Professional Documents
Culture Documents
Nayi's Note:
Iba pong version ang nasa book. Marami akong in-edit. Sa baba, teaser lang ng book
version. Unedited. Meaning, di pa dumaan sa editor. Baka may magsabi pa d'yan kung
bakit putol. Konting basa lang 'tol.
FACT: MAICO BUENAVENTURA was created AUGUST 2012, TNBIMH days pa.
Kaya KONTING RESPETO LANG PO. Wala akong ginayahan ng apelyido. Common ang apelyido
na 'yan. Hindi lang isang tao ang pwedeng gumamit. Hindo porke hindi sikat ang
nagsulat, nanggaya na okay? :)
Teaser:
PROLOGUE
Isinara ko ang pinto ng unit ni Maico gamit ang paa ko. Lasing na lasing siya at
naka-akbay siya ngayon sa balikat ko. Grabe lang. Sobrang bigat niya! Kanina,
kinailangan ko pang humingi ng tulong sa guard para lang ma-iakyat siya rito sa
unit niya.
Buti na lang, nakarating na ako rito isang beses nang isinama niya ako sa opening
ng resto bar ng isang kaibigan niya. Kung hindi, hindi ko alam kung saan ko
dadalhin ang lalaking 'to. Sa sobrang kalasingan kasi, ni hindi na sumasagot ng
tama. Sagutin ba naman ako ng "sa heaven" sa tanong ko kung saan niya gustong
pumunta!
"Wait lang, Maico—" Halos matumba kami nang maglakad siya ng isang hakbang. At
dahil naka-akbay siya sa akin, naturalmente na kasama ako. Gegewang-gewang siya
kaya naman pinilit kong hilahin siya patayo. "Ang bigat mo naman!" reklamo ko.
Dahil hindi ko naman maaatim na patulugin siya sa sahig ng sala, pumunta ako sa
kusina para magtimpla ng kape. Baka sakaling 'pag naka-inom siya ng kape ay
mahimasmasan siya at makapunta naman siya sa kwarto niya.
Nagtimpla ako gamit ang coffee maker niya. Naka-ilang minuto rin ako dahil pinag-
aralan ko pa kung paano gamitin 'yun. Wala naman kasi kaming ganito sa unit namin
ni Lana dati.
Naka-ilang subok ako at sa huli, napa-inom ko rin siya. Ilang sandali pa ay naubos
niya 'yun at mukhang nahimasmasan siya nang kaunti.
Napansin kong tahimik siya kaya naman hindi ko napigilang tumingin sa kanya. Baka
kasi nakatulog na naman.
Pero mali ako, nakamulat siya. Mapungay ang mga mata niyang nakatitig sa akin.
Mukhang nagising naman siya at umiwas ng tingin. Tumayo na ako at hinila siya sa
braso.
Hindi siya umimik pero tumayo naman siya. Gumewang pa siya ng kaunti kaya mabilis
na inalalayan ko siya.
Sa pagkakataong 'to, hindi na ako nahirapan na dalhin siya sa kwarto niya. Kahit
kasi halatang hilo pa siya, hindi na siya kasing lala ng kanina.
Nakahinga ako ng maluwag nang makaupo na siya sa kama niya. Inalis ko ang mga
sapatos niya at akmang ihihiga ko na siya sa kama nang hilahin niya na lang akong
bigla palapit sa kanya.
Natulala na lang ako sa nangyari. It's my first kiss. And I had it from the man
that I love.
Oo, alam ko, hindi naman ako ang iniisip niya sa mga sandaling ito. Malamang habang
magkalapat ang mga labi namin ay si Lana ang iniisip niya. But I don't care. Ang
mahalaga lang sa akin sa mga oras na 'to ay ang mga halik niya.
Hindi man marunong ay sinabayan ko ang paggalaw niya. Ginagaya ko ang bawat gawin
niya. Hindi ko na namalayan na naihiga niya na pala ako sa kama.
I was lost in his kisses that I didn't realize that he already removed my shirt.
Naramdaman ko na lang ang lamig na humaplos sa katawan ko. Bahagyang naitulak ko
siya pero hindi siya natinag. Nagpatuloy lang siya sa paghalik sa akin.
Bumaba ang mga halik niya sa leeg ko. Ramdam ko na rin ang paggapang ng kamay niya
sa katawan ko. Doon ako nagsimulang mag-panic. Itinulak ko ulit siya at sa
pagkakataong ito, napalayo siya sa akin.
Sandaling tinitigan niya ako habang nakakunot ang noo. Sinamantala ko naman ang
pagkakataong 'yun para kumawala sa kanya. Pero bago pa man ako maka-alis ng
tuluyan, naikulong niya nang muli ako sa mga yakap niya.
Unti-unti ang ginawa niyang pagbaba ng mukha papalapit sa akin. Tila ba binibigyan
niya pa ako ng pagkakataon na umiwas. I know I should have turned my head but the
moment I saw his lips, I felt the need to feel it against mine.
Huminga ako ng malalim at pumikit ng mariin. Dapat ko siyang pigilan. Napakapit ako
sa bed sheet bago ko naramdaman ang muling paglapat ng mga labi niya sa mga labi
ko. I need to stop him. I need to stop him. Paulit-ulit na sinasabi ko 'yun sa isip
ko.
Hindi ko napigilan ang pagsinghap nang maramdaman ko ang mga labi niya sa leeg ko.
Parang malulunod na ako sa sensasyon.
Pinilit kong hanapin ang katinuan ng isip ko. Sandaling inalis ko sa isip ang
luwalhating ipinaparamdam niya sa akin at nagtagumpay naman ako.
"Jacky..."
Ilang sandali lang na natulala ako. Ilang beses niya pang inulit ang pangalan ko
habang patuloy sa ginagawa. Manghang nakatitig ako sa kanya habang hinahalikan niya
ako sa leeg at sa mukha. And when he kissed my lips again, I just lost it.
CHAPTER ONE
"Dumating ka rin sa wakas, Jacky! Anong petsa na?" bungad sa akin ni Aya
pagkarating na pagkarating ko sa bahay ng mga Garcia. Narito kami ngayon para sa
thanks giving party ng asawa ng kaibigan kong si Lana.
"Jacky! Buti naman at nakarating ka. Kanina ka pa namin hinihintay. Traffic ba?"
ani Lana.
"Oo e. Traffic sa Ortigas extension," sabi ko. Pero ang totoo niyan, hindi naman
ganun ka-traffic. Natagalan lang talaga ako dahil sa wala akong ganang kumilos.
Napanaginipan ko kasi "siya". 'Wag niyo nang alamin kung sino 'yung "siya" na 'yun.
"Ganun ba? Patulong naman dito," ani Lana sabay turo sa mga iniihaw niyang
barbeque.
"Okay." Lumapit ako sa tabi niya. Kinuha ko ang pamaypay na gamit niya sa pag-iihaw
saka ako bumaling kay Jace. "Looking good, huh?" sabi ko.
Ngumiti siya saka nagsalita, "yeah. Buti na lang magaling ang tagapangalaga ko,"
aniya sabay tingin kay Lana. Medyo paos pa ang boses niya. Malamang dala pa rin ng
nangyari sa kanya ilang buwan na ang nakakalipas.
"Oo nga e. Makakabalik na nga ako sa trabaho next month. Though itong maganda kong
asawa, ayaw pang pumayag at pinag-eextend ako ng bakasyon ng isa pang buwan."
"Dapat lang 'yun 'no. Baka mamaya niyan mabinat ka pa!" singit ni Lana sa usapan.
Natawa na lang ako. Kita kasi sa kanila kung gaano nila kamahal ang isa't-isa.
Tumango ako. "Yeah, I'm fine," sabi ko saka ngumiti nang mapait.
~*~
Alas-sais na rin ng gabi nang maka-alis kami sa bahay nina Lana. Nagmamadali pa ako
dahil kailangan ko pang pumunta ng mall. Bibili kasi ako ng pang-regalo ko sa boss
ko. Birthday niya sa Monday at ayoko nang lumabas ng bahay bukas kaya ngayon na ako
bibili.
Nasa kalagitnaan ako ng pag-hahanap nang maipanreregalo nang may dalawang babaeng
nag-uusap sa kaliwang bahagi ko. Wala naman sana akong pakialam sa pinag-uusapan
nila. Ang kaso, hindi ko mapigilang hindi sila pakinggan dahil sa pangalang narinig
ko.
"Si Maico Buenaventura? You mean, 'The Maico Buenaventura'? Are you sure siya ang
nakita mo?" sabi ng isang babae.
"Oo. Sigurado ako! Shit! Ang gwapo niya talaga!" sabi ng isa pang babae sabay tili.
"Sorry naman! Na-star struck lang! Alam mo ba, mas gwapo siya sa personal kaysa sa
magazine!"
"Ay, hindi mo alam? Isa siya sa itinuturing na most eligible bachelor ngayong taon.
'Yan kasi, puro tabloid ata ang binabasa mo e!"
"Sorry naman, tamad lang talaga akong magbasa 'no!"
"Ay, bakit? Wala ka bang salamin sa bahay niyo? Gusto mo ibili kita nang matauhan
ka?" sabi pa ng babae.
Tumungo na lang ako at tumalikod. Hindi ako marunong makipag-away kaya mabuti nang
umiwas na lang ako.
"Hindi naman ako pangit, unique kaya ako," mahinang sabi ko nang makalayo sa
dalawa.
Napa-iling na lang ako sa sarili ko. 'Siya' kasi ang nagsabing unique ako.
~*~
Kanina pa ako sa harap ng bintana . Hindi mawala sa isip ko ang mga narinig ko
kanina.
We were in college back then at sinamahan ko si Lana sa mall. For some reasons,
bigla na lang nawala ang si Lana sa paningin ko. Hinahanap ko siya nang mapako ang
tingin ko sa isang lalaking makakasalubong ko. Dahil naka-focus ako sa mukha niya,
hindi ko napansing may dalawang baitang na hagdan pala sa nilalakaran ko.
"Aww!" daing ko agad nang tumama ang paa ko. Nang akala ko tutumba na ako sa sahig,
dalawang matitipunong bisig ang sumalo sa akin.
Parang nahilo bigla ako nang mapatingin ako sa mukha niya. Ramdam ko pang halos
nakayakap na siya sa akin. Sa nanlalaking mga mata, pasimpleng tumango ako pero
hindi tumitingin sa kanya. Inalalayan niya ako patayo. Nang mapatingin ulit ako sa
mukha niya, hindi ko napigilang tumitig na lang.
Natapos ang magical moment na 'yun nang sumulpot bigla si Lana. Wala na halos akong
matandaan sa mga pinagsasasabi nila. Kung tutuusin nga, naisantabi na lang ako
bigla. Nagpakilala ang lalaki kay Lana na parang hindi ako ang una niyang nakita.
"And you are?" Nagulat ako nang ako na pala ang tinatanong niya.
O? Nandito pala ako 'no?
"Uhm, I'm actually on the run. But, can I get your number? We should hang out some
time," sabi niya. Alam kong hindi naman talaga number ko ang hinihingi niya pero
parang wala ako sa sarili at kumuha na lang ako ng papel saka sinulat ang number
ko.
Yun ang simula nang pagiging malapit niya sa amin. I mean, nila ni Lana. Saling-
pusa lang naman ako e.
Napukaw ang pag-iisip ko nang tumunog ang doorbell. Tumayo agad ako at walang buhay
na lumapit sa pinto. Di ko na pinagka-abalahang sumilip sa peep hole at binuksan ko
agad yun.
"Nasaan ang chain lock ng pinto? Saka, sumilip ka man lang ba sa peep hole bago mo
binuksan?" bungad niya agad sa akin pagkabukas ko pa lang ng pinto.
"Maico..."
Kanina lang, iniisip ko kung puputahan niya ba ako ngayong nakabalik na siya.
Ngayon, nandito na siya sa harap ko.
"Hindi mo man lang ba naisip na baka masamang loob ang nag-door bell?"
Nakita ko pa ang paghinga niya nang malalim. Mayamaya, pumikit siya nang mariin at
ilang sandali lang, dumilat siya at humarap sa akin. "Hindi mo ba ako papapasukin?"
aniya.
Hindi ko alam kung bakit pero hindi ako makakilos. Alam kong dapat na akong umalis
sa harap ng pinto para makapasok siya pero hindi ko magawa. Nakatulos pa rin ako sa
kinatatayuan ko at nakatitig lang.
"Jacky?" tawag niya pa sa pangalan ko. Sa pagkakataong 'yun, tila nagising naman
ako at tumango.
Umurong ako ng kaunti at malapad na binuksan ang pinto para makapasok siya. Hindi
na ako nag-abalang tanungin siya kung anong gusto niyang inumin. Basta naglakad na
lang ako sa direksyon ng kusina para ikuha siya ng paborito niyang cranberry juice.
Lagi akong may stock nun. Kahit na noong nawala siyang parang bula, hindi nawawalan
ng naturang juice ang ref ko. Sa likod kasi ng isip ko, umaasa akong babalik siya.
Narinig ko pa ang pagsara niya ng pinto at pag-lock nun. Nagulat na lang ako nang
hilahin niya ako at isandal sa pinto. Tumitig siya sa mga mata ko. Bumilis agad ang
tibok ng puso ko sa titig n'yang 'yun. Dahan-dahang inalis niya ang eye glasses ko.
Nang maibaba niya 'yun, pinagdikit niya ang mga noo namin. Nakapikit pa siya habang
hindi kumikilos.
Ilang sandali pa, nagmulat siya ng mga mata at walang anu-anong hinalikan ako sa
mga labi.
Hindi ko alam kung paano ako magre-react.
Grabe, na-miss ko 'to nang sobra. Ang mga labi niya. Ang mga yakap niya...
Gumanti ako nang mas masidhi pa sa halik na binigay niya. Naramdaman ko pang
idiniin niya ang sarili niya sa akin. Ang mga kamay niya, unti-unting gumagapang sa
katawan ko. Ipinasok niya yun sa loob ng blouse ko at tinanggal ang pagkaka-snap ng
bra ko.
Napasinghap ako nang maramdaman ko ang isang kamay niyang humahaplos sa dibdib ko.
Nalulunod ako sa sensasyong dinudulot niya. Iniangat ko ang mga kamay ko at dinama
ang dibdib niya.
Grabe, ano bang nangyayari sa akin at hinayaan ko na lang siya sa ginagawa niya?
Much more, tumugon pa ako?
Lumayo ako sa kanya para puntahan ang telepono. Pero 'di pa man ako nakaka-dalawang
hakbang, hinila niya na ako pabalik sa pagkakasandal sa pinto.
End of teaser.
Here are the title of my novels and their female lead. Pati status ng story
nand'yan na. Hopefully, wala nang paulit ulit na tanong. Hahaha!
[Story Completed]
Jacky has been in love with Maico since forever. Ang kaso, ang kaibigan niyang si
Lana ang gusto nito kahit na may asawa na ang huli sa katauhan ni Jace. Nang
mawalan ng pag-asa si Maico kay Lana ay sa kanya ito tumakbo. Pumayag siyang maging
rebound nito matapos ang isang gabing hindi nila sinasadyang mangyari.
Posible nga kayang ang isang NERD na tulad niya ang makakapalit kay Lana sa puso ni
Maico?
Kanina pa ako tulala sa harap ng bintana. Yan na naman. Naaalala ko naman kasi
siya.
It's been three months simula nung umalis siya nang walang paalam. Sino nga ba
naman ako diba? Wala naman kaming formal na relasyon. Mahal niya lang naman ako pag
nasa kama kami. At isa lang naman akong hamak na rebound.
Ang isang katulad ko ay di dapat nangangarap ng isang katulad niya. Hitsura kong
'to? Pasalamat pa nga ako dahil nakasama ko siya.
Oo, NERD ang tawag nila saken. Pero ang isang NERD pwede din namang mangarap ng
isang heartthrob di ba?
Alam ko namang si Lana pa rin ang gusto niya kahit nung mga panahong magkasama kami
lagi eh. Pero nung mga oras na yun, lalo ko pa siyang minahal. Kahit na alam kong
di niya masusuklian ang pag-ibig ko. Nasaan na kaya siya ngayon?
Napukaw ang lumilipad kong isip ng may mag-doorbell. Iniangat ko ang sarili ko mula
sa pagkaka sandal sa bintana at tinungo ang pinto. Di ko na pinagkaabalahang
silipin sa peep hole kung sino man yun. Basta ko na lang binuksan.
"Nasaan ang chain lock ng pinto? Saka sumilip ka man lang ba sa peep hole bago mo
binuksan? Paano kung masamang loob pala ang nagdoorbell?" singhal niya agad saken
pagkabukas ko pa lang ng pinto.
Ganyan talaga siya. Lagi niyang pinupuna yung mga katangahan ko. Ang sabi niya nga,
matalino nga ako di ko naman ginagamit.
"Maico..." yan lang ang nasabi ko dahil sa sobrang gulat. Nakatulala lang ako sa
kanya. Kanina lang iniisip ko kung kamusta na siya, ngayon naman nasa harap ko na.
At ang masaklap, pinapagalitan ako. Kamusta naman yun?
"Di mo man lang ba ako papapasukin?" tanong niya. 'Di pa rin kasi kami kumikilos
mula sa kinatatayuan namin.
Tila natauhan naman ako sa sinabi niya at malapad na binuksan ang pinto. Pumasok
siya at siya na mismo ang nagsara nun.
Akmang lalakad na ako papunta sa kusina para sana bigyan siya ng maiinom nang
hilahin niya ako at isandal sa pinto. Di ako makakilos nang maramdaman kong
naglapat ang mga labi namin. Sobrang namiss ko ito. Ang mga halik niya. Ang mga
yakap niya. At siya mismo.
Tinugon ko ang mga halik niya nang mas masidhi pa. Naramdaman ko ang isang kamay
niyang pumasok sa loob ng blouse ko, hinahaplos ang likod ko. Tinanggal niya ang
pagkaka-snap ng bra ko at naramdaman ko ang kamay niya papunta sa dibdib ko.Marahan
niyang hinimas ang isa sa mga dibdib ko habang patuloy siya sa masidhing paghalik
sakin. Nalulunod ako sa sensasyon na dinudulot niya. Iniangat ko ang mga kamay ko
at dinama ang dibdib niya.
Naitulak ko siya bigla nang mag-ring ang telepono. Humihingal kami pareho nang
maghiwalay nang tuluyan.
Lalakad na sana ako paunta sa kinalalagyan ng telepono nang pigilan niya ako at
muling ibalik sa pagkakasandal sa pinto.
Dapat ba akong pumayag sa gusto niya? Kahit na alam kong masasaktan lang naman din
ako sa bandang huli?
Pero ganun naman talaga sa pag-ibig di ba? Kailangang sumugal. Kung magmamahal ka,
dapat handa kang masaktan.
Susugal ako.
Pero gagawin ko ang lahat para mahalin niya rin ako tulad ng pagmamahal ko sa
kanya.
Chapter One
Kanina ko pa hinahanap si Lana pero bigla na lang siya nawala. Nandito ako ngayon
sa mall kasama siya dahil nagpasama siyang bumili ng damit. Kaso yan nga bigla na
lang siyang nawala!
Patuloy ako sa paglinga nang may mamataan ang mga mata ko.
Nakatitig lang ako sa kanya kaya naman di ko napansin na may hagdan sa nilalakaran
ko kaya ayun! Bagsak ang lola niyo!!
"Miss ok ka lang?" napa-angat agad yung tingin ko nung marinig yung nagsalita.
Hindi ko napansin na may umaaalalay pala sa akin. At alam niyo kung sino? Waaah!
Oo siya nga! Yung gwapong Kuya na dahilan ng katangahan ko!
Inalalayan niya ako patayo dahil medyo masakit pa yung tuhod ko. Yan kasi eh,
kalandian. Kita mo napapala mo! Pero in fairness ha, worth it ang pagkakadapa ko.
Kapit ko ngayon ang braso ni Kuya gwapo!
Tumango ako. Nakakapit pa rin sa braso ng gwapong nilalang na hulog ata ng langit
na tumulong sakin.Pagtingin ko kay Kuya Gwapo, nakatitig siya kay Lana. Tapos
ngumiti. Yung ngiting makakatunaw ng bloke blokeng yelo? YUn bang ngiting pang B-E-
A-M means smile? Ah basta! Ang ganda ng ngiti niya!
"Hi!" napabitaw ako sa braso ko si Kuya gwapou nang inilahad niya ang kamay niya
kay Lana. "I'm Maico." At talaga namang nabalewala ang presensya ko noh? Nakatuon
pa kaya yung lakas ko sa kanya kanina nung napabitaw ako! Muntik na akong masubsob
ulit!
Ngumiti rin si Lana at inabot ang kamay niya. "Lana. Thank you sa pagtulong mo sa
friend ko ha." tumingin pa sa akin ang Gaga.
Oh! Nandito pala ako! Nage-exist pala ako sa paningin niya! In fairness ha! Akala
ko wala na siyang balak na tanungin pa ako. Makatitig ba naman kay Lana wagas!
"Jacky."
Inabot niya ang kamay niya at tinanggap ko yun. Bumilis bigla yung tibok ng puso
ko. Wieehh! Ok, hindi na ako nagatampo. Jeez ang sarap lang hawakan ng kamay niya.
Super mega lambot ng kamay niya ever!
Mula noon naging kaclose na namin siya. Madalas siyang makipagkita samin. Pero
siyempre, kay Lana lang lagi yung atensyon niya. Ako, yung dakilang anino sa tabi.
Minsan nagiging yaya at nakikita pag gustong utusan. Minsan naman comedy show na
kailangan pag seryoso na yung usapan. Multitasking 'to!
Pero kahit lagi akong nakangiti at pinapatawa sila sobrang sakit ng nararamdaman
ko. Kasi naman , gustong-gusto ko na talaga siya. Gwapo, matalino, gentleman not to
mention mayaman pa!! At super yummy!! my Ghad!
**Doll, I need to see you pull your knee socks up. Let me feel you upside down,
slide in, slide out. Slide over here, climb into my mouth now child...**
Napatingin ako dun sa CP ko. Anubayan! Di pa ako tapos sa drama ko eh may istorbo
na?! Lintyak na buhay 'to oh! Minsan ko na nga lang isipin yung mga nangyari sa
amin ni Maico eh!
Calling...
Lana
"Naman Lana! Istorbo ka teh! Nagmo-moment yung tao oh," bungad ko agad sa kanya
pagkapindot ng answer button.
"Ano ka ba? Thanks-giving kaya namin mamaya para sa pagkakaligtas ni Jace. Kelangan
ko ng tulong pleaaasssseee..."
"Ah ok. Ligo lang me! Bye!" Yun lang at ibinaba ko na yung telepono.
Yung thanksgiving na sinasabi niya eh para kay Jace na asawa niya. Buti na lang
talaga nakaligtas yun sa bingit ng kamatayan nung maaksidente. Grabe, nakakaloka!
Halos mamatay na sa kakaiyak si Lana dahil sa nangyari. Awang-awa nga ako sa kanya
eh. Buntis pa man din siya.
~~~
After three hours saka ako nakarating sa bahay nina Lana. Anlayo kaya ng Antipolo
mula sa Ortigas noh! Kahit tanghali traffic... de joke lang. Timatamad lang ako
kumilos kanina kaya nakaidlip ako.
Sinabi ko sa kanya ang petsa saka ako tumawa. Akala mo ha? Lumakad na ako palampas
sa kanya. Narinig ko pa yung pagbulong-bulong niya pero di ko naintindihan.
"Hi Jacky!" si Jace. "Buti nakarating ka." Medyo iba yung boses niya. Siguro dahil
pa rin dun sa aksidente
"Hi Jace! Yep! Ginulo nitong asawa mo yung pagde-daydream ko eh kaya nandito na
ako. Looking good ha," sabi ko sa kanya at natawa siya.
"Hoy bruha! Tulungan mo na ako dito. Tatlong oras ba biyahe mula Ortigas??" si
Lana.
Simple lang yung ginanap na Thanksgiving para kay Jace. Kaming apat lang tapos mga
magulang ni Lana. Syempre silang dalawa alangan naman wala. Itong si Jace wala
naman kasing sariling friends eh. Kaya kami na rin yung friends niya.
Ok naman na siya. Ang sabi daw nung doktor makakabalik na rin siya sa trabaho in a
month. Well, one big happy family na sila. Magkaka-baby na eh. Eh ako? Tatlong
buwan na akong tigang anubayan! Maka-tigang wagas eh noh? Samantalang iisa pa lang
naman ang naging lalaki sa buhay ko. Iniwanan pa ako.
Di naman excactly iniwanan since wala namang ‘kami’ eh. Nag-assume lang siguro ako.
"Psss. ASA! Di ko na nga naiisip yun kung di mo lang pinaalala." Ok, that was a
lie. Bawat segundo ng buhay ko di siya maalis sa isip ko eh.
~~~
Bago umuwi ay dumaan muna ako sa Marks and Spencer Galleria. Kailangan ko kasing
bumili ng regalo para sa Head Auditor namin. Birthday niya kasi sa Lunes.
"Oh? You mean 'The Maico Buenaventura'? Yung super Hottie??" Girl #2.
"Oo girl, at this time, sisiguruhin kong matitikman ko na ang hot guy na yan,"
nakangiti pang sabi ni Girl #1.
Mga hitad na toh. May balak pang agawin ang Maico ko!! No way!!!
Eh? Teka nga, di naman saken si Maico eh. Saka, tama yung narinig ko? Nandito siya?
Kung kani-kanina lang nakita nung isang hitad, siguradong nasa paligid pa siya!
"Oo ikaw nga! Baket may iba pa bang panget dito??" siya ulit.
"Hoy!! Hindi ako panget! Unique lang ako noh. Naintindihan mo? Unique!" pinagdiinan
ko yung 'unique'.
Oh di ba? Si Maico kaya ang nagsabi niyan saken nung tinanong ko siya kung panget
ako. Hahaha!
Tinitigan ako nung dalawa na parang nababaliw na ako. Tapos eh tumawa sila ng
tumawa sabay iling saka umalis na.
Di naman talaga ako panget ah. Sabi nga ni Maico ang ganda daw ng mga mata ko eh.
Waaahhhh!!! Ewan!!
~~~
Kanina pa ako dito sa may bintana at ano pa nga ba? Iniisip na naman siya. Kasi
naman eh! Itong utak at puso ko ayaw pa ring tumigil. Tatlong buwan na rin simula
nung nawala siyang parang bula pero pakiramdam ko kahapon lang yun.
Napukaw ang lumilipad kong isip ng may mag-doorbell. Iniangat ko ang sarili ko mula
sa pagkaka sandal sa bintana saka tinungo ang pinto. Di ko na pinagkaabalahang
silipin sa peep hole kung sino man yun. Basta ko na lang binuksan ang pinto.
"Nasaan ang chain lock ng pinto? Saka sumilip ka man lang ba sa peep hole bago mo
binuksan? Paano kung masamang loob pala ang nagdoorbell?" singhal niya agad saken
pagkabukas ko pa lang ng pinto.
"Maico..."
to be continued...
Chapter Two
Like niyo po yung Page ng MNRG. Click external link ------------------->
________________________________________________________
CHAPTER TWO
"Maico..."
"Di mo man lang ba ako papapasukin?" aniya. Ngayon ko lang napansin na di pa rin
kami kumikilos mula sa kinatatayuan namin.
Umurong ako ng kaunti saka binuksan ng maluwag ang pinto. Tumalikod na ako para
kumuha ng mai-inom niya. Yung paborito niyang Cranberry Juice. Lagi akong may stock
nun kahit na ilang buwan na siyang di nagpapakita sa akin. Sa likod kasi ng isip ko
umaasa akong babalik siya.
Narinig ko pa ang pagsara niya ng pinto at pag-lock nun. Nagulat na lang ako nang
hilahin niya ako at isandal sa pinto. Tumitig siya sa mga mata ko saka mariin akong
hinalikan. Akala mo mauubusan. Tatlong buwan ba siyang hindi nakahalik??
Grabe namiss ko to ng sobra. Yung mga labi niya. Yung mga yakap niya...
Gumanti ako ng mas masidhi pa sa halik na binigay niya. Naramdaman ko pang idiniin
niya ang sarili niya sa akin. Yung mga kamay niya unti-unting gumagapang sa katawan
ko. Ipinasok niya yun sa loob ng blouse ko at tinanggal ang pagkaka-snap ng bra ko.
Napasinghap ako nang maramdaman ko ang isang kamay niyang humahaplos sa dibdib ko.
Nalulunod ako sa sensasyong dinudulot niya. Iniangat ko ang mga kamay ko at dinama
ang dibdib niya.
Naitulak ko siya bigla ng tumunog ang telepono. Grabe ano bang nangyayari sa akin
at hinayaan ko na lang siya sa ginagawa niya? Much more tumugon pa ako?
Lumayo ako sa kanya upang puntahan ang telepono. Pero di pa man ako nakaka dalawang
hakbang, hinila niya na ako pabalik sa pagkakasandal sa pinto.
Nang humiwalay siya tumingin lang siya sa mga mata ko. Natulala lang ako sa kanya.
Di ko alam ang isasagot ko.
Totohanan na ba ito? Mahal niya na ba ako kaya siya bumalik? May nararamdaman na ba
siya saken kaya ganyan ang kilos niya na tila ba sabik na sabik siyang makasama
ako?
Napatingin ako sa CP ko. Sino ba yang kanina pang istorbo na yan?? Nagmo-moment
kami ni Maico oh!
"Eeehhh... mamaya mo na sagutin. Saka, bakit yan ang ringtone mo? Alam mo ba ang
ibig sabihin ng kantang yan??" natatawang sabi niya.
Tumango lang ako. Sige na nga siya na muna ang sasagutin ko. Mamaya na yung
tumatawag. Tutal kaligayahan ko naman to eh!
"Ahh..."
"Tutulungan mo naman akong kalimutan siya di ba?" aniya. Ipinatong pa yung noo niya
sa noo ko.
Boom! Sabog ang mga pangarap ko! Yan kasi Jacky assumera ka masyado. Yan ang
napapala mo. Pero infairness ang honest niya ha? Pero hanggang rebound na lang ba
ako? Ang saklap naman.
Parang bumagsak ang mundo ko dahil sa sinabi niya. Itinulak ko ulit siya at kinuha
yung CP ko.
1Missed Call
Kuya
Ano naman kayang problema ni Kuya? May nangyari kaya kay Lola?
Dali-dali kong nai-dial ang number ng kuya ko. Nakita ko pang pumunta sa kusina si
Maico.
"Nasaan ka bang babae ka ha? Kanina pa ako tumatawag ah!" singhal agad ni Kuya.
Parang gumunaw ang mundo ko sa sinabi niya. Pamana pa sa amin ninuno namin ang
bahay at lupang iyon.
"Kuya naman eh! Paano pag nalaman yan ni Lola? Siguradong aatakihin yun!"
"Yun na nga Jacky eh. Kaya ko isinangla yung lupa... nasa ospital si Lola. Kaso
nadala ako nung kaibigan ko sa sugalan eh. Nung una nananalo ako pero nung huli di
ko na namalayan na naubos nayung pera. Jacky, tulungan mo naman kami oh."
Tuluyan nang tumulo ang luha ko sa sinabi niya. Nasa ospital pala si Lola wala man
lang nagsabi sa akin.
"Bakit di mo man lang ako sinabihan na nasa ospital si Lola? Edi sana nagawan ko
agad ng paraan! At magkano mo naman naisanggla yung bahay?"
Nanlumo ako sa halagang sinabi niya. Ni hindi aabot yung savings ko. Paano pa yung
pagpapagamot ni Lola?
"Wala. Please iwanan mo muna ako Maico, gusto kong mapag-isa." sabi ko sa kaya sa
malamig na tono.
Ano na ngayon ang gagawin ko? Kanino ako hihiram ng ganoon kalaking halaga? Di
pwede kay Lana. Kahit na alam kong di siya magdadalawang isip na pahiramin ako, di
naman kaya ng konsensya ko kasi alam kong napakarami nilang gastos. Bukod sa buntis
siya eh naaksidente pa si Jace.
Inilayo ko agad sa tenga ko yung CP di pa man tapos magsalita si... kung sino mang
operator yun. Nasaan naman kaya yung gagang yun?
"Ah, Kuya Pat si Jacky 'to. Wala pa po si Joy jan?" tanong ko.
"Ikaw sana ang tatanungin ko. Kayo daw ang pupuntahan niya sabi niya kanina. Pero
nakita namin itong sulat niya ang sabi di na daw siya babalik."
"Huh?! Eh kasama lang namin siya kanina wala naman siyang nabanggit ah?"
Problema 'to. Bakit kasi ngayon pa naglayas si Joy? Ano naman kayang problema nun?
At paano na ako niyan? Wala na akong ibang matatakbuhan.
From: +639330927.......
Si Maico. At oo 'Beauty' ang tawag niya sa akin. Tapos 'Beast' ang tawag ko sa
kanya. Baligtad ba? Hindi naman di ba? Umangal sapak! Siya ang nagpa-uso niyan no!
Psss... Dumadagdag lang sa problema ko 'tong isang to eh. Pinatay ko na lang yung
CP ko baka biglang tumawag eh lalong gugulo yung isip ko.
to be continued...
Chapter Three
Araw ng Lunes. Nakaleave ako ngayon para maasikaso ang problema dito sa probinsya.
Kahapon ako umalis ng Maynila para naman matagal akong makadalaw kay Lola.
"Lola, sa susunod na araw makakalabas na po kayo dito. Wag niyo na pong alalahanin
yung gastos. Nakaluwag na po ako." sabi ko kay Lola. Naga-alala kasi siyang wala
akong pang-gastos sa Maynila kung ako ang gagastos sa pagpapagamot niya. Yun din
ang dahilan kaya di niya pinasabi kay Kuya na nasa ospital siya.
"Lola, hindi po. Wag na po kayong mag-isip ng kung anu-ano ha? Matulog na po kayo."
________
"Heto yung papeles dun sa pagsasangla ko ng bahay at lupa. Jacky sorry talaga, di
ko naman akalain na matatalo ako eh. Nananalo naman kasi talaga ako nung una..."
pinutol ko na ang sinasabi niya. Kailangan ko nang maka-uwi ngayong gabi mahaba pa
ang biyahe ko.
"Oo na Kuya. Nandito na ito eh. Gagawan ko na lang ng paraan. Si Gelai ba kamusta
na?" anak ng Kuya ko si Gelai. Hiwalay siya sa asawa.
"Maayos naman siya. Isa pa yan sa problema ko. Naghahanap pa ako ng pera para sa
tuition niya sa pagpasok niya sa Hunyo." si Kuya.
"Kuya naman kasi, maghanap ka ng trabaho. Hindi yung umaasa ka lang sa konting kita
ng gulayan natin."
"Ginagawa ko naman ang lahat ah! Sa tingin mo ba makakahanap ako ng matinong
trabaho dito sa probinsya? Wala ako sa Maynila tulad mo! Di ako nagpapakasarap
dito!"
Ganyan lagi ang sumbat niya saken. Kesyo nagpapakasarap ako sa Maynila. Hindi kasi
nila alam kung gaano kahirap manirahan dun ng mag-isa. Kung gaano kamahal ang
bilihin. Hindi ka makakakuha ng mga gulay na pwede mong kainin pag labas ng bahay,
kelangan mo talagang bilhin. Hindi tulad dito sa probinsya, pwede ka pang lumapit
sa kapitbahay para lang manghingi ng pwedeng makain. Eh sa Maynila? Pwede ka bang
kumatok sa kabilang pinto para sabihing pahingi ng pagkaen?
"Oo na Kuya. Paulit-ulit na lang tayo eh. Aalis na ako. Heto ang pera para sa
pagpapagamot ni Lola. Tawagan mo ako pag kulang pa at padadalhan ko kayo." yun lang
at lumabas na ako ng ospital.
Dalawa lang kaming magkapatid at si Lola ang nagpalaki sa amin. Yung mga magulang
kasi namin namatay nung bata pa kami. Nagkaroon sila ng malalang sakit at dahil di
namin sila kayang ipagamot, namatay sila.
Di nakatapos ng pag-aaral ang Kuya ko dahil na rin sa tamad siyang mag-aral. Mas
gusto niya pang magtanim sa bukid kesa mag-aral. Kaya naman ako na lang ang
pinagsikapang pag-aralin ng Lola namin. At dahil pinagbutihan ko ang pag-aaral ko,
nakakuha ako ng scholarship para makapag-aral sa Maynila.
________
Anim na oras din ang biyahe mula sa probinsya hanggang dito sa tinitirhan kong
condo. Grabe, nakakapagod ang biyahe. Ewan ko ba, wala ka namang ginagawa sa bus
kundi tumunganga at matulog pero nakakapagod talaga.
Magulo yung sala. Maraming kalat yung mesa dun. May box ng pizza, mga basyo ng beer
at softdrinks, mga balat ng chichirya, atbp. Isa lang ang ibig sabihin nito.
"Maico!"
Siya lang ang pwedeng gumawa nito. Ganyan siya kakalat kaya araw-araw ang schedule
ng tagalinis niya ng bahay niya. Puro problema na nga ako tapos ito pa ang
sasalubong sa akin? Nakakabwisit talaga ang lalaking ito!
Dumukot siya sa bulsa niya at nilabas ang duplicate key niya ngcondo. Mayroon ng
pala siya nun. Kahit ako merong duplicate na susi ng condo niya. Nilaro niya pa yun
sa daliri niya saka ibinalik sa bulsa niya.
Ano bang klaseng nilalang to? Pati yung pang-isahang upuan may kalat. Tinabig ko
yung paa niya at naupo sa dulo ng mahabang sofa na kinahihigaan niya. Isinandal ko
ang ulo ko saka pumikit. Sobrang pagod talaga ang nararamdaman ko ngayon.
"Saan ka galing? Dalawang araw na ako dito ah!" aniya.
"Wag na nga mainit ang ulo mo. Saan ka ba kasi galing? Nag-aalala lang naman ako
sayo ah. Saka nakapatay yung CP mo." aniya sa tonong naglalambing.
At dahil nga pagod ako, sumagot na lang ako. Nakakapagod din makipag-bangayan.
"Galing akong probinsya, may inasikaso ako dun." simpleng sagot ko.
Bumitaw siya sa pagkakayakap saken at humiga. Iniunan niya yung ulo niya sa hita
ko.
"Ang sungit naman ng Beauty ko." aniya sabay kuha sa kamay ko at inilapat sa bibig
niya.
Pumunta ako ng kusina para uminom ng tubig. Pagkabukas ko ng ilaw dun, napapikit
ako. Sh*t. Parang may pusang nanggulo sa kusina ko. Nakakagigil talaga!
Inayos ko na lang yun at nagbihis. Pagkalabas ko ulit ng kwarto, nakaupo lang siya
sa sahig hawak yung vacuum cleaner at yung dala kong folder kanina.
"Bakit? Sino ka ba para sabihan ko?" singhal ko sa kanya sabay hablot dun sa
papeles.
"Jacky, alam mong kaya kitang tulungan jan." aniya sabay sa pagtayo.
"Di ko kailangan ng tulong mo. Umalis ka na." tinulak ko siya papunta sa pinto pero
di siya lumabas.
Tumingin siya sa mga mata ko. Nakita ko yung concern dun. Di ko alam pero nang
nakatingin ako sa mga mata niya di ko napigilan ang pagpatak ng luha ko. Dalawang
araw ko na rin itong pinipigilan. Di ko na kasi talaga alam ang gagawin ko.
"Tahan na Beauty. Alam mo namang ayokong nakikita kang umiiyak di ba? Wag mo nang
alalahanin yan. Ako nang bahala." aniya habang hinahagod yung likod ko.
"Ikaw na nga ang bahala. Bayaran mo kung gusto mo. Pero wala ka nang magagawa.
Boyfriend mo na ako."
to be continued...
Chapter Four
"Ipagluto mo naman ako oh. Miss ko na luto mo eh." paglaamnbing ni Maico.
"Sige na please. Di pa kumakaen ang boyfriend mo oh. Gutom na gutom na siya." aniya
nakanguso pa.
Talagang feel na feel niya nang bf ko siya eh noh? Pero sa bagay, sino bang ayaw?
Hahaha landi ko lang.
"Di ka pa ba nabusog jan sa pizza?" sabi ko sabay turo dun sa box ng pizza sa
center table.
"Kahapon pa yan."
"Kahapon pa pero di mo man lang niligpit? So buong maghapon magulo itong unit?
Aiisssshhhhh kelan ka ba mautuong maglinis ng gamit na..." napatigil ako sa
pagsasalita nang lumapat ang mga labi niya sa mga labi ko.
Di na ako naka-imik nang humiwalay siya. Nakangiti siya habang pinupunasan ang mga
labi ko gamit ang hinlalaki niya.
"Better way to shut you up." aniya saka tumawa ng malakas. "Ano na? Ipagluto mo na
ang gwapo mong boyfriend na maglilinis na ng kalat niya."
"Oo na. May pang menudo ako jan gusto mo yun?" tanong ko sa kanya.
"Kahit ano basta luto mo." aniya saka kumindat saken. Lumakad na ako papuntang
kusina at siya naman eh kinuha na ulit yung vaccum cleaner at nagsimulang maglinis.
__________
Hindi naman ako magaling magluto. Natuto lang naman ako kay Lana kasi ilang taon
din kaming magkasama. Walang panama yung luto ko sa luto niya. Naisip ko tuloy,
baket lagi na lang si Lana? Ang bitter ko lang. Kaibigan ko siya pero kung minsan
naiinggit na rin ako sa kanya. Yung nag-iisang pangarap ko kasi siya ang
pinapangarap.
Kahit na alam kong si Lana pa rin ang mahal ni Maico di ko magawang magalit sa
kanya. Wala naman siyang kasalanan eh, di niya naman ginustong siya ang mahalin ni
Maico at hindi ako. Saka kahit ganito ang mga iniisip ko mahal ko yung babaeng yun.
Ano pa bang meron kay Lana na wala sa akin? Nagtanong pa ako, eh obvious naman.
Maganda, mabaet, maalalahanin, mapagmahal, magaling magluto, etc... etc... Sino
bang di magkakagusto dun? Eh ako? Isang Jackelyn Gervacio lang na walang
maipagmalaki.
"Wow! Ang bango naman nito Beauty!" aniya sabay upo. Di ako makatingin ng diretso
sa kanya. Baket? Wala siyang pantaas =_=
Di ako maka-concentrate sa pagkaen. Kasi naman eh! Parang mas masarap siyang
kainin! Pero joke lang! Anubayan kung anu-anong pumapasok sa utak ko!
Nagroll-eyes na lang ako saka ipnagpatuloy ang pagkaen. Siya naman tawa ng tawa.
"Ikaw kasi eh! Alam ko namang uhaw ka sa katawan ko, wag mo nang masyadong
ipahalata!" aniya tumatawa pa rin.
Amp!! >_<
__________
Pumasok ako sa kwarto ko. Nakakalat sa sahig yung pinagbihisan niya. Nags-shower
ang loko. Naku naman oh! Di man lang inayos yung damit niya! Pinulot ko isa-isa
yung mga damit niyang nakakalat sa sahig at itinupi yun ng maayos.
Lumabas ako at naupo sa sofa sa may sala. Mahirap na, mamaya niyan mag bihis pa sa
harapan ko yung siraulong Maico na yun.
Binasa ko muli yung papeles na nasa mesa. Di ko alam kung anong gagawin ko sa
problemang ito kung wala si Maico. Maswerte na nga rin ako at nanjan siya. Kahit na
pinagpipilitan niyang maging kami kahit na hindi niya ako mahal at para makalimutan
lang si Lana.
Darating rin naman siguro yung oras na mamahalin niya rin ako tulad ng pagmamahal
ko sa kanya di ba? Sana nga lang sa mga oras na dumating yun di pa ako sumusuko. Di
pa ako sobrang nasasaktan. Sa totoo lang ngayon pa lang nasasaktan na ako iniisip
ko pa lang na di siya nandito sa tabi ko dahil mahal niya ako. Kundi dahil sa ibang
bagay.
Di ko na namalayan na may luha na palang tumulo sa mga mga mata ko. Pinunasan ko
agad yun nang may marinid akong tugtog. Ringtone ko yun pero bakit sa simula nung
kanta nagsimula?? Sa bridge na yung ring tone ko ah?
I'm taking a moment just imagining that I’m dancing with you
Lalong lumakas ang tawa ko nang may action pa siya habang nagli-lp sync.
And you've got the knack to vivifyAnd you make my slacks a little tight
Naalala ko tuloy nung nakaraang araw tinanong niya ako kung alam ko ang ibig
sabihin ng kantang yan. Wrell, oo alam ko. Mejo di nga itinago ni Jason Mraz yung
meaning unlike sa ibang kanta niya. Eh baket yan ang pinili ni Maico na
patugtugin??? Sira talaga ang ulo nito!!
Ride your tongue along your bottom lip then bite down
And bend your back and ask those hips if I can touch
Patuloy ako sa pagtawa habang kumkembot pa siya. Sa macho niyang yan? Kumekembot pa
siya? Aliw na aliw ako sa pinaggagagawa niya.
Lumapit siya at hinawakan pa yung kamay ko. Titig na titig siya sa mga mata ko
habang nagpapatuloy pa rin. Ano bang naisipan ng isang ito at nagli-live show???
Damn right you landed on my ear and then you crawled inside
And let’s face the fact hereIt's you who's got it all
In your message say my nameYour talk is all the talk Sister, you've got it all
So I’m coming to shine on the occasionHey sophisticated lady, oh you got it all
Napatili ako nang bigla niyang tanggalin yung tapis niya bilang finale. Tinakpan ko
pa yung mga mata ko at pumikit ng mariin. Narinig ko yung tawa niya kaya naman
napadilat ako. Naka shorts pala siya sa ilalim nung tuwalya! Akala ko talaga wala
siyang suot. Kinabahan ako dun ah.
Lumapit siya sa akin at pa-squat na naupo sa harap ko. Nakangiti siya habang
hinahaplos ang pisngi ko.
"Buti naman nakangiti na ang Beauty ko. Kanina kasi ang lungkot niya eh." tumayo
siya bigla saka nag-inat. "Napagod ako dun ah."
Ginawa niya yun para pasayahin ako? Sobrang na-touched talaga ako.
Humiga siya sa sofa at iniunan ang ulo niya sa hita ko saka pumikit.
"Baket naman yun ang napili mong kanta? Eh nung nakaraang araw lang tinanong mo pa
ako kung alam ko meaning nun." bigla kong tanong.
"Gusto mo ba?"
Tinitigan ko siya. Grabe lang, di ko akalain na gagawin niya yun. Nanlalabo na yung
mga mata ko. Naiiyak ako hindi dahin nalulungkot ako. Naiiyak ako kasi sobrang saya
ko.
"Hey! Kulang pa ba yung ginawa ko? Baket ka umiiyak? Ok ka lang ba?" napaupo siya
bigla. Di ko pala namalayan na pumatak yung luha ko sa kanya.
Di ako nakaimik. Tuloy-tuloy yung pagtulo ng luha ko. Baket ba napaka-iyakin ko??
Nakakainis di ko mapigilan.
"Jacky naman. Tahan na uy... pinagaalala mo na ako eh." aniya habang pinupunasan
yung mga luha ko.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap ko siya nang mahigpit. Gumanti naman
siya ng yakap sa akin. Magsasalita sana siya pero inunahan ko na siya.
to be continued...
Chapter Five
"Tita!" salubong ni Gelai saken.
Nandito kami ngayon ni Maico sa probinsya para bayaran ang pagkakasanla ng bahay at
lupa namin. Nagpumilit lang naman siyang sumama kahit na sabi ko ako na lang. Gusto
niya raw kasing makilala ang pamilya ko.
"Ok naman po ako Tita. Tinuruan po ako ni Tita Anna na magsulat ng pangalan ko!
Gusto niyo po makita?" ani Gelai. Si Anna yung kapitbahay namin dito. Kababata ko
siya at guro ang propesyon na napili niya.
Oo nga pala nakalimutan kong kasama ko si Maico. Kakababa niya lang ng kotse.
Tumingin ako kay Maico at sumenyas na lumapit siya.
"Hello po Tito Maico! Ikaw po ba ang boypren ni Tita Jacky ko?" tanong niya.
Nakita ko ang pagkaaliw sa mata ni Maico saka siya nag-squat sa harap ni Gelai para
maging magkapantay ang taas nilang dalawa.
"Oo ako nga ang boyfriend niya. Ikaw pala si Gelai. Maganda ka rin tulad ni Tita
Jacky ah!" iniabot niya yung hawak niyang pasalubong. "Heto oh, pasalubong namin
para sayo."
"Yey! Salamat po!" tuwang tuwang kuha ng bata sa binigay ni Maico at yumakap pa
siya.
"Oh nandito ka pala apo." narinig kong sabi ni Lola mula sa likuran.
"Lola! Baket naman po lumabas pa kayo? Dapat po nagpapahinga na lang kayo eh." sabi
ko sabay lapit sa kanya at hinawakan siya para alalayan.
"'Ku ikaw na bata ka! Ano namang wag ka ngang masyadong mag-alala jan. Kaya ko
naman ah. Parang di ako gumagaling kapag nasa higaan ako maghapon. Lalo akong
nanghihina." Napatingin siya sa likuran ko. "May kasama ka pala. Aba'y ka-guwapo
naman ng batang ito."
"Opo."
Napailing na lang ako. Seryoso talaga siya. Buong linggo niya akong sinusundo sa
opisina. Tinutukso na nga ako ng mga kasamahan ko. Madalas pati siya sa condo.
Isang araw lang siyang hindi nakapunta. May meeting daw kasi siya pagkahatid niya
sa akin.
________
"Yang boyfriend mo. Mukhang sobrang yaman ah. Ano bang pinakain mo jan?"
Tinignan ko lang siya ng masama. Sabi niya kasi dati sa hitsura kong 'to walang
magatatangkang manligaw sa akin.
Lumayo na lang ako sa kanya. Alam ko ang gusto niyang tukuyin. Na mapagkakaperahan
si Maico. Ganun talaga si Kuya. Kahit noon. Halos ibenta niya nga ako dati dun sa
matangdang mayaman sa kabilang baryo.
Akala ko pa man din nagbago na siya nung magkaanak siya. Di pa rin pala.
"Ganun ba? Ayos ka lang?" lumapit siya sa akin at sinuri kung mainit ako.
Di naman talaga masama ang pakiramdam ko. Ayoko lang na may kung ano pang sabihin
si Kuya. Baka pati si Maico kausapin niya pa.
________
"Ang tahimik mo yata. Sobrang sama ba talaga ng pakiramdam mo? Gusto mo dalhin na
kita sa doktor?" nakakunot ang noong tanong niya.
"Sigurado ka ha? Oo nga pala papasok na si Gelai sa pasukan di ba? Balak ko sanang
padalhan siya para sa tuition niya."
"Di mo na obligasyon yun Maico. Hayaan mong si Kuya ang magpaaral sa anak niya. O
ako na lang."
So, naka-usap pala siya ni Kuya. Ibang klase talaga. Di na nahiya. Kulang daw ang
kinikita niya? Saan? Sa panaginip? Ako ang nagpapadala ng panggastos nila sa araw-
araw kasi ayaw niyang maghanap ng matinong trabaho. Wala naman nang kinikita ang
gulayan.
"Wag mong masyadong isipin yun. Sa sandaling oras kasi napalapit naman saken yung
bata kaya gusto ko talagang gawin 'to. Kahit di ka pumayag gagawin ko pa rin." si
Maico.
"Baket naman? Wala naman akong kinalaman sa meeting niyo?" tanong ko.
"Gusto ka kasing makilala nung investor. Nabanggit kasi kita nung huling meeting
namin at gusto ka raw makilala makilala."
"Ok sige."
Napatingin ako kay Maico nang mapansin kong hindi papunta sa condo ko yung
tinatahak niyang daan.
"Dun ka na lang muna magpahinga. Di kasi ako mapapakali pag wala ka sa tabi ko at
alam kong masama ang pakiramdam mo. Di naman ako pwede sa condo mo kasi may
kailangan akong tapusin na trabaho."
Nakaharap lang siya sa daan habang nagsasalita siya. May trabaho pala siyang
kailangan tapusin tapos nagpumilit pa rin na samahan ako.
"Kita mo ikaw, ayaw mo pang umuwi kanina eh may naiwan ka palang trabaho."
"Sabi ko naman kasi sayo di mo na ako kailangang samahan eh." sabi ko sa kanya.
Napalingon ako sa kanya. Parang may konting inis akong nakita sa expression niya
pero saglit lang yun.
"Baket naman?"
"Para kasing ayaw mo akong ipakilala sa pamilya mo eh. Samantalang ako gustong-
gusto ko silang makilala. Kung nandito lang ang pamilya ko sa Pilipinas dinala na
kita sa kanila." seryoso pa ring sabi niya.
"Di naman sa ganun. Baka kasi naaabala kita. Tulad niyan, may kailangan ka palang
tapusin..."
Natahimik ako dahil dun. Ngayon lang kasi siya nagsalita saken ng ganun. Kadalasan
kasi mabiro siya.
Itinigil niya yung sasakyan at iginilid sa daan. Humarap siya sa akin at inabot
yung kaliwang kamay ko.
"No. Di ka dapat mag-sorry. Ako dapat. Sorry Beauty kung mejo napataas yung boses
ko. Pakiramdam ko kasi ikinahihiya mo ako sa pamilya mo kaya mejo sumama ang loob
ko."
Seryoso siya? Siya pa talaga ang ikakahiya ko? Eh talo ko pa ata ang nanalo sa
Lotto eh!
Napangiti ako sa mga sinabi niya. Akala ko kasi puno siya ng tiwala sa sarili niya
tapos bigla niyang sasabihin yung ganun.
"Sino bang nagsabing ikinahihiya kita sa pamilya ko? Maswerte nga ako kasi ikaw ang
boyfriend ko." seryosong sagot ko.
to be continued...
Chapter Six
Napatingin ako sa wrist watch ko. Limang minuto na rin akong naghihintay dito sa
labas ng opisina. Lunes na at ngayon yung meeting ni Maico na isasama niya ako.
Sino naman kaya yung investor na sinasabi niya at gusto akong makilala? Weird lang
kasi. Sa pagkaka-alam ko wala naman dapat silang pakealam sa kung sino man ang
girlfriend ng ka-business deal nila. Wala namang kinalaman ang lovelife dun eh.
"Oh Jacky! Nandito ka pa pala. Gusto mo bang ihatid na kita?" si Anthony. Nasa
Engineering Department siya. Cute siya at mabait. May nagsabi saken na gusto daw
ako ng lalaking 'to pero di ko naman sineryoso. Wala naman siyang sinasabi eh.
"Naku hindi na. May sundo kasi ako eh. Malapit na rin yun." sagot ko.
Sasagot pa sana ako nang matanawan ko yung kotse ni Maico. Tumigil yun sa harap
namen . Bumaba si Maico para pagbuksan ako ng pinto.
"Ahmm... Anthony, mauna na ako ha. Nanjan na yung sundo ko eh. Salamat."
"Iwasan mo yun." simpleng sabi niya pero nasa tono niya yung awtoridad.
Napalingon ako sa kanya. Nakakunot yung noo niya at mukhang naiinis siya. Problema
nito?
"Baket naman? Mabait naman yung tao eh. Saka di ka naman niya inaano ah."
________
"Good evening po." bati ko kay Mrs. Lacsamana. Siya yung investor na sinasabi ni
Maico na gusto akong makilala.
"Good evening hija. Naku kay ganda mo palang bata. At mukhang matalino pa. Di ako
nagdududang ikaw ang nagustuhan nitong si Maico. Maupo kayo." aniya.
Natural na ba talaga sa mga businessman/woman ang pagiging sinungaling? Parang
nanga-asar lang eh. Pagkaka "kay ganda" wagas! Samantalang lahat ng kakilala ko
sabi saken panget. Except siyempre sa friends ko. Di nila yun sinasabi eh.
"Hehe kayo naman. Di hamak na mas maganda naman po kayo saken." sabi ko pagkaupo
namin ni Maico.
May katabaan si Mrs. Lacsamana. Di naman kaputian. Tapos makapal yung make-up niya.
Mas mataas pa ako sa kanya ng mga tatlong pulgada.
Tumingin muna ako kay Maico. Ngumiti siya saken at tumango senyales na ako na ang
magkwento.
"Ganito po kasi yun..." ikinwento ko sa kanya kung paano kami nagkakilala noon ni
Maico sa mall at yung mga nangyari ng nakaraang mga buwan minus the Lana incident.
Nawala ang ngiti ko sa sinabi niya. Bakit niya sinabing limang buwan? Nung isang
linggo lang naging kami ah?
"Yes Mrs. Lacsamana. Beauty ang tawag ko sa kanya. Tapos Beast ang tawag niya
saken." sagot ni Maico saka humalik sa sintido ko.
"Aba'y nakakauwa naman ang tawagan niyong dalawa." aniya saka tumingin sa akin.
Agad kong naipaskil ang ngiti sa labi ko kahit ang totoo naguguluhan ako. Baket
niya sinabing limang buwan na ang relasyon namen??
"Ang unique po di ba? Parang 'tong Beauty ko." nakangiti pa si Maico saka tumingin
saken.
"Natutuwa naman ako at hindi totoo yung bali-balitang palikero ang lalaking ito."
sabi ni Mrs. Lacsamana sa akin. "Alam mo naman kasi ang mga lalaki di ba?"
"Nakikita ko naman hija. Mukhang mahal na mahal ka nitong si Maico eh. Alam mo ba
nasa paniniwala ko na kung ang isang lalaki eh faithful sa kanyang minamahal,
magiging faithful din siya sa magiging kasosyo niya sa negosyo. Kaya naman sa
tuwing magi-invest ako inaalam ko muna kung paano makisama sa mga babae ang mga
may-ari nito. Anyways, nasaan na nga ba tayo sa pinaguusapan natin Maico?"
So ganun pala yun? Kaya pinagpipilitan niya na maging kami para dito. Para na rin
makalimutan si lana. Hitting two birds in one stone kumbaga. Alam niya naman siguro
na mahal ko siya eh. Kaya alam niyang di ako makaka-tanggi.
Sinabi niya pang five months na kami kahit na isang linggo pa lang ang nakakalipas.
Para nga naman mas magmukha siyang "faithful" boyfriend. Paano nga naman maniniwala
si Mrs. Lacsamana kung sasabihin niyang isang linggo pa lang kami?
Naniwala na sana ako ng nagkakagusto na rin siya saken. Yun pala may mas malalim
pang dahilan bukod sa paglimot niya kay Lana. Naisip ko lang, hanggang kailan naman
kaya niya ako ibabalandrang girlfriend niya? At baket ako pa? Marami naman jan na
siguradong hindi tatanggi.
________
Habang pinakikinggan ko yung pag-uusap nilang dalawa, may narealize ako. Kaya pala
ako ang napili niya kasi ako yung tipo ng mga kagaya ni Mrs. Lacsamana. Tuwang-tuwa
pa siya nang malaman niyang CPA board passer ako. Isa pa, di ako mukhang
kaladkaring babae. Nabanggit niya rin na ayaw niya sa mga ganun.
Tahimik na lang ako hanggang sa matapos yung dinner meeting. Maraming gumugulo sa
isip ko. Gusto kong komprontahin si Maico tungkol sa iniisip ko pero paano? Di ko
alam kung saan ko sisimulan. Saka baka di ko kayanin yung sakit pag sinabi niyang
totoo ang hinala ko.
Napatigil ako sa paglalakad dahil sa sinabi niya. Yung pagsasabi niya ng "sabi ko
na nga ba eh" parang sinabi niya na rin na sinadya niya akong piliin para
ipakilala.
"Beauty? Ok ka lang ba talaga? Baka naman masama pa rin ang pakiramdam mo ha?"
Lumakad siya pabalik sa kinatatayuan ko. Nauna kasi siya ng konti dahil sa ginawa
kong pagtigil.
Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at iniangat ang mukha ko para tumingin sa
mga mata niya.
Gusto kong malaman kung hanggang kailang niya ako balak na gawing "girlfriend" niya
sa harap ng business associates niya. Kahit na gaano ko pa siya kamahal, hindi
naman ako gamit na pwedeng paglaruan ng ganun-ganun na lang. Kung yun lang ang
gusto niya papayag naman ako eh. Basta alam ko lang kung ano ba talaga ako sa
kanya.
"Ano bang sinasabi mong hanggang kailan?" gulong-gulo yung expression ng mukha
niya.
Sana naman sumagot siya ng maayos. Yung totoo. Para hindi ako umaasa.
Kumunot ang noo niya na tila pinagiisipan ang sagot dun sa tinatanong ko. Maya-maya
pa, sumagot siya.
"Baket? Gusto mo na bang magpakasal?" tanong niya. "Sabagay nasa tamang edad na rin
naman tayo." pabulong niyang sinabi yung huli na halos di ko na naintindihan.
Connect???
"Tinatanong ko kung hanggang kailan mo ako girlfriend tapos tatanungin mo ako kung
gusto ko nang magpakasal??" mejo inis na sabi ko.
"Mukha ngang masama ang pakiramdam mo. Kung anu-anong sinasabi mo jan eh." naaaliw
yung tono ng pagsasalita niya.
"Hindi masama ang pakiramdam ko ok? Seryoso yung tanong ko tapos ganyan ka
sumagot?" naiiyak nang sabi ko. Inalis ko pa yung mga kamay niyang nakahawak saken.
"Pero... hindi ko kasi maintindihan ang ibig mong sabihin. Paanong hanggang kailan
kita magiging girlfriend?"
Di ako nagsalita. Ayokong manggaling sa akin kung ano man ang iniisip ko. Gusto
kong siya mismo ang magsabi nun.
"Teka nga. Baket ba ganyan yung tanong mo? Sabihin mo nga, may gusto ka ba sa
Anthony na yun? Kaya mo ba tinatanong kasi gusto mong magpaligaw sa kanya?" mejo
mataas yung tono ng boses niya nang sabihin yun.
"H-ha? Wala. Ano namang kinalaman niya sa pinagu-usapan natin?" naguguluhang tanong
ko.
"Eh bakit ayaw mo siyang iwasan? Kitang-kita naman na may gusto sayo yung lalaking
yun eh!"
"Oo na sige na iiwasan ko na siya ok!" sabi ko na lang para matapos na yung usapan.
Naupo na siya sa driver's seat pero di niya pa rin pinapaandar yung kotse. Maya-
maya pa humarap siya saken.
"Seriously speaking, Beauty. Baket mo ba kasi tinatanong yun? Ang alam ko kasi
matatapos lang naman na girlfriend kita pag asawa na kita di ba? Kaya tinatanong ko
kanina kung gusto mo nang magpakasal."
Di na ako nakaimik. Napangiti na lang ako. Yun lang talaga ang choice niya eh noh?
Di kasama ang break up?
Sana nga totoo yung sinasabi niya. Sa ngayon panghahawakan ko na lang yun. Na
balang araw hindi na ako girlfriend niya. Kundi asawa na.
to be continued...
Chapter Seven
"Dun muna ako sa condo mo matutulog ha?" nging-ngiti na sabi ni Maico.
Kunot noong tumingin ako sa kanya. Ngiting aso lang siya nang humarap sa akin.
Nagd-drive kasi siya kaya naman inalis niya agad ang tingin niya sa akin. Ano na
naman kayang binabalak ng isang ito? Di ako sumagot. Binaling ko yung tingin ko sa
labas.
"Ah, Beast?"
"Hmmm?"
"Nasaan yung family mo?" naisip ko lang kasi di niya pa sila naikukwento saken
kahit na kailan.
"Nasa Canada silang lahat. Ako na lang ang naiwan dito. Actually nung nawala ako
dun ako nagtigil."
"Dalawa. Parehong babae. May asawa na yung isa. Yung isa naman ayun spoiled brat."
umiiling-iling pang sabi niya.
Napangiti naman ako. Bakas kasi sa pagsasalita niya kung gaano niya kamahal yung
mga kapatid niya eh. Buti pa siya mabuting kapatid. Samantalang yung Kuya ko...
aissshhhhh! Baket ko ba iniisip pa yun?
"Mukhang sayo ata na-spoil yun eh." pagbibiro ko sa kanya. Para mabaling lang yung
pag-iisip ko.
Natawa na lang ako sa kanya. Kung totoo nga yung sinasabi niyang pakakasalan niya
ako balang araw, ngayon pa lang di ko na mapigilan ang sarili kong matuwa ng sobra-
sobra. Napaka-swerte ko sa kanya. Nakikita kong magiging mabuti siyang katipan.
________
"Ouch! Watch where you're going!" bulyaw ng babae sa may gilid ko. Nagkabanggaan
sila nung isa pang babae. Well, actually siya naman talaga ang may kasalanan.
Nakita kong bumagsak yung mga dala nung isa pang babae at nagkalat yun sa sahig.
"Hoy! Ikaw ang bumangga sa akin bruha ka!" aba't mukhang palaban din 'to ah. Ayos
may live show! hahaha.
"Yang girlfriend mo kasi! Siya na nga ang nangbangga siya may may ganang magalit!"
"Teka lang Miss. Baka naman ikaw talaga ang nambangga. Di naman magagalit 'tong
girlfriend ko kung kasalanan niya eh." pagtatanggol nung guy sa GF niya.
Aba't! Kasalanan naman talaga nung GF niya ah! Ewan kung anong masamang espiritu
ang sumapi sa akin at nakisingit ako.
Napatingin silang tatlo sa akin. Ang epal ko kasi. Ba't ba ako nakisali??
"Sino ka ba? Bakit ka nakekealam?" taas kilay pang sabi nung babaeng nambangga.
"Ako ang guardian angel niya." sabi ko. Pinagdikit ko pa yung dalawang palad ko na
tila nagdadasal at yumuko.
Narinig kong tumawa yung babaeng pinagkakaisahan nung mag-jowa. Pssss. Kahit ako
natatawa sa pinaggagagawa ko eh!
Nang makaalis yung dalawa, tinulungan kong magpulot ng gamit yung girl. Napagmasdan
ko yung mukha niya. Ang cute niya grabe! Natotomboy ata ako! Pero syempre joke lang
yun haha!
"Uy, salamat ha? Ikaw talaga ang guardian angel ko." aniya sabay tawa.
"Tara, treat kita para makabawi naman ako sayo. Ayy, ako nga pala si Mica." aniya
sabay abot ng kamay.
__________
Sa isang sosyal na resto niya ako dinala. Na-insecure naman daw ako sa suot ko.
Samantalang siya naka dress.
"Ahh pwede bang sa fastfood na lang tayo kumaen? Di ako komportable dito eh."
bulong ko sa kanya.
"Ganun ba?" nag-isip siya sandali. "Sige! Adventure yun! Tara na dali!"
"Ikaw na ang mamili ng kakainan natin." nakangiti niya pang sabi saken. Para siyang
bata na makakakuha ng regalo for the first time. Weird niya lang. Parang ako.
Napatingin siya sa akin at nahuli niya akong nakatitig sa kanya. Bigla siyang
ngumiti ng malapad. Napakunot ang noo ko dahil doon. Sobrang pamilyar talaga ng mga
ngiti niya.
"Wag mong sabihing tomboy ka ha? Di ako pumapatol!" umiiling pang sabi niya.
Natawa ako bigla. Ako? Tomboy? Hello? Ang girlfriend ng ever so Hot Maico
Buenaventura sasabihan ng tomboy? Oo na OA na.
"Hindi noh! Familiar ka lang kasi. Di ko maisip kung saan kita nakita."
Nakarating na kami sa Jolibee kaya naman di na siya nakasagot. Parang bata siyang
lumapit sa counter at tinignan yung menu.
Naupo kami sa mataas na upuan. Puno kasi yung store. Walang choice kundi rito. Wala
namang reklamo si Mica. mukha pa ngang siyang-siya siya eh.
"Di naman obvious na excited ka noh?" ang dami niya kasing inorder. Talo pa ata ang
construction worker sa dami ng pagkaen niya.
"Oo. Paano naman kasi yung Mommy ko saka Kuya lagi akong sa class na resto
dinadala. Nakasanayan ko na. Di ko naman ma-try nang mag-isa dito. Hahaha"
Kahit tapos na kaming kuamen, nakaupo pa rin kami at nakukwentuhan. Madaldal siya
masyado. Ang dami niyang kwento. Akalain niyong nalagpasan niya ang kadaldalan ko?
"Alam mo bet na bet kita para sa Kuya ko." maya-maya ay sabi niya.
"Ha?"
"Sabi ko guto kita para sa Kuya ko. Forever alone yun. Gwapo naman. Ewan ko ba!
Minsan nga feeling namin ni Mama gay siya. Paano naman kasi wala pa siyang
pinapakilalang GF kahit isa. Ipapakilala kita minsan."
"Sayang naman. Tingin ko pa man din bagay kayo. Saka siguradong magugustuhan ka ni
Mommy."
Kahit na bet na bet ko rin siyang maging sister in law, mas gugustuhin ko pa ring
makasama si Maico kahit na di ako magustuhan ng mga kapatid niya noh.
"Uy, medyo late na. Tara ihahatid na kita sa inyo." sabi ni Mica.
"Naku hindi na. Nakakahiya naman sayo nilibre mo na nga ako ng pagkaen eh."
"I insist. Para na rin alam ko kung saan kita pupuntahan. Mula ngayon, ikaw na ang
bestfriend ko!" masayang sabi niya.
__________
"Ahhh sa mall."
Nakatingin lang siya sa akin. Mukhang galit siya. Baket ba? Wala naman akong
ginagawang masama ah?
"Galing lang ako sa mall. Naggala lang ako."
Di pa rin siya umiimik. Lumapit ako at umupo sa tabi niya. Dahil napagod ako,
sinandal ko yung ulo ko sa balikat niya. Naramdaman ko yung pagbuntong hininga niya
kaya naman nag-angat ako ng tignin.
Nakatingin siya sa maga mata ko. Parang iniisip niya pa kung anong sasabihin niya.
"Beast?"
"Psss."
Ayan na naman siya sa "psss." niya na yan. Alam kong napipikon siya pag ganyan.
"Oo na. Si Mika yun. Nakilala ko kanina sa mall. Tinulungan ko siya kaya mag-
volunteer na ihatid ako. Ok na? Di ka na magseselos?"
Iniwas niya yung tingin niya saken pero nakita ko naman yung ngiti niya.
"Ay sus! Selos yung Beast ko oh!" sabi ko sabay kalabit sa tagiliran niya.
"Hindi noh! Sinong nagsabing nagseselos ako ha? Gwapo kong to? "
"Baket di ba totoo?"
"Oo na! Gwapo ka na!" sabi ko sabay tayo at pumasok sa kwarto para magbihis. Siya
naman, ayun tawa ng tawa.
to be continued...
Chapter Eight
*But you didn't have to cut me off... Make out like it never happened and that we
were nothing...*
Ayan na naman. Pang limang tawag na yan. Baka importante masagot na nga!
Ella
Sino naman kayag Ella to? Wala naman siyang nababanggit na ganitong pangalan saken
pag nagkukwento siya.
"Hello?"
"Hello? Sino to? Nasan si Maico?" sagot nung nasa kabilang linya.
"Babae ka ba niya ha??" parang maiiyak na sabi niya di pa man ako tapos magsalita.
Napatingun bigla ako sa telepono ni Maico. Ako? Babae ni Maico? Parang ganun na rin
di ba pag GF?
Little bird?? May ibon ba siyang alaga? Di ba dala niya naman? Hahaha yung isip ko
anubayan!
Dalawampung minuto na ang lumipas simula nang makipagusap siya sa Ella na yun.
Bakit ang tagal naman yata? Tumayo na ako para puntahan siya. Mukha namang hindi
mahalaga ang pinaguusapan nila eh.
"Ok take care of your self. Love you!" sabi ni Maico saka pinindot yung end button.
"Let's sleep?" lumapit siya at umakbay sa akin. Humalik siya sa buhok ko at inakay
na ako papasok uli sa kwarto.
Mukhang masaya siya ngayon ah. Mas masaya kesa kanina. Nakausap niya lang yung Ella
na yun naging ganyan na ang mood niya.
Humiga na siya sa kama at nahiga na rin ako. Yumakap siya sa akin at maya maya pa
eh tulog na siya. Ganyan siya lagi pag dito natutulog. Parang napakagaang ng
pakiramdam. Kahit naman ako eh. Mas nagiging maayos ang tulog ko pag kasama ko
siya. Ipinikit ko na ang mga mata ko at nahimbing.
____________
"Yey! Sa OB ko. Ayoko pumunta mag-isa eh. Alam mo naman si Jace di pa pwedeng
magpagod. Tapos si Mama naman kasama ni Papa sa Singapore."
"Oo na ang dami mong sinabi! Sasamahan naman kita eh!" sabi ko.
Napailing na lang ako nang ilapag ko yung CP ko sa mesa. Nandito pa ako sa opisina.
Alas cuatro y media pa lang eh. Thirty minutes pa bago ang uwian. Di pa ako
nakakabalik sa ginagawa ko nang mag-ring ulit yung CP ko. Di ko na pinagkaabalahang
tignan kung sino. Malamang may nakalimutang sabihin yung si Lana. Ganun naman yun
lagi eh.
"Oh Lana may nakalimutan ka?" sabi ko agad pagkapindot ko sa answer button.
"Ahhmm BFF? Si Mica to!" mejo alanganing sabi ng nasa kabilang linya.
"Oh Mica! Ikaw pala yan. Sorry ha akala ko kasi yung kaibigan ko ulit."
"It's ok. Anyways, free ka ba mamaya? Kita naman tayo oh. Kailangan ko lang ng
mapaglalabasan ng sama ng loob."
"Wow thanks! Sa Galleria na lang sa Starbucks." aniya saka binaba yung telepono.
To: Beast
From: Beast
To: Beast
Di na siya nagreply. Mukhang di naman siya pumayag. Aisshh bahala na nga siya.
Basta pupuntahan ko si Mica mamaya.
__________
"Ako na." aniya sabay tayo. "Ako naman nagyaya eh. Ako ulit ang taya. Anong gusto
mo?"
Umupo na ako at hinayaan na lang siyang bumili. Syempre sino ba naman ako para
tumanggi sa grasya di ba?
Ilang minuto din ang lumipas at bumalik siya bitbit ang pagkaen.
From: Beast
Napakunot ang noo ko. Tsk! Sinabi ko na kaninang wag na akong sunduin eh. Ang kulit
naman. Ilang beses ba itong pinanganak??
To: Beast
Sabi ko naman wag mo na akong sunduin di ba? Kasama ko na si Mica. Sige na itetext
na lang kita pagkauwi ko.
"Haiisst yang mga lalaking yan sakit talaga sa ulo! Hiwalayan mo na yan.
Ipapakilala na lang kita kay Kuya Mike. Naku magugustuhan mo yun for sure." tuluy-
tuloy na sabi niya.
Eh? Hiwalayan agad?
"Hindi naman ganun kadali yun. Saka mahal ko yung boyfriend ko." sabi ko.
"Hmmp! Yang love love na yan ang nagpapasakit ng ulo ko ngayon noh!"
"Yung boyfriend ko kasi. May babae. Nakakainis talaga! Pumunta pa ako dito sa
Pilipinas para sa kanya tapos ganun lang ag malalaman ko." aniya saka tumulo yung
luha.
"Tahan na. Makakahanap ka pa ng iba jan. Wag mong pag-aksayahan ng luha yang BF mo.
Sa ganda mo ba namang yan eh siguradong maraming magkakagusto sayo." alo ko sa
kanya.
"Buti na lang talaga nanjan ka. Wala kasi talaga akong mapaglabasan ng sama ng
loob."
__________
Nakasakay na ako ng taxi pauwi. Di na ako naihatid ni Mica kasi wala din naman yung
kotse niya. Kinuha ko yung CP ko. Ang daming missed calls at text messages galing
kay Maico. Patay na!
Eh bakit ba? Di ba ako pwedeng maglibang. Di naman umiikot ang mundo ko sa kanya
ah!
Nakabukas yung pinto ng condo pagdating ko. Nakita ko si Maico na nakaupo sa sofa.
Tumingin sya sa akin at ngumiti. Eh? Di siya galit?
"Hmmm?"
"Bakit naman ako magagalit? Sorry ha, napagisip-isip ko kasi habang wala ka pa na
mukhang nahihigpitan na kita masyado. Naga-alala lang naman ako eh."
"Yeah I know. Pero syempre di pa rin maiiwasan yun. Ay wag mo na ngang isipin yun."
aniya saka humiga sa lap ko.
"Nope." aniya.
Ilang minuto rin kaming tahimik. Tinignan ko yung mukha niya. Nakapikit siya at
halatang pagod na pagod. Hinaplos ko ang mukha niya at napangiti. Ang gwapo talaga
ng boyfriend ko. Kaya naman na-inlove ako dito unang kita ko pa lang eh.
to be continued...
Chapter Nine
"Jacky! Kakain ka na? Sabay na tayo." nakangiting sabi saken ni Anthony habang
sumasabay siya sa paglalakad ko papuntang pantry.
"Ahmmm... ano..." di ko alam ang sasabihin ko. Wala naman kasi akong kasabay sa
pagkaen eh. Pero sabi kasi ni Maico iwasan ko na siya.
Ano bang dapat kong idahilan? Na ayaw ko siyang kasama? Parang ang rude naman ng
dating ko nun. Eh kung sabihin ko na lang yung totoo na pinapaiwasan siya ni Maico
saken? Ay wag din lalabas namang masama si Maico!
Nagsimula na kaming kumain. Pareho naman kaming may baon kaya di na kailangan pang
bumili.
Tahimik lang ako habang siya naman eh nagkukwento. Di ko nga naiintindihan kasi di
ko naman talaga yun pinakikinggan. Iniisip ko kasi si Maico. Kahit na sabihin pang
wala naman akong ginagawang masama eh nangako pa rin ako sa kanya.
"Ayaw mo saken. Alam ko naman yun eh. Di ko lang talaga mapigilan ang sarili kong
lapitan ka. Sorry ha." aniya saka umalis.
Tinignan ko na lang siya habang palayo. Na-guilty naman ako. Ang bait niya sa akin
tapos ganun lang ang napala niya. Hindi naman sa ayaw ko sa kanya eh. Gusto ko
siyang maging kaibigan. Ayoko lang ng komplikasyon. Lalo na at may kinalaman kay
Maico.
Pero anong sabi niya? Di niya mapigilang lapitan ako? Kung ganun... totoo yung
tsismis! May gusto talaga siya sa akin? Parang ang assuming ko naman ata masyado.
__________
Di ako mapakali. Alas onse na kasi di pa ako makauwi. Ito naman kasing si Mica eh
naglalasing ngayon. Nakipaghiwalay na daw kasi sa kanya ng tuluyan yung boyfriend
niya.
Nandito kami ngayon sa Banchetto. Siya lang naman ang umiinom. Taga ubos lang ako
ng pulutan niya. May allergy kasi ako sa alak kaya kahit na anong pilit niya, di
ako uminom.
"A-at alam mo ba? P-pinagtataguan pa ako ngayon! Out of town daw! Pshhh. If I know,
out of home lang yun! Nandun yun sa babaeng kinakalantari niya!" anya habang
umiiyak sabay lagok ng alak.
"Tahan na Mica, makakahanap ka pa ng iba jan. Sa ganda mong yan." sabi ko habang
hinahagod ang likod niya.
"Bakit ganun Jacky? Ano pa bang kulang saken? Kung ikaw siguro ako di pa ako
magtataka eh. Pero ako?..." aniya sabay turo sa sarili niya.
Dagukan ko kaya ito? Kahit hindi direkta eh nilait ako! Naku! Pasalamat siya't
sinasamahan ko pa siya eh.
"Tara na. Ihahatid na kita sa tinutuluyan mo." sabi ko sa kanya. Tumayo na ako at
hinawakan siya sa braso.
"Ayokong umuwi dun marami siyang picture sa kwarto ko mahihirapan lang ako!" parang
batang sabi niya. Nagmamaktol pa.
"Pero di naman pwedeng magdamag tayo dito. Saka lasing na lasing ka na oh."
Sa totoo lang, nagaalala na ako sa kanya. Pulang pula na siya at hindi na diretso
yung pagsasalita niya. Mula pagdating ba naman eh di na tinigilan ang pag-iinom. Di
ko na nga nabilang kung naka ilang bote siya sa dami nun eh.
Paano ba ito? Anong gagawin ko sa babaeng ito? Alangan namang iwan ko na lang
basta. Aiisshh! Nakakainis naman oh! Baket ba kasi napasubo pa ako sa pagsama sa
baliw na ito?
"Sige na, sige na! Dun ka muna sa akin tumuloy ngayong gabi."
Ngumiti siya sa akin na namumungay yung mata. Tsk. Lasing na lasing talaga. Buti na
lang bakante na yung isa pang kwarto. Yung dating gamit ni Lana.
Tumayo na siya mula sa pagkakaupo. Nagulat ako nang muntik na siyang bumuwal. Buti
na lang naagapan ko.
__________
Ngawit na ngawit na yung braso ko. Paano ba naman kasi, di na talaga nakakatayo ng
husay itong si Mica. Inaalalayan ko siya mula pagbaba ng taxi hanggang paakyat sa
unit. Buti sana kung magaang siya eh. Eh kapayat na babae sobrang bigat!
Dahil walang choice, pinatabi ko na lang siya sa akin matapos ko siyang linisan at
palitan ng damit. Grabe kaloka! Parang ginawa akong yaya! Mas malala pa ito kesa
dati kay Maico eh! Kahit paano kasi nakakalakad payun kahit pasuray-suray. Saka
hindi ako sinukahan nun.
Speaking of Maico. Oo nga pala! Ngayon na ang balik niya from out of town! At ang
sabi niya eh dito siya didiretso.
Hihintayin ko na lang muna siya sa sala. Babangon na sana ako nang biglang yumakap
si Mica sa akin. Sobrang higpit ng pagkakayakap niya kaya di ako makaalis.
Pilit ko yung niluluwagan pero lalo lang niyang hinihigpitan. Pati yung hita niya
dinantay niya na sa akin. Uwaahh! Gusto kong antayin si Maico!
__________
Nagising bigla ako nang may magbukas nang ilaw. Di ko na namalayan na nakatulog na
pala ako. Sa sobrang pagod na rin siguro.
Mejo nakapikit pa ako dahil nasisilaw ako sa liwanag. Hinahanap ko kung sino man
yung nagbukas ng ilaw.
Tatayo na sana ako para lumapit sa kanya nang mapagtanto ko na nakayakap pa rin sa
akin si Mica. Nakadapa siya sa higaan habang nakadantay yung kaliwang braso at
kaliwang hita nya sa akin.
Dahan-dahan ko yung inaalis para di siya magising. Pero bago ko pa man maalis yun
eh nakalapit na si Maico.
"Sino yan?" tanong ni Maico sa malalim na boses. Di niya nakikita si Mica kasi
kalahati lang ng ulo yung nakalabas mula sa kumot.
Nagulat ako nang hilahin niya ako patayo. Umungol bigla si Mica at tumihaya.
Naalimpungatan marahil dahil sa paghila ni Maico sa akin.
Nabaling ang atensyon ni Maico kay Mica. Habang tinitignan niya ito sa mukha eh
nanlaki yung mga mata niya. Halatang nagulat siya pagkakta kay Mica.
"Ahmm... siya kasi yung sinasabi ko sayong kaibigan ko. Eh lasing na lasing kasi
kaya dito ko na muna dinala." paliwanag ko kay Maico.
"Psss."
Ako ang mas nagulat nang hapasin ni Maico sa hita si Mica.
"Hoy! Gumising ka nga jan!" si Maico habang patuloy sa paghampas at pagyugyog kay
Mica.
"Eeeehhh! Ano ba?!" sigaw ni Mica habang nakapikit pa rin. Winasiwas pa yung kamay
niya at pinapaalis nkung sino man ang nangiistorbo sa tulog niya.
"Isa! Wag mong ubusin ang pasensya ko! Michaela!" aniya sabay hampas ulit sa hita
ni Mica.
Magkakilala sila?!
Biglang upo si Mica nang hampasin ulit siya ni Maico. Dumilat siya at tinignan si
Maico. Pagkuwan eh parang batang nagdabog siya.
"Momyyyyyy!!" sigaw bigla ni Mica. "Si Kuya nanggugulo! Ehhhhhhh!" aniya habang
nagdaadbog pa rin. Sinisipa sipa niya pa yung mga paa niya. Para siyang batang
inagawan ng candy.
Pagkasabi nun ni Maico eh natigilan si Mica. Tumingin siya sa paligid niya. At nang
mapatingin siya sa akin, nginitian ko lang siya. Tila napahiya naman yung hitsura
niya habang nakaharap sa akin.
"Baket mo pa ba ako sinundo dito? Umalis ka na nga! Dito muna ako kay best friend
Jacky ko!" humiga ulit siya at nagtalukbong.
"Psss. Sinabi ko nang bumangon ka jan! Pwesto ko yan eh! Dun ka sa kabilang
kwarto!" ani Maico sabay hila sa kumot.
Kumunot yung noo ni Mica saka tumingin sa akin. Tula nagtatanong yung expression
niya kung anong ibig sabihin ni Maico.
Ngumiti ulit ako sa kanya saka ko tinuro si Maico gamit yung hinlalaki ko.
to be continued...
Chapter Ten
"Mica... gising na. Nakapaghain na ako ng agahan." sabi ko habang niyuyugyog si
Mica.
Dito rin siya natulog sa higaan ko. Di naman kasi pwede sa kabilang kwarto kasi
sinukahan niya yung kama. Di ko rin naman maatim na patulugin siya sa sofa. Kaya
ang set-up namin, si Maico-Ako-Mica. Pinagitnaan nila ako. Pareho pang gustong
nakayakap kaya di ako nakatulog ng maayos. Para silang nagaagawan sa laruan.
Sobrang nakakagulat na si Maico pala yung sinasabi ni Mica na Kuya niya na gusto
niyang ipakilala. Nakakatuwa lang, nagkapalagayan na kasi kami ng loob. Ang sarap
sa pakiramdam na ka-close ko ang isa sa bahagi ng pamilya ni Maico. Pakiramdam ko
magiging bahagi na rin ako nun balang araw.
Bumangon na rin si Mica pagkatapos ko siyang yugyugin ng mga sandaang beses. Tulog
mantika aisssh! Kung di lang talaga to malakas saken eh!
"Ano ka ba! Nanjan yung kapatid mo oh. Bumitaw ka nga!" pabulong pero mariin kong
sabi sa kanya.
"Wag mo ngang pansinin yang batang yan." aniya saka humalik sa pisngi ko. Naman oh!
Nakakahya kaya kay Mica!
Nang umupo kami ni Maico eh nakayuko si Mica. Akala mo eh maamong tupa. Patuloy pa
rin siya sa pagkaen. Nagsimula na ring kumaen si Maico. Tahimik lang kami hanggang
sa matapos si Mica at akmang tatayo na.
Agad namang bumalik sa pagkakaupo si Mica at yumuko ulit. Halatang takot siya sa
Kuya niya.
Sinamsam ko na ang pinagkainan habang nakaupo pa rin sila at walang nagsasalita.
Nagsimula na akong mag-urong ng plato nang magsalita si Maico.
"Di ba sinabihan na kita na layuan mo na yung lalaking yun! Ang tigas talaga ng ulo
mo eh."
"At sino naman ang nagturo sayo na mag-inom ha? Pasalamat ka na lang na nandun si
Beauty. Kundi eh baka napaano ka na!" pagpapatuloy ni Maico.
"Oo. Beauty. Si Jacky. Yung girlfriend ko. Paano na lang kung wala siya? Di ka
talaga nag-iisip!"
"Psss."
"Bilang parusa mo, linisin mo itong buong unit ni Jacky. Kung hindi, ipapuputol ko
lahat ng card mo."
"Pero Kuy..."
"Walang pero pero! Aalis kami ni Jacky. At gusto ko pagbalik namin mamayang gabi
malinis na dito. Naiintindihan mo ba?"
Weee! Ang saya naman! Matagal ko nang gustong mamasyal ulit kasama siya. Napangiti
ako sa pagsang-ayon nang may maalala.
"Naku! Nakapangako nga pala ako kay Lana na sasamahan ko siya ngayuon sa OB. Alam
mo naman di ba Di pa pwedeng bumiyahe si Jace."
Lumungkot bigla yung mukha ni Maico. Nakita ko naman sa gilid ng mata ko na impit
na tumatawa si Mica. Nakakatawa naman kasi talaga yung hitsura niya.
"Kung gusto mo samahan mo na lang muna kami. Tapos pagkahatid natin kay Lana saka
tayo gumala." sabi ko sa kanya. Agad namang lumiwanag yung mukha niya at tumango.
__________
Sinalubong kami ni Lana pagkarating namin sa bahay nila. Since buntis siya eh di na
siya pinayagang mag-drive ni Jace kaya naman sinundo namin siya.
"Pasok muna kayo. Magbibihis lang ako. Napa-aga ata kayo ah." nakangiting sabi ni
Lana.
"Ito kasing si Maico nagmamadali eh. Wala naman akong magagawa kasi siya yung magd-
drive." kung hindi sana namin kasama si Maico ngayon eh magco-commute lang kami ni
Lana. Maige na rin na kasama namin siya.
Naabutan namin si Jace sa sala. Di na siya naka wheel chair pero may hawak pa rin
siyang tungkod.
Tumayo siya pagkakita sa amin. Pero dahan-dahan yun. Halatang sinasanay niya pa
yung mga hita niya. Matagal rin siyang naratay sa upuang de gulong eh.
Tumawa siya nang malakas. Mukhang masayang-masaya siya. Ang sabi ni Lana eh babalik
na ulit sa trabaho si Jace sa isang buwan.
"Maupo kayo." tinuro niya yung sofa saka umupo na rin siya. "Sino ba namang hindi
lalakas kung tulad ni Lana ang nag-aalaga di ba?" aniya pa. "Saka kailangang
magaling na ako ng lubusan pag labas ng anak ko."
"Kelan ba ang labas ng anak niyo? Naku dapat Ninong ako nyan ha!" si Maico.
"Dalawang buwan na lang. Naku, syempre naman Ninong at Ninang kayo ni Jacky."
"Naku hindi na Jace! Kakaken lang namen. Syempre di naman pwedeng di ako ipagluto
nitong Beauty ko di ba?" tumatawa pang sabi ni Maico habang pinipisil ang pisngi
ko.
Natawa rin sina Lana at Jace. Tingin ko dahil sa tawag saken ni Maico. Pansin ko
lang kasi, sa tuwing may kasama kami at tinawag niya akong Beauty tumatawa sila eh.
__________
Matapos naming manggaling sa OB ni Lana eh sinama muna namin siya sa park. Malapit
na kasi yun sa ospital kaya pumunta na muna kami dun bago ihatid si Lana pauwi.
"Wow! Ang saya! Ngayon na lang ulit ako nakapunta sa park. Simula kasi nung
aksidente ni Jace eh dun lang kami sa bakuran. Di ko naman kasi siya madala sa
ibang lugar."
"Eh baket di niyo isama yung therapist niya para naman makagala kayo." sabi ko.
"Hay naku. Alam mo naman yang si Jace may kaartehang taglay. Mas gusto niyang ako
yung mag-alaga sa kanya kaya pumupunta-punta lang sa bahay yung therapist niya."
Napangiti na lang ako. Oo nga sinabi na ni Lana yun. Pasaway si Jace. Mas gustong
siya ang mag-alaga. Muntanga lang eh buntis nga si Lana.
Napaangat ang tingin ko kay Maico. Ang tahimik niya ata? Kanina lang ang daldal
niya eh.
Nakita kong nakatitig siya kay Lana. Partikular dun sa tiyan nito.
Ano kayang iniisip niya? Iniisip niya kayang sana siya yung ama nun?
Maya-maya eh ngumiti siya habang nakatitig pa rin kay Lana. Mejo yumuko siya at
lalong lumapad ang ngiti. Nagulat ako nang bigla siyang lumingon sa akin at pa-
smack na humalik sa mga labi ko.
Ano ba yan! Palaisipan pa tuloy saken ito. Ano kayang iniisip niya kanina? Baket
ganun na lang siya kung makangiti?
to be continued...
Chapter Eleven
Ngiting-ngiti si Maico habang nagd-drive. Kakahatid lang namin kay Lana at papunta
kami ngayon sa restaurant para mag hapunan.
Lumingon siya sa akin bakas pa rin yung ngiti sa labi niya saka umiling.
"Ano yan nababaliw ka na? Ngumingiti ka ng walang dahilan?" nakanguso pang tanong
ko sa kanya.
Narinig ko yung mahinang pagtawa niya. Humarap na lang ako sa labas ng kotse para
di ipakitang napapangiti na rin ako. Ang cute lang kasi pakinggan ng tawa niya eh.
"Secret!" tumawa siya ng malakas pagkasabi niya nun. Ako naman, tinignan ko siya ng
masama. Paasa masyado! Akala ko pa man din sasabihin niya saken yung iniisip niya!
Tawa lang ang sagot niya sa paghampas ko kaya hinampas ko ulit siya ng hinampas.
__________
Tahimik pa rin kami habang kumakain. Di ako nakaimik sa sinabi niya kanina. Gusto
niya nang magka-baby? Pero di siya nagbanggit ng kahit na ano tungkol sa kasal. Ano
ako palahiang baboy?
Pero teka nga, assuming naman ako masyado. Wala naman siyang sinabing gusto niyang
magka-baby saken ah? Aiishh. Pero ako ang girlfriend niya! Malamang saken niya
gusto magkaanak di ba? Ang gulo ko kausap ko na naman ang sarili ko.
"Eh bakit bigla ka na lang umiiling jan? Tapos parang bumubulong ka pa?" naaaliw na
sabi niya.
Tinignan ko siya ng masama. Itinikom niya yung bibig niya pero kitang-kita naman
yung pagpipigil niyang tumawa. Nakatitig lang ako sa kanya ng masama habang siya
naman eh umiiling na parang sinasabin "wala akong ginagawa".
Humiga muna siya ng malalim saka tila nag-isip. Nakatitig siya saken na parang di
alam kung paano sasabihin kung ano man yung gumugulo sa isip niya.
Nag-gesture ako sa kanya na nagtatanong kung ano yung sasabihin niya habang patuloy
pa rin ako sa pag-nguya.
Ano namang ayaw ko? Ang gulo naman ng tanong niya! Kung yung pagkaen, kumakain
naman ako ah? Paanong ayaw ko? Aiisshh. Lintyak naman tong BF ko oh!
"Anong ayaw ko?" sabi ko agad pagkalunok nung kinakain ko. Kinuha ko pa yung baso
ng tubog para uminom. Nasa gitna ako ng pag-inom ng magsalita siya.
"Magka-anak. Tinatanong ko kung ayaw mo pang magka-anak. Yun naman ang topic natin
kanina pa ah."
Muntik ko nang maibuga yung iniinom kong tubig. Napatayo siya bigla ng makita niya
akong tila nabulunan. Nabulunan sa tubig? Seriously, Jacky?
Tumango ako bilang sagot. Nakakagulat naman kasi yung tanong niya. Wagas na wagas
eh!
Bumalik na siya sa upuan niya ng makasiguro siyang maayos na ako. Tumingin siya sa
mga mata ko na tila naghihintay ng sagot.
"Bakit naman kasi ganun ang tanong mo!" yan ang nasabi ko.
Halatang nadismaya siya sa sinabi ko. Alam ko namang gusto niyang marinig eh "oo,
gusto ko na ring magka-anak". Pero hello? Wala man lang ba munang "will you marry
me?" anak agad-agad?
Natahimik na lang siya. Di na niya inungkat yung tanong niya na yun hanggang sa
umuwi na kami.
__________
Malinis ang buong unit pagdating namin. Mukhang sineryoso ni Mica yung banta ni
Maico kanina. Pati sahig sobrang kintab. Ayos ah, marunong naman palang maglinis
eh.
"Kumain ka na ba Mica?"
"Yep! Nilubos ko na yung paglilinis ko dito. Nagluto na rin ako." nakangiting sabi
ni Mica.
"Wag kang nagpapaniwala jan. Umupa yan ng maglilinis dito. Ni hindi nga yan
marunong magwalis eh." ani Maico.
"Hehe." si Mica. Nakakaloko yung ngiti niya. Bumitaw siya sa pagkakakapit sa braso
ko at lumipat kay Maico. "Malinis naman na dito oh. Ok na tayo ha Kuya? I love
you!" aniya pa sabay yakap.
"Ayyy. Lumayo-layo ka nga saken." ani Maico habang hawak sa ulo si Mica at nilalayo
sa kanya.
Bumitaw naman si Mica. Sumimangot siya na parang bata na ayaw bigyan ng candy.
Ngumiti ng malapad si Mica saka yumakap ulit kay Maico "thank you Kuya!!"
__________
Katabi ko ngayon si Maico. Ayaw kasing umuwi. Dito daw siya matutulog at gusto niya
akong kasama. Yung walang nakikiagaw na isip-bata. Yan mismo sinabi niya kanina. Si
Mica naman, nasa kabilang kwarto. Ayaw ding umuwi.
Di siya nagsalita pero naramdaman ko ang mga labi niya sa buhok ko. Pati yung
kanang kamay niyang nakayakap sa akin umangat at dinadama ngayon ang kaliwang
dibdib ko. Mukhang seryoso talaga siya sa sinasabi niya kanina na gusto niya ng
anak. Naku naman eh hindi pa ako handa! Saka wala ba talaga munang kasal??
Hinawakan ko yung kamay niya para sana alisin yun pero napatigil ako ng maramdaman
ko naman ang labi niya sa batok ko. Damang dama ko rin yung sandata niya na
tumutusok sa likod ko. Mukhang di na talaga ito papipigil. Kunsabagay, mula nang
bumalik siya at naging kami eh di pa kami nagsiping ni minsan. Oo magkatabi kami
pero walang nagyayari. Magkayakap lang kami magdamag.
Iniharap niya ako at nagsimula siyang halikan ang mga labi ko. Sabik na sabik siya
na tila mauubusan. Akmang aalisin niya ang blouse ko ng bumukas ang pinto. Agad
akong kumawala sa yakap niya. Buti na lang at madilim. Mukha namang di niya
napansin na gumagawa kami ng milagro.
"Patulog dito. Natatakot ako sa kabila eh." may takot pa sa boses ni Mica.
"Eh kasi naaalala ko yung pinanood kong horror kanina eh. Natatakot ako. Dito muna
ako Ate Jacky, please."
Saglit muna akong natahimik pero sumagot din. "Ok. Mahiga ka na dito."
to be continued...
Chapter Twelve
Pabiling-biling ng higa si Maico. Di ata makatulog, pati tuloy ako nadadamay. Itong
katabi ko sa kaliwa naman tulog na tulog na. Ni hindi man lang naaapektuhan ng
kalikutan ni Maico.
Tumingin pa siya kay Mica at kita yung inis sa mukha niya. Pagka-alis niya ng
tingin eh nagmaktol na naman.
"Maliligo na muna ako." padabog pa rin yung pagtayo niya saka dire-diretsong
pumasok sa banyo.
Pero ayos na rin yun. Di ko pa kasi talaga napapagdesisyunan yung guto niya eh.
Syempre sino ba namang babae ang gusto na magbuntis muna bago kasal?
Hindi kaya niya iniisip ang kasal? Ayaw niya bang mag-asawa? Anak lang?
__________
Hindi ako mapakali sa suot ko, nai-make over kasi ako ni Mica kahapon nung umalis
si Maico eh. Ang sabi niya mas gusto ng Kuya niya ang ganitong ayos.
Ayoko sana kaso naisip ko, bakit ayaw akong alukin ng kasal ni Maico? Di ba ako
presentable at hindi bagay na ipakilala bilang asawa? Kung titignan nga naman kasi
mukha akong katulong niya. Kahit na sinasabi niya pa na maganda ako, alam ko pa rin
naman ang totoo.
{flashback}
“Baket ganyan mga damit mo Ate?” Ate na ang tawag niya sa akin since GF naman daw
ako ng Kuya niya.
“Hay naku Ate, alam mo bang mas gusto ni Kuya sa babae yung maayos sa pananamit?
Yung tipong pang-model ang dating? Lahat ng na-link jan ganun! Yun nga lang wala pa
siyang pinakilala samen ni Mommy. Nababalitaan ko lang sa tabi-tabi.”
Napatingin ako sa sarili ko. Yung pang-model? Meaning, yung kabaligtaran ko? Naisip
ko yung mga babaeng na-link sa kanya. Ano kaya ang hitsura nila? Yung pang-model na
sinasabi ni Mica?
Di na ako nakapalag sa kanya. Dinala niya ako sa tinitirhan niyang condo unit at
sinuotan ng mga damit niya. Pareho kami ng size kaya lahat yun kumasya.
Ipinahiram niya saken lahat ng damit niyang pwedeng ipamasok sa opisina since di
niya naman daw ginagamit ang mga iyon. Nag-aaral pa siya. Nakapagtataka lang na may
mga ganito siyang damit tapos di naman nagagamit. Naga-aksaya lang siya ng pera.
Mga mayayaman talaga.
Dahil sa collection yung sapatos niya, di niya ako pinahiram. Bagkus eh dinala niya
ako sa mall at ibinili ng dalawa. Regalo niya na daw yun saken at pasasalamat na
rin sa mga tulong ko sa kanya.
Pati pagdala niya sa akin sa salon sinagot niya. Masaya daw siya na ginagawa niya
ito para sa future ate niya. Sa totoo lang masaya ako sa ginnagawa niya.
Nararamdaman kong tanggap na tanggap ako sa pamilya nila. Sana ganito rin ang
maging reaksyon ng Mommy nila pag nakilala ako.
{end of flashback}
"Witwiw!" ani isang ka-opisina kong lalaki na pumukaw sa lumilipad kong isip.
Ngumiti lang ako sa kanya saka nagpatuloy sa paglalakad. Marami pa akong nadaanan
na sumisipol pagkakita sa akin.
"Ganda natin ngayon ah!" napatingin ako sa kasamahan kong babae nang magsalita
siya. "Anong meron?" tanong pa niya.
"Bakit pusturang pustura ka? Infairness ha, lumabas ang tunay mong ganda!"
"Naiilang nga ako eh. Parang ang sikip-sikip. Saka itong sapatos sobrang taas
pakiramdam ko tutumba ako.” sagot ko. Itinaas ko pa ng bahagya ang isang paa ko
para ipakita yung sapatos.
“Kita mo 'tong Aleng 'to! Susuot-suot ng ganun tapos magrereklamo!” aniya sabay
tawa. “Siguro natatakot ka lang na may maka-agaw sa Super Hot mong boylet kaya
nagbagong anyo ka noh?” pagpapatuloy niya pa.
“Hindi noh! Di naman yun tumitingin sa panlabas na anyo.” defensive na sagot ko.
Pero bakit nga ba ako nagpa-ayos ng ganito? Di ba dahil iniisip kong mas
magugustuhan ito ni Maico? Na maipagmamalaki niya ako sa lahat bilang girlfriend
niya?
“Mukhang malalim ang iniisip natin ah?” napaangat ako ng tingin. Si Anthony,
bumalik na yung dati niyang ngiti tuwing binabati ako.
Simula kasi nung eksena sa pantry eh umiwas siya saken. Di niya na ako binabati
tuwing makakasalubong ko siya. Di na rin siya nakikitabi sa pantry kahit na pareho
naman kaming walang kasama.
“Salamat.”
May katagalan ang katahimikan na namagitan sa amin hanggang sa siya na mismo ang
bumasag nun, “sorry dun sa inasal ko nung nakaraan.”
Tinignan ko siya sa mga mata. Sobrang sincere nun, “ayos lang yun. Wala ka naming
ginawang masama kung tutuusin.”
Ngumiti siya. “Pero totoo yung sinabi ko nun. Di ko talaga maiwasang lapitan ka.
Nakita mo namang pinilit ko di ba? Pero heto ako ngayon nasa harapan mo na naman.”
tuluy-tuloy na litanya niya.
Natahimik na lang ako. Hindi ko alam kung ano ang dapat sabihin sa kanya.
“Alam ko namang wala akong aasahan sayo Jacky. Pero sana hayaan mo na lang akong
maging kaibigan mo. Wag mo sana akong iwasan.” may pagsusumamo sa tono ng
pananalita niya.
Wala naman sigurong masama kung nakikipagkaibigan lang siya di ba? Maiintindihan na
siguro yun ni Maico.
Tumango ako bilang sagot. Sabay nun ay ang malapad niyang ngiti.
“Salamat Jacky!” inabot niya ang lamay ko at mahigpit na pinisil. “Sige mauna na
ako.” Aniya pa sabay lakad palayo.
__________
“Ba’t ganyan ang ayos mo?” kunot-noong bungad saken ni Maico pagkakitang-pagkakita
niya saken nang sunduin niya ako.
“Di ba bagay?” sabi ko sabay tingin pa sa suot ko. Di ito ang inaasahan kong
magiging reaksyon niya. Ang akala ko matutuwa siya. Pero bakit parang may galit pa
sa tono niya?
“Bagay naman.” Tila labas sa ilong na sabi niya, “sakay ka na.” aniya pagkabukas
niya ng pinto ng passenger’s seat.
Tahimik lang ako habang pauwi. Ano kayang iniisip niya? Bakit taliwas yung reaksyon
niya sa inaaasahan ko?
“Ahhm, Beast…” sabi ko pagkapasok pa lang naming sa condo. “di mo ba nagustuhan ang
ayos ko?” di ko napigilang itanong.
Tumitig muna siya sa akin ng ilang segundo saka nagsalita. “Maganda ka naman kahit
na anong ayos mo eh. Di lang siguro ako sanay na Makita kang ganyan.” aniya pa saka
ngumiti. Yung ngiti niya hindi umabot sa mata.
Tumingin siya sa relo niya, “may dinner meeting ako Beauty eh. Next time na lang.
Sige kailngan ko nang umalis baka ma-late pa ako.”
Ngumiti siya at saka humalik sa mga labi ko. Di niya pa hiniwalay ang noo siya sa
noo ko pagkatapos ng halik. Nakapikit pa siya na tila nanaginip lang.
Ilang saglit din eh kumilos na siya. Hinaplos niya muna ang kanang pisngi ko saka
umalis.
to be continued...
Chapter Thirteen
Dito ako natulog sa condo niya. Dapat kasi magdi-dinner kami kagabi kaso nagkaroon
na naman siya ng biglaang meeting. Ilang araw na rin kaming di masyadong
nagkakasama. Lagi na lang kasi siyang busy eh. Kaya gusto ko sana siyang i-surprise
ngayon.
Tinignan ko si Maico saka ngumiti pero napalitan din yun ng pagkunot ng noo ko.
Naka-bihis pa rin siya. Kararating niya lang ba? Iniisip ko kasi kanina na di niya
lang ako ginising nang dumating siya kagabi.
"Ngayon ka lang dumating?" sabi ko na may halong pagtataka. Ang sabi niya kasi
dinner meeting lang ang pupuntahan niya tapos inabot siya ng ganitong oras.
"Yeah. Lika nga dito." inilahad niya yung mga braso niya para yakapin ako. Agad
naman akong lumapit sa kanya at yumakap. "Ang sarap naman ng feeling na makita ka
dito. Kanina pa kita iniisip eh." aniya at lalo pang hingpitan ang pagkakayakap sa
akin.
"Sinundo ko si Mommy sa airport. Biglaan nga yung punta niya dito eh. Hinatid ko
pati sa hotel." aniya habang nagaalis ng damit. Umiwas agad ako ng tingin nang
hubarin niya yung polo niya. Mahirap na baka kung ano magawa ko sa pandesal niya.
"Talaga? Ahmmm Beast..." ibinitin ko yung sasabihin ko. Gusto ko lang kasi talaga
itanong sa kanya kung ipapakilala niya ako. Pero nakahiyaan ko na lang.
"Beauty?" aniya. Mukhang tinatanong niya kung ano yung sasabihin ko.
Ngumiti muna siya saka nagsalita. "Kaya gustung-gusto kong gumigising sa tabi mo
eh. Maalaga ka masyado. Kahit ano na lang Beauty, basta ikaw ang nagluto."
Ipinag prito ko siya ng daing at nag-sinangag din ako. Dala ko pa kagabi itong
daing na galing sa probinsya. Alam ko kasing paborito niya ito.
"Wow ang bango! The best talaga ang Beauty ko!" aniya yumakap at humalik pa sa mga
labi ko bago naupo.
"Alam mo, nature na sa mga lalaki ang maging bolero pero pagdating sayo nagsasabi
lang ako ng totoo." aniya sabay subo ng pagkain.
Naupo na rin ako at sinabayan siya sa pagkain. Lately, parang kakaiba yung mga
kilos niya. Nakakapanibago. Kanina nga lang siya naging sweet ulit. Simula nung una
niya akong nakita na nagbagong bihis naging ganun na siya. Ayaw niya siguro talaga
sa bago kong hitsura.
Nakakalungkot lang dahil nag-effort akong maging ganito para sa kanya tapos di niya
naman pala maa-appreciate.
"Sus." inilapit niya pa yung mukha niya sa akin. "Gusto mo na rin?" ginalaw galaw
niya pa yung mga kilay niya paitaas.
"Baby." pabulong na sabi niya saken. Nanlaki yung mata ko sa sinabi niya na
nagpatawa naman sa kanya ng malakas.
"Shower lang ako." hinawakan niya pa yung baba ko saka tumayo at umalis ng hapag.
__________
Kakatapos ko lang mag-shower at nandito ako sa sala. Nagbabas na muna ako ng libro
na nakita ko sa kwarto ni Maico. Digital Fortress by Dan Brown.
Yung Beast ko naman, ayun tulog. Di ko naman masisi kasi puyat siya. Galing sa
trabho, meeting, tapos sinundo niya pa yung Mommy niya sa airport. Di man lang
nabanggit ni Maico kung ipapakilala niya ako o ano. Kinakabahan tuloy ako. Paano
kung ipakilala niya ako tapos di ako magustuhan? Parang yung mga napapanud ko sa TV
at nababasa sa libro. Yung minamaltrato ng Mother-in-law yung nobya ng anak nila?
Ayyys. Yan ang napapala ko sa kakapanood eh. Kung anu-anong pumapasok sa isip ko.
Siguro naman tulad din yun ni Mica na nagustuhan ako sa kabila ng mga kapintasan
ko. Gustong-gusto niya pa nga ako para sa kuya niya eh.
"Ok yung story di ba? Ang galing, mapapaisip ka talaga!" aniya sabay akbay sa akin.
Tumango lang ako at ipinagpatuloy ang pagbabasa. Nasa climax na kasi ako ng story
at talagang nae-excite ako sa mangyayari. Umayos na lang ako ng upo at isinandal
yung ulo ko sa dibdib niya. Naramdaman ko naman yung mga labi niya sa buhok ko pero
di ko pinansin yun. Nag-concentrate lang ako sa pagbabasa.
May ilang minuto na rin kami sa ganung ayos nang biglang hablutin ni maico ang
libro mula sa kamay ko. Napatingin agad ako sa kanya sa nagtatakang tingin.
Problema nito? Nagbabasa ako eh!
"Hey! Nagbabasa ako!" pagalit kong sabi sabay abot sa libro pero itinaas niya yun
para di ko maabot. "Ano ba?!" singhal ko sa kanya. Ang ganda na kasi talaga ng mga
eksena tapos bigla siyang nangi-istorbo.
Tumingin ako sa wall clock ng sala. Alas dies y media ang nakalagay dun. "Matulog
ka lang muna dun. Magluluto ako pag alas once na." tumayo ako para maabot yung
libro at nagtagumpay naman ako. "Shoo! Dun ka muna!"
Tahimik lang siyang nakatitig saken. Di siya kumikilos sa kinauupuan niya. Kita
yung pagtatampo sa mukha niya. Nagbuntong-hininga ako, "ano ba gusto mo? Sige
aasikasuhin na po kita Beast ko." paglalambing ko sa kanya.
Hinila niya ako sa kamay at ibinagsak sa kanya. Bigla niya na lang akong hinalikan
ng mariin. At yumakap pa siya saken ng mahigpit. Di ako makakilos sa ginagawa niya.
Ni hindi ako maka-tanggi sa sobrang diin nun.
Unti-unti rin namang gumaan ang mga halik niya hanggang sa naramdaman ko na lang
ang sarili kong tumutugon. Nagsimula nang maglakbay ang kamay niya sa katawan ko.
Humahaplos ang kaliwang kamay niya sa dibdib ko na nagpasinghap sa akin.
Tila naman hindi siya makapaghintay at inalais niya ng bigalaan ang blouse ko,
isinunod ang bra ko at hinagis na lang yun basta kung saan. Dinampi niya agad ang
mga labi niya sa leeg ko habang ang dalawang kamay niya ay dinadama ang magkabilang
dibdib ko. Di malaman kung san siya hahalik. Sa mukha, sa leeg sa mga labi ko.
Mukha kasing sabik na sabik siya.
Napalakas ang ungol ko nang lumapat ang mga labi niya sa kaliwang dibdib ko. He
sucked my nipple and bit it while his other hand is fondling the other. Di ko
mapigil ang mapasabunot sa luwalhating nararamdaman ko.
Sh*t! Sh*t! Sh*t! As in sh*t talaga! Bakit naman sa lahat ng pagkakataon eh ngayon
pa dumating ang Mommy nya? Ano na lang ang iisipin niya saken?
"Ahhhmm... Wala akong nakita." narinig kong sabi ng Mommy niya. Base sa boses niya,
tanya ko eh nasa 50 na siya. Pero ay poise ang pagsasalita. Mukhang sosyal.
Tatayo sana ako nang pigilan ako ni Maico at lalong hinigpitan yung yakap niya
saken. Nararamdaman kong sumesenyas siya. Marahil ay sa Mommy niya.
"Wag niyo akong alalahanin anak. Ipagpatuloy niyo lang yan." tila naaaliw na sabi
nito. Narinig kong nagsimula siyang maglakad.
"Mom!" si Maico.
"Dun lang ako sa kusina. Ipagluluto ko kayo at siguradong magugutom kayo niyan."
sabi pa nito.
Tahimik lang si Maico. Pero alam kong may something sa tingin niya sa Mommy niya.
Nai-imagine ko tuloy yung hitsura niya na parang sinasabing "makuha ka sa tingin!"
"Ok Ok!" may resignation sa tono ng Mommy niya, "isang oras pwede na?" nag-pause
siya at tila hinihintay ang sagot ni Maico. "Ok fine, two hours. I'll be back."
Agad akong lumayo kay Maico nang marinig ko ang pagsara ng pinto.
"Wag mo ngang isipin yung si Mommy!" tawa pa siya ng tawa habang ako naman eh
pulang-pula sa pagkapahiya.
"Paanong hindi ko iisipin? Ano na lang ang sasabihin niya saken?" nararamdaman ko
na ang pamumuo ng luha sa mga mata ko.
Lumapit siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Iniangat niya ang mukha ko at
tinignan ako sa mga mata.
"Anong iisipin niya sayo? Iisipin niyang ikaw lang ang karapat-dapat na babae para
sa akin." aniya saka humalik sa noo ko.
to be continued...
Chapter Fourteen
"Tapos na?" ani Maico sabay upo sa pwesto niya. Nakapaghain na kasi ako. Para sa
tatlo yung hinain ko sa hapag.
"Parating na rin yun. Bayaan mo siya may susi naman yun eh."
"Wag ka ngang kabahan diyan." si Maico sabay hila sa kamay ko at inilapit sa kanya.
Yumakap siya sa baywang ko habang nakatayo ako sa paharap niya. "Trust me,
magugustuhan ka ni Mommy."
Di na ako nakasagot sa kanya. Sana nga. Kanina pa ako hindi mapakali eh.
"Tapos na ba kayo?"
"Magandang tanghali naman hija." naramdaman ko yung paglapit niya saken kaya naman
pigil hininga akong nakatayo lang roon.
"Ahhh..." napatingin ako bigla kay Maico. Di ko alam ang isasagot ko.
"Tama na yan Mommy. Kumaen ka na dito. Pinagluto ka ng girlfriend ko oh." ani Maico
sabay turo dun sa hapag kainan.
Kumapit pa sa dibdib niya ang Mommy ni Maico saka nagsalita. "Napaka-sweet naman ng
manugang ko." tumingin siya saken ng nakangiti saka bumaling kay Maico. "Pero sana
pinapakilala mo muna kami sa isa't-isa di ba?"
Natawa bigla si Maico. "Oo nga pala. Sorry naman Mom!" tumayo si Maico at lumapit
sa akin. "Beauty, siya ang Mommy ko..."
"Nice meeting you too hija. Alam mo bang matagal ko nang hinihintay na may
ipakilala sa akin ang anak kong ito? Ikaw pa lang ang naipakilala niya sa akin."
Tumaba ang puso ko sa sinabing yun ng Mommy ni Maico. Pakiramdam ko kasi napaka-
espesyal ko para maging kauna-unahang babaeng ipinakilala niya sa magulang niya.
Yung pakiramdam ng pagmamalaki. Na ako pa lang ang naipakilala niya sa dami ng
nakarelasyon niya.
Naupo na kami sa hapag. Magkatabi kami ni Maico habang ang Mommy niya naman ay
kaharap namin. Mataman kong tinitignan ang Mommy ni Maico habang sumasandok ng
pagkaen. Gusto kong makita ang magiging reaksyon niya sa luto ko.
Napalunok ako nang sumubo na siya ng pagkaen. Di ko inaalis ang tingin ko sa kanya.
Tumigil siya sa pagnguya ng ilang saglit saka ngumiti at pinagpatuloy ang pagkain.
"Infairness ha, masarap magluto ang mamanugangin ko!" aniya saka nagpatuloy sa
pagkain.
Nakahinga ako ng maluwang sa sinabi niya. Nakapasa yung luto ko. Buti naman kung
ganun. Kahit na di naman ako kagalingan pagdating sa bagay na yan eh nagustuhan pa
rin ng Momy niya.
"Ano nga palang trabaho mo hija?" maya-maya'y tanong saken ng Mommy ni Maico.
"Board passer siya 'My." walang anu-anong sabi ni Maico habang ngununguya pa.
"Oh? Aba'y ang swerte mo naman pala sa dalagang ito anak." nakangiti siya habang
nakatingin sa akin.
Ramdam ko yung pag-init ng pisngi ko. Alam kong sa mga sandaling ito eh pulang-pula
na ako. Di ako makapaniwala sa ganitong tagpo oras na makaharap ko ang magulang ni
Maico. Ibang-iba ito sa naiisip ko. Tulad na lang na pagsasalitaan ako ng masama.
Pero sa pelikula lang siguro yung mga ganun.
Napatulala ako sa Mommy ni Maico dahil sa tanong na yun. Seryoso talaga siya? Gusto
niya talaga akong maging manugang. Ramdam ko yung bilis ng pagtibok ng puso ko sa
kaba. Hinihintay ko yung sagot ni Maico.
Napalingon na ako aky Maico ng may ilang saglit na eh di pa rin siya umiimik.
Nakatingin lang din siya sa akin. Maya-maya eh nag-iwas siya ng tingin at bumaling
sa pagkain niya.
"Eh paano ko naman aabutan ang mga apo ko niyan kung patatagalin mo pa?"
"Ma, bata pa kayo wag nga kayong mag-isip ng ganyan." may inis sa tono ni Maico.
"Oo nga naman po. Sa ka hindi pa rin naman kami handa sa pag-aasawa." singit ko.
Pero deep inside masakit yung ganung reaksyon ni Maico. Ano bang problema niya sa
pagpapakasal? Bakit naiinis siya ngayong pinag-uusapan yun? Samantalang siya nga
itong nagpupumilit na gusto niya nang magka-anak.
to be continued...
Chapter Fifteen
"Halika anak, dito tayo." hinila ng Mommy ni Maico ang kamay papunta sa boutique na
nakita niya.
Narito kami ngayon sa mall. Nagpasama kasi siya sa amin para mamili ng damit. Noong
una ayaw pumayag ni Maico pero bandang huli napilitan din siya. Ang sabi kasi ng
Mommy niya eh parang bonding na rin namin yun. Hindi lang pumayag si Maico na
maiwan siya sa condo kaya naman nakabuntot siya sa likuran namin.
"Mommy, wag mo namang hilahin masyado yung girlfriend ko mamaya mabali buto niyan."
pabirong sabi ni Maico.
"Ang over protective mo naman masyado sa mamanugangin ko. Iniingatan ko naman ah."
bumaling sa akin ang Mommy niya. "Di ba anak? Di ka naman nasasaktan di ba?" aniya.
Sa totoo lang, medyo masakit nga yung pagkakahawak niya sa akin. May kahigpitan yun
kesa sa normal na hawak lang. Pati yung paghila niya sa akin medyo brutal.
Ngumiti na lang siya sa akin saka patuloy akong hinila papunta doon sa boutique.
Inisa-isa niya ang mga damit na naroon at inaabot sa akin yung mga napipili niya.
Pakiramdam ko nga katulong ako dito eh. Sinasalo naman yun ni Maico sa tuwing may
idadagdag ang Mommy niya. Kaya dalawa na kami ngayon na maraming bitbit.
Pumasok siya sa fitting room at kinuha yung ilang damit na hawak ko. Yung ilan,
doon kay Maico na hawak.
"Isukat mo yang mga yan." aniya sa akin, tinutukoy eh yung mga hawak kong damit
saka yung naiwan kay Maico.
Pumasok na siya sa loob kaya hindi na ako naka-angal. Tumingin ako kay Maico at
pinahiwatig niya sa akin na pumasok na ako sa loob. Iniabot niya pa sa akin yung
mga bitbit niya pakapasok ko.
Tinignan ko isa-isa yung mga damit. Bale apat yun lahat. Ang gaganda lahat, pero
siguradong mahal ito. Sinubukan kong isuot ang isa. Sumakto yun sa akin. Ang galing
pala tumingin ng sukat ng Mommy ni Maico. Alam niya agad ang sukat ko kahit na di
ko naman sinabi. Ang totoo niyan di ko rin naman alam ang sukat ko.
Pumili ako ng isa para isukat. Yung pinakagusto ko sa mga yun ang isinuot ko.
"Jacky?" narinig kong tawag sa akin ng Mommy ni Maico. "May nasukat ka na? Patingin
naman."
Tumingin muna ulit ako sa salamin at tinitigan ang repleksyon ko. Kulay asul yun na
spaghetti strap na dress at umaabot lang hanggang sa ibaba ng tuhod. Napangiti ako
sa nakikita ko. Parang hindi na ako ito.
Binuksan ko yung pinto ng fitting room para ipakita sa kanila yung damit. Kay Maico
ako nakatingin pagkalabas ko. Nakita ko yung pagkagulat sa mga mata niya nang
makita ako.
"Beautiful." napatingin ako sa Mommy niya nang magsalita ito. Ngumiti lang ako
bilang ganti.
Inayos niya pa ang pagkaka-fit nun sa akin at tinignan kung maganda nang tignan.
"Naku, lumabas lalo ang ganda mo sa kulay na yan hija." anito at inaayos pa yung
pagakaklugay ng buhok ko patalikod.
___________
Kinuha namin yung damit na isinukat ko kanina. Kaya naman pala, birthday party ng
Mommy ni Maico sa Sabado at yun ang pinapasuot sa akin.
Sa isang sosyal na restaurant kami nagpunta para kumain. Since hindi ako sanay sa
ganitong lugar, medyo nagaalangan ako sa mga kilos ko. Nakakahiya naman kasi kung
bigla na lang kung anong magawa ko na hindi pala pwede sa ganitong lugar.
Magkatabi kami ni Maico habang nasa harap namin ang Mommy niya. Tulad din nung nasa
bahay kami. Iniabot sa akin ng isang waiter yung menu. Nalula ako kasi di ko naman
alam kung anong mga pagkain yun. Kahit nga yung basa sa mga yun di ko alam eh.
Kunot noo lang akong nakatitig roon.
"Punta lang akong wash room 'My, Beauty." ani Maico sabay tayo. Sinundan ko pa siya
ng tingin habang naglalakad papuntang CR.
"Ano bang pinakain mo sa anak ko?" nagulat ako nang magsalita ang Mommy ni Maico.
Sobrang seryoso ng mukha niya.
"Ahhmm M-ma'am ano..." bumilis bigla yung tibok ng puso ko. Di ako makapagsalita.
Kanina okay naman ako sa kanya ah? Bakit biglang ganyan na siya?
"May sa mangkukulam ka ba? Ginayuma mo ang anak ko?" tinaas niya pa yung isa niyang
kilay na tulad nang nakikita ko sa mga telenovela. "Ano bang meron ka para
magstuhan ng isang Maico Buenaventura? Mukhang pilit lang yang pag-aayos mo eh. Ni
hindi ka nga marunong pumili ng damit. Sa mga iniabot kong damit sayo kanina ang
napili mo pa eh yung pinaka-pangit. Ang cheap." tuloy-tuloy na sabi nito.
Tumingin ako sa kanya at pinilit ngumiti na parang walang nangyari. Tumayo ako at
nakipag-beso sa kanya. Bumaling naman siya sa Mommy niya maya-maya at humalik sa
pisngi nito.
Naupo siya sa katabing upuan ng Mommy niya. Nasa mismong harap ko si Mrs.
Buenaventura pero di ako makatingin sa kanya. Si Mica kasi, dun pumwesto sa may
harap ng upuan ni Maico.
Tumango lang ako at pinilit pa rin ngumiti. Di sinasadyang napalingon ako sa Mommy
nila. Nakangiti ulit siya tulad kanina bago siya naging mukhang witch sa paningin
ko.
"Alam mo ba, bagay na bagay sa kanya yung kulay na napili niya. Lalong lumabas yung
ganda niya." singit nito.
Napakunot ako ng noo. Tumungo na lang ako. Natatakot na tuloy akong mapag-isa
kasama niya. Ayaw niya naman pala sa akin ayaw niya lang ipakita sa mga anak niya.
Paano na kami ni Maico niyan?
to be continued...
Chapter Sixteen
"Let's go." inilahad ni Maico yung braso niya sa akin at tinaggap ko naman yun.
Naglakad na kami papasok.
Naga-adjust pa ako hanggang ngayon sa suot ko. Di ako sanay sa ganito. Suot ko yung
blue dress na binili namin sa mall saka yung isang sapatos na niregalo naman sa
akin ni Mica. Nagpunta rin ako ng parlor kanina para magpa-ayos. Di naman kasi ako
marunong talaga magmake-up. Para lang di mapahiya si Maico sa pagpapakilala sa akin
eh nagpa-ayos na lang ako.
Napatingin ako kay Maico. Ang gwapo niyang tignan sa tuxedo niya na kulay abo. Yung
buhok niya basta na lang yun sinuklay pero ang ganda pa rin tigan sa kanya. Walang
effort pero sinisigaw pa rin nun na "gwapo ako". Napangiti ako ng wala sa sarili
nang maisip ko yun. Napatingin naman siya bigla sa akin dahil mejo napalakas yung
paghagikgik ko.
"You look beautiful." humawak pa siya sa baba ko, "nakalimutan ko pala yung sabihin
kanina." nagulat ako ng bigla niya na lang akong halikan sa noo. Buti na lang
walang masyadong tao sa hallway.
Dito gaganapin ang party ng Mommy ni Maico sa The Peninsula Manila sa Makati. First
time ko lang makatapak dito. Ang ganda at ang sosal ng paligid. Buti na lang pala
naisipan akong ibili ng Mommy ni Maico ng dress. Nakakahiya naman kasing isuot yung
nagiisang dress ko sa closet. Ginamit ko pa yun nung kasal ni Lana dati. Kasya pa,
pero luma na talagang tignan.
"Mr. Buenaventura." napalingon kami sa kung sino mang tumawag kay Maico.
"Mr. Choi." nakangiting inilahad ni Maico ang kamay niya sa nakatatandang lalaki.
Puti na ang karamihan sa buhok nito at may kasamang babae na tantiya ko eh kaedad
ko. Maganda siya at eleganteng tignan.
"She's very beautiful." ani Mr. Choi at inabot ang kamay ko saka yun hinalikan.
Kung sa normal na araw lang eh baka nasapok ko ito pero dahil sosyalan ito eh
mukhang normal lang ang ganung gawain sa kanila.
"But of course Mr. Choi. Magaling pumili ang anak ko eh." singit ng Mommy ni Maico.
Kunot noong tumingin ako kay Maico. Nakangiti pa rin siya pero umiiling-iling siya.
Masupalpal nga itong babaeng haliparot na 'to.
"Ahhm..." napatigil ako nang hawakan bigla ng Mommy ni Maico ang braso ko.
"Pwede ko bang mahiram muna ang mamanugangin ko?" tanong niya kay Maico.
Giniya ako ng Mommy ni Maico papunta sa isang table. Kinakabahan ako, naiisip ko pa
lang kung anong gagawin niya. Naaalala ko pati yung mga sinabi noong napag-isa
kaming dalawa. Tinawag niya pa akong mangkukulam nun.
"Aba, magaling pumili ang inaanak ko ha." sabi nung isang matandang sosyalera.
Halos di ko na makita yung mukha niya sa kapal ng make-up. O baka naman make up
siya talaga na nilagyan ng mukha? Teka, naguguluhan ako!
"Syempre naman amiga. And this girl beside me passed the board. Bagay na bagay
talaga siya kay Maico." may pagmamalaki pa sa boses nito.
Kung ano-ano pang papuri ang ibinato nila sa akin. Sa totoo lang, nakakataba ng
puso. Lalo na at galing sa Mommy ni Maico. Pero pag naiisip kong ka-plastican lang
naman ang sinasabi niya, parang gusto ko na lang magmura.
Naglakad na ako papunta sa may side kung saan naroon mesa na kinalalagyan ng Juice.
Alam kong nakatingin pa rin sila sa akin dahil nararamdaman ko iyon. Dali-dali
akong naglakad para makalayo agad sa kanila.
"In fairness, nagmukha kang tao." napaangat ang tingin ko sa tumabi sa akin. Ang
Mommy ni Maico.
Hindi ako umimik sa sinabi niya. Takas ata 'to sa mental eh. Kanina lang kung anu-
anong magagandang bagay ang sinasabi niya tungkol saken tapos ngayon naman
sasabihan ako ng 'nagmukhang tao' ano ako aso? Nag-transform? Kung hindi lang 'to
nanay ng lalaking mahal ko pinatulan ko na ito eh!
"Salamat po ha." bigla kong nasabi sa sarkastikong tono nang hindi na siya umimik.
Nanlaki ang mga mata ko at mejo tumalikod sa kanya. Hala! Bakit ko sinabi yun?
Paglingon ko eh nakita ko siyang naglalakad na palayo. Jeez! Baka lalo akong ayawan
nun. Paano na? Ito kasing bibig ko eh! Bigla bigla na lang nagsasalita ng ganun!
________
Naging maayos naman yung party hanggang sa huli. Hindi na ako ulit pinagsalitaan ng
Mommy ni Maico kahit nagkaroon kami ng pagkakataon ng mapag-isa. Pero yung trato
siya saken malamig. Parang mas gusto ko pang plastik na lang pakikitungo niya kesa
ganun na binibigyan niya ako ng silent treatment.
Nakilala ko na rin yung ibang pamilya ni Maico. Lahat naman sila maganda ang naging
pakikitungo sa akin. Wala namang nagpahiwatig ng pagtutol. Well, except sa mismong
nanay niya na di ko nga malaman kung bipolar ba o takas sa mental.
Napatingin ako sa labas ng tumigil na yung sasakyan ni Maico. Nandito na pala kami
sa condo na tinitirhan ko.
"Kaya nga. Pagod ako kaya dito na ako matutulog." putol niya sa sinasabi ko.
"Ok." kumuha na ako ng tasa at ipinagtimpla siya ng kape. Maraming kape at creamer
tapos walang asukal. Yan ang gusto niyang timpla.
"Eh ano nga kasi yun? Pwede namang sabihin na lang ng diretso eh." lumapit ako sa
mesa at inilapag doon ang kape niya. Nagpunta rin naman siya roon at naupo.
"Sabi ko kung wala pang laman yang tiyan mo." aniya sa mejo inis na tono.
to be continued..
Chapter Seventeen
Magi-isang oras ko na ring hinihintay si Maico pero ni anino niya eh wala pa.
Kabilin bilinan niya kasi na hintayin ko siya. Kanina ko pa rin siya tinatawagan sa
cellphone niya pero walang sumasagot. Pati si Mica at yung sekretarya niya eh
tinawagan ko na pero wala pa rin.
"Sige na, mahirap sumakay oh." aniya sabay turo sa nagkukumpulang tao sa sakayan.
Kanina pa rin ako naghihintay ng taxi na daraan pero wala talaga. Masakit na rin
ang mga paa ko dahil dito sa sapatos nasuot ko na apat na pulgada ang taas.
Pag hindi pa ako sasabay kay Anthony, di ko alam kung anong oras pa ako makakauwi.
Nagaalala na rin ako kay Maico. Hindi pangkaraniwan sa kanya ang hindi magrereply o
sasagot sa tawag.
Tahimik lang ako habang nasa biyahe. Traffic sa Meralco ave tulad ng karaniwan.
Pero pakiramdam ko eh mas matagal ang traffic ngayon. Siguro dahil tahimik lang
kami sa magdamag o dahil hindi si Maico ang kasama ko.
Nakatitig pa rin ako sa cellphone ko at naghihintay ng tawag niya o kahit text man
lang. Pero nakarating na kami sa bahay at lahat pero wala pa rin.
"Anytime." aniya.
"Hindi na kita mayayaya sa taas ah. Alam mo naman kasi..." sabi ko na ang tinutukoy
eh si Maico.
_______
Di ako mapakali. Dalawang oras na ako rito sa bahay pero di pa rin ako kino-contact
ni Maico. Nakabukas naman ang cellphone niya pero walang sumasagot dun. Di ko na
alam ang iisipin ko. Sobrang nagaalala na ako.
"Hello Jacky!"
Kinilala ko yung boses ng nasa kabilang linya. Si Aya yun. Nadismaya ako dahil ine-
expect ko na si Maico na ang tumatawag.
“Sa Medical City daw. Papunta na rin ako dun kita na lang tayo.”
__________
Malapit na ako nang mapatigil ako sa paglalakad. Sa harap ng delivery room, naroon
si Maico. Sari-saring emosyon ang naramdaman ko. Galit dahil hindi man lang niya
ako naisipang tawagan dahi baka nag-aalala na ako. Pagtataka dahil mas nauna niya
pang nalaman na manganganak na si Lana. At relief, dahil nawala na rin ang kung
anu-anong haka-haka na tumatakbo sa isipan ko kanina kung ano na ang nangyari sa
kanya.
Tinitigan ko lang siya at hindi muna lumapit. Hindi siya mapakali. Uupo siya sa
roon tapos biglang tatayo at sisilip sa loob kahit na wala naman siyang makikita
tapos magpapalakad-lakad na tila ba pusa na di matae. Kung titignan mo siya parang
siya yung ama ng sinisilang ni Lana eh.
Nakaramdam ako ng kirot sa naisip. Kahit naman hindi niya sabihin alam ko na kahit
paano may nararamdaman pa rin siya para kay Lana eh. Ilang taon niya ring
pinaglaanan ng pagmamahal niya ang kaibigan ko at hindi yun basta basta mawawala na
lang. Na sa isang iglap eh hindi niya na gusto si Lana at ako na ang mamahalin
niya.
Palagi niyang ipinipilit na magka-anak kami. Para ano? Iisipin niya na lang na anak
niya yun kay Lana? Ganun ba yun? Kaya ba ayaw niyang makasal sa akin? Kasi yung
bata lang ang gusto niya.
Napatingin din ako kay Maico na ngayon na nakatingin na rin sa kinaroroonan namin
ni Aya.
“Tara.” kumapit pa siya sa braso ko. “Oh, nanjan pala si Maico.” aniya pa.
Di ako nagsalita nang makalapit kami kay Maico. Naupo lang ako roon malapit sa
kanya. Lumapit naman siya at tumabi sa akin. Si Aya naman, naguusyoso sa may pinto
nung delivery room.
“Ayos lang yun. May nagsabay naman sa akin eh.” sabi ko.
Kunot noong tumingin siya sa akin. “Sino namang nagsabay sa iyo?” tanong niya.
“Yung ka-office mate ko. Mahirap kasing sumakay eh, tapos isang oras na rin akong
naghihintay roon.” di ko naman intensyon na konsensyahin siya pero nakita ko ang
pagsisisi sa mga mata niya.
“Sorry talaga Beauty. Nataranta lang kasi ako nung tumawag si Lana eh.” aniya.
Kaya pala nauna pa siya dito. Si Lana pala mismo ang tumawag. At siyempre,
nakalimutan niya na ang lahat ng nasa paligid niya. Kahit yung cellphone niya hindi
niya dala.
Di na lang ako umimik. Ayokong magsalita pa ng kung ano sa kanya. Hindi naman dapat
pero nasasaktan ako. Pag si Lana kasi ang pinaguusapan eh nae-etsapwera na lang ako
palagi sa kanya.
“Tumawag siya saken kanina nung galing ako sa Tanay at papunta ako sa iyo para
sunduin ka. Ang sabi niya eh manganganak na siya at wala yung kasama niya sa bahay
dahil nag-grocery. Pati si Jace hindi sumasagot sa kanya dahil nasa meeting daw.
Sakto naman na malapit lang ako sa kanila kaya ako na mismo ang sumundo at nagdala
sa kanya dito.” paliwanag ni Maico.
Tahimik pa rin ako at inaabsorb yung mga sinabi niya. Alam niya na pag ganitong
binibigyan ko siya ng silent treatment eh galit ako. Kung hindi man galit eh
nagtatampo.
“Beauty, sorry na.” paglalambing niya. Isiniksik niya pa yung ulo niya sa leeg ko.
Di na rin ako nakatiis at nagsalita. “You should have called. Hindi yung mukha
akong tanga doon kakahintay sayo.” may hinanakit sa tono ko.
Hinawakan niya yung kamay ko at hinalikan yun. “Sorry na talaga, nataranta lang ako
at di na ako nakapag-isip ng maayos. Naiwan ko pati sa kotse yung cellphone ko nung
binitbit ko si Lana papunta dito. Wag ka na magalit uyy.”
Tinignan ko siya ng masama. “Nakakainis naman kasi eh. Nagaalala ako kanina tapos
ang sakit sakit na ng mga paa ko dun kakahintay. Paano pa kaya kung hindi ako
sinabay ni Anthony eh baka tinubuan na ako ng ugat.” tuloy tuloy na sabi ko.
“So, si Anthony pala yung naghatid sayo.” dama yung galit sa boses niya.
Sh*t! Di ko namalayan na nasabi ko na palang kay Anthony ako sumabay pauwi. Ang
sabi niya pa man din eh iwasan ko yun.
Ilang sandali rin siyang tahimik lang. Hindi na rin muna ako nagsalita. Maya maya
ay sumandal siya at huminga ng malalim.
Umiling lang ako. Di kasi ako makakain kanina habang hindi ko pa alam kung anong
nangyayari sa kanya eh.
“Tara. Hindi pa rin ako kumakain.” hinawakan niya ulit ang kamay ko at hinila na
ako patayo.
to be continued...
Chapter Eighteen
“Beauty! Dalaw tayo kina Lana!” masiglang bati ni Maico pagkabukas na pagkabukas ko
ng pinto.
Kagabi nakalabas ng ospital si Lana. Babae yung anak nila ni Jace, si Janna. Ang
cute cute nung bata at kamukha ni Jace. Parang female version niya.
“May problema ba Beauty?” may pag-aalala sa tono niya. Lumapit siya sa akin at
sinalat ang leeg ko kung mainit. “Wala ka namang lagnat. May dalaw?” pagbibiro
niya.
Nag roll eyes ako sa kanya. Saka ko lang napansin yung bitbit niya sa kaliwang
kamay niya.
Itinaas niya yun, “ah ito? Para kay Janna. Nakita ko lang kahapon sa department
store. Ang cute kaya binili ko.” inilabas niya yung laman nun. Manyika yun na
nagsasalita.
“Oo nga noh? Pero di bale, advance gift ng ninong.” aniya.
Paulit-ulit na nage-echo sa utak ko yung sinabi niya. Parang excited siya na makita
si Lana at hindi yung anak nito. O baka paranoid lang ako? Ang sakit lang kasi
isipin.
Tumayo siya bigla saka lumapit sa akin. Hinawakan niya yung dalawang pisngi ko at
tinignan ako sa mga mata.
“Is there something wrong? What’s bugging you?” naroon ulit yung nag-aalalang tono
niya.
Nang ilang sandali na rin akong nakatanga sa kanya eh napapikit siya at yumakap sa
akin. Sa una magaan lang yun pero unti-unting humihigpit yung pagkakayakap niya
hanggang sa gumaan yung pakiramdam ko. Minuto rin siguro ang tinagal ng
pagkakayakap niya sa akin.
Pagkahiwalay namin eh tumingin ulit siya sa mga mata ko. May lungkot na akong
naaaninag doon. Alam kong hindi niya ako maintindihan sa mga oras na ito kaya siya
nagkakaganyan. Nagseselos lang naman ako eh bakit hindi niya maisip yun?
________
“Wow! May pasalubong pa talaga kayo!” masayang sabi ni Lana pagkarating namin sa
bahay nila sa Antipolo.
“Baby Janna, nadito si Ninong at Ninang.” kausap ni Jace ang anak niya na tila
naiintindihan ang sinasabi niya. “Salamat naman at napadalaw kayo.” baling niya sa
amin.
Lumapit siya kay Jace na bitbit ang anak. Nakangiti lang siya habang nakatitig sa
bata.
“Kamukhang kamukha mo Pare ah.” aniya kay Jace. “Parang kayong pinagbiyak na
bunga.”
Tumawa si Jace. “Nakuha saken halos lahat noh?” naaaliw na sabi nito. “Salamat nga
pala sa pagdala mo kay Lana sa ospital ha? Naku kung wala ka baka kung napaano na
ang mag-ina ko.”
“Wala yun. No big deal pare.” tumingin ulit siya sa bata. “Pag ako kaya nagka-anak
kamukha ko rin?” seryosong tanong ni Maico.
“Depende, kung mas malakas ba ang genes mo kay Jacky eh.” nakangiting sabi ni Jace.
“Well, kung sakaling kay Jacky makakuha ng features ayos na din. Atleast na-doble
ang Beauty ko.” tumawa pa siya. “Pero mas gusto kong kamukha ko.”
Natigilan si Maico sa tanong ni Jace. Tumingin siya saken saka ngumiti. Pero hndi
yun umaabot sa mata. Bumaling ulit siya kay Jace pagkuwan.
________
“Next week nga pala pupunta ako ng Palawan. Maga-audit lang ako dun.” sabi ko kay
Maico habang nasa biyahe.
Tumingin siya saglit saka bumaling ulit sa kalsada. “Gaano ka katagal dun? Saka
anong araw next week ang alis mo?” tanong niya pa.
“Ahh, okay. Sa Saturday this week nga pala babalik na si Mama sa Canada. Gusto ka
raw niya munang makausap. Tayo na pati ang maghatid sa kanya sa airport.”
“Sa unit ko na ikaw matulog ng Friday. Pati weekends na rin tutal tatlong araw ka
pala mawawala.”
“Osige.
Tumingin ako sa labas at tinantiya kung nasaan na kami. Tinignan ko muna maige yung
mga establishment saka ko napagtanto na nasa may Brookside kami.
Man of Steel yung binili niyang ticket. Actually, ako ang pinapapili niya nung una
pero dahil siya naman ang nagyaya kaya sabi ko kung ano na lang ang gusto niya.
Hindi ako updated sa mga palabas sa sinehan. May Superman na naman pala ulit.
“Buti konti lang ang tao. Eh mukhang patok yang movie na yan.” sabi ko sa kanya
habang nasa pila ng popcorn.
“Pangatlong week na kasing showing 'to. Nung nakaraang linggo ko pa nga gusto
manood eh kaso wala akong oras.” aniya pa.
“Eh bakit pinapili mo pa ako kanina? May gusto ka naman pala talagang panoorin.”
“Baka lang kasi may gusto ka rin panoorin. Siyempre kung ano yung gusto mo, yun ang
papanoorin natin. Ikaw kaya ang Boss ko.” aniya saka bumaling sa tindera. Siya na
kasi ang nasa unahan ng pila. “Isang large popcorn yun cheese flavor saka dalawang
Sprite.” aniya. Tumingin siya sa akin. “May gusto ka pa bang kainin?” tanong niya.
Tinignan ko siya ng masama. Alam ko kung anong ibig niyang sabihin. Sira talaga ang
tuktok nito, di ata naisip na nasa public place kami. Lakas ng loob mag-joke.
_________
Masaya naman yung naging first movie date naming dalawa. Nakakatuwa nga siya eh,
hook na hook talaga siya sa palabas. Ako lang ang kumain nung dalawang hotdog na
binili niya. Sa akin daw talaga yun kasi baka kulangin ang isa eh ngumawa ako.
Mukha pa naman daw akong naglilihi.
Alam kong biro niya lang yun pero kita ko sa kanya na gusto niyang sana totoo yun.
Bigla kasi siyang napatingin sa tiyan ko saka ngumiti eh.
“Sige uwi na ako. Sunduin na lang kita bukas.” aniya pagkahatid sa akin sa pinto ng
unit.
Hindi pa rin siya umaalis sa kinatatayuan niya pagkalipas ng ilang sandali kaya
tinanong ko na siya. “May kailangan ka pa?”
Ngumuso siya saka tinuro iyon.
to be continued...
Chapter Nineteen
Nagising ako nang maramdaman kong may kumikiliti sa talampakan ko. Iniiwas ko agad
yun at tinignan kung anuman ang gumagawa nun.
Ngumiti ako, "Beast." mejo paos pa yung boses ko dahil kakagising lang. Di ko pa
nga namumulat ng husto yung mga mata ko.
"Breakfast in bed." aniya sabay lagay sa may kandungan ko ng dala niyang tray.
"Oh... sorry Beauty. Wait lang magluluto ako." tumayo agad siya at halos patakbong
pumunta ng kusina. Natawa na lang ako sa naging reaksyon niya.
Sinimulan ko na ang pagkain nang makaramdam ako ng pagkalam ng sikmura. Ito naman
kasing si Maico, pinagod ako kagabi. Naglaro kami ng video games hanggang madaling
araw. Ayaw niya pa ngang tumigil kung di ko pa sinabing di ko na kaya eh. Sobrang
antok na kasi ako.
Halos mauubos ko na yung pagkaing dala niya kanina nang bumalik siya dala yung
isang pinggan ng hotdog.
"Di ko kasi alam kung gaano karami ang gusto mo kaya niluto ko na lang lahat ng
natira sa ref." aniya.
Naubos ko lahat yung anim na hotdog. Aliw na aliw naman itong si Maico. Ang takaw
ko raw. Eh nakakaubos naman kasi talaga ako ng ganung karaming hotdog mula bata ako
eh.
Magsasalita pa sana ako nang nag-ring yung cellphone ko. Kinuha ko yun mula sa
bedside table.
Calling...
Kuya
Tumingin ako kay Maico pahiwatig na sasagutin ko lang yung tawag saka tumayo.
Pinidot ko yung answer button habang nalalakad papalapit sa tabi ng bintana.
"Jacky, baka naman pwedeng makahiram ng pangnegosyo jan?" Ito na nga ba ang
sinasabi ko eh. Basta tumawag si Kuya kung hindi problema eh pera ang sasabihin.
"Ano namang negosyo yan Kuya? Hindi naman ganun kalaki ang sahod ko para
makapagbigay ako sayo ng pang-negosyo!"
"Pinagiisipan ko pa kung anong negosyo. Kaya nga sinasabi ko na sayo para alam ko
kung magkano ang kaya mong ibigay at malaman ko kung anong pwedeng mainegosyo.
Manghingi ka sa boyfriend mo, kayaman niyan eh!" aniya.
"Kuya!" napatingin ako sa may kama. Wala na dun si Maico. "Akala mo ba ganun lang
kadali na manghihingi ako ng pera kay Maico? Saka kahit na pwede, hindi ko pa rin
yun gagawin. Girlfriend lang ako hindi asawa!" naiinis nang sabi ko.
"Edi pikutin mo na nang pakasalan ka! Ang hirap kasi sayo eh tatanga-tanga ka. Ang
bagal mong kumilos. Paano kung makawala pa yan? Malaking isda na yan!" pagalit pa
na sabi i Kuya.
Nararamdaman ko na yung pagiinit ng mga mata ko. Bakit ganito si Kuya? Hindi niya
man lang iniisip ang nararamdaman ko.
"Sabihin mo na lang kasi na ayaw mong akong bigyan! Maramot ka talaga, pati akong
kapamilya mo pinagdaramutan mo!"
Nasapo ko ang noo ko at nanghihinang napa-upo sa sahig. Yung mga luha na kanina pa
nagbabadya eh tuluyan nang tumulo. Tuloy-tuloy na yun at hindi ko mapigilan. Sa
tuwing tatawag na lang siya eh ganito. Binibigay ko naman sa kanila ang lahat pero
ako pa rin ang masama. Siya na nga itong batugan siya pa ang may karapatang
magalit.
"Jacky!" humihingal pang sigaw ni Maico pagkarating sa kwarto. Suot niya pa yung
apron, malaman eh naghuhugas siya ng pinagkainan bago siya umakyat. "Anong
nangyari? Bakit ka umiiyak?" lumapit agad siya sa akin at niyakap ako.
Sumiksik lang ako sa leeg niya saka nagpatuloy sa pag-iyak. Inaalo niya lang ako.
Mga ilang minuto rin siguro kami sa ganoong ayos hanggang sa tumahan na ako.
"Ano bang problema?" nagaalalang tanong ni Maico habang pinupunasan ang mga mata
ko.
Umiling lang ako. Napatingin ako sa cellphone ko na wasak na at kinuha yun. Lumipat
naman ng pagkakaupo si Maico at sumandal sa gilid ng kama. Nakatingin lang siya sa
akin at pinapanood ang bawat kilos ko.
Sinubukan kong buoin ang cellphone ko. Nabuo naman. Nagaayos yung pagkakakabit ng
bawat parte. Ang kaso, ayaw na nung mabuhay. Bumuga ako ng hangin ng makailang
beses ko nang pilit yung binubuksan. Wala na talaga yung pag-asa.
Tatlong taon din akong sinamahan ng cellphone na ito kaya nalulungkot ako. Ito pa
yung pinakauna kong nabili sa sahod ko sa pagta-trabaho.
Lumapit uli siya sa akin at itinayo ako. "Hayaan mo na yan." tumingin siya sa mga
mata ko. "Alam kong hindi iyan ang dahilan kung bakit ka umiiyak. Please, sabihin
mo saken. Nag-aalala ako eh."
"Sasabihin ko rin. Pero wag na muna siguro sa ngayon." sabi ko na lang para di na
siya magpilit.
Huminga siya ng malalim. "Ok, maligo ka na't magbihis. Pagkatapos mo aalis na tayo
para makabili ng bagong phone tapos pupuntahan na natin si Mommy." aniya.
_________
Dalawa ang binili niya. Sa kanya yung isa para pareho daw kami. Samsung S4 yun,
kinakain pa nga ako kasi di ako sanay sa ganitong gadget. Makaluma kasi yung nasira
kong cellphone.
"Good afternoon din hija." nakangiti namang sagot niya."Come, may nakahandang
merienda sa loob." aniya pa.
Sa penthouse tumutuloy ang Mommy ni Maico. Ano pa nga bang aasahan sa tulad niya di
ba? Siyempre yung pinakamagara na.
Napatingin ako sa kanya. Ang akala ko kasi alam niya kung anong oras.
"Seven pm." simpleng sagot nito saka naupo sa sofa. "Suit yourself." itinuro pa
nito ang katapat na sofa.
Kinuha ko yung isang cake na nandoon saka nagsimulang kumain. Hindi na kasi kami
nakakain mula nang umalis kami ng bahay. Nawala na yun sa isip namin kaya
naramdaman ko bigla ang gutom nang makita ko yung pagkain.
"Ahhm Maico" ani Mommy ni Maico. "Maaari mo ba una kaming maiwan ni Jacky? I told
you I want to talk to her right?"
"Oh, sure 'My. Nasabi ko na rin naman kay Jacky." tumayo na si Maico. Bago siya
lumakad eh hinalikan niya muna ako sa noo.
"Thank you hijo." sinundan pa nito ng tingin si Maico. "Tatawagan na lang kita kung
tapos na kami." nakangiti pang sabi nito.
Bigla akong kinabahan nang maiwan na kaming dalawa roon. May something sa ngiti
niya na hindi ko mabasa.
to be continued...
Chapter Twenty
“I had you checked.” diretso lang na nakatingin sa akin ang Mommy ni Maico. “I
mean, naipa background check kita. You don’t mind do you?”
Ngumiti ako ng bahagya saka umiling. Tumungo lang ako at hindi makatingin sa kanya
ng diretso.
“I still don’t like you.” aniya pa. “You know, I have this ideal girl for Maico.
And obviously, it’s not you. You didn’t even reach half of my standards. But
anyway, if Maico is happy with you, then fine. I can live with that.”
Tumingin ako sa kanya para makita yung reaction sa mukha niya. Mukha namang sincere
siya. Nanahimik pa rin ako. Wala naman akong masabi eh.
Ngumiti siya, "alam kong mabuti naman ang intensyon mo sa anak ko. Though your
family isn't doing well, alam kong mahal mo talaga siya. You're not like the other
girls na yung pera lang ang mahalaga. Nakikita ko yun sa mga mata mo. And dear,
that's one of the things I like about you. Your eyes show sincerity." tumigil siya
saglit. "I know what you're thinking about me, that I'm some kind of a wicked witch
that will make your life miserable. But no, I won't do that."
Tumawa ako ng bahagya. "Wicked witch?" naaliw na sabi ko. Parang fairy tale lang
ito, ako si cinderella, si Maico si Prince Charming at ang Mommy niya ang 'wicked
witch'.
Natawa na rin siya. "Yeah, were in a fairy tale you know." lalong lumabas yung
ganda niya. Kahit matanda na siya hindi pa rin maikakaila yung kagandahan niya. Di
na nakapagtatakang namana yun ni Maico at Mica.
"Anyway," sumeryoso ulit siya. "alam naman nating hindi na ako bumabata at gusto ko
na rin namang makita pa ang magiging mga apo ko. Lalo na kay Maico. Alam kong hindi
ka pa niya niyayang magpakasal, right?"
Tumango ako. Isa yun sa mga bagay na hinihintay ko kay Maico. Hindi yung
pinagpipilitan niya lang na magkaanak na kami.
"May iku-kwento ako sayo." humigop muna siya ng kaunting juice. "Noong bata pa si
Maico, he told me that he will never get married." ngumiti siya ng mapait. "My
marriage with his Father has been a total mess. Lagi kaming nag-aaway na pati yung
mga anak namin eh napapabayaan na. Nambababae ang walanghiyang ama niya at harap-
harapan pang ipinapakita sa amin. One day, Maico swore that he'll never be like his
Father. I thought he means that he'll never cheat on his future wife but then he
said, 'I'll never get married'. Bata pa naman siya nun. He's around ten when he
said that."
Ilang sandali rin siyang natahimik. Hindi rin ako umiimik. Hinihintay ko lang na
ipagpatuloy niya yung kwento.
"Habang lumalaki siya, napapansin kong nagiging palikero siya. Kahit na wala siyang
ipakilalang nobya niya eh alam ko ang lahat. I know every girl that he had
relationship with, the girls that he bedded. I know it all. Even you, I've known
you even before I met you personally. Well, ikaw naman kasi ang pinakamatagal na
naging karelasyon niya. So I had all the interest in you."
Nakaramdam ako ng pagmamalaki. Bukod sa ako ang una niyang naipakilala sa pamilya
niya eh ako rin ang pinakamatagal na karelasyon niya.
"Like I've said I don't really like you. But please, convince him to marry you.
Ayoko naman na magka-apo ng bastardo. I know you're doing it, I've seen you two.
Ipakita mo sa kanyang magiging mabuti kang asawa sa kanya. At iparamdam mong
nagtitiwala ka."
________
"Mukhang kinulit ka rin niya tungkol jan ah?" natatawang sabi niya.
"Hmmmn. Medyo lang, di na raw kasi siya bumabata." ngumiti ako. "Beast, pwede ba
tayong pumunta ngayon kina Lana?" tanong ko.
Tumingin siya sa wrist watch, "mag alas nueve na Beauty. Bukas na lang tayo
pumunta, gusto ko na rin naman makita si Janna eh. Ang cute ng batang yun noh?"
"Yeah, mana sa ama. Sa gwapo ba namang yung ni Jace eh. Tapos mabait pa, siguradong
magiging mabuting bata yung si Janna."
Alam kong nagbibiro lang siya. Ang lapad pa rin kasi ng ngiti niya eh.
"Pero siyempre, mas gwapo ka at mas mabait. Kaya siguradong ganun din ang magiging
anak mo." pangu-uto ko.
_________
"Pinagsisihan mo bang nagpakasal ka kay Jace?" tanong ko kay Lana. Narito ulit kami
ngayon sa bahay nila.
Karga ni Lana ang anak at nandito kami sa garden. Samantalang si Jace naman eh nasa
may terrace at kakwentuhan si Maico.
"Yeah, dati nung akala ko eh sila ni Jean. Hello Jacky, alam mo naman na yun di
ba?"
"Oo, pero kasi alam ko namang sa loob loob mo eh nasasaktan ka lang kaya mo sinabi
yung mga bagay na yun."
"Wala?" patanong din na sagot ko. "Di ko alam eh, alam mo yung gustong-gusto niya
nang magka-anak kami pero di niya naman ako niyayayang magpakasal? Then, nalaman ko
kagabi na sinabi niya na never siyang magpapakasal. Pero dati, sinabi niya sa akin
na pakakasalan niya ako." napahawak ako sa buhok ko. "Ayyyy, naguguluhan na ako!"
"Bakit di mo siya tanungin? Para mas maliwanagan ka? Baka naman kasi naghihintay
lang siya ng tamang pagkakataon para ayain ka."
"Ilang beses ko na ring tinangkang tanungin siya, kaso tuwing gagawin ko eh nauumid
ang dila ko."
"Alam mo girl, sa nakikita ko kay Maico? He loves you; he loves you too much that
he'll be willing to do everything for you. Alam mo yung mga tingin niya sa iyo?
Parang tinitignan niya yung future niya." tumawa pa siya. "Hindi siya ganyang
tumingin saken dati nung sinasabi niyang mahal niya ako. Pansinin mo yun, girl."
Tumingin ako sa gawi ni Maico. Nakatingin rin siya sa akin. Ngumiti siya ng magtama
yung mga mata namin.
Siguro nga naghihintay lang siya ng tamang panahon. Kung gayon man, maghihintay
ako.
to be continued...
Chapter Twenty One
"Beast, may makakasama nga pala ako sa pagpunta ko sa Palawan." medyo kinakabahan
ako. Malamang sa malamang kasi eh hindi niya magugustuhan ang sasabihin ko.
Nakangiti pa siyang tumingin sa akin. Narito kami sa sofa at kakatapos lang namin
manood ng movie. Dala niya yung DVD ng The Notebook. Di ko nga akalain na gusto
niya rin ng ganung pelikula eh. Oh baka naman yun ang dinala niya dahil alam niyang
yun ang magugustuhan ko?
"Edi mas mabuti. At least hindi ako mag-aalala masyado kasi alam kong may kasama ka
naman."
Nakatingin lang ako sa kanya. Yung tingin na sana di ka magalit sa sasabihin
ko. Kumunot bigla yung noo niya.
Huminga muna ako ng malalim, "si Anthony." tumingin ako sa mga mata niya. Nag-iba
agad yung aura nang marinig ang pangalan ni Anthony. "Kailangan kasi nila ng
Engineer sa Palawan at si Anthony ang nai-assign nila. Sinabay na nila yun sa
pagpunta ko para di na sila mahirapan na magbook ng ma—" napatigil ako nang tumayo
siya bigla.
Tahimik lang akong nakatingin sa kanya hanggang sa isara niya yung ref. Lumabas din
agad siya ng kusina at nilagpasan lang ako na tila hindi ako nakita. Napapikit ako
ng mariin. Nakakainis! Kasalanan ko pa bang isasama sa akin si Anthony?
Nagroll eyes ako at sumunod sa kanya palabas. Wala siya sa sala pagdating ko roon.
Nasaan na yung lalaking yun? Patakbo akong pumunta sa kwarto at hinanap siya. At
doon, nakita ko siyang nakahiga at nakatakip ang kanang braso sa mga mata niya.
Pahalang yung pagkakahiga niya kaya nakababa yung mga paa niya sa sahig.
Lumapit ako at naupo sa gilid ng kama katabi niya. Nakatalikod ako sa kanya kaya di
ko alam kung anong ginagawa niya. Hinihintay ko lang na magsalita siya. Napatili
ako bigla nang hilahin niya ang kanang braso ko dahilan upang mapahiga na rin ako.
Yumakap siya sa beywang ko at idinantay ang kanang hita sa mga hita ko.
Di ako komportable sa ayos ko kaya naman pilit akong kumakawala para sana umayos ng
higa. Mukhang nainis naman siya at nag-tsk pa saka inalis ang pagkakayakap at
tumalikod sa akin.
Bigla naman siya naupo at napahiga ulit ako dahil sa pagkaka-alis ng yakap ko sa
kanya.
"Wala ka bang tiwala saken?" tanong ko. "Wala naman akong gagawing hindi mo
magugustuhan ah." mejo garalgal na sabi ko. Ewan ko ba pero pakiramdam ko anumang
oras eh papatak yung luha ko. Napaka narrow minded niya naman kasi.
"Sayo may tiwala ako, pero sa lalaking yun wala!" halos pasigaw niya nang sabi.
"Ilang araw lang naman kami dun. Saka magkaiba kami ng gagawin, so basically di rin
kami magkasama maghapon."
Matagal siyang nakatitig saka pairap na iniwas yung tingin, "tsk! Basta wag kang
magsasasama sa lalaking yun ha?" inis na inis yung tono niya at lumingon sa parte
na di ko makikita yung mukha niya. "Bwisit talaga yung lalaking yun." pabulong niya
nang sinabi yung huli pero narinig ko pa rin.
Lumingon siya sa akin saka humalik sa noo ko. "Promise yan ha? Lika nga dito."
hinila niya ako at pinatalikod sa kanya.
Itinaas niya yung isang hita niya para mayakap niya ako mula sa likod. Isinubsob
niya yung mukha niya sa buhok ko, "di ba talaga pwedeng iba na lang pumunta dun?"
aniya habang nakasubsob sa buhok ko.
Aalisin ko sana yung pagkakayakap niya nang higpitan niya yun. "Joke lang. Basta
wag mong hahayaang makalapit sayo yung ugok." umalis na siya sa pagkakayakap saka
tumayo. Magsasalita sana siya nang hilahin niya ako pahiga. "Tulog na tayo."
Hindi na lang ako pumalag pa at umayos na lang ng pagkakahiga. Ilang sandali lang
ay nakatulog na rin ako sa yakap ni Maico.
________
"Tara." si Anthony inilahad niya pa yung kamay niya para alalayan ako.
Kakarating lang namin sa dito sa Palawan. Pababa na kami ng sasakyan na sumundo sa
amin mula sa airport. Hindi ko inabot ang kamay niya. Bagkus ay iniiwas ko ang
sarili ko sa kanya.
Buong biyahe mula pa sa Manila ay hindi ko siya kinikibo. Tulad din nang dati eh
pursigido siyang kausapin ako. Kahit na nararamdaman niya namang umiiwas ako eh
lagi pa rin siyang naga-attempt na magsimula ng conversation.
Ewan ko ba sa kanya. Kung iba siguro yun eh titigilan na ang pagkausap saken pero
iba siya. Ilang beses ba siyang pinanganak? Ang kulit lang, nakakainis na.
"See you later." narinig ko pang sabi niya bago ako pumasok ng kwarto. Sa katabing
kwarto siya tutuloy.
"Sorry, alam mo namang hindi ako mag-isa. Kaya hinintay ko lang na makarating ako
rito sa hotel saka ako tumawag sayo."
"It's ok. At least you're fine." he let out a sigh. "Pahinga ka na muna. Bukas ka
pa naman pupunta sa site di ba?" tanong niya.
"Tatawag na lang ako mamaya ha? Ingat ka jan, yung bilin ko---"
"Lagi naman eh." natawa siya sa sagot ko. "Bye." sabi ko saka binaba ang telepono.
Hindi na ako nag-abalang ilabas ang mga damit ko mula sa maleta. Tutal ilang araw
lang naman ako rito. Sumasakit na rin pati ang ulo ko at gusto ko nang magpahinga.
Nagulat ata siya dahil sabay ng pagbukas ko ng pinto yung halos pasigaw ko nang
tanong.
"Ahhm, ayain na sana kitang mag-dinner. Alas sinco na rin naman." aniya, tumingin
pa siya sa wristwatch niya.
"Hindi ako nagugutom. Ikaw na lang." isinara ko agad yung pinto pagkasabi nun.
Ineexpect ko na kakatok ulit siya. Ganun kasi siya eh, makulit. Pero hindi yun
nangyari. Nang sumilip ako sa peephole ay wala na siya. Buti naman,
makakapagpahinga na rin ako.
to be continued...
Chapter Twenty Two
Papunta ako ngayon sa site, wala akong balak na sumabay kay Anthony. Pero mukhang
hinihintay niya talaga ako. Nilagpasan ko lang siya pero naramdaman ko yung
pagsunod niya.
“Pumayag kang maging kaibigan ko di ba? Bakit ngayon umiiwas ka?” napalingon ako
nang magsalita si Anthony.
Di ko alam ang isasagot sa kanya. Aminado naman ako, naging harsh yung pakikitungo
ko sa kanya kahapon. Kaso kasi alam kong hindi niya ako titigilan kung hindi ako
magiging harsh sa kanya. Pero sa tingin ko ngayon, kahit anong gawin ko
magpupumilit pa rin siya.
Ayokong maging masama sa paningin niya si Maico. Tulad din ng dati eh hindi ko
masabi sa kanya na pinapaiwasan siya ng huli. Siguro dapat na ring malaman niya
para matapos na. Kahit na ano pang maging tingin niya kay Maico.
“Gusto kasi ni Maico... yung boyfriend ko na iwasan kita.” mejo nag-aalangang sabi
ko.
“Look, I didn’t mean to be harsh on you pero ayoko naman na masira ang relasyon
namin ni Maico ng dahil lang sayo. I love him. At kung ano man ang gusto niya
gagawin ko.”
“Yeah, I understand.” aniya. Ngumiti pa siya sa akin. Yung ngiting halatang peke
saka naglakad palayo.
Nakaka-guilty man wala naman akong magagawa. Ewan ko ba jan sa lalaking yan. Ano ba
kasing nakita niya saken at nagkakaganyan siya? Wala namang espesyal saken eh. Ni
hindi ako kagandahan. Kung hindi pa ako inayusan ni Mika ano na lang ako?
________
Sobrang sakit ng ulo ko. Ewan ko ba pero hindi naging maayos ang araw ko rito. Puro
kamalasan lang ang inabot ko pati sa site. Sana naman bukas eh maayos ko na lahat.
Tumingin ako sa wall clock. Magaalas-onse na pero wala pa ring tawag galing sa
kanya. Pumikit na lang muna ako. Baka sakaling mamaya eh tumawag din siya.
________
Nagising ako sa tunog ng cellphone ko. Kinuha ko agad yun mula sa bedside at
tinignan. Alarm lang pala. Alas seis na ayon sa oras dun. Tinignan ko agad yung
call log pero wala man lang missed call mula kay Maico. Nagaalala na ako, baka kung
ano nang nangyari sa kanya.
Nai-dial ko agad yung number niya. Nakarami na ng ring pero di niya pa rin
sinasagot. Ibababa ko na sana yun nang may marinig ako mula sa kabilang linya.
“B-beauty?” mejo garalgal yung boses niya. Halatang kakagising lang.
“Sorry di ako nakatawag. Nalasing kasi ako kagabi. And guess what? I closed the
deal! Kaya nga nagcelebrate kami kagabi.” masiglang sabi niya kahit na halos walang
nabago sa boses niya.
Natahimik ako saglit. Naiinis kasi ako sa kinakalabasan ng trabaho ko rito. Marami
pa akong kelangang ayusin mamaya pagbalik ko dun. Buti na lang talaga natawagan ko
na si Maico. Pampatanggal stress.
“May problema?”
Huminga ako ng malalim. “Tsk! Kasi naman naiinis ako. Marami akong kelangang
ayusin mamaya. Sumakit nga ulo ko kahapon eh. Ang daming problema dito.” reklamo
ko.
“Relax lang. Isipin mo na lang na nanjan ako sa tabi mo para ma-inspire ka naman.
Nakakainspire pag may kasamang gwapo di ba?” biro niya.
“Adik! Pero sige it-try ko yan!” tumayo na ako para sana maligo. “Maliligo na ako
Beast, kelangan ko na ring pumunta sa site. Kain ka na ha?”
“Ok. Kumaen ka ng maayos jan ha! Saka yung ano...” alam ko na ang tinutukoy niya.
Paulit-ulit lang.
__________
“Pampalamig ng ulo.” si Anthony. Inaabot niya saken yung isang baso ng orange
juice.
Ngumiti na lang ako saka tinanggap yun. Nauuhaw na rin naman kasi ako.
Tumingin ulit ako sa accounts nang mapangalahati ko yung juice na bigay niya.
Sumasakit na naman ang ulo ko. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Hindi ko
alam kung ano na ang gagawin ko. Kadalasan naman eh naaayos ko ang problema.
Ilang minuto ko pa rin tinititigan yun pero wala akong maisip. Hanggang sa
nagsalita si Anthony at nagbigay ng suggestion niya.
Hindi kami pareho ng trabaho pero may point siya sa mga sinasabi niya. At naging
malaking tulong yun kaya nakaisip ako ng magandang solusyon.
“I owe you one.” nakangiting sabi ko sa kanya. Pauwi na kami mula sa site.
Bilang kabayaran naman sa nagawa niya para saken eh magiging mabuti ako sa kanya.
Kahit ngayon lang. Maiintindihan naman siguro ni Maico yun.
“Kain naman tayo. Di ka pa ba nagugutom? Alas seis na rin naman.” yaya niya saken.
Nag-isip ako saglit pero pumayag na rin. Ipapaliwanag ko na lang siguro kay Maico
ang nangyari. Sasabihin ko sa kanya lahat.
Masaya namang kasama si Anthony. Nagtatawanan kami habang kumakain. Ang dami niyang
kwento. Lahat na ata ng tao sa opisina eh napag-tripan niya. Pati yung mga kapit-
bahay niya nakwento niya na.
“OA naman! Natulungan mo naman ako kanina eh. And to be honest, naging masaya akong
kasama ka.” sinserong sabi ko.
Natigilan siya bigla sa sinabi ko. Nakatitig siya sa mga mata ko. Hindi ko mabasa
kung ano mang iniisip niya. Nagulat na lang ako ng bigla siyang yumukod at halikan
ako sa pisngi. Hindi ako naka-react sa nangyari.
“Sorry.” mahina niyang sabi. Kita yung pagsisisi sa mukha niya. Napapikit siya ng
mariin, marahil dahil sa pagkapahiya sa sarili.
“Maico.”
to be continued...
Chapter Twenty Three
Nakatiim bagang si Maico habang palapit sa akin. Halatang halata yung pagpipigil
niyang ilabas ang galit. Tumigil siya ilang hakbang mula sa kinatatayuan ko.
“Magempake ka na. Uuwi na tayo ngayon din.” naroon ang galit sa tono niya.
“Maico... yung---“
“Ang sabi ko mag-empake ka na!” hindi ganun kalakas ang boses niya pero pakiramdam
ko ay dinig yun sa buong building.
Kumilos agad ako at pumasok sa kwarto. Dali-dali kong inilagay lahat ng nakalabas
kong gamit sa maleta. Di ko na pinagka-abalahang ayusin ang pagkakasalansan ng mga
yun. Ang mahalaga ay makapagempake ako agad.
Nakatayo lang sa labas ng pintuan si Maico habang inaayos ko ang gamit ko.
Nakatitig lang siya sa sahig at di umiimik. Gusto ko sanang magpaliwanag tungkol sa
nakita niya pero natatakot ako. Lalo na sa galit na naguumalpas sa mukha niya.
Hihintayin ko na muna sigurong humupa yung galit niya.
Bitbit ko ang maletang lumapit sa kanya. Kinuha niya agad yun at nagpatiuna nang
umalis. Napatigil ako saglit sa harap ng pinto ni Anthony. Dapat akong magpaalam di
ba? Baka kasi kung anong isipin niya pag di niya ako maabutan.
“Sasama ka ba o hindi?” napatingin ako kay Maico. He’s gritting his teeth. Sa
hitsura niya, parang ano mang oras eh papatay siya.
Nanginginig halos ako nang tumango. Yumuko na lang ako matapos yun para hindi ko
makita yung hitsura niya.
_________
“I’d like to cancel my reservation.” si Maico, may kausap siya sa kabilang linya.
“Yes, this is Maico Buenaventura... thank you.” aniya saka ibinaba yung telepono.
Sakay kami ngayon ng isang rented car. Hindi ko alam kung saan kami papunta. Hindi
ko rin naman siya matanong kasi di rin naman siya sumasagot. Tuwing magsasalita ako
eh pinipigilan niya ako.
Tahimik lang siyang nagmamaneho habang nakakunot yung noo. Ni hindi siya tumitingin
sa akin. Nasasaktan ako, gusto kong sabihin ang side ko pero ayaw niya akong bigyan
ng pagkakataon. Huminga na lang ako ng malalim para pigilan yung mga luha na gusto
nang umapaw sa mga mata ko.
Sa isang open field kami nagpunta at doon, nakalapag ang isang helicopter. So yun
pala ang ginamit niya pagpunta dito at sorpresahin “sana” ako. Pero ayun, hindi
maganda ang inabutan niya.
“Ang bilis niyo naman po ata Sir, ineexpect namin na mamaya pa kayo.” sabi ng isang
lalaki na naghihintay roon. Meron pang isa sa bandang likuran niya at nagsimula na
ring lumapit sa amin.
“Tara na.” sabi ni Maico saka nilagpasan ang lalaki. Iniabot niya naman ang susi ng
kotse sa isa pa at pumwesto na siya sa may pinto ng helicopter.
Iniakyat ng lalaki ang bagahe ko at ako naman eh iniangat ni Maico para makaakyat.
Mataas kasi yun at di ko masyadong maabot. Sumunod naman agad siya at naupo sa tabi
ko.
Tumingin ako kay Maico. Nakadungaw rin siya sa kabilang bahagi. Ngayon eh sana
nababasa ko na lang kung anong nasa isip niya. Para hindi na ako nahihirapang
hulaan kung ano mang tumatakbo roon. Para alam ko na rin kung anong dapat kong
gawin.
Sandali lang ang inabot at nakarating na kami sa ciudad. Dumeretso kami sa unit ko
pagkagaling sa pinaglapagan ng helicopter.
Nauna akong pumasok sa loob at nagulat ako ng pabalibag niyang isinara ang pinto.
Pati yung maleta ko eh halos ihagis niya. Nanlalaki ang matang nakatingin lang ako
sa bawat kilos niya habang papalapit siya sa akin.
Mahigpit niyang hinawakan ang kaliwang braso ko nang makalapit siya. Ang sakit nun,
pakiramdam ko eh dinudurog yung laman ko. Nanlilisik yung mga mata niya habang
nakatitig sa mga mata ko.
“Maico...” ramdam ko ang pangingilid ng luha ko, “n-nasasaktan ako.” hinawakan ko
yung kamay niyang nakakapit sa braso ko at pilit kong tinatanggal yun.
Iniangat niya yung isa niya pang kamay at hinila yung buhok ko para magkatapat ang
mga mukha namin.
“Ano pa bang kulang saken ha?” mariin niyang sabi. “Kaya ko namang ibigay ang lahat
sayo. Sabihin mo lang kung anong gusto mo.” galit na galit yung tono niya at hindi
niya inaalis ang pagkakatitig sa mga mata ko.
“Aa-hhh.” napadaing ako nang mejo humigpit ang kapit niya sa buhok ko. “Nasasaktan
ako. Tama na...” tuluyan nang tumulo ang luha ko. “Wala akong ginagawang masama.
Hindi totoo yung nakita mo. Magpapaliwanag ako... please... magpapaliwanag ako.”
Bumitaw siya bigla, “at ano? Nag-iilusyon lang ako kanina? Kitang-kita ng dalawang
mata ko... masaya kayong nag-uusap tapos hinalikan ka pa niya. Ngayon, sabihin mo
ngang hindi totoo yun?!” pasigaw nang sabi niya.
Sa nakikita ko sa mukha niya eh hindi siya kumbinsido sa mga sinabi ko. Naniniwala
pa ring siyang niloloko ko siya.
Tahimik lang siyang nakatingin sa akin kahit tapos na akong magkwento. Maya-maya eh
napasabunot siya sa buhok niya at pabalang ba lumapit sa akin.
“Mas magaling ba siya? Yung ba yung dahilan? Mas napapaligaya ka niya sa kama ganun
ba?!”
Napaatras ako sa sinabi niya. Sa lahat ng bagay na pwede niyang iakusa sa akin eh
ito ang hindi ko inaasahan. Gusto niyang palabasin na nakikipagsiping ako kay
Anthony.
“Ano? Di ka makasagot?!” kumapit ulit siya sa braso ko, “yun lang ba? Gusto mo ng
mas magaling? Kaya ko ring ibigay yun sayo sabihin mo lang!”
“Oo!” di ko napigilang sabihin. “Oo mas magaling siya! Mas napapaligaya niya ako sa
kama! Masaya ka na?!” pasigaw ko ring sabi sa kanya.
Napatulala siya dahil sa sinabi ko at siya naman ang umatras. Binitawan niya ang
braso ko at di makapaniwalang tumitig sa mga mata ko. Hindi ko maipaliwanag kung
anong emosyon ang nakikita ko roon. Galit, lungkot, sakit at kung anu-ano pang di
ko maintindihan.
Tumalikod siya at humarap sa pinto. Hinang –hina yung hitsura niya at parang di
niya alam kung anong gagawin.
Ang akala ko eh aalis na lang siya basta pero nagulat ako ng bigla niya akong
hilahin at pahagis na isinandal sa pader. Naramdaman ko yung sakit sa likod ko gawa
ng paghampas at kasabay nun ay ang mariin niyang paghalik sa mga labi ko.
Idiniin niya pa ang sarili niya sa akin. Halos di na ako makahinga sa ginagawa
niya. Masakit ang katawan ko sa pagkakahampas at naiipit ako ng katawan niya pero
di ako pumapalag. Hinahayaan ko lang siya. Tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha ko
habang lalong dumidiin yung paghalik niya sa akin. Nalalasahan ko na rin ang dugo
mula sa mga labi ko.
Bigla siyang tumigil pagkuwan at malakas na sinuntok ang pader sa likod ko. Lumuwag
na rin ang pagkakahawak niya sa akin kaya malaya na akong nakakagalaw. Pakiramdam
ko eh nanghihina ako kaya naman dumausdos ako ng upo sa sahig.
Patuloy pa rin ako sa pag-iyak nang naupo siya sa harap ko. Sapo-sapo niya ang noo
niya kaya naman hindi ko nakikita ang mukha niya. Pero alam ko, umiiyak din siyang
tulad ko.
Dahan dahan kong idinantay ang kamay ko sa braso niya. Nag-angat naman siya ng
tingin sa akin at hinawakan ang kamay ko. Lumapit ako at walang sabi-sabing yumakap
sa kanya. Di naman siya pumalag at gumanti ng mas mahigpit pang yakap.
to be continued...
Chapter Twenty Four
Hindi ko na namalayan kung gaano kami katagal na magkayakap sa sahig. Basta ang
alam ko lang, magaang na ang pakiramdam ko habang nakakulong ako sa mga bisig niya.
Paminsan-minsan eh humahalik siya sa buhok ko saka hihinga ng malalim.
Gusto kong malaman kung ano man ang tumatakbo sa isip niya pero di ko yun magawang
itanong. Pakiramdam ko kasi kapag nagsalita ako eh masisisra ang moment na ito.
Babalik sa pagkirot ang puso ko. Baka makita ko ulit yung galit sa mga mata niya.
Napaangat ang tingin ko sa kanya nang suklayin niya ang buhok ko gamit ang kamay
niya. Wala na akong makitang galit dun. Kung aanalisahin ko pa nga eh pag-aalala na
ang nakikita ko.
Bahagya siyang ngumiti at humalik sa mga labi ko. Yumakap ulit siya pagkuwan at
binuhat ako papuntang kwarto. Marahan niya akong inihiga sa kama at naupo siya sa
gilid nun. Nakatitig lang siya sa akin ng matagal at hindi nagsasalita. Ako naman
eh nakatitig lang din sa kanya. Magsasalita na sana ako nang dahan dahan inilapit
ang mukha niya sa akin.
Unti-unti ang paglapat ng mga labi sa mga labi ko na tila nag-aalangan pa siya.
Gumanti rin ako ng halik at hinimok siya na ipagpatuloy lang ang ginagawa.
Nakaramdam ako ng sakit ng madiinan niya ang braso ko kaya napatigil siya bigla at
tumingin sa mga mata ko. Nakahanda na siyang tumigil sa ginagawa nang hawakan ko
ang pisngi niya at ako na ang humalik. Gusto kong iparamdam sa kanya na siya lang
ang mahal ko. Gusto kong maramdaman niya na walang ibang lalaki na nagmamay-ari sa
akin.
Nagpadala naman siya at gumanti ulit ng halik. Sa pagkakataon ito ay naging mas
mapusok na iyon. Lumalalim ang bawat halik na ibinibigay niya. Hindi ko na ininda
ang sakit na nararamdaman ko nang yumakap siya sa likod ko.
Hindi na ako pumalag nang magsimula siyang alisin ang mga saplot namin.
________
Nilingon ko siya at maaliwalas ang mukha niya habang natutulog. Napangiti ako sa
nakikita ko. Ibang-iba yun sa hitsura niya kanina na tila mangangain ng tao.
Naiintindihan ko naman na nagagalit siya dahil sa nakita niya kaya siya nagka-
ganun.
Pasimple akong tumagilid paharap sa kanya para hindi siya magising. Bahagya siyang
umungol pero hindi naman tuluyang nagmulat. Nilapat ko ng marahan ang mga labi ko
sa mga labi niya.
Nakangiting tinitigan ko pa ang mukha niya. Pagkuwa'y kinuha ko ang kamay niyang
nakayakap sa akin para sana magkahawak kami ng kamay sa pagtulog. Pero napatigil
ako nang makitang may natutuyo nang dugo roon. Naalala ko yung nangyari kanina,
malakas nga pala yung pagkakasuntok niya sa pader.
Agad akong tumayo at kumuha ng pantkip sa katawan ko. Yung t-shirt niya ang unang
nakita ko sa closet na umaabot hanggang sa kalagitnaan ng hita ko kaya yun na ang
sinuot ko.
"Kukuha lang ako ng first aid kit para jan sa sugat mo."
Kumunot ang noo niya. Nagtatanong kung anong sugat ang sinasabi ko. Agad ko naman
itinuro yung kanang kamay niya.
Pumasok agad ako ng CR bago pa siya maka-angal. Kumuha ako ng isang tabo ng tubig,
malinis na bimpo saka yung first aid kit.
Nakaupo na siya sa gilid ng kama pagkalabas ko. Pumwesto ako sa harap niya at naupo
sa sahig. Inilapag ko ang mga gamit na dala ko at kinuha yung kanang kamay niya.
Hinugasan ko agad yun at pinunasan ng bimpo. Kinuha ko yung laman ng first aid kit
at ginamot yung sugat. Pagkuwan binendahan ko yun.
Nakangiti siya sa akin nang tignan ko siya. He muttered thanks at nginitian ko lang
din siya. Ibinalik ko na ang mga gamit sa CR at pumwesto ulit sa tabi ni Maico.
Pero bago pa ako makahiga ay natigilan siya at kinuha yung braso ko. Napatingin din
ako dun at nakita kong halos nangingitim na yun.
Pagtingin ko sa kanya ay alalang-alala siya. Ilalapit niya yung kamay niya sa braso
ko pero babawiin niya agad yun. Parang hindi niya maatim na hawakan yung pasa ko.
Hindi ako nakaimik. Ano bang sasabihin ko? Ok lang? Masakit pa rin yun pati yung
likod ko. Pero handa naman akong patawarin siya eh.
"Jacky..."
Nahiga na ako bago pa siya maka-angal. Patalikod sa kanya ang ginawa kong paghiga.
Matagal na sandali rin ang lumipas bago ko naramdaman ang paghiga niya. Naiyakap
niya ang isang braso niya sa akin.
________
Nagising ako sa marahang pagtayo ni Maico.
"Ayos lang." tumingin ako sa orasan. Alas syete ng umaga. Kaya pala pakiramdam ko
eh antok na antok pa ako. Madaling araw na rin kasi nang mahiga kami at di rin
naman agad ako nakatulog. "Papasok ka na?" tanong ko.
"Yeah."
Tumayo agad ako at lumabas ng kwarto. Nagpunta naman siya ng CR para maligo.
Nagsangag ako ng kanin at nag-prito ng bacon. Yun na lang kasi ang nasa ref.
Pinagtimpla ko na rin siya ng kape at hinanda na yung mesa.
Naupo lang ako sa pwesto ko sa kusina habang hinihintay siyang lumabas ng kwarto.
Pagkalabas niya eh bihis na siya gamit yung isang polo shirt niya na nakalagay lang
sa closet ko. Basa pa yung buhok niya at bahagya niya yung sinusuklay ng kamay
niya.
Umiling ako at tumigil sa pagsuubo ng pagkain. "Ngayong ala-una pa naman dapat ang
uwi ko galing Palawan eh, so hindi pa talaga ako papasok ngayon. Pero magsasabi na
rin ako sa Boss ko na di ako papasok."
"Ok."
Nagpatuloy lang siya sa pagkain at hindi na ulit nagsalita. Ilang minuto rin ang
lumipas at natapos na siyang kumain pero di pa rin siya tumatayo.
"Gusto mo pa ba?"
"No. Busog na ako." huminga siya ng malalim. Parang may gusto siyang sabihin pero
di niya alam kung paano.
"May problema ba?"
Tumingin siya sa akin. "Magpapagawa ako ng kontrata kay Attorney. Para sa relasyon
natin---"
Natulala ako sa sinabi niya. Kontrata? Para masigurong sa kanya lang ako? Akala ko
ok na. Na alam niya nang hindi ko siya niloloko. Pero bakit ganun?
to be continued...
Chapter Twenty Five
Isang oras na ata akong nakatungo sa mesa habang umiiyak. Di ko pa rin matanggap na
walang tiwala sa akin ang lalaking pinakamamahal ko. Oo mali ako nung sinabi ko na
mas magaling sa kanya si Anthony sa kama, pero di ba dapat naisip niya rin na dala
lang ng galit ko kaya ko nasabi yun? Di niya man lang ako ulit tinanong kung totoo
yun basta naniwala na lang siya.
Nag-angat lang ako ng ulo nang tumunog yung telepono. Ayoko pa sanang tumayo pero
paulit-ulit ang pag-ring nun.
"Hello?"
"Jacky!" narinig ko ang boses ni Lana sa kabilang linya. "Teka, umiiyak ka ba?"
"Huh? Hindi, kakagising ko lang kasi." sabi ko pinipilit na ayusin yung boses ko.
"Oh, sakto hindi ako pumasok. Ngayon pa lang sana kasi ang uwi ko from Palawan kaso
sinundo ako ni Maico kagabi. Anong favor ba?"
"May ipi-pick up sana kasi akong mga pina- customize kong damit ni Janna kaso di
ako maka-alis kasi may sakit yung Yaya ng bata. Pwede kayang paki pick up please."
naglalambing pa yung boses niya. Alam na alam niya namang hindi ko siya matitiis.
"Oo na. Sige saan ba? Didiretso na rin ako jan sa inyo pagkakuha ko."
Inayos ko muna yung pinagkainan. Maaga pa naman, baka nga sarado pa yung tindahang
pinapapuntahan saken ni Lana. Kinuha ko muna yung cellphone ko at naglaro ng Minion
Rush. Pampakalma lang. Kung anu-ano na rin kasi ang iniisip ko eh.
Habang tumatagal ang paglalaro ko parang hindi ako nakakalma. Lalo pa akong
natataranta pag bumibilis yung pagtakbo nung minion. Nabato ko pa yung cellphone
nang mabangga yun sa isang bus.
Naalala ko pa nung pinalagay niya yun dun. Siya pa ang nagbigay ng picture. Para
daw lagi ko siyang makikita kahit wala siya. Naglagay din siya ng picture ko sa
bedside table niya. Yung mukhang tanga kong picture ang nandun.
Unti-unti kong naramdaman ang pagkalma ng kalooban ko. Baka nago-overreact lang ako
sa nangyayari. Hihintayin ko na lang siya mamaya.
________
Nakuha ko agad yung mga dress na pinakuha ni Lana. Sampu yun lahat at ang kukyut.
Sa may Mandaluyong ung store at di naman ako nahirapang hanapin.
Alas doce na rin naman ng tanghali kaya napagpasyahan kong pumunta na muna ng SM
Megamall. Nagugutom na rin pati ako.
Naghahanap ako ng maluwag na makakainan nang may tumawag sa pangalan ko. Nilingon
ko yun at nakita ko si Atty. Lisa Delgado. Siya ang attorney ni Maico, nagkakilala
na rin kami nang minsang pumunta ako sa opisina ng huli. Tantiya ko eh nasa
cuarenta na ang edad niya.
"Ayos naman ako hija. Kikitain ko ang asawa ko ngayon. Baka gusto mong sumabay na
pagkain?"
"Ganun ba? Eh kayo ni Maico? May problema ba? May pinapagawa siyang kontrata sa
akin ah. Napahapyawan ko na ng basa yung binigay niya. Napaka-possesive talaga ng
lalaking yun pagdating sayo. Kelangan pang magpagawa ng ganun."
Pinilit kong ngumiti. "Opo, ayos lang ako. Nabanggit niya nga po yung kontrata na
yun."
"Ahh, so kayong dalawa pala may kagustuhan nun? Naku mga kabataan talaga. Hala
sige, baka naiinip na ang asawa ko. Ingat ka hija."
________
Dumiretso na ako kina Lana matapos kong makasalubong si Atty. Delgado. Nawalan na
rin naman kasi ako ng ganang kumain. Gulong-gulo yung isip ko habang nasa biyahe.
Di ko na alam kung anong iisipin.
"Thank you talaga friend!" si Lana habang inaabot yung mga dress.
"Problema?"
Ngumiti lang ako sa tanong niya. Kilalang-kilala niya na ako. Kahit magsinungaling
ako at sabihin kong wala eh hindi rin naman siya maniniwala.
Sa garden kami pumwesto. Ako naman ngayon ang may karga kay Janna habang siya eh
inaayos yung merienda.
Kinuwento ko sa kanya yung nangyari kahapon. Minus the medyo violent scene at yung
alam niyo na scene.
Napangiti ako ng mapait. Magwawala? Yes nagwala nga siya. Bakas pa sa mga braso ko
pati sa likod ko yung ebidensya. Kahit na mainit napilitan akong mag long sleeves
para hindi yun makita.
"Ano naman?"
"Nagpapagawa siya ng kontrata kay Atty. Delgado. Para raw yung sa relasyon namin.
Para masiguro niyang sa kanya lang ako."
"Sweet? Ano namang sweet dun Lana? Pinapamukha niya lang niya na wala siyang tiwala
sa akin." malungkot na sabi ko.
"Sigurado ka?"
Magaalas-syete na rin nang makarating ako sa unit ko. Di ko na kasi napansin ang
oras sa dami ng pinag-kwentuhan namin ni Lana. Kahit paano nakalimutan ko yung
problema ko.
Umaliwalas agad yung mukha niya nang marinig yung pangalan ni Lana. Tss. Gusto mong
mapangiti si Maico? Magic word: Lana.
Padabog kong ibinaba inilagay yung bag ko sa sofa. Nagiinit ang ulo ko. Ewan ko ba,
basta naiinis ako ngayong nakita ko siya.
"Guess what?" Kinuha niya yung folder sa center table. "Tadaaa!" excited pa niyang
iniharap sa akin yun.
Napatulala ako sa folder at hindi ko yun inabot. Alam ko naman na kung ano yun eh.
Yung kontrata na sinasabi niya kaninang umaga. Pakiramdam ko eh naginit bigla yung
pisngi ko. Parang gusto kong maiyak na ewan. Excited pa siya. Excited pa siya
habang ako naman eh nasaasktan sa ginagawa niya.
"Beauty..."
"Ikaw lang." malapit na akong maiyak. "Ikaw lang yung tanging lalaki na minahal ko.
Ikaw lang yung---" napatigil ako nang pumatak yung luha sa kaliwang mata ko.
Pinunasan ko agad yun at tumayo. "Layuan mo muna ako, please."
"Wait... ano bang sinasabi mong layuan kita?" napatayo na rin siya at humarap sa
akin.
Desidido na ako. Gusto ko muna ng oras na malayo sa kanya. Siguro naman sa mga oras
na yun eh makakapag-isip na ako kung ano talaga ang gusto ko.
"Basahin mo muna naman ito. Hindi naman ako naglagay ng hindi mo magugustuhan eh."
Tinabig ko yung folder at nahulog yun sa sahig. Sinundan niya lang yun ng tingin at
hindi pinulot.
"Please lang Maico, gusto ko munang mapag-isa. Maghiwalay na lang muna siguro
tayo." hindi ko alam kung saan ako nakahugot ng lakas ng loob para sabihin yun.
Siguro dahil na rin yun sa naghalong galit at sakit na nararamdaman ko.
"Umalis ka na."
"Jacky no... Don't do this please." hinawakan niya yung kanang kamay ko. "Ma---"
"I said get out!" kasabay ng pagsigaw ko ay ang paghila ko sa kamay ko.
Matagal pa siyang nakatitig sa akin saka kumilos. Pinulot niya yung folder sa sahig
saka yun inilapag sa center table.
"Sige, bibigyan kita ng oras. Lalayo muna ako. Pero sana basahin mo man lang ang
laman nito." aniya na ang tinutukoy ay yung kontrata. "Sakali mang magbago ang isip
mo, alam mo kung nasaan ako." aniya pa saka tumalikod.
to be continued...
Chapter Twenty Six
Nakatulala lang ako dito sa sala. Di ko na alam kung gaano na katagal na naka-alis
si Maico. Basta mula nung nakita ko siyang lumabas ng pinto,dumausdos na lang ako
ng upo sa sahig.
Pakiramdam ko kasi nung lumabas siya eh parang dinudurog yung puso ko. Sa isip ko
eh kahit kailan hindi na siya babalik. Na yun na ang huli naming pagkikita.
Tumingin pa siya sa akin nun at nakita ko yung sakit sa mga mata niya. Tama ba ako
ng naging desisyon? Bakit parang ngayon pa lang eh pinagsisisihan ko na yun? Dapat
ba pinigilan ko na lang siyang umalis at binawi na lang ang mga sinabi ko? Kung
ganun man, magiging masaya nga ba talaga ako?
Napatingin ako sa kontratang nasa center table. Unti-unti ko ulit naramdaman yung
galit sa dibdib ko. Mula noong una eh minahal ko na siya. Ginawa ko ang lahat para
sa kanya. Tiniis ko ang sakit na makipagrelasyon sa kanya para lang makalimutan
niya si Lana tapos ito ang mapapala ko? Hahainan niya pa ako ng kontrata? Hindi pa
ba sapat ang lahat ng nagawa ko para lang makita niyang sobra yung pagmamahal ko sa
kanya?
Doon nagsimulang tumulo ang luha ko. Ang gusto ko lang naman eh mahalin niya rin
ako. Kahit konti lang sana. Hindi ko naman hinihiling na suklian niya ng buo yung
pagmamahal ko eh.
Patuloy lang sa pagdaloy yung luha ko habang nakahalukipkip ako sa may sala.
________
Ramdam ko yung sakit ng katawan ko. Pakiramdam ko eh ngawit na ngawit ang mga braso
ko. Nagmulat ako ng mata at yung ilalim ng center table ang bumungad sa akin.
Dahan-dahan akong bumangon. Inihilamos ko ang mga kamay ko sa mukha ko. Tsk!
Nakatulugan ko na pala ang pag-iyak dito sa sala.
Tumayo na ako ng makaramdam ako ng pagkalam ng sikmura. Kahapon pa nga pala ako
hindi kumakain. Kahit yung meryendang hinanda ni Lana eh hindi ko nagalaw. Hindi na
rin naman ako nakakain kagabi dahil sa naging engkwentro namin ni Maico.
Nagbihis lang ako at bumaba. May Mcdo na malapit sa tinitirhan ko kaya dito na lang
ako pumunta para mag-almusal. Hindi ko gusto ang pagkain dito pero wala naman akong
choice. Mas maganda sana kung may Jolibee na lang na malapit. Mas gusto ko pa ang
pagkain dun.
Mc nuggets lang ang binili ko na may kasamang fries. Kung tutuusin naman kasi, wala
talaga akong ganang kumain. Pero nagugutom ako kaya pagbibigyan ko yung tiyan ko.
Wala namang masyadong tao kaya nakapili ako ng maganda gandang pwesto. Mas gusto
kong umuupo sa mataas na upuan para nakikita ko ang lahat kaya naman doon agad ako
pumwesto.
Luminga ako sa paligid ko. Halos lahat sila nakangiti at mukhang masaya. Buti pa
sila mukhang walang mga problema. Ito ang gusto ko sa panood ng mga tao sa paligid
ko eh, kahit paano gumagaang ang loob ko pag nakakakita kong masaya sila.
Napatingin ako sa kanan ko. Mayroong mag-jowa doon na nagsusubuan ng fries. Ewan ko
ba pero nainis ako bigla. Oo marami na akong nakitang ganyan pero... ahh basta
naiinis ako! Inalis ko na lang yung tingin ko sa kanila. Lumingon ako sa kabila at
meron naman doong dalawang matandang mag-asawa. Kulubot na yung mga balat nila pero
makikita mo sa mga mata nilang wagas pa rin yung pagmamahalan.
Naiimagine kong magkaharap kami sa isang fine dine resto. Kulubot na yung mga balat
namin pero masaya kami. Hinahaplos niya ang mga kamay ko habang sinasabi niyang
“Mahal na mahal kita.”
Napailing ako ng wala sa oras. Winawaksi ko yung kung ano mang tumatakbo sa isip
ko. Ano bang iniisip ko? Jeez!
Nagmamadaling umalis na lang ako kahit na hindi ko pa natatapos yung kinakain ko.
Pabalik na sana ako sa unit nang maalala kong wala na nga pala akong stock ng
pagkain kaya naman nagpunta na lang muna ako sa grocery store.
__________
Ngayon ko lang nasubukang magbasa ng Filipino pocket book. Mahilig akong magbasa
pero puro foreign novels yun. Mistery at Sci Fi pati ang genre. Itong mga
pocketbook na nandito eh kay Joy, siya ang mahilig sa pocketbook. Matagal ko na
'tong nakikita pero di ko pinagka-abalahang basahin.
“Puro happy ending na lang. Bakit ako hindi maganda ang ending?” napabuga ako ng
hangin. “Gaga ka kasi.” kastigo ko sa sarili ko.
Kinuha ko yung cellphone ko. Maglalaro na lang siguro ako. Ayoko nang magbasa ng
masasayang love story ng mga fictional character ng pocketbooks habang yung love
story ko eh di naman masaya ang ending.
Napangiti ako bigla nang makita ko yung picture ni Maico na wallpaper ko. “Hayyyys!
Nakkainis ka talaga!” sumimangot ako bigla. Pakiramdam ko eh mababaliw na ako. Kita
niyo pati yung picture ni Maico sa cellphone ko inaaway ko na.
Di ko sinasadyang mapindot yung contacts. Tama! Para maaliw naman ako, tatawagan ko
yung mga bruha. Kaysa naman sa mental na ang tirahan ko bukas.
__________
“Friends! Na-miss ko kayo!” bungad ni Genna sa amin. Pinagtitinginan kami, kasi
kung hindi niyo naitatanong eh artista lanng naman ang kaibigan kong yan.
“Wala naman, gusto ko lang talaga kayong makasama noh. Miss ko na kayo eh.” sagot
ko saka pinagpatuloy yung pagkain. Hangga’t maaari ayoko munang pag-usapan si
Maico. Nakipagkita ako sa kanila para mawala siya sa isip ko.
“Oo nga, yung last time eh nung birthday ko pa.” ani Genna.
“Hanapin muna natin yung bruhang si Joy. Hindi tayo makukumpleto hangga’t nag-
iinarte yun.” sagot ko.
Uminom muna ng tubig si Aya saka sumagot. “Hindi ka ba niya na-email? Sabi niya
nasa probinsya siya. Kung saan mang probinsya di niya sinabi, pero ok lang daw
siya.”
“Eh kaya naman pala, di ko talaga mababasa yun. Matagal na akong di nagbabasa ng
email ko. Wala bang cellphone dun? Pwede namang magtext na lang!” si Genna.
Napapailing na bumalik na lang ako sa pagkain. Nagiilusyon lang ba ako? Pero bakit
parang totoo?
“May naisip ako. Bakit hindi tayo magpunta sa comedy bar para maaliw naman tayo?”
tumingin siya sa wrist watch niya. “Eight thirty pa lang. Sakto lang na
magsisimula yung show pagdating natin. Ano, call?”
Comedy bar. Mukhang magandang idea para mabaling ang atensyon ko. “Tara!”
__________
Quarter to ten nang dumating kami sa isang comedy bar dito sa may Quezon Ave. Si
Aya ang namili kung saan kami, gusto niya raw yung isang performer na nandito.
Naka-pwesto kami sa taas, yung malayo s stage pero kitang kita namin sila dahil nga
escalated itong pwesto. Marami nang tao at halos mapupuno na yung bar.
Lumabas lang saglit si Genna dahil may tumawag sa kanya.
“Kamusta? Love life?” tanong ko kay Aya. Ewan ko ba kung anong pumasok sa kukote ko
at bigla kong nai-brought up ang usapang love life. Nainis ako sa sarili ko pero
di ko na mabawi yung tanong.
“Masyado silang marami kaya complicated!” pagbibiro niya. Alam ko namang hanggang
ngayon eh di pa rin siya nakaka-move on sa ex niya.
Tumawa ako ng malakas. Magsasalita pa sana ako nang bumalik na si Genna. Wagas
makangiti ang bruha. Akala mo nanalo sa lotto!
Ngumiti lalo siya sa akin. “Yeah.” sagot niya. Tumingin pa ulit sa cellphone niya
at nag-type.
“Mukhang going strong ah?” si Aya. Medyo sarcastic yung tono niya pero hindi
masyadong halata.
“No.” ako.
Magkasabay pa yung pag-sagot namin ni Aya. Napatingin ako sa kanya, kita yung
lunggkot sa mga mata niya. Isang lalaki pa lang kasi talaga ang minahal niya. Si
Vince. At si Vince ang boyfriend ngayon ni Genna. Buti nga hindi nagkakabanggaan
ang dalawang yan eh. Pero sabagay, mas mahalaga naman ang pagkakaibigan nila kesa
sa pag-ibig na yan.
Napalingon kami sa stage nang lumabas na yung mga bakla. Kumanta silang lahat
bilang pagsisimula ng show.
Lumapit yung isang waiter at iniabot yung menu. Naisip ko, tutal nandito na rin
lang ako bakit hindi ko pa lubusin?
“What?”
“Minsan lang naman eh. Nandito na tayo, lubusin na natin.” sabi ko saka humarap sa
stage.
In fairness, effective yung pinaghalong alak saka yung kakatawa ko sa mga jokes
nung mga bakla. Kahit papaano nawawala sa isip ko yung lalaking yun. Sino nga ba
yun? Oh di ba effective?
Umorder pa nga ulit ako ng isa pang bucket nang maubos yung isa. Di naman ako
masyadong tinamaan kahit nakarami na ako ng bote. Naiintindihan ko pa nga yung
sinasabi nung performer.
“Dapat nga magpasalamat pa kayong mga magaganda sa amin eh.” sabi nung isang bakla.
Hagalpak ako ng tawa dun. Oo nga naman, kung wala ang mga panget na tulad ko,
walang pagbabasehan ng ganda ng mga tulad ni Lana. Wala ring pagbabasehan si Maico
kung sino ang mas magugustuhan niya.
Tss. Kahit saan talaga napapasok sa eksensa yang Maico na yan. Nagagawang mawala
ang epekto ng alak.
Iinom pa sana ako sa baso ko nang mapansin kong wala na palang laman yun. Kumuha pa
ako ng isa pang bote at sinalin sa baso ko.
“Tama na ka jan! Hindi pa nga ako tinatamaan.” mayabang pang sabi ko. Oo
nakakaramdam na ako ng hilo pero di naman malala.
“Anong hindi? Eh pulang-pula ka na oh!”
Naramdaman ko yung pagsikip ng pantog ko. “CR lang ako.” sabi ko saka biglang
tumayo.
Napangiti na lang ako kay Genna. Umaatake na naman yung pagiging isip nanay niya.
Nakayakap siya sa beywang ko at hawak niya ang isang braso ko bilang pag-alalay.
Dumilat ako pero di ko siya maaninag masyado dahil bukod sa madilim dito, nanlalabo
na talaga yung paningin ko kahit nakasalamin pa ako.
Napangiti ako ng mapait ng marinig ko ang boses na yun. Tsss. Nag-iilusyon na naman
ba ako?
to be continued...
Author’s Note: <-- (himala may note hahaha!) Marami pong nagp-PM na nagpapa-
dedicate at nakakapagod na rin pong sumagot ng paulit-ulit. Ito po ang sagot ko:
SA COMMENT BOX PO AKO NAMIMILI KUNG KANINO AKO MAGDE-DEDICATE. DUN LANG SA READERS
NARARAMDAMAN KO. KUNG KANINONG COMMENT ANG PINAKANAGUSTUHAN KO, YUN PO ANG PINIPILI
KO. Kailangan din naman po kasi namin ng feedbacks mula sa inyo. Kahit na hindi ko
po yan nire-replyan, binabasa ko naman at naa-appreciate ko po yan. :)
P.S. POV lang po ni Jacky ang buong story. Yun lang. Salamat. Mabuhay! hahahah
-purplenayi
Chapter Twenty Seven
Napatingin ako sa suot ko. Nakabihis na ako ng pantulog. Pero hindi ko maalalang
nagpalit ako. Malamang sina Genna at Aya ang nagpalit sa akin. Naku kailangan ko
palang mag-sorry sa kanila. Nahirapan sila saken kagabi. Bakit naman kasi naisipan
ko pang mag-inom?
Iuuwi ko na siya.
Napakunot ang noo ko nang bigla na lang yung pumasok sa isip ko. Teka, may ibang
sumalo sa akin nang mahuhulog na ako sa upuan dahil sa sobrang hilo. Inalalayan ako
ng kung sino mang iyon at siya ang nagsabing iuuwi na ako.
Si Maico. Oo, sa pagkakatanda ko siya yung nakita ko pero malabo yun. O baka nga
nagiilusyon lang ako nang mga oras na yun? Sa totoo lang kasi siya ang gusto kong
makasama nang mga sandaling yun.
Pero sa likod ng isip ko eh parang may malabong pangyayari na binuhat niya ako at
dinala sa kotse niya. Pinagalitan pa nga ako pagkababa niya pa lang sa akin sa
likod ng sasakyan. Pasaway! Yan ang naaalala kong bigla niyang sinabi bago yung
mahabang litanya na hindi ko na maalala.
Now I know how you felt when you took me home drunk.
Pilit kong inaalala yung nangyari habang nagsha-shower. May pumapasok sa isip ko na
sumuka ako at di ko alam kung saang banda. Pero malamang sa malamang eh nagawa ko
yun. Pagkatapos nun eh nilinisan niya ako saka binihisan. Malabo lahat pero ramdam
kong totoong nangyari lahat yan at hindi panaginip lang.
Pumunta ako sa kusina matapos maligo at makapagbihis. Magluluto sana ako ng mainit
na sabaw para mabawasan yung sakit ng ulo ko nang may makitang pagkain sa mesa.
Nakatakip yun at may note sa ibabaw.
Initin mo na lang yang sabaw, ako mismo nagluto niyan. Inumin mo rin yung gamot na
nanjan. Para yan sa hangover. Meron ding gamot jan para sa allergies, nakita ko
kasing puno ka ng pantal. Don’t worry that’s safe nai-prescribe yan ng doctor.
Napangiti ako roon. Alam kong handwriting yun ni Maico kahit na hindi niya pa
nilagyan ng pangalan. Inalis ko agad yung takip at nandoon nga yung mga sinabi
niya. Nilagay ko sa microwave yung soup para initin yun.
“Wow.” wala sa sariling nasabi ko pagkahigop ng sabaw. Si Maico talaga ang nagluto
nito? Ang sarap. Seryoso. Sa lasa nun, tanya ko eh chicken soup yun.
So hindi nga panaginip yun, si Maico talaga ang naghatid sa akin dito sa bahay.
Siya rin ang nag-alaga sa aking kagabi habang nasa kagagahan stage ako.
Natawa na lang ako sa sarili ko. Ewan ko ba pero kinikilig ako sa gesture niyang
yun. Doon ko nakumpirma na sinusundan niya ako, kami. Hindi naman siya tinawagan
nina Aya dahil hindi sila nagkaroon ng pagkakataon kaya ibig sabihin, sa simula pa
lang nandun na siya. Isa pa, nakita ko rin siya sa Glorietta pero bigla siyang
nawala.
Tinapos ko ang pagkain at uminom ng gamot saka nagpunta sa sala. Naroon yung
kontrata sa mesa at hindi man lang yun nagalaw. Kinuha ko yun at dinala sa kwarto
para basahin.
Sinuot ko ang eyeglasses ko. Akmang bubuksan ko na yun nang tumunog yung cellphone.
Calling...
Mica
“Mica?”
May alam kaya siya sa nangyayari sa amin ni Maico ngayon? Baka kakausapin niya ako
tungkol dun.
“SM Aura. Susunduin kita jan. See yah!” ibinaba niya na yung tawag bago pa ako
makapagsalita ulit.
__________
Bandang alas-once nang sunduin ako ni Mica. Gaya ng sabi niya, sa SM Aura kami
nagpunta. Bagong tayo lang yun sa tapat ng Market! Market! kaya pala gusto niyang
puntahan.
Medyo iba sa mga normal na SM itong Aura. May pagka-sosyal ang dating kaya bagay na
bagay dito si Mica. Pero ako? Parang hindi.
Wait. Nagastos kagabi?! Oo nga pala, umalis ako bago pa makapagbayad dahil sobrang
lasing na ako. Kinuha ko agad ang pitaka ko at tinignan. Kumpleto pa nga yung pera
ko dun. Jeez! nakakahiya naman dun sa dalawa, eh ang sabi ko ako ang taya.
From: Aya
Gaga! Hindi kami ang nagbayad nung bill. Sa boyfriend mo ikaw magpasalamat.
Bakit ba hindi na ako nagulat sa sinabi ni Aya? Malamang si Maico na ang magbabayad
nun, nandun nga siya di ba? Katangahan ko talaga.
“Kamusta kayo ni Kuya? Alam mo ba ang sungit sungit nun kahapon? Talo pa nga ang
may buwanang dalaw eh!”
“Ewan dun. Naku, kaya sobrang bilib ako sayo kasi natatagalan mo yung sapak ng
isang yun eh.”
Kung alam mo lang Mica, ako ang dahilan ng pagsusungit niya. At dahil yun sa hindi
ko na natagalan ang sapak niya sa utak.
“Ay sus! Marami ka ba? Puro ikaw lang naman ang nasa isip nun eh.” aniya
saseryosong tono.
Naramdaman ko yung pag-iinit ng pisngi ko sa sinabi niya. “Pinagsasasabi mo jan?”
mahinang sabi ko.
“Sobrang mahal ka ni Kuya. Obvious naman, haller!” walang anu-anong sabi niya
habang may kinakalikot sa cellphone niya.
Hindi na ako nakaimik sa sinabi niya. Mahal ako ni Maico? Kahit kailan eh hindi ko
pa yun narinig mula sa kanya. Dapat bang maniwala ako?
to be continued...
Chapter Twenty Eight
Biyernes na naman. Isang linggo na rin ang nakalipas mula nang pinalayo ko si
Maico. Well, balak ko na rin naman siyang kausapin bukas. Pinalipas ko lang ang
ilan pang araw para mas makapag-isip pa ako ng maayos. At ang desisyon ko? Gusto ko
siyang makasama, no matter what.
Sobrang busy ng schedule ko these past few days. Inaayos ko pa rin yung problemang
naiwan sa Palawan. Pagka-alis ko kasi eh may bagong problemang umusbong. Pero
naayos ko na rin kaya eto, nakakahinga na ulit ako ng maluwag bukod pa sa
komportable na ulit ako sa suot ko.
Binalik ko na ulit yung dati kong hitsura. Kung tutuusin kasi eh di naman talaga
ako komportable sa mga damit na pinapasuot sa akin ni Mica. Hiningi ko naman ang
opinyon niya and she's ok with it. Ang sabi niya kung saan ako mas magiging
komportable eh dun ako. Tutal naman daw eh walang mababago sa pagtingin ng kuya
niya. Kinilig ako nun oo, pero siyempre iba pa rin pag kay Maico yun mismo
nanggaling.
Sa Metrowalk daw kami mamaya. Hindi naman siguro masamang makisama naman ako sa mga
kaopisina ko. Sa totoo lang kasi eh hindi talaga ako sumasama sa mga ganoong
paglabas-labas nila. Kaya siguro tinanong pa ako nung isa.
__________
"Buti nakasama ka." napatingin ako sa nagsalita. Si Anthony. Umupo siya sa tabi ko
at hindi siya makatingin.
Ilang sandali rin kaming nasa ganoong ayos nang magsalita siya.
"Forget it." putol ko agad sa sinasabi niya. Alam kong yung paghalik niya sa pisngi
ko ang tinutukoy niya. "Wag na nating pag-usapan yun."
"Tapos na yun."
Ngumiti ako sa kanya bilang pagpapakita na pinapatawad ko na siya. Sana nga lang
hindi na talaga maulit dahil baka sa susunod eh hindi ko na talaga siya mapatawad.
Lalo na kung dahil dun eh magugulo na naman kami ni Maico.
Naging masaya naman ako habang nakikipag-kwentuhan sa kanila. Hindi nga sila sanay
sa na sumasama ako kaya nagulat pa sila sa kadaldalan ko. Habang tumatagal kasi eh
nagiging komportable na rin akong makipagbiruan sa kanila.
Natatawa na lang ako kasi ilang taon na rin ako sa kompanya pero ngayon lang ako
nakipag-socialize sa kanila. Imagine? Ang tagal na panahon ko rin binuro ang sarili
ko. Well, nanjan naman kasi yung mga kaibigan ko kaya ganun ako eh. Pero ngayong
hindi ko na kasama sa bahay si Lana eh wala na rin akong makasamang lumabas-labas.
Kanina pa nila ako pinipilit na uminom pero ayokong tanggapin yung inaabot nila. Sa
nangyari nung nakaraang linggo, nangako ako sa sarili kong hinding-hindi na talaga
yun mauulit. Grabe, ayoko na ulit maramdaman yung naramdaman ko nun.
Malapit na kami sa kalsada nang muntik na siyang matumba kaya naman umakbay siya sa
akin para mas maalalayan ko pa siya. Kanina kasi eh nakakapit lang ako sa braso
niya.
Nagulat na lang ako nang biglang maalis yung pagkaka-akbay niya at malakas na
kalabog ang narinig ko. Pagkatingin ko eh nandun si Maico at kukubabawan pa si
Anthony. Bakas din ang pagkagulat sa mukha ng huli at ang dugo sa gilid ng mga labi
nito.
"Maico!" nagpapanic na lumapit ako sa kanila at hinila ang braso ni Maico bago niya
pa ulit masuntok si Anthony.
Nagpumiglas si Maico at halos matumba ako ng hilahin niya yung braso niya mula sa
pagkakahawak ko. "Sinabi ko nang layuan mo ang girlfriend ko di ba?" pagkasabi nun
eh binirahan niya pa ng isang suntok si Anthony.
Mukhang natauhan naman siya at dahan-dahang tumayo. Nagsilapitan agad yung ibang
tao kay Anthony at tinulungan nila itong makatayo.
"Tara na." sabi ko habang hinihila ang braso ni Maico. Masama pa rin ang tingin
niya kay Anthony na halos hindi na makatayo.
________
Tahimik lang kami ni Maico habang pauwi. Naiinis ako sa ginawa niya. Kung tutuusin
naman kasi eh walang kasalanan si Anthony. Lasing yung tao at inaalalayan ko lang.
Pero itong si Maico, basta na lang sumugod at pinagsusuntok yung tao.
Napatingin ako kay Maico. Bakas yung sobrang galit sa mukha niya.
"Hindi mo dapat ginawa yun." hindi ko napigilang sabihin. Kalmado lang ang boses ko
pero mariin ang pagkakasabi ko.
Marahas siyang tumingin sa akin. "Pinagsabihan ko na siyang layuan ka. Pero ano?
Nakita ko pa siyang nakaakbay sayo!"
"Wag mong idahilang lasing siya! If I know nagkukunwari lang yun! Gusto ka lang
talaga niyang agawin sa akin!" hinampas niya pa yung manibela saka itinigil sa
gilid yung sasakyan.
"Pero hindi pa rin yun sapat na dahilan para bugbugin mo siya ng ganun!"
Napabuga ako ng hangin at kinalma ang sarili ko. Pag pinagpatuloy ko ang
pakikipagtalo sa kanya eh wala kaming magandang patutunguhan. Baka maaksidente pa
kami kaya isinandal ko na lang yung ulo ko at pumikit.
Narinig ko pa yung paghinga niya ng malalim saka ko naramdaman yung pag-andar ulit
ng sasakyan.
to be continued...
Chapter Twenty Nine
Padabog kong binuksan ang pinto ng unit ko. Pagkapasok niya eh mahinahon niya iyong
isinara. Alas tres na rin ng madaling araw, malamang naisip niyang baka makabulabog
kami ng mga nasa kabilang unit.
“Ano bang problema mo?” halos pabulong kong sabi pero mariin yun.
Napapikit ako sa pagpipigil sa sarili ko. Ipinipilit niya ang isang bagay na wala
namang katotohanan. “So what kung nakikipag-date nga ako sa kanya?”
“Baka nakakalimutan mong wala na tayo? Isang linggo na ang nakakalipas!” alam kong
hindi naman ako nakipaghiwalay nun ng tuluyan pero naiinis ako sa inaasal niya.
“Hindi tayo naghiwalay Jacky. Lumayo ka muna, that was the exact words na sinabi
mo.” hinawakan niya ang braso ko. “Gaya ng sabi mo, lumayo muna ako.” pinagdiinan
niya pa yung “muna”.
Inalis ko yung kamay niya sa braso ko at naupo ako sa sofa. Sumasakit na ang ulo ko
kaya hinilot ko ang sintido ko. Ayoko namang makipagtalo talaga kaya pinipilit kong
unawain na lang siya.
“Walang araw na hindi kita sinusundan.” aniya pagkaupo. “Madalas ko kayong nakikita
na magkasama. Alam mo ba kung anong nararamdaman ko nun? Isang buong linggo tiniis
kong makita kang nakikipagtawanan sa kanya. Isang buong linggo Jacky.”
Tulad ng hinala ko, hindi talaga siya lumayo ng tuluyan. Nakamasid lang siya lagi
sa akin. Nararamdaman ko naman yun pero ipinagsawalang bahala ko na lang.
Sa buong linggong yun, kasa-kasama ko si Anthony. Hindi naman sa yun talaga ang
gusto ko. Kailangan lang talaga dahil sa trabaho namin. May inaayos kasi kaming
isang project.
“So kasama sa inaasikaso niyo ang pag-iinom ng magkasama at ang pagyakap-yakap niya
sayo?”
“But that’s what you’re trying to imply! Na nakikipaglandian ako kay Anthony !” di
ko na napigilang magtaas ng boses.
Tumayo na rin siya at lumapit ng kaunti sa akin. “Ok, I’m sorry. I was just---“
natigil siya sa pagsasalita na tila iniisip ang tamang words na gagamitin.
“Ano? Yun naman talaga yung gusto mong palabasin di ba? Na ilang araw lang tayong
hindi nagkita eh nakikipaglandian na ako sa iba!”
Oo nga pala. Nakalimutan ko na ang kontratang yun. Kung tutuusin naman kasi eh
balak ko natalagang makipag-usap sa kanya bukas kahit na hindi ko pa nababasa ang
laman nun. At wala na rin naman akong pakialam.
Pero ngayon? Ewan ko. Parang ang baba lang kasi ng tingin niya sa akin. Paano kami
magpapatuloy sa relasyong ito kung simpleng pagtitiwala lang hindi niya maibigay sa
akin? Ang mas masakit pa eh halos akusahan niya na akong maruming babae.
Kahit naman hindi niya deretsahang sabihin eh nakikita ko sa mga mata niya yung
pambibintang na may relasyon na kami ni Anthony.
Hindi ko alam kung anong sumanib sa akin pero imbis na sabihin kong hindi ko pa
yung nababasa eh iba ang nasabi ko. “Nabasa ko na. Hindi ako interesado.”
Nakita ko yung pagkagulat sa mukha niya. Kung ano man ang nakasulat sa kontratang
yun? Sa tingin ko eh inaasahan niyang sasang-ayunan ko.
“I guess I was wrong all this time.” lumamlam yung mga mata niya. “Akala ko mahal
mo ako. Araw-araw ipinagpapasalamat ko sa Diyos na may nagmamahal sa akin na
katulad mo. Pero mali pala. Akala ko lang pala yun.” tumulo ang isang luha sa mata
niya.
Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko. Umiiyak siya, umiiyak si Maico ng dahil sa
akin.
“Bakit mo ipinaramdam sa akin yun kung babawiin mo rin pala?” tuloy tuloy na yung
pagdaloy ng luha sa mga mata niya. “Bakit mo pa ipinakitang may nararamdaman ka
para sa akin kung wala naman pala talaga? Jacky... masakit.” itinuro niya yung
dibdib niya habang nakatingin sa mga mata ko.
“Maico...” lumapit ako sa kanya at hinawakan ang mga kamay niya. “I’m sorry---“
“No, don’t be sorry.” inalis niya yung mga kamay. “Ako lang naman yung umasa eh.
Kung tutuusin ako lang naman ang nagpumilit ng relasyong ito di ba? Ako dapat ang
mag-sorry. Akala ko kasi talaga...” mariin siyang pumikit at saka tumungo. “Dapat
na rin siguro akong umalis.” tumalikod na siya at lumapit sa may pinto.
“Don’t worry about me. I’m fine. And, I’m sorry sa mga nasabi ko kanina. Nagseselos
lang kasi ako.”
Lumapit ako sa harap niya. Gusto kong sabihin na mahal ko siya at mali siya ng
iniisip.
Hinnawakan niya ang kaliwang pisngi ko. “Mahal kita Jacky, mahal na mahal. And I’ll
do anything para maging masaya ka. Even if it means losing you.” aniya pa saka
umalis ng tuluyan
Napatulala ako sa sinabi niya. Mahal kita, Jacky. Teka, sinabi niya ba talaga yun?
Mahal niya ako? Sinabi niya ring nagseselos siya so...
Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakatulala lang sa harap ng pinto. Paulit-
ulit na nagpe-play sa utak ko yung sinabi niya. Mahal kita, Jacky... mahal kiya,
Jacky.
Jeez! Napatakbo ako bigla para habulin siya. Pumunta agad ako sa pinagparkan niya
ng sasakyan pero wala na yun. Kinuha ko na lang ang cellphone ko para tawagan siya
pero out of coverage area naman. Ipagpapabukas ko na lang siguro. Pupuntahan ko na
lang siya sa unit niya bukas.
Sa kwarto agad ako nagpunta pagka-balik ko sa unit. Binuksan ko agad yung drawer at
kinuha yung folder na binigay niya.
Napakunot ang noo ko nang buksan ko iyon. Iisa lang naman kasing line ang nandoon.
Hindi tulad ng inaasahan ko na may rules pang ekek .
I, Jackelyn Gervacio agree to be with Maico Buenaventura for the rest of my life.
Naramdaman ko yung pagtulo ng luha sa mga mata ko kasabay ng malapad na ngiti. Kaya
pala inaasahan niyang papayag ako. Kaya pala excited pa siyang ipabasa sa akin. Ito
pala yun, balak niyang magpropose ng mga oras na yun. Mahal niya ako. Mahal ako ni
Maico.
to be continued...
Chapter Thirty
Inayos ko agad ang sarili ko pagkagising. Alas diyes na ng umaga ako bumangon dahil
halos maguumaga na rin naman akong natulog. Kung tutuusin nga eh pakiramdam ko eh
hindi talaga ako natulog. Nakapikit lang talaga ako pero gising naman ang diwa ko.
Iniisip ko kung paano ko sasabihin kay Maico na mali ang akala niya. Marami akong
naiisip na paraan kung paano ko sasabihin pero hindi pa rin ako makapagdesisyon
kung anong maganda.
Sumakay ako ng taxi papunta sa condo na tinitirhan niya. Sana naman maging positibo
yung kalalabasan ng pagpunta ko sa kanya ngayon. Sana naman hindi nagbago ang isip
niya tungkol sa balak niyang pagpapakasal sa akin.
Dali-dali akong umakyat sa fourth floor kung saan naroon ang unit niya.
Nag-doorbell ako kahit na meron naman akong susi. Considering the fact na sinabi
kong nakipaghiwalay na ako sa kanya eh parang inalisan ko na rin ng karapatan ang
sarili ko na basta-basta pumasok sa tirahan niya.
Naka-dalawampung pindot na ata ako pero wala pa ring nagbubukas ng pinto. Kahit
sumagot man lang dun eh wala. Kinabahan ako bigla. Baka kung ano nang nangyari sa
kanya!
Kinuha ko agad yung susi sa bag ko naisip ko pa lang na napahamak siya o kung
anuman. Binuksan ko yung unit niya at as usual, makalat yun. Dumeretso agad ako sa
kwarto niya para tignan kung naroon siya pero sa pagkadismaya ko, wala siya.
Nilibot ko rin ang buong unit pero hindi ko siya makita sa kahit saang parte nun.
Baka hindi siya umuwi kagabi. Pero saan naman kaya siya magpupunta?
Naupo ako sa gilid ng kama niya. Hindi siya rito natulog. Walang bakas na nahigaan
ang kama niya sa nakaraang gabi. Nilibot ko yung paningin ko at napansin kong wala
yung isang maleta niya na nakapatong sa cabinet.
Patakbong pinuntahan ko yun at binuksan. Gaya ng hinala ko, nangalahati yung mga
damit niya roon. Mukha pating madalian lang yung pag-eempake niya dahil gulo-gulo
yung cabinet.
Saan naman kaya nagpunta yun? Hindi naman siguro uuwi ng Canada agad-agad di ba?
Nanlumo ako. Pero posible yun. Sinabi niya na pinakakawalan niya na ako kaya
malamang eh lalayuan niya na ako ng tuluyan.
Sinubukan kong tawagan siya sa cellphone niya pero nakapatay pa rin yun. Mula pa
kagabi eh pilit ko na siyang tinatawagan pero mukhang wala talaga siyang balak na
makipag-usap pa sa akin.
Napatingin ako sa bedside table niya. Napangiti ako nang makita ko yung picture ko
dun na mukha akong tanga. Ewan ko ba kung bakit gustong-gusto niyang nakikita ang
picture kong ito. Napansin ko naman yung isa pang litrato na nandun. Siya, mommy
niya, isa pang babae na tingin ko eh yung isa niya pang kapatid at si Mica. Wait.
Tama! Si Mica!
Kinuha ko agad ang cellphone ko at tumawag. Nakailang ring din yung cellphone ni
Mica bago niya sinagot.
“Huh? Si Kuya? Bakit saken mo tinatanong? Ikaw dapat nakaka-alam niyan, kayo kaya
lagi ang magkasama.”
“Yun na nga eh, nagkaproblema kasi kami. Ang iniisip niya eh ayokong magpakasal sa
kanya.” malungkot na sabi ko.
“Aww. Don’t worry, aalamin ko kung nasaan siya. Sasabihan agad kita pag may nalaman
ako.”
Pabagsak kong ihiniga ang sarili ko sa kama niya pagkababa ko nung tawag. Nasaan na
kaya siya?
________
Nagtanong ako kung kani-kanino kung may nakaka-alam kung nasaan siya. Tinawagan ko
rin ang sekretarya niya. Ang sabi nito, ipina-cancel daw ni Maico ang lahat ng
meeting niya para sa buong linggo at hindi muna ito nagbigay ng araw para ire-
schedule lahat yun. Ibig sabihin nito, matagal-tagal din ang balak niyang paglayo.
Nag-isip ako ng mga lugar na pwede niyang puntahan at tinawagan ko rin lahat yun
pero bigo pa rin ako. Tama nga naman na hindi mo makikita ang isang tao kung ayaw
nitong magpakita.
Kasalanan ko ang lahat ng ito. Kung mas nilawakan ko lang sana yung pang-unawa ko
kay Maico eh di hind sana nangyayari ito. Kung naging bukas lang sana ako sa mga
posibilidad na laman nung kontrata na iyon eh kasama ko pa sana si Maico at
malamang, nagpa-plano na kami ng tungkol sa kasal. Pero ito ako ngayon, nagmumukmok
dahil hindi ko siya matagpuan.
Naaalala ko pa yung hitsura niya habang sinasabi niya yung mga katagang “mahal
kita”. Pakiramdam ko nun eh literal na tumigil yung pagtibok ng puso ko. Ilang taon
ko na nga bang inasam na marinig yun? Mula pa noong unang beses ko siyang nakita eh
yun na talaga ang pinakamimithi ko.
Mahal kita Jacky, mahal na mahal. And I’ll do anything para maging masaya ka. Even
if it means losing you.
Napabuga ako ng hangin. Magiging masaya lang ako kung kasama ko siya. Pero iniisip
niyang magiging masaya ako na wala siya. Handa pa siyang palayain ako dahil sa
pagmamahal niya.
Naiinis ako sa sarili ko. Bakit ba hindi ko yun nakita? Ilang beses niya na bang
ipinaramdam sa akin na mahalaga ako sa kanya? Ilang beses niya na bang ipinakitang
nagseselos siya? Nagpabulag ako sa kaisipan na si Lana pa rin ang gusto niya at
hindi ko nakitang nasa akin na yung buong atensyon niya.
Hayy, Maico. Nasaan ka na ba?
to be continued...
Chapter Thirty One
Halos isang linggo rin ang matuling lumipas pero wala pa rin akong naririnig mula
kay Maico. Araw-araw akong pumupunta sa unit niya para lang i-check kung naroon na
siya pero wala lagi akong dinaratnan. Araw-araw din akong tumatawag sa sekretarya
niya para itanong kung tumawag na si Maico pero wala pa rin akong makuha na
positibong sagot.
Biyernes na ngayon. Wala akong ganang pumasok dahil hindi rin naman ako maka-
concentrate sa trabaho. Pero ano namang gaawin ko kung magtitigil lang ako dito sa
bahay? Baka lalo akong ma-frustrate dahil hindi ko makita si Maico.
Calling...
Mica
“Hello?”
“Guess what?” hindi ako nagsalita at hinintay ko lang na ituloy niya yung sinasabi.
“Alam ko na kung nasaan si Kuya!”
“Sa Pansol. May resort kami dun. At doon siya tumutuloy ngayon.”
Napangiti ako pagkababa ko ng telepono. Sa wakas, makikita na ulit kita.
Kumuha agad ako ng malaking bag para paglagyan ng gamit. Oras naman na siguro para
mag-relax ako sa isang resort di ba? Naglagay ako ng mga gamit na sasapat para sa
tatlong araw. Naglagay na rin ako ng iba pang damit na pwede kong basain pag gusto
kong maligo sa pool. Puting t-shirt yun at shorts.
Dahil may pasok naman talaga dapat ako eh tumawag na lang ako at nagsabing may
sakit. Magpa-file na lang ako ng sick leave.
From: Mica
Kung balak mong puntahan ngayon si Kuya, wag ka munang aalis! Wait mo ako ha!
Napakunot ang noo ko nang mabasa yung text ni Mica. Sasama siya? Kung sabagay,
mabuti na rin na may kasama ako para hindi na rin ako masyadong kabahan. At para
hindi rin ako maligaw. Hindi ko alam kung saan talaga yung resort na yun eh.
__________
Sakay ako ng bus papuntang Pansol, Laguna. Ang sabi ni Mica eh ibinilin niya na sa
mga tao roon na parating ako. Gusto niya sanang sumama kaso may klase siya. Mejo
tumitino na siya at naisipang mag-aral ng culinary. Tama nga naman kesa sayangin
niya lang ang pera nila sa kung anu-ano, gamitin niya na lang sa pag-aaral.
Isang oras pa siguro ang biyahe ko pero ngayon pa lang eh kinakabahan na ako. Hindi
ko maisip kung anong magiging reaksyon niya pag nakita niya ako roon.
Pinuntahan ako ni Mica kanina para lang pala magbigay ng instructions sa kung anong
dapat kong gawin. Para nga siyang teacher at ako yung estudyante niya. Natawa lang
ako nung tanungin ko siya kung effective yung tinuturo niya. Ang sagot niya saken
eh sana.
Ang dami niyang naibilin. Pati yung mood swings ng Kuya niya, kung anong dapat kong
gawin pag ganito ganyan. Kung tutuusin alam ko naman na talaga yun eh. Pero hindi
ko yun pinapansin hanggang sa ipinamukha iyon sa akin ni Mica. Nasanay na siguro
ako sa mga gawi ni Maico kaya naman naisasawalam-bahala ko na lang yung maliliit
na bagay na pwedeng maging dahilan para magkaroon kami ng malaking di
pagkakaunawaan.
Naiinip na ako sa biyahe. Narito pa lang sa Makati yung bus kaya sa tantiya ko eh
mahigit kalahating oras pa akong uupo rito. Sa tatluhan ako naka-pwesto at wala
naman akong katabi kaya prenteng prente ang pagkakaupo ko. Pero biglang maraming
sumakay pagkarating ng Ayala.
Mag-syota yung tumabi sa akin. Sa tabi ko naupo yung babae habang yung lalaki naman
ang nasa bandang gitna ng bus, sa may aisle. Magkahawak kamay pa sila at nakadantay
yung ulo nung babae sa balikat nun lalaki. Seriously? PDK? Kailangan sa tabi ko pa
talaga mag Public Display ng Kalandian?
Habang nasa biyahe eh ilang beses ko ring nahuli na nag-kiss yung dalawa. Sa bawat
beses na makikita ko yun, iniikot ko paitaas ang mga mata ko. Alam mo yung feeling
na nami-miss mo na nga yung lalaking mahal mo tapos may katabi ka pang nagpapaalala
lalo nun sayo? Ang sarap nilang pag-untugin!
Nagsuot na lang ako ng headset at pumikit kesa mapanood ko pa yung mga ginagawa
nila.
Saktong ala-una ng hapon nang makarating ako sa resort na pag-aari nina Maico.
Muntikan pa akong lumagpas kanina dahil nakaidlip ako. Buti na lang ginising ako
nung konduktor at sinabihan na narito na ako.
“Ahhm, ako po si Jacky Gervacio. Bale naitawag na raw ni Mica yung pagpunta ko?”
mejo naga-alangan kong sabi sa reception.
Mukha namang nakilala agad ng babae ang pangalan ko dahil hindi niya na yung nai-
check. “Oh, kayo po yung girlfriend ni Sir Maico. Ito po yung susi ng room niyo.
Ihahatid na lang kayo ni Jun doon.” tumingin siya sa isang lalaking sa tingin ko eh
hardinero dahil may bitbit siyang lagadera.
Lumapit naman agad siya. Ibinaba ang gamit na dala at kinuha yung bagahe ko. “Tara
po ma’am.” nakangiti pang aya niya sa akin.
“Naku Ma’am sigurado pong mag-eenjoy kayo rito.” masiglang sabi ng lalaki habang
nasa daan.
“Mukha nga.” sabi ko. “Narito ba si Maico?” hindi nagi-isip na naitanong ko bigla.
Kumunot ang noo ng lalaki pero sumagot. “Opo, hindi po ba naibilin niyo ni Ma’am
Mica na sa tabi ng kwarto ni Sir Maico kayo patuluyin?” aniya may paghihinala sa
tono.
Pumitik ako sa hangin. “Oo nga pala. Ang nasa isip ko kasi eh susunod na lang si
Maico, narito na nga pala siya ilang araw na. Tsk! Nakaka-stress kasi sa trabaho,
nagiging malilimutin ako.” palusot ko. Mukha namang sinakyan niya yun dahil ngumiti
siya.
“Mawawala ho ang pagod niyo rito panigurado.” tumigil siya sa harap ng isang pinto.
“Narito na po tayo Ma’am.”
Binuksan niya yung pintuan at ipinasok yung gamit ko. “Yung kwarto po sa kabila
yung kay Sir Maico. Tulog ho yun ngayon malamang. Umaga na po kasing bumalik ng
kwarto niya. Mauna na po ako.”
“Salamat.”
Inilibot ko ang tingin sa kwarto. Malinis iyong tignan, para akong nasa isang five
star hotel. Puting puti yung kobre kama. Pati yung dingding eh napipinturahan din
ng puti. May aircon, bedside table at may TV rin na nandoon. May ref at may sarili
pang banyo sa bandang sulok nun.
Nasa kabila raw ang kwarto ni Maico. Puntahan ko na kaya? Naeexcite na ako kaya
hindi pa man ako nakakaupo eh nagpunta na ako sa kabilang kwarto. Nakailang katok
ako pero walang sumasagot. Sinubukan kong pihitin yung doorknob, swerte lang dahil
nakabukas yun.
Umungol siya at bahagyang inimulat yung mga mata. Alam kong nakita niya ako pero
pumikit lang ulit siya at tumalikod ng higa sa akin.
“Isang oras din mahigit ang ibiniyahe ko papunta rito tapos tatalikuran mo lang
ako?” inis na sabi ko.
Hindi siya sumagot bagkus eh nagkunwari pang naghihilik. Yun bang halata mo namang
peke? Mukhang kailangan ko ng mahabang pasensya dito ah? Nagiinarte 'tong isang
'to.
“Ok fine. Matulog ka na muna jan. Babalik na lang ako mamayang gabi, mag-uusap
tayo.” tumayo na ako at lumabas ng kwarto niya.
Sa buong maghapon eh hindi lumabas si Maico. Nandoon lang siya sa kwarto niya at
nagmumukmok. Ako naman eh sinamantala ko na ang ganda ng panahon at naglibot ako sa
buong resort. Nakakatuwa dahil ang mayroong sports at recreation facilities rito.
Dinaanan ko lang naman ang mga yun dahil wala rin naman akong makakalaro. Kung sana
eh nandito si Maico kasama ko at hindi nagmumukmok lang mas masaya sana itong
pagiikot ko.
Hindi siya sumagot. Nakapikit lang siya at hindi dumidilat. Pero halata naman na
gising siya. Naupo ako sa gilid ng kama, dun sa pwesto kung saan nakaharap siya.
“Namiss kita.” pagkuwan eh sabi ko. Wala siyang reaksyon. Mukhang ayaw niyang
makipag-usap sa akin.
Nagbuntong hininga na lang ako at tumayo. Pero hindi ako umalis, bagkus eh nahiga
ako sa tabi niya at yumakap sa likod niya.
“Hindi ako aalis sa tabi mo hangga’t hindi mo ako kinakausap.” sabi ko saka
isiniksi ang mukha ko sa batok niya. Hindi ko na namalayan ang oras hanggang sa
makatulugan ko na lang na nakayakap sa kanya.
to be continued...
Chapter Thirty Two
Sinubukan kong tignan ang banyo at baka naroon lang siya pero wala akong dinatnan.
Baka naglilibot na yun sa resort. O baka naman...
Patakbo akong lumabas ng CR at tinignan yung mini cabinet na naroon. Nakahinga ako
ng maluwag ng makitang naroon pa ang mga gamit niya. So, naglilibot nga lang siya.
Pumunta ako ng kwarto ko para mag-ayos ng sarili. Nagsuot ako ng kulay puting
blouse na mejo may kaluwagan at shorts. Itinali ko rin ang buhok ko paitaas para
umaliwalas naman tignan ang mukha ko. Tingin ko kasi eh haggard na ako.
Nagugutom na rin ako kaya maghahanap sana ako ng maa-almusal sa labas. Pero swerte
namang may pagkaen raw na nai-deliver para sa akin. Dinala yun ni Jun sa mismong
kwarto ko. Napangiti ako. Sino pa nga ba ang pwedeng gumawa nito di ba?
Dali-dali ko yung kinaen at pagkatapos eh konting ayos ulit ng sarili saka ako
lumabas at nagpunta sa garden.
Natanaw ko agad doon si Maico na nakaupo sa isang upuan na gawa sa kahoy. Yun yung
tipo ng upuan na mukhang sinadya para maging design ng isang garden. Ang ganda nun
tignan at bumagay sa tema ng paligid. Pero napakunot ang noo ko nang mapansin kong
hindi siya nag-iisa. May kausap siyang babae roon at masaya silang nagku-kwentuhan.
Dinig ko pa yung mga tawa ni Maico mula sa kinaroroonan ko.
Lumapit agad ako sa kanila at ngumiti kay Maico. Nang mapansin niya atang naroon
ako eh tumingin lang siya sa akin ng walang emosyon saka bumaling ulit dun sa babae
ng nakangiti. Naramdaman ko yung pag-akyat ng dugo sa ulo ko. Parang napahiya ako
roon. Napatingin pa sa akin yung babae na para bang naawa siya na ewan.
Maganda siya, in fairness. Wavy at may highlights yung buhok niya na brown. Maputi
yung balat niya at makinis na parang ni hindi man lang nadapuan ng lamok sa tanang
buhay niya. Sa tantiya ko rin eh matangkad siya base sa haba ng mga hita niya.
Nakasuot siya ng flowery dress na kulay pink na sadyang bumagay sa balat niya.
Agad akong nakaramdam ng insecurity. Ano namang laban ko sa isang kagaya niya di
ba? Napatingin pa ako sa sarili koat napangiwi. Makaalis na nga lang.
Pero bago pa ako makatalikod eh may naalala ako bigla. Mahal kita Jacky, mahal na
mahal. Napangiti ako sa sarili ko. Wala akong laban sa hitsura niya. Pero ang laban
ko? Ako ang mahal ni Maico.
Walang pasabi na naupo ako bigla sa tabi ni Maico. Mejo nakatalikod siya sa akin
dahil kinakausap niya yung hitad. Naiirita ako sa tawa niya, halatang-halata na
nagpi-flirt kay Maico.
Ilang minuto na rin ako rito pero hindi pa rin ako pinapansin ni Maico. Lalo na
akong nagmumukhang tanga. Sa inis ko, isinandal ko yung ulo ko sa likod ni Maico.
Medyo malakas ang ginawa kong pagumpog ng ulo ko kaya napagalaw siya ng bahagya.
Naramdaman ko yung pag-tense ng likod niya pero wala pa rin siyang ginawa. Patuloy
pa rin siya sa pakikipag-kwentuhan.
Naghintay pa ako ng ilang minuto sa ganoong ayos pero hindi pa rin ako pinapansin.
Hanggang sa makita ko yung isang grupo na naglulunoy sa pool. Kitang-kita yun dito
kaya naman pinanood ko na lang muna sila.
Habang nanood eh may biglang pumasok sa isip ko na sinabi ni Mica. "May saltik si
Kuya. Hindi ka papansinin niyan pag nagtatampo siya. Kaya anong dapat gawin?
Magpapansin." Ngiting ngiti pa siya ng mga oras na yun. Tama, ayaw mo akong
pansinin? Edi mgpapapansin ako.
Inilabas ko agad ang plastic bag na ibinigay sa akin ni Mica bago ako umalis.
Kinuha ko ang laman nun at iniladlad sa harap ko. Kaya ko kayang isuot 'to?
Ano yung inilabas ko? Well, kulay blue na two piece swimsuit at itong pamatong na
net lang ata ito eh? Kita rin naman talaga ang kaluluwa ko. Aissh! Bahala na nga!
Isinuot ko na yung two piece swimsuit at tumingin sa salamin. Buti na lang wala
akong unwanted fats sa katawan. Hindi ako magmumukhang ewan pag lumabas ako.
Isinuot ko rin yung kulay dilaw na net ba 'to? Pakiramdam ko tuloy eh isda ako na
nahuli ng mangingisda. Kinuha ko rin yung sunblock lotion. Mahirap nang matusta
yung balat ko. Di na nga kagandahan eh lalala pa.
Taas noo akong lumakad papunta sa tabi ng pool. Naupo ako sa gilid noon at
inilublob ko ang mga paa ko sa tubig. Napatingin sa akin yung grupo kanina na
pinapanood kong magharutan sa tubig. Apat silang lalaki at dalawang babae. Tingin
ko eh nasa 18 hanggang 20 ang edad nila.
Sumipol pa yung isa pagkatingin sa akin. Nag-init bigla yung mukha ko at parang
gusto ko na lang manakbo papalayo. Pero nang mapatingin ako sa gawi ni Maico,
nakatingin siya sa akin... kunot ang noo.
Naglagay ako ng sunblock sa mga braso ko. Naisipan ko ring lagyan ang likod ko kaso
may suot akong "net" na hindi naman mapo-protektahan yung balat ko kaya inalis ko
yun na ikinadulot ng hiyawan mula dun sa mga lalaki sa kabilang side ng pool.
Hindi ko na lang yun pinansin at naglagay ako ng sunblock sa palad ko. Pilit kong
inaabot yung likod ko sa paglalagay pero hirap ako.
"Need help?" napatingin ako sa nagsalita. Isa siya dun sa mga lalaki at sa tingin
ko? Siya ang pinaka-cute.
"Ahhhm..." hindi ko alam ang isasagot. Ano ba dapat? Hayaan ko lang siya na lagyan
ako ng lotion sa likod? Pasimple akong tumingin kay Maico. Kita sa hitusura niya na
inis na siya. Nakatayo na nga siya at hindi na pinapansin yung hitad eh.
"Jacky."
"Nice name huh? Halos magkatunog sa pangalan ko. Hindi kaya destined tayo?" banat
niya. Nakita ko pang nag-squeeze na siya nung lotion sa kamay niya.
Nagulat ako ng may tumapik sa kamay ni Jeremy na ng mga sandaling yun eh nasa likod
ko yung kamay.
Nakita ko pang magsasalita sana si Jeremy pero pasigaw nang nagsalita si Maico.
Napatingin ako kay Maico. Galit na galit yung hitsura niya pero wala akong
pakealam. Ginawa ko rin yung ginawa niya kanina. Tinignan ko lang siya ng walang
emosyon saka bumaling sa paglalaro ng mga paa ko sa tubig.
Napapitlag ako ng bigla niya akong buhatin. Mabilis yung lakad niya at base sa
dinaraanan niya mukhang papunta kami sa kwarto niya.
"Ibaba mo nga ako." pabulong na sabi ko sa kanya. Pero parang wala siyang narinig
at nagpatuloy lang sa paglalakad.
Pabalibag niyang isinara yung pinto ng kwarto niya at ibinaba ako. Magsasalita na
sana ako ng bigla niya akong yakapin ng mahigpit at mariin na hinalikan sa mga
labi.
to be continued...
Chapter Thirty Three
Tumagal rin ng ilang sandali yung halik niya sa akin. Gumanti na rin ako pagkuwan.
Isinandal niya ako sa pader habang patuloy sa paghalik. Nagulat ako nang bigla
niyang hampasin yung pader sa likod ko.
"What we're you thinking?!" sigaw niya bigla. Lumayo pa siya sa akin ng dalawang
hakbang patalikod.
"Lumabas ka doon at ibinalandra mo yang katawan mo?! Ano bang pumasok jan sa utak
mo ha?" he said pointing his finger in nothing in particular.
"Ano bang pakialam mo?!" ganting sigaw ko sa kanya. "Ni hindi mo nga ako pinapansin
di ba? Tapos ngayon magagalit ka kung gusto kong lubusin yung bakasyon ko rito?"
Pumikit siya ng mariin saka sinukalay ang buhok ng kanang kamay niya.
"I was just taking my time ok? Hindi ko naman inexpect na bigla kang sususlpot dito
sa mga panahon na kinakalimutan kita!"
Tumungo siya ng bahagya, pinipilit pigilan yung ngiti sa mga labi niya. Kiagat
niya pa yun saka nagsalita. "Are you jealous?" naroon yung pagka-aliw sa boses
niya.
"So-you-are-jealous." lumapit siya ng isang hakbang. Malapad yung ngiti sa mga labi
niya.
Natulala siya bigla sa harap ko. Halatang hindi niya inaasahan yung sagot ko. Akala
niya siguro ide-deny ko yun.
"Mula pa noong una lagi mo na lang ipinaparamdam saken ito." itinuro ko yung dibdib
ko. "Alam mo yung feeling na lagi kong iniisip kung paano ba mangyayari na ako yung
magustuhan mo? Na ako yung mahalin mo? Unang beses pa lang na pumasok ka sa buhay
ko at ipinilit na maging tayo nasasaktan na ako. Ang sabi mo nun saken, tulungan
kitang kalimutan siya. May idea ka ba kung gaano kasakit yun? Mahal kita Maico,
kahit noon pa." tumulo yung luha mula sa mga mata ko.
Lumapit siya. He brushed my tears away with his thumbs. Tumingin ako sa mga mata
niya, naroon yung pangunawa. Inalis ko yung mga kamay niya at tumalikod.
"Lagi akong tumitingin kay Lana dati. Iniisip ko, ano bang meron siya? Bakit ganun
na lang yung pagkagusto mo sa kanya? Kung pwede lang na maging tulad niya ako
ginawa ko na dati pa, Maico. Masakit pag nakikita ko kung paano ka ngumiti pag
naririnig mo yung pangalan niya, kung gaano ka ka-excited na makita siya..."
"I wasn't talking about Lana when I said tulungan mo akong kalimutan siya." he said
out of the blue.
Ibinuka niya yung bibig niya na parang may sasabihin pero di niya yun tinuloy.
Tumingin siya sa ibang direksyon at huminga ng malalim saka humarap sa akin.
"What is it with that Anthony guy? Bakit ba hindi mo siya maiwas-iwasan? You know
that guy has feelings for you!" pag-iiba niya sa usapan.
"Just answer me dammit! Alam mo ba kung gaano ko kagustong sakalin yung lalaking
yun? Nakakarami na siya eh! Di niya ba maintindihang may nagmamay-ari na sayo? At
ako yun... ako!" itinapat niya pa yung thumb finger niya sa dibdib niya.
"You said---"
"Ok, let's just settle this." lumapit siya at hinawakan ang pisngi ko. "Mahal kita,
yun ang totoo. Kung ano mang iniisip mo na nararamdaman ko kay Lana, it's long
gone. Nawala na yun mula pa nang may..." he paused searching for the right words.
"I don't know how to explain this pero isang araw paggising ko eh ikaw na yung
hinahanap ko. Bigla na lang lumulukso yung puso ko sa tuwing nakikita kita."
bahagya pa siyang ngumiti.
"But still, I'm just your rebound." ewan ko kung saan nanggaling yun pero bigla ko
na lang nasabi.
"Pero yun naman ang totoo di ba?" mapait yung ngiting ibinigay ko sa kanya.
"Kung yun ang gusto mong itawag wala akong magagawa. Basta ang alam ko lang, ikaw
na ang mahal ko. Alam mo ba kung gaano ako kasaya nung pumasok ka sa pintong yan?"
itinuro niya yung pinto ng kwarto. "Nagpigil lang akong lumapit nun sayo at yakapin
ka ng mahigpit. Pero alam ko, hindi ka pupunta dito ng walang dahilan. Noong
niyakap mo ako alam ko na... babalik ka na sa akin."
I smirked. "As if naman nawala ako sayo. Ikaw lang naman itong umalis eh."
"I was just mad. Hindi ko pa talaga nababasa yun nung tinanong mo."
Palabas na kami ng kwarto nang tumigil siya bigla. Tumingin siya sa akin at
umiling.
________
Isinuot ko ulit yung puting blouse ko at shorts. Pero pinagpalit ulit ako ni Maico.
Ang sabi niya yun naman daw magandang damit ang isuot ko. "Maganda ka na kahit
basahan ang suot mo pero yung maayos namang damit ang isuot mo ngayon." sabi niya
pa kanina. Kaya ito ang suot ko ngayon, yung dress na nakalagay din sa plastic na
ibinigay ni Mica. Kulay fuchsia yun at mag design lang na bulaklak sa may laylayan.
Aabot lang yung ng bahagya sa may tuhod.
Dinala niya ako sa isang function room ng resort. Pagpasok namin dun, ako naman ang
natulala. Ang ganda ng ayos ng kwarto, ibang-iba sa plain lang na hitsura nito nang
puntahan ko ito kahapon.
Maraming bulaklak sa paligid. Pati yung sahig eh merong petals na nakakalat. Sa
gitna ng kwarto, naroon naka set up ang isang table para sa dalawang tao. Tinignan
ko si Maico, nakatingin din siya sa akin.
"Pinahanda ko ito kanina pagkagising ko." aniya. "Gusto ko kasing sorpresahin ka.
Para na rin sa pagsisimula natin ulit."
Malapad ang ngiting yumakap ako sa kanya ng mahigpit. "I love you so much!" bulong
ko sa kanya.
"I love you more, Beauty." inalis niya yung yakap ko sa kanya. "Shall we?" itinuro
niya yung mesa at inalalayan ako papunta roon.
Parang nasa restaurant na rin kami sa mga pagkaing inihanda sa harap namin. Pati
yung presentations nun ang ganda.
"Sino ang naghanda ng mga pagkain? I suppose you didn't order this from a resto."
Uminom siya saglit saka sumagot. "It just happens na nandito yung kaibigan ko. He's
a chef. You'll meet him lately." nakangiting sagot niya.
Busog na ako matapos ang ilang pagkaing inihain. Pero may inilagay na naman sa mesa
yung kunwaring waiter namin na si Jun.
"Dessert yan, Beauty. Your favorite." itinuro niya yun, pinabubuksan sa akin.
I rolled my eyes pero ginawa ko rin yung gusto niya. Inalis ko yung takip nun.
Napatigil yung kamay ko sa pagbababa nung takip nang makita ko ang naroon. May cake
doll yun sa ibabaw. Isang lalaki na nakaluhod at sa kamay nito, may nakalagay na
singsing.
Naiiyak na napatingin ako kay Maico. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.
Nakangiti lang siya sa akin, parang tinatantiya niya pa yung sitwasyon.
Umiwas ako ng tingin sa kanya saka pinunasan basta-basta yung luha sa pisngi ko
habang nakangiti.
Tumayo siya at nagpunta sa tabi ko. Pagkuwan ay kinuha niya yung singsing mula sa
kamay nung doll at lumuhod sa harap ko.
"Jacky, do you agree to be with me for the rest of your life?" aniya habang hawak
ang kanang kamay ko.
Natawa ako ng bahagya sa tanong niya. Parang yun yung tanong at yung nakalagay sa
kontratang ibinagay niya sa akin ang sagot.
Inilagay niya sa palasingsingan ko yung singsing saka ako hinila patayo. Yumakap
siya ng mahigpit sa akin.
"Thank you." bulong niya. "Oh by the way..." kumalas siya sa pagkakayakap sa akin.
"Yung sinabi ko na tumungan mo akong kalimutan siya? I wasn't referring to Lana or
any other woman. I was actually referring to you."
"Me?" nagatatakang tanong ko. "Paano namang makakalimutan mo ang isang tao kung sa
kanya ka rin lumapit para kalimutan siya?"
"Crazy, right? But I thought magsasawa rin ako pag nagtagal na kasama kita. That
way, makakalimutan ko yung nararamdaman ko. But I guess I was wrong. The feeling
just grow deeper. And I'm happy about it."
"I'm happy too. You just don't know how much." I tiptoed and kissed him on his
lips.
to be continued...
Chapter Thirty Four
Maaga pa lang nandito na ako sa probinsya. Kailangan kasi naming paghandaan ang
pamamanhikan nina Maico mamayang gabi.
"Wag na hija, pagod ka pa sa biyahe. Hayaan mo na lamang ako't wala rin naman akong
pagka-abalahan kundi ang magluto. Hala sige't magpahinga ka na muna roon."
pagtataboy niya sa akin.
Wala na akong nagawa kundi ang pumunta na lang sa kwarto ko. Hindi ko pa man yun
nasasara, narinig ko na ang boses ni Kuya.
I rolled my eyes on him. "Kuya, pagod ako. Magpapahinga muna ako." hinawakan ko na
yung pinto para isara.
"Com'on Jacky, ambunan mo naman ako niyang swerte mo. Yung hinihiram ko sayo...
sigurado naman barya lang yun sa mapapangasawa mo."
"Pwede ba Kuya? For Pete's sake! Hindi bangko si Maico para pagwidrohan ko ng
pera!" inis na sabi ko.
"Matapang ka na ha?" lumapit siya sa akin at hinawakan ng mahigpit ang kanang braso
ko. "Palibhasa nakatikim ka na ng ginto ganyan ka nang umasta sa akin?! Hoy, kahit
anong bihis pa ang gawin mo, pare-pareho pa rin tayong basura!"
"Kuya, nasasaktan ako..." pilit kong inaalis yung kamay niyang lalong humihigpit
ang kapit sa braso ko.
"Masasaktan ka talaga kung paiiralin mo yang karamutan mo!" masama ang tingin na
initsa niya ako sa kama. "Sa susunod, hindi lang yan ang aabutin mo saken." dinuro
niya pa ako saka lumabas at pabaksak na isinara ang pinto.
Wala na akong nagawa kundi ang umiyak na lang. Alam ko namang wala akong magagawa
pag si Kuya na ang nagsabi. Kahit naman nung bata pa kami di na ako makapalag sa
kanya.
Ilang minuto rin ang lumipas nang may mahinang katok sa pinto. Bumukas iyon at
sumilay ang pamangkin ko. Buti na lang hindi siya nagmana sa ama niya. Pinunasan ko
agad yung mga luha ko habang nakatalikod sa pinto.
Nakangiti siyang lumapit at humawak sa kamay ko.
"You wanna see him?" tumango siya. "Nandito siya mamayang gabi para dalawin tayo."
niyakap ko siya ng mahigpit at marahang hinalikan sa buhok.
________
"Hi best friend! Finally magiging sister na rin kita! Weee I'm so excited!" halos
patiling yakap sa akin ni Mica.
Naupo sila sa sala. Kawayan ang upuan namin doon pero may kutson namang sapin.
Hindi naman siguro magrerelamo ang Mommy ni Maico, though mejo kinakabahan ako sa
kung anong mga sasabihin niya. Base kasi sa pagkakakilala ko sa kanya eh prangka
siyang magsalita.
"Magandang gabi sa inyo." bati ni Lola. Nasa likod niya si Kuya at si Gelai na
nakangiti lang sa mga bisita.
Menudo, kare-kare at barbeque ang nakahain sa hapag. Mayroon din inihandang leche
plan na panghimagas si Lola.
Pinagmamasdan ko na ang bawat kilos ng Mommy ni Maico mula sa pag-upo pa lang niya
sa harap ng pagkain. Wala siyang pinapakitang emosyon habang kumukuha pero ng
sumubo na siya ay bigla siyang ngumiti.
"Masarap ho."
Nakahinga ako ng maluwag. Buti naman at nagustuhan ng Mommy ni Maico ang luto ni
Lola. Kung tutuusin nga eh marami siyang nakain. Napatingin ako kay Maico na
nakaupo sa tabi ko. Ngumiti siya sa akin at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko.
Ina-assure ako na walang dapat ikakaba.
________
"Dapat eh engrande ang maging kasal ng mga bata." ani Mommy ni Maico.
"Ano bang engrande. Isang araw lamang naman yan. Pwede namang simpleng kasal na
lang." pagsalungat ni Lola.
"Yun na nga ho eh. Isang araw lang yan kaya dapat eh bongga na. Saka walang
Buenaventura ang nagpapakasal ng simple lang."
"Aksaya lamang yan sa pera. Kung itatabi na lang ang perang yan para sa kinabukasan
ng dalawa at ng magiging anak nila eh mas malaki ang pakinabang kesa gastahin sa
isang kasal lang."
"Hindi yun kasal lang Inang. Kasal ito ng nag-iisa kong anak na lalaki. I want the
best for him. I won't go for less!" sabi ng Mommy ni Maico sa mataas nang tono.
Ramdam ko yung tensyon sa paligid. Kahit isa sa kanila eh walang gustong magpatalo.
Napapikit ako ng mariin. Napansin kong sasagot pa sana si Lola kaya naman
makahulugan ko siyang tinignan saka ako umiling. Mukhang nakuha niya naman ang
gusto kong iparating at huminga siya ng malalim.
"Ay siya, sige." winasiwas niya pa ang kanang kamay niya. "Kung ano ang gusto niyo.
Ang mahalaga'y makasal ang mga bata."
Lumabas muna ako sa terrace para magpahangin. Napatingin ako sa likod ng maramdaman
kong may tao roon.
"Sis, next month yung engagement party niyo. Yun na muna ang aasikasuhin ko." si
Mica.
"Engagement party?" nagtatakang tanong ko. Wala naman kasi kaming napag-usapan na
may engagement party pa.
Maya-maya ay naramdaman ko ang pagyakap sa beywang ko. Amoy niya pa lang alam ko na
kung sino. Saka sino pa ba naman ang yayakap sa akin di ba?
"Beast..."
"Ilang buwan na lang magiging Mrs. Maico Buenaventura ka na. Excited na ako." aniya
sabay halik sa pisngi ko.
Tumawa siya ng bahagya. "I love you, Beauty." hinigpitan niya pa lalo yung yakap
niya sa akin. Hinawakan niya pa yung mga braso ko.
I winced as I felt the pain. Nadiinan ng konti ni Maico yung braso ko na mahigpit
na hinawakan ni Kuya kanina. Nag long sleeves ako dahil nagsisimula na yung mamasa
kanina.
May galit sa mga mata niya nang magtanong sa akin. "Saan mo nakuha 'to?"
"Maico..."
"Hindi sinasadya?" pabulong pero mariin na sabi niya. "Nagpipigil lang ako sa
lalaking yan. Kung hindi mo yan kapatid matagal ko nang nabugbog yan." palakad-
lakad siya habang nagsasalita.
"I'll be ok. Lalo na ngayong ikakasal na tayo. Hindi niya na ako masasaktan."
Nawala bigla yung galit sa mga mata niya. Napalitan yun ng pagsuyo. Ngumiti siya at
lumapit. Marahan niyang hinalikan ang noo ko.
"I promise... I'll protect you." aniya saka ako niyakap ng mahigpit.
to be continued...
Chapter Thirty Five
Si Genna ang kausap ko ngayon sa phone. Magkikita-kita kaming lima. Oo lima,
nagpakita na kasi sa wakas si Joy.
Kahapon lang siya tumawag at sinabing nakabalik na siya sa bahay nila. Wala naman
siyang sinabi kung saan siya nanggaling. Iku-kwento niya na lang daw pag nagkita-
kita na ulit kami. Kaya ito, pinlano ko agad ang pagkikita namin ngayon. Para na
rin ipaalam ko sa kanila ang pagpapakasal namin ni Maico.
“Nagsalita ang hindi laging late!” si Genna. Sa aming lima kasi kaming dalawa yung
nagpapaligsahan sa pinaka-late.
Wala pang ibang nakaka-alam ng engagement namin ni Maico bukod sa pamilya namin.
Mamaya sasabihin ko na rin sa mga kaibigan ko. Sa opisina wala akong pinagsabihan.
May isang nakapansin ng singsing ko. Nung tinanong niya yung tungkol dun eh
nginitian ko lang siya. Good thing na hindi tsismosa type yung nakapansin. Wala pa
ring kumakalat na tsismis sa opisina ngayon.
“On the way na rin. Alam mo naman, sanay na akong hindi nale-late ngayon! Haha.”
Sa Calleza Grill Antipolo kami magkikita-kita. Si Genna ang nag-suggest nung lugar.
Mas mainam na daw kasi dun at malapit lang sa bahay nina Lana. At least hindi na
mahihirapan sa biyahe yung bagong panganak. Well, kaya niya naman sarili niya. May
pagka over-protective lang talaga kami kaya ayaw namin siyang pagurin.
Alas seis ang usapan namin. Early dinner lang peg naming lima. Five thirty pa lang
ngayon at nasa Taytay na ako. In fairness, maaga ako ngayon. Ito siguro ang
nagagawa ng kasiyahan.
Next month na yung engagement party namin. Ang sabi ni Mica, hindi naman daw yun
ganun ka-bongga. Basta mai-announce lang daw yung engagement. Inaasikaso niya
ngayon yung invitations. Grabe lang, doble trabaho. Iba pa raw kasi yung wedding
invitation sa engagement party lang na invitation eh.
Balak ko sanang puntahan pa siya mamaya after namin dito ang kaso eh paniguradong
gagabihin kami masyado. Mabuti pang ipagpabukas na lang. Tutal Sabado na rin naman
bukas.
Nasa mesa na yung menu pagkarating ko at namimili na yung dalawa. “Sagot ko na ha.”
sabi ko agad.
“Wow! Anong nakain mo at manlilibre ka?” takang-taka na tanong ni Lana. Alam niya
kasing may pagka kuripot ako eh.
Ngiti lang yung sinagot ko sa kanya at kinuha ko yung isa pang menu sa mesa. Medyo
mahal yung mga pagkaen pero keri lang. Kahit abutin ako ng libo ayos na yun.
Advance celebration na rin namin ito para sa engagement ko eh.
“Ikaw na ang mamili Jacky, tutal ikaw naman ang magbabayad.”
“Ok sige.” dinanan ko pa ulit ng tingin yung menu saka tinawag yung waiter.
Wala man lang dalang papel na paglilistahan yung waiter kaya kunot noo ko siyang
tinignan. Mukhang naghihintay na siya ng order ko kaya naman sinabi ko na rin yun.
“Ahhhm, isang order ng Porterhouse Steak, Baby Back Ribs, Pork BBQ... ahmmm itong
Kare-kare, Sinigang na Tuna Panga.” tinignan ko yung waiter.
Ngumiti ako. “Limang rice, saka limang mango shake na rin. Ah! Pati banana crepe
sama mo na. Salamat.” sabi ko saka ibinaba yung menu. Pagkaalis nung waiter
tinanong ko agad yung dalawa. “Nakuha niya kaya yung mga order ko? Di niya man lang
nilista.”
“Siguro?” si Aya.
“I told you hindi na ako nale-late!” narinig kong sigaw ni Genna mula sa likod ko.
Tinignan ko agad yung relo ko. Five minutes pa bago mag alas seis.
“Joy!” halos patiling sabay-sabay na sabi naming apat. Napatayo pa kami at lumapit
sa kanila.
Malaki ang pinagbago ng hitsura niya. Nagpaigsi na siya ng buhok ngayon na parang
sa lalaki.
“Wag niyo na lang pansinin yan. Bagay naman di ba? Nasaan ang pagkaen?”
“Wag kayong mag-alala, naka-order na si Jacky. At--- sagot niya na daw lahat.” ani
Aya.
Tumingin pa sa akin ng may pagtataka yung dalawang bagong dating. Grabe naman
maka-react ang mga 'to. Para namang napaka-imposible kong manlibre.
Malapad ang ngiting itinaas ko yung kanang kamay ko kung saan naroon yung
engagement ring. Kitang-kita ko kung paanong nanlaki yung mga mata nila pagkakita
sa singsing.
Speechless pa rin yung iba kaya ako na ang nagsabi ng lahat ng detalye. Inimbitahan
ko na rin sila sa engagement party na gaganapin sa susunod na buwan.
Napagdesisyunan na si Aya ang magiging Bride’s maid ko.
Nagsimula na kaming kumain at napansin kong may kakaiba kay Aya. Parang di siya
mapakali at di komportable.
Sumimangot siya. “First day eh. Kamuntikan na nga akong himatayin kanina. Buti na
lang may dala akong mefenamic.” aniya.
Dysmenorrhea yung tinutukoy niya. Yung sobrang sakit ng puson niya dahil sa
buwanang dalaw to the point na hinihimatay siya. Ilang beses na ring nangyari sa
kanya yun nung college kami eh. Irregular kasi yung menstrual cycle niya. Buti na
lang ako regular yun, at hindi gaanong masakit. Parang lagi lang akong natatae.
Napakunot ang noo ko bigla sa naisip. Sh*t. Kailan ba ako huling nagkaroon?
Supposedly, three weeks ago pa ako nagkaroon. So posibleng... Hindi ko alam kung
matuuwa ako o kakabahan sa naisip. Posible kasi talagang yun na nga yun.
___________
Dumaan muna ako sa Mercury drug sa Junction since yun ang 24 hours na bukas. Bumili
ako ng pregnancy test kit para kumpirmahin ang hinala ko.
Pagkarating ko sa unit eh tumunog yung telepono. Gusto ko na sana mag-test kaso
kailangan kong sagutin yung tawag.
“Hello?”
“Yeah, how are your friends? Hindi na muna kita tinawagan kanina baka hindi mo ako
matiis at umalis ka kaagad sa pagkikita niyo.” aniya sabay tawa.
“Haha, matulog ka na. Pupuntahan kita bukas. Jan ako mag-stay maghapon. Good night
Beauty! I love you!”
Jeez! Biglang naginit yung pisngi ko sa sinabi niya. Yun kasi ang unang beses na
sinabi niyang mahal niya ako over the phone eh. Yung pag magpapa-alam na sa tawag.
“Ok. I love you too.” sabi ko saka nakangiting ibinaba yung tawag.
Naghintay ako ng limang minuto para sa resulta nun. Hindi ko pa yun tinitignan at
nakapikit lang ako habang hinihintay na tumunog yung alarm ko.
Hindi ko alam kung ano ba ang ipinagdarasal ko. Gusto ko namang magka-anak na agad
kami ni Maico at siguradong ikatutuwa niya yun. Pero gusto ko rin naman na
pagkatapos na ng kasal saka kami makabuo. Siguro kahit ano namang maging resulta
nun eh ikasisiya ko pa rin. Tutal eh magpapakasal na kami at matutupad na yung
matagal ko ng pinapangarap--- ang makasama ang lalaking mahal ko habambuhay.
Napapitlag pa ako nang tumunog na yung alarm. Dahan dahan ang ginawa kong pagmulat
ng mata para tignan yung resulta. Napatulala ako saglit ng makita yun saka
napangiti na lang.
Ang nakalagay dun? Two lines.
to be continued...
Chapter Thirty Six
Ilang oras na ata akong nakahiga pero di pa rin ako makatulog. Hawak ko ang tiyan
ko. Napapangiti ako sa tuwing naiisip kong may laman na yun. Ang anak namin ni
Maico.
Ano kayang magiging reaksyon niya? Ilang beses ko na ring kinuha yung cellphone ko
para sabihin sa kanya yung magandang balita kaso sa tuwing hawak ko na yun naiisip
ko mag maganda kung makikita ko yung mukha niya pag sinabi ko na. Tutal nandito
naman siya bukas, siguro bukas ko na lang sasabihin.
Iniisip ko kung paano yun magandang sabihin. Mas mainam siguro kung magluluto ako
ng masarap noh? Tapos saka ko sasabihin sa kanya after kumaen. Naiimagine ko na nga
yung magiging reaction niya. At sa tuwing naiisip ko yung mukha niya eh natatawa
ako.
Napabangon ako bigla nang marinig kong bumukas yung pinto mula sa labas. Teka, sino
naman kaya yun? Dahan-dahan akong pumunta sa may pinto ng kwarto at kinuha yun
baseball bat na nandun. Lagi yung nandoon para kung sakaling papasukin ako tulad
nito eh may pang-depensa ako.
Pumwesto ako sa may gilid ng pinto ng kwarto ko at nakahandang manghampas ano mang
sandali. Nagulat ako nang bumukas yun pero hindi ko agad naipalo yung hawak ko.
Napapikit pa ako ng mariin saka bumwelo.
"Whoah! Beauty!"
Napatigil yung kamay ko sa paghampas nang marinig yung boses ni Maico. Dumilat ako
at nakita ko yung mukha niya sa konting liwanag na galing sa labas. Nakahinga ako
ng maluwag pero di ko pa rin ibinababa ang baseball bat.
"That's not how I imagined you'd do when you see me! I was dreaming of a slow
passionate kiss." natatawa pa siya.
"Akala ko naman kasi pinasok na ako ng kung sino! Di ka man lang nagsabing parating
ka o nag-doorbell na lang."
"That's why it's called surprise. Come here." hinila niya ako palapit sa kanya at
niyakap ng mahigpit. "I missed you."
Nakasimangot lang ako habang nakatingin sa kanya. Siya naman, ngumiti ng malapad at
hinalikan ang mga labi ko.
__________
Mas nauna akong nagising kay Maico kaya naman nagluto na ako ng almusal. Mukhang
pagod siya at nakatulog agad kagabi pagkarating niya.
Maico, anong gusto mong maging pangalan ng anak natin? Tsk! Panget, baka hindi niya
ma-gets at isipin niyang gusto ko lang malaman.
Beast, hulaan mo anong laman ng tiyan ko? Err, baka naman sabihin niya eh bituka.
Ang paget a rin.
Eh kung deretsahan na lang kaya? Beast, buntis ako. Aiish parang ang panget. Wala
man lang something na mag-iisip siya.
Ayy, bahala na nga mamaya! Kung ano na lang ang masabi ko keri na. Ang mahalaga eh
malaman niya na magiging tatay na siya.
"Good morning yourself." inalis ko yung pagkakayakap niya at inayos yung hapag.
Naupo na siya sa pwesto niya at maulap yung mga matang tumingin sa akin.
"Don't talk when your mouth is full." pabiro pero seryoso kong sabi.
Tumigil siya sa pagnguya saka ngumuso sa akin. I rolled my eyes then planted a soft
kiss on his mouth saka ulit siya natatawang ngumuya.
"Ubusin mo yan ha." tinuro ko pa yung maraming pagkaen na nnilagay niya sa plato
niya.
"Yes wife."
_________
Hindi ko rin nasabi sa kanya kaninang breakfast pati lunch. Ang daldal niya kasi
eh, kung anu-anong kwento niya na hindi naman karaniwan sa kanya. Tapos bigla
niyang ipinapasok yung magiging kasal namin. Kung saan mas maganda, kung paano yung
hitsura nun, anong kulay ng motif. Ang sabi ko na lang eh kami na ang bahala ni
Mica tutal yun naman talaga ang mangyayri. Pero sabi niya lang eh sobrang excited
lang talaga siya.
Pagkatapos mag lunch eh nanood kami ng movie. Yung I Give it a Year. Maganda naman
yung concept ng movie kaso parang na-bother bigla si Maico. Ang kwento kasi nun eh
yung nagpakasal yung mag-jowa ang kaso biglang umeksena yung bestman saka yung ex-
girlfriend sa buhay ng dalawa. Na-realize bigla nila na hindi naman nila mahal ang
isa't-isa at after one year eh naghiwalay sila.
"At least masaya silang naghiwalay kasi mutual ang feeling nila. Walang naiwan sa
ere."
"Pero in the first place, bakit kasi sila nagpakasal eh hindi naman pala nila mahal
ang isa't-isa?" inis pa ring sabi ni Maico.
"Mukhang yun kasi ang pagkaka-alam nila. Na mahal nila ang isa't---" napatigil ako.
Oo masaya sila bago sila magpakasal. Pero habang tumatagal nawawala yung spark sa
kanila. Nare-realize nila na may iba silang mahal.
"I love you." yumakap sa akin si Maico. "Alam ko kung anong iniisip mo. Mahal kita
ok? Kapag iniisip ko ang future ko? Hindi pwedeng hindi kita makita roon."
Na-touched ako sa sinabi niya. Ganun din naman kasi ako. Sa tuwing iisipin ko kung
anong mangyayari sa akin after 20 years ang naiisip ko eh nasa tabi ko siya.
"I love you too." humalik ako sa mga labi niya. Agad siyang tumugon at nilaliman pa
ang halik. Napatigil lang kami nang may nag-door bell.
Pumunta agad ako sa pinto para pagbuksan ang naroon. Ito na siguro yung hinihintay
ko.
Tulad nga ng inaasahan ko, delivery boy yun galing Red Ribbon.
"Tara Beast! Kain na tayo!" tawag ko sa kanya habang papunta ako sa kusina.
"Nothing. Pakilabas naman yung cake." tinuro ko pa yung box ng cake sa gitna.
Sumunod naman agad siya at inalis ang ribbon nun. Dahan-dahan niyang nilabas yung
cake at inilapag ulit sa gitna saka inilapag sa kabilang bahagi ng mesa yung box.
Sa buong minuto na yun na binubuksan niya yung cake eh nakatingin lang ako sa
kanya. Hinihintay ang magiging reaksyon niya.
Napatigil siya bigla at tumitig lang dun sa cake. Di siya kumikilos at parang ina-
absorb pa kung anong nabasa niya dun. Maya-maya eh teary eyed na humarap siya sa
akin saka malapad na ngumiti. Nagpunas siya ng isang luhang tumulo sa mata niya
saka ako mahigpit na niyakap. Di magkandaugagang tinignan niya ang mukha ko saka
ako hinalikan.
"Thank you." aniya.
to be continued...
Chapter Thirty Seven
Nakatanggap ng tawag si Maico mula kay Mica kaya umalis muna siya. Ang dinig ko eh
maglilipat daw ng bahay si Mica at desidido na ito. Ayaw pa sanang pumayag ni Maico
pero napilitan din siya kaya naman pinuntahan niya na lang ang kapatid para
tulungan.
Nagbilin si Maico na gusto niya ng Pork chop para sa hapunan. Kita niyo yun? Parang
siya yung buntis at naglilihi eh! Ako nga hindi naman naghahanap ng kung anu-ano.
Nakita niya na yung ginamit kong pang-PT at kulang na lang eh halikan niya yun.
Tuwang-tuwa talaga siya at parang wala nang bukas kung makangiti. Bukas na bukas
din eh pupunta na raw kami sa OB para magpa-check at maging healthy ang baby "niya"
ayon sa kanya na parang hindi ko anak yung laman ng tiyan ko. Biniro ko pa siya
ng ikaw lang ang magulang? Ako hindi? na ikinatawa niya.
Nanood muna ako ng TV pampalipas ng oras. Maaga pa naman, baka mga alas-otso pa
makabalik si Maico kaya mamaya na ako magluluto. Naghanap ako ng palabas na tungkol
sa pagiging ina. Pero sa kasamaang palad eh wala akong makita. Tsk! Sa totoo lang,
kinakabahan ako.
Paano kung hindi ako maging mabuting magulang? Ahayys ano ba 'tong pinag-iiisip ko
syempre mamahalin ko ang anak ko! Aalagaan ko siya ng buong puso. Gusto kong
maranasan niya kung paano mahalin ng magulang--- na hindi ko naranas dahil bata pa
man ako eh nawala na ang mga magulang ko.
Pinatay ko na lang ang TV nang dalawin ako ng antok. Iidlip muna siguro ako ng
isang oras at pagkatapos nun eh magluluto na. Pumasok na ako sa kwarto at nahiga.
________
"Kagabi pa ako nasa labas ng building niyo. Hindi ako makapunta sayo dahil nandito
yung mapapangasawa mo."
Napansin kong may kakaiba kay kuya. Para siyang high na di ko maintindihan. Hindi
naman siya amoy alak pero napansin kong iba na ang amoy niya. Mukhang ilang araw
nang hindi nakaligo.
"Nakahithit ka ba Kuya?"
"Jacky, kailangan ko ng tulong mo." aniya, hindi sinagot ang tanong ko. Pero sa
nakikita ko eh tama ang hinala ko. Naka-droga siya.
"Bakit hindi ka na lang tumawag? Pwede naman kitang padalhan na lang kung sakali."
naupo siya sa sofa. "Sandali, ikukuha kita ng makakain." pumunta ako sa kusina para
maghanda ng pagkaen niya.
Nababa ko ang pinggan at ang tinidor na hawak ko at napatingin ako sa kanya. Nag-
aalalang lumapit ako at pina-upo siya sa upuan.
"Kuya, ano bang nangyari?" naupo na rin ako sa upuan sa harap niya.
"Napasubo ako eh." nanginginig pa yung dalawang kamay niya habang pinagsasalikop
niya yun.
"Paanong napasubo?"
"Inalok kasi ako ng dati kong kaklase na magtulak. Ayoko naman talaga eh, kaso
nandun na ako at inabutan na ako. Malaki ang kita namin ng ilang linggo kaso yung
huling kargamento na nabenta ko---"
Naghihintay lang ako na ituloy niya ang kwento. Hindi na ako nagtatakang ganito na
ang ginagawa niya sa buhay. Kahit naman noon pa wala na sa katinuan ang takbo ng
buhay niya. At kahit nagka-anak na siya't lahat, wala pa rin siyang balak magbago.
Siguro nga, old habits die hard.
"Hindi ko naman sinasadya eh." dumukwang pa siya para mas lumapit sa akin. "Nagamit
ko yung ilang gramo tapos napansin yun ng buyer. Hindi na ako binayaran, kinuha pa
yung kargamento. Pati yung para sa ibang buyers kinuha rin nila. Wala akong
nagawa... wala akong nagawa." tila siya mababaliw at malapit nang tumulo ang luha
niya.
Nasapo ko ang ulo ko sa sinabi niya. Two hundred thousand? Saan naman ako kukuha ng
ganun kalaking halaga? Kahit kailan talaga, puro problema na lang ang dala saken ni
Kuya.
"Kuya naman, saan ako kukuha ng ganun kalaking halaga?" mangiyak-ngiyak na ring
tanong ko. Ayokong mapahamak ang kapatid ko pero wala akong ganoong kalaking halaga
sa bangko.
"Kay Maico. Please, Jacky... ayoko pang mamatay. Kailangan pa ako ng anak ko."
Napatayo ako at nagpalakad-lakad. "Hindi naman ganun kadali yun Kuya eh. Gaya ng
sabi ko, hindi bangko si Maico. Hindi ako basta-basta na lang na makakahingi sa
kanya--- lalo na yang ganyan kalaking pera."
"So hahayaan mo na lang akong mamatay ganun ba?" pasigaw na sabi niya sabay tayo.
"Maramot ka talaga eh noh?" idinuro niya pa yung hintuturo niya sa akin.
"Nandito ako dahil ikaw na lang ang malalapitan ko! Akala ko hindi mo ako matitiis
dahil kapatid mo ako pero ano? Makasarili ka! Gusto mong solohin yang ginahawang
tinatamasa mo!" tinignan niya pa ako mula ulo hanggang paa.
"Ako pa ang makasarili?! Naisip mo ba kung gaano kahirap manirahan dito? Halos
lahat ng kinikita ko ipinapadala ko sa inyo para lang may pang-gasta kayo!" naiiyak
na sabi ko.
Nakita ko sa mga mata ni Kuya na parang nag-iba siya. Hindi na siya yung lalaking
nagmamakaawa kanina na tulungan siya. Tila anumang oras eh kakain siya ng buhay.
Napaatras ako nang humakbang siya palapit.
"Kuya---"
Bigal niya na lang hinablot yung buhok ko at hinila ako palapit sa kanya.
Nanlilisik ang mga matang nakatitig siya sa akin.
"Kuya... nasasak---"
Di ko natapos ang sinasabi ko dahil bigla niya na lang akong iniitsa sa may sink.
Naramdaman ko ang sakit ng tumama ang likod ko roon.
Hinila niya yung kanang braso ko at itinulak ako sa mesa. Nabigla ako kaya naman
tumama ang tiyan ko roon. "Tama na... tam---" Ramdam ko ang unti-unting pagsakit ng
puson ko. Tila yun pinupunit sa sakit. Nararamdaman ko rin ang likidong unti-unting
dumadaloy sa mga hita ko. Dahan-dahan kong dinama yun at lumuluhang tinignan ko ang
pulang likido sa mga kamay ko.
Tila natauhan naman si Kuya at tulalang nakatingin lang sa akin. Hindi siya
kumikilos habang unti-unti akong nalulugmok sa kinatatayuan ko.
"M-maico---"
"Beauty? What's wrong? Hey? Are you ok?" naririnig ko pang sabi niya bago tuluyang
magdilim ang panigin ko at tuluyang bumagsak sa sahig.
to be continued...
__________
Nayi's Note:
> www.wattpad.com/22759973
Salamat!
"Gising ka na pala Ma'am. Nasa ospital po kayo." Akmang babangon ako nang pigilan
niya ako. "Wag ka munang bumangon Ma'am."
"Anong nangyari?" hinawakan ko ang ulo ko gamit ang dalawang kamay. Doon ko
napansin na may dextrose na nakakabit sa kaliwang kamay ko.
"Dinala po kayo rito kahapon at—" napatigil siya. "Lumabas lang po sanadali ang
boyfriend niyo. Babalik din daw siya agad." anito saka umalis.
Ano bang nangyari? Bakit ako nandito? Lalo ko lang nararamdaman yung sakit ng ulo
ko habang inaalala ang nangyari. Pero pilit ko pa rin yung hinahalukay sa utak ko.
Nasa malalim pa rin akong pag-iisip nang pumasok si Maico sa kwarto.
"Beauty, mabuti naman at gising ka na." kita ang relief sa mukha niya pero malamlam
ang mga mata niya. Hinawakan niya ang kanang kamay ko, ikinulong yun sa dalawang
kamay niya saka hinalikan. "Sobra akong nag-alala sayo. Kamusta ang pakiramdam mo?"
"Yung ulo ko masakit." nakakunot ang noo ko dahil sa pag-inda sa kirot nun.
"Heto, sakto bumili ako ng soup para makain mo." inilabas niya yung laman ng
plastic na bitbit niya. Laman nun ay isang styrofoam na korteng mangkok na may
lamang lugaw.
Inilapag niya muna yun sa mesa saka ako inalalayang makaupo. Siya na mismo ang
nagkusang subuan ako. Hinihipan niya pa yun saka niya ilalapit sa bibig ko.
"Anong nangyari?" tanong ko matapos makasubo ng tatlong kutsarang lugaw.
Pilit siyang ngumiti. "Ubusin mo na muna ito." aniya saka itinapat ulit sa bibig ko
ang isa pang sadyok nun.
"Ang anak ko?! Anong nangyari sa anak ko?!" nagpapanic na tanong ko kay Maico
habang hawak-hawak ang tiyan ko.
Ibinaba niya ang pagkain sa mesa at tumungo. Tila nanlulumong hinilamos niya ang
mga kamay niya sa mukha. Kita rin ang pangingilid ng luha niya.
Nanlalaki ang matang napailing ako. Sa ikinikilos niya alam ko na ang sagot sa
tanong ko. Unti-unting nag-init ang mga mata ko at nanginginig na hinawakan ko ang
braso niya.
"Maayos naman ang anak ko di ba?" tuluyan nang tumulo ang mga luha ko.
"Jacky—"
"No. No... maayos siya di ba?! Sabihin mong maayos siya parang mo nang awa...
Maico." mariin kong ikinapit ang dalawang kamay ko sa braso niya. Hindi pwedeng
mawala ang anak ko. Hindi siya pwedeng mawala.
Hinawakan niya ang mga kamay kong nakakapit sa kanya. "I'm sorry. Ginawa na ng mga
doktor ang lahat—"
"No!" marahas akong bumitaw sa mga braso niya. "Nagbibiro ka lang. Sabihin mong
nagbibiro ka lang!"
"Jacky please..." nakita ko yung mga luha sa mata niya pero hindi ko yung pinansin.
Malakas ko siyang itinulak at pinilit kong tumayo.
Hindi siya umalis. Bagkus eh lalo siyang lumapit sa akin at pilit pa rin akong
niyayakap. Maya-maya ay bumukas ang pinto at may dalawang nurse na humahangos na
pumasok doon.
"Kumalma lang po kayo, Ma'am." narinig kong sabi ng isang nurse. Pero hindi ako
tumigil. naramdaman ko na lang na may itinurok ang isa sa braso ko at unti-unti,
bumubigat ang ulo ko.
________
"Tulog pa po siya pero maayos na yung lagay niya." narinig kong sabi ni Maico nang
magising ako. "Opo 'My. Bye." base sa tawag niya rito eh alam kong ang Mommy niya
ang kausap niya.
"Beauty..." lumapit siya at naupo sa gilid ng hospital bed. Sinuklay niya yung
kanang kamay niya sa buhok ko. Kita sa mata niya yung pag-aalala at lungkot.
Nararamdaman ko ulit yung pag-init ng mga mata ko. Hinaplos niya yung pisngi ko,
halatang nagpipigil lang din siyang mapaiyak.
"I know... I know." pinahid niya yung isang luhang tumulo sa mata ko. "Tama na,
wala na tayong magagawa. Wala na siya."
Tila nagpantig ang tenga ko sa narinig. Nag-init bigla ang ulo ko dahil pakiramdam
ko eh wala siyang pakialam kung nawala man yung anak namin. Tinabig ko yung kamay
niya at tumalikod sa kanya ng pagkakahiga.
Huminga siya ng malalalim at hinawakan ang braso ko. Tinabig ko rin yun agad.
"Parang wala lang sayo kung makapagsalita ka ah. Anak natin yun Maico." mariin kong
sabi.
"Jacky, please..."
Hindi ako sumagot. Hinayaan ko lang siya. Ilang sandali rin ang lumipas saka ko
siya narinig na magsalita ulit.
"Masakit din sa akin ang pagkawala ng bata. Ikaw na rin ang nagsabi, anak natin
yun. Pero wala na tayong magagawa. Wala na siya... we should move on."
Lalo akong napaluha ako sa sinabi niya. Masyado akong naging focus sa sarili ko at
hindi ko naisip na nasasaktan din siya.
"Makakagawa pa naman ulit tayo ng baby di ba? Please... nawala na ang anak natin
wag namang pati ikaw mawala pa sa akin." aniya pa.
Umupo ako at yumakap sa kanya. Gumanti naman siya ng mas mahigpit pa.
Napahiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya nang tumunog ang cellphone niya. Tinignan
niya ang caller ID nun at nakita kong kumunot ang noo niya. Hindi siya umalis sa
tabi ko nang sagutin niya yun.
"Hello." aniya pagka-pindot ng answer button. Tumingin muna siya sa akin saka
nagsalita ulit. "Yes, this is Maico Buenaventura." taimtim siyang nakinig sa
sinasabi ng nasa kabilang linya. Napapikit siya sandali saka tumango na tila
nakikita yun ng kausap niya sa kabilang linya. "Sige po, salamat." aniya pa saka
ibinaba yung tawag.
Tumungo siya ng kaunti na tila kumukuha ng bwelo saka siya humarap sa akin at
nagsalita. "Yung... Kuya mo. Wala na siya. Natagpuan daw na tadtad ng bala."
Pangatlong araw na ng burol ni Kuya. Ayaw sana akong papuntahin ni Maico dahil nga
sa nangyari at mahigpit na bilin ng doktor na kailangan ko ng pahinga. Pero
nagpumilit ako. Kahit naman ano pang nangyari, kapatid ko pa rin siya. Bukod doon,
kailangan ako ng Lola at higit sa lahat ay si Gelai. Hindi na lang ako nagpupuyat
at hindi nagkikikilos. Nakaupo lang ako sa sulok at inaalo ang pamangkin ko.
Ilang araw na ring hindi makausap si Gelai. Labis niyang dinamdam ang pagkawala ng
ama niya. Hindi ko naman siya masisisi. Kahit naman hindi naging ulirang ama si
Kuya eh alam kong minahal niya ng labis ang anak niya. Marami siyang naging
pagkukulang pero naipadama niya sa anak ang pagmamahal na yun.
Niyakap ko si Gelai na nasa tabi ko. Mugto ang mga mata niya sa kakaiyak. Titigil
lang siya panandalian at maya-maya eh makikita na naman ang pangingilid ng luha
niya.
Naisip ko ang anak ko. O mas akmang sabihin na sana’y naging anak ko. Sa totoo lang
eh may hinanakit pa rin ako kay Kuya dahil sa nangyari. Pinatawad ko siya sa mga
nagawa niya sa akin dati ng walang pagdadalawang isip pero ang nangyari sa laman ng
sinapupunan ko? Hindi ko yun basta-basta makakalimutan na lang.
Hindi ko sinabi kay Maico kung ano talaga ang nangyari at dinugo ako ng mga oras na
yun na nauwi sa pagkawala ng magiging anak namin. Pero alam ko, base sa mga galos
ko nun eh alam na ni Maico kung ano ang nangyari. Hindi ko alam kung anong iniisip
niya at hindi niya yun inuungkat. Siguro eh nag-aalala lang siya sa akin dahil
nagiging emosyonal pa rin ako sa tuwing naaalala ko ang pangyayari.
“Inaasahan ko nang ganito ang mangyayari kay James,” narinig kong sabi ni Lola na
naupo sa tabi ko. “Hindi ko lang inaasahan na ganitong kaaga.”
Pinag-iisipan ko rin ang bagay na yun. Paano na si Gelai ngayon? Hindi naman na
ganun kalakas si Lola para mag-isang palakihin ang bata tulad ng ginawa niya sa
amin noon ni Kuya. Alam kong ayaw iwanan ni Lola ang lupain dito pero hindi rin
naman pu-pwedeng ako ang manatili dito sa probinsya dahil nasa syudad ang trabaho
ko.
“Wag ho kayong mag-alala. Magagwan natin ng paraan ang problema kay Gelai.”
Ilang sandali ring natahimik si Lola. Tila nag-iisip siya at may gustong sabihin na
hindi niya mailabas. Maya-maya’y humigpit ang kapit ni Lola sa kamay ko. Napalingon
ako sa kanya. Nakatingin siya sa akin at kita ko ang awa sa mga mata niya.
Kunot noo akong nagtanong. “Para saan naman po?” pagkasabi nun ay iniwas ko ang
tingin ko at inalis ang kamay ko sa pagkakahawak niya. Alam ko kung ano ang
tinutukoy ni Lola.
“Kahit na hindi siya naging mabuting kapatid sa'yo ay alam kong minahal ka rin
naman niya,” sabi ni Lola habang hinahaplos ang kamay kong nakakapit ng mahigpit sa
hita ko. “Nang dumating siya rito ay umiiyak siya. Ang sabi niya, pinagsisisihan
niya raw ang nagawa niya sa iyo. Noong una ay hindi ko naintindihan kung anong ibig
niyang sabihin pero ngayong narito ka at nalaman ko ang nangyari sa'yo ay alam ko
na kung anong ibig niyang sabihin.”
Nakita ko ang pagtulo ng luha sa mga mata ni Lola. “Bago siya umalis, ibinilin
niyang hingin ko sa iyo ang pagpapatawad mo kung sakali mang may mangyaring masama
sa kanya.” Nagpunas ng mga luha si Lola at tumingin sa akin. “Apo, alam kong
mahirap pa rin pa sa iyo ang patawarin siya ng ganun na lang dahil sa nangyari sa
bata sa sinapupunan mo pero sana dumating din ang oras na mapatawad mo ang kapatid
mo.”
Naramdaman ko ang pag-agos ng luha sa mga mata ko. Mula nang dumating ako rito ay
ito ang unang beses na umiyak ako. Pakiramdam ko kasi eh manhid na ako sa kakaiyak
noong nasa ospital pa ako. Walang patid yun kahit na hindi iniwan ni Maico ang tabi
ko. Pakiramdam ko pa rin kasi ng mga oras na yun ay may malaking bahagi ng pagkatao
ko ang nawala.
Oo isang araw pa lang mula ng malaman kong nagdadalangtao ako pero pakiramdam ko eh
napakatagal na nun. Ang sarap kasi sa pakiramdam na naibigay ko sa wakas kay Maico
yung gustong-gusto niya tapos sa isang iglap lang, nawala yun lahat.
________
Tahimik lang ako habang nakaakbay sa akin si Maico. Huling gabi na ito ng burol at
bukas na ang libing. Binabantayan niya ako na hindi ako masyadong magpagabing
gising dahil baka makasama yun sa akin.
“Maya-maya na.”
“Please, wag namang matigas ang ulo mo. Nag-aalala ako lalo sa'yo eh,” inalis niya
ang pagkaka-akbay sa akin at hinawakan ako sa magkabilang pisngi.
“Maico...”
“Please.”
“You’re not breaking up with me are you?” malamlam ang mga matang tanong niya sa
akin.
“I just think I need space. Mag-iisip muna ako,” tumayo ako at naglakad papunta sa
kwarto ko.
“We can move the date of our wedding if you like,” aniya habang nagi-squat ng upo
sa harap ko.
Nag-isip ako sandali saka tumango. Tila nakahinga naman siya ng maluwag at inabot
ang dalawang kamay ko saka inilapit yun sa bibig niya.
Ngumiti ako ng bahagya saka kinuha na ang mga kamay ko mula sa kanya. Dahan-dahan
akong nahiga at tumayo na rin siya para alalayan ako. Siya na rin ang kumuha ng
kumot at inilatag yun sa katawan ko.
“Good night, Beauty,” hinalikan niya ang noo ko saka mabilis na tumalikod.
Pinigilan ko ang braso niya at agad naman siyang tumingin.
to be continued...
Chapter Forty
Maraming tao ang dumalo sa libing. yung mga dati niya kaklase, mga kapitbahay...
pati yung mga kaibigan kong sina Aya at Joy eh narito rin para makiramay. Hindi na
nakarating yung dalawa pa dahil sa ilang kadahilanan.
Hindi naman umaalis sa tabi ko si Maico. Mula noong sinabi ko sa kanyang gusto kong
iurong ang kasal eh mas naging maasikaso pa siya sa akin. Ramdam kong ginagawa niya
ang lahat para lang hindi masira yung relasyon namin. At dahil dun, mas lalo ko pa
siyang minamahal.
Napatingin ako sa tabi ko nang maramdaman ko yung braso sa balikat ko. Bahagya
siyang ngumiti saka pinunasan yung mga luha sa mata ko. Yumakap siya at hinalikan
ang buhok ko.
Nakita kong unti-unti nang ibinababa sa hukay ang kabaong ni Kuya. Lalo namang
nagpumiglas si Gelai at lumakas pang lalo ang pag-iyak niya.
Humiwalay ako sa yakap ni Maico at naupo para maging magkatapat ang taas namin ni
Gelai. Ginawa ko rin sa kanya ang kani-kanila lang ay ginawa ni Maico. Umiiyak pa
ring yumakap siya ng mahigpit sa akin. Naaawa ako sa kanya. Ramdam ko kung ano yung
nararamdaman niya. Dinanas ko rin yan noon nang mawala ang mga magulang ko.
Paano na siya ngayon? Mahirap ang lumaking walang mga magulang na gumagabay sa'yo.
Kahit na naging mabuti ang pag-aalaga sa amin ni Lola eh iba pa rin yung sariling
mga magulang mo ang gagawa nun.
Buong buhay ko pakiramdam ko ay may kulang sa pagkatao ko. Ayokong danasin yun ng
pamangkin ko. Gusto kong maramdaman niyang hindi siya nag-iisa at may nagmamahal sa
kanya.
Lalo kong hinigpitan yung yakap ko sa kanya. “Wag kang mag-alala. Hindi kita
papabayaan. Mamahalin kita tulad ng Papa mo.”
________
Nakatulog si Gia sa biyahe pa lang pauwi. Hindi na yun nakapagtataka dahil ilang
araw din siyang hindi halos nagpahinga. Sa buong panahon na nakaburol ang ama niya
eh naroon lang siya sa harap ng kabaong nito at umiiyak.
Sa totoo lang eh wala pa akong balak na bumalik ng Maynila. Nakabakasyon naman ako
sa ngayon dahil sa pinagpapahinga ako ng doktor. Mas mainam siguro kung dito na
muna ako magtitigil.
“Ahhm, Maico... dito na muna siguro ako. Mas makapagpapahinga ako kung nandito
ako.”
Nagulat siya pero nakakaunawang tumango. “Ok sige. Pero may mga gamit ka ba rito?
Gusto mong kumuha ako sa unit mo?” tanong niya.
“Meron naman akong gamit dito. Ayos na siguro ang mga yun.”
Bahagya siyang ngumiti. “Gusto ko sana ako ang mag-aalaga sayo sa mga panahong
nagpapahinga ka eh. Pero nirerespeto ko ang desisyon mo. Dadalasan ko na lang
siguro ang pagdalaw dito.”
Humarap ako sa kanya at hinaplos ang pisngi niya. “You’re real.” ngumiti pa ako
ng bahagya.
“Hindi lang kasi kapani-paniwalang may tulad mo. You’re too good to be true.
Nakakatakot na baka nananaginip lang ako.”
Nakatingin lang siya sa akin sa nagtatanong na mata. Kilala niya na ako kaya alam
niyang may tumatakbo sa isip ko. Humarap ako sa kanya at huminga ng malalim.
“Wala naman tayong problema di ba?” rinig ko yung panic sa boses niya.
Hindi ako sumagot. Iniisip ko kung paano ko sasabihin yung nasa isip ko. Lumingon
ako sa kwarto ni Gelai.
“Gusto ko sanang ampunin si Gelai. And since ikakasal na tayo, kailangan kong
malaman kung sasang-ayon ka.”
Napapikit siya at tila nakahinga ng maluwag. “Of course, yan din ang nasa isip ko.”
“Don’t worry, ituturing ko siya na parang tunay kong anak,” aniya saka yumakap sa
akin.
“Pumasok muna kayo’t kumain,” napalingon kami sa pinto. Si Lola yung tumatawag sa
amin.
Umakbay sa akin si Maico saka ako iginiya papasok ng bahay. Nilagang saging na saba
ang bumungad sa amin pag kapasok namin sa kusina. May mainit na tsokolate rin doon.
“Paano si Lola? Maiiwan ba siyang mag-isa rito pag naisama na natin si Gelai?”
________
“Magiingat ka sa biyahe,” sabi ko kay Maico nang ihatid ko siya sa may sasakyan
niya.
“Nga pala, nasabi ko na kay Mommy na iniurong natin ang date ng kasal.
Naiintindihan naman daw niya. Pati yung engagement party natin napagdesisyunan na
sa October na lang gawin imbis na sa susunod na buwan.”
Napabuga ako ng hangin. Ayoko naman kasi talaga nung engagement party na yun.
“Yun ang gusto ni Mommy. Kung ako lang eh kahit wala na nun. Gusto mo bang wag na
lang yun ituloy?”
Umiling agad ako. “Ok lang na ituloy yun. Kung yun ang gusto ni Mommy.”
Nakangiti siya pagkahiwalay ko sa mga labi namin. Sumakay na siya sa kotse niya
pero bago niya yun pina-andar eh ibinaba niya yung salamin ng bintana and mouthed I
love you.
to be continued...
Chapter Forty One
Dalawang linggo na rin ang nakalipas matapos ilibing si Kuya. Pero hanggang ngayon
hindi pa rin nagsasalita si Gelai. Madalas nagagalit siya pag kinakausap. Lagi
niyang gustong mapag-isa. Hindi na rin siya nagkakakain. Madalas pang makita ko
siyang umiiyak.
Kahit pilitin ko eh wala akong magawa para sa kanya. Kaya nakapag-desisyon akong
dalhin na siya sa doktor.
"Gelai is suffering from depression. Malamang dahil yan sa pagkamatay ng Tatay niya
na nakasama niya mula sa pagkabata niya. Nabanggit mo rin na nakita niya ang
katawan nito habang lumalangoy sa sarili nitong dugo."
Tinignan ko si Gelai sa tabi ko na nakatulala lang. Naroon yung lungkot sa mga mata
niya na tila ano mang oras eh may luhang papatak.
"Salamat po Dok."
Hawak ko ang kamay niya palabas ng clinic. Sa walang buhay na mga mata niya,
nakatitig siya sa Ice cream parlor sa tapat namin. Napangiti ako ng bahagya.
Nag-squat ako sa harap niya para magpantay ang taas namin. "Gusto mo ng ice cream?"
tanong ko sa kanya. May ilang segundo rin siyang nakatitig sa akin saka bahagyang
tumango. Hinaplos ko yung pisngi niya saka ngumiti. "Ok, bibili tayo ng ice cream."
Pinapili ko agad siya ng gusto niya sa menu na nasa likod ng tindera roon.
"Dalawang rocky road Miss," napabaling yung tingin sa akin nung babae.
Naghanap na ako ng mauupuan namin ni Gelai. Doon kami sa sulok kung saan may mga
teddy bears sa tabi para maaliw naman siya kahit papaano. Pinaupo ko siya roon saka
kinuha ang orders namin sa counter.
Hindi niya masyadong ginagalaw yung ice cream niya at natutunaw na yun. Nakatitig
lang siya at paminsan minsan eh sumusubo.
"Natutunaw na yang ice cream mo. Ubusin mo na yan."
Bigla niyang binagsak yung kutsara niya sa sinabi ko. Nagdadabog pa siyang tumayo
saka lumabas ng Ice cream parlor. Patakbo ko siyang hinabol saka niyakap ng
mahigpit. May namumuong luha sa mga mata niya. "I'm sorry. Uuwi na tayo." hinawakan
ko yung kamay niya saka inakay siya pasakay ng tricycle.
________
"Galing dito si Lisa." bungad sa akin ni Lola pagpapasok pa lang namin ni Gelai sa
pinto.
Si Lisa ang dating asawa ni Kuya James na nag-iwan sa kanila noong tatlong taong
gulang pa lang si Gelai. Hindi na pumasok sa isip ko na maaaring bumalik pa siya sa
buhay ng bata.
Napapikit ako sa sinabi ni Lola. Kung sakali mang bumalik nga siya, maaaring
kuhanin niya sa akin ang bata at hindi ako papayag. Iniwanan niya na noon ang anak
niya. Wala na siyang karapatan para kunin pa ulit yun.
________
"Bakit bigla-bigla naman yatang gusto mo nang bumalik ng Maynila?" tanong ni Maico
sa akin. Tinawagan ko siya para sunduin kami ni Gelai at iuwi na sa Maynila.
Hindi ako sumagot. Bagkos eh tumingin ako kay Gelai na natutulog sa likod ng
sasakyan.
"Hindi pa rin siya nagsasalita hanggang ngayon," tila wala sa sariling sabi ko.
"Lagi ka na lang nagpapasalamat sa akin. There's no need to thank me, just love me
more," ani Maico na sinamahan pa ng pilyo niyang ngiti.
"Parang ayaw mo ng kundisyon ko ah?" hinaluan niya ng lungkot yung boses niya.
"Alam mo namang mahal na mahal kita kahit hindi mo ako sabihang mahalin ka." umiwas
ako ng tingin sa kanya pagkasabi ko nun saka pigil na pigil ako sa pagngiti.
Tumawa na rin siya. "Yan ang gusto ko sa'yo eh. Kaya mong pasayahin yung puso ko
kahit walang masyadong effort."
Napalingon ako sa kanya. Wagas yung ngiti niya sa akin at nahawa na rin ako roon.
Kita ko sa peripheral vision ko si Gelai. Naalala ko yung dahilan kung bakit gusto
ko nang bumalik ng Maynila.
"Oh? Anong naging reaksyon ng bata?" naroon yung excitement sa tono ng boses ni
Maico.
"Hindi sila nagkita. Umalis kami ni Gelai nun at si Lola lang ang naka-usap niya."
"Oh, eh kung dumating pala siya, malamang na babalik yun. Bakit hindi mo na muna
siya hinintay bago bumalik ng Maynila."
Tumingin ako sa kanya ng masama. "That's exactly why I'm going back to Manila!
Ayokong makita siya ni Lisa!" mataas ang boses na sabi ko.
Sandaling natahimik si Maico. "Pero baka naman makabuti sa bata kung makikita niya
ang Nanay niya," mahinang sabi niya.
"No. Sigurado akong kukunin niya sa akin si Gelai at hindi ako papayag! Akin na si
Gelai. Hindi pwedeng mahiwalay sa akin ang anak ko." naiiyak na sabi ko.
Matalim ang paninging binigay ko sa kanya. "Simula ng iwan niya ang anak niya, nasa
amin na ang karapatan sa bata. Ngayong wala na si Kuya, ako na lang ang may
karapatan sa kanya," itinuro ko pa ang sarili ko gamit ang hintuturo. "Hindi ako
papayag na ilayo niyo siya sa akin. Hindi si Lisa o ikaw ang magdedesisyon sa bagay
na yan!"
Mariin siyang pumikit saka hinawakan ang kamay ko. "Ok. Walang maglalayo sayo kay
Gelai. Sisiguraduhin ko yan," itinaas niya ang kamay niya at hinaplos ang pisngi
ko. "Walang kukuha sa anak natin," aniya pa.
to be continued...
Chapter Forty Two
Dalawang linggo na rin ang nakalipas mula noong bumalik kami dito sa Maynila. Sa
mga linggong yun hindi naman nagparamdam si Lisa kaya napanatag na rin ako. Wala
naman siguro siyang intensyon na kuhanin ang bata. Gusto niya lang sigurong makita.
"Juice?" narinig kong tanong ni Maico kay Gelai. Napatingin ako sa kanila at
napangiti. Ang cute lang nilang tignan. Pakiramdam ko eh mag-ama sila.
Narito kami ngayon sa park. Picnic lang para malibang naman si Gelai. Itinuloy ko
pa ng isang linggo ang leave ko para naman may oras ako kay Gelai. Sa Lunes pa ulit
ako papasok. Kinuhanan ko na rin siya ng yaya na mag-aalaga sa kanya pag nasa
trabaho na ako.
Sa loob ng mga linggong nasa akin si Gelai ay hindi pa rin siya nagsasalita. Naka-
ilang balik na rin kami sa doktor para sa counseling niya pero wala pa ring
pagbabago. Kung sabagay, bago pa lang naman siyang ginagamot.
Narinig ko ang buntong hininga ni Maico. Napansin ko nitong mga nakaraang araw na
parang lagi siyang may iniisip. Nahuhuli ko siya kung minsan na kunot noong
nakatulala lang sa kawalan. Hindi ko siya kinokompronta dahil naiisip kong nag-
aalala lang siya sa akin. Sa amin ni Gelai.
Napatingin siya sa akin saka pilit na ngumiti. "Nothing," umiling pa siya. "Don't
worry." lumapit siya at umakbay sa akin.
"Hmmn?"
"Yung kasal---"
Humarap siya sa akin at tinignan ako sa mga mata, naghihintay ng kasunod kong
sasabihin.
Huminga ako ng malalim. "I know I said na iurong yung date nun, pero kasi si
Gelai..." tumungo ako saglit saka tumingin ulit sa kanya. "Baka pwedeng agahan na
lang natin?"
Halatang nagulat siya sa sinabi ko. Hindi ko maintindihan yung reaksyon niya.
Parang natutuwa siya na nag-aalangan. Kunot noong tinitigan ko siya. Ano bang
problema? May kakaiba talaga akong nararamdaman sa mga ikinikilos niya.
"Next month?"
Ngumiti siya at tumango. Pero hindi ko makitang umabot sa mga mata niya ang ngiting
yun.
"Hey, wag ka masyadong lalayo!" habol kong sigaw kay Gelai nang makita ko siyang
tumakbo.
Tumigil naman agad siya sa may swing at naupo roon. Naiwan kami ni Maico sa may
carpet na nailatag namin sa damuhan.
Tinignan ko siya saka ngumiti. "Sa pag-intindi mo sa akin. Alam kong lately eh
pabago-bago ang isip ko." I sighed. "Kahit ako naiinis na sa sarili ko, kaya nga
nagpapasalamat ako kasi nandyan ka at naka-alalay sa akin."
Hinawakan niya yung kamay ko at mahigpit na hinawakan yun. Ano na lang ang gagawin
ko kung wala ang lalaking ito? Baka kung saan na ako pulutin kung hindi siya
naanantili sa tabi ko. Pati si Gelai---
"Ms., may nakita ka bang batang babae rito? Mga ganito siya kataas," itinapat ko
yung kamay ko sa bandang baywang ko kung gaano kataas si gelai. "Nasa pitong taong
ang edad." tanong ko sa babaeng naroon na may hawak na bata. Marahil ay alaga nito.
"Doon ka maghanap. Ako rito," si Maico, itinuturo sa akin ang kabilang direksyon
kung saan siya papunta.
Bawat sulok na ng park eh nilibot ko para makita ang bata pero hindi ko siya
makita.
Kung anu-anong ispekulasyon na ang pumapasok sa isip ko. Paano kung may nakakuha sa
kanya? Paano kung napadpad na siya sa kung saan at hindi makita yung daan pabalik?
Paano kung—no. Hindi siya mapapahamak. May awa ang Diyos, ibabalik niya sa akin si
Gelai.
Umiling siya. Kita yung pag-aalala sa mata niya. Nagsimula nang tumulo yung luha sa
mga mata ko.
"Kasalanan ko 'to. Hindi ko dapat siya hinayaang maglaro mag-isa," sumubsob ako sa
dibdib niya at patuloy na umiyak.
"Shhh. Wag mong sisihin ang sarili mo. It's nobody's fault. Makikita rin natin
siya."
Iniangat ko ang tingin ko sa kanya. "Paano kung may nangyari nang masama sa kanya?
Hindi ko mapapatawad ang sarili ko."
Magkasama naming inikot muli ang park. Pati mga karatig na kalsada pinuntahan na
rin namin. Kung saan –saang sulok na kami nakarating nang may makita akong pamilyar
na bulto. Sa isang sulok ng kalsada, naroon si Gelai.
Nanginginig ang buong katawan niya habang patuloy siya sa pag-iyak. Pulang-pula na
yung mga mata niya. Pati yung buhok niya eh basang basa na rin ng pinaghalong pawis
at luhang pumapatak sa mga mata niya.
Agad akong napakalas ng yakap sa kanya. Inilibot ko ang mata ko sa paligid. Wala
naman akong nakitang pamilyar na mukha roon. Tumingin ulit ako kay Gelai.
Nakatingin siya sa akin. Awang-awa ako sa hitsura niya.
"Mama—" aniya na tila hindi narinig ang sinabi ko. Marahan ko siyang hinalikan sa
noo at binuhat.
"I promise you, Gelai. I'll be the best Mom in the world. Just give me a chance."
Ramdam ko ang pagtigil niya ng hikbi. Pati ang paglapat ng ulo niya sa balikat ko.
Nag-aalalang tinitignan ko siya.
Nakahinga ako ng maluwag. Kinuha niya sa akin ang bata at siya na ang bumuhat.
to be continued...
Chapter Forty Three
“Salamat talaga, Jacky,” ani Lisa habang ihawak pa rin ang kamay ni Gelai.
It’s been a month simula noong mawala si Kuya. Hinayaan ko na ring magkita ang mag-
ina dahil sa nakikita ko yung improvement kay Gelai pag kasama si Lisa. Actually,
wala namang balak si Lisa na kuhanin ang bata sa akin. Gusto niya lang talaga itong
makita at makasama kahit na sandali.
May bagong asawa si Lisa. Mayor ng isang probinsya sa bandang Visayas. Ang kwento
niya, hindi alam ng asawa niya na mag anak siya. Hindi naman kasi talaga sila kasal
ni Kuya. Nagsama lanng sila dati at naging bunga nga si Gelai.
Natatakot siyang sabihin sa asawa ang tungkol sa bata dahil baka hindi nito 'yon
matanggap. Kaya ngayong narito siya sa Kamaynilaan eh sinasamantala niya na ang mga
pagkakataon na pwede niyang makasama ang anak.
“Wala yun,” tumingin ako sa nakangiting si Gelai. “Basta masaya si Gelai.”
Nagsimula na ring magsalita si Gelai. Hindi tulad ng dati na sobrang daldal niya
pero nagsasalita na. Hindi na siya pala-kwento pero sumasagot naman na siya pag
tinatanong.
“Hanggang sa susunod na araw na lang ako rito. Pupuntahan ko ulit siya bukas,” si
Lisa.
Ipinasok ko na sa loob ng unit si Gelai pagkaalis ni Lisa. Hawak pa niya yung lobo
niyang may naka-print na kulay blue na pusa.
Hindi ko na siya masyadong inurirat. Ang mahalaga lang naman eh nakikita ko sa mga
mata niya yung saya.
From: Beast
To: Beast
Ang sabi ni Elaine, 9am yung appointment. Siguro mga 10am? Not sure, tawagan na
lang kita tom.
Si Elaine.
{flashback}
Kakagaling lang namin sa park kasama si Gelai. Nakatulog na yung bata kakaiyak
habang tinatawag ang Mama niya. Sobrang kinabahan ako nang mawala siya sa paningin
ko kanina. Kung nawala siya ng tuluyan, hindi ko mapapatawad ang sarili ko.
“Hmmn?”
“You need to know something,” aniya. Hinawakan niya pa ang mga kamay ko saka
yumuko.
Naghintay lang ako sa sasabihin niya. Pilit kong inaaninag yung mukha niya pero
lalo niya yung iniyuko hanggang sa bigla na lang siyang lumuhod sa harap ko.
Tumingala siya sa akin. Tumutulo na yung luha sa mga mata niya. Agad naman akong
umupo sa harap niya para magtapat yung mga mukha namin.
“What’s wrong?” nagpapanic na tanong ko habang pinupunasan yung mga luha niya.
Tumitig siya sa mga mata ko. “I’m sorry... I’m so sorry...” patuloy pa rin siya sa
pag-iyak saka sinandal yung noo niya sa balikat ko paharap.
Kinakabahan ako sa ikinikilos niya. Wala akong idea kung ano ang nangyayari. Bakit
bigla-bigla na lang siyang magiging ganyan? Hindi niya na ba kaya ang pagintindi sa
akin? Susukuan niya na ba ako?
Nagsimula na ring tumulo ang mga luha ko naiisip ko pa alng na yun nga ang iniisip
ni Maico.
Hinarap niya agad ako at mabilis na umiling. “Of course not!” hinawakan niya yung
dalawang pisngi ko.
More than eight months ago, noong nagpunta siya sa Batanes eh nakilala niya si
Elaine. Anak ito ng may-ari ng tinuluyan niyang resort doon. Wala naman siyang
balak na makipag-ugnayan dito oh kung ano man. Naging friendly lang siya.
Noong huling gabi niya roon, nagkayayaang mag-inuman. Sobrang nalasing siya at
nagising na lang siyang katabi niya ang dalaga at walang anumang saplot sa katawan.
“Parang yung nangyari lang sa atin ah,” mapait kong sabi habang hindi ko mapigilan
ang pag-iyak.
Kaya pala ganun ang ikinikilos niya ng mga nakaraang linggo. Kaya pala parang lagi
na lang malalim ang iniisip niya.
“Jacky, please... listen, tuloy ang kasal natin ok? Papakasal ka pa rin naman sa
akin di ba?”
Tumayo ako at lumayo sa kanya.
Marahas akong umiling. “I don’t know,” sabi ko saka nanakbo papasok sa kwarto at
ini-lock 'yon.
{end of flashback}
Hindi umalis noon si Maico sa harap ng kwarto ko hangga’t hindi ko siya kinakausap.
Ilang oras din akong nag-isip. Kaya ko bang mawala na lang basta si Maico sa akin?
Pagkatapos ng lahat igi-give up ko na lang ba siya?
Limang buwan pa lang mula noong bumalik siya at maging kami. So basically, hindi
kami noong may nangyari. Yun ata yung mga panahon na ina-assume ko na may “kami”
hanggang sa bigla siyang naglaho na parang bula.
Nalaman niya ang tungkol kay Elaine dalawang araw bago ko sabihin sa kanya noon na
buntis ako. Bumubwelo lang siya ng pagsasabi at nawala na nga sa isip niya noong
sabihin ko ang tungkol sa kalagayan ko. At nang malaglag ang pinagbubuntis ko,
nawalan na siya ng pagkakataong sabihin dahil sa pagiging histerikal ko. Nag-aalala
siya sa magiging reaksyon ko.
“Pag napatunayang anak ko nga ang bata, aampunin natin. Walang tutol si Elaine sa
bagay na yun dahil mas maaalagaan natin ang bata.” aniya pa noon.
Nabuhayan ako ng loob sa sinabi niya. Hindi naman masamang maging selfish paminsan-
minsan di ba? kaya itutuloy ko ang pagpapakasal kay Maico. Aakuin ko si Gelai at
ang anak ni Maico sa ibang babae. Wala akong pakialam basta ang mahalaga lang sa
akin ay ang makasama siya.
~~~
“Kamusta ang pakiramdam mo?” tanong ko kay Elaine. Magkasama na kami ngayon sakay
ng taxi papuntang clinic.
Madalas ko siyang samahan pagpapa-check up. Mabait naman siya at wala kaming
problemang dalawa. Masaya pati siyang kausap dahil mabiro siya. Hindi mo nga
makikita sa kanya na marami siyang problemang dinadala.
Mula noong malaman ng pamilya niya na disgrasyada siya ay itinakwil agad siya.
Pinalayas siya sa kanila kaya napilitan siyang hanapin si Maico. Wala na kasi
siyang ibang mapupuntahan. Kaya madali niyang tinanggap yung inalok sa kanya ni
Maico na isang milyon para sa batang dinadala niya.
“Maayos naman. Malikot 'tong bata, sipa ng sipa. Naku siguradong kukunsumihin ka
nito paglabas.”
Tumawa ako ng bahagya. “Kahit gaano pa yan kakulit kayang-kaya ko yan!” inilapit ko
yung tenga ko sa tiyan niya. “Hello baby! Nandito si Mommy!”
~~~
“Kamusta ang baby ko?” tanong niya habang nakatingin sa tiyan ni Elaine.
“Healthy naman siya. Anytime, baka lumabas na siya,” ako ang sumagot sa kanya.
“Ay, oo nga pala Elaine,” baling ni Maico sa babae. “Bukas na yung engagement party
namin. Asahan ka namin,” iniabot niya yung invitation. “Pasensya ka na kung hindi
ka agad namin naabisuhan.”
Tumingin ako sa malaking tiyan ni Elaine. Sa totoo lang, hindi ako ganoon ka-
excited sa paglabas nun. Siguro dahil sa anak siya ni Maico sa iba. Pero kahit
ganun, ipinangangako ko sa sarili ko na ituturing kong sa akin ang bata.
~~~~~~~~~
Nayi's Note:
By the way, malapit nang matapos 'to.. Less than 5 chaps na lang :) hahaha!
Thanks!
Chapter Forty Four
Dahan-dahan ang ginawa kong pagsusuot ng baby blue na dress ko para sa Engagement
party namin ni Maico. Aabot lang yun lampas ng kaunti sa tuhod ko. Nilagyan ako
nung bakla sa labas ng light lang na make-up pero makikita mo yung malaking
pagbabago sa mukha ko. Kinulot niya rin ang hanggang beywang kong buhok at itinali
sa bandang kanan at inilabas sa balikat ko. Yung sapatos kong baby blue din ang
kulay eh pinaparusahan ako sa taas.
“Kakainggit ka naman friend. Malapit ka nang ikasal. Ako kaya kelan?” si Aya. Siya
ang nag-aasist sa akin sa pagsusuot ko nitong damit.
“Ang sabihin mo, choosy ka kasi! Oh baka naman may hinihintay kang bumalik?”
tinaasan ko siya ng isang kilay pang-aasar.
Lumungkot yung mukha niya. “Tigilan mo nga ako,” aniya saka lumabas ng dressing
room.
Sumunod na rin ako pagkalabas niya pero wala na siya roon. Baka lumabas na ng
tuluyan ng kwarto.
“Wow! You look great! Ag galing ko talaga oh my gosh,” lumapit sa akin yung bakla
saka umikot pa at sinipat yung bawat anggulo ko. “Yan, reyding reydi ka na!” maarte
pang sabi niya.
Naupo ako sa kama dahil nangangawit na ako. Ito ang kwartong ginamit ko mula pa
kahapon. Narito kami ngayon sa resort nina Maico sa Pansol at dito gaganapin ang
engagement party. Para tuloy na rin daw swimming yung mga dadalo.
Piling bisita lang ang inimbitahan. Yung mga pamilya at malalapit na kaibigan lang
ang naririto. Ang balak namin eh sa kasal na lang imbitahin yung iba pang mga
kakilala namin. Actually, hinahanda na ni Mica yung engrandeng kasal namin na yun.
Nginitian ko lang siya at tinapik ko yung pwesto sa tabi ko. Tumalima naman agad
siya at naupo roon. May kinukuha siya sa pouch niya habang nagsasalita siya.
“May ipinabibigay sa'yo si Mommy,” aniya habang patuloy ang paghalungkat sa pouch.
“Asan na ba yun?” bulong niya pa. “Got ya!” aniya saka iniharap sa akin ang isang
necklace.
Nakagiting kinuha ko yun sa kamay niya. “Para saan 'to?” tanong ko.
“Sa leeg malamang! Try mo sa ilong baka pwede,” aniya at ngumuso pa.
She rolled her eyes. Kinuha niya yung necklace sa kamay ko at siya na ang nagsuot
nun sa leeg ko.
“Kailngan pa bang may dahilan para bigyan ka namin ng regalo?” aniya pa.
Bahagya akong tumawa. “Hindi lang kasi ako sanay na may basta na lang magreregalo
sa akin.”
~~~
Nasa thirty rin ang bisita. Ang bisita ko lang talaga eh anim. Yung mga kaibigan ko
at si Lola. Yung ibang guests dito puro inimbitahan na ng Mommy ni Maico. Ang sabi
ni Mica kanina eh kamag-anak nila lahat ng narito. Saka nga pala si Elaine.
Natatanaw ko siyang mag-isa sa sulok.
"Congratulations to the two of you. You really look good together," sabi nung isang
matanda. I mean, may edad na babaeng naka make-up na sing kapal ata ng alikabok sa
bahay na hindi natirhan ng one hundred years.
"Thanks Tita," si Maico. Bumaling siya sa akin. "This is my Aunt Ria. Mommy's
second cousin."
Inilahad ko ang kamay ko. "Nice meeting you Aunt Ria," nakangiti pang sabi ko sa
kanya.
Nagsilapitan din sa amin yung iba niya pang kamag-anak at isa-isa niyag pinakilala
lahat ng mga yun. Ang totoo niyan eh dalawa lang ata ang natandaan ko sa lahat ng
pangalang sinabi niya. Sobrang bilis ng pangyayari eh kahit siguro mga mukha nila
hindi ko na rin maaalala.
Nagsimula na yung "program" na hinanda ni Mica. Kung sinu-sino lang naman yung
pinagsalita nila sa unahan ng mga messages nila para sa amin ni Maico.
"And now, let's welcome the groom. Ang nag-iisang pasaway kong Kuya. Maico
Buenaventura," ani Mica kasabay ng tawanan at palakpakan sa paligid.
Humalik muna siya sa mga labi ko saka tumayo at naglakad papunta roon sa ginawa
nilang stage na malapit sa pool. Dito kami nakapwesto sa mag garden para kitang-
kita yung mga nagsasalita.
"Marami nang babae ang nadapa noong makilala ako. Pero ang babaeng ito, literal na
nadapa sa harap ko," narinig ko yung tawanan ng lahat. Pati ako natawa na rin.
Naaalala ko pa yung araw na yun, noong unang beses ko siyang nakita at nadapa pa
ako sa harapan niya.
"Ganoon ako kagwapo guys, nadadapa ang girls sa harapan ko," ngumiti siya sa akin
and mouthed 'I love you'. "Ilang taon rin kaming naging magkaibigan. And all those
years, alam kong patay na patay talaga sa akin yan," umiling iling pa siya. Gusto
ko sana sumigaw ng 'ang yabang' pero napatigil ako nang magpatuloy siya. "I didn't
see her the way she wanted me to. Kung kani-kanino kasi ako nakatingin kaya hindi
ko nakikitang nasa tabi ko na yung diyamanteng hinahanap ko. Buti na lang talaga
dumating yung araw na nauntog ako at nakita kong nasa harapan ko lang pala siya."
Humarap siya sa gawi ko. "I wouldn't say that I can't live without her. I've been
in this world for more than two decades not being with her but see, I lived,"
tumawa siya ng bahagya. "Mabubuhay ako ng wala siya, oo. Pero isa lang ang
masisiguro ko. It will surely be empty. Parang shellfish na walang laman, parang
zombie na walang pakiramdam, parang cellphone na lobat, parang ballpen na walang
tinta. Useless," inilahad niya yung kamay niya na pararang tinatawag ako.
Napansin kong nakatingin sa akin lahat. Nangingiting umiling ako saka tumayo at
lumapit kay Maico. Hinawakan niya ang isang kamay ko gamit yung kaliwang kamay
niya. Hawak kasi nung kanan niyang kamay yung mic.
"I love you so much. Thank you for coming into my life. You're the greatest gift
that God has given to me," iniangat niya yung kamay ko at hinalikan yun.
Naramdaman ko na lang yung pagpatak ng luha ko. Sobrang saya ng pakiramdam ko.
Parang ayaw ko nang matapos pa ang sandaling ito. Parang gusto kong tumigil na lang
ang oras.
~~~
"Salamat. Alagaan mo ang sarili mo ha? At yung bata siyempre," hinawakan ko pa yung
tiyan niya. "Oh, baka gusto mong ipahatid na kita?" tanong ko.
Mabilis siyang umiling. "Hindi na, tumawag na rin naman ako ng taxi. Parating na
rin yun."
Pagkatingin ko sa may hita niya ay basang basa yun. Mukhang pumutok na yung
panubigan niya.
"Tulong!" sigaw ko habang pilit na itinatayo si Elaine. Agad namang may mga lumapit
para tulungan kami. Nakita ko si Maico na nagmamadaling hinawi yung mga tao at agad
na binuhat si Elaine.
Wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa kanila nang dalhin niya ang babae sa
sasakyan. Binuksan niya yung likod nun at doon ibinaba si Elaine.
"Dito ka maupo sa tabi niya," ani Maico sa akin. Tumango lang ako at agad na
sumakay.
Pakiramdam ko para akong sinuntok nang marinig ko mula sa kanya yung 'anak natin'.
Wala sa sariling tumulo na lang basta yung luha sa mata ko. Pero bago pa nila
makita yun ay pinunasan ko agad.
to br continued...
Chapter Forty Five
Hindi ko na napansin kung gaano katagal kami dito sa labas ng delivery room. Kanina
pa hindi mapakali si Maico at pabalik-balik ng lakad sa harap ko. Hinahayaan ko na
lang siya kahit medyo nahihilo na ako. Naiintindihan ko naman kasing kinakabahan
siya sa paglabas ng anak niya.
Nagpalipas na lang muna ako ng ilang minuto habang ayaw maampat ng mga luha ko.
Paulit-ulit na nagpi-play sa utak ko yung sinabi niya kanina sa kotse 'mamaya lang
makakasama na natin ang anak natin'. May ideya ba siya kung gaano kasakit sa akin
yun? Habang iniisip ko lalong kumikirot. Pero kahit na ayoko na yung isipin eh
paulit-ulit pa rin yung tumatakbo sa isip ko. Parang sirang plakang paulit-ulit na
nagpi-play.
Nahimasmasan na ako ng kaunti kaya napagpasyahan kong bumalik na sa may delivery
room dala yung kape ni Maico. Nasa ganoong ayos pa rin siya pagbalik ko. Hindi
makali. Parang pusang hindi matae.
Nakaka-ilang minuto pa lang yata akong nakaupo nang lumabas yung doktor.
"Nakapanganak na po ang Misis niyo Sir. Your son's healthy," sabi nung doktor kay
Maico pagkalabas na pagkalabas.
Parang tumigil ang paghinga ko sa sinabi niya. Ni hindi niya man lang tinama yung
sinabi ng doktor. Hinayaan niyang isipin nun na asawa niya si Elaine. Pakiramdam ko
nga hindi niya na napapansin ang existence ko dito. Siguro kung aalis ako hindi
niya mapapansin.
Bakit ba paulit-ulit mo akong pinapatay Maico? Alam mo bang ang sakit sakit na?
~~~
Nagising na si Elaine at ako lang muna ang bantay niya ngayon. Kumuha kasi ng mga
gamit si Maico dahil hindi na nga kami nakapagdala. Biglaan kasi. Next week pa kasi
talaga ang due date niya. Pero sabi naman ng doktor eh normal lang daw yun sa
nanganganay. Give and take ng one week.
Kanina ko pa tinititigan yung bata noong nasa nursery pa pero wala akong
maramdamang kahit anong amor dun. Ewan ko ba, parang hindi ako natutuwa. Oh baka
naman pinagseselosan ko lang yung bata? Mas malaki na kasi yung atensyon ni Maico
sa kanya kaysa sa akin. Hindi lang siguro ako sanay.
Kamukha ni Elaine yung bata. Siguro isa rin yun sa dahilan kaya hindi magaang ang
loob ko sa bata. Hindi naman kasi siya kamukha ni Maico. Oh baka naman sa paningin
ko lang yun? Niloloko ko yung sarili ko para gumaang ang pakiramdam ko.
"Wala yun, ano ka ba. Para naman sa bata ang ginagawa ko."
Lumamlam bigla yung mga mata niya. Tinignan niya yung batang nasa tabi niya.
Kitang-kita ko yung lungkot doon. Halatang ayaw niyang mahiwalay sa anak niya.
"Jacky..." naluluhang tumingin siya sa akin. "Hindi ko yata kaya," aniya.
"Itong anak ko. Ngayong hawak ko na siya, parang ayoko nang mawalay siya sa akin."
Nagsimula nang tumulo ang mga luha niya. "Hindi ko kaya," aniya saka hinalikan ang
anak.
"Napag-usapan na natin 'to Elaine. Madadalaw mo naman ang bata di ba? Saka aalagaan
ko siyang mabuti at ituturing ko siyang akin," sabi ko pa habang lumalapit sa
kanya. Naupo ako sa tabi ng kama at hinawakan siya sa kamay.
"Alam ko naman yun eh. Alam kong mabuti kang tao at aalagaan mo ang anak ko. Pero
Jacky, maiintindihan mo rin ako pag nagka-anak ka na. Ngayon pa lang pakiramdam ko
may kulang na sa pagkatao ko iniisip ko pa lang na mawawala sa akin ang anak ko."
Huminga muna siya ng malalim. Tinitigan ang anak niya saka bumaling ulit sa akin.
"Tulungan mo ako. Lalayo na lang kami ng anak ko. Kaya ko naman siyang palakihin sa
sarili ko ang eh. Pangako, hinding hindi ko na kayo guguluhin. Tulungan mo lang
akong makapagsimula."
~~~
Nakatulala lang ako sa kwarto ni Elaine habang nakatitig sa hospital bed. Tama
naman ang desisyon ko 'di ba? Noong sinabi niyang lalayo siya at hindi na
magpapakita pakiramdam ko gumaan ng sobra ang loob ko. Parang nabunutan ako ng
tinik sa lalamunan ko. Hindi ako nagdalawang isip, binigay ko pa sa kanya yung
limampung libo sa ipon ko para lang makapag-simula siya.
Ngayon ko lang naiisip ang magiging konsikwensya ng ginawa ko. Siguradong magagalit
si Maico pag nalaman niya ang nangyari. Pero pwede namang sabihin kong wala akong
alam sa nangyari di ba? Pero siguradong made-depress siya kasi may anak siyang alam
niyang nariyan lang kung saan at hindi niya makita.
Nagsimula akong maiyak. Naging sobrang selfish na ba ang ginawa ko? Gusto ko lang
namang maging masaya di ba? At si Maico lang naman ang kasiyahan ko. Bakit ba kasi
hindi pwedeng makasama ko siya ng hindi ako nasasaktan ng sobra? Ganito ba talaga
kahirap ang magmahal? Para kasing ang hirap hirap na.
"Jacky?"
Napaangat ang tingin ko kay Maico. Kunot noong nilibot niya yung tingin siya sa
kwarto. Nang matantong wala si Elaine, nagpanic siya.
"Nasaan si Elaine? Ang anak ko?" lumapit siya sa aking at hinawakan ang dalawang
braso ko.
Umiling lang ako nang umiling. Hindi ko yata kayang sabihin sa kanya na umalis na
yung mag-ina niya. Alam kong masasaktan siya. At ayokong makita yun. Ayokong
makitang masaktan siya dahil sa ibang babae.
Dahan-dahan ko siya tinignan. Hindi maampat yung mga luha sa mata ko. "I'm sorry,"
itinakip ko yung dalawang kamay ko sa bibig ko.
Nagiba yung ekspresyon ng mukha niya at lumayo sa akin. "You didn't—" nanlalaki
yung mga mata niyang nakatingin sa akin.
"I'm sorry."
"God, Jacky! Alam mong mahalaga sa akin yung bata! Anak ko yun! Sana sinabi mo na
lang na ayaw mo! Maiintindihan ko naman ah? Bakit kailangan pang ilayo sa akin yung
anak ko?!"
Wala akong magawa kundi ang umiyak ng umiyak habang nakikita ko yung pagkamuhi sa
mga mata niya.
"I'm so sorry..."
Lumapit bigla siya sa akin. Nagsisimula nang magtubig yung mga mata niya. "Saan
sila nagpunta?" malumanay na tanong niya.
Tumungo siya sa mga hita ko at sa gulat ko ay bigla niya na lang sinuntok yung
sahig saka padabog na tumayo. "Jacky, akala ko kaya mong tanggapin ang anak ko pero
bakit ganun? Akala ko magiging maayos tayo pero anong ginawa mo?" mahinahon yung
boses niya pero mararamdaman mo yung hinanakit roon.
Hindi ako makaimik. Inaamin ko naman na sarili ko lang ang iniisip ko nang gawin ko
yun. Pero hindi niya ba naiisip na nasasaktan din ako? Na nahihirapan na ako?
"Jacky—"
"Tama na!" hindi ko na napigilang sigaw sa kanya. "Ang sakit sakit na," sabi ko pa
habang patuloy sa pag-iyak. "Dito oh," tinuro ko yung dibdib ko. "Hirap na hirap na
ako Maico. Hindi ko na alam kung hanggang kailan ko pa kakayanin. Oo naging
makasarili ako. Pero kahit kailan ba naisip mo yung nararamdaman ko sa nangyayari?
Inaamin ko nakahinga ako ng maluwag nung sabihin ni Elaine na lalayo siya. Parang
gumaang yung pakiramdam ko na ilang linggo ko na ring iniinda. Kaya masisisi mo ba
ako?"
Napalitan ng pangunawa yung ekspresyon niya. Lumapit siya sa akin at niyakap ako ng
mahigpit.
"I'm sorry, Beauty. I'm so sorry. I've taken you for granted," humalik siya sa noo
ko. "Stop crying, please."
Gumanti ako ng yakap sa kanya. Naramdaman ko naman yung unti-unting pagkalma ko.
"We'll get through this," iniangat niya yung mukha ko at padamping humalik sa mga
labi ko. "I love you," aniya pa.
to be continued..
~~~~~~~~~~~~~~~
Si Elaine ang tinutukoy niya. Actually naging maayos naman na kami nitong nakaraang
mga linggo. It's been two weeks simula noon. Naging patient naman sa paghahanap si
Maico. Nag-hire siya ng PI para dun.
"Sa Batangas. Bukas na bukas rin puntahan natin sila. Pumayag na raw si Elaine na
makipagkita, basta hindi natin kukunin ang bata."
"Ok, pero tingin ko dapat mag-celebrate muna tayo ngayon dahil nakita na natin
sila."
"Sure, saan tayo?" masiglang tanong niya. Ilang linggo rin siyang naging matamlay.
Kahit na maayos kasi ramdam ko pa rin yung tamlay sa mga kilos niya.
~~~
Alas-cuatro na rin ng hapon nang makarating kami rito sa MOA seaside. Makulimlim na
kaya masarap tumambay. Though madumi na yung tubig na makikita mo rito ayos na rin.
Gusto ko lang naman talaga pagmasdan yung sunset.
"Ahh!" itinapat ko sa bibig niya yung hotdog. Ngumanga naman siya at kumagat doon.
"Don't talk when your mouth is full," sabi ko sabay subo nung hotdog na hawak ko.
Tumawa lang siya saka inagaw yung kamay ko at itinapat ulit sa bibig niya para
kumagat pa ng hotdog.
"'Wag mong ubusin!" protesta ko. Ang laki kasi ng kagat niya. Akala mo mauubusan.
"Hahaha! Ang takaw mo talaga Beauty! 'Lika nga!" umakbay siya sa akin saka
pasimpleng hinalikan ako sa mga labi. Napatingin ako bigla sa paligid. Mukha namang
walang nakapansin.
"Eh ano naman? Malapit na rin naman tayong ikasal ah?" kinuha niya pa yung kamay ko
at nilaro-laro yung singsing sa daliri ko.
Isinandal ko lang yung ulo ko sa dibdib niya at nanahimik. Pinagmamasdan lang namin
yung mga taong dumaraan.
"Anong balak mo pag nakita na natin yung bata?" maya-maya'y tanong ko.
Naramdaman kong nagkibit siya ng balikat. "Bibigyan lang natin sila ng tulong.
Susustentuhan ko sila at magpapakilala naman akong ama dun sa bata," aniya.
Tumango ako. "That's good. Though hindi magandang lumaki na wala ang isang
magulang," malungkot na sabi ko. Naranasan ko ang lumaki ng walang magulang.
Mahirap yun. Pakiramdam ko may kulang.
"Hindi niya naman mararamdamang wala ako eh. I'll visit him from time to time."
"Okay."
~~~~
Tahimik lang kami sa loob ng ilang oras. Di ko na nga namalayan na five thirty na.
Nakatitig lang kami sa dagat at sa langit sa buong magdamag na yun.
"Yeah, sana sa paglubog niya isama niya na rin lahat ng problema ng tao."
Tumawa ako ng bahagya. "Sana nga. Kaso hindi eh. Kahit ilang beses siyang lumubog
at sumikat, nariyan pa rin ang mga problema."
"Totoo naman di ba? Pero kahit ganun, alam kong malalagpasan natin ang lahat ng
yun."
Hinihintay namin yung fireworks. Gusto ko lang yung mapanood ngayon habang kasama
si Maico. Wala kaming pakialam sa ingay ng paligid, pakiramdam ko eh kaming dalawa
lang ang nandito. Hindi lang kami nagsasalita dahil hindi rin naman kami
magkakarinigan sa mga banda na kumakanta sa magkakatabing resto.
Maya-maya'y humigpit yung kapit ni Maico sa kamay ko. Napatingin ako sa kanya at
walang babalang hinalikan niya yung mga labi ko. Nagpaubaya na lang ako. Walang
pakialam kung may mga taong nakakakita.
Pagkaputok nung pinaka-finale nila ay niyakap ako ni Maico ng sobrang higpit saka
bumulong sa tenga ko.
"I have something to tell you," sabi ko agad kay Maico pagkapasok namin sa unit ko.
"Hmmn? Ano yun?" naupo siya sa sofa at isinandal yung ulo niya. "Dito na lang ako
matutulog ha? Nasaan si Gelai?" luminga linga pa siya.
Napaangat agad yung likod ni Maico sa narinig. "What? Pero bakit? Hindi ba't may
bago nang asawa si Lisa?" nagtatakang tanong niya.
"Yeah, her husband found out about Gelai and he's cool with it. Handa siyang
palakihin ang bata at ituring na kanya."
Noong isang linggo pa lumapit sa akin si Lisa at sinabi niya nga ang sitwasyon.
Tinanong ko si Gelai sa kung ano mang gusto niya. Hindi siya sumagot pero kita
naman sa mga mata niyang gusto niyang makasama ang tunay niya ina. Hindi ko naman
maaatim na paghiwalayin pa sila gayong nakikita ko kung gaano kasaya ang bata sa
tuwing kasama niya si Lisa.
Tumango ako. "I'm happy for them. Alam ko naman kasing mas maibibigay ni Lisa yung
pangangailangan ni Gelai bilang ina. Mas magiging masaya ang bata knowing na kasama
niya ang tunay na ina niya kaysa sa akin."
Ngumiti si Maico. "Don't worry, we'll have our own children. Ilang dosena ba gusto
mo?"
Natahimik ako. Ito na yung oras na ayaw ko na sanang dumating. Hindi ko alam kung
paano ko sisimulan.
Kinuha ko yung kanang kamay niya at may inilagay roon saka kinuyom. Kunot noong
binuksan niya yung kamay niya at nanlalaking mga mata ay tumingin sa akin. Marahan
siyang umiling habang nakatitig sa mga mata ko. Unti-unti nang namamasa yun.
"Maico, please. Hindi ko kaya... thinking that there's a child out there whom I've
stolen a father. I will never be happy."
Ilang linggo ko ring piagisipan ito. Iniisip ko pa lang na lalaki yung bata na
tulad ko, walang magulang ay nasasaktan na ako. Hindi ko kayang maging masaya pag
ganun. Ayokong mabuhay nang tumitingin sa isang bata na sinisisi ako kung bakit
hindi buo ang pamilya niya.
"Kakasabi mo lang kanina di ba? Malalagpasan natin ang lahat? Bakit ngayon sumusuko
ka na?" aniya habang naguunahang magbagsakan ang mga luha niya.
Umiling ako sa kanya. "Malalagpasan natin, oo. Pero hindi ibig sabihin nun na
malalagpasan nating ito nang magkasama. Please, Maico... just let me go."
"Maybe hindi tayo para sa isa't-isa. You see, lahat ng nangyayari against sa ating
dalawa. Nawala ang anak natin, dumating si Elaine... give her a chance. Mabait siya
at sa tingin ko magiging mabuti siyang ina at asawa." Pagkasabi ko nang mga
salitang yun ay kusang tumulo ang mga luha ko. Kahit pala ilang beses ko nang
napagisipan 'to ang sakit sakit pa rin pala. Parang diudurog yung puso ko habang
nakikita ko siyang nasasaktan.
"Matagal ko ring pinag-isipan 'to Maico. I want you to be happy," tumayo ako at
handa nang pumasok sa kwarto.
"Nasa isip mo lang yan Maico. Magiging masaya ka kahit wala ako."
Patakbo siyang lumapit sa akin at mahigpit na yumakap. "Mahal na mahal kita kita,
wag mo naman gawin sa akin 'to oh," aniya.
"Mahal na mahal din kita Maico... pero hindi sapat ang pagmamahal lang."
Pwersahan kong kinalas ang pagkakayakap niya sa akin at mabilis akong pumasok sa
kwarto at nag-lock. Dahan-dahan akong naupo habang nakasandal sa pinto.
Mahal na mahal kita Maico.
~~~~
Nayi's Note:
Wherever you are, always remember how much I love you. Maybe this is not the time
for us but I promise you, we'll be together... someday.
Papunta na ako ngayon ng LA. May ini-offer sa akin si Jace na trabaho roon. Buong
puso ko namang tinanggap para magpakalayu-layo na rin. Siguro sa lugar na yun eh
mahanap ko na yung kaligayahan ko.
Galing kay Maico 'tong notebook na hawak ko. Nagulat nga ako na nagsusulat siya ng
ganito. Para itong diary pero noong nai-scan ko yung laman eh nakita kong para
itong mga letters niya sa akin. Natawa nga ako noong una ko 'tong buklatin. Parang
wala naman kasi sa personality niya ang gagawa ng ganito.
Pagkatapos ko sigurong basahin ang lahat ng nilalaman nito eh sisimulan ko nang
kalimutan siya.
Magsisimula ako ulit. Hindi bilang isang babaeng patay na patay sa isang Maico
Buenaventura, hindi isang kaibigan na nasasaktan dahil hindi siya magustuhan at
lalong hindi bilang isang REBOUND na nagpapakamartir para lang matupad ang pangarap
niya.
~~~~
Isinara ko ang pinto ng unit ni Maico gamit ang paa ko. Lasing na lasing siya at
naka-akbay siya ngayon sa balikat ko. Grabe lang. Sobrang bigat niya. Kanina,
kinailangan ko pang humingi ng tulong sa guard para lang maiakyat siya rito sa unit
niya.
Buti na lang nakarating na ako rito isang beses nang isinama niya ako sa opening ng
resto bar ng kaibigan niya. Kung hindi, hindi ko alam kung saan ko dadalhin ang
lalaking 'to. Sa sobrang kalasingan kasi, ni hindi na sumasagot ng tama. Sagutin ba
naman ako ng “sa heaven” sa tanong ko kung saan niya gustong pumunta!
“Wait lang, Maico—” Halos matumba kami nang maglakad siya ng isang hakbang. At
dahil naka-akbay siya sa akin, naturalmente na kasama ako. E gegewang-gewang siya
kaya naman pinilit kong hilahin siya patayo. “Ang bigat mo naman!” reklamo ko.
Inalalayan ko pa siya hanggang sa makarating kami sa sofa. Iniupo ko siya roon pero
sa huli, dumausdos lang siya sa sahig. Nasapo ko na lang ang noo ko at nailing.
“Ano bang gagawin ko sa'yo, Maico?”
Dahil hindi ko naman maaatim na patulugin siya sa sahig ng sala, pumunta ako ng
kusina para magtimpla ng kape. Baka sakaling 'pag naka-inom siya ng kape e
mahimasmasan siya at makapunta naman siya sa kwarto niya.
Nagtimpla ako gamit ang coffee maker niya. Naka-ilang minuto rin ako dahil pinag-
aralan ko pa kung paano gamitin 'yun. Wala naman kasi kaming ganito sa unit namin
ni Lana dati.
Naka-ilang subok ako at sa huli, napa-inom ko rin siya. Ilang sandali pa ay naubos
niya 'yun at mukhang nahimasmasan siya ng konti.
Napansin kong tahimik siya kaya naman tumingin ako sa kanya. Baka kasi nakatulog na
naman. Pero mali ako, nakamulat siya. Mapungay ang mga mata niyang nakatitig sa
akin.
Mukhang nagising naman siya at umiwas ng tingin. Tumayo na ako hinila siya sa
braso.
Hindi siya umimik pero tumayo naman siya. Gumewang pa siya kaya mabilis na
inalalayan ko siya.
Sa pagkakataong 'to, hindi na ako nahirapan na dalhin siya sa kwarto niya. Kahit
kasi halatang hilo pa siya, hindi na siya kasing lala ng kanina.
Nakahinga ako nang maluwag nang makaupo na siya sa kama niya. Inalis ko ang mga
sapatos niya at akmang ihihiga ko na siya sa kama nang hilahin niya na lang akong
bigla palapit sa kanya.
Mahigpit na yakap ni Maico ang sumalubong sa pagkagulat ko. Sa sobrang lakas ng
pagkakahila niya sa akin, humagis pa ang salamin ko. Ilang sandali din siyang
nakayakap sa akin bago siya humiwalay. Ang akala ko ay pakakawalan niya na ako pero
nagkamali ako. Nagulat na lang ako nang mabilis na halikan niya ako sa mga labi.
Natulala na lang ako sa nangyari. It’s my first kiss. And I had it from the man
that I love.
Oo, alam ko, hindi naman ako ang iniisip niya sa mga sandaling ito. Malamang habang
magkalapat ang mga labi namin ay si Lana ang iniisip niya. But I don’t care. Ang
mahalaga lang sa akin sa mga oras na 'to ay ang mga halik niya.
Hindi man marunong ay sinabayan ko ang paggalaw niya. Ginagaya ko ang bawat gawin
niya. Hindi ko na namalayan na naihiga niya na pala ako sa kama.
I was lost in his kisses that I didn’t realize that he already removed my shirt.
Naramdaman ko na lang ang lamig na humaplos sa katawan ko. Bahagyang naitulak ko
siya pero hindi siya natinag. Nagpatuloy lang siya sa paghalik sa akin.
Bumaba ang mga halik niya sa leeg ko. Ramdam ko na rin ang paggapang ng kamay niya
sa katawan ko. Doon ako nagsimulang mag-panic. Itinulak ko ulit siya at sa
pagkakataong ito, napalayo siya sa akin.
Sandaling tinitigan niya ako habang nakakunot ang noo. Sinamantala ko naman ang
pagkakataong 'yun para kumawala sa kanya. Pero bago pa man ako maka-alis ng
tuluyan, naikulong niya nang muli ako sa mga yakap niya.
Unti-unti ang ginawa niyang pagbaba ng mukha papalapit sa akin. Tila ba binibigyan
niya pa ako ng pagkakataon na umiwas. I know I should have turned my head but the
moment I saw his lips, I felt the need to feel it against mine.
Huminga ako ng malalim at pumikit ng mariin. Dapat ko siyang pigilan. Napakapit ako
sa bed sheet bago ko naramdaman ang muling paglapat ng mga labi niya sa mga labi
ko. I need to stop him. I need to stop him. Paulit-ulit na sinasabi ko 'yun sa isip
ko.
Hindi ko napigilan ang pagsinghap nang maramdaman ko ang mga labi niya sa leeg ko.
Parang malulunod na ako sa sensasyon. I need to stop him.
I panicked the moment I felt his lips on my peak. Kasabay nun ay ang hindi
maipaliwanag na sensasyong bumalot sa buong pagkatao ko. I know I should stop him
pero ayaw ng katawan kong itigil niya ang ginagawa.
Pinilit kong hanapin ang katinuan ng isip ko. Sandaling inalis ko sa isip ang
luwalhating ipinaparamdam niya sa akin at nagtagumpay naman ako.
Ilang sandali lang na natulala ako. Ilang beses niya pang inulit ang pangalan ko
habang patuloy sa ginagawa. Manghang nakatitig ako sa kanya habang hinahalikan niya
ako paakyat sa leeg at sa mukha. And when he kissed my lips again, I just lost it.
~*~
Nagising ako sa ingay na sa paligid ko. Sino ba 'yung nagsisigawan na 'yun? Ugh!
Natutulog 'yung tao e!
Nagmulat ako ng mata. Pinilit kong kumilos kahit na pakiramdam ko, hapung-hapo ako.
Aww, bakit ba ang sakit ng katawan ko?
Narinig ko pa ang pag-lock ng pinto nang tuluyan akong makaupo. Nanlalabo ang
paningin ko kaya naman hinanap ko ang salamin ko. Kinapa ko ang bedside table pero
hindi ko 'yun mahanap. Naaaninag ko ang paglapit sa akin ni Maico. Nang makalapit
siya ng tuluyan, iniabot niya sa kamay ko ang eye glasses ko. Isinuot ko naman agad
'yun at tumingin sa kanya.
Halos lumuwa ang mata ko nang makita kong nakatapis lang siya. Umiwas agad ako ng
tingin at tumungo. Doon naman lalong lumaki ang mga mata ko. Naalis kasi ang
pagkakatakip sa akin ng kumot at kitang-kita ang katawan ko hanggang beywang.
“Tss. Makatakip ka naman parang hindi ko pa 'yan nakita,” ani Maico. Hindi ako
naka-imik dahil bumalik sa isip ko ang lahat ng nangyari kagabi. OMG, may nangyari
samin ni Maico!
Hindi ako makatingin sa kanya. Lumapit na siya sa akin at lahat pero hindi ako nag-
aangat ng tingin. Sobrang nahihiya ako. Pakiramdam ko, ang dumi kong babae. Hindi
naman kami pero ibinigay ko ang sarili ko sa kanya. To think na hindi naman ako
lasing kagabi.
“Maligo ka na. 'Yan na muna ang isuot mo. Nasa laundry pa 'yung mga damit mo.
Parating na rin 'yun mayamaya.” Kinuha ko 'yun pero hindi pa rin ako kumilos.
“Wala akong pambabaeng undies dito.” Pasimpleng tumingin ako sa kanya pero umiwas
din agad ako ng tingin. “Kung iniisip mo na baka may nakaiwan dito o kung anuman,
wala, okay? Ikaw pa lang ang babaeng nakahiga sa kamang 'yan.” Pagkasabi nun,
walang anu-anong inalis niya ang tapis niya at nagbihis.
Halos mabulunan ako dahil sa ginawang 'yun ni Maico. Mabilis na nagtakip ako ng
mukha gamit ang mga palad ko. Lord, magkakasala po ako rito! Ilayo Niyo po ako sa
tukso!
Narinig ko pa ang pagtawa ni Maico. Mayamaya, lumundo ang kama, indikasyon na naupo
siya roon.
“Ang cute mo talaga!” natatawang sabi niya sabay pindot sa pisngi kong hindi
natatakpan ng kamay ko. “Nagtakip ka ng mata nawala naman 'yung takip mo sa
katawan.”
Doon ko na-realize na nang itaas ko ang mga kamay ko, nabitawan ko naman ang kumot.
Dali-daling kinuha ko 'yun at itinakip sa dibdib ko. Malapad na ngiti ni Maico ang
sumalubong sa akin.
Tatayo na sana ako nang pigilan niya ako at mariing hinalikan sa mga labi.
Ipinulupot niya pa ang isang braso niya sa beywang ko. Ramdam ko ang init ng kamay
niya sa likod ko na nakadagdag sa tila pagkalasing ko sa mga halik niya. Bumitaw
siya sandali at inalis ang eye-glasses ko. “Tsk! Istorbo talaga 'to,” aniya saka
inilagay 'yun sa bedside table.
“Shit,” aniya.
“Hmmn?” tila wala sa sariling tanong ko. Hindi ko pa namalayang nasa batok niya na
pala ang mga braso ko.
“Si Jace.”
“Oo, nasa labas si Jace.” Mabilis na tumayo siya. “Maligo ka na. We’ll continue
later.” Humalik pa uli siya sa mga labi ko saka lumabas ng kwarto.
Mabilisang shower lang ang ginawa ko. Puro panglalaki ang nasa banyo niya pero wala
naman akong choice kaya 'yun na ang ginamit ko. Pagkalabas ko ng banyo, bahagya kog
naririnig ang pag-uusap sa labas. Medyo mataas kasi ang boses ni Jace. Halata sa
kanyang galit siya.
“Maico!” hindi ko napigilang sumigaw. Lumapit agad ako sa huli na ngayon ay nasa
sahig habang sapu-sapo ang pisngi niya.
“Ayoko nang makitang lalapit ka sa asawa ko. Hindi lang 'yan ang aabutin mo sa'kin
kung sakali,” sabi ni Jace saka lumabas ng unit.
Tumango siya. “Yep. I guess I deserved that.” Ngumiti siya pagkasabi nun. Walang
galit sa mga mata niya para kay Jace. “O, nakaligo ka na pala. Pagkarating ng mga
damit mo, magbihis ka agad. Mall tayo.”
~*~
Gaya ng sabi ni Maico, nasa mall kami ngayon. Ewan ko ba kung anong trip niya.
Namimili kami ngayon ng mga bagong gamit niya. Pati nga rin pala ako ibinili niya.
Kanina, mga gamit sa banyo ang binili niya para sa aming pareho. Ngayon naman,
nagsusukat siya ng mga damit.
Mga mayayaman talaga. Makagastos, wagas! Samantalang tinignan ko 'yung closet niya
kanina marami pa naman siyang damit na maayos.
Nasa fitting room siya ngayon at may sinusukat na damit na huli niya na nakita.
Nabayaran na nga namin 'yung ibang napili niya.
“Ate, ito na 'yung pinamili ng amo mo,” sabi sa'kin nung isang saleslady sabay abot
ng mga paper bag.
Kinuha ko naman 'yun at nginitian pa siya. Nakatalikod na siya nang may ma-realize
ako. Teka nga, napagkamalan niya ba akong katulong ni Maico?
Lumapit siya sa saleslady (na hihimatayin na ata) saka iniabot ang shirt. “I’ll
take it,” nakangiti pang sabi ni Maico.
Nang lumingon siya sa akin, napansin niyang bitbit ko ang mga paperbag at kinuha
agad 'yun. Naka-akbay pa siya sa akin nang lumapit kami sa cashier para kunin ang
creadit card na ginamit niya sa pagbabayad at ang huling paper bag.
Nakita ko pa kung paanong nanlaki 'yung mga mata ng saleslady nang halikan ako ni
Maico sa sintido.
“Bili naman tayo ng mga gamit mo,” sabi ni Maico saka hinila ako palabas ng shop na
'yun.
~*~
Dito kami sa unit na tinitirhan ko tumuloy pagkagaling namin sa mall. Marami rin
siyang biniling damit para sa akin. Kumpleto 'yun mula shirt, shorts hanggang
undies. Pati nga pang-office meron e. Kahit anong sabi ko na 'wag niya na akong
bilhan hindi siya nakikinig.
Isa lang ang sinukat kong damit at nagpakuha na siya ng mga ganung size.
“Ilagay mo 'to sa banyo mo,” aniya sabay abot sa akin ng isang paper bag.
“Saka na lang. Marami pa akong gamit dun,” sabi ko, hindi inabot ang binibigay
niya.
Kinuha ko na lang 'yun at magsasalita sana ako nang mapansing hindi naman 'yun ang
mga gamit ko. Puro panlalaki ang laman ng paper bag.
“Uhm, bakit—”
“Para 'pag nandito ako hindi naman pambabae ang gagamitin ko. May pwesto pa ba sa
closet mo? Ilalagay ko 'tong mga damit.”
Doon ko lang napansin na ang mga paperbag pala na bitbit niya ay 'yung maglalaman
ng mga damit niya. 'Yung mga iniwan niya sa kotse ay 'yung mga gamit ko.
Tumalikod na ako at naglakad papunta sa banyo. Hindi ko mapigilan ang ngiti ko.
Wala man siyang sabihin, para niya na ring sinabi na “kami” dahil sa giagawa niyang
'to.
Ito na siguro ang simula ng katuparan ng mga pangarap ko. Ang pangarap na mapasakin
si Maico.
--------------------------
Maybe, a week of hell plus PMS is not a great combination after all.
Oo, isang buong linggo na ang nakalipas mula nang unang beses na may mangyari sa
amin ni Maico. At isang buong linggo ko na rin siyang hindi nakikita. Ni tawag,
wala.
Nakahiyaan ko na lang na tawagan siya. Sino ba naman kasi ako 'di ba? Malamang
inilagay niya na ako sa listahan niya ng naka-one night stand niya. O baka sa
kabilang listahan? Sa two night stands, maybe?
Hindi ko alam kung kanino ako magagalit. Sa kanya ba o sa sarili ko? O mas
magandang sa amin na lang pareho? Pareho naman kaming may kasalanan dito e. Ang
masakit lang, ako lang ang nagdurusa sa nangyari.
Dahil sa nangyari sa amin, pakiramdam ko, minahal ko pa siya lalo. Para bang 'yun
ang nagtrigger na mahalin ko siya ng buong puso. Pero nasaan na siya ngayon? Huh.
Sino ba kasing niloloko ko? Gusto niya lang namang makalimot kaya pinatulan niya
ako ng dalawang gabing 'yun e.
Napapitlag ako nang tumunog ang doorbell. Kunot ang noong pinuntahan ko ang pinto.
Pagkabukas ko nun, nawala lahat ng inis ko na parang bula.
Sinundan ko siya at naabutan ko siya sa harap ng closet ko. Teka, kukunin niya na
ba ang mga gamit niya? Kung sabagay, isang pagkakamali lang naman ang dalawang
gabing 'yun e.
Nag-iinit ang sulok ng mga mata ko pero pinigilan ko ang pagtulo ng luha ko.
Kailangan kong maging matatag. Hindi ako iiyak sa harap niya. Ipapakita kong wala
lang sa kin ang nangyari.
Inaasahan kong aalisin niya na ang mga gamit niya pero iba ang ginawa niya. Kumuha
lang siya ng isang t-shirt at nagpalit ng damit. Iniwan niya na lang ang
pinagbihisan niya sa sahig at nahiga ng sa kama ko.
Pinulot ko ang t-shirt niya sa sahig pati ang tuwalyang inihagis ko kanina at
inilagay ko sa laundry basket.
Tahimik na pinagmasdan ko siya kapagkuwan. Nakapikit lang siya habang nasa noo ang
isa niyang braso.
Sandaling oras lang ang hinintay ko at nahiga ako sa tabi niya. Hindi ko na pinigil
ang sarili ko at niyakap siya sa beywang.
Maico
A smile formed my lips the moment I felt her embrace. Hindi ito ang inaasahan kong
datnan pagkatapos ng isang linggong hindi ako nagparamdam sa kanya. I was expecting
a slap or something. Hinihintay kong mag-nag siya at sigaw sigawan ako sa pagkawala
ko ng isang linggo. But nothing happened. She just stand there watching my every
move.
That realization sink in my head the moment I was putting her things in my closet.
Hindi siya dapat na maging isang rebound. She deserve better than that. Kaya naman
uniwas na lang ako.
Ginawa ko pa rin ang everyday routine ko. Ang puntahan si Lana at tanawin sa
malayo. I’ve been like this for weeks at nakasanayan ko na. Kahit na nakikita kong
masaya siya sa piling ng asawa niya, hindi pa rin ako tumitigil. Pinupuntahan ko pa
rin siya. Sapat na kasi sakin, basta makita ko lang siya.
But this past week has been different. Oo, nandun ako at tinatanaw si Lana pero may
ibang imahe na pumapasok sa isip ko. Ewan ko ba, it was just two nights pero hindi
siya maalis sa isip ko. Pakiramdam ko yakap ko pa rin siya, I can still feel her
skin on mine. What’s worst, I feel like I’m still inside her.
That night, lasing ako pero alam ko ang ginagawa ko. Alam kong siya ang kasama ko.
Alam kong hindi na tama ang ginagawa ko pero hindi ko mapigil ang sarili ko.
Because the moment my lips touched hers, I felt alive again.
That was the first time I felt like that for years. Para bang tama pa rin ang
ginagawa ko kahit na alam ko naman na mali. I just wanted to have her. 'Yun lang
ang laman ng utak ko ng mga oras na 'yun.
Kanina, bago ako pumunta rito, I made a promise to myself. Hindi na ako pupunta kay
Lana para lang pagmasdan siya sa malayo. At gagawin ko ang lahat para mapasaya si
Jacky. She doesn’t deserve to be a rebound but I cannot do anything about that. I
want to be with her right now so I’ll just make her feel like a princess instead.
Tumango lang siya at lalong isiniksik ang sarili sa akin. Bahagya akong natawa sa
ginawa niya kaya naman hinalikan ko siya sa buhok.
Naupo ako sa gilid ng kama at inilahad ang dalawang braso ko. Sinenyasan ko pa siya
na lumapit sa akin. Nang nasa harap ko na siya, ako naman ang yumakap sa kanya ng
mahigpit.
“I’m sorry for being MIA for a week. I missed you,” sinserong sabi ko.
“It’s okay. At least you’re her now,” aniya saka yumakap pa ng mas mahigpit.
Salamat!
Nayi's Note
Una sa lahat, salamat sa sumubaybay sa story na ito. Sinimulan ko ito noong Jan. 2,
2013 hanggang ngayon nga Sept. 1, 2013. Ang tagal pala... hahaha! Pero basta
salamat sa mga sumubaybay.
Kahit may mga times na nai-stress ako sa comments ipinagpatuloy ko pa rin ito. Kaya
nga nagkaroon ng time na hindi na lang ako nagbabasa ng comments niyo -___- Pero
naisip ko, nag-effort kayong itype yun, tulad din ng effort kong itype ang story na
ito kaya naman hindi ko na lang pinapansin yung mga comments na nakaka-stress..
Sa nagtatanong ng Book 2... opo meron po. Mula simula ito na talaga yung balak ko
whahaha! sige na ito na... ito na...
MY POKER FACED GUY – Side story po ito. Story ni Mica (Maico's Sister). Kung gusto
niyong mabasa, pakihanap na lang sa profile ko, or type this:
http://www.wattpad.com/story/7484631
YOU GOT ME – SPECIAL BOOK of TNRG. POV ito ni Maico. Kung nabasa niyo sa epilogue,
may binabasa si Jacky na notebook. Narito ang laman nun. Muli, pakihanap sa profile
ko or type this: http://www.wattpad.com/22449503
Lovelots,
purplenayi
******