You are on page 1of 139

A Princess In Disguise

by iamjonquil

If you're Anria Amelardo that born to be a wealthy kid. Would you choose to be a
famous and shout to all that you are rich? Or just stay being a simple girl and
nobody care about you because they think you're that kind of a common student from
a middle class?

=================

Chapter 01 *Encounter*

"Don't tell me Anria first subject palang natin dito sa school antok ka na agad?"
taas kilay na sabi ni Lai sa kanya.

Speaking napahikab tuloy siya. "Napuyat lang ako kagabi."

"At bakit?" usyuso ni Miyuki na lumingon pa sa kanya. Nakaupo ito sa unahan nila ni
Lai.

"May ginawa lang ako." Binuklat-buklat niya ang notebook kahit na wala naman talaga
doon ang kanyang atensiyon.

Mag-uusisa pa sana si Miyuki ng dumating na ang subject teacher nila.

She don't know why pero wala siya sa mood. She know it's not because napuyat siya.
Siguro malalaman din niya mamaya kung bakit.

Sinulyapan niya si Miss Monique Cueto, ang subject teacher nila sa English. Hanga
rin talaga siya dito dahil wala itong pagod sa kakasalita sa unahan ng classroom.
Kung siya ay kukuha ng kurso next year for sure hindi ang Education ang kukunin
niya. She hate talking too much and explain to the student that weren't listening
to their teacher.

Napatingin tuloy siya kay Waynard na mukhang wala sa sinasabi ni Miss Cueto ang
atensiyon kahit na nakatingin ito sa unahan. Napapailing tuloy na tumingin ulet
siya sa guro.

Isang buong school year nalang naman ang bubunuin niya. Pagkatapos niyon kukunin na
siya ng Daddy at Mommy niya na nasa Europe ngayon. Stay for good na ang mga ito sa
London dahil nandoon ang kabuhayan ng Daddy niya, na namana pa nito sa Lolo nito,
ang ikta-iktaryang lupain na taniman ng ubas at pagawaan ng wine. Kasosyo ng Ama
niya sa trabaho ang kaniyang Tito Philip, kapatid nito.

Kahit na nasa London ang kabuhayan ng magulang niya mas gusto parin niyang mag stay
dito sa Pilipinas kasama ng kanyang Lolo Ernesto at Lola Bebang sa mothers side.
Mas feel at home siya sa Pinas kaysa sa London. Hindi niya alam kung bakit. Kahit
naman ang pinsan niya na si Darwin James Amelardo mas gusto pa dito sa Pinas
manirahan kaysa ang sumunod sa Daddy Philip nito. Kaya nga hanga siya sa pinsan
dahil nagawa nito ang gusto nito na makapag-stay sa Pinas. Unlike her na hindi
nanalo sa parents niya. Napagbigyan na daw ng mga ito ang kagustuhan niyang mag
High School sa Pinas, thats enough.

She's an only child, sixteen years old. Unica hija ng mga magulang niya. Mas close
pa siya sa mga abuelo kaysa sa sariling magulang. Palagi kasing mga abala sa
pagpapayaman para daw sa future niya.
And because she's an only child kaya gusto naring makasama ng mga ito kaya wala
narin siyang magawa kundi ang magpatalo sa disisyon ng mga ito.

Hindi naman iyon lingid sa kaalaman ng dalawa niyang kaibigan. Kaya nga gusto ng
mga ito na masulit ang time at araw na magkakasama pa sila dahil tiyak daw na
mamimiss siya ng mga ito. Kahit naman siya mamimiss din ang dalawa.

Kahit na mas kikay pa ang dalawa sa kanya ay never siyang nakisabay. She's fine and
too comfortable being a simple girl. Kahit nga ang maglagay ng kolorete sa mukha
hindi niya ginagawa. Ang pinapadala ng Mommy niya na mga imported na make-up at
damit ay ang mga ito lang ang nakikinabang. At ang dalawa lang din na ito ang
nakakaalam kung ano ba ang estado niya sa buhay. Hindi naman kasi niya
ipinangangalandakan na sobrang yaman ng pamilya niya at heredera siya nina Concio
Amelardo at Delia Amelardo. Kaya na nga nilang bilhin kahit buong school.

Ang tanging alam lang ng mga nakakakilala sa kaniya ay tanging ang Lolo at Lola
lang niya ang nag-aaruga sa kanya.

"Uy, Anria," untag ni Lai sa kanyang pananahimik. "Ang layo na naman ng narating ng
utak mo."

She sigh. "Don't mind me Lai."

Humirit pa si Miyuki. "Know what?"

Umiling siya. Kahit na nakikipag-tsismisan ito ay nasa unahan parin ang attention
nila.

"Si Sanji," kinikilig pa nitong sambit sa pangalan ng lalaki. The most popular guy
on their campus. Paano ba namang hindi? Bukod sa mayamang pamilya ang
pinanggalingan ni Sanji Marquez ubod pa ng gwapo. Sinalo na nga yata nito ang lahat
ng biyaya ng Diyos ng magsaboy ito mula sa kalangitan. Especially sa panlabas na
anyo.

Si Sanji Marquez ang lalaking hindi mo iisipin na pwede palang mag-exist sa mundo.
At ito rin ang lalaking iniiwasan niyang makaharap.

She just don't like him dahil masyado itong perfect. Nakakasilaw ang kagwapuhan and
the fact that many girls will scream out loud just one glance of him. Hindi ito
yung tipo na palangiti. He's a snob type. At kahit na theirs so many pretty girls
around their campus wala pa itong pinatulan. Ang best buds lang nito na si Andrei
Samaniego ang palagi nitong kasama at kinakausap. Hindi naman bading si Sanji wala
lang yata itong type na babae sa Mary Academy. Still sobrang dami ang nagpapantasya
dito. Well she's not one of them.

"Oh, anong bago?"

"Ang gwapo niya. Nakita ko siya kanina," impit nitong anas.

Napasimangot tuloy siya. Kailan ba kasi papangit ang lalaki na iyon? Pati tuloy mga
kaibigan niya baliw na baliw dito.

"Pwede ba Lai manahimik ka na lang muna kasi lagi mo nalang subject ang Sanji mo."

Nag-piece sign ito. "Okay, tatahimik na po."

Mas hate pa niya ang subject about Sanji Marquez kaysa sa Math. Bukang bibig na
kasi ito ng lahat nakakairita na sa tainga.
PABALIK na si Anria sa classroom galing sa Library ng malaglag ang sign pen niya.
Abala kasi siya sa binabasang notes habang naglalakad.

Dadamputin sana niya ang sign pen ng may maunang kamay na dumampot niyon. Unti-
unting umangat ang tingin niya sa taong iyon. Ganoon nalang ang pag-atras niya ng
mapag-sino ito.

Why on earth si Sanji Marquez pa ang dumampot?!!!!!

Tumingin muna si Sanji sa iniumang nitong sign pen bago sa mukha niya. Napatitig
tuloy siya sa mata nito na parang mata lang ng mga favorite anime niya.

"Nakakangalay."

Nahablot tuloy niya ang sign pen. Without saying 'Thank You' ay nagmamadali niya
itong nilampasan. Never siyang nagpakalingon-lingon pa.

Mariin niyang naipikit ang mata ng makaliko sa isang pasilyo. "Aaahhh! Kainis.
Bakit siya pa?" inis niyang sabi bago dali-daling pumasok sa classroom nila.

Nilapitan ni Anria si Lai at binigay dito ang sign pen.

"Bakit mo binibigay sakin ito?" nagtataka pa si Lai ng sulyapan ang sign pen.

"Sayo nalang."

"Bakit?"

"Hinawakan yan ni Sanji. Nalaglag at sa malas siya pa ang nakadampot. I hope you'll
like it. Dahil ako ayaw na ayaw ko na niyan, may iba na kasing humawak."

"Waaaahhhh!!! Oh, my G! Really Anria? Wow. Grabe I love you na talaga sis! Thank
you!" yumakap pa ito sa kanya then kiss the sign pen.

Sinasabi na nga ba niya matutuwa talaga ito.

Uupo na sana siya sa upuan ng magtilian naman ang mga tao sa paligid. Pagtingin
niya sa pintuan nakita niya doon si Sanji kasama si Andrei.

Kahit na kailan gulo talaga ang hatid nito sa paligid. All her girls classmates
wala ng poise. Si Lai kulang nalang mahimatay sa tabi niya.

Anong meron at naligaw ito sa room nila? Sa isip ay confuse parin siya. Until he
walk inside their room and went to her direction. As in sa mismong tapat niya ito
huminto.

"Hindi ka ba marunong mag thank you?"

Naumid ng bongga ang dila niya. Ng dahil lang pala doon kaya nag-abala pa ito na
puntahan siya? Utang na loob ba niya iyon at hindi ito makatulog dahil lang hindi
siya nag thank you?

"Wahhh! Nilapitan niya si Anria!"

"And he talk to her."

"Nakakainggit!"
"Sanji ang gwapo mo talaga!"

May mga classmate pa siya na pinagkukunan ito ng stolen shot. Grabe talaga ang
presensiya nito. Ang iba halos mahimatay na sa kinatatayuan.

"Bakit? May sinabi ba ako na damputin mo?" huli na para pigilan pa ang sarili na
angilan ito.

"Anria," saway sa kaniya ni Lai.

All the crowd gasping! Akala siguro ng mga ito kikiligin siya at magpapa-charming
dahil kaharap niya ngayon si Sanji Marquez. The heck? Hindi niya maimagine ang
sarili na gagawin ang kabaliwan na iyon. Naiirita pa siyang lalo dahil center of
attention sila. Hindi siya sanay sa maraming atensiyon.

Hindi nagsalita si Sanji. Nakatingin lang ito sa kanya. Walang emosyon na mababakas
sa nakakasilaw nitong mukha. Masyadong perfect. Kunti nalang matutunaw na siya sa
kinatatayuan.

Marahas ang pinakawalan niyang paghinga. She down her pride para matapos na ang
komosyon na iyon at ng matahimik na rin ang kaluluwa nito.

"Thank you," pormal niyang sabi. Then turn her back dahil hindi na niya ma-take na
may magagandang mata na nakatitig sa kanya.

"I don't accept the way you say 'Thank you'. You owe me one."

Thats all at umalis na rin ito ng room nila kasunod si Andrei na nangigiti.

Saka lang siya lumingon ng masigurong wala na sina Sanji. Nakahinga ng maluwag si
Anria.

"May utang ka pa daw sa kanya," ani Miyuki na para paring nasa cloud nine. Hindi
parin maka get-over sa katatapos lang na eksena.

"Waaahhhh! Parang may shooting ng Korean Drama," segunda pa ni Lai. "Haayyy, Sanji
is so gwapo talaga."

"Manahimik na."

Umupo na si Anria sa silya niya. She sigh. Kahit siya hindi makapaniwala na pag-
aaksayahan siya ni Sanji ng precious time nito. Of all people! At isa pa napansin
niya na wala itong ibang sinulyapan kundi siya lang. Ganoon ba talaga ito? Kung
sino ang subject doon lang naka-focus? Believe na talaga siya sa klase ni Sanji.
He's really breathing in the Philippines.

"Infairness for all these years. Naligaw si Sanji sa room na pinapasukan natin at
dito pa mismo sa tapat ng upuan natin nag stay. Oh, I love this place na."

Hindi nalang pinansin ni Anria si Lai. Knowing na hindi na ito magsasawa sa


pangalan ni Sanji. At dahil hindi siya makikisali sa topic nito kaya si Miyuki ang
kinausap nito. Lagi namang magkasundo ang dalawa basta pagdating kay Sanji.

Kahit ang ibang panig ng room nila si Sanji parin ang topic. Naiirita na ang tainga
niya. Kahit siguro mag end of the world na, si Sanji parin ang topic ng mga ito.

NG sumapit ang uwian ay nagmamadali naring umuwi sina Lai at Miyuki dahil may lakad
ang dalawa. Hindi na siya sumama sa mga ito dahil wala naman siyang hilig sa banda.
Nasa campus ground na siya ng tumunog naman ang kanyang cellphone. Nasa bag niya
iyon at pakiramdam naman niya ay hindi importante ang naturang tawag kaya tinatamad
siyang sagutin.

Nagpatuloy siya sa paglalakad na hindi pinapansin ang cellphone kahit tunog ng


tunog. "Magsasawa rin ang tumatawag." Itetext nalang niya iyon mamaya kapag sinipag
siya.

Nang matapos ang pag ring nasundan pa iyon ng isa pa na hindi rin niya pinapansin.
Hanggang sa may kamay na humawak sa braso niya dahilan para matigil siya sa
paglalakad. Buti nalang hawak niya ng mahigpit ang dalang dalawang libro dahil kung
hindi tiyak na malalaglag iyon sa damuhan dahil sa pagkagulat.

She took a deep breath bago nilingon ang pangahas na may ari ng kamay. She stunned
when she saw Sanji. May hawak itong cellphone na nakadikit sa may tainga nito.
Napasulyap tuloy siya sa bag niya bago muling ibinalik ang tingin kay Sanji. For
Godness sake! Don't tell me na ito ang natawag?! Nagsalubong tuloy ang kilay niya.

"Bakit?"

Pinindot muna nito ang end call sa cp nito. Automatic tumigil narin sa pag ring ang
cp niya. He let go of her arm. Napansin niya na hindi nito kasama si Andrei. That's
new.

Iimik sana ito ng muli niyang unahan.

"Teka. Paanong nagkaroon ka ng number ko?" As far as she remember dalawang tao lang
ang nakakaalam ng number niya sa school na iyon. Sa isip palang nasagot na ang
sarili niyang tanong. Pero ano namang kailangan nito sa kaniya? Akala ba niya hindi
ito mahilig mamansin?

"Bakit hindi mo sinasagot?" imbes ay angil nito sa kaniya.

Napamaang tuloy siya. Ang demanding naman ng taong ito. Why on earth sa Pinas pa
ito naglagi? "Aba! Utang na loob ko pa ngayon na ikaw yung tumatawag sa akin? Sa
tinatamad akong sagutin anong magagawa mo?"

One reaction lang ang nakita ni Anria sa mata ni Sanji. Amusement. Na mabilis ding
nawala. Well, he know how to hide his feelings that fast. Seryoso na naman ang
mukha nito.

"Do me a favor." Hindi iyon pakiusap. Inuutusan siya.

"Favor?"

"Oo. May utang ka sakin baka nakakalimutan mo?"

"Hoy! Dinampot mo lang yung sign pen ko. Pwede ba 'wag ako ang pagtripan mo? For
your information hindi ako natutuwa kaya tigilan mo ako." Inirapan pa niya ito ng
talikuran niya. She continue walking. Hindi talaga siya natutuwa. Naiinis siya.

"Don't ever turn your back on me." Pinigilan na naman siya ni Sanji. This time
mahigpit nitong hawak ang braso niya.

Hindi siya nag-abalang lingunin ito kahit na tuluyan na naman siyang napahinto sa
paglalakad.

"Playing hard to get ka ba talaga?"


Nagpanting na ang tainga niya sa sinabi nito. At dahil sobrang nainis siya sa akusa
nito sa kanya kaya walang kyemeng inihampas niya sa braso nito ang libro niya.
Dahilan para tuluyan siya nitong mabitawan.

"Aaahhhh!" Napangiwit si Sanji habang hawak ang braso. Mukhang napalakas yata ang
hampas niya dito dahil para itong nauupos na kandila na napalunod sa damuhan.

Dapat lang dito iyon. Wala sa vocabulary niya ang mag-sorry. Lalo na sa taong
tinawag siyang pa-hard to get. Pinatid nito ang pasensiya niya kaya pasensiya
talaga ito.

"F.Y.I. Hindi ako kabilang sa mga babae dito sa campus na magpapakabaliw sayo kaya
wag mo akong igagaya sa kanila. At kung pwede lang 'wag mo na ulet akong malapit-
lapitan. Baka hindi lang 'yan ang abutin mo."

"Sanji!" Nag-aalala pa si Andtei ng humahangos na dinaluhan ang kaibigan.

Minabuti nalang niya na umalis. Binilisan niya lalo ang paglalakad. "Kasalanan
niya," anas pa niya.

Pero ng tuluyang makauwi sa bahay nila ay napatulala siya thinking about what
happened a while ago. Mukha talagang nasaktan si Sanji. Suddently nakonsensiya
siya.

Napatingin siya sa bag niya ng maalala ang cellphone niya. Agad niya iyong kinuha
at tiningnan. Number lang ang nakalagay sa missed call. Number ni Sanji. Imbes na
i-save ay mabilis na dinilit niya iyon.

PAGBUNGAD palang ni Anria sa pintuan ng room nila, automatic na natuon sa kanya ang
atensiyon ng mga calssmate niya. Most especially mga girls. Pagkatapos nagbulungan
na ang ilan.

Isinawalang bahala nalang niya iyon. Hindi pa nga siya nakakaupo sa silya niya ng
humahangos na dumating naman si Lai at Miyuki.

"Anria!"

Umupo muna siya bago pinansin ang dalawa. "Oh?"

Humihingal pa si Miyuki ng mag-salita. "Nabalitaan namin yung nangyare kahapon."

"Grabe! Bakit mo hinampas si Sanji? Yung fans club niya dito sa campus
nanggagalaiti sayo. kaya mag ingat ka. Don't go wherever here in campus without us.
Baka kasi kung anong gawin nila sayo."

"Hindi ko kailangang mag-paliwanag kung bakit ko 'yon nagawa. Kasalanan naman niya,
eh."

"Pero ng dahil doon, hot isseu ngayon 'yon dito sa campus."

"At nabalitaan din namin na dinala kahapon si Sanji sa Hospital."

Tiningnan niya si Lai. Umasim ang mukha niya. "Ang OA talaga ng taong 'yon, ha!
Hampas lang naman yung natamo niya hindi bugbog," napapalatak pa siya. "Haayy,
grabe siya."

"You really freaking hate Sanji," napalabi si Miyuki. "How sad."

"Mukhang hindi mo talaga alam na may injury pa siya sa braso niya. We heared from
our source na nalaglag pala si Sanji habang sakay ng kabayo niya ng mag horse back
riding sila ni Andrei. At yung hinampas mo ay yung may injury niya."

Biglang rumihistro sa alaala niya ang sakit na lumarawan sa mukha ni Sanji ng


hampasin niya ito. He's not acting that time. He's really in pain. Kaya ba ganoon
nalang ang pag-aalala ni Andrei ng lapitan ito? Natigilan tuloy siyang lalo. Ang
lakas pa naman ng hampas niya kay Sanji.

"Yung number ko," naibulalas niya.

Nagkatinginan sina Lai at Miyuki. Tumikhim si Miyuki. "Eh, kasi Anria---."

"Si Sanji kasi tinanong samin kung anong number mo. Eh, wala naman kaming nagawa
kundi ang ibigay. Alam mo ba yong feeling na para kaming nakalutang sa ulap dahil
he talk to us grabe! Unforgetable moment! Kaya ayon nga dahil sa kagwapuhan niya
kaya naibigay namin."

"Sorry," duet pa ni Lai at Miyuki sabay piece sign.

Sinasabi na nga ba niya. Kahit naman anong gawin ni Sanji nakukuha talaga nito ang
gusto.

She sigh for a couple of seconds. Ano naman kayang favor ang hihingin nito sa kanya
kung sakali? At bakit sa kanya pa? Kahit naman sabihin nitong may utang na loob
siya dito dahil dinampot nito ang sign pen niya, para namang ang babaw na dahilan
niyon para hingan siya nito ng favor.

"Anria. Okay ka lang ba?" basag ni Lai sa pananahimik niya.

Atubiling tiningnan niya ito.

"Ano na ngayong gagawin mo Anria?"

"Magso-sorry ka ba kay Sanji?" Miyuki ask.

Siya magso-sorry kay Sanji? "No way!" Hindi yata niya matatanggap na sinabihan siya
nito na playing hard to get. Magdusa ito sa sakit ng hampas niya. Hinding-hindi
siya magso-sorry. The nerve!

Napangiwit pa si Miyuki dahil sa tindi ng pagtanggi niya. "Okay. Okay. Wala tayong
kalaban. Kalma ka lang diyan, Sis."

Itinaas pa ni Lai at Miyuki ang dalawang kamay. "Chill ka lang."

"Pwes, tigilan niyo na ang pag-banggit ng pangalan ng hinayupak na 'yon."

"Hoy!"

Isang atribida nilang classmate ang nanggagalaiting dinuro siya. "Ang kapal mo rin
naman talaga ano? Sinaktan mo na nga si Sanji tatawagin mo pa siyang hinayupak?
Baka gusto mo ng sapak at away, ha?"

Pinigilan niya ang sariling bad temper. Masyado siyang mabait iba lang magalit.
Pinigilan niya sa braso sina Lai at Miyuki ng akmang tatayo ang mga ito.

Kahit na kailan napaka atribida talaga nito.

"Hindi ako pumapasok dito sa school para lang makipag-away. Hindi kita papatulan,"
mahinahong sabi ni Anria kay Manilyn. Ayaw niyang magkaroon ng bad record sa school
kaya hanggat maaari ay nagpapakabait siya.

"Spare Anria," nagbababalang sabi ni Lai.

"Kahit magsama-sama pa kayong tatlo. Naku," tiningnan pa sila nito ng masama bago
bumalik sa mga kagrupo nitong mga atribida din.

"Bakit ba hindi nauubusan ng kontrabida sa mundo?" inis pang bulong ni Miyuki sa


kanila. "Akala naman niya uurungan natin siya. Ganda niya, ha. Puro layer naman ang
tiyan." Humagikhik pa si Miyuki.

Napangisi naman si Lai. "Naku inggit lang 'yon dahil kahit sulyap hindi siya
tinapunan ni Sanji. Unlike us na kinausap pa mismo ni Sanji."

"Tama ka Lai."

"Tama na nga. Sinabi ng ayaw ko ng maririnig ang pangalan ni Sanji, eh."

Nag-piece sign ang dalawa.

"Sanji," hirit pa ni Lai.

"Ang gwapo ni Sanji," patay malisyang sigunda ni Miyuki.

"Hindi niyo ba naisip na baka hindi na nahinga ang kulugo na 'yon? Kanina niyo pa
bukang bibig."

Napabulalas ng tawa si Miyuki. " Uy. Kailan ka pa naging concern kay Sanji?"

Tiningnan niya ito ng masama. "Pwede ba!"

"Oo. Pwedeng-pwede," gatong pa ni Lai.

"Isa pa at ingungudngod ko 'yang mga mukha ninyo."

Nagtawanan lang ang dalawa. Mga praning talaga kahit kailan.

=================

Chapter 02 *The Accident*

"So, siya pala yon?"

Nagpatuloy lang sa pagkain si Anria at hindi pinansin ang babaeng nagsalita na


padaan sa may table nila nina Lai at Miyuki.

"Hey."

She didn't bothered to look up. Same as Lai and Miyuki. Hindi niya sasayangin ang
gana sa pagkain ng dahil lang sa mga atribidang tao. Paborito pati niya ang ulam
kaya doon siya nag-focus.

"Let us see kung hindi ka pa titingin."

Nilagyan ng babae ng juice ang kinakain niya. Ng tingnan niya ito ay nginisian pa
siya. Minamahina ba siya nito? Anghel lang siyang tingnan at hindi makabasag
pinggan pero kaya niyang lumaban.
"Problema mo?" kalmado niyang tanong.

Humalukipkip ito at sinuri siya ng tingin. Tumaas pa ang kilay. "Mukha ka namang
walang binatbat. Tss, I don't think so if kaya mong bumili ng mamahaling dress.
Mukha kang plain at cheap."

"Aba," angal na nina Lai at Miyuki.

"Miss lumayo-layo ka na dito bago pa mabasagan ng pinggan ang mukha mong..... Naku
ka," nanggagalaiting sabi ni Lai.

"Baka ikaw ang walang binatbat. Itsura mo  palang. Manalamin ka nga muna," inis na
sabi ni Miyuki. "Lumayo ka na baka maubos lalo ang pasensiya namin. kunting-kunti
nalang 'to. Baka pag-abutan ka pagsisihan mo pa."

"The choice is yours."

Inirapan pa sila nito bago umalis.

Napatingin si Anria sa pagkain. "Sayang."

"Gusto mo bang umorder ulet Anria?"

Umiling siya. " Nawalan na ako ng gana Miyuki."

"Ako din," segunda ni Lai na uminom nalang ng tubig.

"Imbyerna ang babae na yon. Akala mo kung sino hindi naman kagandahan. Kapal ng
face." Tumayo na si Miyuki. "Tara na."

"Magpaluto nalang tayo ng burger. My treat."

Ang lapad ng ngiti sa labi nina Lai at Miyuki.

"Ay gusto ko yan."

"Me too."

"Tara."

Pumunta sila sa labas ng campus para lang magpaluto ng burger.

"Ka-stress ang mga tao ngayon sa Mary Academy. Akala mo kung sino. At saka ngayon
lang nagkagulo dahil namansin ng babae si Sanji. Malas lang ni Anria kasi siya ang
kauna unahang pinag-ukulan ni Sanji ng pansin," litanya ni Lai then look outside
the store. "Teka. Speaking of the devil. Diba kotse ni Sanji yon?"

Mabilis na napatingin si Miyuki sa labas. "Oo. Siya lang naman ang may blue
convertible Lamborghini Aventador dito satin."

"Akala ko ba ingured? Bakit nakakapag-drive?" napairap pa siya.

"Si Andrei po yung nagda-drive ng kotse. Tumingin ka kasi Anria."

Hinding-hindi niya gagawin ang sinabi ni Miyuki.

"Kahit nasa labas palang ng gate ang kotse niya grabe talaga kung pagkaguluhan si
Sanji."
Naimagine niya ang sinabi ni Lai. "Masaya ba talaga siya sa atensiyon na nakukuha
niya? Feeling yata niya super star siya."

"Napaka-bitter mo talaga Anria pagdating kay Sanji. How came na super duper bato ka
Anria? May pinaghuhugutan ka ba?"

"Lai is right," ani Miyuki. "Bakit ka ganyan Anria? Kahit ba katiting di mo


magugustuhan si Sanji?"

"Hindi mo pa naman siya lubos na kilala kaya wag mo muna siyang ayawan Anria."

"Oo nga wag mo muna siyang husgahan para ayawan mo ng sobra. Sige ka Anria
ipagkakalat ko na sobrang yaman mo," tumaas baba pa ang kilay ni Miyuki.

"Ayoko lang sa taong tulad niya. Thats it." Masyadong perfect. Pasimpleng sumulyap
siya sa labas ng Patty Burger. Wala na doon ang magarang kotse ni Sanji.

"Pumasok na sa loob."

"Titingin din pala pa-echos pa," tudyo ni Lai.

Patay malisya lang si Anria. Ng mai-serve ang order nilang burger ay doon nalang
niya itinuon ang pansin.

For sure naman lilipas din ang issue tungkol sa kaniya. Makakalimutan din siya ng
mga tao. Pinanatag na niya ang loob. Magiging maayos din ang lahat.

********

That's what she thought....

********

Hindi pa man natatapos ang araw na iyon kay Anria ay may pangyayare na namang
naganap.

She's walking at the hall way ng may biglang humila sa buhok niya. Dahil hindi niya
iyon inaasahan kaya halos ma-out of balance siya.

Nagtawanan ang mga babaeng nakapalibot ngayon sa kaniya. Ang iba naka-cross arm,
taas kilay at nakapamewang pa. And they even looked at her from head to toe. Inuuri
siya.

Hindi nag-aksaya ng boses si Anria. Paghakbang niya hinarangan lalo ng isa ang
dadaanan niya.

"Not so fast."

Ang babaeng atribida sa cafeteria!

Nag-sama pa talaga ito ng mga alipores nito.

Hindi ba talaga siya tatantanan ng mga ito? Again. She took a deep breath to keep
her self calm.

"Ano ba ang kailangan ninyo? Ayoko ng gulo."

"Well, kami gustong-gusto namin. Lalo na at ikaw ang dahilan."


"Look at your self. What's with you para gumawa ng eskandalo sa buhay ng Sanji
namin? Nagmamaganda ka ba?" medyo itinulak pa siya nito sa balikat niya.

Nagtimpi parin siya.

"Knowing na isang ikaw lang ang gagawa ng ganoon sa kaniya. Mukha ka ngang walang
binatbat, eh."

Umangat ang tingin niya sa babaeng walang hinaharap na siyang nagsalita niyon
against her.

Tss. At ako pa nga daw ang mukhang walang binatbat? Look who is talking. Hiyang-
hiya naman ako sa babaing ito. Mas di hamak naman na may binatbat ako kaysa dito at
sa mga kasama nito.

"Pasensiya na pero hindi ko kayo papatulan."

"Pwes–––"

Akmang sasampalin siya nito ng......

"Hindi niyo ba siya narinig?"

Ganoon nalang ang pag-lingon nila ng may umeksena.

Walang iba kundi ang puno't dulo ng lahat. Sanji himself.

Parang nakalimutan agad siya ng mga babaeng humarang sa kaniya. Mga abala na sa
pagpapa-cute kay Sanji.

Mabilisang sinuri ni Anria si Sanji. Mukha naman siyang Okay. Hmp... Ng dahil sa
kaniya nagkanda-letse letse ang maghapon ko.

"Waaahhh.... Sanji, how's your feeling na?"

"Are you Okay?"

"Masakit pa ba yang arm mo?"

Walang sagot na nanggaling kay Sanji. Instead he grab her hand and walk away from
those mean girls with her.

"Oohhh!" gulat na bulalas ng mga ito. Habol sila ng di makapaniwalang tingin.

Siya man ay sobrang nagulat din sa ginawa nito. Dahilan para mag patangay siya kay
Sanji. Pumasok sila sa may fire exit ng building na kinaroroonan nila.

From that very moment agad niyang hinila ang kamay mula sa pagkakahawak ng malambot
na kamay ni Sanji.

"Don't you think first? Ng dahil na naman sa pag-eksena mo marami na namang


magagalit sa akin!" gigil na naiyukom niya ang mga palad. Wala siyang pakialam kung
si Sanji Marquez man ito. Basta naiinis siya.

Iniangat nito ang kaliwang braso at hindi pinansin ang pag-pupuyos niya. "You make
this more injured."

Napamaang siya. Kasi naman sobrang layo ng sinabi nito sa mga sinabi niya.
"Kasalanan mo yan! Wag mong hintayin na magso-sorry ako sayo dahil hinding-hindi ko
yon gagawin!"

Pinagmasdan muna siya nito ng ilang segundo bago nagsalita. "Nasa itsura mo nga."

How make this guy act so damn normal? Hands up na talaga siya dito. Still many
girls adore and love him that much. She's not one of them anyways.

"Pwede ba na last na pagkausap mo na ito sa akin? At sa susunod na lumapit ka pa sa


akin. Yung kabilang braso mo naman ang mapapahamak."

"Nananakot ka ba?" kaswal lang nitong tanong.

Naningkit lalo ang mata ni Anria. Nakakarami na talaga ang lalaking ito sa kaniya.
"Awan ko sayo. Humanap ka ng ibang kausap. Marami sa labas kaya doon ka mamili."

Tatalikuran sana niya si Sanji ng harangan agad nito ng kamay ang exit door.

"Isa."

"Masyado kang pikunin."

"Dalawa."

Ng hindi magsalita si Sanji ay medyo tiningala niya ito. He's too close to her. His
scent was too masculine. What a face. Nasisilaw na naman siya sa kagwapuhan nito.
Dahilan para itulak ito bigla.

And to her shock na out of balance si Sanji at dahil napahawak ito sa kaniya kaya
dalawa silang bumagsak sa sahig.

Rinig na rinig niya ang pag-igik nito ng tuluyang dumapo ang likod sa sahig. Siya
naman ay pikit na pikit. Waiting for her death na hindi naman nangyare dahil sinalo
ng katawan ni Sanji ang buong bigat niya.

Ng umungol si Sanji ay napamulat siya. Buhay pa siya.

Ang isang kamay ni Sanji ay nakapulupot sa kaniya. Unti-unting napaangat ang mukha
niya. He saw the pain on Sanji's face. And to her horror nakapaibabaw siya sa
binata.

Akmang babangon siya mula sa pagkakadapa sa katawan nito ng siya namang bumukas ang
exit door. Narinig niya ang singhapan.

Parang gusto na niyang lumubog sa lupa. They saw them on the situation she can't
imagine on her entire life

=================

Chapter 03

"Sinasabi ko na nga ba na napakalandi ng babae na 'yan."

"Tell me that this isn't happening!"

"Waaaaah. Sanji ko!"


May mga nag-iyakan pa sa 'di niya malamang dahilan. Bago pa siya lamunin ng
kahihiyan ay mabilis na siyang umalis sa ibabaw ni Sanji. Agad niya itong
tinulungan na makaupo.

"O-Okay ka lang ba? Magsalita ka." Yung mukha niya halos ilapit na niya sa mukha
nito makita lang ang magiging reaksiyon nito. Hi's really in pain at bakas na bakas
iyon sa mukha nito.

Pinilit nitong imulat ang mata sa kabila ng sakit na nararamdaman.

"You're really a walking disaster." Mariin itong napapikit kasabay ng pagngiwit


nito. "My back. Damn."

Kagat ang labi na nahawakan niya ang likod nito na ikinaiktad nito.

"Wag mo munang hawakan."

Kung siya lang ay hindi talaga niya alam ang gagawin. Windang na windang ang isip
niya dahil sa nangyare. Mabuti na lang at may dumating agad na nurse na nag-check
kay Sanji. Isinakay agad ito sa ambulansiya at isinugod sa Hospital.

Again ng dahil sa kanya nasa Hospital na naman ito.

Nanlalambot na napasandal siya sa wall. Siya na lang ang naiwan sa fire exit dahil
lahat ay nagsisunuran kay Sanji.

Pagbalik niya sa room ay tulalang nakaupo lang siya sa kanyang silya.

"Anria ano'ng nangyare?" Bungad agad sa kanya ni Lai.

"Kasalanan ko na naman," anas niya. Napayuko siya. Kaya ayaw niyang lumalapit kay
Sanji.

Tinapik siya ni Miyuki sa kanyang balikat. "Hush. Aksedente ang nangyare. Pray na
lang natin na maging okay din agad si Sanji."

Sana nga maging okay din agad ito. Hindi pa ito nakakarecover tapos napahamak na
naman. Malas nga talaga siguro kung maglalapit sila. Kaya kung maaari dapat niya
itong iwasan.

Malungkot na napatingin siya sa may bintana.

Lord, hindi niyo naman po siguro siya pababayaan. Kayo na po muna ang bahala sa
kanya.

HABANG NAGHIHINTAY si Anria na medyo maubos ang sasakyan sa kalsada ay napatingin


siya sa isang shop.

"Furtune teller and Shop," basa niya sa sign board na naroon. Out of curiousity
kaya imbis na tumawid ay dinala siya doon ng kanyang mga paa. Never in her entire
life na nagpahula siya. Mukhang bago lang iyon sa lugar na iyon sa kabayanan dahil
bago iyon sa kanyang paningin.

Bigla ay parang gusto niyang subukang magpahula. Wala naman sigurong mawawala kung
subukan niya.

Huminga muna siya ng malalim bago hinila ang pinto pabukas. Medyo napakislot siya
ng tumunog ang door chime na nakasabit sa may pintuan. Gusto sana niyang magback-
out ng makitang walang tao sa loob. Ngunit agad rin namang may lumabas na matandang
babae na ang daming kolorete sa katawan. Pati mukha todo make-up. Hindi niya alam
kung anong gagawin but in the end ay pinili niyang ngumiti.

"Magandang hapon po," magalang niyang bati dito.

Walang kangiti-ngiti sa mukha ng tumango ito. "Magpapahula ka ba?"

Atubili ang naging pagtango niya. "G-Gusto ko lang pong subukan. Ako nga po pala si
Anria" Hindi na pwedeng umurong this time.

"Esmeralda," matipid nitong banggit sa pangalan nito. "Sumunod ka dito sa loob."

Inilibot muna niya ang tingin sa loob ng shop na simple lang naman ang ayos at may
ilang paninda, bago sumunod sa matandang manghuhula na hindi lalampas ang edad sa
sesenta y singko anyos.

Medyo may kadiliman ang loob ng silid. Tanging mga kandila lang ang nagsisilbing
ilaw na sapat na para makita ang paligid na hindi naman kalakihan. Sa gitna ay may
pabilog na mesa at magkatapat na upuan na yare sa ratan. Naupo siya sa tapat ng
matanda. Inaasahan niya na may bolang kristal ngunit wala niyon sa lamesa. Wala
ring baraha.

"Akin na ang dalawa mong palad."

Nagulat man sa muling pagsasalita ng matanda ay hindi niya iyon ipinahalata dito.
Umupo siya ng tuwid bago inabot dito ang mga palad niya. Mainit ang kamay nito na
humawak sa kamay niya.

Sinuri nito ang palad niya. "Paalis ka ng bansa," anito na sinulyapan siya bago
muling itinuon ang tingin sa palad niya. "May nobyo ka ba ngayon, hija?"

"W-Wala po."

"Mag-ingat ka. Dahil nakikita ko sa palad mo na magmamahal ka at kabalakid niyon ay


ang sakit na dudurog sa puso mo."

Bigla ang pagbundol ng kaba sa dibdib niya. Nahulaan nga nito ang pag-alis niya ng
bansa ngunit kanino naman siya mai-inlove? Eh, wala nga siyang nagugustuhan na
lalaki.

"At ang tao ring 'yon ang makakapag-alis ng sakit na nilikha niya."

Nanginginig na binawi na niya ang mga kamay mula dito. "O-Okay na po yung hula
niyo. Magkano po?" Tumayo na siya pagkasukbit sa kanyang bag.

"'Di bale na hija. Hindi ka rin naman nagtagal dito," anito na tumayo na rin at
muling umupo sa isang rockin chair at dinampot ang sinusulsing bonet.

Hindi na siya nagpumilit pa. "Kayo po ang bahala. Salamat po ulit." Wala ng lingon
likod na lumabas siya ng silid na iyon. Saka lang siya nakahinga ng maluwag ng
tuluyang makalabas ng shop. Ang puso niya ay patuloy parin sa pagtibok ng mabilis.

Hanggang sa makauwi sa kanilang bahay ay ang hula parin sa kanya ng matanda ang
iniisip niya. Confuse siya kung sinong lalaki ang tinutukoy ng manghuhula. Wala
siyang maisip.

Medyo pinukpok niya ng kamay ang kanyang ulo. "Mababaliw yata ako kakaisip sa
lalaking 'yon. Grrrr!"
Pero sabi naman ng ibang tao na minsan mali ang hula ng mga manghuhula. Kaya nga
hula lang ibig sabihin ay walang kasiguraduhan.

Pinilit na niyang kalmahin pa ang sarili bago ipinasyang tulungan ang kanyang lola
sa kusina.

****A/N: Salamat po sa paghihintay.... Heto na po at muling nagbabalik ang story na


ito :)

Thank you po <3#APID[01.11.15]

=================

Chapter 04

Pagpasok ni Anria sa kanilang classroom ng umagang iyon ay masasamang tingin ng mga


classmate niyang babae ang sumalubong sa kanya. Pinili niyang ignorahin ang mga
iyon. Simula ng umeksena si Sanji Marquez sa kanyang buhay puro deadly glare ang
sumasalubong sa kanya.

Pagkaupo sa kanyang silya ay agad siyang binulungan ni Lai.

"Si Sanji nasa ICU."

Natigilan siya sa sinabi nito. "I-ICU?"

"Oo. Kaya talk of the town ka."

Pasimple niyang inilibot ang tingin sa paligid. Masama parin ang tingin ng mga
babae sa kanya. Pinagbubulungan pa nga siya ng ilan.

"Aksidente yung nangyare Lai," depensa niya.

"Alam ko. Kaso napahamak parin si Sanji kaya galit sila sa'yo."

Minsan nakakapagod parin na idepensa ang sarili dahil sa mga taong makikitid ang
pang-unawa. Ang dalawa lang na kaibigan niya ang nakakaintindi sa nangyare.

"'Wag mo nalang silang pansinin Anria dahil the more na pansinin mo sila lalo lang
lalaki ang issue."

Tumango siya. Kaya naman maghapon na iwas siya sa lahat maliban sa dalawa niyang
kaibigan na palaging nasa tabi niya. Aware naman siya sa mga babaing kanina pa siya
gustong tirisin.

"Anria pumunta ka muna sa faculty. Pinapatawag ka ng adviser nina Sanji Marquez."

Bigla ang pagbundol ng kaba sa dibdib ni Anria sa sinabing iyon ng kanyang adviser
ng palabas na sana siya ng kanilang room. Nagkatinginan sina Lai at Miyuki.

"Sasamahan ka namin," ani Lai na tinanguan naman ni Miyuki.

"Sige po Ma'am," aniya bago lumabas ng class room.


Ng makarating sa faculty ay siya lang ang humarap kay Ma'am Santiago, nagpaiwan sa
labas ang dalawa niyang kaibigan. Isinantabi na muna niya ang kabang nararamdaman.
Clueless siya kung bakit siya nito pinatawag.

"Good afternoon Ma'am Santiago. Ipinatawag niyo daw po ako," magalang niyang bati
bago naupo sa harap ng table nito.

"Yes, Miss Amelardo. Regarding ito sa nangyare kay Mister Sanji Marquez. Aware ka
naman siguro doon?"

Medyo napayuko siya. Hindi naman niya iyon sinasadya. Biktima lang din siya.

"Ayoko ng pahabain pa ito. Since semestral break na next week kaya napagdesisyunan
naming mga guro dito sa eskwelahang ito na maatasan kang magbantay kay Mister
Marquez for two weeks sa bahay nila. You will be his personal assistant while he's
on his fast recovery. Hindi biro ang tinamo niyang back injury kaya nasa ICU siya
until now. At dahil ikaw ang dahilan ng tinamo niyang iyon kaya there's no buts
Miss Amelardo. Are we clear?"

Matagal bago nag-sink in sa utak niya ang sinabing iyon ng guro. How came na
magiging Personal Assistant siya ni Sanji for two weeks? Siya at ito magkakasama ng
ganoon katagal? Baka mamatay na ito kapag nagkataon.

"Pero Ma'am San–––."

"No buts Miss Amelardo," mabilis nitong putol sa sasabihin pa niya. "Dito sa
mismong school na-accident si Mister Marquez at para makabawi kahit paano kaya we
need to do something about it. Bukod sa nakakahiya para sa pangalan ng school lalo
naman sa mga magulang niya. You know how known his family. Masyado silang
maimpluwensiya at baka ng dahil sa insidente na 'yon ay kasuhan nila itong school
which is ipasara pa nila. Please cooperate Miss Amelardo. May mag-che-check kung
magagawa mo ang duty mo. Babantayan at aalalayan mo lang naman si Sanji sa mga
gagawin niya. Don't worry dahil may additional grades ang task mo na ito. Have a
nice day Miss Amelardo," pagtatapos nito sa usapang iyon.

Naiimposiblihan siya sa nangyayare. Kaya ng makalabas siya ng faculty ay nakamaang


pa siya.

"Ano'ng sinabi ni Ma'am?" Usisa agad ng dalawa.

"I can't believe this!" Mariin niyang bulong. Hinila na muna niya palayo ang
dalawang kaibigan bago ikwenento sa mga ito ang napagusapan nila ng adviser ni
Sanji.

"Gosh! You're so lucky!"

"Sana pwede rin akong sumama!"

Tiningnan lang niya ng masama ang dalawa. "Ano ba'ng swerte doon? Hindi niyo ba
nakikita kung gaano ako kamalas? Imbes na magbabad lang ako sa panonood ng TV
maghapon sa sem break e napornada pa. Minsan na nga lang magiging peaceful ang
paligid ko magiging drawing pa ang hinihintay kong bakasyon."

"Ang KJ mo talaga Anria," nakangusong sabi ni Lai.

"Sana ako nalang ikaw Anria," sabi naman ni Miyuki. "Para sulit na sulit ang
bakasyon ko. Imagine for two weeks ikaw at si Sanji ang magkasama mula umaga
hanggang gabi. OMG! Nakakainggit!"
Naiikot niya ang mata. "Bahala nga kayo. Uuwi na ako."

Pagsakay niya sa tricycle ay sa Marquez Medical Center siya nagpababa. Mayaman


talaga ang mga Marquez dahil ultimo ospital sa lugar nila, pati nga yung malaking
grocery pag-aari ng mga ito.

Pupunta sana siya sa may Nurse Station para magtanong kung saan ang ICU ng
makasalubong naman niya sa lobby si Andrei. Ngumiti agad ito ng makita siya.
Mukhang tanda siya nito. Bakit nga ba hindi? Eh, siya yung may kasalanan kung bakit
nasa ospital ang kaibigan nito.

"Dadalawin mo si Sanji?"

Yung dila niya pakiramdam niya ay nagbuhol dahil hindi agad niya magawang
magsalita. Hindi naman iyon dahil nakaka-star struck din ang kagwapuhan ni Andrei
Samaniego. But because, she's just nervous.

"K-kwan. O-Oo sana." No need to say lies. Ano pa ba'ng gagawin niya sa ganoong
lugar.

"Tara samahan na kita."

Andrei lead the way. Sumunod siya dito. Ng makarating sa may ICU ay nagdalawang
isip pa siya kung sisilip sa may glass window. Baka kasi puro tube ang nakakabit
kay Sanji. Natatakot siya na makitang ganoon ito kalala.

"Hindi mo makikita yung pasyente kung nandiyan ka lang," naiiling na sabi ni Andrei
na hinawakan siya sa balikat at hinila papunta sa may bintana.

Napasinghap man ay wala na rin siyang nagawa. Saka lang siya nakahinga ng maluwag
ng matanawan na wala namang kung ano-anong tube at aparato na nakakabit kay Sanji.
At this moment ay tulog ito. May oxegyn na nakakabit dito. Pero bakit ganoon? Kahit
natutulog nakakasilaw parin ang kagwapuhan nito? Ganoon yata talaga si Sanji he's
so impossible.

"K-Kamusta na ba siya?" Ayaw man niyang itanong ay kusa na rin naman iyong lumabas
sa bibig niya.

"Bukod sa back injury niya, he's fine."

"Pero nandito siya sa ICU. Ibig sabihin hindi siya okay," kontra niya.

"Nah. Don't worry too much about him. Kung nandyan man siya ngayon sa loob ng ICU
it's because he need too. 'Yon ang sabi ng Doctor niya para mas mapabilis ang
paggaling niya at para na rin sa ikakabuti niya. So, pwede na siyang umuwi sa
kanila pag totally naka-recover na siya."

Napatango-tango siya. Hiling rin naman niya na maging maayos na rin si Sanji. Ayaw
rin naman niyang mapasama ang school nila dahil sa nangyare. Kung sana hindi nalang
siya nilapitan ni Sanji sana wala ito doon ngayon. At sana hindi siya nasa
alanganin.

"Siguro galit sa'kin ang magulang niya," nasabi niya.

Sumandal si Andrei sa glass window at pinagmasdan siya. "Knowing his parents, most
especially his mother, it's a bit yes."

Medyo napapikit siya. Sinasabi ko na nga ba. Mas natatakot tuloy akong alagaan si
Sanji sa kanila. Lord, paano po ito?
"Don't worry dahil out of the town ang parents niya for a week kaya there's no need
to worry about."

Lihim siyang nakahinga ng maluwag. Mabuti naman kung ganoon. Dahil una sa lahat
ayoko rin namang makaharap ang magulang ni Sanji. Nakakahiya.

"Sige Mister Samaniego aalis na ako. Salamat sa pagsama sakin."

Bago pa ito makapagsalita ay binirahan na niya agad ng alis. Gusto na niyang


ipahinga muna ang gulong-gulong isipan sa bahay nila.

"SO WHAT'S your plan this semestral break?" Tanong ni Andrei kay Sanji.

Kalalabas lang niya kahapon ng MMC. Kahit okay na ang pakiramdam niya ay paminsan-
minsan paring sumasakit ang likod niya. Which is dahil sa pagkakatumba nila ni
Anria. Oh, that walking desaster lady. Naiiling pa siya ng maisip ang babaing iyon.

"Wala. Ang magkulong lang siguro dito sa Hacienda. Boring isn't it?"

Tumawa ito. "Medyo boring nga. I'm going to Japan for a week."

Kumunot ang noo niya. "Japan? Sa pagkakaalam ko wala ka namang kamaganak sa Japan."

"Just a one week vacation with Chello," tukoy nito sa latest girlfriend nito na sa
ibang school nag-aaral.

Naiiling na nagpaling siya ng tingin sa may bintana. Kung gaano ka-playboy itong
kaibigan niya ay siya namang kabaligtaran niya. Hindi naman sa bading siya. Wala
lang siyang time mag-aksaya ng time para sa kung sino-sinong babae. Si Andrei yung
tipo ng lalaki na parang babae kung magpalit ng damit. Make sense.

"Hanga pala Sanji may ipapadalang personal assistant ang school para sa'yo. She'll
be start being your PA this coming sembreak. Meaning magkakaroon ka ng personal
alalay."

Napabaling siya dito. "You said 'She'. Tss. You know how I hate people around tapos
magpapadala pa sila ng PA? Pasabi thanks but no thanks!"

"I'm sorry Bro. Wala ka namang magagawa dahil hindi nila kailangan ng opinion mo.
Pakonswelo nila 'yon sayo dahil sa nangyare. Well I also think that its for the
best para naman bukod sa maid niyo e may personal kang taga alaga sa'yo." Kumindat
pa ito.

"Naririnig mo ba 'yang sinasabi mo? Hindi ko kailangan ng kahit na sino. Tapos


babae pa ang ipapadala ng school? That's insane."

Nagkibit balikat ito. "Malay mo makasundo mo naman siya."

Imposible ang sinasabi ni Andrei. Never in his entire life na nakipagkaibigan siya
sa isang babae.

"Do you know who is she?" Tanong nalang niya.

He nod. "Yes. But I wont give you a hint kung sino man siya. It's for you to find
out. Sa monday ihahatid ko siya dito. The same day of my flight. Ano'ng gusto mong
pasalubong?" Pag-iiba agad nito ng topic.

Nahilot niya ang sintido. Another desaster is coming.


"Pasalubungan nalang kita ng Geisha," nakakaloko pa ang tawang pinakawalan ni
Andrei.

"Hindi kita aagawa Andrei. Get a life will you?"

"Tsk. Alam mo Sanji kahit na kaibigan kita ayoko talagang isipin na baka bading ka.
Tss. I wonder kung kailan ka magkakaroon ng first kiss."

Kasalanan ba niya kung masyadong mahalaga sa kanya ang first kiss niya? Kahit
lalaki siya may pagka conservative rin naman siya. Namana siguro niya sa
conservative grand parents niya.

"Itutulad mo pa ako sa'yo na limot na kung sino nga ba ang first kiss at first
bedmate mo. First love mo? Tss for all I know wala ka naman no'n."

Tinawanan lang nito ang sinabi niya. "Kaya hindi na ako magtataka kung mas mukhang
exciting pa ang buhay ko kaysa sa buhay mo Sanji. Sobrang daming babae ang
nagkakandarapa sayo pero ni isa sa kanila never kang may pinatulan. So kailan mo
maiisip na mag-girlfriend? Kapag end of the world na?"

Tumayo na siya. "That's why we have a lots of differences."

"Ewan ko ba sa'yo naturingang perfect para sa mata ng lahat pero binabaliwala mo


lang ang atensiyon na nakukuha mo."

"You know me better Andrei."

"Yes I Do. I'm just wonder you know. And about that girl, Anria."

"Siguro naman nahabag din siya na dalawin ako?" Hindi rin naman siya sure kung
dumalaw nga ba ang babae na iyon dahil hindi rin naman niya nakita.

"No. Hindi ka niya dinalaw."

Nakaramdam siya ng inis. "Gusto ko na munang magpahinga." Sabi nalang niya.

Itinaas nito ang dalawang kamay habang nangingiti. "Okay. I gotta go."

Palabas na sana ng silid niya si Andrei ng muli niya itong tawagin.

"Do I know her?"

Na-gets naman nito kung sino ang tinutukoy niya. Nagkibit balikat lang ito.

"Just wait and see. 'Wag kang excited."

"I am not!" He hiss.

Andrei gave a last wave then go. Ng mapag-isa naman siya sa kanyang silid ay
minabuti na niyang matulog muna. Dahil kahit nasa loob lang siya ng bahay nila
pakiramdam niya napapagod parin siya. Ewan ba niya siguro epekto iyon ng ilang
gamot na pilit na ipinapainom sa kanya.

KAHIT NA gustuhin ni Sanji na sumakay sa kabayo niyang si Far Away, isang stallion
horse na regalo pa sa kanya ng kanyang Amang si Alfredo Marquez na nabili pa nito
sa UAE, ay hindi naman niya magawa. He's too weak para magawa ang gusto. Hindi pa
siya ganoon kagaling at kanormal kagaya ng dati.
Nasipa niya ang bato na nasa daan. If not because of her clumsiness malamang na
normal ang takbo ng buhay niya ngayon.

"Walking desaster talaga," inis pa niyang sabi.

"Señorito Sanji ipapasok ko na po ulit sa stable si Far Away," anang tauhan nila na
siyang nag-aalaga sa kabayo niya.

"Sige po Mang Gaspar."

Isang sulyap pa sa alagang kabayo bago iyon iginiya ni Mang Gaspar papasok ng
kwadra.

Kahit na minsan nakakainip rin sa hacienda wala naman siyang choice kundi ang mag
stay doon. Bukod sa malayo sa mga babaing makita lang siya ay halos mahimatay na
mas peaceful pa sa lugar na iyon.

They own the Hacienda Marquez na minamanage ng mga magulang niya. Ikta-iktarya ang
kanilang lupain na natataniman ng mga punong mangga, saging, niyog, palay at kung
ano-ano pa na ini-export nila sa ibang bansa. May mga alaga rin silang hayop. Soon
ay siya naman ang magpapatakbo kapag naka graduate na siya. Which is inaantay
niyang mangyare. Marami siyang plano para sa hacienda.

Napangiti siya. Mas pipiliin niyang mag stay dito kaysa sa City.

"Sanji!"

Nalingunan niya si Andrei. "Naligaw ka," aniya ng makalapit ito.

Tumawa ito. "Mukhang nakalimutan mo na ngayon ko ihahatid yung PA mo?"

He remain silent for a while. "Diba sabi ko na hindi ko kailangan ng kung sino
man?"

He top his shoulder. "Relax. And please lang Sanji hindi naman forever ito.
Dalawang linggo lang siyang magtitiis sa'yo at dito sa hacienda ninyo. At katulad
mo wala rin naman siyang choice. Dahil kung hindi mo siya pakikisamahan pwede
siyang ma-expel sa school kung hindi niya magagawa ang task niya sa'yo. Kaya ikaw
ang bahala. Kasalanan mo kapag hindi siya nakagraduate." Pananakot pa nito.

Sumasakit lang lalo ang ulo niya. Hindi na nga niya magawa ang gusto magkakaroon pa
ng panibagong sakit ang ulo niya.

"Where's she?"

Ngumiti si Andrei. "Naghihintay sa mansion niyo."

Walang imik na nagpatiuna siya sa paglalakad. Aminado siya na nasira na ang mood
niya kaya naman ang isa nilang tauhan na babatiin sana siya ay itinikom nalang ang
bibig. Ang dilim kasi ng aura niya. Maging ito ay natakot.

Pagpasok sa entrace door ay tuloy-tuloy lang siya sa paglakad sa may foyer. Until
he reach the living room where his PA is comfortable sitting on his favorite couch.
Nakatalikod ito sa kinaroroonan niya kaya kinailangan pa niyang tumikhim para
mapansin nito ang presensiya niya.

"He's here," ani Andrei na nilapitan ang babaing nakaupo.

Pamilyar sa kanya ang pigura ng naturang babae. Ng tumayo ito at harapin siya ay
ganoon nalang ang pagpigil niyang huminga.

*~~~~*

Dedicated to Marife Sotto @Maruwekurosawa :)Thank you hoping na magustuhan mo po


hindi lamang ang She's Kidding I'm Not pati narin po itong A Princess In
Disguise :)

P.S: May ginawa nga po pala akong One Shot hahaha ... Please try niyo pong basahin
at baka kiligin din kayo kagaya ng iba :) "No Ordinary Love [One Shot]"Ang genre po
ay Romance :)Maganda po 'yon promise :*

Thank you po :)

Vote | Comment | Share

=================

Chapter 05

Pinagmasdan ni Anria ang bag na kinalalagyan ng kanyang mga gamit. Katulad nga ng
sinabi ng adviser ni Sanji na wala siyang karapatan para tumanggi. Kaya heto siya
ngayon at no choice kundi ang magpakaalila kay Sanji. Hiling lang niya na hindi ito
matuluyan ng dahil na naman sa kanya.

Sa buong buhay niya never in her thoughts na makakatapak siya sa Hacienda Marquez.
Ang lupaing iyon ang halos sumakop sa kalahati ng kanilang lugar.

Tahimik na inilibot niyang muli ang tingin sa kabuuan ng mansion. Kitang-kita ang
karangyaan doon from floor to ceiling. Yung tipong manliliit ang sinuman na tatapak
sa mansion. But on her side, baliwala lang sa kanya dahil halos ganoon rin naman
kalaki ang mansion ng magulang niya sa London. Kumbaga immune na siya. Bagama't
naroon parin ang paghanga niya sa kagandahan ng Hacienda. Parang ang sarap mamalagi
doon dahil bukod sa fresh ang nilalanghap na hangin ay ang dami ring prutas na
namumutiktik. Naglaway nga siya ng makakita ng manggang kalabaw. Favorite niya
iyon.

Pagkalapag ng isang kawaksi sa malamig na baso ng juice ay umalis rin kaagad ito.
Walang kyemeng uminom siya sa tall glass.

Ang tagal naman nila, aniya sa isip. Si Andrei Samaniego ang naghatid sa kanya sa
Hacienda Marquez, nabanggit rin nito na papunta itong Japan ng araw ding iyon at
balak pa siyang bigyan ng pasalubong pag-uwi nito next week. Kahit hindi naman sila
close ay lihim siyang napangiti. Hindi naman ito mukhang nangpli-flirt sa kanya.

Tiningnan niya ang oras sa kanyang wrist watch. Quarter to ten palang ng umaga. At
ng mga oras na iyon ay sinusundo ni Andrei si Sanji sa may kwadra ng mga kabayo.
Nandoon daw kasi ang kaibigan nito. Makikita ulit niya si Sanji at nakaramdam siya
ng kaunting kaba dahil baka ipamukha pa nito sa kanya ang nangyare dito. Sa abot ng
kanyang makakaya ay pipilitin niyang pagtiisan at pagpasensiyahan ito. Mabilis lang
din namang lilipas ang dalawang linggo at tiyak na iyon ang magiging huling
paghaharap nila ng binata. Dahil after that task ay iiwasan na ulit niya ito.

Muli siyang uminom ng juice. Nanunuyo na at lahat ang lalamunan niya wala parin ang
mga ito. Buti nalang at ang sarap upuan ng couch.
"He's here."

Ng marinig ang boses ni Andrei ay medyo nanigas siya sa kinauupuan na mabilis din
niyang pinalis ng lapitan na siya ni Andrei. No choice na tumayo na siya at hinarap
si Sanji na nakatayo ilang dipa ang layo mula sa kanya. Medyo napalunok pa siya ng
lihim ng matitigan ito. Paano naman kasi parang hindi naman ito namalagi sa ospital
ng isang linggo. Mukha nga itong hindi injured dahil ang tikas parin ng
pangangatawan nito. When she meet his gaze ay pasimpleng nag-iwas siya ng tingin.
Pinalis rin niya ang anumang emosyon na maaari nitong mabasa sa mukha niya. May
atraso parin naman ito sa kanya dahil inakusahan siya nitong playing hard to get.
Hindi parin niya iyon nakakalimutan.

Napaiktad siya ng bigla ay akbayan siya ni Andrei.

"Sanji don't be too harsh to her, okay?" Pinisil pa nito ang balikat niya. "Anria
ikaw na muna ang bahala kay Sanji. I know you can handle him." Pinakawalan rin
naman agad siya nito.

Si Sanji salubong na ang kilay. "Kailan pa kayo naging close?"

Tinawanan lang ito ni Andrei at hindi sinagot ang tanong nito. "I need to go 'coz
for sure Chello's waiting for me. See you after one week. Chao!"

Lumapit pa si Andrei kay Sanji at may ibinulong na hindi na narinig ni Anria kung
ano. Saan naman kaya siya matutulog? Sa servants quarter? Sa isip ay gusto na
niyang umuwi.

I wish na sana pwedeng ibalik yung nakaraan kung saan nahulog yung sign pen ko para
makaiwas kay Sanji. Tsk, this guy put me into a situation I hate most! Hindi nga
ako choosy dahil I can live with a simple lifestyle. Pero ang mag-alaga ng kagaya
niya...... Is another damn story.

Ng tumikhim si Sanji ay tila bumalik siya sa reyalidad. Wala na si Andrei. Hindi


niya iyon napansin dahil lumipad kung saan ang isip niya. Back to reality.

Parang gusto niyang umatras ng lumapit si Sanji sa kinatatayuan niya.

"What the heck with you and you even agree with this stuff?"

Sa lahat naman ng pwede nitong sabihin ay iyon pa ang naisipan nito. Looks like
wala itong idea na siya ang magiging PA nito na ipinadala ng St. Mary Academy.
Mukhang kahit si Andrei ay hindi iyon nabanggit man lang dito. Pinigil niya ang
sarili na paningkitan ito ng mga mata.

"Bakit hindi mo itanong sa adviser mo?" Balik tanong niya.

Saglit siyang pinagmasdan ng mga mata nito. Hate part niya iyon dahil para siyang
matutunaw na hindi niya maipaliwanag.

"Why? Nandito ka naman."

Bahagyang napairap siya. "Ask your friend baka masagot 'syang tanong mo."

"After what you've done to me I am surprise that you will treat me like this. As if
there's nothing happened back in St. Mary. Ganyan ka ba talaga? Tuod?"

Siya pa nga ang tuod. Eh, mas tuod pa ito sa tuod e. Hindi nalang siya nagsalita at
baka mamaya e magbatuhan na sila ng gamit doon. Hindi man literal ang kaso baka
doon sila mapunta kung papatulan pa niya ito.

"Nasaan ang servants quarter niyo? Para mailagay ko na yung mga gamit ko." Sabi
nalang niya.

Dagli ang pagsasalubong ng kilay nito. "Servants quarter? Are you nuts?"

Iyon lang naman ang alam niyang pwedeng tulugan sa mansion nito. Ano ba'ng ibig
sabihin ng personal assistant? Diba katulong narin iyon. Alalay.

Nakipaglaban lang siya dito ng titigan. Sa huli siya rin ang nagbawi ng tingin.
Hindi niya alam kung ano ba ang nakikita dito ng mga tao lalo na ang mga babae at
bading dahil baliw na baliw dito. Tao lang din naman ito at humihinga rin kagaya
niya. Sa pakiware niya bukod sa kagwapuhang taglay nito ay wala na itong iba pang
kapuri-puri sa katawan. For sure hari ito kung umasta sa lugar na iyon at feeling
perfect rin. She hate that fact. Oo nga at masyado rin itong perfect sa paningin
niya pero kinaiinisan parin niya ang bagay na iyon sa kadahilanang masyado itong
agaw atensiyon.

"Sa guess room ka matutulog."

Muli siyang napatingin kay Sanji. Guess room? "No. Sa servants quarter ako
matutulog."

"Then go home if you'll continue to push what you want. Stubborn." Kinuha na nito
ang dala niyang bag. May kabigatan iyon kaya naman napatingin ito sa kanya. "Don't
tell me pang isang taon itong laman ng bag mo?"

Pambasag talaga ito kahit na kailan. Akmang aagawin niya dito ang bag ng iiwas nito
iyon. Napangiwit ito bigla kasabay ng pagkakabitaw sa bag niya. Mukhang napwersa
ang braso nito. And the most worst of all nabagsakan pa ang paa nito. Medyo
napapikit siya dahil ganoon nalang ang pagsinghap nito. She know it, masakit.

"Ang kulit mo kasi!" Paninisi pa nito sa kanya bago naupo sa may couch.

"Kaya ko naman kasing dalhin." Mabilis na inilayo niya dito ang pobre niyang bag.

"Bakit kasi aagawin pa alam mo namang hawak ko na." Hinilot-hilot nito ang paa
nito.

Noon lang natitigang mabuti ni Anria ang mga kamay ni Sanji. Bukod sa mukhang
malambot talaga ang kamay nito ay noon lang niya napagtanto na ang hahaba ng mga
daliri nito which is weakness niya pagdating sa lalaki. Aminado siya na ang ganda
ng mga kamay nito. Napalunok siya. Tama na ang papuri sa mga kamay niya Anria!
Saway ng isip niya.

"Next time pwede bang tigil-tigilan mo yang pakikipagtalo mo sakin? Ng dahil kasi
diyan ilang beses na akong napapahamak. You're such a walking desaster. Kita mo
naman ngayon ang ebidensiya diba?"

Kahit gusto niyang mangatwiran ay itinikom nalang niya ang bibig. Amo niya si Sanji
habang nasa Hacienda siya at wala siyang magagawa sa anumang gusto nito.

Okay. Let the game begin.

Sa huli ay ito parin ang nasunod kung saan siya mamamalaging silid habang nasa
Hacienda Marquez siya. Katapat lang ng silid niya ang mismong silid nito ayon na
rin dito.
"Alam mo naman siguro kung ano ka habang nandito sa'min."

Tumango siya. "'Wag kang mag-alala dahil hindi ko nakakalimutan. Kaya nga lumulugar
ako sa dapat kung kalugaran." Inilibot niya ang tingin sa silid na pinagdalhan nito
sa kanya. Masyadong malaki at elegante. Ayaw pa naman niya sa ganoon. Gusto niya
simple lang sana.

"Are you made of stone?"

Salubong ang kilay na nilingon niya si Sanji na matamang nakatingin sa kanya.

"Napapansin ko kasi na parang baliwala lang sayo lahat ng bagay. Oh, I forgot to
correct. What I mean is sa lahat ng bagay at sa tao mismo. You know what? You're
too mysterious."

"Anong gusto mo? Gumulong ako sa tuwa dahil nandito ako sa Hacienda ninyo? Tapos
matutulog pa sa eleganteng silid na ito at isang Sanji Marquez ang kasama ko? Baka
nakakalimutan mo na hindi ako kasama sa mga babaeng baliw at patay na patay sa'yo?
Alam mo sa totoo lang naiinis ako pero wala akong magagawa kundi ang gawin ang
gusto ng mga teachers sa St. Mary. Marami sila at mag-isa lang ako. Yes, they all
blame me dahil sa nangyare sayo. Kaya heto ako ngayon at pagtitiisan ka pa. Habang
yung iba sobrang mai-enjoy ang semestral break na ito. Habang ako heto at stock
dito sayo."

Matagal bago ito nagsalita. Ware'y ina-absurb ng utak ang sinabi niya. Tumikhim
ito. "So ngayon nagsisisi ka? Ginusto ko rin ba na nandito ka? I also hate seeing
your face here. And also like you may nagawa rin ba ako? Diba wala? At kung naiinis
ka dahil boring ang bakasyon mo, so do I. Hindi ako makakapag horse back riding
with my horse because of this shit injury! I don't even know kung may pakialam ka
ba talaga sa nangyare sa'kin."

"Sana hindi mo nalang ako niligtas sa mga babaing fans mo ng sa ganoon wala kang
injury at ng hindi ka nahihirapan ngayon! On that matter makakapag horse back
riding ka sana." She hiss.

Tumiim lalo ang anyo nito. "Pwes, may pakialam akong tao," anito bago walang lingon
likod na iniwan siya sa silid na iyon.

Napabuga siya ng hangin. First day niya sa Hacienda pero tingnan niyo ang nangyare
at ganito pa. Mariing naipikit niya ang mata bago lumapit sa may kama at pabagsak
na nahiga doon.

"Pwes, may pakialam akong tao."

Para iyong batingaw sa kanyang pandinig. He has a point after all. He's just
concern kaya siya nito inilayo sa mga babaing galit sa kanya.

Nilingon niya ang pinto na nilabasan ni Sanji. Pagkuwan ay napabuntong hininga


siya. For sure mainit ang ulo nito sa kanya.

After a while ay inayos na rin niya ang mga gamit niya at sandaling natulala lang
sa kawalan. Why on earth this is happening to me? Bakit kailangang kay Sanji
Marquez pa ako mapatapat? Sa araw-araw na ginawa ng Diyos ngayon pa ito nangyare.

Makalipas ang mahigit isang oras ay ipinasya na rin niyang lumabas ng naturang
silid. Sakto namang paglabas niya ng pinto ay may isang maid na may dalang tray ng
pagkain. Para kay Sanji siguro iyon.

"Hello po," agaw niya sa atensiyon nito. Mukhang nasa mid thirty lang ang babae.
Agad naman itong ngumiti. "Ikaw siguro yung PA ni Señorito."

Nakangiting tumango siya. "Opo. Batchmate niya po ako sa Academy. Para kay Sanji po
ba 'yan?" Tukoy niya sa dala nitong tray.

"Ah, Oo hija. Lunch ni Señorito."

"Ako na po ang magdadala, Ate?"

"Merly."

"Ate Merly. Ah, ako po si Anria," pakilala narin niya.

Ng makuha ang tray mula dito ay sinabihan rin siya nito na bumaba nalang sa may
kusina para makakain din siya ng tanghalian.

Ng mapagisa ay huminga muna siya ng malalim bago kumatok ng tatlong beses sa may
pintuan. Wala siyang narinig na response mula sa loob ng silid kaya naman minabuti
nalang niya na buksan na ang naturang pinto at kusa naring pumasok.

Kung malaki na ang guess room na tinutuluyan niya ay lalo naman ang silid nito.
Para na nga iyong condo unit. May sariling mini library sa silid ni Sanji. Mahilig
rin pala ito sa mga libro. Iyon nga lang ang kalimitan niyang binabasa ay mga love
stories from PHR. Bukod doon ay may mini sala set rin at sobrang laki ng flat
screen TV. May rock rin doon ng mga CD's and DVD's. Looks like mahilig rin ito sa
movie. Sa isang bahagi naman ng silid na iyon ay may grand piano katabi ng isang
heavy curtain. May naka display rin na electric guitar at isang ordenaryong gitara.
At ang mismong kama naman ni Sanji ay nasa may mezzanine pa. Which is gagamit pa
siya ng hagdanan para tingnan kung naroon ito. Sobrang organize ng silid nito na
parang babae ang umuukupa. Iyon nga lang white, gray at black ang kulay na makikita
mo sa silid na iyon. Too manly. He's really like a prince there.

Ipinatong niya sa may center table ang tray na kinalalagyan ng mainit na nilagang
baka, fresh slice manggo, kanin, tubig at juice. Bumilang pa siya ng hanggang sampo
bago umakyat sa may hagdan na yare sa glass. Wala ito sa taas kaya agad rin siyang
bumaba. Naagaw ang atensiyon niya ng veranda. Lumapit siya sa nakapinid na french
door na konektado sa labas ng veranda. Pagkabukas sa pinto ay inilabas niya ang ulo
searching for Sanji. Nakita naman niya ito na tahimik na nakatanaw sa kalawakan ng
Hacienda Marquez. Lalo tuloy siyang na-amaze sa buong lugar. Sobrang ganda ng view.
Bago pa tumulo ang laway niya sa kagandahang nakikita ay tahimik na lumabas siya ng
pinto at walang kaingay-ingay na nilapitan ang nakatalikod na si Sanji.

Ano kaya ang iniisip nito? Medyo tumikhim siya para maagaw ang atensiyon nito.

"Nakahanda na yung lunch mo sa loob. Kaya bago pa lumamig yung nilagang baka at
kanin ay kumain ka na muna."

"Wala akong gana."

"Wala namang ibang kakain noon kundi ikaw. At isa pa diba nga nasa stage ka parin
ng pagpapagaling?" Why she sound like she's concern? Babawiin sana niya ang sinabi
ng humarap na ito sa kanya. Heck, his eyes were smiling. Anak naman ng tokwa, oh.

"I like it when you act like that. Concern, huh?"

Tsk. Kailan pa ito natutong mang tease? Samantalang kanina galit ito. Bipolar lang?
Heto na naman ang mukhang nag-co-cost play ng isang gwapong 3D anime character na
lumabas sa TV. Yes, ganoon ang itsura ni Sanji. Mukha itong isang 3D anime na
lumabas sa TV. Ganoon niya ito i-discribe.

"Sayang lang 'yung pagkain," katwiran niya.

"What ever."

Napatabi siya ng maglakad na ito papunta sa may pintuan.

"Sabayan mo akong kumain," anito na pumasok na rin at hindi man lang siya nilingon.

Saka lang nakahinga ng maluwag si Anria ng mawala si Sanji sa paningin niya. Hindi
niya pinalampas ang pagkakataon na ilibot ang paningin sa ilang bahagi ng Hacienda.
Ngayon palang mahal na niya ang lugar na iyon. Nature lover siya kaya ganoon nalang
kung ma-appreciate niya ang buong lugar.

Naputol lang ang pagtanaw niya sa kalikasan ng katukin siya ni Sanji mula sa loob.
Pinapapasok na siya nito. No choice na pumasok na siya.

Medyo natigilan pa siya ng makitang may panibagong tray ng pagkain sa center table.
Ganoon kabilis na nakapagpadala ito ng makakain niya. Halos parehas lang sila ng
pagkain nito.

"Let's eat," anito na naupo na.

Parang nakaramdam siya ng awkward feeling. Unang pagkakaton kasi na makakasabay


niya ito sa pagkain. For sure maraming babae ang umiiyak ngayon at hiniling na sana
ang mga ito nalang ang nasa pwesto niya.

"Tatayo ka nalang ba diyan?" muli nitong untag sa kanya.

Wala nalang imik na umupo na siya sa katapat nitong couch. "Pwede namang sa kusina
niyo nalang ako kumain. Awkward kung sasabayan pa kita dito sa silid mo."

"Let us eat. Because for sure mabubusog pa tayo pareho and stop arguing infront of
this blessings," tukoy nito sa mga pagkain. And he even lead the prayer before
taking their lunch. What a guy.

Mukhang medyo sasablay pa yata ang pagkakakilala niya sa katauhan ni Sanji. Ibang
Sanji yung nakikita niya the moment he pray before he eat.

"Hindi ka mabubusog sa pagtitig sa'kin," anito kahit na hindi naman nakatingin sa


kanya.

Nag-iinit ang pisnging nagbaba siya ng tingin. Inatupag nalang din niya ang
pagkain.

=================

Chapter 06

Palihim na pinagmasdan ni Anria si Sanji habang abala ito sa pagbabasa ng libro


about sa Math. Kahit iiwas niya ang tingin dito para naman itong may magnet kaya
hindi niya maiwasang palihim itong sulyapan. May suot kasing reading glass si
Sanji. Maliit lang ang lense niyon. Kahit nakasuot ito ng salamin sa mata ay hindi
man lang niyon nabawasan ang angkin nitong kagwapuhan. Tipong mas lumakas pa nga
lalo ang dating nito.
Pero makalipas ang ilan pang sandali ay napagdesisyunan muna niyang tumayo dahil
baka magmukha siyang ewan habang nakaupo sa tapat nito kaya tumayo siya at lumapit
sa helera ng mga libro. Dalawang wall halos ang punong-puno ng libro.

Naagaw ang pansin niya ng isang sikat na libro. English novel iyon. Umangat ang
kamay niya at kinuha iyon. Napakunot noo siya.

"Nagbabasa siya nito?"

Biglang may kamay na humablot sa libro. Nalingunan niya si Sanji.

"Hindi ko pa ito nababasa," depensa nito habang hawak ang libro ng Fifty Shades Of
Gray ni EL James. Malapit na rin iyong maging movie. "Regalo lang ito. May dalawa
pa nga diyan 'yung Freed at Dark."

Nag cross arm siya. "Hindi mo naman kailangang maguilty kung nagbabasa ka niyan."
Naiiling na tinalikuran niya ito. Siya nga gusto niyang mabasa iyon ang kaso wala
pang copy sa lugar nila kaya hindi niya mabasa-basa.

"Ang kulit sinabi na ngang hindi ko pa nga nababasa. Kung gusto mo sayo nalang for
sure mahilig kang magbasa. Sayo na 'yung tatlo kong copy."

Sa sinabi nito ay bigla siyang napaharap dito. Hindi niya maiwasang mapangiti.
"Talaga? Wala ng bawian, huh."

Natulala saglit si Sanji sa naging reaksiyon niya dahil ngumiti siya dito for the
first time. Mabilis rin naman itong nakabawi. Pumalatak pa ito.

"Gusto mo talaga?" Paninigurado nito.

"Oo. Bakit? Wala namang masama na basahin 'yan. At saka mahal ito kaya swerte ko
dahil for free ko siyang makukuha."

"Below eighteen ka palang naman diba?"

Nagkibit balikat siya bago kinuha ang libro dito. Pati na yung nasa shelves na
dalawa. Five hundred plus din ang isa niyon kaya sobrang makakatipid siya lalo na
at libre pa 'yung tatlong copy mula kay Sanji.

"Open minded naman ako. Saka nabasa ko sa internet 'yung plot ang ganda nong takbo
ng story. Hindi naman por que magbasa ka nito e pervert na agad. Diba nga magiging
movie na ito next year."

"Updated," naiiling na bumalik na ito sa may couch. "Bahala ka. Sa'yo na 'yan."

"Thank you dito sa libro. Itatabi ko lang sa bag ko."

"Sa bahay niyo na 'yan basahin, ha. 'Wag dito," ani Sanji habang ang mga mata ay
nakatutok muli sa libro na binabasa nito kanina.

As if naman gagapangin niya ito kapag nabasa niya iyon. Napairap tuloy siya. Hindi
naman niya susundin ito. Dahil mamayang gabi palang ay sisimulan na niya iyong
basahin. Sa isip ay napatawa siya like a witch.

"Gray and Ana wait for me," ngiting-ngiti pa niyang sabi pagkatabi ng libro sa may
bag niya.

Kahit paano napangiti siya ng dahil kay Sanji. Salamat sa mga libro nito. Bumalik
din agad siya sa silid nito. As her duty dapat palagi siyang nasa lugar kung nasaan
si Sanji. Except kapag pupunta itong banyo.

Pagbalik niya sa silid ni Sanji ay naabutan parin niya ito na nagbabasa ng libro.
May pagka-addict din talaga ito sa mga libro. Iyon nga lang puro tungkol sa pag-
aaral.

Muli siyang naupo sa inuupuan kanina. Ngayon lantaran na niyang pinagmasdan si


Sanji. Napatingin tuloy ito sa kanya.

"Why?"

Medyo itinuro niya ang book shelves nito. "Nabasa mo na lahat ng libro dito?"

"Hindi lahat," anito na ibinalik sa binabasa ang atensiyon. "May laptop diyan. You
can use it if you want too."

"Salamat nalang."

Walang imik na tumayo ito at umakyat sa may mezzanine. Pagbaba nito ay dala na nito
ang laptop nito. Ipinatong nito iyon sa kanyang harapan.

"Kung gusto mong may gawin then brows the internet. May connection na 'yan."
Bumalik na ulit ito sa pagkakaupo.

Ano naman kaya ang gagawin niya? Wala siyang maisip. Sinulyapan muna niya si Sanji
bago muling tiningnan ang kulay puting laptop na manipis, Apple ang brand niyon.

She can't imagine na magiging ganito kakaswal ang pakikitungo nila sa isat-isa.
Matapos kasi ang nangyare kanina, simula ng dumating siya sa Hancienda Marquez,
medyo nagkaroon siya ng point of view sa katauhan ni Sanji. Kaya medyo nirendahan
na rin muna niya ang sarili na tarayan ito.

Huminga muna siya ng malalim bago pinakialaman ang laptop ni Sanji. Ang cute ng
wallpaper nito. One Piece.

"Mahilig ka pala sa One Piece?" Hindi niya napigilang ibulalas habang sini-search
ang wattpad.

"Fanatic," maikli nitong sagot.

Bigla ang pagsilay ng ngiti sa gilid ng kanyang labi ng may maisip. "'Yung pangalan
niyo ni Sanji sa One Piece magkapareho."

"I know. Pero mas gwapo ako sa kanya."

May kahanginan din pala itong itinatago, palatak niya sa isip. Nanahimik nalang
siya at baka kung saan pa mapunta ang usapan.

Hooked na hook na si Anria sa kanyang binabasa na love story ng bigla namang ma-
lowbat ang laptop. Sa sobrang engross niya sa pagbabasa ay hindi na niya napansin
na malo-lowbat na pala iyon hanggang sa tuluyan ng mag-shut down.

"Na-lowbat na," aniya.

Ng hindi niya marinig ang reaksiyon ni Sanji ay nag-angat siya ng tingin. Saka lang
niya napansin na nakatulog na pala ito sa kinauupuan nito. Nakapatong pa ang paa
nito sa center table.

Napatitig siya dito. Pati sa pagtulog taglay parin nito lahat-lahat. Kung sa
panglabas na anyo wala siyang maiipintas dito. Perfect masyado. Walang flow.

She shake her head. Tama na ang papuri dito. Inayos muna niya ang laptop bago
tumayo at pumunta sa labas ng veranda. May cute na duyan doon na hand made ang
pagkakayare. Prente siya doong umupo. Balak lang sana niya ay magnilay-nilay ngunit
iginupo rin siya ng antok.

HAPON NA ng tuluyang maalimpungatan si Anria. Napasarap pa ang tulog niya.


Pagkababa niya ng duyan ay nag-inat-inat siya ng katawan.

"Haaay. Ang sarap ng hangin," nakangiti niyang sabi bago iyon nilanghap. Malamig
kasi at sariwa.

Ng maalala si Sanji ay mabilis na rin siyang pumasok sa loob. Ngunit wala ito roon
kaya lumabas na siya ng tuluyan sa silid nito. Pagkababa niya sa hagdanan ay
napansin naman siya ng isang kawaksi.

"Naku Ma'am saan po kayo galing?" Gulat pa nitong tanong.

Nagtaka tuloy siya. "H-Ho? Ah, bakit po?"

"Kanina pa po kayo hinahanap ni Señorito Sanji. Pinahanap na nga po kayo sa ibang


tauhan."

Siya pinapahanap ni Sanji? Hindi naman siya nawawala. "Nakatulog lang po ako sa may
veranda. Kagigising ko nga lang po."

"Akala siguro ni Señorito nawawala na kayo."

Napakagat tuloy siya sa kanyang ibabang labi. "N-Nasaan po kaya si Sanji ngayon?"

"Nasa may kwadra po."

Sinabi naman nito kung saan matatagpuan ang kwadra kaya nagpresenta na siya na
pupuntahan doon si Sanji. Tinakbo pa niya ang papunta doon kaya daig pa niya ang
hingal kabayo ng tuluyang makarating sa labas ng kwadra. Malaki ang naturang kwadra
ng mga kabayo.

Nakita pa niya si Sanji na nakatalikod sa kinaroroonan niya. May kausap itong


binatilyo rin na siyang nakapansin sa kanya. Ware'y sinabi nito kay Sanji ang
kanyang presensiya kaya napalingon sa kinaroroonan niya si Sanji. Dagli ang
pagdidilim ng anyo nito ng makita siya.

Hindi na siya nakagalaw pa sa kinatatayuan ng lapitan siya nito.

"Where have you been?! Kanina ka pa namin pinaghahahanap pero hindi ka naman
makita. Aalis ka tapos hindi ka man lang magsasabi kung saan ka pupunta?"

Ang high blood naman nito masyado. Kinalma lang niya ang sarili at hindi pinagana
ang init ng ulo. "Nakatulog ako sa–––."

"What?! Nakatulog? Tiningnan kita kanina sa kwarto mo kung nandoon ka pero wala ka
tapos sasabihin mo nakatulog ka?"

'Yung mga tauhan ng hacienda na naroon ay mga nakatingin na sa kanila ngayon.

"Bakit ba ang init agad ng ulo mo?"

"Ano'ng gusto mo? Matuwa kaming lahat dahil hindi ka namin makita? Ano'ng malay
namin kung nalapa ka na pala ng mabangis na hayop tapos walang nakapansin sayo? O
natuklaw ng makamandag na ahas? Nahulog sa bangin?"

Napabuga siya bigla ng hangin. She even cross her arm on her chest.
"Napakaimposible na niyang mga sinasabi mo. Pwede ba Sanji Marquez ako muna ang
pagsalitain mo!" Sasangat na naman kasi ito sa pagsasalita niya. "Ano ba'ng masama
kung nakatulog ako? Ikaw rin naman kanina nakatulog sa inuupuan mo. Ganoon rin ako
ng maupo ako sa duyan sa may veranda ng kwarto mo. Nakatulog ako doon."

Si Sanji parang ewan lang na nakatitig sa kanya ngayon matapos niyang maglitanya.
Natahimik rin ito sa wakas.

"Ang pagkakamali mo lang hindi mo man lang sinilip ang veranda mo kung naroon ako.
Nagpatawag ka agad ng tauhan mo. Alam mo naman ang duty ko habang narito ako sa
hacienda niyo diba? PA mo. So, bakit ako maggagala dito ng walang consent galing sa
amo ko?"

Hindi agad ito nakasagot.

"Next time bago ka mag-alala sigu–––."

"Sino namang may sabi sayo na nag-aalala ako sayo? Mind you na nandito ka sa
teretoryo ko kaya kung may masama mang mangyare sayo ay kargo de konsyensiya kita."
Iyon lang at nag-walk out na ito pabalik sa mansion.

Maang tuloy na napasunod siya ng tingin dito. "Para siyang ewan," naiiling nalang
niyang sabi bago sumunod dito.

****~~~~****Thank you po for reading this :)

Comment po kayo pleasssssse <3Pagbigyan po :)Thank you :*

(02.20.15)

=================

Chapter 07

Ilang araw na ang lumipas ngunit iwas parin si Sanji kay Anria. Simula iyon ng
akalain nito na nawawala siya. Malay ba niya na iisipin nito na kung saan na siya
pumunta. Pwede namang tingnan muna siya nito sa may veranda ngunit hindi naman nito
ginawa.

Maging ang silid ni Sanji palagi naring naka-lock kaya hindi siya makapasok.

"Bahala na nga siya sa buhay niya," anas pa niya.

Matapos niyang sulyapan ang pinto ng silid ni Sanji ay pumasok narin siya sa
kanyang silid. Katatapos lang niyang kumain at handa na para matulog. Pero naagaw
na naman ng Fifty Shades of Gray ang atensiyon niya kaya kinuha niya iyon sa ilalim
ng kanyang unan para muling basahin. Pagpupuyatan niya iyong basahin para matapos
na.

Past four in the dawn na siya nakatulog kaya naman kahit ano'ng gising kay Anria ng
gumigising sa kanya ay hindi agad siya magising.
Nagsalubong pa ang kilay ni Sanji ng makita sa tabi niya ang libro ng Fifty Shades
Of Gray.

"Pinagpuyatan talaga," sabi pa nito bago muling niyugyog ang balikat niya. "Gising
na may pupuntahan tayo!"

Umungol lang si Anria bago muling namaluktot at nagtaklob ng comforter. Wala pa


siya sa wisyo at talagang namimigat parin ang talukap ng mata.

"Gising sabi."

"Ano ba?!" She hiss.

"Ayaw mo talagang bumangon diyan? Pwes let us see kung 'di ka pa nito gigising."

Tinanggal ni Sanji ang comforter sa may ulo niya at pinisil ang ilong niya. Sa
puntong iyon ay tuluyan ng nagising ang bawat himaymay sa katawan ni Anria. Hindi
siya makahinga!

Tumayo na ng tuwid si Sanji ng tuluyan na siyang magmulat. Sisinghap-singhap pa


siya dahil sa ginawa nito.

"Umagang-umaga kung ano-ano'ng ginagawa mo. Papatayin mo ba ako, huh?!" She yelled
at him. Nakakainis naman kasi umagang-umaga ang pam-bwi-bwisit nito. Hindi pa naman
siya sanay na nabibitin sa tulog. Ng sulyapan niya ang oras sa alarm clock na nasa
bedside table ay wala pang ala sais y media ng umaga.

"Sinabihan kita na sa bahay niyo na basahin ang Fifty Shades Of Gray na 'yan tapos
pagpupuyatan mo pa kagabi? Kaya ngayon hindi ka magising? Ano'ng oras ka natulog?"

Past four na siya natulog kanina kaya naman wala pang tatlong oras ang tulog niya.
Two hours palang to be exact. Ang bigat-bigat parin ng mga mata niya at gusto pa
niyang matulog.

"Sa wala akong magawa kaya binasa ko nalang 'yung novel. Ano ba'ng kailangan mo?
Diba alas otso pa ang trabaho ko sayo? Kaya tutulog muna ulit ako. Mamaya nalang
tayo mag-usap."

Akmang babalik siya sa pagkakahiga ng pigilan siya sa braso ni Sanji.

"No! Magbihis ka na at may pupuntahan tayo ngayon. Make it fast. Maligo ka na rin
para mawala 'yang antok mo."

Sa puntong iyon ay saka lang niya napagmasdan si Sanji. Fresh from the bath na ito.
Humahalimuyak rin ang gamit nitong pabango which is nanunuot ngayon sa kanyang
ilong. Habang siya mukha yatang Zombie dahil sa puyat.

Kumibot ang labi niya. Senyalis na tinatamad pa siya. "Pwedeng after one hour?"
Hirit pa niya dahil tamad pa ang pakiramdam niya na kumilos.

"Bumangon ka na at hindi tayo pwedeng abutin ng tanghali. Panindigan mo 'yang


pagpupuyat mo," anito na hinila na siya hanggang sa may pinto ng banyo. He even
open the door at bahagya pa siyang itinulak papasok sa loob niyon. "Ten minutes to
fix your self Anria," bilin pa ni Sanji bago nito isinara ang pinto ng banyo.

Wala ng nagawa pa si Anria kundi ang tuluyang maligo. Masama pa ang loob niya dahil
sa bitin na tulog. Hiling lang niya na makatulong ang dalawang oras na tulog para
hindi siya mag-collaps mamaya kung saan man sila pupunta ni Sanji. Matapos maligo
ay mabilis na rin siyang nagbihis. Tokong short na kulay brown at simpleng printed
cotton shirt na kulay black ang suot niya. Rubber shoes naman ang isinuot niya sa
pambaba. Kahit polbos ay wala siyang ipinahid sa mukha. Hindi naman niya kailangang
magpaganda sa harap ni Sanji.

"You're two minutes late," sabi pa ni Sanji pagbaba niya sa hagdan. "Mag-almusal
muna tayo at baka mahimatay ka pa sa daan."

Sumunod na siya dito papunta sa may dining area. "Saan ba tayo pupunta?"

"I have something to check sa farm. May limang baka ang namatay kagabi."

"Lima?"

"Narinig mo naman siguro 'yung sinabi ko?"

Napatango-tango nalang siya at hindi na nagkumento pa. Tahimik lang silang kumain.
Napakalaki ng mansion ng mga ito pero halos ito lang naman ang nakatira dahil wala
pa ang mga magulang nito. Kahit kapatid wala rin ito. Hindi kaya ito naiinip sa
bahay na iyon? Mamaya itatanong niya dito ang bagay na iyon. Sa ngayon inatupag
muna niya ang pagkain ng almusal.

After kumain ay umalis din agad sila ni Sanji sa mansion. Pumunta sila sa may
kwadra ng mga kabayo. May inabot pa itong sumbrelo sa kanya.

"Isuot mo para hindi magulo 'yang buhok mo."

Dahil may kahabaan ang buhok at wala pa siyang suot na pamuyod kaya kinuha na rin
niya iyon. She even bun her hair bago isinuot ang sumbrelo.

Pinigilan niya si Sanji sa braso kaya napahinto ito sa paglalakad. "Diba bawal ka
pang mangabayo?" Hindi niya napigilang itanong dito ng makita ang isang malaking
stallion horse. His own horse.

"Wala akong ibanv choice dahil kabayo lang ang mabilis na transfo papunta sa
kabilang bahagi ng hacienda." Binalingan na nito ang kabayong inilabas ng isang
lalaki.

"P-Pero Sanji maka–––."

Tiningnan siya nito kaya natahimik siya.

"Kung ayaw mong sumakay sa kabayo ko then maglakad ka."

"Kasunod niyo naman po kami Ma'am kaya wala po kayong dapat na ipag-alala," sagot
ng isang boy.

Mukhang wala rin naman siyang choice. Napabuntong hininga nalang siya at nakontento
sa panonood kay Sanji. Sumakay na ito sa kabayo nito. Nag-aalala lang din naman
siya dito dahil alam niya na hindi pa ito ganoon kagaling.

"Ma'am sakay na po kayo sa likod ni Señorito," ani Mang Gaspar, ang tagapag-alaga
sa kabayo ni Sanji.

Huminga muna siya ng malalim at wala ng imik pa na sumakay na rin sa kabayo. Sanji
extend his hand para alalayan rin siya sa pag-akyat pasakay sa may likuran nito.
Thanks God maayos naman siyang nakasakay sa malaking kabayo ni Sanji. First time
niyang sasakay sa kabayo kaya hindi niya maiwasang magdasal sa isip.
Kayo na po ang bahala sa'min ni Sanji. Bigyan niyo po siya ng extrang lakas para sa
pagpapatakbo sa kabayo niya. Gabayan niyo po kami. Salamat po.

Hindi naman sa wala siyang tiwala kay Sanji sa pagpapatakbo sa kabayo. Kinakabahan
lang siya.

"Kumapit ka."

"H-Ha? Kakapit saan?"

"Try mo sa ulo nitong kabayo ko," sarkastikong sagot ni Sanji. "Sa'kin saan pa?"

Kung wala lang itong back injury baka nahampas na niya ng malakas ang likuran nito.
Kumapit siya sa laylayan ng suot nitong polo shirt.

Napapalatak tuloy si Sanji. Maging ang ibang tauhan ay napapangiti. Kumilos ang
kamay ni Sanji para hawakan ang mga kamay niya at sa pagkabigla pa niya ay kusa
nito iyong ipinulupot sa may waist nito. Damn. She felt his hard stomach. Which is
puro abs!

"Kung ayaw mong malaglag 'wag mong tatanggalin 'yang kamay mo," kaswal pang paalala
ni Sanji bago marahang pinalakad ang kabayo palabas ng horse stable.

Nagsisakayan narin ang pito pang tauhan ng hacienda sa mga kabayo ng mga ito at
sumunod sa kanila.

Napapalunok pa si Anria habang mayat-maya niyang nararamdaman ang abs ni Sanji. Why
on earth nakakaramdam siya ng kakaiba? Abs lang naman nito iyon. Natigil lang siya
sa pagmumuni-muni ng medyo bumilis ang patakbo nito sa kabayo nito. Sa lakas ng
hangin na tumatama sa mukha niya kaya hindi niya maiwasan na mapasubsob ang mukha
sa may likuran nito.

"Alalahanin mo na hindi ka pa ganoon kagaling!" Paalala niya dito. She even shouted
dahil baka hindi siya nito marinig.

"It's your faul Anria!"

Tameme tuloy siya. Nagpapaalala lang naman siya tapos maninisi pa.

"Kasalanan mo rin kasi lapit ka pa ng lapit sa'kin!"

"Oh, no. Walking disaster ka nga pala, I almost forgot that. Make sure na hindi ako
mamalasin dahil sa'yo!"

Hindi niya napigilan na kurutin ito sa may tiyan nito. Nahirapan pa siya dahil wala
man lang itong fats sa tiyan.

"Manahimik ka na lang Sanji Marquez kung ayaw mong malaglag ulit sa kabayo!"

"Pikon."

Kahit mahina lang ang pagkakasabi nito niyon ay narinig parin niya. Pinalampas
nalang niya iyon.

May kalayuan nga ang tinutukoy na lugar ni Sanji. Ilang taniman rin kasi ang
dinaanan nila para marating ang farm ng mga hayop. Sa bahaging iyon ng hacienda ay
may ilang kumpol ng kabahayan na yare sa pawid at kawayan. Mga tauhan rin ng
hacienda ang mga nakatira doon na siyang nangangalaga sa mga hayop.
Maayos naman silang nakarating sa lugar. Ang mga tuhod naman niya ay halos
nanginginig pa ng makatapak sa lupa kaya naman muntikan pa siyang mapasubsob sa
lupa kung hindi siya naagapan ni Sanji.

"Relax dahil buhay ka pa," he even smirk.

Inis na inirapan niya ito bago dumistansiya dito. May nilapitan itong matanda.
Dahil medyo nainis dito kaya nanatili lang siya sa kinatatayuan. Panaka-naka niyang
sinusulyapan si Sanji habang seryosong nakikipag-usap sa matanda.

"Mukhang may nakapasok na mababangis na hayop dito sa hacienda dahil lahat ng baka
ay sugatan. Ngayon lang ito nangyare Señorito kaya kahit ang mga bata dito sa amin
ay hindi basta-basta pinapalayo kahit araw," paliwanag ng matanda.

"Hindi po tinigilan Señorito Sanji ang mga alagang baka hanggang sa mamatay. May
ilang parte rin po ng baka ang nagkalat."

Napapalunok pa si Anria habang nai-imagine ang paliwanag ng mga tauhan ng hacienda.

"Ano'ng hayop naman ang pwedeng gumawa ng ganoon sa mga baka?" Clueless ring tanong
ni Sanji.

"Siguro mga asong lobo?" Bulalas niya kaya napatingin sa kanya lahat. Pati mga
batang naglalaro ng chinese garter at habulan ay napatingin sa kanya. Si Sanji
senenyasan na lumapit siya dito. Umiling siya. Suggestion lang naman 'yung sa
kanya.

"May narinig nga rin akong alulong kagabi ng aso. Mukhang mabangis na lobo nga ang
mga 'yon. Hindi lang isa 'yung narinig ko e mga lima siguro 'yon," kalkula pa ng
isa pang tauhan na lumapit kina Sanji.

Lumapit nalang siya sa mga batang naglalaro ng chinese garter para malayo ang isip
sa mga baka. Noong bata pa siya ay hindi niya halos na-enjoy ang larong iyon dahil
narin lumaki siya sa poder ng mga magulang sa London. Wala naman siyang makalaro ng
ganoon doon kaya kapag nagbabakasyon lang sila sa Pilipinas saka lang siya
nakakapaglaro.

"Hello," magiliw pa niyang bati sa mga bata na edad walo siguro. Tatlong babae ang
mga iyon.

'Yung tatlong bata ay mga nagsilapitan sa isat-isa at nagbulungan pa.

"Baka asawa ni Señorito kasi nakaangkas din siya kay Far Away."

Asawa? Saan naman galing 'yon? Mga bata talaga. Naiiling tuloy siya sa isip niya.
Nginitian niya ang mga ito at medyo tumungo pa.

"Anria ang pangalan ko. Alalay ni Señorito Sanji," pakilala niya sa sarili.

"Alalay?" Tanong ng isa.

Tumango siya. "Oo. Parang katulong ganoon. Hindi nga lang ako naglilinis ng
mansion. Binabantayan ko lang si Señorito Sanji."

Lumabi ang may maikling buhok na batang babae. "Eh, ang ganda mo naman po yata para
maging alalay ni Señorito Sanji? Sigurado po ba kayo na alalay lang kayo?"

"Oo nga po tama si Ivonney masyado po kayong maganda para maging alalay. Kasi po
nakapunta na ako sa mansion at hindi naman magaganda ang katulong doon," segunda ng
batang may hawak sa lastiko.

Naniniwala na talaga siya na hindi marunong magsinungaling ang mga bata. Sa isip ay
napatawa siya.

"Kayo talaga," sabi nalang niya.

"Pero Ate Anria sigurado po ba kayo na hindi kayo asawa ni Señorito Sanji?" Hirit
pa ng isa na tatahi-tahimik lang kanina.

Umiling siya. "Hindi."

Nakahinga ito ng maluwag. "Haaay. Buti naman po at may pag-asa pa ako kay Señorito
Sanji."

Natawa siya sa sinabi ng bata. "'Wag kang mag-alala hindi kita aagawan ng magiging
asawa mo." Ginulo pa niya ang buhok ng bata.

"Feeling kasi ni Andrea siya po si Cinderella at si Señorito Sanji ang prince


charming niya."

"'Wag ka ngang maingay Mary Jhoy," saway dito ni Andrea. "Baka marinig ni Señorito
Sanji."

"Anria!"

Nilingon niya ang kinaroroonan ni Sanji hindi kalayuan sa pwesto nila ng mga bata.

"Bakit?"

Sumenyas ito na lumapit siya. Binalingan muna niya ang mga bata.

"Sige at tawag na ako ng prince charming ninyo."

"Sige po. Pasabi po kay Señorito Sanji ang gwapo niya talaga," hirit pa ni Andrea
sa kanya habang kinikilig.

Natatawang tumango siya. "Sige." Pagkasabi niyon ay iniwan na niya ang makukulit na
bata at lumapit na sa naghihintay na si Sanji. "Bakit?"

"There's a possibility na bumalik mamayang gabi 'yung mga lumapa at pumatay sa mga
baka," seryoso nitong sabi sa kanya. "Wala si Daddy para tingnan ang nangyare dito
kaya wala akong choice kundi ang akuin ang responsibility dito sa buong Hacienda."

Tinanguan niya ito. "Okay."

"We'll stay here until tommorow morning. Bukas na tayo babalik sa bahay."

'Yung tipong nakatitig lang siya kay Sanji. Matagal rin bago nag-sink in sa isip
niya ang mga sinabi nito.

"T-Teka ano nga ulit ang sinabi mo?" Gusto niyang masigurado na totoo ang narinig
niya.

Nagsalubong tuloy ang mga kilay nito. "Tulog pa ba 'yang diwa mo?" Marahan pa
nitong kinatok ang ulo niya. "We will stay here for the whole day and night dahil
kailangan naming malaman kung sino nga ba ang pumatay sa mga baka. Gets mo?"

Pinalis niya ang kamay nito. "Ano pa nga ba ang magagawa ko?" Mukha namang safe sa
lugar na iyon kaya walang dapat na ipag-alala.

"Matulog ka mamaya ng hindi ka lutang," sabi pa ni Sanji bago siya tinalikuran.

Saan naman siya matutulog? Nakakahiya namang makitulog sa mga bahay na naroon.
Hindi naman sila close ng mga tao doon. She sigh bago napahikab. Medyo humahapdi na
'yung mga mata niya. She want to sleep pero pinigilan muna niya.

"Pupuntahan na po ba natin Señorito ang mga baka para makita niyo po?"

Tinanguan ni Sanji ang matanda. "Sige po Ka Abo." Muli siyang binalingan ni Sanji.
"Anria let's go."

"P-Pati ako kasama?"

"Ano ba kita?" Paalala nito.

"Siya na ba ang nobya ni Señorito?" Narinig pa niyang bulong ng isa.

"Alalay lang po ako," napalakas niyang sabi. Ayaw lang niya na mag-isip ng kung
ano-ano ang mga tao na naroroon tungkol sa kanila ni Sanji. Lalo na at wala naman
silang relasyon nito.

"Proud na proud ka, ha," sabi pa ni Sanji.

Iningusan lang niya ito. Napapangiti nalang ang mga taong naroroon. Ng magsilakaran
na sina Sanji ay sumunod nalang siya dito dahil hindi na siya nito pinansin pa.
Hindi naman kalayuan ang kulungan ng mga baka.

Ganoon nalang ang pag-ikot ng sikmura ni Anria ng makita ang kalunos-lunos na


nangyare sa mga baka. Gutay-gutay kasi ang mga ilang parte ng baka.

"Bakit napasok pa itong kulungan ng mga baka?" Bulalas ni Sanji habang sinusuri ang
mga bakang namatay.

"Marahil po ay nkapasok Señorito Sanji sa may siwang sa likod," sagot ng isang


tauhan na kalalabas lang sa kulungan ng mga baka.

"Siwang? Bakit naman magkakasiwang doon?"

"Maliit lang po 'yon noong una. Sa tingin ko po ay bahagya lang na sinira ng


tuluyan kagabi para makapasok sa loob."

Napatango-tango si Sanji. "Kung may posibilidad na mga mababangis na asong lobo ang
may kagagawan nito. Then there's a possibility na bumalik sila dito mamayang gabi.
Mang Ariel paki-check ang buong paligid ng kulungan ng mga baka at paki-ayos na rin
po ng mga may sira."

"Masusunod po Señorito Sanji."

"Señorito ano pong gagawin sa mga patay ng baka?"

Sanji sigh. "Hindi naman pwedeng kainin ang mga bakang namatay kaya ilibing nalang
sa malayo. Ayokong pati mga tao dito ay mapapahamak kapag kinarne pa 'yan."

"Sige po."

"Pwedeng sa labas muna ako?" Bulong niya kay Sanji.


"Bakit?"

"Nasusuka ako kapag napapatitig sa mga baka," dahilan niya.

"Okay. Pero 'wag kang lalayo. Dahil baka pati ikaw dumagdag pa sa problema."

Magsasalita pa sana siya kaso tinalikuran na siya nito at sumunod sa isa nitong
tauhan. "Haaays," palatak pa niya bago tuluyang lumabas sa kwadra ng mga baka.

****~~~~*****

Eeeeeeeee....... Tabi kaya sina Anria at Sanji sa pagtulog sa gabing iyon?


Bwahahahahhaha.

Start from now on po..... I will give an update on every Chapter of A PRINCESS IN
DISGUISE kapag may 10 comment na po in every comment box.... :)

Gusto ko lang po kasing malaman ang nilalaman ng isip niyo about this story. At
para masaya at ganado si Miss Author mag-UD :)

Comment | Vote | Share | Follow

=================

Chapter 08

Hindi pinansin ni Anria ang pagtawag sa kanya ni Sanji mula sa may kwadra ng mga
baka. Natutuwa kasi siyang pagmasdan ang mga naghelerang wild flowers. Hindi niya
alam kung ano ba ang tawag sa mga iyon.

"Anria kanina pa kita tinatawag. Hindi mo ba naririnig o sadyang nagbibingi-


bingihan ka lang?"

Wala ng nagawa si Anria kundi ang harapin si Sanji na nilapitan na siya doon.

"Ayokong makita 'yung mga patay na baka kaya hindi ako bumalik doon."

"Tss. Kanina pa nila naalis."

Napataas tuloy ang isa niyang kilay. "So anong kailangan mo?"

"I've change my mind. Ipapahatid na kita sa bahay. Kami na lang dito."

Hindi niya alam pero ganoon nalang ang pag-iling niya. "Ayoko. Diba nga duty ko na
bantayan ka. Saka ikaw na rin naman ang nagsabi na kung nasaan ka dapat naroon din
ako." Dagli ang pag-iwas niya ng tingin ng masalubong ang magaganda nitong mga
mata. Nakakatunaw makatitig!

"I can manage myself Anria."

"Okay. You can manage your self pero babalik lang ako sa mansion ninyo kapag
babalik ka na rin. No more buts." Tinalikuran na niya ito at muling kinutingting
ang kulay violet na wild flower sa damuhan.

Napakislot siya ng hilahin siya nito patayo.


"Kung ayaw mong umuwi pwes 'wag kang pakalat-kalat dito sa labas. Mamaya nasa
paligid lang pala 'yung pumatay sa mga baka. Mind you Anria na nagawa nga nilang
patumbahin ang mga walang kalaban-laban na baka na mas 'di hamak na mas malaki pa
sa'yo. Ikaw pa kaya na payatot?"

Naningkit ang mga mata niya sa huli nitong sinabi. Pati ba naman pagiging payat
niya ipagdidiinan pa nito?

"Fine Sanji Marquez. Ikaw na ang malaman. Nakakahiya naman sa mga laman mo,"
tinabig pa niya ito ng dumaan siya sa tabi nito.

Nanatili lang siya sa may labas ng kwadra habang ang mga tauhan ng hacienda ay mga
abala. Si Sanji naging abala rin sa pagmamando. Hindi naman ito pwedeng tumulong sa
mabibigat na gawain dahil sa kondisyon nito.

May isang binatilyo pa ang nagbigay sa kanya ng mono block na upuan. May kalumaan
na nga lang.

"Maupo po muna kayo dito Ma'am. Mangangalay po kayo sa pagtayo," nakangiti pa


nitong sabi.

"Marami pong salamat."

Napaka-hospitable talaga ng mga tao sa Hacienda Marquez. Kumpara sa ginagalawang


mundo ng kanyang pamilya hindi mo alam kung sino ang totoo sa mga taong
nakakasalamuha niya. Marami kasing peke ang pag-uugali. Unlike sa mga tao sa lugar
na iyon. Mababait at maayos ring makisama kaya si Sanji mismo ay hindi kakakitaan
ng pag-aalinlangan sa mga taong naroroon. Wala sa itsura nito ang pang-uuri sa mga
tauhan nito. Maayos nitong pinakikisamahan ang mga tao. Mukhang okay naman ang
pagpapalaki kay Sanji ng mga magulang nito. Marunong makisama sa mga taong malayo
sa level ng pamilya nito.

Namumukod tangi rin si Sanji habang nakikihalubilo sa mga tauhan nito. Bukod kasi
sa matangkad at maputi ay agaw atensiyon rin ang nakakasilaw nitong kagwapuhan.
Nag-iwas siya ng tingin ng mapatingin ito sa kanya.

Makalipas ang ilan pang sandali ay lumapit si Sanji sa kanyang kinaroroonan. May
gatla-gatla pang pawis sa noo at sa may gilid ng mukha nito. Tumayo siya at
iminuwestra dito ang bangko para maupo ito.

"Upo muna," sabi pa niya dito. Umupo rin naman ito. "Pawisan ka pa ng lagay na
'yan, huh. Eh, puro utos lang naman ang ginagawa mo."

"Mainit," maikli nitong sagot.

"Hiyang ka kasi sa aircon," kaswal niyang sabi.

"You think so? Hindi ba pwedeng dahil sa direct sun light?"

Nagkibit balikat lang siya. "Both siguro." Napatingin siya dito ng bahagya itong
tumawa. Yung tipong kahit simpleng tawa lang nito ay ang ganda parin sa pandinig.
Sa isip ay ipinilig niya ang ulo. Ang dami niyang napapansin.

"For four days na pag-stay mo dito sa hacienda this semestral break. How is it?"

Wow, huh. Nag-o-open ng conversation.

Tumikhim siya para palisin ang bikig sa lalamunan niya. "Okay lang. New experience
malayo sa outside world."

"Buti naman at hindi mo na irereklamo that you're stock here the whole sem break."

Noong una lang siguro todo reklamo siya pero dahil wala namang magagawa kaya
tinanggap na lang niya ang reyalidad na mananatili siya sa lugar na iyon until the
last day of semestral break. So far feel at home naman siya sa mansion at sa
hacienda. Mababait pa ang mga tao. Ang pino-problema lang niya ay kapag dumating na
ang mga magulang nito.

"Wala akong choice kundi ang mag-stay dito at tiisin ang ugali mo."

Umangat ang sulok ng labi ni Sanji. "Dapat ba akong ma-flatter sa sinabi mo?"

Medyo inirapan lang niya ito. "Kung hindi naman dahil sa utos ng mga teachers sa
school lalo na ng adviser mo wala ako dito."

"Pwede ka namang umuwi na kung gusto mo." 'Yung tono ng boses ni Sanji biglang
lumamig. Tumayo na rin ito at bumalik na ulit sa mga tauhan nito na wala man lang
paalam.

Napailing-iling nalang si Anria. "Ang lalaking 'yon sala sa lamig at sala rin sa
init."

Pabagsak na naupo siya sa mono block. Wrong move. Dahil sa bigat ng pwersa niya sa
pag-upo kaya tuluyang naputol ang mahunang parte ng paa ng bangko. Malay ba niya na
ganoon kahuna iyon. Napapikit siya ng mariin ng maramdaman ang mabilis na
pagbagsak.

The next thing she knows nakahiga na siya sa carabao grass na parang carpet lang na
inilatag sa lupa. Ang malas ko naman.

"Naku si Ma'am!"

Unti-unting idinilat ni Anria ang mga mata. Bukod sa asul na langit ay nakita rin
niya ang nakatunghay na mukha ni Sanji habang nakalahad ang isang palad sa harap
niya. Wala naman siyang naramdaman na masakit sa parte ng likuran niya.

"Kung inaantok ka makitulog ka kina Ka Abo," sabi pa ni Sanji.

"Kung alam ko lang na mahuna na itong bangko e di sana nagdahan-dahan ako sa pag-
upo." Tinabig niya ang kamay nitong nakalahad. Pero agad naman nito iyong hinuli
and without a word ay hinila siya nito patayo.

"Pasensiya na Ma'am mahuna na 'yung mga mono block namin," paumanhin ng lalaking
nagbigay sa kanya ng mauupuan.

Pinagpag niya ang pwetan at likuran. "Okay lang po. Hindi naman po ako nasaktan."
Pero ng ihahakbang niya ang paa ay saka lang niya napuna ang gasgas sa binti niya
sanhi ng naputol na paa ng bangko na gumasgas pala sa binti niya kaya medyo
napaliay siya ng humakbang. May bahid na pati iyon ng dugo.

"Tss. Clumsy."

Napatingin siya kay Sanji ng mag squat ito at agad na kinuha sa bulsa nito ang
isang puting-puting panyo at itinali sa may sugat niya. Imbis na ipampunas muna
nito iyon sa pawis nito ay mas pinili pa nito iyong itali sa may sugat niya.
Natitilihan tuloy siya habang patuloy sa pagtitig dito.
"O-Okay lang naman, eh. Bakit tinalian mo pa?"

Ng matapos sa ginagawa si Sanji ay tumayo na ito at hinarap siya. "Okay lang?"


gagad nito sa sinabi niya. "Nakita mo naman siguro kung gaano kahaba 'yung gasgas
sa binti mo. Haaays. Next time mag-ingat ka nga. Mamaya lilinisin 'yan ng alcohol
at betadine."

"A-Alcohol?" Oh, no. She hate using alcohol dahil nanunuot sa laman niya ang sakit.
Kaya hanggat maaari ay iniiwasan niya ang masugatan. "H-Hindi na. Gasgas lang naman
ito, eh. Gagaling din ito at saka malayo sa bituka."

Nagsalubong lang ang kilay nito. "Tigilan mo ako sa kaartehan mo. Mamaya ma-
impection ka pa."

"Okay lang talaga ako. There's nothing to worries," itinaas pa niya ang dalawang
kamay bago iika-ikang lumapit sa isang puno at naupo sa trosong nasa tabi niyon.
She sigh. Nararamdaman na rin niya ang pagkirot ng sugat. Siguro kung hindi iyon
tinalian ni Sanji ng panyo ay tiyak na hahapdi iyon.

Ng muli niyang ituon ang tingin sa dereksiyon ni Sanji ay wala na ito doon. Kahit
anong hanap ng mga mata niya ay hindi niya ito makita.

"Nasaan naman 'yon?"

Nasagot lang ang tanong niya ng makita itong galing sa dereksiyon ng mga kabahayan.
May hawak itong kung ano sa kamay. Napalunok siya ng mahinuha kung ano iyong hawak
nito. Hinayon ni Sanji ang dereksiyon niya kaya napatayo na siya.

"Sinabi ng hindi na kailangan pang gamutin niyan!" She hiss ng makita ang first aid
kit sa kamay nito.

"Para kang bata Anria. Tigilan mo ako sa pag-iinarte mo." Lumapit ito sa kanya at
pwersahan pa siya na pinaupo. Nagmatigas siya. "I warning you Anria!"

Napaupo tuloy siya ng magtaas na ito ng boses. His high cold toned voice make her
shup up.

Nag-injan sit pa si Sanji sa carabao grass. Pagkuwa'y tinanggal ang panyong


nakatali sa may sugat niya. Nalantad dito ang nagasgas niyang binti. Tahimik lang
at seryoso na ginamot nito iyon. Wala ng nagawa pa si Anria kundi ang pumikit ng
mariin habang nakakagat sa kanyang kamay para hindi mapahiyaw sa hapdi dulot ng
alcohol. Bigla ba naman nitong buhusan. Muntik pa niya itong masipa dahil doon.
Kahit na malambot ang kamay nito ay hindi naman niyon napawi ang nanunuot na sakit
dulot ng alcohol.

"Dahan-dahan naman Sanji!"

"Manahimik ka nalang diyan," anito bago nagpatuloy sa ginagawa.

Pikit matang tiniis niya ang hapdi at kirot. Pagkalagay ni Sanji ng betadine sa
sugat niya ay tinapalan na rin nito iyon ng gasa bago nilagyan ng tape.

"Done." Tumayo na ito. "'Yung kabila lagyan mo rin ng gasgas."

Dahil sa sinabi nito kaya hindi siya nag-thank you dito. Kainis. "Yabang," inis pa
niyang bulong. Pinilit niyang tumayo at nakipaglaban ng tingin dito. "Hindi ako
magpapasalamat sayo kaya 'wag mo ng hintayin 'yon."

"Okay. You're welcome," baliwalang sabi nito bago inabot kay Lino ang dalang first
aid kit. "Pakibalik nalang kina Ka Abo."

"Sige po," sabi ni Lino bago nagtungo na kina Ka Abong bahay.

"At ikaw naman," baling muli ni Sanji kay Anria. "Wala ka sa kabayanan dahil
nandito ka sa hacienda. Kung ayaw mong sa susunod maligo na ng alcohol sa buong
katawan mo then 'wag kang careless."

"Aksidente 'yung nangyare," giit niya.

"Aksidente? Kung dahan-dahan kang umupo sa upuan na 'yon tingin mo mangyayare pa


'yan sayo? Careless ka kasi."

"Pwede lumayo ka na muna sa'kin? Baka madoblehan pa 'yang injury mo sa likod,"


nagpipigil niyang sabi. Bumalik muli siya sa pagkakaupo sa troso.

"Ipapahatid na kita sa bahay mamaya and there's no buts," anito bago naglakad
palayo.

Hindi niya napigilan ang sarili na habulin ito ng tingin.

Hanggang sa matapos mananghalian sina Anria ay hindi parin niya pinapansin si


Sanji. Kung siya rin lang naman ang masusunod ay wala pa siyang balak bumalik sa
mansion dahil tiyak na hindi siya mapapalagay sa mga posibleng mangyayare sa pagha-
hunting ng mga ito mamayang gabi sa pumatay sa mga baka.

Hinanap niya sa paligid si Sanji. Ngunit hindi naman niya ito makita. Kaya naman
nagtanong na siya sa nakasalubong na trabahador.

"Si Sanji po kaya?"

"Nasa may ilog Ma'am," anito na itinuro pa ang daan sa sinasabing ilog. "Diretsuhin
mo lang po 'yang daan. Malapit lang naman 'yon."

Napatango siya. "Sige po. Salamat." Huminga muna siya ng malalim bago pilit na
binilisan ang paglalakad papunta sa sinasabing ilog ng trabahador. Hindi naman siya
nahirapan sa paghahanap dahil pagkalampas niya sa mga nagtataasang puno ng mahogany
ay tumambad naman sa kanya ang ubod ng linaw at linis na ilog. "Wow," hindi niya
napigilang bulalas. Parang nanghahalina ang ilog na paglanguyan.

Pagtingin niya sa kanan niya ay natanawan niya sa 'di kalayuan si Sanji na nakaupo
sa malaking bato. Nakatalikod ito sa dereksiyon niya kaya hindi nito pansin ang
presensiya niya. May hawak pa ito sa kamay nito na malabang damo.

Marahan at maingat na lumapit siya sa kinaroroonan nito. Napakaaliwalas at ganda ng


lugar. Tanging agos ng tubig sa ilog, huni ng mga ibon at hampas ng hangin sa mga
dahon ng puno ang nagsisilbing ingay sa buong paligid. Idagdag pa ang mayat-mayang
ingay dulot ng mga kulilis.

Pinilit niyang umakyat rin sa malaking bato ngunit hindi naman niya magawa.
Napabuntong hininga tuloy niya.

"Need help?"

Natigil siya sa pagpipilit umakyat. Slow motion pa ng lingunin siya ni Sanji. Hindi
na nga siya nagawa ng ingay para 'di siya nito mapansin tapos ang lakas naman ng
pakiramdam nito.

"Akala ko naman hindi mo ako pansin. Itutulak sana kita diyan sa ilog," aniya na
lumayo na sa bato.

Tumayo ito at pumwesto sa may inaakyatan niya then held his hand. "Akyat na."

Napatingin tuloy siya sa palad nitong nakalahad ngayon sa harap niya. Hahawakan ba
niya?'

****~~~~****Dedicated to Leslie Paragas salamat sa pagbabasa and sa chitchat sa


group ;)

A/N: Dumating sa puntong akala ko matetengga na naman itong story nina Sanji at
Anria dahil na-engross ako sa abs ni Sire Fiorano.... Este sa story niya hahaha.
Lalagyan ko na sana ng sign na "On Hold" na muna ito. Akala ko rin mahihirapan
akong pagsabayin ang story na'to, APID at Sire Fiorano (The UHB Series) ,buti
nalang kaya ko pala....Yung utak ko kasi Romance talaga ang Genre, so dahil Teen
Fic ito kaya medyo nakakalorke mag-isip ng nararapat na eksena sa mga teenage cast
natin.

Kaya maraming salamat po sa mga readers nitong APID dahil kasi sa inyo kaya pinu-
push ko ito at pinipilit na mag-UD ng mag UD. Basta may 10 comments mula sa ibat-
ibang tao tiyak ang susunod na Update ;)

Yung comment po na reaction about the chapter. Yung hindi napipilitan at bukal sa
loob na message. Hindi po yung "UD, next...ect." ––__––Wag pong tipirin ang
space :) hehehe.

Love you all.

=================

Chapter 09

"Aakyat ka ba dito or what?"

Hindi alam ni Anria kung tatanggapin ba niya ang nakalahad na kamay ni Sanji o
hindi. But in the end she found herself reaching his hand.

Ng tuluyang din siyang makaakyat sa malaking bato ay ganoon nalang lalo ang
paghanga niya sa naturang lugar. Mas maganda kasi ang view sa itaas ng bato kaysa
sa lupa.

"Ang ganda dito."

"Yeah. Pero may mas maganda pa dito. Near in our house naroon ang pinaka-waterfalls
na pinagmumulan ng tubig dito sa ilog. Some other day we can visit it together."

We, ulit ng kanyang isipan. She can't wait to see it. She really love the nature
kaya excited na siyang makarating sa tinutukoy nitong lugar. Palibhasa nasa may
bayan ang kanilang bahay kaya wala masyadong nature na nakikita ang kanyang mga
mata kaya ganoon nalang ang paghanga niya sa Hacienda Marquez.

"Sige. Gusto kong makita 'yon."

Kung ang dalawa siguro niyang kaibigan ang nasa posisyon niya ngayon ay tiyak na
mamamatay sa tuwa ang mga ito. Lalo na at si Sanji Marquez pa ang parating kasama.
Napangiti siya ng maalala ang dalawang kaibigan. Hindi naman niya makamusta ang mga
ito dahil wala siyang load.
Bumalik na si Sanji sa pagkakaupo sa pwesto nito kanina at muling dinampot sa tabi
nito ang mahabang damo na hawak kanina. Nilaro-laro nito iyon sa kamay habang
nakatanaw sa pag-agos ng tubig sa ilog.

"No wonder hindi nakakainip dito sa hacienda ninyo. Marami naman kasing pwedeng
gawin," out of no where ay basag niya sa katahimikan.

"That's why I don't want to leave this place."

Hindi niya napigilan ang sarili na sulyapan ito. Kumpara siguro sa kaibigan nitong
si Andrei mas pipiliin niyon ang city life kaysa ang mamalagi sa naturang lugar.

Ngayon niya unti-unting nakikita ang another side ng pagkatao ni Sanji. Iwas man
ito lalo na sa mga babae sa school, kahit kanino pa nga, pero pagdating sa hacienda
ng mga ito halos lahat ng mga tauhan ng mga ito ay hindi naman ito nangengeyeming
lapitan. Kahit na nanglilimahid na sa pawis ang ilan pakikiharapan parin nito.

Ngayon parang ayaw na niyang maniwala sa kasabihang 'First impression last'


pagdating sa isang taong unang nakilala.

Hindi naman mainit ang bato kaya naupo siya isang diba ang layo mula kay Sanji.

"Ayoko parin munang bumalik sa mansion niyo," aniya na nasa tubig lang ang
atensiyon kahit na nakita niya sa kanyang side vision ang pagbaling ni Sanji sa
kanya.

"Pagtatalunan parin ba natin 'yan?"

"Hindi naman ako nakikipagtalo. Wala rin naman akong gagawin doon."

Matagal bago muling nagsalita si Sanji. "Once na naging careless ka ulit hindi lang
kita papauwiin sa bahay. Ipapahatid na rin kita sa bahay ninyo."

Napabaling na siya dito. "Hindi ako pwedeng umuwi nalang ng basta-basta hanggat
hindi ko natatapos ang duty ko sayo. Siguro naman naipaliwanag na sayo ni Andrei
kung bakit?"

"Pwede ko namang kausapin ang mga teachers. Even the principal."

"Haaay. Bahala ka. Gawin mo ang gusto mong gawin. Basta ako gagawin ko 'yung duty
ko."

Tumayo na si Anria at sa pagharap niya sa dinaanan kanina ay ganoon nalang ang


paninindig ng kanyang balahibo sa nakita. May basil na mabalahibo na kulay itim,
may kalakihan rin iyon, at kasalukuyang gumagapang papunta sa deriksiyon niya. She
hate any kind of basil even if malaki o sobrang liit pa kaya ganoon nalang ang
pagtili niya. Ni hindi niya alam kung saan pupunta.

"Hey," napatayo tuloy si Sanji.

Hindi parin mapoknat ang pagtili niya habang itinuturo dito ang sanhi ng pagtili
niya.

"Oh, my God. Malapit na!" Taranta pa niyang sabi.

"Calm down! Basil lang 'yan."

"Waaaaaah! Please. A-Ayoko niyan!" Sa sobrang taranta dahil sa palapit na basil ay


napadulas pa ang tapak niya sa bato. Wrong move again dahil babagsak siya sa tubig.
Mabilis naman siyang nahawakan ni Sanji sa kamay ngunit nahila naman niya ito kaya
parehas silang tuluyang nalaglag sa ilog.

Nilamon ng tubig ang tili ni Anria kaya nakainum siya ng tubig. Kawag pa siya ng
kawag dahil hindi agad siya makaahon sa tubig. Hanggang sa maramdaman niya ang
paghila ni Sanji sa kanya paitaas.

Habol niya ang paghinga ng makaahon ng tuluyan. Kasunod niyon ay ang sunod-sunod
din niyang pag-ubo.

Habang si Sanji naman ay hindi maipinta ang mukha ng tingnan siya. "Second time of
carelessness Anria!" Naihilamos pa nito ang kamay sa mukha para palisin ang
tumutulong tubig. "Stop it," tukoy nito sa pagkampay niya. "Hanggang baba mo lang
ang tubig."

Pasimple tuloy na inilapat niya ang suot na sapatos sa ilalim ng tubig. Mababakas
ang relief sa mukha niya ng maramdaman ang paglapat ng sapatos sa mabatong tubig.
Akala niya malalim kaya hindi siya nahinto sa pagkampay.

"Kasasabi ko lang kanina na 'wag kang careless tapos this time hindi ka pa
nakontento at idinamay mo pa talaga ako?"

Same lang ng nangyare sa school. Ang kaibahan lang ay siya mismo ang matutumba. Sa
kasamang palad sa tubig pa mismo sila nahulog. Kung hindi naman dahil sa pagsulpot
ng basil ay hindi mangyayare ito sa kanila. Natakot lang talaga siya sa basil.

"Yung basil kasi."

"Basil lang?" gagad pa nito sa dahilan niya. "'Di hamak na mas maliit 'yon than
you. Pwede mo namang tapakan pero mas inatupag mo pa 'yung pagtili mo."

Hindi ba nito maisip man lang na natural na matakot siya dahil babae parin siya na
masyadong matatakutin? Sa inis dito kaya sinabuyan niya ito ng tubig sa mukha.

"Ang yabang mo talaga kahit na kailan," naniningkit ang matang litanya niya.
"Sorry, ha? Lalaki ka kasi kaya nasasabi mo 'yan. Nakalimutan mo yata na natural
lang sa isang babae na matakot sa ganoong uri. Palibhasa natural lang sayo na
makakita at hindi matakot sa ganoon dahil lalaki ka. Fine, ikaw na ang matapang."
Hindi niya alam pero bigla nalang siyang napapiyok sa huling sinabi.

Ano ba'ng magagawa niya kung naunahan siya ng takot kaya hindi na niya naisip pa
ang sinabi nito? At kahit naman i-suggest nito iyon ay nunca niyang gawin dahil
takot parin siya. Nag-iwas siya ng tingin ng maramdaman ang panginginit ng mga
mata. Kinurap-kurap pa niya iyon para pigilan ang nagbabantang lumabas na luha.

"Still you should watch your action dahil nasa tabi ka lang ng ilog. Pasalamat ka
dahil malayo tayo sa batuhan dahil kung hindi mas malala ang nangyare."

"Siguro nga malas talaga kapag malapit ako sayo," medyo nakagat pa niya 'yung
ibabang labi niya. "Takot lang talaga ako sa basil kahit gaano pa 'yon kalaki.
Pasensiya na kung hindi ko naisip na pwede 'tong mangyare. Nadamay ka na naman."

Kumibot ang labi niya dahil wala na siyang masabi pa. Ayaw rin niyang makita nito
ang pagsungaw ng munting luha sa mga mata niya. Yung feeling kasi na palagi nalang
itong napapahamak ng dahil sa kanya. Ilang beses na rin iyon. Pinili na lang niyang
umahon na para kahit paano ay makalayo muna kay Sanji. Ngunit hindi niya inaasahan
ng sa pagdaan niya sa tabi nito ay hilahin pa siya nito palapit dito. He even hug
her! Jusmiyo!
"Mag-ingat nalang sa susunod," mababa ang boses na sabi nito.

Dahil hindi niya inaasahan ang ginawa nitong pagyakap sa kanya kaya naitulak niya
ito palayo.

"T-Teka," kandautal pa niyang sabi. Bigla tuloy umatras ang nagbabantang luha niya.
"Hindi mo kailangang mangyakap. Alam mo bang kabastusan 'yon?!" Muli pa niya itong
nasabuyan ng tubig sa mukha.

"Tss. Women. No wonder na first time na may mangyakap sayo. Sumunod ka na," utos
nito na nagpatiuna na sa paglangoy papunta sa may pampang.

Hindi lang niya lubos ma-imagine na yayakapin siya nito. Kung bakit kasi kung sino
pa 'yung tao na pinipilit niyang iwasan ay iyon pa ang sinasadya ng pagkakataon na
makalapit niya.

PINAGMASDAN NI Anria ang munting silid na siyang tutulugan nila ni Sanji sa bahay
ni Ka Abo. Ang nagsisilbing kama ay yare sa kawayan. Papag kung tawagin ng mga
naroon. Banig lang ang tanging nakalatag. May dalawa ring unan. Nalagyan na rin ng
asawa ni Ka Abo ng kulambo ang papag para safe sa lamok.

Sa totoo lang ay hindi niya lubos maisip na ang isang Sanji Marquez ay mapapatulog
mo sa ganoong lugar samantalang sobrang layo niyon sa mala-condo nitong kwarto sa
Marquez mansion.

"Matulog ka na."

Napapitlag si Anria ng marinig ang boses na iyon ni Sanji mula sa kanyang likuran.
Kakapasok lang din nito sa silid.

"Mukhang hindi tayo kasya sa papag. Sa sahig na lang ako at maglalatag," aniya.
"Pupuntahan ko lang si Inang Rodora para humingi ng isa pang banig."

Humarang si Sanji sa may pinto. "Malamok dito. Kaya kung ayaw mong ma-dengue 'wag
kang maarte. At kung nag-aalala ka dahil makakatabi mo ako sa pagtulog mo, then
forget about that. Mamaya lang ay lalabas na rin kami."

"Hindi naman sa nag-iinarte ako," depensa niya.

Aabangan na ng mga ito mamaya ang pagbalik ng may kagagawan sa pagpatay sa mga
baka. Hiling lang niya ay mabigyang hustisya ang nangyare sa mga namatay na baka.
Hindi naman siya pinayagan pang sumama ni Sanji sa mission ng mga ito dahil hindi
naman siya doon kailangan.

"What ever. Tutal puyat ka last night at hindi ka rin naman natulog kanina kaya ang
mabuti pa ay matulog ka na. Kung matigasan ka sa papag 'wag kang choosy dahil mas
pinili mong mag-stay dito kaysa umuwi sa bahay."

"Hindi naman ako nagrereklamo. Kaya kong mag-stay dito," aniya na lumapit na sa
papag at pumasok na sa may kulambo. First time niyang matutulog sa ganoon. At kahit
sa isip never na magrereklamo siya. Part pati iyon ng adventure niya sa Hacienda
Marquez.

"Take a rest," ani Sanji bago tumalikod.

"Ingat," bigla niyang bulalas. "K-Kayo," dagdag niya ng lumingon ito sa kanya.
Hindi niya sure kung totoo o guni-guni lang niya ang nakitang bahagyang ngiti sa
labi ni Sanji bago ito tuluyang lumabas ng silid.
Ng mawala si Sanji sa paningin ni Anria ay tila lumuwag ang kanina'y masikip na
paligid. Humiga na siya. Ngunit ng may maalala ay muli rin siyang napabangon. Wala
kasi doong kumot. Tiyak na malamig doon mamayang madaling araw kaya lumabas siya ng
kulambo para manghiram kay Inang Rodora ng kumot. Ngunit bago pa siya makalapit sa
may pinto ay muli iyong bumukas at pumasok si Sanji.

"Saan ka pa pupunta?"

Sasabihin sana niya dito na hihiram lang siya ng kumot ngunit hindi na rin niya
naituloy ng mapansin ang hawak nito sa kamay. May dala itong kumot.

"Baka lamigin ka mamaya," anito na inilahad sa harap niya ang kumot.

Napatitig tuloy siya doon pagkuway napasulyap kay Sanji bago kinuha mula sa kamay
nito ang kumot.

"Hihiram sana ako ng kumot," sabi na rin niya dito.

"Okay. Sige na matulog ka na. 'Wag mo na rin akong hintayin dahil walang
kasiguraduhan ang oras ng pagbalik namin dito. Are we clear?"

Tumango nalang siya bago wala ng imik pa na bumalik na sa papag. Si Sanji naman
matapos masigurong nakapasok na ulit siya sa kulambo ay nagpaalam na rin na aalis
na.

"I'm going," anito bago tuluyang isinara ang pinto.

Lord, kayo na po ang bahalang gumabay sa kanila, piping hiling niya sa isip.

****~~~~~*****

Dedicated to Irine Kim Ozaeta Espirito and Xhak Ni Da ....... Thank you guys for
the reads hehehe <3 <3

NP: The Person I Miss

By: Gilme

Comment | Vote | Share | Follow

=================

Chapter 10

ILANG SANDALI pang pinagmasdan Anria si Sanji na himbing na himbing parin sa


pagtulog kahit alas otso na ng umaga. Masyado itong puyat sa ginawang pagbabantay
kagabi sa may kulungan ng baka. Kung hindi siya nagkakamali ay alas tres na ng
madaling araw ng magbalikan ang mga ito. Bangag pa siya ng dumating ito at mahiga
kanina sa tabi niya.

Wala namang dumating na asong lobo o kung ano mang pumatay sa mga baka kaya
nagsiuwian narin ang mga ito. Nagising na lang siya na katabi na si Sanji na
nakapatong pa ang braso sa may mukha nito.

Malabo parin para sa mga taong naroroon kung ano ba ang pumatay sa mga baka.
Lumabas na siya sa kulambo. Pagkasuot sa kanyang tsinelas na ipinahiram pa sa kanya
ni Inang Rodora dahil nabasa ang sapatos niya kahapon sa ilog ay tuluyan narin
siyang lumabas sa maliit na kwarto na tinulugan nila ni Sanji.

"Mabuti naman hija at gising kana. Gusto mo na bang mag-almusal? Nagpaluto si Abo
ng tinolang manok," bungad sa kanya ni Inang Rodora paglabas niya sa kwarto.

"Magandang umaga po," bati niya sa matanda. "Sabay nalang po kami ni Sanji mamaya
pag-gising niya."

"Naku baka mamaya pa gumising si Señorito kaya ang mabuti pa ay kumain kana muna.
Sumunod kana dito sa kusina."

Wala na siyang nagawa kundi ang pagbigyan ang matanda.

"Kayo po ba Inang Rodora kumain na?"

"Kanina pang alas singko kami nag-almusal. Maaga kasing gumigising ang mga tao dito
para mag-trabaho."

"Ganoon po ba," aniya bago nagpatuloy sa pagkain. Native na tinolang manok ang
niluto ng mga ito. Paborito raw iyon ni Sanji kaya iyon ang iniluto. Mas masarap
nga kaysa sa fourty five days na manok.

Matapos kumain ay nagpasalamat siya sa matanda bago nagpaalam na maglalakad-lakad


lang sa labas.

Kakaiba talaga ang buhay kapag nasa ganoong lugar. Maagang gumigising ang mga tao.
Sa gabi naman maaga ring natutulog. Simple lang ang pamumuhay pero masaya naman ang
mga tao. Kahit na malayo sa ciudad.

Napangiti si Anria ng matanawan ang daan papunta sa may kulungan ng baka.


Tinalunton niya ang papunta roon. Naabutan pa niya roon ang isang tauhan na si Mang
Ariel.

"Magandang umaga po," magalang niyang bati dito.

"Magandang umaga rin naman Ma'am," ganting bati nito. "Naligaw po kayo dito?"

"Titingnan ko lang po 'yung mga baka."

Napatango-tango ito. "Yung iba po nakaula na sa parang para mangain ng mga damo."

"Okay lang po."

Kinuha na ni Mang Ariel ang tali ng isang baka at hinigit palabas sa kwadra ng mga
baka. "Dadalhin ko lang po itong baka sa parang. Nasa loob naman po si Lino."

"Sige po."

Ng maiwan doon ay pumasok na siya ng tuluyan sa loob ng kwadra. Malalaking baka ang
naiwan doon na lahat daw ay may breed.

"Ano nga kaya ang pumatay sa mga baka?" anas pa niya. Natanawan niya si Lino na
abala sa pagbibilang ng baka. "Magandang umaga po," she greet him.

"Magandang umaga rin Ma'am."

"Hindi po pala bumalik 'yung may kagagawan sa pagkamatay ng mga baka," naisip
niyang itanong.

"Hindi na. Pero ilang beses ko ng ch-in-eck ang mga baka para bilangin pero kulang
parin ng isa. Wala namang ibang pwedeng puntahan 'yung baka na 'yon dahil bata pa.
Anak nitong baka na galing New Zealand."

Tiningnan niya ang malaking baka.

"Imposible rin namang dalhin ng mga asong lobo kung sakali dahil hindi naman kasya
doon sa may siwang sa likod. Tsk. Saan naman pati 'yon pupunta?"

May punto rin ito. "Ngayon lang po ba nawawala?"

Saglit na napaisip ito bago napahampas sa hangin. "Tsk! Parang kahapon hindi ko na
rin napansin dahil sa nangyare sa limang baka na mga namatay. Tiyak na magagalit si
Señor Alfredo nito. Namatay na nga 'yong limang local breed na baka pati itong anak
ng baka na galing New Zealand nawawala rin. Pambihira!"

Medyo inilibot niya ang tingin sa paligid. Bukod sa main gate ng kulungan ay wala
ng iba pang pwedeng daanan palabas ang mga baka. Isang malaking katanungan ngayon
kung nasaan ang batang baka.

"Maiwan na muna kita dito Ma'am at kailangang malaman nina Ka Abo ang nangyare sa
nawawalang baka."

Tinanguan niya ito. "Sige po. Susunod nalang po ako maya-maya."

Nanatili pa siya roon ng ilang sandali. Hindi naman sa bano siya sa mga with breed
na malalaking baka. Maging siya kasi ay napapaisip rin kung nasaan na ang batang
baka at kung paano namatay at sino ang salarin sa pagkamatay ng mga baka.

Nagpakapuyat sina Sanji at mga tauhan ng Hacienda Marquez sa pagtugis sa kung sino
o ano mang salarin sa nangyare ngunit wala namang kinahinatnan ang paghihintay ng
mga ito.

"Kawawa naman ang mga baka." She sigh. Isang sulyap pa ang ginawa niya sa mga baka
na mga nakatingin din naman sa kanya bago ipinasya ng umalis.

Apat na dipa nalang ang layo niya sa may pinto ng kulungan ng automatic na
napatingin siya sa may itaas. Nahagip kasi ng peripheral vision niya ang gumagalaw
na kung anong bagay. To her shock ay halos manigas ang buong katawan niya sa
kinatatayuan dahilan para mapatigil siya sa paglalakad. Her eyes wide open. Maging
ang bibig niya ay nakabukas na rin sa sobrang gulat.

May malaking-malaking kulay itim na ahas ang nakapulupot ngayon sa kahoy na nasa
taas ng kwadra ng mga baka. Kahit isigaw ng isipan niya na tumakbo na palabas ay
hindi niya magawa dahil 'yung ahas ay nakatunghay sa kanya. Tiyak niya na magkamali
lang siya ng hakbang ay agad siya nitong susunggaban.

Mukhang kanina parin sila nito pinapanood. Ang ilang baka hindi na mapakali. Isang
bagay lang ang mabilis na tumino sa kanyang isipan. Itong malaking ahas na ito ang
may kagagawan sa pagkamatay ng mga alagang baka nina Sanji. Pati siguro ang
nawawalang batang baka ay ito rin ang may kagagawan. Patunay na ang malaki nitong
tiyan.

Napalunok siya. Paano siya ngayon makakaalis doon? Sobrang haba at laki ng ahas.
Must be a python snake. Nag-uumpisa ng manginig ang mga tuhod niya. Walang ibang
tao roon kundi siya lang at natatakot na siya sa ibang posibilidad na mangyare.
Ayaw pa niyang mamatay. Ngunit paano siya hihingi ng tulong? Hindi siya pwedeng
gumalaw o kahit ang sumigaw dahil tiyak na mas magagalit ang ahas dahil mabubulabog
ito. Ang ilang baka na nakapansin na sa ahas ay panay ang unga.

Lord, pinipilit ko naman pong maging mabait sa harap ni Sanji. Kaya sana po 'wag
niyo po akong pababayaan ngayon. Kailangan ko po ang tulong Niyo higit na po sa mga
oras na ito. Please po. Tulungan niyo po ako, piping dasal ni Anria.

Takot na takot na siya ng mga sandaling iyon. Habang lumilipas ang segundo at
minuto ay pinanghihinaan na siya ng loob. Hindi inaalis ng ahas ang tingin sa
kanya. Palabas-labas pa ang dila nito. Nagsisimula na ring mag-init ang bawat sulok
ng kanyang mga mata.

Maraming what ifs ang nagtutumili sa kanyang isipan.

Pipikit sana siya ngunit bigla ang pagdating ni Sanji. Akmang tatawagin nito ang
pangalan niya ng marahan niyang ipilig ang ulo. Nag-umpisa na ring maglandasan sa
kanyang pisngi ang mainit na likido galing sa kanyang mga mata.

"Why?"

Umiling ulit siya ng akmang papasok ito. "Wag," aniya kahit na walang boses ang
lumabas sa bibig niya. Napalunok siya. Sa unang pagkakataon ay mababakas niya ang
natural na pag-aalala sa mukha ni Sanji habang nakatingin sa kanya. Alam niyang
puyat ito ngunit hindi niya alam kung bakit gumising agad ito.

"Why?" Ulit muli ni Sanji.

Dahil nanunuyo na ang lalamunan ni Anria kaya napalunok ulit siya bago marahang
tumingala at medyo inginuso ang malaking ahas sa may itaas kung saan nakapulupot sa
malaking kahoy ang ubod laki ahas. Kita niya ang pamunutla ng mukha ni Sanji ng
makita rin ang ahas. Agad din doong rumihistro ang lalong pag-aalala sa gwapo
nitong mukha ng muli itong tumingin sa kanya. Sumenyas din ito na maghintay lang
siya at 'wag gagalaw. Marahang tumango siya.

"Babalik ako," he whisper bago tumakbo.

Napapikit siya ng mariin. Bilisan mo Sanji. Sana lang 'wag akong gawing
pananghalian ng ahas na ito. Hindi naman ako masarap, eh.

Ng muli niyang sulyapan ang ahas ay medyo gumagalaw na ulit ito. Inilalawit na rin
ang ulo. Lalo siyang nakaramdam ng takot.

Hindi rin naman nagtagal at bumalik agad si Sanji kasama ang mga tauhan pati narin
ang limang armadong kalalakihan, na tauhan ng Ama nito, dala ang ilang heavy
equipment ng mga ito which is mga baril.

Maging ang mga tauhan ay napapanganga ng makita ang ahas.

"Diyos ko," sabi pa ng ilan.

Kahit paano ay nabuhayan siya ng loob. Alam niya hindi siya pababayaan ng mga ito.
Lalo na si Sanji na ni minsan ay hindi inalis ang tingin sa kanya. Full of wories
ang mababakas sa gwapo nitong mukha.

"Babarilin namin 'yung ahas pagkabilang ko. At pagkabilang ko ng tatlo tatakbo ka


papunta rito sa amin saka namin papaputukan ang ahas," command ng isa kay Anria.

Marahang tumango siya. Sana lang makatakbo siya ng maayos dahil nanginginig na ang
mga tuhod niya sa sobrang nerbiyos at takot. She's in the middle of life and death.
Pumwesto na ang mga ito sa may pintuan. Maging si Sanji ay pumwesto na rin para
abutin siya sa pagtakbo niya.

"Relax Anria," bilin pa ni Sanji sa kanya.

Hindi na niya magawang tumugon dito. Sumenyas sa kanya ang isang sniper na bibilang
na kaya inihanda na niya ang katawan sa pagtakbo.

"Isa. Dalawa. Tatlo...."

Ibinuhos ni Anria ang natitirang lakas sa pagtakbo palabas sa kwadra ng mga baka.
Kasabay ng ingay ng mga nagkakagulong baka ay ang sunod-sunod ring alingawngaw ng
putok ng mga baril. 'Yung tipong pati pagtakbo niya ay parang slow motion pa.
Malapit na malapit ng bumigay ang mga nanginginig na tuhod niya. Hindi niya alam
kung aabot pa siya kay Sanji. Pikit ang matang ibinuhos niya ang buong pwersa sa
pagtakbo.

Mabilis naman siyang hinila ni Sanji ng maabot siya nito. Pasalamat siya at bago pa
siya sumubsob sa semento ay nasalo agad siya ni Sanji. Nakulong pa siya sa matipuno
nitong dibdib. Damang-dama rin niya ang mabilis na pintig ng puso nito dala na rin
ng kaba para sa nagbabantang panganib para sa kanya.

Ng masigurado ang siguridad ni Anria ay tuluyan ng naubos ang lakas niya. Napaiyak
na siya ng tuluyan.

"Sshh. Everything is alright now. Your safe," pag-aalo nito sa kanya habang yakap
parin siya ng mahigpit.

"Y-Yung ahas Sanji," nanginginig niyang sabi.

"Sshh."

Ilang palitan pa ng putok ng baril ang narinig ni Anria bago inanunsiyo ng isang
tauhan na patay na ang ahas.

Sa pinaghalo-halong emosyon kaya nagdilim na ang lahat sa kanya.

****~~~~*****

Para akong nanonood ng pelikula sa chap na ito hehehehe.

Comment | Vote | Share | Follow

=================

Chapter 11

Ng muling bumalik ang malay ni Anria ay bigla nalang siyang napabangon ng maalala
ang ahas.

May mga kamay na bigla nalang humawak sa kanyang mga balikat para muli siyang ihiga
sa papag. Si Sanji ang nakita niya pagbaling niya ng kanyang mukha sa kanan niya.

"Everything is alright now. 'Yung python na nakita mo napatay na ng mga tauhan ni


Daddy. Kaya kumalma ka na."
Nayakap niya ang sarili. Hanggang ngayon pinanginginigan parin siya ng katawan
maalala lang ang malaking ahas na iyon.

"'Y-Yung ahas ang pumatay sa mga baka at k-kumain doon sa anak ng baka niyo na
galing New Zealand," nanginginig pa niyang sabi.

Umupo si Sanji sa gilid ng papag at mataman siyang tinitigan. "Yeah. 'Yung ahas
nga. Be thankful hindi ka napahamak. That's too close Anria."

Hindi guni-guni lang ang nakikitang concern ni Anria sa mukha ni Sanji. Nag-alala
talaga ito sa kanya. Muli na naman tuloy nag-iinit ang bawat sulok ng kanyang mga
mata.

"Salamat dumating ka kanina. Hindi ko na talaga alam 'yung gagawin ko. Ang mga paa
ko hindi ko maigalaw sa kinatatayuan ko parang naka-glue na sa semento. T-Tapos
pakiramdam ko kapag isang maling galaw ko lang susunggaban din ako nong ahas."

Sanji sigh. "Bakit ka kasi pumunta pa doon?"

"Pinagagalitan mo ba ako?" aniya kahit na wala naman iyon sa tono ng boses ni


Sanji.

"No. I'm just asking. Ng maalimpungatan ako kanina hindi na rin naman ako nakatulog
kaya bumangon na ako. Sabi ni Inang Rodora lumabas ka nga raw. Then Lino told me na
nawawala 'yung anak ng isang baka na may breed kaya pumunta ako sa kwadra ng mga
baka. Then I saw you there."

Napapikit siya ng mariin ng maalala na naman ang ahas. Sa tuwinay para siyang
binabangungot dahil sa alalahaning iyon. Kahit sino tiyak na matatakot.

Napamulat lang ng mga mata si Anria ng maramdaman ang mainit na palad na dumadampi
sa mukha niya. Sanji wipe her tears away without any hesitation.

"So alin ang mas nakakatakot? Snake or basil?" Tanong pa nito na may nakakalokong
ngiti sa sulok ng mga labi.

Tinabig niya ang kamay nito dahil sa klase ng tanong nito. Umupo narin siya. This
time magkaharap na sila. "Parehas. Kahit na maliit 'yung basil hindi parin mawawala
'yung takot ko doon."

"Sabagay. Kung makatili ka kasi sa basil it's looks like there's no tomorrow. While
doon sa python ni hindi ka makagalaw."

"Nagsalita ang bigla nalang namutla kanina ng makita 'yung ahas," pasaring niya.

"Nabigla lang ako. Unlike you ni hindi nga makagalaw sa kinatatayuan mo."

"Sanji Marquez 'wag mo akong simulan sa kagaganyan mo. Magyayabang ka na naman."

"Masyado ka kasing layas kaya kung ano-anong nangyayare sayo. Ano naman kaya sa
susunod? Siguraduhin mo lang na hindi mo ako idadamay."

"Ang dami mong alam." Bumaba na siya sa papag matapos palisin sa mata ang bakas ng
luha. Kahit paano gumaan naman ang pakiramdam niya. Pero hindi parin maiaalis na
muntikan na siya kanina sa kapahamakan dahil sa ahas na iyon.

"After lunch babalik na tayo sa bahay," ani Sanji na nakasunod sa kanyang paglabas
sa silid.
Tumango siya. "Sige."

Nagpatiuna na si Sanji sa paglabas sa bahay nina Ka Abo. Nakasunod lang siya dito.
As usual mga naglalaro na naman ang mga bata sa damuhan. 'Yung tipong back to
normal na ulit ang lahat dahil naayos na ang problema sa lugar na iyon.

Humarap si Sanji sa kanya kaya napaatras siya ng konti. Napatitig tuloy siya dito.
This guy na sobrang snob sa school. 'Yung lalaking akala niya bukod sa pagiging
perfect outside at pagiging famous sa lahat ng babae ay hindi niya makikitaan ng
emosyon dahil sa pinapakita nitong image sa lahat, a snob type. Pero darating din
pala 'yung time na makikita niya ito na magkaroon ng reaksiyon sa lahat ng bagay.
Na marunong din pala itong mag-alala para sa ibang tao.

"You want budol fight style for lunch? Hey," pukaw nito sa pagkatulala niya.

She blink twice. "B-Budol fight? Ano 'yon?" Wala siyang idea sa sina-suggest nito
para sa tanghalian nila.

Ganoon nalang ang pagsasalubong ng mga kilay nito? "Hindi mo alam?"

Umiling siya. Wala talaga siyang idea sa budol fight na iyon. "Bull fighting lang
ang alam ko."

Napapalatak pa ito. "Kakain sa dahon ng saging kasama ang ibang tao."

"Ah," iyon siguro iyong napapanood niya sa ilang Filipino movies kapag nasa hiking
or picnic. Sound nice. Hindi parin niya iyon nasusubukan kaya sunod-sunod ang
ginawa niyang pagtango. "Sige. Gusto ko 'yong ma-try."

Pagkatango nito ay nagpatuloy narin si Sanji sa paglalakad. Nilapitan nito si Ka


Abo at nag- usap ang mga ito. Siya naman ay nakontento nalang sa panonood sa mga
batang abala sa paglalaro ng luksong tinik.

Masaya talagang maging bata. Kahit ilang beses lang siyang nakasubok maglaro ng
ganoong laro masaya parin siya at naranasan niya ang maging batang Pinoy kahit
papaano.

"Hi, Ate Anria!" Kinawayan pa siya ni Andrea. Nagtatakbo pa ito palapit sa kanya,
ganoon din ang dalawa nitong kalaro. "Nasabi mo po ba kay Señorito Sanji na ang
gwapo niya?"

Nangingiting napailing siya. "Hindi pa. Pasensiya na nakalimutan ko kasi."

"Okay lang po. Mamaya mo nalang po sabihin," hirit pa nito.

Paano ba niya iyon sasabihin kay Sanji? Parang ang awkward masyado? Bahala na.

Tumango siya. "Sige. Mamaya sasabihin ko sa kanya."

Tuwang-tuwa na naglaro na ulit ang mga ito.  Ang babaw talaga ng kaligayahan ng mga
bata. She sigh.

Matapos nilang mananghalian ay bumalik na rin sila sa mansion sakay sa alagang


kabayo ni Sanji.

Nauna itong bumaba sa kabayo para alalayan siya sa pagbaba niya. Iwinaksi rin niya
sa isipan ang anumang nag-uumpisang maglaro sa kanyang isip against sa mga kilos ni
Sanji towards her. Hindi niya alam pero nag-uumpisa ng magbigay ng kahulugan ang
kanyang munting isipan na hindi naman dapat.
"Sanji," tawag niya dito ng mauna itong maglakad. When he turn around, nagtatanong
ang klase ng tinging ipinukol nito sa kanya "Ang gwapo mo–––"

"Tss."

Sinimangutan niya ito. "Pinapasabi nong bata kina Ka Abo. Hindi ako."

"Oo nalang," anito na muling nagpatuloy sa paglalakad.

Atleast tinupad parin niya ang pakiusap ng mga bata. Hindi na masama. Medyo
nagpahuli siya sa pagpasok sa mansion kaya ganoon nalang ang gulat niya ng makita
ang babaing bigla nalang yumakap kay Sanji. Speechless siya sa naabutang eksena.

*****~~~~*******

Dedicated to @AlexKaizer88 annyeong :) just wanna say Thank You for the support
mula sa SKIN until here sa APID <3 :)Maraming thank you po :)

Comment | Vote |Share | Follow

=================

Chapter 12

Mabilis na nakabawi si Anria ng dumistansya si Sanji sa naturang babae.

"What are you doing here? Sa Tuesday pa ang party ni Mommy."

Pa-cute pa ang ngiti ng babae kay Sanji. Hindi nalalayo ang height nito sa kanya.
Maitsura rin bukod sa sobrang puti. Mukha rin itong half half base narin sa singkit
nitong mga mata. Tingin niya ay hindi rin nalalayo ang edad sa kanya.

"Sinabi ni Ninang kay Mommy ang nangyare sa'yo. I was shock ng malaman ko na nag-
stay ka sa ICU. How are you na? Okay ka na ba?"

"Stop being paranoid and OA Ajani. I'm tired kaya kailangan ko ng magpahinga. Hindi
rin kita mai-entertain kaya ikaw na ang bahala sa sarili mo. Suit yourself."

Maang na nasundan ng tingin ni Ajani si Sanji na umakyat na sa hagdanan.

"Sanji! You're so mean! Alam mo bang pinilit ko pa si Mommy para makauwi agad dito
sa Pilipinas para alagaan ka because your parents are not here. Tapos you will
still snob me? After all this years hindi ka parin ba sawa na snob-in ako?"

Huminto si Sanji sa may gitna ng staircase ngunit hindi nilingon si Ajani.

"Just to clear some things to you Ajani that I'm not forcing you to take care of
me. I'm fine at hindi ko kailangan ng isa pang tagapag-alaga ko. You can go back to
Japan if you want," iyon lang at tuluyan ng umakyat si Sanji.

"Isusumbong talaga kita kay Ninang!" Palirit ni Ajani ng iwan ito ni Sanji.

Kahit si Anria ay natameme sa ginawang pang-i-snob ni Sanji sa babae. Poor girl.


Napahinto siya sa paglalakad ng mapabaling sa kanya ang babae. Nawala ang inis sa
mukha nito. She even looked at her from head to toe. Sinusuri siya sabay taas ng
isang kilay. Nase-sense niya na may pagka-maldita ang isang ito.

"And who are you?" Humalukipkip pa ito.

Baka kapag sinabi niya na siya ang taga pag-alaga ni Sanji ay lalo itong magwala.
Tumikhim siya just to clear her troath.

"Alalay," tipid niyang sabi.

Pagak itong napatawa. "Oh, dear. Don't be kidding me. Ikaw alalay?"

Alam naman niya na wala talaga sa itsura niya na mukha siyang alalay lang kaya
hindi na kataka-taka na ganoon ang reaksiyon nito.

"Hindi naman ako nagbibiro."

"Stop it. Walang nabanggit si Ninang na may alalay na babae si Sanji. So please
stop being rediculous. I'm not buying it. At isa pa alergy yata sa babae si Sanji."

"Bahala ka kung ayaw mong maniwala." Nilampasan na rin niya ito dahil gusto na
niyang magpahinga muna. Para kasing napakahaba ng araw na iyon para sa kanya dahil
sa dami ng nangyare.

Mabilis na hinila ni Ajani ang braso niya para hindi agad siya makalayo. "Ayoko
talagang maniwala. Ako na kinakapatid niya ni hindi nga niya pinapansin kahit
ano'ng pagpapapansin ang ginagawa ko. Ikaw pa kaya? Na sobrang plain?"

"Hindi naman ako forever alalay ni Sanji kaya 'wag kang mag-alala Miss Ajani.
Hanggang next week lang ako dito." Malapit na siyang mainis dito kahit na inaanak
pa ito ng magulang ni Sanji. Binawi niya mula dito ang brasong mahigpit nitong
hawak.

"Tsk. Sa totoo lang ayokong nakikita ka dito. Kaya pwede umalis ka nalang dito?
Magkano ba ang ibinayad sayo nina Sanji? Tri-triplihin ko umalis ka lang. Name your
price."

She took a deep breath. Kahit paano ay pinigilan parin niya ang sarili na sabungin
ito. "You can keep your money because I don't need it. Priceless ang pagiging
alalay ko kay Sanji. At kung gusto mo talaga na umalis ako dito then wait until
next week."

Napamaang na naman ito ng iwanan niya. Naiinis na kasi siya sa kamalditahan nito
kaya mas pinili nalang niya na umalis na sa harap nito.

"Oh, I hate you!"

I hate you too, sagot niya sa isip habang paakyat ng hagdanan. Sasakit pa yata ang
ulo niya dahil sa pag-eksena ng naturang babae sa Hacienda Marquez.

Pagpasok niya sa ginagamit na silid ay nagulat pa siya ng makita ang maleta na nasa
may paanan ng kama. Mukhang kay Ajani iyon. Nahilot tuloy niya ang kanyang sentido.
Pati ulo niya sumasakit.

"This will be my room while I'm here. So you can move all your things now."

Nalingunan niya si Ajani na nakahalukipkip parin.

"Bakit dito pa sa ginagamit kong silid?" Hindi niya napigilang itanong.


Ajani rolled her eyes then itinuro ang silid ni Sanji. "Isn't obvious? Para
magkatapat ang room namin."

Fine, aniya sa isip bago walang imik na inayos ang mga gamit niya sa kanyang bag.
Habang si Ajani naman ay nakamasid lang sa kanyang ginagawa. Ang bratz masyado.
Kung hindi kasi siya aalis kahit sa silid na iyon ay baka isipin nito na interesado
rin siya kay Sanji.

Ng matapos sa pag-iimpake ay halos lakihan pa ni Ajani ang pagkakabukas sa pintuan


para sa kanyang paglabas. Excited pa sa pag-alis ko sa silid na 'to.

"Madali ka rin naman palang kausap. Everytime kasi na on vacation kami dito sa
Pinas I always use this room kaya hanggat narito ako this room is mine."

Sandali niyang pinagmasdan si Ajani. "'Wag kang mag-alala iyong-iyo na lahat. Hindi
naman kita aagawan," nginitian pa niya ito.

Paglabas niya sa guess room ay siya namang bukas ng pintuan ng silid ni Sanji.
Parehas silang napatingin doon ni Ajani. Si Sanji naman nagtaka pa dahil dala niya
ang bag niya.

"Where are you going?"

"Aalis na sa–––"

"And who told you na pwede ka ng umuwi? Hindi pa tapos ang semestral break at hindi
pa tapos ang duty mo sa'kin."

Akala siguro nito ay aalis na siya. Kung bakit kasi hindi muna siya patapusin sa
pagsasalita. Sarap pingutin ng pisngi.

"Alam ko naman 'yon...."

"Alam mo naman pala," sarkastikong sabi ni Sanji.

"Patapusin mo kasi muna ako sa pagsasalita hindi 'yong sisingit ka agad," ganting
sabi niya.

Si Ajani na na-a-out of place na ay nakisabad narin.

"I ask her to move out her things because I'll use this room."

"What?" Nabaling tuloy kay Ajani ang init ng ulo ni Sanji. "I let her use this room
para malapit sa room ko. So when I need her madali ko lang siyang matatawag. Tapos
gagamitin mo? May iba pang guess room. Why didn't you use it?"

Hindi nagpaapekto si Ajani kay Sanji. "Same reason gusto ko ring malapit sa room
mo," ngumiti pa ito. "Alalay mo pala siya," pinagdiinan pa nito ang salitang
alalay. "Pwede mo na siyang pauwiin sa kanila. I can do her duty naman at kaya
kitang alagaan for free."

"Kichigai," inis na bulong ni Sanji bago kinuha kay Anria ang hawak na bag at
itinuon ang atensiyon sa kanya. "You will use my room," anito bago walang sabi-sabi
pang hinila siya papasok sa loob ng silid nito.

Kung napanganga siya mas lalo naman si Ajani na daig pa ang binuhusan ng malamig na
tubig sa kinatatayuan.
Pagkasara ni Sanji ng pinto ay hindi pa ito nakontento at ini-lock pa nito iyon.

"Teka lang. Pwede naman ako sa ibang room," inagaw niya dito ang kanyang bag at
umatras palapit sa may pintuan. "H-Hindi ako pwede dito."

"Sakit na nga sa ulo ko si Ajani tapos gusto mo pang dumagdag?"

Hindi agad siya nakapagsalita. "Ang sa akin lang naman pwede naman ako sa ibang
guess room niyo," aniya ng makabawi. Paano nalang pag-uwi ng mga magulang nito sa
isang araw? Paniguradong magagalit ang mga iyon kapag nalamang doon siya sa silid
nito natutulog.

"Wala ako sa mood makipagtalo ngayon dahil pakiramdam ko pagod na pagod ako kaya
please lang Anria 'wag ka ng dumagdag pa. Aware ka naman siguro sa mga nangyare
dito sa hacienda."

Pinili nalang niya'ng magbaba ng tingin. What now? Saan siya mag-stay? Ayaw lang
talaga niya sa idea na magkasama sila sa iisang silid ni Sanji. Ayaw niyang ma-
tsismis. Saan naman pati siya tutulog doon kung sakali?

"You'll stay here and that's final. Baka mamaya pasukin nalang ako dito ni Ajani.
She's too obsess pagdating sa'kin."

"Sarili mo lang ang inaalala mo. Paano naman ako?"

"Hindi mo naman siguro ako gagawan ng masama?"

Aba at siya pa nga ang pag-iisipan nito ng ganoon. "Excuse me! Hindi ako ganoon.
Baka nga ikaw pa diyan," nakairap niyang sabi. "Kapalaran talaga."

"Don't worry dahil kahit dulo ng daliri mo hindi ko pag-iinteresan."

Napamaang siya sa sinabi nito. Gusto sana niya itong batuhin ng hawak na bag dangan
nga lamang at mabigat. "Yabang talaga," inis niyang bulong. "As if I care?" pairap
nalang niyang sabi.

Hindi na siya nito pinansin at nilapitan na nito ang kulay puting sofa bed malapit
sa may grand piano at inayos para maging kama. Pumunta rin ito sa may CR para
kumuha ng spare na unan at comforter. Matapos sa ginagawa ay muli itong lumapit sa
kanya at kinuha ang kanyang bag. Dahil medyo lutang ang isip ng muli itong lumapit
sa kanya kaya hindi niya napigilan si Sanji sa pagkuha sa kanyang bag. Napakurap
lang siya ng hilahin siya nito palapit sa may sofa bed.

"Sanji ayokong pag-isipan ng masama ng mga tao dahil dito mo pa ako patutuluyin sa
mismong silid mo," kontra niya ng makabawi.

Pinagmasdan siya nito matapos ilapag sa tabi ng kama ang kanyang bag. "Alam mo
naman kung ano'ng totoo. No buts Anria," mabilis nitong sabi ng akmang magsasalita
siya. "I'm tired and I want some rest. Magpahinga ka na rin." Naglakad na ito
paakyat sa may mizzanine para matulog.

Napabuntong hininga si Anria ng maiwan doong mag-isa. So ngayon wala siyang choice
kun'di ang manatili sa iisang silid kasama si Sanji Marquez?

"Wala 'to sa plano, eh," aniya bago naupo sa gilid ng kama. Dahil nalambutan kaya
tuluyan na rin siyang nahiga. Maging siya man ay parang pagod na pagod din ang
katawan dahil sa dami ng nangyare. Tapos dumagdag pa ang makulit na si Ajani.

****~~~~*****
Dedicated to Ajani Yuki Hong :)Here is it nakatsansing kana kay Sanji...... Patawad
sa eksena hahahaha.

PS: Until now I still didn't know kung saan ko ba talaga ipapasa ang first story ko
na She's Kidding I'm Not. Maging ako ay naguguluhan din........ Dahil mahal ko ang
PHR, doon ko muna i-try ipasa :)Wish me luck po :)

Comment | Vote | Share | Follow

=================

Chapter 13

Hanggang sa mga sandaling iyon ay talagang pinanindigan ni Sanji ang pag-iwas sa


kinakapatid nito. Hinahayaan lang iyon ni Anria. Medyo naaawa na nga rin siya kay
Ajani dahil nagmumukha itong ewan kapag hindi pinapansin ni Sanji.

Sa bagay naman na iyon ay wala na siyang magagawa pa. Desisyon naman ni Sanji ang
mang-snob.

"Grrrr. I can't stand this anymore!"

Gigil pang sabi ni Ajani bago nag-walk out papunta sa may lanai kung saan prente
siyang nakaupo at tulala sa kawalan. Nakatambay kasi doon si Sanji kanina ng
kulitin naman ni Ajani. Sa inis ni Sanji kaya umalis ito na sinundan naman ni
Ajani. And now her she is sambakol ang mukha ng bumalik sa lanai.

"Buti pa ang mga tauhan dito sa hacienda pinapansin niya. Pero ako mukhang may
virus kung layuan niya." Pabagsak na naupo si Ajani sa tapat niya.

Tinapunan niya ito ng tingin. "'Wag kang mag-alala dahil halos lahat sa school
hindi rin niya pinapansin. Kaya hindi ka nag-iisa."

"Oh, shut up! Isa ka pang nakakinis, eh. Palagi kayong magkasama ni Sanji. And you
even sleep on his room. Fuck this life. Wala naman sigurong nangyare sa inyong
dalawa?"

Umiling siya. "Malabo 'yang iniisip mo."

Nakahinga naman ito ng maluwag sa sinabi niya. "Good. Bumalik ka na sa guess room
na ginagamit ko dahil mas lalong hindi ko ma-take kung sa room ka ni Sanji nag-
stay. Pack your things and go back to that room," utos nito. "Akala ko masosolo ko
na siya dito hindi rin pala. Bwisit," anas nito na hindi nakaligtas sa pandinig ni
Anria. "What are you waiting for? Go!" Iritado nitong sabi ng muli siyang tingnan.

Kung makapag-utos naman 'to. Tsk. Isa pang kapalaran ang pagmumukha. Kasing kapal
ng cream na ipinahid niya sa mukha niya.

Kinalma muna niya ang sarili bago tumayo at walang imik na umalis. Sinadya pa
niyang bagalan lang ang paglalakad papunta sa may grand staircase.

Ng makarating naman sa silid ni Sanji ay walang kakatok-katok ng buksan niya ang


pinto. Pag-bukas niya sa pinto ay sumalubong sa kanya ang isang malamyos na musika
na nagmumula sa grand piano. Ng ilusot niya roon ang ulo ay nakita niya si Sanji na
nakaupo sa harap ng grand piano at seryosong tumitipa roon. 'Yung tipong walang
sinuman na nakikita ito sa paligid at tanging ito lamang ang tao sa mundo ng mga
sandaling iyon. He played very well.

Maingat na pumasok siya sa loob at tahimik na pinanood si Sanji buhat sa may


pintuan. 'Close To You' ang title ng tinutugtog nito. Mahilig rin siyang tumugtog
ng piano noong nasa London pa siya. Wala lang niyon sa bahay ng kanyang Lolo at
Lola.

Pumalakpak pa siya ng matapos si Sanji sa pagtugtog ng piano. Napalingon tuloy ito.

"Kanina ka pa?"

Tango lang ang isinagot niya bago lumapit sa dereksiyon nito. Umupo siya sa gilid
ng sofa bed na nakalatag parin malapit sa may piano.

"Babalik na ako sa guess room," aniya dito.

"Guess room?"

"Pinababalik na ako ni Ajani dahil hindi raw niya ma-take na dito ako natutulog sa
kwarto mo," aniya na kinuha na ang bag.

Sumandal ito sa inuupuan nito at pinagmasdan ang hawak niyang bag. "Okay."

Akala naman niya pipigilan siya nito. Asa ka naman Anria! Kontra ng isang bahagi sa
kanyang isipan.

"'Yung gamot mo nga pala iinumin mo pa," paalala niya dito.

"I already stop taking med," tumayo na ito at pumwesto naman sa may harap ng glass
wall at tinanaw ang kalawakan ng hacienda.

"Pero maintenance mo 'yon para sa spinal cord mo diba?"

"I'm okay. It's been two weeks since mangyare 'to sa'kin and I felt fine now. Later
this afternoon darating na sina Mom and Dad."

Nakagat niya ang ibabang labi. What now? Makakaharap na niya ang parents nito.
Naalala na naman niya ang sinabi noon ni Andrei tungkol sa Ina ni Sanji. Siguradong
galit ito sa kanya dahil sa nangyare sa unico hijo nito. Nag-angat siya ng tingin.
Nakatalikod parin sa kanya si Sanji.

She cleared her troath first before tried to say something. "Si Andrei pauwi na rin
galing Japan diba?"

He didn't talk. Then after a while he slowly turn around to faced her. "Ang dami
mong pwedeng sabihin si Andrei pa ang naisipan mo?"

Nagtatanong lang naman siya. Lahat nalang minasama nito. "Nagtatanong lang naman
ako."

'Yung klase ng tinging ipinukol nito sa kanya parang sinasabi nitong 'I don't buy
that crap'.

"You like him?"

Bahagya tuloy ang pag-awang ng mga labi niya. Like agad? "Joke ba 'yan Señorito
Sanji?" Maasim ang mukha na tumayo na siya dala ang bag. "Kung bibigyan mo ng
maling kahulugan ang sinabi ko ikaw na ang bahala. Itong sofa bed mo ikaw na ang
mag-ayos," aniya na walang lingon likod na iniwan na ito.

"Ikaw 'yung gumamit kaya ikaw ang mag-ayos niyan."

Ng lingunin niya si Sanji ay kalalabas lang nito papunta sa may veranda. Mukhang
hindi talaga nito aayusin ang tinulugan niya. Kaya minabuti nalang niya na ilapag
muna sa isang tabi ang kanyang bag para ayusin ang hinigaan. Wala naman iyong kaso
sa kanya.

Tinanggalan niya ng punda ang dalawang unan. Lalabhan muna niya iyon bago ibalik sa
tabihan. Ganoon din ang comforter kahit na isang gabi lang niyang ginamit. Matapos
ibalik sa ayos ang sofa bed ay nahagip pa ng paningin niya si Sanji na nakatingin
sa kanya buhat sa labas. Nakatikim tuloy ito ng irap sa kanya. Hindi niya napigilan
dahil naiinis siya dito.

Bitbit ang punda at comforter na lumabas na siya ng silid nito. Mamaya nalang niya
kukunin ang bag niya pagkatapos labhan ang mga ginamit sa pagtulog.

KAHIT AYAW NI Anria na samahan si Sanji sa pagsalubong sa pagdating ng mga magulang


nito ay wala naman siyang nagawa. They are waiting them at the living room. Malapit
na raw kasi ang mga iyon. Eksaktong dinner ang dating. Naroon din si Ajani na
prenteng nakaupo sa tapat nila ni Sanji. Kanina pa masama ang tingin nito sa kanya.
Habang si Sanji naman ay busy sa paglalaro ng Plants vs. Zombies sa cellphone nito
kaya kahit ano pang pa-cute ang gawin ni Ajani ay hindi naman ito pinagtutuunan ng
pansin.

"Hindi ka parin ba nagsasawa sa games na 'yan?" Tanong niya dito. "Paulit-ulit."

"Mind your own business."

Nginisian pa siya ni Ajani. "Feeler," she whisper.

Mabuti nalang at kaya niyang palampasin ang sinabi nito.

Ng makarinig ng busina ng sasakyan ay nauna pang tumayo si Ajani at pumunta sa


labas. Senyales na dumating na ang mga magulang ni Sanji. Tinigil narin ni Sanji
ang paglalaro at basta nalang inilapag sa tabi nito ang cellhone. Tumayo na rin
ito.

"Sumunod kana," utos nito sa kanya.

"Pwedeng dito nalang ako?" Kinakabahan siya kanina pa at naroon iyong point na
parang hindi niya kayang humarap sa mga magulang nito.

"Hindi pwede," anito na hinawakan siya sa kamay at hinila palabas ng mansion.

This is it. 'Wag sana akong ipahila sa kabayo ni Mrs. Marquez.

She even do a sign of the cross bago tuluyang lumabas sa may entrada ng mansion.
Napalunok pa siya ng makita ang pigura ng isang napaka-sopistikadang babae na
kababa lang ng isang luxury car. Sigurado siyang ito ang Ina ni Sanji dahil palagi
niyang nakikita ang napakaganda nitong portrait na naka-display sa taas ng fire
place. Napakaganda nito sa personal. Kahit siya ay hindi aakalain na ito ang Ina ni
Sanji dahil mas mukhang ate lang ito. She's a pure blooded Japanese. Ang asawa
naman nito ay isang half spanish. Kaya si Sanji tatlong dugo ang nananalaytay dito.

Si Ajani ang unang sumalubong kay Mrs. Hinari Marquez. Siya naman ay bahagyang
nagtago sa likuran ni Sanji.
"Hiding like a cat ,huh," pansin pa ni Sanji sa pagtatago niya sa may likuran nito.

"Ang totoo niyan natatakot akong harapin ang magulang mo dahil sa nangyare sa'yo,"
pag-amin niya.

"Ang baby ko," anang Ginang na mabilis na nilapitan si Sanji at niyakap ng


mahigpit.

Si Mr. Alfredo Marquez naman ay kababa lang ng sasakyan. Looking so gorgeous at the
age of fifty.

Tahimik lang siya sa kinatatayuan habang nakamasid sa mga ito. Until Mrs. Hinari
noticed her existense. Agad na kumalas ito kay Sanji para harapin siya.

"You must be that girl?" Bahagya pang naningkit ang mga mata nito habang nakatingin
sa kanya. Si Sanji naman ay pinanonood lang sila.

"Yes, Ninang, she's the one na may kasalanan sa nangyare kay Sanji and I hate her,"
ani Ajani na nakataas kilay.

Para siyang itinulos sa kinatatayuan ng umangat ang kamay nito at umakmang


sasampalin siya.

"Mom!" Mabilis siyang nahila ni Sanji palayo sa ina nito. "That's enough!"

Naiiling namang hinapit ni Mr. Alfredo ang asawa. "Hon, napag-usapan na natin ang
tungkol sa bagay na ito," paalala pa nito sa asawa nito.

"I just can't imagine na mapapahamak ang anak natin because of her carelessness."

"Tinatakot mo naman ang bata, Hon. I'm sure binabantayan naman niyang mabuti si
Sanji while we're not here kaya let's forget what happened. Ang mahalaga ngayon ay
maayos na si Sanji."

Napaka-kalmadong magsalita ng Ama ni Sanji kahit na mukha itong nakakailang


kausapin o lapitan. Hindi na siya magtataka pa kung bakit ganoon nalang kagwapo si
Sanji. May pinagmanahan lang talaga.

"And I'm also sure na until now hindi ka parin hija nakakabawi sa nangyare two days
ago sa farm?" Tukoy ni Mr. Alfredo sa nangyare sa farm.

"M-Medyo po."

"Let's get inside. Kanina pa ako nagugutom," hinimas pa ng Ama ni Sanji ang tiyan
bago iginiya ang asawa papasok sa loob ng mansion.

She look down ng tapunan siya ng tingin ni Mrs. Hinari. Kasunod ng mga ito si
Ajani. Para itong nakakita ng kakampi sa katauhan ng Ninang nito.

"Tara na sa loob," untag ni Sanji sa kanya. "Don't mind my Mom," sabi pa nito.

Halata namang hindi siya gusto ng Ina nito dahil sa nangyare dito. Kung pwede nga
lang ibalik ang nakaraan ay noon pa niya ginawa ng sa ganoon ay wala siya sa
ganoong sitwasyon. Pakiramdam din niya na ang sikip lalo ng mundong ginagalawan
niya.

****~~~~*****Dedicated to Khlaryzel Charitable :)Salamat po sa patuloy na pag-read


ng APID :) ....love lots <3 <3
PS: Gusto ko lang pong malaman ninyo na naka-post na rin sa booklat ang She's
Kidding I'm Not. Humihingi po ako ng tulong sa inyo na masuportahan niyo po. Also
help me guys to spread that story para tuluyan ng ma-publish. I just need Reads,
Votes and Comments. Halos same lang po sila ng wattpad. Jonquil po ang UN ko doon.
Maybe sa LIB na po ma-publish ang SKIN dahil karamihan ay from booklat ang pina-
publish ng LIB lalo na kung magustuhan nila ang isang story.

Here's the link:

http://www.booklat.com.ph/story/8527

Hihintayin ko po kayo sa booklat :)www.booklat.com.phMaraming salamat po.

=================

Chapter 14

"Napapansin ko na iwas ka kay Mommy simula ng umuwi sila dito ni Daddy." Kinuha ni
Sanji ang nakasabit na gitara sa wall at pinasunod si Anria sa may veranda.

Wala paring imik na naupo si Anria sa duyan na tinulugan noon. Si Sanji naman ay
prenteng naupo sa may pasemano at nag-umpisang tumipa sa gitara.

"Care to say something?"

Umiiwas lang naman siya sa gulo. Baka kasi mamaya ay awayin nalang siya ng ina nito
na palaging kasama si Ajani. Ayaw lang niya na mapagtulungan ng mga ito.

"Kung ano-ano ang napapansin mo," sabi nalang niya.

After a while ay sa pag-gi-gitara na nag-focus si Sanji. Pamilyar sa kanya ang


tinutugtog nito.

"Tomorrow na 'yung party ni Mommy. Do you have a dress?" Maya-maya ay tanong ni


Sanji habang sige parin sa pagtipa sa cord ng gitara nito.

Umiling siya. "Wala. Hindi naman ako makikihalubilo sa inyo bukas. Doon nalang ako
sa kwarto."

Sanji stop playing his guetar then looked at her. "No. You joined us tomorrow."

Hibang na ba ito? Eh, sa ayaw nga niya at isa pa wala naman siyang hilig sa mga
party. Madalas nga lang siya sa isang tabi noon at never nakipag-plastic-an sa mga
tao kapag isinasama siya ng pamilya niya.

"Wala akong hilig sa party. Saka hindi naman ako kawalan d'on, eh."

"What ever. Matulog ka na at maaga pa tayo bukas." Bumaba na si Sanji sa pasamano


at pumasok na sa loob.

She sighed while rolling her eyes. Hindi pa nga nag-iinit ang puwetan niya sa duyan
papaalisin naman agad siya ni Sanji. Ewan ba niya pero 'yung ini-expect niya noon
na tipong aalilain siya ni Sanji at uutos-utusan hindi naman nangyayare. Kaya nga
siya alalay nito. Pero palagi lang siyang nakabuntot dito kahit na ayaw nito para
samahan ito. In other word she's just a companion never be an alalay. Kung pakainin
din siya wagas na akala mo ay isa siyang patabaing baboy.
Kinabukasan kahit gusto ni Anria na tulungan ang mga kasambahay sa pag-aayos sa
mansion para sa birthday party ng ina ni Sanji ay hindi naman siya pinayagan ni
Sanji. Kaya na raw iyon ng mga kawaksi pati narin ang mga inupahang tauhan ng ina
nito.

Si Ajani busy naman sa pagpapaganda nito kaya kung ano-ano ang nakalagay sa buhok
at mukha ng makita niya na pababa ng hagdanan. Kadarating lang din ng mga magulang
nito mula sa Japan.

"Mamaya na ang party pero mukhang hindi ka prepare. Oh my," exage nitong sabi na
may paghawak pa sa bibig. "Don't tell me stock ka sa room mamaya? Well, that's
better. Chao!"

Hindi naman iyon big deal sa kanya. Bumalik nalang siya sa kanyang silid. Si Sanji
naman ay wala sa mansion dahil isinama ito ng ama nito sa taniman ng mga ubas.

Nakatulog si Anria kaya ng magising kinahapunan ay nagulat pa siya ng makita ang


isang black na dress. May kasama pang make-up kit na nakapatong din sa kama. Ng
mapansin ang sticky notes na nakadikit sa may kahon ng sapatos ay kinuha niya iyon
at binasa.

Don't miss my party, hija.

Mula iyon sa ina ni Sanji. Para tuloy hinaplos ang puso niya sa kaalamang dito
galing ang mga iyon. In just a second nabura ang tingin niya dito na masungit ito.
Napangiti siya. Nakakahiya naman kung hindi siya pupunta gayong nag-effort itong
bigyan siya ng maisusuot.

Napatingin siya sa may pinto ng bumukas iyon. Hindi man lang nag-abala si Sanji na
kumatok.

"Bakit?"

Pumasok muna ito bago nagsalita. "Just checking kung nandito na 'yong sinasabi ni
Mommy na gagamitin mo mamaya."

Itinuro niya dito ang mga padala ng ina nito. "Pasabi sa Mommy mo thank you."

"Do it with yourself. Seven this evening ang start ng party ni Mommy so you must be
ready by that time."

"Okay."

Akala niya ay aalis na ito ngunit naupo pa ito sa gilid ng kama niya.

"Hindi ka pa ba lalabas?" Taka niyang tanong.

"Remember when I told you back then about the favor thing?" Imbis ay tanong nito sa
kanya.

Sandali niyang binalikan ang sinasabi nito. Marahan siyang tumango ng maalala ang
sinabi nito. Paano ba niyang hindi maaalala? Eh, iyon 'yung time na nahampas niya
ito ng libro sa braso nito na injured pala.

"Sinabihan mo pa ako ng playing hard to get. So, paanong hindi ko iyon


malilimutan?"

Hindi man lang ito nagpaapekto sa masama niyang tingin. Ni hindi nga nito pinansin
ang sinabi niya. "This is the favor I've been asking you before."

"H-Huh?" Medyo naguguluhan siya. Ano namang connect niya sa okasyon na iyon?

"Mamaya kung nasaan ako dapat naroon ka rin," tumayo na ito. "Prepared yourself."

"Ang labo talaga ng taong iyon," litanya niya ng iwanan na siya nito sa silid.
Hindi man lang nag-abala na sabihin kung ano ba 'yung tungkol sa sinasabi nitong
pabor. Naiwan tuloy siyang naguguluhan.

Bumaba nalang siya ng kama para magbabad na sa banyo.

IT'S BEEN a year now since nasilayan ni Anria ang babaing nakikita niya ngayon sa
harap ng salamin. Kahit simple lang ang make-up na inilapat niya sa kanyang mukha
ay hindi parin niyon maitatago ang ganda niya. Actually she hate seeing the face of
this girl dahil ito ang Anria na lumaki na may gintong kutsara sa bibig. Ang
babaing pilit niyang itinatago sa kanyang katauhan.

Ng matapos ayusan ang sarili ay tumayo na rin siya mula sa pagkakaupo sa may harap
ng salamin. Pinagmasdan niya ang suot na dress na kasyang-kasya sa kanya. Umabot
ang haba niyon hanggang sa may tuhod niya. Maging ang kulay itim na high heeled
shoes ay tama lang para sa paa niya.

She heared some knocks on the door kaya napatingin siya sa wall clock na naroon.
Past seven na. It must be Sanji. Huminga muna siya ng malalim bago ipinasyang
lumapit sa may pintuan. Binuksan niya ng bahagya ang pintuan at sumilip doon.
Nakita niya si Sanji ngunit nakatalikod ito wearing his black tuxido.

Niluwagan niya ang bukas ng pinto. Saka lang humarap si Sanji sa kanya. Ayaw niyang
maging assuming pero 'yung itsura kasi nito daig pa ang naengkanto ng makita ang
kabuuan niya. Kahit naman siya ay medyo natulala rin dito dahil mukha ito ngayong
prince charming. As in for real.

Ng makabawi si Sanji ay mabilis itong tumikhim. "Tara na?"

"Okay," tipid niyang sagot. Hahakbang na sana siya ng bigla namang ilahad ni Sanji
ang kamay sa harap niya. Napatitig tuloy siya doon. Ang awkward kung hahawak pa
siya dito kaya medyo tinabig niya ang kamay nito. "Hindi na kailangan. Kaya ko
namang maglakad."

"Ang taas ng suot mong heels baka mamaya gumulong ka pa pagbaba ng hagdan," anito
na kinuha ang kamay niya at inilagay sa braso nito bago siya iginiya papunta sa may
hagdanan.

Kahit higitin niya ang kamay ay hindi naman nito hinayaang mabawi niya. "Kaya kong
maglakad na hindi gumugulong sa hagdan niyo," mariin niyang sabi.

"Just shut up Anria."

"Ikaw ang mag-tigil. Akin na ang kamay ko."

Ngunit hindi na siya nito pinansin pa. And one of the most worst thing na nangyare
sa kanya ay ng pagtinginan sila ng mga tao pagbaba nila sa grand staircase. May
ilang photographer na walang tigil sa pagkuha sa kanilang larawan. Napapayuko tuloy
siya.

"N-No way," kanda utal na bulalas ni Ajani ng makita silang dalawa ni Sanji lalo na
siya na agaw atensiyon din sa eleganteng kasuotan.
"What a cute couple."

Hindi kalayuan naman ay napapangiti pa ang mag-asawang Hinari at Alfredo Marquez


habang nakatanaw sa kanila.

"I didn't know na may nobya na ang anak n'yo," sabi pa ng isang amiga ni Señora
Hinari.

Ngumiti lang ang ina ni Sanji.

Kunti nalang matutunaw na si Anria sa atensiyong nakukuha. Kaliwa't kanan ang


bulungan tungkol sa kanya.

"Relax. Hindi ka naman kakainin ng mga tao," bulong pa ni Sanji sa kanya.

Sasagutin sana niya ito ngunit siya namang lapit ni Ajani sa kanila para lang
punahin siya.

"Oh, well, nagmukha kang tao ngayon. Effort much, huh?" Hindi nito hinintay na
magsalita si Anria at mabilis na binalingan si Sanji. "Ang gwapo mo talaga kahit
kailan."

"Matagal ko ng alam," malamig na tugon ni Sanji bago siya hinila papunta sa


dereksiyon ng mga magulang nito.

Again and again lalong hindi maipinta ang todo effort sa pagpapagandang si Ajani.
Masama mang maituturing ng Diyos ngunit hindi niya napigilang pagtawanan ito sa
kanyang isip.

"Happy birthday, Mom," ani Sanji sa Ina nito then hug and kissed her on her chick.

"Thank you, baby."

"Happy birthday po Señora Hinari," bati rin niya sa Ginang. Parang gusto na niyang
magtatakbo pabalik sa kanyang silid ng balingan siya nito.

"Thank you, hija. You look great tonight."

"S-Salamat po dito sa dress," nahihiya niyang sabi kaya medyo nagbaba pa siya ng
tingin. Magaan ang approach nito sa kanya kaya kahit paano ay naging at easy siya
sa paligid.

The party start with a birthday song for Señora Hinari na mag-bo-blow ng candle sa
napakalaking cake nito.

"Stay where I am at 'wag kang aalis."

Napatingin siya kay Sanji. "Ayokong mag-tagal dito."

"No buts."

Kaya naman kahit saan pumunta si Sanji ay kasama siya nito. Pati sa pagkain sila
rin ang magkasama kaya walang sinumang babae ang nakalapit dito kahit na ang daming
nangangating lapitan ito. Now she know kung bakit hindi siya nito pinapaalis sa
tabi nito. Ginawa lang naman siyang pananggalang sa mga babae.

"Kung ayaw mong lapitan ng mga babae dito sa party, eh, di sana tinawag mo 'yung
mga tauhan niyo at pinalibot mo sa paligid mo."
"You know I hate attention," anito na nagpatuloy lang sa pagkain.

"Paano naman ako?"

"Swerte ka na nga ng lagay na iyan pero ang dami mo pa ring reklamo."

Ang sarap talaga nitong tuktukan sa ulo. "Igagaya mo pa ako sa mga baliw sayo? 'Wag
mo akong ibilang sa kanila."

Tinusok nito ng tinidor ang hiniwang karne ng beef stake at walang sabi-sabing
isinubo sa nakaawang niyang bibig.

"Don't start," anito sa kanya. Ang cool masyado.

She's able to say something again ng siya namang upo ni Andrei sa katapat nilang
bangko ni Sanji. Ngiting-ngiti pa ito habang nakatingin sa kanila.

"Ang sweet niyo naman at talagang nagsusubuan pa."

Mabilis na nginuya niya ang karne. Pagkakain ay mabilis ding siyang uminom ng
tubig.

"Hindi kagaya ng iniisip mo Andrei Samaniego."

"Whoa. Deffensive agad?"

"Bakit ngayon ka lang pumunta rito?" Sita pa dito ni Sanji matapos uminom ng juice.

"Natulog ako maghapon sa bahay kaya walang chance na puntahan ka dito. Well, as I
can see Sanji that you're perfectly fine now." Nginitian naman siya ni Andrei ng
balingan siya. "So, kamusta ka naman dito so far?"

"She's fine," sagot ni Sanji.

"I'm not talking to you, bro," ani Andrei na nginisian pa si Sanji. Mukhang iniinis
nito ang kaibigan as if naman may mapapala ito.

"Okay naman ako dito. Five days nalang naman pati at back to normal na ulit ang
buhay ko."

"As if you're saying na abnormal ngayon ang buhay mo?" May halong inis na sabi ni
Sanji sa kanya.

"Wala akong sinabi," mariin niyang bulong dito.

"Same lang 'yon," giit nito.

"Ah, ewan ko sayo. Tutal naman nandito na ang kaibigan mo kaya maiwan ko muna
kayo." Tumayo na siya at walang planong magpapigil kay Sanji.

"Anria pinadala ko na sa room mo iyo  a  cdng pasalubong ko sayo," habol pa ni


Andrei.

"Nag-abala ka pa?" Pagsusungit ni Sanji sa kaibigan.

"Salamat," aniya bago lumayo sa dalawa.

Pumunta siya sa buffet table at nag-slice ng cake. Matapos ilagay sa platito ay


pumunta naman siya sa may gazibo sa likod bahay para kainin iyon doon. At least sa
lugar na iyon ay walang iistorbo sa kanya.

Malapit na siyang matapos sa kinakaing cake ng siya namang lapit ni Ajani sa kanya.
Looking so elegant. Naka-cross arm pa ito.

"Buti naman at nilubayan mo rin si Sanji," anito na punwesto sa harapan niya.

Akala naman niya magiging peaceful kahit na sandali ang paligid niya. She was wrong
thinking about it dahil may panggulo pang dumating at sumira sa katahimikan ng
paligid.

"Bakit narito ka? Wala dito si Sanji."

She smirk. "Because I want to make sure na hindi ka na babalik sa birthday party ni
Ninang." Walang sabi-sabing kinuha nito ang platito sa kanya at idinikit sa harap
ng dress niya. A wide smile flash on her lips. "Great. Go to your room and take a
rest. Goodnight!" Pagkapatong nito ng platito sa kanyang tabi ay umalis na rin ito
na may ngiting tagumpay sa mga labi.

Nayukom niya ang mga palad sa ginawa ni Ajani. Minsan ang sarap talaga nitong
ipahila sa mga kabayo. Ng tingnan niya ang suot na dress ay nakakapit na doon ang
puting icing na kitang-kita dahil kulay itim ang suot niya.

She sigh. Hindi siya naaawa sa sinapit instead she felt sorry for Ajani dahil
gagawin nito ang lahat para kay Sanji.

Nag-stay muna siya roon ng ilan pang sandali bago ipinasyang bumalik na sa mansion.
Sa back door sa may kusina siya dumaan. Nagtaka pa ang ilang kasambahay ng makita
ang nadumihan niyang damit.

"Ano ang nangyare sa suot mo?" Taka pang tanong ni Kimie.

"Dumulas po Ate Kimie sa kamay ko 'yung platito kaya natapon sa damit ko ang cake,"
nakangiti pa niyang paliwanag.

Ipinatong niya sa may sink ang platito at kutsara. Inabutan naman siya ni Kimie ng
tissue.

"Sayang naman. Alam mo ang ganda-ganda mo ngayon sa suot mo. Dinaig mo pa si Ma'am
Ajani," tumawa pa ito pagkasabi niyon.

"Salamat po sa bola. Babalik na po muna ako sa kwarto para magpalit."

Nasa may pinto na siya palabas ng kusina ng makasalubong pa niya si Señor Alfredo.
Nagbigay galang siya dito. Maging dito ay hindi nakaligtas ang dumi sa suot niya.

"Natapunan po ng cake."

Tinapik siya nito sa balikat. "Okay. Change your dress then go back to the party,"
anito bago dumiretso sa may kusina.

Sa totoo lang ang awkward bumalik sa party lalo na at wala naman siyang dalang
angkop na kasuotan para sa party na iyon. Kaya ng makabalik sa gamit na silid ay
nanatili nalang siya doon.

"This is for the best, Anria," kausap pa niya sa sarili habang nagpapalit ng damit.
Nakakahiya naman kung makikisalamuha pa siya sa mga bisita ng pamilya ni Sanji na
simple lang ang suot.
Saktong katatapos lang niyang magpalit ng walang sabi-sabing bumukas ang pinto. Ang
dilim ng anyo ni Sanji ng pumasok ito sa kanyang silid. Napaatras tuloy siya ng
isara nito ang pinto. Napahawak siya ng mahigpit sa hawak na dress.

"Who told you na pwede ka ng bumalik dito?!" Dumagundong pa ang boses nito sa apat
na sulok ng silid na iyon. High blood na naman.

"I-I....."

"How many times I'll tell you that you need to stay with me the whole time na nasa
party ako? Alam mo namang umiiwas ako sa mga taong wala ng ginawa kundi i-flirt ako
at magpapansin. Then you will leave just like that na parang sinasadya mo pa?"

"Wala naman akong plano na iwan ka talaga doon. Kakain lang naman ako ng cake
kaso–––"

"Then what? Enough for that shit alibi Anria. Tapos ngayon nagpalit ka na ng
damit!"

Sa inis kaya halos ipagduldulan niya sa harap nito ang dress na hawak. "Ano ang
magagawa ko kung madumi na itong dress? Ano ang gusto mo, ha, bumalik ako sa party
na mukhang ewan?"

Saka lang ito tila nahimasmasan ng makita ang bakas ng icing sa dress na suot
kanina. Ng ibalik nito ang tingin sa kanya ay dagling nawala ang madilim na aura na
mababakas dito kanina.

"Bumalik ka na sa party ng Mommy mo. Hindi na ako bababa," mahinahon na ring niyang
sabi. Pumunta siya sa may banyo para ilagay sa labahan ang dress. Paglabas niya sa
banyo ay naroon parin si Sanji. "Hindi na ako babalik doon kaya umalis kana. Baka
hanapin ka rin ng mga magulang mo," pagtataboy pa niya dito.

Pero hindi ito natinag sa kinatatayuan sa halip ay kinuha nito sa ibabaw ng kama
ang isang pink na paper bag at inusisa ang laman. Iyon siguro ang pasalubong ni
Andrei sa kanya. Mabilis na inagaw niya iyon dito.

"Pakialamero ito hindi naman para sa kanya."

"So?"

Hindi niya ito pinansin. Lumapit siya sa may walk in closet at itinabi roon ang
paper bag. Saka nalang niya titingnan kung ano ang laman niyon. For now kailangan
muna niyang harapin si Sanji.

"Matutulog na ako."

"Masyado pang maaga. Go to my room magpapadala nalang ako ng makakain doon," anito
na nagpatiuna na sa may pintuan.

"Bakit pa? Matutulog na lang ako."

"Pumunta ka na lang. Subukan mong magkulong lang dito and I'm sure hindi mo
magugustuhan ang pwede kong gawin sa'yo," pananakot pa nito sa kanya bago ito
tuluyang lumabas ng silid.

*****~~~~~******

Dedicated to Bitter-sweet WP ... Thank you sa pag-read :) Kamusta naman ang


pagtakas mo hehehe ;)
=================

Chapter 15

Kalalabas lang ni Anria sa silid na tinutuluyan ng siya ring bukas ng pinto sa


silid ni Sanji. Si Mrs. Hinari ang nakita niya.

"Napansin mo ba kung nasaan si Sanji, hija?" May pag-aalala sa boses nito.

Umiling siya. "Hindi pa po ulit, eh."

"Then umalis siya ng bahay," parang nanghihinang anas nito.

"M-May nangyare po ba, Señora?"

"May mga bagay lang na hindi namin napagkasunduan kanina. Oh, please hija, help me
to find him."

Tumango siya. "Sige po." Iniwan na niya ang Ginang at hinayon na ang hagdanan.
Clueless din siya kung saan pumunta si Sanji. Kagigising lang kasi niya ng hapong
iyon kaya wala talaga siyang idea sa nangyare kanina.

Dumiretso siya sa kusina at nagtanong sa naabutang kawaksi.

"Ate Merly napansin niyo po ba kung saan pumunta si Sanji?"

Umiling ito. "Hindi. Kanina pa nga hinahanap ni Señora si Señorito."

She sigh. Saan naman niya ngayon hahanapin si Sanji? Sobrang lawak ng hacienda para
makita agad ito.

"Subukan mong hanapin sa tree house niya malapit sa may talon," suhistiyon ni
Kimie. Sinabi rin nito kung saan ang daan papunta doon. "Madali mo lang makikita
ang tree house ni Señorito."

"Sige po aalis na ako."

Lakad takbo ang ginawa niya papunta sa tinutukoy na tree house ni Ate Kimie. How
she wish na naroon nga ito. Kung ano man ang hindi pinagkasunduan ni Sanji at ng
ina nito tiyak niya na big deal iyon. Aalis ba ng bahay si Sanji kung simpleng
bagay lang iyon?

"Pwede namang magmukmok nalang sa kwarto niya pero mas pinili pa niyang sa malayo
mag emo."

Binilisan pa niya ang takbo. Ng makalampas siya sa nagtataasang talahib ay


natanawan na niya ang isang malaking puno na may bahay sa taas. It must be the tree
house of Sanji. Napapaligiran din iyon ng mga puno. At hindi kalayuan doon ay ang
water falls na sinasabi noon ni Sanji sa kanya. Nakaka-enchant ang naturang lugar.
Ngunit bago pa niya makalimutana ang pakay ay isinang tabi na muna niya ang
pagkamangha sa buong lugar. Kailangan muna niyang mahanap si Sanji.

Hingal na hingal pa siya ng tuluyang makarating sa may malaking puno. Hindi niya
maware kung anong klaseng puno iyon. May kataasan pati iyon. Nag-sign of the cross
muna siya bago nag-umpisang umakyat sa pinaka-hagdan na yare sa lubid. Pulang-pula
pa ang kanyang kamay ng makaakyat sa pinaka-balkonahe ng tree house.

Pinagpag niya ang mga kamay bago naglakad palapit sa may bubog na bintana. Sumilip
siya doon. Nakahinga siya ng maluwag ng makita ang kanyang pakay na nakahigang
padapa sa kama na naroon.

Maingat na binuksan niya ang pintuan. Buti nalang at hindi iyon lumikha ng ingay.
What a perfect place to be alone, aniya sa isip.

Marahan at ubod ng ingat rin ng maglakad siya palapit sa kinahihigaan ni Sanji.


Medyo inilibot pa niya ang tingin sa paligid. Para lang iyong kwarto. Kwarto na
malayo sa kabihasnan dahil walang kuryente. A typical tree house of a guy.

Malamang na dito naglalaro noon si Sanji. Noong bata pa ito. Hindi natuloy ang
paglapit niya kay Sanji dahil naagaw ang atensiyon niya sa isang larawan na
nakapatong sa may lamesa na naroon. Doon siya dinala ng kanyang mga paa para makita
ang naturang larawan. It was a picture of a little boy with a little girl. Mukhang
limang taong gulang lang 'yung batang babae. Kung wagas ang ngiti ng batang lalaki
kabaligtaran naman iyon ng batang babae na nakasimangot. Mukhang ayaw magpa-picture
kasama ang batang lalaki. Hindi niya alam kung bakit bigla nalang ang pagbundol ng
kaba mula sa kanyang dibdib ng dahil lang sa pagtitig sa naturang larawan. She felt
weird that moment.

Kukunin sana niya ang picture frame ng may maunang kumuha niyon mula sa kanyang
likuran. Napaatras siya ng sa kanyang pagharap ay tumambad sa kanya si Sanji na
sobrang lapit lang sa kanya. Ngunit wala na siyang naatrasan pa ng maramdaman ang
lamesa sa likuran niya.

"S-Sanji," kandautal niyang sabi. Ni hindi ito nag-effort man lang na umatras para
ng sa ganoon ay makakilos siya ng maayos. Ang lapit-lapit nila sa isat-isa.

"What are you doing here?" Malamig pa sa yelong tanong nito. Walang mababakas na
emosyon sa gwapo nitong mukha.

'Yung paghinga niya pakiramdam niya ay nagbuhol-buhol pa dahilan para hindi siya
makapagsalita man lang. Kahit bukas ang bintana at pumapasok ang malamig na hangin
ay pinagpawisan parin ang pakiramdam niya. Sanji, layo ka muna kahit dalawang dipa
lang. Ang lapit-lapit mo. Hindi ko carry. Napalunok siya.

"Don't ever touch my things," anito na muling ipinatong ang larawan sa lamesa bago
dumistansiya sa kanya. "Now talk. Why are you here?"

Lumapit siya sa may bintana at pasimple doong huminga ng maluwag. Napakurap-kurap


pa siya ng makita ang biglang pagdilim ng kalangitan. Nagbabadya ng malakas na
ulanin. Hindi sila pwedeng manatili doon ng matagal ni Sanji. Huminga muna siya ng
malalim bago lakas loob na hinarap si Sanji na muling nahiga sa kama na naroon sa
isang sulok.

"Hinahanap ka ng Mommy mo," aniya na ikinapikit ng mga mata nito. Ipinatong pa nito
ang mga braso sa mata nito. She sighed again bago ipinasyang lapitan ito. Tumayo
lang siya sa may gilid ng kama habang nakatingin dito. "Tara na bago pa bumuhos ang
malakas na ulan."

But he didn't move or say anything.

"Sanji." Wala paring response. Minsan talaga nakakainis din ito. "Hindi ka parin ba
tapos diyan sa pag-iinarte mo? Para sa kaalaman mo malapit ng umulan ng malakas
kaya tara na sa mansion niyo." Napabuga siya ng hangin ng hindi parin siya nito
pansinin. "Hindi ka ba talaga mamansin?"

"Sinasayang mo lang ang oras mo dito. Umalis ka na kung gusto mo." Dumapa na naman
ito at isinubsob pa ang mukha sa unan.

"Aba't!"

Daig pa nito ang bata kung mag-inarte. Sa inis dahil sa pagmamatigas nito kaya
sumampa rin siya sa kama at pinagyuyugyog ang balikat nito.

"Kung hindi ka pa tapos mag-emo doon mo na lang sa kwarto mo ituloy 'yan. Sa ngayon
kailangan na nating bumalik sa mansion dahil malakas 'yung ulan na babagsak!"

"Bumalik ka na doon kung gusto mo beacuse I will stay here!"

Ng hindi makontento ay hinila na rin niya pati damit nito. "Sinabi ng uuwi na
tayo!"

"Hindi mo naman alam kung ano'ng nangyare kaya leave me alone!"

"Then tell me what is it. Hindi 'yung akala mo bata ka na nagmumukmok dito."

"For what? Wala ka namang magagawa."

Sa inis kaya pinukpok niya ang ulo nito. "Wala nga akong magagawa pero pwede naman
akong makinig sa pinuputok ng butsi mo, eh."

"Ayaw ng mga magulang ko, lalo na ni Mommy na i-take over ko ang buong hacienda
after kong mag-tapos sa Collage! You know how I want to leave here and help my Dad
to manage our hacienda. Now tell me kung madali lang ito para sa akin!"

Tuluyan na niyang nabitawan ang damit nito. Oo, alam niya kung gaano nito kamahal
ang buong hacienda. Nasabi na rin nito iyon sa kanya. Tumikhim siya para makabawi.

"B-Baka naman may dahilan sila?"

"Lagi naman silang may nakahandang dahilan. Kesyo kaya  pa naman ni Daddy na
pamahalaan itong buong lugar. They want me to enjoy life outside."

"Isa lang naman ang ibig sabihin sa gusto nilang ipagawa sa iyo, eh. Gusto lang
nila na mag-enjoy ka muna. Hindi iyong habambuhay ka ng nandito lang sa hacienda at
saka para magkaroon ka rin ng social life. Bakit ba minamasama mo iyon? Saka
malakas pa naman kasi ang Daddy mo."

"Fuck that alibi!"

"Ang bibig mo!" Singhal niya dito bago pinaghihila na naman ang damit nito. "Kung
iyan lang ang pinag-iinarte mo puwes doon ka nalang sa bahay niyo mag-emo. Sa
ngayon kailangan na nating umuwi dahil uulan na! Bumangon ka na diyan!"

Napuno na siguro si Sanji kaya mabilis itong tumihaya then grab her arm. The next
thing she knew ay siya na ang nakahiga sa kama. Nakadapa ito sa tabi niya habang
ang half body ay nakadagan sa kanya. Ang mga kamay niya ay nakapigil sa dibdib
nito. Habang ang mukha naman nito ay halos dalawang dangkal lang ang layo mula sa
kanyang mukha. No one dare to move.

'Yung puso niya sobrang bilis na ng kabog. Pati paghinga niya ay halos pigil na rin
niya habang nakatitig sa mukha ni Sanji. Hindi niya magawang kumilos man lang para
itulak ito dahil pakiramdam niya ay na-e-engkanto siya habang tulala sa gwapo
nitong mukha. The magical spell never leave them.

Ngunit ng lumagitik ang kidlat kasunod ang napakalagas na dagundong ng kulog ay


tila doon na nawala ang mahikang nakapalibot sa kanila ng mga sandaling iyon.
Nilukob siya ng takot kaya nahigit niya ang damit nito dahilan para mawalan ito ng
pwersa at bumagsak sa kanya. Ganoon nalang ang panglalaki ng kanyang mga mata sa
sunod na nangyare. Their lips meet.

Ilang segundo rin ang itinagal ng paglalapat ng kanilang mga labi dahil hindi agad
siya nakahuma sa pagkabigla. Mabilis niya itong naitulak palayo sa kanya at dahil
hiyang-hiya sa nangyare kaya isinubsob niya ang nag-iinit na mukha sa katabing
unan.

No! This can't be happening. Binabangungot lang ako. Hindi ito totoo! Waaaah!!!!!

"I-It's not my fault," ani Sanji ng makabawi.

At ano? Ako ang may kasalanan?! Sigaw niya sa isip. Hinigit mo siya Anria kaya ikaw
talaga ang may kasalanan, kontra naman ng kabilang isip niya.

"A-Aksidente 'yon!" Mabilis niyang depensa. OMG! Wala na ang iniingatan kong first
kiss! Bakit sa kanya pa napunta? Hindi ko naman siya boyfriend!

Nataranta pa siya ng biglang kunin sa kanya ni Sanji ang unan na itinaklob niya sa
namumulang mukha. Tatalakan sana niya ito ng mapansin din ang bahagyang pamumula ng
mukha nito. He blush too?

"Forget about what happened."

Parang napakadali naman ng sinasabi nito. Nanginginig ang mga kamay na nahawakan
niya ang labi. Kahit pagbali-baligtarin niya ang nangyare kanina ay totoong
naglapat ang kanilang mga labi.

Tumayo na ito at lumapit sa may bintana para tingnan ang lagay ng panahon sa labas.

Gusto niyang umakto ng normal ngunit ang hirap palang gawin. Pati mga tuhod niya ay
bahagya ring nanginginig ng itungtong niya ang mga paa sa sahig. Ganoon ang naging
epekto ni Sanji sa kanya. With just one kiss ni hindi niya ito matingnan ng
matagal.

Lumabas siya sa pinto. Balak na sana niyang bumaba sa tree house ng bumuhos naman
ang napakalakas na ulan. Wala tuloy siyang nagawa kundi ang sumandal sa dingding
malapit sa may pintuan. Ang paligid halos hindi na niya makita dahil sa lakas ng
buhos ng ulan. Mayat-maya rin ang pagkidlat at pagkulog.

Napakurap siya ng maramdaman ang paghila sa kanya ni Sanji papasok sa loob ng tree
house.

"Mababasa ka lang kung mag-stay ka sa labas," anito bago siya binitiwan.

Nayapos niya ang sarili dahil sa malamig na hangin na nagmumula sa bukas na


pintuan. Agad naman iyong isinara ni Sanji. Medyo dumilim tuloy ng bahagya sa loob
ng tree house dulot ng pag-ulan.

Ang awkward ng mga sumunod na sandali. Even Sanji didn't dare to say something to
break the silence.

Muli siyang sumampa sa kama at sumiksik sa sulok niyon. Pinagdikit pa niya ang mga
tuhod at isinubsob doon ang nag-iinit paring mukha. Paano na ngayon? Hindi tuloy
niya napigilan ang mapatili sa isiping may nakakuha na sa first kiss niya. Naiinis
siya.

"First kiss mo?"

Nagawa niyang tingnan ng masama si Sanji sa pagiging kalmado nito. Tila bali wala
lang iyon dito. Bwisit. "Oo! At big deal iyon sa akin!" Muli niyang isinubsob ang
mukha sa pagitan ng mga tuhod niya.

May sumilay na ngiti sa mga labi nito. "Really? So, ano ang pinag-iinarte mo? Be
thankful isang Sanji Marquez ang first kiss mo."

Sa sobrang inis kaya naibato niya dito ang katabing unan. "Be thankful? Ako?
Mangilabot ka nga sa sinasabi mo. Ni hindi nga kita pinagnanasahan kaya walang
dahilan para maging thankful ako sayo!"

Ganoon nalang ang paniningkit ng magaganda nitong mga mata sa sinabi niya. Napuno
yata ng sabihin niyang ni hini niya ito pinagnanasahan.

"Ah, gan'on ba?"

Walang sabi-sabing hinubad ni Sanji ang suot na damit. He even smirked ng tumambad
ang six pack abs nito sa harap niya. Natigilan siya. Paano ba namang hindi, eh,
napaka ganda ng katawan nito. A body that every woman could die for just to touch
and feel it. It was her first time na makakita ng hubad na lalaki sa mismong
harapan niya. Hindi ito maaari. Pinu-puliot nito ang inosente niyang mata at
isipan.

"Kurap na. Sa nakikita kong reaction mo mukhang nagustuhan mo ang nakita mo." Sanji
tease while still smirked at her. Muli na nitong isinuot ang damit. Tapos na ang
show ng abs nito.

Nakamamatay na irap ang ipinamalas niya dito. Hindi siya nagpahalata na medyo
apektado sa abs nito. Iniiwas na niya ang tingin dito.

"Nagkamali ka ng pinagpakitaan ng abs mo. Dapat doon mo iyan ibalandra sa school.


For sure maraming magkakandarapa diyan," patay malisya niyang sabi.

Napasiksik lalo siya sa sulok ng kama ng dumapa ulit si Sanji sa tabi niya.
Sinulyapan pa siya nito.

"Choosy ang abs ko kaya swerte mo at nakita mo." Nagbaling na ito sa kabila ng
tingin.

Minsan nakakainis din talaga ang kayabangan mo Sanji!

Bago magtakip silim ay tumila rin naman ang malakas na ulan. Sinamantala nila iyon
para makabalik sa mansion.

****~~~~*****

Dedicated to one and only Elena Jimenez. Ate Eji thank you sa pag-read, comment and
PM me  hahaha. Sensiya na kung InActive ako this fast few days.. Walang chika-
chika...kasi wala ng connection dito sa nilipatan naming kwarto :3 kaya IA ako.
Bawi nalang next time :) take care.

PS: I hope nagustuhan niyo ang Chapter na ito :)

#SanRia is <3#APID
=================

Chapter 16

KAHIT na abnormal ang bawat araw para kay Anria dahil sa nangyare sa tree house
lalo na kapag nakakasama si Sanji ay kabaligtaran naman niya ito. Normal lang ito
kung kumilos as if hindi big deal ang kiss na nangyare sa pagitan nila. Nakakainis
man pero hindi niya magawang kalimutan nalang basta ang nangyare. Nahihirapan siya
sa 'di malamang dahilan. Siguro ganoon talaga kapag first kiss. Palagi rin niyang
napapanaginipan ang pangyayareng iyon.

"Kung bakit naman kasi nangyare pa iyon?" inis niyang anas bago muling kinagatan
ang manggang kalabaw.

Malagatas na iyon kaya ang sarap kainin. Nag-aagaw ang asim at tamis. Wala siyang
dalang sawsawan na asin dahil bawal daw iyon kapag sa ilalim ng punong mangga mismo
kakainin ang naturang bunga. Aasim daw kasi ang mangga at imbis na malutong kainin
ay yayabo iyon. Meaning hindi na masarap kainin.

Ng mga sandaling iyon ay nasa manggahan sila. Habang si Sanji ay abala naman sa
pagsungkit ng mangga sa puno. Muli niyang pinanggigilang kagatan ang mangga.

"Ilan na ang nakain mo?" usisa pa ni Sanji ng tumabi ito ng upo sa kanya sa may
damuhan. May dala pa itong tatlong malalaking mangga.

"Pangatlo na itong kinakain ko," sagot niya na hindi ito pinagkaabalahang tingnan.

"Takaw," anito na inilagay sa tapat niya ang mangga. "Pakibalat."

"Malagatas kasi. Pero kung purong hilaw ito hindi naman dadami ang makakain ko."

"Okay. Baltan mo na iyang sa akin."

Walang imik na ginawa niya ang gusto nito. Maganda kasi siyang magbalat ng mangga
unlike kay Sanji na halos maubos ang laman sa sobrang kapal magbalat ng mangga.

"Paki-slice na rin."

"Baka mamaya utusan mo pa akong subuan ka?" She hiss.

"That won't happen."

Matapos baltan ang mangga ay hiniwa na rin niya iyon. Last na slice na sana niya ng
mahagip naman ng matalas na kutsilyo ang hintuturo niya. Hindi iyon napansin ni
Sanji dahil abala ito sa paglalagay ng bagoong, na kinuha pa nito sa mansion, sa
platito. Mabilis na isinubo niya sa bibig ang hintuturo para sipsipin ang dugong
agad na lumabas sa nahiwang daliri.

Inilapag niya sa may kandungan ni Sanji ang mangga. "Tapos na," sabi pa niya na
medyo napapakagat labi na dahil sa mahapding sugat. Nararamdaman pa niya ang
pagtibok niyon kahit na wala namang puso.

Kung kailan kailangan niya ng panyo o ano mang pwedeng pantapal sa sugat niya ay
saka naman wala sa lugar na kinaroroonan nila. What now? Ang hapdi-hapdi na ng
sugat ko. Baka mamaya maubusan ako ng dugo at mamatay dito. Ipinilig niya ang ulo
dahil sa naisip.
"Kanina mo pa subo iyang daliri mo."

Napasulyap tuloy siya kay Sanji na salubong ang kilay. "M-May tinatanggal lang ako
sa may kuko ko." Tinalikuran niya ito ng upo. Muli niyang kinagatan ang mangga para
hindi ito makahalata na hindi siya okay.

"Sumawsaw ka dito sa bagoong. Mas masarap kainin iyang mangga."

Umiling siya. "Ayoko." Ibinaba na niya ang kamay dahil hindi na niya matagalan ang
lasa ng dugo. Lasang kalawang. Ilang beses pa siyang huminga ng malalim. Hindi
parin maampat ang dugo sa daliri niya. Dapat matigil ang pagdurugo niyon dahil kung
hindi baka mawalan pa siya ng malay. She hate seeing blood.

"Anria."

Hindi niya pinansin si Sanji. Isang sulyap pa sa sugat niya na puro dugo at parang
kakaiba na ang nararamdaman niya. Parang ano mang oras ay matutumba na siya.

"Alam mo ba kung bakit manggang kalabaw ang tawag sa bunga nitong punong mangga?"
Tanong pa nito sa kanya.

"Hindi."

"Okay, listen. Noong unang panahon daw kasi may matandang nag-aalaga ng kalabaw.
Then the carabao died. Hindi iyon kinatay ng matanda instead inilibing niya sa
kanilang likod bahay."

Sinipsip niyang muli ang daliri. "Ano namang connect n'on?"

"After one week kasi may tumubong puno ng mangga sa pinaglibingan ng kalabaw. Noong
lumaki at mamunga ang puno ng mangga. Natuwa ang matanda dahil kasing taba ng
kalabaw niya ang mga bunga. Kaya simula noon manggang kalabaw na ang tawag ng
matanda sa punong iyon ng mangga. The end." Pagtatapos ni Sanji sa kwento nito.
Nangingiti pa nga ito sa sarili nitong kwento.

"Sino namang nagsabi sa iyo ng kwento na iyan?"

"Si Mang Gaspar." Bahagya pa itong tumawa. "Ngayon alam mo na rin," anito na
nagpatuloy na sa pagkain ng mangga nito.

Napangiti siya sa cute short story na ibinahagi nito sa kanya.

"S-Sanji." Maya-maya ay tawag na rin niya rito.

"Hmmm?" Abala ito sa pagkain ng mangga nito na isinawsaw sa bagoong.

"May panyo ka bang dala?"

"Wala."

No choice na ibinalot niya ang daliri sa damit na suot. Mabilis ang pagbakat ng
kulay pula sa suot niyang damit na kulay light gray.

"Pakibalat pa ng isang mangga."

Marahan ng balingan niya si Sanji. Napatingin din ito sa kanya. Napakurap pa siya
ng umangat ang isa nitong kamay papunta sa may gilid ng labi niya at may pinahid
doon.
"May dugo." Nagsalubong ang kilay nito bago mabilis na dumako ang tingin sa kamay
niyang nakasuksok sa damit. "Nahiwa ka ba?" Kastigo nito sa kanya.

Wala ng dahilan pa para tumanggi. "Maliit lang."

"Patingin." Umiling siya. "Isa. Dalawa. 'Wag mo ng paabutin pa ng tatlo."

"Maliit nga lang," giit niya. Muli niyang kinagatan ang mangga para ipakita dito na
baliwala lang iyon.

"Maliit," gagad nito bago walang sabi-sabing kinuha ang kamay niya para makita ang
sugat niya. "Ganito ba ang maliit? Tsk. Malapit ng lumabas ang bituka mo rito."
Agad itong may dinukot sa bulsa ng pantalon nito. Isang puting panyo.

"Akala ko ba wala kang dalang panyo?"

Tinalian muna nito ng panyo ang sugat niya bago siya sinagot. "Malay ko ba kung
saan mo gagamitin." Ng matapos sa ginagawa ay tiningnan pa siya nito ng masama.
"Nahiwa ka na hindi mo parin sinasabi."

Nag-iwas siya ng tingin. "Hiwa lang naman."

"Hiwa? Nakikita mo ba ang sarili mo? Putla na ang mukha mo if you didn't notice.
Tapos nilalang mo pa ang hiwa mo sa kam–––"

Natigil lang sa pagsesermon si Sanji ng pasakan niya ng buto ng mangga na kinain


nito ang bibig nito.

"Tama na," aniya na ipinagpatuloy na ang pagkain sa kanyang mangga. Kahit paano ay
nawala ang pagkahilo niya dahil sa pagtulong na naman nito sa kanya. Nakisawsaw na
rin siya sa bagoong nito. Masarap nga iyon.

Inilayo nito ang bagoong sa kanya pagkatanggal nito sa ipinasak niyang buto ng
mangga sa bibig nito. "Pakibalat muna ng mangga ko," anito ng makabawi. Hindi naman
nagalit sa ginawa niya.

Walang imik na ginawa niya ang pakiusap nito. Kahit kailan talaga palagi itong
nandiyan para tulungan siya.

Okay. I admit na isa si Sanji sa napaka-maalagang tao na nakilala ko.

Hindi niya napigilan ang sarili na hindi ito sulyapan. Automatic ang pagtitig niya
sa labi nito na naging unang halik niya.

"You're blushing."

Napakislot siya sa sinabi nito bago mabilis na itinuon ang tingin sa binabaltang
mangga. "H-Hindi, ah," kaila niya kahit na ramdam parin niya ang pag-iinit ng mga
pisngi. Inayos niya ang pagbabalat at baka mahiwa na naman siya.

"May idea ako kung bakit ka nagba-blush." Sanji smirked.

"Hindi ako nagba-blush!" Mariin niyang tanggi.

"Okay. Kunware guni-guni ko lang iyong nakita ko. Pero, daig mo pa ang may blush-on
sa pisngi mo."

Pagka-slice sa mangga ay halos iduldol niya iyon sa mukha nito. "Kumain ka nalang
at ang dami mong napapansin." Umirap pa siya bago muling kinagatan ang mangga.

May bahid parin ng ngiti sa labi ni Sanji habang kumakain. Pagkatapos naman nilang
kumain ng mangga ay namasyal pa sila sa may talon malapit sa tree house nito. As
usual manghang-mangha parin siya sa lugar. Sobrang ganda at linaw kasi ng tubig.
Hindi mo aakalain na meron niyon sa Hacienda Marquez. Pwede na nga iyong gawing
shooting area kagaya ng Daranak Falls sa Tanay Rizal.

"Maliligo ako," aniya kay Sanji. Hinubad na niya ang suot na sapatos at hinayaang
mabasa ang suot na tokong short at damit.

"Walang towel dito!"

"Okay lang," aniya na pinagsawa ang sarili sa tubig.

Si Sanji nakatingin lang sa kanya. Pero after a while ay nag-topless na rin at


sumunod sa kanya. Bahagya pa ang pag-awang ng kanyang mga labi ng makita ang
perpektong abs at V-line nito. Nanlambot bigla ang kanyang mga tuhod sa tanawing
nakita kaya minabuti nalang niya na sumisid at baka mapansin pa nito ang pagtulo ng
kanyang laway. Bwisit na katawan na iyan. Nakaka-green.

Hindi niya ito pinapansin sa durasyon ng paliligo niya. Kahit medyo makirot ang
daliri niyang may hiwa ay hinayaan lang niya iyon. Gusto niyang sulitin ang
sandaling iyon na magpakasawa sa ganda ng lugar.

Nagulat pa siya ng sa pag-ahon niya sa tubig ay mapatapat siya sa seryosong mukha


ni Sanji. Hanggang dibdib lang nito ang tubig samantalang siya ay halos tumingkayad
na para makahinga sa surface. She looked away.

"Ang g-ganda dito," nasabi niya dahil hindi naman niya magawang basta nalang lumayo
dito. Ewan niya pero ayaw pa niyang layuan si Sanji. Muli niya itong sinulyapan.
Bigas na malagkit bakit ba ang gwapo-gwapo mo kahit na kailan? Lalo ngayon na basa
ka pa ng tubig at may patulo-tulo pa galing sa buhok mo? Why you're so perfect?
Nakakainis dahil apektado ako! Suminyas pa ito na lumapit siya dito. Kumunot tuloy
ang kanyang noo. "Bakit?"

"Kailangan ba palaging may dahilan?"

Tumaas tuloy ang kilay niya. Pagkuwan ay lumapit na rin dito. What's with him?
Kinalma niya ang paghinga at baka may mahalata pa ito sa kanya. Napakislot siya ng
hawakan siya nito sa balikat.

"T-Teka...."

"Ang green mo. Hindi naman kita re-rape-in," nakangisi nitong sabi bago siya
pinihit patalikod dito at may itinuro buhat sa taas ng puno. "Look, may Lawin sa
taas."

Napanganga siya ng makita ang malaking lawin sa taas ng puno. Lumipad din iyon kaya
kitang-kita ang laki niyon. "Wow."

"Palagi iyan dito."

Napangiti siya. Hindi naman kataka-taka na maraming magagandang uri ng ibon sa


lugar na iyon dahil sa nature friendly ang buong hacienda.

Ng mapansin na nakahawak parin ang kamay ni Sanji sa magkabila niyang balikat ay


tinapik niya iyon para tanggalin ngunit pinihit lang ulit siya nito paharap dito.
"M-Mag-lalangoy na ulit a-ako." Muli siyang nag-iwas ng tingin ng mapatitig sa
magaganda nitong mata.

"You're blushing again Anria."

Inis na tinanggal niya ang kamay nito sa balikat niya. "Magsalamin ka na nga at
kung ano-ano na iyang nakikita mo. Hindi na iyan healthy Sanji."

"Tss. Sinusubukan mo ba talaga ako Anria?"

Sinabuyan niya ito ng tubig sa mukha bago mabilis na lumayo dito.

"'Wag na 'wag kang magkakamaling magpaabot sa akin Anria! Yare ka sa akin!"

Kinabahan siya bigla ng habulin siya ni Sanji. Dahil ayaw niyang maabutan nito kaya
minabuti niyang lumangoy ng lumangoy. Sumagap siya ng hangin bago muling lumangoy.
Sinubukan niyang abutin ang ilalim ng tubig ngunit wala siyang maabot. It hit her.
Nasa malalim siya. Bigla pa siyang inataki ng pagka-crumps ng kanyang paa.
Sinubukan niyang iahon muli ang sarili sa surface ngunit hindi niya magawa.
Lumulubog parin siya. Ramdam na ramdam niya ang pagbigat ng kanyang katawan.
Ipinikit na niya ang mga mata ng unti-unti siyang lumubog.

Subalit bago pa siya mawalan ng pag-asa ay may mga kamay ng pumupulot sa baywang
niya at hinila siya paitaas. Alam niyang si Sanji iyon. Naipulupot niya sa leeg
nito ang kanyang mga braso dahil sa sakit ng crumps niya.

"Bakit kasi dito ka pa pumunta?" Galit nitong bungad sa kanya.

"Malay ko ba na malalim."

Marahas itong huminga. "Muntik ka ng malunod!"

"S-Salamat sa tulong."

"Tsk. Umahon na tayo at baka matuluyan ka pa dito." Pinangko na siya nito at


iniahon sa tlubig. Galit parin ito ng makaahon sila. Maingat siya nitong inilapag
sa may damuhan. Kahit ang kanyang namumulikat na paa ay hindi nakaligtas dito.
"Hays. Tumayo ka para mawala ang pamumulikat." Inalalayan pa siya nito.

Napadaing siya sa sakit. Mangiyak-ngiyak pa siya habang nangungunyapit sa leeg nito


para suporta sa pagtayo niya. Naroon lang ito at patuloy sa pag-alalay sa kanya.
Kanina parin ito humihinga ng malalim dahil siguro halos magyakapan na sila. Hindi
siya aware sa kanilang posisyon dahil mas nangingibabaw ang sakit ng paa niya na
tumataas papunta sa mga binti niya. Ilang minuto rin siyang nagtiis sa sakit
hanggang sa tuluyan ng humupa ang pamumulikat niya

"Okay ka na ba?"

Para siyang binuhusan ng malamig na tubig ng mapagtanto ang kanilang nakakaasiwang


posisyon. Medyo lumayo siya dito.

"Wala ng p-pulikat."

Ng subukan niyang tingnan si Sanji ay laglag ang panga niya dahil sa pamumula ng
mukha nito.

"Namumula iyang mukha mo." Napatawa siya. "O nagba-blush ka?"

Ganoon nalang ang paniningkit ng mga mata nito. "Bakit naman ako magba-blush?"
Tumingin siya sa malayo. "Malay ko."

"Umuwi na tayo sa bahay." Deklara nito na nauna pang maglakad.

"Hindi mo ba ako hihintayin?"

"Sumunod ka na lang!"

Napaiktad siya sa ginawa nitong pagsigaw. "Problema niya?" Bigla-bigla nalang ang
pagbabago ng mood nito. Wala nalang imik na sumunod siya rito habang yakap ang
nanginginig na sarili.

*****~~~~*****Dedicated to @jenzon28 & @OnslaughtAko .... Hi po maraming salamat po


sa comments  <3 <3 love you guys.

Hope you enjoy this Chapter :)

#ShareLungsPo

As a writer..... Pinipilit ko pong maging makabuluhan ang bawat chapter na aking


isinusulat. Kaya po sana nagugustuhan niyo po. Mapangiti at mapakilig ko lang kayo
'sapat' na sa akin :)........again MARAMING SALAMAT PO :)

=================

Chapter 17

IT WAS her last day at Hacienda Marquez. Dahil kinabukasan araw ng linggo ay
babalik na siya sa kanila. Sa loob lang ng maiksing panahon ay napamahal na rin sa
kanya ang buong lugar. Sana lang makabalik ulit siya roon. Kung sakali man. She's
too thankful dahil nagkaroon siya ng chance na ma-experience ang mga bagay na bago
sa kanya. Siguro experience naring maituturing ang mga kapalpakang nangyare sa
kanya sa pamamalagi roon. But on the bright side masaya talaga siya. Masaya kasing
mamuhay sa hacienda nina Sanji. Payapa, tahimik, maaliwalas ang hangin at fresh na
paligid. Marami kasing punong kahoy.

Pinagmasdan niya si Sanji na abala sa panonood sa kabayo nitong nililiguan ni Mang


Gaspar.

Tumikhim siya sa tabi ni Sanji kaya napasulyap ito sa kanya. Gusto niyang mapamaang
ng umisod ito palayo sa kanya. Problema nito? Nag-ngitngit tuloy ang kanyang
isipan. Don't tell me issue parin niya 'yung pagkakayakap ko sa katawan niyang
naka-topless kahapon? Hindi ko naman iyon intensiyon.

"Problema mo?" Naisatinig niya na taas pa ang isang kilay.

Muli nitong binalingan ang kabayong si Far Away. "Wala."

"Sus. Wala daw." Nanghaba tuloy ang nguso niya. She sighed then turn around and
start walking para sana bumalik nalang sa mansion.

"Saan ka pupunta?"

"Uuwi na."

Naramdaman niya ang pagpigil ni Sanji sa kamay niya. Hinarap niya ito. 'Yung tipong
para pa itong napapaso ng bitawan ang kanyang kamay.

"Anong uuwi na? Bukas ka pa babalik sa bahay niyo, ah."

Gusto niyang tumawa, pinigilan lang niya dahil siguradong magagalit ito. Napaka-OA
talaga nito kahit na kailan.

"Bukas......"

"Dito ka lang muna." Putol pa nito sa iba pa niyang sasabihin at muli siyang hinila
pabalik kay Far Away. "Hindi ka aalis hanggat hindi ko sinasabi. Uuwi ka agad sa
bahay niyo? Ano ka sinu-swerte?"

Nanahimik nalang siya habang nakatayo sa tabi nito. Hindi nalang niya itinama ang
mali nitong sapantaha sa sinabi niya. Bahala ito.

Ng matapos liguan at patuyuin ang kabayo ni Sanji ay nilapitan nito iyon. Kinausap
si Mang Gaspar na hindi naman niya marinig dahil mahina lang ang pag-uusap ng mga
ito. Later on ay ibinigay na ni Mang Gaspar ang renda ng kabayo kay Sanji.

"Aalis ka?" Hindi niya napigilang itanong ng sulyapan siya nito.

"Tayo."

"Ha?" Baka kasi nakaringgan lang niya ang sinabi nito.

"Mamamasyal ayaw mo?"

Silang dalawa mamamasyal ulit? "Sigurado ka? Mamamasyal ulit tayo?"

"Oo nga. Ang kulit. Ikaw muna ang sumakay. Sa likuran mo nalang ako."

Itinago niya ang munting ngiti na nagpipilit kumawala sa kanyang mga labi. Change
position para maiba? Ipinagkibit balikat nalang niya iyon bago lumapit kay Sanji.
Inalalayan siya nitong sumakay. Ng makasakay siya ay agad narin itong sumakay sa
likuran niya.

Napapikit siya ng maramdaman ang init ng katawan nito mula sa kanyang likuran. That
feeling. Ng magsimulang maglakad ang kabayo nito ay saka lang siya napakagat labi
dahil hindi maiwasang magdait ang kanilang mga katawan. Parusa pa sigurong
matatawag ng pumwesto ang kamay ni Sanji sa kanyang tagiliran habang hawak nito ang
renda ng kabayo nito.

"Hindi ka ba nahihirapan? Dapat diyan nalang ako sa likuran at ikaw dito sa


harapan," hindi niya naiwasang sabihin.

"Mas okay na ako dito."

Ako hindi okay dito Sanji. She sighed. "D-Dito ka na lang kaya Sanji?"

Napigil niya lalo ang paghinga ng medyo ipatong pa nito ang baba nito sa kanyang
kanang balikat. Napalunok siya.

"Why? Aware ka sa akin?"

"Bababa na ako."

Ngumisi ito. "No way," anito bago pinasibad ang kabayo sa mabilis na pagtakbo.
Mabilis na binago ni Sanji ang pagkakahawak sa renda ng kabayo. This time
nakapulupot na ang mga kamay nito sa may tiyan niya. "Relax ka lang," he even
whispher on her ears bago umayos ng puwesto.

Nanindig tuloy lahat ng balahibo niya sa katawan. "Saan ba tayo pupunta?"

"You'll see."

Nagpatuloy sa mabilis na pagtakbo ang kabayo nito. Hanggang sa pasukin niyon ang
kagubatan. Ilang minutes din siguro iyong binaybay nila hanggang sa maramdaman niya
ang papataas na dinadaanan nila. Ramdam niya iyon dahil sa posisyon ngayon ng
kabayo. Paakyat sila sa bundok.

Kahit last day na niya doon ay naisipan parin siya nitong ipasyal. Wala siguro
itong magawa kaya bigla-bigla nalang naisipang mamundok. Sa tuktok sila ng bundok
nakarating.

"Wow. Ang ganda ng view!"

Nakakawala ng stress sa lugar na iyon. What a beautiful place. Kitang-kita ang


kalawakan ng buong Hacienda Marquez. Kahit ang bayan ng San Rafael ay tanaw din
doon. Kahit ang mainit na katawan ni Sanji ay nawala na sa isip niya dahil sa ganda
ng nakikita niyang view.

Inihinto ni Sanji sa tabi ng isang malaking puno ang kabayo nito. Nauna itong
bumaba para alalayan siya.

"Ang bigat mo na," reklamo pa nito ng maibaba siya sa lupa.

"Ang sama mo talaga," nakasimangot niyang sabi bago ito tinalikuran.

"Tumataba ka na kasi," pahabol pa nito habang itinatali ang kabayo sa may puno.
Pagkatali niyon ay nilapitan na siya nito na ngiting-ngiti pa habang inililibot ang
tingin sa paligid. "Like it here?"

Tumango siya. "Oo. Ang ganda-ganda dito sobra. Nakakawala ng stress ang ganda ng
view." Masaya na malungkot ang nararamdaman niya dahil panandalian lang naman iyong
pag-stay nila doon. Mix emotion.

Matagal na katahimikan ang namagitan sa kanila ni Sanji bago niya iyon binasag.

"Thank you sa pagdala sa akin dito. Ngayon, masasabi ko na hindi pala nasayang
'yung sem break vacation ko dahil na stock lang ako dito sa hacienda ninyo para
alagaan ka. Kasi sobrang nasulit ko rin dahil sa daming experience na nangyare sa
akin dito. At kung tutuusin hindi naman kita inalagaan. Mas mukha ngang nagbakasyon
lang ako dito sa inyo." Lahat ng nangyare sa kanya sa lugar na iyon ay tila nag-
flashback sa kanyang isipan.

Umupo si Sanji sa damuhan. "Buti naman at sulit pala 'yung bakasyon mo dito."

Sinulyapan niya ito na hinawakan pa ang kanyang kamay para hilahin siya paupo sa
tabi nito. Nagpahila naman siya. Being with him is..... great.

"Oo. At saka," tumanaw muna siya sa magandang view. "Pasensiya na sa lahat ng


nangyareng hindi maganda."

"Nangyare na."

"Kahit na. Hindi ko naman sinasadya."


Pinagdiskitahan ni Sanji na bunutin ang mga damo sa tabi nito. Hindi na muli pang
nagsalita at animo may kung anong iniisip. Napatingin tuloy siya dito.

"Natahimik ka na diyan?"

"May iniisip lang."

Awkward naman kung pati iniisip nito ay tatanungin pa niya dito. Tumingin siya sa
malayo. What if hindi siya napadpad sa lugar na iyon? Siguro iwas parin siya kay
Sanji hanggang ngayon. Unlike ngayon na hindi na siya naiilang na lapitan o
kausapin ito. Kailangan ba niyang magpasalamat sa nakaisip na mag-stay siya sa
hacienda during the semestral break o sa pagiging careless niya?

"I just wanna ask kung paano mo natiis na hindi man lang ako silipin n'ong mga
panahon na nasa ICU ako?"

Nagsalubong ang kilay niya sa sinabi nito. "Hindi kita dinalaw? Paano mo naman
nasabi na hindi kita dinalaw? Hindi ba sinabi sayo ni Andrei na pinuntahan kita
doon?" Ng maisip na tulog nga pala ito ay muli siyang nagsalita. "Sabagay, tulog ka
pati nong pinuntahan kita."

"Ang lalaking iyon," inis nitong anas ng maalala ang sinabi ni Andrei.

"Dinalaw kita," ulit niya.

"Okay."

"Ako naman ang magtatanong," aniya. "Bakit ngayon mo lang naisipang pumunta dito
kasama ako?"

Tumanaw ito sa malayo. "Sabi mo kanina uuwi ka na kahit bukas ka pa naman talaga
dapat uuwi sa inyo."

Hindi niya alam kung matatawa o ano sa sinabi nito. Sa huli ay napatawa rin siya.
"Adik. Ang ibig kong sabihin ng sabihin ko iyon sayo kanina, eh, uuwi ako ay sa
mansion niyo. Ang hilig mong mag-isip ng negative," naiiling niyang sabi.

Natahimik ito kaya napasulyap siya sa gwapo nitong mukha. Kahit ano ang gawin niya
madalas parin na hindi niya mabasa kung ano ba ang iniisip nito. She sighed.

"Uwi na tayo?"

Napasimangot siya. "Mamaya. Gusto ko pa dito."

Tumayo na ito kaya nasundan niya ito ng tingin. Hinahayon na nito ang kinaroroonan
ng kabayo nito kaya no choice na siya kundi ang sumunod dito.

"Nakakainis ito. Dadalhin-dalhin  mo ako sa magandang lugar na ito tapos sandali


lang pala tayo dito."

Natameme siya ng lampasan ni Sanji ang kabayo nito. Lumipat lang pala ito ng
puwesto. Nanatili itong nakatayo sa kinaroroonan nito bago siya nilingon.

"Sabi mo mamaya. Kaya mamaya tayo uuwi."

Kagat ang labi na lumapit siya dito. Tumayo lang siya sa may bandang likuran nito.
Alam niyang napahiya siya sa inasal niya kanina kaya hindi pa niya ma-take na
harapin ito.
Maganda rin ang view doon. Over looking ang kagandahan ng ibang bahagi ng hacienda.
Kitang-kita ang malawak na taniman ng palay.

Kapag bumalik na ba sila sa school ganito parin? Abot kamay parin kaya niya si
Sanji? Ayaw man niyang aminin pero iba na yung pakiramdam niya pagdating kay Sanji.
Hindi na normal.

Ng biglang humarap sa kanya si Sanji ay napaiktad pa siya dahil sa gulat.

"Problema mo?"

His gorgeous face..... Ipinilig niya ang ulo. "W-Wala." Nag-iwas siya ng tingin ng
mataman siya nitong titigan. Kahapon lang sa ilog ganito rin sila kalapit.

Parang nananadya pa ito ng humakbang palapit sa kanya. Napaatras siya ngunit


mabilis naman siya nitong napigilan sa kamay. Nagtataka tuloy na napatingin siya sa
mukha nito. That melting stare of him from his oh-so- gorgeous eyes. Muli siyang
nagbaba ng tingin.

"S-Sanji lumayo k-ka nga."

"Why?" Tumingin ito sa malayo bago muling ibinalik ang tingin kay Anria. "Didn't
you know that you stole my first kiss?"

Napamaang siya sa akusa nito. "Stole ka d-diyan!" Wait, sinabi ba niya na I already
stole his first kiss? Weh, di nga? Ako first kiss din niya? Natawa tuloy siya sa
akusa nito sa kanya. "Ako ang first kiss mo? 'Wag mo nga akong patawanin Sanji.
Sus, hindi ako ipinanganak kahapon para maniwala diyan sa joke mo." Admitted na
sobra nitong gwapo kaya imposible talaga na siya ang first kiss nito.

"Okay lang kung ayaw mong maniwala. For now maniningil muna ako para quits," anito
na walang pasubali siyang kinabig.

Nanlaki yata pati butas ng ilong niya ng maglapat muli ang kanilang mga labi. Sa
panaginip ko lang ito naulit. Sanji, bakit inulit mo pa? Gusto mo ba akong mabaliw
lalo? Ipipikit na sana niya ang kanyang mga mata para namnamin ang sandaling iyon
ng ito naman ang kusang lumayo sa kanya. Iyon na ba iyon? Muli siyang nag-iwas ng
tingin. Pati tuhod niya nanlambot bigla. Habang ang kanyang puso ay walang tigil sa
malakas na kabog niyon.

"Uuwi na tayo," deklara nito bago siya hinila sa kamay palapit sa kabayo nito.

Nagpatangay nalang siya dito. Pati utak niya nagulo dahil dito. Pambihira ka talaga
Sanji Marquez. Hindi ko naman sinasadya kung bakit nangyare ang kiss na iyon sa
tree house mo. Pero bakit kailangan mo pang gumanti para quits? Isang malaking
question mark iyon.

MEDYO NAGULAT si Anria ng may tumabi sa kanya sa may terrace.

"Magandang gabi po, Señora," agad niyang bati ng mapagsino iyon.

Nginitian siya nito. "Same here. Nabanggit ni Sanji na bukas na ang alis mo?"

She nod. It was her first time na makakausap ang Ginang ng ganoon. Kwentuhan. "Opo.
Start na po ulit ng klase sa Monday."

"Oh, I see. Anyway, thank you for taking care of my son. Lalo na n'ong wala kami
dito ng Daddy niya."
"Walang ano man po, Señora."

"Hija cut the Señora thing. Just call me Tita," ngumiti pa ito.

"S-Sige po," kimi pa niyang sabi.

"I'm sorry about the last time. I really didn't mean to do that. Wala naman talaga
akong balak na sampalin ka when we first meet. It's just only for Ajani's sake
that's why I act like that. Maybe I've been frightened you that time. You know baka
isipin niya na pinagkakaisahan siya kung magiging polite agad ako sa'yo lalo na at
ikaw ang naging dahilan kung bakit nagkaroon ng back injury si Sanji. I hope you
understand hija."

Napangiti siya sa sinabi nito. Atleast ngayon sigurado na siyang mabait talaga si
Mrs. Hinari Marquez.

"Naiintindihan ko po. Expected ko na rin naman po kung magagalit talaga kayo


sa'kin. Patawarin niyo rin po ako kung nangyare man po 'yon kay Sanji. Aksidente
lang po talaga."

"I understand. Andrei explain it already even before." Mrs. Hinari gasp some air.
"Natutuwa rin naman ako na may babae dito sa bahay namin. Kahit kasi gustuhin kong
sundan pa namin ng Tito Alfredo mo si Sanji, I can't. Hindi kakayanin ng katawan ko
kapag nagbuntis pa ako." She sigh bago nagpatuloy magsalita. "At isa pa napaka-iwas
ng anak ko lalo na sa mga babae kaya I wonder na tumagal kang kasama siya. At base
sa nakikita ko okay naman kayo."

'Yung klase ng ngiti sa mga labi ng Ginang animoy nanunudyo pa.

"K-Kailangan ko lang po talagang pagtiisan si Sanji kahit na ganoon siya."

With poise pa ng tumawa ito. "Okay. Bueno kailangan ko na munang puntahan ang asawa
ko at baka kanina pa ako hinihintay sa kwarto namin. Nakita kasi kita dito kaya
sinabi kong susunod nalang ako sa kanya. Good night, hija."

"Good night din po."

Nagulat pa siya ng makipag-beso-beso pa ito sa kanya bago tuluyang umalis. As if


close na agad sila.

Ng dahil sa maikling chit-chat with Mrs. Hinari Marquez ay naalala naman niya ang
sariling mga magulang. Kahit hindi niya i-voice out ay nami-miss na rin niya ang
mga ito. Lalo na ngayon na napatira siya kina Sanji na buo ang pamilya at
magkakasama. Iba parin talaga kapag sariling mga magulang mo ang makakasama mo.

Ikinurap-kurap niya ang mga mata ng mag-umpisa na naman iyong mag-init.

"Anria."

Mabilis na pinalis niya ang luha sa mata ng marinig ang boses na iyon ni Sanji. She
count one to three before faced him.

Standing like a prince. So gorgeous as ever. Dream guy ng marami and her first
kiss....

"B-Bakit?"

"It's late. Bakit hindi ka pa natutulog?"


"Ah. Nagpapahangin at nagpapaantok lang. Matutulog na rin ako maya-maya." Dahil
hindi matagalan na pagmasdan ito kaya muli niya itong tinalikuran. Napahawak pa
siya ng mahigpit sa railings ng terrace. Naroon na naman iyong kaba sa dibdib niya
na palagi ng nangyayare kapag malapit lang si Sanji. A weird feelings of her.

Bakit kailangan niyang magkaganito? Dati namang hindi siya nakakaramdam ng ganoon.
Normal naman siya dati pero ngayon pakiramdam niya ay abnormal ang lahat. Idagdag
pa na hindi parin matanggal sa sistema niya si Sanji. Lalo na at inulit pa nito
kanina sa bundok ang pagkakamaling iyon sa tree house nito.

"Goodnight."

Tango lang ang isinagot niya. Napapikit pa siya ng mariin ng maramdaman ang
papalayong yabag ni Sanji.

Kinabukasan naman simula umaga hanggang sa maihatid siya ni Andrei sa kanilang


bahay ay hindi niya nakita kahit anino ni Sanji. Kung kailan pauwi siya hindi man
lang nagpakita sa kanya.

Mapait na napangiti si Anria. Sino ba siya para pagkaabalahan ni Sanji?

***~~~~*****Dedicated to my Ate Kristhel Khaye Jumaday, ate Khaye salamat po sa


pag- read ng story ko :) Alam kong PHR readers ka rin gaya ko dahil minsan na
tayong nag-meet sa Book Signig nina Ate Che at Ate Je year 2010 kaya natutuwa ako
at approve sayo ang mga ginawa kong story. Salamat ate sa pag-motivate sa akin para
i-push ang mga story ko :)

#APID#SanRia

=================

Chapter 18

"MAG-KUWENTO ka naman Anria," pangungulit pa rin ni Lai sa kanya.

Simula yata ng magkita sila nito kaninang umaga sa kanilang room ay hindi na ito
natigil sa pangungulit sa kanya tungkol sa pamamalagi niya kina Sanji. Maging si
Miyuki ay panay din ang pangungulit sa kanya.

"Walang interesanting nangyare kaya lubayan niyo na ako sa kwento na iyan dahil
wala naman akong ikuwe-kwento."

"Weh. Aminin umiiwas si Ate sa topic," bumungisngis pa si Miyuki.

"I'm not," aniya bago nagpasak ng earphone sa tainga para matigil ang dalawa sa
pag-uusisa. "Tapusin niyo na iyang kinakain ninyo."

"Damot sa kwento."

Ng matapos silang mag-lunch sa cafeteria ay pinagitnaan na naman siya ng dalawang


kaibigan para magpatuloy sa pangungulit.

"Magkwento na kasi," ani Lai na dinuggol pa ang braso niya.

"OMG! Si Sanji!" Impit na palirit ni Miyuki habang tulalang nakatingin sa unahan


nila. "Waaah. I miss him!"
Ng mag-angat siya ng tingin ay nakita nga niya si Sanji. Makakasalubong nila ito.
Akala niya papansinin siya nito ngunit kahit isang sulyap sa dereksiyon niya ay
hindi nito ginawa. Hindi niya alam ngunit biglang nanikip ang dibdib niya ng
lampasan lang sila nito. Pinilit niyang magpaka-normal lang kahit na ang totoo ay
nakaramdam siya ng mumunting kirot sa kanyang dibdib.

Ayaw niya ng pakiramdam na iyon. Masyadong masakit. She didn't know why she felt
that un-familiar feeling. Dati naman ay baliwala lang sa kanya si Sanji pero bakit
ngayon ay parang big deal na ito? Lalo na ang pambabaliwala nito sa kanya? Ano
ba'ng nangyayare sa kanya?

"Kitams? Walang dapat i-kuwento," kunway baliwalang sabi niya sa dalawang kaibigan
ng tuluyang makalayo si Sanji. Gusto niya itong lingunin ngunit nagkanda-pigil-
pigil lang siya.

"Still ang gwapo-gwapo parin niya. Gosh!" Exagerated na sabi ni Lai. "Na-miss ko
siya ng sobra. Ang tagal ng bakasyon na sobrang boring naman. Buti nga ikaw Anria
kahit paano nasisilayan mo ang kagwapuhan niya."

"Correct ka Lai," segunda ni Miyuki. "Ang boring din ng bakasyon ko."

Anria remain silent. Hinayaan lang niya na sina Lai at Miyuki ang mag-usap ng mag-
usap.

Kung gusto niya ng snob-an so be it. I don't care!

"Anria 'yung wire ng earphone mo mapuputol na."

Napatingin tuloy siya sa hawak na wire ng earphone niya. Totoo nga ang sabi ni
Miyuki malapit na iyong maputol kung hindi niya tatantanan sa panggigigil. Hindi
niya napansin ang aksiyon niyang iyon. Weird.

"Ano'ng nangyayare sa iyo at ang weird ng kilos mo?" sita pa ni Lai.

"Wala. Just don't mind me."

Dalawang linggo pa ang matuling lumipas. Pakiramdam ni Anria ay back to normal na


ang lahat dahil wala ng mga atribida na humaharang sa kanya o di kaya ay susugudin
siya.

Until someone sit beside her under the Narra tree. Inagaw pa niyon ang kanina pang
pinagdidisktahang tetro pack na juice. Nabaliko na kasi 'yung matulis na dulo ng
straw kaya ang ginawa nito ay binaligtad nito iyon maging ang juice. Sa pwetan nito
iyon tinusok.

"Maliit na bagay masyado mong pinapahirap," sabi pa nito bago ibinalik sa kamay
niya ang juice. Ng mapansin pa nito ang hindi pa nababawasang kwek-kwek sa
dispossable cup sa tabi niya ay kinuha rin nito iyon at walang paalam man lang na
binawasan.

Hindi maiwasang mapamaang ni Anria. "Kwek-kwek ko iyan!" She hiss.

"I know. Hindi ko naman sinabing sa akin," ani Sanji bago tumusok pa ng isang kwek-
kwek sa cup. Tatlo nalang tuloy ang natira doon.

Bago pa nito iyon maubos ay inagaw na niya dito ang cup. "Sa sobrang yaman mo pwede
mo ng bilhin pati 'yung nagtitinda nito sa labas. Pati ako aagawan mo pa ng
pagkain," kunway inis niyang sabi para lang pagtakpan ang mabilis na pintig ng
kanyang puso.
For the past two weeks ngayon lang siya nito nilapitan. Hindi niya alam kung bakit
nagbago ang ihip ng hangin at ito pa ang kusang namansin. Kung kailan naman umiiwas
siya sa mga tao ngayon dahil hindi pumasok ang dalawa niyang kaibigan. Si Lai may
sakit habang si Miyuki naman ay may importanteng pinuntahan kaya heto siya ngayon
mag-isa lang. Sure siya na mamaya pagpasok niya sa kanilang room ay may masasamang
tingin na naman ang classmate niya sa kanya. Gugulo na naman tiyak ang kanyang
mundo ng dahil sa muling paglapit ni Sanji sa kanya.

"Papaltan ko 'yung kinain ko kung gusto mo, pero hindi ngayon. Tinatamad akong
lumabas ng campus."

"Kung bakit kasi ang dami namang pwedeng puntahan or tambayan dito sa school, eh,
dito pa napili," pasaring niya dito.

"I have my own reason."

Napatingin tuloy siya dito. But when she meet his gaze ay dagli siyang nag-iwas ng
tingin.

"Si Andrei bakit hindi mo yata kasama?" Tanong niya bago tumusok ng isang kwek-kwek
at kinain.

"Ang dami mong pwedeng itanong si Andrei pa talaga ang naisipan mo?" May bahid na
inis na sabi ni Sanji.

Pagkakain sa kwek-kwek ay nag-sip muna siya sa kanyang juice bago ito sinagot.
"Nakakapagtaka lang dahil araw-araw kayong magkasama. Daig niyo pa nga ang mag-jowa
na hindi mapaghiwalay." Napangisi pa siya. "Kunti na nga lang bagay na kayo."

"You think so?"

"Yep. Hindi ko lang sure kung sinong tagilid sa inyo ni Andrei." Napakislot siya ng
biglang agawin ni Sanji sa kanya ang hawak na cup. Napatingin tuloy siya dito.
"Akin na iyan."

"Ano'ng gusto mong palabasin ngayon? Na ako 'yung tagilid sa aming dalawa?"

Nagkandabuhol-buhol tuloy ang dila niya. Sobrang seryoso ni Sanji. Para binibiro
lang ito seseryosohin naman agad.

Sinubukan niyang bawiin dito ang cup pero inilayo lang nito iyon. "W-Wag ka ngang
ano diyan. Para binibiro lang."

"Biro?"

"Oo. Apektado ka masyado kaya napaghahalata ka." Isinukbit na niya ang kanyang bag
at hinayaan na kay Sanji ang kwek-kwek kahit na isang piraso palang ang nakakain
niya.

Tatayo na sana siya ng mabilis na pigilan siya ni Sanji sa kanyang braso.

"So, you think I'm a gay?"

Napalunok siya dahil 'yung mukha ni Sanji hindi naman kalayuan sa kanya. That
awkward moment. Hindi naman niya iniisip na ganoon nga ito. Wala lang siyang masabi
kanina.

"W-Wala akong sinabi na ganoon. Paranoid ka masyado."


He even smirked after a while. "'Wag kang masyadong magbiro dahil baka hindi mo
magustuhan ang pwedeng mangyare sa'yo." He release her arm then stand up. "Malapit
ng mag-time. You should go back to your room."

Walang imik na tumayo na rin siya. "May utang ka sa'king kwek-kwek," aniya dito
bago nagmamadaling iniwan ito.

AUTOMATIC ang paghinto ni Anria sa paglalakad ng makilala ang magarang kotse na


naka-park ngayon sa harap ng kanilang school.

"Oh, no," bulalas niya ng bumaba sa kotse ang kanyang pinsan na si Darwin James
Amelardo.

Looking so hot and gorgeous kaya lahat ng nasa labas ng school ay napapatingin
dito. Eye catcher din kasi ang pinsan niyang ito lalo na ng tanggalin nito ang suot
na dark shades sa mata. May narinig pa siyang impit na tilian na hindi na niya
pinagkaabalahan pang tingnan.

"Long time no see," nakangiti pa nitong sabi at ng tuluyang makalapit sa kanya ay


niyakap pa siya.

Si Sanji naman na kalalabas lang sa gate ng school sakay ng kotse nitong


Lamborghini ay napahinto pa sa naabutang eksena.

"A-Anong ginagawa mo dito?" Kandautal niyang tanong. Hindi ito pwedeng makita ng
kahit sino. O kahit ang malaman na pinsan niya ito dahil ayaw niyang kumalat na
mayaman siyang tao. She hate the idea kaya humiwalay siya dito.

"Your parents want me to visit you if you're doing well here."

"Okay lang ako. Sana sa bahay mo nalang ako hinintay." Pasimple pa niyang inilibot
ang paningin para lang matigilan ng makita si Sanji na nakatingin sa dereksiyon
nila ni Darwin James. Binalingan niya ang pinsan. "Mauna ka na kaya sa bahay?"

Nagsalubong ang mga kilay nito. "Sabay na tayo."

Paano ba niya rito ipapaliwanag na hindi maaari? Sigurado siya na mapapagalitan


lang siya nito kapag nalaman nito ang dahilan. Na itinatago niya ang pagkatao niya.

"Mauna ka na."

"Para kang sira Anria. Iisa lang naman 'yung way natin pauwi sa bahay ng Lolo't
Lola mo tapos ayaw mo pang sumabay?"

"K-Kasi–––"

"Don't tell me you hide something? Boyfriend perhaps? Oh, common ayaw pa nina Tita
na makipag-boyfriend ka."

Alam naman niya ang bagay na iyon at isa pa wala pa iyon sa kanyang isipan. Ang OA
talaga nito minsan.

Iimik sana siya ang kaso bigla namang huminto sa tapat nila ang kotse ni Sanji.
Bumaba ito at naglakad palapit sa kanila. Looking so serious habang nakatingin sa
pinsan niya.

"Who is he?" Tanong pa ni Sanji sa kanya habang ang tingin naman ay nasa pinsan
niya.
Bakit ba wrong timing umeksena si Sanji? Kung makapagtanong pa ito animo boyfriend
niya. Pambihira.

"Same here. Who are you?" Ganting tanong ni Darwin James kay Sanji.

Medyo naalarma siya dahil sa klase ng titigan ng dalawa. Animo may kuryenteng
nanunulay doon. Bahagya niyang hinila si DJ palayo kay Sanji.

Hindi sinagot ni Sanji ang balik tanong ni DJ instead he look at her. Waiting her
to answer his question a while ago. Lihim siyang napalunok.

"H-Hes my...."

"Her fiancé," agaw ni DJ sa kanyang sasabihin. "So back off. Let's go Anria." DJ
grab her arm then hinila na siya palapit sa kotse nito.

Sa sinabing iyon ng kanyang pinsan ay halos hindi niya magawang lingunin man lang
kung ano'ng naging reaksiyon ni Sanji sa sinabi nito.

Pagkasakay ni DJ sa kotse ay agad nito iyong pinasibad at ng medyo makalayo na ay


bumunghalit na ito ng tawa.

"Men! He really looked mad when I said I'm your fiancé," tumatawa nitong sabi.

"Baliw ka talaga," naiiling niyang sabi.

"Boyfriend mo ba 'yon?"

Pwebe ba siyang tumawa sa sinabi nito? Napaka-ususero talaga nito.

"Hindi."

"Suitor?"

"Lalong hindi!"

He smirked. "Okay. Got it. So, relax. Pero bakit ganoon ang reaction niya? Weird.
'Di mo naman pala suitor or what."

"Manahimik ka na lang at mag-drive. Nakakainis ka talaga!" Kung hindi lang niya ito
pinsan ay baka kanina pa ito puro ube ang mukha.

=================

Chapter 19

NAGKATINGINAN si Lai at Miyuki ng matamang tingnan ni Anria ang dalawang kaibigan.


Something is wrong with her two bestfriend.

"Kung may sasabihin kayo sabihin niyo na habang wala pa tayong teacher," aniya sa
dalawa.

Tumikhim si Lai. "Okay. We have something to confest, Anria."


"Isinali ka namin sa darating na cosplay event dito sa school," napayuko pa si
Miyuki pagkasabi niyon.

"Cosplay?" Ng mag-sink-in sa kanyang isipan ang tinutukoy ng mga ito ay ganoon


nalang ang pagmaang niya. "Bakit niyo ako sinali?"

Lai bite her lower lips. "Sorry kung hindi namin hiningi ang side mo. Promise mag-
e-enjoy ka naman sa cosplay kasi ipo-portray mo lang naman ang favorite anime mo or
kung sino man sa mga palabas sa TV."

Never pa naman siyang sumasali sa mga school events. Tapos bigla pang sasapian ang
dalawa niyang kaibigan and without asking her permission ay isasali siya ng mga ito
sa event na iyon. Kung kailan wala na siya sa hot spot at back to normal na ang
buhay.

Nasapo niya ang noo. Pambihira talaga ang dalawang ito. "Kailan iyon?"

"Two weeks from now pa naman kaya makakapaghanda ka pa."

Tiningnan  niya si Lai. "Pahamak kayo. Pwede namang kayo nalang ang sumali."

Nginitian siya ni Lai. "Mas bagay kasi sayo kaysa sa amin. 'Wag ka ng magalit
atleast bago tayo magtapos dito sa school may sinalihan kang event."

"Pinapasakit niyo lalo ang ulo ko."

Buong araw tuloy niyang iniisip ang event kung saan kasali siya. Inis na binalingan
niya ang dalawang kaibigan na busy sa pakikipagdaldalan sa mga kaklase niya tungkol
kay Sanji. What's new, eh, si Sanji lang naman ang favorite topic ng buong school.

Wala silang klase ng mga oras na iyon sa kanilang first period sa hapon dahil may
meeting ang lahat ng guro. Kaya ang ibang mga students ay mga nagkalat sa labas ng
classroom.

Tumayo siya at nagpaalam sa dalawang kaibigan na lalabas lang para pumunta sa


cafeteria.

Habang binabaybay ang papunta sa cafeteria ay nakita pa niya kung paano magkagulo
ang mga babaeng estudyante sa nilikuang corridor. Mga mamamatay sa kilig ang mga
babae. May mga impit na nagtitilian at nagpapapansin sa binata. Pero si Sanji
parang walang nakikita at naririnig na pumasok sa may exit door. Walang nangahas na
sundan si Sanji dahil alam naman ng mga iyon na magagalit si Sanji.

Mabilis ang hakbang niya ng bumaba sa hagdanan. Imbis na pumunta pa sa cafeteria ay


pumasok rin siya sa exit door. Umakyat siya papunta sa may roof top. Hindi nga siya
nagkamali naroon si Sanji. Nakatanaw ito sa malawak nilang soccer field. Nag-isip
muna siya kung lalapitan pa ito o hindi na. Subalit ilang sandali pa ang lumipas at
kusa ng humakbang ang mga paa niya palapit sa nakatalikod na si Sanji.

"Tumatambay ka rin pala dito?" Basag niya sa katahimikan.

Nagulat pa ito ng makita siya. "Ano'ng ginagawa mo dito?"

"Madalas ako dito," pagsisinungaling niya. Pwede naman niyang iwan si Sanji ngunit
kumokontra agad ang katawan niya. "Ikaw, ano'ng ginagawa mo dito?" She ask again.

Muling bumaling si Sanji sa field. "Nagpapahangin. Nakaka-sufocate sa room."

Napatango-tango nalang siya. "'Yung kwek-kwek ko nga pala bayaran mo na ngayon.


Nagugutom ako, eh."

"Tinatamad akong lumabas ng campus."

"Gan'on?" Napalabi tuloy siya. "'Di 'wag. Sige baba na ako."

"Stay here."

"H-Ha?"

"Bibili na ako. Just stay here and I'll be back." Wala ng lingon likod na umalis si
Sanji.

Naiwan tuloy siyang bahagyang nakanganga. Maya-maya ay may sumilay ng ngiti sa labi
niya. Nabura lang iyon ng makita si Andrei.

"Si Sanji? Sabi nila narito daw?"

"Ah, kabababa lang niya."

Napapalatak ito. Bahagya pa ang paghingal nito. Tinakbo yata nito ang papunta sa
roof top. "Babalik pa ba siya?"

In the end ay tumango rin siya. "May binibili lang."

Ganoon nalang ang pagtaas ng kilay nito. Ware'y nagulat sa sinabi niya. "Really?"
Tumawa ito. "Geez. 'Di nga?"

"May utang sa akin na kwek-kwek si Sanji. Sinisingil ko ngayon kaya bumibili siya
sa labas."

Humagalpak na ito ng tawa."First time in history na nautusan siya, ha. Ako nga
hindi ko mapakisuyuan na itapon ang kinainan namin kahit na malapit lang siya sa
basurahan. Tss. That guy."

Napangiti rin tuloy siya. Talaga Andrei? Ang swerte ko naman kung ganoon. Tumawa
siyang lalo sa isip. Hindi lang niya lubos na maisip na nautusan niya si Sanji.

Hindi rin agad umalis si Andrei. Hihintayin na raw nito si Sanji. Kaya naman ng
bumalik si Sanji sa roof top ay napakaseryoso ng mukha ng maabutang nagtatawanan pa
sila ni Andrei.

"Ang saya niyo masyado."

Natahimik siya. Si Andrei naman ay ngising-ngisi pa.

"Not really," sagot ni Andrei.

Inabot ni Sanji sa kanya ang cup na may lamang kwek-kwek. May kasama pa iyong Royal
in can. Kinuha niya iyon at ipinatong sa may pasemano.

"Salamat," aniya. Awkward masyado, mukha kasing may namumuong tensiyon kay Sanji.
Si Andrei lang naman ang kasama niya, ah? Tumikhim siya. "G-Gusto niyo?" Alok pa
niya sa dalawa ng kwek-kwek.

"Ako gusto ko." Humarap pa sa kanya si Andrei. Agad itong tumusok ng isang kwek-
kwek at isinubo. Pagkuwan ay muling tumusok ng isa pa at akmang isusubo sa kanya.
"Say, ah."
Napasulyap tuloy siya kay Sanji na lalong naningkit ang mga mata. Si Andrei naman
na nakatalikod ang pwesto kay Sanji ay pinanlakihan naman siya ng mata. Saying na
isubo niya. Kumindat pa ito. Iinisin ba nito si Sanji? Naiiling na kinuha nalang
niya dito ang stick. Ayaw niyang may bumulagta na lang bigla sa sahig. Si Sanji
kasi parang anumang oras ay manununtok dahil sa kuyom nitong kamao. Tumikhim siya.

"Kaya kong kumain ng mag-isa."

Tumawa lang si Andrei bago binalingan si Sanji. "Hihintayin nalang kita sa room."
Tinapik pa nito sa balikat ang kaibigan bago naglakad papuntang exit door.

"May gusto ka ba kay Andrei?"

Hindi siya agad nakahuma sa tanong nitong iyon. Kalmado na ito bagamat seryoso
parin ang mukha.

"Oh, I forgot may fiancé ka na nga pala."

Bakit sarcastic siya masyado? Nasimangutan tuloy niya ito ng maalala ang sinabing
iyon ng kanyang pinsan na si Darwin James. "Hindi ko iyon fiancé. At saka wala
akong fiancé. Wala lang talaga iyong magawa sa buhay kaya nasabi niya iyon."
Dinampot niya ang dispossable cup at tumusok muli ng isang kwek-kwek para kainin.

"Maniwala. He has a look. Imposible namang hindi mo iyon magustuhan."

Nagseselos ba ito? Tsk! Nagiging assuming na ako dito. "Nagkakamali ka."

"Tss." Muli itong humarap sa soccer field. "Kaya nga diba sa halos lahat ng babaeng
nagkakandarapa sa akin ikaw lang iyong bukod tangi sa lahat na walang gusto sa
akin. Now I get it."

Ano ba ang gusto nitong palabasin? Kung alam lang nito na mukhang crush na rin niya
ito..... Wala rin namang mangyayare kung malaman nito iyon kaya mas okay kung
manahimik na lang siya. She admit it sa sarili niya na mukhang nagkakagusto na rin
siya kay Sanji. Posible pa pala iyong mangyare sa kanya. Okay, tao na siya ngayon.

"Bahala ka kung ano ang gusto mong isipin diyan."

"Talaga."

Pinagdiskitahan nalang niya ang kwek-kwek. Minsan talaga ang hirap ding spelling-in
ni Sanji. Nakakaputi ng buhok.

"You even snob me before," mahina nitong anas sapat lang para marinig niya.

Nahirinan tuloy siya sa sinabi nito. Agad naman nitong binuksan ang can at iniabot
sa kanya. Ng makainom ay umayos siya at naiimposiblihang pinagmasdan si Sanji.

"Paanong hindi kita i-snob-in? Hindi naman tayo close dati."

Bigla ang pagsilay ng ngiti sa sulok ng labi ni Sanji. Did she say something wrong?

"So, you mean close tayo ngayon kaya namamansin ka na?"

Buti nalang at wala ng laman ang kanyang bibig dahil kung meron baka nahirinan na
naman siya. Dinaan nalang niya sa tawa ang sinabi nito para mapalis ang sariling
tensiyon na nararamdaman.

"Hindi rin. Kaya lang naman kita nilapitan ngayon ay dahil sa utang mo sa aking
kwek-kwek." Naningkit ang mga mata nito ng tingnan siya kaya napaiwas siya ng
tingin.

"How dare you?"

Pigil ang matawa na tumusok siya ng isang kwek-kwek at iniumang sa tapat ng bibig
nito. Ginaya niya 'yung ginawa ni Sanji.

"Nga-nga."

Salubong na ang kilay nito. Nawe-weird-ohan yata sa kanya.

"Ayaw mo?" Siya naman ngayon ang bahagyang naningkit ang mga mata. Nakakaramdam na
kasi siya ng hiya sa ginagawa. Ibababa na sana niya ang kamay ng ibuka na ni Sanji
ang bibig. Napangiti ulit siya ng maisubo dito ang kwek-kwek.

"Oh, my god!"

Napabaling sila ni Sanji sa may exit door. Ganoon nalang ang pagmaang niya ng
makitang ang daming estudyanteng babae na nanonood sa kanila ni Sanji.

"S-Sanji patay na naman ako sa mga fans mo," bulong niya dito.

"Dalhin mo na 'yang pagkain mo. Ihahatid na kita sa room mo."

Napamaang siya lalo. "Hindi pwede."

"Hindi mo ba naisip? Kapag iniwan kita dito baka ihulog ka pa nila sa ground mula
dito sa roof top." Kinuha na nito ang softdrinks niya pagkuwan ay hinawakan ang
kanyang kamay para hilahin palayo sa lugar na iyon.

Ang sasama ng mga tingin na ipinupukol sa kanya ng iba ng dumaan sila sa may exit
door. Parang dagat na nahawi ang mga tao sa pagdaan nila ni Sanji. Ang iba naman ay
abala sa pagtitig kay Sanji. May umiiyak pa nga dahil hindi matanggap ang naabutang
eksena nila si Sanji.

"Sinasabi ko na nga ba at ang landi ng babae na iyan, eh."

"Social climber por que sobrang yaman nina Sanji."

"Cheap kasi kaya masyadong assuming."

"Eeeeeh. Sarap sambunutan."

"Ang kiri!"

"Gold digger."

Akmang babalingan pa ni Sanji ang mga nagsalita niyon ng pigilan niya ito. Kahit
gusto niyang lingunin rin ang mga iyon, eh, para saan pa? At isa pa ay wala namang
katotohanan ang mga pinagsasabi ng mga iyon.

"Just ignore them," ani Sanji kay Anria habang patuloy sila sa deretsong
paglalakad. Mahigpit parin nitong hawak ang kanyang mga kamay.

Napansin niya na tiim bagang din ito. Hindi niya sigurado kung dahil iyon sa mga
bashers. She sighed. Sira na naman ang kanyang pangalan. Kung bakit kasi may
pasubo-subo pa siyang nalalaman.
"Tell me kung may magtangkang saktan ka. Dahil kung hindi mo sa akin sasabihin at
malaman ko pa sa iba. Ikaw mismo Anria ang lagot sa akin."

Natameme tuloy ang beauty niya sa sinabing iyon ni Sanji. "Wala naman siguro."

"Tss. Don't think so."

Sinubukan niyang bawiin na ang kamay ngunit hindi nito iyon binitawan.

"Sanji 'yung kamay ko."

"Kung hindi kita hahawakan baka mamaya niyan may biglang humigit nalang sa buhok
mo," katwiran nito ng tuluyan silang makalabas sa fire exit.

Pati puso niya lumambot dahil sa sinabi nito. Sanji, stop act like sweet person.
Sarap palang manabunot kapag ganitong kinikilig. Rawr.

Hindi nalang niya pinansin ang mga mapanuring tingin na nakasunod sa kanila ni
Sanji.

"OMG! Sila na ba ni Sanji?"

"Baka na-develope nong magkasama sila the whole sembreak."

"Waaah. I can't believe this. Sabihin niyo sa akin na bangungot lang itong nakikita
ng mga mata ko."

"Gaga, totoo iyan."

"Di sila bagay."

"Laslas na kayo," kantiyaw pa ng mga lalaki sa mga babaeng umiiyak sabay tawa.

Napabuntong-hininga nalang siya. Isa lang ang alam niya ng mga sandaling iyon.
Masarap sa pakiramdam ang mainit na kamay ni Sanji na nakahawak sa nanginginig
niyang kamay.

Maging ang dalawa niyang kaibigan at mga kaklase ay mga laglag ang panga ng ihatid
siya mismo ni Sanji sa mismong upuan niya. Ayaw kasing papigil.

"Don't hurt Anria dahil wala naman siyang ginagawang masama," ani Sanji sa lahat
bago nagpaalam sa kanya na babalik na rin sa room nito.

Ng tuluyang makalabas si Sanji ay doon na napatili ng napakalakas sina Lai at


Miyuki. Pati ang iba niyang kaklase ay nakitili na rin. Ang iba mga nakasimangot.

"Goooosh! Anria, waaaah! Hawak niya ang kamay mo," palirit ni Lai na mabilis kinuha
ang kamay niya at dinala sa pisngi nito. "Ang swerte ng kamay mo."

"Ano'ng feeling? Bruha ka talaga!" Tumili pa si Miyuki. Kilig na kilig ang mga
bruha. Niyugyog pa nito ang katabing babae.

"Wala lang iyon kaya 'wag kayong OA."

"My gosh! Kung ako ikaw Anria for sure nahimatay na ako."

              ~~~~~***~~~~~

Hi Mae Kirstein Jumadiao .....Ka-birthday mo ang aking baby na si Princez


Ferry .April 06 din siya. HAPPY BIRTHDAY po sa iyo :) This Chapter is Dedicated To
You :)Again..... HAPPY BIRTHDAY <3

=================

Chapter 20

NAGPAPASALAMAT parin si Anria dahil sa mga lumipas pang araw ay wala namang
nagtangkang kantiin siya dahil sa di umanoy paglalandi niya kay Sanji sa may roof
top. Kahit na mukhang gustong-gusto na siyang sugurin ng marami ay wala namang
nangahas na lapitan siya. Ngunit marami parin ang mga bitter na pinapasaringan siya
at pinaparinggan. Mga natakot siguro na gawan siya ng masama ng magbanta si Sanji
na oras na malaman nito kung sino ang magtangkang manakit sa kanya ay malalagot
dito. Even one of the hot chick sa kanilang campus na walang ginawa kundi ang
magpapansin kay Sanji ay halos isumpa na siya dahil nakakalapit siya kay Sanji.

Pabagsak na naupo si Anria sa kanyang upuan. Ipinatong rin niya ang dala niyang
tatlong pirasong Kiss na fish cracker, na halagang piso isa sa tindahan, sa kanyang
arm chair. Feel lang niyang kumain ng medyo salty ng mga sandaling iyon.

Sina Lai at Miyuki naman ay nagpaiwan pa sa labas at as usual hina-hunting ang


kagwapuhan ni Sanji. Mainit kasi sa labas dahil tanghali kaya nauna na siyang
bumalik sa classroom nila.

"Wow, Kiss. Sa akin na lang ito," pagkakuha ng classmate niyang si Dandrev sa fish
cracker niya ay naglagay pa ito ng tatlong piso sa kanyang desk bago nagtatakbo
palabas. "Thank you Anria!"

Sa bilis ng pangyayare kaya hindi niya naagaw ang Kiss niya. Parang bulkan na
sasabog na hinabol niya ang classmate na nagtatakbo sa labas.

"Dandrev! Akin na 'yung Kiss ko!"

Nainis siyang lalo ng matuling nagtatakbo ang classmate niya. Kung kailan
naglalaway na siya sa pagkain niya ay puputaktihin pa nito. Bwisit lang. Hinabol pa
rin niya si Dandrev.

"Sinabi ng akin na iyang Kiss ko, Dandrev!" Kahit na may napapatingin sa kanya ay
wala siyang pakialam. Ang importante sa kanya ngayon ay mabawi ang Kiss na binili
pa niya sa labas.

Napahinto siya sa pagtakbo ng may pumigil sa braso niya. Hingal na hingal pa siya
ng lingunin kung sino iyon. Napakurap siya ng makita ng kanyang paningin si Sanji.
Salubong ang kilay nito.

"B-Bakit?" Kandautal niyang tanong. Ng maalala si Dandrev at ang Kiss niya ay


pinilit niyang makawala dito. "May hinahabol ako kaya kailangan ko ng umalis. 'Yung
Kiss ko kasi–"

"What's with you? Por que nakuha ko na 'yung first kiss mo halos ipagsigawan mo pa
dito sa building na i-kiss ka ng kung sino mang hinayupak na iyon?"

"H-Ha?" Hindi niya ito ma-gets. "Mamaya na tayo mag-usap. May hinahabol pa ako."

Akmang tatakbo siya ng muli siya nitong pigilan at hilahin papasok sa music room na
walang katao-tao. Isinandal pa siya nito sa pinto pagka-lock nito niyon. Ang dalawa
naman nitong kamay ay nakatuon sa pagitan niya para hindi siya makatakas.

"'Y-Yung Kiss ko kailangan kong makuha," apila niya ng hindi ito matinag sa
kinatatayuan. Awkward, dahil ang lapit-lapit na naman nito sa kanya.

Naningkit ang mga mata nito. "Ilan ba ang gusto mo?" Mariin nitong sabi.

"T-Tatlo."

"Tatlo?!"

Bakit ba ganito ang reaction nito? Problema nito? Napalunok tuloy siya ng mapatitig
sa gwapo nitong mukha.

"Bakit ganyan ang reaction mo?"

"Tss. Gusto mong magpahalik doon sa hinahabol mo. Tatlo pa, huh? At dito mo pa
talaga pinagsisigawan sa school."

Napamaang siya sa maling akala nito. Umiling siya. "Ang nega mo talaga Sanji."
Tinulak na niya ito palayo sa kanya. Lumayo naman ito.

"Ako pa ang nega ngayon?"

Humalukipkip siya. "Paanong hindi? Nag-iisip ka agad ng masama. Bakit? Alam mo ba


'yung nangyare para mag-isip ka ng masama sa akin? Alam mo ba kung ano iyong kiss
na hinihingi ko sa classmate ko?"

Hindi agad ito nakasagot.

"O diba hindi ka diyan makasagot. Palibhasa ang nega mo," inirapan pa niya ito.

"Kahit sino ganoon din ang iisipin," giit nito.

"Hays. Bakit kasi may pahigit-higit ka pa? For sure balat nalang 'yung natira doon
sa Kiss ko." Na-badtrip siya lalo ng maisip ang kanyang sitserya.

Amuse na pinagmasdan siya nito. "Ano ba 'yung kiss na iyon? Sigurado kang hindi sa
lips iyon?"

Umirap ulit siya dahil dagli ang pag-iinit ng pisngi niya sa tinuran nito. "Hindi.
Junk food iyon. Itinakbo ng classmate ko matapos mag-iwan ng bayad sa desk ko.
Sasakalin ko talaga iyon kapag nakita ko. Bwisit." Ng sulyapan niya si Sanji ay may
ngiti pa sa sulok ng mga labi nito. "Ano'ng ngini-ngiti-ngiti mo diyan? Palibhasa
kasi hindi ka naliligaw sa mga tindahan sa labas kaya hindi mo alam kung ano 'yung
nabibiling tigpi-piso."

"Ilang beses na akong bumibili sa tindahan sa labas."

"Whatever. Babalik na ako sa room."

"Paano 'yung Kiss mo?"

Bakit parang iba 'yung dating niyon sa kanya? Inaatake na naman ng kulay berde ang
utak niya.

"Ubos na iyon for sure," sabi nalang niya bago hinarap ang pinto.
"Gusto ko rin n'ong kiss."

Nabitin tuloy sa ere ang kanyang kamay na akmang hahawak sa door knob ng pinto.
Huminga muna siya ng malalim bago muling nilingon si Sanji na may evil grin sa
labi. "Bumili ka sa labas," pairap niyang sabi bago tuluyang binuksan ang pinto.

Nakahinga siya ng maluwag ng wala siyang makitang tao sa pasilyong iyon. Tuluyan na
siyang lumabas. Nakasunod lang sa kanya si Sanji na nakapamulsa.

"Pabayaan mo na 'yung pagkain mo doon sa classmate mo. Magpapabili na lang ako kay
Andrei sa labas," ani Sanji bago naglakad patungo sa classroom ng mga ito.

"'Wag na."

Itinaas lang nito ang kaliwang kamay habang patuloy sa paglalakad. Meaning ito ang
masusunod. She sigh. Isang sulyap pa kay Sanji bago siya bumalik sa kanilang room.

Hindi naman nagtagal at pumasok si Andrei sa room niya na may dalang isang balot ng
Kiss! Maang ang beauty niya ng ilapag nito iyon sa kanyang desk. Lahat ng classmate
niya sa room ay nakanganga pa habang nakatingin kay Andrei.

"Bakit isang balot? Gusto ba niyang magkasakit ako sa bato?"

Nakangiting nagkibit balikat lang ito. "Sabi niya, eh," tukoy nito kay Sanji.
Ipinatong rin nito ang isang bottle ng mineral water. "Balik na ako sa room."

"S-Sige. Salamat Andrei."

"Makakarating kay Sanji."

"Ah, teka lang Andrei." Mabilis na binuksan niya ang plastic at iniabot kay Andrei
ang apat na pirasong Kiss. "Pakibigay sa kanya ng matikman niya."

Tumawa ito. "Sige." Umalis na rin ito.

Napasunod pa ang tingin nina Lai at Miyuki kay Andrei ng makasalubong ng mga ito
ang binata sa may pintuan.

"Ano'ng meron?" Panabay pang usisa ng mga ito.

"Wala. Gusto niyo?" Alok pa niya sa mga ito ng kanyang kinakain.

"Sure."

Ang mga classmate naman niya ay panay ang irap sa kanya.

DAHIL magastos ang cosplay kaya sinabi niya sa kanyang ina na kasali siya sa
ganoong event. Naghanap na siya sa Manila ng maiisuot ngunit wala siyang mahanap.

"Hmm. Sino ba ang character na gusto mong i-portray?" Her mother ask.

"Si Sakura po."

"So, saan mo balak humanap ngayon ng gagamitin mo? You even told me na wala kang
mahanap sa Manila."

"Kung pwede po pupunta akong Japan this comming friday after ng klase para doon po
makabili ng kakailanganin ko. Ang hirap po kasing maghanap dito sa Pilipinas."
"Kaya mo ba, baby?"

"Opo." Nakapagbakasyon na naman siya doon kaya hindi na siya mahihirapan kung
sakali mang bumalik siya doon na mag-isa lang. "Babalik din naman po ako by
Sunday."

"Okay. You take care. I'll send money on your account. Ako na rin ang bahala sa
ticket mo. Isi-send ko nalang sa email mo then ikaw na ang bahalang mag-print ng
copy mo. I love you, baby."

"I love you too, Mommy. Thank you po. Regards kay daddy."

Napangiti siya matapos makausap ang ina. Nakaramdam siya ng excitement sa nalalapit
na pagpunta niya ng Japan. Napalis lang ang ngiti niya ng muling tumunog ang
kanyang cellphone. Number lang ang nakaregister sa screen ng cellphone niya.

"Hello?" Sagot niya sa unknown caller.

"Anria."

Napalunok siya ng marinig ang tinig na iyon. That sexy voice. "Sanji?" Puso kalma!

Bahagya itong tumawa sa kabilang kinya. "Hindi ka man lang nagdalawang isip kung
sino ako, huh."

Is he teasing her? Tumikhim siya para palisin ang bikig sa lalamunan. "Ikaw lang
naman ang alam ko na may ganyang boses. Napatawag ka?" Kaswal niyang tanong.

"Mom invited you for dinner this comming Saturday. Sa hacienda."

"Ha?" Siya iniimbitahan? Nakakataba naman ng puso. Wrong timing lang dahil hindi
siya pwede ng araw na iyon. "Thank you for the invitation. Pero hindi ako
makakarating. I'm sorry."

Matagal bago ito muling nagsalita. "It's just a dinner Anria," mariin nitong saad.

"I know." Paano ba niya dito ipapaliwanag? Hindi naman niya pwedeng sabihin na
pupunta siyang Japan. She sigh. "Pwedeng next week?"

"No."

"Hindi kasi talaga ako pwede. May pupuntahan kaming importante ng Lolo at Lola ko.
Kaya pakisabi nalang iyon sa Mommy mo. Okay lang naman sa akin na mag-dinner diyan
pero hindi this week."

Narinig niya ang pagbuntong-hininga ni Sanji.

"Okay. Sasabihin ko na lang kay Mommy."

"Sorry, Sanji."

"Bye."

Natitigan niya ang cellphone ng mawala na sa kabilang linya si Sanji. She sigh
again then save his cellphone number. Unlike before na d-in-elete niya iyong number
nito ng tawagan siya nito.

                   *****~~~~*****
Dedicated to Myself :) Ttaemune oneul, Sa Wol Shib Il, Geum Yo Il, nega saengil :)

April 10, 2015   ( Thursday ) Saengil chukahamnida.....Otanjobi omedeto


gozaimasu.... :)

.......Gamsahamnida.

=================

Aldridge Hedalgo (Story Alert)

Annyeong!!!!!!

Dahil gusto ko ng buhayin sa mundo ng imahinasyon si Aldridge Hedalgo, panganay na


anak nina Eldridge Hedalgo at Shea Megara of She's Kidding I'm Not, kaya naman
naisipan ko ng umpisahan ang Chapter 1. Paunawa po! Patikim palang ito, kumbaga
para lang ma-excite ang mga naghihintay sa kwento nina Jinshin Han at Aldridge
Hedalgo. So don't expect UD agad-agad :

Ang title po ay Run To You, so what are you waiting for? Basahin niyo na po :)

Gamsahamnida!

PS: Kung isa ka sa nakabasa ng SKIN, relate ka po dito sa sinasabi ko :)

*Jonquil*

=================

Chapter 21

HUMINGA ng sobrang lalim si Anria ng makita ang sariling repleksiyon sa malaking


salamin. Kung hindi siya gagalaw mapagkakamalan talaga siyang manika. A Japanese
anime doll.

"Waaah! Grabe Anria ang ganda ng transformation mo. For sure panalo ka na sa
cosplay event na iyon." Nag-thumbs up pa si Lai sa kanya. "Cardcaptor Sakura. Oh,
my freaking Sanji! Ang perfect mo."

"Correct! I can't believe this na magagawa mong gumanda ng ganyan kaganda. Gosh,
mapagkakamalan ka ng lahat na maniquin."

"Tumigil na nga kayong dalawa," saway niya sa dalawang kaibigan na walang tigil sa
papuri sa kanya. Napangiti siya. Ang ganda niya masyado. "Makikilala kaya nila
ako?" Nag-aral din siya ng tamang pag-a-apply ng make-up sa mukha bago ang event na
iyon.

"For sure hindi," sagot ni Miyuki. "Lalo na at sa mismong event palang malalaman
kung sino-sino kayong mga kasali. I'm so excited!" Niyakap pa siya nito.

"Awat na nga kayo. Ang mabuti pa pumunta na tayo sa school."

Tumango ang mga ito bago dinala ang mga kailangan niyang dalhin. Her props and
make-up.
Sinikap pa niyang itago ang sarili sa pamamagitan ng dalawang kaibigan habang
binabaybay nila ang papunta sa may back stage ng gym ng makarating sila sa school.

"Napakaraming tao sa gym," ani Lai. "Napag-alaman ko rin Anria na judge si Sanji."

Automatic ang pagbaling niya kay Lai. Judge si Sanji? Nakaramdam lalo siya ng kaba.
Baka mamaya ay bigla nalang siyang pangatugan ng tuhod. Hindi nito alam na kasali
siya.

"Relax lang, ha?" Lumapit pa sa kanya ng husto si Miyuki. "Alam kong wala kang
pakialam sa prize basta ang mahalaga mag-enjoy ka Anria."

Tumango siya. "Salamat."

Ilang sandali pa ay napuno na rin ang back stage dahil sa mga finalist ng cosplay.
Mga natulala ang mga kalaban niya sa kanya. Hindi makapaniwala na siya ang nakikita
ng mga ito.

Nagpapadyak ang isa. "Sure na ang pagkapanalo niya. Ang ganda-ganda niya."

"Akala ko nga kanina isang maniquin."

"Kaya pala niyang gumanda ng ganyan."

"Nakakainggit siya."

Nakangisi lang ang dalawa niyang kaibigan. Proud na proud para sa kanya. Si Lai
walang tigil sa pagkuha ng picture. Habang si Miyuki naman ay busy sa mga gagamitin
niya.

"Pakiramdam ko nagmukha akong aswang ng makita ko siya. Bakit sumali pa siya?


Mukhang wala ng laban ang lahat sa kanya dito."

Pinigilang matawa ni Anria sa narinig na reklamo mula sa isa ring cosplayer.

"Bigti na kayo," impit na kantiyaw ni Miyuki na ikinatawa ni Lai.

"Malapit ng mag-start ang event kaya please be ready!"

Huminga muli ng malalim si Anria ng marinig ang announcement na iyon. Napangiti pa


ang event organizer ng makita siya.

"Enjoy lang," paalala muli ni Miyuki sa kanya.

Fourty five silang cosplayer na kasali at nakakatuwang makita na sobrang daming


nag-effort para sa event na iyon. Maraming sumali lalo na sa mga babae dahil narin
sa mapapanalunan ng magiging grand prize winner. Tatanggap kasi iyon ng Twenty
Thousand Pesos at Exclusive Dinner Date with Sanji Marquez.

Kagaya nga ng sabi ng mga kaibigan niya ay naroon siya para mag-enjoy. Iyon lang.
Wala siyang pakialam sa prize na matatanggap. Pero iyong exclusive dinner date with
Sanji Marquez ay parang gusto niyang mapanalunan. Natawa siya sa naisip. Huminga
siya ng malalim ng muling i-announce na start na ang cosplay event. Nag-ready na
rin siya kagaya ng mga kasama niya.

Ng tawagin na ang number niya which is number twenty five ay lumabas na siya mula
sa back stage hawak ang props niya na wand, na siyang palaging dala ni Sakura
tuwing may huhuling card. In just one blink of an eye ay tumaginting ang tilian ng
makita siya ng mga tao. Partikular na ang mga kalalakihang parang nabuhay ng
masilayan siya. May mga napanganga at mga nanlaki ang mga mata.

Lumakad siya papunta sa gitna ng stage na deretso lang ang tingin. Pero hindi niya
napigilan ang sarili na sulyapan si Sanji na prenteng nakaupo sa harap ng pahabang
table kasama ng lima pang judge na mukhang mga hindi basta-bastang tao. Kausap nito
ang katabing babaeng judge. Mestiza, maganda at sexy ang naturang babae na mukhang
feeling close lang kay Sanji. Wala ang atensiyon nito sa kanya kaya nakaramdam siya
ng inis. As in sobrang inis na halos manginig ang kamay niya. Ganoon siya
naapektohan sa nakita

Kailan pa siya natutong makipag-usap sa babae? Akala ko ba alergy siya sa babae?


Ngitngit ng kalooban niya.

"Meet Anria Amelardo the portrayer of Sakura Kinomoto from Cardcaptor Sakura!"
Pagpapakilala sa kanyan ng MC.

Ng sa wakas ay mapabaling sa kanya si Sanji ay never na niya itong tinapunan pa ng


tingin. Naiinis siya. Buti nalang at hindi niya kailangang ngumiti habang
isinasagawa ang best moves ni Sakura sa gitna ng stage.

"Gosh! Ang ganda mo Sakura Kinomoto," tili pa ng isang babae. "Idol!"

Hanggang sa matapos siyang mag-portray as Cardcaptor Sakura sa stage ay hinding-


hindi talaga siya tumitingin kay Sanji. Nadagdagan kasi ang inis niya ng may
paghampas pang nalalaman ang katabi nitong babae dito. Buseeet!

"Bakit hindi maipinta ang mukha mo?" Pansin pa ni Miyuki ng makabalik siya sa back
stage.

"Wala. Medyo nailang lang ako. Alam niyo naman na hindi ako sanay sa mga ganitong
bagay."

Buti nalang at binili ng mga ito ang alibi niya. Naging topic din ng mga ususera sa
back stage ang babaeng kalapit ni Sanji.

Pinasakan niya ng earphone ang tainga at itinodo ang volume para hindi na niya
marinig pa ang usap-usapan. Parang gusto na niyang umuwi sa sobrang inis. Nawalan
na siya ng gana.

Medyo nakatulog pa si Anria dahil sa paghihintay na matapos ang ibang finalist.


Ginising lang siya ni Lai para mag-retouch. Malapit na daw kasi silang tawaging
lahat.

"Umuwi nalang kaya ako? Aray naman Lai," reklamo niya ng tuktukan siya nito sa
kanyang ulo. Mahina lang naman iyon.

"Gage ito. Ngayon pa kung kailan matatapos na? Tatawagin na 'yung mga top ten
finalist then after mag perform ng sayaw ng isang dance group ay sasabihin na kung
sino ang mananalo. Kaya 'wag ka ngang ano diyan Anria."

"Umayos ka Sakura Kinomoto," pinanglakihan pa siya ng mata ni Miyuki. "Sumbong kita


kay Syaoran Li, eh." Tumawa pa ito ng nakakaloko.

Iningusan nalang niya ang dalawang kaibigan.

Hindi na siya nagtaka ng makasama siya sa top ten finalist. 'Yung isang judge na
lalaki na napag-alaman niyang model ay panay pa ang ngiti sa kanya. Ginantihan pa
niya iyon ng ngiti bago sila muling bumalik sa back stage.
KAHIT na alam na ni Anria na posibleng humakot siya ng sandamakmak na award ay iba
parin pala kapag ikaw na mismo 'yung nanalo as a grand winner.

Marami namang nagsabi na sa lahat ay siya ang deserving. Ngunit maraming umiyak
dahil 'yung inaasam ng mga ito na dinner date with Sanji Marquez ay sa kanya rin
napunta.

Hindi parin niya tinapunan ng tingin si Sanji hanggang sa matapos ang naturang
event. Nag-aayos na sila ng mga kaibigan niya ng gamit ng sadyain pa siya sa back
stage ng model na judge.

"Congrats for winning this event," anito na inabot pa sa kanya ang isang bouquet of
red roses. "For you."

Kung 'yung dalawa niyang kaibigan ay kinikilig, puwes hindi siya. Ayaw naman niya
na mabastos ito kaya tinanggap niya iyon. "Thank you."

"You're welcome. Pauwi na ba kayo? Baka gusto niyong ihatid ko na kayo?"

Siya ang umiling kahit na mukhang gusto ng mga kaibigan niya.

"Salamat nalang po pero may gagawin pa kami."

Hindi na rin naman ito nagtagal pa. Mukha pa ngang nanghinayang dahil sa pagtanggi
niya.

"Type ka yata Anria," tudyo ni Lai.

"May flowers pang nalalaman, choz!"

"Bulaklak lang ito Miyuki. Oh, sa iyo na kung gusto mo."

At ang bruha open arms pang tinanggap ang bulaklak niya. "Thank you. Gosh, ang
gwapo kaya niya."

Naiiling nalang na inayos niya ang mga gamit. Ng matapos sila ay lumabas na rin
sila ng back stage.

"Oh," bulalas ni Lai na nakapagpatigil sa paglalakad nila.

Nasundan niya ang tinitingnan ng kaibigan. Parang nakaramdam siya ng paninikip ng


dibdib ng makitang iginiya pa ni Sanji ang babaeng judge sa pagsakay sa front seat
ng kotse nito. Napalunok siya.

Ihahatid pa niya talaga? The nerve. Nakakainis ka Sanji!

"Tara na," malamig niyang sabi sa dalawang kaibigan. Nagpatiuna na siya sa


paglalakad at hinding-hindi na tinapunan ng tingin ang kinaroroonan nina Sanji.
Parang kung may anong mabigat sa dibdib niya ng mga sandaling iyon.

                    ~~~~****~~~~

Dedicated to one of my little sissy who always call me 'momsy' :) Jeolive Briones
Castillo. Hi sis thank you sa suporta and being a little sister to me :)

And to @jhieghn_18 ... Carla Jane if I am not mistaken ....Hi! I just want to say
thank you sa very long message na pinadala mo sa akin as your truly appreciation sa
mga works ko. Maraming salamat po. It means a lot to me <3 <3
This chapter is for both of you.

A/N: No body is perfect..... And I'm not perfect. I do have a lots of typo error.
Sa lahat ng pumapansin, Thank You. Sa kagustuhan kong makapag-UD hindi ko na halos
mapansin ang mga typo's minsan. So, thank you po lalo na sa mga nakakaunawa :)

....nagtataka siguro kayo kung bakit may UD ako ngayon.. Hindi ko kasi matiis.
Hehe. Love you all. Hugs and kisses.

<3 Jonquil

=================

Chapter 22

"OMG! Hindi nga Anria? Please 'wag mo naman akong biruin ng ganyan," naiiyak ng
sabi ng kaklase niyang si Ezha. Kasali rin ito sa cosplay ngunit hindi nakapasok sa
top.

"Hindi ako nagbibiro. May lakad kasi kami ng mga kaibigan ko kaya sa iyo ko na
ibibigay 'yung chance na makasama si Sanji sa napanalunan kong dinner date. 'Wag mo
nga lang ipapaalam sa kahit na sino na ibinigay ko 'yon sa iyo, ha?"

Kausap niya ito sa may sulok ng kanilang classroom at sapat lang na silang dalawa
lang ang nagkakaintindihan. Sa sobrang saya talaga nito ay napaiyak pa ito.

"Thank you talaga. Sorry kung isa ako sa naiinis sayo noon dahil pinapansin ka ni
Sanji. Ngayon ko mas napatunayan na mabait ka nga. Salamat talaga. I owe you this
one Anria. Kung may gusto ka pwede mong sabihin. Promise kahit Pluto kaya kong
ibigay sa iyo."

Gusto niyang mapangiwi sa huli nitong sinabi. Tumikhim siya bago ito tinapik sa
balikat. "'Wag ka ng umiyak. Ibibigay ko iyon ng walang kapalit. Enjoy nalang."

Bago niya ito iwan ay niyakap pa siya nito ng mahigpit.

"Ano'ng meron?" May pagtatakang tanong ni Lai ng makabalik siya sa kanyang upuan.

"Wala. May sinabi lang ako kay Ezha."

"Eh, bakit umiyak pa?"

Kung sasabihin naman niya na ibinigay niya kay Ezha ang chance na maka-date si
Sanji ay baka maisumpa siya ng mga ito. Baka bauyin pa siya na bakit hindi nalang
sa dalawang kaibigan niya ibinigay ang dinner date. Ayaw lang niyang malaman ng mga
ito na hindi siya sisipot sa dinner date na iyon. Hanggang ngayon kasi ay naiinis
parin siya sa babaeng judge na pinasakay ni Sanji sa kotse nito.

Friday night ang naturang dinner date, dalawang araw mula ngayon, kaya alam niyang
excited na para doon si Ezha. Ang napanalunan naman niyang cash ay pinaghati niya
sa kanilang tatlo nina Lai at Miyuki. Ang parte naman niya ay ibinigay niya sa
kanyang Lolo at Lola. Ayaw naman niyang solohin ang napanalunan lalo na at mas
aligaga pa sa kanya ang dalawang kaibigan noong panahon na malapit na ang cosplay.

"Malapit na ang pasko. Ano'ng plano mo Anria? Magbabakasyon ka ba sa inyo?" Excited


na tanong ni Miyuki.
Mas masarap parin ang Paskong Pinoy kaya wala siyang balak na umuwi sa London.
Umiling siya. "Sa bahay lang."

Nag-pout si Lai. "Magbibilin sana ako ng maraming ubas. 'Yung kulay green."

"Kapag nakabalik na ako kina Daddy pasasagutan ko sa kanila ang bakasyon niyo
papunta sa amin. Kahit lumungad pa kayo ng ubas sa ubasan namin bahala kayo."

Ganoon nalang ang pagpalirit ng mga ito. Natakpan tuloy niya ang tainga.

"Oh, my God! Naka-record iyan, ha? Aasahan namin iyan ni Lai!"

Natatawang tumango siya. "Promise."

"OMG! Excited na kami!"

Ng sumapit ang araw ng Friday kagaya ng plano ay hindi sumipot si Anria sa dinner
date. Bagkus ay si Ezha ang pinapunta niya. Umalis rin siya sa kanilang bahay ng
gabing iyon at tumambay sa bayan ng San Rafael. Kumain siya sa paborito niyang
pizza parlor at doon nagpalipas ng oras.

Alas otso na ng gabi ng maisipan niyang umuwi na. Pagbaba niya ng tricycle ay
nagulat pa siya ng makita si Sanji na nakasandal sa may hood ng kotse nito.
Napalunok siya ng bumaling ito sa kinatatayuan niya. Mababakas ang galit sa gwapo
nitong mukha.

Alam naman niyang may nagawa siya kaya heto siya ngayon at nanlalamig na ang kamay.
Pasimple siyang huminga ng malalim bago nag-umpisang maglakad. Naglakad rin si
Sanji pasalubong sa kanya.

"Anong kalokohan ito Anria?"

Automatic siyang napahinto ng hindi ito natinag sa daraanan niya. "Kailangan ko ng


pumasok sa loob. Umuwi ka na."

"Tss. After mo akong pagmukhaing tanga na akala ko ikaw 'yung makakasama ko sa


dinner date na iyon, huh? Tapos ano? Ibang babae 'yung sisipot at sasabihin na
hindi ka makakarating dahil may iba kang lakad?"

Guilty na nagbaba siya ng tingin. Oo na. Kasalanan na niya dahil hindi niya ito
sinipot. Naiinis lang talaga siya sa babaeng judge na pinapansin nito during the
cosplay. Kung sino man iyon. Bwisit lang.

"Hindi ko naman kailangang magpaliwanag sayo," kaswal niyang sabi na lalong


ikinagalit nito.

"Oh, really. Fine, I don't need an explaination either. Kung masaya ka sa ginawa mo
ngayon then face the consiquence." Wala ng salita pa na hinila siya nito papunta sa
may harapan ng kanilang gate. Ito na rin ang nagbukas niyon.

"S-Sanji," apila niya ng pumasok din ito sa loob ng kanilang bahay. Kung ano man
ang plano nito ay wala siyang ideya.

"Magandang gabi ho," bati pa nito sa kanyang Lolo na nasa sala at nagkakape.

Nagmano siya sa kanyang Lolo.

"Magandang gabi rin naman, hijo." Bumaling sa kanya ang kanyang abuelo na
nagtatanong ang mga mata kung sino man ang lalaking kasama niya.
Ngunit bago pa siya makapagsalita ay muling nagsalita si Sanji.

"Ako po 'yung inalagaan ni Anria during the semestral break. Ipagpapaalam ko po


sana si Anria na mag-stay sa hacienda until Sunday. Iniimbihatan po kasi siya nina
Mommy at Daddy."

Akala niya ay hindi papayag ang Lolo niya pero laglag ang panga niya ng tumango
ito. "Sige. Wala naman siyang gagawin dito."

"Lo–"

"Go get your things," ani Sanji na may ngisi pa sa sulok ng labi ng balingan siya.

Ibang klase talaga ang kumag na ito. Pinilit niyang kalmahin ang sarili ng tunguhin
ang kanyang silid para kumuha ng ilang gamit. In the end ay wala naman siyang
magagawa kundi ang sumama dito.

"Hands up na talaga sa lalaking iyon. Kainis." Padabog pa ng maglagay siya ng mga


damit sa kanyang bag.

Ng matapos maggayak ng dadalhin ay bumalik na ulit siya sa sala. Naroon na ang


kanyang Lola. Nagmano siya rito.

"Humayo na kayong dalawa at gabi na," pagtataboy pa ng mag-asawa sa kanila.

"Ako na pong bahala kay Anria. Salamat po," ani Sanji bago sila lumabas ng bahay.

Wala siyang imik hanggang sa makasakay sa kotse nito. Ng makasakay rin si Sanji ay
naihampas pa niya sa braso nito ang dala niyang bag.

"You're so mean. Nakakainis ka sobra!"

Hindi pinansin ni Sanji ang ginawa niya. Sa halip ay may munting ngiti parin sa
sulok ng labi nito ng harapin siya. "Sino ba sa ating dalawa ang unang naging mean?
Ako ba? Diba ikaw?"

Aminado naman siya na siya nga ang unang naging mean pero sobra-sobra naman ang
naisipan nito at hanggang Linggo siya sa hacienda. Ano naman ang gagawin niya doon?
Alangan namang bantayan pa niya ito? Wala naman itong sakit. But on the other side
ay nami-miss din naman niya ang kapreskuhan ng naturang lugar.

"Kahit na! Dinner date lang 'yung hindi ko sinipot. Eh, ikaw? Ipinagpaalam mo pa
ako kina Lolo na mag-stay ako sa hacienda ninyo!"

"Atleast ipinagpaalam pa kita. Pwede kitang pwersahin na sumama sa akin pero hindi
ko ginawa. Pumayag naman sila na sumama ka dahil sabi nga nila na wala ka namang
gagawin this weekend. Enough," pigil nito sa akma niyang pagbirada. Umayos na ito
ng upo at inatupag na ang pagda-drive.

"Salamat, ha? Napakabuti mong tao," inis parin niyang patutsada dito bago bumaling
ng tingin sa labas ng bintana sa side niya.

"You're always welcome."

Wala siyang imik hanggang sa makarating sila sa Hacienda Marquez. Nauna pa nga
siyang bumaba sa kotse nito. Tinaasan pa niya ito ng kilay ng lapitan siya nito.

"I wonder kung bakit ang sungit mo ngayon. May dalaw ka siguro 'no?"
"Ano'ng gusto mo? Matuwa ako sa ginawa mo?"

He just shrug. "Same here Anria. Hindi rin ako natuwa sa ginawa mo. We're quits."
Kinuha nito ang dala niyang bag then hold her hand tight bago siya hinila papasok
sa loob ng mansion.

Nagulat pa ang mga katulong ng makita siyang kasama ni Sanji. Magalang na bumati
ang mga ito sa kanila.

"Magandang gabi rin ho," bati rin niya sa mga ito.

"Paki-handa ng dinner sa may terrace," utos ni Sanji bago siya muling hinila
paakyat sa grand staircase.

"Nasaan ang Mommy at Daddy mo?" Usisa niya ng makarating sila sa taas. Binawi na
rin niya dito ang kanyang kamay.

"Nasa Japan may inaasikaso," simple nitong sagot.

Napamaang siya. "Akala ko ba narito sila?"

"May sinabi ba akong narito sila?" Patay malisya nitong sagot. Binuksan nito ang
guest room na dati niyang tinulugan. Pumasok ito ngunit nanatili lang siya sa labas
ng pintuan. "Don't tell me ayaw mo ditong matulog? Saan mo gusto? Sa room ko? Sorry
Anria pero strict ang parents ko."

Pinaningkitan niya ito ng mata. Kanina pa talaga ito. Pumasok na siya sa loob at
pwersahang hinila ito palabas ng silid na iyon.

"Ang yabang-yabang mo talaga. Para sabihin ko sa iyo mas pipiliin ko pang matulog
sa servants quarter niyo kaysa matulog sa silid mo! Sa iyo na ang silid mo!"
Pabalibag pa ng isara niya ang pintuan.

Nagpupuyos ang dibdib na naupo siya sa gilid ng kama. Inuubos talaga ni Sanji ang
pasensiya niya. Kung wala siguro iyong epal na judge baka hindi siya high blood
ngayon.

After twenty minutes ay bumukas ang pinto na hindi pala niya nai-lock. Pumasok ang
bagong ligo na si Sanji.

"High blood ka parin?"

Inirapan lang niya ito. Muli niyang ni-reply-an ang ka-text na si Lai at hindi
pinansin si Sanji.

"Mamaya na iyan. Kakain muna tayo," anito na inagaw ang cellphone niya at isinuksok
sa bulsa ng suot nitong walking short.

"Gutom ka parin ng lagay na iyan? Galing ka sa dinner date, ah."

"Nawalan ako ng ganang kumain kanina. Tara na."

Hindi pa naman siya kumakain ng maayos na hapunan kaya tumayo na rin siya at
sumunod dito. "Ibalik mo na 'yung cellphone ko."

"Later. Ayokong may iba kang kausap samantalang ako ang kasama mo."

Maang ang peg niya sa tinuran nito. "Narinig mo ba akong nakikipag-usap?"


"Nakikipag-usap via text," pagtatama nito.

"Ang dami mong alam."

Pagdating nila sa may terrace ay nakahanda na ang masarap na mga pagkain sa isang
pabilog na table. Bigla siyang nakaramdam ng gutom. Daig pa nila ang magdi-dinner
date. Asa!

"Salamat," sabi parin niya ng ipaghila siya nito ng mauupuan.

"My pleasure," anito na umupo na sa katapat niyang upuan. Ngumiti pa ito ng


mapansing nakatitig si Anria dito.

Kahit na naiinis siya dito ay parang dagli iyong napawi ng makita itong ngumiti.
Bigas na malagkit ang gwapo-gwapo nito lalo. Dagli ang pagbawi niya ng tingin dahil
nag-iinit ang pisngi niya.

Maglalagay sana siya ng kanin sa kanyang pinggan ng maunahan naman siya nito.

"Ako na," apila pa niya.

"Relax ka nga lang diyan," anito na ipinagpatuloy ang ginagawa.

Hinayaan nalang niya ito. Tahimik silang kumain hanggang sa ito rin ang unang
bumasag ng katahimikang iyon.

"Congrats sa pagkapanalo mo sa cosplay."

Ipaalala ba naman ang cosplay na iyon. Cosplay means 'yung judge na babae.

"Maliit na bagay," aniya na nagpatuloy lang sa pagkain.

Kahit na ano pang pag-iwas ang gawin niya kay Sanji in the end ay dito parin ang
bagsak niya.

                 ~~~~~*****~~~~~

Dedicated to Ezha Dela Torre Tapales :)Nais ko pong iparating how happy I am ng
mabasa ko po ang post mo sa isang group habang tumitingin-tingin ako sa newsfeed ko
at bigla nga e nahagip ng mata ko ang title ng She's Kidding I'm Not. Pinataba at
pinasaya mo ang puso ko :) Corny ba? Wala masaya lang po ako :)Thank you ng
maraming-marami. Hangad ko rin po na magustuhan mo itong story nina Sanji at Anria
like how much you love SKIN :)

....also HI! Sa lahat ng APID readers... Salamat po ng marami sa inyong lahat <3 <3

PS: Sa mga hindi po SNOB dito sana try niyo rin pong basahin 'yung short love story
na ginawa ko. Romance ang genre. Naipasa ko na siya sa  PHR. Kaya waiting nalang
kung approve or reject :)Promise of Forever ang title. Completed na po. Just check
it on my works kasi marami pong suggestion na nalabas :)Thank you so much po.

Love Jonquil <3

=================

Chapter 23
ALAS dos ng hapon ng maisipang lumabas ng silid ni Anria. Sigurado siyang natutulog
pa si Sanji ng ganoong oras. Maghapon niyang hindi ito pinapansin. Kahit na
kaninang mag-agahan sila ay tapunan dili niya ito ng tingin. Alam niya asar na ito
sa pinaggagagawa niyang pang-i-snob dito. Sino ba'ng hindi? Para itong nakikipag-
usap sa hangin.

Uminom lang muna siya ng tubig sa kusina. Pasalamat siya at walang mga kawaksi.
Busy sa panonood ng pang-hapong drama sa entertainment room na malayang nagagamit
ng mga kawaksi kapag ganoong oras.

Imbis na bumalik sa gamit niyang silid ay hinayon ng kanyang mga paa ang papunta sa
labas ng mansion. Lakad lang siya ng lakad at hindi iniinda ang sikat ng araw
hanggang sa makarating siya sa may water falls. Napakadalisay talaga roon ng tubig.

"Buti pa sa lugar na ito napakapayapa." Pumikit siya at pinuno ng preskong hangin


ang baga. Marahan niyang iminulat ang mga mata kapag kuwan. Hinding-hindi niya
pagsasawaan ang lugar na iyon.

Kinuha niya sa bulsa ng suot na short ang kanyang cellphone at kinuhanan ng picture
ang view ng talon. Nag-selfie rin siya roon.

Ng makontento ay naglakad na siya pabalik. Napahinto lang siya ng mapagmasdan ang


tree house ni Sanji. Some memories flash on her mind. Alaalang kasama si Sanji.
Lahat naman ng lugar sa hacienda ay kasama ito sa alaalang meron siya.

Namalayan nalang niya na tinatalunton na ng kanyang mga paa ang daan papunta doon.
Wala naman sigurong tao roon kaya umakyat siya.

"Wala ngang tao," anas niya ng masilip ang loob ng tree house. Napangiti siya ng
pagpihit niya sa seradora ng pintuan ay bumukas iyon. Malaya siyang nakapasok sa
loob.

Katulad ng dati ay organize parin ang loob. Walang mababakas na alikabok dahil
every other day ay nililinisan iyon ng kawaksi nina Sanji.

Wala na sa lamesa ang picture ng dalawang bata na nakita niya noon. Instead ay may
picture siyang naka-frame doon. Maang na nilapitan niya iyon.

"Hala. Bakit may picture ako dito?"

Stolen shot iyon sa kanilang campus kung saan nakasandal siya sa may puno at
nagbabasa ng libro habang nakaupo sa damuhan. Bigla ang pagkabog ng kanyang dibdib.

Isang malaking question mark parin ang bagay na iyon hanggang sa maupo siya sa may
kama. Nanlambot kasi bigla ang mga tuhod niya.

"Baka naman may gusto siya sa akin?" Ipinilig niya ang ulo. "Pero imposible naman
iyon. Pero bakit may picture niya ako dito sa tree house niya?"

Abala siya sa pag-iisip ng biglang bumukas ang pintuan. Humihingal pa si Sanji ng


maangatan niya ito ng tingin.

"Sino'ng may sabi na pwede kang pumunta dito?!"

Napatayo tuloy siya dahil sa galit nitong tono. Bawal na ba siyang pumunta roon?

"Ano naman sa iyo?" Pagtataray din niya ng makabawi sa pagkabigla. Ng mapatingin


ito sa may lamesa kung saan nakalagay ang picture niya ay ganoon nalang ang pag-
iwas niya ng tingin ng muli siya nitong balingan.

"Nakita mo."

Napalunok siya. "Alin?"

Ng isara nito ang pintuan ay napaiktad pa siya. Hindi naman siya ganoon kahilig sa
kape ngunit masyado yata siyang magugulatin ngayon? Pasimple niyang sinulyapan si
Sanji na nakatingin pala sa kanya. Kapag pumangit siya sa paningin ko. I promise na
isisigaw ko sa school na anak ako ng mayaman. Nagbaba siya ng tingin.
Napakaimposible naman ng hinihiling niya.

"Tutal corner kita ngayon dito may gusto lang akong malaman," basag nito sa
katahimikan na sumandal pa sa may pintuan habang naka-cross arm.

Ako rin may gustong malaman. Bakit may picture ako dito sa tree house mo? Ano iyon
panakot sa dagang maliligaw dito?

Tumikhim siya. "Wala naman tayong dapat pag-usapan." Kinalma niya ang
naghuhurumintadong dibdib.

"Meron. Una sa lahat gusto kong malaman kung bakit during the cosplay event kahit
anong pilit kong pag-huli sa tingin mo ay hindi ko magawa?"

Naglakad siya palapit sa may bintana, kahit na ramdam niya ang panlalambot ng
kanyang mga tuhod, at binuksan iyon. Ang banas kasi sa pakiramdam niya. Nakakailang
ang presensiya ni Sanji sa maliit na silid na iyon.

"Ang dami mong napapansin," sagot niya na pasimpleng lumanghap ng hangin.

"Gusto kong palampasin iyon pero napansin ko na simula ng mangyare ang event na
iyon ay hindi ka na namansin. Tinawag kita sa campus ground pero ano'ng ginawa mo?
You snob me like a trash. Nakakatuwa ba, huh?"

Pumikit siya ng mariin. Tanda nga niya ang pangyayareng iyon. Nasa estado parin
siya ng pagkainis dito kaya nagawa niya iyon.

"Alam ko may problema ka sa akin. Now tell me what is it?"

She count one to ten bago ito hinarap. "Iyan kasi ang hirap sayo. Lahat ng bagay
ginagawa mong big deal."

Sumeryoso ng todo ang gwapo nitong mukha. "So what if you're big deal to me?"

Tameme ang beauty ni Anria sa narinig. "D-Daig mo pa ang nalipasan ng gutom diyan
sa mga pinagsasabi mo."

"Don't ever try me Anria," anito na nilapitan na siya. "During the cosplay event
I've been noticed na kahit katiting hindi mo talaga ako tinapunan ng tingin. Pero
'wag ka, huh, kung makipagngitian ka doon sa isang judge na lalaking hindi naman
gwapo wagas!"

"Ano naman sa iyo?"

Tumiim lalo ang anyo nito. "And after that event kung saan ikaw 'yung nanalo. Gusto
sana kitang batiin kaya pinuntahan kita sa back stage. Pero ano'ng nangyare? Nakita
lang naman kita na tinanggap 'yung binigay ng lalaking iyon na bulaklak na mukha
namang cheap at tuwang-tuwa ka pa, huh?"
Pinupundi talaga siya ni Sanji. Gusto ba siya nitong sumabog? Siya tuwang-tuwa
dahil lang sa lalaking judge na iyon? Binabaligtad nito ang sitwasyon. Ito nga
iyong mukhang nag-e-enjoy sa katabing judge. At isa pa ay nasa kaibigan niya ang
naturang bulaklak. Kahit nga dahon niyon ay hindi niya nagawang pag-intiresan.

"Pero mas di hamak na mas malala 'yung nangyare kagabi." Tumawa ito ng pagak. "Todo
gayak ako dahil akala ko ikaw 'yung makakasama ko sa date na iyon kagabi. Thank you
for making me like a fool hoping for nothing Anria," bakas na bakas ang hinanakit
sa boses nito. "Kung pwede nga lang na iwanan ko iyong classmate mo na iyon ginawa
ko na, eh. Pero dahil kabastusan iyon kaya nagtiis ako hanggang sa matapos siyang
kumain. Kung ang tingin ng babae na iyon ay ang bait-bait mo dahil ipinamigay mo
'yung chance na iyon, puwes sa akin hindi. You're such a witch Anria. You're so
mean last night."

"Ako pa nga 'yung mean ngayon?" Hindi na niya napigilang bulalas. "Eh, di ikaw na
'yung mabait. Kung pansinin ko man 'yung judge na iyon at tanggapin ang binigay
niyang bulaklak, ano naman sa iyo? Next week nga inaya pa niya ako for dinner
date," pagsisinungaling niya. "Ikaw nga diyan na akala mo kung sinong snob-ero
kuno, eh, wagas kung makipag-flirt sa babaeng judge na katabi mo. Akala mo kung
sino kang snob type, huh? Alergy kuno sa mga babae kaya never na dumidikit o
namamansin. Pero ano, ha? Lumalabas na iyang pagka-flirt mo. Nakita ko pa noong
pasakayin mo 'yung babaeng judge sa kotse mo. Diba ang sweet? Hatid lang ang peg.
Tss. Kagaya ka rin ng kaibigan mong playboy. Sabagay sabi nga sa kasabihan na 'Bird
with the same feather flock together'. Ngayon hindi na ako magtataka kung isang
araw man iba't-ibang babae na rin ang kasama mo!"

Matagal na hindi nakahuma si Sanji dahil sa isiniwalat niya. Noon lang niya
napagtanto ang mga sinabi. Nahawakan tuloy niya ang bibig. Parang lumalabas na rin
kasi na nagseselos siya imbis na naiinis lang. Me and my damn lucious mouth.
Tatakasan na sana niya si Sanji ng pigilan siya nito sa kanyang braso.

"Don't tell me nagseselos ka?"

Sigurado siya na pula na ang mukha niya. "The heck? Hindi ako nagseselos!" Mariin
niyang tanggi. Binawi niya ang hawak nitong braso niya ngunit hindi nito binitiwan.

"Oh, common. So, iyon pala ang dahilan kaya ang sungit-sungit mo?"

Ang tanging gusto lang niyang gawin ng mga sandaling iyon ay ang lumayo kay Sanji.
Hindi niya ma-take ang mga pinagsasabi niya dito kanina.

"Bitiwan mo na ako."

"Then what? Run away again? Hindi pa tayo tapos mag-usap Anria. May gusto pa akong
linawin dahil baka hindi ka pa makatulog mamaya sa kaiisip. I just want to clear
this to you. Hindi ako nakikipag-flirt sa babaeng katabi ko during the cosplay
event. Iyan kasi ang hirap sa iyo. Masyado kang tamang hinala. You know me well
among the others Anria. Hindi ako flirt na tao, well minsan gusto ko ring subukan,"
ngumisi pa ito pagkasabi niyon. "'Yung babaeng judge na katabi ko ay si Ate Khaye.
She's my second cousin on my father side. Ahead sa akin ng limang taon. Kaya kung
iyon lang ang pinagkakaganyan mo then forget it."

Inirapan niya ito para palisin ang sobrang pagkapahiyang nararamdaman. Sahig
lamunin mo na ako. Sa daming tsismosa sa school bakit walang nakaalam na pinsan
lang ni Sanji ang babae na iyon? What now? Mamamatay na ako sa hiya dito.

"Refuse that dinner date next week."

Nagawa pa niya itong sulyapan. Kalmado na ito samantalang siya naghuhurumintado


parin ang puso. Pinaghalo-halong kaba at pagkapahiya.

"Uuwi na ako."

"As if papauwiin agad kita? You'll stay here until Monday morning. Sabay tayong
papasok sa school."

"Pero sabi mo hanggang bukas lang ako dito?"

"Puwes nagbago ang isip ko. Masyado mo akong pinag-iisip napaka-simple lang pala ng
pinagkakaganyan mo."

Kailangan niyang makabawi mula sa pagkapahiya. She need to do something. Ng mahagip


ng kanyang side vision ang picture niya ay dinampot niya iyon at iniumang sa harap
nito.

"Bakit may ganito dito?"

Kinuha nito iyon at muling ipinatong sa may lamesa. "Panakot sa mababait na pagala-
gala dito."

Nagpanting yata ang tainga niya sa sinabi nito. "Ano?"

"Just kidding. Ano naman sa iyo kung may picture ka dito?"

Off guard. "May gusto ka ba sa akin?"

Hindi nakapagsalita si Sanji sa klase ng tanong niya. Napalis din ang ngisi sa labi
nito. Maging ang braso niya na hawak nito ay nabitiwan nito. What's with him? Oras
na para gumanti at pagtakpan ang nararamdaman.

Naningkit ng bahagya ang mga mata niya at nag-cross arm pa. "Sa pag-kakaalam ko ang
mga taong naglalagay ng picture ng isang tao sa silid nila ay espesyal para sa
kanila. Meaning gusto nila." Tinaasan niya ito ng isang kilay. "May gusto ka sa
akin. Hindi ka naman mag-aabalang kumuha ng stolen shot kung wala diba?"

"Asa ka naman," anito ng makabawi. "Si Andrei ang kumuha niyan sa school. Siya rin
ang nagpa-develope. Tapos ibinigay lang niya sa akin. 'Wag ka ngang assuming."

Aray! Daig pa niya ang binagsakan ng mabigat na paso sa ulo. Napahiya na naman siya
and this time hiyang-hiyang-hiya na.

"Okay," anas niya na nilampasan na ito. Malapit na siya sa may pintuan ng muli
itong magsalita.

"Ano naman kung may gusto nga ako sa iyo? Bakit? Magiging tayo ba?"

~~~~***~~~~Dedicated this chapter to @VIPrincess, @michbuenafe, Xhak Ni Da, RenRen


Espirito, @Floooowy (Flory Jane Mendoza), Ajani Yuki Hong, @patrickadavillo9,
@Thats_My_Boy_1, @zia-143, @SayReal67, @magdalenaportades, @marianesantos53.

Kayaw kaway! Salamat sa inyong pagsi-share ng comments :* You guys really make my
day para masabing sulit bawat UD na ginagawa ko. iLoveyou guys!!!!

=================

Chapter 24
A/N WARNING: Ang bahaging ito ay RATED SPG! Kailangan ng patnubay ng magulang :PMga
bata patawad for this Chapter. Ngayon palang please BEWARE!At kung hindi BUKAS ANG
ISIP mo. Hindi kita pinipilit na basahin ang bahaging ito. Para lang ito sa mga
BLUE MINDED :) Hindi ko rin alam kung magugustuhan niyo.... Kayo na ang bahalang
humusga...

                        ~~~~***~~~~

NA-FREEZE sa kinatatayuan si Anria ng marinig ang tanong na iyon ni Sanji. Narinig


ba talaga niya iyon? Oh, baka naman guni-guni lang niya?

Lumunok siya ng kung ilang beses dahil parang may malaking kung ano na nakabara sa
kanyang lalamunan. Pati paghinga niya ay halos magbuhol-buhol din. Nagpatuloy siya
sa paglalakad hanggang sa marating niya ang harapan ng pintuan.

"I'm asking you Anria."

Tinanong nga talaga niya iyon. Napalunok ulit siya. Huminga siya ng malalim bago
sumagot. "H-Hindi." Hindi siya pwedeng makipag-relasyon. Para saan pa? Aalis din
naman siya.

"Sabi rin ng Lolo mo," mahina nitong sabi.

Napamaang siya. Hindi tuloy niya napigilan ang sarili na humarap dito. "Paanong
sabi ng Lolo?"

Nagkibit balikat ito. Lumapit ulit ito sa kanya na hindi nilulubayan ang tingin
niya. "Siya mismo ang nagsabi sa akin kagabi kahit na hindi ko naman itinatanong.
Naisip ko nga na ang unfair naman yata? May mas bata pa nga sa iyo na kung ilan na
ang naging boyfriend. Pero naisip ko rin na inaalagaan ka lang nila."

Kung alam lang nito na parents talaga niya ang may ayaw. Gusto rin tuloy niyang
itanong na kung bakit ang unfair ng buhay? Lalo na ngayon. Siya at si Sanji. Abot
kamay niya ito kung tutuusin. Pero hindi pwedeng maging sila. Komplekado masyado
ang sitwasyon. At kahit itanggi pa niya ng paulit-ulit sa lahat ay isa lang ang
alam ng puso at isip niya. Gusto niya si Sanji. Gustong-gusto. Fine, nagseselos nga
siya sa inakala niyang pini-flirt nitong babae. Masisisi ba siya nito? May damdamin
siyang pilit na itinatago dito. Natatakot siyang malaman nito iyon. It was her
first time to felt that un-familiar feelings toward Sanji.

Nagbaba siya ng tingin. "Hindi ako pwedeng pumasok sa kahit na anong klaseng
pakikipag-relasyon." Oras kasi na malaman iyon ng kanyang mga magulang ay tiyak na
papauwiin siya ng mga ito. Which is ayaw pa niyang mangyare. She have almost four
months to left na gusto niyang sulitin ng husto. At isa pa ay ngayon pa lang siya
mas nag-e-enjoy sa Pilipinas. Thanks to him.

He sigh. "As long as I can be with you walang kaso sa akin iyon. Just don't let any
other man to near you or else he will be sorry."

Ng mga oras na iyon ay parang gusto niyang maglupasay sa sahig dahil sa sinabi ni
Sanji. He's damn serious at walang bakas na pagbibiro sa gwapo nitong mukha ng
tingnan niya ito. Hindi niya alam kung ano ang dapat na maramdaman. She want to
squek out loud ngunit walang boses na lumalabas sa nakaawang niyang labi. Kinikilig
siya, oo, ngunit hindi niya magawang i-express ang sariling nararamdaman ng mga
oras na iyon dahil para siyang nakatulos sa kinatatayuan habang nakatitig lang
dito. Speechless siya.

"Ayokong mag-explain Anria dahil hindi ako sanay sa ganito," sabi pa nito na
lumapit sa kanya ng husto. Umangat ang dalawa nitong kamay then captured her face.
"Kung pwede ipaparamdam ko nalang sayo," anito bago tinawid ang pagitan nila.

He kissed her fully on her lips. His passionate kiss melted her knee in just a
second. Those pair of sweet lips of him.... She missed him a lot. Everything about
him.

At first nag-hesitate siyang tumugon sa mainit nitong halik sa kadahilanang hindi


niya alam kung paano.

"Kiss me back," nagsusumamong anas ni Sanji sa pagitan ng paghalik nito sa kanya.

Pumikit siya ng mariin. Kasabay niyon ay ang pagtugon niya sa mainit nitong halik.
Bahala na kung paano. Ginaya nalang niya ang ginagawa nito. Isinantabi na rin muna
niya ang mga pangambang nararamdaman at nagpaubaya kay Sanji. It was her first time
na mahalikan ng ganoon. Seems like expert si Sanji sa larangan ng paghalik kahit na
sinabi nito before na siya rin ang first kiss nito.

She welcome his tongue on her mouth. Ngayon niya napaniwalaan na nakakalasing nga
ang halik. Iyon ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon kay Sanji. Ipinulupot
rin niya ang mga braso sa batok nito dahil nanlalambot na talaga ang mga tuhod
niya. Kailangan niya ng suporta. Kahit siya ayaw niyang putulin ang sandaling iyon.
That magical moment make them forget everything around them. Kung nasaan sila. The
fire exploded. Ramdam iyon ni Anria. Sa katawan niya at sa mismong katawan ni
Sanji.

Patuloy lang na magkahinang ang kanilang mga labi. Namalayan nalang niya na napaupo
na si Sanji sa may gilid ng kama at siya dahil hindi nito binibitiwan ay napaupo
rin sa hita nito.

"Anria," anas pa nito sa pangalan niya bago siya muling hinalikan sa kanyang labi.

This time wala talagang gustong bumitiw. Ang pasaway pa niyang katawan ay gustong-
gusto ang sensasyong nararamdaman mula sa init ng katawan ni Sanji. Nagpatangay
siya sa kalasingang nararamdaman. Hanggang sa bumaba ang halik ni Sanji sa kanyang
leeg. Napakagat labi siya.

"S-Sanji," impit pa niyang anas sa pangalan nito ng iayos siya nito ng upo sa hita
nito. Muli siya nitong siniil ng halik sa labi. Nakasaklang na ngayon ang posisyon
niya dito. Hinayaan niya iyon dahil sa kadarangang nararamdaman.

Si Sanji naman ay naging abala ang mga kamay sa paghaplos sa kanyang likuran.
Hanggang sa tumaas iyon papunta sa kanyang bra. He even un-hooked her bra while
still kissing her. She moan when he carries her breast. Wala nga yata talaga siya
sa katinuan dahil hindi man lang niya nagawang sawayin si Sanji ng iangat nito ang
kanyang damit. Muli siyang napapikit habang kagat labi ng maramdamn ang mainit
nitong labi sa isa niyang dibdib.

"Argh. Sanji!" Napakapit pa siya ng mariin sa buhok nito. Ginulo niya iyon. Ramdam
na ramdam niya ang arousal nito. Gusto niya itong pahintuin sa ginagawa ngunit ang
pasaway niyang katawan ay gustong-gusto ang ipinamamalas nito. Napaarko pa ang
katawan niya sa sensasyong dulot ng mainit nitong bibig. Alam niyang mali iyon
ngunit walang kataga ang gustong lumabas mula sa bibig niya.

Muli siya nitong hinalikan sa bibig habang ang dalawa nitong kamay ay malayang
humahaplos sa kanyang dibdib. Ilang sandali pa nga ay pumihit ng upo si Sanji at
maingat na inihiga siya sa kama. They both breathless. Wala paring gustong bumitaw
sa isat-isa at wala paring gustong magpatinag.
Ng magmulat ng mata si Anria ay nakita niya na topless na si Sanji. Napalunok siya
dahil sa perpekto nitong katawan. His abs to his V-line. Hindi niya magawang mag-
isip ng matino ngayon. Ang tanging alam lang niya ng mga sandaling iyon ay nag-e-
enjoy siya sa ipinamamalas ni Sanji sa kanya. Lasing parin ang pakiramdam niya.
Muli siyang napapikit ng dumagan ang kabigatan ni Sanji sa kanyang katawan. Muli
siya nitong hinalkan. A butterfly kisses on her face down to her neck. Going back
to her lips. Ganoon ang ginawa nito na lalong nagpapaigting sa kanyang kabaliwang
nararamdaman.

Ramdam niya ang pagkahanda nito. She gasp when he full down her short.

"S-Sanji."

Siniil lang siya nito lalo ng halik sa labi. Ibinaba rin nito ang suot na jeans.
She felt his readiness na nagkukumawala behind his jeans. Pinagpapawisan na siya
dahil sa init ng kanilang katawan. Ganoon din si Sanji.

Medyo dumistansiya sa kanya si Sanji. He looked at her with full adoration on his
gorgeous eyes. She bite her lower lips as he parted away her knees and when she saw
his upper body down to his manhood. Ngayon niya napatunayan kung gaano kaperpekto
ang katawan ni Sanji. Napalunok siya bigla. Ramdam din niya ang reaksiyon ng
kanyang pagkababae habang tinititigan ang perpekto nitong katawan. His topless body
na may namumuo ng mumunting pawis dulot ng init sa silid na iyon. Napalunok siya.
Ang sarap titigan ni Sanji. Para itong Greek God na bumaba mula sa Mount Olympus.

Pwede niya itong pigilan ng pumwesto na ito para sa pagpasok sa kanyang kaselanan
ngunit wala siyang lakas para gawin iyon. Wala siya sa katinuan ng mga sandaling
iyon kaya para siyang papel na tinatangay lang ng hangin.

Ipinikit niya ang mata para sa kung ano mang sunod na mangyayare ngunit ganoon
nalang ang muli niyang pagmulat ng isubsob lang ni Sanji ang sarili sa kanya. Hindi
nito itinuloy.

"S-Sanji...."

"Shit! I'm sorry," anito na matapos huminga ng sunod-sunod ay umalis na sa


pagkakakubabaw sa kanya. Itinaas nito ang nahubad na pangibaba at mabilis na
pumunta sa may bintana para sumagap ng hangin. Doon na rin nito isinuot ang nahubad
na damit.

Naiwan siyang tulala. We almost there..... Ngayon siya parang binuhusan ng malamig
na tubig. Tuluyan na siyang natauhan at na-realize ang nangyare kani-kanina lang.
Kung hindi tumigil sa ginagawa si Sanji baka tuluyan niyang naisuko ang sarili
dito. Napukpok tuloy niya ang ulo. "Baliw ka talaga Anria," mariin niyang anas.

Mabilis na rin niyang inayos ang sarili. Hindi niya magawang tumingin kay Sanji ng
sulyapan siya nito. Alam niya mas pulang-pula ngayon ang mukha niya. Sino ba'ng
hindi? Nakita niya ang lahat kay Sanji and worst ito rin nakita ang lahat sa kanya.
Noong una abs lang nito ang nakita niya sa tree house na iyon. Tapos ngayon naman
buong katawan naman nito. At ang pinaka-worst ay muntikan ng may mangyare sa
kanila.

Nakakahiya! Ang sarap magpalamon sa buwaya!

Napasinghap siya ng mag-squat sa harap niya si Sanji. Ni-hindi niya namalayan ang
paglapit nito. He even hold her hand tight. Nanginginig parin iyon.

He sigh. "Please don't get mad for what happened. Na-carried away ako. It's my
fault. I'm sorry for this mistake."
Napilitan siyang tingnan si Sanji. Ang nagsusumamo nitong magagandang pares ng
mata. Geez!

"N-Na c-carried away lang din ako." Shocks kahiya ka talaga Anria! Nagbawi siya
muli ng tingin. Para siyang natutunaw sa titig ni Sanji. Sobrang init. Pinagpawisan
siya ng maalala na naman ang perpekto nitong katawan. She really saw it live!
Tubig, please!

"I promise hindi na ito mauulit unless nasa tamang edad kana at ako."

Okay na sana ang una nitong sinabi kaso dinagdagan pa nito. Nahila tuloy niya ang
kamay na hawak nito. "Kailangan talaga eepalan mo pa ng ganoon?"

Tumawa pa ito. "I'm just kidding. Again I'm sorry. Ayokong ito 'yung maging dahilan
para iwasan mo ako lalo. Not this time Anria."

Kahit ano'ng gawin niya siguro ay hindi na niya magagawang iwasan pa ang isang
Sanji Marquez. Siya lang ang mahihirapan kung gagawin niya iyon. Specially now.

"You almost rape me Sanji."

Napamaang ito pagkuwan ay gigil na pinisil ang tungki ng ilong niya. "Kung maka-
rape ka naman diyan. FYI, iba 'yung rape sa almost making love."

Sinabi lang naman niya iyon para mapawi ang pagkaasiwang nararamdaman. Pero
pinamulahan parin siya sa huli nitong sinabi. Pinilit niyang ngumiti. "First time
mong gawin iyon?" Natawa siyang lalo ng makita ang pamumula ng pisngi nito.

"Hindi." Tumayo na ito at hinila na siya palabas ng tree house.

Binawi niya ang kamay dito. "Ah, ganoon? So, pinaglalaruan mo lang ako?"

Ito naman ang tumawa. "I mean hindi ka nagkakamali." After a second ay dagling
sumeryoso ang gwapo nitong mukha ng harapin siya. "You're my first Anria."

That words..... Parang gusto niyang tumalon mula sa taas ng tree house. Buset!
Hindi ko mapigilan ang kilig ko! Kinagat niya ang lower lips para maitago ang
kilig.

"Maniwala sa iyo."

"Hindi naman kita pinipilit maniwala." Muli siya nitong nilapitan at walang sabi-
sabing yakapin ng mahigpit. "I know malaki ang pwedeng mabago dahil sa nangyareng
ito sa ating dalawa. Pero sana 'wag mo itong gawing dahilan Anria para umiwas sa
akin. Please?"

Tunaw na tunaw na ang puso niya dahil dito. Gumanti siya ng yakap para iparamdam
dito na hindi niya iyon gagawin. Tumango siya pagkuwan ay pumikit ng mariin.
"Promise."

May sumilay na kontentong ngiti sa labi ni Sanji. Mas hinigpitan pa nitong lalo ang
pagkakayakap sa kanya.

"Umuwi na tayo. Masyado ng mainit dito sa tree house mo. Baka mamaya umapoy ka na
lang diyan."

Ganoon nalang ang pagtawa ni Sanji ng pakawalan siya nito. "Wow. Kailan ka pa
natutong p-um-ick-up line?"
Medyo nag-init ang pisngi ni Anria. "Umuwi na tayo," sabi nalang niya. Siya na ang
nagpatiuna sa pagbaba sa tree house. Hindi kasi niya matagalang titigan ang gwapong
mukha ni Sanji. Nakakatunaw.

Ng makababa si Sanji ay inakbayan pa siya nito bago nag-umpisang maglakad.

"H-Hindi mo na naman kailangan pang akbayan ako. Kaya kong maglakad," apila niya.

"Aalalayan kita sa paglalakad hanggang sa makarating tayo sa bahay. No buts Anria."

Hinayaan nalang niya ito sa gusto nitong gawin. Habang daan lutang na lutang parin
ang kanyang isip dahil sa nangyare kanina. Oh, God, ano ba'ng gamot para
makalimutan ko iyon? Baka mamaya mabaliw na ako. Napalunok siya. Tapos heto pa
ngayon si Sanji sa kanyang tabi sobrang lapit.

Dahil sa paglipad ng isip kaya hindi napansin ni Anria ang dinadaanan na medyo
palubog kaya naliay siya roon.

Napasinghap siya. Mabuti nalang at hawak siya ni Sanji. Dahil kung hindi baka
napasama siya lalo. Inalalayan siya nitong tumayo.

"Okay ka lang?"

Tumango siya. "O-Okay lang."

Pero ng mag-umpisa siyang humakbang ay medyo kumirot ang bukong-bukong niya.


Napahawak tuloy siya ng mahigpit kay Sanji.

"M-Masakit."

Agad ang ginawang pag-check ni Sanji sa paa niya. "Baka mamaga pa ito." Tumayo na
ito at agad na nag-squat sa harap niya. "Sumakay ka na sa likod ko para hindi
lalong ma-sprain ang paa mo kapag naglakad ka. Sige na Anria."

Hindi na siya nag-inarte pa dahil natatakot din naman siyang ma-sprain lalo ang
paa. Sumakay na siya sa likod ni Sanji. Walang mababakas na reklamo dito habang
naka-piggy back ride siya rito.

"Kapag nabigatan ka na sa akin. Pwede mo na akong ibaba. Maglalakad nalang ako."

"Don't mind me. Hindi ka naman mabigat kaya walang kaso sa akin. At isa pa hindi
naman kita hahayaang maglakad dahil sa kalagayan mo. Just so you know Anria that I
care for you. A lot."

Hindi niya maiwasan ang mapakagat labi. Na touch siya sa sinabi nito. Tagos sa
puso. Pakiramdam niya ay ang swerte niya masyado dahil siya 'yung tanging babae na
pinagtutuunan nito ng pansin ngayon. Kahit na milyong babae pa ang nagpapakabaliw
din dito.

Iniyakap niya ang mga braso sa may leeg nito at ipinatong ang baba sa balikat nito.
"Thank you Sanji."

~~~~***~~~~A/N: .....ang Hot ni Sanji...... Sorry na-carried away lang din po


ako... Hohoho ;)

Dedicated this Chapter to all those open minded \\(*–*)//


=================

Chapter 25

DIS-ORAS na ng gabi ngunit gising na gising parin si Anria. Hindi siya magawang
patulugin ng nangyare kanina sa tree house. Maraming what if? What if natuloy iyon?
Ano'ng kasunod na mangyayare?

Alam niya okay sila ngayon ni Sanji. Mas okay pa nga kumpara noon dahil animo
boyfriend niya ito kung asikasuhin siya kanina. Panay pa ang ngiti nito na bagay
lang sa gwapo nitong mukha.

She sigh. "What if Sanji?"

Umupo siya mula sa pagkakahiga. Balak sana niyang pumunta sa CR ng bigla namang
bumukas ang pintuan. Napahawak pa siya sa kanyang bibig dahil sa pagkabigla.

"Ako lang ito," ani Sanji na pumasok sa loob ng silid. Hindi nito isinara ang
pintuan kaya alam niya na hindi ito magtatagal.

"Bakit gising ka pa?" aniya.

"Can't sleep. Ikaw din?" Balik tanong nito.

Marahan siyang tumango. "Namamahay siguro."

Napangiti ito. "Really?" Hindi kumbinsido nitong sabi kaya napairap siya. "Tara
muna sa may garden magpapaantok." Inilahad pa nito ang kamay nito sa harap niya.

Ilang sandali niya iyong pinagmasdan bago iyon tinanggap. Hindi rin naman siya
makakatulog kaya mas mainam pa na sumama siya dito. Okay na naman ang kanyang paa
na hinilot mismo ni Sanji kanina ng dumating sila sa mansion galing sa tree house
nito.

Ng makarating sila sa garden na tinutukoy nito ay napatawa pa siya ng makita ang


nakalatag na blanket sa damuhan. Hindi ganoon kaliwanag sa lugar kaya kitang-kita
ang mga bituin sa kalangitan.

"Bakit may blanket pa?"

"Stargazing ayaw mo?" Nakangisi nitong sabi.

Naroon din ang gitara nito. Todo alalay pa ito sa kanyang pag-upo sa blanket.
Hinayaan lang niya iyon. Masarap kasi sa pakiramdam na inaasikaso nito.

"Wala ba tayong food trip dito?"

"Takaw mo talaga," naiiling nitong sabi bago muling tumayo. "Stay here. Kukuha lang
ako ng pwedeng kainin sa loob."

Napangiti siya ng mapag-isa. Malamig ang hanging dumadapyo sa kanyang balat. Buwan
na kasi ng Disyembre kaya ganoon ang panahon.

Ng makabalik si Sanji ay hindi lang pagkain ang dala nito. May extra blanket pa
itong dala at dalawang sumbrelo.

"Baka sipunin ka gawa ng hamog kaya ibalabal mo iyan sa iyo. Suutin mo rin itong
cap."
Tinanggap niya ang ibinigay nito at isinuot ang sumbrelo sa ulo niya. Ng makaupo
rin si Sanji ay siya pa ang nagsuot ng sumbrelo dito kaya napatitig ito sa kanya.

Kiming napangiti siya bago nag-iwas ng tingin.

"Thanks," anito. Tumikhim ito at kinuha ang gitara. Nag-strum ito ng ilang ulit.
Hanggang sa itigil nito ang ginagawa at pinagmasdan siya. He sigh. "Anria."

Sinubukan niyang salubungin ang titig nito. Kumabog na naman ng mabilis ang kanyang
puso. "Bakit?"

"'Yung kanina..."

Umiling siya. "Tama na. A-Ayokong pag-usapan." Nagbaba siya ng tingin. "Kung gusto
mong hindi ako mailang sa iyo kapag nasa paligid kita. 'Wag mo ng ungkatin pa iyon.
Ang awkward kasi."

Kinuha nito ang isa niyang kamay at hinawakan ng mahigpit. "Okay. Just stay with
me."

Napalunok siya. Ang puso niya kabog ng kabog. Parang gusto niyang huminga ng
pagkalalim-lalim dahil pakiramdam niya ay nauubusan na siya ng hangin sa baga dahil
sa sinabi nito. Kanina pa ito sweet. Nakakainis. Hindi niya mapigilan ang sariling
magtatalon sa kanyang isip.

"Kung wala namang dahilan para layuan ka, eh," makahulugan niyang sagot.

"Wala naman talagang magiging dahilan Anria." Pinisil nito ang kamay niya bago
muling nag-strum sa gitara nito. "Listen to my song," anito na kumindat pa sa
kanya.

Kunway tinaasan niya ito ng kilay. "Baka umulan, huh?"

"Hindi iyan."

Kinuha niya ang isang junk food at binuksan habang si Sanji ay patuloy sa seryoso
nitong pag-tipa sa gitara nito. Then look at her. Bakit ganoon? Ibang-iba talaga
ang dating ng titig na iyon nito sa kanya. Malalim.

"Kay ganda pagmasdanTunay mong larawan, talagaSa 'yong kagandahanPuso ko'y bihag
moKailan man."

Habang kinakanta iyon ni Sanji ay ramdam niya ang init na humahaplos sa kanyang
puso dulot ng malamig nitong boses. Ni hindi nito inaalis ang pagtitig sa kanya.
Bakit kailangan siya nitong titigan na animo siya lang ang pinakamagandang babae sa
balat ng lupa? Bakit kailangan nitong palambutin ang tuhod niya? Bakit naninindig
lahat ng balahibo niya? Kumakanta lang naman ito. Pero kahit na. Damang-dama niya
na sa bawat katagang binibigkas nito ay may nais itong iparating sa kanya. Parang
gusto niyang itanong dito kung parehas ba talaga sila ng nararamdaman? Kung totoo
'yung sinabi nito kanina sa tree house. Na gusto siya nito.

Hay, Sanji. Ang gwapo mo talaga. Hindi ko alam kung bakit ngayon ko lang lubos na-
realize na swerte ako dahil ako lang 'yung babaeng hinahayaan mong mapalapit sa iyo
ng ganito. Kahit hindi ko na itanong sa iyo alam ko na gusto mo rin ako. Halata
naman, eh. Itatanggi mo? Layasan kaya kita?

"Nais kong malaman moNaging bahagi ka ng buhay koIniibig kitaTunay sa'king tuwinaO
sinta."
Ninamnam niya ang bawat katagang binibigkas nito. Sa simpleng kantang iyon tunaw na
tunaw na ang puso niyang simpleng humahanga rito.

"Kahit nasaan ka manPuso ko'y sa'yo langSumpa manPag-ibig kong itoDi


magbabagoKailan man.

La la la laLa la la laLa la la."

Hanggang sa matapos itong kumanta ay hindi pa rin siya tuluyang maka-get over dahil
na rin sa magandang lirikong binigkas nito. Puno iyon ng kahulugan na tumatagos sa
puso niya.

"Magaling ka rin palang kumanta. Bakit hindi ka bumuo ng banda sa school? For sure
dadami ang fans mo."

Tumaas ang isa nitong kilay. "As if naman kailangan ko ng fans? Isa lang naman ang
kailangan ko at kontento na ako sa kanya," ngumiti ito pagkasabi niyon. Maingat rin
nitong ipinatong ang gitara sa tabi nito.

Pasimpleng huminga ng malalim si Anria dahil kanina pa niya pinipigil ang paghinga.
Siya yata ang tinutukoy nito sa sinabi nito? Tipaklong talaga! Tumingala muna siya
sa kalangitang puno ng bituin para pigilan ang kilig. Simple lang kung bumanat si
Sanji pero tatamaan ka talaga.

"Hey. Baka magka-stiff neck ka diyan sa kakatingala mo?"

Isang hinga pa ng malalim bago itinuon ang tingin sa gwapong si Sanji. "Maganda
'yung kanta mo. Ano'ng title?" Naisipan niyang itanong para lang may masabi.

"Hindi mo na kailangan pang malaman." Binuksan nito ang cookie jar. "Lyrics lang
naman 'yung gusto kong malaman mo." Kumuha ito ng isang cookie at iniumang sa harap
ng labi niya. "Kagat."

Napatitig muna siya roon. No choice na kumagat siya sa cookie na hawak nito.
Natigil lang siya sa pag-nguya ng kainin ni Sanji ang natira sa kinagatan niya. May
ganoon talaga Sanji? "B-Bakit kinain mo?"

"Why?" Sa halip ay balik tanong nito.

Siya lang ba talaga ang naglalagay ng malisya sa bawat ginagawa nito? Nag-iwas
nalang siya ng tingin dahil tila nang-aarok ang tinging ipinamamalas nito ng mga
sandaling iyon.

Pinagdiskitahan nalang niyang kainin ang binuksang junk food kanina. Muli siyang
tumingala sa kalangitan. Ang ganda kasing pagmasdan ng mga bituing walang tigil sa
pagkikislapan.

"Much better kung humiga ka para hindi sumakit ang leeg mo." Suhisyon ni Sanji na
nauna pang humiga sa kanya. Nakapatong sa may tiyan nito ang cookie jar na kanina
pa nito pinagdidiskitahan.

Walang imik na humiga siya sa tabi nito. Napabaling lang siya kay Sanji ng ito
mismo ang mag-unan ng ulo niya sa braso nito. Which is naging dahilan para
magkadikit silang lalo.

"May reklamo?"

"W-Wala." Ibinaling na niyang muli ang tingin sa kalangitan. Stargazing with this
gorgeous man beside her is perfectly amazing. Lalo na at mukhang wala sa karakter
ni Sanji ang pagkahilig sa stargazing.

"I hope nagustuhan mo 'yung kinanta ko kanina." Basag nito sa namumuong


katahimikan.

Tumango siya. "Nagustuhan ko." Lalo na 'yung meaning.

"Much better. Minsan lang akong mag-effort and as far as I know ngayon lang din ako
kumanta habang tumutugtog ng gitara. I'm not into singing."

"Pero kumanta ka parin at saka maganda 'yung boses mo ."

Inilapag nito sa tabi nito ang cookie jar then hold her right hand. Nasa langit
parin ang atensiyon nito. "Just to express."

Express your feeling? Bakit hindi mo pa diretsahin? Idadaan mo pa sa pagkanta.

"Ang alin?"

"Sometimes I hate you for being numb Anria."

Numb? Siya? Napabangon tuloy siya at hinarap ito. "Ako manhid? Just so you know too
na kung manhid ako then bakit madalas kong bigyan ng kahulugan iyang mga kinikilos
mo? Hindi ka naman dating ganyan sa akin. Unless aamin mong may gusto ka nga sa
akin." Sa isip ay nagtatakbo na siya papasok sa may mansion. Kailangan talagang
sabihin iyon Anria? Spell ang kapal ng mukha.

Ilang sandali ring nakatitig lang si Sanji sa kanya. Seryoso ang mukha. Then a
smile flash on his gorgeous dark eyes. "Kanina mo pa ipinipilit ang bagay na iyan."
Umupo rin ito. "So what kung may gusto nga ako sa iyo?" Deretsang sabi nito na
nagpatuliro lalo sa tibok ng puso niya. "Katulad ng sinabi ko kanina sa iyo na
kahit malaman mong gusto kita hindi naman magiging tayo. I want to court you pero
hindi ko pa man nagagawa pinagbawalan na agad ako ng lolo mo. Pero kahit na ganoon
I want you to put this on your mind Anria. Hindi man maging tayo sa ngayon still
you're mine. The moment that we almost do it together I know you're mine already."

Kanina pa halos pigil ni Anria ang paghinga. Narinig nga talaga niya iyon kay
Sanji. Gusto rin siya nito. Natutuwa rin ang puso niya sa hayagang pag-angkin nito
sa kanya as his girl. Sa isip ay kinanta niya ang isa sa mga kanta ni Sandara Park
sa commercial nito ng shampoo. Ang ganda ko. Feel na feel ang long hair ko. Ang
ganda ko.....

"Paano kung hindi naman tayo parehas ng nararamdaman?" She bite her lower lips.

"So? Ang importante lang sa akin ngayon ay alam mo kung para kanino ka." Ngumiti
ito. "Just that simple."

Hindi niya napigilan ang sarili na pisilin ang pisngi nito. Hindi siya nananaginip
lang. Totoo lahat ng sinasabi ni Sanji. Ang sarap pala sa pakiramdam na 'yung
mismong taong gusto mo ay gusto ka rin.

Nahimas nito ang pisngi. "What's that for?"

Nakangiting umiling siya. Just to make sure that I am not just dreaming. That I
really hear what you've been saying a while ago. Gusto ko ring sabihin na sa akin
ka lang din. Pero ayokong umasa ka Sanji. Ayoko ring sanayin ang sarili ko na pang-
matagalan ito. I want you. I really do. But sad to say na this won't be forever.
Walang kasiguraduhan kung may happy ending ba. Ayokong umasa. Sapat na siguro 'yung
masulit ko 'yung time na kasama ka. Kahit saglit lang. Kahit ganito lang tayo.

Ng lumunok siya ay nahirapan pa siya dahil sa tila malaking bikig sa kanyang


lalamunan na nakabara. She blink twice dahil nag-iinit ang bawat sulok ng kanyang
mga mata. She look down for a moment to ease the pain on her throat.

Nakaka-guilty lang na hindi niya masabi-sabi kay Sanji ang tunay niyang pagkatao.
Kahit ang sariling nararamdaman ay hindi rin niya magawang sabihin dito.

Napakurap siya ng iangat ni Sanji ang mukha niya just to meet his gaze.

"Ayokong isipin mo Anria na pini-pressure kita. I just want you to know my side.
Para naman hindi ka na magtaka kung bakit minsan weird 'yung ikinikilos ko when
you're with me."

Kagat ang ibabang labi na tumango siya. "O-Okay."

"Pero parang hindi ka okay?"

She tried her best na maging okay sa harap nito. Pinisil niya ng bahagya ang
matangos nitong ilong. "Okay lang ako. Medyo nagtataka lang ako kung bakit
nagustuhan mo ako. Samantalang dati sabi mo walking disaster ako. At isa pa sobrang
snob mo sa school."

Napangiti ito sa sinabi niya. "Kung pwede nga lang maaksidente ulit ng dahil sa
iyo, why not? Ako pa this time ang magre-request sa school na ikaw ang mag-alaga sa
akin."

"Ang OA mo. Mamaya matuluyan ka pa ng dahil sa akin."

"Pero natuluyan naman talaga ako sa iyo."

Ang tanging nagawa nalang ni Anria ay ang matulala ng tuluyan kay Sanji. He's damn
cheezy.

At ang mokong sinamantala pa ang pagkatulala niya dito. He captured her face using
his both hand. Hinayaan lang niya ito.

"Many things happened today. Napaamin pa ako sa iyo ng wala sa oras. You caught me
off guard to the point na wala na akong magagawa pa kundi ang umamin sa iyo. Yes, I
like you a lot. I don't know kung kailan eksaktong nangyare ito. Basta nangyare na
lang. Isa lang ang alam ko ngayon. You're mine. You will be my present, future and
hoping until forever kung meron talaga noon. Just let me show what I felt for you
Anria. Without any hesitation."

Ang tangi lang nagawa ni Anria ay ang pumikit ng maglapat muli ang mga labi nila ni
Sanji. She kissed him back sa paraang alam niya.

Sana kaya ko ring sabihin sa iyo lahat Sanji...... Lahat-lahat.

Bahagya niya itong itinulak ng may maalala. "Sabi mo dati ako rin 'yung first kiss
mo. Pero bakit mukhang ang expert mong humalik?" Hindi na niya napigilang isatinig.
Nang-aarok ang tingin niya rito.

"Pati ba naman iyon napansin mo?" Ngumiti ito. "I just give the best shot for you.
And don't ever think na may iba akong ka-make out. Dahil wala."

Napanguso siya saglit bago umisod palayo rito. Nagkibit balikat siya pagkuwan.
"Malay ko ba."
"Okay. Mahilig akong manood ng movie nakikita ko lang kung paano nila ginagawa
iyon. Kaya ayon I just try it kung kaya ko. Mukha namang okay dahil sabi mo para
akong expert." Ngumisi pa ito at kumindat.

Napalunok siya. Sa akin talaga, Sanji? Iniwasan niyang mapatama ang tingin dito
dahil natutunaw na naman siya. Argh. Na-i-speechless ako. What to say? What to do?
Pwede bang tumili kahit isang saglit lang?

"I'm sorry if na-offend kita. 'Wag mo na nga lang isipin iyon."

Hindi ako na-offend. In fact gusto ko talagang tumili. 'Yung tipong pati kuliglig
ay mabubulabog.

Tumikhim siya at kinuha ang isang coke in can at binuksan para uminom. Nauhaw siya
bigla. Bukod sa pagiging hot ni Sanji, pati sinasabi nito ay ang hot din.

Makalipas ang ilang sandali ay muli silang nahiga ni Sanji. Back to stargazing.
Nagkwentuhan lang sila ng kung ano-ano hanggang sa makatulog siya sa bisig ni
Sanji.

                   ~~~~***~~~~

Dedicated this Chapter to @GirLyKACD

..... and also to @Violetkei, @jane_i21, @mics_emotions... Guys thank you sa


message sa MB ko. Eeee sobrang binibigyan niyo ako ng confident sa story ng APID
<3....Thank You po from the bottom of my <3.

PS: Kahit po ako sobrang nawindang sa mga pangyayare sa C24. Hahaha. Patawad talaga
at na-carried away lang kami ni Sanji. Isang milyong beses ko ring pinag-isipan
kung itutuloy ko bang i-post iyon. I want to back out coz of the erotic scene,
hindi talaga ako sanay na may ganon hahahaha. Pero wala namang mawawala kung
gagawin kong part of the scene talaga iyon. Basta gusto kong mag-thank you sa lahat
ng tumanggap ng C24. Sa uulitin hahaha ;)

THANK YOU :)

#SanRia#APID#iloveyouall#SoonToEnd

=================

Chapter 26

"CAN I sit here?"

Pag-angat ni Anria ng mukha ay nakita niya si Andrei. Nakaupo siya noon sa damuhan
sa ilalim ng punong narra sa campus ground. Atubiling tumango siya.

"Sige."

Pasimple niyang tiningnan ang paligid. Hindi nito kasama si Sanji. May pagtataka
rin siyang naramdaman dahil sa paglapit ni Andrei sa kanya. Ano'ng meron?

"Bakit nilapitan mo ako dito?" Hindi niya napigilang itanong ng makaupo ito sa tabi
niya.
"Just to ask some question, Anria," may bahid na kaseryosohan nitong sabi.

Isinara niya ang librong binabasa bago ito pinagtuunan ng pansin. "Tungkol saan?"

"About you and Sanji. Kayo na ba?"

Hindi niya agad na-gets ang sinabi nito. "Huh?"

He smirk. "Kung kayo na ni Sanji?"

Naiimposiblihang tiningnan niya ito. "Kami ni Sanji?" Umiling siya. "Hindi."

"'Yung totoo?"

Inirapan na niya ito dahil medyo nakukulitan na siya. "Sinabi na ngang hindi, eh."
Muli niyang binuklat ang hawak na libro kahit na wala na doon ang kanyang
atensiyon. "Hindi kami. Imposible pati iyang sinasabi mo Andrei."

"Palagi ka kasing bukang bibig ni Sanji kapag magkasama kami. Kaya naisipan kong
itanong sa iyo kung kayo na. Mahirap kasing paaminin ang isang iyon."

"Ngayon nasagot ko na ang tanong mo kaya iwanan mo na ako dito Andrei. Busy ako."

"Okay. Pero natutuwa lang ako dahil sa iba na nababaling ang atensiyon ni Sanji
ngayon. Matagal siyang aloof sa mga chicks. Hindi dahil bading siya, huh. It's
because ayaw niyang magkaroon ng dahilan para kalimutan 'yung alaala na meron siya
sa kanyang childhood first love. Pero sa nakikita ko ngayon you've change
everything since nagkasama kayo."

Childhood na first love pa? Nakaramdam siya ng mumunting panibugho sa kanyang puso.
Diyata't iyon ang batang babae sa picture na nasa tree house dati ni Sanji? Kahit
na past iyon at siya ang present ni Sanji ay nakaramdam parin siya ng selos dahil
sa kaalamang may minahal na pala ito.

"'Wag mong sabihin kay Sanji na sinabi ko iyon sa iyo. Bye."

Nasundan nalang niya ng tingin si Andrei.

"Sabi niya ako ang una niya. Tapos may minahal na pala siya bago palang ako
dumating sa buhay niya. Nakakainis ka Sanji."

Hindi siya halos patulugin ng kaalamang iyon. Paano kung bumalik ang childhood
first love na iyon ni Sanji? Paano siya? Itsapuwera na sa eksena?

Dahil sa isiping iyon kaya halos hindi siya nakatulog.

Kinabukasan sa school ay hindi rin siya makausap ng matino nina Lai at Miyuki.

Kinuha niya ang sinulatang card sa kanyang bag at binasang muli sa kanyang isip.

Hindi ako worried kahit na maraming malalanding babae na naaligid sa paligid niya.
It's about his past, his first love, na alam kong mas mahirap kakompitensiya sa
lahat.... Ako lang ito. Kailan lang dumating sa buhay niya. Unlike her na matagal
niyang iningatan.

</3

Napabuntong-hininga siya bago isinabit ang card na iyon sa malaking Christmas tree
na nasa lobby ng kanilang school building. Lahat ng thoughts pwedeng isulat sa
kahit na anong papel at isabit doon. Puno na nga ang naturang Christmas tree dahil
sa daming nag-confess.

Naglakad na siya pabalik sa kanilang classroom. Pag-upo niya sa kanyang upuan ay


agad siyang tinabihan nina Lai at Miyuki. Iimik sana si Miyuki ng siya namang pag-
ere sa speaker ng student confession na ini-air tuwing lunch time. Nagsimula lang
iyon noong Monday at matatapos sa susunod na Friday kasabay ng pagtatapos ng
eskwela sa buwan na iyon ng Desyembre. Ninety percent ng confession ay puro tungkol
kay Sanji. Hindi na naman iyon bago.

"Oww. From a fourth year high student. Lalaki po ito at itago natin siya sa
pangalang Crushmate. Partner basahin mo na."

Tumikhim muna ito. "To Anria who make my day. Gusto ko lang malaman mo na sa bawat
araw na nasisilayan ko ang kasimplehan mo ay masaya na ako. Ganado na akong pumasok
at magsimula sa umaga. Bonus na sigurong maituturing na classmate tayo. Thank you
for being my inspiration. Alam ko naman na malabo mo akong magustuhan pero okay
lang dahil walang kaso iyon sa akin. No hurt feeling kumbaga. Noong sumali ka sa
cosplay parang hinigop mo ang buong lakas ko. Grabe ang ganda-ganda mo talaga. Pero
sana kahit isang sulyap lang ipagkaloob mo sa akin ngayong Christmast."

"Ang sweet naman. Dito na po muna nagtatapos ang ating confession. Bukas po ulit."

"Oh, my God! Sino iyon?" Tili ni Lai na inilibot ang tingin sa buong classroom.
Dahil lunch kaya wala masyadong tao sa room nila.

Nahilot niya ang sentido. Ayaw niya sa lahat 'yung may magbo-broadcast ng feeling
para sa kanya. Tapos classmate pa niya.

Tinapik siya ni Miyuki sa kanyang balikat. "'Wag mo ng pansinin. Naku baka mukhang
bisugo iyon."

"May mga cute rin naman tayong classmate dito pero wala naman sa kalingkingan ni
Sanji kaya ignore mo na Anria."

"Right. 'Wag mo ng kaisipin iyon. Alam naman naming hindi lang siya ang may gusto
sa iyo dito sa school. Marami pa diyan na mga naglabasan sa lungga nila ng makita
kang sumali sa cosplay."

Isa na ang Sanji niyo, napangiti siya sa naisip. Baka mag-freak out lalo ang
dalawang ito kapag nalaman na mutual ang nararamdaman nila ni Sanji. At ang
lalaking pangarap ng mga ito ay kasalukuyang inlababo sa kanya.

Sasagutin niya sana ang dalawang kaibigan ng tumunog ang message alert tone ng
kanyang cellphone. Si Sanji ang nag-text. Buti nalang at busy sa pagdadaldalan ang
dalawa niyang kaibigan kaya hindi inusisa kung sino ang nag-text sa kanya.

Wait me at the rooftop. Now.

Napasulyap siya sa dalawang kaibigan. "May bibilhin lang ako."

"Sige," duet pa ng mga ito na muling ipinagpatuloy ang pagdadaldalan.

Nakahinga siya ng maluwag ng makalabas ng room. Pasimple rin siyang pumasok sa fire
exit. 'Yung tipong walang nakakakita na pumasok siya roon. Mabilis na umakyat siya
sa hagdan papunta sa rooftop.

Wala pa roon si Sanji. Wait me nga daw diba? Epal ng isip niya. Nangingiti nalang
na pumunta siya sa may gilid kung saan hindi mapapansing may tao sa rooftop.
Humarap siya sa kakahuyan kung saan walang bahay na nakatayo. Puro puno ang naroon.

Abala siya sa pagtanaw sa kakahuyan ng bigla nalang may pumulupot sa may bewang
niya mula sa kanyang likuran. Saglit siyang nanigas sa kinatatayuan. Nalingunan
niya ang nakangiting si Sanji.

Bakit sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay lalo itong guma-gwapo? His perfect pair of
eyes, his pointed nose and his lucious kissable red lips. Idagdag na ang makinis at
malambot nitong kutis. Kutis artista lang ang peg. Para itong isang napakagandang
aparisyon.

"B-Baka may makakita sa atin dito," apila niya sa pagkakalapit nilang iyon. Baka
mamaya ay may ususerong pumunta sa rooftop.

"Don't worry. I do lock the door. Kaya walang makakakita sa atin dito. May gusto
lang akong itanong."

"Bakit hindi mo nalang i-text?"

"Kung idadaan ko sa text hindi naman kita mayayakap ng ganito." Hinigpitan pa lalo
nito ang pagkakayakap sa kanya. Nanlambot bigla ang sistema ni Anria ng dampian pa
nito ng halik ang buhok niya.

Wala siyang nagawa kundi ang mapapikit at bahagyang namnamin ang pagyakap nito sa
kanya. Later on ay siya na rin ang kumawala sa pagkakayakap nito mula sa kanyang
likuran at hinarap ito. "Sabihin mo na kung ano 'yung itatanong mo. Mamaya lang ay
time na."

That make him more serious now. "Kilala mo kung sino 'yung nag-confess sa iyo
kanina? Classmate mo pa."

Umiling siya. "Hindi."

"Don't dare to notice him Anria kung ayaw mong pati ako ay mag-confess din dito sa
school."

Hindi niya napigilan ang mapangiti dahil sa ka-OA-an nitong taglay. "As if naman
gagawin ko iyon? Alam mo naman na kahit ikaw nga hindi ko pinapansin noon. Iyon pa
kaya na hindi ko naman alam kung sino?"

"Kahit na. Classmate mo iyon. Mamaya personal pang umamin sa iyo."

"Itigil mo na nga iyang pagka-nega mo. Wala naman akong pinapansin na kaklaseng
lalaki ever since kaya tama na, ha?"

"Magpalipat kaya ako sa room mo?"

That make her shut. Ito magpapalipat sa room niya? Umiling siya. "No way, Sanji."

"Try me?"

Iniumang niya ang kamao sa harapan nito. "Ito gusto mo?" Marami ring malalanding
babae sa classroom nila at tiyak niya na baka putaktihin pa ito sa mismong harapan
niya. Baka makapanabunot lang siya ng wala sa oras. "'Wag ka lang talagang
magkakamaling lumipat sa room namin dahil hinding-hindi naman talaga kita
papansinin."

Tumawa ito. Napalis lang iyon ng tumunog na ang bell senyales na time na.
"Just one more thing," pahabol pa nito. "Don't think to much about my past. Kung
ano man 'yung iniisip mo just forget it. Matagal na iyon at wala na nga akong
balita sa kanya. Hindi ko rin alam kung tanda pa niya ako dahil isang beses lang
naman kaming nag-meet. Ayokong nagugulo iyang isip mo. Just always remember that
you're my present now. Iyon ang mas importante sa akin ngayon." Pinisil nito ang
kamay niya. "Ako na muna ang unang lalabas," anito na mabilis siyang hinalkan ng
smack sa labi bago naglakad palayo. He even turn around once more just to wink at
her.

Nahawakan niya ang masuwerteng labi ng tuluyang mawala sa paningin niya si Sanji.
Napangiti siya pagkuwan. Atleast medyo naliwanagan na siya ngayon.

Saka lang niya na-realize ang isang bagay. "Ah, shit! Nabasa niya 'yung inilagay ko
sa Christmas tree?" Natampal niya ang magkabilang pisngi. "Iisipin na naman niya na
nagseselos ako. Hay, siya na ang masaya." Kagat labing nilisan na rin niya ang
rooftop.

                         ~~~~***~~~~

Dedicated to @cuteloverforever, @analiz25jana, @SweethamMayRizaga and to


@AjGuila ..... Salamat po ulit :)

Hi guys...habang binabasa ko ang mga feedbacks niyo sa C25....nangingiti at the


same time naiiyak talaga ako. Haha. Di ko alam basta ang emotional ko.....ang sweet
niyo kasi guys kaya ganadong-ganado akong mag bigay ng UD.. Salamat sa support sa
C24. Pero pasensiya kasi hindi ko kayo ma-reply-an isa-isa dahil naka-PISOnet lang
po ako sa cp para makagamit ng wattpad. 10 minutes lang 'yon kaya naman ang tangi
ko lang nagagawa ay ang mag-UD at basahin ang mga comments niyo. Kaya maraming-
maraming salamat po :)

.....'yung soon to end po is malapit na pong matapos ang part na ito kaya
ayon ...malapit na silang mag-level-up. ..ay enebe nagiging-spoiler ako, haha. Try
ko mag-drama scene ..kaso baka imbis na maiyak kayo. .matawa pa kayo haha.

Again many many Thank You <3 <3

=================

Chapter 27

AKMANG dadamputin ni Anria ang nahulog niyang notebook ng may maunang kamay sa
kanya na kumuha roon.

Naangatan niya ng tingin ang classmate na si Waynard. Ngumiti ang seryoso nitong
mukha.

"Here," anito na inilahad sa harap niya ang notebook.

Apo ito ng may ari ng school. May itsura ngunit hindi sikat kagaya ni Sanji.

Kinuha niya iyon. "Salamat." Tinalikuran na niya ito.

"Anria..."

Hindi siya lumingon bagamat huminto siya sa paglalakad. Waiting for him to say
something. Ng hindi ito nagsalita ay ipinasya na niyang magpatuloy sa paglalakad.
"Pasabay papunta sa room," ani Waynard na mabilis na umagapay sa kanyang
paglalakad.

Napalayo siya dito. "Bakit hindi ka na lang maglakad mag-isa?"

Nahihiyang ngumiti ito. "Ahm. Ayaw mo ba?"

"Pasensiya na pero–"

"Anria."

That voice. Napalingon agad siya sa pinanggalingan niyon. Seryosong-seryoso ang


mukha ni Sanji. Tiim na tiim rin ang labi nito. Alam niya na ayaw nito ng nakikita.
Ayaw nito na may lalapit sa kanyang iba. Naalala niya bigla ang sinabi nito sa
kanya sa tree house.

"Just don't let any other man to near you or else he will be sorry."

Bago pa man masapak ni Sanji ang classmate na si Waynard ay nilapitan na niya ito.
Walang imik si Sanji na hinila siya palayo kay Waynard na laglag ang panga habang
sinusundan sila ng tingin.

"Siya ba 'yung nag-confess? May something sa pagtitig niya sa iyo and I don't like
it."

Lihim siyang napangiti dahil sa lantaran nitong pagseselos. Wala siyang pakialam sa
mga taong sinusandan sila ng tingin at pinagbubulungan. Kahit kasi si Sanji ay wala
ring pakialam sa paligid.

"Wala akong idea. Hindi naman kasi siya obvious kapag nasa room. Parang wala lang."

"Dahil wala siyang chance. Pero kanina nakita ko kung paano ka niya tingnan.
Nagmadali pa siya sa paglapit sa iyo ng malaglag ang notebook mo. Ginamit pa niya
ang chance na iyon para lang makasabay ka pabalik sa room niyo, ha. Tss. Lumang
style."

Bitter ito masyado. "Hindi naman ako pumayag."

"Hindi nga. Pero still in the end sasabay parin siya sa iyo kahit ayaw mo."

"Nagseselos ka na niyan?" Hindi niya napigilang sabihin.

"You know me Anria."

Confirm! Nakagat niya ang ibabang labi para pigilan ang nagkukumawalang ngiti. Ang
sarap sa pakiramdam na nagseselos ito.

"Kilala mo rin ako Sanji," balik niya sa sinabi nito.

"I know." May sumilay ng ngiti sa labi nito. He check his wrist watch. "Walang
klase sa first period ngayong hapon. What's your plan?"

Umiling siya. "Matutulog siguro sa room. Nakakaantok kasi kapag hapon."

"Sabay tayong mag-lunch mamayang lunch break."

Napatingin siya dito. "Magtataka na ang mga tao dito sa school kung bakit sasabay
ako sa iyo sa lunch."
"I don't care, Anria. Hihintayin kita sa kotse ko mamaya after ng last subject
natin this morning. I will expecting you."

Paano ba tumanggi? She sigh then nod. "Oo na."

"Napipilitan ka yata?"

Tinaasan na niya ito ng kilay. "Pumayag na ako. Ano pa ba'ng inaarte-arte mo?"

He just smile. Nakakatunaw ng puso ang ngiting iyon. "Pumasok ka na."

Medyo nagulat pa siya dahil nakita niyang nasa tapat na sila ng kanyang classroom.
Automatic ang pagtingin ng mga classmate niya sa kinaroroonan nila. Mga nanlaki ang
mga mata ng babae at impit na nagtilian ng makita si Sanji. Hindi na siguro
mababago pa ang impact ni Sanji sa lahat ng tao lalo na sa mga babae. Masyadong
charismatic at over load ang sex appeal.

"Salamat sa paghatid," anas niya dito bago nagmamadaling pumasok sa room. Ignoring
those sharp look.

Ng sumapit ang lunch break ay excited pang tumayo si Lai. "Sa labas tayo mag-lunch
para maiba naman?"

"Ahm, Lai, Miyuki, hindi muna ako makakasabay sa inyong mag-lunch."

May pagtatakang tinitigan siya ng dalawa. Si Miyuki ang naunang nagsalita. "Why?"

"Kasabay ko si Sanji," bulong niya sa mga ito.

Impit na napatili si Lai. "OMG! What are you waiting for? Go na!"

"Eh, teka," sawata ni Miyuki. "Bakit kayo sabay na magla-lunch? Hmmm."

Nginitian niya ang mga ito. "Kung may iba kayong iniisip hindi nalang ako sasabay
sa kanya. Aray!" Reklamo niya ng hampasin siya ni Miyuki sa braso. "Para saan
iyon?"

"Enebe? Nagtatanong lang ako. Mamaya ka na nga magkwento. Sige na. Go na. Baka
hinihintay ka na niya. Oh, my God!" Palirit din nito. "Enjoy."

Naiiling nalang na nagpaalam siya sa dalawa. Pinuntahan niya ang kotse ni Sanji sa
parking lot. Naroon na ito at nag-hihintay sa loob ng kotse nito. Akmang bababa ito
ng umiling siya. Suminyas siya na buksan na lang nito ang pinto sa may front seat.

"Kanina ka pa?" alanganin niyang tanong dito ng makasakay sa kotse nito. As usual
ang daming nakatingin sa dereksiyon nila kaya naman pagkakabit ni Sanji ng seatbelt
sa kanya ay pinasibad na rin nito ang sasakyan nito.

"Not really. Nauna lang ako sa iyo ng ilang minuto."

Hindi na siya muli pang nagsalita. Itinuon niya ang atensiyon sa tinatahak nilang
daan.

Akala niya sabay lang silang kakain ng lunch. Ngunit ng matapos silang mag-lunch sa
isang fine dining restaurant ay hindi sila dumiretso pabalik sa school.

"Saan pa tayo pupunta?"

"Somewhere. Wala pa namang klase after lunch break kaya mamaya na tayo babalik doon
before mag-start ang second period."

"Pero–"

"Ikaw na rin ang nagsabi kanina na wala ka namang gagawin," putol nito sa sasabihin
pa sana niya.

She sigh. Bahala na nga ito sa trip nito sa buhay. Hindi rin nagtagal at nakarating
din sila sa isang lugar na over looking ang buong bayan ng San Rafael. Another
nature view. Dahil hindi siya gala kaya hindi pa niya nararating ang lugar na iyon.
Naalala tuloy niya 'yung lugar na pinagdalhan sa kanya ni Sanji sa hacienda ng mga
ito. Lugar kung saan napaka-ganda rin ng view.

Ng makababa sila ng kotse ay saka lang niya napansin ang bangin malapit sa pwesto
nila. Mayroon ding bench na nasa lilim ng punong narra. Mukhang may tumatambay
roon. Sight seeing, maybe.

"Paano mo naman nalaman ang lugar na ito?" aniya ng makaupo sa bench.


Napakaaliwalas ng lugar na iyon.

"Sinabi lang sa akin ni Andrei. Madalas sila dito ni Chello."

"So, first time mong pumunta dito?"

Ngumiti ito as he sit beside her. "Yep. Sabi nila maganda daw dito ang view."

Tama nga, maganda talaga. Tanaw din ang asul na asul na dagat mula sa 'di kalayuan.
What a place. Sobrang ganda ng view.

"Napansin ko na hindi nagpapalit ng girlfriend si Andrei? Mukhang nagseseryoso na


ang kaibigan mo."

"Kailangan talaga si Andrei ang topic natin dito?" Pagsusungit na naman nito.

Tinaasan niya ito ng kilay. "Nagtatanong lang ako. Saka may girlfriend naman si
Andrei kaya walang masama."

"Kahit na." Tumanaw ito sa malayo. "Seryoso nga siya kay Chello," sagot parin nito.
"Ngayon lang nangyare na may nagpatino sa kanya."

Good for him. Ng sa gayon ay mabawasan ang playboy sa mundo.

Ng balingan niya si Sanji ay tila may iniisip ito dahil bahagyang nakakunot ang
noo. Hindi niya mabasa ang nasa likod ng gwapo nitong mukha.

"Ano'ng iniisip mo?"

Saka lang ito tumingin sa kanya. Saglit lang iyon dahil muli itong nagbawi ng
tingin. "Ngayon lang ako nakaramdam ng inggit kay Andrei."

"Bakit? Mas sikat ka naman kaysa sa kaibigan mo."

"I don't care about the fame. Ang kinaiinggit ko lang ang saya nila masyado ng
girlfriend niya."

Hindi ka ba masaya sa akin? Nagbaba siya ng tingin sa damuhan. "Edi mag-girlfriend


ka na rin."

"As if naman pwede kang maging girlfriend ko? Eh, ayaw ka ngang paligawan ng lolo
mo."

After ten counts sa isip ay sinulyapan niya si Sanji na napatingin din sa kanya.
'Yung puso niya busy na naman sa paghuhurumentado.

"Hindi lang naman ako ang babae sa mundo na pwede mong maging girlfriend."

Napailing ito. "Ang hilig mo talaga akong ipamigay sa iba. Alam mo rin naman na
ikaw lang 'yung gusto ko tapos iyan pa ang naisipan mong sabihin?"

Hindi niya napigilan ang mapangiti. "Nag-try lang naman akong mag-suggest."

"Tss. Hindi ko kailangan ng ibang suggestion." Umirap pa ito at itinuon ulit sa


malayo ang tingin. Mukhang may naglalaro na naman sa isip nito. "'Nagpapa-cute pa
ba sa iyo 'yung classmate mo?"

Si Waynard siguro ang tinutukoy nito. Nagkibit balikat siya. "Ewan. Hindi ko naman
tinitingnan, eh." Tumayo siya at nakahalukipkip na naglakad palapit sa bangin.
Dinungaw pa niya iyon. May railings naman kaya safe. "Ang lalim naman."

"'Wag ka na diyang lumapit," saway ni Sanji sa kanya.

Umatras siya ngunit nabunggo siya sa isang bulto. Ng lumingon siya ay katawan iyon
ni Sanji. Hahakbang sana siya palayo dito ngunit niyakap naman siya nito mula sa
likuran niya.

"Importante ba ako sa iyo, Anria?"

Natilihan siya sa klase ng tanong nito. Paano ba iyon sagutin? Parang naba-blanko
siya dahil sa sobrang lapit ng mga katawan nila. Nakakatuliro rin ang bango ni
Sanji. Pinilit niyang patinuin ang isip.

"Sa tingin mo, sasama ba ako sa iyo kung hindi?" Makahulugan niyang sagot bago
napakagat labi. Parang umamin na rin siya dito na gusto niya rin ito. Sa isip ay
tumalon na siya sa bangin. Gawd!

"Oo o hindi lang ang sagot."

Napairap siya. May ganoon? "Oo." Sa sagot niyang iyon ay lalong humigpit ang
pagkakayap nito sa kanya.

"Good. Kontento na ako sa sagot mo."

Kailangan ba talaga Sanji sa likod mo ako yayakapin? Nasaan ang hustisya? I want to
hug you back!!! Reklamo niya sa isip.

Parang gusto niyang magreklamo ng kumalas na ito sa kanya. Ng lingunin niya ito ay
palapit ito sa kotse nito.

"Aalis na tayo?"

"Not yet."

Nakontento nalang siya na pagmasdan ito. May kinuha lang ito sa kotse nito. Matulis
na bagay ang hawak nito. Nagtaka tuloy siya kung para saan iyon.

"Ano'ng gagawin mo diyan?"

Ngumiti lang ito bago lumapit sa punong narra. Hindi niya mapigilan ang
mapabungisngis ng mapagtanto ang gagawin nito. Mag-uukit ito sa puno.

"Baka mapagalitan ka," saway niya kay Sanji ng lapitan ito. She just watch him.

"I don't think so," anito na nagpatuloy sa ginagawa. "'Wag ka munang tumingin.
Umupo ka muna sa bench then look somewhere else."

"Makikita ko rin naman iyan," aniya na sinunod pa rin ang nais nito. "Matagal pa
ba?" Reklamo na niya makalipas ang ilang sandali.

"Malapit na. Just a second." Tumawa ng bahagya si Sanji as he inspect what he did.
"Okay na."

Pigil ang paghinga ng tumayo siya at tiningnan ang ginawa ni Sanji. Napakunot-noo
siya.

"SanRia?" Basa niya sa naka-ingrave na pangalan na nasa gitna ng malaking puso.


Meaning, Sanji and Anria? Napalunok siya. Ang sweet. Parang gusto niyang pupugin ng
yakap si Sanji hanggang sa pangapusan ito ng hininga.

"Pangit ba?"

Umiling siya habang may unti-unting sumilay na ngiti sa kanyang mga labi habang
nakatitig doon. "Ang dami mong alam sa buhay," aniya na kinuha sa bulsa ng palda
ang cellphone at kinuhanan ng letrato ang ginawa nito.

"I hope you like it."

Napangiti ulit siya, then nod. Sobrang nagustuhan niya. Their name in one word is
kinda cute. SanRia.

She blink twice ng kunin ni Sanji ang cellphone sa kanya at akbayan siya. Inilagay
nito sa front ang camera para kita ang mukha nila sa screen.

"Smile," anito.

Ngumiti rin siya ng pindutin nito ang capture ng camera. Three shot ang ginawa ni
Sanji. Nagulat pa siya ng sa huli ay halkan siya nito sa pisngi na na-capture ng
camera.

                    ~~~~~°°°~~~~~

Dedicated to Mae Febby @HilmFebby ....Hi there :) Thank you po sa pag-read :)<3 <3
Glad to see you in FB group.

....sa mga mababait po diyan on going na ulit ang story ng hot fafanez na si Sire
Fiorano (The UHB Series). Take a look guys :)SKIN reader ka? Relate ka po diyan :)

#Last3Chapters#APID#SanRia

=================

Chapter 28

MINSAN akala natin tuloy-tuloy na ang kilig at ang sayang nararamdaman ng isang
tao. Bagay na ipinagkamali ni Anria.
"Oh, my gosh! Freaking gosh!" Tili ng isang babae na nagtatatakbo sa corridor.

"I can't believe it!" Palirit din ng kasama nito.

"Ano'ng meron at ang daming nagpi-freak out?" Salubong ang kilay na anas ni Lai.

Tumayo si Miyuki at lumabas ng classroom. Ganoon din ang ginawa ni Lai, sumunod ito
kay Miyuki. At dahil na-curious din si Anria kaya nakitayo na rin siya at sumunod
sa mga ito.

Ang daming bad trip na mga babae. Kaliwa't kanan. Hindi niya alam kung bakit. May
tumingin pa sa kanya at napailing.

"Ano ba ang nangyayare?" Naitanong niya sa sarili. Wala siyang ideya.

Gusto niyang magtanong pero pinigilan niya ang sarili. Hanggang sa madaanan niya
ang classroom nina Sanji na puno't dulo ng lahat. Ang daming nagkukumpulan sa labas
ng room. Mga nakadungaw sa bintana at pintuan.

"Hindi ako makapaniwala. Ang bruhang iyon. I know it! Sinadya lang niya iyon."

"Oo. Planado niya lang ang lahat kaya nangyare iyon."

Tumili ang isa. "Ang kiri niya! How could she kissed my Sanji?"

"Nakakainis. Ang sarap sambunutan. Aabangan ko iyan sa labas ng school. Bwisit!"

Natigilan siya lalo. Tama ba ang narinig niya?

"Anria let's go," hinila ni Miyuki ang kanyang kamay ng madaanan siya nito. Naiiyak
na ito.

"M-Miyuki..."

"Bwisit talaga. Napaka-epal ng bruha na iyon," nanginginig sa galit na sabi ni


Miyuki.

Pinigilan niya ito sa kamay. Hinarap niya ito. "Ano ba talaga ang nangyare? Bakit
ganito? Ikaw umiiyak ka rin." Sana hindi totoo 'yung narinig niya. Sana. Please?

"'Yung classmate nina Sanji aksidente raw na nahalkan sa lips si Sanji. That's
freaking bullshit! Gosh, I can't believe it. Sinadya niya iyon."

Tuluyan na siyang natigilan. Totoo nga. Pakiramdam niya nanghina ang lahat sa
kanya. Lahat-lahat. Napahawak siya sa wall. Pati dibdib niya nanikip bigla. Hindi
siya makahinga sa nalaman.

"S-Sinong classmate?"

"'Yung maarteng anak ng Vice Mayor dito sa San Rafael."

Si Flory Jane Mendoza ang tinutukoy nito. Isa sa mga hot chicks ng kanilang school.
Isa sa mga nanggagalaiti sa kanya.

Para siyang papel ng muling hilahin ni Miyuki pabalik sa kanilang classroom. She
felt numb. Nakakamanhid pala 'yung ganoong kaalaman. May ibang humalik kay Sanji.
Hindi niya matanggap. Bakit hinayaan iyon ni Sanji? Bakit hindi agad nito naitulak?
Gusto niyang umiyak dahil masakit sa pakiramdam.
"Nakakainis talaga!" Isinubsob pa ni Lai ang mukha sa dalawa nitong palad ng
makaupo ito sa upuan nito. "Ang feelers niya por que nakahalik lang siya kay
Sanji."

Paano pa kaya kung actual niyang nakita ang pangyayareng iyon? Baka mas lalong
hindi niya kayanin.

Hanggang sa matapos ang kanilang klase sa araw na iyon ay animo pinagbagsakan ng


langit at lupa ang lahat ng babae sa kanilang school. May ilan pa ngang pugto ang
mga mata.

Siguro nakikidalamhati ang kalangitan dahil sa walang tigil na pagbuhos ng ulan sa


labas.

"May payong ka, Anria?"

Umiling siya kay Lai. "Wala."

"Sabay ka na sa amin ni Miyuki. Sukob tayong tatlo sa payong niya."

"Hindi na. Mauna na kayo." Tumayo na siya. "Ingat," sabi pa niya bago umalis.

Dumaan muna siya sa locker niya para iwanan ang kanyang bag. Pati cellphone ay
iniwan din niya. Ng mailagay ang mga gamit ay nag-umpisa na siya sa mabagal na
paglalakad.

Kanina pa niya gustong umiyak ngunit pinipigilan niya. This time alam niya na
malaya na niyang magagawa iyon.

Maraming estudyante sa harap ng building na mga nagpapatila ng ulan dahil walang


dalang payong. 'Yung iba nakikisukob nalang sa merong payong.

Hindi niya ininda ang malakas na buhos ng ulan. Nagpatuloy siya sa paglalakad
hanggang sa unti-unti na siyang mabasa ng ulan. Maraming nag-react sa ginawa niya.
Sino ba naman kasi ang sira na magpapakabasa sa ulan? Siya lang yata.

Kasabay ng malakas na ulan ay ang pagtulo rin ng kanyang masaganang luha. Kanina pa
niya iyon pinipigilan sa room palang. Akala niya ayos lang na may malalanding babae
sa paligid ni Sanji basta 'wag lang issue ang first love nito. Hindi pala. Lalo na
at nangyare ang ganoong eskandalo. Masakit rin pala.

Hindi niya pinansin ang mga napapatingin sa kanyang estudyante. 'Yung iba
pinagbubulungan pa siya. Nagyuko siya ng mukha.

Ilang sandali pa ay napansin niyang hindi na siya nababasa ng ulan. Napatingala


siya. May payong na sumasangga sa kanya mula sa ulan. Napatigil tuloy siya sa
paglalakad at agad na nilingon ang taong nagpapayong sa kanya. Nakaramdam siya ng
pagkadismaya sa nakita. Umaasa siyang si Sanji iyon ngunit hindi. Sa halip ay si
Waynard De Chaves ang nakita niya.

"Bakit kailangan mong magpakabasa sa ulan Anria?" May pag-aalala nitong tanong.

"Okay lang ako. Hindi na kailangang ng payong dahil basa na rin ako." Tinalikuran
na niya ito at muling nagpatuloy sa paglalakad.

Sumunod si Waynard at muli siyang pinayungan. "Anria magkakasakit ka sa ginagawa


mo."

"'Wag mo na akong sundan," paangil na niyang sabi na hindi ito nilingon. Binilisan
niya ang paglalakad.

Naiwang tulala si Waynard. Lalong lumakas ang buhos ng ulan. Nanlalabo na rin lalo
ang kanyang paningin dahil sa luhang hindi maampat. Heartache pakiusap layuan mo na
ako! Masakit na, eh.

"Anria!"

Muntik ng madulas si Anria dahil sa ginawang pagpigil ng kung sino man sa kanyang
kamay. It make her stop from walking.

Napaawang ang kanyang nanginginig ng labi ng masilayan si Sanji. Tulad niya basang-
basa na rin ito sa ulan.

"What's with you at nagpapakabasa ka sa ulan?" Galit nitong bungad sa kanya. He's
really mad.

Hinayaan niya ang sariling saglit lang na pagmasdan ito. Salamat sa ulan at hindi
nito mababanaag ang kanyang lumuluhang mga mata.

"Sanji..."

Napatingin siya sa likuran nito. Nakita niya si Flory Jane na humabol kay Sanji na
may dalang payong. Natigilan ito ng makita siyang hawak sa kamay ni Sanji.
Napabalik ang tingin niya kay Sanji.

So, ngayon humahabol-habol na si Flory Jane kay Sanji? Ng dahil sa halik na iyon as
if may karapatan na ito kay Sanji? Gusto niyang magpapadyak sa damuhan at sugurin
si Flory Jane.

Binawi niya ang kamay mula rito. 'Yung tingin niya ngayon kay Sanji ay halos kasing
lamig ngayon ng ulan. "No need to worry about, Sanji."

"No need to worry?! Nakikita mo ba iyang sarili mo? You're soaking wet because of
the rain, Anria!"

Saglit siyang huminga ng malalim. Lamig na lamig na kasi ang pakiramdam niya. "Na-
miss ko lang 'yung ulan kaya naisipan kong maligo. Alam mo n-na ngayon....ngayon
lang ulit umulan ng ganito. Sinamantala ko lang tutal naman walang kulog at kidlat.
Sumukob ka na sa payong niya," aniya na nagbaba na ng tingin bago ito tinalikuran.
Pinilit niyang maglakad ng mabilis dahil ayaw niyang makita na tatabi ito kay Flory
Jane at susukob sa payong nito.

Tuluyan ng nanginig sa lamig ang traydor niyang katawan. Gayon pa man ay pinigilan
parin niya na yakapin ang sarili. Tahimik lang siyang humikbi.

"Anria not now. Please. Magkakasakit ka niyan."

Nakagat na niya ang ibabang labi ng marinig muli si Sanji. This time humarang na
ito sa daraanan niya at pinigilan siya sa magkabila niyang balikat para hindi siya
makatakas. Patuloy parin sa pagsabay sa patak ng ulan ang kanyang mga luha.

"I know may mali. Hindi ka magiging cold sa akin kung hindi ka naman galit."

"Hindi ako cold. Malamig lang 'yung panahon."

Nag-iwas siya ng tingin. Naiinis siya. Kung bakit kasi hinayaan nito si Flory Jane
na mahalkan ito. Hindi niya matanggap na may iba ng nakahalik dito.
"D-Dahil ba ito sa nangyare kanina sa room?" Marahas itong napabuntong-hininga.
"It's nothing. Hindi ko iyon ginustong mangyare."

Tinapunan niya ito ng malamig na tingin. "So? Wala akong pakialam kahit mag-french
kiss pa kayo sa harap ng marami."

Ganoon nalang ang pagmaang nito sa sinabi niya. "What did you say?"

"Gusto mong malaman ang totoo?" aniya na sapat lang na marinig nito. "Naiinis ako
sa iyo. Pwede mo namang itulak pero hindi mo ginawa. Hindi mo nagawang pigilan
Sanji. Nakakainis ka. Hinayaan mo siya," akusa niya.

Nahilamos ni Sanji ang isang kamay sa mukha nito. "Listen, nakapikit ako ng
mangyare iyon. May tumulak sa kanya kaya na-out balance siya sa akin. Sa tingin mo
ba may magagawa ako kung nakapikit ako? At isa pa hindi ko iyon expected at mas
lalong hindi ko iyon ginusto, Anria. You know me. Hindi ako pumapatol sa kahit na
sino."

"P-Pero kahit na. Hindi mo ba naisip na sinadya niya iyon para lang makahalik sa
iyo?"

Sandaling naglapat ang mga labi nito. "Kalimutan mo na 'yung nangyare at 'wag ng
gawing issue. Hindi na iyon mauulit."

"So, ganoon na lang iyon? Kalimutan na lang 'yung PDA niyo ng classmate mo?"

"Anria it wasn't PDA for pete's sake! It's just nothing."

"PDA iyon," giit niya. "Baliktarin natin ang sitwasyon, Sanji. Kung sa akin ba
nangyare 'yung nangyare sa iyo. At sabihin ko sa iyo na kalimutan nalang iyon dahil
wala lang iyon. Sa tingin mo makakalimutan mo ba iyon agad, ha?"

Tumiim ang labi nito. "Damn," mariin nitong anas. "Even in my imagination Anria
hindi ko matatanggap. You're mine alam mo iyan."

"May iba ng humalik sa iyo," matabang niyang sabi. "Anak pa ng Vice Mayor dito sa
atin. Parehas namang kilala ang pamilya niyo dito kaya walang problema." Tinabig
niya ang kamay nito ngunit hindi iyon natinag sa pagkakahawak sa magkabila niyang
balikat.

He sigh. "I know you're really mad at me because of what happened. But like what
I've said that I don't care about her. Kahit anak pa siya ng Vice Mayor dito sa
atin wala naman akong pakialam sa bagay na iyon dahil wala akong pakialam sa kanya.
Wala akong pakialam sa sasabihin at iisipin ng iba. Ikaw lang 'yung iniisip ko
dahil lahat ng sasabihin at iisipin mo ay mahalaga sa akin. At 'wag mo ring
ipagpilitan na PDA 'yung nangyare sa room dahil isang malaking hindi!"

Kumibot na ang labi niya. "Maraming nakakita kaya PDA iyon," she hiss.

"Okay. Tutal ipinagpipilitan mo 'yung PDA. Then I'll show you what is really PDA,
Anria. Hindi kagaya ng nangyare sa room."

Bago pa makahuma si Anria ay nasakop na ni Sanji ang mga labi niya. Nanlaki ang mga
mata niya sa ginawa nito.

Ang mga estudyanteng hindi magawang umuwi ay mga napamulagat pa sa nasaksihan. May
nabitawan pa nga ang mga payong. Si Flory Jane muntik ng mabuway mula sa
pagkakatayo. Gulantang sa nakita. Waynard himself sigh then walk away.
"That's what we called PDA, Anria. Hindi kagaya ng nangyare sa room," ngumisi pa si
Sanji. "Umuwi na tayo bago pa tayo ipatawag sa DO."

Dahil maging siya ay windang sa nangyare kaya nagpatangay lang siya ng hawakan siya
ng mahigpit sa kamay ni Sanji at hilahin papunta sa kotse nito.

Buti nalang at leather ang upuan ng sasakyan nito kaya okay lang kung mababasa.

Napatingin siya sa labas ng kotse ni Sanji. Ang daming nagkukumpulang mga


estudyante na nakasunod ang tingin sa kanila. Napakagat labi siya ng ma-realize ang
nangyare. Inis na binalingan niya si Sanji ng paandarin na nito ang kotse nito.

"Bakit ginawa mo iyon?"

"Pumi-PDA," anito na nakatuon ang tingin sa unahan. "Ayaw mo naman kasing makinig
sa akin na hindi PDA 'yung nangyare sa room."

Nahampas niya ito sa braso nito. "Ng dahil sa ginawa mo mas maraming magagalit sa
akin. Hindi mo ba alam na maraming nagalit sa ginawa ni Flory Jane kanina? Halos
isumpa siya ng mga estudyante dito. Ano pa kaya sa akin?"

"Bakit? Ako naman 'yung promotor kaya wala silang karapatang magalit sa iyo."

Ini-off niya ang aircon dahil nilalamig na siya. "Ewan ko sa iyo. Hindi ka nag-
iisip. Nag-live show ka pa talaga sa harap ng marami."

Tumawa ito. "Mas masarap matsismis kung ikaw ang dahilan, Anria."

Napamaang siya. "I hate you for this Sanji." Ibinaling nalang niya ang tingin sa
labas ng bintana sa gilid niya.

Ngumiti ito. "At least hindi na kami ni Flory Jane ang pag-uusapan sa school. Hindi
na masama sa pandinig kung tayo man ang pag-usapan. I'll make sure no one can hurt
you Anria."

Huminga muna siya ng malalim bago ito sinulyapan. "Ewan. May iba paring humalik sa
iyo." Inirapan niya ito ng tingnan siya nito.

"I like it when you're jealous, Anria."

                      ~~~~~°°°~~~~~

Dedicated to Flory Jane Mendoza @Flooooowy ... Just wanna say thank you thank you
Flory...dahil sa bawat update ko nangunguna ka :) Salamat sa parating pag-bisita sa
comment box ko sa FB :* love lots.

...hindi ako nagbibiro ng sabihin kong may free kiss ka mula kay Sanji ng ikaw ang
unang pumansin sa latest story ko na Run To You. Which is story ni Aldridge.
Seryoso ako wahahaha. Pasensiya na sa role ;)

=================

Chapter 29

NAHUMINDIG si Anria ng basta nalang may nanabunot sa kanyang buhok ng papasok na


siya sa kanilang room ng umagang iyon.
"Napakalandi mo talaga. Sinasabi ko na nga ba, eh. Nilalandi mo si Sanji!"

Sinubukan niyang itulak ang babaeng iyon ngunit ang higpit ng pagkakahila nito sa
buhok niya.

"B-Bitiwan mo ako."

"Walang hiya ka talaga."

"Bitiwan mo si Anria!" Mabilis na hinila ni Waynard ang babaeng galit na galit kay
Anria.

"'Wag kang makialam!" asik pa nito kay Waynard. "Ikaw," duro pa nito sa kanya.
"Malandi ka!"

"Leave her alone kung ayaw mong i-report kita mismo sa principal," banta dito ni
Waynard.

"May araw ka rin sa akin," anang babae bago umalis.

May pag-aalalang nilapitan siya ni Waynard. "Okay ka lang?"

Tumango siya. Kung hindi ito dumating baka naubos na ang buhok niya. "Salamat,"
aniya na hindi ito tinitingnan bago pumasok sa kanilang room. Hindi niya pinansin
ang mga matang nakasunod sa kanya.

"Ang landi kasi."

Nagpatuloy ang bulong-bulungan at hayagang pagpaparinig sa kanya tungkol sa


nangyare last Friday. Mas marami ang hindi naka-move on. Maging ang dalawa niyang
kaibigan ay hindi makapaniwala sa nangyare.

"Inagaw mo sa akin si Sanji?" Mapait na tanong ni Miyuki na nakatikim ng batok kay


Lai.

"Ang OA."

"'Wag ka ngang epal Lai. Sinusubukan ko lang naman. So," baling muli ni Miyuki kay
Anria. "Totoo pala talaga 'yung kumakalat na balita na hinalkan ka ni Sanji? Gosh,
siya pa talaga 'yung humalik?"

Nagtaka siya sa reaction ng dalawang kaibigan. Hindi kasing lala noong kumalat ang
balita na aksidenteng napahalik si Flory Jane kay Sanji.

"At saka bakit niya ginawa iyon? Kayo na ba? Umamin ka nga. Tapos last week sabay
kayong mag-lunch. Is there something we didn't know about you and him?" Kastigo ni
Lai.

Umiling siya. "Hindi kami. H-Hindi ko rin alam kung bakit niya iyon ginawa." Kaila
niya.

Mayamaya ay nangislap ang mga mata ni Miyuki. "Gosh, ano'ng feeling? Masarap ba?"
Napakagat labi pa ito.

Napaubo siya sa klase ng tanong ng kaibigan. "Kailangan talaga itanong ninyo iyan?
Saka bakit hindi kayo nagagalit sa akin?"

Ngumiti si Lai. "Bakit naman kami magagalit sa iyo? Ano ka ba? Okay lang sa amin
basta 'wag sa maaarteng tulad ni Flory Jane. Hindi kami bitter. Ahm, slight lang."
Tumawa ito.

"Pero grabe 'yung nanabunot sa iyo kanina, ha. Pasalamat siya at wala kami sa
eksena dahil kung hindi baka umuwi siyang duguan. Bakit kasi ayaw mong ituro sa
amin?" ani Miyuki na pinagkiskis pa ang mga palad.

"Bitter iyon kasi si Sanji mismo ang humalik sa iyo. Oh, my God, siguro tinamaan na
iyon sa iyo. Sayang lang kasi umuwi agad kami noong Friday. Hindi tuloy namin
nasaksihan ni Miyuki ang live show ninyo ni Sanji. Nakuhanan ko sana ng video."

Ang awkward pag-usapan ng pangyayareng iyon kaya minabuti nalang niya na ayain ang
mga ito sa Patty Burger para mag-snack.

Ng makabalik sa kanilang classroom ay sakto namang umi-ere ang student confession.

"OMG! We have a live confession on air," kinikilig na wika ng babaeng VJ. "Kahit
isang oras ka pang mag-confess, feel free. Basta pa-selfie sa iyo." Tumili ito.
Marahil ay pumayag ang mag-la-live confession. "Okay, the air is yours."

"Sino kaya iyon at kinikilig 'yung VJ?"

"Wait. Isa lang naman ang ipinagkakaganyan ng mga babae dito sa school."

Nagkatinginan si Lai at Miyuki bago nagtitili. Prenteng nakaupo lang sa silya si


Anria at naghihintay sa posibleng mag-confess.

Hindi sana siya....

"Good afternoon. I just want your attention for a while."

Ganoon nalang ang tilian sa paligid ng umere ang pamilyar na boses na iyon.

"Oh, my God! Si Sanji!" Mamamatay sa kilig na sabi ng mga classmate nila.

May mga naglupagi pa nga sa sahig dahil sa kilig. 'Yung iba pinaghahampas ang
katabi.

"This is about on what happened last Friday. Gusto kong warning-an lahat. As in sa
lahat, lalo na sa mga babae dito sa school. Don't dare to hurt or even harm Anria
for what happened. Kung maraming nagalit dahil sa nangyare, sa akin kayo lahat
magalit dahil ako 'yung humalik sa kanya. At para doon sa nanabunot kay Anria, you
know what will happened next kapag ipinagpatuloy mo iyan. Again, sa lahat ng
magtatangkang kumanti sa kanya, think million times because I will assure you that
you'll be sorry. That's all."

Nanlambot siya sa narinig mula kay Sanji. Akala niya wala itong alam sa nangyare sa
kanya kaninang umaga dahil hindi naman ito nagti-text sa kanya. Iyon pala ay ito na
ang gumawa ng move para doon. He really care for her. A lot.

Bumalik lang siya sa reyalidad ng pabirong sambunutan siya ni Lai. "Gosh! Ikaw na
talaga!"

"He's so sweet. Ang sarap manakal!"

Wala siyang nagawa kundi ang mapangiti. Ibang klase talaga si Sanji. Hindi niya
lubos maisip na gagawin nito iyon para sa kanya.

"He's one of a million," nag-dreamy sigh pa si Lai.


Lumipas ang tatlong araw na hindi nagpapakita sa school si Sanji. Wala siyang ideya
kung bakit dahil hindi naman ito nagti-text sa kanya. Hindi na siya nakatiis kaya
tinawagan na niya ito. Patay ang cellphone nito kaya mas lalo siyang nag-alala.

"Andrei," tawag niya sa kaibigan ni Sanji ng minsang makasalubong ito na may kausap
sa cellphone nito.

"Okay, babe. Don't skip on your lunch. I love you too." After that call ay
binalingan na siya nito. "Hey," nakangiti nitong bati sa kanya. "Sorry, kausap ko
si Chello. My girlfriend."

Tumango siya. "Okay lang."

"Huhulaan ko. Itatanong mo si Sanji?" He smirk.

Wala naman siyang choice kundi ang tumango. "Bakit hindi siya pumapasok?"

"Concern much, huh?" Tumaas pa ang isa nitong kilay. Hindi parin nawawala ang ngisi
nito.

"Kung ayaw mong sabihin ikaw ang bahala," tinalikuran na niya ito.

"Wait. Sasabihin ko na."

Humarap ulit siya rito. Waiting him to say something. "Ano na?"

Tiningnan muna siya nito. Nananantiya. "He's injured. Nadulas sa hacienda. Kaya
nagkaroon ng sprain 'yung paa niya kaya hindi niya gaanong mailakad."

Napamaang siya. "Na-sprain siya? Kamusta na siya?"

"Don't worry because he's fine right now. Nagpapahinga lang siya para maka-attend
ng Christmas party sa friday. No need to worry Anria."

Hindi parin niya maiwasang mag-alala para kay Sanji. Ni hindi nga niya alam na
nangyare iyon dito.

"Sa Sunday pupunta kaming Japan with Sanji's family. One week kami doon. Babalik
kami before the Christmas. May passport ka ba? Baka gusto mong sumama?"

Hindi rin niya alam ang bagay na iyon. Nakaramdam siya ng inis. Ang dami yata
niyang hindi alam?

Umiling siya. "Wala akong p-passport."

"Sayang naman. Alam mo na baka sa sobrang lamig doon dahil winter, mainggit lang
siya sa lambingan namin ni Chello." Tumawa pa ito ng nakakaloko. "Nai-imagine ko na
ang itsura niya ngayon palang."

"Salamat nalang, Andrei. Babalik na ako sa room." Tinalikuran na niya ito at tuloy-
tuloy na naglakad palayo kay Andrei na inihatid na lang siya ng tingin.

ARAW ng Christmas party nina Anria ngunit sinadya niyang hindi dumalo. Naiinis siya
kay Sanji. Effortless na contact-in siya. At dahil narin sa napipintong pagpunta ni
Sanji sa Japan kaya naman lalo siyang na-badtrip dito. Kung hindi pa kasi iyon
sasabihin ni Andrei ay hindi niya malalaman ang bagay na iyon.

Napakislot siya ng biglang tumunog ang cellphone niya. Tumatawag si Sanji. Hindi
niya iyon pinansin at hinayaan lang sa pagtunog. Ng mainis dahil sa maya't maya
nitong pagtawag kaya minabuti niyang i-silent ang cellphone.

"Bahala ka sa buhay mo." Napatingin siya sa may pintuan ng may kumatok.

"Anria, apo."

Tumayo siya ng marinig ang boses ng lola Bebang niya. Binuksan niya ang nakasarang
pinto. "Bakit po?"

"Pupunta lang kami ng lolo mo sa bayan. Birthday kasi ng kaibigan niya. Gusto mo
bang sumama?"

"Ah, hindi na po. Kayo na lang po. Dito lang po ako sa bahay."

"Hindi ka ba talaga pupunta sa Christmas party ninyo? Last mo na iyon dito sa


Pilipinas."

Umiling siya. "Hindi na po."

"O, siya, kung ayaw mo talaga ay ikaw ang bahala. Aalis na kami. 'Yung lolo mo
naghihintay na sa labas."

"Sige po. Ingat po kayo." Humalik muna siya sa abuela bago ito tuluyang umalis. Ng
mapag-isa ay muli siyang bumalik sa may kama. Tiningnan niya ang cellphone. May
twenty five missed call agad doon. Napabuntong hininga siya.

Muli siyang nahiga sa kama at hindi na muli pang hinawakan ang cellphone. Pipikit
na sana siya ng makarinig ng sunod-sunod na katok sa main door. May nakalimutan
siguro ang lolo at lola niya. Kaya nagmamadali siyang lumabas ng kwarto para
pagbuksan ang mga ito.

Pagkabukas niya sa pinto ay ganoon nalang ang pag-freeze niya sa kinatatayuan sa


nakita ng mga mata.

                     ~~~~~°°°~~~~~

A/N: ......I'm so HAPPY! Guess why? Eeeeeee.... Happy 100,000 Reads for APID <3
Bansai!!!!!! I know SanRia deserve this. Kaya maraming-maraming salamat po sa
inyong tiwala at suporta. Sa lahat ng nagmamahal sa story na ito salamat po sa
inyo.

Help me to spread this story guys, kung may mga kaibigan o kakilala po kayong
wattpad reader sana i-share niyo rin po sa kanila ang story na ito. Salamat po :)

<3 Jonquil

You might also like