You are on page 1of 8

<center><h1>Finally</h1></center>

<hr>
A year later,

Nathan couldn't stay still He kept on walking back and forth. He felt so helpless.
Hindi niya maintindihan kung anong nangyayari. Maayos naman si Ella kanina - nag-
uusap pa sila, nagkekwento ito tungkol sa proposal ni Aiko kay Caleb noong
nakaraang buwan - he knew about that already at alam rin niyang may balak na si
Caleb na mag-propose kay Aiko ngayong gabi mismo. Ella was fine that moment. She
was smiling at him, may kulay pa nga ang mga pisngi nito at maayos naman daw ang
pakiramdam niya pero saglit lang siyang nalingat, may kinausap lang siya saglit sa
telepono at nang bumalik siya sa kusina - he found Elle lying on the floor -
unconscious.

Ang bilis nang tibok ng puso niya. He carried Ella. Mabilis ang pagpapatakbo niya
sa kotse. He was crying while driving. Nauulit na naman ang nangyari sa kanila noon
- hindi niya alam pero takot na takot siya. Ella was the only thing that makes him
alive and he couldn't bear losing her. Kung noong muntik na itong mawala sa kanya
ay halos mamatay siya sa sobrang takot - lalo na ngayon - baka hindi niya kayanin.

Nang makarating siya sa ospital ay kaagad siyang sinalubong ng mga nurses at saka
ipinasok si Ella sa emergency room. Tinawagan niya si Edward, he's Ella's doctor
kailangan ito dito. He was so scared.

"Nathan!" Agad siyang napalingon nang marinig niya ang boses ng mga kaibigan niya.
He saw Kerky and Calen, although it was a relief to see the two of them together
matapos ang nangyari sa mga ito last year ay hindi niya magawang ngumiti.
Nalulukuban siya ng takot.

"Anong nangyari?" Tanong ni Calen sa kanya. He shook his head. Napaupo siya sa mga
silya sa waiting area.

"She was okay, we were talking, tumatawa pa nga siya, tapos nalingat lang ako
saglit when I got back, she was unconscious!" Nanginginig ang boses na paliwanag
niya sa mga ito.

"It's okay." Naramdaman niyang inakbayan siya ni Calen. "Bok, wag kang mag-isip ng
kung ano. Things will be okay." Calen tried calming him pero hindi niya magawa.
After a while narinig niya ang pagbukas ng emergency room door. Nakita niyang
lumabas si Edward, inalis nito ang stethoscope sa tainga nito at saka tumingin sa
kanya.

"Ed?" He called his little brother.

"We need to talk, Nathan. Just the two of us."

His heart sank. Lulugo-lugong sumunod siya sa kapatid niya.

----

Calen eyed Nathan as he walked behind Edward. Natatakot siya para sa kaibigan niya
pero wala naman siyang magawa para dito. He knew Ella's history kaya naiintindihan
niya ang takot na nararamdaman ni Nathan.

"Grabe bok, ano kayang nangyari kay Ella? Mukhang serious si Edward." Naulinigan
niya si Kerky. He looked at his best friend and then he shook his head. Huminga
siya ng malalim.

"Ewan, sana maging okay ang lahat. I hate to see Nathan hurt. Remember what
happened to him when Ella ran away two years ago?" He asked Kerky. Mukhang nalunod
naman sa pag-iisip si Kerky.

"Natatakot ako. Sana okay lang si Ella." Sabi pa nito. "Teka, paano si Caleb
mamayang gabi? Are we still gonna do the proposal?" Tanong nito. "Friends si Ella
at si Aiko, baka di siya pumunta sa venue kapag nalaman niya."

He sighed. Hindi muna siguro niya sasabihin kay Caleb ang nangyari kay Ella para
hindi na rin nito mabanggit kay Aiko. He knew how much his brother wanted this to
happen. Oo nga at engage na ito at si Aiko pero mas gusto pa rin ni Caleb na mag-
propose sa girlfriend nito na siya ang nagtatanong at hindi si Aiko. It was
actually a funny story, Aiko was the one who proposed and Caleb was so frustrated
about it.

Natapos ang pag-iisip niya nang mag-ring ang cellphone ni Kerky.

"Gummy bear?" Sabi nito sa kabilang linya. He smiled when he realized that it was
Hanna. Ngingiti-ngiti na si Kerky tapos ay nagkakamot pa ito ng ulo. "Okay, sige,
pauwi na rin ako. I love you, Gummy Bear." Matapos ang tawag ay tumayo si Kerky,
mukhang nagmamadali na ito.

"Uhm, Cal, uuwi na muna ako. Hinahanap na ako ni Gummy - este ni Alysa." Tukoy nito
sa anak nitong ten months old. Tumayo na rin siya. He decided to text Nathan para
makapagpaalam na rin siya dito. Sabay sila ni Kerky na pumunta sa parking lot.
Sumakay siya sa bike niya, si Kerky naman sa SUV nito. Sinuot niya ang helmet niya
pero bago umalis ay tumunog ang Blackberry niya.

From: Bhebe ko.

Subject: ^.^

Msg: Dear Mr. Ronaldo, baka nakakalimutan mong sinabi mong susunduin mo ako ngayon
dito sa lab. Baka lang naman kasi two hours na akong naghihintay. Love, Harmony.

P.S. Nagagalit na pala ako. Love you."

Natawa siya. Napapailing na isinuot niya ang helmet niya at saka pinatakbo ang bike
niya. Hindi naman niya nakalimutan, marami lang siyang ginawa. Ang nakalimutan niya
ay ang mag-text dito para sabihing male-late siya.

He sighed. It's been a year at natutuwa naman siya na stable ang relasyon niya kay
Harmony. Minsan ay nakausap niya si Jin Hye - who was now married with Samuel -
both of them decided to reside in the Philippines at sinabi nito sa kanya na
natutuwa ito para sa kanya. He smiled at that thought. Minsan talaga, hindi lahat
ng akala ay tama - tulad niya at ni Jin Hye - he realized that he met Jin Hye to
make him the person he was and Harmony came along to make him who he is today.

Masaya siya dahil masaya si Jin Hye, masaya siya dahil nakikita niyang kontento ito
sa buhay nito. Hindi man siya ang nakapagbigay ng Happy Ending na gusto nito - at
least he was there to witness it happen for her.

Narating niya ang lab na pinagtatrabahuhan ni Harmony. She got her diploma sa MAED
nito last May sa Arizona and he was there too kasama ng pamilya nito. Okay na siya
sa dad ni Harmony.

Namataan niya itong nakapangalumbaba sa desk malapit sa entrance ng building -


katabi nito ang guard. He chuckled. Mukhang inip na inip na ito. Bumusina siya at
nang mapatingin ito sa kanya ay saka ito ngumiti. Nagpaalam ito sa guard at saka
lumapit sa kanya.
"Ang tagal ko diba? Pero hindi ko naman nakalimutan." Paliwanag niya. Harmony eyed
him tapos ay ngumiti ito.

"Nagagalit nga ako eh. Galit na galit." Sabi nito. Natawa siya. Alam niya kung
bakit nagkakaganoon si Harmony. Noong isang araw kasi ay biniro niya ito na parang
hindi naman ito nagagalit sa kanya kahit anong gawin niya. He already knew why -
Harmony was mature enough to handle things on her own at malawak ang pang-unawa
nito - one of the reasons why he was so in love with her.

"Pansin ko nga, Bhe." Natatawa sabi niya. Hinagkan niya sa Harmony sa pisngi at
saka sinuotan ng helmet sa ulo. "Sakay na."

"Okay, pero galit ako, Calen Eugene ah." Sabi muli nito. Natawa siya. Hinintay
niyang makasakay si Harmony sa likuran niya at saka pinasibad ang sasakyan. He was
smiling. This is what he calls happiness - just being able to be with the person
that makes you happy...

---

"Lex, I wanna see the twins."

Lex groaned as he looks at Keith. Umatake na naman ang paglilihi nito. Keith's
three months pregnant and he was hoping n asana this time babae naman ang maging
anak nila. He sighed, sa dami naman kasi ng paglilihan, si Calen at si Caleb pa ang
napili nito.

"Hon, mamayang gabi sa proposal ni Caleb." Nginitian niya ito. Nakahiga ito sa kama
habang katabi si Xander na tulog na tulog na. He was sitting at the sofa eyeing his
wife and his child. He smiled. Kahit kailan ay hindi niya inaasahan na ganito ang
magiging pakiramdam niya tuwing titingnan niya si Keith. He stood up and joined her
in bed. He spooned her.

"Hmnnn..." Keith moaned when he nuzzled her neck.

"I really hope it's a girl." Sabi niya dito. Keith giggled.

"Xander wants a boy. Para daw may ka-playmate siya." Natawa siya. Hindi maitatanggi
ang pagmamahal ni Keith sa anak nila. "Pero teka, gusto ko talagang makita iyong
kambal." Ungot muli nito. He sighed again.

"Hindi ba pwedeng French fries na lang ulit iyong paglihan mo? Kung hindi ka
buntis, magseselos na ako sa kambal. Mas gusto mo silang makita kaysa sa akin."
Ungot niya dito. Humarap si Keith sa kanya.

"Si Nathan na lang kaya ang paglihan ko." Sabi pa nito. He made a face. Alam na
alam ni Keith ang mga bagay na mapagpapainis sa kanya.

"Katarzyna."

"Hanggang ngayon nagseselos ka pa rin kay Nathan. Hello? Kasal na tayo, may anak na
tayo at magkakaanak na ulit tayo. Hindi ka pa rin ba sigurado na mahal kita?" She
smiled at him. Napanguso siya. Niyakap siya ng mahigpit ni Keith.

"Hay ang baby Lexy ko, nagtatampo na naman." Hinagkan siya nito sa labi. "I love
you Lex..." He made a face again. "What?"
"Tang ina kasi, tuwing sinasabihan mo ako ng I love you, kinikilig ako." Mataman
siyang tinitigan ni Keith tapos ay bigla itong tumawa ng malakas dahilan para
magising si Xander.

"Mommy ang ingay-ingay mo naman ehhh..." Pupungas-pungas na yumakap it okay Keith.


He smiled. Nakahiga siya, si Keith naman ay nakaunan sa dibdib niya habang si
Xander ay nasa gitna nilang dalawa. He loved afternoons like this, him, Keith,
Xander and soon, madagdagan pa sila.

"I love you," Bulong niya kay Keith. Keith smiled.

"I love you too..." She craned her neck to give him a kiss. After that they both
turned to Xander.

"Love you, mom, dad and the baby inside mom's tummy."

----

"Antoy!"

Agad na napangiti si Kerky nang marinig niya si Hanna. Kapapasok niya pa lang sa
bahay at agad siyang sinalubong nito. Hanna was wearing a simple white shirt and a
pair of faded shorts but to his eyes, Hanna was the most beautiful woman on Earth.

"Hey." He smiled. Nag-alambitin si Hanna sa leeg niya at saka binigyan siya ng


halik sa labi.

"Bakit malungkot ka?" She asked. Hinatak niya si Hanna paupo sa sofa. He sighed.
Ikinuwento niya kay Hanna ang nangyari kay Nathan, tulad niya ay nakadama din ito
ng lungkot.

"Magiging okay din ang lahat." Sabi ni Hanna sa kanya. He even kissed his cheeks.
Napabuntong hininga siya.

"Teka, si Alyssa?" Tanong niya dito.

"Tulog na. Napagod yata kakaiyak. Hinahanap ka siguro. Ang aga ninyo kasi umalis ni
Calen. Kamusta iyong preperations?" Tanong pa nito sa kanya. He smiled and started
talking about their plans for tonight. Hanna was so excited about Caleb's proposal
to Aiko, tulad kasi niya ay natawa rin ito nang malaman nitong si Aiko pa ang
nagpropose ng kasal kay Caleb.

He was looking at Hanna and he couldn't help but ask her something.

"Gummy bear, masaya ka ba?" Tanong niya dito. Hanna stared at him. He just
shrugged. "Hindi ko pa kasi kayang ibigay sa'yo iyong buhay na kinagisnan mo. Hindi
pa ako kasing yaman ng parents mo eh."

Nagulat siya ng bigla siyang batukan nito.

"Two years na tayong kasal, Antoy, ngayon mo pa tinanong sa akin iyan?" She
giggled. "Hindi naman importante iyon, di naman tayo mahirap, saka masaya naman
tayo, Bakit mo iniisip iyon?"

"Wala lang..." He made a face. He was glad that Hanna feels that way. Kinurot nito
ang ilong niya.
"Nagpapa-cute ka lang yata, Antonio Kerkmez!"

"Bakit, Hanna Kerkmez, effective ba?" He asked, he was feeling a bit flirtatious.
Hanna gave in.

"Hindi..." She bent forward to kiss him but before their lips met, narinig nila ang
iyak ng baby. He said.

"Ako na... Stay here." Tumayo siya para puntahan ang anak niya but before her could
enter the room, he heard Hanna say...

"I love you, Kerky."

And that was enough...

---------------

Caleb took a deep breath. Nakatayo sila sa labas ng garden kung saan gaganapin ang
proposal sana niya kay Aiko. He was patiently waiting for her to come. Nasa loob na
si Calen, Kerky at si Lex. Pinalalakas ng mga ito ang loob niya, sa katunayan
nakailing kurot pa sa pisngi niya si Keith bago siya nakalabas para maghintay kay
Aiko.

Naulinigan niya ang pagdating ng sasakyan nito. Lalo siyang nakadama ng kaba.
Pinanood niya si Aiko habang papalapit ito sa kanya.

"Bakit nandyan ka? Mahamog na." Sabi nito nang makalapit sa kanya. He tried
smiling, Kahit naman alam na niya ang isasago nito sa tanong niya ay kinakabahan pa
rin siya,. Hindi niya alam kung bakit, sigurado naman siya na sasagutin siya ni
Aiko ng "YES" pero hindi mawala ang kaba sa dibdib niya. Hinawakan ni Aiko ang mga
kamay niya.

"Caleb, okay ka lang?" She asked. "Ang lamig ng kamay mo." He just smiled. He
gripped Aiko's hand and gave her a light kiss.

"May sasbihin kasi ako sa'yo." Sabi niya dito. Medyo malakas ang boses niya dahil
iyon ang signal para lumabas isa-isa ang mga kaibigan niya para lumapit sa kanila
at hindi naman siya nabigo. Unang lumabas si Kerky na may dalang kulay pink na
kandila. Tumayo ito sa tabi nila ni Aiko.

"Hi Kerky, brown out?" She asked him. Kerky just smiled.

"Aiko," muling tumingin ito sa kanya. "We have different worlds." He started off.
Lumabas naman si Lex na hawak ang yellow candle na may ribbon sa gitna. "Different
beliefs and different thoughts, but somehow, our world collided and we mashed
together." Nanginginig ang boses niya. Naroon pa rin ang kaba niya. Calen went out,
may dala din itong kandila na kulay green.

"Para tayong bigbang theory, nag-collide tayo and our universe was set in motion."
Nagtawanan ang mga tao sa paligid niya. He even heard Calen said: Ang corni ha.
Hindi niya ito pinansin.

"In my world, you are my sun, my moon and you are my gravity, you make me fall
every time you're near, you give warmth on my cold life and you are the light that
shines so brightly at my night. You are everything, that completes my world, and
you are my nothing that will last forever."
Then, from his pocket he took out a star made of paper and he put it in Aiko's
palm.

"But most importantly, you are my shining star, my dream come true, my one and
only, the one who had my heart and I wanted to take this chance to formally ask."
He got on one knee.

"Aiko, will you marry me?"

Hilam na ang mukha nito sa lupa. She wiped her tears away.

"Akala ko dahil nagpropose na ako sa'yo wala nang romantic gesture!" Humihikbing
sabi niya. "Of course I'll marry you!" Tumayo siya at saka niyakap si Aiko, ito na
ito - ang start ng happy ending nila.

"Teka, para saan iyong kandila?" Tanong nito sa kanila. He smiled.

"Brown out kasi eh." Natatawang sagot niya. Aiko shook his head. Naglabasan na ang
mga babae at binati na rin sila. NAsa kalagitnaan sila ng pagke-kwentuhan ng mag-
ring ang cellphone ni Lex.

"Nathan?" Natahimik silang lahat. Ibinaba ni Lex ang telepono.

"What?" Halos magkakasabay nilang sabi.

"Si Ella." Sabi ni Lex. "Nathan needs us."

---------------

Nathan was holding Ella's hand. He was crying. Si Ella naman ay walang tigil sa
pagpahid ng luha niya. Idinukdok pa niya ang noo niya sa kamao ni Ella nang hindi
na siya makapagpigil ay tumayo siya at saka niyakap ito. He was so scared.

"Nathan, tama na, para ka namang timang eh." Sabi nito sabay halik sa pisngi niya.
Pinahid nito ang mga luha niya at pilit siyang pinatatahan. Hindi niya talaga
maintindihan kung bakit pagdating kay Ella ay ang babaw ng luha niya.

"Kaya ka niloloko ni Juan Miguel, ang iyakin mo." Ella giggled. He made a face.
Kanina ay galing doon si Juan Miguel at si Reena, walang ginawa ang kapatid niya
kundi ang asarin siya. Nagpipigil lang siyang suntukin ito dahil nakaharap si Ella
pero kung naiba lang ang sitwasyon ay papatulan niya talaga si Juan Miguel.

"Ella ---" Hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil biglang bumukas ang pinto ng
silid ni Ella.

"Ella!" Si Aiko agad ang narinig niya. Tinabig siya ni Aiko at ito naman ang
yumakap sa asawa niya. "Oh my gosh! Ano na naman ang ginawa ng aswang na iyan
sa'yo?!" High pitched ang boses ni Aiko. He just sighed.

"Aiko nasasaktan ako!" Daing ni Ella. Agad namang lumayo si Aiko.

"Sorry. Teka bakit naka-oxygen ka?" She asked.

"Hinihika ako." Sabi nito. He smiled.

"Hinihika ka lang?"
"Oo." Ella gave away a knowing smile. Muli siyang lumapit sa asawa niya at saka
hinawakan ang kamay nito.

"Akala namin, you're dying again." Sabi ni Lex.

"Ate Ella is dying?" Narinig niya ang boses ni Harmony. Napansin niyang tinakpan ni
Calen ng palad nito ang bibig ni Harmony at saka hinagkan sa noo.

"We were scared. Iyak kasi nang iyak si Nathan kaninang umaga." Sabi pa ni Kerky.
PInanlakihan niya ito ng mga mata.

"Nathan, alam naman naming na kapag kay Ella, mahina talaga ang loob mo sa huwag mo
nang panlakihan ng mata si Antoy ko." Sabi pa ni Hanna, nagtawanan sila.

"So what happened? Why is Ella here?" Keith asked. She was being nosy again. He
looked at Ella and then he looked at everyone else.

"Ella's pregnant." He smiled. Nagtawanan ang mga kaibigan niya. He was called
silly for crying earlier. Hindi naman siya masisisi ng mga ito dahil natakot talaga
siya. Two years ago, Ella was sick and because of that, sa tuwingh may nararamdaman
ito ay hindi naman niya maiwasan ang hindi matakot. Kanina nang kausapin siya ni
Edward ay takot na takot siya, ang akala niya ay sasabihin nito na mawawala na si
Ella, but when he told him what the other doctor told him, ganoon na lang ang
relief na naramdaman niya.

He was crying because of so much happiness at iyon ang nadatnan ni Juan Miguel
kanina, umiiyak siya dahil masaya siya.

He guessed that's what it feels kapag unti-unti nang nako-kompleto ang buhay niya.

"Ay! Ako may news din!" Sabi ni Aiko. "Nag-propose na si Caleb. This time siya na
ang nagtanong!"

"Ako buntis!" Sigaw naman ni Keith. Nagtawanan ang mga ito.

"Ako din!" Sigaw ni Ella. Natawa siya. Hinagkan niya ito sa pisngi.

"Ako may baby na, ten months!" Sigaw ni Hanna.

"Ako in love kay Calen!" Sigaw naman ni Harmony.

"Ayeeeeeee!!!" Tukso ni Kerky at ni Caleb sa mga ito. Tawa lang siya nang tawa pati
si Ella. Nakita niya namaywang si Harmony.

"Ayyeee kayo diyan, inaaway ninyo ako dati eh." Sabi nito.

"Galit ka na niyan?" Tanong ni Calen dito.

"Ehhh! Galit pa nga ako sa'yo kasi na-late ka kanina diba?" Humagikgik si Harmony.

He could hear the happiness from his group. He looked at his right and smiled at
his own happiness.

"Bakit?" She asked him. He gave her a light kiss.

"You are my happiness."

"Ayeeeeeee!!! Ang cheesy ni Nathan!"


Nagtawanan muli ang mga ito. He felt his cheeks turned red and then he sighed.
Finally, he could say, this is what happiness is all about.

-THE PASTELS-

You might also like