You are on page 1of 148

My Possessive Attorney(Owning Series #1)

READING AGE 16+


Camillebratz
Romance
ABSTRACT
A kind-hearted girl being stalked by the famous possessive attorney. After Cyrine's
graduation she met her mother's fiance along with a famous lawyer, Chard Kristian
Peterson. Ang akala ni Cyrine si Chard ay kanyang magiging step-brother pero hindi
because Chard Kristian Peterson was a stalker of Alzola Cyrine for almost nine
fucking years.

Episode 1
Cyrine's POV

"Trinidad, Alzola Cyrine with high honor." Masaya kong umakyat ng stage kasama si
mama para isabit sa akin ang medalya na matatanggap ko. "Congratulation" ngiti sa
akin ng aming principal.
"Thank you po" masaya kong sambit at ngumiti na sa camera pagtapos ay agad na
kaming bumaba ni mama at bumalik na ko sa aking pwesto.
"Congrats Cy!" sabay-sabay na sambit ng aking apat na kaibigan ko na sila Alexie,
Gabrielle, Andrew at Ayen.
"Congrats din sa inyo guys! Punta nga pala kayo sa bahay bukas para sa school end
party," Nag pa pool party si mama sa bahay namin kasi tapos na namin ang high
school at mag ka-college na kami sa mga susunod na buwan.
Masaya ko na lahat ng hirap namin sa acads ay nalagpasan na namin at ilang buwan na
lang ay panibagong yugto na naman ng buhay namin dahil papasok na kami sa mas
malaking University dito sa Pilipinas.
"Omg! Sis go na go ako diyan alam ko naman na kami lang ang iimbitahan mo e,"
masayang sabi ni Gabrielle, si Gab ay isang lalaki pero bakla talaga siya pero
kahit gano'n ay tangap pa rin namin siya kasi nag bibigay siya ng saya tulad ni na
lang ni Andrew.
"Yeah! Me too go na go ako," hyper rin na sabi ng Andrew. Tumingin naman ako kay
Alexie at tumango siya patunay na pupunta rin siya.
Dalawa silang bakla sa grupo naming lima at masaya ko na naging kaibigan ko sila.
Wala naman kasing mali sa pagiging isang bakla at wala rin mali sa kanila dahil tao
pa rin sila.
"Ikaw Ayen?" tanong ko kay Ayen na nagiisang lalaki sa aming grupo dahil ang dalawa
ay nagpapangap na lalaki lamang.
"Syempre sasama ko party yata yun ng kaibigan ko," sabi niya sabay akbay sa akin.
"By the way guys pool party nga pala yun kaya magdala na kayo ng pang swimming at
pwede rin naman na mag overnight kayo," masigla kong sabi sa kanila na mas kinasaya
nila ng malaman na pwedeng mag overnight sa bahay.
Minsan lang kasi kung pumayag si mama na mag overnight si mama. Hindi niya kasi
kami basta-basta pinapayagan lalo na kapag may pasok kinabukasan.
"I'm so super duper excited na!" malakas na sigaw ni Sophia na kinatakip naman ng
tenga ni Gab at Andrew.
Normal na sa kanya 'yan na sobrang tinis na para bang nakalunok ng mega phone.
Minsan nga ang ginagawa pa niyang bulong ay rinig na rinig pa rin ng iba.
"The hell, Alexie! Hinaan mo naman 'yang boses mo na nakakarindi," maarte na saad
ni Andrew.
"Opss... Tama na ang away na 'yan mag picture na tayong lima tulad ng pwesto natin
nung elementary graduation natin." Agad naman silang tumigil at pumwesto na. Gitna
kami ni Alexie habang nasa gilid niya si Gab at sa gilid ko naman si Ayen at si
Andrew na katabi ni Ayen. So ganito kami Gab, Alexie, Ako, Ayen, Andrew.
Bago kami mag punta sa kani kanilang pamilya namin inabutan muna kami ni Ayen ng
bulaklak. Sunflowers kay Alexie samantalang sa akin ay tulips. "Congrats ulit Cy!
Keep it up!"
Ganyan siya ka sweet sa amin ni Sophia kaya sobrang swerte ng magiging girlfriend
niya kasi isa siyang matino na lalaki pero hindi ko siya gusto ah.
"Thank you Ayen, bye guys see you tom!" pag ka paalam ko sa kanila ay tumungo na
agad ako kay mama at niyakap ito.
"Congrats sa pinaka mamahal kong anak na maganda!" sabi ni mama at kiniss ako sa
cheeks ko.
"Ako lang naman ang anak mo mama," natatawang sambit ko na kinatawa rin ni mama.
"Binibiro lang naman kita sweety. Okay, let's go, kumain na muna tayo," tumango
naman ako kay mama at sabay na naglakad papunta sa kotse niya.
Masaya na ko sa buhay ko kahit wala na si papa at nasa ibang pamilya niya na kasi
kahit gano'n nandito pa rin naman ang mama ko na mapagmahal. Ang mama ko na naging
papa ko na rin. Kahit kelan naman ay hindi siya nagkulang sa akin kahit na minsan
ay busy siya sa restaurants namin na mga 5 stars na.
Kuntento na ko kahit na si mama na lang ang pamilya ko. Masaya ko na palagi siyang
nandiyan para sa akin lalo na kapag kailangan ko siya.
Pag ka sakay namin ng kotse ay agad na nagmaneho si mama papunta sa isa sa mga
restaurant namin ng bigla siyang mag salita. "Cy, okay lang ba sayo na mag karoon
ng bagong ama?" tanong ni mama na kinalingon ko sa kanya halata sa kanya ang pag ka
kaba kaya naman may naisip ako.
"Hindi, ma. I don't want a father anymore," seryoso kong sabi at hindi nakasagot si
mama. "I'm just joking ma! Grabe nakakatawa ang reaksyon mo." Napahawak pa ako sa
tiyan ko sa sobrang lakas ng tawa ko na hindi ko kayang mapigilan.
"So pumapayag ka na mag ka asawa ulit ako?" masayang tanong sa kanya ng mama niya
na kinatango ko. Agad naman nitong itinigil sa gilid ang sasakyan at niyakap niya
ko ng mahigpit "Thank you so much anak, sobrang saya ko."
"Masaya rin ako mama, basta masaya ka pero sana hindi ka masaktan kasi pag sinaktan
ka no'n sasapakin ko talaga siya." Natawa naman si mama Cacycech sa sinabi ko at
pinagpatuloy na ulit ang pa dri-drive.
Ilang taon din si mama na naging single parent. Ilang taon siyang hindi naghanap ng
makakasama at sa akin lang nag focus pati na rin sa mga business namin. Wala namang
masama kung pagbibigyan ko ang mama ko lalo na't alam kong magpapasaya 'to sa
kanya.
Pagkadating namin sa restaurant ay nakahanda na ang lahat pero nagulat ako ng pang
apatan ang mesa namin ngayon. "Ma,may bisita ka ba?" tanong ko kay mama.
Karaniwan kasing pang dalawan lang ang lamesa namin ni mama sa tuwing kakain kaming
dalawa kaya nakakapagtaka ngayon na sa apatan kami nakapwesto. Marami pa namang
bakanteng lamesa na may pang dalawahan na upuan kaya bakit sa pang apatan pa?
"Ah oo, anak. Inimbita ko kasi dito yung mapapangasawa ko para naman mag kakilala
na rin kayo," nahihiyang saad ni mama.
Pero bakit dalawa ang extrang upuan? Baka naman may anak yung magiging step dad ko.
So, ibig sabihin magkakaroon na rin ako ng step sister o step brother? Nakaka
excite!
Pag kaupo namin ay agad naman bumukas ang pinto at pumasok ang dalawang gwapo na
lalaki yung isa ay mukhang nasa 40s na habang yung isa ay 20s pa lang hindi ko
pinahalata ang pag titig ko sa gwapong lalaki na batang-bata ang itsura. Matangkad
na ko pero mas matangkad pa rin itong lalaki na ito at mukha six footer pa. 'Yung
mga mata niya napakalamig parang dala niya lahat ng problema sa Pilipinas tapos
hindi man lang marunong ngumingiti. Sayang gwapo pa naman kaso mukhang pang maala-
ala mo kaya ang buhay niya.
Nagulat naman ako ng biglang halikan ng kasama ng gwapong lalaki ang mama ko sa
pisngi. "Hi honey sorry na late kami," malambing na sabi nito kay mama. Ito ba yung
mapapangasawa ni mama? Ibig sabihin magiging kapatid ko yung gwapong lalaki? Sayang
na talaga charot.
"Halos kararating lang rin namin honey," sweet na tugon ni mama. Kitang kita ko sa
mata ni mama na masaya siya kaya naman hindi ko ito sisirain. "Maupo na kayo." agad
naman silang naupo at tumabi pa talaga sakin si Mr. Pogi.
"Hi Cyrine, I'm Emmanuel Carpio. Congrats." Sabay abot sa akin ng regalo na
tinanggap ko naman. Mukha namang mabait ang bagong mapapangasawa ni mama kaya wala
naman siguro kong dapat na alalahanin pa. Halata rin naman na mahal nila ang isa't
isa.
"Hi din po, tito Emmanuel, wag niyo pong sasaktan si mama kundi ipapakain ko po
kayo sa alaga kong leon," prankang sabi ko na kinatawa naman nilang lahat dahil sa
sinabi ko maliban dito sa tabi ko na parang nababalutan ng yelo.
Sakto lang naman ang lamig dito sa loob ng restaurant pero parang biglang lumamig
'yung paligid ko dahil kay kuyang pogi/
"Wag kang mag alala iingatan ko ang mama mo, Cyrine, tska tawagin mo na kong dad
kung okay lang sayo." Natuwa naman ako sa sinabi ni tito kasi mukha talaga siyang
mabait hindi tulad ng katabi ko.
"Sabi niyo po yan hah! Wala ng bawian dad kasi po pag binawi niyo ipapakain ko po
talaga kayo sa kaibigan kong leon," natatawang sambit ko.
"Oo naman, Cyrine tsaka mag papakasal na rin kami ng mommy mo," sabi ni dad habang
nakatingin kay mama. Halata sa mga mata nila kung gaano nila kamahal ang isa't isa.
Baka nga sila talaga ang para sa isa't isa first love nga niya ang papa ko pero si
daddy Emmanuel naman ay kanyang true love.
"Masaya ko para po sa inyo basta masaya si mama, nga po pala kailan po ang kasal
ninyo?" sasagot na sana si daddy Emmanuel ng biglang dumating ang pagkain namin.
Isa-isang inilapag ang mga pagkain namin at nag umpisa na kaming kumain ng
magsalita si mama. "Malapit na ang kasal at simpleng kasalan lang naman, anak."
Napatango na lang ako sa sinabi ni mama at kumain na ng biglang umubo ang katabi ko
na ikinatawa naman ni daddy Emmanuel ewan ko kung bakit natatawa si daddy naubo na
nga yung tao. Inabutan ko na lang ng baso na may tubig ang katabi kong mukhang
nasamid.
"Ahm ehem, Cyrine siya nga pala si Chard Kristian Peterson," sabi ni dad kaya naman
tumingin ako sa katabi ko at inabot ang kamay ko.
"Alzola Cyrine Trinidad, masaya ko na magiging kuya kita," nakangiti kong sambit
pero nakatingin lang siya sa akin na kinailang ko. Ibaba ko na sana ang kamay ko ng
abutin niya ito. Grabe ang ganda ng kamay niya lalaking lalaki tapos ang laki pa at
maugat. Ang ha-haba pa ng mga daliri niya sa kamay.
"I'm not your brother," masungit na sabi nito sabay bitaw sa kamay ko. May regla
siguro ito o baka naman bakla rin siya tulad ng mga kaibigan ko. Natawa naman bigla
si mama at daddy kaya naman napahalakhak na rin ako kasi baka nga bakla talaga siya
at kaya niya sinabi na not your brother kasi sister siya.
"Okay-okay, wag ka ng magalit sister ko, magiging mabuting kapatid ako sa 'yo."
Napatingin ako sa itsura niya na namumula na ngayon kaya lalo pa akong napatawa.
"Sabi na e! Sister ka, tangap pa rin naman kita, sis." Inilapit ko ang mukha ko sa
kanya at hinalikan ang pisngi niya na ngayon ay namumula na parang isang kamatis.
Natigil naman sa pagtawa si mama at daddy. "Tumigil ka Cyrine, hindi siya bakla at
lalong hindi mo siya kapatid."
Hindi ko siya kapatid? Eh ano ko siya? Anong ganap niya dito?! Shocks! Nakakahiya!
Hinalikan ko pa naman ang pisngi niya tapos hindi naman pala siya bakla at mas
lalong hindi ko naman pala siya magiging kapatid.
"Anak ng kaibigan kong namayapa na si Chard kaya naman inampon ko na ito at
tinuring ko na ring anak," sagot ni daddy.
Oh. My. God. Kiniss ko pa naman siya sa cheek niya. Lagot na! Nakakahiya
nararamdaman ko yung pamumula ng pisngi ko kaya naman yumuko na lang ako dahil
nakakahiya talaga ang kalokohan ko!
"Ah sorry po," nakayuko kong sabi kay Chard. Bakit kasi hindi agad sinabi sakin.
Nakakahiya talaga. "C.R lang po muna ako, excuse me," pagkapaalam ko at nagmadali
agad akong pumunta sa cr. "Nakakahiya ka, Cy!" sigaw ko sa sarili ko habang
nakatingin sa harap ng salamin.
Pinakalma ko muna ang sarili ko bago naghugas ng kamay ko tsaka lumabas. Pag balik
ko sa table namin wala si Chard paglingon ko sa labas ay nando'n siya habang mag
kausap sa telepono at naninigarilyo. Kahit nakatalikod ang gwapo niya pero naisipan
ko pa rin na bakla siya. Mukhang kailangan ko na talagang mag pa check up baka
nababaliw na ko.
"Honey sobrang busy ni Chard 'no," biglang sabi ni mama kay Daddy na kinatango
naman ni daddy.
"Siya na kasi ang nag ma-manage ng kompanya nila tapos abogado pa siya." rinig kong
sagot ni daddy.
Wow ang cool naman niya CEO na attorney pa. Mukhang bigatin din ang napangasawa ni
mama at pati na rin si Chard.
"Daddy nasan na po ba ang pamilya niya?" bigla kong tanong nagulat din ako sa
sarili ko bat ko ba yung natanong.
"Namatay kasi yung mama niya noon sa brain cancer. Hindi ma tangap ng papa niya
kaya naman nag lasing ito nang naglasing hanggang sa bigla na lang ito bawian ng
buhay." Pang MMK nga pala talaga ang buhay niya kaya siguro gano'n siya ka cold.
Tumingin ulit ako sa labas pero agad akong napaiwas ng makita ko na nakatitig sa
akin si Chard. Lagot! Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?! Anong nangyayari sa
akin?
"Na gwa-gwapuhan ka siguro kay Chard, anak," pang aasar sa akin ni mama na
ikinapula ng pisngi ko.
"Hindi po mama," pag sisinungaling ko kay mama na mukhang hindi naman nito
naniwala.
"Sa 'kin ka pa nag sinungaling, Alzola Cyrine. Kilalang-kilala kita." Mas lalo kong
kinapula ang sinabi ni mama dahil totoo naman. Gwapo talaga siya kahit na sobrang
lamig ng emosyon niya.
Nakita ko naman si Chard na papasok na at pabalik na ulit sa pwesto namin kaya nag
isip agad ako ng pwedeng pang change topic.
"Nga po pala mama, sinabihan ko na sila Ayen about sa pool party bukas na
overnight." Nakahinga ako ng maluwag ng nakaisip agad ako ng pang change topic.
Tumabi naman na ulit sa akin si Chard kaya ayon na naman yung puso ko. Bakit
ganito? Dapat kasi hindi ko na siya kiniss sa cheek niya kanina.
"Hindi mo ba nasabi sa kanya, hon?" biglang tanong ni daddy kay mama.
"Sorry, hon, nakalimutan ko. Sa iba na tayo titira, Cy. Doon na tayo sa bagong
pinagawa ni Emman na bahay na titirhan natin at nandoon na rin lahat ng gamit natin
at nakaayos na." grabe ang bilis ng mga pangyayari na ito bat kasi ngayon lang
sinabi sakin ni mama na may magiging daddy na pala ko hays.
Mukhang minamadali nila ang pagsasama nila. Sa tingin ko rin matagal na silang may
relasyon ni daddy Emmanuel at hindi lang masabi sa akin noon ni mama.
"Malaki ang pool do'n at may jacuzzi na rin kasyang kasya kayo do'n. Ilan ba kayo
para makapag paluto na rin ako o kaya makapag pa cater man lang." Akala siguro ni
dad madami akong friends samantalang a-apat nga lang pero purong tao naman walang
halong ka plastikan.
"Kahit hindi niyo na po masyadong pag handaan kasi po apat lang naman po ang mga
kaibigan ko. Hindi rin naman po silang masyadong mapili sa pagkain. Masaya na ang
mga 'yun sa luto ko pa lang o kaya sa luto ni mama." masayang kaibigan sila Alexie
kaya okay na ko kahit sila lang ang kaibigan ko simula elemetary.
"So, tapos na tayong mag lunch pwede na tayong pumunta sa bagong bahay natin para
naman makita mo na ang kwarto mo, Cyrine." Napatango naman ako grabe ang bilis ko
talaga maka close ang mga tao lalo na pag mabait. Tumayo na kami at pumunta na sa
parking lot agad kaming sumakay sa kotse ni dad.
Nakaupo sa harap si mama habang si dad naman ang nag drive so tabi na naman kami
ngayon sa likod ni Chard. Habang papunta kami sa bago raw naming bahay ay walang
nagsasalita kahit isa tapos parang yelo pa tong katabi ko hay nako. Nabasag lang
ang katahimikan namin ng biglang sabihin ni daddy na nandito na raw kami. Pag
kababa ko ng kotse namangha agad ako sa ganda at laki ng bago naming bahay. Pag
kapasok namin sa bahay ay agad na naupo si mama at daddy sa sofa habang nakayakap
ni Daddy kay mama. Sana all.
"Thank you sa oras mo Chard, welcome ka palagi dito," masayang sabi ni daddy habang
nakayakap pa rin kay mama.
"Dito ako titira," parang hari na sambit ni Chard habang nakaupo sa pang isahang
upuan at naka dekuwatro pa ang hita.
"Pero sabi mo sa 'kin kahapon lang na sa condo mo na lang muna ikaw titira. Ano
naman kaya ang nagpabago ng isip mo?" tanong ni daddy sabay tingin sakin. Habang
ako ay nakikinig lang sa usapan nila. "I'm just kidding. Sige aakyat na kami ng
future wife ko, Chard. Ikaw na ang mag tour sa kanya" nakangising sambit ni daddy
pero wait ano raw? Tour? Eh hindi nga pala salita ang lalaking 'to.
Ano naman kaya ang magaganap sa tour na 'to kung tahimik na tao naman siya? Wala
rin sa pagmumukha niya na friendly siya kaya baka hindi ko lang makasundo 'to.
Sanay pa naman ako sa mga kaibigan ko na maiingay at hindi sa tulad niya na tahimik
lang at malamig pa ang pakikitungo.

Episode 2
Cyrine's POV

Nagtititigan lang kami ni Chard ngayon sa sala hindi ko alam kung paano ko siya
uumpisahang kausapin para yayain na mag Ikot dito sa napakalaking bahay.Naiilang pa
rin ako hanggang ngayon sa kanya lalo na sa mga titig niya ngayon kaya naman
napayuko na lamang ako.
"Saan mo gusto unang pumunta?" tanong sakin ni Chard na wala man lang reaksyon pano
ba toh mag kakaroon ng reaksyon?
"I-ikaw na ba-bahala" sheeeet bat ba ko nauutal sa kanya lintek naman oh.
"tara sa dining room" agad naman akong sumunod sa kanya papunta sa dining room.
Nasa likod niya lang ako kaya naman malaya kong napagmamasdan ang kabuuang likod
niya at amoy na amoy ko rin siya kung gaano siya ka bango hmm.
Napahinto naman ako sa pag titig sa kanya ng makarating kami sa dining area.
Malaki ang Dining area kumpara sa dining area namin sa dati naming bahay. Malaki
rin ang lamesa at kasya ang 12 na tao.
"Doon naman ang kitchen" sabi ni Chard habang naka pamulsa ang dalawa niyang kamay
at tulad kanina wala pa rin siyang reaksyon.
Pumunta naman kami sa kitchen at malaki rin ito may isang matatandang katulong ang
naghahanda para siguro sa dinner namin. "Manang mag-isa lang po ba kayo na mag
hahanda dito" magalang na tanong ko dito.
"ah opo madam kayang kaya ko naman ito at matagal ko na rin itong ginagawa" naawa
ako kay lola kasi ang tanda na niya dapat sa kanya nag papahinga na lamang.
"Wag niyo na po akong tawaging madam ,Cyrine na lang po. Tsaka gusto niyo po ba na
tulungan ko na kayong magluto magaling po ako diyan" masigla kong sabi kay manang.
"Wag na Cyrine, narinig ko kanina na mag iikot kayo ngayon diba tsaka ilang taon ka
na nga pala at napakagaling mo na agad magluto?" bigla ko naman naalala na kasama
ko nga pala si Chard.Kaya napalingon ako dito at nahuli ko siya na nakatitig sa
akin.Baka namalik mata lang ako.
"sige po manang sa susunod ko na lang po kayo tutulungan magluto tsaka po mag 18 pa
lang po ako " sabi ko dito at tumalikod na ko .Tumalikod na rin si Chard kaya
sinundan ko ulit siya lumabas kami sa isa pang pinto at pag kalabas ay nakita ko
agad ang napakagandang pool at sa tabi nito ay may malaki ring jacuzzi.
"Ayun ang kwarto mo sa walang veranda" turo niya sa glass wall na kwarto na katabi
naman ay kwarto na mayroong veranda at tinted na tinted ang glass wall. Pero bakit
ang layo ng kwarto ko sa kwarto nila mama?
"Bakit parang ibang bahay naman ang kwarto ko?" tanong ko kay Chard.
"Diyan ka nilagay ni tito at tita." sabi nito at naglakad papalapit sa pool kaya
naman sinundan ko ito "Tsaka hindi ka naman masyado malayo ayun ang kwarto nila
tito" turo naman niya sa katapat ng kwarto ko na ang pagitan ay ang malaking
pool.Sobrang laki ng kwarto nila mama halos sakanila lang ang buong 2nd floor.
"Kaninong room yung dalawa dun?" tanong ko kay Chard.Medyo nawawala na ang pag ka
ilang ko sa kanya ewan ko kung bakit agad nawala.Komportable na ko ngayon na
makausap siya.
"Guest room yung isa na malapit sa hagdanan samantalang yung katabi mong room ay
kwarto ko" nakangisi niyang sabi. Wow nakakangisi pala siya akala ko hindi siya
marunong HAHAHAHA.
Patuloy pa rin kami sa paglalakad sa paligid ng pool habang nakasunod lamang ako sa
kanya. Natatakot kasi akong tumabi sa kanya baka mabanga niya ko at mahulog pa ko
sa pool e hindi naman ako marunong lumangoy Lalo na pag malalim na't hindi ako
makakatayo.
"Chard" kailangan maging close ko rin si Chard feel ko masaya naman siya kasama
kahit na hindi naman pala ngiti.Tsaka mukhang mabait naman siya hindi tulad nung
mga kaklase ko nung grade 3 ako.
"hmmm" tanging sagot niya sakin, hays napaka tipid talaga.
"Pwede ba tayong maging mag kaibigan?Mukha ka namang hindi ka gagawa ng masama
sakin" nakangiti kong sabi dito kahit na nakatalikod pa siya sakin. Bigla naman
lumingon sa akin si Chard.
"Ayoko" edi wag pala atleast nan diyan pa rin sila Alexie para sakin. Akala mo
naman kung sino palibhasa mukhang yelo.
"ok, akyat na ko magpapahinga na ko" medyo malungkot kong sabi alam ko naman na
kwarto ko pinaka dulo pag akyat sa hagdan.
Tatalikod na sana ako ng bigla siyang magsalita gamit ang malalamig pa rin niyang
boses. "Ayoko ng kaibigan lang" huh? pinagsasabi nito? "nevermind, sige mag
kaibigan na tayo" sabi nito sabay talikod sakin.
"Talaga Chard?yes anim na ang totoo kong kaibigan" meron pa kong isang kaibigan
nung grade 3 ako kaso hindi ko na alam kung nasan na siya.Siya yung nagligtas sa
akin nung sa cr at naalala ko nung senior high na siya. Sa university kasi ako nag-
aaral dati kaso simula ng mangyarin yung aksidente na yun nilipat na ko ni mama.
"Akala ko apat lang ang kaibigan mo?" nagtataka niyang tanong.
"Meron pang isa kaso hindi ko na alam kung asan na ba siya ngayon.Grade3 pa ko
huling kita ko sa kanya" crush na crush ko talaga yun kaso hindi ko man lang
nalaman pangalang niya ang layo rin kasi ng building namin sa building nila.Tsaka
sobrang bata ko pa nun.
"Akala ko ba wala kang kaibigan noong grade3 ka kasi palagi kang inaaway ng mga
ito.Kaya nga lumipat ka ng school diba" walang emosyon niyang sabi pero ito na yata
yung pinaka mahaba niyang sinabi.Pero paano niya nalaman?hmm baka kinwento lang ni
mama.
"ah meron yu-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng magsalita ulit ito.
"Tara na sa taas" anong nangyari doon.Malapit ng makapasok si Chard sa pinto
papasok sa kabilang bahay kaya naman tumakbo agad ako kaso may natapakan akong bato
kaya naman na out of balance ako at nahulog sa pool.
Bandang dulo ako ng pool nahulog kaya mataas na ito.Todo kalampag ako ng kamay ko
pero napagod rin at tuluyan ng kong lumubog sa tubig.

Third person's POV

PAPAAKYAT na sana sa hagdanan ang binatang si Chard ng hindi niya maramdaman sa


kanyang likod ang dalagang si Cyrine kaya naman agad siyang lumabas ulit at sobrang
kaba niya ng makita niya ang dalaga sa ilalim ng pool agad siyang nag dive papunta
sa dalaga at kinuha ito at inangat.
Pag ka ahon ng binata agad niyang ginigising ang dalaga "Alzola,Alzola plsss don't
leave me again" kitang kita mo sa mga mata ng binata ang pag-aalala nito para sa
dalaga. Agad na niyang CPR ang dalaga hanggang sa na pa ubo ito na may kasama pang
tubig. "God"

Cyrine's POV

Bigla akong napaubo at tinulungan naman ako ni Chard na makaupo. "God" rinig niyang
sinabi ni Chard.
"Thank you friend HAHAHAHA sabi na e ikaw magliligtas sakin" pabiro kong sabi dito.
"Nakapag bibiro ka pa niyan huh e muntik ka na ngang mamatay" sabi nito sabay buhat
sakit ng pa bridal style.Agad naman akong napahawak sa leeg niya upang hindi ako
mahulog.
"Sorry Chard, pwede naman na huwag mo na kong buhatin kasi nababasa ka pa oh"
habang buhat niya ko nakatitig lang ako sa napaka gwapo niyang mukha.Ang matatangos
niyang ilong ang mahaba niyang pilik mata yung mga mata niya na itim na itim tapos
yung labi niya na sheeeet ang landi mo Cyrine.
"ok lang sakin" nagulat ako kasi hindi na malamig ang pag sasalita niya parang may
pakiramdam na at gusto kong ganito siya sana ganito na lang siya palagi.
Pag kadating namin sa second floor agad siyang tumungo sa pinaka dulo sa pink na
pintuan tapos may pangalan pang nakalagay na 'Beauty'
Pagka bukas niya ng pintuan agad akong binaba ni Chard kaya naman agad akong
kumuha ng bathrobe at tuwalya para sa buhok. Si Chard naman ay naupo lang sa sofa
ko na pink kaya naman hinayaan ko na lamang at pumasok na ko sa banyo para maligo.
Matapos ang 30 mins kong pagligo ay nag suot ako ng bathrobe at pinunasan ko na ang
buhok ko.Nagulat naman ako ng nandito pa rin si Chard habang hawak-hawak ang frame
na picture ng crush ko nung grade 3 ako. Agad ko naman itong kinuha sa kanya.
"Sino yung lalaki sa picture?" nakangisi niyang tanong na parang nang aasar.
"wala lang kaibigan ko lang" yung picture na 'to ay binigay niya lang sakin bago
ako umalis sa university para daw hindi ko siya makalimutan kasi babalik daw siya
at papakasalan ako ang cheesy diba.
"Talaga ba?e bakit mo pa pina frame ?" nakangiti nitong tanong.Yung ngiting nang
aasar. Ang gwapo niya pag naka ngiti kamukha niya si Mr. Sunglasses yung crush ko
nung grade 3 hindi niya kasi sinabi sakin pangalan niya nun kaya naman tinawag ko
na lang siyang Mr.Sunglasses.
"Oo na, siya nga yung crush ko nung grade 3 kami kaso umalis ako ng university
namin kaya naiwan siya baka nga may asawa na yun" malungkot kong sabi dito bigla
naman akong niyakap ni Chard.
"Wala pa" sabi niya habang yakap ako.Anong wala pa?pero hindi ko na itatanong sa
kanya ang sarap kasi niyang kayakap HAHAHAHA.
Nilayo na niya ang sarili niya sakin at ngumiti my God sobrang gwapo pag nakangiti
"sige magbibihis na ko Chard" tumango siya sakin at lumabas na ng kwarto ko.Hays
grabe sobrang bilis ng tibok ng puso pag kasama ko si Chard bat ganito?
Pumasok na ko sa walk in closet na sobrang laki. May lalagyanan para sa sapatos ,sa
bag, sa alahas, sa mga damit. Nagsuot lang lang ako short at simpleng t-shirt
pagtapos ay lumabas na ko ng walking closet ko. Maganda rin ang kama ko pinaghalong
violet at pink tapos may sofa na mabalbon.
Nahiga na ko sa kama ko at binuksan ang cellphone ko para maka pag chat sa gc
naming lima.
Me: Guys I have chikaAaa.
Ayen: bakit mga katulong lang ang nasa bahay niyo?
Alexie: chika mo na
Gab: vc na lang para mas madali
Agad kaming nag video call pero wala si Andrew. "Nasan si Andrew?" tanong ni
Alexie.
"offline pa siya sis, mag kwento ka na Cy?" sabi ni Gab habang nag ma make-up
pupunta raw kasi siya sa bar mamayang gabi sasamahan niya yung pinsan niyang broken
pero ang totoo maghahanap lang naman siya ng gwapo.
so kinwento ko na nga sa kanila lahat ng nangyari ngayong araw. Pati sila Alexie
ay hindi makapaniwala na mag kakaroon na ng bagong asawa si mama. Tapos si Gab
naman doon lang kay Chard ang tutok kasi daw kiniss ko at tawang tawa sila sa
kahihiyan ko maliban kay Ayen na seryoso nanaman.
"Kaya pala ng pumunta ko sa bahay niyo puro mga katulong lang ang nandun" sabi ni
Ayen,mag kakapit bahay lang kasi kaming lima sa Calamba Village. Tapos ang
nilipatan naman namin ngayon ay sa Los Banos Village.
"Bat ka nga pala pumunta sa bahay Ayen?" tanong ko dito magsasalita na sana siya ng
biglang sumulpot sa video si Andrew.
"Hey guys!nasa Manila ako todaaay at ayaw pa kong pauwiin jan sa Calamba" maarteng
sabi ni Andrew nakinailing ko na lang.
"Kawawa ka naman, hindi mo makikita ang bagong bahay nila Cy" pang-aasar ni Gab
dito na kinatawa naming tatlo.
"omg lumipat na kayo?" hindi makapaniwalang tanong ni Andrew at hindi na lamang
pinansin ang pang-aasar ni Gab sa kanya. Kaya naman kinwento ko na lang ulit yung
nangyari kanina na kinatawa niya rin dahil kiniss ko nga si Chard sa cheek.
"Tumigil ka nga diyan Andrew, ang isipin mo kung paano ka makakauwi dito" bigla
naman siyang natigil sa pag tawa at nag isip.
"Alam ko na!puntahan niyo ko sa bahay kunyari nagulat ako tapos pag dating niyo
dito mag kwentuhan muna tayo saglit tapos bigla niyo kong yayain" nagtawanan naman
kami sa sinabi ni Andrew kasi mukhang ayaw niya doon sa kanila ngayon.
"Sige, alam naman namin yan bahay niyo Andrew. After lunch sunduin ko kayo jan sa
bahay niyo Ayen, Alexie, Gab, ayusin niyo na rin yung mga baon niyong damit.Para
diretso na tayo sa Manila." tumango naman sila sa sinabi ko.Nang biglang may
kumatok sa pintuan ko kaya naman nag paalam nako sa kanila.
Lumapit naman ako sa pintuan upang pag buksan ang kumatok at nakita ko si Chard na
bagong paligo pa lamang at amoy na amoy ko kung gaano siya ka bangooo.
"Tumatawag sa telepono mo si tita" sabi ni Chard at agad na pumasok sa kwarto ko at
nahiga sa kama ko. Inamoy amoy niya pa yung malambot kong kama baka bakla talaga
toh HAHAHAHA
"Hindi ko na pansin pero bakit ba siya tumawag?" pwede naman kasing pumunta na lang
siya dito haynako ang tamad talaga ni mama.
"Kumain na daw tayo" nakapikit niyang sabi baka inaantok na siya. Pagtingin ko sa
labas ay gabi na rin pala kaya siguro siya inaatok.
"Chard" naupo ako sa gilid ng kama ko para malapitan ko pa siya
"hmm?" pagod na sabi nito. Hinawakan ko naman yung buhok siya at hinimas himas.
"Mukhang inaantok ka na" sabi ko kay Chard.Nagulat naman ako ng bigla siyang
dumilat at tumitig sa akin tsaka hinawakan ang kamay ko at ito nanaman yung puso ko
na sobrang bilis ng tibok.
"Inaamoy ko lang yung kama mo, ang bango kasi" sheeeet nakakahiya nanaman bat kasi
feeling ko matagal na kaming close

Episode 3
Cyrine's POV

"Are you ok Cy?" agad na tanong ni mama pagkadating namin sa dining room ni Chard.
"Sinabi sakin ni Chard na nahulog ka daw sa pool" nag aalalang sabi ni mama.
"ok na ok ako mama, wag na po kayong mag-alala niligtas naman ako ni Chard" sabi ko
kay mama para naman mabawasan na yung pag-aalala niya.
"Mag-ingat ka palagi anak, alam mo naman na palagi akong nag-aalala sayo. Thank you
nga pala Chard, buti na lamang at nan diyan" pag papasalamat ni mama kay Chard.
Ngumiti lamang si Chard kay mama.
"Nakakangiti ka na ngayon Chard" biglang singit ni daddy. Napatingin naman ako kay
Chard na ngayon ay namumula ang tenga.
"Masama bang ngumiti ngayon tito?" ngising tanong ni Chard kay tito.
"Daddy, mag kaibigan na po pala kami ni Chard. Mabait naman po siya." biglang sabi
ko kay Daddy.
"Kaya naman pala honey" nakangiting sabi ni mama pero hindi ko naman maintindihan
ang pinupunto niya. Kaya hindi ko na lang pinansin ang sinabi ni mama.
"Ay mama pupunta nga po pala kami sa Manila nila Alexie para sunduin si Andrew"
sabihin ko na ngayon baka kasi makalimutan ko pa.
"Sige anak, pero wala ang driver natin ngayon naka leave siya" sheeet sira lahat ng
plano.
"Mag ta-taxi na la-" hindi ko na natapos ang sinasabi ko ng sumingit bigla si
Chard.
"No,sumabay ka na sakin pupunta rin naman ako sa Makati bukas" seryosong sabi ni
Chard.
"Akala ko ba hindi ka muna papasok sa trabaho mo?" sabi ni Daddy na nakangising
pang-aasar.
"May meeting ako" maikling sabi ni Chard na namumula nanaman ang tenga.
"sabi mo e" sabay na sabi ni mama at daddy na parang inaasar si Chard.
Pagkatapos namin kumain ay pumunta kami sa sala at nag kwentuhan ng nag
kwentuhan.Masaya ka usap si Daddy sapagkat mapagbiro. Nang matapos ang mahaba
naming pag kwekwentuhan ay nagyaya na si daddy na mag pahinga napagod siguro kaka
kwento.
"Goodnight mama, Goodnight Daddy" kiniss ko sa cheek si mama at daddy bago umakyat
sa kwarto ko.
Pag ka tapat ko sa kwarto ko nakita ko si Chard na nasa likod ko lang pala
"Goodnight Chard" sabi ko dito sabay kiss sa cheek niya na mukhang mali na ginawa
ko kaya naman tumalikod na ko dito at pumasok sa kwarto ko.
"Nakakahiya ka nanaman Cyrine!tuwang tuwa ka na hinahalikan siya sa pisngi" sabi ko
sa sarili ko at pumasok na sa banyo.
Nag linis lang ako saglit ng katawan ko at nag toothbrush pagkatapos ay nag bihis
na ng patulog.Nakakapagod itong araw na toh kaya naman agad akong nakatulog.

Nagising ako mula sa masarap kong tulog.Pag tingin ko sa orasan ko ay 11:30 na pala
kaya naman agad akong pumasok sa banyo at ginawa ang morning routine ko. Pag tapos
ko maligo ay nag suot ako ng high waist jeans at crop top na sleeveless.Summer kasi
ngayon kaya nag sleeveless ako.
Pagkababa ko dumiretso agad ako sa dinning room at nakita ko silang tatlo. "Good
morning Cy, ipapasundo na sana kita sa kwarto mo kaso nan dito ka na pala. Let's
eat" sabi ni mama. Lumapit naman ako kay mama at daddy para i kiss sila sa cheek.
Tumingin naman ako kay Chard at nakakunot ang noo niya mukhang badmood. "sorry na
late lang po ako ng gising ko mama"
Habang kumakain kami biglang nag ring ang phone ko at nakita ko na si Ayen pala ang
tumatawag. "Excuse me lang po" sabi ko at agad na sinagot ang tawag.
["Kanina pa ko tumatawag sayo akala ko tulog ka pa e"]
"Gising na ko bye na see youuu" at binaba ko na ang cellphone ko kumakain kasi kami
kaya ayaw ko ng patagalin ang pag-uusap naming sa telepono.
"Sino yung Cy?" tanong sakin ni mama.
"Si Ayen lang po mama, kanina pa daw po kasi siya tumatawag ngayon ko lang sinagot"
kilala ni mama sila Ayen at tinuring na rin ni mama na parang anak sila Ayen.
"Mukhang may gusto sayo yan si Ayen" pang aasar sakin mama.
"Naku mama hindi po magkaibigan lang po kami ni Ayen" parang kuya ko na rin si Ayen
sa grupo kasi namin si Ayen ang pinaka seryoso at hindi tulad ni Gab at Andrew na
puro kalokohan ang nasa isip.
"Pero siya mukhang hindi kaibigan ang turing sayo.Nakikita ko kasi sobrang maalaga
si Ayen sayo" patuloy pa rin si mama sa pang-aasar na hindi ko naman sinakyan ayoko
kasi na masira ang pag kakaibigan namin dahil lang dun.
"Haynako mama, ganun talaga si Ayen pati rin naman kay Sophia ginagawa niya yun
kasi kami ang babae sa grupo namin" yung dalawa kasi piling babae lang.
"Antayin kita sa garahe" biglang sabi ni Chard at lumabas na.Bigla naman natawa si
Daddy.
"HAHAHAHA napikon mo yata siya hon" tuwang tuwang sabi ni Daddy kay mama.
"Mukha nga HAHAHAHA sundan mo na yung Cy.Ingat kayo" tumango na lamang ako kay mama
at daddy at pumunta na sa garahe.
Nakita ko siyang nakasandal sa kotse habang nakapamulsa ang dalawa niyang kamay.
Pinagbuksan naman niya ko ng pintuan na kinabilis nanaman ng tibok ng puso ko.
Kahit simple lang naman ang ginawa niya tumitibok na agad yung puso ko.
Sumakay na rin siya at nag umpisa na mag maneho. Seryoso lang ang mukha niya baka
nga bad mood siya.
"Sa Calamba Vil-" hindi nanaman ako natapos sa pag sasalita ko ng sumagot agad
siya.
"Alam ko" tumango na lang ako para kasing napahiya ako.Ang sungit nanaman baka
nireregla HAHAHAHA
Habang nasa byahe kami tahimik pa rin siya kaya naman nagsalita na ko para
mabawasan ang pag akwardness.
"Bakit ka badmood" tanong ko sa kanya.
"Bakit kasi ganyan ang suot mo?" reklamo niya sakin pero maganda naman ang suot ko.
"Alam mo naman na mainit diba" sagot ko dito na kinailing niya naman.
"May damit ako diyan sa likod.Yun ang suotin mo" mukhang mas malala pa ito kay
Ayen.Sinunod ko na lang siya malamig naman kasi sa loob ng kotse.Isang plain t-
shirt lang yun kaya pinatong ko na lang sa sout kong crop top.
"Sobrang laki pala sakin.Wag ko na kayang suotin" sabi ko kay Chard na mas lalo
yatang nainis. Bigla niyang itinigil yung kotse sa gilid.
"FUCK! TACK IN MO.GUSTO MO BA AKO PA GUMAWA?" nagulat naman ako sa pag sigaw niya.
"Bakit mo ko sinisigawan" kalmado kong sabi, hindi ako pwedeng magalit baka mapagod
lang ako.
"Fuck!sorry,sorry Alzola,ayoko lang masyadong nakalantad yung balat mo sa kanila."
malambing na sabi niya na kinagulat ko naman. Tapos ito nanaman yun puso ko na
parang hinahabol ng aso.
"ok, ta tack-in ko na,ahm talikod ka na" pagkatalikod niya agad ko naman tinack in
yung damit niya. Maganda pa rin naman ako HAHAHAHA. "ok na" sabi ko dito kaya naman
lumingon na siya sakin.
"Good girl" at pinagpatuloy na niya ulit ang pag mamaneho.
Pag karating namin sa tapat ng bahay ni Alexie baba na sana ako ng hawakan niya ang
braso ko. Napatingin naman ako sa kanya. "huwag ka ng bumaba" sabi nito at bumusina
na lamang agad naman nag silabasan ang tatlo galing sa kani kanilang bahay.
Binuksan ko ang bintana ko para makita nila ko "Guys!pasok na kayo" agad naman
silang pumasok at naupo sa likod. "Lagay niyo na lang yung gamit niyo sa likod"
nilagay naman ni Ayen ang mga gamit nila.
"Hi Cy!pakilala mo naman kami sa kanya" malanding sabi ni Gab
"Chard mga kaibigan ko nga pala.Si Gab, Ayen at Alexie. Guys si Chard" tumango
lamang si Chard sa kanila at nagmaneho na
"shemaaay ang gwapo nga niya Cy" nahiya naman ako sa sinabi ni Alexie.Hindi kasi
alam ni Chard na nagkwento ako sa mga kaibigan ko about sa kanya.
"Shut up Alexie" inis na sabi ko sa kanya madaldal pa naman si Alexie baka ano pa
masabi niya.
Pagkarating namin sa tapat ng bahay ni Andrew nakahinga na ko ng maluwag kasi hindi
naman sila nag ingay about sa kiwento ko kahapon sa kanila. Thanks God! Hindi na
nila kinuha sa kotse yung gamit nila kasi susunduin rin naman kami ni Chard.
Bababa na rin sana ako ng pigilan ako ni Chard. "Akin na ang cellphone mo" ibinigay
ko naman yung cellphone sa kanya at may nilagay siya. "Nan diyan ang number ko.Pag
aalis ka ng bahay wag mong kakalimutan yung cellphone mo" at binalik na niya sakin
ang cellphone ko.
"Sige ingat ka,balikan mo na lang kami mamayang 5:30" tumango na lamang siya kaya
bumaba na ko.
"Ang tagal mong bumaba sa kotse" mapang asar na sabi sakin ni Gab na tinarayan ko
na lamang.
"Nandito pala kayo Cy, tara pasok kayo sa loob magugulat si Andrew dahil nandito
kayo" sabi ni mama Jing ang mama ni Andrew.Kung alam mo lang tita planado namin
ito.
Pagkapasok namin sa loob ng bahay nila Andrew nakita namin siya na nanonood ng t.v
sa sala nila. "SURPRISE!!" sabay-sabay na sabi naming apat.
"OMG guys, mahal na mahal niyo talaga ko" kunyaring gulat naman na sabi ni Andrew
HAHAHAHA
"Kukuha lang ako ng miryenda niyo" sabi ni mama Jing at umalis na.Pag alis ni mama
Jing agad naman kaming nag tawanan kasi umaayon ang plano namin.
"Ang galing mong umarte HAHAHAHA" sabi ni Alexie kay Andrew.
"Ako pa, kamukha ko yata si Nadine" nagsi ubuhan namin kami sa sinabi ni Andrew
HAHAHAHA eme
"Napaka emedora mo" asar na sabi ni Gab na kinatawa naman naming lima. Tumigil lang
kami sa pag tawa ng dumating na si mama Jing dala ang miryenda.
"Kain na kayo" masayang sabi samin ni mama Jing.
"Thank you mama Jing" sabay-sabay naming sabi na kinangiti naman ni mama Jing at
umalis na.
"Tara guys doon tayo mag-usap sa kwarto ko" sabi ni Andrew at pumunta na kami sa
kwarto niya. Pagpasok namin sa kwarto niya agad akong dumapa sa kama.
"Sayang Andrew hindi mo nakita kanina yung Chard na kini kwento ni Cy.Grabe napaka
gwapo parang greek God" sabi ni Gab na parang ngayon lang nakakita ng gwapo.Bigla
naman binuksan ni Alexie ang laptop ni Andrew.Napakapakilamera talaga HAHAHAHA.
"Tapos pinagkamalan lang na bakla ni Cy?HAHAHAH" hindi makapaniwalang sabi ni
Andrew kaya ito nanaman ako at nahihiya kasi naalala ko yung pag halik ko sa cheek
niya argg.
"Guys sikat na sikat pala talaga si Chard. Check niyo toh" sabi ni Sophia at
binigay samin ang laptop.
Sabi dito isa siyang walang pusong CEO at Abogado.Hindi mo matatapatan ng pera ang
pagiging abogado niya.Sa edad na 26 marami na siyang ari-arian.Single din siya.
"Ang layo pala ng edad natin sa kanya, parang kuya na natin siya" biglang sabi ni
Ayen na parang kina inis ko.
"Ikaw din naman parang kuya namin.Lagi mo kaming pinag sasabihan" sabi ko sa kanya
na biglang kinakunot ng noo niya.
"Wag mo ngang ikunot yang noo mo Ayen nagmumuka kang matanda" sabi ni Alexie na
kinatawa namin ng malakas HAHAHAHA buti nga sayo para mo kasing pinalalabas na
matandan na si Chard.
"Tsaka mas mukha ka kayang kuya" sabi naman ni Andrew na kinatawa ulit namin.
"uy guys tama na yan" tumigil naman kami sa pagtawa ng mag salita si Gab "baka
umiyak na si kuya Ayen HAHAHAHA" natawa ulit kami ng may idagdag papala siya
HAHAHAHA.
"Hindi naman ako pikon" sabi ni Ayen na hindi namin inintindi kasi parang uusok na
yung ilong niya HAHAHAHA.
"ok ok tama na, may chika pala ko about sa pag punta ko sa bar" sabi ni Gab kaya
naman napatingin kami sa kanya. "Sobrang daming gwapo dun next week punta tayong
lima"
"Pero 17 pa lang kayo 18 na" sa May 14 pa kasi ang birthday ko samantalang sila
katatapos lang.
"Kasama mo naman kami tsaka hindi ka na niyan mahahalata" sabi ni Alexie na
kinatango namin maliban kay Ayen.
"Sige,sunduin niyo ko sa Bahay. Hindi ako papayagan niyan kaya ang sasabihin ko na
lang party ng kaklase natin HAHAHAHA" sabi ko sa kanila, hindi kasi ako papayagan
niyan ni mama lola na't 17 pa lang ako.
"Wag ka ng sumama.Mausok dun diba bawal ka sa mausok." parang tatay na sabi ni
Ayen.
"Pag umalis tayo wag natin isama si Ayen. Napaka kj hayst" sabi ko sa kanila na
kinatawa nila.
"Fine, kailangan niyo kong isama baka mapahamak kayo" yeah tama rin si Ayen, baka
mapa away pa kami.
Madami pa kaming pinag kwentuhan ng biglang may tumawag sa cellphone ko.Nang makita
kong si Chard ang tumatawag agad akong napangiti.
"Hmm sino yan at ngumingiti ka pa?" chismosang tanong ni Gab. Hindi ko na lang
pinansin yung tanong ni Gab.
"excuse lang guys sagutin ko muna" sabi ko at sinagot ang tawag.
[Nandito na ko sa baba]
"ok ,wait" sabi ko at binaba na ang tawag.
"Baba na tayo guys nan diyan na sa baba si Chard" agad naman kinuha ni Andrew ang
bag niya.
Pag baba namin nakasalubong namin si mama Jing "Mag o-overnight po kami ngayon sa
bahay namin mama Jing"
"ok,ingat kayo" naghiyawan naman kami sa sinabi ni mama Jing kadalasan kasi hindi
siya pinapayagan kahit na lalaki siya. Alam na rin kasi ng mga magulang ni Andrew
na bakla siya pero tinangap pa rin siya.Tulad ni Gab na tangap din sa pamilya nila.
"Ok bye,bye mama Jing" paalam namin at lumabas na.
"Sino mauupo sa pinaka likod?baka kasi hindi kayo magkasya" tanong ko sa kanila.
"Ok lang kami,mas gusto namin mag tabi tabi tsaka kasyang kasya kami" tumango na
lang ako sa sinabi ni Alexie at pumasok na kami sa kotse.
"Chard, si Andrew nga pala. Andrew si Chard" pagpapakilala ko sa kanila pero tulad
kanina tumango na lamang si Chard at nagmaneho na.

Episode 4
Cyrine's POV

7:45 P.M na kami nakarating sa Bahay dahil medyo traffic.Agad nilang kinuha ang
kani-kanilang bag sa likod.Habang ako nandito pa sa kotse at hindi pa bumababa.
"Thank you Chard,Ibabalik ko na lang yung t-shirt mo" bababa na sana ako ng bigla
niya kong pigilan at lumabas siya ng kotse at umikot para pagbuksan ako.Napangiti
naman ako sa ginawa niya.
"Hey guys!sakto ang dating niyo.Let's eat na." rinig kong sabi ni mama sumunod
naman kami."Iwan niyo na muna sa sofa yung gamit niyo tapos sumunod na kayo sa
dining room"
"Thank you tita" sabay-sabay na sabi ng mga kaibigan ko. Pag kalapag nila ng mga
gamit nila ay agad ko silang niyaya papunta sa dining room.
"Mag behave lang kayo guys.Lalo na kayong dalawa." turo ko kay Gab at Andrew.
"opo ma'am" sabi nilang dalawa at pumunta na kami sa dining room.
Agad naman akong naupo sa pwesto ko.Tatabi na sana sakin si Ayen ng biglang
dumating si Chard at naupo sa tabi ko."Maupo na kayo" nakangiting sabi ni daddy sa
mga kaibigan ko.
"By the way guys si Daddy Emmanuel nga pala.Daddy mga kaibigan ko po si Ayen,Alexie
,Gab at Andrew" pagpapakilala ko kay Daddy sa mga kaibigan ko.
"Ang bata niyo pong tignan tito" pambobola ni Andrew kay daddy.
"Oo nga po tito, hindi halata na may edad na kayo" dagdag na pambobola ni Alexie.
"Mukha lang po kayo 30s tito" isa pa itong si Sophia.
"Tama ka nga hon, mababait ang kaibigan ni Cyrine.Magaling ka pa lang pumili ng
totoong kaibigan Cyrine" napangiti naman ako sa sinabi ni Daddy.Tama yung sinabi
niya mga totoong kaibigan nga sila Alexie.
"Nambobola lang po yang mga yan dad" natawa naman sila sa sinabi ko.
"Bakit mukha na ba akong matanda?" tanong sa akin ni Daddy.
"Joke lang po daddy, syempre po mukha pa rin kayong bata HAHAHAHA" sana pag tumanda
ako mukha pa ring bata yung itsura ko tulad nila mama at daddy.
Napuno ng tawanan ang loob ng dining room dahil pinagsama-sama ang mga puro
kalokohan ang nasa isip.Pagkatapos naming kumain hinatid ko na sila sa guest room.
"Ang laki ng guest room niyo Cy" sabi ni Ayen.Pina-ayos kasi ito ni mama para kila
Ayen kaya may apat na kama para sa kanila.
"Tig iisang kama pa kami" manghang sabi naman ni Gab.
"Pina ayos yan ni mama para sa inyo" sabi ko na kinangiti nilang apat.
"Napaka bait talaga ni tita" sabi naman ni Alexie nanakadapa na sa kama niya.
"Mukhang may gusto sayo si papa Chard" nagulat naman ako ng biglang sabihin ni
Andrew yun.
"Sira ka!matanda yun sakin baka nga nakababatang kapatid lang ang turing niya sa
akin" malungkot kong sabi.
"Bakit ka naman na lungkot sis?May gusto ka na sa kanya noh?" tanong naman ni
Alexie.
"Iba kasi yung tingin niya sayo kanina habang tumatawa ka.Tingin ng pagmamahaaaal"
sabi ni Andrew.
"Oo nga sis, napansin ko din kanina na tingin siya ng tingin sayo" dugtong pa ni
Gab na kinailing ko na lang.Ayaw kong umasa.
"Wag na nating pag-usapan yan.Mag bihis na kayo ng pang swimming para makababa na
tayo" pagkatapos ko yun sabihin ay lumabas na ko ng guest room at pumunta sa kwarto
ko para makapag bihis na rin.
Pumunta na kong walk in closet ko at kumuha ng one piece swimsuit na
backless.Pagkatapos kong isuot ay nagpatong ako ng bathrobe.Lalabas na sana ako ng
biglang bumukas ang pintuan at nakita ko si Chard.
"May problema ba Chard?" kunot noong tanong ko sa kanya.
"Anong suot mo?" seryosong tanong niya.
"A-ahm one piece swimsuit,bakit?" nagtataka na ko dito kay Chard huh.
"Magpalit ka." malamig na sabi nito.Na parang malapit ng sumigaw.
"Bakit naman?e mag swi-swimming kami" baka naman gusto niya rin yung swimsuit ko?
"Mag rushguard ka" utos niya sakin na parang hari.
"ayoko" matapang kong sabi.Anong akala niya mauutusan niya ko basta-basta.No way.
"Magpapalit ka o hahalikan kita?" nagulat naman ako sa sinabi niya.Siya ba talaga
to'?Pero parang mas bet ko yung pangalawa HAHAHAHA charot.
"Fine" sabi ko at pumasok na ulit sa walk in closet ko kinuha ko naman yung one
piece rushguard ko.Rush guard daw e.Pero bakit ba ang bilis kong sumunod sa gwapong
yun??
Bago ako lumabas sinuot ko ulit yung bathrobe ko "ok na po ba?naka rush guard na
ko"
"Good girl" nakangising sabi nito at lumabas na.Lumabas na rin ako para puntahan
yung mga kaibigan ko.
Pagbukas ko ng pintuan nakita ko na ready na silang lahat. "tara na guys"
Pakababa namin agad naman silang nagsitalunan sa pool. Habang ako natawa sa
kanilang apat. Bigla naman akong napatingin kay Chard na nasa veranda niya habang
nakatingin sa akin. Kinawayan ko na man siya. Hinubad ko naman ang bathrobe ko at
pagtingin ko ulit kay Chard Nakita kong nagdilim ang mukha niya. Nyare dun?
"Hey Cy, talon ka na sasaluhin kita" sabi ni Ayen na nag-aabang.Tumango naman ako
sa kanya at tumalon na.
Pag kalubog ko sa tubig ay inangat agad ako ni Ayen.Nilagay niya ko sa likod niya
kaya naman kumapit agad ako sa leeg niya at ang dalawang paa ko ay nakapulupot sa
bewang niya.Ganito kami palagi kapag mag swi-swimming kami.
"Laro tayo tulad ng dati" sabi ni Gab.Yung larong papasan ka sa balikat at kung
sino ang unang matumba siya ang talo.
"Sige ako ulit ang referee" sabi na man ni Andrew
"Ok dating partner" masayang sabi ni Alexie.Tumango naman ako sa kanya.
Agad naman lumublub sa tubig si Ayen para makasakay ako sa balikat niya.Pag kasakay
ko kumapit agad ako sa kamay ni Ayen.Nakapasan na rin si Alexie kay Gab. Kaya naman
gumitna na si Andrew.
"Ok,ready ,set, fight!" agad kong tinulak si Alexie para mahulog pero magaling
siyang mag balance kaya naman agad niya kong tinulak kaya naman nahulog agad
ako.Hindi pa ko nakakatagal sa ilalim ng tubig ng kunin agad ako ni Ayen.
"Talo nanaman kayo HAHAHAHA" natatawang sabi ni Gab.
"Ang laki kasi ng braso ni Alexie hindi ko kinaya HAHAHAHA" pang-aasar ko kay
Alexie.
Sa inis ni Alexie kinuha niya ko at dinala sa malalim."Ah malaki pala ang braso ko
huh" habang yung tatlo ay natatawa lang.
"Hey nag jo-joke lang ako" sabi ko habang nakakapit kay Alexie.Bigla naman siyang
lumubog kaya lumubog rin ako pero saglit lang yun umangat agad siya.
"Ano sinong malaki ang braso" nakangising tanong Alexie sakin.
"Niloloko lang kita Alexie, tama na HAHAHAHA" agad naman akong dinala ni Alexie sa
mababaw kaya nakahinga na ko ng maluwag.
Nag palipas pa kami ng 2 oras bago umahon. Hinatid ko na sila sa guest room mukha
kasing pagod na rin sila. "Goodnight guys" hindi ko sila inantay na sumagot pagod
na rin kasi ako.
Pagpasok ko sa kwarto ko nagulat ako ng madatnan ko si Chard na nakaupo sa sofa ko.
"Bakit ka nandito?" takang tanong ko sa kanya.Agad naman siyang tumayo at lumapit
sa akin.
"Naisahan mo ko dun huh naka rush guard ka nga one piece naman. Naglolokohan ba
tayo dito?" malamig na sabi niya na kina atras ko naman.
"Sabi mo lang kasi rush-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng halikan niya ko
bigla.Sinubukan ko siyang itulak kaso masyado siyang malaki at hindi ko kaya.
"Fuck! nawala lahat ng galit ko dahil sa masarap mo labi" namula naman ako sa
sinabi niya kaya agad akong tumakbo sa banyo at nag lock. Sheeet grabe hindi ako
makahinga ng maayos bakit ganto.
Nagbanlaw na ko at nag bihis ng pantulog. Pagkahiga ko sa kama naalala ko nanaman
ang pag halik niya sakin. Paano ko siya haharapin nito??nakakahiya,
Hindi tuloy ako makatulog ng maayos.Argg nakakainis ka Chard.Pinikit ko na lang ang
mata ko at nagumpisang mag bilang para makatulog.

Kinabukasan nagising ako sa malakas na katok ng mga kaibigan ko. Pagkabukas ko ng


pinto nakita ko sila na mga nakapang tulog pa. "Goodmoring Cy, lunch na kaya bumaba
na daw tayo" masiglang bati ni Andrew.
Kaya naman pumunta na lang ako sa banyo ko para maghilamos at mag toothbrush habang
ang buhok ko naman ay tinali ko na. Pagkalabas ko ng banyo nakita ko sila na nasa
kama ko at inaantay ako.
"Tara na guys" yaya ko sa kanila at nakasabay pa namin si Chard na bumaba.Kaya
naman namula agad yung mukha ko kasi naalala ko yung nangyari ka gabi sheeet.
Pagdating namin sa dining room nandun na si mama at daddy.Nakahanda na rin lahat ng
pagkain. "Tumawag nga pala dito kagabi ang mama mo Andrew, sa Manila ka daw umuwi
para makapag enroll ka" nagulat naman kami sa sinabi ni mama
"Sa Metro Manila ka mag-aaral sis?" tanong ni Gab.
"Ah oo sa Makati University, ngayon ang huling enrollment kaya need ko agad na
umuwi" sagot ni Andrew.Mukhang mag kaka hiwa-hiwalay na talaga kaming lima
"Cy, ikaw na ang bahala na mag hatid sa mga kaibigan mo" sabi ni mama sakin na
kinatango ko na lang.Baka kasi hindi ako makapag salita ng maayos katabi ko kasi si
Chard at naiilang pa rin ako.
"Sasamahan ka ulit ni Chard" sabi ni daddy, tatangi sana ako ng maalala ko na wala
nga pala ang driver namin ngayon.
"Kayo Alexie,uuwi na rin ba kayo?" tanong ni mama kay Alexie.
"Opo tita, sasabay na po ako kay Andrew" sagot ni Sophia.
"Kami rin po ni Ayen tita" dagdag pa ni Gab.
Pagkatapos naming kumain ay nag si akyatan na kami para maligo. Pagkatapos kong
maligo nag suot lang ako ng highwaist short, plain white t-shit at pinatungan ko ng
cardigan.Para tuloy akong nakapang office. Inilugay ko na lamang ang buhok pag
katapos ay tinignan ko ang kabuuan ko sa salamin. Ang ganda ko talaga HAHAHAHA
Pag kalabas ko sa kwarto ko dumiretso agad ako sa guest room at nakita ko sila na
nag aayos na ng mga gamit nila. "Hey Andrew" tawag ko sa kanya.
"Bakit sis?" lumapit naman ako sa kanya at tumabi na maupo sa kama.
"Mag-ingat ka sa Metro Manila,marami daw basag ulo dun baka mabasag yung chaka mong
mukha HAHAHAHA" natawa naman si Gab at lumapit na rin samin.
"Basag na talaga mukha niyan sis wala ng mababasag HAHAHAHA" asar ni Gab na chaka
rin naman HAHAHAHA charot
"Hoy Cy!Ewan ko ba kung nag-aalala ka sakin o nilalait lang ako" nagtatampong sabi
ni Andrew
"Joke lang naman Andrew, pero seryoso mag-ingat ka dun lalo na malalayo ka samin"
malungkot na sabi ko.Ang drama ko nanaman hayst.
"Madaming gwapo dun hanapan mo ko sis HAHAHAHA" singit naman ni Alexie.Kitang nag
dra-drama ako dito tapos sisingit.
"Ingat ka dun bro" sabi ni Ayen na kinainis naman ni Andrew.
"Hoy Ayen,wag mo kong ma bro-bro diyan sis ako sis" galit na sabi ni Andrew na
kinatawa namin ayaw niya kasing tinatawag na 'bro'.
"Pero teka diba medyo malayo yung Makati University sa Bahay niyo?Araw-araw kang
babyahe niyan sis.Hagard ka agad" sabi ni Gab.
"Nakabili na si mama ng condo ko malapit sa school kaya naman wala na talaga
atrasan to' e kayo saan kayo mag-aaral?" tanong ni Andrew.Ako kahit saan mag-aaral
ako pero mas maganda kung kasama ko sila.
"Hindi ko pa alam e tsaka may kapit naman siguro si Dad kaya kahit late ako mag
enroll ok lang" sagot ni Alexie.
"Basta maraming gwapo dun ako" sagot naman ni Gab
"Kahit saan basta maayos" sagot naman ni Ayen
"Bahala na kung saan ako ipasok ni mama" sagot ko naman.Bigla naman nag ring ang
cellphone ni Andrew.
"Pauwi na mom" rinig naming sagot niya sa mommy niya mukhang pinapauwi na
siya.Pagkababa niya ng cellphone niya agad siyang nag yayang bumaba.
Pag kababa namin nakita ko si Chard na naka black pants habang naka tack-in ang
white polo na nakatupi hanggang siko niya.Grabe nakaupo lang siya sa sofa pero
mukha na siyang model. Pero agad ko din iniwas ang tingin ko sa kanya kasi naalala
ko nanaman yung paghalik niya sakin.
"Thank you po tita" sabay-sabay nilang sabi at nag kiss sa cheek ng mama ko.
"Mag-ingat kayo sa byahe" sabi ni mama.Tumango na lamang kami at pumunta na sa
garahe.
Bubuksan ko na sana ang passenger seat sa likod para hindi makatabi si Chard ng
bigla niya kong hatakin."Dito ka sumakay" wala na kong nagawa kundi ang sumakay na
lang.
Pag kasakay nila Alexie sa kotse nagmaneho na agad si Chard papuntang Calamba
Village.Habang bumabyahe kami walang nag sasalita pag tingin ko ay tulog pala sila
maliban kay Ayen.
"Mukhang pagod na pagod sila" sabi ko kay Ayen
"Ang ingay kasi ni Andrew at Gab kagabi hindi kami nakatulog ng maayos ni Alexie"
pag rereklamo ni Ayen.
"sige matulog ka na rin Ayen,gisingin ko na lang kayo" unting-unti naming pumikit
si Ayen.Kaya ayokong kasama si Gab at Andrew sa kwarto masyado silang madaldal at
hindi ka talaga makakatulog ng maayos.
Nang makarating kami sa Village nila Ayen agad ko silang ginising."Bye Cy"
pagpapaalam ni Alexie sakin.
Nang makababa silang tatlo agad rin na pinaandar ni Chard ang sasakyan.Pag tingin
ko naman kay Andrew ay tulog pa rin.Hinayaan ko na lamang para hindi antukin mamaya
sa enrollment niya.
Makalipas ang 2 oras ay nahatid na rin namin si Andrew sa Bahay nila. So Lalo akong
nailang kasi dalawa na lang kami ni Chard ngayon.
"Dumaan muna tayo sa office bago umuwi" sabi ni Chard na kinatango ko na
lang."Iniiwasan mo ba ko?Kung tungkol sa kagabi hindi ko pinag sisisihan yun"
"Huh?" tanging lumabas sa bibig ko.
"Gusto kita Alzola, kaya hinalikan kita"

Episode 5
Cyrine's POV

Pagkababa niya ng kotse agad niya kong pinagbuksan at hinawakan sa bewang ko.
Aalisin ko sana kaso bigla niya kong pinagbawalan "Don't"
Pag kapasok namin sa loob ng kompanya niya agad siyang binati ng mga tao pero hindi
niya man lang binati pabalik. Ang mga mata niya rin ay cold tulad ng una naming
pagkikita. Narinig ko naman ang pag-uusap ng iba niyang trabahante.
"ngayon lang nagdala si sir ng babae sa kompanya"
"Ang bata bata pa ang landi agad"
"Saan naman kaya na pulot ni sir yang babaeng yan?"
"Bayarang babae"
Napatigil naman ako sa paglalakad dahil sa mga salitang binitawan nila na wala
namang katotohan. "Chard, iwan mo na lang ako dito" nakayukong sabi ko ayoko naman
na masira siya dahil sakin.
"GUARD!PALAYASIN MO ANG MARURUMING BABAENG YAN SA KOMPANYA KO!" galit na sigaw ni
Chard at hinila na ko papunta sa private elevator.
Grabe nakakatakot siyang magalit para siyang monster. Nang bumukas ang elevator
agad kaming pumunta sa office niya na kasing laki yata ng sala namin.Pagtingin ko
sa kanya galit pa rin ang itsura niya kaya naman hinawakan ko siya sa braso.
"Hey!Mr.CEO kumalma ka lang" napatingin naman sakin si Chard at nawala na lang
bigla ang madilim na awra sa kanya
"Buti sa kanila yun lang ang inabot nila sakin" niyakap ko na lang si Chard para
naman kumalma na siya ng tuluyan.
"Tumigil ka na" sabi ko dito at niyakap rin ako.
"Ayoko lang naman na sinasabihan ka nila ng ganung salita" mahinahon na niyang
sabi. Bigla naman akong nahiya sa ginawa kong pag yakap sa kanya. Hihiwalay na sana
ako ng mas yakapin niya pa ko ng mahigpit "Gusto ko na lang palaging magalit"
"Bakit naman?" tanong ko sa kanya na parang nawala ang hiya ko sa nangyari kagabi
at nangyayari ngayon.Parang normal na lang sakin.
"Para lagi mo kong pinapakalma" namula naman ako sa sinabi niya at hindi ko na lang
pinahalata.
Hindi pa sana kami titigil sa pag yayakapan ng biglang may kumatok. Agad naman
akong bumitaw sa yakap ni Chard at nagtago rin sa likod ni Chard baka kasi may
galit din yun sakin.
"Come in" malamig niyang wika.
"Sir, nasa conference room na po ang lahat kayo na lang po ang hinihintay" sabi ng
lalaki na mukhang secretary niya. Narinig kong nagsara na ang pintuan kaya naman
lumingon na ulit sakin si Chard.
"Wag kang aalis dito babalikan agad kita" tumango na lang ako sa sinabi niya kasi
ang bilis talaga ng tibok ng puso ko. Parang may mga paru-paro na naglalaro sa tyan
ko.
Hinalikan muna ako ni Chard sa noo bago siya lumabas. Sheeeet bat ganito siya sakin
kinikilig ako. Tuluyan na yata akong mag kakagusto sa kanya o baka gusto ko na
talaga siya. Sheeeet legit gusto ko na siya. Para kasing matagal ko na siyang
kilala.
Naupo na lang ako sa sofa niya at nagbuklat ng mga magazine. Nang biglang may
pumasok na babae na sobrang kapal ng make-up at ang ikli ng palda. Halos makita na
rin yung hinaharap niya dahil hindi naka butones ang polo t-shirt niyang suot.
"Ikaw pala ang babaeng lumalandi kay Chard" baliw na yata si ate na mukhang
espasol.
"Galing po ba kayong Laguna ate?Kasi ako galing din doon pero hindi naman ako
mukhang espasol" sarcastic kong sabi sa kanya na kinausok ng ilong niya na puro
naman black heads.
"Nang iinsulto ka ba?" galit na tanong ni Ms.Espasol.
"Bakit po?naiinsulto po ba kayo?" nakangiti kong tanong sa kanya.
"MALANDI KA TALAGA!"galit na sabi niya sakin at bigla akong sinabunutan.
"Wala po akong ginagawang masama" masyado siyang malakas at hindi ko mapigilan.
"POKPOK!BAYARANG BABAE DAPAT LANG SAYO TO'!!" napahiga naman ako at na upo naman si
ate sa tyan ko at patuloy pa rin akong sinasabunutan. Hindi pa siya nakuntento at
sinampal at kinalmot niya po ako. Naiyak na lamang ako sa pinag gagagawa sa akin ng
babaeng ito.
Please Chard,Help me! sigaw ko sa aking isipan. Bigla naman may humatak sa buhok ng
babaeng nakadagan sa akin at pinagsa sasampal ito.
"FUCK YOU BITCH!HOW DARE YOU TO HURT MY WOMAN" galit na sigaw ni Chard sa babae
"ILABAS MO YAN SA COMPANYA KO AT IPATIRA SA BLACK GUARD THEN TAPUSIN!" sabi naman
ni Chard sa secretary niya.
Agad akong nilapitan ni Chard at binuhat ng pa bridal style at dinala sa
sofa.Kinuha niya ay first aid kit at pinatong sa mini table. Mabilisan naman akong
binuhat ni Chard at naiupo niya agad ako sa lap niya ng patagilid. Ang bilis
nanaman ng tibok ng puso ko sheeet.
"Dapat hindi na kita iniwan dito,dapat hindi na kita sinama dit para hindi ka
napapahamak" nakokonsensya niyang sabi.Hinawakan ko naman siya sa pisngi niya at
tinitigan.
"Wala kang kasalanan.Hindi naman ikaw ang nanabunot sa akin. Buti nga at bumalik ka
agad kasi kung hindi baka kung ano pang gawin sakin ng baliw na babaeng yun. Kaya
wag mo ng sisihin yung sarili mo" bigla ko siyang kiniss sa ilong na kinangiti niya
at ito nanaman ako gusto na lang magpalamon sa lupa dahil sa kahihiyan na ginawa
ko.
"Bat parang nahihiya ang Alzola ko?" nakangising tanong ni Chard sa akin na lalo
kong kinapula kaya naman yumuko na lamang ako para maitago ang mukha kong parang
kamatis na yata. "Ang bilis talaga mag laho ng galit ko pag kasama kita." ang bilis
naman ng tibok ng puso ko pag kasama ka.
"Chard..." hindi ko alam ang sasabihin ko.Bakit ang sweet-sweet niya sa akin?
"Gamutin na natin yang sugat mo" at nag labas siya ng bulak at alcohol.Nilagyan
niya ng alcohol ang bulak at uting uting niya dinampi ang bulak sa pisngi kong may
kalmot.
"Aray Chard" agad naman niyang hinipan para mawala ang hapdi at nawala nga.
Pagkatapos niyang gamutin lahat ng kalmot sa akin ng babaeng yun ay binuhat niya
ulit ako at ngayon sa sofa na mismo ako nakaupo.
Kumuha siya ng suklay at lumapit ulit sa akin at sinuklayan ang buhok kong nagulo
dahil sa babaeng yung. Maayos niya rin na pinusod ang buhok ko na kina ngiti ko
nanaman.
"Thank you Chard" nakangiting sabi ko dito.
"I like you Alzola" ito nanaman ang puso ko na hinahabol ng kabayo. Sobrang bilis
at lakas ng tibok baka marinig ni Chard.
"Gu-gusto mo na agad ako?E kakakilala pa lang natin" nauutal na tanong ko.
"Matagal na tayong mag kakilala Alzola ko.." bigla naman niyang sinuot ang salamin
niya at binaba ang buhok niya. Tinitigan ko siya ng maigi hanggang sa maalala ko
na.
"Mr. Sunglasses!" masaya kong sabi at niyakap ko siya ng mahigpit kaya naman
napakandong ulit ako sa kanya patagilid.
"Naalala mo din ako Alzola, crush mo pala ako" pangaasar sa akin ni Chard.
"Crush lang naman hindi pa love" para naman nalungkot yung mga mata niya.
"Mamahalin mo din ako" sabi nito na kinangisi ko lang.
"Ako nga gusto mo lang pero hindi naman ako nag demand" nakangusong sabi ko sa
kanya na kinatawa niya.
"Hindi ka na naiilang sa akin ngayon" pag-iiba niya ng usapan.
"Bakit naman ako maiilang sa crush ko, baka ikaw mailang HAHAHAHA" natawa rin siya
sa sinabi ko.
"Syempre hindi nahalikan na nga kita sa labi" hmm inaasar mo ko huh. Hinawakan ko
naman siya sa dalawa niyang pisngi at nilapit ang mukha ko. "Gusto mo pala kong
halikan Alzola"
"Chineck ko lang kung may kulangot ka HAHAHAHAH emedora ka" bigla naman niya kong
hinalikan ng mabilisan sa labi ko. "Ganun mo ba ko kagusto Chard para mag nakaw ng
halik HAHAHAHHA"
"Be mine" natigilan naman ako sa pagtawa ng bigla niya sabihin yun.
"Tigilan mo ko Chard, bawal pa ko mag boyfriend 17 pa lang ako" pag 18 na ko tsaka
pa lang ako papayagan ni mama na mag boyfriend.
"Edi sabihin natin kila tita sa birthday mo. Gusto ko na kasi mag karoon ng
karapatan na magselos. Gustong gusto kita Alzola, Gusto kitang bakuran sa lahat ng
manliligaw sayo. Kahit na araw-araw kitang ligawan ok lang sakin. I like you so
much" inantay ko yung 3 words pero hindi naman pala niya sasabihin okray.
"Sorry Chard, pero masyado pa talagang maaga para sa atin. Sana maintindihan mo ko"
sabi ko sa kanya at tumayo na sa pagkakaupo.
"Pero liligawan pa rin kita Alzola" tumango ako sa sinabi niya.Payag naman ako,
liligawan lang naman.
"Tara na kumain na tayo. Nagutom ako sa pag sabunot ng babaeng yun" bigla naman nag
dilim ang awra ni Chard.
"Papatayin ko talaga yung babaeng yun" kinilabutan naman ako sa sinabi niya pero
niyakap ko pa rin siya upang kumalma.
"Tara na kain na tayo, sige ka baka magutom ako at hindi na kita magustuhan"
pabirong sabi ko dito.
"Saan mo ba gustong kumain?" malambing niyang tanong sakin.
"Sa Chinese Restaurant na lang" agad naman niya kong inakbayan kaya naman kumapit
na rin ako sa bewang niya. Para kaming mag kasintahan pero hindi pa po.
Pagkasakay namin sa private elevator bigla naman ako natakot baka awayin nanaman
ako ng mga mukhang espasol. Masakit din ang makalmot, masabunutan at masampal.
Pagkalabas namin ng elevator napayuko na lang ulit ako habang naglalakad kami ng
biglang tumigil si Chard kaya napatigil na rin ako. Nabigla naman ako ng hawakan ni
Chard ang baba ko at iangat kaya naman napatingin ako sa kanya."Hindi dapat
yumuyuko ang magiging asawa ko"
Yung mga titig niya na parang ang bilis akong mapasunod kaya naman tinanguan ko
siya at naglakad na ulit palabas ng office niya. Agad akong pinagbuksan ng pintuan
ni Chard kaya sumakay na ko. "Thank you"
Ngumiti naman si Chard at umikot na papuntang driver seat. Bigla naman siyang
lumapit sakin at alam ko naman na ikakabit niya lang ang seatbelt ko kaya inunahan
ko na siya.
"Safety first" nakangiting sabi ko kay Chard. Bigla naman niya kong hinalikan sa
noo ko na kinabilis nanaman ng puso ko.
"Mas safe ka pag nasa tabi kita" nakangising sabi nito sa akin.
"Tumigil ka na nga.Mag drive ka na papuntang restaurant" kunyaring naiinis kong
sabi dito na kinatawa na lang niya at nag umpisa ng mag drive.
Mabilis kaming nakarating sa Chinese restaurant medyo malapit lang kasi sa kompanya
ni Chard. Pinagbuksan niya ko ng pintuan at hinawakan na ulit ako sa bewang ko na
parang may hihila sa akin palayo.
Pagpasok namin sa restaurant agad kaming nagtungo sa VIP room. Tabi kami sa upuan
at nakaakbay pa rin siya sakin.
Bigla naman may pumasok ng mga crew at nilapag ang mga Chinese food sa lamesa
namin."Enjoy sir" sabay-sabay nilang sabi at nag silabasan na.
Nilagyan ako ng pagkain sa pingan ni Chard kaya naman sinubuan ko naman siya. "Ang
sweet naman ng magiging ina ng mga anak" nagulat naman ako sa sinabi niya kaya
napainom agad ako ng juice.
Bigla naman nahulog ang pitsel kaya nabasag to' agad naman may pumasok na lalaking
crew at nag umpisang linisin yun. Tumingin naman ako kay Chard at madilim nanaman
ang kanyang awra.
"Kain na tayo, hayaan na natin yung crew" sabi ko kay Chard at sinubuan ko ulit
siya pero yung mga tingin niya ay nasa crew pa rin. Hinawakan naman ni Chard ang
legs ko at inurong papunta sa kanya.
Habang kumakain kami nagulat ako ng biglang may humipo sa binti ko kaya agad akong
napatayo. Biglang naman na pinagsususuntok ni Chard yung crew "PUTANGINA MO, MALI
KA NG BINASTOS!NAKAKAPAG PIGIL PA AKO KANINA PERO NGAYON HINDI NA" halos mapatay na
ni Chard yung crew kaya naman lumapit na ko kay Chard at niyakap siya mula sa
likod.
"Umuwi na tayo Chard,pleaseee" malambing ko sambit sa kanya agad naman niya kong
hinawakan sa bewang ko at hinatak na ko palabas ng restaurant.
Binuksan niya agad yung kotse niya at sinakay ako. Habang siya ay naiwan sa labas
at may kinausap sa cellphone niya. Pagkatapos niya makipag-usap ay agad siyang
sumakay ng kotse. Nakita ko naman ang kamay niya na may dugo pa, dugo ng crew
kanina. Nilabas ko naman ang panyo ko.
"Akin na yang kamay mo pupunasan ko" inabot naman niya yung kamay niya kaya
pinunasan ko agad. "Bawasan mo naman minsan yung init ng ulo mo Chard, muntik ka ng
makapatay" binaba ko na yung kamay niya pagkatapos kong mapunasan.
"hindi na sana humihinga yung lalaking yun kung hindi pa nabawasan yung init ng ulo
ko" sabi ni Chard sa akin. Seryoso ba siya?nabawasan na niya yung init ng ulo niya
sa lagay na yun?
"Umuwi na nga tayo, baka ma traffic pa tayo rush hour pa naman. Baka nag-aalala na
si mama" 7 P.M na rin kasi tsaka 2 hours pa byahe namin e traffic pa baka maging 3
hours.
"Nasabi ko na kay tita na late tayong makakauwi.Alam naman niya na traffic sa Metro
Manila" tumango na lang ako sa kanya.
Habang nasa byahe kami hindi ako nainip kahit na traffic masaya kasing ka kwentuhan
si Chard. Hindi ko na rin namalayan na nakauwi na pala kami. Pagbaba ko ng kotse
tsaka lang ako nakaramdam ng antok 9:45 P.M na rin kasi.
Pagkapasok namin sa bahay nakita namin si mama at daddy na nasa sala at nag
lalambingan napatigil naman sila ng makita nila kami. "Nakakain na ba kayo anak?"
agad na tanong ni mama.
"Opo mama, Goodnight po" aakyat na sana ako ng biglang mag salita si Chard.
"Tita, tito, babakuran ko na si Alzola ko"

Episode 6
Cyrine's POV

Isang Linggo na rin ang nakalipas simula ng sabihin ni Chard kila mama na liligawan
niya ko. Akala ko tututol sila mama kasi masyadong malayo ang edad namin ni Chard
pero hindi tumutol si mama. Masayang masaya pa siya nung malaman niya yun at botong
boto ka agad siya kay Chard. Basta daw antayin ni Chard na mag 18 ako.
Sa nakalipas na Linggo araw-araw akong binibigyan ni Chard ng mga wattpad books na
may kasama pang chocolate. HIndi ko maiwasang kiligin sa lahat ng ginagawa niya
para sakin. Palagi na lang tumitibok ng malakas ang puso ko sa tuwing lalapit siya
sakin. Tulad na lang ngayon.
"Good Morning Alzola ko" bati niya sakin at inilapag sa kama ko ang bago niyang
regalo sakin. Tinignan ko naman siya sa salamin sa harapan ko at nginitian siya.
Naka formal suit siya ngayon mukhang pupunta siya ngayon sa Makati.
"Pupunta ka ngayon sa Makati?" tanong ko sa kanya habang nakaupo naman siya sa kama
ko.
"May meeting at trial ako ngayon" nakangiti niyang sabi sa akin. Gusto ko rin
siyang mapanood na nasa korte kung paano niya maipagtatangol ang kliyente niya.
"Gusto mong sumama?"
"Sa susunon na lang siguro Chard, may lakad kasi kami ng mga kaibigan ko ngayon"
ngayon kasi ang punta namin ng bar.
"Saan naman kayo pupunta?" tanong niya sakin. Lumakad naman ako papunta sa kama ko
at tumabi sa kanya ng upo.
"Mag di-dinner lang kami sa labas" matagal ko ng prinactice tong pag sisinungaling
feeling ko ang sama ko ng anak.
"Bakit hindi na lang dito?" tanong niya habang titig na titig sa aking mga mata.
"Ba-bagong bu-bukas kasi yun" nauutal kong pagdadahilan sheet baka mahalata.
"hmm" sabi nito sabay amoy sa buhok ko na kinataas ng balahibo ko.
"Naki-kiliti ako" pero patuloy pa rin siya sa pag-amoy sa buhok ko.
"Gusto mo ihatid kita?" sheet mahuhuli kami nito.
"Wa-wag na Chard, a-alam ko naman na busy ka ngayon. Tsaka dadaanan naman ako dito
nila Alexie may dala silang kotse." jusq Lord wag sana akong mahuli sa pag
sisinungaling ko.
"Edi susunduin na lang kita" mas lalong hindi pwede!!
"Wag na Chard, baka anong oras kana makauwi at sure ako na pagod ka kaya mag
pahinga ka na lang." malambing kong sabi dito para tumigil na.
"Basta pag umalis ka bitbitin mo yung cellphone mo" tumango naman ako sa kanya.
"Ok, hindi ko kakalimutan Chard" nakangiti kong sabi sa kanya. Hinalikan naman niya
ang noo ko.
"Tara bumaba na tayo para makapag lunch na" pagyaya sa akin ni Chard at sabay
kaming bumaba ng hagdanan ni Chard.
"Hindi ka ba niyan ma la-late?11:45 na pero nandito ka pa rin" tanong ko sa kanya
habang naglalakad kami papuntang dining room.
"Nakalimutan mo na ba I am the boss" mayabang niyang sabi sakin.
"Eh yung trial mo anong oras naman yun?" ako naman ang puro tanong ngayon.
"4:30 pa yun" tumango na lang ako kasi nandito na kami sa dining room.
Agad akong umupo sa pwesto ko at tinabihan ako ni Chard. Pinagsandukan niya ko ng
kanin at ulam na sinigang na hipon. Pinagbalat niya rin ako ng hipon na kinangiti
ko naman. "Thank you" nginitian niya lang ako at nag sandok na ng kanin at ulam
para sa kanya.
"Ngayon lang kita nakitang nagkakaganito Chard" nakangiting sabi ni daddy kay
Chard.
"Ngayon ko lang din kasi nakita yung babaeng gustong gusto ko." sabi ni Chard
habang nakatingin sa akin.
"Mukhang ang lakas ng tama mo sa anak ko" pang-aasar ni mama kay Chard pero parang
wala lang kay Chard habang ako namumula na naman.
"Ang lakas rin kasi ng epekto ni Alzola sakin" sheet bat ganito ka Chard lalo akong
kinikilig pag sa harap ng magulang ko nagsasalita ka ng mga ganyang salita!
"Namumula na si Alzola HAHAHAHA" pang-aasar sa akin ni daddy na kinayuko ko na
lang. Bakit ganito kayo sakin?? Gusto ko na lang magpalamon sa lupa.
"Tama na nga yan. Kumain na lang kayo ng kumain para maka byahe ka na agad
papuntang Makati, Chard" nagpatuloy na kami sa pagkain at hindi na ulit nag-asaran.
Pagkatapos kong kumain umakyat agad ako ng kwarto ko para makaiwas sa panunukso
nila Daddy sakin.
Nag online ako at nabasa ko ang chat ni Alexie sa gc naming.
Alexie: @Cyrine Susunduin ka namin sa house mo ng 7 P.M
nag offline agad ako at kinuha ang wattpad book na niregalo ni Chard at nag
umpisang mag basa. Habang nag babasa ako biglang bumukas ang pintuan at nakita ko
si Chard.
"Aalis na ko Alzola, wala bang goodbye kiss?" natatawang sabi niya sakin.
"Tumigil ka nga diyan Chard. Mag-ingat ka sa byahe" sabi ko at nagbasa na ulit ng
wattpad.
Bigla naman siyang lumapit sa akin at hinalikan sa noo ko. "Bye Alzola ko" at agad
naman siyang lumabas ng kwarto ko. Napaka sweet talaga ng lalaking yun at
napapamahal nako. Oo na mahal ko na yata siya.
Pag kaalis niya nag basa na ulit ako ng mga ilang chapter ng makaramdam ako ng
antok. 1:30 P.M pa lang naman iidlip muna ako para may energy ako mamaya sa
pupuntahan namin nila Alexie.

Nagising ako mula sa masarap kong pag idlip. Pagtingin ko sa orasan napatayo agad
ako ng makita kong 6 P.M na.
"SHEEEEET! NAPASARAP NANAMAN YUNG IDLIP KO!!" agad akong pumasok sa c.r at naligo.
Matapos ang 30 mins ko sa c.r pumunta agad ako sa walk in closet ko para magbihis.
Blinower ko ang buhok ko at sinuklay. Naglagay na rin ako ng light make-up.
Pag tingin ko sa salamin nakakita ako ng isang magandang nilalang. "Grabe ang ganda
mo talaga Cyrine" sabi ko sa sarili ko. habang nakatingin sa salamin. Nakasuot lang
ako ng white off-shoulder na dress na hanggang gitna lang ng hita ko. Naka heels
din ako na 2 inches.
"Ang hirap maging dyosa HAHAHAHA" parang tanga kong sabi sa sarili ko. Bigla naman
tumunog ang phone ko.
[Ang tagal mo talagang kumilos Cy] naiinis na sabi ni Gab.
"Ito na nga po pababa na HAHAHAHA" mabilis akong bumaba pagtingin ko sa sala nan
doon na ang mga kaibigan ko pati na rin si mama at daddy.
"Grabe Cy naunahan ka pa ni Andrew, samantalaga sa Manila pa siya galing" nag
tawanan naman silang lahat sa sinabi ni Alexie.
"Napasarap yung idlip ko e HAHAHAHA" natatawang sabi ko na kinatawa nila lalo.
"Alis na po kami mama" nag kiss ako kay mama at daddy bago lumabas.
Pagkasakay namin sa kotse nila Alexie agad itong pina andar ng driver nila. "Ano
naman ang dinahilan mo kay tita?" tanong ni Ayen sa akin.
"Sabi ko dinner lang" sagot ko naman kay Ayen.
"Ang sexy mo sa suot mo Cy,like me. Parehas pa kayo ni Alexie" maarteng sabi ni
Andrew. Parehas kami ng suot ni Alexie kaya lang black ang kulay ng kanya.
"Bakit ba sobrang ikli ng suot niyo?Baka naman mabastos kayo niyan" masungit na
sabi ni Ayen.
"Uy nagagait nanaman yung tatay natin HAHAHAHA" nagtawanan nanaman kami sa sinabi
ni Gab. Lagi niya kasing binabasag si Ayen.
"Papa Ayen kaya nga po nan diyan ka para ipagtangol kami sa babastos samin
HAHAHAHAHA" natawa ulit kami sa sinabi naman ni Alexie.
Puro tawanan lang ang loob ng sasakyan hanggang sa makarating kami sa bar. Sinearch
namin itong bar na ito at legal naman siya.
Payapa kaming nakapasok sa loob ng bar at hindi naman ako napagkamalan na 17 pa
lang. Pag kapasok namin usok kaagad ang sumalubong sa akin kaya tinakpan ko ang
ilong ko para hindi ko malasap. Agad kaming nakakita ng pwesto kaya naman naupo na
kami doon.
"Tara sayaw tayo!" pagyaya sa amin ni Gab pero umiling ako.
"Tara Gab tayo na lang" sabi ni Andrew at sabay silang pumunta sa dance floor.
Habang kaming tatlo ay naiwan dito.
"Ang wild talaga ng dalawang yun" sabi ko na kinatawa ni Alexie.
"Alam mo naman sila mas malandi pa sila sa babae HAHAHHAHA" natawa rin ako sa
sinabi ni Alexie dahil totoo naman.
Bigla naman may naglapag ng alak sa table namin at juice. Sinabi ko kasi sa kanila
na juice lang ang akin ayoko kasing malasing at ok lang naman sa kanila. Hindi na
nila ko pinilit.
Habang umiinom kami may lumapit na dalawang lalaki sa amin. "Peram naman kami ng
babae mo pare" sabi nung matangkad na lalaki kay Ayen.
"Hindi ko sila pinapahiram kaya umalis na kayo" seryosong sabi ni Ayen sa dalawang
ito na mukha naman manyak.
"Ang damot mo naman pare isasayaw lang naman" sabi naman nung isa pang lalaki.
"Edi mag sayaw pala kayong dalawa" seryoso pa rin na sabi ni Ayen. Habang kaming
dalawa ni Alexie ay nanonood lang sa tatay namin HAHAHAHA.
"Tara na nga pare wala tayong mapapala sa mukhang tukmol na to" pag ka alis ng
dalawa nag tawanan naman kami ni Alexie.
"Iba talaga si papa Ayen HAHAHAHA super protective" masaya kong sabi na may halong
pang-aasar.
"Oo nga sister, umurong agad yung dalawang lalaki HAHAHAHA" nagtawanan ulit kami ni
Alexie ng biglang bumalik yung dalawa.
"Anyare sa inyo sis at halos mamula na kayo sa kakatawa?" nagtatakang tanong ni Gab
sa amin.
"Ito kasing si papa Ayen hinarang yung nag-imbita sa amin na sumayaw HAHAHAHA" sabi
ni Alexie na hanggang ngayon ay natatawa pa rin.
"Kung nandito kami sumama na agad kami ni Gab" emedorang sabi ni Andrew.
"Akala mo naman iimbitahan talaga kayong sumayaw" mapang-asar kong sabi na kinatawa
ulit namin ni Alexie.
"Ang sama niyong dalawa" galit na sabi sa amin ni Andrew na mas kinatawa namin ni
Alexie.
"Tumigil na nga kayo" biglang singit ni papa Ayen "baka umiyak pa yan" natawa ulit
kami ng may pahabol papala si Ayen.
"Oh ano ka ngayon Andrew HAHAHAHA bumabalik na sayo lahat ng pang-aasar mo"
nakangising sabi ni Alexie.
"Bakit sakin lang?Dapat pati si Gab" maarteng sabi ni Andrew.
"Hoy bakla!nanahimik ako dito" sabi naman ni Gab na parang takot na bumalik lahat
ng pang-aasar niya.
"Tara mag truth or dare na lang tayo" sabi ni Alexie. Ayaw niya rin kasing sumayaw
sa dance floor.
"Game!" sabay-sabay namin na sabi.
Agad na pumabilog kami at agad kong inikot yung bote at tumapat ito kay Ayen.
"Truth or Dare" tanong ko.
"Dare" sabi ni Ayen.
"Yung unang dadaan na babae halikan mo" sabi ni Gab na mukhang kinainis naman ni
Ayen.
"Humanda ka sakin Gab" banta ni Ayen dito. Tumayo na si Ayen upang mag-antay ng
babaeng dadaan para mahalikan.
Nang may dumaang babae agad itong siniil ng halik ni Ayen na kinagulat naming apat
kasi ganito pala makipag halikan si Ayen paano kaya si Chard?sheeet bakit ba bigla
ko naiisip yun.
Pagkatapos halikan ni Ayen binigyan niya ng 5,000 yung babae at pinaalis na niya.
Pagbalik ni Ayen sa upuan namin napanga-nga pa rin kami sa ginawa niya.
"Ang wild pala ni papa kahit na seryoso minsan" manghang sabi ni Andrew sa kanya.
Paano pa kaya si Chard?ay tae sabing wag isipin si Chard.
"Uy si papa Ayen sanay na sanay makipag halikan" pang tutukso ni Gab dito.
"Tumahimik ka diyan Gab, babawian pa kita" inis na sabi ni Ayen sa kanya.
Pinaikot ni Ayen ang bote at tumapat ito kay Gab "It's payback time" nakangising
sabi ni Ayen.
"Humanda ka na Gab HAHAHAHA" pananakot naman ni Andrew kay Gab.
"Akala niyo naman natatakot ako kay Ayen. Kahit ano pa yan kayang kaya ko. Ako yata
si Darna" nasamid naman si Alexie sa sinabi ni Gab.
"Ang kapal talaga ng mukha mo Gab HAHAHAHA" sabi ni Alexie na tawa nanaman ng tawa.
"Tama na yan guys HAHAHAHA Truth or Dare" tanong ko kay Gab
"Syempre Dare" matapang na sagot ni Gab.
"hmm, halikan mo yung babaeng nakakandong doon sa lalaki" turo ni Ayen doon sa mag
kakaibigan malapit sa table namin.
"Yak, ew, kadire bakit babae pa Ayen" nandidiring sabi ni Gab. Nagtawanan naman
kami sa naging reaksyon ni Gab.
"Bagay lang sayo yan Gab HAHAHAHA" mapang asar na sabi ko kay Gab na Lalo naman
nainis.
"Bawal umatras, bro HAHAHAHA nakabawi na rin ako sa wakas!" masayang sabi ni Ayen.
"Fine!" inis na sabi ni Gab at pumunta na dun. Pinapanood lang namin siya lumapit
sa grupo na yun hanggang sa halikan niya yung babae. Tatakbo na sana pabalik dito
si Gab ng bigla siyang sapakin nag boyfriend nung babaeng hinalikan niya.
"Oh my God" sigaw ni Alexie. Agad naman pumunta si Ayen para tulungan si Gab. Pero
masyado silang marami kaya hindi kaya ni Ayen.
Lumapit na rin kaming tatlo sa kanila. Tinulungan ni Andrew at Alexie si Gab habang
nilapitan ko naman si Ayen na nakahiga na sa lapag "sheeeet Ayen" itatayo ko na
sana siya ng biglang may humablot sa akin.
"Ang sexy pala nitong babae mo, patikim muna" kinabahan naman ako ng bigla akong
hawakan sa braso ng manyak na ito.
"Bi-bitawan mo ko" nauutal kong sabi sa lalaking kaharap ko.
"Uy mga pare pabebe HAHAHAHA" nagtawanan naman lahat ng kaibigan niya. Lahat sila
mga mukhang manyak at halatang walang gagawing tama.
Pilit akong hinahalikan ng manyak na to' sa leeg ko pero patuloy pa rin akong
umiiwas. "Wag po" pag mamaka awa ko sa kanila. Napaiyak na lang ako sa ginagawang
kabastusan ng lalaking to' sa akin.
Tinignan ko ang mga kaibigan ko at hawak sila ng mga kasamahan ng manyak na to'
kaya hindi nila ako matulungan. Sinipa ko naman sa private part itong manyak na to'
kaya nabitawan niya ko.
"Tangina kang babae!" galit na sigaw niya sa akin at sinampal ako ng malakas.
Susubsob na sana ako sa lapag ng biglang may sumalo sa akin at sa matitigas na
dibdib ako nasubsob. Amoy pa lang niya alam ko na.
"Chard.." umiiyak na sabi ko sa kanya na parang nag susumbong. Humigpit naman ang
pag yakap sa akin ni Chard at mas sinuksok pa niya ko sa dibdib niya.
Nakarinig naman ako ng putok ng baril kaya mas napahigpit ang pag yakap ko kay
Chard. "Pe-peterson" rinig kong sabi ng isa sa kasama ng manyak na ito.
Agad naman akong hinila palabas ng bar ni Chard at Nakita ko ang mga kaibigan ko na
nag-aantay sa amin sa labas. Hindi na ako nakapag paalam sa kanila dahil sinakay na
agad ako ni Chard sa kotse. Pag kasakay niya agad niyang pinaandar ang kotse.
"Dinner pala"

Episode 7
Cyrine's POV

Simula kagabi na umuwi kami ni Chard galing sa bar hindi na niya ako pinapansin.
Nag sorry na ko sa kanya pero hindi niya pa rin ako pinapansin. Wala rin akong
natangap na regalo ngayong umaga mula sa kanya, mukhang galit na galit nga siya sa
pagsisinungaling ko.
Nababaliw na ko dito sa kwarto ko kakaisip sa kanya mukhang kailangan ko na
makakausap pero hindi ko alam kung sino ang kakausapin ko. Bigla naman may kumatok
sa kwarto ko kaya agad ko namang binuksan yun baka kasi si Chard na yun.
"Hey sweety, kain na tayo" nakangiting sabi sakin ni mama tumango naman ako sa
kanya at lumabas na ng kwarto ko.
"Mama si Chard, sasabihan ko lang po" kakatok na sana ako sa pinto ni Chard ng
pigilan ako ni mama.
"Wag na anak, busog pa daw siya" sabi ni mama at hinila na ko papuntang dining
room.
"Tapos na agad siyang mag lunch?" baka kasi iniiwasan niya ko kaya nag lunch na
siya agad.
"Hindi pa siya nag lu-lunch nag almusal lang siya. Hindi ka kasi gumigising ng
maaga kaya ayan tuloy hindi ka nakakapag almusal" sabi ni mama.
"Nag try naman akong gumising mama, pero ang sarap talagang matulog HAHAHAHA" sabi
ko kay mama.
"Nag biro ka pa talaga" natatawang sabi ni mama. Pag karating naming sa dining room
agad akong umupo sa upuan ko. Napatingin naman ako sa upuan ni Chard at naalala ko
nanaman yung nangyari kagabi.
"Anong oras ka nga pala naka-uwi Cyrine? Hindi ka na kasi namin nahintay ng mama
mo" tanong sakin ni daddy.
"9:30 P.M na po" sagot ko at nag umpisa ng kumain. Hindi naman na nagtanong sila
daddy kaya nakahinga ko ng maluwag.
"By the way anak, sa makalawa na nga pala kami ikakasal ng daddy Emmanuel mo"
masayang sabi ni mama.
"Ok po" walang ganang sagot ko, hindi naman ako tutol sa kanila nalulungkot lang
ako kasi galit sakin ngayon si Chard.
"Ok ka lang ba anak?" nag-aalalang tanong sakin ni mama.
"Opo mama ok lang po ako, saan po ba gaganapin ang kasal niyo?" masaya kong tanong
para hindi na mag-alala pa si mama.
"Dito lang sa bahay ayaw kasi ng mama mo ng sosyal gusto niya civil wedding lang"
sagot naman ni daddy sa akin. Hindi kasi mahilig si mama sa mga ganyan mas gusto
niya ang simple lang.
Pagkatapos kong kumain agad akong nag paalam kila mama at umakyat na sa kwarto ko.
Naisipan ko naman tumawag kay Alexie kasi sa tingin ko siya lang ang makakatulong
sa akin. Kinuha ko agad ang cellphone ko ang nakipag video call na kay Alexie.
[oh my God, Cy buti na lang tinawagan mo ko. Alalang alala kami sayo kagabi lalo na
nung narinig namin yung putok ng baril. Akala naming nabaril ka na] agad na sabi
sakin ni Alexie
"Ah so wala na kayo sa loob nung may bumaril?"
[Wala na sis, pinalabas kasi agad kami nung mga bouncers na inutusan ni Chard.
Babalik sana kami kaso pinagbawalan na kami. Nakita mo ba kung sino yung bumaril?]
"hindi ko nakita kung sino yung bumaril" nakasubsob kasi ako sa dibdib ni Chard
kaya hindi ko nakita.
[Thanks God you're ok. Takot na takot talaga kaming lahat na baka may nangyaring
masama sayo] Thanks God talaga kasi may kaibigan ako na tulad niyo.
"By the way sis, kaya talaga ko napatawag para manghingi ng payo" baka kasi pag
yung dalawang bakla ang kinausap ko ay lalo pang magulo ang utak ko. Hindi rin
naman pwede si Ayen dahil sure ako na nagpapahinga pa yun dahil sa bugbog na nakuha
niya kagabi.
[Ano yun sis?] seryosong tanong ni Alexie sakin.
"Nagalit kasi si Chard sakin dahil nagsinungaling ako sa kanya" malungkot na sabi
ko kay Alexie.
[eh bakit affected much ka? May gusto ka na kay Chard noh"] mali palang tumawag
dito kay Alexie mukhang hindi rin siya makakatulong sa problema ko.
"Seryoso kasi ako" inis na sabi ko dito.
[ok, ok bakit hindi mo na lang siya ipagluto para naman mapatawad ka na niya] aha
tama siya magaling pa naman ako sa pagluluto.
"Ang galing mo today Alexie, thank you so much. Love yah" sabi ko dito at binaba ko
na ang tawag.
Agad akong tumakbo pababa papuntang kusina para mag bake ng cookies at gumawa ng
cholote milk shake. Pagpunta ko sa kusina nakita ko sa manang na nagliligpit.
"Hi manang! meron po ba kayong ingredients para sa cookies tsaka chocolate
milkshake po?" magalang na tanong ko kay manang.
"Meron Cyrine, ilalabas ko lang" sagot ni manang.
"Sige po manang antayin ko po kayo dito" pumasok si manang sa storage room ng mga
pagkain. Pagkalabas niya agad ko siyang sinalubong para matulungan sa pag bubuhat
ng mga ingredients.
"Ang bait mo talagang bata ka" napangiti naman ako sa pag puri sa akin ni manang.
"Thank you po manang, magpahinga na po kayo ako na po bahala dito" mukha kasing
pagod na si manang.
"Basta wag kang masyadong mag papakapagod bawal pa naman sayo ang mapagod" tumango
na lang ako sa sinabi ni manang.
Nag umpisa na kong paghaluin ang mga asukal, brown sugar, butter at itlog sa isang
malaking mixing bowl. Pagkatapos ay hinalo ko ang flour, baking soda at asin.
Hinalo ko ang mga ito hanggang sa medyo tumigas na. Agad ko namang kinuha yung
chocolate chips at hinalo ulit hanggang sa kumalat. Minasa ko na rin ito at
ginawang heart shape tsaka nilagay sa oven.
Habang inaantay ko na ma bake yung cookies nagligpit muna ko ng kalat para hindi na
mapagod si manang. Hinanda ko na rin ang mga gagamitin ko sa paggawa ng chocolate
milk shake.
Nang tumunog ang oven agad ko itong kinuha "Awts" nakalimutan ko na mainit nga
pala. Kaya naman kinuha ko na ang baking gloves at sinuot ito. Pagkasuot ko agad
kong kinuha ang binake ko.
"hmm ang bango!" masayang sabi ko sa binake kong cookies. "Diyan ka muna cookies ko
mag sha-shake lang muna ako"
Agad naman akong nag shake at ng matapos nilipat ko na sa baso. Naglagay rin ako ng
toppings na cookies. Nilipat ko sa isang platito ang cookies tsaka ko pinatong sa
tray. Pero bago ako umakyat nilagyan ko na muna ng band-aid ang daliri ko na
napaso.
Dahan-dahan akong naglakad papuntang kwarto ni Chard at pagkatapat ko sa pinto
niya. Sinipa sipa ko ito. Hindi kasi ako ma kakakatok. Pag kabukas ni Chard ng
pintuan nakita ko siya na nakasalamin pa at malamig ang mga tingin sa akin.
"Ahm snack para sayo" nakangiti kong sabi sa kanya pero tumalikod lang siya at
nagpunta na sa table niya at nag basa na ng mga papeles. Mukhang busy siya.
"Iwan mo na lang diyan" malamig niyang sabi sakin. Na kinasakit naman ng puso ko.
Pinatong ko naman sa gilid ng table niya yung tray.
"Pwede ba tayong mag-usap?" mahinahon kong tanong sa kanya.
"Nag-uusap na tayo." prankang sabi niya sakin.
"ah ka-kasi" nauutal kong sabi. Paano ko ba uumpisahan?
"Bilisan mo, ayokong masayang ang oras ko" malamig niyang sabi na para namang
nilaslas ang puso ko sa sinabi niya. Pero kailangan kong tanggapin ito kasalanan ko
naman.
"Sorry nga pala kasi nag sinungaling ako sayo promise hindi ko na uulitin. Kaya ko
lang naman tinago sa inyo kasi alam kong hindi niyo ko papayagan tsaka natakot ako
na baka mapagalitan ako ni ma-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng magsalita
siya.
"Bullshit! I don't care!" galit na sabi niya sakin. Wala naman pala siyang pakielam
para pa naman akong tanga kaka explain.
"Sorry na kasi wag ka ng magalit" sabi ko sa kanya pero parang wala naman siyang
pake.
"I don't need your sorry" malamig pa rin nitong sabi sakin. Sheeet ang sakit sa
puso.
"Fine, hindi na rin kita gusto" malamig din na sabi ko dito at tumalikod na. Bigla
naman tumulo ang luha ko at bubuksan ko na sana ang pinto ng bigla akong hatakin ni
Chard at napayakap naman ako sa kanya.
"Hindi mo pwedeng bawiin ang nararamdaman mo sakin. Tsaka hindi ko kailangan ng
sorry mo kasi wala ka namang kasalanan yung putanginang lalaki yun ang may
kasalanan." malambing na niyang sabi hindi na tulad ng kanina na sobrang lamig.
Pinunasan niya rin ang luha ko.
"Pero nag sinungaling pa rin ako sayo" malungkot kong sabi sa kanya.
"Kiss mo na lang ako" pilyong sabi niya. Kiniss ko naman siya pero sa ilong lang.
"Ayan na kiniss na kita so ok na ulit tayo huh" malambing kong sabi sa kanya habang
nakayakap pa rin ako sa kanya.
"Bakit ba ang tagal mo mag 18 para maging akin ka na talaga ng tuluyan." napatawa
na lang ako sa sinabi niya.
"HAHAHAHA malapit na ang birthday ko tsaka baka kasuhan ka pa nila ng child abuse"
marami pa namang mapanghusgang mga tao sa Pilipinas.
"Magkita na lang kami sa korte" mayabang na sabi niya na kinatawa ko naman.
"HAHAHAHA kainin mo na nga lang ang hinanda kong cookies para sayo" sabi ko sa
kanya at niyaya siya papuntang table niya.
Naupo naman siya sa swivel chair niya habang ako naupo sa armrest. Sinubuan ko siya
ng cookie at tinignan ko ang reaksyon niya at napangiti siya. "Hmm ang sarap, pwede
ka ng mag pakasal sakin"
"Tumigil ka nga diyan, may dumi ka pa sa gilid ng labi mo" pinunasan ko naman yun
gamit ang hinlalaki ko.
"Wait, what happened to your finger?" nag aalalang tanong niya sakin.
"Napaso lang yan habang kinukuha ko yung binake ko" sabi ko sa kanya.
"Sa susunod mag-iingat ka Alzola ko" sweet na sabi niya.
"Opo" sabi ko at sinubuan ko ulit siya ng cookie.
"May susuotin ka na ba para sa kasal nila tito?" bigla niyang tanong habang
sinusubuan ko pa rin siya ng cookie.
"Wala pa, nagulat kasi ako sa makalawa na pala agad ang kasal nila" baka bumili na
lang ako bukas sa mall.
"Pwede tayong mag mall bukas para makabili ng susuotin" nakangiting sabi ni Chard
sa akin.
"Sige ba" sabi ko sa kanya.
Kukunin ko na sana ang chocolate milkshake ng mapansin ko ang isang frame. Isang
stolen ng grade 6 student habang tumatawa ito.
"Ang ganda niya diba" sabi sakin ni Chard habang nakatingin sa akin.
"Tama ka, ang ganda nga niya. Ang ganda ko nga" sabi ko habang nakatitig pa rin sa
picture ko na nasa frame.
"Baliw na baliw ako sa ganda niya" manghang sabi sa akin ni Chard na kinakunot
naman ng noo ko.
"Ganda ko lang yata ang nagustuhan mo" nakangusong sabi ko.
"Syempre hindi lang ganda mo ang nagustuhan ko, gusto ko ang lahat sayo. Lahat
lahat" sabi ni Chard at bigla naman akong niyakap sa bewang ko.
"Stalker ba kita?" mapang-asar kong sabi sa kanya pero mukhang hindi naman siya na
asar.
"Yes, Alzola ko" wow hindi man lang niya tinanggi.
"Simula grade 6 ako?" tanong ko kay Chard.
"Hindi, simula ng umalis ka ng university para lumipat sa ibang school. Lagi kitang
tinitignan sa malayo kung ok ka lang ba. Kung wala bang nang-aaway sayo. Basta
palagi akong nakabantay sayo nun" Hindi naman ako natakot sa pang i-istalk niya sa
lahat kasi ng stalker siya yung stalker na nakakakilig HAHAHAHA.
"Naalala ko nung muntik na kong masagasaan nung grade 7 ako, ikaw ba yung humila sa
akin para hindi ako masagasaan?" hindi ko kasi nakita yung mukha nung naglistas sa
akin bigla kasi siyang tumakbo ng mabilis
"Yes" just wow.
"Seryoso Chard? Ikaw yun nagligtas sa akin?" manghang tanong ko sa kanya.
"Gusto mo ng pruweba?" tanong niya sakin.
"Oo naman" agad naman niyang binuksan ang drawer niya at may kinuhang album dun.
"This" abot niya sakin at binuklat ko ito isa-isa. Napahawak naman ako sa bibig ko
ng makita ko lahat ng picture na nag papatunay na siya nga ang palaging nagliligtas
sa akin.
"Grabe hindi ako makapaniwala, akala ko iba-ibang tao yung nagliligtas sa akin yun
pala ay iisa lang at ikaw yun. Thank you so much Chard, hindi ako nagkamali na
magustuhan ka." at niyakap ko siya ng mahigpit.
"Basta para sayo handa akong sumugal mailigtas ka lang, Alzola ko." malambing na
sabi niya sakin.
"Mas lalo pa kitang nagugustuhan Chard" sabi ko, hinalikan naman niya ang noo ko.
"Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon lalo na pag sinasabi mo na gusto mo
ko." sabi ni Chard na kinabilis nanaman ng puso ko at para gusto na nitong lumabas.
Ang lakas rin ng tibok at baka marinig ni Chard.
"Masaya rin ako Chard kasi sakin mo lang ginagawa ang lahat ng bagay na ito"
nakangiting sabi ko kay Chard at hinalikan siya sa labi.
"Fuck!Alzola ang sarap talaga ng labi mo"

Episode 8
Cyrine's POV

Sobrang saya ng gising ko kasi bati na rin kami ni Chard. Pero syempre 11 P.M
nanaman ako nagising HAHAHAHA. Agad akong pumasok sa banyo para gawin ang morning
routine ko aalis kasi kami ni Chard ngayon para bumili na susuotin sa kasal nila
mama bukas.
Nagsuot lang ako ng simpleng skirt at V-neck na kulay white na pinaresan ko ng
white rubber shoes para sa lakad naman ni Chard ngayon. Pag katapos kong suklayan
ang buhok ko lumabas na ko ng kwarto ko.
Nakasalubong ko naman si Chard na nakasuot ng simpleng jogger pants at V-neck na
black. Ang gwapo naman ng nilalang na ito. Bakit may ganitong mukha na ginawa si
God?
"Tara baba na tayo" pagyaya ko sa kanya na kinatango naman niya at naglakad na kami
pababa.
"Ang ikli naman niyang suot mo, baka tignan ng mga tarantadong lalaki yung legs mo"
kunot noong sabi niya na kinangiti ko naman.
"Hindi naman" sabi ko sa kanya. Pagdating namin sa dining room nakita ko si mama na
tinutulungan si manang na maghain ng pananghalian.
"Nan diyan na pala kayo, tara kain na" masayang sabi ni mama sa amin.
"Si'-" hindi ko na natapos yung sasabihin ko ng magsalita si Chard.
"Sa mall na lang po kami kakain tita" nakangiting sagot ni Chard sa mama ko.
"Uy mag da-date sila" asar sa amin ni mama na akala mo naman ay isang teenager.
"Naku mama hindi po, bibili lang po kami ng damit para sa kasal niyo po bukas"
sagot ko kay mama para matigil siya sa pang-aasar.
"Huh?pero may sariling mananahi si Chard" nagtatakang sabi ni mama.
"Akala ko wala ka pang susuotin?" tanong ko kay Chard.
"Actually sasamahan lang talaga kita" sabi ni Chard habang kinakamot ang batok
niya. Tumango na lang ako kay Chard at tumingin ulit kay mama.
"Nasan po si daddy?" palagi kasing nakasunod yan si daddy kay mama kahit saan
magpunta si mama kaya naman nagtataka ako ngayon at hindi niya kasama si dad.
"Pamahiin anak" nagtaka naman ako sa sinabi ni mama na pamahiin.
"Ano pong pamahiin?" tanong ko kay mama na kinatawa niya lang.
"Malalaman mo rin yan Alzola pag kinasal na tayo" kumabog naman ng malakas ang puso
ko ng biglang sabihin ni Chard yun.
"Namumula nanaman ang anak ko HAHAHAHAH" natatawang asar sa akin ni mama.
"Mama!" inis na tawag ko sa kanya.
"Ok,ok titigil na HAHAHAHAH umalis na nga kayo dito baka umiyak pa si Cy HAHAHAHA"
sabi ni mama kaya naman lumabas na ko at dumiretso sa family car namin.
"Hey Alzola ko, dito tayo sasakay" sabi niya sakin at pinagbuksan ako ng pinto ng W
Motors Lykan Hypersport niya. Wow ang ganda ng labas at loob ng kotse niya halatang
mahal. Sinuot ko na rin ang seatbelt
"Binili mo ba ito Chard?" manghang tanong ko sa kanya habang iniikot pa rin ang mga
mata ko sa buong kotse niya.
"Yes" sabi nito at pinaandar na ang kotse niya.
"Baka naman marami ka ng babae na pinasakay dito" malungkot na sabi ko. Bakit ko ba
na itanong sa kanya yun? Syempre marami na siyang babae na isinakay dito, sa gwapo
ba naman niya.
"Syempre" sabi nito na kinalungkot ko na ng tuluyan. "Syempre ikaw pa lang"
"Talaga ba?" masayang tanong ko sa kanya.
"Ikaw pa lang naman ang nagugustuhan ko" sabi nito kaya naman yung puso ko ang
bilis nanaman ng tibok at ang lakas!
"Baka niloloko mo lang ako HAHAHAHA" pabirong sabi ko sa kanya para mawala yung
mabilis na tibok ng puso ko.
"Hindi kita kayang lokohin, Alzola ko" sabi nito sakin at hinalikan ako sa noo. Mas
lalong tumibok ng mabilis ang puso. "Nan dito na tayo"
Lumabas na siya ng kotse at umikot para mapag buksan ako. "Thank you Chard"
Pagpasok namin sa loob ng mall agad na hinawakan ni Chard ang bewang ko "Saan mo
gustong kumain" malambing na tanong sa akin ni Chard.
"Sa korean BBQ na lang" ngiting sagot ko kay Chard at naglakad na kami papuntang
korean BBQ. Habang naglalakad naman kami pinagtitinginan ng mga babae si Chard.
Habang si Chard diretso lang ang tingin ng malalamig niyang mga mata.
"Ang gwapo nung lalaki"
"Kaso may kasamang babae"
"Kapatid niya yan te"
"ay baka nga kapatid niya"
"ayan yung sikat na abogado diba"
Rinig kong sabi ng mga babae na parang nagbubulungan pero rinig na rinig ko naman.
FYI hindi kami magkapatid! Pagpasok namin sa loob ng korean BBQ agad na nagsi
yukuan ang mga crew.
"Good Afternoon Mr. Peterson" bati nila kay Chard pero hindi naman sila pinansin ni
Chard.
Agad kami pumasok sa VIP room at tabi kaming naupo sa sofa. "Bakit ka nila kilala?"
takang tanong ko kay Chard.
"I am the owner of this mall" sabi nito at inakbayan ako habang nakasandal kami sa
sofa.
"Ito lang ba yung mall mo?" tanong ko.
"Lahat ng mall sa Pilipinas ay akin" sobrang yaman niya nga talaga.
"Pero bakit nakikitira ka samin?" e kayang kaya niya naman bumili ng bahay.
"Nandun ka kasi" bumilis nanaman yung tibok ng puso ko sa sinabi niya. Sheeeet
bakit ganito ka Chard?? Kinikilig ako.
"Akala ko dahil kay daddy?" tanong ko sa kanya.
"Dahilan lang yun" sabi niya bigla naman may kumatok sa pinto at pinasok na nila
ang mga pagkain.
Masaya kaming kumain ni Chard habang nag kwe-kwentuhan. Tulad ng dati sinusubuan ko
siya na parang bata na gustong gusto ko rin naman na gawin. Nagpahinga lang kami
saglit at lumabas na ng korean BBQ.
Habang naglalakad kami ni Chard nakakapit pa rin siya sa bewang ko. Hinayaan ko na
lang siya feel ko kasi safe ako pag nakahawak siya sa bewang ko.
Pumasok kami sa isang mamahaling ladies boutique. "Good Afternoon Mr. Peterson"
bati sa kanya ng sales lady na hindi nanaman niya pinansin o tignan man lang.
"Maupo ka na lang muna doon, maghahanap lang ako ng dress" sabi ko kay Chard
habang nakaturo sa sofa.
"No, sasamahan na kita" sabi ni Chard.
"Hindi naman ako mawawala, nandito lang ako sa loob ng boutique" wala na siyang
nagawa at naupo na sa sofa.
Habang nag-iikot ako nakita ko ang magandang nude puff sleeve dress with high slit.
Agad ko naman itong kinuha at nagpunta na cashier. Iaabot ko na sana ang credit
card ko ng iabot na ni Chard ang black card niya.
"Ako na" wala na kong nagawa at hinayaan ko na lang siya. "2:30 P.M pa lang saan
mo pa gustong pumunta?" tanong sakin ni Chard habang hawak nanaman ang bewang ko.
"Manood na lang tayo ng movie" para kasing ang ganda nung one sweet glimpse.
"Pero bumili muna tayo ng popcorn and drinks" sabi ni Chard.
Pagkabili namin ng popcorn and drinks pumasok na agad kami sa cinema 2. Hindi na
kami bumili ng tickets kasi kanya naman daw itong mall kaya hindi na kailangan.
Pagpasok namin sa loob ng cinema walang katao tao.
"Bakit walang tao?" pangit ba yung movie at ayaw nilang manood?
"Ayoko may kasama pag nanonood tayo" sabi niya, at nanood na kami.
After 2 hours namin na manood na paiyak naman ako. Namatay kasi sa huli yung
babaeng mahal nung lalaki.
Bigla naman akong niyakap ni Chard "shhh stop crying ayokong nakikita na umiiyak
ka" pagpapatahan sa akin ni Chard at pinunasan yung luha ko.
"Nakaka iyak kaya, hindi ka man lang naiyak" nakangusong sabi ko sa kanya.
"Hindi ako napapa iyak ng mga movies" sabi ni Chard sakin habang pinupunasan pa rin
yung luha ko.
"Eh ano nagpapaiyak sayo?" tanong ko kay Chard.
"Pag nawala yung mahalagang tao sa buhay ko, pag nawala ka Alzola ko" sabi ni Chard
habang nakatitig sa mga mata ko.
"Mahalaga ako sayo?" tanong ko sa kanya at hindi na rin ako umiiyak.
"Oo naman, sobrang halaga mo sakin Alzola ko" sabi niya sakin na kinabilis nanaman
ng tibok ng puso ko.
"Ikaw rin Chard" nakangiting sabi ko sa kanya.
"Anong ako rin?" nakangising tanong ni Chard sa akin.
"Mahalaga ka rin sakin" sabi ko at hinalikan siya sa ilong niya.
"Mag snack na tayo" pagyaya sa akin ni Chard at lumabas na kami ng cinema.
Nagtungo kami sa starbucks at naupo na malapit sa bintana. Tatayo sana ako para mag
order ng pigilan ako ni Chard.
"Where are you going?" takang tanong ni Chard sa akin.
"O-order" sagot ko sa kanya.
"Maupo ka na lang" sinunod ko naman ang sinabi niya at naupo na. Bigla naman may
naglapag ng frappuccino na java chip, venti. My favorite!
"Alam mo ang favorite ko huh" masayang sabi ko sa kanya.
"Lahat naman ng gusto mo alam ko" stalker nga HAHAHAHA.
"Nasan nga pala ang order mo? Tsaka bakit super laki naman nito" nagtatakang tanong
ko.
"Share tayo diyan" sabi niya na kinatango ko na lang.
Habang umiinom kami ng frappucciono nag kwe-kwentuhan rin kami ni Chard. Tawa lang
ako ng tawa sa kwento niya na pinapahiya niya daw lahat ng babaeng nag pupunta sa
kompanya niya tapos sasabihin na buntis ito at siya ang ama.
"HAHAHAHAHA ang gwapo mo kasi masyado kaya pinagkakaguluhan ka ng babae" natatawang
sabi ko.
"Gwapo ako?" nakangising tanong ni Chard.
"Yeah, may nagsabi ba na pangit ka?" sabi ko habang hawak ang pisngi ni Chard at
tinititigan siya ng diretso sa itim na itim niyang mga mata.
"Wala pa" mayabang na sabi nito.
"Kung sino man tumawag sayo na pangit baka bulag siya HAHAHAHA" pagbibiro ko sa
kanya. Natawa rin naman siya.
Nagpalipas pa kami ng oras ni Chard sa starbucks at puro kwentuhan lang kami
hanggang sa 7 P.M na pala.
"It's dinner time" sabi ni Chard. Bigla naman tumunog yung tiyan ko na kinatawa
niya "HAHAHAHA let's eat"
"Sa bahay na lang tayo kumain para may kasama si mama" sabi ko, naalala ko kasi na
wala si daddy sa bahay.
"Sige" sabi niya at hinawakan na ako sa kamay ko at naglakad na kami.
Habang naglalakad kami ni Chard palabas bigla naman tumunog ang fire alarm. Kaya
naman napahigpit ang hawak sakin ni Chard at inakbayan ako.
"FUCK!" galit na sabi niya.
"Lu-lumabas na tayo dito Chard, may sunog yata" takot na sabi ko. Nababanga na rin
ako ng mga taong nagtatakbuhan buti na lang at hawak ako ni Chard kaya hindi ako
natutumba.
bigla naman may humila sa akin mula kay Chard. Nabitawan ako ni Chard ng mas dumami
ang tao na bumabangga sa amin.
"CHARD!!" sigaw ko sa kanya. Bigla naman akong sinabunutan ng kumuha sa akin at
tinutukan ng baril.
"ALZOLA!!!" rinig kong sigaw sa akin ni Chard. Hinila ako nung lalaki pababa sa
ground floor kung saan wala ng tao.
"Sino ka? bitawan mo ko, bitawan mo ko, bitawan mo ko!Chard, tulong!!" sabi ko
habang hawak nung lalaki ang buhok ko.
"Huwag kang maingay! baka gusto mong pasabugin ko yang bungo mo!" sabi niya sakin
habang nakatutok pa rin yung baril sa ulo ko.
"Wala naman akong kasalanan sayo!" galit na sabi ko sa kanya.
"Ikaw wala, pero yung abogado na yun malaki ang kasalanan sa akin!" galit rin na
sabi niya sa akin
"Si-si Chard?" tanong ko.
"BITAWAN MO SIYA!" galit na galit na sabi ni Chard habang may hawak na baril. May
mga pulis na rin sa likod niya.
"Ow Mr. Peterson, nandito ka na. Pinatay mo ang daddy ko KAYA PAPATAYIN KO RIN ANG
BABAENG ITO!!" mas lalo akong natakot sa huling sinabi ng lalaking ito.
"KASALANAN NG DADDY MO KUNG BAKIT SIYA NAMATAY!" sabi ni Chard.
"HINDI SIYA MAMATAY KUNG HINDI DAHIL SAYO!" sabi naman nitong lalaking may hawak sa
akin.
"BOBO! BAGAY LANG SA KANYA YUN DAHIL NG GAHASA SIYA!!" sabi naman ng isang pulis.
Mas napahigpit naman ang pag sabunot sa akin ng lalaking ito "AHHH PAPATAYIN KO
ITO" napapikit naman ako ng biglang may putok ng baril akong narinig. Pero wala
naman akong naramdaman na sakit kahit saang parte ng katawan ko.
Naramdaman ko naman na biglang may yumakap sa akin. Amoy pa lang niya alam ko na
agad kung sino siya.
"Cha-chard, a-akala ko ma-mamatay na ko. Muntik na niya kong mapatay." naiiyak kong
sabi at yumakap na rin ng mahigpit kay Chard.
"Mamamatay muna ako bago ka nila mapatay"
Episode 9
Cyrine's POV

Pagpasok namin ng bahay ni Chard agad kaming sinalubong ni mama at niyakap niya ko
ng mahigpit "Are you ok??Nabalitaan ko na may nagtangka daw sa buhay mo" nag-
aalalang tanong ni mama sa akin.
"Ok lang po ako mama" nakangiti kong sagot kay mama para hindi na siya mag-alala
pa.
"Bakit ka ba pinagtangkaan ng lalaking yun?" tanong ni mama sa akin.
"Sinisisi kasi ako ng lalaki yung sa pagkamatay ng ama niya. Kaya para makabawi
kinuha niya si Alzola para patayin" pagpapaliwanag ni Chard kay mama.
"Mama wag niyo pong sisisihin si Chard, wala naman po siyang kasalanan. Siya pa nga
po yung nagligtas sa akin" pagpapaliwanag ko din kay mama baka kasi sisihin niya si
Chard sa pagkapahamak ko.
"of course not! alam ko naman na wala siyang kasalanan at naiintindihan ko." sabi
ni mama sakin na kinangiti ko naman.
"Thanks po mama, tara na po kain na tayo" masayang sabi ko kay mama at hinila na
siya papuntang dining room.
"Hindi pa ba kayo nag di-dinner?" tanong sa akin ni mama.
"Hindi pa po ma, sabi ko kasi kay Chard, dito na lang kami kumain para may kasabay
ka." malambing na sabi ko kay mama at naupo na kami sa upuan.
"Akala ko ginutom ka ni Chard e HAHAHAHA" natatawang sabi ni mama. Lumabas naman si
manang para ihanda ang pagkain namin.
"Syempre tita, hindi ko hahayaan na magutom ang Alzola ko" malambing na sabi ni
Chard at pinagsandok ako ng kanin at ulam.
"Ngayon palang Chard binibigay ko na ang basbas ko sayo, mukha naman hindi mo
hahayaan si Cy na masaktan" sabi ni mama kay Chard na kinapula naman ng pisngi ko.
"Mama! pinamimigay mo na ba ko?" nagtatampo kong sabi kay mama.
"Hindi pa naman anak HAHAHAHA" sabi ni mama na kinatawa ni Chard.
"Mama! tumigil na po kayo diyan" nahihiyang sabi ko.
"Wag ka ng mahiya anak magiging mag-asawa rin naman kayo niyan ni Chard" sabi ni
mama sa akin. Kaya naman nabulunan ako. Agad naman inabot sakin ni Chard yung tubig
at hinagod ang likod ko. Uminom naman ako ng tubig.
"Ano pong sinasabi niyo mama?" nagtatakang tanong ko kay mama.
"Wag mo ng isipin yun anak, binibiro lang naman kita. Ngapala Cy tapos na rin naman
tayong kumain baka gusto mong mag babad muna tayo sa jacuzzi"
"Sige po mama, hindi na rin po kasi tayo nakakapag bonding masyado." masaya kong
sabi kay mama at napatayo na.
"Gusto mong sumama Chard?" tanong ni mama kay Chard.
"Huwag na tita, bonding niyo naman yan ni Alzola. Pupuntahan ko na lang si tito"
sagot ni Chard kay mama
"Ok, magbibihis na muna ako Cy." sabi ni mama at tumango na lamang ako. Umakyat na
rin kami sa taas ni Chard.
"Mag-ingat ka sa pagpunta kay daddy, Chard" sabi ko kay Chard bago pumasok sa
kwarto ko.
Pumasok ako sa walking closet ko at nagpalit ng two piece swim suit pagkatapos kong
mag bihis sinuot ko na rin ang bath robe ko.
Pagkalabas ko ng walking closet nakita ko si Chard na nakaupo sa sofa ko. "Chard,
bakit ka nan dito?"
"May naiwan lang ako" seryosong sabi niya.
"Huh?Ano yun?" nagtatakang tanong ko sa kanya. Hindi naman kasi siya nagdadala ng
gamit niya dito.
Tumayo naman siya at lumapit sa akin, hinalikan niya ko sa labi ko pero hindi ko
alam ang gagawin ko kaya naman ginaya ko na lang siya.Sheeeet ano itong ginagawa
ko?? Bigla ko naman siyang tinulak. "Goodbye kiss" nakangising sabi ni Chard.
"Nakakainis ka!!" sabi ko na kinatawa lang ni Chard.
"Pero tumugod ka HAHAHAHA" hinampas ko naman siya ng unan.
"Argggg!!" inis na sabi ko.
"By the way Alzola, papayagan nga pala kita ngayon mag swim suit wala naman kasi
kayong kasamang lalaki" nakangising sabi niya.
"Kahit naman hindi mo ko payagan mag swi-swim suit pa rin ako" mataray kong sabi sa
kanya.
"Talaga ba?" nakangising sabi nito.
"Oo naman, tsaka hindi naman kita boyfriend" sabi ko kay Chard nakita ko naman ang
sakit sa mata niya pero agad din naman nawala.
"Papunta na rin naman tayo doon, sige alis na ko" nakangiting sabi niya at lumabas
na ng kwarto ko. Bigla naman akong nakonsensya sa sinabi ko.
Bakit ko ba kasi nasabi yun? Nasaktan ko ba siya? Argg bakit kasi hindi makapag
pigil yung bunganga ko? Bigla naman nag ring yung telepono ko sa kwarto.
Agad ko itong sinagot. [Bumaba ka na dito] sabi ni mama at agad na binaba yung
tawag. Lumabas naman na ko ng kwarto ko at bumaba na.
Nakita ko naman si mama na nakababad na sa jacuzzi kaya naman hinubad ko na ang
bathrobe ko at nagbabad na rin.
"Ang sexy naman ng mama ko" sabi ko kay mama, nakasuot siya ng black tube one piece
swim suit.
"Wag mo na kong bolahin HAHAHAHA" natatawang sabi ni mama.
"Hindi kita binobola mama, sexy ka talaga. Kitang kita pa rin yung curve mo oh"
nakangiting sabi ko kay mama.
"Pero mas sexy ka parin anak mukhang coca-cola yung katawan mo" alam ko naman yun
HAHAHAHA
"By the way ma, ikakasal na kayo bukas ni daddy pero hindi ko pa rin alam kung
paano ba kayo nag kakilala" sabi ko kay mama habang nakatingin sa langit.
"Dahil kay Chard kaya nagkakilala kami ni Emmanuel" sabi ni mama, si Chard?
"So mas nauna niyo pa pong nakilala si Chard bago si daddy?" tanong ko kay mama.
"Grade 7 ka lang nun ng makipagkita sa akin si Chard at sabihin sa akin na may
gusto siya sayo. Tinawanan ko lang siya kasi masyadong malayo ang edad niyo sa
isa't isa. Pero alam mo ba kung ano yung sinagot niya sakin" napatingin naman ako
kay mama na ngayon ay nakatingin na rin sa langit.
"Ano po yun ma?" tanong ko sa kanya at tumingin na ulit sa langit.
"Wala akong pakielam sa edad na yan" natatawang sabi ni mama.
"Sinabi niya ba talaga yun mama?" tanong ko kay mama, ang hirap kasing paniwalaan.
"Oo nga, tsaka nung araw rin na yun sinabi niya sa akin na palagi ka raw niyang
binabantayan sa malayo. Hindi pa daw kasi siya handa na makipagkilala sayo." sabi
ni mama.
"Anong pong ginawa niyo nung nalaman niyo po yun?" tanong ko kay mama.
"Pumayag na ako mukha naman mabait siya at hindi gagawa ng masama sayo. Inimbitahan
niya rin ako nun sa opening ng mall niya. Yung pinuntahan natin nung grade 8 ka"
naalala ko naman yun, pero hindi ko naman nakita si Chard doon.
"Pero wala akong nakitang Chard doon" sabi ko kay mama.
"Nakita mo siya anak, hindi mo lang pinansin HAHAHAHA" natatawang sabi ni mama na
kinailing ko na lang.
"So paano nga po kayo nagkakilala ni daddy Emmanuel?" tanong ko kay mama.
"So ayun na nga nung opening ng mall na yun pinakilala ako ni Chard kay Emmanuel at
nag kamabutihan na" sagot ni mama na kinangiti ko naman akala ko noon hindi na ako
magkakaroon ng daddy pero ito at dumating si daddy Emmanuel.
"Masaya na po ba kayo mama?" seryosong tanong ko kay mama.
"Cy, masaya na ako noon pa man kahit dalawa lang tayo mas naging masaya lang ako ng
dumating si Emmanuel sa buhay ko" sabi ni mama sa akin at niyakap ako.
"Thank you mama" biglang sambit ko kay mama habang magkayap pa rin kami.
"Bakit ka naman nag tha-thank you?" tanong ni mama at humiwalay na sa yakap namin.
"Kasi po binuhay niyo ko kahit mag-isa lang kayo. Hindi niyo po pinaramdam na
kulang ang pamilya ko. Higit sa lahat naging mabuting ina ka sa akin" naluluhang
sabi ko kay mama.
"Ano ka ba Cy, wag ka ngang mag drama diyan naiiyak tuloy ako HAHAHAHA" sabi ni
mama at nagpunas ng luha niya.
"Mabibigyan niyo pa po ba ako ng kapatid ma?" tanong ko kay mama.
"Ano ka bang bata ka" sabi sakin ni mama at kinurot ang tagiliran ko "pero e tr-try
pa rin namin" natawa naman ako sa sinabi ni mama.
"HAHAHAHA sana po lalaki" tawanan lang kami ng tawanan ni mama dito sa jacuzzi.
"Cy, gusto ko si Chard para sayo" sabi ni mama na parang kinikilig.
"Paano niyo naman po nagustuhan si Chard para sakin?" tanong ko kay mama para
matago ang kilig na nararamdaman ko.
"Matagal ko ng kilala ang batang yan at sayo lang siya malambing" sabi ni mama sa
akin, hindi ko naman pinakita na may pake ako kahit na kinikilig na talaga ko
HAHAHAHA.
"Baka naman kaya boto ka sa kanya mama kasi dahil sa kanya nakilala mo si Daddy"
sabi ko kay mama.
"Naku hindi, totoo ang sinasabi ko tsaka yang si Chard sobrang sungit niyan sa
lahat ng tao maliban sa atin. Tapos minsan nakita ko pa yan na pinapahiya yung
babaeng nag sasabi na siya daw yung ama ng pinagbubuntis niya kahit hindi naman
totoo." sabi ni mama na parang chismosa.
"HAHAHAHA na kwento na yan sakin ni Chard mama" sabi ko kay mama.
"May sinabi nga pala sakin si Emmanuel about kay Chard" sabi ni mama sa akin pero
hindi pa rin ako nag pahalata na interesado ako.
"Mama nagmumukha ka ng chismosa HAHAHAHA" asar ko kay mama.
"Seryoso ako" lumapit pa sa akin si mama at bumulong "virgin pa daw yan si Chard"
"Mama! pati ba naman yun alam mo" natawa naman si mama sa reaksyon ko.
"Alam mo bakit virgin pa siya?" bulong ulit sa akin ni mama.
"Ayaw ko na pong malaman kaya please lang mama itigil mo na yan" sabi ko kay mama
na mas lalong natawa.
"Kasi nga gusto niya ikaw ang una niyang papasukan" namula naman ako sa sinabi ni
mama. Kaya agad akong umahon sa jacuzzi at nag suot ng bathrobe.
"Matutulog na ako mama, Goodnight" sabi ko at agad na tumakbo.
"GUMISING KA NG MAAGA BUKAS!BAKA PATI SA KASAL KO LATE KA!!" rinig kong sigaw ni
mama.
Pagpasok ko sa banyo agad akong nag linis ng katawan at nagbihis ng pantulog. Agad
naman akong nakatulog.

Pagkagising ko agad akong nag-ayos at ngayon ay nag ma make-up ako ng biglang


pumasok si mama sa kwarto ko. "Akala ko tulog ka pa rin" sabi ni mama.
"Syempre hindi ako pwedeng ma late sa kasal ng mama ko" nakangiting sabi ko at
niyakap siya.
"Oh wag mo ng umpisahang mag drama Cy, baka masira ang make-up ko" sabi ni mama na
kinatawa ko naman. "Bababa na nga ako" sabi ni mama at lumabas na ng kwarto ko.
Nang umalis si mama pinagpatuloy ko na ang pag ma make-up ko. Nang matapos ay agad
akong tumingin sa body size mirror ko. Sobrang ganda ko sa suot kong puffsleeve
dress na may slit. Kitang kita yung sexy kong legs at dahil fitted itong dress mas
nakita pa ang curve ng katawan ko.
"Ang hirap maging maganda" sabi ko sa salamin at agad na bumaba papuntang pool
area.
Pagkadating ko sa pool area marami ng bisita napatingin naman ako sa grupo ng mga
lalaki at nakita ko si Chard na naninigarilyo. Agad naman siyang napalingon sa akin
at tinapon ang sigarilyong hawak niya bago lumapit sa akin.
"You look hot in that dress" sabi sa akin ni Chard na kinangiti ko.
"Thank you" nakangiting sabi ko at napakagat labi.
"Are you seducing me?" sabi ni Chard habang nakangisi.
"Of course not!" sabi ko kay Chard, aalis na sana ko sa harap niya ng pigilan niya
ko.
"Saan ka pupunta?" tanong niya sakin.
"Lalayo sayo" mataray na sabi ko sa kanya.
"No, dito ka lang sa tabi ko at baka kung sino pang lalaki ang lumapit sayo at
pagnasahan ka pa" sabi niya at humawak na sa bewang ko. "Pumunta na tayo dun" turo
niya kung saan ginaganap ang seremonya ng kasal.
Habang pinapanood ko sila mama at daddy kitang kita ko ang saya sa mga mata ni mama
na hindi ko nakita noong kasama niya pa si papa. Baka nga sila talaga ni daddy
Emmanuel ang para sa isa't isa pero kahit ganun masaya pa rin ako para kay mama.
Nang matapos ang kasalan nila mama agad naman nag serve ng pagkain. Kasama ko sa
table si Chard at iba pang mga kaibigan nila mama at daddy. Nang na I serve na yung
mga pagkain agad akong nag-umpisang kumain. Napansin ko naman si Chard na hindi
ginagalaw ang pagkain niya.
"Bakit hindi ka kumakain?" tanong ko kay Chard.
"Gusto ko subuan mo ko" sabi nito sa akin at nag puppy eyes pa.
"Haynako para talagang bata" sabi ko at sinubuan siya habang yung kamay naman niya
ay naka-patong sa upuan ko.
"Pero sinusubuan mo pa rin naman ako" nakangiting sabi niya sa akin.
"Hayst tumahimik ka na nga" sabi ko at sinubuan ulit siya.
"Ang sweet naman talaga ng Alzola ko" nakangiting sabi niya sa akin. Na kina irap
ko na lang.
"Cy!" tawag sa akin ni mama na kinalingon ko naman at lumapit sa kanya.
"Bakit po ma?" tanong ko kay mama.
"Siya si Cyrine ang maganda kong anak" pagmamalaking sabi ni mama sa mga kumpare ni
daddy.
"Ang gandang bata, minsan mag date naman kayo ng anak ko" sabi ni tito Charles,
kaibigan ni daddy
"Kay Ayen ka na lang, Cyrine tutal naman magkakilala na kayo noon pa man" sabi
naman ni tito Martin na kaibigan parehas ni mama at daddy.
"Mas bagay pa rin sila ng anak ko" singit naman bigla ni tito Saimon.
"Tumigil na nga kayong tatlo, hindi ko ipapadate sa mga anak niyo ang anak ko" sabi
ni mama na kinatawa naman ni daddy na katabi niya lang.
"Bakit naman ayaw mo? Maaayos naman ang mga anak namin" sabi ni tito Martin kay
daddy.
"Huwag niyo ng pag-agawan si Alzola, kasi akin lang siya"

Episode 10
Cyrine's POV

Tapos na ang kasal nila mama at nandito na kami ngayon sa airport para ihatid sila.
"Bantayan mong mabuti ang anak ko,Chard" sabi ni mama kay Chard. Simula sa bahay
sinasabi na niya yang kay Chard hanggang ngayon sa airport.
"Mama, huwag niyo na po akong isipin mag enjoy na lang po kayo ni daddy sa
Singapore" doon kasi ang napili nila na lugar para mag honeymoon.
"Huwag kayong mag-alala tita, babantayan ko si Alzola" sabi ni Chard at inakbayan
ako.
"Bye na mama and daddy, enjoy!" sabi ko at nag kiss na sa cheek nila.
Pagkasakay nila mama sa private plane agad naman kaming pumasok sa kotse ni Chard.
Nang kami na lang dalawa naalala ko nanaman yung sinabi niya kila tito Martin
sheeeet yung puso ko Chard!
"Gusto mo bang kumain muna bago umuwi?" tanong sa akin ni Chard.
"Sige, pero drive thru na lang" sagot ko sa kanya.
Nag drive thru naman kami sa mcdo. Nag order siya ng burgers at bff fries para
samin. Nag start na kong kumain ng burger habang si Chard ay nag dri-drive pa rin.
Sinubuan ko naman siya ng fries habang nag dri-drive pa rin siya.
Pagdating namin sa bahay agad niya kong pinagbuksan ng pintuan at pumasok na kami
sa bahay. Agad kami umakyat sa kwarto namin. "Goodnight Chard" sabi ko sa kanya at
papasok na sana sa kwarto ko ng magsalita siya.
"Pwede bang dito ka na lang sa kwarto ko matulog para mas mabantayan kita" sabi
niya habang kinakamot ang batok niya.
"Gusto mo lang chumansing e HAHAHAHA tigil tigilan mo ko, Mr. Peterson" sabi ko at
pumasok na sa kwarto ko.
Pagpasok ko sa kwarto ko nagpalit agad ako ng pantulog at nahiga na sa kama ko.
Makakatulog na sana ako ng marinig kong may bumabato sa glass wall ko. Agad naman
akong napatayo para tignan yun at may nakita akong security guard na nakangiting
pang manyak sa akin.
Sinara ko na lang ang kurtina ko at nahiga na ulit pero maya-maya pa may bumabato
nanaman nito kaya tinignan ko ulit at nan doon pa rin yung lalaki habang nakatutok
yung baril sa wall ko agad naman akong napatakbo papunta sa kwarto ni Chard.
"Oh akala ko ba ayaw mong matulog sa tabi ko" nakangising sabi sakin ni Chard.
"Natatakot ako Chard" nanginginig kong sabi kay Chard.
"Anong nangyari?" natataratang tanong ni Charge sa akin at hinawakan ako sa
magkabilang pisngi ko.
"May la-lalaki sa baba tapos tinutukan niya ng baril yung glasswall ko" natatakot
kong sumbong kay Chard. Nakita ko naman siyang may kinuhang baril sa drawer niya
at lumabas ng veranda niya.
Sumunod naman ako sa kanya at nakita ko nan doon pa rin yung lalaki natakot naman
ito kay Chard kaya tumakbo agad. Kinuha naman niya yung cellphone niya at may
tinawagan. "May security guard na nang gugulo sa bahay, alam mo na gagawin mo"
malamig na sabi ni Chard at lumapit na sa akin at niyakap ako ng mahigpit.
"Takot na takot ako kanina Chard." sabi ko kay Chard habang nakasubsob sa dibdib
niya.
"You are safe now so don't be afraid"sabi ni Chard na kinabilis nanaman ng tibok ng
puso ko at parang may mga paro paro na umiikot sa loob ng tyan ko.
"Matutulog na ko Chard" pagpapalam ko sa kanya.
"Dito ka na sa kwarto ko" tumango na lang ako at nahiga na sa kama niya. Ang bango
ng kama niya na kinangiti ko at uting-uti na akong nakatulog.
"Goodnight Alzola ko, I love you"

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Unting unti kong
dinilat ang mga mata ko at nasilayan ko ang mukha ni Chard na payapang payapa sa
pagtulog habang ang isa niyang braso ay inuunanan ko.
Sobrang gwapo ni Chard. Tinitigan ko lang ng maigi yung mga pilik mata niya na mas
mahaba pa sa pilik mata ko. Yung ilong niya na sobrang tangos at ang sarap halikan
tapos yung labi niya na mas masarap na halikan sheeeeet Cyrine! tumigil ka nga.
Nagulat naman ako ng bigla siyang dumilat siya "Done checking me?" nakangiting
tanong niya sa akin.
"Utot mo! kagigising ko nga lang" tanggi ko at tumayo na sa kama niya.
"Hmmm really?" husky niyang tanong na kinataas ng balahibo ko.
"Bahala ka nga diyan" sabi ko at lumabas na ng kwarto niya.
Pagpasok ko sa kwarto ko agad akong pumasok sa banyo upang gawin ang morning
routine ko. Pagkatapos ay agad akong bumaba para magluto ng almusal namin. Nakita
ko naman si manang na nag sasangag.
"Goodmorning po! manang" masiglang bati ko.
"Magandang umaga rin, ang aga mo yatang magising ngayon" 8 A.M pa lang kasi ng
umaga.
"Minsan lang po yan, tulungan ko na po kayong maghanda" sabi ko kay manang at
kumuha na sa ref ng bacons, eggs, at hotdog para ma prito.
"Iha may relasyon ba kayo niyan ni Chard" tanong sa akin ni manang habang nag pri-
prito ako.
"Wa-" hindi ko natatapos ang sasabihin ko ng may nagsalita sa likod namin.
"Malapit na, manang" sabi ni Chard at naupo sa chair ng kitchen island. Hindi ko na
lang siya pinansin at inilapag na sa mesa yung mga prinito ko.
Agad naman niya yun kinuha at dinala sa dining room. Sumunod na rin ako sa kanya na
may bitbit na dalawang pingan at dalawang kutsara't tinidor.
Naupo na ko sa upuan ko at siya naman sa tabi ko. Agad niya kong pinagsandukan ng
fried rice at nilagyan ng bacon, egg at hotdog sa pingan ko. "Thanks"
"Feed me" nakangiting sabi niya sakin. Kumuha pa naman ako ng pingan para sa kanya
mag papasubo pa rin pala. "Mas sumasarap talaga ang pagkain kapag sinusubuan mo ko"
nakangiting sabi ni Chard sa akin na kinangiti ko rin.
"Loko!" sabi ko sa kanya at sa akin naman sinubo ang kutsara. Salit salitan lang
kami.
Nang matapos kaming mag-almusal ni Chard agad kong niligpit ang mga pinagkainan
namin at nilagay sa lababo. Huhugasan ko na sana ng pigilan ako ni Chard.
"Si manang na ang bahala diyan tara mamili na lang tayo sa grocery para hindi ka ma
bored" yaya sa akin ni Chard.
"Sige, tara na" sabi ko at hinila na siya palabas ng kitchen.
"Magpalit ka na muna" sabi sakin ni Chard at nakatingin sa suot kong maikling
short.
"Ok naman ang suot ko huh" sagot ko sa kanya.
"Masyadong maikli yung short mo baka makapatay pa ko" serysong sabi niya kaya naman
umakyat na lang ako sa kwarto ko at nagpalit na ng short. Nagsuot na lang ako ng
jogging pants at simpleng t-shirt.
Pagkatapos kong magpalit bumaba na ko at dumiretso sa garahe at nakita ko doon si
Chard na nakasandal sa kotse habang nakapamulsa ang dalawang kamay sa walking short
niya. Mukhang model sheeet.
"Tara na" sabi ko at pinagbuksan na niya ko ng pintuan.
Agad siyang nag drive papunta sa grocery store na malapit lang naman sa village
namin. Pag kadating namin sa grocery agad akong bumaba. Hinawakan naman ni Chard
ang bewang ko at sabay kaming pumasok sa grocery.
Kumuha ng cart si Chard at siya ang nagtulak nito. "sa fruits and vegetable na muna
tayo" agad naman niyang tinulak ang cart papuntang fruits and vegetables. Kuha lang
ako ng kuha ng mga gulay at prutas.
Pumunta naman kami ngayon sa mga snacks na ang area na pinaka gusto ko. Ikot lang
ako ng Ikot sa loob ng grocery habang si Chard ay nakasunod lang sakin. Bigla naman
akong may narinig na dalawang babae na nag-uusap sa tabi ko na mukhang kasing edad
lang ni Chard.
"Ang gwapo naman ni kuya"
"Oo nga eh, akala ko ako lang ang nakapansin."
"Kausapin natin yung kapatid niya. Itanong natin yung pangalan"
Lumapit sa akin yung dalawang babae. "Ganda, pakilala mo naman kami sa kuya mo"
sabi nung kulot na babae na mukha naming pwet.
"Sorry pero pipi yan" sabi ko at tumalikod na sa kanila. Kumapit ako sa braso ni
Chard at niyaya na sa cashier area.
Habang nakapila kami napatingin naman ako kay Chard na nakatitig lang sa akin at
nakangiti. "Huwag ka ngang ngumiti nakikita ng ibang tao" mataray na sabi ko sa
kanya.
"Ang cute mo pag nagseselos ka, parang gusto ko na lang na pakasalan ka agad-agad"
namula naman ako sa sinabi niya at tumalikod na lang ako sa kanya para itago ang
kilig ko.
Nagumpisa ng kong ilagay sa cashier table ang mga pinamili namin. Nang matapos ma
punch lahat ng cashier iaabot ko na sana ang card ni Chard pero hindi niya ko
pinansin at titig na titig lang kay Chard.
"Miss," tawag ko sa kanya "hey, miss" pero hindi niya pa rin ako tinitignan "Miss!"
napasigaw na ko sa kanya.
"Sorry po ma'am ang gwapo po kasi ng kuya niyo" malanding sabi ni ate na kinainis
ko naman.
"Wala ka ng pag-asa diyan miss, pipi yan" mataray na sabi ko at binawi na sa kanya
ang card ni Chard. Binitbit naman lahat ni Chard yung mga pinamili namin. Bakit ba
kasi ang gwapo masyado ni Chard, nakakainis!!
Agad na pinasok ni Chard ang mga pinamili namin at pumasok na rin ako sa kotse agad
rin naman pumasok si Chard at kinabit sa akin ang seatbelt ko. "Pipi na pala ko
ngayon" nakangiting sabi nito sa akin.
"Shut-up Chard" inis na sabi ko dito at tumingin na lang sa labas ng bintana.
"Fuck!Nagseselos ka ang saya ko" masayang sabi nito habang nag dri-drive.
"I'm not!" inis na sabi ko sa kanya.
"Then what?" nakangising tanong niya sa akin. Napakagat labi na lang ako at hindi
alam ang isasagot. "Oh, you are jealous" sabi niya na kinapula naman ng pisngi ko.
"Ginawa ko lang yun para tigilan ka nila at hindi ka na mairita pa" pagdadahilan ko
sa kanya para tumigil na siya kakasabi na nag seselos ako.
"Ok, sabi mo eh" nakangiting sabi niya at nag focus na lang sa pag dri-drive.
Pagdating namin sa bahay agad kong binitbit ang ibang pinamili namin para hindi na
siya masyadong mahirapan sa pagbubuhat "Ako na lang" sabi ni Chard.
"Tulungan na kita" sabi ko sa kanya at pilit na inaagaw ang mga plastic na pinamili
namin.
"Wag ng makulit Alzola" sabi niya kaya naman pumasok na lang ako sa loob ng bahay
at naupo sa sofa sa may sala.
"Nan diyan na pala kayo Cyrine, nakahanda na yung pananghalian niyo" sabi sakin ni
manang.
"Busog pa po ako manang" madami na rin kasi akong nakain kanina nung nag almusal
kami.
"Tumawag nga pala ang mama mo dito, tinatanong kung bakit hindi mo daw sinasagot
yung tawag niya" sabi ni manang at nag tungo na ulit sa kusina.
Umakyat naman ako sa kwarto ko para buksan ang laptop at matawagan si mama. Sinagot
rin naman ito ni mama.
"Hi mama!" masayang sabi ko kay mama.
"Kumusta ka anak, sinabi sakin ni Chard na may nangugulo daw diyan kagabi" nag-
aalalang sabi ni mama sa akin.
"Ok lang po ako mama, Huwag na po kayong mag-alala at mag enjoy na lang po kayo sa
honeymoon niyo" sabi ko kay mama para hindi na siya mag-alala pa.
"Doon ka na lang muna sa room ni Chard, matulog habang wala pa kami para mas safe
ka. Panatag kasi ako pag si Chard ang kasama mo" sabi ni mama, pati ba naman sa
pagtulog kailangan kasama?
"Pero mama diba lalaki si Chard tapos ako babae" sabi ko kay mama na parang
naiilang.
"Alam ko naman na hindi ka pagsasamantalahan ni Chard, baka nga ikaw pa
magsamantala sa kanya HAHAHAHA" asar na sabi sa akin ni mama.
"Tumigil ka nga diyan mama, bye na!" sabi ko at nag end call na ko. Bigla naman
bumukas ang pintuan ko at nakita ko si Chard.
"Kain na tayo" yaya niya sa akin.
"Busog pa ko Chard" sabi ko sa kanya at nahiga na sa kama ko hayst na miss ko agad
ang kama ko.
"Sure ka?" tanong niya sa akin.
"Oo naman, naparami kasi yung kain ko kanina kaya busog pa talaga ako" sabi ko kay
Chard at binuksan na lang ang T.V at nanood.
"Gusto mo bang mag swimming ngayon?" tanong sa akin ni Chard
Bigla naman akong na excite kaso hindi naman ako marunong lumangoy kaya agad akong
nalungkot "Wag na lang"
"Bakit naman? masarap ang mag swimming ngayon" nakangiting sabi ni Chard sa akin.
"Hindi naman ako marunong lumanggoy at baka malunod pa ko" sabi ko kay Chard.
Lumapit naman siya sa tabi ko.
"Sa tingin mo papayag akong malunod ka?No fucking way"

Episode 11
Cyrine's POV

"Hey, wake up. Its 3 P.M" nagising ako sa mahinang tapik sa aking pisngi at isang
malambing na boses.
"Hmm" tanging sagot ko.
"We're going to swim" sabi sa akin ni Chard habang inaamoy yung buhok ko. Bumangon
na ako at naupo sa kama niya.
"Ok, magpapalit lang ako" sabi ko sa kanya at lumabas na ng kwarto niya at pumasok
sa kwarto ko.
Pumasok ako sa loob ng banyo ko para maghilamos at mag toothbrush then pumunta na
ko sa walk in closet ko para magpalit ng one piece swimsuit. Pagkatapos ay sinuot
ko na ang bathrobe ko at lumabas ng walking closet.
"Tara na" sabi ko kay Chard na nasa kama ko at kinakalikot ang cellphone ko.
Nakasuot siya ng short hanggang tuhod at white na sando kaya naman kitang kita ang
mga muscles niya na yummy ay sheeeet Cyrine!
"Ayen, messege you" seryosong sabi niya sa akin. Habang hawak pa rin ang cellphone
ko.
"Ano sabi?" tanong ko sa kanya at tumabi ng upo sa kama ko.
"He has something to say to you" seryosong sabi niya pa rin.
"Baka hindi naman importante tara baba na tayo" yaya ko kay Chard. Binitawan naman
niya ang cellphone ko at sabay kaming naglakad pababa.
"May gusto ba sayo yang kaibigan mo?" inis na tanong ni Chard.
"Magkaibigan lang kami" sabi ko habang patuloy pa rin kami sa paglalakad.
"Pero siya, gusto ka niya" sabi niya na kinahinto ko naman sa paglalakad.
"Paano mo naman nasabi yan" takang tanong ko sa kanya.
"Kung paano siya tumingin sa iyo tulad ng akin kaso mas malala nga lang ang akin"
seryoso pa rin na sabi ni Chard.
"Anong klaseng tingin naman?HAHAHAHA" pabirong tanong ko at pinagpatuloy ko ulit
ang paglalakad hanggang sa makarating kami sa pool area.
"Full of love" bigla naman tumibok ng malakas ang puso ko hindi dahil kay Ayen
kundi dahil kay Chard. Tibok ng puso ko para sa isang Chard Kristian Peterson.
"Huwag na nga natin pag-usapan yan" sabi ko kay Chard at kinuha ang giant pineapple
floater ko at nilagay sa pool.
Nagdive naman bigla si Chard at lumapit sa floater ko. "Isasakay kita" sabi niya sa
akin.
Hinubad ko na ang bathrobe ko at tumalon na ako papunta sa kanya at agad niya kong
binuhat at sinakay sa floater ko.
"Do you like him?" seryosong tanong sa akin ni Chard at parang may lungkot sa mga
mata niya.
"Who?" takang tanong ko sa kanya.
"Ayen" maikling sagot niya naman, mukhang nagseselos siya, nabasa niya siguro yung
mga chat namin ni Ayen na sweet pero friend lang naman talaga kami.
Hinawakan ko naman ang dalawang pisngi niya at pinagdikit ang ilong namin "Alam mo
naman na ikaw ang gusto ko" malambing na sabi ko sa kanya.
"Fuck! Alzola" sabi niya habang namumula ang mga tenga niya HAHAHAHA bigla naman
siyang lumangoy papunta sa malalim.
"Hey Chard! lets play a game!" sabi ko kay Chard at hinubad ang isang pares ng
hikaw ko.
"What kind of game?" nakangiting tanong niya sa akin.
"I'm gonna throw my earring and you need to find it" masayang sabi ko sa kanya,
lumangoy naman siya pabalik sa akin.
"Then what will be my prize?" ngising tanong niya sa akin.
"Anything you want but you need to do it three times."
"Game" masayang sabi niya sa akin agad ko naman binato ang earring ko.
Lumangoy siya ng mabilis papunta sa earring ko at mabilis na bumalik sa akin
daladala yun. "Amazing!" manghang sabi ko at binato ko ulit sa malayo.
Agad rin naman niyang nakuha yun at binalik sa akin ang earring ko "Be ready for my
prize" nakangising sabi nito sa akin na kinabilis nanaman ng puso ko sana naman
madali lang ang hingin niya.
"Ok, last one" sabi ko at binato ulit ito. Lumangoy ulit siya papunta doon. Habang
ako ay pinapanood lamang siya. Nagulat naman ako ng bigla siyang tumigil sa
paglangoy at nanatili sa ilalim ng tubig.
"Hey Chard!" tawag ko sa kanya pero hindi pa rin siya gumagalaw. Unting unti ko
naman nilapit ang floater ko sa kanya "Chard!" tawag ko ulit sa kanya pero wala pa
rin. Bigla naman akong kinabahan.
Sa sobrang kaba ko tumalon na ko papunta sa kanya. Lumubog ako sa ilalim niya pero
nakakapit pa rin ako sa balikat niya. Pilit ka siyang inaahon pero hindi ko magawa.
Bigla naman siyang dumilat at inahon ako.
"HAHAHAHAHA" tawa lang siya ng tawa sa akin habang hawak niya ang bewang ko.
"Nakakainis ka! nakakainis ka!" sabi ko habang pinapalo ang matitigas niyang
dibdib.
"It's just a prank HAHAHAHA" natatawa pa rin siya habang ako ay inis na inis.
"Kahit na! natakot kaya ako akala ko namatay ka na akala ko mawawala ka" naiiyak na
sabi ko. Bigla naman sumeryoso ang mukha niya at niyakap ako. Pinulupot ko naman
ang dalawa kong binti at kamay sa kanya.
"I'm so sorry" malambing na sabi niya sa akin.
"Huwag mo ng uulitin yun, nag-alala ako ng sobra" sabi ko sa kanya habang nakayakap
pa rin ng mahigpit na parang mawawala siya sa akin.
"Hindi naman ako mamatay agad-agad kaya wag ka ng mag-alala. I'm so sorry again
hindi ko na uulitin. Tinignan ko lang naman kung mag-aalala ka" sabi niya sa
akin,bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya at tinignan siya sa mga mata niya.
"So nakita mo na nag-alala ako, are you happy now?" tanong ko sa kanya.
"Super happy" nakangiting sabi niya.
"Sira ulo ka talaga" sabi ko na kinatawa naman niya. This man, I love his smile.
"I need to get my prize" nakangising sabi niya sa akin.
"Hindi mo naman nakuha yung pangatlo" nakangusong sabi ko sa kanya.
"Oh, you are wrong. I got it" nakangiting sabi niya sa akin at kinabit sa tenga ko
habang nakakapit pa rin ako sa kanya.
"What do you want?" tanong ko sa kanya.
"This" sabi niya at lumubog kami sa ilalim ng tubig at hinalikan niya ko. Halik na
punong puno ng pag-iingat at pagmamahal. Matagal niya kong hinalikan bago umahon
ang ulo namin sa tubig.
Pag ahon namin sa tubig agad namula ang pisngi ko at tumibok nanaman ang puso ko ng
malakas.
"Hiningal ako" sabi ko habang naghahabol pa rin sa hininga ko.
"You're so cute, Alzola ko" nakangiting sabi sakin ni Chard.
Nagpalipas pa kami ng oras sa swimming pool hanggang mag dinner time. "Mag dinner
na tayo" yaya ko kay Chard. Agad naman kaming umahon sa pool at sinuot niya sa akin
ang bathrobe ko at siya na rin ang nagtali nito.
Sabay kaming umakyat sa taas para mag banlaw ng katawan. Agad akong pumasok sa
banyo at naligo pagkatapos ng 30 mins ko na maligo agad akong pumunta sa walk in
closet ko at nagsuot ng pantulog. Napagod kasi ako sa pag swi-swimming namin kaya
pagkatapos mag dinner matutulog na agad ako.
Lumabas ako ng walk in closet at nag-umpisang e blower ang basa kong buhok at
sinuklay ito. Bigla naman bumukas ang pinto at dumungaw si Chard na nakasuot ng
panjama at sando na black at kitang kita ko nanaman ang muscles niya. "Let's eat"
Inilapag ko naman ang suklay ko at lumabas na. Sabay kaming bumaba ni Chard at
nagtungo sa dining room. Agad ko naman na amoy ang bagong lutong sisig. "Wow ang
bango naman po manang" sabi ko at tumikim ng isang kutsara ng sisig.
Naupo agad ako at nagsandok na ng kanin at ulam. "Mukahang nagutom ka" sabi ni
Chard sa akin. Hindi ko na lang siya pinansin at nag focus na sa pagkain ko habang
si Chard ay nakatitig lang sa akin.
"Ito na ang sisig" sabi ni manang at pumasok sa dining room. Napatingin naman ako
sa kanya.
"Pero may sisig na po dito manang" nagtatakang sabi ko.
"Jusko bata ka!" natatarantang sabi ni manang.
"Fuck!Alzola namumula ang katawan mo" nag-aalalang sabi ni Chard. Napatinigin naman
ako sa katawan ko at namumula nga sheeet allergy.
"Nakain mo yung sisig na may sibuyas" natatarantang sabi ni manang.
"Na-nahi-hira-pan a-akong hu-humi-nga" sabi ko kay Chard. Agad naman siyang tumakbo
papuntang kitchen at bumalik bitbit ang gamot ko.
Binigay niya sa akin yung gamot, agad ko itong sinubo at uminom ng tubig. "Are you
ok?" nag-aalalang tanong sa akin ni Chard.
"Ok na ko, gusto ko ng matulog" sabi ko kay Chard. Binuhat naman niya ko ng pa
bridal style at kumapit na lang ako sa kanya para hindi ako mahulog. Umakyat kami
sa kwarto niya at maingat niya kong hiniga sa kama niya.
"Goodnight Alzola ko, dream of me" rinig kong sabi niya bago ako tuluyang
makatulog.

Nagising ako habang nakayakap sa matigas at mabagong bagay. Pagdilat ko nakita ko


ay matiponong dibdib ng lalaking gustong gusto ko. "Goodmorning Alzola ko, what do
you feel? Do you feel sick?" nag-aalalang tanong ni Chard sa akin.
"I'm fine, don't worry" nakangiting sabi ko sa kanya at bumangon na.
"Where do you want to go?" tanong sa akin ni Chard habang inaamoy amoy yung buhok
ko.
"Kahit saan na lang" sagot ko kay Chard.
"Then pack your things" sabi niya Chard. Napatingin naman ako sa kanya.
"Saan tayo pupunta?" excited kong tanong.
" Sa Guimaras, 2 days tayo doon" nakangiting sabi niya sa akin.
"Sige maliligo lang ako" masayang sabi ko at lumabas na sa kwarto niya. Pumasok ako
sa kwarto ko at agad na naligo.
Matapos kong maligo agad akong nagsuot ng summer dress na hanggang taas ng tuhod
ang haba. Agad kong inayos ang mga dadalhin kong damit sa isang maleta. Nang
matapos kong ayusin ang lahat hinila ko na ang maleta ko palabas.
Nakasalubong ko naman si Chard na papunta sana sa kwarto ko "Akin na yang maleta
mo" sabi niya at siya na mismo ang humila ng maleta ko.
Pagbaba namin maleta ko lang ang dala niya at wala siyang maleta "Nasan ang maleta
mo?" tanong ko kay Chard.
"May gamit pa ko doon" sabi niya at sinakay na sa kotse niya ang maleta ko.
Pinagbuksan niya ko ng pintuan at kinabit niya na rin ang seatbelt ko bago isara
ang pinto. Agad naman siyang pumasok sa kabilang side. "May bahay ka ba doon?"
tanong ko kay Chard pagkasakay niya ng kotse.
"Meron, may taniman din ako ng mangga doon, pamana ng lolo ko" sabi niya at nag-
umpisa ng mag drive.
"Meron ka pang lolo't lola?" tanong ko ulit sa kanya, wala kasi akong alam masyado
sa kanya habang siya alam niya yata lahat ng tungkol sa akin.
"Meron pa, ipapakilala kita kila lola pagdating natin doon. Sure ako magugustuhan
ka nila" nakangiting sabi ni Chard na kinangiti ko rin.
Inabot kami ng tatlong oras sa byahe bago makarating sa Peterson Company. Akala ko
ba sa Guimaras kami pupunta? Pero bakit nandito kami sa kumpanya niya? baka naman
awayin nanaman ako ng espasol na babaeng yun.
"Bakit nan dito tayo?" takang tanong ko kay Chard.
"Just wait" nakangiting sabi ni Chard at hinawakan ako sa bewang ko habang yung isa
niyang kamay ay hawak naman ang maleta ko.
Pagpasok namin ng kumpanya niya agad siyang binati ng mga tao habang siya ay
seryoso lang ang tingin at hindi man lang binati ang mga trabahante niya. Pumasok
kami sa private elevator niya at pinidot niya ang pinakataas.
"Ting"
Pagkabukas ng elevator agad na bumungad sa akin ang malakas na hangin. Nandito kami
sa rooftop at may helicopter na nakalagay ang apilyido ni Chard "Peterson" basa ko
sa nakasulat sa helicopter.
"Bagay sayo ang apilyidong yan" sabi niya na kinabilis nanaman ng puso ko at parang
may nagrarambulan nanaman sa tyan ko. Bakit ka ganyan Chard? Mas minamahal kita.
"Loko! tara na nga" yaya ko sa kanya at lumapit na sa helicopter niya. Tinulungan
naman niya kong makasakay dito at pinasok na niya rin ang maleta ko. Umikot siya at
sumakay na rin.
Bago niya umpisahan na paandarin ang helicapter, kinabit niya muna ang seatbelt ko
"Safety first" nakangiting sabi niya at hinalikan ako ng mabilis sa labi ko. Sinuot
niya rin sa akin ang headset ko.
Pagkatapos ay sinuot naman niya ang kanya at nagumpisa na siya na itaas ang
helicopter. "Wow ang ganda" manghang sabi ko habang nakatingin sa baba parang mga
laruan na lang ang mga kotse dahil sobrang liit lang nila.
"Yeah, so beautiful" sabi ni Chard, napatingin naman ako sa kanya at nakatitig lang
siya sa akin. Bumilis nanaman ang tibok ng puso ko.
"Wag mo nga kong tignan! mag focus ka diyan baka ma aksidente pa tayo" sabi ko kay
Chard. Hindi ko kasi kinakaya yung mga tigtig niya para kasing mas minamahal ko
siya.
"Kahit naman nakapikit ako makakarating tayo ng ligtas" mayabang na sabi niya sa
akin.
"Utot mo Chard, imposible" natatawang sabi ko.
"Trust me, kaya ko. Basta kasama kita"
Episode 12
Cyrine's POV

Bumama ng ligtas ang helicopter ni Chard sa isang malawak na helipad. Pinatay na


niya ang makina tsaka bumaba. Lumipat naman siya sa kabilang side para alalayan
akong bumaba.
Nang makababa ako kinuha naman niya ang maleta ko at sabay kaming naglakad papunta
sa isang malaking bahay. Paglapit namin sa bahay na yun ay may nakatayong isang
matandang babae at lalaki.
"Apo ko" masayang sabi ng matandang babae at niyakap ng mahigpit si Chard tsaka
pinaghalik-halikan sa pisngi. Napangiti naman ako sa kakulitan ng lola ni Chard.
"Tama na po lola" nahihiyang sabi ni Chard.
"Jusko nahiya pa ang apo ko sa kasama niya" pang-aasar ng lola niya.
"Siya na ba yun apo?" nakangiting tanong naman ng lolo niya habang nakatingin sa
akin.
"Siya na nga po yun lolo" sagot naman ni Chard. Ako ba yung pinag-uusapan nila?
Syempre ako, ako lang naman yung nandito maliban sa kanila.
"Magandang bata" nakangiting sabi ng lola ni Chard.
"Good afternoon po, ako po pala si Cyrine" nakangiti bati ko sa lola at lolo ni
Chard.
"Kilala ka na namin Cyrine" nakangiting sabi ng lolo niya na kinataka ko naman.
Ngayon pa lang kasi kami nagkita.
"Tara na sa loob para makapag pananghalian na tayo" anyaya sa amin ng lola ni
Chard.
Pagpasok namin sa loob ay napakalawak. Napatingin naman ako sa isang malaking frame
na mukhang mag-asawa. Kamukhang kamukha ni Chard ang lalaki ito siguro ang mama't
papa niya ito. Pagpasok namin sa dining room bumungad sa akin ang isang
napakalaking bilog na mesa.
"Manang pakidala itong maleta ni Chard sa kwarto niya" sabi ni lola sa isang
katulong.
Naupo na kaming apat sa upuan. Magkatabi kami ni Chard at sa kabilang side ko naman
ay si lola at si lolo naman ay katabi ni lola.
"Tawagin mo na lang kaming lolo at lola" nakangiting sabi ng lolo ni Chard sa akin
"Sige po" masayang sabi ko ng ilapag na ng mga katulong ang pagkain. Agad naman
akong pinagsandukan ni Chard ng kanin at ulam tulad ng ginagawa niya sa bahay
namin.
"Napakalambing naman ng apo ko" sabi ni lola na parang kinikilig pa.
"Wag ka na ngang maingay Mercy, kumain ka na lang" sabi ni lolo kay lola.
"May sinasabi ka?" masungit na tanong ni lola.
"Wala, wala" sabi naman ni lolo na parang sumusuko sa pulis.
"Akala ko may sinasabi ka" sabi ni lola at umirap kay lolo. Para silang mga
highschool lover.
Habang kumakain kami ay biglang may malakas na tinig ng babae ang nagsalita.
"WATZUUP PETERSON FAMILY!" pumasok ay isang magandang babae na mas matangkad sa
akin, sexy rin siya pero mas sexy ako. Mukhang magkasing edad lang sila Chard.
"Ang sakit mo sa tenga Katty" inis na sabi ni lolo habang nakatakip pa ang dalawang
tenga.
"Hindi ka pa ba nasanay" sabi naman ni lola at inirapan ulit si lolo.
"Oh, nandito pala ang pinaka gwapo sa lahi ng Peterson" sabi ni Katty at biglang
kumandong kay Chard na kinagulat ko. Anong kalandian ang ginagawa nitong babaeng
to'.
"Kumusta Katty" tanong ni Chard na kinainis ko na. Bakit hindi niya man lang itulak
yung babaeng to' argg.
"Maganda pa rin naman" maarteng sabi nito "May kasama ka pala, Chard" sabay tingin
sa akin. My God kanina pa ko dito tapos ngayon mo lang ako napansin.
Ngumiti lang ako ng tipid sa kanya at nag focus na sa pagkain ko. "Maupo ka na nga
sa upuan Katty" sabi ni lolo. Tumayo naman sa pagkakakandong si Katty at lumapit
kay lola at lolo at may binulong. Tsaka naupo sa tabi ni Chard.
"Chard, tabi tayo mamaya na matulog huh. Na miss na rin kitang katabi" malanding
sabi ni Katty habang humahawak pa sa kamay ni Chard.
Hindi naman siya sinagot ni Chard pero itong Katty ayaw tumigil. "Bumalik ka ba
dito kasi na miss mo ko?" tanong ni Katty at hahalikan na sana niya si Chard ng
tumayo ako at itulak ko siya.
"Hey miss, respect the food. Huwag mong landiin si Chard sa harap ng pagkain"
mataray na sabi ko sa kanya at naupo na ulit.
"BINGO!" masayang sabi nito at nagtawanan silang lahat. "By the way I am Katty,
cousin of Chard" mag pinsan sila??
"Iha, wag ka ng magselos" asar sa akin ni lolo. Sheeeet lupa lamunin mo na ko.
"Hindi po lolo" tanggi ko at uminom ng tubig.
"Talaga ba?" nakangising tanong sa akin ni Chard. Tinignan ko lang siya ng masama
at inirapan.
"Kitang kita naman sa reaksyon mo" natatawang sabi ni Katty na kinairap ko ulit.
"Tigilan niyo na nga yan si Cyrine, tara Iha mag kwentuhan na lang tayo sa garden"
anyaya sa akin ni lola. Thanks God nandito si lola.
Pumunta kami sa garden ni lola at naupo sa upuan. "Buti na lang po lola niyaya niyo
ko, kundi baka inaasar pa rin ako sa loob" natawa naman si lola sa sinabi ko.
"Pero halata naman na nagseselos ka" sabi ni lola na kinapula nanaman ng pisngi ko.
"Wag niyo na po akong asarin lola" nahihiyang sabi ko kay lola.
"Normal lang yan sa magkasintahan" masayang sabi ni lola.
"Ahm lola, hindi pa po kami magkasintahan ni Chard" naiilang na sabi ko kay lola.
"May pag-asa pala ang apo ko" masayang masaya na sabi ni lola.
"Malaki po ang pag-asa ni Chard, lola" sabi ko kay lola.
"Kelan mo naman sasagutin ang apo ko?" tanong ni lola.
"Balak ko po sana sa mismong birthday ko" sagot ko kay lola.
"Wag mong iiwan ang apo ko Cyrine, botong boto ako sayo" sabi ni lola habang
hinawakan ang kamay ko na nasa ibabaw ng lamesa.
"Boto na po agad kayo sa akin samantalang ngayon pa lang naman po tayo nagkita"
nagtatakang sabi ko kay lola.
"Ikaw lang kasi ang nagpapasaya sa apo ko. Bata pa lang siya ng mamatay yung mama
niya at sumunod ang papa niya. Simula nun naging malamig na siya sa lahat ng tao.
Hindi na siya ngumingiti pa. Tapos kinuha siya dito ni Emmanuel para pag-aralin sa
Luzon. Tapos isang araw bumisita siya dito na may ngiti na sa mga labi niya na
matagal namin hindi na kita. Ang sabi niya sa lolo niya nakita na daw niya ang
babaeng papakasalan niya" sino naman yung babaeng yung? sana ako yun.
"Sino po yung babae?" tanong ko kay lola.
"Syempre ikaw" bumilis naman ang tibok ng puso ko sa sinagot sa akin ni lola.
"A-ako po?" hindi ako makapaniwala ang saya-saya ko. Magsasalita pa sana si lola ng
biglang dumating si Chard.
"Alzola, tara ipapasyal kita." sabi ni Chard sa akin.
"Sige" sagot ko at lumapit ako kay lola at bumulong "satin-satin lang po yung
pinag-usapan natin lola" ngumiti naman si lola at lumapit na ako kay Chard.
"Mamamasyal lang po kami lola" sabi ni Chard sa lola niya at inakbayan na ako.
Sabay kaming lumabas ng bahay nila at nakita ko na may isang kabayo doon.
"Dito tayo sasakay?" excited kong tanong sa kanya.
"Yes" sagot niya at binuhat ako pasakay sa kabayo "Ang gaan-gaan mo talaga" sabi
niya at sumakay na rin sa likod ko.
Nagumpisa ng lumakad ang kabayo habang si Chard at inaamoy lang ang aking buhok.
"saan tayo pupunta?" tanong ko kay Chard.
"Sa manggahan namin" sagot ni Chard habang patuloy pa rin sa pag-amoy ng buhok ko.
"Gusto kong kumain ng mangga" masayang sabi ko kay Chard.
"Sige" maikling sagot niya at inamoy na ulit ang aking buhok.
"Baka naman maubos ang buhok ko niyan" natatawang sabi ko kay Chard.
"Maganda ka pa rin naman kahit maubos na yang buhok mo" napangiti naman ako sa
sinabi niya.
"Tumigil ka nga kakabola sa akin" sabi ko kay Chard para matago ang kilig na
nararamdaman ko.
"Totoo naman talaga" sagot niya sa akin na lalo kong kinangiti. Bigla naman may
dalawang lalaki na na nagkakarera gamit ang kabayo. Napatigil naman silang dalawa
at napatingin sa amin. Lumapit silang dalawa sa amin.
"Chard! anong ginagawa mo dito" hingal na hingal na sabi ng kulay blue ang mata.
"Bawal na ba ako sa pag-aari ko" malamig na sabi ni Chard.
"I mean diba nasa Makati ka dapat" sagot ulit ng blue ang mata.
"Hi miss beautiful" sabi naman sa akin ng kulay brown ang mata. Hahawakan sana niya
ang kamay ko ng bigla akong yakapin ni Chard mula sa likod.
"Don't you dare touch her" malamig na sabi ni Chard sa kulay brown ang mata.
"Possessive much" sabay na sabi ng dalawa at nagtawanan pa.
"By the way I am John Paul Da Silva" sabi nung kulay blue ang mata. Mukhang may
lahi.
"Patrick Williams" sabi naman nung kulay brown ang mga mata na mukhang may lahi
rin.
"Bakit kayo nandito" seryosong tanong ni Chard habang patuloy pa rin na pinapaandar
ang kabayo.
"May pinapagawa kasing bahay si Danworth para daw sa asawa niya" sabi ni John Paul.
"Asawa?Kelan pa siya nagka-asawa?" takang tanong ni Chard.
"Ganyan din reaksyon namin ng sabihin niya na may-asawa na siya" sabi naman ni
Patrick.
"Senyorito, napadalaw po kayo" sabi ng isang matandang lalaki. Nandito na pala kami
sa manggahan nila.
"Kumusta ang manggahan?" seryosong tanong ni Chard sa matanda.
"Magandang balita senyorito, matatamis na po ang mangga kumpara nung mga nakaraang
taon" masayang sabi ng matanda.
"Mukhang inlove ang senyorito kaya matamis ang mga mangga" sabi John Paul.
"Shut-up Da Silva" inis na sabi ni Chard.
"Mukhang may ikakasal" sabi naman ni Patrick.
"Tikman niyo po itong mangga senyorito" abot sa amin ng matandang lalaki. Inabutan
niya rin si John Paul at Patrick.
Tinikman ko ang mangga "Matamis nga po" masayang sabi ko.
"Mang Lito, magpadala ka ng maraming mangga sa bahay" sabi ni Chard sa matandang
lalaki.
"Masusunod po senyorito" sabi ng matandang lalaki at umalis na.
"Penge din kaming mangga" sabi ni John Paul kay Chard.
"Sa planta" sabi ni Chard at pinaandar na niya ang kabayo. Naiwan naman ang dalawa
doon.
"Saan naman tayo ngayon pupunta Chard?" tanong ko kay Chard.
"Sa tree house ko" sabi ni Chard at binilisan pa ng konti ang pagpapatakbo sa
kabayo.
Pagdating namin sa tapat ng tree house ni Chard agad siyang bumaba ng kabayo at
inalalayan akong makababa. "Ang ganda naman pala ng tree house mo" manghang sabi
ko.
"Tara, akyat tayo" sabi niya at umakyat na kami ng tree house.
"Pati sa loob ang ganda" sabi ko at patuloy pa rin na inikot ang aking mata sa loob
nitong tree house.
"Dito ako madalas dati noong namatay sila mama." malungkot na sabi niya.
"Bakit naman gusto mo dito?" tanong ko sa kanya at tumabi sa kanya na maupo sa
mahabang sofa.
"Nawawala kasi lahat ng lungkot ko kapag nandito ako" sabi niya at sinandal ako sa
dibdib niya.
"Malungkot ka ba ngayon kaya nandito tayo?" malungkot na tanong ko sa kanya.
"Syempre hindi, masayang masaya nga ko ngayon kasi kasama kita. Kaya kita dinala
dito para naman mas makilala mo pa ako" nakangiting sabi nito sa akin na kinangiti
ko rin.
"Ako rin Chard masaya rin ako na kasama kita ngayon" nakangiting sabi ko, narinig
ko naman ang malakas na tibok ng puso ni Chard gaya ng akin na mas kinasaya ko pa.
Nag-usap pa kami sa loob ng tree house ni Chard, at mas nakilala ko pa siya. Masaya
ako na palagi ko siyang napapasaya. "Umuwi na tayo, madilim na sa labas" anyaya sa
akin ni Chard.
"Sige" sabi ko. Inakbayan naman niya ko at sabay kaming bumaba ng tree house.
Pagbaba namin agad niya kong binuhat at sinakay sa kabayo. Pagkasakay niya sa akin
agad-agad rin siyang sumakay at pinatakbo na ang kabayo.
"Anong oras pala ang uwi natin bukas?" tanong ko kay Chard
"Kahit anong oras mo gusto" sagot ni Chard sa akin.
"7 P.M na lang" sabi ko.
"Ok"
Pagdating namin sa bahay nila agad siyang bumaba at binaba ako. Pagpasok namin sa
bahay nila agad kaming dumiretso sa dining room nila at nandoon ulit si Katty.
"Kumusta ang pamamasyal niyo, apo?" tanong ni lolo sa akin.
"masaya po, lolo. Nagpunta po kami sa tree house ni Chard" masayang sabi ko.
"Ang daya mo naman Chard, samantalang ako hindi mo man lang pinapapasok dun" sabi
ni Katty na mukhang nagtatampo.
"Tumigil ka nga diyan Katty, ikaw ba si Cyrine?" singit naman ni lola sa usapan.
"Lola wag ka namang ganyan sa akin" nakangusong sabi ni Katty.
"Tumigil na nga kayo at kumain na tayo" sabi ni lolo at kumagat sa mangga. "Ang
tamis ng bunga ng mangga ngayon" masayang sabi ni lolo.
"Talaga po lolo?" tanong ni Katty at tumikim rin sa mangga. "Ang sarap nga, tikman
mo lola" tinikman naman ni lola at napangiti siya.
"Ang tamis nga" masayang sabi ni lola.
"Mukhang nahanap na ni Chard, ang pag-ibig niya" sabi ni lolo habang nakatingin sa
akin.
"Sabi na nga ba at si Cyrine na talaga ang para sa apo ko" sabi naman ni lola. Ano
ba yung sinasabi nila? Hindi ko sila maintindihan.
"Welcome to the family Cyrine!" masayang sabi sa akin ni Katty at nginitian ko lang
siya.
"Ano po bang sinasabi niyo?" takang tanong ko sa kanila.
"Matamis ang bunga ng mangga kasi ikaw ang tunay na pag-ibig ng may-ari nito"
masayang sabi ni lola na kinabilis naman ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam ang
sasabihin ko kaya nag focus na lang ako sa pagkain ko.
Matapos namin kumain ay magpapahinga na kami ngayon. "Goodnight po" sabi ko kila
lolo at lola at umakyat na kami ni Chard sa taas.
Pagpasok namin sa kwarto niya ay may malaking kama. Mas Malaki ito kesa sa kwarto
niya sa bahay namin. "Nasan ang mga gamit ko?" tanong ko.
"Nasa walk in closet ko na. Inayos ko kanina nung nag-uusap kayo ni lola" lumapit
naman ako sa walk in closet niya at marami nga siyang damit dito, pati na rin
sapatos. Kumuha ako ng pantulog ko at pumunta sa banyo.
Nag half bath lang ako. Paglabas ko ng banyo nakita ko si Chard na nakahiga na kama
niya at nakapantulog na rin ito habang nagbabasa ng libro may suot pa siyang
salamin na mas nakadagdag sa ka gwapuhan niya.
"Chard, sa guest room na lang ako matutulog" sabi ko dito. Binaba naman niya yung
librong binabasa niya at lumapit sa akin at inamoy ang buhok ko.
"No, dito ka lang sa kwarto ko. Dito ka lang sa tabi ko"

Episode 13
Cyrine's POV

Nagising ako dahil sa kumakatok sa pintuan ni Chard. Napaka istorbo sa pagtulog


argg. "Chard, someone was knocking on the door" sabi ko kay Chard.
"Don't mind it. Matulog pa tayo" sabi niya at sumiksik pa sa leeg ko. Pero patuloy
pa rin sa pagkatok ang tao sa labas ng kwarto.
"Chard, ang ingay. Buksan mo na" inis na sabi ko at nagtalukbong ng kumot sa mukha
ko. Naramdaman ko naman na tumayo na si Chard sa kama.
"Sino ba kasi yan?" rinig kong sabi ni Chard.
"Hey cousin!" rinig ko ang matinis na boses ni Katty. Napaupo naman ako ng may
lumundang sa kama ni Chard. "Goodmorning Cyrine!" masayang sabi niya sa akin.
"Lumabas ka nga dito Katty, iniistorbo mo ang pagtulog namin" inis na sabi ni Chard
sa pinsan niya.
"Kanina pa kasi ako katok ng katok" maarteng sabi ni Katty.
"Bumaba ka na at susunod na rin kami" sabi ni Chard at hinila patayo si Katty.
"Hey! Cyrine inaaway ako ni Chard. Help meeee!" sigaw ni Katty na kinatawa ko na
lang. Ang kulit ng babaeng yun.
Tumayo naman ako at dumiretso na sa banyo ni Chard para gawin ang morning routine
ko may extra toothbrush naman dito kaya ayun na lang ang ginamit ko. Paglabas ko ng
C.R si Chard naman ang pumasok.
Naupo muna ako sa kama ni Chard at binuksan ang cellphone ko. Nakita ko na nagchat
pala sila Alexie sa gc namin.
Alexie: hey @Cyrine, wer r u??
Gab: pumunta kami sa inyo pero wala ka.
Ayen: @Cyrine I've messaged you since last night.
Andrew: Pupunta pa naman tayo sa Tagaytay.
Me: Nasa Guimaras kami ngayon, mamaya pa ang uwi namin. Pag-uwi ko na lang tayo mag
Tagaytay.
Ayen: Sino ang kasama mo diyan? Diba nasa honeymoon sila tita ngayon.
Me: Kasama ko si Chard.
Ayen: Bakit kayo nan diyan?
Me: binisita lang namin yung lolo at lola nila tsaka pinakilala niya na rin ako.
Gab: OMG legal agad
Andrew: sabi na nga ba gusto ka ni papa Chard HAHAHAHA
Gab: pag nag Tagaytay tayo isama natin si papa Chard.
Ayen: No, bonding natin yun
Alexie: Ang kj mo Ayen.
Me: Isama natin si Chard baka kasi hindi ako payagan ni mama na umalis.
bumukas naman ang pinto ng cr at lumabas si Chard na nakapantulog pa rin tulad ko.
"Sino ka chat mo?" tanong niya sa akin.
"Mga kaibigan ko lang" sagot ko at tumayo na.
"Tara baba na tayo" anyaya sa akin ni Chard at inakbayan ako. Sabay kaming nagtungo
sa dining room.
"Goodmorning po" bati ko sa kanila at naupo na sa pwesto ko kahapon. Naupo na rin
Chard at pinagsandukan ako ng fried rice at tocino.
"Cyrine, mag swimming tayo mamaya sa twin falls" anyaya sa akin ni Katty.
"Hindi pwede, Katty" sagot ni Chard sa kanya.
"Ikaw na ba ngayon si Cyrine?" mataray na tanong ni Katty kay Chard at inirapan
ito.
"Sorry Katty, pero ayoko kasing mag swimming. Iba na lang" sabi ko at nag-umpisa ng
kumain.
"Edi mamili na lang tayo sa bayan. Para naman makapag kwentuhan na rin tayo."
masayang sabi ni Katty.
"Ahm, sige. Mamayang hapon para hindi masyadong mainit" sagot ko sa kanya.
"Talaga? tsaka sorry nga pala kahapon" sabi nito sakin.
"Ok lang" sagot ko at kumain na ulit. Bigla naman may pumasok na dalawang lalaki sa
dining room.
"Anong ginagawa niyo dito sa bahay ko?" seryosong tanong ni Chard.
"Parang hindi naman tayo magkakaibigan, Chard" sabi ni Patrick na humawak pa sa
puso niya na parang nasasaktan.
"Goodmorning po, lola. Makikikain po sana kami" sabi ni John Paul at naupo na sa
bakanteng upuan sa tabi ni Katty.
"Pumunta pa talaga kayo dito para makikain" sarcastic na sabi ni Chard.
"Hayaan mo na sila apo, sige kain lang kayo" sabi ni lola kila John Paul.
Masaya kaming nag-almusal sa hapag kainan dahil sa kadaldalan ni John Pau at
Patrick na palagi namang binabara ni Katty. Matapos namin mag-almusal ni Chard agad
kaming umakyat sa taas.
"Ngapala Chard, pupunta kami sa Tagaytay nila Alexie" sabi ko dito kay Chard na
nakaupo lang sa kama niya at nanonood ng T.V
"Ok, I will go with you" sabi nito, tumabi naman ako sa kanya sa kama.
"Yeah, nasabi ko na rin sa kanila" sabi ko at kinuha ang cellphone ko. Habang
nanonood ng T.V si Chard ako naman ay nag ce-cellphone.
Nag open ako ng messenger at binasa ko na ang chat ni Ayen sa akin.
Ayen: May sasabihin ako sayo.
Ayen: Cy??
Ayen: Where are youu?
Ayen: Dito kami sa house mo.
Ayen: Reply ka naman.
Me: sorry late reply.
Me: Ano ba yung sasabihin mo?
Ayen: Pagbalik mo na lang dito.
Me: Para kang tanga HAHAHAHA
"Why are you smiling?" seryosong tanong sa akin ni Chard.
"Wala" sabi ko.
Ayen: parang palang naman hindi pa tanga talaga HAHAHAHA. I miss you and I love
you, Cy.
Me: I miss you too,labyaaaH see yah.
Bigla naman kinuha ni Chard ang cellphone ko. "I miss you and I love you pala"
malamig na sabi nito at binato ang cellphone ko sa lapag kaya nabasag ito.
"Chard! Yung cellphone ko!" inis na sabi ko sa kanya.
"So ngayon nagagalit ka sa akin?" malamig na sabi nito.
"Sinira mo ang cellphone ko!" galit na sabi ko sa kanya "Sa tingin mo matutuwa ako
sayo?"
"Nakikipaglandian ka sa iba sa tingin mo matutuwa rin ako?!" malamig na sabi nito
sa akin.
"Kaibigan ko nga lang si Ayen!" parehas na kaming nakatayo ngayon at magkaharap.
"Bullshit! may gusto nga yan sayo" sigaw niya sakin.
"Sinabi ko na sayo na kaibigan lang ang turing ko sa kanya bakit ba hindi mo ko
maintindihan!" galit na sigaw ko sa kanya.
"Ano yun? mag kaibigan kayo pero may pa I miss you at I love you pa? Tangina
nakakagago" malamig na sabi nito sakin.
"Bakit ba kailangan ko pang mag explain sayo? Wala naman talaga tayo! Wala tayong
label!" sabi ko sa kanya at kinuha ang pouch ko tsaka lumabas na ng kwarto niya.
Bumaba ako sa sala at nakita ko si Katty na nakaupo sa sofa.
"Hey Katty" napatingin naman ito sa akin.
"Oh Cyrine, bakit?" tanong nito at napatayo sa sofa.
"Ngayon na tayo mamasyal sa bayan" sabi ko dito.
"Sige sige" masiglang sabi nito.
"Pero pwede bang manghiram ng damit mo tsaka doon na rin ako sa C.R mo maliligo"
nahihiyang sabi ko.
"Bakit ka ng hihiram? Tsaka pwede ka naman sa C.R ni Chard" nagtatakang tanong
niya.
"Basta" maikling sagot ko.
"Ok, tara punta tayo sa kwarto ko." Pumunta kami sa second floor at pinakadulo ang
kwarto niya.
Pagbukas niya ng pinto bumungad sa akin ang kwarto niya na puro pink rin tulad ng
kwarto ko. "Mauna ka na lang maligo Katty, antayin kita dito" nakangiting sabi ko.
"Maghanap ka na lang ng damit sa walk in closet ko tsaka may mga undies rin ako
dyan na hindi ko pa naman nagagamit" nakangiti rin na sabi ni Katty. Mabait naman
pala siya makulit lang talaga minsa.
"Thank you Katty" sabi ko dito.
"Wala yun Cyrine, kapamilya ka na rin naman namin" sabi ni Katty at pumasok na sa
C.R niya.
Nagpunta naman ako sa walk in closet niya at naghanap ng pwede kong suotin. Napili
ko ang highwaist jeans at simpleng t-shirt. Kumuha na rin ako ng undies.
Pagkalabas ni Katty ng C.R agad akong pumasok at naligo na. Sa loob na rin ng C.R
ako nag bihis. Pagkalabas ko naka ayos na si Katty. Agad naman akong nagsuklay.
"Tara na Katty" anyaya ko sa kanya at lumabas na kami ng kwarto niya.
"Hindi ba tayo magpapaalam kay Chard?" tanong ni Katty.
"Hindi na kailangan" sagot ko. "Saan nga pala tayo sasakay?" tanong ko.
"Sa kotse ko, tara sa garahe" pumunta kami sa garahe nila at sumakay sa kotse niya.
"Marunong ka pa lang mag drive" manghang sabi ko habang nag dri-drive siya.
"Last year lang ako natuto. By the way nag-away ba kayo ni Chard?" tanong niya
habang nakatingin pa rin sa daanan.
"Yeah" maikling sagot ko dito at tumingin na lang sa bintana.
"Pagtiisan mo sana si Chard, Cyrine" sabi nito sa akin at hindi ko na lang
pinansin.
Pagkarating namin sa bayan agad kaming lumabas ng kotse niya at pinagtitinginan
naman kami ng tao. Bigla naman akong nahiya.
"Ganyan talaga ang mga tao dito, minsan lang kasi makakita ng maganda" sabi ni
Katty na kinatawa ko.
"HAHAHAHA baka naman assumera lang tayo" sabi ko sa kanya.
"Maganda naman talaga tayo" sabi nito.
"Oo na lang HAHAHAHA" sabi ko na lang para matigil na siya.
"Tara doon muna tayo sa mga souvenir" at hinila ako papuntang souvenir store.
Naalala ko ang mga kaibigan ko. Bibilhan ko sila ng souvenir. Kumuha kami ng basket
ni Katty. Bumili ako ng apat na t-shirt para sa kanila. "Ito lang ang bibilhin ko
dito Katty, hindi naman kasi sila masyado
mahilig sa mga souvenir"
"Para kanino ba yan?" tanong ni Katty.
"Sa mga kaibigan ko" sabi ko at pumila na kami sa cashier.
"Next naman natin na puntahan yung sikat na kainan dito" masayang sabi ni Katty.
"sige, libre ko na kasi pinahiram mo ko ng damit" nakangiting sabi ko at binayaran
ko na ang apat na t-shirt.
"Ok, let's go" sabi nito sabay kapit sa braso ko.
Naglakad lang kami ng konti hanggang makarating kami sa isang restaurant. Agad
kaming naupo ni Katty at binigyan kami ng menu. "Anong order mo Katty?" tanong ko
sa kanya.
"Yung specialty nila" sagot niya. Lumapit naman samin ang isang waiter.
"Good Day beautiful ladies" nakangiting sabi sa amin ng waiter.
"dalawang order ng specialty niyo" sabi ko at tumingin na lang sa labas ng salamin.
"Yun lang po ba?" tanong ng waiter.
Lumingon naman ako kay Katty "May gusto ka pa ba Katty?"
"wala na" maikling sagot ni Katty.
Tumingin naman ako sa waiter "yun lang"
"Miss beautiful pwede ko bang makuha number mo" tanong sa akin ng waiter eh wala na
nga akong cellphone.
"Hoy kuya! kilala mo si Chard Peterson?" biglang sabi ni Katty sa waiter. Tumango
naman ang waiter. "Boyfriend niya yun" bigla naman namutla yung waiter at umalis
na.
"Namutla yung waiter Katty, natakot yata sayo HAHAHAHA" natatawang sabi ko.
"Hindi sakin natakot yun HAHAHAHA sa pangalan ni Chard" sagot niya na kinatigil ko
naman sa pagtawa. Tumingin na lang ako sa ibang direksyon para maiwasan na mag
tanong si Katty.
Ano na kayang nangyari kay Chard? Arggg bakit ko pa ba siya iniisip! galit nga ko
sa kanya. So dapat focus lang ako. Pero ano kayang ginagawa niya ngayon? Sheeeet
Cyrine magtigil ka nga diyan.
"Cyrine, nag text si Chard sa akin. Tinatanong kung kasama daw ba kita" napatingin
naman ako kay Katty dahil sa sinabi niya.
"Hayaan mo siya Katty. Huwag mo na lang replayan" nilapag naman ng waiter yung
order namin at umalis agad.
"Ano ba kasing nangyari sa inyo ni Chard? Pwede mo kong kwentuhan makikinig ako"
nakangiting sabi ni Katty sa akin.
"Nag-away kasi kami tungkol sa kaibigan ko" sabi ko at sumubo sa pagkain ko.
"Kaibigan mo?Bakit naman?" seryosong tanong sa akin ni Katty habang kumakain na
rin.
"Nag I miss you at nag I love you han kasi kami tapos nabasa niya yun. Diba normal
naman sa mag-kaibigan ang ganun" sabi ko kay Katty.
"Yeah, kahit na lalaki o babae pa yan basta kaibigan lang naman e. Walang masama
doon" sabi ni Katty.
"Pero siya masyado siyang immature" inis na sabi ko.
"Sabi ko naman sayo na intindihin mo na lang si Chard, masyado siyang takot na
mawala ka." sabi ni Katty na kinatibok ng puso ko.
"Si Chard takot na mawala ako?" ganun niya ba ko kagusto?
"Oo, naalala ko minsan na kwento ka niya sa akin. Kapag naging malapit na daw kayo
sa isa't isa hindi ka na daw niya hahayaan na mawala pa sa tabi niya" yung puso ko
grabe ang bilis nanaman ng tibok.
Pagkatapos naming kumain ni Katty nag Ikot-Ikot pa kami sa bayan. Masayang kasama
si Katty hinding hindi ka ma bo-boring sa sobrang daldal niya. "Uwi na tayo Katty"
6 P.M na rin kasi.
"Ay oo nga pala HAHAHAHA nakalimutan ko na yung oras" natawa naman ako sa sinabi
niya. Pumunta na kami sa kotse niya at agad niya itong pinaandar pauwi.
"Katty, punta ka nga pala sa birthday ko. Sa may 14" sabi ko sa kanya habang siya
naman ay nag dri-drive.
"Sige ba, basta ireto mo ko sa gwapo HAHAHAHA" natawa naman ako sa sinabi ni Katty.
"Sige, ihahanap kita HAHAHAHA ano ba yung tipo?" sakay ko sa pagbibiro niya.
"Basta gwapo HAHAHAHA" nandito na pala kami sabay kaming bumaba ni Katty.
"Sige pakikilala kita sa mga kuya ng kaibigan ko HAHAHAHA" tawanan lang kami ng
tawanan ni Katty hanggang makapasok kami ng bahay.
Nawala naman ang ngiti ko ng makita ko si Chard na nakatayo sa sala. Agad siyang
lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit.
"Wag mo kong iiwan Alzola ko, please."

Episode 14
Cyrine's POV

"Mag-iingat kayo sa byahe" sabi ni lola sa amin ni Chard.


"Opo lola, mag-iingat din po kayo dito" sabi ko kay lola at niyakap siya. Niyakap
ko na rin si lolo at Katty.
"Kelan ulit ang balik niyo dito?" tanong ni lolo kay Chard.
"Hindi ko pa alam lolo" sagot ni Chard sa lolo niya.
"Lola, punta po kayo sa birthday ko sa May 14. Imbitado po kayo" nakangiting sabi
ko.
"Sige ba apo, asahan mo makakarating kami" ngiting sagot ni lola.
"Sige po, mauna na po kami ni Chard" sabi ko sa kanila.
Inalalayan naman ako ni Chard na sumakay sa helicopter at umikot na siya sa
kabilang side para pumasok. Agad niyang kinabit ang seatbelt ko at ang headset.
Pagkatapos ay ang kanya naman ang kinabit niya.
Inantay niya muna na makalayo sila lola sa helipad bago buksan ang makina. Unting-
unting itinaas ni Chard ang helicopter. Kaming dalawa nalang ni Chard kaya ang
akward na.
Nang mas tumaas pa ang helicopter sumilip ako sa baba "Mas maganda palang sumakay
ng helicopter kapag gabi" sabi ko para mawala ang pag kailang ko sa nangyari
kanina.
"Maganda nga" sagot niya. Iba't ibang kulay ang nakikita ko sa baba. Bukas na ang
ilaw ng buong syudad.
Habang focus siya sa pagpapalipad ng helicopter ako naman itong nakatingin lang sa
mga nag gagandahang ilaw sa baba. Agad din kaming nakarating sa rooftop ng kompanya
at madilim na rin dito.
Agad siyang bumaba at pinagbuksan ako ng pinto. Siya na rin ang nag tangal ng
seatbelt ko. Inalalayan niya kong bumaba "Thank you" sabi ko.
Bigla naman bumukas ang ilaw ng buong rooftop at nag play ang isang music.
Napatingin naman ako sa lamesa na may dalawang upuan. Mayroon din mga lobo na
letter na ang nakasulat 'I'm sorry Alzola ko'
Napatingin naman ako kay kay Chard "I'm so sorry Alzola ko, nagselos lang talaga ko
ng sobra kaya nagalit ako. Hindi ko na pigilan yung emosyon ko dahil sa selos na
nararamdaman ko. Please forgive me Alzola" sabi nito sa akin.

"Sorry din sa lahat ng nasabi ko Chard" sabi ko dito at niyakap siya.


"So bati na tayo?" nakangiting tanong niya.
"Oo naman" sagot ko dito at humiwalay sa pagyayakapan namin.
"Tara mag dinner na tayo" anyaya niya sa akin, hindi kasi kami nag dinner kila
lola. Naupo na kami sa upuan at nag-umpisa na kaming kumain. Bigla naman may
nilapag siyang paper bag sa table namin. "Nan diyan na yung number ko, pati number
nila tito at tita"
"Thank you Chard" nakangiting sabi ko. Pagtapos namin kumain akala ko ay uuwi na
kami ni Chard pero hindi papala.
"Let's dance" sabi niya sakin habang nag-aabang ang kamay niya.
"Sige" nakangiting sabi ko at kinuha ang kamay niya.
Pinulupot ni Chard ang dalawa niyang kamay sa bewang ko habang ang dalawa kong
kamay naman ay nakapulupot sa batok niya. "This our first dance"
"Yeah and I hope this is not the last" nakangiting sabi ko kay Chard.
"Of course this is not the last" nakangiting sabi niya na mas lalong nakadagdag sa
kanyang ka gwapuhan. "Kanina sobrang natakot ako" sambit nito.
"Ikaw? matatakot HAHAHAHA"
"Yeah, I'm so scared that you might leave me" malungkot na sabi nito. Kaya naman
napatigil ako sa pagtawa. Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi.
"I'm not going to do that" nakangiting sabi ko na kinangiti niya rin.
"Promise?" tanong nito sa akin.
"Promise" sambit ko.
"Then magpakasal na tayo" nagulat naman ako sa sinabi niya "I'm just joking"
"Sira ulo ka talaga" sambit ko habang hinampas siya ng mahina sa matitigas niyang
braso.
"Tara uwi na tayo" anyaya sa akin ni Chard.
"Sige, kaso 10 P.M na malayo pa ang byahe natin" sabi ko.
"Dito na lang tayo sa company ko matulog" sabi nito at sumakay na kami sa private
elevator niya. Bitbit niya na rin ang maleta ko.
"Dito sa company mo?Nag jo-joke ka ba?" wala naman kasing kama dito puro office
table lang.
"Yeah" sambit niya at lumabas na kami ng elevator ng dumating sa floor ng office
niya.
Pagpasok namin sa office niya wala naman kama. "Nasan dito ang hihigan natin?"
takang tanong ko. Lumapit naman siya sa bookshelf niya at tinulak ito at may pinto
doon.
Binuksan naman niya yun at bumungad sa akin ang isang malaking kwarto at ang pader
dito ay glasswall kitang kita mo ang buong syudad. "Ang ganda ng kwarto mo dito sa
company mo"
"Pinagawa ko yan para kung tamarin na akong umuwi sa bahay. Pero ngayon hindi na
ako tinatamad." nakangiting sabi nito at lumingon sa akin.
"Pagamit ng C.R mag ha-halfbath lang ako" sambit ko at kumuha ng pantulog sa maleta
ko.
"Wag ka ng mag paalam iyo rin naman ang lahat ng akin" bumilis nanaman ang tibok ng
puso ko dahil sa sinabi ni Chard. Pumasok na lang agad ako sa C.R niya para matago
ang kilig ko.
Pagtapos kong mag halfbath sinuot ko na agad ang pantulog ko at lumabas na ng C.R.
Si Chard naman ang sunod na gumamit ng C.R kaya naman nahiga na ko sa kama at
unting-unting nakatulog.

Pag gising ko bumungad agad sa akin ang malawak na syudad na kitang-kita ko mula sa
kama. Wala naman akong nadatnan na Chard. Kaya pumasok na ko sa C.R at naligo.
Pagtapos kong maligo nagsuot ako ng dress na hanggang taas ng tuhod at lumabas ng
kwarto. Paglabas ko ng kwarto nakita ko si Chard na naninigarilyo habang nakatingin
sa malawak na syudad ng Makati. Nakatalikod siya sa akin kaya naman malaya kong
nakikita ang magandang likod niya.
"Chard" tawag ko dito. Napalingon naman siya sa akin at agad naman niyang tinapon
sa astray ang kanyang sigarilyo at lumapit sa akin.
"Nag order na ko ng breakfast natin" nakangiting sambit nito sa akin na kina tango
ko lang.
"Anong oras tayo uuwi Chard?" tanong ko sa kanya.
"Pagtapos mag breakfast uuwi na rin tayo" sambit nito at naupo sa sofa. Naupo na
rin ako sa tabi niya. Bigla naman may kumatok sa pintuan.
"Come in" malamig na sambit ni Chard at umakbay sa akin kaya naman napasandal ako
sa dibdib niya.
"Sir, ito na po yung breakfast niyo" sabi ng secretary niya at nag bow bago
lumabas. Pancakes at coffe and milk ang nasa tray.
Agad ko namang tinikman ang pancake at masarap. Kinuha naman ni Chard ang kape niya
at ininom yun. Napansin ko naman na hindi kumakain ng pancake si Chard kaya
sinubuan ko na lang siya "Thanks, Alzola" nakangiting sambit niya.
Pagtapos namin mag breakfast agad kaming umuwi sa Los banos. Pinagbuksan ako ng
pinto ni Chard at sabay kaming pumasok sa bahay. Nakita ko naman ang mga kaibigan
ko na nasa sala.
"Guys! bakit nandito kayo?" tanong ko sa kanila.
"Ngayong ang punta natin sa Tagaytay sis" maarteng sabi ni Andrew.
"Agad-agad?" tanong ko.
"Yeah, may dala rin kaming van at driver" sabi naman ni Gab.
Lumingon naman ako kay Chard, "Hey, ok lang ba sayo?" tanong ko sa kanya.
"Oo naman" nakangiting sambit nito sa akin.
Lumingon naman ako sa mga kaibigan ko. "Tara" binitbit ni Chard yung coat niya.
Lumabas na kami ng bahay at sumakay ng van. Sa unang row ang driver, sa pangalawa
naman ay si Alexie at Ayen, sa pangatlo naman ay si Gab at Andrew, then kami ni
Chard. Sumandal si Chard sa balikat ko at hinayaan ko na lang.
Inabot kami ng isa't kalahating oras sa byahe bago makarating sa Tagaytay ang una
naming pinuntahan ay ang Starbucks. Pagpasok namin ng starbucks agad kaming puwesto
sa tabi ng bintana para kitang kita ang taal volcano.
"Ako na ang o-order ano sa inyo?" tanong ni Alexie.
"Mocha ang akin" sambit ni Gab
"Cold Coffe" sambit ni Ayen
"Java Chip Venti" sambit ko naman, tumingin naman si Alexie kay Chard at umiling
lang ito. Kaya venti na ang kinuha ko para hati na kami.
Pagbalik ni Alexie agad siyang naupo. "Guys, picture tayo" sabi ni Alexie. Tinaas
niya ang kamay niya na may hawak na cellphone. Habang si Chard naman ay hindi
tumitingin sa camera at sa akin lang ang tingin niya.
"Pa tingin nga ko sis" sabi ni Gab, binigay naman niya ang kanyang cellphone kay
Gab. "Ayaw man lang lumingon ni Chard sa camera" tinignan naman ni Andrew ang
picture.
"Focus na focus sa kaibigan namin" namula naman ako sa sinabi ni Andrew kaya
napatingin na lang ako sa taal volcano.
"Miss Alexie" rinig kong tawag ng crew. Tumayo naman si Ayen at siya na ang kumuha.
Nilapag ni Ayen sa table namin ang kanya kanya naming order.
"Kaya mo ba yang ubusing Cy?" takang tanong ni Gab sa akin. Uminom ako sa
frappuccino ko
"Hindi, kaya nga hati kami dito ni Chard" bigla naman napatayo si Ayen na
kinatingin namin sa kanya.
"rest room lang ako" seryosong sabi nito at umalis na.
"hmm, I smell something fishy" sambit ni Andrew.
"O.M.G sis me tooo" sambit naman ni Gab.
"Tumigil nga kayong dalawa diyan" saway naman sa kanila ni Alexie.
Pinainom ko si Chard sa frappuccino ko bigla naman nag flash ang cellphone ni
Alexie. "Hey!" sambit ko.
"Picturan ko kay ni Chard, bilis" sambit ni Sophia, nahiya naman ako kasi baka ayaw
ni Chard.
"Use my cellphone for that" seryosong sabi ni Chard at inabot ang iphone 11 niya.
Inurong naman ni Chard ang upuan niya palapit sa akin at inakbayan ako.
"1, 2, 3" sambit ni Alexie.Then pinituran niya kami.
"Thank you sis" sambit ko at kinuha ang cellphone ni Chard. Tinignan ko ang picture
namin at nakita kong inaamoy niya ang buhok ko habang naka smile ako. Inabot ko yun
kay Chard.
"After nito saan tayo pupunta?" tanong ni Ayen na kakarating lang galing C.R
"Mag lu-lunch tayo sa picnic grove then 3 P.M punta na tayo sa sky ranch" sagot ni
Andrew kay Ayen.
"Guys sa Makati University na pala ako mag-aaral" sabi ni Gab.
"Mahal na mahal mo talaga ko sis" sabi ni Andrew at niyakap pa si Gab.
"Sabay tayong hahanap ng pogi dun" sabi ni Gab na kinatawa namin ni Alexie.
"Kayong dalawa puro landi talaga ang nasa isip HAHAHAHA" sambit ni Alexie.
"Thesis muna bago landi HAHAHAHA" sambit ko nagtawanan ulit kami ni Alexie kasi na
okray namin si Gab at Andrew.
"Makakabawi rin kami sa inyo" pikon na sambit ni Gab.
"11:00 A.M na tara pumunta na tayo sa picnic grove" singit ni Ayen sa usapan namin.
"Ok poooo" sabay-sabay na sabi naming apat.
Tumayo naman kami at lumabas na ng starbucks. Sumakay na kami ng van at magkatabi
ulit kami ni Chard. Sumandal ulit siya sa balikat ko at pumikit. Nilabas ko naman
ang cellphone ko at nagpicture kami.
Pagdating namin sa picnic grove agad kaming bumaba. Kinuha nila sa likod ang mga
baon na pagkain. Si Chard na ang nagbitbit ng cooler na may laman na mga softdrinks
namin. Nakaya niya yun buhatin ng isang kamay lang.
Habang lahat sila ang may buhat kami naman ni Alexie ay wala. "Hoy! mga babae
tulungan niyo kami dito" inis na sabi ni Andrew sa amin ni Alexie.
"Babae nga kami diba, so kayong mga lalaki ang magbubuhat HAHAHAHA" sambit ni
Alexie na kinatawa ulit namin ng sabay.
"Kawawa naman si Gab at Andrew" kunyaring malungkot na sabi ko pero inaasar ko
talaga sila.
"Titirisin ko talaga kayong dalawa" inis na sabi ni Gab. Tatakbo na sana ako ng
hawakan ni Chard ang kamay ko.
"Baka mapagod ka, bawal pa naman sayo ang mapagod" sambit nito sa akin at sabay
kaming naglakad pababa habang hawak niya ang kamay ko.
Nang makarating kami sa pwesto namin agad nilang pinatong lahat ng bitbit nila.
Napatingin naman sa akin si Gab. Kaya naman agad akong nagtago sa likod ni Chard.
"Chard si Gab, titirisin ako" sumbong ko.
"Hoy sis, hindi naman kita titirisin HAHAHAHA" natatawang sambit ni Gab.
"Talaga ba Gab? kanina nga sabi mo titirisin mo kami" sambit naman ni Alexie.
Lumapit naman si Gab kay Alexie at ito ang tiniris niya.
"May kuto ka pa" biro ni Gab na kinatawa namin ni Andrew.
"Hoy wala kaya." nakangusong sabi ni Alexie.
"Tama na yan mga sis, kumain na tayo" sambit ni Andrew na siyang naghanda ng
pagkain namin.
Umayos na kami ng upo at nagumpisang kumain. Pagtapos namin kumain nagpahinga lang
kami ng konti at nag-umpisang maglakad lakad. Habang naglalakad kami sa mabatong
part inaalalayan naman ako ni Chard.
"Hmm, ang sweet naman po pala" rinig kong sambit ni Andrew na mukhang kami ang
tinutukoy.
"Ingit ka nanaman Andrew HAHAHAHA" pang o-okray ni Alexie kay Andrew.
"Wow akala mo naman may love life" sarcastic na sabi ni Andrew kay Alexie.
"Nakakahingal naman, sana pala doon na tayo dumaan sa mismong hagdanan" maarteng
sambit ni Gab.
"Yeah, that true Gab" sabi ko habang hinihingal na rin. Bigla naman lumapit sa akin
si Ayen at naupo pa talikod.
"Piggyback ride" sambit ni Ayen.
Bigla naman akong binuhat ni Chard ng pa bridal style at inipit ang dress ko sa
kamay niya para hindi makita ang cycling shorts.
"Ako na"
Episode 15
Cyrine's POV

Saktong alas-tres ng makarating kami sa sky ranch. Pagdating namin sa sky ranch
agad kaming pumila sa cashier para bumili ng tickets na rides na gusto namin.
"Sumakay tayo sa Super Viking!" masayang sabi ni Gab.
"Pati na rin yung drop tower at Zipline" sambit naman ni Andrew.
"Toy swing rin" masayang sambit ni Alexie
"Last natin yung safari splash" sambit ko naman. Bigla naman akong hinila ni Chard
sa palapulsuhan ko. Napa-angat ang ulo ko para tignan siya.
"Naka dress ka hindi ka pwedeng sumakay sa mga rides na yan" seryosong sambit niya
sa akin. Napalingon naman ako sa mga kaibigan ko.
"Guys sa safari splash lang pala ako makakasakay" nakangitng sambit ko. Sa safari
spash kasi may susuotin ka kaya ok lang kahit naka dress ako.
"May short ka naman yata sis" sambit ni Andrew at itataas pa sana ang dress ko ng
biglang ilayo ako ni Chard sa kanya.
"Grabe ka naman Chard, hindi ko naman haharasin si Cy" sambit ni Andrew.
"Sige bumili na kayo ng ticket, gusto kong panoorin yung reaksyon niyo HAHAHAHA"
masayang sambit ko.
"Basta wag mo kaming kukunan ng vid o pics" maarteng ani ni Gab na kinatawa ko.
"Oo na" sambit ko, bumili na sila ng ticket habang kami ni Chard ay nag hihintay
dito. Pagdating nila ay bitbit na nila ang mga ticket nila.
"Unahin natin yung super viking" masayang sabi ni Alexie.
"Wait, mag picture muna tayo doon" turo ni Andrew kung saan kitang kita mo ang
magandang taal lake.
"Tara" sambit ni Ayen na kanina pa tahimik. Naglakad naman kami papunta doon.
Pagdating namin doon agad na tinaas ni Andrew ang cellphone niya. "1. 2. 3" sambit
niya at nag pose kami. Habang si Chard naman ay ramdam ko na nakatingin lamang sa
akin.
"Pa picture tayo, yung tayong lima lang" sambit ni Ayen na kinainis ko naman.
"Chard, pituran mo naman kami" seryosong sambit ni Ayen.
"Sira ka ba Ayen? Si Chard uutusan mo?" inis na sambit ni Alexie.
"Hey ate, pwede po bang picturan mo kami" rinig kong sabi ni Andrew sa babaeng
dumaan.
"Ok po" sagot naman nung babae.
"Oh ayan na Ayen" inis pa rin na sambit ni Gab.
Pag ka picture sa amin nung babae agad na kinuha ni Andrew ang kanyang cellphone at
nag thank you sa babae.
"Kayo naman ni Chard, Cy" masayang sambit ni Alexie.
"Sige" sagot ko at inabot sa kanya ang cellphone ko. Lumapit naman sa akin si Chard
at hinawakan ako sa bewang ko.
Ngumiti ako habang si Chard ay ramdam ko na nakatingin lang sa akin kaya naman
napatingin ako sa kanya at ngumiti rin sa akin.
"hmm, ang sweet naman nung titigan na yun Andrew" sambit ni Gab habang kinikilig
pa.
"Sinabi mo pa Gab parang mag jowa lang HAHAHAHA" sambit naman ni Andrew at hindi ko
na lang sila pinansin.
"Tara sakay na tayo sa super viking" singit ni Ayen. Kinuha ko naman ang cellphone
ko kay Alexie. Tinignan ko yung picture at ang sweet nga namin. Ang pinaka gusto ko
yung nag tititigan kami.
Habang nakapila sila kami naman ni Chard ay nakatayo sa gilid. Nang matapos ang mga
nakasakay sa super viking ay sila Alexie na kaya naman hinanda ko na ang cellphone
ko para ma picturan sila.
Naupo sa pinaka dulo sila Gab na kinangiti ko naman. Na kapag try na ko sa dulo at
hindi ko talaga kinaya nun ewan ko na lang sila ngayon.
Nag umpisa ng gumalaw ang viking at mababa pa lang ito hanggang sa tumaas agad kong
pinituran sila Alexie dahil sa mga reaksyon nila. "HAHAHAHAHAHAHAHA mukhang
masusuka na si Gab" natatawang sabi ko.
"Ikaw naman halos mamula ka na kakatawa" nakangiting sambit niya sa akin.
"Tawang tawa kasi ako HAHAHAHAHAHA parang hihimatayin na si Alexie" natatawa pa rin
na sambit ko. Pag tingin ko naman kay Chard ay nakatingin lang siya sa akin. "May
dumi ba sa mukha ko?"
"Wala, ang sarap mo lang kasing tignan" nakangiting sambit sa akin ni Chard na
kinabilis nanaman ng puso ko.
"In love kananaman sa akin" nakangising sambit ko para matago ang kaba ko.
"Tara sakay na lang tayo ng sky eye" nakangiting ani sa akin.
"Sige, pero antayin lang natin sila na matapos dito" sakto naman na tapos na ang
ride.
"Grabe yung kaluluwa ko naiwan sa itaas" hinihingal na sabi ni Gab, hingal kaka
sigaw.
"Yeah same sis" ani naman ni Alexie.
"Guys kita na lang pala tayo mamaya sa safari splash" sabi ko sa kanila.
Magtatanong sana si Ayen ng hilahin na siya ng tatlo.
"Sige sis kita na lang mamaya" sigaw ni Gab.
"Tara bili na tayong ticket" sabi ko kay Chard.
"No need" maikling sambit nito.
"Huh? edi hindi tayo pinapasok" ani ko.
"My friend owns this" sambit ni Chard. Hinawakan na niya yung palapulsuhan ko at
naglakad kami papunta sa sky eye. Hindi kami hinarang ng crew at agad kaming
pinasakay.
"Ang yaman pala ng kaibigan mo Chard" manghang sabi ko.
"I'm richer" seryosong sambit niya. Hindi ko na lang siya pinansin at tumingin sa
bintana. Habang pataas kami ng pataas mas nakikita ko ang mga magagandang tanawin.
Kitang kita ko dito ang magandang taal lake.
"Masaya rin palang sumakay dito akala ko boring lang" sabi ko at pinipicturan ang
mga magagandang tanawin.
"Me too. I don't get bored especially when I'm with you" ani ni Chard na kinabilis
nanaman ng puso ko. Bigla naman niya kong niyakap mula sa likod ko at pinatong ang
baba niya sa balikat ko.
"Chard.."
"I don't know Alzola, where I stand with you and I don't know what I mean to you.
Pero mahal kita Alzola. Mahal na mahal." nagulat naman ako sa huling sinabi ni
Chard kaya napaharap ako sa kanya.
"Ma-mahal mo ako?" tanong ko kay Chard.
"I love you so much more than my life" mas kumabog pa ng mas malakas ang puso ko
dahil sa sinabi ni Chard. Hinawakan ko naman ang magkabilang pisngi niya.
"I love you too Chard" sambit ko na kinalaki ng mga mata ni Chard.
"Ulitin mo nga Alzola" sambit ni Chard.
"I love you Chard Kristian Peterson" nakangiting sabi ko. Bigla naman niya ko
hinalikan. Hinawakan niya ang ulo ko para mas malasap niya pa ang mga labi ko.
"You're mine now. Only mine Alzola" he whispered to me and I nodded.
"Pero wag muna natin sabihin kila mama sa birthday ko na lang" sabi ko at kumapit
sa batok niya.
"Ok, Alzola ko" nakangiting sambit nito at pinulupot ang mga kamay niya sa bewang
ko.
"By the way ok ka lang ba sa mga kaibigan ko?" tanong ko sa kanya.
"Yeah, pero yung isa mukhang malaki ang galit sa akin" nakangising sambit ni Chard.
"Si Ayen? huwag mo na lang sana siyang patulan" ani ko.
"Just for you. Pero pag hindi na ko nakapag timpi ewan ko na lang. You know me, I
am a monster" hinalikan ko na siya sa ilong para mawala na ang usapan tungkol kay
Ayen.
"I love you, Chard" then I kissed him.
"I love you too Alzola ko" nakangiting sambit niya sa akin ng biglang tumunog ang
phone niya. Bumitaw naman ako sa kanya at naupo na.
"Hello tita" masayang sambit ni Chard. "Yes tita kasama ko siya." inabot naman sa
akin ni Chard ang cellphone niya at naupo sa tabi ko.
[Anak, pauwi na kami diyan bukas baka naman may apo na ko pagbalik ko]
"mama tumigil nga po kayo"
[Inaasar lang kita anak]
"Kinausap mo lang pala ko mama para asarin, bye bye na nga"
[Bye anak, see you]
Pagkapatay ni mama ng tawag agad kong inabot kay Chard ang cellphone niya. Napansin
ko naman na kami na pala ang sunod na lalabas kaya tumayo na kami. Humawak siya sa
bewang ko at naglakad kami.
Nakaramdam naman ako ng lamig dahil pagabi na rin. "Kunin muna natin yung coat ko
sa van mukhang nilalamig ka na" sambit ni Chard.
Lumabas kami ng sky ranch at pumunta sa van. Agad na pumasok si Chard at kinuha ang
coat niya. Paglabas niya ng van agad niyang pinasuot sa akin yung coat niya na
sobrang laki sa akin.
"Tara pumasok na ulit tayo" anyaya ko sa kanya. Kumapit ulit siya sa bewang ko at
naglakad na kami papasok. Pagpunta namin sa safari splash nandoon na sila Gab.
"Guys kayo na lang ang mag ride diyan sobrang sakit na talaga ng ulo ko at hindi ko
na kaya" sambit ni Alexie.
"Gusto mo sis samahan kita sa van?" tanong ni Gab
"Kaya ko na ito. Mag ride na kayo" sabi ni Alexie. Walang masyadong pila sa safari
splash kaya naman agad kaming pinasuot ng kapote. Hinubad ko na muna ang coat ni
Chard at binigay ito sa kanya.
Naunang sumakay si Gab at Andrew sunod naman kami ni Ayen. Sa harap puwesto si Ayen
at sa likod naman ako. Sa unang splash naming hindi kami masyadong nabasa.
"Ok ka lang ba diyan Cy?" tanong sa akin ni Ayen.
"Oo" maikling sambit ko at nag ready na sa susunod sa splash namin. "AHHHHHHHH"
sigaw ko ng bumagsak na ko. "Grabe pumasok yung tubig sa bunganga ko"
"HAHAHAHA nakanganga ka kasi" natatawang sambit ni Ayen.
Nang matapos kami sa ride agad kong tinangal ang ang seatbelt ko. Napatingin naman
ako sa kamay ni Ayen na nag-aantay. Paglingon ko sa likod niya Nakita ko si Chard
na masama ang tingin kaya naman hindi ko na tinangap yung kamay ni Ayen.
"Kaya ko naman" nakangiting sabi ko at tumayo na. Tinanggal ko na ang kapote at
binalik ito sa crew. Paglapit ko kay Chard agad niyang pinunasan ang mukha kong
basing-basa na.
"You're wet" sabi ni Chard at pinasuot na ulit sa akin ang coat niya.
"Nasan nga pala yung mga kaibigan ko?" tanong ko kay Chard.
"Nauna na sa van" sagot ni Chard sa akin.
"Tara na Cy, pumunta na rin tayo sa van" sambit ni Ayen na kinatango ko na lang.
Naunang naglakad si Ayen sa amin habang kami ni Chard ay nasa likod niya. Napansin
na pinagtitinginin ng mga babae ang boyfriend ko kaya naman kumapit ako sa bewang
ni Chard. Kumapit rin si Chard sa bewang ko.
Pagdating namin sa van nakaayos na sila ng upo kaya sumakay na rin kami ni Chard.
"Guys saan tayo kakain?" tanong ni Gab
"Sa bulaluhan na lang" sagot ko.
"Manong sa pinakamasarap na bulaluhan" ani Alexie sa kanilang driver.
Nag-umpisa ng mag drive ulit si manong habang si Chard naman ay sinandal ulit ang
ulo niya sa balikat ko. Ako naman ay nag cellphone lang ulit. Nag open ako ng
facebook at puro ka emehan lang naman kaya pinatay ko na lang ang cellphone ko.
Nakarating agad kami sa bulaluhan kaya naman bumaba na kami. Humawak ulit sa bewang
ko si Chard at naglakad na kami papasok.
Naupo kami sa pang animan na lamesa. Nasa right side ko si Chard habang sa left
naman ay si Alexie. Binigyan kami ng menu ng waiter.
"Anong gusto niyo?" tanong ko sa kanila.
"Ikaw na lang ang mag order sa akin Cy" ani Alexie na parang walang gana.
"Ikaw na rin sa akin" sabi ni Gab
"me too" maikling sambit ni Andrew. Napatingin ako kay Ayen
"Ako din" sagot niya.
Tumingin ako sa menu at mukha naman masasarap ang mga pagkain nila dito. "Special
Bulalo, Pancit Bihon, Kare-Kare, Crispy pata yung large, French fries, rice and
sisig" sambit ko sa waiter.
"Sa inyo po sir?" tanong nung waiter kay Chard.
"Na order ko na siya" sabi ko sa waiter.
"Ok ma'am" sabi nung waiter at umalis na. Napatingin naman ako kay Alexie.
"Sis ok ka pa ba?" nag-aalalang tanong ko kay Alexie.
"Oo sis, pagnakakain na ko lalakas na ulit yung boses ko" nakangiting ani Alexie sa
akin.
"Ang takaw talaga" singit ni Gab sa amin.
"Hoy Gab ikaw nga diyan yung matakaw" asar ko sa kanya sasagot pa sana siya ng agad
na dumating ang order namin.
Agad silang nagsikainan si Chard naman ay pinagsandok muna ako ng pagkain bago niya
pagsandukan ang sarili niya.
"Naway all" pairap na sabi ni Andrew at hindi ko na lang pinansin.
Matapos naming kumain agad na bumalik yung lakas ni Alexie na naubos sa rides nila
kanina. "Magbayad na tayo" ani Ayen.
Tumawag ng waiter si Gab para makuha ang chit namin. Pagdating ng waiter agad na
inabot kay Chard ang chit. Kukunin ko na sana sa kanya ng maglabas siya ng pera at
ibigay sa waiter.
"Tara na" sambit ni Chard, nagsitayuan naman kaming lahat at lumabas na ng
bulaluhan.
Sasakay na sana ako sa van ng pigilan ako ni Chard. "Bakit?" tanong ko sa kanya
pati mga kaibigan ko napatingin sa kanya.
"Parating na yung driver ko" sambit ni Chard.
"Ah guys una na kayo" sabi ko sa mga kaibigan ko.
"Sige ingatz" sagot ni Alexie at sumakay na sila ng van.
"Ingat din" tugon ko. Umalis na ang van nila sakto naman at dumating ang isang
magarang kotse sa tapat namin.
Agad na pinapasok ako ni Chard sa backseat at pumasok na rin siya. Niyakap ako ni
Chard at sinandal sa dibdib niya.
"Inaantok na ko Chard" mahinang sambit ko at mas sumiksik pa sa dibdib niya.
"Mahal na mahal kita Alzola, akin ka lang"

Episode 16
Cyrine's POV

Nagising ako ng maramdaman ko na may humahalik sa buong mukha ko. "hmm inaantok pa
ako"
"Finally you are awake" ani Chard at sumiksik sa leeg ko.
"Maaga pa Chard" sambit ko at niyakap siya.
"Pero kailangan natin sunduin sila tita" naalala ko naman bigla na ngayon pala ang
uwi nila mama.
"Ay oo nga pala" ani ko at agad na tumayo. Dali-dali akong pumunta sa kwarto ko at
pumasok sa loob ng bathroom ko.
Matapos kong maligo nagsuot lang ako ng hanging blouse na crop top, high waist
pants then white rubber shoes. Paglabas ko ng kwarto dumiretso ako sa kwarto ni
Chard.
Nakita kong naninigarilyo siya sa terrace habang nakasandal sa mga bakal. Nakasuot
siya black pants at black polo na bukas ang tatlong butones. Nakatupi rin ang
manggas nito hanggang siko. Nang makita niya ko agad niyang tinapon ang sigarilyo
niya.
"Tara na" ani Chard at inakbayan ako. Naglakad kami pababa.
"Dapat siguro hindi ka na manigarilyo" seryosong sambit ko.
"Bakit naman?" takang tanong ni Chard.
"Nababawasan yung buhay mo na dapat magkasama tayo" ani ko.
"Hindi naman ako agad-agad mamamatay" nakangising sambit nito sa akin.
"Bahala ka nga" sabi ko at inalis ang pagkaka-akbay niya. Binilisan ko ang
paglalakad papunta sa kotse niya.
Pagtapat ko sa kotse niya bubuksan ko na sana ng maunahan niya ko "Hey" tawag nito
sa akin pero sumakay na lang ako ng kotse niya at kinabit ang seatbelt ko.
Pagpasok niya ng sasakyan agad niya itong pinaandar. Habang ako ay nakatingin lang
sa dinaraanan namin.
"Alzola ko" malambing na sambit ni Chard na parang pati kaluluwa ko tinatawag niya.
"Hindi na ko maninigarilyo"
"Talaga?" tanong ko sa kanya.
"Oo, basta kiss mo muna ko" nakangising ani nito. Inalis ko naman ang seatbelt ko
at lumapit sa kanya para halikan siya.
"Ayan na" nakangiting sabi ko.
"Kabit mo na ulit seatbelt mo" nakangiting sabi ni Chard. Kinabit ko naman ulit ang
seatbelt ko.
Mabilis kaming nakarating sa airport at sakto dahil kababa lang ng eroplano nila
mama. Agad akong lumabas ng kotse at tumakbo papunta kay mama.
"I miss you mama" ani ko habang nakayakap kay mama.
"I miss you too Cy. Marami akong pasalubong sayo" sabi ni mama at humiwalay sa
pagyayakapan namin.
Nakita ko naman si daddy sa likod ni mama kaya niyakap ko rin ito "I miss you dad"
"I miss you too Cyrine" ani ni daddy at humiwalay na ko sa pagkakayakap sa kanya.
"Maayos naman ba itong anak ko Chard?" tanong ni mama kay Chard.
"Yes tita, hindi naman pasaway" nakangiting sabi ni Chard.
"Tara na kumain na muna tayo" anyaya ni daddy.
Ibinigay naman ni Chard ang susi kay daddy "Ikaw na mag drive"
Sumakay na sa driver seat si daddy, si mama naman ay sa front seat at kami ni Chard
ay sa backseat.
Tahimik lang ang byahe namin hanggang makapunta kami sa isang five star restaurant.
Agad kaming nag-order at ngayon ay inaantay namin ang order namin.
"Cy, nagpunta pala kayo kahapon sa Tagaytay" bigla naman akong namula sa sinabi ni
mama naalala ko kasi yung nangyari kahapon sa amin ni Chard.
"Biglaan lang mama" ani ko at uminom ng tubig.
"Kasama niyo pa si Chard" sabi naman ni daddy.
"By the way mama kumusta yung honeymoon niyo?" pag-iwas ko sa usapan about sa
Tagaytay.
"Ok naman, nakita ko nga si Miguel" dumating na ang order namin at isa-isa inilapag
ng waiter sa table namin.
"Miguel?" takang tanong ko kay mama. Si Chard naman ay pinagsandukan ako ng pagkain
sa pingan ko. Nag kwe-kwentuhan pa rin kami ni mama habang kumakain.
"Yeah Miguel Vasseur. Yung manliligaw mo" nakangising sambit ni mama.
"Dati lang yun mama" kapit-bahay namin noon si Miguel kaso lumipat na siya ng ibang
bansa paro doon na mag-aral.
"Uuwi nga daw siya dito sa Piipinas para makita ka ulit. Diba hon" sabi ni mama at
tumingin kay daddy.
"Oo, para parehas daw kayo ng university na papasukan" ani naman ni daddy
napatingin naman ako kay Chard na mukhang hindi gusto ang usapan.
"Sa totoo lang po mama kaibigan lang naman ang turing ko kay Miguel" hinawakan ko
yung kamay ni Chard na nasa ilalim ng mesa at pinagsiklop namin ito.
"Try mo din anak" ngising sabi ni mama at tumingin kay Chard.
"Akala ko ba tita sa akin ang boto niyo?" biglang singit ni Chard sa usapan.
"Yeah, boto ko inaasar lang naman kita HAHAHAHA" natatawang sabi ni mama.
"Mama nabaliw ka na talaga" inis na sabi ko kay mama.
"Sa sobrang sarap na kasama ako nabaliw na HAHAHAHA" natawa naman kami sa sinabi ni
dad habang si mama ay namumula.
"Cy, malapit na pala ang birthday mo. Mag pasukat ka na para sa gown mo" pag-iiwas
ni mama sa pang-aasar sa kanya.
"Ayoko ng magarang party mama. Gusto ko simpleng dinner party kasama kayo pati ang
pamilya ni Chard tsaka mga kaibigan ko." wala naman kasi akong masyadong kaibigan.
"Kumusta naman ang pamilya ni Chard?" nakangiting tanong ni mama sa akin.
"Nagpunta kayo sa Guimaras?" tanong ni daddy sa amin.
"Yes po mama and daddy. Two days kami sa Guimaras at mababait ang pamilya ni Chard"
nakangiting sabi ko sa kanila.
"Mukhang magkaka-boyfriend na ang anak natin" nakangiting sabi ni daddy. My God
daddy kung alam mo lang boyfriend ko na po.
"Tapos na tayong kumain tara umuwi na tayo para mapakita ko na lahat ng pasalubong
namin sayo Cy" nakangiting sabi ni mama.
Nagbayad muna kami bago lumabas at sumakay sa kotse. Tabi ulit kami sa likod ni
Chard. Mabilis lang ang naging byahe namin at nakarating agad kami sa bahay.
Pagpasok ko sa sala sumalubong sa akin ang maraming paper bags na galing sa mga
branded na store. "Kanino itong mga paper bags mama?"
"Iyo lahat yan anak" napakarami nito grabe.
"Thank you so much mama" nakangiting sambit ko kay mama.
"Always welcome anak ko" nakangiting sabi ni mama.
"Nagpalagay na pala ko ng mga security guard tsaka dinagdagan ko na rin yung
katulong" ani daddy.
"Bakit po may security guard pa?" tanong ko kay daddy.
"Para mas safe" nakangiting sabi ni daddy.
"Magpapahinga na muna kami Cy, pagod pa kami sa byahe" sabi ni mama na kinatango ko
lang.
Umakyat na sila mama at daddy. Napatingin naman ako sa mga paper bags. Bigla itong
kinuha ni Chard at nabuhat niya lahat yun gamit ang dalawang kamay niya. Naglakad
siya paakyat kaya sinundad ko na lang siya.
Binuksan ko ang pinto ng kwarto ko para ma ipasok niya lahat ng paper bag. Inilagay
niya ito sa loob ng walk in closet ko.
"Thank you Chard" nakangiting sabi ko.
"May bayad yun" sambit niya at hinalikan ako ng mapusok. Pinasok niya ang dila niya
sa loob ng bibig ko at kinalikot ito. Pagbitaw niya sa halik namin agad niya kong
hiniga sa kama at sumuksok sa leeg ko.
"Chard, magpapalit muna ko" malambing kong sabi.
"Ok" ani Chard pero hindi pa rin umaalis sa leeg ko.
"Umalis ka muna diyan" umalis naman siya sa pagkakasubsob sa leeg ko kaya naman
tumayo na ko at pumasok sa walk in closet. Matapos kong magpalit bumalik ako sa
kama ko at nakita ko si Chard doon na mahimbing na natutulog.
Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya ng mabilis sa labi niya. "Gusto mo pala kong
halikan" nakangising sambit nito.
"Akala ko tulog ka na" bigla naman niya kong hinila pahiga sa tabi niya at niyakap
ako ng mahigpit.
"Samahan mo ko ngayon" sabi niya habang inaamoy ang buhok ko.
"Saan naman tayo pupunta?" tanong ko.
"Basta, magbihis ka na ulit" nagpunta ulit ako sa walk in closet ko at nagsuot ako
ng floral dress. Paglabas ko ng walking closet nakaupo na siya sa kama ko at
kinakalikot ang cellphone.
"Tara na Chard" anyaya ko sa kanya.
Agad kaming bumaba at sumakay kami sa backseat ng kotse niya. Ang driver naman niya
ay yung secretary niya rin.
"Saan ba talaga tayo pupunta Chard?" tanong ko kay Chard.
"Ipapakilala kita sa mahahalagang tao sa buhay ko" nakangiting sambit niya sa akin
at hinalikan ako sa noo ko.
Makalipas ang mahigit isang oras nakarating kami sa national cementery. Agad kaming
bumama ni Chard. Pinagsiklop niya ang mga kamay namin bago kami maglakad ng sabay.
Nang makarating kami sa tapat ng buntod ng mga magulang niya agad niyang inilapag
ang bulaklak na dala namin.
"Mom, dad kasama ko na po ang taong mahal ko" nakangiting sambit ni Chard.
"Hi po ako po si Cyrine Alzola Trinidad, girlfriend po ako ni Chard" nakangiting
sambit ko.
Naupo si Chard malapit sa puno at sumandal dito. "Alzola come here" lumapit naman
ako sa kanya at naupo sa pagitan ng mga hita niya. Sumandal rin ako sa dibdib niya.
"Chard, mabait ba ang mom at dad mo?" tanong ko kay Chard habang inaamoy nanaman
niya ang buhok ko.
"Mabait si mom, palagi siyang tumutulong sa mga mahihirap kaya naman si daddy mahal
na mahal siya. Mom is the best woman for dad. Sa mata ni dad si mom lang ang babae
sa buhay namin." grabe pala mag mahal ang papa ni Chard.
"Kaya siguro ng mamatay ang mom mo hindi niya talaga kinaya" malungkot kong sambit.
"Parehas kami ni daddy hindi ko din kakayanin pag nawala ka Alzola. Baka
magpakamatay agad ako pag nawala ka sa buhay ko. Hindi ko nakikita yung sarili ko
na wala ka Alzola ko. Mahal na mahal na mahal kita." ani Chard at niyakap ako ng
mahigpit mula sa likuran ko.
"I love you too Chard" ramdam na ramdam ko ang lakas ng tibok ng puso ni Chard na
alam ko na para sa akin lang.
"Gusto ko na tuloy pakasalan ka agad" nakangising sabi nito sa akin.
"Sira-ulo ka talaga Chard. Hindi pa nga ako nag 18 gusto mo na agad pakasalan ako"
ani ko.
"So pag nag 18 ka na papakasalan mo na ko?" tanong ni Chard.
"Loko-loko ka talaga. Hindi nga sure kung tayo ba talaga" kapag naiisip ko na mag
hihiwalay kami parang dinudurog agad ang puso ko.
"Ako na bahala doon. Ang tagal kitang binantayan kaya akin ka lang" sabi nito sa
akin na kinangiti ko naman.
Humarap ako sa kanya at hinawakan ang magkabilang pisngi niya. "Chard"
"Bakit Alzola ko?" malambing na sabi niya.
"I love you" nakangiting sambit ko.
"I love you too, Alzola ko. Tara mag snack tayo" tumayo si Chard at tinayo na rin
ako.
"Tara" nakangiting sabi ko at humawak sa kamay niya. Pagsakay namin ng kotse agad
na pinaandar nung secretary niya ang kotse.
"Raymart sa French baker" sabi ni Chard sa secretary niya.
"Ok boss" sagot ni Raymart.
Pagdating namin sa mall agad kaming bumaba ni Chard. "Sumunod ka" maikling sambit
ni Chard kay Raymart at hinawakan na ang bewang ko.
Pagpasok namin sa loob ng mall agad kaming pinalibutan ng mga security guard.
"Bakit may mga security guard?" tanong ko kay Chard.
"Para mas safe ka. Ayoko lang maulit yung nangyari sa mall nung nakaraan" sabi
nito.
Pagdating namin sa French baker agad kaming puwesto sa dulo. Bigla naman nilagay ng
mga crew ang iba't ibang klase ng tinapay.
"Enjoy sir" sabay sabay nilang sabi at nag bow bago umalis. Pagka-alis nila sakto
naman na dating ni Raymart at naupo na rin.
Habang kumakain kami ay sinusubuan ko si Chard. Tahimik lang kaming tatlo ng
biglang may babaeng lumapit sa amin.
"HOY BABAE KA NAPAKA BATA MO PA LANG PERO KUNG MAKALANDI KA!" nagulat ako ng
sigawan ako ng babaeng ito. Napapatingin na din ang ibang tao sa amin. Tatayo na
sana si Chard ng pigilan ko siya.
"Lumayas ka na ngayon pa lang habang nakakapagpigil pa ko" kalmadong sabi ni Chard.
"But Mr. Peterson she just a bitch!" bigla naman nilapit ni Raymart ang mainit na
kape kay Chard at kinuha naman ito ni Chard tsaka binuhos sa mukha ng babae.
"Stupid fucking bitch" malamig na sabi ni Chard sa babae.
Sumisigaw sa sakit ang babae habang bitbit ito ng mga security guard. "Ang cool ng
pagbuhos mo ng kape mas maganda siguro kung asido yun" nakangiting sabi ni Raymart.
"Maybe next time" sagot naman ni Chard kay Raymart.
"Tumigil nga kayo diyan kawawa na nga yung babae" sabi ko sa kanila.
"Ikaw na nga ang inaway Miss Cyrine tapos naaawa ka pa sa babaeng yun" hindi
makapaniwalang sabi ni Raymart.
"Kahit na babae pa rin siya tsaka Cyrine na lang ang itawag mo sa akin" nakangiting
sabi ko.
"Ang galing mo talagang pumili boss sobrang bait tapos ikaw sobrang sama" natawa
naman ako sa sinabi ni Raymart kasi totoo naman.
"Shut-up Raymart baka gusto mong sumabog ulo mo dito" seryosong sambit ni Chard.
"Nagbibiro lang naman ako boss. Enjoy ka na lang sa pagkain mo" sabi nito at agad-
agad na lumabas.
"HAHAHAHA tinakot mo kasi Chard" natatawang sabi ko.
"Hayaan mo siya" sabi nito at hinalikan ako. Napatingin naman ako sa paligid at
wala naman nakatingin.
"Baka may makakita sa atin" nahihiyang sabi ko.
"Wala silang pake" sabi nito at hinalikan ulit ako. Tumugon naman ako dito at
parang nag espadahan na ang aming mga dila. Nang mauubusan na ko ng hininga agad ko
siyang tinulak.
"Mauubos yata ang hininga ko" hinihingal kong sambit sa kanya.
"Masanay ka na Alzola ko"

Episode 17
Cyrine's POV

Mahihiga na sana ako sa kama ko ng biglang mag ring ang phone ko. Agad ko itong
kinuha at sinagot.
"Hey, Alexie"
[Bes! I have a big big problem]
"Ano yun?"
[Bukas magkita tayo sa cafe shop na tambayan natin]
"Anong oras?"
[Maybe after lunch]
"Ok goodnight"
[Goodnight]
Pagkababa ko ng tawag bumukas naman ang pintuan ko "Dito ako matutulog" ani nito at
humiga na sa kama ko.
Tumabi naman ako ng higa sa kanya, "Goodnight Chard" I said then I kissed his nose.
"Goodnight Alzola ko" then he kissed me to my lips.
Agad akong nakatulog dahil sa antok.

Pagkagising ko agad bumungad sa akin ang maamong mukha ni Chard na mahimbing pa rin
ang tulog hanggang ngayon.
"Himala at nauna akong magising ngayon" mahinang sambit ko at pumasok na sa
bathroom para maligo. Pagkatapos kong maligo agad akong nagbihis ng simpleng skinny
jeans then white t-shirt na tinack in sa jeans ko.
Agad kong pinatuyo ang buhok at sinuklay ito. Pagtingin ko kay Chard ay tulog na
tulog pa rin sa kama ko kaya bumaba na ako.
Pagdating ko sa dining room ay nandoon na sila mama. "Nasan si Chard?" tanong ni
daddy sa akin.
"Tulog pa po yata" hindi kasi nila alam na hanggang ngayon ay tabi pa rin kami ni
Chard kahit nandito na sila.
"Kumain ka na anak" sabi sa akin ni mama. Naupo na ko sa upuan ko at nagsandok ng
pagkain.
"Aalis nga po pala ako ngayon mama" ani ko habang kumakain kami.
"Saan ang punta mo anak?" tanong ni mama.
"Magkikita lang po kami ni Alexie" sagot ko.
"Magpahatid ka na sa driver natin Cyrine, at ipapasama ko sayo ang dalawang body
guard" singit naman ni daddy.
"Bakit po mag body guard pa daddy?" tanong ko.
"Para mas safe alam mo naman na lapitin ka ng disgrasya" sagot ni daddy.
Naiintindihan ko naman si daddy kasi totoong lapitin talaga ako ng disgrasya.
Nang matapos akong kumain agad akong tumayo at nag kiss sa cheek ni mama at daddy.
"Mauna na po ako"
"Mag-iingat ka" sabay na sambit nila na kinangiti ko.
"Opo" ani ko at lumabas na ng bahay. Nakita ko naman na naka-abang ang driver namin
na si mang Tonio.
Pumasok na ko sa backseat at sinabi kay mang Tonio kung saan ang punta ko.
Pagdating ko sa cafe shop nakita ko agad si Alexie na naka pwesto sa tabi ng
bintana at nag-order na rin siya.
"Kanina ka pa ba dito?" tanong ko at naupo sa katapat niyang upuan.
"Hindi naman masyado tsaka sanay na ko sa pagiging late mo" natawa naman ako sa
sinabi ni Alexie.
"HAHAHAHA parang ng i-insulto ka" sabi ko at uminom sa ice coffee na inorder niya
sa akin.
"Mag thank you ka na lang at nilibre kita" ani Alexie at inarapan ako.
"So ano ba talaga yang problema mo? Siguraduhin mo lang na seryoso" sambit ko at
inirapan siya. Sumimsim ulit ako sa ice coffee ko.
"I'm pregnant" napabuga naman ako ng ice coffee na iniinom ko sa suot niya. "You're
so disgusting"
"My God! Alexie totoo ba?" tanong ko sa kanya habang siya naman ay pinupunasan ang
damit niya.
"Yes" naiiyak niyang sabi.
"Pero wala ka namang boyfriend diba?" takang tanong ko sa kanya.
"May naka one night stand ako sis" inabutan ko naman siya ng panyo.
"Shh nandito lang ako sis" sabi ko at hinawakan ang kamay niya. "Kilala mo ba yung
naka one night stand mo?"
"Yung mukha niya at boses tandang tanda ko pa" ani niya at hindi na siya umiiyak.
"Nasabi mo na ba ito kila tita?" tanong ko sa kanya.
"Sayo ko pa lang ito sinabi" sambit ni Alexie.
"So what is your plan?" I asked.
"I will abort the child" she said.
"Oh God! Don't you dare do that!" inis na sabi ko sa kanya
"Itatakwil ako ng pamilya ko kapag nalaman nila na buntis ako lalo na pag nalaman
nila na isang unknown person ang nakabuntis sa akin!" inis rin na sabi niya sa akin
pero mahina lang.
"So makakayanan mong pumatay ng walang muwang na bata?" tanong ko sa kanya.
"I don't know what to do Cyrine" frustrated na sabi niya.
"Kaya nga ko nandito diba? Para tulungan ka" ani ko.
"May naisip ka bang plano?" tanong niya sa akin.
"Ayaw mo bang hanapin yung tatay ng bata?" balik na tanong ko sa kanya.
"Kung may pake siya, edi sana siya na mismo ang maghanap sa akin" sambit nito.
"Bakit hindi ka na lang sa U.S tumira muna. Sabihin natin na doon ka mag-aaral pero
ang totoo itatago natin na buntis ka" yun lang ang naiisip ko para maitago sa
lahat.
"Pwe.." hindi na natapos ang sasabihin ni Alexie ng biglang may tumawag sa akin.
"Cyrine" tawag ni Raymart.
"Bakit ka nandito? Kasama mo ba ang boss mo?" tanong ko kay Raymart. Bigla naman
tumayo si Alexie at nakayukong pumunta sa C.R
"Anong problema ng kasama mo?" tanong ni Raymart.
"Hayaan mo siya. Kasama mo ba si Chard?" tanong ko.
"Mag-isa lang ako pero sigurado akong papunta na dito yun" sagot niya.
"Maupo ka" anyaya ko sa kanya.
"Huwag na, baka iba pa isipin ng kumag na yun" ani nito na hindi ko naman
maintindihan.
"Huh?" takang tanong ko.
"Never mind, sige una na ko" tumango na lang ako sa kanya. Lumabas siya ng coffee
shop at sumakay sa ashton martin na sasakyan. Paano kaya siya nakabili ng ganyan
kamahal na sasakyan?
Pag-alis ng sasakyan ni Raymart bigla naman dating ni Alexie. "Bakit bigla kang
umalis?" tanong ko.
"Kilala mo yung lalaking yun?" tanong niya na parang hinihingal pa.
"Yes, secretary / driver ni Chard" ani ko.
"What?" hindi makapaniwalang tanong niya.
"Bakit? Hindi halata sa kanya kasi mukha siyang mayaman" sambit ko.
"Akala ko businessman siya" sabi ni Alexie.
"Kilala mo si Raymart?" I asked.
"Siya yung naka one night stand ko" pabulong na sabi nito sa akin.
"Sheeeet sigurado ka ba?" ang liit ng mundo God!
"Oo, kilalang kilala ko ang boses na yun" sambit nito at napatingin sa bintana.
Nagulat naman ako ng may humalik na mabilis sa labi ko.
"Chard" ani ko napatingin naman ako kay Alexie at mukhang nagulat sa paghalik sa
akin ni Chard.
"Dapat ginising mo ko para nasamahan kita" sabi ni Chard at naupo sa tabi ko.
"Ang sarap kasi ng tulog mo kaya hindi na kita ginising" bulong ko sa kanya.
Nahihiya kasi ako kay Alexie.
"Ehem" napatingin naman ako kay Alexie.
"Ahm Alexie ok lang ba na nandito si Chard? Hindi naman siya madaldal" tumango lang
si Alexie sa sinabi ko.
"So ano ng gagawin ko?" stress na tanong ng kaibigan ko at naaawa ako sa kalagayan
niya.
Napatingin naman ako kay Chard. "Chard, matagal na bang nag tra-trabaho sayo si
Raymart?" tanong ko.
"Kapag bored lang siya" sagot ni Chard.
"Bored?" takang tanong ni Alexie.
"He's my friend and a Businessman" napatingin naman ako kay Alexie na walang kahit
anong reaksyon.
"Wala ba siyang nababangit sayo na something?" tanong ko.
"Something?" kunot noong tanong ni Chard.
"Something, ahm about sa kanya ganun" naiilang akong sabihin ng direkta kay Chard.
"Ang alam ko may hinahanap siyang babae" napatingin ulit ako kay Alexie.
"Wait Chard, antayin mo kami dito" sambit ko at hinila sa loob ng rest room si
Alexie.
"Sis, sa tingin ko ikaw yung hinahanap ni Raymart" nakangiting sabi ko sa kanya.
"Huwag nga tayong mag assume" malungkot na sabi ni Alexie.
"Positive lang tayo sis, tignan mo nag positive ka sa pregnancy test" nakangiting
sabi ko.
"Wag ka na ngang mag biro diyan. Alam mo naman na seryoso tayo ngayon" malungkot na
sambit ni Alexie.
"Sorry Alexie, gusto ko lang naman na magkaroon ng ama yung bata" malungkot rin na
sambit ko.
"Huwag na tayong umasa Cyrine, alam mo naman na one night stand lang yun" sabi ni
Alexie at naghugas ng kamay.
"So tuloy tayo sa U.S?" tanong ko sa kanya.
"Yes, yun lang ang nakikita kong paraan. Thank you sa time mo" sabi niya.
"Wala yun, alam mo naman na mag kaibigan tayo" nakangiting sabi ko.
"Tara uwi na tayo" anyaya niya. Bumalik kami sa upuan naming at nandoon si Chard.
"Chard hatid na natin si Alexie" ani ko tumayo naman agad siya ay hinawakan ako sa
bewang ko.
Lumabas kami ng coffee shop at nag tungo sa kotse ni Chard. Sumakay na kaming
tatlo. Si Alexie ang naka pwesto sa backseat.
Agad na pinaandar ni Chard ang kanyang sasakyan papunta sa bahay ni Alexie. Tahimik
lang kaming tatlo hanggang makarating kami sa tapat ng bahay ni Alexie.
"Thank you sis" sambit ni Alexie at nagbeso sa akin.
"Sabihan mo ko kung kelan tayo aalis" tumango lang siya at lumabas na ng kotse.
Pinaandar na ulit niya ang sasakyan habang ako ay nakatingin lang sa dinadaanan
namin. Pag umalis na ako maiiwan dito si Chard. Hindi ko naman pwedeng pabayaan
yung kaibigan ko.
"Saan niyo balak pumunta ni Alexie?" tanong ni Chard habang diretso pa rin ang
tingin sa daan.
"U.S" maikling sambit ko.
"Bakit niyo naman naisipan na biglang mag U.S?" seryosong tanong ni Chard habang
nag dri-drive pa rin.
"Doon na ami mag-aaral ni Alexie" sagot ko na kinatigil niya sa pagmamaneho.
"What?!" pasigaw na tanong niya.
"Doon kami mag-aaral" sambit ko habang nakatingin pa rin sa labas ng bintana.
"Bakit hindi na lang dito?" inis na tanong niya.
"Basta" tanging sagot ko.
"Tumingin ka nga sa akin" napatingin naman ako sa kanya. "Anong problema?"
"Wala" maikling sagot ko.
"Sabihin mo sa akin" ani ni Chard na mukhang malapit ng maubos ang pasensya.
"Hindi pwede" sabi ko at iniwasan ang mga titig niya na parang binabasa ang laman
ng isip ko.
"But I am your boyfriend, why can't you tell me?" malungkot na sambit ni Chard na
kinasakit rin ng puso ko.
"I am very sorry Chard" nakayukong sabi ko. Hindi na muling nagsalita si Chard at
pinaandar na niya ang sasakyan niya.
Pagdating naming sa bahay agad siyang bumaba ng sasakyan akala ko pagbubuksan niya
ko pero dire-diretso lang siya papasok ng bahay. Nang hihina na bumaba ako ng kotse
ni Chard at pumasok ng bahay. Pagpasok ko agad kong nakasalubong si mama.
"Nag-away ba kayo ni Chard? Mukha kasing galit siya" sabi ni mama sa akin.
"Hindi po mama" nakangiting sabi ko.
"Sigurado ka anak?" tumango naman ako. Pumunta ako sa loob ng kitchen at kumuha ng
tubig. Pagtingin ko sa likod ko nandoon pa rin si mama.
"By the way mama, naisipan ko na sa U.S na ko mag-aaral" uminom ako ng tubig at
nilagay sa lababo ang baso.
"U.S?" hindi makapaniwalang sambit ni mama.
"Wag kang mag-alala mama kila tita Nikki ako titira tsaka kasama ko si Alexie"
nakangiting sambit ko.
"Pero bakit gusto mo sa U.S mag-aral?" tanong ni mama. Napaisip naman ako saglit.
"Mas magandang mag-aral sa U.S" sabi ko.
"Ok sasabihan ko na ang tita Nikki mo" tumango na lang ako kay mama at umakyat na
sa kwarto ko. Napadaan naman ako sa kwarto ni Chard.
Nakatayo lang ako sa tapat ng pintuan niya at hindi ko alam kung papasok ba ako o
hindi. Alam ko naman na galit pa rin siya sa akin dahil hindi ko sinabi sa kanya.
Ayaw ko man siya iwan dito pero hindi ko rin naman kaya na pabayaan lang ang
kaibigan ko. Arggg sumasakit ang ulo ko. Sa huli pumasok pa rin ako sa kwarto niya.
Nakita ko naman siya na nasa terrace habang naninigarilyo "Naninigarilyo ka
nanaman" lumapit ako sa kanya pero hindi niya tinapon.
"None of your business" malamig na sabi nito na kinasakit ng puso ko. Kukunin ko
sana ang sigarilyo niya ng tabigin niya ang kamay ko kaya naman napaso ako.
"Awts" daing ko. Bigla naman niyang itinapon ang sigarilyo niya tsaka kinuha ang
kamay ko at hinipan ito.
"Sorry" he whispered.
"Galit ka pa ba?" tanong ko. Hinila naman niya ko papasok sa kwarto niya at naupo
siya sa kama niya tsaka ako pinaupo patagilid sa kandungan niya.
"Now tell me" sambit ni Chard na kinailing ko lang. "Kapag hindi mo sinabi sa akin
magagalit talaga ko sayo"
"Si Alexie at Raymart kasi" napakagat labi naman ako.
"Don't bite your lips" seryosong sambit ni Chard.
"May naka one night stand kasi si Alexie" napayuko naman ako ng sabihin ko yun.
Hinawakan naman ni Chard ang baba ko at inangat ang ulo.
"Then?" sambit niya.
"Nabuntis siya, para maitago sa pamilya niya naisipan namin na magpunta ng U.S"
sabi ko habang titig na titig sa itim niyang mata.
"What about Raymart?" he asked.
"Siya yung naka one night stand ni Alexie" ani ko.
"Ok, I understand" nakangiting sambit niya.
"Wag mong sasabihin sa iba Chard" sabi ko at niyakap siya. Napahiga naman siya sa
kama niya kaya nakapatong ako sa kanya ngayon.
"Iiwan mo ko para sa kaibigan mo?" Nakita ko naman ang sakit sa mukha ni Chard ng
sambitin niya ang mga salitang yun.
"Mahal na mahal kita Chard pero yung kaibigan ko mag-isa lang siya. Wala siyang
kasama habang ipagbubuntis yung anak nila Raymart. Hindi ko naman kaya na hayaan
siyang mag-isa na mag hirap" sabi ko at yumakap ng mahigpit kay Chard.
"I will come with you" napatingin naman ako kay Chard.
"Talaga!" masayang sambit ko.
"I love you Alzola ko hinding hindi ko hahayaan na umalis ka na hindi ako kasama"
Episode 18
Chard's POV

"Sabi ng mama mo gusto mo daw na sa U.S mag-aral?" tito asked My Alzola.


"Opo daddy" My Alzola replied. It was like my heart was stabbed as she chose her
friend, but I understand her. She just loves her best friend.
"Chard?" napatingin naman ako kay tito.
"Why?" I asked him.
"Aalis si Cyrine, wala kang gagawin?" balik na tanong ni tito sa akin. Syempre may
gagawin ako. Hindi ko hahayaan na mawala sa tabi ko ang pinakamahal kong babae.
"I will come with her" I said then I look at Alzola. I smile to her.
"How about your business?" tita asked me.
"I have a business in U.S" I said without taking off my eyes at Alzola.
Pagkatapos namin kumain nagpaalam si Alzola kila tito. Sabay kaming umakyat ni
Alzola papunta sa kwarto niya. Pumasok siya sa bathroom niya habang ako ay nahiga
naman sa mabango niyang kama.
I love the smell of her bed. I love her own scent. Everything about her I love it.
I'm so addicted to her.
"Goodnight Chard" she said then she kissed me.
"Goodnight Alzola ko" I said then I kissed her passionately.
Matapos ko siyang halikan agad ko siyang ipinatong sa dibdib ko para makatulog na
siya. Ilang minuto lang ang lumipas agad rin nakatulog ang babaeng mahal na mahal
ko.
"Babalikan kita" tumayo ako sa kama niya at humalik sa noo niya bago lumabas ng
kwarto niya.
Pagkababa ko nakita ko si tito na nasa sala na mukhang inaantay ako. "Chard"
lumapit naman ako sa kanya. "Kayo na ba ni Cyrine?" he asked.
"Yes" walang pag-aalinlangang sagot ko.
"Kaya pala iba ang ngiti mo" napangiti naman ako ng sabihin ni tito yun. Kilalang
kilala niya talaga ako. "Kelan niyo balak sabihin sa amin?"
"At Alzola birthday" I know tito won't tell this to tita.
"Ok. I'll support you" tito said.
"Thanks Tito" parang ama na rin ang turing ko kay tito Emmanuel. Siya rin ang
tumulong sa akin na mas mapalago ang kompanya ni daddy.
"Sige na umalis ka na" tumango lang ako at lumabas na ng bahay. Agad akong sumakay
sa kotse ko at pinaharurot ito na hindi ko magawa kapag kasama ko ang babaeng mahal
ko.
Pagdating ko sa tapat ng condo ni Raymart agad akong bumaba at naglakad na parang
hari. Hindi ko tinapunan ng tingin ang kahit sino man sa kanila. Sumakay ako ng
elevator ng may makasabay akong isang babae na mukhang malandi.
"Hi pogi" I just gave her a cold look. "masaya akong kasama sa kama" back off
bitch. Mas masayang kasama sa kama ang Alzola ko. "Huwag ka ng pakipot masasarapat
ka rin naman" sa sobrang inis ko sinuntok ko siya ng malakas.
"Fuck. You. Bitch!" inis na sabi ko at lumabas na ko ng putanginang elevator na
yun. I used my fingerprint, then the door opened. Tuloy tuloy lang akong pumasok sa
loob ng condo niya hanggang makita ko siya sa bar counter niya.
"Boss, may ipapapatay ka ba kaya nandito ka? sana itinawag mo na lang" sabi nito
habang gumagawa ng bagong drink. Lahat ng nagugulo sa Alzola ko sa kanya ko
pinapapatay.
"No, I'm here because you need a friend" Alam kong may problema ngayon itong
hinayupak na ito.
"Miss na miss ko na siya" tukoy niya sa babaeng hinahanap niya.
"Gusto mo tumulong na ako?" ayaw na ayaw kasi ng hinayupak na ito ang mag patulong
sa amin.
"Sige tol, tulungan mo na ko" sabi nito at mabilisan na ininom ang alak.
"Talk about that girl" I said.
"Nakita ko siya sa bar umiiyak kasama yung kaibigan niya. I help her then ang sabi
ko ihahatid ko siya pero sa condo ko siya naihatid then boom" kwento niya at uminom
ulit.
"One night stand" he just nodded.
"Isang beses, isang beses ko pa lang siya nakikita pero nakita ko na siya bilang
ina ng mga anak ko. Bilang asawa ko" ganyan na ganyan din ako noon kay Alzola noong
makita ko siya na umiiyak sa loob ng C.R
"What will you do if you find her?" I asked him.
"I'm going to marry her" iba din pala mangarap itong mokong na ito.
"Sa tingin mo papayag yun? She don't even know you" mukhang mas malakas ang sapak
sa ulo nito.
"Sigurado akong papayag yun, binuntis ko siya" buntisin ko na rin kaya si Alzola
ko? Kaso wag na muna mahal na mahal ko siya at ayokong magalit siya.
"Goodluck tol. Galingan mo balak niyan na pumunta na ng U.S" sabi ko at nilapag sa
counter ang address ng kaibigan ng Alzola ko.
Lumabas na ako ng condo niya. Mabilis akong naglakad papunta ng kotse ko. Gusto ko
na agad makita ang Alzola ko. Pagkasakay ko ng kotse agad ko itong pinaharurot pa
uwi ng bahay.
Napadaan ako sa isang store ng maalala ko na red day na pala bukas ni Alzola.
Pinarada ko ang sasakyan ko at agad na kumuha ng sampong hot compress at mga
sanitary pads. Alam ko kasi na madalas sumakit ang puson ni Alzola kaya bumili ako
ng hot compress.
Mabilis naman akong nakarating kaya bumaba agad ako at pumunta sa kwarto ni Alzola.
Pagbukas ko ng kwarto niya agad kong nakita ang mukha niya mahimbing na mahimbing
na natutulog.
"I love you Alzola ko" at hinalikan ko siya ng mabilis. Bago ako tumabi sa kanya
naligo muna ako.
Matapos kong makapagbihis agad akong humiga sa tabi niya. Kahit titigan ko lang ng
buong gabi ang mukha niya ok na ako. Mahal na mahal ko talaga ang babaeng ito.
Napansin ko naman ang cellphone niya na nakapatong sa bedside table niya.
Binuksan ko ito at nakita ko na wallpaper niya ang picture namin na nagtititigan
napangiti naman ako. Binuksan ko ang messenger niya at may bago nanamang nag cha-
chat sa kanya. Agad kong blinock ang mga ito.
"Putangina ng mga to' ang lalakas ng loob" nang ma block ko na silang lahat tinabi
ko na ulit ang cellphone ng Alzola ko at nahiga na sa tabi niya.
Hiniga ko ang ulo niya sa dibdib ko at natulog na rin ako.

Paggising ko bumungad sa akin ang isang napakagandang babae. Ang pinakamamahal kong
babae. Mahimbing pa rin ang tulog nito habang nakaunan sa mga braso ko.
"Alzola ko gising na" pero nakapikit pa rin ito. Kaya naman naisipan ko na halik
halikan na lang. Hinalikan ko ang buong mukha niya na gustong gusto kong gawin
kapag natutulog siya hanggang sa mag gising siya.
"Chard, stop na" pero pinagpatuloy ko pa rin ang pag halik sa kanya. Ngayon naman
ay nag focus lang ako sa masasarap niyang labi. Hinalikan ko siya pero hindi siya
tumutugon kaya naman kinagat ko ang labi niya at na panganga siya kaya agad kong
pinasok ang dila ko sa loob niya.
"Hmmm" ang sarap talaga. Bumaba ang halik ko sa makinis at mabango niyang leeg.
"Chard, tatayo na ako" umalis na ko sa pagkakadagan sa kanya.
"Goodmorning Alzola ko" nakangiting sabi ko sa kanya.
"Goodmorning Chard, sobrang sakit ng puson ko" daing niya habang hawak ang puson
niya. Kung pwede ko lang ilipat ang sakit sa akin Alzola ko.
"Wait me here" I said. Mabilis akong bumaba para kunin ang hot compress na binili
ko at mga napkins. Agad din akong umakyat sa kwarto ni Alzola.
"Chard, ang sa-sakit" itinaas ko naman ang t-shirt niya at pinatong ang hot
compress.
"Shh, mawawala din yan Alzola ko" I kissed her lips.
Makalipas ang ilang minuto napansin ko na hindi na umaaray si Alzola.
"Are you ok now?" I asked her.
"Oo, thank you Chard" she said then kissed me on my lips.
Pumasok siya sa loob ng bathroom niya at sumunod ako sa kanya. I hugged her from
back while her brushing her teeth. "Brush my teeth too" I whispered.
Kumuha naman siya ng bagong tooth brush sa cabinet niya at binuksan iyon. Nilagyan
niya yung ng toothpaste at humarap sa akin. Napangiti ako sa ginawa ni Alzola na
pag toothbrush sa akin. Nagmumog ako at ngumiti sa kanya. "Thank you Alzola ko"
"Tara mag lunch na tayo" anyaya niya sa akin.
"You need to take a bath first" then inabot ko sa kanya ang isang sanitary napkin.
Bigla naman siyang namula sa sinabi ko.
"Ahm" namumula siya at hindi alam ang sasabihin.
"It's ok don't be shy" nakangiting sabi ko at hinalikan siya sa noo. "Aantayin
kita sa labas" then lumabas na ako ng bathroom niya.
Pumunta ako sa kwarto ko para makaligo na rin. Agad akong pumasok ng bathroom ko at
naligo. Matapos kong maligo agad akong nagbihis ng formal suit ko. May meeting ako
ngayon at kailangan akong pumunta.
Matapos kong makapag ayos pinuntuhan ko ang kwarto ni Alzola at naka ayos na siya.
"Tara na Alzola ko" anyaya ko sa kanya. Lumapit siya sa akin at sabay kaming bumaba
papuntang dining room.
"Pupunta ka sa Makati ngayon?" tanong sa akin ng magiging asawa ko.
"After lunch sama ka sa akin sa office ko. May meeting lang ako then mag dinner
tayo ng sabay." napatigil naman siya sa paglalakad kaya napatigil na rin ako.
"Ayoko baka pag naiwan ako sa loob ng office mo bigla na lang akong sugurin ng
mukhang espasol" hindi na babalik ang babaeng yun kasi pinapatay ko na.
"Edi isasama kita sa meeting ko" bigla naman siyang napangiti sa sinabi ko. Oh I
love that smile baby.
"Talaga isasama mo ko sa loob ng meeting room mo?" Mas lumapit ako sa kanya at
inakbayan siya at naglakad na kami ulit.
"Yes, isasama ko ang pinakamahal kong babae" nakita ko naman na namula siya sa
sinabi ko kinangiti ko. So beautiful.
Pagdating namin sa dining room wala pa sila tito kaya naman naupo na kami. Pero pag
kaupo namin agad rin naman na dumating sila tito. "May meeting ka?" tito asked me.
"Oo tito, tita isasama ko po pala sa Makati si Alzola" pagpapa alam ko kay tita.
Pinagsandok ko ng pagkain si Alzola ng gustong gusto kong gawin palagi sa kanya.
"Baka naman pag-uwi niyo may sugat nanaman ang mukha ng anak ko" tita said.
"No tita, hindi ko siya aalisin sa tabi ko" nakangiting sabi ko.
"Anak, huwag kang aalis sa tabi ni Chard" tita said to my Alzola.
"Opo mama" My Alzola replied.
Pagkatapos namin kumain agad na umakyat sa taas si Alzola para mag bihis habang
kami ni tito ay nandito lang sa sala.
"Kumusta naman maging girlfriend si Alzola?" tito asked.
"Sobrang saya tito. Siya lang ang kayang mag pakalma sa akin. Mahal na mahal ko
siya tito at hindi ko kayang mawala siya sa akin" I said while staring at tito.
"Galingan mo ang pag bakod alam mo naman kung gaano karami ang manliligaw na
hinarang mo HAHAHAHA" natawa rin ako sa sinabi ni tito.
"Naharang ko nga sila noon syempre mas mahaharangan ko sila ngayong akin na si
Alzola" nakangiting sabi ko.
"Manang mana ka talaga sa daddy mo" Ngumiti lang ako ng tipid sa sinabi ni tito. I
miss my dad.
"Chard, tara na" napatingin naman ako kay Alzola na naka dress na hanggang taas ng
tuhod niya. "Bye dad, pakisabi na lang kay mama na umalis na kami" tumango na
lamang si tito.
Lumabas kami ng bahay at pinagbuksan ko siya ng pinto. Pagkasakay niya agad akong
umikot sa kabila at sumakay sa driver seat. Tinignan ko muna kung nakakabit ang
seat belt niya bago ko paandarin ang kotse ko.
Nang makita ko na naka seat belt na siya agad kong kinabit ang akin at nag-umpisa
ng mag drive. Habang nag dri-drive ako biglang nag ring ang cellphone ni Alzola.
"Hello Alexie?, really?, mag-usap kayo, ok byebye" rinig kong sabi niya sa kausap
niya. "Chard, nahanap na ni Raymart si Alexie" masayang sabi niya.
"That's great" nakangiting sabi ko sa kanya at tumingin na ulit sa daan.
"Baka naman sinabi mo sa kanya" patay na.
"Hindi ko sinasabi. Marami lang talaga siyang connections" sagot ko. Sorry Alzola
ko sa pagsisinungaling.
"Maayos ba yan kaibigan mo?" she asked.
"Oo naman kaya huwag ka ng mag-alala" ayokong pati siya ma stress pa ng dahil sa
dalawang yun.
After 3 hours sa byahe nakarating na rin kami sa tapat ng kompanya ko. Agad ko
siyang pinagbuksan at hinawakan sa maliit niyang bewang. Kumakain naman siya pero
maliit pa rin ang bewang niya at ang gaan-gaan pa.
Naramdaman kong kinakabahan siya dahil sa trauma niya nung grade 3 at dumagdag pa
yung putanginang babae na pumasok sa loob ng opisina ko.
"Hey Don't be scared I'm here" ayokong nakikita na natatakot ng ganito ang babaeng
mahal ko.
"Wag na wag mo kong iiwan sa kanila Chard" she whispered to me.
"Of course not, I will never leave you" baka ikamatay ko pag iniwan kita.
Pumasok na kami sa loob ng opisina ko at lahat sila ay nakayuko at bumabati sa amin
pero kahit isang beses hindi ako bumati pabalik sa kanila. Pumasok kami sa private
elevator ko at pinindot ko ang 40th floor kung saan ang conference room. Habang
nasa elevator kami pinagmamasdan ko lang ang maamong mukha ni Alzola na mukhang
hinding hindi ko pagsasawaan.
Nang makarating kami sa conference room agad silang nag sitayuan at binati ako pero
tulad kanina hindi ulit ako bumati pabalik.
"Everyone meet my Woman"

Episode 19
Cyrine's POV

"I suggest to make a commercial. Para mas tumaas pa ang sales natin." sabi nung
matandang babae.
"A hot commercial" segunda naman nung matandang panot.
"What do you mean Mr. Dela Pena?" tanong nung matandang babae sa matandang panot na
si Mr. Dela Pena pala.
"Ipapakita natin yung legs ng babae habang nilalagyan ng lotion" sambit ni Mr. Dela
Pena na halatang halata na manyak.
"Manyak talaga" singit ng isang babae na mukhang kasing edad lang ni Chard.
"Ikaw na ang mag hanap ng model Ms. Vilamiel" seryosong sabi ni Chard sa babaeng
nagsabi na manyak.
"Pero Chard, I mean Mr. Peterson bakit ako?" maarteng sambit ni Ms. Vilamiel.
"Gusto mo mawalan ng kotse?" nakangising tanong ni Chard kay Ms. Vilamiel.
"Fine!" inis na sabi ni Ms. Vilamiel.
"No need for that" biglang singit ni Mr. Dela Pena.
"Why?" malamig na tanong ni Chard.
"That girl beside you, she will be our model" turo sa akin ni Mr. Dela Pena. Bakit
pati ako nasama? Ayoko nga ng pagmomodel na yan.
"No" malamig na sambit ni Chard na mukhang malapit na magalit. Hinawakan ko naman
ang kamay niya para kumalma siya baka kasi lumabas nanaman ang moster sa katawan
niya.
"Why not? she have a beautiful face and a sexy body. A hot body" ani Mr. Dela Pena
na parang hinuhubaran ako, napaka bastos pala talaga ng panot na ito.
"Are you imagining my woman?" malamig na sambit ni Chard na parang may yelo sa
buong meeting room niya.
"Yes, just one night Mr. Peterson" sabi ni Mr. Dela Pena na kinatayo na ni Chard.
Nagulat ako ng may hawak ng baril si Chard at nakatutok ito ngayong kay Mr. Dela
Pena.
Agad na nag sitayuan ang mga tao at lumabas kaya naman kaming tatlo na lang ang
naiwan dito.
"Chard" tawag ko sa kanya pero parang wala siyang naririnig at nakatitig lang sa
namumutlang si Mr. Dela Pena.
"ISA KANG PUTANGINANG MANYAKIS! BE READY MR. DELA PENA, BECAUSE THIS DAY I WILL
FUCKING KILL YOU" napaatras naman ako sa sinabi ni Chard.
"Chard, please wag" ayokong makakita ng pinapatay na tao sa harapan ko lalo na
kapag si Chard ang pumapatay.
"GET OUT NOW, OLD MAN!" galit na sambit ni Chard. Maglalakad na sana palabas si Mr.
Dela Pena ng mag salita ulit si Chard. "Alzola come here" agad naman akong lumapit
sa kanya. Niyakap ako ni Chard at inilagay ako ulo ko sa dibdib niya. "Nagbago ang
isip ko Mr. Dela Pena"
"Mr. Pe-Peterson" rinig kong sambit ni Mr. Dela Pena na halatang natatakot at
nagkanda utal-utal na ito.
"Maghubad ka muna pala bago lumabas ng kompanya ko" malamig na sabi ni Chard.
"Pe-pero Mr. Peterson" angal ni Mr. Dela Pena.
"Mamamatay ka ngayon o mag huhubad palabas at mamaya mamatay?" tanong ni Chard. Mas
sumuksok pa ko sa dibdib ni Chard. Ayokong makita ang katawan ng manyakis na yan
kung maghuhubad man siya.
Makalipas ang ilang minuto narinig kong bumukas ang pinto at sumara ulit. Mukhang
lumabas na si Mr. Dela Pena pero ayaw ko pa rin umalis sa dibdib ni Chard ang bango
kasi.
"Alzola ko" malambing na sambit ni Chard na gustong gusto ko. Tumingala ako sa
kanya at ngumiti.
"Baka makita ko yung hubad na katawang ng manyak na yun" nakangusong sabi ko.
Hinalikan naman ako saglit ni Chard sa labi ko.
"Wala na yun, tara pumunta na tayo sa office ko" anyaya niya sa akin at tumango
lang ako ng nakangiti. Hinawakan niya ang bewang ko at sabay kaming naglakad
papuntang office niya.
Pagdating niya sa office agad siyang naupo sa swivel chair at pinaupo naman niya ko
sa kandungan niya. "Mukhang may gagawin ka" sabi ko habang nakatingin sa mga
papeles na nasa ibabaw ng table niya.
"Konti lang naman yan" nakangiting sabi niya sa akin.
"Baka maistorbo kita, sa sofa na lang ako uupo" sambit ko sa kanya. Tatayo na sana
ako ng pigilan niya ko.
"Mas gusto kong mag traboho na nandito ka sa kandungan ko" nakangiting sabi niya na
kinapula ng pisngi ko. Ang bilis nanaman ng tibok ng puso ko.
"Sira ulo ka talaga" tumawa lang siya at nag-umpisa ng pumirma sa mga papeles.
Habang ako ay pinapanood lang siya sa ginagawa niya.
Kalahating minuto lang at natapos na niya ang ginagawa niya. "I'm done" nakangiting
sabi niya sa akin.
"Ang bilis mo naman pala" sambit ko at hinalikan siya sa labi niya pero mabilis
lang yun.
"Syempre nandito ka sa kandungan ko" namula naman ako sa sinagot niya. Unting unti
niyang nilapit ang mukha niya sa akin at hinalikan ako. Tumugon naman ako sa kanya
naramdaman ko na parang may tumutusok sa pwetan ko.
Napatigil naman kami ni Chard ng biglang bumukas ang pintuan "Chard, I need help"
"Inistorbo mo ko tapos sasabihin mo kailangan mo ng tulong ko. Ano ba yun Mr.
Danworth?" nahihiya naman ako sa kausap ni Chard kasi nahuli niya kaming
naghahalikan sheeet.
"My wife" maikling sambit ni Mr. Danworth
"Iniwan ka ba tol?" ani Chard na may halong pang-aasar.
"Fuck you! Just email me" sabi ni Mr. Danworth at lumabas na.
"May sayad ba talaga lahat ng kaibigan mo?" tanong ko kay Chard.
"Don't mind them. Hindi kasi sila marunong mag-alaga" nakangiting sabi ni Chard
pero hindi ko naman alam kung anong pag-aalalaga ba yung tinutukoy niya.
"6:30 na pala Chard, tara mag dinner na tayo" anyaya ko sa kanya. Tumayo na ko sa
kandungan niya.
"Saan mo ba gustong mag dinner?" tanong ni Chard sa akin at hinawakan ang bewang ko
tsaka kami nag lakad palabas.
"Sa restaurant na lang ni mama, mayroon rin siyang branch dito sa Makati" ani ko.
Marami kasing branch ang restaurant ni mama.
"Ok" sambit ni Chard, pagdaan namin sa mga empleyado niya agad nila kaming binati
pero hindi man lang bumati pabalik si Chard habang ako nginitian ko sila. Mukha
naman hindi nila ako aawayin tulad ng iba.
Pagdating namin sa tapat ng kotse niya agad niya kong pinagbuksan ng pintuan.
Sumakay na ako at sumakay na rin siya. Agad siyang nag drive papunta sa restaurant
ni mama. Malapit lang yung sa opisina niya kaya naman nakarating kami agad.
Sabay kaming lumabas ng kotse. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang bewang ko.
Pagpasok namin agad kaming naupo may waitress naman na lumapit sa amin.
"Anong gusto mo Chard?" tanong ko sa kanya na nakatitig lang naman sa akin.
"Ikaw na ang mag order sa akin" nginitian ko naman siya at pumili ng best selling
dito.
"Two steak, Chiken wings, and bonefish grill" sabi ko sa waitress pero busy lang
siya sa pagtingin sa boyfriend ko. "Miss, did you hear what I said?"
"Sorry ma'am, ano po ulit yun?" ayan busy kasi kakatingin sa boyfriend ko.
"Two steak, Chiken wings, and bonefish grill" sabi ko ulit.
"Yun lang po ba ma'am?" tumango na lang ako para umalis na siya. Linipat naman ni
Chard ang upuan niya at tinabi niya ito sa upuan ko.
"Bakit ka pa lumipat?" tanong ko sa kanya.
"Mas gusto kong katabi ka" napangiti naman ako sa sinabi niya at ito nanaman ang
puso ko na mas bumibilis pa.
"Mahal mo kasi ako" nakangiting sabi ko sa kanya.
"I love you" sambit ni Chard at hinalikan ako. Napatingin naman ako sa paligid
namin.
"Sira ka talaga baka may makakita sa atin" nahihiyang sabi ko.
"I don't care" ani niya.
"Alam mo naman na restaurant ito ni mama. Kaya wag dito" baka may makakita sa amin
at sabihin kay mama. Hindi pa naman alam ni mama na kami na ni Chard.
"Sige sa loob ng kotse na lang" hinampas ko naman siya sa matitigas niyang braso.
"Sira ulo ka talaga baka mabunggo pa tayo" ani ko. Magsasalita pa sana siya ng
biglang dumating ang order namin.
"hmm mukhang masarap" sabi niya pero ang buhok ko naman ang inaamoy niya.
"Kumain na muna tayo Chard. Tama na yang kalandian mo" tumigil naman siya at
ngumiti sa akin.
"Sayo lang naman ako malandi, Alzola ko" malambing na sabi niya.
"Say ahh" sinubuan ko na lang siya para matigil na siya.
Masaya kaming natapos kumain dahil sa kalandian ni Chard. Habang tumatagal mas
nagiging clingy siya sa akin pero gusto ko naman.
"Restroom lang ako then uwi na tayo" pagpapaalam ko kay Chard.
"Samahan na kita" tatayo na sana siya ng pigilan ko siya.
"Wag na ayun lang naman ang restroom" turo ko sa restroom ng restaurant na ito.
"Fine" tumayo na ako at pumunta sa restroom.
Nagpalit lang ako ng sanitary napkin then naghugas na ako ng kamay. Paglabas ko
nakita ko yung waitress kanina na kinakausap si Chard. Habang si Chard naman ay
halatang walang pake. Lumapit ako sa kanila at naupo sa tabi ni Chard.
"Niyaya ako ng malanding babae yan ng makipag sex" bulong sa akin ni Chard na
parang batang nagsusumbong. Nainis naman ako sa babaeng nasa harapan namin.
"May problema ba miss?" mataray na tanong ko pero nag tatapang tapangan lang ako
tsaka alam ko naman na hindi ako pababayaan ni Chard.
"Niyaya ko lang yung kasama mo sa bahay ko" aba iba din pala si ate girl.
"Hindi sumasama ang boyfriend ko sa isang waitress na tulad mo" sabi ko at inirapan
siya.
"Halata naman na walang pakialam ang tinatawag mong boyfriend" malanding sambit
nito na kinainis ko. Kinuha ko ang juice at ginaya ko ang ginawa ni Chard sa babae
sa french bakery. Isinaboy ko sa kanya ang juice.
"Opss nadulas hehehehe" bigla naman umusok ang ilong niya sa galit kaya naman
kumapit agad ako kay Chard.
"Ipapakulong kita! mali ang trato mo sa akin! porket isa lang akong waitress
bubuhusan mo ko ng juice. Wala naman akong ginagawang masama sayo!" nagsitinginan
naman ang ibang customers sa amin. Lumapit naman ang manager.
"Sorry po Ms. Trinidad" pagpapaumanhin sa akin ni manager Marla.
"Manager bakit po kayo nag so-sorry sa babaeng yan siya na nga itong nag tapon ng
juice sa akin. Irereklamo kita!" galit na galit sa aking yung waitress at mukhang
gusto na niya kong sabunutan.
"Tumigil ka nga diyan! siya ang anak ng may-ari nitong restaurant" galit na sabi ni
manager Marla sa waitress.
"Wala akong pake! Mag rereklamo ako. Hindi makatao ang ginawa mo sa akin" OA naman
masyado ni ate. Tumayo si Chard kaya napatayo na rin ako. Hinawakan niya ko sa
bewang ko.
"Umpisahan mo ng humanap ng Attorney na makakatalo sa akin" malamig na sabi ni
Chard sa waitress at lumabas na kami.
Paglabas namin biglang pumarada sa harap namin ang kotse ni Chard. Pinasok ako ni
Chard sa backseat at pumasok na rin siya. Tinangal niya ang coat at necktie niya at
binuksan ang tatlong butones.
"Bored ka nanaman ba Raymart?" tanong ko sa kanya habang nag dri-drive siya.
"May gusto lang akong itanong sayo" sagot ni Raymart.
"Ano yun?" tanong ko habang iniikot ikot ang necktie ni Chard.
"Ano ba mga gusto ng kaibigan mong si Alexie?" napatingin naman ako sa kanya gamit
ang rear view mirror.
"Paano mo nalaman na kaibigan ko si Alexie?" tanong ko sa kanya habang nakatingin
kay Chard na busy sa leeg ko.
"Connections" maikling sambit niya. Pero sigurado ako na may kinalaman si Chard
dito ayaw niya lang sabihin sa akin.
"hmm connections" connection mo si Chard.
"Sabihin mo na sa akin mga gusto at ayaw ni Alexie" sambit ni Raymart. Napatingin
naman ako ulit sa rear view mirror.
"Diba may connections ka?" inosenteng tanong ko sa kanya.
"Oo" sagot niya sa akin.
"Edi gamitin mo para malaman mo ang paborito ng kaibigan ko" natawa naman si Chard
sa sinabi ko habang si Raymart parang pinagbagsakan ng langit at lupa ang mukha.
"Boss tulungan mo naman ako" sabi ni Raymart na parang bata.
"Alzola ko, hindi naman niya pababayaan ang kaibigan mo kaya sabihin mo na" bulong
sa akin ni Chard na kinataas ng balahibo ko.
"Ayoko pa rin" naiinis ako kay Chard kasi alam ko naman na siya lang ang magsasabi
kay Raymart about ng kay Alexie.
Mabilisan naman niya ko binuhat at inupo sa kandungan niya patagilid. "Gusto mo
bang lumaki yung anak ng kaibigan mo na walang tatay?" napaisip naman ako sa sinabi
ni Chard.
"Pero paano pag nasaktan lang yung kaibigan ko?" ayokong makita na umiiyak si
Alexie dahil sa lalaki.
"Tutulungan pa kitang patayin si Raymart pag sinaktan niya ang kaibigan mo"
nakangiting sabit ni Chard sa akin.
"Sige na nga. Ang galing mong mangumbinsi" nakangiti kong sabi sa kanya.
"Sasabihin mo na sa akin?" biglang singit ni Raymart sa usapan namin.
"Favorite food niya Carbonara, ayaw naman niya ng adobong pusit or kahit anong
pusit. Mahilig siya sa sunflowers." sabi ko kay Raymart habang nasa kandungan pa
rin ako ni Chard.
"Ano naman ang gusto niya sa lalaki?" tanong ni Raymart sa akin.
"Lahat ng wala sayo gusto niya" sagot ko sa kanya na kinatigil niya sa pag mamaneho
at humarap sa akin.
"Nasa akin na kaya ang lahat!" inis na sabi sa akin ni Raymart.
"Nagagalit ka ba sa Alzola ko?" malamig na tanong ni Chard kay Raymart.
"Hindi boss" sagot ni Raymart at nag drive na ulit.
"Ang gusto lang ni Alexie yung lalaki na yayayain siya ng mag travel" kawawa naman
si Raymart mukha naman seryoso siya sa kaibigan ko.
"Talaga?" paninigurado ni Raymart.
"Oo nga" pataray na sagot ko.
"Anong gusto mo at ililibre kita dahil sa pagtulong mo sa akin" masayang sabi ni
Raymart sasagot na sana ako ng magsalita si Chard.
"Kayang kaya ko siyang bilhan ng lahat ng gusto niya."
Episode 20
Cyrine's POV

Isang Linggo na ang nakalipas at mas nagiging sweet pa sa akin si Chard kaya naman
mas lalo ko rin siyang minamahal. Wala ngayon si Chard dahil nasa Makati siya.
Gusto niya nga akong isama kaya lang may lakad kami ngayon ng mga kaibigan ko.
Nandito ako ngayon sa garden namin at dinidiligan ko ang mga magagandang bulaklak.
Katatapos lang namin kumain kaya nag papababa muna ako ng kinain ko. Mamaya pa
naman 1:30 P.M ang dating nila Gab sa bahay namin.
"Ms. Cyrine, may package ka na dumating" sabi sa akin ng isa sa mga bodyguard.
Kinuha ko naman ito.
"Pero next week pa ang birthday ko" nagtatakang sabi ko. "Sige salamat po" sabi ko
sa guard at umalis na sa harap ko.
Umakyat naman ako sa kwarto ko para doon buksan ang package. Pagpasok ko sa kwarto
ko agad akong naupo sa kama ko. May sulat na nakalagay sa ibabaw ng package kinuha
ko ito.
"7 days before your birthday" sino naman kaya ang nagpadala nito? Binuksan ko ang
package at ang laman nito ay puro pictures ko tuwing nag ce-celebrate ako ng
birthday ko. May kasama rin itong isang chocolate.
Mukhang isa sa mga stalker ko ang nagpadala nito. Pagnakita ito ni Chard sure ako
na magiging monster nanaman yun kaya tinago ko na lang ito sa ilalim ng kama ko.
Bigla naman nag ring ang cellphone ko agad ko itong sinagot ng makita ko na si
Chard pala.
"Bakit ka napa..." hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng sumingit siya.
[I miss you Alzola ko]
"Ilang oras ka palang nawawala miss mo na agad ako?HAHAHAHA"
[Dapat talaga sinama na kita]
"Ano ka ba Chard. Magkikita rin naman tayo"
[Hindi mo ba ko na miss?"]
"Na miss syempre"
[I love you Alzola ko]
"I love you too Chard. Sige na ibaba ko na"
[Huwag kang magpapalapit ng kahit na sinong lalaki sayo]
"Opo"
[Huwag ka rin mag papahawak sa iba, dapat ako lang]
"Opo, I love Chard bye naaa" then binaba ko na ang tawag baka kasi hindi pa siya
makapag concentrate sa ginagawa niya.
Pumasok na ako sa banyo para makaligo na ako at para hindi na mag-antay ang mga
kaibigan ko. After 30 minutes in the bathroom nagpunta ako sa walk in closet ko at
nagsuot ng crop top at jumper short. Paglabas ko ng walking closet ko agad kong
pinatuyo ang buhok ko at sinuklay.
Pagbaba ko nakita ko ang mga kaibigan ko na nasa sala. Napatingin naman ako kay
Alexie na maliit pa rin ang tyan at hindi pa halata na buntis siya. Nagulat naman
ako ng pati si Raymart ay nandito. "Raymart?"
"Kilala mo siya Cy?" tanong sa akin ni Gab. Sasagot na sana ako ng bigla akong
lapitan ni Alexie at kinirot sa likod ko.
"Yeah, siya si Raymart" sagot ko kay Gab.
"Pero paano mo siya nakilala?" tanong naman sa akin ni Andrew. Sheeeet paano ba
ito??
"Tara na, baka mahuli pa tayo sa movie na panonoorin natin. 2:10 P.M pa naman ang
start" hayst buti na lang nandito si Alexie.
Sumakay kami sa Mercedes-AMG GLE 63 S Coupe apat kami sa backseat pero hindi naman
masyadong masikip. Habang si Alexie ay sa front seat.
"Ang gwapo ng bagong driver nila Alexie" bulong sa akin ni Andrew.
"Driver nila yan?" pabulong na tanong ko kay Andrew akala ko boyfriend na ni
Alexie.
"Oo, sis" sagot naman ni Gab na nasa kabilang side ko. Binulong ko na nga lang kay
Andrew narinig pa rin niya.
"Paano niyo naman nasabi?" mukha kaming tsismosang tatlo na nagbubulungan habang si
Ayen ay tahimik lang sa gilid.
"Kanina tinanong ko kung sino yun ang sagot niya driver lang daw nila" sagot ni
Andrew. driver? mukhang nagsinungaling si Alexie sa mga ito.
"Bago yata ang kotse niyo Alexie" sabi ko sa kanya.
"Ah o-oo" nauutal na sagot niya.
"Bakit nauutal siya?" bulong sa akin ni Gab pati ba naman yun ay napansin niya pa.
"Ewan ko" sagot ko.
"Baka na gwa-gwapuhan sa driver nila. Alam mo naman yan si Alexie minsan malandi
rin HAHAHAHA" nagtawanan kaming tatlo sa pinag uusapan namin kaya napatingin si
Alexie.
"Pinag uusapan niyo ba ako?" inis na tanong sa amin ni Alexie.
"Emedora ka sis. Si Ayen kaya pinag uusapan namin" sagot ni Andrew at inirapan lang
siya ni Alexie at umayos na ng upo.
"Na gwa-gwapuhan ka daw sa driver niyo" seryosong sambit ni Ayen na kinalingon ulit
ni Alexie sa amin.
"Hoy Ayen! manahimik ka nga diyan" inis na sabi ko.
"Ikaw kaya ang pinag-uusapan namin kasi mukha kang matanda" sambit naman ni Gab.
"Pag-aawayin mo pa kami nila Alexie" sambit naman ni Andrew.
"Sinabi rin nila na kaya nauutal ka kasi gwapo ang katabi mo" patay na nilaglag
kami ni Ayen.
"Pag-uwi natin huwag na kayong sasakay sa kotse namin" inis na sabi ni Alexie at
umayos na ulit ng upo.
Napansin ko naman na ngumiti si Raymart na kanina pa tahimik na nag dri-drive. I
smell something fishy.
Pagdating namin sa mall agad kaming bumaba samantalang si Raymart ay naiwan sa
kotse. Lumapit naman ako kay Alexie at lumayo kami sa tatlo.
"Hindi mo isasama si Raymart?" pabulong na tanong ko sa kanya.
"Hayaan mo siya doon, siya naman ang nag presinta na ihatid tayo" sagot niya sa
akin.
"Isama mo na siya sis, kawawa naman" sabi kay Alexie para makonsensya na siya.
"Fine, Gab tawagin mo si Raymart para sumama na siya" utos niya kay Gab na medyo
malayo sa amin para hindi nila marinig ang pag-uusap namin. Dakilang tsismosa pa
naman yan.
"Wag na Gab, siya na lang" sabi ko at tinulak ng mahina si Alexie pabalik sa kotse.
"Antayin ka namin sa cinema bibili na kami ng tickets and snacks." sabi ko at
lumapit na kila Gab.
"Anong pinag-usapan niyo?" tsismosang tanong ni Gab sa akin.
"Sabi niya mag pasundo na lang daw tayo sa kanya kanyang kotse natin. Pati ikaw
Ayen huwag ka daw sasabay sa kanya" sabi ko kay Ayen at inirapan siya.
"Bakit daw?" tanong naman ni Andrew.
"Syempre para masolo niya yung driver nila HAHAHAHA" sabi ni Gab na kinatawa ulit
naming tatlo.
"Tara na bumili na tayo ng tickets at snack para pagdating nila papasok na tayo sa
sinehan" sabi ko. Naglakad kami papasok ng mall at gumamit ng elevator para mas
mabilis na makarating sa sinehan.
"Ikaw na bumili ng tickets Ayen kami naman sa snack" sabi ni Andrew at tumango lang
si Ayen at pumila na sa bilihan ni ticket. Kami naman tatlo ay bumili ng drinks at
popcorn. Pagtapos namin bumili pumunta kami kay Ayen na kakatapos lang bumili ng
tickets.
"Ayun sila" turo ni Ayen kila Alexie. Kumaway naman si Gab para lumapit sila sa
amin.
"Tara na" anyaya ko at pumasok na kami sa loob. Magkatabi si Raymart at Alexie.
Katabi naman ako ni Alexie, sa tabi ko si Gab, sa tabi ni Gab si Andrew then si
Ayen.
Habang nanonood kami napansin ko na nakatitig lang si Raymart kay Alexie. Mukhang
malakas ang tama nito sa kaibigan ko. Hanggang matapos ang movie tahimik lang kami.
Napansin ko rin kay Alexie na hindi siya maingay ngayon siguro dahil kay Raymart.
Paglabas namin ng sinehan biglang nagsalita si Alexie. "Restroom muna ko"
"Samahan na kita" tumango lang siya at pumunta kami sa ladies restroom.
Pagpasok namin sa restroom pumasok agad si Alexie sa isa sa mga cubicle habang ako
ay nag huhugas ng kamay. Paglabas niya nag hugas siya ng kamay.
"Ok ka lang sis?" tanong ko sa kanya habang nagpapatuyo siya ng kamay.
"Oo, ganito lang siguro pag buntis" sagot niya.
"Tara na?" tumango lang ulit siya at sabay na kaming lumabas.
Paglabas namin nandoon sila at naghihintay. "mag starbucks muna tayo bago umuwi"
yaya ni Andrew.
"Sige, marami rin akong itatanong kay Cy" sagot ni Gab. Napaka tsismosang bakla
talaga.
Nagpunta kami sa starbucks at nag order agad si Raymart. "Ang gwapo talaga" sabi ni
Andrew habang nakatingin kay Raymart.
"Bakit ang daming gwapo na lumalapit sa mga kaibigan natin? Tapos sa atin wala man
lang kahit isa" sambit ni Gab habang nakatingin rin kay Raymart na papalapit sa
amin habang bitbit ang order.
"Maganda kasi sila hindi tulad niyong dalawa" sagot ni Ayen na kinatawa namin ni
Alexie habang yung dalawa ay naiinis sa sinabi ni Ayen.
"Ngayon lang ako natuwa sa sinabi mo ngayong araw HAHAHAHA" ani ko. Nilapag naman
isa-isa ni Raymart ang order namin.
"Thank you Raymaaaart" sabay na sabi ni Andrew at Gab nginitian lang sila ni
Raymart.
"Ang landi naman" pagpaparinig ko sa dalawa.
"Wow Cy, sino ba dito ang may Chard?" nakangising sambit ni Gab.
"Bakit naman napasok sa usapan si Chard?" tanong ko sa tsismosa kong kaibigan.
"Aminin mo na sa amin. Anong mayroon sa inyo?" sabi na nga ba't itatanong ni Gab
yan.
"Boyfriend ko siya" sambit ko na kinatigil nila sa pag inom ng drinks nila maliban
kay Raymart na alam na.
"Kailan pa?" tanong naman ni Ayen.
"Noong nag Tagaytay tayo" sagot ko.
"Kumusta naman maging boyfriend ang isang Chard?" tanong ni Andrew.
"Baka maingit ka lang pag sinabi ko sayo HAHAHAHA" sambit ko habang natatawa.
"Nakakainis kang babae ka! Paano mo na paibig ang lalaking yun" maarteng sabi ni
Gab.
"Turuan mo naman kami Cy" nakangiting sabi ni Alexie.
"Kahit huwag ka ng mag paturo Alexie mayroon ka na ngang gwapong driver" sabi ni
Andrew na kinapula ng mukha ni Alexie.
"Tigilan niyo nga si Alexie" ani ko, baka ma stress pa siya at pati ang baby
madamay.
"Baka naman may kakilalang gwapo ang boyfriend mo" sabi sa akin ni Gab na kina irap
ko lang.
"Huwag mo na ngang idamay ang boyfriend ko sa kalandian mo" inis na sabi ko kay
Gab.
"Ikaw Raymart, baka may kakilala kang gwapo. Yung kasing gwapo mo sana" sabi naman
ni Andrew kay Raymart.
"Tumigil na nga kayong dalawa diyan. Uuwi na ko" sabi ni Alexie sabay tayo.
Pinanood lang namin siya na umalis habang si Raymart ay sinundan naman siya.
"Iba yata ang mood ni Alexie ngayon" ani Ayen habang nakatingin sa paglabas ni
Alexie.
"Hayaan mo na baka masama lang ang pakiramdam" sagot ko, hindi kasi nila alam na
buntis si Alexie.
"Porket may gwapong driver masama na agad ang pakiramdam" natawa naman kami sa
sinabi ni Gab.
"Loko-loko ka talaga Gab. Kung nasa mood lang yun si Alexie malamang kanina ka pa
niya binatukan" sambit ko.
Napatigil naman sila sa pagtawa habang nakatingin sa likod ko "Mukhang may sundo
ka" seryosong sambit ni Ayen. Lumingon naman ako sa likod ko at nakita ko si Chard
na naka white polo at pants.
Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa harap ng mga kaibigan ko. "Paano mo
nalaman na nandito ako?"
"Sa cellphone mo" sagot niya. Ano naman meron sa cellphone ko?
"Sinusundo mo na ba ang kaibigan namin? Sige lang pwedeng pwede na siyang umuwi"
nakangiting sabi ni Gab kay Chard.
"Let's go" sambit niya.
"Bye guys" pag papaalam ko at naglakad na kami ni Chard palabas ng mall habang
hawak niya ang bewang ko. Pagtapat namin sa kotse agad niya kong pinagbuksan at
sumakay na rin siya.
"Bakit ganyan ang suot mo? that's too revealing" seryosong sambit niya.
"Hindi naman ako nag palapit na kahit na sinong lalaki" malambing na sagot ko.
"Really?" tanong nito. Lumapit naman ako sa kanya at hinalikan siya sa labi para
mawala ang galit niya.
"I love you Chard" sabi ko na kinangiti niya.
"Nawala lahat ng pagod ko" sabi nito at kinabig ako at binigyan ako ng isang
malalim na halik. Pinasok niya ang dila niya sa loob ng bibig ko at para kaming nag
e-espadahan. Ang sarap ng labi niya at ang bango pa. "I love you too Alzola ko"
Nginitian ko siya at naupo na ko ng maayos tsaka kinabit ang seatbelt ko. Nag drive
na siya pero ibang way ang dinaanan niya. Hindi ito ang way pauwi sa bahay namin.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya.
"May ipapakita lang ako sayo saglit" dire-diretso lang siya sa pag mamaneho
hanggang sa napunta kami sa dead end. Bumaba kami ng kotse.
"Bakit tayo nandito?" hinawakan naman niya ko at lumapit pa kami sa bangin.
Napatingin naman ako sa araw na papalubog na.
"Ang ganda dito. Kitang kita ko yung paglubog ng araw." ani ko. Niyakap naman niya
ko mula sa likuran ko.
"I love you Alzola" sambit nito na kinangiti ko.
"I love you too Chard" pumunta naman siya sa harapan ko at yumuko. May nilabas
siyang anklet na nakasulat ay Peterson at kinabit ito sa akin. Tumayo siya at
hinalikan ako.
"Huwag mong aalisin yan" nakangiting sabi niya at hinalikan ako sa noo ko.
"Promise, hindi ko aalisin" ngiting sambit ko.
Pinanood pa namin ang paglubog ng araw hanggang mapag pasyahan na namin na umuwi.
Pag uwi namin nakita ko na may bagong kotse ang nakaparada.
"May bago kang kotse?" tanong ko kay Chard.
"Wala" sagot ni Chard.
"Kanino yan?" turo ko sa kotseng nakaparada sa garahe namin.
"That's not mine" sabay kaming bumaba ng kotse at pumasok sa bahay. Narinig ko
naman na may nag tatawanan sa loob ng dining room kaya doon na ko dumiretso.
Pagpasok ko agad na napatingin sa akin si mama.
"Anak may bisita ka" turo ni mama sa lalaking nakatalikod sa akin. Tumayo naman ito
at pagharap sa akin ay isang gwapong nilalang pero mas gwapo pa rin si Chard.
"Miguel, Ikaw ba yan?" mas gwapo siya ngayon at mas built ang katawan niya hindi
tulad noon.
"I miss you Cyrine" sambit ni Miguel at tangkang yayakapin ako ng biglang hilahin
ako ni Chard at ilagay sa likod niya.
"Don't you dare hug her"

Episode 21
Cyrine's POV

Tapos na kaming kumain at napag pasyahan namin magpunta sa sala. Akala ko kami lang
ni Miguel ang pupunta sa sala pero pati sila mama, daddy at Chard ay sumunod.
"Cyrine, pwede ba tayong mag-usap? Yung tayo lang sana" sabi nito at tumingin ng
masama kay Chard.
"Gabi na masyado. Bawal mag puyat si Alzola" singit ni Chard sa usapan namin.
Napatingin naman si Miguel sa relo niya.
"7:45 P.M pa lang" ani ni Miguel at tumingin ulit ng masama kay Chard. Naku Miguel
tigilan mo yang pagtingin mo ng masama kay Chard at baka maging monster nanaman
yan.
"Mabuti pa siguro umuwi ka na iho. Diba sa Manila pa ang uwi mo?" singit naman ni
daddy na mukhang gusto na rin pauwiin si Miguel.
"Ok lang po tito kahit anong oras ako umuwi basta maka-usap ko lang si Cyrine"
nakangiting sambit nito kay daddy at tumingin sa akin.
"Diba napagod ka sa pamamasyal niyo ng mga kaibigan mo" singit ulit ni Chard na
mukang ayaw na ayaw na nandito si Miguel. Mukhang nagseselos ang boyfriend ko.
"Ah oo, sorry Miguel" pag papaumanhin ko kay Miguel para matigil na yung isa dito.
"It's ok. Maybe tomorrow we can have a date" sabi ni Miguel na kinataranta ko.
Tiyak na hindi papayag si Chard sheet anong gagawin ko.
"I'm not sure if I am free tomorrow" sagot ko sa kanya please lang wag ka ng
mamilit.
"Kelan ka pwede?" tanong niya sa akin. Napatingin naman ako kay Chard na nagpipigil
lang sa tabi ko.
"Hindi ko pa sure" sagot ko, please lang umuwi ka na Miguel baka may sumabog dito.
"Ganun ba, sige mauna na ako" ani niya na kinangiti ko. Salamat naman at aalis ka
na, mukha kasing may isang tao na malapit ng sumabog dito.
"Ihatid mo na siya sa labas Cy" sabi sa akin ni mama sheeeet akala ko tapos na
hindi pa pala.
"Ah mama kasi" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng mag salita ulit si mama.
"Sige na anak, ihatid mo na" napilitan naman akong tumayo at ihatid si Miguel sa
labas. Pagdating namin sa labas tatalikod na sana ako ng magsalita siya.
"Mas gumanda ka ngayon Cyrine" nakangiting sabi niya sa akin.
"Thanks" nakangiting sambit ko.
"Bye Cyrine" hahalikan niya sana ako sa pisngi ko ng biglang may bumusina ng
malakas. Paglingon ko ay galing sa kotse ni Chard.
"Sige alis ka na" pagpapa-alis ko kay Miguel baka kasi kung ano pang gawin ni Chard
sa kanya.
"Pagbalik ko sana makapag-usap na tayo" sambit niya bago sumakay ng kotse niya.
Nang maka-alis na ang kotse ni Miguel pumasok na ako sa loob.
"Naka-alis na ba?" tanong sa akin ni daddy.
"Opo dad" sagot ko naman.
"Saan ka galing Chard? Sumama ka rin ba sa paghatid kay Miguel?" tanong ni mama kay
Chard na nasa likod ko lang pala.
"May kinuha lang ako sa kotse ko tita" sagot ni Chard na kinatawa ni daddy.
"HAHAHAHA kaya pala may narinig akong malakas na busina" ani daddy na may halong
pang-aasar.
"Kanina nga grabe si Chard na pigilan mag-usap si Cyrine at Miguel, pansin na
pansin ko" sabi naman ni mama na kinatawa ni daddy.
"HAHAHAHA magaling bumakod" sambit ni daddy.
"Goodnight mama and daddy" ani ko at dali-daling naglakad paakyat sa kwarto ko.
Ayokong pag-usapan nanaman nila kami.
Pagpasok ko sa kwarto ko agad akong nagtungo sa bathroom ko para makapag halfbath.
Matapos kong mag halfbath agad akong nagbihis ng pantulog at nahiga na sa kama ko.
Bumukas naman ang pintuan ko at pumasok si Chard tsaka tumabi sa kama ko. "Umalis
kaya tayo bukas" sambit ni Chard habang nakatingin sa akin.
"Saan naman tayo pupunta?" tanong ko sa kanya. Nakatagilid kaming nakahiga at mag
kaharap kami.
"Kahit saan" sagot niya.
"Bakit ba gusto mong umalis bukas?" takang tanong ko kay Chard.
"Para hindi ka na makita ng Miguel na yun" sagot niya sa akin na kinangiti ko.
"Nagseselos ka nanaman" sambit ko.
"Bakit kasi hindi pa natin sabihin sa kanila na akin ka na. Akin ka lang" ani Chard
na parang isip bata nanaman.
"Malapit na ang birthday ko Chard. Ilang araw na lang naman" sabi ko at hinalikan
siya saglit sa mga labi niya.
"Pagbumalik pa dito yun, ipapahabol ko talaga sa mga Doberman natin yan" sambit ni
Chard na kinatawa ko.
"Matulog ka na nga" ani ko para matigil na siya.
"Goodnight Alzola ko" sambit ni Chard at hinalikan ako sa labi ko.
"Goodnight Chard"

9:30 A.M pa lang gising na ako. Habang itong si Chard tulog na tulog pa rin sa kama
ko. Pumasok na ko sa bathroom ko at ginawa ang morning routine ko. Nagpalit na rin
ako ng damit tsaka bumaba at pumunta sa kitchen.
Nakita ko doon si manang na nag-aayos para sa lulutuin niya. "Goodmorning po
manang" bati ko kay manang.
"Magandang umaga rin Cyrine. Mag-almusal ka na muna" bati pabalik sa akin ni manang
at inabutan ako ng tasty at strawberry jam. Nagpalaman naman ako ng stawberry jam.
"Manang tulungan ko na po kayo na mag hiwa diyan" sabi ko kay manang.
"Naku huwag na Cyrine mag dilig ka na lang ng mga bulaklak" ani manang sa akin.
"Sige na po manang" pamimilit ko kay manang.
"Huwag na Cyrine, mas maganda kung magdidilig ka na lang ng mga bulaklak sa labas"
argg hindi ko talaga mapipilit si manang. Naglakad na lang ako papunta sa garden
para magdilig.
Habang nagdidilig ako ng mga bulaklak bigla naman may yumakap sa akin mula sa
likuran ko at hinalikan ako sa pisngi ko. "Goodmorning Alzola ko."
"Chard baka makita tayo nila mama" sabi ko at humarap sa kanya tsaka ko siya
tinulak ng mahina.
"Tulog pa sila" sambit nito at mabilisan akong hinalikan sa labi ko.
"Ang kulit mo" ani ko at pinagpatuloy na ulit ang pagdidilig.
"Ang aga mo yata magising" sabi ni Chard na parang hindi makapaniwala.
"Ewan ko nga rin" sagot ko sa kanya. Bigla naman may lumapit na bodyguard sa amin.
"Ma'am package po para sayo" sambit ng bodyguard. Kinuha naman yun ni Chard. Naku
baka galing yan sa stalker ko at makita niya ang laman at maging monster nanaman
siya.
"Order ko lang yan sa online" sabi ko at inagaw kay Chard yung package. "Akyat ko
lang itong package" pag papaalam ko kay Chard at mabilis na umakyat ng kwarto ko.
Pagpasok ko sa kwarto ko agad ko itong ni lock at naupo na sa kama ko.
Binasa ko ang sulat na nasa ibabaw ng package "6 days before your birthday"
binuksan ko yun at laman nun ay isang chocolate at yung nag-iisang picture namin ni
papa nung baby pa ako. "Bakit picture pa namin ni papa ang nilagay niya?"
Dali-dali kong itinago ang box sa ilalim ng kama ko ng makarinig ako ng katok.
Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin si Chard. "Bakit ka nag lo-lock?" tanong
niya sa akin.
"Nakalimutan ko lang" sambit ko habang tinatago ang kaba ko.
"Tara bumaba na tayo" tumango lang ako at sabay kaming bumaba ni Chard. Naupo ako
sa sofa namin sa sala at binuksan ang t.v
"Nagbabagang balita anak ng mayor ng Makati nag pakamatay" sabi sa balita.
"Kawawa naman" sambit ko habang nanonood ng balita.
"Si Bien nagpakamatay?" nagulat naman ako dahil nandito na pala sila daddy at
seryosong nanonood ng balita.
"Kilala mo siya dad?" tanong ko kay daddy.
"Inaanak ko siya at imposibleng mag pakamatay siya. Maloko yang batang yan kaya
sigurado akong hindi siya magpapakamatay" sabi ni daddy at napatingin kay Chard.
"Ako na bahala tito" sagot ni Chard na kinalingon ko sa kanya na seryoso lang na
nanonood ng balita.
"Tara na kumain na tayo" anyaya sa amin ni mama. Nagpunta kami sa dining room at
naupo. Tulad ng dati pinagsasandukan pa rin ako ni Chard.
Habang kumakain kami biglang nagsalita si mama. "Cyrine samahan mo ko" napatingin
naman ako kay mama.
"Saan po mama" tanong ko.
"Basta, pagkatapos kumain mag-ayos ka na" tumango na lang ako at pinagpatuloy ko na
ulit ang pagkain ko.
Pagkatapos naming kumain agad akong umakyat para makaligo na. Nagsuot lang ako ng
simpleng jeans at t-shirt. Pinatuyo ko ang buhok ko at sinuklay.
Pagbaba ko nakita ko si mama na naka-ayos na. "Tara na po mama" sabay kaming
lumabas ni mama at sumakay sa kotse. Tahimik lang kami sa byahe ni mama hanggang
makarating kami sa isang restaurant.
"Pumasok ka na sa loob" sambit ni mama.
"Huh? Bakit po ako lang?" takang tanong ko kay mama.
"Sige na anak" lumabas na ko ng kotse at agad rin umalis yung kotse na sinasakyan
ni mama.
"Iniwan ako" nagtatakang sambit ko. Naglakad na ako papasok ng restaurant. Pagpasok
ko agad akong sinalubong ng isang waitress.
"Ms. Alzola Cyrine Trinidad po?" tanong sa akin ng waitress at tumango lang ako.
"This way po" sinundan ko lang siya hanggang makarating kami sa isang table.
Nakita ko doon ang isang lalaki na naka upo. "Maupo ka" naupo naman ako sa katapat
niyang upuan.
"Bakit?" seryosong tanong ko sa lalaking katapat ko.
"Ang ganda ganda mo anak ko" sambit ng lalaking nang-iwan sa amin ni mama.
"Bakit gusto mo kong kausapin?" tanong ko.
"Kumusta ka na anak ko?" tanong nito at hinawakan ang kamay kong nakapatong sa
lamesa. Agad ko naman nilayo ang kamay ko sa kanya.
"Ok naman ako. Buhay pa rin" sagot ko, pinilit ko na hindi umiyak sa harapan niya o
magpakita man ng kahinaan.
"Balita ko na palagi daw mataas ang grades mo. Proud na proud ako sayo anak"
masayang sambit niya.
"Para lang kay mama ang lahat ng iyon" sagot ko ng hindi nag papakita ng kahit
anong emosyon.
"Gusto mo ba mag lakad tayo sa park tulad ng dati natin ginagawa" nakangiti pa rin
na sambit niya.
"Uuwi na ako" sabi ko at tumayo na. Hinawakan naman niya ang kamay ko para pigilan
ako.
"Mag-usap muna tayo anak ko" ani nito.
"Bitiwan mo ko hindi kita ama. Isa lang ang ama ko at si daddy Emmanuel lang yun"
sambit ko at dali daling lumabas ng restaurant. Nagsituluan naman lahat ng luha ko
na kanina ko pa pinipigilan.
Nasasaktan ako, naiinis, nagagalit. Gusto kong magwala, gusto kong sumigaw. Bigla
naman may malalaking bisig ang yumakap sa akin.
"Chard" sambit ko habang umiiyak. Pinasok niya ko sa backseat ng kotse niya at
sumakay na rin siya. Lumabas naman muna ang bagong driver ni Chard.
"Shh nandito lang ako" sabi niya sa akin habang hinihimas ang likuran ko.
"Hindi ko pa rin pala kayang harapin siya Chard" sabi ko habang nakasuksok sa mga
dibdib niya.
"Ok lang yan, shh tahan na" pag-aalo niya sa akin. Unti-unti naman natigil ako sa
pag-iyak ko.
"Ok na ko Chard, Thank you" nginitian niya lang ako at tinawag na ang driver niya.
Habang nasa byahe kami tahimik lang kami ni Chard hanggang sa maka-uwi kami ng
bahay. Agad akong bumaba at pumasok sa loob ng bahay nakita ko si mama na napatayo
sa pagkaka-upo sa sofa ng makita niya ko.
"Kumusta ang pagkikita ni.." hindi ko na pinatapos si mama at nagsalita na ko.
"Bakit mo ginawa yun?" tanong ko kay mama habang pinipigilan ang luha ko na
bumagsak.
"Gusto ko lang na magka-ayos kayo anak" sagot ni mama na kinatawa ko ng peke.
"Seryoso ka diyan? Alam mo ba kung anong naramdaman ko nung kausapin ko yung
lalaking yun. Naiinis ako, nagagalit ako, nasasaktan ako! Bumalik lahat sa akin
mama. Bumalik lahat ng sakit na naramdaman ko noon ng iwan niya tayo!" sabi ko
habang tuloy tuloy ang pag luha ko.
"Anak.." ani mama.
"Tapos gusto mo magka-ayos kami. Paano naman yung sakit na nararamdaman ko na
hanggang ngayon nandito pa rin!" galit na sambit ko habang nakahawak sa dibdib ko.
"Cyrine, huwag mong sigawan ang mama mo" sambit ni daddy.
"Maghihilom din yan anak" tanging sabi ni mama. Tinalikuran ko na lang silang lahat
at tumakbo papuntang kwarto. Pumasok ako sa walk in closet ko at dito nilabas lahat
ng galit ko. Hinagis ko ang lahat ng mahahawakan ko.
"Ang sakit sakit ng ginawa mo!" sigaw ko habang patuloy pa rin sa pag bato ng mga
gamit ko. Bigla naman may yumakap sa akin at alam ko na agad kung sino ito.
"Nandito lang ako, pwede mo kong kausapin. Pwede mong ilabas sa akin lahat ng galit
mo" sabi ni Chard na mas kinaiyak ko.
"Pinili siya ni mama noon kesa sa sarili niyang pamilya. Tapos na baon kami sa
utang dahil sa kanya then bigla niya kaming iiwan. Napaka walang kwenta niya!"
galit na sabi ko habang hinahampas ang matitigas na dibdib niya. "Tapos ngayon
gusto niya kong maka-usap na parang walang nangyari! Sobrang kapal ng mukha niya"
hanggang sa napa-upo na lang ako sa pagod. Binuhat naman ako ni Chard at dinala sa
kama ko.
"Uminom ka na muna ng tubig" sabi ni Chard at inabutan ako ng tubig. Ininom ko
naman yun at binalik sa kanya.
"Pinagpalit niya kami sa ibang babae. Iniwan niya kami ni mama na may maraming
utang. Buti na lang at tinangap pa rin kami nila lola" sabi ko habang si Chard ay
seryosong nakikinig sa akin. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko.
"Hinding hindi ko gagawin ang ginawa ng papa mo Alzola" napatingin naman ako sa mga
mata niya.
"Chard" sambit ko.
"Hindi ko hahayaan na maranasan mo ang naranasan ng mama mo noon" ani niya at
hinalikan ako. Tumugon naman ako sa kanya pero agad rin naghiwalay ang mga labi
namin.
"I love you Chard, Salamat at nandito ka sa tabi ko" nakangiting sambit ko. Kahit
papaano nabawasan ang sakit na nararamdaman ko.
"I love to Alzola ko, nandito lang ako palagi para sayo" sabi niya at niyakap ako
ng mahigpit. Hindi ko alam kung bakit ako binigyan ng isang katulad ni Chard.
Masayang masaya ako dahil nandito siya sa tabi ko.
"Salamat sa pagdamay mo sa akin Chard" ani ko habang magkayakap pa rin kami.
"Huwag ka ng umiyak Alzola ko, para akong sinasaksak ng paulit-ulit kapag nakikita
kong umiiyak ka."

Episode 22
Cyrine's POV

Hanggang ngayon ay nandito pa rin ako sa kwarto ko at hindi pa rin bumababa simula
kahapon. Ayaw ko na muna makita si mama.
"Alzola ko, bumaba na tayo para makakain ka" sabi sa akin ni Chard habang inaamoy
ang buhok ko. Nakahiga lang ako dito sa kama ko at ayaw kong pang bumangon. Parang
tamad na tamad akong kumilos.
"Dalhan mo na lang ako dito" malambing na sabi ko kay Chard. Para pagbigyan niya
ko.
"Bumaba ka na kasi" pamimilit niya sa akin.
"Ayaw ko nga. Please Chard dalhan mo na lang ako" ani ko at hinalikan ko siya sa
labi niya para matigil na siya sa pamimilit sa akin.
"Dinadaan mo nanaman ako sa halik mo. Pero sige kukuha na kita" napangiti naman ako
sa sinabi ni Chard. Hindi niya talaga ako matitiis.
"Thank youuu" sabi ko. Lumabas naman na siya ng kwarto ko kaya pumasok na muna ako
sa bathroom ko para gawin ang morning routine ko. Pagkatapos kong gawin agad akong
lumabas.
"Anak" nagulat ako at si mama ang naghatid ng pagkain ko.
"Bakit ikaw ang naghatid ng pagkain ko?" tanong ko kay mama ng hindi siya
tinatapunan ng tingin.
"Kumain ka na muna anak. Kagabi ka pa hindi kumakain" sambit ni mama at nilagay sa
side table ang pagkain ko.
"Sige na, lumabas ka na ng kwarto ko" sabi ko kay mama at nag umpisa ng kumain.
"Gusto sana kitang maka-usap anak" ani mama na kinatingin ko sa kanya.
"Tungkol saan?" seryong tanong ko at pinagpatuloy ulit ang pagkain ko.
"Tungkol sana sa papa mo" napatigil naman ako sa pagkain ko.
"Nawalan na ko ng gana paki baba na lang yan pagkababa mo" sabi ko at tumalikod na
sa kanya.
"Anak pakingan mo naman ako" napalingon ulit ako kay mama ng mag salita siya.
"Pakingan ka? Para saan pa?" sarcastic kong tanong sa kanya. Ngayon ko lang
nagawang sagutin ng ganito si mama.
"Inataki sa puso ang papa mo" sabi ni mama na parang kinatigil ng oras. Parang
tumigil ang oras ko. "Patawarin mo na ang papa mo Cyrine hanggat maaga pa. Hindi
natin alam kung anong pwedeng mangyari sa susunod na araw"
"Sinisisi mo ba ako?" tanong ko sa kanya.
"Hindi kita sinisisi anak, gusto ko lang na magka ayos na kayo ng papa mo dahil
baka mahuli ka at mawala na lang siya bigla." ani ni mama. Siguro tama si mama
dahil siya lang ang mama ko na palaging nakaka alam ng makakabuti para sa akin.
"Mama" naiiyak na sambit ko. Lumapit naman sa akin si mama at niyakap ako.
"Hindi pa huli ang lahat anak, magpatawad ka anak. Dalawin mo siya sa ospital" ani
mama habang inaalo ako.
"Sorry po mama" pag hingi ko ng tawad kay mama at niyakap siya ng mahigpit.
"Sige na anak mag-ayos ka. Ipapasama ko si Chard sayo sa ospital" sabi ni mama at
humiwalay na kami sa yakapan namin.
"Sige po mama" tumango sa akin si mama at lumabas na ng kwarto ko.
Pumasok na ko sa bathroom at naligo. Pagtapos kong maligo agad akong nag-ayos at
lumabas na ng kwarto ko. Naglakad ako pababa hanggang sa makarating ako sa sala
namin. Nakaupo si Chard sa pang-isahang upuan na parang isang model sa sobrang
gwapo at ganda ng katawan.
"Tara na" anyaya ko kay Chard bago ko pa siya pagpantasyahan. Tumayo naman siya at
sabay kaming naglakad papunta sa garahe. Pinagbuksan niya ko ng kotse niya sa front
seat. Umikot siya at sumakay.
"Handa ka na ba talaga?" tanong sa akin ni Chard habang nagmamaneho siya.
"Oo, tama si mama. Hindi natin alam ang pwedeng mangyari bukas o sa susunod pa na
mga araw. Baka isang araw mawala na lang si papa ng hindi man lang kami nag kaka-
ayos" ani ko habang nakatingin sa mga palad ko na nasa ibabaw ng lap ko.
"Nandito lang ako palagi sa likod mo" sabi ni Chard at hinawakan ang kamay ko.
"Salamat Chard at palagi kang nan diyan para sa akin" nakangiting sambit ko sa
kanya.
"Syempre hindi ko pwedeng pabayaan ang magiging asawa ko at ina ng mga anak ko"
nakangiting sambit sa akin ni Chard. Ang bilis bilis nanaman ng tibok na puso ko.
"Mag focus ka nga sa pagmamaneho mo" sita ko sa kanya pero kinikilig talaga ko.
Sana nga kami pa rin ni Chard sa huli.
"Opo" sagot niya na nagbigay ng ngiti sa akin.
Pagdating namin sa ospital kinakabahan akong naglakad papunta sa room ni papa. "Sa
tingin mo may bantay si papa?" kinakabahang tanong ko kay Chard.
"Huwag kang kabahan Alzola, alam mo naman nandito lang ako sa tabi mo" ani Chard
habang hawak ng mahigpit ang mga kamay ko.
Nang matapat kami sa kwarto ni papa agad akong kumatok. Bumukas naman ito at isang
babae ang nagbukas nito si tita Rose Anne. Ang kapatid ni papa.
"Cyrine, ikaw pala. Tuloy ka" pinapasok kami ni tita. Napatingin naman ako sa
nakahiga sa hospital bed. Hindi ko maiwasan na sisihin ang sarili ko. Kung hindi ko
ba siya iniwan sa restaurant hindi kaya siya aatakihin? Kung kinausap ko lang
siguro siya ng maayos wala siya sa ganitong kalagayan ngayon.
"Tita nagdala po kami ng prutas para kay papa" sabi ko at inabot sa kanya ni Chard
ang basket na punong puno ng prutas na pinadala sa amin ni mama.
"Salamat Cyrine, may ipinabibigay nga pala sayo ang papa mo" ani tita at inabot sa
akin ang isang sulat at may kasamang kwintas. "Iwan ko na muna kayo dito" sambit ni
tita at lumabas na. Naupo naman si Chard sa sofa.
Lumapit ako kay papa at naupo sa upuan na katabi ng kama niya. "Papa, sorry po kung
hindi ko kayo kinausap ng maayos kahapon. Kung kinausap ko po sana kayo ng maayos
hindi mangyayari sa inyo ito" naiiyak na sabi ko. Binuksan ko ang sulat ni papa at
binasa ito.
Anak ko, patawarin mo ko sa lahat ng nagawa kong kasalanan sa inyo ng mama mo.
Pinagsisisihan ko na ang lahat ng yun. Alam kong hindi mo pa ko kayang patawarin sa
ngayon pero sana dumating ang araw na kaya mo na kong tawaging 'papa' ulit. Mahal
na mahal kita anak ko sana mapatawad mo ang papa mo.
Hindi ko naman na pigilan ang luha ko na mag si tuluan. "Pinapatawad na kita papa,
kaya please bumangon ka na diyan. Maglalakad tayo sa park tulad ng ginagawa natin
dati. Please papa bumangon ka na po. Sorry dahil sa akin kaya nandiyan ka ngayon.
Papa gumising ka na" naiiyak na sambit ko. "Papa ko..."
"shh" pagpapatahan sa akin ni Chard. Hindi ko naramdaman na nakalapit na pala siya
sa akin ngayon.
"Chard, dahil sa akin kaya nandito si papa ngayon. Kung kinausap ko sana siya ng
maayos kahapon wala siya dito" umiiyak na sabi ko ka Chard.
"Huwag mong sisihin ang sarili mo. Pagnalaman ng papa mo na sinisisi mo yung sarili
mo hindi siya matutuwa. Wala kang kasalanan Alzola ko" sabi sa akin ni Chard na
kinagaan ng pakiramdam ko.
"Matagal ng may sakit sa puso ang papa mo. Ayaw niya lang mag pagamot kaya lumala
kaya huwag mong sisihin ang sarili mo" singit naman ni tita na bumalik na pala.
"Kelan pa po ba yung sakit ni papa?" tanong ko kay tita.
"Bago kayo iwan ng papa mo. Kaya niya kayo iniwan dahil ayaw niyang pati ang sakit
niya ay intindihin niyo pa" parang tumigil nanaman ang oras ko ng sabihin ni tita
yun.
"Gi-ginawa yun ni papa?" nauutal na tanong ko. Tumango naman sa akin si tita.
Napatingin ako sa kwintas na binigay ni papa.
Bakit mo ginawa yun papa? Bakit mo tinago sa amin ni mama. Pero nangyari na ang
lahat na nangyari. Wala na kong magagawa kundi ang antayin ang dadating na bukas.
Antayin kung ano ang bagong mangyayari sa buhay ko at sa buhay ng mga mahal ko sa
buhay.
"Aalis na ba kayo?" tanong sa amin ni tita.
"Opo tita, dadalaw na lang po ulit ako sa susunod" sabi ko at lumingon ulit kay
papa.
"Mag-ingat kayo sa pag-uwi" tumingin ulit ako kay tita at tumango. Lumabas na kami
ni Chard sa kwarto ni papa. Sabay kaming naglakad papuntang kotse ni Chard habang
hawak-hawak niya ang bewang ko.
Pagkasakay namin ng kotse agad niya itong pinaandar habang ako ay tulala lang na
nakatingin sa dinaraanan namin. Bakit ginawa yun ni papa? Pwede naman naharapin
namin yung sakit niya ng sabay-sabay kami. Pero sinarili niya lang yung problema
niya.
"Nandito na tayo" ani Chard. Kung hindi pa siya nagsalita hindi ko pa malalaman na
nandito na kami sa bahay. Bumaba na ko ng kotse at dirediretso na pumasok sa bahay.
Umakyat ako sa kwarto nila mama at kumatok doon bumukas naman agad ito.
"Cyrine" agad akong yumakap kay mama. Feeling ko ang sama kong anak dahil nasigawan
ko siya kahapon.
"Alam ko na ang lahat mama" sabi ko kay mama habang nakayakap pa rin sa kanya.
"Anong pakiramdam anak?" tanong sa akin ni mama at humiwalay sa yakap namin.
"Nakahinga ako ng maluwag mama, pero bakit sinolo ni papa yung problema niya at
hindi sinabi sa atin?" tanong ko kay mama at naupo kami sa sofa sa loob ng malaki
nilang kwarto.
"Baka tinadhana na mangyari yun. Tignan mo may umalis pero may dumating rin na
bago" napatango na lang ako sa sinabi ni mama.
"Sige po mama, bababa na po ako" pag papaalam ko at lumabas na ng kwarto nila mama.
Pagbaba ko sa kwarto ni mama agad akong pumunta sa kitchen para uminom ng tubig.
Pagtapos kong uminom ng tubig nakasalubong ko ang isa sa mga katulong sa bahay.
"Ma'am Cyrine may package po na dumating para sa inyo" ani nito. May bago nanaman
pala.

"Nasan na ang package?" tanong ko sa katulong.


"Nasa kwarto niyo na po ma'am" agad naman akong pumunta sa kwarto ko at baka makita
pa yun ni Chard.
Pagpasok ko sa kwarto ko wala naman si Chard doon kaya agad kong kinuha ang package
sa ibabaw ng kama ko at pumasok sa bathroom. Binasa ko ang letter na nakasulat. "5
days before your birthday" balak yata ng stalker ko na mag padala hanggang sa
birthday ko.
Binuksan ko iyon at bigla akong kinabahan. Natakot ako sa nakita kong isang picture
sa loob nun. Picture ng isang C.R na maraming dugo. Naalala ko yung nangyari sa
akin nung grade 3 ako. Agad kong sinara ang box at lumabas ng bathroom tsaka
itinago sa ilalim ng kama ko. Napaupo na lang ako sa lapag at mukhang inatake
nanaman ako ng trauma ko.
"Alzola ko, are you ok?" nag-aalalang tanong sa akin ni Chard.
"O-ok lang a-ako" nauutal na sagot ko. Ayokong mag-alala pa siya sa akin.
"Namumutla ka. Ano bang nangyari?" nag-aalala pa rin na tanong niya.
"Na-nagugutom lang si-siguro a-ako" nauutal pa rin ako at baka mahalata na ni
Chard.
"Tara kumain ka muna" inalalayan niya kong tumayo. Habang naglalakad kami naka-
alalay lang sa akin si Chard hanggang makarating kami sa dining room.
Pinaghanda niya ko ng pagkain at agad ko naman itong kinain. Pero mukhang hindi pa
rin nawawala ang takot ko. Kailangan ko ng uminom ng gamot ko pero hindi dapat
makita ni Chard yun dahil mag-aalala lang siya sa akin.
"Ok ka lang ba talaga Alzola? Namumutla ka pa rin" nag-aalalang tanong sa akin ni
Chard.
"Ok lang ako pakikuha na lang sa taas ang phone ko" sambit ko sa kanya, tumango
naman siya at umalis na. Pagka-alis niya agad akong nagtungo sa kitchen at kumuha
ng gamot ko doon. Agad ko itong ininom. Binalik ko ang gamot sa ref. Bigla naman
akong nakaramdam ng hilo.
Matutuba na sana ako ng biglang may sumalo sa akin. "Cyrine, Cyrine" nag-aalalang
sambit ni daddy habang mahinang tinatapik ang pisngi ko. Hanggang sa unting-unti na
akong nilamon ng kadiliman.

"Doc kumusta ang anak ko?" rinig kong tanong ni mama habang nakapikit pa rin ako.
"Ok naman siya. Inataki nanaman siya ng trauma niya at hindi niya sinabi sa inyo"
sagot ng doctor. Idinilat ko ang mata ko at nakita kong nandito ako sa loob ng
kwarto ko.
"Mama" ani ko. Lumapit naman sa akin si mama at hinawakan ang kamay ko.
"Bakit hindi mo sinabi sa amin na inatake ka nanaman ng trauma mo?" nag-aalalang
tanong sa akin ni mama.
"Hindi ko po alam mama akala ko nagugutom lang ako" Pagsisinungaling ko.
"Anong nangyari bago yun?" seryosong tanong sa akin ni Chard na nakaupo lang sa
sofa ko.
"Basta umakyat ako dito sa kwarto ko at bigla na lang akong nanghina"
pagsisinungaling ko ulit.
"Buti na lang at nasalo kita kanina kasi kung hindi baka tumama na yang ulo mo sa
marmol" sabi naman ni daddy na nag-aalala rin sa akin.
"Huwag na po kayong mag-alala. Ok na po ako" nakangiting sabi ko.
"Basta Cyrine kapag may nakita ka na nagpapa-alala sa trauma mo iwasan mo na agad"
sambit ng doctor.
"Salamat doc, ihahatid na kita" sabi ni daddy sa doctor at lumabas na sila kaya
kami na lang nila Chard at mama ang naiwan dito.
"Maiwan na kita dito. Si Chard na ang bahala sayo" sabi ni mama at lumabas na ng
kwarto ko. Kaya naman kami na lang ni Chard ngayon sa kwarto.
"Nag-alala ako sayo ng makita kita na walang malay habang buhat buhat ka ni tito"
sabi ni Chard at tumabi ng higa sa akin.
"Ok na ko Chard, wag ka ng mag-alala" nakangiting sabi ko sa kanya.
"Sa susunod kapag may nararamdaman ka sabihin mo na agad sa akin" sambit niya at
hiniga ako sa matitigas na dibdib niya. Kaya naman rinig na rinig ko ang mabilis na
tibok ng puso niya tulad ng akin.
"Chard, ang bilis ng tibok ng puso mo" ani ko at mas diniin ko pa ang tenga ko para
mas marinig ko pa ang mabilis at malakas na tibok ng puso niya.
"Kasama ko kasi ang babaeng mahal na mahal ko"

Episode 23
Cyrine's POV

8:05 A.M pa lang nagising na ako. Naisipan ko na gawan ng breakfast si Chard. Kaya
naman iniwan ko na muna si Chard sa kama ko at pumasok sa bathroom. Ginawa ko ang
morning routine ko at lumabas na ng bathroom. Napatingin naman ako kay Chard na
tulog na tulog pa rin sa ibabaw ng kama ko.
Naglakad na ako pababa papuntang kitchen. Pagdating ko sa kitchen wala pa si manang
kaya naman gumawa na ako ng pancakes, eggs and bacons. Gumawa na rin ako ng kape
para kay Chard at nilagay ko lahat ito sa isang tray.
Maingat akong naglakad paakyat sa kwarto ko para hindi matapon. Pagdating ko sa
tapat ng kwarto ko nilapag ko na muna ang tray tsaka binuksan ang pintuan. Pagbukas
ko ng pintuan agad kong kinuha ang tray at pumasok na sa loob ng kwarto ko.
Inilapag ko na muna sa bedside table ang tray tsaka lumapit kay Chard.
"Chard, wake up" paggising ko sa kanya habang mahinang tinatapik ang pisngi niya.
Pero hindi pa rin siya bumabangon. "Chard, I cooked for you" agad naman siyang
napadilat at hinalikan ako sa labi ko.
"Goodmorning Alzola ko" nakangiting sambit niya.
"Goodmorning Chard" nakangiti rin na sambit ko. "Kumain ka na"
"Sabayan mo ko" sambit niya. Madami naman yung niluto ko kaya kasya ito sa aming
dalawa.
"Sige" sagot ko at kinuha ang tray at nilagay sa ibabaw ng kama ko.
"Subuan mo na rin ako" nakangiting ani nito. Tumusok ako sa pancake at sinubo iyon
sa kanya.
Masaya kaming kumakain ni Chard. Habang sinusubuan ko siya. "Chard, mag bike tayo"
anyaya ko sa kanya.
"Hindi ako marunong" sagot niya na kinatigil ko sa pagkain ng pancake.
"Seryoso ka?" tanong ko habang pinipigilan ang tawa ko.
"Yeah" ani nito na kinatawa ko ng malakas.
"HAHAHAHAHA akala ko naman wala kang hindi kayang gawin. Yun pala simpleng pag bi-
bike lang hindi ka marunong." natatawang sabi ko sa kanya habang siya ay
nakangiting nakatitig lang sa akin.
"Pero kaya kong magpalipad ng eroplano kesa diyan sa patpatin na bike" mayabang sa
sabi niya sa akin.
"Oo na HAHAHAHA" natatawa pa rin na sambit ko.
"Kailan mo gustong mag bike?" tanong niya sa akin.
"Pagtapos sana nating kumain" sagot ko habang sinusubuan ko na ulit siya.
"Mag-ayos ka na pagtapos natin kumain. Just wear simple jogging pants and t-shirt"
tumango naman ako at pumasok na sa walking closet ko. Nagsuot ako ng jogging pants
at t-shirt tulad ng sabi niya.
Pagtapos kong mag bihis agad akong lumabas ng walk in closet ko. Paglabas ko wala
na si Chard pati na rin ang pinagkainan namin. Lumabas na ako ng kwarto ko at
sumilip sa kwarto niya pero walang bakas na Chard kaya naman bumaba na ako. Pagbaba
ko nakita ko si Chard na hawak na ang bike ko.
Kinuha ko naman ito sa kanya at sumakay ako tsaka nag umpisa na paandarin ito.
"Mag-ingat ka!" rinig kong sigaw ni Chard. Nagbike ako hanggang makarating sa park
dito sa village namin. Inikot-ikot ko ang buong park hanggang sa mapagod ako. Naupo
muna ako sa bench.
"Ang saya mag bike" masayang sabi ko at sumandal sa bench.
"Uminom ka na muna ng tubig" abot sa akin ni Chard ng tubig. Nakita ko naman ang
kotse niya na nasa likod ng bike ko.
"Kanina mo pa ako sinusundad?" tanong ko sa kanya.
"Oo at inikot mo talaga ang buong park" sambit ni Chard at naupo sa tabi ko tsaka
pinunasan ang pawis ko.
"Ang galing ko bang mag bike?" nakangiting tanong ko kay Chard habang pinupunasan
niya pa rin ang pawis ko.
"Yeah, natuto nga agad ako" mayabang na sabi nito.
"Talaga ba?" tanong ko sa kanya.
"Gusto mo makita?" tanong niya sa akin na kinatango ko. Tumayo siya at sumakay sa
bike ko. "Umangkas ka sa likod" agad naman akong naupo sa likuran at kumapit kay
Chard.
"Mag-ingat ka Chard, baka mahulog ta.." hindi ko na natapos ang sinasabi ko ng mag
umpisa siyang mag pidal at ang galing nga niya. "Wow marunong ka na nga" manghang
sabi ko.
"Mabilis lang akong matuto. Kahit na panoorin ko lang natututo agad ako" mayabang
na sabi niya.
"Ang hangin naman ditoooo" pag paparinig ko. Mas binilisan naman niya ang pag bi-
bike kaya napakapit ako ng mahigpit sa kanya.
"Ang hangin diba" sarcastic na sabi nito kaya naman hinampas ko ang likod niya.
"Ang hangin mo!" inis na sabi ko sa kanya na kinatawa niya lang.
Nag-ikot pa kami sa park hanggang sa napagpasyahan namin na umuwi na. Sinakay ni
Chard ang bike ko sa kotse niya at pinagbuksan ako. Ilang minuto lang at nakarating
na kami sa bahay namin. Lumabas na kami ng kotse ni Chard.
"Ikaw na ang bahala sa bike ko" sabi ko sa kanya at pumasok na sa loob ng bahay.
Nakita ko naman ang isang package sa ibabaw ng table sa sala namin. Agad ko itong
kinuha at inakyat sa kwarto ko. Binasa ko ang nakasulat. "4 days before your
birthday, leave him alone" bubuksan ko na sana ang box ng biglang nag ring ang
phone. Itinago ko na lang muna sa ilalim ng kama ko ang box.
Kinuha ko ang phone ko at sinagot ito.
[Sis, magkita tayo mamaya sa cafe shop]
"May problema ba Alexie?"
[Wala naman Cy, may sasabihin lang ako sayo]
"Sige mga anong oras ba?"
[3 P.M para hindi masyadong mainit]
"Ok, ok"
[3 P.M na yan baka naman ma late ka pa]
"Bye na"
Binaba ko na ang cellphone ko ng bigla naman may yumakap sa akin mula sa likuran
ko. "May lakad ka?" tanong sa akin ni Chard habang inaamoy ang buhok ko.
"Magkikita kami mamaya ni Alexie" sagot ko sa kanya habang ninanamnam ang masarap
na yakap niya.
"Sama ako" malambing na sambit niya.
"Sige" hindi naman magagalit si Alexie kung isasama ko si Chard.
"Tara kumain na tayo ng lunch" anyaya sa akin ni Chard na kinatango ko naman.
Sabay kaming naglakad pababa papuntang dining room. Naupo na kami at tulad ng dati
pinagsasandukan pa rin ako ni Chard.
"Kumusta ang kumpanya mo Chard?" tanong ni daddy kay Chard.
"Maayos naman tito" sagot ni Chard.
"Balita ko pinalayas mo daw si Mr. Dela Pena" sambit ni daddy. Naalala ko si Mr.
Dela Pena yung manyakis na panot.
"Masyado kasing manyak at hindi siya pwede sa kumpanya ko" seryosong sagot ni
Chard.
"Manyak talaga yung matandang yun parang walang asawa't mga anak na babae" ani
daddy.
"Huwag niyo ngang pag-usapan yan sa hapag kainan" saway ni mama sa kanila.
Tumahimik naman sila daddy at kumain na lang. Pagtapos namin kumain agad akong
umakyat sa kwarto ko at naligo na. Mabagal pa naman akong kumilos at baka ma late
pa ko sa usapan namin ni Alexie. Pagtapos kong maligo agad akong nagbihis at nag-
ayos.
Pagtapos kong mag-ayos inantay ko na lang na mag 2:40 para umalis. For the first
time ang aga kong natapos. Habang si Chard naman ay busy lang sa cellphone ko.
Nang mag 2:40 na niyaya ko na si Chard na umalis. Sumakay kami sa kotse niya
hanggang sa makarating kami sa cafe shop. Hawak-hawak ni Chard ang kamay ko habang
papasok kami sa loob ng cafe.
Pagpasok namin agad kong nakita si Alexie na katabi si Raymart. Lumapit kami sa
kanila. "Kasama mo nanaman ang driver mo" nakangising sambit ko at tumingin kay
Raymart.
"fiancé na niya ko ngayon" mayabang na sabi ni Raymart na kinalaki ng mata ko.
"Doon ka na nga sa kabilang table mag-uusap na kami ni Cyrine" pagtataboy ni Alexie
kay Raymart.
"Doon ka na lang rin muna Chard" tumango naman si Chard at umupo na rin sa kabilang
table. Naupo naman ako sa tapat ni Alexie.
"Cyrine, hindi na tuloy ang pag punta natin sa U.S" sambit ni Alexie.
"Bakit?" takang tanong ko sa kanya.
"Ikakasal na ako" sabi nito napatingin naman ako sa suot niyang singsing.
"Anong nangyari at bigla kang magpapakasal?" hindi makapaniwalang tanong ko sa
kanya.
"Mahabang kwento sis" sabi nito at umirap.
"Congrats sis, dapat bridesmaid ako" nakangiting sabi ko sa kanya.
"Thank you Cy, bridesmaid ka talaga" nakangiting ani Alexie.
"Kelan ba ang kasal?" tanong ko sa kanya.
"Civil wedding muna then after kong manganak sa simbahan naman" nakangiting sambit
ni Alexie. Mukhang masaya naman siya sa buhay niya ngayon kaya susuportahan ko na
lang siya.
"Alam na ba ito nung tatlo?" tanong ko ulit kay Alexie.
"Pinapunta ko na rin sila dito para masabi ko na" sagot ni Alexie.
Bigla naman may lumapit sa amin na dalawang lalaki.
"Pwede ba kaming maki-upo?" tanong nung isang lalaki. Sasagot na sana si Alexie ng
biglang may sumagot sa likod nito.
"Maraming bakanteng upuan" seryosong sambit ni Ayen at naupo na sa amin.
"Sa amin pwede kayong maupo" sabay na sabi ni Gab at Andrew. Nainis naman ang
dalawang lalaki at umalis na.
"Maupo na kayo dito" anyaya ko kay Gab at Andrew.
"Wait, nandito rin pala si Chard at Raymart" malanding sabi ni Gab.
"Dito na rin kayo maupo" anyaya ni Andrew sa dalawa. Tumayo naman sila at lumipat
sa table namin. Tumabi sa akin si Chard habang si Raymart ay naupo sa tabi ni
Alexie.
"May lovelife ang dalawa naming kaibigan" nakangising sambit ni Gab.
"Ano bang sasabihin mo Alexie?" tanong ni Ayen kay Alexie.
"Ikakasal na a.." hindi na natapos ni Alexie ang sasabihin niya ng sumingit bigla
si Gab.
"Ikakasal ka? Sheeemay ang bilis naman. Paano nangyari yun? Wala ka ngang
boyfriend. Niloloko mo ba kami Alexie?" dire-diretso na sabi ni Gab.
"Ikakasal ka na? bridesmaid ako sis tapos partner kami ni Raymart" maarteng sabi ni
Andrew na kinatawa ko.
"HAHAHAHAHAHA, bridegroom si Raymart loka ka" napanga-nga naman si Gab, Andrew at
Ayen sa sinabi ko.
"Sa driver mo? Sa kanya ka ikakasal?" hindi makapaniwalang sambit ni Ayen.
"Nag sinungaling lang ako sa inyo na driver ko siya" nahihiyang ani Alexie at
napayuko.
"Sheeems bakit ang swerte ng mga kaibigan natin sa lalaki tapos tayo wala man lang
kahit isaaaa" sabi ni Gab na kunyaring umiiyak.
"Bigyan niyo naman kami ni Gab. Baka naman Alexie and Cy. Kahit konting biyaya
lang" sabi naman ni Andrew na kinatawa namin ni Alexie.
"Mag karoon muna kayo ng ganitong ganda" sabi ko kila Gab at Andrew tsaka sila
inirapan.
"HAHAHAHA tsaka wala naman kayong pepe" pabulong na sabi ni Alexie.
"Yung bibig mo Alexie, ayan nanaman" sambit ni Ayen na kinairap ni Alexie.
"Sorry po papa" nagtawanan naman kaming apat sa tinawag ni Alexie kay Ayen.
"Ay Alexie may nakalimutan kang sabihin sa kanila" naalala ko hindi pa niya
nasasabi na buntis siya.
"Ano yun sis?" tanong ni Gab kay Alexie.
"Bu-buntis ako" nauutal na sabi ni Alexie. Bigla naman tumayo si Ayen at sinapak si
Raymart.
"GAGO KA BINUNTIS MO AGAD ANG KAIBIGAN KO BAGO MO PAKASALAN!" galit na sabi ni Ayen
habang sinasapak niya si Raymart. Hindi naman lumalaban si Raymart.
"Chard awatin mo" natatarantang sabi ko. Lumapit naman si Chard at inawat si Ayen.
"Tama na" mahinahong sambit ni Chard. Inalalayan naman ni Alexie si Raymart.
"GAGO KA!" galit na sabi ni Ayen at lumabas na ng cafe shop. Lahat naman ng tao ay
nakatingin na sa amin.
"Oh ano mga tsismosa't tsismoso tapos na ang palabas" sabi ni Gab sa mga tumitingin
sa amin akala mo naman hindi tsismoso.
"Ok ka lang ba?" rinig kong tanong ni Alexie kay Raymart.
"Mahina lang naman sumuntok yung kaibigan mo" nakangising sagot ni Raymart.
"Mahina lang talaga sumuntok yun" singit naman ni Andrew sa usapan ng dalawa.
"By the way ang wild mo pala Raymart, binuntis mo agad yung kaibigan ko. Paano kaya
si Cy at Chard?" sabi ni Gab at tumingin sa akin.
"Itigil mo nga yang kalaswaan mo" inis na sabi ko kay Gab.
"Nagtatanong lang naman ako sis" maarteng sambit ni Gab na kinairap ko na lang sa
kanya.
"Ang pangit ng tanong mo kasing pangit mo" pang o-okray ko kay Gab.
"Grabe ka naman sis" ani Gab habang kunyaring umiiyak. "Ang sama ng ugali niyang
girlfriend mo Chard" sabi ni Gab kay Chard na wala naman pakielam.
"Mauna na kami" biglang pag papa-alam ni Alexie at lumabas na sila ng cafe shop.
"Mauna na rin kami" pag papa-alam ko kila Gab and Andrew tsaka sila inirapan.
"Ihanap mo kami ng gwapo!" rinig kong sigaw ni Andrew bago kami makalabas ng cafe
shop.
Pinagbuksan ako ni Chard ng kotse at sumakay na rin siya. Pagkasakay niya agad
niyang pinaandar ang kotse niya.
"Nag-aalala ako baka magkagalit si Alexie at Ayen" sabi ko habang nasa byahe kami
pauwi.
"Maiintindihan rin yun ni Ayen" sagot ni Chard habang nakatingin pa rin sa
dinadaanan niya.
"Sana nga, grabe pa naman kung magalit si Ayen. Matagal bago humupa" ani ko noon
kasi nagalit siya sa amin tapos halos isang buwan niya kaming hindi kinausap.
"Everything will be ok" sabi ni Chard na kinatingin ko na lang sa bintana.
"Sana nga" sagot ko sa kanya.
"Akala ko noon may gusto sayo yang kaibigan mo" napalingon ako kay Chard ng sabihin
niya yun. "Pero ganun lang pala talaga siya sa inyo ni Alexie"
"Since elementary kami si Ayen ang palaging nagtatangol sa amin kahit na palagi rin
namin siyang inaasar" sambit ko habang nakatingin pa rin sa kanya.
"Ngayon nandito na ako. Kaya kitang ipagtanggol kahit sa korte pa yan"

Episode 24
Cyrine's POV

Tatlo lang kami ngayon na kumakain sa dining room dahil maagang umalis si Chard
papuntang Makati. May mahalagang gagawin daw siya ngayon.
"Cy, malapit na ang birthday mo may isusuot ka na ba?" tanong sa akin ni mama
habang kumakain kami.
"Marami pa kong damit na binili niyo sa Singapore" sagot ko kay mama at
pinagpatuloy na ulit ang pagkain ko.
"Mas maganda kung bumili tayo ng bago tsaka mag pasalon na rin tayo" masayang sabi
sa akin ni mama. Kaya naman hindi ko na tatanggihan ayaw ko naman na mawala ang
saya ni mama.
"Sige po, maliligo na ako" tapos na rin naman akong kumain. Lalabas na sana ako ng
dining room ng makasalubong ko si manang.
"Package para daw sayo Cyrine" sabi ni manang sabay abot sa akin ng package.
"Saan galing yang package?" takang tanong ni daddy sa akin.
"Nag order lang po ako sa online" pag sisinungaling ko kay daddy. "Sige akyat na po
ako" pagpapa-alam ko kila daddy at umakyat na sa kwarto ko.
Umakyat na ako ng kwarto ko. Pag-akyat ko sa kwarto ko agad kong nilapag sa kama
ang bagong package at kinuha sa ilalim ang isa pang package na nakalimutan kong
buksan kahapon.
Pagbukas ko ng package napatakip agad ako ng ilong ko dahil sa masangsang na amoy
ng dugo "Kadire naman yung nag padala nito" ang laman nito ay mga picture namin ni
mama na may dugo. "Ang creepy" bakit naman niya naisipan na padalhan ako ng ganito.
Sunod ko naman na tinignan ay yung bagong package. Binasa ko ang letter na
nakasulat "Mapapahamak ka lang kapag sumama ka pa sa kanya" ano bang pinagsasabi
nito? Binuksan ko ang box tulad kanina picture namin ng mga kaibigan ko habang may
dugo. Baliw na siguro ang nagpapadala nito. Nung una may pa chocolate pa ngayon
naman dugo na.
Kinilabutan naman ako. Sino naman ang magpapadala ng mga ganito? Tsaka sino ba yung
tinutukoy niya na layuan ko? Argg sumasakit lang ang ulo ko dito. Tinago ko na ulit
ang box sa ilalim ng kama ko.
Pumasok na ako sa bathroom. Pero habang naliligo ako iniisip ko pa rin kung sino ba
talaga ang mga nagpapadala ng package at kanino niya ko gusto palayuin? Hanggang sa
matapos akong maligo ayun lang ang nasa isip ko. Nagbihis na ako at nagsuot ng off
shoulder na croptop then high waist skinny jeans. Pagtapos kong mag-ayos ay bumaba
na ako.
"Tara na po mama" anyaya ko kay mama na nakaupo sa sofa kasama si daddy na
nakabihis na rin.
Sumakay kami sa kotse at ako sa backseat habang si mama sa frontseat at si daddy
ang nagmamaneho.
"Anong gusto mong unang gawin Cy?" tanong sa akin ni mama.
"Kahit ano na lang po mama. Kayo na po ang bahala" sagot ko iniintindi ko pa rin
kasi yung package na dumating sa akin.
"Sige mamili na lang muna tayo ng mga damit mo" masiglang sabi ni mama habang ako
ito at iniisip pa rin yung package na yun.
"Cy nandito na tayo" sabi ni daddy nakinatingin ko sa labas. Nandito na pala kami
sa mall at hindi ko man lang napansin. Bumaba na kami ni mama at pumasok sa loob.
Susunod na lang daw si daddy sa amin.
"Ok ka lang ba Cy?" tanong sa akin ni mama.
"Ok lang ako mama" nakangiting ani ko para hindi na siya magtanong pa.
Pumasok kami sa isang mamahaling boutique at agad na namili si mama ng damit na
isusuot ko. Magaling si mama pumili ng mga damit kaya ok lang sa akin na siya na
ang pumili ng isusuot ko. "Ito anak isukat mo lahat" sabi ni mama at inabot sa akin
ang limang dress.
"Sige po mama" sagot ko at pumasok na sa loob ng fitting room. Una kong sinuot ang
one shoulder dress na hanggang kalahati lang ng hita ko. Tumingin ako sa salamin at
ang sexy ko. Lumabas na ako para ipakita kay mama.
"Ang ganda mo Cy" nakangiting sabi ni mama.
"Syempre mana sa maganda kong mama" nakangiting sambit ko pero iniisip ko pa rin
talaga yung package.
"Pagnakita ni Chard yan ewan ko na lang" ani naman ni daddy na katabi ni mama.
"Sukatin mo naman yung iba" sambit ni mama kaya naman pumasok na ulit ako sa
fitting room. Sunod ko naman na sinuot ay yung V-neck dress na hanggang taas lang
ng tuhod ko. Kitang kita ang cleavage ko dito dahil sa lalim ng V-neck. Lumabas
ulit ako para ipakita kay mama.
"Dalagang dalaga na talaga ang anak ko" nakangiting sabi ni mama. Pumasok ulit ako
at sinukat naman ang pangatlong dress. Off shoulder dress ito na hanggang gitna ng
hita ko at may slit. Sobrang sexy ko dito dahil kitang kita ang curve ko at ang
makinis kong legs.
Lumabas na ako at pinakita ulit kay mama. "Hindi matutuwa si Chard nito" sambit ni
daddy na kinatingin namin sa kanya ni mama.
"Bakit naman? ang ganda nga ng anak ko at ang sexy pa" pagmamalaki sa akin ni mama.
"Mama, ayaw ko na pong mag sukat" sabi ko kay mama.
"Ok, bayaran na natin lahat yan" sabi ni daddy kaya naman bumalik ulit ako sa
fitting room para magpalit ulit. Paglabas ko agad na binayaran nila mama ang mga
pinamili namin.
"Mag salon naman tayo" masayang sabi ni mama na parang high school lang.
"Sige mama, magpapakulay na rin po ako ng buhok ko" nakangiting sabi ko.
Nagpunta kami sa salon at sinalubong agad kami ng isang bakla. "Good Day Mrs.
Carpio" masiglang bati sa amin ng bakla.
"Ikaw na bahala sa anak ko" sabi ni mama sa bakla. Inupo naman ako nito sa upuan.
"Ano bang gusto mong gawin sa buhok mo?" tanong sa akin ng bakla.
"Bawasan mo lang ng konti then kulayan mo ng heney blonde hair. Gusto ko rin na may
bangs ako" sagot ko sa bakla.
"Ok" masiglang sambit ng bakla. Inumpisahan na niyang ayusin ang buhok ko habang si
mama naman ay nagpapa spa.
"Cy, nagugustuhan mo na rin ba si Chard?" tanong sa akin ni mama na kinalunok ko ng
laway ko kung alam mo lang mama boyfriend ko na siya.
"Oo naman mama, hindi naman mahirap gustuhin si Chard" sagot ko na may ngiti sa mga
labi ko.
"So kelan mo siya sasagutin?" masayang tanong sa akin ni mama, nakonsensya naman
ako bigla kasi tinago ko sa kanila na may relasyon na kami ni Chard.
"Malapit na po mama" ani ko na kinatawa ni daddy sa likod ko namin ni mama.
"Paano naman si Miguel?" tanong sa akin ni mama.
"Kaibigan lang ang tingin ko kay Miguel" ibang-iba siya kay Chard. Sobrang layo ng
agwat nila sa isa't isa.
"Masaya ko kung kayo ni Chard ang magkakatuluyan" sabi ni mama na kinangiti ko.
Inabot pa ng ilang oras kami dito sa loob ng salon dahil nag pamanicure and
pedicure pa kami ni mama. Enjoy naman ako dahil bonding na rin namin ito nila mama
at daddy.
"Mag dinner na tayo" anyaya sa amin ni daddy.
"Si Chard po daddy?" tanong ko kay daddy. Napangiti naman si daddy sa tinanong ko.
"Papunta na siya dito" tumango na lang ako at naglakad na kami papunta sa
restaurant ni mama. Bigla naman may tumawag sa akin.
"Cyrine! ikaw nga Cyrine. Mas lalo kang gumanda sa bago mong buhok" papuri sa akin
ni Miguel. Pero mas maganda kung si Chard ang magsasabi nun.
"Thank you Miguel. Bakit ka nga pala nandito? Diba sa Manila ka nakatira" Mag ma-
mall na lang siya dito pa sa Los Banos pwede naman doon na sa Manila.
"Dumaan lang ako sa flower shop tapos didiretso na ko sa bahay niyo. Pero nandito
ka pala. Flowers for you" sabi nito at inabot sa akin ni Miguel ang flower.
"Sumama ka na rin sa amin mag dinner Miguel" anyaya ni mama na mukhang maling
gawin.
"Sige po tita para makapag-usap na rin kami ni Cy" ani ni Miguel at naglakad na
ulit kami papuntang restaurant.
Pagdating namin sa restaurant ni mama agad kaming naupo. Tumabi naman sa akin si
Miguel.
"May boyfriend ka na ba Cyrine?" tanong sa akin ni Miguel. Gusto ko sanang sabihin
na oo kaso nandito sila mama.
"Ahm wa-wala pa" nauutal na sambit ko. Pakiramdam ko kasi nagtataksil ako kay
Chard.
"Can I court you?" sheeeet anong gagawin ko??
"Hindi kasi ako nagpapaligaw tsaka na pag 18 na ako" pagsisinungaling ko kahit na
may boyfriend na talaga ako.
"Malapit na ang birthday mo. Invited ba ako?" tanong sa akin ni Miguel.
"Ah sige pwede kang pumunta" sagot ko sa kanya.
"Sa birthday mo uumpisahan ko na ang panliligaw ko" nakangiting sabi nito sa akin.
"Ahm excuse me muna restroom lang ako" pagpapa-alam ko sa kanila at agad na nag
punta sa restroom. Pagpasok ko agad akong naghugas ng kamay. Sheeeet mali talagang
sinama pa ni mama sa dinner si Miguel. Baka tuluyan ng maging monster si Chard pag
nakita niya yun dito.
Lumabas na ako ng restroom at pagbalik ko nakita ko si Chard na nakatingin lang sa
akin. Nginitian ko naman siya, kita ko sa mukha niya na mukhang pagod na pagod
siya. Naupo na ako sa gitna ni Chard at Miguel.
"Baka naman matunaw ang anak ko niyan Chard" sabi ni mama kay Chard na nakatingin
pa rin sa akin.
"You look more beautiful" bigla naman namula ang pisngi ko at bumilis nanaman ang
tibok ng puso ko. Bakit pag si Chard ang nagsasabi ang lakas ng epekto sa akin.
"Thank you Chard" nakangiting sambit ko sa kanya. Dumating naman na ang pagkain at
pinagsandukan ako ni Chard.
"Cyrine try this onion rings" sabi ni Miguel at lalagyan na sana niya ang pingan ko
ng pigilan siya ni Chard.
"Asshole she is allergic to that" inis na sabi ni Chard.
"Is that true?" tanong sa akin ni Miguel na mukhang napahiya, tumango na lang ako
sa kanya. "I'm sorry"
"Ok lang" ani ko. Pagtapos namin kumain agad naman kaming umuwi. Nakahinga ako ng
maluwag ng wala na si Miguel. Si mama at daddy ay magkasama sa kotse habang ako at
si Chard ang magkasama ngayon sa kotse.
"Mukhang napagod ka trabaho mo ngayon Chard" sabi ko habang nakatingin sa kanya na
nagmamaneho.
"Medyo ok na rin naman ako. Nakita na kita eh" napangiti naman ako sa sinagot niya.
"Ang layo kasi ng Makati dito tapos pagod ka na nga sa trabaho mo pagod ka pa sa
byahe" nag-aalalang sambit ko.
"Mas gusto kong mapagod basta makita lang kita tsaka nawawala naman yung pagod ko
pag nakita na kita" ani nito na kinabilis nanaman ng puso ko.
"Baka naman maaksidente ka niyan. Pagod ka sa trabaho then ba-byahe ka ng malayo"
ayoko naman na mawala siya sa akin.
"Hindi mangyayari yun kasi alam ko na may naghihintay sa akin" nakangiting sambit
nito.
"Huwag ka din magpapa-akit sa mga babae doon sa kumpanya mo" sabi ko dito.
"Sayo lang naman ako naaakit" nakangiting sambit nito na kinangiti ko rin.
Pagdating namin sa bahay agad kaming lumabas. Sabay kaming umakyat pumasok siya sa
kwarto niya habang ako naman ay sa kwarto ko. Naghalf bath na muna ako bago
matulog. Paglabas ko ng walking closet wala si Chard. Kaya naman pumunta na ako sa
kwarto niya.
Nakita ko siya na nakahiga na sa kama niya. Mukhang napagod nga siya sa
kakatrabaho. Lumapit naman ako sa kanya at inayos ang comforter niya.
"Mukhang pagod ka nga" tumabi ako ng higa sa kanya.
"Huwag mo kong iiwan Alzola ko" sambit nito habang nakapikit pa rin ang mga mata.
"Hindi kita iiwan Chard. Dito lang ako" sabi ko at yumakap sa kanya. Ilang saglit
lang at nakatulog na rin ako.

Katatapos lang namin kumain at nandito ako ngayon sa garden. Sigurado akong may
dadating nanaman na package. Mas maganda kung ako ang unang makakakita nun.
Nagdidilig lang ako ng bulaklak habang tumitingin sa gate kung may dadating ba na
package.
Maya-maya lang ay may dumating nga na package tulad ng inaasahan ko. Hindi ko na
hinintay na makapagsalita ang guard at kinuha ko na agad ito at tumakbo papunta sa
kwarto ko. Hinihingal na pumasok ako sa loob ng bathroom ko. Binasa ko ang
nakasulat.
"Iwanan mo na si Chard Peterson" sira-ulo ba ang nagpadala nito? Bakit ko naman
iiwan si Chard? Binuksan ko ang laman nun at puro picture ni Chard na may dugo.
"Kadire" agad kong sinara ang box at lumabas ng bathroom ko. Tinago ko na ito sa
ilalim ng kama ko.
So si Chard pala ang sinasabi sa sulat na iwan ko. Pero bakit ko naman siya
susundin? Isa lang yan threat. Dapat hindi ako mag pa apekto sa kanila. Arggg
sumasakit ang ulo ko kakaisip. Sino ba kasi ang nagpapadala ng mga iyon? Bakit niya
yun ginagawa sa akin? Wala naman akong nagawang kasalan. Arggg.
"Anong iniisip ng Alzola ko?" nagulat naman ako at nandito pala si Chard at yakap
ako mula sa likuran ko.
"Wa-wala naman" nauutal na sabi ko.
"Sabihin mo na sa akin" malambing na sambit nito habang inaamoy nanaman ang buhok
ko.
"Wala talaga Chard" nakangiting sabi ko at humarap sa kanya. "Iniisip ko lang kung
makakapunta ba sila lola sa birthday ko" pagsisinungaling ko nanaman.
"Sigurado akong pupunta sila. Ipapasundo ko sila sa helicopter ko" napangiti naman
ako sa sinabi ni Chard. Mukhang hindi ko talaga kayang iwan ang lalaking ito.
"Thank you Chard kasi dumating ka sa buhay ko" ani ko at hinalikan siya. Tumugod
naman siya halik ko at mas pinalalim niya pa ito. Ako naman ang naunang humiwalay
dahil parang mauubusan na ako ng hangin.
"Mahal na mahal kita Alzola ko. Huwag mo kong iiwan"

Episode 25
Cyrine's POV

Nandito lang ako ngayon sa kwarto ko at paulit-ulit na binabasa ang sulat na


nakalagay sa bagong package na dumating "Iwan mo siya o mamatay siya" Hindi ko
kayang iwan si Chard pero hindi ko rin namang kaya na mamatay siya. Hindi ko alam
kung ano ang dapat kong gawin. Kung ano ang tamang gawin. Porket mas masaya na ako
ngayon pinapapili na agad.
Pumasok ako sa walking closet habang bitbit ko ang box. Binuksan ko ito at agad ko
rin nabitawan ng nakita ko ang laman nun. Isang kutsilyo na puro dugo.
"Alzola?" rinig kong tawag sa akin ni Chard mula sa labas ng walking closet ko.
Agad ko naman tinago ang box sa lalagyanan ng mga sapatos ko at tumingin muna ako
sa salamin bago lumabas ng walk in closet ko.
"Bakit Chard?" nakangiting sagot ko kahit na punong puno ako ng kaba at takot.
Bakit yung kutsilyo may dugo? Sinaksak ba ito sa isang tao? Natatakot ako at baka
may gawin silang masama kay Chard.
"Ok ka lang ba? Namumutla ka" nag-aalalang sambit ni Chard. Ngumiti lang ako sa
kanya at hinalikan siya sa labi niya. Napaka gwapo niya sa suot niyang tuxedo.
"Ok lang ako. Ano tara na?" opening kasi ngayon ng bagong mall niya at siya rin ang
mag cu-cut ng ribbon. Nakasuot ako ng simpleng dress na hanggang taas lang ng tuhod
ko ang haba.
"Let's go" hinawakan na niya ko sa bewang ko at sabay kaming bumaba. Dumiretso kami
sa garahe at sumakay kami sa backseat. Pagkasakay namin agad na pinaandar ng driver
niya ang kotse.
"Sila mama nga pala?" tanong ko kay Chard habang nakasandal ako sa matitigas niyang
dibdib.
"Nauna na sila tita doon" sagot niya naalala ko naman bigla yung sulat. Hindi ko
alam kung anong gagawin ko.
Paano na lang kung bukas bigla na lang patayin si Chard? Paano kung mawala na lang
siya bigla sa buhay ko. Paano kung piliin ko na lang na iwan siya? Madaming tanong
sa isip ko. Pakiramdam ko sobrang gulo, sobrang gulo ng utak ko at gusto ko na lang
tumalon sa malalim na dagat.
"Alzola, kanina pa kita kinakausap. Naiintindihan mo ba yung sinasabi ko?" tanong
sa akin ni Chard.
"Sorry Chard, masakit lang ang ulo ko" pagdadahilan ko.
"Gusto mo ba na umuwi na lang tayo?" ani nito na kinailing ko ayaw kong masira ang
opening ng mall niya.
"Huwag na, malapit na rin naman tayo" sagot ko at nag focus na lang sa dinadaanan
namin.
Pagdating namin sa tapat ng bagong mall ni Chard agad niya kong inalalayan na
bumaba. Maraming mga camera ang nag fla-flash at marami ring mga reporters.
Hinawakan naman ni Chard ang bewang ko at sabay kaming nag lakad.
"Congratulation Mr. Peterson" bati sa kanya ng isang matandang lalaki na mukhang
businessman rin. Tanging tango lang ang tinugod ni Chard at dumiretso na sa ribbon
cutting.
"Mr. Peterson picture muna!" rinig kong sigaw ng photographer. Nagpicture naman
kami kasama ang iba pang businessman.
"Ikaw na ang mag gupit" sabi ni Chard sa akin at inabot ang gunting.
"A-ako?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"Yeah, soon to be Mrs. Peterson" bumilis naman ang kabog ng dibdib ko ng marinig
kong sabihin ni Chard yun. Kinuha ko sa kanya ang gunting at ako na ang gumupit.
Nagpalakpakan naman ang mga tao.
"Mr. Peterson pwede ka bang ma interview?" tanong ng isang reporter. Agad naman
pumalibot sa amin ang mga body guard ni Chard.
"Mr. Peterson sino po yang kasama niyo?" tanong ulit ng isang reporter. Pero si
Chard ay hinawakan na ang bewang ko at naglakad na kami papunta sa kotse. Pero ang
mga reporter ay sunod pa rin ng sunod sa amin.
"Saglit lang po Mr. Peterson!" pero kahit isa sa mga reporter wala man lang
tinignan si Chard. Pagpasok namin sa kotse agad na nag drive ang kanyang driver.
"Pag-uwi natin uminom ka agad ng gamot tapos mag pahinga ka para hindi magtuloy-
tuloy ang pagsakit ng ulo mo" sabi ni Chard habang nakasiksik sa leeg ko.
"Nakakahiya sa driver mo Chard" saway ko sa kanya.
"Wala yang pakielam sa atin. Gusto ko lang na amoyin ka buong araw" malambing na
sabi ni Chard. Sana hindi pa ito ang huli na pag-amoy niya sa leeg ko.
Hanggang makauwi kami ng bahay inaamoy niya lang ang leeg ko. Bumaba kami ng kotse
ni Chard at binuhat niya ko ng pa bridal style. "Ibaba mo na ako Chard, kaya ko
naman mag lakad" sabi ko sa kanya.
"Wag na, baka sumakit pa yang ulo mo" ani niya at tumahimik na lang ako hanggang sa
makarating kami sa kwarto ko. Dahan-dahan niya kong inihiga sa kama ko na para
akong isang babasaging bagay.
"Thank you Chard" nakangiting sambit ko, hinalikan naman niya ko ng mabilis sa labi
ko.
"Kukuha lang muna ako ng gamot mo" sabi niya at lumabas na ng kwarto ko. Tumayo
naman ako at pumunta sa walk in closet ko para makapag palit.
Pagkatapos kong magpalit ng pambahay maglalakad na sana ako palabas ng makita ko
ang sulat. Iwan mo siya o mamatay siya. Nang mabasa ko ulit ito agad akong
kinabahan. Hindi pa ako handa na magdesisyon. Hindi ko pa alam kung ano ba talaga
ang gagawin ko. Pero tumatakbo ang oras. Hindi ko maiwasan na isipin paano kung
bigla na lang nilang patayin si Chard? Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nangyari
iyon.
"Nandito ka lang pala" nakangiting sabi ni Chard agad ko naman nilukot ang sulat at
patagong tinapon ito.
"Nagbihis lang ako" nakangiti rin na sagot ko at lumabas na ng walk in closet ko.
"Inumin mo itong gamot" sabi ni Chard sabay abot sa akin ng isang basong tubig at
gamot.
"Thank you" sambit ko at ininom ang gamot.
"Magpahinga ka na lang muna" ani nito at inalalayan ako na mahiga.
"Tabihan mo ko Chard" nakangiting sambit ko. Baka kasi ito na ang huli. Huling
makakatabi ko siya.
"Baka naman may gawin kang masama sa akin" nakangising sabi nito sa akin.
"Sira-ulo HAHAHAHA" natatawang sabi ko.
"Ayan tumawa ka na" nakangiting sabi nito at tumabi sa akin. Yumakap naman ako sa
kanya.
"Hindi ba ako tumatawa?" nakangiting tanong ko sa kanya.
"Ngayong araw kasi hindi ka pa tumatawa. Madalang ka na lang rin tumawa nitong mga
nakaraang araw. May problema ba?" tanong niya sa akin. Pinigilan ko naman ang
sarili ko na umiyak dahil sa natatakot na ako sa mga pwedeng mangyari bukas at sa
susunod pang bukas.
"Wala naman, iniisip ko lang si papa" isa pa sa mga iniintindi ko ay si papa.
Kailan kaya siya magigising? Gusto ko na rin siyang makasama na maglakad sa park at
makapag-usap kami.
"Gusto mo pagtapos ng birthday mo puntahan natin siya?" malambing na tanong ni
Chard sa akin habang inaamoy nanaman ang buhok ko. Ang hilig niyang gawin yan.
"Sige" sagot ko, sana masamahan mo pa ako sa pagdalaw ko kay papa.
"Magpahinga ka na" ani nito at hinalikan ako sa noo ko na kinangiti ko. Unti-unti
ay nilamon ako ng kadiliman at nakatulog sa mga bisig ni Chard.

Nagising ako sa mga bisig ni Chard. Pagdilat ko agad kong nakita ang magaganda
niyang mga mata na nakatingin lang sa akin. Ang mga mata niya na hindi nakakasawang
pag masdan.
"Natulog ka rin ba?" tanong ko sa kanya habang pinagmamasdan ang itim na itim
niyang mga mata.
"No, mas gusto kong panoorin na natutulog ka" nakangiting sambit niya na kinabilis
nanaman ng puso ko. Bakit ba ako binigyan ng ganito ka gwapong boyfriend.
"Anong oras na?" tanong ko sa kanya.
"6:50 P.M" sagot niya habang magkayakap pa rin kami.
"Dinner na pala" ani ko at bumangon na.
"Masakit pa ba ang ulo mo?" tanong sa akin ni Chard habang hinihilot ang ulo ko.
"Ok na ako Chard. Thank you. I love youuu" malambing na sabi ko at hinalikan siya.
"I love you too Alzola ko. Tara kumain na tayo" tumango naman ako. Inalalayan niya
kong maglakad kahit kaya ko naman.
"Kaya ko naman maglakad. Huwag mo na akong alalayan" ani ko.
"Hayaan mo na ako" tumango na lang ako at hinayaan siya.
Hanggang makarating kami sa dining room inaalalayan ako ni Chard. Parang gusto na
nga niya kong buhatin papuntang dining room.
"Anak, ok ka lang ba?" nag-aalalang tanong sa akin ni mama.
"Ok lang po ako mama. Si Chard lang po kasi akala yata lumpo ako HAHAHAHA"
natatawang sabi ko.
"Alam mo naman yan si Chard, maalaga lang talaga sayo" sabi ni mama na kinangiti
ko.
Naupo na kami ni Chard at pinagsandukan ako ng ulam at kanin. Naalala ko nanaman
bigla yung threat na dumating sa akin kanina pati yung sulat. Kung iiwan ko ba si
Chard titigil na sila? Kaya lang pag-iniwan ko si Chard paano naman ang puso ko?
Pero kapag hindi ko naman siya iniwan pwede siyang patayin. Argggg paano na? Hindi
ko alam kung iintindihin ko ba ang puso ko o hindi.
"Anak, ayaw mo ba ng pagkain?" tanong sa akin ni mama.
"Ah gusto ko po mama" nakangiting sagot ko.
"Pero tignan mo nangyari sa pingan mo" napatingin naman ako sa pingan ko at para
itong dinaanan ng bagyo sa gulo.
"Busog pa po kasi ako mama" nakangiting parin na sagot ko.
"Wala ka pa ngang nababawas sa pagkain mo busog ka agad" nagtatakang sambit ni
mama.
"Ok ka lang ba Cyrine?" tanong naman sa akin ni daddy.
"Opo daddy ok lang ako" sagot ko kay daddy.
"Sigurado ka anak?" tanong ni mama na may halong pag-aalala.
"Opo,mama ok na ok. Aakyat na po ako" nakangiting pagpapa alam ko sa kanila at
umakyat na sa kwarto ko. Pumasok ako sa bathroom ko at hinubad ang saplot ko
maliban sa panloob ko. Nagbabad ako sa bath tub ko.
Pumikit ako at lumubog para makapag-isip ng maayos. Kung iiwan ko si Chard
mabubuhay siya. Mabubuhay siya ng tahimik habang hindi ako kasama. Mabubuhay siya
ng malayo sa akin. Mas mabuti yun para kay Chard pero hindi tama para sa puso ko.
Kapag iniwan ko siya tiyak na madudurog ang puso ko. Hindi ko alam kung kaya ba ng
puso ko na iwan siya. Pero kailangan kong kayanin kesa naman mamatay siya at mawala
ng tuluyan sa akin. Baka ikamatay na ng puso ko yun.
"Fuck! Alzola what are you doing?" nag-aalalang sambit ni Chard habang inaahon ako
sa bath tub. Isinuot niya sa akin ang isang bath robe. "Balak mo bang
magpakamatay!" galit na sabi ni Chard at nilabas ako ng bathroomko.
"Hi-hindi Chard, nag re-relax lang naman a-ako" nauutal na sabi ko sa kanya habang
nakaupo ako sa kandungan niya.
"Nag re-relax? Pero parang balak mong lunurin ang sarili mo" inis pa rin na sabi
nito. Hinalikan ko naman siya sa labi niya para matigil na siya.
"Relax lang po talaga. Wala akong balak mag pakamatay sira ka talaga" nakangiting
ani ko para hindi na siya mag-alala pa.
"Sabihin mo na kasi sa akin kung may problema ka. Pwede mo kong kausapin" No Chard,
I am the problem here.
"Wala akong problema, gusto ko lang talaga na mag babad sa bath tub" nakangiting
ani ko sa kanya.
"Ok, magbabad ka na ulit pero sasamahan na kita" namula naman ako ng sabihin niya
na sasamahan niya ako.
"Kahit huwag mo na ako samahan Chard" nahihiyang sabi ko.
"No, sasamahan kita" hinubad niya ang bath robe ko at binuhat ulit ako papasok sa
bathroom ko. Dahan dahan niya kong binaba sa bath tub.
Sunod naman niyang ginawa ay naghubad. Pinapanood ko siyang mag hubad. Sheeet ang
sarap ng abs niya. Naghubad siya hanggang sa boxer na lang ang matira at lumublob
na rin siya sa bath tub ko. Malaki naman ang bath tub ko kaya kasya kami.
"Chard" tawag ko sa kanya. Magkatapat ang pwesto namin ni Chard at hinihilot niya
ang mga paa ko.
"Hmm?" tanging sambit niya.
"I love you" nakangiting ani ko sa kanya napatingin naman siya sa akin at nginitian
rin ako.
"I love you too" sambit nito at hinila ako. Hinalikan niya ako ng malalim at ingat
na ingat. Tumugod ako sa halik niya at mas pinalalim pa ito. Humiwalay naman siya
sa akin "Baka kung saan pa umabot ito HAHAHAHA" namula naman ako sa sinabi ni
Chard.
"Sira ulo ka talaga" sabi ko at bumalik sa pwesto ko. Kahit papaano nakalimutan ko
ang threat na dumating sa akin.
Ilang oras pa ang tinagal namin sa bath tub hanggang sa mapag pasyahan ko na umahon
na. Nagbanlaw na ako habang si Chard naman ay sa bathroom niya nagbanlaw. Nagsuot
na ako ng pantulog at pinatuyo ang buhok ko bago mahiga sa kama.
Matapos kong magpatuyo ng buhok ay nahiga na ako sa kama ko. Pero hindi naman ako
dinadalaw ng antok dahil siguro natulog ako kanina. Dumating ang 12:00 A.M pero
gising na gising pa rin ako. Bumukas naman ang pintuan at pumasok si Chard na may
dala dalang cake.
"Happy Birthday to You, Happy Birthday to You, Happy Birthday, Happy Birthday,
Happy Birthday to You. Happy birthday Alzola ko. I love you" pinigilan ko naman na
umiyak dahil sa ginawa ni Chard para sa akin. Sobrang saya ng puso ko ngayon.
"Thank you Chard. I love you too" nakangiting sabi ko at hinipan na ang kandila.
Sobrang saya ko dahil sinalubong talaga ni Chard ang birthday ko.
"Taon-taon mo na akong makakasama sa mga birthday mo"

Episode 26
Cyrine's POV

Nakatingin ako ngayon sa mirror body size ko. I'am wearing a red fitted dress with
a high slit in front of the dress. Nakalugay lang ang maganda kong buhok at
naglagay lang ako ng simpleng make-up ngayong ang birthday ko.
Bumaba ako ng kwarto ko at nagtungo sa malaking garden namin. Dito naisipan na
ilagay ni mama ang long table namin para sa mga bisita ko. Habang naglalakad ako
bigla akong sinalubong ni Miguel.
"Happy birthday Cyrine" ani Miguel at hahalikan sana ako sa pisngi ko ng umatras
ako. Alam kong nanonood lang si Chard at handa ng magwala.
"Thanks Miguel, buti na lang at nakapunta ka" nakangiting sambit ko. Sana lang at
hindi magulo ang party ko dahil sa selosong si Chard.
"Asikasuhin ko na muna ang iba kong bisita" sabi ko at lumapit kila lola, lolo at
Katty na kararating lang.
"Happy birthday Cyrine, ang hot mo sa suot mo. Huwag mong kalimutan na ipakilala
ako sa gwapo" sambit ni Katty at bumeso sa akin.
"Thank you Katty. Mamaya ipapakilala kita sa kaibigan ko" nakangiting sabi ko.
"Happy birthday apo, ngayon ang araw na sasagutin mo na ang apo kong si Chard"
nakangiting sabi ni lola. Pero ang totoo lola ngayong araw ko ititigil ang ugnayan
namin ni Chard.
"Samahan ko na po kayo na maupo lola" pag-iiwas ko sa usapan namin. Sinamahan ko
silang maupo sa long table. Nandito na lahat ng bisita ko.
Inilapag na ng mga katulong ang mga pagkain sa long table. "Emmanuel, siya ba ang
asawa mo?" tanong ni lolo kay daddy sabay tingin kay mama na katabi lang ni daddy.
"Oo, siya nga" nakangiting sagot ni daddy kay lolo.
"Ang ganda ng asawa mo Emmanuel" nakangiting papuri ni lola kay mama.
"Lola, siya po ang mama ko" masayang sabi ko kay lola.
"Kaya pala kamukha mo siya apo. Parehas kayong maganda" nakangiting sabi ni lola sa
akin na kinangiti ko rin.
"Tara Cyrine, sumayaw tayo" anyaya sa akin ni daddy. Tumango naman ako sa kanya at
nag sayaw kami. Kahit papaano ay nakalimutan ko ang problema ko sa mga death threat
na dumadating. "Happy birthday Anak ko, mag enjoy ka sana sa birthday mo. Mahal na
mahal ka namin ng mama mo. Ingatan mo sana ang puso mo pati ang puso ni Chard" sana
nga po daddy mag enjoy ako. Sana rin at maingatan ko ang puso ko.
"Ako naman Emmanuel" ani ni lolo at siya naman ang nagsayaw sa akin. "Mahal na
mahal ka ng apo ko kaya huwag mo siyang pababayaan Cyrine. Dahil sayo naging masaya
ulit siya. Dahil din sayo kaya tumamis lahat ng mangga sa Guimaras" sabi ni lolo
habang sumasayaw kami. Pinigilan ko naman maiyak dahil sa sinabi ni lolo. Hindi ko
siya pababayaan lolo, hahayaan ko siyang mabuhay.
Sunod naman na nakipagsayaw sa akin ay si Raymart "Thank you Cyrine, dahil
tinulungan mo ko kay Alexie. Huwag na huwag mong iiwan si boss dahil baka
magpakamatay yan HAHAHAHA" natawa naman ako sa sinabi ni Raymart. Sira-ulo rin ang
isang ito.
"Kapag sinaktan mo si Alexie tutulungan daw ako ni Chard na patayin ka" natawa
naman siya sa sinabi ko. Sumunod naman ay si Miguel.
"Happy birthday Cyrine, starting today manliligaw na ako sayo" nakangiting sabi
niya na kinairap ko naman.
"Puro na lang ligaw yang nasa isip mo. Kada mag-uusap tayo ligaw na lang palagi
hayst" sabi ko at habang patuloy pa rin kami sa pagsasayaw.
"Syempre gustong gusto kita" sagot nito na kinairap ko ulit. Haynako may mahal na
ako.
"Ako naman" singit ni Ayen sa usapan namin na kinatuwa ko naman kasi nawala si
Miguel.
"Buti na lang at niligtas mo ako doon sa lalaking yun" nakangiting sabi ko kay
Ayen.
"Palagi naman kitang nililigtas" nakangiting sabi ni Ayen sa akin.
"May bago na akong tagapagligtas papa Ayen HAHAHAHA" natatawang sabi ko sa kanya.
"Happy birthday Cy, sigurado akong kayang kaya kang protektahan ni Chard. Gusto ko
siya para sayo" napangiti naman ako lalo kay Ayen.
"Akala ko wala kang pakielam" nakangusong sabi ko sa kanya.
"Palagi akong may pakielam sa mga kaibigan ko at mukhang may isang demonyo ang
galit na galit na HAHAHAHA" natatawang sabi ni Ayen. Napatingin naman ako sa likod
niya at nandoon na si Chard.
"It's my turn now" ani Chard.
Hinawakan niya ang bewang ko habang ang mga kamay ko naman ay pinulupot ko sa mga
batok niya.
"Chard may sasabihin nga pala ako sayo" sambit ko habang nakatitig sa mga mata
niya.
"Mamaya mo na yan sabihin. After this party, I have a surprise to you" nakangiting
sabi nito.
"Chard" tawag ko sa pangalan niya. Huwag mo naman akong pahirapan ng ganito.
"Sobrang sexy mo sa suot mo at gusto ko ng dukutin ang mata ng Miguel na yan
kakatingin sa katawan ng pag-aari ko." natawa naman ako sa sinabi niya dahil
lumalabas nanaman ang pagka possessive niya.
"Sexy ako? kesa sa mga model na nag kakagusto sayo?" nakangiting tanong ko sa
kanya.
"Yes, ikaw ang pinaka sexy sa mga mata ko Alzola. Ikaw lang at walang panama ang
kahit na sinong malanding model" bumilis nanaman ang tibok ng puso ko dahil sa
sinabi niya.
"Sabi mo yan huh" nakangiting sambit ko na kinangiti niya rin.
Matapos namin sumayaw hinatid na niya ako sa upuan ko. "I have a birthday message
for you Cyrine" sabi ni Katty at tumayo. "Happy, happy birthday Cyrine, masaya ako
para sa inyo ni Chard. Tulad ng sabi ko noon sana pag tiyagaan mo pa yang pinsan
ko" namula naman ako sa sinabi ni Katty.
"By the way Katty, si Ayen nga pala bestfriend ko" napatingin naman si Katty kay
Ayen at namula ang pisngi niya. Agad naman siyang naupo sa upuan niya dahil sa
nahihiya siya kay Ayen.
Sunod naman na tumayo ay si Gab "Happy birthday sis, alam kong masaya na ang puso
mo ngayon sana naman bigyan mo ko ng ganda" natawa naman kami sa huling sinabi ni
Gab. Kahit kalian talaga itong baklang ito.
Sunod naman ay si Andrew "Happy birthday sis, oo na at maganda ka na kaya naman
bigyan mo sana kami ni Gab ng pogi" nagtawanan ulit ang lahat dahil naman sa sinabi
ni Andrew. Puro talaga mga kalandian ang alam nitong dalawa.
Sumunod naman ay ang buntis kong kaibigan na si Alexie "Happy birthday Cy, thank
you sa lahat ng pag susuporta mo sa akin. Nandito lang ako, kami palagi para sa
iyo. I lab yaah" napangiti naman ako sa message ni Alexie. Siya lang kasi ang may
matinong sinabi bukod kay Ayen na may halong konting kalokohan.
Sumunod naman ay ang pinakamahalagang babae sa buhay ko. Ang mama ko. "Happy
birthday anak ko, makita lang kita na masaya ok na ako. Alagaan mong mabuti ang
puso mo. Mahal na mahal kita" nakangiting sabi ni mama na parang maiiyak na.
Napangiti rin ako kay mama.
Sunod naman ay ang lola ni Chard na lola ko na rin "Happy birthday apo, alagaan mo
lang si Chard para sa akin masaya na ako" lola bakit mo ko pinapahirapan na ganito?
"Thank you sa inyong lahat. Lahat kayo ay importante sa buhay ko at habang buhay
kong pahahalagahan. Sana magsama pa tayo sa mga susunod kong birthday. Enjoy my
party" masayang sabi ko sa kanilang lahat.
"Happy Birthday to You Happy Birthday to You Happy Birthday, Happy Birthday Happy
Birthday to You" sabay sabay na kanta nila habang hawak ni mama ang cake ko.
"Mag wish ka na anak" nakangiting sabi ni mama. Pinikit ko ang mga mata ko. Sana
maging maayos ang gabi ko. Then hinipan ko na ang kandila.
Masayang natapos ang birthday ko at ngayon ay nandito ako sa loob ng kotse ni Chard
habang nakapiring ang mga mata ko.
"Saan ba kasi tayo pupunta Chard?" tanong ko sa kanya.
"Surprise nga diba. Hindi na surprise yun pag sinabi ko sayo" sagot naman niya sa
akin. Tumahimik na lang ako hanggang sa huminto ang sasakyan. Pinagbuksan niya ko
ng pintuan at inalalayan na makababa. Nakakarinig ako ng mga alon. Mukhang nasa
dagat kami.
"Nasa dagat ba tayo Chard?" tanong ko sa kanya.
"Yes" sagot nito at inalis ang piring ko. Unting unting nag adjust ang mata ko at
nakita ko ang isang yacht na punong puno ng ilaw. May nakasulat rin na Peterson sa
yacht. "Let's go" anyaya niya. Sumakay kami sa yacht niya.
Pagpasok namin sa yacht niya agad na bumungad sa akin ang mga ilaw na nakasulat ay
'Happy birthday Alzola ko' May mga pictures ko din ang nagkalagay sa buong yacht.
Ang pinaka napansin ko ay ang isang malaking portrait painting ng mukha ko.
"Ginawa mo ito?" tanong ko sa kanya. Ang ganda nito. Halata sa mga mata ko ang
kasiyahan.
"Oo" sagot nito at niyakap ako ng mahigpit mula sa likuran ko. "Happy birthday
Alzola ko, I know I am not the most romantic man in the world. Hindi ako marunong
kumanta para sayo. Hindi ko kayang sumayaw para sayo. Pero kaya kitang ipaglaban sa
buong mundo. Kaya kitang ipaglaban kahit saang korte pa yan. Kaya kong ialay ang
buhay ko para sayo. Ganun kita kamahal Alzola ko" bumilis nanaman ang tibok ng puso
ko dahil sa sinabi ni Chard napaharap ako sa kanya.
"Chard.." hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kay Chard.
"Ikaw lang ang nagpapasaya sakin ng ganito Alzola, mahal na mahal kita. Pag nawala
ka mababaliw ako kaya wag na wag mo kong iwan baby" tuluyan ng bumagsak ang mga
luha ko na kanina ko ba pinipigilan.
"So-sorry.." nauutal na sambit ko habang umiiyak. Napatakip ako ng mukha para
maitago ang mga luha ko
"Why baby? Why are you saying sorry?" takang tanong ni Chard sa akin. Habang
inaalis ang mga palad ko na nakatakip sa mukha ko
"Ayoko na.." sabi ko habang patuloy pa rin ang pagluha ko.
"Why? may nagawa ba akong mali? Ayaw mo ba nitong surprise ko? May nasabi ba akong
mali? Tell me" sunod sunod na tanong ni Chard sa akin.
"No, no Chard. I love your surprise. I love all your effort for me. Pero dapat na
natin itigil ito" ani ko, para namang sinaksak ang puso ko ng makita ko ang luha ni
Chard. Umiiyak siya. Umiiyak siya dahil sa akin.
"No hindi ka makikipag hiwalay sa akin Alzola. You don't have a good reason!" galit
na sambit nito sa akin.
"I have a reason Chard at para sayo yun. Para sa ikabubuti mo" sabi ko habang
patuloy pa rin sa pag-iyak at patuloy pa rin na pagsikip ng dibdib ko.
"Give me a damn reason Alzola. Kasi mababaliw na ako. Mababaliw na ako kakaisip
kung may nagawa ba akong mali sayo" ani nito at patuloy pa rin sa pag-iyak. Hindi
ko kayang makita na umiiyak siya. Ang sakit sakit sa puso.
"Kailangan kitang iwan Chard para sa huli makita pa rin kita kahit na magkahiwalay
na tayo. Kailangan kitang iwan kahit na masakit. Kailangan ko itong gawin para
sayo. Ginagawa ko ito dahil mahal na mahal kita Chard" sagot ko sa kanya, parehas
kaming hindi kalmado at hindi ko alam ang dapat na gawin para kumalma kami parehas.
"Dahil ba ito sa lahat ng death threat na natatangap mo?" tanong niya sa akin na
kinatigil ko sa pag-iyak.
"Pa-paano mo nalaman?" ibig sabihin alam niya umpisa pa lang.
"I know everything Alzola! inantay kita. Inantay kita na aminin mo sa akin na may
natatangap ka na death threat. Inantay ko na magsasabi ka sa akin kasi ang alam ko
may tiwala ka sa akin. Pero wala. Wala kang sinabi sa akin Alzola!" nakonsensya
naman ako bigla dahil nagawa kong itago sa kanya ang tungkol sa death threat na
natatangap ko.
"May tiwala ako sayo Chard. Natatakot lang ako na baka patayin ka nila. Natatakot
ako na baka kinabukasan wala ka na sa tabi ko. Natakot ako Chard. Takot na takot
akong mawala ka. Mas gugustuhin ko na maghiwalay tayo kesa ang mawala ka ng tuluyan
sa akin" sabi ko sa kanya habang lumuluha nanaman. Alam kong masakit pero kailangan
kong mag pakatatag para sa kanya. Para sa taong mahal na mahal ko.
"Sa tingin mo mapapatay ako ng ganun ganun lang? Kahit kailan hindi ako natakot sa
mga death threat na dumadating sa akin. Mas natatakot ako kapag iniwan mo ko Alzola
ko" ani nito at lalapitan sana ako ng umatras ako.
"Please Chard. Huwag na natin pahirapan ang sarili natin. Mas masasaktan lang tayo"
umiiyak na sambit ko.
"Pero sa ginagawa mo ngayon Alzola nasasaktan na ako. Please Don't leave me"
pagmamakaawa niya sa akin. Ayaw kong nakikita siyang ganito. Kilala ko siya bilang
matapang na Chard. Kilala ko siya bilang monster na Chard pero ngayon para akong
dinudurog dahil sa mga luha niya. Para akong nadudurog sa Chard na nakikita ko
ngayon.
"Ikamamatay mo lang Chard pag pinagpatuloy pa natin ito" sambit ko.
"Mas ikamamatay ko Alzola kapag iniwan mo ako"

Episode 27
Cyrine's POV

WARNING!! MASESELANG BAHAGI

Mali ako. Maling mali ako. Nagalit ako kay papa noon kasi sinolo niya lang ang
problema niya. Nagalit ako sa kanya kasi hindi niya man lang nagawang sabihin sa
amin ni mamaang problema niya. Pero heto ako ngayon at sinolo rin ang problema ko.
Heto ako at gumawa ng isang desisyon na ako lang naman ang gumawa.
Lumapit ako kay Chard at niyakap siya ng mahigpit "I'm sorry, I'm sorry, I'm sorry
Chard" umiiyak na sambit ko. Niyakap rin ako ni Chard.
"Baby.." ani nito at pinapatahan ako. Kalmado na siya pero ako hindi pa.
"Mali ako Chard, dapat hindi ako naging duwag. Dapat sinabi ko sayo. I'm so sorry
Chard" sabi ko habang patuloy pa rin sa pag-iyak. Itinaas naman ni Chard ang mukha
ko at hinalikan. Mapusok ang paghalik niya sa akin. Tumugon ako dito at naghalikan
kami na parang wala ng bukas. Halik niya na gustong gusto ko.
Naghiwalay ang mga labi namin at hinawakan ni Chard ang magkabilang pisngi ko "I
love you Alzola ko. I love you"
"I love you Chard, I love you, I love you, I love you" paulit ulit na sambit ko at
hinalikan ulit siya. Binuhat naman niya ko ng pa bridal style ng hindi pinuputol
ang masarap na halikan naming dalawa. Dinala niya ko sa kwarto at hiniga habang
patuloy pa rin ang paghahalikan namin.
Bumaba ang halik niya papunta sa leeg ko at sinipsip niya ang mga balat ko doon.
Paulit-ulit niyang sinipsip ang balat ko doon hanggang sa bumalik siya sa mga labi
ko. "Are you sure with this?" tanong niya sa akin.
"Ba-basta hu-huwag mo kong bu-buntisin" nahihiyang sambit ko. Nagulat ako ng bigla
niyang sirain ang dress ko. "Oh my God! my dress" gulat na sambit ko.
"I can buy you many dresses" ani nito at unting unting inalis ang brasier ko. Nang
tuluyan na niyang maalis ang brasier ko tinakpan ko ito dahil sa hiya. Sheeet Cy
ngayon ka pa nahiya.
"Don't be shy. Akin ang lahat ng ito" sambit nito at sinubo ang nipple ko habang
ang isa ko namang suso ay nilalamas niya.
"Ahhh" ungol ko bakit ba kasi ang sarap ng ginagawa ni Chard. Habang si Chard ay
parang batang dumedede sa mga suso ko. Sarap na sarap siya sa pagdede habang ako ay
sarap na sarap rin sa ginagawa niya.
"I love your nipple Alzola. It's look like a strawberry" namula naman ako sa sinabi
niya. Sunod naman niyang sinuso ang kabila kong dede. Tulad kanina sarap na sarap
pa rin ako sa ginagawa niya. Naramdaman ko naman ang isa niyang kamay na gumapang
papunta sa loob ng panty ko.
Nagulat ako ng may naramdaman ako na isang daliri ang pumasok sa loob ko. "Ahhhhh
Chard ang sakit" daing ko. Tinanggal ni Chard ang panty ko kaya ngayon ay wala na
kong suot na saplot kahit isa. Bumaba si Chard at ngayon ay nakaharap na siya sa
pussy ko.
"Napaganda Alzola" sambit nito at pinatong ang mga legs ko sa balikat niya. Nagulat
ako ng dilaan ni Chard ang clitoris ko.
"Ohhh Chard" ang sarap ng ginagawa niya sa akin. Pinaikot-Ikot niya ang dila niya
habang may nararamdaman ako na naglalabas masok na daliri sa akin. "Ohhhhh Chard,
ang saraaaaap" napakagaling ng dila niya at sarap na sarap ako.
"I love your pussy Alzola. Akin lang ito. Akin lang" ani nito at pinagpatuloy pa
rin ang paglabas masok ng dalawa niyang daliri sa loob ko.
"Ahmmm naiihi na ako Chard" nararamdaman ko na parang may gustong lumabas mula sa
loob ko.
"Sige lang, ilabas mo lang" sabi ni Chard at naramdaman ko na lang na may lumabas
sa akin. Nagulat ako ng dilaan ni Chard yun. Sheeet ang hot niya. Tumayo siya at
hinubad ang heels ko sunod naman niyang hinubad ay ang mga saplot niya. Napatingin
ako sa ari niya na sobrang laki. Sheeeet ang laki!
"Ka-kasya ba sa a-akin yan?" nauutal na tanong ko.
"Of course, ginawa yan para lang sayo" pumatong siya sa akin at ulo pa lang ang
naipapasok niya sobrang sakit na.
"Ahhh Ang sakit Chard Ahhhhh" daing ko. Hinalikan naman niya ko sa labi ko at
tuluyan ng ipinasok sa loob ko ang ari niya. Nakagat ko ang labi niya sa sobrang
sakin. "Ahhhhhh"
"I'm sorry baby" ani nito at hinalikan ulit ako sa labi ko at dahan dahan na
naglabas masok sa loob ko.
"Ahhhhh Chard" parang may napunit sa loob ko. Bumaba naman ang halik ni Chard sa
mga suso ko at sinubo ulit ito na parang bata na gutom na gutom. Habang sinusubo ni
Chard ang suso ko patuloy pa rin siya sa paglabas masok sa loob ko.
"I love you Alzola ko" sambit nito.
"Ahhhh Chard, bilisan mo pa" ani ko. Binilisan naman ni Chard ang paglabas masok sa
loob ko hanggang sa labasan nanaman ako. Tinangal ni Chard ang ari niya sa loob ko
at naramdaman ko na man na may malapot na tumutulo sa ibabaw ng puson ko.
"Let's take a bath" ani Chard at binuhat ako ng pa bridal style at nilagay sa
malaking bath tub. Pumasok na rin siya sa bath tub. "Alzola come here" dahan dahan
naman akong lumapit sa kanya. Pinatong niya ko sa ibabaw niya.
"Bakit?" takang tanong ko sa kanya.
"I will guide you" sambit nito at naramdaman ko nanaman ang ari niya na nasa loob
ko. Hinawakan niya ang bewang ko at inalalayan ako na umindayog sa ibabaw niya.
"Ahhhh you're so hot Alzola ko ahhhh" unti unti ay alam ko na. Ako na mismo ang
umindayog sa ibabaw niya.
"Ahhhhhh Chard ahhhhh ahhhhhh" ungol ko. Puro ungol lang ang maririnig sa loob ng
bathroom nitong yacht.
"Malapit na akoooo Alzola" sigaw ni Chard, kaya naman umalis ako sa ibabaw niya
saktong labasan siya. "I love you Alzola"
"I love too Chard" sagot ko sa kanya at hinalikan siya sa mga labi niya. Agad rin
akong humiwalay baka kasi saan pa mapunta "Magbanlaw na tayo" binuhat naman niya
ako papunta sa shower.
Siya na mismo ang nag shampoo sa buhok ko at nag sabon sa katawan ko. Pagtapos
namin maligo binihisan niya ko ng white polo niya na hanggang taas ng tuhod ko.
Ihiniga niya ko sa kama at agad rin akong nakatulog dahil sa pagod.

Nagising ako ng may naramdaman akong humahalik sa leeg ko. "Chaaard" mahinang ungol
ko.
"Goodmorning Alzola ko" masayang bati niya sa akin at hinalikan ako sa labi ko.
Tumugod naman ako sa kanya pero agad ko rin na tinigil. Babangon sana ako ng
maramdaman ko ang pananakit ng ibabang parte ko.
"Ang sakit Chard, hindi ako makatayo" nakangusong sambit ko sa kanya.
"Ako na lang muna ang magiging paa mo" sambit nito at binuhat ako paharap sa kanya.
Nakapulupot ang mga paa ko at kamay ko sa kanya habang nakaalalay naman siya sa
likod ko.
Pumasok kami sa bathroom at inupo niya ako sa malaking sink. Kumuha siya ng bagong
toothbrush at brinush ang ipin ko. Napangiti naman ako habang ginagawa niya yun.
Pagkatapos niya kong toothbrushan binuhat niya ulit ako at dinala sa deck ng yacht
niya.
"Ang ganda dito" sambit ko habang nakatingin sa karagatan. Nasa gitna kami ng dagat
ngayon at kitang kita ko ang malaking karagatan. Umupo si Chard sa sofa at
kinandong ako patagilid .
"Kumain na muna tayo" ani nito at sinubuan ako ng pagkain.
"Ang sarap, ikaw ba nagluto?" tanong ko sa kanya.
"Oo" nakangiting sagot nito sa akin.
"Wow magaling ka rin pala magluto" manghang sabi ko sa kanya.
"Pagtapos natin kumain maligo na tayo" namula naman ako sa sinabi ni Chard.
"Sa-sabay tayo?" nahihiyang tanong ko sa kanya.
"Bakit nahihiya ka? Nakita ko naman na ang buong katawan mo" lalo naman akong
namula sa sinabi ni Chard.
"Tumigil ka nga diyan baka kung ano pang gawin mo sa akin" ani ko at hinampas siya
ng mahina sa dibdib niya.
"Maliligo nga lang tayo. Alam ko naman na masakit pa rin yan" sabi niya at tumingin
sa ibabang bahahi ko.
"Maniac!" inis na sabi ko sa kanya na kinatawa niya lang. Nagulat naman ako ng may
tumalon sa yacht ni Chard.
"Oh Mr. Peterson, akala ko mag-isa ka lang" nakangising sabi ni John Paul.
Hinawakan naman ni Chard ang mga legs ko. Naalala ko wala pala akong panloob
sheeems.
"Fuck you! Get out!" inis na sabi ni Chard kay Miguel.
"Mukhang may ginawa ka Chard" nakangisi pa rin na sambit ni John Paul.
"Kapag hindi ka pa umalis dito, magiging pula ang tubig ng dagat" seryosong sabi ni
Chard.
"Gusto ko lang sanang sabihin na ipasok mo ko sa university mo" nakangiting sambit
ni John Paul.
"FUCK YOU! NOW GET OUT!" sigaw ni Chard kaya naman dali-dali siyang tumalon at
narinig ko na lang ang papaalis na jet ski. Bigla naman bumalik na ang mukha ni
Chard sa dati. "Maligo na tayo" nakangiting sabi nito at binuhat ako papasok sa
kwarto.
Pagpasok namin sa kwarto agad kaming pumasok sa bathroom. Hinubad ni Chard ang polo
na suot ko at binabad ako sa bath tub na puro bula. Naghubad naman si Chard kaya
nakita ko nanaman ang malaki niyang ari. Pumasok siya bath tub at tumabi sa akin.
"Chard, about last night.." hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng halikan niya
ako.
"Shh, I love you" pinigilan ko naman na umiyak dahil palagi na lang niya akong
iniintindi.
"Palagi na akong magsasabi sayo kapag may natatangap akong threat" ani ko.
"Huwag kang magpapatakot sa kanila Alzola. Tandaan mo palagi akong nasa tabi mo at
hindi ka nila kayang saktan hanggat nandito ako" napangiti naman ako sa sinabi ni
Chard. Buti na lang talaga at hindi ko iniwan ang lalaking ito. Dahil baka sa huli
ako lang ang magsisi.
"I love you Chard" sambit ko at hinalikan siya.
"I love you to Alzola" at hinalikan niya ko. Nagpapasalamat rin ako sa nagpapadala
ng mga threat sa akin. Dahil sa kanya mas tumatag ang relasyon namin ni Chard.
Naramdaman ko na gumapang ang mga kamay ni Chard sa ibabang parte ko.
Napatigil naman kami ng mag ring ang phone ko. "Fuck! sino ba yun at istorbo" inis
na sambit ni Chard na kinangiti ko.
"Pakikuha naman ang cellphone ko" nakangising sambit ko kay Chard. Umahon naman
siya sa bath tub at lumabas. Ilang saglit lang at nakabalik agad siya.
"Unknown number" seryosng ani nito habang nakatingin sa cellphone ko. Pumasok ulit
siya sa bath tub at sinagot ang tawag, niloud speaker niya yun.
[Hi Cyrine, it's me Miguel. Yayayain sana kita na mag dinner] sobrang kaba ko ng
marinig ko ang sinabi ni Miguel. Lumapat ang mga labi ni Chard sa leeg ko at
pinaghahalik halikan yun.
"Sorry Miguel, pero wala ako sa bahay ngayon" kinakabahan na sagot ko.
[Nasan ka? Gusto mo sunduin kita?] oh no Miguel.
"Ah huwag na Miguel, kasama ko kasi ang boyfriend ko" sambit ko na kinatawa ng
mahina ni Chard.
[Boyfriend? akala ko ba hindi ka pa nagpapaligaw?] galit na tanong ni Miguel.
"Ah sorry Migu.." hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng magsalita ulit ito.
[Sino Cyrine? Sino ang boyfriend mo!?] galit na tanong ni Miguel. Akala mo naman
kung sino siya kung magalit sa akin. Sasagot na sana ako ng magsalita si Chard.
"May probelema ka? Iniistorbo mo lang ang pagligo namin ni Alzola" malamig na
sambit ni Chard tsaka nag end call. "Ang kapal ng mukha ng tarantadong yun na
magalit" inis na sambit niya.
"Hayaan mo na lang. Tawagan na lang natin si mama para sabihin yung about sa atin"
nakangiting sambit ko sa kanya na kinangiti niya rin. Kinuha niya ang cellphone ko
at siya na mismo ang tumawag kay mama. Tulad kanina niloud speaker niya rin ito.
[Hello Cy, kumusta ang honeymoon niyo ni Chard] namula naman ang sa sinabi ni mama.
"Mama, tumigil nga po kayo diyan" sagot ko.
[Bakit ka ba napatawag?] tanong ni mama sa akin.
"Gusto ko lang po sabihin na boyfriend ko na si Chard" kinakabahang sambit ko.
[Sobrang saya ko para sa inyo Cy!] masayang sabi ni mama na kinangiti namin ni
Chard.
"Thank you mama" sambit ko.
[Ay anak, may magandang balita nga pala ako sayo]
"Ano po yun mama?" tanong ko
[Gising na ang papa mo] napatayo naman ako sa tuwa pero agad rin napaupo ng maalala
ko na nakahubad pala ako.
"Talaga po mama? pupunta po kami agad sa ospital" masayang sambit ko parang nawala
bigla ang pananakit ng ibabang parte ko.
[Sige sige. Bye] pagkababa ni mama ng tawag agad akong napayakap kay Chard.
"Gising na ang papa ko Chard. Tara pumunta na tayo sa ospital" masayang anyaya ko
sa kanya.
"Ok, tara magbanlaw na tayo" ani nito. Agad akong umahon sa bath tub at nagtungo sa
shower.
Pagtapos namin mag shower binalot ako ni Chard sa bathrobe. Nang maalala ko na wala
pala akong isusuot.
"Chard wala pala akong damit" nakangusong sambit ko. Habang sinusuot sa akin ni
Chard ang undies at brasier ko.
"Ito na lang muna ang suotin mo" ani nito at sinuot sa akin ang black polo niya na
umabot ng taas ng hita ko. Kinuha niya rin ang heels ko at sinuot sa akin.
Tumingin ako sa body mirror at ang ganda ko. Hindi naman ako nagmukhang kawawa sa
suot ko. Para pang ootd! Niyakap naman ako ni Chard mula sa likuran ko.
"You're too sexy" sambit nito habang hinahalikan ang leeg ko. Napansin ko naman na
puro kiss mark pala ang leeg ko.
"Oh my! Puro kiss mark pala ako" buti na lang at may dala akong foundation. Kinuha
ko ang foundation ko at nilagay ito sa leeg ko. "Ayan wala na" nakangiting sambit
ko.
"Mas maganda kung hindi mo itatago yan para malaman nila na akin ka lang"
nakangising sabi ni Chard.
"Sira-ulo ka talaga baka makita pa ni papa" sabi ko at inirapan siya.
"Ano naman? Gusto mo pakasalan pa kita ngayon sa harap ng papa mo"

Episode 28
Cyrine's POV

Nandito kami sa tapat ng pinto ng kwarto ni papa at hindi pa rin kami pumapasok.
"Kinakabahan ako Chard" sambit ko habang magkahawak kamay kaming dalawa.
"Huwag kang kabahan, papa mo naman siya" tumango ako sa sinabi ni Chard at kumatok
na sa pinto. Pinagbuksan kami ni tita Rose ann.
"Cyrine kayo pala, gising na ang papa mo" nakangiting sambit nito. Pumasok kami sa
loob at nakita ko si papa na nakaupo sa hospital bed niya habang kumakain ng
mansanas.
"Anak ko" ani ni papa. Bumitaw ako kay Chard at tumakbo sa papa ko. Paglapit ko kay
papa agad ko siyang niyakap.
"Sorry po papa" sabi ko habang magkayakap kami.
"Ako dapat ang mag sorry sayo Cyrine. Patawarin mo si papa" sabi ni papa habang
hinihimas ang buhok ko. Bumitaw naman ako sa pagkakayakap kay papa.
"Papa, pinapatawad ko na po kayo" nakangiting sambit ko kay papa.
"Salamat anak at binigyan mo pa ako ng pangalawang pagkakataon" ani papa.
"Papa ko po kayo kaya deserve niyo po ng second chance" sagot ko kay papa.
"Sayang lang at wala ako sa birthday mo anak. Happy birthday anak ko" nakangiting
sambit ni papa at hinalikan ang noo ko.
"Ok lang po papa, marami pa naman pong birthday ko ang dadating. Bumawi na lang po
kayo doon" sabi ko at hinawakan ang mga palad ni papa.
"Sino nga pala iyang kasama mo?" tanong sa akin ni papa habang nakatingin kay Chard
na nasa likod ko.
"Papa, siya po si Chard. Boyfriend ko" kinakabahang sambit ko.
"Nice to meet you sir" magalang na sabi ni Chard sa papa ko.
"Tito na lang iho" napangiti naman ako sa sinabi ni papa. "Sikat na attorney pala
ang boyfriend mo" sabi sa akin ni papa.
"Kilala mo siya papa?" tanong ko kay papa.
"Sinong hindi makakakilala sa isang matapang na attorney at wala pang talo kahit
isa" nakangiting sambit ni papa. Sobrang sikat talaga ni Chard. Kahit si papa
kilala siya.
"Papa kapag magaling na po kayo pwede tayong maglakad sa park" sabi ko kay papa.
"Sige anak, magpapagaling agad ako" sagot ni papa na may mga ngiti sa labi niya.
Gustong gusto ko na makitang nakangiti ang mga mahal ko sa buhay tulad ni papa.
"Mauna na po kami papa. Magpahinga pa po kayo" pagpapaalam ko kay papa.
"Sige anak, maraming salamat sa pagpunta niyo" hinalikan ko muna sa noo si papa
bago kami umalis ni Chard.
Lumabas kami ng kwarto ni papa na magkahawak kamay kami ni Chard. Sobrang saya ko
ngayon. Sana hindi bawiin itong saya na nararamdaman ko.
"May meeting pala ako sa mayor ng Makati ngayon" sabi ni Chard habang naglalakad
kami.
"Sige hatid mo na lang ako sa bahay" sagot ko sa kanya.
"No, isasama na kita" ani nito. Nang makarating kami sa tapat ng kotse niya agad
niya kong pinagbuksan ng kotse at sumakay na rin siya.
"Baka makagulo pa ako sayo" sambit ko habang nag dri-drive siya.
"Hindi ka makakagulo sa akin" sagot nito at kinuha ang isang kamay ko at hinalikan
ito.
"Basta mag focus ka sa meeting mo kapag kasama mo ako" ani ko sa kanya na kinangiti
niya.
"Opo misis" namula naman ako sa tinawag sa akin ni Chard.
"Huwag mo nga kong landiin, mag focus ka sa pagmamaneho" sambit ko at binawi ang
kamay ko.
"HAHAHAHA kayang kaya kong mag drive kahit nakapikit" mayabang na sabi nito sa akin
na kinairap ko.
"Itigil mo nga yang kayabangan mo" pataray na sabi ko sa kanya. Bigla naman nag
ring ang phone ko. Nakita kong si Alexie ito kaya sinagot ko agad.
"Hello Alexie, bakit ka napatawag?" tanong ko sa kanya.
[Boring dito sa bahay] maarteng sambit ni Alexie.
"Bakit wala ba diyan si Raymart?" nakangiting tanong ko sa kanya kahit alam ko
naman na hindi niya ko nakikita.
[Inaasikaso yung kasal namin] sagot ni Alexie.
"Kailan ba ang kasal niyo?" tanong ko sa kanya
[Next next week na] napalaki naman ang mata ko sa sagot niya.
"Ang bilis naman. Dapat mag pa bridal shower tayo" masayang sabi ko.
[Sige, ipapaayos ko na kila Gab yung bridal shower] masaya rin na sabi ni Alexie.
"Gusto mo ba na sumama sa amin ngayon sa Makati?" tanong ko kay Alexie.
[Sige sama ako para naman mawala ang pag ka bored ko dito sa bahay] masiglang sabi
ni Alexie.
"Sige dadaanan ka namin diyan. Byee" pagkababa ko ng tawag nakangiting tumingin ako
kay Chard. "Ahm Chard.." hindi pa ako tapos magsalita ng sumagot na siya.
"Dadaanan natin yung kaibigan mo" sambit nito na kinangiti ko.
"Thank you Chard. I love you" sabi ko sa kanya at kiniss siya sa cheek niya.
"I love you too" tugod nito sa sinabi ko.
Nang makarating kami sa tapat ng bahay ni Alexie bumusina si Chard. Lumabas naman
si Alexie at sumakay na sa backseat. Lumipat rin ako sa backseat para makapag-usap
kami ng maayos ni Alexie.
"Hi, sis" bati sa akin ni Alexie tsaka bumeso.
"Kumusta naman maging buntis?" tanong ko habang si Chard naman ay nagmamaneho na.
"Ang daming kong gustong kainin na weird" sabi ni Alexie tsaka umirap.
"Like what?" tanong ko sa kanya.
"Maasim na mangga with ketchup. Chocolate cake with patis" parang gusto kong masuka
sa sinabi ni Alexie.
"Yak Alexie. Anong klaseng pagkain yun" maarteng sabi ko. Nakakadire naman kasi.
"Anong Yak ka diyan. Kapag ikaw nabuntis magiging ganito ka rin" namula naman ako
sa sinabi ni Alexie. Habang si Chard naman ay mahinang tumawa.
"Tumigil ka nga diyan Alexie. By the way kumusta naman kayo ni Ayen?" pag-iiwas ko
sa usapan tungkol sa buntis na yan.
"Ok na kami. Alam mo naman si papa Ayen hindi tayo matitiis niyan maliban na lang
sa dalawang bakla HAHAHAHA" natawa naman ako sa sinabi ni Alexie.
"HAHAHAHA Eh kayo ni Raymart kumusta na?" tanong ko ulit kay Alexie.
"Maayos naman" sambit nito na parang pinipigilan na kiligin.
"Anong ayos naman?" nakangising tanong ko sa kanya.
"Masaya" kinikilig na sambit niya.
"Para ka namang nagdadalaga HAHAHAHA ano nga?" natatawang tanong ko sa kanya.
Linapit niya yung labi niya sa tenga ko at bumulong "Madalas kaming mag ano ahm"
nahihiyang bulong niya.
"Ano nga? HAHAHAHA" natatawa ako sa itsura ni Alexie kasi ang pula pula ng mukha
niya.
"You know yung ginagawa ng mag-asawa" mahinang sambit niya na kinatawa ko.
"HAHAHAHA wag ka ng mahiya sa akin sis hindi naman ako tulad nung dalawang bakla."
ngayon ko lang nakita si Alexie na ganito ang itsura. Yung sobrang nahihiya.
"Ewan pero gustong gusto ko yung ginagawa niya" namumula pa rin na sambit ni
Alexie.
"Tumigil ka nga kaka kwento tungkol diyan" sita ko kay Alexie. Ako kasi yung
nahihiya para sa kanya.
"Hmmm wala pa bang nangyayari sa inyo ni Chard" pabulong na tanong niya sa akin na
may halong pang-aasar.
"Me-meron na" pabulong na sagot ko.
"TALAGA!" nagulat ako ng sumigaw si Alexie kaya naman agad kong tinakpan ang
bunganga niya.
"Huwag ka ngang maingay" bulong ko sa kanya. Napatingin naman ako kay Chard na nag
dri-drive pa rin.
"Ano naman? Si Chard lang naman ang kasama natin" ako naman ngayon ang namula sa
sinabi ni Alexie.
"Ano ka ba! itigil mo nga yang bunganga mo. Kapag hindi ka tumigil ibaba kita dito"
sambit ko tsaka siya inirapan.
"Malaki ba?" tanong ni Alexie. Tinakpan ko naman ang mukha ko dahil sa pamumula.
"Please tumigil ka na Alexie. Kapag hindi ka talaga tumigil ibaba kita dito" inis
na sabi ko sa kanya.
"Oo, titigil na HAHAHAHA" natatawang sambit nito. "Pagpunta pala natin sa Makati
mag mall tayo. Bibili ako ng mga damit para sa baby ko"
"Sige pero kailangan antayin muna natin na matapos ang meeting ni Chard. Hindi kasi
iyan papayag na umalis tayo" tumango na lang siya sa sinabi ko.
Nag kwentuhan pa kami ni Alexie hanggang sa makarating kami sa opisina ni Chard.
Nakahawak sa braso ko si Alexie habang naglalakad kami papasok. Si Chard naman ay
nasa likuran lang namin.
"Kay Chard ba ito?" tanong sa akin ni Alexie habang nililibot ang paningin sa lobby
ng kumpanya ni Chard.
"Oo" sagot ko at sumakay na kami sa private elevator ni Chard.
"Ang yaman pala talaga ni Chard" manghang sambit ni Alexie.
"Mayaman rin naman si Raymart" sambit ko sa kanya ng nakangiti.
Nakarating kami sa loob ng opisina ni Chard at may nakita akong isang matandang
lalaki ang nakaupo sa sofa.
"Diba mayor yan ng Makati?" pabulong na tanong sa akin ni Alexie.
"Ewan ko" mayor nga ng Los Banos hindi ko kilala sa Makati pa kaya.
"Bakit gusto mo kong maka-usap Mr. Peterson?" tanong nung mayor daw.
"Huwag na tayong maging pormal ninong" sambit ni Chard. Naupo kami sa isang
mahabang sofa at katabi ko si Chard habang sa kabila ko naman si Alexie.
"Hindi ka pa rin talaga nag babago Chard" nakangiting ani Mayor "Sino itong
dalawang babaeng kasama mo?" tanong ni Mayor at napatingin sa amin.
"My Woman and Raymart's woman" nakangiting sagot ni Chard kay Mayor.
"Parehas kayong magaling pumili" sagot ni Mayor at nagsalin ng alak sa baso tsaka
ininom ito.
"Hindi na ko magpapaligoy ligoy pa ninong. Alam kong hindi nagpakamay si Bien"
natigilan naman si mayor sa pag-inom ng alak.
"Anong ibig mong sabihin?" takang tanong ni mayor kay Chard.
"Hayaan mo kaming buksan ang kaso ni Bien. Hayaan mong mag imbistiga ang mga tauhan
ko" seryosong sagot ni Chard habang kami ni Alexie ay nakikinig lang sa kanila.
"Sige, ikaw ang bahala Chard. Alam mo naman na may tiwala ako sayo" sabi ni mayor
at tumayo na. "Mauna na ako" tumango lang si Chard at lumabas na si mayor.
"Tapos na ang meeting ni Chard. Pwede na ba tayong mag mall?" pabulong na tanong sa
akin ni Alexie. Tumingin naman ako kay Chard.
"Chard gusto sana namin na mag mall bago umuwi" sambit ko.
"Antayin na natin si Raymart padating na yun" sagot niya.
Maya-maya lang ay bumukas na rin ang pintuan ng opisina ni Chard at pumasok si
Raymart. "Alexie" tawag niya sa kaibigan ko.
"Ang bilis mo naman at nandito ka na agad" gulat na sabi ni Alexie. Lumapit naman
sa kanya si Raymart at hinalikan siya sa labi niya.
"Na miss kita agad" sagot ni Raymart kay Alexie.
"Tara na mag mall na tayo" masiglang anyaya ni Alexie. Tumayo kami at sabay na
naglakad palabas ng opisina ni Chard.
"Siguro dapat ka na rin bumili na maternity dress mo" sabi ko sa kanya. Napatingin
naman siya na tiyan niya.
"Hindi pa naman malaki ang tiyan ko" sagot niya sa akin habang hinihimas ang tiyan
niya na may maliit pa lang na umbok.
"Mas maganda kung may nakahanda na" nakangiting sambit ko sa kanya.
"Sige na nga" pag sang-ayon niya sa akin.
Pagdating namin sa mall pinagtitinginan kami ng mga tao. Bakit naman hindi eh may
kasama kaming dalawang gwapong nilalang. Una kaming pumasok ay sa boutique na para
sa mga buntis.
"Bilin natin ito Alexie" sabi ko habang hawak hawak ang isang sexy maternity dress
V-neck and backless.
"Sige, sure ako na bagay sa akin yan" nakangiting sambit ni Alexie.
"Masyadong kita ang balat mo diyan mas maganda kung ito" singit ni Raymart sa
usapan namin habang hawak hawak ang maternity dress na mahaba ang manggas at lagpas
ng tuhod ang haba.
"Sige bilhin rin natin yan" nakangiting sabi ni Alexie kay Raymart.
Marami kaming binili na maternity dress para kay Alexie at sobrang saya ko habang
pumipili ng mga maternity dress para sa kanya.
"Nagugutom na ako Cy" biglang sambit ni Alexie habang nag-iikot kami sa mga gamit
ng baby.
"Kumain na muna tayo" anyaya ni Raymart at humawak sa bewang ni Alexie. Lumapit rin
sa akin si Chard at hinawakan ako sa bewang ko.
Kumain kami sa restaurant ni mama. Maraming iba't ibang pagkain sa lamesa namin.
"Kumain ka ng kumain sis para maging healty ang baby mo" nakangiting sabi ko at
pinagsandukan siya sa pingan niya. Pinagsandukan ko rin si Chard ng pagkain.
"Sis tignan mo yun" turo niya sa babaeng may kasamang lalaki.
"Diba si Rhona yan?" yung kaklase namin nung high school na nanloko kay Ayen
"Oo at mukhang may bago nanaman siyang lalaki" sambit niya at para kaming tsismosa
dito. Nagtataka naman ang dalawa kung ano ang pinag-uusapan namin.
"Grabe ang bilis niyang magpalit ng lalaki. Nakita ko lang nung nakaraan sa
facebook niya iba yung kasama niya ngayon iba nanaman" ani ko.
"Basta mapera pinapatos agad" inis na sambit ni Alexie.
"Look sis papalapit sa atin yung higad" bulong ko kay Alexie.
"Hi, Alexie and Cyrine" masiglang sambit nito sa amin na halata naman na plastic
lang.
"Hi, pakalat kalat yata ang higad" sarcastic na sambit ni Alexie.
"Hindi ka pa rin nagbabago Alexie matabil pa rin ang bibig mo" mataray na sabi ni
Rhona.
"Ikaw rin hindi ka pa rin nagbabago Rhona. Papalit palit ka pa rin ng lalaki"
inosenteng sabi ko.
"Oh kasama niyo pala ang sikat na lawyer at sikat na bar owner. Pwede bang maki
table" malanding sambit ni Rhona habang nakatingin kila Chard.
"Bawal ang malandi dito" ani Alexie. Bigla naman kinuha ni Rhona ang baso ng tubig
at binuhos kay Alexie. Tumayo naman si Raymart at susugod na sana kay Rhona ng
pigilan ko siya.
"Away babae ito" matapang na sambit ko at tumayo ako tsaka kinuha ang baso ng juice
at ininom ito tsaka dinura sa mukha ni Rhona. "Opss akala ko inidoro na may tae"
"That's my woman"

Episode 29
Cyrine's POV
"Chard, please sundin mo naman ako huwag ka ng makulit" pamimilit ko sa kanya
habang siya ay busy sa cellphone niya. Kanina ko pa siya pinipilit pero ayaw niya
pa rin pumayag sa gusto ko. Inabot na ako ng 4:30 P.M kapipilit sa kanya.
"No, Alzola. Baka hindi ako makapag focus kapag hindi kita nakita" pinipilit ko
kasi siya na huwag na munang umuwi dito sa Los Banos habang inaasikaso niya ang
kaso ni Bien yung anak ng mayor ng Makati.
"Pagkatapos naman ng kaso pwede ka na ulit umuwi dito. Mas makakapag focus ka sa
trabaho mo kung hindi kana bya-byahe ng sobrang layo" patuloy pa rin na pamimilit
ko sa kanya.
"Ayoko, ayoko, ayoko" seryosong sambit niya.
"Please Chard, kapag umalis ka hindi naman ako lalabas ng bahay. Hindi ako tatangap
ng manliligaw sa bahay. Kahit pabantayan mo pa ako kay daddy. Gusto ko lang naman
na mas mag focus ka muna sa kaso mo" naniniwala kasi ako sa kanya na hindi talaga
nagpakamatay yung anak ni mayor at pinatay ito.
"Pero ma mimiss kita" parang batang sambit nito.
"Ma mimiss rin naman kita pero ilang araw lang iyon tapos magkikita na ulit tayo.
Minsan kailangan din natin na magkalayo para ma miss natin ang isa't isa" ani ko.
"Alzola ko. Fine. Basta palagi mong hahawakan ang cellphone mo para ma contact
kita. Huwag na huwag ka rin magpapasok sa bahay na kahit sinong lalaki lalo na yung
tarantadong Miguel. Pababantayan kita kay tito hanggat wala ako" maotoridad na
sambit nito.
"Opo Mr. Peterson, tara na bumili na tayo ng pang regalo kila Alexie" ngayon kasi
ang bridal shower at stag party nila at bukas ang civil wedding nila ni Raymart.
"Magpalit ka na muna ng suot" sambit nito napatingin naman ako sa suot kong off
shoulder jumpshort.
"Ok naman ang suot ko" nagtatakang sambit ko.
"Magbibihis ka o bibihisan kita?" agad agad naman akong tumakbo sa walk in closet
ko at nagpalit. Nagsuot na lang ako ng skinny jeans at fitted top. Pagkatapos kong
magbihis lumabas na ako ng walking closet ko.
"Ok na po ba?" tanong ko kay Chard na sobrang gwapo naman sa suot niyang leather
jacket.
"Yeah, pero ang sexy mo pa rin at agaw pansin" napangiti naman ako sa sinabi nito.
Sinuot ko na ang shoulder bag ko.
"Tara na" anyaya ko sa kanya at sabay kaming bumaba. Nakita ko naman si mama na
busy sa pagdidilig ng mga bulaklak.
"Saan ang punta niyo?" tanong sa amin ni mama.
"Bibili po ng pang regalo kila Alexie mama then didiretso na kami sa party nila
Alexie" nakangiting sambit ko kay mama.
"Ok mag-ingat kayo" tumango na lang ako kay mama at sumakay na kami ng kotse ni
Chard.
Saglit lang ang byahe namin at nakarating agad kami sa mall. Wala naman kasing
traffic dito hindi tulad sa Metro Manila na puro traffic na lang. Bago kami bumaba
inabot ko na muna kay Chard ang mask at ray-ban aviator.
"Para saan ito?" takang tanong ni Chard habang nakatingin sa hawak-hawak ko na mask
at aviator.
"Sobrang sikat ka sa mga tao dahil sa bagong kaso na hawak mo. Ayaw ko naman na
pagkaguluhan ang BOYFRIEND KO" halos gabi-gabi ay laman ng balita si Chard dahil sa
pagsampa niya ng kaso sa anak ng vice mayor ng Makati. Dahil ito ang tinuturo
niyang pumatay sa anak ng Mayor ng Makati.
"Ang sarap pakingan kapag sinasabi mo na boyfriend mo ko" sambit nito habang
sinusuot ang mask at rayban aviator. Pagkasuot niya agad kaming lumabas at pumasok
sa mall. Dirediretso lang kami papasok ng harangin kami ng isang security guard.
"Dito po ang daanan" sabi ng security guard. Itinaas naman ni Chard ang aviator
niya. Bigla naman napayuko ang security guard. "Sorry po Mr. Peterson" hindi na
pinansin ni Chard ang security guard at agad na hinawakan ako sa bewan ko at
nagpatuloy na kami sa paglalakad.
"Saan mo gustong unang pumunta?" tanong sa akin ni Chard.
"Sa adult toys muna tayo" sagot ko sa kanya. Tumango naman siya at naglakad kami
papunta sa adult toys. "May naisip ka na bang ireregalo kay Raymart?" tanong ko sa
kanya.
"Balak ko sana ay kotse pero dinala mo ko dito" sambit nito na kinalaki ng mata ko.
"Seryoso ka? kotse? Mas maganda kung love dice ang ibibigay mo" inosenteng sabi ko
sa kanya.
"How did you know that?" takang tanong niya sa akin.
"Sabi sa akin nila Gab Ayun daw ang magandang iregalo sa stag party" mukha naman
siyang irritated sa sinabi ko.
"Alam mo ba yung love dice?" tanong sa akin ni Chard na namumula na ang tenga
ngayon.
"Hindi, basta dinala kita dito para bumili ng love dice" inosenteng sambit ko.
Malay ko ba sa love dice na yan basta suggestion nila Gab yun. Hinila niya ako sa
isa sa mga istante at pinakita ang love dice. Parang gusto ko ng magpalamon sa lupa
dahil sa nakita ko.
"Mas maganda kung tayo mismo ang gagamit nito" halos mamula ang buong mukha ko
dahil sa sinabi ni Chard.
"Maniac!" inis na sambit ko sa kanya.
"HAHAHAHA tara bayaran na natin" kumuha siya ng tig dalawang pares.
"Bakit dalawa?" tanong ko sa kanya.
"Sa atin yung isa" lalo naman namula ang mukha ko sa sinabi ni Chard.
"Arggg nakakinis ka Chard!" inis na sabi ko dito.
"Love dice huh" sambit niya na kinainis ko lalo. Iniwan ko naman siya sa cashier at
lumabas na ng adult toy store. Nakakainis naman kasi sila Gab. Hindi nila sinabi sa
akin na ganun pala yun.
"Tara na" sabi ni Chard at inakbayan ako.
"Sa victoria secret naman tayo" ani ko at nagpunta kami sa Victoria secret.
Pagpasok namin sa Victoria secret agad akong nagpunta sa mga pabango.
"Good Day ma'am" nakangiting bati sa akin nung sales lady kaya naman nginitian ko
rin siya.
"Miss, ano po bang magandang iregalo sa bridal shower?" baka kasi may alam itong
sales lady.
"Tara ma'am samahan ko po kayo sa mga lingerie" tumango naman ako at nagpunta kami
sa mga lingerie. Natawa naman ako ng mahina ng makita ang mga lingerie. Sure ako na
maiinis si Alexie kapag ito ang binigay ko sa kanya.
"Ma'am tanungin niyo po ang boyfriend niyo" sabi sa akin ng sales lady kaya naman
napatingin ako kay Chard.
"Chard anong maganda?" tanong ko sa kanya, nakita ko naman na namula ang tenga niya
sa tinanong ko.
"Lahat iyan bagay sayo" nahiya naman ako sa sales lady dahil sa sinagot sa akin ni
Chard.
"Napaka maniac mo talaga Chard! ireregalo ko kasi kay Alexie!" inis na sambit ko at
kinuha na lang ang black lingerie at naglakad na papuntang cashier.
"Hey Alzola, isama mo na rin ito para sayo" sambit niya habang bitbit ang kulay
pula na lingerie. Napatingin naman ako sa paligid ko at hiyang hiya ako dahil
nakatingin sila sa akin. Ang lakas ng loob ng lalaking ito dahil may takip ang
mukha niya.
Inabot ko na sa cashier ang dalawang lingerie. Inabot naman ni Chard ang card niya
para bayaran. Nakita kong nanlaki ang mata ng cashier ng makita niya ang pangalan
ni Chard sa black card.
"Good evening Mr. Peterson" nakangiting sambit ni ate girl pero hindi naman siya
pinansin ni Chard. Binagalan pa ni ate girl ang pagkilos niya para mas matitigan
niya pa si Chard na kinainis ko na.
"Miss pakibilis naman po may ibang nakapila pa" magalang na sambit ko.
"Kung hindi ka makapag-antay edi lumabas ka na at doon antayin si Mr. Peterson"
pagtataray sa akin ni ate girl.
"Who the fuck are you to say that to my Woman?" malamig na sabi ni Chard sa babae.
"So-sorry po Mr. Peterson" namumutlang sabi ni ate girl.
"I don't want to see you anymore at my mall" sabi ni Chard at kinuha ang pinamili
namin tsaka ang card niya bago hawakan ang bewang ko.
"Chard, kumain na muna tayo" malambing na sabi ko sa kanya para mawala ang init ng
ulo niya.
"Saan mo gustong kumain?" tanong niya sa akin at wala na ang malamig na boses niya.
"Kahit saan na lang" sagot ko at kumapit rin sa bewang niya. Payapa kaming naglakad
papunta sa kakainan namin dahil may takip ang mukha niya kaya hindi siya nakilala
ng mga tao.
Pumasok kami sa isang restaurant at puwesto kami sa pinakadulo para hindi kami
mapansin ng mga tao. Tinangal na ni Chard ang mask at aviator niya. May lumapit sa
amin na waiter at ng makita niya si Chard agad siyang napayuko.
"Good evening Mr. Peterson" bati nito kay Chard at agad na umalis. Pagka alis nung
waiter tsaka naman nagsidatingan ang iba pang waiter dala ang mga pagkain. Halos
mapuno na ang lamesa namin ng mga pagkain pero hindi naman namin nauubos ang mga
ito.
"Ang dami nanamang pagkain Chard pero hindi naman natin nauubos nasasayang lang"
malungkot na sambit ko marami pa naman ang mga taong nagugutom dahil walang perang
pambili.
"Kumain ka kasi ng marami" sabi ni Chard at pinagsandukan ako.
"Kahit naman kumain ako ng marami hindi pa rin natin mauubos ito" ani ko.
"Uutusan ko na lang ang mga waiter na ibigay lahat ng malilinis na natirang pagkain
sa mga pulubi sa labas ng mall" napangiti naman ako sa sinabi ni Chard kaya
hinalikan ko siya sa mga labi niya.
"I love you Chard" nakangiting sabi ko sa kanya.
"I love you too Alzola ko" ani niya at inumpisahan ko na siyang subuan ng pagkain.
"Sa stag party niyo huwag kang masyadong magpakalasing" sabi ko habang kumakain
kami.
"Opo misis" sagot niya.
"Huwag ka rin magpapalapit ng babae sayo. Alam mo naman na sobrang gwapo mo at
lahat ng babae nag kakagusto agad sayo" natatakot ako baka isang araw ipagpalit na
lang ako ni Chard sa ibang babae na mas maganda sa akin, mas sexy, mas mayaman, mas
matangkad.
"Oo naman, alam mo naman na ikaw lang ang babaeng gusto kong lumalapit sa akin"
nakangiting sambit nito. "Tawagan mo agad ako kapag may lalaking lumapit sayo.
Magkatapat lang ang bar na pupuntahan natin kaya kaya kitang puntahan agad" tumango
naman ako sa sinabi niya at pinagpatuloy na ang pagkain namin.
Pagtapos namin kumain agad kaming pumunta sa bar at ngayon ay nandito kami sa loob
ng kotse niya. "Ihahatid na kita sa loob" ani niya.
"Huwag na Chard, Ayun sila Gab oh" turo ko sa labas na kotse niya. Hinalikan ko na
muna siya bago lumabas ng kotse at lumapit kila Gab.
"Sis, kanina ka pa namin inaantay at late kananaman" maarteng sambit ni Andrew.
"Tama na kakareklamo tara na at pumasok na tayo sa loob" pumasok kami sa loob ng
bar at agad na dumiretso sa VIP room.
Apat lang kami dito si Alexie, Gab, Andrew at ako. Si Ayen kasi ay sa Stag party
nila Raymart sumama kasi lalaki siya hindi tulad ng dalawa dito na piling babae
lang naman. Pagpasok namin sa loob ng VIP room nandoon na si Alexie.
"Hi Alexie!" sabay sabay na sambit namin.
"Regalo ko sayo" sabi ni Gab at inabot ang regalo niya.
"Ito naman ang akin" sambit ko at binigay kay Alexie ang paper bag ng Victoria
secret.
"Syempre ito ang akin!" masiglang sambit ni Andrew.
"Buksan ko na isa-isa" nakangiting sabi ni Alexie ng pigilan siya ni Gab.
"Huwag muna sis, nag invite kami ng mga lalaki para mas maging masaya itong bridal
shower" ani Gab.
"What? diba ang sabi ko walang lalaki!" inis na sambit ni Alexie.
"Ang boring naman kung wala" sabi ni Andrew. Bigla naman may kumatok.
"Ito na yata sila" nakangiting sabi ni Gab at binuksan ang pintuan. Napanganga
naman ako ng pumasok ang limang lalaki na boxer lang ang suot.
Kinuha ko naman ang cellphone ko para tawagan sana si Chard ng biglang may lumapit
sa akin at haplusin ang pang-upo ko.
"Bastos!" galit na sambit ko at tinawagan si Chard.
"Huwag ka ng pakipot miss. Tara dito" lumapit siya sa akin pero umatras lang ako.
"No! lumayo ka sa akin. Baka mapatay ka lang ng boyfriend ko!" pagtataboy ko sa
kanya pero patuloy pa rin siya sa paglapit sa akin.
"Hindi naman malalaman ng boyfriend mo kung hindi mo sasabihin" sa inis ko sa kanya
sinipa ko siya sa ibabang parte niya kaya naman napa aray siya at napalayo sa akin.
Agad ko naman hinila si Alexie at tumakbo kami palabas ng bar. Pagkalabas namin ng
bar nakahinga na ako ng maluwag.
"Bwisit talaga yung dalawang baklang yun. Gusto yata niyang makapatay si Raymart"
hinihingal na sambit ni Alexie.
"Dapat pala tayong dalawa na lang ang nag bridal party at iniwan na lang natin sila
Gab at Andrew HAHAHAHA" natatawang sambit ko. Nagulat naman ako ng biglang may
yumakap sa akin ng mahigpit.
"Are you ok?" hinihingal na tanong ni Chard na mukhang galing sa pagtakbo.
"Oo, buti na lang at nakalabas agad kami doon sa loob. Hindi naman kasi namin alam
na may mga lalaki pa lang inimbitahan sila Gab" ani ko.
"Nag-alala ako sayo. Akala ko may ginawa na sayong masama yung mga tarantadong
lalaki na yun" sambit ni Chard habang yakap yakap pa rin ako ng mahigpit.
"Ok na ako Chard" sabi ko at humiwalay sa yakapan namin.
"Akala ko may mapadudugo akong mukha ngayong gabi"

Episode 30
Cyrine's POV

Masayang natapos ang kasal nila Alexie at Raymart at ngayong araw na ang alis ni
Chard papuntang Makati para ayusin ang kaso nung anak ng Mayor.
"Huwag kang magpapagutom doon" sambit ko habang sinusubuan ng pancake si Chard.
"Opo" nakangiting sagot niya.
"Huwag ka din masyadong mag papacute sa mga reporters alam mo naman makikita ka ng
buong Pilipinas" ani ko habang patuloy pa rin siyang sinusubuan ng breakfast namin.
"Opo, opo" natatawang sagot niya.
"Galingan mo, alam ko naman na maipapanalo mo yung kaso" nakangiting sambit ko sa
kanya.
"Anong gagawin mo kapag dumating si Miguel dito sa bahay?" tanong niya sa akin.
"Magpapangap akong may sakit tulad ng sabi mo" pagnagpangap daw kasi ako na may
sakit hindi na tutuloy ng bahay si Miguel sabi ni Chard.
"Good, kapag may death threat na dumating ano naman ang gagawin mo?" tanong niya pa
rin sa akin.
"Tatawagan po agad kita then sasabihin ko sayo" sagot ko sa kanya. Kabisadong
kabisado ko na dahil simula kagabi paulit-ulit niyang sinasabi iyan.
"Kapag naman may nag chat sayo na lalaki anong gagawin mo?" tanong nanaman niya sa
akin.
"Iblo-block ko agad para hindi na ulit ako mai-chat" sagot ko nanaman sa kanya.
"Good girl, kapag lalabas ka ng bahay anong suot mo?" hayst ako dalawa lang ang
bilin ko sa kanya siya ang dami!
"Mag susuot ako ng jogging pants and T-shirt" sambit ko tsaka siya inirapan.
"at kapag lalabas ka dapat kasama mo si tito o si tita. Pwede rin naman na ang body
guard ang isama mo basta huwag kang lalabas na mag-isa" pagpapaalala niya sa akin
na sinabi na niya sa akin simula kagabi pa kabisadong kabisado ko na nga.
"Oo na lahat yan susundin ko" ani ko ng nakangiti sa kanya.
"Kapag may sinuway ka diyan kahit isa uuwi agad ako dito" seryosong sambit niya na
kinatawa ko.
"Wala akong susuwayin diyan" nakangiting sambit ko habang nakataas pa ang isang
kamay ko.
"I'm gonna miss you" malambing na sambit nito at niyakap ako ng mahigpit.
"Mamimiss rin naman kita pero kapag natapos na yung kaso magkikita na ulit tayo"
sambit ko at niyakap rin siya.
"Huwag ko na kayang ituloy yung kaso" ani nito na kinabitaw ko sa pagyayakapan
namin.
"Ano ka ba! Huwag mong gawin yun. Alam ko naman na mahal mo yang career mo kaya
hindi ko hahayaan na mawala yun sayo" sabi ko sa kanya habang hawak hawak ko ang
magkabila niyang pisngi.
"Pero mas mahal kita" parang batang sambit nito na kinangiti ko.
"Mahal din naman kita kaya ayaw kong mawala yang career mo ng dahil lang sa akin.
Alam ko naman na maipapanalo mo yung kaso mo kaya huwag mong bibitawan" nakangiting
sambit ko tsaka hinalikan siya ng mabilis sa labi niya.
"I love my supporting Woman" ani nito.
"I love my possessive attorney. Tara na at ihahatid na kita sa labas" sambit ko
naman. Naglakad kami pababa ng kwarto ko at nagpunta sa garahe.
"Sagutin mo agad ang mga tawag ko Alzola" sabi ni Chard.
"Oo, huwag mo rin akong masyadong isipin para makapag concentrate ka" nakangiting
sambit ko sa kanya. Baka kasi kapag naisip niya ko mawala yung focus niya sa kaso.
"I will try" hinampas ko naman siya sa sinagot niya.
"Kapag natalo ka sa kaso mo huwag ka ng bumalik dito" mataray na sabi ko sa kanya.
"HAHAHAHA lalo tuloy akong na motivate" natatawang sambit nito na kinangiti ko.
"Sige na umalis ka" sabi ko habang tinutulak siya pasakay sa kotse niya "Mag-iingat
ka sa byahe mo baka hindi kana makabalik dito"
"Pagbalik ko mag date tayo" nakangiting sambit nito habang nakasakay na sa kotse
niya at nakababa ang salamin.
"Sige ba, aantayin kita. Sige na alis ka na" nakangiting sambit ko. Tumango naman
siya at pinaandar na ang kotse niya palabas ng garahe.
Nang hindi ko na nakita ang kotse ni Chard agad akong tumakbo papunta sa kwarto ko
at binuksan ang cellphone ko tsaka nag chat sa group chat namin.
Me: Guuuuuys sa Makati University na rin ako mag-aaral
Gab: Talaga? Pinayagan ka ni tita?
Andrew: Saan ka titira?
Me: Hindi ko pa nasasabi kay mama pero sure naman ako na papayagan niya ako.
Ayen: Ang layo ng byahe mo kung sa Makati ka pa mag-aaral.
Me: Sasabihin ko kay mama na bilhan ako ng condo. Birthday gift niya na sa akin.
Gab: Sure ka ba na papayagan ka na mag condo?
Ayen: Baka hindi ka payagan Cy.
Alexie: Ako rin mag-aaral sa Makati University!
Andrew: Emedora sis buntis ka nga kaya hindi ka makakapag-aral.
Me: Kahit naman hindi mag-aral si Alexie matalino pa rin siya hindi tulad ng iba
diyan na kahit anong aral wala talaga.
Gab: Pinariringan mo ba ako?
Andrew: Pinariringan mo ako?
Me: Oh bakit natatamaan kayo? HAHAHAHA
Gab: Nakakainis ka Cy! sana hindi ka payagan.
Andrew: Sinusumpa ko hindi ka papayagan ni tita.
Alexie: Ang sasama niyo! Isinusumpa ko hindi kayo magiging babae kahit kailan.
Kahit sa next life niyo!!
Andrew: Wala naman ganyanan sis. Parang hindi tayo mag kaibigan.
Me: HAHAHAHA forever na kayong lalaki.
Gab: Hoy Alexie kumusta sa kama si papa Raymart.
Alexie: Ok naman
Ayen: Tigilan niyo yang kalaswaan niyo dito.
Alexie: Opo papa Ayen.
Gab: Palibhasa walang sex life si Ayen.
Me: Wow akala mo naman talaga mayroon siya.
Andrew: OMG sis don't tell me may sex life ka na?
Nag offline na lang ako ng itanong ni Andrew sa akin yun. Masyado pa naman madaldal
ang dalawang yan.
Ang tahimik na ulit ng kwarto ko. Dahil wala na si Chard pero dapat mag tiis lang
ako dahil may surprise ako sa kanya. Maliligo na lang muna ako bago kausapin sila
mama about sa pag-aaral ko sa Makati.
Pumasok na ako sa bathroom ko at naligo. Pagkatapos kong maligo nagsuot lang ako ng
pambahay tsaka bumaba. Pagbaba ko nakita ko ang isang katulang na naglilinis ng
pool.
"Nasan sila mama?" tanong ko sa katulong na naglilinis ng pool.
"Nasa dining room po at inaantay kayo" tumango na lang ako sa katulong at masayang
naglakad papuntang dining room.
"Good Afternoon my Family!" masiglang bati ko kay mama at daddy.
"Mukhang masaya yata ang gising mo Cyrine" nakangiting sambit ni daddy sa akin.
Lumapit naman ako sa kanila at hinalikan silang dalawa sa cheek nila.
"Nakapili na po kasi ako ng University na papasukan ko" masayang sabi ko at naupo
na sa pwesto ko.
"Talaga anak? Saan mo na man gustong pumasok?" nakangiting tanong sa akin ni mama.
"Sa Makati University po" masiglang sambit ko para pumayag si mama.
"Sa Makati? masyadong malayo yun anak. Late ka pa naman nagigising" nawala naman
ang ngiti ko sa sinagot ni mama.
"Mama, bilhan niyo na lang po ako ng condo na malapit doon. Sila Andrew binili sila
ni tita para mabilis makarating sa University" sagot ko kay mama, sana naman
pumayag siya.
"Pero anak mas magulo sa Metro Manila. Baka hindi mo kayanin" mamaaaa pumayag ka na
please.
"Mama, please po payagan niyo na po ako. Kaya ko naman po ang sarili ko tsaka gusto
ko makasama yung mga kaibigan ko sa iisang University" pagdadahilan ko kay mama.
"Kaibigan mo ba talaga ang gusto mong makasama o iniisip mo si Chard?" seryosong
sambit ni mama na parang kinaurong ng dila ko.
"Ahm mama parehas po hehehehe" nahihiyang sagot ko kay mama.
"Hayaan mo na si Cyrine, hon" singit ni daddy na kinatuwa ko kasi payag siya sa
gusto ko.
"Pero hon alam mo naman na lapitin ng disgrasya si Cy, baka pag mag-isa lang siya
sa condo niya biglang mag kasunog o ano pa man na aberya" sagot ni mama kay daddy.
"Doon na lang tayo tumira sa bahay ko sa Makati" nabuhayan naman ako lalo sa sinabi
ni daddy.
"Talaga po daddy? Mama pumayag na po kayo pleaseee" malambing sa sambit ko kay mama
para pumayag na siya.
"OK fine" napatayo naman ako sa sobrang saya.
"Thank you mama, thank you daddy" masayang sambit ko at hinalikan ulit sila sa
cheek nila. Sa sobrang saya ko hindi na ako nakakain ng maayos dahil pakiramdam ko
busog na busog na ako.
"Madali na lang kitang ma ipapasok doon dahil kami naman ni Chard ang may-ari noon"
sabi ni daddy sa akin.
"Talaga po daddy? Sobrang sayaaaa ko. Pero huwag niyo po munang sasabihin kay Chard
ito kasi gusto ko siyang surpresahin" ako naman ngayon ang mag a-adjust para kay
Chard. Ako naman ang gagawa ng paraan para sa aming dalawa.
"Sige anak. Kailan mo ba gustong lumipat sa Makati?" tanong ni daddy sa akin.
"Siguro po daddy sa huling hiring ni Chard" nakangiting sambit ko.
"Sige, sige ipapa-ayos ko na ang bahay ko sa Makati" nakangiting napatango na lang
ako sa sinabi ni daddy.
Pagkatapos namin kumain umakyat na ako sa kwarto ko. Pag akyat ko sa kwarto agad
akong nahiga sa malambot kong kama. Ipipikit ko pa lang sana ang mga mata ko ng may
kumatok sa pintuan ko. Lumapit ako doon at binuksan. Nakita ko ang isang katulong
namin na nakatayo doon.
"Bakit?" tanong ko sa katulong.
"Ma'am Cyrine nasa baba po yung kaibigan niyo" sambit nito at umalis na agad sa
harapan ko. Bakit naman pupunta dito sila Gab? Sigurado akong mangungulit nanaman
dito yung mga yun.
Naglakad na ako pababa ng kwarto ko at nagpunta sa sala. Pagdating ko sa sala iba
ang nakita ko. Nakita ko si Miguel na nakatalikod sa akin habang nakaupo sa sofa.
Patay bakit siya nandito? Sheeet kailangan ko pa lang umarte na may sakit.
"Miguel anong ginagawa mo dito?" matamlay na tanong ko sa kanya. Napatayo naman
siya sa ng makita ako.
"Ok ka lang ba mukhang matamlay ka yata" sambit nito. Matamlay ako dahil nandito
ka.
"Ok lang ako" matamlay pa rin na sambit ko. "Bakit ba nagpunta ka dito?" walang
ganang tanong ko sa kanya.
"Gusto ko lang sana itanong kung saan mo balak mag-aral" nakangiting sambit nito sa
akin habang ako ay umaarte na may sakit. Akala ko naman sobrang halaga ng ipinunta
niya dito.
"Sa Makati University Miguel" sagot ko sa kanya na walang kabuhay buhay.
"Talaga? Doon na rin ako mag-aaral para makasama kita" masayang sabi nito sa akin
pero wala naman akong pakielam.
"Yun lang pala ang pinunta mo dito sana nag text ka na lang sa akin. Ang layo pa ng
byahe mo" sana mabungo ka pauwi mo charot ang sama ko naman.
"Huwag ka ng mag-alala sa akin nag punta rin naman ako dito para makita kita" jusko
tigilan mo ko sa mabulaklak mong bibig dahil hindi ako kinikilig diyan. Kung si
Chard ka baka kanina pa ko kinilig dito.
"Sige Miguel magpapahinga na ako may sakit kasi ako" matamlay na sambit ko para
lumayas na siya dito.
"May sakit ka pero hindi ka inaalagaan ng boyfriend mo" sabi nito na gusto ko
sanang irapan kaso umaarte nga pala akong may sakit.
"Busy siya ngayon" sagot ko kay Miguel.
"Busy sa kaso niya. Mas inuuna niya pa yun kesa sa magandang girlfriend niya. Iwan
mo na yung lalaking yun!" inis na sambit niya. Ang sarap palayasin ng bahay si
Miguel. Kung alam mo lang na utos sa akin ni Chard ito para umalis ka sa bahay.
"Ok lang sa akin naiintindihan ko naman siya. Sige na Miguel umalis ka na" matamlay
na sambit ko at umubo ubo pa.
"Dito lang ako at aalagaan kita" parang gusto ko naman tumakbo palayo dahil sa
sinabi ni Miguel.
"Huwag na Miguel. Alam mo naman na may boyfriend na ako at ang pangit naman isipin
kung aalagaan mo ko" nagulat naman ako ng hawakan niya ko ng mahigpit sa
magkabilang braso ko.
"Wala nga siyang pakielam sayo! Bakit ba ayaw mo na alagaan kita!" galit na sambit
nito na parang ibang tao.
"Miguel, bitawan mo ko nasasaktan ako" pilit akong kumakawala sa mga mahihigpit na
hawak niya sa akin pero masyado siyang malakas.
"No Cyrine! bakit ba ayaw mong pumayag? BAKIT AYAW MONG PUMAYAG!!" natakot ako ng
sumigaw na siya. Hindi ko alam ang gagawin ko. Para siyang ibang tao.
Bigla naman may sumapak kay Miguel. "Da-daddy" tinago ako ni daddy sa likuran niya.
"Get out of my house!" galit na sambit ni daddy kay Miguel.
"Cyrine, sorry" bigla naman parang bumalik siya sa dating Miguel.
"Now get out!" sabi ni daddy kay Miguel. Tumayo naman si Miguel at lumabas na ng
bahay. "Ok, ka lang anak?"
"Opo, daddy. Huwag niyo na lang pong sabihin kay mama and Chard yung nangyari" ani
ko.
"Sige, umakyat ka na sa kwarto mo" tumango ako kay daddy at umakyat na sa kwarto
ko. Pag-akyat ko nakita ko na tumatawag pala si Chard kaya naman sinagot ko agad.
[Bakit ang tagal mong sagutin?]
"Nasa bathroom kasi ako"
[I miss you]
"I miss you too Chard, sobrang tahimik ng kwarto ko"
[Gusto mo umuwi na ako?]
"No, no ok lang kahit tahimik ang kwarto ko basta mag focus ka na lang diyan"
[Ok, dapat sundin ko ang number one supporter ko]
Episode 31
Cyrine's POV

5 days na rin na hindi kami nagkikita ni Chard. Sa 5 days na yun hindi niya
nakakalimutan na tumawag sa akin at ipaalala ng paulit-ulit ang mga bilin niya sa
akin. Ngayon na din ang huling hiring ni Chard. Kaya nakalipat na kami ng bahay
dito sa Makati.
"Daddy, makakapasok po ba tayo sa loob eh sobrang daming reporters" tanong ko kay
daddy. Nandito kami sa loob ng kotse niya sa tapat ng Makati Trial Court.
"Oo naman. Tara na" lumabas kami ni daddy sa kotse niya at tuloy tuloy na pumasok
sa loob. "Sigurado akong nag-uumpisa na yun" sambit ni daddy.
Binilisan pa namin ang paglalakad hanggang makarating kami sa loob mismong trial
court. Naupo kami sa pinakadulo ni daddy.
"Kinakabahan ako daddy" ani ko ngayon lang kasi ako nakanood ng trial.
"Huwag kang kabahan anak. Pang-ilang kaso na ni Chard yan pero wala pa naman siyang
talo" nakangiting sabi ni daddy. "Ayan si Chard na" pabulong na sambit ni daddy.
Nagfocus na ko sa panonood kay Chard. "Ito ang pinaka ibedensya na PINATAY ang anak
ng Mayor at hindi nagpakamatay" malamig na sambit ni Chard habang hawak hawak ang
isang zip lock na may laman na alambre. Tahimik lang ang mga tao habang nagsasalita
si Chard na para bang isang hari. "Nakita sa autopsy ang bakat ng isang manipis na
bagay sa leeg niya na hindi magagawa ng isang makapal na kumot na ginamit pang
bikti. Dahil ang totoo sinakal ni Mr. Flores si Mr. Sefuentes gamit ang isang
alambre at ng mapatay niya ito binigti niya ito para ipalabas na nagpakamatay si
Mr. Sefuentes" nag-ingay naman ang mga tao sa loob ng trial court dahil sa sinabi
ni Chard.
"QUIET" sambit ng Judge kaya naman tumahimik ulit ang buong trial court.
"Ito ang ibedensya na ginamit sa pagpatay kay Mr. Sefuentes na may finger print mo
Mr. Flores" malamig na sambit ni Chard na parang yelo.
"Oo na! inaamin ko na! Pinatay ko nga siya!" galit na sambit ni Mr. Flores. Nakina
ingay nanaman ng buong trial court.
"TAHIMIK!! Ikaw Mr. Flores ay hinahatulan ng habang buhay na pagkakakulong dahil sa
pagpatay mo kay Mr. Sefuentes" sabi ng Judge. Agad naman kinuha ng mga pulis si Mr.
Flores. Nag silabasan na ang mga tao kaya naman lumabas na rin kami ni daddy.
"Ang galing nga ni Chard, daddy" manghang sabi ko.
"Sabi ko naman sayo e. Oh ayun si Chard at pumasok na sa opisina niya" turo sa akin
ni daddy.
"Sige po daddy thank you sa pagsama sa akin" sambit ko at hinalikan si daddy sa
cheek bago naglakad papunta sa office ni Chard.
Bubuksan ko sana ang pintuan ng may makita akong door hanger na nakasulat ay do not
disturb.
"Miss do not disturb daw" sabi ng babae sa likuran ko.
"Ano naman?" tanong ko sa kanya.
"Ayaw maisturbo ni attorney at baka masigawan ka pa" pabulong na sambit nung babae.
Takot siguro sila kay Chard dahil sa sobrang sungit nito sa ibang tao.
"Ano ka ba miss hindi ako sisigawan niyan" nakangiting sambit ko sa babae.
"Sige miss, ikaw ang bahala. Basta binalaan na kita" sabi nung babae at umalis na.
Binuksan ko naman ang pinto at nakita ko si Chard na busy sa pagtawag sa cellphone
niya habang nakatalikod sa akin.
"Hindi ka ba marunong makaintindi? Do not dis.." natigilan naman siya sa
pagsasalita ng makita niya ako.
"Bawal maistorbo ang sikat na attorney? Kahit na sa magandang tulad ko ayaw mong
mag pa istorbo?" mataray na sambit ko. Lumapit naman siya sa akin at agad akong
binuhat. Napakapit naman ako sa batok at sa bewang niya. Agad niya kong hinalikan
ng malalim na parang isang taon kaming hindi nagkita.
"I miss you, I miss you, I miss you" paulit-ulit na sambit nito sa akin hanggang sa
makaupo siya sa swivel chair habang ako ay nakakandong paharap sa kanya.
"I miss you too Chard" malambing na sambit ko sa kanya at sumiksik sa leeg niya.
Nilapat ko ang labi ko sa leeg niya then I put a hickey on his neck.
"Paano ka nakapunta dito?" tanong sa akin ni Chard habang nakasiksik pa rin ako sa
leeg niya.
"Sinamahan ako ni daddy. Pinanood din kita at ang galing mo" sagot ko at umalis na
sa pagkakasiksik sa leeg niya.
"I love you Alzola ko" nakangiting sambit nito tsaka ako hinalikan. Humiwalay naman
ako sa halik namin ng may maalala ako.
"Sinabi ko pala kila mama na dito na lang tayo tumira para hindi ka na byabyahe ng
malayo. Dito na rin ako mag-aaral" masayang sambit ko.
"Really? then mag date na lang muna tayo. Tapos ko na rin naman ang kaso"
nakangiting sabi niya sa akin.
"Sige sige" umalis ako sa pagkakakandong sa kanya at may kinuha sa shoulder bag ko.
Sinuot ko ang mask at phantom sunglasses ko.
"Para saan yan?" tanong sa akin ni Chard.
"Alam ko naman na sobrang sikat ka kaya dapat takpang ko ang maganda kong mukha
kasi maraming reporter sa labas at ayoko naman na makita yung mukha ko sa balita"
sambit ko habang umiirap.
"Isuot mo na rin ito" sabi ni Chard at sinuot sa akin ang malaking coat niya.
"Bakit naman?" tanong ko sa kanya.
"Ayoko naman na makita nila yung sexy mong katawan" ani nito nakasuot kasi ako ng
puff sleeve na crop top.
"Ok, tara na" sabi ko at hinawakan ang kamay ni Chard. Sabay kaming naglakad
palabas ng opisina ni Chard at lahat ng nakasalubong namin ay halatang gulat na
gulat.
Bago kami tuluyan lumabas pinalibutan muna kami ng mga body guard para hindi kami
pagkaguluhan ng mga reporter I mean para hindi siya pagkaguluhan. Paglabas namin ay
puro mga reporter nga.
"Mr. Peterson, paano niyo pong nalaman na pinatay talaga ang anak ng mayor?"
"Hindi po ba kayo natatakot sa pwedeng gawin ng pamilya ni Mr. Flores?"
"May asawa na po ba kayo?"
"Kahit saglit na interview lang po"
Rinig kong tanong ng mga reporter kay Chard. Pero tulad ng dati wala pa rin siyang
sinagot kahit isa sa mga ito. Nawindang naman ang lahat ng tao ng may nagpaputok ng
baril. Agad kaming yumuko ni Chard.
"Fuck!" inis na sambit ni Chard at mas binilisan pa ang paglalakad hanggang
makarating kami sa kotse niya. Pinagbuksan niya ko ng pinto sa back seat kaya naman
agad akong pumasok at sumunod siya. Pinaandar naman nung driver ang sasakyan.
"Ano yun Chard? Bakit may nagpapaputok ng baril?" nag-aalalang tanong ko.
"Wala lang yun Alzola" mahinahong sagot niya sa akin.
"Sa bahay na lang tayo mag date Chard para mas safe" sambit ko habang hinihilot ang
ulo ni Chard mukha kasi siyang pagod na pagod. "Tsaka mukhang pagod ka na rin"
"Ok, sa Makati Village mo na idiretso" sabi niya sa driver.
"Gusto mo magpahinga ka na lang muna bago tayo mag date?" malambing na tanong ko
kay Chard.
"Pwede naman natin gawin ng sabay" malambing na sabi ni Chard at bigla akong inupo
paharap sa kandungan niya. Nahiya naman ako sa driver niya dahil sa kalandian ni
Chard pero gusto ko rin naman.
"Paano naman natin mapagsasabay?" tanong ko sa kanya. Nararamdaman ko na sobrang
pula nanaman ng aking magandang mukha.
"Basta" maikling sambit nito at pumikit na. Mukhang pago na pagod nga si Chard sa
trabaho niya. Aalis na sana ako sa kandungan niya para makapag pahinga siya ng
maayos ng pigilan niya ako "Stay" nag stay na lang ako sa kanudungan niya habang
hinihilot ang ang ulo niya.
Nang makarating kami sa bahay agad akong umalis sa kandungan ni Chard at bumaba.
Pagkababa niya agad niya kong inakbayan at sabay kaming naglakad papasok sa bahay.
Dirediretso kami na umakyat sa kwarto niya. Pagpasok namin sa kwarto niya agad
akong lumapit sa bar counter niya.
"Let's drink Chard" nakangiting sambit ko tsaka kumuha ng isang mamahaling wine at
dalawang wine glass. Sinalinan ko yun parehas at inabot kay Chard ang isang wine
glass. Kinuha niya yun sa akin pareho at nilapag sa bar counter.
"May alam akong lugar kung saan masarap uminom ng wine" sambit nito napatakip naman
ako sa mata ko ng mag hubad sa harapan ko si Chard hanggang sa boxer na lang ang
natira.
"Bakit ka naghuhubad?" kinakabahang tanong ko sa kanya. Hinawakan naman niya ang
kamay ko na nakatakip sa mata ko at inalis yun.
"Huwag ka ng magtakip ng mata mo para namang hindi mo pa nakikita ang buong katawan
ko" nakangising sabi nito sa akin na kinapula ng buong mukha ko. Kinuha nito ang
dalawang wine glass gamit ang isang kamay niya at ang isa naman ay ginamit niya
para hawakan ang kamay ko.
Naglakad kami papasok ng bathroom niya at higit na mas malaki ito kesa sa bathroom
ko. Mayroon ring malaking jacuzzi ang bathroom niya.
"Bakit yung bathroom mo may jacuzzi samantalang yung akin wala" nakangusong sambit
ko. Inilapag naman niya ang wine glass sa isang mini table at hinawakan ang bewang
ko.
"Lahat ng akin ay iyo na rin. Kaya iyong iyo itong kwarto ko." sambit nito at
inumpisahan na halikan ako sa mga labi ko. Tumugon naman ako sa mga halik niya at
agad rin tinulak siya.
"Mag da-date tayo diba?" nakangising sambit ko at isa-isang hinubad ang saplot ko
habang nakatingin sa kanya. Pagkahubad ko ng saplot ko pumunta na ko sa jacuzzi.
Habang siya ay nakatunganga pa rin. "Hey Chard" tawag ko sa kanya.
Tumingin naman siya sa akin at hinubad na ang boxer niya agad na bumungad sa akin
ang alaga niya na tayong tayo na napaiwas naman ako ng tingin doon. Naramdaman ko
na man na lumubog na rin siya sa jacuzzi. Inabot niya sa akin ang wine glass ko.
"Cheers" sambit niya. Pinagdikit naman namin ang wine glass namin at sabay na
uminom.
"Congrats to the best Attorney in the world" masayang sambit ko.
"Thank you for always supporting me, Alzola" ani Chard.
"I love you Chard Kristian Peterson at palagi kitang susuportahan sa lahat ng mga
kaso mo" nakangiting sabi ko sa kanya.
"Magpakasal na tayo" nagulat naman ako sa sinabi niya pero sa huli ay tinawanan ko
na lang.
"HAHAHAHA huwag ka ngang magbiro ng ganyan Chard. Pagod ka lang sa trabaho mo"
natatawang sambit ko kahit ang totoo ay sobrang lakas na ng tibok ng puso ko ngayon
at kabang kaba ako.
"I'm not" maikling sambit nito na lalong nagpakabog sa puso ko.
"Chard.." sambit ko.
"Kaya kitang buhayin Alzola, kaya kitang ibili ng bahay, kaya kong ibigay ang lahat
sayo" malambing na sambit nito at hinalikan ang likod ng palad ko.
"Pero Chard, madami pa kong gustong gawin. Madami pa akong gustong tuparin" sagot
ko habang nakatingin sa mga mata niya.
"Kaya kitang samahan sa lahat ng gusto mong gawin. Kaya kitang tulungan na tuparin
lahat ng pangarap mo Alzola. Kaya kong gawin ang lahat para sayo" sambit nito na
lalong kinabilis ng tibok ng puso ko.
"Pero Chard hindi pa ako handa. Gusto kitang makasama habang buhay, gusto kitang
makita na nakikipaglaro sa mga anak natin. Pero hindi pa ako handa magpakasal. Sana
maintindihan mo ko" malambing na sambit ko.
"I understand, Alzola. I love you" nakangiting sambit niya.
"I love you too Chard" sambit ko tsaka siya hinalikan at kumandong ako sa kanya
paharap. Naramdaman ko naman na pinasok niya ang kanya sa loob ko.
"Manyak ka na pala ngayon ang Alzola ko" ani nito kaya naman umalis ako sa
kandungan niya. "I'm just kidding. Ako na ang manyak"
Naramdaman ko naman na gumapang ang mga palad ni Chard sa mga binti ko patungo sa
makinis kong hita. Hanggang sa makarating siya sa pagkababae ko. Hinagod hagod niya
ito at para bang sinusukat niya. Sheeeeet ano ba itong ginagawa mo Chard. Habang
ginagawa niya yun ang isa naman niyang kamay ay nagtungo sa mga hinaharap ko.
"Ahhhh Chard" mahinang ungol ko baka kasi marinig kami nila mama.
"Hindi nila tayo maririnig Alzola kaya lakasan mo na" sagot niya at hinalikan ako
sa mga labi ko habang patuloy pa rin sa pag galaw ang mga palad niya. Napaigtad
naman ako ng salatin niya ng pataas at pababa ang hiwa ko.
"AHHHH Chard" ungol ko. Bigla naman niyang pinasok ang dalawa niyang daliri sa akin
"AHHHHHM" may pinindot si Chard kaya unti-unti ay nauubos ang tubig.
Nang maubos ang tubig ng jacuzzi agad na pinatong ni Chard ang binti ko sa balikat
niya at mas na paungol ako ng maramdaman ko ang mainit niyang dila na naglalaro sa
pagkababae ko. "AHHHHHHHHH CHARD ANG SARAAAP. TULOY MO LAAANG"
Hindi na nakapagpigil si Chard at pinasok na ang alaga niya sa loob ko. "AHHHHH
CHARD" sinagad niya ito sa loob ko at tsaka nag labas masok sa akin. "AAHHHHH
AHHHH"
"I love you Alzola, I love you Alzola. Akin ka lang." sambit nito habang patuloy pa
rin sa paglalabas masok sa loob ko.
"AHHHHHHH CHARD, AHHHHHH akala ko ba pagod ka?" tanong ko habang sibusubo niya ang
hinaharap ko.
"Inakit mo kasi ako"

Episode 32
Cyrine's POV

"Good Morning mama, Good Morning daddy and Good morning Chard" bati ko sa kanila
habang nag bre-breakfast kami.
"Mukhang excited ang anak ko sa first day of school" nakangiting sambit ni mama sa
akin. Ngayon na kasi ang umpisa ng klase at nakabili na rin kami ng mga gamit ko
noong nakaraang Linggo lang.
"Excited po talaga ako mama" masiglang sabi ko kay mama habang kumakain kami.
"Mabuti pa at sumabay ka na sa daddy mo. Pupunta rin siya sa Makati Unversity
ngayon" ani mama napatingin naman ako ngayon kay daddy.
"Ano pong gagawin niyo sa University?" tanong ko kay daddy na nagbabasa ng dyaryo.
"Taon taon nag e-speech ako sa University" sagot ni daddy sa tanong ko.
"Ikaw Chard nag e-speech ka rin ba sa University?" tanong ko naman kay Chard.
"Naku Cyrine, kahit kailang hindi nag speech sa university yan" sagot ni daddy.
"Bakit naman po?" tanong ko kay daddy.
"Ayaw niya daw mag aksaya ng oras doon" sagot naman ni mama. Parang mas kilala pa
nila si Chard kesa sa akin.
"Cyrine, ipapakilala nga pala kita sa lahat ng studyante ng Makati University"
natigilan naman ako ng sabihin ni daddy yun.
"Daddy huwag na po" sambit ko.
"Bakit naman?" nagtatakang tanong ni daddy at binaba niya pa ang binabasang dyaryo.
"Ayoko po kasing magkaroon ng special treatment sa kanila o kaya naman ay
kaibiganin lang nila ako dahil anak ako ng may-ari ng school" sagot ko. Tsaka gusto
ko rin makapag-aral ng tahimik lang.
"Hon, tama si Cyrine. Mas mabuti kung hindi mo na siya ipakikilala" singit naman ni
mama sa usapan namin.
"Sige, kung ayun ang gusto mo" sabi ni daddy at nagbasa na ulit ng dyaryo.
"Daddy hindi na rin po ako sasabay sa inyo. Pwede po bang magpahatid na lang ako sa
driver mo. Baka kasi kapag nakita nila tayo na iisa ang sinasakyan malamang
malalaman agad nila" ani ko.
"Ako na lang ang mag hahatid sayo" sambit ni Chard na kinatango ko at tumayo na
ako.
"Tara na" masiglang sabi ko kay Chard.
"Hindi mo pa ubos ang pagkain mo" ani Chard.
"Busog na ako tara na" sabi ko at hinila na siya papunta sa garahe. Sumakay agad
ako sa kotse niya at sumakay na rin siya tsaka pinaandar ang kotse.
Tinawagan ko naman si Gab.
"Gab, on the way na ako. Antayin mo ko"
[Sige Cy, wait ka namin nila Andrew dito]
"Ok bye" at pinasok ko na sa loob ng bag ko ang cellphone ko.
"Alzola, huwag na huwag kang makikipag kaibigan sa mga lalaki" seryosong sambit ni
Chard habang nag mamaneho.
"Yap, at hindi rin ako dapat mag pahawak sa kahit sinong lalaki maliban sa mga
kaibigan ko" Inunahan ko na siya sa sasabihin niya.
"Good girl, mamaya susunduin kita" sabi nito sa akin.
"Ok, basta sa loob ng kotse mo na lang ako antayin. Alam mo naman agaw atensyon ka
sa mga tao" ani ko at baka pagkaguluhan pa siya ng mga babae.
"Yeah, nandito na tayo" napatingin naman ako sa labas at nandito na nga kami.
Sobrang laki ng university na ito at mukhang hindi ko maiikot ng isang oras lang.
Napansin ko rin na lahat ng istudyante na dumadaan ay napapatingin sa bagong kotse
ni Chard na black Lamborghini Veneno.
"Bye Chard" pagpapaalam ko sa kanya at hinalikan siya sa labi niya.
"Goodluck" nakangiting sambit nito bago ako bumaba. Pagkababa ko nakita ko agad
sila Gab, Ayen at Andrew kaya naman lumapit agad ako sa kanila.
"Hi guys tara na" magkaka klase kasi kaming apat sayang lang at wala si Alexie.
"Sa gym daw muna" sambit ni Ayen.
"Bakit?" takang tanong.
"Speech na daddy mo loka ka!" maarteng sambit ni Gab ay oo nga pala nakalimutan ko
agad.
"Tara na" ani Andrew at sabay sabay kaming naglakad papunta sa loob ng Gym. Naupo
kami sa pinakagitna.
"Sis si Miguel yun diba?" turo ni Gab sa lalaking papalapit sa amin.
"Oo" naalala ko naman ang huling pagkikita namin ni Miguel.
"Cyrine, pwede bang tumabi?" tanong niya sa akin.
"Dito ka sa tabi ko Miguel" malanding sambit ni Andrew. Naupo naman si Miguel sa
tabi ni Andrew.
"Dito pala nag-aaral ang lalaking yan" bulong sa akin ni Ayen na katabi ko lang.
"Yah" maikling sagot ko. Nagulat naman ako ng iba na ang katabi ko at hindi na si
Andrew. Si Miguel na. Napatingin naman ako ng masama kay Andrew na nag piece sign
lang sa akin.
"About last time Cyrine.." hindi ko na siya pinatapos sa pag sasalita at nagsalita
na ako.
"Kalimutan mo na yun. Nandiyan na si daddy mag e-speech na siya" ani ko at tumingin
na sa stage.
"Good Morning students! Nandito nanaman ako at mag e-speech sa harap niyo" sambit
ni daddy na kinatawa ng mga studyante. Mukhang kilalang kilala nila si daddy at
sanay na sanay sila. "Welcome back to school! I hope you have enjoyed yourselves
well in the summer holiday, and prepared yourselves well for the study of the new
academic year. Gusto ko sana ipakilala ang anak kong babae sa inyo kaya lang
masyado siyang mahiyain. Goodluck this school year" pagtapos ng speech ni daddy nag
palakpakan kami.
Pagtapos mag speech ni daddy pinapunta na kaming lahat sa classroom namin. Anim
kaming nasa labas muna dahil mga transfer students kami. May isa pang babae na
hindi namin kilala.
"Pasok na kayo" sabi ng professor namin. Pumasok naman kaming lahat. "Ipakilala
niya ang mga sarili niyo"
"Hi I am Gabriel Barrios. Tawagin niyo na lang akong Gab"
"Hi I am Andrew Ortiz"
"Ayen Martin"
"Miguel Vasseur"
"Alzola Cyrine Trinidad. Tawagin niyo na lang akong Cyrine" ayaw kasi ni Chard na
may ibang tumatawag sa akin na Alzola.
"Janna Marie Gilpo" sambit naman ng katabi ko.
"Sino sa inyo yung anak ni Mr. Carpio?" tanong sa amin nung magandang babae sa
likuran.
"Hindi pa ba obvious babe? Syempre si Cyrine. Imposible naman na si Janna na
mukhang magsasaka" sambit naman nung katabi nung magandang babae. Nagtawanan naman
ang buong klase.
"TUMAHIMIK KAYO!" nagsitahimikan naman sila. "Maupo na kayo." Naupo ako sa
pangalawa sa likod sa tabi ng isang babae. Si Gab at Andrew naman ay sa harap ko
then sa harapan nila ay sila Ayen at Miguel.
"Ako, ako ang anak ng may-ari ng school. Fiancé rin ako ni Mr. Peterson" sabi ni
Janna na nakatayo pa rin sa harapan.
"Kaya siguro nahihiya yung anak ni Mr. Carpio kasi ang pangit pala HAHAHAHA"
nagtawanan ulit ang buong klase sa sinabi ng babae sa likuran ko.
"SINABING TUMAHIMIK KAYO!" sigaw ulit nung professor namin. "Ms. Gilpo, maupo ka
na" naupo na si Janna sa pinakadulo katabi ng bintana.
"Hi Cyrine, I' am Angelie" masiglang sambit ng katabi ko kaya nginitian ko siya.
"Hi Angelie" bati ko pabalik sa kanya. Napalingon naman ako sa likuran ko ng may
naramdaman akong kumalabit sa akin.
"Hi Cyrine, Ako si Alaina, ito naman ang boyfriend ko si Gio" sabi naman nung
magandang babae sa likuran ko.
"Hi Alaina, Hi Gio" nakangiting bati ko sa kanila at humarap na ulit.
"Sigurado ka bang hindi ikaw ang anak ni Mr. Carpio?" pabulong na tanong sa akin ni
Angelie.
"Hindi ako tsaka sinabi na ni Janna na siya raw ang anak" ani ko.
"Hindi kasi halata sa kanya na anak siya nila Mr. Carpio. Para bang bilad na bilad
sa arawan at kulang sa lotion" sambit ni Angelie at hindi ko na lang pinansin.
Nakinig na lang ako sa professor namin.
Pagdating ng break time sama-sama kaming apat nila Ayen sa isang table. "Ayen ikaw
na ang bumili ng pagkain natin" utos ni Gab kay Ayen.
Tumayo na lang si Ayen at hindi na nagreklamo. "Sis bakit mo hinayaan si Janna na
sabihin na siya yung anak ng daddy mo?" tanong sa akin ni Andrew.
"Hayaan mo na lang tsaka mukhang ginawa niya yun para hindi na pagtawanan ng mga
kaklase natin" ani ko.
"Ayan ka nanaman sa pagiging mabait mo sis, paano kung sumobra naman siya?" sabi
naman ni Gab.
"Ako na bahala. Huwag na lang kayong maingay" gusto ko rin kasi na maitago na ako
ang anak ni daddy para hindi na magulo ang buhay ko habang nag-aaral ako.
"Basta pag may ginawang mali yun sayo ako mismo ang sasabunot sa kanya" sambit ni
Andrew na kinangiti ko.
"Hi Cyrine pwede ba kaming maki share?" tanong ni Angelie, tumango naman ako at
naupo na silang tatlo.
"Guys si Angelie, Alaina and Gio" pagpapakilala ko sa tatlo.
"Gab" "Andrew" masiglang sambit nilang dalawa. Dumating naman si Ayen at isa-isang
nilapag ang mga pagkain namin.
"Ayen, sila Angelie, Alaina and Gio nga pala. Guys si Ayen" ngumiti lang si Ayen sa
kanila at naupo na.
"Tignan niyo si Janna oh may tatlong alalay agad" ani Alaina.
"Pilingerang frog" sambit naman ni Gab.
"Yah trueee" pagsang-ayon ni Alain.
"OMGEEE sis mukhang magkakasundo agad tayo" masayang sabi ni Gab kay Alaina.
"I feel that tooo" natawa naman ako sa kanila kasi mukhang parehas silang
judgemental.
"Alam niyo yang si Janna sigurado akong hindi anak ni Mr. Carpio yan" sabi ni
Angelie na kinatingin namin sa kanya.
"Bakit naman?" tanong ni Andrew kay Angelie na kunyari walang alam.
"Nakita ko na kasi noon yung kasamang babae ni Mr. Peterson kaya lang may takip
yung mukha niya. Pero yung buhok niya" napatingin naman siya sa buhok ko. "Gayang
gaya ng kay Cyrine."
"Maraming magkakaparehas ng buhok" buti na lang at nandito si Ayen.
"Yap, pero ang hirap talagang paniwalaan na fiancé siya ni Mr. Peterson. Ang pangit
niya!" maarteng sambit ni Angelie na kinatawa namin dahil sa reaksyon niya.
"Tama na nga yan HAHAHAHA. Baka may ibang makarinig" ani ko.
"Ano naman? Hindi naman ako natatakot sa kanila" matapang na sabi ni Angelie.
Masaya kaming kumain sa canteen at naging close agad kami sa isa't isa. Pagtapos
naming kumain nagpunta na kami sa last subject namin.
"First class natin kaya naman bibigyan ko rin kayo ng first task" masungit na
sambit ni Ms. Carmen. Akala ko bata pa ang teacher namin pero matanda na pala.
"Gagawa kayo ng advertisement at brochure ng isang produkto para mahikayat ang mga
mamimili na bumili"
"Ma'am kailan po ang pasahan?" tanong ng kaklase namin na nasa harapan.
"Next week" mataray pa rin na sagot nito na parang may regla yata.
"Ilang member po bawat grupo?" tanong ulit ng kaklase namin.
"5 only" sagot ni Ms. Carmen.
"Hey sis, alam mo na" ani Gab.
"Kulang pa tayo ng isa" sagot ko, apat lang kasi kami kasi nga wala si Alexie.
"Ako na lang Cyrine" tumango naman ako kay Angelie.
"Cyrine, pwede ba tayong maging magka grupo?" tanong sa akin ni Miguel.
"Sorry Miguel pero kumpleto na kami" ani ko.
"Ganun ba" nakonsensya naman ako sa naging reaksyon niya.
"Next time na lang Miguel" sabi ko.
"Goodbye class" sambit ni Ms. Carmen at dirediretso na lumabas. Inayos ko naman ang
mga gamit ko.
"Kailan tayo gagawa?" tanong ni Angelie sa akin.
"Kayo bahala kung kailan niyo gusto" sagot ko.
"Sa sabado na lang sa bahay niyo Cyrine" ani Gab.
"Sige, tara na" sambit ko dahil tapos ko ng ayusin ang gamit ko.
Sabay sabay kaming naglakad palabas. Paglabas naming ng building namin agad namin
nakita ang isang magarang sasakyan na nakaharang sa gate.
"Bakit hindi siya sinisita ng guard?" tanong ni Angelie.
"Baka si Mr. Carpio yan o si Mr. Peterson" sagot ni Alaina.
"OMG Janna sinusundo ka na ng fiancé mo" napatingin naman kami sa likod namin kung
nasaan sila Janna kasama ang mga alagad niya.
"Bye Guys. Next time na lang kayo sumabay. May date pa kasi kami ni Chard" maarteng
sambit ni Janna. Yung arte na hindi ko nagugustuhan. Confident siyang naglakad
papunta sa kotse ni Chard.
"Baka nga siya talaga yung anak ng may-ari ng school" ani Gio.
"Mapapahiya lang yan" sambit naman ni Ayen. Nakita namin na pilit binubuksan ni
Janna ang pintuan ng front seat kaya lang ay hindi ito bumubukas.
"Baka naman hindi mo sundo yan Janna kasi wala ka naman talagang sundo HAHAHAHA"
nagtawanan naman ang lahat ng mga dumadaan na studyante sa sinabi ni Alaina.
"Bye guys nandiyan na yung sundo ko" pagpapaalam ko sa kanila at lumapit sa
sasakyan ni Chard. Napaatras naman si Janna ng lumapit ako sa kanya.
"Ba-bakit ka lumalapit sa akin?" tanong niya at nginitian ko naman siya.
"Hindi ako lumalapit sayo Janna. Lumapit ako kasi kotse ito ng BOYFRIEND KO" ani ko
at binuksan ang pintuan ng kotse ni Chard na agad rin namang bumukas para sa akin.
Pagpasok ko agad kong sinara ang pinto at binaba ang bintana. "Mali ka yata ng
kotse na nilapitan Janna" mahinhin na sambit ko tsaka sinara ang bintana.
"Sino yung babaeng yun?" tanong ni Chard at nagmaneho na.
"Nagkamali lang siguro siya" sagot ko.
"Doon daw nag-aaral si Miguel" ani nito.
"Yah at iniwasan ko naman siya" nakangiting sambit ko.
"Good Girl. I have a gift to you" at inabot niya sa akin ang ticket na gustong
gusto ko.
"Thank youuuu Chard. I love you. I love you. I love you. Sobrang saya ko" sambit ko
habang kinikiss siya ng paulit-ulit sa cheek niya. VIP ticket kasi ito sa concert
ni Bruno Mars. Akala ko hindi na ako makakapunta.
"I love you too Alzola ko. Basta masaya ka masaya na rin ako"

Episode 33
Cyrine's POV

Pagpasok ko sa loob ng classroom namin agad bumungad sa akin ang mga kaklase ko na
nagkakagulo sa table ni Janna. Naupo na ako sa upuan ko.
"Anong meron bakit sila nagkakagulo sa table ni Janna?" tanong ko kay Angelie.
"Pruweba daw" sagot ni Gab nanakaharap sa akin.
"Anong pruweba?" tanong ko kay Gab.
"Mga pictures" sagot niya na hindi ko pa rin maintindihan.
"Ano namang pictures yun?" naiinis na ako kay Gab kasi ayaw niya po kong
diretsuhin.
"Picture na kasama ang pamilya mo" bulong niya sa akin.
"Totoo palang anak ka ni Mr. Carpio" rinig kong sambit ng kaklase namin kay Janna.
Tumayo naman si Janna at lumapit kay Alaina.
"Ito yung mga pictures na nagpapatunay na anak ako ng may-ari ng school at fiance
ko si Chard. Ano gagalangin mo na ba ako?" mataray na sambit nito kay Alaina.
"Hindi. Hindi naman kagalang galang ang tulad mo. Mayaman ka nga pero mukha ka
namang isda. Oh wait hindi pala simpleng isda. Mukha kang hito at amoy isda"
mataray rin na sambit ni Alaina pero nakaupo pa rin sa upuan niya.
"Gusto mo bang ipatangal kita sa school ko?" matapang na tanong ni Janna kay
Alaina.
"Wala kang karapatan na ipatangal siya" kalmadong sambit ko habang nakaupo sa chair
ko. Naglakad naman si Janna papunta sa harap ko at ngayon ay nasa harap ko na siya.
"Oh nagsalita ang may sugar daddy" sabi nito sa akin na halatang nagpipigil lang.
"Sugar daddy? HAHAHAHA saang palayan mo naman narinig yan?" natatawang tanong ko sa
kanya na lalo naman niyang kinainis.
"Nakita ko yung sumundo sayo ay isang matadang lalaki at mukhang sugar daddy mo"
sambit nito na kinatawa nila Gab.
"HAHAHAHA sigurado ka sa sinasabi mo Janna?" tanong ni Gab kay Janna.
"Baka mawindang ka kapag nakita mo ang totoong sumundo sa akin" sabi ko kay Janna
habang matapang kong tinititigan ang mga mata niya. Pakiramdam ko nagiging matapang
na ako ngayon.
"Gusto mo rin ba na ipatangal kita sa school ko?" ani nito na kinangiti ko sa
kanya.
"Studayante ka lang Janna. Isang simpleng studyante. Pantay pantay tayong lahat
dito kaya wala kang karapatan na paalisin ang kahit na sinong studyante dito dahil
gusto mo lang" matapang na sambit ko sa kanya. Napaupo naman ang lahat ng mga
kaklase ko ng biglang bumukas ang pinto.
"Goodmorning Class" bati sa amin ng professor namin.
"Goodmorning Mr. Robrigado" sabay sabay na bati namin.
Habang nagkla-klase kami ramdam na ramdam ko ang masasamang tingin ni Janna na
hindi ko nilingon kahit isang beses. Hindi naman ako natatakot sa mga tingin niya
gusto ko lang mag focus sa pakikinig sa professor namin.
Hanggang sa matapos ang klase namin masama pa rin ang tingin sa akin ni Janna na
parang papatayin ako. Habang inaayos ko ang mga gamit ko lumapit sa akin si Janna.
"Mag-usap nga tayo Cyrine" ani nito.
"Wala akong oras na makipag-usap sayo" sagot ko sa kanya. Hinawakan naman niya ang
braso ko ng madiin kaya bumakat ang mga kuko niya.
"Mag-uusap tayo. Wala akong pakielam kung ayaw mo man" sambit nito at mas diniinan
pa ang paghawak sa braso ko.
"Bitawan mo nga ako nasasaktan ako" ani ko sa kanya at tinutulak siya pero mas
malaki siya sa akin. Bigla naman lumapit si Miguel sa amin at tinulak ng malakas si
Janna kaya napaupo ito sa lapag.
"Wala kang karapatan na saktan siya" malamig na sambit ni Miguel kay Janna.
"Tara na Cy, magkikita pa tayo nila Alexie" anyaya ni Ayen at lumabas na kami.
Iniwan namin sa loob sila Janna
"Mag convoy na lang tayo" sabi ko sa kanila habang naglalakad kami. May dala kasing
kotse si Ayen.
"Kay Ayen na lang kami sasabay Cy" ani Andrew. Nakita ko naman ang kotse ni Chard
na nag-aantay.
"Sige sakay na ako sa kotse ni Chard" sambit ko at naglakad na papunta sa kotse ni
Chard. Pagsakay ko agad ko siyang hinalikan sa labi niya.
"Tumawag sa akin si tito nasa bahay na daw si Alexie" sabi ni Chard habang
nagmamaneho. Sa bahay kasi namin naisipan na magkita kita bago sila pumunta ni
Raymart sa Canada.
"Mag-isa lang siya?" tanong ko kay Chard.
"Kasama niya si Raymart" sagot niya.
Pagdating namin sa bahay agad akong tumakbo papasok sa bahay at nakita ko sa sala
si Alexie "Alexie!" masayang sambit ko at lumapit sa kanya tsaka siya niyakap.
"HAHAHAHA Na miss mo naman agad ako" natatawang sabi ni Alexie tsaka humiwalay sa
pagkakayakap namin at naupo na sa sofa. "Nasan yung tatlo?"
"Alexie!" sabay na sambit ni Gab at Andrew tsaka lumapit sa amin.
"Kumusta ka?" tanong ni Ayen kay Alexie.
"Ok naman ako. Kayo kumusta kayo? Baka naman pinagpalit niyo na ako" nagtatampong
sambit ni Alexie.
"Hindi namin ipagpapalit ang matabil mong bibig HAHAHAHA" nagtawanan naman kami sa
sinabi ni Andrew.
"Kumusta sa Makati University? May gwapo ba?" tanong ni Alexie.
"Alexie!" inis na sambit ni Raymart na kasama si Chard na naglalaro ng chess.
"I mean kumusta pala yung pag-aaral niyo?" tanong ulit ni Alexie na halatang
iniiwasan ang una niyang tinanong.
"Ok naman kaya lang may witch like Rhona" maarteng sabi ni Gab.
"May mas malandi pa sa inyo doon?" sarcastic na tanong ni Alexie kila Gab.
"Ano ka ba sis! seryoso ko. May nagpapangap na si Cy" pabulong na sambit ni Gab
para hindi marinig nila Chard.
"What?! paanong nagpapangap?" gulat na tanong ni Alexie.
"Shhh huwag kang maingay baka marinig ka nila Chard" pabulong na sambit ko.
"So ano nga? kwento niyo naman" sabi ni Alexie.
"Kasi mayroon ring transfer student na kasabay namin ang nagsabi na siya daw yung
anak nung daddy ni Cy then sinasabi niya rin na fiance niya si Chard" pabulong na
pagkwekwento ni Gab.
"Sino yung babaeng yun at ng masampal ko!" inis na sambit ni Alexie.
"Kalma lang Alexie" mahinahong sabi ni Ayen kay Alexie.
"Paano ako kakalma! naiinis ako sa babaeng yun" inis pa rin na sambit ni Alexie.
"Dapat pala hindi mo na kinewento kay Alexie. Alam naman natin na exaggerated siya"
ani Andrew.
"Kalma ka lang Alexie tandaan mo may baby ka na sa tummy mo" sabi ko at hinimas
himas ang umbok ng tyan niya.
"Ayan kumakalma ka pala kapag hinahawakan ang tummy mo" ani Gab at nakihawak na rin
sa tummy ni Alexie.
"Ninang at ninong kayo" sambit ni Alexie at tumingin talaga kay Gab at Andrew ng
bangitin niya ang salitang ninong.
"Ninong talaga? Baka naman pwedeng ninang sis" sambit ni Gab na kinairap lang ni
Alexie.
"Ninong ka Gab. May titi ka kaya ninong ka" mataray na sambit nito. Mukhang mas
tumatabil yata ang bibig ni Alexie.
"Alexie!" inis na sambit nanaman ni Raymart.
"Oh sorry nadulas lang" sabi nito at nag peace sign kay Raymart.
"Ano bang ginagawa mo sa kaibigan namin at mas tumabil yata ang bibig" seryosong
sambit ni Ayen kay Raymart.
"Ano bang ginagawa ng mga mag-asawa?" nakangising sagot ni Raymart na kinapula ng
mukha ni Alexie.
"My God! Dito talaga? Dito talaga kayo mag-uusap tungkol diyan?" inis na tanong ko
kila Raymart.
"Mag miryenda na muna kayo" sabi ni mama at naglapag ng snacks sa table.
"Thanks tita" sabi nila. Ngumiti lang sa kanila si mama at umalis na.
"Grabe mukhang inaraw-araw niyong dalawa" sabi ni Andrew kila Alexie at Raymart.
"Argg hindi ba kayo titigil na pag-usapan ang tungkol diyan?!" inis na tanong ko sa
kanila.
"Hmm akala mo naman virgin pa" pagpaparinig ni Gab na kinapula ng mukha ko.
"Alam mo Gab bukas ang pintuan namin at pwedeng pwede ka ng lumabas" sarcastic kong
sabi sa kanya.
"Bakit? natatamaan ka ba Cy?" nakangising sabi nito na mas lalong kinainit ng mukha
ko.
"Ah hindi ka titigil? Baka gusto mong ikalat ko na humalik ka ng isang babae sa
bar" mataray na sabi ko sa kanya. Akala niya yata mag papatalo ako. No way!
"Wala kang pruweba" ani nito na kinatawa ko.
"HAHAHAHA anong akala mo sa akin tanga? kaya nga ko with high honor" natatawang
sambit ko.
"Nasan? Nasan ang imagination na pruweba mo? HAHAHAHA" natatawa rin na sambit nito.
"Alexie akin na ang phone mo" inabot naman sa akin ito ni Alexie ang phone niya at
hinanap ko agad ang video niya sa bar na hinalikan ang isang babae. Nang mahanap ko
ito agad ko itong plinay na pinakita kay Gab. "Oh ano ka ngayon sis? HAHAHAHA"
"Hey Cy. Walang ganyanan" sabi nito na parang isang maamong baboy.
"Ha? Ano yun? Hindi kita marinig Gab" pag-aarte ko habang hawak ang tenga ko.
"Please Cy, iliibre kita ng ticket ni Bruno Mars. Diba gustong gusto mo yun.
Ibibili kita agad agad basta huwag mo lang ikalat" pagmamakaawa niya sa akin na
kinatawa ko.
"HAHAHAHAHA may ticket na kasi ako. Binilhan na ako ni Chard. Anong kaya mong
ibigay para hindi ko ito ipagkalat" inosenteng tanong ko habang pinaglalaruan ang
cellphone ni Alexie.
"Ano bang gusto mo? Kahit ano ibibigay ko. Please Cy. Cyrine na maganda. Cyrine na
mabait" malambing na sabi nito na lalo kong kinatawa.
"HAHAHAHAHAHAHA nakakatawa yung itsura mo Gab. Hindi ko naman ito ipopost" sabi ko
at binalik na kay Alexie ang cellphone niya.
"Nakakatawa ka bro. Buti na lang na videohan ko lahat HAHAHAHAHA" natatawang sambit
ni Ayen na kinatawa namin lahat. Maliban kay Gab na galit na galit na.
"Ang sasama niyo! Andrew tulungan mo naman ako" sabi nito kay Andrew na tumatawa.
"Bahala ka diyan Gab. Ikaw nag umpisa niyan HAHAHAHAHA" ani Andrew habang tumatawa
pa rin.
Nag-asaran pa kami at nag kwentuhan ng mga kaibigan ko hanggang sa mag gabi na.
Hindi namin namalayan ang oras dahil sa masaya naming pag kwekwentuhan at ang pang-
aasar namin kay Gab.
"Ingat kayo" sabi ko bago umalis ang mga sasakyan nila. Pagka alis nila agad akong
umakyat ng kwarto ko.
Nag half bath muna ako tsaka nag bihis ng pantulog bago buksan ang cellphone ko.
Pagbukas ko agad na bumungad sa akin ang group chat namin ng mga kaklase ko.
Parang gusto kong magwala sa nakita kong sinend na picture ni Janna. Picture nila
yun ni Chard habang kiniss siya ni Chard sa pisngi. Kailangan kong kumalma. Hindi
ito totoo, hindi magagawa ni Chard sa akin ito. Mahal ako ni Chard at wala siyang
pakielam sa babaeng yun. May tiwala ako kay Chard at alam kong hindi niya sisirain
yun.
Bigla naman may yumakap sa akin mula sa likod ko kaya pinatay ko agad ang
cellphone ko. "I saw you" sambit nito.
"huh?" takang tanong ko sa kanya.
"Nakita kita na hawak yung tyan ni Alexie" sabi nito at pinasok ang mga kamay niya
sa loob ng suot kong pantulog tsaka hinawakan ang tummy ko.
"Ano naman?" takang tanong ko sa kanya.
"Gusto mo rin ba ng baby?" pinalo ko naman ang kamay niya na nasa tummy ko dahil sa
sinabi niya.
"Sira ulo ka talaga kung ano ano inisip mo" sita ko sa kanya.
"Bakit? HAHAHAHA sabihin mo lang kung gusto mo rin ng baby ibibigay ko agad sayo"
namula naman ang mukha ko dahil sa sinabi niya buti na lang at nakatalikod ako.
"Ang maniac mo talaga Chard" sabi ko. Naglakad naman siya papunta sa kama habang
hawak ako tsaka ako kinandong paharap sa kanya.
"I love you Alzola ko, mahal na mahal kita kaya sabihin mo na kung ano ang problema
mo" nagulat naman ako sa huling sinabi niya.
"Ano ka ba Chard. Wala akong problema" ani ko at hinalikan siya saglit sa labi
niya.
"Alam ko mayroon. Kaya sabihin mo na" seryosong sambit nito habang titig na titig
sa akin na para bang binabasa ang laman ng isip ko.
"Ano kasi Chard may kaklase ako na nagsasabi na siya daw ang anak ni daddy then
sabi niya rin fiance ka niya" nakangusong sambit ko.
"What the fuck! wala akong ibang babae" inis na sambit nito.
"Tapos nag send pa siya ng picture sa group chat namin" sabi ko at binuksan ang
cellphone ko tsaka pinakita sa kanya ang picture.
"Fuck! hindi totoo yan Alzola ko. Photoshop lang yan! naniniwalaka ba sa akin?"
malambing na sambit nito at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.
"Oo naman Chard naniniwala ako sayo. Mahal na mahal kita kaya hindi ako naniniwala
sa picture na yan" nakangiting sabi ko sa kanya.
"Anong buong pangalan ng malanding babaeng yan?" tanong sa akin ni Chard.
"Wag na Chard" ani ko at hinalikan siya para matigil na siya.
"Never mind marami naman akong connections. May ginawa bang masama sayo yang
malanding babaeng yan?" tanong ni Chard sa akin.
"Wala Chard, hindi naman niya ko inaaway" sambit ko.
"Huwag mong hahayaan na saktan ka ng babaeng yan" seryosong ani Chard.
"Oo naman, hinding hindi ako mag papa-api kahit na kanino" nakangiting sagot ko sa
kanya.
"Kapag may ginawa sayong masama yang malanding babaeng yan hindi ko alam kung anong
magagawa ko sa kanya"

Episode 34
Cyrine's POV

Nagsusuklay ako sa harap ng salamin ng biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.
Tumayo ako at lumapit doon para pagbuksan.
"Ma'am Cyrine, nasa baba na po ang mga kaklase niyo" sambit sa akin ng katulong
namin.
"Sige po, paki sabi baba na ako" ani ko tumango naman ang katulong at umalis na sa
harap ko. Sabado na ngayon at gagawa kami ng advertisement at brochure. 9 A.M pa
lang pero pinapunta ko na sila para maaga kami matapos dahil ngayon din ang concert
ni Bruno Mars.
Tinapos ko lang ang pagsusuklay ko at bumaba na papunta sa sala namin. "Hi guys"
bati ko sa kanila. "Nagbreak fast na ba kayo?" tanong ko sa kanila.
"Yes" sagot ni Angelie.
"Ako hindi pa, gusto ko kasi ang luto ni tita" ani Gab na kinairap ko sa kanya.
"Yan naman palagi ang palusot mo Gab. Wala na bang iba?" mataray na sabi ko sa
kanya.
"Naramdaman ko na hindi ka pa nag bre-break fast Gab kaya naman nagluto ako para sa
inyo" singit ni mama at nilapag sa table ang mga pancakes.
"Thank you tita, ang bait niyo po talaga hindi tulad ni Cy" ani Gab na kinairap ko
ulit sa kanya. Naalala ko naman na ngayon pa lang sa bahay si Angelie.
"Mama, si Angelie nga po pala bago kong kaibigan" pagpapakilala ko kay mama kay
Angelie.
"Hi Angelie feel at home" nakangiting sabi ni mama kay Angelie.
"Thank you po tita pero parang nakita ko na po kayo sa isang magazine at hindi ko
lang matandaan kung saan" sambit ni Angelie.
"Baka kamukha ko lang. Alam mo naman yung magagandang tulad natin maraming kamukha"
nakangiting sambit ni mama.
"Hon, aalis na kami ni Chard. Mag go-golf lang kami" ani ni daddy na kababa lang.
"Omo Mr. Carpio?" hindi makapaniwalang sambit ni Angelie.
"Hi, nandito pala ang mga kaibigan mo anak at mukhang may bago" sabi ni daddy at
napatingin kay Angelie.
"Daddy siya po si Angelie bago kong kaibigan" ani ko.
"Be nice to my beautiful daughter" nakangiting sambit ni daddy kay Angelie.
"Alzola, dito ka lang sa loob ng bahay" sabi ni Chard at hinalikan ako sa labi sa
harap nilang lahat. Nakita ko naman ang reaksyon ni Angelie na hindi makapaniwala.
"Oo" sagot ko kay Chard bago sila lumabas ni daddy.
"Goodluck sa gagawin niyo" nakangiting sambit ni mama bago umalis. Pagka-alis ni
mama natahimik kami saglit bago mag salita si Angelie.
"Omooo, daddy mo si Mr. Carpio tapos hinalikan ka pa ni Mr. Peterson" hindi
makapaniwalang sabi ni Angelie.
"Huwag mo na lang ipagsabi sa iba Angelie" ani ko.
"Mapagkakatiwalaan mo ako Cyrine. Sabi na nga ba at hindi ang Janna na yun ang anak
ni Mr. Carpio!" inis na sabi ni Angelie.
"Huwag na natin pag-usapan yan. Mag umpisa na tayo" sambit ni Ayen.
"May naisip na ba kayo na produkto?" tanong ni Andrew.
"Naisip ko kung shampoo na lang" sagot ni Angelie.
"Pwede rin" pag sang-ayon ko.
"Ok lang din sa akin" pag sang-ayon naman ni Gab.
"Ok na ok lang din sa akin" ani naman ni Andrew. Napatingin naman kami kay Ayen na
tanging pagtango lang ang sinagot.
"Kami na lang ni Andrew ang bahala sa brochure tapos kayo na sa advertisement" ani
Gab, magaling kasi sila ni Andrew sa paggawa ng mga brochure.
"Sige, ito yung laptop" abot ko sa kanilang ng laptop nagagamitin nila sa paggawa
ng brochure.
"Paano natin gagawin yung advertisement?" tanong ni Angelie sa akin.
"Maganda ang buhok mo Angelie kaya ikaw na lang ang magiging commercial model" sabi
ko habang sinusuklay ng mga daliri ko ang magaganda niya buhok.
"Sige, gusto ko yan" masayang sambit ni Angelie.
"Tara doon tayo sa bathroom ko mag shoot" ani ko at naglakad kami paakyat sa kwarto
ko. "Tara dito Angelie" anyaya ko sa kanya sa walk ng closet ko.
"Bakit Cyrine?" tanong niya sa akin.
"Magsuot ka na muna ng two piece tube top swimsuit habang nag sho-shoot tayo" sabi
ko sa kanya habang hawak hawak ang swimsuit.
"Sige, saan ba ang bathroom mo para makapagbihis na ako" lumabas naman kami at
nagpunta sa bathroom ko.
"Labas ka na lang pagtapos ka ng magbihis ayusin ko lang ang camera" ani ko at
inayos na ang camera ko.
"Anong gagawin ko?" tanong sa akin ni Ayen na nakaupo sa kama ko.
"Ikaw maghahawak ng ilaw para mas maliwanag ang video" sagot ko sa kanya at ni
ready na ang camera.
"Ok na ko" ani Angelie na kalalabas lang ng bathroom suot ang swimsuit. "Yung laway
mo baka tumulo" sabi ni Angelie kay Ayen. Napatingin naman ako kay Ayen na
nakanganga kay Angelie.
"Mag sho-shoot tayo ng ganyan ang suot mo?" kunot noong tanong ni Ayen.
"Hindi naman kasama ang katawan niya sa isho-shoot" sagot ko.
"Tara mag start na tayo" masiglang sambit ni Angelie. Pumasok kaming tatlo sa
bathroom at nasa tapat na ng shower si Angelie.
"Ok. 3 2 1 action" sambit ko at nag start na mag shoot. Maayos ang pag vivideo ko
ng biglang makita si Ayen. "Stop!"
"Why?" takang tanong ni Angelie. Tumingin naman ako ng masama kay Ayen.
"Ano ba Ayen? umatras ka naman ng konti nakikita ka sa video. Sabihin mo lang kung
gusto mong pumalit kay Angelie!" inis na sabi ko sa kanya.
"Sorry, try ulit natin" ani Ayen.
"Ok. 3 2 1 action!" sambit ko at nag shoot na ulit kami. Napatigil lang ako sa pag
sho-shoot na mag salita si Angelie.
"Ayen!" napatingin naman ako kay Ayen na nasa lapag at mukhang nadulas.
"Ano ba yan Ayen. Titig na titig ka kasi kay Angelie" pang-aasar ko dito kahit na
nadulas na siya. Lumapit naman sa kanya si Angelie at tinulungan makatayo kaya
naman pati damit ni Ayen nabasa.
"Ok ka lang ba?" tanong ni Angelie kay Ayen.
"Oo" sagot ni Ayen tsaka hinubad ang suot na t-shirt niya. Napanganga naman si
Angelie sa abs ni Ayen. "Yung laway mo baka tumulo" sambit ni Ayen na may halong
pang-aasar.
"Che! tara na nga Cyrine mag shoot na tayo" ani Angelie at bumalik na sa tapat ng
shower.
"Ok. 3 2 1 action!" sambit ko at nag-umpisa ng mag shampoo si Angelie. Hanggang
matapos si Angelie sa pagsha-shampoo walang nangyaring kakaiba. "Good job guys.
Next shoot natin sa garden"
"Sige magbabanlaw na muna ako" sagot ni Angelie habang si Ayen ay lumabas na.
"May extra bathrobe diyan" sabi ko at lumabas na rin. Pagkalabas ko bumungad sa
akin si Chard na masama ang tingin kay Ayen. "Chard" napatingin naman siya sa akin
at biglang sinuntok si Ayen. "Chard! tumigil ka nga" awat ko sa kanya.
"Anong ginawa mo kay Alzola?!" galit na sambit ni Chard kay Ayen na nasa lapag pa
rin. Humarap naman ako kay Chard at tinignan siya ng masama.
"Nag sho-shoot lang kami sa loob nila Angelie! tapos nadulas siya at nabasa kaya
siya nakahubad! Stupid!!"galit na sambit ko sa kanya at tinulungan si Ayen na
tumayo.
"Alzola" lalapit sana siya sa akin kaya lang umatras ako.
"Lumabas ka na sa kwarto ko" malamig na sambit ko. Nagagalit ako sa kanya dahil sa
pag-iisip niya ng masama sa amin ni Ayen.
"Alzola please" ani nito pero hindi ko siya pinansin o tinignan man.
"Ayen bababa na ako sumunod na lang kayo ni Angelie sa dining room" sabi ko at
mabilis na naglakad para hindi ako maabutan ni Chard. Narinig kong tinatawag niya
ko pero hindi ko siya nilingon at nag patuloy pa rin sa paglalakad hanggang sa
makarating ako sa dining room.
"Nasaan sila Ayen?" tanong ni mama sa akin at naupo na ako sa upuan ko.
"Nasa taas pa mama. Pababa na rin po sila" sagot ko. Naramdaman ko naman si Chard
na naupo sa tabi ko at ipagsasandok na niya sana ako ng pagkain ng unahan ko na
siya.
"Ayen bakit may pasa ka?" tanong ni Gab kay Ayen na kararating lang sa dining room
kasama si Angelie.
"Nadulas lang ako habang nag sho-shoot kami" sagot ni Ayen at naupo na sila ni
Angelie.
"Basang basa ka Ayen. Sandali at ikukuha kita ng damit" ani mama at tumayo.
"Sigurado ka bang dahil sa pagkakadulas yan?" tanong ni daddy kay Ayen.
"Opo tito. Masyado po kasing madulas ang lapag habang nag sho-shoot kami" sagot
ulit ni Ayen napangisi naman si daddy sa sinagot ni Ayen tsaka tumingin kay Chard.
"Sabi mo eh. Ngapala kumusta naman ang pag-aaral niyo?" tanong ni daddy.
"Ok naman po tito. Maganda ang school niyo kaya lang si Ms. Carmen palagi na lang
mainit ang ulo sa grupo namin" sabi ni Gab.
"Baka naman magulo ang grupo niyo" ani daddy. Naku daddy kung alam niyo lang po ang
bait namin kay ma'am pero siya parang dragona.
"Hindi po tito, tahimik lang naman kami sa klase niya" sagot naman ni Andrew.
"Oh Ayen mag palit ka na muna" sabi ni mama tsaka inabot kay Ayen ay isang pants at
t-shirt.
"Thank you po tita" sambit ni Ayen at umalis na para mag palit.
"Kumusta ang shoot niyo?" tanong ni Gab sa amin.
"Tapos na namin ang shoot sa bathroom kaya lang nadulas si Ayen HAHAHAHA"
natatawang sambit ni Angelie.
"Kung makatitig kasi kay Angelie grabe kaya nadulas" ani ko na kinatawa nila
Andrew.
"HAHAHAHA mukhang may katapat na si papa Ayen" natatawang sabi ni Andrew.
Pagtapos namin kumain nag pahinga lang kami ng saglit at nag shoot na ulit.
"Ganito gagawin mo Angelie. Tatakbo ka habang nag ba-bounce yung buhok mo" sabi ko
sa kanya.
"Ok. ready na ako" nakangiting sambit nito at puwesto na.
"3 2 1 Action!" nag-umpisang tumakbo si Angelie pero parang ang simple lang.
"Sandali" ani ko.
"Bakit may problema ba?" tanong niya sa akin.
"Wala naman pero parang ang simple. Ayen pulutin mo nga yung mga bulaklak na
nalagas" utos ko kay Ayen na wala namang ginagawa.
Isa-isa niyang pinulot ang mga bulaklak "Ok na" sabi ni Ayen habang hawak ang
maraming bulaklak.
"Habang tumatakbo si Angelie ibabato mo yung mga bulaklak sa kanya" tumango lang
siya sa sinabi ko.
"Ok Game!" masiglang sabi ni Angelie at bumalik na sa pwesto niya.
"3 2 1 action!" nag-umpisa ng tumakbo si Angelie. Binato naman ni Ayen ang mga
bulaklak pero sa damit ni Angelie napunta lahat yun "Sandali!!" inis na sambit ko.
"Bakit nanaman?" tanong ni Angelie.
"Ayen ano ba? Ayusin mo naman yung pag bato dapat sa buhok niya!" inis na sabi ko
kay Ayen. "Pulutin mo ulit yan mga bulaklak" tinulungan naman siya ni Angelie na
mag palulot. Bagay silang dalawa, aha may naisip akong bago.
"Ok na napulot ko na" sabi ni Ayen.
"Iba na lang pala yung gagawin natin kaya bitawan mo na yan" nakangiting sabi ko sa
kanya baka kasi mapikon hehehe.
"Pinagtritripan mo ba ako Cyrine?" kalmadong sambit ni Ayen.
"Ahm tatakbo ka Angelie papalapit kay Ayen tapos ikaw Ayen susuklayin mo yung buhok
niya gamit yung mga daliri mo" ani ko para maiwasan yung galit ni Ayen.
"Ok, ok" napipilitang sagot ni Ayen. Puwesto na sila parehas.
"3 2 1 Action!" nag-umpisang tumakbo si Angelie papunta kay Ayen. Nang makalapit
siya kay Ayen napatigil ako sa pag vivideo. "Sandali"
"Ano nanaman ba yun Cyrine?" frustrated na tanong ni Ayen.
"Nakikita kasi yung pasa mo sa gilid ng labi mo. Palit kayo ng pwesto. Tapos bigyan
niyo naman ng konting titigan. Hindi yung parang nag-away kayo" ani ko. Pumwesto na
sila sa bago nilang pwesto. "1 2 3 Action"
Tumakbo papunta sa kanya si Angelie. Si Ayen naman ay titig na titig kay Angelie
habang sinusuklay ang buhok nito. Nagulat naman ako ng biglang ilapat ni Ayen ang
labi niya sa labi ni Angelie. Pinagpatuloy ko pa rin ang pagkuha ng video sa
kanila. Mukha namang natauhan si Angelie.
"Omo" ani Angelie.
"Sabi ko titigan lang" nakangising sabi ko at dali daling pumasok sa loob ng bahay.
Sumunod naman sila sa akin.
"Uuwi na ako. Ako na lang mag e-edit" sabi ni Ayen at kinuha ang camera sa akin
tsaka umalis.
"Uuwi na rin ako guys" sabi naman ni Angelie at umalis na.
"Anyare?" takang tanong ni Andrew.
"Wala naman. Tapos na ba kayo?" tanong ko sa kanila.
"Yeah, kaya uuwi na rin kami" tumango lang ako at umalis na sila.
Umakyat na ako sa kwarto ko at nakita ko doon si Chard na nakaupo sa kama ko.
"Alzola, sorry please kausapin mo naman ako" ani nito at niyakap ako. Tinulak ko
naman siya dahil naiinis pa rin ako sa kanya.
"Ano ba Chard! Alam mo ba pakiramdam ko wala kang tiwala sa akin!" galit na sabi ko
sa kanya.
"May tiwala ako sayo Alzola pero sa iba wala. Natakot lang ako kung anong ginawa
sayo nung lalaking yun" sabi ni Chard.
"Alam mo ba kung sino yung lalaking tinutukoy mo? Bestfriend ko siya Chard!" ani ko
na galit pa rin.
"I'm so sorry Alzola. Please" sambit nito at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.
"Ok, naiintindihan kita. Alam ko naman na seloso ka lang" ang bilis talaga mawala
yung galit ko sa kanya nakakainis.
"I love you Alzola and I trust you"

Episode 35
Cyrine's POV

Monday na at may pasok nanaman kami at ito nanaman si tandang Carmen na last
subject namin.
"Lahat naman ng gawa niyo ay ok pero mas maganda ang gawa ng grupo ni Janna"
nakangiting plastic ni ma'am kay Janna.
"Akala kasi niya anak talaga ni Mr. Carpio si Janna kaya nag papasipsip siya" sabi
ni Angelie na masama ang tingin kay ma'am pero hindi naman siya napapansin ni
ma'am.
"Baka may makarinig sayo Angelie" sita ko sa kanya at tumingin sa mga kaklase ko.
"Bakit ba kasi ayaw mo pang sabihin para naman matigil na si Janna sa pangangarap
niya na siya ang anak at fiancé kuno" inis na sabi ni Angelie.
"Tignan mo si Janna marami siyang kaibigan pero hindi naman lahat ay totoo.
Kinaibigan lang naman siya dahil ang alam nilang lahat ay si Janna ang anak ng may-
ari ng school. Ayaw kong mangyari sa akin ang nangyayari kay Janna yung
kakaibiganin lang dahil anak ng may-ari ng school" pabulong na sabi ko kay Angelie.
"Sa bagay may point ka rin pero masyado na siyang yumayabang. Nasasarapan siya sa
pagpapangap niya baka saan pa yan umabot" ani Angelie at kay Janna na nakatingin ng
masama.
"Hayaan na lang natin siya" sambit ko at tumingin na ulit sa harapan.
"Dahil tapos na ang first task na pinagawa ko sa inyo. First quiz naman" ani ma'am
na akala mo naman talaga ay nag tuturo. Buti na lang at nag advance reading ako
kagabi.
"Quiz? eh hindi nga siya nagtuturo" rinig kong sambit ni Alaina na nasa likuran ko.
Pinamigay na ni ma'am ang test paper at agad ko itong sinagutan.
"May maisasagot ka kahit na hindi naman nagtuturo si ma'am?" tanong sa akin ni
Angelie.
"Oo, nag advance reading kasi ako kagabi." napatingin naman ako sa papel niya na
walang sagot. "Kumopya ka na sa akin" ani ko.
"Sige sige, thank you" sabi nito at nag-umpisa na rin na mag sagot. Habang nag
sasagot ako may napansin akong papel na nasagilid ng upuan ko. Kukunin ko na sana
yun ng biglang magsalita si ma'am.
"Ano yan Ms. Trinidad?!" inis na tanong sa akin ni ma'am.
"Kalat po ma'am pupulutin ko lang po sana" sagot ko. Lumapit naman siya sa kalat at
siya na mismo ang kumuha nun. Binuksan niya ang papel na naka crampled. Nanlaki ang
mata ni ma'am ng may mabasa siya doon.
"ANONG KALAT ANG SINASABI MO DIYAN! KODIGO ITO! AT SA KLASE KO PA TALAGA NAISIPAN
MONG MAG KODIGO!" galit na galit na sigaw sa akin ni ma'am na para bang masisira
ang ear drum ko.
"Ma'am hindi po akin yan nakita ko lang po yan sa lapag" mahinahong sambit ko.
Bakit ako kakabahan eh hindi naman talaga akin yan.
"Huwag ka ng magsinungaling Cyrine. Kitang kita ka na ni ma'am" sambit ni Janna na
kinalingon ko sa kanya.
"Ako? ako pa talaga ang nagsisinungaling? Bakit ayaw niyo pong I check ang CCTV"
bawat classroom kasi dito ay may CCTV.
"Hindi na kailangan ng CCTV dahil kitang kita na kita!" galit pa rin na sabi ni Ms.
Carmen pero hindi na pasigaw.
Napatingin naman ako ngayon kay ma'am. "Paano ko naman mapapatunayan ang sarili
ko?" matapang na tanong ko kay ma'am. Sumosobra na siya hindi siya pantay tumingin
sa aming mga studyante niya.
"Akin yan ma'am" nagulat ako sa sinabi ni Miguel na ngayon ay nakatayo na sa upuan
niya.
"So dalawa pala kayong nag kokodigo" sabi ni ma'am at ngayon naman ay tumingin kay
Miguel.
"No ma'am ako lang po. Akin lang po yang kodigo" matapang na sagot ni Miguel kay
ma'am.
"Aba't ano ito Romeo't Juliet o baka naman si Jack ka tapos siya si Rose?
Pinagtatakpan mo pa siya eh kitang kita ko naman na! Alam niyo ba na pwede kayong
mapatangal sa University dahil sa ginawa niyo!" galit nanaman na sambit ni ma'am na
parang papatay na.
"Ma'am bakit ayaw niyo na lang po tignan ang CCTV bago ka magalit sa amin" sigurado
akong hindi akin yan o kay Miguel.
"KAYONG DALAWA! PUMUNTA KAYO SA OVAL TRACK AT TUMAKBO NG 10 LAPS THEN GO TO THE
DEAN OFFICE!!" galit na sigaw sa amin ni ma'am.
"Ma'am pwede po bang diretso na lang sa dean office?" ayokong mapagod kakatakbo eh
wala naman talaga akong kasalanan. Tsaka sa dean office mapapatunayan ko na wala
naman talaga kong kodigo.
"NAGDIDILIM ANG PANINGIN KO SAYO MS. TRINIDAD!" dali dali naman akong lumabas dahil
sa sinabi ni ma'am. Sumunod naman sa akin si Miguel at sabay kaming naglakad
papunta sa oval.
"Sayo ba talaga yung kodigo?" tanong ko sa kanya habang naglalakad pa rin kami.
"Hindi" tanging sagot nito sa akin.
"Hindi pala sayo bakit mo sinabi kay ma'am na iyo?" tanong ko sa kanya.
"Para hindi ka na pagalitan nung matandang yun. Alam ko naman na wala kang kodigo"
sambit nito.
"Pero ito tayong dalawa at tatakbo sa oval" ani ko.
"Pwede namang ako na lang. Kahit 20 laps pa basta hindi ka mapagod" napangiti naman
ako sa sinagot niya.
"Ok lang kaya ko naman" sagot ko. "Nandito na tayo" nakarating na kami sa malaking
oval ng school sa totoo lang hindi ko kayang takbuhin ito kahit isang lap lang
dahil sa sobrang laki.
"Pwede namang ako na lang" sabi nito habang nakatingin sa akin pero ako diretso
lang ang tingin ko.
"Kaya ko nga" sambit ko.
"TAMA NA ANG LANDIAN ROMEO AND JULIET!! UMPISAHAN NIYO NG TUMAKBO" rinig kong sigaw
ni ma'am nandito siya kasama ang buong klase. Palihim ko naman siyang inirapan.
"3 2 1 game!" masayang sabi ko at nag umpisa na kaming tumakbo.
"OH MY GOD SIS MAY ASTHMA KA!" rinig kong sigaw ni Gab pero patuloy pa rin ako sa
pag takbo.
"Itigil mo na ito Cyrine. May hika ka alam mong bawal sayo itong ginagawa natin"
sabi ni Miguel habang tumatakbo kami.
"Kaya ko Miguel. Kakayanin ko" matapang na sabi ko at mas binilisan pa ang
pagtakbo.
"Please naman makinig ka sa akin kahit ngayon lang. Ayaw kong mapahamak ka.
Papatunayan natin sa kanila na wala tayong kasalanan pero hindi sa ganitong paraan"
ani Miguel pero pinagpatuloy ko pa rin ang pagtakbo ko.
"Kaya ko nga" hinihingal na sambit ko. Wala pa kami sa kalahati pero nanghihina na
ang mga tuhod ko.
"Namumutla ka na Cyine. Please tumigil ka na." nag-aalalang sabi ni Miguel pero
patuloy pa rin ako sa pagtakbo. Pakiramdam ko mauubusan na ako ng hininga.
Matutumba na sana ako ng biglang may bumuhat sa akin pa bridal style.
Chard..
"They will pay for this" malamig na sambit nito.
"Pinagbibintangan nila ako" sumbong ko kay Chard at kumapit ng maigi sa kanya.
"Humanda silang lahat sa akin" malamig pa rin na sambit nito. Naramdaman ko naman
na tumigil sa paglalakad si Chard. Nakita ko si ma'am na humarang pala sa amin.
"Mr. Peterson ang babaeng yan ay nag kokodigo" sabi ni ma'am kay Chard. Please
Chard huwag ka sanang maniwala sa matandang yan.
"Tabi" malamig na sambit ni Chard kay ma'am pero hindi pa rin umaalis si ma'am sa
harapan namin.
"Dapat sa babaeng yan ay alisin sa eskwelahan na ito" sambit nanaman ni ma'am.
Napasiksik na lang ako sa dibdib ni Chard dahil naririndi na ako sa matandang ito.
"Sinasabi mo ba sa akin na alisin ang asawa ko sa mismong paaralan ko?" malamig pa
rin na sambit ni Chard. Napaangat naman ang tingin ko kay Chard na mukhang
nagpipigil lang ng galit niya.
"Mr. Pe-peterson" nauutal na sabi ni ma'am.
"Simula ngayon hindi ka na magtuturo sa kahit anong paaralan" sambit ni Chard bago
lagpasan si ma'am.
"Cha-chard, hi-hindi ako makahinga" ani ko.
"Chard ito na yung bag ni Alexie" hinihingal na sabi ni Ayen.
"Ilabas mo yung inhaler niya" utos ni Chard. Agad naman nilabas ni Ayen ang inhaler
ko at inabot sa akin. Agad ko itong ginamit at unting unti nakakahinga na ako ng
maayos.
"Umuwi na tayo Chard" sambit ko kay Chard. Naglakad ulit siya habang buhat buhat
ako at sinakay sa kotse niya. Siya na rin ang nagkabit ng seat belt ko. Pagtapos
niyang ikabit ang seat belt ko agad siyang umikot at sumakay sa kotse. Pinaandar
niya agad ito pauwi sa bahay.
"Ok ka na ba?" tanong sa akin ni Chard habang nagmamaneho pa rin siya.
"Oo pero medyo masakit ang tuhod ko. Hindi kasi ako sanay tumakbo ng ganon kalayo"
ani ko.
"Humanda talaga sa akin yang matandang babaeng yan!" inis na sambit ni Chard.
"Paano mo nga pala nalaman na pinatakbo kami ni ma'am?" takang tanong ko sa kanya.
"Tinawagan ako ni Ayen" sagot nito sa akin. Hindi naman ako makapaniwala na mismong
si Ayen ang tumawag sa kanya.
"Si Ayen? Si Ayen mismo? Kailan pa nagkaroon ng number mo si Ayen?" nagtatakang
tanong ko sa kanya.
"Nung nakaraang araw lang. Naisip ko kasi na dapat pala na magtiwala rin ako sa mga
kaibigan mo. Mas matagal mo na silang kasama kesa sa akin. Tsaka inutusan ko na rin
siya na bantayan ka" hindi talaga ako makapaniwala sa mga pinagsasabi ni Chard.
"Wow, iba yatang Chard ang kausap ko ngayon. Akala ko pa naman hindi na kayo mag
kakasundo ni Ayen" nakangiting sambit ko.
"Lahat ng hindi ko nagagawa noon nagagawa ko na ngayon dahil sayo" kumabog nanaman
ng malakas ang puso ko ng sabihin ni Chard yun. Ilang salita lang naman ang sinabi
niya pero sobrang lakas talaga ng epekto sa akin.
"Nandito na tayo" sabi ko at tinangal ang seat belt ko lalabas na sana ako ng
pigilan ako ni Chard.
"Wait" ani nito at lumabas at umikot para pagbukasan ako. Nagulat naman ako ng
buhatin niya ulit ako ng pa bridal style.
"Ibaba mo na ako Chard. Kaya ko naman na mag lakad" sambit ko.
"No, diba sabi mo masakit ang tuhod mo" maotoridad na sabi nito kaya naman hindi na
ako tumanggi dahil masakit talaga ang tuhod ko. Pumasok na kami sa loob ng bahay at
agad na napatingin sa amin si mama.
"Anong nangyari sa anak ko?" nag-aalalang tanong ni mama.
"Wala po mama bigla lang pong sumakit ang tuhod ko" pagdadahilan ko kay mama.
"Sumakit? Bakit tumakbo ka ba?" tanong sa akin ni mama.
"Opo mama" sagot ko.
"Bakit ka tumakbo? Alam mo naman na may hika ka. Sigurado akong malayo ang tinakbo
mo kaya masakit yang tuhod mo" nag-aalalang sabi ni mama.
"Ok na po ako mama" nakangiting sabi ko.
"Ako na lang po muna ang magiging paa niya tita. Sige po akyat na kami" sambit ni
Chard na kinatingin ko sa kanya. Habang naglalakad siya paakyat nakatingin lang ako
sa kanya.
"Pagod ka na nga sa trabaho mo tapos bubuhatin mo pa ako" sabi ko habang hinihiga
niya ko sa kama niya.
"Ok lang. Sinabi ko naman sayo na nawawala ang pagod ko basta makita lang kita"
nakangiting sabi nito sa akin na kinabilis nanaman ng puso ko. Bakit ka ganito
Chard?
"Dapat ako ang nag-aalaga sayo" ani ko.
"Tsaka na kapag kinasal na tayo" nakangiting pa rin na sabi nito habang hinuhubad
ang sapatos ko.
"Sa tingin mo Chard tayo talaga sa huli?" tanong ko sa kanya.
"Oo naman" sagot nito sa tanong ko at tumabi sa akin sa kama tsaka ako pinatong sa
dibdib niya.
"Paano mo naman nalaman?" hindi naman sa ayaw ko siyang pakasalan. Naninigurado
lang ako na kami na talaga sana hanggang dulo.
"Basta, dito ka lang sa tabi ko at ako na ang bahala" sambit nito at hinalikan ako
sa noo ko. Napangiti naman ako sa ginawa niya.
"Chard basa pala ang likod magpapalit na muna ako ng damit" ani ko at tatayo na
sana ako ng pigilan ako ni Chard.
"Ako na ang kukuha ng damit mo dito ka lang" sabi nito at lumabas na ng kwarto
niya. Ilang sandali lang at nakabalik na siya bitbit ang pambahay ko. Kukunin ko na
sana sa kanya yun para makapagbihis ako ng ilayo niya sa akin yun.
"Akin na Chard. Magpapalit ako ng damit ko" sambit ko.
"Ako na ang magbibihis sayo" namula naman ako sa sinabi niya.
"Ako na lang kaya ko naman" nahihiyang sambit ko.
"Huwag ka ng mahiya ilang beses ko na rin naman na nakita yang katawan mo" lalo
naman nag init ang mukha ko sa sinabi ni Chard. Pinaupo niya ko ng maayos at
unting-unting tinataas ang damit ko. Malapit na sana niyang mahubad ng biglang
bumukas ang pintuan kaya naman dali dali rin binaba ni Chard ang damit ko.
"Oh, sorry Chard. Sige tuloy niyo lang yan" nakangising sabi ni Daddy tsaka sinara
ang pinto. Lalo naman akong namula dahil sa nakita ni daddy.
"Sabi ko naman sayo ako na baka ano pang inisip nun ni daddy" nahihiyang sambit ko.
"Ano naman kung may isipan siya? Akin ka naman na"

Episode 36
Cyrine's POV

"Sigurado ka bang papasok ka?" tanong sa akin ni Chard habang nasa loob kami ng
kotse niya.
"Oo nga Chard. Ilang ulit mo na ba yang tinanong sa akin? Pang isang daang beses na
yata" sambit ko.
"Alam mo naman na nag-aalala lang ako sayo" ani nito. Hinawakan ko naman ang
magkabilang pisngi niya.
"Ok lang ako. Huwag mo na akong isipin" sabi ko at hinalikan siya sa labi niya.
"Gusto mo ihatid na kita sa loob?" malambing na tanong nito sa akin.
"Huwag na Chard. Sige papasok na ako baka malate pa ako" ani ko at lumabas na ng
kotse niya.
Naglakad ako papasok at pansin ko lang na lahat ng makakasalubong ko ay titingin sa
akin at biglang iiwas. Anong meron? Nagpatuloy pa ako sa paglalakad hanggang sa
makita ko ang kumpulan ng mga studyante sa harap ng bulletin board.
"Hi Cyrine, ok ka na ba?" tanong sa akin ni Miguel at tumango lamang ako sa
tinanong niya.
"Anong meron?" tanong ko sa kanya habang nakatingin pa rin sa mga studyante na
nagkukumpulan sa bulletin board.
"Ewan ko" sagot niya.
"Hey Cyrine! sabi na nga ba at ikaw talaga ang anak at hindi si Janna" sambit ni
Alaina na kakarating lang.
"Shhh paano mo nalaman?" pabulong na tanong ko sa kanya.
"Ayun sa bulletin board" turo niya sa kumpulan ng mga tao. Napalingon naman ang mga
studyante sa amin at halatang gulat ng makita ako. Ano bang meron?? "Tignan mo sa
bulletin board" ani Alaina.
Unti unti naman akong naglakad papunta sa bulletin board nag si alisan ang mga
studyante na nakaharang doon. Nagulat ako sa nakita ko sa bulletin board mga
pictures namin ito ng pamilya ko at ni Chard. Sa kabilang side naman ay ang picture
ni Janna na may ekis. Siguro nga hindi ko na maitatago ang katotohanan
"IKAW! IKAW ANG PEKE!" galit na galit na sambit ni Janna na kararating lang.
"Oy Janna tumahimik ka nga diyan. Ikaw ang peke tsaka nakita na rin sa CCTV na sayo
galing ang kodigo!" galit na sambit ni Alaina kay Janna.
"DAHIL SAYO NASIRA ANG BUHAY KO! AKO ANG TOTOONG ANAK AT HINDI IKAW!" galit na sabi
ni Janna at sasampalin na sana ako ng may humarang sa harapan ko.
"Tumigil ka na sa pagpapangap mo Janna" ani Miguel.
"NAGSASABI AKO NG TOTOO MAKINIG KAYO SA AKIN. AKO ANG ANAK! FIANCE AKO NI CHARD!
AKO LANG AT HINDI ANG BABAENG YAN" parang baliw na sigaw nito sa mga studyante na
nanonood. May dumating naman ng mga security guard at hinawakan si Janna sa
magkabilang braso at nilabas na.
"Grabe baliw pala ang babaeng yun" ani Gab na nandito na rin pala kasama sila
Andrew at Ayen.
"Ok ka lang ba Miguel?" malambing na sabi ni Andrew kay Miguel na kinatawa namin.
"Layuan mo nga ko Andrew" naiiritang sabi ni Miguel na lalo naming kinatawa.
"Bagay kayo Miguel" pang-aasar ni Ayen kay Miguel.
"HAHAHAHA tama na yan tara na pumasok na tayo" anyaya ko sa kanila at sabay sabay
kaming pumasok.
Sobrang saya ko ngayong araw dahil walang Janna na nang-gugulo at wala ring Ms.
Carmen na sigaw ng sigaw. Pakiramdam ko payapa na akong mag-aaral. Sana mag tuloy
tuloy lang ito.
"Cyrine pwede bang mag-usap muna tayo bago ka umuwi?" tanong sa akin Miguel.
"Ah baka kasi inaantay na ako ni Chard" ani ko.
"Please kahit saglit lang" sabi nito. Tumango naman ako. Tinulungan naman niya ako
kanina.
"Mauna na kayo Gab mag-uusap lang kami saglit ni Miguel" sambit ko.
"Sige, bye sis" ani Gab.
"Bye" lumabas na sila ng classroom at kami na lang ni Miguel ang naiwan sa loob ng
classroom.
"Salamat nga pala sa pagsalo mo ng sampal ni Janna kanina HAHAHAHA" nakangiting
sabi ko sa kanya.
"Basta para sayo" nakangiti rin na sabi nito.
"Ano nga pala yung sasabihin mo sa akin?" tanong ko sa kanya.
"Ito" sabi niya sabay abot sa akin ng brown envelope.
"Ano ito?" takang tanong ko sa kanya.
"Tignan mo" sambit niya, binuksan ko naman yun at nakita ko na puro pictures yun ng
mga patay na tao. Parang gusto kong maduwal dahil sa nakita ko. Nakakaawa ang mga
taong ito.
"Ano ito? Bakit mo pinapakita sa akin ang mga ito?" nandidiri kong sabi sa kanya
tsaka binitawan ang mga pictures.
"Yan ang mga taong pinapatay ni Chard" nagulat naman ako sa sinabi niya pero agad
rin nakabawi.
"Ano ba yang pinagsasabi mo?" tanong ko sa kanya.
"Maniwala ka sa akin Cyrine. Masamang tao si Chard" sambit nito pero napailing lang
ako. Alam kong hindi magagawa ni Chard yun.
"Tumigil ka na Miguel. Sinisira mo lang kami ni Chard!" galit na sabi ko sa kanya.
"Please maniwala ka sa akin. This time hindi na ako aalis hindi na kita iiwan tulad
ng dati" ano bang pinagsasabi nito.
"Ano ba Miguel wala akong pakielam sa pag-alis mo noon" kalmado kong sabi sa kanya.
"Mas nauna mo kong nakilala kesa sa Chard na yan Cyrine. Please paniwalaan mo ko"
ani nito at hinawakan ang magkabilang pulsuhan ko.
"Ano ba Miguel. Tumigil ka na dahil hindi ako maniniwala sayo!" inis na sambit ko
at pilit na kumakawala sa kanya.
"Kahit ngayon lang paniwalaan mo naman ako. Kahit ngayon lang Cyrine. Mamamatay tao
si Chard" nainis naman ako sa sinabi niya.
"Bitawan mo ko uuwi na ako. Ayoko na na maka-usap ka!" sambit ko pero mas lalo niya
lang hinigpitan ang paghawak sa palapulsuhan ko.
"No! hindi kita bibitawan hanggat hindi ka naniniwala sa akin Cyrine! Ang taong
mahal mo ay isang mamamatay tao! Kaya iwan mo na siya at ako naman ang mahalin mo!"
galit na sabi niya na parang ibang tao tulad nung nakaraang nangyari sa bahay namin
ng bumisita siya.
"Please nagmamaka awa ako bitawan mo na ako" ani ko pero hindi niya pa rin ako
binitawan.
"NO CYRINE! AKIN KA LANG! AKIN KA LANG AT HINDI SA CHARD NA YUN!" galit na sigaw
niya sa akin.
"HELP ME! HELP ME!" sigaw ko na sana may makarinig sa akin.
"AKIN KA LANG! WALANG IBANG NAG MAMAY-ARI SAYO KUNDI AKO LANG CYRINE!" galit na
galit na sigaw ni Miguel sa akin.
"Hindi ako iyo Miguel! at kahit kalian hindi ako magiging iyo kaya tumigil ka na sa
kahibangan mo at bitawan mo ko!" ani ko.
"NO! NO! NO!" sambit ni Miguel na halatang gigil na gigil sa akin.
"Bitawan mo siya" malamig na sabi ni Chard habang may hawak ng baril at nakatutok
kay Miguel. Napabitaw naman sa akin si Miguel kaya agad akong yumakap kay Chard.
"Oh nandito na ka na pala Chard. Bakit hindi mo aminin kay Cyrine ang totoo. Bakit
ayaw mong sabihin sa kanya na isa kang mamamatay tao. Ang isang sikat na abogado ay
mamamatay tao. Naturingan ka pa naman na abogado" sabi ni Miguel habang masama ang
tingin kay Chard.
"Ito ang tatandaan mo Miguel. Hindi ako pumapatay pero nagpapapatay ako at ng
magpapatay ako hindi ako isang abogado, isa akong CEO" malamig na sambit ni Chard
kay Miguel habang nakatutok pa rin ang baril niya kay Miguel.
"Chard.." ani ko.
"Umuwi na tayo Alzola" sambit ni Chard at inakbayan ako tsaka kami naglakad palabas
ng building.
Habang naglalakad kami ramdam ko ang mga tingin ng mga nakakasalubong namin. Bakit
naman hindi kami titignan eh kasama ko lang naman ang may ari ng university.
Pero hindi ko pa rin alam ang dapat na sabihin ko o gawin ko ngayon nalaman ko na
nagpapapatay si Chard ng tao. Bakit niya yun ginagawa? Hindi ba siya nakokonsensya
o naaawa man lang sa namatay o sa pamilya ng pinatay. Paano kung yung pinatay niya
may pamilya pala na dapat buhayin, may pamilya pala na sinusustentuhan.
Hanggang makasakay kami ay tahimik lang ako dahil sa malalim na iniisip ko.
Pagdating namin sa Bahay agad akong bumaba sa kotse ni Chard at agad agad pumasok
sa bahay at umakyat sa kwarto ko. Pumasok ako sa walk ng closet ko at nagpalit ng
pambahay. Paglabas ko nakita ko si Chard na nasa kama ko. Hindi ko na lang siya
pinansin at nahiga na ako sa kama ko.
Gusto ko na muna matulog, magpahinga. Sobrang daming problema ang iniisip ko.
Parang gusto ng sumabog ng utak ko.
"Alzola ko" malambing na sambit ni Chard habang nakayakap mula sa likod ko. "Ayoko
ng ganito ka" napaharap naman ako sa kanya at tinitigan ang itim na itim niyang mga
mata.
"Bakit mo sila pinapatay Chard?" tanong ko sa kanya.
"Masama silang tao Alzola" sagot nito sa akin.
"Pero dapat hindi mo na sila pinapatay pwede pa naman silang mag bago" ani ko.
"Pero Alzola ng makita kong pagtangkaan ka nila at saktan hindi ko kaya" ako? dahil
nanaman sa akin.
"Pero Chard please sana sa susunod huwag mo na silang ipapatay" sabi ko sa kanya.
"Susubukan ko" sagot niya.
"Chard naman!" inis na sambit ko.
"Fine" napangiti naman ako kaya hinalikan ko siya sa labi niya.
"I love you Chard" ani ko.
"I love you too Alzola ko" tugon nito.

Pagpasok ko saUniversity agad kong nakasalubong si Miguel. Iiwasan ko na sana siya


ng tawagin niya ko. "Cyrine"
"Bakit?" tanong ko sa kanya.
"Usap tayo" ani nito.
"Ayoko baka kung ano nanaman ang gawin mo sa akin" sabi ko sabay irap sa kanya.
"Gusto mo doon pa tayo sa may ground para maraming tao" sambit nito. Pwede rin
atleast doon makakasigaw agad ako ng tulong.
"Sige pero saglit lang" tumango siya at naglakad kami papunta sa ground. Pagdating
namin sa ground naupo kami sa isa sa mga bench. Naupo ako sa dulo samantalang siya
ay sa kabilang dulo.
"Sorry sa nangyari kahapon" ani nito na kinairap ko na lang. "Aalis na ako" hayst
salamat.
"saan ka pupunta?" tanong ko sa kanya habang diretso lang ang tingin sa mga
dumadaan.
"Babalik na ako sa Singapore" sana huwag ka ng bumalik dito.
"Ingat" sabi ko at tumayo na. Aalis na sana ako ng tawagin niya ulit ako.
"Cyrine, pagbalik ko at wala ng kayong relasyon ni Chard tangapin mo ang arranged
marriage ko" tinuloy ko na lang ang paglakad ko dahil sa sinabi niya. Utot niya!
akala ko pa naman maayos yung huling sasabihin niya yun lang pala. Asa pa siya na
mag hihiwalay kami ni Chard kapal ng mukha.
Pagpasok ko sa room namin nag focus na lang ako sa pakikinig at kinalimutan na ang
sinabi ng epal na Miguel na yun. Napaka sira-ulo talaga nakakagigil. Hanggang
matapos ang klase ko ay masaya naman ako dahil sa kakulitan ng mga kaibigan ko.
Paglabas ko ng building agad kong nakita ang kotse ni Chard kaya sumakay agad ako.
"Hi Chard" nakangiting bati ko sa kanya tsaka siya hinalikan sa labi niya.
Nag drive na siya pero hindi pauwi sa bahay "Saan tayo pupunta?"
"Mamamasyal" nakangiting sagot niya. Hindi na ako nagsalita hanggang sa makarating
kami sa tapat ng kumpanya niya. Pinagbuksan niya ko at hinawakan sa bewang ko.
Sabay kaming naglakad papasok sa kumpanya niya. Dumiretso kami sa private elevator
niya.
"Akala ko ba mamamasyal tayo?" tanong ko sa kanya.
"Yeah" pagbukas ng elevator bumungad sa akin ang helicopter niya. Naglakad kami
papunta doon at sumakay. Hindi si Chard ang magpapalipad nun ngayon. Kinabit sa
akin ni Chard ang seat belt and headset ko bago ang kanya. Agad na pinalipad nung
lalaki ang helicopter ni Chard.
"Ngayon ko na lang ulit na pagmasdan ang paglubog ng araw" ani ko habang nakatingin
sa araw.
"Puro problema kasi ang nasa isip mo Alzola" sabi ni Chard at kinalas ang seat belt
ko.
"Bakit mo tinatangal ang seat belt ko?" tanong ko sa kanya hindi naman siguro niya
ko ihuhulog.
"Ngayon na lang din kita mapapaupo sa kandungan ko" sambit nito at binuhat ako
tsaka pinaupo paharap sa kanya.
"Ano ka ba Chard nakakahiya" ramdam ko na namumula nanaman ang mga pisngi ko.
"Hindi ka pa rin ba sanay Alzola?" nakangising tanong nito na kinairap ko na lang.
Nagulat naman ako ng halikan ako nito sa leeg ko at lagyan ng hickey.
"Ano ka ba Chard ang landi mo nanaman" sabi ko sa kanya pero gusto ko naman talaga.
"HAHAHAHA edi bumawi ka" ako naman ang humalik sa leeg niya at nilagyan siya ng
hickey. Pero parang kulang pa.
"Chard paabot ng bag ko" utos ko sa kanya. Kinuha naman niya yun at inabot sa akin.
Binuksan ko ang bag ko at nilabas ang isang lipstick ko. Naglipstick ako sa harapan
niya.
"Mas maganda ka kaya alisin mo na yan" utos niya sa akin pero hindi ko sinunod.
"Hindi pa ako nakakabawi sayo" sambit ko tsaka siya hinalikan sa magkabilang pisngi
niya pati sa noo. Halos buong mukha niya hinalikan ko kaya naman bakat na bakat ang
lips ko. "Ayan nakabawi na ko HAHAHAHA"
"Ngayon aalisin naman natin yang lipstick mo" ani niya at hinalikan ako. Halik na
parang hinihigop ang mga labi ko. Halik niya na parang kinakain ang labi ko.
Pagtapos niyang higupin ang labi ko humiwalay na siya. "Ayan wala na ang lipstick
mo"
"HAHAHAHA sayo naman napunta" natatawang sabi ko.
"Ok lang atleast nakalimutan mo yung mga problemang iniisip mo" ani nito at nilagay
ang ulo ko sa mga dibdib niya. Rinig na rinig ko ang malakas na pag tibok nito
tulad ng akin.
"Ikaw Chard, wala ka bang problema?" palagi na lang niya kong tinatanong kung may
problema ba ako pero siya ngayon ko pa lang tatanungin.
"Wala, basta nasa tabi kita wala akong problema."

Episode 37
Cyrine's POV

"Saan ba kasi tayo pupunta Angelie?" tanong ko sa kanya habang nagmamaneho siya.
"Diba sinabi ko naman sayo kalma lang" ani nito.
"Alam mo naman na sikat na sikat ka na ngayon tapos lalabas ka kasama ako?" limang
taon na rin ang nakalipas at naka graduate na kami. Naging sikat na artista si
Angelie.
"Wala akong pake Cyrine. Oh nandito na pala tayo" napatingin naman ako sa labas at
nandito kami sa isang helipad.
"Anong ginagawa natin dito? Madilim na at umuwi na tayo. Tumabi ka diyan at ako na
ang mag dri-drive" marunong na rin akong mag drive.
"Nandito na tayo Cyrine kaya bumaba kana" sabi nito na kinatingin ko sa kanya ng
masama.
"Sira ka ba? ang dilim dilim diyan tapos iiwan mo kong mag-isa?" pag ako hindi
nakapag timpi dito kay Angelie kakalbuhin ko talaga ito.
"Basta" ani nito at lumabas ng kotse. Naglakad siya papunta sa side ko at binuksan
ang kotse niya. "Labas ka na" lumabas naman ako. Tumingin ako sa paligid at
nakakatakot nga dahil sobrang dilim. Kinabahan naman ako ng umalis ang kotse ni
Angelie.
"ANGELIE!! BUMALIK KA DITO!" pero hindi niya man lang hininto ang kotse niya.
"ISUSUMBONG KITA KAY AYEN AT SASABIHIN KO NA SIRAIN NA ANG CAREER MO!" arrgg
nakakainis naman. Nilabas ko ang cellphone ko para tawagan si Gab pero walang
signal! "Nakakainis paano na to?" napatingin naman ako sa paligid ko ng isa-isang
bumukas ang mga ilaw.
"Oh, her eyes, her eyes make the stars look like they're not shinin'
Her hair, her hair falls perfectly without her trying
She's so beautiful and I tell her everyday
Yeah, I know, I know when I compliment her she won't believe me
And it's so, it's so sad to think that she don't see what I see
But every time she asks me Do I look okay?
I say"
Napatingi ako sa napaka gwapong lalaking kumakanta. Akala ko hindi siya kumakanta
pero sobrang ganda ng boses niya. Habang kumakanta siya nakatitig lang siya sa mga
mata ko. Ang mga mata niya na kulay chocolate.
"When I see your face
There's not a thing that I would change 'cause you're amazing
Just the way you are
And when you smile
The whole world stops and stares for a while
'Cause girl you're amazing
Just the way you are
Yeah"
Ang paborito kong kanta... Kinakanta ng lalaking mahal ko. Hindi ako makapaniwala
na nandito siya sa harapan ko ngayon. Akala ko umalis siya pero ito at kumakanta
siya ng paborito kong kanta.
"Her lips, her lips, I could kiss them all day if she'd let me
Her laugh, her laugh she hates but I think it's so sexy
She's so beautiful, and I tell her everyday"
Bakit ka ganito? Pinalalakas mo yung tibok ng puso ko. Pinatitibok mo ng kay bilis
na parang hinahabol ng sampung kabayo tulad ng una nating pagkikita.
"Oh you know, you know, you know I'd never ask you to change
If perfect's what you're searching for then just stay the same
So don't even bother asking if you look okay, you know I'll say"
Hanggang ngayon walang pagbabago mas lumalala lang. Mas lumalala lang ang
pagmamahal ko sayo... Ikaw pa rin at ikaw lang hanggang dulo.
"When I see your face
There's not a thing that I would change
'Cause you're amazing
Just the way you are
And when you smile
The whole world stops and stares for a while
'Cause, girl, you're amazing
Just the way you are"
Naglakad papalapit ang lalaking mahal na mahal ko kaya naman mas lumakas pa ang pag
kabog ng dibdib ko. Anong ginagawa mo sa akin at nagkakaganito ako?
"The way you are
The way you are
Girl, you're amazing
Just the way you are"
Oh my heart...
"When I see your face
There's not a thing that I would change
'Cause you're amazing
Just the way you are
And when you smile
The whole world stops and stares for a while
'Cause, girl, you're amazing
Just the way you are yeah."
matapos niyang kumanta nagulat ako ng lumuhod siya sa harapan ko.
"Chard.." ani ko.
"Nagawa mo na lahat ng gusto mong gawin Alzola. Natupad mo na lahat ng gusto mo...
Ngayon ako naman Alzola. Will you marry me?" hindi ko naman mapigilan mapaluha
dahil sa lahat ng gusto kong gawin kasama ko siya. Kasama ko siya sa lahat ng
pagtupad ng mga pangarap ko.
"Yes, Chard" masayang sambit ko at sinuot niya sa akin ang singsing agad niya kong
hinalikan sa akin mga labi.
"I love you Alzola" ani nito.
"I love you too Chard" nakangiting sambit ko. "Akala ko pupunta ka sa U.S?" may
business meeting kasi siya.
"Mamaya pa ang alis ko. Gusto ko muna mag propose sayo para naman ganahan ako"
nakangiting sabi nito sa akin.
"Huwag kang titingin sa mga babae doon" nakangusong sabi ko sa kanya.
"Huwag ka din mag papalapit ng-" hindi ko na siya pinatapos at nagsalita na ako.
"Hindi ako magpapalapit ng kahit sinong lalaki. Hindi rin dapat ako mag pahawak
kahit kanino" nakangiting sambit ko.
"Kabisado mo pa rin" nakangising ani nito.
"Halos araw-araw mo kayang sinasabi sa akin yan" sabi ko at inirapan siya.
"Sumama ka na lang kaya sa akin sa U.S" ani nito.
"Pupunta kami bukas sa Baguio nila Alexie hindi ako pwedeng umatras tsaka matagal
na rin kaming hindi nagkita kita" sagot ko sa kanya.
"Ok basta palagi mong hahawakan ang cellphone mo para ma contact kita" sambit nito.
"Opo. Hindi ko ilalayo yung cellphone ko sa akin para masagot ko agad. Kahit nasa
bathroom ako dapat dala ko ang cellphone ko" nakangiting sambit ko.
"Good girl. Pag-uwi ko aayusin agad natin ang kasal natin" sabi nito at hinalikan
ako sa noo ko.
"Ihatid mo na ako sa bahay para makuha ko ang kotse ko" ani ko.
"Pwede naman ihatid na kita sa Baguio" sambit nito.
"Huwag na diba may flight ka pa kaya ko naman" sabi ko sa kanya. Naglakad kami
papunta sa kotse niya, pinagbuksan niya ko at umikot siya sa kabila tsaka pumasok
at nag drive.
"Sure ka ba na kaya mong mag drive papuntang Baguio? Hindi ka sanay sa daan papunta
doon" nag-aalalang sambit niya.
"Magaling kaya ang nagturo sa akin mag drive" nakangiting sabi ko. Siya kasi ang
nagturo sa akin na mag drive at binilhan niya na rin ako ng kotse.
"Bukas ka na ng umaga mag punta doon. Masyado ng gabi para bumyahe ka pa" ani nito.
"Ok huwag mo rin akong masyadong isipin kapag nasa meeting ka HAHAHAHA" natatawang
sabi ko sa kanya.
"Hindi ko mapigilan Alzola" hinampas ko naman siya ng mahina lang sa braso niya.
"Umayos ka nga Chard para kang bata" sita ko sa kanya.
"Gusto mo gumawa na lang tayo ng bata" namula naman ako sa sinabi ng lalaking ito.
Hindi na lang ako sumagot dahil ano baaa? Hindi ko alam ang dapat sabihin.
Nang makarating kami sa tapat ng bahay hindi na siya bumaba dahil didiretso na siya
sa airport.
"I love you Alzola" sabi nito at hinalikan ako sa labi ko. Humiwalay naman ako
dahil baka saan pa umabot ito.
"I love you too. Ingat ka" sabi ko at bumaba na sa kotse niya. Pumasok muna ako sa
loob ng bahay bago ko narinig ang pag-alis ng sasakyan niya.

Pagdating ko sa bahay nila sa Baguio nandoon na silang lahat. "Walang pinagbago


late ka pa rin" sambit ni Andrew na nakaupo sa sofa habang hawak hawak ang baby ni
Alexie na si Sophia.
"Traffic lang" pagdadahilan ko.
"Grabe naman yung traffic mo sis kami kagabi pa nandito" pagrereklamo ni Gab na
inirapan ko na lang. Naupo ako sa tabi ni Alexie.
"I miss you Alexie" ani ko at niyakap siya.
"I miss you too Cy" nakangiting sambit niya.
"Mamasyal na tayo sa burnham park" anyaya ni Ayen at lumabas ng bahay.
"Ok let's goo!" masiglang sambit ni Andrew habang buhat si baby Sophia. Lumabas
kami at sumakay sa isang van.
Saglit lang ang byahe namin at nakarating agad kami sa burnham park. Konti lang ang
tao ngayon hindi tulad nung mga nakaraang buwan.
"Sumakay tayo sa bangka" masayang sabi ni Gab.
"Tara!" sagot ko.
"Andrew hawakan mo ng maigi ang anak ko" pagpapa-alala ni Alexie kay Andrew.
"Yes" maarteng sagot ni Andrew.
Naunang sumakay si Ayen. Sunod si Andrew na hawak si baby Sophia. Sumunod naman ay
si Alexie.
"Ma'am tulungan ko na po kayo" sabi ng lalaki kay Alexie.
"Ako na. Baka mapatay ako ni Raymart" sagot ni Ayen at inalalayan si Alexie na
makasakay ng bangka. Sunod naman ako na inalalayan rin ni Ayen. Natawa naman ako
kay Gab na naghihintay na alalayan siya ni Ayen.
"Hoy Gab huwag ka ng maghintay diyan HAHAHAHA" natatawang sabi ko sa kanya.
Inirapan naman niya ko at sumakay na ng bangka.
Nag umpisang mag sagwan si Ayen at Gab na halatang ayaw gawin.
"Kumusta ka na Alexie at hindi mo yata kasama si Raymart ngayon" palagi kasing
nakabuntot sa kanya si Raymart.
"Tinawagan ako ni Raymart at may aasikasuhin lang daw siya kaya ako daw bahala kay
Alexie" sambit ni Ayen.
"Eh si Chard bakit hindi mo kasama?" tanong naman sa akin ni Alexie.
"Isa pa yang si Chard inutusan din ako na bantayan si Cyrine dahil pupunta daw siya
sa U.S" sambit nanaman ni Ayen.
"Ako Ayen hindi mo ba babantayan?" malanding tanong ni Gab kay Ayen.
"Kahit mahulog ka pa dito wala akong pake" sagot sa kanya ni Ayen.
"Kumusta naman buhay may asawa sis?" tanong ni Andrew kay Alexie.
"Masaya lalo na may anak kami" sagot ni Alexie. Kitang kita sa mga mata niya kung
gaano siya kasaya.
"Nakakaingit naman sana ako rin" sabi ni Gab.
"Ikaw Gab ano ng nangyari sa buhay mo?" tanong ko sa kanya.
"Ito nag de-design pa rin ng mga gowns" Magaling si Gab sa pag de-design kaya sa
huli ito ang naging trabaho niya.
"Ikaw Andrew anyare sayo?" tanong naman ni Alexie kay Andrew.
"Nagtatahi ng mga design gown ni Gab" sa huli naging magaling na mananahi si Andrew
at may shop na sila ni Gab.
"Kamustahin naman natin ang director ng mismong girlfriend niya" nakangising sabi
ni Gab kay Ayen. Si Ayen ay isa na ngayong sikat na director.
"Ok naman" sagot nito.
"Sabi nga sa akin ni Angelie nagdadabog ka daw kapag nakakakilig na scene na" pang-
aasar ko sa kanya.
"Boss Ayen seloso" ani Andrew.
"Of course not!" galit na sabi ni Ayen na kinatawa namin.
"HAHAHAHA bakit galit?" sambit ko na may halong pang-aasar.
"I'm not" kalmadong sabi nito.
"Alam mo fan talaga ako ng bagong movie ni Angelie tsaka yung kasama niya doon"
sabi ko at hinanap sa photos ko ang picture ng poster ng movie ni Angelie. "Ito
ayen oh diba bagay na bagay sila" sabi ko habang pinapakita ko sa kanya ang
picture.
"Ilayo mo nga sa akin yan Cy!" inis na sabi nito sa akin.
"Napipikon si Ayen" pang-aasar ni Alexie.
"Ok, ok nag seselos na ako" pag amin ni Ayen na kinatawa ulit namin.
"Huwag ka ng magselos Ayen alam mo naman na ikaw lang ang mahal ni Angelie" ani
Andrew na kinapula ng tenga ni Ayen.
"OMGEE kinikilig si Ayen HAHAHAHA" natatawang sabi ni Gab kabang tinuturo ang tenga
ni Ayen.
Masaya kaming nag-Ikot sa Baguio. Nakakamiss rin pala yung bonding namin
magkakaibigan. Sobrang saya ko hanggang sa makauwi kami at ngayon ay nandito kami
sa isang malaking kwarto at may limang kama at isang kuna.
Lumapit ako sa kuna ni Sophia at binuhat siya. Kamukhang kamukha niya si Alexie na
may konting Raymart. Dinala ko siya sa terrace para makita ang magandang syudad na
maraming ilaw.
Dumating naman si Ayen na may sigarilyo kaya nilayo ko agad si Alexie. "Huwag ka
nga dito manigarilyo may bata diba!" inis na sabi ko sa kanya. Tinapon niya naman
agad ang sigarilyo niya.
"Kailan balak ni Chard na buntisin ka?" nagulat naman ako sa tinanong ni Ayen.
"Seryoso ka ba? Nasa harap ka ng bata! Noon nagalit ka kay Raymart kasi binuntis
niya agad si Alexie bago pakasalan tapos ngayon tatanungin mo ko?" nasisiraan na
siguro ng ulo si Ayen.
"Ngayon alam ko na kung bakit binuntis ni Raymart si Alexie" ani nito.
"Bakit?" tanong ko sa kanya.
"Kasi mahal niya si Alexie. Natakot siyang mapunta sa iba si Alexie kaya binuntis
niya" sagot niya na kinatawa ko.
"HAHAHAHA Seryoso ka?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"Oo, kaya nagtataka ako kung bakit hindi ka pa buntis" napairap naman ako sa sinabi
niya.
"Alam kasi ni Chard na hindi ako mapupunta sa iba. Tsaka nag pi-pills ako" sagot
ko.
"Kaya siguro hindi mabuntis si Angelie" nagulat nanaman ako sa sinabi ni Ayen.
"Sira ka ba? Masisira ang cereer ni Angelie!" inis na sabi ko sa kanya.
"Pinagbigyan ko na siya. Hinayaan ko siya sa gusto niya kahit na ayaw ko talaga.
Siguro ako naman" naalala ko naman si Chard sa sinabi niya.
"Kung mahal ka niya iiwan niya ang career niya para sayo. Alam ko naman na mahal ka
niya pero hindi pa siya handa na iwan ang career niya" ani ko.
"Ako palagi akong handa na iwan ang lahat para sa kanya pero bakit kayong mga babae
hindi kami kayang piliin?" mukhang may problema sila ngayon ni Angelie.
"Noon nag propose sa akin si Chard pero tinanggihan ko. Gusto ko muna na makamit
lahat ng gusto ko tapos alam mo si Chard hinayaan niya ko na matupad lahat ng gusto
ko. Sinamahan niya ko hanggang sa masatisfied ako. Then nag propose siya sa akin at
tinagap ko agad" sambit ko at pinakita sa kanya ang bigay na singsing ni Chard.
"Bakit mo sinasabi sa akin yan?" tanong ni Ayen, habang nakatingin sa singsing ko.
"Para malaman mo na kailangan mo pang maghintay" nakangiting sagot ko.
"Cyrine!" tawag sa akin ni Alexie. Napalingon naman ako sa kanya at nakita ko ang
pag-aalala niya.
"Bakit?" tanong ko sa kanya.
"Si Chard.."

Episode 38
Cyrine's POV

Morgue...
Nasa tapat kami ng morgue. Hindi ko alam kung bakit pero ayaw kung pumasok.
Natatakot ako sa pwede kong makita sa loob. Natatakot ako na baka hindi ko kayanin
ang makita ko.
"Mama" ani ko.
"Nasa loob siya" sagot sa akin ni mama. Pinigilan ko ang mga luha ko na tumulo.
Sigurado akong hindi siya yan. Dapat nasa U.S siya ngayon dahil may business
meeting siya. Dahan dahan akong naglakad papasok sa loob ng morgue. Nakita ko ang
nag-iisang bangkay na may takip ng kumot. No.. Hindi siya yan. Alam kong hindi siya
yan.
Lumapit ako at dahan dahan na inalis ang kumot ng makita ko yun agad akong
napatakbo palabas at niyakap si mama. Paanong nangyari sa kanya yun? Bakit umabot
sa ganun si Chard?
"No mama, hindi siya yun. Paanong nangyari sa kanya yun?" umiiyak kong sambit.
Hindi ko na makilala ang taong yun sa sobrang sunog ng katawan.
"Sumabog ang private plane niya anak.." sabi ni mama na lalo kong kinaiyak.
"No! mama sigurado akong hindi siya yun. Nararamdaman ko mama" sambit ko habang
patuloy pa rin ang pagluha ko sa balikat ni mama.
"Cyrine" rinig kong tawag ni daddy kaya naman napalingon ako sa kanya.
"Daddy please... sabihin mo sa akin na hindi si Chard yun. Sabihin mo sa akin na
buhay si Chard. Nasa U.S siya daddy at sa susunod pa ang balik niya." pagmamakaawa
ko kay daddy habang patuloy pa rin ang pagluha ko.
Hindi ko akalain na mapapaaga ang pag-uwi ni Chard. Maaga nga siyang umuwi pero
wala ng buhay. Hindi ko kaya ito parang pinatay na rin ako sa nalaman ko.
"Sorry anak" sambit ni daddy.
"No daddy. Tatawagan ko si Chard" sabi ko at dali dali nilabas ang cellphone ko at
tinawagan si Chard.Nakatingin lang sa akin ang pamilya at mga kaibigan ko, pero
nakailang tawag na ako wala pa rin naman sumasagot. "No.." Napaupo na lang ako sa
sahig. "Chard.."
Chard huwag mong gawin sa akin ito. Mahal na mahal kita huwag mo naman akong saktan
ng ganito. Mas gusto ko pang iwan mo ko ng buhay ka kesa yung iwan mo ko ng patay
ka na. Hindi ko kaya. Kung panaginip lang ito please pakigising ako. Ayoko ng
ganito, sobrang sakit.
Tumayo ako "Daddy pahiram po ng susi ng kotse"
"Saan ka pupunta?" nag-aalalang tanong ni daddy sa akin. Lumapit ako kay daddy at
kinuha ang susi niya sa loob ng bulsa. Pagkakuha ko agad akong tumakbo palabas at
sumakay sa kotse ni daddy. Mabilis ko itong pinaandar.
"Chard... Please come back. Alam kong buhay ka kaya huwag ka ng magpangap" ani ko
habang patuloy sa pag-iyak. "Promise hindi na ako lalapit kahit kanino. Hindi ako
magpapahawak sa kahit kaninong lalaki. Magsusuot na rin ako ng mahahaba palagi.
Basta bumalik ka lang please I beg you."
May nakita naman akong isang malaking puno. "Kunin mo na lang din ako Chard. I
love you" at sinalpok ko ang kotse sa puno...

Nagising ako at ang amoy ng ospital agad ang naamoy ko. Tumingin ako sa paligid at
nakita ko si mama na natutulog sa sofa. "mama" napabangon naman agad si mama at
lumapit sa akin.
"Ok ka lang ba anak? May masakit ba sayo?" ang puso ko masakit. Sobrang sakit at
para ikamamatay ko na.
"Si Chard po?" mahinang tanong ko kay mama.
"Na libing na siya anak. Anim na araw ka rin tulog dahil sa pagkakasalpok ng kotse
sa puno" nalibing na ang taong mahal ko. Sana ako rin, gusto ko na siyang makasama.
Gusto ko na lang rin mamatay.
"Gusto ko pong makita si Chard mama" ani ko.
"Anak baka hindi mo kayanin" nag-aalalang sambit ni mama.
"Kaya ko po mama. Kaya ihatid mo na ako" sabi ko at tumayo sa hospital bed ko.
"Anak huwag mo ng ipilit" nag-aalalang sabi ni mama pero kumuha ako ng damit at
agad-agad na nag paglit.
"Akin na ang susi" nilahad ko ang kamay ko sa harap ni mama.
"Sasamahan na kita pero tatawagan ko na muna ang daddy mo" tumango lang ako kay
mama. Narinig kong tinawagan niya si daddy at ilang sandali lang at nakarating rin
si daddy.
"Anak" nag-aalalang sambit ni daddy. Kita ko rin sa mga mata niya ang sakit tulad
ng kay mama.
"Tara na daddy" tumango na lang si daddy at naglakad na palabas. Paglabas namin
agad akong sumakay sa backseat at nag drive na si daddy.
Pagdating namin sa sementeryo agad akong kaming lumabas at sabay na naglakad
patungo sa puntod ni Chard.
Ito na yata ang pinakamasakit na paglakad ko papunta sa kanya. Hindi ko pinangarap
na maglakad papunta sa puntod mo Chard. Ang pinangarap ko ay maglakad papunta sayo
habang nag-aantay ka sa altar. Pero bakit ganito?
"Chard Kristian Peterson" basa ko sa lapida ng mahal ko.
"Nasa kotse lang kami anak" tumango lang ako kay daddy at umalis na sila. Naupo ako
sa tapat ng lapida ni Chard.
"Akala ko ba nakaplano na ang lahat? Ang sabi mo tayo hanggang dulo pero bakit
ngayon iniwan mo kong nasasaktan habang nakatingin sa lapida mo. Ang sabi mo
pagbalik mo aayusin natin yung kasal natin pero... pero bakit wala ka na? Lahat ng
plano natin nawala. Baka tama sila na kapag plinano hindi natutuloy. I miss you
Chard. I love you pero bakit mo ko iniwan? Nasasaktan ako Chard kaya please bumalik
ka na. Pasayahin mo ko, pagaanin mo ang loob ko kasi hindi ko na kaya ang gagawin
ko" pinunasan ko ang luha ko gamit ang mga palad ko.
"Kailangan mo yata ng panyo" napatingin naman ako sa nagsalita at inabot ko ang
panyo.
"Salamat. Bakit nandito ka?" magagalit si Chard pag nalaman niya ito.
"Sabi ko naman sayo babalik ako" sambit ni Miguel.
"Uuwi na ako" sabi ko tumayo na. Seloso si Chard kaya dapat umiwas ako kay Miguel.
"Nandito lang ako palagi kung kailangan mo ng kausap" tumango na lang ako sa kanya
at naglakad na pabalik sa kotse.
"Tara na po" ani ko at nag drive na si daddy pauwi.
Pagdating namin sa bahay sa Los Banos agad akong umakyat sa kwarto ko at nahiga sa
kama. Nag umpisa nanaman akong umiyak.
Marami kaming memories dito ni Chard. Dito siya natutulog sa kwarto ko. Dito niya
ko niyayakap habang natutulog kami. Paano ko siya makakalimutan kung lahat ng bagay
sa paligid ko nag papaalala sa kanya. Kinuha ko ang cellphone ko at tinigan ng
maigi ang wallpaper ko. Ang picture namin ni Chard noong nasa tagaytay kami. Kung
kailan ko siya sinagot. Lahat ng ala-ala namin bumalik sa akin.
"Anak.." rinig kong tawag sa akin mula sa labas ng kwarto ko. Pinunasan ko naman
ang luha ko dahil ayokong makita nila na nagkakaganito ako lalo na ni mama.
"Pasok ka mama" ani ko. Pumasok naman si mama at tumabi sa akin ng higa.
"Nandito lang ako palagi anak. Pwede mong kausapin si mama" sabi ni mama.
"Ok lang po ako mama" nakangiting sagot ko. Kailangan kong ipakita kay mama na
masaya ako para hindi siya masaktan. Mas mabuti pang ako na lang ang masaktan kesa
ang mama ko.
"May nag-aantay sayo sa baba" sambit ni mama. Tumayo naman ako at dali-daling
bumaba. Baka si Chard na yun baka bumalik na siya. Baka prank lang talaga niya sa
akin ito. Pagbaba ko agad kong nakita ang mahalagang lalaki sa buhay ko.
"Anak.." agad akong napatakbo kay papa at niyakap siya ng mahigpit. Hindi ko
mapigilan na umiyak sa balikat ni papa.
"Papa ko.. Ang sakit sakit. Sobrang sakit" sambit ko.
"Shhh anak andito lang si papa. Tara maglakad tayo sa park" anyaya sa akin na papa.
Lumabas kami ng bahay at naglakad papunta sa park. Sa park kung saan kami noon ng
bi-bike ni Chard. Yung ako nag bi-bike habang siya sinusundan ako gamit ang kotse
niya.
Naglakad lakad lang kami ni papa hanggang sa napagpasyahan namin na maupo sa bench.
"Bago umalis si Chard nag propose siya sa akin" pag kwe-kwento ko kay papa. "Niyaya
niya ko na sumama sa kanya sa U.S pero tumanggi ako. Sana sumama na lang ako sa
kanya papa. Sana kahit sa huling sandali magkasama kami" sambit ko at nag-umpisa
nanamang umiyak.
"Nakatadhana na mangyari yun anak. Hindi ka sumama sa kanya kaya nabuhay ka pa" ani
papa habang inaalo ako.
"Pero papa mas gusto ko pang sumama sa kanya at sabay kaming mamatay kesa yung
ganito na iniwan niya ko" patuloy pa rin ako sa pagluha ko. Mukhang wala ng
katapusan ang luha ko.
"Hindi magugustuhan ni Chard ang sinasabi mo anak. Alam kong mas gusto ni Chard na
mabuhay ka" ani daddy.
"Pero daddy nasasaktan pa rin ako. Hindi ko alam kung paano gigising sa umaga kung
wala na ang isa sa mahalaga sa buhay ko." sambit ko.
"Lilipas din yan anak ko.." ani papa.
"Umuwi na po tayo papa" anyaya ko. Tumayo kami ni papa at sabay na naglakad pauwi.
Pagdating sa gate huminto kami.
"Hindi na ako papasok anak. Tawagan mo lang ako kung kailangan mo ng kausap. Sige
pumasok ka na sa loob" niyakap ko muna si papa bago ako pumasok sa loob. Pagpasok
ko sa loob may kausap si mama at daddy.
"Cyrine, siya si Attorney Santos" pagpapakilala sa akin ni mama sa kausap nila.
Tumango lang ako at aakyat na sana ng tawagi ulit ako ni mama. "Cyrine, kakausapin
ka lang niya saglit" naupo ako sa sofa katapat ni attorney.
"Last will and testament ni Mr. Peterson na ibigay sayo Ms. Alzola Cyrine Trinidad
ang lahat lahat na ari-arian ni Mr. Peterson. Lahat ng kanyang pera ay sayo
mapupunta." sambit Attorney.
Pinigilan kong pumatak nanaman ang mga luha ko sa harap nila mama. Hindi ko akalain
na gagawin ni Chard ito. Hindi ko kayang gamitin ang mga pera niya o puntahan ang
mga ari-arian niya. Paano ang kumpanya niya? Ayokong masayang ang lahat ng
pinagpaguran ni Chard. Alam ko naman mag patakbo ng negosyo ni Chard dahil itinuro
niya na sa akin yun kaya lang baka hindi ko magawa. Ang tumapak nga lang sa opisina
niya nasasaktan na agad ako. Chard... bumalik ka na kasi.
"Aakyat na po ako" sambit ko at tatayo na sana ng biglang may ilapag si Attorney sa
harapan ko.
"Pinabibigay ni Mr. Peterson" kinuha ko yun kay Attorney at umakyat na sa kwarto
ko. Nahiga ako sa malambot kong kama kung saan kasama ko pa noon si Chard. Binuklat
ko ang papel na binigay sa akin ni Attorney na galing kay Chard.
"Alzola ko, I love you. Wait for me to come home or I will wait for you here"
Tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko dahil sa sulat. Chard, I miss you so much at sa
tingin ko ikaw nanaman ang maghihintay sa atin. Antayin mo ko diyan Chard. Mahal na
mahal kita. Alam ko naman na kahit masama ang tingin sayo ng ibang tao alam kong
mabait ka kasi ikaw ang Chard ko.

"Anak may bisita ka sa baba" tumango lang ako kay mama at lumabas na siya ng kwarto
ko.
Limang araw na rin akong nandito lang sa loob ng kwarto ko. Dito na rin ako
kumakain dahil ayokong bumaba at magpunta sa dining room. Naaalala ko lang si Chard
na palagi akong pinagsasandukan tuwing kumakain kami. Buong bahay na ito puro si
Chard ang pinapaalala sa akin. Gabi gabi na lang akong umiiyak at umaasang dadating
si Chard para patigilin ang pag-iyak ko.
Inayos ko na muna ang sarili ko bago bumaba. Pagbaba ko nadaanan ko ang pool.
Naalala ko ang pag swi-swimming namin ni Chard. Yung pag prank niya na nalunod
siya, sana prank na lang din ito. Naalala ko din yung paghalik niya sa akin na miss
na miss ko na. Naalala ko rin yung nahulog ako sa pool akala ko hindi na ako
babalikan ni Chard pero bumalik siya at niligtas ako.
Lumapit ako sa pool at tumalon sa pinakamalalim na parte. Sa nakalipas na taon
hindi pa rin ako marunong lumangoy. Sinubukan akong turuan ni Chard pero ayaw ko
talaga. Palagi kong dinadahilan sa kanya na 'nan diyan ka naman'. Kaya Chard please
iligtas mo ko. Bumalik ka na sa akin...
"Cyrine! Cyrine!" naramdaman ko na may nag-ahon sa akin sa tubig.
"Chard, Chard ko.." sambit ko.
"Ako ito si Miguel. Ano bang iniisip mo at tumalon ka sa pool?" nag-aalalang sabi
ni Miguel.
"Si Chard, inaantay ko siya. Ililigtas niya ko" ani ko habang pinipigilan ang luha
ko na tumulo.
"Wala na si Chard, Cyrine. Alam kong nasasaktan ka sa pagkawala niya pero nandito
lang ako" tumayo ako at lumayo sa kanya.
"Hindi magugustuhan ni Chard kapag may lumapit sa akin na lalaki. Hindi
magugustuhan ni Chard kapag may humawak sa akin na lalaki" sambit ko.
"Pero Cyrine, wala na si Chard. Hindi na siya babalik. Alam kong mahirap pero
kailangan mong tanggapin" napaupo na lang ako sa lapag at tuluyan ng bumagsak ang
mga luha ko.
"Ang hirap. Ang hirap tanggapin na wala na ang lalaking mahal na mahal ko. Ang
hirap na wala ng magbabawal sa akin. Ang hirap na wala na siya sa tabi ko na
kinasanayan ko na. Hindi ko alam ang gagawin ko sa susunod na bukas kung wala na
siya. Hindi ko kaya at mukhang hindi ko yata kakayanin ang pagkawala niya. Kaya
tama ka Miguel ang hirap nga. Sobrang hirap na may kasamang sakit sa puso ko"
lumapit sa akin si Miguel at niyakap ako.
"Nandito lang ako. Tutulungan kita na mawala ang hirap at sakit na nararamdaman mo"

Episode 39
Cyrine's POV

"Cyrine, ikaw pala. Pasok ka" anyaya sa akin ni Alexie at pumasok kami sa bahay
nila ni Raymart. Kung nandito si Chard siguro kasal na kami ngayon at baka may anak
na rin kami.
"Iaabot ko lang sana sayo ito" sambit ko at binigay sa kanya ang inivitation.
"Itutuloy mo talaga?" tanong sa akin ni Raymart na nasa likod ni Alexie habang
buhat ang bago nilang baby.
"Makakatulong rin si Muguel sa pagpapatakbo ng kumpanya ni Chard. Ayoko naman na
mawala na lang ang kumpanya na pinalaki ni Chard" sagot ko.
"Yun ba talaga ang dahilan? Baka naman gusto mo lang talaga makalimutan si Chard"
ani Alexie na kinayuko ko na lang.
"Mahal ako ni Miguel" sambit ko at tumingin na ulit kay Alexie.
"Pero alam naman natin na si Chard lang mahal mo" tama ka Alexie. Si Chard pa rin
ang mahal ko.
"Dadating ang araw na mamahalin ko rin si Miguel" nakangiting sambit ko para matago
lahat ng sakit sa puso ko.
"Pero hindi tulad ng pagmamahal mo sa kaibigan ko" sabi ni Raymart na kinatingin ko
sa kanya.
"Ewan ko. Hindi ko alam ang mangyayari bukas o sa susunod na bukas. Malay natin
bukas mahal ko na rin si Miguel" nakangiti pa rin na sambit ko.
"Malay mo bukas pag gising mo nandito na siya" kumabog naman ng malakas ang dibdib
ko sa sinabi ni Raymart. Ayokong umasa sa sinabi niya dahil alam ko naman na
imposible.
"Mangyayari lang siguro yun pagnamatay na ako HAHAHAHA" natatawang sambit ko kahit
hindi naman talaga ako masaya.
"Trust me" sambit ni Raymart. Ayokong umasa pero bakit pakiramdam ko babalik siya.
"Aalis na ko, ibibigay ko pa ang ibang invitation" pagpapa alam ko sa kanila.
"Pabalik na siya, Cyrine" tumango na lang ako kay Raymart. Bakit niya sinasabi sa
akin yun? Alam naman naming parehas na wala ng babalik.
Pagkalabas ko ng bahay nila Alexie sumakay agad ako sa kotse ko at nagmaneho
papunta sa bahay ni Ayen. Pagdating ko sa tapat nila Ayen agad akong bumusina para
pagbuksan nila ng gate. May katulong naman na lumabas at binuksan ang gate nila
Ayen. Pinasok ko ang kotse ko at bumaba. Dirediretso akong pumasok sa bahay nila at
feel at home na naupo sa sofa.
"Hi Cyrine!" masiglang bati sa akin ni Angelie na 7 months ng buntis. Inalalayan ko
siyang maupo sa sofa.
"Kumusta ka?" nakangiting tanong ko sa kanya.
"Ok naman, dahil palagi akong inaalagaan ni Ayen" sagot niya. Buti pa ang mga
kaibigan ko masaya na.
"Ninang ako ng baby mo" sambit ko.
"Oo naman" nakangiting sabi niya habang hinihimas ang umbok ng tummy niya. Gusto ko
sana pagnagka anak ako si Chard ang ama kaya lang mukhang hindi na mangyayari yun.
"Cy, napadaan ka yata?" sabi ni Ayen na kababa lang galing sa taas.
"Iaabot ko lang sana ang invitation" sabi ko at binigay kay Angelie.
"Ikakasal ka na?" tumango naman ako "Naalala ko nung nag propose sayo si Chard pero
ngayon sa iba ka na ikakasal" malungkot na sambit niya.
"Huwag kang malungkot Angelie baka malungkot ang baby mo" ani ko at hinimas ang
tummy niya.
"Alam mo naman si Chard lang ang gusto ko para sayo" sabi nito na kinasakit nanaman
ng puso ko. Pinapahirapan naman ako ng mga taong nasa paligid ko.
"Pero wala na si Chard" malungkot na sambit ko.
"Cy, usap muna tayo" ani Ayen at nagpunta sa labas. Sinundan ko naman siya.
"Bakit?" tanong ko sa kanya.
"Tama ka nga" napatingin naman ako sa kanya dahil hindi ko maintindihan ang
sinasabi niya. "Naalala mo yung sinabi mo sa akin sa Baguio? Na mag hintay pa ako.
Naghintay ako tulad ng sabi mo. Naghintay ako hanggang sa naging ready na siya at
lahat ng paghihintay ko nakamit ko sa huli"
"Bakit mo sinasabi sa akin yan?" tanong ko sa kanya. Parang déjà vu.
"Para malaman mo na kailangan mo pang mag hintay. Kailangan mo munang pag tiisan
ang sakit bago ka maging masaya ng tuluyan. Hindi sagot ang kasal para mawala ang
sakit" napanganga naman ako sa sinabi ni Ayen. Hindi ko akalain na may ganito
siyang side.
"Hindi ko na alam. Gusto ko na lang tumakas sa sakit na nararamdaman ko" sambit ko.
"Edi inamin mo rin sa sarili mo na sa isang taon na nakalipas dala mo pa rin ang
sakit sa pagkawala ni Chard" ani nito.
"Sige aalis na ako. Pakisabi kay Angelie nauna na ako" sabi ko at sumakay na sa
kotse ko. Agad ko itong pinaandar papunta naman sa papa ko.
Mali ba talaga ang desisyon ko? Pero nandito na ako wala na akong magagawa. Hindi
na ako pwedeng umurong tapos ang dahilan ko lang kasi nasasaktan ako. Chard help
me. Hindi ko alam ang tamang gawin. Bakit ba kasi nawala ka pa? Bakit kinuha ka
agad sa akin ng Diyos? Hindi niya man lang ako sinabihan para naman nakapag ready
ako. I miss you Chard..
Pagdating ko sa bahay ni papa agad akong pinagbuksang ng gate. Pagbaba ko pumasok
agad ako sa bahay ni papa at pinuntahan siya sa kusina. Doon kasi ang paborito
niyang lugar sa bahay dahil mahilig siyang magluto.
"Anak, kumusta ka?" tanong agad sa akin ni papa.
"Ok naman po ako papa. May gusto lang po akong iabot sa inyo" ani ko.
"Ano yun anak?" tanong ulit ni papa at hinubad ang apron na suot niya.
"Papa, aasahan po kita sa kasal ko" nakangiting sambit ko habang inaabot sa kanya
ang isang invitation.
"Bakit mo tinanggap ang arranged marriage? Alam ko naman na si Chard pa rin ang
mahal mo" ani papa.
"Papa, makakatulong po si Miguel. Kapag natutunan ko na po siyang mahalin tulad ng
pagmamahal niya sa akin mas makaka move on na ko" nakangiting sagot ko kay papa.
"Huwag ka ng ngumiti anak. Kitang kita ko naman sa mga mata mo ang sakit kung sila
alam na ok ka na ako alam kong hindi pa" seryosong sambit ni papa, pinigilan ko
naman na umiyak sa harapan ng papa ko.
"Halata po ba?" pabirong sabi ko para maiwasan ang pagluha ko.
"Anak, huwag mo ng subukan mag move-on. Alam naman natin parehas na hindi mo kaya"
napatingala naman ako para pigilan ang luha ko. Akala ko kaya ko na hindi pa rin
pala.
"Mauna na po ako papa" sambit ko at niyakap siya bago lumabas ng bahay ni papa.
Paglabas ko agad akong pumasok sa loob ng kotse ko at nagmaneho papunta sa mahal
ko.
Pagdating ko sa sementeryo bumaba ako bitbit ang bulaklak. Ito nanaman ako na
naglalakad papalapit sayo Chard. Pagdating ko sa tapat ng lapida ni Chard binaba ko
ang bulaklak na dala ko.
"Isang taon na rin pala Chard. Isang taon mula ng mawala ka sa amin. Pero nandito
pa rin ako at pinipilit ang sarili ko na mag move on sayo. Baka tama si papa hindi
ko naman talaga kaya pero pinipilit ko lang. Yung kumpanya mo ayos naman, si daddy
ang nagpapatakbo nun. Tapos ako magpapakasal na pero hindi sayo kundi sa lalaking
pinapalayo mo sa akin noon. Huwag ka sanang magagalit Chard ikaw pa rin naman ang
mahal ko. My possessive Attorney, My first love, My true love but not my forever
love" pinunasan ko ang luha ko na patuloy pa rin sa pag-agos. "Sana sa next life
natin tayo na talaga. Sana sa next life ako pa rin Chard. Ako pa rin ang mamahalin
mo. I love you Chard" tumayo na ako at naglakad na pabalik sa kotse ko. Pagsakay ko
sa kotse ko paaandarin ko na sana ng biglang may panyo na tumakip sa ilong at
nahilo ako.

Paggising ko bumungad sa akin ang isang malaking kwarto. Napatingin ako sa suot ko
at iba na. Nakasuot ako ng isang polo na hanggang taas ng tuhod ang haba. Kinabahan
ako lalo ng wala akong suot na bra! My God anong nangyari? Kinuha ko ang shoulder
bag ko at nilabas ang cellphone ko. Tinawagan ko si daddy pero walang sumasagot. My
God kinahabahan ako! Nakarinig ako ng yapak na papunta dito kaya dali dali akong
pumasok sa walking closet at nagtago sa malaking cabinet.
Sino ba ang kumuha sa akin? Kung kailangan niya ng pera ibibigay ko pero bakit iba
na suot ko at wala pa kong bra? My God baka may gawing masama sa akin ang lalaking
yan. "Alzola, lumabas ka na diyan" kumabog ng malakas ang dibdib ko ng marinig ko
ang boses na yun. No Alzola huwag kang lalabas! Hindi si Chard yan isa lang yang
masamang tao. Lalong kumabog ang puso ko ng mag ring ang cellphone ko at si Chard
ang tumatawag. Kinakabahan na sinagot ko ito.
"Chard... help me" umiiyak na sambit ko.
[Alzola ko] mas lalo akong napaluha ng marinig ko ang boses niya.
"Chard, help me" ani ko.
[Lumabas ka na diyan, Alzola] pagsambit ni Chard ay biglang bumukas ang pinto ng
cabinet at bumungad sa akin ang isang lalaking may hawak na cellphone. Ang mga mata
niya na matagal kong hindi nasilayan. Ang itim na itim na mga mata niya..
Agad akong napalabas ng cabinet at napatalon sa kanya. Pinulupot ko ang mga binti
at braso ko sa kanya. Inalalayan naman niya ko sa likod ko. "Chard, ikaw ba talaga
yan? I miss you so much. I love you"
"Ako nga Alzola" sambit niya at hinalikan ako sa labi ko. Halik na namiss ko ng
sobra.
"Nasa langit na ba ako? Patay na ba ako? Magsasama na ba tayo?" tuloy tuloy na
tanong ko sa kanya.
"Wala ka pa sa langit, Alzola pero kaya kitang dalhin sa langit" namula naman ako
sa sinabi niya. "Buhay na buhay ka pa, Alzola ko at magsasama na ulit tayo" sagot
niya sa akin na kinangiti ko.
"I love you, Chard. I love you, I love you, I love you" paulit ulit kong sambit
habang hinahalikan siya sa buong mukha niya.
"I love you too, Alzola ko. Hindi na ko mawawala sa tabi mo" lumabas siya sa walk
in closet at naupo sa kama habang nakakandong pa rin ako sa kanya. "Kumain muna
tayo"
Sinubuan niya ako habang nakakandong pa rin ako sa kanya. Hindi talaga ako
makapaniwala na nandito ngayon sa harapan ko ang lalaking pinagluksa ko ng isang
taon. Sobrang saya ko dahil buhay siya ngayon. Buhay ang taong mahal na mahal ko.
Buhay si Chard!
Bigla naman nag ring ang phone ko pag tingin ko ay si Miguel pala. Napatingin naman
ako kay Chard na mukhang hindi gustong tumawag si Miguel. "Sasagutin ko ba?" si
Chard na mismo ang sumagot nun at ni loud speaker.
[Cyrine, where are you?] nagulat ako ng halikan ni Chard ang leeg ko.
"Ah ahm nagbabakasyon lang" naramdaman ko na nilalagyan ni Chard ng hickey ang leeg
ko.
[Nasaan ka at pupuntahan kita] Oh My Chard! mas ginalingan niya pa!
"Ahh no, hindi na kailangan" ang kamay naman ni Chard ay gumapang papasok sa suot
kong polo at nilamas ang hinaharap ko.
[Malapit na ang kasal natin tsaka mo pa naisipan na magbakasyon] Sheeet Chard anong
ginagawa mo sa akin. Binuksan niya ang polo na suot ko at sinubo ang isa habang
yung isa ay patuloy niya na nilalamas.
"Ahhhhhhm" hindi ko na napigilan ang umungol dahil sa sarap ng ginagawa sa akin ni
Chard.
[Ok ka lang ba? Gusto mo puntahan na kita diyan] parang bata si Chard na isang taon
na hindi naka dede sa nanay niya My God!
"No need byeee" pinindot ko ang end call.
"Kasal pala" nakangising sambit ni Chard at binutones na ulit ang polo na suot ko.
"Bakit ka magpapakasal sa lalaking yun?" seryosong tanong ni Chard.
"Ahm naisip ko kasi na mas makaka move-on ako kung papakasalan ko siya" kinakabahan
na sagot ko. Si Chard naman ay hinawakan lang ang tummy ko.
"Dapat pala bago ako mawala nilagyan ko na muna ng laman ang tiyan mo para ngayon
may inaalagaan ka na at hindi mo na naisipan na magpakasal sa tarantadong yun"
sambit ni Chard.
"I'm sorry Chard" sambit ko.
"Ok lang" sagot niya.
"Hindi pa naman ako kasal kaya pwede ko pang iurong" nakangiting sabi ko sa kanya.
"Hindi ka talaga magpapakasal sa kanya. Hinding hindi ako papayag" napangiti naman
ako sa sinabi niya.
"Ikaw nga si Chard" sambit ko at hinalikan siya sa labi niya.
"By the way, Alzola may nangyari ba sa inyo ni Miguel?" tanong niya sa akin.
"What do you mean?" takang tanong ko sa kanya.
"Yung ginagawa natin sa kama" ramdam ko na namula nanaman ang buong mukha ko sa
sinabi niya.
"Meron" sagot ko at bigla naman nagbago ang mukha niya at halatang galit.
"Papatayin ko talaga yang tarantadong lalaking yan" malamig na sambit niya.
"Joke lang naman, Chard. Wala pang nangyayari sa amin ni Miguel. Ikaw pa lang"
napangiti naman siya sa sinabi ko at nawala na ang masamang awra niya.
"Hinalikan ka na ba ng lalaking yun?" tanong niya ulit.
"Sa pisngi nga lang" nahihiyang sambit ko.
"Tangina! papatayin ko talaga yang lalaking yan!" galit na sambit niya. Hinalikan
ko naman siya sa labi niya.
"Kalma lang, Chard" sambit ko.
"Fine, kalmado na ako" kalmadong sambit niya.
"Ngapala Chard anong nangyari at nawala ka? Akala namin patay ka na" ani ko.
"Someone tried to kill me" sagot niya.
"What? sino at ako mismo ang papatay!" anong karapatan niya para pagtangkaan ang
buhay ni Chard? Dahil sa kanya nasayang ang isang taon na dapat kasama ko si Chard.
Dahil sa kanya nasaktan ako ng isang taon.
"Si Miguel"

Episode 40
Chard's POV

Parang gusto kong bumaba ng eroplano at puntahan si Alzola. I miss her so much
kahit saglit pa lang kaming nagkakahiwalay. I am damn happy! Makalipas ang ilang
taong naming pagsasama ni Alzola mas minamahal ko siya. Baliw na baliw ako sa kanya
at hindi ko na kayang maka-ahon. Gusto ko na agad makauwi para maayos ang kasal
namin ni Alzola. Akin na siya at habang buhay magiging akin.
Kanina nang mag propose ako sa kanya grabe ang kaba ko. I thought she will reject
my proposal again. Noong tangihan niya ang unang proposal ko tinangap ko dahil
naiintindihan ko ang dahilan niya. Nakuntento na muna ako sa kung anong mayroon
kami dahil mahal na mahal ko siya at hindi ko kayang mawala siya sa akin. Sinamahan
ko siya sa lahat ng gusto niyang gawin. Sinuportahan ko siya palagi. I gave all she
wants hanggang sa makuntento siya. Then I propose again.
Sobrang saya ko at kuntento na ako sa buhay ko. Si Alzola lang ang bumubuo ng
kulang sa pagkatao ko kaya pagnawala siya hindi ko kakayanin at baka ikamatay ko.
Mahal na mahal ko siya at kaya kong ibigay sa kanya ang buong mundo manatili lang
siya sa tabi ko. Si Alzola lang ang kapayapaan ko siya lang ang may kayang
pakalmahin ako. Sa kanya lang ako kumakalma, siya lang rin ang nakikita ko na
makakasama ko habang buhay. I love everything about her kaya naman ang mga paborito
niyang kanta kinakanta ko rin para sa kanya. She's the center of my entire fucking
world. She's mine, only mine.
"Mr. Peterson" malanding tawag sa akin ng babaeng stewardess kung si Alzola sana
ito baka kanina pa ko tinayuan. Tinaasan ko lang siya ng kilay. I was so shocked
when she injected something to me. "Goodnight" Alzola ko.

Pagdilat ko agad akong napabangon sa hinihigaan kong kama.


"Gising na si Sleeping beast" napatingin ako ng masama kay John Paul.
"Kumusta ka? May nararamdaman ka ba?" Danworth asked me. Napatingin ako sa paligid
ko at lahat ng gago kong kaibigan ay nandito. Anong meron?
"Si Alzola? Nasaan si Alzola? Gusto kong makita si Alzola" I asked. Pakiramdam ko
sobrang tagal kong nahiwalay kay Alzola.
"Easy tol, mag-iisang taon ka ng tulog" Patrick said. Fuck! What happened? Oh I
remember that bitch!
"Hindi ko alam kung anong klaseng gamot ang ininject sayo at nakatulog ka ng ganyan
katagal" Danworth said.
"I need to go. Alzola was waiting for me" tumayo ako sa kama kaya lang pinigilan
ako ni Raymart.
"Hindi mo ba itatanong kung sino may pakana nito?" tanong nito sa akin habang hawak
ang balikat ko.
"That bitch! Alam ko naman na napatay mo na" malamig na sagot ko kay Raymart.
"Yung inutusan napatay ko na pero ang nag-utos buhay na buhay pa rin" John Paul
said, sa kanya naman ako ngayon napatingin.
"Who?" malamig na tanong ko sa kanya.
"Yung lalaking obsess na obsess kay Cyrine" Patrick answered my question.I clench
my jaw.
"Tanginang Miguel yan. Patayin mo na Raymart" kaya pala umalis para mag plano.
Akala ko tumigil na siya pero patuloy pa rin pala ang gago.
"Pag may nalaman ka pa sigurado akong ikaw mismo ang papatay sa kanya" napatingin
naman ako ngayon kay Danworth na umiinom ng alak.
"What?" maikli kong tanong. Gusto ko na lang makita ang Alzola ko.
"Ang alam ng lahat patay ka na. Ganun ka bobo si Miguel. Ang alam niya bangkay mo
ang na sunog sa eroplano" kinuha ko ang alak na iniinom ni Danworth at binato ko sa
pader sa gigil ko. Papatayin kita Miguel tangina ka. Gusto kong magwala sa nalaman
ko.
"Balak pala niya na tuluyan talaga ako" malamig na sabi ko. Humanda ka at ako naman
ang papatay sayo.
"Buti na lang at dumating agad ako at nailabas ka sa eroplano mo bago sumabog ito"
napatingin ako kay Raymart at tinapik siya sa balikat niya.
"Thanks, pero kailangan ko ng balikan si Alzola" lalabas na sana ako ng mag salita
si John Paul na kinahinto ng mundo ko. Parang tumigil ang mundo ko. Pakiramdam ko
sinaksak ako patalikod.
"Ikakasal na siya kay Miguel" napabalik ako at sinapak muna si John Paul bago
tuluyan lumabas. Pero hindi man lang nabawasan ang galit ko. Gusto kong sumabog sa
galit tangina.

Nakita kong lumabas na ang kotse ni Alzola sa bahay ng papa niya kaya agad ko
siyang sinundan. Kanina ko pa siya sinusundan simula ng umalis siya sa bahay.
Gustong gusto ko na siyang lapitan at yakapin. Gusto ko siyang halikan tulad ng
dati.
Huminto ang kotse niya sa sementeryo at nakita kong may puntod siyang pinuntahan.
Ang puntod na akala niya ay ako. Nakita ko ang mga luha niya na ayaw na ayaw kong
nakikita sa mga mata niya dahil nasasaktan ako hindi lang nasasaktan dahil parang
pinapatay na rin ako. Gusto ko na siyang lapitan at punasan ang luha niya. Buhay
ako Alzola, buhay na buhay. Hindi ko akalain na ganito pala ang nararanasan mo ng
mawala ako. I'm sorry, Alzola ko.
Lumabas ako ng kotse ko at lumipat sa backseat ng kotse niya. Madali ko lang itong
nabuksan dahil may sarili akong susi nito dahil ako mismo ang bumili nito para sa
kanya. Maya maya lang ay pumasok na siya sa loob ng kotse niya. Na amoy ko agad ang
mabango niyang amoy na gustong gusto ko. Bago pa niya paandarin ang kotse pinaamoy
ko na sa kanya ang panyo na may gamot. Nang makatulog siya agad akong lumabas ng
kotse at binuksan ang driver seat. Binuhat ko siya na ginagawa ko noon. Mas gumaan
siya kumpara noon, pumayat rin siya. Ano bang nangyari sa Alzola ko ng nawala ako?
Bakit napabayaan niya ang sarili niya? Tangina ang bobo mag-alaga ni Miguel!
Pinasok ko siya sa kotse ko at kinabit ang seat belt bago ako sumakay. Pag kasakay
ko agad kong pinaandar ang kotse ko papunta sa bahay ko sa Isabela.
Gabi na ng makarating kami sa Isabela. Agad kong binaba si Alzola sa kotse at
pumasok sa mansyon ko ay hindi mansyon pala namin ito ni Alzola. Dinala ko siya sa
kwarto namin at dahan dahan ko siyang hiniga. Kumuha ako ng gunting at ginupit ang
suot niyang dress. Mas lalo siyang naging sexy. Naramdaman ko na tumaas ang alaga
ko. Tangina! Tinanggal ko ang suot na bra ni Alzola at nakita ko ang malaki niyang
hinaharap. Hinawakan ko ito tulad ng ginagawa ko noon. Fuck! mas lumaki yata
ngayon. Sinubo ko ang isa niyang bundok na ginagawa ko noon. Ang sarap at nakaka-
adik. Tangina kailangan ko munang pigilan ang sarili ko tulog siya.
Tumayo ako at pumasok sa walk in closet ko. Kumuha ako ng isang polo ko at sinuot
ito kay Alzola. Mas bagay sa kanya ang damit ko pero dapat ako lang ang makakita
nito at wala ng iba. Nahiga ako sa tabi ni Alzola at niyakap siya. I miss her so
much. Gustong gusto kong ginagawa ito sa kanya habang natutulog kami. Ang isandal
siya sa dibdib ko para iparinig sa kanya kung gaano kabilis at kalakas ang tibok ng
puso ko para sa kanya. Para sa babaeng mamahalin ko habang buhay.

Paggising ko tulog pa rin si Alzola. Mukhang na sobrahan yung paglagay ko ng gamot.


Hinalikan ko na muna siya bago ako bumaba. Pagbaba ko agad akong dumiretso sa
kusina at nagluto para kay Alzola. Sure akong gutom na yun. Pagtapos kong magluto
umakyat ako sa kwarto namin pero wala na si Alzola doon. Nilapag ko na muna ang
tray sa ibabaw ng kama.
"Alzola lumabas ka na diyan" kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Alzola.
Narinig ko ang pag ring nag cellphone niya sa loob ng walk in closet ko at alam ko
na kung nasaan siya.
[Chard... help me"] Oh that voice. I miss her voice.
"Alzola ko" para kong sinaksak ng marinig ko ang pag-iyak ng babaeng mahal na mahal
ko.
[Chard, help me] baby.. Why are you crying?
"Lumabas ka na diyan, Alzola" I opened my closet and there I see my life. My
Alzola.
Lumabas siya ng closet ko at tumalon sa akin. Inalalayan ko siya sa likod para
hindi siya mahulog. "Chard, ikaw ba talaga yan? I miss you so much. I love you."
"Ako nga Alzola" I said then I kissed her lips. Oh I miss her soft lips.
"Nasa langit na ba ako? Patay na ba ako? Magsasama na ba tayo?" I smiled to her.
"Wala ka pa sa langit, Alzola pero kaya kitang dalhin sa langit. Buhay na buhay ka
pa, Alzola ko at magsasama na ulit tayo" Hindi na ako mawawala sa tabi mo. Hindi ko
hahayaan na masaktan ka ulit.
"I love you, Chard. I love you, I love you, I love you" my heart beats so fast.
"I love you too, Alzola ko. Hindi na ko mawawala sa tabi mo." lumabas ako ng walk
in closet ko at naupo sa kama pero nasa kandungan ko pa rin siya. "Kumain muna
tayo" sinubuan ko si Alzola tulad ng ginagawa niya sa akin noon.
Habang kumakain kami biglang tumunog ang cellphone niya at si Miguel ang tumatawag.
"Sasagutin ko ba?" Alzola asked me. Kinuha ko ang cellphone niya at ako na mismo
ang sumagot.
[Cyrine, where are you?] nandito siya sa kandungan ko at hinahalikan ang mabango
niyang leeg.
"Ah ahm nagbabakasyon lang" nagbabakasyon sa kandungan ko!
[Nasaan ka at pupuntahan kita] puntahan mo para makita mo kung paano ko ienjoy ang
pag-aari ko.
"Ahh no, hindi na kailangan" I love her breast kasyang kasya sa malaki kong palad
at akin lang ito.
[Malapit na ang kasal natin tsaka mo pa naisipan na magbakasyon] kasal? fuck you! I
love to suck her breast.
"Ahhhhhhm" ganyan nga Alzola.
[Ok ka lang ba? Gusto mo puntahan na kita diyan] nasasarapan lang siya sa ginagawa
ko!
"No need byeee" I stop when Alzola stop talking to that man!
"Kasal pala" Inayos ko ang polo niya. "Bakit ka magpapakasal sa lalaking yun?"
"Ahm naisip ko kasi na mas makaka move-on ako kung papakasalan ko siya" I touch her
tummy.
"Dapat pala bago ako mawala nilagyan ko na muna ng laman ang tiyan mo para ngayon
may inaalagaan ka na at hindi mo na naisipan na magpakasal sa tarantadong yun" I
said.
"I'm sorry Chard" she said.
"Ok lang" palagi naman kitang iniintindi Alzola at hindi ako magsasawa na
intindihin ka.
"Hindi pa naman ako kasal kaya pwede ko pang iurong" iuurong mo talaga.
"Hindi ka talaga magpapakasal sa kanya. Hinding hindi ako papayag" patayin niya
muna ko kaya lang sinubukan na niya pero ito ako at nilalambing ang Alzola ko.
"Ikaw nga si Chard" then she kissed me.
"By the way, Alzola may nangyari ba sa inyo ni Miguel?" mapapatay ko agad siya
kung meron man.
"What do you mean?" my innocent baby..
"Yung ginagawa natin sa kama" oh she's blushing.
"Meron" tangina. Papatayin ko talaga si Miguel at puputulin ko rin ang kaligayahan
niya.
"Papatayin ko talaga yang tarantadong lalaking yan" tangina gusto kong magwala.
"Joke lang naman, Chard. Wala pang nangyayari sa amin ni Miguel. Ikaw pa lang"
Dapat ako lang talaga, Alzola.
"Hinalikan ka na ba ng lalaking yun?" I asked again.
"Sa pisngi nga lang" tangina talaga! puputulin ko ang nguso niya!
"Tangina! papatayin ko talaga yang lalaking yan!" Alzola kissed me so I calm down.
"Kalma lang, Chard" she said.
"Fine, kalmado na ako" I said.
"Ngapala Chard anong nangyari at nawala ka? Akala namin patay ka na" she asked me.
"Someone tried to kill me" I answered.
"What? sino at ako mismo ang papatay!" Go kill that bastard! pero hindi ko pa rin
hahayaan na madumihan ang kamay mo.
"Si Miguel" she was shocked. Kinewento ko sa kanya ang lahat ng nangyari sa akin.
Kung paano ako pagtangkaan ni Miguel.
"What the-" hindi ko na siya pinatapos.
"So patayin ko siya" ako mismo ang papatay sa kanya. Sinayang niya ang isang taon
na dapat kasama ko si Alzola. Kaya naman ako mismo ang papatay sa kanya at hindi ko
ipag-uutos sa iba.
"Wait, baka makulong ka" Nakita ko ang pag-aalala sa mga magagandang mata ni
Alzola.
"Hindi ako makukulong, Alzola. Kailangan muna nilang humanap ng tatapat na abogado
sa akin bago ako makulong" I said.
"Hayaan na lang natin siya sa batas, Chard. Mas maganda kung huwag mo ng dungisan
ang mga kamay mo" napangiti ako sa sinabi ni Alzola.
"I will try" hinampas naman niya ko sa braso ko.
"Ano ba, Chard!" ang ganda pa rin niya kahit na naiinis siya.
"Fine" pero papahirapan ko na lang siya sa loob ng kulungan.
"Kaya pala si Raymart sabi sa akin kahapon na babalik ka na kasi bumalik ka na
nga" masayang sabi ng Alzola ko.
"Nang magising ako ikaw agad ang hinanap ko" sabi ko habang hinihimas ang makikinis
niyang legs.
"Talaga ba?" sambit ni Alzola at sumiksik na parang bata sa leeg ko.
"Yeah, ikaw lang at wala ng iba" she gave me a hickey on my neck.
"Wait, bakit mo nga pala binigay sa akin lahat ng ari-arian mo?" she asked me.
"Why not? Ikaw lang ang babaeng mahal ko. Ang akin ay iyo na rin at ikaw ay akin
lang."

Episode 41
Cyrine's POV

"Oh Em Geee sis ikakasal ka na sa jowa ko" maarteng sambit ni Andrew. Inyong inyo
na yung jowa mo.
"Tumigil ka nga Andrew! Pero sis bigay mo na lang sa amin" isa pa itong malanding
Gab na ito. Inyong inyo na nga saksak niyo pa sa baga niyo!
"Kayong dalawa lumabas na nga kayo dito kung puro yan lang naman ang sasabihin
niyo" sabi ni Alexie sa dalawa.
"Magpapakasal ka talaga? Pero baliw ang lalaking yun" sambit ni Ayen. Syempre hindi
ako magpapakasal kay Miguel baka magpakamatay si Chard HAHAHAHA.
"Sabi ko naman sayo Ayen makakatulong si Miguel sa akin tapos ako matutulungan ko
rin siya sa sakit niya" psychopath kasi ang lalaking yun ewan ko nga kung bakit
umabot siya sa ganun.
"Alam mo Cy hindi kita maintindihan" sambit ni Ayen at lumabas na ng dressing room
ko. Sigurado akong maiintindihan mo rin mamaya.
"Nagtampo si papa Ayen HAHAHAHA ibigay mo na kasi sa akin si Miguel. Kaya ko siyang
alagaan sis" pagbibiro ni Andrew. Ewan ko ba kung bakit gustong gusto niya si
Miguel ah kasi parehas silang may saltik.
"Alam mo Andrew naiirita ko sa mukha mo kaya lumabas ka na nga!" inis na sambit ni
Alexie.
"Ohh baka juntis ka ulit sis" ani Gab.
"Oo, buntis ulit ako at naiinis ako kasi feeling ko may babae si Raymart" sabi ni
Alexie sa amin. Buti na lang at lumabas na si Ayen dahil baka sugurin niya pa si
Raymart ngayon.
"Si papa Raymart mambababae? Parang napaka imposible naman yun. Paano mo nasabi?"
tanong ni Andrew kay Alexie.
"Madalas siyang umalis tapos hindi siya nagpapaalam sa akin. Tapos minsan kung
umuwi siya gabing gabi na o kaya naman minsan umaalis siya gabi na" lumapit naman
ako kay Alexie at pinunasan ang luha niya.
"Shh wala ka bang tiwala sa asawa mo?" tanong ko sa kanya.
"Meron" sagot niya.
"Meron naman pala eh pero bakit mo siya pinag-iisipan ng ganyan?" tanong ko ulit sa
kanya.
"Baka kasi buntis ka lang sis kaya ka nagkakaganyan" singit ni Gab sa aming usapan.
"Sana nga dahil lang sa buntis ako kasi iiwan talaga namin yan si Raymart kung
totoo man" tumigil na sa pag-iyak si Alexie. Kung alam mo lang Alexie.
"Tara lumabas na tayo gusto ko na makita si papa Miguel" ang landi talaga ni Andrew
grabe.
"Sige na labas na kayo" pagtataboy ko sa kanila. Lumabas naman sila at pumasok
naman ngayon ay si daddy.
"Anak, sigurado ka ba sa kasal na ito? Pwede ka pang umurong" natawa naman ako sa
sinabi ni daddy.
"HAHAHAHA nandito na tayo daddy" sambit ko.
"Alam ko. Pero pwede naman na iurong" pamimilit ni daddy sa akin. Hindi pwede daddy
dahil may plano na kami ni Chard I mean plano ko lang pala dahil ayaw talaga ni
Chard pero nilambing ko para pumayag. Sumakit naman ang katawan ko kakalambing ko
sa kanya.
"Daddy ko, ang kulit mo po HAHAHAHA" natatawang sambit ko kay daddy kagabi niya pa
kasi sa akin sinasabi na umatras na sa kasal.
"Ok, lalabas na ako basta kung magbago ang isip mo sabihin mo agad" tumango lang
ako kay daddy at lumabas na siya ng dressing room.
"Napakaganda ng anak ko" sambit ni mama na kakapasok lang sa dressing room ko
habang tinitignan ang kabuan ng tube wedding gown ko.
"Kanina pa po ba magmamana?" nakangiti kong sambit.
"Hindi ko akalain na ikakasal ka na anak ko. Ang akala ko kay Chard ka maikakasal
pero hindi pala" wait ka lang mama at ikakasal rin ako sa kanya.
"Mama, huwag na po kayong malungkot" sabi ko kay mama at niyakap siya.
"Hindi ko lang mapigilan anak. Si Chard lang kasi ang gusto ko para sayo kahit na
inaasar kita sa iba" ako rin naman po mama si Chard lang ang gusto kong pakasalan.
"Mama, pinapahirapan niyo lang po ako" pagdradrama ko kay mama.
"Sorry anak HAHAHAHA" natawa naman ako ng mag-iba na ang mood ni mama.
"Ok lang mama HAHAHAHA" humiwalay ako sa yakap namin ni mama.
"Lalabas na ako anak" pagpapaalam ni mama.
"Ok po mama" lumabas na si mama. Sumunod naman na pumasok ay si papa.
"Anak, sorry" agad na sambit ni papa.
"Bakit po papa?" tanong ko sa kanya.
"Hindi kita kayang ihatid sa lalaking yun" sumaya naman ang puso ko dahil sa sinabi
ni papa. Alam ko kasing si Chard lang ang gusto niya. Sobrang saya ko dahil gusto
ng pamilya ko si Chard!
"Ok lang po, papa" nakangiting sagot ko. Yung ngiting totoo.
"Mahal na mahal kita anak" niyakap ako ni papa at niyakap ko rin siya.
"Mahal ko din po kayo papa" humiwalay si papa sa pagkakayakap namin.
"Pipigilan kong umiyak mamaya sa kasal mo" natawa naman ako sa sinabi ni papa.
"HAHAHAHA pigilan niyo lang po papa" kasi gusto ko sa kasal namin ni Chard. Doon ka
iiyak.
"Sige lalabas na ako baka dito pa ako umiyak" tumango na lang ako kay papa at
lumabas na siya.
"Ma'am ready na po ang lahat kayo na lang ang hinihintay" tumango na lang ako sa
wedding coordinator. Lumabas ako ng dressing room ko at sumakay sa kalesa na
maghahatid sa akin sa mismong kasal ko. Beach wedding ang kasal namin ni Miguel.
"Kinakabahan ka ba?" tanong sa akin ni Chard na siyang nagpapatakbo ng kalesa. May
suot siyang salakot kaya hindi siya makikilala. Ang ganda talaga ng likod ni Chard
my God!
"Syempre hindi, alam ko naman na nasa likod lang kita" sagot ko sa kanya.
"Pagtapos nito palitan agad kita ng damit" ani nito na kinapula ng mukha ko. Ayan
nanaman siya sa palit daw pero kung ano ano ginagawa sa akin.
"Utot mo! masakit pa nga ang katawan ko" paano ba naman paulit ulit akong inangkin
simula ng bumalik siya.
"Papalitan lang naman" ramdam ko na nakangisi siya ngayon argg.
"Safe na ba sa buong beach?" tanong ko sa kanya para maiba ang usapan.
"Yeah marami na rin mga pulis ang nakapalibot" sambit niya.
"Pinaghandaan mo talaga ang kasal namin ni Miguel" pang-aasar ko sa kanya.
"Kaligtasan mo ang pinaghahandaan ko hindi ang kasal niyo na hindi rin naman
matutuloy" sabi niya na mukhang mapipikon na.
"Ok, - sabi mo eh baka mamaya maging monster ka pa diyan HAHAHAHA" ani ko.
"Kapag hindi ka tumigil diyan. Walang plano ang matutuloy" napatigil naman ako
sayang naman kasi yung naisip ko na plano. Ang plano kasi namin ay paaminin si
Miguel sa harap ng mga tao.
Pagdating namin sa tapat ng malaking pinto agad akong inalalayan na makababa.
Tumapat kami sa isang malaking pinto at bumukas ito.
Dahan dahan akong naglakad papalapit sa lalaking sumayang ng isang taon namin ni
Chard. Hindi ako ihahatid nila mama at daddy dahil ayaw din nila tulad ni papa.
Tumingin ulit ako kay Miguel na ngayon ay may pa iyak iyak pa. Utot mo! dahil sayo
nagdusa ako ng isang taon. Dahil sayo nasaktan ako may pa damay damay ka pang
nalalaman diyan eh dahil pala sayo kaya nawala si Chard sa akin. Gusto kong
maranasan mo ang sakit na naranasan ko Miguel. Kaya sasaktan rin kita tulad ng
ginawa mo sa akin. Pasalamat ka at hindi kita pinapatay kay Chard! Isa kang stupid!
Pagdating ko sa tapat niya agad niyang hinawakan ang kamay ko at kinawit sa braso
niya. Inalalayan niya ko papunta sa harap. Nag umpisa na ang seremonya at ramdam ko
na nakatingin sa akin si Miguel pero hindi ko siya nilingon. Stupid!
Ngayon mag kaharap na kami. Nandidiri ako sa kanya. Isa siyang baliw na tao!
Ngumiti ako sa kanya isang pekeng ngiti na babaunin mo sa kulungan.
"Do you take Alzola Cyrine Trinidad as your lawful wife, to have and to hold, from
this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness
and in health, until death?" tanong ni Father ka Miguel.
"I do" sagot niya.
"Do you take Miguel Vasseur as your lawful husband, to have and to hold, from this
day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in
health, until death" tanong naman sa akin ni Father.
"I don't" sagot ko at tinaas ang wedding veil ko. Kita ko ang gulat at sakit sa mga
mata ni Miguel pero wala akong pakielam.
"Cy-cyrine? why?" tanong sa akin ni Miguel at hahawakan sana ako ng lumayo ako sa
kanya.
"I know everything!" galit na sambit ko sa kanya.
"A-anong sinasabi mo Cyrine? ituloy na natin ang kasal" ramdam ko ang kaba at takot
ni Miguel pero wala pa rin akong pakielam.
"Huwag ka ng mag maang maang Miguel! Dahil sayo namatay si Chard!" nagulat naman
ang mga bisita sa sinabi ko.
"Anong sinasabi mo? Aksidente ang pagkamatay niya at walang may kasalanan? Hindi
kananaman ba nakainom ng gamot mo?" what the-!
"Ikaw ang kailangang uminom ng gamot, Miguel! Isa kang baliw! You are a psycho!
Kaya ikaw ang kailangang uminom ng gamot sa atin!" galit na sabi ko sa kanya.
"Stop!" galit sa sambit niya lumalabas na tunay na Miguel.
"Bakit? Ayaw mong malaman nila ang totoo na isa kang psycho? Pinatay mo si Chard.
Isa kang mamamatay tao Miguel!" ani ko.
"Hindi ko siya pinatay dahil pinapatay ko siya!" parang nangyari na ito.
"Tapos dadamayan mo ko? Dadamayan mo ko eh ikaw nga mismo ang dahilan kung bakit
ako nasaktan!" sambit ko.
"Bakit ba hindi mo ko kayang mahalin? Wala na si Chard pero siya pa rin ang palagi
mong iniisip. Ako yung nandito sa tabi mo at dinadamayan ka pero si Chard pa rin.
Simula bata tayo minahal na kita pero ako kahit kailan hindi mo minahal" lumuha
siya pero wala akong pakielam mas grabe ang sakit na pinadama niya sa akin.
"Mahirap ba ako mahalin, Cyrine? Hindi mo ba ko minahal kahit konti lang?"
"Kahit kailan hindi kita minahal, Miguel. Si Chard lang ang minahal ko at kaibigan
lang ang turing ko sayo" mahinahon na sambit ko.
"So ginamit mo lang pala talaga ako? Pinaniwala ko yung sarili ko na mahal mo ko
kaya ka ng pagkasal sa akin pero ang totoo gusto mo lang pala makalimutan si Chard.
Ok lang sa akin yun, Cyrine. Ok lang na gamitin mo ko basta makasama lang kita"
gusto kong maawa sa kanya pero nilamon na ako ng galit ko.
"Sorry Miguel. Pero dahil din sayo kaya tayo umabot sa ganito. Kung hindi mo
pinatay si Chard baka wala tayo sa ganitong sitwasyon" ani ko. Nagulat naman ako ng
biglang magbago ang ekspresyon ng mukha niya.
"ITULOY NATIN ANG KASAL CYRINE!" nakakatakot ang itsura niya. Naglakad siya
papalapit sa akin pero bago pa siya umabot humarang si Chard na may dalang baril at
nakatutok kay Miguel ngayon. Lahat ng tao ay nagulat dahil sa pagdating ni Chard.
"Walang kasal na matutuloy" malamig na sambit ni Chard na para bang may yelo na
nakapalibot sa kanya.
"Buhay ka pa pala" nakangising sambit ni Miguel.
"Isang bobong katulad mo hindi ako kayang patayin. Kaya wala ng kasalan ang
matutuloy" ani Chard
"MERON! DAHIL NA BUNTIS KO SIYA!" aba't ang kapal pala ng mukha ni Miguel.
Nakakabuntis ba yung halik sa pisngi?
"Sa tingin mo maniniwala ako?" hinawakan ko ang braso ni Chard baka kasi mabaril
niya si Miguel.
"Ang sarap sa tenga, Chard. Ang sarap sa tenga ng mga ungol niya sa kama"
kinilabutan naman ako sa sinabi ni Miguel. Yak! Stupid!
"Talaga ba? Maniniwala sana ko kaya lang sinaba na sa akin ni Alzola na hanggang
pisngi ka lang daw nakahalik" mukhang mas nainis si Miguel "By the way alam na alam
ko ng pala ang ungol niya. Kilalang kilala ko." Oh God! ramdam ko na namula ang
buong mukha ko.Sheeeet Chard!
May dumating naman na mga pulis at pinosasan si Miguel. Pinagmasdan ko lang si
Miguel na dinadala ng mga pulis hanggang sa huminto ito at humarap sa akin.
"Salamat at ginawa mo sa akin ito" pinigilan ko naman na lumuha dahil alam kong
wala dapat akong pagsisihan. Pero nagulat ako ng kunin ni Miguel ang baril sa pulis
at itutok sa sarili niya.
"No Miguel! Huwag!" bago pa niya maputok sa kanya ang baril mas naging mabilis si
Chard at binaril niya ang hawak ni Miguel na baril kaya tumilapon ito.
"Kung magpapakamatay ka huwag sa harap ni Alzola" sambit ni Chard at dinala na ng
mga pulis si Miguel. Humarap sa akin si Chard at niyakap ako.
"I love you, Chard" malambing na sambit ko.
"I love you too, Alzola ko" ani niya at naglakad kami papunta kila mama.
"Ayan Alexie, si Chard ang pruweba na hindi nga kita niloloko. Siya yung
pinupuntahan ko nung mga araw na nawawala ako" sabi ni Raymart.
"Dinamay mo pa si Chard. Tarantado ka iiwan ka talaga namin ng mga anak mo!" galit
na sambit ni Alexie. Mukhang LQ HAHAHAHA.
"Alexie, totoo ang sinasabi ni Raymart. Dahil sa kanya kaya nandito ngayon si
Chard. Hindi siya nagtataksil sayo" sabi ko, napayuko naman si Alexie.
Lumapit naman sila mama, daddy at papa kay Chard at niyakap ito. Ang saya lang
dahil yung pamilya ko mahal si Chard.
"Sabi na nga bat matagal mamamatay ang masamang damo" sambit ni daddy.
"Muntik na akong umiyak kasi hindi sayo ikakasal si Cy" sabi naman ni mama.
"Mukhang maihahatid pa kita sa altar anak" ani papa.
"Mukhang hindi ko na yata kailangan hingin ang kamay ni Alzola" nakangiting sambit
ni Chard sa pamilya ko.
"Iyong iyo na" sabay sabay na sabi nila.
"Aayusin ko na ang kasal natin Alzola."

End
Chard's POV

Napadaan ako sa C.R ng girls ng elementary students ng may marinig akong umiiyak sa
loob. Lumapit ako dito at naka lock ang pinto. Sinira ko agad ang pinto at nakita
ko ang isang elementary student na umiiyak. Nang makita ko siya parang nakita ko
ang kukumpleto sa buhay ko. Naglakad ako papalapit sa kanya at pinunasan ko ang mga
luha niya. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin pero pakiramdam sinasaksak
ako ng mga luha niya.
"Kinulong nila ako dito" sumbong niya sa akin. Gusto kong magalit sa gumawa sa
kanya nito.
"Tara na" binuhat ko siya at sobrang gaan niya lang kumpara sa katawan ko. I'm
grade 12 student. Bigla akong sinalubong ni Raymart.
"Sino yan?" tanong niya sa akin at hahawakan sana ang babaeng buhat ko ng ilayo ko
sa kanya. Pinagpatuloy ko ang paglalakad hanggang makarating sa clinic. Maingat ko
siyang binaba sa kama na parang isang babasaging ginto. Tinignan ko ang suot niyang
I.D
"Alzola Cyrine Trinidad" Alzola ko, simula ngayon akin ka na. The hell! Phedophile!
"Anong nangyari sa kanya?" tanong sa akin ni Raymart na sumunod hanggang dito.
"Kinulong siya sa loob ng C.R ikaw na bahala sa mga gumawa sa kanya nito. Tangalin
mo sa University." pinagmamasdan ko lang ang maganda niyang mukha habang inaasikaso
siya ng nurse. Anong meron sa kanya at ganito na lang ang epekto sa akin? Para kong
nakulong sa kanya.
Binantayan ko lang si Alzola hanggang hindi pa dumadating ang magulang niya. Para
kong hinihigop ng mga labi niya. Fuck! anong nangyayari sa akin? Nilapit ko ang
labi ko sa labi niya at hinalikan siya saglit. Napatayo ako dahil sa ginawa ko. The
Fuck!
at ngayon ang babaeng pinakamahal ko. Ang babaeng iningatan ko naglalakad papalapit
sa akin. Naramdaman ko na lang na may luhang pumatak sa mata ko. Kinakabahan ako,
sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Pakiramdam ko malapit ng lumabas dahil kay
Alzola.
"Congrats man" Raymart said.
Hindi ko inalis ang mga mata ko kay Alzola. Natatakot ako na baka bigla siyang
mawala sa akin. Hanggang ngayon takot pa rin ako na mawala siya sa akin. Naalala ko
nung birthday niya. Sinubukan niyang makipag hiwalay sa akin na parang ikakamatay
ko. Sobrang natakot ako na kapag iniwan niya ko makahanap siya ng iba at
makalimutan ako. Ang iwan ako ni Alzola ang kinakatakot ko. Hindi ko alam kung
paano pa mabubuhay kung iiwan ako ng babaeng pinagmamasdan ko sa malayo ng halos
siyam na taon.
Nang malaman kong lumipat siya ng school nag umpisa na akong sundan siya kahit
saan. Lapitin siya ng disgrasya buti na lang at palagi akong nasa paligid at hindi
nagsasawa na sundan siya. I am her stalker. Isang Peterson sinusundan ang isang
babae na sobrang layo ng agwat sa edad ko. Baliw na baliw ako sa kanya. Unang kita
ko pa lang sa kanya nahulog na agad ako sa patibong niya. Para kong isang leon na
umaamo lang kay Alzola.
Mahina lang siyang babae pero pinapakita niya sa lahat na malakas siya kahit alam
ko naman na mahina lang siya. Palagi akong nasa likod niya para kung sakaling hindi
niya na kayanin sasaluhin ko siya. Palagi akong nakasuporta sa kanya sa lahat ng
gusto niya. Basta masaya siya masaya na rin ako. Natutunan ko na magtiwala sa mga
kaibigan niya kahit mahirap sa akin ang magtiwala. Mahal na mahal ko si Alzola at
pinanganak siya para sa akin. Kaya naman sobrang saya ko ng malaman ko na mahal
niya rin ako.
"Ingatan mo ang anak ko" sabi ni papa sa akin at inabot ang kamay ng babaeng mahal
na mahal ko.
"Makakaasa ka papa" sagot ko at inalalayan si Alzola na makapunta sa harap ng
altar. Habang nagsasalita ang pari nakatingin lang ako sa babaeng bumuo ng buhay
ko. Humarap siya sa akin at ngumiti. Ang ngiti na gustong gusto kong makita lalo na
ang mga tawa niya na masarap pakingan.
"Do you take Alzola Cyrine Trinidad as your lawful wife, to have and to hold, from
this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness
and in health, until death?" father asked me.
"I do" I answered.
"Do you take Chard Kristian Peterson as your lawful husband, to have and to hold,
from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in
sickness and in health, until death" kinabahan naman ako ng tanungin na si Alzola.
"I do" she answered. Asawa ko na ang babaeng mahal na mahal ko! Sobrang saya ko
gusto kong magpakain sa buong Pilipinas! May sinabi pa ang pari pero parang wala
akong naririnig kundi ang kabog lang ng puso ko. Ang mga mata ko na kay Alzola
lang. Nasa asawa ko lang.
Exchance of vows...
"Chard, I love you so much. I am always here supporting you to all your court
hearing. I am your greatest fan. Hindi ako mawawala sa tabi mo para hindi ka
magkaroon ng problema. Sasamahan kita sa lahat ng business meeting mo kahit saan pa
yan. I promise to give you the best of myself. Pangako magiging mabuting asawa ako
sayo. Thank you dahil palagi kang nandiyan sa tabi ko at sinamahan ako sa lahat.
Palagi mo kong naiintindihan kahit minsan sarili ko mismo hindi ko maintindihan. I
love you Chard Kristian Peterson ko" she said.
"Alzola ko, baby ko.. I love you. I love you. I love you hindi ako magsasawa na
mahalin ka araw-araw. Palagi pa rin kitang sasamahan sa lahat ng mga gusto mo.
Sasamahan kita na manood ng movies kahit na naiinis ako kasi umiiyak ka. Hindi na
ako mawawala sa tabi mo. Kapag nalunod ka palagi kitang ililigtas. Lapitin ka ng
disgrasya kaya palagi akong nasa tabi mo para iligtas ka. Kapag may nagdemanda sayo
handa akong ipaglaban ka kahit sa pinakamataas pang korte yan. Lahat ng paborito
mong kanta kakantahin ko para sayo. Kahit ilang beses pa ako mamamatay mabubuhay at
mabubuhay pa rin ako para mahalin ka, Alzola ko. I love you My supportive wife" I
wipe her tears.
Exchange of rings..
"With this ring, I gladly marry you and join my life to yours. I give you this ring
as a symbol of my love, my faith in our strength together, and my covenant to learn
and grow with you. Let this ring be a symbol of my promises to you and a reminder
of my devotion to you. I am honored to call you my husband" sinuot niya sa akin ang
singsing.
"With this ring, I gladly marry you and join my life to yours. I give you this ring
as a symbol of my love, my faith in our strength together, and my covenant to learn
and grow with you. Let this ring be a symbol of my promises to you and a reminder
of my devotion to you. I am honored to call you my wife" sinuot ko ang singsing sa
kanya.
May sinabi pa ang pari pero kay Alzola pa rin ang tingin ko. Ito siguro yung
babaeng binigay sa akin ni mom and dad. Alam nila na payapa ako kung si Alzola ang
makakasama ko. Simula ng mawala sila dad hindi na ako naging masaya pero dumating
sa buhay ko si Alzola. Nagkaroon ako ng gana na mag patuloy sa buhay ko. Pinalaki
ko ang negosyo ni dad sabay ng pag aabogado ko pero alam kong kulang pa rin. Kaya
gumawa na ako ng hakbang para mapunan ang kulang. Lumapit na ako kay Alzola nung
una pinagkamalan niya pa kong bakla pero ang saya ko rin kasi hinalikan niya ko sa
pisngi.
"You may now kiss the bride" itinaas ko ang belo ni Alzola at agad siyang hinalikan
sa mga labi niya. Hinawakan ko siya sa batok niya para mas madiin pa siya sa akin.
Narinig ko ang palakpakan ng mga tao pero sa labi lang ni Alzola ang focus ko.
"TAMA NA YAN TOL!" rinig kong sigaw ng gagong si John Paul. Pinakawalan ko ang mga
labi ni Alzola mukha kasing mauubusan na ng hangin.
Nag picture taking muna kami bago pumunta sa wedding reception. Inalalayan kong
makasakay si Alzola sa loob ng kotse dahil sa sobrang laki ng gown niya. Nang
makapasok na siya agad akong pumasok at pinaandar na ng driver ko.
"Chard my surprise ako sayo mamaya" sabi niya at sumandal sa dibdib ko.
"I'm excited to your surprise" may hinanda rin ako para kay Alzola. Asawa ko na
ngayon si Alzola. Sobrang tagal kong inantay na mangyari ito at ngayon kasal na nga
kami. Wala na kong mahihiling pa. Kuntento na ako sa lahat ng meron ako.
Pagdating namin sa reception agad kaming lumabas at inalalayan ko siya sa
paglalakad dahil sa bigat ng gown niya. Naupo kami sa table namin. Tulad noon
sinusubuan niya pa rin ako hanggang ngayon. Walang nagbago mas minahal ko lang
siya.
"I love you, Alzola ko. Sobrang saya ko" sabi ko habang tinitignan siya.
"I love you too, Chard sure ako na mas sasaya ka sa surpresa ko sayo" gustong gusto
ko ng malaman ang surprise niya sa akin.
"Ehem" napatingin kami kay Raymart na nasa stage. "Best wishes! alam kong sobrang
saya mo Chard dahil yung babaeng binabantayan mo ng 9 years kinasal na sayo. Thank
you sa inyong dalawa dahil sa inyo masaya ako at kasama ang asawa ko." nginitian ko
si Raymart. Dahil sa kanya kaya nandito ako at kasama ang mahal ko sa buhay.
"Best wishes Cy and Chard!" hindi ko alam kung anong meron dito sa lalaking ito at
grabe ako mag selos sa kanya noon. "Pagnag-antay magiging masaya. Masaya ka na Cy
at masaya rin ako para sayo. Matagal tayong naging mag kaibigan kaya kapag sinaktan
ka ni Chard pasasabugin ko ang kumpanya niya" napatingin naman ako kay Alzola ng
matawa siya sa kaibigan niyang si Ayen. Ayokong mawala ang ngiti niya kaya araw-
araw ko siyang pasasayahin.
"Best wishes, ang galing mo Cyrine dahil na pagtyagaan mo itong pinsan ko HAHAHAHA.
Naalala ko nung una natin pagkikita pinagselosan mo ko HAHAHAHA" Katty was teasing
my Alzola. Naalala ko kung paano mag selos noon si Alzola sobrang saya ko dahil
alam kong meron pag-asa.
"Mas tumamis ang manggahan dahil sa iyo apo. Masaya ako dahil hindi mo iniwan ang
apo kong si Chard. Sana mas lumaki pa ang pamilya natin. Maghihintay ako ng apo sa
tuhod" namula naman ang mukha ni Alzola sa sinabi ni lola. Handa na ako maging ama
kaya naman lahat ay sa loob ko pinuputok.
Marami pang nag speech sa harap at ngayon ay sasayaw na kami si Alzola. Ang unang
sayaw namin bilang mag-asawa. Hinawakan ko ang maliit niyang bewang at dinikit ang
noo ko sa noon niya habang nagsasayaw kami.
"I love you, Chard. hindi ko alam ang gagawin ko kung mawala ka ulit sa akin. Kaya
palagi na akong sasama sayo" Alzola said.
"Hindi na rin ako papayag na mag paiwan ka kapag aalis ako. Sa lahat ng pupuntahan
ko isasama kita. Ikaw lang ang mahal ko, Alzola. Handa akong ibigay ang lahat
manatili ka lang sa tabi ko hanggang sa huling hininga ko" Hindi ko ipagpapalit ang
buhay ko sa kahit kaninong babae na lumandi sa akin.
"Kahit huwag mo ng ibigay ang lahat, Chard. Handa akong manatili sa tabi mo habang
buhay. Handa akong maging ina ng mga anak natin. Magiging mabuting asawa sayo at
mamahalin ka habang buhay" sobrang saya ng puso ko!
"I love you, Alzola. Tara may pupuntahan tayo" hinatak ko ang kamay niya.
"Saan? Iiwan natin sila?" tumango lang ako at inalalayan siya na makasakay sa front
seat. Agad akong umikot at sumakay sa driver seat. Nag maneho ako papunta sa
opisina ko. Bumaba ako at inalalayan ulit siya na bumaba. Pumasok kami sa loob ng
kumpanya ko at sumakay sa private elevator ko.
Pagdating namin sa rooftop agad ko siyang sinakay sa helicopter ko. Umikot ako at
sumakay na rin kinabit ko ang seatbelt niya at headset bago ang akin. Kaligtasan
muna niya bago ang akin. Pinalipad ko ang helicopter.
"Ang sabi mo sa akin noon mas magandang sumakay sa helicopter kapag gabi" tandang
tanda ko lahat ng mga gusto niya.
"Wow natatandaan mo pa yun?" manghang sabi niya sa akin.
"Yeah, now tumingin ka sa baba" pinailaw ko ang buong Makati na may nakaukit na 'I
love you, Alzola ko' habang nakatanaw siya sa baba nakatanaw naman ako sa maganda
niyang mukha. Alzola ko, akin ka na. Mahal na mahal kita at kaya kong gawin ang
lahat makita ka lang na masaya.
"I love you, Chard. Sobrang saya ko na makita ito" masaya rin ako.
"Ano naman ang surprise mo?" tanong ko sa kanya.
"Ibaba mo na muna" utos niya sa akin. Binaba ko naman ang helicopter at bumaba.
Inalalayan ko siya na makababa. May inabot siya sa akin isang rectangular box. Nang
buksan ko ito napatalon ako sa tuwa at agad na niyakap ng mahigpit si Alzola.
"I love you, I love you, I love you" masayang sambit ko.
"Buti na lang at binaba mo muna ang helicopter" she said.
Sobrang saya ko dahil magiging daddy na ako. Yung pangarap ko na maraming bata na
naglalaro sa malaking sala namin matutupad na.
"I love you, Alzola ko. Thank you for loving me. Salamat at dumating ka sa buhay
ko"
"Thank you and I love you, Chard. My first love, My true love, My forever love and
My possessive Attorney"
-Wakas-
Stay at home and pray.

End File
UxL

You might also like