You are on page 1of 33

Stallion Series 3 : Gino Santayana

"He hurt you once. But I won't allow him to do it twice. Poprotektahan kita."
Gino Santayana was the type of guy who had an X mark on Miles. He was too handsome,
too lovable, and any girl could easily fall for him. Pero ito rin ang lalaki na
walang katiyakan kung mamahalin din siya. And she thought that the best decision
she made was when she refused him.
She tried to escape from his memory. Nagtrabaho siya sa Rider's Verandah sa
Stallion Riding Club para tuluyang iwasan si Gino. Pero mukhang hanggang doon ay
hinahabol pa rin siya ng multo nito.
Could she escape from him again or she would just let him catch her heart?

Chapter 1
Malapit nang magdugtong ang kilay ni Miles habang nakatingin sa tatlong lalaki na
daig pa ang dragon kung magbuga ng usok na nakaupo sa harap ng DOME Café and
Restaurant kung saan nagtatrabaho siya bilang service crew.
"Naku! Andito na naman ang mga regular customers natin na feeling kaguwapuhan,"
sabi ni Weng, isa sa kasamahan niya at barista nang araw na iyon.
"Ang sabihin mo, regular pasaway ang mga iyan," pagtatama niya.
Tinapik ng manager niyang si Arlene ang counter. "Miles, kunin mo na nga ang order
ng mga iyan. Kanina pa diyan pero hindi pa rin umo-order."
"As if oorder ang mga iyan," usal niya pero sumunod pa rin sa manager niya. She was
wearing a professional smile when she walked towards them. Kahit na naiirita siya,
kailangan pa rin niyang ngitian ang mga ito. "Good afternoon, Sir. May I have your
order, please?"
"Mamaya na lang, Miss," anang mga ito at nagpatuloy sa kwentuhan.
Napansin niya na itinataktak lang mga ito ang upos ng sigarilyo. Bumalik siya sa
counter. "Ano daw ang order?" tanong ng manager niya.
"Later na lang daw po. Kukuha lang ako ng ashtray. Hindi yata nila alam na kapag
naninigarilyo, itinataktak ang upos sa ashtray. Hindi sa semento," sarkastiko
niyang sabi at pinuntahan ulit ang mga guest na nasa smoking area. Saka niya
inilapag ang ashtray. "Pwede ko na pong makuha ang order ninyo, Sir?"
Nagkalabitan na ang mga ito. "Oy, order daw natin." At nagturu-turuan na ang mga
ito. Mukha namang walang balak na um-order.
"Bawal po kasi ang tambay dito," prangka na niyang sabi sa sobrang inis.
Namutla ang mga ito at parang napahiya. "Yosi break lang namin, Miss. Babalik rin
naman kami mamaya," anang pinakamatapang sa tatlo at nagyaya nang umalis. At sa
panghihindik niya, inilapag na lang sa sahig ang cigarette butts samantalang may
ashtray naman na nasa lamesa.
Nahawakan niya ang ashtray sa sobrang gigil at muntik nang ibato sa mga ito. "Naku!
Sinisira talaga ang araw ko! Huwag na kayong babalik."
"O, umalis na ba ang mga guest natin na kaguwapuhan?" tanong ni Weng.
"Oo. Buti na lang lumayas na sila dahil matutuyo ang dugo ko," aniya at ipinaypay
ang kamay sa mukha.
Isang taon na siya na nagtatrabaho sa DOME Shangri La. Graduate siya sa Pamantasan
ng Pasig sa kursong Hotel and Restaurant Management. Hilig niyang gumawa ng mga
pastries at ambisyon niyang maging pastry chef. Nag-aral din siya sa culinary arts
school ng Baking and Pastry. Tumigil lang siya dahil nag-iipon pa ng pang-tuition.
Mahal din kasi ang kumuha ng special course sa culinary art school.
"Huwag ka nang sumimangot. Nandiyan na si Alain."
"Saan? Saan?" tanong niya at luminga. Tuluyan nang nag-evaporate ang init ng ulo
niya nang makitang pumasok ang crush niyang si Alain. "Andiyan na siya!"
Kasama nito ang iba pang agents. He worked for a multi-national company at isa sa
mga agents nila na nagsu-supply ng beverage. Kung tutuusin ay hindi naman
artistahin ang features nito. Simple lang ito at palangiti. Mukhang mabait kaya
naman di maiwasang mahulog ang loob niya dito.
"Do I look pretty? Hindi ba oily ang mukha ko? Hindi humuhulas ang make up ko?"
tanong niya at binasa ang labi.
"Sige na. Puntahan mo na ang Alain mo," udyok ni Weng. "At wish ko lang mapansin ka
na niya."
Nagkukumahog siyang pumunta sa function room. Pero naunahan na siya ng kasamahang
si Marlon dahil wala itong inaasikaso. Lulugo-lugo siyang bumalik sa counter. "Ang
kumag na Marlon na iyon, naunahan ako," ngitngit niya. "Alam naman niya na ako ang
bahala kapag nandiyan sila Alain. Chance ko na ngang magpa-cute."
"Buti nga ikaw may Alain. Ako walang ma-spot-an na gwapo."
"Basta! Lagot sa akin ang Marlon na iyan." Maya maya pa ay lumabas na si Marlon na
abot-tainga ang ngiti. "Ang daya mo, Marlon. Alam mo naman na kapag nandiyan si
Fafa Alain, ako ang bahala. Paano ako magpapa-cute niyan?"
"Bakit? Ikaw lang ba may karapatan na magpa-cute sa crush mo?"
Napaawang ang labi niya. "You mean, crush mo rin si Alain?"
"Si Darlen ang crush ko!" Kasamahan iyon na agent ni Alain. "Hindi naman pwedeng
ikaw na lang nang ikaw."
"Hay, naku! Nakakainis ka pa rin," nakasimangot niyang sabi.
"Hayaan mo na iyon. Makaka-tiyempo ka rin mamaya. Ikaw ang mag-serve sa function
room," suhestiyon ni Weng.
"Hindi ako papayag na umalis si Alain nang di niya ako nginingitian."
Natutop ni Weng ang bibig habang nakatingin sa entrance. "Nandito na si Fafa Gino
ko!" anitong tila mababaliw nang makita ang crush.
"At hindi siya nag-iisa. Kasama niya ang bagong girlfriend niya."

Chapter 2
Kung tutuusin ay kasama si Gino Santayana sa top ten most gorgeous regular customer
nila. May ari ang pamilya nito ng ilang sikat na resort sa Northern Luzon. He was
tall and color was slightly tan. Masarap titigan ang mukha nito dahil madalas
ngumiti. He got assertive eyes with long and curly lashes, his greatest asset.
Pero kasama rin ito sa top ten playboy. Tuwing pupunta ito sa branch nila ay iba't
iba ang kasama nitong babae. Matatangkad, magaganda, mayayaman at pwedeng-pwedeng
ipan-display. Mga babaeng malayo sa tulad nila ni Weng na mga simpleng empleyado
lang. Maganda rin naman siya. Asset niya ang mata niya na may mahabang pilik-mata
at ang ngiti niya. But she was not the assertive type. Kailangan pa siyang titigang
mabuti para gumanda nang gumanda.
"Wala akong pakialam sa babae niya. Si Gino lang ang gusto ko. Tinatawag ka na yata
nila. Asikasuhin mo ang crush ko, ha? At lalagyan ko ng gayuma ang order niya. At
palalagyan ko naman ng ipis ang sa girlfriend niya."
"Luka-luka." Nilapitan niya ang table nila Gino. "Good afternoon, Sir, Ma'am. May I
take your order, please?"
"Café Vienna please," wika ni Gino. "How about yours, Mitchell?"
Lumabi ang babae. Model iyon ng bagong brand ng papaya soap na napanood niya sa TV.
"I want a Flat White."
"Anything else to go with your espresso and flat white? You can also try our cakes
if you want," suhestiyon niya.
Tumaas ang kilay ni Mitchell. "Narinig mo ba na sinabi kong gusto ko ng cake? All I
want is a flat white. If I want to order something else, I will tell you."
"Mitchell, nagsa-suggest lang naman siya," saway ni Gino sa nobya. Saka nakangiting
bumaling sa kanya. "That's all, Miles. Thank you."
Tumango siya at nagngingitngit na bumalik sa counter. "Iyan na ang order ng Gino mo
at ng girlfriend niyang impakta!" sabi niya kay Weng at sa manager na si Arlene.
"Nagsa-suggest lang naman ako, tinarayan na ako."
"Wala tayong magagawa. Customers sila," sabi ni Arlene.
"Bakit naman kasi kung sinu-sino pang babae ang isinasama niya dito? Pwede namang
ako na lang ang yayain niyang mag-date, hindi ba?" nangangarap na wika ni Weng
habang nakatingin sa direksiyon ni Gino.
"Kahit sa panaginip, hindi siya makikipag-date sa iyo." Hindi katulad ni Alain.
Simple lang. Madaling pangarapin. At hindi paiba-iba ng girlfriend. Hamak na may
pag-asa siyang mapansin ni Alain. Di tulad ni Gino na ubod nang palikero.
Tinulungan niyang mag-serve si Marlon sa function room. Nawala ang init ng ulo niya
nang ngitian siya ni Alain. "Hi!" nakangiti nitong bati.
"Good afternoon, Sir. Here's your order," aniya at inilapag ang blueberry
cheesecake at café latte na madalas nitong order-in.
"Thank you," anito at binalingan na ang team leader nito.
Abot-tainga na ang ngiti niya paglabas ng function room. Simple lang naman ang
kaligayahan niya. Makita lang niya si Alain, makausap ito saglit at ngitian nito ay
kumpleto na ang araw niya. Walang sinuman ang makakasira sa mood niya.
Ganado niyang inasikaso ang ibang order ng customers. "Your order, Ma'am," aniya at
inilapag ang flat white coffee na order ng model na si Mitchell.
Tiningnan lang ni Mitchell ang kape at nakataas ang kilay na tumingin sa kanya.
"Did you put skim milk on our coffee?"
"No, Ma'am. It's just regular fresh milk."
Itinulak nito palayo ang tasa ng kape at tumayo. "I told you twice that I want skim
milk? Hindi mo ba iyon narinig? Or do I have to spell it for you? S-K-I-M milk!"
Nagulat siya sa pagwawala nito. Wala naman siyang natatandaan na may sinabi itong
skim milk. Kung may naka-voice recorder lang ang boses nito nang um-order,
mapapatunayan niyang wala itong special request. Natural lang na maging keen sila
sa mga special request ng mga customers nila.
"Mitchell, calm down. It's really nothing," wika ni Gino. "If you want one with
skim milk, then we will order one. You don't have to freak out."
Luminga-linga si Gino. Mukhang naiilang na ito dahil pinagtitinginan na sila ng
ibang mga customer. Pero mukhang walang balak magpaawat ang girlfriend nito. Parang
gusto nitong ipakita sa lahat kung paano ito mag-eskandalo.
"No! I waited forever to have my coffee. Tapos palpak naman ang service nila. I
want to talk to the manager now!" sigaw ni Mitchell.

Chapter 3
"GANYAN bang klase ang mga empleyado ninyo dito? She should be trained. Pero anong
ginawa niya? Kumuha lang ng simpleng order, hindi pa niya kayang gawin. Someone
like her should be assigned at the kitchen. Hindi siya dapat na ihinaharap sa mga
customer na tulad namin."
Bumubula ang bibig ni Mitchell sa galit kahit na kaharap na nito ang manager niya.
Ilang minuto na ring nakababad si Miles sa kahihiyan. Bawat pagbukas kasi ng bibig
ni Mitchell, kung anu-anong insulto ang natatanggap niya.
"Don't worry, Ma'am. Sasabihan po namin siya," mahinahong sabi ni Arlene.
"Sasabihan? She ought to be fired!" wika ni Mitchell.
Nanlaki ang mata niya. Siya? Ipapatanggal sa trabaho dahil lang sa isang
pagkakamali na hindi naman niya magawa. Naku! Sumosobra na ang babaeng ito!
Orientation sa kanila na dapat ay maging pasensiyosa sa mga customers. Pero hindi
talaga siya papayag na apak-apakan ang pagkatao niya.
"That's enough, Mitch!" mas mariing wika ni Gino. Sa palagay niya ay nauubusan na
ito ng pasensiya sa kasama. "I guess we'd better leave."
Tinabig ito ni Mitchell. "I am not yet through with her. You shouldn't hire a
stupid girl like her on your staff. Nakakasira sa image ng restaurant ninyo. Please
get her out of my sight!" anito at iwinasiwas ang kamay. Parang nagbubugaw ng
langaw o kaya ay aso. It was degrading.
Nang lumingon siya ay nasa pinto ng nakabukas na function room si Alain at ang mga
kasamahan nito. Mukhang kanina pa ito nakikinig sa kanila.
Yumuko siya sa sobrang kahihiyan. Nasaksihan pa ni Alain kung paano siya
eskandaluhin ng impaktang babae. Baka isipin nga nito na stupid siya.
This is too much! Ano pa ba ang gusto ng babaeng ito? in-eskandalo na niya ako sa
harap ng lahat pati ni Alain. Baka gusto na rin niyang ibitin ako nang patiwarik
para matahimik na siya nang tuluyan?
"Excuse us," wika ni Gino at inilapag ang bayad sa table. Saka nito hinila sa kamay
si Mitchell. "I hope you said your piece. Let's go."
Nanlalambot siyang nagkulong sa restroom sa sobrang kahihiyan. Parang wala na
siyang mukhang ipapakita sa iba. Sinundan siya ng manager niyang si Arlene. "It's
okay, Miles. Wala ka namang kasalanan."
"Sobra naman kasi ang pamamahiya niya sa akin, Ma'am. Kulang na lang laitin niya
ako mula ulo hanggang paa," humagulgol niyang sabi at kumuha ng tissue. "Alam naman
ninyo kung gaano ako ka-particular sa demands ng mga customers. Iyon ang
orientation sa amin. Kung sinabi niya sa akin na gusto niya ng skim milk sa coffee
niya, hindi ko iyon kakalimutan."
"Sabi ko naman sa iyo, di ba? Makakatagpo ka ng mga customers na eskandalosa at
masasama ang ugali. You have to be strong dahil marami sila."
"Sa buong buhay ko po kasi, ngayon lang ako naeskandalo nang husto. Tapos sa harap
pa ni Alain. Sa harap pa ng crush ko. Di ba nakakahiya iyon, Ma'am? He must think
that I am stupid. Sira na ang image ko sa kanya."
Natawa ito. "Kaya naman pala umiiyak ka. Dahil napahiya ka sa crush mo. Tumahan ka
na nga. Sa lahat ng staff ko, ikaw itong hindi basta-basta nagbe-breakdown kahit
gaano pa ka-terror ang customer. So just forget it."
"Okay ka na?" tanong ni Weng nang mag-break sila.
Huminga siya nang malalim at tumango. "Pinipilit maging okay kahit na hindi. Kung
nakita mo lang ang itsura ni Alain habang nilalait ako ng Mitchell na iyon. Paano
kung ikaw ang na-eskandalo sa harap mismo ng crush mo?"
"Baka mag-walk out na lang ako o kaya magngangangawa ako sa harap ni Gino. Kung
bakit kasi may girlfriend siyang impakta."
Tumango-tango siya. "Tama ka. Kasalanan talaga ng crush mo! Kung sino-sinong babae
ang ipinaparada niya mga bitches naman! Nakaka-imbyerna talaga."
Bagamat magaganda at sexy ang idinadalang girlfriend ni Gino, puro naman mga
suplada. At ang pinakahuli nga ang eskandalosa. Sayang! Guwapo pa mandin si Gino.
Nuknukan ng guwapo at mukha rin namang matalino. Bakit kaya di ito makakuha ng
matinong babae?
Mabigat pa rin ang pakiramdam niya nang nagliligpit sa restaurant. Kailangan lang
siguro niyang matulog para makabawi kinabukasan.
Sumama ang pakiramdam niya nang makita ang picture ni Mitchell sa magazine na
inililigpit. Kung pwede lang pagbayarin niya ang bruhang Mitchell na iyon sa
paninira sa reputasyon niya.
Hanggang paglabas ay iniisip pa rin niya kung paano makakabawi kay Mitchell. "Naku!
Sisiraan ko talaga ang papaya soap mo. Sasabihin ko na hindi siya nakakaputi ng
kaluluwa. Kahit na gaano ka pa kaputi, maitim pa rin ang budhi mo," maisip-isip
niya at natawa.
"Good evening, Miles."

Chapter 4
"Good evening...." Natigil si Miles sa pagbati nang makita si Gino. Nakahalukipkip
ito at nakangiti sa kanya. Binati siya nito. Luminga siya at naghanap ng iba pang
Miles. Pero wala namang customer sa likuran niya nang mga oras na iyon. Lahat ng
guests nila ay nasa loob ng restaurant. Itinuro niya ang sarili. "Ako po, Sir?"
Naglakad ito palapit sa kanya. "Yes. You are Miles, right?"
Tumango siya at umiwas ng tingin dito. Ano kaya ang nakain nito at bigla siyang
binati? Kilala pa rin siya nito. Samantalang di na siya nakasuot nang uniform. Sino
ba naman makakalimot sa eskandalo kanina? Natural alam na nito kung sino ang palpak
na service crew na ineskandalo ng girlfriend niya.
"Papasok ba kayo, Sir?" Ipinagbukas niya ito ng pinto. "Happy dining and good
night." Tumalikod siya at naglakad palayo. Takas na! Baka eskandaluhin din siya
nito tulad ng girlfriend nito dahil walang skim milk ang kape nito.
Hinarangan nito ang dinadaanan niya. "Wait! Can we talk?"
"Talk?" Luminga siya. Hinahanap ang girlfriend nito.
"Mitchell is not with me so you have nothing to worry about."
"Good." Na-phobia na kasi siya sa eskandalo. "Tatawagin ko lang po ang manager ko
kung gusto ninyo akong makausap tungkol sa nangyari kanina."
"Nakausap ko na siya. Ikaw na lang ang hindi pa."
Ipapatanggal na ba niya ako sa trabaho? Di siya nakisabay sa pagwawala ng
girlfriend niya. Pero malay ko ba kung ano ang kaya niyang gawin.
Bigla siyang nanlambot. "Upo tayo, Sir. Gusto ninyo ng coffee?"
He was smiling at her. "Gusto mo ba?"
Umiling siya. Ninenerbiyos na nga siya, iinom pa siya ng kape. Naiilang siya sa
kangingiti nito. Huwag kang ngingiti-ngiti diyan. Kahit guwapo ka, papatulan kita.
Sasakalin ko kayo ng girlfriend mo kapag nawalan ako ng trabaho.
"Look, I just want to apologize."
"Ha? Mag-a-apologize kayo?"
"Yeah! Dapat lang naman, hindi ba? Mitchell did you wrong. Hindi ka niya dapat
ipinahiya sa maraming tao."
She couldn't believe it. Gino Santayana was apologizing to her. Sa isang hamak na
service crew lang tulad niya? "Hindi ninyo ako irereklamo?"
"Bakit naman kita irereklamo? Si Mitchell ang may kasalanan sa iyo. Wala siyang
binanggit tungkol sa skim milk. I heard it. So I told your manager to disregard the
complaint against you. Hindi lang masabi sa harap ni Mitchell dahil lalo siyang
nagwawala kapag siya ang sinasabihan nang mali."
Nag-aksaya pa ito ng oras para lang mag-apologize sa kanya. Samantalang ang ibang
mga tao ay wala nang pakialam kapag ineeskandalo sila. Na kahit mali ang ginawa ng
mga kasama ay hinahayaan na lang. Na parang malaking kabawasan sa pagkatao ng mga
ito na mag-sorry. But not Gino Santayana.
"Nagtatrabaho ako nang maayos. I am very keen with our customer's demands. Di niya
ako dapat ipinapahiya at pinagbabantaan na tatanggalin sa trabaho ko. And I love my
job."
He smiled as he stared at her. "And I won't allow that to happen. Wala ka naman
kasing kasalanan. Why should you lose a job you love? Am I forgiven?"
"Apology accepted. Girlfriend mo ang may kasalanan at hindi ikaw. Bakit hindi na
lang siya ang mag-apologize sa akin?"
"Mitchell won't apologize to anyone. I asked her to. Pero kung pipilitin ko daw
siyang mag-sorry, magagalit siya sa akin."
"Kaya ikaw na lang ang nag-sorry?"
"Ayaw din niyang mag-apologize ako sa iyo. Kapag ginawa ko daw iyon, break na daw
kami."
"Ha? At nag-sorry ka pa rin kahit na magbe-break na kayo?"
Di niya maiwasang makonsensiya. Kailangan ba talagang humantong sa ganoon ang
relasyon ng mga ito dahil sa kanya? Okay lang iyan! Impakta naman ang girlfriend
niya. Dapat lang na maghiwalay sila.

Chapter 5
Tumawa lang ito na parang balewala ang pakikipaghiwalay ng nobya. "Okay lang. Hindi
ko naman talaga siya girlfriend."
"Hindi mo siya girlfriend pero super sweet kayong dalawa. Ganyan ba talaga kayong
mga lalaki?" Natutop niya ang bibig. Masyado na siyang nagiging madaldal. "Sorry,
Sir. I mean it's none of my business really. Huwag na ninyong isipin iyon, Sir.
Alam ninyo, marami pang babae diyan."
"Alam ko," kaswal nitong sabi at tumayo. "Ihahatid na kita."
"Naku! Huwag na po, Sir." Ayaw niyang gumawa pa ng tsismis. Kanina lang ay kaaway
niya ang girlfriend nito tapos ngayon ay nagpapahatid na siya.
"Please call me Gino."
"Gino." It was so unusual. Di siya sanay na sabihin ang pangalan nito. Pero parang
ang sarap banggitin. "Sige, Sir Gino. Sana bumalik pa rin kayo sa restaurant namin
kahit na ganoon ang nangyari."
"Siyempre naman. At gusto ko ikaw ang magse-serve sa akin." Lumapit ito sa kanya.
"Because you are so pretty when you smile."
Bahagya siyang yumuko. "Thank you, Sir." She was flattered. A heartthrob like him
called her pretty. Ang haba ng hair ko!
Hinaplos nito ang pisngi niya. "Kaya huwag ka nang iiyak kahit na sino pa ang umapi
sa iyo. Just hold your head high. You are good at your job."
Wala sa sarili siyang nakangiti habang sinusundan ng tingin si Gino nang papunta
ito sa kotse nito. Nakatulala siya habang nakahawak sa pisngi niyang hinaplos nito.
"Maganda pala ang smile ko. Ngayon ko lang nalaman."
Nagising siya sa pangangarap nang kalabitin siya ni Weng. "Hoy! Akala ko ba umuwi
ka na? Bawal ang tambay dito, Miss."
"Weng, maganda pala ang smile ko."
"Naniwala ka naman.Kung sinuman ang nagsabi,malamang binobola ka lang."
"Talaga?" Bigla siyang napag-isip. Baka nga binobola lang ako ng Gino na iyon.
Naniwala naman ako. Sobrang guwapo niya. Bakit naman siya magagandahan sa
ordinaryong babae tulad ko? Ano ba ang aasahan niya sa isang playboy?
"Thanks, Weng. Sige, uuwi na ako! Goodnight!"
Nainis siya dahil nauto siya ni Gino. Sinabi lang nito na maganda siya bilang
pakonswelo sa pag-eeskandalo ng Mitchell na iyon.
Isinipa niya ang paa. "Hay, naku! Sa susunod na sabihin ni Gino na maganda ako,
hindi na talaga ako maniniwala. Sinungaling siya!"
PASIMPLENG inayos ni Miles ang uniform niya at nag-practice ng ngiti habang
hinihintay ang mga orders na ise-serve sa mga guest nila.
"Uy! Nagmamaganda na naman siya," tukso ni Weng na katatapos lang mag-dish out ng
pinagkainan ng mga kaaalis lang na guests.
"Siyempre, nandiyan si Alain." Mukhang kagagaling lang nito sa trabaho. Isang
kaibigan lang ang kasama nito. Kung tutuusin ay wala si Alain sa kalingkingan ng
kaguwapuhan ni Gino. Pero mas gusto naman niya si Alain dahil wala pa itong
isinamang babae sa Dome. Puro workmates lang nito.
Baka hinihintay lang niya ako para maging girlfriend niya.
Nakahanda na ang magandang ngiti niya nang dalhin ang order ng mga ito. "Here are
your café lattes. Enjoy!"
"Thank you," anang si Alain. Kumpleto na ang araw niya dahil nakapag-thank you na
ito. Patalikod na siya nang tawagin ulit siya nito. "Miss, wait!"
"Yes, Sir?"
"I just want to ask if you have a boyfriend."
Umiling agad siya. "None, Sir." Anong nakain niya at bigla siyang nagka-interes sa
akin? Sa wakas ba ay napansin niyang maganda ako?
Tumango-tango ito. "Good. Available ka ba this Friday?"
"What do you mean available, Sir?"
"May cocktail party kasi ang company namin," singit ng kaibigan nito. "Wala pang
ka-date si Alain."
"Will you be my date?" tanong ni Alain.

Chapter 6
"MILES, huwag ka ngang malikot. Hindi ko matinuan ang paglalagay sa make up mo.
Sige ka, ikaw rin. Papangit ka at baka magbago na ang isip ni Alain na kunin kang
ka-date." Alas sais pa lang ng hapon ay inaayusan na siya ni Weng. Wala siyang
pasok at maaga naman itong nag-out sa trabaho para tulungan siyang mag-ayos.
Nasa boarding house siya nito sa Boni dahil mas malapit iyon sa Shangri La Makati
kung saan gaganapin ang cocktail party ng company ni Alain.
"Kinakabahan kasi ako. Mantakin mo, hindi lang ito basta first date namin ni Alain.
Makakasama ko pa sa party ang mga movers and shakers ng Manila. Nandoon din ang mga
most eligible bachelors sa Pilipinas."
"Huwag mo na akong inggitin na umaapaw ng kaguwapuhan sa party na iyon. Frustrating
na di ko sila makikita. Kung pwede nga lang pakunan ko ng picture sa iyo ang mga
guwapo. Sabihin mo sa akin kapag nakita mo si Gino, ha?"
"At sasabihin ko rin sa iyo kung sino ang babaeng kasama niya."
Tiyak na bago na naman ang kasama nito. Wala siyang pakialam kung sinuman iyon.
Basta mag-e-enjoy siya sa date nila ni Alain.
"Ayan! Ang ganda mo!" sabi nito nang matapos siyang lagyan ng make up.
"Hindi ko nakilala ang sarili ko. Saka ang ganda ng damit." Green georgette dress
ang suot niya. Di siya sanay na magsuot ng dress o gown. Kahit nga palda ay ayaw
niya. Bagay naman pala sa kanya.
"Buti na lang nabili ko ang damit na iyan sa ukay-ukay," kantiyaw nito.
Hinampas niya ito sa braso. "Huwag mo nang ipaalala."
"Hindi naman halata. Sayang nga dahil di masyadong maganda ang buhok mo. Ilulugay
sana natin."
Hinaplos niya ang naka-bun na buhok. "Pwede na iyan. Wala naman akong pera pampa-
salon. Gastos lang iyon." Mabuti nga may damit at sapatos na naipahiram si Weng.
Kundi ay wala siyang isusuot sa date nila ni Alain. Pero sa nakita niyang
transformation, sa tingin niya ay magugustuhan siya ni Alain.
"Ready to go?" anang si Alain nang sunduin siya. "Good thing you are early."
"Ayokong paghintayin ka."
"Let's go!" sabi nito at inalalayan siya sa kotse.
Nadismaya siya nang di man lang siya nito pinuri. Hindi yata niya nagustuhan ang
ayos ko. Baka nga pangit ako. Nakuyom niya ang palad na nakapatong sa bag. Hindi!
Maganda ako! Di lang siguro niya ako mapuri dahil speechless siya sa kagandahan ko.
Basta mag-e-enjoy ako sa date namin!
NASA lalamunan na ni Miles ang puso niya nang dumating sila sa hotel. Halos wala
naman kasing sinasabi sa kanya si Alain. Ganoon ba ang date? Parang wala naman
siyang pakialam sa akin. Baka naman hindi lang niya alam ang sasabihin.
"Kinakabahan ka ba?" sa wakas ay naitanong nito.
"Not really," usal niya. Kahit ang totoo ay nanginginig na ang tuhod niya. She was
used to dealing with people from high society. Bilang isang service crew. Hindi pa
niya naranasan na um-attend sa eleganteng party. Hindi niya alam kung paano niya
pakikisamahan nang normal ang mga ito.
Papasok na sila ng ballroom nang may tumawag kay Alain. "Alain! I never thought I'd
see you here. I thought you are not coming." Nakilala niya ang babae bilang isa sa
mga kasamahang agent ni Alain sa kompanyang pinapasukan nito. Ito ang crush ni
Marlon dahil sa magandang buhok ng babae kahit na maikli lang.
"Of course I won't miss the occasion, Darlen." Hinawakan ni Alain ang braso niya.
"This is Miles, my date. Miles, this is Darlen, my colleague."
Ngumiti siya. "Hi! It is a pleasure to meet you."
"I know you!" sabi ni Darlen. "You are that girl from..."
"I am from DOME Shangri La," dugtong niya.
"Yes. One of the service crews," kaswal na sabi ni Darlen. If there was something
belittling on her tone, she just ignored it. Bumaling ito kay Alain. "Hindi ko alam
na may ka-date ka pala."
"Why are you chatting here?" tanong ni Gino nang lumapit sa kanila. "I thought the
party is in the ballroom."
"Papasok na kami," wika ni Alain.
"Is she your date?" tanong ni Gino. "Hi, I am Gino Santayana."

Chapter 7
Ginagap nito ang palad niya at hinalikan ang likod niyon. "I'm..." Nakalimutan
niyang bigla kung ano ang pangalan niya. Pakiramdam kasi niya ay dumaloy ang
kuryente sa kamay niya mula sa labi nito. And he was looking at her as if she was a
completely different woman. As if she was so beautiful.
Tumuwid ito ng tayo. "You look familiar."
"I am Miles..."
Recognition flashed in his eyes. "Oh, yes! Miles! Hindi na kita nakilala. God! Look
at you! You are so pretty tonight!"
"Thank you, Mr. Santayana," aniya at di mapigilang ngumiti.
That was the comment she had been waiting for. Mga salita na hindi man lang sinabi
sa kanya ni Alain. Kay Gino pa pala niya maririnig.
Ano naman ang aasahan ko sa lalaking iyan? Natural playboy si Gino. Alam niya kung
ano ang makakapagpasaya sa isang babae. Expert na iyan. Nauto na naman niyang
maganda ako. Kapag si Alain ang nagsabi, saka ako maniniwala.
"Looks like you don't have a date tonight, Gino," Darlen noticed.
"For a change," usal nito. "Come on. Let's go inside."
Nakaalalay sa tabi niya si Gino. Mas nakadikit pa nga ito sa kanya kaysa kay Alain
na siyang ka-date niya. At kapag nililingon niya ito ay nakatingin ito sa kanya at
nakangiti. Matapos iyon ay lilingon ulit siya kay Alain pero parang gustong bumalik
ng tingin niya kay Gino.
Huwag kang masyadong dumikit sa akin, Gino. Please! Ayokong pagtaksilan si Alain.
First date namin ito at huwag mo akong demonyohin. Bakit kasi di ka na lang nagsama
ng ka-date mo para di ako ang inaakit mo?
"Hindi ko alam na kilala mo pala si Gino," aniya kay Alain nang nasa table na sila
at nagsisimula na ang dinner.
"Mas nauna ako ng isang batch sa kanya," sabi ni Alain. "Pareho kaming student ng
Saint Benilde. We are not the best buddies but we are friends. And he had always
been a playboy."
"At ikaw, wala pa ring girlfriend hanggang ngayon," ganti ni Gino.
Humagikgik naman si Darlen. "You got it right, Gino." Sa kanya naman tumingin si
Darlen. "How about you, Miles. From what school were you from?"
"Pamantasan ng Pasig," kaswal niyang sagot.
"What? Is there such a school?" bulalas ni Darlen at bahagyang tumawa. Na para bang
mula pa sa ibang planeta ang school niya.
"I never heard it before," dagdag pa ni Alain. Ni hindi man lang siya dinepensahan
kahit paano. Parang nakilait pa ito sa school niya.
Oo nga, di siya galing sa sikat na eskwelahan. State university lang ang
pinanggalingan niya. Pero maganda naman ang quality ng turo sa kanila. Di na lang
siya nagsalita. Sa lugar yata na iyon, bawal ang taga-public school.
"Hindi ninyo iyon alam?" anang si Gino. "Nakakaawa naman kayo. Doon ako madalas
dati dahil doon galing iyong girlfriend ko na naging candidate ng Binibining
Pilipinas. Hindi ba ninyo natatandaan?"
"Ha? Talaga?" di makapaniwalang wika ni Darlen. "Wala akong matandaan."
Parang ayaw niyang maniwala na may girlfriend nga ito doon. Kasi wala naman siyang
matandaan na galing sa school nila na napasali sa Binibining Pilipinas.
"Now you know. Kaya nga gandang-ganda ako kay Miles. Kasi doon siya galing sa
school ng ex-girlfriend ko. School ng magaganda," wika pa ni Gino. "Ngayon huwag na
ninyong kalilimutan ang school niya. Okay?"
Itinago na lang niya ang ngiti nang kindatan siya ni Gino. She was starting to like
him. Really, really like him.

Chapter 8
Nagmistulang isang business conference ang cocktail party na iyon. Nang lumapit ang
ibang colleagues at kaibigan ni Alain ay di na naka-relate si Miles. Halos lahat ng
occupants sa table na iyon ay knowledgeable sa business. Habang ang forte naman
niya ay pagluluto, pagiging barista at pagse-serve.
"Excuse me. I will just get some parfait," paalam niya kay Alain.
Nang tumayo siya ay pinigilan siya ni Gino sa kamay. "Ako na lang ang kukuha para
sa iyo para hindi ka mapagod."
"No, thanks. I am perfectly capable of getting my own."
Kanina pa niya gustong makatakas sa nakakapagod na usapan tungkol sa negosyo.
Nakukulta ang utak niya. She didn't care about the stocks and the inflation and the
economic crisis. Mas interesado siya na tikman ang mga dessert na naka-serve sa
table. Para magkaroon din siya ng idea sa mga recipe na gagawin niya.
Her mouth was watering the moment she saw the desserts. "Tranche blueberry tart,
cherry flan, coffee éclair, choco bavarian, praline Riviera. I want to taste all of
them," aniya habang isa-isang naglalagay sa platito. Sa sobrang excitement ay di
niya alam kung ano ang uunahing tikman.
"Looks like you love the sweet stuff, Miles," sabi ni Gino na nasa tabi na niya.
"Huh! Bakit ka nandito? Di ba dapat kausapin mo sila?" Si Alain nga ay di maalis-
alis sa kinauupuan dahil interesadong pag-usapan ang negosyo. Ni halos di nga siya
nito tiningnan nang umalis siya ng table.
"Their conversation bores me. And besides, I want to take a look at the desserts.
Sa palagay mo ano ang pinaka-masarap?"
"Pwede ko silang tikman para sa iyo kung gusto mo."
She went to a corner with him. Doon siya kumain. Nakangiti ito habang isa-isa
niyang tinitikman ang desserts. "Hmmm..." aniya sa bawat pagkagat. Wala na siyang
pakialam kung titig na titig sa kanya si Gino o kung may iba pang nakakakita sa
pag-e-enjoy niyang kumain. She was too focused with food tasting to care.
"Hindi ka ba natatakot sa calories?"
"What calories?" tanong niya at isinubo ang huling piraso ng coffee eclair. "This
is what you call food. Iyong may lasa at mae-enjoy mo. And when I become a pastry
chef someday, I will make stuffs more delicious than these."
"It is fun to see a woman who appreciates food."
"Paano ako magluluto ng pagkain na hindi mo mae-enjoy? Bakit hindi mo tikman?"
Hinila niya ang kamay nito. "You should try them. Hindi ko lang masabi kung ano ang
pinakamasarap kasi lahat sila masarap."
Di daw mahilig sa dessert ang mga lalaki. Pero excited pa rin siya na pasubukan kay
Gino. Sa tingin naman niya ay di ito tatanggi.
"I want one of those." Itinuro nito ang tranche blueberry tart.
"Wait! Ikukuha kita." Ipinaglagay niya ito sa platito. "Taste it."
"Subuan mo ako," malumanay nitong utos. Parang nang-aakit pa nga.

Chapter 9
"Ha?" aniya at inangat ang tingin dito. Bakit naman niya ito susubuan? Sa harap pa
ng maraming tao niya gagawin. Ano na lang ang iisipin sa kanila?
Ano naman ang masamang iisipin nila kung susubuan ko siya? Cute pa nga, di ba? Sa
lahat ng babae doon, sa kanya pa ito nagpasubo. Exciting nga iyon. Parang napaka-
romantic. Saka minsan lang naman.
Parang may sariling isip ang daliri niya at dinampot ang tart. Naramdaman na lang
niya na hinawakan ni Gino ang kamay niya at inilapit ang tart sa labi nito.
Nakatulala lang siya dito nang kagatin nito ang tart at nguyain nito.
"Hmmm... you are right. Masarap nga siya."
The touch of his lips against the tips of her fingers was so sensual. More sensual
than the kiss at the back of her hand. At di rin siya nailang nang subuan niya ito.
As if it was so natural and she enjoyed every minute of it.
Umangat ang kamay niya at pinalis ang gilid ng labi nito. "Hmmm..." anang si Gino
na nagulat sa ginawa niya.
"You have crumbs at the corner of your lips," wika niya at di sinasadyang nahaplos
ang labi nito. It was so soft. It was the lips with ready smile. And she bet, it
was the lips that kissed many women.
Ano kaya ang pakiramdam kung ako naman ang hahalikan niya? Kasing sarap kaya ng
tranche blueberry tart o ng cherry flan? O baka naman coffee éclair.
"Thanks!" Ngumiti ito. "Parang gusto ko ring subukan ang choco Bavarian."
"Ha?" aniya at mabilis na inilayo ang kamay sa mukha nito. Nananaginip ba siya ng
gising? She touched his lips. Ano na lang ang iniisip nito sa kanya?
Sinubuan ko lang siya ng dessert, kung anu-ano na ang pumasok sa kukote ko. Ngayon
naman iniisip ko na siyang halikan. I am crazy.
Pero parang wala namang epekto kay Gino ang ginawa niya. It was just a casual
gesture to him. Siya lang ang nag-iisip nang iba.
"Sige. Subukan mo," sabi niya. "Babalik na ako sa table."
Nakakahiya! May iba bang nakakita sa ginawa nila? Si Alain! Ito ang ka-date niya.
Ito ang gusto niya. Pero anong ginawa niya? Pinagtaksilan niya ito dahil sinubuan
niya ng tart si Gino. Baka magalit sa akin si Alain!
Pagdating niya sa table ay wala na si Alain doon. Nang lumingon siya ay nasa dance
floor ito at kasayaw si Darlen. "Gusto mo ring sumayaw?"yaya ni Gino.
Umiling siya at ni hindi ito nilingon. "Dito na lang ako. Wala ako sa mood. Bakit
hindi mo subukang makipagsayaw sa iba?"
"Nakakatamad magtanong sa iba, eh! Dito na lang din ako," anito at nanatiling
nakaupo sa tabi niya.
Hindi na niya ito nilingon pa. Sa halip ay kumuha siya ng peach chardonnay mula sa
dumaang waiter at iyon ang binalingan. Di na niya titingnan o kakausapin pa si
Gino. Hindi na siya magpapaapekto sa kamandag nito. Pagbalik ni Alain sa mesa, dito
na lang niya itutuon ang atensiyon niya.
"Miles, I am sorry. Kailangan kong ihatid si Darlen. Umatake ang migraine niya
habang nagsasayaw kami kanina. She took a taxi on the way here dahil nga wala
siyang ka-date. Is it okay if I take her home?" Nakahilig na si Darlen sa balikat
ni Alain habang sapo ang noo. Mukha ngang masama ang pakiramdam nito.
"Ako na lang ang maghahatid sa kanya," prisinta ni Gino.
"Mas komportable ang family niya kapag ako ang kasama," wika ni Alain.
"Sasama na lang ako sa iyo," sabi niya.
Di agad nakapagsalita si Alain. Parang alanganing isama siya. "Maaga pa naman. Mag-
enjoy ka muna sa party. Babalikan na lang kita," anito at inakay na palabas ng
ballroom si Darlen."
Umupo na lang siya at huminga nang malalim. Paano naman ako mag-e-enjoy dito kung
di naman ito ang crowd ko? Ni wala akong kakilala.
Nagulat siya nang hawakan ni Gino ang kamay niya. "Ako ang bahala sa iyo. Di kita
iiwan dito."
"Thank you." Pero di niya alam kung dapat nga siyang magpasalamat sa lalaking
gumulo ng isip niya nang gabing iyon.
Bumalik ka, Alain. Mas delikado yata ako kapag kasama ko si Gino.

Chapter 10
"ANO na bang nangyari sa kanya? Bakit hindi niya sinasagot ang cellphone niya?"
Pabalik-balik na sa paglalakad sa lobby ng Shangri La si Miles habang tinatawagan
si Alain. Ring lang nang ring ang phone. Malapit na siyang maiyak. Pagod na siya.
Masakit na ang paa niya sa stiletto na suot. Nilalamig na rin siya sa georgette
dress. Nag-uwian na halos ang lahat ng bisita pero wala pa rin ito.
"I bought you some coffee," sabi ni Gino at inabot ang kape sa kanya.
"Thank you," aniya at sinimsim iyon. Tapos ay tumawag ulit siya.
"Tigilan mo na iyan. Ihahatid na kita," pormal nitong sabi. It was the first time
he used a non-friendly tone on her.
"Hindi. Hihintayin ko si Alain. Sabi niya babalikan niya ako." Kailangan niyang
bumawi dito. It was the first time she dated out. At di siya papayag na magiging
disaster iyon hanggang sa huli.
"Sa tingin mo ba babalikan ka niya?"
Nilingon niya ito. "Yes, because he said so. Baka naman mas matindi pa ang sakit ni
Darlen sa inaakala niya kaya di na siya nakabalik."
Tiningnan nito ang relo. "It's almost one in the morning. It is a waste of time,
you know. Kung lumala ang sakit ni Darlen kaya di ka niya masusundo, sana tumawag
man lang siya o kaya nag-text. Pero wala. Tapos umaasa ka pa rin na babalikan ka
niya? Get real, Miles!"
"Baka kasi..."
"He is a dork, alright!" anitong di na mapigil ang iritasyon.
Nagulat siya. "Bakit? Di ba kaibigan mo siya?"
"I don't have a dork of a friend. Wala akong kaibigan na nang-iiwan sa ka-date.
Kaya huwag ka nang umasa na susunduin ka niya." Hinawakan nito ang kamay niya.
"Umuwi ka na, magpahinga at kalimutan mo siya."
"Pero kasi..."
"No more arguments, Miles. O bubuhatin kita papunta sa kotse ko!"
Parang masunurin siyang tupa na sumunod. She already had enough for that night.
Wala na siyang oras para makipagtalo kay Gino.
Di mapigilang tumulo ang luha niya sa sama ng loob nang bumibiyahe na sila pauwi.
"I thought it was a perfect date. Pinaghandaan ko lahat dahil first time kong
makikipag-date. And the guy I like asked me out. Then everything went wrong."
The worst part was that she was the first one who screwed things up. Mas marami pa
siyang atensiyon na ibinuhos kay Gino kaysa kay Alain. At sa huli, si Gino pa rin
ang kasama niya. It was a total disaster!
"It could have been perfect if you went out with the right guy."
"Huh?" Nilingon niya ito. "Paano mo naman natitiyak na di ako ang mali? He may be
the right guy but I am not the right girl."
"You are simply perfect, alright. The rest was Alain's fault. Hindi siya marunong
mag-alaga ng ka-date niya. Hindi ka niya dapat iniwan. Di rin niya dapat hinayaan
na makuha ng ibang babae ang atensiyon niya. Ikaw ang ka-date niya pero iba naman
ang kasama niya pauwi. Ni hindi ka niya binalikan."
"Because there's an emergency."
"I offered to help them out, remember? Pero ayaw naman niya. Mas gusto pa niya na
siya ang maghatid kay Darlen. Paano kung wala ako? Basta ka na lang niyang iiwan sa
hotel samantalang alam naman niya na wala kang kakilala. Sana sinabi na lang niya
na mag-taxi ka at iniwan ka ng pan-taxi. Mas mabuti pa siguro iyon kaysa iniwan ka
na lang niyang mag-isa."
Itinaas niya ang mga kamay. "O, huwag kang masyadong high blood. Affected ka kasing
masyado."
"Naiinis ako kapag basta-basta na lang binabalewala ang babae."
"Nagkataon lang siguro na hindi ako maganda."
Hinaplos nito ang pisngi niya. "Don't say that. You are beautiful."
She could feel prick of sensations in her skin. It was making her uncomfortable.
Iniwas niya ang tingin dito. "Binobola mo lang ako. Siguro sinasabi mo iyan sa
lahat ng babaeng nakilala mo. Saka iyong right guy na sinasabi mong dapat kong I-
date, wala na akong makikitang ganoon."
Matapos siyang madisilusyon kay Alain, wala na siyang pag-asa na makakatagpo ng
matinong lalaki na magugustuhan siya at di siya iiwan. Masyado ba siyang nangarap
para mabigo nang todo?
"Of course, there is the right guy whom you can go out with."
"At sino naman iyon?"
"Ako. All you have to do is go out on a date with me," kampante nitong sabi.
"Ikaw?" Tumawa siya nang malakas. "Naku! Antok lang iyan! Pakitigil na lang sa
tapat ng white na gate. Apartment na iyan ng friend ko."
Pinigilan nito ang kamay niya nang papasok na siya sa gate. "Hindi mo pa sinasagot
ang tanong ko. Will you go out with me?"
Tinapik niya ang pisngi nito. "Thanks for taking me home. Good night."
"Teka, di mo pa sinasagot ang tanong ko!"
"Good night, Mr. Santayana! Sweet dreams!"
Naiiling niya itong tinanaw hanggang makaalis ang sasakyan nito. Nakakakilig na
niyaya siya nitong mag-date. Pero hanggang kilig na lang siya.
Alam ko naman na naaawa ka lang sa akin kaya mo ako niyaya. Sana kung iba ang
sitwasyon, baka napapayag mo ako.

Chapter 11
"I AM sorry, Miles. Sinubukan kong bumalik sa hotel nang mas maaga pero di ko naman
maiwan si Darlen. Masakit na masakit ang ulo niya. Wala siyang ibang kasama sa
bahay dahil may pinuntahan ding party ang parents niya. Iniwan ko lang siya nang
makatulog siya. Pagdating ko sa hotel, wala ka na."
Walang ekspresyon ang mukha ni Miles habang kausap si Alain sa DOME kinabukasan.
Gabi na noon at malapit na siyang mag-out. Gusto sana niyang isa-isahin ang
loopholes sa mga alibi nito. But suddenly, she just didn't care. Ang gusto na lang
niya nang mga oras na iyon ay burahin ang mukha nito.
"It's okay. Forget about it," matabang nitong wika. "How's Darlen?"
Nasagot naman ang tanong niya nang biglang pumasok si Darlen. "Hi!" bati nito at
umabrisyete kay Alain. Mukhang wala na itong sakit. O mas tamang sabihin na parang
di naman ito galing sa sakit. "I apologize. Because of my migraine, Alain wasn't
able to take you home."
"It's okay. Hindi naman ako pinabayaan ni Gino. Sana okay ka na rin."
"I am more than okay," she said with a laugh. Saka humilig kay Gino.
"We have to go now, Miles," paalam ni Alain.
"Thank you for coming, Sir, Ma'am," nakayukod niyang sabi. Nang makaalis ang dalawa
ay nagngingitngit siyang pumunta sa counter. "Naku! Ang sarap pagbuhulin ng
dalawang iyon. Bagay talaga sila."
"Si Alain iyon, di ba?" anang si Weng. "Bakit galit na galit ka?"
"He is not my dream guy, Weng. He is a frog. And I am mad because I am stupid. Di
na ako dapat pumayag makipag-date sa kanya!"
Nang mag-out siya ay nasa labas ng DOME si Gino at umiinom ng kape. "Hello, Sir
Gino!" bati niya. "Mukhang may date na naman kayo, ah!"
"Yeah! Ikaw." Ipinaghila siya nito ng upuan. "Um-order ako ng pizza. Hindi ka daw
kumain kaninang break sabi ng manager mo. Do you know it is not healthy?"
"Nawalan lang ako ng gana. Nandito kasi si Alain kanina."
Tumuwid ito ng upo. "Anong sinabi niya sa iyo?"
"Sinabi niya na binalikan niya ako sa hotel pero wala na ako."
"That's a piece of crap. Did he expect that you'd wait for him forever?"
Ipinaglagay siya nito ng pizza sa plato. "Walang matinong babae na maghihintay sa
kanya. Dapat sa kanya, di na nagpapakita sa iyo. Kung ako iyon, wala na akong
mukhang ihaharap sa babae."
"Wala na akong pakialam. I am so stupid, really. Akala ko prince si Alain. Pero
natanso ako. You know why he asked me out? Isinama lang siguro niya ako para
magselos si Darlen. They have a relationship... sort of. At excuse lang nila ang
migraine para magsolo sila. He left me because of Darlen."
"Mabuti na lang sumama ka sa akin pauwi."
Sumubo siya ng pizza. Noon lang niya naramdaman na gutom siya dahil sa sobrang
galit. "Hindi na talaga ako makikipag-date kahit kailan."
"Bakit naman? Hindi naman kita iiwan tulad ng ginawa niya."
"But it doesn't mean that you are better than him either. You could be worse. With
your reputation with women ..."
"What? I am a perfect gentleman. Tanungin mo sila."
"Gentleman," gagad niya. Pasimple nga siyang inaakit nito.
"Give me a try, Miles." He held her hand. "Please go out with me."
She looked into his eyes. He looked so sincere. At parang hinihipnotismo siya nito
para pumayag siya. Ipinilig niya ang ulo at tumayo. "Salamat na lang sa awa."
Iniwan niya ito at binilisan ang lakad. Tinawag siya nito pero di niya pinansin.
"Bwisit na lalaking iyon. Akala ba niya desperada ako na magkaroon ng ka-date.
Ganoon na ba ako kapangit para kaawaan niya?"
Sa inis niya ay tumuloy siya sa grocery. She wanted to change a few things about
her self to make her feel better. Mas gusto niyang magmukhang maganda kaysa kaawa-
awa. Kaya babaguhin din niya ang ibang gamit niya.
May nadaanan siyang salamin at napansin ang nakalugay na buhok. "Mas maganda daw
ako kung di dahil sa buhok ko. Kailangan ko ng bagong shampoo."
Inisa-isa niya ang mga shampoo na naroon hanggang makita ang STALLION Shampoo and
Conditioner. Dinampot niya iyon. Ito na ang simula ng bagong Miles.

Chapter 12
"MILES, parang may sakit ka. Lagi ka na lang matamlay, ah!" puna ng manager niyang
si Arlene habang nagliligpit sila. Sarado na kasi ang restaurant noon. "Anong
nararamdaman mo? Kulang ka yata sa vitamins."
"Kulang lang iyan sa pag-ibig, Ma'am," kantiyaw ni Weng.
Wala na rin siyang lakas na kontrahin ang biro nito. Isang buwan na mula nang huli
niyang makita si Gino. Mula noon, parang wala na siyang ganang magtrabaho. Ang mga
bagay na nagpapasaya sa kanya dati, di na siya magawang pangitiin. Kahit simpleng
pagngiti nga ay di na niya magawa dahil mabigat lagi ang dibdib niya. Maisip lang
niya na di na niya makikita si Gino, nanlulumo na siya.
"Ma'am, parang gusto ko nang umalis dito," wika niya.
"Ha? Anong aalis ka na dito? Ayaw mo nang magtrabaho dito?"
Tumango siya at umupo sa couch. "Parang napapagod na po kasi ako. Gusto ko ng
bagong lugar. Iyong malayo dito sa Manila." Masyado na kasing maraming alaala ang
lugar na iyon. Lagi niyang naiisip si Gino.
"Sigurado ka ba diyan?" tanong ni Weng. "Baka kailangan mo lang ng bakasyon. Mag-
relax-relax ka muna. Okay ka na pagbalik mo."
Umiling siya. "Hindi. Gusto ko talaga na mabago ang environment ko. Ayoko sana
kayong iwan kasi enjoy ako dito. Pero sa palagay ko di babalik ang sigla ko sa
trabaho habang nandito ako."
"Kung gusto mong magbago ng environment, pwede ka sa Rider's Verandah Café and
Restaurant sa Stallion Riding Club," sabi ni Arlene. "Kaibigan ko ang may-ari doon.
Wala pang isang taon ang café at lumalaki ang operation nila kaya kailangan nila ng
mas maraming tao. Free lodging and food."
"Stallion Riding Club? Saan naman ito?"
"Diyan lang iyan sa boundary ng Tagaytay City at Batangas," sagot naman ni Weng.
"Nabasa ko sa magazine na haven iyan ng mga guwapo at mayayaman. Lahat yata ng
guwapong lalaki sa Pilipinas, member ng club na iyan."
"Tama si Weng. Kung gusto mo bagong environment, subukan mo doon. Hay! Sa palagay
ko mae-enjoy mo ang lugar na iyon."
"Stallion Riding Club. Parang gusto ko pong subukan."

Chapter 13
Aliw na aliw si Miles habang pinagmamasdan ang magandang view papasok ng Stallion
Riding Club. Natatanaw niya ang Taal Lake at Taal Volcano mula sa dinadaanan. Mula
sa Rotonda sa Tagaytay ay sinundo siya ng coaster na service ng mga empleyado sa
riding club. Pakiramdam niya ay pumapasok na siya sa ibang mundo. Iba sa iniwan
niya.
"Ikaw ba ang bago sa Rider's Verandah?" tanong ng driver na si Mang Pilo.
"Opo. Bukas daw po ako magsisimula pero may orientation ako mamaya pagkatapos
magpahinga."
Pasado na siya sa lahat ng interview sa Manila pa lang dahil maganda naman ang
credentials niya. Ang mismong manager din ang nag-interview sa kanya nang pumunta
ito sa Manila para di na siya pumunta pa sa Tagaytay.
"Tiyak na mawiwili ka dito. Simple lang naman ang buhay sa riding club pero di mo
na nanaisin pang bumalik sa Manila," anang si Mang Pilo.
"Talaga po?" Kung ganoon ay maganda nga talaga ang Stallion Riding Club. Noong una
ay ayaw siyang payagan ng mga magulang niya. Hindi pa kasi naranasan ng mga ito na
malayo siya. Pero kailangan niyang baguhin ang buhay niya. Gusto niyang maranasan
na maging independent. Sana di ako nagkamali sa pagpunta dito.
Maya maya pa ay nabasa na niya ang Stallion Riding Club na sign na naka-emboss sa
marmol. Nadagdagan ang excitement na nararamdaman niya. She could see acres of
green land. Animo'y carpet ang mga damo. May nakasalubong silang mangilan-ngilan na
nangangabayo na naka-riding habit. Hindi basta-basta ang mga kabayo na naroon.
Halatang ginastusan at magaganda ang lahi. She could even see several villas owned
by some of the members. The place spoke of wealth.
Tumigil ang coaster sa harap ng isang clapboard house. "Iyan ang apartment mo,
Miss. Diyan ka na hinihintay ni Miss Jhunnica," tukoy nito sa manager niya.
Noong una ay alanganin pa siyang tumuloy. Nang makita niya sa front porch si
Jhunnica at sinalubong agad siya. "How's your trip?"
"Okay.Naninibago po ako. This place is nicer than what I saw in pictures."
Umakyat sila sa panggitnang hagdan at binuksan ang pinto. "This is the staff's
house. At exclusive lang ito para sa mga empleyado ng restaurant. It is just a few
minutes walk from the restaurant." Itinuro nito ang restaurant na puro salamin.
Fully furnished na ang bahay. Naka-tiles ang sahig. May rattan chair sa sala at may
TV. Sa dining area ay may wooden table na pang-apatan.
Binuksan ni Jhunnica ang isang kuwarto. "This will be your room. May dalawa pang
bedroom dito. Kasya ang anim na tao dito sa bahay na ito. Pero sa ngayon, dalawa pa
lang kayong magse-share ni Quincy. Newbie rin siya tulad mo."
"Uhmmm... nasaan po ang makakasama ko?"
"Nag-jogging lang siya. Kahapon pa siya nandito dahil gusto niyang maging familiar
agad sa estate. So I will meet you two later for the orientation."
"Yes, Ma'am! Thank you!" Ibinagsak niya ang sarili sa malambot na kama nang
makaalis ang manager niya. "Hindi ko na-imagine na magiging ganito kaganda ang
tutuluyan ko." Sumilip siya sa bintana. Puro berde ang natatanaw niya sa paligid.
She could breathe again. At naglaho ang pagod na naramdaman niya nang nakakaraang
buwan. "Parang ayoko nang umalis dito. Promise! Dito sa Stallion Club ko matutupad
ang lahat ng mga pangarap ko!"

Chapter 14
"THAT'S Reid Alleje, the lord of the whole Stallion estate. Lahat ng natatanaw mo
dito, siya halos ang may-ari. And that's his brother, a world-renown equestrian
champion. Damn! There is even an oil sheik here!" bulalas ni Quincy habang iniisa-
isa ang mga member ng club na nakikilala nito. Orientation nila noon at tinitikman
nila ang ilan sa mga specialty ng restaurant. Mula sa beverage hanggang pagkain.
Kailangan din kasi nilang maging familiar para alam nila ang ire-recommend sa mga
guest depende sa gusto ng mga ito.
"Lahat sila kilala mo?" di makapaniwala niyang usal. At karamihan doon ay kilala sa
political at business world. Ilan ay lumabas sa commercial ng Stallion Shampoo.
Pero di naman niya alam ang pangalan. Hanggang mukha lang.
"Sa magazines at sa TV. Saka kahapon pa ako dito. Nagtanong-tanong na ako kung sino
ang mga members ng club. At balita ko malaki magbigay ng tip dito."
Nagitla siya nang may pumasok na ilang babae na naka-wide brim hat, dress, gloves
at high heeled shoes. Mas mukhang pupunta ang mga ito sa tea party o gaganap sa
isang Victorian era play. "Bakit ganyan ang itsura nila?" tanong niya. Mukha silang
out of place ni Quincy dahil naka-jeans at sandals sila.
"Those women patterned it to the royal riding club in London."
Tinaasan sila ng kilay ng mga babae na animo'y insekto sila. "Bakit ganoon?"
"Companion sila ng mga members ng club. Iyan na yata ang uniform nila. At ang mga
babae sa lugar na ito, hindi makakapasok hangga't di imbitado. Exclusive lang ang
club para sa mga lalaki. This is their world."
It was weird. She was in a world of powerful and gorgeous men. At parang naninibago
siya sa lahat nang mayroon sa mundong iyon.
Binalikan sila ni Jhunnica. "So you enjoy our food?"
"Simply sumptuous," sagot ni Quincy. "Sa tingin ko mag-e-enjoy akong magtrabaho
dito. Lalo na't ganito kasarap ang ise-serve ko sa customers."
"Mukhang kokonti lang po ang dessert and pastry sa menu natin," pansin niya. "Sana
po magkaroon pa nang mas marami."
"We are working on that one. Sa ngayon, iisa lang ang pastry chef natin. Ilang
buwan pa lang nagsisimula ang operation. Thanks for the suggestion, Miles. I will
inform our head chef about this. But for now, take a rest. Maaga pa kayo bukas."
"Ma'am Jhunnica, hindi pa po namin nakikilala ang head chef," sabi niya.
"Ah, yes! Kadarating pa lang niya kahapon galing sa France. He attended a food
festival there. Mamayang gabi pa lang siya pupunta dito sa club. Don't worry. You
will meet him tomorrow morning."
"Guwapo ba siya, Ma'am? Masungit?" pilyang tanong ni Quincy.
"Why don't you find out yourself?" anang si Jhunnica.

Chapter 15
"NAKU! Bilisan mong magkape! Baka ma-late tayo. Lagot tayo kay Chef."
"Teka lang! Napapaso na nga ako dito!" angal ni Miles pero pilit pa ring uminom ng
mainit na kape. Wala pang alas kuwatro nang madaling araw. Opening sila ni Quincy
sa restaurant. Karamihan kasi ng members ng riding club ay sa restaurant nagbe-
breakfast. Maaga rin kasing nagho-horseback riding ang mga ito.
Ayon kay Jhunnica, nagho-host din ng business conference ang club. Sometimes, the
members take their clients there to unwind at doon na rin nagko-close ng deal. Kaya
may araw na sobrang dami ng trabaho nila.
Halos kaladkarin na siya ni Quincy nang makalabas na sila ng apartment. Ayaw
gumalaw ng paa niya. "Ano ka ba? Gusto mo pa yatang matulog dito."
"Ang lamig, Quincy! Parang bumababa pa yata ang ulap dito."
"Kapag hindi mo binilisan, iiwan kita dito!" banta nito.
Pagdating nila sa restaurant ay bukas na ang pinto. Sarado pa ang ilaw. Binuksan
niya ang isang ilaw. "Mukhang wala pang tao pero bukas na ang pinto. Weird," sabi
niya pagsilip sa kitchen. Madilim pa doon.
"Malay mo may tao na kanina. Tapos iniwan na lang bukas dahil may nakalimutan sa
quarters nila. Basta! Magtrabaho na lang tayo."
Inilagay niya ang gamit nila sa locker nang marinig nilang may kumakantang boses ng
lalaki. "I remember so well. The day that you came into my life."
Kinalabit siya ni Quincy. "Miles, sino iyon? Parang may multo yata dito. Narinig mo
iyong boses. Parang galing hukay!"
Tinabig niya ang kamay nito. "Huwag ka ngang ganyan. Takot ako sa multo." Baka
umuwi siya sa Manila nang wala sa oras. Diyos ko! Huwag po sana akong pagpakitaan
ng multo. Nandito po sa lugar na ito ang pangarap ko. Sabihin naman po ninyo sa
multo, huwag niya kaming takutin ni Quincy.
Subalit di pa rin nawawala ang boses hanggang mag-chorus. "How did you know? I
needed someone like you in my life. And there's an empty space in my heart. You
came at the right time in my life!"
Hinila niya si Quincy. "Kailangan nating labanan ang takot natin. Kita mo, mawawala
din ang multo na iyan."
"Paano kung magpakita sa iyo?"
"Magdasal na lang tayo, pwede? Saka mag-aalas-kwatro na. May dadating na tayong
kasamahan. Di na tayo masyadong matatakot."
"Sige!" sabi ni Quincy at sabay na lumabas ng locker room.
"Parang nanggagaling sa loob ng kitchen kanina," pabulong niyang sabi. "Ngayon
parang nasa may counter na. Mas malapit na." Napapikit siya. "Quincy!"
Inakay siya nito. "Kaya natin ito! Kaya natin ito!"
Dahan-dahan silang sumilip sa counter. Isang lalaki na nakasuot ng puti ang
nakatalikod habang kumakanta. Kinikilabutan talaga siya. Nagtatayuan na ang
balahibo niya. "No words can express how much..."
Pumikit ulit siya. Kaya niyang labanan ang multo basta di niya makikita nang
harapan. "Masamang espiritu, lumayo ka sa dito! Manahimik ka na!" sigaw niya.
"Anong kaguluhan ito? Sino ang masamang espiritu?"
Nang ibukas niya ang multo ay di naaagnas na bangkay ang nakita niyang nakatayo sa
counter kundi si Gino Santayana. Masamang espiritu nga.
Kinusot niya ang mata. Dinadaya lang ako ng paningin. Mukhang alam ng masamang
espiritu ang weakness ko. Tukso! Layuan mo ako!
Naramdaman niyang bumaha ng ilaw at napadilat siya. Si Gino nga mismo ang nasa
harap niya. At mas nakakatakot pa iyon kaysa sa multo. Parang gusto na niyang
magtatakbo pabalik sa pinanggalingan niya.

Chapter 16
"NAKU, Sir! Pasensiya na po!" sabi ni Quincy. "Kasi po akala namin wala pang tao."
Naestatwa si Miles nang dahan-dang lumapit sa kanila si Gino. Nakasuot ito ng
uniform ng chef. Di siya makatingin nang diretso dito at yumuko sa kahihiyan. Mas
malalang bangungot pa ito kaysa sa makakita ng multo.
"You must be the newbies," he said in a cool voice. Tumayo ito sa harap nila at
nagpapalit-palit ang tingin sa kanila ni Quincy. "I am Chef Gino Alfred Santayana.
You can call me Chef Gino. I am your head chef, kitchen manager and I own Riders
Verandah's Café and Restaurant."
Ano ba naman ang napasukan ko? Ngayon, di lang siya basta guest. Siya pa ang
magiging boss ko. As in BIG BOSS! It was like jumping from the frying pan to the
fire. Mali yata ang desisyon niya na magsimula ng bagong buhay sa Stallion Riding
Club dahil nandoon mismo ang multo na tinatakbuhan niya.
"I am Quincy Montoya. Nice meeting you, Chef!" anang si Quincy. Mabilis itong
nakabawi sa nangyari at nagawa pa nitong ngumiti.
"Millicent Buencamino, Sir." Inabot lang niya ang kamay pero di ito tiningnan.
Parang wala na kasi siyang mukhang ihaharap dito sa kahihiyan.
Kinamayan siya nito at bahagya pang inilapit ang mukha sa kanya. Na parang
kinikilala siyang mabuti. "Ah! It is good to know that I have an exorcist in my
staff. That was a very brave one, Miles," mariin nitong binanggit ang pangalan
niya. Hindi siya matapang. Ngayon pa lang ay naduduwag na siyang makaharap ito. His
hand was warm and it lessened the chill in her body. He was definitely not a ghost.
"Sorry, Chef! Matatakutin po kasi kami sa multo. Nakaputi po kayo kaya akala namin
multo. Di po namin sinasadya na mag-eskandalo," sabi ni Quincy.
"Akala ko may reklamo kayo sa boses ko," sabi ni Gino at humalukipkip.
"Naku, Sir! Wala pong problema sa boses ninyo," sabi ni Quincy.
Malaking problema kamo ang boses niya. Sa sobrang takot niya, nagmukha tuloy siyang
katawa-tawa sa harap nito. Unang araw pa ng trabaho niya.
"Medyo natakot lang kami dahil wala namang tao kanina," dugtong niya.
"Nasa private office ako kaya di ninyo ako nakita. Di ko naman naramdaman na
dumating kayo dahil nasa locker room na kayo paglabas ko," paliwanag nito. "Hindi
ninyo kailangang matakot. Wala pa namang incident na nagkaroon ng multo dito. We
have the place blessed. Saka huwag kang matakot, Quincy. Nandito naman si Miles.
Kayang-kaya niyang labanan ang mga multo."
"Good morning, Chef!" bati ng isa sa mga kitchen staff pagpasok. "Kumusta ang
France? May pasalubong po ba kami?"
"Siyempre. Lahat meron," sabi ni Gino at bumaling sa kanila. "Welcome to Rider's
Verandah Café and Restaurant. Welcome to Stallion Riding Club."
ANO ba kasi ang ginagawa ng kumag na ito dito pa nagtayo ng restaurant? Pwede
namang sa Tawi-tawi na lang, isip-isip ni Miles habang nakatitig kay Gino. Naka-out
na siya nang ipatawag siya nito sa opisina nito. Binabasa ang resume niya.
"Millicent Buencamino, twenty-two years old, graduate of Hotel and Restaurant
Management in Pamantasan ng Pasig." Itinapik ni Gino ang daliri sa baba. "Bakit
naisipan mong dito magtrabaho sa Stallion Club?"
"The salary and the compensations are okay, the place looks great and I want change
for one thing. And I thought this is a nice place to start again." Malay ba niyang
may guwapong impakto sa paraisong iyon?
Ibinaba nito ang resume at nanunukso siyang nginitian. "Hindi kaya sinusundan mo
lang ako?"
Napanganga siya. "E-Excuse me?"
Tumayo ito sa likuran ng upuan niya. "Two months akong nawala. Kaya naman na-
depress ka at na-miss mo ako. Kaya naisipan mong sundan ako dito."
Tumayo rin siya at hinarap ito. "Masyado ka namang guwapo para baguhin ko ang buhay
ko para lang sa iyo, Sir Gino. Ganoon ba ako kabaliw sa iyo?"
Nagkibit-balikat ito. "Iyon kasi ang sabi ng mga kasamahan mo."
"What?" bulalas niya.
"Dumalaw ako sa DOME kahapon. Sabi ng manager mo, naging matamlay ka mula nang di
mo ako nakita. Nawalan ka na ng ganang magtrabaho. Kaya naisipan mong lumipat
dito."

Chapter 17
Ang walang hiya! At ipinagtanong pa pala siya. Akala ba niya ay di na siya nito
guguluhin. "Iyon mismo ang dahilan ko kaya ako lumipat dito. Para makalayo sa tulad
mong makulit. Hindi kita nami-miss. Tatlong beses ko ngang inayawan na makipag-date
sa iyo, hindi ba?"
"Oo nga pala. Ayaw mo akong makita," malungkot nitong sabi. "Ibig sabihin gusto mo
nang mag-quit sa trabaho ngayon?"
"Hindi ko gagawin iyon. I like it here, kahit nandito ka pa."
"Kahit pa ako ang boss mo? Hindi ka ba natatakot na tuluyang ma-in love sa akin.
Araw-araw mo akong makikita. Sige ka, ikaw din."
"Hindi kaya ikaw ang natatakot na makita ako? Araw-araw mong makikita ang babaeng
sumira sa record mo dahil tinanggihan kita."
Humalakhak ito. "Of course not. Tuwang-tuwa nga ako dahil nandito ka. Sasaya na
naman ang boring kong buhay dahil sa iyo."
Naningkit ang mata niya. "Chef Gino, hindi personal clown mo ang job description
ko. I am here as a service crew. So please maging professional tayo sa isa't isa. I
will respect you as my boss and I will work diligently. Walang problema."
Gusto niyang maging pormal sila sa isa't isa. Ayaw na niyang makipag-flirt na naman
ito sa kanya. Mapapalapit lang ang loob niya dito. At sa dami ng babae na lagi
nitong isasama sa riding club, di na siya nito basta-basta maaakit. Sino ba naman
siya kumpara sa mga sosyal at magagandang babae na kakilala nito?
Tumango-tango ito at bumalik sa kinauupuan. "You said so."
"Pwede na po ba akong umuwi, Sir?"
"Teka!" May binuksan itong paper bag at inilabas ang muffler. Lumapit ito sa kanya
at inayos ang muffler sa leeg niya. "Malamig sa labas dahil elevated dito."
"Thank you." Lahat ay pinasalubungan nito kahit na si Quincy ay mayroon. "Akala ko
ba iyong champagne na ang pasalubong mo sa amin ni Quincy?"
"Nope. Pang-welcome ko iyon sa mga bagong empleyado ng Rider's Verandah. I bought
this muffler for you. Gusto ko sanang isuot mo ito kung sakaling yayain kitang mag-
date dito. Malamig kasi dito. I was about to ask you out again."
She didn't expect that. Akala niya ay wala na itong pakialam sa kanya. "Bakit
kukulitin mo na naman ako? Nagsawa ka na ba sa mga babae sa France?"
"Maraming nagyaya sa akin. Sabi ko may naiwan ako sa Manila at siya lang ang gusto
kong maka-date. Now, I am glad that you are here with me."
"I didn't come here to have a date with you. I came here to work. I will see you
tomorrow, Chef Gino." She must be more careful now. Kung di niya ilalayo ang sarili
kay Gino, tuluyan nang mahuhulog ang puso niya dito.

Chapter 18
Hindi magkandatuto sa pagha-handle ng orders si Miles. Siya ang barista sa araw na
iyon at anu-anong demands ang kasama sa order. Sanay na siya sa special demands ng
mga guests. Pero kapag naiisip na order iyon ng maaarteng babae na companion ng
ibang riders, naiinis siya.
Ang manager niyang si Jhunnica ay asawa ng isa sa mga members ng club. Di rin nito
gusto ang ilan sa mga babaeng nandoon. Umaastang mayaman at sosyal pero ang totoo
ay mga social climbers naman. At maliit ang tingin sa kanilang simpleng trabahador
lang sa riding club. At balita pa niya, ilan sa mga babae doon ay naging companion
na ni Gino. Lalo tuloy siyang nanggigil.
"Lagyan ko kaya ng sabon ang inumin ng mga iyan nang bumait?"
"Bakit nakasimangot ang sweetheart ko?" tanong ni Gino paglapit sa kanya.
"Hindi ako nakasimangot, Chef," aniya at awtomatikong ngumiti.
Sa mag-iisang buwang pagtatrabaho doon ay nasanay na siya sa paglalambing nito. Sa
ibang staff din naman ay malambing ito. Extra nga lang ang lambing nito sa kanya
dahil siya lang naman ang ginagamitan nito ng endearment.
Pagdating sa trabaho, professional naman ito. Maayos silang sinasabihan kapag
nagkamali. At tinitiyak nito na magkakasundo silang lahat. Mababait naman ang mga
kasamahan niya kaya wala ring problema.
"Pagod ka na siguro. Ako na ang magfo-froth ng milk," alok nito.
"Bumalik na lang ako sa kitchen, Chef. Ako na ang bahala dito."
Pinisil nito ang pisngi niya. "Sige. Huwag kang masyadong magpapagod."
Tumikhim si Quincy paglapit. "Pag-ibig na ba ang nakikita ko sa ngiti mo?"
Nilingon niya ito. "Pag-ibig ka diyan! Dalhin mo na lang ang order nila."
"Aminin mo na kasi. Halatang-halata na kayo ni Sir Gino. Pag-ibig na ba talaga
iyan?" tukso ulit nito.
"Magtrabaho ka na lang. Baka tarayan ka na naman ng isa sa mga babae diyan. Alam mo
naman ang ugali ng mga iyan."
"Huh! Mas maganda tayo sa kanila!"
Nasa counter na siya at magpapaalam kay Jhunnica na magbe-break nang lumabas ng
kitchen si Gino. "O, sweetheart! Break mo na ba? Tikman mo ang Spinach stuffed
Chicken Breast with Saffron Mayonnaise. Iniluto ko iyan para sa iyo."
"Thank you." Di niya mapigilang ngumiti. Halos araw-araw naman kasi siyang
ipinagluluto ni Gino. And it was a sweet gesture. Lagi naman kasing espesyal ang
niluluto nito para sa kanya. Mga pagkaing wala sa menu nila.
"Kita mo 'tong si Gino. May bago na namang dinidiskartehang babae. Di ba iyan din
ang iniluto niya para sa isang niligawan niya?" anang si Hiro, isa sa mga miyembro
ng riding club at kaibigan ni Gino.
"Shuichiro, paninirang puri iyan!" nakasimangot na sabi ni Gino. "Alam mo ba na
pwede kitang idemanda sa sinabi mo? Ngayon lang ako nagluto nito!"
"Hindi paninirang puri iyon," sabi ni Reid, ang may-ari ang Stallion Riding Club.
"Sabagay, mukhang alam naman na ni Miles ang tungkol diyan."
"Bumalik na nga kayo sa function room!" pagtataboy ni Gino sa dalawa. "Sa halip na
tulungan ninyo ako, sinisira pa ninyo ang diskarte ko. Pasalamat kayo at mga
kaibigan ko kayo. Kung hindi, di na ninyo matitikman ang masarap na luto ko."
"Basta huwag kang maniniwala sa pambobola niyan, Miles," pahabol na ni Shuichiro.
"Kaibigan niya kami kaya sa amin ka maniwala."
"Mga inggitero!" usal ni Gino pag-alis ng dalawa. "Sinisiraan ako dahil wala silang
Miles! Mamatay sila sa inggit."
"Wala ka rin namang Miles, hindi ba? Di mo naman ako girlfriend. At di rin naman
ako naniniwala sa mga pambobola mo."
"Heto ka na naman. Nagde-deny ka na naman. Aminin mo na kasing in love ka sa akin.
Araw-araw kong nilalagyan ng gayuma ang iniluluto ko para sa iyo."
"In love ako sa iniluluto mo."
"Sige na. Kumain ka na para lalo kang ma-in love sa akin. Sa susunod na magluto
ako, for sure aamin ka na rin na in love ka sa akin."

Chapter 19
Naiiling na lang si Miles nang mag-break sa duty. Di lang niya maamin kay Gino na
pakiramdam niya ay espesyal siya tuwing ipinagluluto siya nito.
"Ang sarap naman yata ng pagkain mo. Luto na naman ni Chef Gino 'yan, no?" sabi ni
Quincy. "Patikim naman."
Bahagya niyang itinulak ang plato dito. "Sige. Kumain ka. Masarap iyan. Gusto ko
ang blending ng saffron sauce sa chicken saka sa spinach."
Hay! Paano pa ba ako di mai-in love sa mokong na iyon? Guwapo, sweet at masarap
magluto. Baka sa susunod na yayain niya ako ng date, di ako makatanggi.
"Hmmm... masarap nga. Kung ganyan siguro ka-sweet sa akin ang fiancé ko at lagi
akong ipinagluluto, tuluyan ko na siyang pakakasalan."
"Ha? May fiancé ka?" gulat niyang usal. Di naman kasi pala-kwento sa kanya si
Quincy. Madalas lang itong mang-urirat ng buhay ng ibang tao pero wala naman itong
iki-kwento tungkol sa sarili. "Nasaan na siya? Kailan kayo ikakasal?"
"Ah, huwag na nating pag-usapan iyan. Hindi naman importante. Iku-kwento ko na lang
sa iyo kung ano ang napag-usapan sa function room."
"Nakikinig ka sa usapan sa function room? Tsismosa ka talaga."
"Tsismosa talaga ako! And you know what? There is a gathering this weekend. Mukhang
may tournament sila at kasama ang lahat ng members ng club. Nag-uusap-usap sila
kung sino ang dadalhin nilang companion."
"Dapat palang ihanda ko na ang sarili ko. Trabaho na naman iyon!"
"Hindi iyon ang inaalala ko. Sino kaya ang companion ni Sir Gino?"
Natigilan siya sa pagsubo. Sino nga ba ang isasama nito? "Naku! Huwag mo nang
problemahin iyon. Sa dami ng nagkakandarapa sa kanya, di siya mahihirapan."
"Paano kung ikaw ang yayain niya?"
"Ako? Nakita mo ba ang mga babae kasama niya? Maganda, sexy at kahit pa absurd ang
mga suot kaya nilang dalhin ang sarili nila. Hindi naman ako bagay doon. Saka
magtatrabaho na lang ako dito. Mas malaki pa ang tip."
PAUWI na si Miles sa staff's house ay di pa rin mawala sa isip niya ang tungkol sa
paparating na tournament. "Sino nga kaya ang makaka-date niya? Imposibleng ako
dahil wala namang sinasabi si Gino." Di niya maiwasang mainggit at magselos sa kung
sinuman ang makaka-date nito. "Nakakainis! Bakit pa kasi nabanggit ni Quincy? Sana
hindi na ako namomoroblema nang ganito!"
Ano ang gagawin niya kapag nakita niya si Gino na may kasamang ibang babae?
Makakakilos pa ba siya nang normal? Baka matulala na lang siya. O kaya ay sungitan
ang mga kasama niya. "Di ako dapat magpaapekto!"
Malapit na siya sa staff's house nang may tumawag sa pangalan niya. "Miles! Miles,
sandali lang!" anang si Gino. "May sasabihin ako sa iyo!"
Tumigil siya sa paglalakad. "Bakit, Sir?"
"Yayayain sana kita sa Sabado. We have a tournament and I want you to cheer for me.
I want you as my date."
Tumigil sa pagtibok ang puso niya. She was half-expecting it. Pero di niya alam
kung ano ang dapat sabihin. "Ahhh... may trabaho kasi ako."
"So? Pwede ka namang mag-day off sa ibang araw, di ba?"
"Ano... iba na lang ang yayain mo. Alam mo naman ang sagot ko, di ba?"
"Na ayaw mo akong maka-date? Oo. Basta ikaw pa rin ang gusto kong ka-date.
Ipapadala ko ang isusuot mo. Bahala ka kung isusuot mo o hindi."

Chapter 20
NAPAPITLAG si Miles nang sikuhin siya ni Quincy. "Hoy! Tulala ka na naman. Dalhin
mo na iyang order sa table fifteen. Baka mapagalitan pa tayo."
"Pasensiya na," usal niya at isinerve ang order. Araw iyon ng tournament pero
pinili niyang magtrabaho na lang. Nasa kuwarto pa rin niya ang damit na ipinadala
ni Gino. It was too pretty. Masasayang lang sa kanya. Ipinabalik na niya iyon nang
nakaraang araw pero bumalik ulit sa kanya kaninang umaga.
"Sabi ko naman sa iyo, samahan mo na lang si Sir Gino. Ano? Aayaw-ayaw ka tapos
malulungkot ka. Ewan ko ba kung bakit magulo ang kukote mo."
"Kasi... Basta! Magtrabaho na nga lang tayo!"
Maraming guest nang araw na iyon. Naroon ang lahat ng members at di pwedeng walang
kasama. Ang iba nga ay isinama pa ang kanya-kanyang pamilya. Buwan-buwan ay may
ginaganap na tournament para sa miyembro ng club. Pagkakataon na rin iyon para
makakilala ng bagong kaibigan. Ang iba naman ay ginagamit na pagkakataon iyon para
sa negosyo. Sa sobrang dami ng tao ay nagdagdag pa sila ng mesa sa labas ng
restaurant.
Kini-clear niya ang table sa labas nang pumasok si Gino at ang mga kaibigan nito.
Kasa-kasama ang mga companion ng mga ito. Iniwas agad niya ang tingin. Ayaw na
niyang malaman pa kung sino ang babaeng isinama ni Gino. Mas mabuti nang hindi ko
alam. Para hindi ako masyadong magselos.
Nang di sinasadyang masulyapan niya si Gino ay napansin niya na masaya itong
nakikipag-usap sa katabing babae. Masaya nga siya kahit wala ako. Magpapasalamat pa
nga siya dahil di ako pumayag makipag-date sa kanya.
"Miles, dalhin mo ito sa table ni Sir Gino," utos ni Jhunnica.
Pamanhirin mo na lang ang sarili mo. Ito naman ang gusto mo, di ba? Ang may kasama
siyang ibang babae? Di siya pwedeng magmukhang tanga sa tournament para sa iyo. You
are not that special either, Miles. Kaya wala kang karapatan na masaktan o
magselos, wika niya sa sarili.
"Poor Gino. Hindi ko alam na wala kang ka-date. Sana tinawagan mo si Tonette. She's
free today," anang si Jennelyn, anak ng isang dating sexy star.
Nagulat siya nang malaman na wala palang ka-date si Gino. Akala kasi niya ay isa sa
mga babae doon ang ka-partner nito. Nang iikot niya ang paningin ay siyam lang ang
nasa table. Si Gino ang walang kapareha.
"Sino naman ang may sabi na wala akong ka-date?" wika ni Gino.
"At nasaan naman ang ka-date mo?" tanong ng isa pang babae.
"Siya ang ka-date ko. Si Miles," anito at nilingon siya. Nagkataon na kalalapag
lang niya ng drinks ni Gino kaya nasa tabi niya ito.
"What? That waitress is your date?" mapanlait na sabi ng Jennelyn. "I can't believe
it, Gino! Madami namang babae diyan. Why her?"
"I can't imagine a waitress wearing our attire. She can't afford it," wika naman ni
Ryza, dating teen star. "The waitress uniform looks better on her."
"Oh, please!" usal ni Jennelyn at sinapo ang noo. "Please don't bring her to the
circuit. I would surely faint." Sumang-ayon ang iba pang babae. They gave her a
mocking glance then laughed.
"Excuse me," aniya at umalis sa table bago pa niya mahampas ng tray ang mga babaeng
iyon. Nakasunod sa kanya ang tingin ng nakapaligid sa table nila Gino, tiyak na
narinig din ng mga ito. "Ma'am, pwede pong five minutes break?" sabi niya ay
Jhunnica nang makarating sa counter.
Di na niya hinintay pa ang sagot nito at tuloy-tuloy siya sa locker room. Idinikit
niya ang ulo sa malamig na locker para kalmahin ang sarili. "Bitches!"
Bumukas ang pinto ng locker room. "Miles..."
Hinarap niya si Gino. "Ano bang pumasok sa utak mo? Bakit sinabi mo sa kanila na
ako ang ka-date mo?"
"Ano ngayon kung sinabi ko iyon? Ikaw talaga ang gusto kong maka-date."
"Sana hindi mo na lang sinabi. Tingnan mo, pinagtatawanan ka na ngayon. The whole
riding club knows that you prefer to have a waitress for your date."
"Wala akong pakialam kung pagtawanan nila ako."
"Ang tigas kasi ng ulo mo," paninisi niya dito. "Ibinalik ko na ang damit sa iyo.
Sinabi ko nang humanap ka ng ibang date na bagay sa iyo.
"You are pretty, Miles. And you are a nice person. Magkasundo rin tayo sa maraming
bagay. At kung kasama kita, hindi ako malulungkot."
She looked at him with sad eyes. "I won't fit in. I can't wear nice clothes. Sila
na ang nagsabi na ito lang ang bagay sa akin. Hindi ko rin sila kayang pakisamahan
dahil simpleng tao lang naman ako. Mapapahiya ka lang sa kanila."
"Bakit naman ako mapapahiya? Dahil service crew ka dito at nakita ka nilang
nakasuot ng uniform? I am proud of you, Miles. Kahit ano pa ang suot mo pagharap sa
kanila, ipagmamalaki pa rin kita."
"But I am not like them--"
Pinigilan ng daliri nito ang labi niya. "You don't have to be like them. I like you
for what you are. Kung pagtawanan man nila ako dahil ikaw ang gusto ko, wala akong
pakialam. You know what the sad thing is? Iniisip mo na kasing babaw din ako ng iba
sa tagal na kasama mo ako dito," anito at lumabas ng locker room.
Sumandal siya sa locker habang nakatitig sa pintong nilabasan ni Gino. Did she
judge him hastily? Sa sobrang pagprotekta ba niya sa sarili ay nasaktan niya ito?
Hindi nga ba niya kilala ang totoong Gino?

Chapter 21
MARAHANG kumatok si Miles sa private office ni Gino. Higit isang linggo na mula ang
tournament. Mula noon ay di na siya nito kinibo. Di na rin ito palabiro sa kanya.
Samantalang di naman nagbago ang pakikitungo nito sa ibang tao. She missed the old
Gino she knew. Iyong mahilig mag-flirt at sweet. Pero hindi niya alam kung babalik
pa ang dating Gino sa kanya.
"Come in," anang si Gino pagkatok niya.
"Sir, pwede kayong makausap?"
Inangat nito ang tingin sa papel na hawak. Napansin niya na nakakalat sa table ng
schedule nila, costing at pati accounting report. Lahat kasi ay si Gino ang
gumagawa. Kaya hindi simple ang trabaho nito. "Pasensiya na kung makalat."
"Hindi naman ako magtatagal. Gusto ko lang mag-sorry sa nangyari noong nakaraan.
Napahiya ka dahil sa akin."
"Iniisip mo pa rin ba iyon? Forget about it!"
"Baka kasi nagalit ka sa akin. Sorry kung hindi ako nakipag-date sa iyo. Sorry rin
kung inakala mong inisip ko na mababaw kang tao. Ayoko lang naman na mapahiya ka.
Siyempre, may sinasabing tao ang mga iyon. Sino ba naman ako..."
"Stop belittling yourself, Miles. Di dahil may pera ang iba sa kanila, mas mabuti
na silang tao kaysa sa iyo. Some have their own insecurities na pinagtatakpan nila
ng pera. At di rin lahat sa kanila, tinitingnan ang suot ng mga tao. You have a
decent job. You know how to work. You should be proud of yourself."
"Yes, Sir!" aniya at tumango. Hindi niya makakalimutan na sinabi ni Gino na proud
ito sa kanya. Kahit simpleng service crew lang siya. "Thank you."
"Huwag ka munang umalis. Nabanggit sa akin ni Jhunnica na nag-comment ka tungkol sa
mga dessert at pastries natin. You are not happy about them?"
"They taste good. Pero mas maganda po sana kung may iba pang variety tayo na io-
offer sa mga guests natin. We can even make a sensation out of our desserts if you
want. After all, marami sa mga customers natin mahilig sa coffee at tea. And they
are perfect for pastries and cakes."
"Nabanggit mo sa akin na gusto mong maging pastry chef. Bakit hindi ka na lang nag-
apply na pastry sous chef?"
"Wala pa akong certificate sa baking and pastry. Hindi ko natapos ang special
course dahil kinulang ako ng pang-tuition."
"You have lots of potential, Miles. Nakausap ko ang manager mo sa DOME. Isang
semester na lang yata ang kukunin mo. You can still work while taking up that last
semester. Your culinary arts school has a branch in Tagaytay. You can transfer
there. We can provide you the tuition and hire you right away."
"Hindi, Sir! Mag-eenroll naman ako. Nakaipon na ako. Hindi na siguro kailangan pa
na gastusan ninyo ako." Sanay siyang magsumikap nang sarili niya. College pa lang
ay working student na siya. Sa laki ng tip niya na natatanggap sa riding club at
dahil wala naman siyang masyadong gastos, nakatipid siya sa sweldo niya at malaki
ang tip. Sapat na ang naipon niya para mag-enroll.
"We will expand the dessert line with your help. A few months from now, we will
celebrate the Rider's Verandah's anniversary highlighting our new line of desserts.
Kausapin mo ang pastry chef natin para sa mga bagong recipes."
She stared at him open-mouthed. "I would be like a pastry sous chef?"
"Yes. A sous chef."
"Sigurado kayo, Sir?" Parang inilalapit na siya nito sa pangarap niya. Sa pagiging
sous chef ay mate-train siya. At ilang taon pa ay magiging chef na siya.
"Of course. Alam ko na hindi mo ako ipapahiya."
Ginagap niya ang kamay nito. "Thank you, Sir! Gagalingan ko, promise!" Sa
pagkakataong ito, titiyakin niyang di na mapapahiya pa si Gino.

Chapter 22
"Out na ako!" anunsiyo ni Miles nang matapos ang duty niya nang araw na iyon. "I
will see you tomorrow!" May klase siya sa culinary art school at maya maya lang ay
dadating na ang coaster na maghahatid sa kanya sa Tagaytay. Three times a week ang
klase niya. Wala siyang problema dahil binibigyan siya ng konsiderasyon dahil nga
nag-aaral pa siya. Ilang buwan na lang at sasalang na siya.
"Dalhan mo kami ng luto mo, ha?" anang si Jhunnica. Naglilihi ito at nahihilig sa
kung anu-anong pagkain. Napag-iinitan pa nito ang kakaibang desserts.
Lumabas ng private office nito si Gino. "Miles, sandali!"
"Bakit, Sir?" tanong niya. Mula nang mag-usap sila, pinapansin na ulit siya nito.
Kaya naman lagi silang inuulan ng tuksuhin kapag nag-uusap sila ni Gino.
"Lumapit ka dito," nakangiting utos nito.
"Bakit hindi na lang ninyo sabihin?" Wala customer noon dahil katatapos lang ng
lunch. Kaya pwede silang mag-usap nang sila-sila lang ang nakakarinig.
Humalukipkip ito. An unnerving stance telling her that he was the boss. "Basta!
Gusto ko lumapit ka."
Kumunot ang noo niya. "Sir, aalis na ako, eh!" Kadalasan naman kasi ay wala naman
itong importanteng sasabihin. Gusto lang siyang inisin. "Bukas na lang."
"Naku! Insubordination iyan!" kantiyaw ng mga kasamahan niya.
"Bibigyan kita ng memo kapag hindi ka lumapit sa kanya," banta pa ni Jhunnica na
naging hobby na ang kantiyawan sila ni Gino.
Direkta niya itong tiningnan sa mata paglapit. "Bakit, Sir?"
Ginagap nito ang kamay niya. "Will you take care for me?"
"Ha?" usal niya. Parang di pa nga pumasok sa utak niya ang sinabi nito.
"I said would you take care for me."
Napipilan siya at di makasagot dito. Ano naman ang sasabihin ko?
"Uy! Ang sweet naman! Baka langgamin!" tukso ni Quincy. Maging ang iba pang tao sa
paligid nila ay kinikilig.
Mabilis niyang binawi ang kamay. "Ang corny mo! Yuck!"
Ayaw niyang aminin dito na natutuwa siya sa gesture nito. Kasi lalaki na naman ang
ulo nito at kakantiyawan siyang in love dito. Mapipikon lang siya. At sa huli, baka
mapaamin nga siya nitong in love siya dito kahit hindi pa masyado.
Tumalim ang mata nito at hinila ang kamay niya. Bahagyang lumapit ang katawan niya
dito at inilapit pa ang mukha sa kanya. "Anong corny, huh? Corny ba na mag-alala
ako para sa iyo."
Pilit naman niyang inilalayo ang ulo dito. "Kahit naman hindi mo sabihin sa akin,
aalagaan ko talaga ang sarili ko."
Inilapit pa rin nito ang mukha sa kanya. "Sagutin mo muna nang maayos ang sinabi ko
kanina. Will you take care for me?"
Nanuyo ang lalamunan niya. Ang lapit-lapit na ng mukha nito. Parang isang hibla na
lang ay magdidikit na ang labi nila. "Yeah, I will. Always."

Chapter 23
"Good," sabi ni Gino. Pero di pa rin inilalayo ang mukha kay Miles at nakatitig pa
rin. Kahit ang kamay niya ay di pa nito binibitiwan. Parang matutunaw na siya!
Anong gagawin ko? He can't be serious! Di niya ako hahalikan sa harap ng maraming
tao. At hindi rin ako magpapahalik sa kanya nang ganito!
"S-Sir, male-late na ako. At baka iwan pa ako ng service."
Saka lang siya nito binitiwan at lumayo nang bahagya. Malapad ang ngiti nito.
"Sige. Magkita na lang tayo bukas."
Nakahinga siya nang maluwag pero nanlalambot ang tuhod niya. At dahil nanunukso rin
ang ngiti ng mga kasamahan niya ay di siya makatingin nang diretso.
"Sayang! Konti na lang iyon!"sabi ni Quincy nang sundan siya sa locker room.
"Anong sayang? Baka bumula ang bibig ko kapag hinalikan niya ako."
Hinampas nito ang balikat niya. "Kunyari ka pa. If I know, nabitin ka."
"Heh! Hindi kita pasasalubungan ng cherry flan!" banta niya.
"Walang ganyanan! Pumasok ka na nga!" pagtataboy nito.
Habang naghihintay sa service ay di niya maiwasang mangiti. Doon na lang niya
hinayaan ang sarili na kiligin. Kapag nag-iisa na lang siya.
Pasakay na siya ng service nang tawagin ulit siya ni Gino. "Miles, sandali!"
Nang lumingon siya ay nasa kalahati na ito ng patio papunta sa kalsada. "Bakit,
Sir?" tanong niya. Mukhang importante dahil hinabol pa siya nito.
"Pabaon ko para ma-inspire ka!" At nag-flying kiss ito.
Tumawa siya at iiling-iling pagsakay ng service. Hanggang pag-alis nito ay di nito
tinigilan ang pagpapa-cute sa kanya. Pag-upo niya ay nilingon pa niya ang
restaurant. Nakatayo pa rin ito sa patio at kumaway nang makita siyang lumingon.
Sumandal siya at pumikit. "Kung alam ko lang na seryoso ka at di mo ako
pinaglalaruan, tuluyan na siguro akong mai-in love sa iyo, Gino."
DI napansin ni Miles ang paglipas ng oras. Masyadong mabusisi ang cake na iniluto
niya kaya naman inabot siya ng alas diyes ng gabi sa pagde-decorate. Mabilis siyang
pumunta sa may 7-Eleven sa Tagaytay Rotonda para habulin ang service.
"Naku! Naiwan na yata ako ng service. Pasado alas diyes na."
Alas diyes ng gabi ang huling biyahe ng service pabalik ng riding club. Ihinahatid
nito ang mga empleyado na nakatira sa labas ng riding club. Ang pwede lang niyang
sakyan ay tricycle pabalik sa riding club. Mahal nga lang ang singil.
"Ano ba iyan? Wala rin yatang tricycle na bumibiyahe." Ipinadyak niya ang paa.
"Manhid na ang paa ko sa sobrang lamig!"
Pumasok muna siya ng 7-Eleven para bumili ng kape. Kung di niya iyon gagawin,
malamang ay magyeyelo na ang dugo niya. Nakaupo siya sa stool at hinihipan ang kape
niya nang mag-ring ang cellphone niya. Number ni Gino ang naka-register. "Hello,
Sir! Bakit po kayo napatawag?'
"Nasaan ka na?"
"Nandito sa 7-Eleven. Naghihintay ng..."
"Naghihintay ka sa wala. Kanina pa dumating ang service at wala ka. Wala ka daw
nang alas diyes sa 7-Eleven sabi ni Mang Pilo."
"Kasi ano..."
"Diyan ka lang. Huwag kang aalis, ha? Hintayin mo ako."
Napatitig na lang siya sa cellphone niya nang maputol ang tawag. "Anong problema ng
lalaking iyon? Di pa ako nakakapagsalita, kung anu-ano na ang sinasabi." Ibinuhos
na lang niya sa pag-inom ng kape ang pagtataka.
Maya maya pa ay nag-park ang kotse ni Gino sa harap niya. Bumaba ito at hangos na
pumasok sa 7-Eleven. Kinawayan niya ito. "Sir Gino! Kape tayo!"
"Nakukuha mo pa akong yayain na magkape samantalang nag-aalala na ako sa iyo. Bakit
ka ba naiwan ng service? Di ba dapat alas nuwebe pa lang tapos na ang klase mo?
Alas diyes na, wala ka pa dito. Saan ka nagpunta? Sino ang kasama mo?"
"Nasa klase ko. Matagal maluto ang cake na nai-bake ko. Masyadong maraming arte sa
preparation at sa decoration. Hindi ko naman pwedeng madaliin iyon dahil papalpak
ang luto ko. Baka ipaulit pa iyon sa akin."
Bahagya itong kumalma. "Iyon lang? Hindi ka nakipag-date?"
"Kung nakipag-date ako, di ako papayag na di niya ihatid sa riding club. Ang kapal
naman ng mukha niya kung iiwan na lang niya ako dito, no?"
"Pero walang nag-aalok sa iyo ng date?"
"Wala." Hinawakan niya nang mahigpit ang Styrofoam cup at tinitigan ang kape. "Ikaw
lang naman ang huling nagyaya ng date sa akin. Saka kahit may magyaya pa, hindi ako
makikipag-date. Sayang lang ang oras ko."
"Bakit naman masasayang ang oras mo sa pakikipag-date?"
"Gusto kong mag-concentrate sa bagong menu para sa dessert line natin. Marami akong
ideas na kailangang I-consult kay Chef Rhea." Si Rhea ang pastry chef nila sa
Rider's Verandah. "Ang dami-dami kong kailangang pag-aralan. Sa palagay mo, paano
ko pa isisingit ang date sa buhay ko?"
Itinapik nito ang daliri sa counter. "Time management lang iyan. Kung marunong kang
mag-manage ng oras, kaya mo lahat iyon."

Chapter 24
Nakataas ang kilay na tiningnan ni MIles si Gino. "Based on experience ba iyan? Na
kaya mong pagsabayin ang trabaho at pakikipag-date?"
"Bakit? Mali ba iyon?"
"Sa iyo, madali lang. Di ka naman kasi kailangang maging emotionally attached sa
ka-date mo." Nangalumbaba siya. "Hindi ako ganoon. Hindi ako ang tipo ng babae na
makikipag-date lang para masabing may ka-date. Ikino-consider ko ang ka-date ko
bilang future boyfriend ko. I call that serious dating."
"Teka, parang pinalalabas mo naman na hindi ako seryoso kapag nakikipag-date ako.
Akala mo nakikipaglaro ako."
"Hindi nga ba? Sa dinami-dami ng babaeng dumaan sa buhay mo at naging girlfriend
mo, iyon ang nakikita ko. Wala ka naman yatang sineseryoso sa kanila."
"Sa pagde-date, siyempre titingnan mo muna kung compatible kayo ng ka-date mo.
Hindi naman pwede na gusto mo agad mag-commit o may maramdaman sa isang tao kahit
di pa ninyo kilala ang isa't isa. Nagkataon lang na hindi ko kasundo ang mga
nakaka-date ko. May nakikita akong ugali nila na hindi ko gusto. Mas mabuti nang
tigilan namin kung walang patutunguhan, hindi ba?"
"Yes. Then you'll jump to another girl," she chided.
"Sandali lang. Bakit parang galit ka sa akin dahil lang marami akong babaeng naka-
date dati? Naghahanap lang din naman ako ng tao na makakapagpasaya sa akin at
makakasundo ko. Masama ba iyon?"
Napatitig lang siya sa mukha nito. Madalang kasi silang mag-usap nang seryoso ni
Gino. Minsan, pakiramdam kasi niya ay kilala na niya si Gino ayon sa nakikita niya
at sarili niyang interpretasyon. Pero may ibang Gino pa siyang nakikita kapag nag-
uusap sila ng seryoso. And it was ruining her expectations.
Tama. Siguro nga tao lang siya. Iniisip ko kasi na pinaglalaruan lang niya ang mga
babae sa pagpapalit-palit niya ng ka-date. Pero gusto lang din naman niyang masaya
at humanap ng taong magmamahal sa kanya. Katulad ko.
Binawi niya ang tingin dito at ipinilig ang ulo. Naku! Nakikisimpatya na ako sa
kanya. Okay na sana dati. Tanggap ko nang playboy siya. Pero habang iniintindi ko
ang Gino na di ko basta-basta nakikita, gumaganda lang lalo ang image niya sa akin.
Hindi ito pwede! Nasisira ang harang na inilagay ko sa pagitan namin. Nawawalan ako
ng rason para hindi ma-in love sa kanya.
Bumaba siya ng stool at binitbit ang kape. "Sa kapapalipat-lipat mo, paano ka
makakatagpo ng babae na talagang gusto mo."
"Matagal na akong tumigil sa klase ng dating na sinasabi mo," anito paglabas nila
ng convenience store. "Isang babae lang ang niyaya kong maka-date. Ikaw. And I
never asked anybody else out since then."
Sumandal siya sa kotse nito. "And I refused."
"And I am going to ask you out again until you say yes."
"Bakit?" tanong niya at sumimsim ang kape.
"Kasi tingin ko magkakasundo tayong dalawa. I think we are destined for each other.
You are the one for me." Nasamid siya sa sinabi nito at napaubo. Bahagya pa iyong
mainit kaya napasigaw siya nang mapaso. "Miles, anong nangyari sa iyo? Okay ka
lang?" Hinaplos nito ang likod niya.
"Huwag ka ngang basta-basta magbibiro. Paano kung mamatay ako dahil sa joke mo,
ha?" I am the one for him daw! Maniwala naman ako.
Tumigil sa paghaplos ang palad nito sa likuran niya. "Hanggang ngayon ba hindi ka
pa rin naniniwala na seryoso ako? Na gusto talaga kita?"
Tumayo siya nang tuwid. "Uwi na tayo, Sir. Maaga pa pasok ko bukas."
He looked disappointed. And so was she. Kapag ako naman ang nagseryoso sa sinabi
mo, anong mangyayari sa atin? Nakita niya kung paanong napahiya si Gino minsan
dahil sa kanya. Nakita niya kung gaano kalupit ang sirkulong ginagalawan nito. Mali
ka, Gino. Hindi tayo bagay. Hindi ako ang babae para sa iyo.

Chapter 25
"MILES, gising!" sabi ni Quincy at niyugyog siya.
"Huwag kang istorbo. Gusto ko pang matulog," ungol niya at lalong isinubsob ang
mukha sa unan. Holiday nang nakaraang araw at wala siyang pasok sa culinary school.
Pero dagsa naman ang mga tao sa Rider's Verandah Café. Halos lahat yata ng members
ay sa Stallion Riding Club nagpalipas ng araw.
"Nandiyan si Sir Gino. Gusto ka daw makausap."
"Isa pa siyang istorbo. Sabihin mo mamaya na lang siya makulit."
Sobra nang pagpapa-cute iyon. Pati ba sa oras ng tulog niya ay bubulabugin siya
nito para lang magpa-cute. Sa panaginip na lang niya ito magpa-cute dahil gusto pa
niyang matulog. Sa hapon pa naman ang duty niya.
"Quincy, sabihin mo sa kanya na ako mismo ang gigising sa kanya kapag hindi pa siya
bumangon ngayon."
Bumalikwas siya ng bangon at nakita si Gino na nakasandal sa hamba ng pinto ng
kuwarto niya. Kinusot niya ang mata at maang napatitig dito. Hindi siya
nananaginip. Si Gino nga ang naroon. Napatili siya at mabilis na hinablot ang kumot
saka itinakip sa katawan niya. "Anong ginagawa mo dito?"
"Sinusundo kita."
"Anong sinusundo? Lumabas ka ng kuwarto ko! Sa labas tayo mag-usap."
"Wala ba akong good morning kiss?" nakangising tanong nito.
"Good morning sapak, gusto mo?" Kahit pa sabihing boss niya ito at pati ang staff's
house na iyon ay pag-aari nito, wala itong karapatan na basta-basta na lang pumasok
ng kuwarto niya nang wala siyang permiso.
Humalakhak si Gino at lumabas ng kuwarto. "Dito lang ako sa labas."
Hinampas niya ang braso ni Quincy. "Ano ka ba? Bakit hindi mo sinabi sa akin na
nandiyan lang pala si Sir Gino? Tingnan mo nga ang itsura ko! Ni hindi pa ako
nagsusuklay o nagtu-toothbrush! Nakakahiya tuloy."
"Mag-ayos ka na. Kundi papasukin ka na naman noon."
Nagkukumahog siyang nag-toothbrush at naghilamos. Magsusuklay sana siya nang
katukin ulit siya ni Gino. "Lumabas ka na!"
Inis niyang ibinaba ang suklay at lumabas ng kuwarto. "Bakit ba?"
Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. Maluwag na t-shirt at pajama lang ang
suot niya. "Pwede na iyan. Halika na!"
"Ha? Saan tayo pupunta? Tingnan mo nga itsura ko. Di pa ako nagsusuklay."
Isinuklay nito ang daliri sa buhok niya. "Maganda naman ang buhok mo. Saka pwede na
iyan. Basta maipakilala lang kita sa Mommy at Lola ko."
"Ano? Nababaliw ka na ba?"
Matiim na ang mga labi ni Gino nang lumabas si Miles ng kuwarto. "Ang tagal mo
naman. Mukhang namili ka pa talaga ng magandang damit para lang makapagpa-impress
sa lolo at mommy ko."
"Anong gusto mo? Humarap ako sa kanila nang bagong gising? Hindi naligo at ni hindi
nagsuklay? Nakakahiya naman iyon!" angal niya nang pasakay na sila ng kotse nito.
Day off nito nang araw na iyon.
"Excited lang naman akong ipakilala ka sa kanila. Anong nakakahiya doon? Mabuti nga
makita nila kung gaano ka kaganda kapag bagong gising kahit na di ka pa nagsusuklay
at pajama lang ang suot mo," katwiran nito.
"Hindi ko alam kung bulag ka lang o gusto mo talagang maging katawa-tawa ako sa
harap ng kamag-anak mo. Paano naman ako magiging maganda nang hindi pa nagsusuklay
at naliligo? Kalokohan iyon! Saka bakit mo ba ako ipapakilala sa kanila? Hindi mo
naman ako girlfriend, ah!"
"Bakit? Ayaw mo bang makilala ang future in laws mo?"
"Ano?" Napalingon siya nito. "Anong in laws ang sinasabi mo diyan?"
Ngumisi lang ito. "Joke lang!"
Tumahimik na lang siya. Lalo lang kasi siyang kinakabahan habang papalapit nang
papalapit sa villa ni Gino. Minsan na niyang natanaw ang villa nito sa tabi ng lake
nang mamasyal sila ni Quincy. Pero di pa niya iyon nakikita nang malapitan at
lalong di pa siya nakakapasok doon.
Isa pa niyang ikinakakaba ay kung paano pakikiharapan ang mga kamag-anak nito.
Masungit ba sila o matapobre tulad ng mga babae sa riding club? Baka hindi nila ako
magustuhan at isipin na gold digger ako. Na habol ko lang ang kayamanan ng Gino at
ng pamilya nito. Tapos paglalayuin nila kami ni Gino. Nasapo niya ang pisngi nang
maisip na nasa eksena siya sa isang telenovela. Waaa! Masyadong madrama iyon! Ayoko
ng masyadong madrama!
Niyugyog nito ang braso nila. "Miles? Miles, okay ka lang?"
"Ha?" Nilingon niya ito. "Oo. Bakit?"
"Akala ko masakit ang ngipin mo."
Ibinaba niya ang kamay. "Matagal pa ba tayo?"
"Nandito na tayo. Kanina pa."
Saka niya natuklasan na nasa harap sila ng lake cabin nito. Ni hindi man lang niya
napansin sa sobrang pag-aalala. "Hindi mo naman sinasabi."
Muntik na siyang umurong nang makita sa porch ang dalawang babae. Nakasuot ng wide
brim hat at dress ang mga ito tulad ng mga babae sa riding club. But theirs looked
more finesse and authentic. She could see the refinement as they handle the cup of
tea and drank. Parang galing sila sa Victorian era.
"Huwag kang matakot sa kanila. Mababait ang mga iyan."
Tumayo ang mommy ni Gino at sinalubong sila. "Hello!You must be Millicent."
"Miles lang po, Ma'am," magalang niyang sabi.
"Meet my beautiful mother, Priscilla Santayana."
Hinalikan siya ni Priscilla sa pisngi. "Come! Akala ko hindi ka na maisasama ni
Gino dito. Kanina pa kami naghihintay dito."

Chapter 26
"I am sorry. Hindi ko po alam na pupunta kayo dito. Natutulog pa po ako nang
sunduin ako ni Sir Gino. I don't intend to keep you waiting." Saka niya pasimpleng
minulagatan si Gino. Napasubo kasi siya dahil dito.
"It is okay." Mabait naman pala ang mommy ni Gino. Pero nang makaharap niya ang
lola ni Gino ay halos di siya nito tinitingnan. Busy ito sa pagbabasa ng English
Regency novel. Napahawak siya sa kamay ni Gino sa sobrang kaba.
"Miles, this is my abuela, Dorina Santayana," pagpapakilala ni Gino.
"Good morning, Ma'am," magalang niyang bati.
Bahagyang ibinaba ni Dorina ang salamin at pinasadahan siya ng tingin mula ulo
hanggang paa. "Kanina pa kami naghihintay sa iyo. Ayaw ko sa lahat pinaghihintay
ako. Naubos na nga ang tsaa namin pero wala pa kayo."
Yumuko na lang siya. "Sorry po."
"Lola, nagpaganda pa si Miles para sa inyo. Sabi ko nga pwede ko na siyang dalhin
dito kahit di pa siya nagsusuklay at kagigising lang niya."
"Gino, walang matinong babae na haharap sa amin nang ganoon," sabi ni Priscilla.
"Siyempre gusto namin maganda kami kapag humarap kahit kanino."
"Mommy, maganda pa rin si Miles kahit na kagigising lang," katwiran ni Gino.
"Sabi mo kasi maganda lang siya," sabi ni Dorina. "Mas maganda pa nga siya sa akin.
Sabi mo ako ang pinakamagandang babae para sa iyo."
Muntik na siyang matawa nang mahimigan ang pagtatampo ni Dorina. Mukha kasing
nagbibiro lang ito. Pero wala namang kangiti-ngiti. Seryoso nga yata. Saka ganoon
ba ako kaganda? Hindi naman masyado, ah!
Niyakap ni Gino si Dorina at kinindatan siya. "Magkaiba kayo ng ganda ni Miles.
Saka huwag na kayong magtampo kung na-late kayo. Ipagbe-bake naman kayo ni Miles ng
coffee mousse mamaya."
"Coffee mousse? At paano naman ang diet namin ng mommy mo?"
"Low in calories po iyong recipe ko," sagot niya. Kagagawa pa lang niya ng low
calorie recipe na iyon noong isang linggo. Isusubo na naman siya ni Gino. Mao-
obliga tuloy siyang mas pasarapin pa ang luto mamaya.
Apprentice na siya ng pastry chef nila. Sandali na lang kasi at matatapos na niya
ang special course niya sa culinary school. Aprubado naman ang luto niya sa iba
pero mukhang kailangan iyang I-please nang todo ang kamag-anak ni Gino.
"Kapag masarap ang coffee mousse mo, saka lang kita tatanggapin bilang girlfriend
ng apo ko," sabi ni Dorina. "Maliwanag ba?"
"Po?" usal niya.
"Ma, don't be so hard on Miles," wika ni Priscilla. "I think she is nice."
"Hindi ko pa sigurado kung bagay nga siya bilang girlfriend ni Gino."
"Excuse me lang po. Mukha pong na-misinterpret lang ninyo. Hindi ko naman po kasi
boyfriend si Gino," singit niya.
Parehong nagulat sina Priscilla at Dorina. "Ha? Bakit? Ayaw mo ba sa apo ko?"
tanong ni Dorina.
"Oo nga," nag-aalalang sabi ni Priscilla. "Matagal ka na niyang nai-kwento sa amin.
Akala ko nagde-date na kayo at girlfriend ka na niya. Kaya ka nga namin gustong
makilala dahil mukhang gustong-gusto ka niya. He even mentioned about wedding the
last time we talked."
Nang-aakusa niyang pinukol ng tingin si Gino. Kasal? Anu-ano ba ang sinasabi ng
lalaking ito sa kanila? Nababaliw na ba ito? "Sa palagay ko po, imposibleng
magpakasal kami. Kasi hindi naman po siya nanliligaw."
"Gino, kailan ka pa pumalpak pagdating sa panliligaw?" naiiling na tanong ni
Dorina. "Ni hindi mo na nga kailangang manligaw ng babae. Isang ngiti mo lang, sila
na ang nagpapakamatay na manligaw sa iyo."
"Niyaya ko siyang mag-date pero ayaw niya. Araw-araw ko pa nga siyang ipinagluluto.
Lagi akong sweet sa kanya," katwiran pa ni Gino at iniiisa-isa ang mga ginawa para
sa kanya. "Hindi pa ba ako nanliligaw no'n?
"Panliligaw ba ang tawag doon? Hindi mo naman sinasabi. Akala ko nagpapa-cute ka
lang saka gusto mo lang akong kulitin," kontra naman niya.
"Maniniwala ka ba kapag sinabi kong manliligaw ako?"
Tinakpan ni Priscilla ang bibig at tumawa. "Gregory Alfred, this is such a shame!
Wait till your dad hears about this. Makakatanggap ka ng lecture."
Tinapik ni Dorina ang tabi ng rocky rattan sofa. "Umupo ka dito, hija." Umupo siya
tabi nito. Hinaplos nito ang buhok niya at ngumiti. "I think I am starting to like
you. My grandson finally met his match."

Chapter 27
"THIS is really great, hija! A coffee mousse that is low in calorie and it is even
more delicious than the traditional mousse," sabi ni Priscilla na pangalawang
serving na ng coffee mousse ang kinakain. "I have to be here on the café's
anniversary. Gusto kong matikman ang iba pang desserts na ila-launch ninyo."
Sa Rider's Verandah nag-miryenda ang mga ito nang hapon. Naka-duty siya at nag-bake
siya para sa mga ito. Si Gino naman ay kasamang nag-horseback riding ang Papa nito.
Hahayaan daw nitong mag-girl bonding sila ng lola at mommy nito.
"Thank you, Tita," sabi niya. Ayaw na nitong magpapatawag ng Ma'am dahil botong-
boto ito sa kanya na maging girlfriend ni Gino.
"Ubos na ba ang rainbow tart?" tanong ni Dorina. "Magpapatikim ka lang sa akin,
hindi mo pa dinamihan ang nai-bake."
"Ma, marami pa dito. Saka babalik pa tayo at ipagbe-bake ulit ni Miles."
"Natutuwa po ako kasi nagustuhan ninyo ang luto ko," sabi niya.
"Ang totoo, hindi kami marunong magluto ni Mama," sabi ni Priscilla. "Pareho kaming
mahilig sa pagnenegosyo. Isa lang naman ang naging anak ko. Si Gino pa. Pangarap ko
na magkaroon ng anak na magaling magluto kaya pinapasok ko siya sa culinary arts
school. At the age of twenty five, he is quite a success."
"Pero iba pa rin kapag may babae sa pamilya. Kaya nga gusto namin na magaling din
sa pagluluto ang pakakasalan ni Gino," dagdag ni Dorina. "You can't imagine the
tragedy of a mother who doesn't know how to cook. Mabuti na lang mabait ang lolo ni
Gino. Naintindihan niya ang kahinaan ko. Kaya siguro kahit ang anak ko, okay lang
na makapag-asawa nang di marunong magluto. Ayaw naming mangyari iyon kay Gino.
Gusto namin may mag-aalaga sa kanya. Iba pa rin siyempre kapag babae ang
nagluluto."
"Mas magaling pong magluto si Gino," sabi naman niya. "Kahit po siguro di magaling
magluto ang babaeng gusto niya, basta mahal niya."
"Hindi mo ba talaga gusto ang anak ko?" tanong ni Priscilla. "Alam mo kasi, ngayon
lang siya nagkwento tungkol sa babaeng gusto niya. At ikaw lang ang babaeng
ipinakilala niya sa amin. Iyong ibang babae kasi, hindi ko gusto ang ugali. Sila pa
mismo ang lumalapit sa akin at nagpapakilalang girlfriend ng anak ko. Mommy agad
ang tawag sa akin. Kinikilabutan tuloy ako."
"Okay naman po si Sir Gino. Guwapo, mabait, magaling mambola kaya kahit sinong
babae mai-in love sa kanya. Pero marami pa po kasi akong gustong patunayan sa
sarili ko. At nasabi ko na po iyon sa kanya."
"At hayaan mo rin na ayusin ni Gino ang panliligaw niya," sabi ni Dorina.
"Huwag mo lang masyadong pahihirapan at gusto ko na ring magkaroon nang matinong
girlfriend ang anak ko," wika naman ni Priscilla.
Si Gino? Seryoso at manliligaw sa kanya? Parang di pa rin siya sanay. Sanay na kasi
siyang binibiro-biro lang nito. Parang hindi na iyon si Gino oras na magseryoso
ito. At sa kanya pa.
"May sekreto ako na sasabihin tungkol sa apo ko," pabulong na sabi ni Dorina. "Alam
mo ba kung ano ang favorite niyang pelikula?"
"Ano po?"
"All My Life. Iyong pelikula ni Kristine Hermosa at ni Aga."
Nagulat siya nang humagikgik si Priscilla. "May problema po ba?"
Ano naman ang masama kung paborito ni Gino ang All My Life? Ayaw ba nitong aminin
na gusto nitong manood ng Tagalog movies? O kaya ay ayaw nitong malaman ng iba na
mahilig ito sa drama?
"Nagpasama kami ng mommy niya na manood ng All My Life sa sinehan. Ayaw daw niya
dahil wala siyang hilig sa drama. Matutulog lang daw siya sa sinehan. Aba! Maya
maya, may narinig na lang kaming sumisinghot. Iyon pala nakikisabay na si Gino na
umiyak sa amin ni Priscilla."
"What? Iniyakan ni Gino ang All My Life?"
"Oo naman. Sabi niya, di na daw siya manonood no'n ulit. Pero nang minsang tingnan
ko ang kuwarto niya, bumili siya ng soundtrack. Bumili din siya ng DVD pagka-
release pa lang sa market. At nagkukulong siya sa kuwarto niya at paulit-ulit
niyang pinapanood. Di lang niya ipinapakita, pero iniiyakan niya iyon."
"Kaya po ba araw-araw din niyang kinakanta iyon?" Naluha siya sa katatawa nang
maalalang mapagkamalan nilang multo si Gino dahil sa kanta nito. "Oh, gosh! I can't
believe it! Ganoon ba talaga si Gino?"
"Shhh!" saway sa kanya ni Priscilla. "Huwag mong sasabihin sa kanya na sinabi
namin. Tiyak na magagalit iyon. Sekreto lang niya iyon."
Isang guwapo at macho na lalaki tulad ni Gino, iniiyakan ang isang Tagalog movie na
drama? Parang marami pa siyang gustong malaman tungkol dito.

Chapter 28
"PAANO iyan, botong-boto na sa iyo ang pamilya ko," sabi ni Gino kay Miles nang
ihahatid na siya nito pauwi. "Kaninang paalis si Daddy, tinatanong na niya kung may
plano na tayong magpakasal. Gusto daw kasi nilang ma-enjoy nila ang apo nila dahil
magti-thirty na si mommy nang magkaanak."
Natigil siya sa paglalakad sa patio at nilingon ito. "Oy! Huwag mo nga akong ma-
pressure diyan. Ni hindi pa nga kita boyfriend. At ngayon mo lang din nalaman na di
pa pala panliligaw ang pagpapa-cute mo sa akin so sorry ka."
"Paano ba naman tayo magkakaayos? Ayaw mo ngang makipag-date."
Nagpatuloy siya sa paglalakad. "Sige. Payag na akong makipag-date sa iyo."
"Talaga?" Na-excite ito. "Sabihin mo kung saan, kailan at ano ang gusto mong date.
Paghahandaan ko iyan."
"Gusto kong manood ng All My Life. Iyong movie ni Aga at Kristine."
Nanlaki ang mata nito. "Ayoko! Huwag iyon! Iba na lang ang panoorin natin. Naku!
Wala akong kahilig-hilig sa ganoong pelikula."
Siniko niya ito. "Huwag kang ipokrito. Favorite mo iyon."
"Sinabi sa iyo ni Lola at Mommy?" Hinawakan nito ang braso niya. "Huwag kang
maniwala sa kanila. Underworld ang favorite ko. Saka Jet Li movies."
"Kaya pala feel na feel mo na kumanta ng theme song." Ikinuyom niya ang palad at
ginawa iyong mic. "How did you know I needed someone like you in my life? That
there's an empty space in my heart. You came at the right time in my life."
"Tumigil ka nga! Hindi ko favorite iyon. Kinanta ko lang iyon kasi..."
Itinuloy lang niya ang pagkanta. "I'll never forget how you brought the sun to
shine in my life. And took all the worries and fears that I have."
Hinila siya nito palapit dito. "Ayaw mo talagang tumigil?" Napipikon na ito.
Natutuwa siya dahil napipikon na ito kaya kumanta pa rin siya. "I guess what I am
really trying to say. It's not everyday that someone like you comes my way-"
She stopped singing when he pulled her against his body and claimed her lips.
Miles was caught off guard. She didn't see that kiss coming. At hindi niya alam na
iyon ang parusa sa kanya ni Gino sa pamimikon niya dito.
But it wasn't a punishment after all. He was kissing her slowly and tenderly.
Dahan-dahan nitong ipinadadama sa kanya ang sensasyon habang sinisira nito ang
katinuan niya. She should have said no or pushed him away. But she just let him
kiss her. Na parang mas malaking kahangalan kung patitigilin niya ito.
It was her first kiss. Pero kusang bumuka ang labi niya para tanggapin ang halik
nito. His fingers sifted through her hair, massaging her scalp. He deepened the
kiss. She never thought that a kiss could arouse different emotions within her.
Parang nakasakay siya sa isang rollercoaster. She felt like falling then he would
catch her before she hit the bottom to be sent back to the great heights again.
"Gino," usal niya sa pangalan nito nang lisanin ang labi niya. Nagulat na lang siya
nang makitang nakahawak siya sa leeg nito. His body was near hers. So near they
were almost one.
"Uhmmm... gusto mo pang kumanta?" nakangisi nitong tanong sa kanya.
"Huh? Kanta?" Nakatulala lang siya dito. Kahit nga paghinga ay di na niya magawa.
She was in shock. Parang ayaw na ngang gumana ng utak niya. He kissed her. It was
her first kiss. Ni hindi man lang siya kumontra o nagalit nang halikan siya nito.
She even opened her lips to give him access. She must have gone nuts.
"Okay lang sa akin. Kung gusto mo duet pa tayo. How did..."
"Stop!" Pinigilan ng daliri niya ang labi nito. Ayaw na niyang kumanta at ayaw na
rin niya itong inisan. She knew how powerful he was. With a single kiss, he could
make her shut her mouth. "U-Uuwi na lang ako." That was the safest thing to do.
Habang kaya pa niya ang sarili niya.
Naitakip niya ang palad sa mukha pagtalikod. Gusto sana niyang bilisan ang paglakad
pero di kaya ng binti niya. Nanlalambot siya. Anong ginawa mo sa akin, Gino?
Hinalikan mo lang ako, parang di ko na kontrolado ang katawan ko.
Paano kaya bukas kapag pumasok siya sa trabaho? Di niya alam kung ano ang dapat
sabihin dito. O kung ano ang dapat gawin. O kung may mukha pa siyang ihaharap dito.
Aayaw-ayaw ako sa kanya. Tapos nang halikan niya ako, gusto ko naman. Malamang
pinagtatawanan niya ako.
Humarap siya at tinanggal ang nakatakip na palad sa mukha. "Bakit?"
"I just want to finish what you started."
"Ha? Anong sinasabi mo?"
Lumapit ito sa kanya at dahan-dahang idinikit ang mukha sa kanya. He was about to
kiss her again. And this time, she knew it was coming. Ipinikit na lang niya ang
mata at hinintay na lumapat ang labi nito. And she could feel his lips just above
hers. "No words can express how much I love you," pakanta nitong sabi.
When she opened her eyes, he was starting to pull away. Iyon lang? Kakantahan lang
siya nito. "Gino, sandali!" tawag niya dito nang palayo na ito.
Lumapit ito sa kanya. "Bakit?"
"Ano... Kasi..." Nagpapalit-palit ang tingin niya dito at sa damo sa paanan niya.
Di niya alam kung aawayin o sasabihan tungkol sa paghalik sa kanya.
"Ah, kulang ng goodnight." Kinintalan siya nito ng halik sa labi. It was so casual
as if they were doing it for a long time. "Goodnight! Dream of me!"
Saka pa ito pakanta-kantang naglakad pabalik sa Rider's Verandah kung saan naka-
park ang kotse nito.

Chapter 29
Nagdadabog na pumasok ng staff house si Miles. Sumandal siya sa pinto at pumadyak.
"Nakakainis! Wala siyang karapatang halikan ako! Ni hindi man lang siya nagpaalam
sa akin na hahalikan niya ako."
"Sino ang kaaway mo diyan?" tanong ni Quincy na lumabas ng kusina.
Umayos siya ng tayo at tumikhim. "Wala. Ininis lang ako ni Sir Gino kanina."
"Ah, iniinis ka lang niya kaya hinalikan ka niya?"
Nanlalaki ang mata niya. "Ha? Nakita mo iyon? Pinanood mo kami?"
"Oo. Hinihintay kasi kitang umuwi kaya nasa may bintana ako. E, malay ko ba namang
hahalikan ka niya. Saka andoon kayo sa may patio. Kahit sinong dumaan, pwede kayong
makita. So akala ko, okay lang manood."
Isinubsob niya ang mukha sa pinto. "Nakakahiya! Paano kung hindi lang ikaw ang
nakakita sa amin? Paano kung may iba pa?"
"Ano naman ngayon? Ang alam nga ng lahat boyfriend mo na siya. Sus! Wala naman
sigurong magre-react. Natural lang iyon sa mga taong in love!"
Pumasok siya sa kuwarto niya at ihinagis ang gamit niya sa kama. "I can't believe
it. Hindi ko pa siya boyfriend pero pumayag na akong magpahalik sa kanya."
Tinapik nito ang balikat niya. "It is time, Miles. Twenty-two ka na. Dapat lang na
magkaroon ka na ng first kiss. Saka dapat nga matuwa ka."
"Ano ang nakakatuwa doon, aber?"
"Superb kisser ang first kiss mo. At sa tao pang in love ka."
"Paano mo naman nasabi na superb kisser nga siya?"
Lumapad ang ngiti nito. "Hindi ka man lang kasi kumontra."
"Ganon?" Itinulak niya ito palabas ng kuwarto niya. "Huwag mo na nga akong guluhin!
Nang-iinis ka lang, eh!"
Lumabas nga ito pero sumilip pa rin ito sa pinto. "Hay! Sagutin mo na si Sir Gino.
Swerte ka nga. May lalaking sweet na sweet at in love na in love sa iyo.
Ipinagluluto ka araw-araw. Ipinakilala ka pa sa pamilya. Laging nag-aalala sa iyo.
Hindi lahat ng babae katulad mo. Naiinggit nga ako sa iyo, eh!"
"Bakit? Hindi ba ganyan ka-sweet ang fiancé mo sa iyo?"
Lumungkot ang mata nito."Ang masasabi ko lang, mas maswerte ka sa akin."
Bago matulog ng gabing iyon ay pinag-isipan niya ang sinabi ni Quincy. In love nga
ba sa kanya si Gino tulad ng sinasabi ng iba?
May ngiti sa labi niya nang maisip ang lahat ng ginawa nito para sa kanya. Pero mas
lumapad ang ngiti niya nang maisip ang halik nito. Hinawakan niya ang labi. "How
did you know I needed someone like you in my life?" She kept on singing that song
until she fell asleep.
PUNO ng mga guest ang Rider's Verandah pagpasok ni Miles. Napasabak agad siya sa
trabaho. Ilang araw na rin siyang busy dahil sa pag-aasikaso niya sa menu para sa
nalalapit na anniversary. Patapos na rin ang pag-aaral niya sa culinary art school
kaya pahirap na nang pahirap ang lessons nila.
"Nandiyan ba si Sir Gino?" tanong niya kay Quincy nang masalubong ito.
Madalang na silang magkasarilinan ni Gino. Tulad niya ay busy ito. Bukod sa
restaurant ay nagpa-practice pa ito dahil sasali ito sa dressage competition sa
open tournament ng Stallion Riding Club. Nagbibiruan pa rin sila tulad nang dati at
sweet pa rin ito. pero di niya ito makausap nang seryoso dahil walang oras.
"Nasa may function room. May meeting ang mga officers ng riding club at ang mga
representative ng company na mag-I-sponsor sa event."
"Quincy, pakidala ang mga ito sa function room," utos ni Jhunnica.
"Ma'am, tutulong na po ako." Wala pa naman si Chef Rhea. Isa pa, ugali pa rin
niyang tumulong kapag sobrang dami ng inaasikaso sa dining area lalo na't wala pa
silang bagong recipe na ginagawa.
"O, sige!" anito at tumango.
Pagpasok ng function room ay nagsalubong agad ang tingin nila ni Gino. Nginitian
nila ang isa't isa. Ganoon lang kasimple ang komunikasyon nila kapag sobrang busy
ng araw nila pero kumpleto na ang araw niya.
Subalit nawala ang ngiti niya nang makita kung sino ang isa sa mga representative
ng sponsor ng event nila. Si Alain. Natulala rin si Alain nang makita siya. Parang
di inaasahan na makikita siya doon.
Nagmamadali siyang lumabas ng function room at di na nilingon si Alain. Ito kasi
ang taong numero-unong nagpapakulo ng dugo sa kanya. Di niya makakalimutan kung
paano siya nito pinagmukhang tanga.
Nasa counter na siya nang makatanggap ng text message mula kay Gino. Sorry if I
can't cook 4 u 2day. Kailangan ako sa meeting.
Its OK. Just take care for me, reply naman niya dito.
Si Gino ang lalaking bumubuo sa araw niya. Hindi si Alain. Wala na siyang pakialam
sa huli. Pero di niya maipaliwanag ang kaba kapag nakikita si Alain. Parang isang
malaking disaster ang mangyayari sa pagtapak nito sa Stallion Riding Club.

Chapter 30
BREAKTIME ni Miles kaya umuwi muna siya sa staff's house. Hindi kasi niya nadala
ang vitamins na kailangan niyang inumin. Papasok na siya sa Rider's Verandah nang
makita si Alain na nakaupo sa outdoor table habang naninigarilyo.
Wala sana siyang plano na pansinin ito pero tinawag siya nito. "Miles! Miles,
wait!" He crushed the cigarette in the ashtray then walked towards her.
"Yes?" aniya at tumigil sa paglalakad.
"Don't you remember me? I am Alain. Regular customer ako dati sa DOME."
"Alain?" Kunyari ay di niya ito matandaan. "Yes!" aniya at matabang na ngumiti.
"Natatandaan na kita."
"I didn't expect to see you here. Dito ka na pala nagtatrabaho. Kaya pala hindi na
kita nakikita sa DOME. Matagal ka na dito?"
"Yeah! Ilang buwan na rin."
"Kung hindi pa pala ako nagkaroon ng business meeting dito, hindi kita makikita
ulit. It is good to see you again."
"Same here," napipilitan niyang sabi. "How are you and Darlen?"
Nalukot ang mukha nito. "We broke up. Huwag na natin siyang pag-usapan. It will
just ruin my mood."
"Oh, I am sorry." Mabuti nga nakarma ka. At mabuti na lang, nalaman ko ang totoo
mong kulay kaya hanggang crush lang kita. Impakto!
"Are you free tomorrow morning? Magho-horseback riding kasi kami kasama ang mga
officers ng riding club. Wala akong ka-date. Pwede ka bang sumama?"
Style mo nakakadiri! Ginamit mo na iyan sa akin dati at ginawa mo akong tanga. As
if papayag naman ako na magpauto sa iyo.
"I am sorry, Alain. Busy ako bukas. May klase ako sa culinary school the whole day.
Iba na lang ang yayain mo."
Pinigilan nito ang braso niya. "Please! Minsan lang naman tayo magkikita at minsan
lang kita niyaya tapos tatanggihan mo pa ako?"
Ang kapal! Parang wala akong karapatang tumanggi! "Pwede ba bitiwan mo ako kasi may
trabaho pa ako," malumanay niyang sabi. Ayaw niyang pagtaasan ito ng boses dahil
bisita pa rin ito sa club.
"Miles! Tawag ka na ni Chef Rhea," pormal na wika ni Gino. Matalim ang tingin nito
sa kamay ni Alain na nakahawak sa braso niya.
Lumuwag ang pagkakahawak ni Alain sa kamay niya kaya madali sa kanyang makawala
nang haltakin niya iyon. "Excuse me," aniya at pumasok sa ng restaurant.
Pagpasok sa pastry kitchen na nakahiwalay sa main kitchen ay sumunod din sa kanya
si Gino. Wala pa si Chef Rhea dahil di pa tapos ang breaktime. "Anong kailangan sa
iyo ng Alain na iyon?"
"Magho-horseback riding daw siya bukas at kailangan niya ng ka-date. Tinanong niya
kung pwede ako. Sabi ko hindi pwede kasi may pasok ako."
"Kung wala kang pasok, papayag ka ba?"
"Gino, hindi pa maluwag ang turnilyo ko. Pagkatapos niya akong gawing tanga sa
cocktail party dati, sasama pa ba akong makipag-date sa kanya?"
Lumamlam ang mga mata nito. "Kung ikaw ang yayayain ko bukas?"
"Gusto mo ba na um-absent ako sa klase ko?"
Hinaplos nito ang buhok niya. "Kaya nga di kita niyayaya. Alam ko naman kung gaano
kaimportante sa iyo ang klase mo."
"Ikaw? Sino ang ka-date mo bukas."
Pinisil nito ang baba niya. "Siyempre ikaw lang. Pero dahil hindi ka pwedeng
makipag-date bukas, wala akong date."
"Tiyakin mo lang na wala kang ibang babaeng lalapitan. Behave!"
Sumaludo ito. "Yes, Commander. Faithful yata ako sa iyo."
Ngumiti siya at tinitigan ang mukha nito. Parang gusto niyang maiyak samantalang
wala namang nakakaiyak. Ang totoo nga ay masaya siya.
"O, bakit? Anong problema?" tanong nito. "Hindi kita inaano, ha?"
"Thank you for coming into my life. Thank you for being a better man than Alain."
She tiptoed and slightly brushed her lips against him. "Basta thank you."
Hinaplos nito ang mukha niya. "You are so weird. Kung anu-ano pa ang sinasabi mo.
Bakit mo na lang sinasabi na ako ang pinaka-guwapong lalaki sa paningin mo at patay
na patay ka sa akin?"
At that moment, she wanted to pour out everything she felt for him. "Gino, I want
to tell you that..."
Naputol ang pag-uusap nila nang bumukas ang pinto at bumungad si Reid. "Sabi na nga
ba't nandito ka lang!"
"Reid, bakit ka nandito? Restricted area ito."
"I don't care." Pumasok ito at kinaladkad palabas si Gino. "I am sorry, Miles. Pero
kailangan na si Reid sa meeting namin. Mamaya na lang ninyo ituloy ito."
"Istorbo ka naman! Kung ikaw kaya ang bulabugin ko kapag kasama mo ang girlfriend
mo? Matutuwa ka kaya?" angal ni Gino.
"Subukan mong gawin iyan at lilipad ka palabas ng riding club. Hindi ka makakatapak
sa kahit anong lupain na pag-aari ko," banta ni Reid.
Di mawala ang ngiti niya hanggang di na niya narinig ang boses ni Gino. She was
sure that Gino was really the one for her. Di lang niya alam paano sasabihin.

Chapter 31
"MARAMING salamat sa cake, Miles. Masarap siya," sabi ni Mang Pilo.
"Wala po. Salamat po sa paghahatid." Pababa na sana siya nang bigla namang sumampa
si Quincy ng coaster. "O, bakit nandito ka?"
"Miles, sinuntok ni Sir Gino iyong isa sa mga representative ng sponsor.
Nagkakagulo daw sa music lounge dahil doon."
"Ano?" bulalas niya. "Bakit naman gagawin iyon ni Gino?" Alam naman niya ay di
maiinitin ang ulo ni Gino. "Kasasabi ko lang sa kanya na mag-behave!"
"Sinuntok niya si Alain dahil sa iyo."
Nanlambot siya. "Bakit ako ang pag-aawayan nila? Hindi ko maintindihan."
"Mamaya ka na magtanong," sabi ni Quincy. "Manong Pilo, pwede po bang ihatid ninyo
kami ni Miles sa music lounge?
Ihinatid sila ng coaster sa music lounge kung saan nangyari ang gulo. Subalit
bumalik na sa normal ang lahat at nasa clubhouse na daw si Gino.
"Anong nangyari?" nag-aalalang tanong ni Miles nang dumating sa clubhouse ng
Stallion Riding Club.
Sinalubong siya ni Hiro. "Calm down, Miles," anito at pinaupo siya sa couch. "Nasa
loob ng office ni Reid si Gino at kinakausap nang masinsinan ni Reid."
"Totoo ba na sinuntok niya si Alain?"
Tumango si Hiro. "Malayo ako sa kanila nang narinig ko na lang na nagkagulo dahil
di ko naman alam ang buong istorya. Paglapit ko, nakabulagta na lang si Alain sa
sahig. At inaawat naman ng iba si Gino. Idinala sa clinic si Alain."
"Ha? Ganoon kalala?" At totoo ba na siya ang pinag-awayan ng mga ito?
"Huwag kang mag-alala. Wala namang damage kay Alain. The doctors confirmed it. May
pasa lang siya sa panga at nakatulog. Iyon nga lang, maaring ma-suspend si Gino ng
one month sa club."
"What? One month?" bulalas niya.
"Its against the club rules. Violence is not tolerated among club members. At si
Reid mismo ang magpapataw ng parusa na iyon."
Nang lumabas ng si Gino ng office ni Reid ay sinalubong agad ito ni Miles. "Gino,
okay ka lang ba? Hindi ka ba nasaktan?" Di matapos-tapos ang pag-aalala niya dito
dahil sa sinabi ni Hiro na masu-suspend ito.
"Bakit ka nandito?" may bahid ng galit nitong tanong.
"Nalaman ko kasi ang nangyari kaya pinuntahan kita. Nag-aalala lang ako."
Pumalatak ito. "Ayoko ngang sabihin sa iyo, eh!"
"Gino, ihahatid na ba kita sa villa mo?" alok ni Hiro dito.
Umiling si Gino. "Doon muna ako sa restaurant. Nandoon ang kotse ko."
Wala silang kibuan hanggang maihatid ni Hiro sa Rider's Verandah. "Sir Gino, uuwi
na po ako," sabi ni Quincy at tinanguan ito ni Gino.
Tuluy-tuloy si Gino sa private office nito at siya naman ay dumaan sa counter. "Sir
Rusty, pa-order ng isang Kape Cordillera. Paki-serve na lang sa office ni Sir
Gino," sabi niya sa night manager nila. Saka siya kumatok sa opisina ni Gino at
pumasok. "Nagpa-order ako ng coffee para sa iyo."
"Bakit nandito ka pa? Dapat umuwi ka kasama ni Quincy." Sa tingin niya ay mainit
ang ulo nito at wala sa mood na makipag-usap.
May kumatok sa pinto at pumasok ang isa sa night shift waiters. "Sir, nandito na po
ang coffee ninyo." Nang makita nito na masama ang timplada ng mukha ni Gino ay
nagmamadali itong tumalilis.
Umupo siya. "Gusto lang naman kitang makausap. Ano ba ang nangyari?"
Mariin nitong hinawakan ang sandalan ng swivel chair nito. "That stupid Alain was
drunk. Okay lang sana kung lasing lang siya. Pero ipinagmamalaki niya ang mga
babaeng naging conquest niya. And that includes you. He told us that you are an
easy lay. Na patay na patay ka daw sa kanya at hinahabul-habol mo siya."
"Ano?" sigaw niya at napatayo. "Ang kapal naman ng mukha niya."
"I asked him to keep his mouth shut! Pero hindi pa rin siya tumigil kaya sinuntok
ko siya. Kaya ayun, natahimik tuloy siya. Pasalamat siya dahil nakatulog agad siya.
Kung hindi, patutulugin ko siya sa bugbog."
Hindi na siya magtataka kung bakit galit na galit si Gino. Binastos pala siya ni
Alain. Nagsisisi talaga siya na naging crush niya ang kumag na iyon.
"Sana hindi mo na lang siya pinatulan. Kasi hindi naman totoo."
"Ipinagtatanggol mo pa siya? Ako pa ang mali ngayon. Ikaw na nga itong binabastos
niya. Huwag mong sabihin na gusto mo pa rin ang Alain na iyon." There was fire in
his eyes. Naroon ang magkahalong hinanakit at pagseselos.
"Gino, no!" Yumakap siya sa baywang nito at humilig sa dibdib nito. "I am just
sorry. Na-suspend ka pa dahil sa walang kwentang lalaki na iyon. Sana hindi mo na
lang siya pinatulan because he is not worth it."
"Hindi ko iyon mapapalagpas. He hurt you once. But I won't allow him to do it
twice. Poprotektahan kita."
He brushed his lips against hers. As if he was asking permission for a kiss.
Yumakap siya sa leeg nito. Sa pagkakataong ito, sigurado na siya sa ginagawa. With
that kiss, she poured her emotions. Ang pag-aalala para kay Gino at pasasalamat
dahil sa pagtatanggol nito sa kanya.
"Huwag ka nang makikipag-away sa susunod, ha? Ayoko nang mapapahamak ka dahil sa
akin. Okay lang kung si Alain. Walang buto iyon. Paano kung iba na? Saka magi-
guilty pa rin ako dahil na-suspend ka."
Pinisil nito ang baba niya. "Dapat lang na ma-guilty ka. Kaya sa susunod na mag-
date tayo, hindi ka na pwedeng tumanggi."
"Kailan tayo magde-date?" tanong niya.

Chapter 32 (Final)
"I LOVE the dessert. Wala akong itulak-kabigin kasi lahat sila gusto ko," sabi ni
Temmarie, ang model ng Stallion Shampoo and Conditioner at asawa din ng isa sa mga
member ng Stallion Club. "Congratulations! Even my husband loves it!"
"Thank you, Temmarie," pasasalamat ni Rhea. "It was Miles' idea to add more menus
and make sure that they are low in calories so everyone would love it."
"Successful siya dahil may magaling akong mentor. And of course, Chef Gino really
supported us. He trusts us," buong pagmamalaki niyang sabi. Lahat ng guests pati
ang mga diet conscious na guest ay nagpakasawa sa dessert nila. Anniversary nila at
ikatlong araw din ng open tournament. Rider's Verandah was buzzing with guests. Di
lang para sa tournament kundi para sa bago nilang dessert.
"Congratulations, hija! You made a miracle. Kahit ako napakain ng choco Bavarian,"
sabi ni Amado Santayana, ang daddy ni Gino.
"Thank you, Sir," sabi naman niya.
"Aba! Tama na ang kwentuhan ninyo," wika ni Dorina. "Magpe-perform na ang apo ko at
mag-aalala iyon kapag di tayo nakita. Kaladkarin na si Miles sa kotse."
"Lola, susunod na lang po ako. Hindi pa po ako nakabihis."
"Male-late ka, Miles," sabi ni Priscilla. "Di naman importante kay Gino kung ano
ang suot mo. And besides, you look great on your sous chef uniform."
Matapos magpaalam sa manager niya at sa chef niya ay tumuloy na sila sa arena na
ginaganapan ng dressage competition. Her eyes were at the arena. Di niya pinansin
ang nang-uuring tingin sa kanya ng ibang mga audience. Namumukod-tangi kasi siyang
di umaayon sa standard uniform ng audience.
Di niya magawang pumalakpak nang si Gino na ang lalaban sa sobrang kaba. Ito ang
huling contastant. He was wearing solid black coat, white breeches, stock tie na
may golden pin and tall dress boots. Dressage was known as Horse Ballet. Iikot ang
rider at ang kabayo sa arena at titigil sa bawat letra kung saan may ipe-perform
itong routine. Huhusgahan ang kabayo at ang nakasakay dito depende sa galing ng
dalawa. Ang pinakamataas na score ay ten. At umaasa siyang makuha iyon ni Gino.
Di siya halos humihinga hanggang matapos ni Gino ang lahat ng test. Nang I-reveal
ang score, nakakuha ng dalawang nine si Gino at ang iba ay ten. "Nanalo siya,
Miles. He got the highest score!" tili ni Priscilla at napayakap sa kanya.
Umulan ng bulaklak sa arena nang ideklarang si Gino ang panalo. Halos lahat ng
babae sa arena ay pangalan nito ang isinisigaw. Matapos I-award kay Gino ang thropy
ay nagsalita si Reid. "According to the Stallion Riding Club's tradition, the
winner will get the chance to ride the horse with the girl he chooses and walk
around the arena. That means that the girl is the most special girl in his life."
"Take me, Gino!" sigaw ng isang babae sa likuran niya. Lumakas ang tilian sa
likuran niya nang pumunta si Gino sa direksiyon nila.
Tumigil sa harap niya si Gino at inilahad ang kamay. "Miles, I want you to ride
with me. Please," pakiusap nito.
Nanlamig ang kamay niya nang hawakan ang kamay nito. Di magkamayaw sa pagpalakpak
ang mga kamag-anak ni Gino at ang mga kaibigan nito. She didn't care about the
girls calling her bitch. Dahil ang atensiyon lang
niya ay nasa kay Gino. At hahayaan niya ang mga babaeng iyon na mamatay sa inggit.
"Now, everyone will know that you are the woman I love," bulong ni Gino at
hinalikan ang buhok niya. "Akala ko kanina, hindi ka dadating."
"Nag-promise ako, di ba? Kahit pa matalo ka, manonood ako. I will here for you
always because I love you," sabi niya at ngumiti.
She also felt his lips smile against her hair. "I know," bulong nito.
Gumaan ang pakiramdam niya matapos sabihin ang nararamdaman dito. Parang iyon na
lang ang kulang at kumpleto na ang kaligayahan nila ni Gino.
"Alam ko na weird ako dahil sinabi sa iyo ni Lola na umiyak ako matapos manood ng
All My Life. You know why I cry everytime I watch it?"
"Why?" tanong niya at tiningala ito.
"Dahil natatakot ako na mawala sa mundo nang di ko natatagpuan ang babaeng
mamahalin ko at magmamahal sa akin. That I won't be able to sing that song to
someone? Pero ngayon, hindi ba ako natatakot kasi nandito ka na."
Humilig siya sa dibdib nito at pumikit. "Please sing that song for me, Gino."
"I guess what I am really trying to say. It's not everyday that someone like you
comes my way."
"No words can express how much I love you," sumabay siya sa kanta nito.
Nang tingalain niya ito ay nakangiti ito sa kanya. He lowered his face and kissed
her in front of the whole arena. She felt like she was the luckiest girl in the
world to have to Gino.
Maybe the whole world would hate his singing voice. But it was the loveliest voice
she had ever heard. Because Gino was singing it for her and he was the man she
loved the most.

Thanks for reading. Sa gustong makabasa ng more exclusive kilig scenes at never-
before seen eksena nina Gino, Miles at iba pang kasama sa Stallion Series gaya ni
Haring Reid Alleje, available na po ang new edition ng Stallion Series 3: Gino
Santayana. Sana po makabili kayo ng print at ebook version. P59 lang po!

You might also like