pa ang edad ko sa'yo."
Muling tumawa ang bampira.
"Para saan ang punyal?"
"Para hindi na ako makatanggap nang matinding paghihirap."
"May ganito sa inyong mundo?"
"Bawat mundo ay may kani-kanilang uri ng paghihirap. At ikinalulungkot kong sabihin
na hindi ligtas ang mundo ko sa salitang ito." Tumango siya sa sinabi ko.
"Minsan ba ay nakakapagod maging dyosa? Anong mga gawain n'yo?" marahan akong
tumanaw sa kalangitan. 9
"Isa ako sa mga dyosang walang tungkulin at dagdag lamang sa populasyon, kaya wala
akong masasabing pinagsasawaan ko sa mga oras na ito." Hindi rin nagtagal ay
umiling ako sa sinabi ko. 1
"Muntik ko nang makalimutan, nagsasawa na pala ako sa pag-ukit sa gintong bato, sa
pamalo ni maestra at sa walang katapusang pagkutya sa akin ng mga dyosang kasabayan
ko." Muli siyang tumawa sa sinabi ko.
Hindi ko alam kung bakit sa tuwing sinusubukan niyang tumawa ay kumikirot ang
dibdib ko. Ito ba ang nararamdaman ng dyosa ng asul na apoy noon? 2
Na gumawa siya ng paraan para matigil na ang pandadamay sa mga inosenteng nilalang?
Ang bampirang ito ay walang nagawang masama sa nakaraan, ang tanging kanyang
kasalanan lamang ay ang pagdadala ng dugong hindi niya nais makamtan. 10
"Pamilyar ka ba sa dyosa ng asul na apoy?"
"The ex-human goddess?" 19
Saglit akong natigilan sa sinabi ng bampira. Marahil hanggang ngayon ay katanungan
pa rin sa mga bampira kung saan nanggaling ang asul na apoy, saan nila nakuha ang
ideya na isa itong dating tao? 4
Kung ganoon ay napupuno ng iba't-ibang kwento ang kanyang pinagmulan at tanging
kami lamang may dyosa ang totoong nakakaalam nito.
"Hindi ko rin alam, marami akong naririnig na alamat tungkol sa pinagmulan niya.
Ngunit malaki ang respeto ng mga bampira sa kanya. Especially those women from the
prophecy."
Hinayaan kong magbigay ng impormasyon sa akin ang bampira, dito ko nakumpirmang
iisang emperyo lamang ang kaya niyang bahagihan ng kanyang kapangyarihan. At ito ay
ang buong emperyo ng Parsua.
Simula nang nagkaroon ng mga itinakdang babae mula sa asul na apoy ay walang kahit
anong indekasyong may nanungkulang naging abusado sa kanilang mga nasasakupan.
Saglit akong napangiti. Kung ganoon ay nagtatagumpay ang dyosa ng asul na apoy sa
kanyang mga ipinangako na hanggang ngayon ay kataksilan pa rin sa mga kapwa ko mga
dyosa.
Ramdam kong nagsisimula nang gumising si Hua sa aking leeg.
"Buong akala ko'y ang lahat ng dyosa ay may kani-kanilang tungkulin."
"Ikaw ang may hawak ng desisyon kung nais mong magkaroon ng tungkulin." Tumango
siya sa akin.
"Ano ngayon ang balak mo?"
"Muling tatakbo at magtatago? Kamatayan kung mahuhuli." Mapait na sagot niya sa
akin. 4
"Uulitin ko ang katanungan mo sa akin, sa ilang taon mong pagtakbo, hindi ka ba
nagsasawa?"
"Watching her, while loving him? It's a torture. Pero mahal ko siya, buong akala
niya siguro ay tumalab sa akin ang kanyang mahika. But it did work, yes. Pero
tanging sa kanya. I'm already living by just watching her from a far." Saglit akong
natulala sa kanya. 327
Hindi ko naintindihan ang ibig niyang sabihin.
Nahiga ang bampira sa lupa at ginawa niyang ulunan ang kanyang dalawang mga kamay
habang nakatitig sa langit.
"Vampires are born tied with their mates. May pagkakataong nagagawa itong
manipulahin ng mga dyosa, pero ang karamihan sa amin ay sadya nang nakatadhana, my
mate rejected me." 6
"Dahil sa dugong nananalaytay sa'yo?"
"Probably, and I am not a Prince or a King. Isang kasiraan sa mata ng lahat. Ano ba
ang laban ko kay Thaddeus?" 142
Tama ang sinabi niya, hindi tungkulin magtakda ng mga dyosa para sa mga bampira,
dahil may kung anong bagay na sadyang nagkokonekta sa bampira at sa kapareha nito
sa tamang panahon at oras, hindi katulad ng mga lobo na nasa amin ang pagpapasya. 3
Sa kalagayan naman ng dyosa ng asul na apoy, ipinaliwanag nito na karamihan sa
malalakas na mga bampira ay hindi nabibigyan ng pagkakataong magkaroon ng kapareha
dahil natatakpan ng mga kapangyarihan nito ang paghahanap sa kanilang magiging
kapares, dito pumapasok ang kanyang kapangyarihan na siyang magtatakda sa mga
babaeng hahawak at magmamahal sa mga bampirang maaaring sumunod sa dating hari ng
nakaraan. 8
Paano pa nakakayanan ng bampirang ito na mabuhay? Buong lahi niya ang nagtatakwil
sa kanya, itinulak siya ng babaeng siyang dapat sumalo sa kanya at ngayon ay
nagagawa pa niya itong panuorin sa malayo habang nagmamahal ng iba. 11
Naramdaman ko ang pag-iinit ng sulok ng aking mga mata. Bakit parang kay lupit ng
mundong ito?
"N-Nais kong may gawin... ngunit isa lamang akong klase ng dyosang walang higit na
kapangyarihan. Hindi ako kasing tapang ng dyosa ng asul na apoy, wala akong
kakayahang mabuhay mag-isa, mabilis akong masindak at takot ako sa tungkulin...
patawad...wala akong magawa." 1
Hindi na ako umasa pa sa kanyang kasagutan, ngunit sa unang pagkakataon ay
nakatanggap ako ng totoong pagtawa mula sa bampira. Sa tagal nang pagtawa nito ay
halos magtanggal siya ng luha sa sulok ng kanyang mga mata.
"Hindi ko inaasahang ganito ang unang engkwentrong mararanasan ko mula sa isang
dyosa. You should hate me or curse me, o dapat ay magtawag ka ng maraming dyosa
para lubos akong pahirapan. But you're apologizing!"
"Higit kang nahirapan dahil sa ipinataw na pangmamata ng nakaraan, tama ang asul na
apoy, dapat ay matagal nang inayos ang lamat, maraming katulad mo ang madadamay."
13
"Hindi ko na alam ang dapat kong sabihin."
Tumayo na ako at kinuha ang punyal sa lupa. "Maari ko bang malaman ang 'yong
ngalan, bampira?"
Sumulyap ito sa akin, pero nanatili pa rin siyang nakahiga sa lupa.
"You can call me Nikos. But my damn father named me after the King who ruined us,
Andronicus Clamberge IV." 42
"Nikos." Ulit ko sa pangalan niya. 2
"Hua, maaari na siguro tayong umalis... nagsisimula nang magpakita ang buwan."
Muntik ko nang makalimutan na mabilis lang pala ang araw sa mundo ng mga bampira.
Nanatili akong nakatayo habang nasa likuran ko ang bampirang nagngangalang Nikos.
Marahan kong inangat sa ere ang punyal at itinapat ito sa sinag ng buwan.
"May hihilingin sana ako, Nikos."
"Ano 'yon, mabuting dyosa?" 8
Umihip ang hangin, sumayaw ang aking mahabang buhok at mas nagningning ang punyal
sa ilalim ng sinag ng buwan.
"Mabuhay ka pa nang matagal, maaari kang tumakbo nang tumakbo, ngunit huwag na
huwag kang mapapagod mabuhay. Binigyan mo ako ng rason para lagyan ng titulo ang
aking pagiging dyosa..." 58
Unti-unti akong humarap sa kanya, yumakap ang sinag ng buwan sa aking kaanyuan,
humaplos ang aking mainit na luha sa aking pisngi, muling sumipol ang hangin at mas
naging mahinahon ang talon. 1
Bumadya ang totoong kaanyuan ng aking mga anino mula sa batang babaeng nakatayo
patungo sa perpektong hugis ng isang ganap na dyosang hindi kayang matahin ng kahit
sinong nilalang. 15
"Aangkinin ko ang buwan at itatama ang lahat... mula sa unang sumpang inilapat ng
unang dyosa..."
Chapter 4
96K 5.5K 1.1K
by VentreCanard
Chapter 4 14
Gitna ng apoy 3
Simula nang bigyan ako ng buhay ng mahiwagang puno ng En Aurete, nakilala ko ang
aking sarili bilang isang dyosa na hindi nanaisin pang humawak ng responsibilidad.
Walang pangarap para umupo sa isang posisyon at laging pipiliin ang payapang
pamumuhay na walang kahit anong pasan sa mga balikat. 1
Noon pa man ay humahanga na ako sa mga dyosang tumatahak sa landas na punong-puno
ng sakripisyo at paghihirap, ngunit hindi ako dumating sa punto ng paghangang
nanaising maranasan ang kanilang napapagdaanan.
Ngunit ang marinig mismo mula sa bibig ng nilalang na siyang biktima ng walang
katapusang kalupitan ang reyalidad ng pamumuhay sa ilalim ng kalangitan... anong
klaseng puso ang maaaring manahan sa aking dibdib para ito'y kalimutan at hindi
damdamin? 8
Kung ang pagtutuwid sa nakaraang patuloy na sumisira sa kasalukuyan ay isang uri ng
kataksilan. Ako'y taas noong magtataksil at hahakbang sa landas na siyang maaaring
makapagpabago ng lahat... 18
Muli akong humarap sa aking unang bampirang kaibigan, isang lalaking pinagkaitan ng
katahimikan at pag-ibig. Isang bampirang binigyan ng kadenang hindi sa kanya
nararapat.
Dumiin ang aking kamay sa punyal...
Darating ang panahon, tatalas ang aking punyal, mamayani ang aking kapangyarihan at
higit sa lahat, magkakaroon ng diin at boses ang aking mga salita. Ako'y magiging
isa ganap na dyosang sasambahin ng lahat. Palalayain ang dapat lumaya, magsasabog
ng pag-ibig na walang limitasyon at higit sa lahat, magbabadya ng walang katapusang
ngiti at halakhak na walang halong pagpapanggap... 54
Panahon man ang lilipas... ngunit ang pangako ng isang dyosa'y hindi maglalaho...
Hindi man ako sigurado sa paraan ng pagbati ng mga bampira, nagawa kong ilahad ang
aking mga kamay kay Nikos.
Saglit nanlaki ang mga nito na parang hindi makapaniwala sa kanya. Ngunit sa
nangangatal nitong mga kamay, kasabay nang matinding pagkirot ng dibdib ko. Unti-
unti itong yumuko para bigyan ako ng paggalang at marahang lumapat ang kanyang mga
labi sa likuran ng aking kamay. 13
Nag-init ang puso ko. Dahil alam kong sa tagal ng kanyang pamumuhay sa mundong ito
ay ako lamang ang nangahas mag-alay ng kamay sa kanya. 22
Dahil ang kaisa-isang babaeng maaaring makapagpasaya sa kanya sa mundong ito na
punong-puno ng paghuhusga ay piniling putulin ang kanilang ugnayan. 9
Ngumiti ako sa kanyang harapan.
"My own kind feared to touch me, they even disgust me... but a real goddess offered
her hand. Such a pity." Mapait itong tumawa 34
Tumalikod na ako sa kanya.
"Nais ko nang magpaalam, munting dyosa." Tumango ako sa kanya ngunit nanatili pa
rin akong nakatalikod.
"Ipinangangako kong patuloy akong mabubuhay, tatakbo nang paulit-ulit, ngunit hindi
mapapagod mabuhay..." 1
"Hanggang sa muli, kaibigan..." tipid kong sagot dito.
"Hanggang sa muli..."
Nang tuluyan nang nawala si Nikos sa aking likuran, bigla na lamang bumigay ang
aking mga tuhod at nagsimula na akong lumuha.
"S-Sobrang hina ko, Hua..."
"Hindi, sa tagal kong nabuhay kasama ang mga dyosa, Leticia. Dalawa lang kayong
dyosa ang hinangaan ko, ikaw at ang dyosa ng asul na apoy. Hinahangaan kita, nagawa
mong mangako sa kabila ng sitwasyon at kakayahan mo." Lalong nagpatuloy sa pagluha
ang aking mga mata. 5
Gusto ko nang makawala sa katawang ito, nais ko nang abutin ang nararapat kong
anyo, hindi ako dapat ganito, hindi ko maaangkin ang kapangyarihan kung ang tingin
ng lahat sa akin ay isang batang walang alam.
STORY CONTINUES BELOW
"S-Sa tingin mo ba ay may pag-asa pa ang kaanyuan kong magbago, Hua?"
"Oo. Dahil kilala kita, kailanman ay hindi ka nangakong hindi mo matutupad. At
nangako ka sa binatang bampira, darating ang panahon, ika'y titinangalin at
magpapalaya. At ako'y malugod na maglilingkod sa'yo." 6
Ngumiti ako sa sinabi ni Hua. 1
"Siguro'y kailangan na nating umalis, Hu-" nanlamig ang aking buong katawan at
marahas akong lumingon sa paligid.
Hindi dahil sa takot kundi sa tindi ng pagiging pamilyar ng presensiyang unti-
unting lumalapit sa akin.
Isang dyosa!
"Hua..."
Iisa lang ang dyosang maaari kong makita sa mundong ito. At nandito siya dahil
naramdaman niya ako!
Kung mas nauna ko siyang nakasalubong kaysa kay Nikos, maaaring tumakbo na ako at
bumalik sa mundong aking pinanggalingan, pero ito ako at nanatiling nakatayo habang
nakatitig sa nahahawing kagubatan.
Pumasok na rin sa isip ko na posibleng makaengkwentro ko siya sa mundong ito, pero
ang mismong maramdaman ang presensiya niya ay higit na nakakaba. Hanggang sa mga
istorya ko lamang siya naririnig, wala siyang larawan sa aming mundo at pilit
siyang binubura sa bawat dyosang isinisilang ngunit hindi pa rin nalilingid sa iba
ang kwento at katotohanan.
Ano ngayon ang reaksyon niya nang maramdamang may dyosa na nalalapit sa kanya?
Magsasalita na sana ako para kausapin siya, ngunit napakabilis ng pangyayari. 1
Naramdaman ko na lang ang pagbagsak ng aking katawan sa lupa. Pumangibabaw sa akin
ang asul na usok na may hugis ng isang hubad na babae at mahabang buhok nito na
sumasayaw sa hangin. 11
Pinahaba nito ang kanyang kuko at nasa akto itong tutusukin ang aking leeg para sa
anumang kilos na maaari kong gawin laban sa kanya.
"S-Sino ang nagpadala sa'yo rito?!"
Nangangatal ang boses nito, maging ang kukong nakalapat sa aking leeg. Isa lang ang
nakikita ko, hindi niya nais gumawa ng kaharasan o saktan ako. Pero ginagawa niya
ito para sa sarili niyang kapakanan.
Ngayon ay napaisip ako, minsan ba'y may mga dyosa na ring bumaba sa lupa para
sundan siya?
"Sumagot ka! Kung ayaw mong kitilin ko ang 'yong buhay." 1
"Ngunit hindi mo ito kayang gawin, dyosa ng asul na apoy. Kung hindi ako
nagkakamali'y pinili mong yakapin ang salitang taksil para itigil ang walang
katapusang karahasan at patayan."
Unti-unting nawala ang pagkakahaba ng kanyang kuko dahil sa sinabi ko. Sa halip na
takot ang ipakita ko sa kanya ay pinili kong manatiling nakatitig sa kanyang mga
mata. Totoo nga ang naririnig ko tungkol sa kanya, kung ang mga dyosa'y kilala sa
angking kagandahan, may ilan pa rin isinisilang na hihigit sa lahat.
Isa rito ang asul na apoy. 20
Kung ikukumpara siya sa mga dyosang aking nakalakihan, halos hindi nagawang
pantayan ng mga ito ang kanyang kagandahan. Isang magandang dyosa para sa kanyang
busilak na sakripisyo. Ngunit ang ilang taon niyang pagkawala sa kanyang sariling
mundo ang nagbibigay sa kanyang mga mata ng matinding kapaguran, isang indekasyon
ng isang dyosa sa kanyang umiiksing buhay. 1
Sa aking munting kapangyarihan, agad kong tinanggal ang pagkakagapos ng aking mga
kamay. Agad kong ipinulupot ang aking mga braso sa batok ng dyosa ng asul na apoy,
ibinuka ang aking mga labi at unti-unting inilipat sa kanya ang pangangailangan ng
dyosang katulad niya.
Unti-unting nawala ang asul na usok, dahilan para ipakita nito ang kanyang
nagliliwanag na kaanyuan na may kasamang ginto tulad ng sa akin. Kapwa lumabas sa
pusod ng kagubatan, sa tabi ng umaagos na talon, sa liwanag ng buwan at sa yakap ng
malamig na hangin...
STORY CONTINUES BELOW
Ang dalawang nagliliwanag na dyosang may yakap ng kislap ng dyamante at ginto... 2
Nagliwanag ang aming mga mata, sumayaw ang aming natural na buhok sa hangin at
nagyaman ang aming presensiya....
Ramdam ko ang matinding pagtataka sa kanyang buong sistema ngunit sa huli'y wala na
rin itong nagawa kundi tanggapin ang lahat ng aking ipinapasa sa kanya.
Nang matapos ang aking pagsasalin ay marahas siyang humiwalay sa akin.
"I-Ikaw! Bakit mo ginagawa-" 1
"Ipinauubaya ko na ang kalahati ng buhay ko sa'yo." Tipid kong sagot. Tumayo ako at
pinagpagan ang aking kasuotan. 32
"S-Sino ka?" nagtatakang tanong nito sa akin.
"Siguro'y matapos ang daang taon, ako'y tatawagan din nilang isang taksil. Tumingin
ka sa itaas, dahil darating ang panahong, aankinin ko ang buwan. At tutulungan mo
ako..." 16
Tumawa sa akin ang dyosa ng asul na apoy na parang hindi makapaniwalang nagsasalita
sa kanya ang isang batang walang kakayahan.
"Isang interesanteng dyosa, ngunit alam mo bang hindi ko nais magkaroon ng utang na
loob? Lalo na sa mga dyosang itinakwil ako..."
Gusto ko man siyang sagutin at sabihing hindi ako kasama sa mga dyosang nagtakwil
sa kanya ay hindi ko na nagawa. Muli itong bumalik sa akin at sa pagkakataong ito
ay yumakap siya sa akin mula sa aking likuran.
Bumalik ang kanyang katawan gamit ang asul na usok.
"Hindi biro ang kalahati ng buhay... batang dyosa..."
Nagsimula nang magsalita si Hua sa asul na apoy pero agad itong natahimik ng
dumikit lamang ang dulo ng daliri nito sa aking leeg.
Wala na akong makapang kaba sa aking puso at hinayaan ko ang dyosa ng asul na apoy
na yakapin ako.
"Nagtanim ako ng galit sa lahat ng dyosa mula sa Deeseyadah, ngunit hindi ako
naghangad ng kapangahasan sa kanila. Pero ang makatanggap ng karugdong na buhay sa
isang dyosang mukhang nais sundan ang aking yapak... masasabi kong ito'y higit na
nakakagulat." Mahina itong tumawa.
Pansin kong may liwanag na nagsisimulang lumawak mula sa madilim na kadiliman. May
paparating, hindi kami maaaring madatnan ng asul na apoy dito!
"Kailangan na nating umalis, dyosa ng asul na apoy." Pilit kong ibinabalik ang
aking kaanyuan sa isang huwad na bampira, ngunit hindi ko na ito magawa.
Nanatili akong nagliliwanag na may yakap ng ginto at puti, habang ang dyosa ng asul
na apoy ay nagsisigaw ng asul niyang kapanyarihan.
Natatagpuan kaming dalawa rito!
"Ngunit ang pagkawala ng kalahati ng 'yong buhay ay hindi nais dalhin ng aking
konsensiya, munting dyosa. Kung nais mong tahakin ang aking landas... ang matindi
mong kailangan ay buhay. Maraming buhay, at sa mundong ito... isa lang ang susi sa
buhay na panghabang-buhay..." bulong nito sa akin.
Nagpatuloy ang paglapit ng liwanag. Kung hindi ako nagkakamali ay dalawang simbo
ito. May paparating na dalawang nilalang.
Pinilit kong maggagalaw mula sa yakap ng asul na apoy, pero higit na itong malakas
ngayon dahil sa buhay na ibinigay ko sa kanya.
"At alam mo kung ano ang bagay na ito... pag-ibig..." 18
Unti-unti na namin naririnig ang usapan ng paparating na nilalang may dalang simbo.
"Prinsipe Dastan, siguradong hinahanap na tayo ng reyna. Nasisiguro kong umuwi na
ang paslit na sinasabi mo sa kanilang tahanan. Hindi nakabubuti sa isang prinsipeng
katulad mo ang manatili pa sa pusod ng kagubatan sa ganitong oras." 32
"Shut up! Just keep searching, Lumps! Or else-" 16
"Masusunod, Mahal na Prinsipe!"
Suminghap ako nang makilala ko ang pamilyar na boses ng bampira. B-Bumalik siya?
Buong akala ko ay wala na itong pakialam...
"Isa siya sa pinakamakapangyarihang bampirang isinilang sa panahong ito at
nasisiguro kong maging ang isang tao ay hindi papantay sa magiging responsibilidad
niya sa hinaharap... isang nilalang lang ang maaaring yumakap sa kanya... ngayo'y
nagsisimula nang masagot ang aking matagal nang suliranin..." mahinang sabi ng
dyosa ng asul na apoy. 31
Hindi man niya tuluyang sabihin sa akin ang nais niyang iparating, nakukuha ko na
ang kahihinatnan nito.
"Kung kailangan suyudin ang buong kagubatan ay gagawin natin, Lumps. This is such a
disgrace for my father! I am the first Prince, I need to assure the sake of my
citizen. Keep searching! That innocent child must be crying somewhere, waiting for
our help." Madiing sabi ng prinsipe na punong-puno ng awtoridad. 41
Saglit na tumawa ang dyosa ng asul na apoy.
"Tila ikaw ang hinahanap..." 2
"Ngunit bakit mo iniwan, Mahal na Prinsipe? Kung sana'y isinama mo na siya ay hindi
na tayo maghahanap." Nasundan ng sunod-sunod na pag-ubo ang katanungan. 35
"Don't talk, Lumps! Search."
"Yes, yes! Prince Dastan." 1
Huminga ako nang malalim nang nagsisimula nang mas mahawi ang kagubatan at tuluyan
nitong iniluwa ang makisig na prinsipeng nagniningning mula sa liwanag ng simbo na
hawak ng kanyang kamay.
Nagningas ang kanyang mga mata at tuluyan nitong nabitawan ang simbong sa kanyang
kamay. Yumakap ang asul na apoy at nagawa nitong ipahiram ang kanyang buong
kapangyarihan sa aking katawan. 18
Unti-unting gumapang ang asul na usok mula sa aking mga braso at hita hanggang sa
tuluyan akong lamunin nito. Lumutang ang aking buong hubad na katawan na tila ako
mismo ang asul na apoy, ngunit sa ibang besyon... dahil ang aking usok ay
magkahalong puti at ginto... 30
Hinulma ng pinagsamang puti at gintong usok ang aking totoong kaanyuan bilang isang
ganap na dyosa. 1
Natulala ang kasamang kuneho ng prinsipe at katulad nitong nabitawan din ang simbo,
hindi na alintana ng prinsipe ang apoy na kasalukuyang gumagapang sa lupa at
gumagawa ng bilog sa kanyang posisyon. 1
Ngunit ang marahang pag-angat ng kanyang mga braso na tila inaanyayahan ako ang
siyang gumawa nang matinding dagundong sa bawat pintig ng aking puso. 13
Lumipad ang aking usok na kaanyuan patungo sa braso ng prinsipe, yumakap ang aking
mga braso at ganito rin ang sa kanya...
Nanatiling magkatitigan ang aming mga mata habang ang aming mga bisig ay
magkayakap. 25
"Magbabalik ako, ika'y aking magiging hari at sabay nating itatama ang lahat ng
pagkakamali ng mundong ito..." kusang lumabas ang mga salita sa aking mga labi. 51
"At ika'y aking magiging reyna..." mahinang sabi nito. 98
"Hindi sa pagitan ng usok at apoy..." humaplos ang aking kamay sa kanyang pisngi.
Hindi nagbago ang ekspresyon ng prinsipe, ngunit ang tindi ng kanyang mga mata sa
akin ay walang puwang sa kabuwagan.
"Kundi sa haplos ng ating mga labi... ako'y maghihintay..."
Chapter 5
96.4K 5K 1.2K
by VentreCanard
Chapter 5 24
Balon
Nagmulat at nagkaisip sa magagandang sining at musika. Nahulma at patuloy na
pinagyayaman sa lugar ng perpeksyon. Nakasaksi ng pagningning, humanga sa ginto at
puting kulay at higit sa lahat nakatamasa ng matinding kaligayahan.
Aking mga emoysong inakalaang sa sariling mundo lamang makakamtan. Ngunit tila
unti-unting nabubuwag mula sa mainit na bisig ng isang prinsipeng may mga matang
lumiliyab, higit sa mga simbo, lampara o maging mga bulalakaw.
Kanyang mga mata'y higit sa mga sining na aking sinasamba...
Mga labing kay pula na tila'y nag-aanyaya ng kalinga... 1
Magandang hugis ng kanyang ilog may uri ng paglalandas na higit sa mga panulat... 2
Ang prinsipeng nagmulat sa akin ng panibagong klase ng perpeksyon... 2
Nanatiling nakahawak ang kanyang magkabilang mga kamay sa aking pisngi na parang
ayaw ako nitong pakawalan sa kabila ng mga salita nitong hihintayin niya ako sa
aking muling pagbabalik. Mariing din nakahawak ang aking mga kamay sa kanya. 2
Hindi natinag ang aming mga mata sa isa't-isa at nang sandaling marahang gumalaw
ang kanyang daliri patungo sa aking mga labi, mas lalong sumiklab ang apoy sa
pagitan namin. 7
"Ngunit hindi kita hahayaang lumisang hindi dala ang pananabik ko." Kasabay nang
madiing salita ng prinsipe ay ang paglapat ng kanyang labi sa akin. 90
Isang klase ng halik na hihilinging walang katapusan, halik na tila aking hahanapin
sa aking paglisan at halik na siyang hihila sa aking magbalik sa lalong madaling
panahon. 6
Halik ng isang prinsipeng magtuturo kung paano maghanap ng kasagutan sa kakaibang
klase ng uhaw. 1
"P-Prinsipe--"
Handa na itong putulin ang aking mga salita sa pamamagitan ng kanyang halik ng
isang malakas na pagsabog sa talon ang umagaw sa aming atensyon. 2
May kung anong malakas na pwersa ang tumama sa aking likuran dahilan kung bakit
tila piniga ang aking puso sa matinding sakit. 1
At sa isang iglap ay natagpuan ko ang sarili kong malayo na sa prinsipeng
kasalukuyan nang nanlalaki ang mga mata sa direksyon kung saan ako naroroon.
Sa tabi ng prinsipe ay nagbalik ang dyosa ng asul na apoy na may isang kamay na
nakahawak sa lupa, mahabang buhok na nakasabog at mga balikat na walang tigil sa
pagbaba't taas dahil sa mabibigat na paghingal. 3
A-Anong nangyayari?
H-Hindi kaya...
Sa aking nangangatal at nanghihinang katawan, pinilit kong mag-angat ng tingin at
halos mawalan ako ng malay dahil sa matinding pagkagulat. Dahil sa likuran ko ay
nakatindig ang hindi lamang lima hanggang anim na pinakamalakas na dyosa ng
Deeseyadah. 14
Nagbalik na akong muli sa kanyang kaanyuan at kasalukuyan akong buhat ng isang
dyosa. 2
"Dinukot ng taksil si Leticia." Rinig kong sabi ng isa sa mga dyosa. 2
Agad akong nagpumiglas. Mali ang iniisip nila, hindi ako dinukot ng dyosa ng asul
na apoy dahil ako mismo ang kusang bumaba rito.
Sinubukan kong magsalita ngunit walang boses ang lumalabas sa akin. Nangangatal ang
mga kamay kong humawak sa aking leeg, anong nangyari sa boses ko?
"Anong kataksilang ritwal ang ginawa mo kay Leticia?!"
Biglang bumalik sa aking mga alaala ang ginawa sa akin ng asul na apoy. Pinuwersa
nitong dalhin ang katawan ko sa totoo nitong anyo kahit hindi pa ito kaya ng aking
kakayahan at presensiya bilang dyosa, maaaring naapektuhan nito pansamantala ang
boses ko. 1
STORY CONTINUES BELOW
"Kataksilan ba?" sagot ng asul na apoy, matatalim ang mga titig nito sa akin.
"Oh tamang sabihin na nagawa n'yo akong linlangin? Ipinain n'yo sa akin ang isa sa
pinakamahinang dyosa para lamang malaman ang kinalalagyan ko?" 3
Marahas akong umiling sa dyosa ng asul na apoy. Mali ang iniisip niya! Wala akong
nalalaman dito. At lalong wala akong nais pagtaksilan siya.
Saglit kong sinulyapan ang prinsipe na parang nawalan na ng malay sa kanyang
pagkakatayo. Sa mundong ito, hinding-hindi mangyayari na makasaksi ng napakaraming
dyosa sa iisang lugar. 5
"Sa tingin n'yo ay magagawa n'yo akong paikutin sa pamamagitan lang ng isang paslit
na dyosa?!"
Nang sabihin ito ng asul na apoy ay nagsisimula nang malito ang mga dyosang nasa
likuran ko. Ang mga mata nila'y nagkakaroon na ng akusasyon patungo sa akin.
Mukhang higit pa sa habang-buhay na pagkakakulong ang ipapataw nila sa akin sa
sandaling malinawan silang hindi ito klase ng pandurukot. Nang sandaling humakbang
ang isang dyosa para sagutin ang dyosa ng asul na apoy, mas lalo akong nagulat nang
may isang panibagong liwanag ang pumagitna sa aming lahat. 1
Halos mapaatras ang lahat ng mga dyosa sa lalong tumitinding pagliliwanag, hanggang
sa bigla itong tumigil at magluwa ng nilalang na hindi namin inaasahang lahat.
Isang malakas at matikas na nilalang, ang kaisa-isahang kaibigang aking
pinagkakatiwalaan. Ang malaking bersyon ni Hua. 12
"Nagawa niya akong patulugin at para hindi mabigyan ng proteksyon si Leticia. Nais
nitong gawin kasangkapan ang ating dyosa para sa sarili niyang layuin."
Paliwanag ni Hua dahilan kung bakit gumuhit ang matinding poot sa mukha ng dyosa ng
asul na apoy. 2
Muli akong nagwala sa pagkakabuhat sa akin ng isang dyosa at nagsimula nang dumaloy
ang luha sa aking mga mata. Inililigtas ako ni Hua mula sa kaparusahan, ngunit
binibigyan niya nang matinding dagok ang dyosa ng asul na apoy.
"Nagawa niyang kunin ang kalahati ng buhay ni Leticia! At ipares sa isang bampira
para magawa ang lahat ng kanyang mga plano!" 5
Nagsinghapan ang mga dyosa sa narinig mula kay Hua, sa isang iglap ay lumabas ang
mga gintong armas ng mga nito na handing kitilin ang buhay ng asul na apoy.
Nagmamadaling lumapit sa akin si Hua at isinakay na ako ng isang dyosa sa likuran
nito, habang ang ilan sa kanila ay pinalilibutan na ang asul na apoy.
Hindi...hindi maaari! Hua! H-Hua!
Lumuluha ako habang pilit hinahampas si Hua, halos hindi ko na matingnan ang
posisyon ng dyosa ng asul na apoy na kasalukuyang pinuprotektahan ang prinsipeng
wala pa rin malay. 7
Nang sandaling ipakita ni Hua ang kanyang pakpak at akma na ako nitong ibalik sa
aming sariling mundo. Nakita ko kung paano iniyakap ng asul na apoy ang kanyang
sarili sa prinsipe habang ang mga mata'y nasa akin.
"Pagbabayaran mo ito munting dyosa, ang 'yong panlilinlang at ang 'yong hindi
mapangalanang layunin sa pagbaba rito...ang siyang magdadala sa'yo ng matinding
sakit. Dahil isinusumpa ko sa mga oras na ito, ang prinsipeng ito'y muling iibig
hanggang sa ika'y kanyang kalimutan..." 199
Ito ang huling salitang binitawan sa akin ng asul na apoy bago ako tuluyang inilayo
ni Hua sa mundo ng mga bampira dala ang halik ng prinsipeng saglit lang ipinadama
sa akin ng pagkakataon. 1
Sinubukang abutin ng aking munting mga kamay ang imahe ng prinsipeng papalayo sa
akin, sa pagliit ng kanyang pigura... sa pagtindi ng sakit ng aking dibdib. 1
Muli siyang iibig at hindi ako hihintayin... paalam mahal ko. 59
**
Taon ang lumipas matapos ang nangyaring engkwentro sa pagitan ng mga mandirigmang
dyosa at ang dyosa ng asul na apoy. Nang bumalik ako sa aking mundo, kahit isang
salita ay hindi nagkaroon ng pag-uusap tungkol sa insidente na parang hindi ito
tunay na nangyari.
STORY CONTINUES BELOW
Maging si Hua ay hindi nagtangkang magsalita tungkol dito sa paglipas ng maraming
taon. Tila ibinaon na ito ng marami sa limot.
Wala akong balita sa mundo ng mga bampira, sa dyosa ng asul na apoy at sa kung
anumang pwedeng magkaroon ng koneksyon sa ginawa kong pagtakas noon.
Masyadong magaling si Hua dahil nagawa nitong paniwalain ang mga dyosang ang
pagbaba ko sa lupa ay labag sa aking kalooban.
"Leticia, ngayon ba ay mataas na ang grado mo sa paghuhulma?" tanong ni Hua.
Matagal na rin akong tapos sa pag-ukit ng pangalan sa gintong bato. Ngayon naman ay
gumagawa ako ng maraming estatwang ginto, gamit ang punyal ng unang dyosa na hindi
napansin ng lahat.
"Tanggap ko na, Hua. Kahit anong gawin kong sining habang nasa loob ako ng maliit
na katawang ito, hinding-hindi gaganda ang lahat ng gawa ko sa mata nila."
"Ngunit higit ka pang magaling sa ibang dyosa."
"Talaga?" bumuntong-hininga ako.
Isinarado ko ang bintana ng aking silid at ikinandado ang pintuan. Ibinaba ko si
Hua sa lamesa at naupo ako sa kanyang harapan. Pinagdaop ko ang aking mga kamay
para pakalmahin ang aking sarili.
"A-Anong nangyari sa kanya?"
"Sino?"
"Kilala mo kung sino ang ibig kong sabihin. Nanahimik ako sa loob ng maraming taon,
pero Hua nais kong malaman kung nakaligtas siya." 2
"L-Leticia hindi pa ito ang-"
"Pero Hua!"
"Nakaligtas siya." Napahinga ako nang maluwag sa sinabi ni Hua.
"Ngayon sabihin mo sa akin, bakit? Bakit mo ginawa ang bagay na 'yon? Alam kong isa
ka sa mga nilalang na hinahangaan ang asul na apoy. Sa mga salitang binitawan mo,
muntik na siyang mapatay."
"Ngunit kapag hindi ko ginawa 'yon, ikaw ang magiging miserable, Leticia."
"Maaari akong sumama sa dyosa ng asul na apoy."
"Imposible, Leticia! Nakita mo ba ang sitwasyon niya? Kung paano siya manghina? Oo,
maaari kayong kapwa makatakas, pero hindi mo kakayaning mabuhay ng matagal sa mundo
ng mga bampira dala ang kaanyuang 'yan. Hindi ka pa ganap na dyosa, mamamatay ka
lamang."
Biglang lumabas sa aking alaala ang imahe ng prinsipe.
"N-Ngunit hindi ba at-"
"Hindi ka pa ganap na dyosa, Leticia. Hindi mo magagawang kumuha ng enerhiya sa
prinsipe kung nasa batang anyo ka pa. Alam kong alam mo ang nais kong sabihin,
hindi ka man bata sa'yong puso at isipan, mahalaga pa rin ang kaanyuan sa mundo ng
mga bampira." Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko sa sinabi ni Hua.
Hindi maaaring ipahiram sa akin ng dyosa ng apoy ang kanyang kaanyuan dahil
nagiging usok lamang akong bersyon, hindi mismong katawan. Magiging komplikado
lamang ang mangyayari kung pinili kong manatili sa kanilang mundo. 1
"Isa pa, hindi mo magagawang angkinin ang buwan kung hindi ka malilinang at
magyayaman sa sarili mong mundo. Bago lumakas ang dyosa ng asul na apoy, dito siya
lumaki at natuto sa maraming bagay. Ito ang matindi mong kailangan."
"Ngunit ang desisyon at hakbang natin ay nagkaroon ng matinding sakripisyo, galit
mula sa asul na apoy at-" napahawak ako sa dibdib ko nang maalala ang sumpang
iginawad ng asul na apoy.
"Iibig ang prinsipe at magagawa akong kalimutan..." 12
Hindi sumagot sa akin si Hua ng ilang minuto. Hindi ko man sabihin sa kanya, alam
kong may nalalaman siya sa gabi-gabi kong pagdaramdam tungkol sa prinsipe.
Nakatagpo na kaya ito ng kanyang magiging reyna? Isa na kaya itong hari ngayon?
Masaya na kaya siya ngayon? Madali na kaya siyang nakakapaghanap ng mga bagay? 10
O di kaya'y may mga prinsesa na kaya siyang nahagkan katulad ng sa akin? 21
Bumalik ako sa kama at itinago ang aking mukha sa ilalim ng mga unan. Hindi ko
magawang pigilan ang sarili kong lumuha sa tuwing naalala ang prinsipeng iginawad
sa akin ng asul na apoy.
"Isa siyang maharlika sa kanilang mundo, Leticia. Isang malaking tungkulin sa
kanilang mundo ang makahanap ng kaparehas sa murang edad ang mga dugong bughaw,
lalo na kung ito mismo ang nanunungkulan sa kanilang bawat emperyo. Panganay na
anak, na siyang magiging hari." 1
"N-Ngunit nangako siyang maghihintay..." 1
"Na maaaring maputol ng isang sumpa..." 2
"Sumpang kapalit ng aking patuloy na pagkabuhay." Mapait na sabi ko.
"Ngunit ipinapaalala ko sa'yo, Leticia. Nagkaroon ka ng dahilan sa muling pagbaba
sa lupa bago mo pa man makilala ang prinsipe, hindi naman siguro-" marahas akong
nagbangon at hinarap si Hua. Ngayon ay mas malaki ang kaanyuan ni Hua, kasing laki
ito ng isang gansa.
"Aangkinin ko ang buwan, Hua. Magiging dyosa ako ng buwan." Ngumiti ang aking
kaibigang langgam sa akin. 26
"Alam kong darating ang araw na 'yon, Leticia."
Inalalayan ako ni Hua sa aking pagtulog at marahan nitong hinahaplos ang aking
buhok.
"Kung nais mong makalimutan ang sakit, Leticia. Matagal nang naghihintay ang dyosa
mula sa balon, isang patak lang ng 'yong luha dala ang lahat ng mga alaala mula sa
prinsipe ng mga prinsipe ang 'yong magiging kasagutan."
Ngumiti ako sa sinabi ni Hua.
"Hindi ko siya nais kalimutan, Hua..." tumango siya sa akin bago ko tuluyang ipikit
ang aking mga mata.
Ngunit ang mga salitang ito ay kinain ko lamang, dahil nang sandaling hindi ko
napigilan ang aking salitang silipin ang prinsipe mula sa bintana ng
pangungulila...
"Ikaw lang ang aking nais maging reyna, Elizabeth..." 250
"Dastan..."
Tuluyan nang nag-unahang pumatak ang mga luha sa aking mga mata. Mula sa kanilang
mga labing magkalapat, mga kasuotang unti-unting nasisira at kanyang mga matang
minsan tumunaw sa aking damdamin. 80
Hindi ko na siya pag-aari... 21
Isang lugar lang ang hinanap ng aking mga paa habang patuloy sa pagbagsak ang aking
mga luha.
Ang balon...
Ang balon na siyang pinili kong lumamon sa aking katungkulan, paalam saglit na pag-
ibig...
Chapter 6
98.9K 6.5K 1.5K
by VentreCanard
A/N: You can hear Leticia's music performance (inspired) from youtube, Weaver girl
- Heartstring. TaiGeKTou yt channel. 15
Chapter 6 23
Buwan 3
Sa tagal ng panahon, hindi lang si Hua ang naging kaibigan ko sa aking sariling
mundo. Hindi man ako gustong kasama ng mga dyosa na kasing edad ko, may ilan pa
ring dyosa na naging mabuti ang pakikitungo sa akin.
Isa na rito ang dyosa ng balon. Siya ang nangangalaga sa mahiwagang balon na may
kakayahang umagaw ng mga alaala sa pamamagitan ng patak ng mga luha. 7
Madalas kaming tumigil ni Hua sa balon para makipag-usap sa dyosa. Ang dyosang
nagngangalang Neena. 1
"Hua, bilisan mo. May nais akong sabihin sa kanya." Natutuwang sabi ko.
Halos lakad takbo ako para lang makarating sa balon at nang sumulyap ako kay Hua ay
kasalukuyan na itong lumilipad na may tangay na tangkay ng dalawang dilaw na
bulaklak. 1
Tumigil ako nang mas lumapit sa akin si Hua at hinayaan itong ilagay sa gilid ng
aking tenga ang isang bulaklak.
"Maraming salamat, Hua."
Ngayon ay mas malaki na ang kaanyuan ni Hua na maikukumpara ko na sa isang normal
na ibong maya. 17
"Ang isang bulaklak ay para ba kay Dyosa Neena?" 1
"Oo, para sa dalawang pinakamagandang dyosa ng Deeseyadah." 2
Ngumiti ako sa kanya at nagpatuloy na akong maglakad. Habang papalapit na kami sa
kinaroroonan ng balon, unti-unti naming naririnig ang boses ng dyosa.
At nang sandaling abot tanaw na namin ito, kasalukuyang nakaupo ang dyosa sa balon,
umaawit kasabay ng hangin at piraso ng maliliit na dahon. 1
Bukod sa angking kagandahan at kapangyarihang mayroon ang dyosa ng balon, isa rin
ito sa pinakamagaling na mang-aawit.
"Ang galing niya, Hua..."
Sa paglambing at paglamig ng kanyang boses, sa pagsikip ng dibdib ko. Sinabi sa
akin ni Hua ang paraan ng kapangyarihan ng dyosa.
Sa tuwing tumatanggap ito ng luhang punong-puno ng hinagpis at sakit, muli niya
itong inilalabas sa balon sa pamamagitan ng awitin. 1
"Saglit na dampi... saglit na ningning... paglalahong dala pati ang puso..."
"H-Hua... tila ang luhang nilamon ng balon na siyang pinalalaya ng dyosa ay higit
pa kalungkutan..." hindi ko napansin na nakahawak na ang aking kanang kamay sa
aking dibdib.
Sa husay at ganda ng kanyang awitin maging ako'y nakakaramdam ng hinagpis. Isang
patak ng luha ang tumakas mula sa aking mga mata. 4
Hinayaan namin ni Hua na matapos ang dyosa sa pag-awit, nanatili akong nakatayo at
pinagsawa ang sariling makinig at manuod sa kagandahan. Pero nang sandaling
mapansin na kami ng dyosa, ngumiti ito sa direksyon namin at inanyayahan kaming mas
lumapit.
"Ang 'yong tinig ay talagang nakahahanga, Dyosa Neena." Lumapit ako sa kanya at
ibinigay ang dilaw na bulaklak.
"Galing ito kay Hua."
"Maraming salamat, Hua. Maaari bang ilagay mo rin ito sa akin?" agad akong tumango
sa sinabi ng dyosa at marahang naglagay ng bulaklak sa kanyang tenga.
Kapwa kami ngumiti sa isa't-isa nang pagmasdan namin ang aming repleksyon sa tubig
na nagmula sa balon.
"Napakagandang mo, Dyosa Neena." Hinawakan ko ang dalawa niyang mga kamay. 1
STORY CONTINUES BELOW
"Ngunit higit kang maganda, Leticia." Tipid akong ngumiti sa sinabi niya.
"Kumusta ang 'yong mga aralin, Leticia?"
"Ginagawa ko ang lahat ng aking makakaya. Kung hindi man ako bigyan ng pagkakataong
angkinin ang tamang kaanyuan ng isang dyosa, sisiguraduhin kong naaakama ang aking
mga kaalaman." Hinaplos ng dyosa ang aking mahabang buhok.
"Masaya akong marinig ito, Leiticia."
"Sa tingin mo ba ay lumalaki na ako, Mahal na dyosa ng balon?" tanong ko sa kanya.
Tumalon ako mula sa pagkakaupo sa balon, ibinuka ang aking mga braso at marahang
umikot sa harap ng dyosa. Sinabi sa akin ni Hua na tumatangkad na ako.
Ngumiti sa akin si Dyosa Neena. "Tumatangkad ka na, Leticia." 13
"Totoo?" natutuwang sagot ko.
"Mahal na dyosa ng balon, hindi magandang humabi ng kasinungalingan. Alam nating
lahat na wala pa rin nagbabago kay Leticia." Napalingon kami sa tatlong dyosa na
mga kasing edad ko, kapwa ang mga ito ay hawak na libro at mukhang napadaan lamang.
Nakatungo ang mga ito sa akin dahil higit silang matatangkad at nasa ganap na
dyosang kaanyuan.
"Isa pa rin siyang dyosa na pinagkaitan ng kapalaran." Napayuko ako sa narinig ko.
7
"At kayo? Anong klaseng mga dyosa kayo? Hindi pa ba sapat ang mga aklat na hawak
n'yo para maintindihang pang-iinsulto ang ginagawa n'yo?" Sagot ni Hua. 1
"Kung ang katotohanan ay isa nang uri ng insulto, langgam. Maaari mo nang matahin
ang aming titulo bilang dyosa." 1
Ramdam ko ang presensiya ni Hua at anumang oras ay maaari itong lumaki at atakihin
ang mga dyosa, pero maagap kong hinaplos ito.
Hindi ko nais magkaroon ng kaguluhan.
"Tapos na ba kayo? Kung nasiyahan na kayo sa pagdaan dito, maaari bang iwan n'yo na
kami?"
Mas humakbang papalapit sa akin ang dyosa na siyang nasa gitna at mariin ako nitong
tinitigan. Si Tatiana, matagal ko nang ramdam ang matinding pagkainis nito sa akin,
ngunit sa tuwing inaalala ko kung may pagkakataon ba na may nagawa akong hindi
maganda sa kanya ay wala akong matandaan. 32
Ang bawat galit ay may dahilan, ngunit anong klaseng dahilan ang nagtutulak kay
Tatiana para patuloy akong kamuhian at matahin nang paulit-ulit? 1
"Ang balita ko'y ipinatala mo ang 'yong ngalan sa darating na Nodemus."
Narinig kong suminghap ang dalawang dyosa na nasa tabi nito. Ang Nodemus, ay isang
uri ng importanteng pagdiriwang para sa lahat ng dyosa. Dahil isa ito sa
natatanging paraan kung saan ang ilang dyosa ay naitatalaga sa kanilang tungkulin.
Ang proseso ng pagyakap ng tungkulin ay may dalawang paraan, ang una ay ang ilang
taong pag-aaral at pagsasanay, habang ang isa naman ay sa pamamagitan ng
natatanging ritwal. Kung saan ang mismong paglilingkuran ang siyang mismong pipili
ng dyosang nararapat para umangkin sa kanilang kapangyarihan. 2
Ang huling Nodemus ay naging matagumpay dahil dalawang dyosa ang mismong niyakap ng
kanilang mga responsibilidad, sila ngayon ang kasalukuyang dyosa ng oras at dyosa
ng mga lagusan. 2
Nodemus ang isang ritwal kung saan ipakikita ng isang dyosa ang kanyang natatanging
kakayahan na may lapat ng sining at pagmamahal. Ang dyosa ng oras ay nagtanghal sa
pamamagitan ng napakaraming sariwang kawayan, ipinakita rito ang kanyang bilis at
linis sa pagkilos, isa itong magandang pagtatanghal na halos maubusan ako ng hangin
nang sandaling panuorin ito. Habang ang dyosa ng mga lagusan naman ay nagtanghal sa
mapapagitan ng makukulay na bato na sa sandaling lumalapat ang kanyang mga paa rito
ay nagbabago ang kulay ng kanyang kaanyuan, halos lahat ay napatayo sa huling parte
ng kanyang pagtatanghal dahil nang sandaling magtungo siya sa gitna ay yumakap sa
kanya ang iba't-ibang kulay na sumisimbolo na kaya niyang pag-isahin ang bawat
lugar sa kabila ng kaibahan nito. Ipinarating nito ang koneksyong maaari niyang
igawad sa bawat lagusan mula sa iba't-ibang mundo.
STORY CONTINUES BELOW
"Ang Nodemus ay bukas para sa lahat ng mga dyosa ng mundong ito, wala akong
natatandaang isa itong kasalanan, Tatiana." Tumawa ito na may halong pang-iinsulto.
"Sa tingin mo ba ay may magnanais sa'yong hawakan ang isang responsibilidad? Huwag
ka nang mangarap, Leticia. Sasayangin mol ang ang oras ng mga manunuod." Itinaas
nito ang kanyang kilay sa akin bago ito tumalikod kasabay nang paghawi sa kanyang
buhok. 13
"Kailanman ay hindi kasiraan sa oras ang pagtupad sa isang pangarap na nagmula sa
puso, magandang araw, Tatiana." 1
Pilit akong humarap kay Hua at Dyosa Neena na may ngiti sa mga labi. Alam kong agad
nilang nakuha ang kagustuhan ko at hindi na namin pinag-usapan pa si Tatiana.
"Masaya akong sumali ka sa Nodemus, Leticia. Masaya akong salubungin ka sa mundo ng
mga tungkulin." Muli akong naupo sa tabi niya at hinayaan kong haplusin niya ang
buhok ko.
"Ngunit may napupusuan ka na bang paglilingkuran?" tumango ako.
"Pero kung anuman ang ibigay sa akin ay malugod kong tatanggapin. Kung... may
magkakainteres sa akin." 2
"Ang ambisyon, puso, matinding dahilan at mithiin ng isang dyosa ay mararamdaman sa
oras ng pagtatanghal, Leticia." Muntik ko nang makalimutan na isa si Dyosa Neena sa
mga dyosang pinili at hindi na kailangang mag-aral nang napakatagal na panahon.
"Dahil nang sandaling nasa harapan nila akong lahat, isa lang ang binubulong ng
puso at isipan ko. Ang makatulong... ang makaalis ng sakit at pighati, ito ang
narinig ng balon at niyakap niya ako. Hayaan mong marinig ka ng 'yong minimithi,
dahil ito mismo ang yayakap sa'yo, Leticia. Nawa'y magtagumpay ka..." humalik sa
aking noo ang dyosa ng balon. 2
"Maraming salamat..."
"Panunuorin ko ang 'yong pagtatanghal."
Nakabalik kami ni Hua sa aking silid na magaan ang pakiramdam, isang malaking
pasasalamat ko dahil ang dyosa ng balon ang tumulong sa akin nang sandaling mawalan
ako ng malay.
Sinabi sa akin ni Hua ang lahat ng nangyari, matapos kong mangako kay Nikos ay
nagpaalam na ito sa akin. Ngunit dumating ang dyosa ng apoy, pero bago pa man
lumapit ito sa akin ay nakarating ang mga dyosa para ibalik ako sa aming mundo. 2
Umabot sa akin ang balitang sinubukan daw akong gamitin ng dyosa ng asul na apoy,
pero agad ding namatay ang usapang ito dahil isang malaking kasalanan ang
alalahanin pa ang dyosang itinakwil ng aming mundo.
Simula nang magising ako sa tabi ng balon, isang pangarap lang ang madiin kong
pinanghahawakan, isang pangako na hinding-hindi ko bibiguin. Mga salitang binitawan
ko sa isang bampirang biktima ng maling pagkakataon. 1
Unti-unti ko nang ipinikit ang aking mga mata.
"Magandang gabi, Leticia..." 21
Dahil sa pagod ay hindi ko na nagawang pansinin ang matikas na anino mula sa
likuran ni Hua.
May kasama ba kami ni Hua sa silid? Ngunit hindi ito anino mula sa isang dyosa...
19
***
Dumating na ang araw na hinihintay ng lahat. Maraming dyosa ang nakilahok sa
Nodemus at bawat isa ay nagniningning sa kagandahan.
Pinili ng mga natakatataas na mga dyosa na malapit sa dagat ang mangyayaring
pagtatanghal, marami ang nadismaya pero may ilan rin ang natuwa.
"Nagsanay ka ba, Leticia?" tanong ni Dyosa Neena.
Umiling ako. Saglit siyang nagulat sa kasagutan ko. "Ngunit anong mangyayari-"
"Galing sa puso, aking dyosa. Kung anuman ang nalalaman ko sa mga oras na ito, ito
lamang ang ipakikita ko sa kanila."
STORY CONTINUES BELOW
"Anong instrumento ang gagamitin mo?"
Inilabas ko ang maliit na punyal na kinuha ko mula sa mundo ng mga bampira.
Bago magsimula ang pagtatanghal ay nag-anunsyo ang mga matataas na dyosa at mas
pinabigat ng mga ito ang patakaran, dahil nais ng mga itong sa mismong dagat
mangyayari ang gagawin ng mga dyosa.
Kailangang lumutang ng dyosa sa dagat at dito isagawa ang pagtatanghal. Sa ganitong
paraan ay halos kalahati sa bilang ng mga dyosa ang agad na natanggal dahil sa
walang kakayahang lumutang sa dagat na siyang dapat naming kabisaduhin.
"L-Leticia... hindi ba at hindi ka marunong-"
"Ngunit wala silang sinabing hindi maaaring gumawa ng ibang paraan, ililipad ako ni
Hua sa ibabaw ng tubig." Ngiting sabi ko.
Tulad ng inaasahan ay kasali rin si Tatiana, ang kanyang mga kamay at paa ay may
nakataling maliliit na gintong kampana, sa bawat galaw ng kanyang katawan ay kislap
sa mga mata ng bawat dyosang manunuod, ni hindi man lang ito nagawang mabasa ng
dagat sa kabila nang malaya nitong pagkilos.
Umani siya nang masigabong palakpakan mula sa aming lahat. Nasundan pa siya ng
naggagandahang dyosa na kapwa nagpakita rin ng nakamamanghang pagtatanggahal.
"Ang ang huli... Jewellana Leticia..." 12
Nagsinghapan silang lahat nang makitang nakatapak ang aking mga paa sa katawan ni
Hua na kasalukuyang lumulutang sa dagat.
"I-Isang pandaraya!" sigaw ng isang dyosa na hindi nagawang maglakad sa dagat.
"Wala sa patakarang hindi maaaring gumamit ng ibang paraan para lumutang." Mabilis
na sagot ni Dyosa Neena.
Nanatiling tahimik ang mga nakatataas na dyosa, kaya nagpatuloy ako.
Si Dyosa Neena ang tumulong sa aking kasuotan, ito ang nagtirintas ng aking
mahabang buhok na nilagyan niya ng maliliit na bulaklak na puti at dilaw. Siya rin
ang naglagay sa akin ng isang manipis na kwintas sa ibabaw ng aking ulo at ang
maliit na bato nito ang siyang nakatigil sa aking noo. Naglagay din siya ng
dalawang maliit na diyamante malapit sa gilid ng aking kanang mata. Habang ang
aking kasuotan naman ay purong puti na may hiwa na halos hindi ko mabilang, sobrang
haba nito na halos matakpan na ang likuran ni Hua. Bahagyang ipinakikita ng aking
kasuotan ang aking mga balikat. Dahilan kung bakit matindi na ang nararamdaman kong
panlalamig. 22
Magkahalong kaba, takot, pangamba, kasiyahan at pag-asa ang nararamdaman ko sa mga
oras na ito.
Nang sandaling mas lalong lumalim ang katahimikan ng lahat, habang ang kanilang mga
mata'y nasa akin. Unti-unti ko nang ipinakit ang aking mga mata, kasabay nang
paghinga nang malalim.
Kung ang lahat ng dyosang nauna sa akin ay nagtanghal sa paraang kaya nilang
isantabi ang dagat at gawin ang presensiya nitong isang hadlang na hindi nagawa
sirain ang kanilang pagtatanghal, ako'y napiling gawin ang kabaliktaran.
Dahil ngayong gabi...
Ang aking punyal at dagat ay mag-iisa.
Nanatili akong nakapikit habang ang aking mga kamay ay magkadaop, sa gitna nito'y
ang punyal. Marahan kong inilapat ang aking mga labi sa malamig na punyal, dala ang
dasal, pangarap, pangako at ang aking mga emosyon. 1
At nang sandaling unti-unti kong pinaghiwalay ang aking mga kamay, nanatili sa ere
ang punyal, dahan-dahan itong nag-angat sa aming lahat dala ang mainit na liwanag,
at nang sandaling magmulat ako ng mga mata agad nawala ang liwanag at nahulog sa
tubig ang punyal. 1
Nakarinig ako ng sunod-sunod na pagtawa, pangungutya at pagkadismaya at maging mga
matang punong-puno ng pang-iinsulto. 1
Handa nang tapusin ng tagapag-anunsyo ang aking pagtatanghal, ngunit nang sandaling
ibuka ko ang aking mga labi na may dalang himig kasabay nang banayad na agos ng
tubig... tuluyang nilamon ng aking introduksyon ang kanilang walang katapusang
panliliit sa akin. 12
Sunod-sunod nagliparan pataas sa hangin ang bawat piraso ng tubig na may kawangis
na hugis ng punyal. 2
Umusal ako ng dasal sa pamamagitan ng awitin.
Libong punyal sa kalawakan ng karagatan... 6
Agos ng tubig kayakap ng aking tinig...
Halik ng aking dasal... puso'y aking kinakatok...
Hangaring kasing linaw ng kristal, matang nais ay kapayapaan...
Mas lalong lumakas ang singhapan nang napakaraming dyosa nang unang humakbang sa
dagat ang isa kong paa.
"N-Nakalulutang na-" pagkagulat at pagkamangha ang namayani nang sa unang
pagkakataon, ang dyosang pinakaitan ng tadhana'y nagawang tumapak sa karagatan.
Parang sasabog ang puso ko nang sandaling magawa ko ang bagay na ibinubulong ng
aking damdamin. Ito nga pala ang sinasabi ng dyosa ng balon.
Huling lumutang ang totoong punyal at nang sandaling mahawakan ko ito,
umalingawngaw ang plautang inihanda ni Hua, ang mga kaibigan nitong kabibe at mga
punong kawayan na siyang gumawa ng musikang katambal ng aking sayaw. 1
Muli akong humuni sa mabagal kong pagguhit sa hangin ng malaking bilog sa aking
unahan at sa bawat kumpas ng punyal ay paghabol ng asul na tubig. At nang sandaling
magdaop ang dalawang dulo ng maliit na tubig sa ere, ang libong punyal na nagsabog
sa ibabaw ng karagatan ay gumawa nang nakahahalinang pagsabog na tila mga patak ng
ulan. 2
Kasabay nang pagbuhos ng patak ng mga tubig, ay naglabas ako ng nagniningning na
gintong alikabok, ngunit ang higit na nagpakislap dito ay ang unti-unting pagsilip
ng natutulog na buwan sa likuran ng mga ulap. 19
Gumawa ako ng pag-ikot na may ngiti sa mga labi, kumpas ng aking mga kamay na may
minimithing tungkulin, bawat indayog ng aking katawan ay simbolo ng talim ng libong
punyal mula sa karagatan.
Bawat sining sa kanilang mga mata'y mula sa aking puso.
Maliliit na patak ng ulan ang siyang yumayakap sa akin... 4
Kanyang presensiya'y hindi kahinaan kundi kalakasan...
Talim mula sa karagata'y hindi panganib...
Kundi ang katahimikan nitong nakapananakit...
Katotohanang pilit ibinaon sa malalim na karagatan, aking aahunin at itatama,
susugal sa tadhana, kahit nakapananakit na punyal man ang kanilang makita.
Sa ika-anim na kumpas ng aking mga kamay ay mas lumakas ang singhapan ng lahat.
"L-Leticia..." maging si Dyosa Neena ay nanlalaki ang mga matang nakatitig sa akin.
Ipinagpatuloy ko ang aking pagsasayaw, sa kabila nang init na nararamdaman sa aking
katawan.
"A-Ang kaanyuan ni Leticia!" 33
Sa ikatlong pag-ikot ng aking buong katawan, mas lumakas ang ulan sa aking buong
katawan. Tila lumiit ang aking kasuotan... 1
Unti-unting tumayo sa kanilang mga trono ang pinakamatataas na dyosa ng Deseeyadah.
Ang ilan sa mga dyosa ay nawalan ng balanse habang nakatitig sa akin, buong akala
ko'y ang aking pagbabagong anyo ang higit na nakapagpagulat sa lahat. Ngunit nang
sandaling tumalikod ako sa lahat... tuluyan nang nagtuluan ang mga luha mula sa
aking mga mata.
Nanlambot ang aking mga tuhod at napasalampak ako sa tubig. Hindi ako
makapaniwala...
Nangarap lang ako... nangarap lang ako... 19
Bumaba ang buwan. 12
Humalik ang buwan sa karagatan... 38
Umalingawngaw ang boses ng Punong Dyosa.
"Bigyang pugay! Ang pagsilang ng bagong Dyosa ng Buwan!"
Chapter 7
85.2K 5K 759
by VentreCanard
Chapter 7 31
Rehas
Kung ang magandang sining ay humalo sa pusong may hangaring puro at malinis, anong
obra maestra ang maaaring yumakap sa mga mata? 2
Kung ang musika ay humalinang may haplos ng bulong ng kapayapaan at kaayusan, anong
awitin ang iihip sa mga tenga?
Kung ang mga kamay ay pilit umabot sa kayamanang maging sa mga panaginip ay ubod ng
taas, anong klaseng mga daliri ang nagawang tumipa sa tadhana?
Mga matang repleksyon ay higit sa ginto at dyamante.
Tengang nakaririnig ng bulong ng pag-asa.
Mga kamay na nag-iinit dala ang nag-uumapaw na pag-asa.
Buwan na humalik sa karagatan
Libong huwad na punyal sa hangin
Unti-unting paggapang ng liwanag sa mga kamay
Kapangyarihang dala ay katwiran
Nagpatuloy sa pag-agos ang aking mga luha, kasabay nang patuloy na pagbuhos ng
maliliit na patak ng tubig mula sa punyal na gawa sa tubig, tila ang mga ito'y
natural na ulan mula sa kalangitan.
Ang tubig ang siyang nagmistulang bendisyon sa unang paglabas ng aking kaanyuan,
kasabay ng aking unang tungkulin.
"Bigyang pugay! Ang pagsilang ng bagong Dyosa ng Buwan!" 21
Ang boses ng Punong Dyosa ang siyang lalong nagpadagundong ng pagtibok ng puso ko,
kasabay nang unti-unting pag-iinit ng aking leeg. Nang sandaling hawakan ko ito,
nagsisimula nang gumapang ang gintong kwintas sa leeg na siyang patunay ng aking
pagiging ganap na dyosa. 2
Napuno nang mas malakas na singhapan ang buong paligid, ngunit agad itong nasundan
ng mas malalakas na pagtambol, isand hudyat na may dyosang itinalaga sa kanyang
trono. 1
"N-Nagawa mo, Leticia!" nang lumingon ako sa nagsalita ay agad kong nakitang
patungo na sa akin si Dyosa Neena.
Siya mismo ang unang yumakap sa akin habang ako'y nanatiling tulala sa mga
nangyayari. Kapwa na kami nakasalampak at lumulutang sa karagatan sa aming mga
katawang nagliliwanag ng ginto at puti.
"Isang ganap na dyosa... aming Dyosa ng Buwan." 1
"T-Totoo?" hindi makapaniwalang tanong ko.
Sa dalawang pagtango pa lamang ni Dyosa Neena, mas lalong bumuhos ang mga luha ko.
"I-Isa na akong ganap na dyosa... hindi ako makapaniwala..." 15
Unti-unting nagtayuan ang ilan pang mga dyosang manunuod at sunod-sunod ang mga
itong nagpalakpakan para sa akin. 2
Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko habang pilit hinahanap si Hua. Masigla itong
lumilipad kasama ng mga kaibigan niya.
"Dyosa Leticia, nawa'y gampanan mo nang may pagmamahal ang 'yong tungkulin."
Panimula ng Punong Dyosa. 1
Humiwalay sa akin si Dyosa Neena para mas masagawa ang tradisyunal na ritwal para
sa mga dyosang katulad ko na naitalaga sa pagdiriwang ng Nodemus.
Hindi ko na inalintana ang kasuotan ko nahihirapan nang takpan ang aking sarili
dahil naayon lamang ito sa katawan ko, pinagsalikop ko ang mga hita ko habang
nanatili akong nakaupo at buong lakas akong yumuko sa harapan ng lahat para
tanggapin ang basbas mula sa mga dyosa.
Kahit nakayuko ako ay ramdam kong isa-isang lumipad sa ere ang mga dyosang may
tungkulin, nagtungo sila sa posisyon ko at sinimulan nila akong palibutan, gaya ng
mga dyosang nagdarasal sa puno ng En Aurete. Kung ito'y ginagawa sa puno para sa
pagsilang ng mga dyosa, ito naman ay ginagawa ng mga dyosa para panibagong uri ng
pagsilang.
STORY CONTINUES BELOW
Pagsilang sa tungkulin, panibagong buhay at pagtanggap sa kapangyarihan at
responsibilidad.
Nanatili akong nakayuko habang umiikot ang mga dyosang may dalang dasal sa
pamamagitan ng sayaw. Ang bawat sayaw ng mga nakatataas na dyosa ay sinasabayan ng
mga elementong siyang pumili sa bagong silang na dyosa.
Sa pagkakataong ito, isang napakagandang pagbibinyag ang ipinagkaloob sa akin ng
buwan. Dahil ang libong punyal na nagsabog sa karagatan ay unti-unting natipon sa
bilog kung saan ay ako ang nasa gitna.
Nagpatuloy ito sa pagbuhos ngunit walang kahit isang patak na dumaplis sa kahit
kaninong dyosa na tila ipinahihiwatig nitong para lamang ito sa akin.
Ang mga punyal na nagmistulang ulan ng pagbibinyag ay hindi lamang kulay asul sa
mga oras na ito, dahil ang sinag ng buwan dito ang siyang mas lalong nagpaningning
dito.
Ingay nang pagkamangha ang narinig ko mula sa mga dyosang nakakasaksi ng ritwal.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Unti-unti kong iniharap ang aking mukha sa
kalangitan na may nakapikit na mga mata habang dama ang malamig na tubig at mga
palad na nakalahad sa ere.
"Habang-buhay kitang paglilingkuran at ipapangakong unti-unting uubusin ang mga
punyal."
Kagaya ng pagkawasak ng mga huwad na punyal na siyang nagiging ulan. Isang malaking
mensahe mula sa nagliliwanag na buwan.
Punyal na nakapapanakit...aking wawasakin... maaaring magdala ng walang katapusan
luha, pero ito rin ang maglilinis para sa bagong umaga.
Unang mensahe mula sa buwan.
Libong punyal na nakapananakit ngunit mga dahilan na nagmula sa huwad na
paniniwala, pagwasak sa mga ito na magdadala ng walang tapusang luha, katulad ng
ulan ngunit sa pagtatapos ng pagluha ay siyang bagong simula... 9
***
Ilang araw matapos ang ritwal ay ipinaalam na sa akin na maaari na akong magtungo
sa buwan kung saan nakahimpil ang kaharian ng mga dyosang nagiging Dyosa ng Buwan.
5
Si Dyosa Neena agad ang una kong hinanap ng malaman ang tungkol dito.
"Ngayon ay mas kailangan ka ng buwan, Leticia. Malulungkot ako sa paglisan mo,
ngunit higit akong masaya dahil nakamit mo ang 'yong pangarap." Hinawakan ko ang
kamay ni Dyosa Neena at marahan itong pinisil.
"Ngunit kung hindi dahil sa'yo ay nawalan na ako ng pag-asa. Nais kong magpasalamat
sa lahat, hindi man ako binigyan ng pagkakataong magkaroon ng napakaraming kaibigan
sa mundong ito, ibinigay ka sa akin ng pagkakataon. Pipilitin kong dumalaw,
hahanap-hanapin ko ang 'yong magandang tinig." Tipid siyang ngumiti sa akin.
"Matutunan mo rin ang umawit na higit sa akin." Hinaplos nito ang pisngi ko. '
"Sige na, Leticia. Hinihintay ka na ng mga tagapaghatid. Lagi mong tatandaan na
nandito lamang ako para sa'yo."
"Maraming salamat, Dyosa Neena."
Tinalikuran ko na siya, narinig ko rin nagpaalam sa kanya si Hua bago ito nagtungo
sa aking balikat.
May ilang mga dyosa ang nakahilera sa aking daraan na siyang parte pa rin ng
tradisyon sa tuwing may dyosa na lilisan para permanenting manirahan sa kanilang
mga tungkulin. Isa sa mga nadaanan ko ay si Tatiana.
Eksherada itong umirap sa akin nang sandaling magsalubong ang aming mga mata. Hindi
ko na lamang ito pinansin. 42
Nag-aabang na sa akin ang isang maliit na Kuusa, isa itong maliit na silid na gawa
sa kahoy na may kulay ginto at puti, na hila ng pinakamagigiting na Pigaroo. Ito ay
naglalakihang mga kabayong may nagniningning ng mga pakpak sa sungay. 5
STORY CONTINUES BELOW
Bago ako sumampa sa Kuusa ay muli akong humarap sa lahat. May dalawang matataas na
dyosa ang sumama sa paghatid sa akin, ilang mga pamilyar na mukha na hindi ako nais
makasama noon at maging ang aking mahigpit na maestra ay hindi ko inaasahang
naririto.
"Maraming salamat po sa lahat!"
Tumango ang ilan sa akin habang ang ilan ay halos hindi ko mabasa ang ekspresyon.
Binigyan ko silang lahat ng ngiti bago ako tuluyang pumasok sa loob.
Nagsisimula nang maglakbay ang aming Kuusa, nagsimula na rin magkumento si Hua.
"Higit akong masaya na nakaalis ka na sa lugar na 'yon. Si Dyosa Neena lamang ang
gusto ko sa mundong Deeyadah."
Saglit akong sumulyap kay Hua, hanggang ngayon ay katanungan pa rin sa akin kung
saan ba talaga nagmula si Hua, nakamulatan ko na ito simula nang ako'y isilang. Sa
tagal na naming magkasama ay ni minsan ay hindi ko naitanong ito sa kanya.
"Ngunit sa Deeyadah ako isinilang, nararapat lang na sa mundong 'yon ako manatili."
1
"Pero maaari ka pa rin mamuhay sa ibang mundo."
"Kung mapipili ka bilang dyosang tagapagbantay, ngunit kung katulad ko noon, hindi
matalinong umalis sa Deeseyadah."
"Nakatadhana ka Leticia na magkaroon ng sariling kaharian, sa buwan ka nararapat
kung saan ikaw ang nakatataas." Tipid akong ngumiti kay Hua bago sumilip sa mga
ulap.
"Ngunit alam mong hindi ang pagtaas ang nais ko sa kapangyarihan at posisyong ito,
Hua."
"Iminumungkahi kong hayaan mo munang lumipas ang ilang taon mong panunungkulan bago
ka magsagawa ng kilos."
"Huwag kang mag-alala, Hua. Ito rin ang nasa isip ko."
***
Lumipas ang napakaraming taon, tulad ng ipinangako ko kay Hua hinayaan kong naaayon
sa mga naunang dyosa ng buwan ang aking pagpapalakad.
Ang isa sa pangunahing tungkulin ng dyosa ng buwan ay ang pagpapares ng mga lobo sa
kapwa nila lobo o maging sa ibang nilalang para mapanatili ang balanse at kaayusan
sa kanilang mundo. 12
Isa lamang ang pangunahing kautusan na bawat henerasyon ng dyosang nauupo rito,
hinding-hindi maaaring ipares ang lobo at ang isang bampira dahil sa sumpang
iginawad ng pinakamalakas na dyosa sa kasaysayan. 7
Hindi ko pa man nababasa ang kasulatan ng mga unang dyosa na naupo sa trono ng
buwan, alam ko na ang kwentong ito.
Abala ako sa pagdidilig ng mga gintong halaman nang magliwanag ang salamin ng
impormasyon, kung saan dito nanggagaling ang mga balita tungkol sa Deeseyadah at sa
mga mundong nauugnay dito. 1
Wala sana akong balak makinig ng balita mula rito, pero nang sandaling sumagi sa
aking pandinig ang pamilyar na pangalan, kusang nabitawan ng aking kamay ang
pandilig at natagpuan ang sariling mariin nakatitig sa salamin.
Bihag ng mga dyosa ang huling bampirang may dala ng dugo ng masamang bampira,
Andronicus Clamberge IV. 21
"Si N-Nikos..." nangangatal na banggit ko sa pangalan niya.
Papaanong nangyaring nagawa siyang mahuli ng mga dyosa? Hindi malalakas ang dyosa
sa lupa at kung mangyaring maengkwentro nila ito, siguradong makakatakas siya o
makakalaban.
O maaaring...
"Hindi siya lumaban." Tipid na sabi ni Hua. 1
"Isa siyang inosente, Hua! Wala na siyang ginagawang masama." Agad lumuha ang aking
mga mata.
"Magtutungo tayo sa Deeseyadah..." masyado na ba akong nawili sa aking posisyon?
Bakit hindi ako agad kumilos?
"Isusugal mo ang posisyon mo, Leticia."
"Ngunit siya ang dahilan kung bakit ako naririto! Alam mo 'yon, Hua."
Mabilis kong kinalampag ang maliit na kampanilya, agad nagpakita aking Pigaroo. Sa
nakalipas na napakaraming taon, ngayon muli ako makakatapak sa mundong kinalakihan
ko.
Nang sumampa na ako sa Pigaroo ay lumipad na rin si Hua patungo sa balikat ko.
"Hindi ka ba sang-ayon sa desisyon ko, Hua?"
"Sinubukan lamang kita, ngunit hindi ka pa rin nagbabago Leticia. Ni hindi ka
kumurap sa'yong kasagutan. Isa ka talagang kahanga-hangang dyosa."
Karamihan ay nagulat sa aking pagdating.
"Ang Dyosa ng Buwan!"
Nagtungo ako sa palasyo ng mga punong dyosa at hinarap ang mga ito.
"Nais kong akuin ang pagkulong sa ating bihag." Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa.
Nanliit ang mga mata ng mga ito sa akin, lalo na at sa ilang taon kong pananahimik
ay bigla akong lalabas at aako ng isang responsibilidad.
"Sa kadahilanang? Alam mong ang mga bihag ay nasa pangangalaga ng mga dyosa sa
mundong ito. Wala pang Dyosa ng Buwan ang humawak ng bihag sa kanyang kaharian."
"Isa lamang ang aking dahilan, ang kanyang pagkabihag sa loob ng Deeseyadah ay
maaaring magbigay ng kyuryosidad sa mga bagong silang na dyosa. Pilit n'yo man
siyang itago sa ating piitan, hindi n'yo pa rin mapipigilan kumalat ang
katotohanang may nakapiit tayong lalaki sa mundong ito, kung ang impormasyon ng
nakaraan na walang pruweba at pormal na kasulutan ay umabot sa akin noon tungkol sa
asul na apoy at sa pagkawala nito, ano pa ang pwedeng mangyari sa kaalamang may
lalaking nakapiit na maaaring patunayan gamit ang kahit sinong mga mata? Ayoko
lamang maulit ang nangyari noon, na may manipula... katulad nang nangyari sa akin."
Nais kong humingi ng paumanhin sa Dyosa ng asul na apoy sa paggamit sa pangalan
niya para gumawa ng kasinungalingan.
Nanatili silang tahimik at nakatitig sa akin habang inaanalisa ang mga salitang
sinabi ko.
"Ngunit nasa inyo pa rin ang pagpapasya, naisip ko lamang na ang buwan ang
pinakaangkop na lugar na maaari niyang piitan, isang malaking simbolismo kung saan
magpapaalala sa kanya ng kasalanang ginawa ng kanyang ninuno."
Para akong sinasaksak ng punyal sa mga sarili kong salita. Gusto kong lumuha at
magtatakbo, pero alam kong ito lamang ang natitirang paraan para mailigtas sa
kulungang ito si Nikos.
"Mananatili ka rito ng ilang araw, Leticia. Bigyan mo kami ng ilang pagpupulong."
Yumuko ako sa kanila.
"Maraming salamat."
Hindi na ako nag-aksaya ng oras, agad akong nagtungo sa lugar kung saan nakapiit si
Nikos. Sa gintong kulungan ng mga dyosa na nagbibigay ng matinding liwanag at init
na tila ikaw ay nilulusaw.
Nawala ang init at liwanag nito nang sandaling lumapit ako sa kulungan. Binigyan ko
ng hudyat ang tagabantay na bigyan ako ng oras mag-isa kasama ang bihag. At nang
masiguro kong ako na lamang at si Nikos, nagsimula na akong humakbang papalapit sa
kanya.
"B-Bakit hindi n'yo na lang ako patayin? I am the last. Patayin n'yo na lang ako,
pagod na pagod na akong tumakbo." 3
Nanginig ang buong katawan ko sa narinig mula sa kanya.
"H-Hindi ba at nangako ka sa akin? H-Huwag na huwag kang mapapagod..." natigilan
ito sa sinabi ko at dahan-dahan itong nag-angat ng mga mata sa akin.
Pagtataka, kalituhan at katanungan ang rumihistro sa kanyang mukha.
"S-Sino ka?"
"Si Leticia... ang batang dyosang nakita mo sa talon. Palalayain kita rito, Nikos.
Lalaya ka, tandaan mo 'yan." Humawak na ang mga kamay ko sa gintong rehas. 8
Sa kanyang natitirang lakas ay nagmadali itong lumapit sa akin, mas lalong kumirot
ang dibdib ko nang nagdaop ang aming mga kamay sa pagitan ng mga rehas. Ang kanyang
mga mata'y mas lalong nagdala ng ilang taong kalungkutan.
"I have a child, Leticia. Kill me now... bago pa nila malaman ito mula sa akin...
she can't die... my daughter can't die."
Chapter 8
96.4K 5K 814
by VentreCanard
Chapter 8 29
Karera
Walang tigil sa paglalakad ang aking mga paa na pabalik-balik sa magkasalungat na
direksyon sa loob ng aking silid, habang mariing pinuproseso ang mga salitang
binitawan ni Nikos.
Ang aking kanang kamay ay bahagyang nakahawak sa aking baba at ang aking kaliwang
braso ay nakasuporta rito. 6
Tulad ng ibinabang desisyon ng mga nakatataas na dyosa, kailangan kong manatili at
maghintay para marinig ang kanilang opinyon sa mungkahing aking inihain sa kanila.
Saglit akong natigil sa paglalakad, pinilit pakalmahin ang sarili sa pamamagitan ng
paghinga nang malalim, ngunit ang paraang ito ay hindi man lang nakaalis ng patuloy
na pagkirot sa aking dibdib.
Labag man sa loob kong magsinungaling at isangkalan ang paniniwalang matagal ko
nang kinamumuhian, wala akong magagawa. Ito lamang ang natitira kong alas para
makuha ang karapatan mula kay Nikos.
Ngunit ang higit na bumagabag sa akin ay ang mga salitang binitawan nito sa akin.
Ilang taon ang lumipas nang huli kaming nagkita at maraming maaaring mangyari.
Nagkaroon siya ng anak at isa itong babae. Hindi ako nagkakamali sa impormasyong
tanging mga lalaking bampira lamang ang isinisilang dala ang dugo ni Andronicus
Clamberge IV sa hindi maintindihang dahilan. 2
May ibig sabihin ba ang pagsilang ng babaeng bampira sa kanilang salinlahi? O may
mga bagay pa akong hindi nalalaman sa nakaraan? 2
"Ngunit siya mismo ang nagsabing ang kanyang sariling kapareha ay nagawa siyang
talikuran dahil sa dugong nananalaytay sa kanya? P-Paanong nagkaroon siya ng anak?"
Naupo na ako sa aking kama at napatitig ako sa aking mga kamay.
"May hindi pa ako nalalaman, Hua. Kung posibleng nagmahal muli si Nikos at
nagkaroon sila ng supling... bakit ito isinilang na isang babae?" tanong ko kay
Hua. 4
"Tila may mali..." sambit ko. 10
Nasapo ko ng aking mga kamay ang aking mukha habang mariin akong nag-iisip, sa
aking mga nakapikit na mga mata.
Sa mata ng mga dyosa mula sa Deeseyadah, matagal nang pumanaw ang pinakamalakas na
dyosa na siyang namuno sa pitong maalamat na trono ng kapangyarihan. Nagmahal,
tinaraydor, hinagupit ng kasakiman at pumanaw na may bulong ng iba't-ibang klase ng
sumpa na magdadala sa kaayusan sa hinaharap.
Kung ang pagsilang ng mga lalaking bampirang may dala ng dugo ni Clamberge IV ay
galing sa ilang sumpang iginawad ng dyosa, sa paanong paraan magkakaroon ng
pagkakataong maputol ito at may isilang na bampirang babae?
Ang sumpa ng isang dyosa ay kailanman ay hindi na mababago o mabubura sa sandaling
pumanaw na ang dyosang naglapat nito... 9
Ngunit may nag-iisang paraan para magkaroon ng kapangyarihan ang isang dyosa na
galawin ang sumpa ng isang partikular na dyosa, ito ay kung may mahigpit itong
koneksyon sa kapangyarihang kanyang pinaglilingkuran. Isa nang magandang halimbawa
ang iginawad nitong sumpa sa mga lobo at bampira, tanging Dyosa lamang ng buwan ang
maaaring makagalaw dito. 2
Pero sa parte ng salinlahing pagsilang na iisa ang kasarian, wala akong matandaang
may dyosang namamahala sa ganitong kakayahan...
Marahas akong napamulat sa huling katagang lumabas sa aking isipan at agad akong
nakaramdam ng matinding panlalamig sa aking buong katawan.
"H-Hindi kaya..." nanlalaki ang aking mga matang tumitig sa aking sariling
repleksyon sa salamin. 1
"B-Buhay ang dyosa..." halos hindi ako makapaniwala sa mga salitang binanggit ko.
14
STORY CONTINUES BELOW
"H-Hua... isa na bang kapangahasan ang konklusyong ito? P-Paano kung buhay siya?
Ngunit nasaan siya? Bakit walang nakakaramdam sa kanya? Posible kayang may
nalalaman ang mga nakatataas na dyosa rito?" 3
"H-Hua... posibleng ang kaalamang ito ang maaaring mag-ayos ng lahat..."
"O posibleng mas lalo itong magpalala sa sitwasyon, nais ko lamang ipaalala sa'yo
Leticia na matagal nang lumipas ang napakaraming taon, siya man ang itinalagang
pinakamalakas na dyosa noon, hindi maaalis ang kaalamang pinili niyang bumaba sa
lupa at talikuran ang tungkulin para sa pag-ibig. Ang mga dyosa ay namumuhi hindi
lamang sa kanyang pagpanaw, sa mga traydor, kundi pati na rin sa mismong desisyon
nito na naging dahilan ng kanyang pagkamatay. Tandaan mong hindi bukas ang mga
dyosang nanunungkulan ngayon sa mga dyosang bumababa sa lupa, isang partikular na
halimbawa ang dyosa ng asul na apoy." 11
Natahimik ako sa sinabi ni Hua, tumayo na ako mula sa kama at marahan akong
naglakad patungo sa bintana. Lumanghap ng sariwang hangin at pinagmasdan ang
nagsabog na gintong puno sa kapaligiran.
"Anong nais mong ipahiwatig, Dyosang makapangyarihan?"
Patuloy pa sana akong manunuod sa magandang tanawin ng Deeseyadah, nang may
malaking puting ibon na may dala ng mensaheng kasulatan ang umagaw sa aking mga
mata. Ito ang responsable sa pagpapakalat ng mga balitang inaabangan ng mga dyosa
ng Deeseyadah.
Inaasahan ko nang naglalaman ito ng desisyon mula sa mga nakakataas na dyosa, pero
higit na nakagulat sa akin ang impormasyong nabasa ko.
"B-Bakit?"
Halos gusutin ko na ang kasulatan habang paulit-ulit itong binabasa, umaasa na
sana'y nagkamali lamang ako. Pero sa pagtagal ng aking mga mata rito, sa pag-init
ng dugo ko.
"Ano ang nakasulat, Leticia?"
"Anong kailangan nila?"
Nanghihina akong napasalampak sa sahig habang may mga kamay na nakakuyom.
"Isang araw matapos ang pagdating ko sa Deeseyadah, anim na dyosa mula sa kanilang
mga pinanunungkulan ang nagpakita at humingi ng oras sa matataas na dyosa at kapwa
nila inaaako ang pagpiit sa bihag!"
"Bakit sila humahadlang? Hindi ko maintindihan!" muli kong sinulyapan ang balita.
Nakikilala ko ang ilang pangalan ng mga dyosa. Kailanman ay hindi ko sila narinig
na umako ng responsibilidad noon pa man.
Maging si Tatiana! 20
"Matagal na simula nang italaga ka bilang Dyosa ng buwan, ngunit ang araw ng
paghalik ng buwan sa karagatan ay tila nakatatak na sa kasaysayan ng mundong ito.
Nakilala ang 'yong pangalan Leticia, at maging ang 'yong magandang pamamalakad
sa'yong panunugkulan sa nakalipas na panahon. Nakaagaw ka na ng malaking atensyon."
Paliwanag sa akin ni Hua.
"Ginagawa ko lamang ang aking tungkulin, Hua! Hindi ko nais ang atensyon nila,
lalo't higit--" halos hindi ko matuloy ang anumang sasabihin ko.
Dahil alam kong darating ang panahong ang kanilang mga matang humahanga sa akin ay
magiging mga matang nag-aakusa ng pagtataksil.
"Nais nila ang 'yong lumalawak na pangalan, Leticia." Suminghap ako sa sinabi ni
Hua.
"Lahat kami ay may taglay ng pangalan! Lahat sila ay hinahangaan ko sa kanilang mga
tungkulin. Hindi ko maintindihan..."
"Mahirap man tanggapin, Leticia. Ang inggit ay isang sakit na mahirap lunasan..."
54
*** 1
Ipinatawag ang lahat ng dyosang nagpahayag ng interes sa pagpiit sa bihag. Kapwa
kami nakaupo sa isang mahabang gintong lamesa at sa puno nito ay ang tatlong
pinakamalalakas na dyosa ng panahong ito, Dyosa Emma, Victoria at Evelyn. 6
STORY CONTINUES BELOW
"Isang malaking surpresa ang pagdating ng mga kilalang dyosa sa mundong ito na may
dalang iisang layunin." Panimula ni Dyosa Emma. 2
"At napagdesisyunan namin na sumang-ayon sa inyong mungkahi." Narinig ko ang saglit
na bulungan ng mga dyosang katulad ko. Samantalang nanatili lamang akong tahimik.
Ngunit hindi nakaligtas sa akin ang nakataas na kilay ni Tatiana na parang
hinahamon ako. 7
"Ngunit isa lamang sa inyo ang maaaring mangalaga sa ating bihag." Pagtatapos ni
Dyosa Evelyn. 1
Dito nagsimulang magsalita ang anim na dyosa para ipakita ang kanilang malasakit sa
aming kaharian.
Unang nagsalita si Dyosa Tatiana. Ilang taon matapos akong italagang Dyosa ng Buwan
ay nabalitaan kong naging dyosa ito ng mga panaginip. 56
"Kung nasa aking pangangalaga ang bihag, maaari ko itong bigyan ng walang
katapusang panaginip na magsisilbing kaparusahan niya sa lahat ng kanyang
kasalanan. Tayong mga dyosa ay hindi gagamit ng dahas, ang aking mga panaginip ay
siyang mainam kumpara sa ibang paraan." 13
Kasalanan? Nalalaman ba ni Tatiana ang sinasabi niya? May alam ba ito sa totoong
nangyari sa nakaraan para magbigay lamang ng kaparusahan?
Tahimik akong nagdarasal na sana'y magawa kong tumagal sa pagpupulong na ito.
Sumunod si Dyosa Leisana, ang dyosa ng mga ibon. Sinabi nitong maaari niyang gawing
ibon na may cadena ang bihag para iparanas ang inagaw na kalayaan ng unang dyosa.
Gusto kong sumigaw sa kanya at sabihin matagal nang nakatali si Nikos dahil sa
paniniwala ng mga dyosa at mga bampira! Matagal na siyang naiipit!
Sumunod si Dyosa Junal, Mariosa at Kortan. Halos takpan ko na ang aking mga tenga
para hindi marinig ang mga iminumungkahi nila. Padiin na nang padiin ang mga kamay
ko sa aking kandungan.
Alam ba nila ang kanilang ginagawa?
Nang maramdaman kong sa akin sila ngayon nakatitig, mas iniyuko ko ang aking
paningin.
"Nais kong magtanong, mapapasakamay ba ng dyosa ang bihag sa paraan ng kanyang
pagpapahirap?" 2
Nabalot ng katahimikan ang silid at kapwa na kami ngayon nakatitig sa tatlong
dyosa.
"Nasanay ang mundong ito sa sining ng pagtatanghal, ngunit sa pagkakataong ito ay
masasaksihan ng lahat ng karera ng mga dyosang may iisang layunin." Sagot ni Dyosa
Victoria.
"Karera?" tanong ni Tatiana.
"Magkakaroon kayong pito ng karera at ang unang dyosang makakarating sa dulo ang
siyang mabibigyan ng karapatang humawak sa bihag." 2
"Ngunit, hindi ba at ang karera ay isang ritwal kung saan nasa unahan ang-" umangat
ang kamay ni Dyosa Evelyn.
"Huwag kayong mag-alala dahil ang bihag ay may takip na puting kasuotan, hindi
malalaman ng mga nakabababang dyosa na isa itong lalaki." Paliwanag nito.
"Ang lahat ng detalye tungkol sa mangyayaring karera ay aming ibibigay, ilang araw
bago ang nasabing ritwal."
***
Ang Deeseyadah ay mundong punong-puno ng ritwal, pagdiriwang at pagdarasal na
laging may kalakip na sining. Ang mundong may nakadikit nang katagang kagandahan. 1
May iba't-ibang klase ng karera ang mga dyosa at isa rito ang napili para italaga
ang dyosang magkakaroon ng kapangyarihang hawakan ang bihag na kinamumuhian ng
lahat. Pagkamuhing hindi naman nila alam ang totoong puno't-dulo. 1
Ang pitong dyosa ay binigyan ng maliliit na kahoy na bangkang di-sagwan na siyang
gagamitin sa karera. Kasalukuyan kaming nakalagak sa dulo ng ikatlo sa
pinakamaiksing ilog sa mundong ito, pero higit itong kilala sa hindi matigil na
pagragasa ng tubig nito na parang kailanman ay hindi kumalma. 7
STORY CONTINUES BELOW
Muling nabalot ng napakaraming dyosa ang aking kapaligiran, dahil karamihan ay nais
masaksihan ang unang karerang magaganap matapos ang daang taon lumipas. May kanya-
kanyang sumusuporta sa bawat mga dyosang kalahok, maging si Dyosa Neena ay naririto
para suportahan ako.
Sa dulo ng ilog ay ang gintong kulungan kung saan nakapiit si Nikos na nakasuot ng
puting kubon, bahagya itong nakayuko na parang wala nang naririnig sa kabila ng
ingay sa buong paligid. 1
Humigpit ang hawak ko sa dalawang panagwan sa aking mga kamay, kailangan kong mauna
anuman ang mangyari. Kahit alam kong higit na makapangyarihan sa akin ang mga
katunggaling dyosa, hindi ako maaaring sumuko.
Nangako ako... tutuparin ko. 2
Ipinaliwanag na ni Dyosa Victoria na maaari namin gamitin ang aming mga
kapangyarihan laban sa katunggali naming dyosa. Sumulyap ako sa kalangitan, babago
pa lamang kakagat ang dilim.
"Oh Leticia, sa tingin mo ba ay maabutan ka pa ng paglabas ng buwan? Siguradong may
nakarating na sa unahan, bago dumating ang 'yong tulong." Nanghahamak na sabi ni
Tatiana. 8
Hindi ko man lang iginalaw ang paningin ko patungo kay Tatiana at patuloy akong
tumanaw sa kalangitan.
"Ipinapaalala kong bago ko nakuha ang titulong ito, sarili kong kakayahan ang
dahilan kung bakit bumaba ang buwan, Tatiana. Kailanman ay hindi lang ako umasa sa
kapangyarihan nito. Hindi ako ang umangkin, dahil ang buwan mismo ang umangkin sa
akin." 81
Narinig ko ang nangngangalit na pagtitimpi ni Tatiana sa akin. Tumayo ako sa aking
bangka at nagtungo ako sa una, inilabas ang punyal mula sa aking kasuotan at
itinusok ito sa unahan ng bangka. Bumalik sa pagkakaupo at hinawakan ang aking mga
panagwan.
Tatlong malalakas na pagtambol ang hudyat ng pagsisimula ng karera. Nagsimulang
lumaban sa rumaragasang tubig ang aming maliliit na bangka, ngunit ang mas
nakapagpaingay sa lahat ng manunuod ay ang panimulang pag-atake ng bawat dyosa sa
isa't-isa. Karamihan sa kanila ay patungo sa akin. 7
"Leticia!" rinig ko ang sigaw ni Dyosa Neena.
Malalaking ibon mula kay Dyosa Leisana at maliliit na isdang nagsasama-sama para
pilit pabagsakin ang aking bangka mula kay Dyosa Junal. Nagsimulang tumagilid ang
aking bangka habang patuloy na lumalayo ang mga dyosang kalaban ko.
Gamit ko ang aking panagwan para protektahan ang aking sarili habang patuloy sa
pagliwanag ang punyal sa aking harapan.
"H-Hindi... hindi natin sila sasaktan... kailangan lang natin silang--" muli kong
ginamit ang lumulutang na punyal na gawa sa tubig pero sa pagkakataong ito ay higit
itong malaki.
Akma na itong aatake sa mga ibon at maging sa kumpol ng mga isda, bago ko ikinumpas
ang aking mga kamay ay binigyan ko ito ng kakaibang dasal. Isang dasal na
magbibigay ng panandaliang huwad na paningin.
Sa paningin ng mga ibon at isda ay sa iisang dyosa sila umaatake, ngunit ang
katotohanan nito'y sila mismo ang pumipigil sa isa't-isa.
"Kailangan kong mapabagsak ang mga bangka ng kanilang mga dyosa, bago ang mga ito
magkasakitan." Dahil patuloy sa pagtutunggali si Dyosa Leisana at Junal ay hindi na
napansin ng mga ito ang paparating kong bangka.
"Patawad, ngunit akin ang paligsahang ito." Pinaulanan ko ng sunod-sunod na punyal
ang kanilang mga bangka dahilan kung bakit ito nasira. Ngunit hindi ko hinayaang
mawalan sila ng kakapitan nang sandaling makalampas ako mula sa kanila. 1
Dahil napansin na ni Dyosa Mariosa ang presensiya ko mas binilisan na nito ang
pagpapatakbo ng kanyang bangka, siya ang Dyosa na may kakayahang gawin armas ang
isang tali. Wala siyang tigil sa paglatigo sa aking direksyon, nahihirapan akong
umiwas dahil sa lakas ng tubig.
STORY CONTINUES BELOW
"Leticia!" panibagong sigaw ni Dyosa Neena nang tamaan ko sa aking kaliwang
balikat. Napadaing ako sa sakit dahilan kung bakit nabitawan ko ang isang sagwan.
"H-Hindi nananakit si Leticia! Hindi ba't-" hindi natuloy ni Dyosa Neena ang
kanyang sasabihin nang itaas ni Dyosa Victoria ang kanyang kamay.
Parte ito ng karera.
Dalawang tama pa ng latigo ang tumama sa akin na saglit na nagpaluhod sa akin, nang
sandaling ako naman ang umatake nagagawa nitong salagin ang mga punyal na
pinapaulan ko sa kanya gamit ang kanyang latigo. Ramdam ko na ang pagdurugo ng
kaliwang balikat ko. 1
Wala na akong pagpipilian, tumayo ako ng tuwid at inabangan muli ang kanyang
latigo. Huminga nang malalim at handang salubingin ito, pansin ko ang pagkagulat ng
lahat sa ginawa ko. Dumilim ang mga mata sa akin ni Dyosa Mariosa at buong lakas
niyang inihataw ang latigo, kasabay ng pagdanak ng dugo mula sa aking pisngi,
kirot, hapdi at matinding sakit. Naglandas ang luha sa aking mga mata.
Mabilis gumalaw ang aking nangangatal na kamay at mahigpit hinuli ang latigong
tumama sa akin. Pinilit niya itong hilahin mula sa akin, pero sa pagkakataong ito
ay mas siniguro kong ang buong lakas ko ay nasa aking kamay. Unti-unti nang
gumapang ang tatlong maliliit na punyal na kasalukuyang umiikot habang nanunulay sa
latigong konektado sa pagitan ng aming mga kamay.
Pagkagulat ang rumihistro ang kanyang mga mata, bago pa man niya nagawang bitawan
ang latigong tali ay nakarating na sa kanya ang tatlong punyal. Bago pa man tumama
sa kanyang mukha ang mga ito ay agad itong sumabog sa kanyang harapan bilang tubig
na may bulong ng pansamantalang pagkabulag.
"H-Hindi ako makakita!" kasabay nang malakas niyang pagsigaw ay ang pagpapauulan ko
ng matatalim na punyal sa kanyang bangka dahilan kung bakit ito nasira.
Nangunguna na si Tatiana habang nasa unahan ko na si Dyosa Kortan. Siya naman
ngayon ang hinahabol ko, pero ramdam kong unti-unti na akong bumabagal. Si Dyosa
Kortan ang dyosang may kakayahang manglunas at magbigay ng lason. Ang bawat atake
niya na maaring tumama sa akin ang magiging katapusan ng aking karerang ito. 2
Hindi biro ang latigo ni Dyosa Mariosa, dahil katulad ko ay may manghika rin itong
iginawad dahilan kung bakit ako nanghihina. Ilang beses pilit sinalag ng aking
punyal na tubig ang pag-atake ni Dyosa Kortan, ngunit dalawa sa kanyang mga atake
ang tumagos at tumama muli sa magkabila kong balikat.
"Leticia! T-Tama na! M-Malapit na si Tatiana!" rinig ko ang boses ni Dyosa Neena na
may halo nang paghikbi at awa sa akin. 2
Dahil ako ang nahuhuli sa karera, halos sa akin tumatama ang kanilang mga atake.
Sinubukan kong hawakan muli ang dalawang sagwan pero maging ang mga daliri ko ay
bumibigay na, nagsisimula nang manlabo ang aking mga mata, kusa nang nagbabagsakan
ang mga punyal na tubig at mas lalo nang lumalayo ang dalawang dyosa.
"Hindi... hindi maaari..."
Nang pilit kong sulyapan ang kulungan ni Nikos, kasalukuyan na itong nakatayo
habang ang mga kamay na may posas ay nakahawak sa rehas, nanghihina na itong
umiiling sa likuran ng puting kubon na nagtatago sa kanyang pagkakakilanlan.
Nanghihinang bumaba ang aking mga mata sa dalawang dyosa nag-uunahan. Sobrang layo
ko na... sobrang laki na ng pagitan namin...
Bumagsak ang aking mga balikat kasabay ng panunulay ng dugong nagmumula sa aking
mga balikat. Kusang nawala ang ingay mula sa mga dyosa at napalitan ito ng ingay
mula sa pagpatak ng aking sariling dugo.
Likidong kumakatawan ng sakit, kulay ng pagkatalo... 1
Pula... kulay ng sakit, pagkatalo, pighati... 1
Pulang dugo...
Pula...
"Pula---" natigil ako sa paulit-ulit na pagsambit sa kulay ng dugo nang muling
sumagi sa aking mga mata ang punyal na siyang itinusok ko sa harapan ng aking
maliit na bangka.
Agad lumipad ang aking mga mata sa dalawang dyosang kaunting-kaunti na lamang sa
kulungan. Sa aking nanghihinang katawang namamayani ang lason at sugat, ubod na
lakas akong tumakbo patungo sa unahan ng aking bangka.
Kasabay ng pagbagsak ng aking katawan ay ang pagdaop ng aking kamay na may bahid ng
aking sariling dugo sa punyal.
Dahil hindi lang asul na tubig ang kayang dalhin ng punyal.
Kundi pati na rin kulay ng dugo, tulad ng pulang nagliliyab na apoy. 9
Pag-agos ng dugo'y napalitan ng dalawang mabibilis na linya ng apoy sa ibabaw ng
ilog, panibagong pagsilang ng libong punyal sa hangin tangay ang kakaibang kulay ng
emosyon.
Libong apoy ng punyal mula sa Dyosa ng Buwan. 9
Dalawang kamay ang aking pinagdaop sa nakatusok na punyal, dahan-dahang yumuko rito
at idinakit ang noo.
"Tama na..." bulong ko kasabay ng pag-ulan ng libong punyal ng apoy sa ilog ng
Deeseyadah.
Sa pagkakataong ito, hindi na palakpakan o maging singhapan ng pagkamangha ang
aking narinig, dahil ang tanging nagawa lamang ng lahat ng dyosang manunuod ay
matulala sa panibagong kaanyuan ng aking punyal.
Ngunit ang aking mga mata'y nasa gitna ng gintong kulungan. Higit na namayani sa
aking mga mata ang kristal na likidong nagtatago sa kanyang puting kubon.
Buong ilog ay nagliyab at nag-iisang bangka lamang ang nanatiling nakalutang sa
gitna ng mga apoy.
Tumindig sa kanyang katawang nagdurugo ang dyosang umangkin sa karera, kasabay ng
kanyang mga matang nagliliyab at mga kasuotang tila parte ng pagsayaw ng mga apoy.
2
Huling atake ng kanyang punyal ay diretsong nagtungo sa gintong kulungan, sa mga
mata ng mga dyosa'y parte ito ng kanyang huling ritwal bilang simbolong ang
pangangalaga ay nasa kanyang mga kamay.
Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat ang ngiti sa mga labi ng dyosa ay simbolo ng
ibang uri ng tagumpay.
Isang musika...
Musika ng pagkalaglag ng posas mula sa nakapiit na mga kamay...
"Malaya ka sa buwan... pangako..."
Chapter 9 22
Pwesto
Simula nang isilang ako mula sa makapangyarihang puno ng En Aurete, gamit ang dasal
at sayaw, malaki na ang respeto ko sa buhay na sining na bumabalot sa mundong ito.
Ang sining at damdami'y aking malugod na iniyayakap sa isa't-isa sa aking bawat
laban sa mundong ito, isa nang malaking patunay ay ang paghalik ng buwan sa
karagatan. Ang gabi kung saan malakas na narinig ang aking inaasam na panalangin.
At sa pagkakataong ito, muli akong niyakap ng sining sa isang laban na alam kong
aking pasisihan kung hindi ko panghahawakan. Paanong ang apoy ay mistulang naging
ilog? Paanong ang ulan ay naging apoy? Paanong ang hangin na nabalot ng init?
Paanong ang asul ay naging pula?
Kung ako noo'y ginawaran ng punyal ng libong ulan, katumbas ng mithiin kong linisin
ang maraming taong kalupitan ng kalupitan.
Ngayo'y nakagabay ito sa akin bilang apoy, katumbas ng aking pusong nag-aapoy sa
aking mithiin.
Tila nawala ang sakit sa aking buong katawan at panghihina nang marinig ang
pinakamagandang musika sa aking talambuhay. Hindi mula sa isang awitin, kundi mula
sa ingay ng kalayaan.
Umiihip ang hangin at marahan kong hinawakan ang aking napapayid na buhok, tila
ito'y nagkulay pula rin kawangis ng apoy na namamayani sa ilog.
Nanatiling makatitig ang aming mga mata sa gitna ng pumupulang ilog.
At sa unang pagkakataon, nanginig ang puso ko... hindi sa sakit na dulot ng
masamang tadhana sa kanya... kundi sa pagngiti ng kanyang mga mata. 16
Isang malakas na pagtambol ang umagaw sa atensyon ng lahat, hudyat ng pagtatapos ng
ritwal. Nakalapit na sa akin si Hua, gamit ang kanyang malaking anyo. Ako na mismo
ang sumakay sa kanya, si Dyosa Neena ang sumalubong sa amin sa pangpang.
Nang sandaling yakapin ako ni Dyosa Neena, bumalik ang lahat ng nararamdaman ko.
"May mga dyosa na maaring gumamot-" umiling ako sa sinabi ni Dyosa Neena.
"Kailangan ko nang umalis sa lugar na ito."
"Leticia, hindi maaari. Huwag mong hayaan ang mga itong isipin na higit sa
pangangalaga sa mundong ito ang motibo mo sa pagkuha sa bampira. Mas mabuting
sumunod ka sa mga nais nilang gawin sa mga oras na ito." Nagulat ako sa sinabi ni
Hua.
Nakalimutan niya na ba na walang alam si Dyosa Neena sa totoong mga balak ko? Hindi
ko siya nais madamay sa mga magiging desisyon ko sa hinaharap.
Magbibitaw pa sana ako ng salita na maaaring maka-alis sa pagtataka ni Dyosa Neena
nang unahan ako nito.
"Matagal ko nang alam Leticia ang ipinaglalaban mo." 1
"H-Hua!" tawag ko rito kahit nahihirapan na akong magsalita.
"Hindi si Hua, Leticia. Ako mismo ang nakaalam nito at ang mahigpit mong
pagkakapareho sa kanyang prinsipyo. Ang Dyosa ng asul na apoy at ikaw ay iisa ang
ipinaglalaban..." 5
Namamangha akong tumitig kay Dyosa Neena.
"At hindi niya ako hinayaang madamay sa kanya, tulad ng kung anong ginagawa mo."
Hindi na nagsalita pa si Dyosa Neena nang may lumapit na sa aming ibang dyosa para
tulungan ako. Dinala kami sa silid pagamutan ng mga mandirigmang dyosa. Nandito rin
ang aking mga katunggali. Ang ilan sa akin ay tapat na ngumiti bilang pagtanggap sa
pagkakatalo, ngunit may ilan pa rin na hindi man lang ako nais sulyapan. Umirap sa
akin si Tatiana. 4
Ang paghihilom ng sugat ng isang dyosa ay depende sa sirkumstansiya.
Ang anumang pinsala ng mga dyosa sa mundong ito na makukuha mula sa isang ritwal ay
mabilis lamang maglunas, ngunit kailangan pa rin nito ng maingat na patnubay ng mga
dyosang nasa ilalim ng kapangyarihan ng mediko. 3
STORY CONTINUES BELOW
Ang pinsala ng mga dyosa mula sa atake ng mga tagalabas sa mismong mundong ito, ang
uri ng pinsala na madaling maghilom. Pero kung nagkataong ang atake ay nagmula
mismo sa kapwa dyosa, mas malaki ang pinsalang matatanggap at mas matagal ang
paghihilom. Isang indikasyon na hindi mabuti ang pag-atake sa kapwa dyosa.
Ang isa pa ay ang pinsalang nagmula sa atake sa labas ng mundong ito, kung ang
dyosa ay nagtungo sa ibang mundo na hindi sakop ng kanilang tungkulin at
nakatanggap ng mga atake. Ang paghihilom nito ang pinakamatagal.
Dahil nanggaling sa ritwal ang aking mga tama, inaasahan ko na maaari na kaming
bumalik ni Nikos sa buwan matapos ang isa o dalawang araw. 5
Iniwan na ako ni Dyosa Neena nang dumating ang mga dyosa na mangangalaga sa amin,
habang hindi naman ako iniwan ni Hua. Kalahating oras nanatili ang mga manggagamot
bago kami iwan ng mga ito.
"Bakit?" tanong sa akin ni Dyosa Junal.
"Anong bakit?" balik kong tanong sa kanya.
"Una, nais kong humingi ng tawad kung nagawa kitang saktan." Tumango ako sa kanya.
"Parte ito ng ritwal." Sagot ko.
"Ngunit bakit Leticia? Bakit nais mong mapasaiyo ang bihag? Hindi lang ilog ang
nasaksihan kong nagliliyab sa loob ng ating ritwal, dahil pati ang 'yong mga mata."
Pahayag ni Dyosa Junal. 1
Pansin ko na nakikinig din ang ilang dyosa. "Kung hindi ako nagkakamali ay iisa ang
layunin natin, kung anuman ang layunin n'yo ay ganito rin ang sa 'kin."
Hindi ko nais pa silang bigyan ng dahilan para magbigay ng kahulugan sa mga galaw
at kilos ko. Gusto kong maniwala silang nais kong tumulong para sa kapakanan ng
mundong ito.
Nais pang magtanong ng ilan sa kanila base sa kanilang mga ekspresyon, ngunit mas
pinili ko na lamang ipikit ang aking mga mata at magkunwaring natutulog.
Tulad ng inaasahan ko, mabilis naghilom ang aking mga sugat, pero higit pa rin
mabilis nakabalik sa kanilang mga mundo ang anim na dyosang nakatunggali ko.
Nakahilerang dyosang mandirigma ang naghatid sa aking Kuusa, nasa likuran ko si
Nikos na ngayo'y muling may posas at nakatakip ang buong kaanyuan. Sa malayo ay
ramdam kong nakatanaw si Dyosa Neena, hinanap siya ng aking mga mata at ngumiti ako
sa kanya. Inihatid din kami ni Dyosa Victoria at Evelyn.
"Nawa'y tuparin mo ang 'yong mga pangako, Leticia." Tumango ako sa dalawang dyosa.
Pumasok na ako sa aking Kuusa, sumunod si Hua at si Nikos na tinapik ng dyosa na
may hawak na malaking espada para senyasan itong humakbang. Hindi na ako muling
tumanaw sa labas nang sandaling makapasok si Nikos, kusang nagsara ang pintuan at
mabilis tumakbo ang aming Pigaroo sa himpapawid. 1
Hindi inihiwalay ng mga dyosa mula sa akin si Nikos sa ibang Kuusa, dahil
naniniwala ang mga itong higit itong mababantayan kung nasa akin siyang mga mata.
Isa pa, hindi rin ito makalalaban kung tangkain nito dahil may basbas ang posas sa
kanyang mga kamay. Para lamang siyang normal na tao kapag meron nito.
Si Hua ang nagtanggal ng pagkakatakip ng mukha nito, mabilis ko siyang sinalubong
ng ngiti. Wala siyang ibinigay na ekspresyon sa akin, sa halip ay tumitig lamang
siya sa akin.
"H-Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na ang batang dyosang-"
Natigil siya sa pagsasalita nang tumayo ako at lumapit sa kanya, inilabas ko ang
aking punyal, hinawakan ang kanyang mga kamay at tinanggal ang bakal sa pumipiit sa
kanya.
At ngayong mas malapit na ako sa kanya, mas napagmasdan ko siya ng mabuti. Ayon sa
aking mga nababasa mas mabilis ang pag-angat ng edad ng mga bampira kumpara sa mga
dyosa, pero tulad ng mga bampira ay may hangganan din ang pag-edad namin.
STORY CONTINUES BELOW
Ilang taon ang nadagdag kay Nikos? Nalampasan na niya ang kanyang kabataan. 1
"Siguro'y tadhana na makarating ka sa aming mundo, sa aking misyong ito, higit kong
kailangan ng tulong ng isang bampira. Ang kalayaan mo ang simula ng aking
sinumpaang pangako." Marahan siyang yumuko sa akin.
"Malugod akong tutulong sa abot ng aking makakaya, Dyosa Leticia." 6
Naging matagumpay ang pananatili ni Nikos sa buwan kasama ko sa nakalipas na taon,
ni hindi ito nagbigay ng kahit anong indikasyon na nais nitong bumaba sa lupa at
iwan ako.
Lahat ng katanungan ko tungkol sa mundo ng mga bampira ay ibinigay niya sa akin,
pero sa bawat katanungan ko ay nanatili pa rin akong maingat tungkol sa mga
pinagdaanan niya.
Gusto kong siya mismo ang magbukas sa akin ng tungkol sa pinagdaanan niya matapos
niya akong iwan sa talon.
Kasalukuyan kaming nakaupo sa isang lamesa habang umiinom ng tsaa.
"Ilang taon na akong nagtataka." Panimula ni Nikos. Ibinaba niya ang tasa ng
kanyang tsaa habang nanatiling nakakrus ang kanyang hita.
"Tungkol saan?"
"Tila wala kang interes sa aking nakaraan?" saglit akong natawa.
"Dahil humahanap lang ako ng tamang panahon?"
"Ilang taon na ang lumipas, Leticia. Inaasahan kong magtatanong ko mga ilang araw
matapos mo akong makuha sa inyong mundo."
"Hindi ako kasing lupit ng inaakala ko. Nais kong maghilom ang 'yong sugat."
Kumumpas sa hangin si Nikos.
"I had enough, magaan na ang loob ko nang isama mo ako sa buwan. You can ask
anything as a friend, uncle or even a father." Biro nito na nagpalaki ng mata ko.
13
"Ano? Kung hindi ako nagkakamali ay higit akong mas ma-edad sa'yo Nikos." Natawa
siya sa sinabi ko. 3
"Pero sa mundo ng mga bampira o tao ay tila mag-ama tayo. Hindi nalalayo ang edad
mo sa aking anak kung sakaling nasa mundo ka ng mga tao." Ngumiti siya nang
banggitin ang tungkol sa kanyang anak. 34
Hindi man niya sabihin sa akin, alam kong ang anak niya sa mundo ng mga tao ang
lagi niyang tinatanaw sa bintana ng dimensyon. 12
Hanggang ngayon ay katanungan pa rin kung bakit ito nakarating sa mundo ng mga tao.
"Anong nangyari Nikos?" mahinang tanong ko.
Sumandal siya sa kanyang upuan, pinagkrus ang mga daliri sa ibabaw ng kanyang hita
at sinalubong ang aking mga mata.
"I was rejected when we first met, right?" tumango ako. 1
"But I had a second rejection." Kumunot ang noo ko. 27
"Ngunit papaano? Hindi ba't isa lamang ang mamahalin ng isang bampira?"
"What if someone manipulated it?" 9
Naguluhan ako sa sinabi ni Nikos. Alam kong may mga babaylan sa ibabang mundo at
ang ilan pa sa mga ito ay may dugo raw ng mga dyosa, ngunit anong maaaring nagtulak
sa kanila para galawin ang natural na itinakda ng tadhana?
"I fell in love again. I did love Soleilana Le'Vamuievous, a beautiful princess
from Deltora, but the moment she had discovered about my bloodline and the
realization that might ruin our daughter... she accused me... pinangunahan siya ng
galit at takot para sa aming anak. Inisip niyang hindi totoo ang pagmamahal ko,
that our daughter was not a fruit of love, but a mere sacrifice..." 56
Kumuyom ang mga kamay ko sa narinig ko. "H-Hindi ka ba niya pinagkatiwalaan? Hindi
niya ba ramdam ang pagmamahal mo sa kanya? Ikaw na rin ang nagsabi sa akin na
minahal mo siya, siguradong mararamdaman niya 'yon!"
Natahimik si Nikos at pansin ko sa ekspresyon niya ang kanyang pag-aalangan.
Huminga ako nang malalim at mas sinalubong ang kanyang mga mata.
"O binigyan mo siya ng dahilan para pag-isipan ka ng masama?"
"It was a mistake... but yes... inaamin ko..."
Nang sandaling naglandas ang takas na luha mula sa kanang mata ni Nikos, agad
sumalamin sa aking isipan ang nakaraang dala nito.
Unang ipinakita ang ilang bampirang babae na kapwa may bahid na ng dugo sa kanilang
mga kasuotan.
"Hindi natin ito kasalanan, Danna! S-Sila ang pumili sa atin, bakit kailangan nila
ang ating kamatayan? They betrayed us!"
Sa direksyon kung saan patungo ang mga babaeng bampira, tahimik na naglalakad si
Nikos dala ang isang puting bulaklak. Pero agad naalerto si Nikos, nagtago at
kinilala ang paparating na mga babae.
Nakita ko ang ekspresyon niya nang makita ang nasa gitnang babae. Hindi na nag-isip
pa si Nikos, umatake na itong palihim sa mga bampirang humahabol sa mga babae, agad
ang mga itong nagtaka ngunit sa halip na manatiling tumatakbo, isa mula sa mga
babae ang tumigil at tinanaw ang pinanggalingan ng ingay.
"Danna! Bilisan mo!" sigaw ng isang babae.
"M-Mauna na kayo, susunod na ako." Iniluwa ng kadiliman si Nikos at ang puting
bulaklak nito.
Agad kong napansin ang pagtutubig ng mga mata ng babaeng nagngangalang Danna.
"Patawad... patawad..." paulit-ulit na bulong nito.
Nagmadaling tumalikod si Danna na may ekspresyong nagtatalo. "Ayoko na Thaddeus...
marami na tayong nadadamay..."
Lumuluha itong tumakbo, pero sa hindi maintindihang dahilan ay hinabol ito ni
Nikos, nagawa pa nitong itapon ang puting bulaklak.
"Y-You're my mate...wait... why?" 3
Pakiramdam ko ay ako ang nasaktan kay Soleilana. Talaga palang matibay ang
pundasyon ng totoong itinakdang bampira. 1
Patuloy sa pagtakbo si Danna at kitang-kita ko ang pagtatalo sa kanyang isipan na
parang may dapat siyang gawin na hindi niya gusto. Pero sa huli ay nagawa niya rin
kumbinsihin ang kanyang sarili.
Pumihit siya sa pagtakbo at agad niyang sinalubong si Nikos. At kusang naglapat ang
kanilang mga labi.
Halik na tila walang katapusan...
Ngunit ang mga halik na ito'y kusang naglaho ng may panibagong presensiya ng mga
luha ang nagpakita sa gitna ng kagubatan na tila isang maharlika. 1
"That kiss had two reasons, Danna showed me Thaddeus' death, her death...and my
role in this whole game of chess. Isang pwesto na hindi ko ginusto, pero
pinanghawakan ko dahil sa anak ko... Naha's mated with Thaddeus' son..." 54
"Ano ang ikalawa?"
"I-I... think... I still love her... my mate..."
A/N Please read Gazellian Series 1-3 to avoid confusion. Sa nababasa ko po sa
comments, marami po sa inyo ang naliligaw ang landas. Lol 120
Chapter 10 9
Huling Pares 6
Ibinaba ni Nikos ang aklat na kanyang binabasa at pilit nitong sinalubong ang aking
mga mata. Pinili kong magkunwaring hindi napapansin ang paninitig niya at
ipinagpatuloy ko ang prenteng pag-inom ng tsaa.
Sa napakaraming taon na pagsasama namin sa buwan, alam na nito kung paano ako
kumilos. Isa siyang uri ng bampira na marunong kumilatis ng kilos kung huwad man
ito o hindi.
"Alam mong anumang oras ay darating sila rito. Would you like to handcuff me or
something?"
Ibinaba ko ang tasa ng aking tsaa at sa pagkakataong ito ay sinalubong ko na ang
mga mata ko sa kanya.
"Posibleng dumating sila sa susunod na linggo, abala ang Deeseyadah sa pagsilang ng
mga bagong dyosa mula sa En Aurete."
"Pero alam mong hindi biro sa kanilang mga mata ang ginawa mo. You did it twice,
kahit sobrang laki ng agwat ng taon nito, hindi ito mapapagtakpan. Dalawang emperyo
ang naglaho." 20
Balak ko pa sanang abutin ang tsaa ko nang mabitin sa ere ang kamay ko. Hindi ko
napigil ang saglit na pagtakas ng luha sa aking mga mata.
Saksi ako ng mga paglaho, saksi ako nang dalawang beses na pagkikipaglaban ng pag-
iibigan, saksi ako ng paghihirap na ginawa ko na nauwi lamang sa kamatayan.
"Nagsisisi ka ba?"
Dalawang beses akong mabagal na tumango. "Pakiramdam ko'y kinitil ko ang kanilang
buhay, maging ang mga nilalang na nabubuhay sa dalawang emperyong naglaho." 5
Kumuyom ang mga kamao kong nasa aking mga hita, hindi ko alintana ang pagkagusot ng
aking puting kasuotan.
"Libong nilalang, pamilya at pagmamahalan ang aking isinakripisyo. G-Gusto kong
bawiin, gusto kong gumawa ng ibang paraan Nikos... kung pwede lang..."
Ilang taon na ang nakararaan nang simulan ko na ang aking totoong misyon, ito ay
ang putulin ang unang sumpang iginawad ng dyosa mula sa nakaraan para maitama ang
sunod-sunod karahasan at katiksilang namamayani sa ibabang mundo.
Naniniwala akong sa sandaling umpisahan ko sa unang sumpang iginawad na dyosa, mas
mapapadali ko ang paglutas sa walang katapusang problemang dala ng pagkakamali ng
nakaraan.
Alam ko ang magiging kahihinatnan sa sandaling ipares ko ang isang lobo at bampira,
pagkagunaw ng isang emperyo. Ngunit sa kabila ng kaalamang ito, sumugal ako,
sinikap kong talunin ito gamit ang pagmamahalan ng dalawang nilalang. Na magagawa
ng pagmamahalan nilang patunayan na mas malakas ito kaysa sa sumpa ng nakaraan. 14
Ngunit hindi pa man nagsisimula ang laban ng kanilang pagmamahalan, nakigulo na ang
kanilang bawat lahi. Ang kaalamang ang bawal na pagmamahalan ng bampira at lobo ay
matagal na palang maliwanag sa dalawang lahi, na handa ang mga itong pigilan ang
kanilang bawat kalahi para lamang itigil ang anumang pagkagunaw na maaaring
mangyari dala ng maling pagmamahalan.
Ang unang pares na sinubukan kong tulungan ay nagawang kitilin ng kanilang bawat
lahi bago pa man ang mga ito tuluyang nagsama, umasa silang nagtagumpay sila nang
sandaling makitil ang dalawang nagmamahal ngunit ilang araw matapos ang kamatayan
ng lobo at bampira, naglaho ang isang emperyo na parang isang bula. 6
Ilang taon akong nawalan ng pag-asa, natakot at kinuwesyon ang sarili sa mga
desisyon ko. Pinatay ko sila, nakapatay ako ng isang emperyo, ilang taon kong
sinisi ang aking sarili, nanghina at nawalan gana ngunit siguro ito nga ang dahilan
kung bakit ipinadala ng tadhana si Nikos. Ito ang nilalang na umagapay sa akin sa
aking bawat desisyon na siyang ipinagpapasalamat ko.
STORY CONTINUES BELOW
Nagkaroon muli ako ng pagpapares ngunit hindi ito nagtagumpay, panibagong emperyo
ang nalaho. Panibagong pagmamahalan na naman ang nagkaroon ng trahedya, halos
patayin ko na ang sarili ko sa ikalawang misyon na walang salitang tagumpay. Nasa
gitna na ako ng pagtigil... ngunit ang dalawang pares ng bampira at lobo na siyang
minsan kong hinayaang magmahalan ay dumalaw sa aking panaginip at pinaulanan ako ng
pasasalamat na hindi ko inaasahang matatanggap sa kabila ng desisyon kong malayo sa
tagumpay. 8
"But you have progress, Leticia... at alam kong may ideya ka na rito." Nang
mapansin kong humakbang si Nikos sa bintana ng dimensyon, sumunod ako sa kanya.
Dahil ang ikatlong bampira at lobo na siyang ipinares ko ay hanggang ngayon ay
hindi nagkakaroon ng kahit anong epekto sa paglalaho ng isang emperyo. 23
"Sa tingin mo ay humihina ang sumpa?" tanong ko kay Nikos. 2
"No. The goddess of the moon is getting stronger. Ang kapangyarihan mo'y maaaring
humigit sa dyosa mula sa nakaraan, unti-unti mon ang natatalo ang sumpa, Leticia."
1
Nakagat ko ang labi ko habang pinagmamasdan ang imahe ng bampira at lobong
kasalukuyan nang nagtatago mula sa kanilang mga lahi. 20
"Kung sumpa lang ang aking kalaban, siguro'y mas magiging madali ito. Ngunit hindi
ko masisisi ang mga bampira at lobo, isang emperyo ang kapalit nito. Takot sila."
Tumango sa akin si Nikos. "And we couldn't just inform them that a vanishing empire
is no longer a threat. Should I go down and inform them? Sinong maniniwala sa
akin?"
Natatawang sabi nito. Totoo ang sinasabi ni Nikos, maaaring may bumaba sa amin
ngunit ang malaking katanungan, sino ang bababa? Ako na wala nang paraan para
makababa pa sa lupa katulad ng dati? O siya na hanggang ngayon ay pinaghahanap pa
rin ng mga bampira sa krimen na hindi niya ginawa? 3
Ang hirap isipin na may hangganan ang kaya kong gawin.
Kapwa na kami nag-iwas ng tingin ni Nikos sa bintana ng dimesyon nang humigit pa sa
halik ang ginawa ng bampira at lobo. 78
"I am wondering... hindi ba't sinabi mo sa akin na dalawang pares na magkasunod ang
'yong ibinulong sa buwan, Leticia. Hanggang ngayon ay hindi pa kita nakikitang
nanunuod sa pangyayari ng ikalawang pares." 13
Natigilan ako sa paglalakad sa katanungan ni Nikos, sinadya kong hayaang bulag ang
aking sarili sa huling pares ng lobo at bampira. 1
"What are they? Ordinary vampire mated to an alpha? Beta? Or a royal blood mated to
a powerful wolf?" 5
Kilala ako ni Nikos, ang mga nakaraang pares ay pinipili ko mula sa mga mabababang
posisyon sa takot na magkaroon ng mas malaking komplikasyon. Hindi ko kailanman
ginalaw ang matataas na uri ng mga bampira o lobo dahil alam kong ang komplikasyong
maaaring magawa ko ay hindi lamang aabot sa mismong bampira at lobo lamang kundi
pati na rin sa kanilang mga nasasakupan.
Ngunit binigyan niya ako ng ideya. Isang ideya na siyang huli kong panghahawakan,
hindi man magtagumpay ang aking ikatlong pares. Ito na ang aking huling alas. 1
Pinili kong hindi sagutin si Nikos. Bumalik ako sa aming lamesa at sa pagkakataong
ito ay ako ang nagbasa ng kanyang aklat. Buong akala ko ay hahayaan niya na ang
kanyang katanungan, pero mas lumapit ito sa akin.
"Leticia?"
"Napapansin ko na masyado ka nang madaldal para sa isang bihag, Nikos." Tumawa ito
sa sinabi ko. 1
Inagaw nito ang aklat na hawak ko. Sumandal sa lamesa at ibinalik ang pagkakabukas
nito sa pahinang kanyang binabasa kanina.
"Matagal na akong pinalaya ng isang dyosa, ako'y isa na lamang panauhin." Tumaas
ang kilay ko sa sinabi nito. 3
STORY CONTINUES BELOW
"Panauhin na halos dito na manirahan?"
"Come on, I'm safe here. Sige na, nagtatago ako. But admit it, you need my company.
A friend, uncle or even a father." Tinapik ni Nikos ang ulo ko. 1
Tinabig ko ang kamay nila mula sa akin. "Ilang beses ko ba sasabihin sa'yo na mas
matanda ako sa'yo, Nikos?"
Nagkibit-balikat ito. "Maybe you're quite matured because of your responsibilities,
but your heart? It's too young, Leticia. You still need an elder's assistance." 2
Umikot ang mga mata ko sa kanya. Sa ilang taon namin pagsasama, ilang beses nang
ipinagpipilitan sa akin ni Nikos na tawagin ko siyang tiyo o maaaring ama. Malaki
ang pangungulila nito sa kanyang anak. At hindi niya maiwasang hindi makita ang
kanyang anak na babae sa akin. 8
"Now tell me... sino ang huling pares, magandang dyosa?"
Ilang minuto akong tumitig kay Nikos bago ko makumbinsi ang sariling sabihin sa
kanya.
"Mga dugong bughaw, Nikos..." nabitawan nito ang librong kanyang hawak at napatuwid
siya ng pagkakatayo dahil sa narinig mula sa akin. 1
Mabilis itong yumuko sa akin at hinawakan niya ang magkabilang balikat ko.
"What?"
"D-Dugong bughaw..." pag-uulit ko. 1
"A-Anong emperyo?" nangangatal na tanong nito.
Alam kong mayroon na siyang ideya, matapos kong marinig mula sa kanya ang nakaraan
ng kanyang pag-ibig, nagkaroon ako ng kaunting kaalaman sa imperyong ito. Ang
sakripisyong kayang gawin ng mga bampirang nasa loob ng emperyong ito, ang
pagmamahal at ang paninindigan. 6
"W-Who?" nangangatal na sabi nito.
"Prinsesa ng mga Gazellian. Lily Esmeralda Gazellian, Nikos." 51
Nanghihinang bumitaw ang mga kamay niya sa aking balikat. "M-My daughter..." 20
Halos lakad-takbo si Nikos para bumalik sa bintana ng dimesyon para makita ang
kanyang anak.
"Huwag kang mag-alala, wala pa si Naha sa Parsua, Nikos." Pagpapakalma ko sa kanya.
2
Sa ibabang mundo tanging si Naha na lamang ang pinahahalagahan ni Nikos, ilang
beses nitong ipinarating sa akin ang pananabik niyang makita at mayakap ang kanyang
anak, kung hindi lamang dahil sa malaking pader na naghihiwalay sa kanila.
Ang kanyang presensiya ay magdadala ng kapahamakan sa kanyang anak, kaya pinili na
lamang nitong manatili sa buwan kasama ko.
Nanatiling nakatalikod sa akin si Nikos habang nakatitig ako sa kanya. 1
"Kilala ko ang mga Gazellian, kung anuman ang nasaksihan ko kay Thaddeus at Tiffon
noon, sigurado akong ganito rin ang mga Gazellian na kasalukuyang nakaupo sa trono.
They wouldn't kill the princess just for the sake of the vanishing empire. Lalaban
sila at wala silang pakielam kung magkaroon man ng digmaan." Madiing sabi nito. 39
Isang beses ko lamang narinig mula kay Nikos ang karanasan niya noon sa mundo ng
mga bampira, ang mga nasaksihan nito sa pamamalakad ng mga naunang Gazellian, si
Thaddeus at ang sakripisyong ginawa nito para sa susunod na henerasyon na ngayon ay
may mga parteng nasa kanyang mga kamay na at ang impluwensiyang naidudulot nito sa
mga nilalang na kanyang natutulungan.
Si Nikos ang siyang nagsilbing aking mga mata at tenga sa reyalidad mula sa ibabang
mundo at ang mga kaalamang nalaman ko ay kailanman ay hindi ko na sasayangin. Sa
paglipas ng panahon, sa paglala ng sitwasyon, kung hindi ako susugal ng mas malaki
habangbuhay na mangangarap sa tagumpay na hindi ko magagawang makamit.
Muling bumalik sa akin si Nikos at hinawakan niya ang mga kamay ko.
"B-Break it, Leticia...Parsua Sartorias against the remaining empire is--"
napapikit ko na halos hindi niya mabanggit ang anumang sasabihin niya.
"Anong emperyo ang sasalubong sa aking anak? A threatened empire? Isang emperyo na
mainit sa mata ng lahat ng natitirang emperyo? Hindi kakayanin ng Parsua ang mga
natitirang emperyo, Thaddeus is dead. The young Gazellians might be skilled but--"
"Alam mong hindi ko na mababawi pa, Nikos."
"H-Hindi pa sila handa..." halos sabunutan niya ang kanyang sarili. 4
Humiwalay sa akin si Nikos at naglakad-lakad ito nang pabalik-balik habang ang mga
kamay ay nasa kanyang bewang.
"I should get down, I will warn them or I could join the war..." 1
"Nikos, hindi pagkakamali ang ginawa kong pagpapares sa kanila. Matagal ko itong
pinag-isipan."
"I gave you the wrong idea! This is all my fault!" 1
"Nikos, simula nang magkakilala tayo ikaw ang dahilan kung bakit nagkaroon ako ng
silbi bilang dyosa, itong huli kong desisyon, wala na itong halong pagdadalawang-
isip. Inilahad ko na rito ang lahat ng kaya ko. Hindi ito maling desisyon, hindi
maling ideya, ito na ang simula nang pagtatama sa walang katapusang mali." 4
Hindi makasagot sa akin si Nikos. Nagsimula na itong mag-ayos ng mga armas na ilang
taon niyang ginawa habang nananatili siya rito sa buwan.
"Ikaw na rin ang nagsabi sa akin na wala kang boses sa lupa! Mapapatay ka lang sa
sarili mong mundo sa tangkang pagligtas sa kanila. Hindi kita hinahayaang bumaba sa
lupa!"
"Leticia, pagod na akong magtago! Mamamatay din ako at bago ko man gawin 'yon,
gusto kong makagawa ng bagay na makakatulong sa anak ko. I should help her future
empire at bago pa man nila malaman na may koneksyon ako sa isang babaeng bampira, I
would kill myself-" marahas lumipad ang mga palad ko sa kanya. 1
"Gano'n na lang? Hindi mo siya gustong makita? Sa tingin mo ay nararapat ito sa
kanya? Bulag sa katotohanan? Sa tingin mo ay may isang nilalang sa ibaba na
magbibigay ng katotohanan tungkol sa'yo? Sa tingin mo ba ay kikilalanin kang ama ng
anak mo kahit namatay kang nagsasakripisyo sa kanya? Walang magtatanggol sa'yo sa
mata at paniniwala ng anak mo, kundi ikaw lamang!"
"A-Anong gagawin ko? Digmaan ang mangyayari, Leticia! Digmaan... the future of my
daughter is-"
"Bababa ako sa lupa, Nikos! Bababa ako kung may mangyaring digmaan!"
Chapter 11 12
Reyna 19
Ginusot ko ang liham mula sa nakatataas na dyosa. Inaasahan ko na ang bagay na ito,
ngunit nakapagtatakang hindi ito kasing aga gaya ng inaakala ko. Sigurado akong
hindi biro sa kanilang mata ang pagpares ko sa bampira at lobo, ano kaya ang
maaaring dahilan para hindi sila agarang umaksyon ukol dito? Mukhang masyado
talagang abala ang Deeseyadah sa mga dyosang babagong silang?
Ngunit nakatala sa liham na inaanyayahan na ako ng mga dyosang magtungo sa aming
mundo, wala na akong balak dumalo rito. Lalo na't nalalapit na ang digmaan na
siyang kinatatakutan ko.
Hindi na rin ako magugulat na isa sa mga araw na ito ay makakarating na rin sa
kanila ang ginawa kong pagpapares sa dalawang nilalang na may posisyon sa ibabang
mundo.
Ang aking pagbaba sa lupa noon ay hindi kasing dali ng maaari kong pagbaba sa
sandaling magkaroon ng digmaan sa lupa sa pagitan ng mga bampira at lobo. Isa ng
malaking dahilan ay ang aking bendisyon bilang isang ganap na dyosa.
Nang mga panahong bumaba ako sa lupa dala ang aking anyong bata ay wala pa akong
presensiya bilang isang makapangyarihang dyosa, dahilan kung bakit hindi agad
nalaman ng kapwa ko dyosa ang aking pagbaba. Isa pa, hindi naging palaisipan sa mga
nakatataas na dyosa ang aking pagbaba sa kaalamang ninais lamang akong gamitin ng
dyosa ng asul na apoy para sa kanyang pansariling mga plano.
Hanggang ngayon ay nagsisisi ako dahil hinayaan ko si Hua na gumawa ng rason para
mas kamuhian ng Deeseyadah ang Dyosa ng asul na apoy. Ngunit dapat ko pa ba itong
isipin sa mga oras na ito? Anumang oras ay isa na rin ako sa uri ng dyosa na
kamumuhian ng mundong ito.
Mabilis lumipas ang mga araw, hindi kami umalis ni Nikos sa panunuod sa mga
nangyayari sa ibaba. At tulad ng aming inaasahan, nakararanas na ng matinding
paghihirap ang huling pares, si Adam at Lily. 5
"P-Paano ka makakababa?" nakailang ulit na si Nikos sa akin sa katanungang ito.
Tanging sa En Aurete lamang mayroong lagusan patungo sa iba't-ibang klase ng mundo
at ang may kakayahan lamang dumaan dito ay ang mga nakakataas na dyosa, mga
mandirigma at ang mismong mga residente ng aming mundo. Simula nang manirahan ako
sa buwan, ay nawalan na ako ng kakayahang dumaan sa aming lagusan.
Lalong hindi ako maaaring basta na lamang bumaba mula sa buwan, dahil matagal na
itong labag sa batas simula nang mangyari ang masalimuot na nakaraan ng
pinakamalakas na dyosa. Ang kanyang pagbaba na nagbunga nang walang katapusang
hirap. 3
Pero may isang paraan na maaring gamitin ng isang dyosa kung higit na talaga nitong
kailangang bumaba mula sa lupa. Ito ay ang tinatawag na Glaoch. 11
Ang Glaoch ay isang uri ng presensiya o enerhiyang maaaring ilagay sa katawang ng
kahit sinong babaeng nilalang, hindi lingid sa mga lobo ang kaalamang ito ngunit sa
kanilang nalalaman ay ang glaoch ay maaari lang manirahan sa katawan ng isang lobo.
Ito ay maaari rin sa ibang nilalang, na siyang isinalin ko kasabay nang panahong
ipinares ko si Lily at Adam. 5
Alam kong kaakibat ng pagpapares ng dalawang magkaibang lahing may dalang
kapangyarihan ay magdudulot ng isang malaking kaguluhan, kaya hindi na ako nag-
alinlangan pa para maghanap ng tatlong babae ng panahong 'yon.
Ngunit ang inaasahan kong maaring tumulong sa akin ay isa pa ring malaking
problema, dahil ang isa sa kanila'y naging isang puno mula sa isang emperyo at
naging alay para sa isang dyosa na hanggang ngayon ay hindi ko mapangalanan. Isa
itong uri ng dyosa na tumutulong din sa mga bampira, buong akala ko'y ang dyosa ng
asul na apoy lamang ang umalis sa Deeseyadah, ngunit sino ang dyosang ito? 41
Ang pangalawang babae naman ay nagdadalang-tao, hindi ito maaaring gumabay sa aking
pagbaba dahil sa batang nasa sinapupunan nito. At ang huling babae naman ay
nanakawan ng presensiya ng Glaoch sa pamamagitan ng mahika, sinubukan kong hanapin
kong nasaan na kasalukuyan ang presensiya nito at halos mawalan ako nang malay nang
malaman kung nasaan ito.
STORY CONTINUES BELOW
Ang Glaoch ay nasa katawan ni Lily! 10
Masyadong malakas ang aking kapangyarihan kung iisang katawan lamang mula sa lupa
ang sasalo at gagabay sa aking presensiya, hindi na magagawang tumulong ng unang
dalawang babae dahil sa sitwasyon ng mga ito dahilan kung bakit mabibigay lahat ng
responsibilidad kay Lily.
Sa papaanong paraan ko matutulungan ang pagmamahalan nila ni Adam kung sa sandaling
bumaba ako sa lupa ay lagutan ng hininga si Lily dahil sa aking kapangyarihan? 2
Lumuluha akong humarap kay Nikos. Hindi ko na alam ang gagawin ko, papaano pa ako
makabababa?
"A-Ang mismong susi ko kung paano bumaba sa lupa ay siyang maging dahilan ng
kamatayan ng babaeng bampira, Nikos... hindi ko na alam ang gagawin ko."
Kasalukuyan nang nakalayo si Lily at Adam mula sa kanilang magkaibang mundo, ngunit
sa bintana ng dimensyon kapwa kami saksi ni Nikos sa kasalukuyan nang kumikilos na
mga bampira at lobo para pigilan at paghiwalayin sila. 1
Nalalapit na ang bagay na akala ko ay aking higit na napaghandaan.
Ipinaliwanag ko kay Nikos ang konsepto ng Glaoch at ang sinapit nito sa lupa at
katulad ko'y natulala na rin siya.
Anong desisyon ang gagawin ko? Bumaba at pigilan ang digmaan ngunit ang kapalit ay
ang kamatayan ng bampirang babae? O ang manuod sa katapusan ng digmaan na ang
kapalit ay libong buhay ng mga inosenteng nilalang?
Pero isa akong dyosa ng buwan! Ang aking responsibilidad ay bigyan ng magandang
pag-ibig ang isang lobo, ngunit anong gagawin ko sa sandaling bumaba ako? Habang-
buhay na kalungkutan para kay Adam.
"Mali ba ang desisyon ko, Nikos?" 3
Hindi makapagsalita si Nikos sa katanungan ko, halos blangko na ang aking isipan.
Simula nang makitil ang aking ikatlong pares at dalawin ako ng mga ito sa aking
panaginip na may ngiti pa rin sa kanilang mga labi ay hindi na napanatag ang aking
loob.
"Simula nang nakilala kita Leticia, kailanman ay hindi ka pa nakakagawa ng maling
desisyon." Suminghap ako sa sinabi ni Nikos na parang hindi ko na kaya pang
maniwala sa kanya.
"Sinasabi mo ba na tama pa rin ang nagawa kong desisyon?"
"Parehong kamatayan ang maaari kong piliin! Ang kamatayan ng prinsensang bampira na
magdudulot ng walang katapusang kalungkutan sa lobong pinangangalagaan ko o ang
libong kamatayan na panunuorin ko hanggang sa matapos ang digmaan. Walang tamang
desisyon sa dalawang ito!"
Hindi na nakaya ng aking sarili ang matinding problema, dahil bumigay na ang aking
katawan. Mabilis akong nasambot ni Nikos at inalalayan niya akong maupo sa aking
trono. Habang si Hua ay tahimik lamang nagmamasid sa amin. 1
Lumuhod sa harapan ko si Nikos at marahan niyang hinawakan ang dalawa kong kamay.
"Just tell me what to do, Leticia. Anong bagay ang maaari kong maitulong sa'yo?
You've been helping me for years... gusto kong may gawin para sa'yo. Sa unang dyosa
na aking nirerespeto." 1
Gusto kong magsalita, gusto kong humingi ng tulong kay Nikos... pero walang lumabas
na kahit isang salita mula sa akin... dahil wala... wala siyang maaaring gawin.
Suliranin ko ito... tanging sa akin lamang. 1
Umiiling akong may luha sa harapan ni Nikos. Hindi ko na alam ang gagawin ko, para
isang kahindik-hindik na katanungang... sino ang papatayin ko? Ang Prinsesang
bampira o ang libong nilalang sa digmaan?
Hindi na muling nagsalita si Nikos, sa halip ay hinayaan niya akong yumakap nang
mahigpit sa kanya. Buong akala ko ay mapananatili kong gising ang aking diwa ngunit
sa paghigpit ng mga braso ko kay Nikos, unti-unting bumibigat ang talukap ng aking
mga mata hanggang sa lamunin ako ng kadiliman.
STORY CONTINUES BELOW
Nang sandaling nagmulat ako ng aking mga mata, para akong binuhusan nang malamig na
tubig at mabilis akong bumalikwas. Agad hinanap ng aking mga mata ang bintana ng
dimensyon, kasalukuyan nang nasa harap nito si Nikos na kapwa nakakuyom ang mga
kamay.
"Nagsisimula na..." mahinang sabi nito. 2
Nangatal sa aking buong katawan nang bumungad ang digmaang nagaganap sa ibabang
mundo. Nahati ang mga bampira at mga lobo sa magkabilang grupo, walang pakundangan
ang kanilang pagpapatayan.
Ako ang puno't-dulo ng digmaang ito!
Kasalukuyan nang nakasakay sa likuran ng lobo ang prinsesang bampira habang habol
ang mga ito ng mga kalaban mula sa lupa at ere, pilit silang pinuprotektahan ng mga
bampira at lobo na nakapaligid sa kanila, pero may mga atake pa rin na nakaabot sa
kanila. Ilang beses akong halos mapasigaw sa nakikita ko. 2
Dapat may gawin ako, dapat ay hindi ako nanunuod lang nang ganito! Para akong
nanghihina sa bawat ingay ng pana na tumatama sa katawan ng isang nilalang, ang
danak ng dugo, ang sigaw ng karahasan, ang ingay ng mga kabayo, ang mga espadang
nagtutunggali at ang pagtawag sa mga pangalan. 3
"H-Hindi ganito ang nais ko... Nikos..."
"Why?" rinig kong daing ng babaeng bampira.
Nahandusay na ito sa lupa dala ang kamandag na lason mula sa punyal na sumaksak sa
kanyang katawan. Walang makalapit sa kanya dahil kapwa abala ang kanyang mga
kasamahan para protektahan siya laban sa mga kalaban.
Wala siyang tigil sa pagluha kasabay ng dugong lumalabas sa kanyang bibig.
Nanghihina akong pagmasdan ang resulta ng aking desisyon.
"Lumaban ka Lily, huwag na huwag mong ipipikit ang mga mata mo. Utang na loob,
huwag Lily. Huwag, tandaan mo nandito pa kami. Nandito pa kaming mga kapatid mo."
Sigaw sa kanya ng isa sa kanyang mga kapatid. 6
Saksi ako kung paano siya protektahan ng kanyang mga kapatid, kung paano ang mga
ito nagpaulan ng mga salita sa kanya para lamang lumaban.
"P-Paano pa ako bababa? Nanghihina na ang katawan niya..."
"Adam..." muling tawag ng prinsesang bampira. Hindi ipakita ng bintana ng dimesyon
si Adam.
Nasaan siya?
"Lily!" kusang humawak ang kamay ko sa aking dibdib nang makarinig ako ng
panibagong boses na tumawag sa prinsesa nang may mga nakalampas na mga bampirang
nais kitilin ito.
"H-Hindi maaari!" humakbang na ang aking mga paa patungo sa bintana ng dimensyon na
parang magagawa kong abutin ang prinsesa, ngunit apat na babae ang humarang sa apat
na konseho. 1
"Hinding hindi kami papayag!" tumulong muli ang aking luha. Dahil nakikilala ko ang
apat na babaeng ito! Sila ang mga babaeng pinili ng asul na apoy!
Sinubukan nilang lunasan ang lasong lumalamon sa katawan ng prinsesa, hinintay nila
si Adam na sugatan na rin at buhat na ng isang bampira para maitabi kay Lily at
kumuha ng lakas sa isa't-isa. Ngunit sobrang dami na ng tama ng dalawang ito,
nahihirapan na silang lumaban.
Isa lamang ang maaari nilang tulungan.
"Buhayin n'yo siya. Please...choose her instead of me. I love her so much..." hirap
na sabi ni Adam nang marinig niyang isa lang sa kanila ang matutulungan ng mga
itinakdang babae mula sa asul na apoy. 4
"Hindi ganito..." paulit-ulit na bulong ko.
"No, choose him. Choose him instead of me..." giit ni Lily. 1
"Mas malalim ang sugat ko Lily, isipin mo ang mga kapatid mong maiiwanan. Maraming
luluhang mata kapag nawala ka."
"No Adam, you'll die. I'll die, no. Walang pipiliin sa atin. Wala, sasama ako
sa'yo, sasama ako sa'yo."
"Listen sweetheart, mawawala ang lahat nang pinaghirapan nila kapag nawala ka.
Hindi lang ako ang nagmamahal sa'yo. Hindi lang ako, mahal ko." 1
"Adam please, Adam..." 4
Gusto ko nang takpan ang tenga ko habang naririnig ang masasakit na salita ng
paghihiwalay mula sa kanila. Anong klaseng dyosa ako kung hahayaan ko ang ganitong
klase ng paghihirap? Anong silbi ng mga ipinangako ko?
"N-Nikos..." mahigpit akong yumakap sa kanya. "Hindi ko man ito nais sabihin,
ngunit mukhang ito na naman... tumakbo ka... sa malayo... palayain mo ang sarili
mo. Hanggang dito na lang ang aking pagtulong sa'yo..."
"A-Anong-" mabilis kong pinunasan ang luha ko. Kung magawa ko man kitilin si Lily
sa gagawin kong pagbaba, maaari ko siyang buhayin kapalit ang aking sariling buhay.
Mukhang ito na ang aking huling misyon bilang isang dyosa mula sa buwan. Humakbang
na ako papalayo sa kanya at hinayaan ang sarili kong magliwanag taglay ang
simbolismong ako ay isang ganap na dyosa.
Ipinikit ko ang aking mga mata at pilit hinahanap sa ibabang mundo ang presensiya
ni Lily na siyang aking magiging lagusan. Ngunit sa aking paghahanap, ibang uri ng
presensiya ang humihila sa akin pababa. 10
Makapangyarihan...mainit at nakapagpapawala ng tibok ng aking puso... 8
Para ako nitong hininila... isang uri na anyayang aking ikapanghihina o mas higit
dapat sabihing aking ikamamatay sa sandaling hindi tanggapin ng aking presensiya.
Ano ito-- 29
Sa pagtagal ng pagtawag sa akin ng presensiyang ito, sa paggulo ng aking sistema,
tumitindi ang aking pananabik...
Buong puso kong tinanggap ang presensiyang ito pababa sa lupa. Kasabay nang malakas
na pagsabog sa lupa at ang pagmulat ng aking mga mata sa gitna ng digmaan. 3
Naagaw ang atensyon nilang lahat at natulala sa aking kaanyuan, kapangyarihan at sa
aking biglaang pagbaba. Taas noo akong humarap sa kanilang lahat, sa kabila ng
presensiyang isinisigaw ng aking sistema.
Hinahanap... nananabik at tila nangungulila... ano itong nararamdaman ko? 34
"Nalalaman n'yo ba ang ginagawa n'yong lahat?"
"Alam nyo ba ang ginagawa nyong lahat?" unang salitang lumabas sa aking mga labi.
"Sa tingin n'yo ba ay matatapos ang lahat sa walang katapusang digmaan?! Paulit
ulit lang itong mangyayari! Bakit hindi n'yo sila hayaang magmahalan? Dahil may
sarili kayong pinaniniwalaan? Dahil alam n'yong may mga kasalanang muling mabubuhay
kapag hinayaan silang dalawa?! Sa tingin n'yo ba ay pagmamahalan sa pagitan ng
isang lobo at bampira ang dahilan kung bakit unti-unting may naglalahong mga
emperyo? Pagmasdan n'yo ang kabuuang ito! Kayo mismo ang bumubura sa sarili n'yong
emperyo!" sigaw ko.
Hinanap ng aking mga mata si Lily at Adam, gamit ang aking sariling kapangyarihan,
nilunasan ko ang pisikal na sakit na kanilang nararanasan.
"Gumising kayo sa sarili n'yong kahibangan!" sinubukan kong payanigin ang lupa para
iparating ang aking kapangyarihan.
Alam kong limitado lamang ang kapangyarihan ng mga dyosang katulad ko sa mundong
ito, ngunit tila may pinanggagalingan ang aking kapangyarihan. 1
Saan? 32
Hinayaan ko ang sarili kong nakalutang sa pagitan ng biyak na lupa, sa gitna ng
magkatunggaling grupo.
"Hinding-hindi namin isusuko ang Parsua! Dadaan muna kayo sa bangkay naming lahat
bago nyo makanti ang aming emperyo!" sigaw ng isang bampira mula sa grupo ni Adam
at Lily.
"Tumigil na kayo!" muli kong sigaw, hindi ba ang mga ito nakakaintindi ng
kagustuhan ko? Hindi ba nila nalalaman na higit akong makapangyarihan sa kanila? 1
Pansin ko ang kalituhan sa mga mat ani Lily, maging ako ay hindi ko alam ang
kasagutan. Dapat ay katawan niya ang gamit ko.
"Itigil na ang digmaang ito, huwag n'yong hayaang mabulag kayo sa maling paniniwala
at hahantong sa walang katapusang kamatayan!" malakas na ulit ko.
"Hindi siya dapat paniwalaan! Dyosa lamang siya ng mga lobo! Wala siyang pakialem
sa ating mga bampira! Wala kang karapatang magmarunong sa aming lahat!" pagtutol ng
isang bampira mula sa kabilang grupo.
Bibigyan ko sana ito ng atensyon, ngunit napako ako sa aking posisyon nang makita
ng aking mga mata ang pagdanak ng dugo nito. Humiwalay ang katawan nito sa kanyang
ulo...
Mula sa atake ng isang bampira na may mga matang may mga titig na nakapang-
aangkin... 41
"Huwag na huwag mong pagtataasan ng boses ang aking reyna."
Chapter 12 11
Hangin
"Huwag na huwag mong pagtataasan ng boses ang aking reyna." 38
Kanyang tinig na bago sa aking pandinig, bantang may dalang karahasan at salitang
nakapapaminsala sa dumadaloy na buhay ang dapat mamayani sa mga binitiwan nitong
kataga. Ngunit huling dalawang salita'y tila nagdala ng kalituhan sa aking puso at
isipan. 4
Ang kanyang mga mata'y tila uri ng apoy na handang tumupok sa kahit anong bagay na
hamplusin nito. Ang kanyang paraan ng pagliliyab ay animo'y nakamamatay sa
nakapaligid, naghahangad ng pagyuko na dapat katakutan at kapangyarihang dapat
tingalain. Ngunit ang mga mata niya sa mga mata ko'y may hatid na ibang uri ng
panganib. 8
Kakaibang uri ng pagliliyab na tila ako lamang ang nakadarama. Sino ang lalaking
ito na may mga matang nagsusumigaw ng pagka-uhaw? 8
At ang marinig ang katagang, aking reyna... 21
Nagawang mag-iwas ang aking mga mata mula sa lalaking bampira nang matagpuan ang
daang bampira, lobo at ilan pang mga nilalang na unti-unting lumuluhod sa akin.
Ngunit sa bawat pagluhod ng mga ito, iisang nilalang lamang ang nanatiling nakatayo
na hanggang ngayon ay hindi mag-alis ng paninitig sa akin. 3
Hindi ito ang inaasahan kong mangyayari, ang mga lobo ay may dahilan pa para
igalang at luhuran ako, ngunit ang makitang maging ang ibang nilalang ay gawin ito
para sa akin-ano ang-
Natigil ako sa pagtatanong sa aking sarili at unti-unti kong muling ibinalik ang
mga mata sa bampira at muling pinurosesa ang mga katagang huli niyang sinabi.
Pumasok sa alaala ko ang istorya ng unang dyosa na bumaba rito. Na kung sinong
nilalang ang mapapares sa isang dyosa ay magkakaroon ng higit na kapangyarihan sa
lahat na siyang maaaring maghari sa mundong ito. 9
Gusto kong umiling sa kanilang lahat. Nagkakamali sila... hindi ako- 4
Ngunit nagpatuloy pa rin ang sunod-sunod nilang pagluhod. Hindi ako ang inyong
reyna, hindi ako maaaring ipares sa isang bampira at lalong wala akong
nararamdaman- 6
Muling akong natigil sa pagdiskusyon sa aking sarili nang bumalik sa aking isip ang
ginawa ko simula nang makababa rito sa lupa. Siya-sa kanya ako kumukuha ng
enerhiya, siya ang dahilan kung bakit ako nakababa, dahilan kung bakit hindi ko
nagawang sirain ang katawan at kitilin ang buhay ni Lily para lamang makababa rito.
Hindi ang presensiya ng Glaoch sa katawan ni Lily ang sumuporta sa akin, kundi ang
lalaking bampirang ito. 6
Hindi na mawala ang kalituhan sa aking kaanyuan habang pinagmamasdan ang bampira, o
tamang sabihin na hari, dahil ito ang tawag sa kanya ng ilang mga bampira.
Siya ang dahilan kaya nagagawa kong gamitin ang kapangyarihan ko bilang dyosa ng
walang restriksyon. Ang kanyang presensiya...
Nang sulyapan ko si Lily ay naluluha itong nakatitig sa akin. Yumakap ito kay Adam
na nagpalambot sa puso ko.
Nagtagumpay ako, natigil ang digmaan, magkasama na ang pagmamahalang buong puso
kong isinugal, ilang taong pinaglaban at araw-araw na pinagdasal ng isang magandang
katapusan.
Ito ako, isa lamang akong hamak na dyosang may dalang pag-ibig. Wala akong
karapatan para magtamasa ng ganito, dahil ako'y isinilang para maglingkod sa pag-
ibig hindi para maranasan ito. 7
Sinubukan kong ipikit ang aking mga mata para magpaalam. Ngunit ang huling bitaw ng
kanyang mga salita'y tila uli ng tali na pilit akong hinihila patungo sa kanya.
"I've been waiting for you, My Queen." 88
Ang grupo ng mga bampirang nasa kaliwang bahagi ng malaking bitak ng lupa ay
nagsisimula nang maglaho at bumalik sa kanilang mga emperyo. Ngunit ang kakaunting
bilang ng mga bampira sa kanang bitak ng lupa'y tila nais maging saksi nang unti-
unting paglapit sa akin ng kanilang hari. 6
STORY CONTINUES BELOW
"Ating bigyan ng pribadong oras si Haring Dastan at ang kanyang reyna!" anunsyo ng
isang bampira. 22
Matataas na halaman ang dahan-dahang humarang. Hinayaan ko ang aking mga paa na
lumapat sa lupa at itigil ang pagliliwanag ng aking katawan. 12
Narinig ko ang yabag ng mga kabayo, lobo at iba pang nilalang na papalayo na sa
amin. 1
Sa malawak na lupain na puno ng iba't-ibang nilalang na walang buhay, mga espadang
naliligo sa dugo, mga pana na may hatid na lason, mga kalasag at mga uri ng
kangyarihan na nakapananakit...
Aming landas ay nagtagpo... 4
Sa pagliit ng aming pagitan, sa paglakas ng pintig ng puso, tila gumagawa ito ng
kakaibang musika na kailanman ay hindi ko natuklasan sa mundo ng mga dyosa.
Tila ang haring ito'y uri ng sining na dapat kong pag-aralan, ngunit ako'y isang
uri ng dyosang may tungkulin at hindi nakaukit sa kasulatan ng buwan na pag-aralan
ang sining na taglay ng bampirang nasa aking harapan. 2
Oh punyal mula sa buwan... tila ang kanyang mga hakbang patungo sa akin ay higit pa
hiwang bumubulong ng hinagpis. Bakit puso'y tila naiipit ngunit naghahangad pa
rin... 5
Natigil ang kanyang mga hakbang at ang espasyo sa pagitan nami'y tila umuubos sa
aking hangin.
Walang ngiti, walang mga salita ngunit ang mata'y higit na sumisigaw...
pangungulila, pang-aangkin, pananabik at higit sa lahat ang init na tila humahalo
na sa hangin. 5
Banayad na humaplos ang hangin, tangay ang maliliit na dahon mula sa gumagapang na
halaman ngunit 'di nito nagawang maputol ang kanyang mga titig.
Nag-iwas ako ng tingin sa hari at kusang humakbang paatras ang aking isang paa. 1
"Ang 'yong mga mata'y nagkamali sa pagkilala..." ang aking mga salita'y
sinasalungat ng bawat tibok ng aking puso. 2
Mga paa'y sa unang pagkakataon ay nais gumawa ng pagta-traydor upang humakbang
patungo sa kanya. 3
"Kung ganoon'y malugod kong tatanggapin ang pagkakamali ng aking mga mata..." 41
Sa hindi maipaliwanag ay lumukso sa tuwa ang aking puso dahil sa mga salitang
kanyang binitawan.
Oh punyal mula sa talim ng buwan, ang bampirang ito'y sinusubok ang aking emosyon
at damdamin. 6
Nanatili itong hindi gumagalaw, sa halip ay matikas itong nakatindig habang ang mga
kamay ay kapwa nakatago sa kanyang likuran. Aking mga mata'y nasanay lamang sa
iisang lalaking imahe ay hindi inaasahang higit na humahanga sa kanyang kaanyuan. 1
Umiling ako sa kanya, nais kong ipaalala sa kanya na isa akong dyosa na may
responsibilidad, hindi ako ang reynang kanyang tinutukoy. 1
"Ngunit hindi ko nais na tanggapin mo ang ganitong uri ng pagkakamali, posibleng
nagkaroon lamang ng-" natigil ako dahil maging ako ay walang maisip na dahilan sa
nararamdaman naming ito.
Dahil alam kong wala akong alam na salitang maaaring idahilan sa kanya, pinili kong
takbo at iwan ang hari. Ang kagubatan ang unang tumama sa aking mga mata, dahilan
kung bakit ako nagtungo rito. 4
Inakalang ang aking kapangyarihan ay magagawang maghiwalay sa akin mula sa kanya,
hinayaan ang sariling humimpil sa likuran ng isang malaking puno, sapo ang aking
dibdib na tila napipiraso sa distansyang aking ginawa mula sa kanya.
Ngunit marahas akong napahugot ng paghinga nang maramdaman ang kanyang presensiyang
lumalapit sa akin mula sa aking likuran. 6
Umiling ako at muling tumakbo mula sa sumunod na puno, ngunit sa pagkakataong ito'y
hindi na siya nagparamdam mula sa likuran dahil tuluyan na akong naharang sa
pagitan ng malaking puno at ng mismong hari. 5
STORY CONTINUES BELOW
Walang salita ang namayani sa amin, sa halip ay nagpatuloy ako sa pagtakbo patungo
sa mga puno at paulit-ulit na pagkakahuli mula sa kanya. Hindi niya ako pinipigilan
at hinahayaan niya akong tumakbo, pero hindi rin ito tumitigil na habulin ako. 22
Sa huli, ako ang unang napagod... hindi ugali ng katawan ng diyosang mapagod,
ngunit ang gawing paglayo sa kanya ay tila uri ng pag-ubos ng aking lakas. 2
Hawak ko ang aking dibdib habang habol ang aking paghinga, pumapatak ang pawis mula
sa aking noo habang patuloy ang mga mata namin sa titigan.
"Tila ang aking reyna'y nangangailangan ng hangin..." hindi nagawang kumilos ng
aking mga paa nang saglit abutin ng hari ang ilang hibla ng aking buhok. 53
At nang sandaling maglapat ang kanyang mapulang labi sa dulo ng aking buhok, sa
kanyang bahagyang nakayukong katawan at isang kamay na nasa likuran, tila isa
maihahalintulad ko ang aking sarili sa isang nauupos na kandila. 6
Ang kanyang mga matang nakapikit habang ang dulo ng aking buhok ay nasa kanyang mga
labi, ay nagdala sa akin ng isang uri ng pag-aasam... 1
Nang sandaling tumindig nang tuwid ang hari at bitawan ang hibla ng aking buhok,
agad akong nakaramdam ng kalungkutan... ano ito, Leticia? 8
Hindi ko na nagawang kontrolin pa ang panlalambot ng aking tuhod sa uri ng
damdaming ito, ramdam ko ang unti-unting pagbagsak ng aking katawan ngunit naging
maagap ang hari dahil agad yumakap ang kanyang mga braso sa akin. 5
Nagsilbing gabay ang kanyang buong katawan sa nanghihina kong katawan, dito na
marahil nagsisimula ang naging epekto ng aking pagbaba o di kaya ay ang maling
nararamdamang ito?
Pilit kong inangat ang aking paningin sa hari at kusa kong inangat ang aking mga
kamay para hawakan ang kanyang mga pisngi.
"Naninikip ang dibdib ko, ang hangin ko'y unti-unting nauubos..." bulong ko sa
kanya na halos magdikit ang aming mga labi. 3
"Dahil hindi ka pa handang tanggapin ako... sa mundo ito'y ako ang 'yong hangin..."
9
"Mali..." nahihirapang sagot ko.
"Hayaan mo ako... At paluluguran kita ng aking hanging para lamang sa'yo, mahal
ko..." 42
Umiling ako at pilit inihiwalay ang sarili sa kanya. Muling tumakbo at hinanap ang
presensiyang magbabalik sa akin sa buwan.
Natapos ang digmaan sa pagitan ng mga iba't-ibang imperyo sa hindi ko inaasahang
dahilan. Wala ito sa aking plano at lalong hindi ko ito inaasahan.
Nakarating na ako sa mataas na talampas para muling umalis matapos ang digmaan,
ngunit alam kong nakasunod pa rin ang Hari ng Sartorias sa akin.
"Isa akong dyosa, nagkakamali ka Mahal na hari. Naririto lamang ako para itigil ang
digmaan." Tuluyan na akong humarap sa kanya at pilit ginamit ang aking natitirang
lakas.
Ngunit ang kanyang presensiya at ang matinding epekto sa aking buong katawan ay
nagsisimula nang sumalungat sa aking mga salita. Mas lumalakas ito habang
tumatagal. Ang kanyang mga matang nangungusap at ang paraan ng kanyang pagtitig ay
simula na ng aking trahedyang pagbagsak.
Hindi sumagot ang Hari ng Sartorias, sa halip ay umihip ang banayad na hangin
dahilan kung bakit sumayaw ang aking mahabang buhok.
"Nawa'y maging maayos ang 'yong panunungkulan, Mahal na Hari." Hindi na ito
nagbigay ng emosyon sa aking harapan, sa halip ay nagsimula itong humakbang
papalapit sa akin.
Buong akala ko ay sa mismong harapan ko ito magtutungo, ngunit lumampas ito at
tumapat lamang sa akin habang nakatanaw sa kalawakan ng kapaligiran kung saan
nakadungaw ang talampas.
Nasa likuran ang mga kamay nito at mas pinili nitong hindi na ako pagmasdan.
"Nawa'y hindi ka bumalik sa inyong mundong dala'y kasinungalingan, aking dyosa." 1
"Kahit kailan ay hindi ako magdadala ng kasinungalingan, Mahal na Hari." 8
"Ngunit ang 'yong mga mata at mga salita ay magkasalungat. Ang 'yong mga mata'y
nais ako ngunit ang 'yong mga salita'y pinagkakaila ako." 6
"Nagkakamali ka mahal na hari," mabilis na sagot ko.
Muling humarap sa akin ang hari at sa pagkakataong ito ay ginagawaran niya ako ng
titig na may kawilihan.
"Kung ganoon, ako ang 'yong unang kasinungalingan, aking mahal." Tuluyan na akong
napasinghap sa sinabi ng Hari ng Sartorias. 3
"Nagkakama-" hindi na ako binigyan pa ng pagkakataon ng Haring muling salungatin
ang kanyang mga salita.
Natagpuan ko ang sarili kong gahibla ang distansya sa mula sa kanya na nagniningas
ang mga mata, ang kanyang mga kamay sa aking magkabilang pisngi at ang kanyang
mainit na paghinga na unti-unting tumutunaw sa akin.
Hindi ko na nais tumakbo pa...
"Nais ako ng 'yong mga mata, itinatanggi ako ng 'yong mga salita ngunit-"
nagsimulang humaplos ang kanyang ilang daliri sa aking mga labi. "Ang ating mga
labi'y kapwa nauuhaw, aking mahal." 38
Kahit saglit ay hindi nagkaroon ng lakas pumiglas ang aking buong sistema, lalo na
nang sandaling lumapat ang kanyang mga labi sa akin. 3
Halik ng isang haring katumbas ng isang malinis na ilog na may banayad na pagdaloy,
na nanaisin kong habang-buhay na maanod. 2
Pinakawalan ng hari ang aking mga labi kasabay ng paglukso ng dibdib kong sumisigaw
ng agad na pangungulila. 3
"Hahayaan kitang kumawala sa akin sa panahong ito, ngunit sa muli mong pagbaba sa
mundong ito, habang buhay ka nang aangkinin ng Hari ng Sartorias." Marahan nitong
hinaplos ang aking buhok bago ako makaramdam nang biglaang pagtulak dahilan kung
bakit unti-unting bumulusok ang aking katawan mula sa talampas. 28
"Hanggang sa muli, aking dyosa." 10
Mali man sa aking isipan, pinagpatuloy ko ang pagpikit ng aking mga mata habang
bumubulok ang aking katawan.
At ipagpatuloy ang isang uri ng halik bago ang aking huling sandali bilang isang
malayang dyosa.
Chapter 13 4
Pagbabalik 30
Sa mundong namulat na sa iisang pananaw, kumilala ng iisang kasalanan, nagsarado ng
eksplanasyon para magbigay ng pangalawang pagkakataon, nagpikit ng mga mata upang
mapanatili ang pinaniniwalang kalinisan at gumawa ng napakaraming musikang nang-
iiwan ng katotohanan...
Ano ang laban ng nag-iisang nilalang na tumayo para magbukas ng bagong daan? Ano
ang silbi ng nag-iisang tinig sa ilang libong taong boses na may iisang isinisigaw
at pinaniniwalaan? Anong kapalaran ang nararapat sa dyosang sinubukang putulin ang
walang katapusang kalupitan na pilit ipinagsasawalang bahala sa paglipas ng mga
taon?
Marahas akong pinaluhod ng mga mandirigmang dyosa sa ginta ng gintong bulwagan sa
harap ng libong mga dyosa mula sa iba't-ibang panig ng mundo.
Napuno ng sigawan at mga salitang kaugnay ang salitang pagtataksil ang buong
bulwagan.
"Leticia, alam mong mahigpit na ipinagbabawal ang pagpapares sa isang bampira at
lobo!" sigaw ni Dyosa Evelyn.
"Isang kapangahasan! Hindi ka na ba nadala sa dalawang emperyong naglaho dahil sa
kagagawan mo?!" sigaw din ni Dyosa Victoria. 1
Alam kong maibabato sa akin ang sisi tungkol sa bagay na ito, matagal ko nang
tinanggap na kung kakalabanin ko ang sumpa ng unang dyosa, hindi ko maiiwasan na
makasalubong pagsasakripisyo, isa na nga ay ang dalawang emperyo.
Hanggang ngayon ay pinagsisihan ko pa rin ang nangyaring paglaho ng mga ito, pero
matapos akong dalawin sa aking panaginip ng dalawang pares na siyang una kong
isinugal, nagkaroon ako ng pag-asa na hindi tuluyang nawala ang mga emperyong ito.
5
May hiwaga pa rin sa likod ng sumpa ng unang dyosa na hanggang ngayon ay
naghihintay sa isang nilalang na maglalakas ng loob tuklasin ito. 4
"Ngunit tama pa ba ito? Hindi na natin kailangan pang ipagpatuloy pa ang lamat ng
nakaraan, kung mayroon naman tayong kasalukuyan na higit maaari natin harapin.
Patuloy na kalupitan sa dalawang magkabilang lahi lamang ang ating pinagyayaman, sa
halip na magmahalan ay nagbibigay ng karahasan ang sumpang iginawad ng unang
dyosa."
"Kinukwestiyon mo ba ang desisyon ng pinakamalakas na dyosang isinilang sa mundong
ito, Leticia?"
Napuno ng bulungan ang buong bulwagan sa tanong ni Dyosa Evelyn.
"Kailanman ay hindi ko kinuwesyon ang desisyon ng pinakamalakas na Dyosa at
siguro'y kung ako ang nasa kanyang posisyon ng mga panahong 'yon ay naggawad din
ako ng parehong sumpa. Ngunit ang nais ko lamang iparating ay ang hindi pagiging
angkop nito sa kasalukuyan, siguro'y malaki ang naging tulong nito sa nakaraan
ngunit iba ang nakaraan sa kasalukuyan. Hindi niya ba naiisip ang mga nilalang sa
ibaba ng mundong ito na naaapektuhan ng pinanatili nating batas? Bilang dyosa ng
buwan, tungkulin kong gumawa ng magandang pag-ibig at wala rito ang restriksyon!" 2
Muling napuno ng sigawan ang bulwagan sa hindi pagsang-ayon ng mga dyosa sa mga
sinabi ko, maging ang matataas na dyosa na nakatayo na mula sa kanilang mga trono
dahil sa tindi ng aming usapan.
"H-Hindi kaya---" hindi natapos ni Dyosa Victoria ang kanyang sasabihin, muntik pa
itong mawalan ng panimbang kung hindi inalalayan ng dalawang dyosa na nasa kanyang
tabi.
"N-Ngayon ay nagiging malinaw sa akin ang lahat..." tinanggal nito ang pagkaka-
alalay sa kanya ni Dyosa Evelyn at Dyosa Emma.
"Nakukuha ko na ang pinaglalaban ni Leticia!" saglit akong nabuhayan ng loob nang
marinig ang sinabi ng dyosa. Naiintindihan niya na ba ako?
Sa gilid ng aking mga mata ay nakikita ko si Hua at Dyosa Neena na kasalukuyang
lumuluha habang pinagmamasdan ang sitwasyon ko. Lumingon ako sa kanya para bigyan
siya ng ngiti at ipahiwatig na magiging maayos ang lahat ngunit ang malakas na
boses ni Dyosa Victoria ang nagpatigil sa akin para isipin pa ang kaayusan.
STORY CONTINUES BELOW
Nagkamali ako, walang makakaintindi sa nais kong ipaglaban. Dahil bulag na silang
lahat, takot na ang mga ito sa pagbabago at sarado ang isipan ng mga ito para sa
bagong reyalisasyon.
"Mga mandirigmang dyosa! Ilabas ang salamin ng kalinisan!" 3
Mas lalong lumakas ang ugong ng bulungan ng mga dyosa nang marinig ang bagay na
gagamitin sa akin sa harap nilang lahat. Nangatal ang buo kong katawan, hindi
maaari... mali ang naiisip nila.
"Dyosa Victoria! Nagkakamali ka-" hindi ko natapos ang anumang aking sasabihin.
Dahil tatlong malalaking salamin na nakasisilaw ang iniharap sa akin, ipinikit ko
ang aking mga mata, hindi ko magawang igalaw ang mga kamay ko dahil sa pagkakatali
nito at ang tangi ko lamang nagawa ay bahagyang iiwas ang aking katawan.
Halos magunaw ang buong bulwagan sa matinding uri ng pagkakagulat na inihatid ng
salamin ng kalinisan sa kanilang mga mata.
Ang kakayahan ng salaming ito ay para makita kung malinis pa ang isang dyosa mula
sa kamay ng isang lalaki. Kahit simpleng paghawak lamang ng lalaki sa isang dyosa
ay may kaakibat na lamat sa mga salamin. 2
Ngunit hindi lamang saglit na paghawak ang aking natanggap... kundi halik... mainit
at nakapanghihinang halik mula sa Hari ng Sartorias...
Sabay-sabay nabasag ang tatlong salamin sa harapan nilang lahat. Biglang nagkaroon
ng malakas na hangin na halos tumangay sa aking katawan.
Mariin itasak ng mga mandirigmang dyosa ang kanilang mga espada sa lupa para
maalalayan ang kanilang mga sarili, humawak sa kanilang mga upuan ang mga dyosang
nanunuod at gumamit ng kapangyarihan ang tatlong matataas na dyosa para mapanatili
ang kanilang pagtayo.
Nanlalaki ang mga mata kong napatulala sa mga salamin, paanong ganito katindi ang
epekto ng kanyang halik sa salamin ng kalinisan? Mababasag lamang ito kung higit sa
halik ang nagawa ng lalaki sa isang dyosa. 23
Anong klase ng halik ang iginawad sa akin ng Hari ng Sartorias para itanggi na ako
ng mga salamin bilang isang dyosa? Tanging halik lamang ito ngunit hindi na ako
nais tanggapin ng salamin na siyang isa sa kumikilala sa amin.
"Leticia..."
"May relasyon si Leticia at ang bihag na lalaki!" sigaw ni Tatiana. 96
Lalong nagulo ang buong bulwagan sa isiniwalat nito, pilit naming lahat itinago ang
kasarian ni Nikos para wala nang anumang impormasyon ang kumalat sa Deeseyadah,
ngunit bakit kailangan niya pang sabihin ito?
"Nagkakamali kayo, hindi-" patuloy ako sa pag-iling sa kanilang lahat.
"Ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit sobra ang dedikasyon mo para makuha siya,
Leticia! May relasyon kayo ng bihag! At nagawa mo pang ibigay ang sarili mo, ikaw
na isang dyosa!" tuluyan na akong lumuha sa sinabi ni Tatiana. 31
"Maduming uri ng dyosa..." 1
Pinaulanan ako ng masasakit na salita sa buong bulwagan. Kung gaano ako kadumi at
kung paano ko sinira ang reputasyon ng mga dyosang katulad ko, isang malaking
pagkakamali at mababaw ng uri ng nilalang.
Sa malayo ay tanaw ko ang nag-iisang nilalang na nakatakip ang mukha at nakatungo
sa likuran ng mga dyosa. Si Nikos.
Paulit-ulit akong umiiling habang lumuluha, huwag na huwag siyang magpapakita.
Hanggang dito na lang ang kaya ko, ito na siguro ang hangganan ko.
Bago pa man ito makalapit sa akin ay nasabihan ko na si Hua na tulungan ito at
pigilan na muling makalapit sa akin.
Hindi ko alam ko kalayaan na ba para sa kanya ang ginawa kong ito, ngunit ang
makasama siya nang napakaraming taon ay hindi-hindi ko makakalimutan, siya ang
aking naging gabay at hinding-hindi ko pagsisihan ang ginawa kong pagtulong sa
kanya.
STORY CONTINUES BELOW
Tapos na ang misyon naming dalawa na magkasama, ngayon ay maaari na siyang tumuloy
mag-isa, sa nag-iisang misyon na ipinasa sa kanya ng bampirang kanyang sabay na
kinamumuhian at hinahangaan. 3
"Sige na, Nikos... mas malayo pa ang mararating mo... malayo pa. Sige na..."
"Bilang nakatataas na dyosa at saksi ng kanyang kapangahasan para sirain at
dungisan ang pinangangalagaang reputasyon at pamumuhay ng mga dyosa. Ngayon araw na
ito! Sa harap ng napakaraming dyosa ng Deeseyadah! Pinapatawan ko si Jewellana
Leticia ng habang-buhay na pagkakakulong!" 16
Napayuko na ako sa lupa at hinayaan ang sariling lumuha. Tanggap ko na ang bagay na
ito, inaasahan ko na ang magiging resulta ng aking mga desisyon, pero ang sakit pa
rin, sobrang sakit.
Na alam mong tama, alam mong makabubuti sa lahat pero dahil naiiba ka, dahil hindi
ka naaayon sa lahat, ikaw ang mali, ikaw ang may sala. Ikaw ang makasalanan kahit
ginawa mo ito mula sa'yong malinis at malinaw na intensyon. 7
"Sa salang pagmamaliit sa unang dyosa, pagpapalaya sa bihag, pakikipagrelasyon at
higit sa lahat pagbibigay ng sarili na labag sa patakarang pang-dyosa, walang
kapatawaran, walang respeto, nararapat lang ikulong at hindi na maging halimbawa
pa."
**
Mainit na paglandas ng mga luha, samyo ng hanging banayad, sayaw ng mga piraso ng
bulaklak, huni ng mga ibon, kumpas ng mga puno, bulong ng mga ilog, patnubay ng mga
bundok at walang katapusang yakap ng liwanag-mundong may gandang nakakubli'y sa
akin ay nangangalit.
Mundong aking pinaglingkuran, ako ngayo'y handang talikuran. 3
Aking paniniwala'y inakalang kataksilan, aking hinihiling na kapayapaan, paglabag
sa batas ang mariing tiningnan.
Ang aking di masukat na katapata'y-isang iglap ay isinabahala. 5
Ako ngayo'y walang saysay, ako ngayo'y nakakulong, tinanggalan ng kapangyarihan,
tinanggalan ng katungkulan.
Isang dyosang inakusang nais umangkin sa karapatang kalabisan.
Ang tanging nais ko lamang ay tumulong at tuldukan ang digmaan, ngunit hindi ko
inaasahang may mas malaking dahilan kung bakit nais ng pagkakataong ako'y bumaba sa
lupa at pumagitna sa digmaan.
Pumatak muli ang aking mga luha at mas dumiin ang aking mga yakap sa aking binti
habang nananatili akong nasa loob ng isang gintong kulungan sa gitna ng mahinahong
kagubatan na napalilibutan ng mga punong ay may maliliit na dahong kulay rosas at
puti.
Ilang taon na akong nakakulong dito sa kasalanang ipinaratang sa aking hindi
nararapat.
Pinunasan ko ang aking mga luha nang makarinig ako ng yabag, ilang taon na akong
walang nakakausap na kahit anong nilalang, maging si Hua ay hindi hinahayaang
lumapit sa akin.
Pilit kong pinaglinaw ang aking mga mata sa imahe ng dyosang papalapit sa aking
kulungan, hinawakan ko ang aking gintong rehas para mas lumapit sa paparating ng
dyosa at nanghihinang gumuhit ang ngiti sa aking mga labi nang makita si Dyosa
Neena.
"Dyosa Neena..."
"Leticia..."
Agad siyang napaluha at lumuhod sa aking kulungan, hinawakan niya ang aking mga
kamay.
"Patawad at ngayon lamang kita nadalaw." Umiling ako sa kanya na may ngiti sa aking
mga labi.
"Nagagalak ako at d-dinalaw mo ako rito..." marahan niyang hinaplos ang aking
pisngi.
"Patawad dahil hindi kita nagawang ipagtanggol..."
"Wala kang dapat gawin Dyosa Neena at lalong hindi ko nanaisin na madamay ka sa
akin." Sa pagkakataong ito ay siya naman ang umiling sa akin.
"Naririto ako para sagutin ang katanungang alam kong matagal nang bumabagabag
sa'yo... ang pagkabasag ng salamin ng kalinisan..."
"Dyosa Neena, hindi ko-" ngumiti siya sa akin.
"Alam ko Leticia... alam ko... at hindi man lang kita nagawang ipagtanggol."
Humagulhol ito ng pag-iyak sa harapan ko.
"Anong ibig mong sabihin, Dyosa Neena?"
"Leticia, minsan ka nang lumuha sa aking balon dala ang isang matinding hinagpis."
Nalilito akong tumitig sa kanya.
"Hindi kita maintindihan, Dyosa Neena... sinasabi mo ba na minsan ay hiniling kong
mawala ang aking alaala?"
Tumango siya sa akin. "At ang kaalamang ito ay maaaring tumulong sa akin noon para
hindi ako makulong?"
"Hindi. Dahil kahit anong eksplanasyon ay hindi nila tatanggapin noon man o
ngayon." Biglang sabat ni Hua na lumabas gumapang mula sa likuran ni Dyosa Neena.
"Ngunit ano ang nakapaloob sa aking luhang ibinigay sa balon?"
Tinanggal ni Dyosa Neena ang kanyang dalawang kamay sa aking kamay at marahan
niyang inabot ang aking magkabilang pisngi. Dahan-dahan kong ipinikit ang aking mga
mata nang naglapat ang kanyang labi sa aking noo.
Kasabay nang mainit na paglapat ng kanyang labi ay ang unti-unting pagbalik ng mga
alaalang minsan kong ninamnam at dinala sa aking puso...
Kapwa naglandas ang mga luha sa aming mga mata habang mas lumilinaw ang aking mga
alaala.
"Magbabalik ako, ika'y aking magiging hari at sabay nating itatama ang lahat ng
pagkakamali ng mundong ito..."
"At ika'y aking magiging reyna..."
"Hindi sa pagitan ng usok t apoy..."
"Kundi sa haplos ng ating mga labi... ako'y maghihintay..."
"Hindi nabasag ang salamin dahil hindi ka na malinis na dyosa, kundi nabasag ito
dahil hindi ka na kaya nitong angkinin bilang kanyang dyosa, dahil... may iisang
nilalang na lamang ang maaaring umangkin sa'yo." 74
Paliwanag ni Dyosa Neena, bumalik ang aking mga alaala kasama ang Dyosa ng Asul na
apoy at ang sumpa nito, ang mga nakita ko na nagpaluha sa akin...
"Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin ito, ngunit mula sa bintana ng dimensyon,
ang lalaking iyong kapares ay kasalukuyang lumalaban sa isang matinding karamdaman
na maaaring maging dahilan ng kanyang pagkamatay, tanging ang iyong presensiya
lamang ang kanyang kailangan..." 68
Suminghap ako sa sinabi ni Dyosa Neena.
"A-Ang aking hari'y may karamdaman?" tumango siya sa akin. 35
Wala sa sarili akong napahawak sa aking mga labi at nasambit ang kanyang pangalan.
Ako'y darating aking hari. 8
"Dastan..."
Chapter 14 +
Pagdating 34
Hindi ko alam kung ano ang ginawa ni Dyosa Neena para hayaan siya ng matataas na
dyosa na kausapin ako ng matagal, pero malaki ang pasasalamat ko sa kanya dahil
ibinalik niya ang mga alaala ko.
"Kung nais mong malaman kung bakit hindi ko agad sinabi ang bagay na ito-" umiling
ako sa dapat sasabihin ni Dyosa Neena at hinawakan ang kanyang mga kamay sa pagitan
ng gintong mga rehas.
"Dahil alam kong kilala mo ako, mas pipiliin kong lumipas muna ang mga taon at
hayaang pagdusuhan ang mga ginawa ko. Oo, tamang nagawa kong tuldukan ang bawal na
pagmamahalan sa patigan ng lobo at bampira, ngunit ang mga naunang paglalaho ng mga
emperyo ay totoong kasalanan ko. Nais kong pagbayaran ito..."
Tumango sa akin si Dyosa Neena.
"Ngunit ngayong bumalik na sa akin ang mga alaala, nais kong tuparin ang aking
pangako. Nangako akong magbabalik ako..."
Nakaramdam ako ng kirot sa aking dibdib nang saglit na bumalik sa akin ang
magandang imahe ng bampirang babae na nagngangalang Elizabeth. 7
Binitawan ko ang mga kamay ni Dyosa Neena, naupo sa aking kulungan at niyakap ang
aking mga binti.
"A-Anong nangyari sa dalagang pinangakuan niya? P-Paano niya ako nakilala? Kapwa
kami ginawaran ng sumpa ng Dyosa ng asul na apoy."
Naupo na rin si Dyosa Neena at sumandal ito sa aking kulungan.
"Isa lamang ang paliwanag Leticia, higit na malakas ang koneksyon n'yo sa isa't-
isa. At kung nangyari man ang sumpa ng asul na apoy na magmamahal ang hari sa ibang
babae, nabigyan lamang ito ng pagkakataon dahil sa inyong malaking distansya at sa
pagbura ng inyong mga alaala." 2
Dumiin ang yakap ko sa aking sarili at mas itinago ko ang aking mukha sa aking mga
tuhod. Nangako akong magbabalik, ngunit ng sandaling magkita kami ang nais ko lang
ay tumakbo sa kanya.
"Nakilala niya ako... habang ako'y kalituhan lamang ang namayani sa akin. Ngunit
hindi ko maitatangging may bumubulong sa puso ko nang sandaling..." nakagat ko ang
aking pang-ibabang labi.
"Siguro'y dahil pilit mo siyang kinalimutan mula sa sakit." Hindi ako makasagot sa
sinabi ni Dyosa Neena.
Determinado na akong bumalik sa lupa at tuparin ang aking panibagong pangako,
ngunit mukhang nakakalimutan kong isa nga pala akong bilanggo.
"Ngunit may isa pang dahilan kung bakit mas nauna siyang makilala ka, Leticia..."
nag-angat ako ng paningin kay Dyosa Neena.
Mas lumapit sa akin si Dyosa Neena, ngumiti ang kanyang mga labi at marahan niyang
inabot ang aking pisngi.
"Mas higit ang pagmamahal ng hari sa'yo, Leticia..." 98
Lumukso ang dibdib ko sa mahinang bulong ni Dyosa Neena sa akin. Gusto kong
maniwala, gusto kong ngumiti at magdiwang... ngunit pinipigil ito ng imahe ng
babaeng ginawaran ng hari ng higit pa sa halik. 30
"Ipinakita ng iyong mga alaala, Leticia, ang galit sa mga mata ng Dyosa ng asul na
apoy, ngunit kung ako ang tatanungin ay higit pa rito ang nais niyang iparating.
Ika'y ipinares niya sa nilalang na tulad mo'y may hangaring kay linis at kung
anuman ang ginawa niya ay nasisiguro kong-" ako ang tumapos sa sinabi ni Dyosa
Neena.
"Maaaring palabas lamang na siyang hindi sinubukang linawin sa akin ni Hua."
Sumulyap ako sa kaibigan kong langgam na nananatiling tahimik.
Tumango si Dyosa Neena. Matagal ko itong naisip nang minsang magtalo kami ni Hua,
na ginawa lamang ng Dyosa ng asul na apoy ang sumpa para hindi ako pag-initan ng
mga nakatataas na Dyosa at maipagpatuloy ko ang aking misyon sa mundong siyang
dapat humulma sa akin.
STORY CONTINUES BELOW
Ginawa niya lamang ito para maihanda ang aking sarili sa takdang panahon ng aking
pagbaba. 9
Si Hua na inakala kong isinawalang bahala ang kapwa namin paghanga sa asul na apoy
ay hindi lang pala ako tinulungan, kundi mataktika itong sumunod sa nais mangyari
ng unang Dyosang binansagang taksil ng kanyang sariling mundo.
"Sa'yong pagbaba, Leticia. Ang Diyosa ng asul na apoy ang higit mong malalapitan at
sa pagkakataong ito, mapuprotektahan mo na ang sarili mo." Paliwanag ni Diyosa
Neena.
Ito ang sinabi sa akin ng Diyosa ng asul na apoy nang ipares niya ako sa hari na
noon ay prinsipe pa lamang. Kailangan kong maging malakas na dyosa sa lupa at ang
pinakamagandang maaaring pagkuhanan ng kapangyarihan sa lupa na walang limitasyon
ay... pag-ibig.
"Magiging tatlong dyosa sila sa lupa, Dyosa Neena. Tatlong diyosang piniling
manirahan sa ibabaw ng lupa matapos ang makasaysayang kaguluhang nangyari sa
pinakamalakas na diyosa. Magiging tatlo na ang ituturi nilang mga taksil." Mahinang
sabi ni Hua. 2
Bigla kong naalala ang diyosa na siyang pinag-alayan ng buhay ng babaeng siyang
dapat may hawak ng Glaoch na siyang naging puno.
"Sino ang dyosang ito?" tanong ko.
"Ang kanyang naging pagkawala sa mundong ito ay hindi naging kasing ingay ng sa'yo
o ng sa asul na apoy. At base sa'yong nakalap, katulad din ito ng asul na apoy na
limitado ang kapangyarihan." Muli akong tumango sa sinabi ni Dyosa Neena. 49
"Maaari kayong magtulungang tatlo."
Ako, ang diyosa ng asul na apoy at ang diyosang pinag-alayan ng babaeng siyang
dapat may hawak ng Glaoch.
"Ngunit higit ka nang makatutulong sa kanila, sa inyong tatlo ikaw lamang ang hindi
magkakaroon ng limitasyon, dahil magmumula ang iyong lakas sa hari at ganoon din
siya."
Hindi na ito bago sa aking pandinig dahil maging ang mga lobo ay ganito rin sa
kanilang mga kapareha.
"Kung hindi magkakaroon ng problema, maaari n'yong maitama ang lahat sa maiksing
panahon lamang. Ikaw ang magiging pinakamalakas na dyosa at siya ang kikilalaning
pinakamalakas na nilalang dahil itinakda siya sa isang dyosang katulad mo."
Paliwanag muli ni Dyosa Neena.
Sana'y ganito na nga ang susunod na mangyayari, ngunit tila maaga pa para mag-isip
na magiging maayos ang lahat. Lalo na't hanggang ngayon ay nakapiit pa rin ako sa
gintong kulungang ito.
"Anong partikular na karamdaman ang dumapo sa kanya?"
"Ayon sa bintana ng dimensyon may nakalalasong pana ang tumagos sa kanyang
katawan." Bumuka ang bibig ko para magsalita, pero pinili ko rin itong itikom.
Pansin ko na may nais pang sabihin si Dyosa Neena at tinitimbang niya pa ito kung
paano niya sa akin ipapaliwanag. 11
"Mayroon pa ba?"
"Simula nang bumaba ka sa lupa, maraming bilang ng nilalang ang tinitingala siya at
handa siyang respetuhin bilang pinakamataas na hari ng mga bampira sa hinaharap,
ngunit may ilan pa rin umalma." Saksi ako nang bumaba ako.
"At ngayong dumating sa kanila ang balita na nanghihina ang iyong hari, malaki ang
posibilidad na gamitin nila ito para pigilan ang maaaring mangyari sa hinaharap,
isama pa ang katotohanan na tinanggihan mo ito sa muli mong pagbaba."
Napasinghap ako sa sinabi ni Dyosa Neena. Sa ginawa kong pagbaba, natigil ko ang
digmaan ngunit naging dahilan din ito para maging mainit sa mata ng ibang emperyo
ang Parsua Sartorias na pinaghaharian niya.
"Kung gano'n ay kailangan ko nang bumaba sa lalong madaling panahon."
Tumango si Dyosa Neena.
"Ngunit sa paanong paraan?"
STORY CONTINUES BELOW
"May nalalaman ako..." tipid na sagot ni Hua.
Lumipad si Hua mula sa balikat ni Dyosa Neena, lumapag ito sa lupa, kapwa kami
tumitig sa katawan nito nang unti-unti itong magliwanag at tuluyan na akong
natulala nang ang kaibigan kong langgam ay nagbago ng anyo.
Naging kawangis ko na si Hua! 23
"P-Paanong nakapagpapalit ka ng anyo?! H-Hindi mo sinabi sa akin!" hindi sumagot sa
akin si Hua at bumalik ito sa pagiging langgam.
Pansin ko na hindi na nagulat si Dyosa Neena at mukhang nakuha nito ang kalituhan
sa aking isipan.
"Oh Leticia, ang kabuuan ng sekreto ng mundong ito ay nasasaksihan ng aking balon."
Ngumiti ito sa akin.
Sa pagkakataong ito ay mas binigyan ko ng pansin si Dyosa Neena at si Hua.
"Bakit n'yo ako tinutulungan ng ganito? Alam n'yo ang mangyayaring mangyari sa inyo
sa sandaling malaman nila ito."
"Leticia, isa lamang akong uri ng dyosa na nalalaman ang tama, ngunit duwag at
natatakot lumaban. Siguro'y hanggang ganito na lang maitutulong ko, ang pagtulong
sa likod ng inyong mga anino..."
Pilit akong yumakap kay Dyosa Neena sa pagitan ng mga rehas. Ngunit habang
nakayakap ako'y mariin akong nakatitig kay Hua. Simula nang nakaisip ako'y nasa
tabi ko na siya...
Ito na ba ang panahon para itanong kung saan talaga siya nagmula? Sino ba talaga si
Hua? 18
Nang dumating na ang mga tagabantay ay tumigil na kami sa pagsasalita. Tahimik
akong iniwanan ni Dyosa Neena, ngunit ibinulong nito na matapos ang dalawang araw
ay magbabalik sila ni Hua para sa aking pagtakas.
**
Patuloy akong humahanga sa ginawang pagtutulungan ni Dyosa Neena at ni Hua, kasama
ang mga kaibigan nitong langgam.
"Ngunit p-paano siya?" tanong ko sa langgam na pumalit sa aking gintong kulungan.
Kasalukuyan na nitong dala ang aking kaanyuan.
"Daang libo ang mga kaibigan kong langgam, Leticia. Maaaring halinhinan silang
magpanggap bilang ikaw..." 26
"Ngunit hindi rin magtatagal ay malalaman din nilang nasa lupa na ako." Katwiran
ko.
"Ito ang suliranin na ikaw na ang kailangang lumutas." Hinaplos ni Dyosa Neena ang
pisngi ko.
Buong akala ko'y ang tanging kakayahan lamang ng balon ni Dyosa Neena ay tumanggap
ng luha, ngunit dito niya kami dinala.
Biglang nagbago ng anyo si Hua at naging isa itong unipormadong binatilyo, inilahad
niya ang kanyang kamay sa akin. 9
"Kailangan na nating tumalon."
Bago ko hawakan ang kanyang kamay ay muli kong hinarap si Dyosa Neena at yumakap
ako rito nang mahigpit.
"Maraming salamat..."
"Mag-ingat ka, Leticia... ang pinakamatapang na Dyosa ng Buwan." Lumandas ang luha
mula sa aking mga mata. 7
Hinawakan ko ang kamay ni Hua at sabay kaming tumalon sa balon. Malamig na tubig
ang sumalubong sa amin at mabilis kaming bumulusok.
Buong akala ko ay mananatiling tubig ang yayakap sa amin hanggang sa salubungin na
kami ng hangin at malalaking ugat ng halaman, hindi ko mapigilan ang mapasigaw.
Nang makakita ako ng lupa, inakala kong babagsak ako rito pero kapwa kami sinalo ng
ugat ng malaking puno. 3
Naunang bumaba si Hua bago ako nito inalalayang bumaba. Madilim ang pinagbagsakan
namin, kaya kapwa kami tumanaw sa maliit na liwanag. Magkahawak ang kamay namin ni
Hua habang patuloy kami sa paglalakad at nang tuluyan na kaming yakapin ng liwanag,
tuluyan ko nang nakilala ang lugar na pinanggalingan namin.
STORY CONTINUES BELOW
Isang napakalaking puno. 1
"N-Nasaan tayo, Hua?" narinig kong sumipol ng malakas si Hua. Hindi kami naghintay
ng matagal dahil nakakakita na ako ng karwaheng papalapit sa amin. 1
May dalawang unipormadong lalaki rin na nasa unahan nito na siyang nagmamaneho.
"H-Huwag mong sabihin na-" ngumiti ang binatilyong anyo ni Hua sa akin.
"Mga kapwa ko sila langgam. Kasalukuyan tayong nasa pinakadulong parte ng Parsua
Deltora, ang emperyong nagmamay-ari ng pinakamaraming lagusan patungo sa iba't-
ibang mundo." 60
Si Hua at ang isa pa nitong kapwa langgam na naka-anyong bampira ang umalalay sa
akin sa karwahe, may nakahandang mga kasuotan dito na siyang gagamitin ko sa
pagharap sa hari. Hindi na naging mahirap sa akin ang magpalit ng kasuotan at
bahagyang takpan ng manipis na kulambo ang aking mukha.
Posibleng may mga makasalubong kami at hindi magandang makilala ako, kung
mangyaring nasa parehong digmaan sila ilang taon na ang nakararaan.
Nang sandaling tumakbo ang karwahe patungo sa Parsua Sartorias, biglang nabalot ng
musika ang buong kapaligiran na tila makapagpapatigil sa isang nilalang gumawa ng
kilos para makinig na lamang.
Ang musika'y pinamumunuan ng isang plauta... 107
Kusang pumikit ang aking mga mata para damhin ito, anong klaseng musika ito na tila
kayang pantayan ang musika ng mga Dyosa? 7
"Saan ito nanggagaling?" tanong ko kay Hua. 1
Kahit papalayo na ang aming karwahe ay naririnig ko pa rin ang musika.
"Marahil ay nagkakaroon ng pagtatanghal sa mga oras na ito sa loob ng kanilang
palasyo, kilala ang emperyong ito sa natatangi nilang musika at pinamumunuan ito ng
mismong mga nanunungkulan dito." 2
Humahanga akong napatanaw sa lugar kung saan nakatindig ang pinakataas na gusali o
ang kanilang palasyo.
Musikang maririnig sa buong emperyo na unti-unting tumutuloy sa puso...
"Tila ang mga emperyo sa mundong ito'y higit pa sa aking inaasahan..." nguniti ako
sa labas ng karwahe kasabay ng ilang pagpatak ng piraso ng mga rosas mula sa
kalangitan. 35
Masyadong malayo ang pagitan ng Parsua Deltora at Sartorias na kailangan pa ng araw
kung hindi mabibilis ang kabayong humihila sa akin. Dahil anim at mabibilis ang
aming mga kabayo, oras lamang ang aming naging paglalakbay.
Nagulat din ako nang sabihin ni Hua na ang anim na kabayong humihila sa amin ay
pawang mga langgam din. 32
Nang sandaling nasa pagitan na kami ng hangganan ng dalawang emperyo, ang pag-ulan
ng mga pulang oras ay napalitan ng maliliit na dahon na siyang isinasayaw ng hangin
mula sa naglalakihang mga punong mukhang nakapalibot sa buong emperyo ng Parsua
Sartorias. 1
Bumagal ang pagtakbo ng aming mga kabayo ng sandaling makapasok na kami sa
Sartorias, pansin ko ang pagsulyap ng ilang mga bampira sa pagdaan ng aming
karwahe.
Pinagdaop ko ang aking mga palad nang makaramdam na ako ng kaba sa aking dibdib.
Nasa iisang emperyo na tayo...Dastan... 15
Muli akong tumanaw sa labas ng bintana at hinayaan kong pagmasdan ang unang punong
kumuha sa aking atensyon.
Isang matikas na puno na tila sumisigaw ng kapangyarihan at awtoridad, hindi ito
tulad ng ibang puno na nais sumayaw sa hangin, dahil kung gumagalaw ito ay tipid
lamang. 28
Lumipad ang ilang malilit na dahon nito sa karwahe hanggang ang isang piraso ay
magtungo sa aking ilong. Kusa akong napangiti sa hindi ko maintindihang dahilan. 14
"Malapit na tayo, Leticia."
Tinanggal ko muna ang dahon sa ibabaw ng aking ilong, humarap kay Hua at ngumiti sa
kanya.
Itinaas ko ang puting talakbong na nababahiran ng ginto at dyamante sa aking ulo,
nanatili akong nakayuko habang inaalalayan ako ni Hua sa pagbaba sa aking karwahe.
Sinalubong kami ng dalawang taga-sunod ng palasyo, si Hua ang nakipag-usap dito.
Nang makaakyat kami sa ilang baitang ng palasyo patungo sa malaking pintuan nito na
bahagyang nakaawang, pilit kong kinalma ang sarili ko.
"Lily, samahan mo akong sumalubong. May panauhin daw tayo!" rinig kong sigaw ng
boses ng isang lalaki. 10
Dalawang kawal ang agad lumabas sa malaking pinto at kapwa nito hinawakan ang
dalawang dulo nito.
Nanatili akong nakatayo sa gitna at may nakayukong ulo. Halos marinig ko ang
malakas na tambol ng dibdib ko.
Magkikita na kami...
Kasabay nang unti-unting pagbubukas ng malaking pintuan ng palasyo ng Parsua
Sartorias ay ang marahan kong pagbaba ng puting talakbong sa aking ulo na siyang
humaplos sa aking buhok na may ilang hiblang nakatirintas at maliliit na puting
bulaklak.
Yumuko akong bilang pagbati at pagrespeto sa dalawang bampirang agad kong nakikila
bilang mga maharlika. Hinawakan ang aking saya at marahan itong ibinuka.
At sa pagtama ng kanilang mga mata sa aking kaanyuan, tila ako'y muling nakasaksi
ng kislap ng mga bituin sa malawak na kalangitan.
"Magandang araw, mahal na prinsesa, mahal na prinsepe... Ako'y lubos na nalulungkot
sa balitang aking natanggap at kung hindi n'yo mamarapatin ang aking dugo'y higit
na makatutulong sa ating hari..."
Chapter 15 1
Maling kagat 142
Tumagal ng ilang segundo ang pagtitig ng dalawang maharlika ng sandaling
mapagmasdan nila ang aking kaanyuan.
Pinanatili ko ang ngiti sa aking mga labi at pilit itinago ang kaba sa dibdib ko.
Papaano kung makilala nila ako?
Pero sa kabila ng kaba ko, ramdam ko pa rin ang lubos na galak. Ngayo'y nakikita ko
sila Lily, malaya at masayang kasama ang kanyang pamilya. Dahil sa pagkakakulong ko
ay hindi ko na nasubaybayan ang kanilang pagmamahalan ni Adam, pero nasisiguro kong
sa mga oras na ito ay nasa mabuti na silang kalagayan.
Isang pag-iibigan na may magandang katapusan. 1
Nais ko man magpakilala bilang dyosa at itinigil na ang pagpapanggap na ito, ngunit
ito ang pinakamainam na paraan upang hindi makarating nang maaga sa Deeseyadah ang
ginawa kong pagbaba sa lupa. Lalo't higit ngayong nasa mahirap na sitwasyon ang
hari.
Hindi magandang salubungin ito ng magkasunod na suliranin habang may dinadala
siyang karamdaman, ang nagbabayang pag-aalsa ng mga emperyong hindi matanggap na
maaari siyang maghari sa lahat at ang mga dyosa sa kalangitan na hanggang ngayon ay
naniniwalang ang distansya sa lupa ay makapagpapanatili pa rin ng kaayusan.
"Saang emperyo ka nagmula?" tanong sa akin ni Lily at ang mga titig niya ay may
hudyat ng pangingilala. Isa sa katangiang higit kong hinangaan noon sa kanya.
Sandali kong ibinuka ang aking mga labi, hindi ko alam ang aking sasabihin.
"Sa Emperyo ng Interalias Ladenal, Mahal na Prinsesa. Prinsesa Leticia Serdona."
Agad na sabi ni Hua, napahinga ako ng maluwag. 3
"Paumanhin at hindi ko agad siya naipakilala." Yumuko si Hua sa dalawang bampira.
Ayon sa aking nabasa, kung sakaling ang isang maharlika ng mga bampira ay may
kasamang tagasunod, nararapat lamang na ito ang magpakilala sa kanyang
pinaglilingkuran.
Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin kung wala si Hua para tulungan ako.
"Ladenal? Nagkaroon na ba tayo ng panauhin mula sa Ladenal, Lily?" tanong ng
bampirang lalaki na may kulay abong buhok. Hindi sumagot sa kanya si Lily, sa halip
ay mariin niya pa rin akong tinititigan. 10
"Where is your formality, Lily? Caleb?" kapwa tumayo ng tuwid ang magkapatid ng
marinig nila ang boses ng panibagong bampira.
Buong akala ko ay ang kagandahan na lamang ni Dyosa Neena o ng Dyosa ng Asul na
apoy ang aking hahangaan, ngunit ang kagandahan ng naglalakad ng bampira patungo sa
akin ay maaari na rin ihelera sa mga dyosa sa kalangitan. 7
Base sa kanyang kaanyuan, mabigat na awra at maging ang gintong korona sa kanyang
ulo, siya ang reyna ng kahariang ito.
"Mother..." kapwa yumuko si Lily at ang kapatid nitong si Caleb bilang paggalang.
Kami rin ni Hua ay kapwa yumuko bilang respeto. 2
"Nakagagalak na isang prinsesa mula sa Interalias ang nais magbigay ng tulong sa
aking anak, kung hindi mo man mamasamin, hindi ba't hindi maganda ang tingin ng mga
maharlika sa inyong emperyo sa aking anak? O sa mismong emperyong ito?"
"Hindi lahat, Mahal na Reyna. Kaya't naririto ako upang tumulong..."
Mas lumapit sa akin ang lalaking bampira at sa pagkakataong ito ay ngumiti siya sa
akin.
"Hindi ko alam kung si Dastan lamang ang iyong nakilala, kaya nais kong pormal na
magpakilala, Prinsesa Leticia." Marahang hinawakan ng prinsepe ang aking kanang
kamay. Saglit na yumuko at ginawaran ng magaang halik ang likuran ng aking palad.
STORY CONTINUES BELOW
"Prince Caleb Lancelot Gazellian, the fourth Prince of Parsua Sartorias." Binitawan
niya ang aking kamay, tipid akong ngumiti sa kanya. 16
Hindi na ako nagulat sa pagbati niya, dahil sa ilang taon kong kasama si Nikos
marami na akong nalalaman tungkol sa tradisyon at pamumuhay ng mga bampira.
"I am Lily Esmeralda, the first Princess." Mariin pa rin ang pagtitig niya sa akin.
3
"I can see that you're genuine for Dastan... but there's something else..." nanlaki
ang mata ni Caleb sa sinabi ni Lily. 3
"Lily!" nagkibit-balikat si Lily at tinalikuran na kami. 1
"Paumanhin," sinalubong ng reyna ang aking mga mata na humihingi ng tawad.
"I'm sorry, gano'n talaga ang una naming prinsesa. She's blunt." Hindi na ako
nagulat. 1
"Naririnig ko rin ito sa mga usapan, hindi n'yo na kailangang humingi ng tawad."
Tumango si Caleb.
"Caleb, dalhin mo ang ating panauhin sa silid ni Dastan. Kailangan ko lamang
hanapin ang kambal dahil may nais akong malaman mula sa kanila." 18
"Masusunod, Inang Reyna."
Nagpaalam sa akin ang reyna, muli akong tumango bilang pagrespeto. Gusto kong
humingi ng tulong kay Hua nang sandaling ilahad ni Caleb ang kanyang braso sa akin,
ngunit ang mga tagasunod ng mga bampirang panahon ay hindi maaaring magtungo sa
silid ng hari.
"So, saan mo nakilala si Dastan? Aside from ugh... yes? He's famous." Nakagat ko
ang pang-ibabang labi ko. Paano ko ba sasagutin ang prinsepeng ito? Saang parte ng
aking mga alaala ang maaari kong ibahagi sa kanya?
Nagpatuloy kami sa mabagal na paglalakad, ramdam ko ang titig niya sa akin habang
hinihintay niya ang aking sagot.
"S-Sa talon..."
Suminghap ito sa sinabi ko. "Sinilipan ka? Holy motherfucker! I thought he's a
saint!" 123
Pansin ko na kaiba ang paraan ng pananalita niya. Hindi tradisyunal na bampira,
kung sabagay sinabi rin sa akin ni Nikos na madalas ay ganito na ang gamit ng
bampira, dahil karamihan sa mga ito ay nagkakaroon ng pagkakataong magtungo sa
iba't-ibang mundo na may kakaibang paraan ng pananalita.
"H-Hindi, iniligtas niya ang buhay ko. Muntik na akong malunod..."
"Oh, well... akala ko lang."
Masyadong malaki ang kanilang palasyo at mukhang nasa dulo pa ang silid ng hari
dahil hindi pa rin kami tumitigil ni Caleb.
"Kailan kaya ako makakasaksi ng bagay na mahahawakan ko sa leeg si kamahalan? Seems
like he's too perfect. O sobrang linis niya lang talagang gumalaw kaya hindi ko
siya mahuli." 39
"May galit ka ba sa kanya?" nagtatakang tanong ko. Bakit tila nais niyang maghanap
ng kahinaan tungkol sa kapatid niya?
"W-What? No. Ang magalit yata sa kanya ang huli kong gagawin." Ngumisi siya sa akin
habang kumakamot sa kanyang ulo.
Hindi ko siya maintindihan.
"Paumanhin, ngunit hindi kita maintindihan... ang iyong mga salita'y
magkakasalungat."
Napatitig muli sa akin si Caleb, sa pagkakataong ito ay nakakunot na ang kanyang
noo.
"You're a well oriented Princess, kahit si Lily o Harper ay hindi na kayang
magsalita ng ganyan. But you can understand me! Galing! King Dastan and his
choice." Umiiling na sabi nito.
"Tungkol sa sinasabi mong magkakasalungat na mga salita ko, hindi ko siya literal
na gustong-paano ba ito sasabihin? I just want to annoy him. I think to witness
some of his emotions? Kasi iyong hari namin, minsan lang siya magpakita ng emosyon.
He's boring. I tell you." Inangat pa ni Caleb ang isa niyang kamay na parang may
hinawi siya sa ere. 12
STORY CONTINUES BELOW
"Aside from being boring, he's also insecure. Mainitin din ang ulo at laging ako
ang nakikita. I don't understand why Dastan, Zen and Rosh got the eyes of this
world. Hindi naman sila totoong makikisig, they're just overhype vampires." 54
Mas lalo ko nang hindi naiintindihan ang mga sinasabi ni Caleb, nagbanggit na siya
ng mga pangalan.
"Mabuti na lang at hindi ako naging katulad nila." Hinayaan ko lamang siyang
magsalita, hindi ko rin naman alam ang isasagot sa kanya.
"And I have this feeling that they're threatened with me? Well, si Rosh mainit ang
dugo sa akin, Zen... lagi akong pinauulanan ng yelo and Dastan's eyes keep on
haunting me." 43
"Posibleng may hindi ka magandang ginagawa sa kanila?"
"Nah, that's impossible. I am everyone's favorite, maybe that's their way of
appreciating me. Our Queen even told me before that I am Dastan's favorite brother,
though he's not really my favorite." 28
"Pero nakikita kong mahal mo siya, kumikislap ang iyong mga mata." Nanlaki ang mga
mata niya at bigla itong napahiwalay sa akin.
Sa pag-atras niya ay tumama pa siya sa pader ng palasyo. 5
"May nasabi ba akong hindi maganda?"
"Y-Your words... stop that! You're creeping me out!" nakita kong kapwa niya
pinunasan ng kanyang mga palad ang kanyang mga braso na parang nakaramdam siya nang
matinding panlalamig. 16
Nagtataka akong tumitig sa kanya. Hindi na niya ako hinayaan pang makapagsalita,
tumayo na ito ng tuwid at umuna nang maglakad sa akin.
"L-Let's go!"
Hindi na siya naglahad ng braso sa akin at hindi na siya nakipag-usap sa akin.
Masama ba ang sinabi ko sa kanya? Ngunit ito ang aking nakikita.
Habang nasa unahan ko si Caleb, pasulyap-sulyap siya sa akin at ilang beses pa na
napapailing.
Anong nangyari sa kanya? 2
Nang tumigil na siya sa paglalakad, tumigil na rin ako. Humarap kami sa isang
malaking kahoy na pintuan na may kakaibang uri ng ukit.
"He's weak today. Ang tagal na niyang hindi lumalabas sa kanyang silid. I want to
thank you for traveling far from your empire just to help my brother." Pormal na
sabi nito.
Humarap muli sa akin si Caleb, sa pagkakataong ito ibang-iba ang awra niya sa
bampirang kausap ko lamang kanina.
"I trust Lily's instinct. You're genuine, nararamdaman ko. But if you have other
plans for his majesty which is far from helping and saving him, I am sorry but I
just outside and-" tumango na ako sa nais iparating ni Caleb.
Masaya akong malaman na ang lalaking itinakda sa akin ng asul na apoy ay may mga
kapatid na lubos siyang pinangangalagaan.
"Hindi ko siya nais saktan, Mahal na Prinsipe." 2
"Salamat."
Hindi na nagsalita si Caleb, binigyan niya na ako ng daan at hinayaan niya na ako
sa harap ng pintuan.
Tumalikod na siya at nagsimula nang maglakad papalayo. Buong akala ko ay wala na
akong maririnig sa kanya nang bigyan niya ako ng paalala.
"Thigh, please offer your thighs. The King's favorite part." 156
Agad nag-init ang magkabilang pisngi ko sa sinabi ni Caleb. Alam kong magkakaroon
ng pagkagat sa sandaling makita ako ng hari dahil ang aking dugo ang matindi nitong
kailangan... ngunit sa aking hita mga...
Huminga ako nang malalim. Kailangan niya ako, ang aking dugo at ang presensiya ko,
walang lugar para mag-alinlangan. 1
Ngunit ang kanyang mga pangil... mapupulang labi... sa aking mga hita? 21
STORY CONTINUES BELOW
Nakagat ko aking pang-ibabang labi, kailangan ko muna siyang harapin.
Tatlong katok ang ginawa ko para kuhanin ang atensyon ng hari, ngunit lumipas ang
isang minuto ay hindi pa rin ito nagbubukas. Bigla kong naalala ang sinabi sa akin
ni Caleb na lubusan ng nanghihina ang hari.
Marahil maging ang pagtayo ay hindi na nito magawa. Kasalanan ko ito, kung sana'y
hindi ko siya iniwanan ay hindi siya manghihina ng ganito.
Ang maisip pa lamang ang imahe niyang nakaratay sa kama, nanghihina at
nangangailangan ng kalinga ay tila unti-unti nang winawasak ang aking puso. 6
Paano pa kaya kung mismong aking mga mata ang saksi ng kanyang matinding
paghihirap?
Patawad Dastan... aking hari, natagalan ako...
Tumakas ang luha sa aking mga mata habang nakahawak ang aking isang kamay sa
hawakan ng pintuan.
Unti-unti kong binuksan ang pintuan, pinanatili kong nakatungo ang aking ulo sa
sahig habang marahan kong isinasarado ito, siguro'y natutulog siya at hindi nito
nais maabala.
Hihintayin ko na lamang ang kanyang paggising.
Nang sandaling mag-angat ako ng paningin at hanapin ang kama ng hari, unang
sumalubong sa akin ang liwanag na nagmumula sa dalawang malalaking kandila na may
tangay na apoy.
Ngunit ang higit na nakapagpaliyab ng apoy sa aking mga mata ay ang marahang
paggalaw ng itim na kumot mula sa kama na tila malalaglag na. 2
"Mahal na Hari..." rinig ko ang malambing na boses ng isang babae. 111
Hindi ko na nagawang makontrol ang sarili kong kapangyarihan, sabay namatay ang
dalawang malalaking kandila at kusang nabuhay ang lahat ng mga ilaw na nagsabit
mula sa kisame. 26
Sa halip na dilim na niyakap ng munting sinag ng apoy, napalitan ito ng nakasisilaw
ng liwanag na naglantad sa hari at sa babaeng kinakagat nito. 3
Nakaupo ang babaeng bampira habang nakatalikod na nakabalot ng itim na kumot sa
harap ng hari, natigil ang pagkagat sa balikat si Dastan na balot pa rin ng kanyang
buong kasuotan bilang hari na parang wala sa kama kundi nasa kanyang trono. 21
Nagtama ang aming mga mata. 2
Mga mata ng haring inakala kong nag-aagaw buhay... 64
Bigla itong inubo at wala sa sariling naibuga ang dugo na kanina niya lamang
iniinom. 131
Umaagos ang mga luha sa aking mga mata... 11
"Leave." Rinig kong sabi nito sa babaeng bampirang kinakagat niya lamang kanina.
Hindi nakaangal ang babae at nagmadali itong bumaba sa kama, dala ang kumot, ni
hindi ako nito sinulyapan at nagmadali itong lumabas ng kwarto. 2
"Hayaan mo akong magpaliwanag." 50
Nagmamadali itong bumaba sa kama habang pinupunasan ang labi niyang may bahid ng
dugo, naalarma ako.
"Sinungaling! Hindi mo ba alam kung gaano ang hirap para lamang makarating dito?
Hindi mo ba alam ang sakripisyo ko para lamang makita at matulungan ka?!" sigaw ko
sa kanya. 2
Nang mas nakakalapit na siya ay agad akong tumalikod sa kanya.
"Nagawa kitang mahalin sa kabila ng lahat ng nakita... ngunit ito na naman ang
isasalubong mo sa akin?! Hindi na ako babalik!" sigaw kong muli. 73
Mas tumindi ang luha ko nang maramdaman kong hinahabol niya ako.
"'Wag mo na akong sundan! Taksil... pinagtaksilan mo ako..." 17
Bigla kong nakasalubong si Caleb na mukhang hindi pa tapos mamangha sa unang
babaeng lumabas sa silid ng kanyang kapatid. 21
"Taksil?" rinig kong ulit niya.
Nang mas mapagmasdan niya ako nakita niya ang luha sa mga mata ko at mukhang nakuha
na niya agad ang buong nangyari. Bago ko pa man siya malampasan ay nakita kong
humawak siya sa kanyang pisngi habang pilit tinatanaw ang kanyang kapatid na
humahabol sa akin.
"Nasampal kaya?" hindi ko alam kung tanong niya ito sa akin o sa kanyang sarili. 86
Hindi ko na naisip ang sasabihin ng Reyna, ni Lily o ng mga tagasunod kung
makasalubong ko sila.
Nang makababa na ako, nag-aalala ang mata ni Hua ang sumalubong sa akin.
"Leticia..." nasa likuran ko na siya.
Hindi na ako nakipag-usap pa kay Hua, tumakbo na ako sa labas ng palasyo, gumamit
ng kapangyarihan para ihiwalay ang isang kabayo, agad sumakay dito at mabilis na
pinatakbo.
Hindi na ako nakapag-isip ng maayos, sobrang sakit, walang tigil sa pagpatak ang
luha ko habang panay ang paghampas ko sa kabayo. Hindi ko alam kung saan ako dapat
pumunta, gusto ko nang lumayo... 1
Hindi na ako babalik... sinungaling siya...
Pero kung inaakala kong makakatakas ako sa kanya, nagkakamali ako, dahil nakasunod
na ang kanyang kabayo sa akin. 2
"Wag mo na akong sundan!"
Hindi siya sumunod sa akin, sa halip ay mas bumilis ang kabayo niya at pinantayan
niya ng bilis ang kabayo ko.
"Mag-usap tayo... Leticia... mahal..." 144
Hindi ko alam kung anong klaseng lakas, galit at matinding poot ang sumanib sa
akin, paulit-ulit nang bumabalik sa aking isipan ang imahe niya at ni Elizabeth at
ng babaeng kagat-kagat niya kanina. 10
Marahas kong kinabig ang aking kabayo papalapit sa kanya, hindi ko pinansin ang
nanlalabo kong mga mata, sobrang init ng aking kanang kamay at sasabog ang puso ko
kung hindi ko ito magagawang ilabas.
Sa unang pagkakataon... gumamit ako ng dahas mula sa galit... poot at matinding
pagdaramdam...
Lumipad ang nangangatal at nag-iinit kong kamay sa pisngi ng Hari ng Sartorias. Sa
pagkagulat nito ay agad niyang nahila ang renda ng kanyang kabayo. 101
Pinagpatuloy ko ang mabilis na pagpapatakbo ng aking kabayo, pero nagawa kong
lumingon sa kanya pabalik.
Tila nagulat ito na sa unang pagkakataon ay may nagbuhat ng kamay sa kanya, tulala
ito at hawak ang kanyang pisnging nakatanaw sa akin. 89
Lumuluha akong sumigaw sa kanya, hindi alintana ang hangin na nagsasabog na sa
aking mahabang buhok at lumilipad sa aking kasuotan.
"Taksil!"
Chapter 16 8
Parusa 23
Hindi ako tumigil sa pagpapatakbo ng kabayo habang lumuluha. Kumikirot ang dibdib
ko sa lahat ng nakita ko, bumabalik ang sakripisyong ginawa ko, ang pagtulong sa
akin ni Hua at Dyosa Neena, ang hirap para lamang makarating ako sa mundong ito. 1
Ang mga luhang pumatak mula sa aking mga mata, sa pangungulila sa kanya, pananabik
at pag-aalala, ang mga planong aking pinag-isipan sa sandaling magkrus ang aming
mga landas para sa ikabubuti ng kanyang emperyo at ang kanyang mga salita't
pangako.
Isa siyang malaking kasinungalingan. 1
"Ang ating mga labi'y kapwa nauuhaw, aking mahal."
Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko, ngunit siya'y nasaksihan kong naghahanap ng
pananggal uhaw sa iba. 11
"Sinungaling... taksil..."
Habang ako'y lumuluha, hindi ko magawang igalaw ang kamay ko na ginamit ko para
masampal siya. Hindi ako makapaniwala na sa unang pagkakataon ay pinangunahan ako
ng galit at nagbuhat ako ng kamay para makapanakit ng iba.
Pero higit niya akong sinaktan.
"Hahayaan kitang kumawala sa akin sa panahong ito, ngunit sa muli mong pagbaba sa
mundong ito, habang buhay ka nang aangkinin ng Hari ng Sartorias."
Ngunit siya'y may ibang inaangkin. "Taksil... taksil..." 40
Paulit-ulit akong nagsasalita sa aking kamay na parang maririnig niya ang sinasabi
ko.
"At ika'y aking magiging reyna..."
Buong akala ko'y sa iisang babae lamang titingin ang isang bampira? Ngunit bakit
parang lumampas na sa isa ang kanyang tinitingnan... ngunit higit sa pagtingin ang
aking nasaksihan... 16
"Kundi sa haplos ng ating mga labi... ako'y maghihintay..."
"M-Maghihintay? Saan? Hindi ko makita sa paraan ng iyong pagkagat..." 41
Lubos akong nagdamdam nang malamang siya'y nakararanas ng matinding panghihina,
wala akong tigil sa pagsisi sa sarili ko dahil sa inakala kong kanyang matinding
paghihirap.
Ngunit ano ang nakita ko? Buong akala ko'y nag-aagaw buhay na siya. 3
"Taksil siya... hindi na ako babalik..." 15
Akala ko'y halos hindi na siya makatayo, nakaratay ang katawan sa kama, hindi na
magawang makilala ang aking presensiya ngunit iba pala ang dahilan. 22
Pinagpatuloy ko ang pangangabayo, hindi ko na alam kung saan ako makakarating.
Saana ko pupunta? 1
Siguro'y mas mabuting bumalik na lamang ako sa piitan, hindi ako kailangan ng Hari
ng Sartorias at lalong hindi ko bubulagin ang sarili ko sa kanyang mabubulaklak na
pananalita. 4
Tila ang kanyang mga salita'y isang uri ng rosas na kay daming tinik, aakalaing
sobrang ganda at kaakit-akit, ngunit sa sandaling malapitan ay nakapananakit. 9
Bakit nga ba hindi ako nagulat? Nagawa niyang-
"H-Hua!" sigaw ko.
"H-Hua, bumalik na tayo!" mas malakas na sigaw ko.
Ayoko nang isipin pa ang nakita ko noon at ngayon. Maaaring may bahid ng
kapangyarihan ng asul na apoy ang kanyang nagawa noon kasama si Elizabeth, pero
ngayong nakita niya na akong bumaba at pinangakuang maghihintay? 2
Ano pa ang ipaliliwanag niya?
Nakahinga ako ng maluwag nang mapansin ko na hindi na ito nakasunod sa akin, bigla
na lang ito naglaho na parang bula mula sa aking likuran.
STORY CONTINUES BELOW
Mas lalo akong nasaktan nang malaman ito. Hiniling kong huwag niya akong sundan,
ngunit ang mabilis niyang pagsuko ay isa nang malaking paliwanag na isa siyang
haring punong-puno ng kasinungalingan. 1
Hinila ko ang renda ng kabayo, bago yumakap dito. Hinayaan ko ang sarili kong
humagulhol sa pagluha.
Ang sakit, sobrang sakit... 1
Bakit hinayaan ko ang Dyosa ng Asul na apoy na ipares ako sa nilalang na mananakit
sa akin?
Naghintay ako ng ilang oras bago ako matagpuan ni Hua. Halos magmakaawa ako sa
kanya para lang ibalik ako sa Deeseyadah, mas mabuti nang manatili ako sa sarili
kong mundo.
Ang mahalaga'y naputol na ang sumpa sa pagitan ng lobo at bampira, hanggang dito na
lang siguro ang misyon ko sa lupa.
"Hua... nais ko nang bumalik. Hindi ako ang kailangan ng hari ng emperyong ito..."
Pansin ko ang pagdilim ng mukha ni Hua dahil sa sinabi ko.
"May alam akong kaharian, Leticia."
Umiling agada ko sa sinabi ni Hua. "Nararapat lang ako sa Deeseyadah."
"Sigurado ka ba?" tumango ako.
Labag man sa kagustuhan ni Hua ay sumundo siya sa kagustuhan ko. Pumitas lamang si
Hua ng isang prutas sa pinakamalapit na puno at agad itong nagpalit anyo bilang
isang karwahe. Nagbago na rin ng anyo ang mga kaibigan nitong mga langgam. 10
Nanatiling nakatayo si Hua sa may pinto at inilahad nito ang kanyang kamay sa akin.
Pero bago pa man hawakan ang kanyang kamay ay hindi ko na napigilan ang sarili kong
magtanong sa kanya.
"Hua, sino ka? Saan ka nagmula?"
Pansin ko ang pagkagulat niya sa katanungan ko. "Pinanganak ako para paglingkuran
ka, Leticia."
"Ngunit bakit ako?"
"Dahil ikaw ang Dyosa ng Buwan na hinihintay ng lahat. Paumanhin, ngunit hanggang
dito na lang ang maaari kong sabihin." 8
Hinayaan ko nang alalayan ako ni Hua at pumasok na ako sa karwahe. Sumunod siya sa
akin at nang sandaling nagsarado na ang pinto ay nagsimula na itong tumakbo.
"May sinusunod ka, Hua?" nagtatakang tanong ko.
"Ikaw lang, Leticia."
"Hindi, ang ibig kong sabihin, sino ang nag-utos sa'yo na gabayan ako? Hindi naman
maaaring sa sandaling unang nagmulat ang iyong mga mata ay alam mo na kailangan mo
akong bantayan." 1
Saglit tumanaw sa bintana si Hua at sa unang pagkakataon na nagpalit siya ng anyo
bilang isang makisig na binatilyo ay sumilaw ang ngiti sa kanyang mga labi. 25
"Isang nilalang na aking habang-buhay bibigyan ng respeto." 92
Nais ko pa sanang magtanong sa kanya nang ibinalik na ni Hua ang kanyang langgam na
kaanyuan at lumabas siya ng bintana. Hindi na niya nais itong pag-usapan pa.
Patungo na kaming muli sa Parsua Deltora, marahil ay dito na kami muling dadaan
pabalik sa Deeseyadah. Wala na akong naririnig na musika nang sandaling lampasan
namin ang hangganan ng Sartorias at Deltora, siguro'y tapos na ang pagtatanghal ng
mga maharlika. 1
Sumandal na ako nang maayos sa karwahe, siguro'y mas mabuting magpahinga na lang
ako, sinabi ko kay Hua na hindi na kailangan pa na magmadali ang aming mga kabayo.
Ipipikit ko na sana ang aking mga mata nang maramdaman ko ang kanyang presensiya.
Wala sa sarili akong sumilip sa bintana na halos ilabas ang kalahati ng katawan ko.
"Humahabol siya." Napalingon ako kay Hua na nakabalik na agad sa loob ng karwahe.
"At maabutan niya tayo, nasusundan niya ang iyong presensiya, Leticia."
STORY CONTINUES BELOW
"A-Anong gagawin natin, Hua? Hindi ko na siya nais makita o kausapin... dahil alam
kong bibigyan niya lang ako ng mabulaklak na mga salita na pawang mga
kasinungalingan lamang..." 9
"Dapat ay sanayin mo na ang sarili mong itago ang iyong presensiya." 1
"Ngunit papaano?"
Muli akong sumilip sa bintana, sa paglayo namin sa daan patungo sa Deltora,
sinasabayan ito ng pagbabago ng kulay ng aming karwahe. Nanatiling nakahawak ang
kamay sa akin ni Hua habang ramdam ko na tila nanghihina ang buong kong katawan.
Nag-utos si Hua na itigil ang karwahe at kapwa na kami nakatanaw sa papalapit na
Hari na tila unti-unting bumabagal ang pagpapatakbo ng kabayo. Pero hindi rin
nagatagal ay tumigil ito at ilang beses luminga sa iba't-ibang direksyon na parang
may sinusundan na biglang nawala. 5
Nang tingnan ko ang mga kamay namin ni Hua, kapwa pa rin ito magkahawak. Kinukuha
niya ang aking presensiya at itinatago niya ito mula sa Hari.
Muli kong ibinalik ang aking mga mata sa Hari, hindi pa rin ito umaalis sa kanyang
pinagtigilan at nanatili siyang tila naghahanap. Pinanuod lang namin siya ni Hua,
hanggang sa patakbuhin niya na ulit ang kanyang kabayo, hindi pabalik sa Sartorias
kundi patungo sa Deltora. 29
Halos kalahating oras yata akong pinakiramdaman ni Hua bago siya nagtanong sa akin
kung nais ko nang umalis, tumango lang ako bago kami bumalik sa mismong daan at
bumalik na rin sa dating kulay ang aming karwahe.
Nakarating kami sa pinanggalingan naming puno na wala nang problema. Naglaho na ang
mga karwahe at mga tagasunod na siyang kasama namin ni Hua.
Ilang beses humakbang ang aking mga paa sa nagsabog na bermuda sa lupa, hindi ko
nagawang alisin ang aking mga mata sa harap ng malaking puno, hinayaan ko ang
sarili kong yakapin ng hangin at muling lumuha.
"Kanina lamang ay nakangiti akong dumating dito, hindi ko akalaing mabilis
magbabago ang pangyayari..."
"Leticia..."
Pilit akong ngumiti at humarap kay Hua. Sa pagkakataong ito ay ako ang naglakad ng
kamay sa kanya.
"Tayo na Hua, umuwi na tayo..." 2
**
Nakabalik ako sa aking gintong kulungan na parang walang nangyari. Noong una ay
inisip kong imposible na makalabas ako sa kulungan pero masyadong maraming
kakayahan si Hua na hanggang ngayon ay hiwaga pa rin sa akin. 4
Madali lang ako nitong naipapasok at nailalabas sa kulungan, sa pamamagitan lang ng
pagpapalit ng aming pwesto, papasok siya sa anyo niya bilang langgam at mananatili
lang ako sa labas, ilang minuto lang ay magliliwanag ang aming katawan at
magkakapalit kami ng pwesto.
Sa ngayon ay hiwaga pa rin kung bakit hindi nararamdaman ng mga dyosa ang
kapangrihang ito ni Hua. 1
Ilang taon akong naging kuntento sa aking kulungan, dumadalaw sa akin si Dyosa
Neena at hindi na ako iniwan ni Hua.
Kailanman ay hindi na namin pinag-usapan pa ang tungkol sa Hari ng Sartorias, pero
alam kong saksi si Hua sa pag-iyak ko tuwing gabi.
"Leticia, alam mo na hindi ka maaaring habang-buhay manatili rito." Paalala ni Hua
sa akin.
"Saan pa ako nararapat? Nagawa ko na ang alam kong kailagan kong gawin."
"Alam mo sa sarili mong hindi ka pa tapos at ang ginawa mo lamang ay pagtakbo."
Naupo na ako sa aking kulungan at niyakap ang mga binti ko.
"Sa tingin ko'y sapat na ang ilan taong mong pagtatago, Leticia." 1
"Ngunit hindi ko na nais bumaba pa sa lupa, masasaktan lamang ako. Paulit-ulit na
lang, Hua."
"Inanyayahan na kita noon pa man, Leticia. Ang nais ko lang ay pumayag ka."
Nagmatigas ako sa sinabi ni Hua, umiling lang ako sa kanya.
Hindi ko man itanong sa kanya, ang posibleng mundong sinasabi niya ay ang sarili
niyang mundo at ayoko nang magkaroon pa ng ibang lamat ang Deeseyadah sa iba pang
mundo.
"Sino na ngayon ang Dyosa ng Buwan?"
"Sa ngayon ay wala pa rin napipili ang buwan."
Natahimik ako sa sinabi ni Hua. Ilang taon na rin na walang nakaupo bilang opisyal
na Dyosa na Buwan na kinikilala ng Deeseyadah, hindi man ito magkaroon ng
komplikasyon dahil may kakayahan naman ang buwan na siyang magpares sa mga lobo,
kailangan pa rin nito ng tulong ng isang dyosa, lalo na sa koneksyon nito sa mga
lobo. 1
"Hindi ba at maraming mga dyosa ang nag-aaral at nagsasanay para makaupo sa iba't-
ibang pwesto. Wala pa rin bang nakikita ang Deeseyadah na nararapat pumalit sa
akin?"
Sa pagkakataong ito ay si Hua naman ang natahimik. Ang isa sa napansin ko kay Hua
at Dyosa Neena ay ang limitadong impormasyon na ibinabalita nila sa aking tungkol
sa labas.
"Ito ang matindi nating suliranin, Leticia."
"Suliranin? Maraming dyosa na nagsisikap at nangangarap na manungkulan sa buwan.
Paanong magiging suliranin ito?"
"Hindi mo ba napapansin kung bakit napapadalas na ang pag-aalok ko para muling
lumabas? O kaya ay ang dahilan kung bakit hindi na nakakadalaw dito si Dyosa
Neena?"
"Hua... hindi ko maintindihan..."
"Kasalukuyang dumadalo sa maraming pagpupulong si Dyosa Neena at pilit ka nitong
pinaglalaban, may ilan din dyosa na sumuporta sa kanya."
"Pagpupulong? Suporta? Ano ang ibig mong sabihin, Hua?"
"Leticia, kahit anong gawin ng Deeseyadah, kahit anong talento ang mayroon ang
nasabing dyosa, wala pa rin itong silbi... dahil simula nang ikinulong ko ay hindi
na nagparamdam ang kapangyarihan ng buwan sa Deeseyadah. Ayon sa pagpupulong ng mga
nakatataas ng dyosa, ang dahilan nito ay ang pananatiling buhay ng dyosa na sumira
sa nais ng buwan." 4
Suminghap ako sa sinabi ni Hua.
"Lumalaban si Dyosa Neena sa karapatan mo at ng mga susunod na henerasyong dyosa na
maaaring ipiit sa gintong kulungan, ipinaglalaban niya na sapat na ang
pagkakakulong ng panghabambuhay kaysa sa itinataas ng ilang mga dyosa nan a
kamatayan."
Lumaglag ang mga balikat ko sa narinig mula kay Hua, halos mangatal ang buong
katawan ko, nanlamig at nabalot ng matinding takot.
Ano ang nangyayari sa mundong pinakamamahal at pinaglilingkuran ko? Bakit umabot na
ito sa imahe na halos hindi ko maatim isipin...
"Nagtalo kami ni Dyosa Neena, nais niyang lumaban sa pamamagitan ng pakikipagpulong
at pangangatwiran, ngunit nakikita kong buo na ang desisyon ng mga nakatataas. Nais
ko lang sabihin, Leticia na kung hindi mo nais sumama ng kusa, sapilitan ka naming
ilalabas dito."
Gusto kong hindi maniwala sa mga sinasabi ni Hua, sa Deeseyadah pa rin ako lumaki
at nakaisip. Ito ang humalma sa akin at nagturo ng mga tama o mali, pero ang
malamang ang mundong nagbigay sa akin ng buhay ay---
Nasapo ko ang aking dibdib. Hindi ako makapaniwala...
"B-Binabalak nila akong kitilin..."
A/N: Hi, readers! I don't really proofread. Expect errors. Sorry. 35
Chapter 17 1
Pagsalubong 12
Isa lang ang ibig sabihin ni Hua, sa sandaling iwan ko na ang Deeseyadah sa
pagkakataong ito, kailanman ay hindi na ako makababalik.
Hindi ko na masisilayan pa ang ganda ng mundong bumuhay sa akin, ang mga ginto,
kristal, ang nagniningning na puti, ang mahiwagang puno ng En Aurete at maging si
Dyosa Neena.
Sa matinding paninidigan ng mga dyosa rito na mapanatiling malinis ang mundong ito,
hindi na sila nagbibigay ng pagkakataon magbukas para sa pagbabago.
Isang uri ng pagbabago na itinuturi nilang kasalanan. 1
Ngunit hindi ba nila naiisip na kailanman ay hindi nila mapapanatili ang panuntunan
mula sa nakaraan? Patuloy na magbabago ang lahat at kung hindi sasabay sa agos ng
pagbabago, ano na lang ang mangyayari sa mundo?
Isang pamumuhay na huwad at pawang kasinungalingan.
"Kailangan mo nang magdesisyon, Leticia."
"Papaano kung sundan nila ako sa inyong kaharian? Dadalhin ko lamang ang suliranin
sa tahimik mong mundo." 1
"Leticia, saka na natin isipin ang bagay na ito. Kailangan mo nang umalis sa
mundong ito sa lalong madaling panahon. Hindi na magagawang patagalin pa ni Dyosa
Neena ang pagpupulong at ang huling desisyon, maaaring bukas, sa susunod na mga
araw o sa susunod na linggo. Mas mahihirapan tayong tumakas kung ang kanilang mga
mata'y nakatutok na sa'yo."
Nanatili akong tahimik at inisip ang mga salita ni Hua. Dalawa lamang ang mundong
siyang maaari kong takbuhan, ito'y ang mundo ni Hua o ang mundo ng mga bampira. 2
Wala akong kasiguraduhan sa magiging hatid ko sa mundo ni Hua, ngunit alam kong sa
sandaling bumaba ako muli sa mundo ng mga bampira, magiging limitado lang ang
pagbaba ng mga dyosa kung nais ako ng mga itong sundan.
Ilang taon na ang nakalilipas ng huli akong bumaba sa lupa, ano na kaya ang kanyang
kalagayan at ng kanyang emperyo? Masaya na kaya siya ngayon at ang babaeng- 5
Huminga ako nang malalim, kung bababa ako sa kanilang mundo, iisa lang ang aking
rason, ito ay ang ilihis ang mga dyosang posibleng humabol sa akin sa kaharian ni
Hua.
Hindi ko yata kayang isugal ang buhay ng kapwa nilalang ni Hua, dahil lamang nais
akong nitong tulungan.
"Hua, sa mundo ng mga bampira. Sa Nemetio Spiran." 24
"S-Sigurado ka ba, Leticia?" tumango ako sa kanya.
Hindi na nag-aksaya pa ng oras si Hua, lumipad na ito sa labas ng aking kulungan at
muli niyang ginaya ang aking kaanyuan. Nasa akma nang magliliwanag ang aming mga
katawan nang makarinig kami ng nagmamadaling yabag ng mga paa. 1
Iniluwa nito si Dyosa Neena na may dalang lampara, agad kong nakita ang luha sa
kanyang mga mata.
"Hindi ko na kayang makipagtalo sa kanila... ang sakit pagmasdan na unti-unti nang
nababaluktot ng akalang kalinisan ang mundong ito. Kailangan nang umalis ni Leticia
sa oras na ito, dahil bukas ng umaga'y paiinumin siya ng gatas na may lason." 1
Para akong kakapusan ng hininga nang marinig ko ang sinabi ni Dyosa Neena,
tinanggap ko na ang habangbuhay na pagkakapiit, ngunit hindi pa rin ba ito sapat?
Hindi ba nila nakita ang kaayusan sa mundo ng mga bampira at lobo?
Humawak ako sa aking ginto rehas na lumuluha.
"Dyosa Neena, ano pa ang ginagawa mo rito? Mapanganib nang makita ka rito,
nagpaplano na kami ni Hua."
STORY CONTINUES BELOW
"Hindi ko na kaya, Leticia... wari ko'y unti-unti na rin akong inaagawan ng buhay
sa maling pamamalakad sa mundong ito."
Umiling ako sa kanya. "Dyosa Neena, ngayong wala na akong titulo at boses sa
mundong ito, dapat ay mas isang manatiling hanggang ngayon ay hindi pinipiling
pumikit sa katotohanan." Gusto kong isama si Dyosa Neena, makasama nang mas matagal
ngunit mas kailangan siya rito, mas malaki ang kanyang misyon.
"Kung ang aking laban sa mundong ito'y tapos na, ikaw ay mayroon pa. Siguro'y ito
rin ang iniisip ng asul na apoy noon pa man, na dapat ay mas isang dyosang
mananatili, tulad ng sabi mo'y tumutulong sa likuran ng mga anino. Marami pang
isisilang na katulad ko, katulad ng asul na apoy... at ikaw Dyosa Neena ang
sasalubong sa kanila at gagabay tulad ng kung papaano mo kami pinatnubayan." 2
Kapwa na kami lumuluha sa isa't-isa ni Dyosa Neena. Nagmadali siyang lumapit sa
aking kulungan at pilit namin niyakap ang isa't-isa. Dahil alam namin sa aming mga
sarili na talagang ito na ang huli naming pagkikita.
"Hindi kita maaaring isama... dahil ikaw lang ang nararapat mangalaga sa mahiwagang
balon. Ikaw lamang...Dyosa Neena." Nanghihina siyang tumango sa akin.
Kumalas ako ng yakap sa kanya, tumingin ako kay Hua at binigyan siya ng senyas.
Muling nagliwanag ang aming mga katawan hanggang sa magkapalit kami ng posisyon,
agad nagbalik si Hua sa kanyang anyo at walang kahirap-hirap na lumabas dito.
Magagawa na sana akong itago ni Hua gamit ang kanyang kapangyarihan nang biglang
nagbuksan ang sunod-sunod na simbo na siyang nakasabit sa pader. Ngunit bago
tuluyang sumabog ang liwanag ang ipakita ang aming sitwasyon, mabilis nakapagpalit
ng anyo si Hua bilang ako at sa isang iglap ay marahas niyang iginapos gamit ng
kanyang braso ang leeg ni Dyosa Neena at may itinutok itong kapareho ng aking
punyal.
"Bigyan n'yo kami ng daan, kung hindi n'yo gustong makita ang kamatayan ng dyosa ng
balon!" sigaw ni Hua gamit ang katawan ko.
Tumambad sa mga dyosang mandirigma ang dalawang Leticia at si Dyosa Neena.
Nakarinig kami ng halakhak, hinintay namin lumabas sa anino ang tumatawa, si Dyosa
Evelyn.
"Sa tingin n'yo ba ay maniniwala kami? Si Dyosa Neena ang nangunguna para tulungan
ka? Bakit n'yo sasaktan ang kakampi n'yo?"
Tatawagin ko sana ang pangalan ni Hua, ngunit tumalim ang mga mata niya sa akin.
"Humahanga na ako sa'yo, Leticia. Bihira lang ang dyosang may kakayahang
makapagparami."
"Hindi ako nagbibiro. Kikitilin ko ang dyosang ito." Kumuyom ang mga kamao ko nang
may kaunting dugo na ang lumalabas, baka hindi ko na kayanin, baka ipatigil ko ito
at hayaan na lang sila.
"D-Dyosa... tulungan n'yo ako. Ginamit lang nila ako para makatakas, ngayon ay alam
ko na ang tunay nilang kulay-handa akong kitilin-"
"Tahimik!" sigaw ni Hua.
Kita ko sa tatlong pares ng mga mata ng tatlong matataas na dyosa, nagkakaroon na
sila ng pag-aalinlangan.
"M-Maghanda kayo ng karwahe!" mas lalong lumalakas na boses ni Hua.
"Madali maghanda kayo." Utos ni Dyosa Emma.
Nagsimula nang maglakad si Hua habang marahas niyang hinihila si Dyosa Neena na may
punyal malapit sa kanyang leeg.
"Sumunod ka, 'wag kang lalayo." Utos sa akin ni Hua na nasa unahan. 1
Nahawi ang mga kawal at hinayaan nila kaming maglakad papalabas ng tore ng piitan.
Hindi ko alam kung hanggang kailan sila susunod kay Hua, pero alam kong sa
sandaling sumugod sila ng sabay-sabay ay wala kaming laban.
"Leticia, bumilang ka ng hanggang sampu at ipikit mo ang iyong mga mata habang
sinusundan ako. Magtiwala ka sa akin."
Wala akong sinabi, sumunod ako sa lahat ng ipinag-uutos ni Hua. Ipinikit ko ang
aking mga mata habang naglalakad kami patungo sa labasan ng tore ng piitan.
STORY CONTINUES BELOW
"Anim..."
Sa bawat pagbigkas ko ng bilang, ramdam ko ang pagbigat ng tensyon.
"Pito..."
"Makakalaya ka Leticia..."
"Walo..."
"Leticia..." rinig ko ang mahinang tawag sa akin ni Dyosa Neena.
"Siyam..."
At nang sandaling bigkasin ko ang huling bilang---
"Sampu."
Tumambad sa akin ang hindi ko mabilang na kawangis ko.
"Protektahan si Leticia!" sigaw ni Hua dala ang kaanyuan ko tulad ng mga langgam na
kasalukuyang tumatakbo at sumusugod sa mga mandirigmang dyosa na ngayo'y tuluyan
nang naalerto. 14
Binitawan na ni Hua si Dyosa Neena at hinawakan niya na ang aking mga kamay.
"Tayo na Leticia..." 1
Walang salitang namagitan sa amin ni Dyosa Neena at nagkaroon kami ng sariling pag-
uusap sa aming mga mata.
Sa bawat pagtakbo naming magkahawak kamay ni Hua ay may nakakasalubong kaming mga
langgam dala ang kaanyuan ko na siyang pumuprotekta sa amin.
"Hua... sino ka? Sabihin mo sino ka ba talaga?"
Buong akala ko ay makapagpapatuloy kami ni Hua sa pagtakbo ngunit lumipad sa ere
ang dalawa sa matataas na dyosa at kasalukukuyan nang nagpapaulan ng atake sa amin.
Sinubukan kong gamitin ang kapangyarihan ko para hindi kami tamaan ng atake gamit
ang aking mga punyal, ngunit hindi nito kayang pantayan ang kanilang mga
kapangyarihan.
Nagpalit kami ng posisyon ni Hua at siya ngayon ang pilit humaharang sa mga atake
ng mga ito, ngunit papalapit na sila ng papalapit sa amin, kahit ilang langgam na
rin ang nagtangkang pigilan sila.
Ngayon ay kasalukuyan na kaming inuulan ni Hua ng mga kulay gintong sibat, buong
lakas kong pinarami ang punyal para lamang pigilan ang mga ito pero may ilan pa rin
ang tumagos. Buong akala ko'y tatamaan na ako nang humarang si Hua sa akin. 6
"Hua!"
"Tumakbo ka na, Leticia! Naghihintay na ang karwahe!"
"Hua!" akma akong lalapit sa kanya nang mas tumindi ang titig ng kanyang mga mata
sa akin. Ang aking kaanyuan na punong-puno ng pinaghalong emosyon.
"Takbo! Huwag mong sayangin ang lahat ng ito, Leticia!"
Nangangatal akong tumalikod at tumakbo patungo sa karwahe. Sa dumami ang bilang ng
mga langgam na dala ang aking kaanyuan at hinarangan nila ang dalawang dyosa at mga
mandirigma.
Nangunguna na sa kanila si Hua.
Bakit biglang nagkaganito?
"'Wag hayaang makatakas si Leticia! Isa siyang malaking kasiraan sa ating mga
dyosa!" sigaw ni Dyosa Evelyn.
Muling nagpaulan ng napakaraming pana ang mga mandirigmang dyosa sa kabila ng pilit
na pagpigil sa kanila ng mga langgam.
"Leticia, takbo!" 1
Ginawa ko ang lahat para lang makatakbo, ngunit kahit gaano pa ito kabilis hindi pa
rin ako nakatakas sa dalawang pana na tumama sa akin.
Isa sa aking likuran, dahilan kung bakit sumuka ako ng aking sariling dugo at ang
ikalawang pana ay sa aking kanang paa. 1
Bumagsak ako sa lupa, sa harap mismo ng karwahe na siyang magdadala sa akin sa
mundo ng mga bampira.
"Leticia! Kaunti na lang! Tumayo ka! Gumapang ka! Kailangan mong mabuhay!" sigaw ni
Hua sa akin.
STORY CONTINUES BELOW
Rinig ko pa rin ang matinding ingay ng sagupaan sa likuran ko, kailangan kong
makaalis dito, ayokong sayangin ang lahat ng sakripisyo nila. Kailangan ko nang
bumaba at ipagpatuloy ang aking misyon.
Pinilit kong gumapang kahit ramdam ko ang kirot sa bawat parte ng aking katawan,
nalalasahan ko na ang sarili kong dugo, hinang-hina na ako.
"Paulanan ng pana! 'Wag n'yong hayaang makatakas!"
Nakarinig akong muli ng sunod-sunod na yabag, buong akala ko'y mga kalaban ito,
ngunit kapwa ito ni Hua na humarang sa akin at pinurutektahan ako.
Nakikita ko ang limang kaanyuan ko na pilit lumalaban.
Sa nangangatal kong kamay ay pilit kong hinawakan ang karwahe, halos ilang beses
bumitaw ang aking kamay nang humawak ako sa bakal nito.
Gumapang ako nang gumapang, dala ang iba't-ibang sakit hanggang sa makapasok ako sa
loob ng karwahe. Sumunod sa akin ang limang langgam o ang sarili ko na kapwa na
sugatan at may bahid ng dugo.
"Tayong lima ang nakaatasan mapanatili ang kanyang kaligtasan hanggang sa makalabas
na ang karwaheng ito." Narinig kong sabi ng isa sa kanila.
Nang isarado nila ang pinto ng karwahe narinig ko ang sunod-sunod na ingay ng pana
na pilit nilang inihabol.
Sa nanghihina kong katawan, sumilip ako sa maliit na butas ng karwahe para makita
ang aking mundo, si Dyosa Neena, si Hua at ang mga kapwa nilalang nito na tumulong
sa akin, bago ako bumulong sa karwahe na dalhin ako sa mundo ng mga bampira.
Ngunit mukhang hindi talaga nila ako nais mabuhay pa, dahil nakalampas ang tatlong
matataas na dyosa at gumawa sila ng pamilya na linya.
Suminghap ako. Isang sumpa.
"Sa ngalan ng tatlong dyosang pinakamatataas, si Leticia na siyang nakasakay sa
karwahe ay anim na beses mamamatay sa loob nito bago pa man lumapat ang kanyang mga
paa sa lupa---" marahas nang pinatakbo ng mga kasamahan ni Hua ang karwahe sa pag-
aakalang matatakasan namin ang liwanag na nagmula sa sumpa ng tatlong dyosa. 10
Ngunit alam kong kahit gaano kabilis ang karwahe ay hindi nito maiiwasan ang sumpa.
"Leticia!" rinig ko ang sigaw ni Hua habang lumilipad na ang aming karwahe habol ng
liwanag.
Tuluyan ko nang inilabas ang kalahati ng katawan ko sa bintana.
"Patawad... hindi ko magagawang mabuhay---" ngunit ang mga salita ko'y di natuloy
nang makita ang isa sa pinakamahalagang dyosang nakilala ko ay sinaksak ang kanyang
sarili. 12
Sa mundo ng mga dyosa, may isa pang uri ng sumpa ang maituturing na pinakamalakas.
Ang agaw-buhay na sumpa ng isang dyosa. 5
"Dyosa Neena!" sigaw ko kasabay ng aking mga luha. Halos tumalon ako sa bintana,
pero marahas akong niyakap ng mga kauri ni Hua. 23
Sobrang dami na ng nagsakripisyo!
"Sa ngalan ng Dyosang nagmamay-ari ng balon, sa aking buhay na nagsisimulang
maubos, si Leticia na siyang nakasakay sa karwahe ay mabubuhay! Maririnig ang aking
dasal patungo sa lupa, anim na may nagtataglay ng busilak na puso ang magliligtas
at sasalubong sa kanya!" 111
Ito ang huling salita ni Dyosa Neena bago siya paulanan ng mga pana sa kanyang
katawan. 10
"Dyosa Neena! Dyosa Neena!" halos mahalit ang boses ko sa pagtawag sa kanyang
pangalan habang inililipad ako papalayo sa aking mundo.
"Dyosa Neena! Bakit... nangako ka sa akin..."
"Leticia... hanggang dito na lang kami at ang mahika... bababa ka sa lupa ng nag-
iisa lamang..." 1
Hindi ko na nagawang sumagot at pinagpatuloy ang pag-iyak habang bumabalik sila sa
kanilang totoong anyo. Nangangatal ang kamay kong hinawakan ang punyal... nais ko
nang tapusin ang buhay ko... 1
Napakarami nang nagsasakripisyo... kung siguro'y pumayag ako sa aking tadhana...
Handa ko nang saktan ang sarili ko ng biglang magpakita sa akin ang asul na apoy...
nasa isipan ko ito...at sa halip na poot ang maramdaman mula sa kanya, ako'y
binibigyan niya ng ngiti. 8
"Mabubuhay ka Leticia... mabubuhay ka. 'Wag mong hayaang matalo ka ng emosyon mo,
nais ka nilang mabuhay. Buhayin mo ang sarili mo, lumaban ka..."
Nabitawan ko ang punyal, mariin akong kumapit sa karwahe sa kabila nang mabilis
nitong pagbulusok sa lupa, babagsak ako, masisira ako kasama nito... hindi ko
maililigtas ang sarili ko.
Pilit akong tumayo at inabot ang bintana, sa kabila ng kumimikot kong katawan at
paa, idinungaw ko ang sarili sa ibaba.
Muling tumulo ang luha ako... nagawa ni Dyosa Neena... natalo niya ang sumpa ng
tatlong pinakamalalakas na dyosa.
D-Dahil...
Anim... anim na mabibilis na kabayo mula sa iba't-ibang direksyon ang nagmamadaling
magtungo sa akin, sa lugar na pagbabagsakan ko. 3
Ramdam ko ang biglang pagbaba ng temperatura, umuulan ng nyebe. 145
Nag-iba ang hampas ng hangin dahilan kung bakit bumagal ang aking pagbulusok. 63
Ang mga pana na patuloy na sumusunod sa akin ay nasusunog sa pagtama ng mga kidlat.
95
Tumataas ang lupa na tila may tumatalon at nanunulay dito. 59
At may kung sino na tila bumubulong sa akin na huwag akong matakot. 51
At malalaking halaman na bigla na lang tumubo na tila gumawa ng malaking duyan na
siyang sasalo sa akin. 134
Hanggang sa makarinig ako ng malakas na boses na tila kasing lamig yelo ngunit
punong-puno ng diin at determinasyon. 14
"Brothers, Rosh... let's all save Dastan's Queen!"
Chapter 18 48
Pagbaba 10
Habang bumabagsak ang karwahe, mas naglilinaw sa akin ang sitwasyon sa ibaba. Hindi
ko man sila nakikilala sa kanilang mga pangalan, sila'y pamilyar na sa aking mga
mata. 2
Ang ilan sa kanila ay kasama sa mga nanguna sa malaking digmaan noon, ang isa'y
nakausap ko na mismong palasyo. At ngayong narinig ko ang isinigaw ng namumuno sa
kanila, mas lalo kong nakumpirma kung sino ang grupo ng mga bampirang ito.
Ang anim na nilalang na may busilak na puso na siyang nakarinig sa dasal ni Dyosa
Neena at ang kanyang huling sumpa. 12
"D-Dyosa Neena...maraming-maraming salamat..." pumiyok na ang boses ko at nanakit
na ang lalamunan ko sa walang tigil kong paghagulhol.
Mahirap man tanggapin pero isang malaking kaguluhan ang iniwan ko sa Deeseyadah at
kailanman ay hindi ko pinangarap na lumisan sa aking sariling mundo habang
hinahabol ng kamatayan.
Humalo sa hangin ang mga patak ng aking luha habang nakatanaw ako sa kalawakan ng
lupa na siyang naghihintay sa akin.
Ang mga bampirang ito ay kanyang mga kadugo... kapatid at kaibigan... 2
Hindi ko na magawang ipaliwanang pa ang emosyong nararamdaman ko sa mga oras na
ito. Naghahalo-halo na, mula sa matinding kalungkutan, sakit, panghihinayang,
galit, pangungulila ngunit may umuusbong na pag-asa.
Hindi ito ang inaasahan ko. Dahil lang ba ito sa sumpa na iginawad ni Dyosa Neena?
Bakit tila higit pa rito ang nararamdaman ko?
Sa kabila ng pagtakwil sa akin ng sarili kong mundo, may isang mundong nais akong
tanggapin na higit pa sa pagbubukas ng pintuan ang nais gawin kundi isang mainit na
uri ng pagsalubong. 5
Mahigpit akong kumapit sa karwahe habang mas nalalapit na ang pagbagsak nito, mas
nakalapit na rin ang mga bampirang mga nakasakay ng kabayo at nakaabang na sa akin.
Panay ang pagtaas ng mga lupa na tila gumagawa ng baitang, patuloy sa pagtalon ang
isa sa mga bampira na parang nais akong salubungin, namumukhaan kong si Caleb ito.
"Caleb! Faster! There's something wrong with the wind!" sigaw ng isa sa mga bampira
kasabay ng biglang pag-iiba ng direksyon ng pagbagsak ng hangin. 1
Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko, isa lang ang ibig sabihin nito, hanggang
ngayon ay naglalaban pa rin ang sumpa ng tatlong dyosa mula sa sumpa ni Dyosa
Neena. Hindi pa rin ito tuluyang nagwawagi. 2
Tumalon pa nang mas mataas si Caleb at tuluyan siyang nakahawak sa karwahe. Nagtama
ang aming mga mata sa pagitan ng bintana.
Kitang-kita ko ang tuwa sa kanyang mga mata. "My Queen..." 58
Nasa akma na siyang maglalakad sa akin ng kamay nang may kung anong pwersa ang
nagtulak sa kanyang katawan, dahilan kung bakit sila tumilapon.
"Caleb!" sigaw ng mga kapatid nito.
Humabol sa tumitilapong katawan ang isa sa kanila para tulungan si Caleb.
"Dyosa... nais kong makipag-usap..." huminga ako nang malalim alam kong isa sa
kanila ito. 2
"M-May basbas ng mga dyosa ang karwaheng ito, hindi ito basta mahahawakan." Sagot
ko.
"Zen, the fucking carriage has a damn spell!" malutong na sigaw ng pamilyar na
boses na bumubulong sa akin kanina. 7
Mas naririnig ko na ang pag-uusap nila dahil konektado na ang isipan ko sa isa sa
kanila. 1
"The fuck? We are just vampires, wala tayong spell spell." Sigaw ni Caleb. 99
STORY CONTINUES BELOW
"Hindi pa siya maaaring bumaba sa lupa, the carriage might ruin itself together
with her body. Casper!" sabi ng namumuno sa kanila.
"Ginagawa ko na, Kuya, ginawa ko na! I am trying, even the wind is not
cooperating!" ramdam ko na mas bumagal ang pagbaba ng karwahe. 13
"Should I try?" tanong ng isa pang bampira.
May panibagong bampira na nagsimulang tumalon sa matataas ng lupa na kaninang
iniwan ni Caleb.
"Ingat, Rosh! Buhay ang karwaheng sinasakyan niya!" 5
"Buhay rin ako, Finn." 111
"Gusto kong makita ang nangyayari sa inyo, hindi ko kayang magtagal sa harap ng
bintana... ako'y sugatan..." hindi ako sinagot nito sa halip ay may kinausap siya
sa kasamahan niya.
"Zen...she is injured..." may bahid ng paghihimutok ang kanyang boses. "We need to
do this quick..."
"We're trying our best, Finn."
Biglang may lumitaw na liwanag sa sahig, bumitaw na ako sa pagkakahawak sa bintana
at dito na ako tumanaw sa lahat ng nangyayari sa ibaba.
Nasa malayong distansya pa rin si Caleb at ang isang bampira. Kasalukuyang
nagniningas ang mata ng isa sa kanila habang sumisipol na may dalawang kamay na
nakaangat, siya si Casper na may kakayahan sa hangin. Tumatalon papalapit sa
karwahe ang tinatawag nilang Rosh at sa isang direksyon pa ay dalawa pa rin
bampira, ang isa'y nagniningas ang mga mata na diretsong nakatanaw dito sa karwahe.
Kagaya ni Caleb ay nagawang makahawak ni Rosh sa aking karwahe. Muling tumama ang
aking mga mata sa isang maharlikang bampira, pero sa kabila nang pakikipagtunggali
niya sa mahika nagawa niya pang tumango ng marahan sa akin.
"Queen..."
Dalawang malaking ugat ang sapilitang pumasok at nang sandaling nais niya na itong
pagalawin at abutin ako, panibagong pwersa ang umatake, inakala kong liliparin na
rin siya ng hangin pero nakakapit siya sa kanyang malaking ugat ng halaman.
"Ang lakas! Casper, ang hangin mo!"" 18
"I can't! Babagsak ang karwahe!"
"Fuck!" bigla nang bumitaw si Rosh sa kanyang hawak na ugat.
Sa kabilang parte ng malapad na kalupaan ay kasalukuyan na pa lang nababalutan ng
nyebe, nagkaroon ng marahas na paggalaw ang malalaking tumpok nito na siyang
binagsakan ni Rosh.
"We do it! Sa karwahe ng dyosa, Zen!" sigaw ng lalaking nasa tabi ni Caleb.
"Evan, si Rosh at ang karwahe ay magkaiba ng bigat, baka bumulusok sa mas malalim
at tumubog lang sa nyebe. And she can't handle the pressure anymore, sugatan siya."
Natungo si Caleb sa pinagbagsakan ni Rosh, tumakbo na ang tinawag nilang Evan sa
tabi ni Finn at Zen.
"Are you going to fucking kill me? I couldn't hold the wind this longer!"
nagsisimula nang bumalik sa pagiging itim ang mga mata ni Casper.
Lumapit na si Evan sa tabi ni Casper. "I will give you blood, sa sandaling mawalan
ka ng malay. Just hold a little longer, brother." 7
"I am not trained to compete a goddess' spell." Dumudugo na ang ilong ni Casper. 19
"Yeah, lahat tayo. I might just ruin the carriage if I use mine."
"Zen... Casper's bleeding." Pansin ko na nangangatal na rin ang boses ni Finn. 1
Karamihan ay sa kanila ay naghihintay na ng desisyon ni Zen. 1
"Zen! dumudugo na ang ilong ni Casper!" sigaw ni Rosh.
STORY CONTINUES BELOW
"I know! I fucking know! I-I just wait a little..." tumango si Casper at mas
humarap sa karwahe.
"For the Dastan... for the Queen..." 6
"Listen," mas naalerto ang lahat nang magsimula nang magsalita si Zen.
"The carriage has a spell from a goddess and we were called by another goddess to
dispel the first curse... she asked for us... six..." napahawak sa kanyang noo si
Zen habang ang isa niyang kamay na nasa kanyang bewang. 14
"Holy fuck! Bakit hindi ko naisip!" tumingala sa karwahe si Evan.
"I thought you're the wisest Gazellian?" humilera na sa kanya si Rosh at Caleb. 27
Sa ilang segundo ay nasaksihan ko ang isa-isang paghakbang ng mga maharlika sa
iisang linya na kapwa nakatingala sa karwahe.
"Sa sandaling ibaba ni Casper ang kanyang mga kamay, walang matitira sa lupa."
Matigas na sabi ni Zen. 1
Sabay-sabay tumango ang limang natitirang prinsipe habang mariin silang nakatitig
na tila hindi na sa karwahe kundi sa akin.
Dalawang kamay ko na ang inihawak ko sa aking dibdib, bakit ganito ang nararamdaman
ko? Natutuwa ako... naluluha ako sa sobrang galak... 8
Anong klaseng pagmamahal ang iginawad ng kanilang hari para umabot sila sa
hangganang ito para lamang tulungan ako? 6
"Humanda kayo."
Hindi na inalintana ni Casper ang patuloy na pagdurugo ng kanyang ilong habang
nakataas ang kanyang kamay.
Naghalo ang yelo, malalaking halaman, nabibitak na lupa at kulog at kidlat. "Now!"
11
Isang malakas na pagsabog ang tila kumawala sa posisyong pinanggalingan ng anim na
prinsipe at gumawa ito ng isang napakalaking butas sa lupa. Naghiwa-hiwalay ang
anim na bampira sa ere dala ang kanilang mga kapangyarihan. 1
Nawala ang hanging umaalalay sa akin at nagpatuloy ang pagbulusok, ngunit agad din
itong tumigil nang may malakas na bagay ang humarang dito.
"I got the bottom!" sigaw ni Caleb na may boses na nahihirapan. 1
Malakas na pwersa rin ang naramdaman ko sa bubong ng karwahe. Tumindig dito si
Evan.
"Evan! Dahan-dahan!" reklamo sa kanya ni Caleb.
"Lights, Evan!" ani ni Zen. Nakasabi na rin si Zen sa tagiliran ng karwahe. 1
"Coming, brother!" 2
Nagsunod-sunod ang kidlat sa iba't-ibang direksyon at sa bawat liwanag na hudyat
nito ay may umuusbong na tila makapal na pader na gawa sa yelo. Tila gumagawa ito
ng bundok na gawa sa yelo at ang dulo nito ay ang karwahe.
"Hindi aabot, Rosh."
"I know." Sa kaliwang parte ng karwahe ay nakasabit na rin si Rosh.
Sa bawat dulo ng makakapal na yelo ay may mga halaman na bigla na lamang tumubo
rito na siyang nagpatuloy ng hugis na parang bundok, nagsisimula nang abutin ng mga
ugat ang dulo ng karwahe.
Nang sandaling maabot na ito ng mga halaman at yelo, tuluyan nang tumambad ang
kakaibang uri ng bundok, nanatili pa rin si Caleb sa ilalim, nasa itaas pa rin si
Evan, Casper na gumagamit pa rin ng hangin at si Finn na kasalukuyang hinihintay
ang susunod na mangyayari.
"T-Tumigil ba?" tanong ni Caleb.
Nakiramdam ang anim na prinsipe na kapwa na nakahawak sa karwahe, sobrang bilis ng
tibok ng puso ko, kinakabahan ako sa pwedeng mangyari, ginawa na nila ang lahat.
"I t-think... I should try to possess this carriage. Papasukin ko ng-" hindi
natuloy ni Finn ang sasabihin niya. 4
"NO!" apat na boses ang nagsabay-sabay na sumagot sa kanya. 2
"Your mind is still fragile, hindi matutuwa si kamahalan." Sabi ni Evan.
"It's not really moving, I think it's a success? Pwede na ba akong umalis dito?"
tanong ni Caleb.
Panibagong kamay ang akmang hahawak muli sa bintana. Buong akala ko ay makakahinga
na ako ng maluwag nang bigla muling gumalaw ang karwahe.
"Tang ina, gumagalaw pa!" sigaw ni Caleb. 37
"Maiipit si Caleb!" sabi ni Finn.
"Shit! Bumitaw kayo sa karwaheng lahat! Let it slide!" utos ni Zen.
"Are you fool, Zen? Sugatan na ang dyosa sa loob! She'll die! Kapag nagpagulong-
gulong siya!" narinig kong sabi ni Evan. 2
"Trust me, her death is our brother's death. Do you think I would allow it?" sagot
sa kanya ni Zen. Hindi ko alam kung bakit sa gitna ng mahirap na sitwasyon ay
malinaw ko pa rin nakikita ang pagmamahal nila sa kanilang hari. 8
Nang makita kong sunod-sunod humiwalay sa karwahe ang mga prinsipe, tanging si Rosh
lang ang naiwan ngunit bago tuluyang bumitaw ang kanyang mga kamay, bigla na lang
nagpakita ang napakaraming pulang piraso ng rosas na halos punuin ang buong
karwahe, na sa bawat galaw nito ay tumatama lang ang katawan ko sa pinagsama-samang
piraso ng bulaklak na hindi magawang saktan ang katawan ko. 12
Ramdam ko ang pagpapagulong-gulong ng karwahe at ng katawan ko. Ngunit hindi
humihiwalay sa akin ang boses ng anim na prinsipe, maging ang mabigat na paghinga
ng mga ito habang habol ako.
"Now! Ruin the carriage! The roses will protect her!" sigaw ni Rosh nang maramdaman
kong nasa ibaba na ang karwahe matapos ang pagpapagulong-gulong.
Nakarinig ako ng sunod-sunod na atake sa iba't-ibang parte ng karwahe, ngunit sa
kabila ng pagkarahas nito, hindi ako makaramdam ng panganib at takot, kundi
matinding pananabik at pasasalamat.
"Nakakakita na ako ng rosas! Malapit na!" sabi ni Caleb.
Sa gitna ng mga pulang bulaklak, niyakap ko ang aking sarili, ipinikit ang aking
mga mata at buong pusong dinama ang kanilang pagliligtas.
At nang sandaling makarinig ako ng isang pinakamalakas na atake, tuluyan nang
nasira ang karwahe at lumutang sa ere ang maliliit na piraso nito kasabay ng mga
pulang rosas na nadala mula sa matinding pwersa.
Tumambad sa akin ang nakapalibot na anim na prinsipe na may mga kamaong nakakuyom
at nagdurugo.
Nakasalampak ang aking mga binti sa maliit na kahoy na siyang dating parte ng
karwahe, nanatiling nakayakap sa aking sarili at sinalubong ang kanilang mga mata
sa gitna ng umuulang mga rosas...
Tila ilog na umagos ang aking mga luha...
Nanghihinang napaatras ang anim na prinsipe nang tuluyan akong mapagmasdan. 2
Biglang napaluhod sa lupa si Caleb kasabay ng paghinga niya ng maluwag. "She's
safe..." 5
Wala sa sariling inilagay ni Zen na siyang namuno sa pagliligtas ang kanyang noo sa
balikat ng kanyang kapatid na si Casper na kasalukuyang nagpupunas ng kanyang
dumudugong ilong. "Thanks..."
Ilang beses niyang tinapik ang ibabaw ng ulo ng kapatid niya. "No problem, Zen."
Napayakap si Finn kay Evan na tulalang nakatitig sa akin. "At last, brother!" 15
At dalawang beses humakbang patungo sa akin ang prinsipeng may kakayahang maglabas
ng napakaraming rosas. Ngumiti siya sa akin at marahan niyang inilahad ang kanyang
kamay. 8
"Maligayang pagdating sa Emperyo ng Parsua, Mahal na Reyna..."
AN/ To hear the imaginary music from Dastan's music box, try to search
'Reminiscence of the Red Lotus (bamboo version)' on youtube by TaiGekTou. 15
Chapter 19 19
Pagmulat 6
"Hang in there... everything will be alright..." nanghihina akong tumango nang
marinig ito mula sa namuno ng nangyaring pagligtas sa akin.
At mas namayani ang mabibilis na yabag ng mga kabayo.
"Wala na bang ibibilis itong mga kabayo n'yo?" tanong ni Rosh.
"Shut up, Rosh." Sagot sa kanya ni Zen na siyang may hawak sa akin.
Mas inihilig ko ang aking sarili sa kanyang dibdib. Sa kabila ng kanilang kaalamang
matagumpay at ligtas na ako mula sa sumpa ng mga dyosa, ramdam ko pa rin ang
matinding kaba sa kanilang anim. Isa nang malaking patunay ang malakas na pagtibok
ng puso ni Zen. 2
Pinipilit kong labanan ang panghihina ko, hindi ko na gusto pa na maalarma sila at
higit na mag-alala ngunit hindi na ako kayang sundin ng sariling talukap ng aking
mga mata.
Hinang-hina na ako, humihina na ang boses nila at alam kong ilang minuto na lang
ang itatagal ko bago ako tuluyang iwan ng aking kamalayan.
"S-She's sleeping...she's sleeping!" nangangatal ang boses ni Caleb na siyang
malapit sa kabayong sinasakyan namin ni Zen.
"Shit!" halos nagkasabay-sabay na sila. 1
Sinusubukang tapikin ni Zen ang aking pisngi para mapanatili akong gising, "You
can't sleep. Please... please..."
"Can't she just replenish or something? Parang katulad natin? Dugo? Ano ang
kailangan niya? Malayo pa tayo sa palasyo!" sabi ni Finn na may halo nang matinding
takot. 4
"Can't someone from you, Gazellians, fly?" tanong ni Rosh. 1
"Walang nakakalipad na Gazellian, Rosh. Are you an idiot?" sagot sa kanya ni Evan.
83
"I was just asking, malay n'yo." 6
"May nakakalipad ba sa mga Le'Vamuievos?" tanong ni Caleb. 2
"Si Pryor." Mabilis na sagot ni Rosh. 47
"What? Seriously?" sumabat na rin si Zen.
"Just my prediction, he'll be the first flying vampire." 113
Sunod-sunod na hindi pamilyar na salita ang narinig ko mula sa kanila hanggang sa
hindi ko na tuluyan pang nahabol ang kanilang usapan. 1
**
"Claret!" 8
Naalimpungatan ako sa malakas na boses ni Zen at pilit akong nagmulat, marahas
nabuksan ang malaking pintuan ng palasyo.
Nakarating na pala kami. Sinubukan kong mapanatili ang aking pagmulat pero tuluyan
nang nanlabo ang aking mga mata, kaya mas pinili ko na lamang pumikit muli.
Buhat pa rin ako ni Zen habang naglalakad ito ng mabilis, nakapalibot pa rin sa
amin ang limang prinsipe na tila may kung sino pa na handang umatake sa akin.
Sinalubong kami ng anim na babaeng bampira na nagmamadali rin maglakad para
salubungin kami. 9
"A-Anong gagawin?" ramdam ko ang pangangatal ng braso ni Zen. "Ang dami nang
nawalang dugo sa kanya... we can't just feed her. She's not a vampire."
"Zen dalhin natin siya sa silid ni kamahalan." May mainit na kamay na humaplos sa
pisngi ko. 22
"Wala nang maaaring sumunod." Sabi ng babaeng tinawag nilang Claret.
STORY CONTINUES BELOW
Hindi na nag-aksaya pa ng oras si Zen dahil nagmadali na ito at nag-iingat na
tumakbo patungo sa silid ni Dastan.
Dinig ko ang pagbukas ng pintuan, ang mga paghakbang ng dahan-dahan at ang paglapat
ng aking katawan sa kama.
"I'll treat her, Zen." Hinawakan ng babae ang kamay ko.
"She's now here...Dastan... brother... your Queen is here, please wake up." Ito ang
huling binitawang salita ni Zen na siyang nagbigay alam sa akin na ang haring ilang
taon kong tinakbuhan ay kasalukuyang nasa aking tabi. 40
Tulad ko'y nanghihina... 2
Sa pagkakataong ito ay dalawang kamay ng babae na may pangalang Claret ang
nakahawak sa aking kanang kamay.
"Alam kong gising ang iyong diwa ngunit hindi mo na mautusan pa ang katawan mo.
I've been there... sobrang hirap... pero lumaban ako para sa lalaking mahal ko." 7
Habang kinakausap niya ako, may kung ano akong nararamdaman mula sa mga kamay niya.
Tila ito isang maliit na enerhiya na pilit gustong pumasok sa loob ng katawan ko.
"Isa akong babaylan... bampirang babaylan, nagkaisip at lumaki sa mundo ng mga tao
at pinili ng asul na apoy bilang isang itinakdang babae na iibig sa isa sa
pinakamalakas na ipanganganak na bampira..." kung dati ay naririnig ko lang ang
kwentong ito ngayon ay hawak na ng mga kamay ko. 13
Isa lang ang ibig sabihin nito, hanggang ngayon ay nasa landas ng tagumpay pa rin
ang dyosa ng apoy.
"They heard the whisper of her prayer... ang magkakatid na Gazellian at si Rosh ay
kapwa nanaginip ng boses na nagmumula sa isang balon ilang gabi na ang nakalilipas.
That you will need their help, ngunit ang malaking tanong ay kung kailan ka
darating..." 1
Habang nagkukwento siya sa akin ay wala siyang tigil sa paglipat sa akin ng kanyang
enerhiya.
"Ngunit ngayong umaga'y nakatanggap kami ng liham tungkol dito na siyang naging
dahilan kung bakit naging alerto ang lahat. Siguro ay dahil sila ang nakarinig ng
dasal kaya hindi naging mahirap sa kanila kung saan ka lilitaw sa mundong ito.
Ngunit ang liham ay isang napakalaking katanungan." 5
Saglit akong binitawan ni Claret at hinawakan niya ang kaliwang kamay ko, ang puso
kong nanghihina sa pagtibok ay tila nakuryente nang makilala ko ang kamay na
lumapat sa akin.
"Si kamahalan? Matapos tuluyang bumalik ni Evan mula sa unibersidad... bigla na
lang siya nawalan ng gana sa pag-inom ng dugo. He refused the bloods, even from his
sibling or from his mother." Kaya ba siya ngayon nakaratay sa kama? 50
"Inakala namin na baka napagaya siya kay Zen, but King Dastan is no artist. Wala
siyang panahon para tumanggi sa dugo at manghina dahil alam niyang umaasa sa kanya
ang buong emperyo ng Parsua Sartorias. His body is refusing blood... pinipilit niya
pero isinusuka ng kanyang katawan." Kumirot ang dibdib ko sa sinabi ni Claret. 4
"I heard what happened when you tried to visit him once, at alam kong hindi naging
maganda ang salubong sa'yo. Maging ako ay tatakbo o higit pa sa sampal ang magagawa
ko. Paumanhin, Mahal na Hari kung naririnig mo rin ako." Saglit tumawa si Claret.
57
"Pero nais kong humingi ng tawad sa'yo, Dyosa ng Buwan sa nasaksihan mo sa aming
hari. Bampira lamang siya at kailangan niya rin ng dugo tuwing nanghihina." Dumiin
ang pagkakahawak ng aking kaliwang kamay.
"Ngunit kung iisipin, maaari naman talagang sa kopita uminom. Kaya hindi ko na
kukwestyunin ang sampal na ibinalita sa amin ni Caleb, kung tunay nga iyon." Muling
natawa si Claret. 63
"May hangganan ang kakayahan ng aking panggagamot, ngunit ngayong magkatabi na kayo
at nararamdaman n'yo na ang presensiya ng isa't-isa, alam kong hindi rin magtatagal
ay magkakaroon na kayo ng lakas magmulat at bahagyang gumalaw."
STORY CONTINUES BELOW
Muling hinaplos ni Claret ang aking pisngi. "Sana'y maging maayos ang lahat, Dyosa
ng Buwan."
Nang muling iwan ng kanyang kamay ang aking kanang kamay, bigla na naman akong
nakaramdam ng matinding panghihina hanggang sa tangayin ako patungo sa malalim na
pagkakatulog.
**
Ilang beses nang nagmulat ang aking mga mata mula sa aking pagtulog, ngunit sa
pagkakataong ito masasabi kong kakaiba ito sa lahat nang naranasan kong pagmulat.
Gabi na at kasalukuyang nakasilip ang sinag ng buwan sa malaking bintana na
bahagyang nakabukas, nililipad ng hangin ang manipis nitong kurtina na siyang
naglalantad ng ilang paso at halaman sa asotea.
Napangiti ako. 2
Magaan na ang pakiramdam ko at wala na akong maramdamang kirot sa bawat parte ng
aking katawan. Hindi na ako nanghihina at alam kong higit pa sa isang araw ang
aking pagpapahinga. 1
Sumalubong din sa akin ang kakaibang uri ng kisame na tila may mga nakaguhit na
larawan, nakapatay ang mga ilaw na gawa sa dyamanteng kristal at ang nagmimistulang
liwanag na kayakap ng sinag ng buwan ay ang ilang gawa sa bakal na simbo na
nakasabit sa pader. 3
Sa buong silid ay namayani ang halimuyak ng insenso na may haplos ng halamang
rosal. Nakikita ko ang manipis at sumasayaw na puting usok. 5
Napakapayapa ng silid, nakagiginhawa sa pakiramdam.
Iginalaw ko ang aking katawan pakaliwa upang makita pa ang kabuuan ng silid, ngunit
nang sandaling tumama ang aking mga mata sa kanya... tila tumigil ang oras. 19
Tumigil ang paggalaw ng puting usok...
Tumigil ang pagsayaw ng kurtina at maliliit na halaman...
Tumigil ang pag-indayog ng apoy sa mga simbo...
At ang tanging nagpatuloy ay ang pagtibok ng puso ko...
Hinanap ang aking galit, hinanap ang kalungkutan...
Ngunit ito at pinalitan ng luhang punong-puno ng galak... 17
Sabi nila'y ang kaligayahan ay nararamdaman at hindi nakikita...
Ngunit ano itong aking nakikita na payapang nakapikit ang mga mata at banayad na
humihinga? 12
Isang kaligayahan... sa harap ng natutulog na Hari ng Sartorias... 9
Parang sasabog ang puso ko habang pinagmamasdan ang kanyang maamong mukha. Nais ko
siyang hawakan, nais kong magsalita, nais ko siyang hagkan...
Kahit ang paraan ng kanyang pagtulog ay animo'y isang uri ng perpeksyon. Katulad
ko'y nakatagilid din ang kanyang katawan at ang mga kamay niya'y tila aabutin na
ako. 1
Ang kanyang labi'y tila matamis na mansanas, ang hugis ng kanyang ilong na animo'y
isang obra maestra mula sa mga kamay ng isang bihasang mang-uukit at ang iba pang
detalye ng kanyang mukhang halos lampasan ang pamantayan ng salitang perpektong
sining. 13
Tila humaba ang kanyang buhok... 6
Nangangatal ang aking kamay habang inaakmang abutin ito, ngunit ako'y nagulat nang
biglang may dumapong ibon mula sa bintana. Wala sa sarili akong napaatras mula sa
kama at iniwas ang aking mga kamay. 1
Sa hindi sinasadya'y natabig ko ang lamesa malapit sa kama at dahil bumalik na ang
aking lakas, agad itong natumba at lumikha ng ingay.
Mariin akong napapikit bago dahan-dahang lumingon pabalik sa hari, napahinga ako
nang maluwag nang makitang banayad pa rin ang paghinga nito.
Ngunit ang higit na nakagimbal sa akin ay nang makarinig ako ng malambing na
musika. Pilit hinanap ng aking mga mata ang pinagmumulan nito at tumambad sa akin
ang isang maliit na kahon na may salamin sa loob. 7
Gumagawa ito ng musika na animo'y may isang orkestra. Tila kakaibang uri ito ng
kahon na may mahika, dahil buhay na buhay ang dala nitong musika, na kasalukuyang
pinangungunahan ng plauta.
Magigising ang hari!
Agad akong bumangon at tinanggal ang kumot sa aking katawan, handa nang bumaba ang
isa kong binti ngunit sa isang iglap ay naramdaman ko ang muling paglapag ng aking
likuran sa kama. 16
At sa pagkakataong ito'y tatlong uri ng musika ang namayani sa loob ng silid.
Ang kanyang mabibigat na paghinga... 4
Ang malambing na musika mula sa kahon...
At ang sabay na pagtibok ng aming mga puso... 4
Nakapiit ang aking dalawang palapulsuhan sa pagitan ng kama at ng kanyang mga
kamay, kusang kumalat ang aking mahabang buhok na siyang naghayag ng pag-iinit ng
aking mukha, patuloy sa pagtaas-baba ang kanyang dibdib dahil sa mabigat niyang
paghinga at ang ilang hibla ng kanyang mahabang buhok na tila nilalaro ang aking
pisngi. 32
Hinayaan naming maging saksi ang musika sa muling pagtatagpo ng aming landas at
pinagsawa ang aming mga sarili upang pagmasdan ang isa't-isa.
Unti-unti niyang pinakawalan ang aking palapulsuhan at maingat sinapo ng kanyang
mga kamay ang aking magkabilang pisngi. Dahan-dahan niyang ibinaba ang kanyang
sarili sa akin at pinadikit ang aming mga noo habang ang tungki ng aming mga ilong
ay tumatama sa isa't-isa. 24
Muli niyang ipinikit ang kanyang mga mata.
"Ang walang katapusang panaginip na ito'y aagaw sa aking buhay..." 26
Hindi ko magawang sumagot sa kanya. Inaakala niya ba na panaginip ako? Walang
katapusan? Ibig sabihin ba nito'y madalas niya akong mapanaginipan?
"Inaamin kong ako'y nagkasala... ngunit pangako aking mahal, ni isang patak ng
dugo'y hindi na ako tumikim. Hindi ko na uulitin..." mas lumambot ang boses ng hari
na dalawang beses pang umiling habang magkadikit ang aming noo at ilong. 128
Sa bawat bitaw ng kanyang salita'y tila hinahaplos ang puso ko. Ano ang laban ng
isang dyosang katulad ko sa isang haring nagsusumamo? 12
Sa kanyang boses na hindi aakalaing magagawang lumambot, sa kanyang mga kamay na
hindi aakalaing mangangatal.
"Hindi na..." bulong niya. 5
Kahit punong-puno ng kaba ang dibdib ko, pinilit kong igalaw ang aking mga kamay at
marahan ko itong ipinulupot sa kanyang batok.
Sumagot ako. "Magmulat ka..." 2
Pansin ko ang pagkabalisa niya sa sinabi ko, buong akala nito'y isa akong panaginip
at sa sandaling magmulat siya ng mata'y bigla na lang ako maglalaho. 5
"Mahal na hari, nais kong malaman ang iyong gagawin kung malaman mong ako'y hindi
isang panaginip, kundi isang buhay na katotohanan..." ako naman ang bumulong sa
kanya. 20
"Magmulat ka, Mahal na Hari..."
Pigil ang aking paghinga nang sa pangalawang beses ay nagtama ang aming mga mata,
ngunit sa pagkakataong ito'y ang kanya'y nagniningas na tila sa isang apoy. 29
"Hahagkan kita..."
AN/ While reading this chapter try to hear 'Song of the fleeting blossom' on
youtube by TaigekTou. 14
Chapter 20
Tamang kagat 166
Sa daang taon ng aking pamumuhay, ang kaligayahan ay bihira lamang yumakap sa aking
buong sistema. Isang uri ng kaligayahang wagas at walang halo ng matinding
panghihinayang.
Unang galak ng aking puso'y nang masaksihan ang buwang humalik sa karagatan.
Ikalawang galak ng puso'y nang kumawala ang posas ng maling katwiran.
Ikatlong galak ay nang sandaling matigil ang digmaan.
Ngunit ang aking ikaapat na kagalakan na siyang akin ngayong tinatamasa ay hindi
kailanman maaaring ikumpara sa kahit anong kaligayahang aking mararanasan.
Uri ng ligayang tila walang hanggan... 1
Higit sa halik ng kapangyarihan ng buwan...
Higit sa halik ng mga salitang hahaplos sa puso...
Higit sa halik na pagsalubong...
Kundi isang uri ng halik na magmumula lamang sa labi ng isang haring may mga matang
nagliliyab sa uhaw at matinding pananabik... 14
Ang aking antipasyon ay tila makagagawa ng matinding pagsabog sa aking dibdib
habang mga aming mga labi'y gahibla na lamang sa pagitan ng manipis na hangin. 1
Tila may sariling pag-iisip ang kahon ng musika na kasalukuyang humahalina sa
katahimikan ng buong gabi, dahil ang bawat huni nito na may dalang iba't-ibang
instrumento ay tila may dila ng apoy na pumapaso sa bawat parte ng aking buong
katawan.
Tumindi ang pagniningas ng apoy sa mga simbo, nagpatuloy ang pagsayaw ng maninipis
na kurtina sa nakabukas na babasaging pintuan sa asotea at may ilang piraso na ng
mga halaman ang unti-unting nalalagas.
Tila ang aking buong pakiramdam ay lumakas, dahilan kung bakit mas nagkaroon ako ng
koneksyon sa buong kapaligiran. Mas nagyaman ang manipis na usok mula sa insenso.
Halimuyak ng rosal kasabay ng nagliliyab ng mga damdamin...
Unti-unting lumalandas sa manipis na gintong kurtina sa nakatali sa bawat sulok ng
malaking kama ang mga laso nito. Dahilan kung bakit nawala ang pagkakapugong nito
na siyang tuluyang kumalat at nagbalot sa amin. Tila lumiit ang espasyo at nawalan
ng ibang distaksyon.
Sa ibabaw ng kama'y ako at ang hari... 19
Ang musika at ang mabigat naming paghinga...
"Tanging para sa akin..." 9
Mga salitang pumutol sa distansya, salitang aking habang-buhay tatanggapin at
dadamhin. Kasabay ng haplos ng aming mga labi...
Ang aking mga matang tila nakatitig sa liwanag ng buwan ay tuluyang pumikit at
niyakap ang kadiliman upang damhin ang kanyang mga labi sa tuwing aking mundo'y
niyayakap ng dilim. 1
Ipinangako niyang siya'y aking hangin, ngunit ang hari'y akin ring liwanag. Kanya'y
labi sa aking tila dalawang nagkikiskis na bato na gumagawa ng apoy.
"Ika'y aking kahinaan..." bulong sa aking isipan na siyang nagbukas ng aking pag-
anyaya sa kanyang mga labi.
Di bihasang labi'y pilit tumugon, katawang inakalang nalunod sa kahinaan ngayo'y
sumusunod sa kanyang mga haplos at aking tinig na tila gumagawa ng uri ng musikang
kailanman ay 'di narinig sa Deeseyadah. 38
Nagngitngit ang kama nang sandaling naghawak ang aming mga kamay, mga daliring
kapwa nagsalikop at gumawa ng maingat na kilos sa bawat pagtugon ng mga labi. 12
STORY CONTINUES BELOW
Tibok ng puso'y di na mawari, sariling butil ng mga pawis ay walang tigil sa
paglandas sa kutis, ngunit sa kabila ng kasiyahan tila katawa'y naghahanap pa. 2
Kapwa ang aming pahingal nang sandaling maghiwalay ang aming mga labi. Kanyang mga
mata'y alam kong may higit na hinahanap. 10
Ang hari'y 'di na kailangan alukin, dahil alam nitong ang kasalukuyang nakahain ay
kanyang pag-aari. Nagbitaw ang aming mga kamay kasabay nang pagbaba ng kanyang labi
sa aking leeg. Umangat ang katawan ko sa kama nang maglandas ang kanyang mga halik,
naglaro ang aking mga daliri sa kanyang buhok at hinayaan itong damhin ang
nararapat sa kanya. 23
"Maligayang pagbabalik, Aking Reyna..." bulong nito sa akin. 43
Ngumiti ako at tumango sa kanya. Humigpit ang aking yakap sa likuran ng hari nang
maramdaman ang dulo ng kanyang pangil. Kaba, galak at matinding pananabik ang aking
nararamdaman. 17
"Maaari kitang masaktan, Leticia..." 10
Hindi ako sumagot sa halip ay mas itinulak ko siya sa aking leeg. Alam kong ang
dugo ko ang matinding kailangan niya.
Tuluyan nang umawang ang mga labi ko nang ang kanyang pangil ay tumusok na sa aking
leeg, napahugot ako ng mabigat na paghinga, ang aking katawa'y umangat muli sa kama
at ang aking mga daliri'y bumaon sa kanyang likuran. 3
Unang nakaramdam ng panghihina na tila mawawalan ng malay, ngunit ang kanyang tinig
sa aking isipan ang siyang nagpanatili sa aking malay.
"Leticia..." 20
Ang ingay mula sa aking dugo na dumadaan mula sa kanyang labi patungo sa kanyang
lalamunan ay tila isang musika na aking hinahanap-hanap.
"Dastan..." hinaplos ko ang kanyang buhok. 33
Halik sa aking leeg ang tumapos sa kanyang unang kagat. Hinang-hina ang aking buong
katawan nang sa sandaling muli siyang humalik ay marahan na lamang nakagalaw ang
aking labi. 3
Siya ngayo'y nasa aking tabi habang pinagmamasdan akong nanghihina, bahagyang
nakatagilid habang ang kaliwang siko'y nakatuon sa kama, kanyang kanang kamay ay
marahang hinahaplos ang pisngi ko. 3
"Patawad, tila naparami-" umiling ako at pilit inabot ng aking mga daliri ang
kanyang labi para patigilan siya sa aking sasabihin.
"Masasanay rin ako, Mahal na Hari..." ngumiti ako nang halikan niya ang aking noo.
17
"Sleep." Hinakawan niya ang isa kong kamay at marahan niya rin itong hinalikan. 2
Nang sandaling ipikit ko ang aking mga mata, ramdam ko ang bisig niyang yumakap sa
akin. 32
**
Umaga na nang muli akong magmulat, nanatili akong nakahiga sa kama habang pilit
inaaninaw ang buong paligid, hanggang sa makilala ko ang matikas na nakatalikod at
nakatindig sa akin. 1
Ngumiti ako. Ang aking hari...
Nasa harap ito ng salamin at kasalukuyang nag-aayos ng kanyang kasuotan. Ngunit
hindi rin nagtagal ay napansin nito ang aking paninitig. 2
Mabilis siyang nawala sa harap ng salamin, naupo sa kama at hinaplos ang ilang
hibla ng aking buhok.
"Magandang umaga."
"Saan ka pupunta?" tanong ko.
"Nais sana kitang samahan sa silid na ito sa napakahabang panahon, ngunit ilang
buwan na akong hindi nakalalabas para sa aking tungkulin." 3
"Buwan?"
"Ilang buwan akong naratay sa higaan, Leticia." 3
Nag-iwas ako ng tingin sa kanya nang maalala ko ang sampal. "Dahil sa sampal..." 76
STORY CONTINUES BELOW
Mahinang sabi ko. Agad siyang tumikhim at tumayo na sa kama, bumalik sa
pagbubutones ng kanyang kasuotan.
"Wala akong natatandaan, Aking Reyna." Ngumuso ako sa sinabi ng Hari. Siguro'y
hindi niya gustong pag-usapan ang bagay na ito. 77
"Ilang araw na akong natutulog?"
"Kung hindi ako nagkakamali, Aking Reyna, tatlong araw tayo kapwa natulog bago
tayo-" hindi ko siya pinatapos dahil sa matinding hiya.
"Oo." Agad kong sabi.
Mukhang agad itong nakuha ng hari nang saglit niya akong sulyapan. "Isang linggo ka
muling nakatulog." 7
"Ikaw rin?"
"Pinagmasdan kita..." 25
Bumangon na ako sa kama at lumapit ako sa kanya, kanina pa siyang nahihirapan sa
kanyang kasuotan. Posibleng nasanay siya na may tagasunod at ngayong ako'y nasa
kanyang silid ay hindi siya makatawag. 2
"Maaari ba akong tumulong?"
Nanatiling nakatapak ang aking mga paa sa malamig na sahig ng kanyang silid habang
ako'y nakaharap sa kanya at inaayos ang kanyang butones.
"Nais mo na bang ipakilala kita?" umiling ako.
"Gusto ko munang sabihin sa'yo ang lahat." Tumango siya.
"Nais mo na bang lumabas?"
"Maaari ba?"
"Lahat ng kagustuhan ng aking reyna'y hindi ko hihindian." 62
Tumawag ng tagasunod si Dastan gamit ang isang maliit na kampana, naupo ito sa
kanyang gintong silya na malapit sa isang lamesa na may plorera at magandang
bulaklak.
Nakakrus ang kanyang mga binti, may hawak siyang aklat habang maingat niyang
pinagmamasdan ang mga tagasunod na tumutulong sa aking pumili ng aking kasuotan. 2
"Nakapagtatakang ni anino ng kahit isa kong kapatid ay hindi naliligaw sa mga oras
na ito." 43
Pinaglaro ni Dastan ang kanyang mga daliri sa lamesa na parang isa itong isipin na
dapat niyang pag-isipan ng matagal. Ngunit pansin ko na ang mga tagasunod na
tumutulong sa akin ay nagpipilit na hindi mangiti. 5
"Bakit?" mahinang tanong ko.
Naalarma ang mga ito sa katanungan ko at mas pinag-igi ng mga ito ang pagtatago ng
kanilang ngiti. 6
"Sinalubong nila ako, Dastan. Sila ang nagligtas sa akin at nagdala rito." 4
Natigil sa paglalaro ng kanyang daliri si Dastan at nagsalubong ang aming mga mata.
Nasaksihan ko rito ang saglit na paglambot ng kanyang ekspresyon, hindi siya
ngumiti ngunit sapat na ang saglit na pagkislap ng kanyang mga mata. 4
"Hindi nakagugulat..."
Isinarado na niya ang kanyang aklat. Nangalumbaba ang hari at tumanaw sa labas ng
bintana ng kanyang silid. 1
"Maganda ang araw ngayon para sa aking kaharian..."
Sa ilang beses naming pagtatagpo ni Dastan, masasabi kong ang araw na ito ang
naghayag sa akin ng kanyang totoong kasiyahan, sobrang gaan ng kanyang presensiya
sa mga oras na ito. 2
Dinala na ako ng mga tagasunod sa paliguan ng hari, sinabi ni Dastan na rito lamang
dapat paliguan ang kanyang reyna. Hihintayin niya raw ako sa aming silid. 17
Ibinabad ng aking katawan sa maligamgam na tubig na may mga nakahalong bulaklak.
Tila isang batis ang paliguan ng hari na kasalukuyang napupuno ng usok. Hindi man
ito kasing ganda ng sa Deeseyadah na may lapat pa rin ng ginto, masasabi ko na
kahit ang isang dyosa'y mawiwili rito. 1
STORY CONTINUES BELOW
Inilubog ko ang aking katawan hanggang sa aking leeg at hinayaan ang sariling
makaramdam ng kapayapaan at katahimikan.
Alam kong sa simula lang ito, hindi pa ito ang katapusan at masasabi kong malayo
pa...
Ngunit ipinapangako kong ang lahat ng sakripisyo ay hinding-hindi mahuhuli sa wala.
Simula kay Dyosa Neena, kay Hua at sa kanyang mga kalahi at kay Nikos na alam kong
siyang tumulong sa akin. 9
"Pangako... pangako..." bulong ko sa aking sarili.
Kalahating oras muli ang iginugol para ayusin ang aking kasuotan, buhok at ilang
batong alahas sa aking katawan. Napili ni Dastan na may lapat ng puti at ginto ang
aking kasuotan na nasusunod din sa kanyang suot bilang hari. 8
Magkadaop ang aking mga kamay habang kinakabahan, kasalukuyang nasa likuran ng
pintuan ang hari at hinihintay ako, kapwa na nakahawak sa malawak na pintuan ang
dalawang tagasunod.
Nang sandaling tumango ako'y tuluyan na nilang binuksan ito. Nakatayong haring
nakatanaw sa labas ng bintana ang sumalubong sa akin. Bago ko tawagin ang kanyang
pangalan ay lumingon na siya sa akin.
Hindi siya nagulat o namangha lamang, nanatiling hindi nababago ang kanyang
ekspresyon. 6
"H-Hindi ba maayos?" nangangatal na tanong ko.
Nagsimulang humakbang patungo sa akin ang Hari, hindi ko alam kung ano ang
sasabihin ko, hindi niya ba nagustuhan? Maaari pa ba akong magpalit? 4
Nang sandaling abot kamay niya ako, agad kong naramdaman ang pagsapo niya sa
magkabilang pisngi ko at ang kanyang mainit na halik ang sumagot sa katanungan ko.
46
Tumungo ang lahat ng tagasunod kasabay nang nanlalaki kong mga mata. 11
"D-Dastan..."
"Mahal ko..." inilahad niya ang kanyang bisig sa akin. Nang sumulyap ako sa mga
tagasunod ay yukong-yuko ang mga ito na parang sa sandaling mag-angat sila ng
tingin ay pupugutan sila ng ulo ng hari. 13
Nangangatal kong tinanggap ang anyaya ng hari at inalalayan niya akong lumabas ng
silid.
Kasalukuyan siyang nakasuot ng kanyang korona. "Hindi rin magtatagal ay magkakaroon
ka na rin nito. Kailanman ay hindi ko nais isuot ito, ngunit ngayong naririto ka
malugod ko itong isusuot kasama mo." 27
Nakarating kami sa tila isang bulwagan, may trono rito si Dastan, sa tabi nito ay
isang upuan na nasa mas mababa niya. Sinabi niyang maaari na itong itaas sa mismong
tabi niya sa sandaling makilala na ako bilang opisyal na reyna.
Sa ngayon ay pormal niya lamang akong ipakikilala sa kanyang mga kapatid at ilang
maharlika ng Parsua.
Naupo na si Dastan sa pinakataas na trono dala ang presensiya ng isang
makapangyarihang hari, hindi ko maiwasang hindi humanga sa kanya.
Nabuksan ang malaking pintuan at iniluwa nito ang pamilyar na mga bampira. Ang mga
tumulong sa akin, ang mga babaeng sumalubong, si Adam, ilang matatandang bampira at
mga nasisiguro kong mga maharlika pa sa ibang emperyo. 2
Ngunit pansin ko na karamihan sa kanila ay may iba't-ibang dalang regalo na
nababalot sa magagandang tela.
Naunang humakbang at lumuhod ang matandang bampira dalang bagay na nakabalot ng
pulang tela.
"Nawa'y tanggapin n'yo ito mahal na hari at reyna, kami'y nananalangin sa isang
matagumpay na pag-iisa." Natulala ako sa sinabi ng matanda. 28
P-Pag-iisa? 25
"Salamat." Tumango si Dastan at kinuha ng tagasunod ang regalo. 1
Sumunod si Zen at ang isang magandang babae na may ngiti sa kanyang mga labi. Kapwa
rin ang mga ito lumuhod at naghandog ng panibagong regalo. 5
"Nawa'y magustuhan n'yo ng reyna ang maliit naming regalo. Nakagagalak na ang ating
hari'y makapag-aambag na sa ating ngalan." Pansin kong sobrang yuko ni Zen na
parang ayaw nitong ipakita ang kanyang ekspresyon. 60
"Prfft-" agad kong nakita ang pagpipigil ng tawa ni Caleb. 43
Inakala ba nila na may- 4
Inangat na ni Dastan ang kanyang kamay sa ere. "Higit akong nasisiyahan na
pinaghandaan n'yo ang paglabas ko sa silid, mga kapatid." Malamig na sabi nito. 14
"Kaya naman pala..." mahinang sabi nito habang minamasahe ang kanyang noo. 7
"Hindi na kailangan ang pormal na paghahayag ng regalo, tatanggapin namin ito ni
Leticia."
Nagsimula nang lumapit ang mga tagasunod sa mga kapatid niya na may dalang regalo,
ang ilan ay mukhang dismayado pa. 1
"Nais ko lamang ng isang simpleng salo-salo."
Ngunit hindi pa man natatapos ang mga sasabihin ng hari, sabay-sabay nabuksan ang
malaking bintana ng bulwagan. At sa unang bintana, itinambad nito ang tila isang
pigura na lumilipad.
Itim na pakpak.
Narinig kong may suminghap ang ilan sa mga Gazellian. "I almost forgot! Seth can
damn fly!" 56
"Nakakalipad nga pala iyan? Nagkamali ang prediksyon ko." Ngiwing sabi ni Rosh. 39
Wala sa sarili kong ibinalik ang mga mata sa bampirang may itim na pakpak. Nang
sandaling makapasok ito sa bulwagan ay pormal itong lumuhod sa gitna.
Narinig kong muling bumulong si Dastan habang minamasahe ang kanyang noo. "When
should I kill these Princes from the Prophecy?" 34
Buong pusong inangat ng bampirang may pakpak ang dala nitong regalo na nakabalot sa
puting tela. 1
"Narinig ng aming emperyo ang pagdating ng ating reyna. Ang buong Emperyo ng Parsua
Avalon ay lubos na nagagalak, bilang ikalabintatlong prinsipe at itinakdang
bampira'y ako'y naatasan ipabatid ang aming kasiyahan sa balita. Nawa'y ang
regalong ito'y makatulong sa inyo ng reyna." 1
Kaiba kay Zen at sa mga kapatid nito na naunang may dalang regalo, kitang-kita ko
ang sinseridad sa boses at kilos ng prinsipeng ito. Hindi katulad ng kanina na
parang may ibang motibo. 8
Pansin ko na nagsimula nang tumakbo si Zen at Rosh patungo kay Seth. 5
"S-Seth stop that! Pikon na si Dastan!" 39
Pero huli na ang lahat. Tumunghay ang prinsipe sa amin ni Dastan na lubos na
nagagalak kasabay ng kanyang dalang regalo. 7
"Mula sa pamilya ng Viardellon, maligayang pagsisiping na sana'y magbunga, Mahal na
Hari, Mahal na Reyna." 419
Chapter 21 +
Paglimot 15
Naiwan kami ng Reyna sa loob ng bulwagan at inanyayahan ni Dastan ang mga
maharlikang sumalubong sa amin na sa isang silid mag-usap.
Masyado kaya itong pribado na hindi maaaring marinig ng isang dating dyosa na
katulad ko?
Nawala ang paninitig ko sa nakabukas ng pintuan nang maramdaman ko ang paghawak ni
Reyna Talisha sa aking kamay.
"Nagagalak akong dumating ka na, kay tagal ka niyang hinintay, Leticia. My son,
Dastan, he looked so happy right now." 3
Ngumiti ako sa kanya. "Masaya rin ako."
Sa pagkakataong ito ay dalawang kamay na niya ang inihawak niya sa akin. "Simula
ngayon ay maaari mo na akong tawaging ina."
"Ina?" naguguluhang tanong ko.
"Sa tradisyon ng mga bampira, sa sandaling ikasal ka sa iyong kapareha, magkakaroon
ka ng karapatang tawaging sarili mong mga magulang ang kanyang mga magulang." 3
"Masusunod, Mahal na Reyna." Sagot ko.
"Leticia, hindi ito uri ng utos. Ito'y kahilingan ko lamang." Hindi pa man ako
nakakaisip ng isasagot sa kanya ay naramdaman kong mas dumiin ang pagkakahawak niya
sa akin.
"Sana'y agad magbunga ang inyong ilang linggong pagsasalo ng pagmamahalan." 19
"Ilang linggong pagsasalo?" tanong ko.
"Ang pagpupunla..." 45
Ngayon ay mas nakumpirma ko na ang hinala ko. Kaya kami nakatatanggap ng mga regalo
ni Dastan dahil akala ng buong emperyo ay kami'y---
Marahas akong umiling sa reyna. "Mahal na reyna..." nag-iinit na ang aking pisngi.
1
"Ngunit walang pagpupunla ang nangyari... ako'y isa pa ring birhen. Ipinadama niya
pa lang sa akin ang kanyang pangil sapagkat ako'y nakatulog sa una niyang kagat."
Ang higit na nakagugulat ay ang tradisyong tila alam ng lahat kung kailan kami nag-
isa ng hari, para lamang bigyan ng mga regalo. 9
Hindi ba dapat ito ay pribado? 12
Tila hindi makapaniwala ang reyna sa aking ibinalita dahil ilang minuto siyang
nakatitig lang sa akin. 7
Nang magpakita na ang isang tagasunod ay sinabi nito na maaari na kaming magtungo
sa hapagkainan.
Pagdating namin dito ng reyna, isa lang ang una kong napansin. Ang pamamayani ng
katahimikan sa mahabang lamesa na siyang napupuno ng mga maharlika, kapwa nakayuko
ang mga noo ng mga ito na parang ang laki ng kanilang mga kasalanan. 32
Tanging si Reyna Talisha o ina na siyang nais niyang itawag ko sa kanya ang
nanatiling nakatunghay sa mga oras na ito. Ang pagtawag sa kanya bilang reyna ay
hanggang hindi pa niya opisyal na naisasalin sa akin ang korona.
Ngunit kong ako'y tatanungin, nais ko pa ring kilalanin ako bilang isang dyosa.
Hindi man sa mga mata ng kapwa ko dyosa, kundi sa mga nilalang na maaari kong
makasalamuha.
Si Seth na kanina ay masigla at mukhang masaya ay biglang tumamlay. Nang sulyapan
ko si Dastan ay bahagyang nakakunot ang kanyang noo habang pinaglalaruan sa ibabaw
ng lamesa ang kanyang mga daliri. 1
"Maaari ko bang malaman ang kanilang kasalanan, Mahal na Hari?" 5
"Wala akong masamang intensyon, Mahal na Reyna. Paumanhin." Yumuko muli si Seth.
"Ang nais lamang ng aming emperyo ay mas mapaigting ang relasyon ng ating mga
emperyo. Ngunit ako'y napag-abutan lamang." Sagot nito na tila nangangatwiran. 13
STORY CONTINUES BELOW
"Ang sabi ni Kamahalan ay puputulin niya raw ang kanyang pakpak, kahit magsumbong
pa siya sa labindalawa niyang Kuya." Sabat ni Caleb dahilan kung bakit nakarinig
ako ng pagpipigil ng tawa mula sa iba't-ibang parte ng lamesa. 34
Nakita kong napapikit si Dastan at muling minasahe ang kanyang sentido. "Wala akong
natatandaan na may sinabi akong katulad ng mga salitang nabanggit mo." 24
Pero sa huli ay hindi rin napigilan ng lahat at napuno ng tawanan ang hapag-kainan.
"Welcome to our family, Leticia." Bulong sa aking ni Reyna Talisha. 6
Matapos ang tawanan ay mas naging magaan na ang usapan, hinanap ng aking mga mata
si Naha, may ilan sa pisikal niyang katangian ay nakuha niya kay Nikos. Nais ko
siyang kausapin at bigyan siya ng pagkakataong totoong kilalanin ang kanyang ama,
pero alam kong masyadong maaga pa para rito. 7
Isa pa mas mabuting sa pribadong pag-uusap namin gawin ito. Lalo na't may kaunting
kinalaman ito sa babaeng tinatawag nilang Danna, ang unang pag-ibig ng amang hari
ng mga Gazellian. 11
Habang pinagmamasdan ko si Naha, napansin niya ang mga titig ko. At nang sandaling
ngumiti siya sa akin ay mas lalong gumaan ang pakiramdam ko sa kanya.
Magkikita rin kayo ng 'yong ama. 4
"I will go now, ilang linggo na rin akong wala sa sarili kong emperyo. Siguro
nama'y tapos na ang misyon ko?" sabi ni Rosh matapos magpunas ng puting tela sa
kanyang labi. 7
"Maraming salamat, Rosh." Pahayag ni Dastan.
"Walang anuman, Kamahalan. Nasisiguro kong makararating ang balita sa Deltora."
Tumango si Dastan sa kanya.
Hindi rin nagtagal ay si Seth din ang nagpaalam, ako na ang nagpasalamat sa kanya
dahil tila mainit ang ulo sa kanya ni Kamahalan. 1
Nang maiwan na lang ang mga Gazellian at ang mga kapareha ng mga ito ay nagsimula
na silang magbigay ng mga katanungan sa akin. Inaasahan ko na ang bagay na ito.
"Una'y nais ko munang magpasalamat sa ginawa mo sa pagpapatigil ng digmaan noon."
Panimula ni Lily.
Kahit matagal nang natapos ang digmaan, parang kailan lang ito nangyari. Ngayon ay
masaya na sila ni Adam na kapwa nakangiti ngayon habang kalong ang kambal nilang
mga anak.
"Hindi. Dapat ay kayo ang dapat kong pasalamatan. Tinulungan n'yo akong tuparin ang
aking pangako." Saksi ako kung paano nila ipinaglaban ang kanilang pag-iibigan at
hindi akong nagsisi na sila ang ipinares ko sa isa't-isa.
"Pangako?" nagtatakang tanong ni Lily.
Hindi ako agad nakasagot dahil alam kong sa sandaling sumagot ko, mabubuksan ang
usapan tungkol kay Nikos, nais kong sabihin ito sa kauna-unahang nilalang na
nararapat makaalam ng tungkol sa kanya.
Siguro'y napansin ni Dastan ang pagkabalisa ko sa katanungan ng kanyang kapatid.
Tumikhim siya na nakapagpatigil kay Lily para sagutin ko siya sa kanyang
katanungan. 5
"Sino ang dyosang tumawag sa amin?" tanong ni Zen.
"Si Dyosa Neena, isang dyosa na nangangalaga sa isang mahiwagang balon." Sagot ko
na may kasamang kirot sa dibdib.
Kung siguro'y mas malakas lang ako para protektahan ang sarili ko ay hindi na
kailangang magsakripisyo ni Dyosa Neena.
"Bakit hindi mo nakilala si Dastan ng sandaling bumaba ka sa lupa sa panahon ng
digmaan." Tanong ng Reyna. 2
Pansin ko na maging si Dastan ay nakatitig na sa akin. "Hiniling kong kalimutan
siya sa pamamagitan ng kapangyarihan ng balon bago ang digmaan..."
"Why? Dahil ba bampira siya? Dahil ba katulad niyang bampira ang unang naging
masama at gahaman sa kasaysayan?" tanong ni Lily. 4
STORY CONTINUES BELOW
Marahas akong umiling. "Lily, kailanman ay hindi ko ginawang basehan para malaman
ang halaga ng isang nilalang mula sa nakaraan. Ako'y naniniwala na ang nakaraan ng
kanilang ninuno at mga kasalanan ay hindi dapat pagdusahan ng kung sinuman sa
hinaharap. Hindi maaaring habang-buhay na lang magpaalipin ang isang nilalang sa
nakaraan." 6
"Ngunit bakit?" tanong ni Evan.
Yumuko ko kasabay ng biglang pagkirot ng dibdib ko. "N-Nakita ko si Elizabeth...
ang unang pag-ibig ng hari." 14
Sa sulok ng aking mata'y nakita ko ang saglit na paglalaro ng daliri ng hari sa
kanyang lamesa.
"Oh, the bitch." Sabat ni Harper na halatang hindi nito gusto ang nasabing babae.
37
"J-Just that?" tanong ni Zen.
"Just that, Zen? Ano sa tingin mo ang nakita ni Leticia sa nakaraan? Posibleng
katulad ito ng nakita ko o higit pa. Hindi ko siya masisisi kung ito ang kanyang
naging desisyon." Muling sabi ni Claret, sa pagkakataong ito ay sabay nasamid si
Zen at Dastan. 101
Hindi ko na naintindihan ang reaksyon nilang ito. Akala ko'y hahaba pa ang usapan
pero nakarinig kaming muli ng tikhim mula kay Dastan. 15
Mukhang unti-unti ko nang nakikilala ang maliliit na kilos ni Dastan.
"Nais ko sanang ako muna ang kakausap sa aking reyna, mga kapatid. Kung hindi n'yo
mamarapatin." 2
Hindi nakatanggi ang mga Gazellian at ang mga kapareha nito sa sinabi ng hari,
nauna kaming lumabas ng hapag-kainan ni Dastan habang hawak niya ang aking kamay.
Nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa makalabas kami ng palasyo at dalhin
ng aming mga paa sa malawak nitong hardin. 3
"A-Ang ganda..." namamanghang sabi ko.
"Hindi lang ang hardin o ang palasyong ito ang ipagkakaloob ko sa'yo, maging ang
buong emperyo." Ngumiti ako sa kanya. 1
Binitawan na niya ang kamay ko at kapwa na kami nakatanaw sa nagsabog ng mga iba't-
ibang halaman sa harap ng palasyo.
"Nais ko sanang humingi ng paumanhin sa ikinilos ng aking mga kapatid." Sa
pagkakataong ito ay ako ang lumapit sa kanya at hinawakan ko ang kanyang mga kamay.
"Wala kang dapat isipin."
"At ang mga regalo---"
"Maaari nating buksan ng sabay mamaya?"
Sa pagkakataong ito ay biglang inubo si Dastan, marahan kong hinaplos ang kanyang
likuran. 53
"Ikaw ba'y may karamdaman?" nag-aalalang tanong ko. 28
Hindi siya sumagot sa akin kaya muli akong nagtanong sa kanya.
"Mahal na Hari, nais ko lamang malaman ang bagay na ito. Talaga bang kailangang
alam ng buong emperyo ang gabi sa tuwing-" halos hindi ko magawang ituloy ang
sasabihin ko.
"Paumanhin. Ngunit nasa tradisyon ang bagay na ito, lahat ng hari'y mag-aanunsyo ng
kanyang pag-aangkin tatlong araw bago maganap ang kanyang pag-iisa sa reyna, nang
sa ganoon ay madasalan ito ng mga matatandang bampira para sa isang matagumpay na
bunga." 10
Tumango ako sa kanya na may nag-iinit na pisngi.
"Ngunit hindi ka naman nag-anunsyo ilang araw bago ako makarating dito, hindi ba?"
1
"Nag-akala na sila. Patawad. Ilang linggo tayong hindi lumabas sa ating silid."
Tumango ako sa kanya. 12
Ilang oras kaming naglibot sa malawak na hardin ng palasyo, ramdam ko ang ingat ni
Dastan sa kanyang mga katanungan, sinisikap nitong hindi ako salungbungin ng
mabibigat na katanungan.
"Hindi rin magtatagal ay maghihintay na ang ating nasasakupan ng kasal, Leticia.
Patawad kung masyado kitang pinagmamadali."
"Kasal?"
Tumango sa akin ang hari. "Nais ko na rin itong isabay sa'yong koronasyon."
"Sa tingin mo ba ay magkakaroon na ng pagbabago sa sandaling ikasal na tayo. Sa
tingin mo ba ay tuluyan ka na nilang kikilalanin?"
"I will prove my worth. Lalo na't may reyna na akong maaaring umagabay sa akin."
Lumapit sa akin si Dastan at hinaplos niya ang aking pisngi. 5
"Kung hindi lamang kalabisan ang paghingi ng kalahating taong katahimikan sa piling
mo'y gagawin ko, ngunit may emperyong nakaatang sa akin. Limitado ang ating oras na
magkasama." 1
Hinawakan ko ang kanyang palad. "Ngunit ako'y maaaring maghintay."
Umasa akong muling maglalapat ang aming mga labi nang mag-angat ang hari ng tingin
sa mataas na bintana ng palasyo. 22
Nagtanong pa sa akin si Dastan ng mga hilig ko, sinabi kong sa sining, dito niya
naisama sa aming usapan si Naha na sinabi nitong isang magaling na pintor. Isang
magandang katangiang inaasahan ko sa anak ng aking kaibigan. 3
"Ikaw? Ano ang hilig mo?"
"Magbasa ng mga aklat."
"Tipikal na gawain ng mga hari. Ano pa ang nahihiligan mo?"
"Ngayong nandito na ang aking reyna'y, malugod ko itong tutuklasin." 71
Hindi ako agad nakasagot sa kanya, dahil hindi ko ito naintindihan. Ano ba ang
maaaring gawin ng hari at reyna na siyang magiging kanilang hilig na magkasama? 14
Ngumiti ako kay Dastan. "Sana'y masabayan ko ang bagong hilig na matutuklasan
nating magkasama." 55
Hindi siya ngumiti sa akin, sa halip ay hinaplos niya ang aking mahabang buhok. Mas
lumapit siya, nagpikit ang aking mga mata nang maramdaman ko ang mainit niyang labi
sa aking noo. 1
"Ang aking reyna'y hinubog ng kanyang mundong tila mas puro pa sa isang gatas." 19
"Talaga? Sa aming mundo, Mahal na Hari ay hindi na ako maituturing na isang purong
dyosa dahil sa mga kaalamang nalalaman tungkol sa lupa."
"Anong klaseng kaalaman, Aking reyna?" yumakap na ang braso ng hari sa aking
bewang.
Pansin ko na nasa dulong parte na kami ng hardin, halos wala na rin akong makitang
mga tagasunod at kawal sa paligid.
May inilagay na puting bulakbulak si Dastan sa gilid ng aking tenga. Nagsimula na
akong mag-alangan sa katanungan niya.
Mas kinabig pa ako ng hari dahilan kung bakit naramdaman ko ang kanyang buong
katawan, kasabay ng mainit niyang paghinga sa aking tenga. 12
"May kasama ba itong halik?" 4
Napapikit ako nang magsimula siyang humalik sa aking leeg. "Kagat, mahal na reyna?"
30
Humugot ako nang matinding paghinga nang maramdaman kong umangat ang katawan ko sa
lupa at nagsimulang maglakad si Dastan papalayo sa palasyo o maging sa hardin.
"O hilig matapos ang anunsyo, ako'y hindi masunuring hari... maaari natin sabay
kalimutan ang tradisyon, Leticia..."
AN/ It took more than an hour to finish this chapter. Lol. This is SPG. (but I
think lang naman, 'di naman ako too much mag-SPG. Konti lang? I don't usually use
direct words. HAHA. Alright, I am imagining things. ) Happy reading! Please skip if
ayaw n'yo. 49
To feel the BS ( lol ) you can hear the music Beautiful Chinese Music - Big Fish on
youtube by TaiGekTou. 6
Chapter 22 1
Panimula ng pagpupunla 160
Kanyang bawat hakbang ay tila may sariling patnubay, kanyang mga mata'y para lang
sa akin, kanya bisig na tila'y isang magaang papel lamang ang buhat at puso naming
kapwa tumitibok na may iisang ritmo.
1
Aking katawa'y kinilala ang matinding atraksyon, mga kamay kong kusang umagat upang
kanyang mukha'y damhin ng aking mga palad, pilit pinagdikit ang aming mga noo
kasabay nang mainit naming paghinga. 1
Tanging ingay mula sa mga halamang lumalapat sa kasuotan ng hari ang aking
naririnig, kanyang nagmamadaling mga yabag at ang kanyang nakatutunaw na tinig. 13
"Leticia..."
Humaplos ang aking ilang daliri sa kanyang pisngi at tinugon ang tawag sa aking
ngalan. "Dastan..." 1
Ang init na tila'y higit sa apoy ay mas lalong sumiklab nang maramdaman kong may
marahang itinulak ang hari gamit ang kanyang mga paa. "S-Saan tayo patungo aking
hari?" 2
"Sa lugar na tanging ako lang ang nakaalam... tayo..." ngumiti ako habang
nanatiling nakapikit. 25
Nakaramdam ko ng saglit na pagyanig ng lupa at paggalaw ng tila isang malaking
bato. "Bakit hindi ka magmulat aking reyna?"
"Ngunit ako'y higit na kinakabahan..." nag-aalangang sagot ko. Dapat ay maging
tapat ko sa kasalukuyang nararamdaman ko. Ito ang aking unang pagkakataon, wala
akong sapat na kaalaman sa tamang pagtanggap ng punla. 20
"Ano ang nais mong gawin ko upang matanggal ang iyong kaba, Leticia?" umiling ako
sa kanya.
"Hindi ako alam, Mahal na Hari..."
Para akong isang nauupos na kandila nang sandaling lumapat ang kanyang labi sa mga
mata ko. "Nais kong kilalanin mo ang lugar na siyang magiging saksi ng ating pag-
iisa... aking mahal." 32
Huminga ako nang malalim at dahan-dahan iminulat ang aking mga mata, nagniningas na
apoy sa kanyang mata ang siyang unang sumalubong hanggang sa marahan ko itong
igalaw at sinimulang maglakbay sa buong kapaligiran.
"Ito'y isang sekretong hardin na konektado sa aking punong simbolismo." Nang
mapansin ng hari ang aking pagkamangha ay hinayaan niya akong bumaba sa lupa at
pagmasdan ang kabuuan nito. 7
"P-Paanong hindi ito nakikita mula sa palasyo?"
Ang sikretong hardin ng hari ay nasa loob ng tila malakristal na gusali kung saan
malayang tumatama ang sinag ng araw o buwan, tila may mahika itong taglay dahil ang
balat ng hari na siyang tinatamaan ng sinag ng araw ay hindi nasasaktan. Maraming
iba't-ibang uri ng berdeng halamang gumapapang na siyang nagsabit sa itaas dahilan
kung bakit hindi tuluyan natatanggap ang buong sinag ng araw, nagsabog ang iba't-
ibang uri ng bulaklak at ilan pa'y may mga prutas. 1
"Ito'y nasa ilalim ng lupa." Agad akong napalingon sa hari. 1
"P-Paanong direkta itong nakatatanggap ng sinag ng araw?" marahang inangat ng hari
ang kanyang kamay at may itinuro ito na siyang pinaka-sentro ng kristal na gusali.
"Nakikita mo ba ang malaking ugat na nasa gitna? Mula ito sa aking punong
simbolismo na siyang sumasagap ng liwanag mula sa araw, buwan o mga bituin. Ang
ugat nito ang siyang nagbibigay buhay sa harding ito, Leticia." Lumawak ang ngiti
ko sa aking labi. 1
STORY CONTINUES BELOW
"Kamangha-mangha..." hindi ko napigilan ang sarili kong humakbang patungo sa ugat
ng kanyang puno. Pansin kong may ilan itong maliliit na dahong kulay dilaw.
Kung ganoon ay sa kanya ang punong sumalubong sa akin.
"Kung napagmasdan mo ang mga puno ng Sartorias, pag-aari ko ang punong namumutiktik
sa kulay ng dilaw. Ang Puno ng Liwanag." Hawak ng isa kong kamay ang ugat ng
kanyang puno. 13
"Ang punong nag-iisang lumiliwanag sa tuwing yayakap ang dilim." Pagtatapos ko sa
sinabi niya. 5
Ang simbolismo at kahulugan ng puno ni Dastan ay nararapat lamang sa kanya. Dahil
bilang hari, siya ang natatanging may kakayahang magbigay ng liwanag sa kanyang
nasasakupan.
Kapwa na kami nakatitig sa ugat ng kanyang puno. "Kung hindi n'yo man mamasamain,
bakit sikreto ito sa'yong mga kapatid?"
"Dahil bilang hari, may mga bagay akong hindi ko nais masaksihan ng mga nilalang na
nakapalibot sa akin. Mahalaga man sa akin o hindi."
"Isa ba itong kahinaan, kamahalan?"
"Marahil."
"Nakagagalak na pinaunlakan mo ako sa lugar na ito."
"Ika'y aking reyna, ang lihim ko'y lihim mo rin." 12
Ngumiti ako sa kanya. "At sa tuwing hanap mo ang lugar na ito upang ikubli ang
iyong kahinaan, ipinapangako kong simula sa araw na ito'y ika'y aking sasamahan at
sisikaping ibsan ang nararamdaman mong panghihina, bilang iyong reyna, kapares...
kabiyak."
Ang mga mata ng haring tila nasanay nang 'di nagbibigay ng emosyon ay saglit na
lumambot nang sandaling muling nagtama ang aming mga mata. 8
"Leticia..." inangat ko ang aking kanang kamay at inihandog ito sa kanya bilang
isang uri ng pag-anyaya.
Nanatali kaming nakatayo na may sapat na distanya, ngunit ang aming mga kamay ay
tila kay layo sa isa't-isa. Maingat naming tila pinagtatagpo ang aming mga kamay na
una'y dulo lang ng mga daliri ang saglit na naglalapat. Pilit na pinag-aabot, pilit
naghahanap ng haplos at nang sandaling sabay nagdaop, mga daliri'y mariin nagsama
kasabay ng mga katawang naghihintay ng higit na pagdidiklab at pagningas. 5
Ang aking mga paa'y lumutang, likura'y humingi ng suporta sa malaking ugat, binti'y
tila nagkaisip at yumakap sa hari, pagtingala'y labis para sa labing nagsusumamong
pagpaulan ng halik. 5
Paghinga'y kay hirap, kasuotan kong tila nagsisikip... "D-Dastan... tila aking
kasuotan ay humihigpit, pagkakalaso sa aking dibdib ay tila nagalaw..." nanatili
akong nakayakap sa kanya.
Hindi sumagot ang hari sa halip ay naramdaman ko ang kanyang mga daliring unti-
unting kinakalas ang maliliit na laso sa aking dibdib. 2
"Ngayo'y kinamumuhian ko na ang napakaraming laso, aking reyna." Para itong
nahihirapang tanggalin ang pagkakalaso nito. 67
Nakakunot na ang noo ng hari nang humigit na sa isang minuto'y hindi pa rin
natatanggal nang tuluyan ang mga laso. Ito'y nagsimula sa aking dibdib patungo sa
aking puson. 8
"Nais kong kitilin ang gumawa ng disenyo ng kasuotang ito." Hindi ko maiwasang
ngumiti at mawili sa bihira niyang ekspresyon. 85
"Bakit 'di mo na lang sirain, kamahalan?" suwesyon ko, kung iisipin ay may
kakayahan naman ang hari na muling kumuha ng magarang kasuotan. Siya'y nais na
nahihirapan habang siyang pinagmamasdan ko. 26
"Ako'y isang haring may dignidad, paninira ang huli kong gagawin." Tumango ako sa
kanya at hinintay ko na lamang siyang matapos sa laso. Hindi ko maiwasang hindi
humanga sa kanya, noong unang beses ko siyang nakita'y ipinaliwanag niya rin sa
akin na isa siyang klase ng prinsipe na may prinsipyong pinanghahawakan, 'di ko
lubos maisip na hanggang sa kasuotan ay nais niya itong panindigan. 63
STORY CONTINUES BELOW
Isang kahanga-hangang hari.
Nakakapansin na ako ng ilang butil na ng pawis sa kanyang noo kaya marahan ko itong
pinunasan. 1
"Mas lalong nabuhol-buhol, kamahalan." Kumento ko nang sumulyap akong muli sa laso.
2
"Leticia, ako'y nasa malalim na konsentrasyon." Tumango muli ako sa kanya. 171
Sa halip na guluhin ang hari ay pinagpatuloy ko ang pagpunas sa kanyang pawis.
"Kamahalan, tayo ba'y mag-iisa sa ilalim ng ugat na ito? Nais ko sana'y sa isang
komportable--" hindi ko natapos ang aking sasabihin dahil may itinuro si Kamahalan
mula sa isang direksyon. 3
Isang sirang karwahe, wala na itong mga gulong at kasalukuyan na itong
napalilibutan ng mga gumagapang na ugat. Bakit hindi ko ito napansin kanina? 13
"Damn this ribbon." Rinig kong bulong ng hari. 57
Tila napigtas na ang pasensiya ng hari, agad niya akong binuhat muli at gamit ang
kanyang bilis bilang isang bampira ay agad kaming nakapasok sa loob ng isang sirang
karwahe, bumagsak ang aking katawan sa napakaraming dilaw na bulaklak, nanatiling
nakatindig ang hari habang nakatitig sa akin. Unti-unti na nitong tinatanggal ang
kanyang kasuotan. 23
Dinaluhan niya ako kasama nang mababangong bulaklak nang lumantad ang kanyang
matipunong dibdib. Tanging ang kanyang gintong pantalon na lang ang natira bago
siya tuluyang pumangibabaw sa akin habang nakasuporta pa rin ang kanyang mga braso.
Kumagat siya sa isa niyang daliri at ang kanyang sariling dugo'y gumawa ng maliit
na talim sa dulo nito. 5
Isa-isa niyang pinigtas ang nagkabuhol-buhol na laso. "Buong akala ko'y 'di mo nais
sirain ang aking kasuotan?" 14
"Isa lamang akong hari, nagbabago rin ng isip." Nagpatuloy sa paglandas ang dulo ng
kanyang daliri na may dalang talim hanggang sa tuluyan na niyang natanggal ang laso
at lumuwag ang aking kasuotan. 179
Tumindi na ang pag-iinit ng aking pisngi dahil sa unang pagkakataon ay higit na
lumabas ang ibang parte ng aking balat. Nahihiya kong tinakpan ang aking dibdib na
bahagya na lang natatakpan ng aking kasuotan na nakabukas na.
Hinawakan ni Dastan ang aking mga kamay at ipiniit ito sa pagitan niya at ng mga
bulaklak.
"Aking dyosa, ang iyong kagandahan ay hindi mo dapat ikahiya, hayaan mong sambahin
ito ng aking mga mata..." nanghihina akong tumango sa kanya. Pinakawalan niya ang
aking mga palapulsuhan at hinayaan kong unti-unting buksan ang aking kasuotan. 23
Muling nagningas ang kanyang mga mata nang tumama ito sa aking mga dibdib habang
marahan niyang hinihila paibaba ang aking makapal na saya. Mas kumuyom ang aking
mga kamay na may dakot nang dilaw ng mga bulaklak dahil sa matinding pag-iinit ng
aking buong katawan na tila sinabayan ang apoy sa kanyang mga mata. 3
Nang tuluyan nang initsa ng hari ang huling saplot sa aking katawan, humugot ako
nang mabigat na paghinga, ni hindi ko na magawang tingnan ang kanyang mga mata
dahil sa halo-halong emosyong aking nadarama. Kaba... matinding kasiyahan,
pananabik, pag-aalinlangan ngunit nangingibabaw ang nag-uumapaw ng kuryosidad. 4
Aking mahabang buhok ay nagsabog sa dilaw ng mga bulaklak...
Kaliwang kamay na malapit sa ulo'y nangangatal pa rin habang ang aking kanang kamay
bahagyang nakapatong sa aking tiyan na anumang oras ay nais takpang ang dibdib.
Aking mga binti'y tila 'di na marunong tumiwid habang pilit itong itinatagilid.
Parang ang aking buong katawan ay sasabog habang kanyang mga mata'y nakatuon dito,
paglunok ng hari'y parang 'di mawari. 26
Bahagya kong itinagilid ang aking mukha nang umakyat muli ang kanyang paningin.
"D-Dastan..." ang iyong mga mata'y sinusunog ako.
Muli akong sinaluhan ni Dastan sa ibabaw ng mga bulaklak, kanyang mga braso'y
itinuon sa aking magkabila upang ako'y makulong at siniil ako nang malalim na
halik.
Bumaba ang kanyang kanang kamay at pinaglaro ang kanyang daliri simula sa aking
leeg pababa sa pagitan ng aking mga dibdib. Kumawala ang aking mga labi mula sa
kanya at kusang umangat ang aking katawan na tila sinusundan ang kanyang mga
daliri.
"Aking reyna... hayaan mo akong paligayahin ka..." napapikit ako nang mas bumaba sa
dibdib ang kanya kanang kamay, kanyang haplos ay sobrang gaan na tila sinasadya
nitong ang sarili kong katawan ang maghangad pa. 16
Tumigil sa aking may puson ang kanyang kamay at sa pagkakataong ito'y muli niya
akong siniil ng halik, mas malalim, mas mapusok at mas mapang-angkin. Aming mga
labi'y tila nag-isa at kapwa hindi na nais pakawalan ang isa't-isa kund hindi
lamang kailangan ng hangin sa paghinga.
"Dastan..."
Habol ang aming mga paghinga nang kumawala ang labi sa isa't-isa, ramdam ang
pamamantal at pag-iinit nito dahil sa matinding palitan ng halik. Aming magkalapat
na dibdib na may iisang paraan ng paghinga'y mas aking naramdaman.
"Leticia... aking reyna..." 8
Bumaba ang kanyang mga labi sa aking leeg, 'di nagtagal kanyang pangil ang
nangibabaw.
"D-Dastan..." tila aking tinig ay gumawa ng kakaibang awitin nang maramdaman ang
kanyang mga palad na dama aking mga dibdib. 4
"Dastan... m-mahal na hari..." aking mga daliri'y tila gumawa ng sining sa kanyang
likuran kasabay nang bawat pisil ng kanyang mga kamay.
Hindi nagtagal ang kakaibang uri ng paghulmang ipinakilala sa akin ng hari gamit
ang kanyang mga kamay ay napalitan ng kanyang mga labi.
"D-Dastan... a-aking hari ang i-iyong labi'y--" humihingal na tawag ko sa kanyang
pangalan nang maramdaman ang init ng unang hulma ng kanyang labi sa aking kaliwang
dibdib. 21
Aking mga mata'y hindi na magmulat ng tama, kaligayahang dala ng kakaibang uri ng
sining gamit ang aming mga katawan ay tila hindi nakasasawang paggugulan ng oras. 7
Paanong sa kabila ng matinding pagnanais ay nakararamdam din ako ng panghihina,
tila ang kanyang mga haplos sa aking katawan ay humihigob ng aking lakas.
Bumalik ang hari sa aking mga labi at malugod ko itong tinugon ng buong puso, at
nang sandaling humiwalay siya'y pinaglaro niya ang tungki ng aming mga ilong.
"Pinaliligaya ko ba ang aking minamahal na reyna?" 3
Nanghihina akong tumango sa kanya. Humalik siya sa aking noo bago muling siniil ang
aking mga labi. "Pinaliligaya mo ako, Dastan..."
Aking katawa'y mas lalong nagliyab at tila nagsumamo sa haplos ng hari nang
sandaling mas bumaba ito at haplusin ang aking kahinaan. 21
"Ngunit higit mo akong pinaliligaya, Leticia, mahal ko..."
Chapter 23 22
Naudlot 85
Kung ang kanyang malambing na salita'y sukatan ng ligaya, aking tenga'y habang-
buhay nakabukas sa kanyang malamig na tinig...
Kung ang sukatan ng ligaya'y ang kanyang mga haplos, aking mga balat ay habang-
buhay tatanggap ng kanyang mga hagpos...
Kung ang sukatan ng ligaya'y kanyang mga labi, aking isipan ay matututong 'di
magdadalawang-isip... 3
Kung ang sukatan ng ligaya'y sa loob ng sirang karwaheng napupuno ng dilaw na
bulaklak, malugod kong ihahandog ang aking sarili sa mga mata ng hari... 2
Kanyang mga mata'y nagsusumamo, sumasamba at umaangkin...
Kanyang mga pangil ay nananabik, naghahanap at nais nang kumawala...
Galaw ng kanyang lalamuna'y hudyat ng matinding pagkauhaw...
Aming paghinga'y nagsisimula nang gumawa ng ritmo...
Nais akong angkinin ng hari, ngunit nais nitong pagyamin ang kanyang mga sa anumang
nakahain sa kanya. Tila ako'y isang uri ng regalong babago nito binuksan at nais
kilatisin nang napakatagal na oras. O di kaya'y isang uri ng binhi na nais hanapan
ng pagkakamali. 7
Aking mga mata'y nais magpikit, mga braso'y nais iyakap sa sarili, mga binti'y
patuloy na nangangatal sa matinding hiya...
"H-Haring Dastan..." nag-iwas ang aking mga mata mula sa kanya. "I-Iyong mga mata'y
tinutunaw ako..."
Wala sa sariling nakagat ang pang-ibabang labi, nangangatal ang ilang daliri ko
habang pinaglalaruan ang dulo ng aking mahabang buhok habang ang aking mga hita'y
bahagya nang nagkikiskis.
Hindi ako nakarinig ng sagot mula sa hari, dahil tila ito'y natigilan at patuloy na
humahanga sa aking katawan buong katawan. Pakiramdam ko'y isa akong bulkan na
anumang oras ay sasabog. 3
Ni hindi alam kung saan magsisimula. "D-Dastan..." halos bulong na tawag ko sa
pangalan niya. Muli kong nakagat ang pang-ibabang labi ko.
"Aking reyna..." mariin akong napapikit nang bumaba ang kanyang kamay sa akin,
hanggang maramdaman ko ang isang daliri niyang inaalis ang aking pagkakakagat sa
aking labi.
"Ako ang kakagat, Leticia..." 83
Muling nag-isa ang aming mga labi, bawat pag-angkin ng labi ng hari'y paglalim na
tila higit sa pagsalok ng tubig sa isang malalim na balon. Aking mga braso at
hita'y yumakap sa kanya. Aming mga dibdib ay tila naglapat at katawa'y higit na
nagningas sa bawat galaw ng haring tila pinararamdam sa akin ang kanyang kahanga-
hangang kakisigan.
Kung kanyang kaligayaha'y pagkagat sa akin, kanyang pangil ay tatanggapin...
Kung kanyang kaligayaha'y aking mga yakap, ako'y malugod na yayakap sa kanya...
Kung kanyang kaligayaha'y pagtawag sa kanyang ngalan, ako'y di magsasawang ibulong
ang kanyang ngalan...
Kung kanyang kaligayaha'y aming pag-iisa, ako'y buong pusong magpapaangkin sa
haring para sa akin... 3
Mas dumiin ang halik, mas naging agresibo at nakapag-aanyaya. Tila bawat galaw
nito'y nais akong makipaglaro, tumuklas at maghanap kasabay ng bawat indayog na
hindi lang ng labi maging ang aming mga dila.
Mas bumigat ang aming mga paghinga nang sandaling labi'y naghiwalay, kanyang mga
mata'y lalong tumitingkad ng pula.
"Aking reyna..." marahan niyang pinunasan ang butil ng pawis sa aking noo. Ngumiti
ako sa kanya at pinunasan ko rin ang pawis niya. Sa pagkakataong ito'y ako naman
ang nagtanong sa hari.
STORY CONTINUES BELOW
"Pinaliligaya ba kita, Mahal na Hari?" 1
"Higit sa ligaya, Mahal na Reyna..." muli niya akong ginawaran ng halik.
Hinawakan niya ang aking kamay at marahan niyang ipinadama sa aking mga daliri ang
kanyang nakalabas na pangil. Na tila nais ako nitong ihanda sa maaari niyang
pagkagat.
"M-Maari kang kumagat...Dastan..." 2
Ang bawat salita ko'y sinasagot ng halik ng hari. Umulan ng halik mula sa aking
mukha, patungo sa aking leeg, pababa sa pagitan ng aking mga diddib, aking katawa'y
magneto na sumusunod sa kanyang mga labi.
"Dastan..." para akong kinikiliti sa aking tiyan, 'di lumisan ang kanyang labing
walang balat na 'di hinagkan.
Patuloy itong bumaba patungo sa aking puson, pababa sa aking--- 4
"M-Mahal na hari..." para akong lalagutan ng hininga nang hawakan niya ang aking
kaliwang binti, ginawaran ng halik ang aking kaliwang hita, naglandas ang dulo ng
kanyang mga pangil, naglaro ang kanyang dila, muling humalik at saka ibinaon sa
aking balat. 23
"D-Dastan..." umawang ang aking bibig sa unang kagat sa aking hita. Napadakot na
ako nang napakaraming bulaklak habang ang aking ulo'y walang tigil sa paggalaw. 18
Habang tumatagal ay mas nag-iinit ang kanyang labi sa balat ko, lagok ng dugo'y
tila musika, landas nito'y kiliti sa akin at ang presensiya ng hari sa pagitan ng
aking mga hita'y tila isang pagdiriwang--- higit pa sa pagdiriwang na may kasamang
sayawan sa gitna ng nagliliyab na apoy.
"M-Mahal na Hari..." halos mapabangon ako nang kumagat itong muli sa kabilang hita
ko, 'di ko na mawari ang tibok ng puso ko, ang tamang paghinga ko o maging ang
buong paligid. 5
'Di ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko, dahil sa kabila ng kirot ng
matalas na pangil sa aking balat, hindi sakit ang nangingibabaw, kundi saya...
ligaya...
Hindi ko na namalayan na lumuluha na ako, sa galak...
"D-Dastan..." sa pagkakataong ito ay mas may katal ang boses ko, natigil sa
pagkagat ang hari at muli ako nitong dinaluhan.
Nakita ko ang takot at pangamba nito habang marahan niyang hinahaplos ang ibabaw ng
ulo ko.
"Nasaktan ba kita, Leticia?" marahas akong umiling sa kanya at ngumiti ako. 1
"Ngunit pinaluha kita... maaari natin itong-" mga kamay ko na mismo ang humawak sa
kanyang magkabilang pisngi. "Luha lamang ito ng kaligayahan, Mahal na Hari..."
Hindi mahilig ang hari sa maraming eksplanasyon, dahil agad itong tumango sa sinabi
ko. Hindi na siya muling kumagat, sa halip ay mas naging madalas ang halik at
haplos nito.
Sambit ng aming mga pangalan ang namayani sa loob ng sirang karwahe, lalo nang muli
ipadama ng hari ang pang-aangkin niya sa aking mga labi na inilipat niya sa aking
dibdib. Halos masaktan ko siya sa kanyang likuran at maging sa mahaba niyang buhok
dahil sa tindi ng galak na kanyang inihahandog.
"K-Kung hindi mo mamarapatin, nais kong putulin ang iyong mahabang buhok,
kamahalan. Ayokong sa tuwing tayo'y nasa karwahe'y ika'y aking nasasaktan." 32
"Masusunod, aking reyna... sa sandaling matapos tayo." 2
Pawis na pawis na kami ng hari habang ang mga mata nami'y magkaisa, humihingal at
kapwa naghihintay ng bawat kilos.
"Mahal na reyna, may isa ka pang tungkulin na nais gawin para sa akin..." hinaplos
ng ilang daliri ng hari ang aking pisngi. Pumikit ako at dinama ito.
"Ang reyna ang siyang nagtatanggal ng huling kasuotan ng hari..." nang nagmulat
ako, saglit kong nakita ang pagtaas ng sulok ng labi ng Hari na tila ito'y nawiwili
sa aking reaksyong may pag-aalinlangan. 64
STORY CONTINUES BELOW
Dahan-dahang bumaba ang aking mata sa huling kasuotan ni Dastan, nangangatal ang
aking kamay na naglandas sa kanyang dibdib at nagsimula itong bumaba.
At nang sandaling nasa dulo na ako'y bigla na lang pumasok sa isip ko ang lahat ng
mga planong nais ko sa hinaharap at ang magdala ng sanggol sa aking sinapupunan ay
wala pa rito.
Natigil ang aking kamay at sinalubong muli ang mata ng hari, kanyang noo'y saglit
na kumunot.
"M-Mahal na Hari... sa sandali bang ika'y makapagpunla--- ako'y siguradong
magdadala ng sanggol-" 8
"Our first child." Mabilis na sagot nito.
"H-Hindi ko pa nais mabuntis..." nahihiyang sabi ko. Inakala kong magagalit sa akin
ang hari, ngunit ipinatong niya lang ang kanyang noo sa aking noo. 6
"Dapat ay sinabi mon ang mas maaga, I should have brought an-" 'di na itinuloy ng
hari ang kanyang sasabihin, humiwalay ito sa akin. 58
Nagsimula itong magbihis at hindi na ako magawang sulyapan. "Kukuha lamang ako ng
iyong kasuotan." 19
Hihingi sana ako ng tawad sa hari pero mabilis itong nakaalis at iniwan ako. Gusto
kong pagalitan ang sarili ko, bakit ko siya inanyayahan? Bakit ko hinayaan na
makarating kami sa ganito kung hindi pa ako handa?
Ngunit masyado akong nadala, nais kong magpaangkin sa kanya pero alam kong hindi
makatutulong sa amin at magiging isang suliranin pa kung sakaling magdala ako ng
sanggol sa aking sinapupunan.
Bahagya kong ibinalot ang katawan ko ng aking sirang kasuotan, ilang minuto lang
akong naghintay, bumalik na si Dastan. Inabot niya sa akin ang aking kasuotan at
iniwan niya ako sa karwahe para magbihis.
Bigla kong nais maiyak, kasalanan ko ito, siguradong galit sa akin ang hari, isang
tungkulin ng reyna na ihandog ang sarili sa kanyang hari ngunit ang ginawa ko'y
tumanggi sa kanya. 2
Nakatungo akong lumabas sa karwahe. "N-Nais kong humingi ng tawad, Dastan..."
Sa aking nakayukong ulo ay nakita ko ang paglahad niya ng kamay sa akin. "Maraming
pagkakataon, Leticia."
"H-Hindi ka na nagagalit?"
Saglit na nasamid si Dastan sa katanungan ko. "Marahil." 27
Nalungkot ako sa sagot niyang marahil, ibig sabihin ay may parteng nagagalit pa rin
siya. 3
"Ano'ng nais mong gawin ko para hindi ka na magalit sa akin?"
"H-Hindi ako nagagalit, Leticia." Bihira ko lang narinig nag-alinlangan ang
pagsasalita ng hari. 6
"Patawad-" hindi na ako hinayaan ng haring humingi ng tawad dahil pinigilan ako ng
kanyang halik.
Nakabalik na kami sa palasyo, sinalubong kami ng tatlong naglalarong bata, ilang
beses pa ang mga itong nagpaikot-ikot sa amin ni Dastan bago sila lumayo at
maghabulan. 3
"Be careful, Divina, Dawn, Dusk." Nakita ko kung paano ngumiti ang mga mata ni
Haring Dastan sa mga bata, nakaramdam na naman ako ng kahihiyan. Ngayon ko
napagtanto na mahilig siya sa bata. 7
"Zen and Claret's daughter, iyong humahabol. While Dawn and Dusk are Lily and
Adam's twins." Tumango ako, agad kung nakilala iyong kambal. 2
Hindi nagtagal ay nagpaalam na si Dastan sa akin na kailangan na nitong pumasok sa
kanyang silid-aklatan para sa mga papel na kailangan niyang basahin, sinabi nito
ang direksyon kung nasaan ang mga babae sa palasyo. Tumagal lang nang ilang minuto
ang paglalakad ko nang marinig ko ang tawanan ng mga babae, nangingibabaw ang tawa
ni Naha.
"Yes! Hon will be my literature professor in human world! Enrolled na ako nang
sabihin niya sa akin na enroll na rin siya. Thought he would be my classmate, but
come on? Bakit nga ba estudyante kung pwede professor? Bawal na pag-ibig na naman
kami ni Evan. I am so excited! I will seduce him there, hanggang ma-kick siya ng
university for having an affair with his student." Natutuwang sabi ni Naha. 73
"Hey, stop that. Maganda ang reputasyon ng mga Guevarra, sa mundo ng mga tao.
They're in the field of medicine, may lisensiya siya. Huwag mong sisirain." Sagot
sa kanya ni Claret. 9
"By the way, speaking of that family, Guevarra, kung sa medicine sila, bakit naging
propesor ko si Evan?" tanong ni Naha.
"Part time job, may gano'n talaga, part time sa pagtuturo. Siguro ay Saturday class
si Evan. At tsaka matalino si Evan, maybe his human background took other courses.
Kaya niya naman panindigan." Sagot sa kanya ni Claret.
"Sorry, 'di ako makasali sa usapan n'yo, kaunti lang ang nalalaman ko sa mundo ng
mga tao." Sabi ni Kalla. 3
Nahihiya akong kumatok sa pintuan, naagaw ko ang kanilang atensyon.
"Mahal na Dyosa ng Buwan!" bati nila sa akin. 2
"Leticia na lamang." Nag-aalangan pa ang hakbang ko, humila sila ng upuan at
inanyayahan nila ako.
"Kukuha lamang ako ng tsaa." Tumayo na si Claret.
"Tutulong na ako." Sumunod sa kanya si Kalla.
Hindi ko inaasahan na kaming dalawa lamang ni Naha ang matitira, nais ko nang
sabihin sa kanya ang tungkol kay Nikos pero alam kong kailangan namin ng mahabang
usapan, anumang oras ay babalik si Claret at Kalla, nais ko lamang itong sabihin
pansamantala kay Naha.
Ngunit may isa akong katanungan na alam ko na si Naha o Kalla lamang ang maaari
kong pagtanungan. Magkadaop ang aking palad habang pilit kong pinalalakas ang loob
ko sa aking itatanong.
"Leticia?"
"Ako'y may katanungan kung hindi mo sana ito mamasamain..."
"Oh, hope my nose won't bleed. Vampire language on. Sige, ako'y nakikinig..."
saglit akong sumulyap sa kanya. Palangiti siyang babae. 39
"H-Hindi ba'y tungkulin ng isang babaeng kapareho na hayaang magpunla ang kanilang
kapares? Ang kanyang minamahal?" nakangiwi na sa akin si Naha. 9
"Magpupunla? Magtatanim? 'Di naman nagpupunla si Evan." Suminghap ako. 49
"Kung ganoon ay isa ka pang birhen..." lalong kumunot ang kanyang noo.
"Ako? Wala na, nilunok na lahat ni Evan." 98
"Nilunok?" ngumisi siya at saglit namula. 1
"Napakainosente mo pala, mahal na dyosa. Nakukuha ko na ang pagpupunla. Oo, isa
itong tungkulin, lalo na't isang hari ang iyong kaparehas. Hayaang magpunla ang
hari hanggang sa mapagod." 43
"Ngunit hindi ko pa nais magbuntis... kaya ko ito naitanong sa'yo dahil sa nakikita
ko'y wala pa kayong supling..."
"Ah, that. Langis lang ang kailangan, marami kami ni Evan." 81
"Langis?" mas lumawak ang ngisi niya kasabay nang paglapit niya sa aking tenga para
bumulong.
"Langisan mo lang, Mahal na Dyosa... dahan-dahan, pababa at pataas nang ang ating
hari'y magdiwang, Parsua Sartorias ay aawit at puno ng liwanag ay mas magliliwanag.
141
"Saan ako makakakuha ni-" 'di ko na natapos ang katanungan ni Naha nang dalawang
Gazellian ang pabalyang nagbukas ng pintuan. Si Evan at Kamahalan. 17
"Nahara!" 9
"Yes, hon?" tumakbo si Naha at yumakap kay Evan na parang ilang taon ang mga itong
hindi nagkita. 7
"I'm sorry, Dastan. Bakit ikaw ang iniwan ni Claret kasama ang dyosa?"
"Why not me, hon?" umikot lamang ang mata ni Evan.
"Leticia, come here. Nagbago ang isip ko, samahan mo ako sa aklatan." 11
"Nag-uusap pa kami ni Naha tungkol sa-" 3
"Langis." Pagtatapos ni Naha. Narinig ko ang kakaibigang salita ni Evan sa sinabi
ni Naha na tumawa lamang. 42
"We will talk about that, Leticia. Now come here, my Queen." Inilahad ni Dastan ang
kamay niya sa akin. 2
Sa huli ay nauna kaming umalis ni Dastan, si Naha na kumindat sa akin at si Evan na
ilang beses tumutungo sa akin na parang humihingi ng tawad. 5
Hawak ni Dastan ang aking kamay habang nauuna siyang maglakad sa akin.
"I should do something with your innocence, Leticia."
Chapter 24 +
Karibal 39
Kung ikukumpara ang aklatan sa Deeseyadah, masasabi kong higit itong malaki kumpara
sa aklatan ng Sartorias. Siguro ay dahil para lamang ang silid na ito sa hari at
wala na siyang ibang kahati, siya na rin ang nagsabi na rito niya madalas binabasa
ang mga kasulatan, batas at mga balitang inuulat mula sa iba't-ibang mga emperyo.
Nagsimula akong humakbang ng mabagal habang marahang pinaglalandas ang aking mga
daliri sa mga aklat, habang si Dastan naman ay nakatindig lamang at may hawak na
aklat na mabagal nitong binubuklat.
Nabalot ng katahimikan ang buong silid at tanging ang kanyang libro lamang ang
gumagawa ng ingay. Kumpara sa kanyang mga kapatid, pansin ko ang malaking kaibahan
ng kanyang bawat kilos.
Ang hari'y pino, maawtoridad at elegante sa kanyang bawat galaw at pananalita.
Pormal at bihira lamang magpakita ng emosyon. 1
"May katanungan ka ba, Leticia?" tanong ng hari na patuloy pa rin sa pagbuklat ng
aklat.
"Tila may kailangan akong pag-aralan? I-Ikaw na rin ang nagsabi sa akin na may
kailangan kang gawin sa aking-" biglang isinara ng hari ang kanyang aklat at
sinalubong niya ang aking mga mata.
"Nagbago ang isip ko." Ibinalik na niya ang aklat sa lalagyanan nito. "I want you
to stay that way...my innocent Queen." 43
Mahina lang ang pagkakasabi niya sa huling salita niya, pero malinaw ko itong
narinig. Hindi ako nakapagsalita at pinagmasdan ko ang hari sa pamimili ng aklat na
kanyang kailangan. Tatlong aklat ang napili niya bago siya nagtungo sa kanyang
lamesa.
Sumunod ako sa kanya at naupo ako sa harapang upuan ng kanyang lamesa. Nanatili pa
rin kaming tahimik, hindi ko na magawang tumingin sa gawi niya dahil malapit na
kami sa isa't-isa kaya tanging ang sulok na lang ng aking mga mata ang aking gamit
para sulyap-sulyapan siya. 3
Ang ilang hibla ng kanyang mahabang buhok ay nasa kanyang kaliwang balikat, ang
likuran ng kanyang kanang kamay naman ay gamit niya sa kanyang paghalumbaba habang
ang kanyang kaliwang kamay ay ginagamit niya sa pagbuklat ng pahina. 4
'Di ko mapigilan ang pag-iinit ng aking pisngi. Hindi ko man siya tuluyang
pagmasdan ng harapan, ang kanyang kakisigan sa simpleng paraan ay talagang
nakatutunaw ng puso. 5
Magkadaop ang aking mga kamay sa aking mga hita habang dama ang kanyang buong
presensiya, mas naramdaman ko ang panliliit ng aklatan sa kanyang kakisigan na sa
simple niya lamang pag-upo at paglipat ng pahina ng isang aklat ay isa nang uri ng
magandang pagtatanghal. 4
Isang uri ng pagtatanghal na humahabi sa bawat tibok ng aking puso. 6
Agad akong yumuko nang saglit na mag-angat ng tingin ang hari sa aking direksyon,
narinig ko itong bumuntong-hininga, mas kinabahan ako, kaya agad kong sinalubong
ang kanyang mga mata.
"D-Dastan, hindi ba ako nakaaabala?" 1
Sa pagkakataong ito'y pansin ko ang saglit na pagtaas ng sulok ng kanyang mga labi
habang nanatili siyang nakapangalumbaba gamit ang kanang kamay, naglaro ang ilang
daliri niya sa nakabukas na aklat habang nawiwili akong pinagmamasdan.
"Ang presensiya ng reyna'y kailanman ay hindi abala sa kanyang hari." 15
Ramdam ko ang mas lalong pag-iinit ng aking pisngi. "N-Ngunit wala akong ginagawa
rito..."
"Maaari tayong sabay magbasa." Pansin ko ang biglang paggalaw ng upuan ng hari,
nawala ang paghalumbaba niya at sumandal siya sa kanyang upuan. 6
"Come..." inilahad ni Dastan ang kanyang kamay sa akin.
STORY CONTINUES BELOW
"S-Saan?" nangangatal na tanong ko.
Kahit nag-aalinlangan ako ay inilahad ko sa kanya ang aking kamay, tumayo ako at
sinunod ko ang bawat paghila ng kanyang kamay at nang sandaling makaikot ako ay
agad akong kinabig ng hari dahilan kung bakit ako napaupo sa kanyang kandungan. 25
"Ang reyna'y mas mainam na umupo sa kandungan ng kanyang hari..." mahinang bulong
niya sa akin. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko, halos hindi ko na mabasa ang mga
nakasulat sa aklat. 72
Pakiramdam ko'y sasabog ang puso ko lalo na't mas dama ko ang marahang paghinga ng
hari sa aking likuran.
"A-Ang bilis ng tibok ng puso ko, Mahal na Hari..." hindi ko napigilan ang sarili
kong sabihin sa kanya. Hindi ko na inaasahan na sasagot siya dahil ibinalik na nito
ang kanyang atensyon sa aklat pero mas lalo yata lumabo ang mga letrang nakikita ko
nang muling bumulong ang hari. 4
"Ako rin..." 36
Wala na sa aklat ang daliri ng hari kundi nasa dulo na ng aking mahabang buhok.
Marahan niya itong pinaglalaruan habang masuyong nakatitig sa akin. Buong akala
ko'y halik, haplos at pag-iisa lamang ang siyang magbibigay sa akin ng ganitong
pakiramdam patungo sa kanya. 5
Ngunit ang Hari ng Sartorias na tila isang eksperto na sa bawat maliit niyang galaw
ay makatutunaw sa puso ng isang mahinang babae, kung anumang klaseng nilalang ito.
1
Dulo pa lang ng aking buhok ang kanyang hinahawakan ay ganito na ang epekto niya sa
akin, titig niya'y tila higit sa apoy na nag-aalab at ang mga tipid niyang salita
na wala namang halong matatamis na salita ay tila higit pa sa pinong tsokolate mula
sa likha ng dyosang may hawak ng kapangyarihan magbigay ng kahit anong uri ng
tamis. 4
"D-Dastan..."
Dinala ng hari ang dulo ng aking buhok sa kanyang labi at magaan niya itong
hinalikan, kanyang mga mata'y saglit na pumikit bago muling sagutin ang mga titig
ko.
"Buong akala ko'y 'di na darating ang araw na ito, Leticia. Na ang aking dyosa'y
makukulong sa aking mga bisig at sasagutin ang aking mga mata." 9
Sa nangangatal kong mga kamay ay marahan kong hinaplos ang kanyang pisngi. "Marami
tayong pinagdaanan, aking hari..."
"Ngunit ika'y dinala muli sa akin..." ngumiti ako sa sinabi niya.
Hinayaan kong isa-isang bumaba ang hibla ng aking mahabang buhok habang marahan
kong ibinababa ang aking mga labi sa hari, yumakap ang kanyang mga braso sa aking
katawan at nang sandaling gahibla na ang mga labi namin sa isa't-isa isang malakas
na katok sa aklatan ang nagpahiwalay sa amin. 18
Bumaba ang mga kamay ko sa kanyang balikat at kapwa kami napatingin sa pintuan.
Saglit minasahe ni Dastan ang kanyang noo, akma na nitong ibubuka ang kanyang bibig
nang marinig namin kung sino ang kumatok sa pintuan.
"King Dastan! King Dastan!"
Nang marinig ko ang boses ng bata ay agad akong humiwalay kay Dastan, nais nitong
magprotesta ngunit nagmatigas akong bumalik sa unahang pintuan.
Hindi na naghintay ng sagot ang kumatok dahil binuksan nito ang pintuan.
"Dusk." Tawag nito sa anak ni Lily.
Pansin ko ang matinding pawis ng batang lalake, ang presesiya nitong punong-puno ng
pagkabalisa at ang gulo-gulo nitong buhok, anumang oras ay maaari na rin itong
umiyak.
"What happened?" inakala kong mananatili si Dastan sa kanyang upuan pero tumayo
agad ito lumapit kay Dusk. Nagawa pa siyang buhatin ni Dastan, dahilan kung bakit
naiyak na ang bata. 1
"D-Divina and Dawn... they are fighting... I don't know what to do." 5
"Fighting? Ano na naman ang ginawa ni Divina? She is sutil na naman?" tipid akong
ngumiti ng mapansin ko na iniba ni Dastan ang paraan ng kanyang pagsasalita para sa
batang si Dusk. 13
STORY CONTINUES BELOW
"No, I slipped my tongue, King Dastan. Nisabi ko na love rin ni Dawn si Prince
Rosh." Prince Rosh? 122
Kumunot ang noo ni Dastan, hindi rin nagtagal ay sumunod si Dawn at Divina na
pulang-pula ang ilong at mata sa pag-iyak.
"Y-You betrayed me, Dawn! I am Prince Rosh's bride! King Dastan promised me that he
will arrange me with Prince Rosh when I grow up." Yumakap na si Divina sa kanang
binti ni Dastan, saglit siyang sinilip ni Dastan. 62
"I did?" tanong ni Dastan. 1
"Yes! You did, King Dastan." Inilabas ni Divina ang kanyang dila kay Dawn. 1
Yumakap din si Dawn sa kaliwang binti ni Dastan, nagpunas pa ito ng luha sa
kasuotan ng hari. Si Dusk ay nagtakip na ng tenga na parang naiiyak na rin sa
kanilang eksena, buhat pa rin siya ni Dastan. 23
"You should let him choose! Prince Rosh like me better than you, Divina. I like
Prince Rosh too..." mas lalong namula sa pagkainis si Divina. Nagtatalon pa ito
habang nakayakap sa binti ni Dastan, pansin ko na ang pagkasutil ng anak ng
prinsipe ng mga nyebe. 47
"Nauna naman ako sa'yo, Dawn e... Prince Pryor is handsome too! King Tobias too! Or
Prince Seth, he has black wings. Not Prince Rosh, baby niya raw ako sabi ni Papa."
Sumilip ulit si Dastan sa nagkakagulo niyang mga pamangkin. 22
"He did?" pansin ko na ang ngisi sa labi ng hari.
"Yes."
"You are lying! Uncle Zen doesn't want Prince Rosh for you. Mommy said she likes
Prince Rosh for me." Sagot naman ni Dawn, mas lalong humagulhol si Divina. 18
"Mommy did?" tanong naman ni Dusk. 6
"Yes." Mabilis na sagot ni Dawn.
"She is lying too, King Dastan." Sabi ni Dusk habang nakatakip pa rin ang mga kamay
sa kanyang tenga. 3
"Prince Rosh is mated to someone else." Pormal na sabi ni Dastan, mas lalong naging
kahabag-habag ang iyakan ng dalawang munting prinsesa. 84
Hindi ko akalain na popular sa mga bata si Rosh. Ibinaba na ni Dastan si Dusk,
humiwalay na rin sa kanya si Divina at Dawn. Saglit na siyang yumuko, pero agad na
rin siyang napaupo sa sahig nang yumakap sa kanya ang tatlong bata, halos mag-
agawan pa ang mga ito sa pwesto bago nila maayos apat ang kanilang posisyon. 14
Isa-isa niyang hinalikan ang ibabaw ng ulo ng mga ito. Mahilig talaga sa bata si
Dastan at napakagandang pagmasdan na ang tinitingalang hari na bihirang ngumiti ay
walang kahirap-hirap na naglalabas ng emosyon sa harap ng tatlong inosenteng bata.
"Ano ang ayaw ni Haring Dastan?" tanong nito sa tatlong bata. Saglit na lumandas
ang dulo ng hintuturo ng hari sa tungki ng ilong ng tatlong bata.
"Fight." Sagot ni Divina.
"What are you doing right now?" tanong ulit ni Dastan.
"Fighting." Sagot ni Dawn.
"Gusto n'yong nagagalit ang hari?" sabay-sabay umiling ang tatlong bata. 1
Sinisinok na si Divina na siyang may pinakamaraming iniyak. Kahit ngayon ay umiiyak
pa rin ito na parang katapusan na kapag may ibang bata na nagkagusto kay Rosh. 4
"B-But I don't want to be Dawn's rival. I love Dawn too."
"I love you too, Divina. Kaya 'di ko nisabi na love ko rin si Prince Rosh. Ayoko na
mag-aaway tayo." 4
"Prince Rosh isn't handsome!" sagot ni Dusk. 36
Napapamasahe na naman si Dastan sa kanyang noo. "He is handsome!" gigil na sagot ng
dalawang batang babae. 4
"Should I burn the Deltora? Pinag-aaway ni Rosh ang mga prinsesa ko." 38
Mabilis tumango si Dusk. "Yes, King Dastan!" 14
Mas yumakap si Divina kay Dastan at pinaulanan niya ito ng halik na parang
makukumbinsi niya itong pumanig sa kanya. "You love Divina, King Dastan, right?"
Tumango si Dastan. Hindi rin nagpatinag si Dawn at nagpaulan na rin ng halik sa
hari, naghalo na ang luha, sipon at lawak sa mukha ng hari. "You love, Dawn, King
Dastan, right?" 1
Kapwa na nakatitig sa hari ang tatlong pares ng mga mata ng tatlong inosenteng bata
habang hinihintay ang kanyang pasya. Inaasahan ko na siyang magsasalita, ngunit
tila umawit ang aking puso nang sa unang pagkakataon ay tumawa ang hari.
Humalakhak ang hari na mula mismo sa tunay na kasiyahan, higit sa mga awitin o
higit sa magagandang balita. 1
Maging ang mga bata'y saglit na natigilan na parang sa unang pagkakataon na
nasaksihan nila ang natural na pagtawa ng kanilang paboritong hari. Naiiling itong
nakangisi habang pinipisil ang pisngi ng tatlong bata.
"My angels..." 19
"Sabi ni Papa we are vampires." Sagot ni Divina na nakanguso. 20
"Don't mind your stubborn father. And in Rosh case, allow me to settle things
before you and Dawn finally become a lady. Early engagement is against the vampire
rule, fighting for someone who's hundred years older than you would turn him into
ashes." Suminghap si Divina at Dawn sa sinabi ni Dastan. 3
"So you better stop the fight, bago natin mabalitaan na naging abo na ang ikalawang
Prinsipe ng Deltora." Agad naghawak kamay si Divina at Dawn at mabilis na tumango
sa sinabi ni Dastan. 11
"We will not fight again, King Dastan."
"For Prince Rosh."
"Good girls, now go to your-" nabuksan muli ang pintuan. Iniluwa nito si Zen at
Adam. 4
"Kamahalan." Sabay na yumuko ang dalawang lalaki.
Humiwalay ang mga bata kay Dastan at nagtakbuhan ang mga ito sa kanilang mga ama.
"Nagsusutil ka na naman kay Haring Dastan, Divina?" tanong ni Zen sa kanyang anak,
hindi sumagot si Divina at yumakap lang sa kanya. 2
Nakatayo na si Dastan, buhat na rin ni Adam ang kambal.
"We're sorry, King Dastan, Queen..." yumuko ulit si Adam at Zen sa amin.
"It's okay. Just let them sleep."
Hindi na nila pinahaba ang usapan, naiwan kaming dalawa ni Dastan sa aklatan,
lumapit ako sa kanya, inilabas ang gintong panyo gamit ang aking kapangyarihan at
marahang pinunasan ang kanyang pisngi.
"Dozen. You will give me a dozen, right, My Queen?"
Chapter 25 10
Hari 8
Gusto ko silang pigilan, gusto kong huwag umalis si Naha para sabihin ko sa kanya
ang lahat ng nalalaman ko pero hindi ko nais tanggalin ang ngiti sa kanyang mga
labi habang nakayakap siya sa braso ni Evan at nakaharap sa aming lahat.
Lahat ng mga Gazellian ay nasa harapan ng palasyo para ihatid si Naha at Evan na
patungo sa mundo ng mga tao. Kapwa sila nakasuot ng kasuotan ng mga tao, si Naha ay
nagpagupit ng maiksing buhok na may matingkad na kulay, maiksi rin ang kanyang
kasuotan na nasa kalahati na ng kanyang hita at maging ang kanyang mga balikat ay
nakalabas din. Ang damit ng mga tao'y maaaring magdala ng kasalanan dito sa mundong
ito. Habang si Evan naman ay nakasuot ng itim na pantalon, pang-itaas na asul na
nakatupi hanggang siko, may telang nakasabit sa kanyang leeg na may kakaibang hugis
at ang kanyang mga mata'y may mga salamin. 1
"We'll come back after Naha's graduation."
"I bet she will not graduate, uuwi rin kayong dalawa dahil nabuntis si Naha,
natanggal ka sa trabaho dahil nakikipagrelasyon ka sa estudyante mo. Worst nabuntis
nga." Ikinumpas ni Lily ang kanyang kamay sa hangin na parang tinatamad itong
sabihin ang bagay na inaasahan niyang alam na ng lahat. 33
Nagtawanan ang mga Gazellian, ngumuso si Naha habang si Evan naman ay napapakamot
sa kanyang kilay.
"Naha's goal is to seduce him on class. What a good start for a student." Umiiling
na sabi ni Claret. 20
"I thought we're friends, Claret?" Umikot ang mga mata ni Naha.
"Uso condom sa mundo ng mga tao." Sabat ni Caleb na natatawa. 10
"Nah, isang maletang bote ng langis ang dala namin ni Evan." Simpleng sagot ni
Naha. 32
"Nahara! You little-" 1
"Eh? Pikon na si Prof. Guevarra? 'Di na tayo tutuloy sa five star hotel mamaya?
Galit ka na e." Yumakap ito kay Evan na napabuntong-hininga na lamang. 23
"Ayos na ba lahat ng dadatnan n'yo sa mundo ng mga tao?" tanong ni Claret.
"All settled." Si Casper ang sumagot na napag-alaman ko na madalas nagtutungo sa
mundo ng mga tao. 7
"Kukunin ko lang ang schedule ko, next week na rin kasi ang simula ng klase." Sagot
muli ni Naha.
"With that outfit?" tanong ni Claret.
"Yes, it's fine, Claret. Makaluma pa yata no'ng panahon mo." Tumango lang si Claret
na parang hindi maniwala kay Naha. 7
"Mag-ingat kayong dalawa." Sabay yumuko si Evan at Naha sa paalala ni Reyna
Talisha.
"We will miss Uncle Evan and Aunt Naha!" naiiyak na sabi ni Divina. 1
"We will give you pasalubong! For these cuties!" kinurot ni Naha ang pisngi ni
Divina, Dawn at Dusk.
Binuhat na ni Evan ang dalawang malaking maleta. Yumuko siyang muli sa aming lahat
at tumalikod na siya, nauna na itong maglakad kay Naha na nakikipag-usap pa sa mga
bata.
Saglit akong nagtaka, hindi ba at magkaiba ang mga kagamitan ng mundong ito sa
mundo ng mga tao? Ano pa ang kailangan nilang dalhin mula rito? 16
"Evan, be careful, baka mabasag." Sabi ni Naha na nagsimula nang sumunod sa kanya.
18
"S-Shalani Nahara!" tumawa lang si Naha bago ito kumaway sa aming lahat. Lakad
takbo siyang humabol kay Evan.
"Yes, hon... I love you too!" bigla na lang tumalon si Naha sa likuran ni Evan at
sumakay rito habang hirap na hirap maglakad si Evan na may dalang dalawang
malalaking maleta patungo sa karwahe. 4
STORY CONTINUES BELOW
"They are really funny." Kumento ni Harper. 4
"Kalla, do you want to ride on my back too?" 8
"Tigilan mo ako, Finn." 49
Umalis na si Kalla na sinundan ni Finn, sumunod si Claret, Zen at Divina na mukhang
nag-aaway na naman, magkasabay naman si Lily, Reyna Talisya, Adam, Dawn at Dusk
pumasok, nahuli si Caleb na kinukulit si Harper habang si Casper naman ay tahimik
na nakasunod sa kanila. 2
Naiwan kaming dalawa ni kamahalan sa harap ng palasyo. Saglit akong sumulyap sa
kanya, hindi man siya nakangiti, alam kong masaya siya para sa kapatid niya. Si
Evan ang huling Gazellian na nakaranas ng matinding paghihirap para lang makasama
ang kanyang kapares, hindi ko man narinig ang lahat, alam kong hindi biro ang
kanilang naging karanasan.
"Leticia..." hanggang ngayon ay kahit simpleng pagtawag niya sa aking ngalan ay
halos magbigay ng matinding kaba sa aking dibdib.
"Dastan..." unti-unti akong humarap sa kanya. 2
Napakabilis ng kamay ng hari dahil hawak na nito ang dulo ng ilang hibla ng buhok
ko.
"Nais mo bang mamasyal?" 2
"Ngunit alam kong marami ka pang kailangang gawin..."
"Makapaghihintay ang aking mga gawain. Pauunlakan mo ba ako, aking reyna?" tanong
niya sa akin kasabay ng paghalik sa dulo ng aking buhok. 3
Sa paanong paraan ako tatangi kung ganitong klase ang kanyang katanungan?
"D-Dalhin mo ako kung s-saan mo nais... Dastan..."
"Marahil ay marami akong nanaisin, Leticia..." bumitaw ang kamay niya sa hibla ng
aking buhok, hinawakan niya ang aking kamay at kapwa kami naglakad patungo sa
palasyo. 5
Inakala kong tatawag si Dastan ng mga tagasunod na siyang mag-aayos ng aming
karwahe ng gagamitin sa aming pamamasyal, ngunit sa halip ay nagpatuloy kami sa
aming silid.
Agad naming nakasalubong si Casper na may ilang librong dala na mukhang kagagaling
lamang sa ikatlong silid aklatan.
"Casper, kanselahin mo ang lahat ng aking pagpupulong sa araw na ito." Agad na
tumango si Casper. 3
"K-Kamahalan, anong maaari kong idahilan?" pansin ko ang pag-aalinlangan sa
katanungan ni Casper.
"Karamdaman." 31
"Masusunod, Mahal na Hari. Isang karamdaman." Ulit nito na parang pinaalalahanan
ang sarili. 22
Hindi na sumagot si Dastan at pinagpatuloy niya ang paglalakad habang hawak ang
aking kamay.
Nang makapasok kami sa loob ng aming silid, agad humiwalay sa akin ang hari at
nagtungo ito sa kanyang malaking aparador, buong akala ko ay bubuksan niya ito pero
saglit lang itong itinulak ng hari, may itinatago pala itong maliit na pintuan.
Pinagmasdan ko lamang ang ginagawa ni Dastan, akala ko ay isa itong lagusan pero
ito pala'y lagayan lamang ng ibang kagamitan. Humakbang ako patungo sa kanya.
"Anong itinatago mo rito?"
Inilabas ni Dastan ang isang pares ng kasuotan na kailanman ay hindi ko naisip na
isusuot ng isang hari, normal na kasuotan na may kulay abong kulay.
"Ano ang gagawin-" mabilis nakalapit sa akin si Dastan, ang kanyang malambot na
kamay ay nasa ilalim na ng baba ko at marahan niya akong dinampian ng halik sa
labi.
"Aking kasuotan sa pamamasyal."
Unti-unti ko nang naiintindihan ang nais iparating ni Dastan, siya'y lumalabas sa
palasyo, hindi bilang hari kundi isang normal na nilalang na hindi nanunungkulan sa
isang malaking emperyo.
STORY CONTINUES BELOW
Hindi na ako nagtanong sa kanya, gamit ang kapangyarihan ko bilang dyosa, mabilis
kong itinago ang aking magarbong saya at pinalitan ito ng kasuotang nahahawig ng sa
kanya.
Pinagmasdan ako ni Dastan. "You're still a Queen." Nag-init ang pisngi ko sa sinabi
niya. 1
Tumalikod ako nang nagsimula na siyang maghubad, nabigyan man ako ng pagkakataong
makita ang ganda ng katawan ng hari, hindi pa rin ako sanay na hantaran itong
titigan. 4
Habang nagbibihis si Dastan ay nagsimula akong magtanong sa kanya. "Paanong hindi
ka nakikilala ng iyong nasasakupan? Napaka-imposibleng hindi ka nila mapansin."
"Isa lamang akong hamak na binatang manlalakbay. Hindi nila ako makikilala, halika
na, aking reyna." 21
Akma ko na sanang tatanggapin ang kanyang kamay nang matigilan ako sa kanyang
kaanyuan.
Nang sandaling humarap ako kay Dastan ay may takip ang ibang bahagi ng kanyang
mukha, dahilan kung bakit kanyang magagandang mga mata lamang ang nakikita. May
nakasaklob na sa kanyang ulo na siyang higit na nakapagtatago sa kanyang
pagkakakilanlan. 1
Pero sa kanyang mga mata'y agad ko siyang nakikilala. Kusang gumalaw ang aking
dalawang kamay at hinawakan ang saklob sa ulo ng hari, bahagyang yumuko ang kanyang
ulo dahilan para mas lalong magtama ang aming mga mata at kanyang mga braso'y
yumakap sa aking bewang.
"At ika'y kasintahan ng hamak na manlalakbay na ito." Ngumiti ako sa sinabi niya. 6
Tumingkayad ako, kasabay ng pagpikit ng aking mga mata, isang magaang halik ang
ibinigay ko sa hari sa pagitan ng manipis na telang nakaharang sa aming mga labi. 3
"Masaya akong nakapaglalakbay ka ng malaya. Buo akala ko'y habang buhay ka nang
nakakulong sa palasyong ito." Hinaplos niyang muli ang aking pisngi.
"A king should see his empire, not through his royal eyes with his shining crown
while sitting on his throne. He should witness the movement of his empire the way
his subjects see it." 21
Sa pagkakataong ito, hindi aking pisngi ang nahaplos kundi ang aking mismong puso.
Napakalaki ng pagmamahal ni Dastan sa Parsua Sartorias na maging ako'y matindi
itong nararamdaman.
Ang lalaking ipinares sa akin ng asul na apoy ay ang nilalang na siyang
pinapangarap ko, idinadalangin at ilang taon nang ibinubulong sa tadhana. Isang
pinunong hindi nag-aanlinlangan tumungo para tumingin sa ibaba.
Nanalangin akong may isilang na katulad niya na siyang maaaring makapagpatigil ng
baluktot na paniniwala ng iba't-ibang mundo, ngunit ang mapares sa kanya'y isa nang
malaking karangalan.
Hindi ko napigilan ang sarili kong mapaluha. Masyado akong nagagalak at sa akin
siya ibinigay ng Dyosa ng Asul na apoy.
"Napakabuti mo, Dastan... ika'y nararapat lamang bilang isang hari."
Hindi sumagot sa akin si Dastan, pinunasan nito ang ilang butil ng aking luha bago
niya hinawakan ang aking kamay at sabay kaming nagtungo sa isa pang nakatagong
pintuan.
Isang mahabang hagdanan ang aming dinaanan habang may hawak niya pa rin ang aking
kamay, ang isa niyang kamay ay may hawak na lampara. Sa bawat pagbaba namin,
nakakarinig ako ng agos ng tubig.
"Saan tayo patungo?" 1
"Sa ilalim ng palasyo sa likurang bahagi, naghihintay rito ang aking kabayo."
Nang nasa dulo na kami ng hagdanan, muntik na akong pasigaw sa gulat nang may itim
na mabalahibong nilalang ang pilit na kumawala sa pagitan ng malalaking rehas.
Nagsimula itong magwala na tila nais akong abutin, ngunit nang ang malalaki nitong
mga mata ay tumama sa haring siyang nasa likuran ko na nagsabit muna ng lampara ay
agad natahimik ang halimaw. 3
STORY CONTINUES BELOW
"A-Ano ang-"
"Embargo." 7
"Nag-aalaga kayo ng ganitong klase ng nilalang?"
"Nandito na ang mga embargo simula ng ako'y isilang, Leticia. Patawad, isa ito sa
pagkakakilanlan ng Sartorias, ang emperyong ito lamang ang may embargo." Hinawakan
ni Dastan ang aking balikat at inilalayan niya na ako muling maglakad.
Habang patuloy kami sa paghakbang, unti-unti nang nagliliwanag hanggang sa
makarating kami sa bukana, naghihintay nga rito ang isang kabayo na kulay
kayumanggi.
"Hindi kilala ang kabayong ito bilang aking pag-aari." Binuhat ako ni Dastan at
isinakay rito. Sumunod siya sa akin, yumakap bago hawakan ang tali ng kabayo.
'Di ko mapigilang maalala ang unang pagkakataong sabay kaming sumakay sa kabayo.
Tinatakbuhan ko siya noon dahil sa nakita ko.
Wala sa sarili kong inangat ang palad na lumapat sa pisngi ni Dastan nang mga
panahong galit na galit ako sa kanya.
Ramdam kong mas humilig ang katawan sa akin ni Dastan at huli na nang ibaba ko ang
aking kamay nang silipin niya ako.
Ilang beses siyang nasamid na siyang ipinagtaka ko. Hinila niya na ang tali at
sinimulan niyang patakbuhin ang kabayo. Hindi ako nag-abalang pagsaliputin ang
buhok ko dahil nakatirintas ito. 2
Nagsisimula na kaming lumayo sa palasyo ng Parsua Sartorias.
"Dastan, madalas mo ba itong gawin?"
"Oo. Simula pagkabata ko."
"Walang sinuman ang nakaalam?"
"Si Ama, minsan niya akong nahuli sa ilalim ng palasyo." Tumango ako.
"Saan ang paborito mong puntahan?"
"Sa lahat Leticia..."
"At paano ka nakikisalamuha sa ibang nilalang? Ang iyong pino at pormal na kilos ay
hindi magagawang itago ang iyong dugong bughaw."
"Isa akong manlalakbay na dating nanungkulan sa palasyo. Marahil ay naniwala na
sila sa simpleng paliwanag na ito." Muli akong tumango sa sinabi niya.
"Hindi ba sila magtatakang may kasama kang babae?"
"Tulad ng sinabi ko, ikaw ay aking kasintahang ipinapasyal." Saglit akong napaisip,
kung siya'y naglalakbay sa pagkakakilanlan na isang binata, hindi marahil
mangyaring may mga babaeng magkaroon ng interes sa kanya. 1
Hindi sagabal ang takip na tela sa ibabang bahagi ng kanyang mukha para sabihing
isa siyang makisig na bampira.
"Ano'ng iyong iniisip aking reyna?" tanong niya. Hindi ko napansin na natahimik na
pala ako.
Nagkaroon na kami ng koneksyon sa aming mga isipan na siyang kakayahan ng bawat
magkakapares, pero nais ni Dastan na bigyan ako ng pribadong pag-iisip, hindi niya
gustong makaramdam ako ng hindi pagiging kumportable.
"H-Hindi na ako makapaghintay makita ang pinagkakaabalahan mo sa labas ng palasyo."
Nakarating kami sa isang malawak na pamilihan kung saan nagsabog ang iba't-ibang
uri ng nilalang. Inalalayan ako ni Dastan bumaba sa kabayo bago niya ito hinila at
dinala sa isang matanda na kung hindi ako nagkakamali ay tumatanggap ng ginto
bilang kabayaran sa pagbabantay ng mga kabayo. 1
"Natad!" masiglang bati ng matandang lalaki na parang pamilyar na kay Dastan. 12
"Kay tagal kitang hindi nakita, ano'ng iyong pinagkakaabalahan ngayon, hijo?" tipid
na yumuko si Dastan sa matandang lalaki.
Bigla na lang akong pinataasan ng balahibo. Ngumiti ang mga mata ni Dastan sa bati
ng matanda, sinong hari ang basta na lang yuyuko sa isang gusgusing matanda?
"Natad! Magandang araw!" bati sa kanya ng isang malaking babae na katabi ang asawa
nito, nagtitinda ang mga ito ng mga bulaklak.
Tumungo si Dastan sa kanila bilang pagbati.
"Natad! Salamat sa gamot na ibinigay mo sa anak ko! Tumigil na ang pagdurugo ng
kanyang sugat." Natutuwang balita ng isang lalaki na may mga itinitindang mga
patalim.
"Natad! Laro ulit tayo!" apat na bata ang tumatawang tumakbo sa palibot ni Dastan,
natigil lang ang mga ito nang tawagin sila ng kanilang mga magulang.
Hanggang sa nagsunod-sunod ang bawat nilalang na bumabati kay Dastan, hindi ko man
nakikita sa likod ng telang nagtatago sa kanyang mga labi, alam kong totoong
nakangiti ang hari.
Namamangha akong napatitig sa kanya. Ano pa ang bagay na higit na magpapahulog sa
akin sa haring ito?
Napaka-puro niya... 3
Ngumiti ako habang pinagmamasdan siyang nakikipag-usap sa matanda. At binigkas ko
ang ilang salitang madalas kong naririnig mula sa mga babaeng minahal ng mga
lalaking Gazellian.
"I love you..." bulong ko. 16
Natigilan si Dastan sa pakikipag-usap sa matanda at lumingon siya sa akin. Hindi ko
alintana ang paulit-ulit kong pagluha kung mula ito sa galak. 3
Ngunit hindi ko inaasahan ang ginawa ng hari, hindi siya nagdalawang isip tanggalin
ang maskara niya, saksi ako at ang matandang lalaki. 1
"I love you too, My Queen." Mahinang sabi niya sa akin. 57
Ibinalik niya ang kanyang maskara at hinarap ang matandang tulala sa kanya. Inangat
ni Dastan ang kanyang isang daliri malapit sa kanyang nakatakip na labi, hudyat sa
matanda na huwag ikakalat ang anumang kanyang nasaksihan. 4
Sa pagkakataong ito'y higit na yumuko ang matandang lalaki.
Chapter 26 +
Hari 10
Sa tuwing siya'y nakaupo sa kanyang trono tanging paghanga ang nagniningning sa
bawat mata ng sinumang makakakita sa kanya.
Sa sandaling tumayo siya dala ang simbolismo ng kanyang panunungkulang kumikislap
sa ibabaw kanyang ulo, pagrespeto ang namamayani sa buong emperyo.
Sa pagkakataong ang kanyang tinig ay humalo sa mga salitang may kabuluhan at
halaga, katahimikan at pakikinig ang tumatanggap sa kanya.
Ilang sitwasyong madalas masaksihan ng napakaraming nilalang habang humaharap si
Dastan sa kanyang tungkulin. Ngunit ang mabigyan ng pagkakataong makita ang iba
pang parte niya bilang isang hari na hindi nito nais malaman ng lahat ay talagang
nakagagalak.
Napaka-mapagkumbaba nito para sa isang pinakamataas na nilalang sa mundong ito.
Inilahad sa akin ni Dastan ang kanyang kanang kamay habang ang isa niyang kamay ay
nanatili sa kanyang likuran. Tipid muna akong ngumiti sa matandang lalaki na agad
din yumuko sa akin.
Nang hilahin ako papalapit ni Dastan patungo sa kanya ay marahan niyang hinalikan
ang likuran ng kamay ko sa pagitan ng manipis na abong maskarang nagtatakip sa
kalahati ng kanyang mukha.
Nag-init ang pisngi ko.
Ibinaba niya ang kamay namin at nagsimula na kaming maglakad sa dagat ng pamilihan
na napupuno ng iba't-ibang klaseng nilalang. Masasabi kong may kasikipan dito at
maingay ngunit ramdam na ramdam sa lugar na ito ang masiglang buhay, kalayaan,
sariwang hangin at nakagagaang liwanag.
Hindi nakapagtatakang mahihilig sa lugar na ito si Dastan, lumaki siya sa palasyong
inilalahad ang lahat sa pinaka-eleganteng pamamaraan at ang makaranas ng ganito
para sa isang haring may mabigat na tungkuling hinaharap ay isa nang uri ng
kalayaan.
At masaya akong nais niya itong ibahagi sa akin.
"Masayang-masaya ako... K-Kama-" natigil ako sa pagtawag sa kanya.
"Dastan..." bulong ko. "Na isinama mo ako rito..."
Dinala ko sa aking pisngi ang kanyang kamay. Lumambot ang mga mata niya sa akin.
"Ngunit sino pa ang nanaisin kong dalhin dito?"
Yumuko sa akin si Dastan para mahinang bumulong sa tenga ko. "Ang aking reyna
lamang..."
"Natad! Magaganda at bago ang mga bulaklak namin ngayon!" saglit kaming
nagkatitigan ni Dastan nang marinig namin ang tawag sa kanya.
Ngumiti kami sa isa't-isa at saglit niyang idinikit ang kanyang noo sa akin bago
kami kapwa humarap sa babaeng tumawag sa kanya. 1
Nagtitinda ito ng iba't-ibang klase ng bulaklak at isang tingin pa lang ay masasabi
kong napaka-sariwa pa ng mga ito. Magkadaop ang aming mga kamay ni Dastan at sabay
na nagtungo rito.
"Sino itong magandang dalagang iyong kasama?" ngumiti ako sa babae.
"Ang aking kasintahan." Saglit akong tumango bilang pagbati.
"Siya ba ang kasintahan mo sa norte o sa timog?" tanong ng babae, ramdam ko ang
biglang pagdiin ng hawak ni Dastan sa aking kamay. 94
Kasintahan sa norte? Timog? Pati pa sa Silangan at Kanluran? 26
Nag-aakusa akong sumulyap kay Dastan, sinabi niya lamang sa akin na tanging ako
lamang ang kanyang dinadala rito. Ngunit ano itong sinasabi ng babaeng may
kasintahan pa siya sa Norte at Timog?
Ramdam ko ang panlalamig ng kamay ni Dastan. 26
"Magda, hindi ko alam ang iyong sinasa-" bago pa man matapos si Dastan sa kanyang
sasabihin ay agad humalakhak ng malakas ang payat na babae.
STORY CONTINUES BELOW
"Ako'y nagbibiro lamang Natad." Sumulyap sa akin ang babae at humihingi ng
paumanhin ang kanyang mga mata. 6
"Huwag kang mag-alala, nagbibiro lamang ako. Wala pa siyang dinadalang kasintahan
sa pamilihang ito. Ngunit hindi ko ikakailang popular siya sa mga kadalagahan..."
kumindat siya sa akin.
"Magda, binibigyan mo ng maling impormasyon ang aking kasintahan."
Dalawang babae na siyang katabi ni Magda na may kanila ring itinitinda ang saglit
na humagikhik nang magsalita si Dastan.
"Ang aking dalagita'y matindi ang paghanga sa'yo." Umiiling na sabi ng babae sa
kaliwa na nagtitinda ng mga prutas.
"Ang kilalang mang-aawit sa pamilihang ito'y ikaw rin ang hinahangaan. Tila
misteryo ang lalaki sa likuran ng maskara."
Dahil siya'y isang hari...
"Ngunit hindi namin nais ang pinagtataksilan, hindi ba, hija? Mabuting bata si
Natad, alam kong hindi ka niya paluluhain." Sabay-sabay tumango sa akin ang tatlong
babae na parang matagal na nilang kilala si Dastan.
Pansin ko ang paghinga nang maluwag ni Dastan.
"Ano'ng magandang bulaklak ang mairerekomenda mo sa akin, Magda?" pormal na
katanungan ni Dastan na hindi na nais humaba pa ang usapan tungkol sa mga
kadalagahang humahanga sa kanya.
"Ah, tama Natad! Nais kong ipagmalaki sa'yo ang mga bulaklak na ito." Tumalikod sa
amin ang babae at nagmamadala itong nagtungo sa isang basket, pamilyar ang kulay at
anyo ng mga bulaklak.
Ibinaba niya ito sa harapan namin at kapwa kami tumitig ni Dastan dito. Biglang
nag-init ang pisngi ko, nakikilala ko ang mga bulaklak na ito.
Ito ang nagmistulang malambot na kama na siyang ginamit namin sa loob ng karwahe.
Ano ba ang pangalan ng dilaw na bulaklak na ito?
"Maraming nakapagsabi ng kapatid ng punong pinanggalingan nito ay ang punong
sumisimbolo sa Hari ng Sartorias."
"Hmm..." tipid na sagot ni Dastan na ilang beses tumango. 3
"Ano'ng masasabi mo, mahal?" nawiwiling tanong sa akin ni Dastan. "Nais mo ba itong
iuwi?" 3
"Isa lang... Das-Natad..." hindi na napigil ni Dastan ang kanyang sarili,
humalakhak ang hari. Ngunit pino pa rin ito at elegante. Paano niya nagagawa ang
bagay na ito? 2
Ngumuso ako, bakit pakiramdam ko'y nakikipaglaro siya sa akin?
"Isa lamang Magda." Kinuha na ni Dastan ang isang piraso ng dilaw na bulaklak,
humarap siya sa akin at marahan niya itong inilagay sa gilid ng kanan kong tenga.
"Napaka-gandang dalaga!" natutuwang sabi ng babae. Nagbayad na sa kanya si Dastan
bago kami nagpaalam sa kanya.
"Nagkaroon ka ba ng pagkakataong magtungo rito bilang isang-" tipid na umiling si
Dastan.
"Gusto ko mang lumabas ngunit magiging abala lang ang magagawa ko sa sandaling
gawin ito. Sa halip na bigyan ng bawat nilalang ng atensyon ang kanilang
ikinabubuhay, maagaw ko pa ang kanilang oras... dahil lang sa pagtitig sa akin.
Maaaring magkaroon din ito ng klase ng gulo lalo na't hindi lahat ng nilalang sa
emperyong ito'y pabor sa akin. It would cause riot."
Natahimik ako sa paliwanag niya.
"Ang paraang ito na ang pinaka-mainam na gawin kung nais kong abutin ang kanilang
mga kamay na hindi nila nalalaman. I could be their neighbor, a friend, a son,
customer, passerby, drinking buddy or a lost friendly stranger masked to hear their
words." 8
Nagpatuloy kami sa paglalakad habang nakikinig ako sa kanya. Hindi ko mapigilan ang
sarili kong humanga sa kanya.
"Hindi ba ito ipinararating ng mga nanunungkulan sa konseho? Sila ang iyong mga
tagapagbalita, hindi ba?"
STORY CONTINUES BELOW
"The information is always filtered. Hindi na nila nais ipabatid sa akin ang
inaakala nilang maliliit na bagay."
"Ngunit paano ang iyong mga kapatid? Kung hindi ka man makalabas, alam kong sila ay
maraming pagkakataon."
"Maging sila'y pumipili rin ng mga bagay na nais ibalita sa akin. Not because they
wanted to betray me but because they want lessen my burden." Hindi ako muling
nakasagot kay Dastan.
Dahil kung ako'y mapupunta sa sitwasyon ng mga kapatid niya ay marahil ganito rin
ang gawin ko para lang tulungan siya.
Bukod sa pamilihan sa lupa, mayroon ring pamilihan sa tubig, karamihan pa rito ay
mga sirena, engkantada at magagandang mga babae. Mas ginamit ko ang kapangyarihan
ko para ikumbli ang presensiya ko bilang dyosa.
Sinubukan ko rin gumamit ng mahika kay Dastan para hindi siya makilala rito, ngunit
ang mismo kasuotan niya ay may sarili nang basbas. Kanino ito nagmula?
Isa muling matandang lalaki ang binayaran ni Dastan ng ginto, pinahiram kami nito
ng isang maliit na bangkang di sagwan. 24
Bigla kong naalala ang nangyaring karera sa Deeseyadah, mga panahong ipinaglalaban
ko pa ang pangangalaga kay Nikos. Saglit kumirot ang dibdib ko nang sumagi ang
pangalan niya sa akin.
Nasaan na kaya ito? Nasa mabuti kaya itong kalagayan? Ngunit malaki ang paniniwala
kong ang liham na natanggap ng mga Gazellian bago ako magtungo sa mundong ito ay
nagmula sa kanya.
Buong akala ko ay aalalayan lang ako ni Dastan para makarating sa bangka, ngunit
binuhat ako ng hari at sabay kaming nagtungo rito. Nang maupo na kami ay magkaharap
kami sa isa't-isa.
Nagsimulang gumalaw ang matitipunong bisig ng hari habang marahan itong nagsasagwan
at nakatitig sa akin. Gusto kong patuloy na magsaya sa piling niya ngunit nang
maalala ko ang pinanggalingan ko at ang hirap ng naranasan ko kasama ang mga
kaibigan ko, bigla akong nakaramdam ng kalungkutan. 3
Dapat ba'y ngayon na namin ito pag-usapan?
"Tila malalim ang iyong iniisip mahal ko..." marahan akong nagtungo sa gilid ng
bangka at pilit sumalok ng tubig dito gamit ang isa kong kamay.
"May naalala lamang ako sa lawang ito..."
Hindi siya nagsalita at hinayaan niya akong sundan ang sasabihin ko.
"Sa mundong pinanggalingan ko o ang Deeseyadah, kung may nais makamtan ang isang
dyosa ay maaari lang nila itong kunin sa pamamagitan ng kompetisyon. Isa na rito
ang karera ng mga bangka."
"Kung gano'n ay isang kompetisyon ang naalala mo sa mga oras na ito..." tipid akong
ngumiti at tumango sa kanya.
"Ano itong nais mong makamit?"
Napatingin ako sa dalawang kamay kong nakadaop. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin
alam kung paano ko ipaparating sa kanya ang ideyang ilang taon kong kasama ang
lalaking nagmamay-ari sa babaeng unang minahal ng kanyang ama.
Ipinangako ko sa sarili ko na si Naha ang unang nilalang na makakaalam ng tungkol
kay Nikos.
"I-Isa lamang pangangalaga sa isang lumang templo..." gusto kong kagatin ang aking
dila sa unang kasinungalingang ibinigay ko kay Dastan.
Nagpatuloy sa pagsagwan si Dastan dahilan kung bakit nakalalayo na kami sa
pamilihan, mas lamang na ngayon ang musika na nagmumula sa tubig.
"N-Naging mahirap ang pagbaba ko sa mundong ito, Dastan." Pilit kong pinatatag ang
sarili ko, kung hindi ko man masasabi ang tungkol kay Nikos, siguro'y nararapat
lang na malaman ni Dastan ang lahat ng pinagdaanan ko.
Itinigil ni Dastan ang kanyang pagsagwan at mas pinakatitigan niya ako.
"Hindi nagustuhan ng mga kapwa ko diyosa ang ginawa kong pagbaba sa lupa, sa
kanilang mata'y isa itong uri ng pagtataksil lalo na't hanggang ngayon ay hindi pa
rin nila napapatawad ang mga bampira."
"Ngunit ang asul na apoy---"
"D-Dastan sa mundo ng Deeseyadah... ang dyosa ng asul na apoy ay isang taksil na
tumutulong sa inyo, na ngayon ay siyang bansag na rin sa akin." Lumuha na ako sa
harap niya.
"Dinala ako sa bulwagan at nilitis sa harap ng napakaraming mata ng mga dyosa...
at-" napapikit ako nang maalala ang lahat ng pangyayari. Dapat ay hindi ko na
sinali ang bagay na ito.
"Ang salamin ng kalinisan ay iniharap sa akin... isang uri ng salamin na nagbibigay
ng kasagutan kung ang isang diyosa'y nananatiling malinis... mula sa haplos, halik
o higit pa..."
Tuluyan nang binitiwan ni Dastan ang sagwan sa kanyang mga kamay.
"I k-kissed you..."
"Ngunit hindi ko ito pinagsisihan..."
"But you were punished..." hinawakan ni Dastan ang dalawa kong kamay. Tinanggal
niya ang kanyang maskara at mariin niya itong hinalikan.
"S-Si Hua... Dyosa Neena... tinulungan nila akong makatakas sa Deeseyadah. Si Hua
kasama ang kapwa niya nilalang... a-at..." bumagsak na ang mga luha ko.
Gusto kong humingi ng tawad sa saglit na pagsasaya, nagsakripisyo si Hua at Dyosa
Neena para ipagpatuloy ko ang misyon ko bilang reyna ng mundong ito, hindi ko dapat
sila biguin.
"S-Si Dyosa Neena... siya Dastan ang tumawag sa mga kapatid mo." Nasapo ko na ang
bibig ko.
Tila bumalik ang oras, mas lalong umagos ang mga luha ko. Tinawid ni Dastan ang
distansya sa pagitan namin at kinabig niya ako sa kanyang dibdib.
"Sinakripisyo niya ang kanyang sarili para matalo ang sumpa ng matataas na dyosa...
sinaksak niya ng punyal ang kanyang dibdib kasabay ng kanyang bulong sa anim na
bampirang sasalubong sa akin..." nang marinig ito ni Dastan ay dumiin ang yakap
niya sa akin. 2
"P-Patawad... kasalanan ko... kung may kakayahan lamang akong magtungo sa inyong
mundo... I could have saved you... your friends..." hinalikan niya ang ibabaw ng
ulo ko.
"D-Dyosa Neena... Hua..." kung sana'y kasama ko na lang sila sa mundong ito.
"Kung kinitil ni Dyosa Neena ang kanyang sarili, paanong naatim ng kapwa mo Dyosang
patayin si Hua na isa rin dyosa?" umiling ako kay Dastan. 1
"Hindi isang dyosa si Hua... isa siyang langgam na nakakapagpalit ng anyo sa kahit
anong kagustuhan nito..."
"Leticia..." tinanggal ni Dastan ang pagkakayakap niya sa akin. At sinalubong niya
ang aking mga mata na punong-puno ng pagtataka.
"Ano ulit si Hua?"
"Isa siyang langgam na may kakayahang magpalit ng anyo. Simula pagkabata ko'y siya
na ang nakagabay sa akin."
Mas lalong rumihestro ang pagtataka sa mukha ni Dastan.
"B-Bakit Dastan?" hindi sumagot sa akin si Dastan at muli siyang yumakap sa akin.
"May hindi ka sinasabi sa akin, kamahalan..." kumalas siyang muli ng yakap. Marahan
niyang hinawakan ang baba ko para magtama ang aming mga mata.
"May haring sinusunod ang sinasabi mong Hua at isa itong masamang balita para sa
akin."
Chapter 27 +
Selos 18
Naging palaisipan sa akin ang mga katagang binitiwan ni Dastan. Bakit ito isang
masamang balita sa kanya? Kung may ibang haring sinusunod si Hua at inuutusan itong
pangalagaan ako, hindi ba at mas dapat siyang magalak dahil isa itong kakampi?
Ang hatid nito'y kaligtasan ko at hindi kapahamakan. Posible kayang ang kahariang
sinabi sa akin ni Hua na maaari niyang pagdalhan sa akin ay ang pinaghaharian ng
haring sinasabi ni Dastan?
Kami'y wala sa maliit na bangka at muli naming piniling ipagpatuloy ang paglalakad.
Pansin ko ang pagiging tahimik ni Dastan na tila mas lumalim ang iniisip.
Saglit kong sinilip ang kanyang mukha mula sa saklob na nagtatakip sa kanya, ang
kanyang tikas sa paglalakad ay hindi man lang nabawasan kahit malalim ang iniisip
nito. Katulad ko'y nasa likuran din ang kanyang mga kamay, ilang beses ko nang nais
igalaw ang kamay ko at hawakan siya pero pinipigilan ko ang sarili ko. 1
Tila ayaw niyang magambala sa kanyang pag-iisip. Sa huli ay hinayaan ko ang hari,
ngumiti ako sa aking sarili at tinuon ko ang aking mga mata sa daan at sa aming mga
nadadaanan.
"Dastan, tingnan mo itong magagandang nililok ng batang sireno!" tumigil ako sa
isang tindahan.
Nauna akong nagtungo rito kaysa kay Dastan at nang sandaling lumingon ako sa kanya
ay mukhang hindi niya ako naririnig.
"Das-Natad!" saglit siyang natauhan. Lumingon siya sa akin at ang mga mata niya'y
humihingi ng paumanhin.
Nagsimula siyang maglakad patungo sa akin, hindi ko siya hinintay na tuluyang
makalapit dahil ibinalik ko na ang atensyon ko sa magagandang likha ng batang
sireno. Noong bata pa ako'y ito ang mahigpit nilang itinuturo sa akin, ilang hampas
ng gintong pamalo ni maestra ang natanggap ko noon bago ko maperpekto ang nais
nilang uri ng pag-uukit.
Ang likha ng batang sireno ay iba't-ibang halaman sa ilalim ng dagat, gamit niya
malakristal na bato na may sari-saring kulay, ano kayang klaseng bato ito? Ako'y
nasanay lamang sa ginto at diyamante.
"Ano ang nais mo sa kanyang mga likha, Leticia?" tanong sa akin ni Dastan.
"Maaari ko bang hawakan?" tanong ko sa batang sireno. Tumango siya sa akin na may
ngiti sa labi.
Una kong hinawakan ang likhang tila isang kabibe, nakalilok ito sa berdeng bato na
tila isang kristal.
"Gawa ba ito sa Esmeralda?" muling tumango sa akin ang bata.
"Magkano ang halaga niyan?" tanong ni Dastan. 2
Marahan kong hinaplos ang kabibe, hindi ko maiwasang mapangiti ng mapait, marami
man akong naranasang hindi maganda sa Deeseyadah, hindi nito maaalis ang
katotohanang ito ang aking tahanan, sa lugar na iyon ako ipinanganak, nagkaisip at
nagkaroon ng prinsipyo sa buhay.
Si Dyosa Neena, ang kanyang balon at ang maganda niyang boses, ang buwan, si Hua,
ang ilog, ang mga puno at ang pinaghalong puti at gintong sining...
Nagpatuloy kaming dalawa ni Dastan sa paglalakad habang hawak ko ang kabibeng
esmeralda.
"Alam mo bang hilig ko rin ang maglilok, Dastan?" hindi siya sumagot sa akin at
hinayaan niya akong magkwento sa kanya.
"Ngunit ako lang ang natatanging dyosa na hindi agad matuto sa isang aralan lamang,
madalas akong hampasin ni Maestra ng kanyang gintong pamalo para lang mabilis akong
matuto." Saglit akong natawa habang nagku-kwento kay Dastan.
Bigla siyang natigilan sa paglalakad, natigil din ako at lumingon pabalik sa kanya.
Matamis akong ngumiti sa kanya.
"Subalit natuto naman ako, hindi mo na kailangang mag-alala sa akin. Nais ko lamang
ibahagi ang mga naranasan ko." Mabilis nakalapit sa akin si Dastan, agad niyang
naagaw ang kabibe sa aking mga kamay.
STORY CONTINUES BELOW
Hinayaan niya itong lumutang sa ere at pinagsalikop niya ang aming mga kamay sa
isa't-isa, kanyang mga mata'y gumala rito na parang makikita niya pa ang mga bakas
ng gintong pamalo ni Maestra.
"Madali lamang itong naghihilom, k-kamahalan..."
"Ngunit ang alaala'y--- sana'y may kakayahan akong magbura ng masasamang alaala,
aking dyosa..." umiling ako sa kanya. 2
"Hindi ko nanaising may mawala sa mga alaala ko, masakit man ito o magandang
alaala, Dastan." Kinuha ko ang kabibe sa ere gamit ang isa kong kamay. 1
At hinila ko na si Dastan para magpatuloy kami sa paglalakad. Siguro'y ang
pamamasyal na ito ay isa na rin paraan para lubos naming makilala ang isa't-isa sa
mga panahong kami'y magkalayo pa.
Nawala na muli sa malalim na pag-iisip si Dastan at nagsisimula na ulit siyang
magtanong sa akin.
"Sa gintong puno kami isinisilang dala ng dasal at sayaw ng kapwa namin mga dyosa.
Wala kaming mga magulang Dastan o di kaya'y opisyal na pamilya katulad n'yong mga
bampira."
"Ngunit may mga diyos din, hindi ba?" tanong ni Dastan. Tumango ako.
"Sila'y may ibang mundo sa amin. Tanging babae lamang ang maaaring manatili sa
Deeseyadah." Nagsisimula ko nang mapansin ang kalituhan sa katanungan ni Dastan.
"Si Hua ay sinabi mong langgam, wala ba itong kasarian?" tanong ni Dastan. 1
Saglit akong napaisip, si Hua ay nagawang mag-anyong isang binatilyong bampira. Isa
na ba itong indikasyong lalaki siya? Ngunit hanggang ngayon ay misteryo pa rin ang
pananatili at ang pagpayag ng mga dyosa sa pananatili ni Hua sa tabi ko noon pa
man. 7
"Siya'y isang binatilyo--" naalala kong minsan ko na siyang nakasama nang una akong
nagtungo sa kaharian ng Parsua Sartorias.
"Siya'y kasama ko nang una akong nagtungo sa palasyo n'yo." Muling natigilan si
Dastan at inalala nito si Hua. Nagkaroon ng pagrehistro ang kanyang mga mata bago
kumunot ang kanyang noo.
Inakala kong magtatanong pa siya tungkol kay Hua nang ibang katanungan muli ang
ibinigay niya sa akin.
"Ibig sabihin ay literal kayong tila namumunga sa isang puno na dasal at sayaw
lamang ang ritwal?" tumango ako.
"Nakakamangha..." bulong nito.
"Ngunit may iba't-ibang klase ng dyosa, hindi lang ang Deeseyadah ang natatanging
mundo ng mga dyosa. May mga dyosa rin na isinilang sa pamamagitan ng---" ramdam ko
ang pag-iinit ng aking pisngi.
Sumulyap sa akin si Dastan.
"Pakikipagtalik sa isang diyos..." mahinang sabi ko. "Mas malaki ang populasyon ng
mga dyosang dito nagmula kumpara sa amin ngunit sa larangan ng kapangyarihan ay
higit kaming malalakas. Ang mga dyosang nagmula sa Puno ng En Aurete..." 5
"Komplikado ang mundo ng mga dyosa."
"Marahil..." sagot ko kay Dastan.
Hindi na matapos ang paglalakad namin ni Dastan, may mga bumabati pa rin sa kanya
at hindi man lang siya pumapalyang bumati pabalik sa mga iyon.
"Paumanhin aking reyna, alam kong nasabi mo sa akin na ika'y hindi pa handang
dalhin sa'yong sinapupunan ang ating unang supling, ngunit ako'y nangangamba, kung
ika'y nagmula sa mundong ang mga dyosa'y isinisilang-" dinala ako ni Dastan sa
isang libreng upuan na malayo na sa pamilihan.
Nasa isang pasyalan na kami na napupuno ng mga halaman at paru-paro, may mga
nilalang pa rin dito na tulad namin ay mukhang namamasyal, kapwa kami nakaupo ni
Dastan at ang mga kamay niya sa aking pisngi. 1
STORY CONTINUES BELOW
"Kaya ba hindi mo nais matuloy ang ating pag-iisa? Dahil hindi mo nais malaman kong
wala kang kakayahang madala ng buhay? Leticia... mahal... ikaw ay sapat na sa
akin... hindi kita pipilitin sa--" hinawakan ko ang mga kamay niya sa aking pisngi
at matamis akong ngumiti sa kanya.
Umiling ako. "Hindi iyon ang dahilan..."
"Leticia..." hindi pa rin kumbinsido si Dastan sa sinabi ko.
"May kakayahan ako, mahal na hari..." hindi ko mapigilan ang sarili kong saglit na
tumawa.
Ibinaba ko ang kanyang mga kamay at kusang yumakap ang aking mga braso sa batok ng
hari. At unti-unti akong bumulong sa kanya.
"Maaari kang magpunla, mahal na hari. Higit sa labindalawa... dalawampu o maging
tatlumpu..." sunod-sunod inubo si Dastan. 115
Nanlalaki ang mga mata nitong tumitig sa akin. "Dahil sa Deeseyadah ako isinilang,
sa sandaling tayo'y mag-isa at makagawa ng bunga ito'y maaari nating dalhin sa'yong
punong simbolismo... ang iyong puno mismo ang siyang hahawak sa ating mga magiging
anak, Dastan..." 29
Halos matulala na si Dastan sa akin.
"Pagkakalooban kita ng napakaraming anak, Dastan... na lahat ay bunga ng ating
pagmamahalan at maligayang pag-iisa..." ngumiti akong muli sa kanya.
Biglang napahawak si Dastan sa sandalan ng aming upuan at dinalahik ito ng ubo,
ilang beses niyang tinapik ang kanyang dibdib at ako'y hinagod ang kanyang likuran.
45
"Nagsisimula na akong mangamba sa'yong pag-ubo, mahal na hari. Ikaw ba'y may
dinadalang karamadaman?" 25
"P-paano mo ito nasasabi sa akin sa kaswal na paraan aking reyna?" 3
"Kaswal? Ang alin? Nagbigay lamang ako ng impormasyon mahal na hari."
"N-ngunit ikaw ang nais kong magluwal sa ating mga anak..." yumakap ako sa hari.
"Ipinapangako kong ako ang magluluwal sa unang labindalawa... sa sandaling maayos
ang lahat." Ramdam ko ang paghalik niya sa aking buhok. 60
"Your innocence is killing me, Leticia..." 18
Nawala na sa mga supling ang pag-uusap namin ni Dastan dahil hindi raw maganda sa
kalusugan ng isang hari ang manabik, siguro'y ang kanyang madalas na pag-ubo ang
sintomas nito. 68
Habang naglalakad kami ay may batang babae na lumapit sa amin, sinabi nito na
inaanyayahan sa isang bulwagan ang bawat magkasintahan na sumali sa isang bukas na
sayawang pagtatanghal. Dahil ako'y isang dyosa na lumaki sa ganitong mga
pagdiriwang ay masigla kong hinila si Dastan dito.
"Sumali tayo!"
"Hindi ako maging sumayaw, Leticia." Ngumuso ako.
"Narinig kong ang mga dugong bughaw ay tinuturuan na ng iba't-ibang klaseng sayaw
sa kanilang murang edad kung sakaling may dadaluhan ang mga itong pagdiriwang."
"Gazellians are worst dancers." 15
"Sinabi sa akin ni Lily na magaling daw kayo sa pagsasayaw na may dalang apoy." 8
"Only Finn, Caleb and Evan."
"Mahal na hari..."
"Ngunit sasayaw ako kung ikaw ang kapares." 4
Tila ang tagal na simula ng ako'y sumayaw, hindi mapawi ang ngiti sa aking labi
habang itinatali na ang mahabang laso sa palapulsuhan ko at ni Dastan, sa gitna ng
putting laso ay maliit na tila kampana na siyang magbibigay ng ritmo sa bawat galaw
namin.
Habang nakayuko ang nag-aayos ng laso sa pagitan namin ni Dastan, saglit niyang
ibinaba ang kanyang kulay abong maskara.
"I love you." Nasundan ko buka ng kanyang mga labi. 2
Ngumiti ako sa kanya at iginalaw ko ang laso para gumawa ng saglit na ingay. "Mahal
rin kita..." 2
Tumalim ang mata sa akin ng babaeng nag-aayos ng laso, ngumisi ako at tumungo
bilang paghingi ng paumanhin.
Nang tumugtog ang plauta, dahan-dahan na naming sinundan ang bawat galaw ng nasa
unahan. Unti-unti kaming humakbang paatras para lumayo sa isa't-isa, mas tumutuwid
ang puting laso at nagsisimulang gumawa ng ingay ang maliit na kampana. 1
Bumagsak sa gitna ng magkakapares ang pulang tela dahilan kung bakit nawala ang
paninitig namin sa isa't-isa. Naging maganda ang bawat galaw ng sayaw dahil tila
isa itong panunuyo na paulit-ulit na nauudlot.
Sa unang musika, ang mga lalaki'y hihilahin ang laso para mapalapit ang mga babae,
ngunit muli itong mababago bago pa man kami makarating sa pulang tela. Ang mga
lalaki'y kapwa nakasunod sa indayog ng mga katawan ng mga babae sa pamamagitan
lamang ng paghakbang ng sabay sa ritmo, ngunit ang tangi lang nilang nakikita ay
ang aming mga aninong sila'y pinasasabik.
Sinabi ng namumuno ng sayaw na hayaang nakalugay ang aming mga buhok, kaya sa bawat
galaw namin ay kuhang-kuha ito ng aming anino, itinaas ko ang aking mga kamay sa
ere at dahan-dahang ibinaba ang isa na siyang may tali sa aking palapulsuhan habang
haplos ang aking isang braso pababa, patungo sa aking leeg bago ito muling itinuwid
pakanan kasabay ng pag-ingay ng maliit na kampana.
Ramdam ko ang biglang pag-igiting ng laso na tila nais na ako nitong hilahin.
Bumalik muli sa musika kung saan hihilahin kami ng mga kalalakihan, sa pagkakataong
ito'y mas agresibo ang paghila ni Dastan ngunit sa paraang hindi ako masasaktan.
Nang sandaling makararating na ako sa pulang tela, bigla muling nagbago ang musika
dahilan kung bakit lumayo akong muli sa kanya. Binuksan ko na ang koneksyon ng
aming isipan.
Change the fucking music! I am the king! Ano ba'ng sayaw ito? 60
Nahuli ko ang nasa isipan ng mahal na hari, dahilan kung bakit ako napatawa sa
bulwagan.
Leticia?
Mahal na Hari...
Hindi siya sumagot sa akin, hindi niya isinara ang kanyang isipan at hindi ko
sinubok mas alamin ang nasa loob nito pero habang patuloy kami sa pagsayaw, biglang
nasagi sa akin ang pangalan ni Hua.
Iniisip niya pa rin si Hua.
Mahal na Hari, hindi mo kailangang mangamba kay Hua o sa haring kanyang
sinusunod...
Hindi ko na narinig ang pagbabago ng musika, pero ramdam ko ang biglang pagkabig ng
laso. Hanggang sa kanyang mga bisig ang pumulupot sa aking katawan.
"Ngunit papaano? Isa lamang akong hari, Leticia... ako'y marunong magselos..."
AN/ Hi, angels! It took time to resume my updates, I am sorry. Haha. I was busy
with my book release! Yey! Caught In His Arms is already published under Pop
Fiction, it will be available in all National Book Stores nationwide. Just a quick
news. lol. 65
Happy reading!
Chapter 28 1
Middelei
Sa halip na musika'y mamayani, ang kanyang marahang bulong sa akin ang siyang tila
naging magandang himig. Ang mahabang lasong siyang distansya sa pagitan namin ay
tuluyan nang nawalan ng bisa at ang pulang tela na siyang nakaharang ay ngayon ay
kapwa nakatago sa aming dalawa sa mata ng napakaraming manunuod.
Tanging aming mga anino na lamang na binibigyan ng buhay ng apoy mula sa simbo sa
bawat sulok ng bulwagan, ang siyang nakapagsasabing kaming dalawa ng hari ay nasa
parte pa rin ng sayawan.
Ngunit tila wala na kami rito at may sarili na kaming mundo.
"You are teasing me, Leticia..." hinaplos ng likuran ng kanyang kamay ang aking
kanang pisngi dahilan kung bakit saglit napapikit ang aking mga mata.
Ang katawan ko'y marahang nakasabit sa kanyang kaliwang braso habang siya'y
nakayuko sa akin.
"N-ngunit hindi ba at parte ito ng sayaw na ito?" mahinang sagot ko sa hari.
Ang sayaw na ito ay para raw sa mga magkasintahan at ang aksyong ginagawa ng mga
kababaihan ay paraan ng pakikipaglaro sa kanyang minamahal.
Hindi ba nais ng Hari ng Sartorias makipaglaro? 3
Hindi sumagot siya sumagot sa akin. "H-hindi mo ba nais makipaglaro sa akin,
kamahalan?" bulong ko, nag-iwas ako ng tingin sa kanya.
Ilang beses napakurap sa akin si Dastan. "M-maglaro? Aking dyosa, maaari-"
inalalayan niya na akong tumuwid ng pagkakatayo nang marinig namin ang palakpakan
ng mga manunuod.
Tapos na ang sayaw. Magkahawak ang aming kamay nang sandaling hilahin pataas ang
telang pula, kapwa na kami nakaharap sa mga nakangiting manunuod. Nakahilera na rin
ang ilang pares ng mananayaw, nang marinig namin ang huling tugtog ng musika
nagbitaw kami ni Dastan ng kamay bilang huling pagyuko huydat ng pagtatapos ng
sayaw. Ako na ibinuka ang aking simpleng saya at si Dastan na ang isang kamay ay
nasa kanyang likuran at ang isa'y nasa dibdib.
Mas malakas na sigawan at palakpakan ang aming narinig sa buong bulwagan. Hinuli
muli ng hari ang aking kamay nang sandaling naglalakad na kami palabas ng bulwagan.
"M-marunong din ang haring katulad ko na maglaro, Leticia..." agad akong umiling sa
kanya, lalo na nang mapansin ko na saglit siyang nahirapang sabihin ito. 1
"Hindi na kailangan, Das-" pinisil niya ang kamay ko.
"Huwag lamang sa publiko, mapagbibigyan kita aking reyna." Seryosong sabi niya na
nagpapula sa pisngi ko. 9
Akala ko ay tuluyan na kaming makalalabas ng bulwagan nang may sumalubong sa amin
ilang iba't-ibang nilalang, ang iba pa sa kanila ay nakasalubong na namin sa
pamilihan.
"Hindi ko akalain na isa ka palang mahusay na mananayaw, Natad!" halos manlaki ang
mata ko nang sandaling kinurot ng isang matabang babae ang braso ni Dastan.
Oh mahabaging diyosa ng Deeseyadah! Ang hari ay hindi kailanman nakatanggap ng
karaha-ngunit natigilan din ako sa aking naiisip nang maalalang ang sarili kong
kamay ay minsan siyang pinagbuhatan ng kamay. 9
Saglit yumuko si Dastan, bumitaw ang kamay niya sa akin at pansin ko ang ilang
beses niyang paghimas sa kurot ng matabang babae sa kanyang braso.
"Higit na magaling ang aking kasintahan, siya ang nagturo sa akin." Lumipad sa akin
ang mga mata ng apat na babae, nawala ang atensyon nila kay Dastan na hindi pa rin
matanggal ang kamay sa braso niyang may kurot. 1
STORY CONTINUES BELOW
"Hindi ka pamilyar sa amin, naipagtanong ka na namin sa ilang nagdadaan? Saang
emperyo ka nga pala galing, hija?"
Saglit akong lumingon kay Dastan, katulad ko ay may ilang kalalakihan na rin pala
ang nakalapit sa kanya at base sa paraan ng pakikipag-usap ng mga ito kay Dastan ay
hindi lang ito ang iisang beses na nagkausap sila.
"Natad, nais muna naming hiramin ang iyong kasintahan."
Agad lumingon sa amin si Dastan, nakarehistro na sa kanyang mga mata ang hindi
pagsang-ayon ngunit ako na lang ang tumango sa kanya. Wala naman sigurong masama na
sumama sa kanila, isa pa, mukhang nawiwili na rin siyang kausap ang mga
kalalakihan.
Alam kong ang bawat salitang naririnig ni Dastan sa mga nilalang na nakasasalamuha
niya rito sa labas ng kanyang palasyo ay isa nang napakalaking tulong sa kanya
bilang hari.
Nais niyang marinig ang kalagayan ng kanyang nasasakupan mula mismo sa mga bibig ng
mga ito at hindi ko nais agawin sa kanya ang magandang oportunidad na ito.
"Nais ko rin silang makasalamuha, Natad. Hanapin mo na lang ako mamaya." Ngumiti
ako kay Dastan.
Isang beses lang siya humakbang na akmang hindi pa rin sasang-ayon, ngunit sabay
umakbay sa kanya ang dalawang lalaki na kung hindi nagkakamali ay isa ring bampira
at nilalang na malapit sa pamilya ng mga lobo, sila iyong may walong buntot na nag-
aanyong tao kung kanilang nanaisin. 19
Ano kaya ang kanilang magiging reaksyon sa sandaling kanilang malaman na si Natad
ang siyang kanilang hari?
Hindi na nakaangal si Dastan nang muli akong tumango sa kanya, hinila na ako ng mga
kababaihan papalayo sa kanila. Dinala niya ako sa iba't-ibang uri ng kubon na may
handang maraming klase ng pagkain na maaari sa kahit sinong nilalang.
At hindi ko akalaing magugustuhan ko ang mga ito!
"Ano'ng iyong ngalan?" tanong ni Mianna na isang sirena na naka-anyong tao ngayon.
"Leticia..."
"Buong akala ko'y hindi na magdadala ng dalaga si Natad, alam mo ba na ilang
kadalagahan na ang sumubok kunin ang kanyang atensyon?" ito rin ang sinabi sa akin
ng mga naunang nakasalubong namin.
Kilala si Dastan ng mga kadalagahan sa lugar na ito at ang maskara niya ay hindi
maaaring itago ang kanyang karisma.
"Ngunit siya'y mailap, kaya naman pala... siya'y may kasintahan na." Sabi naman ni
Alondra, isang babaylan.
"Isa ka bang bampira?" tanong ni Eleya, babaeng lobo.
Natigilan ako sa kanilang katanungan, marahil ay inaakala nilang isa akong mahinang
nilalang dahil mahigpit kong itinatago ang aking malakas na presensiya upang walang
makapansin sa akin.
Agad akong nag-isip ng isang klase ng nilalang na hindi nila paghihinalaan ng
nakakubling kapangyarihan.
"Isa akong Middelei..." 1
Napatitig sila sa akin, may kaunti akong nalalaman sa ganitong mga nilalang, sila'y
may kaunting patak ng dugo ng mga bampira ngunit kahit anong kagat ng isang bampira
ay hindi ang mga ito magagawang bampira, kilala sila sa liksi at estratihiya sa
pakikipaglaban pero higit pa rin malalakas ang ibang nilalang sa kanila.
"Kung gano'n ay itinakda pala si Natad sa isang magiting at masipag na Middelei,
ngayon ay wala ka sa serbisyo? Nakabasyon?" tumango ako.
Nagpatuloy kami sa paglalakad, bumili pa sila ng bulaklak na korona at kapwa kami
naglagay sa aming mga ulo.
"Dahil ikaw ay kanyang kasintahan, marahil ay nakita mo na ang kanyang kaanyuan?"
saglit akong natigilan. Paano ko ito sasagutin?
Hindi ito nasabi sa akin ni Dastan, ngunit handa ba akong tumahi ng sunod-sunod na
kasinungalingan? Ang pag-kaila sa aking uri bilang isang dyosa ay isa nang
kasalanan.
STORY CONTINUES BELOW
"N-nakita ko na siya..." mahinang sabi ko.
Nagtilian ang mga kababaihang kaharap ko, talagang interesado sila kay Dastan at
hindi ko sila masisisi.
"Marahil! Ano ba itong inyong katanungan? Paano siya hahagkan ni Natad? O kaya'y
kakagatin o higit pa!" ang ilan sa kanila ay napapatili pa na may kasamang
pagmumula ng pisngi. 1
Pinagdaop ko na ang dalawa kong kamay, hindi ko na alam kung saan pa makararating
ang aming usapan.
"Ano'ng hitsura niya, Leticia?" nagniningning ang kanilang mga mata sa akin.
"Huwag ka sanang mailang sa aming katanungan, Leticia. Kami'y higit lamang nawiwili
sa mga impormasyon tungkol kay Natad, dahil sa kabila ng kaalamang halos kasabay
namin siyang lumaki ay tila isa pa rin siyang misteryo sa amin. At nakagagalak na
nais na niyang magpakilala!" kumunot ang noo ko sa sinabi ni Eleya.
"Magpakilala?"
Sila naman ngayon ang kapwa kumunot ang noo sa akin. "Hindi niya ba nasabi sa'yo?
Ipinangako ni Natad sa amin at sa mga nilalang na malapit sa kanya sa bayang ito na
tuluyan niyang ipakikilala ang kanyang sarili sa sandaling dumating na ang kanyang
babaeng mamahalin. Ipakikilala niya raw ito sa madla na may ngiti sa kanyang labi."
Mas bumilis ang pintig ng puso ko sa sinabi ni Elaya. Nais ba akong isupresa ni
Dastan?
"Kaya hindi na kami magugulat kung isang araw ay maglakad na siyang hindi nakatakip
ang mukha. Marahil ay gawin niya ito sa sandaling mag-imbita siya sa inyong kasal?"
Umiling ako sa kanila ngunit hindi maalis ang ngiti ko sa labi.
"Alam mo ba na usap-usapan na si Natad ay malayong kamag-anak ng mga maharlika sa
palasyo? Dahil na rin sa paraan ng kanyang kilos. Malaki ang posibilidad na may
patak siya ng dugo ng isang maharlika." Pinilit ko ang sarili kong hindi matawa.
Si Natad ang inyong hari... 3
"Siya ba'y-" umiling ako habang kagat ang aking pang-ibabang labi.
"Siya'y isa lamang manlalakbay." Sagot ko. 1
Nagpatuloy kami sa pag-uusap, napag-alaman ko na kapwa na rin pala may mga kapareha
ang mga dalagang kasama ko at ang dalawa sa kanila ay kasama rin ni Dastan.
"Marahil ay tayo rin ang pinag-uusapan nila!" nagtawanan na kami habang nagkukwento
si Elaya kung paano nagtapat sa kanya ang kanyang kasintahan.
"Alondra, natatandaan mo ba ang sinabi ni Natad noon? He talked something about a
Middelei girl, right? Si Leticia na siguro iyon." 51
Unti-unting nawala ang ngiti ko sa labi at lumingon ako kay Mianna, hindi man lang
namalayan ng mga ito ang biglang pag-iiba ng ekspresyon ko.
Middelei? Ngunit kathang isip ko lang ang pagkakakilanlan ko, hindi totoo... ngunit
ano itong naririnig ko?
"Y-yes! Oo nga, may nasabi sa atin si Natad noon na babaeng Middelei na
tinutulungan niya, pinagselosan pa nga natin dati! I'm sorry, we're a bit childish
back then, Leticia! And we admired Natad a lot! Matagal na pala kayo? I thought
nito ka lang niya nakilala." 2
Ngumiti lang ako sa harapan nilang tatlo, hindi ko alam ang dapat kong sabihin.
Hindi na bago sa akin ang nakaraan ni Dastan, may mga babaeng dumaan sa kanya-tulad
nga ng sabi ni Claret, isa lang itong hari na may pangangailangan. Marahil ay dugo
nila ang kailangan ni Dastan, Leticia... 2
Pilit kong ipinaintindi ito sa aking sarili, ang mahalaga ay ngayong kasalukuyan.
Mahal ako ni Dastan at ang nakaraan ay nakaraan, tatanggapin ko siya... 1
"And, she's been fixing his clothes! Sinabi ni Natad na ikaw rin ang tumatahi ng
kanyang mga kasuotan, maskara at talukbong. He told us that despite of your manly
duties, marunong ka sa gawaing pambabae. Natad really liked you a lot! Bakit ngayon
ka lang niya dinala rito?" 11
Kumirot na ang dibdib ko, hindi ko na kayang pigilan. Iyong kasuotan na itinatago
ni Dastan sa loob ng kanyang silid, ang kasuotang suot niya ngayon ay gawa ng
Middelei na sinasabi ng mga dalagitang ito...
"You are so feminine, Leticia! Kung pagmasdan ka ngayon ay hindi ka magkakamalang
isang Middelei." Ngiting sabi ni Alondra.
Nagsisi akong ang nilalang na Middelei ang napili ko bilang pagtago sa aking
totoong pagkatao ko. 1
"Leticia, tayo na sa sunod na kubon!" tumango ako sa kanila.
Ngunit hindi pa man kami tuluyang nakalalayo ay nakarinig kami ng isang malakas na
sigaw ng babae mula sa hindi kalayuan.
Kapwa natigilan ang mga dalagang kasama ko at nanlalaki ang mga mata nilang
nagkatitigan.
"S-si Yuriya iyong 'di ba?"
"Boses niya..."
Agad tumakbo ang mga ito sa pinanggalingan ng boses, kung hindi ako nagkakamali ay
isa si Yuriya sa kasama namin kanina na humiwalay sa amin dahil tawag na siya ng
kanyang ina.
Wala akong pinagpilian kundi sumunod sa kanila. Sumalubong sa amin ay isang
malaking tumpukan ng iba't-ibang nilalang na may kanilang mga bulungan.
"Yuriya! A-ano ang nangyari!?" hinawi ng tatlong dalagitang kasama ko ang kumpulan
ng mga nilalang para makalapit kami kay Yuriya.
At tuluyan na kaming natulala ng may isang babaeng nasa sulok ng madilim na kubon
na mahigpit na nakayakap sa kanyang mga binti habang nakaupo nakatagilid sa aming
lahat, nababahiran siya ng dugo sa kanyang katawan na hindi ko mawari kung walang
kasuotan...
Ang kanyang mga mata'y nanlilisik sa mga nilalang na anumang oras ay lalapit sa
kanya, ngunit nakikita ko ang pangangatal niya sa takot.
Ano'ng nangyari sa kanya?
Hindi na ako nagdalawang isip, nasa akto na akong huhubarin ang aking kapang may
salukbong nang makilala ko ang mabilis na hakbang ng lalaking nagmamadaling hubarin
ang kanyang kasuotan.
Nais kong saktan ang sarili ko dahil sa panibughong higit kong nararamdaman, siya'y
nais lang tumulong...
Unti-unting umangat ang aking kamay sa tapat ng aking dibdib. 1
Ibinalot ni Dastan ang kanyang kapang may saklob sa katawan ng babaeng napupuno ng
dugo sa katawan, inasahan kong manlalaban ang babae ngunit nang sandaling tumama
ang kanyang mga mata kay Dastan ay tila nakilala niya ito.
Kanyang mga mata'y nanlambot at bumuo ng mga luha.
Nakikilala niya si Dastan.
"D-dastan..." tila nadurog ang puso ko nang harap-harapang sambitin ng babae ang
pangalan ng Haring hindi ako nagawang pahintulutang tawagin ang kanyang pangalan sa
publiko.
"D-dastan..." tuluyang narinig ng lahat ang malakas na paghagulhol ng babae habang
buhat ng hari.
Nagsinghapan ang lahat ng mga nilalang na nakapaligid. At nang sandaling nag-angat
ang nangangatal na kamay ng babae at hinila ang itim na maskara ni Dastan sa harap
ng mata ng lahat hiniling ko ang bigla kong paglaho sa aking kinatatayuan. 1
"Isinusuot mo pa rin..."
"A-alanis..." mahinang banggit ni Dastan. 67
"K-king Dastan! S-si Natad is Haring Dastan!" sigaw ng isang matandang lalaki. 5
Sunod-sunod lumuhod ang lahat ng mga nilalang na nakasaksi sa pagkalaglag ng
maskara ng hari sa lupa.
Bago pa man tuluyang magtama ang aming mga mata ni Dastan, kasabay ng mga nilalang
na tinitingala siya'y ako'y yumuko. 5
At piniling ikubli ang aking mga luha.
Chapter 29 7
Mga Emperyo
Mabilis nakarating ang balita sa mataas na palasyo ng Parsua Sartorias tulad ng
inaasahan.
Ang lihim na ilang daang taong pinangalagaan ni Dastan simula sa kanyang pagkabata
ay tila naglaho ng parang bula sa isang iglap lamang. Isang paghubad sa maskarang
nagbigay sa kanya ng kalayaan at magaang komunikasyon sa kanyang nasasakupan.
Pagpapakilalang inakala kong kanyang ihahandog sa akin, ngunit sa harap ng aking
mga mata'y inihandog sa palad ng kanyang unang pag-ibig. 27
Napuno ng bulungan at singhapan ang kumpulan ng iba't-ibang nilalang habang
sinasaksihan ang paglantad ng itinatagong pagkakakilanlan ng hari sa likod ng
kanyang maskara.
Maskarang hinayaan niyang malaglag sa lupa upang iyakap ang mga bisig-sa isang
nangangailangang babae... 15
Hindi na kinailangan pa ng haring maghintay ng napakatagal para makatanggap ng
agarang aksyon. Dahil ilan sa kaniyang mga kapatid ang mismong nagtungo ng personal
sa pampublikong pamilihan na bihira lang puntahan ng mga maharlika.
Biglang lumitaw ang isang eleganteng karwahe mula sa makapal na puting usok na
umagaw sa pansin ng mga nilalang na hanggang ngayon ay hindi pa rin tuluyang
makapaniwala na si Natad, ang binatang manlalakbay na inakala nilang kanilang higit
na kilala ay siya pa lang kanilang tinitingalang hari.
Hindi na mawari ang pagkamangha at sunod-sunod na pagkagulat ng napakaraming
nilalang.
Bumaba sa karwahe si Lily at Caleb.
"Your Majesty," sabay na bati ng kanyang dalawang kapatid na bahagyang yumuko
bilang paggalang.
"A-ano ang nangyari kay Leti-" hindi na natuloy ni Lily ang kanyang katanungan nang
makita niyang ibang babae ang buhat ng hari.
Tila rito natauhan si Dastan at iginala niya ang kanyang mga mata sa dagat ng mga
mamamayang nais panuorin ang bawat kilos ng niya.
"L-leticia..." 12
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin sa mga oras na ito, gusto kong tumakbo
at magtago ngunit saan ako magtutungo? 1
Ngunit natagpuan ko ang sarili kong humakbang na ng paatras, magkukubli na sana ako
sa mga manunuod nang maramdaman kong may humawak sa aking siko.
"Mahal na reyna..." bulong ni Caleb mula sa likuran. 3
Hindi na nagpatuloy ang paglalakbay ng mga mata ni Dastan dahil nagmadali na siyang
sumakay sa karwahe matapos saglit na lumapit sa kanya si Lily at bumulong sa kanya.
Siguradong magiging malaking balita ito, hindi lang sa Sartorias kundi sa mga
karatig emperyo. Hinayaan kong alalayan ako ni Caleb hanggang sa makatawid kami sa
usok na siyang kapangyarihan ni Lily.
Dalawang karwahe ang lumantad sa amin na nasa ilalim ng malaking puno, kung hindi
ako nagkakamali ay natadanan namin ito ni Dastan nang patungo pa lang kami sa
pamilihan.
Naghihintay na sa amin si Lily na agad akong sinalubong at hinawakan ang aking
kamay.
"I don't know what happened, pero hindi ko gusto ang natagpuan ko. Alanis is a good
friend of Gazellians, I like her, but Dastan's approach is-he's an ass." Tanging
pagtitig ang nagawa ko kay Lily. Saglit na tumawa si Caleb. 13
"I thought she's dead?" tanong ni Caleb. 2
"I don't know." Nalilito nang sabi ni Lily.
Sasabay na sana ako sa karwaheng sasakyan ng dalawang magkapatid nang pigilan ako
ni Lily. Itinulak niya ako sa harap ng karwahe kung saan nasa loob si Dastan at si
Alanis na hanggang ngayon ay sa bigis lang ni Dastan nagagawang kumalma.
STORY CONTINUES BELOW
"Torture him." Bulong muli ni Lily. 33
Hindi ko man gusto ang ideya niya ay wala akong magagawa. Kung maaari ay nais kong
humingi ng distansya dahil sa mga nasaksihan ko, ngunit kung iisipin gusto lang
tumulong ng hari at ang siya lang ang maaaring makapagpakalma sa babae.
Hahawakan ko na sana ang pintuan ng karwahe nang marinig ko ang usapan ni Dastan at
ng babae o si Alanis. 1
"I thought you're dead, sinabi sa akin ni Claret. Her eyes witnessed your death." 3
"I thought I was, King Dastan... h-hiniling ko na sana ay namatay na lang sadya
ako. T-that place was too horrible than hell..." nagsimulang umiyak ang babae.
"A-alanis..."
Nangangatal ang kamay kong nakaangat sa ere, may lugar ba ako sa loob ng karwaheng
ito? Hindi ba ako naisip ni Dastan? Ang posibleng nararamdaman ko sa oras na ito?
Inaakala niya ba na dahil namulat ako sa mundong namumunga na hindi mula sa ugat ng
pag-ibig ay hindi ako makararamdam ng panibugho? 11
Huminga ako nang malalim at binuksan ko ang karwahe, unang tumama sa akin ang mata
ni Dastan, hindi man lang nagawang mag-angat ng tingin si Alanis, nasa sulok ito ng
karwahe habang yakap ang sarili ng makapal na kapa ni Dastan.
"L-leticia..." tawag niya sa akin.
Nasa magkabilang upuan si Dastan at Alanis, pinili kong maupo sa tabi ni Dastan
pero hinayaan ko ang distansya sa pagitan namin.
Sa sulok ng aking mga mata ay hindi ko napigilang pagmasdan ang babaeng sinasabi
nilang pumukaw sa atensyon ng hari. Hindi maipagkakailang may angking kagandahan
ito, isang uri ng kagandahang hindi makikita sa mga eleganteng lugar ng isang
emperyo. Hindi kahabaan ang buhok nito at hindi kasing puti tulad ng mga perlas ang
kanyang mga balat. Bumagay ang kanyang pagkamorena sa kanyang mabibigat at
mararahas na gawain bilang isang Middelei. 1
Ngayon ko na pagtantong minsan ay nagnais ang hari ng isang uri ng babaeng hindi
mga eleganteng saya ang isinusuot para patingkarin ang sariling kagandahan. Sa
kabila ng pangangatal ng kanyang katawan, hindi maaalis ang kaanyuan niyang
nagsusumigaw ng isang uri ng babaeng kayang makipaglaban at tumayo sa sariling mga
paa.
Ilang minuto nang tumatakbo ang karwahe bago muling nagsalita si Dastan.
"Leticia, nais kong humingi ng-" umiling agad ako sa sasabihin ni Dastan.
"H-hindi na kailangan, Mahal na Hari." 1
Sa pagkakataong ito ay nakuha ko ang atensyon ni Alanis, bahagya itong sumulyap sa
akin na may mga matang napupuno ng pagtataka. Ngunit hindi na ito hinayaan pang
maging katanungan ni Dastan.
Hinawakan ng hari ang aking kamay at humarap siya kay Alanis.
"Alanis, meet my Queen. Jewellana Leticia, my mate. A beautiful goddess from
Deeseyadah." 2
Nasa akto na akong magbibigay ng ngiti kay Alanis nang biglang nanlaki ang mga mata
nito sa narinig mula kay Dastan habang nakatitig sa akin na punong-puno ng takot.
Nagpumilit siyang humalukipkip sa sulok ng karwahe at mas nangatal ang kanyang
katawan.
"H-huwag kang lalapit sa akin! I-isang dyosa! Sasaktan niya ako Dastan! Ilayo mo
siya sa akin, Dastan..." maging ang boses niya ay nagsimulang mangatal dahil sa
matinding takot. 15
"H-huwag kang lalapit sa akin!"
"H-hindi kita sasaktan, anong masamang-"
"Huwag kang lalapit!" sigaw muli niya sa akin. 1
Mas lalong lumala ang paghihisterya ni Alanis nang magsalita ako, nais ko siyang
pakalmahin gamit ang kapangyarihan ko ngunit ng sandaling ihahawak ko ang kamay ko
sa kanya at marahas niya itong tinabig kasabay ng mga mata niyang punong-puno ng
luha at galit sa akin.
STORY CONTINUES BELOW
"Leticia..." hinawakan ni Dastan ang kamay ko at marahan niya itong ibinaba.
Umiling pa sa akin ang hari na parang nais niya akong huwag na lang gumawa ng
kilos. 12
Ngunit nais ko lang tumulong!
Napansin nila Lily at Caleb ang pagkakagulo namin sa karwahe, tumigil ito sa
pagtakbo at agad nagpakita sa may pintuan ang magkapatid. Hindi ko na hinintay pa
na may magsalita sa kanila, lumabas ako sa karwahe kung nasaan si Dastan at Alanis
at nagtungo ako sa pinanggalingan nila Lily at Caleb.
"Leticia..." 1
Hindi ko pinansin si Dastan at nagtuloy ako sa karwahe. Wala nang pagtatalo ang
nangyari dahil nagmamadali na rin kami, walang salita si Lily at Caleb na bumalik
sa karwahe ngunit ramdam ko ang halinhinang pagsulyap sa akin ng magkapatid.
"What's really going on? Ano ba iyong ginagawa ni Dastan?" tanong ni Caleb.
"Don't ask me, Caleb. Hindi ko siya kakampihan. Are you?" si Lily naman ang
nagtanong.
"No way. He's an asshole King to his Queen." Sagot ni Caleb. 23
Nanatiling nakakrus ang mga braso ko habang nakatitig ako sa labas ng bintana.
"May nangyaring hindi maganda kay Alanis at malakas ang loob kong may kinalaman ang
isang diyosa rito, takot na takot siya nang malaman niyang isa rin akong diyosa."
Sa kabila ng kirot na nararamdaman ko, hindi ko maiwang isipin ang ikinikilos ni
Alanis.
"Dyosa? May masamang gagawin? Your kind can even do that?" hindi makapaniwalang
tanong ni Caleb. 5
Hindi ko na magawang sumagot sa kanya.
Nakarating kami sa palasyo ng Parsua Sartorias at isang babae lang ang hinayaan ni
Alanis na humawak at tumulong sa kanya, si Claret na halos mawalan ng balanse nang
makilala si Alanis.
Nang mapanatag na si Dastan ay agad niya akong hinanap.
"She's a good friend of our family. I'm sorry about her-" pinilit ko ang sarili
kong ngumiti sa kanya. 2
Bakit pinili niyang itago sa akin? Narinig ko na mula sa mga kaibigan niya sa mga
pamilihan, si Alanis ang posibleng kanyang unang pag-ibig. Maging ang naging
reaksyon ni Lily at Caleb sa kilos ni Dastan kay Alanis sa mismong harapan ko ay
isa nang kumpirmasyon.
"Nais ko na lamang magpahinga, Mahal na Hari."
"Sasamahan na kita, Leticia." Muli akong umiling.
"Siguradong maraming katanungan ang iyong mga kapatid sa balitang magiging laman ng
balita sa susunod na mga araw."
Bilang hari ay hindi ito basta na lamang ipagpasawalang-bahala. Humalik si Dastan
sa aking pisngi bago niya ako hinayaang magtungo sa aming silid.
Sinubukan kong matulog at kalimutan ang ginawang pagbuhat ni Dastan kay Alanis at
ang ginawa nitong pagtanggal sa maskara ng hari. Ngunit tila ito isang punyal na
paulit-ulit tumutusok sa aking dibdib.
Buong akala ko ay magigising akong mag-isa sa kama ngunit nang sandaling magmulat
ako ng mga mata ay nasa tabi ko na si Dastan at marahang hinahaplos ang aking
pisngi.
"I'm really sorry, Leticia..." 3
Sinabi ko sa sarili kong hindi ko na palalakihin pa ang nangyari kahapon, ngunit
kusa na lang bumuka ang bibig ko.
"Nagdamdam ako Dastan...k-kung ikaw ay marunong magselos, ako'y may kakayahan din
nito." 17
"Humihingi ako ng paumanhin, aking reyna..." paulit-ulit na sambit nito.
STORY CONTINUES BELOW
Nagsisimula nang manulay ang ilang daliri niya sa labi ko nang biglang bumalya ang
pintuan ng aming silid.
Agad kumunot ang noo ni Dastan at lumingon sa nangahas na umabala sa haring
humihingi ng kapatawaran sa kanyang reyna, ngunit kapwa kami higit na nabahala sa
namumutlang hitsura ng prinsepe ng mga nyebe.
"Your Majesty, please forgive me for the sudden interruption but this is urgent
matter."
Sabay kaming lumabas ng silid ni Dastan at nagtungo kami sa silid ng tanggapan ng
palasyo, mas lalo akong nangamba ng halos makita ko ang buong Gazellian na
naghihintay sa pagdating namin ni Dastan. Dalawang beses pa akong napasulyap kay
Alanis na ngayon ay nasa maayos nang katayuan, sobrang layo niya sa babaeng
nangangatal kagabi.
Nagawa niyang yumuko sa akin bilang paggalang na siyang kinagulat ko, ang mga mata
niya'y humihingi ng paumanhin.
"What kind of urgency requires my sudden presence?" tanong ni Dastan.
Unti-unting nahawi ang mga Gazellian hanggang tumambad sa amin ang isang panibagong
babae, katulad ni Alanis ay nangangatal din ang katawan niya pero pilit niya itong
nilalabanan. Kasalukuyan siyang may hawak ng kopitang may dugo na hindi na niya
nagawang inumin.
Agad malalamang isa itong maharlika dahil sa magandang kasuotan nitong nababahiran
ng putik.
"Princess Marah Le'Vamuievos." Tipid na yumuko ang bampirang babae, pero hindi na
ito tumayo. 1
"I was sent here..."
"Why?"
"Send us there, Dastan. Deltora needs us." Sabat ni Zen na nag-iigting ang bagang
sa likuran.
"King Dastan we are being attacked, p-pinatakas lang ako ng mga kapatid ko. We
don't know what kind of ability our enemies have! Pero wala ni isang emperyo ang
nakakapansin na sinusugod kami! Until now... our empire needs you... my
brothers..." nasapo niya ng kanyang mga palad ang kanyang mukha. 23
"They are almost dead when I left them... hindi namin alam kung sino? Saan? Bigla
na lang kaming sinugod... they wanted to burn us, to drain our water. S-save my
brothers, help us." Lumapit na si Kalla kay Marah at marahan niyang hinaplos ang
likuran nito. 5
"Anong emperyo?" tanong ni Lily.
"Sino ang kalaban natin?" tanong ni Caleb.
"Halla? Pero hindi ganito ang estratehiya nila..." sagot ni Casper.
"Nagsisimula na sila...n-natakot silang may sabihin ako kaya agad silang
kumilos..." lahat kami ay napalingon kay Alanis.
"Alanis?" nagtatanong na tawag sa kanya ni Dastan.
"King Dastan, your enemy was once a part of this world. It is one of the vanished
empires... they're up for revenge, inakala nilang inabanduna sila at ginawang
sakripisyo para sa natitirang mga emperyo. There are ruling Kings, and they wanted
to claim your throne..."
Natulala ako sa mga salitang binitawan ni Alanis. Sa wakas ay nasagot na ang
katanungang matagal ko nang hinahanapan ng kasagutan.
Nasaan ang dalawang emperyong naglaho dahil sa pagmamahalan ng lobo at bampira?
Hindi ito tuluyang naglaho kundi inilayo-dahilan kung bakit bumuo ng panibagong
pagkamuhi at galit hindi lamang sa pagitan ng lobo at bampira kundi sa mismong
iisang lahi.
"I thought I died when I was stabbed by a sword, pero natagpuan ko ang sarili ko sa
isa sa mga naglahong emperyo... and when they discovered that I was once related to
the rumored King who could claim the throne of the whole Nemetio Spiran... they
tortured me... extract information about your weakness..."
Suminghap si Lily.
"Unti-unti nilang pinipilayan si Dastan... they wanted to ruin Dastan's allies! At
inuumpisahan nila sa Deltora!"
"They can't, hindi sila kikilalanin, dahil lamang pa rin ang Haring nagmamay-ari sa
isang dyosa." Agad na sabi ni Harper.
"How? The King from one of the vanished empires has his own goddess, she tortured
me with her endless nightmares." Sagot ni Alanis. 1
"S-sino?" mabilis kong tanong.
"A goddess named Tatiana." 84
Nanlambot na ang mga tuhod ko sa narinig mula kay Alanis, hindi ako titigilan ng
mga diyosa...
Hinintay kong may marinig mula kay Dastan ngunit mabilis lamang itong tumalikod
patungo sa pintuan.
Lahat kami ay nakasunod sa kanyang bawat kilos, hanggang nabitaw ito ng salita na
tanging hari lamang ang maaaring magbaba.
"Zen, Finn, Caleb, gather half of our battalion. Casper, communicate with Parsua
Avalon and Trafadore. Let's lit a fire, I'll accept the war."
Chapter 30 6
Mga Hari
Bilang itinakdang babae para sa isang haring may mabigat at malaking tungkulin, ang
pagpapalawak ng kaisipan ang siyang isa sa aking mainam na sandata at kung maaari'y
higit itong sanaying mamayani, una sa puso... una sa nararamdaman.
Dahil kahit pagbali-baliktarin ko ang mundo, si Dastan na siyang bampirang aking
minamahal ay unang minahal ang kanyang panunungkulan higit sa anumang bagay o
nilalang. Ang kanyang pagmamahal, hindi sa korona o ang magarang trono, kundi ang
kanyang nakalakihang dedikasyon para maglingkod.
Marahil ay pangalawa lamang ako, pangatlo, pang-apat... 17
Mariing magkasalikop ang aking mga kamay habang nakaharap kay Dastan na
kasalukuyang namamaalam sa akin.
Ang hari'y ngayo'y nakasuot ng kanyang pandigma, nais kong hangaan ang kanyang
angking kakisigan ngunit ang kaalamang ito'y magtutungo lamang sa isang uri ng
karahasan, ang paghanga'y unti-unting naglaho. 6
"Magbabalik ako Leticia..." tanging pagtango ang aking nagawa. Gusto kong sumama
ngunit ano ang gagawin ko sa isang digmaan? Ngayo'y wala akong boses at mas lalong
magiging kumplikado ang maaaring mangyari kung basta na lang ako lilitaw na walang
opisyal na pagpapakilala.
"Anumang oras ay darating ang ilang Viardellon para umagabay sa palasyo habang wala
ako. Maging si Evan ay pabalik na mula sa mundo ng mga tao." Anunsyo ni Dastan sa
natitirang mga babae sa palasyo.
"The borders are secured by our enchantresses, Your Majesty." Tumango si Dastan sa
sinabi ni Claret. 2
Katulad ni Dastan ay unipormado na rin ang natitirang mga lalaking Gazellian,
kanilang mga kasuotang pandigma ay nagniningning mula sa siklab ng apoy na
namamayani sa silid ng tanggapan ng palasyo ng Parsua Sartorias.
Si Adam at ang kanyang mga kauri'y kasalukuyan na ring kumakalat sa buong
nasasakupan ng Parsua Sartorias para sa mas matibay na proteksyon kung may paglusob
na mangyari. 2
"P-paano kung isa itong patibong? What if they want to take over this empire
without your presence?" nangangatal na tanong ni Harper.
"I don't care! My brothers are dying out there! Kung totoo ang sinasabi n'yong ang
lumulusob sa amin ay mula sa mga naglahong emperyo na nais agawin ang posibilidad
na paghahari ni Haring Dastan sa buong Nemetio Spiran, kailangan n'yo silang
labanan. Deltora is one of your best alliance, if your enemies will make us your
damn bait then fucking bite it. Because you know what? Iyong tatlo kong kapatid!
Kahit alam nilang ginagawa kayong patibong, tatakbo sila rito! That's how foolish
they are! How loyal they are!" lumuluhang sabi ni Prinsesa Marah. 14
Pilit siyang pinakakalma ni Kalla.
"Abandoning your empire is the last thing I will do, Princess Le'Vamuievos." Sagot
ni Dastan.
"Then do it, King Dastan. Sasama ako."
Halos lahat ng mga babae ay umiling sa sinabi ni Prinsesa Marah. Bago pa magpumilit
ang prinsesa ay sumenyas na si Zen kay Lily para maglabas ng usok na kanilang
gagawing lagusan.
Saglit sumulyap sa akin si Dastan at marahang tumango. Sa labas ng palasyo'y agad
natipon ni Finn ang kalahati ng batalyon ng Parsua Sartorias na kapwa rin pinatawid
ni Lily sa kanyang usok.
At nabalot ng katahimikan ang buong palasyo ng Parsua Sartorias matapos lumisan ang
mga lalaking Gazellian.
Nanatili akong nakaupo sa may bintana habang natanaw sa labas ng palasyo, hindi ko
na alam kung ano ang dapat kong gawin. Hanggang ngayon ay hinahabol pa rin ako ng
mga dyosa, bakit hindi na lang nila ako hayaan? 1
STORY CONTINUES BELOW
"M-mahal na reyna..." saglit bumilis ang pintig ng puso ko nang makilala ko ang
boses ng babae.
Si Alanis. Nang sandaling magtama ang aming mga mata ay agad siyang yumuko sa akin
bilang paggalang, nais ko siyang sitahin at sabihin na hindi pa ako ang pormal na
reyna ng kahariang ito.
"Nais kong humingi ng paumanhin sa aking naging asal, alam kong ito'y isang
malaking kapangasahan, kawalan ng respeto at-" inangat ko ang aking mga kamay para
matigil ang kanyang paghingi ng tawad.
"Naiintindihan ko."
"K-kung ang paglisan ko ang makapagpapagaan ng iyong-" marahas akong umiling sa
narinig ko. Ngayon siya higit kailangan ng Parsua Sartorias, ang kanyang kaalaman
na siyang makatutulong, walang lugar ang panibugho sa oras na ito. 1
"Leticia, may mga katanungan sana ako." Kapwa kami lumingon ni Alanis sa boses ni
Lily.
Kasalukuyan na itong nakaharap sa mahabang lamesa na may mga nakakalat na lumang
mapa at libro, kasama nito si Kalla at Claret, naagaw rin ang atensyon ni Marah at
dahan-dahan itong lumapit.
"Nasaan si Reyna Talisha?"
"Underground, she locked herself again. Nanghihina na si ina sa usaping digmaan."
Mahinang sabi ni Harper, sumulyap ito kay Marah na hanggang ngayon ay hindi pa rin
mawari. 1
"I want to apologize, Princess Marah." Tumango lamang ang prinsesa bago ito humawak
ng isa sa mga mapa na kanina pang pinagmamasdan ni Lily, Kalla at Claret.
"This is the only thing we could do. If our brothers are fighting for physical war,
we could be the intelligence. Let's start with the vanished empires." Panimula ni
Lily. 5
Mas inilatag niya ang mga mapa sa lamesa.
"It was vanished because of vampire and werewolf love. Twice betrayal, twice the
disappearance." Lahat kami ay tumango sa sinabi ni Lily.
Nagpatuloy siya. "Tulad ng alam nating lahat, the written history was manipulated.
We couldn't just rely with vampire books because it would just provide us a non-
existent history. It was all written to appease the long lineage of vampires, para
maging angat tayo sa lahat ng nilalang, para mapanatiling tayo ang naghahari at
pinakamakapangyarihan. The scholars, the councils and kings and queens of our
lineage tried to preserve the fake history, na inakala nila na makapagpapanatili sa
ating pwesto sa itaas. But it would surely, in time, will ruin us. Dahil kailanman
ay hindi nananatili sa taas ang umangat sa kasinungalingan." Kumuyom ang mga kamay
ni Lily sa lamesa.
"That's why as a vampire, I opened my ears and eyes to see and hear the other side
of the story, it took me time to accept it, na hindi tayo ang tama, na hindi tayo
ang pinakamagaling, that our history could be tainted. An attempt that made me
realize that I've been living in a world full of lies. Mahirap man tanggapin, pero
sa atin... sa ating lahi nagsimula ang kasakiman. A Vampire King, isang titulo na
ipinangako ni Dastan na kailanman ay hindi niya dudungisan. It was tainted... and
he promised to paint it with new, fresh ones."
Halos lahat kami ay hindi kumurap sa mga sinabi ni Lily, siya sa lahat ng mga
babaeng nasa harapan ko ang higit na nakakaalam ng nakaraan.
"But there are other kings, Princess Lily." Sabat ni Alanis.
"Yes." Tumango siya kay Alanis.
"Alanis, sinubukan naming kilalanin ang dalawang emperyo ngunit maging sa
pinakalumang aklat, liham o mga kasulatan ng mga maharlika, nagdaang mga hari o may
mga katungkulan ay burado ang mga ito." Sabi ni Kalla. 1
"Leticia, may nalalaman ka ba sa nakaraan?" umiling ako. Wala akong masyadong
nalalaman sa nakaraan ng mga bampira, wala akong nalalamang sensitibong
impormasyon.
STORY CONTINUES BELOW
"Two empires, two kings. No alliance, hindi rin sila magkasundo." Sagot ni Alanis.
3
"So they are aware of each other's existence? And they are motivated with the same
purpose?" tanong ni Claret.
"Sa isang emperyo lang ako nakarating, Claret. Pero naririnig ko ang kanilang
usapan, they're up for vengeance, ngunit nasisiguro kong ang emperyong nagparusa sa
akin ang nasa likod ng pagsugod. The other one has a vague purpose..." saglit
sumulyap sa akin si Alanis. 5
Humugot ng marahas na paghinga si Marah. "Can't we find any idea about them? Paano
tayo lalaban kung hindi natin alam ang abilidad nila?"
"I think we need to analyze; we should talk a look to the remaining empires and-"
hindi natapos ni Harper ang kanyang sasabihin ng saglit magkatitigan si Kalla at
Lily.
Isa-isang nagbilog si Lily sa mga mapa at kung hindi ako nagkakamali ay ito ang
natitirang limang emperyo.
"Isa sa dahilan kung bakit sa kabila ng katotohanang ang Parsua ang isa sa
pinakamaliit na emperyo ay masasabing isa rin sa pinakamalakas ay dahil sa
natatanging kapangyarihang mayroon ang mga naninirahan dito." Madiing sabi ni Lily.
"Parsua has four kingdoms, namely Sartorias, Deltora, Avalon and Trafadore. Lodoss
has seven kingdoms, we have one alliance from them. Mudelior has nine kingdoms, and
the biggest, Interalias with twenty-one kingdoms." Paliwanag ni Kalla. 3
Kung pakikinggan pa lang ang bilang ng mga kaharian ng bawat emperyo, hindi
imposibleng maubos ang Parsua sa isang iglap lang.
"But what do you think made us deathly? Our Kings. Ibang-iba ang Parsua sa mga
nabanggit na emperyo dahil ang emperyong ito ay hindi lang nagtataglay ng iisang
abilidad hindi katulad ng sa mga natitirang emperyo. Every ruling king has a symbol
of deathly power, iba't-ibang kapangyarihan ang hawak ng Sartorias, Deltora, Avalon
at Trafadore. Not unlike the other empires, they have similar abilities." Sabi muli
ni Kalla. 6
Nagsalita na rin si Harper na parang nahuhuli ang ibig sabihin ni Kalla. "Tobias
from Deltora has his element of water, the King of Avalon with his element of air,
the Trafadore king with his earth while Dastan's-" 5
"Fire?" nagtatakang tanong ni Marah na tila hanggang ngayon ay misteryo pa rin ang
kapangyarihan ni Dastan.
"Light." Sabay na sagot ni Harper at Lily. 2
"King Dastan is the only born vampire who can stand or manipulate the light. Too
ironic for a vampire, right? Our King can bend light at his mercy." 22
Hindi lang ako ang natulala sa aking narinig, maging si Kalla, Claret, Alanis at
Marah.
"K-katulad ng kanyang simbolismo..." mahinang sabi ko.
"The Kings from Halla can manipulate water or any related power like Tobias, Kings
from Lodoss can manipulate air like our Avalon King, Mudelior kings can manipulate
the earth, Interalias' kings can manipulate the weather." Pagpapatuloy ni Lily.
Ngunit saglit siyang tumigil para bigyan kami ng pagkakataong mag-isip.
"There's something missing..." ani ni Claret.
"Another element..." tumatangong sabi ni Kalla.
"Fire?" pangalawang katanungan ni Marah. 2
Hanggang sa sunod-sunod kaming nagsinghapan.
"An empire with a Fire King." 3
Kumuyom ang mga kamay ko sa kumpirmasyon ni Claret.
"There's no doubt." Agad na sabi ni Marah.
"Pupunteryahin nila ang Deltora na siyang magiging pinakamalakas na kakampi ng
Sartorias sa sandaling sumugod sila sa atin. Deltora is the Kingdom of Water. They
wanted to burn us alive, overpower Dastan in front of the remaining empires and
claim his throne." Hindi ko maiwasang hindi humanga sa mga sinasabi ni Lily. 2
"They planned everything well, Leticia's existence couldn't assure Dastan's throne
dahil may dyosang sinasabi si Alanis."
Si Tatiana ang isa sa mga dyosang nais akong kitilin noon pa man, paanong bigla na
lang itong bumaba sa lupa? Itinuri kaya siyang isang taksil o may basbas ang mga
dyosa sa kanyang pagbaba?
"What about the other empire? Ano'ng gagawin natin kung sila naman ang sumugod? If
their King is also motivated to claim Dastan's throne."
"I don't think so... it's not the throne..." muling sumulyap sa akin si Alanis.
"While I was inside their jail, I heard that the King the ruler of the empire who
tortured me with the aid of that evil goddess tried to send an alliance request to
the other empire..."
Lahat kami ay ngayon ay nakatitig kay Alanis.
"Hindi ko ito naintindihan sa umpisa, but when I tried to analyze the words that I
heard... the other King wants something else. The fussing goddess couldn't even
help but to break down from mixtures of emotions... envy, hatred... I don't know
until she laid all her frustrations which was clearly audible to my ears, I just
heard that the other King from the vanished empire is after for another goddess." 9
Sa pagkakataong ito'y ang kanilang mga mata'y nakatutok na sa akin.
"The Fire King wants Dastan's throne, while the other wants Leticia..."
nanghihinang sabi Claret. 25
Kusa nang nangatal ang mga tuhod ko at napaupo na ako sa aking upuan. Biglang
bumalik sa akin ang imahe ni Hua.
Hindi maaari...
Ang haring sinasabi ni Dastan at ang haring sinusunod ni Hua... ay ang isa sa
haring nais pabagsakin ang Parsua Sartorias. 21
"I don't understand, bakit lagi na lang Parsua ang sinisisi nila? Why not the other
empires? Parsua lang ba ang natira? Halla is still existing! Mudelior! Interalias!
Bakit lagi na lang tayo naiipit sa ganitong sitwasyon?" giit ni Marah.
"Galing sa Parsua ang dalawang pares ng lobo at bampira, Marah..." tulalang sabi ni
Kalla.
"Worst, they could hold a tight an alliance with other existing empires! Hanggang
ngayon ay mainit pa rin ang mata nila sa Parsua, paano kung pagtulung-tulungan nila
tayo?" tanong ni Harper.
"Why is he after you?" si Lily na nakatitig sa akin.
"H-hindi ko alam..." naguguluhang sagot ko.
Ramdam kong hinawakan ni Kalla ang kamay ko. "Iniwanan ka ba niya ng bugtong?
Palaisipan?" 9
Kumunot ang noo ko, hindi ko maintindihan ang katanungan ni Kalla.
"Sino?"
Magsasalita na sanang muli si Kalla nang kapwa kami naalertong lahat nang biglang
nabuksan ang bintana dala ang malakas na hangin.
Wala ako sa sariling tumayo at iniharang ang sarili sa lahat ng babae ng Parsua
Sartorias at kusang nagliwanag sa hangin ang aking mga punyal bilang proteksyon.
Ngunit higit na nangibabaw ang punyal na siyang natagpuan ko sa mundong ito.
Hanggang marinig ko ang boses ni Lily at Harper.
"Our father's blade..."
Chapter 31
Mga istorya 11
Mabilis tumaas sa ere ang mga kamay ng bampirang may itim na pakpak nang salubungin
siya ng daang punyal na nagliliwanag mula sa aking abilidad. 7
"M-mahal na reyna, naririto ako bilang proteksyon at hindi kalaban." Ngunit hindi
na sa kadarating na bampira nakatuon ang aking atensyon, kundi sa magkapatid na
babaeng Gazellian na hanggang ngayon ay tulala sa natatanging punyal na siyang
namumuno sa aking kakayahan. 2
Simula nang lumapat ang punyal na ito sa aking mga kamay, ito na mismo ang siyang
ginagamit ko kayakap ang aking kakayahan bilang diyosa upang protektahan ang aking
sarili. 1
At ang marinig na ang punyal na ito'y pag-aari ng dating magiting na hari...
papaano ito nangyaring gayong ito'y inaakala kong pagmamay-ari ng dating
pinakamataas na diyosa? 7
"Seth, sana'y matuto kang magbigay ng mensahe! Alam mong kaming lahat ay alerto sa
mga nangyayari." Sagot sa kanya ni Claret.
Unti-unting naglaho ang mga punyal at tuluyan akong humarap sa dalawang magkapatid
na tila hindi pa rin makabawi sa kanilang nasaksihan.
"My apologies, my ladies..." bahagyang yumuko sa amin si Seth.
Bumuntong hininga si Kalla, umikot ang mga mata ni Marah, umiling si Claret at saka
lamang natauhan si Lily at Harper.
"Among the vampires from the prophecy, Seth is the wisest. He can help us." Muling
bumalik sa kanyang pwesto si Lily at Harper. 24
Wala pang ilang segundo ay nasa palibot na kaming muli ng lamesa, tanging si Seth
lamang ang nakakunot ang noo habang nakatitig sa mga nakalatag na mapa.
"What is going on here?" tanong niya.
"You brought news, right? Tell us first." Sagot sa kanya ni Lily.
Agad tumikhim si Seth at tumuwid ng pagkakatayo, paraang ilang beses kong
nasasaksihan sa magkakapatid na Gazellian, isang katangiang natural sa mga
maharlika.
"The message from Sartorias was deliberately sent to the neighboring empires, and
we're all very grateful for that. Parsua Avalon and Trafadoroe extended the
security all over our borders, our soldiers from land, air, water were all alerted
as well our battalion generals." Sabay-sabay tumango ang lahat ng babae habang
nakatitig kay Seth.
"Half of my brothers are already inside the borders of this empire, since all of
the male Gazellian were absent, we could assure you that we'll handle half of your
troops with our best battle strategy. And I, Prince Seth Theodore Viardellon, the
thirteenth prince from Parsua Avalon was tasked to protect the ladies of Parsua
Sartorias." Pormal itong yumuko sa aming lahat. 21
"Are we allowed to go out?" tanong ni Marah.
"Princess Marah, I was instructed to keep anyone from you inside the palace."
Umirap ito kay Seth bago muling bumalik ang mga mata sa mga mapa. 7
Namayani ang katahimikan ng ilang segundo bago ito basagin ni Harper, ang kanyang
mga mata'y punong-puno ng pagkalito.
"Maaari ko bang hawakan ang punyal? I want to confirm it." Tumango ako.
Marahan kong inangat ang dalawa kong kamay sa ere, sa tapat ng aking dibdib.
Pinagtapat ko ang aking magkabilang palad na hindi naglalapat sa isa't-isa hanggang
sa makaramdam ako ng pag-iinit dito na nasundan ng pagliliwanag.
Pagliliwanag na nagluwa sa punyal na agad bumagsak sa aking mga kamay.
Inabot ko ito kay Lily na siyang mas malapit sa akin, mas tumabi sa kanya si Harper
para lubusang mapagmasdan ito.
STORY CONTINUES BELOW
"What's with the dagger?" tanong ni Seth. 1
"Pag-aari ni Haring Thaddeus." Sagot sa kanya ni Kalla. 1
Nagulat din ang mga mata ni Seth. "Bakit nasa isang diyosa?"
"K-kay ama nga ito Harper..."
"It was same as mine, King Thaddeus left a music box for me. Binigyan din ng hari
si Naha ng kwintas na may dyamanteng hugis luha... that blade is part of the
puzzle. H-hindi ba siya minsang nagpakita sa'yo, Leticia?" tanong sa akin ni Kalla.
3
"H-hindi ko alam, napasakamay ko ang punyal na iyan sa kaalamang ito'y dating pag-
aari ng pinakamalakas na diyosa." 5
"It could be true. We all know that King Thaddeus had a connection with the
powerful goddess... silang dalawa ni-" hindi magawang ituloy ni Kalla ang kanyang
sasabihin. 3
Pamilyar na ako sa nakaraan ng mga Gazellian at sa lahat ng pinagdaanan ng hari
dahil na rin sa kwento ni Nikos at sa lahat ng mga nasaksihan namin ng mga panahong
nasa loob pa ng unibersidad si Naha. 1
"Maaaring ibinigay ng pinakamalakas na diyosa ito kay ama." Mahinang sabi ni
Harper.
"Saan mo ito natagpuan?" tanong ni Lily.
"Sa isang ilog sa emperyong ito..."
Nagsinghapan silang lahat sa kasagutan ko, maliban kay Marah na tila hindi na
nasisiyahan sa aming pinag-uusapan at kay Seth na wala nang reaksyon.
"Tila lumalayo na kayo, we are talking about our attackers. We couldn't just talk
about a king's relics! What for?" 1
"Marah, nag-iiwan si Haring Thaddeus ng mga kasagutan dito sa tuwing nahaharap ang
kanyang mga anak sa isang matinding problema." Sagot ni Kalla.
"And a dagger can help us all? Mapapatay ba niyan lahat ang mga kalaban natin?" 4
"Shut up, Marah. You can put all your tantrums inside your own palace. Not here.
Magsumbong ka pa sa mga kuya mong kunsintidor." Matalas na sabi ni Lily na
nagpaawang ng bibig ni Marah. 41
"W-what?" handa nang sumagot ni Marah ng sagot kay Lily nang pumagitna na si Kalla
sa kanila. 1
"Enough. Please... calm down, Marah. Ito lang ang pwede nating gawin sa ngayon, we
can't join their battle, but at least here... we could help. Sa bawat giyera may
puno't dulo, may dahilan o mithiin, ito ang hinahanap nating lahat ngayon. Your
brothers will be alright..." kinagat ni Marah ang kanyang pang-ibabang labi habang
nakatuon ang mga mata kay Lily na hindi man lang natitinag.
"You're too harsh, Lily. She's just worried about her brothers..." sita sa kanya ni
Harper. 2
"Lahat tayo, kung hindi ako nagkakamali ay nagtungo na rin doon ang mga kapatid
natin. We need to find the roots here, not the branches of battle tactics.
Magtiwala na lang tayo sa kanila."
"S-should I ask for a tea or something?" tanong ni Seth para tanggalin ang tensyon
sa palibot ng lamesa.
"Good idea, Seth. Please..." sagot ni Claret.
"Very well, I'll be back."
Nang maiwan kaming mga babae, natuon muli ang atensyon nila sa akin at ang
katanungan nila tungkol sa pagpapakita sa akin ni Haring Thaddeus.
"Sigurado akong wala pa kaming pagkikita." 2
"If that's the case, her only connection with the puzzle is the dagger." Sabay-
sabay silang tumango sa sinabi ni Kalla.
Si Marah ay nanatili na lamang tahimik, paminsan ay nagtataas ng kilay ngunit hindi
na nagbibigay ng kumento.
"We should lay the pieces first, hindi pwedeng ang mismong punyal lamang. A puzzle
is a picture of scattered parts, ang tanong dito, saan natin ikokonekta ang punyal
ni Leticia?" sabi ni Claret.
STORY CONTINUES BELOW
"The vanished empires, the two kings and the evil goddess. Hindi ba't sila ay
kasama na?" sagot ni Alanis na ngayon na lang muling nagsalita matapos ang
pagdating ni Seth. 2
"But we all know the reason of their vanishment, because of the curse. The two
kings are up for vengeance, pero ang malaking katanungan ay ang dyosang pag-aari ng
isang hari. Are they certainly mated to each other? Katulad ni Dastan at Leticia?
Kilala mo ba siya?" tanong ni Harper.
Mariin ang pagkakadaop ng aking mga kamay sa aking kandungan. Bigla kong naalala
ang lahat ng pinagdaanan ko sa nanunudyong mga mata ni Tatiana, wala akong alam na
may diyosa mula sa Deeseyadah na itinakda sa isang hari. Itinakda kami ni Dastan ng
asul na apoy, sinong magtatakda sa kanila? Mahigpit itong pinagbabawalan sa aming
mundo at tanging mga kinikilala nilang taksil ang naglalakas ng loob gawin ito.
Itinakwil din ba ng Deeseyadah si Tatiana? O alam nila ang bagay na ito?
"M-may galit siya sa akin noon pa man..."
Hindi ko man gustong balikan ang lahat ng masasamang nangyari sa akin sa
Deeseyadah, kailangan ko itong sabihin sa kanilang lahat, tanging si Nikos lamang
ang pinanatili kong lihim sa kanila.
Inulan ng masasamang salita si Tatiana mula kay Lily, Harper at si Marah na hindi
na makapagpigil. 23
"I couldn't help but to feel thankful for Hua and Dyosa Neena..." halos maiyak si
Harper.
"They could be after Leticia at sinadyang ipares si Tatiana sa isang hari, so the
reason is even. Maybe they couldn't fathom that an exile goddess would have a good
place in this world, matapos silang takasan... ayaw nilang malalamangan. They
wanted to maintain their image as pure, kahit baluktot na pala ito." Paliwanag ni
Lily. 3
"When it comes to empire allegiances, madali silang magkakaroon ng paliwanag at
posible nilang mabilog ang mga ito. Sinong emperyo nga ba ang kanilang kakampihan?
A king mated to a goddess who stood and claimed the throne without thinking about
the vanished empires, or a king mated to a goddess who were vanished but continued
to live and struggle forward. Maaari nila itong ipambato kay Dastan, sino ang
kakampihan? Of course, that one who looked struggled, victimized but still
fighting."
Lahat kami ay natahimik sa sinabi ni Claret. Totoo ang sinabi niya kung pipili ang
iba pang emperyo na kakampihang hari, mas malaki ang posibilidad na pumanig sila sa
kabila.
"We should find their weakness." Sabi ni Marah.
"Could you try to analyze this, do you think it was just the pride? Sa tingin n'yo
ba ay hinahabol nila si Leticia dahil ayaw lang nilang tanggapin na sa halip na
magdusa siya dahil sa pagtakwil sa kanya ay titingalain pa siya bilang reyna? The
goddess could be using that king for their own reasons... paano kung may
pinagtatakpan sila? Paano kung may malalaman tayong hindi dapat sa sandaling
tingalain na si Dastan at Leticia bilang hari at reyna hindi lang ng Sartorias
kundi ng buong Nemetio Spiran?" 1
Lahat kami ay umawang ang bibig sa mahabang paliwanag ni Harper. Hindi ko na
napansin ang pagyakap ko sa aking sarili, tumitindig ang mga palahibo ko.
"M-may itinatago pa ang Deeseyadah?" nangangatal na tanong ko. 3
"I don't know. Pero ano pa ang dahilan para magbaba sila ng diyosa rito at gumawa
ng sariling gulo? It's simple as this, if their side has the complete leash of
Nemetio Spiran through that evil goddess, ano pa ang magiging problema nila?"
"Now we have the elements, Leticia's dagger, the two kings and their silence for
thousands of years, bakit ngayon lang sila nagparamdam? We could just assume that
the goddesses had the strings, paano kung mapaglaro rin ang mga hari at nagagamitan
lang sila? A King is a king, hindi sila makakarating sa trono kung sa salita'y
madadala lang sila, the absence of the powerful goddess after the university's
destruction, and lastly... ano ang itinatago ng Deeseyadah na kinatatakutan nilang
malaman ni Leticia at Dastan?" 6
Tuluyan nang inilatag lahat ni Kalla ang nabuo sa harap ng malaking lamesa.
"If we find the roots, the part of the puzzles, isa na lang ang kailangang gawin."
Kanilang mga mata'y natipon muli sa akin.
"Kailangan kong buuin..." tumango sila sa akin. 1
"I have a question, we're all aware about the curse of the powerful goddess right
after her fate in the hands of the evil vampire, all the chain of events is truly
connected. And I don't know if it was a blessing or a curse, dahil konektado ito sa
inyo mga Gazellian, but my question, right after that curse between werewolves and
vampires, what was Deeseyadah after?" tanong ni Marah.
Sa lahat siguro ng kanilang katanungan ito ang masasagot ko.
"Hindi pa ako pinapanganak nang mangyari ang mga ito, pero malinaw ang kaalaman ko
sa nakaraan ng aming mundo. Matapos ianunsyo ang pagpanaw ng pinakamataas na diyosa
na siyang pinaniwalaan ng lahat, may pumalit na sa kanyang pwesto. Hindi man siya
kasing lakas ng unang diyosa, minahal siya ng mga nakabababang diyosa dahil sa
kanyang dedikasyon, ngunit sa paglipas ng daang taon, hindi nito kinaya ang
responsibilidad at kinitil niya ang kanyang sarili, dahilan kung bakit maraming
dyosa na ang nauupo sa pwesto bilang mamuno dahil wala nang ipinanganganak na
dyosang tatapat sa kakayahan ng unang diyosa." 18
"Maybe someone killed her and made it appear as suicide?" sabi ni Harper na agad
kung hindi sinang-ayunan.
"Hindi magagawang makapatay ng diyosa ng kapwa nila."
"They tried it on you and still trying..." sagot ni Lily. 3
"See? Sa kanila lang nagmumula ang gulo at ibinababa nila sa lupa. They've been
living in the eyes of the different world as pure, pero sila rin ang nagsisiraan.
And I hate to say this, but this Tatiana's trying to repeat the history if our
conclusion was true, nais niyang patayin si Leticia para sa pwesto. That replaced
goddess might be a victim of staged death, para maraming dyosa ang makaupo sa
trono." Mahabang sabi ni Marah. 7
"And do you think it's the thing they have been hiding in the eyes of the different
worlds? Na nag-aagawan din sila sa pwesto? That they took advantage of the
declining Deeseyadah from a powerful goddess death which was replaced by a weaker
one?" tanong ni Harper kay Marah.
"They are all snakes." Nanggagalaiting sabi ni Lily. 4
"But could we look at the other side of the story?" tanong naman ni Kalla.
"We've been told about the goddess side, but what about that vampire?" pagpapatuloy
niya. Dumiin ang pagkakakuyom ng kamay ko, alam ko kung saan patungo ang sasabihin
ni Kalla.
"King Andronicus Clamberge III, what happened to him after the symbolic curse? Was
he killed? Executed? Poisoned? Died on war? We're all aware that the vampire court
was annihilating his bloodline to preserve our tampered history... what happened to
him? The goddess is alive, her twins were once on our leash, Naha's father the last
surving male vampire is alive carrying his blood, the goddesses who knew exactly
what happened were alive and chasing Leticia, and lastly, King Thaddeus puzzles
never ceased left us hanging, his presence is alive and overwhelming..." 17
Hinawakan ni Kalla ang kamay ko.
"Leticia and Dastan's reign will solve everything in piece."
Chapter 32
Pag-angkin 39
Mga paa'y nagbalik sa lugar ng unang pagtatagpo. Buwan ay nakasilip sa manipis na
alapaap, at liwanag nito'y tila humahabol sa maliit na pagitan ng mga sangang
niyayakap ng luntiang mga dahon.
Ihip ng hangin na kay lamig, tila musikang humahalina sa tahimik na kagubatan.
Aking mga hakbang na humahaplos sa matataas na damong may halik ng patak ng mga
ulan, patunay ng aking pagsunod sa bulong ng kalikasan, buwan at katungkulan.
Aking hari'y handang angkinin ang malaking responsibilidad sa pagmulat pa lang ng
kanyang mga mata, ako ba'y isang dyosang bumaba sa lupang buo ang loob? O tamang
katanungang, ako ba'y handang talikuran ang aking nakamulatang paniniwala upang
yakapin ang responsibilidad kasama ang haring handang isantabi ang lahat para sa
kinabukasan ng lahat?
Na talikuran ang pagiging dyosa at yakapin ang pagiging reyna?
Handa ba ako sa walang katapusang sakripisyo sa sandaling buong loob kong angkinin
ang titulo sa aming magkadaop na kamay ng hari?
Na maging ang aming pag-ibig ay mangyayaring pumangalawa lamang... 1
Hindi mabilang na mga katanungan, tila sapot ng gagambang may iba't-ibang
patutunguhan, tila malalaking ugat ng mga punong may iisang katawan ngunit
nagbubunga ng napakaraming sanga, libong mga dahon at bulaklak.
Mga paa'y patuloy sa pagtahak patungo sa pamilyar na tagpuan, sa paglapit ay sa
paghalina ng umaagos na tubig mula sa buhay na talon ng Parsua Sartorias. Aking mga
kamay unti-unting humahawi, nagtataasang mga dahon naglalantad sa kumikislap na
likidong kristal na tila isang kurtinang kaugnay ng nagniningning na buwan.
At nang sandaling lumantad sa aking kabuuan ang tagpuang libong taon na ng muling
lapatan ng mga mata, pamilyar na pakiramdam na hatid nito'y namayani sa aking buong
sistema.
Siya'y isa lamang prinsipe noon, ngunit kanyang kaalaman sa emperyo'y natatangi at
kahanga-hanga at ngayong ako'y nagbalik at siya'y isa nang hari, ako'y hindi na
isang batang dyosang may punyal lamang na hinahanap.
Dahil higit pa rito ang aking kailangang hanapin.
Ang talon ay tila lumawak, ngunit ang linis at agos ng tubig nito'y katulad pa rin
dati. Ang nagtataasang bato nito'y may kayap ng luntiang mga halaman at nadagdagan
ang pinanggagalingan ng tubig, maliit man o malaki ang bawat bitaw ng tubig nito.
Pinaniniwalaan ng lahat na ang pag-angkin namin ni Dastan sa mundong ito ang
tutuldok sa lahat, ngunit saan nga ba kami dapat magsimula?
Sa unang pagkakataong ako'y dinala rito, ang tubig ay minsan nang sinubukang
kitilin ang aking buhay ngunit ngayon ang awit at bulong nito'y nagagawa ko nang
pakinggan, ito'y maituturing ko nang isang uri ng kaibigan.
Mula sa sinag ng buwan, sa halik nito sa karagatan, sa hanging umaawit at
yumayakap, sa lupang dama ang aking bawat pagtahak at sa apoy sumisiklab sa simbong
nagtatago sa aking puso.
Alam kong sa sandaling lumapat ang aking mga paa sa lupa, isang natatanging lugar
lamang ang maituturi kong siyang aking altar ng mga dasal, hindi sa aking silid, sa
palasyo ng Sartorias o maging sa punong kanyang simbolismo.
Kundi sa talon...
Isang mahalagang lugar na tagpuan ng napakaraming simula...
Lugar kung saan nakatago ang punyal...
Lugar kung saan unang nagtagpo ang aming landas ng hari...
Lugar kung saan ako unang bumagsak mula sa mundo ng Deeseyadah...
STORY CONTINUES BELOW
Lugar kung saan ko nakilala si Nikos...
At maaaring maraming simula mula sa misteryosong nakaraan...
Unti-unti kong inangat ang aking kanang kamay patungo sa aking nakataling buhok,
hinawakan ang maliit na panali nito at dahan-dahang hinila dahilan kung bakit
yumakap ang aking mahabang buhok sa umiihip na hangin.
Ang aking magarang kasuotan ay unti-unting tinanggal sa aking katawan kasabay ng
aking paghakbang patungo sa kristal na umaagos.
Kung ako'y higit nang pipiliin ang responsibilidad bilang reyna'y nais kong damhin
ang kalikasan bilang isang dyosa sa huling pagkakataon...
Lumaglag sa lupa ang huli kong kasuotan na siyang naglantad sa aking buong
kahubaran. At muling nakipag-isa ang aking katawan sa apat na elementong ngayo'y
pag-aari na rin ng aking punyal.
Katawan ay nilamon ng tubig sa banayad nitong paraan, aking mahabang buhok ay
sumayaw sa galaw ng malamig na tubig, hugis ng buwan sa ilalim ng asul na tubig ay
hindi natitinag, musikang dapat katahimikan napalitan ng makapangyarihang bulong...
Bulong ng isang diyosang katulad ko'y itinakwil... katulad ko'y niyakap ang
panibagong responsibilidad na wala sa kasulatan o prediksyon ng Deeseyadah.
Nakangiting labi ng Diyosa ng asul na apoy ang sumalubong sa akin, kanyang mga
mata'y nakatitig sa akin sa aming magkasalungat na posisyon. Katulad ko'y tanging
tubig ang kanyang kasuotan, mahabang buhok ay sumasayaw, aming mga katawa'y pag-
aari ng kalikasan.
Nanatiling hindi gumagalaw ang aking katawan, ngunit ang kanyang mga kamay ay
magaang nakahawak sa aking magkabilang pisngi, dahan-dahang inilapit ng diyosa ng
asul na apoy patungo sa akin ang kanyang mukha hanggang ang dulo ng aming mga ilong
ay tila magkalapat na.
"Leticia, alam kong darating ang panahong magbabalik ka."
"Magbabalik dala'y walang katapusang katanungan."
"At ikaw lang ang makasasagot..."
"Ngunit bakit ako? Bakit ako ang napili mo?"
"Dahil katulad ko'y may sarili kang paniniwala, may nais itama... na wala sa mga
isinisilang ng mga diyosa. Kakaiba ka..." 2
"Ngunit ako'y naguguluhan... ang daming dapat ayusin at hindi ko alam kung paano
magsisimula..." 1
Hindi sumagot ang diyosa ng asul na apoy, sa halip ay hinayaan niya akong
magpatuloy.
"Kung buong puso kong tatanggapin ang tungkuling ito, tuluyan ko na bang
tatalikuran ang Deeseyadah? Ang mundong nagluwal sa akin, ang mundong nagbigay sa
akin ng pangalan. O tamang sabihin na ang Deeseyadah mismo ang tumalikod sa akin,
lumayo ako para hindi na sila muling pasakitan at salungatin sa kanilang mga mata,
ngunit bakit paulit-ulit akong bumabalik sa ganitong sitwasyon?"
"Leticia, nais kong ipaalala sa'yong kainlanman ay hindi tayo itinakwil ng
Deeseyadah, ang mga diyosang naririto na ayaw tumanggap ng pagbabago, sila ang
nagtulak sa atin palayo... ang Deeseyadah ay para sa ating lahat."
Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko.
"Kayong dalawa ng hari ang tatapos ng lahat ng ito, Leticia, huwag kang matakot
lumaban, huwag kang matakot harapin ang mga diyosang hanggang ngayon ay nais
manatiling bulag, huwag kang matakot yakapin ang bagay na dapat ay sa inyo ng
kilalang hari ng Sartorias."
"Tumayo ka sa tabi niya, hawakan mo ang kanyang kamay, haplusin mo ang kanyang mga
sugat, bulungan mo siya ng pagmamahal, yakapin mo siya ng iyong kapangyarihan at
lunurin mo siya ng iyong mga halik na kaisa-isang bagay na makapagpapaluhod sa
kanya... at sabay kayong humawak ng espada..." 42
STORY CONTINUES BELOW
Nawala sa unahan ko ang diyosa ng asul na apoy at naramdaman ko ang kanyang
presensiya sa aking likuran. Kanyang mukha'y bahagyang nakalapat sa aking balikat
habang kanyang dalawang mga kamay ay humahaplos mula sa aking mga braso patungo sa
aking mga kamay. Hanggang mahawakan niya ang aking palapulsuhan, siya mismo ang
nag-angat ng aking mga kamay na tila inaabot ang maliwanag ng buwan.
"Espadang nagniningning hindi mula sa agos ng dugo... kundi espadang kumikislap
mula sa liwanag ng buwan..." 1
"Talim na hatid ng liwanag at hindi mula sa kadiliman... dalawang uri ng liwanag na
kayang mag-isa sa gitna ng digmaan..." 12
Tila kumawala ang hangin sa aking katawan nang sandaling marinig ang huling kataga
ng diyosa ng asul na apoy. Ang bula sa aking mga labi ay unti-unting umangat sa
ibabaw ng tubig kasabay ng pag-ukit ng mga katagang lumilinaw sa aking kaisipan. 2
Aking mga daliri'y pilit inabot ang buwan sa ilalim ng tubig, nagsimulang bumulusok
ang aking katawan kasabay ng diyosa ng asul na apoy at sa bawat paglubog, nahuhuli
ang mahaba naming buhok na sumasayaw sa harapan ng aming mga mata.
"Dalawang uri ng liwanag, Leticia..." bulong muli sa akin. 1
Sumagot ang aking isipan sa awiting saksi ang elemento ng tubig, liwanag ng buwan,
mga halaman, puno at hangin...
"Liwanag mula sa aking hari at aking liwanag bilang diyosa ng buwan... aming pag-
iisa'y liwanag sa magkaibang mundo, liwanag na tulay, liwanag na espada... talim na
hindi pula... kundi talim ng kislap ng liwanag..."
"Walang tatalikurang pagiging diyosa, Leticia... ang buwan ang pumili sa'yo at
hindi ang Deesedayah o ang nanunungkulan dito. Dahil alam ng buwan... na ikaw at
ang hari lamang ang may kakayahang magdala ng liwanag..." 10
Gumuhit ang ngiti sa aking mga labi kasabay ng unti-unting paglaho ng haplos at
bulong ng diyosa ng asul na apoy.
Natigil sa pagbulusok ang aking katawan at kusa itong nagbago ng posisyon, ang
aking pagkakahiga'y tila nadala sa pagkakatayo, aking mga brasong nakayakap sa akin
at dinama ang init sa aking katawan, kasabay ng pagpapalabas ng punyal aking
harapan.
Punyal na nagliliwanag, ipinikit ang mga mata kasabay ng pagdami ng bilang ng
punyal na kasalukuyan na akong pinalilibutan sa ilalim ng tubig, patuloy itong
lumiliwanag.
Umikot ang aking buong katawan pataas ng tubig kasabay ng pag-ikot ng daang
nagliliwanag na punyal sa aking paligid hanggang iluwa ako mismo ng tubig sa ere,
ang tampisaw ng tubig sa aking pag-angat ay tila uri ng ulan na hinalikan ng sinag
ng buwan, dala ang bagong kasuotang puting nagniningning, buhok na nakatirintas,
gilid ng aking kanang matang may diyamanteng kulay dilaw at mga matang
nagliliwanag. 26
Kaluskos mula sa matataas na damo ang siyang nakapagpabalik sa aking konsentrasyon
sa paligid, marahas akong lumingon dito kasabay ng daang punyal na handang umatake
rito.
Ngunit pamilyar na babae ang agad lumabas sa madilim na anino ng mga puno na may
mga matang humahanga at mga labing nakaawang.
"M-marah?"
"Y-you are truly a goddess..." halos mahirapan siya sa pagbigkas dito. Bumaba ako
sa lupa at pinaglaho ang mga punyal.
"Marah, hindi ligtas lumabas sa palasyo ng Sartorias."
"Ngunit ano ang ginagawa mo rito?"
"Kaya kong protektahan ang sarili ko."
Agad niyang hinawakan ang magkabila kong mga kamay. "Isa kang diyosa hindi ba?
Siguradong may kakayahan kang ibalik ako sa Deltora. Alam kong sa oras na ito'y
hinahanap na ako ni Seth. N-nais kong bumalik sa mga kapatid ko, hanggang ngayon ay
wala pa rin akong nababalitaan tungkol sa kanila."
STORY CONTINUES BELOW
Hindi ako makasagot sa kanya.
"N-natatakot ako sa pwede nilang gawin, M-mahal na diyosa... kilala ko ang mga
kapatid ko, handa nilang gawin ang lahat para sa Deltora." Nagpunas na si Marah ng
kanyang luha. 9
Hindi ko itatangging ang pagsunod kay Dastan ang hakbang na sunod kong tatahakin
ngunit ang isama ang isang prinsesa na alam kong higit na pinahahalagahan ng hari
at mga prinsipe ng Deltora?
Humuni ako sa hangin at tinawag ang pinakamalapit na lobong makaririnig sa akin,
ngunit sa paglingas ng aking mga mata'y may natuklasan akong landas na matagal nang
naghihintay ng tulay.
Mabibilis at mararahas na pagtakbo ang kapwa namin narinig ni Marah, siya'y naging
alerto ngunit hindi ako nangamba. Kanyang mga mata'y nagningas ng pula at pangil ay
lumabas, paghahanda para sarili'y protektahan. 1
Hanggang tumambad sa amin ang malaking lobong kay tikas, kanyang makakapal na
balahibo'y nagningning sa tama ng liwanag ng buwan at ang kanyang mga mata'y
nakatuon sa bampirang unti-unting kumakalma. 2
"Lucas..." yumuko ang lobo niyang kaanyuan sa akin. 16
Tinalikuran ko na si Marah.
"S-saglit, Leticia..."
Ngunit mas nangibabaw ang malakas na pagtatangis ng mga ngipin ng lobong tila may
mensaheng nais iparating, hindi sa akin kundi sa bampirang nagsisimula ng
maguluhan.
"Why am I hearing his voice?" 196
Lumingon ako sa kanya at ngumiti, bago nagsimulang maglaho ang aking katawan sa
harapan ng kanyang mga mata kasabay ng liwanag na unti-unting humahalo sa hangin. 2
Sinundan ng aking kapangyarihan ang presensiya ni Dastan at dinala ako nito sa
Deltora na kasalukuyang inaatake ng mga kalaban. At nang sandaling magmulat ang
aking mga mata, kasalukuyan akong nasa ere.
Nanlalaki ang mga mata ko sa higanteng lotus na kasalukuyang nilalamon ang kabuuan
ng Deltora na nagmumula sa nakapalibot na karagatan ng emperyo. 4
Isang uri ng proteksyon... 5
Ngunit ang kakayahang ito'y hihingi ng malaking kabayaran... ito ba ang ibig
sabihin ni Marah?
Ang ikalawang prinsipe ng Deltora ay... 65
Napahugot ako ng marahas na paghinga. Kailangan kong sabihan si Dastan para
patigilin ang prinsipe sa ginagawa nito.
Sa gitna ng sagupaan ng mga kawal mula sa magkalabang mga emperyo'y lakas loob
akong bumaba sa lupa. Tinanggal ang liwanag na nakapalibot sa akin, ngunit hindi
nito nagawang itago ang aking presensiya.
Sa paglapat ng aking mga paa'y agad na pagsugod ang sumalubong sa akin ngunit isang
Gazellian agad ang humarang para sa akin.
"L-leticia? Ano ang ginagawa mo rito?" tanong ni Zen matapos ihagis sa ere ang
kalaban.
"Zen! Lumalamang na ang kalaban sa timog! Gumagamit sila ng mahika!" rinig kong
sigaw ni Caleb na natigilan nang makita ako, maging ang sinasakyan nitong kabayo'y
napatigil.
"Ano ang ginagawa-" hindi niya nasundan ang kanyang sinasabi ng panibagong yabag ng
kabayo ang dumating.
Nag-angat ako ng tingin, may bahid na ng dugo sa kanyang mukha si Casper.
"S-sa timog? Patungo na roon si Tobias at Dastan!"
Nanlamig ako sa sinabi ni Casper, kung mahika ang ibig sabihin ni Caleb, malakas
ang kutob kong ito'y mula sa mga diyosa. Ang mahika ay matatalo lamang ng isang
mahika.
"D-dastan..."
Wala sa sariling umangat ang mga paa ko sa lupa at mabilis kong iniyakap ang hangin
sa aking buong katawan para dalhin sa aking hari. Sa bawat pagdaan ko sa lupa ay
nagkakaroon ng harang para protektahan ako, hinahabol ng yelo ng prinsipe ng mga
nyebe ang aking buong katawan para umagabay sa anumang pag-atake. 4
Ngunit ang aking isipan ay na kay Dastan, makilala siya ng mga diyosa dahil ang
presensiya namin sa isa't-isa'y bahagya nang magkahalo, hindi sila magdadalawang
isip na kitilin si Dastan.
Mas binilisan ko ang aking paglipad patungo sa kanya, lumalabas ang mga punyal sa
aking paligid habang lumalapit ang presensiya ni Dastan at nang sandaling naaninaw
ko na ang pamilyar at matikas niyang tindig, ang nakapusod nitong buhok at ang
espada nitong gawa sa dugo... saglit na gumuhit ang ngiti ko sa mga labi. 22
Ngunit agad din itong napawi nang mas mapagmasdan ko ang kanyang paligid, tatlong
diyosa ang kasalukuyang umiikot sa kanya na tila mga babaeng leon na nais kumain ng
buhay at makalidad na tupa. 2
Subalit kung ang aking hari'y magiging tupa... ako lamang ang babaeng leon na
maaaring umangkin sa kanya. 68
Kaya tulad ng muli naming pagkikita, sa gitna ng libong bampira at mga lobo, sa
harap ng mga mata ng libong mga diyosang alam kong nakamata sa mga oras na ito...
Ang pag-angkin ng reyna sa kanyang hari... 3
Ang aking nagliliwanag na katawa'y biglang lumitaw sa harapan ni Dastan.
"Leticia..." bulong nito mula sa aking likuran.
Aking mga mata'y pinagningas ng ginto na sa mga mata ng mga diyosa, umangat sa ere
ang daang punyal na may basbas ng buwan at mga kamay na umangat sa kalangitan...
Naramdaman ko ang muling paghakbang ni Dastan papalapit sa akin hanggang pumulupot
ang isa nitong braso sa aking katawan habang ang isa niyang kamay umagapay sa
paghaplos ng aking sariling kamay sa aking kanang braso pababa na tila sinusunod
ang guhit ng liwanag sa aking katawan. 4
Taas noo akong humarap sa gitna ng digmaan, yakap ng aking haring bumubulong ng
pag-ibig at buwan na siyang aming liwanag. 20
At binigkas ang unang pag-angkin sa Hari ng Sartorias.
"Huwag ang aking hari mga diyosa mula sa Deeseyadah..."
Chapter 33 10
Unang yugto 3
Sa pagkagat ng dilim na dapat kadiliman ang mamayani, sa kapaligirang amoy ng dugo
ang pilit nangingibabaw, musika'y isang karahasan sa bawat tama ng espada, mga
katwirang namamaluktot na dala'y patuloy na hiwa ng sakit, mga matang nag-aakusa
mula sa maling paniniwala, at mga kapangyarihang tila patalim. 5
Aking liwanag ay pinagyaman, mula sa kislap ng buwan, ningning ng mga punyal at
mainit na yakap mula sa hari ng Sartorias. 1
Tila natigil ang oras sa gitna ng digmaan, pagsaksi ng daang mga mata'y tila
hinigitan pa ang isang malaking pagtatanghal, musika ng espada'y pinalitan ng
malamig na sipol hangin, ingay ng mga kanyon at yabag ng mararahas na kabayo'y
naglaho sa pag-agos ng tubig.
"Ang aking reyna'y tila napaaga ng pagsundo sa akin." Bulong sa akin ng Hari ng
Sartorias na nanatiling nakayakap ang isang braso mula sa aking likuran. 37
Ang aking puso'y nais umawit dahil ramdam ko ang mabilis na pintig ng puso ng hari,
sa halip na takot ay galak ang nararamdaman ko mula sa kanya.
Umangat ang aking kaliwang kamay at marahan kong hinaplos ang gilid ng kanyang
mukha habang nanatiling nakatitig ang aking mata sa mga diyosa ng Deeseyadah. 4
"Hindi ko nais na ika'y makipaglaro sa ibang diyosa, aking hari." 19
Buong akala ko'y ibang mga kataga ang maririnig mula sa kanya ngunit ang kanyang
mga salita'y tila hindi maaaring gawaran ng mga ngiti sa digmaan.
"Isang uri ng pagbabantang masarap pakinggan, ngunit aking kinatatakutan..." bulong
ng hari sa aking isipan. 16
Nanatiling umiikot ang mga punyal sa pagitan namin ni Dastan na siyang aming
proteksyon sa anumang klaseng atake na nais makasakit sa amin.
Hindi ko maiwasang mag-angat ng tingin sa hari at salubungin ang kanyang mga mata.
Sa halip na mga labi'y aming mga noo'y saglit na pinagdikit kasabay ng pagpikit ng
aming mga mata.
"Hindi ko akalaing ang aking hari'y may kinatatakutan..."
"Hindi ko akalaing ang aking reyna'y marunong magbanta... ako'y nahuhumaling..." 64
At nang sandaling kapwa kami magmulat, ang aming mga matang may magkaibang kulay ay
sabay na nagningas sa harapan ng mga kalaban. 1
Pinakawalan na ako ni Dastan at hinayaan niya akong humakbang patungo sa tatlong
diyosa na hanggang ngayon ay hindi pa rin makabawi sa kanilang nasaksihan. Marahil
ay impormasyon lamang ang ibinigay sa kanila at hindi nila inaasahang ang aking
mabilisang desisyon, lalo na ang pagpapakita sa lugar na ito.
"I-isa kang taksil, Leticia! Ano'ng karapatan mong gamitin ang kapangyarihan ng
buwan para manakit ng kapwa mo diyosa at manlinlang ng mga bampira?"
Nagsimula na silang umatake sa akin, ang kanilang mga kumikislap na puting enerhiya
ay sunod-sunod nilang ibinabato sa akin. Aking mga kamay ay ngayon ay nakatuwid at
ang bawat galaw nito'y sinusundan ng aking mga punyal upang protektahan ang aking
sarili. 1
"Leticia..."
Nang maramdaman kong hahakbang papalapit sa akin si Dastan ay agad akong hindi
sumang-ayon.
"Dastan, ang diyosa ay matatalo lamang ng isa pang diyosa."
"Ang aking kapangyarihan ay may kakayahang-" pinutol ko ang anumang sasabihin ni
Dastan.
"Ngunit hanggang ngayon ay misteryo pa rin ito sa ibang emperyo, hindi mo ito nais
ipaalam sa nakararami hanggang-" ang mga kapatid niya mismo ang nagsabi sa akin na
tanging sila lamang ang nakakaalam ng mas higit na kapangyarihan ni Dastan.
STORY CONTINUES BELOW
Kilala ang hari sa manipulasyon nito sa dugo ngunit lingid sa kaalaman ng lahat,
siya lamang ang nag-iisang bampirang kayang umangkin ng liwanag.
"Isang haring may kakayahang umangkin ng liwanag..." malumanay na sabi ko.
"Dalawang uri ng liwanag, aking reyna..." tipid akong ngumiti sa sinabi ng hari. 6
Tuluyan na kaming nagkaroon ng distansya ni Dastan, siya'y naging abala sa mga
heneral ng batalyong kasama ng mga kalaban, mga kawal at bampira habang ako'y
sinimulan nang palibutan ng kapwa ko mga diyosa.
Ang tatlong diyosa'y maaari ko pang higitan sa lakas ngunit kung hihigit pa ito sa
tatlo hindi ko na kayang ipangakong magagawa ko silang matalo, lalo na't
ipinanganak ako mula sa puno ng En Aurete na hindi isang mandirigma. 5
Umabot sa hangin ang tunggalian namin ng tatlong diyosa, ang bawat apak namin sa
hangin ay katumbas ng iba't-ibang uri ng guhit na bilog na may halik ng mahika at
sa bawat pag-alis namin dito ay tanging naiiwan ay gintong mga alikabok. 2
Ang aking puting kasuotan at nakapusod na buhok ay tila sumusunod sa kakaibang uri
ng pagsasayaw, hindi hatid ay galak ng pagtatanghal kundi sayaw ng karahasan. 1
"Dastan... kailangang itigil ang ginagawa ng ikalawang prinsipe ng Deltora. Ang
pagprotekta sa isang buong emperyo gamit ang kapangyarihang hihigit sa hawak ng
kanyang katawan ay maaaring kumitil sa kanyang buhay..." 19
Suminghap si Dastan sa sinabi ko. Sa kabila ng pagkumpas ng aking mga kamay at
pakikipaglaban sa tatlong diyosa, binigyan ko ng atensyon ang higanteng lotus na
halos kainin ng buo ang buong emperyo ng Parsua Deltora para lamang mapanatili
itong ligtas sa malaking pagkasira at pag-atake, ang bawat pagitan ng talulot ng
malahiganteng bulaklak ay tila malaking talon na umaagos sa lupa na siyang
kasalukuyang unti-unting pumupuno sa gitna ng digmaan. 1
Ang higanteng pulang lotus ay higit na nabigyang buhay dahil sa nakadungaw na
buwan.
"S-sa sandaling muling bumuka ang lotus, sisipsipin nito ang kapangyarihan at lakas
ng bampirang nagmamanipula sa kanya..." 1
Hindi na nag-aksaya ng oras si Dastan, agad siyang nakahanap ng mabilis na kabayo
at marahas siyang sumakay rito, nagtungo siya sa pinakamataas na lugar kung saan
maririnig siya ng mga kapatid niyang kasalukuyan nang nakakalat sa digmaan.
"Find the core of that red lotus! Rosh is in danger!" 42
Muli kong ibinalik ang aking atensyon sa mga diyosang aking kalaban, kapwa na sila
nakataas ang kilay sa akin habang nakangising may panunuya.
"Kakapusin kayo sa oras, wala nang isang oras muling bubuka ang pulang lotus at ang
hangal na prinsipeng naglakas ng loob gamitin ang kakayahang iyan ay sasama sa
pagkasira." 5
Nang muli kong sulyapan ang mga Gazellian, wala sa kanila ang magawang makalapit sa
umaangat na lotus dahil sa mga humahabol sa kanila.
"N-nasaan ang mga kapatid niya?" 1
"Nasa loob sila ng palasyo, Leticia. Trapped. Probably fighting with other
goddesses."
2
Ngunit mas maraming katulad kong diyosa, mga bampira, lobo at iba pang mga nilalang
ang higit na masasaktan kung hahayaan kong mamayani ang pinaplano ni Tatiana, ng
matataas na diyosa at ng hari ng naglahong emperyo.
Inihaplos ko sa hangin pataas ang aking kanang kamay na mas mataas sa aking ulo,
isang mahinang pitik sa aking daliri ang aking ginawad. Inilahad ko ang aking
kaliwang kamay sa aking unahan na may kumpas na tila isang uri ng alon patungo sa
kanila.
Nagsimula akong bumulong ng isang uri ng dasal, hanggang sa ang aking mga punyal ay
nagkaroon ng gintong mga sinulid na siyang nagsimulang mag-ugnay sa bawat dulo
nito.
STORY CONTINUES BELOW
Ang aking kaanyuan sa ere na kanina'y pinaluluguran ng mga punyal ay napalitan ng
tila isang mahabang gintong tali na pumapalibot sa akin. At nang sandaling ang
aking dalawang kamay na ang humawak dito ay ako na mismo ang unang sumugod sa
tatlong diyosa.
Ang pag-ikot ng aking katawan sa ere ay sinasabayan ng gintong alikabok sa hangin,
buhok at kasuotang sumasayaw at nagningning na tali.
Patuloy pa rin sila sa pagtawa ang mga diyosa dahil mabilis nilang naiiwasan ang
aking pag-atake.
"Hindi mo kami mahuhuli, Leticia. Isa kang takil! Hindi ka magtatagumpay sa maitim
mong balak kasama ang karelasyon mong kadugo ng bampirang kumitil sa ating
tinitingalang diyosa." Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi, si Nikos ang
tinutukoy nila. 2
"At hindi ka pa nakuntento? Pati sa isang pipitsuging hari ng mundong ito'y inihain
mo na rin ang sarili mo? Isang kasiraan sa mga diyosa!" 1
Umawang ang bibig ko sa aking narinig, ito na ba talaga ang tingin nilang lahat sa
akin? Isang maruming uri ng diyosa...
Nawala ako sa konsentrasyon dahilan kung bakit tinamaan ako ng isang atake.
"Leticia!" sigaw ni Dastan nang makitang bumubulusok ang katawan ko patungo sa
lupa. 1
Mabilis tumakbo patungo sa aking direksyon si Dastan na handa akong sambutin,
ngunit madiin akong tumutol sa kanya. Sa digmaang ito, higit na mahalaga ang
harapin ang mga kalaban at huwag na huwag ang mga itong tatalikuran dahil higit
itong nakapapahamak.
"Aking hari, hayaan mo ako... kahit sa oras lamang na ito..."
Natigil sa pagmamadaling makarating sa akin si Dastan, mabilis kong iginalaw ang
katawan ko sa ere kasabay ng aking pagbulusok sa lupa, ang tatlong diyosa'y
nananatiling lumulutang sa ere sa kanilang mga matang nanliliit at nanghahamak sa
akin.
Lingid sa kanilang kaalaman, iniwan ko ang tali na siyang nagniningning sa ibabaw
ng kanilang mga ulo. Gumuhit ang ngiti sa aking mga labi ng sabay kong inangat ang
aking mga kamay at unti-unti itong pinagdaop.
Ang gintong tali ay nagsimulang magbago ng anyo, isang kasangkapan na tanging ang
tubig at kalangitan lamang ang higit na nakakasaksi.
"Oh liwanag na may talim... dala'y pising may madiing bigkis... dinggin ang aking
panalangin... bigyang buhay ang panibagong habi, aking mga mata'y magmistulang
karayom, galaw nito'y paghabing hila ang nagniningning na sinulid..."
Nang sandaling ang dasal ay mataimtim na mausal, mga mata'y nagliwanag kasabay ng
buwan, gintong tali'y naging isang lambat.
Huli na ang lahat bago makita ng mga diyosa ang lambat na dumakip sa kanila, gumawa
ang lambat ng sariling tali upang magkaroon ng koneksyon sa aking mga kamay. At
nang sandaling abot kamay ko na ang tali ng gintong lambat, binigyan ko ng pansin
ang pagsabay sa hangin.
Ako'y muling umapak sa lupa, sa aking isang tuhod na nakaluhod, mabagal na pagbaba
ng puting kasuotan at mahabang buhok, nakakrus ng mga brasong may dalang gintong
tali, nakapikit na mga mata at labing nakangiti.
"Tatlo." Usal kong may ngiti sa labi.
Nagwawalang mga diyosa ang nakapagpatayo sa akin, hinarap ko sila sa aking mabagal
na hakbang.
Pinaulanan nila ako ng iba't-ibang uri ng insulto, ngunit matapang ko itong
tinanggap. Sinalubong ko ang kanilang mga mata sa pagitan ng gintong lambat.
"Sana'y sa muli nating pagkikita'y makita n'yo ang totoong liwanag. Hanggang sa
muli nating pagkikita, mga diyosa mula sa Deeseyadah." Yumuko ako sa kanila bago
ako tumalikod at hinanap si Dastan. 4
Natagpuan ko siyang pinagmamasdan ako, muling umangat sa ere ang aking mga paa at
agad kong iniyakap ang sarili sa kanya. Saglit na yakap sa isa't-isa bago muling
ibinalik ang atensyon sa lumulutang ng bulaklak.
"My brothers tried to infiltrate, walang makapasok mula sa labas, Leticia. We can't
find the core." Napatingin ako sa tubig na hanggang tuhod na ni Dastan. Hindi rin
magtatagal ay mas tataas na ito at higit nang mahihirapang makipaglaban ang lahat.
1
Mula sa posisyon namin ni Dastan sinubukan kong gamitin ang aking kapangyarihan
kung magagawa ko ring makapasok ngunit masyadong malakas ang ginawang harang ng
prinsipe na kahit ang kapangyarihan ko ay walang magawa, at kung mayroon man ay
kailangan ng panahon.
Kaunti na lang ang oras na natitira sa amin.
Kapwa na kami nakatitig ni Dastan sa lumulutang na lotus, kailangan naming
makapasok dito kahit anong mangyari. Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi habang
iniisip kung paano makakapasok dito.
Kung hindi gumana gamit ang kapangyarihan ko o maging ng kakayahan ng mga bampira,
bakit hindi namin subukan---
Hindi ko na natapos ang iniisip ko dahil naunahan ako ni Dastan dalhin ito sa mga
salita.
"We infiltrate it together, my Queen." 4
Huminga ako nang malalim sa sinabi ni Dastan, kapwa tuwid ang aming mga mata sa
bulaklak na kasalukuyang pinamumugaran ng mga diyosa at magkakapatid na pilit
ipinaglalaban ang sariling emperyo.
Sa likuran namin ng hari'y tatlong presensiya ang umagapay sa akin.
"We'll push you with our abilities." Madiing sabi ng Prinsipe ng mga nyebe. 4
Gumuhit ang kidlat sa kalangitan hudyat ng pagbabalik ng isa pang Gazellian. 22
"Nandito lang kami sa labas, naghihintay..." mahinang sabi ni Caleb.
Sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko, sobrang lakas na hindi magawang kumalma...
ngunit ang presensiya ng hari sa tabi ko'y pilit bumubulong ng kapanatagan sa aking
sistema.
Sa ilalim ng buwan, sa rumaragasang tubig, sa batalyon ng nagtutunggaling mga
emperyo, aming mga kamay ay nagdaop... 6
Hudyat ng sabay naming pagtanggap bilang hari't reyna sa unang yugto ng digmaan.
Chapter 34 +
Bersyon 12
Mariing magkadaop ang mga kamay namin ni Dastan na kapwa nakatuon ang mga mata sa
lotus na kasalukuyang lumulutang, ang tubig na nagmumula rito ay patuloy na umaagos
dahilan kung bakit mas tumataas na ang tubig. 2
Nang sandaling dapat ay gagamitin kong muli ang aking kapangyarihan at mag-angat ng
mga kamay, tila may kung anong klase ng enerhiya ang tumama sa akin dahilan kung
bakit ako nanghina at natumba.
Bumigay ang mga tuhod ko at agad akong nasambot ni Dastan. Naalarma ang
magkakapatid ng Gazellian sa biglaan kong pagbagsak.
"S-saan galing ang atake?!"
"Shit! Nalampasan tayo?" 1
"Didn't see it coming."
Sunod-sunod na boses ng mga Gazellian ang narinig ko ngunit mas namayani ang
nangangambang tinig ni Dastan habang nakayakap ang mga braso sa akin para
suportahan ako.
"L-leticia..."
Napahawak ako sa aking naninikip na dibdib, hindi ako makahinga kasabay nang
panlalabo ng aking mga mata. Agad akong ginapangan ng kaba, ano itong nararamdaman
ko? 1
Wala akong naramdamang pag-atake mula sa kahit sinong diyosa, ngunit ano itong
nararanasan ko? Ito ay manggagaling lang sa isang mahika.
"L-leticia..." rinig ko ang matinding pangamba sa boses ng hari ng Sartorias.
Sinubukan niyang gisingin ang diwa ko habang patuloy sa pagtawag sa pangalan ko,
maging ang mga kapatid niya'y nagkaroon ng takot sa kanilang presensiya dahil sa
nangyayari sa aking katawan.
Ngunit hindi ko ito maipaliwanag, ngayon lamang ako nakaramdam ng ganito. Sobrang
sikit ng dibdib ko na tila nais nitong sumabog, ang init, sakit at sa bawat pagbuka
ng bibig ko para gumagap ng hangin tila mas lalo akong nanghihina.
"D-dastan... tulu-" sinubukan kong abutin ang kanyang mukha ngunit mas namayani ang
kadiliman sa aking mga mata. 4
**
Patuloy sa paglalakad sa unahan ng silid aralan ang isang bampirang maestro habang
hawak ang kanyang aklat. Tanging mga yabag nito, ang paglipat ng bawat pahina ng
aklat at ang paminsang paghaplos ng hangin sa itim na kurtina ang naririnig sa loob
ng silid.
"Our world was once called as Nemetio Spiran, consisted by seven empires with great
kingdoms and ruled by different creatures equally. These empires are, Parsua,
Lodoss, Mudelior, Interalias, Halla, Jedalya and Gosos." 19
Tumigil saglit ang maestro sa pagbabasa para sulyapan ang kanyang mga estudyante
bago ito nagpatuloy. 2
"Ruled by different creatures means we were once lived with mermaids, werewolves,
fairies, nymphs, dwarves, enchantresses, witches and other creatures as equals. Isa
lang ang ibig sabihin nito, ang mga uri natin noon pa man ay marunong makibagay.
Our kind never destroy, instead we build and diversified without stepping on other
creatures."
Sumang-ayon ang mga mag-aaral na bampira sa kanilang maestro. Ngunit agad
nagsalubong ang aking mga kilay habang tumatagal ang kanyang pagsasalita, bilang
diyosa na may nalalaman sa totoong nangyari sa nakaraan, tila isang pasakit hayaan
para sa aking sarili ang marinig ang kwentong malayo sa katotohanan.
"Our kind from the very beginning valued peace and harmony with other creatures.
Isa sa bagay na hinangaan ko sa haring ipakikilala ko sa inyong lahat." Inilipat ng
maestro ang pahina ng kanyang aklat at iniharap niya ito sa kanyang klase.
Isang larawan ng kilalang bampira sa buong kasaysayan ng Nemetio Spiran, ang
pagkakaguhit ng kanyang mukha ay tila isang obra maestrang gawa ng isang bihasang
mangguguhit dahil tila buhay ang kanyang larawan na nakalapat lamang sa isang
manipis na papel.
STORY CONTINUES BELOW
"King Ambronicus Clamberge III, the savior of all vampires, our selfless king who
saved us from the traitor demon." 10
Gusto kong tumayo at tumutol sa itinuturo ng maestro sa mga bampirang tahimik na
nakikinig sa kanya. Ngunit nang sapilitan kong igalaw ang katawan ko, tila
nakakulong ito sa katawan ng babaeng bampirang nakatitig lamang sa maestro.
Kung ganoon ay maririnig ko na ang bersyon ng nakaraan ng mga bampira! Ang
nakaraang punong-puno ng kasinungalingan!
Ilang salinlahi na ang pinaniwala nila sa kwentong ito? Ilang bampira ang
naniwalang ang kanilang kinikilalang hari ang bayani?
Pilit ko pa rin akong gumalaw ngunit hindi man lang kumukurap ang katawang
nagkukulong sa akin. Gusto kong sumigaw, umiyak at saktan ang maestro sa patuloy
niyang binabasa, gusto kong sunugin ang aklat na pinagkukunan niya ng
kasinungalingan!
Gusto kong magwala at gumawa ng paraan para pigilan ang pagkalat ng kwento tungkol
sa maling nakaraan. Hindi ganito... hindi ang demonyo ang may kasalanan, hindi ang
diyosa...
Ngunit ang tangi lamang nagawa ng katawan kung saan nakakulong ang aking katauhan
ay kumuyom ang mga kamay at sapilitang makinig sa kwentong hindi ko alam kung anong
klaseng manunulat ang kayang sumikmura sa sobrang pagkabaluktot ng katotohanan.
"King Ambronicus Clamberge III fought for the creature's equality, since the great
king discovered that the goddess was being manipulated by the demon, he made an
alliance with the other ruling thrones. They planned to stop the union of the
goddess and the demon, dahil alam nilang sa sandaling mag-isa ang mga ito, ang
demonyo ang siyang magiging pinakamalakas sa lahat. King Ambronicus Clamberge III
tried to save the goddess from the possession of the demon, but the goddess was
heavily possessed. Kaya walang pinagpilian ang ating magiting na hari kundi patayin
ang demonyo para makawala ang diyosa rito ngunit hindi dito naputol ang koneksyon
ng diyosa sa demonyo, sa halip na pagtulong ang makita'y itinuri niyang kalaban ang
ating hari. Since she was hopelessly drowned with the demon's love curse, nilamon
siya ng paghihiganti. King Ambronicus Clamberge III killed her love, and the
goddess chose get even with him. Her vengeance reached our king's love..."
Pakiramdam ko'y sasabog na ako sa naririnig ko. Ano itong pinagsasabi ng maestro sa
mga bampirang ito? Papaano niya nasasabing bayani ang bampirang naging sanhi ng
paulit-ulit na pagkakagulo hanggang sa kasalukuyan?
"Our greatest king was mated with one of the ruling thrones, a female werewolf.
King Ambronicus Clamberge III loved his mate dearly, na kaya niyang gawin ang lahat
para rito. He was ready to leave his throne after securing the equal seats of every
creature, but it was the goddess turn to ruin his love. King Clamberge III was
seduced by the mourning goddess, used the face and presence of his werewolf mate
and they---" halos mabingi ako sa kwentong naririnig ko. 1
Inakit ng diyosa ang pangahas na hari? Nababaliw na ba ang maestrong ito?
Pinagsamantalahan ang diyosa ng bayaning bampirang sinasabi nila! Pinagtaksilan
niya ang babaeng itinakda sa kanya dahil sa kapangyarihan!
"Hindi kinaya ng babaeng lobo na nasaksihan ng kanyang mga mata, the love of her
life and the goddess that was supposed to balance the equality. Sa sobrang sakit ng
kanyang naramdaman niya, pinili niyang kitilin ang kanyang sariling buhay."
Tuluyan nang lumaglag ang luha sa aking mga mata. Hindi na ako nagtataka kung bakit
napakaraming nilalang ang galit sa mga bampira ngayon na nagagawa nitong takpan ang
ilan pang mabubuting bampira katulad ng mga Gazellian, dahil maaga pa lang ay
pinamumulat na sila sa kasinungalingan.
Namatay ang babaeng lobo sa pagtakbo habang buhat ang naghihingalong diyosa mula
haring bampira... walang inakit, walang kabayanihang naganap kundi paulit-ulit na
pagtataksil.
STORY CONTINUES BELOW
"King Clamberge III failed to stop his mate from suicide, sinubukan niyang tulungan
ang diyosa mula sa demonyo, pilit niyang ipinaliwanag dito ang pagmamanipula sa
kanya ngunit hindi ito nakinig sa kanya, she tried to kill him and while the king
was trying to save himself, the king chose to kill the her. To save her from agony
and manipulation." 1
Pagpatay na ginawang pagtulong? Hindi ko akalaing ang mga manunulat pala ng mga
bampira ay higit pang mahusay sa mga diyosang manunulat na nakilala ko.
"The whole Nemetion Spiran witnessed the division of thrones, and King Clamberge
III stood there while trying to pick up the pieces, pinilit niyang ibalik sa ayos
ang lahat pero kung walang mas mataas na mamumuno, higit na mananatili ang
kaguluhan isang malaking dahilan kung bakit pinili ng ating magiting na haring
tumayo nang mas mataas higit sa bawat nilalang na nakaupo sa trono. King Clamberge
III claimed the throne as the greatest ruler with his broken heart."
Gusto kong tumawa ng malakas, ano itong naririnig ko? Binabaliktad ng mga bampira
ang nakaraan. 5
"When Nemetio Spiran was stable enough, the death of King Clamberge III hovered all
over the empires, hindi rin kinaya ng hari ang pangungulila sa minamahal niyang
lobo at pinatay niya ang kanyang sarili, dahilan kung bakit tuluyang nahati ang
Nemetio Spiran at umusbong ang napakaraming bampirang nais mamuno sa bawat emperyo.
It was an all-out war and the toughest family had the opportunity to claim every
throne."
Isa sa mga bampira ay nagtanong kung bakit naglaho ang dalawang emperyo, sumagot
ang maestro na ang pag-iibigan ng lobo at bampira ay mahigpit nang ipinagbawal
dahil bago kitilin ng babaeng lobo ang kanyang buhay ay isinumpa nitong wala nang
lobo ang iibig sa isang bampira dahil sa sandaling labagin ito ay magkakaroon ng
malaking kapalit. Siguro'y ito lamang ang tumama sa kanilang kwento ng nakaraan.
Biglang may nagtaas ng kamay habang nagbabasa ang maestro.
"I have a question, Professor. I've already read the history, but was it really a
good thing to kill the goddess? It was not her fault. She was seduced, she fell in
love."
Sasagot na sana ang maestro nang may isa pang mag-aaral ang nagsalita.
"You are overly romantic, smart prince. We are talking about political history,
it's her fault too. Malaki ang responsibilidad niya, hindi kailangang unahin ang
puso."
Sarkastikong ngumiti ang pamilyar na bampira na tinawag ng babaeng isang prinsipe.
6
"Are you saying that once you're involved with political matters, love is not
possible, Miss?"
"Binigyan niya ng atensyon, nagbukas siya ng pintuan, nagbukas siya ng kahinaan
kaya nagkagulo-gulo na. Nagpa-akit siya. Kung totoo man na minahal niya dapat mas
inisip niya pa rin kung anong responsibilidad at pagmamahal ang dapat niyang
pahalagahan. Love is like a door, nasa iyo ang desisyon kung bubuksan mo o hindi.
Pero mas nagpatangay siya sa alon, mas nagpalunod siya."
"What if they are actually mates? If we will blame the division of this world, we
should set aside the goddess-can't you see her side? Paano kung--" hindi natuloy ng
prinsipe ang kanyang sasabihin.
"Come on, alam natin na hindi sila itinakda sa isa't-isa. That's not love, she was
seduced." Umikot ang mga mata ng babae.
"Then a love without fate, it's possible for other-"
"Oh, come on, Gazellian." Nanlaki ang mata ko nang rumehistro ang hitsura sa akin
ng prinsipeng kasalukuyang nakatayo.
K-king Thaddeus... 1
"You're so romantic for a prince-" naningkit ang mata ni Haring Thaddeus na hindi
na nalalayo ang kaanyuan sa anak niyang si Casper.
"It's not all about the romantic part! Y-you stubborn woman! Danna, ano ba ang
problema mo sa akin? Lagi ka na lang salungat sa mga kasagutan ko!" 48
"Because you're overly confident, Gazellian, na akala mo laging tama!"
"Or you're just annoyed because I got your spot? Pangalawa ka na lang sa klase,
Isolde." 1
Napatayo na si Danna sa kanyang upuan at taas nitong hinarap si Thaddeus na
talagang mapagkakamalang si Casper. 1
"Your title manipulated your spot in this class, Your Highness." Tumaas ang kilay
ng hari sa narinig mula kay Danna.
Ngumisi si Haring Thaddeus at pinagkrus niya ang kanyang mga braso.
"Really? Until to what kind of manipulation, Miss? Hanggang saan ang kayang
manipulahin ng titulo ko?"
Walang makapagtangkang sumabat sa kanilang dalawa, dahil hindi maawat ang batuhan
ng kanilang mga salita.
"All, hindi naman kayo nahihirapang mga maharlika. And please, lumalayo na tayo sa
leksyon, mahal na prinsipe."
Saglit lumingon si Haring Thaddeus at bahagyang yumuko bilang paghingi ng paumanhin
sa kanilang maestro.
"Forgive my manners, Professor, classmates. Now let's get back to lesson, I have a
question to ask you, Miss Isolde." Hindi nagpatinag si Danna at hinarap niya ang
nakatindig na prinsipe.
"If I seduced you just like the demon from the history and you fell in love with me
just like the goddess, are you going to blame yourself too? Katulad ng paninisi mo
sa diyosa?" 19
Nakita ko kung paano natigilan si Danna sa katanungan ni Haring Thaddeus.
Nagsigawan ang mga lalaking bampira sa binitawang salita ng hari. Hindi ko
maiwasang maalala ang ugali ni Caleb sa kanya, ilang pagsasalita niya na parang si
Evan, ang tindig na parang si Dastan, pagngisi na parang si Finn, pagkunot ang noo
na tila si 16
"I will never fall in love with you, Gazellian." 72
Humalakhak si Haring Thaddeus sa harap ng buong klase. "There are always two sides
of the story, Danna." 15
Humarap na muli si Haring Thaddeus sa kanilang maestro.
"Professor, are we allowed to hear the other creatures point of view?" tanong niya
sa propesor na agad kong napansin ang pagkagulat.
"Hindi maaari, mahal na prinsipe, dahil pawang kasinungalingan lamang ang nilalaman
ng kanilang kwento." 1
Nagkibit-balikat lamang si Haring Thaddeus bago ito maupo at sumulyap kay Danna na
nakakunot noo.
Nagpatuloy ang klase at walang katapusang kasinungalingan, hindi na nagtanong pa si
Haring Thaddeus sa halip ay inabala niya ang sariling gumawa ng ibon na gawa sa
papel. Pinalipad niya ito at marahan itong nagtungo sa lamesa ni Danna. 1
Dahil malapit lang ang katawan na siyang nagkukulong sa akin mula kay Danna ay
nakita ko ang sulat ng hari sa kanya.
Should I seduce you first? Or you'll help me see the other sides of the history? 60
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa nasasaksihan ko, ito ay ang
nakaraan ng hari sa una niyang pag-ibig, isang parte ng nakaraan na may mahigpit na
koneksyon sa kasalukuyan.
Ginusot ni Danna ang papel at nagpatuloy ito sa pakikinig sa klase. Ngumuso si
Haring Thaddeus at ibinalik ang mga mata sa kanilang maestro. 1
May iba't-ibang bersyon ang lahat ng mga bagay, Leticia... 16
Pilit kong gustong lumingon at hanapin ang boses ng bagong tinig ng isang lalaki
ngunit hindi ako makagalaw.
Nabigyan mo na ba ng pagkakataong tingnan ang bersyon ko bilang isang hari? O
tanging sa kanya lamang? Si Dastan lang ba talaga ang nararapat, Leticia? 28
Gayong ako'y hindi katulad niyang naghintay lamang... ako'y matagal nang nakabantay
at minamahal ka...
Chapter 35 +
Bituin 16
Kung ang hangin ay iihip at bubulong sa'yong isipan, sa gitna ng mundong
napapalibutan ng kani-kanilang eksplanasyon, sa mga salitang ilang daang
nagpasalin-salin sa mga labi sa bawat paglipas ng panahon, sa paniniwalang nais
panigan, at sa mga tauhang pipiliing tingnan... 1
Anong kwento ang nais mong bigyang linaw? Kaninong daan ang nais mong sundan?
Kaninong mga sinulid ang nais mong pag-isahin? At kaninon pangalan ang siyang dapat
ngayo'y yukuan?
Ang mga mata ko nga ba'y sa iisang daan lamang nakatanaw? Gayong ito'y nararapat
tumingin sa iba't-ibang tulay patungo sa magandang hinaharap...
"Ngunit sino ka?" Katanungan sa misteryosong boses sa gitna ng kadiliman.
Aking buong katawa'y tila nakalutang sa kalawakan habang pilit hinahanap ang
nagmamay-ari ng boses.
Ano itong ibig sabihin niyang siya'y higit pa sa paghihintay ang kanyang ginawa?
"Ang trahedya sa pagitan ng pinakamalakas na diyosa sa pagitan ng pitong
pinakamatataas na posisyon ng Nemetio Spiran, ang siyang nagsimula ng lahat. Ngunit
tila ang iyong mga mata'y nakatingin lamang sa epekto nito sa mga emperyong
naiwan..."
Agad akong lumingon sa likuran nang maramdaman ang kakaibang presensiya mula rito,
ngunit ng sandaling ako'y tuluyan nang humarap dito'y wala na ang hinahanap ko. 1
"Minsan ba'y sumagi sa isip ng lahat ang totoong biktima ng nakaraan?" 10
"Sino ka? Magpakita ka sa akin..." 8
Paulit-ulit ako sa paglinga upang makita ang nagmamay-ari ng malamig na boses,
ngunit tila ito'y nakikipaglaro sa akin dahil sa tuwing lumilingon ako sa kanya'y
tanging ang dulo lamang ng kanyang mahabang buhok ang naabutan ng aking mga mata. 1
"Siya lang ba ang nararapat humawak ng liwanag? Gayong ang aking salinlahi'y ilang
daang libong panahon nang nagmimistulang liwanag sa emperyong tinanggap na ng lahat
na naglaho sa kadiliman?" 19
Ang katanungang ito'y nagkumpirma sa aking hinala, ang kasalukuyang boses na siyang
kumakausap sa akin sa gitna ng tila madilim na kalawakan ay ang kasalukuyang
nakaupo ngayon sa isa sa mga emperyong naglaho dahil sa sumpa ng pinakamalakas na
diyosa noong unang panahon.
Sinubukan kong ibuka ang bibig ko upang siya'y sagutin ngunit walang mga salita ang
lumabas mula sa akin.
"Ang pagpapanatilihing buhay ng isang emperyong siyang binura sa kasaysayan at
piniling kalimutan ng lahat ay hindi pa ba sapat na patunay na ilang daang taon
kaming higit na lumaban sa isang sumpa na pinili kaming parusahan sa kasalanang
hindi naming ginawa?" 8
Kumirot ang dibdib ko sa narinig mula sa misteryosong hari, dahil wala akong
makitang pagkakamali sa lahat ng kanyang mga sinasabi. Ang paningin ng lahat ay
tangi lamang nasa harapan ng limang emperyong naiwan matapos ang sumpa ng diyosa,
ang epekto nito sa iba't-ibang nilalang at maging sa buong pamilya ng Gazellian.
Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat... may dalawang emperyo pang siyang higit na
naapektuhan ng sumpa.
"Isang kasalanan bang maghangad na kami'y muling magbalik sa liwanag? Isang
kasalanan bang angkinin ang dapat ay matagal nang sa akin? Hindi pa ba sapat ang
ilang daang taong pagdurusa ng aming salinlahi? Hindi ba masamang agawin ang
reynang nararapat sa akin?" 70
Napasinghap ako sa huling salitang binitawan ng hari, muling nakumpirma ang ilan sa
mga sinabi ni Alanis at ngayo'y nakikilala ko na ang haring siyang kumakausap sa
akin, hindi ito ang haring may kakayahan ng apoy...
STORY CONTINUES BELOW
Siya ang haring pinagsisilbihan ni Hua, ang siyang nag-uutos sa kaibigan kong
langgam na pangalagaan ako. 6
"Nakatakda na ako..."
"Ngunit siya nga ba, Leticia?" lumambot ang bulong ng hari sa akin at halos hindi
ako makagalaw nang muli kong maramdaman ang presensiya niya sa aking likuran. 30
Kanyang mga mainit na kamay ay unti-unting gumapang mula sa hibla ng aking mahabang
buhok hanggang magtungo ito sa aking mga mata at takpan ang mga ito.
"O, siya lamang ang iyong nakikita? Paano kung ako ang una mong natagpuan? Paano
kung ako ang prinsipeng sumalubong sa'yong unang pagbaba sa lupa? Paano kung walang
humarang sa akin Leticia nang sandaling ako'y patungo na sa batis... paano kung
walang humadlang sa atin? Paano kung walang naghiwalay sa atin upang ipalit ang
kasalukuyang hari ng Sartorias?" 137
Hindi ko alam kung bakit sa bawat bitaw ng salita niya'y kumikirot ang puso ko, ano
itong sinasabi niya? Wala akong maintindihan kundi bigat at sakit... at damang-dama
ko ito mula sa kanya.
Ang pag-ibig ng pinakamalakas na diyosa sa demonyo ang siyang simula ng lahat, ang
sakripisyo ng lobo para sa kanyang minamahal na bampira ang nagdulot sa kanyang
kamatayan, ang kasakiman ni Haring Clamberge na siyang kasalukuyang sinasamba ng
mga bampira, at ang paniniwala sa isang baluktot na kasaysayan.
"Hindi ko maintindihan ang iyong mga sinasabi..."
Ang orihinal na konsepto ng pagsilang ng itinakda para sa isa't-isa ay matagal nang
buhay sa mga bampira. Ngunit ang mga bampirang isisilang na may angking lakas na
maaaring makapahamak sa kanyang kapwa at sa sarili nitong emperyo ay kailanman ay
hindi na isisilang na may kapares, ngunit matigas tumutol ang asul na apoy at
ipinaglabang nararapat lamang pagkalooban ang mga malalakas na bampira ng kapares
na siyang magbabalanse sa kanilang kapangyarihan hindi gamit ng kakaibang lakas
kundi isang uri ng kakayahang tanging mga dalagang lumaki at isinilang sa mundo ng
mga tao, isang dahilan kung bakit nagkaroon ng mga itinakdang babae mula sa asul na
apoy. 3
Si Dastan ay isa sa mga bampirang pinagkalooban ng kakaibang lakas na humigit pa sa
kapangyarihang hindi kayang hawakan ng isang dalagang tao, isang misteryong nais
sagutin ng diyosa ng asul na apoy noon pa man, ngunit ng ako'y bumaba sa lupa na
may iisang misyon na gaya ng sa dating prinsipe ng Sartorias nasagot ang
katanungang nais malutas ng diyosa ng asul na apoy. 1
Ipinagkaloob kami ng asul na apoy sa isa't-isa...
Ngunit ano itong naririnig ko mula sa misteryosong hari?
Muli kong sinubukang gumalaw o magsalita man lang, ngunit ang mga kamay na mismo ng
hari ang unti-unting humiwalay sa akin, inaasahan ko nang panibagong kadiliman ang
sasalubong sa akin ngunit sinalubong ako ng kakaibang lugar.
O tamang sabihin na isang emperyo na wala sa introduksyong binanggit sa akin ni
Lily nang ipaliwanag niya ang kabuuan ng Nemetio Spiran.
Nasa harapan ako ng isang palasyo na hindi man lang sumagi sa mga aklat ng bampira.
Hindi ko maiwasang humanga sa kakaibang disenyo nito, ang pinakamataas na tore nito
ay may simbolo ng bituin na siyang nakapagpaatras sa akin. 12
Ano ang ibig sabihin nito?
"Claudeous! Mahal na prinsipe, hinahanap ka na ng mahal na hari." Isang matandang
tagasunod ang lumabas sa palasyo habang walang tigil sa paglinga na tila may
hinahanap. 7
Sa sulok ng aking mga mata'y may nakita akong isang batang lalaki na may hawak na
sanga ng mga halaman habang pilit itinatago ang kanyang sarili, ngumisi ang batang
lalaki sa mga babaeng tagasunod na kasalukuyang may hawak ng iba't-ibang plorera at
magagandang bulaklak.
STORY CONTINUES BELOW
Dinala niya ang kanyang daliri sa kanyang mga labi para iparating sa mga itong
huwag maingay. Dahil tila malapit ang loob ng mga tagasunod sa batang lalaki,
tumango ang mga ito at hinayaan nilang magtago ito sa kanilang likuran habang
tinataguan ang matandang lalaki.
"Nakita n'yo ba si Claudeous? Napakapilyong bata talaga!"
Umiling ang dalawang babaeng tagasunod habang lumalawak ang ngisi ng batang lalaki,
sa paglalakad ng mga babae ay sa pagsunod nito at nang akala niya'y tuluyan na
siyang makakatakas sa matanda dahil nakalampas na sila at bahagya nang nakalayo,
biglang napasigaw ang batang lalaki nang buhatin siya ng matandang lalaki mula sa
likuran.
"Huli ka!"
Umalingawngaw ang malakas na pagtawa ng batang tinatawag nilang Claudeous, ang
matandang lalaki at ang dalawang babaeng tagasunod. Hanggang sa maglaro silang
dalawa ng matanda at kilitiin nito ang batang prinsipe dahil sa kapilyuhan nito.
"Tama na, Lolo Magno! Ayoko na po! 'Di na 'ko makahinga!" tumatawang sabi ng batang
prinsipe.
"Mahal na prinsipe, ilang beses ko ba na sasabihin sa'yo na huwag mo akong
tatawaging-ako'y tagasunod lamang." 1
Hindi ko maiwasang mapangiti sa samahan ng batang prinsipe at ng matandang
tagasunod nito, bihira na lamang sa isang maharlika ang mapalapit ng ganito sa
kanilang mga tagasunod.
"Bakit hindi? Si ama at ina'y hindi nababahala." Inangat ni Claudeous ang kanyang
mga braso sa matanda na tila nais nitong magpabuhat.
"Mabigat ka na, mahal na prinsipe..."
Ngunit yumuko pa rin ang matanda at nakangiti pa rin nitong binuhat sa kanyang
likuran ang batang prinsipe na masayang yumakap sa kanya.
"Bakit ako hinahanap ni ama? Nakapag-aral naman ako ng maayos."
Saglit natigilan ang matandang lalaki sa katanungan ng prinsipe. Lumuwag ang yakap
ng bata at mas sinilip niya ang mukha ng tagasunod.
"Lolo Magno?"
"Claude, hijo, natagpuan na ang huling nabubuhay na taga basa ng mga bituin sa
emperyong ito." 6
"Taga basa ng mga bituin?" tumango ang matanda.
"Bakit kailangan ang presensiya ko?"
"Mahal na prinsipe, ang iyong ama at ina na lamang ang magpapaliwanag sa'yo."
Nakarating sa harap ng isang malaking pintuan ang munting prinsipe at ang matandang
tagasunod nito. Ibinaba ng matanda ang prinsipe at kapwa na sila tumuwid ng
pagkakatayo bago itulak ang pintuan.
Nakaupo sa dalawang trono ang agad kong nakilalang hari at reyna, sa harapan ng mga
ito'y isang matandang babae na nakaluhod at nakayuko bilang paggalang.
"Claude, anak..." nagliwanag ang mukha ng reyna nang makita ang kanyang anak. 9
Ang kaninang pilyong prinsipe ay agad nagbago ang kilos at naging pormal, isang
bihasang kilos na siyang taglay ng bawat maharlika, pino ang lakad ng batang
prinsipe habang papalapit sa mga magulang, siya'y saglit na yumuko bilang
paggalang.
Nanatiling nasa likuran ang matandang tagapagpangalaga nito.
"Claude, nais kong marinig mo ang nabasa ng huling taga basa ng bituin ng ating
emperyo."
Sa pagkakataong ito'y ang matanda ay humarap sa batang prinsipe.
"Magandang araw, Prinsipe Claudeous. Nais kong sabihin na ang mga bituin ay
ibinulong ang iyong mga pangalan sa kalangitan."
Kumunot ang noo ko sa narinig mula sa matanda.
"Ang kislap ng mga bituin ay itinuturo ang iyong ngalan na siyang nagsasabing ikaw
ang magpapalaya sa sumpang lumapat sa Emperyo ng Gosos, na ikaw ang magmimistulang
bituin sa kadiliman... kapares ng buwan." 80
Nagsimulang lumuha sa tuwa ang reyna habang pinakikinggan ang nabasa ng matanda
mula sa mga bituin.
Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko, ano itong naririnig ko? Kung ang liwanag ni
Dastan ay tila araw ang simbolismo... si Claude ay mga bituin... 31
"Sinabi ng mga bituing maraming taon ang lilipas at may diyosang bababa sa lupa na
sumisimbolo ng buwan at siya'y may iisang hangarin katulad ng emperyong ito at ng
ating munting prinsipe na siyang magiging hari sa hinaharap..."
"Ang aking si Claude at ang diyosang ito ang maaaring maging kasagutan sa sumpa..."
21
Umawang ang bibig ko sa sinabi ng reyna, inilahad niya ang kanyang mga braso para
sa kanyang anak at mabilis natungo rito ang prinsipe.
Nakangiti na si Claude nang umupo ito sa kandungan ng kanyang ina, maging ang hari
ay natutuwang ginulo ang kanyang buhok.
"Gagawa tayo ng paraan para magtagpo kayo ng diyosa ng buwan, siya at ikaw ang
magpapalaya sa emperyo natin at magtatama ng pagkakahiwa-hiwalay ng Nemetio Spiran.
At sa halip na kalaban ay pagtanggap ang isasalubong nila sa atin." Nakayakap na
sabi ng reyna.
"Lalaki kang isang magiting na hari, anak. At ikaw ang sisimbolismo sa emperyong
pinili nilang kalimutan, kung nila tayo kayang ipaglaban bilang parte nila, lalaban
tayo, Claudeous."
Masayang tumango si Claudeous. Maging ang matandang tagasunod ay napaluha sa
magandang balita.
Lumingon ako sa matandang tagabasa ng bituin, nakikita kong may nais pa itong
sabihin ngunit pinili niya na lamang yumuko at hindi sirain ang kagalakan ng
pamilyang nasa kanyang harapan. 27
"Sisikapin kong maging isang mabuting prinsipe, ina. At sa sandaling dumating na
ako sa tamang edad, magawa ko ang ating tungkulin. Hindi ba aming tagabasa?"
�gad tumango ang matandang babae.
"Mahal na prinsipe, nakasaad na sa mga bituin na darating ang panahon na ikaw ay
kikilalaning isang napakagaling na hari, hindi lamang ng Emperyo ng Gosos kundi ng
buong Nemetio Spiran." 2
"King Claudeous Tiell Siderro XI." Natutuwang bulong ng reyna sa kanyang munting
prinsipe dahilan kung bakit biglang namula ang buong mukha ni Claudeous. 8
Inasahan kong masasaksihan ko pa ang susunod na mangyayari ngunit muli akong dinala
sa ibang parte ng kastilyo.
Buong akala ko'y muli kong makikita ang batang si Claudeous na tumatakbo mula sa
matandang tagasunod ngunit ngayo'y kaibang pangyayari ang sumalubong sa akin.
"N-ngunit mahal na prinsipe... kaya kitang paligayahin, susunod ako sa'yong mga
nais, hindi sinabi ng mga bituing kailangan mong pakasalan ang diyosang maaaring
siyang magiging katulong mo para tanggalin ang sumpa..." 7
Gumalaw ang ulap sa kalangitan at tumama ang liwanag ng buwan sa pigura ng prinsipe
na ngayo'y isa nang binatilyo.
Dumiin ang pagkakahawak ng mga kamay ko sa isa't-isa nang makilalang hindi nalalayo
ang edad nila ni Dastan nang una ko itong makilala at hindi ko maipagkakailang may
taglay rin itong kakisigan... 14
"Ngunit matagal ko nang ipinasyang sa isang babae lamang ako maghahanap ng liwanag,
sana'y maintindihan mo, Lovella. Darating ang panahon at may darating na nararapat
sa'yo..." 57
Hindi na pinahaba ng babae ang kanilang usapan dahil nagmadali na itong iniwan si
Claudeous at piniling tumanaw sa buwan, hindi rin nagtagal ay tinabihan siya ng
matandang lalaking tagasunod.
"Mahal na prinsipe-"
"Lolo Magno... matagal ko nang ipinangakong hindi ko ilalapit ang aking sarili sa
diyosang magmumula sa buwan para lamang sa responsibilidad at sa sumpang nais kong
mabuwag. Siya'y may mithiing nais ko, siya'y nais ang kalayaan,
pagkakaisa...kaayusan... siya'y may busilak na puso. Sinong prinsipe ang hindi
mahuhulog kahit sa simpleng pagtanaw lamang sa liwanag ng buwan?" 17
Tuluyan na akong natulala sa prinsipeng nakatalikod sa akin.
"Mamahalin ko siya... kasabay ng iisa naming mithiin..."
Chapter 36
13
Anino 3
Ang Emperyo ng Gosos ay ang isa sa dalawang emperyong siyang naglaho mula sa sumpa
ng pinakamalakas na diyosa mula sa nakaraan. Kung inaakala ng lahat na ang
pagkalaho ng mga emperyo ay isa nang malaking dagok sa mga naiwan, ngayo'y mas
masasabing higit itong mas nakaapekto sa mismong emperyong mga naglaho.
Sa paglipas ng mahabang panahon, ang tanging tumatak sa isipan ng mga nilalang na
naiwan ay ang mismong pagkalaho ng dalawang emperyo, walang nangahas sumaliksik
kung ano ang posibleng nangyari rito at namayani ang kaalamang ang pagkalaho ay
katumbas na ng kamatayan.
Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat, ang dalawang emperyo'y nanatiling buhay at
lumalaban pabalik sa mundong sila'y nararapat. Sa mundong may uri ng liwanag na
siyang kanilang karapatan.
Kung sana'y bumalik silang walang komplikasyon at agawan sa trono, kung sana'y
pagtanggap at pagkakaisa ang mamayani sa sandaling muling makumpleto ang mga
emperyo. Ngunit ito'y nasimulan na, kanilang mga mithiin ay nabuo nang
magkakahiwalay at kanilang ipinaglalaban ay salungat sa bawat isa na magreresulta
ng isang madugong labanan.
Ngunit ang malaking katanungan, ang kanila bang mga hakbang ay tulak ng sariling
desisyon o ito'y may impluwensya ng mga diyosang itinuri akong taksil at kasalanan?
Sa paglipas ng maraming taon, ang malinaw at kumpletong kasaysayan sa pagitan ng
pinakamalakas na diyosa at sa pitong pinakamatataas na trono'y nananatiling
misteryo, iba't-ibang bersyon ang kumalat, paniniwala mula sa napakaraming labi at
mga piling pangyayaring nais lamang ilathala.
Epekto nito'y hindi lang sa Nemetio Spiran kundi pati na rin sa Deeseyadah, at ang
kanilang pagsali sa malaking suliraning ito sa pagitan ng mga emperyo ay isa nang
malaking patunay na may bagay silang nais manatiling nakatago at mabubunyag lamang
ito kung ang mamumuno'y wala sa kanilang mga kamay. 2
Huminga ako nang malalim at nanatili akong nakatitig kay Claudeous na tahimik
nagbabasa ng aklat. Ang aking pananatili sa Emperyo ng Gosos o tamang sabihing ang
parte ng kanilang nakaraan ay isang magandang paraan para bigyan ako ng
pagkakataong pagdudahan ang panig na gusto kong suportahan. 4
Pilit kong ibinubulong sa isip kong parte lamang ito para pahirapan at lituhin ako
ng emperyo at haring dapat suportahan, ngunit ang aking mga paa'y tila may sariling
mga isip dahil sa bawat galaw ni Claudeous sa palasyo ito'y nakasunod... aking
pandinig ay nanatiling nakabukas sa kanya at ang aking sarili'y tila natatagpuang
ang atensyon ay nakatuon lamang sa prinsipe. 1
Sa maiksing panahon na pagmamasid ko kay Claudeous, agad kong nahuli ang pagkakaiba
nila ni Dastan. Mas madalas siyang ngumiti, magaan ang kanyang personalidad at
malambing siya sa kanyang mga magulang, maging sa matandang nag-aalaga sa kanya.
Siya'y madalas magbiro, may angking katalinuhan at may mga matang tila laging
nangungusap. 75
Nanatili akong nakatayo at nakatitig sa kanya, hindi kalayuan. Aking mga kamay ay
bahagyang nakalapat sa puting marmol na poste habang nililipad ng hangin ang aking
mahabang buhok at kasuotan.
"Lolo Magno, sa tingin mo, bakit isa ang Gosos ang napili ng diyosang maglaho?
Bakit hindi ang ibang emperyo?" 1
"Isang katanungang hanggang ngayon ay wala pa rin kasagutan, mahal na prinsipe." 4
Bumuntong-hininga si Claudeous, sumandal sa kanyang upuan, isinarado ang kanyang
aklat at ibinaba ito sa kanyang lamesa. Nanatiling naka-krus ang kanyang mga hita,
bahagyang sumandal sa kanyang upuan at tumingala sa kalangitan. Kanyang kanang
kamay ay marahang itinaas sa ere na tila inaabot ang bituin sa kalangitan.
"Sa tingin mo ba'y mapagtatagumpayan ko ang aking misyon?" ngumiti ang matanda sa
prinsipe.
"Kailan ka pa hindi nagtagumpay, aking prinsipe? Ikaw ang itinakdang magpapalaya sa
emperyong ito."
STORY CONTINUES BELOW
"Kinakabahan ako..." 1
Hinawakan ng matandang lalaki ang kamay ng prinsipe at saglit itong pinisil na para
pakalmahin ito.
"Nasa likod kaming lahat at nakasuporta sa'yo, mahal na prinsipe."
Isa sa suliranin ng mga emperyong naglaho ay ang pagkaubos ng kanilang mga araw-
araw na pangangailangan. Sa libong taon nilang paghiwalay sa iba pang emperyo, ang
pagpapanatili ng kanilang pangangailangan ay isa nang napakahirap na gawain. At
kung hahayaan pa itong mangyari, darating ang panahon na ang mga nilalang na
naninirahan sa emperyo ng Gosos ang siya na rin magkakasakitan, para lamang
manatiling buhay.
Ang Emperyo ng Gosos ay hindi na magagawang makatagal pa ng ilang daang taon kung
hindi gagawa ang mga maharlika nito upang ibalik ang koneksyon nito mula sa ibang
mga emperyo.
Isang bagay na gustong hadlangan ng pamilyang kasalukuyang nakaupo sa nakaraang
aking nasasaksihan, at si Claudeous ang kinikilala nilang tulay na magliligtas sa
kanila.
Nag-iisang anak si Claudeous, may iilan silang kamag-anak ngunit dahil na rin sa
banta na maaaring mag-aklas ang mga nilalang na kanilang nasasakupan sa Emperyo ng
Gosos, iniwan ang mga ito sa ere na siyang naging dahilan kung bakit ang hari,
reyna at si Claudeous na lamang ang nananatiling magkasandal sa isa't-isa.
Umiiyak si Reyna Claudia habang hinahaplos ni Claudeous ang likuran nito.
"Inang reyna, hindi mahalaga ang dami ng suporta na ating matatanggap, ang
importante ay magkakasama pa rin tayo ni ama. Kung nais nilang humiwalay sa atin at
iwan tayo sa labang ito, wala tayong magagawa. Hindi natin kailangan ng marami kung
napipilitan o hindi sila totoo sa atin. Mas masarap sa pakiramdam kunin ang
tagumpay kung iyong mga nilalang na nasa likuran mo'y buong puso kang sinuportahan
at hindi napilitan lamang." 6
Hinawakan ni Reyna Claudia ang magkabilang pisngi ng kanyang anak.
"Napakabuti mo, anak. Hindi ka ba naghihinanakit sa kanila? Sila dapat sa lahat ng
nilalang ng emperyong ito ang dapat unang susuporta sa'yo, ngunit ito at
tinalikuran ka nila..."
Ngumiti si Claudeous sa sinabi ng kanyang ina, hinawakan niya ang mga kamay nitong
nakahawak sa kanyang pisngi at marahan niya itong hinalikan.
"Bakit naman ako maghihinanakit sa mga tumalikod gayong nandito pa kayo ni ama na
siyang nagtitiwala sa akin?" 8
Pinunasan ni Claudeous ang luha ng kanyang ina at hinalikan niya ang noo nito, sa
huli ay napakalma niya ang reyna at binigyan niya ito ng isang uri ng pagtatanghal
na maging ako'y namangha. 1
Dahil ang silid ng reyna'y tila binalot ng saglit na kadiliman ngunit agad din
nagliwanag ng may maliliit na kislap ang biglang lumilitaw sa iba't-ibang parte ng
silid.
Ang silid na reyna'y tila parte ng ng kalangitang napupuno ng mga kumikislap na
bituin.
"C-claudeous..." namamanghang banggit ng reyna sa ngalan ng kanyang anak.
"Ilang taon ko rin itong pilit pinag-aaralan, ina..." nakangiting inilapat ng reyna
ang dulo ng kanyang daliri sa lumulutang na liwanag at nang sandaling mag-abot ito
ay agad itong nalusaw.
"Ang ganda, anak..."
Hindi na muling nagsalita si Claudeous at hinayaan niyang mawili ang kanyang ina
para ilayo sa kalungkutang dinadala nito. Hinintay niya itong makatulog bago niya
ibinalik sa dati ang silid, kinumutan at muling hinalikan sa noo bago iwan sa
kanyang silid. 1
Palabas na siya sa silid nang makasalubong niya ang kanyang ama. Tinapik siya ng
kanyang ama sa kanyang balikat, saglit siyang yumuko bago siya ngumiti rito.
STORY CONTINUES BELOW
"Magpahinga ka na rin, ama."
"Ikaw rin, Claudeous..."
***
Buong akala ko ay may higit pa akong makikita ngunit tila niyakap ako ng matinding
kaba nang ipakita sa akin ang isa pang parte ng nakaraan na nasisiguro kong
nalalapit na sa iilang katanungan ko. Sa pagkakataong ito'y nasa loob silang muli
ng silid kung saan binasahan si Claudeous ng matandang tagabasa ng bituin tungkol
sa kanyang hinaharap. 2
"H-hindi ko na itutuloy... ayoko ina..." lumuluhang sabi ni Claudeous. Halos
lumuhod ito sa harapan ng kanyang ina.
Ngayon ko napagtanto na mas malapit si Claudeous sa kanyang inang reyna higit sa
kanyang amang hari.
"Claudeous, ngayon na ang takdang araw. Hindi natin ito maaaring palampasin..."
mahigpit umiling si Claudeous habang hawak ang kamay ng kanyang ina. Ilang beses
siyang sumulyap sa kanyang ama na parang humihingi ng tulong pero nakatungo lang
ito at hindi sinasalubong ang kanyang mga mata.
"Ama... pareho tayo ng desisyon, hindi ba? Hindi ko na gustong ituloy..." pansin ko
rin na lumuluha na ang matandang Magno habang pilit nagmamakaawa si Claudeous na
huwag nang ituloy ang kanyang misyon.
Hindi ko maintindihan kung bakit nais nang umatras ni Claudeous sa misyon na
nakalakihan niya pero habang nakikita ko ang malaking pagtutol niya, nagsisimula na
akong mahanap ng dahilan kung bakit nais na niyang hindi ituloy ang kanyang misyon.
"Anak, matagal na nating hinintay ito..."
"Pero hindi n'yo sinabi sa akin ang paraan! Hindi ko nais, ina... hindi ko kayang
gawin. Masaya na akong nag-iisa ang Gosos, gagawin ko ang lahat para mamuno sa
emperyong itong hindi nagpapatayan ang ating nasasakupan. Gagawin ko ang lahat ng
makakaya ko, ayoko nang ituloy ang misyon..."
Nangangatal ang kamay ng reyna habang pinupunasan ang luha ni Claudeous, tila
bumalik ang eksena kung saan si Claudeous ang nagpapatahan sa kanyang ina, ngunit
nabaliktad ito sa pagitan nila.
"Claudeous, lumaki ka sa misyong ito... hindi mo ito dapat bitawan... ikaw ang
haring magliligtas sa lahat."
"Haring magliligtas sa lahat ngunit isasakripisyo ang sariling ina? Gano'n ba? Ito
ba ang sinasabi nilang dakila? Kung ang tungkulin at misyong ito'y pagbitaw sa
buhay ng aking ina, hinding-hindi ko ito tatanggapin... I will not sacrifice you
for the throne, mother..." 2
"Claudeous, hindi lang Emperyong ito ang iyong mundo... hindi lang ang Gosos ang
nakatakdang iligtas ng iyong mga kamay. Ang buhay ko kapalit ng libong buhay sa
kasalukuyan at hanggang sa hinaharap ay isa nang magandang hudyat ng pagbabago...
matagal ko nang tinanggap ang aking kapalaran at malugod ko itong yayakapin para
sa'yong tagumpay." 4
"Ina... hindi... hindi ako pumapayag..."
Hindi ko na napigilan ang patak ng mga luha ko nang mahigpit yakapin ni Claudeous
ang kanyang ina. Umiyak na rin ang hari at sumalo sa kanilang yakap.
"Ngunit mawawala ang lahat ng pinaghirapan mo, ang pinaghirapan ng iyong ama, ng
salinlahi natin at ng emperyong itong hanggang ngayon ay umaasang muling
magkakaroon ng kalayaan..."
"H-hindi ako kailanman magiging masayang maupo sa isang pwesto sa kaalamang ang
isang paraan nito'y pagbitaw sa buhay ng aking ina..."
"Ang lahat ng nilalang ay may hangganan, Claudeous, at sa pagkakataong ito'y
dumating na ang aking oras. Hayaan mo akong gampanan ang aking tungkulin bilang
reyna at inang naghahangad ng kabutihan para sa kanyang anak."
Walang tigil sa paghalik si Claudeous sa kamay ng kanyang ina habang umiiling,
habang siya'y nakaluhod ay ipinagdikit na ng hari at reyna ang kanilang noo, hindi
ko man narinig ang bulong ni Reyna Claudia sa hari alam kong ilang kataga lang ito
na ilang beses kong narinig mula kay Dastan.
Gusto ko nang ipikit ang aking mga mata dahil sa tindi ng bigat ng puso ko habang
inihihiwalay na ng reyna ang kanyang sarili sa kanyang mag-ama. Ilang beses tinawag
ni Claudeous tinawag ang kanyang ina ngunit ginantihan lang siya nito ng ngiti at
buka ng bibig na punong-puno ng pagmamahal.
Ang katawan ng reyna ang siyang maaaring maging sakripisyo kung saan maaaring
makatawid si Claudeous pabalik sa mga emperyong hindi nalapatan ng sumpa at sa
mismong araw na ito ang nasabing oras kung saan kailangan na niyang tumawid at
gawin ang unang hakbang ng kanyang misyon.
Ang misyong magpapalaya sa lahat, ang misyong magtatama sa tamang liwanag.
Ipinikit ko na ang aking mga mata nang sandaling magliwanag ang katawan ng reyna
pero bago ko ito gawin ay nakita ko ang sabay na pagtulo ng luha ni Claudeous at ng
kanyang ama na nakakuyom ang mga kamao.
Hinintay kong mawala ang matinding init sa buong silid bago ako naglakas loob
magmulat, pinahid ni Claudeous ang bahid ng luha sa kanyang mukha, isinakbit ang
maliit na telang tila supot sa kanyang balikat, saglit na lumungon sa kanyang ama
na hanggang ngayon ay lumuluha at tipid na ngumiti sa sumisinghot na matanda.
Bukas na ang lagusan patungo sa pamilyar na lugar...
Mas lalong dumagundong ang pagtibok ng puso ko habang nagsisimula na siyang
humakbang dito. Dahil ang kagubatang kanyang tatahakin ay ang...
Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko at agad kong sinundan si Claudeous sa pagtawid
sa lagusan.
"Hahanapin ko siya ina... sisiguraduhin kong ako ang kanyang magiging hari at
itatama ang lahat..." 2
Nakarating na si Claudeous sa kagubatan malapit sa Parsua Sartorias kung saan
naririnig ang malakas na agos ng tubig. Nagsimula siyang maglakad sa pagitan ng
matataas na damo ng kagubatan habang sinusundan niya ang ingay ng batis.
Nagsisimulang manlamig ang buong katawan ko, naghahalo ang kaba, pagtataka at
antipasyon sa aking anumang masasaksihan.
Hanggang sa kusang nanigas sa aking kinatatayuan ang aking mga paa nang marinig ko
ang aking sariling boses... ang aking batang boses...
"Hua! Hindi ako marunong lumangoy!"
Gumuhit ang ngiti sa mga labi ni Claudeous at sinambit ang mga katagang kumurot sa
aking dibdib.
"Ang aking diyosa..." 26
Narinig ko ang pagbagsak ng aking katawan sa batis, agad humakbang si Claudeous
upang ako'y tulungan ngunit sa isang iglap ay natagpuan ko itong 1
Nakahandusay sa lupa habang may kung anong nilalang ang pilit nagpapasubsob sa
kanya sa lupa upang hindi siya makatuloy sa akin.
Umawang ang bibig ko at sinubukan kong humakbang para tulungan siya ngunit hindi na
ako makagalaw, pilit nagpupumiglas si Claudeous para lumaban ngunit ang tangi niya
lang nagawa'y pilit abutin ang batis sa kanyang kanang kamay.
At isang anino ang tuluyang humarang sa kanyang mga mata upang ako'y hindi makita.
"Hanggang dito ka na lamang, mahal na prinsipe. Paumanhin." 117
Hindi nagawang makapagsalita ni Claudeous dahil sa lakas ng nilalang na pumipigil
sa kanyang aksyon.
Hanggang sabay-sabay namin marinig ang yabag ng mga kabayo.
"Dastan! Tayo na! Hinahanap na tayo ni Lily."
Chapter 37 13
Sa likod ng anino 4
Nang una kong masaksihan ang kagubatan ng Parsua Sartorias, ang naglalakihang mga
puno nito at ang malakas na agos ng tubig mula sa talon, hindi ko maiwasang hindi
humanga at mamangha na tila inaalis nito ang lahat ng aking suliranin, na nagagawa
nitong lamunin ang lahat ng mabigat na emosyon.
Isang lugar na tila nilikha lamang para pagaanin ang puso ng maliligaw rito. Ngunit
sa pagkakataong ito, habang pinagmamasdan ko ang nangyayari kay Claudeous at sa
lahat ng kanyang paghihirap, hindi ko na mahanap ang ganda at pagkamangha sa lugar.
Tila bigla itong naglaho na parang bula at lahat ay napalitan ng sakit. Ang lugar
na inakala kong habangbuhay na magbibigay sa akin ng ngiti sapagkat ang mga alaala
ko rito'y kasalo si Dastan, ngunit ang malamang sa bawat bitaw ng aming mga salita
sa isa't-isa ay may isang nilalang na pilit akong inaabot... 8
Hindi ko na maisip o magawang maramdaman ang kasiyahan sa lugar na kinatatayuan ko
sa mga oras na ito. Gusto kong tumakbo at magtago para patigilin na itong eksenang
hindi ko magawang matanggap, ngunit mukhang parte ito ng mga dapat kong masaksihan.
Hindi iilang beses kong pilit iginalaw ang aking mga paa, ilang beses sumubok kahit
imposible na tumulong sa kanya. Wala na akong maintindihan sa aking sarili habang
patuloy pinapanuod ang buong pangyayari.
Gusto kong tumakbo patungo sa kanya at yakapin siyang mahigpit, gusto ko siyang
ilayo sa nilalang na pinagmamasdan lamang siya na tila walang puso, gusto kong
ilahad ang aking mga kamay habang pilit niyang inaabot ang batis na kasalukuyan
nang nagpapakita ng mga anino namin ni Dastan. 16
Gusto kong abutin ang kamay niya nang mga panahong hindi ko iyon nagawa sa kanya...
Halos manakit ang lalamunan ko habang naririnig ko na ang pag-uusap namin ni Dastan
sa tabi ng batis. Masaya akong nagkrus ang landas namin ni Dastan ngunit hindi
maaalis nito ang sakit na nararamdaman ko kay Claudeous. Dahil ako ang malaking
parte ng paghihirap niya noon at ngayon.
"Itigil mo na..."
"Itigil mo na!" halos sigawan ko na ang sarili ko habang naririnig ang aking boses
na masayang nakikipag-usap kay Dastan. 4
Nasapo ko ang aking buong mukha habang patuloy ako sa pagluha, hinayaan ko ang
sarili kong ilabas ang lahat ng emosyong nagsasama-sama.
Ilang taon siyang naghintay, nag-aral at ginawa ang lahat para maging isang
karapat-dapat na hari sa hinaharap, labag sa loob na isinakripisyo ang kanyang ina,
ilang beses lumuha, pilit ginawang matatag ang sarili sa harap ng emperyong
naglaho. 41
Hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko dahil isa ako sa malaking parte ng
paghihirap niyang ito. Ako ang nagtakda sa dalawang pares ng lobo at bampira na
siyang naging sakripisyo 8
Buong akala ko'y ang pagtatama sa sumpang inilapat ng pinakamalakas na diyosa ng
kasaysayan ay siyang nag-iisang misyon ko ngunit ano itong aking mga nakikita? 1
Sinubukan kong takpan ang tenga ko para pigilan ang sakit. Sobrang hirap ng
sitwasyon ko, kailangan bang may panigan ako? Dapat ba ay hilingin kong walang
humarang? Dapat ba ay hilingin kong walang gumalaw ng dapat mangyari?
At kung hindi pinigilan si Claudeous... ngayo'y ako at si Dastan ay imposibleng...
9
Marahas akong umiling, mahal ko ang hari ng Sartorias, alam ko ito sa sarili ko.
Ngunit hindi ba at tama rin si Claudeous? Paano kung siya ang una kong nakilala? 35
Bakit hindi man lang namin naramdaman ni Dastan na may ibang nilalang na nasa
malapit sa mga oras na iyon? Sino ang makapangyarihang ito na nagawa niyang itago
ang kanyang presensiya at ni Claudeous sa aming dalawa ni Dastan? 15
STORY CONTINUES BELOW
Hindi siya mahinang nilalang para basta na lamang malinlang ang kakayahan ni Dastan
para makaramdam ng presensiya at hindi ito birong nilalang para basta na lang
mabihag ang isang malakas na prinsipe na katulad ni Claudeous. 1
Walang tigil sa pagpatak ng aking mga luha. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman
ko sa mga oras na ito, dapat ba akong magalit sa misteryosong nilalang na
kasalukuyang nakadungaw na tila walang emosyong pinagmamasdan si Claudeous habang
pilit itong ipinipiit sa lupa ng tagasunod nito? 3
Mas nanaisin ko ba na siya ang tumulong sa akin sa batis? Mas tama ba na siya ang
nauna at hindi si Dastan? 2
Ngunit siya'y isang uri rin ng liwanag, siya'y isang hari na katulad ko'y may
mithiin ng kapayapaan, siya'y tulad din ni Dastan... 5
Paano ako nakasisigurong si Dastan nga? Gayong kaming tatlo'y sadyang isinilang na
walang kapares? 23
Gulong-gulo na ako... 1
Dahil walang magawa ang aking mga paa, tila bumigay na rin ito. Napasalampak ako sa
lupa habang pilit kong pinagmamasdan ang misteryong nilalang na natatakpan ng
pinagsama-samang anino ng mga puno.
Sino ka? Para saan ang hakbang na ito? Hindi niya alam kung anong paghihirap ang
dinanas ni Claudeous para makarating dito. 2
Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko.
Ibinaba ko ang listahan na siyang maaaring gumanap at tumayo rito.
Si Haring Thaddeus ba na siyang kilala sa pakikipaglaro sa oras?
Si Nikos na alam kong nandito rin sa mga oras na ito?
Ang diyosa ng asul na apoy na siyang nagtakda sa amin ni Dastan?
Sino sa kanilang tatlo?
"L-leticia... mahal ko..." 1
Narinig ko ang boses ni Dastan, alam kong nagsisimula na akong gisingin ni Dastan
sa aking mahabang pagkakatulog. Ngunit marami pa akong nais malaman, hindi pa...
huwag mo muna akong tawagin Dastan.
Gusto ko pang malaman ang nangyari sa likuran natin nang sandaling magtagpo tayo sa
batis. 1
"Leticia..." napahawak ako sa aking labi nang maramdaman kong nag-init ito.
Hinahalikan ako ng hari para tuluyan akong magising sa gitna ng digmaan. Alam kong
nagsisimula na siyang matakot sa aking sitwasyon, ngunit hindi ito ang oras para
bumitaw ako.
Isa nang malaking pagkakataon ang makita ang parte ng nakaraan na siyang ipinagkait
sa atin at ang basta na lang itong bitawan ang huli kong gagawin. 6
Nang saglit kong ipikit ang aking mga mata, biglang ipinakita nito ang kasalukuyang
sitwasyon ni Dastan at ng mga Gazellian, nakapalibot sa amin ang kanyang mga
kapatid habang walang tigil sa pagpapaulan ng halik sa akin si Dastan.
Nakikita ko ang takot, sakit at matinding pangamba sa kanyang mga mata habang
paulit-ulit niyang sinasambit ang pangalan ko at paglapat ng kanyang labi sa akin.
Tila natagpuan ko ang aking sariling nakaupo sa isang madilim na lugar sa pagitan
ng dalawang uri ng liwanag na nakalutang habang ipinakikita ang dalawang hari na
ngayo'y isang katanungan kung sino talaga ang...
Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko habang pinagmamasdan si Dastan at ang halik
nitong umuulan sa akin at nang tumingin naman ako sa kaliwa ay si Claudeous na
pilit nanlalaban at inaabot ako sa kanyang nanghihinang kamay. 1
Dalawang hari sa pagkaibang panahon...
Dalawang hari na may magkaibang liwanag... 1
Dalawang hari na may iisang mithiin...
STORY CONTINUES BELOW
Ngunit ang trono'y nag-iisa...
Ang aking puso'y nag-iisa... 13
Ang buwan ay nag-iisa...
Kaninong direksyon ang aking dapat tahakin?
Sa araw o sa mga bituin? 93
Sa naiwang hari at lumalaban or sa haring pinaglaho ngunit patuloy pa ring
lumalaban? 15
Gusto kong humingi ng tulong sa mga oras na ito, ngunit sino? Saan? Bakit buong
buhay ko'y tila wala nang tumulong sa aking desisyon? Bakit wala man lang gumabay
sa akin? At sa tuwing may mga nilalang na gustong magpahalaga sa akin, nagsisimula
silang maglaho na tila mga bula.
Sa halip na magpatuloy sa pagtanaw kay Dastan o Claudeous sa pagitan ng kanilang
mga liwanag, hinayaan ko ang sarili kong sumubsob sa kadiliman. Alam kong imposible
nang magkaroon ng pagkalma sa aking sistema sa mga oras na ito, ngunit nais kong
sumubok. 1
Tila sasabog na ang dibdib at isipan ko sa lahat ng nalalaman ko. Ilang minuto kong
hinayaan ang sariling kong humagulhol at marinig ang sarili kong pag-iyak ngunit
hindi nito matanggal ang aking pag-iisip na tila wala na talaga akong takas.
Kailangan kong pumili sa oras na ito, kailangan kong harapin ang bagay na ito. Muli
kong hinarap ang dalawang uri ng liwanag sa magkaibang direksyon. Nahihirapan akong
tumayo habang ang aking mga mata'y naghahanap ng patutunguhan, hanggang tumigil ito
kay Dastan.
Tipid akong ngumiti kay Dastan.
"Magmumulat din ako, aking hari... ngunit sa oras na ito'y higit kong kailangang
sundan ang liwanag patungo sa kanya..." 75
Hindi ko alam kung nagawang abutin ng aking mensahe si Dastan ngunit natigil siya
sa paghalik sa akin, bago ko pa makita ang kanyang reaksyon ay tumalikod na ako at
sinundan ang direksyon pabalik kay Claudeous. 3
Muling napako ang aking mga mata sa nilalang na siyang may malaking papel sa
pangyayaring ito.
Sa tatlong pinagpilian, iisa lang ang kilala kong may kakayahan at lakas ng loob
magkaroon ng kontribusyon hindi lamang sa sarili niyang panahon.
Haring Thaddeus. Nasisiguro kong siya ang ngayo'y pumipigil kay Claudeous, kanyang
paglalakbay na maging dito'y walang pag-aalinlangan. Sapagkat si Dastan ay ang
kanyang panganay na anak. Kilala ang haring ito na kayang gawin ang lahat para sa
mga anak. 7
Kumbinsido na akong siya ang aninong nasa aking harapan ngunit sa pagtagal nang
pagtitig ko sa kanya ay sa pagbuo ng katanungan sa aking isipan. Ngunit sa panahong
ito'y siya'y nabubuhay pa...
Sino ang Haring Thaddeus na nasa harapan ko? Ang haring naglalakbay o ang
kasalukuyang nakaupo sa panahong ito?
Humugot ako nang paghinga nang muling alalahanin ang aking mga nasasaksihan, ilang
beses akong sumulyap kay Claudeous at sa mga anino namin ni Dastan.
Kumunot ang aking noo na may halong pagtataka.
May mga emperyong naglaho dahil sa pagpares ko sa bampira at lobo nang dalawang
beses. Ngunit naririto si Claudeous sa panahong wala pa ako sa pwesto bilang diyosa
ng buwan... 30
May hindi nagtutugma... may mali... 5
Paulit-ulit naglakbay ang aking mga mata sa mga anino namin ni Dastan, kay
Claudeous at sa nilalang na pumipigil sa kanya. Bumalik sa nakaraan ang lahat ng
pinagdaanan ko simula nang bumagsak ako sa talon, nakilala si Dastan, Nikos at ang
asul na apoy. 1
Suminghap ako at nasapo ko ang aking bibig nang napagdugtong-dugtong ko ang aking
katanungan at kalituhan.
Ilang beses akong napailing kay Claudeous. Alam niya ba ito?
Dahil hindi lang dinala ni Reyna Claudia si Claudeous sa natitirang emperyo kundi
dinala siya sa maling panahon... dinala siya sa nakaraan at hindi sa parehong
panahon kung saan sila totoong nabubuhay.
Si Claudeous ay nagmula sa hinaharap at hindi niya ito nalalaman. Pinaniwala siya
ng reyna at ng matandang tagabasa na parte ang kanyang nasasaksihan ng kasalukuyan.
16
May ibang mithiin si Reyna Claudia at ang Hari ng Gosos na hindi nalalaman ng
kanilang anak... 2
Walang dapat itama... walang dapat baguhin... inihanda nila si Claudeous sa isang
huwad na pag-asa. Dahil hindi nila ito dadalhin sa nakaraan kung may nais silang
itama... dahil ang pagtatama ay nararapat lamang sa kasalukuyan at hindi sa
nakaraan... 9
Tumulong muli ang luha ko.
Dahil tulad ng mga Gazellian at ng natitirang nilalang sa mundong ito, si Claudeous
tila isang parte lamang ng uri ng larong tinatawag na adheres, na may mga miyembro
na may sari-sariling silbi at kakayahan para mapanatili ang ikot ng laro. 5
Si Claudeous ay nagmula sa hinaharap. Nais ni Reyna Claudia na may baguhin si
Claudeous sa nakaraan... 4
Nakaupo ang reyna sa isang laro habang ang bawat daliri niya'y may dalang
mahahalagang desisyon na babago sa buong sistema o ikot ng buong Nemetio Spiran. At
sa sandaling mapagtagumpayan ni Claudeous ang matagal na nilang mithiin, ang
kanyang kamatayan ay mabubura sa kasalukuyan. 31
Isang malaking pagtaya sa sugal na inakala niyang kanyang maipapanalo, ngunit
lingid sa kanyang kaalaman... sa natitirang mga emperyo'y may mga nilalang na
katulad niya'y higit na bihasa sa ganitong klase ng laro. 9
Isang nilalang na inaakala ng lahat na mananatiling nakayuko at lumuluha sa likuran
ng mga anino... 3
Si Haring Thaddeus at ang malikot nitong isip? 3
O si Nikos na kinikilala ng mga Gazellian na siyang pumalit sa pwesto ng kanilang
ama sa larong ito?
Oh ang butihing asul na apoy na katulad ko'y katiwasayan lamang ang higit na
nanaisin sa lahat?
Kung may ilalakas pa ang pagdagundong ng bawat tibok ng puso ko, ngayon ko
sasabihing ito na ang pagkakataong ito. Nanlamig ang aking buong katawan, nanghina
ang aking mga tuhod at nagtindigan ang aking mga balahibo sa nasasaksihan ng aking
mga mata. 1
Isang nilalang na lingid sa kaalaman ng lahat na siyang matagal nang nakaupo at
nagtatago sa isang maskarang napupuno ng luha at pighati. 3
Isang nilalang na maaaring luhurin ng isang diyosang katulad ko...
Paghawi ng kanyang mahabang buhok ang unang tumama sa tumakas na sinag ng buwan
mula sa mga ulap at mga sangay bahagyang hinipan ng hangin.
Kanyang eleganteng tindig, presensiyang kahanga-hanga at mga matang punong-puno ng
libong emosyon sa paglipas ng maraming panahon ay nag-uumapaw.
Malaking embargo ang pilit na pumipigil kay Claudeous. 4
Sa utos ng kasalukuyang reyna ng Parsua Sartorias. 7
"Reyna Talisha..."
Hi! Thank you to everyone who wished me happy birthday during my special day! I
know this is quite late, haha. But I deeply appreciated all your messages. 28
Hope you'll enjoy this chapter :)
Chapter 38 5
Araw 2
Hinangad kong magpatuloy ang pangyayari sa nakaraang hindi nasaksihan ng aking mga
mata noon. Ngunit kasabay nang pagtama ng liwanag ng buwan sa kabuuan ng reyna ay
sa unti-unting panlalabo ng aking mga mata.
Isang pahiwatig na malapit nang matapos ang aking mga nakikita, sinubukan kong
maggagalaw at tangkaing abutin ng aking mga kamay ang reyna at ang hindi nito
mabasang ekspresyon ngunit ang katawan ko'y nagsisimula nang maglaho sa nakaraan.
Huling sulyap sa mga kamay ni Claudeous na pilit akong inaabot ang siyang naging
dahilan ng muling pagpatak ng aking mga luha hanggang tuluyan na akong hilahin
pabalik ng aking totoong panahon. 1
"Leticia..." tawag sa ngalan ko ang siyang sumalubong sa akin sa pagbabalik sa
sariling panahon.
Agad akong kinabig ng hari ng Sartorias at niyakap ng mahigpit, hindi ko nagawang
gumanti ng yakap sa kanya dahil sa matinding panghihina na aking buong katawan.
Hindi ko maalis ang galak nang sandaling maramdaman ang yakap niya, ang aking
pagbabalik sa kanya ngunit hindi nito magagawang tanggalin ang pagnanais kong
sana'y higit pa akong nanatili sa nakaraan.
Sapat na ba ang mga nakita ko?
Kagat ko ang aking pang-ibabang labi habang iniisip ang mga nasaksihan ko, kung ang
nakaraan ay ipinakita sa akin ni Claudeous, posibleng alam na nito na siya'y
nilinlang ng kanyang sariling ina, ngunit sapat na ba itong dahilan para siya'y
hindi magtanim ng galit sa kasalukuyang reyna ng Sartorias at sa ginawa nito? 2
Kinalas ni Dastan ang kanyang yakap sa akin at sinapo niya ang aking magkabilang
pisngi. Hindi ko magawang salubungin nang maayos ang kanyang mga mata dahil sa mga
oras na ito'y naghahangad akong makita si Claudeous. 7
Nais ko siyang makausap at malaman ang kanyang buong nararamdaman... 2
Sa kaunting panahon ng panunuod ko sa kanya, nasisiguro kong isang mabuting hari si
Claudeous at kung mabibigyan lang ako ng pagkakataong makipag-usap sa kanya,
maaaring siya'y maging kakampi at hindi kalaban. 2
Ngunit may kasiguraduhan ba akong ang aking mga nakita'y pawang mga katotohanan? O
isa lang itong mga ilusyon at manipulasyon para gumawa ako ng paraan na kusang
lumapit kay Claudeous? 1
Sinubukan kong ibuka ang aking mga labi at magsalita kay Dastan ngunit naunahan ako
ng Hari ng Sartorias.
Magaang dampi ng kanyang labi ang siyang nagpagaan ng aking dibdib, aking mga
mata'y pumikit at ang mga kamay na handa nang humaplos sa kanya...
Nais ko nang tuluyang matangay at hayaang damhin ang buong presensiya ng hari na
siyang matinding kailangan ko mula sa aking panghihina nang sunod-sunod na pag-ubo
at pagtikhim ang nakapagpahiwalay sa amin. 16
Kapwa nag-angat ang aming paningin sa kanyang mga kapatid na kasalukuyang
nakapalibot sa amin habang kami'y madiing pinuprotektahan, nakatalikod ang mga ito
sa amin habang ang kanilang mga atensyon ay nasa mga kalaban.
"Digmaan po ito, digmaan... malala na ang ubo ko, mga kapatid." Rinig kong sabi ni
Caleb. 76
"Nasamid ako, inaalala ako ni Claret..." umiiling na sabi ng Prinsipe ng mga nyebe.
44
"Ang lamig ng klima sa Parsua Deltora, tila ako'y magkakaroon ng karamdaman sa
baga." Sunod ni Finn. 25
Umiling na lamang si Casper at Evan. 4
STORY CONTINUES BELOW
Kunot ang noo ni Dastan sa likuran ng mga kapatid niya bago niya inabot ang kamay
ko at alalayan akong tumayo.
Ang lamig sa buong Parsua Deltora ay hindi lang hatid ng kapangyarihan ng prinsipe
ng mga nyebe dahil pati na rin sa tubig na mas lalong tumataas, hindi na magtatagal
ay malalamon na nito ang buong lupain ng digmaang ito.
Pansin ko na mariin ang titig ni Dastan sa lumulutang ni lotus na tila may
nararamdaman siya rito na hindi niya magugustuhan, bukod sa mga diyosa na itinuri
akong taksil.
Hindi ko nais maglihim kay Dastan, kaya kahit nag-aalangan ako ay pinasya kong
sabihin sa kanya ang ilan sa nasaksihan ko sa aking mahabang pagkakatulog.
"D-dastan... nagpakita sa akin ang Hari ng Gosos..."
Dumiin ang pagkakahawak ng kanyang kamay sa akin. May alam ba si Dastan sa mga
nakita ko? Bakit hindi niya ito ipinaalam sa akin? Kaya ba agad niyang nasabi na
kalaban si Hua dahil alam niyang may unang hari sa kanya?
Ngunit nasisiguro kong ang aming unang mga pagtatagpo ay walang halong pagpapanggap
mula sa Hari ng Sartorias.
"Hari ng Gosos." Malamig na banggit niya rito. 5
"N-nakita ko ang nakaraan..."
"Paumanhin, ngunit ang inyong usapan siguro'y maipagpapaliban, mahal na hari at
reyna. Hindi na namin maipagpapatuloy ang pagprotekta sa inyo at mas mabuting gawin
n'yo na ang pagpasok sa lumulutang na lotus bago nito tuluyang agawin ang buhay ng
ikalawang Prinsipe ng Deltora." 15
Marami akong nais sabihin kay Dastan at ramdam ko ang pagkakaroon ng tensyon sa
pagitan namin nang sandaling banggitin ko ang hari ng Gosos ngunit tama si Finn,
kailangan naming iligtas si Rosh.
Tumango si Dastan sa sinabi ni Finn, tila kinakausap na rin nito ang kanyang mga
kapatid sa kanilang mga isipan dahil nagsunod-sunod ang pagtango ng mga iyon.
Minsan nang nasabi ni Kalla sa akin na malaki ang problema ni Finn sa paggamit ng
kanyang kapangyarihan, ngunit sa nasasaksihan ko ngayon mukhang nagagawa na niya
iyong gamitin ng maayos.
"I can create a few illusions for few minutes to distract them. All you need is to
transport them successfully since I can't do this twice yet." Paliwanag ni Finn na
agad gumuhit ng pagprotesta sa mukha ng kanyang mga kapatid.
"Finn!" sinubukang tumutol ng kanyang mga kapatid ngunit lumawak lang ang ngiti
nito sa kanila.
"I can handle few minutes of it, brothers. Kalla helped me to train. Besides, if I
overused it, mawawalan lang ako ng malay. Just carry me home and deliver to my
mate. I'm fine. Let's hurry. The whole empire of Parsua needs Rosh's roses, kahit
nakakasawa na ang mukha niya." Sabi niya na may kasamang maiksing pagtawa. 27
Batid ko pa rin ang pag-aalinlangan ng kanyang mga kapatid, pero hindi na nila ito
isinalita dahil nakikita nilang buo na ang desisyon ni Finn. Sa huli ay muli silang
tumango sa isa't-isa.
Nakarating na rin si Evan na tumango sa amin ni Dastan. Sinubukan kong ilutang ang
aking katawan sa hangin gaya ng kung paano ako nakipaglaban ngunit hindi ko iyon
magawa, mukhang malaki ang nawala sa kapangyarihan ko mula sa mahabang
pagkakatulog. O tamang sabihin na ang paglalakbay sa nakaraan ay isang paraang
hindi pinahihintulutan sa Deeseyadah. Dahilan kung bakit hindi sanay ang katawan ko
sa paglalakbay sa oras.
"Hindi na magagawang makalipad ni Leticia." Si Dastan ang nagsabi sa mga kapatid
niya nang mapansin niyang sinubukan kong lumutang ngunit hindi man lang ako
gumalaw.
"Don't worry, Brother. This is our turn, trust us." Tipid na sagot ng prinsipe ng
mga nyebe. 1
Kung kanina'y halos magkakalapit sila habang nakapalibot sa amin ngayon ay lumawak
ang espasyo ng magkakapatid, ngunit ang bilog nila sa amin ni Dastan ay nanatiling
matibay at walang makalampas na atake.
STORY CONTINUES BELOW
Nang sandaling magbigay ng hudyat si Finn, hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya
nang sandaling lumutang siya sa hangin gamit ang kapangyarihan ni Casper.
Kasalukuyang nakaangat ang mga kamay niya kasabay ng kanyang mga matang
nagniningas. 5
Tila isang hipnotismo ang presensiya ng ikatlong prinsipe ng Sartorias dahil nagawa
nitong patigilin ang lahat ng mga mandirigmang naglalaban. At ang atensyon ng lahat
ay nasa kanya.
Nakapikit ang kanyang mga mata, dalawang mga braso ay nakabuka sa hangin habang ang
kanyang buhok ay banayad na nililipad nito, at nang sandaling ipitik niyang sabay
ang kanyang mga daliri biglang umalingawngaw ang malakas na boses ng prinsipe ng
mga nyebe, kasabay ng pagkabalot ng kadiliman sa buong kapaligiran.
Sa pamamagitan ng ilusyon ni Finn, ang buong Parsua Deltora ay nabalot na kadiliman
sa ilalim ng liwanag ng buwan.
Ako bilang isang diyosa ay hindi maiwasang mamangha sa kakaibang kapangyarihang
taglay ni Finn, isang uri ng manipulasyon na maging ang mata ng diyosang katulad ko
ay magagawang higitan. 1
Ngayon ko masasabing talaga ngang ang taglay na kakayahan ng bawat bampira sa
Emperyo ng Parsua ay dapat pangilagan.
"Now, brothers!"
Biglang yumanig ang lupa sa gitna ng kadiliman, kusang lumutang ang aking katawan
hindi dahil sa aking kapangyarihan kundi dahil sa bisig ng hari ng Sartorias,
binuhat niya ako kasabay nang kanyang biglang pagtalon sa ere.
Inakala kong katulad ni Finn ay tatangayin din kami ng hangin gamit ang
kapangyarihan ni Casper dahil sa lakas at lamig ng kapangyarihan niyang yumayakap
sa aking buong katawan, ngunit nang sandaling maramdaman kong tila bumaba si Dastan
mula sa mataas na pagkakatalon, napagtanto kong kami'y nakasakay sa isang
napakabilis na bagay.
Hindi rin nagtagal ay unti-unti nang bumabalik ang liwanag at tumambad sa aking mga
mata ang matigas na yelo na tila gumawa ng sariling daan mula sa lupa patungo sa
lumulutang na lotus sa himpapawid, habang tumatagal ang takbo ng aming sinasakyan
at umaakyat kami ni Dastan pataas.
Kami'y nakasakay ni Dastan sa hugis kahon na yelo na tila may maliit na gulong ng
karwahe, humigpit ang yakap ko kay Dastan habang nakatanaw ako sa mga kapatid niya
sa ibaba na nagsisimula nang lumiit ang mga pigura.
Nais basagin ng mga kalaban ang yelo na siyang nagsisilbing aming daan mula sa dulo
nito sa unahan hanggang sa dulo patungo sa lotus, ngunit ginagawa ng magkakapatid
ang lahat para hindi man lang ito magalusan.
Si Zen na ngayon ay nasa gitna at pinanatili ang tibay ng daan at bilis ng aming
sinasakyan ni Dastan, dalawang gawain sa isang sitwasyon. Si Caleb na siyang bantay
sa dulo gamit ang kanyang kakayahang gamitin ang lupa bilang pang-atake. Si Evan na
nasa tabi ni Zen na kapwa rin nakaangat ang kamay, dahil ang kanyang mala-
kuryenteng kapangyarihan ay tila gumawa ng bumibilog na katawan sa palibot ng yelo
na siyang dinadaanan namin ni Dastan, dahilan kung bakit sa tuwing may aatake mula
sa himpapawid, nakukuryente ang mga ito at hindi nagagawang makapasok at si Casper
na nakaagapay kay Finn sa himpapawid. 1
Kumuyom ang mga kamay ko sa balikat ni Dastan habang pinagmamasdan ang kanyang mga
kapatid.
"A-ang mga kapatid mo'y tunay na makakapangyarihan, Dastan..." humahangang sabi ko.
3
Kapwa man sila nakatalikod sa amin ngunit hindi ko maipaliwanag kung bakit tila
nakikita ng aking mga mata ang ngiti sa kanilang mga labi. Na sa kabila ng
kaalamang nasa gitna sila ng isang madugong digmaan, hindi namamayani sa kanila ang
takot at pangamba. 3
Muli kong kinagat ang pang-ibabang labi ko at hamakin ang sarili ko sa
pagdadalawang-isip tungkol sa posisyon na nararapat kay Dastan, hindi pagkakalooban
ng ganitong kalalakas na nilalang na susuporta sa kanya ang isang bampira kung wala
siyang hahawakang isang malaking responsibilidad.
Hindi pagkakalooban ang Emperyo ng Parsua ng mga bampirang may iba't-ibang mga
abilidad na hihigit sa bawat emperyong nabuhay sa kabuuan ng Nemetio Spiran kung
wala itong matinding dahilan.
"Because they are destined to serve a powerful king, Leticia." Kalmado ngunit may
diin ang mga salitang binitawan ni Dastan. 24
Nanatiling nakayakap ang aking mga braso sa kanyang leeg at hinayaan ko ang sarili
kong tumitig sa kabuuan ng kanyang mukha habang siya'y ang mga mata ay nasa
malaking bulaklak.
"Dastan..." gusto kong humingi ng tawad sa kanya. Kung kanina niya pang nababasa
ang isipan ko, alam kong alam na niya ang pag-aalinlangan ko sa pagitan nila ni
Claudeous. 1
Tila naglaho ang lahat ng nilalang sa digmaan at tanging kami ni Dastan ang naiwan
sa gitna ng kadilimang nagsisimula nang magkaroon ng malamlam na liwanag.
Namayani ang ihip ng hangin na kapwa tinatangay ang aming mahabang buhok, ang ingay
ng yelong di gulong na patuloy na tumatakbo, ang nagngingitngit na kuryenteng
nakapalibot sa amin na nakasunod sa haba ng daan at ang agos ng tubig mula sa
higanteng lotus na papalapit na sa amin.
Huminga ako nang malalim at mas humigpit ang yakap ko kay Dastan, katulad niya'y
dinala ko ang aking buong atensyon sa bulaklak na siyang naglalaman ng panibagong
yugto ng digmaang ito.
Muling bumalik ang ingay ng digmaan ngunit ang aking mga tenga'y nasa iisang ritmo
lamang bukas sa mga oras na ito.
Tibok ng puso kong iisa ang awitin sa haring itinakdang aking yayakapin. 4
Maraming katanungan ang pilit na gumugulo at naghahanap ng kasagutan mula sa
nakaraan, kasalukuyan at maging sa hinaharap...
Maraming kwento ang hindi pa rin nasisiwalat...
Maraming tauhan ang hanggang ngayon ay nabubuhay pa ring mga misteryo...
At isang uri ng palaisipang laro na tila wala pa sa kalagitnaan...
"Isang larong hindi sila... kundi tayo, aking reyna, ang tatapos." Huling niyang
mga salita bago niya inilabas ang simbolismong tanging siya lamang ang may
kakayahang humawak sa buong kasaysayan ng Nemetio Spiran. 8
Kanyang mga kapatid ay lumuhod bilang paggalang at ang mga kalaban ay tila nanghina
sa presensiya nito.
Inangat ng Hari ng Sartorias ang kanyang espada sa ere, hindi mula sa kanyang dugo
kundi mula sa nakasisilaw liwanag kawangis ng araw.
A/N +
Hi angels! Kung sobrang nalalaliman na kayo sa tagalog, you can read my other
works. Prince and Ferell Series. I tend to use deep tagalog (trying hard) in
Gazellian Series to make it a realistic historical-fantasy fiction, at hindi maging
jeje. Haha. Please get used to it. We have 10 installments in this series so
goodluck sa ilong nating lahat! 85
Chapter 39 22
Ikatlong Reyna
Nagpatuloy sa mabilis na pagtakbo ang karro na gawa sa yelo mula sa kapangyarihan
ng prinsipe ng mga nyebe. Ang kidlat na lumilibot sa mismong aming dinadaanan ay
binigyan pa rin ng proteksyon ni Evan, ang hangin mula kay Casper ay iniiwas ang
anumang atake mula sa ere, mga sibat at palaso ay hindi nakakalampas kay Caleb at
ang ilusyon ni Finn ay nananatili pa rin nakalilinlang sa napakaraming kalaban. 1
Ngunit sa ngayo'y ang enerhiyang mahigpit naming kalaban ay ang siyang nagmumula sa
lumulutang na lotus, pilit kaming itinutulak ni Dastan nito pabalik sa lupa dahilan
kung bakit unti-unti na namin nararamdaman ang pagbagal ng takbo ng karro.
Matindi ang koneksyon namin ni Dastan sa presensiya ng kanyang mga kapatid kdahil
halos nakayakap na ang mga kapangyarihan nito sa amin, dahilan kung bakit madali
nilang nararamdaman kung ano ang sitwasyon namin ni Dastan.
Si Zen ang unang nakadama nito dahil sa paggalaw ng karro, sinubukan niyang
magdagdag ng pwersa ngunit higit na malakas ang nagtutulak pabalik sa karro.
Nanatiling nakataas sa ere ang lumiliwanag na espada ni Dastan, ngunit sa kabila ng
nag-uumapaw na kapangyarihan na namumula sa maalamat na espada sa kamay ng hari,
hindi nito maitatago ang pamumuo ng kanyang pawis. Hindi lingid sa aking kaalaman
na hindi madalas gamitin ng hari ang espadang ito at ang biglaang paglalabas nito
sa gitna ng digmaan ay maaaring magdala ng hindi kasiguraduhang tagumpay.
Hindi ko man alam ang buong impormasyon tungkol sa kakayahan ng espada niya may
ilan pa rin akong nalalaman tungkol dito, bukod sa may sarili itong buhay, karakter
na kabaliktaran sa nagmamay-ari nito, isa rin itong uri ng espada na nais humingi
ng kapalit at negosasyon sa gagamit sa kanya. 6
At sa nakikita ko sa mga mata ni Dastan, alam kong wala na siya sa mundong ito.
Siya'y kasalukuyan nang naiipit sa isang dimensyon na tanging siya at ang kanyang
espada lamang ang maaaring magpalitan ng salita. 5
Kanyang presensiya'y nananatiling nandito, ngunit ang kanyang isipan ay siguradong
nakikipagtunggali sa maalamat na espada.
Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi, sa kabila ng baliktad na karakter ng espada
at nagmamay-ari nito, may mga bagay pa rin silang mahigpit na pagkakapareho.
Ang espada at ang hari ng Sartorias ay kapwa may angking talino at ang tunggalian
ng kanilang mga salita at palaisipan ay sana'y hindi tumagal ng ilang minuto sa
mundong ito.
Sinubukan kong ihiwalay ang aking sarili kay Dastan habang matikas pa rin siyang
nakatindig na tila hindi nawawala ang kanyang diwa sa kanyang katawan. Huminga ako
nang malalim kasabay ng aking dalawang kamay na unti-unting humahawak sa kamay ni
Dastan na may hawak ng nagliliwanag na espada. 1
Lumingon ako sa likuran upang bigyan ng hudyat ang kanyang mga kapatid, alam kong
hindi na lingid sa kanilang kaalamang ang kanilang hari'y kasalukuyang naiipit sa
isang dimensyon.
Kailangan naming tulungan si Dastan, habang siya'y hinuhuli ang loob ng maalamat na
espada at pinatutunayan ang kanyang sarili, kami'y gagawin ang lahat upang may
sumalubong sa kanyang daan patungo sa tagumpay.
"Mahal na Reyna," bulong ni Finn sa aking isipan.
Ito ang isa sa hinahangaan ko sa magkakapatid na Gazellian, ang mga salita'y hindi
na kailangan sa kanila upang kanilang mabasa ang sitwasyon. Tila ang pinakamaliit
na detalye sa kanilang magkakapatid na walang pagkakataong makalampas sa kanilang
mga mata.
STORY CONTINUES BELOW
"Finn..."
Pinilit kong patatagin ang boses ko. Sa mga oras na ito, hindi kay Dastan
nakasalalay ang paglapit namin sa bulaklak, ang magkakapatid na Gazellian ay umaasa
sa akin na ipagpapatuloy ang nasimulan ng hari.
Hindi ko na nagawang lumingon pabalik sa magkakapatid ngunit sa pamamagitan ng
kapangyarihan ni Finn nagagawa niyang ipasok sa aking isipan ang kanilang imahe at
ang kanilang paraan para tulungan ako.
"Mahal na Reyna, sana'y mapagtagumpayan mo ito. Ito na ang huling gabay na maaari
naming ibigay lima." Tumango ako sa sinabi ni Finn. 2
Hindi man nila sabihin sa akin o kay Dastan, nagsisimula na silang manghina at
hindi magandang ibigay nila ang lahat upang tulungan kami ni Dastan dahil may
tungkulin pa rin sila sa lupa.
"Gagawin ko Finn..."
"Ito na ang huli..." ulit niya.
Humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay ni Dastan na nagdadala ng nagliliwanag na
espada.
Mas bumabagal pa ang pagtakbo ng karro na gawa yelo, ipinikit ko ang aking mga mata
kasabay nang pagbabago ng posisyon ng magkakapatid na Gazellian, ang kaninang
pabilog ay naging isang pantay na linya habang nakatanaw sa amin ni Dastan.
Ang mismong mga kawal, babaylan at iba pang mandirigmang mga bampira na mula sa
Parsua ang siya ngayong kasalukuyang nakabilog sa kanila upang sila'y protektahan.
"Kaya ko 'to... kaya natin 'to, Dastan..." mahinang sabi ko sa hari na nanatiling
mulat at nakatitig sa lotus.
Nangangatal ang dalawa kong kamay habang nakahawak sa espada, ipinikit ko ang aking
mga mata. Pilit ko man inaalis ang mga sagabal sa aking isipan at bigyang diin ang
aking buong atensyon sa lotus at sa mga Gazellian na nasa aking likuran, kung ano-
anu na lang ang biglang pumapasok sa aking gunita.
Simula nang mamulat ako sa bagay na pinili kong ipaglaban, hindi na ako nawalan ng
pag-asang sundan ang liwanag. Tila ito na ang nagmistulang aking daan na patuloy
kong tinatahak anuman ang aking makaharap.
Sa aking mga nararanasan, tuluyan ko nang tinanggap na ako'y ipinanganak upang
mabuhay sa tabi ng liwanag. Mula sa sinag na buwan na siyang aking pinaglingkuran
hanggang sa pagku-krus ng aming mga landas ng asul na apoy, na siyang nagtakda sa
akin sa haring kasalukuyang humahawak ng kakaibang uri ng espada na naglalabas din
ng kakaibang liwanag, isang uri ng armas na tanging siya lamang ang may kakayahang
mangalaga.
Ang bampirang sumisimbolo sa araw... 2
Kung ang aking mata'y nasaksihan ang Hari ng Gosos, anong misteryo naman kaya ang
dala ang ikalawang hari na tulad ni Dastan at Claudeous ay nagtataglay rin ng
kanyang sariling liwanag?
Ang Haring sumisimbolo sa apoy, ang haring nakaupo sa emperyo ng Jedalya.
Sa paglapit namin ni Dastan ay sa paglakas ng enerhiyang pumipigil sa amin upang
makalapit, hindi lang mga diyosa kundi kapangyarihang nagmumula sa hindi na
pamilyar na presensiya ng mga bampira.
Tahimik akong nanalangin na sana ay nasa maayos na kalagayan ang mga Le'Vamuievos
dahil nangako ako sa kanilang prinsesang ibabalik ko silang tatlo ng buhay.
Ngunit sa aking pagkakapikit, tila ako naman ang dinala sa kakaibang panahon. Hindi
sa haring sumisimbolo sa mga bituin kundi sa ikatlong hari na may hawak ding
liwanag.
Ang aking diwa'y dinala sa Emperyo ng Jedalya.
Sumisiklab na kamay ng batang lalaking nagtatago sa sanga ng malaking puno ang
siyang sumalubong sa akin. Ang kanyang apoy ang nagmistulang liwanag sa gitna ng
madilim na kagubatan.
STORY CONTINUES BELOW
Ang kanyang mga mata'y punong-puno ng determinasyon habang nakatitig sa matayog na
palasyong nakatindig sa hindi kalayuan.
Kumunot ang noo ko, kung ganoon ay hindi isang maharlika ang kasalukuyang Hari ng
Jedalya?
"Ahren, sigurado ka ba sa gagawin natin?" tanong ng ikalawang batang lalaki sa
batang may hawak ng apoy.
Agad napangalanan ang haring sumisimbolo sa apoy. Si Haring Ahren.
"Kung hindi natin pupwersahin ang palasyo, ano ang mangyayari sa naghihirap nating
bayan? Habang sila'y nagpapakasarap ay hindi man lang nila naiisip ang mabababang
bampirang katulad natin." 1
Katulad ni Dastan at Claudeous ay may sarili rin paninindigan ang kasalukuyang hari
ng Jedalya, ngunit bakit tila kakaiba na ang imaheng ipinahahatid niya sa
kasalukuyan? Lalo na't umanib siya sa mga diyosa, posible kayang tama ang hinala
ko? Siya'y nasa ilalim ng manipulasyon.
"Ngunit hindi ba't nagkaroon na ng anunsyong magkakaroon na ng malawak na
pakikipagkalakalan sa mga karatig-emperyo?"
"At sa tingin mo ba may makikinabang ang mga mababang bampirang katulad natin?"
"Ahren, hindi lang ito tungkol sa mga bayan na nais nating tulungan. Tungkol din
ito sa'yo, hindi ka ba natatakot sa balita? Nagkaroon na ng impormasyon ang palasyo
sa bampirang isinilang na may kakayahang manipulahin ang apoy. At ang
pinakamalaking eskandalo ay wala iyon mula sa mga maharlika. Iinit ang mga mata
nila sa'yo." 1
"Hindi tayo mahuhuli." Madiing sagot ni Ahren.
"Wala pa sa kasaysayan ng Jedalya na may isinilang na bampirang may kakayahang
humawak ng apoy na labas sa mga maharlika, kung hindi mo man mamasamain... Ahren...
ikaw ba'y---"
"Totoo akong anak ng mga magulang ko, Kalas." 12
Hindi na nakapagsalita pa ang batang lalaking nagngangalang Kalas dahil sa lalong
pagliliyab ng kamay ni Ahren.
"Tatlong parte ng palasyo ang magliliyab, Kalas. I will distract them, collect the
foods, the gold, and even some of the books. Magkita muli tayo rito matapos ang
isang oras." Tumango si Kalas at kapwa nila tinakpan ang kalahati ng kanilang mukha
ng itim na maskara.
Kahit manunuod lang ako, hindi ko mapigilang kabahan sa gagawin ng dalawang batang
bampira. Ang pagsugod at pagnanakaw sa palasyo ay isang malaking kahangalan.
Tulad ng plano'y sunod-sunod nagliyab ang iba't-ibang parte ng palasyo, nakarinig
ako ng utos mula sa heneral, mga yabag ng mga kawal at hudyat ng trumpeta para
bigyang alam ang bawat nilalang sa palasyo na may nakapasok na kalaban.
Si Ahren ang siyang unang nagpakita sa mga kawal at ilang minutong natigilan ang
mga ito nang masaksihan ng kanilang mga mata na ang batang nanloob sa palasyo ang
siyang pinag-uusapang may kakayahang manipulahin ang apoy.
Tagaktak ang pawis ni Kalas habang walang tigil sa pagsasako ng mga ginto, tinapay
at mga aklat sa tatlong sako. Alam kong mali itong ginagawa nila ngunit tila ang
aking puso'y sa kanila nakapanig. 2
Hindi na nakagugulat ang angking galing ni Ahren sa pakikipaglaban sa mura niyang
edad ngunit habang tumatagal ay mas dumadami na ang humahabol sa kanya. At hindi na
rin niya nagagawang ilagan lahat ng pana at atakeng nagmumula sa kanyang likuran.
May mga babaylan na rin humahabol sa kanya na may kakayahang magpaulan sa kanya ng
tubig na papatay sa kanyang kapangyarihan.
Isang malaking bolang apoy ang kanyang pinakawalan na umagaw sa kalahati ng kanyang
lakas, muntik na siyang matumba kung hindi siya agad nakahawak sa pader bilang
suporta.
Lakad takbo na siya kasabay ng kanyang mabigat na paghingal, sa ngayo'y pinili niya
na munang magtago at hindi lumaban, hinang-hina na siya at hindi niya inaasahan ang
mga babaylan na hahadlang sa kanya.
Ngunit sa kanyang pagtatago ay dinala siya sa silid na nakapagpatulala sa kanya
dahil sa kasalukuyang nakadungaw sa kanya.
Ito'y isang estatwa na tila buhay na buhay, isang malaking dragon na kasalukuyang
ipinakikita ang malalaki nitong pangil na parang anumang oras ay bubuga sa kanya
nang mas malaking apoy. 6
Kilala ang palasyo ng Jedalya sa makasaysayang lugar kung saan inilagak ang isa sa
pitong makapangyarihang dragong nabuhay sa kabuuan ng Nemetio Spiran at ang dragong
ito ay siyang may pinakamalakas na kapangyarihan pagdating sa elemento ng apoy. 17
Tila hindi makahinga nang maayos si Ahren sa kanyang nakikita.
At napasigaw na ako nang inakala kong nabuhay ang dragon at ginawa nitong atakehin
si Ahren, ngunit higit akong mas nagulat sa pamilyar na nilalang na tanging sa
iisang emperyo ko lamang matatagpuan.
Hindi maaari...
Pati ba sa emperyong ito'y nagawa niyang---
Sa likuran ng estatwang dragon, ang pamilyar na pigura ng kasalukuyang reyna ng
Sartorias ang siyang nagpakita. 26
Pumipiglas si Ahren sa ilalim ng embargo.
"W-who are you!?"
Sa halip na sumagot ang reyna ay panibagong anino ang lumabas, isang eleganteng
bampira na nakikilala kong reyna ng Jedalya. 1
"Leave my son alone, you cunning Queen of Sartorias." 1
Umawang ang bibig ni Ahren sa narinig niya sa reyna ng Jedalya.
"Bakit hindi iyon ang gawin n'yo ni Claudia? Leave my son alone." Suminghap ako sa
sinabi ni Reyna Talisha. 24
"Hindi ko alam ang sinasabi mo Talisha."
"Eh? Ayaw ng aking alaga ng mga sinungaling lalo na't nagugutom siya."
"Why can't you play fair? Isa sa mga anak natin ang uupo sa pwesto ngunit
humahadlang ka sa kanila. You can't dictate the future, Talisha." Humalakhak nang
napakalakas si Reyna Talisha sa paraang may halong pang-iinsulto. 16
Kailanman ay hindi ito pumasok sa imahinasyon kong maririnig ito mula sa kanya.
"Wala akong balak sumali dahil may tiwala ako sa mga anak ko. At hinahayaan ko nang
gawin ng aking hari ang inaakala niyang tama, I can be the kindest Queen of all...
but..." humakbang na si Reyna Talisha at taas noo niyang nilapitan ang reyna ng
Jedalya.
"Ibang usapan na kung kinanti n'yo ang mga anak ko. My King can leave clues to help
them... pero ibahin mo ako dahil kapag ako ang gumalaw... I can kill for my
children, na hindi kayang gawin ni Thaddeus, Reyna Aenor."
Chapter 40 8
Mga liham
Sa ilang beses kong paglalakbay sa nakaraan, hindi ko magagawang itanggi ang aking
pagdududa sa mga ikinikilos ni Reyna Talisha, may parte sa sarili kong nais ko
siyang hangaan dahil sa kabila ng pagkakakilala sa kanya ng lahat ay isang reyna
palang may itinatagong kamandag, na ang siyang mabibiktima'y tiyak na mahihirapang
makahanap ng lunas. 2
Hindi ko itatangging sa unang pagsaksi ng aking mga mata sa nakaraan at sa paraan
ng pagpigil ni Reyna Talisha kay Claudeous ay nagduda na ako sa kanya. Nagawa
niyang pakielaman ang dapat mangyayari sa hinaharap na siyang inakala ko sa una. 5
Ngunit nang hinayaan ko ang sarili kong pakaisipin ang aking mga nasaksihan,
binigyan nitong linaw na hindi ang Reyna ng Parsua Sartorias ang unang kumikilos.
Umaksyon siya dahil nauna si Reyna Claudia, nais nitong baguhin ang nakaraan sa
pamamagitan ng pagbabalik ng kanyang anak mula sa hinaharap patungo sa pangyayaring
siyang orihinal nang nakasulat sa tadhana.
At ngayon nama'y sa nakaraan ni Ahren, agad nabalot ng katanungan ang aking isipan
sa unang paglabas ng reyna mula sa likuran ng estatwang dragon. May ilang sandaling
nais kong sumang-ayon sa sinabi ni Reyna Aenor, bakit nga ba hindi na lang hayaan
ng reyna ang tadhana at ang kanilang mga anak ang kumilos?
Ngunit natigilan din ako sa aking iniisip, ito na naman ba ako at huhusgahan ang
reyna sa kapirasong parte ng nakaraan? Isa na naman ba itong hakbang upang masiguro
ang magiging trono ni Dastan sa hinaharap o isa na naman itong kasagutan sa atakeng
unang ibinigay ng panibagong reyna?
Ang katanungang ito'y nasagot nang sandaling ang nakaraan ay dalhin ako sa Parsua
Sartorias.
Hindi pumasok sa isip ko ang pagkakataong dadalhin ako sa nakaraang inakala kong
nasaksihan na ng aking mga mata.
Ang pagmamahal ng isang reyna sa kanyang anak ay talagang kahanga-hanga, mula kay
Reyna Claudia hanggang kay Reyna Aenor.
Ngunit ano nga ba ang bersyon ng reyna mula sa Emperyo ng Parsua Sartorias sa
likuran ng kanyang gintong pintuan na binabantayaan ng mahiwagang kuneho? Ano nga
ba ang misteryong nakapaloob sa likuran ng gintong pintuan na siyang saksi sa
totoong katauhan ng kinikilalang reyna ng Sartorias? 2
Isang payapang gabi ang sumalubong sa akin sa Emperyo ng Parsua Sartorias,
maliwanag ang sinag ng buwan, umaawit ang mga kuliglig, mga kawal na matiyagang
nagbabantay sa kanilang mga posisyon at banayad na pagwagayway ng watawat sa tuktok
ng palasyo. 1
Sa pinakamataas na bahagi ng palasyo'y nananatiling nakabukas ang ilaw at bintana.
Ang silid na hari at reyna.
"Mahal, nakatanggap ako ng liham mula sa Parsua Deltora." Sabi ni Reyna Talisha na
nagbuburda sa tabi ng bintana habang ang hari'y nagbabasa ng kanyang aklat sa kama.
"Liham para sa akin, Mahal?"
Ibinaba ni Reyna Talisha ang kanyang ibinuburda at hinarap niya ang hari na nasa
kanya na rin ang atensyon.
"Inaanyayahan ni Haring Raheem si Dastan at Zen na manatili ng ilang araw sa
kanilang palasyo upang magkaroon ng katunggali ang kanilang mga anak sa pag-eensayo
sa espada. Ibinalita nilang dumating ang kilalang maestro sa paggamit ng espada at
kalasag sa Emperyo ng Parsua Deltora."
"Hmm... maging si Zen? Hindi kaya magkagulo na naman sila ni Rosh? Bakit kaya hindi
magkasundo ang dalawang iyon?" tipid ngumuso ang hari na tila isang malaking
misteryo ang hindi pagkakasundo ng dalawang prinsipe. 17
"Ngunit hindi ko nais umalis mag-isa si Dastan, sa ilang araw na gagawin nilang
pananatili sa Deltora, maaaring maayos ang hindi pagkakaintindihan ni Zen at ng
ikalawang prinsipe ng Deltora. Isa pa, hindi rin gugustuhin ni Zen na hayaang mag-
isa ang kanyang kapatid sa paglalakbay."
STORY CONTINUES BELOW
Nanatiling tahimik si Haring Thaddeus.
"May mga aralin pa bang kailangang tapusin ang ating mga prinsipe, Mahal na hari?
Tila nag-aalinlangan ka sa imbitasyon ni Raheem. Baka magdamdam ang iyong
kaibigan."
Bumuntong hininga si Haring Thaddeus.
"Ngunit paano si Lily? Ang ating prinsesa ay wala nang ibang ginawa kundi humabol
sa dalawa niyang kapatid." 5
"Hmm... isang napakalaking suliranin nga, Mahal na Hari." Nagbibirong sabi ng
reyna.
Tuluyan nang isinara ng hari ang kanyang aklat. "Sa sandaling makabalik na si
Dastan at Zen mula sa Deltora... nais kong solusyunan ang ating suliranin iyan,
Mahal na Reyna." 26
Narinig kong kusa nang nagkandado ang pintuan ng hari at reyna. 5
"Natutulog na ba si Lily?" natatawang tanong ng reyna nang biglang nawala sa kama
ang hari, nakaluhod na ito at humahalik sa kanyang hita. 33
Ramdam ko ang pag-iinit ng aking pisngi, ang nakaraan ay inihatid ako sa kasagutan
kung saan higit na namana ni Dastan ang pagpili sa paboritong parte ng kanyang
pangil. 7
"Katabi siya ngayon ni Dastan at Zen, probably biting her brothers' wrist one at a
time hanggang sa maunang makatulog iyong dalawa." Saglit natawa ang reyna sa sinabi
ng hari.
"Everyone's spoiling our princess. Baka lumaking maldita si Lily sa ginagawa n'yo."
22
"W-what again, my Queen? Spoiling me? Yes..."
Hindi ko na sinaksihan pa ang mga sunod na mangyayari. Alam kong nangyari na ito sa
nakaraan ngunit nais ko pa rin silang bigyan ng pribadong oras para dito. 1
Pinagpatuloy ko lamang ang aking panunuod nang tapos na sila, natutulog na si
Haring Thaddeus habang nakayakap sa kanyang reyna. Ngunit si Reyna Talisha ay
nanatiling gising habang may hawak na dalawang liham. 2
Dumilim ang kanyang ekspresyon nang pasadahan ng kanyang mga mata ang nilalaman ng
mga liham at bago pa gumalaw ang hari at mas humigpit ang yakap sa kanya, kusang
nagliyab sa apoy ang dalawang hilam hanggang sa maging manipis na usok na lamang
ito. 4
Pinatay na ni Reyna Talisha ang lampara at sinaluhan na niya ang hari sa pagtulog.
Buong akala ko'y dito na matatapos ang aking mga masasaksihan, ngunit malaki ang
ipinagpasalamat nang sa pagmulat ko'y nasa parte pa rin ako ng nakaraan. Ang
katanungan tungkol sa mga sulat ang siyang nais kong malaman.
Nasa isang silid si Reyna Talisha kasama ang kanyang kanang kamay na putting
kuneho, ang reyna'y abalang muli sa kanyang pagbuburda habang ang kuneho'y nakayuko
at tila nagbabalita sa kanya. 1
"Magaling, Lumps. Buong akala ko'y bibiguin mo ako."
"Iyon ang hinding-hindi mangyayari, Mahal na Reyna. Tulad ng inyong ipinag-utos,
nagawa ng aming grupong hanapin ang pinakamagaling na maestro ng espada at kalasag.
Ngayo'y nakatigil na siya sa Parsua Deltora tulad ng inyong nais." 1
"At nasunod ang mga plano ko, Lumps. Inimbitahan na nga ni Raheem ang aking mga
anak. Ang pananatili ni Dastan sa loob ng Parsua ay kailangan sa loob ng Linggong
ito."
"Ang desisyon mo, Mahal na Reyna, ang siyang laging magwawagi. Anong maaaring rason
ang makapagpapalabas kay Prinsipe Dastan sa loob ng Parsua?"
"Ang desisyon ng hari, Lumps. Dalawang emperyo ang kapwa nagpadala ng imbitasyon
kay Dastan sa iisang araw at nais ng mga itong manatili sa kanilang palasyo ang
aking prinsipe ng ilang araw."
STORY CONTINUES BELOW
Ibinaba na ni Reyna Talisha ang kanyang ibinuburda, tumayo siya at tumanaw sa
kanyang bintana.
"Isang imbitasyon na hindi kayang tanggihan ni Thaddeus. Ito'y pagpapatibay ng
samahan ng alinmang emperyo, Gosos at Jedalya. At ang partisipasyon ng susunod na
hari ang siyang kailangan. Dalawang liham mula sa magkaibang emperyo, ngunit may
iisang hangarin. Nais nilang mailayo ang aking anak sa Parsua sa pamamagitan ng
paggamit ng maskara ng politika. Isang hangaring tila nakakapag-isip..." tipid na
ngumisi si Reyna Talisha.
"Ito kaya'y hindi nakita ng hari? Si Haring Thaddeus ay may talinong hindi-"
"Matalino ngunit hindi marunong gumalaw sa maduming laro." Sagot ng Reyna.
Ngayon naman ay pinaglalaruan na ni Reyna Talisha ang ilang dilaw na bulaklak sa
kanyang magarang plorera.
"Si Haring Raheem ang kanyang matalik na kaibigan, at alam kong hindi niya ito
matatanggihan."
Hindi na muling nagsalita pa si Lumps nang biglang mabuksan ang pintuan ng silid ng
reyna, iniluwa nito ang binatilyong prinsipe ng mga nyebe.
"Mother," yumuko siya bilang pagbati.
"Zen..."
"I want to join Dastan, nangangako akong pakikitunguhan ko nang maayos si Rosh. I
want to meet the great master of swords."
"Did you ask your father?"
"He told me to ask you. Sino ba talaga? Can't you trust me? Hindi naman ako
manggugulo doon. It's one in a lifetime chance to meet the master of swords, he's a
traveler. At bihira nang magawi siya sa Parsua. Please, Mother..." 5
"Hmm... you should promise something..."
"What is it, Mother?"
Sa isang iglap ay nakabalik ang reyna sa kanyang magandang upuan, inilahad niya ang
kanyang kanang kamay sa kanyang anak.
"Come here, my son."
Tila ang mga salitang iyo'y pamilyar na sa tenga ng prinsipe ng mga nyebe, dahil
kusa nang humakbang ang kanyang mga paa at tinahak ang distansya sa pagitan nila ng
reyna.
Agad naupo sa sahig ang prinsipe ng mga nyebe at inihilig niya ang kanyang mga
braso sa kandungan ng reyna na tila isang bata.
"Kailan ba huling naglambing sa akin ang prinsipe ng mga nyebe?" nawiwiling tanong
ni Reyna Talisha habang hinahaplos ang buhok ng kanyang anak.
"Mother... I don't know how to explain this, but I had this urge not to let Dastan
travel alone. There's something-" umiiling ang prinsipe ng mga nyebe na parang
hirap na hirap siyang sabihin sa reyna.
Natigil sa paghaplos sa kanya si Reyna Talisha, huminga siya ng malalim bago
ngumiti at muling hinaplos ang prinsipe ng mga nyebe.
"You can go with your brother, Zen."
Nag-angat ng tingin sa kanya ang prinsipe ng mga nyebe na tila nabuhayan ng loob.
"In one condition."
"Avoid Rosh? I can do it." 1
"No, I want flowers, Zen. Gusto ko sa sandaling umuwi kayo pabalik dito sa
Sartorias mula sa Deltora, dalhan n'yo ako ng magagandang bulaklak na matatagpuan
lamang sa malapit Batis ng Teru." Saglit kumunot ang noo ni Zen. 21
"Ang batis dito sa Sartorias na pinamumugaran ng mga sirena?" tumango ang reyna.
Pinakatitigan ni Zen ang kanyang ina, bago siya ngumiti rito. "I'll give you
flowers, Mother."
Akala ko ay tuluyan nang aalis ang prinsipe ng mga nyebe sa pagkakalugmok sa
kandungan ng kanyang ina nang maging ako ay magulat sa kanyang ginawa. Mabilis
humalik si Zen sa pisngi ng kanya ina, pansin ko ang pamumula ng tenga ng prinsipe
ng mga nyebe bago ito tumuwid ng pagkakatayo. 2
Pero ang higit na nakagulat sa aming lahat ay ang tikhim mula sa gilid ng pintuan,
nanlalaki ang mga mata ng prinsipe ng mga nyebeng nilingon si Dastan na nakasandal
at nakakrus ang mga braso.
Nakangisi ang binatilyong si Dastan.
"Our father already approved your journey with me. What are you doing, Zen?"
"H-he did?! Sabi niya magpaalam daw ako kay ina."
Napahakbang ako nang ilang beses paatras nang makita ko ang kakaibang paggalaw ng
mga mata ng binatilyong si Dastan kay Zen bago ito nagsimulang maglakad patungo sa
kanyang ina. 16
Yumuko siya at mabilis humalik sa kaliwang pisngi ng kanyang ina.
"We'll go today, Mother."
"Mag-ingat kayong dalawa." Kapwa tumango ang dalawang prinsipe.
Hindi rin nagtagal ay nagpakita na rin si Haring Thaddeus.
"Sons, let's go. Ihahatid ko kayo sa hangganan ng ating emperyo." Nagawa pang
kumindat ng hari sa kanyang reyna bago niya inakbayan ang kanyang mga anak at
ginulo ang mga buhok ng mga ito habang papalabas ng silid.
"Don't forget about the flowers, Zen." Pahabol ni Reyna Talisha.
"Yes, Mother!"
Tinanaw ni Reyna Talisha at Lumps mula sa silid ang dalawang prinsipe at ang hari
na kapwa na nakasakay sa kanilang mga kabayo. Ilang tagasunod pa ang nagtulong-
tulong para ihiwalay si Lily sa kanila bago ang mga ito kumaway sa kanila bilang
pamamaalam. 1
Kumuyom ang mga kamay ng reyna sa hamba ng kanyang bintana.
"Invitations is just the beginning, Lumps..."
"Should I send groups to-"
"No, katulad ni Thaddeus ay matalino rin si Dastan. Agad niyang malalaman na may
grupong nakasunod sa kanila. I can't take the risk to show my picture in light. All
we need is to have another accomplice like my son, Zen."
Ang prinsipe ng mga nyebe ang nagdala kay Dastan patungo sa batis na siyang
binagsakan ko, sa pag-aakalang ang mga bulaklak malapit dito ang siyang mithiin ng
reyna.
At mukhang nakukuha ko na ang nais ng reyna, para masiguro niyang masusunod ang
lahat ng kanyang mga plano, kailangan niya pa ng tulong mula sa Deltora na hindi
magkakaroon ng panghihinala.
Katulad ng prinsipe ng mga nyebe.
"Get me a rose scented paper, Lumps. I need to send a letter to another innocent
prince." 1
"Yes, My Queen."
Suminghap ako sa sinabi ng reyna, buong akala ko ay may hangganan na ang malalaman
kong mga pagtulong at sakripisyo niya, ngunit ang malamang may ambag rin siya para
masiguro ang aming matagumpay na pagkikita ni Dastan ay isang bagay na hindi lang
magdadala sa aking pagkamangha... kundi pati na rin isang malaking katanungan.
Hanggang saan pa ang iyong partisipasyon, mahal na prinsipeng sinasamba ng
kalikasan?
Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko nang magsimulang magsulat si Reyna Talisha.
Magandang Araw, Prinsipe Rosh...
Chapter 41 8
Kakampi
Isang magandang klase ng ibon ang siyang pinagdala ng reyna ng kanyang liham. Kapwa
sila nakatanaw ng kanyang alagang kuneho sa bintana ng palasyo habang papalayo ang
pigura ng ibon sa alapaap.
"Sa larong liwanag ang tunggalian, ano ang isang pinakamalakas na bagay na siyang
dapat ay nasa panig mo?" tanong ng reyna sa kanyang kanang kamay. 6
Ilang minutong natahimik ang kuneho, pilit itong nag-isip ng kasagutan para sa
kanyang reyna ngunit ang tangi niya lang nagawa'y hawakan ang kanyang dalawang
sentido. 2
Tipid na tumawa ang reyna bago hinawi ang kanyang mahabang buhok. Tumalikod na siya
sa bintana at pinagsalikop niya ang kanyang mga kamay sa kanyang likuran.
Tulad ng isang tunay na reyna, elegante siyang naglakad kasabay ng mga
makakahulugan niyang mga salita na tila parang nalalaman niyang hindi lang si Lumps
ang nakakarinig sa kanya.
"Ang liwanag ay parte ng kalikasan. Mainam na kakampi sa ganitong klase ng laro. At
sa mundong ginagalawan natin ngayon, may isang prinsipeng isinilang..." sadyang
binitin ni Reyna Talisha ang kanyang dapat sasabihin.
"Hindi para sambahin ang kalikasan... ngunit para pagsilbihan siya. Isang magaling
na kakampi, hindi ba, Lumps?" 23
Nang sandaling bahagyang lumingon pabalik ang reyna sa kanyang kuneho habang
nanatiling nakasalikop ang mga kamay sa kanyang likuran, tila ang kanyang mga
mata'y tumama sa akin.
Ramdam ko ang pagsikip ng didbib ko, nakikita niya ba ako?
"K-kung nakatakda siyang humawak ng ganitong klase ng kapangyarihan, hindi ba dapat
ay hindi lang iyon ang taglay niya? Maaaring may angking talino rin siya at sa
huli'y madali niyang malalaman-" hindi maituloy ni Lumps ang kanyang sasabihin.
Huminga muna siya ng malalim bago muling nagsalita sa reyna.
"Hindi natin siya maaaring sabihing inosente kung kalaunan ay malalaman niyang
parte pala siya ng isang uri ng sagupaan ng palaisipan. Ang pag-uutos n'yo sa
prinsipe ng mga nyebe ay hindi maaaring siya ring gawin sa ikalawang prinsipe ng
Deltora."
"Lumps, sinasabi mo ba na higit na matalino ang prinsipe mula sa Deltora kumpara sa
anak ko?"
"H-hindi po, Mahal na Reyna!" nangangatal na sagot ng kuneho.
"Prince Rosh is still young, unexperienced and carefree, katulad ng mga anak ko. If
the time comes that he'd already realized his role in this game, I'll be ready to
face him."
Yumuko ang kuneho sa sinabi ng reyna.
"For now, allow the Queen to move her pieces..." 10
Natulala ako sa huling salitang binitawan ng reyna. At hanggang ngayon ay hindi ko
na alam kung saan at paano ko susundan ang larong pinaiikot ng reyna.
**
Mabilis akong dinala sa nakaraan kung saan patungo na sa Deltora ang magkapatid na
Gazellian, inihatid sila ng ni Haring Thaddeus sa hangganan ng Sartorias.
"Mag-iingat kayo mga anak." Dahil nasa gitna ang kabayo ng hari, nagawa niyang
abutin ang ibabaw ng ulo ng kanyang dalawang anak at bahagyang ginulo ang buhok ng
mga iyon.
"Dastan, take care of your little brother." Tumango si Dastan sa hari.
"A-ama naman... wala akong gagawing gulo. And what? Little brother? Dastan and I
are almost the same height." Nakangusong sabi ni Zen. 1
"It's not about the height, let's go. We'll be back, Father." Ngumiti si Haring
Thaddeus bago pinatakbo ni Dastan at Zen ang kanilang mga kabayo patungo sa Parsua
Deltora.
STORY CONTINUES BELOW
Buong akala ko ay agad na kaming dadalhin sa tagpo kung saan nakarating na sila sa
Deltora ngunit naging saksi pa ako sa maliit na parte ng kanilang kabataan.
Kasalukuyang nangangarera ang magkapatid na Gazellian habang kapwa tumatawa.
Nangunguna si Dastan habang pilit humahabol sa kanya si Zen. Nanlaki ang mga mata
ko nang subukang magpaulan ng matatalas na yelo si Zen patungo sa kanyang kapatid,
pero mabilis nakagawa ng espadang gawa sa kanyang sariling dugo si Dastan at walang
kahirap-hirap na piniraso ang mga yelo.
"Is that all, Zen?!" sigaw ni Dastan na nakakalayo na ng takbo.
Ngumisi ang prinsipe ng mga nyebe at muling umatake sa kanyang kapatid. Panay atake
ang ginagawa niya habang depensa lamang si Dastan, ngunit hindi pa rin niya iyon
maunahan.
"Y-your damn horse is faster!" reklamo ni Zen sa kanyang kapatid.
Humalakhak muli si Dastan na mas nagpabilis ng tibok ng puso ko. Siguro'y sa
panahong ito ko lamang siya masasaksihang tumawa ng ganito, hindi lang ang kanyang
tinig ang nasisiyahan kundi pati na rin ang kanyang mga mata. Mga panahong hindi pa
hawak ni Dastan ang responsibilidad bilang isang itinakdang hari.
"I heard... Rosh is a good horse racer. Hmm..." 2
Tila lalong nagsiklab sa pagkainis ang prinsipe ng mga nyebe, mas dumiin ang
pagkakahawak niya sa renda ng kanyang kabayo at uminit ang titig niya sa likuran ni
Dastan. Nagsisimula na siyang makahabol. 1
Ngunit sa mata ko bilang isang diyosa, alam kong sinadya rin ni Dastan bagalan ang
kanyang kabayo para makahabol ang kanyang kapatid.
Ngumiti ako.
Nang abutan niya si Dastan ay agad tumaginting ang kanilang mga espada, gawa sa
yelo at dugo na alam kong higit pang matibay sa anumang uri ng espadang gawa sa
talim.
Ilang minutong nagsagupaan si Zen at Dastan habang patuloy sa mabilis na pagtakbo
ang kanilang mga kabayo, kung titingnan hindi aakalain na magkapatid ang mga itong
nagkakatuwaan lamang.
Sa pagtagal ng kanilang pag-e-espadahan hindi maipagkakailang nangunguna pa rin si
Dastan, nagagawa na niyang daplisan ang kanyang kapatid sa braso, katawan at sa iba
pang parte kung gugustuhin niya.
Hindi ko maiwasang humanga kay Dastan, sa kanyang murang edad ay makikita ang
kanyang abilidad sa pakikipaglaban.
Sa huli ay itinalang na sa ere ni Dastan ang espadang gawa sa yelo at malakas
niyang sinalubong ng suntok sa mukha si Zen dahilan kung bakit nahulog ito sa lupa.
"Fuck!" iritadong sabi ng prinsipe ng mga nyebe.
Natigil ang pagtakbo ng kanilang mga kabayo, tumalon si Dastan para tingnan ang
kapatid niyang bumagsak. Pino pa rin ang lakad niya hanggang sa marating niya ang
nakahiga niyang kapatid na nananatiling nakahiga, ang kanang braso nito ay
nakatakip na sa kanyang mata habang umuusal siya ng sunod-sunod na mura sa sarili.
Magkasalikop ang mga kamay ni Dastan sa kanyang likuran habang nakadungaw sa
kanyang kapatid.
"Are you crying?" 11
"Shut up!"
"I can let you win like Lily, you know-" 3
"Shut up, Dastan!"
Ngunit hindi inaasahan ni Dastan ang biglang pag-atake sa kanya ni Zen, huli na
bago siya nakagawa ng espadang gawa mula sa kanyang dugo dahil pinaulanan na siya
ng matatalas na yelo. Ang tanging nagawa niya ay umiwas at madaplisan dahilan kung
bakit hindi niya nakita ang atake ni Zen sa kanya.
Isang malakas na suntok ang nakapagpabagsak kay Dastan sa lupa.
Sa halip na magalit sa pandaraya ng kanyang kapatid, nakita ko ang tipid na ngisi
ni Dastan bago niya pinatid si Zen at pumangibabaw roon. Hanggang sa paulanan niya
ng suntok ang kapatid.
STORY CONTINUES BELOW
Sa huli nagpagulong-gulong ang dalawang Gazellian sa lupa habang halinhinan sa
pagsuntok sa bawat isa. Natigil lamang ang mga iyon nang kapwa may bahid na ng dugo
ang kanilang labi at kilay, kapwa sila humihingal habang nakahiga sa lupa at
nakatanaw sa kalangitan.
Akala ko'y mananatiling mamayani ang kanilang mabibigat na paghinga ngunit ng
tumawa si Zen ay agad siyang sinundan ni Dastan.
Tila ang buong kapaligirang saksi ng mapaglarong magkapatid ay mas nagliwanag nang
mangibabaw ang kanilang paghalakhak.
Sumuntok si Dastan sa braso ni Zen.
"'Wag mo 'kong ipahihiya sa Deltora, Zen."
"Ikaw rin." 8
**
"Ano'ng nangyari mga mahal na prinsipe? Kayo ba'y naka-engkwentro ng mga kalaban?"
Nag-aalalang tanong ng magandang bampira sa dalawang prinsipe. Kung hindi ako
nagkakamali, siya ang reyna sa Parsua Deltora. Ilang beses niyang hinaplos ang
pisngi ni Dastan at Zen.
"Raheem, dapat ay nagpadala tayo ng mga susundo sa kanila, nakakahiya kay Talisha."
Sa likuran ng hari at reyna'y nakatayo ang mga anak nila. Si Tobias na tipid na
nakangiti, si Rosh na may mukhang nanunuya habang nakikipaglaban ng titig kay Zen,
si Pryor na mukhang lipad ang isipan at si Marah na namumula habang nakatitig sa
prinsipe ng mga nyebe. 10
Tumikhim si Dastan.
"Simpleng gasgas lamang po ito, Mahal na Reyna. Hindi n'yo na po kailangang mag-
alala."
Muling nagbago ang nakikita ko, nalipat ito sa ibang tagpo kung saan abalang
nakalinya ang mga tagasunod ng Parsua Deltora kay Rosh habang nag-aabot ng iba't-
ibang kulay ng papel.
Eksaktong padaan si Zen na pawis na pawis mula sa pag-e-ensayo.
"Hindi na ba ako titigilan ng liham ng mga kababaihan?" umiiling na sabi ni Rosh na
basta na lang pinapasadahan ng kanyang mata ang mga papel. 15
Tamad na sumulyap sa kanya ang prinsipe ng mga nyebe.
"Probably they're tired of me, ignoring their letters. Ipinadala na sa'yo." Nagusot
ni Rosh ang mga liham sa kanyang kamay. 13
"Ha! Ano'ng ibig mong sabihin?!"
"Mas makisig ako sa'yo, Le'Vamuievos." 7
Nawalan na ng kulay sa mukha ang mga tagasunod nang makita nilang nagsisimula nang
lumiit ang distansya sa pagitan ng dalawang prinsipe. 4
Pero bago pa man magkainitan ang dalawa, dumating na si Tobias at Dastan na
pumagitna sa kanilang dalawa. 1
"Isang magandang araw para mag-tsaa!" bati ni Tobias. 5
"Tea party, indeed." Sagot ni Dastan. 1
Sabay napamura si Zen at Rosh, at huli, natagpuan ko ang mga itong nakaupo sa
paligid ng isang bilog na lamesa habang umiinom ng tsaa.
Si Dastan at Tobias lang ang nag-uusap. Si Mara ay nanatiling tulala kay Zen, si
Zen na nakatitig lang sa tasa at si Rosh na inaabutan pa rin ng isang tagasunod
para basahin ang kanyang mga liham. 1
"Akala ko ba'y ititigil mo na ang pagbabasa ng mga liham, Rosh?" tanong ni Tobias.
4
Pagkakatapos mabasa ni Rosh ang liham ay inihahagis niya ito na agad pinupulot ng
kanyang tagasunod.
"No way. Hinding-hindi titigilan ni Rosh magbasa ng mga sulat. Those are letters of
compliments, kung gaano siya kakisig, kalakas at kamangha-manghang bampira sa balat
ng lupa. He'll die if he'll ignore the compliments." Ikinumpas na ni Marah ang
kanyang kamay sa ere. 7
"Seriously?" bulong ng prinsipe ng mga nyebe.
"Shut up, Marah. You spoiled brat. These are political letters, hindi ko sila
masisisi kung hindi nila maiwasang magbigay sa akin ng papuri---" natigil ang
pagsasalita ni Rosh ng mahawakan niya ang isang papel.
Dumagundong ang puso ko habang nakikita ang biglang pagbabago ng kanyang reaksyon,
agad kumunot ang noo ng mga nasa harapan niya na tila naagaw rin ang buong
atensyon.
Gusto kong dumungaw sa liham ngunit may hangganan ang naabot ng aking mga mata sa
nakaraan.
"What is it, Rosh?" tanong ni Tobias.
Pansin ko ang biglang pangangatal ng kanyang kamay na siyang nakahawak sa papel.
Hindi na niya nagawang sumagot dahil marahas siyang napatayo, nagusot na ang papel
na hawak niya, at agad siyang tumalikod sa mga nanunuod sa kanya.
"Nais kong sabihin n'yo kay Amang Hari at Inang Reyna na mawawala ako ng ilang
araw. I'll visit the Le'Vamuievos shrine, alone." 5
Sinubukang magprotesta ni Tobias ngunit agad nang naglaho si Rosh at ang tanging
naiwan ay piraso ng mga rosas.
**
Isa muling pangyayari sa nakaraan ang nagbigay sa akin ng katanungan. Sa isang
pamilyar na kagubatan na siyang pinagtagpuan ng lahat.
Walang tigil sa pagtakbo ang ikalawang prinsipe ng Deltora, may bahid na ng dugo sa
kanyang buong katawan at makikitang hindi birong pakikipaglaban ang kanyang
naranasan para lang makarating sa kagubatang iyon.
Ngunit sa kabila ng kanyang panghihina, hindi maipagkakailang ang buong kagubatan
ay tila lumuluhod sa kanya, ang kanyang bawat paggalaw ay parang hinahabol ng hapay
ng mga puno at hindi niya iyon napapansin.
"W-which part!?" sigaw niya na parang litong-lito na.
Parang may hinahanap ang ikalawang prinsipe ng Deltora. Nang makita niyang may
kumislap na sa kanyang mga mata na alam kong siyang talon kung saan ako nahulog,
agad tumalon ng mataas ang prinsipe.
Ang kanyang buong kabuuan ay tinamaan ng liwanag ng buwan. Ngunit ang mas
nakapagpagulat sa akin ay ang punyal na hawak niya. 1
Ang aking punyal...
Marahas niyang inihiwa ito sa kanyang kaliwang palad dahilan kung bakit mabilis
dumaloy ang kanyang dugo. Humugot siya ng pulang-pulang rosas at hinayaan niyang
maligo iyon ng kanyang dugo.
Sa malamig na ihip ng hangin, sa liwanag ng buwan at sa nakatanaw na kagubatang
siya'y sinasamba.
Ang ikalawang prinsipe ng Deltora'y nagpaulan ng sariling dugo mula sa kanyang
rosas, at ang bawat patak ng kanyang dugo'y pag-usbong ng magagandang klase ng
bulaklak. 9
Bulaklak na siyang magdadala sa prinsipe ng mga nyebe at kay Dastan sa talon na
siyang sasalubong sa akin. 3
At sa kasabay ng pagtapak muli ng kanyang mga paa sa lupa... ay ang maingay na
pagbagsak ng punyal mula sa kanyang mga kamay sa kailaliman ng mahiwagang talon na
siyang saksi ng kasaysayan.
Chapter 42 1
Paghaharap 1
Kung pinili kong manatili sa Deeseyadah at hindi sumalungat sa nais ng mga diyosa,
ako kaya'y hindi makakaranas ng ganito?
Hindi kaya ako mahihirapang sagutin ang mga katanungang ngayo'y pilit akong
binabagabag ngayon? Ako kaya ngayo'y tumatawa sa tabi ni Diyosa Neena habang
nakaupo kanyang balon habang kasama si Hua? 2
Ako ba'y magiging masaya at mapayapa? Ako kaya'y hindi magkakaroon ng pagkakataong
gamitin ang kapangyarihan ko upang makapanakit ng ibang nilalang?
Biglang bumalik sa akin ang magagandang alaala aking iniwan sa Deeseyadah, sa
tuwing aawit si Diyosa Neena, ang magagandang tanawin ng puti at ginto, ang
magagandang salita ni Hua.
Masasabi ko bang may katuturan ang salitang bansag sa akin na Diyosa kung hinayaan
ko ang buhay kong umikot lamang sa magagandang nais makita ng aking mga mata? Isang
diyosang walang nais makamit, walang nais marating, walang nais ipaglaban at itama.
Nais ko na bang bumalik sa aking dating buhay? Isang uri ng diyosa na hindi
nakikita ng lahat at hindi nabibigyan ng responsibilidad?
Ang magagandang imaheng aking nakikita ay unti-unting nalalagyan ng lamat, ang
maamong mukha ni Diyosa Neena ay dahan-dahang naglalaho at ang kanyang mga tawa na
tila musika ay humihina na sa aking pandinig.
Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi, ito nga'y magaganda at hindi nakasasakit sa
dibdib ngunit kung hinayaan ko ang sarili kong manatili doon, kailanman ay hindi
ako makakaramdam ng matinding kasiyahan. Isang uri na kasiyahan na alam kong sa
sandaling naabot na ng aking mga kamay ay hindi lang aking puso ang magagalak kundi
ang mga nilalang na nakapalibot sa akin.
Tila ang salamin na nagpapakita sa akin ng aking dating kasiyahan ay unti-unti nang
nababasag.
Humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay ni Dastan na nakahawak sa kanyang
nagliliwanag na espada, habang siya'y nanatili pa rin naglalakbay sa ibang
dimensyon.
Ipinikit ko ang aking mga mata at marahan kong hinalikan ang kanyang kamay. Ramdam
ko pa rin ang buong presensiya na nakaagapay sa amin, naghihintay na lang sila sa
akin ng hudyat upang ibigay ang aming huling atake.
O tamang sabihin na unang atake patungo sa lumulutang na lotus.
Kung iisipin, ang lahat ng komplikasyong nangyari sa loob ng Nemetio Spiran ay
nagsimula nang magmahal ang pinakamalakas na diyosa na siyang nangangalaga ng
balanse at kaayusan ng mundong ito.
Ngunit isang bawal na pag-ibig na nagresulta sa matinding inggit sa kapangyarihan
ang sumira sa lahat. Ang pitong pinakamatataas na pwestong inakala ng lahat na
hindi mabubuwag ay tila isang alamat na lamang, isang lumang kwento na hindi na
muling mabibigyang buhay at isang uri ng masamang apoy na hanggang kasalukuyan ay
patuloy na sumisiklab.
Isang suliranin na tila pilit hinihila ang isang maharlikang pamilya sa bawat
komplikasyong hatid nito.
Ito ba'y nagkataon lamang o ito'y bunga ng isang hakbang sa nakaraan na siyang
naging ugat ng patuloy na pagkakadawit ng mga Gazellian?
Hanggang ngayon ay palaisipan ang matinding koneksyon ng mga Gazellian sa nakaraan.
Ito ba'y nagsimula ng sandaling maglakbay si Haring Thaddeus at Danna? Kung saan ay
nakasalubong nila ang diyosang kasalukuyang tumatakbo mula sa pamilyang nais
magsuplong sa kanya sa sakim na hari? 2
Hanggang saan ang nalalaman ni Haring Thaddeus sa nakaraan, kasalukuyan at
hinaharap? Siya ba'y sinadyang itali ang mga anak sa nakaraan upang sa paglipas ng
panahon ay unti-unting maitama ang maling pangyayari ng nakaraan? 1
STORY CONTINUES BELOW
Anong laro ang pinaglalaban ng tatlong reyna at ang nakatagong pakikipagtunggali ng
mga ito sa paglipas ng maraming taon?
Kung matagal nang alam ni Reyna Talisha ang hakbang ng hari, may nalalaman kaya si
Haring Thaddeus sa hakbang ng kanyang reyna?
Anong malaking tungkulin ng bampirang ilang taong sinisisi ng lahat sa kasalanang
hindi nito ginawa?
Ang pinakamalakas na diyosa at ang dalawa nitong anak, sila ba'y mananatiling
tahimik sa gitna ng umuusbong na digmaang ito? 3
Ano ang dahilan kung bakit tila hindi nais ng Deeseyadah ang paghahari ng isang
bampirang hindi naabot ng kanilang manipulasyon? Ano ang kanilang itinatago?
Sino si Hua at ang pinaglilingkuran nitong hari?
Dastan... gumising ka na...
Nagsimula na akong bumulong sa kanyang isipan. Sa paglapit namin sa lotus, sa
paglakas ng enerhiya ng mga diyosang alam kong hindi magdadalawang isip na kitilin
ako.
Kailangan nang gumising ni Dastan at samahan akong sagutin ang mga katanungan,
dahil ang mga ito'y hindi malulutas ng kahit sino. Tulad ng sabi ni Kalla, ako lang
at si Dastan ang may kakayahang sagutin ang mga ito.
"Dastan, katulad ng iyong mga kapatid... matatapos din tayo. Malulutas natin ito."
Ngumiti ako kasabay ng mas lalong pagdiin ng kamay ko sa liwanag na espada.
Ang ugat ng nakaraan ay siyang unang gumapang sa kanilang prinsesa, si Lily na
siyang aking itinalaga bilang bampirang may kakayahang sumalungat sa sumpa ng
pinakamalakas na diyosa sa pag-iibigan ng lobo at bampira. Ang aking pagpili kaya
sa kanya'y dulot ng ihip ng tadhana? Tulad ng isang koleksyon ng nota sa isang
papel na ang tanging kailangan lang gawin ay lapatan ng musika. 4
Ang sumunod ay ang paglapat ng puting sumpa, ang pamilyang inakala ng diyosang
siyang tatanggap at magliligtas sa kanya mula sa sakim na hari'y mga traydor pala.
Ang pamilya'y ginawaran ng isang kahindik-hindik na sumpa na hindi lang kikitil sa
kanila kundi sa bawat henerasyon ng mga bampira. Ang sumpa'y nagpapasa-pasa sa
iba't-ibang nilalang sa bawat paglipas ng panahon, isang uri ng pagkakakulong,
kalungkutan, dalamhati at pagsisisi ang nais iparanas ng diyosa sa sinumang hahawak
ng sumpa. Ngunit isang Gazellian, si Finn na tumakas mula sa responsibilidad ang
naligaw at nabighani sa babaeng kung tingnan ng lahat ay isang halimaw dahil sa
sumpang kanyang dinadala. At ang kanilang pag-iibigan ang pumutol sa puting sumpa.
7
Ang huli'y ang pagtuklas sa kaalamang ang diyosa'y nananatiling buhay, nagtatago,
nanghihina at nagdadalamhati sa lahat ng kanyang paghihirap. Isang diyosang hindi
na naghahangad ng kalayaan. Ngunit ito pala'y nag-iwan ng bakas, isang palaisapan
ng kanyang totoong mensahe. Ang kanyang mga naramdamang emosyon mula sa nakaraan ay
alam niyang magdudulot ng iba't-ibang komplikasyon sa hinaharap, mula ang kanyang
matinding galit, paghihiganti, at pagdaramdam. Ang diyosa'y gumawa ng susi upang
matuldukan ang paulit-ulit na pagsisi ng bawat emperyo sa nangyari sa nakaraan sa
mga inosenteng nilalang na hindi pa isinisilang ay nakatakda nang magdusa. Isang
muling Gazellian, si Evan ay umibig sa isang babaeng nagtataglay ng dugo ng
masamang bampirang nagsimula ng kasakiman. At ang kanilang pag-iibigan, ang daloy
ng luhang dulot ng kasiyahan at pagmamahalan ang siyang naging susi upang muling
magmulat ang diyosa ng nakaraan. 16
Kung iisipin, ang mga Gazellian ay may malaking parte sa bawat ikot ng buong
Nemetio Spiran. Ang kanilang pamilya'y tila nakatali na sa nakaraan at nakakatuwang
isipin na ang mga kapatid ni Dastan ay nagawang mapagtagumpayan ang kanilang pag-
iibigan, hindi lang dala ang kanilang mga puso kundi pati na rin ang kapakanan ng
mga nakapaligid sa kanila. 1
Si Lily at Adam na nagpalaya sa pag-iibigan ng dalawang lahi. 3
Si Finn at Kalla na nagpatigil sa walang katapusang pagsasalin ng puting sumpa. 3
STORY CONTINUES BELOW
Si Evan at Naha na muling nagbigay ng kalayaan sa diyosa at nakapagpatigil sa
kasakiman ng unibersidad na nabubuhay lamang sa maling paniniwala. 2
At ngayong kami ni Dastan ang nahaharap sa aming laban, na hindi lang aming pag-
iibigan ang kailangang mamayani kundi ang aming mga kapangyarihan at kakayahan. 1
Magagawa kaya namin itong ipanalo? 5
Dahil ang laban naming ito ni Dastan ay hindi basta parte lamang, hindi ito
pagbuwag sa maling paniniwala, hindi ito sumpa na kailangang putulin at lalong
hindi ito paghahanap ng susi para sa isang saradong pintuan.
Laban ito ng buong Nemetio Spiran. Hindi lamang sa pagitan ng mga lobo at bampira,
hindi sa loob ng sinumpaang tore at lalong hindi sa unibersidad na tanging mga
konseho ang kalaban.
Ang labang ito'y sa pagitan ng mga diyosa, mga hari't reyna, mga pinuno ng
makakapangyarihang nilalang, malalakas na emperyo, at ng nilalang pa sa hinaharap.
Huminga akong muli nang malalim, masyado nang malayo ang nararating ng isip ko.
Siguro ay ganito talaga kung nahaharap ka sa mabigat na sitwasyon, naghahanap ka ng
rason para kapitan at harapin ang problema, naghahanap ka ng bagay na higit na
magtutulak sa'yo upang magpatuloy.
"Mahal na Reyna." Bulong ni Finn sa aking isipan.
Hindi man ako lumingon sa kanya ang aking tipid na pagtango ay isa nang malaking
indikasyon ng sunod naming gagawin.
Ang aking mga mata'y madiing nakatitig sa lotus, ang karrong gawa sa yelo ay
patuloy sa pagtakbo, ang espada ni Dastan ay patuloy sa pagliwanag. Sa loob ng
aking isipan ay gumuhit ang bawat kilos ng magkakapatid na Gazellian.
Sila ngayo'y napapalibutan ng makapal na yelo upang bigyan sila ng proteksyon, ang
magkakapatid ay kasalukuyang nakahilera at kapwa nakaharap sa amin ni Dastan.
Bakas na sa kanilang mga mukha ang matinding pagod at panghihina, ang ilan sa
kanila ay tila babagsak na anumang oras. Ngunit kilala ko ang magkakapatid na
Gazellian, hinding-hindi nila nanaising ilapat ang kanilang mga tuhod sa lupa kung
nalalaman nilang may isa sa kanila ang patuloy pang lumalaban. 1
Mananatili silang natayo kahit lampas na ito sa hangganan ng kanilang kakayahan.
Unang naglabas ng kanyang espadang gawa sa yelo ang prinsipe ng mga nyebe. Isang
beses siyang humakbang at mas pinalakas ang kanyang hawak. 1
"Para sa Sartorias!"
Sinundan ko ng dasal ang kanyang salita. "Para sa Sartorias..."
Sumunod na humakbang si Finn, ang kanyang espada'y tila isa ring uri ng ilusyon.
Para ito walang totoong katawan dahil ito'y naglalaho at lumilitaw sa bawat
segundo.
"Para sa Deltora!"
Katulad ng una kong ginawa'y sinundan ko rin iyon. "Para sa Deltora..."
Humakbang na rin si Evan gamit ang kanyang espada na gawa sa kidlat, may kakaibang
uri rin ito ng liwanag. "Para sa Avalon!" 2
"Para sa Avalon..."
Sumunod si Casper at ang kanyang espadang gawa sa hangin. "Para sa Trafadore!"
"Para sa Trafadore..."
Ang huli'y si Caleb at ang kanyang espadang gawa sa bato. "Para sa buong emperyo ng
Parsua!"
"Emperyo ng Parsua..." usal ko. 1
Buong akala ko'y ako na ang tuluyang magmamanipula ng espadang nagliliwanag ni
Dastan, ngunit nang maramdaman ko ang paggalaw ng kanyang mga bisig at ang marahang
pagyakap niya sa akin habang kapwa kami nakahawak sa liwanag, hindi pa man namin
nararating ang tutok ng bulaklak, pakiramdam ko'y malapit na kami sa tagumpay.
"Dastan..."
Mas humigpit ang pagkakahawak niya sa aking mga kamay.
"Now, Brothers!" 1
Nang namayani ang boses ni Dastan, isa-isang inihampas ng kanyang mga kapatid ang
kanilang iba't-ibang uri ng espada. Enerhiya mula kay Zen na tila nababalutan ng
walang katapusang nyebe, kay Finn na yumakap dito na siyang nakapagpalakas ng
atake, yumakap rin ang kidlat mula kay Evan, hangin mula kay Casper at malalaking
tipak ng bato mula kay Caleb. 2
Iba't-iba man ang kanilang kapangyarihan ngunit ang kanilang parehong layunin ang
siyang may kakayahang makapagpaisa sa kanila. 8
Mas inangat pa ni Dastan ang kanyang espada at alam kong hinihintay niya na lamang
lumampas sa amin ang pag-atake ng kanyang mga kapatid upang ito'y aming samahan.
"Para sa Nemetio Spiran!" Matigas na banggit niya na walang kahit sino ang may
kakayahang tuminag. 5
Kasabay nang pagdaan ng makapangyarihang atake ng limang Gazellian mula sa likuran
ay ang unang paghampas ni Dastan ng kanyang nagliliwanag na espada. Ang liwanag ay
tuluyan nang yumakap sa kapangyarihan ng kanyang mga kapatid dahilan kung bakit mas
nadama ng bawat nilalang na siyang kasalukuyang nakakasaksi ng digmaan ang totoong
lakas ng pinagsamang mga Gazellian. 19
Isang malaking pagsabog ang siyang sumalubong sa lumulutang na lotus, ang malaking
harang na nakapalibot doon mula sa kakayahan ng mga diyosa'y sumabog at tila ulan
ng kristal at ginto sa gitna ng kadiliman.
Mas lumakas ang agos ng tubig mula sa lotus dahilan kung bakit mas nagkagulo ang
digmaan sa ibaba. Bumilis na muli ang takbo ng karro, binuhat akong muli ni Dastan
dahil mas papalapit na kami sa bulaklak.
Papasok na kami.
"Their presence is wavering..." mahinang sabi ni Dastan.
Hindi man niya sabihin sa akin ay nakilala ko kung sino ang sinasabi niya. Ang
magkakapatid na Le'Vamuievos.
Nagawang tumalon ng mataas ni Dastan sa lotus at wala pang ilang segundo'y nagawa
na naming makapasok doon, sa mismong loob ng palasyo ng Parsua Deltora.
Ngunit agad kaming naging alerto ni Dastan, siya na inihanda ang kanyang espada at
ang aking dalawang kamay na hinayaan kong magliwanag kung sakaling gagamit ako ng
kapangyarihan.
Gumulantang sa amin ang dalawang magkapatid na Le'Vamuievos. Si Tobias na tanggal
na ang pagkakapusod ng kanyang mahabang buhok habang may tukod na espada sa malamig
na sahig upang tulungan siyang tumayo kasabay ng kanyang mabigat na paghinga, at si
Pryor na nakaluhod ngunit pilit tumatayo.
Kapwa sila nakaharap sa dalawang hari sa magkaibang trono, kapwa sila natatakpan ng
anino. At sa hindi lang sampung diyosa na nakapalibot sa kanila.
Ngunit ang higit na nakagimbal sa akin ay ang prinsipeng nakasabit sa pagitan ng
dalawang trono. Siya'y kasalukuyang natutulog habang nakayuko ang kanyang ulo at
nakabukang mga braso sa kanyang nanghihinang presensiya. 16
Siya ngayo'y nakatali sa kanyang sariling halamang ugat, habang halinhinang
hinahaplos ng mga lumulutang na diyosa. 43
"R-rosh..." 9
Sabay napalingon sa amin si Tobias at Pryor, sa sobrang hina na ng mga iyon ay
hindi na nila kami naramdaman ni Dastan.
Nagsimula nang humakbang si Dastan patungo sa dalawang Le'Vamuievos, bago ito
tumingin sa unahan at tanawin ang prinsipe.
"Wake up, Rosh. Are you going to let my brother, Zen, snatch your throne? Or are
you tired of waiting for her?" 81
Saglit gumalaw ang kanang kamay ni Rosh sa huling sinabi ni Dastan. Napahinga nang
maluwag si Tobias at Pryor. 7
"He's still alive, Tobias, Pryor." Paglinaw ni Dastan, hindi na rin siguro
nararamdaman ng magkapatid ang presensiya ni Rosh dahil sa panghihina nila.
"Get up now, let's show these coward kings how to properly fight. Taking a hostage,
huh?" 3
Tila nawala ang pagod ng dalawang Le'Vamuievos dahil nagawa ulit ng mga iyong
tumayo nang maayos.
Ang dalawang hari'y sabay tumayo mula sa kanilang mga trono at humakbang mula sa
anino.
Si Claudeous at Ahren ng kasalukuyan na ang mga mata'y nakatuon sa akin. Agad
bumilis ang pintig ng puso ko. 30
Ngunit ang kanilang mga mata'y saglit lamang naglandas sa akin dahil inilahad ni
Dastan ang kanyang nagliliwanag na espada at sinadya niyang tamaan ang mga mata ng
dalawang hari. 2
"Not my goddess, Gentlemen."
Chapter 43 1
Pagtimbang
"Can you define the word King?" Panimula ni Dastan.
Inasahan ko na hindi na magkakaroon pa ng pag-uusap ang tatlong hari at mauuwi agad
sa isang matinding sagupan. Ngunit si Dastan ay mananatiling ang kilalang hari ng
Parsua Sartorias na kalmado sa lahat ng oras.
Maging si Pryor ay kumunot ang noo at marahas lumingon kay Dastan na tila nais
malaman ang susunod pa nitong hakbang. Si Tobias na kanyang matalik na kaibigan ay
hindi na nagulat, ngunit ang magkapatid na Le'Vamueivos ay kapwa alerto.
Matapos masilaw ng dalawang hari mula sa espada ni Dastan ay kapwa ang mga iyon
nagpabago ng posisyon upang maprotektahan ang kanilang mga mata.
Pormal na itinusok ni Dastan ang kanyang espada sa kanyang harapan na tila
nagbibigay ng hudyat na hindi pa siya susugod.
Huminga ako nang malalim, kung si Dastan, Tobias at Pryor ang lalaban sa dalawang
hari, ibig sabihin lang nito ay ako lang ang maaaring makalapit kay Rosh. 2
At ang paglapit kay Rosh ay pakikipaglaban sa hindi lang sasampung diyosa na
ngayo'y paniguradong ako'y isinusumpa. Tipid akong sumulyap sa dalawang hari sa
unahan, hindi ko ipagkakailang nais ko rin silang kausapin.
Ako, higit sa sinuman ang may kilala sa kanilang dalawa. Nasaksihan ko ang kanilang
pinagdaanan sa nakaraan, ang lahat ng kanilang sakripisyo, ang kanilang
pinaglalaban at kabutihan sa kanilang nasasakupan.
May iisa kaming layunin, at ito'y kaayusan sa mundong ito. Ngunit ang paghahari'y
para sa isa lamang...
May mga nararapat, may mga isinilang upang mamuno, nagtataglay ng mga matang
nakabukas, tengang handang makinig sa walang katapusang daing, mga kamay na nais
makarating hanggang sa pinakamadilim na lugar at higit sa lahat may pusong marunong
tumibok hindi para sa isa kundi para sa nakararami.
Isa nang uri ng biyaya ang gawaran ang isang mundo ng hindi lang iisang haring may
ganitong katangian, ngunit gaano man karami ang isilang na nilalang na may ganitong
uri ng kapasidad.
Ang pinakamalakas na liwanag ay mananatiling araw, may isang mamumuno sa gitna at
ang bawat sinag nito ang siyang tila gabay at tulong nito upang ang bawat liwanag
niya'y makarating sa lahat. 2
Si Claudeous at Ahren ay nakatakdang tumulong kay Dastan, ngunit paano ko iyon
magagawang ipaliwanag sa kanila?
"A king is not a puppet, Gazellian." Si Ahren ang unang nagsalita.
"A puppet, huh?" sagot ni Dastan habang naka-krus ang kanyang mga braso. 1
"A king can fight for his people, alone."
"Alone." Pormal pa rin ang boses ni Dastan.
"So... you two are not a puppet, and you can fight alone?" tanong ulit ni Dastan.
12
Sumipol si Pryor bago niya inangat ang kanyang espada para ituro ang ilang diyosa
na lumulutang sa unahan.
"So... ano 'tong makikinis na diyosa sa harapan ko na panay ang haplos sa kapatid
ko? You're definitely alone, Your Majesty." 54
Napailing na lamang si Tobias sa pagsabat ni Pryor.
Akala ko ay masusundan pa ang pag-uusap nila, pero sa isang iglap ay nawala na sa
unahan ko sina Dastan, Tobias at Pryor.
Kasalukuyan nang nagpapalitan ng pag-atake sina Dastan at Ahren, habang magkatulong
si Tobias naman ay hinaharap si Claudeous.
Mabilis nang tumatakbo si Pryor patungo kay Rosh.
STORY CONTINUES BELOW
"Uhm... Dastan's goddess? I need a little assistance here, I think? Nahirapan kami
ni Tobias sa kanila kanina. We're still gentlemen Le'Vamuievos. Isa pa, hindi
matutuwa si Rosh kung mananakita kami ng kababaihan para iligtas lamang siya." 3
Nagawa ko nang makalutang muli at sundan si Pryor. Tulad nga ng sinabi niya, hindi
siya lumalaban sa mga diyosa, ang tangi niya lang ginagawa ay umiwas sa kanilang
atake ngunit hindi maiwasang hindi sila matamaan.
"H-huwag mong sabihin na kayo namin kayo natagpuan ni Dastan na-"
"Actually, yes. We can't just hurt them. Princes from Deltora are known for being
gentleman! Hindi maaaring sirain iyon sa sariling palasyo." 12
"That is foolish!" rinig kong sabi ni Dastan habang patuloy pa rin sa kanyang
pakikipaglaban.
"You'll fight a goddess?" hindi makapaniwalang tanong ni Pryor kay Dastan na parang
kaswal lang ang usapan nila.
"Yes."
"That's why Le'Vamuievos are adored more than Gazellians." 29
"Shut up, Pryor! Just do something about Rosh." Sabi ni Tobias na kasalukuyan
nakikipagsagupaan kay Claudeous. 9
Habang papalapit kami sa posisyon ni Rosh ang tangi kong ginawa ay protektahan si
Pryor mula sa atake mula sa mga diyosa. Kanina pa akong nangangamba na baka sabay-
sabay silang umatake sa akin, at alam ko sa sarili kong hindi ko iyon magagawang
labanan.
Ang kapangyarihan ng hindi lang sasampung diyosa ay hindi ko magagawang lampasan sa
sitwasyong ito, maaari pa akong makitil ng wala sa oras. Ngunit habang papalapit
kami ay tila nagkakaroon na ako ng pagtataka.
Tila ang galaw ng mga diyosang nagbabantay kay Rosh ay limitado, hindi sila
makalapit sa amin ni Pryor at ang tangi lang nagagawa ng mga iyon ay umatake mula
sa malayo.
Hindi rin nila magawang umatake ng sabay-sabay, isang beses lamang sa bawat isang
diyosa.
"Pryor!" agad kong inilahad sa direksyon ni Pryor ang aking dalawang kamay dahilan
kung bakit siya biglang lumutang.
Humihingal ako habang kapwa na nakataas ng tuwid na lampas sa aking ulo ang dalawa
kong kamay, nakalutang doon si Pryor na gulat na gulat din tulad ko.
Muntik na siyang tamaan.
Dalawang uri ng liwanag ang dapat ay kikitil sa kanya, ngunit sa kaninang pwesto
niyang nando'n na si Dastan at Tobias na kung hindi ko man nagawang palutangin sa
ere si Pryor ay magagawa siyang protektahan ng dalawang hari.
Nais nilang kitilin si Pryor.
"Eh? Muntik na 'ko." Tumingala ako sa kanya habang nakataas pa rin ang mga kamay
ko. 11
"Hindi ka ba natamaan?"
Umiling siya. "These kings wanted to get rid off me, dahil alam nilang sa sandaling
makarating ako kay Rosh, tapos na ang laban."
Kapwa na kami humarap muli ni Pryor sa tila altar na naggagapos kay Rosh. Hindi
malayo ang distansya namin mula sa kanya ngunit dahil na nga sa kapangyarihan ng
mga diyosa nagagawa nila iyong palayuin na parang ilang kilometro ang layo namin
mula sa kanila. 1
"Stay alive, Tobias, Dastan. I'll reach him."
"Stay focus, Pryor." Paalala ni Tobias sa kanya. 14
Dahil sanay nang makipaglaban na magkasama si Dastan at Tobias, nagawa nilang ilayo
ang dalawang hari mula sa amin ni Pryor. Sa pagkakataong ito ay magkaiba na ang
posisyon ng aking mga kamay.
Ang isa'y nasa unahan na siyang nagpapatibay ng harang namin ni Pryor mula sa atake
ng mga diyosa at ang isa naman ay nanatiling nakataas na siyang koneksyon ko upang
bigyang laya si Pryor makagalaw sa hangin tulad ko.
STORY CONTINUES BELOW
"I'll need to attack them, wala akong mapagpipilian."
"Kailangan, mahal na prinsipe."
"Ngunit hindi ko makita ang kanilang kahinaan, ikaw lang ang may kakayahang makita
noon."
Habang papalapit kami ni Pryor sa kanila kanina ay pumasok na sa isipan ko ang
kakaibang ikinikilos ng mga diyosang kalaban namin. Sa tagal ko sa Deeseyadah,
nasaksihan ko na ang paraan ng pakikipaglaban ng iba't-ibang uri ng diyosa at agad
kong malalaman kung kailan sila nahihirapan o hindi.
Isa lamang ang nasisiguro ko sa mga oras na ito, may limitasyon ang diyosang
kaharap namin.
"Hindi sila umaalis sa posisyon nila. Pang-malayuan ang kanilang atake pero hindi
sila nagsasabay-sabay, but their speed of blow? They are fast, the interval is just
a few seconds."
Pareho kami agad ng napansin ni Pryor, hindi kami basta maaaring lumapit, paano
kung patibong lamang ito?
Pinagmasdan kong mabuti ang posisyon ng mga diyosa at ni Rosh, napupuno iyon ng mga
ugat ng halaman, nang sinubukan kong tumingin sa ibaba agad kong napansin ang tila
isang tuwid na guhit gamit ang berdeng ugat sa malamig na sahig ng palasyo.
"May guhit, may pagitan sa sahig, Pryor." Mukhang hindi pa niya iyon napapansin
dahil narinig ko ang bigla niyang pagsinghap.
"Ano iyon?" tanong ko.
"A seal?" Tila hindi makapaniwalang banggit ni Pryor.
"I-Is that really a seal, Rosh? You idiot, brother!" sigaw niya na parang maririnig
siya ng kanyang kapatid.
Kumuyom ang mga kamao ni Pryor bago siya saglit lumingon kay Tobias.
"T-Tobias! Your fucking brother is still helping! That's a seal, kaya hindi
makalabas iyong makikinis na diyosa para habulin ako dahil ikinukulong din sila ni
Rosh. Y-you selfish psychopath brother! Magtira ka naman sa akin!" 76
Saglit akong natigilan nang may maramdaman akong mainit na patak ng tubig na tumama
sa aking pisngi.
"Please, don't look up." Tipid na sabi ni Pryor. 17
Dito ko nakumpirma na hindi tubig, kundi luha ang humaplos sa pisngi ko.
Mukhang naalarma ang mga diyosa nang malaman namin ang itinatago nila. Pinalalabas
nilang hawak pa rin nila ang sitwasyon, na ang pagkakatulog ni Rosh ay dala ng
kanilang manipulasyon ngunit mukhang nakakalimutan nilang si Rosh ay kagaya rin ni
Dastan o ng mga Gazellian na nakikipaglaban sa labas ng palasyo.
Siya'y isa ring uri ng prinsipe na hindi marunong sumuko. 14
Naging mas aggresibo sina Claude at Ahren sa ibaba, ilang beses nilang tinangkang
marating ang posisyon namin ni Pryor ngunit nagagawa sila harangan ni Dastan at
Tobias.
Pinagsamang pwersa ni Tobias at Dastan ang kumawala sa buong palasyo dahilan kung
bakit sabay naitulak papalayo ang katawan ng kanilang mga katunggaling hari.
Hindi ko maiwasang mamangha lalo na nang maiwan ang atake ni Dastan at Tobias sa
buong paligid, tila umulan sa buong palasyo dahil sa tubig na mula kay Tobias at
nalagyan iyon ng tila mga diyamante dahil sa liwanag na kapangyarihan ni Dastan.
Biglang nagningning ang malaking bulwagan sa loob ng palasyo ng Parsua Deltora,
maging ang mga diyosa at si Pryor ay namangha sa magandang klase ng ulan gawa ng
dalawang hari ng Parsua.
Kapwa na sila lumapag sa lupa, mga espada na nasa kanilang mga kamay ay tila mas
kumislap, ang kanilang mga kasuotan ay nagsisimula nang masira at ang kanilang
mahahabang buhok ay banayad nang hinihipan ng hangin mula sa nakabukas na mga
bintana.
Sa kabila ng aming sitwasyon, ang aking mga labi ay hindi mapigilang gumuhit ng
tipid na ngiti. Hindi ko akalaing ang panunuod sa likuran ng mga magigiting na hari
habang sila'y lumalaban ay may kakaiba rin palang epektong maaaring iparamdam. 2
Napakainit sa gitna ng isang digmaan...
Nakababa na rin si Pryor at katulad ko'y halos matulala rin siya sa pinagsamang
kapangyarihan ni Tobias at Dastan. Ngunit bago pa kami tuluyang madala at humanga,
kapwa kami tumingin at tumango sa isa't-isa, hudyat na kailangan na rin namin
harapin ang sarili naming laban.
"Pryor, gagawa ako ng daan. Ang kailangan mo lang gawin ay tumakbo at abutin si
Rosh. Nakukuha ko na kung bakit hindi nagsasabay-sabay ang diyosa sa pag-atake."
Nanlisik ang mata sa akin ng mga diyosang nagbabantay kay Rosh.
Dahil ang diyosang kalaban namin ay nagtataglay ng parehong kapangyarihan ng kay
Finn.
"Nag-iisa ang diyosang kalaban natin, Pryor. Ilusyon lamang ang kanyang bilang.
Hindi magpapadala ang Deeseyadah ng maraming bilang ng diyosa..." nanlisik ang mata
sa akin ng diyosang nakayakap kay Rosh. 18
Humiwalay siya sa prinsipe at taas noo niya akong hinarap.
"Paano kung kitilin ko na lang kaya ang pangahas na prinsipeng ito?" nanlaki ang
mga mata ko nang maglabas siya ng punyal, muli siyang yumakap kay Rosh, inangat
niya ang mukha nito sa amin habang nanatiling nakapikit ang prinsipe.
Kusang naglabasan ang napakarami kong punyal na tulad ng espada ni Dastan ay may
sarili ring liwanag, liwanag mula sa buwan.
"Huwag mong hayaang ikaw ang unang diyosang kikitilin ng aking punyal." Matigas na
bigkas ko.
Humalakhak ng napakalakas ang diyosa, narinig kong napasigaw si Dastan sa pagtawag
kay Tobias na nawalan din ng konsentrasyon, si Pryor ay bigla na lang natulala.
"S-stop..."
Ngunit hindi ko na nagawang pigilan pa si Tobias at Pryor, ang hari'y tila naging
isang uri ng higanteng alon at si Pryor ay mabilis nakasakay sa kanya, dalawang
espada na ang kanyang hawak habang ang kanyang mga mata'y nagniningas.
"H-hindi maaari..." ang atake ng diyosa'y maaari lang matalo ng kapangyarihan ng
isang diyosa.
Kailangan kong haluan ang kanilang atake ng aking mahika. Ngunit nang akma na akong
lulutang upang sundan gabayan ang magkapatid na Le'Vamuievos laban sa diyosa, agad
kong naramdaman ang kapahamakan patungo kay Dastan.
"D-Dastan!" sigaw ko.
Kapwa na nakalutang sa ere si Claudeous at Ahren, ang kanilang mga espada'y
nakatuon na kay Dastan.
Tila tumigil ang oras at naiwan ako sa gitna, tumulo ang aking mga luha dahil sa
magkabilang panig na siyang aking dapat takbuhan, ngunit sa iilang segundong
nalalapit isa lamang ang aking dapat tulungan.
Si Dastan na aking minamahal? 2
O ang tatlong magkakapatid na Le'Vamuievos? 1
Tila nararamdaman ko na ang unti-unting pagkabiyak ng aking puso, dahil sa
sandaling tumalikod ako mula sa isang direksyon, ang katumbas nito ay isang
kahindik-hindik na kamatayan.
Oh makapangyarihang buwan ng liwanag, ang pagtimbang ng buhay ay isang matinding
kasalanan...
Chapter 44 7
Tawag
Liwanag na tila talim ng espada...
Liwanag na siyang higit na magniningning sa gitna ng digmaan...
Liwanag na siyang uupo sa pinakamatayog na trono... 1
Sa gitna ng pagpili sa pagitan ng magkasalungat na direksyon, sa sandaling tila ang
oras ay tumigil, paghinga'y naimpit, paghagpos ng pawis sa pisngi'y nanlamig, mga
alikabok sa hangi'y nabitin, mga nagsasagupang kapangyariha'y tila nanlabo at ingay
na karahasan ay tila hinihigop sa kawalan. 1
Mga katagang kusang inusal ng aking sariling mga labi'y kinilala bilang propesiya.
Propesiyang bumulong sa bingit ng aking pagpili sa gagawing pinakamahalagang
desisyon.
"Leticia..."
Isang malambing na boses ang siyang umagaw sa aking atensyon. Sa isang iglap ay
muling nahati ang aking direksyon, sa daan patungo sa pagpili ng direksyon patungo
kay Dastan at sa mga Le'Vamuievos o sa daang patungo sa malambing na boses na
siyang hinahanap-hanap ko.
Kusang humakbang ang aking mga paa sa pamilyar na lugar na itinuri kong siyang
pinakamainit na parte ng Deeseyadah.
Init ng unang pagpaparamdam ng pagmamahal. Sa balon ni Diyosa Neena.
"D-diyosa Neena..." 1
Matamis na ngiti ang isinalubong niya sa akin. Nanlambot ang aking mga tuhod habang
sapo ko ang aking bibig upang pigilan ang anumang ingay na aking maaaring gawin.
Tumulo ang aking maiinit na luha, marahan niyang ibinuka ang kanyang mga braso sa
akin at kusa nang tumakbo ang aking mga paa patungo sa kanya.
"Diyosa Neena..." 1
Halos itapon ko ang aking buong sarili sa kanya, mainit na yakap ang tumanggap sa
aking buong sistema. Tuluyan nang yumugyog ang aking mga balikat at sinimulan ko
nang humikbi na tila isang batang hindi na nais kumawala sa kanyang ina.
"Leticia, ang layo na ng narating mo..."
Gusto kong umiling sa kanya. Ano na nga ba ang narating ko simula nang isakripisyo
niya ang kanyang buhay para lamang sa akin?
May mga bagay ba akong maipagmamalaki sa kanya ngayon? Ang tanging maibabahagi ko
lamang sa kanya ay walang katapusang suliranin na hanggang ngayon ay hindi ko pa
rin alam kung paano masasagot.
"P-paanong malayo na, Diyosa Neena? Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakikita ang
dulo ng laban ko. At habang tumatagal ay tila mas humahaba ang daan patungo sa
aking tagumpay." 1
"Leticia, simula nang ipaglaban mo ang iyong posisyon bilang Diyosa ng Buwan,
nagsimula ka nang tahakin ang daan patungo sa'yong tagumpay. Pinakawalan mo si
Nikos na siyang sinisisi ng lahat, naputol ang ilang daang taong pader na
nakapagitan sa mga lobo at bampira---"
"Dahilan kung bakit may naglahong dalawang emperyo, ngayon ay isinisisi nila iyon
lahat sa mga taga Parsua Sartorias. Marahil ang dalawang reyna'y sinisisi si Reyna
Talisha kung bakit sa loob ng pitong emperyo'y sa kanila mga naglaho. Ngunit ako
ang may kasalanan..."
"Ikaw ba ang pumili ng emperyo, Leticia?" natigilan ako sa tanong ni Diyosa Neena.
"Ang sumpa mismo ng pinakamalakas na diyosa ang siyang pumili ng emperyong
maglalaho." Pinunasan ni Diyosa Neena ang luha ko sa aking pisngi. 1
"Ang lahat ng pangyayaring nagaganap ay may dahilan, Leticia, maliit man o malaking
detalye."
"Ngunit Diyosa Neena, iyon na ang aking ginagawa. Ang lahat ng nakikita ko, mula sa
panaginip, pangitain, mga hakbang mula sa ibang emperyo at maging ang mga nangyari
sa nakaraan ay lubos kong binibigyan ng pansin." Nagsimula nang sumakit ang ulo ko.
STORY CONTINUES BELOW
Ilang beses ko man masaksihan ng iba't-ibang parte ng nakaraan, makatanggap ng
maraming tanong at konklusyon hanggang ngayon ay wala pa rin akong makitang
magandang kasagutan.
Tama bang tapusin ang lahat sa digmaan? At kung magawang magwakas nito, ano ang
maaari naming panghawakan upang hindi na muli ito maulit?
"Leticia, ang dapat mong gawin ay tumingin hindi lang sa iisang parte."
"Tingnan ang buong larawan? Gano'n ba, Diyosa Neena? Ngunit matagal ko na iyong
ginagawa at sinusubukan ko pa itong tingnan sa iba't-ibang anggulo. Mula sa Parsua
Sartorias, Gosos at Jedalya. Ginagawa ko ang lahat malaman at maramdaman ang
kanilang saloobin."
Sa pagkakataong ito'y hinawakan ni Diyosa Neena ang kamay ko.
"Leticia, hindi lang ang buong larawan ang kailangan mong tingnan..." kumunot ang
noo ko sa sinabi ni Diyosa Neena.
Ilang minuto kaming nagkatitigan bago ko unti-unting nasagot ang nais niyang
iparating sa akin.
"A-ang gumuhit ng larawan..." 12
Tumango si Diyosa Neena. "Ang larawan ay paraan ng isang mangguguhit upang
iparating ang kanyang mga mensahe..."
Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko.
"Hindi magkakaroon ng sunod-sunod na suliraning ganito kung hindi tinaraydor ang
pinakamataas na diyosa noon. Hinayaan niyang mahirapan ang iba't-ibang salinlahi
upang iparamdam niya ang lahat ng sakit ng kanyang naramdaman. Hindi ba't tama ako?
Ang pinakamalakas na diyosa pa rin ang tatapos sa lahat ng ito." 1
Habang nagpapaliwanag ako kay Diyosa Neena, biglang pumasok sa aking isipan ang
imahe ni Reyna Talisha, Claudia at Aenor.
"N-ngunit paano kung ang nangyari sa nakaraan ay nagsilbi lamang palang isang
panakip butas? Paano kung ang larawang nais kong unawin ay ginawa ng hindi iisang
kamay?"
Nanatiling tahimik si Diyosa Neena habang nakikinig sa mga sinasabi ko.
"Dapat ko bang hanapin ang pinakamalakas na diyosa? O gumawa ako ng paraan para ang
tatlong reyna na mismo ang magharap-harap? Kung iisipin, tila ang kanilang tatlong
mga anak ang lumalaban sa labang silang mismong mga reyna ang nagpasiklab."
Biglang bumalik sa aking naalala ang propesiyang siyang aking binanggit.
Liwanag na tila talim ng espada, paano kung ang ibig sabihin nito'y ang mga hari
ang siyang magmimistulang mga liwanag na talim ng kanilang mga inang reyna?
Ipinilig ko ang ulo ko at marahan ko muling sinalubong ang mga kamay ni Diyosa
Neena. Pinisil ko iyon upang iparamdam sa kanya ang nararamdaman ko sa mga oras na
ito.
"T-tulungan mo akong maliwanagan, Diyosa Neena."
Umangat ang kanyang kanang kamay at isinumping niya ang ilang hibla ng aking takas
na buhok sa likuran ng aking tenga.
"Gusto ko man tumulong sa'yo, Leticia, ngunit ang aking mga salita'y may kanilang
mga limitasyon."
Nais ko muling umiyak sa kanyang harapan, alam kong kalabisan na ang humingi ng
tulong sa kanya sa dami na ng nagawa niya para sa akin ngunit... siya Diyosa Neena,
ang higit sa pagkakatiwalaan ko magpakita man siya sa panaginip o sa kahit anong
paraan.
"Diyosa Neena..." nagmamakaawa na ang aking mga mata sa kanya.
Huminga nang malalim si Diyosa Neena. "Ang liwanag na talim ay punong-puno ng
kataksilan, ngunit nag-uumapaw sa pagmamahal... tinangkang linisin ng ikatlong
humawak ngunit siya'y hindi nagtagumpay, ika'y makagagawa ng isang--" 12
Ngunit hindi na nagawang matapos ni Diyosa Neena ang kanyang mga sasabihin dahil
tuluyan na siyang nalusaw sa aking harapan.
"Leticia!"
STORY CONTINUES BELOW
Nagising ang aking buong diwa sa boses ni Dastan, nanatili pa rin akong nasa gitna,
sa pagitan ng dalawang direksyon.
"Magtungo ka sa mga Le'Vamuievos. Huwag kang mag-alala sa akin." Ilang salitang
binitawan ni Dastan na siyang nagpakilos sa akin.
Umangat akong muli sa lupa at hinayaan ang sariling magpatangay sa hangin habang
mabilis na nakasunod sa malaking tubig at kay Pryor na tila nakatayo rito.
Ang paglusob ng Emperyo ng Gosos at Jedalya sa Parsua Deltora ay unang yugto pa
lamang ng isang malaking digmaan.
Digmaang na ano nga ba ang pinag-ugatan? Ito ba'y laban sa pagitan ng siyang
pinakamalakas na hari? Laban ng paghihiganti? O labang umiikot sa isang
manipulasyon?
Isang uri ng hakbang kung saan ay magdadala ng higit na pinsala sa Parsua
Sartorias.
Sa laban ng tatlong liwanag, apoy at ningning sa dilim, ano ang laban ng kahariang
walang kislap ng tubig? Ang Deltora ang isa sa pinakamalakas na kakampi ng
Sartorias at sa sandaling mawala ang suporta nito, ang paglusob sa Parsua Sartorias
sa mata ng iba pang mga emperyo ay isa nang malaking katunayan na walang kapasidad
ang haring nanunungkulan doon upang maghari sa mas malaking nasasakupan.
Isang napakagandang istratehiya laban sa Parsua Sartorias.
Hindi lingid sa aking kaalaman na ang kaharian ng Parsua Sartorias ay mainit na sa
mga mata ng iba't-ibang kaharian sa buong Nemetio Spiran, hindi lang sa mga
nasabing naglahong mga emperyo kundi pati na rin sa mga naglalakihang emperyo na
hanggang ngayon ay hindi pa rin nais tanggapin na sa pinakamaliit na emperyo
magmumula ang haring mamumuno sa lahat.
Ngunit nangako kami ni Dastan sa isa't-isa na pagtatagumpayan namin ang unang yugto
ng digmaang ito.
Nasa akto na akong igagawad ang aking kapangyarihan upang gabayan ang sabay na
pagsugod ng magkapatid na Le'Vamuievos sa diyosa.
Ngunit isang malakas na presensiya ang biglang tumama sa akin, huli na ang bago ko
nagawang makailag nang may isang gintong pana ang tumama sa akin. 9
Malapit sa aking puso. 3
"L-leticia!"
Sigaw ni Dastan nang nagsimulang bumulusok ang aking katawan mula sa ere patungo sa
lupa.
Hindi diyosa, hindi mula sa dalawang bampirang kalaban ni Dastan kundi mula ito sa
isang simpleng kawal na tila natulala nang nagawang mapana ang isang totoong
diyosa. 8
Tumalon nang mataas si Dastan upang sambutin ako, ngunit sa kanyang likuran ay
nakasunod si Ahren at Claudeous.
"D-dastan-" sinubukan ko siyang balaan.
Nang inakala ko nang aatake ang dalawang hari sa kanya, isang malakas na pag-atake
ang ginawa ni Claudeous kay Ahren upang hindi nito maabot si Dastan at magawa akong
sambutin ng aking hari. 31
Gintong pana. Isang nakamamatay na armas laban sa diyosang katulad ko. 1
Nangangatal ang buong katawan ni Dastan habang yakap ako nang sandaling lumapag
kami sa lupa. Hindi na ako makahinga nang maayos, parang anumang oras ay sasabog
ang buong katawan ko sa sobrang init ng nararamdaman ko.
"H-how should I treat you? T-tell me... please..." sa unang pagkakataon ay mas
namayani ang takot sa buong sistema ng Hari ng Parsua Sartorias.
Hindi mawari ang mga mata niya sa akin, naglalakbay iyon sa aking nanlalamig na
mukha, sa panang nakatusok sa aking dibdib, sa mga braso ko at sa bawat parte ng
aking katawan.
"C-can I turn you? Tell me..." 4
Sa kabila nang panghihina ko, ramdam ko ang mainit na labanan sa magkabilang
direksyon. Si Ahren at Claudeous na ngayon ay nagtatalo, si Pryor at Tobias na tila
nawawala na sa kanilang sarili. Isang himala na hanggang ngayon ay nagagawa pa rin
nilang ilagan ang mga atake ng diyosa.
"L-leticia... tell me..." nagniningas na ang mga mata ni Dastan, nakalabas na ang
kanyang mga pangil at hinihintay niya na lamang ang pagsang-ayon ko. 1
Umiling ako sa kanya.
"H-hindi ako magiging bampira..." nang sandaling bigla akong mapaubo ng aking
sariling dugo, nanlaki na ang dating kalmadong mga mata ni Dastan.
Ang kawal na kanina'y tulala ay nagawa pang humugot muli ng panibagong pana mula sa
kanyang likuran, ngunit ang nagniningas na mga mata na ni Dastan ang sumagot sa
kanya. 1
Sa isang iglap ang kawal na may hawak na pana ay bigla na lang sumabog na liwanag.
1
"Healer... we need a healer... si Claret. Si Claret." Wala sa sarili akong binuhat
ni Dastan.
"Zen. Si Zen." Tawag niya sa pangalan ng kanyang kapatid ngunit tila sarili niya
lang ang kanyang kinakausap.
"Dastan..." sinubukan kong hawakan ang kanyang pisngi, nawawala na rin sa sarili si
Dastan.
Akma na muling hahakbang si Dastan na tila handa nang tumalon nang mataas upang
magamot ako nang biglang may bumagsak sa harapan namin. Akala ko'y tubig lang iyon,
pero unti-unting bumalik ang anyo nito, si Tobias na nababahiran na ng sariling
dugo.
Hindi rin nagtagal ay bumagsak na rin si Pryor. Nagawa kong malanghap ang dugo ni
Pryor at Tobias, may halong lason ang bawat atake ng diyosa! 10
Natulala na si Dastan sa magkapatid na Le'Vamuievos.
"Go, save her. Kaya na namin ito ni Pryor." Sabi ni Tobias habang pilit tumatayo.
Umiling ako kay Dastan.
"Makakatagal pa ako, ibaba mo muna ako, mahal ko..." humigpit ang yakap sa akin ni
Dastan.
Narinig ko ang malakas na pagsigaw ni Pryor, napasinghap din si Tobias at napadasal
na ako sa dalawang diyosa na nasa panig ko, Diyosa Neena at Diyosa ng Asul na apoy.
Tuluyan nang nanghina ang katawan ni Rosh, dahilan kung bakit nawala na ang harang
ng diyosa na siyang pumigil sa atake at higit na kapangyarihan niya.
At kasalukuyan na siyang lumilipad sa direksyon namin. Inilabas muli ni Dastan ang
kanyang nagliliwanag na espada, humarang sa amin si Tobias bilang pagprotekta at
tumakbo si Pryor sa kapatid niya upang sambutin ito mula sa pagbagsak.
Ngunit bago pa man tuluyang bumagsak ang katawan ni Rosh, at maabot ng mga kamay ni
Pryor, may kung anong bagay ang sumambot sa kanyang katawan, kasabay ng biglang
pagiging gintong abo ng diyosa mula sa hindi pangkaraniwanang buga ng apoy. 57
Sabay-sabay kaming napatingala sa aninong nakadungaw mula sa kasalukuyang sirang
palasyo at sa malaking bunganga na nakabuka na ngayo'y naglalabas na lamang ng
usok. 2
"D-dragon... Rosh can summon a damn dragon?" napaluhod na si Pryor habang
pinagmamasdan ang kapatid niyang natutulog sa buntot ng dragon. 72
Umiling si Tobias.
"He can't... but how?" tanong ni Tobias. 5
Isa lang ang maaaring kasagutan dito. Sa kabila ng kirot sa aking dibdib, nagawa
kong ngumiti kay Rosh na payapang natutulog kasabay nang unti-unting pagbagsak ng
talukap ng aking mga mata.
Pinilit kong ibigay sa kanila ang kasagutan bago ako tuluyang mawalan ng lakas. 4
"Ang babaeng itinakda sa kanya ang tumawag sa dragon..."
Hi, readers! I'm really sorry for my late update. I've been very busy these past
few weeks. I really wanted to finish this story as soon as possible, but I have to
prioritize my own world. I don't know if when will be my next update, but I hope
you understand. 28
Btw, I'm done plotting this whole trilogy. Tapos na po ito sa utak ko, hindi ko
lang talaga masulat. I don't have enough time :( 40
Enjoy reading!
Chapter 45 5
Laro
Kung bibigyan ako ng oras pangalanan ang bawat mundong nananatiling buhay sa
kasalukuyan na abot ng aking kaalaman, hindi ako darating sa puntong ako'y
magtatapos. 2
Ang iba't-ibang mundo'y tila wala nang katapusan.
Simula sa mundo ng mga tao patungo sa Nemetio Spiran, sa mundo ng mga diyosang
kagaya ko hanggang sa mundong ni salita at mga mata'y hindi man lang nalapatan sa
paglipas ng panahon. Mga mundong hindi sakop ng aming kapangyarihan.
Ngunit ang biglang paglitaw ng isang uri ng nilalang na aking inakalang tanging sa
kasaysayan lamang masasaksihan ng aking mga mata, panandalian akong natigilan at
kusang humanga. Ngayon ko lubos na nabigyang pansin ang iba pang mundong hindi pa
natutuklasan.
Maaaring doon naglalagi ang dragon? At nagawang sumuong at sumugal magpakita sa
mata ng libong mga nilalang upang iligtas ang isang prinsipe.
Hindi na ako nag-atubili pang mag-isip ng ibang paliwanag, ang pagtawag sa
makasaysayang dragon ay hindi mula sa prinsipe, kundi sa isang nilalang na
ipinanganak para sambahin iyon. 33
Ayon sa alamat, ang mga dragon ay isinilang kasabay ng mga diyosa. Noong unang
panahon, bawat diyosa'y may katambal na dragon sa kanilang pagsilang, ngunit sa
hindi inaasahang pangyayari'y natigil iyon. At ang tradisyong iyon ay nabibigyang
bisa lamang sa paglipas ng libong taon. Isang nilalang na may dugo ng diyosa ang
isisilang para sambahin ng mga dragon. 16
At isa lamang ang maaaring maging dahilan kung handang sundin ng isang dragon ang
himig ng kanyang tagapag-utos upang iligtas ang isang natutulog na prinsipe. Isang
malalim na koneksyon na kahit ilang libong milya pa ang distansya'y walang
makahahadlang.
Nanatiling nakapikit ang aking mga mata, ngunit ramdam ko ang paglutang ng aking
buong katawan. Inaasahan ko nang mabigat iyon dahil sa malalim na tama ng pana sa
akin, pinakiramdaman ko ang kirot at matinding pag-iinit sa buong kalooban ko,
ngunit ang tanging namayani sa akin ay kagaanan na tila wala ako sa bingit ng
kamatayan.
"Mahal na Diyosa ng Buwan..."
Tila ilang taon na simula nang marinig kong may tumawag sa akin ng titulong
pinaghirapan ko. Dati'y tuwa't galak ang nararamdaman ko sa tuwing naririnig iyon,
ngunit ngayon ay hindi ko maiwasang masaktan.
Hanggang ngayon ba'y may karapatan pa akong tawagin sa paraang iyon? Ako ba'y
nararapat pa rin? 4
Nang sandaling nagmulat ako ng aking mga mata, ang unang sumalubong sa akin ay
kadiliman ngunit habang mas nagiging pamilyar ako sa kapaligiran mas nabigyan ng
atensyon at apat na bilog na nagliliwanag sa iba't-iba nitong kulay.
Nanatiling tila nakahiga sa ere ang aking buong katawan habang nakatanaw sa mga
liwanag, sinubukan ko iyong abuting ngunit hindi man lang ang mga iyon umabot sa
dulo ng aking mga daliri.
"Siya'y kailangangan manatiling buhay, Mahal na Diyosa ng Buwan."
Hindi ko agad nakuha ang mga salitang narinig ko, ngunit nang mas mapagmasdan ko
ang apat na liwanag na lumulutang sa harapan ko, napasinghap ako nang makilala ko
sila.
STORY CONTINUES BELOW
"N-nasaan siya?" Iyon ang unang lumabas sa aking bibig. Siya ang nag-utos sa dragon
at pag-aari niya ang mga liwanag na kausap ko ngayon. 7
"Siya ngayo'y nananatiling nasa malalim na pagkakatulog, at kung siya'y magmumulat
ng wala ang prinsipe maaaring---" natigilan ang boses. 8
"Mahal na Diyosa, ito na ang una't huling maaari naming ilahad ang aming pagtulong.
Ang prinsipe'y hindi iilang beses na gagawing ibuwis ang sariling buhay para
pamilya, emperyo at katungkulan. Siya man ay may proteksyon ng pamilya't mga
kaibigan, iba pa rin ang basbas ng isang diyosa katulad mo, siya'y aming
ipinagkakatiwala sa'yo." 1
"Pero hindi ba't siya ang diyosang kanyang hinihintay?" 1
"Siya'y maaari lamang gumising sa tamang panahon. Sana'y tuparin mo ang aming
kahilingan." 39
Hindi ko na magawang makapagsalita pa.
"Ang prinsipe'y mainam na kakampi ng liwanag, Diyosa ng Buwan." Gusto kong biglang
yakapin ang sarili ko nang panibagong boses ang narinig ko.
Hindi ako nagkakamali, ang mga salitang iyon ay narinig ko na rin mula sa mga labi
ni Reyna Talisha.
"Ang kalikasan ang siyang pinakamatinding kakampi ng liwanag." Dagdag ng panibagong
boses.
"At siya lamang ang nag-iisang prinsipeng sinasamba ng kalikasan, sana'y ingatan mo
siya..." 9
Sinubukan kong ibuka ang bibig ko para magsalita ngunit tanging nagawa ko'y itikom
muli iyon.
"Dahil sa sandaling makagawa ka ng bagay na---" biglang nawala ang kadiliman at mga
liwanag. 8
Mas narinig ko ang pamilyar na boses ni Claret. "N-nagbabalik na ang presensiya
niya..."
Sinubukan kong ibalik ang presensiya ko sa mga bilog na liwanag ngunit nang
sandaling magmulat ako ng mga mata at biglang bumangon ang aking katawan na tila
tinamaan ako ng matinding kuryente, mahigpit na yakap ni Dastan ang sumalubong sa
akin.
Habang mahigpit na yakap ako ng hari, napuno ng ngiti at luha ang lahat ng mga
kababaihan ng pamilyang Gazellian. Simula kay Claret, Kalla, Naha at maging ang
buong magkakapatid. 1
Nang makita ko ang pagluha ni Reyna Talisha at ang paraan ng pagkilos niya na tila
isang mahina at reynang may titulo lamang, hindi ko alam kung paano gagalaw sa
harap niya. 3
Gusto kong turuan ang sarili kong maging palagay ang loob sa kanya, siya'y ina ng
lalaking pinakamamahal ko ngunit ano itong kaba sa dibdib ko habang nararamdaman
ang kanyang presensiya?
Si Claret ay may ginintuang puso, si Kalla ay may kakaibang talino at si Naha na,
siguro'y may nakatagong talento si Naha... ngunit hindi ba kailanman napansin ng
tatlong babaeng iyon na may kakaiba sa reyna at sa bawat pagtatago niya sa likuran
ng gintong pintuan at wala silang paghihinala? 56
Kumalas ng yakap sa akin si Dastan, ang haring ilang beses ko nang nasaksihan sa
pagiging pino at may matalino at kalkuladong pagkilos ay tila naglaho ng parang
bula.
Sapo ng hari ang aking magkabilang pisngi habang kapwa magkadikit ang aming mga
noo, wala na siyang pakielam sa mga mata ng mga kapatid niya na ngayon ay alam kong
sa mga oras na ito ay nagugulat din.
"P-patawad... hinayaan kitang masaktan, muntik ka nang agawin sa akin. A-anong
gusto mong gawin ko? Ibibigay ko, mahal ko..." nang marahang haplusin ni Dastan ang
mga labi ko narinig ko ang impit na boses ni Naha na may kasamang paghampas sa
braso ni Evan na agad kumunot ang noo. 105
Namumula si Kalla at Claret, nakataas ang kilay ni Lily at nakangiti ang reyna. Ang
natitirang mga lalaking Gazellian ay kapwa nakatingin sa kisame, malalaking plorera
o kahit anong kagamitan sa loob ng silid na tila natatakot mahuli ng hari na
nanunuod sila. 35
STORY CONTINUES BELOW
"M-mahal na hari..." nag-aalangan kong sabi kay Dastan.
Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. At saglit kong nakita ang kakaibang
paggalaw ng mata niya bago siya tipid na lumingon sa likuran niya. 25
Hindi na kailangan pa ng salita, kanya-kanyang hila ang mga babae sa palasyo sa mga
prinsipe at mabilis na pagbagsak ng pintuan ng aming silid ang namayani. 1
Dito na tuluyang inilahad ng hari ang kanyang sarili, kusa nang humiga sa kama si
Dastan na tila hapong-hapo, mabilis niya akong kinabig hanggang matagpuan ko ang
aking sariling nasa kanyang mga bisig.
Hinayaan ko ang sarili kong nakahilig sa kanyang dibdib dama ang pintig ng kanyang
puso.
"Wala pa tayo sa kalahati, Leticia..."
Hindi na niya kailangan ng kumpirmasyon sa akin, kahit sino'y kayang sabihin ang
impormasyong iyon. Marami pa kaming kailangang pagdaanan.
"Anong nangyari matapos kong mawalan ng malay?"
"Sila'y naglaho kasabay ng pagkawala ng diyosa. The armies of the enemy retreated,
maging ang dalawang hari'y naglaho."
"Siguro'y ang kanilang pananatili sa Deltora'y nakabase sa manipulasyon ng diyosa."
Paliwanag ko kay Dastan.
Gusto kong sabihin kay Dastan ang lahat ng natuklasan ko sa gitna ng laban, sa
nakaraan ni Claudeous at Ahren, sa tatlong reyna at maging sa kanyang ina. Ngunit
paano ko iyon sisimulan? Ano ang magiging reaksyon ni Dastan sa sandaling malaman
niyang ang ina na siyang inaakala niyang laging nangangailangan ng yakap at papahid
sa kanyang luha'y isa palang huwad?
"Kumusta si Rosh at ang Deltora?"
"Nakatakda na silang bumalik sa kanilang emperyo kinabukasan, katulad mo'y ngayon
araw lang din nagising si Rosh."
Nag-angat ako ng tingin kay Dastan. "Ilang araw na akong natutulog?"
"Two weeks."
Suminghap ako sa sinabi niya at napaisip ako sa gintong pana na tumama sa akin.
Hindi iyon ordinaryong pana kung ganoon ang epekto sa isang diyosang katulad ko.
"Ang Deltora? Ano ang sinapit ng kanilang kaharian?"
"Parsua Deltora is one of the quickest empires possessing a good regeneration.
Tobias as an element king, and Rosh as the nature's-" hindi ko nagawang patapusin
si Dastan. 3
"Ngunit kapwa sila nanghihina, hindi ba?"
"Mabilis lamang ang pagpapagaling ng magkapatid. Malalakas silang mga bampira."
Tumango ako kay Dastan.
Magtatanong pa sana ako tungkol sa sitwasyon ng ibang emperyo, dahil siguradong
nakarating na sa mga iyon ang balitang ang Deltora'y nagkaroon ng digmaan na hindi
man lang napapansin ng lahat. Ngunit biglang pumasok sa isip ko ang dragon.
"Nasaan ang dragon, Dastan?"
"Matapos niyang masigurong nasa mabuti nang kalagayan si Rosh, ito'y lumipad na
muli sa kalangitan at naglahong parang bula. You told us that it was summoned by
his mate?"
Tumango ako. Pansin ko na tila nagkaroon ng saglit na kalituhan si Dastan sa sinabi
ko. Ngunit si Dastan ang bampirang hindi mahilig magtanong. Sinabi ko sa kanyang
nais kong magpaalam sa mga Le'Vamuievos bago ang mga iyon umuwi sa kanilang
emperyo.
Nakayakap sa aking bewang ang braso ni Dastan habang patungo kami sa tanggapan ng
kanilang mga panauhin. Eksaktong nandoon ang kanyang mga kapatid ang ang mga
Le'Vamuievos, akala ko'y may kaguluhang nangyayari ngunit si Marah lang pala iyon
na kasalukuyang lumuluha.
"Idiots! Such a disgrace to our family history!" sigaw niya sa tatlo niyang
kapatid. 4
Kapwa nakaupo sa eleganteng mga upuan si Tobias na nakatitig lamang kay Marah na
may tipid na ngiti, si Pryor na nakayuko at nakangiwi at si Rosh na malayo ang
tanaw sa bintana habang nakakrus ang mga binti at may hawak na pulang-pulang rosas.
33
STORY CONTINUES BELOW
Napahinga ako ng maluwag, talagang nasa maayos na kalagayan ang magkakapatid.
Sila'y nakauwing ligtas gaya ng ipinangako ko kay Marah, hindi man ako ang tuluyang
nakapagligtas sa kanila.
Ang magkakapatid na Gazellian pa rin ang siyang sentro ng digmaan, ang siyang
gumawa ng lahat upang mapanatiling buhay ang emperyong siyang pinakamatindi nilang
sandalan. Hindi dahil sa kakayahan nito kundi sa matinding koneksyon ng kanilang
bawat pamilya.
"Ano ba, Marah? Dalawang linggo ka nang ganyan." Umiiling na sabi ni Pryor. 2
Suminghap si Marah at iritadong binuksan ang kanyang pamaymay.
"Look everyone! Ang mga kapatid kong mamamatay, gentleman pa rin! I am the proudest
sister!" tila umusok ang ilong ni Pryor kay Caleb na nakangisi at nakataas ang
kamay. 5
"I told you, 'di ako ang nagsabi sa kanya na halos mamatay na kayong tatlo na
gentleman."
Bigla kong naalala ang sinabi sa akin ni Pryor nang nakikipaglaban kami sa diyosa,
hindi nila raw maibigay ni Tobias ang lahat ng kanilang kakayahan dahil may
ipinangako raw silang magkakapatid.
Ang pagiging maginoo hanggang sa malagutan sila ng hininga, lalo na sa harap mismo
ng sagradong altar ng kanilang palasyo.
Nang sulyapan ko si Dastan ay tipid siyang nakangiti ngunit ng maramdaman niyang
nakatitig ako ay agad niyang tinanggal ang kanyang ngiti na tila kasalanan iyon. 8
"Gazellians never had that foolish vow, yeah, it's really a shame." Sabat ni Zen.
"But we're alive, Marah. Stop crying." Kalmadong sabi ni Tobias.
Pinunasan ni Marah ang kanyang luha.
"That's a foolish death, kung hindi napigilan. Akalain mo iyon? Mawawalan ka ng mga
kapatid? Okay lang naman yata, at least they died noble, gentlemen?" 9
Lalong namula ang mukha ni Marah sa sinabi ni Finn, hindi na ako magugulat kung
anumang oras ay may sugurin ng Gazellian si Pryor. 3
"Huwag n'yong gatungan ng gatungan si Marah mga Gazellian!"
Nauwi sa tawanan ang buong silid dahil sa pagtatalo ng magkakapatid na Le'Vamuievos
at ang ilang beses na pagsawsaw ng magkakapatid na Gazellian. Si Rosh lamang ang
nanatiling tahimik sa loob ng silid na tila may sariling mundo. 2
Nang sandaling magpapaalam na sila, kusang humarap sa aming dalawa ni Dastan, si
Pryor at Marah. Natigilan ako nang sabay yumuko ang dalawang Le'Vamuievos.
"Thank you for saving my brothers." Si Marah lamang ang nagsalita habang si Pryor
ay mas piniling yumuko na lamang.
"H-hindi ko alam ang gagawin ko kung hindi sila nakauwing tatlo... hindi ko
kailanman naisip tumayo sa emperyong nag-iisa na lamang ako. I can't live without
my kuyas... maraming maraming salamat, Dastan, Leticia... at buong Gazellian..." 15
Nakita ko kung paano lumingon si Pryor sa kapatid niya na humahagulhol na naman.
Ngunit ang kanyang mga mata'y tila nanlalaki na parang may mga salita niyang hindi
inakalang maririnig sa bunso niyang kapatid. 1
"Marah..."
"Ilang beses na rin kaming iniligtas ng inyong emperyo, so? We're even." Sagot ni
Caleb.
"Yes, ayaw namin ng utang na loob." Sabi ni Finn na may ngisi sa labi.
"Alam kong katulad nami'y hindi rin kayo magdadalawang isip na tumakbo sa Sartorias
sa sandaling kami'y nasa parehong sitwasyon." Pormal na sabi ni Dastan.
Hindi rin nagtagal ay katabi na ni Pryor si Tobias, saglit pang sumulyap si Pryor
kay Tobias na tila may nais sabihin bago muling sumulyap kay Marah. Pansin ko na
namumula na ang pisngi ni Pryor. 4
"Second time, you called me that twice." Yumakap ng dalawang braso ni Rosh mula sa
likuran sa may leeg ni Marah. 1
Marahan lang iyon, kasabay ng paglapat ng baba niya sa ulo ng bunso niyang kapatid.
3
"I think we need to go, Gazellians. We still have our sibling's bonding, right?"
sinubukan kumawala ni Marah sa yakap ni Rosh na tumatawa lamang.
"Don't touch me, Rosh! We're not close!"
Sa huli, tila tubig na nalusaw si Tobias at Pryor habang si Rosh at Marah naman ay
piraso ng pulang mga rosas. 4
Tipid akong ngumiti at saglit na tumanaw sa labas ng bintana. Hindi lamang
Gazellian ang pamilyang aking hinahangaan.
Maging ang mga Le'Vamuievos. 3
Naagaw ang atensyon naming lahat nang biglang mabuksan ang pintuan, iniluwa nito si
Reyna Talisha na matamis ang ngiti sa amin ni Dastan. May dala siyang malaking
kahon na nakaagaw sa atensyon naming lahat.
"I have a new game, sons, daughters, and the only mechanic is to find a better
comrade. But remember, the Queen is always the fastest, hindi n'yo ako mauunahan."
2
Makahulugang tumingin sa akin si Reyna Talisha. Isang malaking kasagutang siya ang
at ako naman ngayon ang dalawang reynang magkatunggali.
Chapter 46 15
Pagpili 1
Natipon ang magkakapatid na mga Gazellian at ang kanilang mga kapareha sa tanggapan
ng mga bisita. 5
Kapwa nakangiti ang kanilang mga labi, tawanan at biruan na tila walang nakabinbing
suliranin ang kabuuan ng Parsua. Hindi ba't anumang oras ay maaaring magkaroon ng
ikalawang pagsugod ang mga kalabang emperyo?
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maging reaksyon sa sitwasyong ito. Kagigising
ko lamang mula sa pagkakatulog dala ng isang digmaan, ngunit ngayo'y tila ang
dahilang ito'y hindi kayang sirain ang magaang presensiya ng pamilyang nasa harapan
ko.
Nangunguna sa kasiyahan ay si Reyna Talisha habang inilalatag ang malaking kahon na
naglalaman ng larong kanyang sinasabi.
Ang mga lalaking Gazellian naman ay nagsimulang buhatin ang eleganteng mga upuan at
kani-kanilang dinala sa tabi, tanging kami lamang ni Dastan ang nanatiling nakatayo
at nanunuod sa ginagawa ng mga kapatid niya.
Hindi rin nagtagal ay dumating na rin ang mga bata, si Divina, Dawn at Dusk na agad
nagliwanag ang mga mukha nang makita ako at si Dastan. Buhat ni Zen si Divina at
Dawn pero nang makita nila si Dastan ay halos mag-unahan ang dalawang prinsesa para
yumakap sa hari. Nakangisi rin sumunod sa kanila si Dusk. 1
Kumakamot sa kanyang ulong bubulong-bulong ang prinsipe ng mga nyebe kay Claret na
ngumiti lamang sa amin ni Dastan. Si Adam lamang ang wala dahil may kailangan daw
silang pag-usapan ng kanyang pinsang si Lucas. 20
Tipid akong ngumiti nang sumagi sa aking isipan ang isa sa aking hinahangaang lobo
noon pa man, siya'y katulad ni Adam na nararapat lamang ipares sa isang matapang na
prinsesa. 20
"My king!" natutuwang tawag ni Divina.
Lumambot ang mga mata ni Dastan nang makita ang kanyang mga pamangkin. Sa
magkakapatid na Gazellian si Dastan ang kilalang pinakamalapit sa mga bata. Ramdam
kong maging ang aking puso'y tila unti-unting matutunaw nang bahagyang yumuko si
Dastan at inilahad ang kanyang mga braso sa mga batang tumatakbo patungo sa kanya.
Simula nang dumating ako sa Parsua Sartorias suliranin na lang ang dala ko sa
kanila, siguro'y tama ngang kahit sandali'y makalimutan namin ang problema.
Nakaluhod na si Dastan nang sandaling yumakap sa leeg niya si Dawn at Divina, nasa
malapit din si Dusk at natutuwang pinagmamasdan ang kanyang hari.
"How's my prince and princesses?" binuhat na niya ang dalawang prinsesa habang
tumabi naman sa kanya si Dusk hawak ang kanyang binti.
"Do you want me to carry you, too?" sumilip si Dastan kay Dusk.
"No, My King, I am a big boy now." 5
Natutuwang nanuod lamang si Claret at Lily kay Dastan at sa kanilang mga anak. Si
Kalla at Naha naman ay abala na sa pagtulong sa reyna at sa larong kanyang hawak.
Kinakabahan ako, ngunit pinilit ko munang ibaling ang atensyon kay Dastan at sa mga
bata.
"We were so worried, King Dastan..." ani ni Dawn.
"We cried a lot..." sabi ni Divina.
"It's okay now." Tipid na sagot ni Dastan.
"Divina missed you a lot, Uncle Dastan." Humalik si Divina sa kanang mata ni
Dastan, si Dawn naman ay sa kaliwa niya. 1
"How about your own Papa? I was gone, too." Kumento ni Zen mula sa malayo. 1
"I played with you last night, Papa. Divina read a bed time story for you, and I
kissed you a lot. Papa's always jealous, he's sutil na naman, right, King Dastan?"
22
STORY CONTINUES BELOW
Nagtawanan ang lahat ng mga Gazellian maliban kay Zen sa sinabi ng kanyang anak.
Inosenteng hinawakan ni Divina ang magkabilang pisngi ni Dastan at pinaglaro niya
ang tungki ng mga ilong nila ni Dastan. 4
"My Divina is not sutil, just her father." Sinagot ni Dastan ang pakikipaglaro ni
Divina sa kanya, at para hindi rin mainggit si Dawn ay nilaro rin ni Dastan ang
kanyang ilong dito.
"Seriously?" pagprotesta ni Zen. 4
Natapos ang pag-aayos nila Kalla, Naha at ng reyna. Lahat kami'y kasalukuyan nang
nakaupo sa isang eleganteng latag at nakapalibot sa kakaibang kahon, ang mga bata'y
nakaaligid pa rin kay Dastan na parang ayaw siyang pakawalan.
Hindi muna ipinaliwanag ng reyna ang kanyang laro dahil tila ang lahat ay nawiwili
pakinggan ang pakikipag-usap ng tatlong bata kay Dastan.
"Uncle Caleb, open our fireplace, it's so beautiful!" masiglang sabi ni Divina na
nakayakap pa rin kay Dastan.
Ngumiwi si Caleb. "Kapag nandito si kamahalan, taga-sindi na lang ako ng fireplace,
Divina? I thought I was your favorite uncle!" 27
Muling tumawa ang mga Gazellian. Tumayo si Caleb at sinimulan na niyang sindihan
ang pugon.
"Because King Dastan is always spoiling them." Sabi ng prinsipe ng mga nyebe.
"I am also spoiling them, I've been their playmate since their birth? I always let
Divina read creepy lines from your enchantress book, made myself as her practice
item for spell. While Dawn and Dusk--" suminghap si Claret sa sinabi ni Caleb
dahilan kung bakit hindi niya natuloy ang kanyang sasabihin. 3
"Y-you did what, Caleb?" 3
Huli na bago malaman ni Caleb na sekreto lamang pala nilang apat iyon. Dahil ilang
beses pilit na umiiling sa kanya ang tatlong bata.
"What's that, Divine? Are you playing with your mother's book again?" tanong ni
Zen, iritado na naman ang boses nito sa kanyang anak na sutil.
Humigpit ang yakap ng mga prinsesa kay Dastan. "Maybe they're just playing, wala
naman nangyari sa'yo, Caleb?"
Sa tono ni Dastan kahit may nangyaring hindi maganda kay Caleb ay hindi nito
magagawang sabihin. Ngayon ay napatunayan kong totoo ngang laging nakapanig si
Dastan sa mga bata. 1
"N-none, of course." Sagot ni Caleb. 4
"Good." Muling lumambot ang mga mata ni Dastan sa mga bata na lumawak ang ngiti sa
kanya. Humalik ang mga iyon sa kanyang pisngi at bumuntong hininga na lamang ang
mga kababaihan sa silid.
Iniligtas na naman ng hari ang mga sutil na bata. 1
"But I know who's their favorite aunt, right, sunshines?" kumindat si Naha sa mga
bata.
"Aunt Naha!" 4
Ilang beses umiling si Evan sa tatlong bata na parang isa iyong malaking
pagkakamali. 1
"J-just choose Aunt Kalla, Harper, your mothers, Claret or Lily. Not Aunt Naha, oh
god, no! Naha ano ba ang itinuturo mo kay Divine at Dawn? I heard them calling me
Uncle Oppa! With finger hearts! How's your vampire knowledge? Tumatalab ba iyong
mga sinasabi ko sa'yo, Naha?" halos sabunutan ni Evan ang kanyang sarili. 86
Hindi sumagot si Naha sa halip ay ngumisi lamang siya at gumawa ng kakaibang korte
sa kanyang daliri na siyang sabay na ginawa ni Dawn at Divina. 10
Walang pumansin sa pagkadismaya ni Evan dahil kasalukuyan nang tinuturuan ni Divine
at Dawn gumawa ng hugis puso sa kanyang daliri. Pero bago pa gawing tuluyan iyon ni
Dastan ay agad nang inagaw ni Claret at Lily ang kanilang mga anak.
STORY CONTINUES BELOW
"Enough, kids."
Si Dusk ang pumalit sa kandungan ni Dastan, si Divina ay nasa kandungan na ng
prinsipe ng mga nyebe habang si Dawn at lumapit kay Caleb na nagkukunwaring
nagtatampo sa kanya.
"Basta kami ni Kalla, no to kids muna! Ang susutil ng mga lumalabas!" tipid na
ngumiti si Kalla.
"Why not? Ang ingay ng palasyo natin dahil sa tatlong batang 'yan." Sabi ni Harper
habang nakahilig kay Casper na nagbabasa ng aklat. 4
"No, mas mabuting ilan pa lang ang mga bata. Kung wala si kamahalan at ang mga
magulang nila, ako o si Caleb ang kinukulit nila. I am not good with kids."
"But we love Uncle Casper, right, Dawn? We are good with our uncles. And, Uncle
Casper looked like Grandfather King that's why Divine loves you so much." Saglit
namula si Casper. 7
Pinisil ni Zen ang ilong ni Divina, "You are so talkative." 1
Nagtagal pa ang usapan na pinangungunahan ni Divina at Dawn habang si Dastan at
Dusk naman ay kapwa nagbubulungan na parang may sarili silang usapan.
"Mother, what's with your new game?" tanong ni Dastan kay Reyna Talisha nang
matapos siya sa pagbulong kay Dusk.
"Ah, this... a friend of mine gave this game to me. Nitong nakaraang buwan ko
lamang binuksan."
Biglang lumabas si Lumps at may inabot na nakatuping lumang papel, ngunit ang
mismong presesiya ng kuneho ang siyang naging dahilan ng biglang pagbabago ng anyo
ng kambal. Huli nang malaman nitong naka-anyong lobo na ang dalawang bata na handa
nang habulin siya. 2
Tumakbo ang malaking kuneho at nagsimula siya habulin ng dalawang batang lobo. Tawa
nang tawa si Caleb na narinig kong siyang nagturo sa dalawang bata simula
pagkasilang ng mga iyon na habulin lagi ang kuneho ng reyna. 11
"Caleb, look at them! Hindi na matanggal sa mga batang iyan ang paghabol sa kuneho
ni ina!" reklamo ni Lily.
"Why? They're adorable! Isa pa, tumatanda na si Lumps, kailangan niya ng work-out."
12
"I will run, too, Papa! I will turn into pink wolf!" humiwalay mula kay Zen si
Divine at ginaya niya ang ingay ng dalawa niyang pinsang lobo bago tumakbo. 1
"Pink wolf?" tanong ng Prinsipe ng mga nyebe.
"That's our favorite color." Sagot ni Naha. 11
"Now that the kids are now busy, let's settle with our mother's new game."
Pinagkiskis niya ang kanyang mga palad.
Lahat kami ay lumipad ang mga mata sa nakalatag na matigas na papel na may
nakaguhit na mapa.
"Parang monopoly." Kumento ni Naha. 7
Tumaas ang kilay ni Reyna Talisha at hinayaan niyang magsalita si Naha.
"There's a finish line, there are numbers of obstacles and as the players passed
from one place to another they'll gain or lose their money, golds or possession?
The first to reach the last place would claim the prize?"
Suminghap si Evan. "Naglalaro ka pala ng Monopoly, Naha?" 7
"Of course, hon, ano naman ang tingin mo sa akin?" hinampas niya ang balikat ni
Evan.
"A human board game?" tanong ni Kalla.
"No, it's different." Ilang salita na alam kong sasabihin ni Reyna Talisha.
"How many players?" tanong ni Caleb.
"Just two?" si Claret ang sumagot nang makitang may dalawang magkaibang kulay na
bato. Para iyong diyamante ngunit sa gitna'y may rubi at Esmeralda.
"Yes, I want Leticia to be my opponent. This game was inspired by an actual war
happened million of years ago, mga panahong wala pang kaayusan sa Nemetio Spiran."
1
"You mean before the seven high thrones?" tanong ni Finn.
Tumango ang reyna. "Hindi nagsimula ang panahon ng iba't-ibang nilalang sa pitong
pinakamalakas na upuuan."
Ako naman ang sumang-ayon sa sinabi ni Reyna Talisha.
"So... this is another history?" tanong ni Kalla.
Umiling si Reyna Talisha. "Wala akong balak pag-usapan pa ang mas malalim na
nakaraan, I just want to well... inform you, my dearest, sons and daughters, that
this game was inspired by the war between the two queens. Sa katunayan ay ibinigay
talaga ito ng isa sa mga reynang kaibigan ko at ang tanging maaaring makalaro ko
lamang sa larong ito'y---" lahat sila'y lumingon sa akin. 2
"That's why you asked for Leticia." Ngumiti si Reyna Talisha sa sinabi ni Dastan.
"This game is only suitable for Queens." 2
"And we'll be the pawns?" tanong ni Harper.
"But you have a very important role, my sons, daughters, hindi gaganda ang larong
ito kapag hindi kayo kasali."
"A war tactics, then?" tanong ni Evan.
"Leticia's a goddess, right? Is she-" nag-aalinlangan si Caleb sa sasabihin niya
pero agad din siyang umiling.
"I've seen her in battlefields. Mom, Leticia's also good with wars." Hindi ko alam
kung lang ba ang nakakita niyon, pero nakita ko ang mabilis na pagtaas ng kilay ni
Reyna Talisha bago nito ibinalik ang kanyang ekspresyon sa natural niyang ngiti. 5
"Don't pressure me, Caleb! Where is your respect!?"
Mas ipinaliwanag pa ni Reyna Talisha ang buong paraan ng laro. Kailangan naming
pumili ng kakampi na siyang magiging kasama namin sa paglalakbay. May mga bato rin
ang bawat Gazellian katulad namin ni Reyna Talisha at sa sandaling hahawakan namin
iyon, hihigupin ng mga bato ang aming kakayahan na siyang magsisilbing
kapangyarihan nito sa sandaling magsimula ang laro.
Hindi na raw sasali si Dastan at piniling manuod na lamang, kaya ang naiwan ay
sampu na siyang pagpipilian namin ni Reyna Talisha.
Unang pumili si Reyna Talisha. "I'll pick the wisest in my journey, my son, Evan."
Nagkibit balikat si Evan. "Well, better than the ice and strength..." 2
"Fuck off, Evan." Sabay na sagot ni Caleb at Zen.
Ako naman ang pipili. "Si Claret, kailangan ko ng manggagamot." Tumaas ang sulok ng
labi ng reyna at tipid na tumango si Dastan.
"Lily, I need another leader, and a navigator." Umirap si Lily kay Zen, Caleb at
Finn. "Hmm, not too essential, brothers." 6
Mas kinabahan ako nang salubungin ako ng mga mata ni Zen, Caleb at Finn na nag-
uunahan na para mapili. Kailangan ko ng talinong katulad ni Evan at kakayahan ni
Lily magtungo sa iba't-ibang lugar, naghanap ako sa mga natitira ngunit ibang-iba
ang kakayahan nila. 3
Unang nasa isip ko si Casper dahil matalino rin iyon, ngunit kailangan ko ng higit
sa talino. Manipulasyon.
"Si Finn."
"Better than the ice and strength." 17
Nang pumili muli ang reyna, nakuha niya si Kalla, Zen at Harper. Napapunta sa akin
si Naha, Casper at Caleb. 2
Kapwa na kami bumunot ni Reyna Talisha ng maliit na papel mula sa lumang kopita na
parte pa rin raw ng laro at nang sabay namin iyong binuksan binigyan kami ng
parehong bugtong.
Laking pasasalamat ko nang magawa kong pigilan ang pangangatal ng kamay ko, ramdam
ko ang malakas na pintig ng puso ko. Alam kong laro lamang ito pero malaki ang
kasiguraduhan kong importanteng may matutunan ako rito.
Nagkatitigan kami ni Reyna Talisha bago may lumitaw na maliit na ilog sa laro,
lahat kami nagpasinghanap nang makitang halos tunay iyon.
"A life game..." hindi makapaniwalang sabi ni Claret. 8
Sa daang bugso ng damdami'y mahigpit mong kalaban
Ilog na umaagaw ng pagkakakilanlan 1
Unang pagsalo ng paa'y siyang unang magbibigay tulay
Chapter 47 13
Katanungan
Sa daang bugso ng damdami'y mahigpit mong kalaban
Ilog na umaagaw ng pagkakakilanlan
Unang pagsalo ng paa'y siyang unang magbibigay tulay 1
Bugtong na siyang nagbukas sa buhay na laro ng reyna. Maliit na papel na siyang
tangan sa aking nangangatal na kamay. Aking mga mata'y paulit-ulit naglandas sa
saliw ng mga letrang naghahayag ng tonong tanging ako lamang ang makakarinig.
Sa isang iglap, ang tila mala-paraisong silid na puno ng tuwa't galak ay nabalot ng
kadiliman. Isa-isang naglaho ang magkakapatid na Gazellian sa aking mga mata,
sinubukang abutin ng aking mga kamay ang kanilang mga pigura ngunit sa tuwing abot
kamay na sila, tila mga nauupos na puting usok na unti-unting nilalamon ng dilim.
"D-dastan..." ngunit maging ang aking hari'y naglaho sa aking mga mata. 1
Ang tanging nanatiling may liwanag ay ang kakaibang larong may dalang bugtong at
palaisipan, at ang reynang taas noong nakaupo, nakakrus ang mga hita sa aking
harapan.
Ang mga mata nami'y nagtama at pinilit kong gantihan ang tindi ng mga titig niya sa
akin. Pumasok ako sa mundo ng mga Gazellian na iniwan ng impresyong ang hari ang
siyang pinaka-mapaglaro sa lahat na siyang pinatunayan ng mga itinakda sa mga
Gazellian, ngunit hindi ba nila nakikita ang reyna at ang nag-uumapaw nitong
presensiya? 1
O marahil ay ako lamang ang may kakayahang--- 3
Suminghap ako sa aking naiisip at kusang nagusot ang lumang papel sa aking kamay.
Buong akala ko'y mamayani ang matinding katahimikan sa pagitan naming dalawa,
ngunit nang magsimulang magyaman ang amoy ng usok ng insenso at nagsimula iyong
yumakap sa aming dalawa, unti-unti kong narinig ang mahinang saliw ng kudyapi at
plauta na siyang nagmumula sa mahiwagang laro na siyang nasa pagitan naming dalawa.
"B-bakit? Sino ka?" ito agad ang unang lumabas sa aking bibig.
Sa kabila ng kaba sa dibdib ko at walang katapusang katanungan, hindi ko pa rin
maiwasang humanga sa kasalukuyang reyna ng Parsua Sartorias, ang kanyang mga anak
ay nakilala kong hindi basta-basta nilalang lamang, ang mga itinakda sa kanila ay
ganoon din ngunit paano niya naikubli ang lahat ng ito?
Siya'y hindi pangkaraniwang bampira, siya'y isang-
"Ibabalik ko sa'yo ang sarili mong katanungan, Leticia, sa tingin mo ay sino ako?"
34
Sinubukan kong ibuka ang bibig ko upang sagutin siya, ngunit ang tangi ko lamang
nagawa'y ibalik ang atensyon ko sa nagliliwanag na laro.
Parang pinipiga ang puso ko habang unti-unti kong pinagtatagpi-tagpi ang mga
katanungan ko noon pa man.
Mula sa walang katapusang koneksyon ng mga Gazellian sa nakaraan at sa
pinakamalakas na diyosa, ang patuloy na pag-iwan ni Haring Thaddeus ng bakas na
tila nais siyang sundan, ang mga nilalang na siyang may mahalagang parte ng isang
bugtong...
"B-bakit hindi na lang natin ipagpatuloy ang ating laro, Mahal na Reyna?"
nangangatal na sabi ko.
Tumaas ang sulok ng kanyang labi bago niya hinawi ang kanyang mahabang buhok.
Inilahad niya ang kanyang kamay at hinayaan niya akong sagutin ang unang bugtong.
Sumulyap ako sa iba't-ibang bato dala ang bawat kapangyarihan ng magkakapatid na
Gazellian at ng itinakda sa kanila. Nasa akin ang bato ni Claret, Naha, Finn,
Casper at Caleb. Mariin kong pinag-isipan kung ano ang magagawa ng kanilang
kakayahan.
Nakuha ko ang ibig sabihin ng bugtong, ang ilog ay may kakayahang hawakan ang
damdamin ng magtatangkang lumusong doon, ibig sabihin nito may halong hipnotismo
ang ilog, si Finn ang bampirang maaari kong gamitin, ngunit sa paano tulay ang
kanyang gagawin? Hindi na ako nag-aalala sa posibleng pagkawala ng alaala, kung
walang magagawang pinsala ang hipnotismo kay Finn, hindi magagawang tanggalin ng
ilog ang kakayahan ng kanyang bato. Ngunit paano nga ang tulay?
STORY CONTINUES BELOW
Si Casper ay may kakayahang lumipad gamit ang sariling hangin ngunit kailangan ng
paglapat ng paa sa ilog. Umiling ako.
Sina Claret at Naha ay wala rin magagawa. Habang si Caleb naman, huminga ako ng
malalim, siya ang may kakayahang gumawa ng tulay ngunit sa paggawa niya nito at
makatawid ang apat na bato kasama ako, posibleng hindi ko na magamit si Caleb at
maglaho na ang kanyang bato sa laro.
Ang laro bang ito'y pagsasakripisyo? 1
Nang muli kong sulyapan si Reyna Talisha, pansin ko ang kawilihan sa kanyang
ekspresyon habang pinanunuod ako.
"Tumatakbo ang oras, Leticia." Sumulyap ako sa buhanging orasan na malapit sa aming
laro.
Sa huli, hindi ko sinunod ang nais ng bugtong. Ginamit ko ang bato ni Casper upang
magawa niyang patawirin patungo sa kabilang panig ng ilog ang natitirang bato ng
mga kasamahan niya.
Saglit na tumawa si Reyna Talisha sa ginawa ko.
Nakakuyom ang mga kamay ko habang pinagmamasdan ang mga bato na siyang gamit ko at
umaasa na sana ay wala akong maling ginawa, ngunit tulad nga ng kinatatakutan ko,
may isang naglaho sa kanila. Ang bato ni Casper.
"Answer the riddle, Leticia. Don't evade it."
"At isakripisyo ang bato ni Caleb?"
"But Casper's stone disappeared. What's the difference?"
Hindi ko nagawang makasagot sa reyna, ngayon naman ay siya na ang sasagot sa
bugtong. Ang nasa kanya ay ang mga bato ni Evan, Lily, Zen, Kalla, Harper.
Inaasahan ko nang ang gagamitin niya ang ang bato ng Prinsipe ng mga Nyebe, ngunit
laking gulat ko nang gamitin niya ang kay Kalla.
Pilit kong inalala ang kapangyarihang mayroon si Kalla, ngunit bago ko pa man
masagot iyon ay may lumitaw nang tulay mula sa bato ni Kalla at doon mismo tumulay
ang mga bato ng kasamahan niya.
"Kalla possessed the ancient vampire mythical five wishes. You thought you've got
the most powerful vampire at your side? My son, Finn? I have his mate, more
powerful." 11
Nagkbit-balikat sa akin ang reyna habang kapwa namin pinagmamasdan ang pagtawid ng
kanyang mga bato na wala man lang naglalaho. Bakit nga ba nawala sa isip ko ang
kakayahang iyon ni Kalla?
Sa isang simpleng hiling niya lamang ay magagawa niya ang gusto ng reyna. At dahil
sumunod sila sa bugtong, mas malayo ang narating ng grupo ni Reyna Talisha kaysa sa
akin.
Kapwa kami muling bumunot, inasahan ko nang magkaiba ang sa amin dahil nasa
magkaiba na kaming parte ng laro ngunit nang sandaling marinig ko rin ang sa kanya
agad kumunot ang aking noo.
Alam ko na sa umpisa pa lang na nais niyang malaman kung hanggang saan ang
kakayahan ko sa palaisipan, ngunit hanggang saan ang nais niyang malaman sa akin?
Bakit hindi niya na lang ako tanungin?
Kung nais niyang may malaman o madiskubre ako, bakit hindi niya na lang ibahagi sa
akin? Papaano kung makuha ko ang nais niyang iparating nang mali? Mas makakatulog
pa ba ito sa akin o sa kanyang mga anak?
Mas ginagawa niya lamang komplikado ang sitwasyon. 1
Huminga akong muli ng malalim at sinimulan kong basahin ang sa akin.
Minimithing marinig unti-unting aawit...
Sa pagmulat na hatid ay pintuang nagbubukas... 3
At paghakbang na akala'y wakas ay panibagong hatid na bakas
Bakas ng malaking paa'y unang mapa ng daan...
Kung ang unang bugtong ay nagawan ko pa ng eksplenasyon, ngayon ay hindi ko mawari
kung saan ako magsisimulang gumuhit at ikonekta ang mga iyon.
Awit? Maaring si Harper ngunit wala siya sa kupunan ko. 1
STORY CONTINUES BELOW
Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko, ang unang dalawang linya ay tila nagbabadya ng
katapusan, ngunit sa ikatlo nasagot doon na may panlilinlang na nangyari.
Biglang may lumabas na pintuan sa laro, isang puting pintuan, ngunit habang
nagliliwanag ito ay tila may pinagsama-sama iyong bulong ng mga boses. Pinagmasdan
kong muli ang natitirang bato sa akin, kailangan kong pumuli sa kanila kung sino
ang maaaring tumawid sa pinto. 1
Ngunit paano ko magagawa iyon at hayaan ang kasamahan kong tumawid sa isang bagay
na alam kong panlilinlang lamang? Si Reyna Talisha mismo ang nagsabi sa akin na
sundan ko ang bugtong dahil kahit anong gawin kong iwas ay may isasakripisyo.
Iyon ba talaga ang importansya ng paglalakbay? Maaari bang sabihing tagumpay ang
paglalakbay sa sandaling malagas ang iyong mga kasamahan habang patungo sa dulo ng
mapa?
Tumayo na ako at taas noo kong hinarap ang reyna, sa kabila nang pangangatal ng
buong katawan ko, buong lakas ng loob kong hinawakan ang laro at marahas ko iyong
itinaob.
Ngunit nang matapos ko iyong gawin ay agad kong ibinaba ang ulo ko sa reyna bilang
pagrespeto.
"Hindi ko alam kung anong nais mong malaman sa akin o kung ito'y parte pa upang
kilatisin mo ako para sa iyong anak, sa Parsua Sartorias at sa panghinaharap,
ngunit kung nais mong malaman kung ano ang sarili kong depinasyon ng pagiging
reyna---" muli akong humarap kay Reyna Talisha. Hindi ko magawang mabasa ang
ekspresyon niya.
"Hindi ito pagsasakripisyo ng mga nakakababa at panunuod sa kanilang paglalaho,
hindi ko kayang pumili kung sino ang una at huli, dahil ang buhay, mahal na reyna
ay kailanman ay hindi tinitimbang, makapangyarihan ka man o hindi, prinsipe o
prinsesa ka man, diyosa o isang pangkaraniwan. Ang paglalakbay ay kapit kamay,
hindi kung sino ang unang hahakbang, sino ang ipapain at sino ang pipiliing
makarating sa dulo..." 3
"Kung ganito ang patakaran ng reyna sa mundong ito ngayon pa man ay nais ko nang
tumalikod, dahil hindi ito ang nais ko..."
"You can be your best version of the queen, Leticia." Simpleng sagot niya sa akin
na tila hindi man lang nagulat sa mga sinabi at ginawa ko sa kanyang harapan.
Alam kong kapangahasan na ang ginagawa ko sa mga oras na ito ngunit ngayon na ang
tamang pagkakataon upang makausap ko siya tungkol sa mga katanungan ko.
"Ikaw, Reyna Talisha? Sa tingin mo ba'y mabisa na ang iyong panunungkulan sa ilang
daang taon pag-upo mo sa iyong trono?"
Sa unang pagkakataon ay pinakitaan ako ng kakaibang ekspresyon ng reyna, saglit na
pagkagulat.
"You're getting bolder and bolder, Leticia."
Ang reynang nasa harapan ko ba'y isang kakampi o kalaban?
Tuluyan na siyang tumayo at humakbang patungo sa akin. Mas pinalakas ko ang aking
loob sa anumang pwedeng mangyari, wala ang magkakapatid na Gazellian at alam kong
kasalukuyan akong nasa loob ng kakaibang kapangyarihan ng reyna.
Isang reynang may kakayahang mapasailalim ang isang diyosa sa kanyang kakayahan. 7
Hindi siya tumigil sa aking harapan sa halip ay umikot siya sa aking kabuuan na
tila hinahanapan ako ng matinding kapintasan.
"Bakit tila ipinararamdam mo sa akin Leticia na isa akong kalaban? Nais ko lamang
ipaalala sa iyo na ako ang ina ng lalaking pinakamamahal mo. Sa lahat ng nakilala
mong reyna'y ako dapat ang iyong-" sinadya niyang bitinin ang kanyang sasabihin.
Pinagpatuloy ko ang pagtayo at pagpakiramdam sa kanyang kilos, hinahayaan ko lamang
siyang magsalita, alam kong may nais pa siyang iparating sa akin at inilalabas niya
lamang iyon sa pamamagitan na laro.
"Masisisi mo ba ako, Reyna Talisha kung magkaroon ako ng pag-aalinlangan sa'yo?
Ipinakikita mong iba ka sa mata ng sanlibutan, hindi mo ipinakikilala sa kanila
kung sino ka talaga."
"A loving mother? A good wife, and a vulnerable queen?"
Gusto kong umiling sa huli niyang sinabi. "B-bakit?"
"Hindi lang ang Sartorias ang nililinlang mo, kundi ang iyong mga anak at maging si
Haring Thaddeus..."
Narinig ko ang saglit na pagtawa ni Reyna Talisha sa sinabi ko.
"Sa sandaling ikaw na ang nasa sitwasyon ko, Leticia, siguro'y ikaw na rin ang
sasagot sa'yong sariling katanungan."
Kung hindi ko man masagot ang parteng ito sa ngayon, may ilan akong katanungan na
hindi ko malalampasin.
"Sa umpisa ng laro'y tinuruan mo akong pumili ng mga makakasama, ito ba'y may
kinalaman sa-" biglang sumagi sa isip ko ang sinabi ng mga boses na kumausap sa
akin tungkol kay Rosh, maging ang bilin ni Diyosa Neena.
Humiling man ako na sana'y hindi humantong sa ganito ang sitwasyon ngunit malakas
ang loob kong iyon ang nais iparating ng mga boses, ni Diyosa Neena at ang
makahulugang mga salita ni Reyna Talisha.
Darating ang panahon ay pipili ng reynang tutulungan ang nag-iisang prinsipeng
sinasamba ng kalikasan, at ito'y sa pagitan namin ni Reyna Talisha.
"R-rosh..." wala sa sariling nabanggit ko.
Tila nabasa ni Reyna Talisha ang nasa isip ko dahil sarkastiko siyang ngumiti sa
akin.
"He's loyal to me, Leticia. Sa paano paraan mo siya makukumbinsing tumalikod sa
akin?" 7
Dito ko napagtantong hawak ng reyna sa leeg si Rosh, may bagay itong hawak na hindi
kayang tanggihan ni Rosh. Kailangan ko siyang tulungan upang sa akin siya pumanig
pagdating ng panahong kailanganin ko ang kakayahan niya. 11
Ngunit hindi ako papayag na hayaan si Reyna Talisha na isipin na may hangganan ang
nalalaman ko, siguro'y inaakala niyang ang aking nalalaman ay isa lamang siyang
bampirang reynang nagkukubli ng totoong kapangyarihan o kaya'y inakala niyang
walang nagbigay sa akin ng kaalaman ng mga panahong ako'y nananatili pa lamang sa
Deeseyadah. 2
Isa nang malaking eksplenasyon kung bakit sa dami ng emperyo'y sa Parsua nanatiling
mamalagi ang Diyosa ng Asul na apoy. 1
Dahil nandito ang una. 37
"Bakit ka bumaba sa lupa, Diyosang may hawak ng mga alaala?"
Chapter 48 16
Bote 3
"Bakit ka bumaba sa lupa, Diyosang may hawak ng mga alaala?" 6
Isa nang malaking palaisipan noon pa man ang walang katapusang pagkadawit ng mga
Gazellian sa kasaysayan. Simula sa pitong pinakamatataas na trono at sa
pinakamalakas na diyosa ng Deeseyadah. 1
Minsa'y naisip ko kung sila ba'y may bahid ng dugo mula sa bampirang siyang
nagpasimula ng lahat, ngunit sa una pa lang ay malinaw nang si Nikos at Naha lamang
ang may malakas na kaugnayan rito. Sapat na ba iyong dahilan upang paulit-ulit na
madawit ang mga Gazellian?
Kung iisipin ang kanilang pagkadawit ay hindi nagsimula kay Naha, dahil ito'y
nagsimula na kay Lily pa lamang na siyang nagpasiklab ng isang pangmalakihang
digmaan.
Minsa'y naisip kong ito'y dahil sa pakikielam ni Haring Thaddeus at Danna sa
nakaraan nang panahong iligtas nila ang pinakamalakas na diyosa ng kasaysayan
habang hinahabol ito noon ng pamilyang inakala niyang kanyang kakampi na siyang
pinagmulan ni Kalla.
Bawat parte ng nakaraang siyang pinagdaanan ng pinakamalakas ng diyosa ng
Deeseyadah laging may bahid na bakas mula sa mga Gazellian. At hindi iyon maaaring
sabihing nagsimula kay Naha, Nikos, Kalla o maging ni Haring Thaddeus at Danna...
Dahil ang kanilang mga ugnayan sa nakaraan ay hindi sanhi, kundi isa nang bunga,
isang resulta...
Si Reyna Talisha ang siyang nag-iisang dahilan kung bakit paulit-ulit nauugnay ang
mga Gazellian sa unang kasaysayan.
Bago pa man ako bumaba sa lupa ay sinabi na sa akin ni Hua at Diyosa Neena na
magiging tatlo na kaming diyosang piniling manatili sa mundong ito, hindi sapilitan
kundi kusang loob.
Diyosa ng asul na apoy, ako at ang Diyosang sinasamba sa Halla na siyang pinag-
aalayan ng buhay ng isang babae. 10
Gumuhit ang saglit na pagkagulat sa kanyang mga mata. Siguro'y iniisip niyang
tuluyan nang nabura sa Deeseyadah ang kanyang kasaysayan dahil sa kakayahan niyang
manipulahin ang mga alaala, ngunit si Diyosa Neena ay isang uri rin ng diyosa na
may kakayahang ding magmanipula ng mga alaala, katulad niya.
"Sa kasalukuyan, tatlong diyosa ngayon ang itinuturing taksil ng Deeseyadah, ngunit
dahil nagawa mong burahin ang buong pagkakakilanlan mo sa Deeseyadah, ilan lang ang
nakakaalala sa'yo."
Si Reyna Talisha naman ngayon ang hindi magawang makapagsalita. Siguro'y hindi niya
inaasahang makikilala ko siya, hindi bilang reynang nagpapanggap na mahina, kundi
isang diyosang katulad ko na piniling iwan ang Deeseyadah. 1
"Ako, ang Diyosa ng Asul na apoy at ang misteryosong diyosa mula sa Halla na pinag-
alayan ng buhay ng isang dalaga." Nang sandaling salubungin kong muli ang mga mata
ni Reyna Talisha agad niya nang ibinalik ang kanyang mga matang nanunubok. 3
"Ikaw at ang diyosang nasa Halla ay iisa." 65
Hindi siya tumango sa akin ngunit hindi ko na kailangan ng kumpirmasyon.
"Ang mga diyosang nananatili sa lupa may limitadong kakayahan na siyang nararanasan
ng diyosa ng asul na apoy, ito rin ang siyang naiisip ko noon kaya tumatanggap ang
diyosa mula Halla ng buhay na sakrpisyo ngunit isa iyong malaking kasinungalingan.
Mahina ang presensiya ng diyosang nasa Halla dahil wala mismo doon ang diyosang
kanilang sinasamba."
Nagsimula na akong humakbang papalapit kay Reyna Talisha.
"Dahil ang diyosa'y nandito sa Parsua, hindi nanghihina kundi napapanatili ang
sariling lakas. Ang presensiya ni Haring Thaddeus ang siyang nagpanatili ng lakas
mo, na siyang aking ginagawa ngayon sa presensiya ni Dastan." 2
STORY CONTINUES BELOW
Habang tumatagal ay mas bumibilis ang pintig ng puso ko. Ang lahat ng katanungan
ko'y unti-unti nang nasasagot. 3
"Ang iyong pananatili rito sa lupa'y kailanman ay hindi nagkaroon ng komplikasyon
dahil ang kakayahan mong manipulahin ang mga alaala ay isa nang malakas na
kapangyarihan upang maikubli ang iyong totoong pagkakakilanlan."
"Ikaw ang siyang malaking dahilan kung bakit laging nauugnay sa mga diyosa ang
iyong mga anak. Si Zen na kapares si Claret, si Dastan na itinakda sa akin, si Naha
at Kalla na kapwa may kaugnayan sa pinakamalakas na diyosa na itinakda kay Evan at
Finn, at si Harper na sa aking kaalaman ay nakapares din sa isang bampirang may
patak ng dugo ng diyosa..." 44
"Ngunit ang aking tanong..." nangangatal kong hinawakan ang mga kamay ni Reyna
Talisha.
Ang kanyang mga kamay ay nanlalamig din katulad ng sa akin, ang mga mata niyang
pilit niyang ikinukubli ng tatag ay unti-unti nang gumuguho.
"Ano ang dahilan ng iyong pagbaba? Ikaw ba ang nag-impluwensya sa asul na apoy
upang bumaba rin? Ano itong itinatago ng Deeseyadah? Itinakda tayong magtulungang
tatlo at magsama-sama rito sa Parsua, Reyna Talisha..." 1
May lumandas na luha mula sa kanyang mga mata. Simula nang dumating ako sa mundong
ginagalawan ng mga Gazellian, kailanman ay hindi ako nakarinig ng kasaysayan sa
pagitan ni Reyna Talisha at Haring Thaddeus.
Ano ang kanilang nakaraan at mga pinagdaanan? Ano ang tunay na mga alaala at
manipulasyon?
Kung si Haring Thaddeus at Danna'y may malaking inambag sa kasaysayan upang
tulungan ang pinakamalakas na diyosa noon?
Anong malakas parte ang ginawa ni Reyna Talisha? Ang kanyang pagbaba at ang
pagkakaugnay sa hari...
Hindi pinahid ni Reyna Talisha ang kanyang luha, sa halip ang mga kamay niya naman
ngayon ang mariing nakahawak sa akin.
"Huwag mong gagawin ang bagay na ginawa ko sa aking-" nakagat ni Reyna Talisha ang
kanyang labi at ilang beses siyang umiling na tila nag-aalangan kong sasabihin iyon
sa akin o hindi. 30
Sa huli'y bumitaw rin siya sa akin, isang mahinang pwersa ang naramdaman kong
yumakap sa akin, huli na nang makita kong nakatuwid ang kanang kamay ni Reyna
Talisha habang nakabuka ang kanyang kamay.
Mabilis niya akong naitulak sa akong unang posisyon, nakabalik na sa dati ang
larong aking ibinaliktad at sa isang iglap ay muling nabalot ang silid ng liwanag,
bumalik na ang presensiya ng magkakapatid na Gazellian na tila wala man lang
nangyari.
"Oh! Muntik ko nang makalimutan, may mga natanggap nga pala akong mga liham na
siyang dapat kong basahin! Paumanhin, ngunit maaari ba natin itong ipagpaliban
muna, Leticia?" tanong sa akin ni Reyna Talisha sa kanyang pinaka-inosenteng
paraan.
Rinig ko ang pagkadismaya ng magkakapatid na Gazellian, ngumiti lamang sa kanila ng
matamis ang reyna, at walang pinagpilian si Caleb kundi ayusin muli ang laro at
itago iyon.
Nang maiwan muli ang magkakapatid, nauwi sa kwentuhan at biruan muli sa pangunguna
ni Caleb, sumulyap ako kay Dastan na tipid na nakamasid sa kanyang mga kapatid.
Inangat ko ang aking kamay at bahagyang nag-aalinlangan, ngunit sa huli'y
napasyahang hawakan ang ilang parte ng kanyang kasuotan. Nakayuko ako at hindi
magawang sagutin ang kanyang mga mata nang siya'y lumingon sa akin. 1
"Leticia?"
"N-nais kong mapag-isa... tayo... kamahalan..."
Hindi ako bumilang ng segundo, ang hari'y bilang tumayo at tumikhim, natigil sa
tawanan ang kanyang mga kapatid at kapwa sa kanya nagtungo ang atensyon. 1
STORY CONTINUES BELOW
"Maiwan na namin kayo..." inilahad sa akin ni Dastan ang kanyang kamay at nahihiya
akong tumango sa mga kapatid niya.
Ilang beses siniko ni Caleb si Zen, Finn at Evan na iritadong humarap sa kanya.
Ramdam ko ang pag-iinit ng aking pisngi. 7
Habang naglalakad kami ni Dastan pabalik sa aming silid nagsimula nang maglaro sa
isipan ko ang lahat ng pinag-usapan namin ni Reyna Talisha. Si Dastan ay isa sa
pinakamatalinong Gazellian, papaanong hindi niya napansin ang itinatago ng kanyang
ina?
Nauuna siya sa akin ngayon habang pinagmamasdan ko ang likuran niya.
"May nais ka bang itanong sa akin, Leticia?" muntik na akong mapatalon sa
katanungan niya.
"A-ano..."
Natigil na kami sa pintuan ng aming silid at nakahawak na doon si Dastan, may
pagkakataon na nag-uusap kami sa isipan pero mas madalas ay hindi namin iyon
ginagamit sa isa't-isa.
"P-paano kung ang inaakala mong totoo noon pa man ay isa palang kasinungalingan?" 9
Binuksan niya ang pintuan at inilahad niya ang kanyang kamay upang mauna ako sa
kanyang pumasok. Alam kong nararamdaman na ngayon ni Dastan ang aking pangamba.
Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa marinig ko ang pagsasara ng pintuan.
Nanatiling nakatayo roon si Dastan, at nang lumingon ako'y nakasandal na siya roon
habang nakatitig sa akin.
"Panibagong suliranin na naman ba ang iyong iniisip, Leticia?" 2
Gusto ko siyang sagutin na tungkol naman ito sa kanyang ina at sa mga lihim niya sa
kanilang lahat, malakas ang pakiramdam ko na hindi lang ang kanyang pagiging diyosa
ang siyang dahilan.
Bumaba ba siya dahil sa pag-ibig? Imposibleng makarating sa Deeseyadah si Haring
Thaddeus at makuha ang atensyon ni Reyna Talisha. Ano ang siyang matinding dahilan
ng kanyang pagbaba, ang koneksyon niya sa pinakamalakas na diyosa at sa nais niyang
magawa sa mga oras na ito. 9
Ngunit dapat ko ba itong sabihin kay Dastan? Siya'y anak ni Reyna Talisha at ako'y
isang babaeng itinakda lamang sa kanya, ano ang laban ko sa babaeng nagluwal sa
kanya?
Oo, kaming tatlong diyosa'y dapat magkakakampi, ngunit si Reyna Talisha mismo ang
gumagawa ng dahilan upang hindi ko siya pagkatiwalaan. May mga bagay siyang dapat
sabihin sa akin na hindi niya sinasabi.
Kilala ba siya ni Haring Thaddeus? Nalalaman ba ito ni Dastan?
"N-nais ko lang makarinig ng kwento tungkol sa'yong ama't ina... hindi man lang ako
nakarinig ng kwento tungkol sa kanila mula kay Claret, Kalla o Naha..."
Pinagmasdan ako ni Dastan na tila hinahanapan niya ako ng pagkakamali sa mga
sinasabi ko. Hindi ako maaaring biglang magtanong ng tungkol kay Reyna Talisha,
posibleng magkaroon siya ng paghihinala sa akin.
Bumuntong-hininga siya, tinanggal niya ang pagkakakrus ng kanyang braso at
nagsimula siyang maglakad patungo sa akin hanggang lampasan niya ako. Nang sumulyap
ako nagsisimula nang tanggalin ng hari kanyang makakapal na kasuotan. 2
Nanatili akong nakatayo habang pinagmamasdan siya sa ginagawa niya, nakatalikod
siya sa akin habang tamad na tinatanggal ang kasuotan niya, at nang tanging ang
kanyang itim na pantalon na lamang ang natira, agad niyang inihiga ang kalahati ng
kanyang katawan sa kama. Ang kanyang kanang braso'y nakatakip sa kanyang mga mata.
6
"You can ask the ladies, Leticia... gisingin mo na lamang ako sa sandaling nasagot
ang nais mong malaman. You can leave me here." 8
Saglit kumunot ang aking noon ang marinig ang tono ni Dastan na tila iritado sa
akin. May nasabi ba akong mali sa kanya? 23
"M-may nasabi ba akong hindi mo nagustuhan, Dastan?"
Hindi siya sumagot sa akin sa halip ay nanatili siyang nakahiga na hindi man lang
kumikibo, ngunit nang marinig niyang nagsimula na akong humakbang patungo sa kanya
muli akong napatigil dahil sa sinabi niya.
"Stay right there, you innocent Queen." 55
Umawang ang bibig ko sa sinabi niya. Alam kong inosente ako, pero hindi ako
manghuhula kung ano ang iniisip niya sa akin ngayon at kung ano ang ginawa ko
dahilan kung bakit siya biglang nagkaganyan sa akin.
Ito ang mahirap sa tahimik na katulad niya, ito rin ang sabi sa akin ng mga kapatid
niya, kailanman ay hindi nagsasabi si Dastan ng mga nais niyang sabihin, hinayaan
niya na lamang ang mga kapatid niyang mabaliw sa kakaisip kung ano ang gusto niyang
gawin ng mga ito. 1
"M-may sinabi ba akong hindi maganda, Dastan? Nagtanong lang ako ng tungkol sa mga
magulang mo! Bakit tila bigla ka na lang nanlamig sa akin? May inaasahan ka ba na
hindi ko nagawa? Paumanhin kung hindi natuloy ang larong ipinakita na iyong ina..."
nagpahid ako ng takas na luha. 3
Nang marinig ni Dastan ang paghikbi ko bigla na siyang napabangon, pagsisisi ang
agad rumehistro sa kanyang mukha. 1
"L-leticia..." narinig ko ang pamilyar na salitang madalas kong naririnig mula sa
mga lalaking Gazellian sa tuwing may hindi sila nagugustuhang nangyayari. Fuck...
43
Napahilamos si Dastan sa kanyang sarili.
"I'm sorry, come here..." inilahad niya ang kanyang mga braso sa akin.
Umiling ako. "Ano'ng gusto mo? Sabihin mo sa akin, Dastan... nararamdaman ko... may
nais kang sabihin sa akin..." 7
Mariing napapikit si Dastan na tila nagtatalo kung sasabihin niya ba iyon sa akin o
hindi, ngunit hindi ba dapat ay kung may nais ka mula sa kapareha mo'y sinasabi mo
sa kanya? 3
"Kung may kinalaman ito sa pagiging inosente ko sa mundong ito... sana'y sinasabi
mo na lamang sa akin, Dastan... hindi ko kayang manghula, ngunit nararamdaman
kita... may nais ka... gusto kong ibigay, sabihin mo, ibibigay ko sa abot ng aking
kapangyarihan..."
"W-what? It's not your power, Leticia! Right, fine!" iritadong inilapag ni Dastan
sa kanyang mga hita ang kanyang mga braso at marahas niyang sinalubong ang aking
mga mata.
"Ikaw... I am beyond my limit... b-baka bigla na kitang atakehin..." 65
Tila isa akong mauupos na kandila sa aking kinatatayuan habang mabagal na
pinuprosesa ang mga salitang sinabi ni Dastan.
"You're too innocent, natatakot akong magulat ka katulad ng una kong-" bumalik sa
alaala ko ang pagtanggi ko kay Dastan nang nasa sirang karwahe kami. 3
Huminga ako nang malalim kasabay nang pagpikit ng aking mga mata, hinayaan kong
saglit na magliwanag ang aking buong kasuotan at nang sandaling mawala ang liwanag
nito, sumabay ang paghain ng buong kahubaran ko sa kanyang mga mata. 63
Natulala na si Dastan nang tuluyan sa akin. Dahan-dahan kong inangat ang
malakristal na bote na hawak ng aking kanang kamay na nakatago sa aking likuran na
matagal nang iniregalo sa akin ni Naha. 127
Nag-iinit ang buo kong katawan habang unti-unting ipinapakita iyon kay Dastan. 2
"N-narinig kong kailangan ko muna ikaw lagyan nito... bago ka umatake....
Kamahalan..."
AN/ This chapter is SPG, please read at your own risk. 58
Chapter 49 6
Nabuksang bote 39
Nang sandaling unang nagmulat ang aking mga mata sa silid ng hari'y ang tanging
namamayani rito'y kadiliman na siyang yakap ng manipis na usok na nagmumula sa
insenso.
Ang hangi'y banayad na nilalaro ang manipis na puting kurtina, malamlam na liwanag
mula sa iilang simbo, at ilang anino ng mga buhay na halaman.
Ngunit sa pagkakataong ito'y ibang mga anino ang siyang namamayani sa unti-unting
nag-iinit na silid. Ang anino ng aking kahubaran, at ang nakaupong anino ng haring
hanggang ngayon ay mga mga matang sumasamba sa aking kabuuan.
Sa unang pagkakataon ay nasaksihan ko ang kanyang pagkamangha dahil sa bahagyang
nakaawang niyang mga labi. 17
"K-kamahalan...?"
Dapat sa mga oras na ito'y panlalamig ang aking nararamdaman, ngunit higit pa sa
pagtapat sa nagbabagang apoy ang ipinararanas na init ng aking buong katawan.
Sumagi sa akin ang saglit na pag-uusap namin noon ni Naha. 1
"Aking tatanggalin ang aking kasuotan?"
Marahas siyang tumigil sa pag-inom ng dugo sa kanyang kopita at pinunasan niya ang
dugong lumampas sa kanyang mga labi.
"No, don't do that! Walang excitement. Unti-unti mong hubarin, strip tease, huwag
hubad agad. Oh mahabaging diyosa, huwag mong sasabihin kay Evan ang usapang ito."
94
Halos mapatalon ako nang maalala ko ang sinabi ni Naha, at agad kong ibinalik ang
aking kasuotan, ito ba ang dahilan kung bakit hindi makagalaw si Dastan? Dahil
bigla ko siyang ginulat at naghubad agad? 35
Ako ba'y gumawa agad ng pagkakamali?
Gumuhit ang pagtataka sa mga mata ni Dastan nang gawin ko iyon, tuluyan na siyang
napatayo, sinubukan niyang magsalita ngunit tila tinitimbang niya ang sasabihin sa
akin.
"Leticia... hindi kita pinipilit kung talagang hindi ka pa handa..." tila mga
patalim ang bawat salitang kanyang binibitawan, hindi lang para sa akin kundi pati
rin sa kanya. Ngunit pinilit niya iyong sabihin sa akin. 7
Agad akong umiling kay Dastan, nanatili ang distansya sa pagitan naming dalawa.
"H-hindi ako napipilitan, Dastan..." mariin kong hinawakan ang kristal na bote. 4
"I used curtains and my gymnast skills, dapat ay gawin mo rin iyon kung saan ka
magaling. Isa ka bang mananayaw, mahal na diyosa ng buwan? Maaari mong sayawan ang
hari habang tinatanggal ang iyong kasuotan." Narinig ko ang aking isipan ang
nakakadalang pagtawa ni Naha na madalas na nakapagpapaikot sa mga mata ng ikalimang
prinsipe ng Sartorias. 84
"Leticia..."
Tipid hinawakan ng aking kaliwang kamay ang aking sentido habang inaalala ang ilan
pang sinabi sa akin ni Naha na makapagpapaligaya raw sa Hari ng Sartorias.
"D-dastan, maniwala ka sa akin, hindi ako napipilitan... gusto kong humingi ng
paumanhin kung hindi ko agad nakuha ang nais mo. Ang nais ko lamang ay mapaligaya
ka... magpaangkin sa'yo ng buong-buo..." 8
Nang sabihin ko iyon ay nagningas na ang kanyang mga mata. Ilang beses akong
kumurap habang hinahanap ang tamang salitang binitawan sa akin ni Naha.
"Sagwan...?" umiling ako. 36
"Lunukin...?" muntik ko nang sabunutan ang sarili ko, hindi ko maalala! 43
Pilit kong inisip ang mga salita hanggang sa biglang nagliwanag ang aking alaala.
Ngumiti ako kay Dastan na ngayo'y hindi mawari ang ekspresyon, bakit nakasalubong
ang mga kilay nito? Siya ba'y hinihintay ang tamang salita? 3
STORY CONTINUES BELOW
"Sa ngayo'y hindi pa maaari ang pagpupunla dahil sa langis na ito, ngunit-" muli
akong ngumiti kay Dastan.
"Ang iyong pangil ay malugod kong tatanggapin, Kamahalan..."
Sa sandaling mag-isa na kami ni Dastan, magagawaran siya ng kakaibang lakas at
kapangyarihan na maaaring maghirang sa kanya bilang isang pinakamalakas na bampira,
ngunit sa mga oras na ito'y hindi iyon ang mahalaga.
Sa sandaling kami'y mag-isa, isang bagay lang ang malugod kong gagawin para sa
kanya. Ang pagpapaubaya...
"Higupin mo ako, Dastan..." 282
Inilahad ko ang aking mga braso ko sa kanya. Kung kanina'y nakita ko nang umawang
ang kanyang mga labi, ngayo'y mas lumaki ang awang nito na siya nagpapakita ng
kanyang mga pangil.
Tila siya'y gulat na gulat sa sinasabi ko. Napahawak siya sa kanyang noo na tila
mawawalan siya ng balanse. 20
Sinundan ko ang kanyang bawat galaw, ramdam ko ang pagbigat ng kanyang paghinga sa
kabila ng aming distansya.
"Hindi mo ba ako nais higu-" ngunit sa pagkakataong muling nagtama ang aming mga
mata'y determinado na ang sa kanya, kasabay ng matindi nitong pagniningas. 9
Sa isang iglap ay nawala sa aking harapan si Dastan, dahil ang kanyang isang
braso'y nakayakap na mula sa aking katawan habang ang isang kamay niya'y nasa aking
leeg at pilit akong pinatitingala upang magtama ang aming mga mata.
"Saan mo gustong unang higupin, aking reyna?" ramdam ko ang kanyang mabigat na
paghinga. 65
Sa halip na sumagot sa kanya'y kusang gumalaw ang aking kanang kamay, inabot ang
ilang hibla ng kanyang mahabang buhok upang ang kanyang mukha'y bumaba sa akin.
At sa pagpikit ng aking mga mata'y, aming mga labi'y nagdaop at gumawa ng kakaibang
liyab na tanging ang aming mga labi lamang ang makapagpapangalan. 3
Aming mga katawa'y hindi na natuloy sa malambot na kama, dahil natagpuan ko na ang
aking sariling nakasandal sa paanan nito habang unti-unting sinisilid ni Dastan
pataas ang aking puting kasuotan.
Humantad ang aking mga hita at hinayaan ko iyong halinhinang halikan ni Dastan
habang ang aking ulo'y kusa ko nang ipinatong sa dulong parte ng kama. Mariing
pumikit ang aking mga mata nang bumagal ang paglandas ng kanyang mga labi, ang
makapal na latag sa kama'y sabay na hinila ng aking dalawang kamay nang ipadama
niya ang dulo ng kanyang mga pangil at nang sandaling kanyang ikinagat ito'y muling
nagmulat ang aking mga mata at inusal ang kanyang pangalan.
"D-dastan..."
Kusang nagsalikop ang aking mga hita sa naramdamang iyon, na sa halip na kirot at
sakit ay tila ang isang hita'y naghahangad ng sariling kalinga. Ang aking hari'y
nakuha agad ang aking nais dahil nang sandaling umawang ang kanyang mga labi'y sa
kabilang hita nagbigay pugay. 1
Ang aking paghinga'y nagsimulang gumawa ng kakaibang musika, isang himig na tila
nahihirapan ngunit patuloy na nagnanais... patuloy na naghahanap at naghahangad...
Nang sandaling ang mainit na dila na hari'y dinaig pa ang dulo ng bihasang panulat
na ibinabad sa bagong gawang tinta, na tila may mga mensahe at mga letrang
iginuguhit sa aking balat. Naghangad akong sana'y hindi siya tumigil sa pagsusulat,
kanyang panulat ay mas maglakbay, aking kabuuan ay tuklasin at lapatan ng walang
katapusang titik. 31
Tinta'y naging pula, at panulat ay hindi ko inaasahang magmumula sa hari... isang
parte ng kanyang katawan na tipid niyang ginagamit, ngunit sa akin ay malugod
niyang ipinararamdam.
Nang sandaling ako'y kanyang nabuhat, akala ko'y kami'y malilipat ng posisyon,
ngunit nandito pa rin kami sa paanan ng aming kama ngunit ako'y nakaupo na sa
kanyang kandungan.
STORY CONTINUES BELOW
Ang prinsipyong sinasabi ng Hari ng Sartorias ay naisantabi dahil ang pagkasira ng
aking puting kasuotan ang gumulat sa akin, tumalang iyon sa ere kasabay nang muling
paglalapat ng aming mga labi. 1
Kapwa yumakap ang aming mga braso sa isa't-isa upang mas madama ang aming mga
katawan. Buong akala ko'y natapos na ang uri ng pagsulat ng hari ngunit nang
sandaling pasukin niya ang mga labi ko'y higit sa pag-iwan ng marka ang nais
ipadama sa akin.
Nagsisimula na niyang ipadama ang unti-unti niyang paghigop sa akin, dahil sa bawat
galaw ng labi, kamay, braso at ang kanyang buong katawan niya'y aking panghihina.
Nasundan ang kagat sa aking leeg at sa ibabaw ng aking kaliwang dibdib, tila lalong
mas nagsumiksik ang aking buong katawan sa kanya nang sandaling iyon.
"D-dastan..." humaplos ang aking nangangatal na mga kamay sa kanyang buhok habang
dinadama ang kanyang pagsipsip sa aking dugo.
Dahil sa tuwing ang init ng aking dugo'y lumapat sa kanyang nauuhaw na labi,
nanulay sa kanyang mapaglarong dila at magtungo sa bawat paglunok ng kanyang
lalamunan... nais kong ibigay sa kanya ang lahat.
Ayaw kong tumigil ang hari... nais ko siyang paligayahin at bigyan ng walang
katapusang dugo mula sa akin.
Kapwa kami humihingal nang sandaling tumigil siya sa pagkagat sa akin, nakapatong
ang aking noo sa kanya habang patuloy ang kanyang mga mata sa pagningas.
Sinapo niya ang aking mga pisngi. "Mahal ko..." 4
Inabot ko ang nakapatong na langis sa kama at kinakabahan ko iyong binuksan, ilang
beses pa iyong natapon habang unti-unti ko iyong inilalagay sa aking mga kamay. 1
"Remove--" hindi na kailangan pang sabihin iyon ni Dastan. Dahil may kakayahan
akong tanggalin ang kanyang kasuotan gamit ang mahika.
"L-leticia..." mahinang bulong niya sa pangalan ko. 1
Hindi ako tumingin sa ibaba at nanatili akong nakatitig sa nagniningas na mga mata
ni Dastan, ngunit nang sandaling hawakan ko iyon kasabay nang mainit na langis,
muling lumabas ang mga pangil ni Dastan na tila nais akong muling kagatin. 26
Umawang ang kanyang labi, hindi dahil sa pagkabigla, pagkamangha, kundi halina... 3
Ang aking mga kamay na nabuhay at namulat sa iba't-ibang sining ay tila nakilala
ang nais nitong paluguran, ang ilang daang taon kong pagsasanay sa paghulma ng mga
gintong kagamitan ay tila unti-unting naglalaho at napapalitan ng kakaibang likhain
na tanging ipinagkaloob lang ng hari sa aking mga kamay. 51
Paghulmang tanging ang aking dalawang kamay lamang. Sabay nang gumagawa ng
kakaibang hulma ang aking mga kamay, natabig na ng hari ang paanan ng kama dahilan
kung bakit hindi na iyon pantay, natabig din ang katabi nitong lamesa dahilan kung
bakit bumagsak muli ang maliit na kahon na siyang nagbigay sa amin ng banayad na
musika. 1
Nang sandaling kabigin akong muli ni Dastan ng halik, mas lalong lumiyab ang mga
simbo ng silid, lumakas ang hangin at ang posisyon namin ay muling nagbago. Siya
muli'y nakapangibabaw sa akin, sa kanyang matikas at nakamamanghang katawan.
Kung ang panimula ng hari'y paglapat ng mensahe na tila'y isang panulat at tinta,
kung ang pangalawa'y ang aking mga kamay at ang aking kaalaman sa paghulma, ang
ikatlo'y tila pagguhit at pagkukulay ng hari gamit ang kanyang mga kamay at labi.
Pagguhit gamit ang mga kamay, at pagkulay gamit ng kanyang labi at pangil.
"M-mahal na hari..." usal ko nang sandaling simulan niya ito sa aking mga paa.
Hindi ko akalaing darating ang panahon na magiging nakahaing sining ako, na
pagyayamanin ng isang hari. 1
STORY CONTINUES BELOW
Naligo ng halik at maliliit na kagat ang aking mga binti at hita na may bahid ng
aking sariling dugo. Sa pagkakataong ito'y ako naman ang nakasira ng isa pang paa
ng kama nang sandaling pagguhit ng hari'y nagtungo sa pagitan ng aking mga hita. 2
"M-mahal..." daing ko kasabay nang kusang pag-angat ng aking katawan na tila
hinahabol ang kanyang labi.
Ito ba ang sinasabi nilang paghigop? 15
"D-dastan... n-nauubos ako... mahal na hari... nauubos ako..." marahas na ang
pagtaas baba ng dibdib ko habang pabaling-baling na ang ulo ko sa sahig. 52
Narinig ko ang saglit na pagtawa ng hari dahilan kung bakit pilit ko siyang tinanaw
sa pagitan ng aking mga hita. Mabagal niyang dinilaan ang kanyang mga labi bago
dahan-dahang nagpaulan muli ng halik sa aking puson habang ang mga kamay niya'y
nagsisimula na rin gumagawa ng paghulma sa dibdib ko. 2
Bakit kailanman ay hindi ko narinig ang sining ng paghigop sa Deeseyadah? 48
Nang sandaling angkinin ng mga labi ng hari ang aking mga dibdib, kusang yumakap
ang aking mga binti sa kanya, hinayaan niyang ang aking mga kuko'y gumawa ng mapa
ng kaligayahan sa kanyang likuran. 1
Ang aming mga pawis, paghingal at pag-usal sa isa't-isa'y naghalo na. "Mahal na
hari..."
Tumigil siya sa pagkilos ngunit ramdam ko ang pagtapat ng labi niya sa kanang tenga
ko. "Mahal ko..." 5
Paulit-ulit niya iyong ibinubulong sa akin na mas lalong nakapagpapawala sa tibok
ng puso ko. Dahil sa bawat sambit ni Dastan, palambot iyon nang palambot.
"Mahal ko..." 4
Ang aking mga kamay naman ngayon ang nakasapo sa pisngi ng hari at nang sandaling
ang aming mata'y nagtama, alam na namin ang nais ng aming puso't nag-aapoy na mga
katawan.
Ngayo'y hindi na labi ang kanyang pang-guhit, kundi isang sining na higit sa
gintong hulma mula sa aking mga kamay. Kasingtigas ng ginto, kasingtuwid ng mga
panulat, ngunit ang ligayang hatid ay walang pagtumbasan. 56
Nang sandaling ito'y unang gumuhit, hindi na ngalan ng hari ang aking nausal, kundi
isang uri ng paghimig na tila nasisiyahan ngunit nabibitin. 1
"D-dastan..." ako mismo ang nagulat sa aking tinig na tila nagmamakaawa sa hari. 3
Isang halik ang ibinigay niya sa akin bago unti-unting umawang ang mga labi ko
kasabay ng sa kanya. Ang dahan-dahan naming pag-iisa ang siyang nagpalakas ng
paghugot ko ng aking paghinga. 16
Marahas ko siyang nakabig at nayakap ng mahigpit habang dama ang matinding kirot sa
aking pagitan. Hindi kumikibo ang hari at hinayaan niya akong marinig ang kanyang
lumalambot na bulong ng pagmamahal upang mapawi ang sakit.
"M-mahahati ako, Kamahalan..." nakagat ko na ang kanyang balikat. 100
"Hindi kita hahatiin, mahal ko... hihigupin lang kita nang paulit-ulit..." sagot
niya sa akin kasabay nang pagniningas ng kanyang mga mata at paglabas ng kanyang
pangil. 70
Ang paghalik niya sa aking mga luha ang siyang tila unti-unting nagtanggal ng sakit
sa aking isipan, hanggang sa bigyan ko siya ng pahintulot gumalaw ulit. 1
Inihawak ko na ang aking mga kamay sa kama kasabay nang pagdalo muli ni Dastan sa
akin, ang kanyang mukha'y piniling manatiling humahalik-halik sa aking leeg at
buhok kasabay nang uri ng sayaw na hinding-hindi namin pagsasawaan. 1
Na sa aming bawat pagsasalubong, unti-unting gumuguhit sa aking mga mata ang
totoong kabuuan ng silid Hari ng Sartorias.
Ang silid niya'y hindi pangkariniwan, ito'y pinalilibutan ng hindi nakikita ng
pangkaraniwang mga mata. Napupuno ang silid ni Dastan ng tila nakaguhit na mga
ugat, mga ugat na nagliliwanag at tila nabibigyan ng buhay sa tuwing lumalalim ang
aming pag-iisa.
Tila ang kanyang silid ay may sariling buhay at kusang tumitibok sa tuwing siya'y
maligayang inaangkin ako. 4
Ang silid ng hari'y konektado sa kanyang punong nagliliwanag. At huli na ang lahat
nang maisip kong sumilip sa bintana, ang gabi'y may liwanag na...
At mas nagliliwanag pa... 74
"Napaliligaya ba kita, mahal ko?" humihingal na tanong ng hari sa akin, naliligo na
siya sa sarili niyang pawis. 7
Isinumping ko ang ilang hibla ng kanyang buhok bago ako tumango at bumulong sa
kanya. "Ubusin mo ako..." 45
Sa halip na isipin ang liwanag sa labas ng Parsua Sartorias ay mas pinili kong
yakapin ang hari.
"Isang pinakapaboritong pag-ubos, mahal ko..." halos hindi ko na magawang imulat
ang aking mga mata nang sandaling mas bumilis, mas naging marahas at dumiin ang
kanyang bawat pag-angkin. 21
Ngunit lahat iyon ay buong puso kong tinanggap at naghahangad pa. Dahil maraming
ugat pa ang aming paliliwanagin at bibigyan ng nakahuhumaling na sukdulan.
Chapter 50 34
Pagtalikod
Naalimpungatan ako sa aking mahimbing na pagkakatulog nang maramdaman ko ang
marahang pag-angat ng aking katawan.
Pilit kong iminulat ang aking mga mata, at ilang beses iyong ikinurap. Sinalubong
iyon ng matipunong dibdib ng Hari ng Sartorias habang buhat ako patungo marahil sa
kama.
"Rest..." halik sa ibabaw ng aking noo ang siyang nagpangiti sa akin. 1
Ipinikit kong muli ang aking mga mata at mas dinama ang init ng kanyang katawan.
Nang tuluyan na kaming makarating sa ibabaw ng malambot na kama ay naramdaman kong
muli ang kanyang mapang-angking yakap, bago kami nagsalo sa isang makapal na kumot.
Hinayaan ko ang aking sariling magsumiksik sa katawan ng aking hari. Hindi man
namulat ang aking mga mata'y alam kong pinagmamasdan niya ako. Ang kanyang mga
daliri'y marahang hinahaplos ang iba't-ibang parte ng mukha ko.
Ngunit ang hari'y tila hindi nakapagpigil na nakalimutan ang unang salitang
binitawan sa akin, dahil ng sandaling naramdaman ko ang tungki ng kanyang ilong sa
akin, alam kong nais niya ng atensyon. 7
"Hmm..." nanatili akong hindi nagmumulat, ngunit hinayaan ko siyang mas kabigin ang
katawan ko. Ang kanyang mga daliri'y ngayon naglalaro ng mga guhit sa aking
likuran.
"Ako'y hanggang ngayon ay hindi makapaniwala..." bulong niya. 4
Nang mabagal na sundan ng mga daliri ni Dastan ang gulugod ng aking likuran,
napapitlag na ako at napamulat. Mas nagdikit ang aming mga katawan sa ilalim ng
makapal na kumot.
Nakatuon ang isang braso ni Dastan sa kanyang unan habang nawiwiling pinagmamasdan
ako sa bawat reaksyong gagawin ko sa paglalaro ng kanyang isang kamay.
Nag-init ang pisngi ko. "S-saan ka naman hindi makapaniwala, Mahal na Hari?"
Lahat nang nangyari'y isang katotohanan, at walang parte sa aking katawan ang hindi
niya sinamba at minarkahan.
"To your words... to your actions... hindi mo ba alam na sa'yong simpleng mga
salita'y, ang isang hari'y maging mas nagiging uhaw, gutom--" 9
Hindi ko siya pinatapos. "Handa akong sagutin ang lahat ng uhaw at gutom mo,
Dastan..." 11
Nang muli kong salubungin ang mata niya'y nagningas na naman iyon. "Leticia..." 2
"Akala ko'y tuluyan na akong mahahati, Mahal na Hari, masakit pala iyon sa una..."
bakas ang pag-aalala sa kanyang mga mata ng sabihin ko iyon. 22
"Pata-" agad kong tinakpan ang mga labi ng hari sa dapat niyang sasabihin. Hindi ko
nanaisin na ihingi niya ng patawad ang ginawa namin.
"Hindi namayani ang sakit, Mahal na Hari... at hindi ko akalaing magugustuhan kong
magpaubos..." 21
"Nagawa ko bang ubusin ang lahat ng nais mo, aking reyna?" nanghihina akong tumango
sa hari.
"Gusto ko ang ang pag-ubos... at paghigop mo sa akin..." 58
Sa pagkakataong ito'y mas bumaba si Dastan, siya naman ngayon ang nakasiksik sa
leeg ko at bahagyang nakaangat ang ulo upang magtama ang aming mga mata.
"Mga katungkulang ikamamatay ko kung hindi ko ipagkakaloob sa aking reyna..."
suminghap ako sa kasagutan ni Dastan.
Bumalik sa aking mga alaala ang mga ginawa niya sa akin. At maglaro kong inikot ang
ilang daliri ko sa hibla ng aking mahabang buhok, mas nag-iinit ang pisngi ko.
Ngumuso ako at marahang bumulong. "Paghigop..." 1
"Hihigupin at uubusin kita..." mas mahinang bulong ng Hari ng Sartorias. 37
STORY CONTINUES BELOW
Hindi ko na nagawang salubingin pa ang kanyang mga mata, dahil siya'y humiwalay na
sa akin. Itinakip niya ang kanyang kaliwang braso sa kanyang mga mata at tuluyan na
akong namangha at mas nahulog sa kanyang kakisigan. 1
Sa unang pagkakataon, narinig kong humalakhak ng malakas ang Hari ng Sartorias,
sobrang gaan nito dahilan kung bakit ramdam na ramdam ko ang kanyang galak at tuwa.
23
Ang kanyang makisig na pagtawa ay hindi lang tumagal ng segundo kundi minuto. Halos
matunaw ang puso ko habang pinagmamasdan siya. 3
Tumatawa ang Hari ng Sartorias, tumatawa ang lalaking mahal ko... 1
"Dastan..."
Umiiling siya habang pinakakalma ang sarili. "Ang iyong mga salita'y pinaliligaya
ako, Leticia..." 6
Hindi mapawi ang aking ngiti. Nang tumigil siya sa pagtawa ay hinagip niya ang
dalawa kong mga kamay. "Ngunit mas higit akong pinaligaya ng mga kamay na ito..."
21
Mariin niyang hinalikan ang mga kamay ko. "Ang mga labing ito..." humalik siya sa
labi ko.
"Ang buong kabuuan mo, aking diyosa..."
Naglaho ang tumatawang hari at bumalik muli ang tila simbong apoy sa kanyang mga
mata.
"Tila ako lamang ang nangangailangan sa ating dalawa..." hinaplos ni Dastan ang mga
labi ko.
Ngunit mariin akong umiling upang hindi sang-ayunan ang sinabi niya. "Kailangan din
kita, Dastan..."
"Hinahanap-hanap ko ang iyong mga pangil sa balat ko, ang tunog ng pag-inom mo, ang
ginagawa ng mga labi mo sa bawat parte ng katawan ko... gustong-gusto ko iyong
lahat, hinahangad din kita, Dastan..." 7
Binigyan ako ng hari ng tipid na halik sa aking mga labi. "Don't tempt me... mahina
ka pa... kailangan mo ng pahinga..." 2
Tumango ako sa sinabi niya.
"Sleep... gigisingin kita kapag bumalik na ang iyong lakas." 2
Humalik ako sa pisngi ni Dastan. "Napaligaya mo ako, Mahal na Hari..."
**
Maingay na musika mula sa tambol at trumpeta ang siyang gumising sa amin ni Dastan.
Inakala kong gabi ang sasalubong sa amin, ngunit nakapagtatakang buhay na buhay ang
buong kaharian ng Parsua Sartorias dahil sa aming silid pa lamang ang dinig niya
ang ingay mula sa labas. 15
Iniyakap ko ang kumot sa aking katawan nang sandaling umupo ako sa kama, ang hari'y
nanatiling nakasubsob sa kama na tila iritado sa kasiyahang kanyang naririnig. 46
"Ano'ng kasiyahan ang ipinagdiriwang ngayon ng kaharian, Dastan? Tila hindi nila
tayo binigyan ng abiso." 7
Simula nang mag-isa kami ni Dastan at mas mapagtibay ang aming koneksyon, mas
naging bukas na ang haring ipakita sa akin ang ilan sa hindi ko akalaing ugali at
mga kilos niya.
Isa na rito ay ang ginagawa niyang pagtatakip ng malaking unan sa kanyang ulo na
tila nais niyang tanggalin ang malakas na ingay na kasalukuyang bumubuhay ngayon sa
palasyo.
"I will cut their heads!" 47
Kumunot ang noo ko sa narinig. "Sino?"
Bumangon na siya at hindi ko inaasahan ang maagang pagsasalubong ng kanyang kilay.
Tipid siyang humalik sa labi ko bago siya naunang bumaba sa kama.
Hindi inilantana ng hari ang kanyang kahubaran sa aking harapan, dahil mabagal pa
siyang naglakad patungo sa isang maliit na lamesa para magsalin ng pulang alak,
inisang lagok niya lamang iyon bago niya ibinagsak muli sa lamesa. 1
STORY CONTINUES BELOW
"How I hate this lame King's tradition.
Nagtungo siya sa tokadora at isinuot ng kanyang gintong roba, hinayaan ni Dastan
ang nakalugay niyang buhok. 1
"Tradisyon?"
"Do you still remember my first attempt, Leticia? Noong inakala ng lahat na--"
suminghap na ako sa sinabi ni Dastan.
"A-alam nilang lahat?!" hinawakan ko ang magkabilang pisngi ko habang umiiling sa
kahihiyan. 2
"They'll know, kahit hindi magbigay ng anunsyo ang palasyo. Hindi pa nagkakaroon ng
dilim simula nang ipagkaloob mo ang sarili mo sa akin, Leticia." 47
Nagsimula na akong bumaba sa kama, at hinigpitan ko ang pulupot ng kumot sa katawan
ko. Ngunit nang nag-akma akong magtungo sa bintana upang sumilip ay agad akong
hinila ni Dastan patungo sa kanya.
"Wear something first, My Queen. This will not be a King's massacre party, I am a
very jealous king. Your body with my blankets is for my eyes only..." 28
"Very well." 23
Mabilis kong sagot na nakapagpagulat kay Dastan.
"Y-you can--"
Tipid akong tumawa at tinalikuran ang hari. "Sabi ni Naha ay madali raw akong
turuan ng mga bagay-bagay."
Suminghap siya sa sinabi ko. "From all the ladies, Evan's mate?" 73
Sinimulan ko nang hanapin ang sarili kong roba, at nang makita ko iyon ay agad ko
nang isinuot. Hinintay ako ni Dastan makapag-ayos ng sarili bago niya ako
inalalayan magtungo kasama niya sa asotea ng kanyang silid.
Nakapulupot ang isa niyang braso sa aking bewang habang kapwa kami naglalakad at
nang sandaling kusang magbukas ang malaking bubog na pintuan, sinalubong kami ng
malakas na sigawan ng buong nasasakupan ng Parsua Sartorias. 33
Mas lalong nag-ingay ang napakaraming trumpeta, ang naglalakihang tambol mula sa
bultong mga banda ng musiko na may iba't-ibang kulay ng uniporme, mga bata,
matanda, iba't-ibang pamilya na nagsasabog ng mga bulaklak.
Ang kasiyahan ng buong Parsua Sartorias ay tila ang punong siyang aking nasaksihang
nagliwanag nang gabing inangkin ako ng hari. 1
Sa himpapawid ay nagliparan ang naglalakihang ibon sakay ang ilang mga kawal ng
palasyo upang magsabog ng iba't-ibang klase ng mga bulaklak. Ang nagtatayugang
punong simbolismo ng mga Gazellian ay tila nagkaroon ng sariling mga sayawin
kasabay ng hangin. 5
Ang paulit-ulit na pagtawag ng mga nilalang sa ngalan ni Dastan bilang kanilang
hari'y nakakataba ng puso.
Nang sandaling lumingon ako kay Dastan, nawala na ang emosyong ipinakita niya sa
akin kanina, hindi man siya nakangiti ang galak sa kanyang mga mata'y isa nang
kalabisan.
Humalik sa aking noo si Dastan bago kami kapwa mas humakbang papalapit sa dulo ng
asotea upang makita kami ng lahat ng mga nilalang na nakatingala sa aming dalawa.
"Ang Sartorias ay isang maliit na emperyo lamang, at darating ang panahon na higit
pa rito ang tatanawin ng aking mga mata." Nanatiling nakatulala si Dastan sa
napakaraming nilalang na ngayo'y nakangiti sa amin.
Kailanman ay hindi ko naging nais ang ingay at libong mga mata nakatingin sa akin,
ngunit handa ko iyong harapin lahat...
Hindi lang dahil kay Dastan o sa kapalarang nakaguhit sa akin. Dahil ito'y siyang
mismong itinitibok ng aking puso.
"Sasamahan mo ako, Leticia, mahal ko... sasamahan mo akong mahalin ang mga nilalang
na ito..." 1
"Hinding-hindi kita iiwan, Mahal na Hari..." 6
STORY CONTINUES BELOW
**
Ang pananaginip sa nakaraan ay naging parte na ng aking sistema simula nang bumaba
ako sa lupa.
Hinayaan ko ang sarili kong tumitig kay Reyna Talisha na kasalukuyang nagbabasa ng
aklat sa kanyang silid. Hinintay kong magpakita si Haring Thaddeus at makarinig ng
rebelasyon na siyang inihahayag lamang sa panaginip ngunit hindi ko inaasahan ang
siyang nangyari.
Biglang dumugo ang ilong ni Reyna Talisha. Ang bawat patak ng kanyang sariling
dugo'y nagsimulang bahiran ang kanyang aklat dahilan kung bakit niya iyon
nabitawan.
Tila ang dugong nakikita niya'y humila ng kanyang lakas dahil napasalampak na siya
sa sahig, ngunit ang higit na nakagulat sa akin ay ang bigla niyang pagsusuka ng
sariling dugo.
Isa lamang ang maaaring dahilan ng biglaang pagsusuka ng dugo ng isang bampira,
lobo o kahit sinong may itinakdang kapareha. Iniwas ko ang aking mga mata sa reyna,
mukhang nakukuha ko na kung saang panahon ito. 2
Sa biglang pagpapakita ng kanyang kuneho, mas nakumpirma ang aking hinala. Ang
hari'y may- 4
Ngunit isa siyang diyosa, bakit hindi siya gumawa ng paraan upang masolusyunan
iyon? Bakit hinayaan niya ang kanyang sariling magdusa? Maaari ko iyong ikamatay
kung sa 'kin iyon mangyayari. 2
Sumunod na ipinakita ang pamilyar na puno na may kulay rosas na mga dahon, kung
hindi ako nagkakamali ay tila kawangis iyon ng punong simbolismo ng Prinsipe ng mga
nyebe.
Isang napakagandang isla na napapalibutan ng malakristal na lawa, tila iyon ay may
mga diyamanteng nakatago sa ilalim na siyang bumubulong sa sinuman na lumubog doon
at magpaalipin.
Ang isla'y kaakit-akit ngunit tila may nakatagong kapahamakan sa may mahihinang
puso at damdamin. Ngunit ang pinaka-atraksyon nito ay ang malaking puno na
nagpapaulan ng dahong kulay rosas.
Akala ko'y ito na ang tanging kagandahan ng isla, ngunit nang sandaling maagaw ang
atensyon ko ng tinig mula sa paanan ng puno, nais kong bawiin ang lahat ng sinabi
ko.
Dahil si Reyna Talisha at ang puti nitong kasuotan ang siyang mas nagbigay buhay at
liwanag sa buong isla.
Kahit siya'y nababahiran ng pawis, hindi maayos na buhok at mga matang nangangamba,
hindi maipagkakailang isa siya sa pinakamagandang diyosang nilikha ng Deeseyadah.
"Si T-thaddeus po?" ramdam ko ang sakit sa kanyang boses habang hinahanap ang
kanyang asawa.
Isang matandang babae at ang kanyang kuneho lamang ang kanyang kasama.
Sa araw na ito isisilang ang Prinsipe ng mga Nyebe, at wala si Haring Thaddeus. 13
"Mahal na Reyna, padating na ang hari..."
Naglandas na ang luha sa mga mata ng reyna. "B-bakit kailangang dito ko iluwal ang
bata? Magagawa ko ito sa Sartorias..."
"Kailangan ng prinsipe ang presensiya ng puno, Mahal na Reyna..."
"Nais kong makita si Thaddeus... gusto kong hawakan ang kamay niya..." 10
Ilang beses man tinawag ng reyna ang ngalan ng hari habang iniluluwal ang ikalawang
prinsipe, ni anino nito'y hindi man lang nagpakita.
At nang araw na iyon, sumabay ang unang luha ng ikalawang prinsipe sa walang
katapusang luha ni Reyna Talisha.
Ang sunod na ipinakita ay ang paulit-ulit na pag-alis ni Finn at Haring Thaddeus sa
Parsua Sartorias.
STORY CONTINUES BELOW
"Mahal na Reyna, ang hari'y patungo na naman--"
"Lumps, itigil mo kung anong sasabihin mo."
Sa bawat pagbalik ni Finn at Haring Thaddeus, palagi na lang iyong may regalo sa
kanya, habang si Finn na bata at musmos pa lamang ay nadudulas na sa kanyang
sariling ina.
Sinusuklayan ni Finn ang buhok ni Reyna Talisha. "Basta, you are prettier than
her!" 11
Gumuhit ang pait sa mga mata ni Reyna Talisha. "Who?"
Natigilan si Finn at umiling sa kanya. "Father loves to kiss you a lot! Lagi rin
nakatitig sa'yo si ama..."
Natutuwang sabi ni Finn na parang siya mismo ang nagkukumbinsi sa sarili na mas
mahal ni Haring Thaddeus si Reyna Talisha kaysa kay Danna. 8
"She's kind..." bulong ni Finn, agad siyang umiling sa sariling niyang sinabi at
bigla niyang niyakap si Reyna Talisha.
"You're kinder! I love you, Mother..." 51
Nagpatuloy ang paglalakbay ko sa nakaraan. Hanggang sa umabot ako sa parteng-
"Sa tingin mo hindi ko alam ang ginagawa mo, Thaddeus?!" lumuluhang sigaw ni Reyna
Talisha.
"T-talisha... mahal ko..." kumirot ang dibdib ko, pareho sila ni Dastan ng tawag sa
amin. 21
Sinubukang lumapit ni Haring Thaddeus sa reyna ngunit humakbang iyon papalayo sa
kanya.
"Huwag mo akong lapitan! Huwag mo akong hawakan! Alam ko! Alam ko ang lahat lahat!
Nagbubulag-bulagan lang ako! Kasi mahal na mahal kita, Thaddeus! Mahal na mahal...
pero paulit-ulit mo 'kong sinasaktan... ang sakit-sakit na... sawang sawa na 'ko!"
20
Malayong-malayo si Reyna Talisha sa magandang diyosang nasasaksihan ko sa mga unang
panaginip ko, halos lamunin na ng nag-uumapaw na galit, kalungkutan at poot ang
kanyang presensiya.
"Talisha... mahal kita... mas mahal kita sa inaakala mo..." 1
Umiling ang reyna. "A-ayoko... hindi ko na kaya, Thaddeus..."
Natulala ako nang si Haring Thaddeus ang lumuha sa harapan ng reyna. "Nagkakamali
ka... ikaw at ang mga anak natin ang pinakamahalaga sa akin... mahal na mahal kita,
Talisha..." 1
Nang nagsimula muling lumapit si Haring Thaddeus ay mas lumakas ang sigaw ni Reyna
Talisha, sinubukan niyang gumamit ng sariling kapangyarihan upang pigilan ang hari
ngunit marahas siyang nayakap at nakabig ng hari, siniil siya nito ng halik. 1
Nanlaban ang reyna, sa pagitan ng kanyang mga luha at mga braso, ngunit ang hari'y
hindi nagpatinag.
Nilunod ng hari ng mga halik ang reyna hanggang kapwa nila sagutin ang galit,
lungkot at pagmamahal ang isa't-isa sa kanilang kama.
"T-talisha..." ilang beses umiling ang reyna habang kapwa sila humihingal ng hari.
"T-thaddeus..."
Hindi ko alam kung bakit nanatiling mulat ang aking mga mata, dahil ba may dapat
akong makita...?
At tuluyan na ngang nagimbal ang aking buong sistema nang bigla may kinuha si Reyna
Talisha sa ilalim ng kanilang unan.
Huli na ang lahat nang tumakbo ako sa kama upang pigilan ang nangyari. Dahil ang
mga kamay mismo ng reyna habang hawak ang pamilyar na punyal na kumislap sa sinag
ng buwan, ang siyang unti-unting tumapos sa buhay ng Hari ng Sartorias. 105
"Danna..." usal nang hari habang itinuturo ang likuran ng reyna. 2
Nanlalaking mga mata ni Danna ang siyang nakasaksi sa pagpatay ni Reyna Talisha sa
kilala at tinitingalang Hari ng Sartorias sa kasaysayan. 79
Tuluyang nabalot ng kadiliman ang aking buong panaginip.
Ngunit ang inakala ko pagtatapos ng isang bangungot ay umpisa pa lamang, dahil nang
sandaling nagmulat ang aking mga mata. 1
Aking mga kamay ay nangangatal, ang punyal na inakala kong tagapagligtas ay
kasalukuyang nababalutan ng pamilyar na dugo, at ang aking posisyon ay kawangis ng
sa reyna...
Naglaglagan ang aking mga luha habang nakikita ang mga mata ni Dastan na punong-
puno ng pagtataka, ang dugo sa kanyang labi'y nagsisimula nang lumabas... 35
"D-dastan..."
Bigla kong narinig ang boses ni Diyosa Neena at ang kanyang babala sa akin.
"Ang liwanag na talim ay punong-puno ng kataksilan, ngunit nag-uumapaw sa
pagmamahal... tinangkang linisin ng ikatlong humawak ngunit siya'y hindi
nagtagumpay, ika'y makagagawa ng isang--" 18
"D-dastan..." hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin o gawin.
Nangangatal kong hinawakan ang punyal upang tanggalin iyon, ngunit isang malakas na
pagsigaw ang umagaw sa aking atensyon. 2
Si Reyna Talisha.
Nasundan siya ng mga taga-sunod, at ang higit na nakapagpalala ng sitwasyon ay si
Lily.
Ang prinsesang Gazellian na sandaling makitang nasasaktan ang kapatid ay sarado na
ang isipan sa kahit anong eksplanasyon.
"L-lily... Mahal na Reyna... mali ito..." pagmamakaawa ko habang hawak ang punyal.
Ngunit handa nang umatake sa akin si Lily. Handa na akong tanggapin iyon at
pagdusahan nang biglang may humarang sa kanyang atake.
Si Nikos.
Sumunod si Hua na sapilitan na akong inilayo kay Dastan na nagsisimula nang ipikit
ang mga mata habang pilit akong inaabot. 4
"Mali ito... Hua... hindi ako... hindi ko ito gagawin kay Dastan... nangako ako sa
kanya..." 29
Ngunit walang nakinig sa akin.
Tila bumalik ang panahong tumatakas ako sa Deeseyadah, dahil sa maling paratang.
At hindi ko akalaing ang ikalawang lugar na itinuri kong tahanan ay muling
ipararanas sa akin ang habulin ng poot at kamatayan. 2
Kasalukuyang tumatakbo ang kabayo ni Nikos habang nakasubsob ako sa likuran niya at
walang tigil na lumuluha.
Hindi ko na alam ang nangyayari. Masaya pa kami ni Dastan.
Ito ba'y ginawa sa akin ni Reyna Talisha dahil alam niyang darating ang panahon ay
madidiskubre kong siya ang totoong pumatay sa hari? 19
Siya'y kalaban ang turing sa akin. Ngunit sino siya sa Deeseyadah?
Kusa akong bumitaw kay Nikos at hinayaan ko ang sarili kong mahulog sa kabayo,
hindi ko ininda ang sakit ng buong katawan ko at hinayaan kong magpagulong-gulong
ako.
At nang sandaling makabangon at makaluhod ako sa lupa, inilabas ko ang punyal. Akma
ko na iyong isasaksak sa aking sarili nang may umagaw niyon sa akin. 2
Hindi dalawa kundi tatlong kabayo ang pumalibot sa akin, tatlong nilalang ang kapwa
nakatitig sa akin, si Nikos, Hua... ngunit ang isa'y nanatiling may balot na puting
tela ang mukha.
Niyakap ng kanyang mga malalaking halamang ugat ang aking punyal. Tinanggal niya
ang telang puti at inilahad niya ang kanyang mga kamay sa akin. 21
Ang prinsipeng unang naglahad sa akin ng kamay nang unang tumapak ang aking mga paa
sa Parsua Sartorias. 48
"Ito ang unang pagkakataong tatalikuran ko ang mga Gazellian."
Epilogue
119K 5.5K 2.5K
by VentreCanard
AN/ Yay! This is the ending of the book one. I already told to myself to stop
writing a trilogy, but Dastan and Leticia has a long journey ahead! It will take
more chapters to unravel the past and the deep connections of every story (previous
Gazellian stories). So... read deeply. Haha!
I really enjoyed writing Gazellian Series, creating your own world, laws,
traditions! It was really urgh... supeer awesome! I loved reading your theories and
such! Especially those readers with argumentative comments! You guys rock! 57
Thank you for supporting this story, and the whole Gazellian Series. (and also
those readers of my other series! lol). By the way, the next book will be Moonlight
War (book two), see you! 44
But I'll focus more with my other fantasy-historical fiction story, Behind Millions
of Raindrops. (Let the vampires of Parsua Sartorias rest for a while lol) 55
Happy reading! 6
Btw, drop your theories, okay? What will happen next? 8
Epilogue
14
My deepest cut will always come from your blade... 13
I've been trapped in several wars, fought the most devastating battles, cut by
hundreds of weapons, and bathe with my own blood, but nothing seemed so deep and
painful as Leticia's blade. 17
The blade was out of my chest, but the presence of it was still there. Piercing,
pushing and tearing me apart.
"Is this a punishment, Father?"
I stared at my father's life size statue with a silent glint of sunlight from a
half-opened window, and I couldn't help but to praise the artist who perfectly
mirrored his features. From his face, his royal uniform, and even the way he stood.
My father in his bronze image never failed to give me goosebumps. Especially when
Divina tried to speak with him. 15
I had this urge to ask my little niece to be our mediator. Marami akong nais
itanong at malaman mula sa kanya.
This thing happened to me...
Naghilom na ang sugat na siyang ginawa ng punyal sa dibdib ko ngunit ang kirot
nito'y mas lalong humahapdi at lumalala sa kaalamang malayo siya sa akin, na nagawa
niya iyon sa akin... 41
"Father, am I worthy as a King?" 16
Ilang taon na akong nakaupo sa posisyon na simula pagkabata'y ipinamulat na sa
akin. Ang pagiging hari ay aking buhay. Isang tungkulin na dapat gampanan at
kailanman ay hindi dapat talikuran.
Kung sakaling lilisan ako sa mundong ito, ako kaya'y magkakaroon ng ganitong klase
ng rebulto? May nagawa na ba akong kailanman ay hindi makakalimutan ng aking
nasasakupan? 4
"Father..." I called him again, wishing he would suddenly answer. But the statue
didn't move an inch.
King Thaddeus Leigthon was not a perfect king, a father or even a husband, but
everyone respected, loved and adored him. He had his flaws, imperfections, and
mistakes... and I'd witnessed it since I was a kid. 2
"F-father..."
As I tried to communicate with him, I unconsciously brought myself to my lingering
past.
Mga panahong hindi ko pa dama ang bigat ng aking mga responsibilidad at tungkulin.
Years when I was still a kid, an older brother, a son... responsible to make his
parents smile.
"Dastan, you look after your brother, alright? Your father and I will attend an
important meeting in the council." Mother smiled sweetly at me.
STORY CONTINUES BELOW
"Yes, Mother."
Humalik si Ina sa aking pisngi at sa noo ni Zen na kasalukuyang natutulog. I
glanced at my brother who was peacefully sleeping, ngumuso ako, I like his hair,
same color as our mother. 19
Naiwan kami ni Zen sa silid ni ina at ama, I started reading my lessons while
waiting for Zen to wake up. Everyone was so happy when we all discovered that he
possessed the power of ice, pero may ilan pa rin ang mukhang hindi nasiyahan.
I was aware of the reputation of the second princes in the history, and having a
powerful ability he possessed, it would definitely give them (the idiot councils) a
vicious threat. 2
But how could they have thought bad about my brother? He a good kid. 3
A minute passed, Zen started to moved on our parent's bed. He sat up groggily,
looked around, and fixed his eyes on me. 4
"Dastan! Let's play!" 5
I closed my book. "We will, but later."
I rang the bell to the maid's attention. I asked for Zen's clothes, and he
requested something that made me smile. "I want the same color as Dastan!" 15
Tumango ako sa mga katulong, hindi rin nagtagal ay nagsimula na silang bihisan si
Zen. He's been enjoying telling his dreams to our maid, na hindi naman talaga
nakikinig sa kanya. 11
Everyone was aloof around my brother, and it made me feel like I want to throttle
someone's neck. Ano ba ang kasalanan ni Zen?! 5
"Ako na! Leave us!" inagaw ko ang damit ni Zen sa mga katulong. 1
I looked furiously at them, and they got the message. They hurriedly left the room,
and sighed.
Zen's eyes were curiously looking at me. Bata pa siya ngayon, ngunit pagdating ng
panahon ay unti-unti na niyang mararamdaman ang kinatatakutan ko. 1
I kneeled and continued the maid's unfinished business. Kinuha ko ang damit ni Zen
at sinimulan ko iyong isuot sa kanya. 4
"And after that I used my powers and the snow showered the whole place!" 2
"That's nice. Tell me... if someone tried to hurt you. I will beat them with my
sword." 3
Tumayo na ako nang matapos kong ibutones ang kanyang kasuotan. I straightened my
own royal suite. We're both wearing blue. 5
"We will beat them, Kuya..." 8
Surprised, I looked down at Zen. "K-kuya?" 2
Hinawakan ni Zen ang kamay ko gaya ng ginagawa ko sa tuwing sabay kaming lumalabas
sa palasyo. 1
"Father told me to call you that when we're away from the audience..." 4
We spent more years together as the only sons, hindi kami agad nasundan ni Zen kaya
marami kaming karanasan magkasama dalawa. 9
It was an unusual night, I was on my way to get a new glass of blood when I heard
series of discussions inside our visitor's hall, I was about to let it pass, but I
noticed my father's voice.
Sumilip ako sa pinto at nakita kong kasalukuyang pinalilibutan ng ilang konseho at
malalakas na bampira si ama. They were arguing on something that I couldn't
understand. Until one of them asked for my father's presence to certain place, away
from the castle.
Sa lugar na walang proteksyon si ama. Kumuyom ang mga kamao ko, hindi ako papayag
na aalis si ama mag-isa, kung bigla akong magpapakita siguradong hindi niya ako
papayagan. Kaya napagdesisyunan kong sundan na lamang siya at ang mga bampirang
kasama niya.
STORY CONTINUES BELOW
There were numbers of carriages outside, I hastily went to my stables, I need to
take my horse as fast as I can, bago ako maiwan. But I noticed something strange...
May sumusunod sa akin, and when I was about to pull my sword to attack my
pursuer... all I saw was my grinning little brother. 1
"Zen!"
Katulad ko ay nakadamit pa rin siya ng pantulog. "What are you doing here?" 1
"I will help you."
"Help me? Bumalik ka na sa iyong silid, this is dangerous."
"I want to help you and father, Dastan! I will call mother!" suminghap ako. At
tumalon akong muli sa kabayo.
"Shut up." I covered his mouth. "Let's go."
Sa huli nakasakay kami ni Zen sa iisang kabayo, he's still young to maneuver one of
our well breed horses, kaya siya'y nakaupo sa aking unahan habang walang tigil sa
pagsasalita kung paano gagawing bloke ng yelo ang mananakit kay ama. 22
"Dastan, I'm hungry." 8
"Ako rin." Matabang kong sagot. 3
"I'm hungry..." 1
"Kasalanan mo iyan, sumama ka pa kasi sa akin."
Nagpatuloy kami sa pagsunod sa karwahe ni ama at ng mga kasamahan niya.
"Should I let you and father fight alone?"
"You can't fight, Zen! You're still a child!"
"Ikaw rin! You are just few inches taller than me!" 6
"I am matured!"
"I am hungry!" 82
Irritated, I shoved my right wrist in front of his face. "There! You are not my
favorite brother, Zen!" 5
"You are not my favorite brother, too!" 8
But he bit my wrist. "Pasama-sama pa sa akin, gutom din naman pala. You'll just
make me weak." 8
We ended up in front of the infamous tunnel of Parsua Sartorias located at the foot
of Mt. Saturtino, ilang daang taon na raw iyon hindi bukas dahil sa nangyaring
makasaysayang lindol. 2
Bakit sila nagtungo rito?
Nakatago kami ni Zen sa likuran ng isang puno habang pinanunuod ang nangyayari.
"Nakasaad sa propesiya na isang malakas na bampira ang makapagbubukas muli ng
lagusang ito. At sa kasalukuyan, ikaw Thaddeus ang nakikita ng maraming siyang
pinakamalakas na bampira."
Tahimik si ama ng ilang segundo bago siya bumuntong-hininga. "Wala akong kakayahang
buksan ito."
"Isang kasinungalingan! Akala mo ba ay masasarili mo ang lihim na itinatago ng
lagusang ito? 4
"Wala akong inililihim at lalong may ideya rito." Mahinahong sagot ni ama.
Mariin kong yakap si Zen na nagsisimula nang magwala, nais na niyang sumugod sa mga
nakapalibot kay ama. 3
"O nais mong pwersahin ka namin, Mahal na Hari?" nagsisimula na akong makaramdam ng
tensyon mula sa kanila. 1
"You will force your king?" tanong ni ama.
"Marami kami at ang maaaring mangyari ay madali lamang-" hindi na ako nakapagpigil.
Iniwan ko si Zen sa likuran ng puno pero may iniwan akong mensahe sa kanya na
makatutulong sa amin.
STORY CONTINUES BELOW
Inilabas ko ang aking espada habang nakahawak ang aking dalawang kamay, at lakas
loob kong hinarap ang masasamang bampira, hinayaan kong manatili si ama sa aking
likuran.
"Not my father!"
"Dastan..."
Matinding gulat ang rumehistro sa mukha ng masasamang bampira habang pinagmamasdan
ako.
"The first Prince!" 1
"You heard my king, wala siyang alam sa lagusan! He is not lying! If... he can't...
I will! I will open that tunnel when I ruled this empire! I am the first prince, I
will open that tunnel! Go away! Before I ordered my soldiers to attack you!"
Isa-isang nagpakita sa likuran ng mga puno ang napakaraming anino na mas gumulat sa
mga masasamang bampira.
"T-this is a trap, Thaddeus!"
My father sighed. "I will let this pass, go..." he waved his hand in dismissal.
Sa isang iglap ay naglaho ang masasamang bampira, napahinga ako nang maluwag
kasabay nang pagbitaw ko sa aking espada.
Tumakbo si Zen mula sa likuran ng puno at natutuwang yumakap kay ama na tila hindi
man lang nagulat sa aming dalawa.
I was waiting for him to scold me, but all he did was to carry Zen and smiled at
us.
"A lot of snowman's shadow, I guess?" 17
Zen nodded. Inilahad ni ama ang isang kamay niya sa akin at inalalayan niya akong
tumayo. He was holding my hand while carrying Zen with his other arm.
Sa huli ginulo ni ama ang buhok naming dalawa ni Zen. "I am so proud of my boys." 8
Mas kinabig ako ni ama at ginulo pa ang aking buhok. "My future king." 1
Zen mimicked father's gesture, nakigulo rin siya ng buhok ko. "Dastan will be a
king." 9
Tinanggal ko na ang mga kamay nila sa akin. "He is no good, Father! We were chasing
you and the enemies, tapos bigla na lang siya nagutom!" 12
Father and Zen just laughed at me.
I enjoyed my childhood days with father, mother and Zen. I felt like a common
child, I did wish for those days to stay forever but as the days passed, my
responsibilities turned clearer and clearer...
"Checkmate."
I massaged my temple, hindi na ako nanalo kay ama. He's too good in this game. 1
"Can you spill a secret, my king? I want to beat you with this game."
He gently laughed. "Dastan, in chess game... you shouldn't just know the whole
game, the rules... you should read your opponent. Read his thoughts, know his
movement... manipulate him..."
"What do you mean manipulate? Something like using a pawn as bait and lead him to
foolish movement? It's common."
"That's your weak point, pawns are not just for bait, son. They're as useful as the
other officials..."
Ngumuso ako. "It's confusing... should I risk my officials, too? It will lessen my
power."
"Power is not the position, Dastan, always remember that."
"Hmm... so you're still unbeatable? Simula iyong pagkabata ba ay wala nang
nakatatalo sa'yo sa larong ito, Amang Hari?"
He smiled. "Your mother..." 29
It was a common empire celebration, elites, royal blooded vampires, different
officials were all gathered to the palace court.
Kasalukuyang nagsasayaw si ama't ina sa gitna ng bulwagan habang pinanunuod sila ng
napakaraming bampira.
STORY CONTINUES BELOW
"I heard there will be a huge announcement." Tumango ako kay Zen, malaki ang
ipinagbago ni Zen nakalipas ng ilang taon. My innocent and annoying little brother
just vanished in an instant. 3
"Probably a new Gazellian."
Suminghap si Zen. "We will have a brother or sister?"
"Yes. Within a few months, we will be three..."
Our parents were showered by endless congratulations, kahit kaming dalawa ni Zen ay
naging masaya sa naging anunsyo, an addition to our family was a blessing, and
we're all looking forward to it.
"Princes..." one of the old ladies greeted us. Kapwa kami yumuko ni Zen bilang
pagsagot, we made a few conversations until it went to our coming brother or
sister.
"Another prince or a princess?"
"A princess." 10
Halos sabay kaming napatalon ni Zen dahil pareho ang isinagot namin sa matanda.
"Yes, we're looking forward for a princess..."
After that night, our days were filled with excitement as our mother's baby bump
started to show.
It was my turn to visit my mother, she smiled at me before I closed the door.
Mother slowly caressed her stomach, "Lily, Kuya Dastan's here..."
Isa sa mga babaylan ng emperyong ito ang nagkumpirmang isa ngang prinsesa ang
padating na Gazellian.
"How's your day, Dastan?"
"Still the same, Mother. How about you? Lily..." hinawakan ko ang tiyan ni ina.
Lily kicked like she could really notice my presence.
Sa halip na sumagot si ina sa akin ay hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. He
forehead settled on mine, and she played the tips of her nose with me. It was her
usual gesture to me, and Zen. Kahit si ama'y ganito rin ang ginagawa sa amin ni Zen
kapag natutuwa siya sa amin. 1
"Don't pressure yourself, Dastan, promise me... you're still my little boy." 1
"Always, Mother..."
When Lily showered her grace in this world, my parents, Zen and I were the happiest
soul.
It was one time when mother agreed to attend a formal vampire gathering, ito ay
para lamang sa mga babaeng bampira kaya naiwan kaming tatlo nina ama para alagaan
si Lily.
Father was carrying the little Lily while Zen and I were sitting on his side trying
to get Lily's attention.
"She is so beautiful..."
"Of course, she's the prettiest princess of this empire." Sagot ni ama kay Zen.
"She cries a lot..." I played with her fingertips.
Hindi ko napigilan ang sarili ko at hinalikan ko ang noo ni Lily habang buhat siya
ni ama, kahit si Zen ay nanggigil at hinalikan niya rin ang paa ni Lily. Umiyak
muli siya. 11
"Oh, stop annoying her!" Father complained.
It took almost half an hour before Lily settled to her sleep. Naiwan muli kaming
tatlo habang kapwa nakaupo sa malaking bintana, we could see the whole empire of
Parsua Sartorias.
"In chess... the queen possessed everything, but why is it the king symbolizes the
whole game? The game favored the king's existence rather than the queen." Tanong ko
kay ama. 5
"Good question, Dastan."
"Well... maybe, the king's too in love with the queen? And he allowed her to handle
everything?" He laughed. 58
STORY CONTINUES BELOW
"I am talking about the game, Father."
"What game, Dastan?" seryosong tanong niya na nakapagpatahimik sa akin. 2
"What's with the game of chess, Father? Dastan?" tanong ni Zen na kumakamot sa ulo.
**
"This is really unusual, Father." Nagkibit balikat si ama at binuksan niya ang
lampara sa gilid na aking maliit na lamesa.
Zen came inside my room with his pillow, ruined hair, and all white sleep wear same
as mine. Humihikab siya habang patungo sa aking kama, father moved to give Zen his
space.
"This is childish! Why don't you sleep with Lily and mother, My King?" hindi siya
sumagot sa akin. Habang si Zen ay tamad nang humiga at binalot ang sarili nang
makapal na kumot. 1
Nanatiling nakasandal sa kama si ama habang nabukas ang kanyang aklat. I was laying
on bed, straight while staring at my painted ceiling, while Zen's laying on
sideways pretending listen. 1
King Thaddeus Leigthon Gazellian was a loving father, we were so lucky to have a
king, a teacher, a best friend... 3
Lahat ay nasa kanya na. I couldn't help but thank the gods or whoever powerful from
above for blessing us a good father.
Kapwa na kami nakatulala ni Zen kay ama habang binabasahan niya kami ng kwento. He
was reading the book like we were still the little kids who used to play with him.
Well... we're still young, yes, but if you were born with the blood of a royalty,
you couldn't just pause to be a kid or innocent... pero ito iyong ginagawa ni ama
sa amin.
That no matter how tough and heavy our responsibility, his existence would always
try to remind us that we're allowed to enjoy, be pampered... and be spoiled... 1
My eyes were getting heavy. Lumalabo na ang imahe ni ama sa akin. I saw how he
kissed Zen on his forehead, he closed his book and turned off the lamp.
And before the darkness overwhelmed me, he leaned on me and whispered something...
"Always favor the queen, my son... always..." I nodded while in a verge of sleep.
42
"I promise..."
I blinked. Pinagpatuloy ko ang panunuod sa imahe ni ama hanggang sa piliin ko nang
talikuran siya.
Sinalubong ako ni Casper at alam kong may dala siyang balita.
"They are preparing for the greatest war, My King. Seeking powerful alliances, it's
a matter of time before the news dominated the different empires. They are moving."
"It's odd, they're not using force."
"What approach are we going to do, My King?"
"Call Evan, if those empires are up for word war as of the moment, we should gather
the wisest vampires of our empires. We have our convincing words, we are filled
with knowledgeable vampires." 1
Agawan ng kakampi tulad ng aking inaasahan. 1
"Yes, we have Evan but Rosh absence with his great connection-" hindi natuloy ang
sasabihin ni Casper nang humahangos na nagpakita sa amin si Caleb.
"King Dastan... the tunnel..."
Hindi na kailangan pang sabihin ni Caleb ang balita, dahil ng nagtungo kami sa
lagusan na ilang daang taon nang nakasara ay agad nitong nakumpirma ang hinala ko.
"Someone opened the tunnel..." 6
Leticia's stabbing easily spread around the empire, at hindi rin magtatagal ay
kakalat na ito sa iba pang emperyo. The whole Parsua Sartorias was facing a huge
crisis, a disgrace made by their own king.
STORY CONTINUES BELOW
She ran away few days after the whole empire witnessed our union. Such a shame for
a king...
Was I a bad kisser, Goddess of the Moon? 52
I smiled bitterly. Ilang beses na ba akong tinakbuhan ni Leticia? 13
"Send guards, few scholars and some of our powerful vampires. This tunnel is the
least of our problem."
I glanced at red rose petal near the entrance before I turned my back. I never
liked that brother of yours, Tobias. 10
"But Dastan... I could sense that-"
"She ran away from me, stabbed me. I'm done, Caleb. The empire is waiting." 50
Claret and Kalla tried to talk to me, but I refused. I would explode in any moment,
at hindi ko nais na sila ang abutan nito. 3
My mind could make me mad, my heart couldn't stop aching and I don't think I could
last for any moment, but the empire needs me. 1
Maraming nilalang ang umaasa sa akin, at isipin ang sarili kong sakit at paghihirap
ang siyang dapat kong isantabi. 3
But should I lie to myself?
I am so in love with her, and even if she tried to stab me again, I would still
search and look for her. I will accept her explanation, turn blind and hear her
words. 11
But she ran away... she could have explained... 10
They chased her out.
After I recovered from the cut of Leticia's blade, ibinaba ko ang mabigat na utos
na kahit sino'y walang may karapatang buksan ang usapang ito sa palasyo. I tried to
live in front of them unaffected, but my whole family knew me too well.
But all they could do were to shook their heads with their eyes of disapproval
while at my back.
Tahimik ang buong palasyo habang patungo ako sa pinaka-ibabang bahagi nito. Hindi
man lang nagtangkang sumugod ang mga embargo patungo sa akin habang patuloy ako sa
gintong pintuan ng aking ina.
Lumps was standing outside when I finally reached the familiar door.
"She's inside, right? I want to come in."
"Mahal na Hari, alam mong-" 1
"Bubuksan mo o tatapusin ko ang buhay mo?" 9
Yumuko ang kuneho sa akin. "Mahal na Hari..."
Biglang nabuksan ang pintuan ni ina at nagsimula na akong humakbang dito. At sa
unang pagkakataon, nasilayan ko ang lugar na siyang sumaksi sa walang katapusang
kalungkutan ni ina.
"Always favor the queen, my son... always..."
"I promise..."
Hindi man sabihin iyon ni ama, ipinangako ko na sa sarili kong mamahalin si ina
nang walang katapusan. 5
Ang pagkabasag ng isang boteng kristal na naglalaman ng kakaibang likido habang
naglalagay ako ng bulaklak ang siyang unti-unting nakapagpamulat sa aking mga mata
sa murang edad. 1
Ang pagsuka ng sariling dugo ng aking ina ang unang nagwasak ng aking munting puso.
"Prinsipe Dastan, hindi ka maaaring manatili rito." Isa sa mga tagasunod ang
naglayo sa akin sa silid ni ina habang dinig ko ang kanyang mga iyak at hikbi. 4
Time flies so fast, and I'd witnessed everything. Nakatanaw ako sa malayo habang
inihahatid ni ina si ama at Finn sa kanilang karwahe, it was an important journey.
Journey to his mistress. 3
When father was away, I tried my best to accompany mother, made her happy and spill
a lot of stories about the empire. But her laugher was not genuine.
STORY CONTINUES BELOW
"Why?" I uttered suddenly.
She just smiled at me. Nagbalik si Finn at ama, inaasahan ko nang matatapos na ang
lahat at ititigil na niya ang pakikipagkita kay Danna. But because of Finn's
talkative mouth, I just discovered that we had a brother.
A brother! 5
We have a brother! And Finn seems so fond of him. 2
Gusto kong magalit kay ama, gusto ko siyang kamuhian sa paglipas ng panahon ngunit
sa kanyang kaunting mga salita, nagagawa kong makalimot. Na parang wala siyang
ginagawang masama.
Minsan ay iniisip ko kung may kapangyarihan ba siyang iginagawad sa akin upang
manatili akong tahimik?
But should I wreck my own mother? Alam kong alam ni ina ang ginagawa ni ama, but
she's keeping her silence! And it's damn breaking my heart.
"Why?"
Ngayon naman ay kay ama ko iyon itinanong. He feigned innocence, na parang hindi
niya alam na may nalalaman din ako.
This whole family was a game of chess, and I was trapped between the masters of the
game. 1
"Dastan?"
Umiling ako kay ama. Ngumiti siya sa akin bago niya ako kinabig at guluhin ang
buhok, he kissed the top of my head like the usual.
I hate you... I hate you... but mother loves you so much...
Ramdam ko ang pagmamahal niya sa akin, kay ina at sa lahat ng mga kapatid ko. Pero
bakit paulit-ulit niya pa rin sinasaktan si ina?
Hindi ko napigilan ang sarili ko, sumunod ako kay ama at kay Finn, I hid myself
well until I finally reached their place. I was expecting Danna with them, but all
I witnessed were Finn, father and our other brother, they called him Desmond. 2
He's quite reserved, at si ama ang gumagawa ng pag-uusap para magsalita ito. Pero
nakikita ko kung gaano kalapit si Desmond at Finn.
I searched for a jealously or hatred against him, but a brother's bond was too
thick for anger. Hinayaan ko siyang makipagtawanan kay Finn at ama, I turned back
and went back to our castle.
I felt like I betrayed my own mother. Pero wala akong magawa sa paglipas ng
panahon, all I did was to watch her misery.
Ngunit natigil ang mga pagdalaw, lumipas ang mga taon at nagsimula na kaming mulat
ng aking mga kapatid sa aming tungkulin at posisyon. Nasa tamang edad na kaming
lahat upang pamunuan ang Sartorias.
I thought everything would end up so well. Until the huge wreckage of Parsua
Sartorias happened...
"Sa tingin mo hindi ko alam ang ginagawa mo, Thaddeus?!" rinig kong sigaw ni ina
habang humihikbi. 4
"T-talisha... mahal ko..." nagsusumamong boses ni ama.
Sinubukang lumapit ni ama kay ina ngunit humakbang iyon papalayo sa kanya.
"Huwag mo akong lapitan! Huwag mo akong hawakan! Alam ko! Alam ko ang lahat lahat!
Nagbubulag-bulagan lang ako! Kasi mahal na mahal kita, Thaddeus! Mahal na mahal...
pero paulit-ulit mo 'kong sinasaktan... ang sakit-sakit na... sawang sawa na 'ko!"
Gusto ko nang pumasok at ilayo si ina kay ama. Gusto ko nang itigil ang
pagpapahirap sa kanya.
"Talisha... mahal kita... mas mahal kita sa inaakala mo..."
"A-ayoko... hindi ko na kaya, Thaddeus..."
"Nagkakamali ka... ikaw at ang mga anak natin ang pinakamahalaga sa akin... mahal
na mahal kita, Talisha..."
STORY CONTINUES BELOW
Nanatili akong nakatayo sa likuran ng pintuan habang pinapakinggan ang pagtatalo ng
aking mga magulang.
"T-talisha..."
"T-thaddeus..."
Hinayaan ko ang sarili kong nakapikit sa likuran ng pintuan habang nanalangin na
sana ay matapos na.
Pero ang narinig ko'y ibang uri ng katapusan. 1
"Danna..." rinig kong usal ni ama sa bingit ng kanyang kamatayan.
Nang sumilip ako sa pintuan, tumambad sa akin ang eksenang kailanman ay hindi ko
naisip mangyayari.
Si inang lumuluha na may bahid ng dugo sa kanyang mga kamay, si Danna na tulala na
siyang maaaring magsukdol kay ina sa panibagong kalungkutan at si ama...
H-how could he close his eyes and looked so peaceful with a silver dagger glinting
from the lit of the moonlight on his chest? 6
But what I did was too good for a son, I turned my back, closed the door and let my
tears poured like a river.
My father was killed by my mother. I will favor my queen until I die. 94
Nasa proseso na ako ng pag-iisip ng maaaring dahilan o sisihin sa pagkamatay ni
ama, but a news spread all over the Sartorias. Si Danna ang sinisisi ng lahat sa
pagkamatay ni ama. 2
I didn't move an inch. I was too numbed, hindi ko na alam ang gagawin ko. I
secretly looked for Desmond for years, pero nabigo ako.
My mother locked herself inside her golden door, and I never bothered her. Maging
ang mga kapatid ko. 1
Walang nakakaalam ng totoong nangyari at nanatili akong tahimik sa lahat ng
pagkakataon.
My mother was innocent. 6
Ngunit sa mga nangyayaring ito, unti-unting nabubuklat ang nakaraan.
"Is this a punishment from father, Mother?"
Lumuluhang sabi ko habang yakap ni ina. Umiling siya sa sinabi ko.
"He would never punish you. You've met him in one of the paintings, did you feel
anger? Sinisisi ka ba niya?" 1
Kumirot ang dibdib ko. He was too proud of me, hindi niya ba alam na hinayaan kong
patayin siya ni ina? 1
"Then tell me why... bakit mo siya sinaksak? Why would Leticia do the same to
me...tell me, Mother... ipinaramdam sa akin ni Leticia ang sakit na ipinaramdam ko
kay ama. I let you kill him... I could have stopped you..." 1
"Tell me..."
"Hindi maari, Dastan..."
"Hindi maaari? Ina... gusto ko nang kitilin ang buhay ko... hindi ko na kayang
mawalay kay Leticia." Kinalas ko ang yakap ni ina. 4
At inilahad ko ang aking mga braso na parang nandoon pa rin si Leticia.
"I could still feel her skin against mine, naririnig ko ang boses niyang tinatawag
ako, nag-aapoy ang lalamunan ko... nauuhaw ako, Ina. Ganito pala ang nararamdaman
ni Zen... Finn... Evan..." nasapo ko ang aking sarili. 14
"I couldn't pretend anymore, Mother... do something... give me back Leticia..."
nakaluhod na ako sa harapan ng aking ina habang lumuluha. 13
"Mababaliw ako... mababaliw na ako... give me the dagger... ako na ang tatapos sa
sarili ko..." 20
Humikbi si ina habang naririnig ang mga sinasabi ko.
"Bakit? Do something, Mother... nagmamakaawa ako. I could give up being the king,
Zen... call Zen. I will pass it to him, Claret would guide him to rule this empire.
Hahanapin ko si Leticia..." 33
"Dastan..."
Yumakap muli sa akin si ina habang walang tigil ako sa pagtawag sa pangalan ni
Leticia.
"This is a punishment... pinarurusaan ako sa parehong paraan... kinamumuhian ako ni
ama, ni Danna... ni Desmond... sa lahat ng mga nilalang na hinayaan kong mahirapan
dahil sa matinding galit..." 1
"H-hindi... hindi mo kasalanan, Dastan..."
"Paanong hindi?! I have the power that time! Pero hinayaan kong mangyari ang lahat!
Ngayon ay pinaparusahan ako ng tadhana..."
Patuloy sa pag-iling si ina sa akin.
"Hindi, Dastan... mahal na mahal ka ni Thaddeus at kailanman ay hindi ka niya
isusumpa." She held my face to calm me down. 1
"Then what is this?! What is happening to me? Bakit inilalayo sa akin si Leticia?"
"I am a goddess, and I was sent to kill you father." 83
Umawang ang bibig ko.
"A goddess? You are one of Leticia's---"
"But I fell in love with your father, and when the goddesses were trying to charge
me... your father urged me to kill him using Danna's presence, he pushed my
jealousy... and that silver dagger was designed to kill your blood's father... na
ngayon ay na kay Leticia..." 50
Natulala ako sa sinabi ni ina. Hindi ko magawang maipasok lahat sa isip ko ang mga
sinasabi niya.
"The game of chess..." nanghihinang umiling sa akin si ina. 3
"It wasn't all about you against the other queens... or you against Leticia..."
hindi na makasagot si ina. 1
"Because from the very start it was you and father..."
"Kayong dalawa ang magkalaban... but you both fell in love... and the endless
damage continued to punish all of us..." 9
Tumawa ako ng pagak. "Sino nga ba ang maaaring lumaban sa isang reyna kundi isang
makapangyarihang hari?"
"At kaming lahat... ang mga diyosa... ang mga kapatid ko... si Danna... ang
nakaraan... parte lang kami ng malaking larong ito... ang mga emperyo..."
At hanggang ngayon ay hindi pa rin natatapos, dahil hindi man nanatiling buhay si
ama ang kanyang iniwang mga bakas ang siyang nagtutuloy ng kanyang mga hakbang.
"Ang inaakala kong pinuprotektahan ko mula sa sakit...ang siyang unang punyal na
ipinadala ng mga dyosa upang makapanakit kay ama, sa isang bampirang nais lamang
tumulong..."
They were hiding something and father would probably reveal everything, kaya
ipinadala nila si ina upang kitilin si ama. 12
But it turned out to be a painful game of chess. Dalawang pinakamatalinong nilalang
na nakilala ko. 2
My mother... siya ang unang talim... ang unang ipinadala sa lupa. 1
"You are the first moonlight blade..."

You might also like