Professional Documents
Culture Documents
by Miss_Yna
Babae lang ba ang kinikilig? Eh paano naman kaming mga lalaki? Wala ba kaming
karapatan kiligin kapag bumanat na kayong mga babae? Para sa kaalaman nyo,
kinikilig din kami at napapangiti ng lihim, lalo na kung yung bumabanat ay ang
babaeng pinapangarap namin.
JAGUARS Series #2
***
=================
Prologue
Prologue
Malakas ang buhos ng ulan, at kalat na ang dilim sa paligid. Wala ng mas sasakit pa
sa nararamdaman ko ngayon, walang paglagyan ang galit at poot na kumakain sa buong
pagkatao ko.
"Iniwan mo ako! Tapos ngayon babalik ka? Huli ka na, dahil may mahal na akong iba,
pinagmukha mo akong tanga! Bakit ha? Bakit mo pinili maengaged sa iba? Dahil ba mas
gwapo sya? O baka naman dahil mas mayaman sya.. Di ko akalain na ganyan ka pala
kadesparada.."....wala na akong pakialam kung ano na ang lumalabas sa bibig ko..
Gusto kong maramdaman din nya ang sakit.. Yung sakit na halos pumatay na sakin.
Parehas na kaming basang basa ng ulan. Tiningnan nya ako deretso sa mata, nakita ko
pa ang pagpatak ng luha nya o baka naman basa lang ng ulan. Sya? Iiyak? Eh sinaktan
nga nya ako at ginago.. Screwed this fvcking life of mine.
She smiled. Pero di umabot sa mga mata nya. Damn! Niloko at iniwan ka nya, wag kang
magpadala, umaarte lang yan. Sigaw ng isang bahagi ng utak ko..
"Di ko akalain na ganyan pala kababa ang tingin mo sakin.." she said, kasabay nun
ang sunod sunod na pagpatak ng luha nya. I smiled bitterly.
"Alam mo ba kung anong tumatakbo sa isip ko ngayon ha?" sabi ko at tiningnan sya
mula ulo hanggang paa..
"Wengya, labas na yung litid ko kakasigaw sa labas ng kwarto mo at ubos na din ang
isang basong tubig pero di ka pa din nagigising,, kala ko binangungot ka ng gago
ka"- iretableng sabi ni Young,..
"Ano? Ilang oras pa kayo tatanga? Mauunahan na naman tayo nina captain taena!"
narinig kong sigaw ni Dela Cruz..
"Ano bang meron?" tanong ko, at inumpisahan bumangon mula sa kama ko. Bakit ganun?
Bakit parang totoo ang lahat? Ang bigat sa pakiramdam.. Ngayon lang ako nanaginip
ng ganun..
"Tungunu mo! Spencer! enrollment day ngayon, college ka na gago! At may pustahan
tayo nina captain wengya, napuyat ka na naman sa pagpapantasya mo sakin!" binato ko
ng unan si Gibson, ang aga aga mang asar ng hayop na to..
Pero kahit anong balewala ko sa panaginip ko, di pa rin mawala yung pakiramdam.
May nabasa akong libro dati tungkol sa mga panaginip, sabi dun sa nabasa ko, na
yung panaginip mo, mangyayari pagkatapos ng maraming taon.. Ibig bang sabihin, na
yung panaginip ko kanina, mangyayari din pagkatapos ng maraming taon?? Eh di ba,
sabi ng karamihan na ang panaginip daw ay kabaliktaran..?
"Sige lang Spencer tagalan mo pa taena ka, pag tayo natalo sa pustahan wengya ka
ibabalik ka namin sa sinupupunan ng ina mo!" narinig kong sigaw na naman ni Young..
Pero di ko sya pinansin.
Paano ko malalaman na nangyari nga ang isa sa mga panaginip ko kung maraming taon
pa ang kailangan para mapatunayan? Kalokohan, panaginip ay mananatiling panaginip
na lang ng tao.
At kung tatanungin nyo ako kung gusto ko bang mangyari yung panaginip ko kanina?
Aba naman, gago lang? Nasasaktan kaya ako dun sa panaginip kong yun, bakit ko pa
gugustuhin mangyari yun.. Sa inyo na lang, isasali nyo pa ako..
=================
NOTE: Ang Timeline po nito ay First year college pa lang ang jaguars, so meaning
may mga characters sa KBAYM na di pa agad lalabas dito. Kung maaalala nyo, third
year college na sila dun sa KBAYM nung nag umpisa ang story di ba? So dito,
inumpisahan ko sa pinaka-una which is first year college.
------------------------------------
Johhny's POV
Nandito kami ngayon sa sakayan, enrollment day ngayon, at nilalagay ko na ang loob
ko na pang putot na kami sa pila at talo na kami sa pustahan..
"Wengya, kung kelan naman kailangan ang taenang mga jeep yan saka naman wala!"
halatang asar na si Young. Anong pustahan ang tinutukoy namin?
Simple lang, kapag naunahan namin si captain at ang iba pa sa school, mag eenroll
lang naman sila ng topless.. Nahati kami sa apat na grupo, ang unang grupo ay sina
Montereal, Turner, Miller at Howard.. Ang pangalawa naman ay sina Gray, Fisher,
Freeman at Burns, ang pangatlo ay kami nina Young, Dela Cruz at Gibson at ang pang
apat ay si captain..
Kasama sa pustahan ang di pag gamit ng sariling sasakyan, kaya eto kami ngayon, nag
hihintay ng jeep..
"Taena ka, san mo nakuha yan?" tanong ko, minsan talaga kung ano ano na lang ang
dala ng taong yan.
"Wag mo ng itanong hayop ka, pag talaga tayo natalo, di lang kita isasako ibibitin
pa kita sa puno.."- Dela Cruz..
"Sige lang, tapos iduyan mo ako ha.." pang aasar ko pa.. Di nagtagal may dumating
ng jeep, kanya kanya kami ng sakay kaya lang sa kamalas malasan puno na, kaya ang
nangyari nakakandong ako kay Gibson ganun din si Young kay Dela Cruz.. Lahat ng
pasahero samin nakatingin..
Wala ng rekla-reklamo taena ayoko ngang mag enroll ng topless..
"Manong, bayad po, apat po, dalawang estudyante at dalawang senior" sabi ni Young..
Naghagikhikan naman ang mga pasahero.. Kahit kailan talaga.. Kelan pa naging senior
ang dalawa samin? -__-
"Ang bigat ng itlog mo Young.." natawa na naman ang mga pasahero dahil ang lakas ng
pagkakasabi ni Dela Cruz..
"Ulol, itlog ko lang ba ang nakakandong sayo ha?"-Young.. Di na nahiya ang mga
gago..
Poooooot!!
"Langhapin mo na lang tol, wala na tayong magagawa lumabas na eh.." sagot ko..
Masaya sila?
Nasan na kaya ang iba?? Agad kaming tumuloy sa registrar.. Wengya, pagkarating na
pagkarating namin, mga nakakalokong ngisi ng ibang jaguars ang bumungad samin..
"Wengya, Gibson, Young hawakan nyo si Spencer isako na yan taena.." nagtawanan ang
jaguars, at lahat ng atensyon ng mga estudyanteng nakapila ay nasa amin..
"Ang gwapo nilaaaa!"
"Kung alam ko lang, dito na sana tayo natulog.." sabi ni Young at hinubad na ang
damit nya..
Nag umipsa ng magkagulo ang mga babae, halos lahat samin na nakatingin, kahit mga
lalaki..
"Kyaaaaaahhh! Heaven ang school na to! Ang daming gwapoooo!" sigaw nung isang
babae..
"Yan ang tunay na jaguars, katawan pa lang, pang saranggola na.." narinig kong sabi
ni Howard..
"Gago! ihampas ko kaya sa ulo mo itong abs ko.." sagot ni Dela Cruz.
"Fall inline jaguars.." napalingon kaming lahat sa nagsalita. Walang iba kundi ang
team captain namin at nagsisilbing leader ng tropa. Sya ang bumuo ng samahan na
meron kami ngayon..
Kumilos na kami para pumunta na sa pila. Lahat ng mata ng mga estudyante samin pa
rin nakatingin. Nagkibit balikat na lang kami.
"Masanay na kayo jaguars, apat na taon nyong dadalhin ang pagiging sikat sa school
na ito, simula sa araw na to.." sabi ni Montereal..
Hayaan nyo munang ipakilala ko sa inyo ang JAGUARS. Sino ba kami at anong samahan
ang meron kami..?
Umpisahan natin kay captain.. Siya si Shieldler John Wright, tahimik na tao at
wagas magmura. Di alam ang salitang joke, lagi kong nalilimutan ang bagay na yun
kaya naman nabibiktima ako ng hundred push ups.. =__= Tulad ng sabi ko kanina, sya
ang bumuo sa samahan namin, at higit sa lahat ibang klase ang pagpapahalaga nya sa
grupo, di man nya pinapakita ramdam naman namin yun.. Kaya saludo kami sa kanya.
Next is Xevier Montereal, anak ng may ari ng University na ito. Best buddy ni
captain, kung itatanong nyo kung bakit pa kami nagpapakahirap pumila dito kung may
kaibigan naman pala kaming anak ng may ari ng school, well that's because di kami
katulad ng iba, we're unique on our own way, we don't use power and connections.
Gusto pa din namin maranasan ang mga nararanasan ng isang tunay na estudyante.
Sunod ay si Jason Dela Cruz, ang baliw at nag iisang concern citizen ng barkada. In
other words tsismoso. Kaya kung may mga gusto kayong malaman na sekreto namin, sa
kanya nyo na lang itanong..
Next, Tristan Turner ang bully, pero kapag nagsama sama na kaming lahat sa
kalokohan, kawawa ang mapapagtripan. In short, nasa dugo na namin ang ibully ang
isat isa..
Next is Kevin Young, tahimik pero nasa loob ang ingay. What do I mean? Tahimik yan
kapag may ibang tao, lalo na kapag nasa klase, sya pa nga ang tagasaway sa maingay
eh, kaya binansagan namin syang Librarian, pero wag ka, pag kami kami na lang ang
magkakasama, taena daig pa ang pusang di matae sa sobrang ingay.. Lakas pa mang
asar ng g*go.
Sunod ay si, Jonathan Miller, ang taong nangunguna pagdating sa inuman, nasa wine
industry ang daddy nya at namana nya yung galing ng daddy nya sa pagtikim ng ibat
ibang uri ng wine.. Sya ang salarin kung bakit natuto kaming uminum sa murang edad
wengya.. bakit? dahil yun sa kakatikim ng wine, at dahil wala naman kaming alam sa
wine, nalalasing na kami ay di pa din namin alam kung anong klaseng wine ba yung
iniinum namin.. =__=
Next is Elvin Howard, ang taong, mataas tumalon, malakas lumamon.. At sinasabing
may mga bagay daw syang di maalala pagkatapos ng graduation namin nung high school,
mataas ang IQ ng taong yan, at sa sobrang taas di namin maabot -__- favorite pet
nya ang ipis *evil smile*
Sunod ay si Elmar Gray, ang next guy with captain pagdating sa pagiging tahimik..
di masyadong nagsasalita, di naman yan ganyan nung high school pero nung umalis ni
si Hart naging tahimik na sya.. May mga oras na magaling din yan mang asar..
Next is Alfred Gibson, ang taong malakas na mang trip, malakas pa magmura -__- pero
maasahan sa larangan ng sapakan, masipag maglinis yan kaya tinawag naming
basurero..
Next, Rosmar Freeman, ang taong gwapong gwapo sa sarili pati hangin nahiya na
umihip dahil sa mga sinasabi nya.. Sya ang taong bilanggo dahil sa kanyang
apelyido..
Sunod ay si Anthony Fisher, siya yung taong hindi takot sa isda pero di marunong
lumangoy -__-
At ang huli, ang taong sunog dahil sa kanyang nagliliyab na apelyido, Joel Burns..
ang lalaking malandi, pero may isang babae syang ayaw landiin, walang iba kundi ang
kapatid ni Howard na si Izrah..
At ako? Ako si Johnny Spencer, ang lalaking habulin ng mga babae, di ko alam kung
bakit nila ako hinahabol, pero sabi ng jaguars para daw akong magnet at ang mga
babae ang bakal.. *wink*
Bigla ko na naman naramdaman ang tawag ng kalikasan, napahawak ako sa tiyan ko..
"Hoy! Spencer, taena ka, ilabas mo na yan, mamaya dito ka pa magkalat.."- Freeman..
At dahil malakas ang tawag ng kalikasan napagpasyahan kong umalis muna sa pila at
tumakbo papunta sa banyo..
"ASSIGNMENTS, REVIEWERS, and PROJECT maker ba ang hanap nyo ngayong darating na
pasukan? Ako ang tutulong sa inyo!" narinig ko pang sigaw ng isang babae, di na ako
lumingon dahil talagang lalabas na..
=============
=================
Rea's POV
"ASSIGNMENTS, REVIEWERS, and PROJECT maker ba ang hanap nyo ngayong darating na
pasukan? Ako ang tutulong sa inyo!" malakas na sigaw ko.. Mukang tiba tiba ako sa
school na ito. Mga mayayaman ang estudyante, panigurado karamihan sa kanila,
masipag gumala.. Isa lang ang ibig sabihin nun, wala silang time gumawa ng mga
assignments at projects..
"Miss eto oh, nakalagay dyan ang number ko, kapag medyo busy ka at walang time para
sa assignment mo text mo lang ako o tawagan, I'll help you.." sabi ko dun sa isang
babae at inabutan sya ng isang tarhetang papel kung saan nakasulat ang cellphone
number ko at yung mga serbisyong kaya kong gawin..
Maaga pa, pero mahaba na agad ang pila ng mga mag eenroll, buti na lang di kami
sinasabay sa mga regular students, isa kasi ako sa mga scholar ng M.U.. Teka,
dapat ko na bang ipakilala ang sarili ko? Pwede konti lang about me, kailangan ko
pa rumaket eh..
Ako nga pala si Rea Snyder, 17 years old, first year college. At your service
^___^.. Ulila na ako, at wala akong pamilya na narito sa maynila, nakipagsapalaran
lang talaga ako para maabot ang mga pangarap ko, di lang para sa sarili ko kundi
para na rin------.
"Miss! Mura ba ang serbisyo mo?" napaligon ako sa nagsalita. Langya, kitang
nagpapakilala ang tao eh..
Ngitian ko sya..
"Murang mura lang kuya, kayang kaya ng budget mo.." sagot ko, may kasama syang
dalawang lalaki.. Parang mga aso kung makangisi..
"Eh bastos pala kayo eh!"-sagot ko, ang ayoko sa lahat yung binabastos ako, lalo na
kung hipon lang din ang mambabastos, eh itsura pa lang ng tatlong ito, di lang ulo
ang tapon pati katawan..
Sasagot pa lang sana ako, nang may bigla na lang humarang na napakadaming lalaki sa
harapan ko, di ko makita mga mukha nila dahil nakaharap sila dun sa tatlo..
-----------------
Rosmar's POV
"ASSIGNMENTS, REVIEWERS, and PROJECT maker ba ang hanap nyo ngayong darating na
pasukan? Ako ang tutulong sa inyo!" napatingin kaming lahat dun sa babaeng
sumisigaw ng sunog, este ng ano pala, ng... ewan..nalimutan ko na..
"Aba, ayos ang raket nun ah, mukang magiging madali ang college life ko sa tulong
nya.."- sabi ni Howard
Di namin sya pinansin, dahil kailangan nya talaga yun.. Tiningnan ko naman yung
babae, may pinapamigay syang papel, ayos tinalo pa nya ang kumakandidato..
Medyo malapit na sya samin, nang may lumapit na tatlong lalaki sa kanya..
"Mukhang di ko gusto ang ngisi ng tatlong yan, Dela Cruz , nasan yung dala mong
sako?" napangiti ako sa sinabi ni Young, tiningnan ko ang jaguars, at lahat pala
sila nakatingin din dun sa tatlong lalaki at dun sa babae..
"Murang mura lang kuya, kayang kaya ng budget mo.." sagot nung babae, di alintana
ang intensyon nung tatlong pugo..
"Malaki pala ang matitipid ko.." komento na naman ni Howard. Taena, yun pa din ang
nasa isip nya?
"Tungunu! may assignment agad ang mga gago, papagawa na agad eh.."-Gibson
"Magaling ka ba gumiling?"
"Bakit may kasama pang giling? Ginigilingan na ba ang assigment at project ngayon?"
tanong ni Howard..
"Ayos din ang kalibugan ng tatlong pugong yan ah, ke-aga aga naiinitan, hilahin ko
kaya ang mga alaga ng mga hayop na yan.."- sabi ni Young.. Galit talaga ang taong
yan, sa mga taong nambabastos ng kapwa.. pero wag kayo, yan ang nangunguna sa
kabastusan ng jaguars, pero syempre sa grupo lang namin..
Nakahalata na si Miss.. Ngayon alam na nya na bastos talaga ang nasa harap nya.
"Wengya, di na nahiya, mga wala namang mukha"-Young
"Agaw atensyon na nga, agaw eksena pa.. pwe!" sabi nung isa..
"Bakit tol?"-ako
"Abat...yayabang nyo ah.. Baka di nyo kilala kung sino ang ama ko?" halatang naasar
na yung parang pinaka leader nung tatlo..
"Ikaw nga di namin kilala, yung ama mo pa ba makilala namin? Utak naman dyan
tang*na.."- Howard..
"Tang*na nyo, lakas nyo mangialam ah! kakasa na ba kayo?" asar na asar na ang
tatlong pugo..
"Hindi.." sagot ni Howard. Di kami nagsalita dahil alam na namin ang sunod na
sasabihin ng hinayupak na yan..
"Yayabang nyo di naman pala kayo kakasa.." yabang na yabang sa sarili na sabi nung
isa..
"Di kami kakasa, dahil di kami baril.."-Howard..
"Stop this fvcking lasciviousness of the three of you" kalma pa si captain ng lagay
na yan..
"Captain, di yata naintindihan yung sinabi mo, translate ko lang ha.." sabi ni
Young at hinarap yung tatlong pugo..
"Ang dami nyong satsat, sapakan na lang ano?" hamon nung tatlo..
"Wengya, lugi kami, wala na kaming babasagin sa inyo, dahil natural ng basag ang
mukha nyo.."-pang aasar ni Dela Cruz.. Kinuwelyuhan sya nung isang lalaki.
"Good morning Dean, ang blooming nyo ngayon ah.." pambobola ni Montereal..
"Mr. Young, Mr. Dela Cruz and Mr. Gibson, what's with the topless thingy?" tanong
ni dean, ng mapansin na walang damit yung tatlong ugok..Kilala kami ni dean dahil,
isa sya nakiusap na maglaro kami para sa university..
"Opo, eto po oh.." sagot naman ni Dela Cruz at pinakita yung abs nya..
"Let's have a coffee at my office then, all responsible on this scene.." sabi ni
dean at nauna ng naglakad papunta sa office nya..
"Tungunu! kala ko pa naman, makakasapak na ako, yun pala sa office ang bagsak
kasama ang mga gago.." reklamo ni Gibson..
--------------------
Johnny's POV
Taena, pinatayan lang ako ni sunog. Maya maya nag vibrate ang phone ko.
message sent!
Kala mo ikaw lang nag-jejeje ha.. Habang naghihintay ng reply ay umayon na lang ako
sa pag abante ng pila..
Bzzzzzzzt
message sent!
--------------------
Rea's POV
Nandito kami ngayon sa deans office, takte ang agang record nito. T.T
"Gutom na ako langya.." sabi nung isa sa mga lalaking tumulong sakin kanina..
"Kelan ka ba nabusog Howard?" sagot naman nung isa, kanina pa sila nagbabarahan, at
di ko naman mapigilan ang di mapangiti sa barahan nila..
"Alam mo Young para kang kahoy, sarap mong ipanghataw.." sabi ulit nung gutom..
Tiningnan ko silang lahat, yung isa abala sa pagtetext, yung iba naman tahimik lang
halatang naiinip na..
Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Dean.. Naipaliwanag na namin sa kanya ang
lahat ng nangyari kanina, hinihintay na lang namin ang desisyon nya..
"Pwede na kayong lumabas boys, maiwan ka Miss Snyder" sabi ni Dean, takte katapusan
ko na, di pa man nag uumpisa..
"And one more thing, I don't wanna see that kind of scenes ever
again..understand?"-dean
"yeah, thanks for that Dean.." sagot naman nung isa.. "Ipapakilala ko kasi sya sa
tatlong ito.." tapos inakbayan nya yung mga hipon na lalaki.. Nakayuko lang naman
yung tatlo.. At tuluyan na silang lumabas..
"And for you miss Snyder, you're not officially enrolled here in Montereal
University, pero sasabihin ko na sayo yung mga bagay na dapat mong malaman as one
of the scholars.." nakahinga ako ng maluwag.. Kala ko katapusan ko, mukhang
kailangan ko ng umiwas sa mga hipon dito sa school..
---------------------------
Johnny's POV
Ihahakbang ko na dapat ang paa ko nang bigla na lang may umakbay sakin..
"Mga hayop kayo, kayo nga tong nang iwan eh, kala ko ba umuwi na kayo?"
"Akala mo lang umuwi na kami, pero hindi! hindi! dahil na office kami" madramang
pahayag ni Gibson -__-
"Oh problema nyo na yun.." sagot ko at akmang pupunta na sa window kung saan nag
eenroll..
"Taena nyo, bitawan nyo ako, ang tagal kong nag hintay mga hayop kayoooo!! huhuhu!"
sigaw ko dahil pinagtulungan nila akong buhatin.. Si Young hawak yung kaliwang paa
ko, si Gibson sa kanan, si Dela Cruz naman sa kanang kamay at si Howard sa
kaliwa..at si Freeman sa ulo ko nakahawak.. Ginawa pa nila akong baboy sa padali
nila..
"WaaaahhhH wengya, tulooooong!! kidnaaaap!!" pero walang mabuting puso ang tumulong
sakin..
"Gago! Makukulong ka dahil dito, kaya ngayon pa lang mahiya ka na sa apelyido mo.."
sagot ko kay Freeman..
Hanggang sa nakarating kami sa dulo ng pila, binagsak lang ako ng mga ulol sa
sahig.. Tumayo ako pinagpagaan ang sarili..
"Hawakan yan hahaha." sigaw naman ni Dela cruz at nilabas yung dala nyang sako..
"Taena nyo! Bitiwan nyo akooo!! Captaaaain!! tuloooong!!" sigaw ko na naman dahil
pinagtulungan na naman ako ng jaguars na buhatin at pilit na nilalagay sa sako,
puro sigaw na lang ang ginawa ko ngayong araw..
"Taena ka, nagsasalita ka lang kapag patayan na.." sigaw ko sa kanya, ngayon lang
umimik ang gago wengya..
"WaaaaahhhH!! Di naman ako tampo mga hayop kayo.. mahal na mahal ko nga kayo eh!!"
sigaw ko ulit..
Binitiwan naman nila ako at niyakap, yung iba nambatok pa.. -__-
Bumalik kami sa pila ng maayos..
Lumipas ang dalawang oras.. Naiinip na kaming lahat, maliban kay captain na maganda
pa din ang pagkakatayo..
"What can be bitiw bigla, what can be bitiw bigla, higpitan lang ang iyong kapit,
maglalayag patungong langit."
*facepalm*
"Lactum"
"Lactum who?"
"Who's there?"-Gibson
"Knock knock" napatingin kaming lahat kay Howard.. Tapos sabay sabay naming
binaling sa iba ang tingin namin..
"Mga gago kayo, pansinin nyo yung knok knock ko.." himutok ni Howard..
Hard na kung hard, pero masisira lang ang araw nating lahat kapag pinakinggan pa
natin ang knock knock ng taong yan..
============
A/N: Awtsuuu!! sorry sa sobrang late na ud, nagkasakit si author eh.. Bawi na lang
ako sa inyo..
Sa mga nagtatanong kung paano i-pronounce yung surname ni Rea Snyder.. Katunog po
sya ng "Spider" (Snider).. gets?
-Yna-
=================
Johhny's POV
"Sabi ko naman sayo, tigillan mo na ang pagpapantasya sakin, yan tuloy napupuyat
ka.." siniko ko si Gibson..
"Langya, may extra napkin ako dito, baka matagusan ka ha!.." sigaw pa ng gago..
Lakas talaga mang asar nun..
Sinipat ko ang relo ko, maaga pa naman kaya matutulog muna ako, mamaya pa ang
umpisa ng klase ko 8:30 am, 7 pa lang..
Nagising ako dahil sa bulungan na naririnig ko.. Tiningnan ko ang paligid ko..
Napakunot ang noo ko at inaalala kung nasan ako..
Bigla akong napatayo ng marealized ko na may klase pa nga pala ako.. Tiningnan ko
ang wrist watch ko. Wengya 9:00 am?
Agad kong dinampot ang bag ko, at patakbong lumabas ng library. Takte, napasarap
ako dun ah..
Teka, san ba ang sunod kong klase? Tumigil ako sa pagtakbo at binuklat ang bag,
kinuha ko ang schedule ko..
Napatakbo ulit ako dahil 9 ang umpisa ng sunod kong klase at nasa third floor pa
yun.. Hingal na hingal na ako bago ako nakarating..
Tiningnan ko muna ang number sa may pinto para makasigurado na dito nga yung sunod
kong klase.. Mahirap ng mapahiya aba!
Binuksan ko ang pinto at nakahinga ako ng maluwag ng makitang wala pang prof.
Nakikinig ako pero wala sa nagpapakilala ang atensyon ko.. Ang boring, ganito din
siguro ang nangyari sa first class ko.
Business Course ang kinuha ko ganun din ang lahat ng jaguars, dahil lahat kami ay
magmamana ng business ng kanya kanyang pamilya..
"Hello! I'm Rea Snyder, 17 years old taking up Business Management.. You can call
me Rea,"
Napatingin ako sa babaeng nasa unahan ngayon, ang ganda ng ngiti nya halatang
halata ang kainosentehan at kasimplehan..
"Kung kailangan nyo ng tutor or best buddy sa mga homework nyo at project, tawagan
nyo lang ako.."
Di ko na naintindihan ang iba pa nyang sinabi dahil nakatitig lang ako sa bawat
kilos nya at bawat buka ng bibig nya.. Narinig ko pa na nagtawanan ang mga tao
dito sa loob, kaya nabalik ako sa huwisyo..
"Hi! I'm Johnny Spencer.." pagkasabi ko nun bumalik na ako sa upuan ko..
Nawala na ng tuluyan ang atensyon ko sa mga natirang nagpapakilala.. Di ko
mapigilan ang sarili ko na mapasulyap dun sa babae na nangangalang Rea..
Nakangiti na naman sya. Bigla kong iniwas ang tingin ko ng mapalingon sya sa gawi
ko..
Ano bang meron sa babaeng yun? Maganda lang sya ngumiti, yun na yun..
Tiningnan ko ulit sya.. Tang*na matatapos ang buong klase na sa kanya ako
nakatingin. Pinilig ko ang ulo ko.
Hanggang sa natapos ang klase, salamat sa kanya wala akong naintindihan ngayong
araw..
Tumayo na ako.. Pero bago ako lumabas ay sinulyapan ko ulit sya, kaya lang wala na
sya dun sa inuupuan nya, nauna na yatang lumabas.. Napapailing na lumabas na din
ako ng room..
Nasa may labas pa lang ako ay maririnig na ang ilang bulungan ng mga estudyante..
"Yo! Spencer!" sigaw ni Dela Cruz at kinawayan ako.. Di ko sya pinansin at umorder
muna ng makakain, gutom na ako eh..
"San ka sumuot kaninang first class?" tanong agad ni Montereal ng makalapit ako sa
table nila..
"Sa lib----"
"hep hep, wag ka ng magpaliwanag, dahil nasagot na kami ng mga mata mo.." putol ni
Young sa sasabihin ko.. Napakunot ang noo ko..
"captain kailan ang start ng practice?" tanong ko kay captain at di pinansin ang
dalawa..
"Howard, di ka mabubusog kung tititigan mo lang yang pagkain mo.." sabi ni Freeman,
napatingin naman ako kay Howard. Nakatingin lang sya sa pagkain at parang may
pilit na inaalala..
BRAAAAAAG!! KABLAAAG!!
"Tatanga tanga kasi eh!" sabi nung old student dun sa babaeng nakabagsak..
"Ikaw nga itong bumangga sakin eh." sagot nung babae.. "Di naman ako takure, pero
bakit mo ako pinag iinitan?" dagdag pa nya at tumayo. Naalarma ang buong sistema ko
ng makilala kung sino ang babae. Si Rea..
"Wala lang, naalibadbaran kasi ako sayo.." sabi nung old student na babae at
tiningnan si Rea, mula ulo hanggang paa, dumarami na ang nakikitsismis..
"Oh bakit ganyan ka makatingin Spencer? Wala kaming pera, kaya wag ka ng magbalak
na utangan kami.." di ko pinansin ang sinabi ni Fisher at binalik ang tingin kay
Rea..
Halatang galit na galit na yung old student, di ko na napigilan ang sarili ko kaya
naman tumayo na ako at lumapit sa kanila..
"Ako maiinsecure sayo? Sino ka ba? Eh isa ka lang naman basura na napadpad dito.."
sabi pa nung babae, habang papalapit ako sa kanila..
"Ako basura? Wag kang mag alala ikaw naman plastik.." sagot ni Rea..
Akmang sasampalin sya nung babae, di ako nag atubili iharang ang sarili ko..
SLAAAAAAAP!!
Dumapo sa mukha ko yung palad nung babae, napasingahap naman ang mga estudyanteng
nakiki-chismis..
"J-Johnny"
"pfftt wengya, Spencer ganda ng pasok mo ha.. Kapag nakipag sapakan ako, harangan
mo din ako ha.." sabi ni Burns, nakalapit na pala silang lahat sa pwesto namin..
"Alam na this hahaha" nagtawanan pa ang ibang jaguars.. Naramdaman ko ang pagtapik
ni Gray sa balikat ko..
--------------------
Rea's POV
Flashback
Nag aayos ako ng mga upuan at libro dito sa library, isa ito sa gawain ko bilang
scholar ng Montereal University..
Kokonti pa lang ang mga estudyante dito, nasa may parteng dulo na ako ng library ng
mapansin ko ang isang lalaki na payapang natutulog..
Naupo ako sa tabi nya dahil medyo pagod na din ako, kanina pa ako naglilinis..
May kung anong dumaloy sa kamay ko, dahil sa init ng kamay nya..
Pagtingin ko sa paligid, nakatingin na din pala ang ilang mga estudyante sakin,
kaya naman hinila ko na ang kamay ko..
End of Flshback
"Ang pakikipag away, nilulugar.." natauhan ako sa sinabi nya..
**
Tuloy tuloy lang ako sa paglalakad, nang maramdaman ko na may sumusunod sakin..
Paglingon ko, walang iba kundi si Johnny Bravo, este Spencer pala..
"Yieeeeee sinusundan mo ako noh?" tanong ko pero nilampasan nya lang ako..
Suplado, mas ok kapag tulog sya..
Pagpasok ko sa loob, nandun na din sya, nakaupo sa may dulo, may nakasalpak na
headphone sa tenga nya..
Nag umpisa ang klase.. At sobrang saya ko ng magbigay ng assignment si prof. Ayos
tiba tiba ako nito..
At tulad ng inaasahan nagsilapitan sakin ang mga kaklase ko matapos ang klase..
Napatingin ako sa upuan ni Johnny kaya lang wala na sya dun..
"Rea ako din, eto sakin..." kanya kanya sila ng bigay sakin ng papel nila..
"Sige bukas.." sgaot ko.. At nagpaalam na sila.. Lumabas na din ako ng classroom..
Uwian na.. Naglalakad na ako palabas ng campus..
"Sige na, mag siuwi na kayo, wag na kayong pakalat kalat sa kalsada dahil
delikado.." sabi ni Johnny dun sa dalawang bata..
Di pa dun nagtatapos ang lahat, dahil tinulungan naman nya matandang babae na
tatawid sa kalsada.. Bigla tuloy akong nakaramdam ng hiya, dahil di ako
nagpasalamat sa kanya, ng tulungan nya ako kanina..
Pagkauwi ko, di nawala sa isip ko ang mga nakita ko.. May lalaki pa palang tulad
nya.. Akala ko kasi puro kayabangan na lang ang alam ng mga lalaki ngayon..
==========
=================
Pick Up 4: My Labs
Kevin's POV
Dalawang linggo na ang nakalipas simula ng mag umpisa ang klase.. Nandito kami sa
gym, ngayong araw ang umpisa ng practice namin..
"Wag mong asarin si Spencer bata, alam mo namang pahard to get ang peg ng taong
yan.."-Burns..
Nabalitaan kasi namin, na may crush kay Spencer, si Snyder tapos itong si Spencer
na gago, tinatanggi na di nya type si Rea, eh halatang halata naman na mas patay na
patay sya..
"Assemble jaguars!" mabilis kaming kumilos ng marinig ang sigaw ni coach Roger..
"Jaguars, Welcome to Montereal University, I saw your games when you were in High
School, and I am looking forward for your games for this university" he said..
Kung gaano namin kamahal ang isat isa bilang magkakaibigan, ganun din namin kamahal
ang basketball..
"Pano di gaganahan, crush din ng crush nya, whoa! Isako na yan.." panggagatong
naman ni Miller..
Pero parang walang naririnig si Spencer dahil di pa tin nawawala ang mga ngiti
nya..
-----------------------
Rea's POV
"ang hot nila tingnan, sayang, pinagbawal ng captain nila manuod ang mga estudyante
during practice.."
"Kaya nga eh, pero crush ko talaga yung captain nila, di nagsasalita at ang angas
ng dating..omeged.."
Ang jaguars siguro ang tinutukoy nila.. Nabalitaan ko din na ngayon ang umpisa ng
practice nila..
Bigla ko na naman naalala si Johnny.. At ang muling pagtulong nya sakin week ago..
Flashback
KABLAAAAG!!
Nagulat ako sa biglang pagbagsak ng mga librong maayos na nakapatas sa book shelves
kanina lang..
"Oooopps! Sorry, nadulas yung kamay ko.." napatingin ako sa tatlong babae, sila
yung 2nd year students sa Accounting Department..
"Buti kamay mo lang yung nadulas.." sagot ko, at inumpisahang pulutin ang mga
nagkalat na libro.. Muli ko yung inayos sa pagkaka salansan.. Pero di pa ako
nakakatalikod ng muli na naman yung magpatakan..
"Ayos ang trip nyo ah, bakit di nyo na lang kaya itumba ang lahat ng book shelves
dito sa library" sabi ko dun sa tatlo, halata naman na nang aasar lang sila..
"Ay wag na, busy ako eh, wala akong oras.." sagot ko.. At parang naasar sila sa
sinabi ko.. Ginulo nila yung mga librong inaayos ko kanina at iniwan akong
napapabuntong hininga..
Bakit ba, ang laki ng galit ng mga babaeng yun sakin?.. Eh kung sampalin ko kaya
sila ng libro ng magkalaman naman ang utak nila at hindi puro pambubwisit sa kapwa
ang alam nila..
Tumalikod sya sakin kaya di ko nakita ang reaction nya, pinagpatuloy nya ang pag
aayos at di na nya ako tinapunan ng tingin..
Tumulong na din ako dahil yun naman ang trabaho ko.. Di ko maiwasan na di sya
tingnan, bakit ba lagi na lang nya ako tinutulungan? Siguro crush nya din ako..
Napangiti ako sa tinatakbo ng isip ko..
"Saya naman ng araw ko.." muli syang napatingin sakin.. "Dahil kasama kita.."
"Sana araw araw nilang guluhin ang mga libro dito sa library.." nakangiting sabi
ko..
"You're crazy.." he said at iniwan na akong mag isa.. Langya, minsan na nga lang
sya umimik yun pa sinabi..
Ngayon ko lang napansin na naayos na pala nya lahat ng libro..
I smiled..
End of Flshback
"Uy Tina, ikaw pala.. Ano kamusta?" isa sya sa mga kasamahan kong scholar dito sa
M.U
"Ayos naman, salamat dun sa binigay mong sideline ha, kumita ako ng konti.."
nakangiting sabi nya..
"Ano ka ba, wala yun.. Saan ka nga pala, ini-assign ni dean?" tanong ko..
"Sabi nya, baka daw sa basketball team nya ako ilagay, pero kakausapin pa daw nya
si coach Roger.."
"Ah ganun ba.." sagot ko na lang, medyo sumasakit na kasi ang ulo ko, di ko feel
makipagdaldalan ngayon dahil lamig na lamig pa rin ako..
"Sigurado ka? Parang namumutla ka.. Wag mong sabihin sakin na, binenta mo ang dugo
mo.."
"Parang magandang idea yan, masubukan nga, magkano na ba bentahan ng dugo ngayon?"
biro ko..
"Baliw, ok ka lang ba talaga?" tanong ulit nya.. "Teka, nag almusal ka ba?"
"Ok lang talaga ako, Oo, nag magic flakes ako kanina, nagbabaka sakaling makita ko
si john Lloyd Cruz.."
Agad kong pinamigay ang mga handouts nila dahil lalong sumasakit ang ulo ko dahil
sa ingay nila.. Pagkatapos kong ipamigay ay naupo na ako sa upuan ko..
-------------------
Johnny's POV
Nakasabay ko si prof sa hallway, habang papunta ako sa klase ko.. Pagkapasok namin
ng room agad na nag upuan ang mga kaklase ko..
Napakunot ang noo ko ng mapansing namumula ang pisngi nya at medyo namumutla ang
labi nya..
"Hehehe, sorry prof, hirap na nga po akong magpigil ng antok, mas mahirap pa ito
kesa sa pagsasagot ng trigonometry.." sagot ni Rea..
"Langya mas nahirapan pa sya magpigil ng antok kesa sa trigo?" narinig kong komento
ng isa sa mga kaklase namin..
"Ang taas ng lagnat mo ah, bakit di ka agad nagsabi? You're free to go to the
school clinic and take a rest.." sabi ni prof at tumingin sya sa paligid..
"Yes! Mr. Spencer, kindly bring Ms.Snyder to the clinic" sabi ni Prof.. Wengya,
tinatawag pa naman ako ng kalikasan..
Aaminin ko, unang kita ko pa lang sa kanya crush ko na sya, kaya lang she's too
good to be true..
"Alam mo ba kung ano ang pinaka the best na feeling sa buong mundo?" tiningnan ko
sya.. Ayan na naman sya sa mga banat nya, dalawang linggo na ang nakakalipas simula
ng malaman ko na ,may crush din sya sakin.. Pinigilan ko talaga ang sarili ko na
magtatalon sa saya ng malaman ko yun, dahil pinaalala ko sa sarili ko na di sya
bagay sa isang tulad ko.. Masyado syang inosente..
"Ano?" tanong ko, inaamin ko, sobra akong kinikilig sa mga banat nya..
"Ang maka-feeling ka.." she said.. Wengya, napakahirap pigilan ng mga ngiti ko lalo
na sa harap nya pero pinigilan ko pa rin ang sarili ko..
Ang init ng smile mo, parang apoy, cause you always melt my heart whenever you
smile.. Gusto kong sabihin sa kanya yan kaya lang di pwede..
Nawala ang kilig na nararamdaman ko ng mapatingin ako sa mga mata nya, halatang may
iniinda syang sakit sa katawan..
Napapatingin samin ang ilang estudyante.. Pero wala akong pakialam dun, all I want
to do is to bring her to the clinic to make her feeling more better..
"Johnny, bilang kabayaran sa walang paalam mong pagbuhat sakin, tatawagin na kitang
'my labs', at sa ayaw at sa gusto mo, mapapasakin ka.." deklara nya, bago sya
nawalan ng malay.. Nagpanic ako, kaya tinakbo ko na sya agad.. Ang taas ng lagnat
nya..
Payapa na syang natutulog ngayon, bumaba na ng konti ang lagnat nya.. Pinagmamasdan
ko sya.. Gusto ko syang protektahan, at gagawin ko yun sa paraang di nya alam..
=========
Sorry sa typos
-yna-
=================
Johnny's POV
"Ang pagiging torpe, nakakamatay yan, bahala kang bumulagta.." pang aasar ni
Burns.. Ang bilis ng oras, dalawang buwan na agad ang nakalipas.. Nandito kami
ngayon sa bahay nina captain..
"Gago.." sagot ko.. Hanggang ngayon di ko pa din sinasabi sa kanila ang dahilan
kung bakit, ayaw kong pormahan si Rea.. Bakit nga ba?
"Di ko type ang babaeng yun wag nga kayong mangarap.." sagot ni Montereal at iniwas
ang tingin samin..
Pinakilala kasi samin ni coach ang manager namin, si Tina Bautista, isang buwan na
namin syang nakakasama sa practice.. At sa isang buwan na yun, puro pagpapansin
lang ang ginawa ni Montereal.. Lagi na lang nyang inaasar si Ms.Manager..
"Alam nyo kayong dalawa uminum na lang kayo ng cobra energy drink, baka sakaling
lumakas din ang loob nyo.." sabi ni Miller..
"Taena! hiyang hiya kami sa lakas ng loob mo Miller.. teka asan ba si Jana?" akmang
tatayo si Montereal ng pigilan sya ni Miller..
"Wengya, mga kaibigan ba talaga namin kayong tatlo?" pangbubuska naman ni Turner..
Maya maya pa ay dumating si Jana, may dala syang sandwich kasunod nya si tita
Sandra na may dala namang juice.. mama nila ni captain..
"Magmeryenda muna kayo mga gago" wengya manang mana kay captain ang kapatid nya..
"Salamat Jana.. pero bago namin kainin yan, may sasabihin daw si Miller.." umpisa
ni Young..
"Tang*namo ka Young, humanda ka sakin mamaya.." narinig kong bulong ni Miller bago
sya humarap kay Jana..
"pfftt"
*Burp*
Napatingin kaming lahat kay Howard, at dun sa sandwich na nilapag ni Jana kanina
lang..
"Dami nyo pa kasing sinasabi, nainip tuloy yung sandwich" sagot ni Howard, sabay
inum ng juice..
"Langya, di talaga namin alam kung bakit bigla kang nagkaganyan Howard pagkatapos
ng graduation natin nung high school.." komento ko..
"Oo nga, ordinaryong tao ka lang nung high school, pero bakit ngayon, abnormal ka
na?.." Fisher..
"Di ko nga din alam eh.." sabi ni Howard sabay kamot sa ulo..
Isang malaking katanungan saming lahat kung ano bang nangyari dito kay Howard..
Baka naman, naiwan sa Montereal Academy ang totoong sya?
"Jaguars.." napatingin kaming lahat kay captain, may sasabihin daw sya kaya nya
kami pinapunta dito sa kanila. Sabado ngayon kaya walang pasok..
"Its about the school event this coming week and dean asking 3 representative from
us.." sagot ni captain..
"Dean said, the representative from our team will compete to the other, and will
surely, exempted for midterm exam.."
"Yun naman pala eh, I volunteer as one of the representative.." sabi ni Young sabay
taas ng kamay, basta exam iiwas yan..
"Ako din captain, I volunteer, medyo sumasakit ang utak ko sa pag rereview eh, kaya
ipapahinga ko muna.."-Howard
"Ulol.."- Burns
"Ok, Young, Howard and Spencer..be ready for the event.." di nakatakas sa paningin
ko ang pag smirked ni captain.. Langya, mali yata ako ng desisyon..
"Wengya, captain pwede mag back out?" naalarma agad ako.. Barako gay? Seriously?
"Galingan nyong tatlo ang pagrampa ha.. Itaas nyo ang bandila ng mga barakong
bakla, hahahha"-Montereal
"Sungkitin nyo ang korona mga bakla.." nagbakla baklaan na ang mga gago..
Wengya gusto ko na lang lumubog at maglaho kesa sumali sa barako gay na yan..
"Captain magkano bang kailangan sa fund? Babayaran ko na.." asar na sabi ko..
Binato ko ng sapatos ang jaguars langya, wagas makatawa, literal na gumulong na nga
si Miller sa carpet eh..
"Tungunu! Utak nga wala ka, dignidad pa?" pang aasar ni Gibson.
----------------
Joel's POV
"Pfftt hahaha, ganyan ba maglakad ang barako?" sigaw ko, nandito kami ngayon sa
gym, nanunuod ng practice, hindi ng basketball ha, kundi practice ng tatlong
barakong bakla.. Bukas na ang laban nila..
"Ikaw kaya ang maglakad suot ito?" asar na sabi ni Spencer, nakasuot kasi sila ng
high heels..
"Mga bebe, ayusin nyo naman ang pagrampa, ang mahal ng binayad ko sa inyo.."
segunda naman ni Dela Cruz..
"Magsitahimik nga kayo mga gago, kanina pa kayo komento ng komento mga hayop
kayo.." naasar na din si young.
"pfftt hahahaha, may period yata ang ating mga chicka babe.." tuloy pa rin kami sa
pang aasar..
"Ok, focus.." napatingin kami kay Ms. Manager, sya kasi ang nagtuturo dun sa tatlo.
"Wag nyo na lang sila pansinin.. tandaan nyo lang, barako ang paglalakad kahit naka
high heels pero bakla ang boses.." narinig naming sabi ni Ms.Manager..
KABLAAAAG!!
"Mga tunay talaga kayong kaibigan mga hayop kayo.." sabi ni Howard habang
tumatayo..
di kami magkamayaw sa pagtawa, langya ang epic ng pagkaka bagsak nung dalawa.. the
best..
"Oh pano mga brad? Alam nyo na ha?" sabi ko sabay labas ng pera..
"Kay Young ako, makinis ang balat, may laban.."- sabi Burns at naglabas din ng
pera..
"Mga hayop kayo, bakit di kayo napusta sakin?" nakalapit na pala si Howard..
"Mahirap sumugal sayo Howard, may question and answer portion kasi dun sa event.."-
Freeman
"Di ka mabibigo papa Gray ipapanalo ko ang laban.." nagbakla baklaan si Howard at
nagkagat labi pa ang gago..
----------------
Rea's POV
"Totoo?"
"Oo, kalat na kalat na ang balita, tatlo sa jaguars ang lalaban sa barako gay, para
sa event bukas"
"Di ko talaga papalampasin ang event bukas, magdodonate talaga ako ng malaking
halaga"
Ilan lang yan sa mga usapan dito sa canteen.. Sino naman kaya sa jaguars?
"May I have your attention everyone!" sigaw ko.. Napatingin naman silang lahat
sakin..
"Siguro naman ay alam nyo na ang balita na tatlo sa jaguars ang sasali sa barako
Gay bukas?" umpisa ko.. Nakikinig lang sila.. I smiled..
Nagsilapit sila sakin at nag abot ng pera.. Agad naman akong kumuha ng ballpen at
papel. ayos tiba tiba ako nito..
"Kay Johnny ako.." natigilan ako ng marinig ko yung sinabi nung isang babae..
Kasali si my labs?
"Rea ako, kay Young.." nagkagulo na ang mga tao dito sa canteen..
"Aba ayos, pag natalo ang jaguars, ako ang mananalo sa pustahan.."
-------------------
Johnny's POV
Dumating na ang araw ng pagbitay samin.. Oo, yun ang pakiramdam ko, pakiramdam ko
katapusan na ng buhay ko at hahatulan na ako.. Sa salang katamaran mag aral..
Nandito kami ngayon sa dressing room.. At di ko masikmurang makita ang sarili sa
repleksyon ng salamin..
Niyugyog ko ng bahagya ang dibdib ko.. May dalawang lobo kasi na nakalagay na may
lamang tubig sa dibdib ko..
"Bakit parang ang laki yata ng boobs ko?" tanong ko kay Ms.Manager..
"Pfftt bwahahaha ang ganda nyo naman.." nandito na naman sila para mang asar..
"Wag mo nga akong hawakan, bastos ka.." maarteng sabi ni Young ng hawakan sya ni
Burns..
"Ang arte mo naman miss, para nagpapakilala lang eh.." sakay naman ni Burns sa
kaartehan ng baklang si Young..
"Ano bang ginagawa ng panget na yan dito?" nag inarte na din ako..
"tang*na nyo umayos kayo ha, nasusuka ako sa pinag gagawa nyo.." asar na sabi ni
Gray..
Nagtawanan kami..
"Galingan nyo ha, mag enjoy na lang kayo mamaya at wag na masyadong isipin ang
dignidad.."- sabi ni Rosmar sabay ayos ng boobs ni Young..
"Magsilabas na kayo jaguars, di kami matatapos dahil nyo, malapit ng mag umpisa.."
narinig naming sabi ni Ms.Manager..
"Oh Kayong tatlo san kayo pupunta?" napatingin kami kay ms.Manager palabas na din
kasi kami ng dressing room..
"Jaguars din kasi kami ms.Manager, di ba pinapalabas mo kami.." seryosong sabi ni
Howard..
"Ang katangahan nyo iwan nyo na lang dito sa dressing room ha.."
Nagtawanan kami..
-----------------
Rosmar's POV
"A pleasant evening to everyone.." napatingin kami sa may stage.. Umupo kami ng
maayos, mag uumpisa..
"A pleasant evening din.." sabi naman ni Dela Cruz gamit ang megaphone na hawak
nya.. Ang gago talaga..
"Ito na po ang pinakahihintay natin, ang gabi ng mga barako.." sabi nung emcee.
"And without any further ado, let us all welcome the 10 brave man who accept the
challenge.. The Barako Gays.." anunsyo nung emcee..
Napuno na ng ingay ang buong auditorium..Puro nakapalda ang sampong lalaki na nasa
stage ngayon..
"Langya, barakong barako mga maglakad ang mga gago." komento ko..
"And there you are, let us give a big hand for our tonights candidate.." sabi nung
emcee..
"Magandang gabi po sa inyong lahat.." malandi na ang gago taena baklang bakla ang
boses.."Ako nga pala si Kevin Young sa umaga, at Katrina naman sa gabi.."
"Taenamo ka Young, itlog pa more?" hiyaw naming jaguars.. pero kinindatan lang kami
ng gago, lalong nagkagulo ang mga manunuod dahil sa sinabi nya..
"Good evening everyone, Ako nga pala si Elvin Howard, ang hari ng katapangan sa
Barako Gay lumalaban.. at ngayong gabi ako ang nawawalang si Elisa.. "
"Taena Howard, maghulos dili ka.." sigaw namin.. Nagtawanan na naman ang mga
maunuod.. Pero di kami pinansin ni Howard..
"Pa- papa lang ang hanap namin.. Pe- pekpek lang ang wala sa amin.. pi- pitpitin
man kami bakla pa rin.. mga kaibigan utang muna ang po at pu.. maraming salamat
po.." muling naghiyawan ang mga tao dahil sa linya ni Howard..
"Wengya, san nakuha ng mga hayop na yun ang linya nila?" natatawang tanong ni
Gray..
"Gago.." sagot ni Spencer, nagtawanan ang mga tao.. Di ba sumasakit ang tyan ng mga
tao dito? Kanina pa sila ah..
"Ako nga po pala si Johnny Spencer sa umaga, Janina naman sa gabi, at naniniwala sa
kasabihang barakong bakla man ngayong gabi, ok lang sisikat din ang umaga at
babalik sa tunay na pagkalalaki.." nagpalakpakan ang mga manunuod..
Nagpakita din sila ng mga talent, si Kevin, sumayaw ng pearly shell, na di namin
nasikmura kaya pinagbabato namin sya ng sapatos..
Si Howard naman, kumanta, pero umakyat si Miller sa stage at inagaw yung microphone
at binalik sa host..
Napuno ng tawanan ang buong auditorium, halos kabagin na ang mga tao dito sa
katatawa..
Tinawag na si Young..
"What can you say about the violence in our country?" tanong ng host kay Young..
"Thank you for the very beautiful question, may kasabihan po tayo na the more we
speak, the more likely we make mistakes, so for me not to make mistake I will not
answer your question.. thank you.." sabi ni Young sabay alis..
"If you were describe the color blue to a blind person, how would you do it?"
tanong ng host..
"That's a very good question, keep it up.." sagot ni Howard sabay talikod at alis..
"Pffftt hahahaha wengya, panalo ang sagot ng mga hayop taena.." di na din kami
magkamayaw sa pagtawa..
"If you were given, any special power, what would it be?" tanong ng host kay
Spencer..
"pfftt bwahahaha taena wala na akong masabi sa mga hayop na yan hahahaha.."
Wag nyo ng itanong kung nanalo yung tatlo, dahil mga wala naman kakwenta kwenta ang
mga pinag gagawa nila.. Taga ibang department ang nanalo wengya..
============
A/N: Maligayang pasko sa lahat.. Ngayon na ako babati para sure hahahaha..
Yung regalo nyo sakin ha.. XD
Nga pala, HAPPY BIRTHDAY Tristan Turner's OP.. More girls to come, ayieeee!!
*hampas ng kaldero sa mukha* Ingat lagi nak *hug&kisses*
-yna-
=================
Johnny's POV
[Kinabukasan]
"Wengya ang laki nung pinusta ko, kalahati ng allowance ko, tapos... tapos
huhuhuhu!"
Si Burns yan, nag iinarte dahil sa pagkatalo namin sa taenang barako gay yan.
Nandito kami ngayon sa gym.
"Di mo kasi ginalingan tarantado ka, kung bakit naman kasi sa dinami dami ng power
na gusto mo, power of attorney pa, pwede namang kilikili power"-Burns.
"Gago, edi dapat ikaw na lang ang sumali dun," sagot ko.. at nahiga na din sa
court, kakatapos lang ng practice namin..
"Dapat nga ako na lang ang lumaban eh para sigurado ang panalo.." Burns.
"Malamang ikaw ang mananalo, apelyido pa lang lutong luto na ang laban,"-Young
***
"Good morning prof.." bati namin kay prof pagpasok namin ng classroom, medyo
nalate kami dahil nagkaron kami ng biglaang meeting..
"What's good in the morning when you are late?" mataray na sagot ni prof.. Mukhang
bago lang sya dito. Sa pagkakatanda ko kasi hindi sya yung instructor namin sa
subject na to.
"My apology ma'am, for coming us late on your class.." paumanhin ni captain.
"Natatae na sya.."
"okay apology accepted, you may now sit down.." sabi ni prof, at tinuloy ang pag
susulat sa board..
"Nakaupo na nga eh, ano pa bang tawag nya dito?" si Howard na naman.. Humarap samin
si prof..
"Okay before we resume our discussion, may I ask you late comers, what are the
things you need to remember to avoid coming late?"
"pfftt.." halatang naasar na din ang ibang jaguars.. Bakit ba ang big deal sa
bagong prof na ito ang pagdating namin ng late? Halos 15 minutes late lang naman
kami ah..
"Yes miss, sa katunayan nga nyan, nandito na kami sa school bago pa man kayo
dumating at ang lahat ng estudyante dito.."- Miller
"Instead of asking how to avoid coming late, you should ask the reason behind why
we are late.." narinig kong sabi ni captain..
Bigla na naman natahimik si prof at namula. Teka nga, may crush ba sya kay captain?
****
Natapos ang klase, nagkanya kanya na kami ng jaguars dahil di na kami magkaklase sa
sunod na subject..
Pagpasok ko sa room, natahimik ang mga babae sa bulungan nila.. Hinanap agad ng
paningin ko si Rea, but she's not here yet.. Naupo ako sa may likuran..
"Dito ko lang talaga iniwan sa room yung gamit ko, nung nanunuod kami ng barako gay
last night.."
"Sino lang ba ang isang kahig isang tuka dito?" napatingin ako sa isa sa mga
kaklase namin. Sorry to say but I don't know their names, all of them except for
Rea..
Natahimik ang lahat ng pumasok ang babaeng gumugulo sa puso ko.. Lahat ng mata sa
kanya nakatingin.. Kagaya ko nagtataka din sya.. Ano bang meron?
Kasunod nyang pumasok ang prof namin para sa subject na ito.. Kasama ang dalawa sa
mga kaklase namin..
"Your classmates reported na may mga nawawalang gamit ang ilan sa kanila.."
"Umamin na kung sino ang kumuha, and let's settle this thing, early as we can.."
prof said..
"Sino bang magnanakaw ang umamin sa kasalanan nya?" tumayo ang isang babae.. "Why
don't you try, to look our bags prof?"
"No! I'm sure na may magnanakaw sa classroom na ito." kanina pa ang babaeng ito.. I
don't know her name..
"What's the meaning of this, miss Snyder?" napatingin kaming lahat kay prof, may
hawak syang cellphone..
"Ma'am I can explain.." napakunot ang noo ko.. Don't tell me, Rea did that?
"Stop pretending thief" sabi nung tinawag ni Rea na Monic.. Tapos kinuha nya ang
bag ni Rea at tinaktak ang laman..
Lalapit na sana ako sa kanila kaya lang nakita ko sa mga gamit ni Rea ang ilan pang
nawawalang cellphone at wallet ng iba naming kaklase.
"Cellphone ko to."
Nag umpisa na naman ang bulungan at nagkagulo na ang karamihan lahat sila masama
ang tingin kay Rea..
Damn!
"Baka naman may plano syang nakawan din si Johnny, Oh my gosh she's a gold
digger.."
-----------------------
Rea's POV
Pagpasok ko pa lang sa classroom iba na agad ang tingin sakin ng mga kaklase ko..
Di ko alam kung bakit..
Kaya lang biglang dumating si prof kasama ang dalawa sa mga kaklase namin..
"Everybody settle down.." -prof said at agad kaming naupo.. Mamaya ko na lang
siguro ibabalik after class..
"Your classmates reported na may mga nawawalang gamit ang ilan sa kanila.."
napakunot ang noo ko.. Nawawala?
Nag umpisa magbulungan ang mga tao dito sa classroom lalo na ang mga babae.
"Umamin na kung sino ang kumuha, and let's settle this thing, early as we can.."
prof said..
"Sino bang magnanakaw ang umamin sa kasalanan nya?" tumayo si Monic.. "Why don't
you try, to look our bags prof?"
Tumahimik ang lahat.. Ang yayaman nila, may magnanakaw pa? Aba matinde..
"Everybody put your bag on your table.." anunsyo ni prof.. Bigla akong kinabahan,
tiningnan ko si Monic, She's smirking on me..
"Baka naman namisplace nyo lang ang mga gamit nyo" narinig kong sabi ni Johnny..
Pero di ko sya nilingon, na kay Monic ang atensyon ko.. Wag nyong sabihin sakin na
she set me up?
"No! I'm sure na may magnanakaw sa classroom na ito." she said again..
"What's the meaning of this, miss Snyder?" tanong ni prof at hawak nya ngayon ang
cellphone ni Monic..
"Ma'am I can explain.." sabi ko.. Tumayo ako at magsasalita pa lang ulit nang
magsimula ng gumawa ng eksena si Monic..
"Stop pretending thief" Monic said at biglang hinablot ang bag ko at walang sabi
sabing tinaktak ang mga gamit.
At laking gulat ko ng makita ang mga cellphone at wallet ng iba pa namin kaklase
kasama ang mga gamit ko.. Anong ginagawa ng mga yun sa bag ko?
Di ako makapag salita, sino naman ang gagawa nito? Ano bang ginawang kong
kasalanan?
"Cellphone ko to."
Nag umpisa na naman ang bulungan at nagkagulo na ang karamihan, ayokong silang
tingnan dahil sigurado ako na puro mapang uri at mapanuksong tingin ang binibigay
nila sakin ngayon..
"Di ka nababagay sa school na ito, dahil para lang ito sa mga mayayaman at hindi ka
kabilang dun, isa kang basahan.." narinig kong sabi din ng isa pa naming kaklase..
Damn!
"Baka naman may plano syang nakawan din si Johnny, Oh my gosh she's a gold
digger.." Monic said..
Paano ko idedepensa ang sarili ko? Magulo ang isip ko. At mas lalo pang gumulo ng
bigla na lang lumabas si Johhny sa classroom..
Palagay ko naniniwala sya na magnanakaw nga ako, sino nga ba ako? Isa lang akong
probinsyana na nangangarap para samin ng kapatid ko..
"Eto pala ang sideline mo bukod sa pag gawa ng mga handouts at reviewers, ang
magnakaw.." sabi ni monic at sabay sabay silang tumawa ng mga alipores nya..
"You know what Monic, I don't know your reasons why you are doing this, but there
is one thing I know, I'm not the thief, you are.." I said.. Bigla nya akong
sinampal..
Kinagat ko ang labi ko.. Ayokong umiyak dahil lang sa bagay na ito.. This kind of
play doesn't deserved my tears..
"Miss Snyder to the deans office now!" prof said.. Alam ko pati sya naniniwala sa
palabas na ito.. Wala akong maisip na dahilan kung bakit ginagawa ni Monic ang
bagay na ito..
Sumunod ako kay prof, pero bago ako makalabas ng narinig ko pa ang tawanan at
apiran nila..
--------------------
Xevier's POV
"So anong plano?" tanong ni Young, nandito kami ngayon sa gym.. Breaktime at
tinipon kami ni Spencer. Kinuwento nya samin yung nangyari.. Yung yungkol sa
nakawan..
"Para saan pa, di ba balewala lang naman sayo si Rea bakit pa natin sya
tutulungan?" tanong ni Fisher..
"Sus ayaw pang aminin ng hayop na to, na may pagtingin din naman sya, hampasin ko
ng tubo sa ulo.."-Fisher
"Bakit di pa kayo magpatayan mga gago.." sabi ko. Tumahimik lang kami ng magsalita
na si buddy..
*****
Pagkatapos pag usapan ang plano, hinati namin ang team sa tatlong grupo.. Ang
kasama ko ngayon ay si Spencer, Dela Cruz, at Turner.. Naka assign samin ang
pagtingin sa CCTV footage..
tok tok!
"Yes? Uy Xevier ikaw pala, anong maitutulong ko sayo?" tanong ni Von, sya ang naka
duty ngayon..
"May gusto lang kami makita sa footage ng CCTV sa library.." sabi ko at pumasok
kami sa loob...
--------------------
Elvin's POV
Kasama ko ngayon si Young, Freeman, Gibson at Burns.. Kami ang pangalawang grupo sa
paghahanap ng katotohanan sa nakawan na nagaganap.. At nandito kami ngayon sa
canteen, kumakain..
"Hoy langya ka, bumili ka ng puto mo, hindi yung nang aagaw kang hayop ka.."-Burns
"Tungunu! Kadamutan!"-Gibson
"Wag mo kasing agawan si Burns alam mo naman paborito nyan ang puto, tamang tama sa
kulay dinuguan nyang apelyido.."-Young
"Sunooog!" tiningnan namin si Freeman, hihampas hampas nya ang dibdib nya..
"teka nga pano natin mailalabas ang katotohanan tungkol sa nakawan na yan?" tanong
ni Gibson..
to be continued..
==============
A/N: posted na po ang Beats of Heartbeat, story of Kevin Young and Freya Acueza,
daan na lang kayo sa profile ko :)
Mianhae sa matagal na ud :(
-yna-
=================
Rea's POV
Kalalabas ko lang ng office ni Dean at di ko napigilan ang mga luha ko.. Sa ganito
na lang ba babagsak lahat ng pangarap ko? Ano bang nagawa kong mali sa kanila?
Kahit ako walang ideya kung bakit nila ginagawa ito.
Flashback
"I know you were aware on this kind of offense Miss Snyder, and this complaint
against you is too serious, this might bring your scholarship down" -Dean said..
"Ma'am maniwala po kayo, di ko po talaga ninakaw yung gamit ng mga kaklase ko, at
yung kay Monic naman po, kaya ko pong ipaliwanag yun.."
"They have a very strong evidence against you Miss Snyder..and how will you explain
that?"
Paano ko nga ba ipapaliwanag kung bakit nasa bag ko ang lahat ng yun?
Di ko talaga alam kung paano napunta lahat ng yun sa bag ko? Kanina ko pa iniisip
kung paano nangyari yun. At isa lang ang nasisiguro ko, may gumawa nito para i-set
up ako..
"I don't jugde you Miss Rea but you know the rules, kapag di mo napatunayan na
inosente ka talaga tulad ng sinasabi mo, there is only one thing we know, at yun ay
ang pagkawala ng scholarship mo at ang possibility na makick out ka sa University
na ito" malungkot na pahayag ni Dean..
Laglag ang balikat kong lumabas ng deans office..
End of Flashback
Naiinis ako, gusto kong manapak ngayon din.. Wengya ako pa talaga ang napag tripan
nila? Eh kung ibalik ko kaya sila sa sinapupunan ng mga ina nila?
Pinunasan ko ang luha ko at naglakad na, isa lang ang alam kung malaki ang inggit
sa ganda ko.. Di ako nagbibiro, seryoso ako, maganda talaga ako..
"Nabalitaan namin yung nangyari..ok ka lang ba?" nakapag tatakang tinatanong nila
ako ng ganito..
"Hindi ako ok" pag amin ko.."Lalo na dahil may mga taong malakas ang trip ngayon.."
"Teka san nyo ako dadalhin?" tanong ko, pero di nila ako sinagot..
Hanggang sa nakarating kami sa gym.. Ano bang nangyayari? Malaki ang problema ko
ngayon at wala akong panahon makipag blentungan sa kanila.
Pagpasok namin sa loob nadatnan namin yung captain nila at yung isa pang tahimik,
kung di ako nagkakamali, sya si Elmar..
"Kidnap ba to? Kung kidnap toh sinasabi ko na sa inyo, wala kayong mapipiga
sakin.."lintanya ko..
"Pfttt..hindi ito kidnap.." tiningnan ko si Elmar, aba akalain nyo yun, nagsasalita
din pala sya..
"Ano to? Prayer meeting?"-tanong ko, binitiwan naman ako nung dalawa..
"hahaha ikaw talaga, itatanong lang namin kung bakit nasa 'yo ang cellphone nung
babaeng nag ngangalang Monic?" tanong ni Jonathan..
Flashback
Gabi ng barako Gay.. Kakasimula pa lang ng event ng makatanggap ako ng text galing
sa tiyahin ko mula sa probinsya..
Umalis ako sa pwesto ko, mukhang emergency at sa kamalas malasan wala akong load..
"Rea!"
"Saan ka pupunta?" taong nya.. Di naman kami close, pero bakit parang may something
sa kanya.. Isa sya sa mga suki ko pagdating sa pagpapagawa ng handouts..
"Dun lang sa may labas, makikitawag.." sagot ko.. Maririnig mula dito ang sigawan
at kasiyahan mula sa auditorium.. Palagay ko kailangan kong magmadali para
makapanuod pa ako..
"Sige Monic mauna na ako sayo." paalam ko, akmang tatalikod na ako ng hawakan nya
ako sa braso..
"Sandali Rea, gamitin mo na muna itong cellphone ko, delikado sa labas baka mapaano
ka pa.." tiningnan ko yung cellphone na inaabot nya..
"Sigurado ka?" tanong ko, sa pagkakaalam ko kasi ayaw nya na ginagamit ng iba ang
gamit nya, bakit parang ang bait nya yata ngayon?
"Oo naman, kapag tapos ka ng gamitin, nandun lang ako sa room, dun mo na lang ako
puntahan, di ako manunuod kaya wag mo akong hahanapin sa auditorium.." sabi pa
nya.. Di pa man ako nakakasagot, tumalikod na sya at umalis ng tuluyan.
Nagtataka man ay ginamit ko na din yung pinahiram nyang cp.. Aba, sayang din,
nakatipid ako ng sampong piso..
Agad kong tinawagan si Tiya Rosalie.. AT pagkatapos naming mag usap, pumunta ako sa
room katulad ng sabi ni Monic..
Pero wala namang tao dito.. Hinanap ko pa sya sa ibang parte ng campus pero di ko
sya makita.. Napagdesisyonan ko na lang na bumalik sa Auditorium, at kung
sinuswerte nga naman, natalo ang jaguars.. Sorry my labs pero malaki din ang
pinusta ko eh..
I smiled.. Natapos ang event pero di ko pa din nakikita si Monic, kaya nag desisyon
ako na bukas ko na lang ibabalik sa kanya ang cellphone nya..
End of Flashback
"Ang malaking tanong, bakit pinapalabas nung monic na ninakaw mo ang cellphone
nya?" nakahawak sa baba na tanong ni Anthony..
"Yan din ang tanong ko.." sagot ko.. At tiningnan silang apat.. "Bakit nyo nga pala
natanong?"
"Wala lang gusto lang namin malaman.."-Elmar.. Aba, marunong sumagot ah.. Hampasin
ko kaya sya ng poste ng basketball ring..
"Let's wait them in here.." naupo si captain sa may bench.. Ano ba kasing
nangyayari? Ngayon pa ba ako tatambay dito? Eh nabibilang na ang mga sandali ko
dito sa M.U..
Pero dahil pagod na ang utak ko sa kakaisip simula pa kanina, naupo na din muna
ako..
--------------------
Joel's POV
*Burp*
"Ahh grabe nabusog ako.." tiningnan ko ang apat na gagong kasama ko dito sa
canteen, lahat sila nakahawak sa tiyan..
"Tara na, baka hinihintay na tayo nina captain.."- sabi ni Freeman.. Nagkatinginan
kaming lahat.. Saka sabay sabay na tumayo.. Umalis na kami ng canteen.. Dala ang
ebidensyang nakalap namin..
Agad kaming bumalik ng gym, at naabutan naming nakaupo sina captain sa may bench
kasama ang kagrupo nya sa imbestigasyon..
Nginitian nya lang kami.. Mukhang tapos na din sina captain sa pag iimbestiga
nila..
"Oo nga eh, papa-autograph ba kayo? Bente lang isang pirma.." sagot nya..
"pfftt wengya lakas maka raket ah.."komento ko, nakakatuwa sya dahil malakas ang
loob nya, kung sa ibang babae nangyari ito malamang nag alsa balutan na at lumayas
na sa M.U dahil sa sobrang kahihiyan.. Pero dahil iba si Rea, nagagawa pa rin nyang
ngumiti at magbiro..
"Para naman may pakinabang ang pagiging peymus ko dito sa M.U ngayong araw.." sabi
pa nya at naglabas ng ballpen..
"Ano Elvin? San ako pipirma? Sa likod ba o sa harap.." nagtawanan kami dahil
seryoso ang mukha nya..
"Yo! Nagkakasiyahan na agad kayo ah.." napalingon kami sa mga bagong dating.. Sina
Montereal at grupo nya..
Nag siupo kami dito sa mga upuan sa tabi ng court..hinila naman nina Spencer ang
white board, kung titingnan kami ngayon parang may meeting de avance kaming
ginagawa.. Si Montereal ang unang nagsalita..
"Ayon sa video sa CCTV footage, nilagay ang mga cellphone sa bag ng biktima----"
"Teka nga Montereal, dinaig mo pa si Gus Abelgas sa tono ng pagsasalita mo eh, wala
tayo sa SOCO kaya pwede ba tigilan mo yan.." komento ko, wengya lakas maka soco ng
gago..
"Pfftt may pangarap ang hayop na si Montereal.."- Freeman..
"Tulad ng nauna kong sinabi nilagay ang mga wallet at cellphone sa bag ni Rea nung
nasa library sya at abalang naglilinis..at napag alaman namin, na tatlo sa kaklase
nya ang mga gumawa nun.."
"Anong motibo? Bakit nila ginawa yun?" tanong ni Rea.. Halatang naguguluhan sya
kung bakit alam namin ang mga bagay na yun.. Palagay ko wala pang nakakapagsabi sa
kanya tungkol sa ginawa namin imbestigasyon..
"Next group na ang sasagot sa tanong mong yan Rea.." sabi ni Montereal at tiningnan
kaming apat nina Young, Howard, Gibson at Freeman..
Tumayo si Young at nilabas ang cellphone nya.. Akala nyo puro lamon lang alam namin
ha, pwes nagkakamali kayo..
Flashback
"Hoy langya ka, bumili ka ng puto mo, hindi yung nang aagaw kang hayop ka.."-
hinampas ko ang kamay ni Gibson, nandito kami sa canteen, kumakalap ng
impormasyon..
"Wag mo kasing agawan si Burns alam mo naman paborito nyan ang puto, tamang tama sa
kulay dinuguan nyang apelyido.."- tiningnan ko ng masama si Young, lagi na lang
nyang napapansin ang apelyido ko langya..
"Sunooog!" tiningnan namin si Freeman, hihampas hampas nya ang dibdib nya.. Ganyan
ang tamang paraan ng paghingi ng tubig..
"Mga gago ako pa inutusan nyo.." sagot nya, sayang kala ko makakauto na..
"teka nga pano natin mailalabas ang katotohanan tungkol sa nakawan na yan?" tanong
ni Gibson.. sakto lang ang lakas ng boses nya para kami kami lang ang makarinig..
"Mailalabas natin ang katotohanan, sige kain pa.." sagot ni Howard.. Tumahimik kami
at kinain ng payapa ang mga pagkain namin, this time wala ng agawan na nagaganap..
"Monic!" agad na nilabas ni Young ang cellphone nya ng maupo yung babaeng tinawag
na monic nung tatlong babae malapit sa table namin..
"Nakakatawa sya, did you see her reaction? My god priceless" nag umpisa na ang
usapan nung apat na babae..
"Di magtatagal mapapaalis na sya dito sa M.U, isa syang malaking kasiraan sa record
ng M.U mga mayayaman lang dapat ang nandito.."
"Tama, sigurado ako na mapapatalsik na sya lalo na dahil malakas ang ebidensya
laban sa kanya.."
"Nakakainis talaga sya, ang lakas ng loob nya na tawaging my labs si Johnny baby...
di hamak naman na mas maganda ako sa kanya.."
Sinenyasan ko sila na wag maingay.. Dahil may dumating na isa pang babae.. Teka sya
yung unang umaway kay Rea, dito din sa canteen, yung sumampal kay Spencer dahil
humarang ang gago..
"Tama di sya nababagay dito, dinudumihan nya ang elite school na ito.."
End of Flashback
"Di ako makapaniwalang may mga ganung uri pala ng tao.." napatingin kami kay Rea..
"Alam mo Rea, wala ng libre sa panahon ngayon, balita ko malaki ang tinamaan mo sa
pustahan ng barako gay ah.."-Montereal
"Oo nga, kaya bilang kabayaran, ilibre mo kami ng ice cream.." sabi naman ni
Young..
"Pero bago yun, dalhin muna natin ang lahat ng nakalap nating ebidensya kay Dean,
baka kasi magbaba na ng order yun at paalisin na itong si Rea.." napatango naman
kami sa sinabi ni Turner..
To be continued...
============
JAGUARS GREETINGS with Yna:
Fisher: Gago ka Young! *tingin sa readers* Hello sa lahat Happy New Year *sweet
smile*
Howard: Sweet smile na ba yan Fisher? Parang mas bagay sayo ang salt smile..
Turner: Pftt mga gago talaga, hoy greet lang muna mga ulol mamaya nyo na ituloy
yang asaran nyo..
Yna: Oo nga taenanyo antok na ako, mamimili pa kami ni mudra mamayang alas kwatro
ng pang handa anong oras na oh alas tres na pero puro ngawa pa din kayo mga
haskjhdsjkdjs..
Turner: Bahala kayo, pag nakalabas yan, lintik lang ang walang ganti kaya babati na
ako.. Hello readers *kaway* Maligo kayo sa bagong taon.. *sabay alis*
Montereal: *sindi ng pikolo sabay hagis sa mga readers* Whoa! Happy New Year!
*tingin kay Shield* buddy ikw na ang next..
Captain: *Yawn*
Captain: What the F*ck! don't mess with Montereal, I'll kill you..
Yna: Sige sigaw pa Shield, sigaw pa, di nakakarindi, ang sarap sa tenga parang
musika.. *glare*
Burns: Lalim ng pinaghuhugutan ah.. Ako na babati, HAPPY HAPPY HAPPY KAARAWAN..
Yna: *hampas ng troso kay Young* wengya ka binanas ako dun ha.
Young: -__- *bulong* kung nagdala kayo ng aircon edi di sana kayo binanas..
Freeman: Ako na ang last HAPPY NEW YEAR sa lahat, alam kong gwapo pa din ako next
year..
Young: *lunok* este sa kabaliwan pala ng jaguars.. sorry nay wrong send.. Happy New
year ulit *throwhearts* tara na, malapit ng dumanak ang dugo dito..
Howard: Nay di ba mamaya pa naman ang paghahati ng taon bakit pinababati mo na agad
kami?
Howard: lagi na lang nila akong nilalayasan, nagtatanong lang naman ako. Siguro
dahil mas matalino ako sa kanila.. Geh babati na din ako HAPPY NEW YEAR sa lahat
^__^
A/N: last ud for 2014 see you on 2015 :)
=================
Rea's POV
Tulad ng nakagawian una akong pumupunta sa library para gawin ang trabaho ko bilang
isa sa mga scholar..
May mga mapanuring mga mata pa din ang tumitingin sakin.. Pero lahat ng yun ay di
ko pinansin.. Pagkatapos kong gawin ang trabaho ko, pumunta na ako sa classroom..
Nagtataka man ay tumango na lang ako.. Ano naman kayang nakain ng mga to?
Naupo na ako sa upuan ko, ngayon ko lang napansin na nandito na pala si mylabs..
Nalaman ko na sya pala ang ugat ng pagtulong sakin ng jaguars.. I smiled, likas na
yata talaga sa kanya ang tumulong,.. dagdag points yan sakin, mas lalong lumalalim
ang pagka-crush ko sa kanya..
Ngumiti ako sa kanya pero ini-snob lang nya ako.. Sus, pasuplado effect, di yan
tatalab sakin.. Lalo pa dahil alam kong may concern din sya sakin.. Dakilang
assumera here..
Nag umpisa ang klase at di na nawala ang ngiti sa mga labi ko..
May time na nililingon ko si mylabs, patapos na ang klase pero tulog pa din sya..
Oo, nung nag start ang class natulog na din sya..
Siguro, dapat ko syang pasalamatan mamaya..
"Ok class dismissed" pagkasabing pagkasabi ni prof nyan.. Agad akong tumayo at
nilapitan si mylabs.. Nakatayo na sya at sinukbit ang bag nya..
"Mylabs.." tiningnan nya ako.. Blangko ang mga mata nyang nakatingin sakin..
"Anong ginagawa mo dito?" boses ni mylabs.. Paglingon ko may kausap syang babae..
Halatang di dito ang aaral yung babae dahil sa suot nito..
-----------------------
Johnny's POV
"Mylabs.." napatingin ako sa kanya.. Pero di ako naglagay ng kahit anong emosyon sa
mukha ko.. I want her to feel na balewala lang sya sakin kahit pa tinulungan ko
sya..
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.. Pero bago pa sya makasagot eh inakbayan ko
na sya.. Alam ko na nakatingin si Rea.. Di na ako lumingon at naglakad na paalis..
"Di ka pa rin marunong gumalang sa mga babae.." sabi nya.. Alam ko kung ano ang
tinutukoy nya..
"Hanggang ngayon ba naman na college na kayo, ganyan ka pa din.." patuloy nya, bata
lang sya samin ng dalawang taon.. Di ako nagsalita..
"Nung high school araw araw kang nagpapalit ng girlfriend tapos kinabukasan pag
nilapitan ka ng babae na ginawa mong girlfriend kahapon di mo pinapansin at
nilalampasan mo na lang.. Di ko akalain na gawain mo pa rin pala yun hanggang
ngayon.. Kawawa naman yung babae kanina.." mahabang litanya nya..
I smiled.. Isa yan sa dahilan ko kung bakit iniiwasan ko si Rea, ayaw kong
mapabilang sya sa mga babaeng yun.. She deserve better..
"Di mo pa sinasagot ang tanong ko, anong ginagawa mo dito?" -pag iiba ko ng
usapan..
"Ano pa ba? Edi para pektusan ang kuya ko.. Nasaan ba sya? Alam mo ba na kanina pa
akong paikot ikot sa buong university na 'to ha?" reklamo nya..
"Biro lang hehehe.." sabi ko, baka masapak ako nyan wengya, solid sumuntok yan..
Malapit na kami sa gym, at mula dito maririnig ang boses ng jaguars.. Mukhang
nagkakasiyahan sila..
Pagbungad namin sa may entrance, agad naming nakita si Young, Howard at Burns..
nasa gitna ng court at nagsasayaw habang si Burns kumakanta.. Guess what kung anong
sinasayaw at kinakanta nila?.. Walang iba kundi totoy bibo -__-
"~Oh ang galing, galing kong sumayaw, galing kong gumalaw galing kung sumayaw
galing kong gumawalaw bibong bibo gumalaw.~." kanta ni Burns habang sumasayaw naman
yung dalawa..
Sunod kaming napatingin kay Howard.. may hawak syang mop, at yun ang ginawa nyang
microphone..
"~~Nung bata pa ako tinuruan ako ng lolo magbisyo, katol, malunggay, rugby ang
tinuro ng tatay ko, pinagsama sama ko kaya ako ngayo'y bibong bibo..Kaya ang tawag
nila sa akin sabog sa kanto.~~."
"pffft whoa! hahahaha katol paaaa!!" tuwang tuwa ang ibang jaguars na nanunuod sa
concert ng tatlo.. Kaninong medyas na naman ba ang tinira nila??
"Ganyan ka din ba oppa kung minsan?" di sinagot ni Jenny ang tanong ng kuya nya..
"pfft! Hoy Turner wag mo masyadong titigan, baka matunaw.." biro ko.. Crush na
crush kasi ng gago si jenny..
"Spencer ayos yung speech mo kanina ha pfft.." napatingin ako kay Young.. Napakunot
ang noo ko..
"Simula sa araw na ito, ang taong mananakit at aapak sa pagkatao nya ay gagawin
kong miserable ang buhay" sabi pa nya, bigla kong naalala ang mga sinabi ko kanina
sa room..
Flashback
Tumahimik silang lahat, walang nangangahas na gumawa ng kahit anong ingay, tuwing
naalala ko yung ginawa at sinabi nila laban kay Rea, bigla na lang nag iinit ang
dugo ko, at gusto kong manapak ng kahit sino..
"Walang sinuman sa inyo ang may karapatan na apakan at laitin sya, kung ayaw nyong
ibaon ko kayo ng buhay.."
"Simula sa araw na ito, ang taong mananakit at aapak sa pagkatao nya ay gagawin
kong miserable ang buhay.. Leave her alone or else? We all know what will happen
next.." I said..
Walang makatingin sakin ng ayos, lahat sila iniiwasang tingnan ako sa mga mata..
"Nagkakaintindihan ba tayo?"
End of Flashback..
-----------------------
Rea's POV
"Hoy ba't ang tahimik mo?" di ko nilingon si Tina, katabi ko sya, magkaklase kami
sa ilang subject..
"Bakit?"
"Aba malay ko, anong page ba yan at babasahin ko.." sagot nya.. Tiningnan ko sya
tae kala ko seryoso sya sa sinabi nya, nakangiti ang bruha...
"Pfft ang alam ko kapag nasasaktan ka na pag nakikita mo ang crush mo na may
kasamang iba, isa lang ibig sabihin nyan.." sabi nya at tinuloy ang pagsusulat..
"Ano?"
"Hinog na ang pagka-crush mo, naging pag ibig na.." sagot nya..
"Pag ibig? Nabebenta ba yan?" this time ako naman ang tiningnan nya..
"Oo nabebenta, try mong ipagbili kay Spencer baka sakaling bilhin nya.."
"Ang bata bata ko pa pumapag ibig na ako? Ayaw ko na nga, di ko na sya crush.."
sabi ko na lang..
"Aba malay ko, ako kasi madaming pang gagawin, kamalayan ko sa gagawin mo, wag mo
nga sakin itanong yan.." ang galing nya talaga magtanga tangahan.. Parang natural
na natural. Kung di ko sya kilala iisipin ko na tanga talaga sya.
"Malamang utak mo yan, alangan naman ako makaalam nyan.." pinektusan ko ng isa si
Tina, basag moment eh..
"Di ba sabi mo? Di napipigilan ang pagkacrush na nahinog at naging pag ibig?"
"Oo bakit?"
==========
A/N: Sorry sa matagal na UD nitong MPUG. Don't worry, pipilitin kong makapag ud
every two days.. Salamat sa patuloy na suporta :)
=================
Rea's POV
"Hoy Rea, wengya ka, nag shift ka pala ng course di mo man lang ako ininform?"
naglalakad kami ni Tina papunta sa library..
"Bruha, pati ba naman ako kokotongan mo pa?" sinimangutan ko lang sya.. Ang bilis
ng panahon, second year college na agad kami.. And this time magkaklase na kami ni
Johnny my labs ko sa lahat ng subject, maliban lang sa first subject, dahil
magkakaklase silang lahat ng jaguars..
"Aba malay ko, magkasama tayo tapos sakin mo itatanong.." sagot ko.. medyo di
maganda ang pakiramdam ko, dahil sa kumakalat na balita na bago na namang
girlfriend si mylabs ko.. Nung huling mga buwan namin last year bilang first year,
kung sino sino ang mga girlfriend nya.. Kahit crush ko lang sya, talagang nakakapag
init ng dugo pag nakikita ko syang makasamang iba, daig pa nila ang sabon, ang
sakit nila sa mata..
Sige lang, pakasawa sila, dahil sakin din ang bagsak nya..
"Lakas makabad vibes ah.." tiningnan ko ng masama si Tina ng pektusan nya ako..
Nilahad ko ang kamay ko..
"Kung ganun wag kang mamektus ko wala kang pambayad.." sabi ko at muling tumingin
dun sa ilang mga estudyante..
"Ang ganda nung girl bagay sila.."
Nakisiksik ako para makita kung ano ba yung pinag uusapan nila..
"Luka, sinabi ko bang kakainin mo? Kailangan mo yun para dyan sa mukha mong gusot
na gusot.."
Pero syempre joke lang yun.. Edi nalumpo ako pag nagkataon?
"Sigurado ka ba na crush pa din yang nararamdaman mo kay Johnny? Parang iba na yan
ah.."
Di pa din ako nagsalita, kahit ako di na din alam kung paghanga pa rin ba ito sa
kabaitan at pagiging matulungin ni mylabs sa isang tao.. Basta ang alam ko lang,
kinukumpleto nya ang araw ko.. Pero di ba iba ang crush sa mahal? Eh bakit lagi ko
na lang nararamdaman itong selos?
Nakarating kami ng library, second year na, pero dito pa din ako naka-assign? Tae,
ang duty ko sa library parang pagmamahal ko kay mylabs, walang pagbabago..
Pagmamahal?
Hay ewan, yayaman ba ako dyan sa pagmamahal na yan? Palagay ko tama na ako dun sa
paghanga lang, atleast nagiging mas inspirada pa akong magtinda ng polboron sa
room..
Sa buong taon ko bilang first year student, matapos ang insidenteng pagkakasangkot
ko sa nakawan, di na ulit naulit ang bagay na yun, at ang mas ikinagulat ko pa ay
bumait silang lahat sakin, kaya nga nakakapag negosyo na ako sagad eh.
***
Mabilis kong ginawa ang mga dapat kong gawin sa library para makaraket ako bago mag
simula ang klase..
"Polboron na naman? Nung isang araw, nabulunan ako dyan.." reklamo nung isa kong
pang kaklase..
"Ay ganun? Hayaan mo pag nabulunan ka ulit, tawagin mo ako para madagukan kita.."
sagot ko at binigyan sya ng matamis na ngiti..
"Mas magiging ibang klase ako pag bumili ka ulit, malapit na ang exam kaya pagawa
na kayo ng reviewers nyo sakin, singkwenta isang subject.."
"Rea ikaw ba gumagawa nito?" tanong nung isa kong kaklase na kumukutingting sa
polboron ko..
"Oo, bakit?" sagot ko..
"Ako din.."
Pero dahil ako si Rea, di ako susuko, gagawin ko ang lahat para pansinin nya ulit
ako, papatunayan ko na hindi sya nakalaan para sa iba, kundi para sa akin lang
talaga..
***
Mabilis na natapos ang klase, hindi muna agad ako tumayo dahil hinintay ko pa yung
mga magpapagawa ng mga handouts..
Pagkatapos saka ako kumaripas ng takbo papunta sa sunod kong klase.. This time
kaklase ko na si mylabs..
Agad akong naupo sa tabing upuan nya.. Wala pa sya, at medyo kinakabahan ako..
Normal lang naman ito di ba? hehe feeling ko kasi abnormal na ang puso ko dahil ang
bilis ng tibok pag nasa malapit lang sya..
Sabi nila kapag ang lalaki may crush, pwede nilang ligawan pero pag ang babae daw
ang may crush hanggang tingin na lang? Aba nasan ang hustisya? Pwes papatunayan ko
na iba na ang panahon ngayon.. Walang mangyayari kung titingin lang ng titingin..
Paano mo mapapatunayan na maalat ang asin kung di mo titikman?
Biglang tumahimik ang paligid ko ng pumasok na sya.. Agad akong ngumiti sa kanya,
kaya lang di man lang nagtagal ng isang segundo yung tingin nya sakin.. Dapat pala
nagdadala ako ng pako at martilyo para mipako ko ang mga mata nya para sakin lang
mismo..
"Good morning mylabs.." bati ko.. Pero as usual para lang akong hangin na umihip sa
paligid nya.. Awayin ko kaya to' para naman patulan na nya ako..
"Sabi nila timang daw ako.." bulong ko sa kanya, medyo nasasanay na din ako sa pag
snob nya sakin.. Kaya push pa more mapapansin din nya ako ..
"Pero di yun totoo, mali bang ngumiti ako pag ikaw ang naiisip ko.." sabi ko.. Agad
din nyang binawi ang tingin nya..
"Mylabs, balita ko may bago ka na namang crush.." ginamit ko na lang ang salitang
crush kesa fling..
"Di kayo bagay ang panget nya.." komento ko.. At parang napansin ko na ngumiti sya,
o imahinasyon ko lang yun?
------------------
Johnny's POV
"Good morning mylabs.." bati nya.. heto na naman sya, di ba nya alam na isang
malaking pagsubok ang ginagawa kong pag iwas sa kanya? Natapos ang huling taon
namin sa first year na puro pag iwas na lang ginawa ko.. Pero eto pa rin sya,
patuloy na nangungulit at ang mas matindi nag shift pa sya ng kurso.. Di ko alam
kong magagalit ba ako o matutuwa sa ginagawa nya, pero higit na nangingibabaw ang
kilig..
"Sabi nila timang daw ako.." nilingon ko sya ng bahagya.. Nag iwan na ako na babala
sa lahat na walang sinuman ang pwedeng umaway o manakit sa kanya, pero meron yatang
di sumusunod..
"Pero di yun totoo, mali bang ngumiti ako pag ikaw ang naiisip ko.." sabi pa nya..
Wengya, agad kong binawi ang tingin sa kanya.. kala ko pa naman may umaaway na
naman sa kanya, yun pala babanat na naman.. Di ko alam kung natural ba sa isang
lalaki na tulad ko ang kiligin ng ganito taena..
"Mylabs, balita ko may bago ka na namang crush.." bakit ba ang daldal nya? Di ba
sya makahalata na ayaw ko syang kausapin o pansinin man lang? Pero may part sa loob
ko na sobrang natutuwa pag naririnig ang boses nya..
"Pwede bang mag comment? Kahit di tayo friend,.." dagdag pa nya, pero di ako
nagsalita at nanatili pa ring tahimik..
"Di kayo bagay ang panget nya.." napangiti ako sa sinabi nya pero agad ko ding
tinago yun..
Pfft ang crush ko panget? Di ba alam niya na maganda sya? Dahil sya ang crush ko
takte..
Bakit ganun? Ang dami namang ngumingiti sakin, pero bakit nakakakilig pag sa kanya
nanggagaling? wengya.. lakas makasira ng utak ang babaeng ito..
Biglang pumasok si prof.. Naupo na ang lahat ng maayos at isa na dun ang babaeng
katabi ko.. Sinusulyapan ko sya, masaya ako dahil maayos naman ang kalagayan nya,
nakapag desisyon na ako, na titingnan ko na lang sya sa malayo.. She deserve
better..
Mabilis ding natapos ang klase, breaktime na, parang gusto ko pang i-extend ang
oras..
Tumayo na ako para di nya mahalatang gusto ko pang maupo sa tabi nya..
"Madaming wala sakin na kaya mong hanapin sa iba, pero madaming wala sa kanila na
sa akin mo lang makikita, katulad ng polboron na ito.."
Gusto ko syang sagutin at sabihin na wala na akong gustong iba kundi sya lang
talaga..
Lumabas na din ako ng room at pumunta ng canteen.. Hawak ko pa din ang polboron na
binigay nya.. Palagay ko dapat ko itong itago at i-treasure dahil galing to sa
kanya..
"Yo! Spencer.." nandito na din ang jaguars.. Umorder muna ako bago pumunta sa table
namin..
"Napapansin namin laging nakangiti ang mga mata mo tuwing breaktime.." komento ni
Burns ng maupo na ako..
"Labi na ngayon ang tingin mo sa mata ko? Tsk! epekto ng pagiging single mo ano?"
biro ko..
"Gago! Wag mo akong biruin pakipot boy ha.." sinimangutan ko sya.. Hanggang ngayon
di ko pa din sinasabi ang dahilan kung bakit ayaw kong ligawan si Rea.. Tama ng ako
na lang ang makaalam ng katangahan ko.. Hinahayaan ko na lang na isipin nila na
manhid ako.. Pero knowing them, di sila naniniwala sa inaarte ko, we're best of
friends, alam na namin ang likaw ng bituka ng isat isa..
~~Brush, brush, brush three times a yearBrush, brush, brush your teeth, cavities
awayBrush, brush, brush three times a yearBrush with Colgate Shikishikishik~~
"Wengya Howard, di kaya mabungal ka dyan sa kinakanta mo?" natawa kami sa sinabi ni
Young..
"Pfftt hahahaha, sige Howard try mong mag toothbrush three times a year, ewan lang
namin kung may matira pa dyan sa ngipin mo.." -Burns..
"Taenanyo, mga basag trip kayo.." sagot ni Howard at naupo na lang at sinimulan ang
pagkain..
"Alam nyo na ba ang balita na magkakaron daw ng field trip ang mga second year
students?, all business courses.." napatingin kami kay Montereal..
"Aba ayos, sana pumunta din sa amusement park.." excited na sabi ni Dela Cruz.
=======
A/N: Magkaron tayo ng deal readers ha, kada maibigay ko yung votes na hiningi ko sa
bawat chapter mag uud agad ako.. Pahinging 30 votes para sa chapter na ito..pag nag
30 i -uud ko agad ang BOH..
Wag sana kayong magalit sa paghingi ko ng votes, dyan ko lang kasi nararamdaman na
may nakaka-appreciate pa sa mga sinusulat ko..
Di ko hihingin na mag comment kayo, dahil gusto ko kusang loob ang pagbibigay nyo
ng komento at di dahil napilitan lang kayo :) Pero gusto kong malaman nyo na ang
pagbabasa ng mga comments nyo ay sobrang ikinatutuwa ko :)
Sana mapansin nyo ang deal kong ito in a nice way, kung mapapansin nyo bumibilis
ang ud kapag ganito di ba?
-yna-
=================
Rea's POV
Field trip? Kahapon ko pa naririnig ang tungkol sa field trip na yan at mukhang
lahat ng second year students ay excited na, maliban sakin..
"Ah, eto.." binuksan ko ang bag ko at kinuha ang mga handouts na pinagpuyatan ko
kagabi.. "Singkwenta, pero dahil maganda ako, singkwenta pa rin para sayo.." biro
ko..
"Ikaw talaga.." inabutan nya akong singkwenta pesos.. Ngumiti ako sa kanya, at
tumuloy na sa library, maaga pa kaya naman dun muna ang punta ko, alam nyo na, duty
again..
Iniisip ko kung sasama ba ako sa field trip, gastos lang yun takte.. Alam ko na,
kakausapin ko na lang si dean, na magtitinda na lang ako ng mineral water sa bus.
Pagpasok ko sa library, napakunot ang noo ko, nakapagtatakang ang dami na agad na
nakatambay dito..
Napatingin din ako sa tinitingnan nila.. I smiled.. Sino bang hindi tatambay dito
ng ganito kaaga kung lahat ng jaguars ay nandito? Agad na hinanap ng mga mata ko si
mylabs.. teka bakit parang wala sya?
Nilampasan lang nila ako, ni hindi man lang ako tiningnan ni mylabs.. Wengya di ba
nya alam na mas bagay kami kesa sa kanila..
"Yo Spencer!.." narinig ko pang babi ng mga kaibigan nya.. Bago ako pumasok sa
office na nandito sa library.
"Anong mukha yan Rea?" tiningnan ko si Ate Eva ang librarian ng M.U..
"Mukha ko po? Mukha po ng babaeng bigo.." sagot ko at nilagay ang bag ko sa may
locker na nasa office nya..
Tumawa lang sya, di naman lingid sa kaalaman nya na crush ko si Johnny. Para ko na
nga syang ate dahil ang gaan ng loob namin sa isat isa..
"Bago po? Yung kasama nya po, bagong hipon.." sagot ko, at muli na naman syang
natawa..
"Sige na mag umpisa ka na para makapunta ka agad sa klase mo, at yang pagkabigo mo
ipunin mo lang tapos isampal mo kay Mr.Spencer.." she said with a smile. I smiled
back.. At lumabas ng office nya..
Nilapitan ko ang ilang mga libro na ginamit ng mga estudyante kahapon, tinulak ko
ang book cart papunta sa bookshelf para maibalik ng maayos..
Di ko mapigilan ang sarili ko na tingnan ang grupo ng jaguars.. Masaya silang nag
uusap, patatlong beses na silang nasaway ni ate Eva dahil sa lakas ng boses nila..
"Rea, san ko makikita ang book na ito?" napalingon ako sa nagsalita.. Si Liam, isa
sa mga kaklase ko, he's a nerd, di na talaga siguro nawawala sa isang school ang
mga nerd na tulad nya.. Don't get me wrong, napapaisip lang ako kung bakit may mga
tulad nila? Sometimes sila ang laging biktima ng bullying..
"Ah doon yan.. halika samahan na kita.." sagot ko ng mabasa ko yung nasa papel nya
na pangalan ng libro na kailangan nya..
"Pasensya ka na, wala na kasi akong oras para maghanap pa kaya lumapit na ako
sayo.." medyo nahihiyang sabi nya..
"Sus wala yun, bente pesos lang ang tanong sakin plus ten pesos dahil sinamahan
kita.." biro ko, he smiled, cute sya, lalo na kung aalisin yung makapal na salamin
na tumatakip sa mata nya.. Nadaanan namin ang grupo ng jaguars pero iniwasan kong
tingnan sila..
"Wala ng libre sa panahon ngayon.." sagot ko.. Tiningnan nya ako sa mata pero agad
din naman nyang binawi, gusto kong matawa dahil para syang tuta sa ginagawa nya..
"Heheh biro lang Liam, pero kung mapilit ka sige libre mo ako.." aba sayang ang
grasya.. Magsasalita pa sana sya kaya lang para syang nakakita ng multo sa likuran
ko kasunod nun ang sunod sunod na pagbasak ng mga libro sa sahig..
"Mylabs?" nilapitan ko sya at tinulungan pulutin ang ilang mga libro na nagpatak..
"Sorry I didn't meant to interrupt.." sabi nya.. Ako lang ba ito? O talagang may
halong galit sa tono ng boses nya.
At anong ibig nyang sabihin? Interrupt? Bigla kong nilingon si Liam kaya lang wala
na sya, takte nalimutan kong kausap ko nga pala sya.. Wengya, free lunch na naging
bato pa..
"Ok lang, di naman ganun ka-importante ang pinag uusapan namin.." somehow, mas
nakakabusog pa sa libreng lunch ang makausap si mylabs ko.. my goodness, boses pa
lang nya nabubusog na ako, tapos yung tingin nya dessert na..
Takte yung mga bulate ko sa tiyan feeling ko biglang nagtranform at naging paro
paro..
----------------------
Johnny's POV
Napakunot ang noo ko ng dumaan sa may table namin si Rea kasama ang lalaking may
makapal na salamin sa mata, kung di ako nagkakamali kaklase namin sya.. May kung
anong galit at pag kaasar ang bumangon sa loob ko lalo na ng makitang nakangiti
silang dalawa, at mapansin na parang may kakaiba sa ngiti ng lalaking nerd na
yun..
Hindi ako bully na tao, pero sa mga oras na ito parang gusto kong literal na
ilampaso sa sahig ang pagmumukha ng lalaking yun..
Tumayo ako..
"Hoy Spencer saan ka pupunta? Malapit ng dumating si captain" tanong ni Dela Cruz..
"Salamat ha.." nahihiya pa ang gago.. mas lalo akong naaasar sa pagmumukha nya
tang*na..
"Heheh biro lang Liam, pero kung mapilit ka sige libre mo ako.." Di ko napansin na
nabitiwan ko na pala ang libro na hawak ko at naibagsak ko ang ilan sa mga yun..
"Mylabs?" gusto kong manapak sa mga oras na ito, at mas matutuwa ako kung mukha ng
gagong yun ang sasapakin ko, di ko namalayan na nakalapit na pala sakin si Rea,
pinulot nya ang ilang mga libro na nasa sahig.. Dapat ba akong magalit sa kanya
dahil kakain sya ng lunch kasama ang gagong yun? Kala ko ba ako ang gusto nya? Pero
bakit sya sasama sa lalaking yun?
"Sorry I didn't meant to interrupt.." I stop myself same with my anger.. Alam ko
wala akong karapatan..
Bigla syang lumingon sa likod nya, after she realized na may kausap sya before she
glanced at me..
"Ok lang, di naman ganun ka-importante ang pinag uusapan namin.." sabi nya.. Di ko
alam kung dapat ba akong matuwa sa sinabi nya o maasar dahil sa kaalaman na gusto
nyang maglunch kasama ang taong yun..
Tiningnan ko sya.. ayan na naman sya sa kakaibang tingin nya na nagdadala sakin ng
kakaibang kilig.. Tingin pa ang nya nakakapgpalusaw na sa galit at pagka-asar ko.
"My labs, pwede bang tumingin ka sakin pag nakatingin ako sayo.." sabi nya.. Di ba
nya alam na tinitingnan ko din sya? Oo nga pala, di nya yun alam dahil palihim ko
lang syang tinitingnan..
"Bakit?" tanong ko, dahil halatang hinihintay nya ang salitang yun..
"Para may pagtingin tayo sa isat isa.." muntik na akong mapangiti sa harapan nya..
Bakit ba ang lakas ng epekto sakin ng mga banat nya?
"Pinapatawag ka ni dean.."
"Ah sige po, pupunta na.." sagot ni Rea at muling humarap sakin..
"Ano?"
"Ako yun..."
----------------------
Rea's POV
"Ako yun.." masaya ako dahil pinansin nya ako ngayong araw..
"I think you should go.." he said.. Ay oo nga pala pinapatawag ako ni dean..
"Muntik ko ng malimutan, masyado mo kasing inooccupied ang isipan ko.." sabi ko..
Tatalikod na dapat ako pero hinarap ko ulit sya, wengya naman si dean eh, wrong
timing..
"mylab------"
"Hey.."
"I was looking at you, what were you doing here?" tumalikod na ako ng ilagay ng
babaeng yun ang kamay nya sa braso ni mylabs ko.. Minsan pala magdadala ako ng sun
glasses, proteksyon para sa mata ko, dahil sumasakit yun pag nakikita ko si mylabs
na hawak na iba..
Agad akong lumabas ng library at naglakad papunta sa office ni Dean. Wengya ang
saya ko na eh, nandun na, konting push na lang, biglang sinira ng hipon na yun ang
moment namin ni mylabs..
Oo na, ako na ang mean, pero aminin nyo, di nyo din mapigilan na laiitin ang
babaeng kasama ng crush nyo.?
"Good morning Miss Snyder.." she gave me a genuine smile. I smiled back..
"I hope narinig mo na ang balitang magkakaron ng field trip ang lahat ng second
year students with business courses.."
I nodded.. Kahit saang sulok ng university naririnig ko ang balitang yun, kahit nga
sa C.R eh wengya..
"Di mo na kailangan problemahin yun, dahil may nag sponsor na ng fee nyo, kayong
dalawa ni Miss Bautista.." biglang nagliwanag ang maliwanag ko na talagang paligid
dahil sa sinabi ni dean..
"Field trip will be on this coming saturday.. so you don't have to worry about the
financial dahil naayos ko na yun.. Ikaw na din ang bahalang magsabi kay Miss
Bautista about this.."
"Sige po dean salamat po. Matanong ko lang po, sino po nag sponsor?" tanong ko, aba
mabuti na ang alam namin ni Tina para makapag pasalamat kami..
"They don't want to tell.." dean smiled.. Weird, may sponsor ba na gusto ilihim ang
pagtulong?
--------------------
Tina's POV
"Wengya bilisan nyo na dyan gutom na ako." napatingin ako kay Tristan, nandito sila
sa libabry, kanina pa yata sila dito.. Ako kasi kadarating ko lang..
"Morning ms.manager.." bati din nila.. Naupo ako sa isang bakanteng upuan at
nilabas ang libro ko..
Hindi nagpractice ngayong araw ang jaguars, dito sila pinapunta ni captain Shield.
Di ko alam kung bakit, baka mababa na naman ang grade ng mga ugok..
"Tulungan nyo naman ako dito taena.." reklamo ni Elvin, parang nahihirapan sya sa
assignment nya..
"Wenya, Aba'y grade three pa lang tayo ay hinahanap na yan ah, hanggang ngayon di
pa rin nakikita?" biglang sagot ni Kevin.. at di ko napigilan ang tawa ko, damang
dama ko ang katangahan nila..
"Tina.." napalingon ako sa tumawag sakin.. Si Rea pala.. Hinarap ko sya kahit
natatawa pa din ako..
"Luka hindi, ito kasing jaguars parang mga ewan.." sagot ko..
"Kinausap ako ni dean, may nag sponsor daw ng fee natin para sa field trip.."
kulang ang salitang tuwa ng mag sink in sa utak ko ang sinabi ni Rea..
"Ay hindi joke lang.." tiningnan ko ng masama si Rea pero tinawanan nya lang ako..
"Hala, wag mo nga akong yakapin, si mylabs lang ang pwedeng yumakap sakin bruha
ka.." biro ni Rea.. Pinitik ko sya sa noo.. Kahit di na kami magkaklase, atleast
nakakausap ko pa din sya kahit papaano.. Di ko kami ganun kaclose pero maituturing
na kaibigan ang isang tulad nya..
"Let the trip on!" napatingin kami ni Rea ng sabay sabay na nagsalita ang
jaguars..
============
Kung maaalala nyo, nagbigay ako ng deal na kapag nareach nyo yung votes na hiningi
ko mag uud ako agad, so dahil natagalan bago mag 40 votes yung BOH kaya eto matagal
din ang ud XD
Nasa mga kamay nyo kung kelan ako mag uud, dahil tumutupad ako sa usapan...
So pahingi po ako ng 60 votes at sabay kong i-uud itong MPUG at BOH :) mas mabilis
na pagbibigay na votes, mas mabilis na ud *wink* (Bonus na ang comment, don't
hesitate to give your comment, naappreciate ko yun ng sobra)
PS: Sa mga nagtatanong kung tertin lang talaga ako, wengya di kayo makatulog eh
noh? XD Bente Uno na po ako hahahaha.. Pero pagbigyan nyo na ako dun sa poreber
tertin ha.. xD ILY all :*
-yna-
=================
Johnny's POV
"Ako, di ko na kailangan sabihin kung gaano ako kagwapo.." napatingin naman kami
kay Young..
"Kasi yung mukha ko na mismo ang nagsasabi kung gaano ako kagwapo.."-Young
"Sige nga kung nagsasabi ng totoo yang mukha mo, mag hi ka nga dun sa babaeng
kanina pa nagpapacute na nakatingin dito." napangiti kami sa sinabi ni Miller..
"Gago! Pakialam ko sa mga babaeng yan.." asar na sabi ni Young at inagaw yung
lollipop ni Burns na kakaalis pa lang sa balat sabay subo sa bibig nya..
Tulad ng inaasahan, magaling umiwas yang si bata pag usapang babae na..
"tarandato ka Young ako ang nagbalat tapos aagawin mo lang na hayop ka.." hinabol
ni Burns si Bata.. Di ko na sila pinansin at tiningnan na lang ang paligid may
limang school bus ang nakaparada ngayon dito.. ang tagal naman nya.
Nasabi kaya ni dean sa kanya na bayad na sya para sa field trip ngayong araw?
"Aba malay ko, baka tulog pa ang mga yun.." sagot ko.. wengya, pag di dumating ang
babaeng yun, di na din ako sasama, matutulog na lang ako sa bahay, inaantok pa ako
taena, anong oras lang ba? 6 am lang.. kung bakit naman kasi napakaaga ng call
time..
"Johnny Johnny" napalingon ako kay Burns at Young kumakanta ang dalawang gago at
ako pa talaga ang napili nilang pagtripan..
"hahahaha"
"Taenanyo mga hayop kayo.." binalibang ko ng sapatos yung dalawa, lakas mang asar
wengya parang mga bata, mamaya kayo sakin..
-------------------------
Rea's POV
"Cheeze burger! empanada bili bili na kayo ng cheeze burger empanada, mainit pa.!"
sigaw ko.. Nandito ako sa bus #4, ngayong araw ang field trip at naisipan kong
magtinda muna habang hinihintay ang iba pang kasama para sa field trip na ito, sa
bus #2 ako naka-assign sino kayang mga kasama ko dun? Hindi naman kasi by class ang
binigay na bus .
"Miss pabili nga dalawa nyan.." mabilis akong lumapit dun sa babae.. Ayos, paubos
na, kanina pa ako nagtitinda ng cheeze burger at empanada, nandyan na kaya ang
jaguars? Nung dumating kasi ako kanina, wala pa sila..
Nang maubos na ang tinintinda ko, agad akong pumunta sa kung saan nakaparada ang
bus #2.. Napansin ko agad ang jaguars sa labas, bakit di pa sila sumasakay sa bus
nila? Agad na hinanap ng paningin ko si mylabs..
"Yo Rea.."
"Hi Rea.."
"Wattsup Rea.."
"Si Tina? Nasa bus #1 sya, kanina pa sya dumating halos magkasabay kam------" di ko
na natapos ang sasabihin ko ng bigla na lang sya tumakbo.. Nagkibit balikat na lang
ako at muling humarap kay mylabs..
"Magandang umaga mylabs.." bati ko ulit sa kanya.. Bumalik na ulit sa pag aasaran
ang jaguars.. Di man lang ako tinapunan ng tingin ni mylabs ko..
Sila ang kasama ko? KyaaaaaahhH! Agad akong sumakay at naupo sa tabi ni mylabs ko.
"Bitiwan mo nga akong unggoy ka.." napatingin kami sa bagong sakay.. Si Tina pala,
hawak hawak sya ni Xevier..
"malay ko.." sagot nya.. yieeeee! nagsalita sya.. kinikilig ako enebe...
Nagsakayan na din ang iba pang mga estudyante, nagulat pa ang ilan sa kanila ng
makita ang jaguars.. Di nagtagal umandar na ang bus.. Tahimik lang ang karamihan..
"Problema mo sunog? Bigla ka na lang sumisigaw dyan na hayop ka?" narinig kong
tanong ni Kevin..
"Taena, nagtext si mama, iiwan daw nya sakin yung anak ng kaibigan nya..waaaahhH
ayokong mag alaga ng bata, lalo na kapag maligalig.." reklamo nya, ang lakas pa ng
boses kala mo sya lang nakasakay sa bus..
"Pfftt wengya di kaya matakot sayo ang batang yun dahil sa apelyido mong
nagliliyab.." komento na naman ni Kevin..
"Gago, di ka nakakatulong na hayop ka.." sagot ni Joel sabay gulo ng buhok nya..
"Bakit?" busangot na ang mukha ni Joel, ano bang problema kung mag alaga sya ng
bata?
"Bibigyan kita ng magandang technique kung paano mag alaga ng bata.." wala pa man
sinasabi si Rosmar natatawa na ang ibang jaguars..
"Alam mo pag ang bata maligalig, ihampas mo sa sahig, tanggal na ang ligalig. bali
pa ang leeg.."
"Taenamo ka Freeman"
"Pffftt bwahahahaha the best.." napuno ng tawanan ang buong bus, yung ibang
estudyante, natatawa din..
"ganun ang tamang pag aalaga ng bata taena.." tumatawa pa din ang jaguars,
napapangiti na lang ako sa kakulitan nila, tiningnan ko ulit si mylabs, nakapikit
ang mata nya pero nakangiti, alam ko gising sya at nakikinig din sa usapan ng mga
kaibigan nya..
"Eh paano kapag may hika?" tanong ni Joel matapos ang tawanan..
Di ko napigilan ang di matawa, puro sila kalokohan takte.. Ganyan ba talaga kalakas
ang trip nila?
-------------------
Johnny's POV
Puro talaga kalokohan ang mga ulol, minulat ang mata ko at tiningnan ang babaeng
nasa tabi ko ngayon, pati sya natatawa na lang sa mga naririnig nya..
"My labs.." binawi ko ang tingin ko sa kanya wengya nakatitig na pala ako..
Ayan na naman sya, kinagat ko agad ang labi ko para pigilan ang nagbabadyang ngiti
at kilig..
"Rea, isuko mo na ang pag iipon mong yan.." narinig kong sabi ni Turner..
"Ok lang kahit konting pagmamahal lang galing sa kanya.." ayan na naman sya sa
banat nya..
"Ayieeeeee!! bakit kami kinikilig dyan sa mga banat mo Rea, yang si Spencer
hindi.." -Anthony..
"Malapit ko na ngang hiramin ang puso ng kaibigan nyo eh.." kung makapag usap sila
parang wala ako sa paligid nila wengya..
"Bakit?"-Joel
"Ipanghihilod ko lang, bato eh..", tiningnan ko sya at nakangiti pala sya sakin..
"Tumahimik nga kayo iingay nyo." sabi ko na lang, ang lakas ng tibok ng puso ko
tang*na..
"Sus pag niligawan ko yang si Rea, baka maghabol kang hayop ka.." tinaas ko ang
gitnang daliri ko sa sinabi ni Howard..
Nagtawanan lang ang mga gago.. Napansin ko naman na tumahimik na din si Rea..
Sa mga sumunod na oras, tahimik na ang naging byahe, tinamaan na din yata ng antok
ang ilan..
Di nagtagal nakarating din kami.. Kapansin pansin agad ang malaking letter A sa
napakalaki at napaka taas na building..
"Hoy baba na aba!.." nagtayuan kaming lahat at nagkanya kanya ng pagbaba ang lahat,
nasa likod lang ako ni Rea..
Pagpasok namin sa loob, may mga nag assist na agad samin, may nagsasalita sa
unahan, pero di na namin inintindi, ang ibang jaguars nagkukulitan lang.. nasa
bandang hulihan kami
KABLAAAG!
"Naku sorry.." hinging paumanhin nung babae, at dinampot ang cellphone nya,
nagkibit balikat lang si captain at di pinansin yung babae na nakayuko.. Sumunod na
din ako sa paglalakad..
"Hannah..!" napalingon ako dun sa babaeng bumangga kay captain kanina may babaeng
lumapit sa kanya..
"Ate Gladies, nagmamadali ako" narinig ko pa.. pero naglakad na din ako palayo.. Di
naman ako tsismoso tulad ni Dela Cruz..
Inikot namin ang kabuuan ng building, nalaman ko na ang kumpanyang ito ay pag aari
ng isang Hermes Paul Adaipmil, pero di namin binigyang pansin yun dahil ang isip
namin ay nasa amusement park.. after here, we will be having lunch in one fine
restaurant then the rest of the day will be on the amusement park, excited na ako
wengya, may ilang jaguars kasi na takot sa mga rides kaya di kami masyado
nakakapasyal sa mga ganun..
Pagkatapos ng pag iikot at pagpapaliwanang nung guide tungkol sa ilang mga bagay na
wala naman akong naintindihan, ay pinapasok na kami sa auditorium na nandito din sa
building..
"Good morning everyone, let us all welcome the owner of this company, Mr. Hermes
Paul Adaipmil.."
Pumasok isang makisig na lalaki, akala ko matanda na ang may ari ng kumpanyang ito,
pero di pala, ang ganda ng tindig at porma ng katawan nya..
Nag umpisa na syang magsalita, pero wala sa kanya ang atensyon ko, kundi nasa
babaeng tahimik na nakikinig..
Minsan naisip ko na harapin ang takot at ipakita na lang sa kanya na gusto ko din
sya, bigla kong binawi ang tingin ng lumingon sya sakin..
"Why?" I asked..
"Kasi gusto kong magtagumpay sayo.."
"Mas gwapo ka kapag nakangiti kaya wag mong pigilan, nakakamatay yan sige ka.."
biro nya.. Ang swerte ng lalaking mamahalin nya ng sobra..
Madami pang sinabi ang owner ng kumpanyang ito na talaga namang kapupulutan ng
aral, I discover that success didn't happen overnight and the journey to success
involved hard work, determination, failures, perserverance, and a strong mindset..
Pagkatapos ng talked ni Mr. Adaipmil nagpalakpakan ang mga estudyante kasabay nun
ang pag gising ng jaguars..
"Sa wakas kainan na.." masayang sabi ni Howard ng makabalik kami sa bus..
"Dapat di ka na lang sumama Howard, kumain ka na lang dapat sa bahay nyo maghapon
at magdamag.." pang aasar ni Dela Cruz..
Umandar na ulit ang bus, wala na masyadong nag iingay dahil alam kong mga gutom na
ang mga yan..
"Yieeee! Concern na sya.." she's cute.. "Ok lang ako mylabs, lalo na dahil katabi
kita.." she smiled..
Gusto kong hawakan sa kamay si Rea, pero nagtatalo ang isip ko.. mas pinili ko na
lang na manatili sa likuran nya..
Pinagdikit dikit ng jaguars ang ilang lamesa para sa grupo namin, akmang uupo si
Rea sa ibang table kasama ang ilang estudyante pero hinila ko sya sa kamay at
pinaupo sa tabi ko..
Di naman nagkomento ang jaguars, buti naman dahil di ako ready sa pang aasar nila..
Iniiwasan kong mapatingin sa kanya.. Nilagyan ko ng pagkain ang pinggan nya..
"Alam ko na kung anong itatayo kong business.." napatingin kami kay Howard matapos
ang ilang minuto ng katahimikan..
"Geh push mo yan, para libre ang pagkain namin araw araw.." sagot ko..
"Oo nga Howard, panigurado madami ang magiging customer mo dahil ang gwapo ng mga
kumakain sa restaurant mo.." -Freeman..
"Kakapal ng mga mukha nyo, di ko pa man naitatayo ang negosyo ko, bumabagsak na
dahil sa kagagawan nyo.."
"Grades mo lang ang bumabagsak Howard wag kang mag alala.." -Turner
Nagtawanan kami dahil sa busangot na mukha ni Howard.. Tapos na kumain ang ilang
mga estudyante at bumalik na sa bus.. Samantalang kami ay nakaupo pa din at
nagkuwentuhan..
"Di ba pagkain ang chickenpox? Kasi may chicken din yun di ba?..." -Howard..
"Ay oo Howard, ang sarap nga nun eh, gawin mong special recipe para sa itatayo mong
restaurant panigurado patok na patok yun.." seryosong sagot ni Young..
"Pfftt"
"Talaga bata? Sinasabi ko na nga ba eh, may pagkatanga ka ding hayop ka.."-Howard
"Gago!"- Young
"Pfft chickenpox, bulutong yun sa tagalog hahaha yun yung kapares ng sinaing na
isda.." tumatawang sabi ni Howard..
Tumayo na kami ng magsapakan na yung dalawa, pero syempre sapakang kaibigan yun..
Bumalik na kami sa bus..
I smiled..
"Yieeee!! Ngiti mo pa lang kinikilig na ako, try mo kayang mahalin ako, di kaya
maglupasay ako dito?" she said..
Muli kaming bumyahe, this time sa amusement park naman ang punta namin..
Muli kong tiningnan ang ibang jaguars.. Tumango kami, nakababa na ang ibang
estudyante pati na rin si Rea at Tina..
"Taenanyo kaya pala ang lakas ng loob nyo sumama sa field na to dahil alam nyo na
pupunta sa taenang amusement park na ito.." reklamo agad ni Burns..
"Tung*nu lumayo kayo sakin,," sigaw ni Howard ng bigla syang buhatin ni Montereal,
Dela Cruz at Gray at pwersahang ibinababa ng bus..
"Wag nyo na akong buhatin mga hayop kayo, I can walk, you know.." asar na sabi ni
Young,,
"Wengya ka bata, pwe.." salpakan ba naman ng hayop na yun ang bibig ko ng panyo..
"Bababa na mga gago kayo.." gusto kong matawa sa mga itsura nila..
Pagbaba naming lahat, nasa loob na ang karamihan kaya naman sumunod na din kami..
Saan kaya pumunta ang babaeng yun?
"Sigurado kayo? Di kaya tumilapon kami dyan.." medyo namumutla na si Burns, pigil
na pigil namin ang tawa namin..
"tara na.." sabi ko at nauna ng sumakay.. Magkakatabi naman ang tatllo dun sa
pinakadulo.. kaming jaguars lang ang sakay, ayon na din sa request namin..
"Sus wala pala ang rides na ito, ang lame wengya.." pagyayabang ni Howard..
"Pfft sabi sa inyo eh, so panu next time pasyal ulit tayo dito ha.." sigaw ko..
"Waaaaaaahhhh taenanyo, ihinto nyo na, lalabas na ang bituka ko!.." sigaw ni
Young..
Pati mga nanunuod at nakapila tawa din ng tawa dahil sa itsura at kaingayan
namin..
"Pfftt bwahahaha"
Di pa man nakakabawi ang tatlo ay binuhat naman namin sila at pwersahan na dinala
sa space shuttle..
"Takte kayooo!!" di sila makapalag dahil pinagtutulungan namin sila.. Halos lahat
nasa amin ang atensyon, pero di namin pinansin yun..
Sinigurado namin na di sila makakatakas.. Unti unting umandar ang space shuttle at
halos mabingi ako sa sigaw nilang tatlo..
"Whoa!" sigaw namin, habang yung tatlo naman di na natapos sa pagmumura dun lang
yata nila nailalabas ang takot nila wengya..
"Iyong iyo ako dun ah.." napalingon kami sa nagsalita.. ngongo pala..
"Time out muna mga hayop kayo, natatae ako sa mga kagaguhan nyo taena.." reklamo ni
Howard..
Masaya ang field trip na ito, palagay ko mawawala na ang phobia ng tatlong yan sa
mga ganitong uri ng rides..
"Grabe, ngitian lang ako ng isa sa kanila pwede na akong kunin ni lord.."
"Kyaaaaaaaah!"
Bago pa maglupasay yung babae ay lumayo na kami.. Aba mahirap na baka mapag
bintangan kami, kaya dapat malayo kami sa pangyayarihan ng krimen..
Iba talaga kapag mga magugulo at mga gagong kaibigan ang kasama..
==========
-yna-
=================
Rea's POV
Mabilis na lumipas ang mga araw at buwan.. At ang buwan na ito? Buwan ng mga puso,
halos di ko namalayan, malapit na namin matapos ang second year.. konting kembot na
lang..
"Rea, sinong kadate mo sa valentines day?"- tanong ng isa sa mga kaklase ko..
"Kapag valentines kailangan may kadate? Di ba pwedeng ordinary day lang?" bakit
ganun? Ang big deal sa kanila ng february 14? Ano bang meron sa araw na yun? Bukod
sa madaming naglalakad na babae na may dalang bulaklak, na nagmumukhang puntod..
hehehe biro lang..
Bulaklak? Teka nga.. raket din yun ah..
"WaaaaaahhH omeged, magkakaron daw ng mga booth for the celebration of Valentines
day.." anunsyo nya..
"Kyaaaaaahh!"
Napatakip ako sa tenga, wengya eh ano naman kung magkaron sila ng booth? Magtatayo
din ako ng sarili kong booth..
---------------------------
Johnny's POV
"Tungunu naman oh may date ako sa 14 eh wengya.." reklamo ni Gibson,, nandito kami
sa headquarters.. Dinala kasi ni Ms.manager ang balita na magkakaron daw ng kanya
kanyang booth ang bawat department para sa pagcecelebrate ng Valentines day at
makapag raise ng fund para sa mga batang may sakit sa puso, at nalaman namin na
magkakaron ng seperate booth ang jaguars..
"Sus, inggit ka lang sunog dahil wala kang kadate na hayop ka.."-Gibson..
"Gago!"
"Tama na yan, pag usapan nyo na ang gagawin nyo sa booth nyo.. aalis na ako.." sabi
ni ms.manager sabay tayo...
"Babae, wag kang makikipag date kung kanino ha.." napatingin kami kay Montereal..
Di sya pinansin ni Ms.Manager at lumabas na..
"Yo! captain!" bati namin.. At tulad ng inaasahan di nya kami pinansin at naupo na
lang sa may sofa..
------------------
[Valentines Event]
Rea's POV
"Lapit lapit may mag inang serena!" malakas na sigaw ko.. Nandito ako sa booth
namin, akala ko makakapag tayo ako ng sarili kong booth takte, by department pala
dapat.. Kaya heto bukod sa pagtatawag ng ilang mga estudyante eh nagtitinda na din
ako ng bulaklak.. Mas mabenta sana kung sa plaza ako magtitinda..
Photo booth ang naisip ng Business Department.. At lahat kami ay naka-cosplay.. I'm
wearing Sakura's character.. Kilala nyo naman sya di ba? Yung sa naruto..
"Bakit parang ang konti yata ng estudyante ngayon?" tanong ko.. Kanina ko pa kasi
napapansin na kokonti ang mga estudyanteng napapadaan sa booth namin...
"Wag mo ng itanong, alam mo naman na may sariling booth ang jaguars di ba?"
napalingon ako kay Tina, nakasuot sya ng sailor moon costume..
"Tae wag mong sabihin sakin na nandun ang karamihan ng mga estudyante?"
"Oo, kaya wag mo ng sayangin ang boses mo sa kakasigaw dyan.. " naupo ako sa tabi
nya.. Pero bigla din akong napatayo..
All in one booth, so ibig sabihin lahat ng pakulo ng mga booth nasa jaguars din?
"Hoy san tayo pupunta?" reklamo ni TIna ng hilahin ko sya papunta sa booth ng
jaguars..
"May marriage booth ang jaguars di ba? Samahan mo ako pakakasalan ko si mylabs.."
sabi ko, di na din sya nagreklamo dahil medyo boring sa booth namin..
Napataas ang kilay ko ng makarating kami sa booth ng jaguars.. Wengya nandito pala
lahat ng mga estudyante takte.. Di pa man kami nakakalapit ng lubusan ay maririnig
na agad ang tawanan at hiyawan ng karamihan.
Nakita ko ang isang mahabang pila at sa dulo ng pila na yun ay si mylabs, naka-
assign sya sa kiss me booth..
"Pipila ako, gusto ko makahalik kay mylabs kahit sa pinsgi lang.." sagot ko at
pumila na din..
-------------------
Tina's POV
"Pipila ako, gusto ko makahalik kay mylabs kahit sa pinsgi lang.." I smiled ng
pumila si Rea sa booth ni Johnny..
Napapailing na nilapitan ko naman ang booth ng ibang jaguars, di ba nga all in one
booth ang ginawa nila kaya madami silang pakulo..
"No, thanks.." natatawa pa din ako sa itsura ni Elvin.. Halatang nangangati na sya
sa suot nya..
"Sige tawa pa ms.manager wengya.." lalo akong natawa ng humarap sya sakin, ang
kapal ng lipstick nya at kalat kalat na yun..
"pfftt hahahaha sinong nakaisip ng kalokohan na to?" tanong ko.. Sabay sabay na
tinuro ng jaguars si captain na prenteng nakaupo lang habang may nakalagay na
headphone sa tenga nya..
--------------------
Kevin's POV
"Next groom.." tawag ko dun sa babae na sunod na magpapakasal kay Howard.. Ako ang
naatasang maging pari para sa marriage booth..
"Yes father.."
"Ikaw Howarda, tinatanggap mo ba ang babaeng nasa tabi mo ngayon bilang asawa at
kahati sa ulam?" tanong ko..
"Oo, basta madaming sinaing ayos lang.." sagot ni Howard.. Maririnig ang tawanan ng
ilang nakapila..
"Ikaw naman.." baling ko dun sa babae.. "Handa ka bang magsaing ng madami para sa
mapapangasawa mo?"
"Opo father, isang sakong bigas ang isasaing ko araw araw.." sagot ng babae..
"Ok lang yun Howard ikaw naman ang magtatanim ng palay eh.." sabi ko na lang at
tinuloy ang pagkakasal sa kanila..
--------------------
Johnny's POV
"Ui Rea, ikaw pala.." napatingin ako sa babaeng nasa pila.. Ito na naman ang kaba
kapag nakikita ko sya..
"Oh libre na daw Rea.." nagulat ako sa sinabi ni Freeman, narinig pala nya yung
sinabi ko wengya..
"Hoy b-babae, di ka pwedeng sumali dito.." sabi ko.. Pero di nya yun pinansin at
hinawakan ako sa magkabilang pisngi.. Tapos ngumiti sya sakin ng pagkatamis
tamis..
Naramdaman ko ang pagtiyad nya.. Napalunok ako ng maramdaman ko ang mainit na labi
nya sa tungki ng ilong ko..
"Gusto ko mag commute tayo.." sabi nya at naglakad na palayo sa kotse ko.. Damn!
"Oo magdidate tayo, pero hindi ganyan ang itsura mo.. baka pagtawanan ka ng mga tao
at mapaaway ako ng wala sa oras.." sabi ko..
Pumunta kami sa locker nya, naghintay ako sa labas ng C.R habang nagpapalit sya..
Wala pang kalahating minuto ay ready na sya.. Naayos ko na din ang sarili ko,
nagpalit na din ako ng damit at naalis ko na din ang mga lipstick sa mukha ko..
"Let's go.." nauna na akong maglakad.. Ang ganda nya talaga tang*na..
"Manong driver, akin na po yung limang daan, ito po yung bente.." narinig kong sabi
ni Rea..
"What the?" magrereklamo pa dapat ako kaya lang nilakihan nya ako ng mata..
Napakunot naman ang noo ko.. Anong ibig sabihin nun?
She's crazy.. di ba nya alam na dapat lalaki ang gumagastos sa isang date?
--------------------------
Rea's POV
Nandito kami sa mall at ang dami naming nakakasalubong na mga mag jowa.. Para sa
mga inrelationship, ito ang araw ng pasko para sa kanila at para naman sa mga
single, ito ang halloween special.. Pero para sakin, this is heaven, dapat pala
lagi ko syang hinahalikan para lagi kaming magdidate..
"Tara muna kumain, alam kong nagutom ka sa mga ginawa mo.." dagdag ko pa sabay hila
sa kanya sa jollibee.. Hanggang dito lang ang kaya ng budget ko.. hindi naman nya
sinabi agad na gusto nyang idate ko sya para napaghandaan ko di ba?
Pumila kami..
"Wag mo akong tanungin ng ganyan mylabs dahil alam kong alam mo na ikaw ang gusto
ko.." sagot ko sa kanya..
Nang makalapit kami sa counter, nagtalo pa kami kung sinong magbabayad.. at sa huli
sya sa huli, sya pa din ang nanalo.. Ang dami nyang inorder.. napapatingin na lang
samin ang ibang kumakain..
May mga minuto na mas gusto ko na lang na pagmasdan sya kesa ang dumaldal ng
dumaldal sa harap nya..
Pagkatapos namin kumain naglakad lakad pa kami at napadaan kami sa may sinehan..
Wala akong alam na showing ngayon, isa pa, di ko hilig ang panunuod ng sine.. wala
sa budget ko yan..
"Akin na ang I.D mo.." nagtataka man aay binigay ko na lang... Maya maya pa ay may
dala na syang ticket..
"Let's go.."
"Saan tayo maylabs?" tanong ko.. Hinila nya muna ako sa bilihan ng popcorn.. tapos
pumasok na kami sa loob ng sinehan..
"Lagi kong naririnig sa jaguars itong Fifty Shades of Grey, di ko alam ang story
kaya panuorin na lang natin..para maikwento ko sa kanila bago pa man sila manuod.."
sagot nya.. Napatango na lang ako..
Matapos ang madaming trailer na pinakita nag umpisa na din ang movie..
Sa screen lang nakafocus ang mga mata ko.. At di maipagkakaila na gwapo ang bidang
lalaki.. may mga pagkakataon na napapangiti ako.. May part kasi na kikiligin ka
talaga..
-----------------
Johnny's POV
Nasa kalagitnaan na ang movie at gusto kong murahin ang jaguars ng magsimulang
magkaron ng bed scene sa movie.. Wengya kaya pala gustong gusto nila panuodin ito..
Dahil may ganito taena..
Nilingon ko si Rea.. At gustong gusto kong takpan ang mata nya, wengya halos di sya
kumukurap..
"Oo nga, yung bayad namin wala namin walang blurred, parang lugi yata kami.."
reklamo din ni Howard.. May mga scenes kasi na blurred... Nandito silang lahat,
naaamoy ko ang mga kagaguhan nila..
"Mas madami pa ang abs ko dyan kay Grey wengya.." segunda naman ni Dela Cruz..
At ng matapos ang movie, walang ibang maririnig kundi ang reklamo ng jaguars..
Blurred na nga daw, bitin pa..
****
Lumipas ang mga araw, madami pang naganap sa natitirang buwan namin sa second
year..
==========
=================
[Third Year]
Johnny's POV
Ang bilis ng takbo ng oras, halos di na nga namin namalayan na natapos na namin ang
second year namin sa college, at napakaraming ala-ala at kalokohan ang iniwan at
binaon namin..
Di ko malilimutan ang Field trip namin, dahil sa trip naming yun, malakas na
magyaya ang tatlong ugok sa amusement park.
Marami pang nangyari sa huling buwan namin nung second year na masasabi kong puro
lang kalokohan at meron din namang mga ala-ala na medyo seryoso..
Isa na dun ay ang pagbagsak namin nina Howard sa isang subject, natakot kami na
baka maging irregular students kami, pero dahil mahal na mahal kami ni captain di
nya hinayaan ang bagay na yun.. Pinagmura nya kami ng wagas, nadamay pati ibang
jaguars.. At dahil sa mga mura nya, pumasa kami.. Ganun sya kabangis, mura pa lang
natutulungan na kaming pumasa..
Sakit kaya nya sa tenga magtutor wengya.. Nakiusap ang lahat ng jaguars sa prof
namin sa subject kung saan kami bumagsak na bigyan kami ng special exam.. Kasama ko
sa kamalasan si Howard at Miller.. At sa mga panahong tinotorture kami ni captain
sa pagrereview, di kami iniwan ng mga hayop na jaguars, lagi silang nandyan para
pagtawanan at asarin kami..
At sa paglipas nga ng panahon, mas lalong lumalaki ang kagaguhan namin.. Katulad na
lang ngayon, halos madapa kami sa pagtakbo.. Late na kami sa practice dahil sa
katakawan sa alak kagabi ng mga tukmol kong kasama, si Montereal, Dela Cruz,
Freeman at Burns..
"Wengya, ang sakit pa ng ulo ko taena.." reklamo ni Burns.. Di namin sya pinansin
at nagderetso na kami sa gym..
Pagdating namin, tapos na ang morning practice, palabas na din ang ibang
jaguars...
"Yo! Kamusta naman ang mga late.." pang aasar agad ni Miller.. Pinakyuhan lang sya
ni Dela Cruz.. Kasalanan nya kung bakit kami late ngayon, taena feeling ko
pinagplanuhan talaga na lasingin kami at hayaang di magising ng maaga, mga gago
talaga..
"Go to your fvcking class assholes.." sabi ni captain sa ibang jaguars at tiningnan
kami..
Base pa lang sa tingin nya alam na namin ang ibig sabihin.. Agad kaming humanay sa
harap nya.. Narinig ko pa ang tawanan ng jaguars..
"Where have you been?"- captain asked, nang makalabas ng gym ang ibang jaguars..
"200 push ups.." wengya sinasabi ko na nga ba eh.. Kahit nanlalambot pa kami dahil
sa hangover eh sinunod na lang namin si captain, aba, mahirap na baka madagdag pa
ang 200.. Hinagis na lang namin sa kung saan ang bag namin at inumpisahan ang
pagpupush up..
"F*ck"- narinig kong mura ni Dela Cruz.. Pfftt katulad ko pagod na din sya..
Pinagpatuloy ko ang pagpupush up.. Hingal na hingal na ako, tumatagaktak na din ang
pawis ko..
"another 200 push ups Dela cruz"- bigla kami napabungisngis sa sinabi ni captain..
"What the.."- magrereklamo pa sana si Dela Cruz kaya lang isang matalim na tingin
ang natanggap nya mula kay captain..
"207, 208, 209, 210" sabay sabay na bilang namin nina Montereal, Burns at Freeman..
Nang matapos ang 300 push ups, pakiramdam ko malalagutan na ako ng hininga, basang
basa ang suot kong damit dahil sa pawis..
"Take your shirt off Spencer"- Tang*na, ano bang nasabi ko? Agad akong tumayo at
naghubad ng damit.. Kung nakakamatay ang tingin, taena itaga nyo sa bato panigurado
nabawasan na ang magandang lalaki sa mundo dahil sa talim ng tingin ni captain
sakin ngayon..
Walang pagdadalawang isip na hinubad ko ang pants ko.. tungunu talaga.. nagkakaron
na ako ng idea kung ano ang ipapagawa ni captain..
"buy water for us"- sabi ni captain sabay tingin sa wrist watch niya "5 minut---"
Di pa man nya natatapos ang sasabihin nya ay nagtatakbo na ako palabas ng gym..
Dammit!
Hindi pa nga ako halos nakakapagpahinga dun sa pag pupush ups ko pero heto ako
masama na sa pagtakbo papunta sa canteen para bumili ng tubig ng naka-boxer shorts
lang, bakit ba kasi nalimutan ko na wala nga pala sa bokabularyo ni captain Shield
ang salitang 'biro'.
"Owww maaay gawd!" narinig kong sigaw ng isang babae, anak ng... ito na nga ba ang
sinasabi ko eh.
Natawag ng babaeng sumigaw ang pansin ng halos lahat ng estudyante kaya nagtinginan
sila lahat sa direksyon ko..
Wala naman sanang baliw ang haharang sa dadaanan ko dahil kailangan ko agad
makabalik ng gym.. Lalo na sya, wag naman sana syang mangulit ngayon..
May nahimatay pa nga na isang babae nung madaanan ko, tss ganun ako kagwapo at
kamacho hahahah,
Pero wag muna kayo umepal ngayon girls dahil nasa bingit ng kamatayan ang gwapo
kong mukha kapag di nyo ako hinayaan makarating ng canteen ng mabilis, mababawasan
ng gwapo sa mundo.
Hindi ko na pinansin ang mga sinasabi nila tumuloy na agad ako sa canteen..
Pagpasok ko sa loob.. grabe makatili ang mga babae.. mas lalo pa yatang magulo dito
kesa sa labas..
"Si Johnny beybi naman pala ngayon ang naparusahan ni captain Shieldler nung
nakaraan kasi nakita ko si Alfred nakaboxer lang din habang nag pupush ups sa
field" narinig kong sabi nung isang babae sa kasama niya...
Nakuha ko na ang kailangan ko kaya mabilis din akong umalis sa lugar na yun..
Pabalik na ako...
----------------------
Rea's POV
Nagising ang diwa ko sa sigaw ng isa sa mga kaklase ko... Nandito ako sa
classroom..
Bigla akong napatayo.. Hindi maaari ito.. Lumabas ako ng room.. Kapansin pansin
agad ang pagkakagulo ng mga babae..
I smiled.. Dapat pala nagdala ako ng kanin, may ulam kasing tumatakbo..
"Baliw na babae, alis dyan.." sabi nya, pawisang pawisan nya.. Biglang kumabog ang
dibdib ko, lagi na lang ganito kapag nasa malapit sya.. Di ko napigilan ang mga
mata ko na pagmasdan ang kabuuan nya..mula sa mukha, pababa sa dibdib, sa abs
nya-----..
"Don't you dare to look even more.." bago pa makarating sa boxer short nya ang
paningin ko ay binalik ko na agad sa mukha nya.. di nakaligtas sa paningin ko ang
paglunok nya, napalunok din ako ng wala sa oras.. takte ano ba tong iniisip ko?
Ramdam ko ang pag iinit ng mukha ko..
"What do you want me to do then?" tiningnan ko sya sa mata.. teka, concern ba yun?
Napangiti ako..
"Pwede ba akong humingi sayo ng kahit konting pag tingin?" sabi ko..
Di ko alam, pero nakukumpleto ang araw ko pag nakikita ko sya.. Ang makita pa lang
sya nagkakagulo na ang puso ko..
Dapat muna ba akong dumistansya sa kanya, para maanalisa kung ano na itong
nararamdaman ko?
to be continued.....
==========
A/N: Nagtataka siguro kayo kung bakit ang tagal ko mag ud.. Yun po ay dahil purita
de amor si author sa net.. Hayaan nyo pag nagka-wifi na ulit kami, asahan nyo ang
mabilis na ud, pero sa ngayon, konting tiis lang sa paghihintay ng ud ha.
=================
Johnny's POV
Bakit ba, lagi na lang kaming tumatakbo at nagmamadali sa pagpasok tuwing umaga?
Third year na kami at hanggang ngayon, ganito pa rin ang routine namin, wala na
bang bago? Di ba pwedeng si captain naman ang nagmamadali araw araw at kami naman
ang magpapahirap sa kanya pag nalate sya? Wengya!
Pagpasok ko sa gym, napakunot ang noo ko.. Tapos unti unting gumuhit ang ngiti ng
tagumpay sa mga labi ko..
*talon*
*talon*
"Pfftt Spencer, nasa likod mo si captain.."- biglang nanigas ang buong katawan ko
sa sinabi ni Young..
"Pfftt"
Unti-unti akong lumingon, at muntik na akong himatayin sa takot... pero kasabay nun
ang pagluwag ng hininga ko..
"Sige lang tawa pa mga hayop kayo.." tumigil na ako sa kahahabol kay bata, wala
akong mapapala sa kanya, mabilis talaga tumakbo ang gago -___-
"Magwarm na tayo, nandito na si Shield maya maya lang.." kumilos na kami pagkasabi
nyan ni Montereal..
Kung itatanong nyo kung anong nangyari noong pabilhin ako ni captain ng tubig sa
canteen, taena wag nyo ng itanong.. dahil di ako umabot sa tamang oras, salamat sa
baliw na babaeng yun.. wengya katakot takot na limang daang free throw ang inabot
ko.. T^T nakauwi na lahat ng jaguars at lubog na din ang araw pero ako nagpapashoot
pa din ng bola takte bangungot.
"Bakit kaya late si captain?.." tanong ni Turner habang nag wawarm up..
"Yan din ang tanong naming lahat Turner, kaya wag ka ng umasang may sasagot dyan sa
tanong mo gago.."- Miller
Bakit ganun? Kapag papunta ako dito sa school tuwing umaga ang bilis bilis ng oras,
halos madapa na ako sa pagmamadali wag lang malate, pero kapag nandito na sa school
ang bagal ng oras, lokohan lang? Wengya, gusto ko ng umatend ng klase.. Syempre
para makita ko na ulit sya.. Kahit pa sagad hanggang buto ang kakulitan nya, gusto
ko pa din syang makita..
Hayys, Nagsimula lang naman ito sa simpleng ngiti nya na naging dahilan ng pag
ngiti ko ng di ko namamalayan..
Mga ilang minuto pa ay dumating na din si captain.. Lumapit sya samin. Teka tama ba
ang nakikita ko? Nakangiti sya? Anong mabuting espirito ang sumanib sa kanya? Dapat
na ba kaming magdiwang?
"Ok, this will be the division of the players" - pinakita samin ni captain ang
isang maliit na white board at doon nakasulat ang division ng players na tinutukoy
nya..
"Wala naman captain, naexcite lang ako hehehe"- napakamot ako sa ulo, at ngumiti..
wengya, sabi ko nga di na magtatanong. taena, daig pa lagi ni captain ang babaeng
may buwanang dalaw sa kasungitan.. pero love ko pa din yan kahit hard sya samin..
"ok, you may now proceed to your team"- sabi ni captain.. Pumunta naman kami sa
kabilang bahagi ng court, kasama ang mga kateam ko, si Montereal, Dela Cruz, Burns
at Gibson kami ang Go push team..
"Tungunu saan kaya nakuha ni captain Shield ang pangalan ng mga team ngayon?"
tanong agad ni Gibson..
"Pero maiba tayo, di nyo ba napapansin? Parang may kakaiba kay captain.." ang
tsismoso talaga nitong si Dela Cruz..
"Mamaya nyo na pag usapan yan, kung ayaw nyong malampaso.. tingnan nyo ang mga
kateam ni buddy, abot hanggang tenga ang ngiti palibhasa nasa panig sila ni
Shield.." komento agad ni Montereal.. Napatango naman kami, panigurado puro
pagmamalaki na naman ang mga gagong yun pagkatapos ng laro taena..
Kateam ni captain sina Fisher, Freeman, Howard at Gray.. Samantalang naging referee
naman si Miller at umpire si Young at naging scorer si Turner..
Nang magsimula ang laro, naramdaman agad ng lahat ang pagiging ganado ni captain..
Ano kaya ang nilutong almusal ni tita Sandra at ganito ngayon si captain? Daig pa
nya ang lumaklak ng enervon multi-vitamins wengya..
Nasa kalagitnaan na kami ng laro, pagod na ako taena.. Hawak ngayon ni captain ang
bola, tinira nya, natigilan ako ng hindi yun pumasok sa basket, wengya yun ang
unang sablay na tira ni captain..
At ng matauhan ako agad kong kinuha ang rebound at dinala sa kabilang bahagi ng
court.. Pinasa ko yun Burns, pero nanlaki ang mata namin ng bigla na lang yun
agawin ni captain.. Yung pagiging ganado nya kanina, nadagdagan pa lalo, halos
natitigilan na nga kami at pinapanuod na lang sya..
Tinira nya ang bola, pumasok yun, tapos may tiningnan sya sa may side.. napatingin
din kaming lahat doon.. Napakunot ang noo ko ng makita ang isang babaeng nakaupo
doon..
"Yo! Hannah!.." napatingin ako kay Turner.. kilala nya ang girlfriend ni captain?
Kelan pa? Tiningnan ko si Montereal, nakakunot din ang noo nya parang wala din
syang alam..
"Back to the game idiots!"- sigaw nya.. Binalik naming lahat ang atensyon sa
paglalaro, pero dahil good mood si captain, ang nangyari nga-nga kami takte...
Pagkatapos ng laro nag silapitan ang ibang jaguars dun sa babae.. Ako naman, uminum
na lang ng tubig, aba buti sila kilala nila yun, tiningnan ko naman si Dela Cruz,
Freeman at Burns, nandito lang din sila malapit kay captain mukhang di din nila
kilala yung babae..
"Aba! Kamalayan namin.." pag susungit ni Freeman, sus kung di ko pa alam na inggit
lang sya sa ibang jaguars dahil kilala nila yung magandang babae..
"Captain may pinapasabi daw si coach kaya andito si Hannah!"- napalingon kami ng
magsalita si Howard, nakalapit na pala silang lahat kasama yung babae..
"So you are a messenger?"- napakunot ang noo ko sa tanong ni captain.. Kapag may
pinapasabi messenger agad? Di ba pwedeng nautusan lang muna? Gusto ko sanang
sabihin yan kay captain kaya lang pinigilan ko ang dila ko dahil baka mapapush na
naman ako ng wala sa oras..
"What do you care?"- nagpabalik balik kay captain at dun sa babaeng nag ngangalang
Hannah ang tingin namin.. Anong meron sa kanilang dalawa? Girlfriend nga kaya sya
ni captain?
"I care because I am the captain of this team"- ay hindi girlfriend kasi di alam na
team captain si captain.. Kung ganun sino sya? Tiningnan ko si Hannah mukhang
nagulat sya sa sinabi ni captain..
Pinagmasdan ko syang mabuti, napangiti ako, mas maganda ang babaeng baliw kesa sa
kanya..
"You must be Shieldler John Wright?" tanong nya, pero di sumagot si captain.. "I'm
Hannah Marie Adaipmil, the new Assistant Manager of this team"
Nalaman namin na magkakaron pala kami ng practice game laban sa St.Agustin college
sa darating na sabado.. At lahat kami nakaramdam ng excitement, makakapag pakitang
gilas na naman kami, sa wakas..
Pagpasok namin sa room nasa amin na naman ang tingin ng lahat, pero dahil sanay na
kami, wala snob lang..
Ang alam ko math ang subject namin ngayon.. paborito naming lahat. *insert sarcasm
here*
Katabi ko si Burns at Howard.. wengya mga bugok pa ang nakatabi ko, digmaan ng
brain cells ito, at palagay ko di ako makakakuha ng sundalo sa dalawang ito.. Nasa
unahan namin si Young at Miller.. isa pa sila, nilingon ko ang ibang jaguars,
mukhang kahit sa kanila wala akong makakahoy taena
Nag simula na ang klase, wala pang 10 minutes pero ayaw ng i-absorb ng utak ko ang
mga sinasabi at sinusulat ni prof sa white board..
"Taenang math yan, nung elementary ako sisiw lang yan ah.. bakit ngayong college
naging tandang na?"- reklamo ni Burns habang nakatingin sa unahan.. "At sa totoo
lang, pagod na pagod na akong makipag sabong sa kanya wengya.."
Di ako nag komento dahil dama ko sya.. kahit ako din, pagod ng unawain ang mga
problema ng math na yan, sarili ko ngang problema sa pag ibig di ko mabigyan ng
solusyon dumadagdag pa ang takteng math yan..
Natapos ang unang klase, tulala kaming lumabas ng room..
"MATH as in Mental Abuse To Human, taena daig pa binugbog ang utak ko ng sampong
tambay sa kanto..wengya.." napatingin kaming lahat kay Howard..
"Oh ano na naman? Bakit ganyan na naman ang tingin nyo sakin mga hayop kayo?"
"oo naman, sa paniniwala na nga lang ako kumakapit eh.." -Howard..
We all nodded.. At di na nagkomento pa.. Nagkanya kanya na ulit kami para sa sunod
na klase..
Pumunta na ako sa next class ko.. panigurado nakaupo na naman ang babaeng yun sa
upuan ko..
Pero laking pagtataka ko ng walang Rea akong makita sa loob ng classroom. Pumasok
ako sa loob, baka late lang sya.
Kaya lang natapos ang klase at ang buong maghapon, walang Rea akong nakita, taena
anong nangyari dun? Di kaya may masamang nangyari dun? Wengya napaparanoid na ako,
at bago pa ako tuluyang mabaliw nagtanong na ako sa kaklase namin.
"Excuse, nakita nyo ba si Miss Snyder pinapahanap kasi sya ni dean" - ganyan ang
way ko ng pagtatanong, syempre para di halata na hinahanap ko sya.
Di ko na sila sinagot at tumalikod na lang taena kahit kelan ang sablay ng banat ko
takte.
Bago ko pa masapak ang sarili ko eh pumunta na lang ako sa parking lot kung saan
naghihintay ang jaguars, tumawag kasi si coach at meron daw konting celebration.
-------------------
Rea's POV
Binagsak ko ang katawan ko sa medyo maliit kong kama. Kakauwi ko lang sa inuupahan
kong apartment galing dun sa seminar at pakiramdam ko wala na akong energy, feeling
ko cellphone ako na malapit ng malowbat at kailangan ng i-charge.. at ang charger
ko ay si mylabs..
Bakit ganito? Ilang araw ko lang syang di nakikita pero hinahanap hanap na sya ng
sistema ko.
Feeling ko ang lungkot ng paligid ko. Ganito ba talaga ang crush? Umaabot ng
tatlong taon?
Ilang minuto din akong nakatulala, maya maya pa kinuha ko ang cellphone ko.
Kapag ganitong may gumugulo sa isip ko, isang tao lang ang nakapagpapasaya sakin..
"Hello tiyang.."
Mga ilang saglit pa ay narinig ko na ang boses ng napakahalagang tao sa buhay ko..
"Siopao! miss na miss na kita...Ano kamusta ka na? Kamusta pag aaral mo?"
[Ok naman ate, pinagbubutihan ko, ikaw kamusta? Pinansin ka na ba ng crush mo?]
I smiled.. Sya nga pala ang kapatid ko, siopao ang tawag ko sa kanya dahil sa taba
ng pisngi nya.. 7 years old lang sya. Sya ang nag iisang yaman ko sa mundo.. Para
syang matanda kung magsalita, minsan nga iniisip ko kung nagkamali lang ng bilang
ng edad si tiyang, para kasing singkwenta na si siopao kung magbigay ng opinyon sa
mga bagay bagay..
Pero nananiniwala ako na gifted sya. Binigyan sya ng Diyos ng kakaibang talino at
talento.
"Tae bakit parang napipilitan ka lang? Gusto mo yatang makagat siopao ah.."
[Biro lang, syempre maganda ka, ikaw ang pinaka the best na ate sa balat ng lupa
eh]
"Manhid lang talaga ang taong pinili kong mahalin.." naibulong ko sa sarili.
[Alam mo ate Rara, hindi naman manhid yung crush mong yun eh, ramdam ka nun
promise, hindi ka lang talaga nya gusto]
Kapag nakita nyo ang kapatid ko para lang syang ordinaryong bata pero kapag
nagsalita na sya taena mapapanganga ka na lang...
[Mahal mo na ba talaga?]
"Pano ba malalaman pag mahal na?" gusto kong murahin ang sarili ko dahil talagang
sa kapatid ko pa tinatanong ang mga bagay na ito takte..
[Kapag nasasaktan ka na sa bawat pag iwas nya sayo, at pag hinahanap hanap na sya
ng buong sistema mo..]
"Yung totoo siopao, san mo nakukuha ang kaalamang yan?"
==========
A/N: Ayaw ko na mag sorry dahil sa late ud ko, baka kasi nauumay na kayo hahaha..
Basta gusto ko lang malaman nyo na di ako hihinto sa pagsusulat kahit gaano pa ako
kabusy, I'll always find a way to write.
Nga pala, may mga mag aavail ba dito ng KBAYM tshirt? Kung meron, add nyo ako sa FB
para makita nyo yung design at para masabi ko sa inyo ang iba pang details :)
Hiring din ng admins sa FB group ng KBAYM kung may mga readers man na gustong
maging admin may interview mamayang 10 pm :)
So yun, see on FB group for more chickahan and bolahan.. hahaha nasa profile ko ang
link ng fb group :)
-yna-
=================
Enjoy Reading!!
------------------------
Rea's POV
"Rea! tara na magsisimula na ang game.." - narinig kong sigaw ng isa sa mga kaklase
ko.. Tae, mas lalo kong binilisan ang pagsusulat.. Tinatapos ko kasi ang reviewer
na pinapagawa ng mga first year students.. Sikat na sikat na ang pangalan ko, lalo
na sa mga estudyanteng tamad. Feeling ko nga writer ako eh dahil tinatangkilik nila
ang mga sinusulat ko.
"Sige mauna na kayo, tatapusin ko lang 'to!"- sigaw ko din.. Ako na lang ang tao
dito sa classroom, may practice game ngayon ang jaguars with St.Agustin. At dito sa
M.U gaganapin ang laban.
Siguro nga di pa nya ako gusto ngayon, pero di ako susuko. Dahil ang pag ibig di
sinusukuan, pinaglalaban yan.. Kung ayaw nya sakin.. pwes I will make him fall
inlove with me, by hook or by crook.
Di ko malimutan ang sinabi ni Siopao nung nag-usap kami na 'kung mahal mo wag mong
pakawalan, lalo na at madaming nakaabang, kailangan lumaban, hanggat di nya
sinasabing ayaw nya sayo, wag mong titigilan'..
Mabilis kong tinapos ang pagsusulat, niligpit ko agad ang mga gamit ko at lumabas
na ng classroom. Wala na masyadong estudyante dito sa labas halos nasa gym na ang
karamihan. Agad kong nilabas ang cellphone ko at tinext ang nagpagawa sakin ng
reviewer.
Message sent!
Ganun din ang ginawa ko sa iba pang nagpagawa, dapat pala nag GM na lang ako..
Habang hinihintay ko ang mga reply nila, naglakad na ako papunta sa direksyon ng
gym, malakas ang kutob ko na nandun sila.
Nasa may entrance pa lang ako, naririnig ko na agad ang hiyawan ng mga estudyante,
mukhang nagsisimula na ang game, pumasok ako sa loob. Napangiti ako ng makita ko si
mylabs, kasama sya sa first five.
Bzzzzzzt!
Biglang nagvibrate ang cellphone ko.
As I expected.
Agad na namataan ko ang mga first year students sa di kalayuan, halatang kinikilig
sila.. Sila yata ang pinaka-malakas humiyaw dito eh..
Nilapitan ko sila..
"Reviewer! Tubusin nyo na ang mga reviewer nyo!"- sigaw ko, napatingin silang lahat
sakin. I smiled.
"Mamaya na kayo humiyaw, bayaran nyo na tong reviewer nyo!" inabot ko sa kanila ang
mga papel kung saan nakasulat ang reviewer nila..
"Langya ate Rea, wag kang humara, nag iinit na si captain Shield sa court oh.."
reklamo ng isang estudyante..
"Anong gusto nyo? Ang mainit na laro ni captain o ang mag init ang ulo ko?"- bulyaw
ko sa kanila, wengya di pa agad magbayad, gusto ko din manuod aba!
"Magbabayad na, ito na oh.. magkano ba?" sabi nung isa, nginitian ko sya...
"Singkwenta neng.." kinuha ko ang inabot nyang pera, ganun din ang ginawa ng iba..
"Salamat, sa sunod na exam ulit ha.." sabi ko pa sabay talikod.. Naupo ako sa
bakanteng upuan at binilang ang kinita ko ngayon.. napapapikit ako sa lakas ng
hiyawan dito sa gym, tiningnan ko ang mga naglalaro sa court ngayon.. mukhang
ganadong ganado si capatin Shield ah..
Napatingin ako kay mylabs, pawis na pawis na sya.. tumawag ng time out ang coach
nila, hinagisan sya ng kasamahan nya ng towel.. bigla akong nainggit sa towel..
Napasimangot ako ng mawala sya sa paningin ko, may asungot kasi na humarang sa
harap ko..
"Problema mo?" tanong ko kay Liam.. Natatandaan nyo pa ba sya? Siya yung kaklase
kong nerd..
"Ang sungit mo naman, ibibigay ko lang naman itong hinihiram mo.." napatingin ako
sa hawak nya. Bigla akong napangiti..
"hehehe wag ka kasing basta na lang humahara sa harap ko Liam, alam mo naman na
ayokong nawawala sa paningin ko si mylabs di ba?" sagot ko at kinuha yung gitara..
"Salamat dito ha.." sabi ko sa kanya.. Kakanta kasi kami sa Mapeh class namin sa
susunod na araw, di nyo naitatanong pero marunong talaga akong tumugtog, kailangan
ko lang mag practice dahil matagal tagal na din akong di nakakahawak ng gitara,
baka kasi kinakalawang na ako, mahirap ng mapahiya..
"Di ka pa rin sumusuko kay Johnny?" tanong nya.. di sya nakatingin sakin kundi sa
mga players na naglalaro na ulit ngayon..
"Kriminal lang ang dapat sumusuko Liam.." sagot ko.. Tiningnan nya ako. "At kung
meron man dapat sumuko, si Johnny mylabs yun, dahil ninakaw nya ang puso ko.."
madramang pahayag ko sabay hawak sa kanang dibdib ko..
Tiningnan ko ng masama si Liam ng bigla na lang nya akong pitikin sa noo.. Nilahad
ko sa kanya ang palad ko..
"Isang daang piso.." sabi ko, halatang nagtataka sya sa sinasabi ko..
"Bayaran mo ako ng isang daan dahil pinitik mo ako sa noo.." seryosong sabi ko..
Napapakamot sya sa ulo na dumukot ng pera sabay bigay sakin..
"Sa susunod limang daan na ha..kaya pag wala kang mapitik, just call my name and
I'll be there.." nakangiti na ako ngayon..
"Raketera talaga.." bulong nya pero di ko na pinansin yun at tinuon na lang ang
atensyon sa laro..
Natapos ang game, tambak ang kalaban.. Kakaiba talaga ang pinakita ni captain,
parang may gumising sa natutulog nyang pagkatao..
Tumayo na ako..
"Mauna na ako sayo Liam, kailangan kong icongratulate si mylabs dahil nanalo
sila..Salamat ulit dito sa gitara mo, ibabalik ko na lang after ng mapeh natin mag
present ng song.." sabi ko at nagmamadaling pumunta kay mylabs..
"Wala ng libre sa panahon ngayon!" narinig ko pang sabi ni Liam, binelatan ko lang
sya.. Linya ko yun eh, gaya gaya sya..
"Mylabs!!" malakas na sigaw ko, napalingon sya sakin..
"Ang galing galing mo grabe.." nakalapit na ako sa kanya.. Ano ba namang tao ito,
di man lang ako ngitian kahit one second lang takte..
"Alam mo mylabs kung magiging basketball player ako at magiging bola ka naman,
panigurado lagi kitang mamimiss.." sinundan ko sya ng paglalakad papunta sa bench
nila. Kumuha sya ng tubig at ininum yun. Di sya makatingin sakin ng maayos..
"Alam mo mylabs ang tamad mo.." napatingin sya sakin. Ngitian ko sya, dapat pala
lagi ko syang sabihan ng tamad para tingnan nya ako..
"Kasi ngingiti ka na nga lang di mo pa magawa.." tinalikuran nya ako, kainis naman
'to.. Kung tutukan ko kaya ng shot gun ang taong ito.. hehehe
"Mylabs.. para sakin para tayong kwento ni Juan tamad.." di sya lumingon kaya naman
lumipat ako sa harap nya, nakangiti sya pero nawala din agad yun..
"Kasi ako si Juan at ikaw naman yung bayabas, hinihintay ko na lang na mahulog ka
sakin.."
Grabe ilang anistisya ba nilaklak ni mylabs at namanhid ng ganito? Di man lang sya
ngumiti sa sinabi ko.. Di ba nya alam na nauubos na ang mga pick up lines sa
google, pero hanggang nagyon wa-epek pa din sa kanya..
Bigla akong napatingin sa relo ko.. wengya madami pa nga pala akong gagawin..
"mylabs mauna na ako sayo, madami pa akong gagawin eh.. una ang isipin ka,
pangalawa ang isipin ka at pangatlo ang isipin ka.." sabi ko at nagpaalam na sa
kanya..
"Rea.." biglang kumabog ang dibdib ko, simpleng tawag lang nya sa pangalan ko
nagugulo na agad ng ganito ang buong sistema ko..
"May gagawin ka ba bukas?" tanong nya.. Di ko alam kung paano papakalmahin ang puso
ko.. I-didate ba nya ulit ako?
"Bakit?"
"H-hehehe mylabs, ayos ah, bumabanat ka na din.." yan lang ang nasabi ko.. At halos
manlaki ang mata ko ng tumawa sya ng malakas..
"Mas bagay sayo ang lagi tumatawa mylabs.." sabi ko pero nag iwas lang sya ng
tingin..
Mas lalong lumawak ang ngiti ko ng mamula ang mukha nya, tinalikudan na nya ako
pumunta na sya sa mga ka-team nya..
********
The next days, kumalat ang balita na napaaway ang buong team ng jaguars sa mga di
kilalang tao sa may likod ng campus..
"Kainis naman, sino ba yung mga nakaaway nila? Ang sarap nilang ibaon sa lupa,
nasugatan tuloy si captain Shield honey pie ko.."
Ngayong araw ang song presentation namin sa mapeh.. Di pa rin mawala sa isip ko ang
balita. Minsan lang mangyari na mapaaway ang jaguars. Ano kayang dahilan?
"Alin? Yung pagkakasangkot ng jaguars sa away? Oo alam ko yun, kalat na kalat nga
eh.."
"Ay sayang, kala ko di mo alam kukwento ko sana sayo, bente pesos lang.." biro ko..
Akmang pipitikin na naman nya ako kaya lang may humawak sa kamay nya..
"Mylabs.." bigla nyang hinila si Liam at inakbayan parang may binulong sya kaya
lang di ko alam kung ano..
-----------------------
Johnny's POV
Nasa hall way na ako papunta sa mapeh class nang mapansin ko si Rea, kausap na
naman nya si nerd. Nilapitan ko sila, akmang pipitikin nya si Rea sa noo kaya
hinawakan ko agad ang kamay nya sabay hila at akbay sa kanya...
"Alam mo tol, ang sakit mo sa mata lalo na pag nilalapitan mo sya.." bulong ko.. Di
ako tanga para di mapansin na may gusto sya kay Rea at lalong di ako tanga para di
mapansin na nagpapanggap lang syang nerd..
"Di mo sya pag aari kaya wala kang karapatan na pagbawalan ako.." humigpit ang
pagkakahawak ko sa balikat nya..
"Wag mo akong subukan.." bumangon lahat ng pagkainis ko sa taong ito.. "kaya kong
gawing impyerno ang buhay mo kung gugustuhin ko.." di ko na sya hinintay
makasagot.. pumasok na ako sa loob ng room bago ko pa mabasag ang makapal na
salamin na nasa mukha nya..
"Ok ready na ba nag lahat para sa song presentation para sa midterm grade nyo?"
napakunot ang noo ko sa sinabi ni prof..
Ano daw? Song presentation?
"Ok let's start.. Do we have any volunteer?" tanong ni prof, pero bago pa ako
makapag tanong kung anong ibig nyang sabihin ay tumaas na ng kamay si Rea..
"Yes, Ms.Snyder.." tumayo si Rea, at may hawak syang gitara, pumunta sya sa
unahan...Wengya bakit di yata ako nainform sa song presentation na sinasabi nila?
"First of all, I wanna dedicate this song, to the man who stole my heart.."
tiningnan ko si Rea.. At halos magkagulo ang tibok ng puso ko ng makitang
nakatingin sya sakin..
Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko, tangina ako ang lalaki dapat ako nagpapakilig
sa kanya, bakit baligtad?
"Ang kakantahin kong ito ay parang tayong dalawa, perpekto para sa isat isa.."
dagdag pa nya.. Nagsimula syang tumugtog ng gitara.. Di ako makapaniwala na
marunong syang tumugtog.. Lalong tumaas ang pagtingin at paghanga ko sa kanya..
~~You can be the peanut butter to my jellyYou can be the butterflies I feel in my
bellyYou can be the captain and I can be your first mateYou can be the chills that
I feel on our first date~~
Di nya inaalis ang tingin sakin, sinalubong ko ang bawat titig nya, di ko din
inaalis ang tingin sa kanya, lalo na sa bawat pagbuka ng bibig nya, halos tumagos
sa puso ko ang binibitiwan nyang kanta..
~~You can be the hero and I can be your side kickYou can be the tear that I'llcry
if we ever splitYou can be the rain from the cloud when it's stormin'Or you can be
the sun when it shines in the mornin'~~
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko, lalo na ng ngumiti sya sakin.. Halatang sanay na
sanay sya tumugtog ng gitara dahil di sya tumitingin dun kundi sakin lang talaga,
tangina, puso kumalma ka.
~~Don't know if I could ever beWithout you cause boy you complete meAnd in time I
know that we'll both seeThat we're all we need~~
Di ko na maalis ang ngiti sa labi ko, pucha mga tol sagad hanggang buto ang kilig
na nararamdaman ko ngayon, tangina ikaw kaya ang kantahan ng babaeng mahal mo, di
ka kikiligin?
~~Cause you're the apple to my pieYou're the straw to my berryYou're the smoke to
my high (ow)And you're the one I wanna marry~~
Nagpalakpakan ang mga tao dito sa room, alam kong kahit sila nagagalingan din sa
pagtugtog at pagkanta ni Rea, di ko akalain na ganyan pala kaganda ang boses nya..
Gusto ko ang bawat salita sa kinakanta nya ngayon.. favorite song ko na yan simula
ngayon..
~~Cause you're the one for me (for me)And I'm the one for you (for you)You take the
both of us (of us)And we're the perfect two~~
Di ko napigilan ang di matawa ng bigla na lang nya akong kindatan.. Nanggigigil ako
wengya, gusto ko syang ikulong sa bisig ko.
~~We're the perfect twoWe're the perfect twoBaby me and youWe're the perfect two~~
Pigilan nyo ako langya baka mahalikan ko yan sa harap ng mga kaklase namin, taena
nalulunod na ako sa kilig..normal pa ba 'to? Pakiramdam ko nasa ibang dimension na
kaming dalawa at wala ng tao sa paligid kundi sya at ako na lang..
~~You can be the prince and I can be your princessYou can be the sweet tooth I can
be the dentistYou can be the shoes and I can be the lacesYou can be the heart that
I spill on the pages~~
~~You can be the vodka and I can be the chaserYou can be the pencil and I can be
the paperYou can be as cold as the winter weatherBut I don't care as long as we're
together~~
Kapag ba, niligawan kita at naging tayo, mapapasaya kaya kita? Bigla kong naisip
ang mga posibleng bagay kung sakaling piliin kong harapin ang takot at pangamba
pagdating sa nararamdaman ko sa kanya..
~~Don't know if I could ever beWithout you cause boy you complete meAnd in time I
know that we'll both seeThat we're all we need~~
~~Cause you're the apple to my pieYou're the straw to my berryYou're the smoke to
my high (ow)And you're the one I wanna marry~~
~~Cause you're the one for me (for me)And I'm the one for you (for you)You take the
both of us (of us)And we're the perfect two~~
~~We're the perfect twoWe're the perfect twoBaby me and youWe're the perfect two~~
"Dapat pala lagi kitang kinakantahan para lagi mo din akong nginingitian."
nagtawanan ang mga kaklase namin dahil sa sinabi nya..
"What a very nice song Ms.Snyder, lahat kami kinilig, how much more si
Mr.Spencer.." biro ni prof..
"Ako po sunod,.." tumayo ako at muling naghiwayan ang mga tao dito sa room..
-----------------------
Rea's POV
Grabe ang tibok ng puso ko habang kumakanta ako kanina, at mas lalo pa yung lumakas
ng ngumiti sya at di inaalis ang tingin nya sakin..
Nasa unahan sya ngayon, feeling ko di na ako humihinga, naririnig ko na ang malakas
na tibok ng puso ko. Ang lalim ng tingin nya, nagsimula syang tumugtog..
~~HiGirl you just caught my eyeThought I should give it tryAnd get your name and
your numberGo grab some lunch and eat some cucumbers
Why, did I say that? I don't know why. But you're smilin' and it's something I
like On your face, yeah it suits youGirl we connect like we have bluetooth~~
Tiningnan ko sya sa mga mata, bakit ganito? Bakit pakiramdam ko may nararamdaman
din sya para sakin.. sa paraan ng pagtitig nya sakin, tae ganito din ba ang
naramdaman nya kanina nung ako ang kumakanta at nakatingin sa kanya? Halos lumabas
na ang puso ko sa sobrang kilig..
~~I don't know whyI'm drawn to you Could you be the other one so we'd equal two?And
this is all based on a lucky chanceThat you would rather add than subtract~~
Ngumiti ako sa kanya, di nakatakas sa paningin ko ang mga ngiti nya, wala na akong
pakialam sa hiyawan ng mga kaklase namin, ang gusto ko lang gawin sa mga oras na
ito ay ang namnamin ang bawat sandali..
~~You and ICould be like sonny and cherHoney and bearsAnd you and I Could be like
aladdin and jasmineLets make it happen likeLa La's~~
Katulad ng ginawa ko, kinindatan din nya ako at muli na naman naghiyawan sa kilig
ang mga tao dito sa room, may mangilan ngilan na din ang sumisilip sa classroom
namin dahil sa sobrang ingay..
~~HeyHow've you been?I know that it's been awhile. Are you tired cause you've been
on my mindRunnin' thousands & thousands of milesSorry, I know that line's outta
styleBut youYou look so beautiful on this starry nightLoving the way the moonlight
catches your eyes & your smileI'm captivatedYour beauty is timeless, never
outdated~~
Pakiramdam ko ang pula na ng mukha ko, ganito pala ang pakiramdam kapag
kinakantahan ka ng taong mahal mo o ng taong gusto mo.. Parang ayoko ng matapos ang
mga sandaling ito.. Sana mapeh na lang forever.. huminto sana ang oras..
~~I don't know whyI'm drawn to you Could you be the other one so we'd equal two?And
this is all based on a lucky chanceThat you would rather add then subtractYou and
ICould be like sonny and cherHoney and bearsAnd you and I Could be like aladdin and
jasmineLets make it happen likeLa La's~~
"Mylabs kung nahihirapan ka ng maging ikaw, try mo naman maging tayo baka mas
madali hehehe.." sigaw ko sa pagitan ng pagkanta nya.. Halos magkagulo na ang mga
tao dito..
~~BabeIt's been 5 years since that special dayWhen I asked you on our first dateI
guess it's safe to say~~
"3 years mylabs.." paalala ko sa kanya.. nagtawanan na naman sila.. Totoo naman ah,
its been 3 years..
~~You and IAre beter than sonny and cherHoney and bearsYou and I Are better than
aladdin and jasmineWe've made it happen sinceLa La'sLet me sayYou look beautiful on
our wedding day~~
Di pa rin kumakalma ang puso ko, lalo na dahil alam kong nakatitig pa rin sya
sakin..
Alam ko may nararamdaman din sya sakin, at gusto kong malaman kung ano ba yung
pumipigil sa kanya, bakit di nya magawang ipakita sakin yun ng buong buo..
==============
A/N: Sorry sa matagal na update.. yaan nyo malapit na ang bakasyon, bibilis na ulit
ito.. Anyway, nawala ang cp ko, kaya wag na kayo magtext dun sa number ko, di pa
ulit ako nakakabili ng bago kaya wala pa akong ginagamit ngayon, inform ko kayo pag
meron na ulit..
Matanong ko lang may reader po ba ako na marunong mag edit ng book cover?? If meron
pm nyo ako ha, palitan natin ang book cover nitong MPUG ^__^
- ate yna-
=================
Rea's POV
Nakasanayan ko na guluhin muna si mylabs, bago ko simulan ang buong araw ko..
Simula nung song presentation namin sa mapeh at makita ko na may pag asa ako sa
kanya dinoblehan ko pa ang pangungulit sa kanya.. Akala ko nga susuko na sya sa
pagtatago ng feelings nya eh, pero nagkamali ako dahil kung minsan tinataguan nya
ako. Pero dahil wala sa list of vocabulary ko ang salitang 'suko', di ko sya
tinitigilan, pasasaan ba at magiging kami din.
Naniniwala ako, na ako talaga ang nakatadhana sa kanya, di ba nga kamukha nya yung
future boyfriend ko. hehehe
Kaya yung mga duwag dyan, na di kayang humarap sa crush nila o sinisinta, may tinda
ako dito na fighting spirit baka gusto nyong mag avail.
"Mylaaaaabs!!"- malakas na sigaw ko. Napalingon naman sya sa gawi ko. Kumaway kaway
pa ako para madali nya akong mapansin.
Bigla syang lumiko ng daan. Aba, talagang iiwas pa sya ha.. Di ka mananalo sakin
mylabs, dahil ang pag ibig ko sayo ay parang abs-cbn mobile, happy lang walang
ending..
"Reaaaa!!" di ko nilingon yung tumawag sakin. Mamaya na kayo takte, gusto kong
mahawakan si mylabs kahit sa kamay lang, pampagana ng araw.
"Wengya naman kayo eh, may morning momentum pa kami ni mylabs, alam nyo yung
habulan portion? yun kami eh, tapos sinisira nyo, mamaya nyo na kunin, gagawin muna
namin ni mylabs yung morning rituals namin.." reklamo ko, nakalapit na din yung
tatlo pang humahabol sakin kanina..
"Anong morning rituals? Yung tatakbo sya tapos hahabulin mo?.." tanong nung isa..
"Oo yun nga, ganun kami mag exercise, palibhasa di kayo nag eexercise mga tae
kayo.." bulyaw ko sa kanila..
"Langya, tibay mo Rea, di ka nasuko.." di ko pinansin ang komento nila. Paulit ulit
na lang nila sinasabi ang bagay na yun. At ayoko na din ulitin na ang pagsuko ay
para lang sa mga kriminal..
Napansin ko na naglapitan na din ang iba pa.. Takte talaga, tiningnan ko silang
lahat.. Alam ko na kung anong sunod nilang sasabihin..
"Ako din.."- student 2
Sinimangutan ko silang lahat, panira ng moment ang mga 'to wengya.. Nagsimula ng
magkagulo ang ilan sa kanila..
"Mga tae kayo! Nang dahil sa inyo di ko man lang nahawakan si Johnny my labs ko!!"
sigaw ko sa kanila, yung iba ngumiti lang, sanay na sila sakin.. Kaasar talaga..
"Oh eto na mga atat kayo, handouts sa analytic singkwenta" sabi ko.. sabay labas ng
mga bondpapers na pinagpuyatan kong isulat kagabi..
"Sakin yan Rea.." napatingin ako dun sa isang estudyante binigay ko sa kanya yung
hand outs tapos tinanggap ko yung singkwenta..
Pagkatapos kong ipamigay ang mga handouts ng mga masisipag na estudyante, binilang
ko muna ang kinita ko. Sana magbigay ulit ng assigment ang mga prof ngayon.
Kailangan kong makabayad sa inuupahan kong apartment..
"Ui Tina ikaw pala.. sandali" medyo nagulat akong makita si Tina, may nabalitaan
kasi ako na isa pala syang Adaipmil.. Mapaglaro talaga ang tadhana, parang kelan
lang, humihingi sya sakin ng raket, tingnan mo ngayon, isa na sya sa mga
pinakamayaman na nandito sa M.U..
"Eto naman ang sayo, bale two hundred pesos" inabot ko sa kanya ang dalawang
notebook..Di ko alam kung anong nangyari sa kanya at sa girlfriend ni captain,
mahigit dalawang linggo silang absent, kaya nagpagawa sya ng mga handouts..
"Hoy tae ka, ang dami kaya niyan, 2 weeks hand outs yan, bago ko pa nasulat yan,
puro kalyo na nga itong kamay ko nakakahiya na kay Johnny my labs ko kapag
hinawakan ko siya.." reklamo ko..
"Salamat Tina.. Teka di mo pa rin ba ako maipapasok sa team? kahit water girl o
kaya naman tagapunas ng bola at ng court..basta malapit kay Johnny my labs, I can
do everything.." matagal ko na kasing hiniling sa kanya na ipasok ako sa team para
mas malapit ako kay mylabs ko.. pinikit ko ang mata ko at nagsimulang mag day
dream, yung moment na pupunasan ko ang pawis nya at aabutan sya ng tubig..
"Ay oo nga pala Hannah siya si Rea.." napamulat ako at bumalik sa reality,
napatingin ako sa babaeng kasama ni Tina. Ngumiti ako, kilala ko sya..
"Ow yes.. the one and only Hannah Marie Adaipmil of Adaipmil Empire.. Sikat na
sikat ka girl.." sabi ko, siya yung babae sa kumakalat na balita na anak ni
Mr.Hermes Paul Adaipmil, kung di ako nagkakamali si Mr.Adaipmil ang speaker dun sa
field trip namin last year.. Sikat din si Hannah dahil boyfriend nya si captain
Shield.
"Yo Hannah, Ms.manager! ano pang ginagawa niyo dito? Mag start na ang class ah.."
napantingin kami sa mga bagong dating, ang jaguars.. agad hinanap ng mga mata ko si
mylabs, napangiti ako ng makita sya.
"Oh hi Rea!!"
"papunta na din kami.." narinig kong sagot ni Tina, di ko inaalis ang tingin kay
mylabs..
"Aabsent ako sa lahat ng klase ko.." hindi ko pa rin binabawi ang tingin kay
Johnny..
"Ha? bakit naman?" tanong ni Hannah..
"Para makapasok ako sa puso ni Johnny mylabs.." sagot ko.. Napangiti ang lahat ng
jaguars maliban lang kay mylabs..
"Mauna na kami Rea.. goodluck na lang manhid talaga tong gagong nagustuhan mo eh"
sabi ni Xevier, tumango ako.
"Di halata Rea, almost 3 years na yan" komento ni Xevier.. Ngumiti lang ako sa
kanila..
"Tumigil na nga kayo, at ikaw babae, umalis ka na.." biglang sabi ni mylabs at
nauna ng maglakad.. Lakas magsuplado, kinikilig naman.. sige lang, tago mo lang
yang feelings mo mylabs, ipaubaya mo na sakin ang paglalabas nyan..
"Buhay na naman ang dugo ni Rea, panigurado nakita na naman nyan si Johnny.."
komento ng isa sa mga kaklase ko..
"Oo tama kayo dyan.. pero may isa pa kung bakit ako nakangiti.." tiningnan ko
silang lahat..
"Bakit?"
"Aba, rereklamo ka pa? Bakit nagreklamo ba ako nung umagang umaga nangutang ka ha?"
bulyaw ko..
"Rea paload.."
"Magkano?"
Ganito ang buhay ko araw araw dito sa M.U.. pero kahit ganito, nag eenjoy ako. Oo,
mahirap ang buhay at kailangan kumayod para makatapos, pero di ako nagsisisi na
ganito ang buhay ko, instead lagi kong tinitingnan ang bright side ng buhay na
meron ako, ginagawa ko 'to para sa kinabukasan namin ni Siopao..
Nagsimula na ang klase at seryoso akong nakikinig sa bawat tinuturo ng prof namin..
Kung ang iba puro reklamo na lang ang alam pag may exams at assignment, ako naman
puro pasasalamat, dahil nandun ang kita ko.. hehehe
Ang lawak ng ngiti ko ng magbigay ulit si prof ng assignment at ang maganda pa nito
may quiz sa sunod na araw..
Natapos ang klase ng puro reklamo ang karamihan sa mga tao dito sa room, mabilis
kong inayos ang gamit ko.. magkaklase na kami ni mylabs sa next class..
"Oo na, alam ko na, sige bukas na lang.." sabi ko sa kanila, alam ko na kasi na
magpapagawa sila ng handouts at assignment..
Wala pang limang minuto ay dumating na sya.. Agad akong ngumiti sa kanya, gusto
kong matawa dahil di nya alam kung san nya ipapaling ang paningin nya..
"Hi Johnny, Alam mo masaya naman ako kahit wala ka..." napakunot ang noo nya sa
sinabi ko, lalong akong napangiti, lalo syang gumagwapo sa paningin ko takte..
"Sumosobra lang pag andyan ka." dagdag ko.. sumimangot ako ng di man lang sya nag
react.. Biglang pumasok si prof sa room, umayos ako ng pagkakaupo at muling nakinig
ng maayos sa klase..
May mga time na pakiramdam ko tinititigan nya ako, pero pag nilingon ko naman
binabawi nya agad ang tingin. Ayieeee! kunwari pang walang pakialam, mahalin kita
ng sobra dyan eh..
"Ok so we will be having a group project.. 3 members per group, you can choose your
groupmates" may biglang nag pop out sa utak ko..
"Miss kami pong tatlong ang magkakagroup"- bigla kong tinaas ang kamay ni mylabs at
ng nasa kabila ko.. Naisip ko lang na kung magka group kami ni mylabs, may
possibility na makasama ko sya ng matagal.. Napangiti ako.
Tiningnan ko naman yung isa kong katabi, halatang nagulat sya sa ginawa ko..
"Ok then, get your activity card.." agad akong tumayo at kumuha ng activity card..
"That project will be submiited before midterm exam and that wil be 3 days from
now.. that's all goodbye everyone.."
Ayos, tatlong araw ko makakasama si mylabs.. extra time, extra papansin hehehe.
"Alam mo dalawang araw lang naman kita gustong makasama eh.." sabi ko sa kanya,
napatingin sya sakin, ngitian ko sya ng sobrang tamis..
"ARAW-ARAW" dagdag ko.. bigla nyang dinampot ang gamit nya at lumabas na ng room..
Grabe naman, wala bang epekto sa kanya ang mga banat ko? Eh kung banatan ko na kaya
sya at bigwasan ng isa.. palagay nyo?
~~'Cause all of me
Napakunot ang noo ko nang paglabas ko ng room yan agad ang bumungad sa pandinig ko,
may kumakanta.. Naka-open ang lahat ng speaker sa buong campus.. mukhang kanina pa
yun, wala kasing speaker sa room na ginamit namin kanina..
"Aray gago.."
"Patay.."
Nagtawanan ang mga estudyanteng nadaanan ko, pakinig kahit saan ang pinag uusapan
nila. Mukhang nangharana yata si captain at ginulo lang ng jaguars..
"k-kasi capt----"
--------------------
Johnny's POV
"Johnny my laaabbbbss!!!" narinig kong sigaw na naman ni Rea.. Inalis ko muna ang
ngiti ko bago ko siya hinarap. Suplado mode muna.. Nandito kami sa hallway..
"Itatanong ko lang sana kung kailan tayo mag uumpisa para sa project natin?"
nakangiting tanong niya. Para talagang baliw ang babaeng ito. Hayys oo na magandang
baliw..
"Ngayon na.. Tara.." sagot ko at nag umpisa na ulit mag lakad. Tinawagan kasi kami
ni Xevier na may review daw ulit utos ni captain. So I think magandang idea kung
isasama ko na lang si Rea.. Mas gaganahan siguro akong magreview dahil nakikita ko
siya..
"As in ngayon na my labs?" tanong ulit niya... I love the way she calls me 'my
labs'.. I smiled.
"Teka.. tama ba ang nakikita ko?" tanong niya at kinusot kusot pa ang mata..
"sila ba?'
Ha? Tama ba yung mga narinig ko? Di ko na lang sila pinansin at tumuloy na lang sa
parking area kung nasaan ang kotse ko. Nang makarating kami sa parking nilingon ko
si Rea, hawak ko pa din ang kamay niya.. Anak ng tinapa.. tulala na naman siya..
"mylabs..totoo ba na kapag may buhay may pag asa?" biglang tanong niya. ano naman
ba problema ng babaeng ito?
"Eh paano kung ikaw ang buhay ko? may pag asa ba ako sayo?" sabi niya pero
nakatulala pa rin..
Pinitik ko kasi sa noo para matauhan, pero di ko pa rin binibitawan ang kamay
niya,, Ang sarap kaya sa feeling, heaven mga dre!!
"yieeee magtatanan na tayo my labs?" masayang tanong niya. Ano bang klaseng babae
ito at abot abot langit ang kakulitan..
Sasakay na dapat siya ng biglang may tumawag sa pangalan niya, tatlong babae..
"Ito oh analytic at bio ang sakin ha" sabi ng isang babae at may inabot na dalawang
notebook.. Ganoon din yung dalawang babae..
"Sure.. sige bukas na lang ito ha.." sagot naman ni Rea at tinanggap ang mga
notebook..
Anong meron..?
"Ahh ito ba? notebook nila ito, magpapagawa sila ng assignments sakin.." sagot
niya..
Teka..What? magpapagawa?
"Tanga ka ba? bakit mo sila igagawa?!" Sigaw ko sa kanya.. Di ko alam pero bigla
akong nagalit sa idea na iginagawa niya ng assignment ang mga babaeng yun..
"Tanga agad? di ba pwedeng trabaho lang? Sideline ko ito anu ka ba, para may
pambaon ako araw araw.." sagot niya..
Parang tinusok ang dibdib ko ng milyon milyong karayom.. gusto ko siyang ikulong sa
bisig ko at sabihing di na niya kailangan gawin yun dahil handa akong protektahan
siya at alagaan.. Ganito ba kahirap si Rea at kailangan niya magpaalipin sa iba
para lang makapag aral.. Pero kahit ganun nagagawa pa din niyang mahalin at kulitin
ang isang tulad ko?
Di ko alam pero, may kung anong sumuntok sa dibdib ko.. Di na ako nagsalita at
inumpisahan patakbuhin ang sasakyan.. Ayoko siyang tingnan sa mata, baka makita
niya ang kagustuhan kong yakapin siya.. P*ta di ko alam pero naluluha ang mata
ko..
Bakit ko lang nalaman na may ganitong uri pala sya ng raket? Napaka-walang kwenta
ko talaga..
===========
A/N: Langya ang sakit pala sa kamay nung cp na may keypad, magkakalyo ako kakatext
nito takte.. Namimiss ko yung touch screen T^T..
Hello kayna Jinky, Janich, Christia, Carmela, Rochel, Sheena and Winzil.. *kaway
kaway*
Dun sa mga nagtetext sakin na smart ang gamit, churi wala akong pantext sa smart..
globe at TM lang mga beh.
Posted na yung teaser ng story ni Howard, check nyo na lang sa works ko.. Matagal
ko pa uumpisahan yun, kaya kalma lang kayo ha..
Vote nyo muna itong MPUG then leave your comment hehehe..
-yna-
=================
For you :) mana ka sakin, makapal ang mukha.. XD Natutuwa ako sayo, halika pasampal
ako ng lima.. chos hahaha Thank you again :) lovelots :* :* *kiss ng madami sa
pisngi*
------------------------------------------
Rea's POV
"Sa bahay ni Montereal.." simpleng sagot nya. Nginitian ko sya, pero binalik din
nya agad ang tingin sa daan..
"Mylabs, sana libro ka na lang.." di nya ako nilingon, binaling ko naman ang tingin
ko sa may bintana..
Di nagtagal nakarating kami sa bahay nina Xevier, grabe ang laki ng bahay nila..
Nakangiti na ulit si mylabs nang makita nya ang mga kaibigan nya, mukhang nandito
na lahat..
"Yo! Rea, nagtapat na ba itong si Spencer sayo?" nginitian ko si Turner..
"Di pa nga eh.. Sana naging exam na lang ako para sagutin na nya ako.." biro ko,
nagtawanan naman sila. Tumuloy kami sa living room..
"Reaaa!!"
"Makasigaw Tina, sampong taon di nagkita?" grabe makasigaw eh.. Binati ako ng
girlfriend ni captain at nung kapatid ni Elvin na si izrah.. Nakipag kwentuhan ako
sa kanila habang nagkukulitan naman ang jaguars..
Tiningnan ko si mylabs, ang lawak ng ngiti nya, ang sarap nyang pagmasdan..
"Ikaw mylabs? Kapag ba kinantahan kita sasagutin mo din ako?" nakangiting bulong
ko.. Lumingon sya sakin ng bahagya.. Pero di din yun nagtagal dahil binalik na nya
ang tingin kay Tina at Xevier.. Palagay ko hindi effective ang pagkanta, di ba nga,
kinantahan ko na sya?
"Where have you bean Dela Cruz?" tanong ni captain Shield.. Di na ako nagulat ng
may bigla na lang sumulpot na babae mula sa likuran nya.. Parang kilala ko sya..
San ko ba sya nakita? Sa HRM department? Di ako sure..
"And what was that?" tanong ulit ni captain.. Muli akong naupo sa pwesto ko kanina
at kinuha ang gamit ko.. Di na ako nakinig sa usapan nila, nilista ko na lang kung
ilan ang gagawin kong handouts at assignment mamayang pag uwi ko..
Dapat sanay na ako sa sakit pag nakikita syang tumitingin sa ibang babae.. pero
hindi eh, ramdam na ramdam ko para bang panibagong sugat.. sariwa pa kumbaga..
"Di pa din ba tayo magsisimula sa project natin? Kailangan ko din kasing umuwi
dahil madami pa akong gagawin.." sabi ko, at di ko napigilan ang pagkainis..
Kami naman ni mylabs inumpisahan na namin ang project namin.. Tahimik lang akong
gumagawa.. Di ko sya tinitingnan, sinasagot ko lang kapag may mga tanong sya..
Manhid naman yan eh, kaya I'm sure balewala lang sa kanya ang pananahimik ko..
"Rea magaling ka sa math di ba? Pwede ba paliwanag mo sakin to?" napalingon ako
kay Elvin, nakalapit na pala sya, may dala syang libro.. Nginitian ko sya.. Kung
nasa mood lang siguro ako, sisingilan ko sya kaya lang wala eh.. nasaktan ang lola
nyo..
"may bayad to ha.." bulong ko.. Nasa dugo ko na yata talaga ang maningil.. heheh di
ko napigilan eh.
"Oo naman, malaki din ang kita ko dyan, lalo na pag inalok ko yan sa mga bakla sa
kanto namin.." sagot ko.. At di ko napigilan ang di matawa ng bahagya ng makitang
busangot ang mukha ni Elvin.. maya maya pa nakitawa na din sya..
Nasa gitna ako ng pagpapaliwanag kay Elvin ng bigla na lang tumawa ng tumawa si
mylabs.. Masaya sya?
"Makatawa ka kasi Spencer wagas.." narinig kong sabi ni Elmar.. Ano ba kasing
tinatawanan nya?
Napapailing na lang ako.. At muling binalik ang pansin sa ginagawa..
Pagkatapos ng mahigit dalawang oras, natapos din kami kasabay nun ang pagtatawag ni
Xevier na kakain na daw..
Nagtayuan na ang lahat, ako naman inayos ko na ang mga gamit ko.. Dinampot ko na
din ang ginawa namin ni mylabs..
"Mauna na akong umuwi.." sabi ko mylabs.. Napalingon sakin ang mga kaibigan nya..
"Oo nga Rea, kain muna tayo.." narinig kong sabi ni joel..
"Wag mo na akong ihatid.." bulong ko, sabay tingin sa mga kaibigan nya..
"anong ginawa mo Spencer?" narinig ko pang tanong ng mga kaibigan nya pero di ko na
pinansin yun.. Basta ang gusto ko na lang munang gawin ay ang ilayo pansamantala
ang sarili ko..
Naman eh, ok na yung walk out drama eh, panira naman ang direksyon..
Hanggang sa huminto kami sa tapat mismo ng apartment na inuupahan ko.. Teka.. bigla
kong tiningnan si mylabs..
Hala, nalimutan kong magpasalamat.. Lumabas ulit ako, kaya lang wala na sya..
Pumasok ako sa kwarto ko at nahiga, nakipag titigan ako sa kisame.. Mahirap bang
mahalin ang isang tulad ko? O kahit ang pansinin man lang?
Nagpapart time ako sa isang 24/7 convenience store malapit lang dito.. 8:00 pm
hanggang 2:00 am ang duty ko, katulad din sya ng seven eleven..
"Oh bat ganyan ang mukha mo? Para kang ninakawan ng lakas.." sinimangutan ko si
Clarrise, kasama ko sya dito, dalawa kaming duty ngayong gabi, working student din
sya..
"Di ka na naman ba pinasin ni mylabs mo?" tanong nya, sabay patch ng noodles ko,
inabot ko sa kanya ang bayad..
"dati ok lang pag may kasama syang iba lagay ang loob ko dahil mukhang hipon ang
kasama nya, bakit nung sa maganda nya nakatitig ang sakit?" reklamo ko.. Nilagyan
ko ng mainit na tubig yung cup noodles ko.. Di kaya ako magkasakit? Lagi na lang
ito ang kinakain ko tuwing gabi..
"Hoy Rea, masama sa katawan pag inaaraw araw ang noodles.." narinig kong sabi ni
Clarrise..
Nginitian ko sya..
"Alam ko, kaya nga sa gabi ako kumakain eh.. para gabi gabi hindi araw araw.."
"Aba ang walangya namilosopo pa.." tinawanan ko lang sya, walang mangyayari sakin
kung magmumukmok lang..
Naging kaibigan ko na din si Clarrise simula ng magtrabaho kami dito, minsan naging
sabihan na namin ng problema ang isat isa.. Matapos kong kumain pumunta na ako sa
counter kung nasaan sya..
"Ako na dyan, magreview ka na.." sabi ko, alam ko kasi na may exam sya bukas.
"Ok lang, nakapag review na ako kanina.." nginitian ko sya.. masipag din syang mag
aral.. Siguro buhay na naming mga kapos palad ang mag aral at magtyaga sa buhay..
Dahil walang mangyayari kung iaasa lang natin ang lahat sa kapalaran, naniniwala
ako na nasa kamay ng tao ang sarili nyang kapalaran..
Hinubad ko ang jacket ko at nilagay ang apron.. Ito na ang nagsisilibing pinaka
uniforn namin dito sa trabaho.. Habang nasa counter si Clarrise inayos ko naman ang
items at naglagay ng panibagong stocks..
Lumipas ang mga oras, di namin namalayan na 2:00 am na pala at dumating na din ang
kapalitan namin ni Clarrise..
Sabay kaming lumabas ni Clarrise at naglakad, sa kabilang kanto lang ang dorm nya,
kaya madadaanan namin yun bago ang apartment ko..
"Bye Rea.."
Ngayong araw ang examination day ng Jaguars, nauna silang binigyan ng exam dahil
may laro sila sa darating na sabado..
"Morning Rea.."
"Alam nyo naman siguro na ngayon ang exam ng jaguars, di ba?" tanong ko..
"Oo, bakit?"
"Sinong pupusta? Sino sa jaguars ang mahuhulog?" nakangiting naglabas ako ng maliit
na notebook at ballpen.. Agad silang naglapitan sakin..
"Kay Elvin ako, medyo slow kasi sya, pero love na love ko sya.." sabi ng isa kong
kaklase..
"Ako si Kevin.."
"Oo Bakit?"
"Tambay lang? Di naman nagbabasa." Aba gago to ah.. sumbong kita kay Kevin eh..
Sungit pa naman nun..
"Wala, malakas ang kutob ko na papasa silang lahat.." sagot ko at naupo na sa upuan
ko..
"Ang daya mo Rea, alam mo na papasa silang lahat.." reklamo ng isa sa mga kaklase
ko na pumusta..
Maya maya pa nakita kong nagpasukan na ang jaguars sa canteen. Agad akong nagtago
sa ilalim ng lamesa.. Di ko pa kayang harapin si mylabs..
"whooo!! yan ang masarap na lunch!!" narinig kong sigaw ni Tristan.. Naglakad ako
ng paupo habang palabas ng canteen..
"Oh sino naiinggit dyan lapit sakin!" sigaw pa ni Elvin bago ako tuluyang
nakalabas.. Di ko na inalam kung ano yung sinisigaw nila..
*sigh*
Mali bang mahalin ko si mylabs na parang bang kami talaga? Oo na ako na assumera..
Iniwas ko ang tingin sa kanya at pumasok na din at naupo sa upuan ko.. Hindi muna
ako naupo sa tabi nya..
Nagsimula at natapos ang klase na tahimik ako, malayo sa karaniwan kong ginagawa na
nakikipag debate sa prof..
Naglalakad na ako ngayon palabas ng campus, sa buong araw di ko siya pinansin, ang
hirap nun ha. Daig ko pa ang nag suicide.
"hi Rea.." Nilingon ko kung sino ang tumawag sakin.. Si tina pala, kasama niya si
Xevier, bagay na bagay talaga sila..
"Tamang tama, may good news ako para sayo.. Alam mo ba na naghahanap ng water girl
si coach Roger para sa team?" masayang sabi ni Tina..
Biglang bumalik lahat sa katawan ko ang mga taksil na lakas at sigla ko. Nakarinig
lang ng magandang balita..
"Talaga Tina? Baka naman joke lang yan ha, masasapak kita.." sabi ko..
"Anong sabi m---.." aapela pa sana si Xevier kaya lang sinikmuraan siya ni Tina..
Nag peace sign lang ako sa kanya..
"Seryoso ako.. Pinapatawag ka nga ni coach eh para daw mapag usapan niyo.." sabi
ni tina..
"Ow my!! Dream come true na itooo!!!" masayang sabi ko.. Matagal ko na din kasi
kinukulit si coach tungkol dito sa wakas nauntog din siya..
Pwede ko na ulit pansinin si Johnny my labs ko, dahil medyo nawawala na yung hurt
feelings ko. Mas malaki ang love ko kesa dun..
Nalaman ko na papunta din daw sila dun.. kaya sumabay na ako, sayang ang sampong
piso na pamasahe pang monay ko na din yun aba!
==============
Ito na muna ang last ud ngayong march ha.. May exam kami, hayaan nyo munang mag
review si author, arachi? Pagdasal nyo na din na pumasa ako, nang matuwa naman ang
tatay ko.. chos hahaha
-ate Yna-
=================
Rea's POV
"Water girl?" nginitian ko si Anthony.. Nandito kami sa gym. Ngayong araw ang laro
nila, nauna na sa school na gaganapan ng laban sina coach kasama si Tina at Hannah,
hinihintay na lang namin ang iba pang jaguars..
"Oo water girl, meaning ako ang magdadala ng tangke ng tubig nyo.." sagot ko..
Nagtawanan sila.
"Langya pwede namang assistant din tulad ni Hannah, bakit water girl pa?" tanong ni
Xevier..
"Hanep sa fighting spirit Rea.. walang pagod?" tumango lang ako sa sinabi ni
Tristan..
Tiningnan ko ang ibang jaguars.. Mukhang handa na sila sa laro mamaya.. teka, bakit
ba wala pa ang iba?
"Ikaw Elvin magpapa-cheer ka? Bente isang sigaw sa pangalan mo, isang daan naman
kapag may banner" sabi ko..
"Good morning.." napalingon kami sa nagsalita.. Biglang naging puso ang mga mata
ko. Mylabs.. namiss kita langya..
--------------------
Johnny's POV
Maaga kami ngayon dahil maghahanda pa kami para sa laban mamaya. Wala akong gana
ngayong araw at nung mga nakaraang araw pa, di ko na alam kung ano bang nagyayari
sakin.
Naglalakad ako ngayon papunta sa jaguars Headquarters, binabagalan ko ang lakad ko
kahit alam kong malapit na ako malate. Di ko alam pero parang may hinihintay ako na
humarang sa daan ko. Damn! malapit na ako sa headquarters pero wala pa ding baliw
ang humaharang sakin ngayon.
"Yo! Spencer, sabado na ngayon pero bakit biyernes santo pa rin ang mukha mo?" si
Dela cruz yan lakas talaga mang asar ng gago.
Di ko na lang siya pinansin. Inayos ko na ang mga gamit ko at nilagay sa bag ko.
Tapos nagpalit na din ako ng jersey, may meeting muna kami bago kami pumunta sa
school kung saan gaganapin ang laban.
Bago pa ako makapag tanong kay jason nakalabas na siya. Sumunod na din ako sa kanya
papunta sa gym..
Pagkapasok ko sa loob.
"Ikaw Elvin magpapa-cheer ka? Bente isang sigaw sa pangalan mo, isang daan naman
kapag may banner" sabi niya.
Biglang gumaan ang nararamdaman ko. Nagkakulay ang paligid. Parang nagkaron ng mga
puso. Ano ba to nakokornihan na ako sa mga iniisip ko. lumapit na ako sa kanila,
wala pa din ang iba, nandito na si captain.
"kanina lang biyernes santo ang mukha ngayon naman pasko.." epal ni Dela Cruz..
"good morning my labs" bati ni Rea, di ko alam kung ngingiti ba ako o ano? Namiss
ko ang kakulitan niya. Hanggang ngayon wala pa rin akong idea kung bakit nya ako
iniwasan nitong mga nakaraang araw.
"Ako na ngayon ang bago niyong water girl.." masayang sagot niya. Proud pa talaga
siya ha. Ang hyper talaga nito..
"Oh eto 200 pesos, lakasan mo ang sigaw ha" biglang singit ni Howard sabay abot ng
pera kay Rea..
"makakaasa ka.." sabi pa ni Rea at tinanggap yung pera tapos may sinulat siya sa
notebook niya..
"Gusto ko with ' I love you' Elvin' ha" dagdag pa ni Howard at nakatingin sakin
sabay ngisi. anong sabi niya? Ano yung I love you thingy?
Tiningnan ko naman si Miller, parang wala siyang narinig, tulala ang gago. Anong
nangyari dito? Di ba nag date na sila ni Jana? Bakit parang di sya masaya? Sa
itsura nya kasi ngayon daig pa niya ang ginahasa.
"Naku Rea, wag mo na tanungin yan, pagod yan kasi nag taping sila ni Jana ng fast
and furious 7" biro ni Xevier. Madami talagang alam ang gagong to na di namin alam.
"Where the f*ck are they?!" malakas na tanong ni captain. Patay inip na yan. Asan
na ba kasi ang mga ungas na yun? Kami palang nina captain,Jason, Elvin. Alfred,
Tristan, Xevier at si Jonathan na tulala, ang nandito sa gym. Wala pa yung lima,
patay sila kay captain. Usapan kasi 8 sharp.
Teka..
"Asan sina Hannah at Tina?" pabulong na tanong ko kay Tristan, malapit lang kasi
siya sakin at ayoko marinig ni captain baka ako na naman mapag abutan niyan..
ah kaya naman pala mainit ulo ni captain, nauna na pala sina Hannah, pffftt alam na
this.
maya maya nag dial si captain sa cellphone nya. Dami na ng pagbabago sa kanya, dati
kasi himala na kapag may kausap siya sa cellphone, di ba nga tahimik yan katwiran
niya sayang daw ang laway, oo laway talaga hindi load, kapag nakipag usap siya
gamit ang call kaya laging text ang ginagawa niyan, tapos kakarampot pa ang
message..
"Are you with them? What?!" narinig naming sabi ni captain sa kausap niya.. "Keep
your eyes on them, No! let them fight just watch over" sabi pa niya at binaba na
ang tawag.
"Stay here and wait, I'll bring those assholes here" sabi niya at di man lang kami
pinaisang salita.
"Langya ayos ah, san kayo nakipag basag ulo?" nagsilapitan kami sa kanila ng
mapansin namin ang bangas nila sa mukha halatang galing sila sa away..
"Di na namin kayo sinama, wala ng mababasag sa inyo eh.." lakas mang asar ng hayop
na si Burns.. akmang pepektusan namin sya ng biglang ng nagsalita si captain..
"Let's go.."anunsyo niya.. dinampot na namin ang mga bag namin at pumunta na sa
bus..
"Whoa! Laban na.." sigaw ng ilan jaguars bago tuluyang umandar ang bus..
Nasa kalagitnaan na kami ng byahe ng biglang magsalita ang babaeng nasa tabi ko..
"Oo naman palagay mo sakin bobo?" sagot ko.. Ano na naman bang iniisip ng babaeng
ito?
"Sige nga, Anong sunod sa I love you one?" tanong nya ng may malawak na ngiti..
Langya, di ako makapag isip ng ayos, sa mga ngiti nya ako nakatingin..
"Tumigil ka nga babae ang ingay mo.." sabi ko na lang sabay iwas ng tingin, taena
puso kumalma ka.. Hanggang kelan ko pa pipigilan ang damdamin ko?
"Bwahahahaha ano ba yan Spencer, ngayon lang namin nalaman na di ka pala marunong
magbilang.." pang asar ni Dela Cruz.. Di ko sya pinansin..
"Ganyan talaga kapag torpe nagiging bobo hahahaha" sabi naman ni Turner.. Mga gago
pag ako nagkalakas ng loob isasako ko kayo..
Tumahimik na ulit ang lahat.. Pero di pa man nagtatagal bigla naman lumikot si Rea,
para bang may hinahanap sya, medyo tinaas pa nya ng konti ang jersey jacket ko..
"Ano bang nangyayari sayo babae ang likot mo? Ano bang hinahanap mo?" tanong ko at
medyo umisod ng konti..
"Nawawala kasi ang puso ko, pakicheck naman baka nasa bulsa mo.." seryosong sabi
nya.. Napakunot ang noo ko, at huli na bago ko pa marealize kung anong ibig nyang
sabihin..
"Boomtamis hahaha grabe Rea ikaw na talaga!" sigaw ni Gibson.. Gusto kong
ngumiti..
"hahahaha ako na lang mahalin mo Rea, susuklian pa kita.. kesa dyan kay Johnny boy
made in stone ang puso niyan, eh hindi nga yata kinikilig ang hayop na yan eh.."
nagtawanan ang jaguars sa sinabi ni Dela Cruz..
Mga epal talaga.. Di ba nila alam na kinikilig ako ng sobra dahil sa mga banat ng
babaeng ito?
Di nagtagal nakarating kami sa school na gaganapan ng laro..
--------------------
Rea's POV
Hala makasigaw naman yun wagas.. Yan agad ang narinig namin ng bumukas ang pinto ng
bus..
Nakakatuwa ang jaguars dahil ngumingiti at kumakaway sila.. Di naman pala suplado
ang mga to.. tiningnan ko si mylabs, medyo tahimik sya..
"Mylabs, di pa man nagsisimula ang laro panalo ka na agad sa puso ko.." bulong ko
sabay ngiti..
At bigla akong napatigil sa paglalakad ng bigla na lang nyang guluhin ang buhok ko
kasabay ang mahinang tawa nya..
Patalon talon akong sumunod sa kanila, napansin ko pa sina captain at Hannah na may
kausap sa may labas, tumuloy na ako sa loob na assign room para sa jaguars..
"Ok assemble everyone.." nagsilapitan ang lahat kay coach. handang handa na sila..
Ngitian ko si Hannah nang ngumiti sya sakin..
"Ok listen up jaguars." pasimple akong lumabas ng room at pumunta sa gym.. Di naman
ako kailangan sa loob kaya raraket muna ako..
Wengya ang dami pa lang manunuod ngayon, dapat pala nagdala ako ng mineral water at
ipinagbili sa kanila o kaya naman polboron..
Lumapit ako sa grupo ng mga babae na may hawak na banner na may nakasulat na 'Go
Jaguars'..
"Oo naman, si Elvin baby pa.." sagot nung isa.. Ngumiti ako ng malawak.
"Idol nyo ba sya? Pwede ba akong makisabay ng pag chicheer sa inyo? Ipag cheer
natin sya ng malakas with we love you pa para mas damang dama nya ang suporta
natin.." sabi ko sa kanial, aba mahirap na sumigaw ng nag iisa, baka labas na ang
litid ko di pa rin ako naririnig ni Elvin, baka sabihin nya di ko sya pinag cheer
bawiin pa nya yung 200 sayang naman..
Sumang ayon naman sila sa sinabi ko, maya maya pa ay nagsimula na din ang game..
Kasama sa first five si mylabs ko takte ang gwapo nya talaga..
Unang nagpakitang gilas si captain Shield, halos magkagulo dito sa loob ng gym
dahil sa sigaw ng mga nanunuod..
"Ano pang hinihintay nyo? Sigaw na din tayo!" sigaw ko sa mga babaeng kasama ko..
"Go Elvin ,Go Go Elvin!!" sabay sabay na sigaw namin, pero mas nangingibabaw ang
boses ko, syempre kailangan ako ang binayaran eh..
"WE LOVE YOU ELVIN" we shout in unison, napangiti ako ng lumingon samin si Elvin,
ayos pwede na akong pumunta sa bench ng jaguars, ok na yung isang sigaw..
"may bayad yung sigaw mo na yun ano?" tanong agad ni Tina ng makalapit ako..
"Syempre wala ng libre sa mundo ngayon aba!" sagot ko, tumawa lang sila ni
Hannah..
Hanggang sa natapos ang laro at nanalo ang jaguars.. Agad kong nilabas ang ballpen
at notebook ko.. Matapos magkamayan ng dalawang team, nagsimula ng magkagulo ang
karamihan, dahil magpapapicture sila..
"Ate magpapapicture ka ba sa jaguars? Bente lang isang selfie tas singkwenta naman
pag may kasamang kiss sa pisngi.." sabi ko dun sa mga babae na di makalapit sa
jaguars, napangiti sila sa sinabi ko at agad na naglabas ng pera, tiba tiba ako
nito..
"Miss kay Kevin ako.." sabi ng isa inabutan ako ng isang daan..
"Ayon si Kevin oh, halika samahan kita.." hinila ko sya papalapit kay Kevin..
"Kevin may isa kang avid fan dito pansinin mo naman, magpapapicture lang daw,
pagbigyan mo na baka magpatiwakal yan pag di mo pinagbigyan.." lintanya ko.. Di pa
man nakakasagot si Kevin eh kinuha ko na yung cellphone nung babae at tinulak sa
tabi nya..
"one, two, smile.." pinicturan ko sila.. Ganun lang kasimple.. Halos mahimatay yung
babae nung bigla syang akbayan ni Kevin nung picturan ko sila.. Napangiti na lang
ako..
Ganun din ang ginawa ko sa iba pang mga babae na nahiihiyang lumapit sa jaguars..
"ikaw ate kanino mo gusto magpaselfie?" tanong ko dun sa isang babae na kanina pa
nakatingin sa gawi ni Jason..
"Ahh sige bente lang isang selfie, ayon si Jason oh" sabi ko, kinawayan ko si Jason
dahil nakatingin din sya samin.. Agad na lumapit yung babae sa kanya..
Pero di bale dadarating ang time magkakapicture din kami together, tiwala lang..
Pagkatapos ng picturan bumalik na ang jaguars sa assign room.. Ako naman nagbilang
muna ng kinita bago sumunod sa kanila..
"Yes, inuman na to, san tayo after dito coach?" narinig ko din na sabi ni Alfred..
Di kaya madurog ang atay ng mga to kakainum ng alak?
"Oo nga coach libre mo ulit ha, gusto ko may isaw ulit.." sabi naman ni Tristan..
Ay gusto ko yan isaw, tas masarap ang timpla sa suka..
"Well may surpresa ako sa inyo, dahil naipasa nyo ang exams nyo nitong nakaraan at
naipanalo nyo ngayon ang laban, napagpasyahan ko na dalhin kayo sa isang beach
resort sa batangas at doon tayo magcelebrate.." masayang anunsyo ni coach.. Dumikit
ako kay mylabs..
"Kelan tayo aalis coach?" tanong ni Elvin, aba himala di yata sya tinotopak ng
kabobohan ngayon? Tahimik lang akong nakikinig sa kanila..
"Well prepare your things now because we'll going there at 4 in the afternoon.."
"Ahh coach? Kasali ba ako dyan?" tanong ko.. Aba malay ko ba kung kasali ako o
hindi..
"Oo naman, kung gusto mo magsama ka pa.." masayang sagot ni coach. Namilog ang mata
ko sa tuwa..
"talaga coach? Yes!! eh kung isama ko kaya ang mga kaklase ko tapos sisingilan ko
sila ng malaki kasi malayo yun.." biro ko..
"hahaha Rea celebration to hindi field trip.." komento ni Jason.. Alam ko. Bakit?
Di ba pwedeng magbiro? Kung minsan basag trip din tong si Jason eh, basagin ko kaya
mukha nito.. hehehe
Hala! teka, pano pala yung trabaho ko mamayang gabi? Agad kong tinawagan si
clarrise at sinabing di muna ako makaka pasok, aba minsan lang ang ganitong
pagkakataon, palalampasin ko pa ba? Lalo na at kasama si mylabs..
Inayos ko na ang ilang mga gamit ko.. Lumabas ako ng apartment ko dala ang isang
back pack at halos mahulog ang puso ko ng makita si mylabs na nakatayo at
nakasandal sa kotse nya..
"Ah hindi, napadaan lang ako.. " napakunot ang noo ko sa sinabi nya..
"May napadaan bang nakasandal lang sa kotse na parang may hinihintay?" biglang
gumuhit ang pilyang ngiti sa labi ko..
Nilapitan nya lang ako at kinuha ang bag ko at pinagbukas ako ng pinto ng kotse
nya..
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil sa mga kinikilos nya.. Akala ko sasakay na
din sya ng makasakay ako pero laking gulat ko ng sya na mismo ang magkabit ng seat
belt sakin.. Halos pigil na pigil ko ang paghinga ko..
"Baka himatayin ka dahil dyan sa pagpipigil mo ng hangin.." komento nya sabay sara
ng pinto sa tabi at sumakay na din sa driver seat.. Yung totoo? Anong nangyayari sa
mundo?
Di ako makapag salita.. Tiningnan ko sya, medyo seryoso ang mukha nya..
Unti unti ng kumakalma ang puso ko habang nasa byahe.. Ang daming tanong sa isipan
ko..
============
A/N: Ayan April na.. yihieeeee.. sabi ng karamihan april fools daw.. Eto yung buwan
na mas totopakin si Howard.. chos hahaha.
Salamat sa mga nag goodluck sakin nung nakaraan ramdam ko ang suporta nyo, enebe..
hahaha
Araw araw na ud? Pwede din basta sposoran nyo ako ng load.. *wink*
Pag walang mabait na sponsor, every other day ang ud ha.. hehehe (bakasyon, meaning
walang income, tipid kumbaga..)
San balak nyo ngayong holy week? Tara akyat ng bundok tas tulakan tayo pag nasa
taas na, exciting yun hahahaha
-ate Yna-
=================
Dedicated to Jagmin Mansanas, dahil nanalo sya sa rebus kaninang madaling araw..
Congrats ulit.. Punta ako sa inyo ha, makiki-WIFI hahaha.. :*
------------------------------
Rea's POV
"Mylabs may sakit ka ba?" tanong ko, nasa kalagitnaan kami ng byahe papunta sa
bahay ni coach..
Di sya nagsalita, hindi din nya ako nililingon.. Pano ba di ako magiging assumera
kung ganito naman lagi ang pinapakita at ginagawa nya?, tulad na lang ng bigla
nyang paggulo sa buhok ko tapos ito, itong pagsundo nya.. mylabs ano ba talaga?
Paasa lang ang peg?
Mga ilang minuto pa ay nakarating din kami kayna coach, nandito na ang iba, mukhang
kinuha pa nila ang mga kotse nila sa school, kasabay namin dumating si Tristan, may
kasama sya, kung di ako nagkakamali kaibigan sya ni Greshel.. Mychiel yata ang
pangalan nya..
Nginitian ko lang sya.. Akmang kukunin ko kay mylabs ang bag ko kaya lang
nilampasan na nya ako at pumasok sa loob.. Ano bang problema ng lalaking yun bukod
sa pagiging gwapo?
Pagkapasok namin sa loob naabutan namin si Jason na nag pupush up, ano na naman ang
trip ng taong yan?
"Wengya ano na naman kagaguhan ginawa mo Dela Cruz?" pang aasar ni Kevin..
"Ngayon lang kita nakitang nakasuot ng short.." napalingon ako kay Hannah.. Ngumiti
ako sa kanya..
"Ok lang, pag talaga ako di nakatiis liligawan kita.." tinaasan ko ng kilay si
Elvin..
Di nagtagal tinawag na kami ni coach, nilagay namin ang mga bagahe namin sa kotse
nila at kami naman ay sumakay sa isang medyo may kalakihan na van.. Katabi ko si
mylabs na nasa side ng window nasa kabilang side ko naman si Jana at Jonathan..
"Ang daya.. dapat pala nagsama din ako ng isa sa mga girlfriends ko.." narinig kong
sabi ni Elvin.. Nagsimula ng magbiruan ang jaguars pero wala sa kanila ang atensyon
ko, kundi nasa lalaking tahimik na nasa tabi ko..
Bigla kong binawi ang tingin mula sa kanya ng bigla na lang syang lumingon sakin..
Teka, di naman ako basta basta natatakot sa tingin nya ah, pero bakit ngayon, bigla
akong nakaramdam ng kakaibang kaba..
Naramdaman ko na hinubad nya ang jacket nya, at laking gulat ko ng ipatong nya yun
sa hita ko.. Nang lingunin ko sya nakasandal na ulit ang ulo nya sa inuupuan nya at
nakapikit ang mga mata..
Tumahimk na din ang ibang jaguars hanggang sa naging mapayapa ang byahe.. Ang
daming tanong sa isip ko, at dahil dun medyo tinamaan na din ako ng antok..
Sinandal ko ang ulo ko sa inuupuan ko.. Bago pa ako tuluyang agawin ng antok
naramdaman ko na may marahan na humawak sa ulo at sinandal sa balikat.. I smiled.
Ano ba talaga ang totoo mylabs? Bakit ganyan ka? Di na nga ako makaget over sayo,
nababaliw na din ako dahil sa mga pinaparamdam mo..
Kesa mag isip ng mag isip hinayaan ko na lang ang sarili ko na makatulog sa balikat
nya.. Sobrang gaan sa pakiramdam..
Napangiti ako ng makitang buhat buhat ni captain Shield si Hannah.. Mukhang ayaw
nyang gisingin si Hannah kaya binuhat na lang nya, nauna na sila.. Nilingon ko si
mylabs, dala nya yung bag ko, nilapitan ko sya..
"Ako na magdadala nyan mylabs.." sabi ko at akmang kukuhanin ang bag.. Pero tulad
ng nauna nyang ginawa nung dumating kami sa bahay ni coach, muli nya akong
nilampasan dala ang bag ko..
Napapangiting sumunod na lang ako sa kanya ganun din ang ibang jaguars.. At dahil
gabi na, medyo malamig na ang simoy ng hangin, sinuot ko ang jacket ni mylabs.. ang
bango takte..
Nasa may reception area kami.. Nauna na sa kwarto nila ang iba..
"Coach, sino kasama ko?" tanong ko.. Napatingin sakin ang ibang jaguars..
"Pfftt wengya itali mo sa kama pag pumiglas hahaha.." segunda naman ni Kevin..
"Coach sa kwarto na lang ni Dela Cruz ako tutuloy.." napatingin kami kay mylabs..
Bakit ba napaka-seryoso nya ngayon?
"Oo nga coach, sama sama na lang kaming girls sa isang kwarto.." sagot ko.. hindi
din kasi magandang idea ang makasama sa isang kwarto lang si mylabs.. Kahit naman
ganito ako ka-agresibo, mataas pa din naman ang tingin ko sa moral ko..
"Kaya lang dalawang kama lang sa isang kwarto, yung kayna captain Shield nga iisa
lang yata yung kama eh.." paliwanang ni coach..
"Sige coach, sama sama na lang kaming tatlo.." nginitian ko si Mychiel.. Girlfriend
ni Tristan.. Pasasaan ba at magiging boyfriend ko din si mylabs..
"Wengya ka naman Spencer ang laki mong duwag.." narinig ko pang reklamo ni
Tristan.. Duwag? Duwag sa ano? Na baka gapangin ko nga sya?
"Hala na kay babe pala ang mga gamit ko.." nilingon ko si Greshel.. Nakay-mylabs
din pala ang bag ko..
"excuse.. makikiraan.." sabi ko.. Lalabas na sana ako para sana pumunta kay mylabs
kaya lang laking gulat ko ng makitang nakasandal sya sa may tabihan ng pinto ng
kwarto namin, dala din nya ang bag ko..
"m-mylabs.."
Inabot nya sakin ang bag ko ng walang imik.. parang iniiwasan nya ang mga mata ko..
Baka pagod lang sya.. tahimik akong bumalik sa loob..
Nagpaalam na din si Jason, kasama pala nya si Tristan, bat di ko yata sya napansin
kanina?
"Oo naman.." siniglahan ko ang boses ko.. Kahit pa parang may nakabara sa lalamunan
ko.. Bakit kaya nya ako iniiwasan? Teka nga, matagal na nya akong iniiwasan, ano pa
bang bago?
"Ay sikat pala ako? Di ako aware tae.." sagot ko sabay tayo at nilagay sa closet
ang ilang mga damit ko..
"Naikwento kasi sakin ni babe.. di ka nga daw sumusuko kay Johnny.." nakangiting
paliwanag nya..
"Wala naman dahilan para sumuko ako..unless sabihin nyang tigilan ko na sya.."
sagot ko..
"Grabe halos lahat kami napapahanga mo.." sabi naman ni Mychiel..
"Hala dapat pala singilan ko kayo dahil napapahanga ko kayo.." biro ko..
"Tara pahinga na tayo.." sabay na sabi nung dalawa.. at sabay sabay kaming natawa..
Kuripot is in the air..
****
"Good morning..." bati samin ni ate Madell at ni coach.. Nandito din ang kuya ni
Hannah na si Mick at ang girlfriend nito na si ate Gladies..
"Kung sinong madaming makakain sya ang unang bibitayin.." biro ni coach na
tinawanan lang namin.. Maya maya pa ay nagdatingan na ang jaguars..
"Yo!"
"Gamitin din kasi ang utak hindi yung display lang lagi.." sagot naman ni Elvin..
"Atleast ako may utak, kahit display.. ikaw ba meron?" pang aasar naman ni Xevier..
Napapangiti na lang ako sa kanila.. Pasimple kong sinulyapan si mylabs.. Bakit
parang wala pa din sya sa mood, ang seryoso pa din ng aura nya..
"Pag ako nagka-utak, taena mauutas kayo sa sindak.." narinig kong sagot ni Elvin..
"Coach puntahan lang namin sina cous..." sabay na tumayo si Tina at Xevier..
Nagsimulang kumain ang lahat.. Syempre di ako nagpahuli, lalo na dahil masarap ang
pagkakaluto ni ate Madell sa mga putahe..
"Iiwan kayo ng taong mahal nyo, pero ang pagkain.. hindi.." napatingin kaming lahat
kay Elvin..
"ayan na pala sina captain eh.." sabi ni Kevin.. Napatingin naman kami sa bagong
dating.. Ang sarap nila sa mata.. Kitang kita ang love sa kanila..
Mylabs.. hanggang kelan ka pa magiging bato? Aba, baka wakas na ang Inday bote,
ganyan ka pa din langya..
"Di na natin kailangan ng dessert, tingnan na lang natin sina captain at hannah,
solve na" biro ni Elvin..
"Rea tara na.." pag aya sakin ni Greshel at Mychiel, nandito kami sa kwarto namin..
Mamasyal daw ulit at mamimili ng ilang souvenir..
"Kayo na lang, medyo pagod na ako eh.." sagot ko.. Pero ang totoo, wala akong
pambili ng mga souvenir, kaya dito na lang ako, o kaya naman ay maglalakad lakad sa
dalampasigan..
"Ganun ba? Sige, pero kapag nagbago isip mo, sunod ka na lang ha.." tumango na lang
ako bilang sagot..
Nahiga ako sa kama at nakipagtitigan sa kisame.. Kala ko pa naman mag eenjoy ako
lalo na dahil kasama si mylabs.. Bakit parang ang lungkot lang, siguro dahil hindi
nya ako pinapansin..
Lumabas ako ng kwarto, para maglakad lakad sa dalampasigan, alas singko na ng hapon
kaya naman malapit ng lumubog ang araw, may mangilan ngilan na din ang naliligo sa
dagat..
"Ang tubig iniigib, ikaw iniibig.." banat ko.. Nawala ang ngiti ko sa labi ng
maglakad sya palayo..
"Sabihin mo lang na tumigil na ako, promise titigil na ako!.." sigaw ko.. Napahinto
sya sa paglalakad.. Napatingin naman sakin ang ilang tao na nandito, pero di ko
sila pinansin.. Naglakad ako papalapit kay mylabs, tumayo ako sa harapan nya..
"Kung tatanungin mo ako, kung di ba ako napapagod sa pangungulit sayo, isa lang ang
isasagot ko, yun ay ang salitang hindi.. dahil kailanman ang pag ibig hindi
napapagod, tao lang ang nakakaramdam ng pagod at bilang tao, napapagod din ako,
pero wala akong time magpahinga dahil busy ako na mahalin ka.." ngumiti ulit ako,
pero this time isang totoong ngiti..
---------------------
Johnny's POV
Kung alam mo lang Rea, kung alam mo lang na simula ng araw na nakita kita minahal
na kita at bawat oras sa loob ng tatlong taon, lagi kitang napapansin,.. Tangnang
kaduwagan kong ito, bakit ba takot na takot ako na baka masaktan lang kita?
putragis naman oh..
Kinagat ko ang labi ko, sabay pikit ng mata ng makita ko ang pagtulo ng luha nya
bago pa man sya tuluyang tumalikod sakin.. Naikuyom ko ang kamao ko...
Dapat ko na bang hayaan ang sarili ko na mahalin ka ng malaya? Ang maipakita sayo
kung gaano ako kasaya dahil nakilala kita?, kung gaano ako kinikilig sa tuwing
bumabanat ka, Dapat na ba kitang ikulong sa bisig ko? At isigaw sa mundo na akin ka
lang?
Tang*na, ang isipin pa lang na mapunta ka sa ibang lalaki, parang dinudukot ang
puso ko at inaapakan ng sampong tao..
Kung alam mo lang Rea, kung gaano naalarma ang buong pagkatao ko, nang sabihin ni
Howard ni liligawan ka nya, parang gusto kong basagin ang mukha ng kaibigan ko ng
dahil sayo..
Iminulat ko ang mga mata ko, inikot ko ang paningin sa paligid, wala na sya..
***
Sumapit ang gabi, nag simula ng magpadalit ng apoy ang ibang jaguars para sa
bonfire mamaya.. Nakaupo ako sa may dalampasigan..
Ngumingiti sya pero di yun umaabot sa mga mata nya.. Iniwas ko ang tingin sa kanya
ng bigla syang lumingon.. 'Ang gago mo Spencer taena nasa harap mo na binabalewala
mo pa..
Inabutan ako ni Miller ng isang bote ng beer tingggap ko yun pero hinayaan ko lang
na nasa kamay ko..
"Mamaya kapag nalasing kayo mga gago ihahagis namin kayo sa dagat.." narinig kog
sabi ni Montereal..
"Baka ikaw ang malasing monkey..Gusto mo pustahan pa tayo" sabi naman ni Ms.Manager
"Manahimik ka babae.."
Buti pa sila nagagawang nilang magsaya ng sobra, 'mantalang ako wengya, malapit na
akong mabaliw.. Napahigpit ang hawak ko sa bote ng beer..
"Ok start na.." masiglang sabi ni Young, may hawak syang bote.. Ano na naman bang
kalokohan ang naisip ng hayop na to?
"Ako na mag iikot ng bote" mukhang excited naman ni Dela Cruz.. Napapailing na
ininum ko na lang ang beer na hawak ko.. Tahimik lang pinapanuod ang mga kalokohan
nila...
"Ok Xevier, so here is your question.. Kapag nalunod si Tina at lahat kaming
jaguars, sino ang ililigtas mo?" tanong ni Howard ng tumapat kay Montereal ang
bote..
"Syempre si Tina, bahala kayong malunod mga gago, di naman ako magkakaanak sa
inyo.." nagkatawanan ang lahat sa sagot ni Montereal..
"Ang hard mo papa Xevier" sabi naman ni Burns.. Napapngiti na lang ako sa kahayupan
ng mga kaibigan ko..
Muli nilang inikot ang bote at tumapat yun kay Turner..
"Isang tanong isang sagot Tristan, may balak ka bang ligawan si Mychiel?" tanong ni
Montereal.. wengya di pa pala girlfriend..
Muli kong tiningnan si Rea, mukhang nag eenjoy na sya dahil sa mga kalokohan ng mga
ugok, napangiti na lang ako ng makita ko ang ngiti sa labi nya, ang sarap sa
pakiramdam kapag nakikita ko ang mga ngiti nya, kahit pa hindi naman ako ang
dahilan nun.. Siguro kapag ako na ang dahilan ng mga ngiti nya, panigurado walang
paglalagyan ang sayang mararamdaman ko..
"Sa wakas hahaha.." napatingin ako sa jaguars.. Lahat sila nakatingin sakin..
Napakunot ang noo, hanggang sa napunta sa bote ang tingin ko, sakin pala
nakatapat.. Parang di ko gusto ang ngiti ng mga hayop na to..
"Ako ang magtatanong.." napatingin ako kay Montereal.. Wengya naman oh..
"paano kapag niligawan si Rea ng iba at sumuko na siya sayo anong gagawin mo?"
Heto na naman yung pakiramdam na para bang may dumudukot sa puso ko.. Tang*na
iniisip ko pa lang ang sagot sa tanong ni Montereal pakiramdam ko pinapatay na
ako..
"Sing a song for Rea, and tell her your goddamn feelings..." captain told me, at
walang pag aatubili kong kinuha ang gitara na inabot nya..
Gusto ko ng ipakita ang lahat ng sinisigaw ng puso ko, ang lahat ng nilalaman
nito..
Sinimulan ko ang pagtipa sa gitara, hindi ko inaalis sa kanya ang mga tingin ko..
Gusto kong maramdam nya ang lahat ng gustong sabihin ng puso ko..
------------------------
Rea's POV
Di ako makapaniwala, kumakanta si Johnny my labs ko.. Pero teka anong sabi ng
kanta? Lumayo ako sa kanya.. Aray ha..~~Pero para sa'yoAko'y magbabagoKahit
mahirapKakayanin koDahil para sa'yoHanda kong magpakatinoLaging isipinLahat ay
gagawinBasta para sa'yo~~
Di niya inaalis ang mga mata niya sakin, parang nasa kanta ang lahat ng gusto
niyang sabihin sakin.. Ngayon alam ko na ang feeling, nina tina at Hannah, nung
kantahan sila ng taong mahal nila..~~Hindi ikaw yung tipong nilolokoAt hindi naman
akoYung tipong nagseseryosoAt kahitSulit sana sa'yo ang kasalananLolokohin lang
kitaKaya't kung pwede wag nlang dahilAyoko ngang masaktan kaWag kang
maniniwalaHindi ako santo~~
Di ko mapigilan ang luha ko lalo na ng makita ko ang luha ni Johnny my labs.. What
does it mean? Na all this years.. May feelings din siya para sakin?
"I'm sorry for shutting you down, for ignoring you for-------"
"No, don't... Don't say sorry.." sabi ko.. Pinahid ko ng bahagya ang luha niya..
"I love you.." he said.. "I love you from the very first day I saw you.."
Di ko alam kung ano ang sasabihin ko.. Panaginip ba 'to? Sabihin nyong hindi, dahil
igagawa ko kayo ng handouts ng libre. Promise.
"Walang poreber.." narinig kong sabi ni Kevin.. Sabay kaming natawa.. Umalis ako sa
ibabaw ni mylabs, tumayo sya at laking gulat ko ng hilahin nya ako patayo sabay
hila sakin palayo sa mga kaibigan nya..
------------------
Johnny's POV
Di ko na pinansin ang sigaw ng mga gago, kahit di nila sabihin alam kong masaya
sila para sakin, para samin ni Rea..
Hawak ko ang kamay nya ngayon, gusto ko syang masolo.. Gusto kong sabihin sa kanya
kung gaano ko sya kamahal at kung gaano ako kagago dahil iniwasan ko sya sa pag
aakalang masasaktan ko lang sya pag pinili kong maging kami..
"mylabs, kung panaginip lang to, ayoko ng magising.." huminto ako sa paglalakad
dahil sa sinabi nya.. Hinarap ko sya..
"M-mylabs.." naluluha na din sya, alam kong di sya makapaniwala sa mga sinasabi ko
ngayon..
"At yang mylabs na pagtawag mo sakin, yan na ang nasisilbing musika sa bawat araw
ng buhay ko.."
"Rea, mahal na mahal kita.. akin ka pa din naman hindi ba? Di ka pa naman pagod
hindi ba?" para akong tanga sa inaasal ko ngayon, pero gusto ko lang marinig mula
sa kanya na di pa sya sumusuko sakin..
"Kahit kelan di mapapagod ang pag ibig ko sayo, di ba nga sabi ko sayo busy ako sa
pagmamahal sayo kaya wala akong time mag pahinga.." napangiti ako.. Niyakap ko sya
ng mahigpit..
"From this day forward, ako naman ang magpaparamdam sayo kung gaano kita
kamahal.."
"Thank you, thank you for not giving up on me.." I added.. At mas hinigpitan pa ang
pagyakap sa kanya.. Yakap na kahit kelan di ko na sya pakakawalan at hahayaan..
"Buti na lang madami akong baon na fighting spirit, kung hin----" di ko na sya
pinatapos, pinikit ko ang mata ko ng lumapat ang labi ko sa labi nya..
===========
A/N: Sa mga readers kong lalaki, hiring pa din kami ng OP for jaguars.. :) pm me
kung may interesado..
-ate yna-
=================
----------------------
Johnny's POV
I cut the kissed.. Automatic na nag init ang mukha ko ng makitang titig na titig
sakin si Rea... Wengya naman oh, ayaw na naman kumalma ng puso ko..
"Tara na babae baka hinahanap na nila tayo.." gusto kong murahin ang sarili ko sa
tinawag ko sa kanya, wengya bat ba nahihiya akong tawagin din syang mylabs? Akin
naman sya di ba?
Nauna na akong maglakad.. Langya ang dami ko ng naging girlfriend pero pakiramdam
ko baguhan pa lang ako sa larangan ng pakikipag relasyon..
'KyaaaaaaaaaaahhhH.." nagulat ako ng bigla na lang syang sumigaw at akmang
lilingunin ko sya kaya lang bigla na lang syang sumampa sa likuran ko.. I smiled..
Alam ko na kung bakit ganito ang pakiramdam ko, yun ay dahil iba siya sa lahat ng
babae na nakilala ko..
"Sobrang saya ko mylabs!" she said habang nakaback ride sakin.. Inalalayan ko naman
sya para di sya mahulog, at sinimulan ko ng maglakad..
Naupo kami ni Rea at nakijoin sa kanila.. Si captain at Gray ang nag gigitara
habang ang jaguars naman ang kumakanta..
"One, two.." bilang namin, hawak namin si Howard ngayon at balak namin syang ihagis
sa dagat..
"Taena nyooooo!!" nagpupumiglas sya pero dahil anim kaming nakahawak sa kamay at
paa nya wala syang nagawa kundi ang limutin ang sarili sa dagat..
"Pfftt bwahahaha.."
Sunod naman ay ang labanan ng mga babae.. Nakasakay sa balikat ko ngayon si Rea..
"Ang unang magpatak sa tubig talo.." excited na sabi ni Greshel, nakasakay sya sa
balikat ni Dela Cruz..
Kasali din ang kapatid ni Howard na si Izrah, nakasakay sya kay Burns, sina Turner
din at ang nililigawan nya na si Mychiel, at syempre papahuli ba si Jana at
Miller..
"Prrrrrrrt.." signal yun na umpisa na.. Halos puro tawa lang ng mga babae ang
maririnig pati kaming jaguars natatawa na din sa kalokohang ito.. Habang tinutulak
ni Rea si Tina, sinasabuyan ko naman ng tubig sa mukha si Montereal..
"Ang daya.. buti kayo may mga girlfriend, eh pano naman kaming mga single?" narinig
kong reklamo ni Freeman..
"Rea pag sinaktan ka nyang si Spencer, wag kang mag atubili na ibenta sya.."
tiningnan ko ng masama si Miller..
"Biro lang.." maya maya ay bulong nya.. I smiled at ginulo ang buhok nya. Sobrang
gaan nhg pakiramdam ko..
Di nagtagal nag paalam na sina captain. Nauna na silang bumalik sa kwarto nila,
ang jaguars naman tinuloy ang inuman medyo malalim na din ang gabi..
Naglakad na kami pabalik sa tinutuluyan ni Rea, katabi lang nun ang kwarto na
tinutuluyan ko kasama sina Dela Cruz..
Tahimik lang kaming dalawa.. gusto kong hawakan ang kamay nya, kaya lang
kinakabahan ako..
"Ipaubaya mo na sakin ang mga araw para pasayahin ka.." ang puso ko nagsasalita
para sakin.. I smiled.
"Di ka nananaginip, boyfriend mo na ang crush mo.." sabi ko, at di nakatakas sakin
ang pamumula nya.. Langya bat ba ang ganda ng girlfriend ko? Di papahuli ang ganda
nya sa mga babae ng ibang jaguars.. Para sakin sya ang pinaka maganda, kakaiba pa.
"Pwede suntukin kita ng isa para makasigurado talaga ako?" natawa ako sa sinabi
nya.. Langya, iba talaga magmahal ang babaeng ito, damang dama ko eh..
"Pahinga ka na puro ka kalokohan.." natatawang sabi ko.. Pero natigil ako ng bigla
na lang syang lumapit sakin at hinalikan ako sa pisngi..
"Goodnight boyfriend ko.." sabi nya at iniwan akong tulala sa harap ng pinto ng
kwarto nila..
"Yo! Spencer anong tinatanga mo dyan?" nilingon ko ang mga bagong dating na jaguars
na sina Howard, Young at Burns, sa katabi lang din namins ila..
"Tinatanga talaga? Di ba pwedeng tinatayo lang muna?" sumunod akong pumasok sa loob
ng kwarto nila..
"Hoy labas, di ka namn dito ah.." reklamo ni Burns..
"Damot ah, ang mga nagliliyab na apelyido walang karapatang magreklamo.." binato
nya ako ng unan na iniwasan ko lang, napansin ko na pumasok si Young sa banyo.. Di
pa pala ako nakakapagbanlaw wengya, nawala sa isip ko na basa pa pala ako..
"Iiwan ka din ni Rea!" narinig kong sigaw ni Young.. Di ko sya pinansin at lumabas
na ng kwarto nila, tumuloy na ako sa kwarto namin at naligo bago tuluyang
nagpahinga..
--------------------
Rea's POV
"Good morning.." masayang bati ko kay Mychiel at Greshel.. Para akong nakalutang sa
ulap.. Ang gaan g pakiramdam ko para bang may mga paro parong lumilipad sa paligid
ko..
"Tama na yan, tara na sa labas baka hinhintay na nila tayo.." natatawang sabi ni
Mych.. Basag araw naman 'to eh. DI ba nya nakikita na sobrang saya ko?
"Kaya naman pala nagkakagulo ang ilan, ang aga aga nagpapacute na ang jaguars.."
komento ni Mych.. Anong pinapamigay nila?
May mga papel silang binibigay sa ilang mga guest na nandito din sa resort..
"Mukhang may bagong pakulo ang jaguars.." narinig kong sabi ni Greshel..
"Rea san ka?" nauna na akong maglakad sa kanila, ramdam ko naman ang pagsunod
nila..
"Johnny my labs, para kang sun rise.." sabi ko ng makalapit ako kay mylabs..
Pero napakunot ang noo ko ng di nya ako pansinin.. Wag nyong sabihin sakin na
nagbago na ang isip nya?
---------------------
Johnny's POv
Wag kayong magulo nasa cloud nine pa rin ako, heaven pa rin ang pakiramdam ko.
Namimigay ako ngayon ng mga flyers, invitation para sa fire works show mamayang
gabi, part pa rin ng plano ni captain. Di ko mapigilan ang mga ngiti ko. Medyo asar
nga lang dahil nagbilin si captain na wag muna papansin sina Tina at ang iba pang
girls.
"Miss, fire works show at 8pm" harang ko dun sa isang babae. Tapos inabot yung
kapirasong papel..
"Johnny my labs, para kang sun rise.." bati ni Rea ng makalapit sila sa pwesto ko..
Deadma pa rin..
"Aba hoy, ganun? deadma lang? bakit nagbago na agad ang isip mo..?" tanong niya at
hinawakan ang braso ko. Damn, ako magbabago ang isip? kainis naman si captan eh.
Pwede bang ibreak ko muna ang words niya kahit ngayon lang?
"oy nakita ko yun.. ngumiti ka.. uyyy" pangungulit niya tapos sinundot pa ako sa
tagiliran.. Grabe ang saya sa pakiramdam kapag nasa paligid siya lalo't higit kapag
nasa tabi ko siya..
"Hoy mylabs anong nangyari sayo?" tanong ko, at hinawakan ang pisngi niya..
***
"Gusto mo?" napatingin ako sa kanya, inilapit nya sakin yung kinakain nyang dirty
ice cream na nadaanan namin kanina..
Ngumiti ako sa kanya at akmang titikman ko yung ice cream ng bigla na lang nya yung
ilapat sa may ilong ko.. Sabay tawa ng malakas at lumayo sakin..
"Babae!" sigaw ko. Tumakbo naman sya ng makita nyang palapit ako sa kanya hanggang
sa naghabulan kami. Sinimulan namin ang araw ng ganito..
Asaran, food trip, at kung ano ano pa.. Unang araw pa lang namin pero ang dami ko
na agad napapansin sa kanya, iba pa rin pala ang obserbasyon sa malayo at
obserbasyon kapag kaharap mo na talaga sya. Di nyo kasi naitatanong, lagi ko syang
tinitingnan sa malayo, binabantayan ko sya kahit dun sa convenience store kung san
sya nagpapart time job..
"Mylabs tingnan mo ang cute.." sabi nya ng mapansin akong nakatayo sa tabi nya..
Hawak nya ngayon ang malit na maliit na bear na pwedeng isabit sa bag o kaya naman
ay sa cellphone..
May pinindot sya dun sa maliit na teddy bear.. tapos biglang may tumunog sa maliit
na teddybear na yun na nagpatibok ng mabilis sa puso ko..
"100 ineng..'" sabi nung nagtitinda, agad kong dinukot ang wallet ko..
"Ang mahal naman, bente na lang.." bigla akong napatingin kay Rea dahil sa sinabi
nya. Seriously? Bente?
"Sige, singkwenta.. sige na manong huling tawad na.." pangungulit nya.. Bigla na
lang akong napangiti.. wengya ang sarap nyang ikulong sa bisig ko. Kompirmado para
sakin talaga ang babaeng ito..
"Otsenta.." sagot ni manong..
"setenta, tapat na po.. sige na manong setenta na lang gwapo ka naman eh, gwapo ka
pa dito sa boyfriend ko oh.." di ko na naman napigilan ang tawa ko sa sinabi nya..
"Sige na nga, kung di lang ako gwapo eh.." napapangiting sabi ni manong
magtitinda..
Kumuha ako ng 500 sa wallet ko at akmang iaabot kay manong pero hinampas ni Rea ang
kamay ko. Binigyan ko sya ng nagtatakang tingin..
"Sinong may sabi sayo na ikaw ang magbayad? Ikaw ba ang bumili?" nakataas ang kilay
na tanong nya.. Kasama sa mga nalaman ko ngayong araw, ayaw nya na ako ang
magbabayad sa mga bibilhin nya.
Umiling ako bilang sagot.. Binalik nya ang tingin kay manong at inabutan yun ng
saktong seventy pesos..
"Utoy areh oh.." napalingon naman ako kay Ale na binibilhan ko ng singsing, may
nakaukit na dun.. Inabot ko sa kanya yung hawak kong limang daan..
"Wala po e-----anong ginagawa mo?" napatingin ako kay Rea ng bigla nyang abutan ng
singkwenta yung ale..
"Anak ng.. ikaw pwedeng magbayad tapos ako hindi? Ginagago mo ba ako?" asar na sabi
ko..
"Matagal ka ng gago kaya di ko na kailangan gawin yun hehehe.." sagot nya at kinuha
sa Ale yung limang daan...
Kinuha ko sa kanya yung pera tapos binigay sa Ale at kinuha ko yung singkwenta..
"Keep the change po.." sabi ko sabay hila sa kanya.. Parang ang unfair naman yata,
sya pwede akong ilibre? Pero ako hindi pwedeng manlibre? Anak ng tokwa ano yun,
lokohan?
Naupo kami sa isang bench, walang nagsasalita, sya pa ngayon ang may ganang
magtampo? Ok na eh, ganda na ng unang araw namin tas nahaluan pa ng ganito
wengya..
Maya maya...
"Sorry.."
"Sorry.."
"Di naman maiiwasan na di ako gumastos para sayo, girlfriend kita at ang lahat ng
makakapag pasaya sayo ibibigay ko kahit ano pa yun.."
"Ikaw lang ang makakapag pasaya sakin at hindi ang mga materyal na bagay.."
nakatungong sabi nya.. Parang kidlat sa bilis ang naramdaman kong kilig deretso sa
puso..
Unti unti kong tinaas ang mukha nya, tiningnan ko sya sa mata.. Napaka-swerte ko
talaga. Dahil isang tulad nya ang binigay sakin ng maykapal..
"Mahal kita, at handa akong ibigay ang lahat ng meron ako, kahit buhay ko pa.." I
said.. Gusto kong ibigay sa kanya ang lahat, gusto kong maramdaman nya kung gaano
ko sya kamahal..
"Ayoko ng buhay mo.. sayo yan kaya wag mong ibigay sakin, gusto ko yung pagmamahal
na tapat at totoo.." Napangiti na lang ako sa sinabi nya.. Ibang klase talaga sya.
I kissed her on her forehead.. Hinubad ko ang kwintas ko at inalis ang pendant dun
tapos nilagay ko yung binili kong singsing..
"Eto, simbolo ito ng tapat at totoo kong pagmamahal sayo, ingatan mo yan, dahil
kapag nawala yan para mo na din winala ang pagmamahal ko.." sabi ko habang sinusuot
sa kanya ang kwintas..
"Hindi, pero kapag iningatan mo yan para mo na din akong iningatan.." paliwanag
ko..
Halos matunaw ako sa ngiti nya.. Inabot naman sya sakin yung binili nyang teddy
bear..
"Eto naman ang sayo..Kapag winala mo yan, papatayin kita.." napasimangot ako sa
sinabi nya, akala ko pa naman sweet words ang sasabihin nya.. pangalawang nalaman
ko sa kanya, may side sya na malakas mambasag ng moment..
"Hahaha biro lang, ingatan mo yan, gaya din ng pag iingat mo sakin.." gaya gaya,
pero tumagos sa puso ko yung sinabi nya..
==========
=================
Rea's POV
Di mawala ang ngiti ko, hinalikan ko ang singsing na ginawang kwintas ni mylabs..
may nakaukit sa singsing na lalong nagpangiti sakin.. Johnaer together..
Bakit Johnaer? John is from his name Johnny at yung aer, name ko na binaliktad
nya.. di ko gets nung una pero ngayon alam ko na.. ang corny nya 'no? hehehe
"Kaya pala bigla na lang kayong nawala kanina." natatawang sabi ni Mychiel,
kinuwento ko kasi sa kanila ang biglaang date namin ni mylabs kanina..
"Girls come with me.." nagkatinginan kaming apat, naguguluhan man ay sumunod kami
kay ate Gladies, tinatahak namin ngayon ang daan papunta sa parking area ng
resort..
"Ano pong problema ate Gladies?" tanong ko.. Kalma lang ang itsura nya pero ramdam
namin yung kakaibang atmosphere na para bang may masamang balita..
"Nakatanggap kami ng tawag, isinugod si Tina sa ospital.." napakunot ang noo ko sa
sinabi nya..
"Nabaril sya..." walang nakaimik samin ng sabihin yan samin ni Ate Gladies..
Nabaril? Paano mangyayari yun? .
Ang malaman na nakikipag laban kay kamatayan si Tina ay nakapag palungkot sakin ng
sobra, nag simula ng pumatak ang luha ko.. Bakit may ganitong pangyayari? Sino
naman walang puso ang gagawa nito?
Kaibigan ko si Tina, naging kasabwat ko din sya sa mga raket ko sa buhay..
"Kuya Xevier.. si ate Tina.." umiiyak na lumapit si Izrah kay Xevier.. Napatungo
ako at mas lalong naiyak sa sinabi ni Xevier..
Ano bang nangyari? May nakain ba siyang di maganda? Masakit ba ang ngipin niya?
bakit? may sakit ba sya na di sinasabi sakin? Ano?" tanong nya..
"Shhh tahan na.." si mylabs.. Siniksik ko ang sarili ko sa dibdib nya.. Takte naman
eh, ok na eh, ang saya na ng araw namin, tapos biglang nangyari ito..
Niyakap nya ako ng mahigpit, narinig ko pa ang ilang sigaw ni Xevier sa jaguars..
---------------------
Johnny's POV
Nakakagulat ang mga pangyayari. We are expecting a happy night for the celebration
of first monthsary of captain and Hannah, but this thing came up.. Tiningnan ko ang
jaguars, halata ang lungkot at galit sa kanila, lalo na kay Xevier.
"Di mo alam ang nararamdaman ko ngayon gago, alam mo ba na gustong gusto kong
hanapin ang mga hudas na gumawa nito, pero ang masakit di ko alam kung sino sila at
san sila hahanapin.." sabi ni Xevier..
Tiningnan ko naman si Jonathan, tulala siya. Wala pa kasi kaming balita kay Jana
at Hannah.
Naramdaman ko na umiiyak na naman si Rea, yakap yakap ko siya ngayon. I kissed her
head.
"magiging ok din ang lahat.." narinig kong sabi ni Jason kay Greshel, kagaya ni
Rea, umiiyak din ito..
Hawak naman ni Tristan ang kamay ni Mych, wala ng ibang magbibigay ng comfort samin
kundi kami kami lang din.
Ang sakit makita na umiiyak ang mahal mo at masakit din malaman na nasa panaganib
ang mga kaibigan mo, lalo't higit ang makita ang tropa mo na malungkot at
nasasaktan. Bakit nangyari ito?
Wala si captain dito. Di namin alam kung saan siya nagpunta.. Bigla na lang siyang
humiwalay samin. Ganun din si Kuya Mick.
**
Lumipas ang mga oras, malapit ng dumilim pero di pa rin tapos ang operation ni
ms.manager..
Tiningnan ko ang ibang jaguars na nadito, ang iba ay lumabas para bumili ng maiinum
o makakain..
"Tara muna sa labas.." sabi ko, di pa kasi sya kumakain. Oo alam kong may problema
kaming kinakaharap pero di dahilan yun para pabayaan namin ang mga sarili namin..
"Yan din ang tanong ko.." wala kasi akong alam sa mga nangyayari. Wala naman
kasing sinasabi si captain samin..
"Magiging ok din ang lahat.." sabi ko na lang.. Tumuloy kami sa malapit na seven
eleven..
"mylabs naman.. wag ka naman magpalipas ng gutom.." nag aalalang sabi ko.. Di pa
kasi kami naglalunch at ngayong gabi na di pa din..
Di ko na sya pinatapos at niyakap na lang.. Alam kong natakot sya sa nalamang may
mga taong handang pumatay ano mang oras.. Alam nyo naman siguro na ang babaeng ito
ay laging positive side lang ng buhay ang tinitingnan..
"Sige magtubig na lang muna tayo, pero pag nalipat na sa kwarto si ms.manager sabay
tayong kakain ha.." sabi ko, dapat masigurado ko na kakain talaga sya.. She
nodded..
Naupo kami saglit at tahimik na ininum ang tubig, kailangan bang mangyari ang lahat
ng ito?
"Mylabs, di naman kayo gangster di ba?" napakunot ang noo ko sa tanong ni Rea..
"Baka kasi gangster kayo tapos may nakaaway kayo tapos binalikan nila sina Tina,
tapos----"
"Mylabs, di kami gangster.." napangiti na lang ako.. Bakit naman nya naisip na
gangster kami? Kung minsan iba din mag isip ang girlfriend kong ito..
Biglang nag vibrate ang cellphone ko, tumawag si Burns at sinabing nailipat na daw
si ms.manager sa private room..
---------------------
Rea's POV
Nalaman naming mga girls na naghahanda pala sila para sa monthsary ni captain at
Hannah bago pa mangyari ang lahat ng ito.
"Anong mangyayari sa pulang bato, kapag hinagis mo ito sa berdeng bughaw na ilog?"
narinig kong tanong ni Greta, kanina pa yan, para daw mabawasan ang bigat na
nararamdaman ng lahat. Sabagay di rin naman gugustuhin ni Tina kapag nakita niya
kaming ganito..
"Ano na naman bang kalokohan yan ha, Greshel? " sabi naman ni Jason..
"Palaisipan ang tawag dun hindi kalokohan no!" sagot naman ni Greshel..
"Greta, kapag nasagot ko ba yang tanong mo, mananalo ako ng cash?" tanong ko.. Aba!
ayoko nga gamitin ang utak ko kung di naman ako kikita.
"Hanggang kelan ko ba sasabihin sayo Rea na wag mo ako tawaging Greta.. ambaho kaya
ng Greta.." reklamo niya..
"Wag ganun aba!! masyado mo naman, nilalait ang pangalan mo. Tingnan mo sinabihan
mo pa ng mabaho.. tsk" biro ko..
Narinig ko naman na nagtawanan ang ilang jaguars. Ayan gumagaan na ang hangin para
sa lahat..
"Besh oh, inaaway ako ni Rea.." sumbong nya kay Mychiel. I smiled, masaya ako dahil
naging kaibigan ko sila kahit mas maganda ako sa kanila. Dejoke hahaha..
"Anong gusto mong gawin ko besh? Agawin si Johnny?" sabi naman ni Mychiel..
"Aba, aba teka lang.. lumalampas yata kayo sa linya, Si Johnny Spencer slash my
labs ay para kay Rea Snyder lang and that's me.." sabi ko..
"Teka nga bago kayo, magpatayan dyan, ano muna ang sagot dun sa palaisipan mo
Greshel?" tanong ni Elvin.
"Bakit wala ka bang isip at di mo alam ang sagot ha kuya Elvin?" sabi naman ni
Izrah..
"Bakit ikaw ba alam mo ang sagot ha kapatid?" medyo asar na sabi ni Elvin..
"Aba't.." magrereklamo pa dapat si Elvin kaya lang sinenyasan siya ni Izrah ng stop
sign..
"Anong mangyayari sa pulang bato, kapag hinagis mo ito sa berdeng bughaw na ilog?
Syempre ang sagot dyan ay, lulubog yung bato.." confident na sagot niya..
I smiled..
"Hoy Rea, bibigyan kita ng isang libo, ano ang sagot? wag kang pangiti ngiti
dyan.." biglang sabi ni Jason..
"Isang libo, Jason ha. Simple lang, mababasa yung bato.." sagot ko.
Tumatawa kami pero di pa rin naalis sa isip namin ang mga bagay na posibleng
mangyari. Bigla na naman tumahimik ang lahat.
***
Kinabukasan nakatanggap kaming lahat ng balita na naligtas na daw si Hannah at
Jana. Kasabay ng balitang yun ang pagbalik naming lahat sa manila, nalipat na din
si Tina sa Adaipmil Hospital..
"Oo, kaw lang naman ang walang tiwala sakin eh.." biro ko..
"Syempre may tiwala ako sayo ikaw pa eh the best ate ka in the whole world.." I
smiled..
"Sus bolero.."
"Hehehe, ate basta enjoy ka lang dyan ha, wag mo akong masyadong isipin, kayang
kaya ko ang sarili ko dito.."
"Wag kang mag alala siopao, si mylabs lang ang nasa isip ko.." biro ko.. Kahit ang
totoo, walang gabi na di ko sya naiisip, pero dahil alam kong nasa mabuting syang
mga kamay, panatag ang loob ko..
"Ok lang, nasa puso mo naman ako.." mas lumawak ang ngiti ko sa sinabi nya.. Masaya
ako dahil may dalawang mahalagang lalaki sa buhay ko..
"Syempre, nga pala pag umuwi ka dito isama mo si kuya Johnny ha ng makilatis ko na
sya." napanganga ako sa sinabi nya, wengya bata ba talaga tong kapatid ko?
"Sige na magpahinga ka na ate Rara, ramdam ko hanggang dito ang pagod mo.. Mahal
kita ate, ik4w lNg s4phat na" napahagalpak ako ng tawa sa jeje accent nya..
Sa kabila ng mga nangyari, boses lang ni Siopao nawawala na ang mga pangamba ko..
Simpleng buhay, mapagmahal na boyfriend at makulit na kapatid.. wala na akong
mahihiling pa..
==========
A/N: Natawa naman ako sa inyo pati pala Author's note ko inaabangan nyo din
hahaha..
Di pa kasi ako kinakausap ng ayos ni Kevin Young (sa isip ko) kaya wala pa akong
ma-iud hahaha.. Yaan nyo pag tumambay na ulit sya sa utak ko baka mag ud na ako..
Anyway medyo nangangati na ang kamay ko, gusto ko ng makarating ng climax itong
MPUG.. Di pa tayo pumapasok sa climax ng story, feeling ko nasa unahan pa tayo at
wala pa sa gitna..
Tulad ng KBAYM, madami ding twist ang MPUG, ganun din ang BOH.. Baka nga ipakulam
nyo ako pag humantong na tayo sa climax ng dalawang story hahahaha..
-ate yna-
=================
Johnny's POV
"Mylabs asan ka na?" kausap ko ngayon si Rea sa phone, may usapan kami na magkikita
ngayong araw. Sabado ngayon, at dalawang linggo na ang lumipas simula nung
insidenteng naganap sa batangas.
Nasa ospital pa rin hanggang ngayon si ms.manager good thing dahil may malay na
sya, 1 more week pa daw bago sya tuluyang makalabas..
About naman kay captain, wala pa din kaming balita ganun din kay Jana. Wala syang
kino-contact kahit isa samin, same with Montereal..
Pero dahil malaki ang tiwala namin kay captain, alam namin na babalik sya. Ibabalik
nya din ang lahat sa dati.
[Teka mylabs, isang kanta na lang 'to..] napakunot ang noo ko sa sinabi ni mylabs.
Kanta? San sya kumakanta?
"Mylabs, sabihin mo sakin ang totoo? Nasaan ka?" tanong ko. Sa loob ng dalawang
linggong lumipas, palagi na lang akong nagugulat sa mga raket ng girlfriend ko sa
buhay..
[Nasa may lamay ako, kumakanta hehehe] sagot nya. Anak ng.. lamay? Ibig sabihin sa
patay? Malamang kaya nga lamay di ba?
"Mylabs naman, san yan pupuntahan kita.." sabi ko at agad na sumakay sa kotse ko.
Nasa isang park ako kung san dapat kami magkikita, tapos malalaman ko na nasa lamay
sya? Langya..
"Rea Snyder sasabihin mo sakin kung nasaan ka o ako mismo ang hahanap sayo?"
nagbabantang tanong ko..
Naiinis ako! Naiinis talaga ako wengya, pwede naman wag na lang syang rumaket ng
ganun at ipaubaya na lang nya sakin ang pinansyal na mga bagay at mag focus na lang
sya sa pag aaral.
Pero dahil si Rea Snyder sya, alam kong wala sa personality nya ang ipaubaya sakin
ang mga bagay na tulad nito. Pero masisisi nyo ba ako? Girlfriend ko sya, siguro
naman may karapatan ako na tulungan at damayan sya sa mga bagay bagay kahit
usapang pera pa yan.
Wengya sa dalawang linggo namin, wala akong narinig sa kanya na gusto nya nito,
gusto nya nun, di tulad ng mga naging girlfriend ko na gastos dito, gastos doon.
Dapat ba akong magpasalamat dahil hindi gastador ang girlfriend ko? O dapat akong
mainsulto dahil ayaw nyang tumanggap ng regalo galing sakin?
Nadatnan ko si Rea na naghihintay sa labas ng gate, sa bahay kung saan may lamay.
Napansin ko agad ang dala nyang gitara.
Bumaba ako ng kotse at nilapitan sya, kinuha ko ang hawak nyang gitara at
pinagbukas sya ng pinto ng kotse.
"mylabs.." tiningnan ko lang sya. Nung di ako tumugon ay sumakay na din sya.
Nilagay ko sa backseat ang gitara at sumakay na din. Tahimik na pinaandar ko ang
sasakyan.
"Mylabs galit ka ba?" tanong nya.. Galit nga ba ako? Ang tanong, may karapatan ba
akong magalit? Oo boyfriend nya ako, pero pagdating sa mga raket nya pakiramdam ko
wala akong karapatan na pakialaman sya..
"Mylabs ano bang problema? Galit ka ba dahil sa di ko agad nag punta sa park?
Mylabs magsalita ka naman oh, may nagawa ba akong mali?" tiningnan ko sya, pero
agad ko ding binawi ng makita ang lungkot sa mga mata nya..
May ginawa nga ba syang mali? Mali bang matatawag yung pagkanta nya sa lamay? Kung
makakadagdag din naman yun sa ipon nya?
"Ihatid mo na lang ako sa apartment ko.." maya maya ay narinig kong sabi nya..
"Galit ako, hindi sayo kundi sa sarili ko, dahil di ko man lang alam kung paano ka
matutulungan sa mga bagay na ikaw lang ang gumagawa.." naikuyom ko ang kamao ko sa
galit..
"Yun na nga eh, pakiramdam ko kahit kailan di mo kakailanganin ang tulong ko.. Ano
pa at naging boyfriend mo ako kung di kita madadamayan sa hirap na nararanasan
mo!?" di ko napigilan ang pagtaas ng boses ko..
"Bakit ba di mo din ako maintindihan?" balik na tanong ko, pero sa halip na sagutin
nya ang tanong ko, bumaba sya ng kotse..
"Bumalik ka na lang dito kapag handa ka ng unawain ako.." sabi nya bago tuluyan
sinara ang pinto.
Damn!
Natagpuan ko ang sarili kong pinapatakbo na ng mabilis ang kotse..
Ito ang unang away namin, away nga bang matatawag ito?
Inihinto ko ang kotse sa parking area ng bar ni Miller. Ilang linggo na din itong
sarado. Napansin ko agad ang mga kotse ng jaguars.. Pumasok ako sa loob..
"Yo! Spencer!" naupo ako, malapit ng dumilim, mukhang kanina pa sila dito. Dito
kami nagpapalipas ng oras pag may problema.
"Bat ganyan ang mukha mo Spencer? Ano break na kayo ni Rea?" pinakyuhan ko si
Young. Nagtawanan ang jaguars..
"Sa hilatsa ng pagmumukha ni Spencer, may problema yan.." sabi naman ni Gibson. Di
ko sya pinansin at kumuha na lang din ng isang beer.
"Wala pa, wag mong baguhin ang usapan..Anong problema mo?" napatingin ako sa
jaguars ng mapansin ko na lahat sila nakatingin sakin..
Langya mga kaibigan ko nga talaga ang mga gagong ito. Nilagok ko muna ang hawak
kong beer bago ko sila hinarap.
"Unawain mo muna sya, sigurado may dahilan yun kung bakit ayaw nyang hingin ang
tulong mo.." komento ni Gray matapos kong ikuwento sa kanila ang lahat.
"Ano bang gusto mong gawin nya bukod sa humingi ng tulong sayo?" tanong ni Burns.
"Gusto kong tumigil sya sa mga raket nya at mag focus na lang sa pag aaral, ako na
lang ang sasagot sa lahat ng pangangailangan nya.." sagot ko.
"Gago talaga, alam mo tol, instead na patigilin sya sa raket nya, why don't you try
na suportahan sya sa mga bagay na ginagawa nya?" seryosong sabi naman ni Turner.
"Tama, hindi yung pinapangunahan mo sya.." Fisher..
"Wengya sabi na eh, nakakatanga ang magkaron ng lovelife.." sabi naman ni Howard.
"Di ako naniniwala sa sinabi mo Howard.." komento ko, may point ang mga sinabi ng
ibang jaguars pero yung kay Howard? Psh!
"Eh bat tanga ka? Sabi mo nakakatanga ang magkaron ng lovelife.." paliwanag ko..
"Taenamo Spencer iiwan ka din ni Rea hayop ka.." binato ko sya ng mani. Baka may
sula ang bibig ng gago..
"Ano pang ginagawa mo dito Spencer? Puntahan mo na si mylabs mo.." maya maya ay
sabi ni Gibson.,
"Oo nga, ang tampuhan hindi pinapaabot ng umaga.." sabi naman ni Burns..
"Tama kayo, salamat sa inyo, nakakausap din pala kayo ng matino.." komento ko.
"oo naman, ikaw at si Howard lang naman ang hindi.." sagot ni Young,,
"Wow ha, ang ganda ng binigay mong advise Young langya ka.." tumayo na ako, pero
napatingin ako kay Miller..
"Alam mo Miller kung nalulungkot ka, bat di mo subukan pumunta kay jollibee, dahil
dun, bida ang saya." biro ko. Pero isang matalim na tingin lang ang binigay nya
sakin. Tumakbo na ako palabas ng bar baka bigla akong balibangin ng bote mahirap
na..
Agad akong sumakay sa kotse ko, dumaan muna ako sa isang flower shop at pumunta sa
condo ko, maliligo muna ako langya baka maamoy ako ni mylabs mabatukan pa ako
nun..
Wengya ilang oras pa lang ang nagdaan miss ko na sya.. Siguro nga mali ako, dapat
inalam ko muna ang mga dahilan nya, dapat inintindi ko muna sya..
--------------------
Rea's POV
Kasalukuyan akong nagluluto ng hapunan, wala akong pasok ngayon sa conveniece store
kaya may oras akong magluto. Napahinto ako sa paghahalo ng adobo ng maalala ko na
naman si mylabs. Di ko akalain na aalis nga sya. Pagkatapos kong sabihin na bumalik
na lang sya pag naunawaan na nya ako.
Napalingon ako sa may pinto ng makarinig ako ng katok.. Pinatay ko muna ang stove
bago tuluyang pagbuksan kung sino man ang kumakatok.
"Hindi po ako umorder ng bulaklak." sabi ko.. Di ko makita ang mukha ng may dala
dahil natatakluban.. Di naman talaga ako umorder eh, kung pagkain yan kahit di ako
ang umorder tatanggapin ko.
"Mylabs.." biglang bumilis nag tibok ng puso ko ng marinig ko ang boses nya, tapos
unti unting bumaba ang bulaklak at tumambad sa harap ko si mylabs. Iba na ang suot
nya ngayon, at mukhang fresh na fresh sya..
"For you.." inabot nya sakin yung dala nyang bulaklak.. Tinuro ko pa ang sarili
ko..
"Sino pa bang girlfriend ko dito?" tanong nya. Aba nagsusungit ba sya? Tinanggap ko
yung bulaklak.
"Pasok ka.." sabi ko at mas niluwagan ang pagkakabukas ng pinto.. Ito pa lang ang
unang beses na makakapasok sya sa apartment ko, kahit 2 weeks ng kami, hanggang
labas lang sya sa tuwing hinahatid at sinusundo nya ako..
"May tiwala ka naman sakin di ba?' balik na tanong nya. Yung totoo? Ang hilig nya
magbalik ng tanong ngayong araw.. Tumango ako bilang sagot. Agad naman syang
pumasok, sinara ko ang pinto.
"Kumain ka na ba?" tanong ko.. At pumunta sa kusina. Tanaw sa salas ang kusina ko
kaya walang problema dahil kita ko pa din sya.
"Makakapag hintay yan, kain muna tayo.." sagot ko. Tampo ako sa kanya at ganun din
sya sakin pero gusto ko munang iparamdam sa kanya na ok ang lahat bago namin
umpisahan ang pag uusap, sa ganung paraan kalmado na ang puso't isipan namin at
pwede na namin harapin ang konting di pagkakaunawaan na may bukas na isipan.
"I'm sorry.." bulong nya. Hinarap ko sya. Di nakatakas sa paningin ko ang konting
luha na pumatak sa tabi ng mata nya. Pinunasan ko yun at hinaplos ang pisngi nya..
"I'm sorry din mylabs.." sabi ko, I close my eyes when he kissed me on my
forehead.
"Mas mahal kita.." sagot ko.. tapos hinalikan nya ulit ako sa noo.. Yung puso ko
nagblentungan na naman..
"Tara kain muna tayo.." yaya ko sa kanya. tumango naman sya at naupo sa dining
table.. Agad kong sinalinan ang pinggan nya. And we started eating.
Alam kong mamaya, magdidiskusyon na naman kami tungkol sa ilang mga bagay, pero
alam ko na ang mga puso namin ang gagabay samin para sa mas malinaw na usapan at
paliwanagan.
===========
Sa mga gusto ng malaman ang dahilan kung bakit naghiwalay si Rea at Johnny sa
KBAYM, sakay kayong time machine, punta kayo sa future nitong MPUG, chos hahahaha..
Antay lang naman kayo wengya, pag gantong malungkot ang puso ko eh hahahaha..
Pasayahin nyo muna ako, mag iwan kayo ng comment tapos i-inspire nyo ako sa mga
comment nyo o kaya libre nyo ako sa jollibee xD
Sino mga pupunta sa Gold Rising 4 bukas?? Bili kayo ng book ng KBAYM ha
(feelingera here hahaha..) Baka makapagtanong nga kayo dun kung may KBAYM wengya,
wala ha, chinuchurva ko lang kayo, ganito ako pag malungkot XD..
-ate yna-
=================
Johnny's POV
Nandito kami ngayon sa mansyon nina Hannah, ngayong araw ang labas ni Tina sa
ospital, nandito kaming lahat para sabay sabay na salubungin ang paglabas ni
ms.manager, para na din sunduin si Hannah at magkakasamang pumunta ng ospital..
Isang linggo na ang nakaraan simula nung nagkatampuhan kami ni Rea..
Tiningnan ko si mylabs, nasa tabi ko sya ngayon, napakunot ang noo ko ng mapansing
titig na titig sya sa mga katulong na nagseserve samin ngayon ng meryenda.. Ano na
naman kayang tumatakbo sa isip ng raketera kong girlfriend?
"Ano na naman ang tumatakbo sa isip mo mylabs?" tanong ko.. Lumingon sya sakin.
"Bakit mylabs, ramdam mo na ba ang pagod?" napakunot ang noo ko.. Pagod? Pagod
saan?
"Pagod? Anong pagod ang sinasabi mo dyan?" tanong ko, di ba nya alam na kahit kelan
di ako mapapagod pag dating sa kanya..
"Kala ko kasi ramdam mo na ang pagod, kanina ka pa kasing tumatakbo sa isip ko.."
automatic na gumuhit ang malawak na ngiti sa labi ko dahil sa sinabi nya wengya
banat pala..
"Matamis pa ang banat na mo sa cake na 'to ate Rea, tara sa pluto magkakape.." sabi
naman ng kapatid ni Howard habang ngumunguya ng cake na siniserve ng mga katulong.
"Magkakape ka na nga lang sa pluto pa?" sagot ni Rea.. Masaya ako dahil, isang
tulad nya ang binigay sakin ng Diyos. I smiled, ang swerte ko. Isang unique na
girlfriend ang meron ako.
"Pero, seryoso my labs, ang iniisip ko talaga kanina ay mag apply dito kayna
Hannah bilang katulong, palagay ko kasi malaki sweldo dito tapos ang ganda pa ng
uniform tapo---" di na nya natuloy ang sasabihin nya ng mapansing natulala na sa
kanya ang jaguars.
"bwahahaha" nag umpisa ng magtawanan ang lahat.. Di ko sila masisisi, iba kasi mag
isip itong babaeng minahal ko eh.. Pero nauunawaan ko na sya. At napag usapan na
namin yan, ang pagiging raketera nya..
Flashback
Dapat na ba akong magpagawa ng bahay namin? Langya, the best ang feeling mga dre
dahil nasa iisang bubong kami at kami lang dalawa. Nung kumakain kaming dalawa at
pinagsisibilhan nya ako, bigla kong nakita ang future, kasama sya.
"Lakas ng tama ng adobo, ano mylabs? Natutulala ka eh.." narinig kong sabi nya.
Nagpupunas sya ng kamay, katatapos lang nyang maghugas ng pinggan. Ngumiti ako,
naalala ko na naman yung lasa nung adobo, wengya yun na ang paborito kong ulam
simula ngayon, lalo na kung luto nya.
Naupo sya sa tabi ko.
"About dun sa pagkanta ko sa lamay mylabs, pinakiusapan lang ako ni aleng Nena,
wala daw kasing makita na pwedeng kumanta yung namatayan, kaya pinakiusapan nya
akong kumanta dahil nakita na daw nya akong nagigitara at kumakanta, eh naisip ko
kawawa naman yung namatayan, tapos dagdag kita na din kaya tinanggap ko na.."
umpisang paliwanag nya di pa man ako nagtatanong.
"Si Aling Nena? Sya yung may ari ng malaking tindahan sa kabilang barangay,
tumatanggap ako ng labada mula sa kanya kung minsan.."
Heto na naman yung inis na naramdaman ko. Di ko napigilan ang pag tiim ng bagang
ko, wengya naglalabada din sya? Pinigilan ko ang sarili ko at sinabing dapat ko
syang unawain.
Looking at her right now, di ko makita sa kanya ang konting hiya sa pag amin na
kahit anong raket ay pinapatulan nya basta marangal. I smiled, di ko napigilan na
di guluhin ang buhok nya..
"Masaya ka ba sa ginagawa mo?" seryosong tanong ko.. Sinalubong nya ang mga mata
ko. Kasabay nun ang pag guhit ng isang ngiti sa kanyang mga labi..
"Oo mylabs, masaya ako, ang totoo nga nyan, di ako nakakaramdam ng pagod sa mga
raket ko dahil nag eenjoy ako, lalo na dahil alam kong sa maganda mapupunta ang
kinikita at iniipon ko.." sagot nya. Parang may kung anong humaplos sa puso ko ng
makita ang sinseridad sa mga mata nya.
"Mylabs pwede bang isama mo ako sa mga raket mo?" kapagkuwan ay tanong ko.
"Bakit mylabs? Wala ka na bang allowance?" nakakunot ang noo na tanong nya..
"I mean pwede ba kitang tulungan? Kahit sa ganong paraan lang mylabs hindi na kita
kukulitin na tanggapin ang financial na tulong galing sakin.. sige na pumayag ka
na, sasamahan kita sa mga raket mo para tumigil na ang puso ko sa pag aalala
sayo.." pangungulit ko..
"Yan ba ang dahilan kaya mo ako pinapatigil sa mga raket ko? Dahil nag aalala ang
puso mo?" tanong nya.. Bigla akong napatungo at unti unting tumango bilang sagot..
"Oo, nag aalala ang puso ko sa kung anong pwede mangyari sayo sa kakaraket mo, kaya
naisip ko na alukin ka na lang na ako na lang ang sasagot sa lahat ng gastusin mo,
pero dahil di ka pumayag and worst nagkatampuhan pa tayo, sasamahan at tutulungan
na lang kita sa mga raket mo.." paliwanag ko..
"Pero mylab----"
"Sige na mylabs, pumayag ka na, partners tayo di ba? Whatever you do, is about
us.." I cutted her.
"Sige na nga, pero kapag napagod ka na, ipaubaya mo na sakin ang lahat ha.." sabi
nya.. I smiled. Never akong mapapagod, as long as nasa tabi ko sya.
End of Flashback
"Hoy Spencer bigyan mo nga ng mansyon yang si Rea ng hindi nangangarap ng kung ano
yan!" sabi ni Gibson na nagpalik sakin sa kasalukuyan.
"Di ko kailangan ng mansyon nya dahil meron na ako nun" sabi nya. Tiningnan ko
sya.
"Yung pag ibig ko para kay Johnny my labs parang mansyon, malaki at malawak" sagot
ni Rea, dahilan para mag init ang mukha ko sa kilig, wengya ibang klase ang epekto
sakin, dinaig ko pa ang teenager.
"langya di nauubusan ng bala tong si Rea, ang daming baon hahaha" komento ni Burns,
nagtawanan na naman ang lahat. Ayaw kong magkomento masyado akong kinikilig kaya di
ako makapag salita..
Mga ilang minuto pa bumaba na din Hannah, nakangiti sya samin ngayon, pero yung mga
ngiti nyang yun, di umabot sa mga mata nya. Wala pa nga palang balita hanggang
ngayon tungkol kay captain..
"my labs, pano kung sakin nangyari yung kay Tina? anong gagawin mo?" Parang may
kung anong tumusok sa puso ko dahil sa tanong nya. Tiningnan ko sya deretso sa
mata, bakit ba iniisip nya ang mga ganung bagay? Di ba nya alam na ikamamatay ko
pag may di magandang nangyari sa kanya?
Di ako sumagot. Ayaw tanggapin ng isip ko ang tanong nya. Ang isipin pa lang ang
sagot sa tanong na yun, ay talagang nakakabaliw.
Nakarating kami sa harap ng kotse ko, pero bago ko sya tuluyang pinagbukas ng pinto
ay hinarap ko muna sya..
"wag mo akong tanungin ng mga ganyang bagay mylabs, dahil iniisip ko pa lang parang
di ko na kakayanin" sagot ko. Totoo, di ko kakayanin kapag napahamak sya. Dahil
wala akong ibang sisihin kundi ang sarili ko.
"Bakit ang tahimik mo?" bakit nga ba ang tahimik ko? Tinanong lang naman nya ako
kanina.
Ewan, di ko alam, iba kasi ang dating sakin, sa tuwing sumasagi sa isip ko na
mangyayari sa kanya yung nangyari kay ms.manager para bang masisiraan ako ng bait.
Naramdaman ko ang marahang pagpisil nya sa kamay ko, sinulyapan ko sya ng konti at
nakita ko ang mga ngiti nya. I smiled back at muling binalik ang tingin sa daan.
"Kalimutan mo na yung tanong ko sayo kanina, binibiro lang naman kita eh, isa pa
malabong mangyari sakin ang ganung bagay.." maya maya ay sabi nya..
Nakarating kami ng ospital, pero di din kami nagtagal sa loob dahil gustong gusto
na talagang makalabas ni ms.manager. Nagkayayaan ang lahat na kumain at
magcelebrate dahil ligtas na sa panganib si Hannah ganun din si ms.manager.
Tumuloy kami sa isang restaurant.. May reservation na ang jaguars dito kaya naman
di na problema yun..
"Mylabs, minsan nga try natin ang boodle fight, tayong dalawa lang, matira
matibay." bulong sakin ni Rea, habang naglalakad kami papasok sa restaurant..
"Ako dapat ang magtanong nyan sayo.. kaya ba ng bituka mo? dahil ako? Kaya kong
kumain ng pang dalawang linggong pagkain.." mayabang na sagot nya. Tiningnan ko ang
katawan nya..
"Liar.." sabi ko sabay gulo sa buhok nya.. Ang payat kaya nya pano nya mauubos ang
isang boodle fight serving?
"Takot ka lang matalo.." narinig ko pang bulong nya bago kami tuluyang nakaupo..
Napapailing na lang ako.
"Oo na, sige na boodle fight tayo, ang unang dumighay talo.." sabi ko..
"Deal.." sagot agad nya, kami lang dalawa ang nagkakarinigan dahil may kanya kanya
ding usapan ang ibang jaguars..
"Yehey kainan na!" masiglang sabi ng girlfriend ko.. Raketera na, magana pa sa
pagkain. Wala na akong ibang ginawa kundi ang ngumiti na lang ng ngumiti dahil sa
babaeng ito..
Agad kong nilagyan ng pagkain ang pinggan nya.. Pero napatigil ako ng mapatingin
ako kay Hannah.. Wengya, kelan ka ba babalik captain? Sana nakikita mo ang wifey mo
ngayon, ang lungkot nya takte..
"Miller, babalik din si Jana ano ka ba.."napatingin naman kami kay Miller, tulala
pa rin hanggang ngayon ang gago..
"Kain na.." pilit na pinapasigla ni Hannah ang boses nya. Hinarap na lang namin ang
pagkain..
Tahimik ang lahat sa pagkain, pero dahil kilala nyo na ang jaguars, di mapipigilan
ang mga kalokohan ng mga yan..
"Gago, patapusin mo muna ako." asar na sabi nya, naglighten up na ng konti ang
atmosphere..
"Ganito kasi, nung isang araw, sumabay ako dito kay Howard pagpasok ng school kasi
sira na naman yung kotse ko.."
"Oh tapos dali, wag mo ng pansinin yang si Howard" segunda agad ni Gibson.
"Tapos nung nag red light may lumapit sa kotse nya, kung di ako nagkakamali,
probinsyano yata.. Nagtanong yung lalaki kung saan daw ang ospital.." kwento ni
Burns..
"Sabi ni Howard dun sa lalaki, wag daw umalis sa gitna ng kalsada at may maghahatid
daw sa ospital.."
"Pfftt wengya ka Howard, pwede mo naman sabihin ang direksyon bat pinili mo pang
ipabundol yung tao?" natatawang tanong ni Young..
"Aba, pasalamat pa nga sya, naka-libreng sakay sya.." seryosong sagot ni Howard..
"Hahaha may punto nga naman ang batang si Howard.. palakpakan natin ng lima.."
pinalakpakan namin sya.
Hanggang sa matapos kumain ang lahat. Tiningnan ko si mylabs, nakatingin din sya
sakin.. Mukhang kailangan na namin umalis dahil may pupuntahan pa kaming dalawa..
Tumayo ako..
"Ah jaguars, mauna na kami ni Rea sa inyo, may pupuntahan pa kasi kami eh.." sabi
ko, habang inaalalayan tumayo si mylabs..
"San na naman ang punta nyong dalawa? Daig nyo pa si dora ah, laging may lakad.."
komento ni Montereal..
"Dyan lang sa tabi tabi.. pano mauna na kami ha, Hannah, ms.manager.." paalam ko at
nginitian na lang ang ibang girls..
"Rea, ingatan mo yang si Spencer ha, wag mong bibitiwan, baka mangain yan ng basura
sa kalsad---OUCH!" binatukan ko si Fisher.. daming daldal eh..
"Ilang beses mo na bang tinanong yan mylabs? At ilang beses ko na din sinagot?
Sinabi ko na di ba? Oo sigurado ako.."
Nagtataka siguro kayo kung anong pinag uusapan namin ano? Well, tungkol yun sa
pupuntahan naming children party, ito kasing unique kong girlfriend may tinanggap
na naman na raket at yun ay ang maging clown sa party..
"Tara na.." sinara ko ang pinto ng kotse at naupo na din sa driver seat..
"Anong tricks ang gagawin natin?" tanong ko habang nasa byahe kami, dadaan muna
kami sa apartment nya para kunin ang ilang mga gagamitin..
"Ano ba maganda? Ahmm ilalagay kita sa kahon tapos puputulin ko ang kalahati ng
katawan m-----ARAY" pinitik ko sya sa noo, langya, anong puputulin ang katawan ang
sinasabi nya, clown ang role namin at hindi magicians takte..
Nakarating kami sa apartment nya, di na nya ako pinababa ng kotse dahil kukunin
lang naman daw nya yung isusuot namin mamaya.. At agad din kaming tumuloy sa lugar
kung saan gaganapin ang children party.
"Rea! Buti dumating ka na, di mo nabanggit na may kasama ka pala.." sinalubong kami
ng isang medyo may edad ng babae..
"Ay opo, aling Maring, eto po pala si Johnny ang partner in crime ko, magaling po
yan gumulong sa sahig at tumambling hehehe.."
"Hello din sa'yo hijo, ay sya dun na kayo sa may likuran dumaan dahil may ilang
mga bisita na sa loob.." sabi ni Aling maring, sinundan namin sya at inihatid nya
kami sa isang kwarto kung saan pwede kaming maghanda para sa party ng mga bata.
Mabilis ang ginawa naming kilos ni mylabs dahil baka kulangin kami sa oras.
Pasimple ko syang pinagmamasdan mukhang sanay na sanay sya sa ganitong bagay..
"Aba bagay ah.." komento nya, nang makalabas ako mula sa banyo, nagbihis na kasi
ako sa costume na pang clown. "Halika lagyan kita ng make up.."
Lumapit ako sa kanya at inumpisahan nyang lagyan ako ng kung ano ano sa mukha..
"Ako ang dapat magpasalamat dahil dumating ka sa buhay ko.." sabi ko..
"Ano?"
"Syempre ididate mo ako.." sagot ko sabay kindat sa kanya..
"Date lang pala eh, sige call.." malawak ang ngiting sagot nya..
Masasabi kong isa ito sa mga magandang simula ng relasyon namin ng girlfriend kong
unique.
=========
A/N: Dun pala sa pagames ng OP ni Rea sa group, dun sa best pick up lines, wala pa
akong naisama dito sa ud dahil di ko maopen ang FB ko, loading lang lagi kaya di
ako nakapag BR ng ayos dun sa comment box.. Pero may isa akong nagustuhan dun yung
"Mag gygym ka ba? Palagay ko magwoworkout tayo.." tama ba? hahaha wengya yan lang
naalala ko eh.
Keep supporting :)
-ate Yna-
=================
Johnny's POV
"Oh reviewer mong hayop ka, pagawa ka ng pagawa di mo naman ginagamit na gago ka.."
sinampal ko sa mukha ni Burns yung reviewer na pinagawa nya kay Rea. Kung di ko pa
alam na nang aasar lang ang sunog na 'to, alam kasi nila na tinutulungan ko sa mga
raket si Rea dahil kung minsan ako na ang nag susulat ng mga reviewer ng mga
customer ni mylabs..
"Buti nga nagpapagawa pa ako sa inyo eh, dagdag kita din yun aba..mahal na ang
gatas at bigas, mag aasa-asawa ka tapos magrerekla---ARAY KO!" binato ko sa kanya
yung bag ko na madaming lamang libro. Kung ano ano pang sinasabi, pwede namang
magbayad na lang langya.
"Magbayad ka na sunog, dami mo pang daldal eh.." sabi ko, tumayo sya at padabog na
hinampas nya sa palad ko yung singkwenta pesos.
"Salamat, bukas ulit ha.." sabi ko, hinarap ko naman si Howard, halatang
naghihintay din sya hawak na nya yung pambayad nya.
"Howard wala yung sayo, nakatulog na daw si mylabs kagabi kaya di nya naisulat yung
assignment mo.." sabi ko.
"Magsitigil nga kayong mga hayop kayo.." reklamo ni Howard sabay tingin sakin.
Nagkibit balikat lang ako, di na ako nagulat ng bigla na lang nya ako hawakan sa
kwelyo..
"Bakit?" madramang tanong nya.. Gusto kong matawa sa pagmumukha nya ngayon, para
bang naiiyak na sya na di ko maintindihan hahaha.. Binigyan ko sya ng seryosong
tingin..
"Bakit sa dami ng pwede nyang tulugan yung assignment ko pa? Pwede namang yung
reviewer na lang ni Burns.."
"Ano bang subject yun Howard?, ako na lang ang gagawa.." natatawang sabi ni
Montereal, nandito kami sa headquarters ngayon, kagagaling lang namin sa practice..
Wala pa rin balita kay captain, nakabalik na kaming lahat sa school maliban kay
ms.manager na nagpapahinga pa rin sa bahay, di sya pinayagan ni Kuya Mick na
pumasok agad, medyo sariwa pa kasi ang sugat nya..
"Sus math lang pala eh, kayang kaya mo yan.." tinabihan ni Dela Cruz si Howard at
inakbayan..
"Lamang pala ako sa inyo sa math.." napatingin kaming lahat kay Young..
"Oh eto na Howard, pasalamat ka masipag ang girlfriend ko.." nilapitan ko si Howard
at inabot sa kanya yung assignment nya..
Biglang nagliwanag ang mukha ni Howard sa sinabi ko.. Agad nyang inabot sakin ang
bayad nya.
***
"Teka si Rea, yun di ba?" napatingin kaming lahat sa tinuro ni Fisher.. Naglalakad
na kami papunta sa first class namin.. Biglang umakyat lahat ng dugo sa ulo ko,
nang makita si Rea na nakikipagtawanan sa iba.
"Parang di maganda 'to, iba tumingin si nerd kay mylabs mo Spencer hahaha" komento
ng jaguars..
Tama kayo, yung lalaking nagpapanggap na nerd nga ang kausap ni mylabs ngayon..
Naikuyom ko ang kamao ko..
"Spencer kalma.." narinig kong sabi ni Young..
"Di muna ako aatend ng class, may pupuntahan ako.." sagot ko.. Pumunta ako sa
parking area.. Sumakay ako sa kotse ko, medyo nagulat pa ako ng sumakay din si
Young at si Burns..
"Oo nga, samahan ka na namin para naman may magtutulak sayo." sabi naman ni Young.
Napangiti ako, concern ang mga gago. Medyo nabawasan yung pagkainis ko dahil sa
dalawang ugok na ito.
Tumuloy kami sa isang mall kung saan may malaking guitar shop..
"Pano ba yan? Hahaha money down.." napakunot ang noo ko sa dalawang kasama ko.
"Wengya, di ko naisip 'to ah.." kamot sa ulong naglabas ng pera si Burns.. Langya
kung di ako nagkakamali nagpustahan ang mga 'to.
Pumasok na ako sa loob ng shop. Plano kong bilhan si mylabs ng gitara kahit pa alam
kong di nya tatanggapin, pero mas di ko matatanggap yung lagi nyang paglapit sa
nerd na yun para lang manghiram ng gitara.
Di ako tanga para di mapansing ginagamit lang ng gagong yun ang gitara nya para
mapalapit sa mahal ko, nag iinit na naman ang dugo ko sa tuwing naiisip ko ang
eksenang nagtatawanan ang babaeng mahal ko at asungot na yun..
"Kung ganun wag mo ng itanong kung anong hanap namin.." sabi ko at nilampasan
sya..
"pfftt tol pagpasensyahan mo na, mainit ulo nyan eh, hahaha" narinig ko pang sabi
ni Young dun sa lalaki..
Lakas maka-gago, puro gitara lang naman ang nandito nagtanong pa kung anong hanap
namin langya, ihampas ko kaya sa mukha nya ang isa sa mga gitara dito..
Agad akong napangiti ng makita ang paboritong kulay ng mahal ko.. Dinampot ko yun
at sinubukan patugtugin..
Naramdaman ko ang paglapit nina Young at Burns kasama yung lalaki na nagtanong
sakin kanina.
Nilingon ko sila.
"Pare kukunin ko 'to.." sabi ko sabay abot ng hawak kong gitara dun sa lalaki.
"Pasensya din pare.." hinging paumanhin ko din. Pumunta kami sa counter, yung
dalawa naman nag umpisa ng dumugtog ng gitara. Hinayaan ko muna sila.
"Pare, pwede ko bang paglagyan ng pangalan yan dito?" tanong ko, gusto ko kasing
paglagyan ng panglan ni mylabs, para masabing kanya talaga ang gitarang yun.
I smiled.
"Pagpasensyahan mo na lang ang mga kasama ko, malunggay kasi kinain ng mga yan
kaninang agahan.." sabi ko na lang dun sa lalaki.
Pagkatapos ng ilang minuto, may pangalan na yung gitara, agad akong nagbayad at
nagpasalamat, iniwan ko na yung dalawa ayaw paawat sa pagkanta at pagigitara eh.
"Wengya ka Spencer lakas mong mang iwan na hayop ka.." reklamo ni Burns ng
makasakay na ulit sa kotse.
=================
Johnny's POV
A week after, unti unti ng bumabalik ang lahat sa dati, matapos yung mga nangyari
kay captain at Hannah, nalaman namin na nakita pala ni Hannah si captain na may
kahalikang iba, nagpaliwanag naman si captain tungkol sa bagay na yun. Masaya ako
dahil unti-unti ng bumabalik ang sigla ng bawat isa..
Si captain nakita namin ang effort nya na makabawi kay Hannah, nagshare nga pala
sya saming mga jaguars tungkol sa napag usapan nila ng dad ni Hannah at lahat kami
nagulat dahil ang tindi pala ng pinagdaanan ni captain, kung ako yun di ko
kakayanin yun.. Pero dahil iba ang personality ni captain, kinakalaban nya ngayon
ang future father in law nya, taga-suporta na lang kami, yun lang muna ang kaya
namin gawin, takot kasi kami kay Mr. Adaipmil, aba sinong di matatakot doon?
Pinagbagsak nya ang isang underground organization, Tang*na kami pa ba di
mapagbasak nun? Eh hamak na mga gwapo lang kami.. *wink*
"Nung sinabi ko sa sarili ko na di na kita mahal nabusog ako" narinig kong sabi ni
captain kay Hannah.. Nandito kami ngayon sa gym, may meeting kami ngayon
hinihintay lang namin si coach..
Si Tina ok na sya, nakabalik na sya ng school kaya lang napansin namin na parang
may nililihim sila ni Xevier, at yan ang pilit na inaalam ng jaguars.
"Nasa ligawan stage pa lang, wag mo kaming itulad sa inyo hindi uso ang ligaw"
sagot ni Tristan..
"Gago" sabi ni Tristan at inumpisahan na ang pagpupush up.. Pero bago yun tiningnan
muna nya ako ng masama..
Si Izrah at joel? Aba wag nyo ng itanong dahil sasakit lang ang ulo nyo, parang
aso't pusa kung magbangayan, kahit si Elvin nga walang magawa sa kapatid nya eh..
Si Jonathan naman, nanliligaw na kay captain, oo kay captain talaga aba syempre
kailangan daw pumasa muna si Miller kay captain bago sya tuluyang makaporma kay
Jana, kawawang Miller, lagi na ngang tulala kakaisip kay Jana, pinapahirapan pa ni
captain. Ang pag ibig nga naman..
Buti ako, walang problema kay mylabs ko. Puro kilig at pagmamahal ang binibigay nya
sakin eh.
BZZZZZTT
My labs, pwde ba na wag mo ako msyadong patakbuhin sa isip mo? Hinahapo kasi ako.
I smiled.
message sent!
Bawat araw lalo ko syang minamahal. Sana naman kung may problema man na dumating
samin wag naman grabe, dahil baka di ko kayanin.
BZZZZZZZZT
Di ko mapigilan ang mga ngiti ko. She never fails to make me smile.
Flashback
"Selfish na kung selfish pero gusto ko ako lang ang dahilan ng pagtawa mo, gusto ko
ako lang ang nagpapasaya sayo, gusto ko———"
Di ko na natuloy yung sasabihin ko ng bigla na lang lumapat ang labi nya sa labi
ko.
Napakurap pa ako ng limang beses bago ko narealize na hinalikan pala nya ako.
Parang nagulat din sya sa ginawa kaya agad din syang lumayo. Di nakatakas sa
paningin ko ang pamumula ng mukha nya.
"M-may nakapag sabi kasi sakin, na kapag nagseselos ang mahal mo, halikan mo sya sa
harap ng taong pinagseselosan nya," napakunot ang noo ko sa sinabi nya. Tapos
sinundan ko ng tingin ang mata nya, nakatingin sya sa likuran ko. Kaya naman agad
akong lumingon at nakita ko ang papalayong lalaki.
Kung ganun hinalikan nya ako dahil nasa harap kami kanina ni nerd?
I smiled again.
"Lakas ng tama kay Rea, ikaw ba naman pakiligin araw araw ewan ko na lang kung di
ka pa mabaliw hahahaha" pang aasar ng jaguars..
"Okay, assemble everyone" tawag nya, agad kaming lumapit sa kanya at nag assemble,
lumapit sa kanya si Tina at Hannah..
"Okay jaguars I got the schedule of your next game, your opponent will be the
Adaipmil University" anunsyo ni coach..
"Tama kayo, sina Hannah nga ang may-ari ng school na yun, and I want to inform you
that, some players of Adaipmil University are Adaipmil, cousins of Hannah they are
the best among the rest so we need to prepare for this, their team is called 'The
Eagles' " dagdag pa ni coach..
Mas magaling pa akong shooter dyan eh" komento naman ni Dela Cruz.
I smirked.
"Palagay ko ngayon pa lang talo na sila, pagwapuhan pa lang wala na silang gawa eh,
di ba?" sabi ko naman, langya ang gaan ng pakiramdam ko, umapir pa ako kay Burns.
Yung energy ko full na full dahil sa halik ni mylabs. Dapat pala lagi akong
magselos pag nasa paligid si nerd para makadami ako ng kiss galing sa kanya. hehehe
"Hoy Turner, laway mo tumutulo wag mo masyado pagnasaan ang players ng Eagles
aba!?" napatingin kami kay Turner na titig na titig sa screen ng tv.
"Bwahaha oo nga Turner sinong crush mo sa kanila? Ang lagkit mo kasi makatingin eh
hahaha" pang aasar naman ni Miller..
Wengya basta kahayupan buhay na buhay ang mga dugo ng mga gago.
"Bakit Xevier at Miller selos kayo?, yaan nyo sa inyo lang ang katawan ko kaya wag
na kayong mag selos sa Eagles kung tingnan ko man sila ng malagkit" sagot ni
Turner. Napahagalapak kami ng tawa..
"Enough assholes" napatigil sa ere yung tawa ko.. Langya ang kj talaga ni captain,
di man lang pinatapos yung tawa ko, nabitin tuloy..
"Ok Jaguars listen up, We've seen, how the eagles play a game, smooth and clean at
kapansin pansin ang husay ng bawat isa sa kanila alam ko na walang dahilan para
kabahan kayo dahil alam nyo na sa sarili nyo na magaling kayo, we will make sure
and prepare more than that, so we may be able to win against them, are you
ready?"nabuhay ang dugo namin sa sinabi ni coach..
"Ito na ang hinihintay ko, magandang laban! " mayabang na sabi ni Fisher..
"sigurado ako mag eenjoy tayo sa game na 'to!" sabi naman ni Montereal. Napatango
ako, dahil nakaksigurado din ako sa bagay na yan.
"ok so I"ll give you 30 minutes to prepare and let's proceed to the gym" anunsyo ni
coach..
"yes coach!" sagot naming lahat. At sabay sabay na kaming nagsitayuan at naghanda.
Nagpalit kami ng jersey dahil mag uumpisa na ngayong araw ang practice.
"Blooming ka ah, aminin mo buntis ka 'no?" binato ko sa kanya yung medyas ko,
langya sa dami ng pwedeng sabihin yun pa..
"taena kelan mo huling nilabhan 'to?" inamoy amoy pa nya yung medyas ko.
"Gago makikiamoy ka na nga lang reklamo ka pa," tumayo ako at binuksan yung locker
nya, kumuha ako ng isang pares ng medyas na di nagagamit.
"Walanjo kala ko makapal na yung dictionary sa library, mas makapal pala ang mukha
mong hayop ka," padabog na sinara ni Burns ang locker nya..
"Hahaha oo na lang sunog," sagot ko. Nakalabas na ang ibang jaguars kaya naman
nagmadali na din ako.
Pagpasok namin sa gym, eto na naman yung kaba pag nasa malapit sya. Agad syang
ngumiti ng makita ako. Nilapitan ko sya at hinalikan sa pisngi.
"Hinhintay mo ako mylabs?" tanong ko, bakit ganun? Yung awkward na pakiramdam di
agad nawawala? Langya, gusto ko sana syang yakapin at halikan sa labi kaya lang
nahihiya ako sa kanya taena.
————————
Rea's POV
Ayos may game ulit ang jaguars pera na naman ito. Balita ko sa Adaipmil university
din gaganapin ang game. Hmmm kung magtinda kayo ako sa loob ng gym ng hopia, mani,
mais, popcorn? Aba ayos yun dagdag kita.
BZZZZZZZZZTT
Biglang nagvibrate ang Nokia 3210 ko. Oo meron pa rin nito, feeling ko nga ako na
lang sa mundo ang gumagamit nito eh.
Wag nyong tawanan ang cellphone ko, kahit luma na to karamay ko to sa lahat ng
oras. Di ko nga lang nilalabas kapag kasama ko si my labs, baka kasi maturn off,
tatlong taon ko kaya yun tinurn on tapos mao-off lang? Wag na uyy.
Binasa ko kung sino ang nagtext, baka isa sa mga client ko. Naks lakas maka-client
no?!
From: Joys
Aba maghintay ka, naglalakad pa ako ngayon papunta sa gym, aba syempre gusto ko
munang makita si Johnny mylabs ko para kumpleto ang araw..
Di ko na sya nireplyan, magkikita din naman kami sa room. Tinitipid ko nga ang load
ko para kay Johnny mylabs ko kaya snobera ako sa text.
Teka tama ba ang nakikita ko? May mga nagpa-practice na ng cheerings? Ang alam ko
suspended ang mga cheerers kasi nakipag away sila before the game of jaguars last
time kaya nga wala kaming kasamang cheering squad nung time na yun eh dahil wala
sila..
I think, bad news ito para sakin, baka hindi na magpa-cheer ang jaguars sakin dahil
andyan na ang cheering squad ng Montereal University. Anak naman ng tokwa oh.
Eh kung awayin ko silang lahat para masuspend ulit sila? Teka edi nasuspend din
ako? Langya bawas kita ang mga babaeng ito sakin ngayon.
Di ko na lang sila pinansin, nagtuloy tuloy na lang ako sa paglalakad, mauuna kong
madadaanan ang Jaguars quarter bago ang gym. Pero sa gym na lang ako tumuloy.
"Uy Rea Good morning din" bati din nya, maya maya pa narinig ko na ang ingay ng
jaguars, hanggang sa makapsok sila dito sa loob.
"Wohohohoy hello Rea, good morning" bati nila sakin. Ngumiti lang ako sa kanila,
mamaya ko na sila chichickahin si mylabs muna. Asan na ba yun?
Maya maya pumasok na din sya kasabay si Joel. Tae eto na naman ang puso ko
nagkakagulo, parang nagslow-mo pa ang pagpasok nya, choz hahaha..
"Hinihintay mo ako my labs?" tanong nya, after nya akong i-kiss sa pisngi.. Takte
kinikilig ako.
"Isa na lang naman ang hinihintay ko my labs, ang maging parents ko din ang parents
mo" sabi ko..
"Anak ng walang kupas ang mga banat ni Rea oh! hahaha kasalan na yan" sigaw ni
Tristan. Pakinig pala nila.
"Hoy Spencer oh gusto na daw maging parents sina tita hahaha" sigaw naman ni
Alfred.
"My labs, ok ka lang?" tanong ko, tapos bigla nyang tiningnan yung sapatos ko.
Yumuko naman ako para tingnan din yun, I wore rubber shoes pink, bigay lang 'to ni
Hannah sakin..
Nagulat ako ng bigla syang umupo at hawakan ang sintas ng sapatos ko..
"Can I tie your shoes? 'cause I don't want you falling for anyone else." sabi nya
habang nakatingala sakin at nakatingin sa mga mata ko. There is a smile on his
lips..
"Put*ngina marunong ng bumanat si Spencer oh hahahaha!" narinig kong sigaw ni
Xevier. Pero di ko sila pinansin, nakatulala lang ako kay Johnny my labs ko. Shemay
kinikilig ako. Tumayo sya at hinawi ng bahagya ang buhok ko. Then he gave a peck
on my lips.
O_O
Flashback
"M-may nakapag sabi kasi sakin, na kapag nagseselos ang mahal mo, halikan mo sya sa
harap ng taong pinagseselosan nya,"
Di ko alam pero ng makita ko ang pagkainis at lungkot sa mga mata nya parang may
biglang sumigaw na dapat ko syang halikan, lalo na ng makita ko ang paglapit ni
Liam.
Sinunod ko ang sinisigaw ng dibdib ko, hinalikan ko sya. Ang lakas ng kaba ko, para
bang lalabas yung puso ko.
Parang kelan lang hinahabol habol ko pa sya, ngayon pwede ko na syang halikan kahit
kelan ko gustuhin..
End of Flashback
"see you later my labs" maya maya ay sabi ni my labs pero tulala pa rin ako..
"W-wag na mylabs ok na ako hehe" Langya ang lakas ng tibok ng puso ko. "Sige mauna
na ako, kita na lang tayo mamaya" paalam ko at tuluyan ng umalis ng gym.
Tumuloy ako sa klase ko, at dahil malapit na ang laban ng jaguars magmimake-up
class na lang sila dahil kailangan nilang magpractice mabuti.
Naupo ako sa upuan ko, di pa man nag iinit ang pwet ko eh nagsilapitan na ang
masisipag kong kaklase, masipag magpagawa.
"Rea yung handouts ko?" agad na tanong nung isa. Nilabas ko naman ang mga
handouts..
"Rea, bakit parang nag iiba yata ang hand written mo?" tanong naman ng isa, tumayo
ako at hinarap silang lahat..
"Di lang kasi ako ng gumagawa ng mga handouts nyo," sagot ko at isa isang inabot sa
kanila ang mga handouts..
"Si Johnny mylabs," sabi ko, yung iba natigilan halatang di sila makapaniwala..
"S-si Johnny Spencer? Yung isa sa mga jaguars?" di makapaniwalang tanong nung isa..
"Oo, para namang ngayon nyo lang nalaman na mahal nya din ako," nakangiting sabi
ko..
"Ibig sabihin para na din kaming nakahingi ng autograph sa kanya kasi sya ang
nagsulat nito" masayang sabi nila..
Napangiti ako..
"Oo at dahil dyan may increase ang bayad pag si mylabs ang nagsulat," sabi ko.
Tinext ko si mylabs at sinabing tapos na ang klase ko. Di sya nagrereply, ang alam
ko maghapon ang practice nila.
Nagtext na lang ulit ako na mauuna ng umuwi sa kanya. Medyo madami na kasi akong
labahin sa apartment, kaya kailangan matapos ko na yun bago ang game ng jaguars sa
susunod na araw.
[Maayos naman sya Rea, wag kang mag alala sa kanya binabantayan ko syang mabuti]
[naku tulog sya, pagkarating nya galing ng school natulog sya mukhang napagod]
"Ganun po ba? Sige po, tatawag na lang po ulit ako bukas ng maaga"
Habang naglalaba iniisip ko ang mga masasayang araw namin ni mylabs ganun din ang
mga masayang araw namin ng pinakamamahal kong si Siopao, di ko nararamdaman ang
pagod sa tuwing naalala ko ang mga yun.
Di ko namalayan ang oras, nakalubog na pala ang araw at madilim na ang paligid.
"Di masyado mylabs," sagot nya, tapos akmang kukuha din ng damit at isasampay din,
tinapik ko ang kamay nya..
"Kaya ko na, baka mabasa ka pa ang ganda pa naman ng porma mo, san ang burol?" biro
ko, tiningnan nya ako ng masama, tinawanan ko lang sya at tinapos na ang
pagsasampay.
"I'm having dinner with my girlfriend, ipapakilala ko kasi sya sa parents ko,"
natigilan ako sa sinabi nya, napatingin ako sa kanya, seryoso ba sya?
"S-werte ng girlfriend mo hehehe" sinubukan ko magbiro, baka kasi joke lang din
yung sinabi nya.
"Yup, are you ready?"tanong nya, takte seryoso nga sya, may inabot sya sakin na
paper bag, tiningnan ko yun, isang dress at magkapares na sapatos.
"Dun din ang punta natin mylabs, isa pa gusto ka ng makilala ni mama, lagi na lang
nya akong kinukulit, kaya sige na pumayag ka na" ayan na naman sya sa paawa epek
nya.
Kinakabahan ako.
"Pag ako di nagustuhan ng nanay mo, itatanan kita" napangiti sya sa sinabi ko sabay
gulo sa buhok ko.
=========
A/N: nag upgrade na naman sila ng watty at pang inis yun wengya, di naman nagtapos
dyan yung huli kong tinype ang dami nung nawala na last part ng chapter na 'to.
Meaning? Next ud na lang yung kasunod nakadalawang ulit ako magsave pero pag inopen
ulit putol lang ulit, pang inis lang langya. Maganda pa naman yun.
Anyway, thank you sa mga nagpopost sa MB ko ganun din sa inbox napapangiti nyo ako
ng sobra, di ko kayo agad mareplyan, pasensya na, but I really appreciate every
single message you sent for me :) yieeeeee *hug&kisses*
-ate Yna-
=================
enjoy reading!
____________________
Johnny's POV
"Mylabs ok ba?" tanong nya at umikot pa sa harapan ko, nakaupo ako sa upuang kahoy
na nandito na sala nya. Tiningnan ko ang kabuuan nya, suot nya ngayon yung dress at
sapatos na binigay ko.
"Pwede na," sagot ko, pero ang totoo, sobrang ganda nya. Napapatulala na nga lang
ako eh.
Tumayo ako ng mapansin na nakasimangot sya. Lumapit ako sa kanya at walang sabi
sabing hinalikan sya sa labi.
"You're beautiful to the point that my heart trembles as this.." I said at tinapat
ang kamay nya sa dibdib ko. Ayaw kumalma ng puso ko.
She smiled.
"Sabi ko na eh, patay na patay ka talaga sakin," nakangiting sabi nya. Pinitik ko
sya sa noo.
Baka kasi magsimula na naman sya mang-asar, medyo magaling kasi sya sa bagay na
yun, lalo na pag kaming dalawa lang, natutunan nya yata sa mga hayop na jaguars.
I smiled when she pouted her lips.
"Oo na, patay na patay na ako sayo," I said. Tiningnan nya ako ng may malawak na
ngiti sa labi.
"Alam ko na yan, matagal na, lagi mo nga akong hinahabol habol eh" napakunot ang
noo ko sa sinabi nya.
"Baliktad ba? Ah oo nga pala, ikaw yung tumitingin sakin sa malayo, hehehe"
hinawakan ko na lang ang kamay nya..
Pinagbukas ko sya ng pinto ng kotse sa passenger seat, umikot ako at naupo na din
sa driver seat. Sinulyapan ko muna sya at kinabitan ng seat belt bago ko tuluyang
binuhay ang engine.
"Mylabs, wag mong kimkimin yan, i-share mo yan," narinig kong sabi niya, di ko
napansin na nakangiti na pala ako habang nakatulala sa kanya.
Pinaandar ko na ang kotse, napapitlag pa ako ng bigla na lang nya akong sundutin sa
tagiliran.
"Ikaw ha, iniisip mo ako habang nakasuot ng wedding gown 'no? yieeeeee! si mylabs,
nangangarap na din hehehe" pang aasar nya.
"Tumigil ka babae, nagdadrive ako," pero di pa din sya tumigil sa pang aasar.
"Mylabs, di naman siguro katulad ng mama ni Dao Ming Si yung mama mo di ba?"maya
maya ay tanong nya.
"Dao Ming Si? Sino yun?" tanong ko, napaisip ako at ng marealize ko ang sinabi nya
di ko napigilan ang sarili ko bigla ko na lang naapakan ang preno at marahas na
nilingon si mylabs.
"Sinong Dao Ming Si? M-may iba ka na ba? Pinakilala ka din ba nya sa mama nya ha?"
biglang bumangon yung takot at selos sa puso ko.
Tiningnan nya lang ako na para bang isa akong alien, tangna naman oh..
Maririnig ang sunod sunod na busina ng ilang sasakyan dahil nakatigil kami sa gitna
ng kalsada, pero di ko pinansin yun.
"Mylabs sagutin mo ako," iniwas ko ang tingin sa kanya, kahit alam kong masakit
marinig mula sa kanya tatanggapi———.
"Pffftt" nilingon ko sya, namumula yung mukha nya, Fvck! Tinatawanan ba nya ako?
"Rea tinatano——-"
-____-
"Hahahaha seriously mylabs?" halos di nya maituloy yung sasabihin nya, dahil sa
pagtawa nya, taena. Makita ko lang ang hayop na Dao Ming Si na yun, mata lang nya
ang walang latay.
"Mylabs! wengya, nasa bundok ka ba nung mga panahong sikat na sikat ang F4? hahaha"
tumatawa pa din sya. Di ako nagsalita.
"Tae kahit ganyan ka, mahal pa din kita," nakangiting sabi nya. Anong ibig sabihin
nyang ganito ako?
"Sabi ko naman sayo wag ka masyado makipag harutan kay Elvin hehehe" sabi pa nya.
"Si Dao Ming Si, isa syang anak mayaman, parang ikaw tapos——-"
Ang sarap sa tenga ng tawa nya, pero ayokong ibang tao ang dahilan nun. Tinabi ko
ang kotse at inihinto yun. Hinarap ko sya.
"Pfftt hindi," kinagat nya ang labi nya para pigilan ang nagbabadya na naman nyang
tawa.
"Di ko sya mahal at kahit kelan di ko sya minahal dahil ikaw lang ang mahal ko,"
she said. Di ko alam kung seryoso ba sya dahil sa mga ngiti nya.
"Artista yun mylabs langya sya yung isa sa mga bida sa meteor garden, san ka ba
nagsusuot nung mga panahong sikat na sikat sila?" naaamaze na tanong nya, biglang
namula yung tenga ko.
"Tulog yata ako nun mylabs," di ako makatingin sa kanya ng deretso, pero parang may
kung anong nabunot sa dibdib ko. Taenang katangahan ni Howard, dumikit na yata
sakin.
"Ang cute mo, sino pa bang artista ang di mo kilala? hahaha" pinaandar ko na ang
kotse dahil nagsimula na ulit syang tumawa at mang asar.
Siguro naman alam nyo na mahirap kumalma pag tinamaan ka ng selos. Malay ko ba na
palabas pala sa tv yung tinutukoy nya.-__-
***
Nakarating kami sa restaurant kung saan gaganapin ang dinner with my parents.
"Mylabs, yung kaba ko bumalik," bulong sakin ni Rea habang naglalakad kami papasok
ng restaurant. Mas hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kamay nya.
"Good evening sir," salubong samin ng isang waiter. "Any reservation ma'am, sir?"
"We have a reservation for Spencer Family," I tell him. Tiningnan nya muna sa
listahan, tiningnan ko naman si Rea.
"This way sir, your mom is already here," sumunod kami sa waiter. I smiled ng
matanaw ang babaeng mahal na mahal ko bukod kay Rea.
"Its been 5 months since the last time I saw my baby,"she hugged me so tight. Yes,
limang buwan nung huli kaming nagkita, nasa ibang bansa kasi sila ni dad, business
matter.
"Gano kamiss?" biro ko, hinampas nya ako, I smiled. Naramdaman ko ang pagluwag ng
yakap nya sakin, lumayo ako ng bahagya sa kanya at tiningnan sya, nakatingin sya
kay Rea. I smiled.
"Finally! Nakilala ko din ang babaeng nagpatino sa anak ko," masiglang sabi ni mama
at niyakap si Rea.
Ang lawak ng ngiti ko. Matagal kong inimagine ang araw na ito. Ang magkakilala ang
dalawang mahalagang babae sa buhay ko.
Hinawakan ko ulit ang kamay ni Rea at pinisil yun, ngumiti ako sa kanya ng lumingon
sya sakin tapos tumingin ulit sya kay mama.
"Naku, konti na lang talaga magtatampo na ako dyan sa daddy mo" Napapailing na lang
ako, for sure business na naman yun.
————————
Rea's POV
Hindi ako makapaniwala, ang ganda ganda ng mama ni mylabs, ang bata pa nya tingnan.
"O-ok lang po ako, di lang po ako makapaniwala, kamukha nyo po si Amy Perez pero
version 2.0," sabi ko.
"Thank you hija, I like you so much, you're so real" nakangiting sabi nya, nawala
lahat ng kabang nararamdaman ko kanina.
"Lagi po kasi akong umiinum ng nesfruta," sagot ko, "para kitang kita, sarap ng
real"
Tiningnan ko si mylabs, ang lawak ng ngiti nya. Alam kong masaya sya ngayon, ganun
din ako.
Di nagtagal sinerve na ang pagkain sa table namin. Pero bago pa man kami makapag
umpisa sa pagkain, may lumapit samin. At halos mahulog ang mata ko dahil parang
nakita ko si mylabs in his 40's..
"Kelan ka ba di nalate?"
"Dad meet my girlfriend Rea ," bumalik lang ako sa katinuan dahil sa sinabi ni
mylabs.
"So how's my son? Sakit ba sya ng ulo?" tanong nya, at naupo na din..
"Ok naman po," nahihiyang sagot ko, yung kaba ko bumalik ulit.
"Wag kang matakot sakin hija, we will never prevent your relationship with our son"
Ang swerte ni mylabs sa mga magulang nya. Now I know kung kanino sya nagmana.
Nagsimula kaming kumain, tinanong nila ako ng ilang mga bagay at sinagot ko naman
yun sa abot ng aking makakaya. Buti walang tinanong na math dahil panigurado di ko
masasagot yun ngayon dahil nagsasapakan ang puso at utak ko sa mga oras na ito
dahil sa kaba.
"So where's your parents?" tanong ni tito Javier. Yun na lang daw itawag ko sa
kanya.
"Wala na po sila," sagot ko.
"Ok lang po, alam ko pong masaya silang magkasama sa langit," sagot ko.
"I think we should have a girl bonding next time" she said.I nodded kasabay ng
isang ngiti. Pagkakataon ko na din yun para makilala ko pa ng husto si mylabs,
chichikahin ko si tita Naomi, hehehe.
Pinagpatuloy namin ang pagkain at kwentuhan nang bigla na lang mawalan ng ilaw ang
buong restaurant.
"Hawakan nyo ang mahalaga," narinig kong sabi ni tita Naomi. Bigla kong naramdaman
ang marahang pagyakap sakin ni mylabs.
"Narinig mo naman ang sinabi ni mama, hawakan daw ang mahalaga," bulong nya. Yung
pagbangon ng kilig na naramdaman ko mabilis pa sa alas kwatro.
Gusto kong matawa ng makitang yakap din ni tito Javier si tita Naomi.
"Like father, like son," sabi ni tita Naomi, sakin sya nakatingin, napapangiting
lumayo ako sa pagkakayakap ni mylabs..
"Ako din hon, sinunod lang kita," segunda nman ni tito Javier. Natawa kaming lahat.
***
"Its nice to meet you again,hija" masayang sabi ni tita Naomi, natapos ang dinner
namin ng masaya. Nandito na kami sa parking area. At nagpapaalam na sa parents ni
mylabs.
"Its nice to meet you too po tita, tito" I said. Niyakap ako ni tita.
"Punta ka sa bahay ha, ipagluluto kita ng masarap bago kami bumalik sa america next
week at magbobonding pa tayo," paalala pa nya.
"Opo,"
"Jay, alagan mong mabuti itong future daughter in law ko ha, pag pinaiyak mo sya
humanda ka sakin,"natawa ako sa sinabi ni tita kay mylabs, nagyakap silang mag ina.
"I won't ma, I promise." sagot ni mylabs. Bumaling naman sya sa daddy nya.
"I know, that's why I always maximizing my time," nagyakap silang mag ama.
"Ingat kayong dalawa, tumatanda na kayo," biro ni mylabs at akmang hahampasin sya
ng mama nya kaya lang nkalayo agad sya. Isa lang ang masasabi ko sa family ni
mylabs, they are blessed.
"Bye Rea, I'll wait you at our house, Bye Jay, i love you" tita said
"I love you too ma" sagot ni mylabs at umalis na sila ng tuluyan, kumaway kami sa
kanila.
"Ano ka ba, ako nga ang dapat mag thank you sayo dahil pinakilala mo sakin ang
napakabait mong mga magulang," sagot ko.
"Di pwede, edi naging magkapatid tayo," biro ko at naglakad na palapit sa kotse.
"Lakas mo mambasag ng banat babae," narinig kong sabi nya pero tinawanan ko lang
sya.
***
"Mylabs itabi mo, tara muna sa park" sabi ko, huminto naman siya sa pagmamaneho at
tinabi ang kotse, nandito kami ngayon sa park malapit sa apartment na tinutuluyan
ko.
Tiningnan ko ang langit na punong puno ng ibat ibang laki at kinang ng mga bituin.
"Nakikita mo ba yung dalawang makinang na star na yun mylabs?" tinuro ko ang mga
bituin. "Sila nanay yun, kaway ka mylabs dali,"
———————-
Johnny's POV
"Hello po! Ako nga po pala si Johnny, boyfriend po ni Rea, wag na po kayong mag
alala, aalagaan ko po sya?" sigaw ko, baka sakaling makarating sa bituin at marinig
ng magulang ng babaeng mahal ko.
"Alam mo mylabs, idol na idol ko ang love story nina nanay at tatay," nag umpisa
syang magkwento, tahimik lang akong nakikinig sa bawat kwento nya, lahat ng
atensyon ko nasa kanya at sa bawat detalye ng kwento.
"Kaya lang pagkatapos ipanganak ni nanay ang bunso namin nagpahinga na sya," gusto
kong pawiin ang lungkot sa mata nya ngayon. Binalik ko ang tingin sa mga bituin.
"Yung lovestory nila? Parang isang nobela sa isang libro," tiningnan ko sya,
nakangiti na sya ngayon. "Si tatay kasi, ipinanganak na may gintong kutsara sa
bibig, mayaman ang pamilya nya, nakukuha ang lahat ng naisin samantalang si nanay
naman ay isang simpleng babae lang, akala ko nga dati sa isang nobela lang
nangyayari yung eksenang paglalayuin ng magulang ng mayamang lalaki ang anak sa
mahirap na babae, pero matapos kong malaman ang kwento nina nanay, napatunayan ko
na sa totoong buhay din pala nangyayari ang mga ganong bagay,"
"Katulad ng mga karakter sa isang libro, pinaglaban din nina nanay ang pag ibig
nila, nagtanan sila at lumayo, pinili ni tatay mamuhay ng simple kasama ang babaeng
minamahal, pero hindi doon nagtatapos ang lahat, nagalit ang pamilya ni tatay,
inalisan sya ng mana at karapan bilang isang Snyder, umabot pa nga sa punto na
halos walang tumanggap na kumpanya kay tatay, dahil na din sa koneksyon ng pamilya
nya,"
"Ang di ko malilimutang parte sa kwento nila nanay ay yung mga panahong inatake ng
sakit si nanay, nung araw na yun nalaman namin na may cancer pala sya, halos gumuho
ang mundo ni tatay, sabi ng doctor kailangan daw sumabak ni nanay sa chemo therapy,
sa kasamaang palad, walang wala kami nung mga panahong yun, dahil wala naman
mahanap na matinong trabaho si tatay noon maliban sa construction, para kay nanay,
hindi nagdalawang isip si tatay na lumapit muli sa mga magulang nya at humingi ng
tulong,"
Tumayo ako ng makita ko ang pagpatak ng luha sa mga mata ni mylabs, naupo ako sa
harap nya at pinunasan yun, di ako nagsalita hinintay ko ang kasunod ng kwento nya.
"Handa naman daw tumulong ang mga magulang ni tatay, pero sa isang kundisyon,
kailangan daw kaming iwan ni tatay kapalit ng lahat ng tulong na kayang ibigay ng
pamilya nya para maisalba ang buhay ni nanay, pero dahil mahal na mahal kami ni
tatay, lumuhod sya sa harap ng mga magulang nya, nagmakaawa at nakiusap, na wag
naman daw hilingin ang bagay na yun dahil kami ni nanay ang buhay nya. At kahit
gaano pa kalaki ang galit ng mga magulang ni tatay sa kanya binigay pa din ang
tulong na kailangan ni tatay, kaya lang yun na ang una at huling tulong na ibinigay
nila kay tatay at sinabing wag na daw magpapakita si tatay sa kanila dahil isa daw
itong kahihiyan sa pamilya nila, simula noon, wala ng narinig na balita si tatay
tungkol sa pamilya nya maliban sa pag alis ng mga ito sa bansa"
Hinawakan ko ang kamay ni mylabs. "Idol ko na din ang lovestory ni tatay at nanay,"
sabi ko.
"Nanay! Tatay! Enjoy na lang po kayo dyan masaya po akong marinig ang napaka
gandang kwento ng pag iibigan nyo at ikinagagalak ko po kayong makilala, ako ng
bahala sa prinsesa nyo!" sigaw ko, at sinabayan ko pa ng pagkaway para makita nila
kami.
"Salamat mylabs," humihikbing sabi nya. Hinarap ko sya at kinulong sa mga bisig ko.
I kissed her head.
=============
=================
Johnny's POV
Kanina pa ako patingin tingin sa paligid. Ba't ba ang tagal ni mylabs? Tatlong araw
na ang nakaraan simula ng ipakilala ko sya kayna mama at ipakilala nya ako kayna
nanay.
Binato ko pabalik kay Young ang bola. Lumapit ako sa bag ko na nasa may bench,
nadaanan ko pa sina captain at Hannah na naglalandian.
Naupo ako at tiningnan ang cellphone ko. Bakit di sya nagtetext? Sinimulan kong i-
dial ang number nya.
"100 rounds around the court Dela Cruz!" narinig kong sigaw ni captain. I smirked.
Ano na naman kayang ginawa ng gago?
Napatingin pa ako kay Dela Cruz ng simulan nitong tumakbo sa palibot ng court.
"Ang lagkit mo kasing tumingin kay captain, Dela Cruz bwahahaha" pang aasar ni
Turner.. Napapailing na lang ako.
Napakunot ang noo ko ng customer service lang ang sumagot sa tawag ko. Out of
coverage? Di ba nakapag charge si mylabs ng phone nya?
Binalik ko ang cellphone sa bag, papunta na din siguro yun dito. Sabi naman nya
kagabi manunuod naman daw sya eh.
"Hahahaha sabi ko naman sayo Dela Cruz tayo na lang eh!" lumapit ako sa jaguars,
pinag titripan nila si Dela Cruz.
Medyo kinakabahan na ako wengya. Naupo ulit ako sa may bench at pinanuod ang
pakikipag landian ng ibang jaguars.
"Johhny, pinapasabi ni Rea na baka sumunod na lang daw sya dun sa Adaipmil
University.." napatingin ako kay Greshel.
Lakad takbo ang ginawa ko papunta sa room, yun agad ang naisip kong puntahan.
Pagpasok ko sa loob, nakahinga ako ng maluwag ng makita ko sya. Abala sya sa
pagsusulat. Tiningnan ko ang ibang estudyane na nandito, mukhang may exam sila.
Nilapitan ko si prof.
"Prof. Didn't you know that Miss Snyder is part of basketball team?" tanong ko.
Mukhang nagulat pa syang makita ako dito, napakunot ang noo nya. Mukhang iniisip pa
nyang mabuti.
I smiled.
Binalik ko ang tingin kay prof nakangiti sya habang napapailing. Napakamot ako sa
batok.
"Miss Snyder, I forgot that you are part of basketball team, You are exempted in
this exam.." maya maya ay anunsyo ni prof. Napatingin lahat ng estudyante sakin di
ko sila pinansin na kay Rea lang ang atensyon ko.
—————————
Rea's POV
Tae makakapatay ako ng prof nito. Ang ganda ganda na ng umaga ko dahil ngayon ang
game ng jaguars, dagdag kita na naman sana kaya lang yung prof namin basag trip
putik. Aba may exam daw ngayon, wala man lang pasabi, buti na lang nakasalubong ko
sina Greta at Mychiel kanina dahil di talaga ako makakasabay sa kanila, kainis
talaga..
Andito na ako sa classroom namin, galit ako kay sir una dahil di nya sinabi na may
exam edi naigawa ko sana ng reviewer ang mga kaklase ko aba bente din isang
reviewer, eh madami kaya sila kaya panigurado ang kita, pangalawa galit ako dahil
di ko makakatabi sa bus si mylabs ko, naku ano na kaya ginagawa nun ngayon? Di ko
sya maitext kasi naman nabasa yung precious nokia 3210 ko kahapon nung naglalaba
ako, palabada lang yun kumita ako ng 700 dun kaya lang yung cp ko naman ang
nadisgrasya, tae talaga..
Maya maya pa dumating na si prof. Dala na nya ang mga test questioners.. Ambagal
kumilos ni sir nananadya ba sya? Kung ibibigay nya agad ngayon ang test paper, aba
masasagutan ko yan kahit 15 minutes lang.
"No thanks Rea, wala akong barya dito eh" sagot nya. Ano naman akala nya sakin
mukhang pera? Di naman ako ganun di ba?
"Di ko kailangan ng barya nyo sir, dahil si Johnny my labs ko ang barya ko, kasi
umaga pa lang kailangan ko na sya"
"witwiw yan si Rea walang kupas.." sabi nung isa naming kaklase.. Nilingon ko sya..
"Di ako damit dahil tao ako na marunong magmahal," sabi ko.. Nagtawanan ulit sila.
Problema ng mga 'to?
"Ah kala ko po kasi sa inyo, medyo mapapel kasi kayo ngayon.." bulong ko.. Syempre
di ko pwedeng sabihin yun ng malakas, mawawalan ako ng scholarship aba!!
Binasa ko agad ang mga questions, maning mani. Mabilis kong sinagutan ang mga
tanong.
Malapit na akong matapos nung maramdaman ko na may pumasok sa room namin pero di ko
pinansin yun, kailangan matapos ko agad ito..
Ayos last item na lang..
"Miss Snyder, I forgot that you are part of basketball team, You are exempted in
this exam.." narinig kong sabi ni prof. Tae ano 'to lokohan? Kung kelan tapos na
ako? Binigay ko ang atensyon ko sa unahan at laking gulat ko ng makita ko si
mylabs. Kukuha din ba sya ng exam??
"Mylabs para kang utot, tahimik pero malakas ang dating" biro ko para mabawasan ng
konti ang kaba ko..
He just smiled, at hinawakan ang kamay ko. Kinuha din nya ang gamit ko, tapos
hinila na ako..
"Teka mylabs," sabi ko bago pa kami makalabas ng room.. Pumunta ako sa pwesto ni
prof.
"Sir, wag nyo na akong i-exempted, pakicheck na lang nito," sabi ko at binigay yung
papel ko.
Tiningnan nya ako, nakangiti na naman sya sakin, parang dati lang lagi nya akong
dinideadma. Ngayon dead na dead na sya sakin.. choz hahaha
"kasi you're my number one" I smiled. Ginulo na naman nya ang buhok ko.
Inayos ko ang buhok ko, huminto ako sa paglalakad tapos tiningnan ko sya ng masama.
"B-bakit?" gusto kong matawa dahil medyo nabulol pa sya, akala nya siguro galit ako
hehehe..
"Bakit ang sarap mong mahalin?," sabi ko. Tumawa ako ng malakas ng makita ang
pamumula ng tenga nya, ibig sabihin kinikilig sya.
"Bumalik ka dito babae!" narinig ko pang sigaw nya, nilingon ko sya at binelatan.
Malapit na kami sa gym, napahinto ako ng makita ang paglabas ng jaguars. Mukhang
ready na silang lahat para sa laro ngayong araw laban sa eagles.
"Yo! Rea,"
"Sup Rea!" bati nila ng mapansin ako, naramdaman ko naman ang paglapit ni mylabs,
nginitan ko sila.
May hinagis na bag si Joel kay mylabs, sinalo naman yun ni mylabs. Naramdaman ko
ang paghawak ni Johnny sa kamay ko, sumunod na din kami sa jaguars papunta sa bus.
Madaming estudyante ang nagbibigay ng suporta para sa team. Ibig sabihin madami din
akong mabebentang——teka, napahinto ako sa paglalakad.
"may problema ba?" nilingon ko si mylabs. Umiling ako, pero ang totoo, may problema
talaga, dahil wala akong paninda na pwedeng ibenta mamaya sa game tae, kung bakit
naman kasi sa dami ng pwedeng malimutan yun pa?
Sumimangot ako, aba big game kaya ang magaganap mamaya panigurado maraming
manunuod, ang masakit lang wala akong naihanda na kahit anong pwedeng ibenta.
Eh kung ibenta ko kaya ang jaguars? *iling iling*
Baka isako nila ako pag nagkataon. Sinandal ko ang ulo ko sa may bintana.
"nahihilo ka?" napalingon ako kay mylabs. Nginitian ko sya ang cute talaga ng
boyfriend ko.
"Ok lang mahilo ako, basta gusto ko, sayo lang iikot ang mundo ko" sabi ko, ayan na
naman yung tenga nya namumula.
"wala na nga akong maisip na pick up lines eh, kasi puro si Johnny my labs na lang
ang laman ng isip ko" banat ko ulit, at di ko napigilan ang tawa ko ng makitang
lalong namula yung tenga ni mylabs.
I smiled. Kapag siniswerte ka nga naman. May naisip akong magandang idea.
Pagkababa ng bus, agad na sumalubong ang cheering squad ng M.U. Tapos tumuloy din
naman ang jaguars sa gym, ang alam ko may room na nakalaan para sa jaguars.
Nauna ng maglakad si Mychiel at Greshel, ako naman tumakbo ako palabas ng campus,
dumiretso ako sa munting tindahan ni lola.
Ngumiti naman sakin si lola,nginitian ko din sya, naupo ako sa tapat ng tindahan
nya.
"Sinong bang tindera ang may ayaw na maubos ang paninda nya?," tiningnan ko ng
masama si lola, tumatandang pilosopo si lola.
"Lola ibig kong sabihin, tutulungan ko kayong maubos ang lahat ng ito, ititinda ko
'to sa loob, alam nyo naman po na may game sa loob ng Adaipmil University, di po
ba? Bigyan nyo lang ako ng porsyento ititinda ko ang ilan sa mga ito," paliwanag ko
sabay turo sa mga paninda.
Tiningnan akong mabuti ni lola, kinikilatis nya siguro ako, akala nya siguro kasapi
ako ng budol gang.
"Sige ineng para makauwi na din ako ng maaga," sabi ni lola at sinimulan ayusin ang
mga paninda, tinulungan ko sya, inayos namin ang mga dadalhin ko sa loob.
Pagkatapos namin ayusin ang mga ititinda ko, napansin ko na titig na titig sakin si
lola. Kinuha ko yung I.D ko at nilagay yun sa kamay nya.
"Ayan po lola, para po matahimik ang kaluluwa este loob nyo at para di na kayo mag
isip pa na itatakbo ko itong mga paninda nyo," sabi ko.
"Hehehe, sige po aalis na po ako, babalik po agad ako pag naubos ang lahat ng ito.
"Ate hopia, masarap 'to nakakaganda ng kutis, "pambobola ko. Nung una walang
pumapansin sakin pero ng nagtagal at magsimulang matakam sila sa amoy ng paninda
ko, nagsimula na silang bumili..
"Hopia, Mani, Mais, Popcorn! Bili bili na kayo habang di pa nagsisimula ang game!!"
malakas na sigaw ko.
"Ate sakin hopia," agad akong lumapit dun sa bibili ng hopia. Bumili na din ang
iba.
"Rea!!"napatingin ako sa may taas kung saan may tumawag sa pangalan ko. Si mychiel
pa, kasama si Greshel.
"Uy Greta at Mychiel kayo pala, bili na kayo.. hopia, ,mani, mais, popcorn.. dali
at ng maubos na 'to bago mag start ang game..!!" sigaw ko. Malakas ang tugtog dito
kaya kailangan kong sumigaw, kung alam ko lang nagdala sana ako ng mega phone.
Naglakad ako papalapit sa kanila, may mangilan ngilan pang humarang sakin para
bumili.
"Bibili kami kung sasabihin mo samin kung san mo nakuha ang mga paninda mong
yan?"tanong ni Mychiel.
"Bruha, wala kaming balak kalabanin ka dyan sa raket mo, gusto lang namin malaman
dahil wala ka naman dalang ganyan kanina sa bus di ba?"
Napangiti ako.
"Dalawa lang naman.." sagot ni mych halatang gusto nya matikman ang popcorn.
"Ano na, di mo pa ba sasabihin kung san mo nakuha ang mga paninda mo?" tanong ni
Greshel..
"Simple lang, may nakita akong matanda dun sa labas ng gate, binalikan ko sya at
sinabi kong ako na lang ang magtitinda ng mga paninda nya, malaki ang persyento ko
dito.." masayang sabi ko..
"Ganun talaga, kailangan maging madiskarte.. Hala sige maiwan ko muna kayo dahil
kailangan maubos to bago mag umpisa ang game.." sagot ko naman..
"Miss pabiling popcorn.." narinig kong sabi nung isang babae, agad akong lumapit..
"Ilan?" tanong ko.. Ayos mukhang mauubos agad itong mga paninda..
Inikot ko ang panigin ko sa buong gym, grabe ang daming tao, napansin ko ang ilang
mga estudyante, di ako nagkakamali may mga ilan sa kanila na galing sa ibat ibang
school, yung ilan naman ay mga nakalaban na ng jaguars nung nakaraan..
Kung alam ko lang na ganito kadami ang manunuod dito, dinala ko na din pati
tindahan ni lola na nasa labas..
Inikot ko pa ang buong gym bago tuluyang naubos ang dala kong paninda.
I smiled.
Naglakad muna ako para magtungo sa assign room ng jaguars, bibigyan ko muna ng
goodluck hug si mylabs..
"Wala na eh," sagot ko at nilampasan na sila, kailangan kong magmadali baka mag
start na ang game.
Sinimulan kong tumakbo, pero bigla na lang may bumangga sakin dahilan para matumba
ako, kasabay ng pagbagsak ko sa sahig ang pagsabog ng mga barya.
"Aray!" napakunot ang noo ko, nilingon ko kung sino yung umaray, langya ako yung
nasaktan sya yung umaray?. Patayin ko kaya sya.
Iika ikang tumayo ako. Tiningnan ko ng masama yung lalaki na abala sa pagpapagpag
ng jersey uniform nya. Hinarap ko sya, matangkad sya pero wala akong pakialam.
"Takte kuya kala ko lampa na ako, pero di ko akalain na may mas lampa pa pala
sakin," sabi ko, at tiningnan sya mula ulo hanggang paa. "Sigurado ka ba na
maglalaro ka? Baka madapa ka lang sa court."
"Blake let's go, mag start na ang game!" napatingin ako sa mga lalaking naka jersey
mukhang sila ang makakalaban ng jaguars.
"Anong nangyari dito? Miss ok ka lang ba?" tanong nung isa, tapos tinulungan nila
akong limutin ang mga barya.
"Hoy Blake anong nangyari sayo?" sinampal sampal pa nung isang lalaki si kuyang
lampa. Tulala pa din kasi.
"Blake? Dapat Boy Lama ang pangalan nya," bulong ko bago ako tuluyang naglakad
palayo.
————————-
Blake's POV
Tengene wala akong magawa kundi ang titigan ang babaeng yun. Dito ba sya nag
aaral? Bakit ngayon ko lang sya nakita dito?
Ang ganda nya p*ta, yun ang gandang matagal ko ng hinahanap, yung tipong di
pagsasawaan.
"Blake insan, mukhang tinamaan ka kay Miss Snyder ah, paalala lang girlfriend yun
ni Spencer, isa sa mga jaguars kaya kung anuman yang tinatakbo ng isip mo, wag mo
ng ituloy" tiningnan ko si Dwayne, pinsan ko. Nginitan ko sya.
Bago ako tuluyang sumunod sa kanila tiningnan ko muna ulit ang papalayong babae.
She's unique, di man lang sya natulala sa kagwapuhan ko, and worse tinawag nya
akong lampa.
———————-
Johnny's POV
Nilibot ko ang tingin sa paligid, saan kaya nakapwesto si mylabs? Sumama sya kanina
kayna Mychiel ah.
"Saan ka nagpunta?" nilapitan ko sya, inayos ko ang buhok nya, medyo magulo kasi.
Tumango ako.
"Hoy Spencer mamaya mo na ituloy ang paglandi!" narinig kong sabi ni Miller.
Di ko sya pinansin.
Pumunta na ako sa court kasama ang jaguars at sinimulan ang pag wawarm up.
Matapos ang ilang minuto, muli kaming bumalik sa bench dahil magsisimula na ang
tunay na laro.
"Watch us captain at makikita mo ang galing namin sa court.." mayabang na sabi ko.
"Stop that shit, just make it done.." wengya naman si captain oh.
"captain nam——" magrereklamo pa sana ako kaya lang isang matalim na tingin agad ang
binigay nya sakin.
"Tama na ang satsat spencer, ayusin mo yang laro mo ha, iwan mo muna dito sa bench
yang katangahan mo"pinakyuhan ko si Dela Cruz.
Hanggang sa biglang tumunog ng malakas ang buzzer, hudyat yun na magsisimula na ang
laban.
"GO! JAGUARS!! GO!!" sigaw naming lahat. Naghiyawan na naman ang mga manunuod.
"Kyaaaaaaaaaaaaaa GO jaguars!!"
Pumito ang referee halos sabay kaming tumalon ng kalaban ko sa jump ball, natapik
ko ang bola, napamura ako ng makuha yun ng eagles.
Unang nakapuntos ang eagles, pero di kami nagpahuli agad na nagpasikat si Miller.
"Kayo lang naman ang wala hahaha" pang aasar agad ni Miller. Napapailing na lang
ako.
Hawak ng eagles ngayon ang bola. Tinira ang bola pero natapik ni Turner nakuha
naman yun ni Miller, agad kaming tumakbo sa kabilang court, naghahanap kami ng
butas, ng mapansin ko na maluwag sa tabi, pumwesto ako dun sa may three point area.
I smirked ng ipasa sakin ni Turner ang bola, tinira ko yun. Lakas ng power kiss ni
mylabs.
SHOOT!
Nasa kainitan na ng laban, five seconds na lang ang natitira sa oras, pinasa ni
captain ang bola kay Montereal. Tinira ni Montereal.
Tinawag ang lahat ng players sa court at inanunsyo kung sinong panalo, pagkatapos
ay humanay kami at kinamayan ang eagles.
Naglakad ako para sana hanapin sya, kaya lang may humarang sakin.
Akmang lalampasan ko na sya kaya lang humarang na naman sya, problema ng gagong
'to? Teka wag nyong sabihin sakin na may gusto sakin ang gago.
"Pasensya ka na 'tol di kita type at di din ako pumapatol sa lalaki," biro ko.
"Wag kang mag alala di din kita type, pero yung girlfriend mo type ko," bigla akong
sumeryoso, umakyat lahat ng dugo ko sa utak dahil sa sinabi nya. Kinuyom ko ang
kamao ko.
Tang*na anong sabi nya? Type nya ang girlfriend ko? Lakas ng apog nyang sabihin
sakin ng harapan ang bagay na yun?
"Back off," nagsisimula ng dumilim ang paligid ko, lalo na ng makita ko ang
nakakalokong ngiti ng hayop na tarantadong ito.
"Maswerte ka, ikaw ang unang nakakita sa kanya, at malas ko dahil kanina ko lang
sya nakita, ang ganda ng girlfriend mo,"
"Chill pare, wala pa akong ginagawa, sinasabi ko pa lang sayo para naman di ka
magulat, baka kasi isang araw, wala na sya sayo dahil kaya ko syang agawin, alam mo
na yung ganda nya kasi talagang nakaka-inlove——"
Huli na, di ko na napigilan ang sarili ko nasuntok ko sya sa mukha dahilan para
tumumba sya sa gitna ng court.
Narinig ko pa ang sigaw ng isang babaem tumayo ako at tiningnan sya, kulang pa yan
hayop ka.
"What's the matter Spencer?" tanong ni captain, nakalapit na ang lahat ng jaguars
at eagles.
"Pwee," nagtiim ang bagang ko sa inaasal ng gagong si Blake. Tahimik lang ako,
tiningnan ko sya ng masama. Parang kulang pa yata yung ginawa ko sa kanya.
Tumayo ang gago at humarap sakin. He smirked. Tigas ng mukha ng hayop p*ta.
"Ewan ko dyan, sinabi ko lang naman na ang ganda ng girlfriend nya, nakaka-
inlove.." nakangising sagot ng tarantado.
Damn!
"Wengya, ang lakas pala sumuntok nitong si Spencer.Try mo nga ulit, sa mukha naman
ni Jason.." sabi agad ni Turner.
"Gago, idadamay mo pa ako, kung ikaw kaya ang sapakin ko.." sagot naman ni Dela
Cruz, di ko sila pinansin at lumabas ako.
"Where are you going?" tanong nya, kakamot kamot sa ulo na tiningnan ko sya.
"Change your jersey first," sabi ni captain at nilampasan na ako. Mabilis akong
nagpalit ng damit saka tumakbo palabas.
—————————-
Rea's POV
"Ayan lola ha, naubos ko ang mga paninda nyo," sabi ko kay lola, 'andito ako ngayon
sa maliit na tindahan nya malapit sa A.U.
"Naku salamat ineng, ang galing mo naman magtinda, oh eto ang porsyento mo.." sabi
naman ni lola at iniabot sakin ang 300 pesos..
I smiled..
"Salamat din ineng.." sabi naman ni lola, napansin ko na nakatitig sya sakin..
"Tumataya ka ba?"
"wag ka ng umasa.."
"sige po lola mauna na ako, baka hinahanap na ako ni mylabs ko.." sabi ko, akmang
aalis na..
"Masusubok ang tibay ng relasyon nyo ng katipan mo ineng. At nasa kamay mo ang
desisyon kung lalaban ka pa ba o hindi na.." sabi ulit ni lola..
Nilingon ko ulit sya. Pero wala na sya dun at yung tindahan nya..
Ow my....
Syempre joke lang yun, hahaha andun pa rin sya nag aayos ng paninda nya.. Di naman
ito horror di ba?
Naglakad ako pabalik ng A.U, napakunot ang noo ko ng mapansin ang nag iisang Johnny
Spencer ng buhay ko, tumatakbo sya palapit sakin.
"Mylabs bakit——-"
Di ko alam pero bigla ko ulit narinig yung mga sinabi ni lola kanina.
"Masusubok ang tibay ng relasyon nyo ng katipan mo ineng. At nasa kamay mo ang
desisyon kung lalaban ka pa ba o hindi na.."
=========
=================
4 Months later...
Joel's POV
Madaming di inaasahang pangyayari ang naganap sa loob ng ilang buwan matapos ang
laro namin laban sa eagles.
Sige dahil medyo sinisipag ako ngayon, ikukwento ko sa inyo ng pahapyaw, pagkatapos
ng laban namin, parang tradition na ng jaguars ang konting celebration tuwing
nananalo kaya naman nag inuman kami, at yun yung time na ayaw ko ng balikan kaya di
ko na masyadong dadamihan ang kwento tungkol dun, alam ko naman na alam nyo na ang
nangyari nung gabing yun.
Oo, tama kayo yun yung gabi na nagsayaw kami sa ibabaw ng lamesa at nagkaron ng
pandesal party ang jaguars dahil sa mga hubad na katawan namin.
Okay move on, sunod na nangyari sa nakalipas na buwan ay ang birthday party ni
Hannah na nauwi lang din naman sa kaguluhan dahil sa pag announce ni Mr.Adaipmil na
arranged marriage na daw si Hannah kay Kyler. Kaya yun nagalit si captain at dinala
si Hannah sa Jaguars Island, pero dahil mabangis itong tatay ni Hannah eh kinuha
naman sya inuwi sa mansyon, grabe yung mga pinagdaanan ni captain.
Pero di pa din sya sumuko, kahit na pinagbawalan na sya ni Mr. Adaipmil bumanat pa
din si lover boy, gusto ko ngang matawa nung ligawan nya si Hannah kahit sila na.
Nung time kasi na yun wala na si Hannah sa M.U pinabalik na sya ng dad nya sa
Adaipmil University.
Wala kaming kaalam alam na may panganib na naman palang naghihintay para sa lahat.
Hanggang sa binigyan kami ng warning ni captain, na posible daw kaming idamay ng
mga kaaway nila. Nalaman kasi namin na sumailalim si captain sa training sa
pangunguna ng daddy ni Hannah bilang paghahanda. Yun yung mga panahon na akala
namin nakikipag basag ulo sya mag isa. Yun pala lumalaban na sya ng patayan.
At kami bilang mga gwapong nilalang lang ay di alam ang gagawin, hanggang sa
dumating ang time na nadukot na ang ibang jaguars at ang mga girlfriend nila ng mga
kaaway ng pamilya ni captain, parang isang masamang bangungot ang lahat ng nangyari
ng mga panahong yun.
Akala namin tapos na ang lahat ng mailigtas kami ni captain, pero hindi pala doon
nagtatapos ang lahat, dahil nadukot na naman si Hannah, habang nakikipag laban si
captain wala kaming magawa kundi ang maghintay na lang ng balita. Gustuhin man
naming tulungan sya, di namin kaya. Hindi dahil takot kami kundi dahil wala kaming
alam sa pag gamit ng baril. Kung basketball yun baka nilampaso pa namin ang Ali.
Pero hindi eh, literal na patayan mismo ang naganap. Nakatanggap pa kami ng tawag
na sinugod si captain sa ospital. Kulang yung salitang takot at kaba para
maipaliwanag yung naramdaman namin, para kaming inagawan ng lakas ng sabihin ng
doctor na di daw kinaya ni captain ang tama ng mga baril. Parang gumuho ang mundo
namin ng mga oras na yun, lalo nang malaman namin na hindi naman pala si captain
ang tinutukoy ng lintik na doctor yun. Pahiya kami dun ha, pero nalungkot pa din
kami dahil may isang buhay ang nawala, at si lolo Shawn yun.
At ngayon nga ay nandito kami sa Airport. Ngayong araw ang alis ni captain, may
iniwang sulat si lolo Shawn na nagsasabing kailangan pumunta ni captain sa america.
"I will," nakatingin si captain sa may entrance, wala pa din kasi si Hannah
hanggang ngayon.
"Captain pagbalik mo gwapo pa din ako," kahit kelan talaga napakahangin nitong si
Freeman.
Bumalik na sa normal ang lahat, sabado ngayon at sa lunes babalik na ulit kami sa
school, ilang buwan din kaming di nakapasok dahil na din sa mga nangyari. Buti na
lang sina Montereal ang may-ari ng school kaya walang problema.
"Hoy Howard anong ginagawa mo?" tanong ko ng mapansin na binubuksan nya ang maleta
ni captain at inaalis ang laman nun.
"Sasama na ako kay captain, di ko kayang malayo sa piling nya" sagot ni Howard at
pumasok sa loob ng maleta, nagtinginan kaming lahat. I smirked. Agad kong
dinambahan ang maleta, kumilos naman ang jaguars para isara ang zipper nun.
"Tang*nanyo mga hayop kayo di ako makahinga!" narinig naming sigaw ni Howard mula
sa loob, yung kalahati lang ng katawan nya ang kasya tapos yung paa nya nakalabas.
Binuksan namin yun at di kami magkandamayaw sa pagtawa dahil sa itsura nya, para
syang ginahasa ng sampong bakla..
"Oo, nalimutan ko si Freeman, wala kasing hangin sa loob ng maleta," sagot nya at
tiningnan si Freeman, "Pare halika samahan mo ako sa loob ng may pakinabang naman
yang kahanginan mong hayop ka,"
"Its fvcking gay, but yah I'll miss you morons," nagkatinginan kaming lahat.
"I'll make sure of that, papakasalan ko pa ang babaeng mahal ko," sagot ni captain.
Napatalon pa si Gibson sa sobrang kilig.
"Muntanga si Gibson taena, bigyan nyo nga ng lovelife yan ng di kiligin sa lovelife
ng iba!" pang aasar ni Dela Cruz. Napapailing na lang kami habang may ngiti sa labi
ng bawat isa.
"Is this the reason why you came late?" tanong ni captain, nakangiti sya.
"Don't fool around Jaguars, I have eye in every actions you'll make," sabi ni
captain, wengya naman oh, kala ko pa naman pwedeng pwede na kaming gumawa ng
kalokohan, di pa din pala. So ibig sabihin kami kami pa din ang mag bubully sa isat
isa?
May plano pa naman kami ni Spencer na abangan sa gate ng A.U si Blake Adaipmil.
"Goodbye captain, pasalubong ko," sabi naman ni Rea. Kumpleto kaming lahat ngayon.
Nandito din ang gf's ng jaguars.
Tiningnan ko ang lahat. Buti naman at malayo na sa panganib ang bawat isa.
Napangiwi ako ng maglakad ulit sya pabalik at nilapitan si Hannah tapos hinalikan
sa labi..
"Wengya tara na uwian na, wala ng balak umalis yan!" sigaw ni Young. Pinakyuhan
lang sya ni captain. hahaha
Kumaway ulit kami ng maglakad na ulit si captain. Lumingon ulit sya, this time
sabay sabay na kaming tumalikod at naglakad palabas ng airport.
"Sino bang di makakamiss sa kanya? Yung pagmumura pa lang nya nakakamiss na eh"
sabi ko.. Nilingon namin si captain. Wala na sya sa pwesto nya kanina, naglalakad
na din ang girls papunta samin.
——————————
Johnny's POV
Tiningnan ko ang jaguars, nandito kami ngayon sa gym, abala ang lahat sa paghahanda
para sa darating na kampanya. Nakakapanibago dahil wala na si captain. Pero dahil
alam namin na nandyan lang sya kahit anong oras namin sya kailanganin, isang tawag
lang sasagot agad yun, ganun kami kahalaga sa kanya.
"Taena bat kasi di na lang mag paprint ng tarpulin? Tingnan nyo ang sulat ko dito
sa tela para namang di tayo mangangampanya nito eh, para tayong magrarally wengya,"
reklamo ni Burns. Tapos pinakita samin yung tela na sinulatan nya ng 'Iboto P.U.K.I
partylist' may pintura pa sya sa mukha.
"Syempre para makita nila ang effort nyo," sagot ni Tina. Nandito din ang girls
tumutulong sa paghahanda.
"Di pa ba effort yung gagawin naming pagpapacute ha?" reklamo ni Freeman, puro
pintura na din sya sa mukha.
"Gago sa gandang lalaki kong ito tatawagin mo lang aso? Sapakan na lang ano?" hamon
ni Freeman.
Naglabas agad ako ng pera. Sabay sabay na tumayo ang lahat ng jaguars.
"Kay Freeman ako," segunda naman ni Montereal. Pinalibutan namin yung dalawa
nakapwesto na sila gitna, naghubad pa ng damit ang mga gago.
"Kay Dela Cruz ako, wala ng babasagin sa mukha ng tarantado eh," pusta naman ni
Young. Napapailing na lang ang girls samin.
"Kay Freeman ako, malaki ang kamao ng hayop na yan," pusta naman ni Gray.
"Pare galingan mo ha, pang lunch natin 'to, pag natalo ka magtutubig lang tayo sa
tanghalian." sabi ko.
"Ikaw Elvin kanino ka?" napatingin ako kay mylabs, may hawak syang notebook,
wengya.
"Wala na talo na si Pacquiao, niluto ang laban kaya yun sunog ang nanalo," sagot ni
Rea.
"Wengya basag trip naman ang hayop na si Howard eh,"padabog na bumalik kami sa
pagkakaupo at muling hinarap ang ginagawa namin.
"Pakialam mo, ulo mo ba yung iniipit ha?" sigaw nya. Natatawa na lang kami, proud
kaming lahat bilang isa sa mga myembro ng jaguars.
"Tama na yan, mag practice na kayo ng mga sasabihin nyo sa kampanya," narinig
naming sabi ni Greshel.
"Di masaya ang barkda kapag walang tangang kasama" komento ko. Natawa ang lahat.
"Wala pa at wala akong balak, kung bakit naman kasi kailangan pang sumali sa ganito
eh," reklamo ko.
"Malamang may maiisip ka, eh ikaw ang salarin sa lahat ng ito eh," sagot ni Burns.
Naupo ulit kami sa sahig ng court.
"Puro na lang kayo reklamo, di nyo ba alam na kapag nanalo tayo dito, pwede na
tayong magsimula ng mga kalokohan kasi officers na tayo ng campus, that way di na
tayo pagbabawalan ni captain dahil may basbas na ng school," paliwanag ni Young.
Napatango naman kami.
"Oo nga 'no?"
"Sige sige, umpisahan na natin ito," biglang sumigla ang lahat, basta kalokohan
nabubuhay ang dugo ng mga yan.
"Wengya bakit parang iba yung dating ng plataporma mo?! Medyo bastos sa pandinig,"
reklamo ko.
"Gago, di ba nga Unyon ng mga kalalakihang inaapi ang partylist natin? Kung ang mga
babae may Gabriella syempre ang mga lalaki dapat may P.U.K.I," paliwanag niya.
Napapatakip ako ng tenga dahil sa mga salitang lumalabas sa bibig ng gago wengya.
"Sandali nga, hindi naman pambansang eleksyon ang magaganap di ba? Bakit Pambansang
Unyon di ba dapat Pampaaralang Unyon lang?" tanong ni Gibson.
"Umayos ka ha kung ayaw mong mag meryenda ng medyas," pananakot ko. Pag ganitong
nahihirapan na akong mag isip ng sasabihin ko sa darating na taenang campus
election yan eh.
"Ano bang pinaglalaban ng PUKI nyo?" tanong nya, lahat kami napangiwi.
"Wengya ngayon ko lang narealize ang pangit pala talaga sa pandinig lalo na kung
babae ang nagsabi," nakangiwing sabi ni Burns.
"May lalaki pa bang nag papaapi sa panahon ngayon? Di ba kayo naman talaga ang nang
aampi?," komento ni Mychiel.
"Tengene wala akong inaapi ha," reklamo ni Turner tapos tiningnan si Mychiel,
mukhang may tampuhan na naman ang dalawa.
"Sa halip na Kalalakihan, bakit di nyo na isama ang mga kababaehan para naman di
masyadong bastos pag binasa nila ang partylist nyo at the same time matulungan nyo
lahat, like gawin nating P.U.K.K.I, Pampa-aralang Unyon ng mga Kalalakihan at
Kababaehang Inaapi," opinyon ni Hannah.
"Sige ipapaalam ko agad kay Dean yan para walang maging problema pag oras na ng
kampanya," sabi ni Montereal..
"Mga hayop kayo, pano pag kampanya na? Ibig sabihin di kayo sisigaw ng PUKKI?"
narinig namin na sigaw ni Howard.
"Sisigaw pero hindi itataas dahil wala kaming itataas gago!" sigaw ko.
to be continued...
===========
A/N: Ihanda nyo na ang sarili nyo sa darating na kampanya ng Jaguars, dahil uulan
ng PUKKI chos hahahaha.
Nakakamiss pala ang mag A/N emeged, anyway ang sakit na sa puso ng BOH no'? Kalma
lang kayo, ang puso nyo aba! xD Natatawa ako sa mga reaction nyo, damang dama ko
yung galit nyo kay Frella hahaha.
Hello pala kay EM na talaga nga namang tinadtad ako ng text, hahaha F na F nya ang
pagtawag sakin ng nay dahil sya daw ang future wife ni Alfred, dami kong tawa sayo
nak. (nak na tawag ko sayo para mas maFeel mo XD) wala ako load mianhae. Next time
txt txt tayo *wink*
*layas*
Lovessssssss!
-ate Yna-
=================
Elvin's POV
Inaantok pa ako. Nandito kami ngayon sa hintayan ng jeep, kasama ko si Burns Gibson
at Fisher. Di ko alam kung bakit napasama ako sa tatlong ito.
"Bakit ba kasi gusto nyong mag commute eh may mga kotse naman kayo?" tanong ko.
Nakapagtataka naman kasi may mga kotse kami, tas' ngayon gusto nila mag commute?
Mukhang tinakasan na naman ng bait itong mga kaibigan ko.
"Gusto nyo pa lang magpa-late eh bakit di na lang kayo maglakad?" tanong ko ulit.
"Edi gumapang na lang kayo, panigurado walang pagod yun," sagot ko, inakbayan ako
ni Fisher.
"Kaya tayo magpapalate para di tayo makasama sa kampanya ngayong araw," paliwanag
ni Fisher.
"Pare," pero di nya ako pinansin. Sama ng ugali ng mga kaibigan ko taena. Bakit ba
kasi napasama pa ako sa mga ito? Edi sana nasa school na ako at kumakain ng
tinapay, mukhang ayaw naman nila ng tinapay, kaya nga sila magpapa-late di ba?
Inakbayan ko si Burns.
"Ang bilis mo naman makalimot Howard, di ba pinag meetingan na natin yan nung
nakaraang araw?" napapakamot sa ulo na sagot nya..
"Ang dami ko kasing nakain na peanut butter kahapon kaya di ko na masyado maalala,"
sagot ko.
——————————
Alfred's POV
"Ay oo nga pala, nag LBM ka pa nga kahapon eh," komento ko sa sinabi ni Howard. Aba
banatan ba naman yung isang katerbang peanut butter kahapon, kaya yun, labas masok
sya sa banyo at ang matindi sa unit ko pa sya nagbabawas.
"Siguro pati utak mo naitae mo na ano?" pang aasar ni Burns. Tumawa kami ng
malakas, pero napatigil din ng mapansin ang pagka seryoso ni Howard tapos may
binubulong..
"Kampanya, kampanya, kampanya," mukhang iniisip nya kung ano yung kampanya na
sinasabi namin kanina wengya.
"pfftt! Tinapay nga yun pare, PUKI bread," biro ni Burns, muli kaming nagtawanan.
"Taena kahit magana akong kumain, di ko kakainin ang tangnang PUKI bread yan,"
nakasimangot na sabi ni Howard.
Mas lalo kaming natawa, wengya the best talaga kasama si Howard.
Maya maya lang eh may dumating ng jeep, swerte dahil maluwag pa.
"Howard bayad na, libre mo kami," sabi ko.
"Kakapal din ng mga mukha nyo eh 'no?" reklamo nya pero dumukot din sa wallet nya
at inabot sa driver. Nilabas ko naman ang cellphone ko.
"Papunta saan?" tanong ulit nung driver, nagkatinginan kami nina Burns at Fisher,
mukhang alam na namin ang isasagot ni Howard.
"Wengya manong wala naman tayong relasyon para lokohin kita," sagot ni Howard.
Rea's POV
"Mylabs, tara na male-late na tayo! Ano ka ba?" hinila ko sya sa kamay, nandito
kami ngayon sa apartment ko, dito na sya nakatulog kagabi dahil sa sobrang pagod.
Madami kasi kaming pinag aralan lalo na yung mga lessons na namissed namin nitong
nakaraang buwan.
"Mylabs, wag muna tayo pumasok, please?" aba nagpuppy eyes pa. Nginitian ko sya ng
pagkatamis tamis.
"Ano ka ba? Ngayon ang kampanya nyo halika na," hinila ko ulit sya, pero dinaig pa
nya ang tuko sa higpit ng kapit sa mahabang kawayan na upuan na nandito sa sala ng
apartment ko.
"Yun na nga eh, kaya ayaw kong pumasok dahil sa taenang kampanya yan." maktol nya.
"Dito na lang tayo, tutulungan kitang maglaba."
Gusto kong matawa sa itsura nya ngayon, kitang kita ang ang pagkadisgusto sa mukha
nya. Ayaw nya kasing sumali sa kampanya, nahihiya daw syang sumigaw ng... alam nyo
na hehehe.
Binitiwan ko sya.
"Sige dyan ka na, maglaba ka mag isa dyan papasok ako," sabi ko at nauna ng lumabas
ng apartment. Di ko napigilan di mapangiti ng hawakan nya ako sa kamay.
"Kala mo naman hahayan kitang pumasok mag isa, oo na tara na," sabi nya, sinara ko
ang pinto at nilock yun.
Nang makarating kami sa Montereal University, kapansin pansin agad ang mga banner
na nagkalat sa buong campus, mukhang handa na ang lahat para sa campaign ng mga
kakandidato para sa annual election of the school. Tuwing huling buwan ng school
ginaganap ang eleksyon para sa darating na panibagong school year bago na ang mga
officers ng campus.
Tama kayo, ito na ang huling buwan namin as third year students, hayyys ang bilis
ng panahon, fourth year na agad kami next school year.
Agad kaming tumuloy ni mylabs sa gym. Akala ko kami lang ang late, mukhang pati ang
ibang jaguars ayaw din mangapanya..
"Wengya buddy, mukhang kailangan ko ang tulong mo ngayon, dahil ng mga hayop na
jaguars parang wala silang balak tumulong para sa kampanya ngayong araw!"
napatingin ako kay Xevier, mukhang kausap nya si captain Shield sa cellphone.
"Alam ko, kaya nga sinisingilan ko si monkey eh," sagot nya. Napapangiti na lang
ako.
Tiningnan ko si mylabs, nakahiga sya sa may bench, parang tinatamad talaga syang
mangampanya.
—————————
Johnny's POV
Mukhang di lang ako ang tinatamad pati ang jaguars, wala pa kasi sila panigurado
ayaw din ng mga yun, aba ikaw kaya ang sumigaw ng puki taena.
"Mylabs!" napabangon ako ng marinig ko ang boses ni mylabs ko. Nakalapit na pala
sya sakin, tumayo ako at hinarap ko sya.
"Bakit mylabs?" tanong ko, napakunot ang noo ko ng mapansin na mukhang nag aalala
sya.
"Ok ka lang ba?" tanong nya, teka nag aalala ba sya sakin?
"Ok lang ako mylabs, sisigaw lang naman ako ng alam mo na....hehehehe" sagot ko.
Wengya parang gusto ko pang i-date itong girlfriend ko kesa ang sumigaw ng ganun
mamaya.
Bigla akong napangiti, matagal tagal na simula nung huli kaming nag date.
"Excited Spencer?" napatingin ako sa mga bagong dating, sina Burns, Fisher, Gibson
at Howard.
"Oo kaya bilisan nyo na ang kilos mga hayop kayo, kala nyo makakaligtas kayo ha,"
sabi ko.
"Taena alam kong gwapo ako at pag gwapo dapat exempted sa putik na kampanya yan,"
reklamo ni Freeman.
"Ibig kong sabi sigurado na ang panalo natin" masayang sabi nya.
"Buti nga yung kanila bulag lang yung satin ano? PUKKI?" reklamo na naman ni Burns.
Oo, PUKKI na ang party list namin, nadagdagan ng isa pang K para sa mga
kababaehan.
"Tama na ang reklamo, magbihis na kayo," binato samin ng girls ang damit na may
tatak na P.U.K.K.I partylist, kulay white yun at black naman ang print name, di pa
rin nawala ang tatak ng logo ng jaguars.
"Sabi sayo besh eh, magdala ka ng kape," biro ni Mychiel kay Greshel. Tiningnan ko
si mylabs kausap nya si Tina, wengya di man lang nya ako tinapunan ng tingin? Di
nya tuloy nakita maganda kong katawan.
—————————-
Joel's POV
May mangilan ngilan na lumapit agad. Pero yung iba, mukhang papunta sa kabilang
party list.
"Ang hindi lalapit dito aabangan namin sa gate!" napangiwi ako sa sigaw na yun ni
Spencer. Mabilis na lumapit ang mga estudyante. Aba epektib hahaha.
Napatingin ako kayna Tina at sa iba pang girls halatang pinipigilan lang nila ang
tawa nila.
Tumayo ako at pumunta din sa unahan ng stage, ang ibang jaguars mukhang hinahanap
pa nila ang kakapalan ng pagmumukha nila. Pero di din nagtagal nagtayuan na din
silang lahat. I smiled. Maganda 'to.
"We are the JAGUARS at kami ang bumubuo sa PUKKI, I mean sa Pampaaralang Unyon ng
mga Kalalakihan at Kababaehang Inaapi, ako nga pala si Kevin Young at naniniwala
ako sa kasabihang, ang batang inaapi paglaki bully.." nagtawanan kami. Wengya alam
na this, pag nasimulan ng kagaguhan magtatapos din sa kagaguhan.
"Wengya ka Young seryoso ka na ng lagay na yan?" natatawang tanong ni Spencer.
"Yo! PUKKI people!" bati ko sa mga estudyante halos lahat sila nakangiti at yung
iba mukhang natatawa pa. "I'm Joel Burns, your ka-PUKKI na naniniwalasa kasabihang
pag kayo di naniwala samin, wala kayong mararating," napuno ng tawanan ang paligid.
Ang dami na ng tao na nandito.
"Sup! Ako nga pala si Jonathan Miller, di ko alam kung bakit kailangan pa namin
magpakilala sa inyo eh kilala nyo na naman kami, isa pa yung PUKKI naman ang
isusulat sa balota at hindi pangalan namin, geh yun lang, just sayin'"
"Ang bitter brad, mag move on ka nga," biro ko, iniwan na kasi sya ni Jana.
Pinakyuhan lang ako ng gago. Tinapik ko lang sya sa balikat. Sunod na pumunta sa
gitna ay si Howard.
"Kaway sa lahat ng may PUKKI, yung mga wala pa, wag mag alala bibigyan kayo ni
Burns, sabi nya kasi kanina PUKKI bread daw ang kampanya" wengya nadamay pa ako
hahaha.. Akmang tatalikod na si Howard pero pinigilan namin sya.
"Wala ka bang kasabihan Howard?" tanong namin.. Humarap ulit sya sa mga estudyante
na di magkandamayaw sa pagtawa at pag ngiti.. Mukhang lokohan lang naman ang
taenang kampanya ito wengya masyado pa kaming pinakaba kanina.
"Naniniwala ako sa kasabihan na, as we grow older, we become wiser kaya kung ako sa
inyo, saka nyo na lang seryosohin ang pag aaral kapag gurang na kayo," -Howard.
"pfftt hahahaha pwede pwede," nag apiran pa kami dahil sa sobrang enjoyment.
"What's up, madlang PUKKI! Ako nga pala si Jason Dela Cruz ang minime Coco Marti——
ARAY KO TAENA!" binato ko ng bote ng mineral ang gago..
"Ah hindi ba, kala ko kasi showtime tawa kasi ng tawa ang mga madlang-PUKKI natin
hehehe," sabi ni Dela Cruz at muling humarap sa mga estudyante. "Yo! naniniwala ako
sa kasabihang ang batang ambisyoso paglaki tsismoso,"
"Anong gusto nyo? Nagtatawanang mga PUKKI? Kanina pa kasi sila tawa ng tawa eh,"
-Spencer
"pfftt wengya, immune na sa PUKKI thing.."
"Bilisan mo na Spencer,"
"Naniniwala ako sa kasabihang huwag magbilang ng manok kung ang alaga mo naman ay
itik" natatawang sabi ni Spencer..
"Wengya may masabi lang eh no?" sabi ko.. "Next!" tawag ko. Lumapit si Freeman.
"Yo! I'm Rosmar Freeman at naniniwala ako na hind lahat ng gwapo ng aartista yung
iba nangangampanya,"
"Wengya, nasa inyo na po kung iboboto nyo ang PUKKI partylist, sisiguraduhin po
namin na madami kayong matutunang kalokohan mula sa amin," natatawang sabi ni
Montereal..
"Hanggang dito na lang po ang aming kampanya, dahil sa totoo lang nag try lang po
kami, makaranas man lang hahaha," segunda naman ni Young. Kaya pala ang lakas
sumali ng mga ugok, kalokohan lang pala.
"Wengya pag tayo nanalo dito, hanga na ako sa mga estudyante ng M.U" komento ko.
Ang tanong, may boboto nga ba? Kung puro kalokohan lang naman ang sinabi ng bawat
isa.
Vote Wisely!
============
=================
Johnny's POV
"Ano na? Ang kukupad wengya!" reklamo ni Montereal. Nandito kami sa parking area ng
condominium building kung saan kami nakatira lahat.
"Excited? Gusto na agad makaakyat ng puno?" biro ko, at nilagay na ang bag sa loob
ng van.
"Tungunu lakas maka-lolo," pang aasar naman ni Gibson. Maya maya pa ay dumating na
din ang ibang jaguars dala ang kanya kanyang bag.
Tama kayo, time for vacation na, at nakatanggap kami ng imbitasyon mula sa lolo ni
Hannah.
"Mag stay lang tayo ng 1 week dun, tapos nun punta na tayo ng Jaguars' Island,"
sagot ni Young. Tumango naman ang lahat bilang pag sang ayon.
Nakatanggap kasi kami ng tawag galing sa lolo ni Hannah na dun daw kami sa Hacienda
nila magpalipas ng bakasyon. Di naman namin magawang tumanggi dahil gusto din namin
makarating sa lugar kung saan nagmula ang angkan ni Hannah. Mapapaglamangan na
naman si captain nito hahaha.
"Daanan natin si mylabs," sabi ko ng nasa byahe na kami. Abala ako sa pagtetext kay
mylabs.
"Sigurado ka Spencer?" tiningnan ko si Burns na nagdadrive ngayon.
"Panigurado pirat si Rea pag dinaanan natin," sagot nya. Pinakyuhan ko lang ang
gago. Tinawanan lang ako. Puro kalokohan.
Pinaling ko ang pansin sa labas ng bintana. Parang kelan lang nung nag enroll kami
sa Montereal University. Ang bilis natapos ng school year pero sa loob ng mga
panahong yun napakadami ng nangyari, mga pangyayari na gusto na lang namin
kalimutan, kaya ngayong bakasyon na, sisiguraduhin namin na mapapalitan ng
magaganda at masasayang bagay ang mga yun, susulitin muna namin ang bakasyon.
Oo tama kayo, nanalo kami sa eleksyon, bago tuluyang nagtapos ang school year
nagkaron muna ng eleksyon kinabukasan matapos ang kampanya, yun ay para sa susunod
na officers next school year at napasama ang partylist ng jaguars.
"Ikaw ba naman alukin ng PUKKI bread, tatanggi ka?" sabi ko sabay tingin kay
Howard.
Tumingin din sya samin pero agad din binalik ang atensyon sa cellphone nya,
naglalaro ang gago.
I smiled. Masaya ako dahil kabilang ako sa Jaguars. Hindi lang kami basta basta
basketball team, isa din kaming grupo ng tunay na magkakaibigan. Di na nga kumpleto
ang araw ko pag wala sila eh. Dahil sa kanila ang dami kong kapatid.
Napatingin ako sa cellphone ko ng bigla na lang yun mag vibrate. I smiled again, si
mylabs tumatawag.
[Kasama pa din ako, ano ka ba] nakahinga ako ng maluwag sa sinabi nya. Teka eh
bakit ayaw nyang magpasundo? Bago pa ako makapag tanong ulit ay nagsalita na sya.
[Sinundo na ako nina Hannah at Tina,] narinig ko pa ang tawanan nina Hannah sa
background. Wengya naman ang magpinsan oh, gusto ko pa naman katabi si mylabs
habang nasa byahe.
Yeah right.
"Yo! Hannah, ingat sa pagdadrive ha, nasa 'yo ang buhay ko," I said with a
serious tone.
"Mylabs, kita na lang tayo mamaya doon, I miss you and I love you" sabi ko at
hinalikan ang cellphone.
Tinawagan ko sya pero wala na, patay na ang cellphone nya. Anyare dun? Tinawagan ko
din si Hannah at Tina, pero di nila sinasagot. Nakakaramdam na ako ng kaba, nang
bigla akong makatanggap ng text galing kay Tina.
"Hoy! Burns! Paspasan mo ang pagdadrive para maunahan natin sina Hannah," sabi ko.
"Gago, baka nalilimutan mo bagong bagong lamborghini aventador ang kotse ni Hannah"
sagot ni Burns. Oo nga pala, bago yung kotse ni Hannah dahil pinasabog ng mga Ali
yung dati nyang kotse.
——————
Rea's POV
"Ba't pinatay mo agad? Di pa ako nakakapag I love you." reklamo ko ng bigla na lang
patayin ni Hannah yung tawag ko kay mylabs. Pati yung cellphone ko pinatay din nya.
Kanina habang naghihintay ako sa labas ng apartment ko bigla na lang tumigil itong
kotse ni Hannah sa harapan ko, akala ko kung sino, sila lang pala ni Tina. Gusto
daw nila akong makasabay sa byahe, tatanggi sana ako kaya lang hilahin ba naman ako
ng magpinsan na 'to at sapilitan na sinakay sa magarang sasakyan nila.
"Di ko din alam Rea, basta ang alam ko lang yung lawak ng pagmamahal ng magulang
ko," nakangiting sagot nya at tiningnan ako sa review mirror. I smiled. Masaya ako
dahil hindi mapagmataas ang isang Hannah Marie Adaipmil.
Di na ako nagtanong pa at pinikit ko na lang ang mga mata ko, bakasyon na. Plano ko
pagkatapos nitong darating na linggo, uuwi muna ako sa probinsya namin, miss na
miss ko na si Siopao. Dapat ngayong linggo na ako uuwi kaya lang nung tumawag ako
kay tiyang, wala daw sila ngayon sa bahay dahil sinamahan daw nya ang mga bata sa
youth camp, one week din yun. Kaya naman napag pasyahan ko na lang na sumama muna
sa bakasyon ng jaguars, sa Hacienda ng lolo ni Hannah.
"Rea!"
"Rea," Di ko pinansin, kung sino man ang yumuyugyog sa balikat ko ngayon. Ang sarap
ng tulog ko dahil ang lamig, kelan pa nagka aircon ang kwarto ko?
"Reaaaa!" napabangon ako dahil sa lakas ng sigaw malapit sa tenga ko. Napaayos ako
ng upo ng maalala ko na nasa kotse pala ako ni Hannah.
"Hehehe nandito na tayo?" tanong ko at pasimpleng inayos ang nagulo kong buhok.
Literal na namilog ang mga mata ko, nang bumungad sa 'kin ang harapan ng Hacienda,
take note, harapan pa lang ang laki na, eh paano pa yung loob?
Kapansin pansin ang lawak ng lupain ng lolo ni Hannah, may ilang mga tauhan ang
kumuha ng gamit namin sa kotse.
"Lolo!" napatingin ako kay Hannah, nakayapos na sya ngayon sa medyo may edad ng
lalaki, pero mababakas pa din ang kakisigan, dati bang army ang lolo ni Hannah?
"Isa ka ba sa mga kaibigan nitong mga apo ko?" ngumiti ako sabay tango.
"Rea? Kung ganun ikaw yung raketera na kinukwento nitong dalawa kong prinsesa?"
magiliw na sabi nya. Tiningnan ko naman ng masama yung magpinsan, wengya
chinichismis pala nila ako, sisingilan ko sila ng tig-singkwenta mamaya.
"Hahaha mukhang magkakasundo tayo Rea, hala sige pumasok na kayo sa loob at ng
makapanghalian na tayo, teka anong oras daw ba dadating yung iba?" naglakad na kami
papasok sa loob, di ko mapigilan ang hindi humanga sa ganda ng loob, kasing ganda
ng mansyon nina Hannah.
"Papunta na din po sila 'lo, mabilis lang talaga yung binigay nyong kotse sakin,"
narinig kong sagot ni Hannah.
"Sus, wag mo ng pansinin ang laki at ganda nitong hacienda dahil wala kay lolo yan,
ang mas mahalaga pa din ay ang pamilya at kaibigan," ngumiti ako kay Tina. Di ko
akalain na may ganito pa palang mayamang pamilya sa mundo,yung tipong di masyadong
binibigyang pansin ang yaman nila.
Tumuloy kami sa dining area, isang mahabang mesa ang bumungad samin. Ilan ba ang
kumakain dito? Bakit ganito kahaba ang lamesa dito? Parang sa movie ko lang
nakikita ang ganito ah.
Tiningnan ko ang ilang mga katulong na nakatayo, isang dipa ang layo sa mesa.
"Kumain muna kayo mga apo, pagkatapos ay magpahinga habang hinihintay pa natin ang
iba pa ninyong mga kasama," masiglang sabi ng lolo nina Hannah.
Mas masarap 'to kung kasalo ko si mylabs. Si Siopao kaya kumain na?
"Yo!"
"Gutom na ako!"
Napatigil sa ere yung kutsara na isusubo ko dapat sa bibig ko ng bigla na lang may
magpasukan dito sa dining area, puro lalaki, kung di ako nagkakamali ng bilang pito
silang lahat na nandito.
"Nandito na pala kayo Hannah, Tina," bati nung isa, teka bakit parang pamilyar yata
sila?
"As you can see, nandito na kami kuya Zach at kumakain," sagot ni Hannah.
Tama, sila nga yung pinsan ni Hannah na nakalaban naman ng jaguars sa basketball.
Pumasok ako sa loob, matapos akong ihatid ng isa sa mga katulong, agad akong
tumakbo sa balcony, at heto na naman ang paghanga ko sa paligid, ang lawak ng
lupain.
Teka, anong oras na ba? Bigla kong naalala si mylabs, kinapa ko ang cellphone ko.
Na kay Hannah nga pala ng cellphone ko. Agad akong lumabas ng kwarto, teka, alin
dito ang kwato ni Hannah?
Kesa katukin isa isa ang kwarto dito napagpasyahan kong bumaba na lang at magtanong
kahit isa man lang sa mga katulong.
Napangiti ako ng makita si lolo na nakaupo sa may living room, may kausap syang
lalaki na nakatalikod sa gawi ko. Kay lolo na lang ako magtatanong.
"lolo naman, pano ko mapapagkasya 'to?" narinig kong sabi nung lalaki,
"That's your task," simpleng sagot ni lolo, mukhang mahalaga ang pinag uusapan
nila, akmang tatalikod na ako para lumayo sa kanila..
"Kuyang lampa?"
"Anong ginagawa mo dito?" sabay ulit na sabi namin. Ngayon ko lang napansin na
parang ang dumi nya at ng suot nya.
"Taga dito ako," mayabang na sagot nya, "Ikaw anong ginagawa mo dit——" di na nya
naituloy yung sasabihin nya ng bigla syang batukan ng lolo nya.
"'lo naman!" reklamo nya.
"Kelan kita tinuruan ng ganyang pag uugali Bill?" sabi ni lolo sabay tayo at
pumagitna samin.
"Pasensya ka na Rea dito sa apo ko," ngumiti lang ako sabay ismid kay kuyang yabang
na lampa pa. Maya maya pa ay may binulong sya sa lolo nya, napakunot naman ang noo
ko ng bigla na lang syang ngumiti sakin ng nakakaloko.
Literal na nalaki ang mata ko ng bigla na lang ako higitin ni kuyang yabang palabas
ng mansyon at isakay sa owner jeep.
"Hoy, tae ka anong ginagawa mo? San mo ako dadalhin?" nagpapanic na ako.
"Samahan mo lang ako sa palengke alam kong expert ka sa mga barya, kailangan ko ng
tulong mo," sagot nya at pinaandar ang owner jeep. Hindi pa halos nag sink in sa
utak ko ang mga nangyayari at mga sinabi nya. Basta isa lang ang pumasok sa isip
ko.
Si mylabs.
=============
A/N: Sinong gustong mag OP dito? Hiring kami ngayon, 3 for girls and 4 for boys.
Paano? Join lang kayo sa FB group ( JAGUARS' SERIES Official Group) then magtanong
kayo dun kung paano mag apply as an OP (operator). See you there :)
Yung mga pm nyo sakin dito sa watty at post sa MB, sa isang araw bukas ko sagutin
ha, isa isa lang dami nyo eh xD Wag sana kayong magsawa na magpost sa MB ko or sa
pm kahit di ko agad mareplyan, nakakataba ng puso pag nakakabasa ako ng mga mensahe
nyo para sa'kin.
Lovesssssss! <3 <3
-ateYna-
=================
Rea's POV
"Ibalik mo ako, dadating na si mylabs anumang oras!" bulyaw ko kay kuyang lampa na
nagdadrive ngayon. Bakit ba kailangan pa nya akong isama eh mamamalengke lang naman
pala sya. Palagay nya sa 'kin basket na lalagyan ng gulay at isda na dapat isama sa
palengke?
"Lampa na nga feeling close pa," sabi ko pero tinawanan lang ulit nya ako.
"Di pa naman huli ang lahat para maka close ko ang isang tulad mo, hindi ba? " sabi
nya sabay kindat pa.
"Hahahaha," binaling ko na lang ang tingin sa daan dahil tumawa na naman sya.
"Bakit mo ba ako sinama pa?" naaasar na tanong ko, wala talaga kasi akong ideya
kung anong dahilan bukod sa pagiging kuripot ko daw.
"Simply because I need your wise technique in spending money lalo na pag sa
palengke," sagot nya at sinulyapan ako. He smiled ng mapansin ang nagtataka kong
tingin.
"Sige, ikukwento ko na lang sayo para mas maintindihan mo ang ibig kong sabihin,"
binalik nya ang tingin sa daan, nakikinig lang ako at naghihintay sa sunod nyang
sasabihin. Wala na akong choice alangan naman tumalon ako palabas sa sasakyan na
'to habang umaandar.
"Kasama ito sa task na binibigay samin ni lolo, tuwing bakasyon sinasanay nya kami,
maging bahagi ng Adaipmil Agents," napakunot ang noo ko,
"A good agent is wise even the little, such as finacial, sinisimulan namin ang
pagsasanay sa mga malilit na bagay," sagot nya.
"Magkano bang binigay ng lolo mo na budget para sa pamamalengke mo?" tanong ko.
"200 pesos," nakangiwing sagot nya, tapos may inabot sya sakin na papel. Tininggap
ko yun at tiningnan.
2 kilo- patatas
3 kilo -tambakol
2 kilo- hipon
3 kilo- bangus
"Tae di ko akalain na ang lakas pala mang gago ng lolo nyo," di ko napigilan
sabihin. Aba, dalawang daang piso para sa kilo kilong isda? Eh pang patatas nga
lang yata yung 200 pesos eh.
"Exactly, ang lakas nya talaga mang gago," natatawang sabi nya. Tumikhim ako at
tiningnan ulit sya ng masama.
"Ano naman sa palagay mo ang maitutulong ko sayo? Kung ikaw sa sarili mo mismo di
mo alam kung paano pagkakasyahin ang 200 pesos?" pagsusungit ko.
"Eh kasi sabi ni Princess magaling ka daw mag budget ng pera,"nakangiting sagot nya
at di pinapansin ang nakataas kong kilay. Ano pa bang sinabi ni Hannah sa mga
pinsan nya at sa lolo nya wengya naman eh.
"Di ba sabi mo, a good agent is wise even in a little? Wala akong balak mag agent,
trabaho mo yan kaya labas ako dyan," sabi ko at humalukipkip.
"Aba't---"
"We're here," bigla akong napatingin sa paligid, nasa palengke na kami, amoy pa
lang palengke na talaga, pinarada nya ang owner jeep, at ang gago di man lang ako
pinagbukas ng pinto?
Hindi na din ako nag abalang bumaba pa, antayin ko na lang siguro sya dito.
"Miss barya, tara na---langya bat di ka pa nababa? " nilapitan nya ako.
"Kelan pa naging gwapo ang tae?" biro nya, nauna na akong naglakad, mukhang
kailangan ko syang tulungan para matapos na 'to at makabalik kami agad. Naikuyom ko
ang kamay ko sa pagkainis.
Tiningnan ko si kuyang lampa. Teka ano nga ba ulit ang pangalan nito? Blake? Ano
bang pake ko?
"Palagay mo may mararating yang 200 mo ha?" pagsusungit ko, pero naka ngiti lang
yung walanghiya.
"Ate di ba pwedeng bente na lang ang kilo?" napangiwi ako sa sinabi nya sa tindera.
Kung ako ang tindera tas ganito tumawad ang bumibili baka mabato ko ng patatas sa
mukha.
"Kung nantitrip lang kayong dalawa, lumayas kayo sa harap ng paninda ko, baka
malasin lang at di ko kayo mapatawad." agad akong lumayo kay ate, baka kasi
hampasin kami bigla ng kilohan eh.
"Akala ko si Elvin lang ang walang utak, di pala sya nag iisa, may katropa pala
sya." bulong ko.
Sunod namin pinuntahan ang bilihan ng mga isda. Kanina pa kami palakad lakad at
naghahanap ng mabait na magbibigay samin ng malaking discount. Anong oras na ba?
Baka dumating na sina mylabs.
"Hoy san ka pupunta! Rea!" di ko pinansin ang lampanget na yun, lampa na panget pa,
wala man lang sa kalingkingan ni mylabs, ramdam ko naman ang pagsunod nya sakin.
Pumunta kami sa bilihan ng sako sakong bigas. Nadaanan namin 'to kanina at nakita
ko yung dalawang truck ng bigas na dumating.
"Manong, mukhang ang dami nyong ibaba ngayon ah," sabi ko, abala si manong sa
pagsusulat di nya ako tinatapunan ng tingin.
"Oo nga eh, medyo malapit ng dumilim at kailangan maibaba na ang lahat ng yan,"
napangiti ako sa sinabi nya.
"Magkano po ba kada isang sako ng bigas?" tanong ko ulit, this time tiningnan na
ako ni manong, napakunot ang noo nya sakin.
"Ay may mylabs na po ako, pero yun pong kasama ko pwedeng pakasalan yung anak nyo,"
tinuro ko si lampanget na nakakunot ang noo ngayon.
"Hahaha, lalaki yung anak ko," tumatawang sabi ni manong. "Sige na tawagin mo na
yang kasama mo ng makarami ng buhat," sabi ni manong, mukhang nakuha nya ang ibig
kong sabihin.
"Ang isang matalinong tao, hindi ipagpipilitan na pagkasyahin ang dalawang daang
piso kung alam mo naman sa sarili mo na hindi yun sapat, sa halip na isipin kung
paano pagkakasyahin ang pera, mag isip ka kung paano ito madadagdagan at magiging
sapat." makahulugang sabi ko. Natutulala sya sakin.
"You have no idea, what you are doing," napakunot ang noo ko sinabi niya, para bang
ngayon lang sya nakakita ng tulad ko "Mas lalo kitang nagugustuhan sa pinapakita
mo" sabi pa nya bago sya tuluyang pumunta sa truck. Weirdo. Naupo naman ako sa tabi
ni manong, pinalista ko na sa kanya si Blake.
-----------
Elvin's POV
"Wengya sa wakas after 10 years nakarating din tayo," napatingin ako kay Spencer.
"10 years? 10 years na agad ang nakalipas? Kung ganun---ARAY! taenamo Spencer,"
reklamo ko, ibato ba naman sakin ang bag ng gago.
"Wag mo kasi masyadong seryosohin ang mga bagay Howard," sabi ni Burns at tinapik
pa ang balikat ko.
"Sino bang nagseseryoso sa mga bagay ha Burns?" sagot ko, habang binababa ang ilang
mga gamit namin.
"Ikaw," -Burns.
"Gago, yung mga nagiging syota ko nga di ko siniseryoso, mga bagay pa kaya?" galit
na sabi ko at nauna ng maglakad.
"Tang*na ipaalbularyo na kaya natin si Howard," narinig ko pang sabi ni Burns kay
Freeman.
"Wengya, buti nga nakarating pa kami ng buhay eh, di ko na yata nabilang kung ilang
beses kaming naligaw," sabi ni Young. Binaba ko ang bag ko at pinagmasdan ang
paligid. Ang ganda dito, ang daming puno.
"Nasaan si mylabs?" narinig kong tanong ni Spencer. Nagsilapitan na din ang ibang
jaguars dala ang kani-kanilang bag.
"Opo lolo," masayang sagot ni Hannah at pinakilala kami isa isa pati ang mga babae,
sina Hart, Mychiel, Greshel, ang asungot kong kapatid na si Izrah.
"Ako naman ang lolo ni Hannah at Tina, Don Herald Adaipmil, maraming salamat sa
pagtugon sa aking paanyaya,"
"Eto mga gusto kong luto adobo sa gata" sabi ko kahit punong puno ang bibig.
"Ang sharap the besh ang pagkain dito sa hacienda," sabi naman Gibson. Ngitian ko
ang jaguars, basta sa pagkain nagkakaisa kami.
*cough*
*cough*
Tinuloy ko lang ang pagkain, tiningnan ko ng masama si Montereal ng bigla nya akong
sipain sa ilalim ng lamesa.
"Hehehehe" nakitawa na din ang jaguars halatang peke naman ang tawa.
"Mga tol try nyo uminum ng sprite pag may time, para malaman nyo kung paano
magpakatotoo," balewalang sabi ko.
"Hahahaha," lumakas ang tawa ni tanda. "sige kain lang kayo ng marami, madami
talaga akong pinahuli sa mga apo ko kanina para madami din ang makain nyo," maya
maya ay sabi ni tanda.
"Ang sarap nga po eh, lambot ng pagkaluto dito sa manok," sabi ni Greshel. Kasama
din ang mga babae ng jaguars, di na ako nagsama ng babae ko para makapambabae ako
dito.
"Oo nga po, ang sarap lalo na at ang luto ay adobo sa gata," sabi naman ni
Mychiel.
"Bakit parang ang dami yatang maliliit na buto nitong manok nyo lolo?" tanong ni
Hart. Kanina ko pa nga din napapansin ang malilit na buto sa ulam, parang tinik na
di ko maintindihan. May lahing isda ba yung kinatay nilang manok?
"Yo! Magandang gabi jaguars," napalingon kami sa bagong dating. Ang eagles. Nandito
din pala sila.
"Ayos nilalantakan nyo na pala ang huli namin kanina," naupo din ang eagles at
nagkanya kanya ng sandok ng kanin.
"Yang kinakain nyo, bayawak yan," simpleng sagot ni Zach sabay subo ng pagkain.
"Pfftt lolo bakit di mo sinabi sa kanila?" natatawang tanong ni Jax, isa sa mga
eagles.
-----------
Johnny's POV
Napakunot ang noo ko ng biglang magpasukan ang eagles dito sa dining area. Kung
ganun nandito din ang hayop na si Blake.
Biglang umakyat lahat ng dugo ko sa ulo, kasabay nun ang pagkuyom ng kamao ko.
Binalingan ko si Hannah.
"Sa may bayan," sagot nya, tumayo ako at naglakad palabas. "Come on Johnny, di sya
mapapahamak kay Blake," narinig ko pang sabi ni Hannah.
"Pare kumalma ka muna," pano ako kakalma? Kung yung babaeng mahal ko, kasama ng
hayop na si Blake.
"Kanina pa sila umalis, for sure pabalik na din sila," dagdag pa nya. Tiningnan ko
si Hannah.
"Can I borrow your car?" I asked. Tumingin muna sya sa lolo nya tapos sakin ulit,
akmang iaabot nya sakin ang susi ng bigla na lang agawin yun ni Don Herald.
Damn!
---------
Rea's POV
"Tae ka bilisan mo na ang kilos, gabi na oh, sigurado nakarating na ang jaguars,"
naglalakad na kami ngayon pabalik sa owner jeep, nakabili na din kami ng mga
kailangan nitong si lampanget.
"Oo na, ito na nga oh langya," nilagay na nya ang pinamili namin sa may likod saka
sya naupo sa driver seat.
"Pahiram ng cellphone mo," sabi ko sabay lahad ng kamay ko sa kanya. Baka kasi nag
aalala na si mylabs ko.
"Malas mo, wala akong dalang cellphone, kinuha ni lolo," nakangising sabi nya at
binuhay ang makina.
"Bilisan mo na, magdrive ka na tae ka!" bulyaw ko. Pano pag nalaman nya na kasama
ko tong mokong na 'to? Ang alam ko kasi, may history na ng away ang dalawa dahil
daw sakin.
"Relax, kaya ko naman makipag suntukan kay Spencer eh," tiningnan ko ng masama si
Blake. "Joke lang hahaha"
"Fvck!" tinabi ni lampanget ang owner jeep at bumaba. Bumaba din ako at nakita ko
yung isang gulong flat mukhang yun ang sumabog.
"Kaskasero ka kasi!" sigaw ko. Tae mas lalo kaming magtatagal nito eh.
"Aba sabi mo bilisan ko ang pagdadrive, sinunod lang kita," katwiran nya.
"Ang ingay mo, di mo ba alam na galit ang mga engkanto dito sa maiingay," pananakot
nya.
"As if naman matatakot ako," balewalang sabi ko. Tumawa lang sya at muling hinarap
ang ginagawa. Naupo ulit ako sa loob ng owner jeep. Nakaramdam ako ng antok kaya
pinikit ko muna ang mata ko.
**
Minulat ko ang mata ko. At nanlaki ang mata ko ng makitang inaawat ng jaguars si
mylabs, napatingin ako kay Blake na may dugo sa gilid ng labi.
Anong nangyari?
"Mylabs," mahinang tawag ko. Pero isang matalim na tingin lang ang natanggap ko
mula sa kanya.
=================
Jason's POV
"Pare upo ka nga muna wengya nahihilo yung bayawak sa tiyan ko dahil dyan sa
kakalakad mo tungunu" reklamo ni Gibson, pero isang matalim na tingin lang ang
natanggap nya mula kay Spencer.
"Spencer pare umaapoy ka na, pwede kalma ka muna? Baka masunog tayong lahat dito"
biro ni Jax isa sa mga eagles. Pinakyuhan lang sya ni Spencer wengya hahaha.
Umakyat na sa taas si Don Herald Adaipmil kanina at mahigpit nyang binilin samin na
hintayin na lang daw dito sina Blake. Wala kaming magawa kundi ang sumunod, langya
yung tatay nga ni Hannah nakakatakot na, ito pa bang lolo nila? Baka bigla na lang
kaming paulanan ng bala ng baril pag di kami sumunod.
"Pahinga ka na babe, kami na lang ang maghihintay kay Rea," bulong ko.
"Ang sarap itapon ni Dela Cruz,"narinig kong pang aasar ng jaguars. Napansin ko
naman ang paglabas ni Spencer.
Pagkaakyat ng girls, napuno ng katahimikan ang buong living room. Walang ibang
maririnig dito kundi ang harok ng gagong si Howard, walang pasintabi dito na talaga
natulog sa sofa nakataas pa ang paa ng walangya.
Halos sabay sabay kaming napatayo at napatakbo palabas ng marinig namin ang boses
ni Blake.
———————————-
Blake's POV
Pinatay ko ang makina ng sasakyan matapos ko itong iparada, kadarating lang namin
ng hacienda inabot na kami ng gabi dahil nahirapan ako sa pagpapalit ng gulong, ang
dilim kasi dun sa lugar kung saan kami naflatan. Nilingon ko si Rea, di ko
napigilan ang pag guhit ng ngiti sa labi ko. Langya, kahit tulog maganda pa din.
Mukhang napagod sya dahil ang lalim ng tulog nya. Gigisingin ko na sana sya, pero
di pa man lumalapat ang kamay ko sa braso nya ay may bigla na lang humila sa'kin
palabas ng owner at sinalubong ang gwapo kong mukha ng isang suntok.
"Fvck! Ano bang problema mo Spencer?!" galit na sigaw ko. Agad na dinaluhan nya ako
at hinawakan sa kwelyo, halos magkasing taas lang kaming dalawa.
"Anong problema ko ha? Eh gago ka pala eh, kasama mo lang naman ang girlfriend ko,
at anong gagawin mo sa kanya kung hindi kita hinila ha?!" nakatiim ang bagang na
bulyaw nya.
"Aaminin ko, gusto ko ang girlfriend mo pare, pero hindi dahilan yun para
pagsamantalahan ko sya tulad ng iniisip mo,"
Kung nakakamatay lang ang tingin panigurado kanina pa ako bumulagta dahil sa tingin
ni Spencer sakin ngayon. Sasagot pa sana sya kaya lang bigla may nagsalita sa
likuran ko.
Parang gusto ko din syang suntukin dahil sa lalim at sama ng tingin nya kay Miss
barya,
Di sya nagsalita at bigla na lang tumalikod saming lahat at naglakad palayo. May
saltik yata sa ulo ang gagong yun. Pinunasan ko ang gilid ng labi ko.
Napakunot ang noo ko. Lolo? Unti unti akong lumingon, tang*na gising pa ang
matandang 'to? Akala ko tulog na sya. Babatiin ko pa lang sana sya kaya lang
naunahan nya akong magsalita.
"Ayos lang yan Blake magaling ka naman makipag usap sa bala ng baril, hindi ba?"
pang aasar ni Montereal, pinakyuhan ko lang sya at sumunod na kay tanda. Narinig ko
pa ang tawanan nila.
Bago ako tuluyang pumasok sa library kung nasaan ang office ni lolo, nakita ko pa
ang paglabas ni Rea sa kusina, mukhang hinahanap nya si Spencer, tapos umakyat sya
taas.
Napapailing na lang ako, ang swerte ng gagong si Spencer, pasalamat sya nauna syang
makilala si miss barya. Kumatok muna ako sa pinto, narinig ko ang boses ni lolo
mula sa loob saka ko binuksan yun at pumasok sa loob.
"How's your task?" langya kala ko bubulyawan nya ako dahil ngayon lang kami
nakabalik. Nakahinga naman ako ng maluwag. Sinimulan ko ang pagrereport.
"Thanks to her, I made the impossible to possible," heto na naman ang ngiti ko sa
tuwing maalala ko si miss barya at ang ginawa nyang pagtulong sakin.
"Alam mo ba kung anong sinabi nya sakin?" tanong ko patungkol kay Rea. "Sabi nya
ang isang matalinong tao daw hindi ipagpipilitan ang dalawang daang piso kung alam
mo naman daw sa sarili mo na hindi yun sapat, sa halip na isipin kung paano
pagkakasyahin ang pera, dapat pala na mag isip ka kung paano ito madadagdagan
hanggang sa maging sapat na," di ko namalayan na nakangiti na naman pala ako sa
hangin.
"Yeah she's one of a kind, and I know that smile Bill, whatever you are thinking
right now, cut that off, better to stop that early as you can, as you can see she
has a boyfriend," bigla akong bumalik sa realidad dahil sa sinabi ni lolo. Daig ko
pa ang sinampal.Tangna nag uumpisa pa lang ang pantasya ko pinutol na agad ni
tanda.
"There's no need to think about, Bill," tiningnan ko si lolo sa mata. Damn! Sasagot
pa lang ulit ako ng magsalita na ulit sya.
"Dismissed," anunsyo nya, napamura na lang ako sa isipan ko, tangna, pag may
boyfriend na di na pwedeng lapitan? Ang laking kagaguhan naman non'.
Saktong baba naman ni Rea galing sa taas, mukhang di pa din nya nakikita ang gagong
si Spencer. Tuloy tuloy sya sa may kusina, galing na sya dun kanina hindi ba? Di ko
alam pero parang may humahatak sakin na sundan sya. So I did. Nakita kong tinatahak
nya ang daan papunta sa likod nitong mansyon. At di nga ako nagkamali ng lumabas
sya dun. Madilim na putik. Napatigil ako sa pagsunod sa kanya ng mapansin ko ang
nakatayong si Spencer sa di kalayuan.
———————————
Rea's POV
Halos halughugin ko na ang buong mansyon ng lolo ni Hannah kahahanap kay mylabs.
Bakit ba kasi ang laki laki nito? Nakakaramdam na ako ng pagod dahil kanina ko pa
syang hinahanap. Nasaan ka na ba mylabs? Kailangan ko syang makausap. Galit ba sya?
Bakit ganun na lang kung tingnan nya ako, para bang may nagawa akong napakalaking
kasalanan?
"Mylabs," tawag ko sa kanya ng makalapit ako ng tuluyan. Pero hindi man lang nya
ako nilingon.
"Mylabs, galit ka ba? Sorry na," hinging paumanhin ko, may kasalanan man ako o wala
gusto kong mag sorry, ayaw ko ng ganitong pakiramdam. Yung pakiramdam na nasa harap
ko lang sya pero parang ang layo nya at di ko sya kayang abutin.
"Tungkol kay Blake," mabilis na nilingon nya ako ng mabanggit ko ang pangalan ni
kuyang lampa. Yung way kung paano nya ako tingnan kanina, nakikita ko na naman sa
mga mata nya ngayon, galit na galit sya.
"Kinailangan nya lang ang tulong ko dahil may pinagawa sa kanya ang lolo nya,
maniwala ka, hindi naman ako yung nag alok ng tulong, hiningi lang talaga nya,
mylabs, magsalita ka naman oh," nanatili lang syang nakatingin sakin. Kung kanina
nababasa ko pa ang galit sa mga mata nya, ngayon wala na akong makita. Wala ng
emosyon, di ko alam kung paano nya nagagawang pigilan ang damdamin nya.
"mylabs, kung galit ka sakin, sabihin mo lang, sigawan mo ako, pagalitan mo ako,
tatanggapin ko, wag lang ang ganito please," nasasaktan ako sa pinapakita nya sakin
ngayon. At parang dinukot ang puso ko ng bigla na lang syang tumalikod sakin at
naglakad palayo.
—————————
Blake's POV
Naikuyom ko ang kamao ko ng maglakad palayo si Spencer at iniwang umiiyak si Rea sa
madilim na bahagi nitong hacienda.
Di ko man narinig ang pinag usapan nila pero base sa pag alis ni Spencer mukhang di
nya pinakinggan ang sinabi ni Rea. I clenched my fist. Muli kong tiningnan si Rea,
nakayuko pa din sya at pinupunasan ang luha nya. Napakunot ang noo ko ng mapansin
ko na may kung anong umibo dun sa may damuhan.
Agad akong napatakbo papalapit kay Rea, niyakap ko sya at hinabog palayo ang baboy
ramo na susugod sana sa kanya. Hinarangan ko sya at hinarap ang mabangis na baboy
ramo, hinubad ko ang sinturon ko at hinataw dun sa baboy. Agad naman yung tumakbo
palayo. Bukas ka sakin baboy ka, sabi ng isip ko.
"Ok ka lang?" tanong ko. Bigla akong nakaramdam ng kaba ng makita ko ang galit sa
mga mata nya.
"Gusto ko man magpasalamat sayo sa pagligtas mo sakin ngayon kaya lang hindi ko
magawa, lalo na at alam naman natin kung bakit galit sakin si mylabs ngayon,"sabi
nya, tangna di ko naman hinihingi na pasalamatan nya ako eh. Ang makitang ligtas
sya ok na sakin.
Di ako nagsalita. Kitang kita ko sa mga mata nya na nasasaktan sya. Tang*namo
Spencer, napapamura na lang ako sa isip ko. Parang gusto ko makipagbasag ulo sa mga
oras na ito.
"Mauna na ako sayo," di ko na namalayan ang pag alis ni Rea sa harapan ko. Naiwan
akong nag ngingitngit sa galit.
Agad akong naglakad, kinuyom ko ang kamao ko. May isang taong hinahanap ang sistema
ko.
At ng matanaw ko sya nilapitan ko sya, agad kong pinatama sa mukha nya yung suntok
ko.
"Tang*na pare, alam kong galit ka, pero hindi mo dapat iniwan si Rea sa madilim na
lugar na yun, muntik na syang atakihin ng mabangis na hayop tarantado ka!" singhal
ko kay Spencer na ngayon ay pinapahid ang tabi ng labi nya na may dugo dahil sa
suntok ko.
"Talaga?" Tinawanan ko sya ng bahagya, "Eh iniwan mo nga sya kanina di ba?"
"That's for you to find out, hindi sya tumigil ng paghahanap sayo kanina makausap
ka lang, it's your turn to do the same," sagot ko. Oo, gusto ko si Rea, at ayaw ko
ng ganitong klase ng laban. Gusto ko yung patas at malinis. Ayaw kong gamitin ang
pagkakataon na magkagalit sila para lang mapunta sakin si Rea.
——————————
Johnny's POV
Damn! Ang laki kong gago. Sinaktan ko sya, hinayaan kong kainin ako ng selos.
Hinanap ko sya, nang di ko sya makita dito sa baba agad akong umakyat sa taas,
kumatok ako sa kwartong tinutuluyan nya kaya lang walang sumasagot.
Huli na ba ako? Ayaw na ba nya sakin dahil sa tangnang ugali ko? Mali ba ang
magselos? Dapat kasi pinakinggan ko sya kanina. Fvck! Sabi ko sa sarili ko noon na
di ko sya sasaktan, pero anong ginawa ko? Pinaiyak ko sya.
Pumunta ako sa balcony, pero natigilan ako ng makita syang nakatayo doon at
nakatingila sa langit.
Fvck! Looking at her right now? It's killing me, big time.
Ayaw kumalma ng puso ko, para bang nararamdaman din nito ang sakit na nararamdaman
ng babaeng mahal ko.
"Nay, tay, pasensya na po kayo kung napaiyak ko ang prinsesa natin ha, nadala lang
po ako ng selos," sabi ko at nanatiling nakatingala sa langit.
"Mahal na mahal ko lang po talaga sya, to the point na di ko kayang makita syang
hawak at kasama ng iba," dagdag ko pa.
"mylabs,"narinig kong tawag nya sakin, unti unti kong tiningnan si Rea. Hilam ng
mga luha ang mga mata nya. Hinarap ko sya, at pinahid ang luha nya gamit ang
hinlalaki ko. Kinulong ko ang pisngi nya sa mga palad ko.
"I'm sorry mylabs, I'm sorry for letting your tears fall down," I said, di ko
napigilan na ikulong sya sa mga bisig ko. I kissed her head.
"Ang laki kong gago dahil sinaktan kita, di man lng kita pinakinggan," ngayon ko
lang naramdaman ang galit ko para sa sarili ko mismo.
Unti unti akong yumuko, napapikit sya, hinalikan ko ang mga mata nya, tinuyo ko ang
luha nya gamit ang labi ko.
"I hate myself for hurting you, I know from the start that I am not the best man
for you, but I'm trying mylabs, I'm trying to be the best man for you, at ayokong
dahil lang sa tang*nang selos ito ay mawala ka sakin, I can't imagine myself
without you because nobody makes me happy the way you do," I said, she looked at
me.Titig na titig sya sakin na para bang di sya makapaniwala sa mga sinabi ko.
============
A/N: Yieeeeee!! malapit na mag 1 year ang KBAYM, sali kayo sa FB group ha, madami
kaming pagames bukas :) samahan nyo kaming i-celebrate ang 1st anniversary ng kauna
unahang story na naisulat ko dito sa wattpad. (kahit puro typos yun pinag tyagaan
nyo pa din basahin hahahaha) Join kayo ha sa Jaguars' Series Official Group.
——-
Parang ayoko na ipost yung ud ko sa BOH, baka kasi ipa-salvage nyo na ako sa
sobrang galit kay Frella. hahaha
-ateYna-
=================
Joel's POV
"Jaguars wake up!" nagtakip ako ng unan ng makarinig ako ng malakas na sigaw mula
sa labas. Pero di pa man nakakabalik ng tuluyan ang diwa ko sa pagtulog bigla na
lang akong napamulat ng maramdaman ko na may yumakap sakin.
Napakunot ang noo ko ng marealize na wala ako sa unit ko. Bigla akong napatingin sa
tabi ko.
"Fvck!" mura nya ng magpatak sya sa sahig. "Taenaka Burns," pupungas pungas na
tumayo ang gago.
"Ano ba kasing ginagawa mo dito sa kwarto ko? Eh ang dami naman kwarto dito sa
mansyon ni Don Herald," sabi ko at umayos ng higa, wengya inaantok pa ako.
"Jaguars!" Bigla kaming nagkatinginan at sabay na tumayo para sumilip sa may pinto.
Gusto kong matawa ng mabungaran namin ang eagles na naka-linya at nasa likod ang
mga kamay. Dinaig pa nila ang sundalo.
"Pfftt ano na naman bang katangahan yan?" Tanong ko, pero parang wala silang
narinig. Lakas din ng tama ng mga pinsan ni Hannah taena.
Bumukas ang pinto ng mga kwarto at naglabasan na din ang ibang jaguars. Halos
lahat nakaboxer lang at walang pang itaas.
"Good mornin——pffftt tungunu anong tinira nyo at ganyan ang mga itsura nyo?" tanong
agad ni Gibson at nag silapit na nga sila sa pwesto malapit sa eagles na naging
bato na yata dahil hindi nagalaw.
"Di ko akalain na mas malakas pala ang tama nyo samin," inakbayan pa ni Miller si
Blake.
"May makati ba sayo brad?" Nilapitan ko naman si Jax, isang matalim na tingin lang
ang binigay nya sakin. Ano bang ginagawa ng mga 'to?
"Pfftt Jax pare wag kang magpapakamot dyan kay Burns, alam mo na, nakakapaso ang
gagong yan," pinakyuhan ko si Dela Cruz. Nagtawanan sila. Pero bigla din naman
tumigil at sabay sabay na humanay sabay lagay ng kamay sa likod tulad ng sa eagles.
Napakunot ang noo ko.
Pati sila nakikisali? Wengya, para silang mga bata, makapag almusal na nga lang.
Pagharap ko, bigla akong natigilan.
Si Don Herald, may hawak na baril. Napalunok ako ng ikasa nya yun at itutok sakin.
Tang*na ito na ba ang huling umaga ko? Wag naman sana, di pa ako nag aalmusal,
ayokong mamatay ng gutom.
"On your position Burns!" Bigla akong napatakbo sa pwesto ng jaguars at humanay din
sa kanila.
Tangna bakit di man lang nila sinabi na nasa likod ko na pala si tanda? Mga
kaibigan ko nga sila, mga hayop eh.
"Attention!" Sabay sabay kaming tumayo ng tuwid. Wengya boses pa lang ng matandang
ito nakakatakot na, yung baril pa ba nya?
Tiningnan nya kami isa isa habang naglalakad sa gitna namin, nasa kanang bahagi ng
pasilyo ang eagles habang nasa kaliwa naman kami.
"Listen up jaguars!"
Si captain? Sya ang may pakana ng bakasyon namin dito sa Hacienda Adaipmil? Bakit?
"Marunong ka na ng ganyan Miller? Pfftt" mang aasar na sana ulit ang jaguars kaya
lang isang tikhim lang ni Don Herald, tumahimik na ulit sila.
"Your training will serve as preparation in protecting your love one, nag aalala
ang captain nyo na baka di nyo maprotektahan ang mahal nyo kapag may naulit na
insidente tulad ng nangyari sa kanila ng apo kong si Hannah," paliwanag ni tanda.
Napatango kaming lahat.
"Yes?"
"Pano po pag walang mahal? Di na po kasali sa training?" binalik namin ang tingin
kay Don Herald pagkatapos magtanong ni Howard.
"Ang pagmamahal hindi lang para sa girlfriend o boyfriend, para din ito sa mga
mahahalagang tao sa buhay mo katulad ng pamilya mo," sagot ni tanda, tumango kaming
lahat.
Sabagay kailangan din namin matutunan kung ano ba yung tamang pagprotekta sa mga
taong mahalaga samin.
Pero teka, ibig sabihin yung bakasyon namin mapupunta lang sa training?
Rea's POV
Aba himala, tahimik ang paligid. Hindi ito ang unang umaga na inaasahan ko dito sa
Hacienda Adaipmil lalo na dahil nandito ang jaguars at eagles. Pero nakapagtatakang
ang tahimik ng paligid, halos walang bakas ng kahit anong kaguluhan at biruan ng
jaguars, kahit ang eagles wala din.
Tulog pa ba sila? 7 am na, medyo late na ako nakatulog kagabi dahil sa sobrang
kilig na pinaramdam sakin ni mylabs. Ang tagal naming magkasama kagabi, at ang
sarap sa pakiramdam habang yakap yakap nya ako mula sa likuran, sorry sya ng sorry
sakin at kayna nanay at tatay. I smiled.
Bumaba ako at naabutan ko sa dining area sina Hannah at ang iba pa.
"Good morning Rea, mukhang ang ganda ng gising natin ah," nakangiting komento ni
Greshel.
"Sabi ni manang, maaga pa lang daw ginising na ni lolo ang jaguars, nandun yata
sila sa bukid," sagot ni Tina.
"Sa bukid? Ano namang gagawin ng mga yun sa bukid?" tanong ko habang ngumunguya.
Kumain na kaya si mylabs?
"Pasyal tayo sa buong Hacienda," maya maya ay masiglang sabi ni Hannah. Bigla akong
nakaramdam ng excitement, ang totoo kasi ngayon lang ako nakapunta sa ganitong
lugar, aba malay ko ba na totoo pala ang Hacienda haciendang ganito, ang alam ko
kasi sa pocketbook lang may ganito, sa real life din pala.
*****
"Grabe! ang laki ng lupain ng lolo nyo!" napapahangang sabi ko habang pinagmamasdan
ang lawak ng lupain ng Adaipmil.
Nandito kami ngayon sa may manggahan. Ang dami ng puno, hindi ganun kataas ang
bawat puno, katamtaman lang ang taas ng ilan.
"Magkano ba bentahan ng mangga ngayon?" tanong ko, hawak hawak ko ngayon ang isang
mangga.
"Ay mali, si mylabs ang nasa isip ko, pero wala akong balak ibenta sya," sagot ko.
"Kahit naman ibenta mo si kuya Johnny wala naman bibili dun eh, natry ko na, yung
kuya ko inalok ko sa kaklase ko, aba tanggihan ba naman ako dahil may defect daw sa
utak," nakangusong sabi ni Izrah.
"Bintangera yang kaklase mo, pano magkaka-defect si Elvin sa utak? Eh wala naman
sya nun, di ba?" sabi ko. Narinig ko ang tawanan nina Hannah, nakikinig pala sila
samin.
Maya maya may nilapitan na puno si Hannah. Medyo mataas ang puno at ang dami ng
bunga. Hinawakan nya yun sabay ngiti.
"Hannah, espesyal ba sayo ang punong yan?" tanong ko. Humarap sya samin di pa rin
nawawala ang ngiti nya.
"Totoo?"
"Hindi joke lang yun ate Rea," tiningnan ko ng masama si Izrah. Lakas din mambasag
ng moment ang batang ito.
Naglakad lakad ulit kami, hanggang sa matanaw namin ang bukid. At napakunot ang noo
ko ng makita ang jaguars na nagtatanim ng kung ano.
Unti unting gumuhit ang ngiti sa labi ko ng mamataan ko si mylabs. Nakahubad baro
sya, napunta sa katawan nya ang paningin ko, sa bawat pag galaw nya gumagalaw din
ang muscles nya.
"Hoy! Matunaw yang mga jowa nyo aba!" narinig kong sabi ni Hannah pero di ko sya
pinansin dahil sa ganda ng tanawin.
Johnny's POV
"Damn! Kailan pa naging training ang pagtatanim?" maktol ko, habang isa isang
tinatanim ang hawak kong punla ng palay, nasa putikan kaming lahat ngayon, dito sa
malawak na bukid ni Don Herald.
"Wengya, kung alam ko lang na pagtatanim lang pala ang solusyon para maprotektahan
ang mga mahahalagang tao sa buhay ko, madami na siguro akong naani," narinig kong
himutok ni Burns.
"Gago, yung tuta ko lang ang dahilan kung bakit ko ginagawa ito," -Burns
"Talaga lang ha," nagtinginan kaming jaguars sabay sabay na ngumisi, sabay bato kay
Burns ng putik. Hanggang sa nagkabatuhan na ang lahat pati eagles tinamaan kaya yun
pati sila nakibato na din.
Tinamaan ako sa dibdib at sa mukha, tiningnan ko kung sino ang may gawa nun,
naikuyom ko kamao ko, nakangising mukha ng hayop na si Blake.
"Nadulas sa kamay ko ang putik pare, pasensya na," sabi nya, naglakad naman ako
papalapit sa kanya, at walang sabi sabing sinuntok ko sya sa mukha.
"Ooops! Dumulas yung kamao ko pare, pasensya na," I smirked. Natigil ang jaguars at
eagles sa batuhan ng putik ng bumagsak sa putikan si Blake.
Napamura ako ng bigla nyang sipain ang paa ko dahilan para matumba din ako. Damn!
Tiningnan ko sya ng masama, ganun din sya sakin. Halos sabay lang kaming bumangon
pero mas nauna ako kaya dinambahan ko agad sya. Akmang susuntukin ko ulit sya sa
mukha kaya lang nahawakan agad ako ng jaguars.
"Tungunu! Di pa tapos ang agenda nyong dalawa?" narinig kong sabi ni Gibson.
"Bitiwan mo ako at tatapusin namin ngayon," sabi ko, at pumalag sa hawak nila.
"Mylabs," natigil ako sa pag alma ng marinig ko ang boses ni Rea. Fvck!
Agad akong umayos ng tayo. Wengya, tiningnan ko si Blake nakangisi ang gago p*ta.
Sabay sabay kaming umahon sa putikan at nag assemble sa harap nya. Iniiwasan kong
mapatingin kay mylabs, wengya ang gago mo Spencer, pinag aalala mo na naman ang
babaeng mahal mo.
"Sa napapansin ko, mukhang hindi pa nagiging malinaw ang issue sa pagitan nyong
dalawa," tumahimik ang lahat ng magsalita si don Herald. Nagsilapit na din ang
lahat ng mga babae kasama na dun si mylabs.
"Maglaro muna tayo, para naman lumamig ang ulo ng dalawang gago dito," napatawa ang
jaguars at eagles sa sinabi ni tanda.
Tiningnan ko si mylabs.
"Sorry," I mouthed. Di ko alam kung anong iniisip nya, nanatiling nakatingin lang
sya sakin.
"Si Spencer ang magsisilbing leader ng Jaguars at si Bill naman para sa eagles,"
anunsyo ni Don Herald, wengya kala ko pa naman pagbabatiin nya kami, mukhang gusto
nya talagang magkainitan kami ah.
"Madali lang ang inahanda kong mga hamon, team work lang ang kailangan at konting
technique," -Don Herald.
"Ano naman mapapala namin dyan sa hamon na sinasabi mo 'lo?" tanong ng gagong si
Blake,
"Una, lesson na makukuha nyo mula sa laro at pangalawa, kung sinong manalo sa
pagitan ng dalawang leader, uutusan nila ang matatalo ng kahit ano,"
"At pag nanalo kami, hahayaan mo akong ligawan sya, hanggang sa maagaw ko sya
sayo," naikuyom ko ang kamao ko sa sinabi nya.
"Ayos, mukhang exciting ito," -Young.
"Eh kami? Pwede din ba kaming mag utos?" tanong agad ng ibang jaguars.
"Oo, basta ba manalo kayo eh," agad na sagot ni Don Herald, napapailing na lang ang
ibang eagles.
Tiningnan ko ulit si mylabs, umiling sya na para bang pinipigilan nya ako. Sorry
mylabs, peroito lang ang paraan para matahimik ang puso ko.
"Ang unang hamon! Chasing baby baboy," napamura kaming lahat sa sinabi ni Don
Herald. Tangna lokohan lang yata ito wengya.
"Lakas talaga mang gago ng matandang yan," narinig kong sabi ni Jax.
"Di na kami magtataka kung kanino kayo nagmana," sagot naman ni Miller.
"Pfftt wengya, di ko alam kung matatakot pa ako kay Don Herald," -Burns.
"Mabait si lolo at magaling sa biruan pero iba sya pag nag seryoso na, baka di na
kayo makatingin sa mga mata nya," narinig kong sabi ni Hannah, sumusunod pala sila
samin.
"Ibang klase mga banat ni Don Herald, pang fiesta ang dating," nagtawanan ang
jaguars.
"Ano? Simulan na ba natin?" tanong nya. Tumango kaming lahat at pumasok sa bakod.
"Ang unang makahuli sa baboy, syang panalo," paalala nya. Tiningnan ko muna ng
masama si Blake, sarap paduguin ng nguso ng hayop, kanina pa sya nakangisi langya,
nagmumukha na syang aso sa ginagawa nya.
————————-
Tina's POV
"Ang haba ng buhok mo Rea, natatampisaw sa putikan ang jaguars at eagles dahil
sayo," biro ni Mychiel.
Nanatiling tahimik lang si Rea. Pinanuod naman namin ang jaguars, mukhang
nagkakatuwaan sila sa loob ng bakod na puro putik.
"Hawakan nyo si Burns baka makatakbo dali," sigaw ni Young. Para talaga silang mga
bata.
"Tangna nyo, yung baboy ang hulihin nyo wag ako!" sigaw naman ni Joel, kahit kailan
talaga puro na lang kalokohan ang mga 'to, pati kami natatawa na lang din.
"Kayang kaya na ni Spencer yun, ikaw ang trip namin hulihin kaya halika dito, adobo
kakalabasan mo," natatawang sabi naman ni Dela Cruz.
Mas natawa kami ng lumabas na ang eagles sa bakod, mukhang di sila makasabay sa
trip ng jaguars.
"Wala malala na ang jaguars, sa court lang matalino ang mga yan," sabi ni Marco,
isa sa mga pinsan ko.
"Pfftt langya, sa lahat ng joke na narinig ko, yang sayo ang pinaka nakakatawa,"
pang aasar ni Freeman, mukhang panibagong away na naman ito.
"Aba't———" di na natuloy ni Marco ang sasabihin nya ng biglang umiyak yung biik.
Hawak hawak na ni Blake.
"pffftt,"
"Next game! Agawan ng buko," sigaw ni lolo. Wag na kayong magtaka, maloko talaga
yang si lolo, iba sya magbiro pero iba din kung mag seryoso kaya hayaan nyo na
lang.
"Di pa man nakakapag handa ang jaguars at eagles ay hinagis na ang buko na punong
puno ng langis ang balat kaya di agad basta basta mahahawakan.
"Ikaw kaya tamaan ng buko, tas tatanungin kita kung ok ka lang na hayop ka?" bulyaw
ni monkey kay Burns.
"tengene eh ano pala dapat ang itanong ko? Ano Montereal buhay ka pang hayop ka?
Ganun?" -Burns. Di kami magkanda mayaw sa pagtawa sa panunuod sa kanila.
"Hoy Howard, san ka pupunta?" napatingin kaming lahat kay Elvin. Nilapitan nya si
mang Hulyo, nagpapataya si Mang hulyo ng jueteng sa ilang tauhan dito sa hacienda,
hindi naman sya pinagbawalan ni lolo dahil katuwaan lang din naman iyon dito sa
hacienda.
"WaaaaaaahhH!" napatingin kaming lahat kay Gresh tapos tinuro nya si Johnny, nakuha
pala ni Johnny yung buko.
Parang sila lang naman dalawa ni Blake ang naglalaro dahil puro kalokohan lang
naman ang ginagawa ng ibang eagles at jaguars.
"Ayaw ko na,"
"Ayaw ko na din,"
"ayaw ko na din, laban lang yan ni Spencer at Blake kaya kayang kaya na nila yan,"
sabi ng ilang jaguars ganun din ang eagles.
————————
Johnny's POV
Nandito kaming lahat sa malaking living room. Nakaligo at nakakain na kaming lahat
pagkatapos ng kalokohang naisip ng lolo ni Hannah.
"Hindi sa lahat ng bagay, solusyon ang init ng ulo," nakikinig kami ngayon sa
sermon ni Don Herald.
"Dahil sa kagustuhan nyong protektahan ang taong mahalaga sa inyo tinanggap nyo ang
hamon kahit pa alam nyong magiging selfish kayo dahil di nyo man lang tinanong ang
babaeng sangkot tungkol sa bagay na ito,"
"Hindi masamang ipagdamot ang babaeng mahal nyo, pero dapat tantyahin nyo din ang
sitwasyon at ang mararamdaman nya, dahil hindi sa lahat ng oras, tayong mga lalaki
ang masusunod sa lahat ng gusto natin. Tandaan na ang isang relasyon ay parang
isang ibon, hindi makakalipad ng matayog ang isang relasyon kung isa lang ang
pakpak na gagamitin nyo."
"At sa isang relasyon di nawawala ang asungot," napangisi ang lahat sa sinabi ni
tanda.
Di ko alam pero parang may kung anong nabunot sa dibdib ko. Parang bang di na ako
natatakot kahit pa alam kong nasa paligid lang si Blake.
*****
Nandito kaming lahat sa harap ng mansyon, may bonfire na ginawa ang eagles.
Napansin ko na nagkakasundo na ang lahat maliban lang samin ni Blake. Nag iinuman
na sila, nagkakantahan at nagkakatuwaan. Pinagmamasdan ko si mylabs na abala sa pag
iihaw.
"Pare, may tiwala ka naman kay Rea hindi ba?" tanong ni Turner, tumango ako. Siya
ang kaligayahan ko, kaya walang dahilan para hindi ko sya pagkatiwalaan.
"Kung ganun, bakit ganun na lang kung matakot ang puso mo?" tanong naman ni Young.
"Hindi ko din alam, siguro dahil takot akong makitang hawak sya ng iba," sagot ko.
May sasabihin pa sana sila kaya lang nakalapit na si mylabs. Naupo sya sa tabi ko,
inabutan nya ako ng hotdog. Tinanggap ko yun, di ko maalis sa kanya ang paningin
ko.
Bakit minahal kita ng ganito kalalim? Hindi naman sa nagsisisi ako, sa katunayan
nga nyan proud na proud akong sabihin na patay na patay ako sa isang tulad mo.
Bulong ng isip ko.
Siguro dahil, talagang nakatadhana ka para sakin, kaya ganun na lang kung matakot
ang buong sistema ko.
"O-ok lang ako mylabs," sagot ko, naramdaman ko ang pagpisil nya sa kamay ko.
"Mylabs, kung gusto mo, ako na lang ang iiwas kay Blake, para hindi mo na sya
pagselosan," nabasa ko ang pag aalala sa mga mata nya.
Umiling ako. Nakapag desisyon na ako. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi nya.
"Ok lang sakin na lapitan ka ni Blake, kung makipag kaibigan man sya sayo, mag
selos man ako, ok lang sakin, gusto ko yung idea na may isang taong nag papaalala
sakin na hindi dapat kita saktan para di ka mapunta sa iba, na dapat kitang
pahalagahan, na dapat kitang ipaglaban kahit patayan pa yan, dahil ikaw ang dahilan
sa likod ng saya at lungkot sa buhay ko ngayon," sabi ko at hindi inaalis ang
tingin sa mga mata nya.
"Ganun kita kamahal, handa akong tikisin ang selos, wag ka lang mawala sakin dahil
lang sa kagaguhan ko," hinalikan ko sya sa noo.
"Ibang klase ang tama ni Spencer, sagad hanggang buto," narinig kong pang aasar ng
jaguars. Di ko sila pinansin at niyakap ko si Rea at kinulong sa mga bisig ko. This
is the best feeling in world, yung pakiramdam na yakap yakap mo ang taong mahal mo
sa mga bisig mo.
"Eagles, salamat sa masayang bakasyon kasama kayo," tinaas ni Montereal ang baso
nya.
"Salamat din, sa mga walang kwenta nyong kalokohan," natatawang sagot nila.
"Pare anong problema?" tanong ko. Napatingin naman ang lahat sa kanya.
"Tangna mga tol, sayang yung taya ko kanina," sagot nya. Taya? Taya saan?
"Ah yung sa jueteng kay mang Hulyo?" tanong ni Ms.Manager, tumango naman si Howard.
"Ano bang taya mo?" tanong ni Montereal.
"Ano bang tumama?" tanong ko sabay kagat dun sa hotdog na binigay ni mylabs.
"Kwatro, singko, sayang talaga, kung tinagalog ko sana yung taya ko, panalo sana,"
nabulunan ako sa sinabi nya.
Nang mapatingin ako sa eagles, lahat sila nakanganga, ngayon lang yata nila
nasaksihan ang katangahan ng kaibigan namin kaya ganyan ang reaksyon nila.
"Bakit ganyan kayo makatingin sakin? Type nyo ako 'no?" narinig pa naming sabi ni
Howard sa eagles.
============
=================
Rea's POV
"Ok lang, makikita mo din si Siopao soon." sabi ko, pero di pa din nawawala ang
pagka irita sa mukha nya. Gusto nya kasing sumama sakin, uuwi kasi ako sa probinsya
para dalawin si Siopao, kaya lang nakatanggap sya ng tawag galing sa dad nya na
nagkaron daw ng problema sa company nila dito sa pilipinas, hindi daw agad
makabalik ang parents nya dahil may mahalagang bagay na inaasikaso sa ibang bansa
kaya sa kanya muna pinapaayos, ngayon ko lang nalaman na kaya na pala ni mylabs
humawak ng isang corporation.
Biglang lumiit ang tingin ko sa sarili ko bilang girlfriend nya. Pero naisip ko din
na wala man akong salapi at kayamanan, tunay at tapat naman ang pagmamahal na kaya
kong ibigay sa kanya.
"Ganito na lang, ipapakiusap na lang kita kay Siopao pagdating ko dun" naramdaman
ko ang mga kamay nya sa beywang ko.
"Di lang naman yun ang dahilan kung bakit naasar ako ng ganito, una oo gusto kong
makilala si Siopao, pangalawa, ayokong malayo ka sakin, ngayon pa lang namimiss na
kita" biglang nag init ang mukha ko sa sinabi nya. Hanggang ngayon di pa rin ako
makapaniwala na mahal ako ng lalaking hinahabol habol ko lang noon.
"Mag iingat ka doon, pasabi kay Siopao maglalaro kaming dalawa ng basketball pag
nagkita kami," narinig kong sabi nya. I smiled.
"Mamimiss kita mylabs," sabi ko at nginitian sya, limang araw kasi ako dun.
Sumimangot na naman sya.
Di na ako nagdalawang isip pa, tinawid ko ang pagitan naming dalawa, tumiyad ako at
hinalikan sya. Nakita ko pa ang paglaki ng mata nya bago ko pinikit ang mga mata
ko, at ng makabawi sya sa pagkabigla naramdaman ko ang pagtugon nya.
***
"I will, tss" binaba ni mylabs ang tawag, nasa byahe na kami ngayon, ihahatid nya
ako sa terminal ng bus.
"Dammit! Sinasagad ng taenang problema ng kumpanya ang pasensya ko," mahinang sabi
nya pero narinig ko pa din.
"Gusto sana kitang ihatid hanggang sa probinsya nyo mylabs, kaya lang sabi ni dad
nagpatawag na daw sya ng urgent meeting, at kailangan na ako dun," naaasar na sabi.
"Gusto ko lang makasigurado na safe kang makakarating doon," sagot nya, heto na
naman yung kilig naglipadan na naman ang mga paro paro sa tiyan ko.
Pagdating namin sa terminal ng bus, gusto kong matawa dahil ayaw nyang bitiwan ang
kamay ko.
---------------------------
Johnny's POV
Fvck! Kung bakit naman kasi wrong timing ang pagkakaron ng problema ng kumpanya. Di
ko magawang bitiwan ang kamay ni mylabs, nandito kami ngayon sa terminal.
"Mylabs maiiwan na ako ng trip," nginitian ako ni Rea, damn! limang araw kong di
makikita ang mga ngiting yun.
"Tawagan mo 'ko agad pagdating na pagdating mo doon mylabs," I said sabay hila sa
kanya para mayakap sya ng mahigpit. Limang araw lang Johhny, limang araw lang.
Pilit kong pinapakalma ang sarili ko. 'Tang*na magbabakasyon lang sya at hindi ka
iiwan ng tuluyan,' sigaw ng kabilang bahagi ng utak ko.
"Opo kuya," sagot nya, agad ko syang tiningnan ng masama, pero tinawanan nya lang
ako, I know nawiwirduhan na sya sakin. Pinitik ko sya sa noo pero binelatan lang
ako.
I smiled.
Binitiwan ko na sya.
"I love you mylabs!" sigaw nya dahil unti unti na syang lumalayo sakin.
[wengya, ano asan ka na?] tanong nyo, bigla kong naalala na ngayon nga pala ang
alis ng jaguars dahil gusto pa rin nilang magbakasyon sa Jaguars Island.
"Hindi ako makakasama tol nagka problema sa kumpanya," walang ganang sagot, langya
bakit parang ang lungkot ng paligid ko, ramdam na ramdam yun ng puso ko.
"Wag na, baka bumagsak lang ang kumpanya ni dad dahil sa kagagawan nyo," biro ko,
sumakay na ako ng kotse at binuhay ang engine.
[Libre mo kami ng Mcfloat sa jollibee] tumahimik ang lahat sa kabilang linya dahil
sa sinabi ni Howard. Mcfloat sa jollibee? Seriously?
[mylabs, para kang basketball ring, the more na malayo ka, mas lalo kitang
namimiss]
Heto na naman yung ngiti ko, di ko na mapigilan. Hindi muna agad ako nagreply,
pagkarating na pagkarating ko sa kumpanya agad ko syang nireplyan.
[Kaya ayaw kitang turuan ng basketball kasi gusto kong namimiss mo ako lagi :* ]
May mga ilang empleyado ang bumati sakin na tinanguan ko lang. Yung ngiti ko wengya
kapit na kapit.
Sumakay ako ng elevator. Biglang nag vibrate ulit ang phone ko.
[Naniniwala na ako sa himala, kasi kahit nasa 'yo ang puso ko buhay pa din ako :3]
Pagdating ko sa floor kung nasaan ang office ni dad, agad akong sinalubong ng
secretary nya. Nasa cellphone pa din ang atensyon ko.
[Damn! I wanna kiss you :* :* I have to go, the meeting will start minutes from
now, call me if you arrived, I love you so much mylabs]
-----------------------------
Rea's POV
I smiled ng mabasa ang text nya. Sinandal ko ang ulo ko at pinikit ang mga mata.
Nakatulog ako ng may ngiti sa labi.
At matapos ang halos kalahating araw ng pagbabyahe nakarating din ako sa wakas sa
sagada, dito pinanganak si inay.
Gabi na, agad kong sinuot ang jacket ni mylabs. Pagkababa ko ng bus sumakay pa ulit
ako ng jeep papunta sa barangay namin at tricycle naman papasok sa loob ng
barangay. Lowbat na ang cellphone ko, baka nag aalala na si mylabs, pasado 11 na ng
gabi.
Napangiti ako ng matanaw ang bahay ni tiyang. Miss na miss ko na ang kapatid ko.
Pagkatapos kong magbayad at magpasalamat kay manong, agad akong tumuloy sa malawak
na bakuran ni Tiyang, sa likod ng bahay nya ay isang malawak na bukid.
Bago pa man ako makakatok sa pinto ay bumukas na yun at bumungad sakin si tiyang.
"Magandang gabi po tiyang," kapatid sya ni inay, nagpapasalamat ako dahil hindi sya
naging madamit sa pagtulong samin ni Siopao.
"Busog pa po ako, bukas na lang po siguro ako kakain para makasabay ko kayong
lahat, magpahinga na po kayo at bukas na lang po tayo magkwentuhan," sabi ko.
"Ay sige at ako'y napagod din sa pagtitinda sa palengke kanina," sabi naman ni
tiyang. "Magpahinga ka na din, bukas mag usap tayo at magkamustahan"
Nahiga ulit ako sa tabi ni Siopao at dahil napagod ako sa byahe, nakatulog agad
ako.
----------------------
Johnny's POV
Di ko mapigilan ang mga mura na lumalabas sa bibig ko dahil sa sobrang pag aalala.
Pasado alas onse na ng gabi pero hindi pa tumatawag si mylabs, kanina ko pa sya
tinatawagan pero di ko sya makontak.
Ayokong mag isip ng masama, tang*na mababaliw ako dito, napatingin ako sa pinto ng
unit ko ng makarinig ako ng pagkatok.
Binuksan ko yun at bumungad sakin ang jaguars sina Burns, Gibson, Howard at si
Miller na may dalang can beers. Napakunot ang noo ko.
"Akala ko ba umalis na kayo papunta sa Island?" tanong ko, nagpasukan sila sa unit
ko.
"Nagtatae 'tong si Howard, kaya bukas na lang siguro kami aalis," naupo sila sa
sofa ko.
"Ano bang kinain mong hayop ka?" tanong ko at tiningnan si Howard. Nilampasan lang
ako ng gago.
"Naku wala ng pag asa yan," sabi naman ni Miller at hinagisan ako ng isang beer.
Sinalo ko yun at naupo malapit sa kanila.
"Kamusta si Rea? Nakauwi na ba sya ng sagada?" biglang bumalik ang pag aalala ko ng
magtanong si Burns.
"Kanina ko pa nga sya tinatawagan pero di ko makontak patay ang cp nya langya,
mababaliw ako sa pag iisip," binuksan ko yung beer at nilagok ng dretso.
"Sana nga, ayokong isipin na may masamang nangyari sa kanya, baka mawalan kayo ng
tropa pag nagkataon," seryosong sabi ko.
"Tangina!" mura ko at tiningnan ng masama si Howard, binato nya kasi sakin yung can
ng ininum nyang beer.
"Tangina mo din gago, di pwedeng mawala ang isa sa 'tin, mawala na ang dating
matinong Howard at maging tanga wag lang mabawasan ang tropa na meron tayo,"
lintanya ni Howard na nagpatahimik samin.
"Alam ko masarap magmahal yung tipong gagawin mo lahat para sa kanya kahit pa nga
ang sundan sya kahit saan eh, nalasahan ko din yan, di ko lang matandaan kung
kailan at saan, basta ang alam ko lang, masarap magmahal, nalalasahan ko pa nga din
hanggang ngayon eh," dagdag pa nya. Nakatinginan kami, ang seryoso ng mukha nya.
"Lasang tanga,"
==============
A/N: (ang tagal na nga ng ud bitin pa, sarap ibitin ni ate Yna) for sure yan agad
sasabihin nyo hahaha tiis tiis, sipag ng ate nyo eh xD
Di kayo naligayahan sa ud ko sa BOH ano? Yaan nyo next time tagalog naman ang bed
scene, oo may round 2 pa yun kaya wag kayong mawalan ng pag asa, maiinitan din kayo
langya hahaha (gusto nyo yata ganito eh >>> sinimulan nya ang pag indayog sa ibabaw
ko) waaaaaaahhHH I kennat hahahaha.
Sa mga nahingi ng dedication, pwede bang yung mga previous chapter na lang? Wag na
kayong choosy aba! Magpopost ako sa fb kung sino mga magpapadedicate, yung mga mag
cocomment lang dun ang mabibigyan.
-ateYna-
=================
Rea's POV
"Good morning din sa pinaka-cute na Siopao sa buong mundo" nakangiting bati ko. At
bago pa man sya magsalita ulit ay niyakap ko na sya, pagkatapos ay kiniliti.
"Hahahaha tama na ate Rara, pffftt hahahaha" namiss ko ang tunog ng tawa nya.
Tumigil lang ako sa pagkiliti sa kanya ng makarinig kami ng katok sa pinto, bumukas
yun at niluwa si tiyang.
"Oh sya sige sige ayusin nyo na ang sarili nyo at bilisan nyo't baka lumamig ang
pagkain," natatawang sabi ni tiyang bago tuluyang lumabas ng kwarto.
"Namiss kita Ate Rara," niyakap ako ni Siopao sa bewang, naupo ako para maging
magkasing pantay kami.
"Mas namiss kita, lagi kang iniisip ni ate," sabi ko. Gusto kong matawa ng bigla
nya akong pitikin sa noo.
"Liar, eh di ba si Mylabs mo nasa isip mo lagi"
"Di mo pa sya pinapakilala sakin," nakangusong sabi nya, "Di ko pa sya nakikilatis,
di ko pa binibigay ang basbas ko sa kanya,"
Tumayo ako at kinuha ang cellphone ko. Nag dial ako, habang hinihintay kong sagutin
ni mylabs ang tawag ko, tiningnan ko si Siopao na matamang nakatingin sakin with
matching cross arm pa, di ko mapigilan ang ngiti ko.
[Damn! Mylabs! Bakit ngayon ka lang tumawag? Hindi mo ba alam na halos mabaliw ako
sa pag iisip sayo, hindi ko alam kung nakauwi ka ba ng maayos o ano] bungad agad
sakin ni Johnny.
Oo nga pala, sabi ko nga pala sa kanya na tatawagan ko sya pagkarating ko dito sa
sagada.
"Pasensya ka na mylabs," hinging paumanhin ko. Isang malalim na buntong hininga ang
narinig ko mula sa kabilang linya, mukhang pinag alala ko nga yata sya ng husto.
[Nasa inyo ka na ba? Kamusta ang byahe mo? Kasama mo na ba si Siopao?] sunod sunod
na tanong nya. I smiled.
"Ok naman po ang naging byahe ko, at kasama ko na din ngayon si Siopao, actually
gusto ka nyang makausap mylabs," sabi ko sabay tingin kay Siopao na ngayon ay kunot
na kunot ang noo.
Nakangiting inabot ko kay Siopao ang cellphone ko. Tinanggap naman nya yun.
-----------------------------
Johnny's POV
[Hello, ikaw ba yung mylabs ni ate Rara?] weird pero bigla akong kinabahan,
pakiramdam ko makikipag usap ako sa tatay ng babaeng mahal ko.
"A-ako nga po," sagot ko, at gusto kong murahin ang sarili ko dahil doon, tangina
kailan pa ako natutong mag 'po' sa bata?
[Kindly introduce yourself] langya, yung totoo? Bata ba talaga itong kausap ko?
"M-my name is Johnny Spencer, the man who will protect your sister no matter
what."
Bigla akong napangiti sa tanong nya. I like this boy, he's really the brother of my
girl.
"I'm dead serious, hindi ko sya sasaktan dahil pag ginawa ko yun, para ko na ding
sinaktan ang sarili ko, I love her more than anything in this world, 'cause she's
my world"
[Ok, fair enough. Tatandaan ko yang sinabi mo, at kapag sinaktan mo ang ate ko ako
mismo ang babanat sayo,]
[See you soon, kuya Johnny,] parang may kung anong humaplos sa puso ko ng tawagin
nya akong kuya.
"Y-yeah, see you soon buddy," sabi ko.. Yung ngiti ko di ko mapigilan. Sa buong
buhay ko ngayon lang ako naka-encounter ng batang profound mag isip.
I smiled.
"Tangna Spencer ang aga mong lumandi, nag almusal ka na ba?" tiningnan ko ng masama
si Miller na pupungas pungas ngayon, dito sila nakatulog sa unit ko dahill naparami
ang inum ng mga gago.
[Nandyan ang jaguars?] tanong ni Rea sa kabilang linya narinig ko pa ang mahinang
pagtawa nya.
[Ganun ba, sige tawagan na lang ulit kita mylabs, kumain ka na din ha]
"Ako na lang ang tatawag sayo mamaya para di masayang ang load mo mylabs,"
I smiled.
[Ate Rara, kain na tayo!] narinig kong sigaw ni Siopao sa kabilang linya.
"Sige na mylabs, mamaya na lang ulit, I love you, enjoy your time with Siopao"
[I will, mas love kita, mylabs. Sige na, buhusan mo na ng tubig ang jaguars]
Natawa ako sa sinabi nya, actually yun nga ang plano ko.
----------------------
Rea's POV
Nakangiting ibinaba ko ang tawag. Agad akong lumabas ng kwarto dahil tinawag na
ulit ako ni Siopao.
"Maayos naman po tiyang," sagot ko, sabay lagay ng pagkain sa pinggan ni Siopao.
"Ganun ba, sige at ng makapag-bonding ulit kayong dalawa, alam kong namiss nyo ang
isa't isa," nakangiting sabi ni tiyang. Ngumiti ako at ginulo ang buhok ni Siopao.
Pagkatapos kumain, agad kaming naghanda ni Siopao. Tiningnan ko sya, masaya ako
dahil kasama ko sya ngayon. Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil di nya pinapabayaan
ang kapatid sa kabila ng lahat.
"Alam kong gwapo ako ate Rara," di ko napansin na natulala na pala ako sa kanya.
Sumakay lang kami ng tricycle papunta sa Episcopal Church of St.Mary the Virgin, di
naman ganun kalayuan ang simbahan mula sa bahay ni tiyang.
Kahit maaga pa lang madami na din ang taong bumibisita dito. Hawak ko ang kamay ni
Siopao at tumuloy kami sa loob.
Pinikit ko ang mga mata ko, at nagpasalamat sa Diyos. Ginagawa ko ang lahat para
kay Siopao at sa ikabubuti nya. Hindi ko kakayanin kapag may masamang nangyari sa
kanya, sya na lang ang nag iisang yaman ko dito sa mundo.
Sya ang dahilan kung bakit patuloy akong lumalaban sa hirap ng buhay. Gusto kong
makita sya laging masaya at walang iniindang anumang sakit sa katawan.
Nagpapasalamat ako sa patuloy na lakas na ipinagkakaloob ng Diyos para kay Siopao.
Wala akong ibang hiling kundi ang kabutihan para sa kapatid ko.
"Wag nyo pong pababayaan si Ate Rara, ingatan nyo po sya" napamulat ako ng mata at
tiningnan si Siopao.
"Mahal na mahal ko po sya, wag nyo pong hayaan na masaktan sya ng sobra" I smiled.
Hinaplos ko ang buhok nya.
"Mahal na mahal din kita Siopao," sabi ko. Binigyan nya ako ng isang napaka-tamis
na ngiti.
"Ang sarap," nakangiting sabi nya. Bumili din ako ng para sakin.
Naupo kami sa ilalim ng puno. Habang kumakain pinanuod namin ang ilang mga
nagtitinda ng souvenirs. Parang kelan lang ganyan din ang trabaho ko dito bago ako
nakatanggap ng tawag galing sa M.U.
"Masaya akong malaman na masaya ka sa school mo, yung mga napapanuod ko kasi sa tv
hindi masaya dahil maraming umaaway"
"Masaya ako sa school ko kasi, madami akong kaibigan," Ang bilis nga ng panahon
parang kailan lang ng magsimula ako sa M.U at ngayong darating na pasukan fourth
year na agad ako.
"Oo naman, pero sa tuwing namimiss ko sila tumitingin lang ako sa langit,"
"Ganyan din ang ginagawa ko ate Rara, di ba sabi mo binabantayan nila tayo,"
tumango ako.
Natutuwa ako dahil nauunawaan ni Siopao ang ialang mga bagay na di basta basta
naiintindihan ng karaniwang bata.
"Dito ka lang bibili lang ako ng tubig natin," sabi ko sabay tayo.
------------------
Siopao's POV
Kailangan ko pa bang ipakilala ang sarili ko?
Ako nga pala si Ren Ryle Snyder a.k.a Siopao. Kapatid ako ng pinaka-astig na babae
sa buong mundo, si ate Rara. Masasabi kong napaka-swerte ko dahil siya ang ate ko,
bukod sa maganda na sobrang bait pa, kaya mahal na mahal ko yun eh.
"Bata pahingi naman ako nyang kinakain mo, gutom na gutom na ako," tiningnan ko sya
mula ulo hanggang paa.
"Kuyang gutom, sa gandang lalaki mong yan wala kang pera?" tanong ko.
"Kapag gutom, wala agad pera? Di ba pwedeng wala lang talagang mahanapan ng
makakainan?"
"Wag ito ang kainin mo, bukod sa di ka mabubusog, mauuhaw ka lang," sagot ko. At
gusto kong matawa dahil tulala sya sakin. Ano pa kayang problema ni kuya bukod sa
gutom sya?
Bago pa man sya makapag salita ulit ay dumating na si ate Rara, dala dala ang tubig
na binili nya.
"REA!?"
============
Alam kong nasabi ko na sa inyo before na hindi ako nag hohold ng story. Pero
palagay ko, kailangan ko munang i-hold ang BOH para matapos na natin itong MPUG,
kung mapapansin nyo kasi ang tagal ko mag ud, yun ay dahil medyo busy din ako. Pero
napag isip isip ko na kung ito munang MPUG ang isusulat ko at di ko muna isasabay
ang BOH, sisiguraduhin ko na araw araw may ud para bago magtapos ang month of july
tapos na din itong MPUG. So yun po, I officially on-hold the BOH para sa ikabibilis
ng ud.
-ate Yna-
=================
-----------------
Blake's POV
Damn! Kanina pa ako lakad ng lakad dito sa isang bayan sa sagada pero punuan ang
mga hotel. Gutom na ako tangina! Idagdag pa na wala pang tulog ang nilalang na
tulad ko.
Kung bakit naman kasi tinopak na naman si lolo eh. Pinadala nya kaming mga apo nya
sa ibat ibang bahagi ng pilipinas. Di ko alam kung ano ang pinaka-dahilan nya basta
ang sinabi nya lang, na gusto daw nya pagbalik namin, may magandang aral sa buhay
kaming dala.
Nakakatangina lang talaga. Pero ayos na din na dito ako napunta sa sagada di tulad
ni Jax na sa mindanao pinatapon pffftt.
Naupo ako sa ilalim ng puno, pagod na ako, naramdaman ko ang pagkalam ng sikmura
ko.
Bigla akong napalingon sa batang nasa tabi ko, may kinakain syang cotton candy.
Bigla akong napalunok ng sunod sunod.
"Bata pahingi naman nyang kinakain mo, gutom na gutom na ako," gusto kong matawa ng
bigla nya akong tingnan mula ulo hanggang paa.
"Kuyang gutom, sa gandang lalaki mong yan wala kang pera?" di ko napigilan ang
ngiti ko. Hindi dahil sinabi nyang magandang lalaki ako, kundi dahil sa way nya ng
pagsasalita, tuwid na tuwid kasi at kung tumingin sya, deretso sa mata.
"Kapag gutom, wala agad pera? Di ba pwedeng wala lang talagang mahanapan ng
makakainan?" sabi ko na lang. May kakaiba sa batang ito na alam kong madaling
magugustuhan ng bawat taong kakausap sa kanya, tulad ko ngayon.
"Wag ito ang kainin mo, bukod sa di ka mabubusog, mauuhaw ka lang," sabi nya at
natulala na nga ako ng tuluyan sa kanya, langya bata ba tong kausap ko?
"Hep hep sandali lang nga, magkakilala kayo ng ate Rara ko?"muli akong napalingon
sa bata.
"Kakilala ko lang sya Siopao," sagot ni Rea at naupo sa tabi ng bata. Kung ganun
magkapatid sila?
"Talaga? Kelan pa?" tanong ni Rea habang binubuksan yung dala nyang tubig, inagaw
ko yun at ako ng nagbukas, tiningnan ko sya ng masama pero umirap lang sya. I
smiled, walang kupas maganda pa din sya kapag gumaganun.
"Yow! Buddy, Ako nga pala si kuya Blake, sa maniwala ka o sa maniwala ka na lang
talaga, kaibigan ako ng ate mo," pakilala ko sabay abot ng tubig sa kanya.
Tiningnan muna nya yun tapos tumingin din sya ate nya. Napangiti ako ng tumango si
Rea, muling humarap sakin yung bata.
"Ako naman si Siopao, kapatid ng kaibigan mo," pakilala din nya at tinanggap ang
tubig na nasa kamay ko.
"Halika na Siopao, masyado ng tumataas ang sikat ng araw," tumayo si Rea, aalis na
agad sila?
Binigyan ako ni Rea ng tingin na para bang sinasabi na, wag ko silang susundan.
Nagsimula na silang maglakad. Tutal sila lang naman ang kilala ko dito, sa kanila
na lang ako sasama. Nagbabakasyon din ba sila dito?
Nakasunod lang ako sa kanila. Napahinto ako sa paglalakad ng huminto din si Rea,
bigla nya akong nilingon.
"Uuwi na kami, ituloy mo na ang pamamasyal mo," sabi nya. Langya di naman ako
namamasyal eh, naghahanap ako ng matutuluyan.
"San pa ba may hotel na pwedeng tuluyan dito?" tanong ko. Napakunot ang noo nya.
"Magtatanong ba ako sayo ngayon kung meron na," sagot ko. Pero isang matalim na
tingin ang nakuha ko sa kanya.
"Sa panahon ngayon mahirap talagang makahanap ng matutuluyan lalo na at dagsa ang
mga turista," biglang sabi ni Siopao, yung totoo? San pinaglihi ang batang ito?
Kaninong utak kaya ang pinapak ng nanay nina Rea?
"Yun nga eh, wala akong makita," nagpaawa na ako, baka pwedeng maki-share na lang
ako sa tinutuluyan nila kahit sa sahig na lang ako. Mas ok na yun kesa sa kalsada
magpalipas ng gabi, ang lamig pa naman dito langya.
"Ate Rara, baka pwedeng dun muna sya kayna Tiyang, matitiis mo ba ang isang
kaibigan na nangangailangan,"
"May mga taong kinakaibgan at may mga taong dapat iwasan," sagot ni Rea na hindi
inaalis ang tingin sakin.
"Ate Rara, alam mo ba na ang mga taong iniiwasan sila yung mas nasasaktan," narinig
ko pang sabi ni Siopao.
"Salamat na lang Siopao, pero ayaw kong mahirapan ang ate mo," sabi ko sabay tingin
kay Rea mukhang natulala sya sa sinabi ng kapatid. Di lang pala ako natutulala kay
Siopao, pati din pala ang ate kung minsan.
"Yey, alam kong papayag si tiyang, mabait yun eh" masayang sagot ni siopao. Tumakbo
sya sakin.
"Tara na kuya Blake dun ka muna sa bahay, kawawa ka naman eh," langya pati ako
biglang naawa sa sarili ko. Tiningnan ko si Rea, nakatingin sya sa kapatid nya
habang nakangiti, tanggap ko naman na di nya ako magugustuhan dahil kay Spencer,
pero di naman siguro masamang kilalanin ko pa syang mabuti.
**
Medyo nagulat pa ako ng makarating kami sa isang bahay, buong akala ko kasi
nagbabakasyon lang din sila dito at sa isang hotel room sila tumutuloy, nalaman ko
na taga-dito pala talaga sila, at dinalaw lang ni Rea ang kapatid pero babalik din
ito sa manila dahil dun ito nag aaral.
Nakausap na nila ang tiyang nila, totoo nga ang sabi ni Siopao mabait nga ito,
hindi kalakihan ang bahay, simple lang kumbaga.
"Pasensya ka na hijo, maliit lang itong bahay namin, okay lang ba talaga sayo na
dyan ka na lang sa sala?" nag aalalang tanong ng tiyang nina Rea.
"Ay ok na ok po, sanay na sanay po ako sa ganito, puro sala po kasi ang bahay
namin," biro ko.
"Ikaw talagang bata ka, sya sige maiwan ko muna kayo at magluluto muna ako ng
pananghalian natin," sabi ni tiyang at pumunta na nga sa kusina, makiki-tiyang na
din ako aba!
"pareng Siopao, salamat ha, utang ko sayo 'to," naupo sa tabi ko si Siopao, lumabas
muna saglit si Rea dahil may kausap sya sa cellphone.
"Sus wala yun," sagot nya, langya ngayon lang ako nakakita ng batang tulad nya.
Ginulo ko ang buhok nya. Wish ko lang may kapatid din akong tulad nya.
Pasimple kong tiningnan si Rea sa may labas, tanaw ko sya mula dito.
"Wag mong aawayin ate ko ha, gusto ko alagaan mo sya bilang kaibigan, ayaw kong
nasasaktan sya," bigla akong napatingin kay Siopao.
"Di ko sya inaaway, ayaw nya lang talaga sakin, dahil nagseselos ang gagong si
Spencer," sagot ko, gusto kong murahin ang sarili ko dahil nakapag salita ako ng di
maganda sa harap nya, pero parang balewala naman yun kay Siopao.
"Kung ganun kilala mo pala si Kuya Johnny, alam mo pareng Blake, ang puso di naman
yan natuturuan eh, at di ko masisisi ang puso mo dahil gusto nyan ang ate ko,"
heto na naman ako, natutulala na naman sa batang ito.
"Alam mo ba kung bakit pumayag ako na tumuloy ka muna dito samin pansamantala? Yun
ay dahil nakikita ko sayo na magiging mabuting kaibigan ka ng ate ko, kahit pa
iniiwasan ka nya ngayon," makahulugang sabi nya. Ganito na ba talaga ang bata sa
21st century? Profound?
Sumapit ang gabi, at di ako makatulog, iniisip ko ang sinabi ni Siopao, magiging
mabuti nga ba akong kaibigan kay Rea pagdating ng panahon? Sabi ko sa sarili ko
noon, titigilan ko na sya, sila ni Spencer pero mukhang malabo na yata yun ngayon.
Dahil biglang nagkaron ng urge sa parte ng pagkatao ko na protektahan sya sa lahat
ng bagay.
Di ko alam kung anong oras na ako nakatulog, nagising lang ako ng may biglang
dumagan sa may parteng tiyan ko.
"Pareng Blake, alas nuebe y medya na, manunuod ako ng slum dunk kaya bumangon ka na
dyan," sabi nya at bigla akong napatingin sa tv na nakabukas. Dito kasi ako sa may
kahoy na sofa nakahiga at oo nga naman wala syang mauupuan.
"Good morning din pareng Blake, tama nga sabi ni Ate Rara, medyo may kakapalan nga
ang mukha mo, late ka na gumising eh," nakangising sabi nya, I smiled.
Tumayo ako at iniwan muna sya, tumuloy ako sa banyo, at mabilis na naghilamos, ang
sama ng pakiramdam ko langya.
Kumuha ako ng damit sa bag ko at ilang mga personal na gamit at bumalik sa banyo at
bumanat ng ligo, baka sakaling mawala ang sakit ng katawan ko, tangina di naman ako
nagbuhat ng kung ano ano kahapon bakit ang sama ng pakiramdam ko?
Pagkatapos kong maligo at makapag bihis ay tumabi ako kay Siopao na tawang tawa sa
pagka gonggong ni Sakuragi.
"Ayos talaga si pareng Sakuragi, the best hahaha," tumatawang baling nya sakin. Di
ko napigilan ang di matawa din.
"May pagkain sa lamesa pareng Blake, self service dito, feel at home" sabi nya.
"Sige mamaya, manunuod muna din ako," sagot ko, hanggang sa dalawa na kaming
tumatawa pag sumasablay si Sakuragi.
"Kaya lang alam ko na malabong mangyari yun," sabi pa nya. "Siya kasi yung tipo na
di sumusuko sa laban, tulad nya ayoko din sumuko sa laban ng buhay ko,"
"Pareng Siopao, alam mo ba kung saan ang papuntang bayan? May bibilhin lang ako,"
sabi ko. Tumango naman sya. Matapos isara ang pinto ng bahay ay agad din kaming
sumakay ng tricycle pupunta sa bayan.
Pagkarating namin dun, tindahan ng bola at basket ring agad ang hinanap ko. Di
naman ako nabigo dahil may nakita agad kami, bumili din kami ng Jersey, binibiro ko
pa si Siopao na hindi nya kamukha si Sakuragi kundi si Gori.
Pagkapos magbayad, saktong may nadaanan kaming bilihan ng wig, pumasok ako sa loob
at bumili ng pulang wig.
Nag kwek kwek din muna kami ni Siopao bago tuluyang bumalik sa bahay.
Buti na lang malaki ang bakuran ng bahay nila at may malaking puno sa harap nito.
Kinabit ko ang ring sa puno, at sinuot ko ang wig na pula pati na din ang jersey na
binili namin, tiningnan ko si Siopao, ready na din sya. Pero parang nag aalangan pa
sya.
"Pwedeng isipin ko din na gong-gong ka?" natatawang sabi nya. Tumango ako.
"Game!" masayang sigaw nya. Pinasa ko ang bola sa kanya, at nagsimula na nga kaming
maglaro.
Napupuno ng tawa naming dalawa ang buong bakuran. Di ko na masyadong pinansin ang
sama ng pakiramdam ko, basta ang gusto ko lang mapasaya si Siopao.
"Time out muna langya," sabi ko, medyo namumutla kasi sya, dala na din siguro ng
pagod.
"Ang daya, di pa ako nakaka-score eh, bat ba kasi ang taas ng ring na yan?" reklamo
nya.
Pero bagopa ako makasagot bigla na lang syang natumba at nawalan ng malay, biglang
may kung anong takot ang bumangon sa buong pagkatao ko. Yung kaba ng puso ko,
paramg tumigil ang paligid.
"Hindi kita mapapatawad pag may masamang nangyari sa kapatid ko," umiiyak na sabi
sakin ni Rea.
Parang may kung anong nakasaksak sa dibdib ko.
=============
A/N: Ok start na ito. Papasok na tayo sa plot ng MPUG. (I know nagkakaron na kayo
ng mga katanungan, ilista nyo lang yan, masasagot din ang lahat ng yan hahaha)
---
Promote ko lang itong one-shot story ni Redxyter entitled "Tears on String" paki-
basa naman, sumali kasi sya sa isang contest, paki-vote na din po ;) Thank you
:* :*
---
Sino nakapansin ng profile pic ko dito sa watty? Cute 'no? Sa mga di pa nakakakita
tingnan nyo na lang hahaha.. Available po ang shirt na yan 'till july 15, para
makita nyo mabuti ang design sali kayo sa fb group.
I invite all team jaguars na mag avail ng Jaguars' shirt, you can have it for only
300 php, kung taga-manila lang kayo, personal nyong makukuha ang tshirt sa op ni
Hannah at Shield. Oh di ba may meet pa, at syempre may freebies silang ibibigay sa
inyo, libre selfie na din with them. Ano pang hinihintay nyo? Avail na! (PM nyo
lang ako sa fb kung interesado kayo)
---
Thank you sa mga patuloy na nag iiwan ng message sa MB ko, kahit di ko kayo
mareplyan binabasa ko pa rin yan, pampalakas ng loob. Ganun din sa pm dito sa
watty. lovelots :*
*hug&kisses*
-ateYna-
=================
------------------
Johnny's POV
Months later...
"Oh ikaw anong problema mo?" tanong ni Miller sa isang estudyante, nandito kami
ngayon sa office ng student council, at hinaharap ang mga hinaing ng ilang mga
estudyanteng inaapi kuno. At bilang kasapi ng PUKI partylist kailangan namin silang
pakinggan at tulungan. Nakabalik na kaming lahat sa school ilang buwan na ang
nakalipas matapos ang bakasyon ng lahat.
"Iniwan at niloko kasi ako ng girlfriend ko." sagot nung isang estudyante na
kaharap ngayon ni Miller, nakaupo lang kaming jaguars sa may sofa, si Miller sa may
table sa harap nya yung mga may reklamo sa buhay.
"At sa palagay mo, may maitutulong kami sa problema mo? Eh yung sarili ko ngang
lovelife di ko maayos, yung sayo pa kaya?" asar na sabi ni Miller, napapailing na
lang kami at lihim na natatawa.
"Oh Howard, ikaw na ang tumulong dito kay pareng-- teka ano nga ulit pangalan mo
tol?" tanong ni Burns.
"Nilo"
"Co"
At hindi namin napigilan ang di humagalpak ng tawa, langya hindi sa binubully namin
sya ha, medyo malakas lang talaga ang dating ng pangalan nya hahaha.
"Grabe ka naman Howard, baka naman nagkataon lang," sabi ko at tiningnan si Nilo..
"Nilo pare, ano ba pangalang ng ex mo?" tanong ko.. Baka sakaling makatulong ako.
"Pina? Wengya, alam na namin kung bakit ka niloko at iniwan ng girlfriend mo," agad
na sabi ni Burns.
"Baka daw kasi mapako sya wengya hahaha" di pa din kami magkanda mayaw sa pagtawa.
"Isipin mo tol ha, pag kinasal kayo magiging Pina Co na ang pangalan nya," - Dela
Cruz.. "Kaya siguro minabuti na lang nya na iwan ka kesa ang mapako sya,"
"Ehem!" tumikhim kami ng mapansing seryosong seryoso si Howard, ganun din si Nilo.
Umayos kami ng upo.
Napakunot ang noo ko. Agad ko syang tinawagan, Damn! Di nya sinasagot. Sigurado ako
madami na naman syang ginagawa.
Tumayo ako at sinukbit ang bag.
"Tulungan ko lang si Rea," sagot ko. "Mauna na ako sa inyo jaguars, kita na lang
tayo mamaya," dagdag ko pa at tuluyan ng umalis ng office.
Agad kong tinext si mylabs, asking where she is, pero wala akong natanggap na
reply. It's been months simula ng manggaling sya sa Sagada, at napansin ko ang
ilang pagbabago sa kanya nitong mga nakaraang buwan, kung dati masipag na sya
gumawa ng mga handouts ngayon naging triple ang kasipagan nya at mas nadagdagan pa
ang mga raket nya.
Hindi ko na nagawang sumunod sa sagada nung mga panahong yun dahil lumala ang
problema ng kompanya namin. Hanggang ngayon may hinaharap pa rin na problema si dad
at di ko matiis na manuod na lang.
Agad akong tumuloy sa library, at hindi nga ako nabigo dahil agad ko syang nakita,
ang daming libro sa harapan nya. At dahil busy sya di nya napansin ang presensya
ko. Di ko alam kung anong nangyari sa sagada pero sa tuwing tinatanong ko sya,
laging 'ok lang' ang sagot nya tapos sasamahan nya ng lambing.
Naupo ako sa harapan nya at inagaw ang hawak nyang ballpen pati na din yung
sinusulat nya. Medyo nagulat pa sya sa ginawa ko, tiningnan ko sya at tinanguan
saka ko tinuloy ang sinusulat nya. Narinig ko pa ang mahinang pagtawa nya.
"Anong ginagawa mo dito mylabs? Di ba may mga dapat kayong tulungan?" maya maya ay
tanong nya.
"Kaya ko naman mylabs eh," narinig kong sabi nya. Inangat ko ang tingin ko sa
kanya, minsan gusto kong mainis dahil hindi nya hinihingi ang tulong ko, sinasarili
nya lang lahat.
"Hindi mo lang ako boyfriend Rea, pwede mo din akong maging kaibigan na pwedeng
sandalan sa oras ng pangangailangan,"
"Pero mylabs------"
"Wala ng pero pero, tara na tapusin na natin ito para makapag lunch na tayo pareho,
ayokong nalilipasan ka ng gutom babae," putol ko sa sasabihin nya.
Nginitian ko sya, natawa sya ng bahagya saka tinuloy ang pagsusulat. I smiled.
Halos di na namin namalayan ang oras, ang dami na namin nasulat, pakiramdam ko
lahat ng estudyante ng M.U nagpagawa ng handouts at project sa kanya sa sobrang
dami ng sinulat namin, wengya ang sarap pektusan ng mga estudyanteng tamad.
Mamaya pa ang sunod na klase namin, niyaya ko na syang kumain. Nakatanggap ako ng
text galing sa jaguars na gagala daw muna sila, kasama si Nilo Co.
"Mylabs alam kong gwapo ako, pero pwede bang wag mong ipahalata na natutulala ka sa
kagwapuhan ko," biro ko ng mapansing tulala na naman sya, nandito kami ngayon sa
canteen. Heto na naman syang, parang ang lalim ng iniisip nya.
Sya ang kaligayahan ko, kaya pag nakikita ko syang malungkot mas matindi pa dun ang
nararamdaman ko. At kapag masaya sya, ako na ang pinaka-maligayang tao sa mundo.
"Mylabs, samahan mo ako, may mga bibilhin kasi ako para dun sa gagawin kong
project," maya maya ay sabi nya. Nginitian ko sya.
------------------------
Joel's POV
"Sigurado ka ba dito Howard?" tanong ko, nandito kami ngayon sa hintayan ng jeep.
Kulang lang daw sa hang out itong si Nilo, kaya sinama namin dahil gagala kami.
"Minu-minuto kang di sigurado tarantado!" bulyaw ko. Tinapik lang ni Gibson ang
balikat ko.
"Wag kang masyadong magalit Burns, lalo kang nasusunog," sabi nya, pinakyuhan ko
lang sya.
Bale, ako, si Howard, Gibson, Fisher at Freeman ang jaguars na nandito, yung iba
ayun, busy sa pakikipaglandian sa mga babae nila.
Di nagtagal may dumating ng jeep, trip namin mag commute ngayon tinatamad kasi mag
drive ang mga gago.
Agad kaming sumakay.
"Howard magbayad ka na tutal ikaw naman ang may pasimuno nito eh," sabi ko.
"Mayaman ang gagong yan brad hayaan mo na," sabi naman ni Fisher. Tumango lang
kami.
"Anim po dyan manong, bale limang gwapo at isang iniwan at niloko," seryosong sagot
ni Howard. Di na ako nagulat, sa tagal ko ng tropa yan ano pa bang bago? Basta pag
nag commute kami asahan nyo na laging kahayupan ang sinasabi ng gagong yan tuwing
magbabayad.
Nang makarating kami sa mall, agad kaming tumuloy sa kainan, wengya nagutom ako
masyado sa mga hinaing ng ilang mga estudyante.. Matatawag bang hinaing yun eh
napakababaw naman ng ilan, tulad ng kinain daw nung kaibigan nya yung pagkain nya.
Habang kumakain pinag uusapan namin ang ilang problema ng mga estudyante na lumapit
samin.
"Tangina eh yung sa math nga nilapit pa sa 'tin, di ba nila alam na inaapi din tayo
ng walangyang math yan," reklamo ko.
"pfftt di ko alam kung nakikipaglaro lang ang ilan sa kanila wengya," napapailing
naman na sabi ni Fisher.
"Ikaw pare? Sigurado ka ba na yun lang ang problema mo?" baling naman namin kay
Nilo.
"Oo mga tol," tumango naman kami bilang pag sang ayon.
"Ikaw Howard anong balak mo dito kay tol Co?" tanong Gibson.
"Langya ang sama talaga ng apelyido mo, mas malala pa sa nagliliyab kong apelyido,"
komento ko.
"Wala akong balak, gusto ko lang isama yang si Nilo," sagot ni Howard at tuloy lang
sa pagkain.
"Wengya dahan dahan Howard, mabulunan ka sana," sabi ko, pero parang wala syang
narinig. Napapailing na lang kami.
Matapos kumain, napagpasyahan namin, maglakad lakad muna para bumaba ang kinain
namin.
Bigla kong naalala na malapit na nga pala ang birthday ni Izrah. Tamang tama
bibilhan ko na din sya ng regalo.
"Tangina!" mura namin at sabay sabay na tumakbo papalaipit kay Spencer at Blake na
nagsasapakan.
Ang dami na ng taong mga nakiki-isyoso. Inawat namin sila.Tangina! Ano na naman
bang nangyari dito?
==============
A/N: Dapat kahapon pa 'to kaya lang ayaw mag charge nung laptop ko, ngayon lang
naayos kaya ngayon lang din.
Lagi nyong isama ang #Team JAGUARS sa comment nyo ha.. :)
-AteYna-
=================
Pick Up 38: Love and Trust
Hello kayna Jane, Ailene, Dhen, Mylene, Eva Joy, Elmer, Joseph at kay Mr.President
ng 1A *kaway kaway* thank you so much for supporting Jaguars' kahayupan hahaha.
Sana may natututunan kayo sa kanila, chos hahaha..
Eto na Wendy!!
Enjoy Reading!
-------------------
Johnny's POV
"Sa apartment mo ako matutulog para matulungan kita dyan sa mga gagawin mo,"
pahayag ko, nandito kami ngayon ni mylabs sa National Book Store sa mall bumibili
ng mga gagamitin nya.
Tiningnan nya ako at nginitian tapos inabot nya sa 'kin yung hawak nyang glue at
cutter.
"Kaya ko na yan Mr. Spencer," sabi nya at muling binalik ang atensyon sa paghahanap
ng mga kailangan nya.
"Sige na kahit umuwi na lang ako pagkatapos natin gumawa," sabi ko pa. Muli nya
akong hinarap. "Sige na mylabs pumayag ka na," nag pout pa ako para mas effective.
"Pero sa isang kundisyon," di pa rin nawawala ang ngiti nya, I smiled ang sarap sa
pakiramdam kapag nakikita ko ang mga ngiting yun.
"Biro lang, kahit naman di mo sabihin, dun naman talaga ang pwesto ko, kaya wag na
wag mo akong pagtatakaan na gapangin babae ha," I teased, pero isang hampas sa
braso lang ang nakuha ko sa kanya at hinarap na lang ulit nya ang mga bibilhin.
I smiled. Habang pumipili sya ng mga materials, kinukulit ko sya, ang sarap lang sa
pakiramdam. Malapit na kaming mag 1 year pero yung feeling ko parang kahapon lang
nya ako sinagot.
Hanggang sa counter nag aasaran pa rin kami habang nakapila. Biglang nawala ang
ngiti ko ng masanggi sya ng isang lalaki. I clenched my fist. Akmang susundan ko
yung lalaki pero naramdaman ko na may humawak sa laylayan ng damit ko..
"Maghulos dili ka mahal ko," nakangiting sabi ni Rea, biglang nawala yung pangka-
inis ko dun sa sumanggi sa kanya. Hinapit ko sya sa bewang, ang ayoko sa lahat
nasasaktan ang babaeng mahal ko.
Ako na ang nagbayad ng mga pinamili nya, nagtalo pa kami pero sa huli ako pa rin
ang nanalo, sinabi ko na lang sa kanya na ipagluto na lang nya ako ng adobo na may
ketchup, paborito ko yun lalo na pag sya ang nagluto.
Magkahawak kamay kaming lumabas ng NBS, sa kaliwang kamay ko naman ay ang mga
pinamili namin.
Bigla kaming napahinto sa paglalakad ng may isang gago ang humarang sa dadaanan
namin. Tiningnan ko ng masama ang gagong si Blake, bigla akong nakaramdam ng pagka-
inis sa way nya ng pagtingin sa babaeng hawak ko ngayon.
"Problema mo brad?" pilit kong kinakalma ang sarili ko. Medyo nakakaagaw na kami ng
pansin ng ilang mga naglalakad dito sa loob ng mall.
"Pwede ko bang makausap si Rea pare?" tanong nya na nakapag-pangisi sakin. Ano
namang pag uusapan nila?
"Sa pagkakaalam ko brad, hindi kayo close ng girlfriend ko, so why on earth you
want to talk to her?" unti-unti ng bumabangon yung pagka-asar ko.
"Rea," tawag nya kay Rea at di man lang pinansin yung tanong ko, tangina!
"Wala na tayong dapat pag usapan pa Blake," napakunot ang noo ko sa sinabi ni Rea
at hinarap nya si Blake. Wait.. Did I missed something? May hindi ba ako alam?
"You didn't tell him?" tanong ni Blake kay Rea. Putangina ano bang sinasabi ng
hayop na 'to.
"What the fvck is happening here!" di ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko.
"Mylabs----"
"Are you two have an affair? A-Are you.....are you cheating on me?" sumisikip ang
paghinga na tanong ko.
"Then what the hell is this all about?" tanong at tiningnan silang dalawa. Bakit
pakiramdam ko dehado ako sa laban na 'to. Walang akong kaalam alam sa pinag uusapan
nila. Ano yung hindi sinabi sakin ni Rea?
Hinawakan ko ang kamay nya at hinila sya ng mahina, biglang nagdilim ang paningin
ko ng hawakan ni Blake ang braso nya para pigilan.
Sinong nagbigay sa kanya ng permiso na pwede nyang hawakan ang babaeng mahal ko?
Mabilis na tumumba ang gago sa suntok na pinakawalan ko. Mabilis ako pumaibabaw sa
kanya.
Wag ko lang malalaman na inaahas nya ang girlfriend ko, dahil putangina kahit isa
syang Adaipmil di ako magdadalawang isip na makipagpatayan sa kanya.
"Di mo ba narinig yung sinabi nya? Ayaw ka na nyang makausap putangina kung anuman
pag uusapan nyo!" bulyaw ko at muli syang sinuntok.
"Tangina Spencer," naramdaman ko na may humila sakin patayo at palayo kay Blake.
Ang Jaguars, bakit ba laging nasa timing ang tropa pag nasa away ang isa.
"Ano na naman bang pinag aawayan nyo?" tanong ni Burns. Pero bago pa may makasagot
samin dumating na ang ang security ng mall.
Dinala kami sa tanggapan nila, ang jaguars na ang humingi ng pasensya, wala ako sa
dugo ko ang makipagplastikan, alam ng jaguars na pag tahimik ako, isa lang ibig
sabihin, nag uumapaw pa rin yung galit ko. Di ko inaalis ang matalim na tingin kay
Blake, naikuyom ko ang kamao ko, kanina pa nya tinitingnan ang mahal ko, tangina!
Ilang minuto pa ay dumating si Zach isa sa mga pinsan ni Hannah at ang iba pang
jaguars na sina Montereal, Young, DelaCruz, at Turner.
Wala naman kaming nadamage maliban sa mukha namin bakit ba masyado nilang
pinapatagal ito. Gusto ko ng makalabas dito at basagin ulit ang mukha ng hayop na
si Blake.
Naramdaman ko ang paghawak ni Rea sa braso ko. Marahan kong tinggal yun. Iniiwasan
kong mapatingin sa kanya. Di ko kayang salubungin ng tingin ang mata nya, dahil
alam ko sa sarili ko na pag tiningnan ko sya, mapapawi lahat ng galit at pagkainis
na nararamdaman ko ngayon.
"Tanginamo Blake di pa tayo tapos!" bulyaw ko. Inakbayan sya ni Zach at tumuloy na
sa kotse. Binitiwan ako ng jaguars.
"Wengya, mortal enemy number 1 Blake Bill Adaipmil hahaha," nagtawanan ang jaguars
at napapailing na sumakay sa van na dala nina Montereal.
"Kita na lang tayo sa bar ni Miller, mga tol" sagot ko at hinawakan na si Rea sa
kamay. Inalalayan ko syang makasakay sa kotse ko.
"mylabs," mahinang tawag nya. Napahigpit ang hawak ko sa manibela. Damn! Boses pa
lang nya lumalambot na ang puso ko. Pero may kung anong pumipigil sakin na
magsalita. Gusto ko syang pakinggan, gusto kong alamin kung ano bang nangyayari.
Hindi ko alam, wengya gulong gulo ang isip ko. Galit, pagka-asar at selos ang
nangingibabaw sa sistema ko ngayon.
"Mylabs, di mo man lang ba ako tatanungin o kakausapin man lang?" mahinang sabi
nya, nanginginig ang boses nya, tangina Spencer.
Ayoko syang tingnan, tangina ang sakit, pakiramdam ko wala syang tiwala sa 'kin.
Narinig ko na bumaba na binuksan na nya ang kotse at tuluyang bumaba.
Sumisikip ang dibdib ko, pakiramdam ko wala akong karapatan malaman kung anong
nangyayari sa buhay nya.
Putangina!!
"Yo! Spencer! Mukhang bumabagal ka na ah, dami mong tama sa mukha hahaha" -
Gibson.
Nanatili lang akong tahimik. Di na ako nagulat ng magdala pa ng maraming beer ang
waiter ni Miller. I smirked. Balak nilang lasingin ako? Bring it on. Kailangan ko
talaga yan para mabawasan yung sakit sa dibdib ko. Tangina! Yung babaeng mahal ko,
wala pa din palang tiwala sakin.
"Shabi nya hanggang huli daw ang pagmamahal shakin hik" napatingin ako sa nag
eemote. Anong ginagawa nitong si Nilo Co dito?
"Sige lang pare itagay mo lang ya," tinapik ni Turner ang balikat nya.
"Spencer pare, anong ginagawa mo dito? Di ba dapat nag uusap kayo ni Rea?" tanong
nya. Dapat nga ba? Eh may bagay nga syang di sinabi sa'kin eh. or should I say may
tinago.
"Oo nga Spencer dapat pinag-uusapan nyo na yan agad bago pa lumala,"- Burns
Captain calling....
=============
A/N: Sorry ngayon lang to hahaha. Tag ulan eh, pag tag-ulan nilalamig pati net.
Add nyo ako sa fb [Ate Yna] name ko sa fb tas pm nyo ako kung mag aavail kayo 300
php lang ;) Pag nag avail kayo inyo na din si Howard hahaha..
Lovesssssyuuuuuu!! :* :*
-ateYna-
=================
Thank you girls sa napakagandang mga mensahe sa MB ko. Di man ako maka reply pero
sobrang naappreciate ko ang mga message nyo. Lovesyuuuuuu!! :* :*
MayeSayad
ryah_ohxi
rubelynseruma
pretty-Kay
XoXoK-M
annzkie_bonafe
chenelicious
--------------------------
Johnny's POV
Matapos namin mag usap ni captain, agad akong tumakbo palabas ng bar ni Miller at
diretsong sumakay ng kotse ko. Tangina Spencer ang laki mong gago, kailan ka ba
matututo na di mo dapat hinahayaan ang babaeng mahal mo?
Flashback
Captain calling...
Bigla akong kinabahan ng makita sa screen kung sinong tumatawag. Nagdalawang isip
pa ako kung sasagutin ko ba o hindi, tiningnan ko ang jaguars at lahat sila
nakangisi. Pinakyuhan ko silang lahat. Nagtawanan lang sila.
Pero sa huli sinagot ko pa rin, lumayo ako ng konti sa jaguars dahil masyadong
nangingibabaw ang kaingayan nila at pang-aasar sa 'kin.
[I heard you were in trouble, so how was it?] cool na tanong nya. Mukhang nakapag
sumbong agad ang jaguars sa kanya.
"I Fvcked up actually" pag-amin ko. "I did messed, I even leave my girl out there"
I added.
[What the f*ck was that Spencer? You leaved your girl without saying any single
words?] bulyaw nya sa 'kin.
"Nasaktan lang ako captain, pakiramdam ko di pa rin nya kayang magtiwala sa 'kin,"
mahinang sabi ko.
[That's not acceptable, you should hear her out before you decide to leave her or
not, people got jealous, yes! but leaving Rea alone, you fvcking moron!] he shout
out of me. I deserved this I know.
[Hindi mo dapat basta basta iniiwan ang babaeng mahal mo lalo na kung nagkaroon
kayo ng misunderstanding Spencer] and with that words, realization hits me. Tama
si captain.
End of Flashback
"Mylabs!"
"Rea come on! I'm sorry!" sigaw ko pa. Pero walang sumasagot. Wala ba sya sa loob?
May pinuntahan ba sya?
Mabilis akong kumilos at nagdrive papunta sa convenient store kung saan sya
nagpapart time, wishing that she's there, pero wala, wala dun ang babaeng mahal
ko.
Bumalik ako sa apartment nya, dito ko na lang sya hihintayin. Baka nagpahangin lang
sya. Pero lumipas ang ilang oras wala pa din sya. Napagpasyahan kong bigyan muna
sya ng time makapag isip. Bumalik ako sa bar ni Miller naabutan ko pa ang jaguars,
pero di pa rin ako mapakali.
"Baka naman nag iisip isip pare hayaan mo na muna," narinig kong sabi ni Fisher.
Abala ako sa pagtetext. Kanina ko pa pinapadalhan ng text messages si mylabs,
hoping na magrereply sya at kanina pa din ako palakad lakad dito dahil hindi talaga
ako mapalagay.
"Dammit!" mura ko dahil hanggang ngayon patay pa din ang cellphone nya.
"Kalma lang pare, baka naman rumaraket lang si Rea," tiningnan ko si Burns.
"Damn! usapan namin na sasabihin nya sakin lahat ng mga raket nya," sagot ko. Dahil
kahit may tampuhan kami sinasabi pa din namin kung anong ginagawa namin pag di kami
magkasama.
Sa sobrang pag aalala bumalik ako ng apartment nya. Dito ko na lang sya
hihintayin.
Nasa loob lang ako ng kotse halos di ko na namalayan na nakatulog na pala ako sa
paghihintay.
Pag gising ko maliwanag na sa paligid, wengya agad akong bumaba ng kotse at kumatok
sa apartment ni mylabs. Pero wala pa din sumsagot.
Umuwi ba sya at umalis na ulit? Tanong ko sa sarili ko. Tangina di ako sigurado
nakatulog ako eh p*ta.
Baka pumasok na sya sa school. Tama baka kakaalis lang nya. Mabilis akong bumalik
sa kotse pero bago pa man ako makasakay lumapit sa 'kin ang medyo may edad ng
babae na nakatira sa katabing apartment ni mylabs.
"Magandang umaga hijo." bati nya.
"Kung di ako nagkakamali ikaw ang katipan nung dalagang si Rea, yung nakatira
dyan," sabi nya at itinuro pa ang apartment ni mylabs. Napakunot ang noo ko.
"Ako nga po," sagot ko na lang ulit, napansin ko ang hawak nyang sulat.
"Ibinigay nya sa 'kin ito kagabi, ang sabi nya ibigay ko daw sa 'yo kapag nakita
kita, eh kaya lang pagkabigay nya sa 'kin nyan nakatulog na ako, nagpunta ka ba
dito------" di ko na naintindihan ang iba pa nyang sinabi, nasa sulat ang atensyon
ko.
Di ko pa binubuksan ang sulat pero grabe yung kaba ko. Bakit naman sya mag iiwan ng
sulat? Pwede naman nya akong tawagan o y text.
"Nagbreak na ba kayo?" bigla akong napatingin sa Ale. Akmang sasagot ako kaya lang
biglang nanigas ang buong katawan ko sa sinabi nya. "May kasama kasi syang ibang
lalaki kagabi, at mukhang nagmamadali sila" nablangko bigla ang utak ko. Di ako
makapag isip ng matino.
Sinipat pa nung Ale yung kotse ko. Napatiim ang bagang ko sa sunod nyang sinabi.
"At palagay ko mas mayaman sa 'yo yung bago nyang katipan hijo.." naikuyom ko ang
kamao ko. Di na ako nagpaalam kay manang at tuluyang ng pumasok sa kotse ko, di ko
alam kung paano ako nakarating ng ligtas sa unit ko dahil halos magdilim ang
paningin ko sa nalaman.
No! imposible! hindi magagawa sa 'kin ni mylabs ang bagay na yun. Pilit kong
pinapakalma ang sarili ko. Hanggang sa mapatingin ako sa sulat na nagusot na pala
sa mga kamay ko. Sumalampak ako sa sofa at lakas loob na binasa ang sulat.
Johnny,
Alam kong pagkatapos mong mabasa ang sulat kong ito, mapupuno ng
galit at pagka-poot ang puso mo. Hindi kita masisisi dahil kasalanan ko naman ito,
pero matatawag mo bang kasalanan kung magmahal ako ng iba? Hindi ko alam pero sa
tuwing binabalewala mo ako may isang taong unti unting tinuruan ang puso ko na
mahalin sya.
Sumisikip ang dibdib ko sa mga nababasa ko. Putangina panaginip ba 'to? Pero hindi,
dahil ramdam na ramdam ko yung sakit. Di ko maituloy ang pagbabasa dahil sa traydor
kong luha, tumingala ako at pinikit ng madiin ang mga mata ko.
Damn! Rea nagbibiro ka lang di ba? HIndi mo sya mahal mylabs hindi ba? Para akong
tanga na pilit na pinapaniwala ang sarili ko. Muli kong tinuloy ang pagbabasa
hoping na may Joke na nakalagay sa dulo ng sulat.
Sa mundong ito, hindi pala sapat na mahal mo lang ang isang tao. Na-
realize ko na dapat maging practical din sa buhay. I choose him not only because I
love him but because he's filthy rich more than you.
Hindi ko napigilan naibato ko yung vase na nasa harapan ko at tumama yun flat
screen TV. Putangina! pera pera na lang ba?! Unti unting bumabangon ang galit sa
dibdib ko.
Tumayo ako at tumuloy sa mini kitchen sabay kuha ng alak. Kailangan ko ito, tangina
kailangan ko talaga ito. Ininum ko ng diretso ang alak ramdam ko ang pag guhit nun
sa lalamunan ko.
Fvck! Tumayo ako pinagbabasag ang lahat ng gamit na nandito sa unit ko, gusto kong
magwala dahil pakiramdam ko kinakalaban ako ng buong mundo. Ganun ba ako kasama sa
paningin nya para ipagpalit ng ganun ganun na lang ha?
"Putangina!" sigaw ko. Sinabunutan ko ang sarili ko. Binato ko ang mga nagkalat na
bote. Narinig ko ang pagbukas ng pinto ko, bumukas yun pero sumara dahil doon
tumama yung bote.
Naupo ako sa sahig at ininum ang ilan pang beer na nandito. Sabay sabay na
nagpasukan ang jaguars.
"Spencer, ayos ang trip mo ngayon ah, balak mo na bang magpalit ng mga bagong gamit
dito sa unit mo?"di ko pinansin ang biro ni Turner. At muli kong ininum ang hawak
ko.
"Walanjo! Ang aga naman nyan, pahingi ngang isa," hinagisan ko si Miller ng beer,
di ko alam kung paano nagka beer dito sa sala ko.
"Bakit tol, kapag ba iniwan ka ng babaeng mahal mo, magiging ayos ka pa ba?" sagot
ko. Ngumisi lang ako, putanginang buhay 'to, kasalanan ko ba kung bakit nya ako
iniwan at pinagpalit sa iba? Sapat bang dahilan na iniiwan ko sya pag
nagkakatampuhan kami? Hindi ko alam, hindi ko talaga alam tangina!
Dapat ko nga sigurong sisihin ang sarili ko. Pero ang sabihin nya na pinagpalit nya
ako dahil mas mayaman ang tanginang gago yun, kung sino man sya tangina nila!
"May mga tao talagang magaling mang iwan, kesyo di na daw sila masaya at di na daw
tulad ng dati," napangiti lang ako ng mapait sa sinabi ni Howard.
"May pinaghuhugutan ka ba Howard langya lakas mong maka-emote ah, ikaw ba ang
iniwan?" narinig kong sabi ni Burns.
Ngayon pa ba sila magtatalo? Langya wala ako sa tamang katinuan para pakinggan ang
mga kagaguhan nila.
"Tangina anong ibig sabihin nito?" tanong ni Miller ng makita nya ang sulat na
kanina lang ay binabasa ko. I smirked. Yeah right! I'm an asshole who were dumped
by my sweet girlfriend Rea, I mean ex-girlfriend.
"Put*ngina mga tol, ang sakit," pag amin ko. Halos patayin na ako ng sakit na
nararamdaman ko sa dibdib ko. Mahal na mahal ko sya tapos biglang ganito na lang?
"Hindi ko ba deserve ang paliwanag nya ng harapan? Isang sulat lang ba ang katapat
ko ha?" bulyaw ko sa jaguars, pero nanatili lang silang tahimik, alam ko kahit sila
hindi din makapaniwala sa nababasa nila ngayon.
"Spencer pare-----"
"Tangina! Niloko nya ako mga brad, habang kami may kinakatagpo syang iba?
Napatunayan ng tanginang sulat nyang yan yung sinabi nung Ale na may kasama syang
ibang lalaki kagabi putangina!" wala na akong pakialam kung humahagulhol na ako ng
iyak sa harapan nila.
Hindi ko na alam kung paano lumipas ang oras kasama ang jaguars, sinamahan nila
akong uminum, hanggang sa mawala na ako sa sarili at makatulog na ng tuluyan.
---------------
Jonathan's POV
Damang dama ko yung sakit na nararamdaman ng kaibigan ko. I've been there,
naramdaman ko din ang sakit na yun ng iwan ako ng babaeng mahal ko. Ang sakit
maiwan na parang wala lang.
Bakit ganyan kayong mga babae? Nakadagdag ba sa ganda nyo ang pang iiwan?
Tiningnan ko si Spencer nakatulog na sya kanina pa din iyak ng iyak ang gago. Halos
di na nya alam ang mga sinasabi nya, puro Rea na lang ang bukang bibig nya.
"Kahit kami man, nakita naman nating lahat kung gaano nya kamahal si Spencer, tapos
biglang ganito na lang?" komento naman ni Gibson.
"Rason? Ang linaw ng nakalagay sa sulat na mahal daw nya yung lalaki, at mas
mayaman sa kaibigan natin," angil ko. Nakakagalit lang.
" kung sino pa yung nagmamahal ng tapat at totoo sila pa yung iniiwan at niloloko."
napapailing na sabi ni Howard.
Tumahimik kaming lahat at tinuloy ang inuman, hangggang sa dito na din kami
nakatulog sa unit ni Spencer.
------------------
Johnny's POV
Bigla akong napabangon, ang dilim ng paligid. Nasa kwarto ako tangina ang sama ng
panaginip ko, iniwan daw ako ni mylabs.
Napahawak ako sa ulo ng maramdam ko ang biglang pagkirot nun. Unti unti kong inisip
ang mga nangyari.
Fvck! Hindi panaginip ang lahat. Dahil nararamdaman ko pa din ang bigat sa dibdib
ko. Pumasok ako sa banyo at naligo. Unti unting bumabalik sa isip ko ang mga
nakalagay sa sulat.
Di ko napigilan na hindi suntukin ang salamin, wala akong pakialam kung dumugo man
ang kamao dahil walang wala ito sa sakit na nararamdaman ko.
"Nay, tay, masisisi nyo ba ako kung magalit ako ng husto sa prinsesa natin?"
Napangiti ako ng mapait at heto na naman ang luha ko.
"Iniwan na po nya ako, masaya na sya kasama ang iba, sorry po kung nabigo ko kayo
na pasayahin sya," biglang bumuhos ang ulan. Great just great.
Ang ganda ng regalo mo sa 'kin, tagos hanggang buto. Hinding hindi ko malilimutan
ang araw na ito, itaga mo sa bato.
===========
Sakit ba? Wala tayong magagawa, wala naman kasi talagang poreber aba!! -__-
=================
Pick Up 40: Hardest Thing in the World: MOVING ON
Joel's POV
"Yo! Jaguars!" napalingon kaming lahat sa bagong dating. Nandito kami ngayon sa bar
ni Miller.
"Yo! Spencer!" bati din namin. Napatingin kami sa babaeng kaakbay nya.
Dalawang linggo na ang nakalipas simula ng umalis si Rea, halos isang linggong
nagkulong lang si Spencer sa unit nya, winasak pa nga namin ang pinto ng kwarto nya
dahil ayaw nyang lumabas at kumain, natakot din kami sa posibleng gawin nya sa loob
ng kwarto niya, kaya naman di namin sya iniwan. Hanggang isang araw nagising na
lang kaming lahat na nakatawa na ulit sya. Pero bilang kaibigan, alam namin na ang
tawang yun ay hindi kasiyahan kundi lungkot na nakabalot sa puso nya.
Naging babaero ang gago, isang linggo na syang papalit palit ng babae. Pero alam
namin na hanggang sa pakikipaglandian lang ang kaya nya, dahil ang puso't isip nya
si Rea pa rin. Ni hindi nga umaabot sa kama ang mga babaeng nilalandi nya.
"Pang bente?" di siguradong sagot ni Spencer kay Montereal. Naupo na din sila sa
may table namin.
"Pare di naman--------"
"Hayaan nyo na ako mga tol" banas na putol ni Spencer sa sasabihin sana ni
Montereal.
"Kinalimutan ko na ang babaeng yun, she's not even worth crying for" dagdag pa nya.
Ininum ko yung alak na nasa baso ko. Napapailing na lang kami. Alam namin kung
gaano kasakit sa kaibigan namin ang lahat.
Tumatawa kaming lahat, ganun din si Spencer, sana lang maghilom na ang puso ng
kaibigan namin. Tiningnan ko si Miller, ganun din si Young. Kasama na siguro sa
buhay ng tao ang masaktan ng sobra.
Nang mapansin kong medyo may tama na si Spencer, pasimple kong hinila yung kasama
nyang babae palabas ng bar.
"Pasensya ka na miss but I think you should go," hinging paumanhin ko pagkalabas
namin.
"Pay me," nilahad nya ang palad sa 'kin, walang pagdadalawang isip ko syang
binigyan ng pera. Napabuntong hininga na lang ako ng umalis na yung babae. San ba
nililimot ni Spencer ang mga babae nya? Sa kanto? Sa Divisoria? Wengya, wala man
lang kadating dating, parang hinila nya lang sa kung saan yun ah.
Bumalik ako sa loob, kahit malakas ang tugtog nangingibabaw pa din ang kaingayan ng
jaguars.
"At alam nyo ba tol? Winasak ng hayop na yan ang monitor tangina galit na galit
yung may-ari ng computer shop Hahahaha!" utas ni Miller. Kung di ako nagkakamali
ang pinag-uusapan nila ay yung pagdo-Dota daw nila ni Spencer tapos ng matalo si
Spencer winasak yung monitor at CPU sa computer shop.
"Pasalamat kayo di nakarating kay captain ang balitang pagsundo sa inyo ni coach sa
presinto," natatawang sabi ni Gibson.
Maya maya tumahimik kaming lahat ng mapansin ang bigla ding pagtahimik ni Spencer.
"May mali ba sa 'kin mga brad?" ayan na naman sya sa mga tanong nya, kung ano daw
bang mali sa kanya at kulang sa kanya para iwan sya ni Rea. Sa loob ng dalawang
linggo sa ganyan nagtatapos ang lahat pag tinamaan na sya ng alak, dahil kahit
gaano pa nya itago ang lahat ng sakit, pag nawala na sya sa sarili dun na lumalabas
yung sakit na kinikimkim nya sa dibdib.
Yung mga pagtawa nya kapag kasama kami, paraan nya lang yun para wag kaming mag
alala sa kanya.
"Hanggang ngayon di ko pa rin alam kung bakit kailangan nya akong iwan ng basta
basta," tumahimik kaming lahat at hinahayaan lang sya ilabas lahat ng sakit na
nakatago sa puso nya.
"Tangina mga tol! Nandun na ako eh, tinuruuan na nya ang puso ko na mahalin sya ng
sobra sobra, hanggang ngayon naririnig ko pa rin yung mga simpleng banat nya, yung
tawa nya, yung pagtawag nya sa 'kin ng mylabs, lahat yun nandito pa din" sabi nya
at tinuro turo ang dibdib nya.
"Hindi ko alam kung paano ko pa sisimulan ang buhay ko dahil sya na ang buhay ko,"
nabasag na ang boses nya, kasabay nun ang pag iyak nya.
Tangina pati ako nasasaktan para sa kaibigan ko. Ininum ko ulit ang alak ko.
Tiningnan ko ang ibang jaguars, katulad ko alam kong pati sila nasasaktan din, para
na kaming magkakapatid, masakit makitang may pinagdadaanan ang isa samin.
Madami kaming kalokohan, oo, pero pag nasasaktan na ang isa samin alam namin kung
paano hihinto at makikinig sa sakit at bigat na dala ng bawat isa.
"Miller pare pwede bang makikanta sa stage mo?" tanong ni Spencer sabay pahid ng
luha sa mga mata nya. May amats na talaga sya.
"Oo naman tol di mo na kailangan magsabi dahil ang bar na 'to bar nyo na din, atin
'to eh," sagot ni Miller.
"Bigyan kita ng malaking tip pagkatapos mong kumanta Spencer," biro ni Montereal.
Napangisi na lang kaming lahat.
"Pare kami muna ha," nakangiting sabi ni Spencer dun sa vocalist ng band na
binabayaran ni Miller para mag perform dito tuwing gabi.
Tinapik ko naman ang balikat nung nakapwesto sa drums, inabot naman nya sa 'kin ang
drumstick. Tiningnan ko naman si Howard ng damputin nya ang electric guitar, kay
Dela Cruz naman ang bass guitar.
"Mic test," tiningnan kami ni Spencer. "Ang tunay na mga kaibigan sinasamahan ka sa
kahihiyan," sabi nya, na ikinatawa naman ng mga tao. Humarap sya sa mga tao.
"Para po sa lahat ng iniwan at nasaktan pero umaasa pa dahil tanga, para po sa atin
itong awiting ito," nag speech pa ang gago.
Bumilang ako gamit ang drums stick na hawak ko, umalingawngaw ang tunog ng electric
guitar ng simulan yung tugtugin ni Howard.
----------------------
Johnny's POV
Pinikit ko ang mga mata ko. Hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala na iniwan na
nya ako.
~~Kahit na anong gawin hindiKayang tanggapinNg puso at isipan na ika'yLilisan~~
"Kaya mo yan Spencer!" sigaw ng jaguars. Kaya ko nga ba? Kaya ko pa nga bang ituloy
ang buhay ko? Tangina ganito pala kasakit ang maiwan ng taong mahal mo.
'Kahit isang oras lang mylabs, pwede ba kitang makita ulit at mahawakan sa mga
bisig ko? Kung di mo kaya ng isang oras kahit isang minuto na lang, at
sisisguraduhin ko na di kita bibitiwan kahit pa saktan mo ako ng paulit ulit wag mo
lang akong iwan'
Sorry kung iniwan kitang nag iisa ng gabing yun. Patawarin mo sana ako,
sisiguraduhin ko na bawat segundo papasayahin kita, just please mylabs, be mine
again.
My mind keep on wishing that she will be back into my arms again.
Hindi ko alam kung paano ko tinapos ang kanta at nakababa ng stage. Tangina bakit
ganito? Ang sakit, halos di ko maipaliwanag ang sakit sa dibdib ko.
"Jaguars una na ako sa inyo," sabi ko sabay labas ng bar, pero di pa man ako
nakakasakay ng kotse inakbayan na nila at hinila pasakay sa van nina Montereal,
mukhang nagpasundo yata sila. Sabagay pare-parehas ng nakainum ang lahat.
Habang nasa byahe tahimik lang ang lahat. Ayoko ng ganito, pati sila nadadamay sa
sakit na nararamdaman ko, gusto ko yung jaguars na punong puno ng kalokohan.
-------------------
Jason's POV
Nagising ako wala na si Greshel sa tabi ko, nakita ko pa ang sticky note sa side
table. I smiled. Maaga syang pumasok. Bumangon ako at lumabas ng kwarto. Naabutan
ko ang jaguars na binabanatan na ang pagkain na hinanda ng babes ko para sa mga
patay gutom na jaguars, lagi na lang silang dito nakikikain.
"Yo! Good morning Dela Cruz," bati nila. Tumango lang ako at kinuha ang newspaper
na araw araw dinideliver dito. Alam nyo naman ang mga concern citizen dapat alam
ang mga nangyayari sa buong bansa.
"Tulog pa?" tanong ko, tumango lang sya, sinilip ko naman ang laptop nya at nakita
ko dun ang natutulog na si Johnny. Para sa kaalaman nyo, nilagyan namin ng CCTV
camera ang buong unit ni Spencer. Alam nyo naman pag sobrang nasaktan may ilang
nagpapakamatay. Kaya naman napagpasyahan namin na bantayan muna sya pansamantala.
"Wengya Burns wag mo masyado titigan ang pagkain baka masunog,"narinig kong sabi ni
Fisher. Nagsisimula na naman sila sa mga kagaguhan nila. Nilipat ko sa sunod na
pahina ang binabasa ko.
"Ikaw kaya titigan kong hayop ka para masunog kang isda ka," -Burns.
"Wag nga kayong maingay baka magising si Spencer oh!" sigaw ni Howard tinuro pa ang
laptop na nakapatong sa center table.
Napapailing na lang ako, dinampot ko ang kape ko at humigop habang tuloy pa din sa
pagbabasa. Biglang dumako ang tingin ko sa larawan. Nabitiwan ko yung tasang hawak
ko.
FUTURE CEO OF GENERAL ELECTRONIC INCORPORATION Liam Dee Immelt ENGAGED TO A GIRL
NAMED Rea Snyder. Yesterday, Mr. Immelt answered the rumor about the engagement
party happened privately-----.
"Tangina!" mura ni Miller. Nagsilapit na din ang ibang jaguars at binasa ang
dyaryo.
"Paano na ang kaibigan natin? Halos di pa nga ok yun tapos ito na naman ang
panibagong sakit, tangina!" galit na sabi ni Freeman.
Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Spencer, bigla akong napaayos ng upo.
Hiniklas ko din kay Miller yung dyaryo.
"P*ta wag nyong sabihin sa 'kin na inubusan nyo na ako ng pagkain!" halatang
sinisiglahan lang nya.
"Tara kain na tayo," tumayo ako at agad na pumunta sa kusina. Tinapon ko agad sa
basurahan ang dyaryo.
"Anong ulam natin ngayon?" nakasunod na pala san 'kin si Spencer, maririnig mula
dito sa kusina ang ilang mura ng jaguars.
"Tingnan mo na lang tol, maliligo lang ako," sabi ko na lang dahil hindi ko kayang
magsinungaling o maglihim kahit kanino sa jaguars.
"Sige tol, maghilod ka ha." biro pa nya, ngumisi lang ako at tinapik sya sa
balikat.
-------------------
Joel's POV
"Pag di nyo sinabi ngayon kay Spencer ang tungkol dito, asahan nyong akong
magsasabi," galit na sabi ni Miller sabay labas ng unit ni Dela Cruz. Tiningnan ko
ang ibang jaguars. Umiling sila, alam kong pati sila nahihirapan kung sasabihin ba
namin kay Spencer ang nalaman namin ngayong umaga.
"Aga mo ngayon ah, may lakad ka?" tanong ko dahil napansin ko na nakapaligo na sya
at nakabihis na din. Naka-casual attire lang sya. Naupo ako sa isa sa mga upuan na
nandito sa may table.
"Uwi muna ako sa bahay, tumawag si mama, kakauwi lang daw nila ng pilipinas
kagabi," sagot nya habang nilalaro laro lang ang pagkain na nasa pinggan nya.
"Gago, asa ka pang may dala silang pasalubong," pambabara nya sa 'kin.
Napapangiting umiling na lang ako. Siguro hahayaan na lang muna namin syang mag isa
para makapag isip isip, nitong mga nakaraang linggo lagi lang namin syang
binabantayan ng di nya nalalaman.
-----------------
Johnny's POV
Alam kong hanggang ngayon nag aalala pa din ang jaguars sa 'kin. Mga kaibigan ko
nga talaga sila.
"Johnny anak?" nagulat pa si manang Lorna, di kasi ako umuuwi dito maliban na lang
pag nandito sina mama which is minsan lang mangyari.
"Manang," bati ko at nginitian sya, "Sina mama and dad?" tanong ko.
"Ay nasa taas pero bababa na din ang mga yun, sa dining area mo na lang hintayin,"
tumango na lang ako.
Tumuloy ako sa dining area, wala akong ganang kumain. Habang hinihintay silang
bumaba nakita ko ang dyaryo na napatong sa table. Dad used to read news every
morning. Dinampot ko yun at tiningnan, di ako mahilig magbasa ng mga ganito, pero
ayoko din naman mainip sa paghihintay.
Nasa unang pahina pa lang ako naboboring na ako sa nababasa ko. Nilipat ko sa
business page, halos tumigil ang paligid ko, yung kabog ng dibdib ko rinig na rinig
ko. Pakiramdam ko mauubusan ako ng hangin dahil sa biglaan pagsikip ng dibdib ko.
S-si Rea....ang babaeng mahal ko? Ikakasal na sa iba? She's even smiling on the
picture.
Hindi ko alam kung paano ako nakalabas ng bahay namin. Nagdrive lang ako ng
nagdrive, di ko na alam kung saan ako papunta. Paulit ulit lang na bumabalik sa
isip ko ang mukha nyang nakangiti habang hawak sya ng iba.
Di ko na alam kung paano lumipas ang oras, pumunta ako sa isang bar, gusto ko
munang mag-isa. Ayoko munang pumunta sa bar ni Miller dahil alam kong nandun ang
jaguars. Wala na akong pakialam sa paligid ko. Di ko na alam kung gaano na karami
ang nainum ko. Di ko pinapansin ang paligid. Gusto ko munang mawala ang sakit sa
dibdib ko.
"Alone?" nilingon ko ng bahagya ang nagsalita sa may tabi ko. Di ko na maaninag ang
mukha nya.
Di ko sya pinansin at tinuloy na lang ang pag inum, naramdaman ko ang paghawak nya
sa bandang tiyan ko. I greeted my teeth. Hiniklas ko ang kamay nya at marahas na
inalis sa 'kin.
"Don't fucking touch me women" I angrily said. Di ko maaninag ang reaksyon nya
dahil na din sa hilo na nararamdaman ko.
Mukhang natakot sya dahil bigla na lang syang lumayo sa 'kin ng bitiwan ko sya.
"Tss"
Masyado ng maingay sa lugar na ito. Nagiwan ako ng pera, di ko na binilang. Tumayo
na ako, di ko napigilan ang di matawa ng bahagya dahil halos gumewang ako. Di
sinasadyang may nasanggi ako.
I smirked. Magsasalita pa sana ulit ang gago pero sinuntok ko na sya sa mukha. I
want a fight. Di naman ako nabigo dahil sinuntok din nya ako.
Napangiti ako ng mapansin ang ilang lalaki, mukhang may alagad pa yata itong
binangga ko. Di na ako nagulat ng hawakan nila ako at pagtulungan. Di ko mapigilan
ang di matawa sa bawat suntok nila. Walang wala ang suntok nila sa sakit na binigay
sa 'kin ng babaeng mahal ko.
===========
A/N: Ang lalaki pag broken hearted hanap ay alak at gulo. Dati akong lalaki
maniwala kayo sa 'kin.. chos hahahaha.
-Ate
=================
Pick Up 41: It Ends Tonight
Joel's POV
"Saan yan?!" napatayo ako, may kausap ako sa cellphone, lahat ng jaguars napatingin
sakin.
"Tangina!" agad na tumakbo ang lahat palabas ng bar ni Miller, at nagkanya kanya na
ng sakay sa kotse ang lahat, nagulat pa ako ng sumakay sa passenger seat si Howard.
"Pasakay na lang ako Sunog, may war kami ngayon, a-attack pa ako, kaya di ako
makakapag drive" sabi nya habang dinudotdot ang cellphone nya, nag cCOC ang gago
p*ta.
Mabilis kaming nakarating sa bar kung nasaan si Spencer, di naman ito kalayuan sa
bar ni Miller. Di na namin na-ipark ng maayos ang mga sasakyan namin, sa pag-aalala
sa kaibigan namin. Nasa labas pa lang kami maririnig na ang ilang sigawan.
Patakbo kaming pumasok sa loob, at putangina duguaan na ang mukha ni Spencer. Wala
ng tanong tanong sa nangyari, sinugod na namin ang mga gagong may hawak sa kanya
ngayon.
"Hindi nyo kilala kung sinong inupakan nyo mga hayop kayo!" narinig kong galit na
galit na sabi ni Montereal habang hawak sa kwelyo yung isang lalaki.
Pagkatapos namin mapatumba ang mga putanginang bumugbog sa kaibigan namin, nag iwan
ako ng pera sa manager ng bar, na nasa tabi ni Howard na busy pa din sa COC.
"For the damage," sabi ko, at lumabas na ng bar, nakatanggap ako ng text galing kay
Turner na dinala nila sa ospital si Spencer dahil sa natamo nitong bugbog.
"Wengya bugbog na bugbog na nga ang puso ni Spencer, binubog pa ng mga tarantadong
yun," galit na sabi ko habang nagdadrive. Tiningnan ko ng bahagya si Howard,
tahimik lang sya buti naman at tapos na syang mag COC.
Pagkarating sa ospital, tahimik lang kaming lahat, seryoso ang lahat, dahil alam
namin na sobrang hirap para kay Spencer ng lahat ng ito.
Yung pakiramdam nga na iniwan ka ng mahal mo sobrang sakit na, how much more ang
malaman mo na ikakasal na sya sa iba?
Sabi ng doctor dalawang araw daw muna si Spencer sa ospital dahil bukod daw sa mga
sugat nito sa mukha, nagkaroon din daw ito ng emotional breakdown.
Umuwi kaming lahat na sobrang tahimik. Ang hirap ng ganito, di ba pwedeng puro saya
na lang?
-----------------------------
Johnny's POV
Nagising ako ng masakit ang ulo, mukha at katawan. Unti unti kong minulat ang mga
mata ko, at bumungad sa 'kin ang puting pintura ng buong kwarto. This is not my
fvcking room! Where the fvck am I? Inilibot ko ang paningin sa kabuuan ng kwarto,
at gusto kong mapamura ng mapagtantong nasa ospital pala ako.
Napatingin ako sa dextrose na nasa kamay ko. Muling bumalik sa alaala ko ang mga
nangyari kung bakit ako nakahiga ngayon sa hospital bed na ito. Mula sa sulat na
iniwan nya, hanggang sa tanginang dyaryo, at sa pakikipagbugbugan ko.
Lumabas ako ng ospital, di ko alam kung saan ako pupunta, pakiramdam ko nawalan na
din ng direksyon ang buhay ko. Nagtataka nga ako kung bakit hanggang ngayon
humihinga pa din ako.
All along akala ko, ang pinalit nya sa 'kin ay ang gagong si Blake, inisip ko na
yung incident sa mall na gusto syang kausapin ng hayop na yun ay may kinalaman sa
lahat ng mga nangyayari, I thought may namamagitan na sa kanila that time, but I
was wrong, it wasn't Blake, It was Liam, the nerdy guy at school, di ako maaring
magkamali dahil namukhaan ko agad sya ng makita ko ang picture nila sa dyaryo. Ilan
na ba kaming pinaikot nya sa palad nya?
At tanginang Liam yan, sabi ko na eh, tama ang hinala ko na nagpapanggap lang na
nerd ang gagong yun, ahas ang gago puta!
Napakunot ang noo ko ng mapansin na may babaeng tumatakbo papunta sa direksyon ko,
sa likod nya ay dalawang lalaki. Kung di ako nagkakamali hinahabol sya nung mga
lalaki.
Hindi ako huminto sa paglalakad, napatigil lang ako ng bigla na lang humawak sa
jacket ko yung babae at nagtago sa likod ko.
"Tulungan mo ako please," bulong nya, sapat lang para marinig ko. Napatiim bagang
ako dahil sa mga oras na ito ayoko munang makakita ng kalahi ng babaeng nanakit sa
'kin. Pero talaga yatang nasa dugo ko na ang tumulong sa taong nangangailangan.
"Pare, ibigay mo sa 'min yan, kami unang nakakita nyan," tiningnan ko ang dalawang
lalaki na nakalapit na pala sa 'min.
"Tanginanyo kapatid ko 'to mga hayop kayo!" bulyaw ko sa kanila, halatang nagulat
sila sa sinabi, hinakbang ko ang isang paa ko, di ko pa man naihahakbang ang isa pa
ay nagtatakbo na yung dalawa gunggong.
"S-salamat," narinig kong sabi nung babae, di ko sya pinansin at pumara na lang ng
taxi. Binuksan ko ang pinto ng taxi at binalingan ko yung babae.
"Sakay," walang gana kong sabi, parang naguguluhan pa sya. Pero at the end sumakay
din sya. Sinara ko yun at binalingan ang driver.
"Manong pakihatid sya sa bahay nya, may tracking device yan kaya wag mo ng
pagtangkaan gawan ng masama," sabi ko sabay abot ng isang libong piso.
Tumuloy ako sa parking area, di na ako nagulat ng makita dito ang kotse ko. Kinapa
ko ang bulsa ko, I smirked nang makapa ko din ang susi.
Mabilis akong sumakay sa koste ko, sabihin nyo ng tanga, pero gusto kong namnamin
ang sakit na binigay sakin ng babaeng mahal ko.
Mabilis akong nakarating sa apartment kung saan dating nakatira si Rea. Gamit ang
susi na binigay nya sa 'kin dati, nabuksan ko ang pinto nun.
Pumasok ako sa loob at sinara ang pinto. Pinagmasdan kong mabuti ang kabuuan ng
apartment.
Naupo ako sa sofa, bigla akong napangiti ng maalala ko ang sinabi nya na ang sofa
daw na ito ang trono ko.
"mylabs, wag kang malikot mahuhulog ako" nakahiga kami sa sofa habang yakap ko
sya.
"Teka mylabs ang kati ng likod" sabi nya, at pilit na inaabot ang likod nya.
Nagulat sya ng ipasok ko ang kamay ko sa loob ng t-shirt nya at kinamot ang likod
nya.
Parang kailan lang, hawak ko pa sya sa mga kamay ko. Eto na naman ang luha ko.
Gusto kong masaktan ng sobra sa mga oras na ito, gusto kong manuot yung sakit sa
puso ko, dahil sisiguraduhin ko na pagkatapos nito, muli akong babangon at
haharapin ko sya.
Bumabalik sa imahinasyon ko ang kabuuan nya, kung paano sya kumilos dito sa
apartment at kung paano ko panuorin ang bawat galaw nya, ang natural nyang amoy na
gustong gusto ko, ang boses nya, ang tawa nya, lahat ng yun itatago ko sa ilalim na
parte ng puso ko.
Napatingin ako sa guitara, tumayo ako at kinuha yun, niregalo ko ito sa kanya.
Bigla kong naalala ang araw na kinantahan nya ako sa mapeh class namin. Halos
sumabog ang puso ko nun sa sobrang saya at kilig na pinaramdam nya sakin. Pero
kapalit pala ng lahat ng sayang binigay nya sa buhay ko ay ang sakit na halos
pumatay na sa 'kin.
Di ko maiwasan na hilingin na sana mamatay na lang ako. Pero hindi, hindi dapat,
dahil lahat ng bagay may kabayaran.
Tumayo ako, ibinaba ang guitara at lumabas na ng apartment, tama na, tapos na ang
pag iyak, oras na para muling bumangon. Kasabay ng pag alis ko sa apartment na ito,
ang pag alis din ng dating Johnny Spencer.
--------------------
5 days later
Anthony's POV
"Tama, katulad ng pagiging seryoso nya, ni hindi na nga yun tumatawa sa mga jokes
ko eh," sabi naman ni Howard.
"Tangina sa tagal nating magkakatropa hanggang ngayon di nyo pa din alam pag
nagjojoke na ba ako o hindi," himutok nya.
"yo!" bati nya, kung di namin sya kilala iisipin namin na wala syang problema pero
dahil mga kaibigan nya kami, alam na alam namin na sa mga ngiting yun, may lungkot
na nakatago.
"Ayos ang attire ah, san ang burol?" biro ko,nakasuot sya ngayon ni three piece
suit.
"Gago may meeting ako mamaya," sabi nya. Nagsimula na sya sa pamamahala ng kompanya
ng daddy nya, at ganun din kaming lahat na jaguars, masyado nga lang seryoso itong
si Spencer.
Di na kami pumapasok dahil ojt na namin, katulad nya pinapahawak na din sa 'min ng
magulang namin ang ilang negosyo.
"Mauna na ako sa inyo jaguars, madami pang trabahong naghihintay sa 'kin sa office"
maya maya ay sabi ni Spencer, nagpaalam na din kami kay Montereal dahil may mga
trabaho pa din ang lahat. Dumaan lang talaga kami para alamin at kamustahin si tito
Javier, ganun din si Montereal, ilang araw na din kasi namin syang di nakakasama.
"Geh mga tol, mamaya na lang gabi sa bar ko!" sigaw ni Miller. Nag ok sign lang
kami at nagkanya kanya na ng way.
---------------
He's working there for almost a week now, at sa mga araw na yun kinatakutan na sya
ng mga taong nagtatrabaho sa kompanya ng daddy nya. Why? Because he is no longer
the Johnny Spencer that everyone knows. His eyes become emotionless.
No one among all the employees make an eye contact with him. Don't dare because in
just one snap of his hand your career would end.
Pagkapasok nya sa opisina agad syang binati ng secretary nya, he didn't even give a
glance on her. That's him now, cold hearted one.
He became perfectionist when it comes to work. Dahil may gusto syang patunayan sa
babaeng bumasag sa puso at pagkatao nya.
He wants revenge, he want to slap on his girl that he can be a filthy rich, mas
mayaman pa sa lalaking ipinalit sa kanya nito.
Just on how he started his day on his dad's office, he sat on the swivel chair
facing all the documents related to work. He started reading and analyzing every
single words in every documents.
Mabilis nya yung pinadaan ng basa. Halos himatayin naman sa kaba ang empleyado nya
who is silently praying na ok ang nagawa nitong report.
"Y-yes s-sir" di na mapakali ang empleyado nya dahil na din sa biglang pagtalim ng
tingin nya dito.
"Are you fvcking kidding me? Even a high school student can make this fvcking
report!" bulyaw nya.
"S-s-sorry po sir-----"
"You're fired," Johnny said. And that's how the career of the employees of his dad
ended on his hand. For almost a week pang-56 na empleyado na nya ang nasisante
nya.
---------------------
Johnny's POV
I let the time pass through without letting my mind be unoccupied with nonsense
thing. Tapos na ako sa mga panahong pag iisip at pagtatanong sa sarili ko kung
bakit nya ako iniwan ng basta basta. I'm done with it, and I'm a better person now.
I will not let my self cry all over again because of her.
"Sir you have a lunch meeting with Mr. Falco," my secretary informed me. Hindi na
ako nagsalita at inayos na lang ang mga papeles na nasa harapan ko.
Sinimulan namin ang meeting, mataman lang akong nakikinig sa mga proposal nya.
Hanggang sa iserve sa'min ang mga pagkain.
Biglang napatayo si Mr. Falco ng matapunan sya ng wine ng isa sa mga waitress.
"Naku sir sorry po, sorry po," nagkukumahog na pinunasan nung waitress si Mr.
Falco, tahimik lang akong nanunuod sa katangahan ng mga tao dito.
Biglang napakunot ang noo ko dahil parang pamilyar yung babae. Natigilan sya ng
dumako sa 'kin ang mga mata nya. Yeah right, she's the girl na humingi sa 'kin ng
tulong nang may humahabol sa kanyang dalawang lalaki.
"Johnny," biglang tumigil ang buong mundo ko, ganun din ang pagtibok ng puso ko,
nang marinig ko ang boses na yun. Napatingin ako sa likod ng babaeng tinulungan ko,
sa likod nya nakatayo ang babaeng kailan man ay hindi na yata malilimutan ng puso
ko.
"Rea?" pakiramdam ko walang boses na lumabas galing sa 'kin. Anong ginagawa nya
dito? Totoo ba 'to? Tiningnan ko ang kabuuan nya, its been almost a month, medyo
pumayat sya. Gusto ko syang yakapin ng mahigpit, tumayo ako, para sana lapitan sya
kaya lang bigla akong natigilan ng mapatingin ako sa hawak nya. Invitation ba yun?
And the reality hits. Yeah right, muntik ko ng malimutan, she's engaged.
Plano ba nya na imbitahin ako sa kasal nya? Tangina! I grit my teeth, I feel the
sudden anger aroused all over my body.
Gustong gusto ko syang sigawan pero pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Binalik
ko ang tingin sa babaeng tinulungan ko, hinawakan ko ang kamay nya at hinila
palabas ng restaurant, nilampasan ko si Rea. Gusto kong maramdaman nya kung paano
mabalewala.
"S-sir sandali lang po," narinig kong sabi ng babaeng hawak ko. Nakarating kami sa
parking area, binuksan ko ang pinto ng kotse ko sa passenger seat. Tiningnan ko sya
ng seryoso.
"P-pero sir------" akmang tututol pa sana sya kaya lang di ko na sya pinatapos sa
sasabihin nya, hinalikan ko sya sa labi. Habang nakatingin sa babaeng nanakit sa
'kin na nakatayo di kalayuan sa 'min, akala ko di na sya susunod. Nag iwas sya ng
tingin sa 'min, naramdaman ko ang pagtugon ng babae sa halik ko. Mabilis kong
pinutol ang halik.
"Let's go baby," nilakasan ko pa ang boses ko para marinig ni Rea. Alam ko naman na
walang epekto sa kanya ito, nagawa nga nya akong lokohin. Para namang wala sa
sarili na sumakay ang babae sa kotse ko.
Mabilis kong pinatakbo ang sasakyan at iniwan syang nakatayo dun mag-isa. Wala ng
mas sasakit pa sa ginawa mo sa 'kin. Bulong ng isip ko.
***
Kinagabihan, kasama ko na ulit ang jaguars dito sa bar ni Miller. Tahimik lang ako,
di pa rin makapaniwala ang buong sistema ko. She's here. Akala ko ba nasa america
na sya? Bakit pa sya bumalik dito? Para isampal sa mukha ko kung gaano kayaman ang
pinalit nya sa 'kin?
Ininum ko ang hawak kong beer. Tangina bakit di ako tamaan ng alak? Kanina pa ako
inum ng inum pero malinaw pa rin sa isip ko ang lahat.
Kapag pinipikit ko ang mga mata ko, yung mukha nya kanina ang nakikita ko, parang
may gusto syang sabihin. Ipinilig ko ang ulo ko, no! di ko dapat paasahin ang
sarili ko sa wala at lalong ayokong masaktan ulit ng padalawang beses sa iisang
rason.
Tumayo ako.
"Oh pare san ang punta?" tanong ni Burns. May mga tama na sila.
"Tatae sama ka?" sagot ko. Pero ang totoo gusto kong maglakad lakad.
Lumabas na ako bar, sinalubong ako ng malamig na simoy ng hangin. Tinaas ko ang
hood ng jacket ko at nilagay sa bulsa ang mga kamay at sinimulan maglakad.
Akala ko makakaya ko syang harapin pero hindi, dahil natakot ang puso ko, natakot
ako, natakot ako na utusan ako ng puso ko na yakapin sya, ayokong masaksihan mismo
kung paano nya ako itutulak palayo sa kanya.
Sa kalalakad ko dinala ako sa park kung saan kami madalas tumambay, at para akong
tangang natulala ng makita syang nakaupo doon. May kausap sya sa cellphone at para
akong sinuntok sa dibdib sa narinig ko.
"Ok lang ako, babalik din agad ako, I love you too,"
"M-mylabs.." napangiti ako ng mapait sa tinawag nya sa 'kin. Fvck! How much I miss
that endearment. Pero parang kutsilyo yun na humiwa sa dibdib ko.
"Kamusta ka na? Nabalitaan ko ang nangyar------" di nya naituloy ang sasabihin nya
ng tumawa ako ng bahagya.
"Nabalitaan mo na ano? Na halos mawala na ako sa katinuan sa ginawa mong pang iiwan
sa 'kin?" tiningnan ko sya ng masama, ramdam ko ang pagtiim ng bagang ko sa galit
lalo na pag bumabalik sa alaala ko ang sulat na iniwan nya, ang sulat na halos
magdala sa 'kin sa kabilang buhay.
"Explain what?!" bulyaw ko. Nagulat sya sa sigaw ko. "You have nothing to explain
for, mylabs, 'cause you already broke my heart and my life, masaya ka na ba?"
"Johnny," nanginginig ang boses nya. At sya pa ngayon ang may ganang umiyak?
"Mahal na mahal kita, pero mas pinili mo sya dahil lang sa pera? Kung alam ko lang
na pera lang pala ang katapat mo, binili ko na din ang kaluluwa mo!" bulyaw ko,
isang malakas na sampal ang dumapo sa mukha. I smiled.
"I-I'm I'm sorry mylabs," mabilis nyang hinawakan ang mukha ko at hinaplos yun.
Hinawi ko ang kamay nya. At gusto kong mapamura ng bigla na lang bumuhos ang
malakas na ulan.
"Hindi kayang pawiin ng sorry mo ang sugat na binigay mo sa puso ko," di ko inaalis
ang tingin sa mga mata nya, gusto kong maramdaman nya yung sakit sa dibdib ko.
"Hindi ba ako ganun kahalaga sa 'yo para iwan mo na lang ng ganun?" sa wakas
naitanong ko din ang tanong na laging sinisigaw ng puso ko.
"Reasons? Sapat bang dahilan na mahal mo sya at madami syang pera?" napailing ako
sabay kagat sa labi ko para pigilan ang luha ko. Tumingala ako, pilit kong
pinakakalma ang sarili ko. Muli ko syang tiningnan.
Bakit pakiramdam ko nangyari na ito dati, hindi ko lang matandaan kung saan at
kailan basta yung sakit na nararamdaman ko ngayon pamilyar sa 'kin.
"Johnny please," naramdaman ko ang pagyakap nya mula sa likuran ko. Walang ibang
maririnig sa paligid kundi ang iyak nya.
"Mahal na mahal kita," natigilan ako sa sinabi nya. Hindi pa ba sya tapos sa
pagpapahirap sa 'kin? Tangina, hinarap ko sya at marahas na hinawakan sa
magkabilang balikat.
"Mahal? Tangina Rea, ganyan ka ba magmahal ha? Pinagpapalit mo lang sa pera ang
lalaking mahal mo? Umalis ka na dahil hindi na kita mahal, may mahal na akong iba
kaya pwede ba, magpakaligaya ka na lang sa piling ng lalaking pinili mo kesa sa
'kin, at ito ang tatandaan mo, kahit kailan hinding hindi kita mapapatawad sa pang
gagagong ginawa mo sa 'kin!"
Ito na ang pinakamasakit na gabi sa buong buhay ko. Kasabay ng pag alis ko ng park
na ito, ang pagkamatay din ng puso ko. Hindi ko alam kung kaya ko pang harapin ang
bukas ng wala sya.
==========
A/N: At dyan na po nagtatapos ang MPUG, sabi sa inyo eh walang poreber bwahahahaha.
Ano BOH naman? charot hahahaha. Kayo pa matitiis ko? Syempre hindi hahaha. Natutuwa
talaga ako dahil nakukuha ko yung emosyon na gusto kong maramdaman nyo.
Shunga PART 2 lang, walang book 2 aba!! hahaha, dito din yun, di ko sya ibubukod
kumbaga ang PART 1 ay nakaraan na nila. Madami pa akong pasabog sa PART 2, dun na
mag uumpisa ang pinaka-masakit na parte ng MPUG.
Nga pala sinali ko itong MPUG sa wattys2015 di ko alam kung anong meron dyan basta
sinali ko lang hahahaha, nilagyan ko lang ng tag. Sa mga may twitter dyan, follow
nyo 'ko tas sampalan tayo.. XD
Lovesyuuuuuu!
-ateYna-
MissWordsworth
=================
Siopao's POV
"Ate Rara! Grabe! Ang sarap mo talaga magbake ng cake!" masiglang sabi ko. Nandito
kami ngayon ni ate Rara sa isa sa mga bake shop nya dito sa america. We've been
here for 2 years, pero sa loob ng 2 years na yun, di ko na nakita ang totoong ngiti
ng ate ko.
Umuwi sya ng Pilipinas 2 years ago para kausapin si Kuya Johnny, di ko alam kung
anong nangyari basta pagbalik nya dito sa america, walang gabing hindi ko naririnig
ang pag-iyak nya.
"Syempre ikaw ang main ingredient nyan eh," nakangiting sabi ni Ate Rara. Nginitian
ko sya. Gusto ko syang maging masaya ulit, kaya lang hindi ko alam kung paano. Isa
lang akong bata, maaring may kalaliman ako kung mag-isip pero di pa rin maaalis na
isa lang akong bata. At hindi ko alam kung paano sya muling papasayahin. Kaya nga
ginagawa ko ang lahat para mapangiti sya, di ako umaalis sa tabi nya,ganun din
naman sya sa 'kin.
"Mahal kong apo," niyakap nya ako. "Kanina pa ba kayo?" tanong nya.
"Hindi naman po 'la," sagot ni Ate Rara na nakalapit na pala sa 'min. Nagmano sya
kay lola.
Ito nga pala si Lola Rosa namin, momscake ang tawag ko sa kanya, matakaw din kasi
sya sa cake tulad ko, sya ang ina ni tatay, ayon sa kwento ni Ate, si momscake ang
tumulong sa 'min nung panahon na kailangan na kailangan namin ng tulong. Mabait
yang lola ko na yan, sya nga ang tumulong kay Ate Rara na maipatayo itong dream
business niya eh.
"May nagpadala pala nito sa bahay kanina," sabi ni lola ng makaupo ulit kami, may
inilabas sya galing sa bag nya, sumubo naman ako ng masarap ni cake. Kinuha ni Ate
Rara yung inabot ni lola.
"Mukha bang laptop ate?" biro ko, natawa si lola sa sinabi ko. Ginulo naman ni ate
Rara ang buhok ko.
"Alam kong invitation 'to Siopao, what I mean is invitation ng ano.." paliwanag
nya. Nginitian ko sya ng pagkatamis tamis. Napapailing na binuksan nya ang
invitation, tiningnan kong mabuti ang reaksyon nya.
"Ano Ate?" tanong ko at hinihintay ang sasabihin nya, gusto ko din kasing malaman
kung ano ang nakasulat doon.
"Invitation para sa kasal ni captain Shield at Hannah," sagot nya, kasabay nun ang
unti unting pagkawala ng ngiti nya. Sumubo ulit ako ng cake, at tiningnan mabuti
kung paano unti unting natulala si Ate Rara. Alam kong iniisip nya kung paano nya
haharapin si kuya Johnny. Minsan di ko mapigilan di magalit kay kuya Johnny, wala
man akong alam sa nangyari sa kanila. Pero sapat bang saktan nya ang ate ko?
Nangako ako sa sarili ko na hindi ako aalis sa tabi nya kahit anong mangyari, pilit
akong lalaban para sa kanya. Ayaw ko syang makitang ganyan, nasasaktan at
nalulungkot.
"Basta promise mo momscake susunod ka ha," nagpapuppy eyes ako kay lola. Ginulo nya
ang buhok ko at binalingan si Ate Rara.
"Susunod in agad ako sa inyo doon, we will live their for good," sabi ni momscake,
pinong ngiti lang ang sinagot ni Ate Rara.
-----------------------
Xevier's POV
"Ano tol kaya pa pfftt?" pang-aasar ko kay Spencer, nandito kami ngayon sa rooftop
ng condominium kung saan ginaganap ang bachelor party ni Shield. Its been two years
at nakabalik na sya ng bansa a month ago, at bukas ikakasal na sila ni Hannah.
"Di ka mananalo dyan Spencer, may poreber yan ikaw wala hahaha" nagtawanan kami,
nagtutumbang braso kasi si Spencer at Shield pare-parehas na kaming may mga tama.
Masaya ako para sa bestfriend ko. Para sa kanila ni Hannah.
Sa loob ng dalawang taon, iniwasan ng hayop na yan ang lahat ng balita tungkol kay
Rea. Kaya sigurado ako di din nya alam na hindi naman natuloy ang kasal ni Rea sa
ibang lalaki. He avoid every single news about her, para bang wala syang nakilalang
Rea sa nakaraan nya, ganun sya nasaktan. Naalala ko pa kung paano kami nagsapakan
dahil ayaw nya akong pakinggan.
Flashback
"Spencer kausapin mo sya, wag mong hayaan na pagsisihan mo ang lahat ng ito sa
bandang huli," seryosong sabi ni Young.
"I talked to her already and I told her to get lost," sagot nya, at walang sabi
sabing sinuntok ko sya sa mukha. Naalarma ang jaguars sa ginawa ko. Natumba si
Spencer pero di pa man sya nakakabangon pinangubabawan ko na sya sabay hawak sa
kwelyo nya.
"Putanginamo brad alam namin na nasasaktan ka, pero di ba pwedeng alamin mo muna
ang totoong saloobin nya sa lahat ng ito?" bulyaw ko sa kanya.
"Tanginamo din Montereal, wala kang alam kung anong nararamdaman ko, alam mo ba na
gusto ko na lang mamamatay dahil sa putanginang sakit dito?" bulyaw din nya sabay
turo sa dibdib nya.
"Sana lang di mo pagsisihan ang desisyon mong ito," sabi ko at inabot ang kamay ko
sa kanya at tinulungan syang tumayo.
End of flashback
"cheers!" sigaw ni Miller. "We wish a happy life for you and Hannah, captain,"
Tinaas namin ang baso namin.
"Thank you idiots," sabi ni Shield at sabay sabay na nag cheers ang bawat isa.
"Ok eto na, ang highlight ng bachelor party mo buddy," anunsyo ko.
"I don't accept strippers," nagbabantang sabi ni Shield at gusto kong matawa dahil
busangot na busangot ang mukha nya.
"Ano ka ba buddy, ito na ang huling gabi mo bilang isang binata, bukas magbabago na
ang buhay mo, mag aasawa ka na, di mo na magagawa ang bagay na ginagawa ng isang
binata," sabi ko.
"I hate sex fest moron," sagot nya. Pero di ko sya pinansin, sinenyasan ko ang
jaguars at nilabas na nila ang dalawang malaking kahon na nakabalot sa gift wrap,
pumailanglang ang isang sexy dance music.
Pigil na pigil ko ang tawa ko, ganun din ang jaguars. Bumukas ang isang kahon at
lumabas doon ang sampong babae.
"Fvcking jaguars," narinig kong sabi ni Shield at gusto kong matawa ng bigla syang
sayawan ng isang babae.
"Hands off women," narinig kong sabi nya dun sa babae ng hawakan sya tangina
hahaha. Loyal talaga ang bestfriend ko.
Nagsimula ng makipagharutan ang jaguars p*ta sila ba ang ikakasal? Kung makapagsaya
sila parang sila ang magpapaalam sa pagkabinata ah.
Natigil ang lahat ng biglang bumukas ang isa pang kahon. At gusto kong humagalpak
ng tawa ng mula doon ay lumabas si Howard, naka-make up ang gago at nakasuot ng
maikling palda.
"Tangina the best bachelor party ever!" sigaw ni Burns. Naghagalpakan na kami ng
tawa ng magsimulang gumiling ang gago, puta di ko napigilan di takpan ang mata ko,
kahit ako ang nakaisip ng ideyang ito, di ko din masikmura ang ginagawa ni Howard
ngayon.
"Damn you Howard!" sigaw ni buddy, mas lalo kaming nagtawanan, naghampasan pa nga
ang ibang jaguars dahil sa sobrang pagtawa.
Biglang napalitan ang tugtog, at halos gumulong na kami sa pagtawa ng biglang mag
lip sync si Howard. Tinuro pa nya si buddy sabay kindat puta hahaha.
~~~Kaya't sige, lumapit kaKung gusto mo akong yakapinDi kita sasawayinAng laging
pangarap ko'yYakapin ka rinAlam na alam mo namangIto'y gusto ko rin~~~
Tuloy pa din sya sa pag eemote sinamahan, unti unti syang lumapit sa pwesto namin,
bigla akong napatayo at lumayo.
"Tangina hahaha" tawa pa din ng tawa ang jaguars, lalo na ng biglang hampasin ni
Howard ang pwet nya sabay kagat sa labi nya.
"Pakshet! Laptrip,"
"Bwahahahaha!" Mas lalong lumakas ang tawanan ng lahat. Di ko ipapaglit ang jaguars
sa anumang uri ng yaman sa mundo.
------------------
Johnny's POV
Matapos ang nakakasukang live show ni Howard, bumalik na kaming lahat sa inuman,
pinaalis na din ni captain yung mga babae, mas magaling pa si Howard gumiling kesa
sa kanila walanjo.
"Spencer," napatingin ako kay captain. Iilan na lang kaming gising dahil ang ibang
jaguars nakahiga na dito mismo sa rooftop. Asa naman silang bubuhatin ko sila.
"Captain," sagot ko, ininum muna nya yung beer na hawak nya bago sya muling
tumingin sa 'kin.
"Bakit di mo pinakinggan ang babae mo nung time na gusto nyang magpaliwanag sayo?"
seryosong tanong nya. Damn! Ayaw ko na sanang pag-usapan pa ang bagay na yun, kaya
lang si captain ang nagtatanong at hindi pwedeng balewalain ko lang ang tanong
nya, mula ng bumalik sya ng pilipinas ngayon nya lang ako tinanong tungkol sa
bagay na yun.
"She made her self clear that she choose someone better than me," I answered at
nilaro laro sa kamay ko ang bote ng beer na hawak ko.
"Did she?" tanong nya. Hindi pa ba sapat ang sulat na iniwan nya at ang invitation
na hawak nya 2 years ago?
Hindi ako sumagot. For sure sa mga oras na ito masaya na sya sa lalaking
pinakasalan nya at may mga anak na din sila, biglang bumangon ang kirot sa puso ko
sa isiping may pamilya na ang babaeng dating nagbibigay ng kulay sa buhay ko.
"Hindi sya kinasal, kung yan ang nasa isip mo ngayon, at lahat ng nasa isip mo ay
mali, if you really love her, dapat alam mo kahit ang pinamaliit na bahagi ng
pagkatao nya," makahulugang sabi ni captain.
"Hindi sya kinasal? Bakit dahil di sya nakuntento sa lalaking pinalit nya sa 'kin
at naghanap ulit ng iba par-----" di ko natuloy ang sinasabi ko ng bigla na lang
akong suntukin ni captain sa mukha.
"Wag kang hihingi sa 'kin ng tulong hayop ka pag nalaman mo ang katotohanan,"
napakunot ang noo ko sa sinabi ni captain. Anong katotohanan?
Biglang may kung anong takot ang bumangon sa puso ko. Nagkamali ba ako? Pero
malinaw sa isip ko ang lahat, ang mga ginawa nyang panloloko sa 'kin.
Walang sabing iniwan ako ni captain. Biglang nagulo ang puso't isip ko, na pilit
kong pinatahimik sa loob ng dalawang taon.
==============
=================
Johnny's POV
Nandito kami ngayon sa labas ng simbahan, ngayong araw ang kasal ni captain at
Hannah. Tiningnan ko ang ilang bisita at ilang abay na naghihintay sa bride. Alas
kwatro ng hapon ang umpisa ng misa.
"Wala pa ba? Di na mapakali si captain sa loob," napatingin kami kay Burns. Wala pa
din kasi si Hannah.
"Gago edi, hinalikan ako ng kamao nun," sagot ni Turner. Nagtawanan lang kami.
"Pag tayo ang kinasal sabay tayong pupunta ng simbahan ha, para makasigurado ako na
di mo ako tatakbuhan," narinig kong sabi ni Young kay Freya. Napapailing na lang
ako.
"Pwede ba! Tigil tigilan mo ako Rosmar ha!" napalingon naman ako kay Freeman at
Jenny. Kanina pa sila nagbabangayan, di pa din sila tapos? Si Jenny nga pala, ay
kapatid ni Dela cruz. Kakauwi lang nya galing korea. Pero pinipeste na agad sya ng
gagong si Freeman. Malakas tama ng kaibigan ko sa kapatid ni Dela cruz. Para syang
lalaking version ni Rea.
Bigla akong natigilan sa naisip. Damn! Pangalan pa lang nya may kung anong damdamin
ng bumabangon sa 'kin.
Pero halos tumigil ang buong mundo ko ng mapatingin ako sa babaeng tumabi sa 'kin.
Nagkamali nga ba ako ng desisyon noon? Dapat nga bang pinakinggan ko sya? Gusto
kong sabunutan ang sarili ko sa mga sandaling ito. Halos di ko na namalayan na
nakarating na pala kami sa may end spot ng aisle at oras na para maghiwalay kami.
May kung anong kirot sa dibdib ko ng bitiwan nya ako. Tumayo ako kung nasaan ang
ibang jaguars.
"Pare ayos ka lang?" tanong agad sa 'kin ni Howard. Tumango lang ako bilang sagot.
Dahil kahit ako sa sarili ko, di ko alam kung ayos ba ako.
Akala ko nalimutan na sya ng puso ko, tangina hindi pala. Dahil sya pa din pala ang
sinisigaw nito. Dalawang taon! dalawang taon ng sakit at pangungulila.
Nagsimula ang misa ng kasal. Pero sa buong misa nasa kanya lang ang atensyon ko.
"Pare, ano bang nangyari kay Rea 2 years ago?" bulong ko. Halatang nagulat sya sa
tanong ko.
"Ang alam namin, umalis ng bansa si Rea at ang kapatid nya dahil kinuha na sila ng
lola nila," ako naman ang napakunot ang noo.
"Ayon sa nakalap naming balita, ginawa lang nya yun para maisurvive ang kompanya ng
lola nya, di ko alam kung tama ba ang nakuha naming impormasyon dahil masyadong
maimpluwensya ang lola nya," paliwanang ni Montereal.
"Kung ganun hindi sya kinasal sa iba? Pero totoo yung nasa sulat?"
"Hindi sya kinasal,at tungkol naman sa sulat kay Rea mo na lang mismo itanong yan,"
natigil lang kami sa pag uusap ni Montereal ng sabihin ng pari ang 'kiss the bride'
at magpalakpakan ang mga tao.
Tiningnan ko sina captain. Masaya ako para sa kanila, pero yung puso ko parang
nagluluksa sa bagay na di ko lubos maunawaan.
Pilit kong iniignora ang presensya ni Rea. Abala ang lahat sa picture taking. Di ko
maiwasan na sulyapan sya habang kausap ng mga girls. Halata sa mukha nila ang
sobrang kasiyahan. Tiningnan ko sya, naging masaya ka ba sa buhay mo? Kinalimutan
mo na ba ako? Galit ka ba sakin? Ilan lang yan sa mga tanong na gusto kong sagutin
nya.
Naramdaman ko ang pagtapik ni Gibson sa balikat ko. Nagpatianod naman ako kasama
ang jaguars para magpapicture kasama ang bagong kasal.
"Ok one more," sabi ng isa pang photographer, manaka naka sinusulyapan ko si Rea.
May kausap sya sa cellphone.
"Teka nga, bakit ba lagi nyo na lang sinasabi ang taenang say cheeze na yan ha?"
narinig kong reklamo ni Howard.
"Kainis wengya, kanina pa yang 'say cheeze' say cheeze na yan, mas lalo akong
nagugutom sa cheeze na yan, di man lang sinamahan ni manong ng say bread para mas
matakam ako, di ba?" lintanya ni Howard, ano pa bang bago? Nabroken hearted na
ako't lahat lahat patay gutom pa din sya.
"Tumigil ka sa katakawan mo Howard, puro na lang pagkain yang nasa utak mo.."
segunda ni Gibson. Nasa amin na ang atensyon ng ilang bisita.
"Buti pa yung utak ko, may pagkain, pero yung nagugutom kong tiyan, wala? Bakit
ganun?" nakasimangot na sabi ni Howard.
"Tungunu! Malala na si Howard, iparehab na yan!" may pagka-asar na sabi ni Dela
Cruz napapailing na lang ako. Muli kong tiningnan si Rea, at bigla yung pagbangon
ng kaba ko ng makitang nakatingin din sya sa 'kin, pero agad ding nag-iwas ng
tingin.
Hindi ko na namalayan kung paano natapos ang picture taking, nagkanya kanya na ng
alis ang mga bisita para pumunta sa reception. Agad kong hinanap si Rea pero di ko
na sya makita.
"Nauna na, nakita ko pang sumakay sya sa kotse ni Blake," sagot ni Mychiel.
"Ni Blake, yung pinsan ni Hannah, remember him?" sagot naman ni Greshel.
"Saan sila pupunta?" bigla akong nainis sa isipin na magkasama silang dalawa
ngayon. Just like the days in the past.
Hindi na ako nakapagpaalam, agad akong sumakay ng kotse ko. Kung di ako nagkakamali
sa place of love ang reception. Mabilis kong pinatakbo ang sasakyan. Nalampasan ko
pa ang kotse ng ibang jaguars.
Bagsak ang balikat na naupo ako sa table para sa jaguars, saan kaya sila pumunta?
"Ayos ito na ang the best part, kainan," sabi agad ni Howard ng makaupo. Muli kong
inikot ang paningin sa paligid, wishing that she came.
"Teka, nguso ba yan Howard? Parang pwet ng manok ah.." natatawang sabi ni Burns.
"Gago" -Howard.
Di ko masabayan ang kalokohan nila, dahil sobrang okupado ang utak ko. Kanina pa
ako di mapakali.
Nagsimulang magsalita ang emcee. Biglang bumangon ang pag asa sa puso ko ng makita
si Rea pumapasok sa may entrance nitong reception area. Bigla ko din naikuyom ang
kamay ko ng makita ang lalaking nasa likod nya.
Alam ko wala na akong karapatan, pero putangina hindi pa naman huli ang lahat di
ba?
Binalik ko ang tingin sa emcee halos wala akong maintindihan sa sinasabi niya,
gulong gulo ang isip ko.
-------------------
Rea's POV
Ramdam ko ang bawat tingin nya sa 'kin pero pilit kong iniignora ang lahat ng yun.
Sa simbahan pa lang, nakita ko kung paano sya nagulat na muli akong makita. Bakit?
Dahil ba hiniling nya na sana wag na nya akong makita kahit kailan?
Sa loob ng dalawang taon, gabi gabi kong naririnig yung mga masasakit na salitang
sinabi nya sa 'kin. Sa mga sinabi nya daig ko pa ang namatay. Ang sakit, sobrang
sakit, dahil hindi man lang ako pinakinggan ng lalaking mahal ko. Siya dapat yung
taong dapat karamay ko sa mga oras ng kalungkutan. Pero hindi, kahit konting
paliwanag mula sa 'kin di nya pinakinggan, he even pushed me away out of his life.
Yung bigat na dala dala ko 2 years ago mas nadagdagan ng iwan nya ako sa gitna ng
ulan.
"You're crying again," napatingin ako kay Blake, nagulat ako ng bigla na lang
lumapat ang kamay nya sa pisngi ko. Ngumiti ako ng pilit. Si Blake ang naging
sandalan ko ng mga panahong sobrang nasasaktan ako, naging mabuting kaibigan ko
sya, hanggang ngayon lagi syang nasa tabi ko. Di ko alam kung bakit di man lang
nahulog ang loob ko sa kanya, siguro dahil may nagmamay-ari na talaga ng puso ko,
kahit winasak na nya ito at inapakan.
Kung natuturuan lang ang puso na lumimot ng sakit, kaya lang hindi eh, para itong
pilat na mananatili sa pagdaan ng panahon.
"Ikukuha muna kita ng pagkain," akmang tatayo na si Blake pero pinigilan ko sya.
Masyado na nya akong inaalagaan kahit hindi naman kailangan.
"Ako na,"sabi ko at muli syang nginitian. Hindi naman na sya nagpumilit pa kaya
tumayo na ako para kumuha ng pagkain. Halos di ko na namalayan kung paano ang
nagsimula ang buong program ng kasal.
Dahil hindi naman ako masyadong nagugutom, konti lang ang kinuha kong pagkain.
Pabalik na sana ako sa table ng bigla syang humarang sa daanan ko.
"Rea, tulungan na kita" tiningnan ko si Johnny. Pilit kong tinago ang emosyon ko.
"Ako ng magdadala nyan.." akmang kukunin nya ang hawak ko, pero iniwas ko yun.
"Mylabs," biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi nya. Tiningnan ko sya ng
masama, how dare him to call me that way? Pagkatapos ng mga sinabi nya sa 'kin 2
years ago? Pagkatapos ng pang iiwan nya? Pagkatapos ng sakit at lungkot?
Nilampasan ko sya at di ko napigilan ang isang luhang tumakas sa mata ko. Bakit
ganun? Siya yung nanakit sa 'kin pero may parte sa 'kin na gustong magsumbong sa
kanya ng lahat ng sakit na nandito sa puso ko ngayon. Gusto ko, sya, yung yayakap
sa 'kin magpapatahan.
Bumalik ako sa upuan ko, at halos di ko nakain ang pagkain ko. Nagsimula ulit ang
program. Pilit kong sinasabi sa sarili ko na wag magpaapekto.
"Thank you so much, Ms. Rea Snyder for this very beautiful and eye catching cake
that you made.." narinig kong sabi ng emcee, ngumiti lang ako bilang sagot.
Wala sana akong balak sumali kaya lang hinila ako nina Mychiel at Greshel papunta
sa unahan. Halatang excited ang lahat, but not me.
-----------------------
Alfred's POV
Nagtayuan ang mga babae at pumunta sa unahan. Mataman lang kaming nanunuod.
"Bakit may ganyang tradisyon sa kasal? Bouquet throw, mas masaya sana kung
bulaklak na nasa paso ang ihahagis ni Hannah.." napatingin kami kay Howard.
"Hampasin kaya kita ng paso sa ulo Howard, wengya.." sagot ni Montereal, langya
talaga 'tong si Howard. Kakaiba mag-isip, hindi pantao.
I yawned. Wengya inaantok na ako, dapat pala nagdala din ako ng babae ko.
Sabay sabay namin tiningnan si Spencer at sabay sabay din kaming ngumisi ng
nakakaloko.
"Congratulations, Miss Rea Snyder.. Please have a seat beside the bride and in a
moment we shall find your match in the garter Toss."
Tiningnan kami ni Spencer at mukhang nakuha nya agad kung anong binabalak namin.
Nagsimula ng mataranta ang gago.
"Sabi ng matatanda kung sino daw makakuha ng bouquet at garter sila daw ang sunod
na ikakasal," sabi ko naman.
"Mukhang ako yata talaga ang nakatadhana para kay Rea," segunda naman ni Freeman.
Pigil na pigil ang tawa namin dahil kung titingnan si Spencer ngayon para syang
pusang di matae.
"Before we go on with the Garter Toss, the groom is to retrieve the garter from his
bride. So may we request Hannah and Shield to please come center stage and do the
garter retrieval ritual" muli kaming napatingin sa unahan ng magsalita ulit ang
emcee.
"Whoa! chansing pa more captain hahaha" sigaw namin mula dito sa kinauupuan namin.
"Ladies and gentleman the groom will now retrieve the garter from the bride."
anunsyo ng emcee..
Dahan dahan hinila ni captain Shield ang garter na suot ni Hannah. Titig na titig
sya kay Hannah, tangina edi sila na ang may poreber.
"There you have it ladies and gentlemen; the groom was finally able to retrieve the
garter. Let us give him a big hand."
Nakuha na ni captain ang garter. Nagpalakpakan kaming lahat. Muli naming tiningnan
si Spencer
"Laban kung laban" nag unat na ng braso nina Howard at Freeman. Halatang naaasar na
si Spencer. Kung di ba naman sya gago at pinakinggan muna nya si Rea noon, edi
hindi sana sila nasasaktan dalawa ngayon. Tsk.
"Ok it is now the gentlemen's turn and we will now do the garter toss. May I now
request all single men to please come forward for the Garter Toss."
Nagulat kaming lahat ng mauna ng tumayo ang eagles. Aba! May plano din silang
makiagaw?
"May the best man win" pang-aasar pa ni Blake. Kung di ako nagkakamali, kaibigan na
sya ni Rea ngayon.
"Garter ng panty ni Hannah" narinig kong sagot ni Young. P*ta mga gago talaga.
"Gentlemen please take your place behind the groom and be ready to catch the
garter. So is everyone ready? At the count of three the groom will throw the garter
and again we request the audience to participate in the countdown."
Wala naman talaga kaming balak makiagaw, inaasar lang namin si Spencer, gusto lang
namin malaman kung anong gagawin nya.
Nanlaki ang mata ng lahat ng bigla na lang tumalon si Spencer, ni hindi pa nga
nakakaporma ang eagles.
"Pasensya na, di ko hahayaan na mapunta sa iba ang babaeng may hawak ng puso ko.."
napangiti kaming lahat sa sinabi ni Spencer. Yan ang tunay na nagmamahal, minsan
gago, madalas inlababo.
"Wengya, yan naman ang gusto ko sayo Spencer..Tara pakasal na tayo.." binatukan ni
Spencer si Young. Nagtawanan kami, hanggang sa nag umpisa na naman sa kalokohan ang
mga gago.
"Gago! Subukan mo lang kung ayaw mong maglahok ang balat sa mangga." malakas na
sigaw ni Young na halos ikinatawa ng lahat ng bisita.
"Taena, di ba balat sa tinalupan yun?" nag iisip na tanong ni Howard. Pero di namin
sya sinagot. At bumalik na lang sa upuan namin.
"May I request for the gentlemen with the quick hand who now have in his possession
the garter. Please come forward and take your place beside the lady who has the
bouquet. Congratulations Mr. Johnny Spencer."
----------------------
Johnny's POV
Lumapit ako sa kanya, nasasaktan ako tuwing iniiwas nya ang tingin nya sa 'kin.
Alam ko may kasalanan din ako dahil di ko sya pinakinggan noon. Pero hindi pa naman
huli ang lahat di ba?
Nagdadalawang isip pa sya kung uupo ba o hindi pero sa huli naupo din sya. Lumuhod
ako sa harapan nya. Pilit kong hinuhuli ang mga mata nya pero sadyang iniiwas nya
ito.
Unti unti kong sinuot sa hita nya yung garter. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko,
dalawang taon kong hindi naramdaman ang kabog na ganito.
Tiningnan ko ulit sya sa mukha at gusto kong mapangiti ng makitang namumula ang
mukha nya.
"KISS!" malakas na sigaw ng jaguars. Sige pa mga gago lakasan nyo pa.
"There you have it ladies and gentlemen. Our new lovely pair and if it would not be
too much to ask we would like the gentlemen to give the lady a quick
kiss." natutuwang sabi ng emcee.
"KISS!" muling sigaw ng lahat. Inalalayan kong makatayo si Rea. Inalok ko ang kamay
ko sa kanya, ayaw pa nyang tanggapin yun nung una pero ako na mismo ang humawak sa
kamay nya.
Napatingin sya sa 'kin di nya yata alam na halos isang dangkal lang ang layo ng
mukha ko sa kanya. Agad akong napatingin sa labi nya. At bago ko pa mapigilan ang
sarili ko ay inangkin ko na ang mga labi nya.
Natigilan sya sa ginawa ko. Damn! I miss her so much. Even her scent, her lips at
ang buong sya. Sobrang miss na miss pala kita mylabs.
Nagpalakapakan ang mga tao. Pinutol ko ang halik at tiningnan sya. Gusto kong
murahin ang sarili ko ng makita ang mga luha nya.
Mabilis syang umalis, sa paraan na di mahahalata ng lahat na may di kami
pagkakaunawaan.
Hindi na ako nagdalawang isip na sundan sya. Nakalabas na sya ng reception area.
Hinawakan ko sya sa braso para pigilan pero isang malakas na sampal ang sumalubong
sa 'kin.
"Rea," di ko ininda ang sampal nya. Hindi sya nagsalita, nanatili lang syang
umiiyak. Tangina! Johnny anong ginawa mo sa babaeng mahal mo? Bakit mo sya winasak
ng ganito? sigaw ng puso't isip ko.
"Rea," tawag ko ulit sa kanya, akmang hahawakan ko sya pero umiwas sya sa 'kin. Ang
sakit p*ta. Wala na akong pakialam kung niloko nya ako noon. Gusto ko syang
bumalik sa 'kin. Dalawang taon, pakiramdam ko wala akong buhay, ngayon ko lang ulit
naramdaman na buhay pa pala ako, dahil nakita ko uli sya.
"Mylabs kausapin mo naman ako oh," pagmamakaawa ko. Pakiramdam ko unti unti akong
pinapatay dahil sa pagiging tahimik nya, ni hindi ko alam kung anong iniisip nya sa
mga oras na ito.
"Sige lang mylabs, sampalin mo ako, saktan mo ako, sigawan mo ako, kung ito lang
ang paraan para kausapin ulit ako handa akong tanggapin lahat," pagsusumamo ko, di
ko namalayan ang pagpatak ng luha ko.
"Tama na Johnny," natigilan ako sa sinabi nya. Parehas na kaming umiiyak ngayon.
"Ang sakit na, tama na please,"
"Mylabs pag-usapan naman natin 'to oh, di pa naman huli ang lahat hindi ba?"
kinulong ko sa mga palad ko ang mukha nya.
"Yan yung huli kong sinabi sa'yo two years ago pero di mo ako pinakinggan,"
umiiling na sabi nya, ang sakit, ganito ba yung naramdaman nya nung oras na yun 2
years ago?
"ikaw dapat ang karamay ko ng mga oras na yun Johnny, pero anong ginawa mo?
Pinagtulakan mo ako palayo sa'yo" patuloy pa din ang pagbuhos ng luha naming
dalawa. Gusto kong punasan ang luha nya pero tinapik nya ang kamay ko.
"Kung alam mo lang kung gaano ako nasaktan sa iniwan mong sulat, halos ikamatay ko
yun," biglang napakunot ang noo nya sa sinabi ko.
"Sulat? Wala akong iniiwang sulat sa'yo Johnny, I'm in hurry back then dahil nasa
bingit ng kamatayan ang kapatid ko, palagay mo makakapag iwan pa ako ng sulat
sa'yo?" ako naman ang napakunot ang noo sa sinabi nya.
"Kung pinakinggan mo lang sana ako noon, hindi sana lumala ng ganito ang lahat
ngayon."nanigas ako sa kinatatayuan ko at hindi ko na nasundan pa si Rea.
Sumakay sya sa itim na kotse. Hindi sya nag iwan ng sulat? Yung gulo ng isip ko mas
lalo pang nagulo.
============
A/N: Ano bitin na naman? Wag na kayong magtaka on-going 'to eh hahahaha.. Salamat
sa patuloy na suporta kahit lagi ko kayong binibitin sa bawat chapter hahaha.
*huuuuugggggs*
Natatawa ako sa mga readers na nasa chapter 21 pa lang pero hanggang ngayon
nagsasabing bitin daw. Yung totoo? Bitin o late lang talaga kayo? hahahaha (ang
layo na natin nandun pa din yung iba wengya) refresh nyo mga watty nyo mga tropa
hahaha.
Sagot: Dahil unli ako, charot hahaha seryoso dahil Interconnected story po ito, so
wag na kayong magtaka kung tinutuloy ko dito ang ibang scene ha, magkakakonekta
talaga sila.
Sagot: Hindi po. (di marunong si Author) May nabalitaan din ako na ninanakaw daw
ang story pag may soft copy. (ewan ko lang kung tunay) Kaya palagay ko ok na din na
wag magbigay para iwas budol budol.
Lovesyuuuuuuu! :*
-AteYna-
MissWordsworth
=================
BELATED HAPPY BIRTHDAY JENNY's OP. I LOVE YOU, SORRY LATE. (Nawawala ako sa sarili
eh hahahaha)
ENJOY READING!!!
____________________
Johnny's POV
"Yan din ang tanong na gusto kong masagot pare," sabi ko, nandito sya ngayon sa
unit ko. Wala pa akong tulog dahil kagabi ko pa iniisip ang sinabi ni Rea na wala
syang iniiwang sulat.
"Pare palagay ko dapat mo syang kausapin, malakas ang kutob ko may mali sa mga
nangyayari sa inyong dalawa," napatango ako sa sinabi niya.
Yun din kasi ang plano ko. Ang kausapin sya, I should have done this 2 years ago,
pero di ko ginawa. And I know, I should blame myself about it. Dahil mas inuna ko
pa yung sakit na naramdaman ko.
Dapat ko na syang pakinggan. Kaya lang ang malaking tanong, handa pa ba syang
sabihin sa 'kin ang lahat?
"Spencer, kausapin mo sya, kung kinakailangan kulitin mo sya ng paulit ulit tulad
ng ginawa nya nung college days gawin mo, dahil sigurado ako na ang ending no'n
magiging ok din kayo," ngumiti ako ng bahagya, nagdiwang ang puso ko sa sinabi ni
Burns.
Sabay kaming napatingin sa may pinto ng biglang padarag na bumukas yun at niluwa
ang mga hayop na jaguars. Mukhang kadadating lang nila dahil suot pa din nila yung
suot nila sa kasal kagabi. Mga lasing ang mga gago.
"Yow! washap Spensher at Burnshs" bati ni Miller bigla kaming napatayo ni Burns
mula sa pagkakaupo sa sofa dahil muntik na kaming madaganan ng gago.
"Ay hindi Spencer kanina pa kami dito di nyo lang kami pinapansin,"pinakyuhan ko si
Turner, sya lang yata ang matino sa kanila ngayon. Di na ako nagreklamo ng tumuloy
sa kwarto ko ang ibang jaguars at dun natulog.
Napansin ko lang, simula ng umalis si Rea 2 years ago, di ako iniiwan ng jaguars
mag isa dito sa unit ko. Iniisip ba nila na magpapakamatay ako?
Bigla kaming nagkatinginan ni Burns ng makarinig kami ng ingay sa mini kitchen ko.
Sabay kaming pumunta sa kusina, at di na kami nagulat ng makita dun si Howard.
"Howard anong ginagawa mo?" lumapit kami sa kanya ng mapansin na naghahanda sya
tipong magluluto ng masarap na putahe.
"Binibilang ko lang ang mga pagkain mo dito sa ref pare," sagot nya.
"Napansin ko kasi na kokonti na pala ang pagkain ni Spencer dito sa ref nya,
pinapadami ko lang pare, alam mo na, concern lang ako sa kaibigan natin," -Howard
"Wengya, di ko na alam kung sino uunahin kong replyan," maya maya ay reklamo ni
Burns habang nagdudutdot sa cellphone nya.
"Gago, palibhasa di mo sila nirereplyan, bakit tol takot kang masaksihan nila sa fb
katangahan mo? Pfft" napapailing na lang ako sa kanilang dalawa.
**
Paglabas ko ng banyo, tahimik na ang buong unit, wala ng maririnig kundi ang
pagharok ng jaguars. Mukhang umalis na din si Howard at Burns. Tumuloy ako sa
walking closet ko. Habang nagbibihis di ko mapigilan na di isipin kung paano ko ba
sya kakausapin. Pakiramdam ko back to zero na naman ako.
Bumalik lang ako sa katinuan ng marinig kong tumutunog ang cellphone ko.
[Hello Sir, nandito na po si Mr. Hunter] agad na sabi ng secretary ko. Damn! I
forgot the meeting I have this morning.
"Tell him that I'll be there in 15 minutes," sabi ko at di na hinintay pang sumagot
ang secretary ko. Mabilis akong kumilos. Ilang minuto lang ay nasa kalsada na ako
at mabilis na pinapatakbo ang kotse.
Habang hinihintay mag green light biglang sumagi sa isip ko ang mga sinabi ni Rea
kagabi.
"ikaw dapat ang karamay ko ng mga oras na yun Johnny, pero anong ginawa mo?
Pinagtulakan mo ako palayo sa'yo"
"Sulat? Wala akong iniiwang sulat sa'yo Johnny, I'm in hurry back then dahil nasa
bingit ng kamatayan ang kapatid ko, palagay mo makakapag iwan pa ako ng sulat
sa'yo?"
Tangina! Di ko na kaya mababaliw ako pag di ko pa nalaman ang totoo. Nang makita ko
ang green light agad akong nag U-turn. Agad kong tinawagan ang secretary ko at
pina-cancel ang meeting. Sunod kong tinawagan si Ms.Manager.
"Hello Ms.Manager, nasabi ba sa 'yo ni mylabs kagabi kung saan sya nakatira
ngayon?"
"Ms.Manager please." wala na akong pakialam kung magmukha pa akong desperado, dahil
gusto ko ng ayusin ang mga maling nagawa ko.
"I can't, she's my life.." I cut her, narinig ko pa ang pagbuntong hininga nya sa
kabilang linya.
"I'm sorry Johnny but she didn't mention where she's staying," parang nanghina ako
sa sinabi nya.
"Pero subukan mong bumisita sa Forever Sweets na pag-aari ni Rea," bigla akong
nabuhayan ng loob sa sunod nyang sinabi.
"God! Thank you Ms. Manager, you're really the best," masayang sabi ko, at binaba
ang tawag, pinagpatuloy ko ang pagdadrive.
Hanggang sa makarating ako sa Forever Sweets. Masaya ako para sa babaeng mahal ko
sa kung ano man ang narating nya. She owns this very popular home of sweets.
Akmang baba na ako ng koste ng mapansin ko ang bagong dating na sasakyan, bigla
kong naikuyom ang kamao ko ng bumaba mula sa sasakyan ang gagong si Blake. Binuksan
nya ang passenger seat at mula doon ay bumaba ang babaeng mahal ko.
Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang naghuhumiyaw na mura sa utak ko. Napahigpit
ang hawak ko sa manibela ng biglang halikan ng putanginang Adaipmil na yun si Rea,
iniwas ko ang tingin ko sa kanilang dalawa,ang sakit tangina.
Pinikit ko ng madiin ang mata ko para pigilan ang traydor kong luha. Napamulat lang
ako ng marinig ko ang cellphone ko na tumutunog.
Freeman calling...
"Hello" sagot ko, para madivert sa iba ang sakit na nararamdaman ko ngayon.
["Pare nabanggit ni Ms. Manager na pupunta ka daw sa bakeshop ni Rea, pwede bang
ibili mo ako ng cake? Birthday kasi ngayon ni Jenny, alam mo na sosorpresahin ko
siya"] litanya agad ng gago.
"Ge!" sagot ko, at di na hinintay ang sunod nyang sasabihin ng makita kong pumasok
na si Rea sa loob at sumakay naman ulit sa sasakyan nya ang gagong si Blake.
"Morning," pasimple kong inikot ang paningin sa loob, she's nowhere to be found.
Nilipat ko ang tingin sa mga cake na naka display. Siya ba ang gumawa ng lahat ng
ito?
"Ano po yun ma'am?" bigla nyang binawi ang tingin sakin ng magsalita ang empleyado
nya.
"Ah w-wala, sige pakiasikaso na lang ang mga customers"
Akmang magsasalita pa lang sana ako ng may biglang asungot na tumahol sa likod ko.
"Baby you forgot this," pasimple kong kinuyom ang kamao ko.
"Blake," parang may kung anong dumakot sa puso ko ng lampasan lang ako ni Rea.
"Sir?"
"Just give me the best that you have here," walang gana kong sabi sabay abot ng
credit card, habang hinihintay ko ang order ko naupo muna ako sa may vacant seat,
at tinawagan si Burns.
"Uwi ka muna pare dito pag usapan natin yan, bilhan mo na din ako ng cake, birthday
ko ngayon, tinotopak na naman si Howard," napangiti na lang ako sa sinabi nya.
Binaba ko ang tawag, napatingin ako sa kahon ng cake na nilapag sa table na nasa
harapan ko, unti unti kong tinaas ang tingin ko. Si Rea...
Di ko alam kung ngingiti ba ako o hindi. I'm an asshole di ko sya masisisi kung
ipagpalit na nya ako sa iba. Walang dapat sisihin kundi ang sarili ko, sinaktan ko
sya.
"Oppa?!" nagulat ako ng bigla nya akong yakapin. Niyakap ko din sya ng mahigpit.
"WaaaahhH Komawo," di na ako nagulat ng bigla nya akong halikan sa pisngi, she's
sweet as ever. Ginulo ko ang buhok nya.
"Ano pa lang ginagawa mo dito?" tanong ko, naramdaman ko ang pag alis ni Rea.
Dapat ko na ba syang hayaan? O dapat ko pa syang ipaglaban?. Masyado ko na syang
nasaktan, di ko alam kung karapat dapat pa akong lumaban.
"Birthday din ngayon ni Joel di ba? Bibilhan ko sya ng cake," ngumiti lang ako ng
bahagya kay Jenny.
Nakarating kami sa unit ko, naabutan namin ang jaguars, yung iba kagigising lang,
si Burns abala sa pagluluto ng tanghalian.
"Happy Birthday," nahihiyang bati ni Jenny at inabot yung binili nyang cake.
Magseselos na naman si Freeman neto. Naupo ako sa sofa.
"Salamat, happy birthday din," napapakamot sa ulo na sabi ni Burns, tangina pabebe
ang gago.
-----------------------
Jenny's POV
"Ewan ko dun, gusto daw nya ng hilaw na mangga, daig pa ang naglilihi tangina,"
sabi ni Joel at nilapag ang cake sa lamesa.
"Oh? Bakit di nyo binigyan?" nakikinig lang ako sa usapan nila, naupo ako sa single
sofa.
"Binigyan na ni Montereal kaya lang hinog ang nabili, kaya yun, nagtampo at gusto
ng magpakamatay," sagot ulit ni Joel at tiningnan ang niluluto nya.
"Uy Jenny! Nandito ka pala, kala namin kasama mo ang leopards?" bati ni Turner.
"Mamaya pa ang usapan namin na magkikita kita," sagot ko. Naupo ang iba sa sofa
yung iba naman tumuloy sa kusina.
"Oh bat nandito na kayo? Iniwan nyo na si Howard?" narinig kong tanong ni Burns.
"Ayaw papigil eh, tsaka mainit na sa taas, baka di namin mapigilan ang sarili namin
kami pa magtulak sa kanya," naiiritang sagot ni Kuya Jason.
Ano pa bang aasahan ko sa mga 'to? Eh ganyan na naman sila simula pa nung una.
"Babe bakit nandito ka na? Mamaya pa ang date natin di ba?" di ko pinansin si
Freeman. Mag uumpisa na naman ng pangungulit yan.
----------------------
Joel's POV
Di ko alam kung dapat na bang isako at itapon sa dagat itong si Howard, tangina
habang tumatagal lalong lumalala.
"Tara pare," sabay kaming lumabas ni Young ng unit ni Spencer, pupuntahan namin si
Howard baka tumalon na nga ang hayop na yun. Alam nyona, di masaya ang barkada pag
walang tangang kasama.
"Wag ka ngang excited hayop ka," sagot ni Howard, naupo kami ni Young malapit sa
kanya.
"Gago, wala nga akong girlfriend pano ako mabubuntis?" naupo na din si Howard.
"Ganun naman pala eh, bakit gustong gusto mo ng hilaw na mangga? At nagalit ka pa
ng bigyan ka ni Montereal ng hinog na mangga?" tanong ko ulit.
"Oh, hilaw na mangga, tanginamo umayos ka na ha," medyo asar na sabi ni Young at
iniabot ang hilaw na mangga, di ko napansin na dala nya yun kanina.
"Shet the best ka talaga Bata, kaya mahal na mahal kita, salamat! Whooooo! Sa wakas
may papahinugin na din ako!" sigaw ni Howard.
"Pigilan mo ako Burns, babangasan ko ang hayop na 'to," gigil na gigil na sabi ni
Young. Tangina humingi ng hilaw ng mangga para lang pahinugin?
"Dapat dito di siniseryoso eh, tangina mabigat pa problema ni Spencer dito, pero
kung makapag inarte ang gago kala mo di na sisikatan ng araw," pinektusan ni Young
si Howard, natatawang kinaladkad na lang namin ang kaibigan namin na pinaglihi sa
naexpired na peanut butter.
----------------------
Blake's POV
"You okay?" tanong ko, pero parang wala syang narinig, malalim na naman ang iniisip
nya.
Sa loob ng dalawang taon, naging sandalan nya ako pero sa mga panahong yun, di ko
man lang natalo si Spencer sa puso nya.
Pero kahit ganun, di pa din ako titigil na protektahan sya. Simula ng makita ko
kung gaano sya kahelpless noong mga oras na dinala sa ospital si Siopao dahil sa
kagagawan ko, pinangako ko sa sarili ko na poprotektahan ko silang magkapatid kahit
anong mangyari, kahit pa pinagtulakan nya ako dati.
Flashback
Kinabit ko ang ring sa puno, at sinuot ko ang wig na pula pati na din ang jersey na
binili namin, tiningnan ko si Siopao, ready na din sya. Pero parang nag aalangan pa
sya.
"Pwedeng isipin ko din na gong-gong ka?" natatawang sabi nya. Tumango ako.
"Game!" masayang sigaw nya. Pinasa ko ang bola sa kanya, at nagsimula na nga kaming
maglaro.
Napupuno ng tawa naming dalawa ang buong bakuran. Di ko na masyadong pinansin ang
sama ng pakiramdam ko, basta ang gusto ko lang mapasaya si Siopao.
"Time out muna langya," sabi ko, medyo namumutla kasi sya, dala na din siguro ng
pagod.
"Ang daya, di pa ako nakaka-score eh, bat ba kasi ang taas ng ring na yan?" reklamo
nya.
Pero bago pa ako makasagot bigla na lang syang natumba at nawalan ng malay, biglang
may kung anong takot ang bumangon sa buong pagkatao ko. Yung kaba ng puso ko,
paramg tumigil ang paligid.
"Hindi kita mapapatawad pag may masamang nangyari sa kapatid ko," umiiyak na sabi
sakin ni Rea.
Parang may kung anong nakasaksak sa dibdib ko. Pinagtutulakan na nya na umalis ako,
pero nanatili ako sa tabi nya, sinasalo ko lahat ng bawat hampas nya sa dibdib ko.
Bakit ang daya ng mundo? Napaka-buting bata ni Siopao, bakit sya pa?
Dinadalaw ko sya pag wala ang ate nya dito sa ospital, alam ko kasi na magagalit na
naman yun pag nakita nya ako dito.
Isang gabi, dumalaw ako, di ko inaasahan ang pagdating ni Rea, sa hallway pa lang
maririnig na ang boses nya. Mabilis akong kumilos, iniangat ko ang kisame at
mabilis akong umakyat doon. Agent ako, nalimutan nyo na ba?
Aalis na dapat ako sa lugar na yun kaya lang may nakaagaw ng atensyon ko.
"Hindi ako magpapakasal sa kahit sino!" narinig kong sabi ni Rea. Tsismoso na kung
tsismoso pero kasal ang pinag uusapan dito.
"Rea, buhay ng kapatid mo ang nakataya dito," sumilip ako ng bahagya at nakita ko
ang isang matandang babae.
"Mag iipon ako, magtatrabaho, pero di ko gagawin ang sinasabi nyo," nanginginig na
sagot ni Rea.
"Kapag handa ka ng tanggapin ang tulong ko, tawagan mo lang ako," sabi ng matanda.
Di ko masyado naintindihan kung anong pinag uusapan nila.
Pero isa lang ang naunawaan ko, na tutulungan lang sya nung matanda kung papayag
syang magpakasal?
Ilang araw pagkatapos ng insidenteng yun, nilapitan ko si Rea at inalok ng tulong
pero tinanggihan nya ako. Hanggang sa bumalik na kami pareho sa maynila ng
makalabas na ulit si Siopao sa ospital at maging stable na ulit ang lahat.
End of flashback.
"O-oo naman," binigyan nya ako ng nag aalangang ngiti. Kahit di nya sabihin, alam
kong miss na miss na din nya si Spencer. Nasaktan lang sya ng sobra kaya natatakot
syang sumugal ulit.
"May kasalanan ka sa 'kin Adaipmil," ngumisi lang ako sa kanya. Alam kong ang
tinutukoy nya ay yung paghalik ko sa kanya kanina.
Flashback
Pinapark ko ang kotse, nang mapansin ko ang kotse ni Spencer dito din sa parking. I
smirked at may biglang naisip na malaking pang-asar sa kanya.
Bakit ganun? Sinasayang ng iba ang babaeng gustong gusto mong mapasayo at alagaan
ng totoo?
Gusto kong saktan si Spencer, katulad ng sakit na naramdaman ni Rea dalawang taon
na ang nakakaraan ng ipagtulakan niya itong umalis na dahil mukha daw itong pera.
Tangina nya, wag lang ako makakarinig ng kahit anong masamang salitang galing sa
kanya, sisiguraduhin ko na babasagin ko ang mukha nya.
"Blake,"
"Oh, wag mo muna akong sasampalin ngayon, mamaya na, may gusto lang akong saktan
kaya ko ginawa yun," mabilis na paliwanag ko.
Nakasimangot na pumasok sya sa loob. Bumalik naman ako sa kotse ko, di ko pa man
nabubuhay ulit ang engine ko, biglang dumaan sa harapan ng kotse ko si Spencer.
Napatngin ako sa passenger seat at nakita ko ang files na dala ni Rea kanina
mukhang naiwan nya ito. Mabilis akong bumaba dala ang files at pumasok sa loob.
Madami dami na din ang customers.
Nakita ko si Rea mukhang may itatanong kay Jocil, mababakas sa mukha nya ang
pagkagulat.
"Baby you forgot this," malakas na sabi ko para maagaw ang atensyon nya.
End of flashback
"Napansin ko kasi si Spencer kanina sa parking kaya, naisip ko na halikan ka
hahaha" dinadaan ko na lang sa tawa para di sya mapikon.
"Sinungaling,"sabi ko.
------------------------
Joel's POV
"Tangina pare bilisan mo naman, para kang pagong kumilos," tiningnan ko ng masama
si Howard, magkasama kami ngayon bibili ng pulutan, birthday ko di ba? kaya may
balak mag inuman ang barkada, at dahil tinatamad lahat pumunta sa bar ni Miller
napagpasyahan na sa unit na lang ni Spencer mag inuman.
"Alam mo Burns, ang mga bagay na mimadali, nakakasakit yan, parang sya.....
minadali ang pag iwan sakin tingnan mo ako ngayon tinatakpan ng katangahan ang
sakit na nararamdaman," litanya ni Howard. Ano na naman bang problema ng gagong
'to?
Di ko na pinansin ang kadramahan nya dahil baka abutan kami ng ulan, mabilis kaming
sumakay ng jeep. Nag commute na lang kami para tipid sa gas.
"Anong kasya pa?! Halos iluwa na nga ako nitong upuan sa sobrang sikip tapos sigaw
pa kayo ng sigaw ng kasya pa?" malakas na reklamo ni Howard na nagpatahimik sa
lahat ng pasahero.
"Di ko ugaling ipagsiksikan ang sarili ko sa taong ayaw sakin, pero dahil mahal ko
sya gusto ko na lang ugaliin kahit nakakasakit na," biglang hugot nya.
"Oraaayt rak n rol to da world," biro ng isa sa mga pasahero, nagtawanan ang lahat,
pero si Howard nanatiling seryoso.
"Ganyan naman sa pag ibig eh, dinadaan sa biro para di nila mahalatang nasasaktan
ka na" naging seryoso na ang lahat. Hanggang sa umandar ang jeep wala pa din
nangangahas magsalita, nakatingin lang sila lahat kay Howard.
"Ang buhay ng tao parang pampasaherong jeep, may mga bumababa at may mga bagong
sumasakay," napatingin kaming lahat kay manong driver, ayos ah humuhugot din.
"Manong kasya pa?" narinig kong sigaw ng isang babae nung huminto ang jeep.
"Kasya pa! Sardinas nga nagkasya may sabaw pa!" sigaw ni Howard.
"Buti pa ang sardinas nagkasya sa lata, pero yung puso ko di man lang nakapasok sa
puso nya," -Howard
******
"Ang tagal nyo naman, naglandian pa kayong dalawa ano?" pinakyuhan ko si Dela Cruz,
at tumuloy sa kusina para ilagay sa lalagyan ang mga binili naming pulutan ng
huguterong si Howard.
Mabilis na lumipas ang oras, medyo tinatamaan na ang ibang jaguars, bale ang wala
lang dito ay si Captain na nasa honeymoon at si Young, baka binabantayan si Freya.
"Hinay hinay lang sa pambabae Miller baka mabaog kang hayop ka," pang aasar ni
Montereal. Halatang may mga tama na ang mga gago.
"Alam mo pare" napatingin kami kay Howard ng bigla nyang akbayan si Dela Cruz,
"hindi naman sukatan ang kama para lang mapatunayan na mahal nyo talaga ang isa't
isa," tumango kaming lahat sa sinabi nya.
"Dahil kung minsan, sa sahig lang sapat na," dagdag pa ni Howard. Di na ako nagulat
ng batuhin sya ni Spencer ng sapatos.
"Tungunu ayos na una mong sinabi, ba't dinagdagan mo pa?" binatukan naman ni Gibson
si Howard. Napapailing na lang ako.
"Gago ka pala eh, bakit mo hahayaang ganun na lang kung kaya mo pa naman lumaban?
Kung mahal mo, ipaglaban mo, kahit pa nakikita ng mga mata mo na wala ka ng pag
asang manalo paglaban mo pa din, dahil kung minsan ang tunay na digmaan nagsisimula
sa pinaka-madilim na parte ng tunay na labanan, parang Trojan war." mahabang
litanya ni Howard na nagpanganga saming lahat.
==============
A/N: T_T namiss ko mag Authors note, namiss ko din kayong lahat, sorry po sa
matagal kong pagkawala, nawala din kasi imagination ko ng dumating ang reality ko,
chos hahahaha.
Sorry po sa mga unreply messages. Dito sa Watty ganun din sa FB. Di po ako snob,
mahirap lang talaga sa net si Author kaya di ko kayo mareplyan lahat.
_Ate Yna_
(MissWordsworth)
=================
Sa sobrang tagal nito, panis na.. sana lang ma-enjoy nyo pa din.
HAPPY MOTMOT sa OP ni Joel at Jenny, yieeeeee! Stay strong, dadating din ang
pagsubok wait nyo lang hahahahaha.
-------------------------------------
Johnny's POV
Naikuyom ko ang kamao ko. Biglang bumangon ang lahat ng galit ko. Naramdaman ko ang
pagtapik ni Montereal sa balikat ko.
"Oo mga hijo, siya nga ang nagdala sa akin sa magandang lugar na ito eh, binigyan
nya ako ng bahay at pera manahimik lang daw ako," sagot ng matanda.
Kaya pala di ko na sya nakita noon dahil itinago pala sya ng tarantado. Tumayo ako
lumabas ng bahay, sumisikip ang dibdib ko sa sobrang galit na nararamdaman ko sa
mga oras na ito.
"Tangina pare, sinira ng hayop na 'yon ang masayang relasyon na meron kami ng
babaeng mahal ko," tiningnan ko sya, alam kong nauunawaan nila ako sa nararamdaman
ko ngayon.
Nilampasan ko si Montereal at tumuloy sa kotse ko. Yung galit ko mas nadoble para
sa sarili ko, di ko napigilan hampasin ang steering wheel, Tangina Johnny! Dahil sa
kagaguhan at kawalan mo ng tiwala sa babaeng mahal mo, nawala na sya sayo,
Mabilis na pinaharurot ko ang sasakyan. Una akong pumunta sa bakeshop ni Rea. Gusto
kong sabihin sa kanya ang lahat ng mga nalaman ko. Di dapat sya nagtitiwala sa
taong yun.
Pagdating ko sa bakeshop mabilis akong pumasok sa loob, agad na hinanap ng mga mata
ko ang babaeng may hawak ng puso ko.
Yung galit na nararamdaman ko kanina ay mas lalong tumindi ng makita kong hawak ni
Blake ang kamay ni Rea. Tangina sinira nya ang relasyon namin para makuha nya ang
babaeng mahal ko.
Lumapit ako sa kanila. Hinawakan ko sa balikat ang gago, napalingon sya sakin.
"Pare, nagdidilim ang paligid ko lalo na at hawak mo ang mundo ko," sabi ko sabay
banat ng suntok sa mukha nya dahilan para tumumba sya mula sa pagkakaupo.
"Sinira ng hayop na 'to ang relasyon natin," sabi ko at muling binalingan si Blake,
akmang babangon na sya pero tinadyakan ko sya at pumaibabaw ako sa kanya.
"Tanginamo pare, akala ko ba malinis kang maglaro hayop ka," sabi ko, pero isang
ngisi lang ang sinagot sa ''kin ng tarantado, mas lalong nag init ang ulo ko.
Sinapak ko ulit sya hindi isang beses kundi madami.
Nang maharangan nya ang sunod kong suntok, tinadyakan nya ako dahilan para
mapalayo ako sa kanya, mabilis syang tumayo at sinugod ako, ramdam ko ang
pamamanhid sa mukha ko ng tumama ang kamao nya.
"Putanginamo din pare, pero wala akong alam sa sinasabi mo," napangisi ako sa
sinabi nya.
Tinadyakan ko sya, napaatras sya sa may pader, kinorner ko sya. Naramdaman ko ang
paghawak sa damit ko.
"Tama na, ano ba kayong dalawa!" sigaw ni Rea at pilit kaming inaawat pero di ko
pinansin yun. Tiningnan ko ng masama ang gagong si Blake.
Sa sinabi ko, di na sya nagulat. hudyat na may alam talaga siya tungkol sa mga
sinasabi ko.
"Mylabs, sinira ng sinasabi mong kaibigan mo ang masayang relasyon na meron tayo,
sya ang may pakana ng sulat na natanggap ko 2 years ago." Natigilan si Rea sa mga
sinabi ko, pero agad din syang nakabawi. Tiningnan nya ako ng deretso sa mata.
"May sulat o wala, nagtiwala ka dapat sa 'kin Johnny," ako naman ang natigilan.
"Rea-----"
"Maybe the letter serve as a test on how you really trust me," she said. Parang may
kung anong dumakot sa puso ko lalo na kapag tinitingnan ko ang mga mata nya na
sobrang lamig kung tumingin.
"Isang sulat lang pala ang sisira sa relasyon natin," she smiled kasabay nun ang
pagpatak ng luha nya. "You didn't know, how you killed me that night 2 years ago
Johnny, but I'm fine now, I can now live without you in my life,"
Kulang ang salitang sakit, sa nararamdaman ko ngayon. Gusto kong sumigaw, gusto
kong isigaw sa kanya kung gaano ako kagago, kung gaano ako katanga dahil binitiwan
ko sya. Ang sakit marinig mula sa babaeng mahal ko na kaya nyang mabuhay ng wala
ako.
"Pero------"
-----------------------------
Rea's POV
Masisisi nyo ba ako kung pagtulakan ko palayo ang lalaking mahal ko? Masisisi nyo
ba ako kung magalit ako sa kanya ng ganito? Nagmahal lang ako, pero bakit dumating
sa punto na halos ikamatay ko ang sakit na binigay nya sa 'kin two years ago na
hanggang ngayon nararamdaman ko pa din?
"Pinagkatiwalaan kita, bakit mo nagawa sa 'min ni Johnny ang bagay na ito?!" bulyaw
ko sa kanya. Hanggang ngayon di pa din ako makapaniwala na sya ang nag-iwan ng
sulat.
"Di na maaayos ng eksplanasyon mo ang lahat, wala na. Nagkasakitan na kami, nasira
na ang relasyon na meron kami noon, nawala na sa 'kin ang lalaking minahal ko ng
sobra higit pa sa sarili ko," mas lalo akong naiyak ng maalala kong siya ang naging
sandalan ko ng mga panahong down na down na ako.
Nakita nya ang lahat ng sakit at hirap na naranasan ko noon. Tapos malalaman ko
ngayon na sya ang may pakana ng lahat?
Tinalikuran ko sya at lumabas ako ng bakeshop, tumuloy ako sa kotse ko, hindi ko
alam kung saan ako pupunta, basta pinaandar ko na lang yun. Ang sakit sobra, yung
kaibigan na akala ko tapat at totoo ay niloloko lang pala ako.
-------------------
Joel's POV
"Ano luto na ba?" tanong ko at nilapitan ang niluluto ni Howard. Nandito kami sa
bahay ng magulang ni Spencer. Wala dito sina tito at tita nasa ibang bansa,
nilalagnat ang gago naming kabigan, di ba naman tigilan ang alak kagabi ayan
sinamaan ng lasa. Pinagluluto sya ngayon ni Howard ng nilagang baka para makahigop
ng sabaw.
"Patapos na, sandali na lang," sagot ni Howard habang ginagayat ang iba pang
rekado. Tiningnan ko ang niluluto nya.
"Bakit ang daming tubig? Baka mawalan na yan ng lasa," sabi ko..
"Pano mawawalan ng lasa yan, eh dyan ko lang naman nilgay lahat ng pampalasa,
walang ibang pupuntahan yun kundi dyan lang kaya imposibleng mawalan yan ng lasa"
sagot nya.
"Gago," pinakyuhan ko ang gago. At iniwan na sya sa kusina wengya walang pagbabago,
tanga pa din.
"Hoy Burns yung aso mo, turuan mo naman ng good manners at right conduct,"
tiningnan ko si Gibson.
"Bakit pare?"
"Inihian ba naman ang gulong ng kotse ko, wengya naturingang aso ganon ang ugali,"
napapailing na naupo ako sa tabi niya, nandito din lahat ng jaguars.
"pfffftt hahahaha ikaw nga umiihi sa kung saan yung aso pa ba?" pang aasar ko.
"Bakit pare?"
"Nung isang gabi pauwi na kami parehas kaming lasing, eh ihing ihi na ang gago, di
ko akalain na marunong pala yan sumunod sa mga pinagbabawal, may nakasulat kasi dun
sa pader na bawal umihi dito,"
"Tapos?"
"Hindi sya umihi dun sa pader na may nakasulat, pero sa sunod na pader umihi sya,"
"Ang katwiran nya, "dito" lang naman daw ang nakasulat wala naman daw "doon" kaya
ok lang daw yun," napapakamot na lang ako sa ulo habang natatawa.
"Spencer pare!" sigaw ni Montereal. Pero patuloy pa din ang mga tunog na para bang
nagwawala at nagbabasag ng mga gamit.
Tiningnan ko ang jaguars at tinanguan, alam kong kailangan muna namin hayaan syang
mapag-isa. Unti unti kaming lumayo sa pintuan ng kwarto ni Spencer at bumaba.
Kahit ako hindi ko din alam, basta ang alam ko lang, kasama na sa buhay ng tao ang
mga pagsubok, kaya dapat alam na ng bawat isa kung paano sasabayan ang trip ng
problema sa ating buhay. Sana lang masabayan ni Spencer ang trip ng tadhana sa
buhay nila ni Rea.
Malapit ng lumubog ang araw, napagdesisyunan ng lahat, na mag inuman na lang sa may
swimming pool.
Ang hirap ng ganito, nalulungkot kami dahil alam namin na sobra ang sakit na
nararamdaman ng kaibigan namin.
"Ikaw pare, kung sa 'yo mangyari ang bagay na 'yon? ANong gagawin mo?" tanong sa
'kin ni Gibson.
"Di ko din alam pare, baka nga mapatay ko si Blake eh," ngumisi na lang ako. Hindi
talaga ako makapaniwala sa ginawa ng pinsan ni Hannah. Ganoon ba niya kagusto si
Rea? Para sirain ang relasyon ng dalawa?
Halos hindi na namin namalayan ang oras at pagtama ng alak sa bawat isa. Halos dito
na kami nakatulog sa may tabi ng swimming pool.
------------------------
Johnny's POV
Minulat ko ang mga mata ko, kahit anong gawin kong pagpikit mukha nya ang nakikita
ko. Naalala ko pa din ang mga tingin nyang galit at malamig.
Napatiim bagang ako at di napigilan na muling sisihin ang sarili. Kasalanan ko ang
lahat ng ito. Kung pinakinggan ko lang sana siya noon. Hindi sana kami nasasaktan
ngayon.
Hindi sana sya mawawala sa piling ko. Muli kong ipinikit ang mga mata ko at muling
inalala ang mga ngiti nya, ang boses nya, ang mabango nyang amoy, ang katawan nya
sa mga bisig ko, ang tawa nyang nakapagpapasaya sa puso ko.
Miss na miss ko na yung dating kami. Yung puro saya at kilig lang. Yung bawat oras
na yakap namin ang isat isa.
Tumayo ako at pumasok sa banyo. Hinubad ko ang suot ko at itanapat ang sarili sa
shower. Kasabay ng pagbuhos ng tubig ang pagbuhos ng luha at lungkot na
nararamdaman ko. Bakit pakiramdam ko di ko na sya mahahawakan at mayayakap ulit.
Medyo madilim pa sa paligid. Tumuloy ako sa basketball court na nandito lang din sa
loob ng subdivision.
Inumpisahan kong i-drible ang bola, naglaro ako na parang bang kayang alisin ng
basketball ang bigat na nakadagan sa dibdib ko ngayon. Lumipas ang oras at halos
kalat na ang liwanag sa paligid, pero hanggang ngayon hindi pa din pumapasok ang
mga tira ko, muli kong tinira ang bola di ko napigilan di mapamura ng sumablay na
naman yun,
"Umalis ka na! Hindi na kita kailangan!" naririnig ko pa din hanggang ngayon ang
sinabi nya. Out of frustration muli kong diniribble ang bola at dinakdak yun sa
basket.
Bigla akong napalingon ng makarinig ako ng palakpak. Napakunot ang noo ko ng makita
ang isang batang lalaki.
"Ang galing mo po kuya!" masiglang sabi nya habang tuloy pa din sa pagpalakpak.
Di ko alam pero bigla na lang akong napangiti ng makita ko ang mga mata nya. Akmang
lalapitan ko na sya nang....
"Jay!" tinawag ako ni mama na halatang kakababa lang ng kotse. Teka, akala ko ba
nasa ibang bansa sila. I salute to my dad. He's still on the driver seat si mama
lang ang bumaba. Mukhang kakarating lang nila base sa pagod na makikita sa mga mata
nila.
"Anong ginagawa mo dito? Akala ko ba masama ang pakiramdam mo? Ok ka lang ba" tuloy
tuloy na tanong ni mama. I just gave her a weak smile.
"I'm ok ma, I'll be fine, tumuloy na muna kayo sa bahay para makapagpahinga, I'll
be there in a minute, I just wanna be alone?" sabi ko na lang. I know mom, she
knows what's happening between me and Rea, sigurado ako na sinabi agad ng jaguars
wengya.
"Yeah," I answered. She hug me very tight. I know this hug. Kahit papaano
napapagaan nito ang mabigat kong puso.
Di nagtagal umalis din sila mama. Muli kong nilingon ang batang kanina lang ay
pumapalakpak sakin. Kaya lang wala na sya.
==============
A/N: For sure gusto nyo na akong sugudin at sabunutan dahil sa tagal ng update..
hahahaha Sorry na.. Wag kayong mag alala, pinag iisipan ko na ang pag alis sa
trabaho at mag focus na lang ulit sa pagsusulat.. hahaha
Love na love ko kayo, di ko kayo iiwan, matagal man ang UD pero di pa din ako
titigil sa pagsusulat.
Ate Yna :)
_MissWordsworth_
=================
Johnny's POV
I still remember how the days that end, the weeks and months
Naikuyom ko ang kamao ko, kung kaya ko nga lang sana ibalik ang oras, yung oras at
gabing gusto mong ipaliwanag sa akin ang lahat, kung pinakinggan lang sana kita.
~~ If only I could bring you back to meIf I could go back in timepromise we won't
say goodbyeI never really moved on,No, not in time... ~~
Naramdaman ko ang mainit na bagay sa pisngi ko. Umiiyak na naman ako. Alam kong di
maibabalik ng mga luhang ito ang babaeng mahal ko. Pwede ba akong humiling kahit
isa lang? Pwede bang ibalik nyo na sa bisig ko ang babaeng mahal na mahal ko? Ang
babaeng nasaktan ko 2 years ago, at hanggang ngayon nasasaktan ako sa isipin na
pinagtabuyan ko sya at pinagsalitaan ng masama.
~~ I wanna go back to the way we used to beI wanna feel your skin, your lips so
close to meI wanna go back when I called you mine all the timeEvery smile and every
momentIf only I have a time machine. ~~
Sana nga may time machine dahil gusto kong bumalik sa nakaraan at ayusin ang lahat
ng kagaguhan na nagawa ko sa kanya. Miss na miss ko na sya, yung mga ngiti nyang
ako ang dahilan, gusto ko ulit makita ang mga 'yon.
Tumayo na ako, naninikip ang dibdib ko sa sobrang sakit. Dalawang linggo na ang
nakararaan simula ng ipagtabuyan nya ako. At halos hindi ko alam kung paano ko ulit
sisimulan ang buhay ko.
Para akong basag na bote, walang kakayahan buuin ang sarili ko.
"Spencer!" tawag sa 'kin ng jaguars. Pero tuloy tuloy akong lumabas ng bar. Tumuloy
ako sa kotse ko at nagdrive pauwi sa bahay, simula ng makita ko ang bata doon sa
court sa subdivision dalawang linggo na ang nakalipas, sa bahay na nina mama ako
umuuwi. Di ko alam para bang may kakaiba sa batang yon. Kaya lang di ko na ulit sya
nakita matapos ang araw na yon, nagbabakasakali na lang ako na matyempuhan ko ulit
sya.
Isa pa nahihiya na ako sa jaguars. Lagi na lang silang nag aalala sa 'kin. Kahit pa
mga gago ang mga yan, ayoko pa din na nag aalala sila sa 'kin ng paulit ulit lalo
na dahil sa iisang dahilan lang. Isang dahilan na kayang sirain ang buong pagkatao
ko. Yun ay ang pagkawala ng babaeng mahal ko sa mga bisig ko.
Nang makarating ako sa bahay, tulog na sina mama agad akong tumuloy sa kwarto ko.
Hinubad ko lahat ng saplot ko at pumasok sa banyo.
------------------------
Joel's POV
"Spencer!" tawag ko kay Johhny nang tumayo sya at deretsong lumabas ng bar.
Naramdaman ko ang pagtapik ni Montereal sa balikat ko.
Di na din kami nagtagal sa bar, sinamahan lang naman talaga namin uminum si
Spencer. Nagkanya kanya na kami ng sakay sa kotse.
Pagkarating sa condo, napakunot ang noo ko nang magpasukan lahat sa unit ni Dela
Cruz, ano na naman bang kalokohan ang naiisip ng mga to'?
Kesa mapag iwanan ng saya, pumasok na lang din ako sa loob. At gusto kong mapamura
ng makita kong may kanya kanyang hawak ng pinggan ang lahat, mukhang dadayo na
naman sila ng pagkain dito.
"Katakawan, pupusta ako pati dila ng gago nalunok na nyan," biro ni Freeman.
Pinakyuhan lang sya ni Gibson at tumuloy sa mini kitchen, tanaw lang namin yun dito
sa sala, nakaupo sa kusina si Howard para daw malapit sya sa base takaw alert
talaga.
"Pare naiinum ba 'to?" narinig kong tanong ni Gibson kay Howard, turo nya ngayon
ang isang basong tubig na nasa harap ni Howard.
Gusto kong matawa ng tingnan ni Howard si Gibson na para bang nawiwirduhan ang gago
sa tanong ni Gibson sa kanya.
"Nasa 'yo na pare kung kakainin mo ang tubig na yan," naibuga ni Montereal yung
kinakain nya dahil sa sagot ni Howard.
------------------------
Johnny's POV
Malapit ng mag umaga pero gising na gising pa din ang diwa ko. Bumangon na ako
kahit di pa ako nakakagawa ng tulog, lagi na lang bang ganito? Lagi na lang bang
mapupuyat ang gago kong mata dahil sa kakaisip sa kanya?
***
Paglabas ko ng bahay, agad kong naramdaman ang lamig ng ihip ng hangin, itinaas ko
ang hood ng jacket ko saka inumpisahan tumakbo ng marahan. Sa nakaraang ilang araw,
ganito na ang naging routine ng buhay ko tuwing umaga lalo na kapag mailap ang
pagdating ng tulog sakin.
Hindi ko na namalayan ang oras at layo ng natatakbo ko, huminto ako sa basketball
court na nandito lang din sa village.
Napakunot ang noo ko nang makita ang isang bata na nakaupo sa isang bench, may
hawak syang bola, nakapagtatakang nakatingin lang sya sa ring at sa bola nya. Di ko
alam pero parang may kung anong magnet ang humahatak sakin para lapitan ang batang
lalaki. So I did.
"Gusto mo bang maglaro?" nakangiting tanong ko. Halatang nagulat sya sa presensya
ko pero agad din naman syang nakabawi at binigyan ako ng matamis na ngiti.
"Gusto ng isipan ko, pero di kakayanin ng katawan ko," makahulugang sagot nya at
muling binalik ang tingin sa bolang hawak nya. Parang may kung anong kumurot sa
maliit na parte ng puso ko. Maybe he's suffering some kind of sickness.
"Pakitaan na lang kita ng ilang mga tricks sa bola" , bigla syang napangiti sa
sinabi ko. Agad nyang inabot ang bolang hawak nya.
Nang makaramdam ako ng pagod, muli akong naupo sa tabi nya. Mataas na ang sikat ng
araw.
"Salamat kuya madami akong natutunan ngayong araw," nakangiting sabi nya. Ginulo ko
ng bahagya ang buhok nya..
"Ayos lang, balik ka ulit dito bukas, pakitaan ulit kita ng iba pang mga moves.."
sabi ko at binalik sa kanya ang bola..
"Kuya Jay," putol nya sa sasabihin ko. Napakunot ang noo ko.
"Narinig ko lang na tawag sayo ng mommy mo," paliwanag nya. "Sige kuya mauna na ako
sayo baka hinihintay na ako ng lola ko"
"Sige, ingat ka Ryle, bukas ulit ha," sabi ko, sumaludo sya sa 'kin kaya naman
sinaluduhan ko din sya.
****
Kinabukasan hinintay ko ulit sya, hindi naman ako nabigo, katulad ng ginawa ko
kahapon muli ko syang pinakitaan ng iba't ibang technique sa basketball.
Ilang araw ang nakalipas palagi ko syang hinihintay dito sa court, pero isang araw
dumating syang malungkot, di katulad ng mga nakaraang araw na parang ganado at
sabik matuto.
"Pwede ba akong magdrama ngayon pareng Jay?" agad ko syang inakbayan at mahinang
tinapik sa balikat. Sa mga nakaraang araw nagkagaanan na kami ng loob, di ko alam
pero ang gaan ng loob ko kay Ryle unang kita ko pa lang sa kanya.
"Oo naman, nandito lang ako handang pakinggan ang mga sasabihin mo," sagot ko, may
isang bagay akong napansin tuwing nagsasalita sya, para syang matanda kausap.
"May isang tao kasing napakahalaga sa 'kin, mahal na mahal ko sya to the point na
nasasaktan din ako sa tuwing makikita o maririnig ko syang umiiyak," pagsisimula
nya. Nanatili lang akong tahimik.
"Napakabait ng ate ko, pero bakit kailangan na masaktan sya ng ganito? At ayoko ng
madagdagan ang sakit na nararamdaman nya, hindi ako aalis sa tabi nya hanggat kaya
ko, gusto ko ulit makita yung dating sya, masaya at masigla,"
Hinaplos haplos ko ang likod ni Ryle. Parang biglang nagkaroon ako ng urge na
gustong kilalanin ang ate nya.
-----------------------
Rea's POV
Muli kong pinagmasdan ang kabuuan ng Adaipmil University, kakatapos ko lang mag
talk sa isang seminar na dinaos dito. Inanyayahan ako ng director ng paaralan para
magsalita at magbigay ng ilang inspiration message para sa mga kabataan.
Bumaba ako ng kotse pero unti unti din nawala ang ngiti ko ng di ko makita si lola,
isang dalagita ang nandito.
"po?"
"Di ba isang matandang babae ang dating may-ari ng tindahang ito?" tanong ko.
"Opo, si lola Melinda ang may-ari n ito," sagot ng batang babae, muli akong
nabuhayan ng loob. Nginitian ko sya..
"Nasaan na sya?"
"Naku ate ganda, pumanaw na sya dalawang buwan na ang nakakaraan," malungkot na
sabi nya. Bigla akong nakaramdam ng panghihinayang.
"Pero bago sya namatay may sinabi sya sa 'kin na di ko naman naunawaan, basta ang
sabi nya may isang babae na magtatanong daw sa 'kin kung nasaan sya, pero ang
isagot ko daw, wag ka daw susuko sa hamon na pinagdadaanan mo ngayon, at ang mga
hamin na dadating pa," bigla akong kinilabutan sa sinabi ng batang babae.
"Ayan lola ha, naubos ko ang mga paninda nyo," sabi ko kay lola, 'andito ako ngayon
sa maliit na tindahan nya malapit sa A.U.
"Naku salamat ineng, ang galing mo naman magtinda, oh eto ang porsyento mo.." sabi
naman ni lola at iniabot sakin ang 300 pesos..
"Naku, joke lang yun lola hehehe, pahingi na lang ako ng hopia, yun na lang ibayad
nyo sakin.." sabi ko na lang para di na magpumilit si lola, binigyan naman niya ako
ng isang box na hopia..
I smiled..
"Salamat din ineng.." sabi naman ni lola, napansin ko na nakatitig sya sakin..
"Tumataya ka ba?"
"wag ka ng umasa.."
"sige po lola mauna na ako, baka hinahanap na ako ni mylabs ko.." sabi ko, akmang
aalis na..
"Masusubok ang tibay ng relasyon nyo ng katipan mo ineng. At nasa kamay mo ang
desisyon kung lalaban ka pa ba o hindi na.." sabi ulit ni lola..
End of Flashback
Sinubok nga ba ang relasyon namin o dinala lang kami ni Johnny ng mga desisyon
namin kung nasaan man kami ngayon?
to be continued....
=============
A/N: Nakakatuwang malaman, na kahit napakatagal ng ud, may mga readers pa din na
handang maghintay gaano man ito katagal.
Madami na akong priority sa buhay ngayon, hindi lang ang pagsusulat. Kaya sana
patuloy nyo pa din akong unawain.
Iba na ang routine ng buhay ko ngayon, kung dati nakakapag update ako every 2 days
ngayon di ko na maipapangako yun, basta isa lang maipapangako ko, yun ay ang
tapusin ang JAGUARS SERIES gaano man ito katagal...
_AteYna_
=================
Enjoy Reading...
------------------------
Rea's POV
"Siopao kong mahal na mahal, patabi si ate ha," humiga ako sa tabi ni Siopao dito
sa kwarto nya.
"Ang laki laki mo na ate tumatabi ka pa din sa 'kin," ngumuso ako para mapigilan
ang mga ngiti ko dahil sa sinabi ng kapatid ko.
"Eh sa namiss kita buong araw eh bakit ba," sagot ko at niyakap sya ng mahigpit.
"Ok lang yan, gwapo ka pa din naman," biro ko. At di ko na napigilan ang di matawa
ng pisilin nya ang pisngi ko.
"Lagi mo na lang akong inaasar ha, sige ka hindi ko ipapakilala sa 'yo ang bago
kong kumpare," nakangising sabi nya. Bagong kumpare? May bagong kaibigan ang
kapatid ko?
Bigla akong nakaramdam ng konting saya sa puso ko sa kaalamang may kaibigan ang
kapatid ko sa bago naming tirahan.
"Talaga? Bakit? Mabait ba yang kumpare mong yan?" tanong ko, at hinaplos ng bahagya
ang malambot nyang buhok.
Ngumiti ako. Sigurado akong matutuwa sya sa ibabalita ko sa kanya. For sure mas
madadagdagan ang kaibigan nya.
"Bukas ko na lang sasabihin lumalaki na kasi yang butas ng ilong mo," biro ko.
"Ate naman eh, wag kang paasa," natawa ako ng malakas ng makitang naka-busangot na
ang mukha ng kapatid ko.
Masaya ako dahil sa kabila ng sakit at lungkot na nararamdaman ng puso ko, may
isang Siopao na handang patawanin ako.
Ngumiti ako at niyakap sya ng mahigpit. Alam kong hindi pa lubos na maayos ang
kalagayan ni Siopao pero ayoko naman maramdaman nya na hindi sya kagaya ng normal
na bata. Gusto kong maramdaman nya na sa kabila ng lahat may mga kakayahan pa din
sya na pwede nyang gawin, tamang pag gabay at alaga lamang sa kalusugan nya alam
kong dadami ulit ang mga kaibigan nya.
**
Bumalik na ako sa kwarto ko ng makatulog na si Siopao. Naupo ako sa kama ko. Heto
na naman ako, di ko na naman mapigilan ang lungkot sa tuwing mag iisa ako.
"Mylabs, sinira ng sinasabi mong kaibigan mo ang masayang relasyon na meron tayo,
sya ang may pakana ng sulat na natanggap ko 2 years ago." ilang linggo na ang
nakaraan simula ng pumunta si Johnny sa bakeshop para komprontahin si Blake tungkol
sa sulat at hanggang ngayon naririnig ko pa din ang boses nya sa isipan ko.
Hindi ko alam pero natakot akong pakinggan sya. Natakot ako na baka muling bumuka
ang sugat na hanggang ngayon tinatapalan ko pa din ng saya kasama ang kapatid ko.
Flashback
2 years ago....
"Sa apartment mo ako matutulog para matulungan kita dyan sa mga gagawin mo,"
narinig kong sabi ni Johnny nandito kami ngayon sa National Book Store sa mall
abala ako sa pamimili ng mga gagamitin ko para sa pag gawa ng project ng ilang mga
estudyante.
"Sige na kahit umuwi na lang ako pagkatapos natin gumawa," sabi pa nya. Tiningnan
ko sya sabay cross arm "Sige na mylabs pumayag ka na," nag pout pa sya. Di ko
napigilan ang mapangiti. Ang gwapo talaga ng mylabs ko.
"Kala mo naman papayagan pa kitang umuwi sa dis-oras ng gabi," nakangiting sabi ko,
biglang nagliwanag ang mga mata nya sa saya.
"Pero sa isang kundisyon," di ko pa rin inaalis ang mga ngiti ko. Di ko alam pero
sobrang saya ko pag nasa malapit lang sya.
"Walang level up?" biro nya pero tiningnan ko lang sya ng masama. Parang gusto kong
maasar ng bigla na lang syang tumawa ng malakas.
"Biro lang, kahit naman di mo sabihin, dun naman talaga ang pwesto ko, kaya wag na
wag mo akong pagtatakaan na gapangin babae ha," he teased me, pero isang hampas sa
braso lang ang nakuha nya mula sa'kin at hinarap ko na lang ulit ang mga bibilhin.
Habang pumipili ako ng mga materials, kinukulit nya ako, tapos isang beses
sinundot nya ako sa tagiliran kaya bigla akong napasigaw ng malakas, napatingin pa
samin ang ilan na bumibili din. Akmang hahampasin ko sya kaya lang nakailag na
sya.
Hanggang sa counter nag aasaran pa rin kami habang nakapila hanggang sa may isang
lalaki ang nakabangga sa'kin, naalarma ako nang makita ang biglang pagbabago ng
mukha ni Johnny at ang pagkuyom ng kamao nya, bago pa man nya sundan ang lalaki ay
hinawakan ko na ang laylayan ng damit nya.
"Maghulos dili ka mahal ko," nakangiting sabi ko, di ko napigilan ang kilig ng
bigla na lang nya yakapin sa bewang.
Siya na ang nagbayad ng mga pinamili ko, nagtalo pa kami pero sa huli sya pa din
ang nanalo, nag request na lang sya na ipagluto ko na lang ng adobo na may ketchup,
di ko alam kung bakit nagustuhan nya ang luto ko na yun.
Magkahawak kamay kaming lumabas ng NBS, napapatingin pa sa'min ang ilang mga babae.
Mainggit kayo akin na sya ngayon.
Nagulat ako nang bigla kaming huminto sa paglalakad , natigilan ako nang makita ko
si Blake sa daraanan namin.
Hindi na ako nagulat nang hilahin ako ni Johnny papunta sa likod nya.
"Problema mo brad?" tanong ni mylabs alam kong pilit lang nyang pinapakalma ang
sarili nya. Medyo nakakaagaw na kami ng pansin ng ilang mga naglalakad dito sa loob
ng mall.
"Pwede ko bang makausap si Rea pare?" tanong ni Blake. Tiningnan ko sya ng masama,
di pa ba maliwanag sa kanya na ayoko na syang makausap. Simula ng may mangyaring
masama kay Siopao ayoko na syang kausapin.
Nang dahil sa kanya lalo lang lumala ang kundisyon ng kapatid ko. Ilang buwan na
ang lumipas simula nang mangyari yun, at pilit kong tinago kay Johnny ang mga
nangyari sa sagada dahil ayokong mag alala pa sya.
"Sa pagkakaalam ko brad, hindi kayo close ng girlfriend ko, so why on earth you
want to talk to her?" alam ko anumang oras sasabog na sa pagka-asar si Johnny.
Kilala ko sya, alam kong mainit ang dugo kay Blake.
"Wala na tayong dapat pag usapan pa Blake," agad na sabi ko. Alam kong magtataka si
mylabs tungkol sa kung saan ang pinag uusapan namin ni Blake. Maayos na ang lahat,
ok na si Siopao sa palagay ko naman ay wala na kaming dapat pag usapan pang dalawa.
Isa pa hindi kami close para mag usap.
"Shut up Blake," angil ni ko. Bakit ba ang hilig hilig nyang mangialam sa buhay ng
iba?
"What the fvck is happening here!" nagulat ako sa pagtaas ng bises ni mylabs. Bakit
ganun? Wala naman akong ginawang kasalanan sa kanya pero natatakot ako, natatakot
ako na baka magalit sya.
"Mylabs----"
"Are you two have an affair? A-Are you.....are you cheating on me?"
"Hell no!," mabilis na sagot ko. Bakit naisip nya na niloloko ko sya?
"Then what the hell is this all about?" galit na tanong nya at tiningnan
kamingdalawa ni Blake. Tingin na para bang may ginawang kaming masama.
Hinawakan nya ang kamay koat hinila ako ng mahina, kaya lang may humawak din sa
kabilang kamay ko. At nang tingnan ko yun, nakipagtitigan sa'kin si Blake at huki
na nang mamalayan ko, nasuntok na sya ni mylabs. Mabilis syang pinaibabawan ni
Johnny.
"Gusto ko lang makausap si Rea!" malakas na sabi ni Blake sabay suntok din kay
mylabs. Naalarma na ako ng sobra. Kailangan pa bang magsakitan sila? Dumadami na
ang nanunuod sa away ng dalawa.
"Di mo ba narinig yung sinabi nya? Ayaw ka na nyang makausap putangina kung anuman
pag uusapan nyo!" bulyaw ni mylabs at muling sinuntok si Blake.
"Tangina Spencer," laking tuwa ko nang dumating ang Jaguars at agad na inawat ang
dalawa.
Pero bago pa may makasagot sa kanila dumating na ang ang security ng mall. At
dinala kami sa tanggapan nila, ang jaguars na ang humingi ng pasensya sa management
ng mall. Ramdam ko ang pagtingin ni Blake sa'kin pero di ko pinansin yun.
Tanging nasa isip ko lang ngayon ay si mylabs, galit ba sya sa'kin? Hinawakan ko
sya sa braso, at parang may dumukot sa puso ko nang alisin nya ang mga kamay ko sa
pagkakahawak sa kanya.
"Wengya, mortal enemy number 1 Blake Bill Adaipmil hahaha," nagtawanan ang jaguars,
naramdaman ko ang paghawak ni mylabs sa kamay ko.
"Kita na lang tayo sa bar ni Miller, mga tol" sabi nya sa jaguars bago ako
inalalayan makasakay sa kotse nya.
"mylabs," mahinang tawag ko sa kanya. Gusto kong magpaliwanag, gusto kong pawiin
ang galit na nararamdaman nya ngayon.
Hanggang sa ihinto nya ang kotse sa tapat ng apartment ko hindi pa din sya
nagsasalita.
Halos ayaw nya akong tapunan ng tingin, naramdaman ko ang pagpatak ng luha ko kaya
naman napagpasyahan kong bumaba na ng kotse nya.
Mas lalo akong naiyak ng paharurutin nya ng mabilis ang kotse nya paalis. Hindi man
lang nya ako pinakinggan.
Pumasok ako sa loob ng apartment ko, di ko pa man naisasara ng maayos ang pinto
narinig ko ang pagtunog ng cellphone ko, inayos ko muna ang sarili ko at boses ko
nang makitang si tiyang ang tumatawag.
"Rea anak kailangan ka namin dito sinugod na naman sa ospital si Ren, critical daw
ang lagay nya ayon sa doktor" di ko na napigilan ang mapahagulhol sa narinig.
Ang labo ng paningin ko dahil sa walang humpay na pagdaloy ng mga luha. Pagkarating
na pagkarating sa terminal ng bus dali dali akong bumaba, may nakabangga pa akong
lalaki, hindi ko na sya nilingon dahil ang buong isipan ko ay na kay Siopao.
Saktong paalis na ang bus kaya naman hindi na ito naghintay pa ng matagal. Nasa
Critical ang kapatid ko, kanino ako hihingi ng tulong? Agad kong naisip si mylabs,
kinapa ko ang bulsa ko para kunin ang cellphone para matawagan sya, napatayo ako ng
wala akong makapa.
"Wala akong load ineng eh pasensya ka na," sagot nya. Buong byahe may takot sa puso
ko. Halos di ko na namalayan ang byahe hanggang sa makarating ako sa ospital kung
nasaan ang kapatid ko.
"lola?"
Halos hindi pa nagsisink in sa utak ang lahat ng pangyayari, Parang kanina lang
nasa mall lang ako kasama si mylabs. Tapos......tapos...... ngayon pupunta kami ng
America?
"Pero......"
"Rea wala na tayong oras kailangan madala agad si Ren sa America at maoperahan,"
End of Flashback
==================
A/N: Salamat sa unang sponsor ng load hahaha.. Ito muna ha, bukas na lang ang
OTOL.
Nakakatuwa, madami ang gustong mag sponsor hahaha wag kayong mag alala di ko kayo
bibiguin sa mga UD ko. Bibitinin ko lang kayo :) :) xD
Happy 1 Million Reads pala dito sa MPUG. Keep supporting JAGUARS *lovelots*
-AteYNA-
=================
ENJOY READING!
-------------------------
Rea's POV
~~You & ICould be like Sonny & CherHoney & BearsAnd You & ICould be like Aladdin
& JasmineLets make it happen~~
Matapos kong ayusin ang sarili ko, bumaba na ako para mag almusal. Agad akong
napangiti ng mabungaran sa kusina ang pinakamamahal kong kapatid.
"Good morning din miss beautiful!" masiglang bati nya. Naupo ako sa tabi nya at
sinabayan sya sa pagkain.
"Si lola?" tanong ko kasabay ang pag nguya, di ko kasi sya nakita pagbaba ko
maliban sa mga katulong.
"Maaga umalis may aasikasuhin daw," sagot ni Siopao. Kumunot ang noo ko, trabaho pa
din kaya ang aasikasuhin ni lola? Bawal na sa kanya ang magtrabaho dahil may
nararamdaman na siya.
"Pogi gusto mo bang sumama sa forever sweet?" tanong ko ulit wala kasi syang
makakasama dito dahil umalis pala si lola.
"Naku miss beautiful gustuhin ko man na sumama sayo kaya lang di pwede, may
appointment ako ngayon" tinaasan ko sya ng kilay.
"May meeting kami ni pareng Jay sa court mamaya," sagot nya at kinindatan pa ako.
Di ko na napigilan ang di mapangiti sa ka-cute-tan ng kapatid ko.
Halos ilang linggo ko na din naririnig sa kanya ang tungkol sa pareng Jay nya,
mukhang nakatagpo na nga ng tunay na kaibigan ang kapatid ko.
-----------------------
Johnny's POV
Kinuha ko ang bola ko at sinimulan mag dribble, di ko pa man naititira ang bola may
sumigaw na sa likuran ko.
"Yo! Spencer!" itinira ko muna ang bola bago ko nilingon ang mga ugok na bagong
dating, sina Freeman, Young, Howard, Turner at Miller.
"Aga nyong mang gago ah," sabi ko at nilapitan sila at isa isang nagbanggaan ng
balikat kasabay ang pagtapik.
"Nanaginip daw kasi itong si Howard, kailangan mo daw ng tulong," sagot ni Young at
nilampasan ako para kunin ang bola.
Tiningnan ko si Howard na nagtatanggal pa ng muta. Ngayon ko lang napansin
nakaboxer short lang ang gago wengya!
"Balak mong ligawan si Rea, hindi ba?" mas lalong kumunot ang noo ko sa sinabi nya.
Teka nga pano nya nalaman ang bagay na yun?
"Pano mo------"
"Hindi na mahalaga kung paano ko nalaman basta ang mahalaga matulungan ka namin
para naman makuha mo na ang forever mo, ang forever nyong dalawa," seryosong sagot
nya.
Gusto kong kilabutan sa mga naririnig ko ngayon, pero mas higit na nangibabaw ang
tuwa dahil naghuhumiyaw ang katotohanan na napakaswerte ko sa mga kaibigan ko.
"Kung ano man ang misteryong bumabalot sa pagkatao mo, wag na sanang mawala," biro
ko.
Akmang pepektusan nya ako, kaya lang bigla syang napatingin sa batang lalaki na
papalapit samin.
"Yo! Pareng Jay, ang dami mo yatang kalaro ngayon," sabi nya at tiningnan ang
jaguars, nagsilapitan naman ang jaguars.
"Yo! pareng spencer may bulinggit ka yatang kalaro ngayon" pang aasar ni Freeman.
Tiningnan sya ng masama ni Ryle.
"pfffftt wala na Freeman, may bumasag na sa kagwapuhan mo hahaha" pang aasar naman
ni Turner kay Freeman.
"Hi! Ako nga pala si Kevin Young, kaibigan ako nitong si pareng Jay mo, pwede mo
din akong tawaging-----"
"Gago! Wag kang ano! nang aano ka eh!" papakyuhan sana ni Young si Howard kaya lang
nilakihan ko sya ng mata, mga gagong to' papakita pa sa bata ang mga kahayupan
nila.
"Pwede mo akong tawaging Pareng Kevin" tinuloy na lang ni young ang sinasabi nya
sabay lahad ng kamay nya kay Ryle.
"Ako naman si Ryle pwede mo akong tawaging pareng Ryle," sagot nya sabay ngiti.
"Nice to meet you pareng Ryle" ginulo ni Young ang buhok ni Ryle.
"Ako naman si Elvin Howard, mataas tumalon, malakas lumamon, sexy, di na virgin at
sobrang sara------- aray ko nak ng" bigla ko syang binatukan.
"Di mo na kailangan sabihin kay pareng Ryle na di ka na virgin kasi wala naman
syang pakialam," natatawang sabi ni Turner.
"Ako naman si pareng Miller, pag gusto mong uminum at maglabas ng sama ng loob
punta ka lang sa ba----" binato ko ng sapatos si Miller wengya kailan ba may
magandang sinabi ang mga hayop na 'to?
"Ang mabuti pa mag almusal na muna tayo bago natin pag usapan ang plano tungkol sa
panliligaw nitong si Spencer" pag iiba ni Howard sa usapan.
"Sama ka pareng Ryle may pag memeetingan tayo," agad na inakbayan ni Young si
Ryle.
"Sige ba! game ako dyan basta ba ibabalik nyo ako sa bahay eh," nakangiting sagot
ni Ryle mukang nakapalagayang loob na agad niya ang jaguars.
"Sus wag na ampunin na lang kita, para naman mahawaan ka ng kagwapuhan ko," pang
aasar na naman ni Freeman. Sinimangutan lang sya ni Ryle at tumuloy na kami sa van
para pumunta sa restaurant ni Howard.
****
Agad kaming nakarating sa restaurant medyo nagulat pa ako ng makitang nandito lahat
ng jaguars.
"Yo Johnny boy! Ano ilalaban mo na ba talaga?" bungad ni Montereal. Ngumiti lang
ako. Naupo kaming lahat sa isang mahabang lamesa para talagang may magaganap na
meeting sa pwesto naming ito. Halos agaw pansin na kami sa ibang kumakain.
"Tangina pare dati si Bata lang ang may fans club ngayon si Freeman at Fisher meron
na din" angil ni Dela Cruz na nakatingin ngayon sa cellphone nya.
"Tama na yan, kumain na kayo madami pa tayong pag uusapan," awat ni Burns.
Sinandukan ko naman ng pagkain si Ryle habang nakikinig sa mga kagaguhan nila.
"Alam nyo ba kung ano ang Fans club ni Burns?" tanong ni Fisher.
"Ano?"
"Wow hiyang hiya naman ako sa pangalan ng fans club mo Fisher, The FishCrackers"
"Ano kayang pangalan ng fans club ko?" maya maya ay tanong ni Howard. Biglang
tumahimik ang lahat at nagkanya kanya na ng pagkain.
"Oo pareng Jay, medyo nababanyo na nga ako eh! Kumain na kasi ako sa bahay kanina
bago umalis, natakam lang ako sa mga pagkain dito kaya tinikman ko lahat hehehe"
bulong nya. Di ko napigilan ang mga ngiti ko. Ginulo ko ang buhok nya.
Nang mapalingon ako sa jaguars, bigla akong kinabahan. Parang ayoko ang binibigay
na tingin nila sa akin ngayon. Parang ayaw ko yatang ipagkatiwala sa kanila angv
plano kong panunuyo sa babaeng mahal ko.
"Nandito kami para tulungan kang maibalik sa katinuan si Rea," umpisa nya.
"Kung hindi ka ba naman gago at kalahati dapat pinakinggan mo sya noon para di ka
nahihirapan ngayon hayop ka," komento naman ni Young. Pinakyuhan ko sya.
"Umpisahan na natin ang Operasyon: Ibalik si Rea kay Johnny"- sabi ni Turner tapos
biglang tumayo si Fisher.
"Dahil hindi naman ikaw ang nanligaw noon kundi si Rea, this time ikaw naman ang
susungkit sa matamis na oo ng babaeng mahal mo." lintanya nya sabay upo. Daid pa
nila ang nagbabalagtasan sa tuwing magsasalita tatayo tapos uupo ulit.
"Ligaw tips number 1, ang isang old way na panliligaw na hindi pa din nalalaos ay
ang tungkol sa pagiging gentleman, ganyan ako eh kaya napa-oo ko agad ang babaeng
mahal ko" -Young
"Whoa! Wala kang maloloko dito bata dun ka sa divisoria" nag umpisa na ng kahayupan
ang lahat. Tinaas lang ni Young ang kamay nya senyales na pinapatahimik nya ang
maiingay na jaguars.
"Wengya di kaya mamulubi si Rea pag laging sya ang magbabayad sa date nila?"
komento ni Montereal. Tumawa lang si Young saka tinuloy ang sinasabi.
"May mga babae pa rin na naaappreciate ang effort ng isang lalaki pag nanliligaw ng
hindi nagyayabang" nagpalakpakan ang Jaguars, nag apiran naman si Burns at si
Young. Napapangiti na lang ako. Mukhang seryoso talaga silang tulungan ako.
"Ligaw tips number 2, ngayon ka lang manliligaw pare di ba? Kasi nga pinanindigan
mo noon ang katorpehan mong hayop ka.. dalawa lang ang posibleng sagot sa gagawin
mong panliligaw, maging kayo o mareject ka. Ang tip ko ngayon ay tungkol sa
rejection. Wala naman masama pag nareject ka. Yun nga lang masakit. As in MASAKIT!
May mga bagay kasi na pag naramdaman mo na akala mo yun na talaga. Hindi natin
maiiwasan ang malungkot. Napakahirap gawin neto sa simula pero eto lang ang paraan
para magsimula ka ulit at ito ay ang mag "Move on", which is hindi mo talaga magawa
ngayon. Minsan kasi pare ang rejection lang ang way para gumising ka sa
katotohanan na hindi talaga siya para sayo. Kaya tanggapin mo na lang ang
katotohanan na di talaga kayo ang nakatadhana para sa isat isa"
"pffftt wengya pinapahina yata ni Burns ang loob mo Spencer" nagtawanan ang ibang
jaguars. Kung tutuusin may punto naman si Burns, pero di pa din ako susuko.
"Eto ligaw tips number 3 ang pinakamahalaga sa lahat, Importante sa panliligaw ang
pagiging mabango dahil ang mga babae, hindi nila sinasabi sayo kung mabango ka o
hindi. Kusa nalang yan lalayo bigla. Naalala mo noong umutot ka Spencer tanda mo pa
ba na lumayo lang si Rea sayo nun at hindi sinabi na mabaho ang utot mo hype ka,
nagiging judgemental din sila pag dating sa bagay na yan di lang nila masabi ng
harapan. Parating tandaan na ang personal hygiene lang ang katapat nyan pero wag mo
sosobrahan. Yung tamang sakto lang. Mas dagdag kilig factor sa babae pag ang lalake
ay fresh sa paningin nila"
Nagkanya kanya lang ng higop ng kape ang jaguars. Kung minsan gusto ko ng maawa kay
Howard kaya lang pag tinitingnan ko sya nawawala ang awa ko.
*********
Rea's POV
Na-late ako ng gising ngayong araw ang dami ko kasing tinapos na trabaho kagabi.
Napakunot ang noo ko nang mapansing ang daming tao sa loob ng Forever Sweet hindi
naman ganito kadami ang tao dito lalo na kapag ganitong oras. Ano kayang meron?
Mabilis akong bumaba ng kotse ko para masagot ang sarili kong tanong. Pagpasok ko
sa loob, di ko alam pero parang kinabahan ako at mas lalong lumakas ang kabog ng
dibdib ko ng makita si Johnny, may dala syang bulaklak at chocolate. Ngumiti sya ng
makita ako.
Di ko napigilan ang di mapataas ang kilay. At anong kabalbalan na naman ito? Unti
unting nawala ang ngiti nya at parang napalitan ng kaba.
"Good morning mylabs," bati nya ng makalapit sya sakin. Tiningnan ko lang sya at
ang hawak nyang bulaklak.
"Flowers?" nag aalangan pa sya kung iaabot ba nya yun sakin o hindi.
************
Johnny's POV
Tinungga ko ang isang bote ng beer nandito kami ngayon sa bar ni Miller.
"Ayos lang yan pare, nag uumpisa ka pa lang wag ka agad sumuko," tinapik ni Freeman
ang balikat ko. Tangina ang sakit pala kapag di ka pinansin ng taong mahal mo.
Naglaho lahat ng baon kong lakas ng loob nang lampasan lang nya ako.
"Tandaan mo pare, hindi ka sinukuan ni Rea noon, kahit ilang beses mo syang di
pinansin, di pa din sya sumuko. Ipakita mo sa kanya na determinado kang maibalik
ang pagmamahal nya sayo," tumango ako sa sinabi ni Howard sabay inum ulit ng alak.
Bakit ganun ayaw pa rin kumalma ng puso ko, pag naaalala ko ang mukha nya sa isipan
ko bigla na lang kumakabog ang puso ko ng ganito.
Miss na miss na kita mylabs. At hindi ako susuko hanggat di ka bumabalik sakin.
Kinuha ko ang cellphone ko. Lingid sa kaalaman nya kinuha ko ang number nya kay Ms.
Manager.
message sent!
Ngumiti ako. Mukhang kailangan ko nang maghanap ng madaming pick up lines ngayon.
Biglang nag vibrate ang cellphone ko, nawala ang ngiti ko ng mabasa ko ang reply
nya. Isang malupit na "Who you?"
Anak ng tokwa naman oh. Mylabs naman alam kong gwapo ako pero pwede bang wag mo
masyadong saktan ang damdamin ko.
Napagpasyahan kong wag na lang munang mag reply. Mag iisip na lang muna ako ng
magandang plano para bukas. Dahil bukas di ko na sya titigilan. Kukulitin ko sya
hanggang sa pansinin na nya ako at maligawan ko sya ng pormal.
============
A/N: Sorna sa matagal na UD di na kasi pwedeng magpuyat ang Ynang Reyna nyo
hahaha..
Nagpalit ako ng UN dito sa watty ha, sarap kasi pektusan ng mga nagtatanong ng UN
ko sa wattpad. Parang ganito oh.
Ako: MissWordsworth
See? Hahaha alam ko naranasan nyo din yan kapag nirerecommend nyo ang story ko sa
mga friends nyo. Para di na sila mahirapan ginawa ko ng Miss_Yna ang UN ko dito sa
watty para madali nila akong makita.
-----
Ngayon ko din dapat igi-greet ang mga nanalo sa games noong anniversary kaya lang
tulog pa ang OP ni Rea, kaya sa BOH ko na lang kayo babatiin ha.
-----
Dear Jagmins,
Nagmamahal,
Ynay
------
-Miss_Yna