You are on page 1of 38

Stallion Series 4 : Hiro Hinata

"I will love you forever. Wala nang bawian. Wala nang urungan."
Nang magtapon yata ang Diyos ng kamalasan sa mundo, nasalong lahat ni Jemaikha.
Hindi niya nakuha ang sweldo niya, kinain ang ATM card niya, nadukutan siya ng pera
at nakita niya ang first and only love niya na si Hiro habang mukhang binagyo ang
pagka-ganda-gandang buhok niya. At ang masaklap, sinabi nito na may girlfriend na
ito. Pakiramdam tuloy niya ay pinagkaitan siya ng tadhana ng karapatan na sumaya.
Hiro was the only man who could make her happy. But he was also the only man she
couldn't have. Dahil kung mamahalin muli nila ang isa't isa, siya rin ang
makakasira dito.
Pero kaya ba niyang layuan ang kaligayahan niya?
Chapter 1
"Sino ang umubos ng shampoo ko?"
Umalingawngaw ang sigaw ni Jemaikha sa buong bahay. Galit na galit siya habang
hawak ang basyo ng STALLION Shampoo and Conditioner. Nasa gitna siya ng paliligo
nang matuklasan na simot na ang shampoo niya. Sa sobrang inis niya ay napalabas
siya ng banyo nang nakatapis lang ng tuwalya.
"Hoy! Ano ba ang isinisigaw mo diyan?" tanong ng Tiya Vilma niya.
"Ito pong shampoo ko ubos na," maktol niya.
"Ah, iyan bang shampoo mo?" Saka nakangising ipinagwasiwasan ang di kahabaang
buhok. "Ginamit ko kahapon nang maligo ako. Maganda naman pala iyang shampoo mo.
Tingnan mo, ang lambot ng buhok ko."
Napapadyak siya sa inis. "Tiya naman! Huling gamitan ko na iyon."
Namaywang ito at pinanlakihan siya ng mata. "Aba! Huwag ka ngang kumontra diyan.
Iyang kakarampot lang na shampoo, pinagmamalakihan mo pa ako. Baka nakakalimutan
mong ako ang kumupkop sa inyong magkapatid nang mamatay ang tatay ninyo. Pinatira
ko kayo sa bahay ko nang mailit ang bahay ninyo at wala kayong matuluyan. Tapos
shampoo lang... shampoo lang!"
Pasimple niyang hinaplos ang tainga. Umagang-umaga kasi ay binabanatan na siya nito
ng drama at sumbat. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, wala na itong ginawa kundi
ipaalala sa kanila ang kamiserablehan ng buhay nila.
Apat na taon na ang nakakaraan nang mawala ang tatay niya. Saka nila natuklasan na
marami pala silang pagkakautang kaya nailit ang bahay at lupa at iba pang ari-arian
nila. Wala silang ibang natakbuhan kundi ang Tiya Vilma niya. Bunso itong kapatid
ng tatay niya at matandang dalaga. Masyado nga lang itong madada at mabunganga.
Kaya pinagtitiisan na lang nila ng kapatid na si Robin.
"Hindi ko naman nakakalimutan ang istorya ng buhay natin, Tiya. Kaso, paano naman
ang istorya ng buhok ko? Wala akong shampoo."
"Mag-gugo ka na lang."
"Ano?" bulalas niya. "Kayo lang ang gumagamit ng gugo. Obsolete na iyon."
"Stallion Shampoo na rin ang gamit ko."
"Basta kailangan ko ng Stallion Shampoo." Wala pa mandin iyong tinda sa tindahan at
sa grocery pa niya nabibili. Di siya gumagamit ng ibang shampoo dahil Stallion
Shampoo lang ang hiyang buhok niya.
"Hay, naku! Bukas ka na lang mag-shampoo. Maligo ka na at baka ma-late ka pa sa
trabaho," anito at ipinagtabuyan siya papasok ng banyo. "Sa aircon ka naman
nagtatrabaho kaya hindi halata kung hindi ka nag-shampoo. Sweldo mo ngayon."
"Sa wakas, makakahawak na rin ako ng pera," usal niya sabay nagbuhos. Iyon lang
naman ang hinihintay niya sa tagal ng pagtatrabaho. Ang sweldo.
Napapitlag siya nang kalampagin ng tiya niya ang pinto. "Jem, huwag mong
kakalimutan ang mga bayarin, ha? Iyong bill ng kuryente, tubig at telepono
naghihintay lang sa iyo. Due date na iyon bukas. May cellphone bills pa!"
Bumuntong-hininga siya habang naiisip kung magkano na lang ang matitira sa sweldo
niya. Pinag-aaral pa niya ng Computer Engineering ang kapatid na Robin. Baon pa
nito sa araw-araw. "Hay! Ang hirap may obligasyon!"
Papasok na siya nang daanan ang kapatid na si Robin sa kuwarto. Tulog na tulog pa
rin ito dahil na rin sa lakas ng ulan sa labas. Tinanggal niya ang nakatalukbong
nitong kumot at ginulo ang buhok. "Hoy! Gumising ka na diyan!"
Umungol ito. "Wala kaming pasok, Ate. May bagyo daw ngayon. Huwag ka na ring
pumasok. Baka delikado sa daan."
"Kailangan kong magtrabaho. Santambak ang bills na naghihintay sa akin.
Magbubunganga si Tiya kapag hindi nabayaran iyon."
Ngumiwi ito at tinakpan ang tainga habang ini-imagine ang pagbubunganga ng tiya
nila. "Oo nga. Maingay na naman ang bahay no'n. Huwag kang mag-alala, Ate.
Titiyakin ko na dean's lister ako sa sem na 'to."
"Dapat lang, no? Basta huwag kang maggi-girlfriend!" Saka niya kinurot ang pisngi
nito. "Tapusin mo ang course mo dahil iyan ang pangarap ni Tatay."
Nangako siya bago mamatay ang tatay niya sa sakit na liver cancer na igagapang niya
ang kapatid para mapagtapos ng pag-aaral.
"Kailan ka naman magbo-boyfriend, Ate?"
Umingos siya. "Hindi ko kailangan ng lalaki. Sakit lang iyan ng ulo. Mas iisipin ko
na lang kung paano kikita ng pera."
"Hindi kaya si Kuya Hiro pa rin ang gusto mo?"
"Tsismoso!" Inakmaan niya itong tatadyakan. "Matulog ka na nga lang ulit at baka
ano pa ang magawa ko sa iyo."
Paglabas ng bahay ay malungkot siyang ngumiti nang maalala si Hiro. He was her
first love and first boyfriend. Wala siyang ibang minahal maliban dito. Subalit ito
rin ang lalaki na di na niya pwedeng makasama pa.
"My Hiro. Kumusta ka na kaya ngayon?"

Chapter 2
"ANO? Wala nang pasok?" Nanlambot ang tuhod ni Jemaikha. Bigayan ng sweldo noon sa
You no Atarashii o New Sun, isang Japanese weekly newspaper na naka-base sa
Pilipinas kung saan nagtatrabaho siya bilang editor.
"Wala kasing kuryente. Nag-brownout kaninang lumakas ang bagyo. Wala namang ilaw sa
loob maliban sa emergency lights," anang guwardiya.
"May mga kasamahan pa ba ako sa loob?"
"Nagsiuwian na. Wala rin namang mangyayari sa operation. Iyong iba hindi na
dumating kasi baha daw sa kanila o kaya walang masakyan."
"Naku! Hindi pa ako pwedeng umuwi," sabi niya at pinagpag ang balikat na bahagyang
nabasa ng ulan pagbaba niya sa FX taxi. "Baka naman pwede pa akong pumasok. Baka
may tao pa sa accounting department. Araw ng sweldo ko ngayon. Kailangang-kailangan
ko ng pera."
Wala siyang pakialam kahit bumagyo pa o bumaha. Siguro naman ay may maiiwan sa
accounting department para mag-release ng sweldo nila.
Napakamot ng ulo ang guwardiya. "Kahit yata sweldo ninyo, postponed. Malamang sa
Lunes na iyan, Ma'am. Umuwi na lang kayo dahil baka abutan pa kayo ng baha. Mas
mahihirapan kayong umuwi." Bahain pa mandin sa bahaging iyon ng Shaw Boulevard.
Nanlumo siya. Binilang niya ang natitirang pera sa wallet. Sixty pesos na lang iyon
kasama pati ang barya. "Ganito na ba ako kahirap ngayon?" Inilagay niya ang
natitirang pera sa coin purse at inilagay sa paper bag. "Magwi-withdraw na lang
siguro ako sa ATM."
Sumakay siya ng FX taxi papunta sa SM Megamall. Nagbayad muna siya ng pamasahe bago
ipinikit at umidlip. "Miss, Megamall na," gising sa kanya ng driver.
Dumilat siya at bumaba sa Megastrip. Hinanap agad niya ang ATM machine. Hinihintay
niyang lumabas ang pera at ang card niya nang magkaroon ng machine error. Nanlaki
ang mata niya. "Oh, no! Kinain ang card ko! Hindi ito pwede!"
Gusto niyang magwala at umiyak. Tumawag siya sa bangko sa pamamagitan ng cellphone
niya at ini-report na kinain ang ATM card niya. Mare-reclaim daw niya ang ATM card
niya sa Lunes. "Lunes? Puro na lang sa Lunes! Hindi naman makakapaghintay ng Lunes
ang mga bayarin ko. At di titigil ang bibig ng Tiya ko sa kasesermon sa akin kung
sa Lunes pa," usal niya habang nakaupo sa stairway.
Naramdaman niya na kumalam ang sikmura niya. Hindi pa siya kumakain. "Uuwi na lang
ako. Doon na lang ako kakain." Huminga siya nang malalim. "Di ko naman sinalo ang
lahat ng kamalasan ngayon, no? Ano pa ba ang kulang? Ano pa?"
Ang mga bayarin niyang naghihintay sa kanya ay hindi niya mababayaran. May
ipambabaon pa ba ang kapatid niya pagpasok sa eskwelahan kung wala na siyang
maibibigay dito? At paano niya mapapatahimik ang bibig ng Tiya Vilma niya?
Hinawakan niya ang sariling buhok. Paano naman ang shampoo ko? Hindi rin ba ako
magsa-shampoo? Sobrang miserable naman iyon.
Tiningnan niya ang coin purse sa paper bag niya. At least makakauwi pa siya. Nang
halungkatin niyang mabuti ang paper bag ay wala na doon ang coin purse niya. "Oh,
God! Winakwak ang paper bag ko."
Naisip niya ang katabing mama sa FX kanina. Nakita siguro nito na dumukot siya sa
coin purse. Yakap niya ang bag niya kaya di nito mawawakwak. Nasa bag kasi niya ang
cellphone at wallet niya. At dahil nakita nitong may pera siya sa paper bag ay iyon
ang pinuntirya nito. Sinamantala nito ang pagkakaidlip niya kaya wala siyang
kaalam-alam. Di niya napansin na nawakwak ang paper bag dahil busy siya sa pag-
iisip ng mga gastusin niya.
Ngingisi-ngisi siya habang naglalakad sa mall. "Ang malas mo naman, Mamang Laslas
Gang. Akala mo siguro mayaman ako dahil kagandahan ako. Kung alam mo lang, wala
akong sweldo. At iyong coin purse ko na dinugas mo, singkwenta pesos na lang ang
laman. Buti nga sa iyo."
Tatawa na sana siya ng malakas nang may maalala. "Oh, God! Iyon na lang ang pera
ko. Ang fifty pesos ko! Di na ako makakauwi!"

Chapter 3
Ngayon ay wala nangmapagpipilian si Jemaikha kundi ang harapin si Hiro. Wala naman
kasi siyang ibang mapupuntahan dahil wala siyang pera. Ang sabihin mo, excited ka
rin na makausap siya. Kunyari ka pa, tukso ng utak niya.
Tumawa lang ito. "Alam mo naman na lagi akong naka-smile therapy. Nakakatanda kasi
kapag nakasimangot at kung anu-ano ang iniisip."
Pilit siyang ngumiti. "Mukhang effective nga sa iyo." Kasi di uubra sa kanya ang
smile therapy. Kahit na ngumiti pa siya, di niya mababago ang kamalasan sa araw na
iyon. Problemado siya sa pera.
"Bakit nga pala nandito ka? Wala ka bang pasok."
"Nagka-problema ang power supply sa office. Kaya wala munang pasok."
Luminga-linga ito. "May hinihintay ka bang ka-date?"
"Date? Oo. Si Mayi! Pauwi na rin kasi siya kaya may usapan kaming magkikita dito.
How about you?" May ka-date din kaya ito?
Sobrang malas ko naman yata kung makikita ko siyang may kasamang iba.
"Just dropped by for a coffee. Galing ako sa office and I am on my way to the
Stallion Riding Club. Doon ako mag-I-spend ng weekend."
He was one of the members of the riding club exclusive for bachelors. Nalaman niya
iyon nang mai-feature sa isang commercial ng Stallion Shampoo si Hiro kasama ang
ibang members ng club. Nagkaroon pa nga ng raffle kung saan mananalo ng date kasama
ang mga lalaki sa commercial. Kinantiyawan siya ng mga kaibigan niya na sumali para
daw maka-date niya si Hiro.
She was tempted to join though. Pero naisip niya na kung gusto niyang maka-date si
Hiro, di siya desperada na aasa sa kapalaran at sasali pa sa raffle. Pwede naman
niya itong yayain kung makapal ang mukha niya. Isa pa, wala siyang swerte sa
raffle.
"Hay! Iba na ang mayaman. Pa-Tagaytay-Tagaytay na lang," biro niya.
"Eh, di sumama ka sa akin," yaya nito. "May villa naman ako sa riding club."
"I don't have time for a vacation, Hiro."
Pinisil nito ang ilong niya. "Ang hirap kasi sa iyo, puro ka na lang trabaho. Kung
pinakasalan mo sana ako dati, hindi mo na kailangang magtrabaho."
Iningusan niya ito. "Drop it, Hiro!"
Ngayon lang ulit sila nagkausap ni Hiro nang matagal pero parang walang nagbago sa
relasyon nila. It was still like yesterday. Nakakapagbiruan sila. Ni wala siyang
nararamdaman na pagkailang dito. Maliban na lang kung mababanggit ang pagtanggi
niyang magpakasal dito. She knew she missed a whole lot when she refused to marry
him. Pero di na niya maibabalik ang nakaraan.
"Galit ka ba?" anito at pilit na hinuhuli ang tingin niya. "Mabuti pa ibibili na
lang kita ng coffee. Wala ka pang order."
"Hindi na. Okay lang muna sa akin ang mag-water."
"Come on. It is my treat. Hanggang ngayon ba hindi ka pa rin nagpapalibre?"
Noong boyfriend niya ito, madalas silang magtalo dahil di siya pumapayag na
magbayad ito kapag may gusto siyang bilhin.
Umiling siya. "Wala lang talaga ako sa mood mag-coffee."
Kumunot ang noo nito. "Weird. Umaga, tanghali, gabi, wala kang gusto kundi kape.
Doushitano?" tanong nito kung anong problema.
"Naka-water therapy ako." Ang totoo ay wala pa siyang pera. Gusto niyang um-order
kapag may pera na siyang pangkape. Pagdating pa iyon ni Mayi.
Hinawakan nito ang kamay niya at sinipat ang braso niya. "Pumapayat ka yata. Your
boyfriend doesn't take care of you."
Uminom siya ng tubig sa tensiyon. "As if you don't know me. Wala akong oras sa mga
lalaki. Sobrang busy lang ako sa trabaho."
Lumungkot ang mata nito. "Yes, you always thrive on work."
Hiro was the same. Busy rin ito sa trabaho. Kaya naman kahit twenty-eight pa lang
ito, successful na ito sa field nito. Marami kasing technology ang nai-launch ng
kompanya nito na kilalang-kilala sa buong mundo.
Pero di ibig sabihin ay tulad niya ito na walang love life. Kapag may social
gatherings, lagi itong may ka-date. And she was happy for him. At least hindi nito
dinamdam ang paghihiwalay nila. Kahit pa nga gusto niyang pasabugin ang sinumang
babae na nakaka-date nito.
"Minsan naman ipakilala mo ako sa girlfriend mo."
"Sure. I will call you sometime. Ipapakilala kita."
Uminom siya ng tubig pero parang hirap na iyong pumasok sa lalamunan niya. Aray!
Nananantiya lang naman siya. Malay ba niyang may girlfriend na nga ito. Iba kasi
ang impact na makita lang ito na may ka-date sa diyaryo o magazine. Iba pa rin
kapag galing mismo sa bibig nito.
Makakasama kaya niya ang girlfriend niya sa Stallion Riding Club? Anong gagawin
nila doon? Parang maloloka ako isipin ko lang na may kasama siyang iba.
"Oh, look who's here! The ever gorgeous Suichiro Hinata."
Nilingon ni Hiro ang bagong dating. "Mayi! You look great!"
"I always look great. I have to for my boyfriend."
"That's nice to hear. At last may boyfriend ka na." Siya ang unang nagka-boyfriend
sa mga kaibigan niya noong college at si Mayi naman ilang buwan pa lang ang
nakakaraan mula nang ipakilala ang nobyong si Carriev.
"That's good to here." Tumayo si Hiro. "Sorry, ladies but I have to go."
"Kadarating ko lang tapos aalis ka na?" tanong ni Mayi.
"Hay, naku! Magpapasarap pa iyan. Alam mo naman ang mayayaman, pabaka-bakasyon
lang. Pare-relax-relax," kantiyaw niya.
"You heard her. Itinataboy niya ako," sabi ni Hiro.
Humalik si Mayi sa pisngi nito. "Good bye then!"
Kumaway siya dito at di humalik tulad ni Mayi. "Ja ne!"

Chapter 4
Masama ang loob niyang sinundan ng tingin si Hiro habang paalis. Ang totoo ay ayaw
pa niyang umalis ito. She just realized how much she missed him.
Tumigil ka, Jemaikha. He is not yours anymore.
"Hay! Guwapo pa rin ang ex mo. Akala ko naman nagkabalikan na kayo. At dahil
mayaman siya, di ka na uutang sa akin."
"Luka-luka! I need the money. Saka may girlfriend na si Hiro."
Kulang pa rin ang two thousand na pahiram ni Mayi para patahimikin ang Tiya Vilma
niya. Pwede na siguro ito. May Lunes pa naman, isip-isip niya.
Nag-ring ang cellphone niya. Ang kaibigang si Jaimee ang tumatawag. "Je, magkita
tayo sa Gateway Mall. May ipapahiram ako sa iyo."
"Ha? Akala ko ba wala kang pera?"
"May bonus akong nakuha. Akala ko kasi hindi dadating. Kahit di mo muna bayaran sa
akin, okay lang. Di ko pa naman gagamitin."
"Thanks, Jaimee!" Sa lovelife lang naman pala siya malas nang araw na iyon.
Maswerte pa rin siya sa pera.
"ANO? Magsasara na ang kompanya ninyo? Wala ka nang trabaho?" bulalas ng Tiya Vilma
ni Jemaikha. "Akala ko ba maganda at matatag ang kompanya na 'yan?"
"Nagka-problema po ang kompanya ng boss ko sa Japan. Kaya kailangan nilang I-cut
down ang gastos nila. Ititigil muna ng circulation ng newspaper. Sabi naman daw po
nila, kapag ayos na ang problema makakabalik din kami sa trabaho."
Nabigla siya sa announcement. Masayang-masaya pa siya na makuha ang sweldo niya
nang nakaraang araw. Makakabayad na sana siya sa ilang pagkakautang niya. Iyon pala
ay hindi pa rin. Mas malaking problema pa ang dumating.
Namaywang ito. "Hanggang kailan mo sila hihintayin na magbukas ka ulit at ibalik ka
sa trabaho? Kapag tirik na ang mga mata natin sa gutom."
Nagpapautang ng pera ang tiya niya. Hindi naman niya iyon pwedeng asahan dahil sa
tiya lang niya ang pera na iyon. Di pwedeng wala siyang ibigay dahil maraming
gastusin sa bahay. Pampaaral pa ng kapatid niya.
"Maghahanap na nga po ako ng trabaho sa Lunes. Baka matulungan po ako sa paghahanap
ng trabaho ng mga kaibigan ko. Magaganda naman ang posisyon nila sa trabaho. Marami
silang koneksiyon," aniya at pilit na ngumiti para pagaanin ang loob ng tiya niya.
Kahit naman nagbubunganga ito, nasasaktan ito para sa kanya. Alam kasi nito kung
gaano niya kamahal ang trabaho niya.
"Dapat sana mas maganda pa dito ang buhay mo kung pinakasalan mo lang iyong
boyfriend mo na si Hiro. Kundangan di mo ginagamit ang utak mo."
Gusto niyang kumuha ng diyes na barya para itapal sa tainga. Tuwing may problema
siya sa pera o may magandang nangyayari sa ibang tao na kabaligtaran ng nangyayari
sa kanya, lagi na lang nitong isinusumbat si Hiro. Botong-boto kasi ang pamilya
niya sa binata. Kaya nagtaka ang lahat nang tanggihan niya ito.
"Tama na, Tiya. Tapos na po iyon. Close book na."
"Anong close book ang sinasabi mo diyan? Kung pinakasalan mo siya, aba'y may guwapo
ka nang asawa, nakahiga ka pa sa salapi. Hindi mo na kailangang isipin ang mga
bayarin. Sus! Kayang-kaya iyong bayaran ni Hiro. Hindi mo na rin kailangang
magtrabaho. Pa-shopping-shopping ka na lang. Tapos pabaka-bakasyon ka na lang sa
ibang bansa kasama kami ng kapatid mo. Naiahon mo sana kami sa kahirapan. Hindi
iyong nakatira tayo sa mainit na bahay na ito."
"Gusto lang naman ninyo si Hiro sa akin dahil mayaman siya."
"Hindi lang basta mayaman. Mayaman at guwapo. Kung ako nga lang ay kaedad mo,
hahabul-habulin ko iyon. Bakit ba walang kasing-guwapo at kasing-yaman niya sa mga
nanligaw sa akin noong kabataan ko?"
"Alam naman ninyo kung bakit di ko pinakasalan si Hiro, di ba?"
"Puro ka pride. Ayaw mong magpakasal dahil may gusto kang patunayan sa sarili mo?"
Ngumisi ito. "Ano? May napatunayan ka na ba? Wala! Ni hindi mo maisasanla ang pride
mo. Kung binabalikan mo na lang kaya siya?"
Napailing siya. "May girlfriend na po iyon. Mas maganda at mas mayaman na hamak
kaysa sa akin. Mas bagay po sila."
Nakukulta na ang utak niya habang nag-o-online job-hunting siya sa computer sa
kuwarto niya. Kapag may trabaho na sa palagay niya ay bagay sa kanya, nagpapadala
agad siya ng resume.
Kumatok sa pinto si Robin. "Ate, pwedeng pumasok?"
"Bakit hindi ka pa natutulog? HIndi ba maaga pa ang pasok mo bukas?"
"Narinig ko ang usapan ninyo ni Tiya. Wala ka na daw trabaho."
"Sus! Wala iyon." Ayaw sana niyang ipaalam dito dahil mag-aalala ito. "Kita mo nga
naghahanap na ako ng trabaho. Kaya huwag mo nang isipin."
"Alam ko naman na kaya mo iyon, Ate." Mabuti na lang at naroon ang kapatid niya na
sinusuportahan siya. Kailangan niyang magsumikap para dito.

Chapter 5
"WE'LL call you for the final interview."
"Thank you, Sir!" pasasalamat ni Jemaikha at kinamayan ang interviewer niya. Isa sa
mga nakuha niya sa paghahanap ng trabaho sa Internet ay ang isang international
online translation company.
Mga multi-national company at mayayamang indibidwal ang kliyente ng mga ito na
nangangailangang magpa-translate mula sa simpleng sentences hanggang sa mga
komplikadong dokumento sa iba't ibang lengguwahe. Sa palagay niya ay malaki ang
bentahe niya na makukuha dahil na rin sa credentials niya. Maganda kasi ang
recommendation na ibinigay sa kanya ng inalisang kompanya.
"Sana nga makuha ako. Ayokong mabakante nang matagal."
Ilang sandali na lang ang kayang I-sustain ng eardrums niya bago tuluyang sumabog.
Maya't maya kasi siyang tinatalakan ng Tiya Vilma niya tungkol sa kawalan niya ng
trabaho. Na dapat daw ay nagpakasal na lang siya kay Hiro.
"Magpapakasal lang ako kay Hiro kapag mayamang-mayaman na ako. Ako pa mismo ang
magpo-propose sa kanya," taas-noo niyang sabi pagbukas ng elevator.
Napalunok siya nang si Hiro mismo ang bumungad sa kanya sa elevator. "Hi!"
"H-Hi!" alanganin niyang bati at bahagyang yumuko nang samahan ito sa elevator.
Medyo marami ring tao ang sakay kaya naman wala siyang magagawa kundi tumayo mismo
sa harapan nito.
Salamin ang harap ng pinto ng elevator kaya kitang-kita niya ang nasa likuran niya.
May mga babae nang nagbubungisngisan sa likuran niya. Pinag-uusapan ng mga ito si
Hiro. Hindi makakalimutan ang mukha nito sa sikat na commercial ng Stallion Shampoo
and Conditioner. Naiilang tuloy siyang kausapin ito.
Sikat na sikat ang kumag kong ex-boyfriend. Kung yumaman man ako, anong guarantee
na tatanggapin niya ang proposal ko? Mas marami nang babae ang naghahabol sa kanya.
Mawalan man siya ng girlfriend, maraming nakapila.
Napakalapit ni Hiro sa kanya. He was standing at her back, their bodies almost
touching. Naalala niya noong college sila. He loved to stand at her back and
embrace her. Saka nito ibabaon ang mukha sa buhok niya. Pakiramdam niya ay diyosa
siya ng kagandahan dahil doon.
Nang nang magsalubong ang tingin nila ni Hiro ay nakangiti ito sa kanya.
"Nasisikipan ka?" tanong nito at inunat ang kamay sa pinto ng elevator.
Di siya naitutulak ng ibang mga tao na nasa likuran at nagigitgit. Di niya
mapigilang ngumiti. He was always like that. Kapag tingin nito ay nagigitgit siya,
lagi siyang binabakuran. Nginitian niya ito sa salamin ng elevator at ibinuka ang
bibig. "A-ri-ga-tou," pasasalamat niya kahit na walang tunog.
Inilapit nito ang bibig sa tainga niya. "Dou itashimashite," walang anuman daw
bulong nito.
It was a habit they couldn't break. Kapag gusto nilang sila lang ang magka-
intindihan, nagsasalita sila ng Japanese. It was also like a game. Para daw lalo
siyang matuto ng Nihonggo na paboritong lengguwahe na pinag-aralan niya.
Nang makarating sila sa ground floor ay inalalayan agad siya nito sa braso nang
palabas na sila ng elevator. "Iyon ba ang girlfriend niya?" tanong ng isa sa
dalawang babaeng nagbubungisngisan kanina.
"Malamang. Maganda ang buhok, eh!" anang isa pa. Nakasunod ang mga ito sa likuran
nila ni Hiro kaya dinig na dinig niya.
"Pero hindi naman sila magkasama kanina, ah!"
"Pero sweet na sweet silang dalawa. Nakakainggit iyong girl."
Ang haba ng hair mo, Jemaikha! Kagandahan ka kasi. Walang kapintasan, isip-isip
niya habang nakikinig sa usapan ng dalawa.
"I didn't expect to see you here," wika ni Hiro.
"Ikaw ba, anong ginagawa mo dito?" tanong niya.
"I visited a friend. Remember Haku? His dad owns a construction company." Tumango
siya nang maalala ang kaibigan nito. "Ikaw, anong ginagawa mo dito?"
"Interview," simpleng sagot lang niya.
"I see. Kung wala kang appointment for lunch, sama ka na lang sa akin."
Tumango ito at hinawakan ang kamay niya. Hindi na siya nagdalawang-isip na sumama.
Makakapalag pa ba siya kung hawak na nito ang kamay niya? And once Hiro held her
hand, she knew that he wouldn't let it go.
He parked his car in front of a seafood restaurant. "I will order for you," sabi
nito. "Let's see if I can still remember the things you love."
"Sige nga," hamon niya dito.
", Seafood paella, avocado juice..."
Nakatitig lang siya habang iniisa-isa ni Hiro ang lahat ng pagkain na gusto niya.
"You got them right. Malakas talaga ang memory mo."
"So what is your interview all about?" bigla ay tanong nito.
"Uhmm... It's with an online translation company."
"Ipi-feature ba ninyo sila sa newspaper ninyo?"
Nakagat niya ang labi. "We folded up last month. Yesterday was my last day."
"What? What happened?"
"Nagkaroon ng problema ang ibang company ng boss namin sa Japan. So they have to
close down the newspaper. Kapag ayos na daw ang problema saka babalik ang operation
nila. So here I am. Looking for a new job," kwento niya.
He looked agitated. "Bakit hindi mo sinabi sa akin. Natulungan sana kita."
"I know you can help me. Pero kaya ko naman ito."
"Lagi kang ganyan. Lahat kinakaya mong mag-isa. Kapag kasama kita, pakiramdam ko
wala akong silbi."
"Hiro, I don't want to be dependent to anybody."
"Yes. Even from a friend. When we broke up, you said that we are still friends. Na
magtutulungan tayo kapag kinakailangan. But it's bullshit, right?"

Chapter 6
Napapitlag si Jemaikha nang tumalim ang mata nito Hiro na nakatitig sa kanya. Hindi
siya sanay na nakikitang nagagalit ito. At ayaw niyang nakikitang nagagalit ito.
Ang tao daw na sobrang bait, delikado kung magalit.
"Hiro, don't say that," aniya sa malumanay na boses. "I am sorry if I hurt your
pride. Hindi ako humihingi ng tulong kasi baka makaabala ako."
"Ganoon naman magkakaibigan. We can bother each other if needed."
"I am doing great. Tatawagan na nga daw ako ng kompanyang pinag-apply-an ko kanina
para sa final interview." Hinawakan niya ang kamay nito. "Kaya huwag ka nang
magtampo sa akin, please."
Inilayo nito ang kamay sa kanya at kumain. "You never needed me. At mamaya after
lunch, mag-I-insist ka na magbayad ng part mo sa kinain natin. Ah, Jemaikha! You
always do great for my ego."
Mukhang napuno na ito sa kanya. Nasanay kasi siya na lagi nitong pinagbi-bigyan.
"Sorry na. If you want to save your pride and your bruised ego, go ahead. Ikaw na
ang magbayad."
"I heard that. Ako ang magbabayad at hindi ka kokontra."
"Oo na. Basta huwag ka lang sumimangot. Hindi ako sanay. Please smile!" malambing
niyang sabi.
Awtomatiko itong ngumiti. "Got you! Sabi ko na nga ba, effective ang strategy na
naisip ko para mailibre kita."
"You tricked me!" Hindi talaga ito nagtatampo sa kanya. Umaarte lang. "Nakakainis
ka! Muntik na akong umiyak dahil akala ko galit ka. Iyon pala..."
"It feels great to get the best of you. You should try it sometimes."
"What?"
"Losing. Let other people do things for you. Di pwedeng laging ikaw."
"Simula ngayon, hindi ba ako basta-basta maniniwala sa drama mo. Hinding-hindi mo
na ako mauutakan."
Ihinatid siya nito sa Megamall kung saan may dumadaang FX taxi na papuntang Pasig.
"Ayaw mo bang ihatid kita?"
"Huwag na. May trabaho ka pa. Thank you sa libre. Sa susunod ako naman."
"Hindi naman yata ako papayag."
Tinapik niya ang pisngi nito. "Odaiji nii." Mabilis niyang binawi ang kamay. "Ingat
ka." Matagal na silang hiwalay. But she still loved touching his face.
"You use Stallion Shampoo, right?" bigla nitong itinanong nang pagbaba niya.
"Ha? Oo. Bakit? Bibigyan mo ba ako ng libre?"
Tumawa ito. "Sure. Gusto mo ba ng one year supply?"
"Hindi, no? Kaya kong bumili ng sarili ko. Bakit mo naman naitanong?"
"The shampoo smells great on you. If you are the shampoo's model, hindi ako papayag
na magkaroon ng ibang lalaki sa commercial na hahati sa atensiyon mo."
"Ha?" Nakatigagal na lang siya nang umalis ang sasakyan nito. Ibig bang sabihin
no'n ay maganda siya? Nagkibit-balikat siya. "It must be a joke."

Chapter 7
"WE'LL call you. We'll call you. Why not hire me right away? Maganda naman ang
credentials ko, ah! Saka maganda rin ang buhok ko ngayon. What's wrong?" inis na
usal ni Jemaikha habang pababa ng escalator mula sa Megatrade mall sa SM Megamall
kung saan nagkaroon ng job fair at nag-apply siya.
Hanggang ngayon kasi ay wala pa ring tumatawag sa kanya para I-confirm kung kailan
siya magsisimula. Lahat na ng nangangailangan ng language teacher at translator ay
nagalugad na niya. Malaki na sana ang chance niya sa online translator company na
una niyang in-apply-an pero di pa ulit tumatawag ang mga ito para sa final
interview niya.
Kakain sana siya nang mapadaan sa paborito niyang boutique. Pumasok siya at
nagustuhan ang isa sa mga sapatos. New arrival pa iyon. "Hay! Malapit na ang
birthday ko pero di ko maregaluhan ang sarili ko. Wala bang pa-birthday gift na
trabaho sa akin kung sakali? Sawa na akong maging dukha."
Puro pagtitipid na lang ang ginagawa niya para bumaba ang gastusin sa bahay.
Malapit na silang tubuan ng damo dahil puro gulay na lang ang ulam nila. Malapit
nang maubos ang savings niya.
Kagat-labi niyang pinagmasdan ang sapatos. "Huwag ka munang magpabili sa iba, ha?
Sana nandiyan ka pa kapag nagkatrabaho ako at nag-sale."
"If you like that one, why don't you try it? I think it would look good on you."
Napapitlag siya nang marinig ang boses ni Hiro. Napahawak siya sa dibdib nang
matuklasang nasa likuran lang niya ito. "Hiro! Basta-basta ka na lang nagsasalita.
Ginugulat mo naman ako."
"Epekto lang iyan ng kape."
No. It was simply Hiro's effect on her. Kapag nakikita niya ito, di pwedeng di siya
matuliro at bumilis ang tibok ng puso niya.
"You were too busy looking on the shoes. Kumusta? May trabaho ka na?"
"Hmmm... malapit na," aniya at ngumiti. Malapit na akong mawalan ng pag-asa sa
buhay dahil wala pang tumatawag sa akin. Di naman niya iyon pwedeng sabihin kay
Hiro dahil mangungulit na naman itong tulungan siya.
Kinuha nito ang sapatos. "Bagay ito sa iyo. Bakit nakatitig ka lang? Isukat mo.
Teka, anong size ba ang paa mo?" Lumingon ito sa sales lady. "Miss, isang size
seven and half of this one, please."
"Miss, huwag na lang!" aniya sa sales lady. Kinuha niya ang sapatos kay Hiro at
ibinalik sa estante. "Hindi ko naman talaga bibilhin."
"You won't buy it. You will just fit it."
"Hindi ko naman bibilhin. Bakit ko pa isusukat?" Kapag may pera siya at may
nagustuhan, binibili agad niya pagkasukat. Wala nang tanong-tanong pa. "Saka hindi
ko naman talaga gusto iyong sapatos."
"Namamahalan ka na naman dahil new arrival. You try to fit it and I will buy it for
you," abog-abog nitong sabi.
"No, Hiro. I won't allow that. You know that..."
Bahagya itong natawa. "What? Your usual hang up again? Na kung may gusto ka,
kailangan galing sa iyo at hindi sa iba? Na ikaw ang gagastos?"
"Oo. And I won't change my mind. If I want the shoes, I will buy it with my own
money." Kung ang girlfriend nito ay sanay na sanay nitong binibilhan ng kung anu-
ano, hindi siya. Lalo na't hindi naman na siya nito girlfriend.
"I will still buy it for you. Malapit na ang birthday mo. Three days from now,
right? Hindi naman siguro masama kung bibigyan kita ng regalo."
She stared at him dumbfounded. "Naaalala mo pa ang birthday ko?"

Chapter 8
"Oo naman. Ilang taon din kitang naging girlfriend. Imposibleng basta-basta ko na
lang iyong makalimutan," kaswal na sabi ni Hiro.
"Akala ko nakalimutan mo na kasi," usa; ni Jemaikha. Three years din kasi niya
itong naging nobyo. At kung naalala nito ang maraming bagay tungkol sa kanya,
ganoon din siya dito. She still remembered almost everything about him.
"At hindi ko rin nakakalimutan na tuwing birthday mo lang ikaw tumatanggap ng
regalo. So consider it as my gift."
Hindi na niya magawang tumutol. She was still in a high to know that he still knew
a lot of things about her. Maging ang size nga ng paa niya ay alam pa rin nito. She
was glad that he still cared. Kahit na wala na sila.
"Ang totoo wala naman akong planong mag-celebrate ng birthday ko. I don't have any
reasons to celebrate after all."
"You are a wonderful person, Jem. And you should celebrate your birthday. Iyon na
lang ang time mo para magsaya, di ba?"
Kung makakasama siguro kita, bakit hindi? But she couldn't voice it out. Isa lang
namang ilusyon na magkakasama sila sa birthday niya.
Tatawagin na nito ang saleslady para magpakuha ng size para sa kanya nang may
yumakap sa baywang nito. "Gotcha!"
"Morella!" gulat na usal ni Hiro.
"So you came here to visit me, huh?" Morella said with a wide smile. Ni hindi ito
inalis ang pagkakayakap sa baywang ni Hiro kahit na maraming taong nakatingin. "Na-
miss mo ako, no? Kaya nga iniwan ko ang work ko para makita ka." Mukhang ito ang
manager ng boutique.
"No," tanggi ni Hiro. "Actually, I am just walking around until..."
Nakatitig lang siya sa babaeng nakalingkis kay Hiro. Maganda sana kaso nuknukan ng
kapal ng make up. Mukha pa ngang mas matanda siya kay Hiro. Ito na ba ang
girlfriend ni Hiro? Mukha silang mag-ate. Hindi bagay.
Naramdaman ni Morella na nakatingin siya dito kaya sa kanya bumaling at tiningnan
mula ulo hanggang paa. "Hi!" bati niya. "You must be Hiro's girlfriend."
"Yes, I am. At sino ka naman?"
"I am Jemaikha, his old friend. Nagkataon lang na nagkita kami dito sa store."
Inilahad niya ang palad. "I am glad that I finally met you."
Matabang ang ngiti nito nang kamayan siya. "Hindi ko alam na may kaibigan pala
siyang babae. You are not familiar. You don't visit Stallion Riding Club?"
"I had never been there."
"Doon ko lang kasi nakikilala ang mga kaibigan ni Hiro."
Nalito siya. Kapag ba hindi nakakapunta ng Stallion Riding Club ay hindi na pwedeng
maging kaibigan ni Hiro?
Nag-init ang mata niya nang makita kung paano idikit ni Morella ang katawan kay
Hiro. Gosh! Hindi ko iyan nagawa kay Hiro noong boyfriend ko pa siya. At wala
kaming kahilig-hilig sa PDA.
Naisip niya na baka nagbago na si Hiro. After all, she was not her boyfriend
anymore. Si Morella na ang girlfriend nito.
"Well, I have to go now. It's nice to see you, Morella. Bye, Hiro!"
As in goodbye. Wala na talaga akong pag-asa sa iyo kahit sa ilusyon. Nadisilusyon
na kasi siya nang makita ang bagong nobya nito. Masakit!
Dali-dali siyang lumabas ng boutique. Di na niya hinintay pa na magsalita si Hiro.
Great! Kinalimutan na niya ang birthday gift niya sa akin dahil lang nakita niya
ang girlfriend niya.

Chapter 9
"O, KUMUSTA ang pag-a-apply, Jem? May maganda na bang result?" tanong ni Mayi nang
magkita-kita silang magkakaibigan sa Congo Grill para I-celebrate ang birthday
niya. It was the eve of her birthday. May kanya-kanya kasing trabaho ang mga ito
kinabukasan kaya di makakapunta sa mismong birthday niya.
"Sabi nila tatawagan daw ako," matamlay niyang sabi. "Iyong sa online translation
company, wala pa ring tawag para sa final interview."
Nginitian siya ni Cherie. "Okay lang iyan, Mare. Magkakaroon din nang magandang
resulta ang lahat. Medyo tiis-tiis lang. Mahirap naman talaga na makakuha ng
trabaho ngayon. Ayaw mo naman kasi mag-abroad."
"Pinag-iisipan ko na nga iyan," aniya at huminga nang malalim.
"Payagan mo na kasing mag-apply sa company ko si Robin. Para naman magka-experience
na rin siya at mabawasan ang gastos mo," suggestion ni Mayi. "Magaling naman siya
kaya matatanggap siya agad. Aalalayan ko na lang."
"Ayoko ngang mawala ang focus niya sa pag-aaral," kontra naman niya. "Kaya nga
pinipilit kong magkahanap ng trabaho, hindi ba?"
Pumasok si Jaimee na kanina pa nila hinihintay. "I am sorry, girls. Nagkita pa kasi
kami ni John bago ako pumunta dito."
"Ikaw, di ka na makagalaw nang wala ang boyfriend mo," angal ni Cherie. "Kailangan
ba talaga na alam niya ang lahat ng kilos mo? Di mo pa naman siya asawa. Boyfriend
mo pa lang siya."
"Oo nga," sang-ayon ni Mayi. "Hindi naman kami ganyan ni Carriev."
Itinaas ni Jaimee ang menu para matakpan ang mukha nito maliban sa mata. Saka nito
iniikot ang tingin sa kanila. "O, bakit?" tanong niya.
Ibinaba nito ang menu sa mesa at inayos. "May gusto akong sabihin sa inyo, girls.
Good news and bad news. At may kinalaman din ang dahilan na iyon kung bakit
kailangan naming magkita ni John kanina."
"Huhulaan ko!" sabi ni Cherie. "Nag-break kayo noong isang araw. Bad news. At ang
good news, nagkabalikan din kayo kanina. Wala naman kasing bago, di ba?"
"Actually, mas bago pa diyan ang ibabalita ko," sabi ni Jaimee.
"Iyong bad news na lang ang unahin mo para hindi masyadong masakit sa loob," maasim
ang mukha niyang sabi.
"I am afraid, hindi na ako makakasama sa mga gimmick natin, girls," sabi ni Jaimee.
"Pinayagan lang ako ni John na makipagkita sa inyo dahil birthday ni Jeje."
"Hey, he has no right to do that. Di pa nga kayo kasal..."
Pinutol ni Jaimee ang pagkontra ni Cherie. "Ikakasal na kami. I am a couple of
months pregnant. Iyon ang reason kaya di na ako makakasama sa inyo na lumabas-
labas. Sensitive ang pregnancy ko."
Natutop niya ang bibig. "Oh, God! Paano nangyari iyon?"
Humalakhak si Cherie. "Hindi mo ba alam kung paano nangyayari iyon? Ineng, beinte
singko ka na bukas, di mo pa rin alam?" malisyosa nitong sabi.
Matalim niya itong tiningnan. "Hindi iyon ang ibig kong sabihin!"
Natawa na rin si Jaimee. "Dalawang taon ko nang boyfriend si John. Imposible naman
na magtitigan lang kami kapag magkasama. And besides, it is an expression of love.
Matured couples do that."
Nasapo niya ang sariling pisngi. "I really can't imagine it."
Sa tagal na kasi nilang magkakaibigan, hindi niya nakakalimutan ang pangarap nila
na maging virgin brides. Na sa araw lang ng kasal sila magme-make love ng mga
lalaking pakakasalan nila.
"Hay, naku! Saang planeta ka ba nanggaling?" nakapangalumbabang sabi ni Cherie. "Sa
ating apat, ikaw ang unang nagka-boyfriend. Tapos wala kang alam?"
Namula siya. "Gentleman naman kasi si Hiro."

Chapter 10
"Gentleman?" Itinirik ni Mayi ang mata. "Girl, we are grown and sophisticated
women. And men won't be satisfied with a relationship per se. Hindi lang puro
emotional compatibility dapat. May physical aspect din sa isang relasyon."
Pinagpalit-palit niya ang tingin kina Cherie at Mayi. "You mean, kayo din..."
"Yes, we do it with our boyfriends," Cherie said shamelessly. "Doon din naman
mapupunta iyon. We might as well enjoy it."
"In short, ikaw na lang ang virgin," walang kagatol-gatol na sabi ni Mayi. "You
don't even have a first kiss."
Dinuro niya ito. "Hoy! May first kiss ako. Hiro loved to kiss my hair."
Nagtawanan ang tatlo. "That's not counted, dear!" Jaimee cleared.
"Hinalikan din niya ako sa pisngi saka smack sa lips. Minsan."
"Oh, Je! You are pathetic! French kiss lang ang counted na kiss!" sabi ni Mayi.
"Kung pinakasalan mo siya dati, sana hindi ka pathetic."
Iningusan niya ang mga ito at sumimsim ng iced tea. "Shut up, Mayi! You are
starting to sound like my aunt."
"Bakit? Dahil virgin ka pa rin?" wika ni Cherie.
"Gaga! Kung pinakasalan ko daw si Hiro, di ako mamumulubi. Di ko na rin kailangang
magtrabaho. Sana daw masarap ang buhay ko," kwento niya.
"I think you missed a lot of stuffs when you refused to marry Hiro," wika ni Jaimee
habang kumakain ng spicy grilled squid. "Or I must say that you missed the only guy
in your life who could make you happy. Wala ka nang matatagpuan na tulad niya,
Jemaikha."
"Ibig sabihin dapat ko pang balikan si Hiro para sumaya ako?"
"Oo naman," wika ni Cherie. "Ganoon ang kaligayahan. Kapag nakawala sa iyo, dapat
habul-habulin mo kung gusto mo ngang sumaya. Kaya nang malaman ko na si Ron ang
happiness ko, hinabol-habol ko kahit ayaw sa akin. Look at me now, I am happy.
Feeling ko rin susunod na akong magpakasal sa kanila."
"Noon siguro mahal ako ni Hiro. But not anymore." Kung may espesyal sa kanila ni
Hiro, ilusyon lang niya iyon. "Nakilala ko na ang girlfriend niya."
e="tex9j4
"Jaimee, I am sorry. Hindi ko pa yata maibabalik sa iyo ang ten thousand na nahiram
ko. Wala pa kasi akong trabaho." Nagkasabay sila nito sa powder room. Sila lang tao
doon kaya nai-open niya ang dilemma.
Hinawan nito ang braso niya. "It's okay. Wala naman sa akin iyon."
Nanlaki ang mata niya. "Come on. Ten thousand is ten thousand. Ikaw na ang nagsabi
na kailangan mong magtipid dahil bubukod na kayo ni John ng bahay. You need the
money to start. With the wedding and the baby coming..."
"It is okay. Hindi naman sa akin ang pera."
"Akala ko ba bonus mo iyan? Kung hindi sa iyo ang pera, kanino?"
May bahid ng takot ang mga mata nito nang salubungin ang tingin niya sa salamin.
"Bigay ni Hiro para sa iyo."
"Si Hiro?" Napasandal siya sa tiled bathroom wall. "Paanong napasok si Hiro dito?
Hindi naman kayo nag-uusap o nagkikita, hindi ba?"
"Naalala mo ba noong nagkita kayo sa Mocha Blends? Nanghihiram ka ng pera sa akin
noon pero di naman kita napahiram. Tinawagan niya ako at tinanong niya kung ano ang
problema mo."
"Paano naman niya malalaman na may problema ako?"
"Napansin kasi niya na tubig lang ang iniinom mo at di ka um-order ng kape. Kilala
ka niya. Kung may pera ka lang din naman, kape agad ang bibilhin mo. Kaya naman
tinawagan niya ako. Sinabi ko na inabot ka ng kamalasan. Na di mo nakuha ang sweldo
mo sa office at kinain ng ATM machine ang ATM card mo. Na pati iyong fifty pesos mo
na pamasahe, pinagtripan ng mandurukot."
Naisuklay niya ang mga daliri sa buhok. "Ano ka ba naman, Jaimee? Bakit naman pati
iyon ikinuwento mo pa sa kanya?"
"Siyempre. Iyon naman talaga ang nangyari sa iyo. Nakakaawa ka naman."
"Hindi ko kailangan ng awa niya."
"Hindi naman awa iyong pera na iyon. Tulong iyon. Sa akin na nga lang niya pinadaan
ang tulong kasi alam niyang hindi mo tatanggapin. Tapos lagi ka lang magde-deny na
kaya mo ang problema kahit na hindi naman."
Naipadyak niya ang paa. "Nakakainis ka naman, Jaimee! Alam mo naman na ayokong
hihingan ng tulong si Hiro. Hangga't maari nga ayokong may malaman siyang hindi
maganda tungkol sa akin."
Nangilid ang luha nito. "Nakokonsensiya kasi ako. Gusto kitang tulungan pero wala
akong pera. Natutuwa ako na hanggang ngayon, concern pa rin sa iyo si Hiro."
Naalarma siya nang makitang paiyak ito. Saka niya naalala na napaka-sensitive pala
ang feelings ng mga buntis. Hinaplos niya ang likod nito. "Huwag ka nang umiyak,
Jaimee. Hindi naman ako galit sa iyo. Iyon lang naman kasing kay Hiro...."
Napapalatak siya. "Bakit naman sa dinami-dami, si Hiro pa?"
Mula nang makita niya nang harapan ang nobya ni Hiro ay nawala na ang anumang
ilusyon niya. Kasama na ang pagpapakasal dito kapag ubod na siya nang yaman. She
already missed her chance. May bago na itong buhay. Kung tatanggap pa siya ng
tulong o atensiyon mula dito, paano pa siya makaka-recover? Kahit katiting na pag-
asa kay Hiro ay ayaw na niyang buhayin.
"Siya lang naman kasi ang nag-offer ng tulong. Huwag ka ring magalit kay Hiro kasi
gusto lang naman niyang tulungan ka."
"Basta mag-uusap kaming dalawa."

Chapter 11
"GOOD morning, Miss. I came here to see Mr. Hinata."
Sinuyod siya ng tingin ng sekretarya nito. Iniisip siguro na isa siya sa mga
babaeng nagkakandarapa kay Hiro. "Do you have an appointment?"
"I don't. Just tell him that Jemaikha Caliente wants to see him."
"If you don't have an appointment, I don't think..."
Tinaasan na niya ito ng kilay. "Why don't you tell him my name first? If he tells
you that he doesn't want to see me, then I'll leave."
Nagulat marahil ito sa tapang na ipinakita niya kaya inayos nito ang headset at
saka komunekta sa intercom. "Sir, a certain Miss Jemaikha Caliente came here to see
you. Shall I send her in?"
Bumukas ang pinto ng private office ni Hiro at lumabas ito. "Jem!" bati nito at
kinintalan siya ng halik sa pisngi. "It is nice to see you."
Matabang siyang ngumiti. "I am sorry. I don't have an appointment."
"You don't need one," sabi ni Hiro at binalingan ang sekretarya. "Please hold my
calls. I don't want any interruptions."
"Yes, Sir," anang sekretarya nito at di makatingin nang diretso sa kanya.
"And please bring two cups of coffee."
Tumayo ito sa likuran niya. "Happy Birthday!" bulong nito.
Humarap agad siya dito. "Thank you!" Ngayong kaharap na niya ito, di niya alam kung
paano magagalit. Napakaamo kasi ng mata nito at maganda ang ngiti. Parang wala
siyang lakas na magalit dito.
"I was about to invite you for dinner tonight."
Mahigpit niyang hinawakan ang malaking paper bag na hawak. Kailangan niyang ilagay
sa isip na di siya nagpunta doon para makipag-ayos dito o makipag-dinner. She had
to flung the stuffs he gave her back to him.
"You don't have to, Hiro. I just came here to bring these back."
Nagtataka nitong inabot ang paper bag at tiningnan ang laman. "Why? Mga regalo ko
ito sa iyo, ah!"
"Tatanggapin ko na sana iyan. Kung hindi ko lang sana natuklasan na kinuntsaba mo
si Jaimee para bigyan ako ng pera."
Humilig ito sa desk nito at humalukipkip. "And what is wrong with that? I am just
trying to help."
"Ayoko ng utang na loob. I can't sleep if I know that I owe something to someone at
hindi ko alam kung paano iyon ibabalik."
"You don't owe me anything. Ikaw lang kasi ang problema. Masyadong mataas ang pride
mo. I really thought I am your friend. Na tatakbuhan mo kapag kailangan mo.
Naghihirap ka na pero di ka nagsasalita. Nakakahingi ka ng tulong kina Mayi at
Jaimee. Bakit sa akin hindi?"
"Because yours is different."
"Dahil ex-boyfriend mo ako?"
Saglit siyang napipilan. "Yes. That's one thing. Saka iba ang tulong mo. Iyong kina
Mayi, utang. Ikaw naman, bigay. Hindi ko na kailangang bayaran. At iyon ang
nagpapahirap ng loob ko kaya ayaw kitang lapitan."
"Mas gusto mo ang utang kaysa sa utang na loob?"
"Yes. After all, ako ang gagamit ng pera. I might as well work for it."
"Mine is different. You are my friend. Kung may maitutulong ako sa iyo, bakit hindi
ko ibibigay. After all, it's just a few thousand."

Chapter 12
She grimaced. Ano nga ba naman ang sampung libo para dito? Barya lang. "Sige. Hindi
na ako magagalit," aniya nang huminahon. "I should thank you because you helped me.
Pero iko-consider ko na utang ang perang ibinigay mo."
Napailing ito. "You don't have to pay me," he insisted.
"Mayaman ka kaya di mo ako naiintindihan. Yes, I have pride. Iyon na lang ang
natitira sa akin. Will you help me save the little dignity I got?"
"Go ahead. Magbayad ka!"
Napipilan si Jemaikha nang sabihin ni Hiro na magbayad siya. "H-Hindi pa ako
makakapagbayad ngayon, ha? Kasi wala pa akong trabaho. Babayaran na lang kita kapag
mayroon na. Okay lang?"
"At kailan ka naman magkakatrabaho?"
"Malapit na! Basta magbabayad ako!"
Lumapit ito sa kanya at umuklo. Halos magkatapat na ang mukha nila. Hinaplos nito
ang ilalim ng mata niya. "Kawawa ka naman. Mukhang hindi ka na nakatulog kagabi
dahil sa kaiisip sa utang mo sa akin."
Yumuko siya para iiwas ang tingin dito. Hay! Alam niyang napuyat ako dahil sa
kanya. Naiilang talaga siya na magkautang kay Hiro. Minsan, iniisip na lang niya na
hindi niya nalaman na dito galing ang perang hiniram niya. Sana ay nakakatulog pa
siya nang mahimbing. At mukhang maraming araw pa siyang di makakatulog nang
mahimbing. Di lang dahil sa utang niya dito kundi dahil lagi niyang maalalala kung
gaano kalapit ang guwapo nitong mukha sa kanya. Parang hahalikan na siya.
Umurong siya palayo dito. Sobra naman kung hahalikan pa niya ako. Baka naman
tuluyan na akong mabaliw no'n. Naalala niya ang sinabi ng mga kaibigan sa kanya
nang nagdaang gabi. Na siya na lang ang virgin sa mga ito. Ayokong mademonyo. Baka
ma-rape ko pa si Hiro kapag umatake ang hormones ko.
"Problema ko na iyong tulog ko. Basta magkita na lang tayo kapag may trabaho na ako
at mababayaran na kita. Sige, aalis na ako," sabi niya at mabilis ang lakad na
tinungo ang pinto.
"Wait!" sigaw nito.
Anong wait ang sinasabi mo diyan? Gusto mo bang mapikot ka nang wala sa oras kapag
tumagal pa ako sa kuwarto na ito?
Nang hawakan niya ang handle ng pinto ay di niya iyon mabuksan. Nakita niya na
hawak nito ang remote. Hi-tech nga pala ang opisina na iyon. Courtesy of Hinata
Technologies. "Hiro, na-lock ang pinto. Pakawalan mo ako!" natutuliro niyang sabi.
Huwag mo akong pupwersahin, Hiro. Pwede mo naman akong akitin na lang.
Umupo ito sa office chair nito. "Bakit ka ba nagmamadaling umalis? Nag-uusap pa
tayo, di ba?"
Nanatili lang siyang nakatayo sa may pinto kahit di naman ito mukhang banta sa
kanya. "Tapos na usapan natin. Sabi ko magbabayad ako ng utang kapag may trabaho na
ako. Wala pa akong trabaho kaya saka ko na babayaran."
Pinagsalikop nito ang mga kamay. "May naisip kasi akong paraan para makabayad ka sa
akin nang utang. Para hindi mo na masyadong isipin iyon."
"Ano?" Mabilis siyang humalukipkip. Huwag ang katawan ko, Hiro. Pwede mo akong
akitin pero di ako magpapabayad!
Tumayo ito. "May trabaho ako para sa iyo. Kung papayag ka, iyon na ang magiging
bayad mo sa pagkakautang mo sa akin."
"Depende sa trabaho." Magkasalubong na ang kilay niya habang hinihintay kung ano
ang trabahong sasabihin nito. Di naman siguro katawan ko ang hihingin niya. Noong
boyfriend ko nga siya, ni hindi niya ako halos nahalikan. Sa tingin ko naman
perfect gentleman pa rin siya hanggang ngayon.
"I have a group of Japanese investors coming this week. I have to convince them to
invest in Hinata Technologies. And I need an assistant. Someone who would take down
the details of our meetings, deal with the investors and make a report both in
English and Japanese."
Hehehe! Mukhang malayo naman pala sa iniisip ko.
"Bakit kailangan mo pa akong kukuning assistant? Hindi ba mayroon ka naman? Baka
mamaya magka-conflict pa iyan sa kompanya ninyo."
"Naka-leave si Chidori." Chidori was his cousin. "Kung nandito siya, wala akong
problema sa pakikipag-deal sa mga investors."
"Anong ginagawa ng isa mo pang assistant sa labas? Di ba siya magaling?"
Nagkibit-balikat ito. "She's good at her job. But she doesn't know a Japanese word.
I want uninterrupted conversation. Japanese ang lengguwaheng gagamitin namin sa mga
meeting. Kaya kailangan ko ng assistant na pwedeng kumausap sa kanila sa Japanese.
I don't want to translate for my assistant and I don't want to hire a translator
just for her benefit either. That would be costly and messy. Sayang lang ang oras,
hindi ba?"
Tumango-tango siya. Maganda nga ang naisip nito. Dahil sanay naman siya sa
Japanese, magiging madali na lang ang trabaho sa kanya.
"How long will they stay here?"
"Four days. Or until they give the final answer on signing na contract."
"Four days din ba ang magiging trabaho ko?" Parang nalulula naman yata siya sa laki
ng bayad sa kanya. Ten thousand ang hiniram niya.
Lumakad ito palapit sa kanya. "How about we discuss it tonight over dinner?"
"Ha? Magdi-dinner tayo?"
"Yes. Because it is your birthday tonight." Inunat nito ang kamay at na-corner siya
nito. "And I don't want any complaints. Dahil ako na ang boss mo."

Chapter 13
PARANG panaginip lang na nakapasok si Jemaikha sa Stallion Riding Club. Napaka-
exclusive kasi ng lugar na iyon at mahal ang membership. Kahit ang mga kabayo na
nakikita niya ay halatang mamahalin. Milyon ang halaga. Kahit pa siguro magkanda-
kuba siya sa pagtatrabaho ay di niya mabibili iyon.
"Hiro, bakit puro lalaki lang ang member ng riding club?" tanong nito.
"Hmmm... Because it is ideal for bachelors who want to get away from pesky
girlfriends. Kaya nga makakapasok lang ng riding club ang isang babae kung
inimbitahan siya ng isa sa mga member," paliwanag nito.
Tinitigan niya ito. "It is a joke, right?"
Ngumiti ito. "Not really. Hindi iyon ang main reason kaya binuo ang club pero iyon
ang isa sa mga main reasons ng ibang members kaya sumasali. Pangalawa na lang ang
horses and business. For them, women are major headache. That's why this place is
dominated by men."
"And horses," dagdag niya. "This place is made for them."
"Alam mo ba na hindi mo maiikot ang buong Stallion Estate nang isang araw lang?
Mula sa bundok na iyan hanggang sa tabi ng lake, part ng estate na ito."
"Wow! Ang yaman siguro ng may-ari nito." Pakiramdam nga niya ay nasa ibang mundo
siya pagpasok pa lang. She could see acres of cultured grass, ideal for horses
running wild. May natanaw din siyang forest.
"Yes. Reid Alleje is really rich. He owned the whole estate and his high class
breed of horses. Karamihan sa mga kabayo ko, sa kanya ko rin binili."
"Matagal pa ba tayo sa villa mo?" tanong niya.
"Sandali na lang." He parked his car infront of a Japanese inspired house. It was
made of wood-like structure. The roof was made of tiles. At sa pinaka-likuran ng
bahay ay may bamboo forest. "Wow! Parang nasa Japan ako. Kulang na lang yata cherry
trees at Mt. Fuji."
"I made it that way. I love the Philippines. Pero nami-miss ko rin ang Japan
paminsan-minsan. So instead of spending airfare, I decided to build this house
instead. Don't worry about Mt. Fuji. May Taal Volcano naman sa malapit."
Nagtanggal siya ng sapatos pagpasok ng bahay. Inilagay niya iyon sa shoe rack na
malapit sa entrance. The floor was wooden and her feet enjoyed walking on them.
Binuksan niya ang isang sliding door. Bumungad sa kanya ang garden.
It was like a typical Japanese garden. May mga stone lanterns na may Zen design. Sa
isang bahagi ng garden ay naroon ang cherry tree. May bamboo fountain din kung saan
nagpapalipat-lipat ang tubig sa dalawang kawayan at bumabagsak sa pond. "Sa buong
Stallion Estate, ako lang ang may gandang garden. Even my friends are envious.
Hindi nila pwedeng gayahin ang design ko."
"Nice. Nice. Kulang na lang hot spring and it is perfect."
"It is perfect, Jem." Binuksan nito ang inaakala niyang bakod na gawa sa kawayan.
May isang parang pond doon na napapalibutan ng damo. "This is my own hot spring.
Hinata Technologies designed it to imitate the real one. It has a water heater. May
drain din dito at water refiller. You can use it anytime you want."
"Talaga? Pwede akong maligo sa hot spring?"
"Oo. Mamayang gabi kung gusto mo. For now, ipapakita ko muna sa iyo ang kuwarto mo
para makapagpahinga ka."
Napaka-cozy ng guestroom na ibinigay nito. Inilapag niya ang gamit niya at umupo sa
kama. "Akala ko patutulugin mo ako sa lapag."
"May guestroom ako na may futon mats kung ayaw mong matulog sa kama."
"It's okay. Gusto ko ang view dito."
"Nasa kabilang kuwarto lang ang room ko."
"Teka, saan nga pala tutuloy ang mga guest mo?" tanong niya.
"Sa guesthouse sila tutuloy. Same goes with my staff who will visit here on the
last day to confirm all the details of the contract."
"Sino ang makakasama natin dito? Girlfriend mo?"
Umiling ito. "No. She has her own house here. May mga house cleaners naman na
pumupunta dito every week."
Namutla siya. "T-Tayong dalawa lang ang magkasama dito? Teka, ano na lang ang
iisipin ng girlfriend mo at ng mga tao? Sa guesthouse na lang ako."
"Wala nang ibang kuwarto doon. May business conference ang isa sa mga members and
they are using most of the rooms. And it is more comfortable here, Jemaikha. Saka
wala akong gagawing masama sa iyo."
"Nag-aalala lang naman ako sa girlfriend mo."
"Take a rest and you will meet her later. Ikaw mismo ang magsabi sa kanya na hindi
mo ako pagsasamantalahan."

Chapter 14
DI inaalis ni Jemaikha ang tingin kay Hiro habang bumibiyahe sila papuntang sa main
stable ng Stallion Riding Club. Doon daw nila makikita ang girlfriend nito.
Inayos niya ang sleeve ng long sleeve blouse na ibinigay nito. He even gave her
jeans and boots. Anong klaseng girlfriend iyon? Di man lang nagseselos. Di ba alam
ng babaeng iyon na ex ako ni Hiro? Tumingin siya sa labas at tanaw na ang main
stable. Bakit naman siya magseselos sa akin? Di nga ako nahalikan kahit minsan ng
kumag na Hiro na ito. Baka sila nga nasa ibang level na ng relationship. Hindi
tulad namin ni Hiro na parang pang-children's book lang ang love story.
"Si Reiki?" tanong ni Hiro sa stable boy nang bumaba sila ng kotse.
"Nasa loob po ng stable. Kakakain lang. Sasamahan ko na po kayo."
"Dito ba nagtatrabaho ang girlfriend mo?" tanong niya. Ang mga babae kasi na
pwedeng tumira sa loob ng riding club ay iyong mga empleyado lang.
Ngumiti lang sa kanya si Hiro at hinila ang kamay niya papasok ng stable. Ni hindi
man lang sinagot ang tanong ko. Parang nakakaloko.
Ano kaya ang itsura ng girlfriend nito? Mas maganda siguro sa kanya.
"Nasaan ang girlfriend mo?" tanong niya nang pagdating sa dulo ng stable ay wala
siyang makitang tao. Puro kabayo lang ang naroon.
Ang kaharap lang ni Hiro noon ay isang kulay bay na kabayo na may dark spots sa
ibang bahagi ng mukha. At sa tarangkahan ng kulungan nito ay nakalagay ang
pangalang Reiki. "Ito? Ito na ang girlfriend mo? Kabayo?"
"Hai, soo desu," ibig nitong sabihin ay tama siya. "She's an Appaloosa that I
acquired from an auction when she was a filly."
Namaywang siya. "This is one of your jokes, right?" Akala ko pa mandin ubod nang
bait ang girlfriend niya. Iyon pala kabayo lang.
"Reiki-chan, kochiri wa Jemaikha-chan desu," pagpapakilala ni Hiro sa kanya.
"Marunong din siyang mag-Nihonggo?" Nang humalinghing si Reika at mabilis siyang
nagtago sa likuran ni Hiro. "Hiro, nagseselos yata sa akin."
Tumawa si Hiro. "Nice meeting you daw. Hawakan mo siya."
Umiling siya. "Ayoko. Baka kagatin niya ako."
"Hindi iyan nangangagat. Saka dapat lang na maging close kayo dahil siya ang
sasakyan mo habang nandito ka sa riding club."
Umiling siya. "Ha? Kailangan ba talagang sumakay ako ng kabayo?"
"Kung hindi ka marunong, okay lang. Tuturuan naman kita. Saka kailangan mong matuto
dahil ipapasyal natin ang mga investors. Hindi ka pwedeng mag-kotse dahil may mga
lugar na puro horse trail lang."
Naipadyak niya ang paa. "Takot kasi ako sa kabayo."
"Mabuti pa, sa akin ka muna umangkas. Hindi ka na siguro matatakot kung kasama mo
ako. After that, I will teach you to ride the horse on your own."
Napilitan na lang siyang tumango. Kailangan niyang matuto dahil parte iyon ng
trabaho niya. Isang linggo na nga lang siya dito, papalpak pa siya.
Inilabas ang paboritong kabayo ni Hiro na si Raiga. "You go first," sabi nito at
pinatuntong siya sa isang box. Nakaalalay ito sa tabi niya habang hawak ng stable
boy ang kabayo. "Hold the reins with your left hand and grab the saddle horn with
another." Sinunod niya ang instruction nito. "Ilagay mo ang kaliwang paa mo sa
stirrup then pull yourself up."
Nagdasal muna siya bago sinunod ang sumunod nitong instruction. Napapikit siya sa
sobrang tensiyon nang makaupo na sa saddle. Malakas na malakas pa rin ang kaba sa
dibdib niya hanggang maramdaman niyang nakasampa na rin si Hiro sa kabayo at
nakaupo sa likuran niya.
"You did great, Jem," bulong nito sa kanya.
Napadilat siya nang maramdaman ang mainit nitong hininga sa tainga niya. Ibang kaba
tuloy ang naramdaman niya. Nang maramdaman niya ang matipuno nitong katawan sa
likuran niya ay lalo siyang kinabahan. "What's next?" tanong niya at bahagya
nilingon. Hahalikan na ba siya nito?
"Now use your legs to gently kick your horse to make him go."
"D-Dahan-dahan?" Tinapik ng paa niya ang tagiliran ng kabayo. Napatili siya nang
bigla iyong tumakbo nang mabilis. "Anong nangyayari? Bakit tumakbo agad?"
"Sabi ko sa iyo mahina lang, di ba? Nalakasan mo yata."
"Make him stop, Hiro! Make him stop!" tili na niya. Nanlaki ang mata niya nang
makitang puro puno na ang nasa harap niya. "Babangga tayo!"
"Ho!" utos ni Hiro at hinila nito ang renda. Tumigil si Raiga sa pagtakbo.
"Hiro! Ayoko nang sumakay. Bababa na ako," mangiyak-ngiyak niyang sabi. "Maglalakad
na lang ako habang nagho-horseback riding kayo."
"Silly. Of course you can learn how to ride." Kinabig nito ang baywang niya at
napasandal siya sa katawan nito. "All you have to do is follow instructions and you
will do great. Hindi naman kita pababayaan. Kasama mo ako."
Kung may isang bagay siguro na di mawawala sa kanya, iyon ay ang tiwala niya kay
Hiro. Ngumiti siya at pinahid ang luha. "Pwede ko na ba siyang patakbuhin ulit?
Because I want to learn how to fly."

Chapter 15
"ARE YOU still scared to ride a horse?" tanong ni Hiro habang papunta sila sa
Rider's Verandah kung saan sila magla-lunch.
"Not anymore. Kaya ko na ngang I-maneuver si Raiga, di ba? Kaya sa palagay ko sisiw
na lang kapag pinatakbo ko na ang girlfriend mo."
"Mamaya mo na isipin iyan. Kumain muna tayo."
Sa second floor ng restaurant sila tumuloy dahil okupado na ang mga mesa sa first
floor. "Parang wala akong ganang kumain," aniya habang tinitingnan ang menu.
"Nalipasan na yata ako ng gutom."
"You have to eat something," mariin nitong sabi kahit nasa menu ang tingin.
Ibinalik ulit niya ang tingin sa menu. Baka masermunan kasi siya nito. Ayaw ni Hiro
sa lahat ay hindi kumakain. Sa kabubuklat nang walang napipili ay sa dessert siya
napunta. Nanalam siya nang makita ang mga pictures sa dessert. "Wow! Pwede bang
desserts na lang ang kainin ko."
He looked at her impatiently. "Jem, you have to eat a decent meal."
"Hai, Shuichiro-sama." Anong kontra niya? Ito ang magbabayad ng pagkain.
"Don't say that. Baka may makarinig," mariin nitong sabi.
"Bakit?" Luminga siya. "Iilan lang naman tayo dito, ah!"
"May I take your order, please?" anang service crew na si Quincy.
Bubuka pa lang ang bibig niya nang gagapin agad ni Hiro ang kamay niya. Ibig
sabihin ay ito na ang oorder. "Bacalla with polenta, marinated grilled shrimp, then
give her all the dessert she wants."
"Wow! Ang sweet naman ninyo, Sir Hiro," sabi ni Quincy. "May pa-holding-holding
hands pa kayo. Girlfriend ninyo, Sir?"
"No," kontra niya. "Actually..."
Inakbayan siya ni Hiro. "Bagay ba kaming dalawa?"
Pinanlakihan niya ito ng mata. "Yameru!" pagpapatigil niya dito at pasimpleng
inalis ang pagkakaakbay nito. "Miss, apricot berry tart, Blueberry Orange Cream
Tart and coffee mousse. That's all."
"That's all?" gagad ni Hiro. "In-order mo na halos lahat ng dessert."
"Okay lang iyan, Sir Hiro," sabi ni Quincy. "Low in calorie naman 'yan."
Isang tsinito na lalaki ang lumapit kay Quincy. Mukhang iritado na ito. "Miss,
kanina pa kita tinatawag. Hindi mo ba narinig? I want to follow up my order."
"Ipa-follow up ko na, Sir," nakangiti pa ring sabi ni Quincy at umalis.
"Yuan, don't be so hard on the poor girl," saway ni Hiro dito. "Nagkakaganyan ka
lang yata dahil wala kang kasamang date."
"Pass muna ako. Women are trouble." Natigilan ito nang makita siya. Saka lang
naalala na may iba pang babae doon. "Himala! Ngayon lang yata kita nakitang nagsama
ng date."
She extended her hand. "I am Jemaikha Caliente, his temporary assistant."
"Yuan Zheng," pormal nitong sabi. Kasama rin ito sa mga models ng Stallion Shampoo
and Conditioner na lumabas sa commercial. "At least babae na ang kasama mo. Di lang
para dalawin ang mga kabayo mo."
"We are here for business. I have a group of investors coming a few days from now.
Si Jemaikha ang kinuha ko dahil magaling siya sa Japanese. She graduated with a
degree in Linguistics in UP," pagmamalaki ni Hiro.
"You mean he is not a part of your company?" tanong ni Yuan.
"It is just a special favor," wika ni Hiro. "If she has no future with you, I will
hire her," walang gatol na sabi ni Yuan. "I need someone who is good in various
languages. I am about to open my own online company soon. Are you interested, Miss
Caliente?"
"I am not sure yet," usal niya. Parang napaka-tyrant kasi na boss ni Yuan.
"Anyway, here is my calling card. We can discuss the details of your job, salary,
compensations and your demands."
"Sir, nandito na po ang order ninyo," malambing pang sabi ni Quincy habang bitbit
ang tray ng pagkain ni Yuan.
"Not here! On my table!" gigil na sabi ni Yuan at sinermunan na naman si Quincy.
Habang si Quincy ay nakangiti lang. Parang nananadya pa.
"Bakit hindi mo pa tanggapin ang offer sa iyo ni Yuan?" tanong ni Hiro.
"It is too good to be true. Parang nabibigla lang ako. Hindi pa naman niya ako
kilala pero nag-offer agad siya ng work."
"Well, Yuan knows that I only hire people who are good. At kahit temporary lang
kitang kinuha, alam niyang magaling ka."
"Totoo ba ang sinabi niya na hindi ka nagsasama ng ka-date mo dito?"
"Yes. Mas gusto kong kasama ang mga kabayo ko. They give back the affection that I
give them. But they are not so demanding. Isa pa, hindi rin sila ma-pride," he said
absent-mindedly.
"Hindi mo naman ako masyadong pinariringgan?"
"Oh!" Parang noon lang nito na-realize ang sinabi. "I didn't mean to offend you.
Wala akong masamang ibig sabihin sa pride."
"Well, tama ka nga naman. Reiki and your horses are less demanding. Hindi mo rin
kailangang mag-alala kung ibe-break ka niya. They are all yours. Ikaw ang master
nila at lahat ng gawin mo masusunod," aniya at pilit na ngumiti. Ngayon niya higit
na naunawaan kung gaano katindi ang sakit na ibinigay niya kay Hiro nang sabihin
niyang hindi niya ito kailangan sa buhay niya.
"Jem, I didn't take it against you. Minahal kita at hindi ko pinagsisisihan iyon.
At nang mahalin kita, tinanggap ko ang lahat sa iyo. Pride and all."
"Thank you, Hiro. Kain na tayo. Gutom na ako."
And I lost it all, Hiro. Nawala na sa akin ang pagmamahal mo. I don't think you
deserve someone like me either. Masisira lang kita.

Chapter 16
NAKASALAMPAK si Jemaikha sa tatami mat sa sala habang nakaharap sa laptop computer
ine-encode ang ilan sa napag-usapan kanina sa initial conversation nila Hiro sa
Fukouka International. The conversation was in Japanese. Kailangan niyang I-encode
din iyon sa Japanese at English. Mahirap ang trabaho na iyon pero challenging. It
felt so good to work with Hiro. Marami kasi siyang natututunan.
Narinig niya ang pagbukas ng pinto sa kuwarto ni Hiro at ang yabag nito palapit sa
kanya. "Jem, hanggang ngayon ba nagtatrabaho ka pa rin?"
"Ayokong matambakan ng trabaho. Saka hindi pa naman ako inaantok kaya dito muna
ako," sabi niya at di inaalis ang tingin sa laptop. Nakaka-distract kasi ito sa
trabaho kapag nakikita niya. Baka mawala pa siya sa sarili. Lalo na ngayong silang
dalawa lang ang nasa bahay. Baka ano pang maisipan niyang gawin.
"Mamaya na lang iyan. Dapat sa iyo mag-relax dahil bukas, hectic ang schedule
natin. Wala ka nang oras para mag-relax."
"Makakapag-relax lang ako kapag tapos na ang trabaho natin."
"Ayaw mo bang maligo sa hot spring? Ipi-fill ko ng tubig para sa iyo."
Napaungol siya nang ma-imagine ang mainit ang tubig sa katawan niya. "That sounds
great. Pero tatapusin ko pa ito."
"Sige. Ako na lang ang maliligo sa hot spring," sabi nito at lumabas papunta sa
garden kung saan dadaan papunta sa hot spring.
Nasundan na lang niya ito ng tingin. "Maliligo siya sa hot spring?"
Kapag naliligo kasi sa hot spring ay walang suot na damit. Napalunok siya at nasapo
ang noo habang iniisip si Hiro na walang suot na damit.
"That is what I call a major distraction." Sinubukan niyang ituon ang atensiyon sa
trabaho pero lagi niyang naiisip si Hiro habang nagtatampisaw sa mainit na tubig
nang walang saplot. "Tapos niyaya pa niya ako kanina. Ano kaya ang mangyayari kung
kaming dalawa lang ang nasa hot spring."
Tinampal niya ang sariling pisngi. "Hindi! Walang mangyayari sa amin dahil hindi pa
kami kasal. Ayoko siyang pagnasaan dahil boss ko siya ngayon."
Subalit tuluyan na siyang di makapag-concentrate sa trabaho hanggang makatanggap
siya ng tawag mula kay Mayi. "Hey, Jeje! Kumusta ang stay mo sa sosyal na Stallion
Riding Club?"
"Heto, nagtatrabaho pa rin ako. Masakit din ang katawan ko dahil sa pagsakay sa
kabayo. But I enjoy it here."
"You are working at nine in the evening? Slave driver ba ang boss mo? Sobra namang
Suichiro iyan!"
"No. Sabi nga ni Hiro magpahinga na lang ako. Ayoko lang matambakan ng trabaho. I
hate rushing things." Special consideration lang ang ibinigay ni Hiro sa trabaho na
iyon. She had to prove even for a while that she was worth it.
"How about you and Suichiro? Nagkakamabutihan na ba kayo? Ang sabi sa akin ni
Cherie, magkasama kayo sa isang bahay. Sa bahay niya!"kinikilig nitong sabi.
"Dito lang niya ako pinatuloy dahil crowded na sa guest's lodge. At hindi kami
nagkakamabutihan. Boss ko siya and that's it!"
"I know that you still like him," she said in a teasing voice. "Hindi mo ba naiisip
na marami ka nang opportunity na pinapalampas specially where Hiro is concerned?
Don't you want to know that it feels like to be kissed by him..."
"Oh, shut up, Mayi!" saway niya.
"How it feels to be held in his arms."
"Mayi..." she hissed.
"How his body feels next to yours. Flesh to flesh."
Biglang nag-flash sa utak niya si Hiro habang walang saplot sa katawan at umaahon
sa hot spring. At di na tumigil sa imahinasyon ang utak niya. She could envision
Hiro walking towards her, holding her, kissing her and making love to her.
"Stop it, Mayi!" mas malakas niyang sigaw kasabay nang naramdaman niya ang pag-
iinit ng mukha niya.
Humalakhak ito. "O, bakit ka nagagalit? Nagtatanong lang naman ako. Hay, naku! Ang
hirap talagang maging virgin!" panunuya nito.
"Well, it is not funny."
"Hindi rin naman nakakatawa ng sitwasyon ng sex life mo. Tingnan mo nga! Ni hindi
ka pa nakakakita ng naked flesh kahit sa porn. You don't know what you are missing
in your life, Jemaikha. Aren't you curious at least?"
"No, I am not!"
Huminga ito nang malalim. "Kung ako sa iyo, hindi na ako magmamatigas. Hiro is with
you. This is your chance to be with him. Kung pakakawalan mo ang pagkakataon na
ito, mamamatay kang virgin!"
"Drop it, Mayi! Problema ko na iyon kung mamamatay akong virgin."
"Ipokrita ka kung di ka interesado kay Hiro. You are missing a lot."
"I am not missing anything," bulong niya sa sarili matapos putulin ang tawag ni
Mayi sa sobrang inis. She flipped down the laptop's LCD monitor at inis na lumabas
ng garden. "So what if I am still a virgin? So what if I haven't seen a naked man
yet. So what if I haven't seen Hiro in a naked state. I am not a bit curious."

Chapter 17
Ipokrita ka kung di ka interesado kay Hiro. Paulit-ulit na umalingawngaw ang
salitang iyon ni Mayi. Parang nananadya naman na narinig niyang kumakanta si Hiro
mula sa hot spring. It was a song about a love. He used to sing it for her.
"Isa pa itong Hiro na ito. Parang nananadya. Parang nang-aakit!"
Napatingin siya sa mga kawayang bakod na humaharang sa hotspring. She was not
interested to see a naked man before. Until tonight. Until Hiro. Dati kasi ay
masaya na siya sa emosyon na pinagsasaluhan nila ni Hiro. They had never been
intimate physically. Pero ngayong mas matured na siya, iba na ang sitwasyon. She
could feel her hormones urging to take a look at his naked body.
She closed her eyes and imagined him under the hot spring and bathing on moonlight
without anything on. Bigla siyang dumilat habang habol ang hininga. "O, sige! Tama
ka nga, Mayi. May kulang sa buhay ko. Pero di mo na ako mapagta-tawanan. Makakakita
rin ako ng naked guy, by hook or by crook!"
Maingat pero desidido siya nang lapitan ang gate na kawayan ng hotspring. Nakayapak
lang siya para di marinig ni Hiro ang yabag ng paa niya. "Curious lang naman akong
makita siya. Wala naman sigurong masama. Kaysa naman sa porn pa ako makakita ng
naked guy na pandidirihan ko naman, si Hiro na lang. Live action pa. Virgin pa rin
ako pero at least hindi pathetic virgin."
Sinubukan niyang sumilip sa pagitan ng mga kawayan. Masyadong masinsin ang pagitan
niyon kaya di niya makita. Mukhang peep-proof iyon. Dahan-dahan siyang lumipat sa
pagitan ng mga kawayan, nagbabaka-sakali na may makikita. Pero sa malas ay wala
siyang makita. Sa kauusod niya ay nakarating na siya bakod na may natatanimang
halaman. Maingat siyang sumingit doon.
Nakakita siya ng maliit na siwang. Natanaw niya na nakalusong sa hot spring si
Hiro. His broad shoulders were naked so did his legs. Nakasandal ito at nakakatang
ang ulo sa makinis na bato na nakapaligid sa hot spring habang nakatingala sa buwan
at kumakanta. Parang naghihintay ito sa diyosa ng buwan na bumaba mula sa langit at
saluhan itong maligo.
Pakiramdam tuloy ay uminit ang paligid kahit na malamig ang hangin. Ngayon ay alam
na niya kung ano ang pakiramdam ng gumagana ang hormones.
She sighed. "Kailan ka kaya aahon diyan para makita ko ang lahat sa iyo? Sa susunod
kapag mas makapal na ang mukha ko, sasamahan na kita sa hot spring. Sa ngayon,
pagsasamantalahan ko muna ang katawan mo sa tingin."
Masyado siyang naka-focus sa paninilip kay Hiro nang maramdaman niyang may kumagat
sa paa niya. Hahaplusin sana niya ang paa nang magsunud-sunod ang kumagat sa kanya.
Nanlaki ang mata niya nang makita ang mga langgam na ginagawang pulutan ang paa
niya.
Di niya napigilang tumili at nagtatakbo palayo sa bakod. Hindi siya magkandatuto sa
pagpagpag sa paa niya. "Langgam! Langgam!"

Chapter 18
BUMUKAS ang gate na kawayan ng hot spring area at lumabas si Hiro nang nakatapis
lang ng tuwalyang puti sa baywang. "Anong nangyari, Jem?" tanong nito at mabilis na
lumapit sa kanya.
"Iyong langgam, kinagat ako!"
Umuklo ito sa harap niya at hinaplos ang binti niya. "Ito ba? Dito ba?"
Nakasuot lang siya ng night gown kaya walang nakapigil sa kamay nito na haplusin
ang binti niya. Pakiramdam niya ay summer noon at di sila malapit sa Tagaytay.
Magha-hyperventilate na rin siya sa ginagawa nito. Ah, Hiro! You will be the death
of me! Ano bang ginagawa mo sa akin?
Di na niya magawang sumigaw o magsalita man lang. Nakatitig na lang siya sa ulo
nito at sa malapad na hubad na balikat. Buo pa rin ang imahe nito sa isip niya na
umahon ito sa hot spring at walang ibang suot maliban sa tuwalya.
Ni hindi siya nakaimik nang akayin siya nito sa may wooden patio na nakaharap sa
garden. "Umupo ka diyan. Kukuha lang ako ng oinment," sabi nito at nagmamadaling
pumasok sa bahay. Pagbalik nito ay binuksan nito ang cap ng skin ointment. "Wag
kang malikot. Lalagyan ko lang ng ointment ang kagat ng langgam."
Nagtayuan ang balahibo niya. Ito ang gagamot sa kanya. Hiro, don't do this to me!
Pinaparusahan na ako ng langit dahil nanilip ako nang walang permiso. Kinagat na
ako ng mga langgam. Pero huwag mo akong I-torture. Sobra na iyon.
"Hiro, ako na lang ang gagamot sa sarili ko. Kaya ko naman."
Matalim siya nitong tiningnan. "Sabi ko huwag kang malikot, di ba?"
"Di naman ako malikot, ah! Gusto ko lang gamutin ang sarili ko."
Umupo ito sa harap niya at ipinatong ang binti niya sa hita nito. "Huwag ka nang
mangatwiran sabi, eh!" sabi nito at maingat na pinahiran ng ointment ang binti
niya. Seryosong-seryoso ito sa paggamot sa kanya. His touch had a soothing effect
on her. Nawawala ang sakit.
Tahimik lang siya habang pinagmamasdan ito. She watched a drop of water trail down
his body. She was aware that under that piece of towel, he was naked. Nanuyo ang
lalamunan niya. If she was bold enough, she'd love to trace his naked skin with her
lips just like the water droplet did.
Jemaikha, ngayon ka lang nakakita ng hubad na lalaki, kung anu-ano na ang iniisip
mo. Mabuti sana kung pumayag si Hiro sa pantasya mo.
Ipiniksi ni Hiro ang ulo nang ilang hibla ng buhok nito ang bumagsak sa noo nito.
Mabilis niyang hinawi ang buhok nito. Ngumiti ito sa kanya. "Thanks!"
"Wala iyon. Pasensiya na. Naabala yata kita sa paliligo mo."
"Nag-alala lang ako nang tumili ka. Hindi ka dapat nagyayapak kapag nasa garden.
May mga tsinelas naman na provided para sa iyo, di ba?"
"M-Masarap lang kasing maglakad-lakad nang nakayapak."
At di siya pwedeng magsuot ng tsinelas. Mabubuko nito ang modus-operandi niya. Na
pinagna-nasaan niya ito nang walang kamalay-malay.
Ibinaba nito ang paa niya at tumayo. "Next time, be careful. Ayokong may mangyaring
hindi maganda sa iyo habang nandito ka sa poder ko."
Tumayo rin siya at humawak sa balikat nito. "Thank you, Hiro."
Inilapit niya ang mukha dito upang bigyan ito nang magaan na halik sa labi. Pero
paglapat ng labi niya sa labi nito ay hinawakan nito ang batok niya at hinapit ang
katawan niya palapit sa katawan nito.

Chapter 19
It was not a teasing, safe kiss that he used to give her. This one was meant to
possess. His lips opened over her, coaxing her to open. Alam siguro nito na wala
siyang alam. And he was teaching her. When she opened her lips, it was like opening
a portal of immense sensation.
She felt like she was floating on air. Iyon pala ay nakaangat na ang paa niya sa
lupa at ang katawan na lang nito ang sumusuporta sa kanya. She started to run out
of breath when his lips left hers. Dahan-dahan siya nito nitong ibinaba sa lupa.
But he deliberately let her body brush against his.
Pakiramdam niya ay namumula siya mula ulo hanggang paa. It was too intimate and she
was not prepared for it. She didn't know what to say.
"So tell me, Jemaikha. Anong ginagawa mo sa bakod ng hot spring?"
Bigla siyang napatingala dito. Saglit siyang na-mental block. Alam nito na nandoon
siya? "Bakod ng hotspring? Wala ako doon. Nandito lang ako sa may damuhan.
Naglalakad-lakad lang ako at pinapanood ang buwan nang kagatin ako ng mga langgam.
Ano naman ang gagawin ko sa bakod?" kaila niya.
Bahagya itong lumayo sa kanya at parang walang kompiyansa sa sagot niya. "Hindi ka
lalanggamin dito sa garden. Sa may halamanan lang sa gilid ng bakod na kawayan may
mga langgam." Hindi siya aamin na sinilip niya ito.
Nanlaki ang mata niya at humalukipkip. "Bakit? May listahan ka ba ng ruta ng mga
langgam na iyan? At may rules ba sila na bawal tumapak dito sa garden at doon lang
sila sa may tabi ng bamboo wall?" hamon niya.
He gave her a playful smile. Hinawakan nito ang ilang hibla ng buhok niya at
naglalarong inikot sa daliri nito. "Jem, kung gusto mong samahan akong maligo sa
hot spring, sana sinabi mo sa akin. Hindi ka na sana nahiya. There is more than
enough space for the two of us."
Doon na siya tuluyang sumabog. Alam na nito ang lihim niya. "Hoy, Suichiro!
Sinasabi mo bang pinagnanasaan kita? Na sinisilip kita sa may bakod?"
Nagsalubong ang kilay nito. "Teka, wala akong sinasabing ganyan. Hindi ko naman
sinasabi na sinisilip mo ako sa may bakod, ah!"
"Ha? Wala ba?" Saglit siyang natigilan at bahagyang iniwas ang tingin dito. "Parang
ganoon na rin ang sinabi mo, di ba?"
Ngiting-ngiti si Hiro habang pailing-iling. "Ngayon alam ko na kung ano ang
ginagawa mo sa may bakod." Hinaplos nito ang pisngi niya. "Para di ka na kagatin ng
langgam sa susunod, bubuksan ko na ang gate para sa iyo. Hindi mo na ako kailangan
pang silipin sa bakod. Hindi mo na kailangang mahirapan," sabi nito at saka
naglakad papunta garden.
At gaya nga ng sinabi nito ay sadya nitong binuksan ang gate at tangkang
tatanggalin ang tapis na tuwalya kahit na alam nitong naroon siya.
"Hiro, sandali!" sigaw niya.
"Bakit?" tanong nito at lumingon sa kanya. "Sasamahan mo na ako?"
Tinakpan niya ang mga mata ng palad. "Oyasuminasai! Goodnight!" sigaw niya at saka
nagmamadaling pumasok ng kuwarto niya.
Habol niya ang hininga habang nakasandal sa pinto ng kanyang silid. Wala sa sarili
niyang hinawakan ang labi habang dahan-dahang dumausos sa kinasasandalang pinto.
"Hiro kissed me. And it was so real!" usal niya. "I even felt his naked body
against mine. Konti na lang, baka katulad na ako nila Mayi. Baka hindi na rin ako
virgin!"
Hindi na siya papayag na maulit pa iyon. Well, not until Hiro tells her that he
still loves her. Pero parang imposible nang mangyari iyon. Because in the end, she
knew that they couldn't be together.

Chapter 20
"KIREI na nagame nee!" Mapigilang humanga ng mga representative ng Fukouka
International habang nakasakay sa kabayo at umiikot sa paligid ng Stallion Riding
Club. Gandang-ganda ang mga ito sa view.
Three hundred acres ang buong estate. At dahil mahilig ang mga Japanese sa nature
kaya naman aliw na aliw ang mga ito habang pinagmamasdan ang lugar. Na-preserve
kasi ang maraming mga natural sites ng estate tulad ng forest.
Nasa forest trail sila at idini-discuss ni Hiro kung paano nito na-acquire ang
bawat isang kabayo na pag-aari nito. She realized that he started collecting horses
after they broke up. Therapy kaya niya iyon matapos naming mag-break? After all,
wala na siyang naging girlfriend maliban sa akin at sa mga kabayo niya.
Nakatitig siya sa likuran nito. Parang sa halip na mag-focus sa trabaho ay gusto na
lang niyang titigan ito kahit likod lang nito. Naramdaman marahil nito na may
nakatingin dito kaya lumingon ito.
Ngumiti ito sa kanya nang magsalubong ang tingin nila at ibinalik muli ang tingin
sa Executive Vice President ng Fukouka. She and Hiro tried to act as if nothing
happened the other night. He didn't mention it again. Alam siguro nito na
makakaapekto iyon sa trabaho nila.
"That is the most beautiful sight," she said with a sigh. Gustong-gusto niyang
makita ang ngiti ni Hiro dahil tingin niya ay sobrang ganda ng mundo.
"Where is the most beautiful sight?" tanong ni Sawada na katabi lang niya.
Napalingon siya dito at pilit na ngumiti. Nawala sa isip niya na may nakakaintindi
sa kanya. Kung nasa informal setting, sa English siya nito kinakausap sa halip na
sa Japanese. "I-I am pertaining to this forest. Look at the trees and the birds.
Aren't they lovely?"
Tumingin-tingin si Sawada sa paligid. "There is nothing special about it. I even
saw more beautiful forests in States and in Japan."
Impakto! Di ka na lang nakisakay sa drama ko. Sa lahat ng delegates, dito siya
ilang na ilang. Di lang kasi si Hiro ang parang binabantayan nito ang kilos. Maging
siya ay lagi itong nakasunod.
"This is one of Hinata-san's most favorite spot in this estate. The forest and the
song of the birds give him peace." Iyon ang sinabi sa kanya ni Hiro nang namamasyal
sila. "If you will close your eyes, you'll feel it," aniya at pumikit saglit.
Pakiramdam niya nang mga oras na iyon ay si Hiro ang katabi niya.
"Ah, sooka," patango-tango nitong sabi. "I see."
Malapit na sila sa batis nang marinig niyang umungol si Sawada. "Ittaii! O-naka wa
ittai," anito habang sapo ang sikmura na nasaktan.
Pinatigil ng lahat ang kanya-kanyang kabayo. Bumaba si Hiro at nilapitan ito. Siya
naman ay nagmamadaling tumawag sa clinic ng riding club. "The clinic's cart is
coming. They will send help right away. Maghihintay daw sila sa labas ng forest
trail," bumulong siya kay Hiro.
Tumango ito. "Aakayin ko na lang sa labas ng trail ang kabayo ni Sawada."
"Daijoubu yo, minna-san! Kekko desu. Shimpai nai. He will be okay. There is nothing
to worry about him," paniniyak niya sa mga kasamahan nito nang nakangiti.
"Sasama na ako sa kanya sa clinic," wika ni Hiro. "Kayo na lang nila Mr. Tajeda ang
magpatuloy sa tour nila."
Pinisil niya ang balikat nito. "You worry too much. Mas kailangan ka dito kaysa
akin. Ikaw na lang ang maiwan sa kanila para di sila mag-alala. Ako na ang bahala
kay Sawada. Tatawagan na lang kita kapag sure nang okay na siya," aniya at sumakay
sa golf cart.
NAKABANTAY NA mabuti si Jemaikha kay Sawada habang tsine-check up ng mga doktor.
Nagtataka lang siya dahil mukha naman itong normal kaninang magkausap sila. "Wala
kaming makitang sakit sa kanya. Maybe his stomach is just upset. Binigyan na rin
namin siya ng gamot at kailangan lang ng pahinga. We can even transfer him to his
room if he wants," paliwanag ng doktor. "Just inform me if his condition will get
worse."
"Yes, Doc. Thank you," aniya at ihinatid ang doktor at nurse sa labas ng kuwarto ni
Sawada sa clinic. Nang bumalik siya ay gising pa rin ito. "Why are you still awake?
The doctor asked you to take a rest."
"Daijoubu desu." Okay na daw ito. "Because I saw you."
He was flirting with her. She was sure of it. Nanatiling pormal ang anyo niya. "The
doctor said that they can transfer you to your own room if you want. If you are
feeling better, you would be more comfortable there."
Pakiramdam niya ay pag-arte lang nito ang pagsakit ng tiyan. Kung bakit, hindi niya
alam. The act was just starting to irritate her.
"I am comfortable anywhere as long as I am with you."
She pressed her lips tight. "I will call the nurse to look over you." Baka may
masabi pa siyang hindi maganda dito. Mapahamak pa si Hiro. Mas mabuti nang umiwas
na lang siya. Tutal, ilang araw lang naman niya itong pagtitiisan.
"Do you have a boyfriend?"
Natigil siya sa paglabas ng pinto. "No, I don't. But I have someone special in my
life. And I've been in love with him for a very long time."
Kumunot ang noo nito. "Does he know that you love him?'
Nagkibit-balikat niya. "It doesn't matter." Ang importante mahal pa rin niya si
Hiro. Kailangan pa ba nitong malaman iyon? Basta hindi niya ito ipagpapalit sa iba.
Lalo na kay Sawada. Yumukod siya. "Sumi-masen. Excuse me."
Palabas na siya nang saktong bumukas ang pinto at bumungad si Hiro. Kasama nito ang
nurse na magbabantay kay Sawada. "Bakit namumutla ka?" tanong ni Hiro at hinaplos
ang pisngi niya. "Baka may sakit ka na rin."
Umiling siya. "No. I think I just need a shot of caffeine."
"Then we will go to Rider's Verandah for coffee later. Itse-check ko lang okay na
si Sawada. Susunod na rin ang iba niyang kasamahan mamaya."
"Dito na lang kita hihintayin sa labas." Ayaw niyang malaman ni Sawada na si Hiro
ang lalaking mahal niya. Lest Sawada might use her against Hiro.

Chapter 21
"Guia wa ikaga desu ka?" tanong ni Hiro kay Sawada kung ano ang pakiramdam nito
nang samahan sila nito sa private room ng music lounge.
"Daijubou desu. Okagesama de yoku narimashita," pasasalamat nito sa pag-aalaga nila
matapos tiyakin na maayos na ang kalagayan nito. "And I won't miss this special
dinner for the world."
Inayos sa Japanese setting ang isa sa mga function room ng music lounge. There were
Japanese lanterns around. Low table ang ginamit at puro Japanese cuisine ang ise-
serve. May maliit na stage din sa harap para sa jazz singer na kinuha ni Hiro para
umaliw sa kanil.
"Try this, Jemaikha-san. This is anago sushi," alok ni Sawada sa kanya.
Hindi niya alam kung paano ito tatanggihan. Baka ma-offend kasi ito. Pero di rin
naman siya pwedeng kumain ng anago sushi dahil may allergy siya.
"She is allergic to anago sushi. She has an aversion to eel," salo ni Hiro. "She
ate anago sushi once and she went red all over. She prefers salmon roe sushi and
tempura. And she also likes ramen."
"Looks like you know a lot of things about her," usal ni Sawada.
"Yes, I do," palabang sagot ni Hiro.
Naglabanan ang tingin ng dalawa. Kinabahan siya. Ayaw niya sa lahat ay may
magsimulang gulo dahil lang sa kanya. "You two, calm down," mahinang saway niya
dahil ayaw niyang makakuha ng atensiyon ng ibang guest na tuwang-tuwa sa pakikinig
sa musika ng jazz singer.
"Doushitano?" tanong ni Hongo-san, isa sa mga miyembro ng Fukouka International
kung ano ang problema. Di nito naintindihan ang pinag-uusapan ng dalawa dahil di
ito marunong mag-Ingles.
"Kirimasen. Don't mind." Ipinaliwanag niya na naglalaro lang ang dalawa.
Siniko niya si Hiro na matiim pa rin ang titig kay Sawada. Awtomatiko itong ngumiti
pagbaling sa iba. "Hai! Soo desu!" sang-ayon na lang nito at saka uminom ng sake.
Parang balewala na dito ang pakikipagtalo kay Sawada.
"We are not yet through," mariing sabi ni Sawada at ibinaling na lang sa sushi ang
pagka-irita nito. Pero tama ito. Di pa nga tapos ang lahat. At kinakabahan siya
kung ano ang maari pa nitong gawin.
"JEMAIKHA, masakit ang ulo ko," sumbong ni Hiro sa kanya nang makauwi na sila sa
bahay nito. "Hilutin mo naman ako."
Umupo siya sa mat at pinahiga ito sa hita niya. "Naku! Sinabi ko na kasi na huwag
masyadong iinom ng sake dahil may trabaho pa bukas. Di ba bukas na nga natin idi-
discuss sa kanila ang lahat ng terms sa contract."
Magiging maselan ang usaping iyon. Bagamat nagpakita ng interes ang Fukouka
International sa project, di tiyak kung magkakasundo ang dalawang panig sa magiging
kontrata. Kaya dapat ay maging maingat sila sa hihinging kondisyon mula sa isa't
isa.
Nakatitig ito sa kanya habang hinihilot niya ang ulo nito. "I think Sawada likes
you, Jem. Titig siya nang titig sa iyo buong gabi."
"Hindi ko napansin," patay-malisya niyang sagot.
"Well, Sawada is handsome. Bakit di mo siya magugustuhan?"
Tumigil siya sa paghilot sa sentido nito. "Kasi may mas guwapo sa kanya na mas
gusto kong titigan."
"Sino naman iyong mas gusto mong titigan?"
"Okay na siguro ang pagkakahilot ko sa iyo. Magpahinga ka na lang, uminom ka ng
maraming tubig saka Advil. Titimplahan na lang kita ng honeyed water bukas ng umaga
kung masakit pa rin ang ulo mo," sabi niya at pinatayo na ito.
"Jem, hindi mo pa sinasabi sa akin kung sino iyong lalaking mas guwapo kay Sawada
na gusto mong titigan," pahabol pa nito.
Nakangiti niya itong nilingon. "Hmmm... siya lang naman ang dahilan kung bakit
pinapak ako ng mga langgam kagabi. Oyasuminasai, Suichiro-kun!"
"Oyasumi," she heard him answer softly. Hindi niya iyon dapat sinabi kay Hiro. It
would only complicate things. Pero di rin niya masaway ang sarili. She was too
happy to care about the consequences. Gumaan ang loob niya nang sabihin iyon.

Chapter 22
MAINIT ang naging pagtatalo sa meeting nang araw na iyon. Lahat na lang kasi ng
sabihin ni Hiro ay kinokontra ni Sawada. Kahit ang mga isyu na plantsado at nai-
depensa na ni Hiro ay ibinabalik pa nito ang binubusisi.
But Hiro kept his cool. Nakangiti pa ito habang nagpapaliwanag. He was confident
and was able to defend his side. Dahil doon ay lalo lang nitong napatunayan na
magaling nga ito. Nakuha nito ang respeto, tiwala at paghanga ng ibang miyembro ng
Fukouka International. At nagngingitngit naman si Sawada dahil parang talunan ang
labas nito sa kakokontra nito.
"Well, I hope that they would agree to sign the contract. Hiro needs it so badly.
Ito ang major project niya na gustong-gusto niyang mai-push."
Bukas pa nila malalaman kung papayag nga ang Fukouka International na mag-invest sa
Hinata Technologies. Kaya kailangan nilang gawin ang lahat para makumbinsi ang mga
ito.
"Hi, Miss Jemaikha!" bati ng service crew ng Rider's Verandah na si Quincy.
Breaktime at nagpapahinga ang mga delegates. Si Hiro ay may video conference para
I-update ang Hinata Technologies sa Japan kung ano na ang development sa
negosasyon. Siya naman ay inaayos ang mga nai-discuss sa meeting.
"Hi, Quincy! Another coffee and orange tart please."
May inabot itong papel sa kanya. "Message for you."
Nang basahin niya ay galing iyon kay Hiro. Magkita daw sila sa lake dahil may
importante itong sasabihin sa kanya. "Quincy, I will cancel my order. Just give me
my bill, please."
Sakay ng golf cart na umiikot sa riding club, naglalaro sa isip niya kung bakit
ipinatawag pa siya ni Hiro sa may lake area ng Stallion Riding Club. Gusto pa
nitong magsolo sila. "Ano kayang sasabihin niya sa akin? Baka naman sasabihin
niyang mahal pa rin niya ako at wala na siyang planong pakawalan pa ako. Baka naman
gusto na niyang mag-propose ng kasal sa akin!"
Maganda nga ang lakeside area ng riding club pero parang di niya naisip na doon
magpo-propose ng kasal si Hiro. Mas paborito kasi nito ang stream sa forest o kaya
ay ang mismong bahay nito. "Sana sa hot spring na lang."
Naputol ang pagpapantasya niya nang pagdating sa lake ay wala si Hiro. Sa halip ay
si Sawada ang nandoon. "Thank you for coming!" sabi nito nang sinalubong siya at
inalalayan siyang bumaba sa golf cart.
She refused to be assisted. "So it's you who sent the message. Not Hiro."
Di ito agad sumagot at hinintay munang umalis ang golf cart. "Come on! Let's stop
beating around the bush. I know that he sent you to seduce."
Tumaas ang kilay niya. She didn't know that he could deliberately say that. "Excuse
me? I don't know what you are saying."
He gave her a sly smile. Gumapang ang kilabot sa katawan niya. "As if I don't know
how people operate in my business. We are wined, dined and given women just to be
persuaded to invest. And you are the pawn." Dahan-dahan itong lumapit sa kanya.
"Hinata-san sent you to seduce me."

Chapter 23
She stiffened with his accusation. "I think you got it wrong."
"Stop denying! You are not really his assistant. You are not even in his payroll
but he hired you to deal with us? What else is your role but to entice me."
"You should have checked my credentials first before you start throwing those
accusations to my face. And let me tell you another thing. Hiro is not the type of
person you think. He won't sacrifice other people for his personal gain."
Si Hiro na ang pinakamapagmalasakit na taong kilala niya. Ni hindi nga siya nito
kailangang gawan ng pabor pero tinulungan pa rin siya nito.
"How decent!" anito sa nanunuyang tono. "What makes you think that you are not just
a pawn in this gain."
"He trusts his own abilities. He trusts in his own project. That's why I have faith
in him. He doesn't have to use underhanded tactics to get the contract like the
other people you know," she baited. "And I am sure that he will get your groups
approval and you will sign the contract."
Humalakhak ito. "Don't be so confident about it. The rest of the group may like the
project but if I say no, then your company won't get the contract. I am my
company's voice. My father listens to me. I have the final say in this project."
"So no matter how promising the project is, you won't finance it just because it is
your whim," she uttered bitterly. She despised his type.
"If you will be nice to me, maybe I will consider," nakangisi nitong sabi. "That is
if you are good enough in bed."
"Don't come near me or I will slap your face," she said through gritted teeth.
Gustong-gusto na niyang burahin ang mukha nang mga oras na iyon. "I won't go to bed
with you. The hell I care about the contract!"
"Hinata Technologies would lose the contract."
Naningkit ang mata niya at nakuyom ang palad. "Now look who's the blackmailer! Now
you are using under handed tactics."
"So what? I have the upper hand in this deal. Don't you care about Suichiro
Hinata's career? This is a very big project. Won't you help him?"
Hahayaan ba niyang mawala ang pinaghirapan ni Hiro kapag di niya pinagbigyan si
Sawada. Samantalang nangako siyang gagawin ang lahat para lang maituloy ni Hiro ang
project na iyon.
"Go to hell!" mariin niyang wika.
"Pardon?" anitong nagulat sa sagot niya.
Matapang niyang sinalubong ang tingin nito. "Go to hell! That's what Hiro would
tell you once he finds out about this. He won't allow me to sacrifice for the
contract. It will ruin his reputation just the same. He worked so hard to keep his
name clean. He would protect and I would protect him just the same."
"Kisamma!" galit nitong usal at hinablot ang kamay niya. Parang hindi nito
matanggap na ni-reject siya nito. Kinabahan siya dahil mukhang magiging bayolente
na ito sa kanya. Papalag sana siya at lalabanan ito nang may marinig silang yabag
ng kabayo na paparating.
Nakita niya si Hiro na sakay ni Raiga at palapit sa kanya. "Jemaikha!" naniningkit
ang mata nitong sigaw sa pangalan niya.
Nginisihan siya ni Sawada at napapitlag siya nang haplusin ang mukha niya. "Mata
nee, Jemaikha-chan," malambing nitong sabi na magkita daw sila mamaya. Na parang
may ginawa silang kababalaghan. Sumakay ito sa kabayo at umalis.
Matiim ang mukha ni Hiro nang maglakad si Raiga sa harap niya. "Hiro...I"
Inilahad nito ang kamay. "Get on the horse!" utos nito.
Napilitan siyang humawak sa kamay nito at sumampa sa kabayo. Wala silang kibuan
habang mabilis nitong pinapatakbo si Raiga. Gusto niyang magpaliwanag pero mukhang
wala itong planong makipag-usap.
It was so unusual for Hiro. Lalo na't di maipinta ang mukha nito. Hindi niya alam
kung ano ang tumatakbo sa isip nito. Kinakabahan siya.

Chapter 24
"ANO bang problema ng Hiro na iyon? Ni hindi man lang ako kinakausap. Kung may
problema siya sa akin, kausapin niya ako nang maayos. Hindi iyong basta na lang
niya akong hindi papansinin," sintir ni Jemaikha habang nakababad sa artificial hot
spring. Mag-isa lang siya sa bahay ni Hiro. Nagpunta ito sa music lounge kasama ang
mga taga-Fukouka International at ang mga kaibigan nito.
Kibuin-dili siya nito mula nang makita silang magkasama ni Sawada. Kaya ibinaling
na lang niya sa pagbababad sa hot spring ang inis. Iyon lang ang naisip niyang
paraan para mawala ang tensiyon niya. After all, Hiro was on a boy's night out.
Kahit paano ay aaliwin din naman niya ang sarili niya.
"Kung ayaw niya akong kausapin, eh di huwag! Siya pa ang may ganang supladuhan ako.
Ako na nga itong na-harass ng Sawada na iyon. Ako na nga itong nagtanggol sa
reputasyon niya, ako pa ang masama. Pagbuhulin ko pa sila ng Sawada na iyon kung
gusto niya."
Tumitig siya sa maliwanag na buwan. Ilang araw na lang ang itatagal niya at aalis
na siya sa Stallion Riding Club. Maaring hindi na rin sila magkita ni Hiro. Kung
maghihiwalay man sila, gusto niya sa maayos na paraan. Hindi tulad ngayon na nag-
iiwasan sila at walang kibuan. Ayaw na niyang ulitin ang nangyari dati na nawala si
Hiro sa buhay niya nang hindi nila naaayos ang lahat.
Naiidlip na siya nang marinig niya ang malakas na pagtawag ni Hiro sa pangalan
niya. "Jemaikha! Jemaikha, let's talk!"
"Sandali, Hiro! Nandito ako sa hotspring!" Mabilis niyang hinablot ang bathrobe at
ibinalot sa sarili pag-ahon ng hot spring. Nakadama siya ng pag-aalala. Ngayon lang
niya narinig si Hiro na gumamit ng mataas na tono. Galit ba ito?
Nang lumabas siya sa hot spring area ay nakahalukipkip si Hiro habang pabalik-balik
na naglalakad sa garden. Mukhang balisa ito.
"Anong pag-uusapan natin?" tanong niya.
Madilim ang mukha siya nitong hinarap. "Magkausap kami ni Sawada kanina. He told me
that you seduced him to urge him to sign the contract."
Nasapo niya ang dibdib. Parang bomba kasi ang pinasabog nito. "Excuse me, Hiro?
Ako? Aakitin siya para lang sa kontrata mo?"
Sinapo nito ang noo. "Sinabi niya sa akin na huwag na daw akong umasa na pipirmahan
pa niya ang kontrata. Iniisip niya na ako ang may pakana," anito sa nanginginig na
boses. Malaking dagok dito ang nangyari.
Isang importanteng project para dito ang makipag-deal sa Fukouka International. And
if everything fails, Hinata Technologies would be in big trouble. Maaapektuhan pati
ang mga susunod pang project ng kompanya. At masisira rin ang magandang reputasyon
ni Hiro bilang isang magaling na negosyante.
"Hiro, imposibleng gawin ko ang sinasabi ni Sawada. Ni hindi nga ako marunong mang-
akit ng lalaki. Ikaw lang ang naging boyfriend ko. Hindi pa ako naging intimate sa
kahit sinong lalaki. I don't even know how to kiss, for Pete's sake! Tapos mang-
aakit pa ako ng lalaki? Give me a break!"
Kung gusto niyang papirmahin ng kontrata si Sawada, tututukan na lang niya ito ng
baril para mapilitan. She would fail as a seducer.
His eyes caressed her body. He didn't conceal the passion in his eyes. "Liar! You
are seducing me right now."
Saka lang niya natuklasan na robe lang ang suot niya dahil galing siya sa hot
spring. Humalukipkip siya. "I am not!" tanggi niya. "Kaliligo ko lang nang dumating
ka. You called me and it sounded so urgent so..."
Hinapit nito ang baywang niya bago pa niya maituloy ang pagpapaliwanag. He stared
at her as if memorizing her face. Saka nito hinawi ang ilang hibla ng buhok na
kumawala sa pagkakatali palayo sa mukha niya.

Chapter 25
"You can seduce effortlessly. Just the sight of your hair was enough to drive me
nuts. Sharing this house for a few days with your is sheer torture. And knowing
that you are just at the other room every night is sheer hell. Kaya hindi na ako
magtataka kung may ganoon ka ring epekto kay Sawada."
Napalunok siya. She didn't know that she had that effect on Hiro. Akala kasi niya
ay di ito interesado sa kanya. She knew it was her turn to take a step.
Iniyakap niya ang kamay sa leeg nito. Matapang niyang sinalubong ang mga mata ni
Hiro. "I don't want any other man, Hiro. You are the only one I want."
Nagulat ito sa kaprangkahan niya. "Ako lang?"
Tumango siya. "I was a fool when I left you before. Sabi ko mas gusto ko ang career
ko. I couldn't admit to my self that I am missing a lot. Please show me what I am
missing when I left you, Hiro. Make me regret it."
His lips swooped down and possessed her lips. Then he molded his body against hers.
He was showing her what she had been missing. It was not just simply the physical
contact. It was not a simple kiss. It was an act of love.
"Do you still love me, Jemaikha?"
"I always do. Hindi naman nagbago ang nararamdaman ko. Di pwedeng lumipas ang isang
araw na di ko maiisip na mahal kita. No matter how hectic my work is, you never
leave my mind and my heart."
"So do I. Lagi akong natatakot na sasabihin mo sa akin na may iba nang lalaki sa
buhay mo." He pressed a kiss on her temple. "Kaya nga galit na galit ako nang
sabihin ni Sawada na inakit mo siya."
"I will do everything for you, Hiro. But I will never tarnish your name. Parang
wala na rin akong pagmamahal sa iyo kapag ginawa ko iyon. I will protect you
because I know that you will protect me just the same."
"Bakit siniraan ka ni Sawada kung ganoon?"
"Iyan nga ang gusto kong ipaliwanag sa iyo kanina. Akala niya na ako ang pain mo
para papirmahin siya ng kontrata. That it is my duty to seduce him."
"What? Of course I won't do that to you. Malinis kaming makipag-deal."
"That's what I told him. Nang sabihin ko sa kanya na hindi mo forte ang gumamit ng
ganoong klaseng taktika, iniba naman niya ang tono niya. Wala daw siyang plano na
pumirma ng kontrata sa Hinata Technologies. He also told me that he likes me. And
if I will go to bed with him, he will sign the contract."
Bumakas ang matinding galit sa mukha ni Hiro at kinuyom nito ang palad. "Kisamma!
Nagawa niya iyong sabihin sa iyo. He resorted to blackmailing you! Samantalang
minsan ko siyang itinuring na kapatid. Mag-uusap kaming dalawa at makikita niya ang
hinahanap niya."
"Hiro, don't!" Niyakap niya ang baywang nito upang pigilan ito. Mukhang di ito
mangingimi na harapin si Sawada. "Ang totoo gusto ko rin siyang sampalin. Kung
pwede nga lang patapakan ko siya sa kabayo niya para magtanda. Kaso naisip kita.
Baka tuluyan nang masira ang negotiation ninyo kapag ginawa ko iyon."
"Gusto mo na tumahimik lang ako kahit na binastos ka na niya?" humihingal sa galit
nitong tanong.
"He wants you to lose your cool, Hiro. Gusto ka niyang matalo sa ganoong paraan.
Huwag natin siyang hayaan. Control your anger."
Nahimasmasan ito at mahigpit siyang niyakap. "I am sorry. I am just mad at my self.
When I hired you, I just want to help you. I also want to spend more time with you.
I want you to fall for me again. Pero hindi ko gusto na I-expose ka sa ganitong
klase ng danger."
Hinaplos niya ang mata nito na puno ng pag-aalala. "I don't mind. Kasama naman
talaga ito sa trabaho, di ba? Saka hindi naman ako natatakot."
"No. You still don't deserve this. Ayoko nang I-harass ka ni Sawada para lang
makaganti sa akin. If I have to stop negotiating with them..."
"Hiro, you can't seriously do that!" bulalas niya. "Importante sa iyo ang project
na ito." Marami itong gustong patunayan. Di sila pwedeng umurong.
"Importante ka rin naman sa akin."
Umiling siya. "That's what Sawada wants you to do. Turn tail and run. Mas
importante ang mga taong umaasa sa iyo. They also need you. Don't mind me. I can
perfectly protect my self."
Gumuhit ang ngiti sa labi nito. "You are right. We still have one more day. Si
Sawada lang naman ang may galit sa akin. The rest from Fukouka likes my proposal. I
won't give up. Just stay beside me, Jemaikha."
"Yes, I will."

Chapter 26
UMUGONG ang palakpakan matapos ang exhibition sa show jumping ni Gabryel Honasan.
Isa ito sa mga miyembro ng riding club na nagpasikat sa iba't ibang horse sports na
program sa araw na iyon. Ginanap ang program na iyon para sa delegates ng Fukouka
International. Iyon na kasi ang huling araw ng mga ito sa Stallion Riding Club. Sa
umaga ginanap ang program bago ang final deliberation. Sa hapon din na iyon nila
malalaman kung pipirma nga ang mga ito sa kontrata o hindi. Nanonood din sa
programs ang mga miyembro ng riding club.
Matindi ang pangamba ni Jemaikha. Naroon pa rin ang banta ni Sawada. Pero umaasa pa
rin sila ni Hiro na magiging pabor pa rin ang lahat sa kanila. Lalo na ngayon na
inspirado sila. Parang posible ang kahit ano.
"The most awaited event this morning and a first in Stallion Riding Club," anunsiyo
ng facilitator ng event at tumatayong emcee. Dahil English ang salita, matiyaga
siyang nagpapaliwanag sa mga Japanese na kasama nila mula sa Fukouka. "Two modern
samurais will present their skills in Yabusame, a traditional Japanese art in
mounted archery. Let's call on Mr. Sawada Fukouka and Suichiro Hinata!"
Tumayo siya at napapalakpak nang pumasok sina Hiro at Sawada sa stadium sakay ng
kabayo. Di niya mapigilang ngumiti dahil naka-traditional Feudal costume ang mga
ito. Yabusame was more of ceremonial now than sports. Pero sa pagkakataong iyon,
magiging isa iyong paligsahan.
"Ganbatte, Hiro-san!" sigaw niya kasabay ng malakas na palakpakan at sigawan ng iba
pang mga babae na nagpapapansin kay Hiro. Tumingin si Hiro sa direksiyon niya at
kumaway. Di na nito kailangan pang magsalita. Alam niyang siya ang goodluck charm
nito.
Habang inaayos ang stadium para sa laro ay ipinaliwanag ang mechanics ng laro.
Habang sakay ng tumatakbong kabayo ay kailangang patamaan ng isang player ang
tatlong magkakahiwalay na target sa loob ng twenty seconds. The first is erected
some thirty meters from the start, the second seventy-five meters from the first,
and the third seventy-five meters from the second. Each target is erected at a
height two meters from the ground. Ang may pinaka-sentrong tira at pinakamarami sa
loob ng maikling oras ang isang panalo.
It was a tricky game. Tatakbo ang kabayo sakay ang archer sa two hundred fifty five
meter-long na track. The archer mainly controls his horse with his knees, as he
needs both hands to draw and shoot his bow. Kaya naman dapat ay highly skilled at
disiplinado ang isang manlalaro para manalo.
Malakas na malakas ang kaba sa dibdib niya. Maari kasing magkaroon ng disgrasya sa
ganoong klaseng laro. And she was taking the game seriously.
Si Sawada ang unang tumira. Tinamaan nito ang tatlong target kahit na muntik na
itong di makahabol sa ikatlong target. He barely managed to hit it. Pero dahil
tinamaan nito, maganda ang naging score nito. Ilan sa mga babae sa audience ay
naghagis pa ng bulaklak para dito.
Pinagsalikop niya ang palad nang si Hiro na ang susunod na susubok. Sawada was
good. At di niya alam kung paano pa iyon malalampasan ni Hiro. "You can do it,
Hiro! I know that you can do it!"
Di niya maalis ang tingin dito nang habang tumatakbo ang kabayo ay sunud-sunod
nitong pinatamaan ng pana ang mga target. Napahiyaw siya sa tuwa nang nagawa nitong
tamaan sa gitna ang mga target. Bulls eye. Sa pagtama ng pana sa target board ay
umulan ng confetti. Kahit ang mga taga-Fukouka ay di magkamayaw sa pagpalakpak sa
paghanga kay Hiro.
Bumaba si Hiro sa kabayo at patakbong pumunta sa kanya. Sinalubong niya ito ng
yakap. "Kakoii! That's cool, Hiro!" puno ng paghanga niyang sabi.
Kinintalan siya ng halik sa labi. "Iba na ang inspired."
Pareho silang natigil sa pagsasaya nang madilim ang mukha silang nilapitan ni
Sawada. Nagtaka sila nang bigla itong ngumiti at inabot ang kamay.
"Congratulations! Nice game."
Tumango si Hiro at napilitan itong kamayan. "Arigatou gozaimashita! It was a tough
score to beat as always. You are a worthy opponent."
Tumawa lang si Sawada. "But a loser nonetheless. You can relax now. I will sign the
contract after lunch."
Di sila makapaniwala ni Hiro. According to Yabusame tradition, a winning archer was
given a white cloth for divine favor. And that was what they got. Divine favor.
Nalagpasan na nila ni Hiro ang imposible.

Chapter 27 (Final)
NAKAUPO si Jemaikha sa may patio habang nakatitig sa buwan. It was her last night
at the Stallion Riding Club. Pero di maalis ang ngiti sa labi niya.
"Hindi ka pa ba matutulog, Jem?" tanong ni Hiro sa kanya nang lapitan siya. "It's
almost midnight. Babalik pa tayo sa Manila."
"Mamaya na siguro ako matutulog. Gusto ko dito muna ako."
Umupo ito sa tabi niya at nakitingin sa langit. "Wala ka namang ginagawa. Nakatitig
ka lang sa buwan."
"It's perfect, Hiro." Humilig siya sa balikat nito. "Everything about this day is
perfect. Pumirma na sa contract ang Fukouka International." Kapag naayos na ang
lahat, sisimulan na rin ang public presentation. Malaki ang kompiyansa niya na
magiging malaking tulong ang produkto sa maraming magsasaka sa mundo.
Sawada put it as a test. He really meant act to be a total jerk. Gusto nitong
malaman kung paano magtrabaho si Hiro. Sawada always respected Hiro. At gusto
nitong malaman kung worth it ito sa respetong ibinigay nito. And Hiro passed the
test with flying colors. Kaya naman malaki na ang kompiyansa ni Sawada na magiging
successful ang pag-I-invest nito sa Hinata Technologies.
Inakbayan siya nito. "Thanks to your help. Hindi siguro ako makaka-survive dito
kung hindi mo ako sinuportahan."
"For a minute, I never doubt that you'll make it."
"That's why you are the most important person in my life."
Huminga siya nang malalim at ngumiti. She felt the same. "I hope that this won't
end. Sana laging ganito tayo kasaya." Nagtaka siya nang bigla itong matahimik. Nang
lingunin niya ito ay nakakunot ang noo nito habang nakatitig sa kanya. "Bakit?
Anong problema?"
"Parang ayoko kasing umalis dito. Ayoko pang bumalik sa Manila."
"Gusto ko rin sana pero magre-report pa ako kay Sir Yuan. He is hell bent in hiring
me. Ayoko namang I-hire niya ako dahil magkaibigan kayo. Gusto ko munang patunayan
na worth it ako sa position na inaalok niya."
"Knowing Yuan, he already did a background check on you. Di ka niya kukulitin na
magtrabaho sa kanya kung di siya na-impress sa credentials mo."
Parang wala sa sarili na hinaplos niya ang daliri nito. "Hiro, baka pagbalik natin
sa Manila hindi na tayo ganito. It is like a different world here. Na kapag umalis
ka, parang nagising ka lang sa panaginip."
"I will never change for you. You know that. Baka nga ikaw ang makalimot sa akin
dahil magiging busy ka na sa trabaho mo," malungkot nitong sabi.
She rolled her eyes. "Imposible yata na makalimutan kita. Isang minuto lang na di
kita makita, nami-miss na kita."
Lumapad ang ngiti nito at ibinaon ang mukha sa buhok niya. "I think I don't need
the stocks of Stallion Shampoo in my cabinet."
"Bakit? Ano ba ang ginagawa mo sa Stallion Shampoo?"
"Inaamoy ko kapag hindi kita kasama at nami-miss kita. Because it smells of you.
But the real thing is better."
"Know what? I dreamt last night that you are kissing me." Inangat niya ang tingin
dito. "I wonder if there is something better than that dream."
"The real kiss, of course!"
Yumakap siya sa leeg nito. "Show me how good it is."
A smile curved on his lips before he claimed her lips in a very passionate kiss. It
was like living in dreamland. She wished that it would never end.
***
Gusto mo bang malaman kung paano nagkakilala sina Hiro at Jemaikha at kung paano
nagsimula ang love story nila? I-check mo ang next chapter :)

I Remember the Boy Hiro Hinata

Prologue

Kailangang makaraket si Jemaikha para sustentuhan ang pag-aaral. May sakit ang ama
niya at may nag-aaral pa siyang kapatid. Parang natagpuan niya ang Yamashita
Treasure sa katauhan ni Hiro Hinata, isang guwapong exchange student sa unibesidad
na pinapasukan niya. Mabait nga lang ito at mukhang utu-uto. Matapos itong
muntikang madukutan ng mga batang palaboy at magkaligaw-ligaw dahil di ito marunong
mag-English at Filipino, nagprisinta siya na maging tutor nito with matching luto,
laba, plantsa pati sing and dance.
Pero sa halip na maging aliping saguiguilid nito, parang prinsesa siya kung
tratuhin nito. At kahit anong pilit niya na kontrolin ang pagkatunaw ng puso tuwing
nakangiti at nakatitig ito sa kanya, wala siyang laban sa karisma nito.
Hanggang biglang nagpatulong si Hiro na ligawan ang babaeng gusto nito..

1
Parang batang nakapasok sa isang mahiwagang mundo si Jemaikha nang iikot ang mga
mata sa iba't ibang likhang-sining na may temang Japanese myth and legends. Nasa
isang art exhibit sa Makati na sponsored ng Japanese Embassy sa Pilipinas.
Malapit sa puso niya ang kultura ng mga Hapon. Bukod sa paborito niya ang Nihongo
nang mag-aral siya ng Linguistics sa kolehiyo, editor na siya ngayon sa isang
Japanese newspaper na nakabase sa Pilipinas.
Nawala ang mahika sa paligid niya nang hatakin siya ng pitong taong gulang na si
Hideto ang kamay niya. "Kore! Kore!"
Anak ito ng publisher niya. Walang mag-aalaga dito kaya isinama muna ng ama sa
exhibit sa kondisyon na magbe-behave ito. At dahil malambing sa kanya ang bata kaya
siya ang kinuha para magbantay dito.
"Wait! Chotto matte!" aniya sa bata habang iniingatan ang paghakbang sa mataas na
takong ng sapatos niya sa marmol na sahig.
At idinala siya sa harap ng isang malaking sculpture na gawa sa bronze. Isang
mandirigmang may suot na kimono ang may hawak na kyudo o traditional na pana ng mga
sinaunang Hapon. "Sugoii!" namamanghang sabi ng bata habang nakatingala sa estatwa
at tumuro. "Who is he?"
"He is Hachiman, the god of war for Shintos and god of warriors," sagot niya sa
bata at umuklo sa tabi ng bata.
"Why does he have a bow and arrow?"
"Hachiman is also known as tha god of bow."
"Do you know archery?" tanong ng bata.
Umiling siya. "Not really. But I know someone who is good at it. I think he could
be Hachiman reincarnate."
Nagtatalon ang bata. "Who? Who? I want to see him."
Gumuhit ang ngiti sa labi niya nang maalala ang lalaking pumana at sumakop sa puso
niya.
"Filwar, your English improved a lot. Very good. Your teachers and classmates will
be impressed, I am sure."
Niyakap ni Jemaikha ang sampung taong batang halos isang taon din niyang tinuruan.
Nasa pool area sila at nagsu-swimming. Iyon ang huling araw niya bilang English and
Filipino tutor nito. Isang negosyanteng Jordanian ang ama nito at isang Filipina na
maybahay ang ina.
Una niyang nakita si Filwar nang umiiyak ito kasama ang yaya sa isang mall.
Katatapos lang niya noon na mag-apply sa isang English tutorial company para sa mga
Koreano at Hapon pero wala pa ring sagot ang mga ito. Nang tanungin niya ay nalaman
niyang Arabic lang at Cebuano ang alam nitong sabihin dahil taga-Cebu ang ina nito
na di ito naturuan mag-Tagalog. Dahil doon ay tinukso at na-bully ito sa paaralan.
Ayaw na rin nitong pumasok. Namomoroblema siya kung saan kukuha ng papasukan. Nang
dumating ang ina ng bata na di Madam Grace at nakita na na-comfort niya si Filwar
ay saka niya inalok ang serbisyo niya. Nagtiwala naman ito sa kanya at nagkasundo
sila. Malaki ang improvement ng bata hanggang umabot ng isang taon ang pagtuturo
niya sa bata.
"Salamat po, Teacher Jem. I hope I will have more friends now. I won't be treated
like an alien. Hindi na nila ako ii-snob."
Hinaplos niya ang buhok nito. "You are a bright kid. Gusto ko na mag-aral kang
mabuti."
"Pwede na po ba akong mag-boyfriend?" tanong ng batang babae.
"Boyfriend? You are just ten," aniya at natawa. "Sino ang crush mo?"
Ngumuso ito sa direksyon ng kabilang bahagi ng pool at humagikgik. Isang lalaki na
matangkad at maputi. Nakasuot ito ng swimming shorts at naka-white sando. Parang
nagwa-warm up pa lang ito sa poolside. Sa palagay niya ay di nalalayo ang edad ng
lalaki sa kanya.
Pero naintindihan niya bakit kinikilig ang estudyante niya. He had almond eyes,
cute nose and thin lips. May kahabaan ang buhok nito na naka-pusod sa likod. Guwapo
nga ang lalaki. Kung di pa sinabi sa akin na lalaki siya, akala ko babae. Mas
maganda pa sa akin.
And she was drawn to him. Di niya maalis ang tingin sa lalaki. Hindi naman siya ang
tipo ng babae na basta-basta nagkakagusto sa guwapo. Abnormal nga siya dahil kahit
mga sikat na artista ay di niya pinapansin. Pero pagdating sa lalaking ito, parang
may magnet na nagpapagkit sa mga mata niya dito.
Napatili siya nang tumilamsik ang tubig sa kanya dahil sa paghampas ni Diday, ang
yaya ni Filwar. Nakauklo ito sa may gilid ng pool at di nila kasamang naligo. "Akin
si Yamashita Treasure. Ako unang nakakita sa kanya nang lumipat noong isang araw.
Bata ka pa."
"Di ka naman niya kinakausap. He said "Hi" to me at nag-high five pa po kami. He
likes me," katwiran naman ni Filwar.
"Natural bata ka. Gusto ka ng lahat. Doon ka na lang kay George na anak ng
ambassador. Blue eyes pa iyon. Bagay kayo." Kinawayan ni Diday ang isang batang
lalaki na may asul ang mata at blonde ang buhok. "George, play-play with Filwar.
Come on, vamonos! Everybody let's go." Magaang itinulak ni Diday ang alaga. "Sige
na. Puntahan mo na si George." Napilitan namang sumunod si Filwar dito.
"Pati ba naman bata..."
"Akin lang si Yamashita Treasure." Kumaway si Diday sa lalaki. "Hoy! Moshi-moshi
anone! Nandito ako, umiibig sa iyo."
Naisubsob na lang ni Jemaikha ang mukha sa gutter ng pool. Ayaw niyang madamay sa
eksena ni Diday. "Diyan ka muna. Langoy lang ako doon."
Ie-enjoy na ng dalaga ang huling araw ng pagtatrabaho doon. Third year college na
siya na kumukuha ng Linguistics sa University of the Philippines. Sa Asian language
siya naka-focus. Madugo at masakit sa ulo pero gusto niya ang kursong iyon.
Mahalaga kasi ang komunikasyon at malaki ang naitutulong para tawirin ang iba't
ibang kultura at lahi. Iyon din ang gusto ng tatay niya na kunin niyang kurso.
Dating nagtrabaho sa Japan ang tatay niya ay inuwian pa siya ng bala ng original na
anime na gusto niya kaya na-fascinate siya sa lengguwahe ng mga Hapon.
Nagpatuloy siya sa paglangoy pero nagulat siya nang biglang bumangga ang ulo niya
sa matigas na bagay. Napasinghap siya at dali-daling umahon.
"Ow! Goumen nasai!" bulalas ng lalaki. Nang iangat niya ang tingin ay si Yamashita
Treasure ang nasa harap niya.

2
"Hi!" nausal na lang ni Jemaikha habang nakatigagal dito. Mas guwapo nga ito sa
malapitan.
Puno ng pag-aalala nitong hinawakan ang ulo niya. "Anata ga kizutsuite imasu? You
hurt? Clinic? Doctor?"
Putol-putol ang intindi niya sa sinasabi nito dahil nakakatitig siya dito. Ang
ganda ng mata. Kahit na titigan ko siya maghapon okay lang sa akin. Malambing pa
ang boses kapag nagja-Japanese. Sarap pakinggan.
"Kisama!" usal nito.
Bigla siyang natauhan. "Hoy! Alam ko iyon. Mura iyon. Minumura mo ako?"
Halatang nagulat ang lalaki. "Iie. No."
"Kung nabangga kita, pwede naman akong mag-sorry. Wala lang maruhan. Diyan ka na."
At saka lumangoy siya palayo dito. Sa inis niya dito ay di na niya ito kinausap ng
Japanese kahit na marunong siya. Bahala ito kung di nito naintindihan. "Huwag
siyang aasta-astang akala mo kung sino. Nasa Pilipinas siya. Ako ang batas dito,"
usal niya at umahon ng pool.
"Umahon ka agad?" tanong ni Diday na abala sa pakikipagkwentuhan sa isa pang yaya
sa tabi ng pool.
"Oo. Wala na ako sa mood lumangoy. Sige."
Nagbanlaw na siya at di maiwasang uminit ang ulo kay Yamashita Treasure."Hmp!
Guwapo na sana. Okay na. Nag-sorry na. Nangumusta pa kung nasaktan ako. Clinic daw
saka doktor. Nagtatanong siguro kung gusto kong magpagamot." Kaso di siya nakasagot
agad at nakatitig dito kaya siguro siya nito minura. "Sira ulo pa rin siya. Guwapo
nga pero mumurahin naman ako. Gusto ko 'yung mamahalin ako siyempre. Aanhin ko
naman ang guwapo? Kailangan ko ngayon kumita. Kiber ko sa kanya."
Wala naman siyang mapapala kung magpapa-cute siya sa lalaking iyon. Mabuti nga
natauhan siya. Di siya ordinaryong teenager na may oras sa crush at boyfriend. May
mga responsibilidad siya. Di lang sarili niya ang iintindihin niya kundi ang
kapatid na si Robin. Nasa high school pa lang ito.
Ngayong tapos na ang raket niya sa pamilya ng mga Al Hamada, kailangan na niyang
makahanap ng iba pang itu-tutor. Hindi niya kakayanin na mag-call center ngayon
dahil ayaw din niyang maapektuhan ang pag-aaral niya. Mas malaking problema kapag
nawala ang scholarship niya.
Paglabas ni Jemaikha sa shower room ay nasa waiting area si Yamashita Treasure at
nakasuot ng white toweling robe. Napansin niya ang matipunong dibdib nito na
makinis. Pababa sa flat abs nito na sumisilip sa V ng robe.
Iirapan sana niya ito at lalampasan pero nilapitan siya nito. "Miss..."
"What?" singhal niya sa lalaki.
"Ano... Goumen nasai. Sorry. I...." Parang humahanap pa ito ng tamang salita na
sasabihin sa kanya.
But he got her at sorry. Mukha naman itong sinsero. Handa na siyang sabihin dito na
pwede itong magsalita ng wikang Nihonggo dahil nakakaintindi naman siya. Baka naman
expression lang nito ang kisama at di naman siya minumura.
Magsasalita pa lang si Jemaikha nang isang babae na nakasuot ng Aztec-printed two-
piece bikini ang babae ang lumapit kay Yamashita Treasure at kumapit sa braso nito.
Halos wala na itong itago dahil parang masikip ang bikini dito lalo na sa chest
area. Blonde ang mahaba nitong buhok at namumutiktik ang make up kahit magsu-
swimming.
^"Hiro-kun, nani ga anata ni sō nagaku o totte imasu ka? Soredewa, oyogu shite
mimashou. (Hiro, what took you so long? Come, let's swim.)" Bakit daw natagalan ang
lalaki at niyayaya itong mag-swimming na. Hinatak nito ang kamay ng lalaki na Hiro
ang pangalan. At least, di na niya ito tatawaging Yamashita Treasure.
Di naman nagpahatak si Hiro. ^"Matte yo, Shobe-san. Watashitachiha hanashite
imasu." Sandali lang daw sabi ng lalaki dahil kausap pa siya nito.
Matalim siyang tiningnan ng babae. "Di naman yata importante ang pinag-uusapan
ninyo. Huwag mo nang abalahin ang boyfriend ko pwede?"
"Siya lumapit sa akin, Miss. Bakit sa akin ka nagagalit? Sa iyo na ang boyfriend
mo." Binalingan niya si Hiro at bahagyang yumukod. "Shitshurei shimasu." Ibig
sabihin ay parang kabastusan man pero magpapaalam na siya dahil di niya
nagugustuhan ang takbo ng usapan.
"Miss, chotto matte kudasai!" Nagpapahintay sa kanya si Hiro.
Dali-dali siyang naglakad palayo at di na nilingon pa ang lalaki. Malamang ay di
papayag ng girlfriend nito na makakalapit sa kanya. Okay na siya. Move on na siya.
Ibuhol na lang ito ng girlfriend nitong maldita sa baywang nito. Hindi siya
interested kay Yamashita Treasure.

3
"MARAMING salamat sa pagtuturo sa anak ko, day. Hindi na mahiyain si Filwar ko ba.
Di na siya nabu-bully. Panigurado makakahabol na siya sa lessons sa school. Pag
binully pa nila ang anak ko, babanatan ko na silang mga lintik sila. Pati tuloy ako
napapa-English-English na rin. Nakakadugo ng ilong," anang si Madam Grace na ina ni
Filwar na may accent ng Cebuano. "Ay naku! Doon naman sa Jordan hanggang-hanga siya
sa English ko. Dito lang naman mapangmata ang mga tao."
Ginabi na siya dahil ayaw pa siyang pakawalan ni Filwar. Matapos maghapunan ay
nagyaya pa itong manood ng paboritong Disney program sa TV room. Nakaunan ito sa
kandungan niya habang sila naman ng nanay nito ay nagkukwentuhan.
"Hayaan na po ninyo ang mga iyon, Madam. Wala naman pong mataas na wika o dialekto
sa iba. Ang mahalaga nagkakaintindihan ang mga tao. Kung magaling ka ngang mag-
English o Tagalog pero nang-aapi ka naman ng kapwa mo, di rin po tama."
"Tama ka diyan. Hindi iyan ang basehan ng pagkatao pero salamat pa rin dahil sa iyo
nakakaya ko nang makipagsabayan ng English sa sosyal kong neighborhood. Amigas ko
na sila." Sinilip nito si Filwar. "Nakatulog na pala siya."
Kinintalan niya ng halik ang noo ng bata. "Uuwi na rin po ako."
"Sige. Si Diday na ang bahala sa kanya." Nang paalis na siya ay pinabaunan pa siya
ng pagkanin ni Madam Grace. "Iuwi mo na sa pamilya mo, day. Magugustuhan iyan ng
kapatid mo lalo na 'yung cake. Ako ang nag-bake niyan."
"Salamat po, Madam."
Inabutan siya nito ng sobre. "Heto. Bonus mo iyan."
Sinilip niya iyon at nagulat nang makita ang sampung limandaang pisong papel na
laman niyon. "Madam, sobra naman po ito."
"Maliit na bagay lang iyan. Kailangan mo iyan para sa inyo ng kapatid mo. Nakikita
ko ang sarili ko sa iyo. Bata ka pa pero masikap ka na sa buhay. Malayo ang
mararating mo, day. Kaya mag-aral ka hangga't may pagkakataon."
Niyakap niya ang babae. "Maraming salamat, Madam."
"Huwag kang mag-alala. Kapag may kakilala akong nangangailangan ng tutor, ikaw ang
ire-refer ko. Malay mo ako naman maging estudyante mo."
"Aasahan ko iyan, Madam."
Magaan ang hakbang niyang pumasok ng elevator. Nasa thirtieth floor siya galing.
Nanlalamig siya habang hinihintay na umakyat ang elevator. Hindi talaga siya sanay
na sumasakay ng elevator. Napapraning siya na baka makulong siya doon kapag nasira
ang elevator pero di naman niya kayang takbuhin pababa ang fire exit mula thirtieth
floor. Kaya lakasan na lang ng loob at dasal ang ginagawa niya.
Nang bumukas ay walang laman iyon. Pumasok siya at akmang pipindutin ang close door
button nang may pumasok din. Nanigas ang buong katawan niya nang makitang si
Yamashita Treasure ang kasama niya. But this time, wala ang masungit na girlfriend.
Ngumiti ito sa kanya at ito ang pumindot sa close door button pati na rin sa ground
floor button. Ngingiti din sana siya nang maalala ang pamamahiya sa kanya ng
girlfriend nitong parang laging aagawan ng lalaki.
"Hi!" bati nito at bahagyang yumukod. Pero mas "Hai!" ang dinig niya dahil sa
Japanese accent.
Maasim lang siyang ngumiti at itinuwid ulit ang tingin sa harap ng elevator para i-
discourage ang lalaki na kausapin siya. Baka mamaya ay mulagatan na naman siya ng
girlfriend nitong Himalayas Mountain Range ang level ng dibdib. Mas mabuti nang
umiwas.
"Sumimasen..." Nilingon niya ito nang marinig niya ang "excuse me" nito nang
biglang tumigil ang elevator at namatay ang ilaw.
Tumili si Jemaikha. Nang makita niya ang elevator ay naka-stock ang up marquee nito
na nasa taas. Ibig sabihin ay umaakyat pa rin iyon. Nasa pagitan pa sila ng
dalawang floor.
Pinindot niya ang down button. "Bumukas ka. Bumukas ka." Nag-panic siya nang di
iyon gumana. "No! No! No! Ayoko dito. Tulong!" Kinalabog niya ang pinto
Lumapit ang lalaki at hinawakan ang balikat niya. "Daijoubu desu." Sinasabi nito na
magiging okay lang ang lahat.
"Daijobou ja nai! (I'm not okay)" konta niya dito. "Mamamatay na tayo dito! Paano
magiging okay?" Kumunot ang noo ng lalaki. Marahil ay hindi siya nito maintindihan.
"Watashitachi wa koko de shinudarou." (We will die here!)
"Watashitachi wa koko de shinu koto wa arimasen." (We won't die here), pagpapakalma
ng lalaki sa kanya. Di daw sila mamamatay doon.
Pinindot nito ang emergency button. Hindi niya iyon napansin kanina dahil sa
sobrang pagkataranta niya. Ngumiti ito sa kanya na parang balewala lang ang pagka-
trap nila sa elevator. "Watashitachi wa daijōbudesu. Mentenansu tantōsha ga shūsei
shimasu." (We will be fine. The maintenance people will fix it.) Ayos lang daw
sila. Dadating daw ang maintenance para ayusin ang elevator.
Sumandal si Jemaikha sa dingding ang elevator at dali-daling inilabas ang cellphone
sa body bag niya. "Okay lang ako. Okay lang ako. Okay lang ako. Makakauwi pa ako
nang buhay." Nangininig siyang nag-text sa kanila pero laking dismaya niya nang
makitang di iyon nag-send dahil walang signal. Nanlalambot siyang dumausdos sa
metal na pader ng elevator. "Walang signal dito. I am doomed. I am really doomed.
Kawawa naman ang kapatid ko. May sakit na nga si Tatay tapos mawawala pa ako. "
Nilingon niya ang lalaki. Nakatitig lang ito sa kanya na parang naaawa sa kanya.
Pero parang walang kakaba-kaba dito. "Ikaw? Di ka ba natatakot na mamamatay tayo?
Watashitachi wa koko de shinudeshou. Anata wa osorete imasen ka?" ulit niya sa
Nihongo.
"I-In my country..." marahan nitong sabi na parang hirap mag-English.
"Daijoubu yo. Watashi wa nihongo o hanasu koto ga dekimasu. (It's okay. I can speak
Japanese.)" Sinabi niya na ayos lang. Marunong siyang mag-Nihongo.
Ipinaliwanag nito na sa Japan ay sanay ang mga ito na maghanda sa oras ng sakuna.
At ang unang rule daw ay huwag mag-panic.
"Naku! Sa Pilipinas walang training-training dito. Abala kami sa pang-araw-araw
naming buhay. Happy-happy basta maganda ang panahon. Parang si Tipaklong lang.
Kapag oras ng sakuna, nagkakanda-leche-leche na. Good for your country," aniya sa
salitang Hapon at nag-thumbs up. "Kita mo. Di na nga tayo masasagip dito sa
elevator. Bagal talaga. Mauubos na oxygen dito pero wala pa ring aksyon."
Naiyak na naman siya. Kahit anong kwento niya para ma-distract siya sa kalagayan
niya ay di pa rin maaalis sa kanya ang lungkot at takot na maaga siyang mawawala sa
mundo.
Umusod ang lalaki palapit sa kanya. Kinabig nito ang ulo pahilig sa balikat nito at
bumulong sa kanya. "Saigono kissu wa yabako no flavor gashita. Nigakute setsunai
kaori."

4
Noong una ay di agad nakuha ni Jemaikha kung ano ang sinasabi ni Hiro. Ang huli
nating halik ay lasang tabako, isang mapait at malungkot na amoy.
Ano bang sinasabi nito? Hindi naman niya ako nahalikan. Di naman ako amoy yosi.
Bakit iyon ang sinasabi niya sa akin?
If Hiro wanted to comfort him, it was not helping. It didn't make sense.
Nagpatuloy si Hiro sa pagbulong sa dalaga. "Ashita no imagoro ni wa. Anata wa doko
ni irun darou'. Dare wo omotte 'run darou'."
Bukas sa mga oras na ito, nasaan ka kaya? Sino ang iniisip mo?
It didn't make sense. Kumakanta ba ito? Umiindayog ang tono ng boses nito. Pero
parang pamilyar sa kanya ang salita. Di lang niya alam kung kumakanta ito o
tumutula. Saka niya nalimi na kumakanta ito ng First Love ni Utada Hikaru.
"Kailangan talaga kanta ni Utada Hikaru? Wala na bang ibang Japanese song diyan?
Lalo lang akong nade-depress," usal ni Jemaikha nang maalala kung ano ang mensahe
ng kanta. It was a depressing song about first love.
("Anata wa Utada Hikaru ga sukide wa arimasen ka?)" nakakunot ang noong tanong ni
Hiro kung ayaw daw ba niya kay Utada Hikaru. Nakahalata yata ito sa reklamo niya sa
song choice nito.
"Iie," tanggi ni Jemaikha at umiling. "Utada Hikaru ichiban."
Ibig niyang sabihin ay number one si Utada Hikaru. Itinaas pa niya ang isang
daliri. Baka fan ito ni Aling Utada at hindi na siya i-comfort. Ayaw niyang ma-
offend ang lalaki kahit na wala ito sa tono. Ang bango pa mandin ni Yamashita
Treasure. Parang nalalanghap niya ang amoy ng cherry blossoms sa tagsibol.
Para patunayan ang pagmamahal niya ay kinanta niya ang chorus ng First Love kahit
na uwang-uwa na siya sa kanta dahil inaraw-araw ng mga kapitbahay niya sa videoke.
With feelings pa ang rendition niya. "You will always gonna be my one itsuka. Dare
kato mata koi ni ochi te mo. I will remember to love. You taught me how."
Animo'y may kapangyarihan ang boses ni Jemaikha. Bumaha ang ilaw sa elevator at
unti-unting bumaba ulit ang elevator. Nagsigawan sila ni Hiro sa sobrang saya at
napayakap ang dalaga dito.
"Yeyyyy!!! May ilaw na!" tili ng dalaga sa tuwa. Sa wakas, nakakita rin siya ng
liwanag. Lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa lalaki. "Makakalabas na tayo.
Ang galing mo talaga! You are number one."
Naramdaman niya na natigilan ang lalaki. Bahagya siyang lumayo dito at saka lang
niya napansin na nakayakap siya dito. Kumalas siya bigla sa pagkakayakap sa lalaki.
Baka akala nito ay feeling close sila.
"Goumen nasai. Hontou gomen nasai," hingi ng paumanhin ng dalaga at bahagyang
yumuko. Medyo aloof ang mga Japanese kapag sa pisikal na koneksyon lalo na sa di
naman nito kakilala. Kahit naman sinong lalaki ay maiilang lalo na't di naman siya
nito nobya o malapit na kaibigan.
Magaang tumawa ang lalaki. "Shinpai nai. Watashitachiha ikite imasu." (It's okay.
We are alive.)
"O-Okay," usal niya at tumango. Buhay na buhay talaga ang pakiramdam niya. At
mabuti rin na di nito minasama ang pagyakap niya.
Makalipas ang ilang minuto ay bumukas ulit ang elevator. "Ma'am, Sir, okay lang ba
kayo? Hindi ba kayo nasaktan?" tanong ng security.
"Hindi po ako. Okay lang ako," sabi niya at umiling. "Salamat."
"Daijoubu desu ka? Anata wa shibaraku mae ni memaidatta?" (Are you sure you are
okay? You were dizzy a while ako.) Tinanong ng lalaki kung ayos lang siya dahil
nahilo daw siya kanina.
"Hai! Daijoubu you. Arigatou gozaimasu," sabi niya sa lalaki at yumukod. Sinabi
niyang ayos lang siya at nagpasalamat.
"Douitashimashite. Watashi wa Hiro-san desu. Dozo yoroshiku onegaishimasu,"
pagpapakilala ng lalaki sa kanya sa pormal na paraan at yumuko saka siya kinayaman.
"Dozo. Namae wa Jemaikha-san," pagpapakilala din niya at yumuko. Nakatitig lang
siya sa kamay nitong hawak niya.
^"Where is your home? I will take you there," tanong nito kung saan daw siya
nakatira. Ihahatid daw siya nito.
Umiling si Jemaika. "Iie. Daijobu desu," tanggi niya at sinabing ayos lang siya.
"Hiro!" tawag ni Shobe dito na lumabas sa kabilang elevator at niyakap ito. "Hiro-
kun, daijoubu yo?" Tinanong nito kung ayos lang si Hiro.
"Hai! Hai!" sagot naman ng lalaki.
Naglaho ang mahika sa paligid ni Jemaikha. May sumingit sa mundo na silang dalawa
lang ni Hiro ang nag-e-exist. Dumating na kasi ang impaktang girlfriend ng lalaki.
Siya ngayon ang lumalabas na extra sa eksena.
Malungkot na lang na yumuko si Jemaikha at saka naglakad palabas ng lobby. Okay na
sana. Nag-offer na itong ihatid siya kundi lang umeksena ang babaeng laging parang
inuurungan ng damit. Too bad huling araw na niya iyon doon. Di na niya makikita si
Hiro.

5
"BYE, Tay. Pupunta na po ako sa UP."
Hinalikan ni Jemaikha ang amang si Elpidio sa noo. Nakataray ito dahil sa liver
cancer na natuklasan nila noong taon. "Enrollment na ba ninyo? Pasensiya ka na kung
wala akong maiaabot sa iyo," anitong hirap magsalita.
"Okay na po iyon. Basta po magpagaling kayo."
Sa isang linggo pa ang enrollment niya pero kailangan niyang magtanong-tanong sa
mga professor at kakilala kung may maiaalok na trabaho sa kanya ang mga ito. Wala
pa rin kasing sagot sa pinost niya sa bulletin board.
"Ikaw na ang nagtatrabaho para sa atin," malungkot na sabi nito.
"Tatay, huwag po kayong magi-guilty. Alam ko naman na kung gugustuhin ninyo, kayo
ang magtaguyod sa amin. Magagawa po ninyo ulit iyan paggaling ninyo. Hindi naman
ako tumigil sa pag-aral, di po ba? Scholar pa rin ako. Honor pa si Robin."
She was running out of options. Gusto niyang makapagtrabaho bilang freelance
translator kung saan di niya kailangang pumasok sa opisina. Niyayaya na siya ng mga
kaklase na maging online translator pero tinanggihan niya dahil priority niya ang
pag-aaral. Nakita kasi niya kung paanong di nakakapasok ang iba sa mga ito klase
dahil mas priority na ang pagtatrabaho. At ilan sa mga ito ang titigil na sa pag-
aaral. Ang matataas na grades niya ang nagpapasaya sa ama niya kaya ayaw niyang
sukuan ang pag-aaral.
"O! Magdadrama po ba kayo na mag-ama? Ang aga namang telenovela. Umalis ka na at
baka ma-traffic ka pa," pagtataboy ng tiyahin ni Paloma sa kanya.
Maayos ang buhay nila dati hanggang magkasakit ang ama niya. Ngayon ay tiyahin na
nila ang katuwang. Mula sa probinsiya ay lumuwas ito para tumulong sa pag-aalaga sa
tatay niya at sa kanilang magkapatid. May bukid na pinauupahan ang tiyahin niya sa
probinsiya at iyon ang pantustos sa pagpapagamot sa tatay niya.
"Kayo na po ang bahala sa Tatay. Tulungan mo si Tiya dito," bilin niya sa kapatid
na naglilinis ng sahig. "Baka mamaya kasama ka sa mga tambay diyan sa kanto na ang
ginawa lang maghapon ay mag-abang ng magagandang babae."
"Oo, Ate. Magbabait ako. Ikaw ang magbabait. Baka bigla kang mag-boyfriend,"
panunukso ng kapatid sa kanya.
Pinanlakihan niya ito ng mata at inambaan ng suntok bago lumabas ng bahay. Wala na
ngang makain, magbo-boyfriend pa. She didn't have the luxury to date. Mahalaga sa
kanya ang pag-aaral niya. She loved UP. Bata pa lang siya ay doon na niya pangarap
mag-aral. At excited na siyang bumalik sa eskwelahan.
May kasama ring pag-aalinlangan dahil kailangan niya ng trabaho. Nagpatulong na
siya sa mga kakilala at nag-ask ng recommendation sa agency ng professor niya.
Dasal lang. Magkakaroon din iyan. Samahan lang ng dasal.
Pagbaba sa jeep sa overpass sa Philcoa ay naglakad siya papunta sa terminal ng jeep
papasok ng UP. Natigilan siya nang makita ang isang matangkad na lalaki na
pinagkakaguluhan ng mga batang kalye. Pawang nakalahad ang kamay ng mga ito sa
lalaki. Madudungis ang mga ito, nakayapak ang iba at parang ilang araw nang hindi
naliligo.
"Son Gokou, give me money!" sabi ng isang bata at naggayahan na na ang iba.
"Me! Me! I want money," anang isa pa.
Hindi sana papansinin ni Jemaikha ang mga ito dahil normal naman nang pagkulumpunan
ng mga batang kalye ang mga nagbibigay ng limos sa mga ito. Kapag nagbigay sa isang
batang kalye, maggagayahan din ang iba. Hanggang mapagmasdan niyang mabuti kung
sino ang pinagkakaguluhan ng mga batang kalye - si Hiro.
Tatlong araw na ang nagdaan mula nang makulong sila sa elevator. Akala niya ay
hindi na sila magkikita ulit. Anong ginagawa nito sa Philcoa? Mag-isa lang ba ito?
Nasaan ang bruhang girlfriend nito?
"Food only. Okay?" anang lalaki at inabutan ng cupcake ang mga ito. May feeding
program ba ang lalaki?
Napansin ni Jemaikha na may mga batang dismayado sa natanggap na pagkain. "Money! I
want money," sabi ng isa at inabot ang bag ni Hiro.
"Hoy! Hoy! Hoy!" sabi ng lalaki at pumihit nang maramdaman na may kumukuha ng bag
nito. Hindi marahil nito alam kung paano sasawayin ang mga bata.

6
"Hoy, bata!" bulyaw ni Jemaikha at lumapit sa mga ito. "Anong ginagawa ninyo?
Binigyan na kayo ng pagkain, kailangan pang pati pera? Di man lang kayo mag-thank
you?"
"Pero marami naman siyang pera. Bigyan na lang niya kami," sabi ng pinakamalaki sa
mga bata na sa tantiya niya ay nasa dose na.
"Huwag na kayong manghingi at mapasasalamat kayo! Gusto ba ninyo huwag na kayong
makaulit na bigyan?" tanong niya at pinanlakihan ng mata ang mga ito. Umiling ang
mga ito. "Sabihin ninyo, "arigatou gozaimasu"." At yumuko.
"Arigatou," sabay-sabay na sabi ng mga bata at nagsiyuko rin gaya niya.
Ngumiti si Hiro. "Douitashimashite," sabi naman ng lalaki at ginulo pa ang buhok ng
ibang bata.
Bumanat pa ang pinakamalaki sa mga ito. "Maraming salamat, Kuya. Ang sungit ng
girlfriend mo." At biglang nagtatakbo palayo. Nagtawanan ang ibang bata at
nagsunuran sa tumatayong leader ng mga ito.
"At ang mga lokong ito. Halika nga dito. Bumalik ka!" bulyaw niya at inambaan ito
ng suntok.
"Omoishiroi desu (You are funny)," sabi ni Hiro na lalong gumuwapo habang tumatawa.
Nakakatawa daw siya. Siya na nga ang nasabihan ng masungit dahil sa pagtatanggol
dito, ginawa pa siyang katatawanan. Uminit tuloy ang ulo ni Jemaikha. Hindi man
lang nito naisip kung gaano kadelikado ang wallet nito kanina. Nagagawa pa nitong
tumawa.
Sinambilat niya ang braso ng lalaki. "Halika nga dito."
"Chotto!" awat ng lalaki sa kanya. "Doko de watashi o tsurete ikimasu ka?" Saan daw
niya ito dadalhin.
"Doko ni iku no?" tanong niya kung saan ito pupunta. Tumigil sila sa harap ng
Mcdonald's kung saan may lilim.
"University." At itinuro nito ang dokumento na may logo ng University of the
Philippines. Exchange student pala ito mula sa University of Tokyo. Ipinaliwanag
nito na sa mga bata ito nagtanong kung saan ang sakayan ng jeep papasok sa UP.
Humingi daw ng pagkain ang isa at binigyan naman nito. Ugali daw kasi nito na
magdala ng pagkain lalo na't nakita nito sa internet na maraming mga batang
nagugutom sa Pilipinas.
Di alam ni Jemaikha kung matutuwa sa pagiging mabait ng lalaki o babatukan ito sa
pagiging gullible. "E malamang hihingan ka nga ng pera ng mga iyon. Akala mayaman
ka at madaling mauto. Sabagay mayaman ka nga at uto-uto. Di ka dapat iniiwan mag-
isa dito. Maraming manggagantso dito sa Manila tapos mukhang inosente ka pa.
Mananakawan at maloloko ka lang dito. O ang masama baka saktan ka pa. Di ka ba
binigyan ng warning bago ka pumunta ng Pilipinas kung paano mag-ingat sa mga tao
dito?"
"Wakaranai!" anitong di daw siya maintindihan. "Slow-u. Slow-u." Bagalan daw niya.
Sa sobrang frustration ng dalaga, tuloy-tuloy lang pala siya sa pagsasalita ng
Tagalog. Kahit bagalan niya ang sinabi, wala rin itong maiintindihan. Nang subukan
niyang I-translate dito ang sasabihin, naisip niyang hahaba lang ang usapan.
Kailangan lang naman ng lalaki ng tulong na makasakay sa jeep at makarating sa UP.
Pero kung nasa loob na ito ng campus at hirap pa rin ito na mag-Tagalog o mag-
English man lang, baka mapag-trip-an pa ito. Hindi pa rin ito ligtas.
"Jeepney station this way," sabi niya at itinuro ang eskinita sa pagitan ng
dalawang gusali. Kailangan na nitong maging pamilyar sa ibang salita kaya di na
siya nag-Nihonggo. Lumapit sila sa mesa kung saan magbabayad sila ng pamasahe.
"Seven pesos." At naglabas ang dalaga ng isang limang piso at dalawang piso.
"Manong, isa po."
Akmang magbabayad siya nang pigilan ng lalaki. "No. Watashi ga haraimasu." Ito na
raw ang magbabayad. At naglabas ito ng limang daang piso para ibayad sa kahero.
Umiling ang lalaking tumatanggap ng bayad. "No. No change. Only small bills and
coins." At ipinakita ang isang daang piso at iba pang mas mababang perang papel.
Kumunot ang noo ni Hiro at tumingin sa kanya. "Goumen nasai," hinging paumanhin
nito. At ipinakita ang wallet nito na puro tig-iisang libo at tiglilimang daan ang
laman.
Parang aatakihin siya sa puso nang makita kung gaano karami ang dala nitong pera.
"Inangkupo! Itago mo iyan. Huwag mong ilabas." Itinupi niya ang wallet nito. "Keep
it. Hide it. I will pay," utos niya na itago nito at naglabas ng barya na pambayad.
Pansin pa rin niya ang pag-aalala sa mga mata nito. Di siguro ito sanay nang
ililibre pero di naman ito tumutol.
"Domo arigatou," pasasalamat nito at yumukod nang bigyan sila ng pitsa ng kahero.
"Doko ni ikimasu? (Where are you going?)" tanong niya kung saan ito pupunta nang
sumakay sa unahan ng jeep.
"Office of International Linkages," anito sa matigas na boses.
"Watashi wa anata o soko ni tsurete ikimasu. (I will take you there)," aniyang
dadalhin ito doon.
"Hontou nii?" tanong nito kung totoo at namilog ang mga mata. "^ Natsu no jugyō ya
dēto wa arimasu ka? (Do you have summer classes or a date?)"

7
Nagkibit-balikat ang dalaga. Nilinaw niya na wala siyang summer classes. Date sa
eskwelahan? Di naman siya ganoon klaseng estudyante. Pero nakakatuksong sabihin
dito na ito na ang ka-date niya.
Ngumiti siya. "Summer class or date-o?" tanong ulit nito sa kanya. Napapitlag ang
dalaga. Sinabi dito na may titingnan siyang announcement at pwede naman niyang
tingnan mamaya. "Boyfriend?"
Umiling siya. "Wala. Crush mo siguro ako kaya ka tanong nang tanong."
"Nani?" tanong nito kung ano.
"Look! That is the UP Oblation," sa halip ay sabi niya at itinuro ang simbolo ng
UP.
"Ah! UP Obration," anang binata at tumango-tango.
"Quezon Hall is there." Itinuro niya ang gusali sa likod ng Oblation. "To stop, you
say para."
"Para?" tanong nito.
"Manong, para po," sabi niya.
"Manong, para po," gaya ng lalaki sa kanya. Manghang-mangha si Hiro nang tumigi ang
jeep at bumaba sila. "Sugoii! Para po! Arigatou, manong!" Nagpasalamat pa ito sa
driver.
Di mapigilang ngumiti ni Jemaikha habang kasabay itong naglalakad. Pinagtitinginan
ito ng ibang estudyante dahil guwapo naman talaga ito. And there was something
about his easy stride that was fascinating. Parang namamasyal lang ito. May
nakasalubong silang isang grupo ng mga estudyante at narinig nila ang hagikgikan ng
mga ito. "Hawig ni Dao Ming Xi," tukoy sa sikat na karakter sa Meteor Garden.
"Mas kahawig niya si Rukawa," sabi naman ng bading at pasimple pang nag-cheer gaya
ng cheer sa anime na Slamdunk "Rukawa! Rukawa! L-O-V-E Rukawa!"
"This is the office for international students," sabi niya nang nasa labas na sila
ng opisina.
umukod ang lalaki. "Arigatou gozaimasu! Matta nee." Matapos magpasalamat, sasabihin
lang nito na "See you again.". Ibig sabihin itinataboy siya nito?
Napansin niya ang ibang mga estudyante na tumitingin nang may interes dito. Di yata
niya mapagkakatiwalaan na iwang mag-isa ang lalaki.
Disiplinado ang mga Hapon at mapagkakatiwalaan. Naaalala pa niya ang kwento ng
professor niya na nag-aral sa Japan. Naiwan nito ang bag na may lamang wallet,
laptop at cellphone sa isang classroom dahil nagkaroon ng emergency nang isugod sa
ospital ang kaklase. Pagbalik daw nito ay naroon pa rin ang gamit nito at walang
katinag-tinag at walang nagkainteres man lang.
. Baka akala ni Hiro ay ganoon din katitino ang mga tao sa Pilipinas kaya kampante
ito katulad kanina nang pagkulumpunan ito ng mga batang kalye. Baka sa iba pa ito
magtanong kapag iniwan niya at iligaw lang ng mapagsamantala. Kundi man ito
nakawan, baka mapikot ito o magahasa. Konsensiya pa niya.
"Watashi wa kyō anata no gaido ni naru koto ga dekimasu. (I can be your guide
today.)" Nagprisinta siya na guide nito. "I will show you around the campus. Okay?"
Hinawakawan niya ang braso nito. "Ikkemassho! Let's go!"
***

Preview ens here..

You might also like