You are on page 1of 299

The Other Side

Written by Alyloony

***

PAKINSHET!!

Napakagandang unang salita para sa prologue ng napaka bitter na istorya.

Pero sa totoo lang, ayan ang paulit ulit na lumalabas sa bibig ko ngayon dahil sa mga
nangyayari.

Sino bang hindi?! Yung mahal ko na tatlong taon kong tinititigan from afar ngayon ka-
M.U ko na at last! At nararamdaman ko na malapit na kaming mauwi sa mas
seryosohang relasyon. Dati wala akong pinangarap kundi ang maging girlfriend niya.
And sa wakas, eto na, malapit ko nang maisakatuparan ang aking pangarap.

Kaya lang…
Bigla na lang may sumulpot na impakta sa buhay namin para sirain lahat ng pangarap
ko. Isang araw, nakita ko na lang na siya na ang ka-M.U ng lalaking mahal ko. Isang
araw, naichepwera na ang beauty ko sa eksena. Isang araw, gumuho na lang bigla ang
pangarap ko.

May dumating na kasi na mas bagay sa kanya.

PAKINSHET talaga to the highest level!!

Grabeng change of heart naman yun pre! Parang kumurap lang ako nagbago na agad
ang lahat. Sa isang iglap lang naagawan na agad ako ng pwesto!

Pero ano ko? Katulad ng mga bidang babae na nagpapaka martyr at nagpapapaniwala
sa kasabihan na “if you love that person then set him free”

Mukha niyo! Hindi ako ganun no! Sa buong buhay ko, lagi akong lumalaban. Hindi ako
pwedeng magpatalo kahit impakta pa siya o anghel! Gagawin ko ang lahat
mapaghiwalay ko lang sila nang landas. Magkamatayan na pero hindi ko isusuko ng
ganun ganun na lang ang taong mahal ko kahit pa mahal nila ang isa’t isa.

GUGULUHIN KO ANG BUHAY NILA! BWAHAHAHAHAHA

Ang sama ko ba? Bakit ba! Binabawi ko lang ang dapat na ay saakin! tsaka wag ka nga
makielam! Yun naman ang role ko eh. Dahil sa istoryang ito..
… ako ang kontrabida.

In every love story, there is always this antagonist who will ruin everything and will do
anything just to separate those two protagonists. But what if the spotlight has turn the
other way around? Would you even care to know how the antagonist feels and what he
or she thinks?

Would you even waste your time reading the other side of the story?

Chapter 1

*meet the antagonist*


Pasulyap-sulyap.

Mga pa-cute na ngiti

Pagpapapansin sa pamamagitan ng pagbati ng “hi” kada magkakasalubong at “good


morning”kada umaga.

Ganyan kami madalas ni Kiel. Tatlong taon naming habit yun. Tatlong taon ko narin
siyang crush na nauwi sa love. Kada boring ang subject wala akong ibang ginawa kundi
i-flames ang name ko sa name niya. Minsan naman sinusulat ko ang pangalan niya. Or
minsan pangalan ko na kadugtong ay apeliydo niya.

Tatlong taon akong patay na patay sa kanya at lagi na lang siyang inaabangan sa
hallway para bigyan ng pa-cute na ngiti. But not until our senior year came. Naging
magkaklase kami and nakakuha ako ng chance na mas lalong mapalapit sa kanya.
Hanggang sa isang araw sabi niya saakin crush niya ko. Yung kilig ko to the highest
level na! Aba sino bang hindi? Crush ako ng crush ko!!! Bwahahahahaa, pwede na
kong mamatay! Ay wag muna pala, hindi pa nagiging kami eh.

Syempre sabi ko crush ko rin siya! Di ba bongga?

Nag sabihan na kami ng I crush you, I crush you too. Saan na ang next level nito? Alam
na! M.U M.U na kaming dalawa. Bwahahaha. At syempre hinihintay ko na lang siya
magkaroon ng lakas ng loob para ligawan ako. Naku hindi narin naman siya
mahihirapan pag nagtanong siya kung pwede siyang manligaw! Agad agad kong
sasagutin ng “oo, sinasagot na kita! Girlfriend mo na ko!!!”tapos nun happily ever
after na kami!

Well, akala ko lang.

One month after ng opening of classes, may late enrollee dito sa school.

Si Angel.

Maganda, mahinhin, matalino at napakabait na babae. Sabi nila para daw talaga siyang
anghel na hulog ng langit.

Sumang ayon ako.

Oo, para siyang anghel na HINULOG SA LANGIT. Hindi lang basta HINULOG,
HINAGIS PA, TINULAK, IBINAGSAK AT PINATAPON!

Tokwa siyang babae siya. Dahil nga new student at magiting na school buddy officer
ang labidoo ko, nautusan si Kiel na i-tour si Angel sa school for familiarization. And
walanjo talaga! Malaman laman ko close na agad sila! Or baka feeling close na agad
yung impaktang anghel na yun. Feelingera. Pero after ilang weeks, lagi na silang
magkasama ng labidoo ko. Sabay sila mag lunch, sabay umuwi, naging magka seat
mate pa. Inaasar na sila ng mga kaklase namin, feeling daw nila magkakatuluyan si
Angel at Kiel. Parang dati lang kami ni Kiel ang inaasar, ngayon naagawan na ko ng
role sa istoryang to.

Ang sakit.

“uy alam mo ba yung balita? Nagtapat na daw si Kiel kay Angel na gusto niya
to!” sabi nung katabi ko

“oo nga eh! Grabe nakakakakilig sila!!” sabi pa nung isa.

Kinalabit ako nung dalawang tsismosa “Misha nabalitaan mo na ba yung kay Kiel at
Angel? Nakakakilig no? pero di ba matagal mo ng crush si Kiel? Di ka ba
nahuhurt?”

Impaktang to! Ano akala niya sakin bato at hindi marunong masaktan?!

“Hindi ako nasasaktan kasi alam kong hindi totoo yun” tumayo ako sa kinauupuan
ko at tinignan yung dalawang chismosa “Weak minds talk about people. Dears, if
you don’t have anything good to say you better keep your mouth shut. Gossip is
a sin you know” I rolled my eyes in a cool way sabay hawi ng bangs sa mukha tapos
nag walk out na ko.

Taray ba? Paki niyo! May aangal?! Kelan ka pa nakakita ng kontrabidang mabait aber?!

Pumunta na lang ako sa canteen para makakain. Nasaan na kaya yung bwiset na
Angel na yun? For sure naka pulupot na naman yun kay Kiel!
Pagdating ko sa canteen, agad kong nakita si Kiel at Angel na magkatabi sa isang sulok
habang sabay na kumakain at masayang naguusap. Grrrrrr nakakakulo ng dugo.
Impaktang Anghel siya!!!!! Napakalandi niya!!!

Titig na titig ako doon sa dalawa sa gilid na kulang na lang ay matunaw sila sa talim ng
mga tingin ko sa kanila. Kung nakakamatay lang ang tingin siguro ngayon napaslang ko
na si Angel.

Die Angel die!!!! *________*

*BOOOGSH*

“What the--?!”

Dahil ang attention ko ay nandun kay impaktang Aghel, nagulat na lang ako ng may
nabunggo akong lalaki at natumba siya sa sahig.

Inuulit ko, oo siya ang natumba sa sahig hindi ako. Weak. Eww

“s-s-s-s-s-so-rr-rr-yy” sabi niya saakin habang inaayos niya yung tumabingi niyang
salamin at pinupulot yung mga librong dala-dala niya.
“Stupid nerd! Look where you’re going!!” inirapan ko siya sabay walk out papunta
doon sa counter para maka bili na ng lunch.

Bwisit na nerd yun, pinapatay ko na sa isipan ko si impaktang anghel sukat na banggain


daw ako?!

Dumiretso na agad ako sa counter then I ordered chicken cordon bleu, cream of
mushroom soup then my favorite, chocolate mousse.

Bigla ko tuloy naalala ang mga panahong wala pa si impaktang anghel. Lunch break din
yun and I was about to buy the very last slice of chocolate mousse ng biglang may
isang lalaki ang nakasabay ko rin bumili noon. We both said in unison that we will buy
the cake kaya naman hindi alam nung babae kung kanino ibibigay. I was about to kick
the @ss of that bastard who is trying to steal my mousse ng makita kong si Kiel pala to.
At dahil may dugo siyang gentleman, nag give way na siya and binigay saakin yung
mousse. At dahil naman sa mahal ko siya at may taglay akong
*ehem*kalandian*ehem*, hindi ako pumayag. Sabi ko share na lang kami, and
pumayag naman siya kaya sabay namin kinain ang oh so delicious na chocolate
mousse. And that is also our very first long conversation

Kaso ngayon iba na ang kasama niyang kumain ng favorite kong chocolate mousse.
Bwisit kasi yung impakatang anghel na yun eh!!! Sukat dumating pa sa buhay namin!!

Pero ano bang role ko ulit? Kontrabida di ba? At ano ang ginagawa ng kontrabida? Ang
manira ng buhay ng iba! Kaya yan ang gagawin ko ngayon! Bwahahaha!

Oy, pero come to think of it, that Angel also ruined my life! The moment na nag
pumasok siya sa buhay namin, sira na agad ang love life ko! Does that mean na
kontrabida din siya?
Nah! I don’t think so! Mabait nga siya di ba? Maganda, mahinhin at matalino! Ang
mukha ng isang protagonist. And ako, maldita, ayaw nagpapatalo… pero maganda din.
Perfect na mukha ng antagonist.

And it sucks, really.

Kawawang mga antagonist, naagawan na nga ng mahal, kinagalitan pa ng madami. By


the end of the story sila pa yung namamatay, nakukulong, o nababaliw. Kawawa
talagang mga antagonist. Wala ng boyfriend, nabaliw na’t lahat, natuwa pa ang mga tao
sa nangyari sa kanya. At yung mga walangyang protagonist, busy magpakasaya
habang si kawawang protagonist ay busy sa pagiging miserable. Tsk tsk.

Dear author ng story na to, masyado ng gasgas yung mga ending na nababaliw,
nakukulong o namamatay yung antagonist kaya please wag ka ng makigaya sa kanila.
Nakakakasawa na. Paulet ulet? Paulet ulet? Ano to? Unli unli?! And besides pag
ginawa mo sakin yun, I will make your life a living hell. BWAHAHAHAHAHA.

Ok para na kong sira dito, back to business!

Lumapit ako doon sa table ni Kiel and Angel. Nakita ko kasing nakaupo sila doon sa
table na kasya ang sampung tao at dadalawa lang sila doon. Siguro naman may space
pa ako doon no?

“uhmm, excuse me pwede ba akong makiupo?” I asked them habang todo twinkle
ng mata ko. Siomai bat ba ang gwapo ni Kiel!
“oh sure, have a sit Misha” sagot saakin ni papa Kiel. Si impaktang anghel naman
nakangiti lang saakin.

Ngingiti-ngiti nito?! Feeling niya naiingit ako sa ngipin niya?! Exucez-moi, mas pang
commercial ng close-up ang ngipin ko no!

Pumunta ako sa tabi nila and nakisiksik ako sa gitna nilang dalawa. Bali siksikan kami
sa kabilang side habang doon naman sa tapat namin sobrang dami pang space.
Bwahahaha napaghiwalay ko sila, I am so mean! I love it!

“hi kiel! Enjoying your lunch” tanong ko sa kanya

“uh, yeah”

“ako din! Hey look, I bought a chocolate mousse di ba favorite mo to?”

“h-ha? y-yeah”

Kumuha ko ng small serving ng chocolate mousse then itinapat ko sa kanya “oh dali
tikman mo”

“h-ha?” gulat na gulat na tanong niya saakin habang nagaalangan kung isusubo niya
yung chocolate mousse o hindi.

“dali na, favorite mo to di ba?”


Nakita kong tumingin si Kiel kay Angel then sinubo narin niya yung cake. I got a
glimpsed of Angel’s face and she has a painful expression.

I smirk. Ngayon alam mo na ang pakiramdam kung paano maagawan ng eksena.

[P.E class]

Hay nakakatamad naman! pinag free play lang kami ng teacher namin and nandun sila
sa court naglalaro ng volleyball at basketball. Ako naman nakaupo lang sa bleachers at
nanunuod. Ayoko kasing pagpawisan no. Ewwww.

Dahil nakaka bored naman manuod ng laro nila at nowhere to be seen din si Kiel,
nagpunta na lang ako sa garden at pinuntahan yung cage ng mga rabbits doon.

Pagkadating ko nagulat ako nung makita ko si Kiel at Angel na naguusaphabang


magkahawak ang kamay.

So dito pala kayo naglalandian dalawa ha!

“uhmm so free ka ba tomorrow? Pasyal tayo sa mall kung ok lang sayo” tanong ni
kiel kay Angel.
Waaaaaaaaah mag dedate sila?! Oh no!! Hoy impaktang Anghel say noo say nooooo
say noooooooooooooooo

“sure. Free ako tomorrow!” sagot ni impakta habang ngiting ngiti

Grrrrrrrrrrrrr. I’m gonna kill you Angel! Prepare to die!!!! +_____________+

Sa sobrang galit ko napapadyak ako sa ground kaya naman agad silang napatingin sa
likod nila kung saan ako nagtatago.

“may tao ba diyan?” sigaw ni Kiel

Dahan-dahan akong umalis sa pwesto ko and nung medyo malayo na ko sa kanila


agad akong tumakbo. Waaaaaah sana hindi nila ko nakita!! =______=

*BOOGSH!*

Bigla akong napatumba kasi bumangga ako sa kung ano, at ng makita ko yung kung
ano na yun, tao pala.

“IKAW NA NAMAN?!”
Sigaw ko nung makita ko yung nakabangga ko. Yung nerd lang naman na bumangga
din saakin sa canteen kanina! Grrrr

“s-s-sss-so-rr-rr-yy” sabi niya ulit sakin.

Bat ba ganito magsalita to ha! May down syndrome ba to? Oh balukto lang ang dila?
Baka naman masyadong nagagandahan sakin?

Tumayo ako sa pagkakaupo ko “hey you stupid nerd! Dalawang beses mo na kong
binangga ngayong araw na to! Do you want to die?!”

“a-ayoko!!” bigla na lang siyang kumaripas ng takbo at iniwan akong nakatayo doon.

Tss, napaka weak naman ng isang yun. And weak guys is what I despise the most.

[Saturday]

Ayan na sila! Nagtakip ako ng dyaryo sa mukha ko and kunyaring nagbabasa habang
hinihintay kong dumating si Kiel at Angel. Agad ko namang nakita si Kiel na pumasok
sa coffee shop then kasunod niya si Angel.
Grrr etong impaktang no enjoy na enjoy ang paghawak sa kamay ng loves ko!

Umorder na silang dalawa ng coffee and cheesecake. Then after nun nag kwentuhan
naman silang dalawa. Hindi ko marinig ang pinagkukwentuhan nila pero mukhang ang
saya saya nila. Ang sarap nilang buhusan ng kape!!

Mas ikinagulat ko pa nung punasan ni Kiel yung gilid ng labi ni angel dahil may
cheesecake daw.

Sus style mo Angel bulok!

Nung tumayo sila agad ko naman silang sinundan. Wala naman silang ginawang ka
excite excite. Nag window shopping lang sila, stroll stroll, laro saglit sa time zone,
window shopping ulit at stroll stroll ulit.

Geez napaka boring naman ng date na to oh! Palibhasa boring din kasi ang kasama ni
Kiel eh! Kung ako pa ang niyaya niya sus hindi lang basta stroll sa mall ang gagawin
namin.

Nung mapagod na silang maglakad, pumasok sila sa Dairy Queen. Hay salamat! Kahit
ako pagod narin ng kakasunod sa kanila! Umorder lang sila doon and agad ring
lumabas at naupo sa bench malapit sa fountain ng mall at doon kinain yung ice cream
nila.

Ako naman syempre todo tago sa likod ng bleachers na inuupuan nila. Dapat marinig
ko na ang pinaguusapan ng dalawang to!
“uhmmm Angel..” sabi ni kiel

“yes?” sagot naman ni Angel habang nakangiti. Grrr landi.

“uhmm ano kasi can I---uhhh---can I—“

Nakita ko na parang nagaalangan si Kiel sa sasabihin niya. Waaaaaaaaaaaah ano


yang can I na yan ha?!

Can I borrow your notes? Can I copy your assignment? Can I eat your ice cream? Can I
punch you? Baka naman Can I kiss you? Can I court you? Can you be my girlfriend?
CAN I BE YOUR HUSBAND?! O_____O

Waaaaaaah hindi pwede!!! Hindi ako makakapayag!!! Ako lang ang nagmamayari kay
Kiel! Akin siya!!! Hindi siya pwedeng mapunta sa impaktang anghel na yan!!!

“HINDEEEEEEEEEE!!!!”

Napalingon sila bigla sa likod at ako napaupo sa sahig habang takip takip ko ang bibig
ko.

Stupid Misha! Bat ba ko sumigaw ng ganun?! Pero bat parang may narinig din ako na
sigaw ng lalaki na nag sabi rin ng hindeeeeeeeee?!

“may tao ba diyan?!” tanong ni Kiel


Wala…walang tao dito. Diyosa meron! -______-

Again, dahan dahan akong umalis sa pwesto ko atsaka tumakbo. Good thing naka cap
ang shades ako ngayon at mahirap ako maidentify kaya lang nagulat ako ng bigla nila
akong habulin dalawa.

Mabilis akong tumakbo then bigla na naman akong nabangga sa kung ano. Nung
makita ko kung sino nakabangga ko, yung stupid nerd na naman nay un!!! Ano
ginagawa nito sa mall?! Kaya lang hindi ko na siya nagawang sigawan dahil
nagmamadali ako sa pagtakbo. Nagulat naman ako ng si stupid nerd ay sinabayan din
ako sa pagtakbo.

“hey you! Bat ka nakikitakbo?! Anong feeling mo nag jojogging ako?!” sabi ko sa
kanya

Hindi niya ako pinansin at tuloy parin sa pagtakbo.

Aba! Dinedma ang beauty ko?!

Nagtago ako sa gilid ng fire exit then siya din nakigaya at nagtago sa may kilid ng fire
exit.

Eh? Ano to follow the leader?

“hey why are you following me?!” tanong ko sa kanya


“eh kasi—“ before niya matuloy ang sasabihin niya nakita namin si Angel at kiel na
parating na kaya bigla kaming nagtago sa likod ng hagdan sa may fire exit. Nung
makalagpas sila nakahinga ako ng malalim.

“hay akala ko katapusan ko na” sabi ko sabay hinga ulit ng malalim

“ako din” huminga din sya ng malalim.

Napatingin ako sa kanya “hey don’t tell me you—“ tinuro ko siya “sinusundan mo
din ba sila?!”

Napayuko nalang bigla si stupid nerd then nakita kong parang tutlo na ang luha niya.

EH?! Oy hindi ako nagpaiyak diyan ha! Nagtatanong lang ako! I’m innocent! =_____=

“s-s-she’s m-my ex girlfriend”

“WHAT?! You mean si ANGEL ex mo?!”

He nodded and bigla na lang may bumagsak na luha sa mga mata niya.

Napatitig na lang ako sa kanya.


Hmm wala sa itsura niya

Pero mukhang hindi lang ako ang kontrabida sa kwentong to ah?

Chapter 2

*The Frog Prince*

“grabe talaga hindi ako makapaniwala na naging boyfriend ka ni Angel? Grabe


talaga” tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa tsaka napailing “akala ko pa naman
ang ganda ganda ng taste niya kasi nagka gusto siya kay Kiel pero” tinignan ko ulit
siya then I laughed sarcastically.
Kitang kita ko ang pamumula ng tenga ni stupid nerd dahil sa sinasabi ko. Umaatake na
naman ang pagiging laitera ko.

“by the way ano nga pala pangalan mo?”

“Terrence” he mumbled

“ano terrace?”

“Terrence” he said a little louder

“ah Terrence. At bat naman kayo nag break ni Angel ha? Sino naman
nakipagbreak? Malamang siguro siya no?”

“a-ako.. ako ang nakipag break” sabi niya then bigla na naman siyang napayuko

Tinignan ko siya ng masama “so ikaw ang nakipag break?!” hinawakan ko ang
kwelyo ng polo niya “eh ang g@go mo pala eh! Hindi mo ba alam ang ginagawa mo
HA?!” sigaw ko

Kita ko naman na natatakot siya saakin “eh k-k-kasi a-akala ko k-kasi h-hindi k-ko
kayang pagsabayin ang s-studies ko tsaka s-siya eh. N-nag sisisi n-naman ako sa
ginawa ko!”

“Mukha mo!!! Inalala mo pa ang studies mo bago ang buhay ko?!?!”


Nagtaka siya sa sinabi ko “b-buhay mo?”

“oo! Kung hindi ka nakipag break sa impaktang anghel na yun edi sana masaya
kaming nagmamahalan ni Kiel ngayon!!! Naturingan kang nerd bat ang bobo
bobo mo ha?! STUPID!!! BOBO! BAKA!”

Bigla ulit siyang napahikbi ng iyak “h-hindi ko naman alam. T-tsaka mahal ko parin
siya hanggang ngayon. I want her back” may bigla na namang tumulong luha sa
mata niya.

Ohhh nakonsensya naman ako. Pinaiyak ko siya! Nakokonsensya ako!

Tofu sige na, sige na icocomfort ko na siya. =____=

Hinampas ko siya sa braso “wag ka nga ngumawa diyan ha! Ano ka bakla?! Para
kang bakla kung makangawa diyan eh! Dinaig mo pa ang babae!!! Jusko, bat ba
ang weak weak mo?! Ikaw tong nakipag break tapos ikaw ang iiyak iyak diyan!
Ayos ka ha! Bakla!” sigaw ko sa kanya

Walang mag rereklamo, ganyan ako mag comfort ng taong luhaan. =____=

Tumahan siya sa pagiyak though nakasimangot parin siya. Pero atlest tumahan di ba?
Sabi na talaga, may comforting powers ako! Bwahahahaha

“gusto mo pa bang bumalik sayo si Angel?”


Bigla naman napaangat ang ulo niya “o-oo naman! m-mahal na m-mahal ko parin s-
siya h-hanggang n-ngayon!”

An evil grin formed in my face “good then! Combine forces tayo para mabawi natin
ang dapat na satin”

“t-talaga? P-pero paano?”

“aba syempre paano pa ba?! Edi paghihiwalayin natin yung dalawa!”

“pero h-hindi ba masama y-yung gagawin n-natin?”

“masama?” natawa ako bigla “Dear, man by nature is cruel”

“h-ha?..”

“sige sabihin na lang natin na kunyari ang mall na to biglang may nag announce
na may bomba sa loob. Ano gagawin mo?”

“h-ha? Syempre t-takbo palabas!”

“kahit na may tao kang mabangga, matulak, o maapakan?”


“o-oo naman! m-mahal ko buhay ko eh! Ayoko pa mamatay”

“Exactly! Same as love! Kung hindi ka tatakbo papalapit sa taong mahal mo,
mamatay ka. Kung hindi ka marunong lumaban, mapagiiwanan ka. Hahayaan mo
na lang ba siya mawala ng ganun-ganun sayo?”

“h-hindi”

“then good! Tomorrow morning, let’s meet up here. Kailangan mong


magmukhang tao para madali mong makuha pabalik si Angel sayo”

***

(the next morning…)

“ano ba yang suot mo?! Honestly do you know the word fashion?!” pambungad ko
sa kanya sa mall.

“a-anong mali sa suot ko?”


Ang jologs naman talaga ng isang to sa totoo lang. Para siyang lalaking nanggaling sa
sinaunang panahon kung titignan.

“mula ulo hanggang paa mali!!”

Tsk. Mukhang mahihirapan ako sa pag tatransform sa frog na ito into a prince ah!

Kinaladkad ko na siya papasok ng isang store.

“uhmm, M-misha, wala akong pera kasi eh”

“mayaman ako! Ako magbabayad!”

“p-pero..”

“alam mo maupo ka na lang diyan at wag nang umangal pa ok? pinapasakit mo


ulo ko eh!!”

Sinunod naman niya ako at naupo na lang sa isang tabi. Good. Baka masapok ko lang
siya pag nakielam pa siya.

Nagstart na ko mamili ng damit na babagay kay stupid nerd este Terrence pala.
Tinignan ko siya. Hmm hindi ko masyadong makita ang built ng katawan niya eh. Ang
luwag kasi ng polo na suot niya. Color orange pa! Kulay kwek-kwek siya. Ewww. Pero
ang hirap naman kasi piliian to ng damit eh lalo na kung hindi ko alam ang built ng
katawan niya. Hindi ko malaman kung ano ang babagay sa kanya.

Tinitigan ko ulit siyang maigi. Hay naku nasusubok ang powers ko sa kanya ah!

Bigla namang may nagsidatingan na mga customers sa loob and inassist sila nung
sales lady. Napatingin ulit ako kay nerd. Hmmm, wala naman masama siguro sa
gagawin ko di ba? I’m going to do this for the sake of art!

“hey you! Stand up!” sabi ko sa kanya

“h-ha? Pero bakit? San tayo pupunta?”

“halika dito!” hinila ko siya papasok sa isang cubicle ng fitting room then ni-lock ko
yung pinto.

“a-anong gagawin mo M-misha?”

“hubarin mo yung shirt mo”

“H-HA?!”
Tinakpan ko bigla yung bibig niya “wag ka nga maingay diyan baka marinig nila
tayo!!”

“p-pero b-bakit?! Bata pa ko! Ayoko pa! hindi ako ready!!”

Ano bang pinagsasasabi ng isang to?

“ano ba sumunod ka na lang!!”

“p-pero m-masama kasi y-yung gagawin natin. Hindi pwede”

Eh? Anong masama sa gagawin namin? eh gusto ko lang naman makita ang built ng
katawan niya ng mapilian ko siya ng babagay na damit. Weird talaga ng isang to!

“dali na kasi!”

“ayoko!!” pagmamatigas niya!

Itinulak ko siya sa pader nung cubicle then iniharang ko ang isang braso ko sa gilid niya
atsaka siya tinignan ng masama “masama akong ginagalit Terrence. Kung ayaw
mong mamatay sumunod ka sa sinasabi ko” banta ko sa kanya “Take. That. Shirt.
Off. Now.” I told him in gritted teeth.

Mukhang natakot siya ng husto saakin kaya agad agad niyang hinubad yung shirt niya.
I smirk. Good, marunong din naman palang sumunod ang isang to eh.

Tinignan ko yung katawan niya. Hmm, nice body. Pwede ng pang model. Kung tutuusin
ang ganda ng built ng katawan niya, with abs pa ha! Sana naging katawan na lang siya!
Bwahahahaha

“ah M-misha..”

“dyan ka lang!” lumabas ako ng cubicle then kinuha ko yung isang shirt na nakita ko
kanina. For sure babagay sa kanya to.

Inabot ko sa kanya yungg shirt “i-fit mo”

“t-teka. K-kaya mo ba ko pinaghubad kasi m-may ipapasukat ka sakin?”

“yeah, bakit?”

Bigla na lang siyang namula doon na akala mo eh nag transform siya at naging
kamatis.

“w-wala. Sige isusukat ko na to”

Pumasok na siya sa loob ng cubicle then naglock.


Tsk. Weird niya talaga. Sobra.

Nung ma-i-fit niya yung shirt napangiti naman ako.

Hindi parin talaga kumukupas ang galing mo sa pag m-make over, Misha!

“a-ayokong bumili ng contacts! Ok na ko dito sa salamin ko! Mas comfortable!”

“no! bibili tayo ng contacts whether you like it or not!”

“p-pero!”

“no buts!”
Hay ang kulit ng nerd na to eh! After namin mamili ng mga damit niya, kanina pa siya
nakikipag talo saakin dahil ayaw niyang pumayag na gumamit ng contact lense. Ang
panget naman ng salamin niya! Ang kapal kapal ng frame! Pang nerd talaga!

“Misha, ayoko talaga. A-ayoko!”

Bigla kong kinuha yung salamin sa mukha niya at ibinagsak ko to sa sahig atsaka ko
inapakan kaya nabasag to.

“b-bat mo sinira salamin ko?!”

“oopsss, hindi ko sadya” I told him sarcastically “don’t worry, I’ll pay for it!”

Wala na siyang nagawa kundi sumama saakin para bumili ng contacts! Bwahahaha.

After namin makabili ng contacts, dinala ko naman siya sa barber shop para pabaguhin
yung hairstyle niyang mukhang Jose Rizal. And after niyang ayusan, viola!

I turned the frog into a prince!

Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Hmm, perfect ang creation ko. Ang dating
nerd ay nawala na. Isa na siyang gwapong nilalang ngayon. Kung hindi pa tumulo ang
laway ni Angel at gumapang pabalik kay Terrence dahil dito ay ewan ko na lang!
Pero para saakin mas gwapo parin si Kiel eh. But oh well. Presentable na kahit
papaano ang itsura niya. Pwede na siyang iharap sa tao!

Bago umuwi, naisipan muna naming dumaan sa starbucks at mag kape saglit.

“M-misha, tingin mo magugustuhan na ulit ako ni Angel dahil dito?”

“oo naman! creation kita eh! Sinasabi ko sayo gagapang siya pabalik sayo!”

“t-talaga?” he smile

Napatitig ako bigla sa kanya. Ngayon ko lang siya nakita ngumiti. May dimples pala
siya? Gwapo naman ang isang to eh, hindi lang marunong magayos. Dapat pala
magpasalamat siya saakin! bwahahahaha

“Misha, a-alam mo ba miss na miss ko na si Angel. Kada maalala ko y-yung


ginawa ko sa kanya nasasaktan ako at h-hindi ko mapigilang hindi mapaluha. M-
mahal ko talaga siya. A-alam mo hanga ako sayo, k-kasi h-hindi kita nakitang i-
inayakan si Kiel”

“syempre anong mapapala mo sa pag iyak?! Sus! Tsaka malakas ako eh!”

“S-sana kasing lakas mo din ako”


I just smiled at him then kinuha ko na yung mga gamit ko “it’s getting late, let’s go
home”

Pagkauwing-pagkauwi ko, agad naman akong kumain ng dinner, nag shower then
umakyat na sa room ko at nagkulong.

“S-sana kasing lakas mo din ako”

*sigh*

Kung alam niyo lang.

Kinuha ko yung picture doon sa side table ko. Picture namin ni Kiel. Kinunan to dati
noong school fest. Hindi pa kami close nung mga panahon na to pero may gusto na ko
sa kanya. Actually nakapagpapicture lang ako sa tulong nung mga kaibigan ko eh.
Biglaan pa nga to at haggard na haggard ang itsura ko sa picture but still eto na ata ang
pinaka favorite kong picture sa lahat. Ang nagiisang picture namin ni Kiel.

“Kiel, bat ka ganyan? May dumating lang na bago kinalimutan mo na ko agad.”

Naramdaman kong tumutulo na naman ang luha ko.


Madaming nagsasabi na para akong invulnerable na tao. Para din daw akong nilubog
doon sa river kung saan nilubog si Achilles para maging invulnerable siya. Hindi
nasasaktan, hindi umiiyak. Parang wala daw akong pakielam nung dumating si Angel
samantalang alam na alam nila kung gaano ko kagusto si Kiel.

Kung alam lang nila.

Gabi-gabi ako umiiyak. Gabi-gabing hindi nakakatulog dahil sa sakit na nararamdaman


ko. Kada makikita ko silang magkasama, para akong sinasaksak ng isang milyong
patalim. Sinasaksak ng paulit ulit. It hurts me, big time.

Lahat ng kontrabida nagpapanggap na matatag.

But the truth is, tao lang sila. Nagmamahal at nasasaktan. Mas pinili lang nila ang
magpanggap.

Chapter 3

*Misha's Creation*
Monday morning again. Nakakatamad pumasok to the highest level! Lalo na kung alam
kong may impaktang anghel na nag eexist at nilalandi ang pinakamamahal kong si Kiel!
Parang kada maiimagine ko ang mukha ng impaktang anghel na yun sa isip ko, feeling
ko gusto ko ng makapatay ng tao ng wala sa oras!

Lumabas ako ng bahay namin na naguunat-unat pa. Deym, I’m so sleepy =____=

“M-misha”

Napalingon ako doon sa tumawag saakin at napatitig nung makita kong isa tong
gwapong nilalang.

He looks familiar. Parang nakita ko na siya though hindi ko lang matandaan kung saan.

Chinito.

Maputi.

Maamo ang mukha.

Maganda ang mata.

Kissable lips
And..

*Sniff*Sniff*

Ang bango niya!

Sino ba tong nilalang sa harapan ko?

“M-misha?”

“uhmm, excuse me, pero sino ka?” tanong ko sa kanya habang naka-smile ng pa-
cute.

Nakakakilig naman ang kagwapuhan ng lalaking nasa harap ko! Wahehehehehe.

“Misha, a-ako to. Si Terrence”

Terrence.

Terrence?

Terrence?! O___O
Si Terrence the stupid nerd ba talaga tong nasa harap ko?! O___O Goodness gracious!
Bat ang gwapo niya?! I mean alam ko na napakalaki ng pinagbago niya nung isang
araw dahil sa make over ko. Pero mas gwapo siya ngayon! Medyo pinaayos pa niya
yung hairstyle niya then may black stud earring narin siya sa right ear niya. And yung
pabanggo niya, it smell so sexy!

“oh T-terrence! Anong ginagawa mo dito sa labas ng bahay namin? Tsaka may
nagbago sa itsura mo.”

“T-talaga? N-nagustuhan mo ba? Nakita ko kasi sa magazine kaya naisipan kong


gayahin”

I smile. Infairness maganda ang taste niya ha! Mukhang may natutunan siya saakin.
Bwahahahaha. Tsaka iba talaga no pag creation ko! Talbog lahat!

Angel will definitely fall head over heels to him. Nakikinita ko na ang success sa plan
namin! Pati narin sa mga love life namin! XD

“ano nga pala ginagawa mo dito?” tanong ko sa kanya.

“uhmm k-kasi nahihiya ako pumasok mag isa. N-natatakot ako sa mga sasabihin
ng iba saakin.”

“sus! Yun lang pala! Tara na nga”


Sabay kami naglakad ni Terrence papunta sa school.

Pagkadating namin ni Terrence sa school, nakaagaw agad siya ng attention. Halos


tumulo ang laway ng mga kababaihan

“sino siya? New student? Ang gwapo!”

“may girlfriend na kaya siya?”

“gusto kong mag apply!”

“teka, parang artista ata siya! Feeling ko nakita ko na siya sa tv”

“baka naman model?”

“baka naman dancer sa gay bar?”

“waaaaaaaaaah dancer sa gay bar? Saying ang gwapo kung mga bakla lang ang
makikinabang!”

“mga baliw! Di siya mukhang dancer sa gay bar… mukha siyang….next boyfriend
ko!”
“asaness!”

“akin siya!”

“hindi saakin siya!”

"wag kayong feeling! ako unang nakakita sa kanya!"

"paunahan na lang oh!"

Bwahahahaha mag agawan kayo ngayon sa kanya! KAY ANGEL LANG SIYA! AT AKIN
SI KIEL! XD

“Misha!” nakita kong papalapit saakin si Heidi, ang aking BFF and partner in
crime “sister, sino siya?” bulong niya saakin habang nakatingin kay Terrence na
ngayon ay pulang pula na dahil sa attention na nakukuha niya.

“creation ko. Ayos ba?”

“wow, ang gwapo ha! Akin na lang siya!”

“sorry dear, kay Angel lang siya”


“Angel? Yung lintang anghel na dikit ng dikit sa papable Kiel mo?”

“corrected by!” nakita kong paparating si Angel. And mas lalo akong napangiti.

Kinalabit ko si Terrence “stupid nerd, ayan na ang anghel mo! Lapitan mo”

“h-ha? P-pero..t-teka..”

“wala ng angal angal pa! kausapin mo na siya!” itinulak ko siya papalapit kila Angel.
Bumulong naman ako kay Heidi “watch and learn sister. Tignan mo ang kayang
gawin ng aking creation” I smirk habang tinitignan ko si Terrence na papalapit kay
Angel.

“uhm hi, Angel” bati niya dito.

Kitang kita ko naman ang gulat sa mukha ni Angel nung makita niya si Terrence

“T-terrence, ikaw ba yan?”

“uhmm,, y-yeah” sabi ni Terrence na medyo nahihiya hiya.

“ang laki ng pinagbago mo ah” Angel told him habang tulalang tulala na nakatingin
sa mukha ni Terrence.
Tulala ka ngayon impaktang anghel? Gumapang ka na pabalik kay Terrence at bitawan
mo na ang pagkakapulupot mo sa braso ng kiel ko at baka masabunutan lang kita!

“t-thanks. Uhmm Angel, m-may sasabihin ako. Uhmm ano, ano… uhmm”

Go Terrence! Go Terrence!! Sabihin mo na sakanya! Dali na ng matapos na ang


paghihirap nating dalawa!

“k-kasi ano eh… uhmm ano eh..”

Oh for Pete’s sake just tell her already!!!

“kasi, Angel” huminga siya ng malalim then tumingin sa mga mata ni Angel. Ako din
halos mapatigil ang hininga ko at hinihintay ang mga katagang lalabas sa bibig ni
Terrence.

Ang mga katagang magpapabalik saakin sa piling ni Kiel.


“Angel, b-bat parang dumadami ang tigyawat mo?”

Napanganga ako sa sobrang gulat sa sinabi ni Terrence. Si Heidi naman bigla nalang
humagalpak ng tawa.

“wahahahahahha! Grabe Misha hindi nga maipagkakaila na creation mo siya!


Wahahahahhahahahaa”

“oh shut up Heidi!!”

Nakita ko namin gulat na gulat din si Angel sa sinabi sa kanya ni Terrence.

“t-tsaka, p-pumapanget ka ata? P-para kang nagmumukhang stress”

“what?!” gulat na sabi ni Angel na may halong pagka-offend

Napapalo ako sa noo ko. Oh gosh! Ano ba pinagsasasabi niya!!!

Si Heidi naman patuloy parin sa pagtawa.


Bago mas may malala pang sabihin si Terrence, agad ko naman siyang nilapitan doon
para hilahin paalis.

“uhmm hi!” sabi ko kay Angel. Hinawakan ko naman yung braso ni Terrence “uhm
wag mog pansinin ang mga sinabi niya sayo. H-hindi ito ang tunay na Terrence.
Yung totoong Terrence ay kinidnap ng mga alien at dinala sa Pluto. Bye!” agad
kong kinaladkad si Terrence papalayo kay Angel. At nung out of sight na kami, agad
agad ko siyang binatukan.

“stupid nerd!!! Marunong ka bang gumamit ng isip ha?!”

“eh k-kasi naman eh..” sabi niya habang hinihimas yung ulo niyang binatukan ko.

“oh dear Misha, don’t be mad at him. Creation mo siya eh kaya no wonder
nahawahan mo siya ng pagiging mapang lait. Hahahahahahahha. Napaka epic ng
ginawa mo Terrence. Nakita mo yung mukha ni Angel! hahahahahhahaha. I
soooooo love it!” bigla na naman tumawa si Heidi.

“Bloody hell Heidi! Just shut up ok? Hindi ka nakakatulong!” I rolled my eyes on
her pero patuloy parin siya sa pagtawa.

“ikaw!” turo ko kay Terrence “sa lahat ng nerd na nakilala ko ikaw ang nagiisang
bobo sa totoo lang!!! ano bang pumasok sa kukote mo at sinabihan mo siya ng
ganun ha?!”

“eh k-kasi naman a-ayun na lang ang unang pumasok sa isip ko! T-tsaka kasi eh
di ko alam s-sasabihin k-ko sa kanya!”
“stupid nerd! Using your common sense is not a mortal sin!!”

“k-kasi e-eh..”

“just shut up ok?! Nakakainit ka ng dugo eh! Kung paslangin na lang kaya kita?!
Tsaka bat ka ba nauutal ha?! Hindi ka ba makapagsalita ng diretso?!”

“hahahahahha naku Misha, wag highblood! Turuan mo kasi ng tama” sabi ni Heidi.

Napatingin ako sa nerd na to.

Tsk, mukhang madami-dami pa kong dapat ituro dito bago namin maisakatuparan ang
aming balak!

Sana lang by that time hindi pa tuluyang nagagayuma ni Angel si Kiel =___=

Chapter 4

*rumors*
“grabe si Terrence pala yun nung section A? di ko nakilala!” –chismosa number 1

“oo nga! Mukha siyang nerd dati eh ngayon tignan mo pang heartthrob na ang
dating!” –chismosa number 2

“pero kasama niyang pumasok si Misha kanina! Hindi kaya--?” –chismosa numer 3

“oh no! don’t tell me sila na?! ano ba yan! Nag uumpisa pa lang akong
magkagusto kay Terrence naagaw na agad ni Misha!” –chismosa number 2

“ang lupit din naman ni Misha! Una si Kiel, ngayon naman si Terrence!” –
chismosa number 1

“pero naagaw ni Angel si Kiel right? Malay mo maagaw din natin si Terrence?” –
chismosa number 3

Nagtawanan yung tatlong chismosa kong mga kaklase! Tokwa, mga weak minds talaga
tong mga to! Walang ibang alam ang isip kundi puro kachismisan! Balak pa ata akong
agawan sa pwesto ko bilang ultimate antagonist!

Oy pero kahit antagonist ako hindi ako chismosa…well except kung pagdating ito kay
Kiel at Angel! Number one paparazzi ako no! pero hindi hangin ang laman ng utak ko!
Matalino naman ako kahit papano.
Isa kong kontrabida with poise! 8)

Tumayo ako sa kinauupuan ko at nilapitan yung tatlong chismosa. Napatigil naman sila
sa pagtawa nung makita nila ako.

“uh M-misha O___O”

I gave them my sweetest smile

..sabay buhos nung mineral water na hawak ko sa kanila.

“oh my gosh!! O____O”

Pare-pareho silang nagpupunas ng mga basa nilang uniform doon at hindi malaman
ang gagawin kaya binigyan na lang nila ako ng masasamang tingin.

Tinaasan ko lang sila ng kilay. Sus hanggang tingin lang naman yang mga yan.
“the next time I overhear you talking about me, I swear hindi lang water—ay
correction—mineral water ang ibubuhos ko sa inyo. Muriatic acid na!
understand?!”

Isang huling irap sabay hawi ng bangs ko at walk out.

Ganyan ang kontrabida with poise! Bwahahahaha

“hay naku sister! Wala na kong ma-say ha! Ibang klase ang taray mo! Kinabog
sila” sabi ni Heidi saakin.

“tss, kayamot eh! Nakakairita ang mga panchichismis nila!”

“but to tell you the truth, bagay kayo ni Terrence! Kung kalimutan mo na kaya si
Kiel at si Terrence na lang ang patusin mo?”

“yuck! Tumigil ka nga sister! Weak people is what I hate the most then papatusin
ko yung lampang stupid nerd na yun?! A big no no! and besides. . . . . .mahal ko
si Kiel.”

Bigla namang pumalakpak si Heidi “wow sis, napanganga ako doon ah! Pang
Oscars ang drama! Best actress!”

“gaga! Baka best antagonist!”


“oo na! ikaw na ang kontrabida! Pero alam mo, sa totoo lang kung kalimutan mo
na nga kaya talaga si Kiel at kay Terrence ka na lang? gwapo din naman siya!
And take note, mas hot siya kay Kiel!”

“ayoko nga! Ayoko!! Hindi mapapalitan si Kiel sa puso ko. Tsaka isa pa, hayop
yang Terrence na yan! Hindi ko pa nakakalimutan ang kapalpakang idinulot niya
kanina! Ang linaw linaw ng plano na aakitin niya si Angel hindi lalaitin!
Kabobohan talaga!!” tumayo ako “maiwan muna kita at makikipagkita ako doon sa
stupid nerd na yun!”

“hahaha wag highblood. Sige makipagkita ka na sa kanya, di muna ako sasama


ng makapagsolo kayo. Make sure maka score ka sa kanya ha!” she winked at me

“eww Heidi ano ba yang pinagsasasabi mo! Kilabutan ka nga!”

Tinawanan niya lang ako kaya naman tinalikuran ko na lang siya at nagpunta na sa
may playground.

Yung babaeng yun talaga! Napaka lawak ng imagination! Para din siyang sira eh! Pero
kahit ganyan yan, mahal ko yan! Dati kasi ang daming natatakot na makipag kaibigan
saakin kasi napaka strong daw ng personality ko to the point na hindi sila makalapit
saakin. Pero si Heidi, wala siyang pakielam sa sinasabi nilang ‘strong personality’ ko at
nilapitan niya ko para makipag kaibigan.

Kahit maldita ko, thankful ako kasi nakahanap ako ng tunay na kaibigang tulad niya.

Nung makarating ako sa playground, wala pa si stupid nerd. Tss pag lumagpas ng
isang minuto at wala pa siya makikita niya! Mapapaslang ko talaga siya!!
Naupo ako doon sa isang mababang monkey bar habang nag co-countdown ng oras.
60 seconds, pag talagang hindi siya dumating within 60 seconds, makikita niyo na lang
ang bangkay niya na palutang lutang sa ilog. Timer starts now..

“Misha!” nakita ko siyang tumatakbo papalapit saakin at mukhang hingal na hingal “s-
sorry ngayon lang kasi—“

“I don’t need your explanation!! You’re 5 seconds late! Do you want me to kill
you?!”

“h-ha? f-five seconds lang n-naman eh!”

“5 seconds LANG NAMAN?! Alam mo bang ayokong naghihintay kahit isang


segundo ha?!”

“s-sorry na!”

“tss wag mo nang uulitin yun or else may mangyayari talagang masama sayo!
Naiintindihan mo?!”
“y-yes boss!”

“good!”

Umupo siya sa monkey bar na nasa tabi ko “uhm, b-bakit mo pala ko pinatawag”

“here” inabot ko sa kanya yung paper bag na dala dala ko

Tinignan niya yung laman nung paperbag then inilabas yung mga CD na nasa loob “err
a-ano to?”

“mga koreanovela yan! Panuorin mo ng may mapulot ka naman na lesson kung


paano magpakilig ng babae!” kinuha ko yung book na nasa loob ng paper bag “tsaka
eto twilight novel, basahin mo para naman maimpluwensyahan ka ni Edward”

“h-ha? p-pero diba bampira siya? Ayokong maging b-bampira!”

Bintaukan ko siya “bopols ka talaga no?! hindi ko sinabing itransform mo ang


sarili mo sa pagiging bampira! Gusto ko lang gayahin mo yung mga ka kesohan
ni Edward! Tsaka bat ka ba nauutal ha?! direstuhin mo nga yang dila mo! Or baka
gusto mo ako pa ang humila niyan?!”

“p-pero k-kasi a-ano eh..”

“ano.. ano?! Alam ko na! bakla ka kasi!”


“h-ha?”

“oo tama! Bobong bakla! Kaya lagi kang nauutal kasi takot ka saakin, pati narin
kay Angel! Bakla ka kasi! Bakla bakla bakla! Baka naman si kiel ang type mo at
hindi si Angel?” I smirked

“w-what?!”

Nakita kong namula siya bigla. Malamang dahil napipikon na siya.

Bwahahahahahhahaha I am really enjoying this.

“bobong baklang may crush kay Kiel! Humanda ka bukas ipagkakalat ko yan!
May lihim kang pagnanasa ka Kiel!”

Bigla biglang tumayo si Terrence sa pagkakaupo niya doon sa monkey bar atsaka
humarap saakin then hinawakan niya ako sa magkabilang braso.

“DON’T YOU DARE DO THAT MISHA! OR ELSE--” he told me angrily.

Halos manlaki ang mata ko sa expression ng mukha niya. Galit na galit siya to the point
na mukhang gusto niya pilipitin ang leeg ko.
Pakinshet.

Ang hot hot ng dating niya pagka galit siya. Kinikilig ako O///O

I grinned “that’s more like it. Marunong ka naman palang magsalita ng diretso eh.
Kailangan pa talagang ginagalit ka?”

Biglang nagbago ang expression ng mukha niya at naging calm.

“Uhh sorry Misha”

Napa smile ulit ako “good. Hindi ka na nauutal”

“pasensya na talaga”

Binitawan niya ang pagkakahawak sa magkabila kong braso, at dahil sa may monkey
bar ako nakaupo at wala akong sinasandalan, naramdaman ko na lang na nahuhulog
na ako.
“MISHA!”

Nasalo ni Terrence yung likod ko then itinulak niya ako papalapit sa kanya kaya lang
napalakas ang tulak niya kaya biglang tumama ang mukha ko sa mukha niya.

Err pero bat parang ang lambot?

Dumilat ako at doon ko lang nalaman kung saan nag landing ang labi ko sa parte ng
mukha niya.

O///O

O///O
O///O

Tokwa.

Tokwa.

Y-y-y-y-yung f-f-f-first k-k-k-kiss k-k-k-o.

Ulp.

Wala na ang first kiss ko. T_____T


Biglang may nag flash ng camera at doon kami pareho natauhan ni Terrence.
Humiwalay kami sa isa’t isa at nakita namin ang isang lalaki na may hawak na dslr
camera sa kamay.

“Hi, I’m Fred member ng school staffers. Special article ang love story niyo ha?”

“LOVE STORY?!” me and Terrence both said in unison.

“yep! Kitang kita ko na nag kiss kayong dalawa kaya wala na kayong maitatago!
Tsaka hindi lang ako ang witness sila din!” tinuro niya yung dalawang taong nasa
likuran niya.

Isang babae at isang lalaki.

Si Kiel at Angel.

“T-terrence, kayo na pala ni Misha? That’s nice!” sabi ni Angel ng ngiting ngiti
“h-ha? uh A-angel k-kasi—“ pagdadahilan naman ni Terrence pero naputol dahil
biglang nagsalita si Kiel.

“Naku Misha, ikaw ha may boyfriend ka na bat hindi mo man lang sinabi saakin!
Pero congrats sa inyo! Magpainterview kayo ha? para malaman naman namin ang
love story niyong dalawa”he winked at me then umalis na sila ni Angel.

“uy yung interview ha!” kinunan ulit kami ng picture na kasalukuyang nakanganga
dahil sa pagkabigla...then umalis na yung hinayupak na tsimosong staffer.

Una. Nakuha ni Terrence ang first kiss ko.

Pangalawa. Nakunan kami ng picture at planong gumawa ng article. Kakalat sa buong


school na karelasyon ko ang stupid nerd na to.

Pangatlo. KIEL SAW EVERYTHING. AND HE CONGRATULATED ME

KILL ME NOW! PLEASE?! T____________T


Chapter 5

*Mr. Edward Cullen*

Love is in the air. Who would have thought that the snob gorgeous girl of section 4B and
the ex-nerd of section 4A is currently dating? Misha Riel Cabrera and Terrence Quizon
was caught kissing in the playground last August 9, 2856 which confirmed that there is
a romantic relationship between the two of them. The rumored couple was blah blah
blah blah blah yadada yadada yadada yadada oink oink oink oink meow meow meow
meow

“waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah I can’t take this anymore!! Huhuhuhuhuhu”

“oh sister tissue pa oh” inabot saakin ni Heidi ang isang box ng tissue paper then
kumuha ako ng isa atsaka ko siningahan.

“grabe sister! He congratulated me! Huhuhuhuhu! Di ko na to keribells!” ibinato ko


yung bwisit na school newspaper namin sa sahig. Pinulot naman ito ni Heide at
tinignan.
“Wahahahahhahahahahahaha ang ganda mo dito Misha oh!” tinuro niya yung
picture ko doon na nakanganga habang nanlalaki ang mata “grabe! Pwedeng pang
primary photo! Makahingi nga kay Fred ng copy nitong picture mo!”

“ang bait mong kaibigan!” I told her in a sarcastic manner

“why thank you! Pero ikaw ha! ibang klase ka talaga humatak ng lalaki! Biruin mo
nakahalikan mo na agad si Terrence! Saludo na ko sayo! Hahahahahahha”

Tinignan ko ng masama si Heidi “kahit kailan hindi ko pinangarap makahalikan ang


bopols na nerd na yun” =______=

“but huwwwaaaay sister?! Tignan mo nga ang labi niya oh kissable masyado!
Parang ang sarap sarap halikan…”

“mas gusto ko lips ni Kiel”

“…at tignan mo ang gwapo gwapo niya! Mukhang Korean heartthrob!”

“mas guwapo si Kiel”

“…at ang body built niya. Wow! Yummy!”

“…mas mukhang masarap si Kiel”


“ano ba Misha! May Angel na ang Kiel mo! Kay Terrence ka na lang! tsaka happy
naman si Kiel para sa inyo eh. He even congratulated you”

“Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah! Ahuhuhuhu. Sige ipaalala mo


pa! kesa comfort ang matamo ko sayo mas lalo mong sinasaktan ang puso kong
luhaan! Kaibigan ka ba ha?! walanjo ka eh no!!”

“eh kasi naman ang dramatology mo no! di bagay sayo!” tumawa siya ng
pagkalakas lakas at kala mo eh wala ng bukas.

“Sige pagtawanan mo ko! Pagtawanan mo lang ako!” =_________=

“hahahahahahahhahahahahhaha eh kasi naman sister eh! Tigil tigilan mo ang


kakaiyak mo diyan! Mukha kang trying hard maging protagonist!
Wahahahahahahahahhahahaaha”

Tinignan ko lang ulit ng masama si Heidi. Kung meron kontrabida sa buhay ko, siya
yun!

“M-misha”

Napahinto ng pagtawa si Heidi at napatingin sa kararating palang na si Terrence.


“KUNG KAKAUSAPIN MO KO TUNGKOL DOON SA ARTICLE SA BWISIT NA
SCHOOL NEWSPAPER WALA AKONG ALAM! BASTA ANG ALAM KO LANG
PAPATAYIN KO SI FRED!” sigaw ko kay Terrence

“h-ha? a-anong n-newspaper? S-saan?” gulat na gulat naman niyang tanong

Tokwa, bumalik na naman siya sa pagiging utal!!

“WALA!! TSAKA ANO BANG KAILANGAN MO?!” sigaw ko ulit sa kanya.

“oh si Misha naman highblood masyado! Baka nandito siya para sabihan ka ng I
love you! Ayieeeee” pangaasar ni Heidi

Alabyuhin niyo mukha niyo!!

“M-misha kasi m-may sasabihin talaga ko sayo”

“ano na naman?!”

“k-kasi ano eh” huminga siya ng malalim then tinignan ako sa mata “tumataba ka
ngayon” he told me with full of sincerity in his voice.

“WHAT?!”
“…t-tsaka pabilog ka ng pabilog--”

“HEY DO YOU WANT TO DIE?!”

“—hanggang sa nagiging mundo na kita”

Natigilan ako sa sinabi niya.

“o-oh..”

“uuyyyyyyy ang sweet!” pangaasar ni Heidi.

Te-teka anong ibig niya sabihin doon? Na nagiging mundo niya na ko? Ibig sabihin
inlove na siya saakin?

Waaaaah O///O

Pero paano na ang oh-so brilliant plan ko?

“S-sweet ba? Balak ko kasi sabihin kay Angel” bigla naman siya napakamot ng ulo
at mukhang nahihiya!

Ahhh, para kay Angel pala!


HINDI NAMAN NIYA SINABI AGAD EH! TOFU!!

“disappointed much?” bulong ni Heidi.

“shut up! Hindi no!!”

“sus deny deny pa!”

“B-bakit Misha crush mo ko?” gulat na gulat na tanong ni Terrence saakin.

Binatukan ko nga.

“hoy! Naririnig mo ba yang pinagsasasabi mo ha?! lakas din ng self confidence


mo eh no!!!”

“S-sorry. N-nag bibiro lang ako!”

“kelan ka pa natuto magbiro?!”

“oh misha inaaway mo na naman si Terrence napaghahalataang disappointed ka


talaga eh! Hahahahahahaha” singit na naman ni Heidi.
I glared at her. Tokwa talaga tong babaeng to eh. Kelan ba niya ko planong tantanan?!

“s-si Angel”

Napatingin ako doon sa door ng canteen kung saan nakatingin si Terrence and nakita
ko si Angel na papasok, and she’s alone.

Napangiti naman ako. Tamang tama hindi niya kasama ang papa Kiel ko ngayon!
Wahehehehehehe. Tignan natin kung effective ba talaga ang pick-up line ng stupid nerd
na to!

“you” hinatak ko si Terrence “itry mo kung effective yang pick-up line na yan”

“h-ha?”

“sabihin mo kay Angel! Wag ka nang duduwag duwag ha!”

Tinulak ko siya papunta kay Angel.

“oh Terrence hi”

“h-hi. Uhmm m-may sasabihin ako Angel”


“what is it?” tanong ni Angel sa kanya while smiling brightly.

Wagas ang mga ngiti ah! Kulang na lang mapunit ang bunganga eh! Halatang
nagpapacute to sa ex niya! Tss landiers! May Kiel na balak pang landiin si Terrence!

Kung nilalayuan niya na lang kasi ang Kiel ko at sumama diyan sa stupid nerd na yan
edi everybody happy na sana!

Kaso sadyang ang haliparot niya eh! Pati kay Terrence grabe makapagpa cute.

Grrr die angel dieeeeeeee!!!!

“uhmm Angel…” huminga ng malalim si Terrence. Pati kami ni Heidi napahinga din ng
malalim.

Juskoo Lord bakit parang may masama akong pakiramdam about dito?

“Angel, t-tumataba ka ata ngayon” …at tuluyan na niyang inumpisahan ang


MATINDING BANAT NIYA.

“h-ha?!” gulat na gulat na tanong ni Angel

“oo. T-tsaka bumibilog ka ata. Pabilog ng pabilog--”


“what the heck are you saying?!”

“—hanggang sa—“

*PAAAAAAK!*

Napatakip kami bigla ng bibig ni Heidi.

Sinampal ni Angel si Terrence and kitang kita ko ang bakat ng kamay niya sa mukha
nito. O_____O

GRRRRRR MATAPOS KO IPA-FACIAL YAN BABAKATAN NIYA LANG NG KAMAY?!


ANAK NG KWATONG!!!

“you-you bastard! Gumwapo ka nga kaso pumanget naman ang ugali mo! I hate
you!” maluha-luhang sabi ni Angel kay Terrence sabay takbo palabas ng cafeteria.

Wow! Parang eksena lang sa movie ha! kulang na lang popcorn!

Nilapitan namin ni Heidi si Terrence

“masakit ba?” agad na tanong ko sa kanya.


“ay Misha obvious ba?! Nasampal na siya nasabihan pa siya ng I hate you ng
pinakamamahal niyang babae!” singit ni Heidi “ikaw naman kasi Terrence! Kay
Misha ka na lang!”

Biglang yumuko si Terrence at naglakad narin palabas ng cafeteria with a gloomy aura.

Tsk tsk.. poor thing.

Classroom…

“Kiel, tumataba ba ko?” tanong ni Angel kay Kiel

“hmm nope. I found you sexy”

Bigla naman yumuko si Angel at halatang ayaw maniwala sa sinasabi ni Kiel.

Tinakpan ko yung bibig ko para pigilan ang sarili ko sa paghagalpak ng tawa.


Wahahahahahahahahahahhahaha. Biruin niyo kahit ang stupid stupid ng nerd na yun
may pakinabang parin naman pala?! Ang saya saya ko dahil nagiging miserable si
Angel sa sinabi ni Terrence.

“ah Misha!”

Napatigil ako bigla sa pag bungisngis dahil narinig ko ang pangalan ko na lumabas sa
napakagandang boses ni Kiel.

Nilingon ko sila “b-bakit?”

“di ba hindi naman tumaba si Angel?”

“h-ha?” tinignan ko si Angel and mukhang nagaabang ng sasabihin ko habang


nakaukit sa mga mata niya ang mga katagang; “hindi ako tumaba di ba?”

“uhmmm no. hindi naman siya tumaba” sabi ko.

Bigla naman napangiti si Angel

“see? Sabi sayo eh” Kiel told her

“on the second thought..” singit ko bigla sabay tingin mula ulo hanggang paa kay
Angel “uhmm parang tumambok ang pisngi mo” napahawak naman siya sa pisngi
niya “And medyo lumapad ang waistline mo” dagdag ko pa “at parang
naglalakihan ngayon yung mga binti at braso mo”

“i-ibig sabihin…?”

“oh no dear hindi ka tumaba… medyo lang” I told her sarcastically “oh my! May
nakalimutan akong bilhin sa cafeteria. Alis muna ko saglit” tumayo ako bigla sabay
labas ng room. Nakita ko pa ang di maipintang expression sa mukha ni Angel.

BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA. Grabe ang mean mean ko! And I love it!

Habang busy ako sa pagngisi sa may hallway ng room namin, may bigla naman
bumangga saakin.

At sino nga ba ang character sa istoryang ito ang mahilig mambangga?

“stupid nerd!!! How many times are you planning to bump me?!”

“s-sorry Misha hindi ko sinasadya. Pupuntahan ko kasi si Angel, hihingi ako ng


sorry. This time hindi na ko papalpak. Promise” dumiretso siya agad sa room
namin. Ako naman, naupo sa may window katapat ng pwesto ni kiel at Angel para
makinig.

“what are you doing here?!” rinig kong sabi ni Angel.


Sus, pa English English pa hindi naman bagay sa kanya!

“uhmm Angel—“

“if lalaitin mo na naman siya you better shut up” sabi naman ni Kiel.

Poor Terrence, pinagtutulungan siya.

“n-no! I’im here to apologize. H-hindi kasi yun ang ibig kong sabihin kanina
promise”

“so?! Ano naman gusto mo ngayon ha?!” mataray na tanong ni Angel

“Angel actually..” I heared him sigh “do I dazzle you?”

“w-what?!”

“because you’ve been dazzling me frequently”

Napanganga ako. Wait line yung sa twilight ah?

“hey man! Honestly, stop fooling around!” sabi ni Kiel kay Terrence
“no. Angel, I want you to know that if I could dream at all, it would be about you”

Napapalo ako sa noo ko. Tofu ang corny niya! Hindi ko expected na grabe ang
epektong madadala sa kanya ni Edward Cullen.

“what are you talking about Terrence? Pinagloloko mo ba ko?”

“look Angel, it is as if you’ve taken half myself away with you. You are my life
now.”

Oh juskoo, para siyang trying hard maging Edward Cullen. =____=

“man, are you in drugs?!” tanong ni Kiel

“drugs? Ah wait!” biglang may kinuha si Terrence sa bag niya at inilabas ang twilight
novel then iniscan niya to “drugs, drugs, drugs.. ayun! Uhmm, you are my personal
brand of heroine”seryosong sabi niya kay Kiel.

Uulitin ko, sinabi niya yun kay Kiel.

Oo hindi kayo nagkakamali ng basa, kay kiel niya sinabi yun. Hindi typo, kay kiel talaga.

Walanjo, creation ko ba talaga siya?! Nakakahiya siya.


Avada Kedavra Terrence! =____=

“you’re a gay!” sabi ni Kiel sa kanya sabay hawak ng kamay ni Angel at umalis na sa
harapan ni Terrence.

Kinahihiya ko talaga ang taong yan! Hindi ko siya creation, hindi ko siya kilala swear.

Lumabas si Terrence ng room namin ng may gloomy na aura na naman.

“M-misha”

“palpak na naman!!!”

“s-sorry! Kala ko effective yung book na binigay mo sakin, hindi pala!” T___T

“eh sino naman kasi ang nagsabi sayo na mag feeling Edward Cullen ka ha?! tae
ka rin eh no! hindi ka si Edward, si Terrence ka!”

Tinalikuran ko siya at naglakad palayo sa sobrang inis ko. Grrr kayamot eh!! Nakakainit
ng dugo! Paano pa sasaya ang lovelife ko kung ang sidekick ko eh prinsipe ng
kapalpakan!

“MISHA!” sigaw ni Terrence


Aba! How dare he shout at me!!!

Nilingon ko siya at ready ng bulyawan ng makita kong patakbo siya papalapit saakin.
Agad agad niya kong dinamba at niyakap kaya pareho kaming tumalisk dalawa. The
next thing I knew is nakahiga na kami sa sahig kasabay ng may biglang malakas na
tunog akong narinig. Nakita ko na lang na nahulog na ang pagkalaki laking bulletin
board doon sa kinatatayuan ko kanina at napuno ng bubog yung sahig.

“Misha ok ka lang?!” tanong ni Terrence saakin na sa kasalukuyan ay nakayakap


parin saakin habang nakasalampak kaming dalawa sa floor.

Tumango ako sa kanya.

What is this? Bat ganito? Niligtas ako ni Terrence. Kung wala siya, patay na siguro ako.

He saved my life.

Parang yung ginawa ni Edward kay Bella.


Hindi kaya nasapian talaga to ng espirito ni Edward?

Chapter 6

*Flashback*

“owww ang sweet, biruin mo niligtas ni Terrence si Misha. Ang cute talaga ng
dalawang yan”

“Pero mukha naman bakla si Terrence dahil sinabihan niya si Kiel ng you’re my
personal brand of heroine!”

“hindi siya bakla no!! sa gwapong niyang yun?! Tsaka bagay sila ni Ate Misha!”

“eh ano yung sinabi niya kay Kuya Kiel?”

"baka... errr... idol niya si Edward?"


"baka crush niya si Edward?"

"hindi! si Bella ang crush niya!"

"hindi kaya! si Misha kaya!"

Mga tsismosa on the loose =___=

Nilapitan kami ng nurse and ginamot yung mga sugat naming dalawa. Good thing
hanggang galos lang ang natamo ko. Kung nagkataon siguro pinaglalamayan na ko sa
bahay ngayon.

After niyang gamutin ang sugat namin, pinag pahinga niya muna kaming dalawa.
Nahiga ako doon sa isang bed then si Terrence naman doon sa bed na katabi nung
saakin.

“t-thanks” I whispered but loud enough para marinig yan.

“h-ha? bakit? D-dapat nga mag sorry ako sayo k-kasi nagalusan ko yung
maganda mong balat”
Umiwas siya ng tingin saakin, ako naman napangiti ng malapad sa sinabi niya.

Uyyy maganda daw balat ko oh? Wahahahahahaha. Pero alam ko na dati pa na


flawless ako!

“ikaw, straight ka ba talaga?” tanong ko sa kanya

“h-ha?”

“bakit mo naman sinabihan si Kiel ng you’re my personal brand of heroine?”

“eh k-kasi totoo naman eh. Para siyang drugs.”

Napabangon ako bigla “ha?! wait! Don’t tell me si Kiel talaga ang gusto mo hindi si
Angel! Hoy umamin ka! Balak mo ba kong agawan sa loves ko?!”

Napabangon din siya “h-hindi yun ang ibig kong sabihin! Kasi di ba ang drugs
nakakasira ng buhay. Parang si Kiel nakakasira ng buhay pagibig” =___=

Natulala ako sa sinabi niya. Ampalaya, hindi ko alam ang irereact ko. Matatawa ba ko o
maiinis? Mixed emotions eh.

Binato ko siya ng unan.


“oy Terrence, ano bang nangyayari sayo at gumagaling ka atang bumanat ngayon
ha?” I asked him

He grinned “talaga? Pero bakit parang hindi naman natuwa si Angel sa sinabi ko
kanina?" T__T

"err baka anti-twilight siya? magisip ka kasi yung mas maganda! pero improving
ka na kahit palpak"

He smiles "Kahit pala hindi effective yung ginawa ko I’m still happy kasi pinuri mo
ko”

“h-ha?”

Nahiga ulit siya sa kama “wala. I-I think I should sleep for a while. Ikaw din Misha”

“Terrence?” hindi siya sumagot saakin. Siguro tulog na.

Nahiga narin ako sa kama.

Ok what was that?


Dismissal time..

Buong class period nasa clinic lang kami ni Terrence. Nakarating narin sa mga parents
namin ang nangyari kaya naman agad din akong tinawagan ni papa at sinabing
susunduin niya ko. Ganoon din si Terrence though nauna siyang umalis. Pinapasabay
niya na nga ako sa kanya but I refuse kasi on the way narin si papa.

Habang hinihintay ko yung sundo ko, naupo muna ako sa sa bench sa may garden ng
school.

I looked at the sky then pumikit ako. Ewan ko ba kung bakit pero bigla ko na lang
naalala lahat ng nangyari 3 years ago, dito mismo sa bench na kinauupuan ko ngayon.

Kung saan ko siya unang nakilala.


[Flashback]

“oy girl sure ka bang ok lang na maghintay ka saakin?” tanong ni Heidi

“oo nga” sabi ko sa kanya ng hindi inaalis yung mga mata ko sa book na binabasa ko.

“baka gabihin ako, talaga bang ayos lang?”

“uhuh”

Inagaw ni Heidi yung book na hawak ko “hey give that back!!!” sigaw ko sa kanya

“eh hindi ka naman nakikinig ata saakin eh!” tinignan niya yung book na hawak
ko “puro ka pagbabasa ng Harry Potter!”

Inagaw ko yung book “akin na yan! Pinapakinggan kita! Sabi mo dito lang ako, at
saglit ka lang”

“see?! Hindi ka nga nakikinig. Sabi ko matataggalan ako”

“err yun ba sinabi mo?”


“oh gosh” napapalo siya sa noo “ano ok lang ba na hintayin mo ako?”

“oo na! oo na! hihintayin kita. Just leave me and my book alone!”

Binelatan lang ako ni Heidi then umalis na siya

Sa wakas at nilubayan narin ako ni Heidi! Istorbo kasi talaga yung babaeng yun,
maluha luha na ko dito dahil mamamatay na si Dobby tapos biglang aagawin sakin
yung book?!

Pinagpatuloy ko na yung pagbabasa.

He did not know or care whether they were wizards or Muggles, friends or foes; all he
cared about was that a dark stain was spreading across Dobby’s front, and that he had
stretched out his tiny arms to Harry with a look of supplication. Harry caught him and
laid him sideways on the cool grass.

“Dobby, no, don’t die, don’t die---“

The elf’s eyes found him, and his lips trembled with the effort to form words.

“Harry. . .Potter. . .”

And then with a little shudder the elf became quite still, and his eyes were nothing more
than great glassy orbs, sprinkled with lights from the stars they could not see.
Huwaaaaaaaaaaa Dobby why do you have to die?! Huwaaaaaaaaaaaaay?! T____T

Suminghot singhot ako. Tofu naman eh, bakit kailangan si Dobby pa ang namatay?
Bakit?! Una si Hedwig, ngayon naman si Dobby?! J.K Rowling, bring Dobby back!
T___T

“miss panyo oh”

Napaangat ang ulo and may nakita akong gwapong nilalang sa harapan ko habang
inaabutan ako ng panyo

“ha? para saan yung panyo?”

“mukha kasing nato-touch ka sa binabasa mo”

Doon ko lang napagtanto na may luha na pala sa pisngi ko. Si Dobby may kasalanan
nito. Siya sisihin niyo. Pinaiyak ako. T___T

Kinuha ko yung panyo nahawak niya then pinunasan ko yung luha sa pisngi ko “t-
thanks”

Naupo siya sa tabi ko “bakit ka pala umiiyak?”

“kasi namatay yung favorite character ko dito, si Dobby”


“you know what? Dapat hindi mo iniiyakan si Dobby because he didn’t die in
vain. He saved his friends lives. That gave justice to his character”

"pero ikaw, kung ikaw ang nasa kalagayan niya, gagawin mo ba yun?" tanong ko
sa kanya

"hmmm hindi ko alam. Wala na sigurong taong nabubuhay ang katulad niya na
grabe magpahalaga sa kaibigan. Pero kung ang babaeng mahal ko ang ililigtas
ko, kahit buhay ko kapalit gagawin ko" tumingin siya saakin ng nakakaloko "do you
want me to save you?"

"h-ha? a-ano.. ehh"

Ay ampalaya! Bakit ganito nararamdaman ko? para kong natatae na ewan. Ano to? ano
itooo?

"hahahaha I'm just kidding" he stood up then he smile at me "una na ko. See you
around"tinalikuran na niya ko at nag start maglakad palayo.

“ah w-wait!” lumingon siya sakin “can I know your name?”

“I’m Kiel” he winked then tuluyan na siyang umalis.

Kiel.
The very first guy who made my heart beats fast.

[End of flashback]

I sigh.

Nangyari yun first year highschool pa lang ako, 13 years old, at hanggang puppy love at
crush pa lang.

Pero masaya ako kasi wala pang Angel na panggulo sa buhay namin noon. At
nakukuntento ako sa mga pasulyap sulyap at pangiti-ngiti namin ni Kiel.

Pero ngayon? Instant kontrabida ang role ko.

“miss panyo oh”


Napadilat ako bigla at nakita ko si Kiel sa harapan ko habang nakangiti saakin at
inaabutan ako ng panyo.

“Kiel..”

He smiled at me then naupo sa tabi ko “ayan yung unang salitang sinabi ko sayo
nung nakita kitang umiiyak dito dahil namatay si Dobby”

Medyo natawa ako sa sinabi niya “naalala mo pa pala yun”

“oo naman! makakalimutan ko ba yun eh crush kita nung mga panahon na


yun!” he laughed

Crush.

Sayang, hanggang crush lang ang naramdaman niya saakin samantalang ako, nahulog,
at walang sumalo.

I fake a smile “hehe naku baka marinig ka ni Angel, mag selos yun” at feeling ko
magseselos talaga kasi mas di hamak na lamang ang beauty ko kesa sa kanya no!

“alam naman niya ang tungkol doon. Tsaka di naman siya selosa. Alam niyang
normal lang sa isang tao ang magka crush”
Sige na siya na ang understanding!!! >__<

Kung landiin ko kaya si Kiel maging normal pa sa panigin niya?!

“anyway you scared me a while ago” he told me

“huh?”

“I saw what happened. Good thing nandoon si Terrence para i-save ka. Kahit pala
mukhang ewan siya, may nagagawa rin matino sa buhay” tumingin si Terrence
saakin “oh I’m sorry Misha! Boyfriend mo nga pala siya. I’m sorry”

“hindi ko siya boyfriend” =_____=

Walangyang Fred the chismosong photojournalist staffer ng school, mapapatay ko siya


eh! Hanggang ngayon kalat na kalat parin ang issue!!! >___<

“naku wag ka na mag deny! Ok naman si Terrence eh!”

“bakit nga pala di mo kasama si Angel?” biglang pagbabago ko ng topic.

Ayoko pagusapan yung nerd na yun. Kahit utang ko sa kanya ang buhay ko hindi ko
parin matanggap na naiissue ako sa kanya! Ayoko!! T___T
“uhmmm may meeting kasi siya ngayon eh. Hinihintay ko.”

“meeting? For what?”

“doon sa school play na gagawin. Mag o-audition kasi siya. Actually kasama ako
doon sa play… pati rin si Terrence, hindi ba niya nasabi sayo?”

“kasali siya?! Ano naman role nun? Bahay? Bato? Bushes? Manggo tree?”

“hahaha ikaw talaga! Sa gwapo ng boyfriend mo ganyan lang ang role! Actually
he got the lead guy role, so do I. Ang hinahanap na lang namin is yung dalawang
lead role na babae. Actually Angel is auditioning for the role. Kung suswertehin,
sana siya ang maging kapartner ko.”

“Wait Terrence and you got the lead guy roles then Angel is auditioning for the
lead girl role? And may kulang pang isa?”

“yep! Why, are you interested?”

I grinned “yes. Saan pwede kumuha ng application form?”

“oh I have one” inabot saakin ni Kiel yung application form.

Napangiti ulit ako.


I have a plan.

A very evil one >:)

Chapter 7

*audition*

“Miss Misha Cabrera, here’s the audition piece. Memorize it well and do your best
to to the audition later” inabot saakin nung teacher in charge ng play yung audition
piece

“thank you ma’am”

“good luck Ms. Cabrera”


Umalis na ko sa office then an evil grin formed in my face. Bwahahahahaha hindi na
aketch makapag hintay mamaya! Kating kati na ako mag audition! Paano ba naman
hindi eh nalaman kong lead guy ng antagonist si Kiel! And for sure ako ang
makakakuha ng role ng antagonist! Tapos si Angel at Terrence naman ang magiging
magka love team! Oh di ba bonggacious?!

Tapos mamaya makaka acting pa namin si Terrence at Kiel! Pero syempre ang kinuha
kong number ay yung tapat na si Kiel ang makaka acting ko! And I make sure na ang
nakuhang number ni Angel ay tapat kay Terrence. At syempre tinapat ko na
magkapartner kami ni Angel sa antagonist-protagonist role playing para naman
masampal sampal ko siya! 8-)

Bumalik na ako sa room then I started to read the audition piece and para makabisado
ko nadin yung lines ko.

______________________________________________________________________
___

Audition Piece (Antagonist Role)

Written by: alyloony

*Antagonist, nakaupo sa may table sabay labas ni Protagonist at nag-serve ng food sa


harap niya*

Protagonist: ma’am eto na po yung lunch niyo

Antagonist: *tinikman ang food, hindi nagustuhan* Ano ba yan! Ang panget ng lasa! Hoy
ikaw binabayaran ka namin dito ng tama! Pagsilbihan mo kami ng tama! You moron!
Walang kwentang katulong! Ano ngayon ipapakain mo sakin ha?! sumagot ka!!
Protagonist: s-sorry po ma’am.

Antagonist: SORRY?! Mapapalamon ba ko ng sorry mo?! *kinuha yung pagkain sabay


tapon sa mukha nung katulong* Lamunin mo yang ginawa mo! Walang kwenta!
Pinapainit mo ulo ko!!

*walk out*

_____________________________________________________________________
_____

Err yun lang?! ano ba naman yan! Ang panget ng script!! Wala ba yung gugulpihin ko si
Angel, sasampalin, sasabunutan, ilulublob sa kumukulong tubig, sasabuyan ng asido sa
mukha at ipapakain sa crocodile?! Tss walang thrill naman nito. Boooorrrriiiinngggg.

Pinagpatuloy ko yung pagbabasa nung script.

______________________________________________________________________
________

Audition Piece (Protagonist)

Written by Alyloony

*Girl and Guy not facing each other*

Girl: alam ko isa lang akong hamak na katulong, walang pinag-aralan, walang alam,
mahirap, at lalong hindi maganda. Pero masama ba na mag mahal ako? Tao din naman
ako at marunong magmahal…at masaktan. Hindi ko naman hinihiling na suklian mo
yung pagmamahal ko. Pero gusto ko lang na sabihin sayo to ng paulit ulit..
*haharap si girl kay guy sabay takbo papalapit sa kanya at yayakapin from the back*

Girl: mahal kita, sobra.

Guy: hindi mo naman talaga kailangan hilingin na suklian ko yung pagmamahal mo

*haharap si guy kay girl then hahaplusin ang magkabilang pisngi nito

Guy: kasi mahal na mahal din kita

*magugulat si girl, manlalaki ang mga mata, bibilis ang tibok ng puso, mag bu-blush,
kikiligin*

*fake kiss*

Note: fake kiss lang! bawal totohanin! Baka mamaya mamatay ka sa kilig!

_____________________________________________________________________
___

Halu-halong emosyon ang naramdaman ko nung nabasa ko yung script. Pero


nangingibabaw talaga ang kilabot sa lahat. Brrrrrr ang corny! Mais! Corny! Mais!
Jusmeeeeee ano bang lines ito?! Mga katulad lang ni Angel ang nagsasabi niyan eh!
Sino ba ang napaka korning author ang sumulat nito?! Alyloony? Loony? Lunatic?
Saang mental hospital naman kaya nila nadampot ang lunatic na writer na to! Pakiusap
ibalik niyo na siya sa mental! =___=

Tsaka ano ba yan! Wala talagang ka thrill thrill! Ni wala manlang rape scene! Yung
tipong hahalayin ako kunyari ni Kiel, or hahalayin ko kunyari si Kiel! But hay sige na
nga! May hugging from the back scene naman! pwede na kong maka chansing nun.
Wahehehehe. Or yung fake kiss tototohanin ko yun. BWAHAHAHAHAHAHA.

Nagkabisado na ako ng mga lines ko para mamaya. Kahit na parang ewan lang yung
script na to, kailangan kong ibigay ang best ko. Aba dito nakasalalay ang buhay pagibig
ko no!

[theater room]

Pumasok ako sa loob and naupo katabi nung mga iba pang mag o-audition. Nakita
naman ako agad ni Angel at nilapitan ako tsaka naupo sa tabi ko.

“Misha, mag o-audition ka rin pala?” obvious ba kaya nga ako nandito eh!

“uh yeah. Ikaw rin pala!” I told her with my sweetest tone.

“yep, sana makuha ako sa role ng protagonist” tama kasi mukha kang katulong at
aping bata!

“I’m sure you will” kasi bagay na bagay talaga ang role na yun “and sana ako
naman sa antagonist” so I could make your life a living hell. BWAHAHAHAHA.
“well goodluck to the two of us! It’ll be nice kung ikaw makakasama ko sa play”

“yeah me too” ..kahit sukang suka na ko sa pagmumukha mo.

I looked at the other students na mag o-audition. Hmm infairness ha, ang gaganda
nilang lahat. Walang halong pagbibiro. Kamukha nila ang paa ko. Oy compliment yun!
Ang paa ko ang pinaka magandang paa sa buong mundo kaya napaka laking
compliment na na masabihang kamukha nila ang paa ko. Si Angel? Err, uhmmm, sige
na nga! Kamukha niya ang kuko ko!

Maya-maya lang din, nag tawag na isa-isa para simulan yung audition. First muna is for
the role of the antagonist. By pair ang ginawa and guess who kung sino ang naka pair
ko? SI ANGEL. Ako ang antagonist at siya ang aapihin ko. Mwahahahahha.

Nung tinawag na kami sa harap, excited na excited na akog pumunta doon ng


matikman ko naman once in a life time na sigaw sigawan si Angel. Naupo ako agad
doon sa tapat ng table and when the director signaled us to start, agad nang pumasok
si Angel sa eksena na may dalang tray.

“ma’am eto na po yung lunch niyo” may inilapag si Angel sa harapan kong mga
props na food. Lahat gawa sa styro. Ano ba yan! Pag binato ko sa kanya mamaya to
walang thrill! Ni hindi manlang babakat sa mukha niya to!

Tinikman ko kunyari yung fake food na nasa harap ko na mukhang hamburger. Owwww
gulay, kamukha niya yung JD’s burger ng TGI Friday’s. Naglalaway ako. I want one
JD’s burger now. T__T
Bigla kong ibinaba ng padabog yung burger sabay sigaw “ano ba yan ang panget ng
lasa!!” kahit mukhang nakakatakam siya! *drooling* “paano mo ipapakain saakin
yang bagay na yan ha?!”gusto ko yung tunaaaaaaaaay T__T “Hoy ikaw
binabayaran ka namin dito ng tama!” nagiging sweldo mo na nga si Kiel
eh! “Pagsilbihan mo kami ng tama! You moron!” and flirt! “Walang kwentang
katulong! Ano ngayon ipapakain mo sakin ha?! sumagot ka!!” bilhan mo ko ng
JD’s burger sa TGI. 300+ ata yun. Sige na! I want! T__T Kung hindi si Kiel na lang
papapakin ko! Mwahahahahaha

Biglang yumuko si Angel at mangiyak ngiyak “s-sorry po ma’am” iyak iyak nito?!
Kaimbyerna ha!

“SORRY?! Mapapalamon ba ko ng sorry mo?!” sigaw ko sa kanya! Tama kung


ibinibigay na lang niya saakin si Kiel eh!

Kinuha ko yung japeke na food at ibinato ko sa kanya “Lamunin mo yang ginawa mo!
Walang kwenta! Malandi! Mangaagaw! Haliparot!” akin lang si Kiel!!! “plastic!
Impakta!!” na nagpapanggap na anghel! “trying hard! Pasimpleng maharot!” nasa
loob naman ang kulo!“pinaiinit mo ulo ko!!!” inirapan ko siya sabay walk-out.

“OK CUT!” sigaw nung director “that’s good! Next!” senyas niya doon sa iba pang
mag o-audition.

That’s good?! Baka ibig niyang sabihin I’m sooooo damn good!

Pinanuod ko pa yung ibang babaeng umacting acting doon. Ano ba yan! Nakaka bored
naman! Mga mukhang trying hard lang yung mga yan eh. Lalo na nung si Angel ang
umacting na kontrabida. Sus, walang dating! Di bagay mangapi! Mas bagay sa kanya
yung inaapi! Yung tipong binubuhsan ng muriatic acid sa mukha?! Wahahaha.
After ng antagonist role acting. Pinag break muna kami saglit to eat and to review the
lines for the protagonist. Ako naman kumain lang. Sus di ko na kailangan yang role na
yan! Kung di lang required mag audition sa parehong role di ko na pagkakaabalahan pa
yan! But oh-well, pagkakataon ko narin naman makachansing kay Kiel mahlabs!

After 30 minutes break, bumalik na ulit kami sa theater room at naupo. Nakita ko naman
si Kiel at Terrence na nakaupo sa may stage. Mamaya kasi isa sa kanila ang makaka
eksena namin. Syempre si Kiel ang ka-scene ko! Bwahahahahaha. At si Angel kay
Terrence!

Nag umpisa na sila sa pag aacting nung napaka korning scene. Halos masuka naman
ako sa tabi. Juskooo kinikilabutan talaga ako! Lalo na kung maiisip ko na sasabihin ko
rin ang mga bagay na yan mamaya. Kung wala lang hugging from the back at fake kiss
scene talagang tatakas na ko! Brrrr kakakilabot talaga.

Nung si Angel na ang nasa stage, halatang halata kay Terrence na malapit ng mag
hyperventilate. Aba malamang ka scene niya ang babaeng pantasya niya eh! Baka
mamaya pag niyakap na siya ni Angel eh bigla na lang mangisay yan diyan!
Wahahahahaha. But so far, na-handle naman niya ang scene na maigi. Halatang
nanginginig lang siya after ng scene. Pagpahingahin na muna yan! Wahahahaha.

“Ms. Misha Riel Cabrera, in the stage please”

“yes sir!”

Tumakbo ako papunta sa stage and nakita ko narin si Kiel na papalapit. Gooollaaaayyy
di pa naguumpisa kinikilig na ko ng bongga! Uwahahaha. Mag start ka na!!
Tumalikod na ko kay Kiel and siya din tumalikod na. Bali magkatalikuran na kaming
dalawa.

“and one, two, three..” senyas nung director “action!”

Ok! Eto na! *ehem ehem*

Inumpisahan ko na yung pag de-deliver ng lines “alam ko isa lang akong hamak na
katulong”and a damn hot one! “walang pinag-aralan, walang alam, mahirap, at
lalong hindi maganda”pero syempre echos lang to! Kabaligtaran lahat ng yan
no! “Pero masama ba na mag mahal ako? Tao din naman ako at marunong
magmahal…at masaktan..” masama na nasasaktan ako! Nagiging wild!
RAWR! “Hindi ko naman hinihiling na suklian mo yung pagmamahal ko” ay
excuse me! Hindi no!!! gustong gusto ko ang pagmamahal niya! Di ako martyr! “Pero
gusto ko lang na sabihin sayo to ng paulit ulit..”

Etooooo naaaaaaaa!!!!

Humarap ako kay Kiel at nakita ko ang napaka sexy niyang likuran. Tumakbo ako
papalapit sa kanya then niyakap siya from the back.

Ohh the abs! nahahawakan ko yung abs niya!! O///O

“mahal kita, sobra” sabi ko kay Kiel with matching pasinghot singhot sa likod niya.
Hmmmm bangooooooo. Wahehehehe sige na ako na malandi!
“hindi mo naman talaga kailangan hilingin na suklian ko yung pagmamahal
mo” sabi ni Kiel saakin then humarap na siya saakin.

AT NAKITA KO ANG PAGMUMUKHA NI TERRENCE!

W-wait… p-paanong naging si Terrence si Kiel?! Wait ano to?! Anong kaguluhan to?!
Kanina si Kiel ang kapartner ko! Paanong nag transform na si Terrence to?!
Huwaaaaaay?! HUWAAAAAAAAAAAAAAAY?!?!?! T___T
Hinaplos ni Terrence ang magkabila kong pisngi at para naman akong nakuryente nung
dumapi ang balat niya sa balat ko “mahal na mahal din kita, Misha”

Hindi na kailangan sabihin pa sa description na kailangan kong magulat kunyari dahil


ngayon pa lang, umaapaw na sa pagkagulat ang nararamdaman ko at pakiramdam ko
ang init init ng mukha ko! BAKIT BA PARANG NAMUMULA AKO NGAYON HA?!

He leaned forward then medyo inangat niya ang chin ko. Napalunok ako bigla.

Ano to?! Ano toooo?!?!

Pumikit siya and unti-unting lumapit saakin. Papalapit ng papalapit…

W-wait akala ko ba fake kiss lang ha?! bakit parang tototohanin ni Terrence! O-oy, ano
to?!

Bumilis ang tibok ng puso ko at hindi ko namalayan napapikit na lang din ako.
Naramdaman ko na yung breath ni Terrence kaya paniguradong sobrang lapit na ng
mukha niya sa mukha ko. Hinintay ko na lang na may malambot na labing dadampi sa
labi ko.

Paunti-unti… paunti-unti..

At…
“OKAY CUT!!”

Pareho kaming napadilat ni Terrence at nakita kong pulang pula din siya. May kung
anu-anong sinabi yung director pero di ko na siya naintindihan. Isa lang ang
naintindihan ko sa sinabi niya at yun ay ang salitang “bravo”

Bravo? Bravo biscuit? Baka nagugutom siya.

Mala-robot akong naupo sa upuan ko at feeling ko mag ha-hyperventilate ako any


minute. Alam niyo yung parang hinahabol mo ang hininga mo though nakakahinga ka
naman ng maayos? Ganun! Ganun ang nararamdaman ko! Tsaka parang may
something sa tyan ko. Ewan kung ano.

Pero kanina kasi… Ay tofu naman! muntik na kami maghalikan dalawa! Onti na lang!
kung hindi kinut nung director!! Onti na lang eh!!!

Hindi sa disappointed ako ha… pero ano kasi eh… BASTA YUN!

Pinanuod ko mag acting yung iba pero yung utak ko lumilipad. Paki huli nga para
saakin, pakiusap! T__T
Maya-maya lang din, natapos na sila. Nag-antay lang kami ng kaunti then lumabas na
ulit yung director para i-announce saamin kung sino ang nakakuha ng role ng
protagonist and antagonist.

“ok girls, you all did a great job kaya naman medyo nahirapan kami sa pag pili.
But anyways, para po doon sa mga hindi mapipili, theater club will be very much
greatful to accept you. Automatically, lahat kayo member na ng theater club.”

Siguro kung di ako mapipili, ok lang din na member ako basta kasama ko si Kiel. Pero
di ko matatanggap pag si Angel nakuha ako hindi!!

“ok! So for the role of the antagonist”

Eto na! etooo na!! Say my name please! Say my name!!!

“congratulations Ms. Angel Deograsia! You got the role!”


ANO?! SI ANGEL?! ANTAGONIST?! NAGLOLOKOHAN BA TAYO DITO!!! BAKIT SIYA
ANG ANTAGONIST AT HINDI AKO?! HA!! DI PWEDE! HINDI ITO PWEDE!!!

“for the role of the protagonist..”

Wala akong paki sa makakakuha ng role na yan! Hindi pwede to! Ako dapat ang
nandun at hindi siya! Mangaagaw na babae! Nakakayamot!

“congratulations Ms. Misha Riel Cabrera! You got the role”

Hindi pwedeng si Ange—ano daw? T-teka, ano ulit?

“congratulations Ms. Misha Riel Cabrera! You got the role”

Ayaw mag sink in sa utak ko! Ulit ulit!

“congratulations Ms. Misha Riel Cabrera! You got the role”

Teka ako ba yun?! Misha ba pangalan ko? Ako ba yun?


“congratulations Ms. Misha Riel Cabrera! You got the role”

O_____O

“congratulations Angel and Misha! By the way, Angel, yung makakalovteam mo is


si Kiel while Misha, kayo ni Terrence”

POOF.

End of the world.

Pair si Angel at Kiel.


Ako at si Terrence.

At ang mas malala,

Angel got the role of the antagonist, I got the role of the protagonist. AAPI-APIHIN NIYA
AKO!!!

PAKINSHET! >___<
Chapter 8

*opposite attracts*

“Hindi ko na to kaya?! Bakit ganito?! Simula ng inihulog ng langit ang anghel na


yun sa lupa nagkanda malas malas na ko?! Ha ?! bakit?!?!” T___T

“condolence sister pfftt hahahaha” sabi ni Heidi habang pigil na pigil ang pagtawa

“huhuhuhuhu. Bakit nagkabaligtad ang mundo?! Hindi pang api-apihan at


katulong ang beauty ko! Hindi!!”

“o-ok lang yun Misha” sagot naman ni Terrence habang ang lapad lapad ng ngiti sa
mukha.

Ay antofu! Ako lang ba nagluluksa sa nangyari?! Mismong si Terrence hindi mabura


ang ngiti sa mukha eh! Malamang hanggang ngayon kinikilig parin yan sa yakapan
scene nila ni Angel.

Samantalang ako ni chansing kay Kiel di ko nagawa! T__T


“hahahahahahahhahahaa! Bwahahahahaha! Grabe akalain mo yun? Naging BIDA
ka? Biruin mo talaga Misha! Wahahahahahahahahaha”

“b-bakit? B-bagay naman kay Misha ang bida ah?” sabi ni Terrence habang naka
smile from ear to ear

Tinignan ko siya ng masama “nangiinsulto ka ba ha?!”

“h-hindi..”

“teka nga Terrence, bakit mukhang ang saya saya mo ngayon?” tanong ni Heidi sa
kanya

“eh paanong hindi!!! Naka chansing yan kay Angel!” sagot ko naman

“naku, baka naman dahil kapartner mo si Misha kaya abot tenga ngiti mo?” sabi ni
Heidi kay Terrence

“ha? ahm,, eh.. ah.. ay! M-may pupuntahan pala ko! S-sige babye” biglang
kumaripas ng takbo si Terrence palayo saamin

“alam mo sister, bagay kayo ni Terrence swear!”


“kami?! Bagay?! Na-uh! Kita mo ngang total opposite ko yung lalaking yun eh!
Tsaka hindi siya ang tipo na gusto ko! Napaka weak! Ayoko ng ganun. Mamaya
pag may nangholdap samin ako pa magtanggol diyan”

“but opposite do attracts right? Tsaka tignan mo, kahit gaano ka strong ang
personality mo at kahit gaano ka kamaldita hindi ka parin nilalayuan ni Terrence”

“kasi may kailangan siya saakin! At ayun ay ang makuha si Angel!”

“hay naku sister bat ba ang manhid manhid mo?” tumayo na siya then tinapik niya
ko sa balikat“well goodluck na lang sayo Ms. PROTAGONIST hahahahaha” at
tuluyang umalis habang walang humpay na tumatawa =___=

Madapa ka sana sister! +____+

Kinuha ko narin yung bag ko at inayos yung gamit ko. Jusko wala na mangyayari saakin
kung iiyakan ko lang ito. Kailangan mag move on! Pero… pero kasi…

Waaaaaaaaaaaaaaaaaaah! Si Misha Cabrera protagonist?! Kill me now! Napakahirap


tanggapin! Ok lang sana kung kapartner ko si Kiel eh! Tatanggapin ko ang pangaapi ni
impakta na inihulog sa langit.

Pero bakit ba lagi na lang ako kay Terrence napupunta?! T__T

“but opposite do attracts right?”


Ay ewan ko sayo Heidi! Hindi kami magnet ni Terrence, tao kami! Kaya hindi kami
pwede maattract sa isa’t isa! Never!

“Misha!”

Badtrip ako wag niyo kong kausapin kung ayaw niyong bawian ng buhay ngayon!

Di ko pinansin kung sino mang nilalang ang tumatawag saakin instead tinuloy ko na
lang ang pagaayos ng bag ko.

“hey Misha” tinapik ako nung istorbong nilalang sa balikat ko..

…at sumabog ang bomba

“ANO BA--!!”

“ow, sorry, naistorbo ba kita?”

Namula naman ako bigla ng makita ko si Kiel sa likod ko.

“ah h-hindi! N-nagulat lang ako” tsaka kung kasing gwapo mo ang mangiistorbo
saakin, very willing akong magpaistorbo ^____^
“oh I’m sorry. By the way, I just want to congratulate you. Hindi kasi kita nakita na
kanina eh. Bigla kang nawala”

“hehehe nahiya kasi ako. Anyways thanks”

“grabe ang galing galing mo kanina! Tsaka bagay na bagay sayo yung role. Di ko
alam na talagang may acting skills ka pala. Akala ko kanina totohanan na yung
scene niyo ni Terrence eh. But anyways, hands down talaga ko sayo. Bagay na
bagay sayo maging protagonist”

“t-talaga?” napahawak ako sa pisngi ko “nahiya naman ako bigla! But uy! Salamat
talaga ha?” bakit ba nung si Kiel na ang nagsabi kesa mainsulto ako ay abot sa
kasukdulan ang kakiligan na nararamdaman ko? Wahehehehe. Ako na malandi.

“you deserve it. So, see you tomorrow. Masaya ako na makakasama na kita sa
theater club” he winked at me then nagpaalam narin siyang umalis.

Masaya daw siya na kasama ako ohhhh.. Sabi niya masaya siya! huwaaaaaaaaa
*kembot kembot* Ano ka ngayon impaktang Anghel?! bwahahahahahahahaha *kembot
kembot*
Ngiting ngiti ako habang naglalakad pauwi to the point na pinagtitinginan na ko ng mga
tao. PAKI BA NILA?! EH SA KINIKILIG AKETCH EH! MWAHAHAHAHA

Alam niyo yung sirang sira ang araw mo pero dahil sa may nangyaring ganto eh naging
nakakakilig na araw ito? Ayun ganun ang nangyari saakin. Kiel ang sarap mong
kidnapin at halayin. Juskooooooo I love you na talaga! So what kung yun ang nakuha
kong role? Napuri naman ako ni kiel at masaya daw siya na nakasama ako sa theater
club. Hindi man ako makachansing sa mga eksena namin, pwede naman ako
chumansing behind the scene!

At dahil diyan, seryoso na ko! Protagonist man or antagonist, makasama ko lang si Kiel,
masaya na ko! Kahit pa sampal sampalin ako ni Angel! Dahil alam ko behind the scene
ako na ang sasampal sa kanya! mwahahahahaha

(the next day)

BAD TRIP =___=

Paano ba naman kanina sa meeting ng theater club inassign ako at si Terrence na


gumawa ng mga flyers para sa gagawing play. Kaya no choice ako ngayon kung hindi
ang magpunta sa bahay nila.
Isa pa tong si Angel kung makapulupot ng kamay sa braso ni Kiel parang ahas! Kung
ipulupot ko kaya siya sa taas ng flagpole?! Nakakayamooooootttt.

Binigay narin saamin yung buong script para makabisado na namin dahil next week
start na ng mga practices. Binasa ko yung script at anak ng tokwa itong nakuha kong
role. Isa akong katulong, tapos amo ko si Angel. Aapi-apihin naman ako ni Angel kasi
maldita siya. AT MAGPAPAAPI NAMAN AKO. Tapos biglang uuwi yung pinsan ni Angel
from states which is si Terrence at siya ang magiging knight in shining armor ng damsel
in distress na si inday. On the other hand, makikilala ni Angel si Kiel tapos si kiel ang
makakapagpabait kay Angel.

Ang corny ng story, kasing corny ng author na nagsulat, si alyloony. Lunatic nga kasi,
galing pang mental kaya ganun.

Tsaka nasan na ba yung stupid nerd na yun?! Dalawang segundo na niya ko


pinagaantay dito sa labas ng school gate! Grrrr pag bumalik yun dito katapusan na ng
lahi niya!

“Misha! S-sorry. Tara na?”

Tinignan ko siya ng masama “you” itinulak ko siya sa may pader at iniharang ko ang
braso ko “di ba sabi ko naman sayo na ayokong pinagaantay kahit isang
segundo? Do you want to die?!”

“h-h-hindi. S-s-sorry na. D-di ko na u-uulitin!”

“nililinaw ko lang. dahil the next time na gawin mo pa ulit saakin to” I draw a line
on my neck“you’re a dead meat”
“o-opo!”

I smile “good” lumayo na ako sa kanya at bigla namang may humintong magarang
kotse sa harapan namin. Biglang may nagsibabaang men in black then pinagbuksan
nila ang pinto nung kotse

“sir sakay na po”

“t-tara na Misha”

Teka, teka, teka, teka…

Wait lang… teka, si Terrence ba ang ‘sir’ na tinutukoy nila? Si Terrence ba yung
pinapasakay nila sa kotse?

Kay Terrence ba itong kotseng to?

Tinignan ko si Terrence tapos tinignan ko yung mga men in black tapos yung kotse.

O____O ANO TO?!

“ah m-misha?”
“kotse mo ba yan?”

“nope. It’s not mine. Sa dad ko yan”

p-pero kahit na---

“Misha? Sakay na tayo”

Pumasok ako doon sa kotse at sumunod si Terrence. Tulala ako the whole ride at mas
natulala ako ng makarating na kami sa bahay nila.

HOLY STARS meron palang nag eexist na mansion dito sa subdivision namin? O___O

Alam kong pareho kami ng subdivision ni Terrence pero di pa ko nakakapunta sa part


na to kasi restricted tong part na to dahil puro mayayaman ang nandito. Hindi ka agad
agad makakapasok.

And to think nasakanila ang pinaka malaking bahay? Bakit ba hindi halata na mayaman
ang isang to? Yung way niya ng pagsasalita at pananamit hindi talaga halatang
mayaman. Kung di ko pa nga minake over to hindi sana siya mukhang tao ngayon.

Pero biruin niyong mas mayaman pa siya saakin?! Di ako makapaniwala!! *sampal sa
sarili* hindi ba ko nananaginip?! *sampal ulit sa sarili* iniwan ni Angel ang
multimillionaire na lalaking to? *sampal sa sarili* kung ako sa kanya balikan na niya si
Terrence…
…tapos akin na lang si Kiel! Mayaman din naman ako eh di nga lang multimillionaire!
Wahahahaa

Pumasok kami sa bahay at may sumalubong saamin na isang magandang babae.


Siguro nasa mid 20’s na siya. Mukha siyang super model and she looks very familiar.
Kahawig din niya si Terrence. Siguro ate niya? (look the picture at the side)

“Terrence you’re home!” lumapit yung babae and hinalikan ang magkabilang pisngi ni
Terrence“I’ve been waiting for you”

“mom”

MOM?! Nanay niya?!

SERYOSO?! O____O

“she’s here..” sabi ng niya sa mom niya na mukhang ate niya

“Misha?”

“a-ako nga po” wait kilala niya ko? Paano nangyari yun?
“oh my gosh! Tama nga ang kinukwento ni Terrence! Ang ganda ganda ganda
mo!!” niyakap ako ng mom ni Terrence “welcome to the family!”

“a-ano po?”

Tinignan ko si Terrence ng may halong pagtataka but nilayo niya lang ang tingin niya
saakin

Humiwalay ang mom ni Terrence sa pagkakayakap at pinaghahalikan ang magkabila


kong pisngi“hija you can call me mom! Doon din naman ang kapupuntahan non
eh!” she winked at me

“t-teka lang po.. hindi ko magets.. ano pong—“

Biglang hinawakan ng mom ni Terrence ang tummy ko “sana baby girl ang maging
anak niyo ni Terrence. For sure magiging kamukha mo yun!”

Wait ano daw?! Baby girl?!

Teka nga muna!!! Ano ibig sabihin nito?!

Tinignan ko ulit si Terrence and he’s avoiding my gaze

AY TOFU
AKALA BA NG NANAY NIYA EH BUNTIS AKO AT SI TERRENCE ANG AMA?!
O_______O

Chapter 9

*Quizon Family*

(part 1)

“ANONG SABI MO?! AKALA NILA BUNTIS AKO AT IKAW ANG AMA?!” sigaw ko
kay Terrence habang nandun kami sa kwarto niya na ubod ng laki. Buti na lang at
sound proof ang wall nito kung hindi ay naku, abot hanggang sa kabilang village ang
lakas ng boses ko.

“M-misha kasi, h-hindi ko talaga maiexplain—“


“ANONG HINDI MO MAI-EXPLAIN HA?! KAILANGAN KO NG PALIWANAG MO
KUNG AYAW MO PANG MA MEET SI SAN PEDRO!!!!!”

“o-opo! K-kasi ganito yun..”

[Terrence’s Flashback]

*Terrence’s POV*

“I’m home” sabi ko pagkapasok ko ng loob ng bahay. Agad naman akong sinalubong
ni Thea, my cute 7 years old little sister

“oniichan okaeri!” [welcome home kuya!]

I pat her head “naku nawiwili ka na naman ng panunuod ng anime sa internet.


Mamaya niyan eh hindi ka na naming maintindihan dahil nag hahapon ka na."

She giggled “kuya nasan ang girlfriend mo? Bat hindi mo kasama?”

“wala naman akong girlfriend” …break na kaya kami ni Angel


“meron kaya kuya! Nakita ko siya. Yung maganda at mukhang angel”

“maybe you’re talking about ate angel?”

“no! hindi si ate angel. Iba”

I chuckled “naku ikaw talaga. Wala naman ibang girlfriend si kuya”

Tinalikuran ako ni Thea and tumakbo sa may sofa kung saan nakalagay yung bag ko.
She opened it then pinakielamanan niya ang gamit ko. Pinabayaan ko lang doon si
Thea kasi alam ko naman na hindi niya sisirain yun. Hilig lang niya talaga na kalkalin
ang laman ng bag ko.

“oh Terrence baby you’re here” nakita kong lumabas ang mom ko from the kitchen.
Nilapitan ko siya then I kissed her cheeks “pumunta ka na sa dining room at kakain
na tayo. You too Thea baby, bat mo pala pinapakielamanan gamit ng kuya mo?”

“hinahanap ko si ate girlfriend ni kuya”

Tumingin saakin si mom “may girlfriend ka na ulit?! Really?!” she asked me


excitedly “who is the lucky girl? Maganda ba? Maputi? Magkamukha ba kami?”

“ma! Wala po!”


“nye! Ano ka ba naman anak! Ang gwapo gwapo mo walang gf? Bumalik ka na
nga lang sa pagiging nerd ng magka gf ka naman!” sabi ni mama sabay talikod
saakin at balik sa kitchen

Ganun talaga ang mom ko. Mas atat pa kesa saakin. Ewan ko ba, baka siguro iniisip
niya na bakla ako or something kaya gustong gusto niya na magka gf ako. =___=

Pumunta na ako sa dining room and saw my dad there reading a newspaper

“hey dad!”

“oh Terrence you’re home! Ano nga pala yung sinasabi ng kapatid mo na may gf
ka na?”

Pati ba naman ang aking ama ganun din? T__T “naku wag kayo nagpapaniwala kay
Thea”

“ano ka ba naman anak! Ang bagal bagal mo talaga. Kung may nagugustuhan ka,
ipagtapat mo na agad agad mamaya maunahan ka pa ng iba! Tsaka kung
talagang feeling mo mahal na mahal mo na siya at siya na talaga hanggang huli,
talian mo na!”

“t-talian?”

“oo! Come closer may sasabihin ako” inilapit ko yung tenga ko kay dad the he
whispered “bigyan mo ng baby”
Naginit bigla ang mukha ko at umakyat lahat ng dugo sa katawan ko papunta sa ulo ko.

"DAD!!!"

Napakagandang fatherly advice naman nito. Nakakatuwa. Sobrang may point siya!
Grabe. Napaka good influence =___=

“basta anak ha! gusto ko baby boy!” sabi ni dad

“dad naman eh!”

“oy ano yang pinaguusapan niyo?” singit ni mom habang dala-dala yung food
namin “anong baby boy?”

“wala mommy. Sabi ko kung magkaka anak si Terrence gusto ko baby boy”

“nye! Ayoko ng baby boy daddy. Maganda kung baby girl!”

“baby boy muna darling. Then susundan na lang nila ng baby girl para may
tagapag tanggol yung baby girl. Parang si Terrence at si Thea”

“kung sabagay daddy, you got some point there”


“mom, dad, ano ba kayo! Matagal pa bago ako magkaanak!” =___=

“eeeeehhh, I want an apo now!” T_T sabi ni mommy

“gusto mo mommy gawa tayo ng apo?” sabi naman ni daddy

“daddy naman eh! Masyado kang mapagbiro! Sabi ko apo hindi another anak!
Hihihi”

Ay naku itong matatandang to, talagang sa harap ko naglandian? Mga bastusen.

“hay naku kumain na nga tayo!” naupo si mom sa side ni dad “thea, come here
baby! Kakain na tayo” tawag ni mom sa kapatid ko

“ok mom! I’ll be there for a sec” sagot naman ni Thea

Nagstart na kong kumuha ng food. Maya-maya lang may narinig akong maliliit na yabag
na papalapit saamin

“mom! Dad!” pumasok si Thea sa dining room na may hawak na newspaper “this is
the onechan I am talking about. Kuya’s girlfriend!”
Halos mabilaukan ako ng makita ko na hawak hawak ni Thea yung school newspaper
kung saan frontpage kami ni Misha habang magkadampi ang mga labi namin. Yung
accidental kiss namindoon sa playground

“h-hey! Give it back!”

“KYAAAAAAAAAAAA” tili ni Mom at bago ko pa mahablot kay Thea yung newspaper,


agad na niyang kinuha ito “oh my gosh who is she? Who is she?” binasa niya yung
article doon “Misha Riel Cabrera? Wow she’s very pretty, look dad oh?” pinakita ni
mom kay dad yung newspaper

“nice catch son!”

“M-mom, dad hindi kami!”

“ano ka ba naman Terrence baby! Wag mo na itanggi, ayan ang proof sa picture
oh” – mom

“mom! Aksidente lang—“

“accident?! Anong accident? Don’t tell me—“ – dad

“bakit daddy ano yun?” – mom

“you know na mommy. The totoot thing.” – dad


Napatakip ng bibig si mom “oh my gosh!! You did the totoot thing?!” O__O

“mom what’s the totoot thing?” tanong ni Thea

“masyado ka pang bata Thea baby. Tsaka na pag lumaki ka na. Censored eh” –
mom

“mom! Dad! Ano ba yang iniisip niyo! Hindi ganun yun! What I mean is—“

“wag mo ng ituloy young man! Sasabihin mo na aksidente lang but the truth is
ginusto niyo pareho yun kaya panagutan niyo ang actions niyo!” sabi ni dad
saakin

Oh for Pete’s sake!

“teka ibig sabihin ba nito magkaka apo na tayo daddy?” tanong ni mom

“ganun na nga mommy!” sagot naman ni daddy

“I’m going to have a little sister?” – thea

“no darling. You are going to have a niece” – mommy


“I’m going to have a niece? Wow I’m so excited!”

“mom! Dad! Thea! Ano ba kayo!”

“baby! Baby! Baby!” they all said in chours

Oh God!

[end of flashback]

[Misha’s POV]

“at yun nga ang nangyari” paliwanag ni Terrence

Napaupo ako sa kama. Anak ng tofu, nabuntis ako ng hindi ko alam? Nabuntis ako ng
hindi ginagawa yung totoot thingy na sinasabi nila. Baka mamaya ang itawag nila
saakin ay Virgin Misha. Juskoooooo ano ba tong gulong to!!!
At ano ba tong pamilyang to?!

“ikaw! Bakit hindi mo manlang ipinaliwanag sa kanila ha?!”

“eh kasi hindi naman nila ko pinapakinggan eh”

“oh ngayon ano gusto mo mangyari ha?!”

“uhm a-ano. Mag panggap ka muna na preggy hanggang sa makakuha ako ng


tsempo na ipaliwanag sa kanila”

“eh ampupu ka naman eh! Paano kung mag na-9 months na hindi mo parin
mapaliwanag?! Paano ako makakapag produce ng baby ha?! sabihin mo nga!
Stupid nerd!”

Tinignan niya ako “M-misha, k-kung ano kaya..” he step forward

Umatras ako.

Uh-oh. Mukhang alam ko na iniisip ng isang to, at mukhang di ko magugustuhan

O///O
“o-oy Terrence kung ano yang pinaplano mo wag mo ng ituloy!”

“p-pero wala naman akong ibang alam na solusyon kundi iyon” humakbang ulit
siya papalapit saakin at ako naman lumayo

“T-terrence..”

Humakbang ulit papalapit si Terrence “siguro, hindi naman masama di ba?”

Humakbang ako palayo “o-oy! Anong hindi masama! Back off kung ayaw mong
mamatay ng maaga” >___<

Hakbang ulit papalapit “but we need to do this. I am desperate”

Jusko. Bakit parang may pakiramdam ako na pag ang lalaki na ang nagsabing
desperate sila eh dapat na kong kabahan dahil alam kong nagiging wild na sila? O__O

“T-terrence”

“Misha, I----aray!” bigla na lang may naapakan na kung ano si Terrence kaya
bumagsak siya saakin at pareho kaming napahiga sa kama niya.
Si Terrence sa ibabaw, ako sa ilalim

“o-oy! Umalis ka diyan!!!” sigaw ko

“Misha.. ano kasi…”

Biglang may nagbukas ng pinto ng room ni Terrence at agad naman kami napatayo.
Pagkakita ko, yung mom pala ni Terrence yung nag open

“oopppss, naistorbo kop ala kayo? Ahihihi. Sige ipagpatuloy niyo lang” sabi ng
mom ni Terrence sabay sarado ng pinto. Narinig pa namin siya na sumigaw
na “Terrence baby! Dahan dahan lang ah? Wahihihihi”

Gulaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaay!

Di ako makapaniwala! Sa loob lang ng isang araw magkakaroon na kami ng instant


baby ni Terrence T___T

Chapter 9.2
“M-misha sorry talaga. Hindi ko talaga sinasadya!”

“oo na oo na! ilang beses mo na ba sinabi saakin yan ha?! may magagawa pa ba
ko?! Pero ikaw!” itinutok ko yung gunting na hawak hawak ko sa kanya “ano plano
mo kanina ha?! yung sinabi mong wala ka ng naiisip na paraan?!”

“h-ha? eh sasabihin ko sana na kunyari nalaglag yung baby”

Binatukan ko siya “ginawa mo pa kong masamang ina! Mukha mo! Hindi ako
papayag!!” err bakit kung makapag salita ako parang may baby talaga sa tyan ko?
=___=

“e-eh ano gusto mo gawin natin?”

“tinatanong pa ba yan?! Edi ipaliwanag mo sa kanila lahat!! Kung hindi naku


patay ka talaga saakin!!”

“s-sige ipapaliwanag ko na po” he told me sabay yuko.

Hay naku! Bakit kasi sa dinami-dami pa ng maiissue na nabuntis ni Terrence eh ako


pa?! Bakit hindi na lang si Angel para masaya?!
Simula ng dumating yang stupid nerd na yan sa buhay ko puro kamalasan na lang ang
natatamo ko!

Kinuha ko yung mga naprint ng flyers namin para sa theater club and nagstart mag
gupit. Si Terrence naman patuloy parin sa pagpiprint ng flyers

“Misha, nagka boyfriend ka na ba?”

Bigla naman napaangat ang ulo ko sa tanong ni Terrence “bat mo naman naitanong?
Iniintriga mo na ko ngayon? Ikaw na ba si Boy Abunda?”

“h-ha? h-hindi, curious lang ako. Kasi di ba ang ganda ganda mo. For sure
madami ang nagkakagusto sayo”

Bigla naman ako kinilig na ewan dahil sa sinabi ni Terrence. Ay jusko bat ba ganto?
Marunong naman pala siya mambola eh bakit hindi niya magawa kay Angel? Bakit ako
ng ako ang binobola at pinapakilig niya? =__=

I fake a laugh “hahaha. Walang nagkakagusto saakin kasi mataray ako at suplada
pati palaban. Nakaka turn off sa mga lalaki yun.” well totoo naman ang sinabi ko but
hindi ko binabago ang sarili ko kasi gusto ko yung tanggap ako.

Parang si Kiel.

“h-hindi naman lahat”


“sus oo kaya! Mga gusto niyo kasi yung mga damsel in distress. Yung mga
tipong di mabubuhay kung walang lalaking magliligtas sa kanya. Ayaw niyo ng
mga Ms. Independent kasi naiintimidate kayo! Kaya walang nagkakagusto
saakin”

“hindi totoo yan no. Crush kaya kita”

Hindi ko masyado narinig yung huli niyang sinabi kaya napatingin naman ako sa
kanya “ano? Di ko narinig”

“W-wala”

“ano nga?!”

“w-wala nga..”

Nilapitan ko siya at itinapat ang mukha ko sa mukha niya “eh sabihin mo ano yun
kundi itatapon kita sa Bermuda triangle!!” =___=

Agad iniwas ni Terrence yung tingin niya saakin at lumabas ng room niya.

Ok? Ano problema nun?

Inamoy ko yung sarili ko. Mabango naman ako. Pati hininga ko mabango. Bat biglang
umalis yun?
“hay naku excited na talaga akong maging lola! For sure maganda ang magiging
anak niyo!”

“mommy, baby boy ang magiging anak nila hindi girl”

“hay naku daddy feeling ko talaga baby girl eh!”

Nandito ako ngayon kasabay kumain ng family ni Terrence. Tinignan ko yung mom
niya. Kahit saang anggulo ko tignan ang ganda ganda niya. Tinignan ko naman yung
dad niya. Siguro kung hindi ko alam na ama to ni Terrence nagka crush na ko dito eh.
Tinignan ko yung little sister ni Terrence, ampupu ang cute cute. Gusto ko kidnapin at
iuwi sa bahay namin. =___=

Tinignan ko si Terrence. Oo na gwapo na siya! Pasalamat siya sa makeover ko.


Mwahahahaha

Pero ngayon nasa hot seat kaming dalawa ni Terrence at pinagtatalunan nila kung baby
boy or baby girl ang baby na supposedly nasa sinapupunan ko.

Sinenyasan ko si Terrence and gave him a tell-them-the-truth look. I saw him breath
deeply then nag fake cough siya.
“uhmm mom dad, I want to tell you something”

Napalingon sila kay Terrence

“ano yun anak? Magpapakasal na kayo?” – mom ni Terrence

“maghahanap ka na ng trabaho?” – dad ni Terrence

“titigil ka na sa pagaaral?!” – mom ni Terrence

“magiging out of school youth ka na?!” – dad ni Terrence

“mag to-totoot ulit kayo?!” – mom ni Terrence

“at mag aanak ulit?” – dad ni Terrence

“hanggang sa magiging dalawa na ang anak niyo?!’ – mom ni Terrence

“sampu?!” – dad ni Terrence

“bente?!” – mom ni Terrence


“hanggang sa mapupuno na ng mga bata ang buong bahay natin?!?!?!” – dad ni
Terrence

“tapos ibibili niyo ko ng poodle?” – Thea

“MOM! DAD!! HINDI YUN!!” =___=

Ngayon alam ko na kung bakit nahihirapan mag explain si Terrence sa kanila.

“what is it oniichan? You’ll gonna buy me a poodle?” tanong ni Thea

“no thea!”

“ehhh I want a poodle!” =___=

“hay naku! Pagpaliwanagin niyo po muna ako! Wag po muna kayo magsasalita
ok?” they all nod

“kasi ganito yun” huminga ulit ng malalim si Terrence “uhmm kasi k-kasi walang
baby—“

“ANONG WALANG BABY?! NALAGLAG YUNG BABY?!” sigaw nung mom ni


Terrence
“Hindi ma! I mean wala naman nabuo eh!”

ANONG WALANG NABUO?! WALANG MABUBUO DAHIL WALA NAMAN NANGYARI


SAAMIN! GRRR NAKAKAASAR NAMAN MAG EXPLAIN ANG ISANG TO!!

“aaahhh” they all said in chorus

Bigla naman yumakap yung mom ni Terrence sa dad niya “daddy akala ko magkaka-
apo na tayo! It’s so sad!!” T___T

“hay oo nga mommy eh. Masyado kasi mabagal ang anak natin. Di bale hintayin
na lang natin. Makakabuo rin ang mga yan”

Bigla akong namula sa sinabi nila. Alam niyo yung gustong gusto ko mag wala dito at
sabihing walang nangyari saamin ni Terrence, hindi ko siya boyfriend, at mas lalong
hindi ako ang taong magbibigay sa kanila ng apo kundi si Angel.

Kaso ampupu walang lumalabas sa bibig ko dahil masyado akong speechless sa


pamilyang ito.

“I want poodle” sabi ni Thea

“sure Thea baby we’ll buy you a poodle. Hangga’t wala pang baby ang kuya mo at
soon to be ate mo ayun muna ang aalagaan natin” sabi ng mom ni Terrence.
Nakaka speechless talaga. =___=

“HAHAHAHAHAHHAHAHA. Grabe mamatay na ko! Help me I’m gonna die


laughing! Hahahahahahaha”

“masyado ka naman enjoy na enjoy niyan” =__= sabi ko kay Heidi na kulang na lang
eh mamatay na dahil sa sobrang kakatawa. Kinuwento ko kasi sa kanya yung nangyari
kahapon sa bahay nila Terrence kaya ganyan makahagalpak ng tawa yan.

Ayan ba ang tinatawag na best friend?! Grabe ha! kahit damayan man lang niya ko sa
kahihiyan na nararamdaman ko! Pero tignan niyo ginagawa niya ngayon,
pinagtatawanan ang magandang si ako! Wala na lang siya ibang ginawa kundi tawanan
ang kamalasan ko.

Ang sama niyang best friend T___T

“hahahahahhaha! Naku edi legal na legal ka na sa bahay ni Terrence ha?! gusto


na nga na magka baby kayo eh! Kung bigyan mo na kaya sila ng apo? Ako ninang
ha? hahahahahahahha”
“hindi ka nakakatulong!!!”

She tried to calm herself pero hindi niya parin mapigilan ang tawa niya “eh kasi naman
sister eh bat hindi mo ba makita kung gaano kayo ka perfect ha?”

“naman eh! Ilang beses ko bang sasabihin sayo na wala ng mas pe-perpekto pa
kay Kiel. Siya lang ang gusto kong makasama at mahalin wala ng iba!!”

Biglang tumayo si Heidi then she clapped her hand “and the winner for best actress
goes to Misha Riel Cabrera!” *clap clap clap* umupo ulit siya “hay naku sister! Puro
ka Kiel! Kiel! Kiel! Kay Terrence ka na lang kasi!!”

Hindi ko na sinagot si Heidi dahil di rin naman niya ko maiintindihan. Hay kahit iumpog
niyo ang ulo ko, si Kiel parin ang laman nito. Kahit pa saksakin niyo ng ilang milyong
patalim ang puso ko, si Kiel parin ang tinitibok nito.

Kaya hindi pwedeng mapunta si Kiel kay Angel kundi baka maibalik ko si Angel sa
pinanggalingan niya!

Nung uwian na, hindi ko nakasabay si Heidi sa paguwi dahil may project atang
kailangan tapusin kaya nauna na ko. But before ako umuwi, pumunta muna ko doon sa
may gilid ng school para bumili ng pang meryenda at naupo naman sa may playground
ng school para kainin ito.

Naupo ako doon sa may monkey bars. Naalala ko tuloy yung accidental kiss namin ni
Terrence. Parang may biglang nag vibrate sa tyan ko.
Tofu may baby na kaya talaga sa loob nito? O____O

*pukpok sa ulo*

Ano ba Misha kung anu-ano iniisip mo! Natural wala! Gutom lang yan =___=

“mahal na mahal kita”

Napalingon ako sa likod ko nung marinig ko yung boses na yun. Wait familiar yung
boses na yun ah?

Nakita ko naman na may anino sa likod ng puno malapit sa kinauupuan ko. Lumapit ako
para tignan kung sino ang nandun.

Hindi ko inaasahan, masasaktan pala ko sa makikita ko.

I saw Kiel holding Angel’s hand. Sa may paanan nila ay isang boquet ng roses at
napakalaking stuff toy

“Angel, would you be my girlfriend?”


Halos madurog ang puso ko nung marinig ko ang mga katagang yun.

At parang nawasak ang mundo ko nung marinig ko ang sagot ni Angel

“I will Kiel! I will! I love you!”

“I love you too”

They hug each other.

Lumayo na ko doon sa pwesto nila.

Pakinshet. Naiiyak ako.


Chapter 10

*reason behind the punch*

Misha, wag kang iiyak. Wag na wag na wag kang iiyak. Ang mga kontrabida hindi
nagpapa apekto sa ganitong bagay. Oh eh ano naman kung sila na?! kung ang mga
mag asawa nga eh naghihiwalay pa ang mag bf/gf pa kaya? Sus madali naman agawin
si Kiel! Kayang kaya yan ng powers ko. Kaya dapat wag akong umiyak. Isa akong
kontrabida with poise na hindi nagpapadala sa ganitong sitwasyon. Ang mga antagonist
malalakas ang fighiting spirit. Hindi nila tatantanan ang isang bagay hangga’t hindi nila
ito nakukuha. Hindi sila lagi nagpapadala sa emosyon.

Pero tao lang din sila. Marunong mag mahal. Marunong masaktan.
Huminga ako ng malalim atsaka ko isinubo yung hotdog sandwich na kinakain ko ng
mapigilan ko ang sarili ko sa pagiyak kaya lang nabulunan naman ako sa ginawa ko
kaya napainom ako ng juice.

Biglang may lumapit sa akin na batang gusgusin

“ate akin na lang yan” sabi niya saakin habang nakatingin doon sa kinakain ko.

“ano ba yan! Isang kagat ko pa lang to eh! Tsaka alam mo ba na ito na lang ang
makapagpapigil saakin sa pagiyak?! Pero dahil ang payat mo sige na sayo
na!” inabot ko sa kanya yung hotdog sandwich “pati tong juice oh inumin mo” inabot
ko yung juice then umalis na ko sa harap nung bata.

At hindi ko na napigilan ang sarili ko sa pagiyak.


Bigla na lang bumagsak ang luha sa mata ko. Hindi dahil wala na kong hotdog at juice
kundi dahil naagaw na ang minamahal ko.

Antokwa naman Misha! Sabi ng wag kang iiyak sa ganyang bagay eh! Bwisit naman eh!
Bwisit! Pahintuin mo nga yang luha sa mata mo! Katawan mo yan kaya dapat mautusan
mong sumunod ang katawan mo sayo! Kaso nakakatawa nga naman isipin. Nasa
katawan ng isang tao ang puso. Isang maliit na bagay lang siya na nakakonekta sa
katawan natin pero yung maliit na bagay na yun minsan ang nag kokontrol satin.

Parang ngayon.

Kahit ayoko umiyak napapaluha ako dahil sa dikta ng puso ko.

Naupo ako doon sa bench na nasa ilalim ng balete tree sa park. Walang masyadong
tao dito kasi natatakot sila sa balete tree. Bali-balita kasi na may naninirahan dito na
kung ano.

Pero wala akong panahon na isipin ang kung ano man ang naninirahan dito. Kailangan
ko lang talaga ng tagong lugar na pagiiyakan.

Pagkaupong pagkaupo ko sa bench, bigla akong yumuko habang tinatakpan ng kamay


ko ang mukha ko at doon na ko nagsimulang humagulgol ng iyak.
Ano ba naman Misha! Nakakahiya ka na talaga! Wala man nakakakita sayo pero
nasisira ang image mo bilang kontrabida with poise! Wala kang karapatan umiyak dahil
hindi pa tapos ang laban ano ba!

Pero hala sige ang mga luha tuloy tuloy parin! Ayaw magpapigil. Saan ba nanggagaling
yang luha na yan?! Pwede bang tanggalin yan sa parte ng katawan ko ng hindi na ko
umiyak kailanman!

“Angel, would you be my girlfriend?”

“I will Kiel! I will! I love you!”

“I love you too”

Sila na ba talaga? As in wala ng bawian yun? Pakinshet naman talaga oh. Ang sakit
sakit pala talaga. Ang sakit.

“Angel, would you be my girlfriend?”

“I will Kiel! I will! I love you!”

“I love you too”

Oh edi sila na ang nag I love you-han! Sila na nga!


Naalala ko dati sinabihan ako ni Kiel niyan nung mga panahong M.U M.U na kaming
dalawa. Di ko makakalimutan yun.

“I love you crush! Ingat paguwi”

Yan ang mismong mga katagang sinabi niya saakin. Naalala ko yung panahon na yan.
Dismissal time and palabas na kami ng school ni Heidi para umuwi. Hinabol niya ako
para sabihin lang yang mga salitang yan.

Kinilig ako natural to the point na isang linggo akong hindi nakatulog dahil sa sinabi
niya.

Yun nga lang sa sobrang kilig ko eh hindi ko pala masyadong naintindihan ang sinabi
niya.

“I love you crush! Ingat paguwi”

Ang word na “crush”

Oo nga pala, crush lang niya ako. Yun lang wala ng iba.

Mas higit na malalim ang nararamdaman niya kay Angel kesa saakin.
“Angel, would you be my girlfriend?”

“I will Kiel! I will! I love you!”

“I love you too”

Pero @#$#@%#$ alam niyo yung pinaasa?! Ako yun eh! Ang sakit! Akala ko magiging
kami, hindi pala. Hanggang flirt flirt lang pala ang mararating namin.

Nakakatawa talaga isipin. Siguro kung POV ni Angel ang nandito, kamumuhian ako ng
lahat dahil sa sobrang pagka maldita ko.

Pero lahat ng antagonist may dahilan. Hindi lang porket sila ang palaban eh sila na
dapat ang kagalitan.

Nasaktan kami kaya namin ginagawa ang mga bagay na yun.

Parang ngayon.

“Angel, would you be my girlfriend?”

“I will Kiel! I will! I love you!”


“I love you too”

“Angel, would you be my girlfriend?”

“I will Kiel! I will! I love you!”

“I love you too”

“Angel, would you be my girlfriend?”

“I will Kiel! I will! I love you!”

“I love you too”

Ay sige paulit ulit?! Paulit ulit?! Ano to unli?! Oh baka naman pirated DVD na paulit ulit
at ayaw maalis sa scene na yan!

Nakakayamot!!

*BOOGSH*

Napatigil ako sa pagiyak ng may narinig akong bagay na bumagsak sa likod ko at


parang may kumakaluskos.
Oh no. Baka ito na yung mga kung anong bagay na naninirahan sa balete tree na to?
O___O

Hindi kaya kapre yan at masyadong nabighani saakin at kikidnapin na ko para maging
asawa niya? O___O

Oh no hindi pwede! Hindi pwede!!!!

Naramdaman kong may humawak sa magkabilang braso ko kaya napatili ako

“waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah! Ayoko! Ayoko! Wag po!


Ayoko!!!!”

“M-misha ako to”

Napalingon ako sa likod ko at nakita ko ang pagmumukha ni Terrence.

Ay anak ng--!!! Siya lang pala!!

Pumunta siya sa harapan ko “Misha bakit ka umiiyak?”

“h-ha? ako umiiyak?! Hindi no!!”


Lumapit siya saakin then pinunasan niya yung pisngi ko “may luha”

“pawis yan!”

“ang galing naman na pawis nun, straight galing sa mata”

Tinignan ko ng masama si Terrence “kelan ka pa natutong mamilosopo ha?! oy sa


storyang ito ako lang ang marunong mamilosopo!!”

“s-sorry po. Ano ba kasi nangyari?”

Iniwas ko yung tingin ko sa kanya, instead sa langit ako tumingin “alam mo ba, si Kiel
na at si Angel. . .”

Katahimikan.

Hindi ko alam kung ano ang expression ng mukha ni Terrence pero malamang
nasaktan din yan. Edi magaling may karamay na ko ngayon! Dalawa na kami
nasasaktan.

Pero hindi parin yun nakapag bigay ng comfort saakin.

Parang mas lalong sumakit.


Naramdaman kong naupo si Terrence sa tabi ko then kinuha niya ang kamay ko at
hinawakan ito

“Misha. .”

Bigla na lang akong napahagulgol ng iyak nung tinawag niya ang pangalan ko. Siguro
gawa narin ng tono ng boses niya na parang sinasabi niya na ‘masakit siguro
nararamdaman mo’

“Terrence ang sakit. Ang sakit sakit. Umasa ako noon na magiging kami. Sabi
niya gusto niya ko pero bakit nung dumating si angel sa buhay niya naichepwera
ako? Umasa ako. At ang sakit sakit. Hindi niya ba naisip na may napaasa siya?
Nung naging close sila ni Angel bigla, parang hindi na niya ko naalala. Ang sakit.
Tanga tanga rin kasi ako at umasa. Nakakainis! Ang sakit!”tumayo ako sa
kinauupuan ko at humarap doon sa balete tree atsaka ko ito pinag susuntok,
pinagsisipa at pinaghahampas “bwisit! Magsama silang dalawa! Pero gagawin ko
ang lahat mapunta lang ulit saakin si Kiel! Hindi pwedeng maiichepwera ako ng
ganito ganito lang! hindi pwede yun! Hindi ako makakapayag!” naramdaman kong
may mga sugat na ang mga kamao ko pero tuloy tuloy parin ako sa pagsuntok at
pagsipa doon sa puno

“Misha p-pleasa tama na” hinawakan ni Terrence ang magkabila kong braso at hinila
ako palayo doon sa puno

“ANO BA BITIWAN MO KO!!” kumalas ako sa pagkakahawak niya “bat ganyan ka


pa makaasta?! Dapat naiintindihan mo ko ngayon! Yung mga taong gusto natin
meron ng iba! Ang sakit alam mo yon ha?! kaya hayaan mo na ko saktan ang
sarili ko!!” lalapit na ulit sana ako doon sa puno ng bigla naman lumuhod si Terrence
sa harapan ko at hinawakan ang kamay ko
“Misha..”

“T-terrence?! Bat ka nakaluhod diyan?! Ano ginagawa mo?! Tumayo ka nga”

“Misha, ako na lang ang saktan mo”

“h-ha?”

“ako na lang ang saktan mo, wag lang yang sarili mo. . .please?”

Bigla na lang ulit bumagsak ang luha ko. I raised my right hand para pagsasampalin si
Terrence, kaya lang kesa mag land sa mukha niya ang palad ko, bigla bigla na lang
akong napayakap sa kanya at humagulgol ng iyak.

This is my first time na nagpakita ng kahinaan sa harap ng ibang tao. At si Terrence


narin siguro ang kauna-unahang nilalang na nakakita saakin na umiyak ng ganito.

After ng iyakan scene namin ni Terrence, ibinili lang niya ako ng ice cream then inihatid
niya na ko saamin. Walang nagsasalita ni-isa saamin. Siguro pareho lang din kami na
gustong manahimik muna kahit saglit lang. Nag thank you lang ako sa kanya bago
pumasok sa bahay namin then nginitian niya lang ako atsaka umalis.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ng bahay, dumiretso agad ako sa kwarto ko at


nagkulong. Nagpalit lang ako ng damit atsaka nahiga para matulog. Ni hindi na ko
bumaba para kumain ng dinner. Nakatulog rin naman ako agad kasi malamang eh
naubos ang energy ko sa pagdadrama. Tss kaya ayoko masyado ng protagonist role
eh, nakaka hingal ang pagiyak iyak at pag emo emo. At least ako isang iyakan tapos.

Dahil alam kong oras ko na ulit para bumangon at maghasik ng lagim.


Bwahahahahahaha

Napag isip isip ko rin kasi yun kanina habang kasama ko si Terrence. Mukha lang
akong ewan dahil sa pagiyak iyak ko na yun. Pwede parin naman silang mag break eh.

At pwede parin naman na maging kami. Maybe hindi lang ngayon ang tamang
panahon.

The next day as usual boring ang class. Pero nung matapos ang last period namin,
dumiretso na ako sa theater room dahil may practice kami para sa play.

Kaso nagulat ako sa nadatnan ko pagkapasok ko ng theater room.


Si Kiel nakaupo sa sahig habang dumudugo ang labi niya. Si Terrence naman
nakatingin sa kanya ng masama.

W-wait anong nangyayari dito?! O____O

“hindi talaga kita mapapatawad!!” sigaw ni Terrence sabay suntok ulit kay Kiel.

“tumigil ka na ano ba!” sigaw naman ni Kiel “wala akong ginagawang masama!”

Hindi siya pinakinggan ni Terrence but instead sinuntok pa niya ulit si Kiel.
Dahil sa sobrang gulat sa pangyayari, tumakbo ko sa kanilang dalawa at pumagitna.

“ITIGIL MO YAN!” sigaw ko kay Terrence

“M-misha? O__O “

“wag na wag mong susuntukin si Kiel! Alam ko kung bakit mo ginagawa to! Galit
ako sayo!!”

“p-pero--!”

Hindi ko hinayaang magpaliwanag si Terrence saakin. Agad kong hinila si Kiel palayo
sa kanya.

Nakakainis. Ganun pala siyang klase ng tao. Alam ko naman kaya niya sinuntok si Kiel
kasi dahil sila na ni Angel. Oo, ilang beses kong pinatay si Angel sa imagination ko pero
di ko naman siya sinasaktan ng ganun.

Nakakayamot talaga si Terrence!!!

Dinala ko si Kiel sa may playground.


“ok ka lang ba Kiel? Gagamutin ko yang sugat mo. Hay nakakainis talaga ang
stupid nerd na yun”

Nakita ko na nag smile bigla si Kiel “actually, I deserve to be punched by him”

“h-ha?! naku hindi! Wala kang ginagawang masama kaya di ka niya dapat
sinuntok ng ganun! Sayang fes mo eh” =__=

Bigla na lang natawa si Kiel doon kaya napangiti rin ako. Alam niyo naman, tawa pa
lang niya kinikilig na ko ng sobra

“hahahaha hay ang cute cute mo talaga Misha” ginulo ni Kiel ang buhok ko “kaya
crush kita eh”

Para naman akong namula sa sinabi niya. Crush? Kung sabagay pwede naman yun
mag transorm sa love. Pwedeng pwede ko pa talaga siyang maagaw kay Angel.
Mwahahahahhaa

“pero alam mo ba kung bakit ako sinuntok ni Terrence?” tanong niya saakin

Malamang dahil kay Angel! Hmpf!

Pero di ko sa kanya sinabi, instead nag act ako na walang alam “bakit nga ba?”
“ewan ang weird niya eh. Alam mo sabi niya saakin,” nilapitan ako ni Kiel at
hinawakan ang magkabila kong balikat sabay titig sa mga mata ko “ako na daw ang
pinaka kinamumuhian niyang tao sa buong mundo dahil pinaasa ko ang isang
babaeng sobrang mag mahal at napakasarap mahalin”

Natigilan ako sa sinabi saakin ni kiel at bigla na lang nag flashback sa utak ko ang mga
pinagsasasabi ko kay Terrence kahapon.

“Umasa ako noon na magiging kami. Sabi niya gusto niya ko pero bakit nung dumating
si angel sa buhay niya naichepwera ako? Umasa ako. At ang sakit sakit.”

T-teka, yung tinutukoy ba ni Terrence na babaeng sobra mag mahal at napakasarap


mahalin ay ako?

Pero imposible. Napaka imposible!

Chapter 11

*So sorry*
“OK CUT! Misha what exactly are you doing?!” tanong saakin ni Derek Ed

“reading my lines like what you’ve said!” sagot ko sa kanya.

Ang adik din eh no?! sabi niya magbabasa lang kami ng lines for today! Well I read my
lines then nagagalit siya? Abonormal ba siya?!

“yes I asked you to read your lines but I am expecting you to deliver it with
feelings!”

“then sorry to disappoint you” tumayo ako then lumapit sakanya atsaka ko inabot
yung script“nagkamali ka sa pagpili saakin. It’s better if you find a new one who
could read lines better than I do” after kong sabihin yun, tinalikuran ko na siya sabay
nag walk out.

Kanina pa mainit ang ulo ko dahil sa nangyari. Mula sa nakita kong suntukan ni
Terrence at Kiel, hanggang sa nalaman ko na ako ang dahilan kung bakit sinuntok ni
Terrence si Kiel. Naiinis siya dahil sinaktan ako ni Kiel. Naaawa siya saakin.

Pakinshet lang di ba?! Ako?! As in ako na si Misha Riel Cabrera, ang number 1
antagonist with poise ay kaawaan ng isang stupid nerd na lampa na si Terrence?!
Pakinshet lang talaga! Nakakakulo ng dugo! Hindi porke he saw me in my weakest
state yesterday ay ibig sabihin nun eh ganun ganun na lang ako mapapatumba! No
way! Patayan kung patayan pero lalaban ako! At hindi ako pwedeng kaawaan.
“Misha wait” naramdaman kong may humawak ng braso ko then napatingin ako kung
sino to. It’s Angel, the impaktang anghel. “uhhm Misha, bumalik ka na sa loob
please. Kawawa naman kasi si Derek Ed eh, hindi siya halos nakatulog para
maiayos lang yung script natin”

Eto ang pinaka kinaayawan ko sa lahat eh. Badtrip na badrip ka tapos biglang may
atribidang sisingit sayo at mangongonsensya! Asar eh no!!

Hinigit ko yung braso ko sa pagkakahawak niya “naawa ka naman pala eh! Oh edi
bumalik ka na doon sa loob!”

“Misha naman please? Bumalik ka na. Wala ng mas babagay pa sa role ng


protagonist kundi ikaw lang”

Ay anak ng-!!!! nanlalait ba siya ha?!

I tried to calm myself then I gave her my sweetest smile “no dear, meron pang mas
babagay sa role na yan. Kilala mo kung sino?” nilapitan ko siya then tinaasan ng
kilay “ikaw. Bagay na bagay sayo ang role na yan kasi wala kang ibang ginawa
kundi magpacute, mangonsensya at magpaka damsel in distress! Oh and another
thing, mukha ka talagang katulong kaya bagay na bagay sayo ang role na yan!!”

Nakita kong may namuong luha sa gilid ng mata ni Angel.

See? Ayan ang damsel in distress! Walang ibang ginawa kundi maglupasay at umiyak!
Ni hindi kaya ipagtanggol ang sarili! Luha lang ang sandata niya.
Pwes sinasabi ko sa kanya di ako tatalaban ng mga luhang yan

“m-misha b-bat ganyan ka magsalita saakin? G-galit ka ba saakin?” she told me


habang umiiyak

Tss kaartehan.

“galit? Ako? Galit sayo? Of course not! Bat naman ako magagalit sayo?” I told her
sarcastically“uhmm I need to go. See you around dear” I winked at her sabay walk-
out.

Ganyan ang kontrabida with poise! Kaya kung sino man ang nilalang sa mundong
ibabaw ang nangahas na kaawaan ako ay magiging miserable ang buhay!

Parang si Terrence lang! I promise to make his life a living hell! Ano akala niya sakin
weak at dapat kaawaan?! I’m gonna show him what Misha can do!

“M-misha!”

Napahinto ako sa paglalakad.

Anak ng pagong naman oh! Ilang epal ba sa mundong to ang planong banggitin ang
napaka gandang pangalan ko?! Asar eh!!

Lumingon akosa likod para tignan kung sino yung pangahas na tumawag saakin.
Speaking of the devil.

“M-misha w-wait lang!”

Nakita kong tumatakbo si Terrence para habulin ako kaso dedma, inirapan ko lang siya
sabay hawi ng bangs then talikod at resume sa paglalakad.

“w-wait lang Misha!” pero dahil mala higante ang hakbang ng isang to, naabutan niya
parin ako at hinawakan ang braso ko “bat mo naman sinabi kay Angel yun?”

Nilingon ko siya while smirking “why dear? Naiinis ka dahil sinabihan ko yung mahal
mo ng ganun?” I laughed “well the feeling is mutual. Naiinis ako sa mga sinabi mo
kay Kiel!”

“d-dahil ba dun? Nagawa ko lang naman kasi yun dahil kahapon, nung nakita
kitang umiyak dahil sa kanya, p-parang, p-parang—“

“PARANG ANO?! PARANG NAAWA KA SAAKIN?!” sigaw ko sa kanya then hinila ko


yung braso ko sa pagkakahawak niya saakin “pwes makinig ka! Ako ang babaeng
hindi dapat kinaawaan! Nagkamali ka ng kinaawaan mo Terrence!”

“h-hindi yun ang ibig kong sabihin”

“oh shut up will you?! Wag ka na nga magdahilan! Alam na alam ko ang takbo ng
isip mo!”
Tatalikod na sana ko kaya lang hinatak na naman ni Terrence yung braso ko

“M-misha naman please pakinggan mo muna sasabihin ko”

“ayoko nga marinig sabi yang mga paliwanag mo eh!” hinatak ko ulit yung braso ko

Ano ba mukha kaming may lovers quarrel dito! Kaasar! =__=

Tatalikod na sana ko ng biglang may humarang na sports car sa daanan namin ni


Terrence at lumabas ang isang napaka gandang babae galing sa driver’s seat ng sports
car.

Kung tititigan mo siya mukha lang siyang 20 years old model. Who would have thought
na isa ng 45 years old na ina ng dalawang bata ang babaeng ito?

“ma!” sigaw ni Terrence ng makita niya yung mom niya na kabababa lang nung sports
car

“oh hi Terrence baby! Hi Misha darling!” lumapit saakin yung mom ni Terrence then
she kissed both my cheeks “hay naku hija everytime na makikita kita mas lalo kang
pakaganda ng paganda! Ang galing talaga ng taste ng anak ko!”

Oo nga pala alam parin sa kanila na “kami” ni Terrence. Ampupu. =__=


“m-ma bat ka nandito?”

“I’ve got a reservation in one of the finest restaurants here. Dun tayo mag di-
dinner!! I came here to fetch you”

“h-ha? p-pero may practice pa kami sa play!” pag po-protest naman ni Terrence

“sus pwede naman isantabi yan eh! Let’s go!” pareho kaming tinulak ng mom ni
Terrence papasok ng car niya kaya wala na kaming nagawang dalawa kundi sumama.

Oh well, ok lang din naman saakin. A dinner in a high class restaurant in the country is
not bad lalo na kung bad mood ako.

Before kami dumiretso sa restaurant, dinala muna kami ng mom niya sa mall para
makabili ng formal clothes. Aba’y syempre naman, pupunta kami sa high class
restaurant wearing a school uniform? A big no-no!

Hinayaan lang kami ng mom ni Terrence na mamili ng susuotin namin

“Misha darling just choose any clothes you want! Sagot kita” she told me

“thank you Tita” ^_____^


Mwahahaha wala sa bukabolaryo ko ang salitang “hiya.” Aba’y may free dinner na ko,
may free outfit pa! oh divah! Tanggal ang bad vibes! Though di ko parin pinapansin si
Terrence kasi badtrip parin talaga ako sa kanya.

Nag tingin tingin ako doon sa boutique na pinasukan namin then I spotted a cute simple
black dress. Kinuha ko to then humanap ako ng babagay na accessories and nakakita
naman ako ng bracelet then kumuha din ako ng high heeled boots. Sinuot ko lahat ito
then I look at myself in the mirror.

Wala ka parin talagang kupas pag dating sa fashion Misha. Ganyan ang tunay na
kontrabida with poise.

Aba saan kayo nakakita ng kontrabidang panget, gusgusin at ang dungis? Di ba wala?
Mwahahahaha.

Lumabas ako ng dressing room then pinakita ko sa mom ni Terrence yung porma ko.

“oh my gosh Misha you look dazzling! Napaka ganda mo talagang bata ka”

“hehe thank you po tita. Naku mana lang po talaga ako sa inyo” pambobola ko
naman sa kaya though half true ang sinabi ko. Aba pareho kaming maganda! nakikinita
ko na pagdating ko ng 45 years old ko eh napakaganda ko parin parang siya.

“syempre naman no! pareho tayong maganda! What can you say
Terrence?” napalingon ako kay Terrence and nakita kong nakasuot siya ng black suit.
Hindi mapagkakaila, ang gwapo niya. Pero galit parin ako sa kanya, hmpf!

“M-misha, ang ganda ganda mo naman” sabi niya saakin.

Parang may kung anong something sa tyan ko nung sinabi niya yun. Malamang gutom
na ko. Di ko pinansin yung compliment niya.

After mabayaran yung mga outfits namin, dumiretso na kami doon sa restaurant. At
around 8pm, nakita na namin sa may entrance yung dad ni Terrence na sobrang gwapo
din pati si Thea, yung little sister ni Terrence na mukhang manika.

“hi ate Misha” yumakap agad saakin si Thea nung makita niya ako

“hi thea!” naku napaka cute ng batang to, pag di pa to bumitaw saakin maiuuwi ko to
sa bahay namin, swear. =__=

Hindi ako mahilig sa bata. Actually maikli talaga ang pasensya ko sa kanila. Pero kung
ganito ba naman ka-cute ang aalagaan ko eh why not di ba?

“let’s get inside, I’m starving” sabi nung dad ni Terrence

Kinuha nung dad ni Terrence yung hand nung mom niya, then doon sa kabilang kamay
ng mom ni Terrence nakakapit si Thea then naglakad na sila papasok sa loob ng
restaurant.
Naramdaman ko naman na hinawakan din ni Terrence yung kamay ko kaso halatang
halata nakabado siya sa ginagawa niya dahil nanginginig yung kamay niya.

Inalis ko yung pagkakahawak niya sa kamay ko “M-misha k-kasi di ba alam nila n-na
tayo—“

“I don’t care. Galit parin ako sayo no! tsaka uso naman ang LQ sa mga mag jowa
di ba?”inirapan ko siya the sumunod na ako doon sa family niya papasok sa loob.

Maganda yung ambiance nung restaurant. Unang tingin mo pa lang halata ng


mamahalin to. Napaka relaxing ng paligid with matching piano as a back ground music
pa.

At dahil nga mamahalin, syempre pang highclass din yung pagkain. Mag mula appetizer
hanggang dessert na-enjoy ko kainin. Samahan pa ng mga nakakatawang kwento ng
mom and dad ni Terrence. Naku minsan nga madala din sina mom dito para makapag
bonding.

Though the whole dinner hindi ko parin pinapansin si Terrence. Aba di porke nilibre ako
ng family niya eh patatawarin ko na siya! Na-uh! Hindi madaling makalimot ang isang
Misha Riel Cabrera no! At mas lalong hindi nabibili ang kapatawaran ko!

Sinubukan niyang kausapin ako ng pasimple sa pamamagitan ng pag cocomment sa


mga kwento ko sa family niya kaya lang dedma parin ako kaya eto nananahimik na lang
siya ngayon. Ewan, asar na asar parin talaga ako sa kanya eh! Ayoko kasi sa lahat
yung kinaawaan ako! Magalit ka na sakin wag mo lang ako kaawaan.

“Terrence baby, di ba marunong ka tumugtog ng piano? Tugtugan mo naman si


Misha dali” sabi nung mom niya nung makita niyang tumayo yung pianist na kanina pa
tumutugtog.

“p-pero—“

“dali na anak! Pakiligin mo naman tong si Misha! Kanina ka pa nakatitig sa kanya


eh. Oo alam kong nakakakilig ang kagandahan niya pero dapat siya din pakiligin
mo” sabi ng dad ni Terrence

Nakatitig siya saakin kanina pa? bakit naman? Oo alam ko maganda ako no. So kinikilig
talaga siya sa kagandahan ko? Mwahahahaha

Pero ako kikiligin sa kanya?! No way!

Tumayo si Terrence papunta doon sa piano sa may stage sa harap. Halatang hiyang
hiya siya nung umakyat siya doon. Binigyan naman siya ng mic nung isang server
doon.

“uhmmm” sabi niya habang nakatapat yung mic sa kanya kaya napatingin lahat ng
guests na kumakain “uhmmm, i-I’m going to play and sing a song for the one I love.
Uhmm k-kasi galit siya saakin ngayon eh, at ayaw niya talaga akong pansinin.
Kasalanan ko naman. Pero sana patawarin niya na ko” tumingin siya sa direction
namin “Misha, yung kaninang sasabihin ko sayo. Sorry kung nagawa ko yung
bagay na yun, pero ginawa ko yun hindi dahil sa naawa ako sayo. Nagawa ko yun
kasi—k-kasi, n-nasasaktan ako pag nasasaktan ka”

Narinig kong kinantsawan ako ng mom and dad niya pero ako natulala sa sinabi niya.

Teka ano daw? Totoo ba yun? Imposible! S-siguro sinabi niya lang yan dahil kaharap
namin ang parents niya? Siguro dahil ang akala ng family niya ay may relasyon kami?

Siguro nga. Siguro.

Pero ganun ba talaga?

Nagstart na si Terrence na tugtugin yung piano.

“For everytime you had to go asleep alone.


For everytime I tried to rush you off the phone.

Ngayon ko lang narinig ang boses ni Terrence and hindi ko expected na may tinatago
pala siyang galing sa pagkanta

For everytime I said something to make you cry.


Now that all is said and done, I can't deny.”

Inalis ni Terrence yung tingin niya doon sa piano then lumingon siya sa direction namin.
“I'm so sorry for anything I might have done.
And I'm sorry, I never meant to hurt the only one,”

Hindi inaalis ni Terrence yung tingin niya saakin. Para bang lahat ng sinasabi ng kanta
ay yun ang gusto niyang iparating saakin.

“And I'm sorry, the best laid plans sometimes fall through,”

Napangiti na lang ako nung marinig ko ang lyrics na to. Sometimes? Eh lagi kayang
palpak yung mga plano nating dalawa. Lagi na lang walang natutupad eh. Kaso
kasalanan mo nga ba talaga lahat ng yun?

“For anything that I might've done, I apologize to you.


For anything that I might've done, I apologize to you.”

Doon ko lang naisip, ano nga ba ang ginawa niyang mali? Ang kaawaan ako? Ang
magmalasakit saakin? Oo nakakababa ng pride eh. Nakakababa ng pride na ang isang
tulad niya ay kaawaan ang isang tulad ko.

Pero kung iisipin ko, sa tanang buhay ko, ngayon lang may lalaking nag malasakit ng
ganito saakin.

Pinakinggan ko si Terrence na kumanta. Hindi niya inalis ang tingin niya sa mata ko,
ganun din naman ang ginawa ko.
Ang bwisit lang eh no? nakaka ewan. Sa buong storyang to pinagkakalandakan kong
isa kong kontrabida. Isang antagonist na walang ibang alam kundi ang magplano kung
paano sisirain ang buhay ng protagonist. Pero tignan niyo yung ginagawa nitong si
Terrence! Saan ba naman kayo nakakita ng storya na may gumagawa ng ganitong
bagay sa isang antagonist ha?! feeling ko tuloy ngayong gabi naging instant bida ako
eh.

At sa hindi ko malamang kadahilanan, masaya ako sa nangyayari.

After nung kanta, lumapit agad si Terrence sa table namin then pinuntahan niya ako.

“M-misha sorry na please? Patawarin mo na ko. Sana maniwala ka doon sa mga


sinabi ko sayo”

Napangiti na lang ako “may magagawa pa ba ko?”

“t-talaga? Ok na tayo? Di ka na galit saakin?”

“oo na! hindi na!”

“ayieeeeee sweet sweet sweet” rinig kong sabi ng mom and dad ni Terrence. Pareho
naman kaming napatawa dalawa.
Hindi ko alam kung yung mga pinakita ni Terrence ngayon ay totoo o pagpapanggap
lang lahat. Pero isa lang ang alam ko…

….pakinshet, meron pa palang nilalang na nabubuhay sa mundong ito ang kayang


magpalambot ng napakatigas kong pride.

Chapter 12

*Fall*

“okay cut! Very good Misha! Gumagaling ka ng gumagaling!”

Inabutan ako ng isang crew ng tissue paper then kumuha ako nito atsaka pinunasan
ang luha ko sabay hawi ng bangs.
“thanks Direk!”

“nice one Misha” sabi naman ni Kiel saakin sabay kindat

Aba syempre kinilig ang lola niyo “w-walang anuman!”

Kakatapos lang ng practice ng scene ko kung saan pinagsasampal ako ni Angel atsaka
ako iiyak. At ngayon masakit na masakit ang pisngi ko. Yang malditang babae na yan
sasabunutan ko na talaga pag di niya hinina-hinaan ang pagsampal niya!

Oo nga pala kung nagtataka kayo kung bakit gora na ulit ako sa stage play na ito,
kinausap kasi ako ng masinsinan ni Heidi. For the first time in history eh nakumbinsi ako
ng lola niyo sa isang bagay!

“ano ka ba naman Misha, mag qu-quit ka doon sa stage play samantalang nandun
si papa Terrence este Papa Kiel mo? Edi pag nag quit ka talo ka na? tsaka isa pa
mag sorry ka kay Angel doon sa mga sinabi mo sa kanya! Mamaya magsumbong
yan kay Kiel edi nagalit siya sayo? Kaibiganin mo si Angel para mas madali mo
siyang mapagabagsak! Tsaka isa pa, ilapit mo ang sarili mo kay Kiel para
maagaw mo na siya”

O divah? Mukhang nagiging matalino narin ang babaeng to eh. Pwede na siyang
kontrabida na side kick ko. Bwahahahhaa.

Nung araw din na yun nakipag ayos ako kay Angel. Kaya ngayon eto ako, nagtitiis
sampal sampalin ng impaktang anghel na yan. Kitang kita ko naman si Heidi doon sa
may audience seat na mamatay matay na sa pagtawa. Nilapitan ko siya
“hoy babae!” sabi ko kay Heidi sabay tulak “ano naman tinatawa tawa mo diyan
ha?!”

“HAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHHAHA, wala lang sister! Nakaka-amaze lang


talagang panuorin kang sinasampal sampal ni Angel tapos bigla kang iiyak?
HAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHA the best eh! hahahahahhaha! Amazing!”

Binatukan ko nga

“aray naman sister maka batok ka wagas! Naalog brain cells ko!”

“meron ka ba nun?!”

“naman! Ako nga naka isip ng brilliant plan na to no!!”

Tumabi ako kay Heidi “oo na brilliant na ang plan mo kaya naghihirap ako ngayon!
Jusko hanggang kelan ba ko magpapaapi sa impaktang anghel na yan?! Kung di
ko lang talaga kinakailangang magpanggap eh kanina ko pa nasabunutan ang
babaeng yan! Makasampal wagas!”

“mag tiis ka na lang din sister! Bongga naman ang babalik sayo”

“kung sabagay, kung si Papa Kiel lang din ang kapalit ng lahat ng sampal na
natatamo ko ngayon, why not di ba?” sabi ko kay Heidi sabay ngiti ng masama.
Sinong nagsabing nasa gubat lang ang mga ahas? Meron din dito no, and it’s a very
dazzling, drop dead gorgeous and hot snake one. Ssssssssshhhhhh.

“speaking of your lover boy, ayan na siya te, padating na!”

“Si Papa Kiel?!”

Heidi nodded. Ako naman todo ayos ng buhok ko at punas ng pawis sa mukha ko.

“maganda na ba ko Heidi? Ha? Maganda na ba ko?”

“oo te maganda ka na!” tumingin si Heidi sa may likuran ko “di ba Mr. Lover boy?
Maganda na si Misha?”

Napalingon naman ako bigla sa likod ko at instead na si Kiel ang makita ko eh si


Terrence ang nakatayo sa harap ko

“o-oo naman! M-maganda si Misha”

“what are you doing here?” tanong ko sa kanya sabay irap “asan si Kiel?”

“hahahahhaa ayun sister nakikipag landian kay impaktang anghel!” turo ni Heidi
saakin. Nakita ko naman si Kiel at Angel na busy mag landian doon sa isang gilid.
Pinupunasan ni Angel yung pawis ni Kiel.
Anak ng tinapa naman! Bat di ko nakita to agad para napigilan ko sila sa paglalandian!
Nakaka bwisit!! Arggghhh! Ang sarap pilipitin ng leeg nitong si Angel eh =__=

“ah M-misha nagugutom ka na ba? E-eto o sandwich” sabi ni Terrence saakin


sabay abot ng sandwich

“bat mo binibigay saakin yan?”

“h-ha? K-kasi baka m-mamaya nagugutom ka na eh”

Napapalo ako sa noo ko “stupid nerd! Dapat kay Angel mo ibigay yan hindi
saakin!!”

“h-ha? Eh para naman talaga sayo to eh”

“hay naku Terrence napaka bopols mo talaga eh no?! Paano mo mapapabalik si


Angel sayo kung hindi ka marunong dumamoves?! Hanggang kelan ba kita dapat
turuan?!”

Bigla namang sumimangot si Terrence “sige ako na lang kakain nito” binuksan niya
yung sandwich tsaka kinagatan ng malaki at tumalikod na palayo

“uy teka---“ tatawagin ko pa sana siya kaya lang tuloy tuloy na siyang lumayo
saamin “problema ng isang yun?”
“hahahaha dear Misha, you should stop hurting Terrence’s feelings you know”

“sus! Eh sanay naman na saakin yung lalaking yun eh”

“what I mean is tignan mo inaabutan ka ng sandwich tapos pinagpilitan mong


ibigay niya kay Angel samantalang bumili talaga siya ng sandwich para sayo!”

“eh bat naman kasi ako binilhan niya at hindi si Angel?”

“alam mo sister isa ka ding bopols eh no!”

“huh?”

“di lang bopols te, manhid ever pa!” tumayo na si Heidi “naku makabalik na nga
muna sa classroom bago ko pa maiumpog ang ulo mo sa pader” after nun umalis
narin si Heidi

Ok? Anong problema nung mga yun? At talaga naman iniwan ako!
Mga one hour siguro akong nakapahinga dahil ang mga nasa scene pa lang na nag pa-
practice eh si Kiel at Angel. Naka ilang paulit-ulit din sila kasi hindi makuha ng tama ni
Angel yung lines. Paano antagonist ang role pero kung magsalita pa-twitums! Sarap
putulin ng dila eh!

“ok that’s enough for the meantime. Angel please do some practicing ok?”

“yes Derek! I’m sorry”

“it’s alright” biga naman tumayo si direk then he signaled us na lumapit sa


kanya “everyone, gather around!”

Umakyat kami sa stage at nagsilapitan kay direk.

“okay guys, I’m planning to have a workshop in Pampanga next week. All of you
are required to come so here’s the letter, kindly give that to your parents”

Isa-isa naman kami kumuha nung letter na-ipinasa ni Derek

“tignan mo Kiel oh, sa Fontana tayo mag stay. Maganda doon”

“oo nga eh. buti at may workshop, makakapag bonding tayo”

Grrr ang lalandi. Gusto ko ng ibalik tong si Angel sa pinanggalingan niya swear.
Nakakaasar. Sarap sabunutan palayo kay Kiel!
Tumingin tingin ako sa palagid para hanapin si stupid nerd at ipakita ko sa kanya ang
kalandian ni Angel pero nowhere to be seen ang loko. Saang lupalop naman nagsuot
ang stupid nerd na yun?

“uhmm si Terrence nasaan?” tanong ko doon sa katabi kong nakalimutan ko na agad


ang pangalan

“hindi ko alam eh, bigla na lang nawala kanina”

“ganun ba? Sige thanks”

Saan naman lupalop ng mundo nag suot yun?

“ay wait Kiel may dumi ka sa may pisngi mo” napatingin ako bigla kina Angel at
nakita kong pinupunasan ni Angel yung pisngi ni Kiel

“ayan wala na” pinulupot ni Angel ang braso niya sa braso ni Kiel “I love you baby”

Hinalikan naman ni Kiel ang noo ni Angel “I love you too darling”
PAKINSHET LANG EH NO?! MAGLANDIAN DAW BA SA HARAPAN KO?! =__=

Pero sino nga ba ko sa storyang to? Ang dakilang kontrabida. At magpapatalo ba


naman ako ng basta-basta lang?!

Hindi nagpapatalo ang isang Misha Riel Cabrera.

Bigla akong pumagitna kay Kiel at Angel “Kiel ano yan?!” gulat na gulat na tanong ko

“ha? Ang alin?” natataranta namang tanong ni Kiel

“ayang nasa labi mo!” inilagay ko ang thumb ko doon sa may labi niya na parang may
inaalis na bagay pero wala naman talaga “parang may kung anong dumi kanina eh.
nagulat ako, baka mamaya lason yun”

Bwahahahaha nahawakan ko labi niya oh! Ano ka ngayon Angel?! Hanggang pisngi
lang ang nahahawakan mo, ako labi niya. Bwahahahahaha

“ganun ba? Naku thank you Misha ha?”

I gave him my most seductive smile with matching beautiful eyes pa “it’s nothing Kiel”
I saw him blinked. Ano Kiel mahlabs? Na-aattract ka saakin no? mwahahahaha. Of
course! No one can resist my charms.

“ehem excuse me Misha, ano kasi eh—“ narinig kong sabi ni Angel at agad ko
naman siyang hinarap

“yes dear?!”

Kaso pag harap na pag harap ko sa kanya, bigla ko naman siya naitulak ng di ko
sinasadya eh naka pwesto pa naman siya sa may dulo ng stage kaya ang tendency

“ANGEL!!!” rinig kong sigaw ni Kiel as he tried to prevent her from falling, but it’s too
late

Kitang kita ng dalawang mata ko kung paano nahulog si Angel sa stage…


. . .at kung paano ito saluhin ni Terrence doon sa ibaba ng stage.

At hindi lang basta sinalo, pareho silang natumba dalawa

At biglang nagkadampi ang mga labi nila.


I saw their shocked expression, and Kiel’s painful expression. I should be happy right?

Pero bat feeling ko gusto kong sakalin si Angel ng bongga?

PAKINSHET.

Chapter 13

*Mr. Conservative*
“ok guys! Kumpleto na ba ang lahat?” tanong ni direk saamin

“wala pa po si Terrence eh” sabi naman nung isa namin classmate

It’s 6am in the morning and lahat ng members ng theater club ay nakatambay sa may
parking lot ng school all wearing their best summer clothes para doon sa workshop
namin sa Fontana. Paalis n asana kaso wala pa yang stupid nerd nay an! Kating kati pa
naman ako mag swimming na!

Tss siguro nag ddaydream parin yun hanggang ngayon! Di pa maka getover sa
accidental kiss nila ng demonyitang anghel! Eewww buti nga at after nun eh nabuhay
pa siya! Kadiri kaya no! Parang kamandag ng ahas ang laway ng babaeng yan.

*Beep* *beep*

Nagtinginan kaming lahat ng makakita kami ng isang silver Porsche Carrera car na
papalapit saamin.

“kanino kayang kotse yan? Ang ganda naman!”

“pang mayaman! Ano kaya ginagawa niyan dito?”

Parang may idea na ko kung sino may ari ng kotse na yan.


At tama nga ang hinala ko. Huminto sa harap namin yung kotse atsaka lumabas ang
isang babaeng sobrang ganda na di mo iisiping ina na ng dalawang bata. Sa kabilang
side naman, lumabas si Terrence na mukhang blooming. Ewan ko kung dahil sa make
over ko o dahil sa censored scene nila ni Angel. But either way, feeling ko gusto ko
siyang sapakin sa mukha. Di ko alam kung bakit =___=

“Tita Tanya!” tumakbo si Angel papalapit sa mom ni Terrence. Hmpf feeling close!
Maka-Tita wagas eh samantalang break na sila ni Terrence!

“oh hi Angel” bati ni Tita sa kanya and gave her a slight smile. Nagkatinginan naman si
Angel at Terrence pero agad din nilang binawi ang tingin nila sa isa’t isa. Siguro they
feel awkward dahil doon sa nangyari. Hmpf masyadong mga pa-cute! Kaasar!

“Misha deaaaaaaaaarrrrrr!” nagulat naman ako ng biglang tumakbo si Tita Tanya saakin
and gave me a big hug sabay bineso beso niya ang magkabilang pisngi ko. Ansaveh ng
bati ni tita Tanya sakin sa bati niya kay Angel? Bwahahahaha talbog! XD

“hi Tita”

“oh my gosh! Look at you! Ang ganda ganda mo swear! Naku ang galing pumili ni
Terrence ng girlfriend! As in!”

“s-si Terrence ba at si Misha?” tanong ni Angel

“oh hindi mo alam? Oo sila na no!” tumingin saakin yung mom ni Terrence “atleast
Terrence found a girl na kayang makaintindi sa kanya” sabi niya saakin sabay wink
Nakita ko naman na parang na-hurt na ewan si Angel. Bakit affected siya? Bwahahaha
di ba niya alam na botong boto saakin ang mom ni Terrence to the point na gusto na
niyang magka-anak kami? BWAHAHAHAHAHA.

Teka nga bat ang saya ko?! Mali to! Paano kami ni Kiel mahlabs?!

“b-bakit po pala kayo nandito?” tanong ko kay Tita Tanya

“oh that?”

Bigla naman dumating si direk “Tanya you’re here!”

“hi direk Ed how are you?”

“I’m fine! Good thing at nakasama ka” tumingin siya saamin “guys, gather around!”
nagsilapitan kaming lahat “This is Tanya Quizon, Terrence mother and our sponsor dito
sa outing na to”

Whoa, si Tita Tanya pala ang sumagot ng tutuluyan namin sa Fontana?

Maya-maya lang din nagsipasukan na kami sa loob ng bus. Si Tita Tanya naman doon
sa Porcshe Carrera niya.

“Misha dear, sa bus muna itong si Terrence ha? Para makapag bonding kayo”
“ah o-opo”

Nung umakyat kami sa bus, naupo ako sa may bintana habang si Terrence naman
umupo katabi ko. Sa kabilang side namin si Angel at si Kiel. Nakaakbay si Kiel kay
Angel habang si Angel naman nakasandal sa dibdib nito.

Naiingit ako. Gusto kong hilahin ang buhok ni Angel palayo kay Kiel. Tss asar naman
eh. After nung accident kiss alam ko medyo nagkaaway si Kiel at Angel! Pero bat
ganyan na ka-sweet yang dalawang yan?!

Kaasar! =__=

“M-misha, gusto mong chips?”

Tinginan ko si Terrence ng masama sabay agaw sa kanya ng chips “akin na nga yan!!”

“Misha galit ka ba sakin?”

Tinalikuran ko siya at tumingin sa labas habang kinakain yung chips niya “bakit
naman?” sabi ko sa kanya na medyo may pagka sarcastic

“k-kasi eh yung nangyari samin ni Angel. S-sorry talaga pero di ko sinasadya yun”
Napatingin ako sa kanya then I smirk “ako? Magagalit dahil doon? Haller! Use your
common sense! Bakit ako magagalit? Actually natutuwa ako dahil umaariba ka na! yan
dapat ang gawin mo ng mapaghiwalay mo na silang dalawa para akin na si Kiel at iyo
na si Angel” bulong ko sa kanya

“p-pero kasi..” he sighed “wala ba talaga?”

“huh? Wala na ano?”

He gave me a sad smile “wala wala. Don’t mind me” after nun, pinasakan niya naman
ang tenga niya ng headset at nagsuot ng shades tapos di na ko pinansin.

Ok what was that? Ano ba talagang problema ng isang to? Weird stupid nerd! Tss. Asar
eh.

Nag simula na ang byahe. Maingay sa bus at may kanya-kanyang kadaldalan yung
mga kasama namin. Yung dalawa naman sa gilid namin ni Terrence grabe maglandian.
Nakakaasar! Tapos tong katabi ko eh mukhang tulog pa. Ang boring ha! Sana sumama
si Heidi >__<

Dahil wala akong magawa, sinandal ko na lang ang ulo ko doon sa salamin at
sinubukang matulog kaso nahirapan naman ako dahil nauuntog untog ako. Tss stupid
glass! Magkakabukol ako ng dahil dito eh!!

“come here”
Nagulat ako ng biglang hawakan ni Terrence ang gilid ng ulo ko atsaka ito isinandal sa
dibdib niya katulad nung pwesto ngayon ni Angel at Kiel.

“h-hoy!! Bitawan mo ko!!”

“wag ka magulo, matulog ka na lang”

“papatayin kita pag di mo ko binitawan!”

Hindi nag salita si Terrence pero hindi parin niya ko binitiwan kahit nagpupumiglas ako.
Gusto ko na nga mag wala doon eh kaso ayoko naman maka caught kami ng attention.
Alam ko kung kelan ako dapat gumawa ng eksena no! at eksena sa bus? A big no no.
Mga cheapanggang kontrabida lang gumagawa nun. Ako ay kontrabidang with poise.

“uy Terrence ano ba!!!”

Di parin siya kumikibo at nakaakbay parin saakin. Grr pinaiinit talaga ng lalaking to ang
ulo ko eh!! bat ba parang di siya nasisindak sakin ngayon ha?! Patay to sakin mamaya!
Swear gugulpihin ko to hanggang sa mabaldado siya!!

“ano bang problema mo ha?! Manyak ka! Lumayo ka! Paano kung makita tayo ni Angel
at ni Kiel? Ha? Huy ano ba!!”

Naramdaman ko naman na huminga siya ng malalim


“Kiel na naman”

“ano sabi mo?!”

“wala”

“eh ano bang problema mo?!”

I heared him sigh again tapos bumitiw na siya saakin

“sorry, di ko rin alam eh. Di ko alam bat ako nagkakaganito. Pasensya na” after niyang
sabihin yun bigla na naman siyang tumalikod saakin at hindi na talaga ako pinansin the
whole ride.

Tignan niyo tong lalaking to, ang moody eh! nakakaimbyerna na ha!

After almost 3 hours na byahe, nakarating narin kami sa Fontana. Dinala muna kami
doon sa isa sa mga rest house doon kung saan kami tutuloy. Ipinaskil naman agad ni
direk yung list ng mga magkakasama sa room.

At ang makakasama ko sa room?


Si Terrence at si Tita Tanya =___=

“yay! Magkasama tayo Misa dear!” dumikit saakin si Tita Tanya “don’t worry pwede
kayo magkatabi ni Terrence sa kama. Kung ano man ang mangyari sa inyo mamayang
gabi, I’ll just zip my mouth” sabi niya saakin sabay kindat. Feeling ko nagtindigan ang
balahibo sa buong katawan ko.

“mom!” saway ni Terrence

“hahahahaha tong mga batang to din a mabiro! Halatang mga guilty eh!
hahahahahahaha”

Pumasok na si Tita Tanya doon sa room habang kami naman ni Terrence eh naiwan
lang na nakatayo doon at tulala.

Talaga bang iniisip niya na may nangyaring ka chuvahan saamin ni Terrence? Like
hello! Di ko papatulan si Terrence no! weak =__=
Sumunod na kami ni Terrence doon sa room at kung mangaasar nga naman ang
tadhana, dalawa lang yung kama

“ako mag o-occupy nitong bed na to ha” sabi ng mom ni Terrence, “kayong dalawa sa
kabila”

Mukha ngang makakatabi ko to pagtulog

“ah mom it’s ok. I’ll just request an additional mattress” sabi naman ni Terrence

“ano ka bang bata ka! Hindi! Magtabi kayong dalawa”

“p-pero Tita”

“hay nako Misha darling wag ka na kumontra! Basta magtabi kayo”

Parang ayoko ng isipin ang gabi ah =___=


After namin kumain ng lunch, pinayagan naman kami ni direk Ed na mag swimming
tutal bukas pa naman ang start ng activities namin. At dahil diyan, oras ng gumawa ng
eksena. B-)

Sinuot ko yung two piece bathing suit ko na binili pa ni mama galing Hawaii. For sure,
pag nakita ako nito ni Kiel na suot suot ko to, tutulo ang laway nun at magkakandarapa
yun pabalik saakin. Tignan ko lang kung di pa siya ma-attract sa alindog ko.

Nag bathrobe muna ako bago lumabas then pumunta na ako doon sa may pool area
mismo. Lahat sila mga nag suswimming na. Unti-unti kong tinanggal yung bathrobe ko
feeling sexy all over. Nakita ko ang mga reactions nila.

All of them had their eyes on me.

Kita ko sa mga mata ng girls ang envy, while sa mga mata ng boys ang lust. Tinignan
ko si Kiel na kasalukuyang nagbubukas ng isang bote ng mineral water at napatigil siya
nung makita niya ako. I gave him a smile at papalapit na sana ako kaso biglang may
humatak sakin.

“anong pumasok sa isipan mo ha?!”

Napatingin ako doon sa humatak saakin at nakita kong si Terrence ito. Gulat na gulat
naman ako dahil galit nag alit ang expression ng mukha niya na never ko pang nakita.

Bigla niya akong binalutan ng twalya at hinila paalis


“h-hoy! Teka lang ano bang problema mo ha?!” sigaw ko sa kanya

Hinarap niya ako at nakita kong galit nag alit siya

“WAG NA WAG NA WAG KA NG MAGSUSUOT NG GANYAN! MAGPALIT KA!”

Natameme ako bigla at parang umurong ang dila ko.

Wait lang, natatakot ba ko sa stupid nerd na to?!

AND HOW DARE HE DICTATE ME?!


Chapter 14

*emotions*

“Stupid nerd let me go!! How dare you drag me like this?!” hindi ako pinapansin ni
Terrence at tuloy tuloy lang siya sa paghatak saakin hanggang sa makarating kami sa
loob ng villa at ipinasok niya ako sa room namin tsaka niya ni-lock yung door. Doon niya
lang ako binitiwan “what the heck is your problem?!?!” sabi ko sa kanya habang
hinihimas yung wrist ko na mahapdi gawa ng sobrang higpit na pagkakahawak niya.

Huminga siya ng malalim “I told you, please mag palit ka ng damit while I’m still
sane”

“huh? Teka nga bat ako magpapalit?! Duh! I’m going to swim! Anong gusto mong
isuot ko sa swimming pool?! Long gown?!?!”
Iniwas niya ang tingin niya saakin “why can’t you just wear a swimsuit without
attracting everyone’s attention, specially the guys” pagkasabi niya nun nakita kong
namula ang tenga niya

I smirk.

Lumapit ako kay Terrence “kahit ano ang isuot ko, makaka-attract at makaka-
attract ako ng attention because I am born damn hot and beautiful” tinignan ko
maigi si Terrence “are you attracted to me right now?”

Nakita kong namula na ang buong mukha ni Terrence at halos matawa ako sa nakita
ko. See? Even him fell in my charms. Ang galing ko talaga mamili ng swimsuit. Credits
to Heidi also kasi tinulungan niya ko.

Nagulat ako ng biglang humarap saakin si Terrence at hinawakan ang magkabilang


braso ko“what if I am?”

It’s my turn na matulala. Bigla na naman akong nakaramdam ng kaba habang tinititigan
ako ni Terrence sa mata ng seryosong seryoso.
Naramdaman kong bumababa ang mga kamay ni Terrence mula sa balikat ko papunta
sa braso ko and that made me shiver.

“yes, I am attracted to you right now Misha”

“T-terrence..”

Nagulat ako ng bigla niya akong itinulak sa kama then pumaibabaw siya saakin

“do you want to know what I am thinking right now?!”

“h-hoy! Stupid nerd s-stop this or else--!”

“or else what?!”

Terrence touched my cheeks using the back of his hand pababa sa leeg ko then
..bigla na lang siya napatayo

“Oh God I’m going insane!” after that, tumakbo na siya palabas ng Villa.

What was that?!

Napatayo ako at napahawak sa magkabilang braso ko. Damn it, bat ako nanginginig
ngayon?!

At bakit nararamdaman ko parin ang mga hawak niya sa braso ko?!


Hindi na ko lumabas ng villa para mag swimming. Nakakaasar lang kasi panira ng
mood yang stupid nerd na yan eh! Kung anu-ano ang ginagawa at sinasabi ngayon!
He’s acting very weird lately! Ayan ba epekto ng halik ni Angel? Nakaka-sira ng ulo ng
mga tao?

Sana di pa niya nahahalikan ang Kiel ko. Mahirap na no mamaya masiraan pa ng ulo
ang pinakamamahal ko. =__=

Sumalampak ako sa kama at tumingin sa kisame. Naalala ko na naman yung ginawa


saakin kanina ni Terrence.

“yes I am attracted to you right now Misha”

Ay gulay! Napatakip ako ng mukha ko dahil parang naramdaman kong umakyat lahat
ng dugo ko dito. Bat parang ang init ata kahit naka centralized ang aircon dito sa loob
ng villa?
Bigla ulit pumasok sa isip ko yung paghawak ni Terrence sa magkabilang balikat ko at
unti-unti nitong pagbaba sa braso ko. Ramdam na ramdam ko ang balat niya sa balat
ko. Yung hawak niya parang nagbibigay ng kuryente saakin.

ACHECHE! ANO BA TONG INIISIP KO!!

Napabangon ako bigla.

Tokwa naman oh! This is wrong!! Anong na-aattract siya sakin?! Gusto niya bang sipain
ko mukha niya ng matauhan siya?! si Kiel ang dapat ma-attract saakin! At siya, dapat
kay Angel siya ma-attract!!

Hanggang ngayon wala pang nararating ang mga plano namin eh. Dapat kanina
mahuhulog na saakin si Kiel kung di lang siya dumating.

Hay naku naman! Nakakaasar na stupid nerd na yan! Ang weird weird pa ng kinikilos
niya lately!
Kailanga kumilos na ko. Dapat mapaghiwalay ko na si Angel at Kiel bago pa tuluyang
malason ng impaktang anghel na yun ang utak ng Kiel ko!

*knock knock*

“sino yan?”

May nag bukas ng pintuan ng room then nakita ko si Tita Tanya

“oh Misha you’re here. Kain na tayo ng dinner”

“ah ok po”

Tumayo na ako at pumunta doon sa dining hall. Nakita ko naman na wala ng occupied
na upuan except doon sa tabi ni Terrence.
Hay kainis. Why do I have to sit beside that stupid nerd?!

Dahil wala akong choice, kesa naman nakatayo akong kumain, edi naupo na lang ako
doon sa tabi niya.

“M-misha” narinig kong bulong niya “a-ano s-sorry kanina”

Inirapan ko lang siya.

Ngayon nabubulol na naman siya. Why does he keeps on acting so cool then he’ll act
so stupid afterwards?! Nakakaasar ah!

Nag start na kami kumain.

“uhmm gusto mo ng fish? i-ipaglalagay kita” alok ni Terrence


“no thanks”

“how about soup, eh fruits, gusto mo ng drinks”

Tinignan ko siya “kaya kong pagsilbihan ang sarili ko so stop bugging me!”

Nag pout siya at bumalik narin sa pagkain then hindi na niya ko inistorbo simula nun.

After namin kumain at mailigpit ang mga pinagkainan namin, pinabalik na kami ni
director sa mga rooms namin.

“ok guys, matulog na kayo, maaga pa tayo bukas. Wala ng lalabas ng rooms ok?”

“yes direk!” we all said in unison

“good. Oh, Angel, Kiel, Terrence and Misha, maiwan muna kayo dito. The rest of
you, matulog na”
Huh? Bakit iwan kami?

“una na ko sa room ha. I’ll just leave the door open. Enjoy guys” bulong ng mom ni
Terrence

“ano pong gagawin?” tanong ko naman sa kanya

“you’ll see” she winked then pumasok na siya sa room namin

“ok guys maupo kayo sa sofa”

Sinunod naman namin yung utos nung director at naupo kami sa sofa. Bigla naman
niyang pinatay yung ilaw at wala akong halos makita. Yung liwanag lang na
nangagaling sa buwan ang tanging ilaw namin, pero sinarado din niya agad yung
curtain kaya totally ang dilim
“I’m scared” narinig kong sabi ni Angel

“don’t be, I’m here”

Grr scared your face Angel! Nanananching ka lang eh! >:(

Naaninag kong lumapit saamin si direk at sinindihan yung mga kandila sa harap namin
kaya medyo nagkaliwanag kami.

“ok guys, I want to have a private practice with the four of you. Kayong apat ang
lead role kaya kayo ang magdadala sa play na ito kaya gusto kong mas
maimprove niyo ang mga emotions niyo. Tonight, we’re going to bring out those
emotions inside you. Anger, love and pain. Ayang tatlo ang gusto kong
mapalabas niyo ngayon”

“but how?” tanong ni Kiel

“each pair will stand in front. Sasabihin ko sa inyo kung ano sa tatlo ang gusto
kong ipalabas na emotion sa inyo. Magbabatuhan kayo ng lines based on your
real experiences. For sure naman naramdaman niyo na yang tatlong yan di ba?
Nung mga panahong nakakaramdam kayo ng galit, ng love, ng pain, gusto kong
sabihin niyo sa ka-pair niyo. Naiintindihan niyo ba?”

“yes sir”

“ok good. First pair, Angel and Misha in front”

Tumayo kami ni Misha sa harap at nag hintay sa sasabihin ni direk. Naku naman wag
niyang masabi-sabi na love ang gusto niya ipalabas na emotion saamin nitong
impaktang anghel na to kasi sa totoo lang wala akong nararamdaman ni katiting na
pagmamahal dito. Like eeeew.

“anger”

Napangiti ako sa sinabi ni direk. Magiging madali ito ah

“you first Angel”


Humarap kami sa isa’t isa ni Angel then nakita kong huminga siya ng malalim at after
nun bigla na lang siyang sumigaw

“bakit ka ganyan?! Ano bang nagawa kong masama sayo para tratuhin mo ko ng
ganito?! I know galit ka saakin at kahit anong isip ko hindi ko alam kung anong
dahilan nito! Bakit, naiinsecure ka ba saakin?! Naiingit ka ba saakin ha?! Please
stop it! Wala akong ginawang masama sayo para tratuhin mo ko ng ganyan! I
don’t deserve this! Kung naiingit ka wala na kong magagawa! It’s your fault!
Pinapahirapan mo lang ang sarili mo dahil kahit kailan, hinding hindi mo siya
makukuha saakin!”

After sabihin ni Angel yun, walang nagsalita. Ramdam na ramdam ko ang emotions
niya, ang galit niya, doon sa taong pinagsasabihan niya ng mga bagay na yan.

At tinamaan ako.

Hindi ko alam kung para saakin yang mga sinabi niya pero nasaktan ako na ewan.
Ngayon lang ako nasaktan dahil sa mga binitiwang salita ng babaeng to to the point na
halos hindi ako makapagsalita.

“Misha your turn!” I was back to my senses ng marinig ko ang sigaw ng director

Katulad ng ginawa ni Angel, huminga ako ng malalim atsaka ko isinigaw lahat ng galit
na nararamdaman ko sa kanya

“alam mo kung bakit nakakainis ka ha?! Dahil simula ng dumating ka, nawala na
sakin ang bagay na pinaka mahalaga saakin! Inagaw mo ang pwestong dapat
nandun ako! Bakit kailangan mo pang dumating sa panahong malapit na kong
sumaya?! Buong buhay ko nilalayuan ako ng mga tao, siya na lang yung
nagiisang lalaking nakakapagpasaya saakin kinuha mo pa?! mangaagaw ka!
Hindi dapat ikaw ang kasama niya kundi ako! Umalis ka na sa pwestong yan! Ako
ang dapat na nandyan hindi ikaw!”

Naramdaman kong patulo na ang luha ko kaya naman lumunok ako para mapigilan to.
Tokwa namang practice to nakaasar!

“very good!” pumalakpak si director “you two done a great job! Next pair, Kiel and
Angel”
Umupo ako sa tabi ni Terrence at si Kiel naman pumunta sa harap ni Angel.

“are you alright?” narinig kong bulong ni Terrence

I just nod at pinanuod sina Angel

“the feeling of love”

Tss, sa dinami dami ng mapupunta sa kanila bakit ayan pa?!

“Kiel, you go first”

Humarap si Kiel kay Angel then he smile at her


“alam mo ba kung ano ang first impression ko sayo dati? Tahimik, suplada at
walang ibang inintindi kung hindi ang pag aaral. Pero who would have thought na
maeenjoy ko ang company mo ng sobra. Kung sabagay, kahit nga hindi ka
nagsasalita nag eenjoy ako na kasama ka. Alam mo ba na ikaw ang
pinakamagandang babae na nakilala ko? Pag ngumingiti ka, pag tumatawa ka,
parang lahat ng problema ko nawawala. You are an Angel sent from above.
Masaya ko na kasama ka, masaya ko na nandito ka sa tabi ko. Hindi ako nagsisisi
na ikaw ang minahal ko”

Lumunok ulit ako para mapigilan ang nagbabadyang luha sa mata ko. Nakakainis
naman tong practice na to, parang pumunta lang ako dito para saktan ang sarili ko eh.

Ayoko na ng mga naririnig ko. Parang paulit ulit na sinasampal saakin na kahit anong
gawin ko hindi ko sila mapaghihiwalay dalawa.

It’s Angel’s turn na magsalita

“alam mo bang nakakaasar ka dati? Kasi unang kita ko pa lang sayo crush na kita
eh ang problema, nalaman kong officer ka ng student council, member ng drama
club at president pa ng English club. Ang taas mo naman, ang hirap mong abutin.
To think na ang dami pang babae dito sa school na to na nagkakagulo sayo. Hindi
ko ineexpect na saakin mo ibabaling ang attention mo, na saakin mo ibibigay ang
puso mo. Ikaw ang pinaka magandang nangyari sa buhay ko at mahal na mahal
kita. Salamat din dahil minahal mo ko”
Lumapit si Kiel kay Angel at hinalikan ang noo nito.

Pumalakpak ulit yung director “ok mukhang madali ata sa inyo ang nabigay ko ah to
think na overflowing na pagmamahal ang nararamdaman niyo sa isa’t isa” sabi
niya habang natatawa tawa pa

Tss overflowing na pagmamahal?!

Matatapatan ko din yan!

Alam ko, matatapatan ko din yan.. :(

“Misha and Terrence in front”


Pumunta kami ni Terrence sa harap at hinintay ang instruction ni direk

“pain”

Anak ng tokwa oh! Kanina ko pa kaya nararamdaman yan!! Bakit yan pa! pwede bang
happiness na lang?!

“you go first Misha”

Huminga ako ulit ng malalim at tumingin kay Terrence habang iniisip ko na siya si Kiel

“mahal kita. Sayang di ko manlang nasabi sayo yan. Eh paano ko ba naman


masasabi sayo, bago pa magkaroon ng ‘tayo’ pinagpalit mo na ko agad?
Dumating lang siya nakalimutan mo na ko. Sabi mo saakin dati pag kasama mo
ko masaya ka. Nung dumating siya nakalimutan mo na yun? Yung mga ginawa
natin na magkasama? Yung mga sinabi natin sa isa’t isa? Nakalimutan mo na
lahat? Pati ako nakalimutan mo na? ang sakit! Alam mo pakiramdam ko? Para
akong isang ballpen na naubusan ng tinta kaya itinapon mo na!” hindi ko na
napigilan ang luha sa mata ko at kusa na lang tong bumuhos dito “kada makikita ko
kayong magkasamang dalawa, laging nasa isip ko, sana ako na lang ang kasama
mo, ako ang nakayakap sayo, ako ang nagpapangiti sayo. Ang sakit eh. Ang sakit
sakit! Mas higit ba siya sakin? Mas maganda ba siya?! mas napapasaya ka ba
niya?! Kaya naman kitang pasayahin ah! Bakit siya ang pinili mo samantalang
ako ang nauna?! Bakit siya?! bakit?!” napaupo ako sa sahig habang humahagulgol
ng iyak.

Ito ang unang beses na naisigaw ko lahat ng sakit na nararamdaman ko. Lahat ng
gusto kong isumbat sa kanya, lahat ng nararamdaman ko sa kanya, ngayon ko lang
nailabas ito. Ngayon lang din ako umiyak ng ganitong katindi.

Ang sakit sakit.

Naramdaman kong may yumakap saakin kaya napatigil ako sa paghagulgol

“T-terrence”

“hindi mo ba alam, kada nakikita kitang tinitignan siya sa malayo nasasaktan


ako? Lalo na pag nakikita kong nasasaktan ka ng dahil sa kanya. Nung una hindi
ko malaman kung bakit ganito ang nararamdaman ko eh, pero ngayon malinaw na
sakin. Mahal kita. Mahal na mahal kita. Ayoko ng makita kang mag habol o
masktan ng dahil sa taong yun”
Humarap si Terrence saakin at nagulat ako ng makita kong may mga luha narin sa
pisngi niya

Tinitigan niya ako sa mata at ramdam na ramdam ko ang sakit doon sa mga sumunod
na salitang binitiwan niya

"pwede bang ako na lang ang mahalin mo? Please, ako na lang"

Chapter 15

*confession*
“pwede bang ako na lang mahalin mo? Please, ako na lang”

Pinunasan ni Terrence ang mga luha sa pisngi ko habang ang mga luha naman niya
patuloy na bumabagsak sa mata niya.

Hindi ako makapag salita.

A-anong ibig niyang sabihin sa mga bagay na to? Bakit niya sinabi to? Umaarte lang ba
siya? Imposible namang para kay Angel ang mga bagay na to eh. Imposible.

Siguro nga, umaarte lang si Terrence. Sinakyan niya ang mga salitang sinabi ko. Siguro
ayaw niyang magsabi ng kahit ano tungkol kay Angel.

Pero bakit ramdam ko ang sakit?

Nakarinig kami ng malakas na palakpak galing sa director, kay Angel at kay Kiel.
“nice one! This is great! Ganyan ganyan ang gusto kong makita! Hindi nga ako
nagkamali sa pag pili ng mga lead roles!”

Tumayo si Terrence at inalalayan niya akong tumayo. Pinunasan niya ang luha sa mata
niya atsaka tumingin sa director at nginitian ito.

“ayos po ba?”

“ayos na ayos!”

Tinignan ko si Terrence.

Sabi ko na eh, acting lang. Imposibleng totoo.

“good job guys! I hope na sana sa mismong play madala niyo itong mga
emotions niyo na to”tumayo na si direk “pwede na kayong bumalik sa mga rooms
niyo. See you tomorrow. Sleep well ok?”
“opo” we all said in chorus

Nagsibalikan na sila sa mga assigned room. Nakita ko pang lumapit si Kiel kay Angel at
hinalikan ito bago siya pumasok sa room.

Napahinga na lang ako ng malalim at lumabas doon sa villa at naupo sa may gilid ng
puno malapit dito. Nakita ko naman na sinundan ako ni Terrence at naupo siya sa tabi
ko.

“hindi ka pa matutulog?” tanong niya saakin

“hindi pa. Mauna ka na lang”

“Misha” nagulat ako ng biglang hawakan ni Terrence ang kamay ko “about yung
sinabi ko kanina—“
“ah!” hinila ko pabalik yung kamay ko “g-grabe ang galing mo p-pala umarte
Terrence!” I gently pushed him “ikaw ha! May paiyak-iyak ka pa kanina! Pero daya
mo, sabi ni direk based on real experience eh” agad kong iniwas ang tingin ko sa
kanya.

“umaarte?” huminga ng malalim si Terrence at hindi na siya ulit umimik

Ilang minutong katahimikan. It's awkward. At pakinshet lang, di ko alam bakit ako
nakakaramdam ng ganito ngayon. Bakit ba ko naiilang sa stupid nerd na to?!

Nagulat ako ng biglang hawakan ulit ni Terrence yung kamay ko.

"T-terrence"

“paano kung sabihin ko sayong totoo lahat ng sinabi ko?”

Iniwas ko ulit ang tingin ko sa kanya “t-talaga? Wow, m-may ganun ka palang
experience”
“Misha naman eh!!”

Napalingon ako bigla kay Terrence gawa ng gulat ko nung sumigaw siya and he’s
wearing a painful expression on his face

“ganyan ka ba talaga ka-manhid?! Misha, mahal kita”

Pakinshet.

Iniwas ko ulit ang tingin ko sa kanya. Kanina ko pa naiisip ang bagay na yan pero bakit
nung sinabi na niya gulat na gulat parin ako?!

Hindi ko alam kung anong i-re-react ko ngayon. Pero alam ko naiinis ako.

Bakit niya hinayaan ang sarili niyang mahulog sakin?!


“s-stop talking non-sense” bulong ko

“non-sense?! Misha non-sense ba talaga sayo to? Wala bang kwenta tong
sinasabi ko para sayo? Mahal kita! Mahal kita!!”

“Shut up! SHUT UP!! Hindi mo ko pwedeng mahalin! Kay Angel ka lang Terrence
hindi saakin!”

“bakit ba dinidiktahan mo ako kung sino ang dapat kong magustuhan?! Bakit
hindi pwedeng magustuhan kita Misha?!” hinila ako ni Terrence papalapit sa kanya
at pilit akong niyakap

“A-ano ba Terrence bitawan mo ko!!” nagpupumiglas ako sa yakap niya pero mas
lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakayakap niya saakin

“Misha, hindi ko alam kung paano nagsimula itong nararamdaman ko sayo pero
kung alam mo lang, pinigilan ko to. Pero habang tumatagal mas lalong tumitindi
ang pagkagusto ko sayo eh. Isang araw nagising na lang ako na ikaw na ang
gusto kong makasama hindi si Angel. Kada makikita kitang nasasaktan dahil kay
Kiel, nasasaktan din ako. Misha mahal ni Kiel si Angel. Mahal na mahal niya to.
Please, kalimutan mo na siya. Wag na lang siya ang mahalin mo. Pwede bang ako
na lang? Please Misha ako na lang”

Bigla na lang tumulo ang luha ko dahil sa mga sinabi ni Terrence.

Stupid nerd! Napaka stupid talaga niya at hinayaan niyang mahulog saakin :(

“pero kay Kiel ako sasaya. Sakanya lang” bulong ko dito

Humiwalay si Terrence sa pagkakayakap saakin “Misha, please..”

“wag ka nga mag makaawa saakin! Akala mo mamahalin kita pag nag makaawa
ka sakin?! Akala mo pag bib---“

Hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil bigla na lang ako hinila ni Terrence papalapit
sa kanya at mariin niya akong hinalikan
I tried to push him away pero mas malakas siya saakin.

“t-terrence-- hhhmmfffff!!”

Tinulak ko siya ng pagkalakas lakas kaya napalayo siya saakin. Agad ko naman siyang
sinampal ng malakas.

“you bastard!!”

Tinalikuran ko na si Terrence at naglakad palayo kaso hinawakan niya ang kamay ko


para pigilan ako

“Sasaya ka ba talaga kay Kiel?”

Tinignan ko si Terrence “oo, sa kanya lang ako sasaya. Siya ang mahal ko at wala
na kong mamahalin na iba kundi si Kiel lang” mariin kong sabi sa kanya para bawat
salita ko eh tumatak sa isip niya
Huminga ng malalim si Terrence “ok, kung doon ka sasaya wala na kong
magagawa. Bukas, pag tulog na lahat ng mga tao, pumunta ka dito sa lugar na to.
Pangako magiging sayo na si Kiel”

Pagkatapos niyang sabihin yun, tuluyan na siyang umalis.

Chapter 16

*One last cry *

Sumalampak ako sa kama at nagtakip ng unan sa mukha.

Bukas, pag tulog na mga tao.


Hay ano bang pinaplano ng stupid nerd na yan?! Kinakabahan ako na ewan eh. May
pakiramdam ako na may hindi magandang mangyayari. Baka mamaya kung ano ang
gawin niya.

And speaking of Terrence, nasan na ba siya? Nauna siya saakin ng pag alis pero wala
pa siya dito sa room? Saan naman nag punta ang isang yun.

Pero para naman makakatulog ako na katabi siya =__=

Umayos ako ng higa. Nakaasar naman, makatulog na nga. Sa isang gabing to ang
dami nangyari. I’m so tired mentally and emotionally. All I want is to rest.

Siguro naman hindi masama kung iaalis ko muna sa isipan ko lahat ng bagay at
magpapahinga muna ako?
The next morning, maaga kaming ginising para mag breakfast at makapagsimula na ng
training ng maaga.

Pag bangon ko, mag-isa lang ako sa kama at mukhang hindi natulog sa tabi ko si
Terrence

“nasan po si Terrence natulog?” tanong ko kay Tita Tanya

“naku sa sofa sa labas natulog yun. He’s being too gentleman for you” she
giggled “yun anak ko talaga na yun slow!”

I just smile.

I don’t think he’s being slow. He’s just being sensitive.


Tsk, kahit kelan talaga ang nerd na yun, napaka stupid. Hay :(

After kong maligo at mag-ayos sa sarili, lumabas narin ako para makapag breakfast.
Nakita ko naman agad si Kiel at Angel sa isang sulok doon na magkahawak ang kamay
at masayang naguusap. Naalala ko na naman lahat ng nangyari kagabi.

“kahit kailan, hinding hindi mo siya makukuha saakin!”

“hindi ako nagsisisi na ikaw ang minahal ko”

“pwede bang ako na lang ang mahalin mo? Please ako na lang”

“Misha, mahal kita”


Napailing ako bigla. Bwisit naman eh! Bakit ba kailangan kong maalala ang mga bagay
na yun?! At bakit ba ko naapektuhan ng husto?!

Dati wala akong paki kahit anong masasakit na salita ang bitiwan saakin ng mga tao.
Wala din akong paki kung may nagkakagusto man saakin o wala. Hindi ako
naapektuhan sa nararamdaman nila. Pero bakit ngayon nahihirapan ako sa sitwasyon?

Alam ko nasaktan ko kagabi si Terrence at kahit ako nasaktan din naman ako dahil
kahit napaka stupid ng nerd na yun, aaminin ko napalapit ako sa kanya. Bukod kay
Heidi siya ang pangalawang tao na nagpakita saakin ng sobrang concern. Pero ang
problema mahal ko si Kiel. Siguro nga mapapasaya ako ni Terrence, siguro nga kaya
niyang ibigay saakin yung pagmamahal na matagal ko ng hinahanap.

Pero yun lang yun. Hindi ko masusuklian yun. It’s better to hurt him now kesa naman
mas lumalim pa ang nararamdaman niya, mas masasaktan pa siya.

Tinignan ko ulit sina Kiel at Angel. Ang saya saya nila. Pakiramdam ko wala na nga
talaga akong pag-asa kay Kiel.

“pangako, magiging sayo na si Kiel”


Pero paano Terrence? Paano mapupunta saakin si Kiel? Ano ba talaga ang binabalak
mo?

After makapag breakfast ng lahat, nag start na ang training namin. Magbibigay si direk
ng isang situation then each one of us will try to act the situation. As usual, by pair na
naman katulad kagabi. Ang maganda lang eh hindi na based on real life experience.
Wala ng sigawan, lampungan at iyakan. Buti naman because hanggang ngayon I’m
mentally and emotionally tired T____T

Ang tanging pinoproblema ko lang ngayon eh ka pair ko si Terrence. Oh great! Tapos


kami pa ang pang last pair. Ewan ko ba kung matutuwa ako dahil pang last kami o
maiinis ako kasi it just prolonged my agony. =__=

Habang mataimtim akong nagdadasal na sana wag ng umabot saamin dalawa ni


Terrence yang role play na yan, bigla na kaming tinawag ni direk.
“ok it’s Misha and Terrence’s turn now. Galingan niyo ah”

Sabay kami tumayo ni Terrence at pumunta sa harap. Nakita ko naman na ngiting ngiti
na nanunuod ang mom ni Terrence pati narin yung mga kasamahan namin sa play.

Gusto ko ng matapos to. T____T

“ok Terrence you are a brokenhearted guy. May mahal kang babae kaso may
mahal na iba naman yung babae. Ikaw pa ang dahilan kung bakit nagkatuluyan
ang babaeng mahal mo at ang lalaking mahal niya. Now, you’re going to sing a
sad song dedicated to that girl. Kailangan namin makita ang pain sayo, dapat
namin maramdaman ang agony mo. Do you understand?”

“y-yes direk”

Nak ng tokwang director to oh, parang nananadya lang eh. Pansin ko lang, kagabi pa
siya. Kung sapakin ko na kaya tong si direk ng tigil tigilan na niya ang pantotorture sa
mga damdamin namin?! =__=
“and you Misha” humarap saakin si direk “ikaw ang matalik na kaibigan ni
Terrence. Habang kumakanta siya, pinapanuod mo siya mula sa malayo.
Mararamdaman mo ang sakit na nararamdaman ni Terrence at maiisip mong sana
ikaw na lang ang minahal ni Terrence para di siya nasasaktan. Na kung pwede
lang alisin mo lahat ng sakit na nararamdaman niya ginawa mo na. Do you
understand?”

Understand your fes! Sapak you want?! Antokwa nangaasar talaga siya eh no?!
nakakaasar na talaga!!!

“o-opo” yun lang ang tanging nasabi ko. Pero sa totoo lang ayoko ng umarte. Bwiset
talaga. Bat yung sa iba ang dadali lang yung parang tipong bumili si lalaki ng napkin sa
tindahan dahil utos ng nakababatang kapatid niya tapos inasar siya ng mga tambay sa
kanto dahil doon at nakipag bugbugan siya. bakit saamin ni Terrence ganito?!

Daya ni direk! Favoritism! Pag kami pinahihirapan! Unfair!! T____T

“you two don’t need a lines. Kailangan niyo lang ng right emotion and
expression”

Ayan na naman yang pakinshet na emotion na yan eh!!


“ok, action!!”

Kinuha ni Terrence yung gitara at naupo habang ako naman tinitignan siya mula sa
malayo at nasasaktan para sa kanya kuno.

He started strumming the guitar.

“My shattered dreams and broken heart are mending on the shelf.
I saw you holding hands standing so close to someone else”

Habang kumakanta siya hindi ko maiwasang matigilan at mapatingin sa kanya. Mula


kaninang umaga, hindi nagsasalita si Terrence. Nasa isang sulok lang siya at
kinakalikot lang ang cellphone niya. Wala rin naman akong balak pansinin siya dahil sa
mga nangyari kagabi.

Pero bakit ngayong kumakanta siya ramdam na ramdam ko ang lungkot? Hindi ko alam
kung dahil ba to sa acting niya o sa facial expression niya o sadyang nasasaktan lang
talaga siya sa mga nangyari?
“Now I sit all alone, wishing all my feeling was gone.”

Hindi ko maialis ang tingin ko sa kanya. Lumunok din ako dahil pakiramdam ko lalabas
na naman ang luha ko.

Sana nga Terrence, sana nga mawala na lang lahat ng nararamdaman mo saakin.

“I'd give my best to you”

Alam ko yun, pero hindi mo dapat saakin ibigay yan dahil umpisa pa lang alam mong
iba na ang mahal ko.
“Nothing for me to do
But have one last cry.”

Sorry Terrence, sorry.

Inangat ni Terrence ang ulo niya at nagulat ako ng tignan niya ako sa mata habang may
luhang pumapatak sa mga mata niya.

“One last cry


Before I leave it all behind”

Halos mapatigil ako sa pag hinga.

Pakinshet naman eh, bakit nakakramdam ako ng sakit dahil kay Terrence? Ayoko ng
nararamdaman ko. Ayoko nito.
Kasalanan niyang nahulog siya saakin! Kasalanan niya yun kaya dapat hindi ako
maapektuhan!

Pero bwisit lang, nasasaktan din ako

“I've gotta put you out of my mind,this time


Stop living a lie.
I guess I'm down to one last—“

Hindi na ituloy ni Terrence ang kanta dahil bigla bigla na lang naputol ang isa sa mga
string nung gitara niya pero hindi niya parin inalis ang tingin niya saakin

“—cry” mahina niyang sabi


Doon ko lang napansin na may pumapatak naring luha sa mata ko. Lahat ng mga
nanonood tahimik habang kami ni Terrence hindi maialis ang tingin sa isa’t isa habang
patuloy ang mga luha na bumabagsak sa mga mata namin.

Bigla na lang kaming nakarinig ng malakas na palakpakan galing sa director at mga


nanonood.

“good job! Good job! Sabi na hindi talaga ko nagkamali sa pagpili sa inyo! Best
performance ever!”

Pinunasan ko ang luha sa mata ko at tinignan si direk at nginitian “salamat po”

“dapat lahat kayo ganyan guys. Gayahin niyo si Terrence and Misha. Habang
nasa stage kayo, alisin niyo sa isip niyo yung sarili niyo. Isipin niyo kayo yung
mismong character. Put your self of the shoes of the character then isipin niyo
kung sayo nangyari yun, ano ang mararamdaman mo”

Bwiset! Kaya nga ganito kami ni Terrence kasi base on real life lagi mong pinapagawa
direk eh T___T
After ng training na yun, nag kainan naman kami ng lunch then nag pahinga lang saglit
after nun nag simula ulit ng panibagong training. Buti itong next training individual na at
wala ng kung ano anong kadramahan. Lahat kami pinaharap ni direk sa mga wall dito
sa loob ng villa at isa isa saamin pinasigaw yung mga lines namin. Ilang beses naman
ako pinaulit kasi hindi ko pa kabisado ang line ko.

“ang galing mo sana Misha eh kung hindi ka lang talaga tamad mag kabisa ng
line!” sabi ni direk

Eh sorry naman no! sadyan nakakatamad lang kabisaduhin mga lines ko! Ang
dadrama! Ang kokorny! Napaka damsel in distress! Eh hindi naman ako ganoon eh.

Ganoon lang naman ang ginawa namin buong magdamag. After ng nakakapagod na
training, pinakain narin kami ng dinner at pinayagan na kaming maligo at matulog. Good
thing walang special training ulit para saaming apat kasi sa totoo lang ayoko na.
After kong makapaligo, nakipag kwentuhan muna ko doon sa iba naming mga
kasamahan then nung nakaramdam na ko ng antok, napag desisyunan ko ng bumalik
sa kwarto ko.

“Misha”

Nagulat ako ng biglang may humatak ng braso ko. Si Terrence.

Agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya “bakit?”

“yung sinabi ko sayo kagabi wag mong kalimutan. Pumunta ka” binitiwan niya
yung pagkakahawak sa braso ko at tinalikuran na ko

“wait!” hinawakan ko siya “ano ba ang plano mo?”

Tinabing naman niya ang kamay ko “basta pumunta ka” pagkatapos nun, tuluyan na
siyang umalis.
Pumasok ako sa room at sumalampak sa kama. Nakaka badtrip. Sa totoo lang
nakalimutan ko na kanina ang tungkol dito eh. Kinakabahan na naman tuloy ako. Hay.

Pero gusto ko rin pumunta. Sa totoo lang nawawalan na ko ng pag-asa kay Kiel pero
baka itong gagawin ni Terrence makatulong talaga para saakin. Gusto kong maging
kami ni Kiel at handa akong gawin kahit ano.

Mga bandang 10pm ng maka receive ako ng text galing kay Terrence at pinalalabas
ako nito. Tinignan ko si Tita Tanya at mukhang mahimbing naman na siyang natutulog
kaya dahan dahan akong naglakad palabas ng room para hindi ko siya magising.

Nakita ko naman na wala narin taong nasa labas. Siguro mga tulog na sila or mga nasa
rooms na. Dali-dali akong lumabas sa villa kaso halos atakihin naman ako sa puso ng
biglang may nag patong ng kamay sa balikat ko.

“ay tokwa!!—Kiel you scared me!” sabi ko habang nakahawak sa dibdib nung makita
ko si Kiel sa likuran ko

“sorry. Ano ginagawa mo dito Misha? Gabi na ah”


“uhmm, m-magpapahangin lang, hindi ako makatulog eh. Ikaw?”

“ganun din. Tara maglakad lakad?”

“ha? Ah s-sige”

Naku po naman. Sa dinami dami ng makikita ko ito pang si Kiel. Paano kung bigla
niyang makita si Terrence? Edi patay ang plano ni Terrence?!

Pero teka ano nga ba ang plano ni Terrence?! Kahit ako walang idea eh.

Habang naglalakad lakad kami ni Kiel, inilabas ko naman yung cellphone ko para
pasimpleng itext si Terrence na baka mahuli ako ng dating kasi kasama ko si Kiel. Kaso
pag tingin ko walang signal yung phone ko.

“Kiel may signal ba yung phone mo?” nilingon ko si Kiel at nagtaka naman ako dahil
gulat na gulat ang expression ng mukha niya habang nakatingin sa harap namin “Kiel?
Anong problema?”napatingin din ako sa harap namin at halos malaglag ko ang
cellphone sa sobrang gulat sa nakita ko.

Si Terrence at Angel magkasama.

Si Angel nakasandal sa puno habang nakaharang ang mga braso ni Terrence sa gilid
nito

at naghahalikan sila.

Bago pa ko makapag react sa nakita ko, nagulat na lang ako ng biglang sugurin ni Kiel
si Terrence at binigyan niya ito ng isang malakas na suntok na dahilan para mapaupo
ito
“Kiel!! Terrence!!” rinig kong sigaw ni Angel

Hinawakan ni Kiel ang kwelyo ni Terrence at iniharap sa kanya “anong ibig sabihin
nito?! Bakit hinahalikan mo si Angel ha?!”

“hindi pa ba obvious sayo? Pinagtataksilan ka namin”

“NO!! Kiel wag ka maniwala sa kanya!” sigaw ni Angel

“oh shut up Angel!” itinulak ni Terrence si Kiel palayo sa kanya “bakit hindi na lang
natin sabihin kay Kiel ang totoo?! He’s only a rebound. Ginamit mo lang siya para
makalimutan ako dahil hanggang ngayon ako parin ang mahal mo! Kahit kay
Misha naiinis ka kasi akala mo inaagaw niya ako sayo! Kanina lang naguusap na
tayo na magkakabalikan na ulit tayo yun nga lang hindi mo pa magawang
hiwalayan si Kiel dahil natatakot kang aminin na panakip-butas lang siya! Na
lahat ng sinabi at ipinakita mo sa kanya ay kasinungalingan!”

“no… NO! hindi totoo yan!”


“ako na ang nagsasabi ng totoo para sayo Angel. You don’t need to lie”

Tinignan ni Kiel si Angel at nakita kong nanginginig ang katawan nito sa sobrang galit

“sige, pinapalaya na kita” mariin niyang sabi kay Angel pagkatapos ay tumalikod siya

Biglang humagulgol ng iyak si Angel “no Kiel, please pakinggan mo ko!” hinawakan
niya ang braso ni Kiel pero tinabing niya lang ito at agad agad na tumakbo papunta sa
loob ng villa.

“Kiel!!” hinabol siya ni Angel sa loob.

Tinignan ko si Terrence. Pinapagpag niya ang damit niya habang pinupunasan ang
dugo sa may gilid ng labi niya gawa ng pagkakasuntok ni Kiel dito.

“T-terrence..”
Tinignan ako ni Terrence at lumapit siya saakin

“sana sumaya ka na” pagkatapos niyang sabihin yun ay naglakad na rin siya palayo
saakin.

Napaupo ako sa may damuhan at sa hindi malamang kadahilanan

bigla na lang din akong napahagulgol ng iyak

Chapter 17

*bye bye*
[Terrence’s POV]

I look at my watch. It’s 15 minutes before 10.

Malapit na.

Nakita kong may babaeng nagmamadaling lumapit sa kinalulugaran ko kaya agad


naman akong tumayo at sinalubong ito.

“Terrence, ano ba ang gusto mong pagusapan natin?” pambungad ni


Angel “gabing gabi na eh. Hindi ba pwedeng ipagpabukas yan? Tsaka natatakot
ako na makita ka ni Kiel. Lately nagseselos siya sayo”

“Angel” nilapitan ko siya at hinawakan ko ang kamay niya “tayo na lang ulit”

“huh?” hinatak ni Angel palayo saakin yung kamay niya “ok ka lang ba Terrence?
Ano ba yang sinasabi mo”
“sabi ko, tayo na lang ulit. Iwan mo na si Kiel”

“tumigil ka nga. Lasing ka ba?”

“alam ko mahal mo pa ko. Ramdam ko yun Angel. Alam ko kaya ka parang inis
kay Misha kasi akala mo inaagaw niya ako sayo. Nakita ko paano ka nasaktan
nung hindi ka na masyadong pinansin ni mama. Nararamdaman ko yung
pagkailang mo pag magkasama kami ni Misha. Angel, kalimutan na natin yung
nangyari dati. Iwan mo na si Kiel at mag umpisa tayo ulit”

Alam ko na para akong sira dito na nagmamakaawa sa ex ko na balikan ako kahit


malinaw pa sa sikat ng araw na hindi ko na siya mahal. Pero ngayon wala akong paki
kung anong mangyari saakin.

..ang mahalaga maging masaya lang siya.

Hindi nagsalita si Angel, hindi ko rin mabasa ang expression sa mukha niya. Unti-unti
siyang lumapit saakin
Atsaka ako binigyan ng napakalakas na sampal sa mukha.

“how dare you” nangigilaiti niyang sabi habang nakatinging saakin ng masama
“Terrence naririnig mo ba yang sinasabi mo? Para linawin ko sayo lahat, hindi na
kita mahal. Hindi ka na pwedeng makipagbalikan saakin dahil huli na ang lahat.
Mahal na mahal ko si Kiel para sabihin ko sayo. Terrence, ikaw ang unang
nakipag hiwalay saakin. Ikaw ang unang bumitiw. Iniwan mo ako para sa isang
napaka liit na bagay” bigla na lang napaiyak si Angel sa harap ko “sino ba namang
matinong lalaki ang makikipag break dahil hindi niya kayang pagsabayin ang
pagaaral niya at pagkakaroon ng girlfriend?! Eh ni hindi nga ako nagiging bad
influence sayo eh. Alam mo ba nung basta mo lang akong iniwan grabe akong
nasaktan ha?! Lalo na kung kelang ok na ang lahat sa pag transfer ko sa school
mo! Tapos ngayon sasabihin mo to?!”

Tinignan ko si Angel “bakit ka apektado hanggang ngayon? Ibig sabihin mahal mo


parin ako!”
“Apektado? Sorry to disappoint you Terrence pero hindi na ko apektado sa
break-up natin! Oo aminin ko, naiinis ako kay Misha pero hindi dahil sayo yun!
Naiinis ako sa kanya dahil pakiramdam ko ang laki ng galit niya saakin
samantalang hindi ko alam kung ano ang nagawa kong masama sa kanya! Oo
aaminin ko din na nasasaktan ako kay Tita Tanya pero hindi dahil sa mas malapit
siya kay Misha kundi dahil iniisip niya na ako ang p*t*ng in@ na may kasalanan
kung bakit mo ko hiniwalayan samantalang ginawa ko ang lahat para mag work
lang ang relationship natin! Nagpumilit akong pumasok sa school mo para kahit
busy ka makakasama parin kita! Hindi ako nag demand sayo na magkita tayo o
mag text saakin o kahit tumawag man lang kahit miss na miss kita nun! Terrence
ang dami kong tiniis para sayo! Pero ngayon, huli ka na. Sorry, pero mahal na
mahal ko talaga si Kiel”

Tinignan ko maigi si Angel. Oo alam ko mahal niya si Kiel. Alam ko matagal na niya
kong napalitan sa puso niya. Alam ko kasalanan ko kung bakit sobra siyang nasaktan
dati at hindi pa ko nakakahingi ng tawad.....sasaktan ko na ulit siya.

Angel, sana mapatawad mo pa ko sa gagawin ko.

Nakita ko na lumabas ng Villa si Misha, kasunod si Kiel.

Oras na.
Tinignan ko ulit si Angel “Angel, tayo na lang ulit please?”

“Ano ba Terrence! Tigilan mo na to pwede! Babalik na ko sa loob!” tinalikuran na


ako ni Angel pero agad kong hinila ang braso niya at isinandal ko siya sa puno

“Ano ba Terrence--!!”

Hinawakan ko maigi si Angel at iniharang ko ang isa kong braso sa may gilid niya para
di siya makagalaw atsaka ko siya hinalikan.

Narinig ko ang boses ni Misha but I didn’t dare look instead pinagpatuloy ko lang ang
pag halik kay Angel. The next thing I knew, may humila saakin palayo kay Angel atsaka
ako sinuntok ng malakas na naging dahilan kung bakit ako napaupo sa sahig.

“Kiel!! Terrence!!” rinig kong sigaw ni Angel


Lumapit saakin si Kiel at hinawakan ang kwelyo ng damit ko “anong ibig sabihin
nito?! Bakit hinahalikan mo si Angel ha?!”

“hindi pa ba obvious sayo? Pinagtataksilan ka namin” I told him coldly

“NO!! Kiel wag ka maniwala sa kanya!” pagtatanggi ni Angel

“oh shut up Angel!” itinulak ko si Kiel papalayo saakin “bakit hindi na lang natin
sabihin kay Kiel ang totoo?! He’s only a rebound. Ginamit mo lang siya para
makalimutan ako dahil hanggang ngayon ako parin ang mahal mo! Kahit kay
Misha naiinis ka kasi akala mo inaagaw niya ako sayo! Kanina lang naguusap na
tayo na magkakabalikan na ulit tayo yun nga lang hindi mo pa magawang
hiwalayan si Kiel dahil natatakot kang aminin na panakip-butas lang siya! Na
lahat ng sinabi at ipinakita mo sa kanya ay kasinungalingan!”

Angel looked bewildered in what I’ve said. Malamang hindi niya expected ang
pagsisinungaling ko “no… NO! hindi totoo yan!”
“ako na ang nagsasabi ng totoo para sayo Angel. You don’t need to lie”

Nakita ko ang panginginig ni Kiel sa galit habang tinitignan niya si Angel

“sige, pinapalaya na kita” mariin niyang sabi kay Angel pagkatapos ay tumalikod siya

Biglang humagulgol ng iyak si Angel “no Kiel, please pakinggan mo ko!” hinawakan
niya ang braso ni Kiel pero tinabing niya lang ito at agad agad na tumakbo papunta sa
loob ng villa.

Tinignan ako ni Angel. I looked back at her coldly pero deep inside nasasaktan din ako
sa ginawa ko.

Angel…patawad.
Inalis niya ang tingin niya saakin atsaka humabol kay Kiel “Kiel!!”

Huminga ako ng malalim atsaka ko pinagpag ang damit ko at pinunasan ang dugo sa
gilid ng labi ko.

“T-terrence..”

Tinignan ko si Misha.

Bakit ganyan ang expression ng mukha niya? Bakit parang hindi siya masaya? Di ba
dapat matuwa siya dahil wala na si Angel at si Kiel?
Pwede na ulit sila ni Kiel.

Nilapitan ko si Misha “sana sumaya ka na”

After I said that, I strode pass her at pumasok narin ako sa loob ng villa.

Pagkapasok ko sa loob, nakita ko naman si Angel na nakaupo sa isang stool doon sa


may counter top at umiiyak.

Nakaramdam ako ng sobrang guilt sa ginawa ko sa kanya, pero kailangan.

Nakita din ako ni Angel na pumasok kaya agad agad siya lumapit saakin.
“Terrence bat mo sinabi ang mga bagay na yun kay Kiel! Bawiin mo yun
pakiusap!”

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya “hindi”

She burst into tears “bakit? Bakit mo ba ginagawa to saakin ha? Hindi ako
naniniwala na mahal mo pa ko Terrence! Pero maawa ka naman saakin! Grabe mo
na ko sinaktan noon, pati ba naman yung lalaking nagpasaya saakin kukunin mo
pa?! ang sama mo Terrence!” nagulat ako ng biglang lumuhod si Angel sa harap
ko. “Pakiusap, kausapin mo si Kiel! Sabihin mo sa kanya ang totoo! Mahal na
mahal ko siya Terrence at ayoko mawala siya saakin”

Hinawakan ko sa magkabilang braso si Angel atsaka ko siya itinayo at pinunasan ko


ang luha sa mata niya “sorry Angel” after that tinalikuran ko na ulit siya at muling
lumabas habang narinig ko ang malakas na hagulgol niya.

Napatakbo ako palayo sa villa namin hanggang sa makarating ako malapit sa may
water park. Naupo ako sa isa sa mga benches doon atsaka ko inilagay ang mga kamay
ko sa mukha ko.
Ano ba ang ginawa ko? Grabe kong sinaktan ang babaeng dati kong minahal para sa
babaeng mahal ko ngayon. Pero wala na, nagawa ko na eh. Alam kong pwede ko pa
tong ayusin, pero ayoko.

Ang pinakamahalagang bagay ngayon para saakin ay sumaya si Misha.

At sana maging masaya na nga siya.

[Misha’s POV]

“sana sumaya ka na”


Misha eto na oh. Wala na si Kiel at Angel. Nagawan na ni Terrence ng paraan para
mag hiwalay yung dalawa. May pag-asa ka na. Eto na, pwede na kayo ni Kiel.

Dapat masaya ka.

Pero pakinshet lang, bakit ako umiiyak ngayon?! Bakit ako nasasaktan ngayon?!
Pakinshet ano ba tong nararamdaman ko?!

Iyak lang ako ng iyak doon sa hindi ko malamang kadahilanan. Nung medyo kumalma
na ko, I gathered up all my strength to stand up at bumalik sa loob ng villa. Pag pasok
ko sa room namin, wala si Terrence. Sumalampak ako sa kama at bigla na naman
akong naiyak. Ano ba naman to, kelan ba ko titigil sa pag iyak? At bakit ba ko
nasasaktan?!

Bakit hindi ko maramdaman na masaya na ako?

Kinabukasan, nagising na lang ako na wala na si Tita Tanya at si Kiel. Nauna na daw
sila bumalik sa Manila dahil may biglaan silang dapat asikasuhin.
Pero alam namin nila Kiel, hindi iyon ang totoong dahilan kung bakit sila umalis.

Nung makabalik kami sa Manila binigyan kami ng dalawang araw na pahinga dahil
pagod kaming lahat sa training. Pero kesa makapag pahinga ako, mas lalo akong
napagod kakaisip sa mga nangyari. Ikinuwento ko narin kay Heidi lahat at ang tanong
niya saakin?

“masaya ka ba?”

Pilit akong ngumiti “o-oo naman! Masaya ako sobra! Eto naman talaga ang gusto
kong mangyari di ba?!”

Pero kahit saan ko hanapin ang word na ‘masaya’ sa sarili ko, hindi ko parin siya
mahanap hanap.
Nung pasukan na ulit, hindi ko nakita sa school si Terrence. Mukha atang umabsent
siya. Siguro nagpapalamig muna sa mga nangyari. Kalat narin sa classroom na hiwalay
na si Kiel at Angel pero hindi nila alam ang tunay na nangyari kung bakit. Nakita kong
sinubukan ni Angel na kausapin si Kiel pero pinagtatabuyan lang niya ito. At ngayon
kami ang madalas na magkasama.

Pero masaya nga ba ako?

Hindi ko alam.

Nung hapon din na yun, pinatawag kami ni direk para sa isang meeting.

“ok guys, malapit na ang play natin. We only have 2 weeks to prepare but sad to
say, we need to make some changes in the lead roles”

Changes? Pero bakit?


“nag drop na sa school nito si Terrence”

Napuno ng bulungan ang theater room. Lahat hindi nagtataka sa nangyari

Including me

“b-bakit po nag drop out si Terrence?” tanong ko kay direk

“he’s already in Florida now. Doon niya na itutuloy ang pag-aaral niya”

Parang nabingi ako sa mga naririnig ko.

“umalis na si Terrence?”
“right. Kagabi ang flight nila sa Florida. As for the pairing, Kiel will be the lead
guy. Siya na ang makaka pair mo Misha. And you Angel, you will be paired at
Ram”

Hindi ko na halos naintindihan pa ang sinasabi ni direk. Ang tumatak lang sa isip ko ay
si Terrence. Wala na siya? umalis na siya?

Bigla na lang nanginig ang buo kong katawan at parang gusto kong maiyak. I excused
my self at tumakbo ako palabas ng theater room. Bigla ko naman nabangga si Heidi.

“oh sister bakit ka tumatakbo?”

“H-heidi..” bigla na lang ako napahagulgol at niyakap si Heidi “Si Terrence, umalis na
siya. wala na si Terrence!”

“Misha” hinimas ni Heidi ang likod ko atsaka niya ko tinignan “tatanungin kita ulit,
masaya ka ba?”
Pinunasan ko ang luha ko atsaka ko tinignan si Heidi “oo masaya ako”

“then bakit ka umiiyak ngayon?”

With that, mas lalo akong napahagulgol ng iyak kaya niyakap ako ni Heidi.

Parang isinampal sa mukha ko kung bakit ako nagkakaganito. Kung bakit ako umiiyak
at nasasaktan.

Ngayon alam ko na ang nararamdaman ko.

Hindi ako masaya dahil alam ko na, hindi si Kiel ang kailangan ko ngayon.

Pero huli na ang lahat.


Dahil simula nun, hindi ko na nakita o nakausap manlang si Terrence.

Epilogue

“Misha, ok na ang mga requirements mo doon sa university na napili mo. Pwede


ka na mag enroll. Gusto mo bang samahan kita or papasama ka na lang kay
Kiel?”

Inalis ko ang nakataklob na kumot saakin atsaka ko tinignan si mama “pagiisipan ko


pa po”

Nakita kong huminga ng malalim si Mama at naupo sa tabi ko “anak, may balak ka pa
bang pumasok sa college? Lagi ka na lang nandito sa kwarto mo at
nagmumukmok. Dahi parin ba kay—“

“ma, I’m ok” nagtaklob ulit ako ng kumot “inaantok pa po ako. Bababa narin ako
maya-maya”
“sige iiwan muna kita” she tapped my head then lumabas narin siya sa room ko.

It’s been half a year. Graduate na kami ng highschool at talagang simula ng araw na
yun, ni isang tawag o message, hindi na nagparamdam si Terrence. Nairaos naman
namin ang stage play kahit nagkakagulo ang mga lead roles. Well, hanggang ngayon
naman magulo parin eh.

Hindi na nagkabalikan si Angel at Kiel because of my selfishness. Oo inaamin ko nung


umalis si Terrence narealize ko kung ano talaga ang nararamdaman ko. Pero selfish
akong tao. Pinili kong makasama si Kiel kahit alam kong nasasaktan si Angel, at kahit
alam kong hanggang ngayon mahal na mahal parin niya si Angel. Kaya ko lang naman
ginawa yun kasi gusto kong mangyari ang gustong mangyari ni Terrence, ang maging
masaya ako.

Pero patuloy parin talaga na gumugulo sa isip ko ang isang tanong.

Masaya nga ba talaga ako?

O pinipilit lang ang sarili ko na maging masaya?


Nakuha ko na ang gusto ko. Pero pakshet yan oh, bakit ganito parin ang
nararamdaman ko? Lahat na lang ng bagay laging huli na para saakin. Ang gusto ko
lang naman eh magkaroon ng isang taong matatanggap ako sa kung ano ako,
mamahalin ako kahit ganito ako, at iintindihin ang panget kong ugali. Nakita ko na ang
taong yun…

…pero iniwan naman ako.

Nakaramdam na naman ako ng sakit sa may dibdib ko. Simula ng umalis si Terrence,
lagi ko na lang nararamdaman ang sakit na ito. Yung para bang gusto kong umiyak
pero kahit ano ang gawin ko ayaw lumabas ng luha sa mata ko. Ang huling beses
akong umiyak ay yung mismong araw na nalaman kong umalis si Terrence, but after
that, I didn’t shed even a single tear.

At ang bigat bigat sa loob.


For the last 6 months, I am a walking stone. Manhid, hindi naapektuhan sa lahat ng
bagay. Wala akong paki kahit naririnig kong umiyak si Angel, wala rin akong paki kada
makikita ko ang painful expression ni Kiel.

Ilang beses akong kinausap ni Heidi, sabi niya hindi na daw niya ko kilala, hindi na niya
alam bakit ako nagkakaganito. I just smile at her pero pinagpapatuloy ko parin ang mga
ginagawa ko.

Kasi miski ako, hindi ko na kilala ang sarili ko.

Tinignan ko ang orasan, it’s 8 in the morning. Bumangon na ako at nagayos ng sarili
then bumaba narin ako pagkatapos.

“anak kain na” yaya ni daddy saakin na kasalukuyang kumakain kasama si mama

“mamaya na lang po paguwi ko”

“where are you going?” tanong ni mama


Ngumiti lang ako at lumabas na ng bahay. Hay tinatanong pa nila, alam naman nila na
simula summer lagi akong lumalabas ng bahay ng ganitong oras.

Naglakad lakad lang ako sa subdivision namin hanggang sa dalhin na naman ako ng
mga paa ko sa lugar na ito.

Tinignan ko yung malaking bahay na nasa harap ko. Kalahating taon ng walang
nakatira sa bahay na yun.

Ang bahay ng mga Quizon

Lumapit ako sa may gate nila at tinignan ang bahay umaasang may isang lalaking
lalabas diyan at babatiin ako.

Napahinga ako ng malalim.


Hindi ko alam kung nasisiraan na ko ng bait or what. Hindi ko rin alam kung bakit halos
araw araw pumupunta ko dito. Basta ang alam ko lang, kada nandito ako sa tapat ng
bahay nila, gumagaan ang loob ko.

Pero para na nga talaga siguro akong sira.

Misha tanggapin mo na, iniwan ka na niya pero gusto ka niyang maging masaya kaya
dapat magpakasaya ka ngayon sa piling ni Kiel. Gawin mo ang lahat mahalin ka lang ni
Kiel

At gawin mo ang lahat para bumalik ang pagmamahal mo sa kanya.

Dapat tantanan ko na talaga ang pag punta dito. Ayoko na ng nararamdaman ko na to.
Ayoko na mahirapan.

I gave the house one last look then tinalikuran ko na to at naglakad palayo.
“Misha?”

Bigla akong napahinto sa paglalakad ng marinig ko ang boses na yun.

“Misha, is that you?”

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Teka tama ba naririnig ko? Hindi ba ko nag
ha-hallucinate? Totoo ba to?

Lumingon ako sa tumawag saakin at ayun nakita ko si Tita Tanya sa harap ko.
“Misha!” tumakbo siya papalapit saakin atsaka ako niyakap ng mahigpit “oh my gosh,
I miss you!”lumayo siya sa pagkakayakap at tinignan ako maigi “look at you, you’re
still beautiful! Teka ano ang ginagawa mo dito?”

“ah.. ahmm a-ano po kasi”

“never mind! Tara sa loob at samahan mo ko mag breakfast!”

“h-ha? Uhmm a-ano po—“

“naku Misha don’t you dare na humindi! Ang tagal na nating di nagkita”

At before pa ako makaangal, hinatak na ko ni Tita Tanya papasok sa loob.


“Misha what do you want? Bacon? Cereal? Eggs?” kinuha niya yung plato sa harap
ko “pero maganda kung kakain ka ng madami ipaglalagay kita” nilagyan ni Tita
Tanya yung plate ko ng garlic rice then bacon and eggs tapos kinuha naman niya yung
baso ko at nilagyan ng milk “kain ka ng madami ha. Look at you, nangayayat ka.
Masyado ka atang nastress sa school. Dapat ngayong summer magpataba ka ha?
Kain ka ng kain”

I smile at Tita Tanya then hinawakan ko ang kamay niya “Tita, s-salamat po”

“for what?”

Nginitian ko lang ulit siya.

Sa totoo lang hindi ko ineexpect na ganito ang magiging trato saakin ni Tita Tanya.
Malamang kasi alam na niya ang mga nangyari at ineexpect kong magagalit siya
saakin. Kung tutuusin dapat naman talaga siya magalit dahil sa mga ginawa ko kay
Terrence. Sinaktan ko ang anak niya pero napaka bait parin niya makitungo saakin.

In some ways, parang medyo gumaan ang pakiramdam ko.


Tumingin tingin ako sa paligid ng bahay then ibinalik ko ang tingin ko kay Tita Tanya

“uhmm kayo lang po ang nandito?” tanong ko sa kanya

“oh, yes. Kababalik ko lang kahapon. May naiwan kasi kaming mga gamit dito na
dapat kong balikan eh”

“oh I see. Hanggang kelan po kayo dito?”

“2 weeks lang”

Tumango tango ako. May gusto pa sana akong itanong kaya lang medyo nag alangan
ako pero naisipan ko naring sabihin sa kanya

“uhmm s-si Terrence po k-kamusta na siya?”


Tita Tanya sipped her coffee then ibinaba niya ito atsaka siya ngumiti saakin “Terrence
is doing good. Masaya siya ngayon and may girlfriend na siya doon”

Napalunok ako bigla sa sinabi ni Tita Tanya. Parang may something na bumara sa
lalamunan ko at parang may gustong lumabas sa mga mata ko.

“o-oh I see. T-that’s good” I tried to force a smile pero nagmukha lang akong natatae
sa harap niya.

Damn it! Ayoko ng pakiramdam na ito. :(

Right after naming mag breakfast, nagpatulong naman si Tita Tanya saakin na ayusin
ang mga dadalhin niya pabalik ng Florida. Tutal naging maganda naman ang pagtrato
niya saakin, pumayag akong tulungan siya.

Yun nga lang kung mangaasar nga naman, mga gamit ni Terrence ang pinaayos niya
saakin.
Pumasok ako sa kwarto niya at naupo doon sa kama niya. Ito pa lang ang pangalawang
beses kong makapasok dito pero bakit ganito? Pakiramdam ko miss na miss ko ang
kwartong to?

Tinignan ko ang paligid ng kwarto niya. Madami paring gamit dito. Ang tanging wala
lang laman ay yung closet niya pero the rest iniwan niya lahat. May nakita naman akong
isang pamilyar na paperbag doon sa ilalim ng study table niya. Kinuha ko yung paper
bag at nakita ko sa loob ng paperbag ang mga iba’t ibang CD ng mga Korean dramas
at yung twilight saga na libro. Napangiti ako ng maalala ko ang mga to

----(flashback)----

“here” inabot ko sa kanya yung paper bag na dala dala ko

Tinignan niya yung laman nung paperbag then inilabas yung mga CD na nasa loob “err
a-ano to?”
“mga koreanovela yan! Panuorin mo ng may mapulot ka naman na lesson kung
paano magpakilig ng babae!” kinuha ko yung book na nasa loob ng paper bag “tsaka
eto twilight novel, basahin mo para naman maimpluwensyahan ka ni Edward”

----(end of flashback)----

Ibinalik ko ulit yung paperbag sa ilalim ng table. Siguro hindi naman na kailangan ni
Terrence yan. Tutal may girlfriend narin naman siya doon.

Napatayo ako bigla at sinipa ko yung paanan nung lamesa. Langya kasi yung Terrence
na yun! Kalahating taon pa lang nakakalipas may girlfriend na agad! Ang bilis ah!
Samantalang ako--!!

Samantalang ano Misha?

Huminga ako ng malalim. Hay mukhang mali ata ang pagpunta ko dito. Pero dahil sa
nandito narin ako, wala na kong magagawa, nagtingin tingin narin ako ng mga gamit ni
Terrence na kakailanganin niya doon sa Florida. Inumpisahan ko muna tignan yung
mga nasa study table ni Terrence at kung ano ang pwede pa niyang dalhin.

Text books niya dati sa school namin? Hmm pwede din. Baka sakaling magamit niya.
Kinuha ko yung mga libro at inilagay ko doon sa loob ng isang malaking box then
nagtingin tingin pa ko.

Alarm clock? Wag na pwede naman siya bumili doon. Lamp shade? Meron din nun
doon. Mga picture namin habang nag practice ng play? No, susunugin niya lang yan,
akin na lang to. Yung mga watch niyang mamahalin? Pwede pa to, isama na to. Old
notebooks? No. Ballpen? No. Candy wrapper? No. Teka bat ang dami namang candy
wrapper dito? Ambalahura naman ng stupid nerd na yun.

Pinagtatapon ko yung mga candy wrapper na nagkalat doon sa mga drawer ng table ni
Terrence then nagbukas bukas ulit ako doon. May nakita naman akong isang
scrapbook doon. Gumagawa pala ng ganito si Terrence? So…gay. Pero baka kailangan
niya. Maisama na nga rin. Ilalagay ko na sana yung scrapbook sa loob ng box ng bigla
naman may nalaglag na picture galing doon sa scrapbook. Pinulot ko ito at tinignan at
halos magulat ako ng makita ko na picture ko ito na natutulog ako sa bus. Mukhang
kuha ito nung araw na nasa byahe kami papuntang Fontana. Wait, kinuhanan ako ni
Terrence habang natutulog ako?!

Na curious ako bigla sa laman ng scrapbook kaya naman agad kong binuksan ito at
tinignan.
Sa first page, tumambad agad ang mukha ko na nasa classroom ako at
nakapangalumbaba. Sa gilid naman nito, may caption na

She’s Misha Riel Cabrera. Mataray, maldita, at ang sunget sunget saakin. Pero nung
nakita ko siyang umiyak dahil sa isang lalaki, my heart torn into pieces. Doon ko
narealize, behind her tough smile is a girl in pain. Behind her tough personality is a girl
who loves dearly. Siguro ang sarap din niyang mahalin.

Unang page pa lang ng scrapbook, halos panlambutan na ako sa nabasa ko. Gusto ko
ng tong bitawan at itago pero parang may nagsasabi saakin na ipagpatuloy ko ang
ginagawa ko.

Inilipat ko ang page nung scrapbook at nakita ko yung mga stolen shots na kuha ko
nung panahong nag papractice kami ng play. Yung nakikipag biruan ako sa mga
kasamahan namin, nakikipag tawanan, nagkukulitan kami. Nakalagay doon kung gaano
niya kagustong nakikita ang mga ngiti ko. Kung gaano kasarap para sa pandinig niya
ang mga tawa ko at kung gaano siya kasaya kapag nakakasama niya ako. Nakalagay
din doon kung paanong unti-unting nahuhulog ang loob niya saakin. Doon sa pinaka
dulo ng scrapbook, walang naka dikit na picture instead, may isinulat siya doon na
siyang nag bigay ng sakit sa puso ko.
“Sana sa pag-alis ko maging masaya si Misha. Hindi ko man makita na ang ngiti niya,
ang mahalaga, alam kong sasaya siya”

Napaupo ako bigla sa sahig at ramdam ko ang panginginig ng buong katawan ko. Bakit
ganito ang nararamdaman ko? Bakit ang sakit sakit? Terrence mali ka ng akala mo.
Hindi ako masaya. Simula ng umalis ka naging miserable na ang buhay ko. Hindi ako
masaya Terrence. Hindi ako kay Kiel sumaya dahil ngayon narealize ko kung kanino
lang talaga ako sasaya ng totoo. Pero wala na, wala ng pagasa pang sumaya ako dahil
huli na ang lahat.

Pwede bang bumalik na lang ako sa nakaraan para maitama lahat ng to?

“Misha, what happened to you?!”

Napalingon ako kay Tita Tanya at nakita kong patakbo siya papunta saakin. Dali-dali
niya akong inalalayan patayo pero hindi ako umalis sa kinalulugaran ko.
“ano nangyari sayo?! Nanginginig ka ah! masama ba pakiramdam mo? Gusto mo
bang dalhin kita sa ospital?!”

Tinignan ko si Tita Tanya sa mata. Ngayon ko lang napansin na kaparehong kapareho


ni Terrence ang mata ng mom niya.

“Tita Tanya…” tinitigan ko siya maigi sabay binitawan ko ang mga salitang unang
beses lumabas sa bibig ko sa loob ng mahabang panahon. Kasabay namn nito ang
pagbagsak ng luha kong mataggal ng ayaw lumabas

“mahal ko po si Terrence. Mahal na mahal ko po si Terrence” bigla ang hagulgol ng


iyak ko kaya naman niyakap ako ni Tita Tanya “ang sakit po, sobra. Nagsisisi ako sa
lahat ng maling desisyon na nagawa ko. Huli na ang lahat. Malayo na siya saakin,
at may iba na siya. Hindi ko pa nagawa ang gusto niyang mangyari. Tita, hindi po
ako masaya. Nasasaktan po ako, sobra. Ang sakit”

“oh Misha” hinimas himas niya ang likod ko “hindi rin pala ako nabigo. Kahit
papaano nag succeed ako sa pagpapalabas ng totoong nararamdaman mo”
Bigla naman akong napatingin kay Tita Tanya dahil nagtaka ako sa sinabi niya “ano
pong ibig niyong sabihin?”

Nginitian niya ako at pinunasan ang luha sa mata ko “hindi totoo na may girlfriend na
si Terrence dahil hanggang ngayon ikaw parin Misha. Pinapakita saamin ni
Terrence na masaya siya pero ang totoo, gabi gabi lagi ko siyang nakikitang
tinitignan ang litrato mo. Mahal na mahal ka ng anak ko”

“t-totoo p-po ba yun”

“oo totoo lahat ng yun” hinawakan ni Tita Tanya ang kamay ko “Hindi pa huli ang
lahat. Gawin mo ang tama Misha, at ako mismo ang maglalapit sayo sa kanya”

“g-gawin ang t-tama?”

Bigla akong natauhan sa sinabi ni Tita Tanya. Tumayo ako at tinignan ko siya at
binigyan ng isang ngiti “Tita, may kailangan lang po akong asikasuhin”

She smiled back “I can wait, don’t worry”


After that dali dali akong bumaba at tumakbo palabas ng bahay.

Agad kong kinuha ang cellphone sa bulsa ko at tinawagan si Kiel.

“hello, Misha”

“Kiel, meet me at the coffee shop near our school”

“huh? Why?”

“I need to tell you something. Make sure you’ll go.” hindi ko na siya hinayaang
makapag react. Agad kong inend yung call at dali dali akong tumakbo hanggang sa
makarating ako sa tapat ng isang bahay.

Ang bahay nila Angel.


Isang beses pa lang ako nakarating dito. After kasi ng play namin, nagkaroon kami ng
onting salo-salo dito na nauwi naman sa gulo dahil walang ibang ginawa si kiel nun
kung hindi magparinig kay Angel at dahil napuno na si Angel, sinabuyan niya ng
softdrinks si Kiel sa mukha at napalayas kami ni Kiel sa party.

Nag door bell ako and saktong sakto, si Angel ang nagbukas ng gate nila

“ano ginagawa mo dito?!” inirapan niya ako “kung nandito ka para manggulo ple—

“oh shut Angel! Just come with me!” hinatak ko siya palabas ng gate nila

“wait saan mo ko dadalhin?!” hinihila niya yung kamay niya sa pagkakahawak ko


pero hindi ko ito binitiwan “ano ba Misha! Please stop it! Ano pa bang gusto mo?!
Nakuha mo na si Kiel ah! Dapat masaya ka na! tigilan mo na to pwede?! Tigilan
mo na ko!”
Hinarap ko siya “ang ingay mo! Eto na nga eh aayusin ko na nga di ba?!
manahimik ka na lang diyan at sumama saakin kung ayaw mong magbago ang
isip ko!”

Bigla naman natigilan si Angel “p-pag aayusin mo kami ni Kiel?”

“oo nga sabi eh! bingi ka ba?! Kailangan ko pang paulit ulitin?!”

Nakita ko naman na bigla siyang ngumiti.

“oh ngiti ngiti mo diyan?! Para linawin ko sayo, hindi ko to ginagawa para sayo
no!” iniwas ko ang tingin ko sa kanya “gingawa ko to para sumaya narin ako”
tinignan ko si Angel “bilis bilisan mo ang paglalakad”

“Misha, salamat”

Inirapan ko lang ulit siya at agad kaming pumunta sa coffee shop kung saan nagaantay
si Kiel.
Pagkadating na pagkadating naman namin doon, nakita kong kumunot ang noo niya ng
makita niyang kasama ko si Angel

“what is she doing here?!” tanong niya saakin while he glares at Angel.

“Kiel, maguusap tayong tatlo. I need to tell you something”

Naupo naman kami ni Angel sa harap ni Kiel sabay naman ang pagiwas nito sa tingin
namin.

“kung yung tungkol to sa mga nangyari dati, sorry pero wala na tayong dapat
pagusapan”

“isa ka din eh! dada kayo ng dada hindi muna kayo making saakin!” huminga ako
ng malalim atsaka tinignan ko si Angel at Kiel “ako muna ang magsasalita. Pag may
isang nakisabay saakin, pagbubuhulin ko pareho ang mga dila niyo”
Hindi sila nagimikan dalawa at parehong iniwas ang tingin sa isa’t isa.

“Kiel, hindi nagtaksil sayo si Angel—“

“anong hindi eh kitang kita nga natin ang buong pangyayari eh!” pagalit na sabi ni
Kiel

“hindi mo naman alam ang buong kwento!” pag kontra naman ni Angel

Hinampas ko ng kamay ko ang table kaya napatingin sila pareho saakin “sabi ng ako
muna magsasalita di ba?!” nanahimik ulit yung dalawa “Kiel, hindi totoo lahat ng
nakita natin. Isinet up lang kayo ni Terrence...” tinitigan ko si Kiel sa mata “…dahil
saakin”

Katahimikan.
Walang nagsalita. Pareho silang nakatingin saakin ng may gulat sa kanilang mga
mukha.

“mahal ko si Kiel kaya naiinis ako kay Angel. Nung una kasi akala ko magiging
kami na kaya lang nung dumating si Angel sa buhay mo Kiel, wala na,
naitchepwera na ko. Nakalimutan mo na ko. Tapos nakilala ko si Terrence. Sabi
niya nagkamali siya ng desisyon nung hiwalayan ka niya Angel. Mahal na mahal
ka parin ni Terrence nun kaya nagplano kaming dalawa na paghiwalayin kayo.
Well actually ako lang pala nagpaplano at ang nakakatawa, laging palpak dahil sa
kagagawan ni Terrence” nag buntong hininga ulit ako “kaso hindi ko naman
expected na magkakagusto si Terrence saakin. Kaya ayan ang naging resulta.
Ginawa niya ang bagay na to para mapunta saakin si Kiel, para sumaya ako. And
guess what, hindi ako masaya ngayon”

Tinignan ko ulit sila at nakita ko ang galit sa mga mata nila. Pero sa totoo lang,
expected ko na ganito ang mangyayari. Kagalit galit naman talaga ang ginawa ko eh.

“b-bakit.. bakit hindi mo sinabi to agad? Hindi ka pala masaya bakit pinatagal mo
to ng ganito?!”tanong ni Kiel saakin

“because I am a selfish person”


“I trusted you. Hindi ko akalaing magagawa mo to” madiin na sabi ni Kiel

I smile at him “isipin mo na lang kabayaran to sa pagpapaasa mo saakin”

“Misha how dare--!”

Hindi natapos ni Kiel ang sasabihin niya saakin dahil agad naman itong pinutol ni
Angel “actually I thanked Terrence and Misha for what they’ve done. Kung hindi
dahil sa ginawa nila, hindi ko malalaman kung gaano kababaw ang tiwala mo
saakin”

“A-angel”

Hinawakan ko ang kamay ni Angel at ni Kiel atsaka ko to pinaglapit “magbati na


kayong dalawa. Angel alam ko naman kung gaano mo din ka-gusto na batiin si
Kiel eh. and kiel alam kong mali ang ginawa namin ni Terrence, pero may mali ka
rin” tumayo ako at tinignan ko sila “pero sorry ha? Sorry sa lahat lahat ng nagawa
ko. Alam ko hindi niyo ako mapapatawad dahil sa nagawa ko, pero gusto kong
malaman niyo, nagsisisi na ko sa lahat ng nagawa ko. Promise, hindi ko na kayo
guguluhin” tinapik ko sila pareho sa balikat atsaka ko sila iniwan doon para makapag
usap sila ng maayos. Bago ako tuluyang umalis, tinanaw ko muna yung dalawa mula sa
labas ng bintana nung coffee shop at nakita kong naguusap na sila.

I smile.

In the end, ginawa ko parin ang bagay na ginagawa ng isang kontrabida sa bawat
pagtatapos ng storya. Ang ipaubaya ang taong mahal niya at tanggaping talo siya. Ang
pinagkaiba nga lang

Feeling ko hindi ako natalo dahil sa ginawa ko.

Dumiretso ako sa bahay nila Terrence at nadatnan ko doon si Tita Tanya na nagaantay
saakin.

Agad ko naman siyang sinalubong ng yakap


“Tita, I did it. Inayos ko na po lahat at parang nabunutan na ako ng isang
malaking tinik sa dibdib”

Niyakap niya ako ng mahigpit “I’m glad Misha. Kailangan mo ng sumaya ngayon.
Kailangan niyo ng sumaya ni Terrence. Ready ka na ba na harapin siya?”

I nod “gustong gusto ko na po siya makita”

“then good. Start packing your things now. After two weeks, kasama na kitang
babalik sa Florida”

Bigla na naman napatulo ang luha ko. Akala ko hindi na dadating ang araw na to kung
saan magkakaroon pa ulit ako ng pagasa na sumaya. This time hindi ko na to
sasayangin.

Stupid nerd hintayin mo lang ako.


Tinulungan ko muna si Tita Tanya ng pagpapack ng mga dadalhin niya pabalik ng
Florida then atsaka namin kinausap ang parents ko doon sa plano ni Tita Tanya.
Actually bago pa dumating si Tita Tanya dito, ibinook na niya ako ng flight papuntang
Florida at matagal narin niyang nakausap sila mama and pumayag naman sila. Umpisa
pa lang pala, plano na talaga ako isama sa Florida. Buti nga daw hindi na niya ako
kinakailangan pang itali para lang sumama ako eh.

Masaya ako sa mga nangyayari. Sana tuloy tuloy na to. At sana, pag nagkita na ulit
kami, maayos namin ang lahat.

Kinabukasan nun, pinuntahan naman ako ni Kiel sa bahay para kausapin.

“kamusta na kayo ni Angel?” tanong ko kay Kiel habang nandun kami sa may garden
namin at nag me-meryenda

“uhmm ayun eh malaki talaga ang sama ng loob niya saakin. Sabi niya ligawan ko
muna daw siya bago maging kami”

Medyo natawa naman ako sa sinabi ni Kiel “ano ginawa mo?”


“syempre pumayag ako no, kesa tuluyang mawala pa siya saakin. Gagawin ko
ang lahat ma i-ayos ko lang ulit ang relasyon namin. And sa totoo lang, tama ka
naman eh. May kasalanan din talaga ako. Kung pinakinggan ko lang si Angel nun,
edi sana hindi humantong sa ganito”

“Kiel, sorry ha?”

“ano ka ba Misha, wag ka nga mag sorry, pare-pareho naman tayo mali eh.
Tsaka” hinawakan niya ang kamay ko “patawad din ha? Kung napaasa man kita.
Pero maniwala ka hindi ko sinasadya yun”

“ayos lang yun. Wag na natin pag usapan at kalimutan na lang natin ang mga
nangyari. Basta kahit anong mangyari wag mo susukuan si Angel ha?”

“oo naman. Mahal na mahal ko si Angel at handa akong ligawan siya habang
buhay”

Napangiti naman ako sa sinabi niya “Kiel, may itatanong ako sayo. Curious lang
ako. Minahal mo ba ko?”
Tumungo si Kiel “aaminin ko naging crush kita. Natutuwa kasi talaga ako sa ugali
mo. Napaka tapang mo, hindi ka basta basta nagpapaapi, pero sweet na babae.
Pero, hindi talaga kita minahal. Patawad Misha. Hanggang pag hanga lang talaga
ang naramdaman ko sayo. Sorry”

Nginitian ko si Kiel “ok lang, hindi ko naman kawalan yun eh. Ikaw ang
nawalan” we both laugh

“di bale dadating din ang maswerteng lalaking mamahalin at magmamahal sayo.
Mahahanap mo din siya”

“actually, nahanap ko na siya” tumingin ako sa langit “and it’s about time para ako
naman ang gumawa ng paraan para maging masaya siya”

Lumipas ang halos dalawang linggo. Nakapag impake narin ako ng mga gamit at plano
kong mag stay sa Florida ng one month---or hanggang sa mapatawad ako ni Terrence.
Kinausap narin ako nila Mama. Sabi nila masaya sila dahil lately nakikita nilang masigla
na ako. Tapos inasar asar pa nga ako ni daddy dahil lalaki lang pala ang problema ko
kaya nagmumukmok ako sa loob ng kalahating taon. Bago din kami umalis pinagbilinan
pa ko nila daddy na wag muna ako magbubuntis at tapusin ko daw muna ang pag-aaral
ko. Syempre natawa naman kami ni Tita Tanya. Kung alam lang nila na napagkamalan
ako dating buntis ng family nila Terrence hayaan pa kaya akong umalis ng mga to?

Bago din ako maalis, nakausap ko din si Angel.

“oy ikaw!” tinapik ko yung braso niya “wag mo ng pahirapan pa si Kiel. Para
sabihin ko sayo gwapo ang boyfriend mo. Andaming pwedeng umagaw diyan
sayo no!”

Medyo natawa naman si Angel “opo Ms. Antagonist, di ko na masyadong


pahihirapan si Terrence. Medyo gumaganti lang ako sa kanya pero sasagutin ko
na ulit siya”

Nginitian ko siya “good” hinawakan ko naman ang kamay ni Angel “tsaka pala, sorry
ha? Sorry sa nagawa namin ni Terrence”
“Misha kalimutan na natin yun. Basta paki batukan na lang si Terrence para
saakin ha? Tsaka isa pa may narealize ako. Dahil sa ginawa niyo ni Terrence,
pinatatag niyo ako—kami. In a way, may maganda ding naidulot yun. This time,
magsasama na ang mas mature na Kiel at Angel. Salamat Misha”

“well, I guess I’m great after all”

Natawa kami parehas then nilahad niya ang kamay niya “so, friends?”

Kinuha ko to at nakipag shake hands sa kanya “friends”

Dumating ang araw ng flight namin ni Tita Tanya. Sa totoo lang, halos matorture ako sa
11 hours na byahe. Hindi rin ako makatulog sa eroplano at kahit anong gawin ko,
ramdam na ramdam ko ang kaba sa dibdib ko.

Lalo na nung makarating na kami sa Florida. Si Tito Tristan, ang asawa ni Tita Tanya,
ang sumundo saamin kasama si Thea, yung little sister ni Terrence.
“onee-chan!!” bigla akong niyakap ni Thea nung makita niya ako “nandito ka po para
pakasalan si kuya Terrence?”

Medyo natawa naman ako sa sinabi niya “uhmm makikipagbati muna ako sa kanya”

“ayieee.. tapos magkaka baby na kayo? Para may kalaro na ko!”

Namula naman ako bigla “hehehe, after na ng kasal?”

Narinig ko namang nagtawanan sila Tita Tanya at Tito Tristan

“ay naku ikaw talaga Thea baby, wag mo muna pakiligin ang ate Misha mo ok?”
sabi ni Tita Tanya

“oo nga naman” tumingin saakin si tito Tristan “daughter in law, palambutin mo ulit
ang puso ni Terrence ha? Masyadong na i-freezer ng matagal kaya tumigas eh. i-
thaw mo na!”
“h-ha? Ah o-opo!”

“o siya sakay na sa kotse at dalhin na natin ang kabiyak ng puso ng Terrence


namin!”

Buong byahe papunta sa tinutuluyan nila, nanginginig ako. Binigyan na ko ni Tita Tanya
ng tubig, pinakain na ko ni Thea ng lollipop at inabutan na ko ng condom ni Tito Tristan
(pero syempre di ko tinanggap no!) eh hindi parin mawala ang panginginig ng katawan
ko. Para akong bibitayin eh.

Nung makarating kami, natanaw ko agad si Terrence doon sa may garden nila at
nakaupo. Mukhang malalim ang iniisip. Tulad ko, mukhang nangayayat din siya at he
look so wasted.

Tsk, sayang ang make over ko sa kanya dati =__=

Pero kahit ganyan ang itsura niya ngayon, parang gusto ko ng tumalon sa kotse at
yakapin siya.
Nung makababa kami sa kotse, agad kaming sinalubong ni Terrence pero mukhang
hindi niya ko napansin kasi nasa likod ako ni Tita Tanya at Tito Tristan. Agad namang
tumakbo si Thea papalapit sa kanya

“onii-chan!! We have a surprise for you!”

“surprise?” nginitian ni Terrence si Thea atsaka niya ito binuhat “uhmm hulaan ko.
May uwi kang candy saakin no?”

“she’s sweeter than candy!”

“Huh?” tinignan ni Terrence si Tita Tanya at Tito Tristan ng may halong pagtataka.

Bigla naman umalis yung dalawa sa harap ko kaya nakita na ako ni Terrence. His jaw
almost drop the moment na nagtagpo ang mga mata namin.
“M-misha.. w-w-what a-are you doing here?” tinignan niya sina Tita Tanya “mom
kinaladkad niyo siya papunta dito?! For pete’s sake how many times should I tell
you that me and misha are over!” pagkasabi niya nun, binaba niya si Thea at
tumakbo pabalik sa garden

“yun talagang batang yun naninigaw agad bago pa kami makapag explain” tinapik
ni Tita Tanya ang balikat ko “go talk to him. It’s your chance!”

I nod and agad akong tumakbo kay Terrence. Nakita ko naman siya na nakatayo sa
tapat ng puno at pinagsisisipa niya to.

“Terrence”

Napatigil siya sa pagsipa at tumingin saakin

“sorry. Hindi ko alam na pipilitin ka nina mommy na sumama dito” tumalikod siya
saakin

“Terrence—“
“di bale bukas na bukas din gagawa ako ng paraan para makabalik ka”

“ano Terrence—“

“and promise hindi ko na hahayaang guluhin ka nila

“Terrence--!!”

“pasensya na. Sige pwede ka na magpahinga”

Hinubad ko ang sapatos ko atsaka ko ibinato sa ulo niya. Asar eh!


“aray ku po!” napahawak siya sa likod ng ulo niya habang hinihimas to. Tinignan
naman niya ako“bat mo ko binato?!” T___T

“eh gago ka eh andaldal mo stupid nerd! Pwedeng ako muna magsalita ha?!
Pwede?! Tss asar eh!” lumapit ako sa kanya atsaka ko siya binatukan

“aray ko! Nakakadalawa ka na ah! binato mo ko ng sapatos ngayon binatukan mo


ko?! You’re so mean!” T___T

“mean you’re face! Sino mas masama saating dalawa ha?! Bat mo ko iniwan!
Bakit hinayaan mong ako humarap sa mga gulong ginawa mo!” dinuru duro ko siya
“gago ka! Aalis ka bigla ng walang pasabi! Tingin mo ano mararamdaman ko ha?!
Akala mo natuwa ako sa ginawa mo ha! Loko loko ka! Nakakayamot kang hayop
ka!”

“masaya ka naman di ba? kasama mo na si Kiel. Alam ko masaya ka na.”

“pakinshet ka! Masaya?! Mukha ba kong masaya ha?!” tinitigan ko si Terrence sa


mukha “eh ang stupid mo naman eh! mahal kaya kita tingin mo paano ako
sasaya!” and with that bigla na naman bumuhos ang luha sa mata ko.
Si Terrence nakatingin lang saakin habang umiiyak ako with his mouth left hanging with
a bewildered O.

“M-misha, p-paki ulit ang sinabi mo. Feeling ko nabingi ako”

“tanga”

“hindi yun. Yung isang sinabi mo”

“bobo”

“hindi yun”

“stupid nerd!”
“hindi yan! Yung isa!”

“gago! Bobo! Tanga! Stupid nerd! Pakinshet! Mahal kita!”

Bigla akong niyakap ni Terrence ng mahigpit “Misha, ulitin mo please”

“mahal kita Terrence! Mahal kita! Mahal kita! Mahal na mahal kita at papatayin kita
pag lumayo ka pa saakin! Mahal kita! Mahal kita! Mahal kit—“

Hindi na ako nakapagsalita pa dahil bigla na lang humiwalay si Terrence sa


pagkakayakap saakin, hinawakan ang likod ng ulo ko, atsaka ito inilapit sa mukha niya
hanggang sa magkadikit ang mga labi namin.

Parang lahat ng sakit, lahat ng lungkot na naramdaman ko sa loob ng kalahating taon


ay nabura agad ng maramdaman ko ang malalambot na labi ni Terrence saakin. In just
a snap, napalitan ng kasiyahan ang isa’t kalahating taon sakit.
Humiwalay si Terrence sa pagkakayakap saakin

“p-papatayin kita” bulong ko sa kanya

“s-sorry Misha! Masaydo lang akong natuwa sa sinabi mo. Hindi ko expect na
mamahalin mo din ako. Hindi ko alam na dadating ang araw na to. Misha mahal
na mahal na mahal din kita” niyakap ako ni Terrence “sorry. Promise hindi na muna
kita hahalikan.”

“papatayin kita pag di mo inulit yun”

Humiwalay ulit si Terrence saakin at nakita ko ang masayang ngiti sa mukha niya.
Parang biglang nagliwanag ang mundo ko

And again, hinalikan niya ako.

“ayieeee magkaka apo na tayo!”


Bigla naman kami nag hiwalay ni Terrence at nakita namin yung tatlo na nakasilip
saaming dalawa at mukhang kilig na kilig.

Napatawa na lang kami. Inakbayan niya ako then bumulong siya saakin “I love you,
Misha”

“I love you too”

Minsan sa buhay mo, hindi mo napapansin ang mga bagay na dapat mong
pahalagahan. Nagiging busy kasi tayong abutin ang mga bagay na gust natin makuha
at akala nating magpapasaya satin. Hindi natin napapansin na nasa tabi na pala natin
ang tunay na makakapag bigay sa atin ng ligaya. Nakakalungkot dahil mare-realize
natin na mali pala ang mga pinapahalagahan natin once na mawala na ang bagay na
yun sa atin.
Pero katulad nga ng sabi nila, ang buhay hindi parang paaralan dahil sa totoong buhay,
mas nauuna ang exam bago ang lesson. Pero hindi naman maiiwasan sa isang tao ang
magkamali. Ang mahalaga natuto tayo at naiayos ang mga maling nagawa natin sa
buhay.

Siguro sa kabila ng kamalditahan ko, pinagpalad parin talaga ako dahil hindi pa naging
huli ang lahat saamin ni Terrence.

At least sa storyang ito, hindi nabaliw, napunta sa mental, nagpakamatay o nakulong


ang kontrabida. Sa storyang ito, nagkaroon din ng happy ending ang kontrabida.

At ngayon, gumagawa na ako ng bagong story. This time, ako na ang bida at si
Terrence na ang kapartner ko. Walang kontrabida kundi mga sarili namin. At bawat
araw, parang palaging happy ending.
“Misha, nalulungkot ako, one week ka na lang dito sa Florida. Kung pwede lang
sumama ako sayo pabalik ng Pinas eh” sabi ni Terrence habang nakaupo kami sa
may bench sa tuktok ng isang hill kung saan tanaw mo ang buong city “kaso di ko
naman pwedeng iwan ang pagaaral ko dito” niyakap niya ako ng
mahigpit “mamimiss talaga kita. Isipi ko pa lang naiiyak na ko”

Nginitian ko si Terrence “eh sino namang nagsabing hahayaan ko na


magkahiwalay tayo?”

“huh?”

May inilabas akong folder sa bag ko at ipinakita ko to sa kanya “application form para
sa university na pinapasukan mo. Doon na rin ako mag aaral”

Kinuha niya saakin yung application form “ibig sabihin m-magkakasama na tayo?
Walang halong biro”

Kinurot ko naman ang cheeks niya “opo! Babalik lang ako ng Philippines ng 3
weeks para ayusin ko lahat ng mga kailangan ko. After that lilipad narin ako
pabalik dito!”
Niyakap ako ng mahigpit ni Terrence “I’m happy! I’m really happy! Mahal na mahal
talaga kita!”

“mas mahal kita” sabi ko sa kanya

“hindi! Mas mahal kita” pag kontra niya “kita mo naman ang mga ginawa ko
sumaya ka lang”

“ah ganun?! Kita mo naman mga winaldas kong pera makasama ka lang!”

“eh basta mas mahal kita!”

“hindi mas mahal kita!”

Tinignan niya ako at binelatan “mas mahal kita. Bawal kumontra”


Natawa naman ako sa sinabi niya “gago ka talaga”

Nag pout si Terrence then nilagay niya yung finger niya sa lips ko “ikaw Ms. Misha Riel
Cabrera, napapadalas ang pag mumura mo. Bad yan. Kailangan nating linisin
yang bibig na yan”

“At ano gagawin mo aber?!”

He grinned then he give me a quick kiss

“now, malinis na” sabi niya saakin

“uhmm pakyu”

Lumapit ulit siya at hinalikan ulit ako


“leshe”

*kiss*

“t*ng in@”

*kiss*

“pun**ta!”

*kiss*

Hinila ako papalapit ni Terrence at mas hinigpitan niya ang yakap saakin “ikaw talaga,
gusto mo lang ang kiss ko eh”
I smile at him “uhmm Terrence”

“bakit?”

“pakinshet”

He chuckled then he lean on me “I love you too Misha”

And after that, he gave me a long passionate kiss.

The End.
***

A/N:

Dears gusto kong magpasalamat sa lahat ng mga bumasa at nagtaygang mag hintay
ng update ko dito. Sa lahat ng mga hindi nangiwan kahit halos dalawang buwan kong
hindi naaupdate to, salamat po ng madami! You guys never fail to inspire me. To all my
loud and silent readers, thank you po.. lalo na doon sa walang sawang nagbibigay ng
comments and votes nila. Salamat talaga ng maraming marami.

Thank you sa pagbabasa nitong story! Haha wala na kong ibang bukambibig kundi
salamat pero eto tandaan niyo, hindi ako magsasawang magpasalamat sa inyo.

Sorry po walang book 2 nito and short story lang talaga ito. Pero I gave my all in writing
the ending and sana in some ways, nasatisfied ko kayo.

Again, salamat ng madaming madami sa pagbabasa

<3 alyloony :3

You might also like