You are on page 1of 281

Totally in love with a Dota player (Book 2)

by blue_maiden

[Book 2 of I'm in Love with a Dota Player] Tama kaya yung desisyon ko na mag mahal
ng isang Dota Player? o makaka relate na lang ako sa kantang.. Dota o Ako?

Written by blue_maiden

=================

Intro

BOOK 2 of 'Im inlove with a Dota Player'

WAG NYO PONG BABASAHIN KUNG HINDI NIYO PA NABASA YUNG BOOK 1 :)

Sana mag enjoy po kayo, kagaya sa Book 1.

ENJOY!:-)

Totally inlove with a DOTA player

by blue_maiden

All Rights Reserved. Copyright © 2012

=================

Season 1 -- Prologue

Season 1 -- Prologue

--

Nakatulala na naman ako.

Iniisip ko na naman siya. Bakit ba kasi lagi siyang nasa isip ko? Napatingin tuloy
ako sa stuff toy na hawak ko. Bakit kaya na kyutan ako dito kay pudge? eh mukha
naman siyang monster.. naaalala ko kasi siya kay pudge eh..

'oh ingatan mo yan ah, para kapag miss mo ko, hug mo lang siya tas maaalala mo na
ko kasi parang ako yan eh.. di ba kamuka ko? para hindi mo na ko ma mimiss kasi
parang nasa tabi mo lang ako.'

"bakit ganun? mas lalo lang kitang na mimiss eh.." *sigh*

May mga oras talaga na ma mimiss mo ung isang tao.. hindi dahil mahal mo siya..
kundi naaalala mo yung time na masaya ka dahil sa kanya...

♫ Someday you'll gonna realize.. One day you'll see this through my eyes.. But then
i won't even be there ♫

(panget!!! asan ka na ba? mag start na yung class natin!!)

"aray naman! sakit sa tenga! oo papunta na!"

Tumayo agad ako dito sa may tambayan ko! AMP naman ang sarap sarap ng buhay ko dito
eh. Sa loob ng tatlong taon ko dito sa USTe, dito ako naka hanap ng peaceful life.
Tahimik, mahangin.. tapos wala pang tao, nasa dulo kasi to ng field tapos may
malaking puno na sinasandalan ko kapag natutulog ako dito. Tska masarap dito..
nakikita ko siyang nag lalaro..

Naglakad na ko sa may corridor ng building namin kaso nakalimutan ko pa yung room


ko, tsk pambihira! Hinalungkat ko kaagad yung bag ko para hanapin yung registration
card ko. Asan na ba yun? bat kasi ang gulo ng gamit ko? Hindi na ko tumitingin sa
dinadaanan ko, bahala na.. hindi naman siguro nila ko babanggain di ba? tsk asan na
ba yun?

*blag*
Ouch! kakasabi ko pa lang pero eto may bumangga nga sakin. Napatumba ako sa lakas
ng impact ng pag kakabangga namin, ang laki ba namang tao eh! Pinulot ko agad yung
mga notebooks ko tapos tinignan ko yung mukha ng nakabangga sakin kaso hindi ko
makita yung mukha niya kasi naman ang tangkad niya eh.

"ano ka ba? bakit hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo?" sabi ko sakanya. wow ako
pa yung galit eh ako na nga yung hindi tumitingin sa dinadaanan hehe pasaway. eh
kasi naman ang sakit eh! huhuhu.

"anong ako?! ikaw nga yun eh!" sabi niya.

Tumayo ako bigla sa sahig. Yung boses na yun, sobrang pamilyar.. nung inangat ko
yung mukha ko nakita ko yung mukha niya. Grabe bumilis yung tibok ng puso ko.
Napahawak na lang ako sa dibdib ko.. aatakihin ata ako neto sa puso eh..

"ah sorry..." sabi ko sakanya, mukhang nagulat din siya nung nakita niya ako.

"ah next time kasi tumingin ka sa dinadaanan mo.."

Hindi ako nakapag salita sa sinabi niya. Natulala na lang ako. Next thing i know
nakatayo na lang pala ako mag isa dito sa corridor.. nag iisa. Ay shocks! oo nga
pala may class pa ko!

Pag kadating ko sa room.. Grabe ah! tinignan ko yung relo ko, 15 minutes pa lang
akong late grabe na mag tinginan sakin yung mga classmates ko. Bakit na gagandahan
ba kayo sakin? waaa echos. Gamitan ko kayo ng Echo Slam ni ES eh.. tignan ko lang
kung makapalag pa kayo! wahaha. kala mo naman kriminal ako. hoy late lang ako! asan
na ba yun si panget?

"panget dito!" tinanaw ko siya tas nakita ko siya sa may dulo. Aba tuso talaga, sa
dulo umupo para makatulog siya habang class, hindi pa din nag babago. Pag kalapit
ko sakanya "anyare sa mukha mo? may nangyare ba?" grabe talaga radar netong lalaki
na to. Alam na alam kung may nangyare sakin o wala eh. Bakit hindi kaya siya maging
manghuhula?

"nakita ko kasi siya sa may corridor eh.. ay mali.. naka bangga ko pala siya.."
"tss.. kinilig ka naman?"

"hoy kapal mo! hindi nuh! asa naman.." umupo ako sa tabi niya.

Kinilig? hindi ah.. Okey sige.. konti. Kasi ngayon na lang ulit kami nag kalapit ng
ganun eh tska naramdaman ko kaya yung mga abs niya, hehe bakit ba? ang sarap sa
feeling eh, parang REBISCO. 

Kahit isang taon na yung nakalipas.. hindi ko pa din siya makalimutan.. hay move-on
move-on din.. kasi naman tuwing gagawin ko yun, lagi siyang andyan eh.. parang pag
tulog lang eh, madaling matulog pero mahirap bumangon. Madaling magmahal pero
mahirap mag-move on.

 "Ms. Arrevalo.. you're idling again.."

"Ah.. Sorry mam.." tinignan ko si renz ng masama. hindi man lang ako tinapik alam
naman palang lumulutang na naman yung utak ko dito. "tsk.. tsk.."

"huy wala akong alam! natutulog ako dito eh.." wtf? paano siya nakakatulog sa loob
ng classroom tas hindi siya nakikita ng prof? Ibang klase! may pag ka magician na
din pala siya eh nuh.

"watever." napilitan na lang ako makinig sa lesson, wala naman kasi talaga akong
gana ngayon eh. Ngayon lang ah! hindi ako ganto, masipag kaya ako! dean's lister to
nuh. Minsan lang ako ganito kapag nakikita ko siya ng malapitan. Can't help to
think of him.

At last! tapos na yung class.

Lumapit agad sakin si renz. "uy bessy sorry kanina ah! libre na lang kita ng
fishball?" Akala niya siguro nagalit talaga ako kanina, ang taray ko kasi eh. PMS
kaya ako.

"fishball plus isaw.. solve na ko!" tinignan niya yung pitaka niya. Mukhang wala na
siyang pera. Hay tin ang sama mo talaga sa best friend mo. "ay madami pala akong
barya sa waller.. you know i hate coins di ba? kaya sige ako na manlilibre ngayon!
ice ba yun?" hinila ko agad  si renz palabas ng university para hindi na siya
makapalag. Ayaw niya kasi ng nililibre ko siya eh, nahihiya daw kasi siya sakin.
Sus! ultimo brand nga ng brief alam ko sakanya, mahihiya pa siya sakin! haha oo
ganyan kami ka-close niyan.

Pagkadating namin sa may mga vendor nag hanap na agad ako ng isaw. Waaa favorite ko
kaya yun! hmm yummy! pag ka dating ko dun, kumuha agad ako ng limang sticks, PG
lang eh nuh? wahaha.

"anong gusto mo?"

yung boses na yun.. bigla akong napalingon sa likod ko.

"isaw lang.. sa loob na tayo kumain, may practice ka pa.." tapos ngumiti siya din
sa babaeng yun! Yung feeling na maganda na sana yung araw mo, nakakita ka lang ng
panira. Tss, tumalikod na lang ulit ako tas kumain ng isaw.

Pag kalingon ko ulit sa likod ko, umalis na sila. Likod na lang niya yung nakikita
ko! waaa sexy back *_* ay shocks! may practice na pala sila.

"tin asan ka ba pumunta? akala ko ba ililibre mo ako!" hindi ko pa din ma absorb


yung nakita ko kanina eh, ang sexy niya kasi talaga eh. Buiset kang lalaki ka! na
tutulala ako dito dahil sayo. Wahaha. "huy! na frost bite ka ba ni rylai dyan at
naka freeze ka dyan?"

"ha?" binigay ko sakanya yung 100 pesos.. "bilhin mo lahat ng gusto mo.. pasok na
ko sa loob ha! masama pakiramdam ko eh!" tas ngumiti lang ako sakanya.

"teka tin!" hindi ko na pinansin si renz, binilisan ko na lang yung pag pasok sa
loob. Hindi naman talaga masama pakiramdam ko eh, excuse ko lang yun kay renz kasi
kapag nalaman niyang manonood na naman ako ng practice niya, pipigilan na naman ako
nun.
Tumakbo ako dun sa may tambayan ko.

Pag ka upong pag ka upo ko. Nakita ko agad siya.. nag lalaro na siya ng soccer..
Ang saya saya niya.. Napangiti tuloy ako.. sa loob pala ng isang taon, ganto ko na
lang siya tinatanaw..

"miggy.. bakit ganun? ang lapit mo lang sakin pero parang ang layo layo mo naman.."

Luh? biglang pumatak yung mga luha ko. Nag eemo na naman ako buiset. Ayoko
masiyahin akong tao eh! zzzzz.

Minsan, sa sobrang saya at kontento mo sa isang bagay, hindi mo na naisip na pwede


pa ding mawala sayo yun..

Mag iisang taon na din, hindi pa din ako maka move-on.. move-on? ano ba yun?
nakakain ba yun? haha echos.. umaasa pa din kasi ako eh.. umaaasa padin akong
babalik siya sakin.. na tutuparin niya yung pangako niya sakin..

"Ang dali lang pala para sayo na kalimutan ako.. nakaka inis ka naman miggy.."

To be continue .. ;-)

=================
Chapter 1 : Memories

Chapter 1 : Memories

--

July 8, 2011

Tatlong taon na din.. parang kelan lang..

Madaming nag bago.. madaming umalis pero may mga dumating din naman. May mga bagay
naman na habang buhay na mananatili sa puso mo..

Minsan, sa sobrang saya at kontento mo sa isang bagay, hindi mo na maiisip na pwede


pa ding mawala sayo yun. Minsan may mga bagay din na wala ka ng magagawa kundi
panoorin na lang na unti-unting masira tapos kahit ipikit mo yung mata mo alam mong
hindi na maaayos pa..

"TIN!" napatayo ako sa boses na narinig ko. "huy nakatulala ka na naman!"  Tinignan
ko si renz, baliw lang eh, sigawan daw ba ako!

"Ms. Arrevalo, are you okey? napapansin ko kasi lagi ka na lang natutulala.. may
problema ka ba?" sabi ng professor namin.

'heart broken po ako mam eh'

Kung pwede ko lang sana i excuse yan eh. "sorry mam, okey lang po ako! hehe antok
lang po siguro.." ngumiti lang ako tska siya tumango. Buti na lang mabait to si Mam
Jane. 

Kung pwede lang maging excuse ang pagiging BROKEN HEARTED, malamang marami ng
absent sa Highschool At College. Isa na ko dun! haha.

Nakita ko si renz, mukhang papagalitan na naman ako, alam niya kasi iniisip ko na
naman siya. "alam ko na sasabihin mo.. wag muna tuloy.." ngumiti lang ako, kunwari
okey lang ako. Well okey naman talaga ako eh di ba? ahhh ewan.
*BELL RINGS*

"yey! uwian na!!"

Lahat ata napa tingin sakin, napa lakas ata yung pag kakasabi ko nun. Nag peace
sign lang ako sakanila. Excited kasi ako eh, kasi may practice ulit sila ngayon,
meaning makikita ko ulit siya ^__^

"oh.. san ka pupunta? wala na tayong class ah.."

"ahh.. ano.. kasi.. tapon basura! haha!" binatukan niya ko. "ouch! bakit ba?" tas
nag sad face ako.

"sige ah mag pa katanga ka na naman bessy.. Ge uwi na ko!" Tinaas lang niya yung
kamay niya habang nakatalikod sakin. Sorry renz.. pag bigyan mo na ko, alam mo
naman na ito lang kaligayahan ko eh..

Pumunta agad ako sa tambayan ko. Yieee! makikita ko ulit siya, kahapon kasi wala
siya eh. Umupo agad ako sa may damuhan, dala dala ko yung burger tska float na
binili ko sa labas.

"hi ate tin!" napalingon ako sa likod ko.

"ah hello mina!" ang cute talaga niya. Kaya masigla ako kapag Literature yung
subject eh, kasi nakikita ko siya. Classmate ko siya dun, second year pa lang siya
irregular kaya naging classmate namin siya, kami kasi 3rd year college na. "tara
upo ka.." umusog ako para makaupo siya sa tabi ko.

"Ate! si miggy na naman ba tinitignan mo?" nagulat ako nung binanggit niya yung
pangalan ni miggy. Paano kaya niya nalaman? Eh wala naman ako sinasabihan.. "nag
tataka ka ba paano ko nalaman? eh kasi halata ka naman eh.. crush mo ba siya ate?"

"hindi ko siya crush... mahal ko siya.."

"mahal? bakit matagal na ba kayo mag kakilala?"


"ahm.. boyfriend ko kasi siya.." napatigil ako. "dati.. meaning ex-Bf ko! hehe.."
tinignan ako ni mina. Mukhang nagulat siya sa inabi ko.

"talaga? eh bakit ganun ate? parang hindi ka naman niya kilala kapag nag kikita
kayo.. loko yun ah! ang sama ng ugali! ang ganda ganda ng ate ko eh.." natawa naman
ako sakanya.

"ano ka ba.. hindi yun kasalanan ni miggy.." tumingin ulit ako kay miggy. "hindi na
niya kasi ako ma alala eh.. kaya ganun..."

**FLASHBACK

1 year ago - August 8, 2010

Andito ako ngayon. Kasama si miggy my loves! sa may kotse may pupuntahan daw kami
eh, sa may batangas.. bakasyon kasi sa amerika eh kaya andito siya, tska 2nd
anniversary kaya namin. Hindi pwedeng wala siya dito! kotongan ko siya eh! haha.

"miggy.. san ba kasi tayo pupunta?" 

"secret! haha.." pa secret secret pa parang hindi ko naman malalaman. Pfft!


sigurado may suprise yan sakin. Ako din eh, kaso video yung sakin, papakita ko na
lang sakanya mamaya.

"hmm bahala ka nga! teka play tayo ng song ahh.."

"sige po boss.." kinuha ko yung cd ng eraserheads tas pinatugtog ko yung magasin.

♪ ♫ Nakita kita sa isang magasin.. Dilaw ang 'yong suot.. At buhok mo'y green.. Sa
isang tindahan sa may Baclaran, Napatingin, natulala.. Sa iyong kagandahan. ♪ ♫
Tumingin ako kay miggy, naka ngiti lang siya. Grabe pala, dalawang taon na kami ni
miggy pero ayun mahal na mahal pa din namin yung isa't isa. Kahit na Long Distance
Relationship yung meron samin.. ni stop ko yung sound.

"oh bakit? maganda naman yung music ah?"

"wala lang gusto lang kita titigan kasi eh.. haha.. gumagwapo ka hubby.." tinaasan
lang niya ako ng kilay. "oh bakit?"

"ikaw ah... inaasar mo na naman ako.. tsk ang sama naman ng wifey ko! huhu.."

"hindi kaya! haha!" tapos kiniliti ko siya.

"waaa wag wifey! ayoko! tska nag ddrive ako oh.." tinigil ko na yung pag kiliti
sakanya. Kaso nung tumigil naman ako, bigla niya akong kiniliti sa bewang ko.
Weakness ko pa naman yun.

"ah.. gusto mo ng kilitian ah?" tas ayun nag haharutan na kami ni miggy.

Kaso...

*blink*

Teka bakit puro puti yung nakikita ko? hala? nasa langit na ba ako?

"cristin anong nararamdaman mo?" maya maya biglang luminaw yung paningin ko. Si
kuya ace, umiiyak, tas naka higa ako sa may hospital bed. Tapos nakita ko na din
sila mama at papa pati si miguel, umiiyak din sila. Bakit ba? anong nangyare? tska
bakit ganun nasa hospital ako? di ba aalis kami ni miggy? di ba pupunta kaming
batangas? tska oo nga pala asan si miggy?! napatayo ako sa kinakahigaan ko.

"kuya si miggy asan?! di ba kasama ko siya?" umiwas ng tingin si kuya. Kinabahan


naman tuloy ako. "mama! asan si miggy? papa! sagutin niyo ako please!"
"nasa emergency room siya anak.. huminahon ka muna.." medyo naging okey ako sa
sinabi ni mama, atleast hindi siya patay. Nalilito na ako eh, ano ba kasing
nangyare?

"anong nangyare?"

Lumapit sakin si papa. "kasi anak.. habang papunta kayong batangas.. nabangga yung
kotse niyo ng truck eh.. kaya andito kayo ni miggy ngayon sa ospital.." biglang
bumilis yung tibok ng puso ko.

"okey lang ba si miggy papa? mama?" umiyak ako. Hindi ko kasi alam kung magiging
okey siya. "gusto ko siya puntahan please.."

"princess.. mag pagaling ka muna! may mga sugat ka din! pag okey ka na pupuntahan
natin siya okey?" seryoso yung mukha ni kuya.

"ate mag pagaling ka ha!" lumapit sakin si miguel.

Tinignan ko yung sarili ko. Ang dami palang nakakabit sakin. Tapos may mga galos
din ako. Hays. Kelangan mag pahinga para maging okey na ko, para mapuntahan ko si
miggy.

Miggy.. hubby.. okey ka lang ba? nag aalala na ko sayo ng sobra..

Nagtulog na ko.. umaasa na sana bukas okey na lahat...

** END OF FLASHBACK

"ate!" bigla akong natauhan sa boses ni mina.

"ha?"

"eh kanina pa kasi kita kinakausap eh.. sabi ko bakit hindi ka niya ma alala?
bakit? bitter ba siya sayo?" natawa naman ako sakanya. Ginulo ko lang yung buhok
niya. Okey lang maiksi naman yun eh.

"hindi.. ikaw talagang bata ka.. nag ka amnesia kasi siya eh.. Retrograde
amnesia.."
"ah.. eh ano yung Retrograde amnesia?"

"yung mga nangyari sa kanya dati, nung bata pa siya hanggang nung 18 years old
siya.. lahat yun na aalala niya.. pero pagkatapos nun.. wala na siyang ma alala..
kaya ayun.. hindi na niya ako ma alala.."

"ah.. para palang movie nuh? eh bakit ganun ate? hindi mo ba siya kinausap? hindi
mo ba sinabi na girlfriend ka niya? baka ma alala ka niya.."

"alam mo.. komplikado kasi eh.. hayaan mo na.. wala na tayong magagawa.." Nakita ko
siyang nag sad face. Nakakatuwa talaga siya. Naisip ko lang bagay sila ni miguel.
Haha! kaso mga bad girl yung type nun eh! ayaw sa mga good girl.

"hayaan mo ate! ang ganda ganda mo eh! madami pa dyan nuh! di ba? haha.. ay shocks
may class pa pala ako! sorry ate! sige una na ko ah!"

"sige ingat ka mina.." nag wave na siya sakin tska siya umalis.

Iba? hindi ko naisip na mag hanap ng iba eh. Hanggang ngayon pa din kasi.. umaasa
pa ko na maaalala ako ni miggy.. kahit sabi ng doctor may posibilidad daw na hindi
na mabalik pa yung mga alaala niya.. isa pa.. wala kasing nag bago sa damdamin ko
para kay miggy eh.. mahal na mahal ko pa din siya, kahit minsan nasasaktan na ko,
napapagod.. pero simula naman nung minahal ko si miggy, hindi na ko nag sawa pa
eh. 

Sabi nga nila kuya, sarah, apple, kevin, dante at renz.. lahat na ata sila.. Mag
move-on na daw ako. Kasi mukhang wala na daw pag asa na ma alala pa ako ni miggy..
kung meron man, hindi daw namin alam kung kelan.. baka daw puti na yung mga buhok
namin.. Madaming luha na din daw naman yung naiyak ko eh.. pero hindi eh..

"miggy.. mahal kita.. mamahalin pa din kita kahit na talikuran mo ko, kahit pa iwan
mo ako.. At kahit anong kahit na o kahit ilang kahit pa.. mahal na mahal pa din
kita.."

Tinignan ko ulit si miggy. Nakangiti, masaya. Masaya na din naman ako eh, makita ko
lang siyang masaya. Haha martir na siguro ako, eh ano bang magagawa ko? mahal ko
eh.. true love ko..
to be continue.. :-)

<AN>

Thank you po sa pag sumuporta gang book 2! ;-)

alam ko nag tataka kayo, kaya ayan pero hindi pa kumpleto lahat ng dahilan eh, next
chapter na lang po :-)

Tska nga pala, yung idea nung book 2 inspired sa movie na The Vow. :)

=================

Chapter 2 : Move-on

Chapter 2 : Move-on

 --

August 10, 2010

1 year ago..

After 2 days, medyo okey na ko kaya pinayagan na nila ako pumunta ako sa kwarto ni
miggy. Wala pa din daw siyang malay. Andun yung daddy niya pati si ate michelle..
buti na lang nga andun yung daddy niya eh, kundi di ako makakalapit kay miggy dahil
sa ate niya.

Pag pasok ko sa loob, lumapit agad ako kay miggy. Umupo ako sa tabi niya. Hinawakan
ko yung kamay niya.
"miggy.. gumising ka na please.." tapos naiyak na naman ako. "nag aalala na si
wifey mo eh! tignan mo umiiyak na ko.. di ba ayaw mo nun? miggy please.. gumising
ka na.." niyakap ko siya. Habang nakahiga ako sa tabi ni miggy. Biglang gumalaw
yung mga kamay niya..

"miggy?" dumilat yung mga mata niya. "miggy.." tinignan niya ako na parang nag
tataka siya.

"sino ka?"

"miggy si tin to.. anong nararamdaman mo?"

"tin? sino ka? hindi kita kilala!" nakaka inis si miggy, ganyan na nga yung lagay
niya, nag bibiro pa siya. Halos manlumo na nga ako sa kalagayan niya eh.

"hubby naman eh! nag jojoke pa! ako to.. wifey mo!" bigla niyang hinawakan yung ulo
niya. Sumasakit ata. "teka lang ah.. tatawagin ko yung doktor.."

 Lumabas ako ng kwarto, tinawag ko yung doktor pati yung daddy at ate ni miggy,
sumama na din sila kevin at kuya ace sa loob.

"miggy! miggy anong nararamdaman mo?" sabi ng ate niya.

"ate.. bakit ako andito? anong nangyare?" napatingin si ate michelle samin, lumapit
ako para makita si miggy.

"miggy kasi na aksidente yung kotse na sinasakyan natin eh.." napa tingin siya kay
ate michelle.

"ha? ate sino ba siya?"

"miggy siya si tin, yung girlfriend mo.."

"ha? wala akong girlfriend! ate hindi ko siya kilala.. pwede pa alisin niyo siya!"
ang sama ng tingin sakin ni miggy. Ano bang nangyayare sakanya? hindi na magandang
biro yan ah.

"miggy.. hindi mo ba naaalala si cristin?"

"dad sinabi ko na di ba? kevin? ano bang nangyayare?" lumapit si kevin kay miggy.
Bakit ganun parang naiiyak na ko. Kinuha ni kevin yung kamay ko tska niya ko
nilapit kay miggy.

"migz, si cristin to.. girlfriend mo.. ano ba?"

"HINDI KO NGA SIYA KILALA!!" sumigaw siya. Biglang sumakit yung ulo niya. Lahat ng
nasa kwarto tahimik lang.

"tin.. lumabas muna tayo.." inalalayan ako ni kuya ace sa palabas ng room ni miggy.

Halos kalahating oras din kami nag hintay sa labas ng kwarto ni miggy. Ano ba
kasing nangyayare? seryoso ba talaga si miggy na hindi na niya ko na aalala? pero
bakit?

"tin..."

"kuya? ano bang problema? pwede na ba kong pumasok?" 

"tin.. kasi si miggy.. may amnesia.. kaya hindi ka niya ma alala.." bigla akong
inalalayan nila sarah.

"ha? joke ba yun? pero bakit yung ate niya? ikaw? na aalala niya? ano yun kuya joke
ba yun? tell me.. palabas ba to? ano to show ni michael V.? asan yung camera?"

"Retrograde amnesia kasi yun eh.. yung mga bagong memories na meron siya, ayun yung
hindi niya ma alala.. lahat ng memory na meron siya simula nung nag kakilala kayo
hanggang sa na aksidente kayo.. hindi niya yun ma alala.. tin.. lakasan mo lang
yung loob mo ha.. andito lang kami.."

Hindi ko alam, pero naiiyak na naman ako. AMP naman! ang drama na msyado. Oo.. Alam
ko totoo yung sinasabi ng kuya ko pero hindi ko matanggap eh.. bakit sa lahat ng
tao na makaka limutan niya ako pa? bakit ako pa? pinag lalaruan ba kami ng tadhana?
UNFAIR naman! bakit sakto talaga nung nag kakilala kami? hindi ba pwede kahit nung
nakilala na niya ako?

Pumasok ako sa loob.

"miggy?"

"ikaw na naman? sabi ko ng hindi kita kilala di ba?"

"alam ko.. pero ako yung girlfriend mo.. nung hindi pa nawawala yung memory mo.."
"hindi nawala yung memory ko ok? pwede ba.. wag ka ng lumapit sakin.. ayoko kasing
makita tayo ni maureen na mag kasama eh.. ayoko mag isip siya ng iba.." nakatingin
lang ako sakanya. Hindi na nga niya ko na aalala, ngayon pinapalayo niya pa ko..

Feeling ko.. ang sakit na ng ulo ko..

"miss!" ay bakit ganun? damuhan na yung nakikita ko? "okey ka lang ba?" ay oo nga
pala! nag day dream pala ako tas natamaan ako ng bola. Ang sakit tapos tinatanong
pa niya kung okey ako?

"Anong okey?! nakita mo ba na natumba ako.." tumalikod ako para makita yung nag
sasalita sa likod ko. Nanlaki yung mga mata ko nung makita ko si miggy.. Nagulat
din siya nung makita niya ko. "ahh oo.. oo okey lang ako.." nahihilo ata ako. Teka
parang napapa pikit ako..

"tin.. gising ka na ba?"

"tin..."

"tin gising na.." miggy ikaw ba yan?

Pag ka gising ko nakita ko si maureen. Nasa clinic pala kami. Nursing kasi yung
course niya kaya andito siya para sa OJT. Kaso bakit andito agad ako? di ba nasa
field pa lang ako kanina? tapos nahilo ako? ano kayang nangyare?

"ah.. maureen.."

"nawalan ka ng malay kanina eh.. kaya ayun binuhat ka ni miggy pa punta dito.."
HA?! binuhat niya ko? ginawa ba niya talaga yun? UNFAIR naman, bakit wala akong
malay? hindi ko tuloy naramdaman yung feeling na buhat buhat niya ko. Malayo pa
naman yung clinic sa field. Eh parang natuwa naman ako

"kinikilig ka ba? haha.. nakaka tuwa ka talaga.." ay shocks! nakita pala ako ni
maureen. 

 "hmm.. medyo, hehe.. alam mo naman eh.. once in  a blue moon lang kami mag kalapit
ni miggy.. alam mo naman yun di ba?" umupo si maureen sa kama ko. Ang tahimik pala
dito sa clinic.. ang sarap siguro dito.

"tin.. isang taon na din.. hindi ka pa din ba nakaka move-on?"

"mahirap eh..." Tinignan ko siya na may halong lungkot sa mukha ko. "umaasa pa din
kasi ako.."

"alam mo ang swerte ni miggy sayo.. kung ako ikaw, malamang nag hanap na ako ng
iba.." nakatinging lang siya sa bintana.

"hindi naman kasalanan yun ni miggy eh.. tska may pangako kami sa isat isa na hindi
namin iiwan yung isa' isa.." ngumiti siya.

"tin.. wag mo sanang masamain tong sasabihin ko.. wag naman sana mangyari pero
paano kapag hindi na bumalik yung memory ni miggy? habang buhay ka na lang ba mag
hihintay? tin.. kelangan mo mag move-on.. oo mahal mo pa din siya.. pero kelangan
mo ng kalimutan yung nakaraan para madalian ka sa pag move on mo.. alam ko gusto
lang naman ni miggy maging masaya ka eh.. alam mo naman siguro na ayaw na ayaw ka
niyang umiiyak di ba? pag isipan mo yung sinabi ko.."

**

Minsan kahit wala ka nang maisip na dahilan para maghiwalay kayo dahil sobrang
perfect nyo para sa isa’t isa, eh kung hindi talaga kayo yung nakaplano para
magkatuluyan, magkakaroon at magkakaroon pa din dahilan para magwakas yung inakala
nyong wala nang katapusan..

Tama nga siguro.. panahon na para mag move-on ako.. Pa unti unti.. hanggang sa
makalimutan ko na siya..

"ouch!" nakayuko siya, natapunan ko ng juice yung sapatos niya. "stupid! bakit kasi
hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo?" mag sosorry na sana ako kaso nakita ko yung
mukha niya.. "ikaw?! no wonder stupid nga talaga yung naka bangga sakin.."

"alam mo.. ang ganda pala ng paa mo, ang gandang sapatusan.. pero yung mukha mo mas
maganda eh.. mas magandang SAPATUSIN!"

"how dare you?! ang kapal ng mukha mo.. alam mo siguro kaya ka nabangga sakin kasi
iniisip mo na naman si miggy.. umaasa ka na naman na mamahalin ka niya.. Ha-ha-ha!
in your dreams!!" aba sumosobra na siya ha! akala niya ba papatalo ako sakanya?

"alam mo alyssa.. yung pagiging malandi, hindi nakaka ganda yan.. nag mumukha kang
desperada eh.. biruin mo ah, taon na yung lumilipas, hindi mo pa din nakukuha si
miggy? hahaha.. atleast ako.. minsan siyang naging akin..." lumapit ako sa mukha
niya. "next time.. kilalanin mo yung kinakabangga mo ha?" tapos inirapan ko siya
tska ako umalis. Narinig ko pa siyang sumisigaw, inis na inis. Haha! bagay lang
sakanya yan, hanggang ngayon ba naman? kontrabida pa din siya sa buhay namin ni
miggy..

Hay nako! nawala tuloy yung lungkot ko.. nakakatawa kasi to si alyssa eh. HAHA!

to be continue.. :-)

<AN>

Ayan medyo hindi na madrama dahil kay alyssa. Haha! hanggang book 2 epal pa din
siya eh nuh?Thank you pala sa lahat ng nag VOTE, COMMENT at nag FAN! loves ko kayo
<3

Sensya na hindi ko mareplayan lahat ng comments niyo ah, pero lahat yun nabasa ko.
Bawi na lang ako, babatiin ko na lang kayo! hehe..

Hello sa mga avid readers neto! :-)

Pia Alcazaren, na nag message talaga ng mahaba, at tinapos yung book 1 ng isang
araw, ikaw na! <3 Thank you ate.

Kala,
CarminaMercado, KhimZamudio, SHinyshinyShine, Marionnes, JhapzAldana, nicoleAnnVian
a, Rhonapotsz07, rona_james, JohnPhilipMPeralta, Sweet_Cherry, Nialler_Brey, Ghyrro
seCaballero, JeffreyReyesSoliven, SelinaGarcia at si dondon.

=================

Chapter 3 : Tulad ng dati

Chapter 3 : Tulad ng dati

<AN>PLUG KO MUNA YUNG ISA KONG STORY: MY BUKO GIRL <3 (abra and janica story)
basahin niyo din po :)

--

Naka upo na naman ako sa tambayan ko. San pa ba? hehe.

Nag di-drawing kasi ako para sa art subject namin, Fine Arts kasi yung course ko
pati si renz. Kaya artist ang peg ko ngayon.. nakaka distract nga eh, nakikita ko
kasi si miggy nag lalaro ng soccer pero maya maya aalis na din naman siya kasi may
class pa siya sa Rizal, psychology yung course na kinuha niya. Hayss.. sabi nila
nababasa daw ng mga psychologist yung nasa isip mo, eh bakit hindi niya makita na
mahal ko siya? haha.

Nakita ko si miggy may kausap sa phone tapos nag mamadaling umalis, tekaaa! ano
kayang nangyare?

Kinuha ko yung gamit ko tapos sinundan ko siya. Nakita ko siya palabas ng back
gate, sinundan ko siya tapos pinigilan ko siya.

"san ka pupunta?"

"ano bang paki alam mo?" may paki alam ako kasi mahal kita.

"may klase ka pa di ba? san ka pupunta?"

"bakit ka ba nakiki alam sakin? tska bakit alam mo kung nasan dapat ako, stalker ba
kita?" natigilan ako saglit sa sinabi niya. Naalala ko kasi yung una kaming mag
kita eh, tinanong ko siya kung stalker ko ba siya.. haha!

"hoy miss arevalo, nakakalimutan muna yata na dahil sayo kaya ako na principals
office, at pinapatawag nila yung parents ko, alam mo bang mababawasan yung
allowance ko sa ginawa mo ha?"

"hoy ikaw! dapat nga mag pasalamat ka pa sakin eh, dahil nag mala sakit pa ko sayo
kanina at ginising kita, kaso sino kaya tong tanga na isinigaw sa classroom na
natutulog sya? pati bakit mo alam pangalan ko? stalker ba kita?" tumawa siya ng
malakas, lakas ata ng topak neto eh, may nakakatawa ba sa sinabi ko?

"ako stalker mo? ano ka chix? haha."

"oo hindi ako chix, hindi ako sisiw, tao ako, ikaw halimaw ka! pwede ba uuwi na
ako."

"ewan ko sayo! aalis na ko" natauhan ako nung nag salita siya. San ba kasi siya
pupunta?

"uy teka sasama ako!" huminto siya tapos humarap siya sakin.

"bakit? pupunta akong away, baka mapapano ka pa, malilintakan pa ko kay master ace
eh! tsk." away? baliw na ba siya? ganyan ba siya dati? gangster mahilig makipag
away, tsk dati nung kami ayaw niyang nakikita ko siyang nakikipag basag ulo.

"ano?! nababaliw ka na ba? sasama ako!"

"AMP! bahala ka nga! leche.." halatang badtrip siya, siguro nakukulitan siya sakin.
Nagulat ng din ako sa sarili ko eh, sa tagal tagal ng panahon ngayon lang ako nag
kalakas ng loob na kausapin siya ng ganito.

Naglakad lang kami, grabe layo ng nilakad namin ah, andito kami sa tapat ng
computer shop, yung computer shop na pinag dalhan niya sakin dati. Buhay pa pala
to? sabagay madami kasing nag lalaro pero ang nakaka gulat, madaming tao sa labas,
mukhang mga gangster eh, tapos andun si kenneth, yung ka team ni miggy. Kinabahan
tuloy ako.
"eto na pala si miggy eh.. aba at kasama pa yung chix niya.." napalingon sila samin
pati si kenneth. Mukhang nagulat siya na kasama ako ni miggy.

"miggy bakit mo pa sinama si tin? baka mapano pa siya eh.."

"makulit eh, hayaan mo siya.." napakamot na lang ng ulo si kenneth.

"aba teka dre.. eto din pala yung girlfriend ni miggy, na alala niyo ba? wow ha..
going strong?" tapos nag tawanan sila. Lakas mang asar eh nuh? Going strong pa
nais.

"tumigil ka ngang tabachoy ka! ano bang kelangan niyo ha? nang gugulo pa kayo dito
sa teritoryo ko? mga weak naman kayo! pagaling muna kayo sa DOTA ha?" sabi ni
miggy. tss kahit kelan talaga ang yabang niya, parang dati lang eh nung una kaming
nag kakilala.

"aba ang kapal!" Nagalit si taba, kaso pinigilan siya nung parang leader nila, wow
ang laki ng katawan niya tska ang laking tao. Nakakatakot tuloy siya.

"let me handle this.." bigla niyang sinuntok si miggy, naka ilag naman si miggy,
behlat! buti nga! "aba.. magaling ka ha.." sinuntok niya ulit si miggy pero hindi
na naman niya natamaaan, maya maya hinawakan nila si miggy, tumulong si kenneth
pero sinuntok naman siya nung isa pa. Nung pangatlong suntok niya kay miggy, tumama
na yun sa mukha niya kasi naman eh, hawak nila si miggy! ano ba yan! ang daya nila!
huhu si miggy!! susuntukin na naman niya si miggy..

"wag! wag niyo syang sasaktan!!" napatingin sakin yung leader ng grupo nila.
Binitawan nila si miggy, tapos lumapit yung leader sakin. Luh? anong gagawin niya?
huhu nakakatakot, pumapatol ba to sa babae?

"aba miss beautiful, matapang ka ha!" hinawakan niya yung mukha ko. OMG! anong
gagawin ko?

"hoy!! ako harapin mo." sabi ni miggy.

"wow naman, ang sweet ha?" binitawan niya ko tapos lumapit ulit siya kay miggy.
"lover boy ka na pala ngayon miggy?" sinuntok niya ulit si miggy. "ano kayang
mararamdaman mo kung makita mong binabastos ko yung mahal mo?"

"eh di bastusin mo, hindi ko naman mahal yan eh!" ouch naman. Grabity. Sakit sa
puso, kelangan pa talagang sabihin?

"paano ba yan miss beautiful? okey lang pala kung gagawin ko sayo to eh.." lumapit
siya sakin. Tapos hinawakan na naman niya yung mukha ko, lintek mukhang hahalikan
pa ko ng mokong na to eh. HUHU miggy naman kasi eh. Pipikit na nga lang ako,
mukhang wala na akong magagawa.
"ARAY!" ha? niligtas ba ko ni miggy?

"sino may sabi sayo na galawin mo yang girlfriend ko ha?!" si... si dante.

"boss!" sabi nung leader mukhang natakot siya kay dante.

"mukhang papalag ka na ata ngayon sakin gary ah.. tsk.."

"boss pasensya na! hindi na mauulit!"

"talagang hindi na! dahil alam mo na yung mangyayari kapag naulit pa to."
nakakatakot din pala to si dante, sabagay pamilya nila leader ng gang.

"ah.. oo.. oo boss, mga bata! tara na!" umalis sila gamit yung motor nila. Tss!
takot naman pala kayo eh! ang yayabang pa.

"tin okey ka lang ba?" tanong sakin ni dante.

"okey lang ako! pero anong girlfriend ha?! kelan mo pa ko naging girlfriend?"

"haha! joke lang yun nuh! para hindi ka na nila galawin.. ikaw naman hindi na
mabiro!" hay nako dante, hindi ka pa din nag babago.

"dre salamat ha!" lumapit samin si kenneth at miggy.

"wala yun! hoy miggy! bakit hinayaan mo na mapahamak si cristin?"

"tss.. sabi ko na kasing wag siya sumama eh, tska bakit? responsibilidad ko ba
siya? hindi naman di ba? sige alis na nga ko.." tapos umalis na siya agad. Alam mo
yung feeling nasasaktan kana sa sinasabe nya. Pero tinitiis mo lang kasi MAHAL mo
sya.

"tin pag pasensyahan mo na si miggy ah.."

"okey lang kenneth.." ano pa nga bang magagawa ko?

"sige alis na din ako! pareng dante! salamat ulit ah! kita na lang tayo sa
tournament!"

"sige dre! ingat!" napa buntong hininga na lang ako nung maka alis na si kenneth.
Grabe dapat pala hindi na lang ako sumama, nasaktan pa tuloy ako sa mga sinabi ni
miggy.

"ikaw namang babae ka! ang tigas ng ulo mo eh nuh! gusto mo talaga mapahamak?"

"kasi... kasi.. gusto ko lang naman makasama si miggy eh.. nag papaka stupid na
naman ako.." ay shemay! naiiyak ata ako? shocks.

"haha! nilamon ka na ng pag-ibig tin.." ginulo niya yung buhok ko. "May mga
pagkakataon na kahit mahal mo, dapat mong bitawan para sumaya ka ng totoo.. matuto
ka din kasing mapagod at sumuko pag hindi na worth it.."

"kaya ko namang wala siya eh.. hindi nga lang ako masaya.."

"kaya ka nasasaktan eh.. kasi umaasa ka pa.." tinginan niya ko na napaka seryoso.
"you deserve to be happy cristin... pag isipan mo yan ha!" tska siya umalis.

'tss.. sabi ko na kasing wag siya sumama eh, tska bakit? responsibilidad ko ba
siya? hindi naman di ba? sige alis na nga ko..'

May mga bagay na ayaw mo ng ituloy pero takot kang iwasan, yung tipong ayaw mong
umasa pero gusto mo pa din maghintay.. pero siguro nga panahon na para mag move-
on.. para mabuhay sa present.. para maging masaya ako ulit.

to be continue.. :-)

<AN>

Hindi muna ko mag POV kay miggy, kay tin muna tayo. Papa miss daw si papa miggy :)

Sorry kung mag momove-on na si tin, she deserves it naman di ba? hindi na din natin
alam kung sila pa din ni miggy yung mag kaka tuluyan o may iba na magiging love
interest yung dalawa.. :-)
Hello pala kay Katrina Castillo Tadeo na nag msg sa fan page sa FB! ^__^ tska sa
lahat ng nag comment at nag vote! SHinyshinyShine, Mharynelle,
TracyjoyZorca, KylaRivera, KhimZamudio, SelinaGarcia, rona_james, Nialler_Brey, Swe
et_Cherry, nicoleAnnViana, Rhonapotsz07. Thank you! :)

tska sa mga silent readers! uso paramdam :)) haha joke! iloveyou all! :*

=================

Chapter 4 : Friends

Chapter 4 : Friends

--

"wow grabe idol!""lanaya ng pinas yan eh!""master talaga!"

Everytime talaga na maglalaro ako, ang iingay ng mga tsupols ko. OO tsupols, parang
under ko, haha ewan ang gulo din! salitang pang dota eh. Ewan ko ba sa mga lalaki
na yan, kapag nakaka kita ng babae na nag dodota manghang mangha, ano naman pag
kakaiba nun sa lalaki? parang may dyosa sa harap nila, eh hello? nag dota lang yung
tao.

Sabi nila may mga babae daw na nag dodota para sumikat, pagka guluhan, hangaan,
yung malala, para daw lumandi.. pero bago niyo pa ako ihanay sa mga yan, uunahan ko
na kayo, never naging reason yang mga yan kung bakit ako nag laro ng dota.

Sa totoo nga lang, ayoko talaga ng DOTA eh, alam niyo naman.. ayan yung lagi naming
pinag aawayan ni miggy. Kaso.. sa nangyari.. pinilit ko matuto mag laro ng dota..
umaasa kasi ako eh,  umaasa ako na baka isang araw kapag natalo ko siya sa dota,
mapansin niya ako.. wala naman masama mag try di ba? na baka maging close kami
dahil sa dota, kahit maging mag kaibigan lang kami dahil sa larong yan.. eh yung
love story nga naman namin.. sa dota din naman nag simula di ba? kaya sinubukan
ko.. pero wala eh.. nganga pa din.. sa bagay.. naka move on na naman ako eh.. sa
isang linggo na yun.. kahit papaano.. masasabi ko na naka move on na ko.. konti..
Mahal ko pa ba? Oo naman, hindi naman yun mawawala eh..

"grabe tin! ang lakas mo na talaga!"

"ewan ko sayo kevin! nag patalo ka lang ata eh!" tas nag pout ako.

"haha! wag ka nga gumaganyan.. di ba ayaw ni.." naputol yung sasabihin ni kevin..
Oo ayaw ni miggy na nag popout ako sa madaming tao.. "haha top player ka na talaga!
grabe wala akong palag eh.."

"haha leche! boka mo din eh! asan nga pala si apple?" 

"ewan ko nga dun sa babae na yun! baka mamaya andito na din yun.."

"hoy kups!" napa lingon kaming dalawa ni kevin. Si miggy...

"hoy migs! musta?"

"balita ko natalo ka daw ni cristin ah? tss.. ganyan ka na ba ka weak mag dota
dre?" iniwas ko na agad yung sarili ko sakanya, pumunta ako sa may computer ko,
tapos nag open na lang ako ng facebook. Ewan, ganun ginagawa ko this week.. para
makalimot at tuluyan ng maka move-on.

"tin.. one on one daw kayo ni miggy?" nagulat ako sa sinabi ni kevin.

"ha? wag na nuh, hindi ko naman siya kaya eh.."

"sige na tin! inaaway ako eh! weak daw ako! pakitaan mo nga para tumahimik!"
tinignan ko na lang ng masama si kevin. hindi ako komportable kalaro si miggy,
ngayon pa nasa moving on stage ang lola niyo!

"sige na cristin, para hindi mapahiya yan si kevs!" sigaw ni miggy.

"oo na!" ano ba yan. Lumambot na naman puso ko pero hindi, hindi dapat. Laro lang
to.
Nag start agad kami ng game, Nevermore siya, favorite niya talaga yan, kahit noon
pa. Ako naman si lanaya, dapat nga si pudge gagamitin ko, kaso matatalo ako eh.
Pudge na lang yung ginamit ko na name, tapos siya... jenny </3

Nadidistract ako sa pangalan niya, eh kasi name dati yun ni maureen. Kaso inisip
ko, baka eto na yung moment na hinihintay ko, yung moment na matalo ko siya sa
dota. Lahat ng pag pupuyat ko, pag hihirap ko para lang gumaling dito, ilang sigaw
na inabot ko kala kuya at miguel kada mali napipindot ko, nabibili kong gamit,
maling hero napipili ko, para lang isang araw.. matalo ko si miggy sa Dota. Eto na
ata yun eh, kaya binigay ko talaga yun best ko. Hindi na ako umaasa ha! gusto ko
lang siyang matalo.

Nung una, napatay ako ni miggy., i mean yung hero ko. Tss expected ko na yun pero
ang hindi ko ineexpect yung mapatay ko yung hero niya. Mukha nga ding nagulat siya
eh, sinadya niya ba mag papatay para asarin ako? Tss ang yabang talaga sa
kayabangan niya, ayan natalo ko tuloy siya.

"boom!""miggy wala ka pala eh!"

"ano miggy? sabi sayo eh, malakas si tin! haha!" nang asar pa si kevin.

"haha oo na! sige na nga hindi na ko mag rerematch.. panalo ka na!" ngumiti lang
ako kay miggy.

"sige una na ko ah!" umalis na agad ako, tss nararamdaman ko kasi lumalambot na
naman yung puso kong to. Mali to eh, maling mali.

"uy Dota girl!" pag kalingon ko, nagulat ako kasi si miggy yung nakita ko. "uuwi ka
na agad?" tumango lang ako, para akong napipe. "oh bakit hindi mo na ko
kinakausap?"

"eh ayoko ng kausapin ka eh.."

"ha? bakit? galit ka ba?" wow kung makapag tanong parang wala lang ha? ang gulo
talaga ng lalaking to, ewan ko ba bat ko to minahal eh.

"hindi.. hindi ako galit sayo.." ngumiti ako. "kasi kapag kinausap pa ulit kita,
alam ko na may kaunti pang pag-asa na mahulog ulit ako sayo.." pabulong ko na lang
sinabi yun.

"ha?"

"wala! sabi ko hindi ako galit, gutom lang siguro ako.."


"ah ganun ba! nakaka panibago ka kasi eh, dati lagi mo akong sinusundan! akala ko
nga stalker kita eh! haha! tapos nung isang linggo lang lagi mo ko kinakausap! tas
ngayon ang sunget mo na?" napataas ako ng kilay. ALAM NIYA? nakakahiya ampupu. Tska
ano naman kung mag sunget ako? as if he cares. Tss. "alam ko na tara kain tayo!"
hinila niya ko papunta kung saan! ano ka ba miggy? bakit ka ganyan? kung kelan ako
nakaka move on sayo? tska mo ko guguluhin ulit. Ang bad mo naman >.<

"tadaaa!" bumalik lahat ng ala ala...

"hulaan ko? bulalo gusto mong kainin nuh?" umupo agad ako sa may table, madami
kasing tao eh, baka maubusan kami ng mauupuan.

"haha! ang galing mo naman! nababasa mo isip ko? dapat pala psych din kinuha mong
course!"

"ayan kasi lagi mong inoorder kapag kumakain tayo dito.." biglang naging seryoso
yung mukha niya. Anak ng teteng! mali! bakit ba kasi lumabas yun sa bibig ko. Baka
nagalit siya.

"upo ka na.. Aling tasing! bulalo nga po! tska dalawang extra rice!" wala pa din
pinag bago. Pagka dating ng pagkain, tulad lang ng dati, tahimik kami kumakain.
Bawat subo ng pagkain, subo ulit. Wala na talagang time mag usap, ngayon pa? tss.

"ah cristin.." ubos na yung pagkain namin, "pwede ba tayong mag usap sa park?" nag
nod lang ako.

Pag ka dating namin dun, medyo madilim na din, kaya ang daming ilaw na magaganda..
ang sarap pala dito sa park ng subdivision namin. Ano kaya pag uusapan namin?
kinakabahan tuloy ako.

"cristin.. sana kalimutan mo na ko.." ayoko tumingin sakanya.. alam ko na eh,


darating talaga yung araw na to. Kaylangan sabihin ko na lahat. "i mean.. yung
dating miggy..."

"Wag kang mag-alala..darating ang panahon makakayanan ko ring kalimutan ka..


PROMISE.. wag kang excited..sandali na lang.." naka ngiti ako habang sinasabi ko
yun, napa buntong hininga lang si miggy.

"sorry cristin.. sorry.. hindi ko naman gusto mawala kung ano man yung alaala na
meron ako eh, na meron tayo noon.. pero ngayon, wala talaga eh, kahit anong piga ko
sa utak ko, wala eh.. kaya sana kalimutan mo na yun, para hindi ka na nasasaktan.."
parang naiiyak ako sa mga sinasabi ni miggy. Ewan! kasi naman eh, tagos sa puso.
Hindi ko akalain na masasabi niya sakin yan.
"miggy.. wala ka naman kasalanan eh.. alam ko hindi na dapat ako nasasaktan.. kaya
lang wala akong magawa eh..mahal pa rin kita kaya apektado pa rin ako sa lahat ng
ginagawa mo.."

"sorry cristin.. sorry kung hindi ko maibalik yung pag mamahal mo.. sorry din kung
sa loob ng isang taon.. ngayon lang ako nag kalakas ng loob na kausapin ka about
dito.. ang tanga ko kasi eh! sarili ko lang naisip ko, hindi ko alam nasasaktan na
pala kita ng sobra.." naiyak na talaga ako! huhu pero hindi ko pinapakita kay
miggy.

"sana maging okey ka na.. para maging mag kaibigan tayo.. gusto ko din naman maging
friends tayo, ewan ko ba! magaan kasi loob ko sayo eh.." magaan? yung pagmamahal mo
sakin? hindi mo ba maramdaman?

"haha! madami kaya gusto akong maging kaibigan! swerte mo! pero sige! wag ka mag
alala, bigyan mo lang ako ng time... kapag okey na tayo.. sasabihin ko tas friend
na tayo! ice ba yun?" para akong tanga dito, kanina iiyak iyak , ngayon tatawa!

"haha! ayan as okey pala kapag tumatawa ka eh.. sige na mag gagabi na eh.. hatid na
kita.." ngumiti lang ako tska tumayo.

Sa pag lalakad namin, hindi kami tahimik ah maingay kami, wala puro asaran lang sa
Dota, sa game kanina. Ang sarap pala sa feeling ng ganito, light lang. Naisip ko,
mas okey na siguro na maging mag kaibigan na lang kami ni miggy.. kung kami naman,
kami di ba? tska para mawala na yung sakit.. kaylangan ko lang labanan na mahulog
ako ulit kay miggy..

Alam mo yung feeling na kailangan mong burahin siya sa isipan mo, pati na yung
magagandang ala-ala ninyo pero hindi mo magawa eh... ang hirap... kaso ano pa nga
ba magagawa ko? siya na nag sabi eh.. parang siya na din nag sabi na sumuko na ko..
siguro nga talaga, mali hindi siguro. Eto na talaga yung panahon para kalimutan ko
siya.

"salamat miggy.."

"wala yun! sige ah! basta sabihin mo lang kapag friends na tayo ha?"

"oo sige! bye!" pumasok agad ako sa bahay. Grabe yung araw na to. Pumunta agad ako
sa kwarto ko, humiga ako sa kama. Napangiti agad ako..
Thank you miggy.. alam ko nag mamalasakit ka pa din sakin.. pero mas okey na nga
siguro na maging mag kaibigan na lang tayo.. napa tayo ako sa pag kakahiga ko..

"waaa naka move on na ko!!" sabi kasi nila kapag daw na tanggap ko ng hindi na ulit
magiging kami, naka move on na daw ako.

Ang laki na naman ng ngiti ko.

to be continue ;-)

<Authors Note>

Hello kay Karla Pauline Caguioa at  mekeighty :)

Plug ko lang po yung isa ko pang Story, Buko Girl <3 story ni abra ang
janica! :) Memention ko lahat ng mag babasa nun! haha salbahe ko eh nuh? sapilitan
daw ba eh kasi maganda yun pramis :)

Next Chapter Masaya lang tayo! hehe. Bigyan ko na kayo ng clue, Banggaan ni Tin at
Alyssa! ;-)

=================

Chapter 5 : Papalag naman eh

Chapter 5 : Papalag naman eh


--

"ano may nagustuhan ka na?" Ang daming orgs na pwedeng salihan this year, ano kaya
pipiliin neto ni apple "apple?"

"hoy mansanas anong gusto mong org ha?" Langhiya tong babae na to, nakaka ilang
tanong na ko wala man lang sagot. Hmppf!

"Hay nako tin! ang ganda mo talaga.. biruin mo tignan ka ba naman mula ulo hanggang
paa? insecure nga naman.." Nagulat naman ako sa sinabi neto ni apple, anong
problema niya? naka drugs? bigla biglang nagsasalita ng kung ano ano? ang layo ng
sagot sa tanong ko eh.

"pinag sasabi mo dyan ha?" tapos ngumunguso siya, tinuro niya si alyssa. Aba naka
tingin nga sakin tong babae na to.

"Porket ba tinignan mula ulo hanggang paa, insecure na? Hindi ba pwedeng nagulat
lang kasi magkamuka ang iyong ulo at paa?"

Aba! nawindang naman ako sa pinag sasabi netong alyssa na to. Nabuhay yung katawang
lupa ko! You dont do that to me! haha. Kapal ng peslak! Wala nga ko ginagawa
sakanya eh, si apple kasi nag salita pa. At anong akala niya ganun ganun na lang
yun? AKO MUKHANG PAA?! WTH! sa ganda kong to?! mas mukha pa nga siyang paa sakin
eh! Gusto niya bang itsuktska tyenes ko yang mukha niya!

"Wow ngayon lang ako nakakita ng nag sasalitang paa.." Lumapit ako sakanya, kasama
niya yung tatlo niyang alalay, si stacey, mika, jhen at anna.

"Anong sinabi mo?!" Tignan mo to, bingi na din eh. Lumalaki pala ilong niya kapag
nagagalit! wahaha.

"Sabi ko, may nakawalang unggoy pala dito sa Uste.." Nag acting ako na parang
nagulat ako sa mukha niya. "Oh My Gosh apple! nasa harap ko na pala yung unggoy
oh!" Biglang nagtawanan yung mga tao sa paligid namin, pinag kukumpulan na kasi
kami. Ganito naman dito eh, mahilig sa away, haha de joke! kilala kasi nila kami ni
alyssa. Ewan ko ba sumikat na lang kami dahil sa dota.

"Ako mukhang unggoy?! Sa ganda kong to?!" Natawa naman ako sa joke netong babae na
to, lakas din pala mag patawa eh. Maganda? Saan banda?!

"Malandi ka lang, hindi ka maganda!" Feeling ko bulkan siya na sasabog anytime.


Pati mga alipores niya galit na galit. Sabi ko sa inyo eh, kilalanin niyo
binabangga niyo. Hindi na ako yung cristin 3 years ago. Pak!
"Talaga? kaya pala ako yung laging kasama ni miggy? at hindi ikaw? Haha! Funny!
Sino mas maganda satin ngayon?" Puro na lang miggy! Kaya lang naman siya kasama
lagi ni miggy kasi dikit siya ng dikit kay miggy. Tss. What a loser.

"Alam mo kasi.. talo ng malalandi ang magagandang katulad ko!" Lumapit ako sakanya
tska ko siya nginitian. "Yan ang masakit na katotohanan.." nag wink ako sakanya.
"Tara na apple, masasayang lang oras natin dito." Hinila ko si apple papalayo
sakanila, yung mga tao naman dun tuwang tuwa, akala mo nakanuod ng teleserye. Haha!
kahit naman ako natuwa sa nangyari, kung makikita mo lang yung mukha ni alyssa! Pak
na pak! Chaka niya. Wahaha.

"HOY CRISTIN BUMALIK KA DITO! HINDI BA TAYO TAPOS!" mapuputol na ata yung litid
niya kakasigaw, grabity! wala ba siyang delikadesa? napaka war freak na bata. Tsk. 

"Infairness ah! palaban ka!"

"Haha! kaylangan lang ng katapat nyan ni alyssa.. at sad to say na ako yun.."

"Haha! you already! sige na tin, kita na lang tayo maya sa practice game!"

"Sige! Bye apple.."

Pag pasok ko sa room, lahat sila naka tingin sakin. Tinignan ko yung relo, hindi
naman ako late? anong meron sa mga to? Tinignan ko naman si renz, naka ngising aso
lang. Gage lakas ng trip ng mga to ah. Di naman pwedeng ala nila yung nangyare
kanina? Lakas naman ng tsismis abot hanggang dito.

"huy bakit kayo nakatingin ng ganyan sakin?"

"CONGRATS TIN!" sigaw nung buong klase.

"ha saan?"

"ikaw yung representative ng college natin para Mr. and Ms. College of Fine arts
and Design!" sabi ni pepper yung bakla kong classmate. 

"Haha! ayoko nga! bakit ako?" Tss problema lang yan eh.

"Nako sa ganda mo na yan eh! tska ayaw mo ba nun?"

"ayoko nga.. maghanap na lang kayo ng iba.." sumama naman yung tingin niya sakin.
Haha! eh sa ayoko eh. Shy type kaya ako! wahaha.
"good morning class.."

"good morning mam!"

"hi miss arrevalo, ready ka na ba sa pageant?"

"sorry mam, ayoko po kasi eh, iba na lang po.." lahat ng classmates ko, nag boo. Eh
kayo kaya sumali! mga ugok. Stun ko kayo eh.

"ah ganun ba.. okey sige sayang naman.. buti pa si Alyssa pumayag na.." Lumaki yung
tenga ko sa sinabi ni mam, alam ko kasi na si alyssa na kupal yung tinutukoy niya,
pareho kasi kami na nasa college of fine arts and design. Ewan ko ba, parang may
kabayong nag tutulak sakin na sumali. Wahaha!

"ah mam.. nagbago na po isip ko, pwede na po ba ko sumali?" Parang nabuhayan yung
mga kups kong classmates.

"sure! be here at 5pm para sa registration ok?"

"okey mam.." pag kalingon ko kay renz, ang sama ng ngiti, parang nangaasar na ewan.
Ano na naman kaya iniisip neto ni panget?

"kelangan pa pala ng alyssa para sumali ka.."

"haha! wala lang gusto ko lang makita reaksyon niya kapag nalaman niyang kasali
ako.."]

Binatukan niya ko. "baliw ka talaga eh nuh.."

"hahaha! alamoyan!"

Simula ng umepal sa buhay ko si alyssa, naiinis na ko sakanya, paano lagi na lang


panira sa buhay ko, hindi ko alam kung insecure o ewan eh. Wala naman akong
ginagawa, tska hello hanggang ngayon ba naman may gusto pa din siya kay miggy?
psychotic ata yung babae na yun eh. Well anyways, kaya lang naman ako sumali sa
pageant na yun kasi gusto ko siyang asarin, ang sarap niya kasing asarin eh, haha!
hindi naman sa bad ako, mas bad nga siya eh.
"hoy panget lumilipad na naman utak mo! tara di ba may praktis pa kayo?"

"ay oo nga pala tara.." lakas talaga lumipad ng isip ko. >.<

Habang naglalakad kami ni renz, nakita ko si miggy sa may field. Nag lalaro ng
soccer. Napatigil naman ako, kasi si alyssa nasa may bench nag cheer. Hindi ko
talaga maiwasan na mainis pero naka move on na naman ako eh. Badtrip lang talaga to
si alyssa.

Naka punta na kaming ledion ni renz, badtrip pa din ako. Andun na lahat ng team. Si
sarah, si apple, si rose, si abby. Ako yung captain. 6 months na yung team namin,
defiance.chix yung name ng team namin. Ako talaga bumuo nun, simula nung natuto ako
mag dota, naging interesado ako sumali sa mga tournament. Syempre kaylangan mo ng
kasama, di naman pwedeng ako. Wahaha. Kaya sinali ko yung dalawa, tapos si rose at
abby mag kapatid na nakilala namin sa morayta. Malakas naman kami eh, nag iimprove
pa. Pero nasa top 3 teams kami sa girls division, yung matinding karibal namin?
sino pa nga ba? sila alyssa ang friends. Kumpara mo naman yung taon taon na
experience nila sa 6 months namin? hahaha.

Napapasarap na yung laro, kaso na alala ko yung pag papa register. Nag pa alam na
muna kala apple, tapos pumunta ako ng school.

"mam, papa register po para sa pageant.."

"buti umabot ka pa, okey just fill in this form."

"okey mam, thank you.." Habang nag susulat ako, narinig ko yung boses ni alyssa.

"hay nako girls, kung nakita niyo lang sana kung gaano kami ka sweet ni MIGGY."
naka diin talaga yung miggy. Halata naman na pinapatamaan ako ng gaga na to. Sus
akala naman niya ma aasar ako.

Biglang dumaan si miggy at maureen, dala dala ni miggy yung bag ni maureen tapos ng
sweet nila. Siguro kung hindi pa ko nakaka move on, masasaktan ako pero hindi eh,
natatawa na nga lang ako ngayon para kay alyssa. waahaha!

"HAHAHAHA!!" umalis na ko. Alam ko kahit hindi na ko lumingon kitang kita ko sa


mata ni alyssa na galit siya. Haha buti nga sakanya.
Nag sisimula pa lang yung war naming dalawa.

to be continue..

<AN>

Sorry po maiksi update ko! bawi na lang ako next time! :)

Hello kala MaryJoanMarcos, KarlaPaulineCaguioa, KylaRivera, Sweet_Cherry tska


kay Nialler_Brey.

Thanks din po sa mga nag support ng My Buko Girl! love ko po kayo <3 :*

=================

Chapter 6 : Ligaw

Chapter 6 : Ligaw

--
"hoy ate! bakit ayaw mo kumain? ayaw mo ba ng food? MAMA OH!" Luh? baliw tuli na at
lahat isip bata pa din tong si miguel. Tuliin ko kaya ulit to? hehe de joke lang.

"ha? hindi ah!"

"eh anak bakit naman hindi ka kumakain? ang dami ko pa namang niluto? mag tatampo
na ko nyan.." hala! nag pout si mama! hindi bagay -___-

"MAMA naman! hindi po yun!"

"ah alam ko na! miss mo na siguro luto ni kuya miggy nuh?" sasapakin ko na to eh,
ipa alala ba? hindi naman yun eh.

"MIGUEL! kumain ka na nga lang.." ang sama ng tingin ni mama kay miguel.

"hay nako! diet kasi yan si princess.. paano sasali ba naman sa beauty contest!"
sabat ni kuya ace, bigla bigla sumisingit sa usapan eh.

"TALAGA?" sabay pa sila mama at miguel. Parang nagulat pa yung dalawa. Ang sama
huhu hindi ba ko qualify sumali sa beauty contest? cute naman ako ah >.<

"ano ba yan? unbelievalble? hayss.."

"hindi naman anak, kasi naman.. isang taon ka din nag mumukmok eh.." waaaa ganun na
ba talaga ako ka emo? wawa naman ako. Eh hindi na ngayon! buahaha! naka move-on na
ko nuh!

"tama ba narinig ko? sasali ka sa beauty contest anak? bakit hindi mo sinabi
samin?" biglang pasok naman ni papa.

"eh kasi po.. may ISA dyan na epal eh! inunahan ako! tsk tsk.."

"haha! sorry naman! akala ko nasabi mo na eh.." tss alam naman niya yun kung nasabi
ko na oh hindi eh, malamang mag kasama lang naman kami sa iisang bahay! hmppf!

"yun na nga po, mama papa at miguel, sasali po ko sa Mr. and Ms. Fine Arts and
Design ng school.."

"wow okey yun ah! full support kami dyan!" kulit talaga ni papa.
*DING DONG*

"ako na.." sino kaya bisita namin? baka buysita? haha "tin may bisita ka!" Luh?
wala naman sinabi sakin sila apple at sarah na pupunta dito. Sino kaya yan?

"Good morning po.." yung boses na yun?

"DANTE?!" bat siya andito -____-

"Hi pogi! kumain ka na ba? bakit napadalaw ka naman?" Si mama talaga, pogi na naman
tawag kay dante, nakakahiya >.<

"Eh kasi po birthday po ni ate, pinapasundo po sana si tin.. okey lang po ba?"
ngiti ngiti pa siya, tss dapat nag text na lang siya eh >__< kasi naman ayoko siya
dito! waaaa ang sama ko, eh kasi naman inaasar nila ko kay dante eh. Parang tanga
kasi nakita lang na hinatid ako nung isang araw T__T nahihiya tuloy aketch.

"Oo naman! wala naman kaming gagawin eh, sige na anak mag bihis ka na.." tignan mo
to si papa, isa din eh! pasaway! boto din sa kalokohan nila mama. Tsk

"Opo papa.." tumayo na ko agad, mag bibihis na lang ako agad para maka alis na kami
ni dante, nako! i hohot sit na naman nila si dante, parang tanga lang eh, hindi
naman nanliligaw sakin yan eh.

"Bat kasi nahihiya ako?" baliw na ko -___- kausapin ba naman mag isa yung sarili?
eto ba epekto ni dante? waaaaaaaa! bat ba kasi ganito ako? bigla akong na conscious
takte naman hindi ako ganito dati eh, nung inasar lang nila ko. Huhuhu! kaka inis
naman, alam mo yung feeling na ni lilink ka sa close friend mo? ehhh >.<

"Anak ang tagal mo naman!" sabi ko bibilisan ko eh, huhu ano ba nasa utak ko?

"andyan na po mama!" Pag kababa ko nakita ko si dante kausap si kuya ace, pinag
uusapan nila? Baka sa Dota na naman yun. "Dante tara na.."

"Sige.. Sige po, tito, tita, miguel, ace! una na po kami, ihahatid ko na lang po si
cristin mamaya.." Tss ang galang masyado.

"Sige! wag mong sasaktan ate ko ah?" SASAKTAN?! pinag sasabi niya?!

"Miguel!" sabi ni mama.


"Haha! wala joke lang!" ang ligalig ng kapatid ko T___T

"Sige ingat kayo, ikaw na bahala sa anak ko dante ha!"

"Opo tito!" tapos ngiti ngiti siya. Tss.

Nung nakasakay na kami sa kotse niya, syempre inaway ko na siya. wahaha! "HOY! SINO
NAMAN NAG SABI NA MAG PUNTA KA PA SA BAHAY?"

"wooo! easy krizzy! masama ba gising mo?" ano naman kaya connect nun?

"hindi ah! bakit naman? kakainis ka kasi pumunta ka pa sa bahay, kaya ko naman
pumunta sa bahay niyo eh!"

"ayaw mo ba ko na pumunta sa inyo? may nagawa ba ko?" hindi ko makita yung reaksyon
niya kasi naka harap siya sa kalsada. Ano ba yan, ang sama ko naman! wala naman nga
siyang ginagawa.. eh hindi niya kasi maintindihan eh >.<

"ha? hindi... kasi... ah wala! next time text mo na lang ako ha?"

"haha! okey.." yun na yung huling narinig ko sakanya bago kami maka dating sa bahay
nila, galit kaya siya? eh bakit siya tumawa? -__-

Pinag buksan pa niya ko ng pintuan ng kotse, bakit parang naiilang na ko kapag


ginagawa niya yan? dati naman hindi eh T__T tapos pag pasok pa namin sa bahay nila,
ang ganda tska ang laki. Ang linis pa, mayaman pala sila dante, sabagay kutis pa
lang eh!

"Ate andito na kami!"

"Hi tin!" haha ako lang talaga binati eh nuh? adik to si maureen.

"Hi maureen! happy birthday.." ay shemay! wala pala akong regalo, hindi ko naman
kasi alam na ngayon birthday niya eh, nakakahiya naman.

"Buti pumunta ka, im so happy, teka kumain ka muna ng breakfast dun, dante, samahan
mo nga muna si tin? nag aayos kasi kami nila miggy ng food eh.." andito pala si
miggy? ay malamang bestfriend niya eh.

"ah hindi na! kumain na ko eh, dito na lang ako sa sala, manunuod na lang ako ng
tv.." busog na ko eh, tska diet nga ko eh -__-
"sure ka ba? okey sige.. mamaya pa dadating sila kevin eh, wait ka lang dyan ha..
sige.." ang ganda talaga ni maureen.. nakaka bighani yung ngiti niya, di na ko nag
tataka na nag ka gusto sa kanya si miggy.

Pumunta ako dun sa may sala nila, grabe ang laki ng tv -__- buti nasa taas si dante
hindi niya ko makaka usap, naiilang kasi talaga ako, baka mamaya wala na din to.
Habang naka bukas yung tv, hindi ko naiwasan na tignan yung mga picture. Family
picture nila dante, ang ganda ng mommy nila tska pogi ng daddy, kamukha ni dante.
Meron din silang picture tatlo ni miggy, si kevin ata yung isa dito eh? tapos
nagulat ako nung nakita ko si kuya! haha dalawa lang sila ng babae na matanda, kasi
puro bata pa sila miggy dito, siguro si ate michelle yung katabi niya. Nakaka
inggit naman, halos lahat sila mag kakakilala na noon pa lang, sana ako din.

"bakit nag iisa ka dyan?"

"dante, ikaw ba to nasa picture?"

"haha si miggy to tangek!" ay oo nga! naka talikod kasi ako eh. Bakit hindi ko na
alam boses ni miggy -__- akala ko kasi nasa kusina siya eh.

"ay sorry naman! hehe.. nasa taas kasi si dante eh.."

"ah, ang kulit namin dyan nuh? andyan nga kuya mo eh.." tapos tinuro niya si kuya.

"oo nga eh! haha ang totoy pa niya.." parang nauubusan ako ng sasabihin, huhu.

"ah tin.. okey ka na ba?" ano isasagot ko? oo di ba? pero pano kung hindi ano
gagawin niya?

"oo naka move on na ko.. yan pwede na tayo maging friends! hehe..." wew! hindi ko
alam san ako kumuha ng lakas ng loob sabihin yun kay miggy ng harap harapan T__T

"eh di good! haha!" tapos ginulo niya yung buhok ko. "sige ah tulungan ko lang sila
maureen dun.."

"sige.." para akong nabunutan ng tinik.

Siguro mga isang oras din ako nag hintay, tapos dumating na si kevin kasama si
apple, aba taray ah, sabagay wala na naman kay apple yung nakaraan eh. Nagulat
naman ako nung dumating din si kuya ace kasama si sarah, pupunta pala siya? -__-
bakit hindi na lang kaya ako pinasabay sakanya! pasaway din to eh nuh. Kompleto
pala kami, buti wala si alyssa kundi nako! mag kaka world war 3 dito, haha! de joke
lang. Lahat kami nasa table na, ang daming handa, tapos ang sarap ng cake,
chocolate *__*

"Oh blow the candles muna maureen.." sabi ni miggy

"Okey sige, wag na kayo kumanta ah, para naman akong bata.." nung ibblow na niya
yung candles bigla naman kumanta si kuya.

"Happy birthday to you!" tapos lahat kami nag tawanan. Pasaway talaga, sabi ng wag
kumanta eh.

"Teka make a wish muna ate!"

"okey sige pero secret na ah! haha.." tapos nag blow siya ng candle.

Kumain kami, grabe busog na busog naman ako sa kinaen namin, sobrang dami at nag
sarap pa! sira din pala diet ko eh T__T habang kumakain kami, lahat sila may
partner, si kuya ace at sarah, si kevin at apple, si miggy at maureen.. kami lang
ni dante wala! haha minsan nga nag kaka tinginan lang kami tapos nangingiti na lang
ako. Wawa naman kami, haha! si miggy naman sweet kay maureen minsan napapa tingin
ako pero okey na naman sakin.

"guys.. kelangan ko na palang umuwi, kasi may gagawin pa ko sa bahay eh, sorry ah!"

"tin mamaya ka na umuwi!" sabi ni apple. Takte hindi ba niya na gets na OP na ako
dito? haha de joke. May gagawin talaga ko sa bahay.

"Kelangan ko na kasi tapusin yung template ko eh, sorry talaga.."

"It's ok, ah dante, ihatid mo na si tin pauwi.." Luh si dante talaga? >.<

"Okey sige.. tara tin?"

"ha? ah.. ok sige.. bye guys!" yung dalawang lukaret ang sama ng tingin sakin,
haha! uwing uwi na ko eh. Kahit ang sama ko kasi parang hit and run yung ginawa ko,
kain tapos alis di ba?

Bago ako lumabas, nakita kong napatingin sakin si miggy tapos nag smile siya. Nag
smile din ako. Tapos lumabas na din ako.

"dante, wag mo na ako ihatid, okey na ko."

"Sira! hindi pwede! pasok!" nakakatakot din pala to si dante kapag nagalit. haha!
Pag kadating namin sa bahay, bago ako bumaba ng kotse, nag usap muna kami ni dante,
na guilty kasi ako, ang sama sama ko sakanya ngayon.

"dante, sorry sa mga inasal ko ah? tinotopak lang.."

"okey lang, sorry din ah.. kasi dinala pa kita sa bahay, andun pala si miggy.."
natawa naman ako sa sinabi niya. "oh bakit? may nakakatawa ba?"

"wala! hahah!! eh kasi.. okey lang yun! naka move-on nako tungek! wala na yun.. ang
saya ko nga eh, busog na busog ako." totoo naman ah? naka move-on na ko.

"ah akala ko kaya ka nagagalit ng ganyan sakin dahil dun.." mukhang worried siya
kung galit talaga ako.

"ah hindi ah.. kasi... ah sige pasok na ko.." hindi ko na siya hinintay na
magsalita. Lumabas na ko ng kotse niya. Eh bakit ba kasi ako nag kaka ganito?

"tin teka lang.." lumingon ako nakita ko si dante lumabas ng kotse.

"oh bakit?"

"sabi mo di ba naka move-on ka na kay miggy?"

"oo bakit?"

"kung ganun... pwede na ba kong manligaw sayo?" OMG! >.< i dunno what to say.

to be continue..

<AN> (medyo mahaba, pwede din na wag niyo na basahin :P)


Gusto ko lang i mention, kasi may HATER na pala yung story ko, na very common daw
yung story at umaasa sa pabati portion kaya nag kaka comment na madami.
Oo Cliché yung ibang part, pero hello? ang hirap kaya mag isip ng bawat isusulat sa
bawat chapter, kaya nga natatagalan ako mag update kasi hindi naman bara bara lang
yung pag susulat, tska i can say naman na ORIGINAL yung gawa ko. Kung ayaw niyo sa
story ko, hindi ko naman kayo pinipilit na basahin eh, ang akin lang hobby ko na
mag sulat kaya nag susulat ako, tska nakaka taba kasi ng puso kapag may nag sasabi
na na-appreciate nila yung gawa mo, hindi naman ako nag sulat for fame or etc.
Gusto ko lang mag sulat. At  yung sa pabati portion, token of appreciation ko lang
yun sa mga nag eeffort mag comment sa story ko. Wala naman siguro masama dun eh?
Love ko naman mga readers at kahit haters pa ng story ko. Ayun lang, learn to
appreciate not to hate. Tska hindi naman sikat tong story ko para mag ka hater.
Love Love lang <3

Anyways.. Tin-dante <3 haha! Paano na si miggy? Hindi natin alam, sino na makaka
tuluyan ni tin at ni miggy sa book 2, pwedeng sila pa o pwedeng hindi na.

Thank you po sa pag support! pag comment at vote! love you! wala muna pabati ah,
next chapter na lang po. Haha nawala lang ako sa mood talaga sorry! promise next
chapter.

=================

Chapter 7 : Set you free

Chapter 7 : Set you free 

--

"ayieeee ang cute naman niya!""tangek gwapo yan!""bago ba siya? ngayon ko lang siya
nakita?" 

Jusme nag rereview ako ang iingay nila. Dumating lang sila nag ingay na. "Hoy ano
ba pinag kaka guluhan niyo dyan?" ka umay eh -__-

"ehhhh kasi may gwapo sa labas ng room eh! baka may hinihintay siya na taga dito.."
kinikilig pa siya. Sino naman kaya hinihintay nun tska Gwapo ba talaga? minsan lang
kasi kiligin to si anna eh. Baka gwapo nga. Well wala naman akong paki alam, mag
rereview pa ako.

"Hoy panget! lumabas ka ng room! nandun si miggy.." biglang tumibok yung puso ko sa
sinabi ni renz. Miggy daw? ano naman ginagawa niya dito? kaya pala bago daw, taga
ibang department kasi yun eh. Pero ako kaya hinihintay niya? Pagkalabas ko...
"si miggy ka na pala ngayon.." pabulong ko lang sinabi.

"ano?"

"wala.. ano ginagawa mo dito?"

"sinabi ba ni renz na si miggy nag iintay sayo? haha na disappoint ba kita?"


tinignan ko siya ng masama. Ilang beses ko ba sasabihin na naka move-on na nga ako.
Kulit ah, Unli? "Haha! ang cute mo kapag ganyan.. oh bulaklak.." 

"ilang beses ko ba sasabihin na ayoko mag paligaw dante?"

"nag paalam lang ako sayo, pero kahit umayaw ka, manliligaw pa din ako, hinihintay
ko lang naman na maka move-on ka kay miggy eh.." Kulit din pala niya eh, Unli
talaga.

"ewan ko sayo! ang kulit mo.." pagpasok ko sa room, hindi ko alam na nasa likod ko
na pala si dante. Pag ka upo ko pa nalaman na sumunod pala siya. AMP! ano na naman
gagawin niya? isa pa taga ibang school siya ah? bakit ba siya nakapasok dito?
psshhh.. -__-

"ayieee ang gwapo niya!""eh may hawak siya na bulaklak oh.. baka sakin
ibibigay?""ano kaya name niya?" 

Ang kati ah. Ngayon lang nakakita ng gwapo? tsss..

"hello.. ahm.. ako nga pala si dante.. bagong transfer lang ako dito, kilala niyo
ba si cristin arrevalo?" lahat ng classmates ko napatingin sakin.

Anak ng pating! ano na naman bang kabaliwan yan? Una gusto niya akong ligawan
pangalawa nag TRANSFER SIYA dito?! tapos ngayon kung ano ano sinasabi niya sa harap
ng mga classmates ko?! eh kung hindi ba naman sira yung ulo niya eh. Kukutusan ko
siya eh! makikita niya sakin mamaya.

"ETO SIYA OH!" tinuro naman ako ng magaling kong best friend, isa din tong sira ulo
eh. Siniko ko nga. Psshh!! mag sama sama sila nila mama, ibugaw ba naman ako kay
dante >.<

"AYIEEEEEE!!" lahat sila nag ganyanan. Jusme! lupa kainin mo na ko ngayon na


please! nakakahiya yung pinag gagawa ni dante T__T

Tumayo ako palapit sa kanya. "Ano bang kalokohan to ha?!" Kung pwede lang pumatay
yung tingin, kanina pa to patay sakin eh. At ang loko ah, hindi ba natinag sa mga
titig ko.
"Sensya na nga pala sa abala.. kasi.. gusto ko lang sabihin sa inyong lahat na..
gusto ko cristin.." tumingin siya sakin, yung parang titig ni daniel padilla.
Takte! matutunaw ata ako eh.

"Ayiieee! haba ng buhok mo girl!" BALIW -___-

"From now on.. lagi niyo na ko makikita.. kasi liligawan ko na si cristin, whether
she like it or NOT.. sana tulungan niyo ako sakanya.."

"ANO?!"

"GO DANTE BOTO AKO SAYO!!" Luh? i stun ko na talaga yo si renz eh. Parang hindi ko
best friend eh. "Go dante! boto din kami sayo..." epal ng mga classmates ko. Sakit
sa bangs teh! Hinila ko palabas si dante, kahit medyo nahirapa ako kasi ang laki
niya kayang tao.

"Ano sa tingin mo yung ginagawa mo?!" ngumiti lang siya. LOKO! akala niya nag
bibiro lang ako? "SAGOT AGAD!"

"galit ka na naman eh.. masama na ba manligaw? single naman ako, isa pa ikaw na may
sabi na naka move on ka na kay miggy.. bigyan mo naman ako ng chance tin.."

"oo naka move on na ko, pero parang may mali eh.. alam mo yun!" kumbaga, it's
complicated -__-

"noon pa lang gusto na kita.. pero may respeto ako sayo at kay miggy, sa relasyon
niyo kaya nag timpi ako, pinigilan ko yung nararamdaman ko sayo... pero wala eh,
ikaw pa din.."

"Dante.." hindi ko alam yung sasabihin ko.. nagulat kasi ako eh.. Gusto na niya ko
DATI PA? nung kami pa ni miggy? pero ang tagal na nun eh.. Paano siya nakatiis ng
ganun katagal, at paano na hindi ko din nalaman? ganun na ba ko ka insensitive.. o
sadyang kay miggy lang umiikot yung mundo ko noon? gusto kong magalit kay dante eh,
gusto ko siyang sigawan, ang tanga nya kasi... AMP! ayoko naman siyang saktan eh...
pero hindi ko kayang magalit dahil kung meron man dapat magalit samin, siya yun..
kasi ang sama ko...

"nag paraya ako tin.. sabi ko sa sarili ko, kung kay miggy ka masaya hahayaan
kita.. pero kapag sinaktan ka niya babawiin kita kahit anong mangyare.." hinawakan
niya yung kamay ko, parang may kuryente naman na dumaloy sa katawan ko. "Madaming
beses na kitang nakita na nasaktan dahil kay miggy.. pero wala akong nagawa noon,
pero ngayon hindi na ko papayag.. please bigayan mo naman ako ng chance.."

"dante kasi.. basta wag na lang ako, okey?" bakit kasi ako pa? wala naman akong
kwenta eh. Papasok na ko sa loob, nakatalikod na ko eh, pero pinigilan niya ko,
nagulat pa nga ko kasi niyakap niya ko, huhu hindi naman ako makapalag kasi ang
laki niyang tao eh.

"basta.. mag hihitay ako.. tatlong taon nga nahintay ko eh, ngayon pa kaya..."
pagkatapos niyang sabihin sakin yun, hinalikan niya ako sa noo ko, tas umalis na
siya. Haaay!! na iwan naman tuloy akong nakatulala dito..

"SAGUTIN MO NA KASI!""ang sweet ng manliligaw mo tin ah!""Tin yan eh!""top player


ng USTe yan eh.."

Pag kalingon ko nakita ko yung mga classmates ko na nasa pinto, para silang spy.
Hayup tong mga to, kanina pa pala nakikinig samin. Nakakahiya T___T

"Tse mga tsimoso!"

Pag pasok ko sa room sakto dumating yung masungit namin na prof. Ang malas ko pa
napagalitan ako T__T grabeng kamalasan ata meron ako ngayon, ay mali.. kahihiyan
pala.. Lutang na naman kasi yung utak ko eh, hanggang mag uwian. At take note for
the first time, hindi dahil kay miggy, dahil kay dante.. Ano bang gagawin ko?
Haysss..

Hindi muna ako umuwi sa bahay, mahahalata kasi nila na may iniisip ako, lalo na si
kuya ace. Tumambay muna ako, pinanuod ko yung practice game nila miggy. Hindi pa
din nag babago si miggy, lalo nga siyang gumwapo eh, kasi gumanda lalo katawan niya
dahil sa soccer..

"miggy.. okey lang ba kung papayagan ko si dante na manligaw sakin? feeling ko mag
tataksil ako sayo kapag ginawa ko yun eh, always and forever tayo di ba? pero
nakakapagod din pala mag hintay sa wala... alam ko naman na masaya ka na eh, kay
maureen.. kitang kita ko naman eh..." para namang sasagot siya? haha. Matagal ng
wala si miggy... yung minahal ko, at hindi ko alam kung babalik pa siya..

"naka move na pala? yan tayo eh.."

"bakit andito ka? kanina ka pa ba dyan? atska hoy! may atraso ka pa sakin! loka ka
renz, gatungan ba mga classmates natin? baliw.." Umupo siya sa tabi ko, binatukan
ko nga.

"Ouch!" binatukan din niya ko, ganyan kami magmahalan ng lokong to eh. haha! "wag
mo ibahin yung usapan boy!" Pinunas niya yung kamay niya sa mukha ko, eww yuck!
"akala ko naka move on ka na?"

"Oo nga!"

"Eh yun naman pala eh, bakit ayaw mo manligaw sayo si dante? wala naman masama ah,
single kayo pareho, napaka bait naman ng pare ko.."
"Ang pangit kasi tignan, tropa siya ni miggy.. ng ex-boyfriend ko.. tama ba yun ha?
tska ang taas nun, mayaman, gwapo, matalino.. eh ako? cute lang ako hehe.."

"Sus yun ba talaga yun? oh kasi umaasa ka pa na babalik si miggy, na babalik yung
alaala niya at magiging kayo ulit? ano sagutin mo ko!"

"OO! oo umaasa pa din ako, na babalik siya.. alam mo yung feeling na kailangan mong
burahin siya sa isipan mo, pati na yung magagandang ala-ala niyo  kasi ang sakit
sakit na pero hindi mo magawa! pero ngayon hindi na.. kasi pagod na ko eh.. sawang
sawa na ko umiyak.. kaya ayoko na mag mahal, taena kasi kapag nag mamahal ako
nasasaktan lang ako eh, ang komplikado.." naiyak na talaga ako, AMP! balat sibuyas
talaga.

"lika nga.." pinatong niya yung ulo ko sa balikat niya. Nung kami pa ni miggy,
syempre hindi naman perpekto yung relasyon namin kaya minsan nag aaway din kami,
lalo nasa malayo siya, si renz yung lagi kong nasasandalan, kaya nga siguro naging
mag best friend kami parang mag kapatid.. kaya hindi ko din siya masisi kung may
galit siya kay miggy, kasi akala niya lagi lang akong sinasaktan noon ni miggy.
"tingin mo gusto ni miggy na nakikita ka niyang nasasaktan? umiiyak? hindi di ba?
ang dami mo ng iniyak, ang dami mo na ding sinakripisyo para sakanya, halos sakanya
na nga lang umiikot yung mundo mo eh.. siguro naman maiintindihan ni miggy kung
bubuksan mo ulit yung puso mo para sa iba, mas gusto naman niyang maging masaya ka
eh.. tska it's been a year.."

"naisip ko din naman yan eh, pero paano kapag bumalik yung memory niya?"

"kelan? bukas? sa isang linggo? next year? pero paano kapag hindi na? eh di nganga
ka na lang forever? hoy panget! deserve mo din naman maging masaya.. at kung
bumalik man yung alaala niya.. fate will decide.. kung kayo, kayo talaga.. ang
importante ngayon maging masaya ka.." minsan mas nagiging mature pa siya sakin
kapag usapang pag-ibig, wala naman siyang lovelife >.< parang mas madami pa siya
experience eh.

"alam mo tama ka eh.. siguro nga panahon na para pagbigyan ko ulit yung puso ko,
hindi naman siguro masama yun di ba?"

"malamang! lahat kami nakita namin yung pag hihirap mo, isa pa.. isang taon na
yun.."

"thank you panget ah! may silbi ka din pala minsan!"

"sige na, wag ka na umiyak, punasan mo na yung sipon mo! ang panget mo lalo!"
natawa tuloy ako bigla.

"ang kapal ng mukha mo! mas panget ka!!"

Nag habulan kami, papunta sa may corridor. Haha! minsan may pag kaisip bata talaga
kaming dalawa eh..
"yown oh! may nag iintay pala sayo eh.." binulungan niya ako.. "umayos ka ha! yung
napag usapan natin? wag mo kalimutan.."

"pauwi na ba kayo?" habang tinatanong niya yun, nakatingin siya sakin. Bakit ba
kasi nakakatunaw yung titig niya >.<

"ah bibilhan ko pa ng siomai si ella eh, hoy dante ihatid mo na lang si tin ah, mag
gagabi na eh.." benta talaga to eh.

"kahit hindi mo na sabihin, pero kung okey lang kay tin.." napatingin silang dalawa
sakin. Eh? ano sasabihin ko?

"oo naman payag yan parey.. sige ah bye! ingat kayo!" oo nga sabi ko nga payag ako
eh, hayup to si renz, iniwan ako T__T

"tara tin?" natutulala ako sa itsura niya, bakit gumwapo ata siya? >.< nag pagupit
kasi tapos nag pakulay ng brown eh.. huhu

Nung naglalakad kami ni dante pauwi, pinag titinginan siya ng mga babae, hmppf!
ganito ba talaga kapag may kasamang gwapo? huhu mukha ata akong muchacha eh, ang
sama kasi ng tingi sakin. Lintek! ingget lang kayo huhuhu..

"uy cristin!"

"miggy pauwi ka na?" ohhhhhhh my! si miggy! hindi ko alam gagawin ko.

"oo eh, kayo?"

"ah oo, ihahatid ko lang si tin.. sabay ka na samin?"

"sige.." luh? wala ako masabi. Silang dalawa na lang nag usap, bahala sila sa
sarili nila. Eh NAKAKAILANG PO KAYA! oo wala na to pero kasi wala eh!! ahh ang
gulo.. basta alam mo yung feeling na yung ex mo kasama mo tapos pati yung
nanliligaw sayo.. bakit ang big deal sakin? >.< parang wala lang naman sa dalawa
eh.

"ah cristin, balita ko sasali ka daw sa Mr. and Ms. Fine arts ah? goodluck ah.."

"ah.. th-thank you miggy.." ayun nakapag salita na din akala ko mapapanis na laway
ko eh.
"nga pala letche ka dante, hindi mo man lang nasabi na nag transfer ka na sa school
namin, haha! pwede ka din sumali sa soccer team.."

"eh kasi dre, paano ako manliligaw kay tin kung nasa ibang school ako.. sige pag
iisipan ko.." napahinto si miggy sa paglalakad. Bakit niya kasi kelangan sabihini
pa na nililigawa niya ako >.<

"Nililigawan mo siya?!" bakit parang nagulat ata siya?

"Oo sorry dre hindi ko pa pala nasabi sayo.. kasi.." biglang tumunog yung cellphone
ni dante. "ah ganun ba? okey sige sige.."

"sino yun dre? ate mo?"

"Oo dre pinapauwi na ko agad eh.. ahm.. dre hatid mo naman si tin oh, malapit na
naman yun dito eh, okey lang ba?"

"Oo naman! sige dre.." ang sama ng tingin ko kay dante, liligawan pala pero iiwan
niya ko kay miggy! Sira ulo.

"Dapat sanayin mo na sarili mo na hindi naiilang kasama siya, naka move on yan eh!
haha.." binulong niya sakin tapos umalis na siya. Kokotongan ko to eh! hindi pa ko
ready! wuhuhu. Tumango na lang ako.

Try niyo play yung SET YOU FREE ng SIDE A sa part na to, para mas dama niyo ^__^ sa
naka desktop nasa gilid, play niyo..

Pag kaalis ni dante, nag lakad lang kami ni miggy ng tahimik. Bakit ba ganito? bat
ganito yung feeling ko? ayoko ng ganito, ang hirap, ako pa nag sabi na friends na
kami.. parang ang bigat sa pakiramdam..

"cristin..""miggy.."

"ah sige una ka na miggy.."

"ah wala lang.. kasi ano... ano.. mabait si dante, sana bigyan mo siya ng chance.."
shet! sayo pa talaga nang galing yan miggy? sa bagay.. wala ka naman alam eh..
wala..
"ah.. oo.. hehe.." sabi mo eh... :-(

"ano nga pala yung sasabihin mo?" ano nga ba? nawala sa isip ko.. para akong
nasaktan..

"ah... kasi.. di ba friends na tayo? hehe.." hindi naman yan yung sasabihin ko eh..
gusto ko isumbat sayo lahat! lahat lahat...

"syempre naman! kapatid ka ng master ko.. tska ang bait bait mo eh.. tska di ba..
di ba ex-girlfriend kita.. ah.. eh.. nga pala cristin..." tumigil na naman siya.
"kaya.. kaya lumayo ako sayo.. kasi.. kasi alam ko, masasaktan lang kita lalo eh..
kahit nawala yung alaala ko, hindi naman ako tanga, at hindi ako ganun kasama..
alam ko nasasaktan ka at masasaktan lang kita.. alam ko galit ka sakin, pero okey
lang yun, kasalanan ko naman eh, sorry ah.. hindi ko naman gusto na mawala yung
alaala ko, natin.. pero ngayon, masaya ako kasi binuksan mo ulit yung puso mo para
sa iba, mas maganda kapag naka ngiti ka eh.. masaya ako para sayo" swear tutulo na
talaga mga luha ko, pero pinipigilan ko lang dahil ayoko talaga umiyak sa harap
niya. Gusto ko kasi makita niyang okey na ko. Ayoko din naman ma guilty siya eh.
Hindi naman niya kasalanan to eh.. pero ang sakit lang, isang buong taon, hindi ko
alam kung bakit ayaw niyang maging mag kaibigan kami, kung bakit siya lumalayo..
yun pala.. kasi ayaw niya akong masaktan.. 

"salamat miggy.. hindi ako nag sisisi na nakilala kita.. na minahal kita.. kung may
pinaka magandang aksidente man na nangyari sa buhay ko, yun yung mahalin ka..
habang buhay mamahalin pa din kita.. pero siguro.. siguro hanggang kaibigan na
lang.. pero lagi kang mananatili sa puso ko... matagal na panahon na yun, ayoko na
din ma guilty ka sa bagay na wala ka naman kasalanan eh.. so im now setting you
free.. free from my heart..." Niyakap niya ko.. hindi ko napigilan yung sarili ko
na yakapin din siya, nang mahigpit.. ang tagal ko siyang hindi nayakap eh.. sobrang
tagal.. sobra sobra...

"sana kaya kong suklian yung pag mamahal mo sakin.. sorry.." hinarap niya ko
sakanya. "alam mo ang gaan gaan ng loob ko sayo, minsan gusto kitang kausapin..
kahit na hindi kita ma alala.. siguro nga nakakalimot yung utak.. pero hindi yung
puso.. pero ganito siguro talaga, hindi tayo ang para sa isa's isa.. patawarin mo
ko.. gustong gusto ko ibalik yung alaala ko.. pero hindi ko magawa eh.. cristin..
sorry.." this time hindi ko na talaga mapigilan, kaya tumalikod ako kay miggy..

"sira! okey lang yun! hindi mo kasalanan.. ayaw kasi talaga ng tadhana eh.. kaya
ayun.. pero okey na yun, atleast friends pa din naman tayo di ba?" pinunasan ko
yung luha ko, humarap ulit ako kay miggy.. "maging masaya ka lang, okey na ko.. isa
pa, naka move on na ko.. na let go ko na yun eh.. kaya okey na.. okey na..."

"Salamat cristin.. sana maging masaya ka na din, kay dante.. masaya ako para sa
inyong dalawa kung mag kakataon.." tinignan niya ko.. yung tingin na matagal ko ng
hindi nakita..

"Haha! wala pa nga eh.. ikaw talaga.."

"syempre nilalakad ko na agad yung tropa ko! haha.."


"Sige na.. mag gagabi na din eh, ayun na lang naman yung bahay ko eh.." ngumit siya
sakin.

"Sige cristin.. goodbye..." tumalikod siya.. palayo ng palayo sakin..

"Goodbye miggy.. i love you.. i love you goodbye... and im now setting you free..
malaya ka na.." tumulo ulit yung mga luha ko.. paalam miggy.. dito na nag tatapos
yung love story natin.. yung tin-miggy forever..

Sobrang hirap pakawalan ng memories. Dahil lahat yun unforgettable lalo na kung
unang beses mo palang yun nagagawa sa buong buhay mo. Oo masakit, masakit na
pakawalan ang isang bagay na minahal mong lubusan tapos pinahalagahan mo buong
buhay mo pero kelangan kong tanggapin yung katotohanan na WALA NA TALAGA kahit pa
masakit. Hindi ako magiging masaya ulit kung patuloy kong ikukulong yung sarili ko
sa isang bagay na sa nakaraan lang ako pinapasaya. Learn to let go of things that
makes you cry and learn to hold onto things that makes you smile. May mga
pagkakataon na kahit mahal mo, dapat mong bitawan para sumaya ka ng totoo. Eto na
yun... the art of letting go..

Hindi naman lahat ngsumusuko, MAHINA at TALUNAN. May mga bagay at tao lang talaga
na dapat SUKUAN para hindi ka na MASAKTAN. 

to be continue..

<AN>

SALAMAT PO SA LAHAT NG SUPORTA! i love you po.

Pasensya na din kung hindi ko nirereplyan yung mga comments niyo, pero lahat yun
nababasa ko, and nakakataba ng puso <3 THANK YOU :"> :)))

Eto na babatiin ko na kayo, mga mahal ko na readers, mga walang sawa nag comment at
nag vote!
stupid9, ona_james, nicoleAnnViana, KarlaPaulineCaguioa, SHinyshinyShine, KhimZamud
io, Mharynelle, KylaRivera, Nialler_Brey, patriciajane12, MaryJoanMarcos, CarminaMe
rcado, SelinaGarcia23, Sweet_Cherry, DendenMakuliit. 

=================

Chapter 8 : I got your back

Chapter 8 : I got your back

--

DANTE POV

"wow.." ang ganda ni tin.. maganda naman talaga siya eh, kahit na hindi siya nag
aayos. Kaso nung nakita ko siya na may make up at naka dress, lalo siyang gumanda.
Mas okey din pala kahit minsan mag ayos siya, para kasing lalaki eh.

"anong tingin niyo?" sabi ni tita ann nung bumababa sila ni tin.

"ate may make up ka na nga ang panget mo pa din!" loko to si miguel, lakas mang
asar. Umasim tuloy yung mukha ni tin.

"ang ganda mo tin.." medyo nahihiya pa ako na sabihin yun sa harap ng pamilya niya.
Baka kasi asarin na naman kami tapos mailang na naman to si flat.

"salamat dante.." lumapit siya sa katapid niya tapos binatukan niya. "panget pala
ha!" may pag ka amazona din siya minsan eh -__-

"ouch! joke lang eh! tignan mo si kuya dante, gandang ganda sayo! AYIEE!" tumawa
silang lahat. Kaming dalawa lang ni tin yung hindi, nag ka tinginan pa nga kami eh.
Medyo awkward lang kapag inaasar nila kami, kahit alam na nila na nanliligaw ako
kay tin.

"hehe.. maganda naman talaga yung ate mo eh.. tara na po, baka ma late tayo sa
pageant.." niyaya ko na lang sila na umalis, baka mamaya pati mama niya gatungan si
miguel.

"Oo nga, tara na.." ngumiti lang sakin si tin, alam niya kasi na pareho lang kami
ng nararamdaman. AWKWARD.

Nag presenta ka na ko na ihatid sila tin sa school, hindi kasi sila kasyang lahat
sa kotse nila tin eh. Kasama pa namin si heather yung nag make up tska nag ayos kay
tin. Habang nag ddrive ako napapatingin ako kay tin sa rear view mirror. Ang ganda
niya, hindi na ko nag tataka siya yung pinili na representative ng department nila.

Pag ka baba namin, dumeretso agad sa likod ng stage sila tin, kaming mga lalaki
naman nag hanap na ng upuan para mamaya, marami na kasing tao baka maubusan pa kami
ng uupuan. Nakita ko si ate at miggy dun sa unahan, sila apple at sarah naman
pumunta din sa likod ng stage. Gusto ko din tuloy pumunta sa likod para tignan si
tin. Kaso napaka pabida naman ako pag ganun di ba? nanliligaw pa lang ako hindi pa
ko boyfriend.

"Okey.. mag start ang pageant after 20 minutes.."

Mabilis natapos yung 20 minutes. Isa isa ng pinakilala yung mga contestant. Pag
labas pa lang ni tin, hiyawan na yung mga tao. Nagulat naman ako ng makita ko si
alyssa.. may masama tuloy akong kutob.

"Im Cristin Arrevalo, 18 from FA3Y1-2."

"Go Ate!!!" natawa lang kami nila ace kay miguel. "Bakit? hindi ba kayo mag cheer
kay ate?"

"ang gay mo bro! haha" tapos tinignan niya ko ng masama. Sabi ko nga eh, hindi na
ko mag sasalita.

After nila mag pakilala, nag simula sila agad sa evening gown. Nauna yung mga
lalaki, okey naman. Number 8 si tin. Lahat sila maganda pero syempre wala ng
gaganda pa kay tin. Nung nasa gitna na siya ng stage nakita ko na napatingin siya
kala miggy ate, ang weird tuloy. Huli si alyssa, nakita ko na napatingin siya
sakin, nagulat siguro siya na andito ako. Hindi ko naman pinaalam sakanya, isa pa
hindi na kami nag uusap. Pagtapos nun, nag palit lang sila tapos swuimsuit naman.
Yung mga lalaki naka trunks, lahat ng babae nag hihiyawan. Sa babae naman lahat ata
ng contestant naka 2 piece si tin lang yun naka one piece. Natawa tuloy yung iba,
medyo nainis ako, eh ano naman kung one piece? siya pa din naman pinaka sexy eh
-__-

After nun, nag break muna ng 15 minutes, hindi ko na natiis kaya pinuntahan ko si
tin sa back stage.

"San ka pupunta?"
"Pupuntahan ko si tin.."

"Bawal outsider dito ah?"

"Ano bang problema mo ally? dito na ko nag aaral okey?" nagulat pa ata siya lalo
nung nalaman niya yun. Nilag pasana ko na siya, kasi gusto ko na makita si tin.

"Dahil ba kay tin?" natigilan ako sa sinabi niya.

"Oo.. dahil sakanya.." nag madali na ko na umalis baka kasi mag simula na, hindi ko
pa nakaka usap si tin.

"tin!" nag aayos siya.

"Dante, bakit may problema ba?" kasama niya yung mama niya.

"Ah wala.. goodluck mamaya.." amp bakit parang nahihiya ako?

"ikaw naman pogi na miss mo agad yung anak ko.."

"ah hindi po! ah este..." napakamot ulo na lang ako.. nakakahiya kasi sabihin yun
sa harap ng ni tita ann.

"MAMA naman! sige na dante, aasarin ka lang dito ni mama eh.."

"Ah sige.." nginitian ko siya tska ako umalis.

Bago ako umalis nakita ko na naman si alyssa. Binilisan ko na lang yung pag lalakad
ko.

"Akala mo ba.. mapapalitan mo si miggy sa puso niya?" damn! bakit ba ganyan ka


alyssa.

"Oo.. gagawin ko lahat.." tska ako umalis.

Pag kabalik ko sa upuan ko, napaisip ako sa sinabi ni alyssa. Mapapalitan ko nga ba
si miggy sa puso ni cristin? Tatlong taon sila, isama mo pa yung mahal na mahal
nila yung isat isa. Isa pa wala naman silang official break up eh, kasi hindi pa
bumabalik yung alaala ni miggy, paano kapag bumalik yun? maaiwan ba ko ere na mag
isa? kung iisipin mo ting ginagawa ko. Isa akong malaking GAGO. Pero ano ba
magagawa ko? mahal ko siya eh...

"Si ate! GO ate!" nagulat ako sa sigaw ni miguel.

Ang tagal ko ata naka tulala, hindi ko napansin si tin na. Talent portion na.
Kakanta siya.

Endless love by Mariah Carey.  

"My love, There's only you in my life The only thing that's bright 

My first love, You're every breath that I take You're every step I make 

And I (I-I-I-I-I) I want to share All my love with you No one else will do..." 

Kahit hindi sabihin ni tin.. alam ko.. alam ko deep down sa puso niya.. para kay
miggy yang kanta na yan.. kaya siguro bawat lyrics sa pag kanta niya.. damang dama
mo.. parang naiiyak na siya eh, napapatingin pa siya kay miggy.. eto na nga ba yung
sinasabi ko eh, alam ko naman masasaktan ako eh.. kahit sinabi nyang naka move on
na siya kay miggy.. alam kong hindi pa.

"And your eyes Your eyes, your eyes They tell me how much you care Ooh yes, you
will always be My endless love 

Two hearts, Two hearts that beat as one Our lives have just begun"

After nung huling linya. Biglang nawala yung background music. Mukhang nagulat si
tin na nag tataka, siguro may mali sa likod. Nag aalala na si tin. Alam ko dapat
yung susunod na verse sa ka partner niya eh.. Biglang nag ingay yung mga tao..
kaylangan maka gawa ako ng paraan. Mag isip ka dante! hindi pwedeng pabayaan mo si
tin na mapahiya sa mga tao. Nakita ko na may hawak na gitara yung isang contestant.
Alam ko na!

Umakyat ako sa stage.. hawak ko yung gitara. Buti na lang alam ko yung chords neto,
kinanta ko kasi to sa debut ni ate. Nagulat si tin nung umakyat ako, nag hiyawan
naman yung mga tao. Sinenyasan ko siya sa ituloy yung second part.

"Two hearts, Two hearts that beat as one Our lives have just begun 

Forever (Ohhhhhh) I'll hold you close in my arms I can't resist your charms"

Binaba niya yung mic. Gusto niya ko na kantahin yung sunod na verse. Buti na lang
talaga alam ko to, amp.
"And love Oh, love I'll be a fool For you, I'm sure You know I don't mind Oh, you
know I don't mind"

Oo para sayo cristin. Mag papaka GAGO ako. Kahit mag mukha akong tanga. Kasi mahal
kita... mahal na mahal..Yung sumunod na lines.. sabay na kami.. 

"'Cause you, You mean the world to me Oh I know I know I've found in you My endless
love"

Habang kumkanta kami ng sabay, naka tingin lang ako sa mga mata niya.. alam ko
masaya ka na pero alam ko din na may lungkot pa din sa mga mata mo.. kung kaya ko
lang yan alisin sayo tin.. pangako dito lang ako, kahit na bumalik ka pa kay
miggy..

Natapos namin yung kanta. Lahat sila nag palakpakan. Yung iba tumayo pa.

"Salamat dante.. lagi ka talagang andyan kapag kelangan ko ng tulong.."

"Wala yun para sayo.." biglang bumilis yung tibok ng puso ko. AMP! parang gusto ko
siyang halikan..

"Tara na.." tumango lang ako.

Bumalik ulit ako sa upuan ko.

"Ang galing mo kuya dante! bagay kayo ni ate!"

"May pag ka singer ka pala dre ah!"

"Hindi naman.." nahiya naman tuloy ako. Hehe.

"Feeling ko damang dama mo yung kanta! haha kaw ah.." andito na pala sila apple.
Nako isa din tong mapang asar eh. Tinignan nga siya ng masama ni sarah. Ngayon ko
lang ata nakita si sarah.. Ngumit lang ako. Bat ba ang tahimik ko pag inaasar nila
ako kay tin? hindi naman ako ganto. Maingay ako tska mapang asar. Kahit nung kasama
nila ko, nag simula lang talaga ko mag kaganito nung nanligaw ako kay tin.

Maya maya lang, sasabihin na yung napasama sa top 3 na girls at boys.. lahat kami
kinakabahan..

"Pasok ka na contestant number.. 12 at contestant number 16" Si alyssa yung number


12.. sabagay magaling naman siya, pero malaki yung kutob ko na may kinalaman siya
bakit hindi tumugtog yung minus one ni tin kanina.. lahat nagpalakpakan.

"Pasok ka na din contestant number.. 3 and number 1" kinabahan kaming lahat, wala
pa kasi si cristin eh..

"and last but not the least..."

"NUMBER 8!" sigaw ko. Hindi ko napigilan. AMP! haha okey sige hindi na ko mahihiya.

"number 10 at 8!" lahat kami nag talunan. Akala mo nanalo na eh! amp haha.

"Okey deretso na tayo sa question and answer.."

Nauna yung mag lalaki. Medyo nakakatawa lang yung mga sagot nila. Next naman yung
mga girls..

Nauna yung contestant number 3. Okey naman yung sagot niya, hindi nga lang super
okey. Tapos si alyssa yung next.

"okey number 12.. para sayo anong ang love?" Natigilan lahat sa tanong. Masasagot
kaya yan ni ally?

"Love is.. a choice. You can choose to be happy or miserable.. You can fight for
it, or just give up. Ikaw yung gumagawa ng love sa buhay mo.. hindi totoo yung
destiny of fate.. kasi kung hindi mo ipag lalaban yung taong mahal mo.. mawawala
siya sayo.." Lahat sila nag tayuan.

parang... parang hindi siya si alyssa. Bago siya bumalik sa pwesto niya, tumingin
siya sakin... pero bakit? hindi ko alam pero parang totoo yung sinabi niya.. hindi
scripted galing sa puso.. naguluhan tuloy ako.

"Good answer, okey last but not the least contestant number 8.." bumunot siya ng
tanong. "Para sayo ano yung salitang Goodbye?"

"Goodbye... Isang salitang mahirap sabihin. At mas lalong mahirap panindigan. Lalo
na sa love... Lalo na kung magpapaalam ka na sa taong minahal mo ng sobra sobra,
yung pinagbuhusan mo ng oras at binigyan mo ng effort. Mas masakit yung kaya ka
magpaalam kasi, nasasaktan ka na, napapagod ka na, at napupunta ka na sa wala.
Pero, kahit na lahat ng goodbye, masakit at puno ng iyakan, tandaan natin na after
ng isang goodbye na ‘yon, may mas magandang mga bagay ang naghihintay satin.." 
After niyang sabihin yung may mga luha na tumulo sa mga mata niya.. Lahat kami
natahimik. Pinunasan naman niya agad yun.. Pagkatpos nun tumayo ako tska ko siya
pinalakpakan.. lahat naman sila sumunod. Alam ko bakit siya naiyak.. bakit pa nga
ba? kasi yung sagot na yun para sa taong minahal niya ng sobra.. si miggy..

Nag announce agad yung MC. Natira sila alyssa at cristin sa girls...

"And our Mr. and Ms. Fine Arts and design.. are contestants number.." Ang lakas ng
kaba ko.

"Number 18 and number.. 12!" Awwww.. Seriously?

Lahat kami napa awww. Hindi siguro nila expected na matatalo si tin. Ako din eh,
siguro luto yung laban? haha.

Lumapit agad samin sila tin.. "Sorry guys, hindi ako nanalo eh.." tapos nag sad
face siya.

"Okey lang princess para naman samin ikaw yung panalo eh.."

Babatiin ko na sana si tin kaso.. "Tin congrats! ang galing mo.."

"ah.. thanks miggy.." medyo naiilang siya pero alam mong masaya siya. 

Something struck me.. tama ba tong ginagawa ko? alam ko naman na hindi ko
mapapalitan si miggy sa puso niya eh.. kahit ano pang gawin ko...

Bakit ganun? Kung sino pa yung gustong-gusto mong maging sayo, yun pa yung
pinagdadamot sayo ng buong mundo.
to be continue..

<AN>

Hello! ^___^ kawawa naman si dante! akin ka na lang dante! hehe joke.

Binago ko pala yung title, ginawa kong 'Totally inlove with a DOTA player' para
match sa title ng unang book! tapos pinalitan ko din yung cover, tignan niyo na
lang sa Fanpage sa FB. ^___^

Babatiin ko lang si keyti! hello! tska kay stupid9, thank you ah! :)

Si Aguilar Baby, Katrina Castillo Tadeo, CL-fhar Mendiola , Kim Zamudio, Justin


Deocampo, Marionnes, Kyla Rivera, Rona Arcala, SHinyshiny Shine, Jeffrey Soliven,
Nicole Viana, Brey Gail, Angelica Obida, karen gonzales, Mary ann, mishyshoo, Khim
Zamudio!

THANK YOU PO! :)

=================

Chapter 9 : It's now official

Chapter 9 : It's now official 

--

TIN POV

After 2 months ..
"Ano inaantay mo dyan tin?"

"Baka sino? haha.."

Andito kami sa canteen. Naka patong yung ulo ko sa lamesa. Nakatitig sa cellphone
ko. Hays.

"Hayss... bakit kaya hindi nag tetext si dante?" tinopak kaya yun? ngayon lang
hindi nagtext yung mokong na yun eh. Nag aalala tuloy ako.

"Ah kaya pala.." napalakas ata pag kakasabi ko nun. "Uy apple paano ba yan? panalo
ko sa pustahan natin?" pustahan? ano yun? at parang wala akong alam?

"Shhh! tumahimik ka nga sarah!" aba itatago pa sakin ng dalawang to ah.

"Sasabihin niyo o sasabihin niyo? mamili kayo?" nag turuan silang dalawa.

"Kasi si apple talaga naka isip nun! pustahan daw kami kung gaano ka katagal
maiinlove kay dante.." ANO?! mga baliw talaga -__-

"Uy bakit? sino naman nag sabi na 3 weeks lang maiinlove na si tin kay dante?"

"Hala! bakit? totoo naman tignan mo.."

"Baliw.. sinong inlove kay dante? mga sira ulo.." nag alala lang inlove na agad?
baliwag.

"Wushu.. kaya pala inaantay mo yung text niya?" hinarap ko si sarah.

"Nag aalala lang ako, kasi palaging nag tetext yun.. tss.. inlove agad?" hindi
naman talaga ako inlove eh. Tska dalawang bwan pa lang sya nanliligaw, imposibleng
inlove na ko agad.

"Eh ayan na pala si dante eh.." napatigil si apple sa pagsasalita. Napatingin tuloy
ako. "Ay bakit kasama niya si alyssa?" Inalis ko agad yung tingin ko.

Hindi siya nag rereply sakin tapos kasama lang niya si alyssa. Tska bakit pa sa
lahat ng babae yung mortal na kaaway ko pa kasama niya? Alam naman niya galit ako
dyan eh! Teka nga.. eh ano naman? bahala siya gawin niya gusto niya... BAHALA
SIYA!!! hindi ko naman siya boyfriend eh!

"Huy bakit parang namumula ka sa galit dyan?" sabi ni sarah.


"Ha? hindi nuh.." hindi naman talaga ako galit eh. Bakit naman ako magagalit na
magkasama si dante at alyssa. So what? I don't care. Hindi ako galit na magkasama
sila!

"Baka kasi nag seselos?"

"AKO NAG SESELOS? HINDI AH!" lahat ng tao sa canteen napatingin sakin. Nakakahiya
baka narinig pa nila dante T__T Napalakas ata pag kakasabi ko. Galit ba ko? baka
kasi mag kaka period ako. Makaalis na nga.

"Huy tin san ka pupunta?!" bahala kayo dyan.

"Hi tin.." sabi ni alyssa. Napatigil ako sa tapat ng table nila. Stupid! bakit kasi
dumaan pa ko sa tapat nila? Tinignan ko si dante. Wala blanko lang mukha niya. Ano
problema neto? naiinis tuloy ako. Ngumiti lang ako kay alyssa tapos umalis nako.

 Dumeretso ako sa tambayan ko.

Bakit ba ako na iinis?! hindi ko naman boyfriend si dante. Buti nga hindi ko pa
siya sinasagot eh, babaero kasi. Tss. Nakaka inis lang, nanliligaw sayo tapos
makikita mo may kasamang iba? parang tanga lang eh. AHHHH!!! bakit ba kasi ako
naiinis? baka naman sumuko na siya manligaw sakin. Eh di okey. Wag na niya ko
kakausapin.

Asan na ba yung celphone ko? buburahin ko na nga number niya. waaa!! nakaka inis
talaga kasi eh.

Uwi na lang nga ko, mag dodota na lang ako sa bahay.

Habang pauwi ako, nakita ko si dante... Gusto ko siyang kausapin eh, pero umiwas
agad siya. BAHALA SIYA! wag na niya ko kakausapin!

**

"Im home!" sino kaya bisita sa bahay? May sapatos sa labas eh, pang lalaki.

"Aga mo ate ah? mukhang hindi ka nag dota ha?"


"Dito na lang ako sa bahay, wala ako sa mood eh.."

"Hi cristin.." nanlaki agad mata ko nung makita ko si miggy. Ano ginagawa niya
dito? "Nag luto pala ko pancake, gusto mo?" waaaa pancake @__@ hantagal ko na hindi
nakatikim ng luto ni miggy.

"Ah sige sige! haha next time na lang ako mag dodota! hehe.." si miguel, kakaiba
yung tingin sakin. "Miggy saglit lang ha?" Hinila ko nga siya dun sa dulo, yung
hindi kami maririnig ni miggy.

"Ano yang tingin na yan ha?!"

"Eh kasi parang kinikilig ka kay miggy eh!"

"Hindi nuh! tska ano naman kung kiligin ako aber!?"

"Hoy susumbong kita kay kuya dante! two timer!" ako? TWO TIMER?! adik to.

"Anong pinagsasabi mo? hindi ko pa boyfriend si dante! tska hindi ko na magiging BF


yun! okey?! kaya ikaw umayos ka dyan ha!"

"Ha bakit naman?" curious ba talaga siya? nakakapag taka to ah. Sasabihin ko ba o
hindi? ah wag na lang.

"Kasi si dante may kasamang babae.." sabi ko hindi ko sasabihin eh T__T

"Baliw ka pala ate eh! ikaw na nga nag sabi na hindi pa kayo! tapos may kasama lang
na babae nag selos ka na agad? tss labo mo." umalis agad siya tapos pumanta siya
kay miggy.

"Hoy teka!" Sino ba kakampi niya ha? ako o si dante? ako ate niya eh. Ako nag
seselos?! hindi ah.. tska hindi naman basta babae lang si alyssa, ex-girlfriend
niya kaya yun! HMMPF!

"MIGGY! one on one daw kayo ni ate sa dota mamaya! pagtapos natin kumain!" ANO?!
nababaliw na talaga tong kapatid ko -__-

"Sige ba.. basta hindi pa dumadating si master ace.."

Pinikot ko nga yung tenga ni miguel. "Ikaw talaga! puro ka kalokohan eh nuh?"
"Ouch! bakit ba? eh di ba natalo mo si kuya miggy dati? eh di rematch kayo!"

"Oo nga naman cristin.. pabawiin mo naman ako sayo!"

"Isa ka din miggy eh! tska bakit ka nga pala andito?"

Tumawa siya tapos nag sad face. "Ayaw mo ba ko dito?" Luh? anong drama yun -__-

"Sira!" Natawa tuloy ako, nag iisip bata siya! Napatingin naman ako kay miguel,
kakaiba na naman yung tingin niya sakin. Sasapakin ko na to eh, Anong problema
niya? na tatae ba siya?

"Pinapunta kasi ako ng kuya mo, may aayusin lang kami dun sa computer niya.. Tara
kain na tayo! baka dumating na yun, hindi tayo makapag dota.." hanggang ngayon pala
under pa din siya kay kuya ace.

Kinain na namin yung luto niyang pancake. Wala pa din pinag babago, masarap pa din
siya mag luto. Dapat nag culinary na lang siya eh! haha. Pagkatapos namin kumain,
sabi ni miggy siya na daw mag huhugas nung pinag kainan namin. Sabi ko ako na eh
pero ayaw niya. Kinausap ko na lang si miguel sa may sala.

"Anong drama yan ha?"

"Ang ano?" tss.. nag mamaang maangan pa.

"Kanina pa nakakaloko tingin mo sakin eh!"

"Huh? Malisyoso ka lang ate!" sinungaling -___-

"Ah ganun? sige hindi na kita ilalakad sa crush mo! kala mo ha.." alam ko katulad
ka din ni renz, hindi matitiis kapag crush pinag uusapan.

"Wahaha! hindi na! eh kasi naman.. natatawa ako sayo eh.. pinipigilan ko lang.."
tinaasan ko siya ng kilay. May nakakatawa ba sakin? "Ikaw kasi eh! nagagalit ka na
may kasamang iba si kuya dante pero ikaw kasama mo si miggy!" eh siya pala tong
malisyoso eh! wala naman masama dun ah. Ang laki kaya ng pagkakaiba. Tss

"Masama na ba makipag usap? lagi naman kami nag uusap ah?"

"Eh kasi kinikilig ka, kaya masama.. flirting na din yun.. kung ako si kuya dante,
magagalit ako.." hindi naman ako kinikilig ah? huhu.
"Hindi kaya! tska iba naman yun, kasi yung kasama ni dante, ex-girlfriend niya! ako
si..." napatigil ako saglit. Huhu oo nga pala ex-boyfriend ko din si miggy. Ehhh!!
basta mag kaiba yun! basta ganun >.<

"Haha! kitam? ayaw pa kasi aminin na nag seselos ka! kasi..."

"Kasi?"

"Inlove ka na kay kuya dante! wahah! ayieee. inlove na ulit si ate!"

Tumakbo siya palayo. Alam kasi niya na kokotongan ko siya eh. Daming kalokohan. Ako
INLOVE KAY DANTE? hindi kaya.. pero bakit ganun, tatlong tao na yung nagsasabi
sakin na inlove ako kay dante? >.< Sige na, nag seselos na ko. Eh kasi naman, lagi
siyang andyan sakin, laging ako yung kinakausap niya, na parang sakin lang umiikot
yung mundo niya. Alam mo yun, yung pakiramdam mo ang special mo sa isang tao tapos
biglang parang wala ka na lang? Nung nakita ko sila ni alyssa na mag kasama nainis
ako. Ewan ko! yun pala nag seselos na ko.. Hays! pero ibig sabihin ba nun inlove na
nga ako kay dante?

"Cristin?"

"Ha?"

"Kanina ka pa namin tinatawag eh.."

"Ay sorry.. oo nga pala mag lalaro tayo.." shocks naman! lumulutang na naman isip
ko! nakakahiya kay miggy!

Ginamit ko yung computer, si miggy naman yung laptop ni kuya. Natalo ko na naman
siya dati eh, kaya hindi na ko kinakabahan kung mag dota ulit kami. Isa pa, wala na
naman akong nararamdaman kay miggy.

[AN: Yung part na to baka hindi maintindihan ng iba na hindi nag dodota, basta
inexplain lang yung naging laro nila migg at tin. :)

Queen of pain yung gamit kong hero, siya naman Mirana. Nung unang game, pantay lang
kami sa creepings at sa gamit. Alam ko naman malakas talaga siya mag dota.
Pagkatapos ng 15 minutes, nag leap siya sa harap ko, mag blink sana ako kaso wala
pala akong mana kaya ayun napatay niya ko T___T nung nabuhay na ulit yung hero ko,
nag tanim ako ng wards para alam ko kung nasan siya. Pumana siya pero hindi tumama
sa hero ko, nag blink agad ako tapos nag scream, nag shadow strike ako tapos tinira
ko siya, nung nag blink siya nag SS ako, tapos napatay ko siya. Wahaha! ang saya
ko. Nung Mid game na, pantay na kami ni miggy all 2 na kami. Ang rule ng game,
unang makapatay ng tatlo yung panalo. Ang lakas ng tibok ng puso ko, isa na lang
kasi pwede akong manalo o matalo. Bawat kilos ko maingat ako. Bumibili ako sa
secret shop, nagulat ako nung bigla niya akong napana, alam ko kasi nasa mid lane
pa siya, illusion lang pala yun.. at ayun.. napatay niya ako. Waaaa!! nakakainis
talaga lock items na sana ako eh T__T

 "Ang weak mo ate! haha!" aba loko to ah! hindi nga niya ko matalo sa 1v1 eh! ako
pa weak.

"Ikaw kaya dito?!"

"Haha practice pa cristin!"

"Tss tsmba ka lang! Rematch tayo! dali!" hindi ako papayag >.<

"Anong RM? may gagawin pa kami niyan ni miggy!" wrong timing naman dating ni kuya!
huhu.

"Sige next time na lang cristin ah?" nag nod lang ako.

Umakyat na agad sila kuya sa kwarto niya. Ano kaya gagawin nila? importante kaya
yun? Tss. Kahit kelan talaga si kuya ina under si miggy! Nag dota na lang ako mag
isa, buti na lang may Garena dito sa computer. Makapag practice pa nga! huhu.

[Garena/GG = ginagamit para makapg laro ka online. Kahit nasa ibang lugar yung
kalaro mo, makakapag laro pa din kayo ng dota. Madaming laro sa GG, counter strike,
starcraft etc.]

Mabilis din naman lumipas yung oras, namalayan ko na lang nakaka dalawang oras na
pala akong nag lalaro dito. Bumababa na din sila kuya at miggy. 

"Cristin uwi na ko!"

"Ah sige! samahan na kita sa labas.." May gusto kasi akong itanong eh.

Nung nasa gate na kami, nag usap kami about sa game kanina.
"Hoy miggy! aminin mo nga! tsmba ka lang ba kanina o pinag bigyan mo lang ako nung
unang laro natin?" baka kasi lumaki yung ulo ko kapag nasa isip ko na natalo ko
talaga siya.

"Slow hands! haha"

"So pinag bigyan mo nga lang ako?! grabe.. anong akala mo hindi kita kaya?"

"Baka nanalo ka? haha.."

"Yabang! rematch tayo?" pinunas niya yung kamay niya sa mukha ko. "Ano?"

"Wag na talo ka naman sakin eh! hahaha! tska kaya kita pinag bigyan kasi sabi nila
iyakin ka daw.. baka umiyak ka pa eh!"

"Yabang!"

"Iyakin!"

"Ang yabang mo! sus!"

"Oh dante?"

Lumingon agad ako sa likod ko. Nakita ko si dante. Anong ginagawa niya dito? akala
ko ba dedma siya sakin? tska kanina pa ba siya dyan? >.<

"Dante anong ginagawa mo dito?"

"Cristin.. una na ko ah! iwan ko na kayo.. Sige dre!" umalis na agad si miggy.
Bakit niya kami iniwan na dalawa dito? huhu. Galit kaya ako dyan!

"Oh? bakit?"

"Ah.. sorry pala kanina..." ngayon mag so-sorry sorry siya? tss..

"Bakit ba kasi ganun ka? ano ba ginawa ko?"

"Wala.. may na realize lang kasi ako eh.." tumalikod siya sakin. "Na hindi ko
mapapalitan si miggy sa puso mo.. na hindi mo ako kayang mahalin.." hinarap ko
siya.
"So sumusuko ka na?" ganun na lang yun? akala ko ba gusto niya ko? na mahal niya
ko? >.<

"Hindi ako sumusuko.. nag paparaya lang.. kung sakanya ka masaya at kung mahal mo
pa din sya, respetuhin ko kung ano yung gusto mo.. mahalaga lang naman sakin masaya
ka eh.."

"Tanga!" ang tanga tanga mo! hindi mo ba alam na masaya ako kapag kasama kita? na
Oo na.. taena inlove na nga ko sayo dante.. buiset!

"Tanga na kung tanga! pero mahal kita.."

"Tanga ka para hindi mo malaman na mahal na din kita!"

"Ano?"

"Alin ba sa salitang mahal kita yung hindi mo maintindihan?!" Natulala siya.


Nagulat ata siya sa sinabi ko. Ako din naman eh, nagulat sa mga pinagsasabi ko, sa
mga nararamdaman ko.

"Does it mean na?"

"OO tayo na!"

to be continue..

<AN>

Hello! Thanks po sa pag support. Sensya natagal sa pag update :PSino naka miss kay
PUDGE? :)Abangan niyo. Wahaha! miss ko na din siya eh.

Hello kay Karla Pauline Caguioa at kay anjelika silva. Pati pala kay kuya Ajay
Marco Bubuli, na kahit lalaki eh nagagandahan sa story na to, Wahaha.
At sa mga loyal readers neto! hello! Thank you! medyo bawas bawas muna sa pabati
pero kilala niyo na sarili niyo! Love you all :*

=================

Chapter 10 : Adjustments

Chapter 10 : Adjustments 

<AN: mag 58K na yung read ng Book 1! salamat sa lahat ng sumuporta!>

--

New life. New Boyfriend. New Problem?

1 text message received..

Kinuha nila apple yung phone ko. WAAAAA! mga sira ulo! baka si dante na yung nag
text.. makikita nila yung name niya sa phone ko!! HUHUHU!! di ko pa nasasabi eh.

From: Boyfriend♥

"Boyfriend?!" ipagsigawan daw ba? hayup tong dalawang to! naka lunok na naman ata
ng microphone -___-

"Ah kasi ano eh..."

"HAHAHAHAH! ANG PANGET NG CS NIYO!"

Mga sira ulo! huhu. Akala ko nagulat kasi nalaman na kami na ni dante. Pagtatawanan
lang pala yung pangalan niya sa phone ko! Ano naman masama dun? mga baliwag talaga!
boyfriend ko naman siya ah? bakit ko ba naging best friend tong dalawang lukaret na
to T___T

"What's so funny ha?! at ano yung CS?" never heard of it.

"OMG tin! CS is like call sign! duh?! tawagan you know? baby.. honey..
sweethaeart!"

"I know na okey? pero kaylangan pa ba yan? tska ang cheesy mdyado.."

"OO naman! Gaga! syempre boyfriend mo na si dante.. ay wait lang.." napatigil si


apple.. wag mong sabihin na...

"BOYFRIEND MO NA SI DANTE?!" sabi na eh.. Late reaction mga teh? wahahaha. natawa


tuloy ako.

 "Slow hands!"

Tumayo sa harap ko si apple. "I thougt best friend ka namin? tapos.. tapos.. hindi
mo man lang masabi samin?" nag kunwari siya na umiiyak. "How dare you?!" Grabeng
kabaliwan nato! Jusko! >__< Buti nakakatiis sila kuya ace at kevin sa dalawa na to.
Huhu.

"Pa check up ka na nga sa mental apple, kayong dalawa ni sarah.. lakas ng topak
niyo eh!! sasabihin ko na nga di ba? kaso tawa kayo ng tawa! tska kagabi lang
naging kami, okey?"

"Hahaha! pare pareho lang naman tayo na mga baliw eh! tska ano bang nangyare ha?
kwento! kwento!"
"Tama si sarah! kwento ka!"

Parang mga bata tong mga to. Akala mo baby na nag mamaktol eh! hindi naman bagay,
mukha silang urang eh. Kaso sa huli ako din tong shunga na mag ki-kwento. Lord! wag
niyo po sanang hayaan na mahawa ako sa kabaliwan nila.

♪ Baby.. Baby blue eyes.. stay with me by my side.. ♫

Boyfriend♥ calling..

"Teka tumatawag si boyfie eh.."

"Ayiee ngayon boyfie na!!"

"Shhh!" kulit nila -__-

"Ahmm.." parang naiilang naman ako kausap si dante sa phone. Kasi naman!! halos
idikit na nila apple yung tenga nila sa phone ko! "Hello chubs.. bakit ka tumawag?"

(Kanina pa po kasi ako nag tetext sayo, hindi ka naman nag rereply? alam ko vancant
mo eh.. ano ba ginagawa mo?)

Ay shock! huhu oo nga pala! sila apple kasi eh.

"Sorry chubs.. kasi sila apple ang kulit eh.. hehe.. ano ba yun?" nakikita ko
reaksyon ng dalawa, kinikilig.

(Kasi mamaya may dinner sa bahay, isasama sana kita.. papakilala kita kala mommy..)

Ipapakilala?! kahapon lang naging kami ha?! HUHUHU. Nikakabahan akow >.<
"Kaylangan ba now na?"

"Hoy bakla! pumayag ka na! sabihin pa ng parents niya ang choosy mo! tsk tsk.."
pabulong na sabi sakin nila apple. Ehhhh!! sige na nga. Tska lakas ng radar ng
tenga nila ha? narinig pa yun?!

(Okey lang kung ayaw mo pa.. i papa cancel ko na lang..)

"Ah hindi hindi! sige mamaya.."

(Talaga? thanks flat.. hehe.. Sige sunduin kita later ha? I love you flat..)

"Yah!! i told you never called me flat.. haha! okey sige.. i love you too chubs.."

Binaba ko na agad yung call. Alam ko kasi titili at sisigaw na naman tong dalawa
eh.

"AYIEEE!! I LOVE YOU DAW!!""CHUBS PA EH! WEEE.. HAHAH!"

See? -__-

"Baliw.."

"Uy teka tin! bakit pala chubs tawag mo kay dante?" curious pa na tanong ni apple.

"Kasi ang taba niya eh, chubby.. chubs! gets?"

"Eh bakit naman flat tawag sayo?" tanong ni sarah.

"Kasi..." sasabihin ko ba? pag tatawanan ako ng dalawa na to eh -__- huhu.

"Ah wag mo na ipa explain! alam na namin.." Tumawa silang dalawa, ang sama ng
dalawang to. Porket Cup C sila. HUHU! ako na! ako na maliit. T__T

"Basta bakla palitan mo tawagan niyo! haha! panget eh! hindi sweet! dapat kakaiba..
parang kayo ni miggy! di ba?"

"Oo na.. pag iisipan ko.."

"Hoy tin!" paglingon ko si renz.

"Oh bakit?"

"Totoo ba yung narinig ko? kayo na ni pareng dante?"

"OO SILA NA!""OO SI DANTE AT CRISTIN NA!"

Nagulat si renz kala apple at sarah. Sila na pala si tin ngayon? nakatira ata ng
katol tong dalawa eh >.< Nag uunahan pa sa pag sabi. Napatingi tuloy samin yung mga
tao. Lakas ng boses eh! hindi mahinaan teh? 

"Ano?!" ay si alyssa. Pati siya narinig -__-

"Sila na alyssa, bakit angal ka!?" sabi ni apple, angas pa ng pagkakasabi. Gagu
talaga.

"Ah ganun ba.. Hindi na ko nag tataka.. mahilig ka naman pumulot ng basura di ba?"

"ABA! ANG KAPAL NETO TIN AH! SASABUNUTAN KO NA TO?!" sabi ni sarah. Inawat ko siya.

"Hayaan mo na to sakin.." hinarap ko si alyssa. "Alam mo, kung may basura man dito,
hindi si dante yun, baka ikaw? tska masaya kaming dalawa ni dante.. MASAYANG
MASAYA.. kaya wala akong paki alam kung ano pa pinag sassabi mo.." wahaha! ansabe?!

 
"BOOM!""YOWN! TIN IS ON FIRE!"

"Tignan lang natin kung hanggang kelan nga kayo magiging masaya.." tumawa siya
tapos umalis na din. Seriously? ano ba problema niya? akala ko ba si miggy gusto
niya? eh si dante naman boyfriend ko eh.. Insecure siguro yun -__-

"Hayaan mo na yun panget! selos lang yun! haha.."

"Alam ko naman yun eh, she's hopeless.."

"Mabuti pa pumunta na tayo sa room, hoy apple, sarah! ligalig niyong dalawa ha?!
naka katol na naman kayo?"

"Gagu! kain bubog renz! masaya lang naman kami para kay tin kasi masaya na ulit
siya ngayon! hindi na siya broken hearted! di ba?"

"Oo nga, tska nga pala tin.. siguraduhin mo lang na hindi mo ginagawang panakip
butas si dante ha?"

"Oo naman.. bago ko siya pinayagan na manligaw sakin.. sinigurado ko na sa sarili


ko na.. naka move-on na ko, na wala na kong nararamdaman kay miggy, ayoko maging
unfair kay dante.. Mahal ko na siya, hindi pa mahal na mahal pero i hope papunta na
din ako dun.."

Ngumiti sila apple at sarah. Niyakap nila ako.

"Masaya kami para sayo tin.."

Mas okey pa din talaga na seryoso tong dalawa. Haha!

**

Papunta na ko sa back gate, nag hihitay kasi sakin dun si dante. Ehh!! excited na,
kinakabahan ako. 
To: Boyfriend♥On the way na ko chubs <3

1 text message receive..  

Bilis mag reply ah? excited much chubs? haha..

From: MiggyHi tin? uhm... pwede ba tayo mag usap? may importante lang kasi akong
sasabihin eh.. hihintayin kita dito sa may dulo ng field.. 

Ha? ano kaya yun? ano kayang importante yung pwedeng sabihin sakin ni miggy? tska
ngayon lang niya ko tinawag na tin ha? kakapanibago.. Eh pano si dante? hinihintay
niya ko sa labas? Ehhh! ano ba yan! sige na nga saglit lang.

To: Boyfriend♥Chubs, may emergency lang.. una ka na sa inyo, susunod na lang ako
ha? sorry. I love you.

Binilisan ko papunta sa tambayan ko. Alam din pala ni miggy yun?

Pag kadating ko dun nakita ko siya na nakatalikod..

"Hoy yabang! bakit?"

"Tin! buti pumunta ka.."

"Ah oo sabi mo kasi importante eh.. ano ba yun?"

"Ahm.. kasi.. ano eh.."


"Bilisan mo konti pwede? haha.."

"Bakit? nag mamadali ka ba?"

"Ah... kasi.. ano.. ipapakilala kasi ako ni dante sa parents niya ngayon.. hehe..
kinakabahan nga ako eh.."

"Talaga? bakit naman?"

"Eh kasi kami na eh.. kahapon lang.. nung pag ka alis mo.."

Hindi siya nag salita. Naka tingin lang siya sakin. Ano bang problema niya?

"Huy? anyare sayo? ano ba yung sasabihin mo?"

"Ah.. wala.. kalimutan mo na.."

"Luh? pinapunta ako dito wala naman pala?"

"Gusto ko lang sabihin na masaya ako para sa inyo ni dante.. sana mahalin ka
niya.." tumalikod siya sakin.. "Katulad ng pagmamahal ko sayo.."

Bakit ang drama niya? may problema ba to si miggy? tska ano yung huli nyang sinabi?
hindi ko narinig eh.. pabulong lang niya sinabi? Ay bahala siya! bukas ko na lang
siya kakausapin.. pupuntahan ko na lang si chubs.

Nag madali ako pumunta sa bahay nila, napa taxi pa nga ko huhu! wala naman ako
kotse eh.. -__- nakakhiya kasi sa parents niya kapag na late ako.

Yung sumalubong sakin yung katulong nila. Nag intay lang ako sa sala.

"Hi cristin?"
"Ay maureen.. asan pala si dante?"

Niyakap niya ko. Ay bakit? ano meron? hehe.

"Im so happy at kayo na ng kapatid ko, kung alam mo lang kung gaano ka niya ka
mahal, at kung gaano siya kasaya! Im sure matutuwa sila mommy makita ka! si dante,
sinundo lang sila mommy.."

"Ah hehe wala yun.. ayun nga maureen eh, kinakabahan ako.."

"Don't be! mabait sila.."

"Andito na kami!!"

"Oh ayan na pala eh.." 

Lumapit siya sala dante, nag beso beso sila. Wow! mas ganda at gwapo pala parents
nila sa personal kesa sa picture. Mukha silang sosyalin. Nakakahiya. Lumapit sakin
si dante..

"Mommy, daddy.. Si cristin nga pala, My girlfriend.."

"She's soo beautiful anak! come here cristin, give me a kiss.." lumapit naman ako
sa mommy niya tapos nag beso kami. Hindi ko alam kung mag bebeso din ako sa daddy
niya eh -__-

"She's more cute kesa kay alyssa!" sabi ng daddy niya.

"Daddy! you're not suppose to say that!"

"Ok lang po, hehe.." nag smile sakin yung daddy niya. Mukha naman talaga silang
mabait eh.

"Come on lets eat?" hinila ako ng mommy niya papunta sa dining area.

Ang dami nilang pinahanda. Nakakahiya tuloy. >.<


"Ija kumain ka lang dyan ha? alam mo ba matagal ka ng na ikwento sakin neto ni baby
boy ko.. he loves you so much.." tinignan ko si dante. sa totoo lang, pinipigilan
ko yung tawa ko eh. Mamasa boy pala siya! hahah.

"Love ko din naman po yung baby boy niyo! hehe.."

"That's so sweet of you cristin.."

Dami namin napagkwentuhan. Nakakatawa nga daddy niya eh! Joker pala, yung mommy
naman niya tuwang tuwa samin. Haha! Happy family din pala sila kagaya namin,
nakakatuwa lang. Sabi ng mommy niya, gusto daw nila makilala pamilya ko, sabi ko
kapag may time dadalhin ko sila sa bahay.

Umuwi na din ako ng maaga, may pasok pa kasi bukas eh.

"Nag enjoy ka ba?"

"Oo naman chubs! ang saya ng pamilya mo eh.. Thanks ah, pinakilala mo ko
sakanila.."

"Oo naman.. Masaya nga din ako kasi okey kayo.. nga pala, narinig ko inaway ka daw
ni alyssa?"

"Ah wala yun wag mo na intindihin.."

"Hindi pwede nuh! Basta kapag inaway ka niya asbihin mo sakin ah? ayoko inaaway
yung girlfriend ko eh.."

"Opo! sige na, umuwi ka na chubs, see you tomorrow!"

"Goodnight flat.. i love you.." hinalikan niya ko sa noo ko.

"I love you too chubs.. Sweetdreams.." hinalikan ko naman siya sa cheeks. Haha!

Bumaba na ako agad ng kotse niya. Baka mamaya hindi pa siya maka alis eh, haha.
Pag dating ko sa bahay, humiga agad ako sa kama ko.

Ang sarap pala ng may nag mamahal ulit sayo nuh? yung maramdaman mong special ka
ulit. Isang taon na din akong umiiyak, nasasaktan.. siguro naman deserve ko na din
maging masaya di ba? Madami nga lang adjustments. Alam ko bagong kabaliwan na naman
meron sa buhay ko. Nakakapnibago nga eh, kasi dati nag mumukmok lang ako lagi sa
bahay, ngayon lagi ko ng kasama si dante. Nakakapanibago din siya, yung dating
mapang asar kasi super sweet na sakin. Hindi naman ako nag sisisi na sinagot ko
siya eh, at pinag bigyan ko ulit yung sarili ko na mag mahal ulit.

Hasy basta ako.. masaya! :-)

to be continue..

<AN>

Ano masasabi niyo? haha! basta ako may sinabi akong clue sa chapter na to :-)

Salamat sa LAHAT ng nag nag share ng kanilang reaction/thoughts/violent reaction?


haha. Mahal ko kayo! <3 Kilala niyo na kung sino kayo.

Hindi muna ko mag memention guys! sorry naman :PMay pa contest kasi ako! chos! haha
arte much! Kasi nahihirapan ako anong magandang tawagan nila dante at tin, kaya
kung sino man makaka isip ng UNIQUE, ASTIG AT NAKAKATUWANG call sign nila, i
dededicate ko yung next chapter! :-)

Sa loyal readers neto, dont worry yung ibang chapter idedicate ko sa inyo! Kilala
niyo na kung sino kayo! <3

LOVE YOU ALL :*wait lang kayo sa next chapter.. 


=================

Chapter 11 : Ikaw pa rin

Chapter 11 : Ikaw pa rin

--

ALYSSA POV (first time! buahaha)

"Uy bata bakit ka umiiyak?" sabi akin nung batang lalaki.

"Kasi yung saranggola ko eh, naipit dun sa puno! huhuhu.."

"Ah yun ba? teka kukunin ko para sayo! wag ka na umiyak ha?" wow *_* ang tapang
naman niya, pero...

"Baka malaglag ka! wag na!"

"Hindi yan! teka lang ah?"

Umakyat siya sa may puno, kinakabahan ako na baka malaglag siya. Kaso mukha siyang
si tarzan, ang galing niya umakyat sa puno. Pumalakpak ako nung nakita ko siya na
nakuha na niya yung saranggla ko. Ang galing naman niya.

"Oh ayan? wag ka na umiyak ha?"

"Thank you! ano pala pangalan mo?"

"Ako si dante! ikaw ano pangalan mo?"

"Im alyssa.. nice to meet you dante!"

"Ikaw din! wag ka na iiyak ah? ang ganda ganda mo eh.." hindi ko alam pero parang
natuwa ako sa sinabi niya.. i think i like him...
Simula nung araw na yun, nag ka gusto na ko kay dante. Para sakin siya yung tarzan
ko. Ako naman si jane. Hindi ko na siya nakita nung grade school, pero nung high
school ako, dun ko ulit siya nakita. Naging close ulit kami.. Nung 2nd year kami,
nag tapat siya sakin na gusto niya ko, and I also said that i like him, nung una pa
lang kaming nag kita. Naging kami, on/off. Makulit si dante, palabiro, mapang asar
pero once na naging boyfriend mo siya, seryoso siya tska sweet, parang nag iibang
tao siya. Masaya kami.. pero nung nakilala ko si miggy, nag iba na. Seloso si
dante, kaya nung sinabi ko na crush ko si miggy, nagalit siya sakin tapos pinalayo
niya ko kay miggy. Mahal ko siya kaya sinunod ko siya.. kaso nung tumagal, lagi na
lang DOTA yung inuuna niya. Nainis ako kaya nakipag break ako sakanya.

Nag paturo ako kay miggy paano mag dota sa inis ko kay dante. Naging close kami ni
miggy, nalaman yun ni dante kaya nag away sila ni miggy tapos nag mamaka awa siya
na balikan ko siya, nung panahon na yun, Oo mahal ko pa siya pero kapag nakipag
balikan na naman ako sakanya, babaliwalain na naman niya ko, uunahin na naman niya
yung DOTA. Kaya hindi ako pumayag, simula din nun.. nag kagusto ako kay miggy..

Simula ng makilala nami si cristin, alam ko una pa lang.. may gusto na siya sa
babaeng yun. Syempre nainis ako, kahit wala na kami. Mas nainis ako kasi boyfriend
pala niya si miggy.. feeling ko dalawang lalaki agad inagaw niya sakin.

Kaya ginawa ko lahat para sirain siya. Kay miggy at kay dante...

"ally! tignan mo oh, ang sweet nila dante tska ni tin.. alam ko mag 1 month na sila
next week eh, ang bilis nuh?"

Ewan ko parang naiinis ako sa sinabi ni stacey. Hello? may mata ako, nakikita ko.
Kelangan pa ulitin? Nakakinis! bakit ko ba to nararamdaman?

"Uy nagagalit si ally oh! nag seselos ata! haha"

"Gusto mong sampalin kita anna? bakit naman ako mag seselos? mas maganda naman ako
sa cristin na yan! Duh!!"

Msyado naman silang PDA. Badtrep. Makaalis na nga.

"San ka pupunta?"
"Mag dodota!"

Buti pa DOTA! hindi ako iniiwan.

Pumunta akong pacific. Buti pa dito, madami akong friends. Masarap mag dota kapag
kalaro mo mga kaibigan mo. Trahtalk, kapag badtrip ka lagi kang mang trashtalk.
Nalalabas ko din sama ng loob ko.

Tatlong oras din ako nag dota..pero naiinis pa din ako kapag naiisip ko sila
dante...

Naiinis ako na masaya siya kay tin. Na masaya yung babae na yun... na hindi na ako
yung dahilan kung bakit masaya si dante... AHHHH! ano ba tong nararamdaman ko >.<

Bumalik ako sa school..

Nakita ko si dante, mag isa.

"Hoy tarzan!" lumingon siya.

"Haha! hindi mo pa din nakakalimutan yun?" umupo ako sa tabi niya.

"Oo naman, bakit ikaw kinalimutan mo na nuh?"

"Hindi nuh! baliw.." ginulo niya yung buhok ko. Just like the old times. Shet bakit
na mimiss ko? :(

"Sorry ah?"

"Saan?" Patay malisya >.<

"Sa lahat ng kagagahan na ginawa ko!"


"Haha stupid! gaga ka naman talaga eh! naiintindihan ko naman eh, kaya wag ka na
mag sorry!" YAH! hindi kaya -__- konti lang.

"Ang yabang mo nuh!"

"Ano tingin mo? mag tatagal ba kami?" HINDI! -___-

"Siguro? kung hindi na babalik si miggy..." 

"Kahit bumalik siya.. wala na siyang babalikan, kasi sakin na si cristin.."

Hindi na ako nag salita. Baka sabihin pa niya sinisiraan ko na naman is tin. Wala
naman silang official break up ni miggy eh, and kung iisipin hindi kasalanan ni
miggy yun. Tama na yung pagiging kontra bida ko sa paningin ni dante.

"Haha! stupid ko din eh nuh.."

"Ha?"

"Alam ko iniisip mo.. minsan natatakot din ako na bumalik yung alaala ni miggy..
kasi baka kunin niya sakin si cristin.. ano naman laban ko sa 3 years nila?"

"Masaya ka ba kay cristin?"

"Oo masayang masaya.. ang tagal ko siyang minahal ng patago.. kaya ngayong nasakin
na siya, ayoko na siyang pakawalan.."

"Eh di ipag laban mo.. hindi naman imposible na mangyari yun eh.. pero sabi mo nga,
ikaw na boyfriend niya, hindi na si miggy di ba?"

"Sabagay.. ang komplikado kasi eh.. taena ni miggy, nag ka amnesia pa! akala mo
nasa drama.."

"Gagu! kung hindi ba nawala alaala niya, magiging kato ni tin?" natahimik kaming
dalawa. Ay stupid nga, mali pala nasabi ko.. "Haha joke!"

"Im happy kasi nakakapag usap na tayo ulit, basta siguraduhin mo lang na hindi mo
na aawayin si cristin ah!" tumayo ako.
"I can't promise you that! :P"

"Subukan mo lang! haha gagow!"

"Sige na alis na ko!"

Umalis na agad ko ng hindi tumitingin kay dante. Nakaka inis lang na sobrang mahal
niya si cristin, eh hindi naman siya sigurado na ganun din siya kamahal nung
babaeng yun. Ayoko siya masaktan... kasi mahal ko pa din siya eh... Wag a\lang
siyang sasaktan ng babaeng yun! kundi sasabunutan ko siya hanggang makalbo siya!
tss.

"Kelan mo balak sabihin?"

Teka.. boses ni...

"Kapag sinabi ko ba may mag babago?"

"She deserves to know! what if may pag asa pa?"

"Wala na.. i should do what she did.."

"Gago! ewan ko sayo! susuko ka na lang ng ganun?"

"Siya yung sumuko.. hindi ako dre..."

Kaylan pa? pero...


"Hindi mo pwedeng sabihin..." 

Nagulat silang dalawa nung makita nila ko.

to be continue..

<AN>

Name ng next chapter - Chapter 12 : First Month.Sorry maikli update ah! Wala ako
maisip haha! mental block? bawi ako sa next chapter!

Thanks sa lahat ng nag suggest ng names! I love you all!


Marionnes, AngelicaObida, Kyla
Rivera, patriciajane12, justin_deocampo, Nialler_Brey

Tska sa lahat ng nag cocomment at nag vovote. Dinedecate ko na sa mga loyal reader
neto yung ibang chapert, para di na kayo magtampo :P

Baka bukas o weds ako mag update ^__^Tenkyow! :* 

=================

Chapter 12 : First Month

Chapter 12 : First Month

--

DANTE POV
 

First month...

30 days of love...

4 weeks of sweetness...

May mahihiling pa ba ako? wala na...

From: YAM♥Where ka na? w8 ka na namin. Ilabyuu :*

Shet! si ate kasi tanghali na ko ginising!  Hindi din naman ako nakatulog kagabi
kasi iniisip ko ano bang magandang regalo kay cristin? Hindi naman kasi ako
magaling sa mga ganito eh. Hindi naman kasi humihingi si ally ng ganito dati. Sa
sobrang pag iisip tuloy, wala akong naisip! Tska wala na din ako time gumawa o mag
isip, hinihintay na kasi nila ako eh. Pumasa kasi si ace sa Nursing board exam kaya
may salo salo sa bahay nila, syempre invited ako! haha boyfriend eh >:) Bibili na
lang nga ako ng roses.

To: YAM♥Bat hinahap mo pa ko? nasa puso mo lang naman ako ah. Hehe behlat! Malapit
na ko yam, may binibili lang.. I miss you already.. I love you..

"Sir gusto niyo po ba lagyan ng letter yung flowers?" napatingin ako dun sa nag
bebenta ng mga roses.
"Uhm.. sige..." nag isip ako anong maganda tska ko sinulat sa papel yung banat ko
sakanya.

NARA ka ba? Ikaw kase ang NARArapat para saken eh.

Pagkadating ko pa lang sa bahay nila, nasa labas na siya ng bahay. Nakatali yung
buhok niya, tapos naka short lang siya.. Tsss.. tinignan ko nga siya ng masama..

"Oh yam.. bakit ang sama ng tingin mo? are you mad huh?" tapos nag pout siya. Kulit
ng babaeng to, sabi ng wag mag popout, mamaya makaakit siya ng manyak dyan sa tabi
eh! hahaha.

"Sabi ko sayo bawal ka na mag shorts di ba? tapos nasa labas ka pa.. Tsk.."

Oo tama kayo ng narinig. Ayoko na nag sho-shorts siya, kahit ano na makikita yung
legs niya. Ganun ako ka protective sakanya eh, ayoko ng may tumitingin sakanya.

"Mainit kasi eh.. Yam naman! para namang mahahawakan nila yung leeg ko! duh!
hanggang tingin lang yang mga yan!" pinisil ko nga yung ilong niya. "Ouch!"

"Sira ka talaga eh nuh! kahit flat chested ka may mag kaka interes pa din sayo!
haha... ayoko ng may tumitingin sayo! gusto ako lang! hindi pwede yung iba.."
tumalikod ako sakanya. Kunwari galit ako, haha!

"Luh!!" Humarap siya sakin tapos hinawakan niya yung kamay ko. "Baliw ka eh nuh!
alam mo ba ibig sabihin ng tawagan natin? YAM? YOU ARE MINE. So ibig sabihin sayo
na ako, okey?"

"Hmmm..."

"Sorry na okey! hindi na po yam! sus napaka seloso neto ni yam eh, matindi ka pa
kay miggy.." bigla siyang natigilan sa sinabi niya, siguro naisip niya na magagalit
ako kasi nabanggit niya si miggy.

"Oo seloso talaga ako! kasi mahal na mahal kita eh.. teka may kukunin lang ako.."
Kinuha ko yung bulaklak sa loob ng kotse ko. "Oh yan.."

"Waaa! ang ganda yam! pero ano meron?" Toinks! Hindi niya ba alam? Nag sad face
tuloy ako. "Haha joke! Happy monthsarry! tara pasok na tayo! hinihintay tayo nila
mama eh.."
"Aish! oo nga pala, late ako.. tara baka magalit yun sakin haha.."

Pag pasok ko pa lang sa bahay nila sinalubong agad ako ni tita jane.

"Pogi! buti naka punta ka! tara kain tayo? niluto ko yung favorite mong lechong
paksiw!"

"Tita thank you po tita, may dala din akong carbonara eh, pinaluto po ni mommy.."
ang bait talaga sakin ng mama ni tin. Haha!

"Ay paki sabi sa mommy mo, thank you ah! Sige na pogi upo ka na.." umupo ako sa
upuan ni tin.

"Good morning po tito! miguel.."

"Goodmorning din dante, salamat pala dun sa dala mo ah, ang bait ng mommy mo, tska
yung daddy mo naka salubong ko nung isang araw, sabihin mo pumunta na lang dito
para mag inuman naman kami! haha.."

"Ah wala po yun, sige po tito!"

"Kuya dante! dota tayo mamaya ha?"

"Anong Dota dota?" biglang dumating si ace, kasama si sarah, mukhang sinundo si
sarah.

"Kuya naman eh!!"

"Mag dadate yang dalawa mamaya miguel wag ka magulo! Uy dre, salamat ah naka punta
ka.."

"Oo naman para sayo dre.."  syempre future brother in law na kita eh, wahahah.

"Good afternoon po tito, miguel! asan pala sila tita?"

"Nasa kusina, nag hahanda ata ng food.."

"Ah naks, ganda ng roses na binigay mo dante ah! Happy first monthsarry ah! haha.."

"Haha thank you sarah.."


"Ready na ang pagkain! kain na tayo!"

Grabe hindi lang ako nabusog sa pagkain, pati sa kwento! Ang daming kwento ng
pamilya ni tin. Ang saya nila, kaya pala na kwento ni miggy dati na parang nag
karoon daw ulit siya ng pamilya. Masaya ako kasi okey naman ako sa pamilya niya,
akala ko kasi hindi ako magiging okey dahil si miggy pa din yung iniisip nilang
boyfriend ni cristin pero tulad nga ng sabi ni ace..

"Alam mo naman na sanggang dikit ko yan si miggy eh, pero syempre ikaw na yung
boyfriend ng kapatid ko.. Nag papasalamat nga ko sayo kasi pinasaya mo ulit yung
kapatid ko.. wag ka mag alala kung mapapantayan mo si miggy kay tin at samin.. kasi
alam ko may ibang puwang ka sa puso niya.."

Hindi ko naman ipag kakaila na nag seselos ako kay miggy, kasi hindi mo naman
talaga maiwasan na mababanggit pa din siya ni tin o kahit ng pamilya niya. Ganun
talaga eh, sabi nga, ang magiging matindi mong karibal.. hindi yung mga taong
lumalandi sakanya, kundi yung ex niya.

Umalis na din kami ni tin pagkatapos ng lunch, dumeretso kami ng school.. may klase
pa kasi si tin eh. Mamaya na lang kami mag dadate after ng class niya. Tambay muna
kami sa kotse ko..

"Yam happy  first monthsarry.."

"Happy monthsarry din, nagustuhan mo ba yung bulaklak?"

"Oo naman, kahit wala ka naman regalo, masaya na ako eh! haha.. Oh ayan, gift ko
sayo.." inabot niya sakin yung box, ewan ko kung anong laman nun. "Mamaya mo na
basahin kapag umalis na ko! haha.."

"Thank you yam.."

Okey may aaminin ako.  Wew! sa loob ng isang bwan, hindi pa kami nag kikiss sa
lips. Ayoko kasi pilitin si tin, tska walang chance eh, nirerespeto ko naman siya
kaya ayos lang naman sakin kahit sa cheeks lang.. pero eto na ata yung time..
Tugs Tugs Tugs..

Lakas ng tibok ng puso ko.

Eto na ba talaga first kiss namin?

Lumapit ako sakanya...

Napapikit siya...

Unti unti kong nilapat yung labi ko sa labi niya..

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. OA ba? hindi eto yung first kiss ko syempre..
pero iba kasi kapag si cristin yung nasa harap ko.. 30 seconds lang yung halik na
yun pero parang isang minuto na.. Lumayo ako, tinignan ko siya..

"Cristin.." ngumiti siya sakin. Nakahinga naman ako ng malalim..

"Shh.. boyfriend kita.. girlfriend mo ko.. walang masama dun.. isa pa mahal kita
yam.."

Niyakap ko siya. Ewan ang sarap lang sa pakiramdam. Shet!

"Mahal na mahal kita yam.. ikaw na flat chested ka!"

"HOY!!! hindi ako flat chested!!"

"Kaya nga wala akong naramdaman kada niyayakap kita eh! haha"
"MANYAK!"

Tapos tumawa kaming dalawa.

"Got to go.. see you later yam! i love you.."

"I love you too.." pababa na siya ng kotse pero pinigilan ko siya.. "Kiss ko?"

"Aba namimihasa ka ah? pero dahil monthsarry natin ngayon.. okey sige..."

Tapos hinalikan niya ulit ako sa lips. Haha! bago siya bumaba ng kotse kinindatan
ko siya, tapos tumawa naman siya.

"Yung banat mo pala ang corny! haha! NARA ka pa ha?"

Bumaba ako ng kotse..

"Alam mo ang dami ngang banat eh.. pero isa lang naman talaga alam kong banat eh.."

"Ano?"

"Mahal na mahal kita.."

Ngumit siya tapos pumasok na. Cute talaga nun kapag kinikilig! wahaha.

Umuwi muna ako sa bahay, mamayang gabi pa kasi siya lalabas ng school eh. Nakaisip
tuloy ako na gumawa ng cookies, correction pala.. papagawa ako kay ate.

Pag kadating ko sa bahay, nakita ko si ate sa sala, mukhang tulala.

"Ate okey ka lang?"

"Dante..." tumingin siya sakin na parang nagulat na ewan! ano ba yun?!

"Ate sabihin mo may nangyari bang masama?" tumayo siya hinawakan niya yung kamay
ko..

"Si miggy kasi..."

"Ha bakit anong nangyare kay miggy?" parang naiiyak na siya. Ano bang nangyare?
nyeta naman.

"Bumalik na siya dante..." natigilan ako.. parang hindi pa din pumapasok sa isip ko
yung mga sinabi niya.. "Bumalik na memory ni miggy.."

Boom! T*ngina. Bakit ngayon na agad? Hindi pa ako ganun ka mahal ni cristin eh..
pero hindi.. akin na siya.. hindi niya makukuha si cristin..

"Dante! san ka pupunta?"

Hindi ko na pinansin si ate.. kaylangan puntahan ko siya.

--

TIN POV

Grabe naka isang bwan na pala kami ni dante. Parang kelan lang.. pero masaya naman
akong kasama siya eh.. isa pa mahal ko siya.. papunta na siguro sa mahal na mahal..

Wala na siguro akong mahihiling pa kay dante. Gwapo.. Mabait.. Sweet na boyfriend,
Kahit seloso at super protective atleast alam kong mahal niya ko di ba? wahaha.. at
wag ka! gustong gusto siya nga pamilya ko, lalo si mama.. Tss! Ganun din naman ako
pamilya niya.. siguro magiging close mga magulang namin -__-

"Ate may nag papabigay po sayo!"

"Ay kalabaw!"

Tatanungin ko pa lang sana yung lalaki kung sino nag bigay nun kaso biglang
tumakbo. Sino naman kaya nag bigay neto? Ginulat pa niya ko ha! HMMPF!

Pumunta ka sa GYM. Hihintayin kita..

Hmp! sino kaya to?! Wag mong sabihin na si yam? tsk.. baliw talaga! suprise suprise
pa! haha. Hay! hindi na nga lang muna ako papasok sa subject ko. Tsss. Bad
Influence talaga siya.. haha!

Pag kadating ko dun may nakita ako na lalaki, nakatalikod. Tss pa mysterious effect
pa si dante, ang corny niya ha?! hahaha.

"Yam! kunwari ka pang walang gift sakin.. susuprise mo pala ko!"

"Cristin..."

"Ikaw..."

to be continue...

<AN>
Next Chapter: Chapter 13 : Im back!

Binitin ko talaga, kasi nga nag loloko yung PC! sorry naman. Mag uuD na lang ako
agad ng next.

Salamat sa lahat ng nag suggest ng endearment! lahat maganda! kaso napili ko yung
YAM(You Are mine) Cute kasi eh! haha. Thank you Kay mary grace! :*

Di na po muna ko mag papabati, hehe. Para naman yung mga comment niyo about sa
story/Chapter, hindi dahil sa pabati! waaaa sorry naman! haha mas masarap mag basa
kung about kasi sa chapter mababasa mo di ba? Hope you understand. :P

Mag dededicate na lang ako lagi sa mga laging nag babasa pati nag suggest. One at a
time lang, give chance to others! Waahaha.

Thanks! Love you all!

=================

Chapter 13 : Im back!

Chapter 13 : Im back!

--

MIGGY POV [alam ko na miss niyo siya kaya ayan na]

May mga pagkakataon na kailangan mong mag paalam sa taong mahal mo. Kahit masakit
sayo kailangan na talaga, kasi dadating yung point na kailangan mo na kilalanin
ulit yung sarili mo. Kasi pag nagmamahal tayo madalas nag-iiba tayo. Maraming
dahilan kung bakit pwedeng umabot ang isang relasyon sa ganitong sitwasyon.
Nakahiga lang kami ni tin sa damuhan.. pinag mamasdan namin yung langit, ang dami
kasing stars eh.. tapos biglang may dumaan na shooting star.

"Pudge! mag wish ka dali!" umupo siya sa pag kakahiga niya sa chest ko. "Anong wish
mo?"

"Wala.. hindi naman totoo yan eh..."

"YAH! bakit naman?" tapos nag pout siya. Lintek! nakaka inis talaga tong babae na
to.

"Sige pout pa! halikan kita dyan eh!"

"Hahaha! eh di halikan mo!" gusto din eh, haha.

Umupo ako tapos nilapit ko yung mukha ko sa mukha niya. Umiwas naman siya, tss.
Tignan mo halikan ko daw pero umiwas naman.

"Oh bakit ayaw mo na? Hahaha!! pasaway ka eh nuh!" pinisil ko yung pisngi niya.
"Hobby mo ba talaga yang ngumuso ha? panget eh! mukha kang sugpo!" inalis niya yung
kamay ko sa pisngi niya.

"SUGPO?! eh kung sugpo pala ako, bakit mo ko pinatulan?"

"Eh ginayuma mo ako eh!" haha sarap talaga asarin ni pudge kahit kelan.

"Huy kapal! Si abra ka ba? Kung may igagayuma man ako, si abra na lang! mas gwapo
yun sayo nuh!" Tss.. puro na lang si abra! lagi na lang niya pinapamuka sakin na
crush niya yun, mas gwapo kaya ako dun.

"Eh di siya na lang dapat i-boyfriend mo! Magsama kayo!" bakit kasi napaka seloso
ko -___-

"Haha! patawa ka pudge! ikaw nag simulang makipag asaran dyan eh!"

"Eh! gusto ko ako lang gwapo sa paningin mo!" niyakap ko siya ng mahigpit.. "Gusto
ko akin ka lang.." hinarap ko siya sakin.

"Dapat hiniling mo yun sa star eh! kakainis ka!"

"Tss.. kaylangan pa ba na mag wish ako para mapasakin ka? akala ko pa naman akin na
talaga.." sabihin niyo ng possesive ako pero ganun ko lang naman siya kamahal eh..
na ayoko siyang mawala sakin.. nag pout din ako.
"Sayong sayo lang ako.. sayong sayo.. okey? at wag ka mag pout dyan! nakaka manyak
eh! wahahaha! tska ang dami mong FanGirl mamaya kapag nakita kang ganyan halikan ka
bigla eh!"

"Eh wag ka din kasi mag pout!"

"Oo na po boss!"

"Good.. kiss mo nga ko?"

"Hoy! nakakadami ka na! haha ayoko nga.."

"Ah ganun?"

Kiniliti ko siya, hanggang sa mapagod siya tapos humiga na lang ulit kami. Nag
hihintay ng susunod na shooting star..

Sa totoo lang nag wish talaga ako sa star na yun... anong wish ko?

Sana forever na kami ng babaeng kasama ko ngayon.. si cristin.. kasi mahal na mahal
ko siya eh.. pwede ba yun star?

[Play niyo yung Let me be the One - Jimmy Bondoc habang binabasa niyo ^__^]

"Ikaw..."

"May iba pa bang miggy?"

"Yabang mo talaga nuh? bakit mo naman ako pinapunta dito?"

Madaming pinag bago si tin.. mas gumanda siya.. humaba yung buhok niya, aba hindi
na siya gaanong flat chested.. pero hindi yun.. yung tingin niya sakin, iba na.
Wala ng pag mamahal.

"Bakit?" sa dami dami ng gusto kong itanong sakanya, yan pa lang yung isang bagay
na kaya kong sabihin..
"Anong bakit?"

 Lumapit ako sakanya. Niyakap ko siya. Hindi ko na kasi kayang pigilan yung
nararamdaman ko eh, parang sasabog na. Hindi ko kayang pigilan yung nararamdaman ko
sakanya..

"Bakit hindi mo ko nahintay?"

Bakit tin? bakit bumitaw ka agad? Bakit pinag palit mo agad ako? Matagal na ba yung
isang taon? Ganun ka ba ka bilis mag sawa sakin? Hindi mo ba ko ganun ka mahal?

"Akala ko ba.. tin-miggy forever? bakit..."

Mas lalo kong hinigpitan yung yakap ko sakanya.

"Miggy... bumalik ka na?" hinarap ko siya sakin, umiiyak siya. Hinawakan ko yung
mukha niya para alisin yung mga luha niya.

"Oo.. nangako ako sayo di ba? tinutupad ko lang.. wag ka na umiyak.. nasasaktan ako
eh.."

"Miggy.. kelan pa?"

"Nung kinausap kita sa tambayan mo.. nung pina alam mo sakin na kayo na ni dante.."

"Isang bwan na yun ah? bakit ngayon lang?"

"Alam ko naman na hindi ganun kadali yun eh.. lalo na kayo na ni dante.. nung una
ayoko na sana sabihin kasi ayaw na kita guluhin.. masaya ka naman sakanya eh.. pero
tin kasi hindi ko kayang pigilan yung nararamdaman ko kasi.." hinawakan ko yung
kamay niya. "MAHAL NA MAHAL KITA!"

Tumalikod siya sakin.

"Miggy masaya ako na bumalik ka na.. pero huli na ang lahat.. miggy.. matagal ko ng
kinalimutan yung nararamdaman ko sayo.. isa pa si dante na yung mahal ko..."

Hindi ko alam kung anong nangingibabaw ngayon sakin.. sakit ba o galit.. GANUN NA
LANG YUN? T*NGINA NAMAN EH.. Ganun ba ko kadali kalimutan?

"Nangako ka sakin.. na hindi mo ko iiwan.."


"Oo pero miggy.. napapagod na ko masaktan.. siguro nga way lang to ng tadhana para
sabihin na hindi talaga tayo para sa isat-isa.."

"Taenang tadhana yan! hindi yan totoo! tayo gumagawa nun eh.. Tin, hindi pa huli
lahat! nawala lang ako saglit, pero andito na ulit ako.. pwede na ulit nating
tuparin yung pangako natin sa isat isa!" hinarap ko siya sakin.

"Kami na ni dante, miggy.. mahal ko na siya.. please..."

"Ganyan ka ba? nawala lang ako lumandi ka na sa iba? Akala ko iba ka sakanila..
pero pareho ka lang pala... ang kati mo tin!" sinampal niya ko.. kahit sampalin mo
pa ko, wala pa yan sa kalahati ng sakit na nararamdaman ko ngayon. "Hindi ako
lumandi!" nag simula na naman siyang umiyak..

"Hindi?! Ano yan?!"

"Isang taon miggy.. isang taon kitang hinintay.. kahit na hindi mo ko pinapansin
noon, kahit baliwala lang ako sayo, minahal pa din kita.. nag hintay ako.. isang
taon naging miserable yung buhay ko.. lagi akong umiiyak.. walang araw na hindi ako
nasasaktan.. umabot pa sa punto na gusto ko ng mag paka matay.. ALAM MO BA YUN? ang
sakit eh.. hindi ka man lang maalala ng taong mahal mo.. pero nag hintay ako..
pinanghawakan ko yung pangako natin.. pero hindi ko na kaya eh.. miggy intindihin
mo naman ako please... mahirap din naman sakin to eh... hindi kita sinuko ng ganun
na lang.. isang taon lahat yun tiniis ko! ngayon sabihin mo, mali ba ko?"

"Sana sinabi mo na lang na hindi mo ako kayang hintayin eh.. para hindi na ako
umasa na sa bandang huli tayo pa rin.."

"Miggy im sorry..."

"Huwag kang humingi ng sorry. Ako yung nagtiwala. Kasalanan ko..."

"Miggy..." humahagulgol na siya sa iyak.. napa upo siya habang hawak niya yung mga
paa ko.. "Patawarin mo ko.. miggy im sorry... hindi ko naman gusto na mangyari to
eh.. please intindihin mo naman ako.."

"Bakit ako inintindi mo ba? Tumayo ka na dyan.. alam mo hindi ko naman talaga
maintindihan eh.. at hindi ko kayang intindihin.. pero sige.. kung yan ang gusto
mo.. kung sakanya ka masaya.. fine!"

"Miggy..."

"Oo na pinapayagan na kita.. Pinapakawalan na kita para maging malaya ka na...


Nagpapaalam na ko para sayo, para hindi ka na masaktan.. para hindi ka na
mahirapan.. Marami pang babae dyan para sakin hindi lang ikaw kaya naman pinapalaya
na kita. Wag ka mag alala, mag momove-on na ko.. siguro nga oras na para maghanap
tayo ng taong mas deserving para sa atin. Alam ko hindi man ako perpektong
boyfriend pero ayos lang yon. Tanggap ko naman eh, wala naman perpektong tao diba?
Sige na malaya ka na. Paalam cristin.. sana maging masaya kayo ni dante..."

"Miggy.." hindi pa din siya tumitigil sa pag iyak.. "Alam mo naman kung gaano kita
minahal di ba? hindi naman mawawala yun pero hindi na tulad ng dati... sana
maintindihan mo.. at sana maka hanap ka na din ng babaeng mas higit sakin.."

"Alam mo kung ano yung masakit dun? Yung sinabi mo na di ka katulad nila.. pero sa
dulo isa ka rin pala.. wag ka mag alala.. makaka asa ka.. kakalimutan na kita.."

Masakit malaman na kailangan mo na syang iwan. Pero mas masakit malaman na okay
lang sa kanya ang MAWALA KA. Taena ang sakit eh... parang sinasaksak ng paulit ulit
yung puso ko ngayon.. yung babaeng sobrang mahal ko... at hanggang ngayon minamahal
ko pa.. iniwan ako.. sinaktan..

Tumalikod ako sakanya.. ayokong makita nya akong umiiyak..

Kakaiba rin ang love noh? Kahit lalaki ka, kaya mo tiisin yung physical na sakit,
pero kapag love na ang tumira sayo, mapapaiyak ka. Totoo pala talaga yung kasabihan
na kung Gaano mo kamahal yung isang Tao Ganun kadin kasakit kapag Iniwan ka niya..

Umalis na ko..

Ayoko nang makita yung mukha niya.. ayoko na siyang makita..

Gusto ko na lang din makalimot...

Ang sakit eh. Yung taong minahal ko ng lubos.. ng sobra sobra pa.. may mahal ng
iba. Sa lahat ng tao hindi siya yung taong naisip kong gagawin to sakin.. pero
ganun talaga eh.. lahat naman ng nag mamahal nasasaktan di ba? hindi ko mapigilang
umiyak...

Nung araw na bumalik yung alaala ko, ang saya saya ko.. para kong tumama ng lotto..
pero ngayon, sana pala hindi na lang bumalik yung alaala ko.. sana ngayon masaya
ako kahit nakikita ko siyang may kasamang iba.. wala lang sakin kahit nakikita ko
siyang masaya sa piling ng iba.. sana mawala na lang yung sakit... taena. Minsan
mapapamura ka na lang sa sakit.

Cristin.. hanggang dito na lang ba talaga tayo? wala na bang next chapter para
satin? ending na ba talaga to? hindi man lang tayo nakagawa ng magandang ending..
bakit ka kasi bumitiw agad eh.. babalik naman ako eh...
 

 "Pudge.. pudge.. pudge.."

"Oh bakit?"

"Wala.. gusto lang kitang tawagin.." tumayo ako. Hinarap ko siya.

"May problema ba?" nakahiga pa din siya sa kama ko, naka ngiti lang.

"Naisip mo ba kung anong gagawin mo kapag nawala ako?"

"Baliw ka ba! hindi ka mamawala sakin.. hindi ko hahayaan.." hinawakan niya yung
mukha ko.

"Sagutin mo yung tanong ko.."

"Mababaliw ako.. Ikakamatay ko.."

"YAH! Gusto ko kapag nangyari yung bagay na yun.. maging malakas ka.. maging masaya
ka kahit na wala na ako.."

"SHUT UP!" tumayo ako. Non sense. Ano ba pinag sasabi ni tin?

Niyakap niya ko mula sa likod ko.

"Miggy.. mahal na mahal kita.."

"Bakit ka ba ganyan?"

"Ano?"

"Kung ano ano sinasabi mo eh.. iiwan mo ba ko?"

"Kung ako masusunod.. hindi.. pero hindi ko naman kontrol yung buhay ko at buhay mo
eh.. kaya hindi ko alam.. pero kung mangyari man yun.. gusto ko na maging matatag
ka.."

"Hindi ko hahayaang mawala ka okey?"


Ngumiti lang siya sakin pagkatapos niyakap niya ko ng mahigpit.

Cristin eto na ba yun? yung sinasabi mong iiwan mo ko? pero bakit ganito naman?
hindi ako ready eh.. hindi ako handa.. at kahit kelan hindi ako magaging handa..
ang daya mo naman eh.. paano pa ko magiging masaya at matatag?

Tama ba na ikaw yung sisihin ko? alam ko naman kung gaano ka nasaktan sa nangyari..
alam ko yung mga luha na iniyak mo.. mali ako eh.. kasalanan ko pala to.. kasi
pinag hintay kita.. bakit kasi nag ka amnesia pa ko.. sorry cristin.. mahal na
mahal kita eh.. pero siguro nga.. i need to let go.. to set you free.. pati sarili
ko.. dapat palayain ko na..

Kaya hindi ako naniniwala sa mga shooting star.. kasi.. hiniling ko nun na lagi
kong makasama yung mommy ko.. pero wala eh, namatay siya..

Nung araw na humling ulit ako sa isang shooting star.. yung kasama ko si cristin..

Pinanghawakan ko yun..

Pero wala eh.. tama pala.. hindi sila totoo..

Paalam cristin...

to be continue..

<AN>

Next Chapter : Chapter 14 : New me.


Yow yow! Hello sa mga readers! nag palit pala ko ng name, ginawa kong blue_maiden,
favorite ko kasi si crystal maiden eh (hero sa dota) para medyo tago naman identity
ko. Buahaha!

Nag dedicate na ko, kapag may dedicate na kayo, di ko na uulitin, para may chance
naman yung iba! WAG MAKULIT! :P ^___^ wala ng pabati! wahahaha.

Upload ako next week.

=================

Chapter 14 : New me

Chapter 14 : New me

--

"Alam na ba ni dante?!" tanong ni apple.

"Oo sinabi ko na kagabi.. Akala ko nga magagalit siya, niyakap lang niya ko tapos
nag dinner kami.." lumapit siya sakin lalo. Parang puppy na excited.

"Aba himala? hindi ba nag aalala si dante na bumalik na yung alaala ni miggy?"

"Bakit naman siya mag aalala ha?"

"Bakit hindi? baka one of this day magkabalikan kayo!" binatukan ko nga. Ano ba
pinag sasabi niya?

"Hindi na yun mangyayare.. pero naisip ko na din na baka isipin niya yun, sabi
naman niya may tiwala siya sakin, at hindi ko kaylangan layuan si miggy.."

"Lakas ng confidence ni dante ha? hindi niya ba alam ang kamadag ni miggy?" sabi
naman ni sarah. Nag agree sila pareho ni apple. Tinarayan ko lang tong dalawa.
"Leche! basta mamaya may practice tayo ah!"

"Ay! Speaking of..." Napalingon ako sa sinabi ni Sarah. "Hi miggy! welcome back! na
miss ka ni tin, ay namin pala." Langhiya to si sarah, kung ano ano sinasabi eh.

"Anong ginagawa mo dito?" Ngumiti lang siya, hindi siya nag salita. "Miggy andito
ka ba para kausapin ako? pero sinabi ko ng tapos na lahat satin di ba?"

"Hahaha!!"

"Anong nakakatawa?"

"Tin kasi andito ako para kay apple, pinapasundo kasi siya ni kevin sakin.. tska
naka move on na ko, kaya wag ka na mag alala na hahabulin pa kita.. tara apple?"
Tinignan ko yung dalawa. Alam ko nag pipigil sila ng tawa. OK! ako na pahiya -__-

Bumulong sakin si apple. "Assuming much bakla?" tumayo siya tapos sumama kay miggy.

"Bye." kumindat pa to si miggy sakin. Arghhh!! nakaka inis!

"Itsura mo?"

"Sino bang hindi maiinis dun? pinahiya niya ko! Ang sama niya! mas mabuti pa pala
na hindi na bumalik yung memory niya!"

"Hoy teka nga babae.. sino ba kasi yung assuming na makiki usap siya na makipag
balikan sayo? na hindi pa siya nakaka move on SAYO? si miggy ba? di ba IKAW? ikaw
na din nag sabi tapos na kayo, kalimutan ka na niya, ngayong ginawa niya, nagagalit
ka dyan?"

"Eh kasi..." bakit nga ba? Nakakainis eh! >.<

"Kasi ang ineexpect mo.. mag mamaka awa pa din siya na makipag balikan sayo? Sus
tin naman.."

"Hindi nuh!" Huhu hindi naman yun eh T___T

"Ows? labas sa ilong yang sinasabi mo!"


"Oo na! hindi ko lang ineexpect na susuko siya agad..."

"Ay ang gulo mo teh! sabi mo sakanya tapos na kayo, wala na kayo! iba na mahal mo..
tapos gusto mo wag siya sumuko? Bipolar lang?" Minsan mas okey pala na baliw mode
tong si sarah, kapag seryoso natatamaan ako sa mga sinasabi niya eh. >.<

"Naninibago lang ako sakanya.. kilala mo naman si miggy di ba?"

"Iba na kasi yung sitwasyon, iba na yung mahal mo di ba? ano pa ba magagawa niya?
eh di mag move on.."

"Ganun agad?"

"Hoy ateng! nakakahalata na ako sayo ah! may nararamdaman ka pa ba kay miggy?"

"HUH?! WALA!!"

"Sus defensive ang lola mo!"

"Hindi na naman talaga eh, tska wag ka nga maingay mamaya marinig ka pa ni dante..
hindi ko na siya mahal okey? siguro nga hindi lang ako sanay na ganun si miggy..
but it doesnt mean na mahal ko pa siya..."

"Sabi mo eh.. pero madami na nag bago! tandaan mo yan."

Wala na naman akong nararamdaman kay miggy eh. Bago pa maging kami ni dante,
sinigurado ko na yun sa sarili ko. Naninibago lang ako sakanya. Ganun na lang ba
siya mag move-on? Hello? ako nga tatlong bwan eh.. tapos siya isang araw? Tss. Siya
ba talaga yun?

Alam ko madaming magbabago ngayong bumalik na yung alaala ni miggy. Alam ko.pati si
dante kinakabahan na baka bumalik ako kay miggy. Alam ko naman yun yung ineexpect
ng lahat, na mag kabalikam kami.. pero lahat ng bagay nag babago.. at yung sakit na
meron ako nun, ayun yung nakapag bago sakin..

Pumasok na lang ako sa literature class ko.

"Hi ate!" tinignan ko agad kung sino yung tumawag sakin. Pag kakita ko si Mina
pala. Ang kyut niya! =___=

"Hi mina!"

"Ate na miss kita, hindi ka kasi pumasok last time eh.."

"Ako din eh.. may assignment ba?"

"Ah wala naman ate.. Ay ate, alam mo ba yung ex mo.. si miggy.. nakita ko kasama
yung nursing student, Eya ata name nun eh.. ang chickboy talaga!" Hanggang dito
pala si miggy pa din maririnig ko -___- Umay na ko. Tska sino namna yung kasama
niya? Tss.

"Ah hehe.. Alam mo mina, wag na lang natin siya pag usapan?"

"Ay oo nga pala, bago na boyfriend mo.. si kuya dante.. Ayieeee.. kaya pala
blooming ka ate ha!"

"Haha! ikaw ha! nambola ka pa! Hindi naman.."

"Ay andyan na si mam! ate kwentuhan tayo mamaya ah? balik na ko sa upuan ko.."

"Sige Mina.." Sana kasing cute na lang ako ni mina >.< parang siopao yung pisngi
niya.  

Medyo hindi ako mapakali sa upuan ko. Lutang na naman isip ko. At akalain no yun,
dahil na naman kay miggy. HINDI KO NA SIYA MAHAL. Oo tama yun, pero naninibago lang
naman ako. Sinabi ko na mag move on siya pero hello? ang bilis naman. Nakakatawa
nga eh, ang gulo ko lang di ba? Yung ngiti pa niya parang ang saya saya niya.. ano
ba kasing problema sakin?! yun naman gusto ko eh, yung maging masaya siya.

"Mam, washroom lang po.." hindi naman ako na iihi. Ayoko lang mag tagal sa
classroom na lutang, mamaya pagalitan pa ko eh.

Habang dumadaaan ako sa corridor, hindi na ako nagulat na makakasalubong ko si


miggy. Alam ko naman pinag lalaruan kami ng tadhana eh -___-

Hindi ko siya pinansin, derederetso lang ako. Eh nakakailang naman >.<


"Tin.." sabi ko iiwasan ko siya eh >.<

"Bakit?"

"Parang naiilang ka ata? haha.. easy krizzy! ano ka ba?"

"Baliw.." sino ba di maiilang -__- paalis na ko, pinigilan niya ko. Hinila niya
braso ko T__T

"Huy teka! pwede ba tayo mag usap?"

TEKA! bakit ba ako naiilang? Hello? Ako nakipag break. Ako may bagong Boyfriend.
Dapat siya maiilang eh. Umayos ka cristin! UMAYOS KA.

"Sure.." tapos ngumiti ako. Huhu ngiting ewan >.<

Pumunta kami sa may tambayan ko. Kelan niya pa nalaman tong lugar na to? Tss.

Umupo siya sa may damuhan. "Siguro dito mo ko pinag papantasyahan?" Nagulat naman
ako sinabi niya. Di pa din pala nag babago pag ka mahangin niya. BAKULAW!

"Ha?! ang kapal mo nuh.." eh totoo naman eh -__- "Napapatingin lang ako sayo.."

"Kita mo na? Hahaha! nag sisisi ka nuh? Hindi ako pinili mo?"

"Ha? anong sinasabi mo?"

"Hahahaha!! di ba pinili mo si dante kesa sakin? Sus kung alam ko lang nag sisisi
ka, mas pogi kaya ako dun!" kinindatan niya ko.

"Haha! Kung mas pogi ka eh di sana ikaw pinili ko!"

"Ouch! wag mo na ipamuka!" eh sira ulo din pala siya eh. Siya nag open ng topic eh.
"Haha okey seryoso na.."

"Okey.."

"Wag ka na mailang okey? Isipin mo na lang na hindi pa bumabalik yung alaala ko.."
"Eh bumalik na nga eh!!" Ay bat ko ba nasabi yun T__T

"Okey sige.. wag mo nga ko sigawan! Basta wag ka na mailang, friends pa din tayo di
ba?"

Kapag sinabi kong hindi. Iisipin niya, B-I-T-T-E-R ako! No way High way! Wala na
kong nararamdaman sakanya, naka move on na ko. So what kung maging friends kami di
ba?

"Oo naman!"

"Good.." ginulo niya yung buhok ko. "Sige na payat.. una na ko.."

"Ha? ah.. sige.."

Nu ba yan. Kahit kelan epal talaga to si miggy. Sasapakin ko na yun eh. Nakatulala
na pala ako dito kanina pa.

Pagkabalik ko sa room wala ng tao. Luh? asan na yung mga yun? Huhu iwana ba naman
ako T__T yung bag ko wala na.

"Huy! bakit ang tagal mo? hinahanap ka ni mina eh!" I swear nagulat ako dito kau
renz, muntik ko na sapakin. Bigla bigla sumusulpot eh.

"Ha? sorry naman.. Uuwi ka na ba?"

"Dadaanan ko muna si ella sa ospital, bakit?"

"Sabay na tayo.. mamaya pa kasi uwian nila dante eh.."

"Sure! basta libre mo ko ng fishball." tinignan ko siya ng masama. "Joke!"

Habang nag lalakad kami. Halata ko na parang may gusto sabihin to si renz eh.
Kanina pa iritado. "Ano yun?"

"Ha?" patay malisya pa.

"Ano yung sasabihin mo?"


"Ah kasi.. feeling ko bumalik na yung alaala ni miggy.." oo nga pala hindi ko pa
nasasabi sakanya tska kala mama. Ewan ko lang kay kuya ace. Pano naman kaya nag ka
idea to si renz? sabi ko na nga ba eh, magician siya.

"Ah.." mag sasalita pa lang sana ako nag salita na naman siya.

"Kasi alam mo kahapon yung puno na pinag ukitan niyo ng tin-miggy forever dati?
andun siya eh.. Ewan ko ba ano ginagawa ng mokong na yun dun.. pero bigla ba namang
umiyak.." nagulat naman ako dun. Bakit siya andun? sabi niya naka move on na siya.

"Oo bumalik na nga.. kinausap niya ako kahapon.." humarap siya sakin. Naguguluhan
ata.

"Anong nangyare?!"

"Wala.. tinapos ko na lahat.. wala na.. Pareho na kaming naka move on.. Tama naman
ako di ba?"

"Oo naman.. kasi kung hindi.. may masasaktan kayo.. kilala mo naman kung sino di
ba?" Oo si dante.. at hindi ko yun hahayaan. Mahal ko siya.

"Alam ko yun.. wag ka mag alala.. hindi ko sasaktan yung parey mo.."

"Wag mong saktan yung sarili mo.." naguguluhan naman ako sa sinabi niyang yun.
"Sige na andito na din tayo.. puntahan ko na si ella."

"Sige! ikamusta mo ako sakanya ah?"

"Sige! ingat ka."

Iniisip ko pa din yung sinabi niya. Wag ko daw sasaktan sarili ko? Tss. Ano kaya
yun? Ang gulo.

Hindi pa ko nakakapasok sa shop, lakas na ng sigawan sa loob. Mukhang may pustahan


ah?

"Welcome back nevermore ng pinas!" 


"Miggy yan eh!" 

"Lakas! wooo!"

Si miggy? eh may practice sila ng soccer ah? bakit andito siya? Dami niyamg tsupols
dito ah. Kelan pa nag sulputan yang mga yan? -___- hindi naman eto teritoryo nila.
Mineski kaya siya, hello? ledion to.

"Uy tin tagal mo! tara practice na tayo!" hinila ako nung magkapatid na si rose at
abby. Sila apple at sarah naka upo na. Excited mag dota teh?

"Bakit ang ingay? wala naman pa lang pustahan?"

"Si miggy kasi tska yung grupo niya dati, lumipat na ng team.. ledion dreamz na daw
sila.. kaya ayun.." Ano naman naisipin nila? akala ko ba pangarap nila maging
mineski? -__-

Habang nag lalaro kami, akala ko kakausapin ako ni miggy. Kaso dedma. Sus sunget.
Eh ano naman paki alam ko?

Ano ba yan >.< ang laki naman ng pinag bago ni miggy. Bumalik lang alaala eh. Akala
ko babalik na siya sa dati, hindi pa din pala. Hays lalong nagiging kumplikado
buhay ko.

to be continued ..

<AN>

sahree tagal ng update nasa bakasyon kasi ang ate niyo! kaya sa mobile lang ako
nakapag update! ^___^
=================

Chapter 15: She's mine

Chapter 15: She's mine

--

DANTE POV

Ano naman kung bumalik na yung alaala ni miggy?

Alam ko sakin na si cristin.. at hindi na yun mag babago...

"Yam, pasok na ko sa class ko, see you later! labs you!"

"Sige yam.. i love you.." nung pagkatalikod niya, parang iba yung naramdaman ko.
Pakiramdam ko, naglalakad siya papalayo sakin.. yung para bang iiwan na niya ko..
bakit ko ba to nararamdaman? dahil ba sa bumalik na yung dating miggy? yung minahal
ni tin? yung lalaking una niyang minahal? at minahal ng sobra sobra? aamin ko naman
na may takot pa din ako na maagaw siya sakin ni miggy.. "tin sandali.." hinabol ko
si tin, tska ko siya niyakap ng sobrang higpit.. ayoko na siya pakawalan, ayoko na
siyang mawala sakin.

"Yam okey ka lang?"

"Gusto lang kitang yakapin.. ayoko na kasing mawala ka eh.." tumingin siya sakin na
parang alam niya na yung iniisip ko.

"Sabi mo hindi mo yun iniisip? yam kahit bumalik na siya, ikaw na yung mahal ko.."
sabi na eh, alam niya na si miggy iniisip ko.
"Alam ko naman.. basta pangako mo na hindi mo ko iiwan ah?"

"Promise peksman! mamatay man! haha. Sige na malalate na ko eh, wag ka na mag isip
ng kung ano ano ha? kotongan kita eh, i love you.." hinalikan niya ko sa chicks
tapos umalis na.

Kahit gaano pa ko natatakot na mapalapit ulit siya kay miggy, na maagaw siya ni
miggy sakin. Ayoko naman siyang higpitan, ayoko siyang palayuin kay miggy, okey
lang naman sakin na maging mag kaibigan sila eh. Hindi naman ako ganun kasama. Isa
pa kaibigan ko din si miggy, hindi ko nga lang alam kung paano ko siya
pakikisamahan ngayon na bumalik na alaala niya, hindi pa kasi kami nag kakausap eh.

Pumunta na ko agad sa Mineski. Nung bumalik yung alaala ni miggy, bigla na lang
silang lumipat nila kevin ng team, naging ledion dreamz na sila. Kaya ayun, nag
hanap yung mineski ng papalit sakanila, kaya kami yung napili. Hindi ko alam yung
dahilan ng mokong na yun, pangarap naming tatlo dati nila kevin maging mineski,
pero biglang umayaw siya..

To YAM♥Yam, practice na kami ng dota :*

Ayan rules namin sa isat isa. Kapag mag dodota, dapat mag papaalam sa isat isa.
Masaya ko kasi pareho kami nag dodota ni tin kasi naiintindihan niya ko kapag
inaabot ako ng umaga kaka practice, o kaya minsan nauuna ko yung laban namin.  

Pag kadating ko sa shop, nakita ko sila miggy, anong ginagawa nila dito?

"Dre..." hindi ko alam kung ano iniisip ni miggy.. parang naiilang ako kausapin
siya.

"Oh dante.. congrats ah! natupad mo na pangarap mo, mineski ka na.. masaya ka ba?"
parang iba yung pag kakasabi niya na para bang nang aasar pero hindi ko na lang
pinansin.

"Ah oo naman.. bakit pala kayo andito?"


"Nag paalam lang kami ng maayos kay boss.. wag ka mag alala, hindi naman namin
aagawin ulit yung posisyon namin sa inyo.. hindi naman ako mang aagaw eh.."
tumingin siya sakin ng masama, galit nga siya. Ako nang agaw? hindi ko inagaw si
tin!

"May problema ba miggy?" ayoko siyang awayin, kahit na kanina pa niya ko


iniinsulto.

"Haha! dante ok ka lang? wala nuh.." hinawakan niya yung balikat ko. "Wag ka
masyado nag iisip ng kung ano ano.." binitawan niya ko tska siya tumawa "Sige una
na kami, tara kevin.."

"Dre kita kits na lang sa tourna ah!" Lumapit sakin ni kevin, "pag pasensyahan mo
na lang yan si miggy.." tumango lang ako.

Wala naman mangyayare kapag pinatulan ko pa si miggy. Hindi ko alam kung dapat ba
ko himingi ng sorry sakanya, hindi ko naman inagaw si tin, hindi ko siya sinulot.
Hinintay ko makalimutan siya ni tin bago ako nangligaw.

Halos tatlong oras din kaming nag practice. Lahat ata ng team nag hahanda para sa
tournament next week sa pacific. Alam ko makakalaban namin si miggy, kaya nag
hahanda na din ako para dun.

Sumakay ako sa kotse, uuwi muna ko bago ko bumalik sa school para sunduin si tin.
Habang nag di-drive ako, napadaan ako sa field malapit sa subdivision namin, nakita
ko si miggy.. nakatayo sa may puno. Ano kayang ginagawa niya dun? Siguro kaylangan
ko siyang kausapin, para mawala yung ilangan saming dalawa.

Hininto ko yung sasakyan ko, tska ko siya nikapitan.

"Miggy.." napalingon agad siya sakin.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Gusto lang kita kausapin.. galit ka ba?" tumawa siya na parang hindi siya
makapaniwala sa sinabi ko.

"Ako galit?! inagaw mo lang naman si tin sakin.. o baka sinulot pa, ako galit?!
HINDI AH."

"Hindi ko siya sinulot o inagaw!" hindi ko mapigilang magalit sa sinabi niya, kahit
anong pag pipigil ko pa.

"Anong ginawa mo?! dante pinag katiwalaan kita! alam mo naman kung gaano kamahal si
cristin pero ano ginawa mo? ginago mo ko eh!"

"Alam mo dapat nga mag pasalamat ka pa kasi ginawa ko yung obligasyon na dapat ikaw
yung gumagawa! pinasaya ko siya higit pa sayo! wala naman siyang naramadaman sayo
puro sakit eh!"

"Eh gago ka pala talaga eh!"

Sinuntok niya ko. Sobrang sakit, pakiramdam ko binuhos niya lahat ng galit niya
sakin sa suntok na yun, natumba ako. Tinignan ko lang siya, useless din kung
makikipag away ako. Naiintindihan ko naman nararamdaman niya eh.

"Kahit anong gawin mo, sa AKIN na siya! bumalik ka naman, huli na yung lahat!
tandaan mo yan miggy! kaya tanggapin mo na lang!" nilapitan niya ko, hinawakan niya
yung damit ko.

"Kahit kelan hindi naging sayo si cristin! at wag ka mag alala, ibabalik ko din
kung ano man yung SAKIN, kaya mag pakasaya ka na hanggat kayo pa.."

Bago siya maka alis, hinila ko yung damit niya, gustong gusto ko siyang suntukin
kaso iniisip ko si tin, alam ko magagalit siya.

"Wag mo nang paasahin sarili mo, kasi hindi mo na siya maagaw sakin.. isa pa ikaw
na may sabi na hindi mo ugaling mang agaw di ba?" inalis niya yung kamay ko sa
damit niya.

"Hindi naman talaga ako mang aagaw na katulad mo kasi hindi ko siya aagawin, dahil
sakin naman talaga siya.."

Umalis siya, nakahiga pa din ako sa damuhan. Gago ka talaga miggy! ayoko na maging
mabait, si tin na nakataya dito. Kaylangan siguraduhin kong hindi niya makukuha si
tin. Kahit maging masama pa ko sa paningin ng iba. Nakakatawa lang na dahil sa
isang babae, nawala lahat pag kakaibigan natin.

Tumayo, gusto kong malaman kung anong tintignan niya sa may puno na to.

TIN-MIGGY foreverkapag nag break dinaya!promise hindi tayo mag hihiwalay pudge. 
Eto ba? sorry miggy pero nag hiwalay na kayo. At hindi na matutupad yung forever
niyo.

"Dante?"

Tinignan ko yung tumawag sakin..

"Anong ginagawa mo dito?""Bakit ka andito?"

"Andito ka ba para tignan yung puno na to?"

"Ha? ah... hindi.. napdaan lang ako tapos nakita kita yam.." sinungaling.

"May klase ka pa di ba?"

"Ah.. tapos na.. punta sana ako sa bahay niyo eh, ano ginagawa mo dito? at bakit
may pasa ka?!" nilapitan niya ko tapos hinawakan niya yung labi ko.

"Ouch."

"Ano bang nangyare?! sinong sumuntok sayo?! teka gamutin natin yan!"

"Wag na.. tara pumunta na lang tayo sa bahay.." hinawakan niya yung kamay ko, pero
tinabig niya.

"Teka, sino ba kasing gumawa niyan sayo?! susuntukin ko din!" nakakatawa talaga
siya, hindi ko kayang magawang magalit sakanya, kahit alam ko, pumunta talaga siya
dito para sa nakaukit na yun sa puno.

"Wala nga, nadulas lang ako, tara na, akala mo naman ang laki ng katawan mo eh
nuh?" tinignan niya ko ng masama. Kapag ganyan siya, ibig ssabihin, masama na yan.
"Okey sige.. si miggy.. si miggy yung sumuntok sakin.."
"Ha..." natigilan siya, nagulat. "Pero bakit?"

"Samin na yun okey? Basta gusto ko mangako ka sakin.. akin ka lang tin, kahit alam
kong napaka selfish ng gusto ko, please.. sakin ka na lang, akin ka lang? hindi ko
kasi kaya kapag nawala ka sakin eh.."

Niayakap niya ko kahit hindi pa ko tapos magsalita..

"Sayo lang ako dante.. mahal na mahal kita.."

to be continued..

<AN>

Next chapter: Asot' pusa.

Im still on vacation guys! sorry kung natagalan update. Hello sa mga readers neto!
I can't mention you all, nasa mobile lang ako! haha labs you mag pudge! ^___^

=================

Chapter 16: Aso't Pusa

Chapter 16: Aso't Pusa

--

TIN POV
"Ate awat na!"

"Hindi bitawan mo ko mina! susugurin ko talaga yang miggy na yan eh!"

Akala niya papalampasin ko yung pag suntok niya kay dante?! Alam ko matagal na
siyang gangster pero kilalanin niya kinakabangga niya. Tss. Buti na lang mabait si
Yam ko, hindi pinatulan to si miggy. Huhu nag ka pasa tuloy yung magandang mukha ng
boyfriend ko,

"Hoy miggy rivera! Lumabas ka dyan!"

Lahat ng classmates niya lumabas, ang sama ng tingin sakin. Kapag hindi sila
tumigil, dudukutin ko yang mata nila! HMP! alam ko ng maganda ako nuh! waaa joke.
Hahah!

Sa wakas lumabas na din tong bakulaw na to. "Hoy lalaki mag usap nga tayo!"

"Oh tin? alam ko naman crush mo ko, pero wag ka naman gumawa ng eksena dito..
nakaka hiya sa mga blockmates ko.." tapos kumindat pa siya. Ahhh!! sasapakin ko
siya eh.

"CRUSH?! ang kapal mo nuh! ang panget mo sayo pa ko mag kaka crush!"

"Wushu kaya nga ex mo ko di ba? eh di pumatol ka sa panget?!" nagtawanan yung mga


classmates niya, bakit may alam ba sila? SUS. Ginayuma lang kaya ako niyan eh.

"Past is past! Alam mo ba yun?!"

"Ate tama na, pinag titinginan nila tayo oh.." nakalimutan ko ng kasama ko pala si
mina, nakaka inis kasi tong lalaki na to eh! ang yabang!

"Mina, mauna ka na lang, may aawayin pa ko eh.."

"War freak mo naman, tska sino yang kasama mo? Hi ate!"

"Hoy wag mo kakausapin yan! Mina sige una ka na.."

"Sige ate, kita na lang tayo mamaya.." nag smile siya tapos umalis na din.

"Bye Mina! Ang cute mo.." Sabay kindat. Luh? Ang landi.
Lumapit ako sakanya, hinawakan ko yung damit niya, tama ba tong ginagawa mo? ang
laking tao neto ni miggy eh T___T ah bahala na!

"SABI KO MAG USAP TAYO!" binitawan ko siya, "AT KAYO! MGA CHISMOSO! PUMASOK NA NGA
KAYO SA ROOM NIYO!" nadaan ko naman ata sila sa sigaw ko, kaya ayun umalis din
sila. Buti naman >.<

"Oh ayan tayong dalawa na lang dito, ano ba sasabihin mo?"

Sinampal ko siya.

"Ouch, i miss you too pudge.." nanlaki mata ko sa tinawag niya sakin.

"Miggy pwede ba! tigilan mo na nga ko, pati si dante dinamay mo pa! yang sampal na
yan para yan sa ginawa mo sa boyfriend ko!" biglang naging seryoso mukha niya.
"Tska sabi mo naka move on ka na!"

"Bakit hindi naman dahil sayo kaya ko siya sinuntok! Feeler ka!"

"Eh bakit ha?!"

"Gusto ko lang.."

"Gusto mo lang?! anong klase ka?! pwede ba sa susunod, wag mo ng uulitin yun kay
dante!"

"Gagawin ko kung anong gusto ko.. wala ka na dun.. Sino ka ba para pag sabihin
ako? " Ouch naman. Ewan parang nasaktan ako. Bakit ang harsh niya sakin? Pinag
tatanggol ko lang naman si dante eh, masama na ba yun? tska hindi naman tama yung
manununtok siya eh. Bahala na nga siya, na iinis lang ako.

"Gawin mo anong gusto mo! wala na kong paki sayo! ang sama mo!"

Umalis na ko.
Ang laki na nga talaga ng pinag bago niya. Alam ko naman mapang asar siya eh, pero
alam ko mabait siya, hindi siya gagawa ng ganun ng walang dahilan.. parang hindi ko
na kilala yung miggy na nakilala ko.. ibang iba na siya.. dahil ba sa ginawa ko?
hays.. sa huli pala, ako ma guilty T__T

Pumunta na lang ako sa canteen, ikakain ko na nga lang to. Sakto pa nakita ko si
kuya, break din pala niya. Nalibre pa tuloy ako! wahaha.

"Princess!"

"Oh bakit?"

"Kanina pa kaya kita kinakausap! ano bang problema mo? nag away ba kayo ni dante?"

"Hindi kuya.. si miggy kasi eh, di ba close kayo? napansin mo nag iba siya nuh?
akala ko babalik yung dating siya eh.." nagtataka si kuya sa sinabi ko.

"Concern ka?" Ano bang tanong yun! oo naman, may pinag samahan naman kami eh.

"Oo naman, sumama kasi ugali niya eh, alam mo ba sinuntok niya si dante, kasi gusto
lang niya? di ko maintindihan ugali niya.."

"Kung ako din naman kay miggy, gagawin ko yun kay dante, baka hindi lang yun
matikman niya sakin eh.."

"Yah! Gangster ka na ba?! ang bad mo kuya! masama yun!" sumubo muna siya ng pagkain
niya bago siya mag salita ulit.

"Slow hands mo eh!"

"Huh? ano ba yun?"

"Tin, ang nasa isip nun ni miggy, inagawan siya ng kaibigan niya.. masakit naman
nga yun di ba? kahit sa tingin niyo hindi ka inagaw ni dante kay miggy, para kay
migz, ganun yun.. Isipin mo, parang nawala lang si miggy, tapos pag balik niya,
yung tropa niya tska girlfriend na niya?"

Ayan na guilty na naman ako. Kasalanan ko nga :(

"Oh tama na yan, alam mo nangyari na eh, tska hindi ka naman namin masisisi na nag
move-on ka, isang taon na yun eh.. alam naman mahirap yun para sayo.. yaan mo na,
ma realize din yun ni miggy.."

"Hays.. gusto ko pa din naman siya maging kaibigan eh, pero bakit ganun siya? aish!
mag gumulo pa ata nung bumalik alaala niya eh.."

"Kumain ka na lang dyan, payat mo na eh.."

"Wuy! hindi kaya!"

Hindi ko pa din maalis sa isip ko si miggy, ang sama ko ba? huhuhu. Maka punta na
lang nga sa tambayan ko mamaya, wala pa naman akong class eh.

Wala pa kong Five minutes na nandun, dumating naman to si miggy..

"Oh bakit miggy?"

"Bakit masama na ba tumambay dito? sayo ba to?"

"Tss.." tumabi siya sakin. Lumayo naman ako.

"Sorry na okey? hindi ko naman sinasadya na suntukin siya, may napag usapan lang
kami.."

"Ano naman yun?"

"Usapang lalaki yun.."

"Alam mo miggy, gusto ko maging mag kaibigan padin tayo, kaya sana pakisamahan mo
naman si dante, mag tropa naman kayo di ba? Kung meron mang dapat sisihin dito ako
lang yun at hindi siya.." tumayo siya.

"Naalala ko na.. pinayagan pala kita na mag mahal ng iba.. tama di ba? yung walang
kwentang miggy na may amnesia.. haha! kasalanan ko din pala to eh.."

"Miggy sorry.. alam ko bakit ka nag kaka ganyan.."

"Hindi mo alam.. at hindi mo malalaman.."

"Sige i explain mo nga!" humarap siya sakin, ang sama ng tingin niya.
"Gusto mo talaga malaman?" lumapit pa siya lalo sakin, sa mukha ko >.< "Kasi mahal
pa din kita!" tinulak ko agad siya palayo sakin.

"Aalis na ko.."

Hinabol niya ko..

Pinigilan..

Niyakap niya ko..

Yung puso ko.. ang bilis ng tibok ng puso >.<

"Hindi mo na ba talaga ako mahal?"

"Miggy.. bitawan mo ko.." 

"Haha! sabi na eh!" anong ibig niyang sabihin?!

"Ano bang pinag sasabi mo?"

"Alam ko naman na siya na talaga yung mahal mo eh.. hindi na ako.."

Hindi ko alam yung sasabihin.. ramdam ko kasing nasasaktan si miggy.. hindi ko


naman kayang pigilan na mag alala para sakanya..
"Miggy akala ko ba.."

"Yung tingin mo sakin dati.. wala na.. lahat yun.. nawala.. ngayon, nakita ko ulit
yun, pero kapag tinitignan mo siya.."

"Wag mo ng pahirapan yung sarili mo.."

"Haha! stupid ka talaga.. joke lang lahat yun nuh! naniwala ka naman.." ginulo niya
yung buhok ko. "Paki sabi kay dante, sensya na sa nangyare.. friends pa din tayo di
ba?"

"Baliw ka talaga!"

"See you around.. tin.."

Tapos umalis na siya. Hays! Madami nga siyang pinag bago pero baliw pa din siya!
kanina mag ka galit kami, ngayon naman bati na kami? ano bang meron saming dalawa?
nahawa na talaga ako sa pag ka baliw niya -__-

to be continued..

<AN>

Habang nag hihintay kayo, para sa next UD basahin niyo muna yung ginawa kong short
story about din sa DOTA. DOTA; A SAD LOVE STORY [ONE SHOT] yan yung title. Para sa
mga naka mobile, search niyo lang, 15086078.

Salamat sa lahat! I love you all. Haha! sorry tinatamad ako mag mention! ang inet
kasi! sa susunod na lang ha? MUAH MUAH TSUP TSUP! ^___^

=================

Chapter 17 : Only reminds me

Chapter 17 : Only reminds me

--

"Good Morning Papa.."

"Good Morning Prinsesa ko.."

Nag smile ako kay papa. Tinignan ko kung asan sila mama, pero wala naman sila, asan
kaya yung mga yun? Umalis kaya? tas iniwan ako T__T

"Papa asan sila mama?"

"Championship kasi nila miguel sa basketball ngayon, kaya sumama yung mama at kuya
mo, kumain ka na, nag luto ako ng favorite mo, pancake.." waaaaa! bakit hindi ako
sinama? gusto ko kaya makita si miguel na mag laro! ang daya naman! >.<

Nag pout ako. "Ang daya naman! iniwan nila tayo!" tumawa si papa.

"Eh kasi naman, kanina ka pa namin ginigising ayaw mo naman magising, tulog mantika
ka talaga.." walang gumising sakin! T__T

"Eh kayo papa? bakit hindi kayo sumama? maaga naman ata kayo nagising eh?"

"Wala kasing kasama dito ang prinsesa ko.. baka mamaya may mangyare pa sayo!"

Niyakap ko si papa, "Ang sweet talaga ng pogi kong papa! haha.." Oo na daddy's girl
ako >.< eh bakit ba? haha.
"Alam ko na nak, gusto mo, pasyal na lang tayo?" biglang nag sparkle mga mata ko,
ganto oh --> *__* hahaha! pag si papa nag papasayal samin, lagi akong busog eh, ang
sasarap pa ng pagkain. Wahaha! buti na lang pala at hindi ako sumama sakanila. 

"YAY!! haha! ligo na ako agad papa!" tumakbo agad ako sa banyo, wahaha! mukang
mabubusog ako ngayon. MATAKAW ako! kala niyo ha! kahit payat ako! napaka swerte ko
nga lang at hindi ako tumataba!

Pag ka ligo ko, nag bihis agad ako, kumain lang ako ng konti.

"Papa san tayo pupunta?"

"Hmm.. MOA gusto mo?"

"Ah... okey.." madami makakainan dun, kaso isang tao lang naman pumapasok sa isip
ko kapag naririnig ko yung MOA eh >.<

Umalis na din kami ni papa, buti na lang hindi dinala nila kuya yung kotse, kaya
easy lang buhay ko dito sa likod ng kotse. Ang init pa naman ngayon, nakakatamad
umalis kapag walang sasakyan. Ay oo nga pala, yung cp ko, di ko pa tinitignan.

32 messages receive. WAAAA!

From: YAMGood morning gorgeous! Gumising ka na! miss na kita eh >.< I LOVE YOU!

Ayieeee. kinilig naman ako dun! wahaha.

To: YAM♥Gising na ko! naramdaman ko kasi miss mo na ko eh! haha. Papunta kami ni
papa ngayon sa MOA yam, gusto mo ba sumama? I LOVE YOU moooore!! :* 
From: YAM♥Sorry Yam, may pupuntahan din kasi kami nila mama eh, enjoy ka na lang po
kasama si tito! See you tom! I LOVE YOU! behave ka >.<

To: YAM♥Opo boss! haha muah :*

"Anak andito na tayo.." pag katanaw ko, sa may sea side pala kami nag park ni mama,
mukhang mapapakain nga talaga ako ah! wahahaha.

"Pa san tayo?"

"Hm.. gusto mo sa arcades?" binigyan ko ng nag tatakang tingin si papa. "Bakit


hindi na ba pwede mag arcades yung mga matatanda?" tumawa lang ako.

"Pwedeng pwede! tska bata ka pa naman eh! haha tara papa.." 

Pumunta kami agad ni papa sa timezone. May na alala na naman ako. Bakit ba kasi ang
lakas maka balik ng memory tong MOA? dapat kasi nag pupunta kami lagi dito ni dante
eh, para yung lumang memory ko dito, mapalitan na ng memory namin -__-

Pag pasok namin, 500 yung nilagay ni papa sa card ko tska sa card niya. Luh? di
naman siya mag lalaro gaano eh nuh? Haha. Nakakatawa talaga tong papa ko, parang
bagets eh.

"Basketball lang ako anak, ikaw san ka?"

"Ahm.. sa dance revo na lang ako papa.."

"Sige, tawagin mo na lang kapag tapos ka na ha.."

Pag punta ko dun, hindi pa ko makalaro kasi may dalawa pang nag lalaro, nag swipe
na lang ako agad para ako na yung next.
"Pustahan tayo ah! kiss mo ko kapag natalo kita?" sabi nung lalaki dun sa babae..
hmmm.. parang nakita ko na to eh.. >.<

"Ayoko nga! tska matatalo mo ba ko? haha.." sabi naman nung babae.

"Tignan natin.."

Nung nag play yung song, nauna yung babae, magaling din siya palaging perfect, pero
hula ko yung lalaki yung mamanalo.. nakita ko na kasi to eh! huhu.. nung yung
lalaki na, lahat perfect. SABI NA EH! siya talaga mananalo eh, nakita ko na to eh.
Tapos nag kiss sila. Parang kami ni.. miggy dati.. Ha? si miggy? bakit ko ba yun
iniisip? erase erase.

Nawalan na ko ng gana, umalis na lang ako. Dun na lang ako sa may videoke.

May kumakantang lalaki..

Only reminds me of you - MYMP.

I see you, beside meIt's only a dreamA vision of what used to beThe laughter, the
sorrowPictures in timeFading to memories

Ang ganda naman ng boses ni kuya.. sarap pakinggang..

How could I ever let you goIs it too late to let you know

Bakit parang may nag sasalita sa utak ko? MIGGY! HAAA? miggy? anong kinalaman ni
miggy sa kanta ha? at bakit siya yung naiisip ko? >.<

I tried to run from your sideBut each place I hideIt only reminds me of youWhen I
turn out all the lightsEven the nightIt only reminds me of you

Badtrip ka miggy eh. Kahit san ata ako mag punta ikaw na aalala ko, kahit anong
iwas ko. Sana pala hindi na lang ako sumama sa MOA.. dapat si dante yung iniisip at
naiisip ko, hindi ikaw. Tss. Siguro pumapasok ka sa isip ko nuh? tapos sinasabi mo
sa utak na miss kita? waaaa miss? erase erase.

I needed my freedomThat's what I've thoughtBut I was a fool to believeMy heart lied
while you criedRivers of tearsBut I was too blind to see

Napaka sama ko naman, para maisip si miggy.. tapos si dante yung boyfriend ko!
hays. Para naman akong naguguluhan, sabi ng UTAK ko, mahal ko si DANTE, etong puso
ko naman, sinisigaw si MIGGY. HALA!! naka move-on na ko! NAKA MOVE-ON NA!!!

WAAAAAA!! ayoko na dito. Shete! kalokohan lamg pumunta dito huhu.

"Papa.. gutom na po ako.."

"Ganun ba, sige tara na.." nakikita ko nag eenjoy si papa kaso di ko na feel dito,
pramis >.<

Naghanap kami ng kakainan, tapos andito kami sa tapat ng... JOLLIBEE? ehhh... si
papa nananadya ata eh! Kasi naman..

"Tara na anak.."

"Papa sa iba na lang po.."

"Dito na.. sige na.. nag crave ako sa chicken joy eh.. tara.." hindi na siya nag
salita ulit derederetso na lang siya sa loob. Eh! bakit ganun! Hindi man lang ako
hinintay mag salita.

Pag kaupo namin, ahhh! may na alala na naman ako.

"Ano sayo nak?"

"Kahit ano po.."

"Okey sige.."

Nababaliw na ata ako! sigurado akong pumasok sakin si miggy, ginugulo isip at puso
ko. See? nababaliw na nga ko -__- Alam ko na, kelangan ko ng distractions!
Tatawagan ko si dante.

Calling YAM♥

...Subscriber cannot be reached, please try again later.

Eh naman oh! ngayon pa pinatay ni dante phone niya! kung kelan kelangan ko siya..  
Pag kadating ni papa, Luh! ang daming pag kain, hindi naman siya gutom niyan? -__-
Dalawang chicken joy, may tatlong extra rice, dalawang chesse burger, dalawang
large fries, tapos dalawang sundae.

"Gutom much papa?"

"Haha nagutom ako kakalaro.."

Habang kumakain kami, hindi ko mapigilan na mapansin na napapa tingin sakin si


papa. Bakit kaya? parang may ssabihin?

"Bakit papa? may problema ba?"

"Ah.. kasi.." kumain muna siya ng fries tapos nag salita ulit. "Nasabi na kasi
sakin ng kuya mo na bumalik na yung alaala ni miggy..." Hays! ano ba yan? puro
miggy ngayong araw na to.

"Ah oo papa.. nung nakaraan pa.."

"Eh bakit hindi mo naman sinabi samin?"

"Kaylangan pa ba? iba na din naman yung boyfriend ko eh.."

"Oo nga anak.. pero alam mo naman na pamilya na din samin, lalo na sakin si miggy..
wala na siyang mommy, yung daddy naman niya laging wala nun.. kaya ako na tumayong
tatay dun.."

Naalala ko tuloy kung gaano kalungkot ngayon si miggy. Alam ko kasing pangalawang
pamilya na sakanya yung pamilya ko, ngayong wala na kami, parang nawalan na siya ng
second family.. o ako lang nag sasabi nun?

"Sorry papa.."
"Invite mo siya sa debut mo, sa isang bwan na yun di ba?"

"HA?!" hindi ko pa nga naiisip yun eh. "Hm.. okey.."

Pag katapos naming kumain, bumuli kami ng mga damit. Tapos nag libot libot.
Nakakapagod din pala.. laki kasi ng MOA eh.

"Ano kain pa tayo?"

"Ahm.. pagod na ko papa, pwede take out na lang? tapos uwi na tayo?"

"Aba ngayon ka lang ata tumanggi sa pagkain ah? may sakit ka ba anak?"

"HA! wala papa, nakakapagod lang kasi.." sinungaling :( eh kasi po papa, na aalala
ko yung ex ko dito, na alam kong maling mali kasi may BF na ko.. si dante..

Ang daming take-out ni papa.. sabi kasi niya baka andun na sila mama.

Nung nasa kotse na kami, nag patugtog si papa. Palipat lipat ng station ng radio.
Biglang narinig ko yung kanta ulit ng MYMP.. sa kanya.

Sa kanya pa rin babalik sigaw, ng damdamin Sa kanya pa rin sasaya, bulong ng puso
ko Kung buhay pa ang alaala ng ating nakaraan Ang pagmamahal at panahon alay pa rin
sa kanya..

"AHHH MIGGY!! WAG MO GULUHIN UTAK KO!!! WAAA!"

"Cristin.."
PATAY >.<

to be continued..

<AN>

Hello! Salamat sa lahat ng nag babasa pa din kahit matagal ang update. Haha! wag
kayo mag alala kahit hindi nako nag me-mention, nag dedecite naman ako para sa mga
loyal readers ko :* At habang wala pa akong update dito, try niyo basahin yung
dalawa kong story.

DOTA; A SAD LOVE STORY [ONE SHOT] / search niyo lang 15086078 para sa naka
phone.The Four Bad Boys And Me. / search niyo  15286925 para sa naka phone.

Thank yow! ^___^

=================

Chapter 18 : Death

Chapter 18 : Death

--

Pag uwi naman ni Papa galing MOA, nandun na nga sila Mama. Si Dante andun din,
bakit kaya siya andito? akala ko ba may lakad sila ng family niya?

"Nakita kasi namin si Dante sa daan, papunta dito kaya sinabay na namin.." sabi ni
Mama.

"Ah okey.. at ikaw! hindi ka nag text ha?" lumapit ako kay Dante.

"Sorry po, lowbat na kasi yung phone ko." ngumiti siya sakin, waaaa!! matutunaw ata
ako sa ngiti niyang yun. Haha! Biglang bumilis yung tibok ng puso ko. "Ah yam hindi
na din ako mag tatagal, pa uwi na din ako eh, i just want to see you.." ang sweet
ng boyfie ko >.<

"Thanks Yam, okey hatid na kita sa labas." tumango lang siya.

"Alis na po ako!"

"Ingat ka pogi!" Mama talaga -__-

Pagkalabas namin ng gate, bigla akong niyakap ni Dante, ay bakit? >.<

"I miss you.."

"I miss you too.." niyakap ko din siya, wapakels sa mga dumadaan. Eto yung kelangan
ko ngayon, habang may gumugulo sa isip ko. Naramdaman ko na wala lang yung kanina,
kasi mahal ko si Dante, at hindi si..

"Sunduin kita bukas ha? Date tayo.."

"YAY! haha sure Yam! I love you!" oo tama, mag date tayo para mawala na yung mga
old memories.

"Ang saya mo ah? haha. Okey text you later, i love you!"

Hinalikan niya ko sa noo ko tapos umalis na siya, bakit kaya wala siyang dala na
kotse? pero buti na lang nakita ko si dante ngayon, kundi mababaliw ako sa kakaisip
nung kanina. Napatunayan ko lang na siya talaga yung mahal ko at ginugulo lang ako
ng alaala namin ni miggy.

Pumasok ako sa loob, bakit nag bihis ulit si Miguel ng pang alis, san kaya to
pupunta? makikipag date? hmmm..
"San ka pupunta?"

"Dadalawin ko si Ella, hindi kasi pwede sila mama at kuya.." si Ella yung kapatid
ni Renz.

"Ay wait sama ako!" matagal ko ng hindi nadadalaw si Ella, sabi ni Renz, nakakapag
salita na daw ulit siya, gusto ko siyang kausapin.

Nag madali naman kami ni Miguel, ayaw kasi nila Mama na gabihin kami eh.

"Nilipat na daw ng room si Ella ate.."

"Ah talaga? hindi nasabi sakin ni Renz, alam mo ba?"

"Oo, sa third floor, tara.." bakit alam neto ni Miguel?

Habang papunta kami sa room ni Ella, parang nakita ko si ate Michelle sa isang room
dun. Namamalikmata ba ako? ano naman gagawin niya dito? dahil kaya kay miggy?

"Ate! huy! andito na tayo!"

"Ah.. okey.." ano ba yan, pre occupied na naman ako.

"Hi Miguel, Panget.." lumapit agad si Miguel kay Ella, nilapag yung fruits na dala
namin.

"Tulog ba siya?"

"Oo eh, kaka tulog lang.. Thanks sa pag dalaw ah, asan sila tita?"

"Pagod ata eh.."

"Ah ikaw? pa sensya na ah, baka nakaka abala pa kami.."

"Tungek!" binatukan ko nga. "Kelan ka pa naging iba? pamilya ka na din samin."


"Kuya..."

"Bakit Ella? may masakit ba sayo?"

"Wala, hello ate Tin! hello miguel.."

"Hello Ella.." naku! yung tingin at ngiti ni miguel kay Ella, iba. Haha! parang may
naamoy akong.. hmm..

"Okey ka na ba Ella?"

"Opo ate Tin, salamat pala sa dala niyo." maganda pa din si Ella kahit na may
sakit.

"Wala yun, ah sige labas muna kami ng kuya mo ah, may pag uusapan lang kami.. Huy
Miguel, ikaw bahala sakanya!"

"Okey.."

Pag kasara namin ng pinto, narinig ko na agad si Miguel na nag salita..

"Para san yun?"

"Tingin ko crush ni Miguel si Ella." umupo kami sa bench malapit sa room ni Ella.

"Haha! malisyosa mo nuh!"

"Seryoso ako nuh!"

"Alam ko may sasabihin ka.."

"Meron nga..." tumingin ako sa sahig, dapat ko bang sabihin? "Kasi.. kanina  nung
nasa MOA kami ni papa, hindi ko ma alis sa isip ko si Miggy, bumabalik kasi yung
mga memories eh.. ang sama ko ba?" tinakpan ko yung mga mukha ko. Oo masama talaga
ko. Bakit ako mag iisip ng ibang lalaki?
"Hindi mo kasalanan yun.. hindi naman kita masisisi eh.. sigurado ka bang wala ka
na talagang nararamdaman kay Miggy? baka kasi indenial ka lang kasi kayo na ni
Dante?"

Hindi ako makapg salita, hindi ko kasi alam yung sasabihin eh. Indenial nga lang ba
talaga ako? Suddenly narinig ko yung boses ni Miggy..

"Tin.. pwede ba kitang makausap?" nung inangat ko yung ulo ko, si Miggy nga.
Tinignan ko si Renz, tumango lang siya.

"Bumalik ka na lang dito kapag tapos na kayong mag usap.." nginitian ako ni Renz,
tska ako bumalik para tignan si Miggy.

"Bakit Miggy?"

"Gusto ka kasing kausapin ni Papa, tinanong ko si Ace kung nasan ka, at sakto nga
andito ka din pala sa parehong ospital.."

"Ha? bakit anong nangyari kay tito Dave?"

"Sundan mo na lang ako.."

Sinundan ko siya, papunta sa kwarto kung saan ko nakita si ate Michelle, so si ate
Michelle talaga yung nakita ko?

"Anong ginagawa niya dito?!" hindi pa din pala siya nag babago, galit pa din siya
sakin.

"Gusto siyang kausapin ni dad, let her."

"NO! umalis ka na dito!" pointing her finger on me.

"Michelle.. I want to talk to her.. please.." sabi ni tito Dave, halatang


nanghihina siya.

Tinignan muna ako ng masama ni ate Michelle bago siya lumabas, kasama si Miggy.

"Ija, maupo ka.." umupo ako sa tabi niya. Kinakabahan ako, alam kong may sakit siya
pero mukhang malala na yung lagay niya sa itsura pa lang niya, tska sa mga
nakakabit sakanya. Nalungkot tuloy ako. "How have you been?"

"Okey lang po ko, kayo po?"

"Haha.. Im going to die.."

"Wag niyo pong sabihin yan! hindi po kayo mamatay! tska paano si Miggy?" hindi ko
mapigilang umiyak. Mabait sakin yung daddy ni Miggy, at nung panahon na kami pa ni
Miggy, tinuring ko na din siyang tatay ko.

"Mahal mo pa ba ang anak ko?"

Biglang tumahimik sa kwarto. Hindi ko alam yung sasabihin ko, mahal ko pa nga ba si
Miggy? Ano bang dapat kong sabihin kay tito Dave?

"Alam mo mahal ka pa niya.. lagi ka niyang kinikwento sakin simula nung bumalik
yung alaala niya.." kinikwento? pero sabi niya he's over me.

"Tito kasi po.. may Boyfriend na po akong iba.."

Tinignan ko siya pero hindi siya nag salita. Mali ba yung sinabi ko?

"Pwedeng si Miggy na lang ulit yung i Boyfriend mo?"

"Ah pero.."

"Haha! sorry Ija, that is so stupid of me asking you.." biglang tumulo yung mga
luha niya, na kinagulat ko naman. "Ayoko kasing iwan yung anak ko na nag iisa..
nawalan na siya ng mommy eh, pati ba naman ako? at alam mo naman si Michelle, busy
sa trabaho.. nalulungkot lang ako para sa anak ko.. Ayoko siyang maging
miserable.." umiyak na naman siya.

"Wag po kayo mag alala, lagi pa din akong nandito para kay Miggy.." tumingin siya
sakin.

"Pangko?"

"Pangako po.."

"Pwede na ata akong mag pahinga, alam ko kasing hindi na mag iisa si Miggy.. Ija,
ipangako mo na hindi mo iiwan yung anak ko.."

"Opo pangako.." hinawakan ko yung kamay niya. "pero please lumaban kayo.. wag niyo
po munang iwan si miggy!" naiiyak na din ako. Ayoko siyang mawala, alam kong hindi
kakayanin yun ni miggy.

"Gusto ko ng mag pahinga Cristin.. pagod na pagod na kong lumaban.. alam ko gamot
at machine na lang naman bumubuhay sakin.. pero hindi ko na kaya.. gusto ko ng
makita yung asawa ko sa kabilang buhay.."

"Tito Dave.. im sorry.."

"Don't be. Wag kang umiyak Ija, Gusto mo bang kwentuhan kita?" hindi ko alam yung
isasagot ko, gusto ko pa siyang mag salita, natatakot kasi ako na baka kapag
pumikit yung mga mata niya, mawala na siya..

"Sige po.." nakahawak pa din ako sa mga kamay niya, pinipigilan kong umiyak.

"Tungkol to sa pag sasakripisyo para sa taong mahal mo.." nakatingin lang ako
sakanya, nakikinig.. kahit na gustong umiyak. Ayoko siyang mawala..

"Minsan may isang bulag na babae.. malungkutin siya, at minsang kinamuhian yung
mundo.. wala siyang ibang kaibigan maliban sa boyfriend niya.. na walang ibang
ginawa kundi mahalin lang siya at alagaan.. palagi niyang sinasabi sa boyfriend
niya na sa oras na makakita siya, mag papakasal na sila.. isang araw nagulat siya
ng may isang tao na nag donate ng mata sakanya.. at dun niya nakita ang boyfriend
niya.. isa ng bulag.. nagulat siya pero tinanong lang ng lalaki kung pwede na ba
silang mag pakasal ngayong nakakakita na siya.. pero tumangi yung babae dahil sabi
niya, hindi na daw sila magiging masaya dahil bulag na yung lalaki at wala na din
kwenta kung mag sasama sila.." natigil siya sa pag kwento, mukhang may masakit sa
kanya.

"Anong problema tito Dave?"

"Wala.. tatapusin ko na yung kwento.." ngumiti siya sakin na para bang walang
iniindang sakit. "Umiyak yung lalaki nung narinig niya yun, pero at isa lang ang
nasabi niya sa taong mahal niya.."

"Naiintindihan ko.. Gusto lang kitang maging masaya.. Ingatan mo yung sarili mo..
at yung mga mata ko..." tinapos ko yung kwento para kay Tito Dave.

"Alam mo din yung kwento na yun?"

"Naalala ko.. na kwento na sakin yun ni Miggy.." hinawakan niya yung kamay ko..

"Lahat yan kayang gawin ni Miggy para sayo.. ganun ka niya ka mahal.. Ingatan mo
siya.." tumango lang ako iniiwasan na umiyak na naman ako. "Paki sabi sa dalawa
kong anak mahal na mahal ko sila.. Matutulog na ko ah.." binitawan niya yung mga
kamay ko...

At sa isang saglit.. wala na siya...

to be continued..

Salamat po sa lahat ng nag comment/like! maha ko kayo! :) Sensya na matagal ako mag
update, may bago kasi akong story kaya ayun, hope you like this chapter :x 

=================

Chapter 19 : Dance with my Father

Chapter 19 : Dance with my Father

--

[MIGGY POV]

"Miggy anong gusto mo paglaki mo?"

"Gusto ko pong maging kagaya ni daddy!!"

"Pangako mo yan ha?"

"Pangako!"

"Haha! Love mo ba si daddy baby?"


"Opo! Paglaki ko, magiging katulad ako ni daddy!! i love you  daddy!"

"I love you too miggy!"

"Dad! gumising kayo! hindi ko pa natutupad yung pangako ko! hindi pa ko nagiging
doktor! di ba usapan natin ako na mag tutuloy ng pangarap niyo?! DAD!!!"

Unti unti na lang tumutulo yung mga luha sa mata ko. Totoo ba lahat ng to? Wala na
ba yung daddy ko? HINDI! HINDI PWEDE! Natutulog lang siya! hindi pa siya patay!

"DAD!! GUMISING KA!!"

"Miggy.. tama na.. wala na si dad.." tinignan ko si Michelle, umiiyak. Totoo na ba


talaga? Yung daddy ko.. wala na?

"Ate hindi, natutulog lang siya, gigising din siya.. di ba?" hinawakan ko yung
balikat niya, tinignan ko siya, umiiyak pa din siya. Bakit hindi niya sabihing
hindi pa patay yung daddy namin?

"Miggy, hindi na.." napahawak siya sa mga kamay ko, parang anytime, mawawalan na
siya ng malay. "Miggy kayanin mo.. patay na si dad.."

KALOKOHAN!

"Hindi!"

Pumasok yung mga nurse, kinukuha nila si daddy.

"San niyo dadalhin daddy ko?!"

"Sir, nakikiramay po kami.. pero kelangan na po namin siyang dalhin sa morge.." sa


galit ko sinapak ko yung lalaki.

"Miggy! tama na!"

Umalis ako sa kwartong yun.. Naglakad palayo.. umupo ako sa may garden..

Oo alam ko na.. wala na talaga siya.. wala na si dad. Yung taong sinasandalan ko
kapag nanghihina ako, yung kaasaran ko na para bang mag barkada lang kami, yung
taong nag papalakas ng loob ko, yung taong dahilan kung bakit gusto kong maging
doktor.. yung dahilan ng mga pangarap ko.. wala na.. Hindi ko alam kung kaya kong
tanggapin.. o kung matatanggap ko pa..

"Miggy?" Tinignan ko lang siya.

"Hindi pa siya patay ate.."

"Tanggapin mo na.."

"Bakit? malakas pa siya di ba? hindi pwedeng mawala na lang siya ng ganun.."

"Alam ko masakit at mahirap.. pero kelangan mong tanggapin.. andito lang naman ako
eh.." napayuko ako.. ang sakit eh.. "Kasalanan to ng babaeng yun eh!"

"Ano?"

"Si Cristin! kung hindi niya kinausap si dad! hindi sana siya mamatay! sigurado ako
kaya siya kinausap ni dad para sabihin na balikan ka niya, pero dahil sa ayaw niya,
nasaktan si dad.. at inatake siya.."

Hindi ako nag salita.. alam ko na mali na sisihin yung ibang tao.. pero paano kung
totoo nga na dahil kay Cristin kaya nawala si dad? dahil ba sinabi niyang hindi na
niya ko kayang balikan.. alam kong gustong gusto ni dad na magkabalikan kami.. kaya
nga siguro gusto niyang kausapin si Cristin..

"Ate iwan mo na lang muna ako.."

Nakatulala lang ako dito.. iniisipi ko pa din yung nangyari, totoo bang wala na
talaga si dad? after ni mom si dad naman? sino yung susunod? si ate? parang hindi
ko na ata kaya.. ngayong wala si Cristin sa tabi ko kapag ganitong panahon..

Sinabi ko lang naman na naka move-on ako.. pero ang totoo mahal ko pa din siya,
meron pa din akong nararamdaman para sakanya..

"Miggy?"

Nakita ko siyang namamaga yung mata. Umiyak ba siya?


"Bakit?"

"Im sorry.." biglang pumasok sa isip ko yung mga sinabi ni ate.

"Tin.. totoo bang hiniling sayo ni papa na magka balikan tayo?"

Hindi siya sumasagot. Naka tingin lang siya sa sahig. Tumayo ako, hinawakan ko yung
balikat niya. "Ano?!"

"Oo miggy.. pero sinabi ko na hindi na pwede kasi iba na yung boyfriend ko.."

Yung galit, sakit, at kung ano pa, lahat yun naramdaman ko sa sinabi niya. So totoo
ngang siya yung may kasalanan? parang hindi ko matanggap eh.

"Bakit mo yun ginawa?!" hinigpitan ko yung hawak ko sa balikat niya, umiiyak na


siya. "Kung hindi mo yun sinabi, sana buhay pa yung daddy ko! sana hindi siya
nawala! kasalanan mo to!"

"Miggy hindi! hindi ko gustong mangyari to!" hindi pa din siya tumitigil sa pag
iyak. Kaso nangingibabaw sakin yung galit.

"Ginusto mo to! gusto mong mawala sakin lahat! selfish ka! ayaw mo kong maging
masaya!"

"Miggy hindi!"

"Umalis ka na sa harap ko, baka ano pa magawa ko sayo!"

"Miggy makinig ka muna sakin.."

"UMALIS KA NA!"

Biglang dumating si Renz.

"Tin? anong nangyayare dito?"

"Renz, hindi ko kasalanan yun, totoo yung sinasabi ko!"

"Miggy bakit mo sinisisi sa pag kamatay ng daddy mo? wala siyang ginawa!"

"Umalis na kayo sa harap ko!"


"Miggy please.." hinawakan niya yung kamay ko pero hinila naman siya ni renz pa
alis.

"Hayaan mo na siya tin, halika na."

Umiiyak pa din siyang umalis kasama si Renz.

Hindi sinasadya? alam naman niya yung lagay ng daddy ko eh? tapos sasabihin niyang
hindi niya sinasadya? tanggap ko na naman na wala na kami, at si Dante na yung
mahal niya, pero hindi naman tama na pati yung daddy ko idamay niya. Lahat ng
natitirang pag mamahal ko kay Tin, napalitan ng galit..

_________

[TIN POV]

Apat na araw na nung namatay yung daddy ni Miggy..

Hindi ko alam kung bakit ako yung sinisisi niya pero hindi ko din maalis sa isip
ko, paano kung ako nga talaga yung may dahilan? hindi ko na naman mapigilang
umiyak.

"Ms. Arrvealo? are you okey?" pinunasan ko agad yung mata ko.

"Please excuse me Mam."

Lumabas ako ng room, bago ako lumabas tinignan ko si Renz, kita ko sa mata niya na
nag aalala siya sakin kaya nginitian ko siya kahit na pilit lang. Ayoko mag alala
siya sakin.

Pumunta ako sa tambayan ko. Hindi ko na inisip kung isipin man ng Professor ko na
nag ditch ako ng class.. hindi ko talaga mapigilan umiyak. Kanina ko pa pinipigilan
eh.. pero hindi ko na magawa. Ni hindi ko nga makita si tito Dave, kahit sa huling
beses lang. Gusto ko din naman mag paalam sakanya eh.. Masakit sakin na mawala
siya, tinuring ko na din siyang parang tatay ko. Kaya hindi ko maisip bakit iniisip
ni Miggy na gusto kong mawala yung daddy niya.

Pagkatapos kong ibuhos lahat ng luha ko, bumalik na ko sa room pero wala na sila.

"Excuse ka na daw.. okey ka lang?"

"Oo thanks Renz."

"Ililibing na daw bukas si Mr. Dave."

"Siguro pupunta ako pero dun lang ako sa malayo.."

Niyakap ako ni Renz. Hindi ko tuloy na pigilan na umiyak ulit. Akala ko na ubos na
yung mga luha ko eh, parang namatayan din pala ako.

"Alam kong nahihirapan ka din, tandaan mo wala kang kasalanan.. alam ko mahal ka ng
daddy ni Miggy, lakasan mo lang loob mo."

"Thank you Renz.."

"Tara na, hatid na kita sa bahay niyo."

Pag ka dating namin sa bahay, alam ko na nag aalala din sila mama at papa pero mas
gusto ko munang mapag isa.. kahit si Dante hindi pa din ako maka usap ng matino..
hindi ko alam bakit ako sobrang na aapektuhan sa mga nangyari..

Kamusta kaya si Miggy? alam ko doble pa o triple pa ng nararamdaman ko yung


nararamdaman niya. Kung pwede ko lang alisin lahat yun. Na realize ko din na.. I
still care about him, ALOT. Gusto ko siyang damayan, gusto ko na pagaangin yung
loob niya, kasi sa ga ganitong panahon, ako palagi yung kasama niya.. hindi ko na
ata magagawa yun.. alam kong sobrang galit siya sakin. Hindi ko alam kung
mapapatawad pa niya ko.

Miggy.. sana patawarin mo ko.


to be continued..

<AN>Sorry at matagal yung update! may work na kasi ako kaya busy na, tska na
writers block ako dito, haha. Ang bigat kasi sa feeling kapag ganitong eksena
sinusulat mo.

Anyways, salamat sa mga nag babasa! nag vote at comment. Lab you all!

=================

Chapter 20: Promise

Chapter 20: Promise

Isang linggo na nung naiburol si Tito Dave.. ni hindi ko man lang siya nasilip
kahit sa kahuli hulihang pagkakataon.. buti na lang dito sa puntod niya pwede ako..

"Kamusta po tito?"

Hinawakan ko yung puntod niya.. naiyak na naman ako..

"Alam ko po nasa heaven na kayo.."

Pinunasan ko yung mga luha ko pero hindi pa din ko napatigil sa pag iyak.

"Wag kayo mag alala tito.. tutuparin ko po yung pangako ko na aalgaan ko si Miggy..
pero alam ko po na mahihirapan ako, galit po kasi siya sakin eh.."
Tumingin ako sa langit, sabay ngumiti ako.

"Tito tulungan niyo naman po ako oh..."

Hinawakan ko ulit yung puntod niya tska ako umalis.

Pumunta na ko sa school, pero bago pa ko makarating sa loob, nakita ko si Miggy na


palabas, sinundan ko kung saan siya pupunta. Pumunta siya sa computer shop. Alam ko
may pasok siya ngayon eh, hindi na naman ba siya pumasok?

"Miggy tara pustahan na!"

"Tara!"

Nanunuod lang ako sakanila sa malayo, ayokong makita niya ko. Alam ko naman na
galit pa din siya sakin eh, kasi akala niya dahil sakin kaya namatay yung daddy
niya.

"T*ngna niyo! mga weak!" sigaw ni Miggy.

Nagalit yung kalaban nila, tumayo siya tapos pinuntahan niya si Miggy. Tumayo din
naman si Miggy, sinuntok siya nung lalaki pero nakailag siya. Tapos nun siya naman
yung sumuntok, natamaan yung lalaki pero hindi pa din siya tumigil. Gusto ko siyang
pigilan..

"Miggy tama na!"

"ANong ginagawa mo dito?!"

"Tama na please!"

Tinulak niya ko, muntik na ko mapahiga sa sahig, pero nakakapit ako sa upuan. Tapos
lumabas siya ng shop. Sinundan ko siya.

"Miggy ano bang ginagawa mo!" hinarap niya ko, hinawakan niya yung kamay ko.
Sobrang higpit na parang nasasaktan na ko.

"Ano bang paki alam mo? bakit ako nag kaka ganito?! dahil sa ginawa mo! Pinatay mo
yung daddy ko!"
Gusto kong kumalas sa pag kakahawak ni Miggy pero masyadong mahigpit yung hawak
niya kaya wala akong magawa. Naramdaman ko na lang na unti unti ng tumutulo yung
mga luha ko.

"Ano naiiyak ka nga ngayon kasi totoo?!"

"Hindi yan totoo!" mas hinigpitan pa niya yung hawak niya sa braso ko. "Miggy
nasasaktan ako!"

"Wala pa yan sa sakit na nararamdaman ko ngayon!"

"MIGGY! BITAWAN MO SI TIN!"

Lumapit samin si Dante, tapos kinuha niya yung kamay ko, pagkatapos nun sinuntok
niya si Miggy, napahiga naman si Miggy sa sahig. Galit na galit si Dante. Gusto pa
sanang sumuntok ni Dante pero pinigilan ko siya.

"Tama na Dante, ako ng bahala dito.."

"Anong tama na?! sinasaktan ka na niya! pabayaan mo na siya! kung wala na siyang
paki alam sa buhay niya, dapat wag na tayo maki alam.. tara!"

"Pero Dante.." tinignan niya ko.. alam ko naman na nga aalala siya eh kaso hindi ko
kayang pabayaan si Miggy lalo na nangako ako kay Tito Dave.

"Tignan mo nga naman yung lovers, baka langgamin kayo niyan?" nakatayo na si Miggy,
pinupunasan yung dugo sa labi niya. "Pwede ba Tin, lubayan mo na ko! makita pa lang
kita, nag iinit na ulo ko eh!" tapos umalis na siya.

Tinignan ko si Dante, niyakap niya ko.

"Tama na Tin, alam ko nangako ka sa daddy niya na aalagaan mo siya para sakanya
pero ayaw talaga niya eh.. at wag mong isipin na ikaw yung may kasalanan kaya
namatay si Tito Dave okey?" tumango lang ako, kahit anong gawin ko, hindi ko
maiwasang mag alala kay Miggy eh. "Ngiti naman dyan oh!"

Ngumit ako kay Dante, pinilit ko talaga na ngumit ng totoo kasi alam ko mag aalala
siya para sakin. Niyakap ko ulit siya. "Salamat Dante.."

"Boyfriend mo ko eh.."
Pag kasabi niya nun.. na guilty ako. Sa loob kasi ng ilang linggo puro si Miggy na
lang yung iniisip ko eh, nawalan na ko ng time para sakanya pero siya eto, lagi pa
ding andito para sakin.

"Yam, mamaya date tayo! treat ko!"

"Aba! himala ah, nag alok ka ng date, syempre hindi ko yan tatanggihan.. sundiin
kita maya sa room niyo okey?"

"Okey, i love you."

"I love you too." hinalikan niya ko sa noo ko tapos niyakap niya ulit ako ng
mahigpit tska kami pumunta sa mga room namin.

Sobrang thankful ako kay Dante, kasi napaka understanding niya. Akala ko nga
magagalit siya sakin kasi lagi kong sinusundan yung mga ginagawa ni Miggy, making
sure na hindi siya mag ditch ng class, hindi siya mag lalasing tska makikipag away.
Simula kasi ng mawala si Tito Dave, hindi na nag papapasok si Miggy sa school,
palagi siyang umiinom tapos nakikipag away, kahit sila Kevin hindi siya mapigilan.

Sinalubong ako ni Renz sa may pintuan ng room.

"Panget, nagawa mo na yung homework natin?"

"Ha?"

"Hays! may homework tayo, eto oh!"

Nilagay ko na lang yung palad ko sa noo ko. Ano ba yan! hindi ko nagawa yung
homework. Patay ako neto eh.

"Nakalimutan ko.."

"Alm ko naman na makakalimutan mo eh, kaya ayan ginawa na kita.."

"Waa! salamat Renz!" kinuha ko yung design niya tapos umupo na kami sa upuan namin.
"Paano nalaman na makakalimutan ko? hindi naman ako tamad ah!"

"Busy ka kasi masyado kay Miggy.."


Napatingin lang ako sa desk ko. Oo na guilty na ko, gusto ko lang naman na maging
okey si Miggy.

"Tin, kung ayaw niya makinig sayo, wag mo nang pilitin.. sarili mo lang
pinapahirapan mo eh.."

"Alam ko pero hindi ko siya pwedeng pabayaan.. wala na siyang magulang para gabayan
siya.."

"Kaya ikaw gumagawa nun? bakit ano ka ba ni Miggy?" Ano ako ni Miggy? kaibigan niya
ko. Ganun naman ginagawa ng mga magkakaibigan di ba?

"Nangako ako kay Tito Dave.."

"Ewan ko sayo! ang tigas din ng ulo mo eh!"

"Haha! alam mo yan!" tinry ko na lang tumawa, nagagalit na kasi siya eh. Hindi kasi
nila maintindihan yung sitwasyon ko.

"Just keep in mind na sa ginagawa mo, madami ka ng nakakalimutan, yang pag aaral
mo, mga kaibigan mo pati sarili mong boyfriend.."

Tama si Renz, hindi na ko naka focus sa pag aaral ko, minsan nga bumabagsak pa ko
sa mga short quiz namin. Yung mga kaibigan ko.. siya, sila Sarah, si Apple.. pati
nga ata sila mama.. lalo naman si Dante, ang laki na ng utang ko sakanya.

"Nahihirapan na nga ako eh.."

"Alam ko, wag mo na kasi pahirapan yung sarili mo."

"I wish I can."

Hindi na kami nakapag kwentuhan ni Renz kasi dumating na yung prof namin. Masaya na
din ako na nag usap kami, na realize ko kasi na madami na akong napabayaan dahil sa
pag aalala ko kay Miggy, siguro tama din na hayaan ko na lang muna si Miggy.. sana
bumalik na siya sa dati.

"Ang aga ng sundo mo ah?"

Tinignan ko yung pintuan si Dante nakasandal. Inasar naman ako ng mga classmates
ko. Mga baliw talaga -___- pati to si Renz, hindi ko tuloy maiwasan na kiligin din,
eh bakit ba? ang sweet ng boyfriend ko eh. Haha!
"Excited much?"

"Ang tagal kaya natin hindi nakapag date.." sabay pout! binatukan ko nga, sabi ng
wag mag pout eh, mamaya mahalikan ko pa siya ng hindi oras eh. Haha! "Sorry
naman.."

"Eto na nga eh, babawi na po ako! wag ka na mag tampo yam ha!"

"Ehem.. may tao pa dito.." natawa kaming dalawa ni Dante kay Renz, kahit kelan
joker talaga to.

"Sorry dre ah! haha! ganyan talaga kami ni Cristin eh.."

"Kasi naman hindi pa mag hanap ng girlfriend! para naman hindi ka naiingit samin!"
tinaasan niya ko ng kilay.

"Sorry naman may hinihintay ako.."

"Sino aber?"

"Hindi ko sasabihin! Haha! sige na umalis na nga kayo, ka umay kayong dalawa!"
tumawa lang si Dante, tinignan ko nga siya ng masama, BITTER! haha. Umalis na lang
din kami ni Dante.

"So san tayo?"

"May bagong bukas na Shawarma House dun sa isang kanto, dun na lang tayo!"

"Tinitipid mo ko ah!"

"Luh! hindi nuh! hindi naman kasi ako mayaman! ayaw mo na?" nag sad face ko tapos
tumawa siya! tignan mo to! binu-bully ako! huhu.

"Basta kasama kita masaya na ko, kahit nga sa turo turo lang tayo eh.."

"Ayieee ang sweet naman ng boyfriend ko, baka langgamin ka niyan ha?"

"Inaanay na nga eh! haha! tara? gutom na din ako eh.."

"Okey ako din eh.."


Sumakay kami sa kotse niya papunta dun sa Shawarma House. Ang lapit lapit lang nag
kotse pa kami, sayang sa gas, sabi ko mag lakad na lang kami eh tapos babalikan na
lang namin sa UST yung kotse niya para hindi na siya mapapalayo mamayay. Ayaw daw
niya kong mapagod, haha!

Pag ka dating namin dun, ang dami na agad tao, bagong bukas pa lang to ah, sigurado
ako masarap yung Shawarma nila. Natakam tuloy ako lalo, pareho kasi namin paborito
ni Dante yung Shawarma eh.

"Ako na mag order, hanap ka na ng upuan natin.." sabi ni Dante.

"Ayaw! treat ko nga eh!"

"Haha! oo na sige mamaya bayaran mo ko, pero ako na mag order okey?"

"Hmm! daya! okey sige.."

Naghanap agad ako ng upuan, buti meron pa natira samin ni Dante, naka order na din
naman agad si Dante, nag order siya ng dalawang malaking Shawarma tapos dalawang
mango shake. Hmm! yummy! amoy pa lang.

"Haha! nag lalaway ka na dyan yam ha?"

"Oo! eh itsura pa lang masarap na eh." kinuha ko agad yung akin tapos kumagat agad
ako. Ang sarap niya, lasang lasa ko pa yung cheese. "Ang sarap Yam! tikman mo!"
kinuha niya yung sakanya pero sinubo ko sakanya yung Shawarma ko.

"Masarap nga.. samahan mo pa ng sweet na girlfriend."

"Sorry pala yam, nung nakaraan kasi wala akong time para satin.."

"Okey lang, naiintindihan kita."

"Thank you.. kaya mahal na mahal kita eh!"

"Pero may paki usap sana ako eh.." inubos ko muna yung nginunguya kong Shawarma
bago ako nag salita.
"Ano yun?"

"Pwede bang hayaan mo na lang muna si Miggy.."

"Pero.."

"Hindi naman kita pinapalayo sakanya, hayaan mo na lang muna siya. Baka kelangan
lang niya ng konting panahon para matanggap na wala na yung daddy niya. Isa pa baka
mamaya masaktan ka na naman niya, hindi naman ako papayag.." hinawakan niya yung
dalawang kamay ko. "Nag aalala lang ako sayo.. please yam."

"Okey sige.. ayoko din naman na nag aalala ka sakin eh.."

"Thank you."

Umorder pa kami ng isa pa pag katapos namin dun sa malaking shawarma pero maliit na
lang yung sunod na binili namin. Kung ano ano lang pinag usapan namin ni Dante, na
miss niya daw kasi ako eh, ako din naman na miss ko siya eh. Isang linggo kasing
puro si Miggy yung iniisip ko eh.. sana kaya ko nga talagang gawin yung favor ni
Dante na hayaan ko na lang si Miggy.

After nun busog na busog na kami, buti na lang pala talaga dinali ni Dante yung
sasakyan kasi hindi ko na ata kayang maglakad ng ganito kabusog eh.

Hinatid niya ko sa bahay, hanggang sa bahay, nag tatawanan pa din kami.

"Thank you yam sa date, ang saya ko."

"Ako din yam! Ang daya mo naman dapat treat ko na yung kanina eh!"

"Okey lang babayaran mo pa din yan sakin.. kiss."

"Kiss?"

"Oo haha!"

"Ah kaya pala! ang utak mo ha!"

"Bakit masama ba humingi ng kiss sa girlfriend ko? eh ang tagal na kitang hindi na
kikiss eh, kahit hug nga eh.." tapos nag pout siya.
Hindi na ko nag salita, hinalikan ko na lang siya. Siguro miss ko siya kaya
tinagalan ko yung halik ko sakanya, hinalikan din naman niya ko. Tapos kumalas
siya.

"Tama na, baka pag dating ko sa bahay, hanap hanapin ko pa eh!"

"Haha! loko ka talaga! sige na yam umuwi ka na! gabi na din eh.. salamat ulit sa
araw na to, nag enjoy ako."

"Ako din super enjoy, goodnight yam.. i love you!"

"I love you too! sweetdreams.."

Pababa na sana ako kasi hinila niya ulit ako tapos hinalikan niya ulit ako.
"Goodnight kiss lang hehe.."

"Baliw!" ngumiti ako sakanya tapos pumasok na ko sa gate.

Nung nakaalis na siya, papasok na sana ako sa loob ng bahay pero may narinig ako sa
labas.

Si Miggy.. naka higa sa sahig.. tapos nag dami pang pasa.

"Miggy! anong nangyari sayo ha?!"

"Tubig.." ang hina ng boses niya.

"PAPA!" tinawag ko ng malakas si papa. Hindi ko kayang buhatin mag isa si Miggy sa
loob ng bahay,

"Bakit anak?!" nanlaki yung mata niya nung nakita niya din si Miggy. "Miggy! tara
anak, buhatin natin siya papasok sa loob ng bahay."

Ilang minuto din namin binuhat ni papa si Miggy papunta sa loob ng bahay.

"Jusko papa, anong nangyari kay Miggy?" lumapit samin si mama na nag aalala din.

Kumuha ako ng tubig sa kusina tska kinuha ko din yung first aid kit.
Sakto naman na dumating si kuya kaya siya na nag asikaso kay Miggy. Hindi ko kasi
kayang tignan yung mga pasa tska sugat niya sa mukha tska sa katawan. Pinainom muna
siya ni kuya tska niya ginamot si Miggy.

Pagtapos lagyan ng bandage ni kuya si Miigy, pinahiga na lang muna namin siya sa
kama ko. Pinupunasan ko yung katawan ni Miggy, may lagnat din kasi siya eh. Sabi ni
kuya pag gumising daw si Miggy, tawagin ko daw siya, pag hindi pa din siya naging
okey mamaya, dalhin na daw namin siya sa ospital.

Habang pinag mamasdan ko si Miggy, hindi ko maiwasan na mag alala ng todo. Ano ba
kasing nangyayari sayo miggy? hindi ka naman ganyan dati.. kung nasasaktan ka,
andito naman ako eh, sila Kevin.

Naisip ko tuloy yung sinabi ni Dante.. hindi ata kayang hayaan ng ganito si Miggy..
Sorry yam.

Nakita kong dumilat yung mata ni Miggy..

"Miggy? bakit may masakit ba sayo?" umiiyak na naman ako. "Miggy sorry.. hindi ko
naman sinasadya na mawala si Tito Dave eh.."

Hindi siya nag salita...

Hinawakan niya ko tapos niyakap niya ko ng mahigpit na mahigpit..

"Sorry Tin.. wag ka na umiyak.. ayaw kitang umiiyak eh."

Hindi ko pa din mapigilan yung iyak ko lalo nung narinig ko yun kay Miggy.. hindi
ako umalis sa pagkakayakap ko sakanya..

Miggy bakit ganito? may kakaiba akong nararamdaman..


to be continued..

_____

<AN>

Sorry po kung sobrang tagal ng update, msyado kasing naka focus dun sa isa kong
story, pero hindi ko naman kayo matiis eh kaya nag UD na ko, tska miss ko na din
sila Miggy at Tin ^__^ Baka po Next week pa ko mag Update, busy din kasi sa
work. ;) 

Salamat sa lahat ng nag vote/comment. At sa lahat ng gusto mag pa dedicate, hindi


ko kayo ma di-dedicate kung hindi ko kayo fan kaya sorry po.

=================

Chapter 21: Muling ibalik

Chapter 21: Muling ibalik

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.. bakit kaya?

Dahil ba kay Miggy? dahil ba niyakap niya ko? masaya ako na nalilito. Paano ko
mararamdaman to, eh may mahal na kong iba, si Dante. At hindi ko sila pwedeng
mahalin na dalawa. Hindi pwede. Ang sama ko talaga! hays.

"Miggy, mag pahinga ka na.."


"Wag mo ko iwan.." hinang hina siya nung sabihin niya yun sakin.

"Oo dito lang ako." hinawakan ko yung kamay niya habang naka higa pa din siya. Na
gu-guilty ako sa ginagawa ko, alam ko kasi kapag nalaman ni Dante to, magagalit
siya at hindi to' tama. Kaso.. kusa na lang gumagalaw yung katawan ko.. para bang
nag tatalo yung utak ko tska puso ko.

Binantayan ko lang si Miggy hanggang maka tulog na siya. Na aawa ako sakanya, lalo
ang dami niyang pasa sa mukha. Ang lungkot pa ng mukha niya, gaano kaya kahirap kay
Miggy lahat ng nangyayari ngayon? hindi na kaya siya galit sakin? o kaya lang niya
yun nasabi kasi ganun yung kondisyon niya? pero mas mahalaga ngayon na maging okey
yung lagay niya.

Lumabas ako tapos nakita ko si Mama sa labas.

"Okey na ba si Miggy?"

"Nag papa hinga na po Mama.."

"Dapat si Ace na lang pinabantay mo sakanya, alam mo namang may boyfriend ka eh,
tapos ikaw pa gumagawa niyan.."

"Mama wag naman po kayo gumawa ng malisya, tinutulungan ko lang naman si Miggy
eh.."

"Iniisip ko lang naman si Dante anak, tska hindi mo naman kelangan gawin to dahil
lang sa na gu-guilty ka sa pag kamatay ng Daddy niya.."

"Mama, ano ba kayo? hindi ba kayo nag aalala sakanya? nung oras na kelangan ko ng
tulong andyan si Miggy, kaya fair lang naman na andito din ako sakanya di ba? isa
pa.. maiintindihan naman ako ni Dante."

Hindi na lang nag salita si Mama. Umalis na lang din ako para hindi kami mag ka
sagutan.

Alam ko mas boto si Mama kay Dante. Hindi ko naman siya masisi kasi lagi niya kong
nakikita na umiiyak dahil kay Miggy noon hanggang nung hindi pa ko nakaka move on.
Unlike kay Dante na palagi akong masaya. Kaso hindi ko maintindihan yung sarili ko
kung bakit ako nagagalit kay Mama dahil parang wala na siyang paki alam kay Miggy.
Posible kaya na...

Lumabas ako ng bahay. Nakita ko si Papa sa may garden.

"Papa.." nilingon niya ko agad. Umupo ako sa tabi ni Papa.

"Kamusta si Miggy?"

"Natutulog na po.." napatingin ako sa mga stars.. nakita ko yung star na regalo
sakin ni Miggy, napa ngiti tuloy ako. Pag ka tingin ko ulit kay Papa naka ngiti
siya sakin. "Bakit po papa?"

"Mahal mo pa siya.."

"Bakit mo naman natanong yan papa, hindi na po.. hindi ko na siya mahal tulad ng
dati."

"Hindi ko yun tinatanong.. sinasabi ko yun."

Kumunto yung noo ko sa sinabi ni Papa. Ano ba meron? bakit niya yun nasabi? Hindi
lang ako nag sasalita.. gusto ko marinig yung dahilan ni Papa kung bakit niya yun
nasabi, alam ko kapag may sinabi siya, totoo yun. Hindi naman ako nag kamali kasi
nag salita ulit siya.

"Iba kasi yung saya mo tska yung ngiti mo kapag si Miggy yung kasama mo.. iba din
yung kay Dante.. pero yung ngiti mo na yan, yan din yung parehong ngiti mo nung
masaya pa kayong dalawa ni Miggy.. hindi mo naman kelangan itago sakin yan anak..
Papa mo ko.."

Boom! ayun... yun nga ba nararamdaman ko? feeling ko kada word na binibitawan ni
Papa nasasapul ako. Mahal ko pa nga ba si Miggy? dun ko din na realize na Oo, mahal
ko pa din siya.. katulad ng dati. Hindi ko lang maamin dahil kay Dante, dahil mahal
ko din siya..

"Papa.. pwede ka bang mag mahal ng dalawang lalaki ng sabay?"


"Ginagawa mo na nga di ba?"

"Papa!"

Niyakap ko si Papa. Waaaa tama siya, nag mamahal na ko ng dalawang lalaki ng sabay.
Hindi ko akalain na gagawin ko yun, napaka sama ko naman. Nasasaktan tuloy ako,
para kay Dante..

"Anong gagawin ko Papa? ang sama sama ko.."

"Anak hindi mo naman kasalanan eh, hindi mo naman kayang pigilan yang nararamdaman
mo.. malaki ka na kaya alam mo na yung gagawin mo.. wag mong hayaan na lalo pang
masaktan yung isa sa inyo.."

"Hindi ko po alam Papa.."

Niyakap ko ulit si Papa.. hinarap niya ko na naka ngiti.

"Pag isipin mo yan.. basta anak.. eto yung sundin mo.."

Tinuro ni Papa yung puso ko..

Yung puso ko? ano nga bang sinasabi ng puso ko?

Si Miggy o si Dante?

"Papa.. mag papahangin lang po ako, kaya na po muna bahala kay Miggy.."

"Sige anak, mag ingat ka.. bumalik ka agad ah."

"Opo.."
Kinuha ko sa kwarto ko yung jacket ko. Gusto ko lang mag lakad lakad, mag isip
isip. Kasi kung totoo nga talagang mahal ko pa si Miggy.. panigurado akong
masasaktan ko si Dante, baka nga pag dating ng panahon, kaming tatlo na yung
masaktan.

Hindi ko alam kung san ako pupunta..

Ayoko may masaktan sa kanilang dalawa, okey ng ako na lang pero ayoko sila. Pareho
silang mahalaga sakin, pareho ko silang mahal.

Hindi ko inakala na mag mamahal pala ako ng dalawang lalaki tapos sabay pa.. ang
sama ko ba? tinatanong pa ba yun? syempre..

Napa upo na lang ako sa may upuan sa may park.

"Miggy.. Dante.. patawarin niyo ko.."

Nahihirapan na ko.. sino ba sa kanila yung pipiliin ko? si Miggy na naging buhay ko
noon, o si Dante na minamahal ako ngayon?

"Kevin.. mahal pa kita.."

Ano daw? bakit napa sama sa usapan si Kevin?

"Maureen.. hindi na tayo pwede.."

"I know.. but that's what I feel."

Kilala ko yung boses na yun eh.. Nakita ko sa likod sila Maureen at Kevin, nasa
likod sila ng puno kaya hindi nila ako nakita, anong ginagawa nila dito? gabi na
ah..

"Maureen.. may girlfriend na ko at si apple yun.. Oo mahal kita, pero dati na yun."

"Ang tanga tanga ko nuh? to let you go.. Yes I know that.. but just like what I
said, mahal pa din kita Kevin. Matagal ko ng sinasabi yun sayo but you keep
ignoring me."

What?! mahal pa ni Maureen si Kevin? hindi ko maintindihan.. pero si Kevin na tska


si Apple. Awts ang komplikado naman nun, parang kami lang nila Miggy at Dante..
pero yung naiisip ko, paano kaya kapag nalaman to ni Apple? alam na pala ni Kevin
to matagal na pero hindi niya nasasabi kay Apple.

"Maureen please.." napayuko si Kevin tapos napatingin siya sa direksyon ko. Iiwas
sana ako kaso huli na kasi nakita niya na ko.. "Tin?"

Lumabas na lang din ako sa likod ng puno. Nagulat silang dalawa nung makita nila
ako.

"Kevin anong ibig sabihin neto?"

"Tin let me explain.."

Tinignan ko lang silang dalawa, pero pareho naman silang hindi maka tingin sakin.

"Okey.."

"Kasi.."

"No Kevin, Tin ako yung may kasalanan neto.. don't blame him. Please Tin nag mamaka
awa ako sayo.. don't tell this to Apple.."

"Hindi ko alam, ayoko mag lihim sakanya."


Lumuhod si Maureen sa harap ko. Umiiyak. Nagulat kami pareho ni Kevin sa ginawa
niya. 

"Mahal ko si Kevin, pero alam ko din na hindi na ako yung mahal niya, si Apple na.
Kasalanan ko to kasi pinakawalan ko pa siya noon.. nung may chance pa ako. Please
Tin don't tell Apple. ayoko sila mag away ni Kevin.. ayokong masaktan si Kevin just
because of me.."

Pinag isipan ko din yung sinabi niya.. tama. Ayoko masaktan si Apple.

"Okey fine, pero ipangako niyo na hindi na to mauulit.."

"We promise.. di ba Kevin?"

"Oo Tin."

"Okey sige.."

"Thank you so much.." niyakap niya ko.

"Im not doing this for the both of you. Ginagawa ko to para kay Apple."

Ngumit siya sakin. Umalis na din siya, naiwan kaming dalawa ni Kevin. Matagal din
kaming natahimik na dalawa.

"Tin.. sorry.. hindi ko naman gustong lokohin si Apple eh.."

"Siguraduhin mo lang.."

"Tin naman.. alam mo naman kung gaano ko siya kamahal.."

"Alam ko, kaya nga hindi ko inaakala na mag lilihim ka sakanya.."

"Ayoko lang siya masaktan."


"Wag mo siyang saktan. Sige uuwi na ko.."

Hindi ko na nilingon si Kevin. Alam ko mali na sakin manggaling lahat ng yun, kasi
alam ko sa sarili ko na nag lilihim din ako kay Dante. Ayoko na mangyari yun.. kaya
mabuti pa tapusin ko na yung samin ni Miggy, dahil yun naman nag tama eh. Si Dante
yung Boyfriend ko, hindi si Miggy. At hindi ako pwedeng mag mahal ng dalawa.

Kaylangan ko ng tapusin kung ano mang meron samin ni Miggy..

To be continued..

_________

AN: Ang dami ko ng utangna UD sa inyo. Sorry talaga! alam ko ang tumal na ng
updates, pero kapag nag ka mahabang time ako mag sulat, tatapusin ko na siya! :)

Salamat sa lahat ng sumusuporta, mahal ko kayo <3

=================

Chapter 22: Litong Puso

Chapter 22: Litong Puso


Ang sakit sa mata ng sikat ng araw >.<

Sino ba naman kasi nag bukas ng kurtina sa kwarto ko? pero okey na din pala kasi
anong oras na. Waaaa!! ma lalate na ko! OH NO!

"MAMA!!"

Muntik pa ko madapa sa hagdan kakamadali ko.

"Oh Tin bakit? anong nangyare sayo?!" Hinawakan ako ni mama sa balikat ko. 

"Bakit hindi niyo po ko ginising? 8AM na oh! malalate na po ako eh!" Tumawa lang si
mama. Tapos inayos niya yung pagkain sa lamesa. Luh? anyare dito kay mama?

"Nung gigisingin kasi kita kanina nananaginip ka, alam kong maganda yun kaya hindi
kita ginising. Tska susunduin ka naman ni pogi eh kaya hindi ka ma lalate niyan,
kumain ka na dito oh."

"Anong panaginip ko?"

"Eh malay ko sayong bata ka! kumain ka na dyan tapos maligo ka na."
Ano kaya yun? Si mama naman eh ayaw pang sabihin. Bahala na nga! makakain na nga
lang. Naalala ko may isang absent na pala ko sa literature tapos may lates pa ko
dun, baka ibagsak na ko ng Professor.

Ano ba naman tong pagkain? Sunog na bacon, sobrang alat na pritong itlog! Sino
naman nag luto neto? sigurado naman akong hindi si Mama kasi masarap mag luto yun,
sila kuya naman tska Miguel umalis na. Si papa kaya? hmmm..

Hindi naman ako nakakain ng madami kasi ang sarap ng pagkain di ba? HAHA! naligo na
lang agad ako. Tapos tinignan ko agad yung phone ko, papunta na daw si Dante sa
bahay.

Tinignan ko sa salamin yung sarili ko, ano ba yan? ang hagard ko na. Stress na kasi
ako masyado eh. Hays, dapat talaga tapusin na ang dapat tapusin.

"Anak andito na si pogi!"

Pumunta agad ako sa labas, andun na si mama. Nag tatawanan sila ni Dante. Ano kaya
pinag uusapan ng dalawa na to?

"Good Morning Beautiful!" feeling ko ng blush ako agad sa sinabi niya. Baliw talaga
to si Yam! Si mama walang sinabi pero halata mo namang kinikilig ng bonggang
bongga. As in! Hays mama ko talaga.

"Godd Morning din. Tara pasok na tayo malalate nako."

"Okey, sige po Tita una na kami."

"Okey! ingat kayo! Bye anak!"

"Bye mama." Yung ngiti niya hindi pa din nawawala. -___-


Binuksan ni Dante yung pinto para makapasok ako. Bakit kasi ang gentleman ng taong
to?! haha. Pati sa seatbelt ko siya pa nag lagay.

"Kamusta breakfast mo? madami ka ba nakain?" Yung tingin niya kakaiba. Naka ngiti
na ewan eh. bakit kaya?

"Hmm.. bakit?" Tinaasan ko nga ng kilay.

"Ako kasi nag luto ng breakfast mo kanina, bumalik lang ako sa bahay para kunin
yung kotse." Ang laki pa ng ngiti niya. Kung alam lang niya na ang sama ng lasa ng
niluto niya. Buti pa si Miggy, ang sarap mag luto. Waaa! bakit ko ba siya naiisip
kasi! >.<

"Ah kaya pala masarap eh! haha!"

"Buti naman nagustuhan mo!" pinaandar niya yung kotse. Naka tingin lang ako sa
labas.

Bakit kaya hindi ko maiwasan na ikumpara si Dante at Miggy? at yung nakakapag taka
pa mas gusto ko yung ginagawa ni Miggy kesa kay Dante, sa boyfriend ko. Kelangan
kasi talaga alisin ko na sa sistema ko si Miggy.

"Yam, andito na tayo.. ano iniisip mo?"

"Ha? wala.."

Ngumiti lang ako sakanya para hindi niya mahalata na may iniisip nga ako. Kung alam
mo lang Dante, hays.

"Tara hatid na kita sa room mo, baka ma late ka."

"Wag na Yam! ikaw naman yung malalate niyan. Kaya ko na, okey? see you later. I
love you." Bumaba agad ako para hindi niya na ko mapigilan. Ayoko kasi makita niya
ko na ganito ako eh. Lutang yung utak ko dahil iniisip ko si Miggy.

Lakad zombie ako sa corridor. Ano ba naman kasing utak meron ako? kung ano ano
iniisip ko! Sino pala..
"Ouch!"

Nahulog yung mga libro ko sa sahig. Pinulot ko naman agad.

"Sorry Tin."

Hindi ko pa inaangat yung ulo ko para makita kung sino siya pero sobrang bilis na
ng tibok ng puso ko. Para din akong nanghihina. Hindi ko alam kung bakit.

"Okey lang Miggy.."

Nakatingin lang ako sa mata ni Miggy. Eto na yung panahon Cristin. Tapusin mo na
lahat! gawin mo na. Alam mo yung feeling na kaming dalawa lang yung nandito sa
corridor. Kahit alam kong may mga dumadaan na studyante. Para akong na trap na mga
mata ni Miggy. Naka tingin lang din naman siya sakin.

"Okey ka lang?"

"Hindi..."

"Ha? bakit?"
Lumapit siya sakin. Hinawakan niya ko. Pakiramdam ko mag kaka heart attack ako.
Bakit ba ganito yung nararamdaman ko? Bakit ganito yung nararamdaman ko kay Miggy?
Oo inamin ko na naman eh, mahal ko pa siya.. pero bakit parang sinasabi ng puso ko
na, Mas mahal ko si Miggy kesa kay Dante?

"Wala.. wala.."

Tumalikod agad ako kay Miggy. Mali tong ginagawa ko eh.

"Teka Tin.."

Hinawakan niya yung kamay ko. Napaharap na naman tuloy ako ako sakanya. Tama na
Miggy! wag mo na kasi guluhin yung isip ko! lalo na tong puso ko >.<

"Sorry nga pala sa mga nagawa ko tska nasabi ko sayo nung nakaraan.."

"Okey lang.. Sige na." Inalis ko yung kamay niya sa braso ko.

"Galit ka ba sakin?"

Oo galit ako sayo! kasi ginugulo mo tong puso ko na dapat tahimik na. Na dapat
masaya na kay Dante! Na dapat hindi na nalilito kung sino ba sa inyong dalawa yung
mas mahal ko.
"Hindi.. ma lalate na kasi ako eh.. Sige."

Binilisan ko na yung lakad ko para hindi ako maabutan ni Miggy. Paano ko tatapusin
lahat samin kung ganun yung nararamdaman ko kapag kasama ko siya? Hindi ko na tuloy
alam yung gagawin ko.

"Ouch!" Ano ba yan >.< pangalawang beses na ong nababangga ah. Ano ano kasi iniisip
eh.

"Hoy panget! anyare sayo?"

"Hindi ka ba tumutingin sa dinadaan mo Renz? nabangga pa tuloy ako."

"Nag salita yung tumitingin sa dinadaanan.."

"Oo na, lutang lang utak ko."

"Bakit? nag away kayo ni Dante?" Kinuha niya yung libro ko tapos pumasok kami sa
loob ng classroom. Ayoko tumingin sakanya, magaling kasi mag basa to ng iniisip ng
iba eh. Lalo na ako, kabisado na ko nyan.

"Hindi wala, yung sa project lang."


"Ah, wag ka mag alala, tutulungan kita."

"Thank you.."

Nag panggap lang ako na nag susulat sa notebook ko para hindi niya ko mahalata.
Hindi ko pang namalayan na dumating na pala yung Professor namin. Buti naman hindi
niya ko napansin na lumulutang yung utak ko. Nakarating na ata ako ng Mars eh.
Lintek na Miggy kasi na to eh, bastos, papasok sa isip ko hindi man lang nag papa
alam >.<

"Bye class.."

Uwian na pala. Bilis ng oras. Lalo kapag madami kang iniisip.

"Tin sige, may club meeting pa kasi kami eh."

"Sige Renz."

Pinauna ko na si Renz. Naka upo lang ako sa upuan ko. Wala pa naman gagamit ng room
eh. Mamaya mabangga na naman ako sa daan dahil sa lutang kong utak. Para akong naka
drugs. >.<

"Cristin.."

"Miggy.."
"Pwede ba tayong mag usap?" Ang lakas na naman ng tibok ng puso ko.

"Ano yun?" Umupo siya tabi ko. Feeling ko maririnig niya yung tibok ng puso ko sa
sobrang lakas.

"Cristin.. mahal pa kita.."

Parang hindi ako makahinga.

"Mahal na mahal pa rin kita.. pero alam kong mali to eh, kaya lalayo na lang ako."

Hindi ako makapag salita. Parang lahat nasa slow motion..

Hindi na talaga ako nakapag salita kasi umalis na si Miggy. Alam ko hindi to
paniginip.

Bakit ganun? Ang sakit.. may nararamdaman akong masakit sa puso ko. Ang sakit
sakit.

"Mahal na mahal pa rin kita.. pero alam kong mali to eh, kaya lalayo na lang ako."
Mahal pa niya ko? pero lalayo na siya.. tama naman di ba? mali naman kasi talaga
lahat ng to eh..

Hindi ko mapigilan na umiyak..

Ang sakit eh...

To be continued..

=================

Chapter 23: Torn

Chapter 23: Torn

"Tin?"Inangat ko yung ulo ko. Alam ko umiiyak pa din ako. Pinunasan ko agad yung
luha ko. Kung sino man yung tumawag sakin hindi dapat niya ko makita na
umiiyak."Huy bakla! umiiyak ka ba?""Ha?" Si apple lang pala. "Hindi napuwing lang
ako.""Ako pa lolokohin mo! Hindi mo ko naging best friend ng dahil lang sa wala.
Bakit? nag away ba kayo ni Dante?""Wala nga to. Teka bakit ka pala pumunta ka
dito?""Wala naman. Alam ko kasi na wala ka nang klase pati si Sarah, kaya aayain ko
sana kayo sa park para kumain ng ice cream!""Ha? Bakit anong meron?" Nag pout siya
bigla. Nawala tuloy yung lungkot ko. Ang kyot mo apple ^__^"Ayaw mo na ba kami
kasama? Na miss ko na kasing mag kakasama tayo eh. Ano sasama ka ba? Sama ka na?
Please." Nag puppy eyes pa siya. Nakakatuwa talaga siya. Naalala pa talaga niya na
mag bonding kami ah. Ang sweet."Basta sagot mo ah?""Kahit kelan talaga kuripot mo
Tin! Sige sige basta lang sumama ka eh! Tara na nga!" hinila niya agad ako palabas
ng room.Nakakatuwa talaga kapag meron kang best friend na katulad ni Apple tska bi
Sarah. Nawala bigla yung lungkot na naradaman ko dahil sa mga sinabi ni Miggy.Nung
nakalabas na kami ng gate nakita namin si Sarah sa labas.
"Bakla!!" Tumakbo agad siya papunta sakin tapos niyakap niya ko. "Imishu much!""Ako
din miss ko kayo! Parang ang tagal na naging hindi nakaka kain ng ice cream sa park
eh!""Kaya nga inaya ko kayo eh! kasi alam ko na busy kayo! Wahaha! Ang talino ko
talaga. Tsk."Napatingin ako kay Sarah. Pareho kaming natawa tapos binatukan namin
si Apple pero mahina lang naman.

"Bakit?" nag pout na naman siya."BALIW!" Sabay pa kami nj Sarah. Natawa naman tuloy
kaming tatlo.Pumunta kami sa park na palagi naming tinatambayan. Bumili agad si
Apple ng isang gallon ng cookies and cream. Ganyan kami katakaw sa ice cream eh.
Haha! Kulang pa nga yan eh ^__^"Aba Apple galante mo ngayon ah?""Kelangan ko nyan.
Kelangan mo ng madaming ice cream." Nag sad face siya bigla habang sumusubo siya ng
malaking scoop ng ice cream.

"Bakit?""Nag away kayo ni Kevin?""Nag break na kayo?""Anong bang


nanyare?""STOP!"Nung napahinto kaming dalawa ni Sarah na realize ko na ang dami
pala naming tanong kay Apple. OA naming dalawa. Haha kaya pala hindi siya
makasingit sa mga tanong namin eh."Hindi kami nag away o nag break!""Eh
ano?""Kasi.. parang amg cold niya sakin nung nakaraang araw.. Alam ko naman nag
reready sila para sa tournament pero di ba? huhu.""Oa mo Apple! Si Ace nga ganyan
din pero hindi ako nag mamaktol ng ganyan kasi UNDERSTANDING ako!""Sus Sarah? baka
under lang?"Naalala ko yung nangyari kagabi. Dahil ba kay Maureen kaya nanlalamig
ng ganito si Kevin kay Apple? Gusto ko sanang sabihin kay Apple pero mas lalo lang
siyang mag aalala. Isa pa nangako na naman sila Kevin at Maureen na hindi na ulit
sila mag uusap eh. Sana hindi na maulit..Aba dapat lang! Ayoko masaktan si Apple.

"Huy bakla!""Hello? Crisitin Arrevalo?""Ha?""Kanina ka pa kaya namin


tinatawag.""Sorry hehe." Lumutang na pala yung utak ko. "Ahm text mo kaya si
Kevin?""Nakapatay yung phone niya eh!" Nag pout na  naman siya tapos nag sad
face."Arte mo Apple! Hinatayin mo lang kasi! Alam mo kain na lang tayo Ice cream
please! Without that bitterness!""Huhu sige na nga."After ng tantrumz ni Apple
nakakain naman kami ng Ice cream peacefully. Haha! Kulang pa nga ata yung nakain
namin eh. Gusto ko pa kaso ayoko gumastos! Wahaha kuripot nga ko di ba?"Okey, ubos
na yung Ice cream so pwede na ulit ang bitterness.""Ano ka ba Apple?! Oa mo! kung
makapag react ka dyan parang nag break na kayo ni Kevin ah!""Gaga! Hindi ako! about
kay Tin to."Napatingin silang dalawa sakin. Ako? Bakit daw ako? Wala namang akong
problema eh.. hmm ay meron pala."Nakita ko kasi yan si Tin kanina na umiiyak.""Ha?
bakit?""Ahm kasi.."

"Bakit ba kasi Tin? Nag away ba kayo ni Dante?""Nag break na ba kayo?""Sino pinag
awayan niyo? Si Alyssa na naman ba?""Ano umepal na naman ba si Alyssa sa inyo?""Oh
baka dahil nagiging cold na din kayo sa isat isa?"

"Ano?"

Hindi ako makasingit sa kanilang dalawa. Grabe wala atang hingahan yung pagtanong
nila sakin. Sumasakit na yung ulo ko. Mas grabe pa ata to kesa sa tanong namin kay
Apple kanina. Kaliwat kanan yung tanong nil.a

"Hep hep! Hindi to about kay Dante.""KAY MIGGY?!"Waaa! Paano nila nalaman?"Sabi na
eh.""Tsk tsk.""Paano niyo nalaman? Wala pa kaya akong sinasabi!" Nag pout ako.
Sabay batok naman nila sakin. Ouch ha!"Wag ka nga gumaganyan! Ayaw ni Miggy nyan!
Ayiie!" Luh? baliw talaga to si Apple. Nag katol na naman siguro? Wahaha
echos."Tska Tin, hindi naman kami manhid para hindi namin malaman na MAHAL MO PA
DIN SI MIGGY!""Shhh! Wag nga kayo maingay! Oo na tama na kayo..""Waaa! Tama pala
hula namin ni Sarah? Wahaha."HULA? mga baliw talaga tong mga to. Akala ko naman
alam talaga nila. Huhu."Ang hirap naman kasi mag sinungaling sa sarili eh. Oo mahal
ko pa din si Miggy pero mahal ko na din si Dante. Hays ang gulo.""Kaya ka ba
umiiyak kanina nung nakita kita kanina?""Hindi yun.. Eh kasi si Miggy pumunta din
siya kanina sa room.. Inamin niya sakin na mahal pa niya ko..""Yun naman pala
eh!""Sarah teka lang patapusin mo muna kaya si Tin?""Okey sige sige..
Continue.""Yun nga.. Alam daw niyang mali yun kaya ayun.. lalayo na daw siya. Hindi
ko naman alam pero naiyak talaga ako eh.""Waaaa! Hindi kaya mas mahal mo talaga si
Miggy kesa kay Dante?""Hindi ko alam.. Hindi ako sigurado. Basta ang alam ko lang,
pareho ko silang mahal. Hays ang sama ko!" Nilagay ko sa mukha ko yung dalawa kong
kamay. Inakbayan nila akong dalawa."Tin okey lang yan. It's not your fault. Pero
dapat habang maaga pa lang mamili ka na kung sino ba talaga yung mahal mo. Just
make sure hindi mo yan pag sisisihan.""Ano bang dapat kong gawin? Ano bang dapat
kong sundin?""Tin ikaw lang nakaka alam niyan..."Hanggang pag uwi ko sa bahay.
Hindi pa din maalis sakin yung pinag usapan namin nila Apple at Sarah. Tama naman
sila eh.. dapag mamili na ko. Kung papatagalin ko pa to pare-pareho lang kaming
masasaktang tatlo.Waaaa! Ano bang dapat kong gawin?!Nalilito na ako T___TAlam ko
na.. kakausapin ko na lang si Papa. Sakto naman nasa garden siya eh."Papa?""Bakit
princess?""Pwede ba kong mag tanong?"Umupo ako sa tabi niya. Alam ko naman na
matutulungan ako ni Papa eh. Alam ko na alam niya kung anong dapat gawin."May
problema ba anak?""Paano po kung dalawa yung mahal mo.. Paano po.." Hindi ko
matuloy yung sasabihin ko."Paano ka pipili sa kanilang dalawa?" Tignan ko si Papa.
Naka ngiti siya sakin. Alam niya na siguro kung ano yung ibig kong
sabihin."Opo..""Siguro sasabihin ng iba, sundin mo kung ano yung tama." Naka tingin
lang siya sa langit. Para bang may iniisip siya."Pero ano nga ba yung tama? yung
sinasabi ng iba na tama? o yung sinasabi ng puso mo?"Ang lalim. Ang lalim ng bawat
salita na sinabi ni Papa pero parang alam ko na kung anong ibig niyang
sabihin."Anak sundin mo yung tama pero pakinggan mo kung ano ba talaga yung
sinasabi ng puso mo..""Hmm..""Haha! Magulo ba anak? Sorry ah.""Hindi po Papa. Alam
ko na yung gagawin ko. Salamat po."Niyakap ko si Papa bago ako pumunta sa kwarto
ko. Sabi ko na eh matutukungan niya ko.Humiga ako sa kama ko.Kahit na sinabi niyang
lalayo na siya wala akong paki alam. Basta susundin ko kung ano ba yung sinisigaw
ng puso ko. Gusto kong naman sundin yung puso ko. Masaktan man ako atleast alam ko
na pinili ko yung tama. Yung hindi ako magsisisi..Alam ko na yung gagawin ko..

Alam ko na kung sino yung pipiliin ko..

To be continued..

______________
Author's Note:

I miss you guys! tagal ko hindi nakapag update! sarreh naman! hehe. Im so happy
nakapag update na ko! Sana magustuhann niyo ^___^

=================

Chapter 24: Break up

Chapter 24: Break up

Bago pa ko pumasok sa school, sinigurado ko na muna yung gagawin ko mamaya. Alam ko


na eto yung mas makakabuti saming lahat. Para wala ng masaktan pa..Pumunta agad ako
sa tambayan ko. Pinag isipan ko muna siya ulit bago ko siya itext na pumunta
dito.Alam kong masasaktan siya sa gagawin ko. Kahit kelan hindi ko ginustong
mangyari to. Hindi ko ginustong makita siyang umiiyak dahil sakin. Kaso eto yung
tama eh dahil kapag pinatagal ko pa to, mas lalo siyang masasaktan. Mas lalo akong
mahihirapan.

Sorry Dante..Sorry kung makikipag break na ko.Sana mapatawad mo pa ko.

"Yam kanina ka pa ba? Sorry ah kakatapos lang ng class namin eh." Mukhang tumakbo
pa siya. Hingal na hingal siya."Okey lang."Gusto ko ng umiyak. Makita ko pa lang
yung mga ngiti sa mukha niya doble na yung sakit. Yung ngiti na alam ko mamaya
mapapalitan na ng lungkot. Sobrang hirap. Parang may kung anong kumikirot sa puso
ko. Sa maikling panahon namin ni Dante, minahal ko na din siya."Ano bang pag
uusapan natin?"Tumabi siya sakin. Kitang kita ko dito yung langit parang uulan na
ata. Nakikiramay ba yung ulan samin?"Dante.. alam mo namang mahal kita di ba?"Hindi
ako maka tingin sakanya. Parang nadudurog yung puso kong makita siyang masasaktan.
Wala naman ibang ginawa si Dante kundi mahalin ako eh pero ano tong ginawa ko?
Sinaktan ko lang siya.. "Yam may problema ba?"Humanap ako ng lakas ng loob para
harapin siya. Kelangan ko tong gawin eh. Kelangan kong siyang tapusin. Ayoko ng
umasa pa si Dante sa kasinungalingan ko. Hinawakan niya yung kamay ko, nakita ko
yung mata niya.."Tin.. anong problema? May nagawa ba ako?""Dante.. sorry..."Hindi
ko na kaya! Niyakap ko siya tapos dun ako nag simulang umiyak.. umiyak ng
malakas."Tin wag kang umiyak please. Ano bang problema? Nag aalala na
ko."Pinapaharap niya ko pero pinipigilan ko siya. Ayoko siyang harapin. Hindi ko
siya kayang harapin."Dante.. sorry.. hindi ko naman to gustong mangyari eh.. hindi
ko to gustong tapusin..""Are you breaking up with me?""Sorry Dante..""Bakit Tin?
Ano bang nagawa ko? Sabihin mo sakin para mabago ko. Para naman hindi mo ko iwan..
Tin naman eh wag mong gawin to.." nakayuko lang siya sa harap ko. Hindi ko man
makita yung makita pero unti unti nang pumapatak yung mga luha niya sa balikat
ko."Wala kang kasalanan.. Ako yung may kasalanan neto.."
Pareho na kaming umiiyak ngayon."Si Miggy ba yung dahilan?""Dante sorry.."Hindi pa
din ako tumitigil sa pag iyak. Hindi na din nagsalita si Dante. Niyakap na lang din
niya ko. Tahimik lang kami hanggang bumitiw na si Dante sakin. Hindi siya
tumitingin sakin, naka tigin lang siya sa langit."Alam mo Tin akala ko maagaw kita
kay Miggy. Mali pala ko..""Dante.." Wala akong masabi. Hindi ko alam kung anong
sasabihin ko eh.."Alam mo ba kung ano yung masakit? yung hindi mo pa sinasabing
iiwan mo ko pero nararamdaman ko na..""Sorry Dante.."Hinawakan niya yung mukha ko.
Pinunasan niya yung mga luha na unti unti pa din pumapatak sa mata ko."Pero mas
masakit yung alam mong mas magiging masaya yung taong mahal mo sa iba.""Alam ko,
ang sama sama ko para gawin to sayo Dante. Sorry.. kahit ilang sorry pa yung
sabihin ko uulitin ko pa din para mapatawad mo ko.. Kung pwede ko nga lang akuin
lahat ng sakit na meron ka ngayon gagawin ko..""Shh.."Niyakap niya ko. Amp! parang
ang sakit sakit na. Alam mo yung pakiramdam na nasasaktan yung taong walang ibang
ginawa kundi mahalin ka. Alam kong hindi niya to deserve.."Mapapatawad lang kita
kapag sinabi mong magiging masaya ka na simula ngayon. Makita lang naman kitang
masaya, masaya na ko eh."Hinarap niya ko. Ngumiti siya sakin pero alam kong peke
lang yung mga ngiti na yun. Alam ko na nasasaktan siya. Nadudurog yung puso niya at
ako lang naman yung may kasalanan.Dante kung alam mo lang.. mas nasasaktan ako..
mas nahihirapan ako."Ipangako mo sakin na ipaglalaban mo na si Miggy ngayon.
Ipangako mo na magiging masaya ka.""Pero.." Hindi ko na ata kayang maging masaya.
Ngayong alam ko kung magiging masaya man ako, may nasasaktan na iba."Ipangako mo
sakin..""Pangako."Tumingin na naman siya sa langit. Ayaw niyang ipakita sakin yung
mukha niya. Ayaw niya sigurong makita ko siyang nasasaktan.."Lagi kong iniisip..
ano bang meron kag Miggy na wala ako?"Hindi ako nag salita. Pinakinggan ko lang
siya."Nung una si Alyssa yung kinuha niya sakin. Ngayon naman ikaw.. yung babaeng
minahal ko ng sobra. Haha! Sabagay simula pa naman talaga nung una kay Miggy ka.
Ako lang yung epal sa inyo eh."May luha na naman na pumatak sa mata niya. Tumawa
lang siya para hindi ko mahalata na umiiyak pa din siya. Pinunasan niya agad yung
luha niya."Pwede bang ako na lang kunwari yung nakipag break sating dalawa? Haha!
para kunwari wala lang sakin.."Hindi talaga ako makapag salita. Hindi ko alam yung
sasabihin ko eh."Basta tandaan mo, mahal na mahal kita. Kaya kahit si Miggy pa yung
piliin mo, okey lang sakin Tin. Kaya kitang palayain.. ganun kita kamahal
eh.""Dante alam mo naman na mahal din kita eh..pero...""Oo pero hindi kagaya ng pag
mamahal mo kay Miggy. Akala mo lang na ako talaga yung mahal mo kasi ako yung
nandito nung wala siya pero ang totoo kahit kelan hindi mo siya nakalimutang
mahalin.."Napayuko na lang ako. Totoo naman kasi lahat ng sinabi niya eh. Kahit
kelan hindi ko nakalimutang mahalin si Miggy."Tin masaya na ko. Masaya na ko sa mga
panahon na nakasama kita. Masaya na ko na kahit sa sandaling panahon naramdaman ko
din na mahalin ng isang katulad mo. Ang sarap sa pakiramdam."Nung humarap siya
sakin naka ngiti na naman siya pero nawala na yung lungkot niya. Hindi ko alam,
hindi ko mabasa yung nasa isip niya."Dante, sorry. Napaka bait mo sakin. Kung pwede
ko nga lang suklian lahat ng pag mamahal na ibinigay mo sakin gagawin ko eh. Sorry
hindi ako naging perfect girlfriend..""Tama na nga.. You are a perfect girlfriend
pero hindi nga lang sakin. At wag ka na mag sorry, nangako ka ng ipaglalaban mo si
Miggy di ba? Kaya napatawad na kita." Niyakap ko siya. Niyakap ko siya sa huling
pag kakataon. "Dante salamat sa lahat.."Humarap siya sakin."Wag kang mag pasalamat.
Ako dapat yung mag pasalamat kasi binigyan mo ko ng pagkakataon na mahalin ka at
maging masaya. Hindi nga lang talaga ko pang matagalan."Hinawakan ko yung mukha
niya. Sorry Dante."So i guess this is goodbye Tin?""Tandaan mo mananatili ka pa
ding mahalaga sakin Dante..""Goodbye Tin.. I love you goodbye."Hinalikan niya ko sa
noo. Pareho namin hindi napigilan na.umiyak. Tumalikod na agad sakin si Dante tska
siya umalis..Sabay ng buhos ng ulan..Paalam Dante..Wag kang mag alala.. pangako
ipaglalaban ko si Miggy. Tutuparin ko yung pangako namin sa isa't isa na..TIN-MIGGY
forever.Salamat sa lahat.. sana makahanap ka din ng babaeng kaya kang mahalin higit
pa sa pag mahahal na ibinigay mo sakin. Minahal din kita.. pero para kay Miggy
siguro talaga yung puso ko.Sana hindi pa huli yung lahat saming dalawa..---DANTE
POVPara akong tanga na naglalakad sa gitna ng ulan. Wala naman akong paki alam eh.
Mas mabuti nga to para walang makapansin na umiiyak ako. Lintek kasi na pag ibig to
eh. Lakas maka paiyak. Tsk.T*ngina kasi ni Miggy eh bumalik pa. Haha! Masaya na
sana kami ni Tin eh. Kaso kay Miggy naman talaga siya eh. Hindi siya sakin at kahit
kelan hindi siya magiging akin. Ako lang naman tong malakas mag ilusyon na maaagaw
ko siya kay Miggy. Kahit gaano ko siya kamahal, kahit gaano ko siyang gustong
ipaglaban.. wala na din magagawa.Ayoko lang makita ako ni Tin na nasasaktan kaya
umalis na din ako agad. Gusto ko pa sana siyang makasama ng matagal kahit sa kahuli
hulihang pag kakataon. Kaso wala eh, ayoko siyang lalong mahirapan.Mahal na mahal
ko siya na kahit mag paka martir at magpaka tanga pa ko dito okey lang basta para
sakanya. Kahit sa iba ko pa siya makitang masaya.But I guess it's really time for
me to move on. Sayang nga lang hindi nag tagal yung love story namin ni Tin pero
kahit paano naman may magandang pahina pa din akong mababalikan eh.Umupo ako sa
bench sa gitna ng field. Wala akong paki alam kung gaano pa kalakas yung buhos ng
ulan. Siguro nga nakikiramay din siya sa sakit na naradamdaman ko..Naalala ko tuloy
yung napag usapan namin ni Miggy dati..

Flashback2 years ago.

Andito kami sa shop nila Miggy. Kakatapos lang ng tournament. Kakauwi lang ni Miggu
galing Amerika. Magbabakasyon ata siya dito ng tatlong bwan."Dante..""Bakit
Miggy?""Pwede bang agawin mo sakin si Tin kapag nakita mong hindi na siya magiging
masaya sakin?" Akala ko nag bibiro siya pero mukha naman siyang seryoso. Ano bang
pinag sasabi niya?"Gagu ka pare baka gawin ko talaga yan.""Haha! Alam mo naman na
gagawin mo yun dahil alam kong mahal mo din si Tin pero seryoso ako sa sinabi ko."
Nagulat ako sa sinabi niya. Tinatago ko lang yung nararamdaman ko kay Tin kasi alam
ko naman na silang dalawa yung nag mamahalan eh."Kaya ko sinasabi sayo yan kasi
alam kong bukod sakin, ikaw lang yung mapagkakatiwalaan ko kay Tin. Ikaw lang yung
pwedeng makapantay sa pagmamahal ko sakanya.""Miggy..""Mahal na mahal ko si Tin.
Kaya kung alam kong nasasaktan ko na lang siya mas mabuti pang ibigay ko na lang
siya sa iba. Sa taong mas mag mamahal sakanya higit sakin.""Pero bakit iiwan mo na
ba siya? Hindi ko maintindihan eh.""Nasa Amerika ako. Nandito siya. Kahit sabihin
mong mahal namin yung isa't isa mahirap pa din yung sitwasyon namin.""Sige makaka
asa ka..""Gagu! pero wag ka munang umasa dyan! Kasi hindin hindi ko papakawalan si
Tin.""Baliw!"Pagkatapos nun nag tawanan kaming dalawa. Nalilito pa din ako kung
para saan yung sinabi ni Miggy.

End of flashback Hindi ko alam kung bakit yun nasabi ni Miggy dati pero ngayon
siguro alam ko na. Sinubukan ko naman agawin si Tin sayo Miggy eh. Kaso wala eh,
ikaw pa din talaga yung mahal niya Miggy. Ikaw lang walang iba.Kung alam mo lang
kung gaano ka ka swerte kay Tin..Sana maging masaya na ulit kayo ni Tin. Sana
ipaglaban niyo na yung isa't isa...

To be continued..

----

Author's Note:Sorry!! Sorry! Alam ko na mas nauuna ko na yung isang story ko kesa
dito. Huhu! babawi talaga ako sa ending promise. Wag na kayo magalit >///<Anyway,
sa lahat ng Tin-Miggy dyan, wag muna kayo mag punyagi! maawa din naman kayo kay
Dante! masakit din yun sakanya nuh. Huhu T___T

=================

Chapter 25: New Girl

Chapter 25: New Girl

Isang bwan na yung nakalipas..

Lahat kami naging busy dahil sa final exam. Hindi ko na nga din masyadong nakikita
si Dante. Simula kasi ng mag hiwalay kami hindi na ulit kami nag usap. Gusto ko
sana siyang maka usap, gusto ko maging mag kaibigan pa din naman kami. Pero siguro
kaylangan niya talaga ng time. Sana makahanap siya ng babaeng mag mamaha sakanya.
Naging mahalaga din naman siya sakin eh, malaking parte din siya ng buhay ko.

Ayun bagong semester na naman.. November na pala, malapit na din mag pasko. Medyo
lumalamig na nga eh. Magiging masaya kaya yung Christmas ko? Sana.

Isang bwan ko na din hindi nakikita si Miggy.. siguro busy siya o baka umiiwas
talaga siya sakin. Nung huling kita namin sabi niya kakalimutan na niya ko, ginawa
kaya niya talaga?

Sa isang bwan na yun palagi ko siyang naiisip. Iniisip ko kung paano ko sasabihin
sakanya na siya pa din yung mahal ko at hindi si Dante. Iniisip ko kung maibabalik
pa ba namin yung dati saming dalawa. Kung magiging masaya pa kami bago man lang mag
pasko? Ang daming tanong sa isip ko. Kinabahan tuloy ako na makita at maka usap
siya. Kelangan ko ng sabihin lahat kay Miggy. Ayoko ng palagpasin yung pagkakataon.

"Ano sasabihin mo na ba kay Miggy?" Kulit neto ni Apple, pang limang tanong na niya
yan sakin ngayong araw

"Oo sasabihin ko na.."

"Excited na ko! The comeback of Tin and Miggy loveteam! Ang taray bakla! After all
kayo pa din talaga ni Miggy nuh?"

"Gaga! Wala pa nga eh, wag ka muna mag assume dyan."


"Baliw! Ganun na din ending nun eh. Kaya nga inuntog ni God yang ulo mo para ma
realize mong siya talaga yung mahal mo ."

"Haha! Oo nga eh.. sana noon pa nauntog yung ulo ko para okey na kami.."

"Magiging okey na kayo mamaya! Wait ka lang dyan! Excited much?"

Masama ba ma excite? Isang bwan ko ng hindi nakita si Miggy pero kung tutuusin
isang taon na nung nag hiwalay kami.

Ngayong bagong semester sigurado naman ako na makikita ko na si Miggy eh, sabi
naman ni Kevin nag enrolled pa din si Miggy sa UST. Binigay na nga niya sakin yung
sched ni Miggy para maka sigurado na ko.

Luch time na, kasama ko tong si Apple na kanina pa ko kinukulit. Mamaya pa naman
yung schedule ni Miggy kaya mabuti pa kumain muna ko, pampalakas ng loob.

Nung papunta na kami sa Canteen nakita ko si Mina. May kausap siyang lalaki, yan
kaya yung ex boyfriend niya na nanloko sakanya?

"Sabi ng tigilan mo na ko eh!"

"Mina alam ko mahal mo pa din ako! Wag ka na nga mag inarye dyan!" Aba ang yabang
ng lalaking to ah. Akala mo naman ka gwapuhan.

"Wala na tayo! Simula ng pinag palit mo ko sa ibang babae!"

"You're still my girl."

Hinawakan niya yung kamay ni Mina tapos hinihila niya palapit sakanya. Ang dami na
ngang tao na naka tingin sakanila eh. Loko tong lalaki na to. Sasapakin ko siya eh!

"Bitawan mo ko! Nasasaktan ako!" Ayaw pa din siyang bitawan nung lalaki, lalapit na
sana ako para tulungan siya kaso..
"Bitawan mo siya!" 

Pamilyar yug boses na yun..

"Sino ka naman ha?"

"Ako lang naman yug boyfriend niya.." Hindi namin makita yung mukha nung lalaki
pero alam ko kilala ko siya eh.

"Boyfriend?! Totoo ba yun Mina ha?" Inakbayan nung lalaking bagong dating si Mina.

"Oo boyfriend ko nga siya."

"Pinag palit mo ko sa lalaki na yan?"

"Oo pinag palit ka niya sakin. May angal?" Lumapit yung lalaki sa Ex ni Mina. Ang
laking tao niya kaya ayun napa atras naman siya. "Ayoko ng ginugulo mo ulit tong
girlfriend ko."

"Tandaan mo tong ginawa mo sakin Mina! At ikaw lalaki ka, hindi pa tayo tapos."
Umalis na yug ex boyfriend ni Mina. Para kaming nanunuod mg drama, yung biglang
dumating yung Prince Charming ng bida. Ang sweet naman pala ng bagong boyfriend ni
Mina. Sino kaya yun?

Habang naka akbay pa din yung lalaki kay Mina, bigla silang tumalikod kaya nakita
ko na yung lalaki. Yung boyfriend ni Mina..

Biglang huminto yung mundo ko. Lahat naka slow motion parang pinipiga yung puso ko.
Masaya ako na nakita ko ulit siya pero ang sakit din eh. Sila na ni Mina? Totoo ba
lahat to? Panaginip lang kaya to? Papalapit sila samin. Hinawakan naman ni Apple
yung kamay ko.
"Ate!"

Nahuli na ba ko? Wala na bang chance na maging okey kami ni Miggy? Bakit si Mina
pa? Bakit yung kaibigan ko pa? Gumaganti ba siya sakin?

"Mina.."

Inalis ni Miggy yung pag kaka akbay niya kay Mina. Ngumiti siya sakin, hindi ko
maintindihan yung mga nangyayari. 

"Hi Tin? Long time no see. Hoy Apple tumaba ka ah?"

Parang nakapag move on na nga siya. Parang wala na lanh ako sakanya eh. Kitang kita
ko naman sa way ng pag tingin niya sakin.

"Hoy ang kapal mo Miggy! Maganda naman ako! Haha! Tagal mong nawala ha?" Hindi pa
din binibitawan ni Apple yung kamay ko.

Ang sakit talaga.. kahit hindi pa din ako makapaniwala.. alam ko hindi yun totoo
eh, di ba? Hindi naman talaga sila? Bakit ganito? Naiiyak ako. Hinihigpitan lang ni
Apple yung kamay ko. Alam niya kasi kung anong nararamdaman ko ngayon eh.

"Congrats nga pala sa inyo ni Mina ah.." Hindi ko alam pero kusa na lang yang
lumabas sa bibig ko.

"Ah! Ate kasi.."


"Salamat Tin." Naka tingin ako kay Miggy, naka ngiti pa din siya. Hinawakan niya
bigla yung kamay ni Mina. "Ano bagay ba kami?"

Hindi ko alam yung isasagot ko eh..

"Oo bagay na bagay kayo.."

Alam ko na.. Sila na nga talaga. Hindi to panaginip, lahat ng to totoo. Malapit na
tumulo yung mga luha ko pero pinigilan ko pa din. Ngumiti lang din ako sakanila.

Dyan naman ako expert eh, yung ngumiti kahit na nasasaktan na ko.

"Sige alis na kami ni Tin, Congrats sa inyo ha."

Hinila na ko ni Apple palayo. Nung nakalayo na kami kala Miggy naramdaman ko na


lang yung luha ko..

"Wag kang iiyak!"

Dinala pala ako ni Apple sa tambayan ko.

"Cristin Arrevalo! Umayos ka nga! Hindi pa tapos ang laban! Kapag nalaman ni Miggy
na mahal mo pa din siya.. na wala na kayo ni Dante.."

"Wala na kong dahilan pa para guluhin siya. Sila ni Mina.." Mukha namang masaya
siya eh. Tska ano bang karapatan ko na manira ng isang relasyon?
"ANO?!"

"Siguro hindi nga talaga lang talaga kami para sa isa't isa ni Miggy. Ay kaylangan
ko na lang yun tanggapin."

"Tin naman eh!"

"Sige alis na ko.."

Wala naman akong karapatan na guluhin o sirain kung ano mang relasyon meron sila ni
Mina ngayon eh. Unang una hindi naman niya ginawa yun nung kami pa ni Dante.
Pangalawa wala akong karapatan na magalit dahil ako naman yung unang nag hanap ng
iba eh. Kung may dapat man sisihin dito ako yun.

Tumakbo ako papalayo sa school.. papalayo sa sakit na nararamdaman ko. Habang


tumatakbo ako unit unto ding tumutulo yung.mga luha ko. Ang sakit kasi eh.. ang
sakit makitang may mahal ng iba yung taong mahal mo.

Huminto ako sa field. Kapag na mimiss ko siya nung nasa Amerika pa siya, dito lang
ako laging mag pupunta. Kapag nakikita ko kasi yung puno dito lalo na yung sinulat
niya sa puno na to.. 

Naniniwala pa din ako na forever kami..

Flashback

"Ano yan pudge?"

"Pudge ano ka ba? yan yung tinatawag na puno!" hinamapas ko siya pero mahina lang
naman.

"Alam ko na puno yan! i mean ano meron dyan ha?"


"Tignan mo gagawin ko..."

Kinuha niya yung pang ukit ata yun? tapos may sinusulat siya sa may puno. Kaso
hindi ko nakikita kasi naman tinatakpan niya eh... Luh baliw tignan ko daw eh pero
tinatakman naman.. -__-

"Tadah!!" tinignan ko yung naka ukit dun sa puno.

TIN-MIGGY foreverkapag nag break dinaya!promise hindi tayo mag hihiwalay pudge. 

"Wow ha.. totoo ba yan pudge?"

"Oo naman! kaya nga ayan oh, inukit ko na.. kapag ikaw nakipag break sakin! lagot
ka sakin!"

"Haha! kapag nakipag break ako, dinaya! i love you Miggy..." hinawakan ni miggy
yung kamay ko.

"Mahal na mahal kita Cristin... pangako! hinding hindi kita iiwan.. ayan inukit ko
na sa puno na to ah! dito lang ako sa tabi mo kahit anong mangyari.. sana ikaw
din... hindi ko kasi kaya kapag wala ka sa buhay ko eh.. alam mo namang hindi ko
kaya eh, kaya please mangako ka din na hindi mo ko iiwan.."

"Pangako Miggy... hindi kita iiwan.."

Kasalanan ko naman kasi to eh. Hindi ko kasi siya nahintay. Nag mahal agad ako ng
iba. Nasaktan man ako sa nangyari, nasaktan ko din naman siya. Hindi ko kasi
tinupad yung pangako namin sa isa't-isa eh. Sayang Miggy.. akala ko pa naman
magiging okey na tayo. Siguro nga katangahan na isipin kong ganun na lang kadali na
balikan ka. Alam ko na naman na nag move on na ka na eh. Kaso sana hinintay mo
ako..

Mahal na mahal pa din kita Miggy, pero bakit ganito nasasaktan na naman ako? Bakit
lagi na lang akong nasasaktan kapag minamahal kita ng ganito?

APPLE POV

"Babe! Bakit kasi hindi mo alam!" Naiinis na ko dito kay Kevin. Best friend niya
hindi niya alam na may girlfriend na pala? Sira ulo.

"Teka nga Apple mag hunos dili kang babae ka! Sigurado ka bang sila talaga?" Ang
lakas na ng boses ko, wala na akong paki alam kung pag tinginan na ko ng mga tao
dito sa park. Eh naiinis ako eh! Paki alam ba nila ha?

"Oo Sarah! Kitang kita ng dalawang mata ko! Inakbayan niya yung babae na yun tapos
hinawakan pa niya yung kamay! Nakaka inis naman kasi to si Miggy eh!" Kumukulo yung
dugo ko kapag na aalala ko yun. Buti sana kung ako lang nakakita eh pero hindi!
Pati si Tin nakita yun. Halos mangiyak ngiyak na nga siya kanina eh.

"Babe naman! wala na sila ni Miggy kaya wala namang masama na mag girlfriend si
Miggy ulit!"

Napalingon kami ni Sarah kay Kevin. Binatukan ko siya ng malakas. Sorry babe!
Nakakainis ka naman kasi eh.

"Babe! Kanino ka ba kampi ha? Kay Tin o sa Mina na yun?"

"Babe wala naman sa kampihan yan. Eh wala eh may girlfriend na si Miggy. Bakit nung
naging sila Tin at Dante ba may narinig ba tayo kay Miggy?"

"Sabagay tama nga naman si Kevin dun Apple. Pwede umupo ka na nga muna, ang init ng
ulo mo eh." Hindi lang mainit, kumukulo na.
"Nakaka inis lang kasi, alam naman nung Mina na yun na ex boyfriend siya ni Tin
tapos pinatulan niya? At eto naman kasi si Miggy hindi pa nakapag antay! Hays!
Nakaka inis talaga." Mag kaka wrinkles na ata ako sa stress eh.

"Babe, alam ko naman na gusto mong mag katuluyan sila Miggy at Tin. Ako din naman
eh, alam ko mahal na mahal nila yung isa't isa. Kaso kung hindi talaga sila para sa
isa't isa wala na tayong magagawa." Kahit naiinis ako sa mga pinag sasabi ni Kevin,
may point siya eh.

"Nanghihinayang lang kasi ako.. kung kelan wala na si Tin at Dante. Kung kelan na
realize na ni Tin na si Miggy pa din pala talaga yung mahal niya, yung alam mo yun?
Okay na lahat eh.."

"Nasira lang kasi nagka girlfriend na si Miggy. Naiintindihan kita bakla. Hays,
kamusta kaya si Tin?"

Kung nakita lang siguro nila si Tin kanina, maaawa din sila sakanya. Dama ko yung
sakit na nararamdaman niya eh. Kaya nga hinahawakan ko lang yung kamay niya kanina.
Alam ko kasi kung gaano kahina si Tin, ngumingiti man siya pero sa loob niya
nasasaktan siya. 

Alam ko sila talaga ni Miggy yung para sa isa't isa. Ang dami na nilang napagdaanan
eh. Ang dami na nilang problemang nalagpasan. Madami lang talagang balakid sa
kanilng dalawa. Jusko! para san pa yung tatlong taon di ba? Para san pa yung TIN-
MIGGY forever nilang dalawa?

Alam ko mahal pa ni Miggy si Tin. Nalilito lang siya. Kaylangan mapa amin ko siya.
Wala na akong paki alam kung girlfriend niya nga talaga yung Mina na yun. Naiinis
na ko sa kanilang dalawa eh, mahal naman nila yung isa't isa ang dami lang kasing
arte. Ang dami din kasing umeepal.

"Alam ko na! May mission tayo!"

"Ano yun?" sabay pa silang napa tingin sakin.

"Mission One more Chance! Haha!"


Parang Basha at Popoy lang yan eh. Nakipag hiwalay si Basha kay Popoy. Kung kelan
ma realize ni Basha na mahal pala talaga niya si Popoy tska naman nag ka girlfriend
si Popoy. Taena! parehong pareho lang eh. Ang maganda dun, sila Basha at Popoy pa
din yung nagka tuluyan sa huli. Sakto pa nga, favorite movie nila Tin at Miggy yun.

Sana lang talaga mag tagumapay tong mission One More Chance namin.

To be continued..

---Author's Note:Sana nagustuhan niyo! Sorry talaga mabagal update ko dito. But im
still updating naman eh :P Next week ulit ako mag update. :)

=================

Chapter 26: One more chance

Chapter 26: One more chance

3rd person POV

Maaga dumating si Apple sa condo ni Kevin para sa Mission One more chance nila.
Kagabi pa nila pinag puyatan yung gagawin nila ngayon. Lahat ng plano na nabuo nila
si Apple yung nag isip. Gustong gusto kasi niya na magkabalikan yung dalawa.
"Babe okey na ba lahat?"

"Oo okey na, si Sarah okey na din. Tingin mo ba mag wowork to babe?"

"Tiwala lang babe."

*Dingdong*

"Babe ayan na si Tin, buksan mo na! I-ready ko na yung food nila mamaya. Hihi!"

Nag aalangan pa din si Kevin kung mag wowork nga ba talaga yung plano nila. Gusto
din naman niya na mag kabalikan yung dalawa niyang kaibigan pero ayaw niya kasing
umasa. Mas lalong ayaw niyang paasahin si Apple kasi alam niyang gustong gusto ng
girlfriend niya na magkabalikan si Tin at Miggy kahit na ngayon na sila Miggy at
Mina na. Kaya hindi niya alam kung anong magiging reaksyon ni Apple kapag nag fail
yung mga plano nila.

"Kevin naman, mag movie marathon na lang kayo ni Apple isasama niyo pa ko."

Pag kabukas pa lang ni Kevin ng pintuan puro reklamo na yung inabot niya kay
Cristin. Iniisip niya paano pa kung dumating na mamaya si Miggy?

"Alam mo Tin nandito ka na nag rereklamo ka pa. Babe! Nandito na si Tin."

Lumabas naman agad si Apple sa kusina dala dala yung dalawang malaking popcorn tska
isang pitcher ng juice.

"Hi bakla! Ready ka na mag movie Marathon?"


"Oo ano ba papanuorin natin?"

"Wait and see ka lang, may kulang pa kasi eh.."

Sakto naman pagkasabing yun ni Apple may nag doorbell ulit. Pumunta agad siya sa
pintuan para salubungin si Miggy. Walang ka alam alam si Tin at Miggy na mag kikita
sila ngayon.

"Ano na naman ba kasing.."

Natigilan si Miggy sa sasabihin niya nung nakita niya si Tin na naka upo. Hindi
niya kasi alam na kasama din pala siya sa movie marathon kuno ni Apple at Kevin. 

Tumayo si Tin tapos hinila niya si Apple papunta sa kusina.

"Ano na naman yan ha?"

"Ha? Eh ininvite din kasi ni Kevin si Miggy."

"Alam mo to di ba? Bakit inaya mo pa ko? Plano niyo ba to?" Naiinis si Tin kasi
ayaw niyang makita si Miggy. Sa totoo lang kasi kada makikita niya si Miggy
nasasaktan siya. Hindi naman niya maintindihan bakit sinet up sila ni Apple.

"Tin sorry hindi ko talaga alam eh, hayaan mo na ngayon lang naman to eh."

Balak na talaga ni Tin na umalis pero dumating naman bigla si Miggy.

"Apple, Tin, tara nuod na tayo?" Nagka tinginan si naman si Apple at Tin.

Wala ng nagawa si Tin. Ayaw niya kasing isipin ni Miggy na bitter siya kasi may iba
na si Miggy. Kahit papaano naman masaya pa din siya na makasama si Miggy.
"One more chance?"

Sabay pa sila Miggy at Tin na nag tanong kala Apple.

"Oo! maganda yan. The movie that never gets old di ba?"

Oo ang movie na kahit kelan hindi naluma lalo na para kala Tin at Miggy.

"Hihi. Babee play mo na." ang saya saya ni Apple kasi walang umalis sa dalawa.

Nakaupo sa isang sulok si Apple at Kevin. Magka yakap pa silang dalawa. Habang si
Tin at Miggy naman nasa kabilang dulo. Magkatabi sila pero hindi sila magka dikit.
Ang awkward nga ng nararamdaman ng dalawa. Yung dalawa dun sa dulo ang sweet sweet
tapo sila naka tanga lang.

Namiss tuloy ni Cristin yung moments na nasa condo sila noon ni Miggy nanonood ng
mga john loyd-bea movie. Parang ganito din kasi yun eh, mag luluto siya ng malaking
popcorn tapos habang nanonood silang dalawa magkayakap pa sila ni Miggy. Hindi din
naman maiwasan ni Miggy na maalala yun.

Dumating na yung part na makikipag hiwalay na si Basha kay Popoy. Damang dama naman
ni Tin yung panunuod. Minsan sa gitna ng movie gusto niyang umiyak. Ngayon kasi mas
dama niya yung bawat linya sa movie kasi parang pareho ng sitwasyon nila ni Miggy
yung sitwasyon nila Popoy at Basha. Si Apple at Kevin naman naka abang lang sa
gagawin ng dalawa.

Maya maya dumating na yung part na sinundo ni Popoy si Basha habang umuulan tapos
pagpasok ni Basha sa kotse ni Popoy nakita niya yung bagong girlfriend ni Popoy.

Feeling ni Tin siya si Basha. Alam na alam niya yung nararamdaman ni Basha, na
makita yung taong mahal mo na may mahal na palang iba. Si Apple naman parang
naiiyak na kasi naiisip niya si Tin kay Basha.

“Sana kaya ko lang tiisin ang sakit na nararamdaman ko. Kasi ako naman humiling
nito diba? Ako yung may gusto. Sana kaya ko rin sabihin na masaya ako para sayo,
para sa inyo. Sana kaya ko. Sana kaya ko. Pero hindi eh. Ang sama-sama kong tao.
Kasi ang totoo umaasa pa rin akong sabihin mong “Sana ako pa rin.” Ako na lang. Ako
na lang ulit.” 
Hindi na naiwasan ni Tin na hindi umiyak. Sa sarili niya sinasabi din niya yung
line na yun para kay Miggy.

'Miggy sana sakin ka na lang ulit. Sana tayo na ulit. Sana ako na lang ulit. Alam
ko kasalanan ko to eh, ginusto ko to eh pero ang sakit pala. Kung pwede lang ibalik
yung nakaraan. Hinding hindi na kita papakawalan pa.'

Napatingin naman si Miggy kay Tin. Napansin niya na umiiyak si Tin. Nung una pa
lang ayaw na ayaw na ni Miggy na nakikitang umiiyak si Tin. Hindi niya alam kung
bakit siya umiiyak, sa isip niya pang ilang beses na naman nilang napanuod yung one
more chance. Kinuha niya yung panyo niya tska niya inabot yun kay Tin. Nagulat
naman si Tin sa ginawa ni Miggy pero kinuha na lang din niya yung panyo ni Miggy.

"Alam mo Apple mas okey kung iba na lang yung panoorin natin. Si Tin kasi naiiyak
na eh, mukhang na mimiss ata ako kapag napapanuod niya sila Popoy at Basha."

Nagulat yung tatlo sa sinabi ni Miggy. Alam naman ni Tin na nagbibiro lang si Miggy
pero ang hindi alam ni Miggy, totoo lahat ng sinabi niya. Miss na miss na ni Tin si
Miggy. Yung pudge niya.

Naisip ni Apple na time na para sa susunod na plano nila. Para sakanya successful
yung unang plano nila kasi napaiyak si Tin sa movie tapos inabutan naman ni Miggy
ng panyo si Tin. Yun naman talaga yung plano, i pa realize sa dalawa na mahal pa
nila ang isa't isa. Tinext na niya si Sarah para tumawag sakanya sa phone.

"Sige, ay teka may tumatawag sakin!" Kinuha niya yung cellphone niya.

"Ano? Nag break na kayo ni Ace? Ha? Teka wag kang gagawa ng kung ano! Sarah teka
pupunta kami dyan!"

Syempre hindi totoo na nag break na si Sarah at Ace. Kasama yun sa plano nilang
tatlo. Ang totoo sinabi lang yun ni Sarah para sumama yung dalawa sa Moa.

"Anong nangyari kay Sarah?" Nag aalala na si Tin. Ang alam niya naman okey sila
Sarah at si Ace.

"Nag break na daw sila ni Ace, puntahan natin yun baka kung ano gawin nun, iyak ng
iyak eh."

"Nako sira yung kotse ko, Miggy pwede bang gamitin muna namin yung sayo?" 

"Sige tara."

Sinugarado ni Kevin na may dalang kotse si Miggy. Nag papanggap lang siya na sira
yung kotse niya para siguradong sasama si Miggy.

Sumakay na silang apat sa kotse ni Miggy. Sa harap sila Miggy at Kevin. Sa likod
naman sila Apple at Tin. Nagtaka naman si Tin nung sinabi ni Apple na nasa MoA si
Sarah. Malakas yung kutob niya may mali sa nangyayari pero mas iniisip niya si
Sarah ngayon.

May mga panahon na napapatingin si Tin sa rear mirror. Sakto naman na napapatingin
din si Miggy kaya ayun nag sasalubong yung mata nila. Umiwas naman agad si Tin ng
tingin. Kanina pa nararamdaman ni Miggy na may kakaiba kay Tin. Hindi pa din kasi
niya alam na wala na si Tin at Dante. Hindi niya alam na mahal na mahal pa din siya
ni Cristin. Na nakipag break si Tin kay Dante para sakanya.

Pagka dating nila sa Moa nakita agad nila si Sarah na umiiyak pero syempre umaarte
lang si Sarah. Sakto talaga sakanya yung role niya kasi theater actress siya.

"Sarah anong ginawa sayo ni Kuya Ace?!"

"Wala break na kami. Pwede bang wag na lang natin siyang pag usapan? Mag saya na
lang tayo ngayon."

Natatawa si Apple sa nakikita niya. Ang galing kasi umarte ni Sarah. Siguro kung
alam lang ni Tin lahat tungkol sa plano nilang to baka sumabog siyang parang bulkan
sa galit.
"Tama yan Sarah! Wag mong iyakan yang mga lalaki! Gayahin mo si Tin, naka move on
agad di ba?"

Akala ni Miggy siya yung tinutukoy ni Apple. Hanggang ngayon kasi alam niya na si
Dante pa din at Cristin. Ang nasa isip tuloy niya kinalimutan agad siya ni Tin nung
oras na nag ka amnesia siya. Kaya naging sila ni Dante. Hindi tuloy niya mapigilang
magalit.

"Alam ko na, gusto niyo mag time zone tayo?" alok ni Kevin.

"Tama maganda yan, tara!" 

Hinila agad ni Apple sila Tin at Sarah. Alam kasi ni Apple na favorite place nila
yun ni Miggy. Na isip nila na pwedeng ibalik ng time zone yung mga magagandang
memories nila Tin at Miggy.

Pag dating nila agad dun, sa basketball dumeretso sila Sarah.

"Ay hindi ako mahilig mag basketball. Alam ko na! Kevin at Apple mag partner kayo,
tapos si Tin naman at Miggy. Paramihan kayo ng points ah!"

"Gusto ko yan Sarah! Ano game kayo?" Ang laki ng ngiti sa mukha ni Apple.

"Bakit hindi na lang kayong dalawa ni kevin?" hindi feel ni Tin na maka partner si
Miggy.

"Ano ka ba Tin, ang Korni mo. Request naman ni Sarah yun eh. Tara na." Sabi naman
ni Miggy. Waa lang kasi kay Miggy lahat kasi wala siyang alam.

"Okey." Wala na lang din nagawa si Tin.


"Yun oh! Go Miggy at Tin!"

Sabay silang nag swipe ng card. Pareho silang nakaka score. Sa puntong yun malapit
na sa isa't isa si Tin at Miggy. Naisip naman ni Miggy yung mga panahon na nandito
sila ni Tin, naglalaro sila dito hanggang magsara yung timezone. Si Tin din naalala
yun pero nasasaktan pa din siya kasi alam niyang hindi na mauulit yun. Hindi na
ulit to mangyayari. Nag decide na lang siya na i enjoy yung panahon na to, na
kasama niya ulit si Miggy.

"Miggy! Galingan mo naman, matatalo na tayo nila Apple oh!"

"Ikaw nga dyan eh! Ang hina mo tumira! Kahit kelan talaga."

Nakatingin ng palihim yung tatlo sa kanila. Ang laki naman ng ngiti ni Apple kasi
nag uusap na din silang dalawa.

Nung natapos na yung oras nanalo sila Kevin at Apple. Todo effort pa yung dalawa
matalo lang sila Miggy. Sanay na kasi yung dalawa dito sa timezone kasi tambayan
nila to.

"Tignan mo Tin natalo tuloy tayo."

"So kasalanan ko pa? Tara mag One on One na lang tayo."

Nagulat yung tatlo kasi hindi nila akalain na sasabihin yun ni Tin. Akala nila
Apple mag bi-bitter mode to si Tin pero mukhang hindi na.

Nag one on one nga sa basketball sila Tin at Miggy.

Masaya naman yung tatlo na nakikita na nila si Tin na ngumingiti.

'Sana ganyan na lang sila palagi, masaya.'


Nasabi na lang yun ni Apple sa sarili niya. Mahal niya yung dalawa niyang kaibigan,
lalo na si Cristin. Kasama kasi siya sa lahat ng mga napag daanan ng dalawa at alam
niyang deserve ng dalawa na maging masaya.

Nung nag time na, si Tin yun nanalo. Sa totoo lang sinadya naman talaga ni Miggy na
mag patalo kasi gusto niyang makita si Tin na masaya. Hindi pa din naman naalis kay
Miggy yung pagmamahal na meron siya kay Tin. Kahit na  may girlfriend na siya, nag
aalala pa din siya kay Tin.

"Oh paano ba yan Miggy? Talo ka!"

"Oo na, naka tsmba ka lang eh! Dun tayo sa dance revo?" Ngumingisi ngisi pa si
Miggy kay Tin. Na miss din niya yung asarin si Tin.

"Haha! Sige! Akala mo ah! Mas malakas na ko sayo dun!"

Dumeretso agad yung dalawa sa dance revo, hindi na nga nila napansin yung tatlo eh.
Okey lang naman kala Apple yun kasi alam nila na nag wowork yung plano nila.

Nung time naman na yun, si Miggy na yung nanalo.

"Oh paano ba yan Tin? Eh di kakanta ka nyan?"

"Ha? Bakit naman?"

"Talo ka eh! Yun oh! May kakanta sa stage ngayon, tara Kevin hanap na tayo ng
upuan." Nag pout naman si Tin, buti na lang hindi nakita yun ni Miggy.

"Ang daya talaga ng bakulaw na yun!" Napansin naman ni Tin yung tingin ni Sarah at
Apple. Naka ngiti yung dalawa sakanya. Nag iisip na naman "Oh bakit?"

"Wala naman! hehe! Tara?" Hinila na ni Sarah si Tin papunta dun sa stage. Si Apple
naman yun pumili ng kakantahin ni Tin.
Nung nasa stage na si Tin, nakita na niya yung kakantahin niya. Nagulat siya pero
feel din naman niyang kantahin yun.

[I'll Never Go]

"You always ask me Those words i say And telling me what it means to me"

Hindi naman mapigilan ni Cristin na mapatingin kay Miggy. Eto kasi yung theme song
nilang dalawa eh. eto yung paborito nilang kantahin."Every single day You always
act this way For how many times i told you I love you for this is all i know"

'Miggy mahal na mahal pa din kita. Sorry, sorry kasi bumitiw ako noon, sorry kasi
hindi kita nahintay. Sorry kasi nasaktan kita. Miggy Sorry, I'm really sorry'. Yan
na lang yung mga nasabi ni Tin sa isip niya habang kumakanta siya.

"Come to me and hold me And you will see The love i give For you still hold the
key"

Hanggang ngayon ikaw pa din yung mahal ko Miggy.

"Every single day You always act this way For how many times i told you I love you
for this is all i know"

Hindi mapigilan ni Cristina na umiyak pero pinipigilan lang niya dahil alam niyang
nakatingin na din sakanya si Miggy.

"I'll never go far away from you Even the sky will tell you That i need you so For
this is all i know I'll never go far away from you"

Pwede bang wag na lang ako lumayo sayo? Pwede bang hindi na lang kita kalimutan?
Pwede ba yun Miggy? Kung pwede lang sana...

Hindi na tinapos ni Tin yung kanta, bumaba na siya ng stage.

"Pwede bang umuwi na tayo? Hindi na kasi maganda yung pakiramdam ko eh.."

"Ha? Okey, Miggy pwede bang ihatid mo si Tin sa kanila? May gagawin pa kasi kami
nila Sarah. Okey lang ba?"
"Oo naman sige, tara Tin."

Hindi na sumabay yung tatlo kala Miggy, yun naman talaga yung gusto nila eh.
Makapag usap yung dalawa. Aabangan na lang ng tatlo si Tin sa bahay nila, umaasa
yung tatlo lalo na si Apple na magiging okey na lahat pagkatapos neto.

Nung nasa kotse na sila Miggy at Cristin, nakaramdam naman ng pagkailang si Tin.

Nakadating naman agad sila sa bahay ni Tin.

"Okey ka lang ba Tin?"

Hindi alam ni Tin kung anong sasabihin niya.

"Miggy, pwede bang tayo na lang ulit?"

Nung sinabi niya yun, hindi siya tumingin kay Miggy. Naka tingin lang siya sa
harap. Hindi niya din alam kung tama ba na sinabi niya yun..

"Ha? Ano bang sinasabi mo?"

Nalilito si Miggy sa mga sinasabi ni Tin, wala pa din kasi siyang ka alam alam na
wala na sin Dante at Tin.

"Wala na kami ni Dante.."

Natahimik lang silang dalawa. Nagulat din si Miggy sa sinabi ni Cristin. Hindi niya
alam kung matutuwa ba siya o hindi sa sinabi niya. Kaso iba yung nasa isip ni
Miggy, na kaya lang bumabalik ulit sakanya si Tin kasi wala na sila ni Dante. Hindi
niya alam na kaya nag hiwalay yung dalawa dahil sakanya.

"Kagaya ng sinabi ni Popoy, Hindi mo alam kung gaano ko kagustong sabihin sayo


na... “Sana tayo na lang. Sana tayo na lang ulit.” Pero wag. Wag na Tin. Sa tuwing
nararamdaman ko kung gaano kita kamahal, hindi ko maiwasang maradaman ulit lahat ng
sakit. And I’m sorry. Im sorry kung hindi ko na kayang bumalik pa."

May mga luha ng tumutulo sa mata ni Cristin. Hindi naman siya umasa na makikipag
balikan pa nga sakanya si Miggy pero masakit pala kapag harap harapan na.

"Haha! Alam ko.. alam ko.. Don't worry.. Okey lang ako.. Okey lang."

"Cristin.." Sinubukan ni Miggy na hawakan yung kamay ni Tin pero iniwas lang ni Tin
yung kamay niya kay Miggy.

"Sige, ingat ka pauwi."

Bumaba na agad si Tin ng kotse ni Miggy, sinara niya agad yung gate. Pumasok siya
sa kwarto niya. Alam na niya na plano lang lahat to nila Apple, katulad niya gusto
din nila na magkabalikan sila ni Miggy. Kaso wala eh..

Sumandal siya sa kama niya.. dun siya umiyak ng umiyak. Isa lang yung nasabi niya
sa sarili niya..

'Miggy mahal na mahal kita, at nag sakit sakit na.'

Sana bigyan pa ulit tayo ng isa pang pagkakataon kasi kapag dumating yun.. hindi na
kita papakawalan pa...

To be continued..

=================

Chapter 27: Wait for me

Chapter 27: Wait for me


MIGGY POV

"Hi babe." Pag lingon ko nakita ko si Mina.

"San tayo?"

"Canteen na lang."

Ngumiti siya sakin tapos hinila niya ko papuntang canteen. Hindi ko naman talaga
dapat magiging girlfriend si Mina. Nung ginugulo siya ng boyfriend niya sinabi ko
lang na boyfriend niya ko para tigilan na siya ng lalaking yun. Kaso mukhang
sineryoso naman niya, pumayag na lang din para hindi ko maisip si Tin. Isa pa
mabait naman siya eh.

"Ay teka! Andun si Ate Tin!" hinila niya ko papunta sa table nila Tin, kasama niya
si Apple tska si Sarah. Papalapit pa lang kami ni Mina ang sama na ng tingin sakin
ni Apple. "Hi ate! Pwede ba kaming maki upo ni Miggy?"

"Ha? ah.." hindi alam ni Tin sasabihin niya.

"Ano aalis na din kasi.."

"Hindi Apple okey lang, sige upo kayo." Sinamaan ng tingin ni Apple si Tin.

Umupo na lang kaming dalawa ni Mina tapos nilabas niya yung baon niyang pagkain.
Naiilang akong umupo dito, naiilang akong makita si Tin. Pagkatapos ng lahat ng
sinabi niya sakin. Hindi lang ako maka tanggi kay Mina.

"Ate, alam mo ba ang sweet ni Miggy! Hehe ang saya ko nga eh." Ang sama ng tingin
ng dalawang best friend ni Tin kay Mina. Siniko na lang ni Tin yung dalawa, buti na
lang kumakain si Mina kaya hindi niya yun nakita.

"Oo sweet talaga si Miggy.." Napatingin ako kay Tin, hindi ko mabasa kung ano yung
iniisip niya. Hindi ko alam kung nasasaktan ba siya o hindi. Gusto niya ba talagang
bumalik ako? O kaya niya gustong bumalik ako kasi iniwan siya ni Dante? Hindi ko
alam at ayoko ng alamin.

"Miggy, dota tournament pala mamaya baka makalimutan mo pinapaalala ni Kevin." Oo


nga pala, muntik ko ng makalimutan.

"Talaga Ate Apple? Babe sama ako ah?"

"Ha? Oh sige.." tumingin ako sa tatlo pero hindi din sila maka tingin sakin, okey
lang naman siguro na isama ko siya.

"Yey! Mga ate, kain pa kayo oh." Ngumiti si Apple at Sarah kay Mina pero halatang
naiinis sila.

"Sige una na din kami Miggy, Mina. Happy eating." Ngumit siya saming dalawa. Mukha
naman siyang okey..

"Babe! Susunod na lang ako sa shop ah, di ba ayun yung lagi niyong tinatambayan?"

"Ah oo, sige.." Tama bang isama ko pa siya? Andun mamaya yung buong team, hindi ko
pa nasasabi na girlfriend ko si Mina eh.

"Excited na kong i-cheer ka!" Mukha ngang excited siya, ang hyper niya, sabagay
palagi naman eh >.<

"Hehe ang cute mo talaga, kumain ka na nga."

Pagkatapos niyang kumain, hinatid ko siya sa room niya. Wala na akong class kaya
pumunta na lang akong field para mag football. May laban pa naman kami next week
kelangan mag practice na ko. Mga isang oras din siguro ako nag practice, maya maya
nakita ko si Dante naka upo sa gilid. Bukas na lang ako mag pa practice, mukhang
kakausapin ata ako ni Dante. Bigla naman siyang pumunta dun sa tamabayan ni Tin,
Aba gagu siya pa pupuntahan ko ah?

Kinuha ko yung towel ko tapos nag palit ako ng shirt.

"Hoy Dante! May sasabihin ka ba sakin?"

"Meron." napasandal siya dun sa may puno. Umupo na lang din ako habang umiinom ako
ng tubig.
"Ano nag break na kayo ni Tin?"

"Oo nakipag hiwalay siya sakin dahil sayo.." Muntik ko ng maibuga yung tubig na
iniinom ko.

"Ako? Ako yung dahilan? pero bakit?" Tumayo siya tapos humarap siya sa field.

"Malamang kasi ikaw naman talaga yung mahal niya eh, ikaw lang yung minahal niya
Miggy."

So ibig sabihin, hindi siya nakikipag balikan sakin kasi nag break sila ni Dante?
Nakikipag balikan siya sakin kasi na realize niya na ako pala talaga yung mahal
niya? Ginawa niya yun para sakin? Pakiramdam ko nanlumo ako sa nalaman ko.

"Taena, kelan pa? Kelan pa kayo nga break?"

"Isang bwan na." Isang bwan? eh isang linggo pa lang kami ni Mina eh! Anak ng.

"Bakit hindi niya agad sinabi?"

"Hindi ka niya makita eh, bakit?"

"Kasi.. may girlfriend na ko eh.." Sinamaan ako ng tingin ni Dante tapos binatukan
niya ko. Taenang lalaki to! Sasapakin ko siya eh.

"Gagu ka pala eh! Nag girlfriend ka ka agad?"

"Eh malay ko ba! Tska hindi ko naman planado yun.. Aish!" Napapakamot ulo na lang
ako eh.

"Oh paano na yan?"

"Hindi ko alam, gagu ka kasi umextra ka pa samin ni Tin!"

"Haha ako pa sinisi mo! Baka hindi lang talaga kayo para sa isa't isa!" Taena lakas
mang asar neto ni Dante.

"Umalis ka nga! Letche!"


Umalis na lang ako dun, mabuti pa makapunta na ng shop. Baka nandun na yung team
eh.

Pag dating ko sa shop nandun na yung buong team. Nandun na din sila Tin tska yung
team nila.

"Miggy ang tagal mo naman?"

"Sorry kevs nag practice pa ko ng soccer." napalingon ako kay Tin, ngumiti siya
sakin kaya ngumiti na lang din ako. Medyo awkward nga eh, taena kasi na aalala ko
yung sinabi ni Dante kanina.

Nauna yung laban ng mga babae. As usual, yung team nila Tin yung lalaban sa finals.
Habang naglalaro sila ang daming nakapalibot kay Tin na mga lalaki. Hindi ko alam
kung anong nag tulak sakin na lumapit kay Tin, tapos pina alis ko yung mga
nakapalibot sakanyang lalaki. Sinamaan nila ko ng tingin pero sino ba tinatakot
nila? Migg ata to.

Napalingon sa likod si Tin, nakita niya ko kaya napa ngiti lang ako. Amp! bakit
ganito? bumibilis tibok ng puso ko kapag mag kaka tiginan kami.

Habang nag lalaro siya, hindi ko maiwasan na humanga. Malaki na kasi yung
improvement ni Tin sa pag dodota. Dota siguro ng dota tong babaeng to nung nawala
alaalala ko. Sabi ko sakanya bawal siya mag dota kapag hindi ako kasama eh.

Hindi na kelangan ng rematch kasi 2-0 yung score, panalo sila Tin.

"Congrats, ang galing mo na mag laro ah?"

"Haha! practice kasi ng practice eh. Goodluck sa laban niyo."

"Thank you."

Nung nag start na kaming maglaro, nakakapanibago bigla. Dati kasi kada may laban
kami nasa tabi ko lang si Tin nag chi-cheer sakin pero ngayon wala na. Bigla ko
namang na alalala. Ano bang nangyayari sakin ngayon?
Nung nasa finals na kami, inaantay ko si Mina pero hindi siya dumating. Kapag
tumitingin ako sa kaliwa ko nakikita ko si Kenneth kasama yung girlfriend niya,
kapag sa kanan naman si Kevin tska si Apple. Anak ng teteng! Ang loner ko naman,
haha!

"Goodluck." pag lingon ko sa likod napa ngiti ako.

"Thank you Tin."

Hindi ko maintindihan sarili ko. Ginanahan ako bigla maglaro sa simpleng goodluck
ni Tin. Kaya ayun panalo kami.

"Celebrate naman tayo! Parehong nanalo team natin eh!"

"San naman tayo pupunta Apple?"

"Inom tayo! Ang tagal ko ng hindi umiinom eh!" nag agree naman silang lahat,
maliban kay Tin na walang reaksyon. Nilapitan ko siya.

"Hindi ka sasama?"

"Hmm baka hindi na.." bigla akong nalungkot, ewan gusto ko siyang kasama mamaya eh.

"Sama ka na! Minsan lang naman to eh. Apple oh! ayaw sumama ni Tin."  lumapit naman
agad samin si Apple.

"Ha? Hoy bakla wag kang KJ! sumama ka." hinila niya si Tin papasok sa kotse ni
Kevin. Ang sama tuloy ng tingin sakin ni Tin, haha.

Sa padis lang kami pumunta. Nag order sila Apple ng ng Walang bucket ng red horse
tapos pulutan. Nasa isang table na mahaba lang kami. Sa kabilang side si Kenneth
tska yung girlfriend niya, si Apple tska Kevin tapos si Ryan. Sa side naman namin
si Abby tska Rose, si Tom, Si Sarah katabi si Tin tska ako. Buti naman katabi ko si
Tin.

Naubos agad namin yung tatlong bucket kaya nag order pa ulit sila ng dalawang
bucket.
"Ang sarap mag chill ulit tapos kumpleto tayo nuh? Buti nandito na ulit si Miggy."
sabi Kenneth.

"Sensya na mga dre, nag ka amnesia yung kuya niyo eh. Okey lang yan, palagi na ulit
tayo mag chi-chill just like the old times."

"Yun oh! Miggy yan eh! Cheers tayo!"

"Eh kamusta na kayo Tin?"

Muntik ko na maibuga yung iniinom ko. Inubo naman si Tin sa sinabi ni Ryan. Lintek
talaga tong lalaki na to, wala sa timing eh.

"Alam mo Ryan kahit kelan ka talaga!"

"Bakit?" 

"Wala uminom ka na lang dyan! Ang daldal mo na, lasing ka na ba?"

"Ha? Hik.. hindi ah?" binatukan siya ni Apple tapos nag tawanan kaming lahat.

After maubos yung tirang bucket nag order na lang sila ng dalawang bucket ng san
mig light. Bigla naman tumayo si Tin tapos nandun lang siya sa veranda nakasandal.
Sinenyasan naman ako ni Kevin tska ni Apple na sundan ko si Tin.

Nung pagkalapit ko sakanya parang ang lalim ng iniisip niya.

"Anong iniisip mo?" nagulat siya ng bakita niya ko. Tumigin ulit siya sa langit.

"Nagagandahan lang ako sa mga stars ngayon.." Tumingin ako sa isang star, yung star
na pinaka matingkad. Naalala ko yung star, yung star na niregalo ko sakanya.

"Naalala mo pa ba yung star na pinangalan ko sayo?"


"Oo.. palagi ko siyang nakikita kapag nalukungkot ako. Nakakatawa nga nuh? hindi ko
alam kung coincidence lang o talagang nandyan siya lagi para sakin.." 

Halata ko sa mga mata niya na nalulungkot siya, na nasasaktan siya. Hindi ko din
maiwasan na masaktan. Hinawakan ko yung kamay niya, hindi ko muna inisip na may
girlfriend ako o ano pa. Gusto ko lang ngayon hawakan yung kamay ni Tin.

"Miss na kita Tin.. miss na miss na kita." Kusa na lang siyang lumabas sa bibig ko,
hindi ko mapigilang sabihin yun sakanya. Inalis niya yung kamay ko sa kamay niya.

"Miggy may girlfriend ka na. Mali to." hinawakan ko ulit yung kamay niya.

"Pwede ba kahit ngayon lang, kalimutan muna natin yun?"

"Miggy hindi lasing ka lang eh.." tumalikod siya sakin pero hinila ko siya
papalapit sakin. Niyakap ko siya, niyakap ko siya mahigpit.

"Kahit ngayon lang Tin, hayaan mo kong hawakan ka, yakapin ka.."

"Miggy.."

"Sorry, sorry kung nasasaktan kita. Hindi ko alam kung bakit pareho tayong
nasasaktan ngayon kahiy alam naman nating dalawa na mahal pa din natin yung isa't
isa."

"Wag mo na kong pahirapan Miggy, sinusubukan ko na ngang kalimutan lahat ng meron


tayo eh kasi ang sakit sakit na eh. Hayaan mo na ko.." 

Naramdaman kong may luhang tumulo sa balikat ko. Hinarap ko siya sakin tska ko
nakita yung mukha niya. Pinunasan ko agad lahat ng luha sa mata niya.
"Di ba sabi mo sayo, ayokong nakikita kang umiiyak?"

Hindi pa din siya nag salita. Hinawakan ko yung mukha niya..

"Tin hintayin mo ko, aayusin ko lahat ng to. Hintayin mo lang ako babalik ako.."

"Miggy anong gagawin mo?"

"Gagawin ko yung bagay na dapat matagal ko ng ginawa.."

Tinignan ko lang si Tin sa mata niya. Lumapit ako sakanya tska mo siya hinalikan.

Sobrang tagal ko nang hindi to nagawa. Ang tagal ko siyang hindi nahawakan, nayakap
tska nahilakan..

Isa lang yung pinatunayan ng nararamdaman ko ngayon, mahal ko pa siya. Mahal ko pa


si Tin.

"Hintayin mo ko.."

Umalis agad ako para gawin yung kelangan kong gawin. Hintayin mo lang ako Tin,
tutuparin ko yung pangako natin...
Tin-Miggy forever.

To be continued..

 ______________________Author's Note:Sa Monday po ako ulit mag uupdate! Sorry po


slow update lang siya eh. Sana nagustuhan niyo ^__^

=================

Chapter 28: Tin-Miggy forever

Chapter 28: Tin-Miggy forever

MIGGY POV

Alam kong tama tong gagawin ko, masasaktan ko si Mina pero kung hindi ako makikipag
break sakanya ngayon mas masasaktan ko lang siya.

"Hi babe? kanina ka pa?" hinawakan niya agad yung kamay ko.
"Hindi ngayon lang, pwede ba tayong mag usap?" binitawan niya yung kamay ko,
mukhang nag alala siya bigla sa sinabi ko.

"About saan? may problema ba?"

"May gusto lang akong sabihin, tara?" hinila ko agad siya papunta sa gilid ng
field. Maganda dito walang msyadong tao.

"Ano ba yun babe?" huminga muna ako ng malalim, natatakot ako sa magiging reaksyon
niya.

"Mina, maganda ka. Mabait, sweet tska understanding. Hindi ganun kahirap mag
kagusto sayo.." pinutol niya yung sasabihin ko.

"Makikipag break ka ba?" hindi ako mkatingin sakanya, hindi ko alam kung paano to
sasabihin ng maayos.

"Sorry Mina.."

"Bakit Miggy? wala naman akong ginawang kasalanan sayo di ba? Hindi naman ako nag
kulang sayo. Kung mag kulang man ako sabihin mo lang gagawin ko lahat para hindi mo
ko iwan." hinawakan niya yung kamay ko, umiiyak na siya. Amp talaga! ayoko ng
ganito eh.
"Hindi ikaw yung may kasalanan, ako. Sorry Mina pero hindi ka nag kulang sakin, ako
lang talaga yung may problema." binitawan niya yung kamay ko. Tumayo siya, galit na
galit yung mukha niya.

"Si Cristin ba yung dahilan?!"

"Oo siya, kasi na realize ko na mahal ko pa din pala siya. Kasalanan ko to Mina,
patawarin mo ko. Hindi ko gustong saktan ka." nilapitan ko siya.

"Hindi mo ko gustong saktan pero ano tong ginagawa mo?! sinasaktan mo na mo Miggy!
Ginawa mo lang akong panakip butas tapos ano? itatapon mo na ko ngayon kasi nalaman
mong mahal ka pa din niya?"

Oo alam ko kasalanan ko to. Tama naman si Mina eh, ginawa ko siyang panakip butas.
Akala ko makakalimutan ko si Tin kapag naging girlfriend ko siya. Kaso hindi eh,
hindi pala. Hindi ko na alam yung gagawin ko ngayon. Ayoko talaga siyang saktan
pero mas sasaktan ko siya kung hindi ako makikipag hiwalay. Kung pwede ko lang
sanang ibalik yung dati..

"Patawarin mo ko Mina pero mas makakabuti to para sating dalawa.." pinunasan niya
yung luha sa mata niya. Tinignan niya ko na para bang kinakamuhiaan niya ko.

"Para sayo lang to Miggy! Para sayo lang!"

"Sige sampalin mo ko, saktan mo ko, gawin mo lahat sakin para naman mawala yung
galit mo. I know I deserve it." Sinamapal niya nga ko. Alam ko gusto niya pa kong
sampalin ulit pero pinipigilan lang niya yung sarili niya.
"Sinaktan mo ko Miggy, hindi pa sapat yung sampal na yan. Pagbabayaran mo to, at
sisoguraduhin ko na hindi kayo magiging masaya ni Tin!" Kinuha niya yung gamit niya
tapos umalis siya.

Sa sobrang galit ko sa sarili ko sinuntok ko yung pader. Anong klaseng lalaki ba


ko? Napaka wala kong kwenta. Ayoko siyang saktan pero eto naman talaga yung mas
makaka buti para sakanya. Nakita kong dumudugo yung kamay ko pero wala akong
maramdaman. Binalutan ko na lang ng panyo yung kamay ko. Pupunta na lang ako sa
lugat na alam kong matatahimik ako.

Ang ganda talaga dito, tahimik lang, maganda yung tanawin. Madami pa kong maganda
memories dito..

Tinignan ko yung punong sinasandalan ko. Naalala ko pa nung inukit ko to sa puno na


to.

Tin-Miggy foreverKapag nag break dinaya

Ang tagal na din nung inukit ko to dito. Parang kelan lang nandito kami ni Tin,
nakahiga siya sa dibdib ko habang naka tingin kami sa langit. Masaya pa kami noon,
masayang masaya. Hindi ko nga alam bakit nag ka ganito kami ni Tin, gumulo lahat.
Madaming nadamay, madaming nasaktan pero isa lang naman yung gusto ko eh. Sana kami
pa din, kami pa din sa huli pagkatapos ng lahat ng mga nangyari.

"Miggy?" pagtalikod ko nakita ko si Tin. Anong ginagawa niya dito?

"Bakit andito ka?" lumapit siya sakin.


"Dapat ikaw yung tinatanong ko nyan, bakit ka nandito?" umupo siya sa tabi ng puno.
Tumabi din ako sakanya.

"Masama bang pumunta mo dito?"

"Oo masama. Alam mo namang lugar natin to dati di ba? kapag nakita ka ni Mina
dito.." hinawakan ko yung kamay niya.

"Wala na kami, nakipag hiwalay na ko sakanya." tumingin siya sakin na gulat gulat.

"Bakit mo ginawa yun?!" mukhang nag aalala siya kay Mina. Sabagay kaibigan niya nga
pala yun.

"Tin hindi ko naman talaga siya mahal.. mas mabuti na yun."

"Hindi mo siya mahal? pero bakit naging kayo?!" sa tingin niya sakin mukhang galit
siya.

"Nung nakita mong ginugulo siya nung ex bf niya, hindi ko naman talaga siya
girlfriend nun. Tutulungan ko lang sana siya nung panahon na yun pero nakita kita,
nakita ko na parang masaya ka pa na makitang may iba na ko. Nagalit ako, kaya
pinangatawanan ko na lang. Sinusubukan din kitang kalimutan nun."

"Alam mo naman siguro na nasaktan mo si Mina?"

"Oo alam ko pero mas nasasaktan ako!" tumayo siya, parang sinasabi niya sa tingin
niya sakin na hindi siya makapaniwala sa mga ginawa ko.

"Paano ka nasaktan?"

"Nasasaktan ako kapag nakikita kita. Gustong gusto kitang hawakan, yakapin,
halikan. Lahat yung hindi ko magawa! Tin, mahal pa din kita kaya ko ginawa to.
Ayoko ng lokohin yung sarili ko." naka tingin lang siya sakin, mukhang hindi siya
makapaniwala sa mga sinabi ko.

"Miggy mali to eh, may nasasaktan tayo. Mali to.." tumalikod siya sakin pero
pinigilan ko siya.

"Anong mali dito? Tin mahal pa din kita at alam kong mahal mo pa din ako! please
naman wag na nating lokohin yung sarili natin."
"Pero.." hinawakan ko yung mukha niya, tinitigan ko siya sa mata niya.

"Kung para sayo mali to, sige sabihin mo sa harap kong hindi mo ko mahal, babalik
ako kay Mina." hindi siya mkatingin sakin.

"Miggy.."

"Tin mahal mo pa din ba ko?" hindi ko pa din inaalis yung tingin ko sakanya.

"Oo Miggy.. mahal pa din kita."

"Tin papayag ka bang maging tayo ulit?" Kita ko sa mata niya na nag aalangan siya.

"Kaso paano sila.." pinigilan ko siyang magsalita.

"Pwede ba, tayong dalawa muna isipin natin? Tin mahal naman natin yung isa't isa
eh.."

"Sige." tiginan ko siya, nakikita ko na yung ngiti niya. Hindi ko na din tuloy
mapigilan na mapangiti.

"Wuhoo!!! Kami na ulit!" sa sobrang saya ko napapatalon na ko dito.

"Huy Miggy tigilan mo nga yan!" 

Lumapit ulit ako sakanya, niyakap ko siya. Niyakap ko siya ng sobrang higpit. Ang
tagal ko ng gustong gawin to. Yung mayakal ko siya.

"I love you pudge.."

"I love you too pudge.."


Hinarap ko siya, ang tagal kong hinintay yung panahon ma mangyayari ulit to...

Hinalikan ko siya. Pakiramdam ko kaming dalawa lang yung tao dito. Ang sarap sa
pakiramdam na kami na ulit, na pwede ko na ulit tuparin yung pangako ko sakanya. Na
hindi ko siya iiwan, na kami lang forever. Kapag nag break dinaya..">Break up

To be continued..

_________________Author's Note:Ngayon pa lang super thank you kasi hanggang dito


sinuportahan niyo to.And malapit na yung grand ending niya kaya salamat talaga!
Mahal ko kayo <3

=================

Chapter 29: Her Threat

Chapter 29: Her Threat

TIN POV

"Good morning.." ang aga aga naman may gumigising sakin, antok pa kaya ako.
"Pudgeee gising na.." pudge daw? wag mong sabihin na.. *dilat mata*

"Miggy? bakit andito ka?" waaa baka mamaya tulo laway pa ko dito huhu.

"Lagi naman kitang ginigising dati ah? tayo ka na dyan nag luto ako ng breakfast.."

Nakatingin lang ako kay Miggy, ano ba yan! ang aga aga ang gwapo ng pudge ko, hehe.
Parang bumalik kami sa nakaraan, yung dating kami na masaya. Ang sarap sa
pakiramdam na ganito na ulit kami. Yung gigisingin niya ko sa umaga tapos
ipagluluto pa niya kami ng breakfast. After all the tears and heartaches, pwede pa
din pala kaming maging masaya ulit ni Miggy. Hindi ko tuloy mapigilan na ngumiti.

"Oh bakit naka ngiti ka dyan?"

"Wala lang pudge.. na miss ko lang yung ganito. Na miss lang kita ng sobra."
lumapit siya bigla sakin, malapit na malapit. Waaa! anong gagawin mo Miggy?

"Na miss din kita sobra.." tapos hinalikan niya ko. Huhu nakakahiya naman kaka
gising ko pa lang eh. Kaso feeling ko ang nag iinit yung pisngi ko, hindi pati
buong paligid nag iinit.

"Baliw ka talaga pudge! paano na lang kapag nakita tayo dito nila Mama?" umupo siya
sa tabi ko tapos tumawa siya.

"Ano naman? Boyfriend mo naman ako eh." tapos kumindat siya sakin. Pasaway talaga
to si Miggy! "Tara na?"

"Okey, na miss ko na yung luto mo eh. Mauna ka na mag hihilamos lang ako."

Bumababa na si Miggy tapos pumunta naman ako sa banyo ng kwarto ko tapos nag ayos
ako. Ang panget ko, buhaghag yung buhok ko. Nakakahiya kay Pudge, ang gwapo gwapo
pa naman niya. Haha!

Pag baba ko ng kwarto nasa mesa na silang lahat. Si papa, mama, Kuya Ace tska si
Miguel. Ang daming niluto ni Miggy, mukhang masarap lahat.
"Princess buti naman may taga luto na tayo ulit." ang laki ng ngiti ni kuya. Tss!
sabihin niya may utusan na naman siya.

"Kuya! hindi natin taga luto si Miggy!" kahit kelan talaga to si Kuya Ace
kinakawawa yung Pudge ko.

"Ate ang sarap talaga ng luto ni Kuya Miggy! buti na lang nag kabalikan na kayong
dalawa." umupo ako sa mesa katabi si Miggy. Nilagyan agad yung plato ko ng pagkain.

"Sabihin mo Miguel masaya ka kasi may mag tuturo na ulit sayo mag Dota!" nag pout
siya bigla.

"Hindi kaya! hindi ko na kelangan ng tutor sa dota. Masaya naman kaming lahat eh,
di ba Papa?" tumango lang si papa.

"Miggy masaya ako na kayo na ulit ni Cristin." naka ngiti saming dalawa si Papa.
Wow ha masaya talaga si Papa, hehe buti naman.

"Masaya din po ako Tito, alam niyo naman po na kayo na yung second family ko."
natahimik kaming lahat sa sinabi ni Miggy. Tama siya kami na yung second family ni
Miggy, lalo na ngayon na wala na yung daddy niya.

"Welcome ka naman sa pamilya namin Miggy, masaya din ako kaso sayang din talaga si
pogi.." nanlaki agad yung mata ko sa sinabi ni Mama.

"Mama!" ay nako ano ba naman to si Mama! panira ng moment, buti na lang hindi niya
binanggit yung pangalan ni Dante.

"Haha! nag bibiro lang naman ako." nagtawanan na lang kaming lahat, si mama talaga
oh.

Tumingin sakin si Miggy na nagtataka, sinabi ko na lang na wala lang yun. Hindi
niya kasi alam na pogi yung tawag ni Mama kay Dante. Hehe seloso pa naman to si
Miggy kaya mas mabuti pang hindi na niya malaman.

Ang dami kong nakain, mas lalo pang sumarap yung luto ni Miggy eh. Pagkatapos
naming kumain, nagpaalam na kami ni Miggy kala pala. Dumretso agad kami sa school
tapos nakita namin si Apple tska Sarah.
"Totoo ba to?" gulat na gulat si Apple nung makita niya yung kamay namin ni Miggy
na magka holding hands.

"Kayo na ulit?" nagulat din si Sarah pero naka ngisi siya samin ni Miggy, nag ka
tinginan kaming dalawa ni pudge tapos tumawa kami.

"Obvious ba?" sabay pa kami nag sabi nun.

"OMG! I'm so happy!" niyakap ako ni Apple, mukha nga talaga siyang masaya ah.

"Hoy Apple OA mo ah! Waaa Tin I'm so happy din for you and Miggy!" lumapit siya
tapos niyakap niya din ako. Tignan mo to, ganun din siya eh.

"Thanks mga bakla, masaya din ako okey na kami ni Miggy." tumingin ako kay Miggy
tapos ngumiti ako sakanya.

"Pudge, una na pala ko sa class ko. Malate na ko eh, kita na lang tayo mamaya."
lumapit siya sakin tapos bumulong siya. "I love you."

"I love you too." ngumiti siya sakin tapos hinalikan niya ko sa pisngi.

"Sige Apple, Sarah! Una na ko ah." nag wave si Miggy tapos umalis na din siya.
Pagka lingon ko dun sa dalawa naka ngiti sila sakin, yung ngiting nakakaloko.
Waaaa! ano na naman trip ng dalawang to?

"Ayieee! Ang cheesy niyo ah!" hala adik talaga to si Apple. Nang asar na naman.
-___-

"Ako na naman nakita niyo ah! kahit kelan talaga--" muntik na ko matumba dahil dun
sa bumangga sakin. Grabeng bangga yun, akala mo sinadya eh. "Ouch!"

"Hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo!" pagkakita ko nagulat ako. Hindi dahil
si Mina yung naka bangga sakin, nagulat ako kasi ibang iba yung ugali na pinapakita
niya ngayon. Expected ko na mag so-sorry siya pero hindi.

"Hoy Mina! ikaw kaya yung hindi tumitingin sa dinadaanan mo!" galit na galit si
Sarah.

"Ako? eh paharang harang kayo sa daanan eh." hindi ko talaga maintindihan bakit
ganyan makipag usap samin si Mina, galit ba siya samin? sakin?
"Sorry Mina." napa tingin siya sakin, parang naiirita siya na makita ako.

"Anong magagawa ko sa sorry mo? natapunan na ko ng juice eh, mang aagaw na nga
tanga pa." lumapit agad sakanya si Apple, tinulak niya sa braso si Mina.

"Hoy babae anong karapatan mong sabihan si Tin na mang aagaw ha?! tska kung
tumitingin ka sa dinadaanan mo tingin mo mababangga ka?! ikaw yung tanga!" nagulat
kaming tatlo kasi tinulak din ni Mina si Apple, napa atras naman si Apple.

"Totoo naman ah! inagaw niya sakin si Miggy! pagkatapos niyang ipag palit si Miggy
kay Dante, babalik siya na parang wala lang?! kung hindi muna kasi siya lumandi.."
sinampal ni Apple si Mina, pagkatapos nun sinampal din siya ni Mina tapos nag
sabunutan sila. Inawat namin agad ni Sarah si Apple, inawat naman ng mga kaibigan
niya si Mina. Napa tingin samin yung mga studyante na dumadaan.

"Kasalanan ba ni Tin na mas pinili siya ni Miggy?! at for your information hindi ka
naman talaga minahal ni Miggy! ginawa ka lang niyang panakip butas kaya wag ka mag
mataas samin!" ang lakas ni Apple, hindi naman siya mapigilan ni Sarah, galit na
galit talaga siya.

"Masaya kami ni Miggy! Minahal niya ko! malandi lang talaga yang kaibigan mo kaya
naakit niya ulit si Miggy ko!" galit na galit din siya, titingin siya kay Apple
tapos babalik yung tingin niya sakin. Parang papatayin niya kami sa tingin niya.

"Wag ka ngang mag ilusyon! tingin mo kung masaya talaga siya at kung mahal ka niya
makikipag hiwalay ba siya sayo?! wake up girl!" pinag titinginan na kami ng mga
studyante.

"Apple tama na, tara na." hinila namin si Apple palayo kala Mina. Grabe tong
babaeng to, ayaw pa awat.

"Hindi pa tayo tapos tandaan niyo yan!" sigaw samin ni Mina.

"Hindi ako natatakot sayo freak!"

Nung nakalayo na kami dun binitawan na din namin ni Sarah si Apple. Grabe ang sakit
ng katawan ko dun, ayaw pa awat neto ni Apple.

"Hindi niyo dapat ako pinigilan eh! kakalbuhin ko yung babaeng yun eh!" kahit kelan
talaga may pagka amazona to si Apple.
"Hoy Apple, kung makapag react ka akala mo.ikaw yung inaaway ni Mina eh si Tin kaya
yun!" umupo kami sa table, nasa tables kami sa tabi ng field.

"Alam mo naman si Tin Sarah hindi yan lalaban, kaya ako na lang. Ang kapal nga ng
mukha ng batang yun akala ko mung una mabait siya, yun pala maldita siya. Plastik!"

Hindi ako makapag react sa sinabi ni Apple. Nagulat din naman kasi ako sa inasal ni
Mina. Hindi siya ganun eh, mabait yung Mina na nakilala ko pero pumasok din naman
sakin yung dahiln ng inaasal niya. Kung ako din naman yung nasa kalagayan niya
magagalit din ako at iisipin ko din na naagawan ako. Nung nakipag balikan ako kay
Miggy, hindi ko naisip na may masasaktan kami. Nalilito tuloy ako, ano bang gagawin
ko? hindi ko na kayang pakawalan pa ulit si Miggy pero ayoko din naman na magalit
sakin si Mina. Kaylangan siguro kausapin ko siya, kelangan ko humingi ng sorry.

"Bakla, alam ko na nasa isip mo, wag mo ng subukan mag sorry kay Mina, she doesn't
deserve it."

"Apple nasaktan ko siya eh, kelangan kong humingi ng sorry." sinamaan ako ng tingin
ni Apple.

"Hindi mo kasalanan na nakipag break si Miggy sakanya! hindi mo naman sinabi yun
kay Miggy! desisyon yun ni Miggy!" pinatong ko na lang yung ulo ko sa table. Ano
bang gagawin ko?

"Tin, hayaan mo na yun. Mina will get over that. Mahalaga naman masaya na ulit kayo
ni Miggy eh."

"Basta wag kang mag sorry sakanya ha!"

Napatingin ako kay Apple at Sarah, tumango na lang ako. Alam ko naman hindi nila
ako titigilan hanggat hindi ako pumapayag.

Buong araw hindi nawala sa isip ko si Mina. Iniisip kp yung sinabi nila Apple at
Sarah pero buo na talaga yung isip ko. Kelangan kong mag sorry kay Mina, bahala na
kung tanggapin niya o hindi basta alam ko kelangan kong gawin yun. Nung uwian ko na
nag text ako kay Miggy na may kelangan pa kong bilhin sa grocery kaya nauna na ko,
may klase pa kasi siya eh.
Kabisado ko na yung schedule ni Mina kaya nakita ko agad siya. Nung nakita ko na
mag isa na lang siya tska ko siya nilapitan.

"Mina pwede ba tayong mag usap?" tinignan niya ko, naka taas yung kilay niya sakin.

"Nag uusap na tayo. Bakit anong kelangan mo?"

"Gusto ko sanang mag sorry.. hindi ko sinasadya na.." hindi niya ko pinatapos sa
sasabihin ko.

"Ganyan ka naman di ba? Hindi mo sinasadya, wala kang kasalanan, wala kang
ginagawa. Tingin mo maniniwala ako? kung hindi mo sinasadya sana hindi ako iniwan
ni Miggy!" lumapit siya sakin, ang sama ng tingin niya sakin.

"Alam ko galit ka sakin, naiintindihan naman kita eh. Kung ako din yung masa
kalagayan mo magagalit din ako pero mag so-sorry pa din ako. Mina sorry, maniwala
ka sa hindi wala akong intensyon na agawin sayo si Miggy." mas lumapiy siya sakin,
napaatras naman ako.

"Inagaw mo na siya sakin pero wag ka mag alala kasi gagawin ko lahat para bumalik
siya ulit sakin." ngumiti siya sakin, sobrang lapad ng ngiti niya. Iniwan niya ko
dun na nag iisa, nakatulala. Yung mabait na Mina na nakilala ko nun wala na.

"Tin?"

Napalingon ako sa likod ko.

"Alyssa?"

To be continued..
______________Author's Note:Hello guys, 6 chapters to go. Pag pasensyahan niyo na
kung matagal yung Ud ko. Ang hirap mag isip ng magandang ending eh. Sana magustuhan
niyo. ^____^

=================

Chapter 30: Unexpected

Chapter 30: Unexpected

TIN POV

"Parang kelan lang, mag ka away tayo nuh.." sabi niya habang malayo yung tingin.
Nandito kami sa tambayan ko. "Parang kelan lang galit ako sayo." napatingin ako kay
Alyssa.

"Ngayon ba hindi ka na galit sakin?" tumawa siya ng mahina.

"Na realize ko na sayang yung ganda ko kung magagalit lang ako sayo." natawa kaming
pareho. Hindi pa din nawawala yung pagkamaldita niya.

Ilang minuto din kaming natahimik na dalawa ni Alyssa. Tama nga siya, parang kelan
lang nung nag sasagutan kami, nung nag tatarayan kami, nag aagawan sa iisang
lalaki. Ngayon ibang iba na, parang payapa nga ako na katabi ko siya ngayon eh.
Nakakapanibago pero masaya ako, at least hindi na siya galit sakin. Honestly mas
gusto ko pa ngang maging mag kaibigan kami. Alam kong maldita siya pero alam ko din
na may part din sakanya na mabait siya.

"Alam kong huli na para sabihin ko 'to. Baka matawa ka pa nga eh.. pero Tin,
sorry." hindi ako natawa, nagulat ako. Si Alyssa nag so-sorry sakin? Anong nakain
niya? "Sorry sa lahat. Alam ko naging masama ako sayo pero sana patawarin mo pa din
ako."

"Kalimutan na natin yun.." nagulat siya sa sinabi ko. Yung expression nang mukha
niya hindi makapaniwala. "Ano ka ba? past is past noh." ngumiti lang ako sakanya.
Ang tagal ko nang nakapag move-on dun eh isa pa hindi ako marunong mag tanim ng
galit.

"Bakit ba kasi ang bait bait mo? Leche ka talaga!" ngumiti lang din siya sakin
tapos natahimik na naman kaming dalawa. "Kamusta kayo ni Miggy?"

"Okey lang." napatingin siya sakin. Tinarayan pa ako, anong problema sa sinabi ko?

"Okey lang? Yun lang? hindi ka ba masaya?"

Napatingin ako sa malayo. Masaya? Oo masaya ako pero parang hindi ko kayang maging
masaya ng lubusan kung alam kong may nasasaktan ako. Lalo na kapag naiisip ko si
Mina.

"Paano ka magiging masaya kung may nasasaktan ka naman?"


"Sino? yung ex ni Miggy? yung Mina?"

"Oo siya nga.." napa buntong hininga na lang ako. Kapag naiisip ko siya na guilty
ako. Inagaw ko nga ba talaga sakanya si Miggy? "Hindi ko naman siya masisisi,
minahal lang din niya si Miggy."

"Kung mahal niya talaga si Miggy maiintindihan niya sayo siya masaya. Sayo masaya
si Miggy at ikaw yung mahal niya."

Hindi ako makapaniwala, si Alyssa ba talaga yung kausap ko ngayon? Ibang iba na
siya. Mas nag matured siya kumpara dati. Wala na akong makitang galit sakanya.
Parang ibang tao na yung kaharap ko ngayon. Muntik na ko mag nose bleed sa mga
sinabi niya sakin.

"Bakit Tin? balak mo bang isuko si Miggy?"

Napaisip ako sa tanong niyang yun. May balak ba akong isuko si Miggy para lang wala
akong masaktan? Hindi, hindi ko kaya. Isa pa pinangako ko na sa sarili ko na kapag
bumalik siya sakin, hindi ko na ulit siya papakawalan pa. Isang malaking tanga na
lang siguro ako kung papakawalan ko pa siya.

"Mahal ko si Miggy, mahal na mahal ko siya."

"Yun naman pala eh, eh di mabuti. Wag kang mag pa apekto dun sa Mina na yun.
Katulad ko lang siya dati, bitter. Haha!" hindi ko napigilan yung sarili ko na
matawa sa sinabi ni Alyssa. Loka loka talaga 'tong babae na 'to eh.
"Salamat Alyssa, hindi ko akalain na magiging okey pa tayo."

"Gusto ko na kasing maging mabait eh, sawa na ko maging kontrabida. Isa pa gusto ko
na din bumalik sa dating ako para bumalik na din sakin si Dante." natigilan ako
nung marinig ko yung pangalan ni Dante. Matagal ko na din siya hindi nakikita,
matagal ko na din siyang hindi nakakausap.

"Uy kayo ah, muling ibalik?" ngumisi ako sakanya, sa huli pala kay Dante pa din ang
bagsak niya.

"Kung maiibabalik pa. Ikaw kasi eh! umepal ka pa sa love story namin! haha joke!"
nag peace sign siya tapos tinawanan ako. Baliw talaga oh.

"Alam mo lukaret ka talaga! Ikamusta mo na lang ako sakanya."

"Oo ba, sige! Masaya ko na okey na tayo. So ano? friends?" inabot niya sakin yung
kamay niya.

"Friends."

Hindi ko alam kung tama ba yung ginawa ko, yung pagkatiwalaan si Alyssa. Sa dami ba
naman ng ginawa niya sakin dati. Kaso ramdan ko na sincere siya sa lahat ng sinabi
niya. Wala naman masama kung magtiwala ako ulit di ba?

"Basta Tin, wag mo ng pakawalan si Miggy ah? kakalbuhin talaga kita!" tumawa ulit
siya tska siya tuluyang umalis.
Pakawalan si Miggy? hindi ko naman kayang gawin yun eh. Nangako na ko sa sarili ko
na kapag bumalik ulit sakin si Miggy hindi ko na siya bibitawan pa. Alam ko eto na
yung second chance na hinigingi ko noon kay God. Hindi ko sasayangin yung chance na
binigay sakin, samin ni Miggy.

--

MINA POV

"You're Mina?"

"Yes I am." ngumiti ako sakanya, kung may isang bagay man na makakapag pabalik kay
Miggy sakin, eto yun. "Ikaw yung ate ni Miggy di ba?"

"Oo ako nga, anong kaylangan mo sakin?" hindi siya mukhang mabait pero ayos lang
din naman sakin.

Inalam ko sa bestfriend ni Tin lahat ng meron sakanila ni Miggy dati. Mabuti na


lang talaga patay na patay sakin si Renz. Nalaman ko na ayaw na ayaw sakanya ng ate
ni Miggy dati pa. Para sa ate niya, si Tin yung may dahilan kung bakit namatay yung
daddy nila. Alam ko kinakamuhian niya si Tin at magagamit ko yun laban sakanya.
Sabi ko naman kasi sayo Tin, mapapasakin din ulit si Miggy. Masyado mo akong
minamalait.
"Alam niyo po bang nag kabalikan na si Tin at Miggy?" muntik na niya maibuga sa
harap ko yung kape na iniinom niya.

"What?!" may galit na agad sa tono ng boses niya, sabi na nga ba eh ayaw niya
talaga kay Tin. Hindi ako nag kamali kay Renz. "At ano namang kinalaman mo sa
kapatid ko?"

"Ako po yung ex-girfriend ni Miggy." tinaasan niya ako ng kilay. Mataray nga talaga
siya tulad ng sinabi sakin ni Renz. Sorry siya kasi pareho lang naman kaming
mataray. "Ako po si Carmina Tan."

"Ikaw yung anak ni Mr. Tan?"

"Ako nga po." isa pang alas ko kay Tin, mayaman ako. At kung swe-swertehin ka nga
naman business partner pa pala namin sila Miggy. "I've heard na may utang daw kayo
sa daddy ko?"

Nagka utang yung business nila samin mula nung namatay yung daddy ni Miggy.

"Oo tama ka. Ano bang kelangan mo?"

"Yung kapatid mo, si Miggy." hindi siya maka tingin sakin.


"Gusto mong bumalik sayo si Miggy tama? alam mo Ms. Tan, hindi ako tutol sayo.
Bukod sa anak ka naman ng business partner namin, mas gusto kita kesa kay Tin."

"I need you to talk to him. Hindi siya nakikinig sakin at alam kong ikaw kaya mo."
uminom muna siya ng kape bago ulit siya nagsalita.

"I'm sorry pero kahit ako nawalan na ng pag-asa dun sa kapatid ko na yun. Hindi na
din naman siya nakikinig sakin eh, kaya mas magands mag hanap ka na lang ng iba."
nginitian niya ako bago siya tumayo. "I'll go ahed." hindi 'to pwede! kelangan
makaisip ako ng iba lang paraan!

"May importante pa akong sasabihin sayo."

"Ano yun?"

Eto na 'to Mina. Ito na lang yung natatanging paraan para bumalik sayo si Miggy.
Ganun ko siya kamahal kaya gagawin ko 'to.

"Buntis po ako at si Miggy po yung ama ng pinag bubuntis ko."

to be continued..

---
Malapit na po yung ending sana basahin niyo hanggang dulo ^__^

=================

Chapter 31: Don't leave me

Chapter 31: Don't leave me

MIGGY POV

"Ate ano na naman 'to?" naiinip na ko kakaintay dun sa kakausapin namin. Ano na
naman ba iniisip ni ate Michelle? Hindi na ko makap hintay. "Aalis na ko."

"She's here."

Nilingon ko yung ka meet namin ni ate. Nanlaki yung mata ko nung nakita ko siya.
Bakit namin siya kakausapin? kung ano man yun dahilan alam kong hindi yun maganda.

"Anong ginagawa ni Mina dito?" ngumiti lang sakin si Ate. Si Mina naman umupo sa
harap ko. "Mina anong ibig sabihin neto?" imbisma sagutin niya ko si Ate yung
nagsalita.

"Miggy, makipag break ka na kay Tin." what? she's so unbelievable! hanggang ngayon
ba naman pipilitin pa din niya na pag hiwalayin kami ni Tin?

"Ate hindi pa din ba tayo tapos dyan? alam kong hindi ko gagawin yun."

"You should." walang kwenta yung mga pinagsasabi niya.

"Kaya ba nandito si Mina? gusto mo ko makipag break kay Tin tapos makipag balikan
ako kay Mina? Pathetic!" tinignan ko si Mina. Nakatingin lang siya sakin. Ano bang
binabalak mo Mina? "Hinding hindi ako makikipaghiwalay kay Tin."

Tumayo ako, walang kwenta 'tong usapan na 'to. Mabuti pa maka alis na lang.

"Miggy sandali!"

"Ano pa bang kelangan mo Mina? We're over right? I thought it's already clear to
you." napayuko siya, parang maiiyak na siya. Amp! akala ko naman malinaw na samin
ang lahat.
"Miggy! pwede ba? wag kang maging ganyan sa ina ng magiging anak mo."

Ina ng magiging anak ko? What is she talking about?

"Miggy buntis si Mina and you are the father."

Hindi ko mapigilan na matawa sa sinabi ni Ate. Hahaha! anong klaseng joke ba yun?
Ako yung ama? isang malaking kalokohan.

Naiyak naman si Mina sa inasal ko. Ano bang iniisip niya? napaka walang kwenta ng
mga pinag sasabi niya.

"Kung ano man yung balak niyong dalawa itigil niyo na kasi kahit anong gawin niyo
hindi ko hihiwalayan si Cristin."

"Miggy stop that! Hindi mo pwedeng basta basta na lang takbuhan yung
responsibilidad mo kay Mina at sa magiging anak mo! For God sake Miggy!" anak ko?
hindi ko maisip.

"Paanong ako yung tatay ng pinag bubuntis mo Mina? wala naman nangyari sating
dalawa." tinignan ako ni Mina habang umiiyak.

"Nung gabing nag lasing ka sa bar, dinala kita sa isang hotel room. Dun nangyari
lahat Miggy, kaya nung nagising ka nandun ka na sa hotel room na yun."

Inalala ko yung sinabi niya. May isang gabi ngang nag lasing ako. Pag gising ko
nasa isang hotel room na lang ako tapos nasa tabi ko si Mina. Kung ganun may
nangyari nga talaga samin? lasing ako kaya hindi ko ma alala. Pucha naman oh!

"Naalala mo na ba? Kung gusto mo kahit ipa-DNA pa natin yung bata pag labas niya."

Sa galit ko nahagis ko palayo yung upuan ko. "Hindi pwede 'to!"

How careless can I be? Hindi ko matanggap. Napaka walang kwenta ko. Hindi ko na
alam kung anong mangyayari pagkatapos neto. Iniisip ko si Tin, paano siya? paano na
kami? Hindi ko naman pwedeng takbuhan yung responsibilidad ko sa anak ko. T*ngina
talagang buhay 'to oh!

"Miggy, hindi mo pwedeng takbuhan yung resposibilidad mo kay Mina." Alam ko yun,
alam ko.

"Aalis na ko."
"Miggy paano ako? at yung anak natin?"

"Wag ka mag alala, hindi ko yun nakakalimutan. Kaylangan ko lang mag isip."

Pumunta ako sa puntod ni Dad at Mom. Sa mga ganitong panahon na hindi ko alam yung
gagawin ko, sakanila lang ako lumalapit.

Nung makabalik ako sa puntod nila parang bumalik lahat ng alaala nila sa isip ko.
Sana nandito silang dalawa para sakin. Mas magiging madali sana lahat para sakin.

"Dad, what should I do? Mom what do you think? Hindi ko mahal si Mina, si Tin yung
mahal ko pero paano na lang yung anak ko?" napayuko na lang ako. Hindi ko na talaga
alam kung anong gagawin ko.

Paranh mag eecho yung boses nilang dalawa sa utak ko. Kung nandito sila sigurado
akong gusto nilang gawin ko yung tama. Ano nga ba yung tama?

Nag stay lang ako sa puntos nila Mom and Dad ng isang oras. Pagkatapos nun umuwi na
din ako. Nung pauwi na ko napadaan ako dun sa puno na pinag ukitan ko ng pangalan
namin ni Tin.

Tin-Miggy Forever

Kapag nag break dinaya

Tin paano na tayo? Paano na yung forever natin?

"Miggy.."

"Tin?" anong ginagawa niya dito? Mukhang malungkot siya.

"Pareho pala tayo ng iniisip." nilalitan ko siya. Niyakap ko agad siya. "Alam ko
na."

Nalabitiw agad ako sa pagkakayakap ko sakanya. Alam na agad niya? kaya ba nandito
siya tska kaya ba malungkot siya? kinabahan ako bigla.

"May nangyari ba talaga sa inyo?"

Tinignan niya ko mata sa mata pero hindi ako makatingin sakanya. Paano ko sasabihin
na Oo meron nga. Alam kong masasaktab siya kapag sinabi ko yun. Ayoko din naman mag
lihim sakanya.
"Aksidente lang lahat ng yun Tin.."

May luha na unti unting tumutulo sa mata niya. Nasasaktan siya ng sobra sa
kagaguhan ko. Fvck! hindi ko siya kayang makita na ganyan.

"Miggy, ang sakit." pinunasan ko yung luha niya sa mata tska ko ulit siya niyakap
ng mahigpit. Nasasaktan akong makita siyang ganyan. "Paano na tayo?" hinarap ko
siya sakin. "Paano na yung mga pangako mo sakin?"

"Walang mag babago satin Tin, papanagutan ko pa din yung anak namin pero hindi ibig
sabihin nun na magsasama kami ni Mina." tinulak niya ko palayo sakin.

"Hindi Miggy, mali yun."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Hindi ko kayang maging dahilan ng isang broken family. Isipin mo yung anak niyo,
lalaki siya na sira yung pamilya niya."

Hinawakan ko yung mukha niya para maiharap ko sakin yung mukha niya. Tinignan kong
mabuti yung mga mata niya. Umiiyak pa din siya.

"Tin naman eh, ikaw yung mahal ko hindi si Mina." inalis niya yung kamay ko sa
mukha niya.

"Miggy tapusin na natin 'to."

Ano?! tapusin? ganon na lang ba yun? ganon ba kadali na tapusin lahat ng pinag
samahan namin? Ayoko naman lumaki yung anak namin ni Mina na sira yung pamilya niya
pero hindi ko talaga mahal si Mina. Si Cristin yung mahal ko, siya lang.

"Tin wag, please wag mong gawin yan."

"Miggy tingin mo ba kaya kong tanggapin na may anak ka sa ibang babae? Hindi ko
kaya yun kaya mas mabuti pa tapusin na natin 'to."

Hindi, hindi pwede kasi hindi ko kaya.

"Tin please don't leave me." lumuhod ako sa harap niya. Hindi ko kayang mawala pa
ulit siya sakin. "Don't leave me." unti unti na lang tumutulo yung mga luha sa mata
ko.

"I'm sorry Miggy but we're over."


Naglakad siya palayo sakin.

Sa galit ko sinuntok suntok ko yung puno. Sinuntok ko lang siya ng sinuntok kahit
dumudugo na yung kamay ko. Wala akong maramdaman na sakit sa kamay ko. Mas
nangingibabaw yung sakit sa puso ko. Sobrang sakit iwan ng taong mahal at ang mas
masakit pa ikaw yung may dahilan nun.

--

Tin POV

"Buntis ako."

Muntik ko na maibuga sakanya yung kape na iniinom ko.

"At si Miggy yung ama."

Natulala na lang ako sa mga sinabi niya. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon
ko. Hindi ko din alam kung maniniwala ba ako o hindi.

"Seryoso ka ba dyan?"

"Oo naman, itanong mo pa sakanya."

Biglang sumikip yung dibdib ko. Totoo nga kaya na nabuntis ni Miggy si Mina? May
nangyari nga ba talaga sakanila? Kung totoo man yun, sobra akong masasaktan.  Hindi
naman nabuo yung bata na yun habang kami ni Miggy kaya hindi ko din masabi na
nagtaksil sakin si Miggy kaso sa tagal namin nag sama ni Miggy wala pang nangyari
samin kasi pangako namin sa isa't isa na gagawin lang namin yun pag kinasal na
kami. Alam mo yung pakiramdam na may ganun kayong usapan pero malalaman mo na
ganon?

"Anong gusto mong gawin ko?"

Alam ko na naman yung gusto niyang mangayari eh pero hindi ko kayang bitawan si
Miggy ng ganun na lang. Madami na kaming pinag daanan na dalawa at hindi ako
papayag na dahil lang dito mag hihiwalay kami.

"Gusto mo bang lumaki na walang ama yung anak namin ni Miggy?"

"Kilala ko si Miggy, kung anak man nga niya yan pananagutan niya yan kaya ano pa
bang problema mo?"
"Ganyan ka ba talaga kasama? Oo lalaki siyang may ama pero sira naman yung pamilya
niya. Kaya ba yun ng konsensya mo?"

"Hindi ko kayang bitawan ng ganun na lang si Miggy kaya kung ang hinihingi mo yung
iwanan ko siya sorry pero hindi ko yun magagawa."

Tama ba 'tong ginagawa ko? kaya nga ba ng konsensya ko na lumaki sa broken family
yung anak nila? Kaya ba ng konsensya ko na maging dahilan ng isang broken family?

"Kaya mo bang tanggapin na may anak siya sa ibang babae?" hindi ko siya sinagot.

Tumayo na ko para umalis na. Hinabol ako ni Mina tapos lumuhod siya sa harap ko
kabit madaming tao dito sa coffe shop.

"Please Tin, nakikiusap ako sayo. Hindi makikipag hiwalay si Miggy sayo kaya ikaw
na lang yung makipag hiwalay sakanya."

"Bakit ko naman gagawin yun?"

"Para sa anak ko, sa anak namin."

Huminga ako ng malalim. Wag kang mag pakatanga Tin. Alam mo yung tama at mali. Alam
na alam mo din kung ano yung tamang gagawin.

"Sige gagawin ko."

Pumunta ako sa dun sa lugar kung nasan yung puno na pinag ukitan ni Miggy ng
pangalan namin. Malakas din yung pakiramdam ko na nandun siya ngayon. Hindi naman
ako nag kamali kasi andun nga siya.

Kahit labag sa loob ko na makilag hiwalay at iwan siya kaylangan ko pa din gawin.
Tama si Mina hindi kakayanin ng konsensya ko na maging dahilan ng isang broken
family.

Kahit masakit, kahit labag sa loob ko kaylangan ko ng tapusin 'to.

"I'm sorry Miggy but we're over."

Naglakad ako papalayo sakanya. Tinakpan ko na lang yung bibig ko para hindi niya
marinig yung pag iyak ko.

Ang sakit eh, hindi ko alam na ganito pala kami matatapos.


Sorry Miggy, mahal kita pero eto yung tama. Sana maintindihan mo ako.

To be continued..

___

[A/n]

4 chapters to go! Sana nagustuhan niyo UD ko. Naki wifi lang ako sa kapitbahay kaya
nakapag UD ako haha. ^___^

=================

Chapter 33: Is this the end?

Chapter 33: Is this the end?

MIGGY POV

Halos tatlong bwan ko nang hindi nakikita si Cristin. Sa school, sa daan, sa mga
computer shops hindi ko na siya makita, umiiwas kaya siya o hindi lang talaga kami
nag kakatagpo? Kung ano pa man yun, siguro nga mas mabuti nang hindi na niya ko
makita. Mas lalo lang siyang masasaktan kapag nakita pa niya ko. Mas lalo siyang
masasaktan kapag minahal pa niya ko. Mahal ko siya pero hindi na kami pwedeng
magmahalan dahil sa batang dinadala ni Mina. Dahil sa anak ko.

Hindi ko ikakaila na hindi nagbago yung pagmamahal ko para sakanya. Pakiramdam ko


hindi na mag babago yung pagmamahal ko sakanya. Sa dinami dami nang napagdaan namin
kahit konti hindi nag bago yung pagmamahal ko sakanya.
"Babe anong iniisip mo?" pinulupot na naman niya yung mga kamay niya sakin. Medyo
naiirita pa din ako kapag nagiging masyado clingy.

"Iniisip ko si Tin." lumayo siya sakin pagkatapos pinag hahampas niya ko. Hinawakan
ko yung kamay niya para pigilan siya sa pagwawala niya. "Tumigil ka nga Mina baka
mapano yung baby!"

"Ako pa yung tumigil Miggy? Pinapasama mo yung loob ko! Palagi mo na lang
pinapamukha sakin na mas mahal mo si Tin."

"Mali ka." nagtataka siyang tumigin sakin. "Si Cristin lang yung mahal ko."

Kapag mag kasama kami ni Mina, hindi ko tinatanggi sakanya kung gaano ko pa din
kamahal si Tin. Gusto kong ma realize niya kung sino ba talaga yung mahal ko.

Bigla na naman siyang umiyak pero this time sobra na yung pag iyak niya. Kinalma ko
yung sarili ko. Ano bang ginagawa ko? mali 'to eh. Hindi dapat siya umiiyak, hindi
makakaganda sa baby yun. Kaya nga ako pumayag na balikan siya para sa baby.

Niyakap ko siya, pinatahan ko siya sa pag iyak niya. Niyakap niya din ako pabalik.
Sana kahit papano mawala yung inis na nararamdaman ko kay Mina, para na lang sa
magiging anak namin. Kung pwede nga din matutunan ko siyang mahalin pero hindi ako
sigurado dun lalo na si Cristin yung mahal ko.

"Babe, promise me kakalimutan mo na si Cristin. Please for me and the baby."


"Oo kakalimutan ko na siya."

Nag sinungaling ako. Hindi ko yun gagawin dahil hindi ko din naman kayang kalimutan
yung nag iisang babae na minahal ko ng sobra.

Nawala agad yung luha sa mata niya, napa ngiti siya na akala mo hindi siya umiyak.
"Thank you babe! I love you!"

Hindi ko siya sinagot. Nakatingin lang ako sa labas, tanaw dito sa bahay yung
dagat. Cristin mahal pa din kita..

"Asan na daw yung I love you too ko sabi ng baby natin?" ginamit na naman niya yung
baby.

"I love you too." walang emosyon kong sinabi.

"Oo nga pala we'll discuss about our wedding later with mom and dad." napatayo ako
sa narinig ko.

WEDDING?!

"Oh what's the problem babe?"


"Wedding? hindi ko alam yun. At bakit kaylangan natin ikasal?" hindi siya
makapaniwala.

"It's for our baby."

Yeah for the baby. This is all for the sake of my baby. I sigh in frustration. Sana
baby na lang namin ni Cristin.

Bakit kelangan maging ganito yung sitwasyon namin ni Cristin?

Hindi ata talaga totoo yung TIN-MIGGY FOREVER.

Mas mabuti pa kalimutan ko na yun dahil simula ngayon kay Mina ko na tutuparin yung
forever na yun.

Is this really goodbye Tin?

--

KEVIN POV

"Tin eto oh masarap." inabot si Sarah yung banana split kay Tin.
"Ayoko, sayo na lang Sarah." hindi man siya naka simangot pero damang dama mo pa
din yung kalungkutan niya. Wala na yung dating masayang aura niya.

"Eto bakla siomai! nako masarap yan promise!" masayang masaya naman na inabot ni
Apple yung siomain sa harap ni Cristin.

Umiling lang siya, inabot niya pabalik kay Apple yung siomain. Ngumiti siya samin,
yung china smile niya. Fake na nga hindi pa kapani paniwala.

"Babe, ano bang gagawin natin kay Tin? tatlong bwan na yang ganyan." bulong ni
Apple sakin.

"Tin nag papakatanga ka lang kaya mbuti pa itigil mo na yan. Hindi na babalik sayo
si Miggy."

"BABE!"

"KEVIN!"

Sobrang sama ng tingin sakin ni Apple at Sarah. Yan na lang naman yung naisip ko
para matauhan si Cristin.

"CR lang ako.."

Pagka alis na pagka alis pa lang ni Tin, binatukan ako nung dalawa. Pambihira naman
nag join forces pa sila.

"Babe naman bakit mo sinabi yun?!" nanlilisik yung mga mata sakin ni Apple. "Eh!
nakakainis ka! na hurt tuloy si Tin."

"Mas mabuti na yun para mas mabilis siya makapag move on." napa isip naman silang
dalawa sa sinabi ko. Tsk tama naman kasi ako eh.

"Kahit na babe, kaya nga natin siya dinala dito sa mall para naman mag enjoy siya.
Hays!" eto talaga si Apple msyadong spoiled sakanya si Cristin. "Sarah kelan ba
kasi uuwi si Ace sa duty niya? malay natin mapa realize ni Ace kay Tin yung
sitwasyon na hindi naman HARSH." Pinagdiinan talaga niya yung salitang harsh habang
naka tingin sakin.

"Bukas uuwi na siya, miss ko na nga siya eh."

"Sus! lande!" toinks.

"Hoy mas malandi kayo ni Kevin! dinamay pa ko eh." sabay nguya ng chips. Malandi
agad? hindi ba pwedeng sweet lang?

"Teka change topic muna, tama naman ako na dapat ipag laban ni Tin si Miggy di ba?"
tanong ng napaka kulit kong girlfriend.

"Oo nga bakla, sila naman talaga yung nag mamahalan eh." nag apir pa silang dalawa.
"Pwede ba--" naputol yung sasabihin ko.

"Guys!" napalingon kaming lahat kay Renz. "Buti nakita ko kayo dito. May balita ako
sa inyo!" hingal na hingal pa siya.

"Ano ba yan Renz? importante ba yan?"

"Wag niyo na lang babanggitin 'to kay Tin pero kasi.." hindi niya nataoos yung
sinasabi niya kasi biglang dumating si Tin. "Ah, Hi best friend! hehe." napakamot
ulo na lang tuloy na siya.

"Ano yung sasabihin mo?"

Nagkatinignan kaming apat. Hindi pa namin alam nila Apple yung sasabihin ni Renz
pero panigurado naman na hindi yun maganda.

"Sabihin mo na, malalaman ko din naman yan eh." umupo siya sa tabi ni Sarah.

"Kasi si Miggy at Mina.. ikakasal na next week." biglang nabitawan ni Tin yung
bottle water na hawak niya.

"NEXT WEEK?!" sigaw ni Apple at Sarah. Pambihira mas nagulat pa sila kesa kay Tin
ah.
Next week na ikakasal si Miggy? at Ikakasal na siya? Hays, kawawa naman si Cristin.
Kung iisipin kawawa din si Miggy eh, alam kong si Tin naman talaga yung mahal niya
at hindi si Mina. Lahat naman kami alam yun, pero kahit ano pang gawin namin hindi
na pwede si Tin at Miggy.

"Ang bilis naman! Buiset! panigurado naman yung Mina na yun yung may kagagawan ng
lahat ng 'to eh." iritang sabi ni Sarah.

"Excited siya makasal kay Miggy! dapat pigilan natin yun! hindi naman mahal ni
Miggy yung Mina na yun!" sumasakit tenga ko sa girlfriend ko na 'to.

"Hayaan niyo sila."

Napatingin kaming lahat kay Tin.

"Yun yung tama. Dapat lang silang makasal." walang emosyon yung tono ng boses niya
pati nga mukha niya eh.

"Pero Tin? Paano kayo ni Miggy?" 

"Wala ng kami. Wala ng Tin-Miggy. Oo hindi pa din talaga ako totally nakaka move on
pero malapit na. Kaya sana wag niyo na siya, silang babanggitin sa harapan ko."
Tumayo siya tapos umalis siya. Susundan sana siya ni Apple pero pinigilan ko siya.

"Babe bitawan mo ko susundan ko si Tin! Hindi niya pwedeng isuko ng ganun si


Miggy!" umiling na lang ako sakanya.

"Wag niyo ng pahirapan si Cristin. Siya lang yung masasaktan. Hayaan niyo na siyang
makapag move on."

"Hindi! hindi pwe--"

"Bakla tama si Kevin, baka wala na talaga silang pag asa at mas okey na lang na mag
move on si Tin." napayuko si Apple. Na realize niya siguro na tama ako.

Kung ako din naman yung tatanungin gusto ko silang magkabalikan. Sino bang hindi
gusto na magkabalikan sila? Sobrang mahal nila yung isa't isa.

Sa dinami dami ng mga humadlang mga problema na dumating sa relasyon nila hindi ko
inakala na dito lang matatapos.

Tapos na nga kaya sila?

Hanggang dito na lang nga siguro.


--

TIN POV

Akala ko kaya ko, akala ko kaya kong makita si Miggy na may kasamang iba. Mali pala
ako kasi hindi ko kaya.

"Anak? may sasabihin ka ba?" ngumiti ako kay papa. Alam ko matagal na silang nag
aalala sa nararamdaman ko. "Anong problema?"

"Papa payag na po ako."

"Sigurado ka ba anak? pag isipan mo yan ng mabuti." Kaylangan ko 'to.

"Opo, sigurado na ko." hinawakan ni papa yung mga kamay ko. Ngumiti siya sakin.

"Anak kaya mo yan, ikaw pa? madami ka nang napagdaanan na problema kaya naniniwala
akong kaya ka. Kung yan yung kaylangan mo, ibibigay ko."

Pumunta ako sa kwarto pagkatapos namin mag usap ni papa. Napahiga ako sa kama ko.

Eto na talaga yun. Dito na talaga matatapos lahat samin ni Miggy. Pagkatapos neto,
makakalimutan ko na siya.
"ATE!!!"

"Miguel? anong problema mong bata ka?" lumapit siya sakin, umupo ako tapos niyugyog
yugyog niya yung balikat ko.

"Ate totoo ba? bakit?"

Hindi ako maka tingin sakanya. "Oo totoo nga Miguel."

"Ate dun ka na mag aaral sa US?!"

"Oo dun na ko mag aaral at titira Miguel." parang naiiyan pa siya. Kelan pa siya
naging iyakin? parang naiiyak din tuloy ako.

"Dahil ba kay Miggy? Ate wag kang umalis please. Bubugbugin ko talaga yang Miggy na
yan eh!" hinawakan ko yung mga balikat niya.

"Ginusto ko 'to Miguel. Hayaan mo na si ate okey?" hala umiiyak na nga siya.
Niyakap ko na lang siya para tumahan siya. "Bakla ka ba? tumahan ka nga dyan!"

"Ate ma mimiss kita eh.."


"Baliw!" binatukan ko nga siya. "May skype naman tska dadalaw naman ako kapag
summer. Tahan na."

"Okey pangako mo yan ah." ngumiti ako sakanya.

Kung malayo ako kay Miggy mas madali akong makakalimot. Magkakaroon ako ng bagong
buhay dun. Masakit man sakin na umalis at iwan sila mama at papa dito, eto yung mas
makakabuti sakin. Eto yung mas makakabuti sa lahat.

Miggy this is really goodbye huh?

To be continued..

--

[A/n]

Last two chapters tapos epilogue. Happy ending kaya?

=================

Chapter 34: Wedding

Chapter 34: Wedding


TIN POV

"Hindi mo kaylangang umalis." napangiti ako. "Dito ka na lang." hays eto na naman
po kami.

"Kuya naman eh, sinabi ko na sayong buo na yung desisyon ko." ang kulit kulit naman
kasi niya. "On the way na nga tayong airport ngayon ka pa gaganyan." tinignan ko
sila mama at papa sa likod ng van, aba tulog na tulog. Si Miguel naman naglalaro ng
psp sa pinaka likod. I'll miss this, "Ma mimiss ko kayo.."

"Kaya nga wag ka na umalis." eto talaga si kuya, mamimiss niya siguro ako. Wala na
siyang maasar, silang dalawa ni Miguel. "Mas masaya dito princess." napatitig naman
ako sakanya. Lumingon siya sakin saglit tapos binalik niya din sa daan yung tingin
niya. "Oh bakit ganyan ka maka tingin?"

"Tinawag mo kasi ulit akong princess eh."

"Bakit? prinsesa naman kita ah?" oo prinsesa mo nga ako kuya. Sobrang ma miss kita.

"Mamimiss ko yan pag dating ko dun sa US. Wala na akong kuya na andyan kapag
kaylangan ko." amp! parang naiiyak na ko. Ayoko umiyak, kakalat eyeliner ko eh!
Kainis naman kasi 'to si Kuya Ace eh. Hinawakan ni kuya yung kamay ko.

"Kapag hindi mo na kaya yung pag ka miss samin, bumalik ka na."


"Tama na nga kuya! mag iiyakan lang tayo dito. Hindi ako babalik hanggat hindi pa
ako graduate. Ma miss ko kayo ng sobra sobra pero titiisin ko." may mga luha na
ngang tumulo sa mata ko eh. Buiset sabi ng ayoko ng ganito eh. "Ayan naiyak na
tuloy ako."

"Gagu kasi yang Miggy na yan eh."

"Kuya, wala siyang kasalanan. Isa pa ginusto ko 'to. Matagal ko na din naman naisip
na tumira dun."

Hindi na nakipagtalo sakin si kuya hanggang makadating kami sa airport. Nandun na


din si Apple at Sarah pati si Renz. Nanlaki yung mata ni Sarah nung nakita niya si
kuya Ace. Hindi pa kasi niya alam na bumalik na si kuya galing duty niya sa
palawan.

"Mahal? kelan ka pa bumalik?!"

"Kagabi lang mahal. Surprise!" nagyakap agad silang dalawa. Uh ang sweet naman,
kainggit lang silang dalawa. Nakaka bitter naman ang view dito! Aalis na nga lang
ako, ganyan pa.

"Ikaw talaga kainis ka! I miss you."

"Hoy hoy kayong dalawa, wag kayo mag moment dito! Moment dapat 'to ni Cristin di
ba? Tsk tsk." humarap sakin si Apple. Luh? parang naiiyak iyak pa siya oh.
"Baliw ka talaga Apple, kahit kelan. Ma miss ko yang pag ka baliw mo. Walang ganyan
sa US eh." niyakap niya ko.

"Hindi ako iiyak kaya wag mo nga akong paiyakin. Sorry hindi naka dating si Kevin,
nasa kasal kasi siya ni Miggy.. sabi ko nga wag na siya pumunta eh." ngayon nga
pala yung kasal nila. Ngayon lang ulit pumasok sa isip ko.

"Ma mimiss kita bakla." ayan naiyak na nga siya. Nag moment din ang gaga eh, haha.

"Wag ka nga umiyak, hindi bagay sayo bakla." pati ako dinadamay eh. Iyakin pa naman
din ako.

"Sobrang ma mimiss kita bakla! Alam mo naman na mahal na mahal kita eh! Super bff
tayo nila Sarah di ba? Huhu kainis ka nang iiwan ka eh!" pinahid ko yung luha sa
mata niya tapos sinabunutan ko siya ng mahina. "Ganyan ka talaga mag paalam ha?"

"Kainis ka din eh, pina iyak mo ko! hehe." waaa ayan kalat na make up ko. Dapat
kasi hindi ako nag make up. Akala ko naman kasi walang iyakan moment na mangyayari.

"Hoy Apple ikaw nag moment dyan eh! Hoy bakla.." tinulak niya si Apple tapos
niyakap niya ko. "Huhu ma miss kita ng super!" naiyak din siya. Kainis paano ako
hindi iiyak neto? lahat sila umiiyak.

"Ano ba yan tama na iyakan okey? para naman akong mamatay eh! babalik pa kaya
ako." 
Lahat sila natawa, psh natawa sila kasi tooo. Ang drama nilang lahat. Sabi ko naman
na ayaw ko umiyak kasi mas lalo lang akong mahihirapan na umalis. Kaso paano akong
hindi iiyak? mga linya nila pang drama. Pusong bato na lang yung hindi maiiyak.

"Best friend, wag mo kaming kalimutan dun ah?" pinalo ko sa braso si Renz. "Aray!
amazano ka pa din ah!"

"Sira ka kasi eh! hindi ko kayo kakalimutan noh. Isa pa bantayan mong mabuti si
Ella ha? Kaylangan pagbalik ko, magaling na siya."

"Oo basta bilisan mo bumalik ha?" napatingin siya kay Miguel. "Tska andyan naman si
Miguel eh."

Tinignan ko si Miguel, namumula siya. Waaa! crush niya pala talaga si Ella. "Nako
nag bibinata na talaga si Miguel. Ayiee!"

"Ate naman eh! Aalis na lang nag aasar pa eh." napayuko na lang siya. Guilty lang
ang peg?

"Haha! ikaw talaga! mag behave ka ha!" nagyakapan muna kami bago ako humarap kala
mama at papa.

"Ma magpapakabait po ako dun kaya wag kayong mag alala sakin. Pa, palagi po akong
mag open ng skype para makapag usap tayo."

Buti na lang hindi nag drama si Mama, niyakap lang niya ko. "I love you anak."
Niyakap ko na lang din siya ng mahigpit. Naiyak na naman ako. "Wag ka ng umiyak.
Mas gusto kitang makitang umaalis na masaya." tumango lang ako tska ko pinunasan
yung luha ko. Humarap ulit ako sakanila, ngumiti ako ng malapad.

"Alagaam niyo sarili niyo mama ah."

"Mag ingat ka dun anak. Tawagan mo lang ako kapag kaylangan mo ng kung ano."
niyakap ko si papa. Ma miss ko siya. "I love you nak."

"I love you papa, i love you mama."

Nag group hug kaming tatlo. Ang sarap magkaroon ng magulang na katulad nila.

Niyakap ko muna silang lahat bago ako dumeretso sa eroplano na sasakyan ko


papuntang US.

Hindi ko na din napigilan na umiyak nung nasa eroplano na ko. Yung iyak na
hagulgol. Wala na din naman makakakita sakin kaya okey lang. Ang hirap din pala
malayo sa pamilya mo. Ang hirap iwan ng mga bagay na mahal mo.

Hindi ko din napigilan na isipin si Miggy. Kamusta kaya yung kasal nila? Masaya
kaya siya ngayon? Sana masaya siya, para masaya na din ako. Hindi lang talaga
siguro kami ang para sa isa't isa.

Tinignan ko yung picture namin ng pamilya ko. Ayoko naman talaga umalis kaso eto
yung kelangan ko..
Pagbalik ko, sana okey na lahat..

--

MIGGY POV

Pinangarap kong ilakad papunta sa altar yung babaeng mahal ko. Sa isip at puso ko,
si Cristin na yun. Kaso sa isang iglap lang pala mag babago ang lahat..

"Dre, gagawin mo ba talaga 'to?" tinignan ko si Kevin, ang best man ko. "Wala nang
atrasan 'to."

"Wala na din akong magagawa. Sabi nga ni Tin, eto ang tama." napabuntong hininga na
lang ako. Eto nga ang tama pero pareho naman kaming nasasaktan. "Wala na din naman
akong magagawa kasi umalis na siya."

"Makakayanan mo din lahat ng 'to dre. Andito lang naman kami eh." tinapik tapik
niya yung likod ko. "Sige sa labas muna ako."

Nakita ko si Ate Michelle na nakatayo sa may pintuan. Ngunti siya sa akin.


"Are you ready?" inayos ni ate yung necktie ko. Kanina ko pa napapansin na hindi
siya okey. Hinawakan ko yung kamay niya.

"Okey ka lang ate?" napa buntong hininga siya. Napayuko siya, hindi siya maka
tingin sakin. "May problema ba?"

"Miggy, sorry. Sorry sa lahat." hinawakan niya yung mukha ko. Naiiyak na siya
ngayon. "I know you're not happy and I don't know if you'll gonna be happy. I know
it's all my fault. Ang selfish ko eh, hindi ko naisip yung ikakasaya mo."

Pinahid ko yung mga luha sa mata ni ate Michelle. Masakit lang na na realize niya
lahat ng 'to kung kelan huli na yung lahat. Kahit ano pa yung mga nagawa sakin ni
ate, mahal na mahal ko pa din siya. Siya na lang yung nag iisang pamilya na natira
sakin.

"Ate okey lang ako. Hindi lang siguro talaga kami para sa isa't isa ni Cristin."

"Kung hindi lang ako tumutol noon, kung hindi lang sana.." pinigilan ko siya sa
pagsasalita pa. "Miggy if I could do anything, gagawin ko just to make you happy."

"Ate just be there for me, masaya na ko."

"Ate Michelle, Miggy. We need to go." tawag samin ni Kevin.

Niyakap ko ulit si ate tska ako ngumiti sakanya. Ayokong makita niya akong
miserable dahil paniguradong sisisihin niya yung sarili niya.
Naka pwesto na kami habang hinihintay namin si Mina. Habang naglalakad siya
papalapit samin, hindi ko maiwasan na maisip na si Tin yung nakikita ko. Mali 'to
eh, maling mali. Wala na kami ni Tin. Si Mina na yung makakasama ko siya na yung
magiging asawa ko.

Kinuha ko yung kamay niya at nilakad ko siya sa altar.

"Do you take Miggy Rivera as your husband?"

Mabilis siyang sumagot sa tanong ni Father. "I do father." ngumiti siya sakin.

"Miggy, do you take Carmina Tan as your wife?"

Tumingin ako sa mata ni Mina. Tama nga ba 'tong ginagawa ko? Tama nga bang
pakasalan ko siya kahit na hindi naman siya yung mahal ko? pero paano yung baby?
Nalilito ako pero bigla ko na lang narinig yung boses ni Cristin. 

"Gawin mo yung tama.."

Eto yung tama.


"I do father, I do."

Itutuloy..

____

[a/n]

Wah! wala na kasal na si Miggy. :-(

Last chapter next.

=================

Chapter 35: I'd still say yes [Final Chapter]

Chapter 35: I'd still say yes [Final Chapter]

TIN POV

3 years later..
"Andito na tayo.."

Minulat ko yung mata ko, tinignan ko agad yung bintana ng eroplano. Nandito na nga
ulit ako sa pinas. It's really good to be back.

"Ready ka na bang makita ulit sila?"

Ngumiti ako kay papa at mama, tumango lang ako. Hindi lang ako ready, excited na
din ako. After three years, makikita ko ulit sila.

Bumaba na kami nila papa. Sa waiting area, kitang kita ko na agad si Kuya Ace at
Miguel. Ang saya saya nila, hindi ko din tuloy maitago yung kasiyahan ko.

Tatlong taon akong hindi umuwi sa pinas. Never akong dumalaw dito kaya lahat bago
sakin. Ang laki laki na agad ni Miguel. Ang laki ng tinangkad niya. Si Kuya Ace
naman mas lalong naging macho tska nag matured na din yung mukha niya. Aba, lahat
ata sila nag bago for good. Hindi ko na tuloy mahintay makita yung iba.

Habang pa uwi kami, nadaanan namin yung USTe pati na din yung school ko nung high
school. Lakas naman maka throwback neto. May pinag bago man pero konti lang.
Nakakamiss talaga ang pinas. Kahit maganda sa Amerika mas gusto ko pa din dito.

Pagkababa namin sa tapat ng bahay, napa ngiti na lang ako. I'm home, finally.

Madami din nabago sa bahay namin pero yung hindi nabago yung mga pictures namin.
"Ate, kamusta ka pala dun? Hindi ka man lang dumalaw dito kahit minsan. Hindi mo ba
kami na miss dun sa US?"

"Nako Miguel! pwede bang hindi tayo na miss ng ate mo?" sigaw sakanya ni mama.

"Sorry Miguel, ayoko muna kasi bumalik dito sa pinas hanggat hindi pa ko graduate.
Baka kasi mamaya hindi na ko makabalik sa US."

"Baka naman kasi may boyfriend ka na dun?" nagulat si mama sa tanong ni Miguel.

"Anak may boyfriend ka na dun?"

"Mama wala po! wala nga akong panahon dun eh!" wala din akong intetes mag boyfriend
dun.

"Baka naman kasi mahal mo pa si --" bigla naman tinakpan ni mama yung bibig ni
Miguel. Hindi naman kaylangan gawin yun ni mama eh, alam ko naman na si Miggy yung
tinutukoy ni Miguel eh.

"Sino ba pinaka namiss mo samin anak?" pag iiba ng topic ni mama.

"Syempre ako na yun!" ginulo gulo ko yung buhok ni Miguel.


"Sira ka talaga Miguel! Syempre lahat kayo miss ko." si kuya Ace nakakaloko yung
tingin. Ano kayang iniisip niya? "Kuya bakit ganyan ka maka tingin? miss mo ko
noh?"

"Haha! may naisip lang ako nung sinabi mo na miss mo kaming LAHAT." naka diin pa
talaga yung salitang lahat. Ano naman meron, ay teka about kaya yun kay.. "Welcome
back princess. Masaya ako nakabalik na ko ulit dito." I'm back for good.

"Masaya din ako na nakabalik na ko."

"Mag pahinga ka na muna anak, alam kong napagod ka sa byahe natin."

"Papa pwede bang maglakad lakad muna ako sa labas?" napatingin silang lahat sakin.
"Mag papahangin lang muna ako."

"Sige anak, bumalik ka na lang agad ah."

Ngumiti ako sa kanilang lahat. Yung mga mukha nila halatang nag aalala sila sakin.
Wala na naman dapat ipag-alala sakin eh. Okey na ko, okey na okey. Lakas maka
throwback ng araw na 'to eh. Susulitin ko na din.

Pagkalabas ko pa lang ng bahay madami ng mga memory na agad bumalik sakin.

Naglakad lakad lang ako, hindi ko din alam kung saan ako papunta. Habang naglalakad
ako madami akong nakikita na nakakapag balik sakin ng mga alala na meron ako dati.
Mga alaala na pilit kong kinakalimutan pero hindi ko magawa. Kahit may masakit na
alaala meron yung memory na yun mas nangingibabaw naman yung saya.

Nadaanan ko yung compuer shop kung saan ako dinala ni Miggy dati, dito ko din nga
pala unang nakilala si Kevin. Madami pa din palang naglalaro dito. Sobrang daming
alaala yung naiisip ko sa computer shop na 'to.

"Cristin?" nilingon ko yung dalawa kong best friend. Kilalang kilala ko na yung
boses nila.

Halos hindi ko na nakilala si Apple at Sarah. Abs mas lalong gumanda yung dalawang
'to. Sobrang na miss ko din silang dalawa.

"Bakla!" lumapit silang dalawa sakin tska ako niyakap. "Na miss ka namin ng sobra!"

"Miss ko din kayo! Anong bago?"

"Eto si Apple at Kevin muntik na mag break." mag break?! eh ang sweet sweet nilang
dalawa eh. "Nalaman kasi niya na nag kikita pa sila Maureen at Kevin." tumango na
lang samin si Apple. "Nag explain naman si Kevin kaya ayun, hindi rin natiis ni
bakla."

"Eto naman si Sarah, palaging nag hihinala sa kuya Ace mo. Selosa din 'tong babae
na 'to eh." Napa ngiti na lang ako. Hindi ako maka relate sa kanilang dalawa.
Simula kasi nang pumunta akong US, wala pa kong naging boyfriend. Bakit naman kasi
puro livelife na kwento nila? wala ba about sa work?
"Ikaw Tin? ay oo nga pala--"

"San kayo pupuntang dalawa?" iniba ko na lang yung usapan. Wala din naman akong
maisasagot sa tanong ni Sarah.

"Papunta na nga kami sa inyo eh. Tara na bakla! San ka ba pupunta?" may naisip ako
bigla.

"Tara! maglalaro tayo!"

"Mag lalaro?!" gulat na gulat pa silang dalawa.

Hinila ko sila papasok sa computer shop. Na miss ko kayang mag dota. Wala naman
kasing naglalaro sa US ng dota eh. Wala din naman akong kalaro dun.

"Seriously? Dota? ang tagal na namin hindi naglalaro neto eh." sabi ni Apple. Sus
ang lakas lakas kaya niya mag dota.

"Okey yan! miss ko na mag dota! lakas maka throwback bakla! Haha!"

"Wish ko lang marunong pa din ako." baka nakalimutan ko na 'to.


Nag rent na kami ng tig isang oras na computer. May kalaro naman kami kaya enjoy
din. Kahit pala tatlong taon akong nabakante sa dota, marunong pa din akong
maglaro.

Nung malapit na kaming mag time, may nag PM sakin.

Mr. Pudge: Pre dota tayo.

"Sino yan Tin?"

"Hindi ko alam, nag PM na lang bigla sakin eh. Dota daw kami." sino kaya siya?

"Eh di labanan mo!"

"Oo nga bakla, papanuorin ka namin ni Apple. Go!" pumayag na lang din ako dun sa
lalaking nag PM sakin.

May naalala ako sa name niya. Lakas talaga maka throwback ng araw na 'to. 

Nung naglaro na kami, aba inaasar niya ko! Lakas niya mang trashtalk. Badtrip
naman, hindi tuloy ako nakapag concentrate sa game kaya ayun talo ako.

Mr. Pudge : Ang weak mo naman! Wag ka na mag dota!


Ang yabang niya ah! Porket malakas siya, pasalamat nga siya nakalimutan ko na mag
dota eh. Pagbibigyan ko na, talo naman ako eh.

Lumapit sa monitor ko si Apple. "Hoy Tin! papayag ka na ginaganyan ka lang?! aba


hindi pwede yan!"

"Oo nga! dapat mag laban ulit kayo! pero dapat harap harapan na para makita natin
yung pag mumuka niyan!" ang warfreak neto ni Sarah oh, lalaki kaya yan mamaya
suntukin pa kami niyan eh.

Biglang nag type si Apple.

Ms. Bambi : Rematch, dito sa ledion! hihintayin kita. Kung weak ako, panget ka
naman!

Hala ka! Ano ba yang iniisip nila?!

Mr. Pudge : Ok sige.

"Ano ba kayo mamaya masamang tao pala yan! Baka rapist pa yan! nako naman oh!"

"Wag kang mag alala tatlo naman tayo eh."


"Oo nga Tin, tara hintayin natin yung mokong na yun sa labas! sigurado ako panget
yun." napakamot ulo na lang ako sa pinag gagawa nilang dalawa.

Pumunta kaming tatlo sa labas ng shop para hintayin yung Mr. Pudge na yun. Sino nga
kaya yun? Ang yabang niya ah. Akala mo naman kung sino. Humanda lang talaga siya
sakin kapag nakita ko siya. Kaso paano pala kapag masamang tao yun? tatakbo na lang
ako! Haha. Kakabalik ko pa nga lang sa pinas puro na ko kalokohan.

"Tin..."

"Bakit Sarah? Anong--" tumingin ako sa likod ko.

Si Miggy? Anong ginagawa niya dito? teka siya ba yung nakalaban ko? siya ba si Mr.
Pudge?

"Cristin? Bumalik ka na?"

After all this years, iba pa rin talaga yung impact sakin ni Miggy. Pinapabilis pa
din niya yung pagtibok ng puso ko. Kaso ngayon medyo kakaiba na kasi parang hindi
ako mapakali.

"Oo kanina lang." medyo awkward lang kasi pareho naming hindi alam yung sasabihin
sa isa't isa pagkatapos ng tatlong taon.

Bigla naman nagsalita si Apple. Siguro napapansin na din niya na na iilang kaming
pareho ni Miggy. "Miggy, ikaw ba si Mr. Pudge?" nagulat si Miggy, so ibig sabihin
siya nga yun. "Si Cristin kasi si Ms. Bambi."

"Ikaw pala yung nakalaban ko? Hindi ko alam na ikaw yun Tin."

"Kaya naman pala mayabang eh! Ikaw naman pala yun! Pasalamat ka talaga kaibigan
kita kasi kung hindi inupaka na kita kanina pa. Ano mag rematch na ulit kayo ni
Tin!" hanggang ngayon parang inis pa din si Apple kay Miggy. Haha! nakakatuwa
talaga 'to si Apple.

"Apple di ba may pupuntahan pa tayo?" sabat naman ni Sarah.

"Ha? Saan yun? parang wala akong maalala?"

"Sa ano.. basta dun!" hinila niya yung braso ni Apple. "Sige na Tin at Miggy,
maiwan na muna namin kayo ah? Bye!"

"Teka bakit natin sila iiwan? San ba--" tinakpan na lang ni Sarah yung bibig ni
Apple. Mga baliw pa din sila hanggang ngayon.

Ngayon dalawa na lang kami ni Miggy na naiwan dito. Umupo siya sa tabi ko pero
hindi siya nagsalita. Pareho kaming tahimik, hindi ko alam kung anong sasabihin ko
eh. Ilang minuto din na wala ni isa samin ni Miggy yung nagsasalita. Para na ngang
hindi ako maka hinga, hindi ko na kaya. Dapat mag salita na ko.

"Kamusta kayo ni Mina?"


"Kamusta sa US?"

Natawa tuloy kaming dalawa. Siguro pareho kami ng nararamdaman.

"Kamusta buhay mo sa US?"

"Okey naman, masaya pero mas masaya pa din dito sa pinas."

"Hindi ka ba nagkaroon ng boyfriend dun?"

Nag isip ako ng isasagot kay Miggy. Wala naman talaga akong naging boyfriend dun eh
pero umiiral yung pride ko. Ayoko sabihin na wala akong boyfriend ngayon, ayoko mag
mukhang kawawa.

"May boyfriend ako. Mas masaya lang dito kasi nandito pa din yung pamilya ko."
natigilan siya bigla sa sinabi ko. Ang awkward na naman bigla. "Kamusta pala kayo
ni Mina?" 

"Kami? okey naman kami." bakit parang nasaktan ako sa sinabi niya? Ano ba 'tong
nararmdaman ko? mali 'to eh. Maling mali dahil may asawa at anak na siya.

"Kamusta yung anak niyo? girl ba o boy?" ang tagal niya bago mag salita ulit.
"Pwede ba akong mag tanong sayo?"

Kinabahan naman ako bigla. "A-ano yun?"

"Kapag ba sinabi kong mahal pa din kita, pwedeng maging tayo ulit?"

Napanganga na lang ako sa sinabi niya. Ano ba yang mga pinag sasabi niya? May asawa
at anak na siya! ano bang trip niya. Nainis tuloy ako bigla. Mabuti pa maka alis na
nga lang. Eto naman kasi sila Apple at Sarah iniwan pa kaming dalawa dito ni Miggy.

"Ano bang kalokohan yan? May pupuntahan pa pala ako, sige alis na ko." bago ako
maka alis pinigilan ako ni Miggy.

"Sagutin mo ko."

Nagpapatawa ba siya? Kapag ba sinabi kong oo mahal ko pa siya may mangyayari ba?
Wala naman di ba? sasaktan niya na naman ako. Okey na nga ako eh, okey na okey na
eh.

"Hindi na kita mahal, Miggy three years na eh! Tama na okey?"

Tumakbo na ako palayo sakanya. Hindi ko maligilan na maiyak habang naglalakad ako.
Nung nasa US ako unti unti ng nawala sa sistema ko si Miggy. May mga oras na
naiisip ko siya pero sa tagal ng panahon parang nakalimutan ko na din siya.
Nakalimutan ko na nga din yung sakit eh. Kaso ngayon na bumalik na ko ulit sa
pinas, parang bigla namang bumalik lahat. Lalo pa ngayon na nakita at nakausap ko
ulit si Miggy. Na realize ko na mahal ko pa din siya. Nakakainis naman eh.

May asawa na siya at anak kaya kahit anong mangyari hindi na kami pwede. Hindi na
kahit kelan.

"Uy Cristin!" pinahid ko agad yung luha ko. "Umiiyak ka ba?"

"Alyssa? ikaw na ba yan?"

"Ano ka ba three years ka lang nawala! Oo ako 'to. Teka nga umiiyak ka ba?" iniwas
ko yung mukha ko sakanya. Ayokong makita niya akong umiiyak.

"Napuwing lang ako. Kamusta na pala?"

"Okey lang, ikaw? Kelan ka pa ba nakabalik ha?"

"Kanina lang. San ka papunta?" bigla siyang napa ngiti tapos napa tingin siya dun
sa convenient store na katapat namin.

"Kasama ko si Dante, may binili lang kami." kasama niya si Dante? hindi kaya..
"Kayo na ulit ni Dante?" bigla siyang nag blush. Haha! ang cute naman nila.
"Ayieee! sabi na eh, kayo din talaga sa huli." mas lalo siyang namula sa pang aasar
ko. Wahaha! nakakatawa naman.

"Oo kami na ulit. Akalain mo yun? Kami din pala talaga ulit. Sana nga forever na
kami eh."

"Tiwala lang! Kapag nag break dinaya!"

"Oh teka andyan na pala si Dante eh! Babe!" pagkalingon ko nakita ko si Dante,
parang wala siyang masyadong pinag bago. "Andito na pala si Cristin eh."

"Welcome back!" inakbayan niya agad si Alyssa. Sila na sweet na dalawa, huhu.
"Kelan ka pa bumalik?"

"Kanina lang. Balita ko kayo na ulit ni Ally ah! Taray! Sa haba haba ng pinag
daanan niyong dalawa, kayo din pala." Pareho silang namula sa sinabi ko.

"Ganon nga talaga kapag kayo, kayo talaga." pagkasabi nun ni Dante tinignan niya
mata sa mata si Alyssa, bah yan! bakit ba kasi ang sweet nila?!

"Nakaka inggit kayo! para kayong destined to each other. Kainis lang! haha." 

"Malay mo destined din pala kayo ni Miggy, na after all this years kayo din pala.
Yun eh kung may asawa ka na?" pati din ba sila.

"Wala pa kong asawa pero si Miggy meron na kaua never nang magiging kami."

Mukhang nabigla silang dalawa sa sinabi ko. Nag tinginan sila na parang hindi sila
makapaniwala. "Anong problema?"

"Hindo mo pa siguro alam?" ano bang sinasabi ni Alyssa?

"Alam ang ano?"

"Cristin wala sila Miggy at Mina. Hindi totoong buntis noon si Mina."

Tama ba lahat ng naririnig ko ngayon? Hindi totoong buntis si Mina? Parang


nanghihina ako sa mga maririnig ko.

"Yung babaeng yun! Ang kapal kapal niya! gawa gawa lang pala niya yung pag bubuntis
niya para pakasalan siya ni Miggy! Buti na lang fake lang yung wedding nila. Naka
halata na din kasi si Ate Michelle kaya pinalabas lang niya na totoo yung kasal."

Sobrang dami ng nalaman ko parang hindi pa pumapasok lahat sa utak ko. Hindi
totoong may anal sila at hindi pa din kasal si Miggy. Totoo ba talaga lahat ng 'to?
"Sinubukan kang sundan ni Miggy sa US pero naisip niya na baka makagulo lang siya
sayo. Akala din kasi niya huli na yung lahat."

Pakiramdam ko maiiyak ako. Hindi ko alam yung eksaktong dahilan kung bakit pero
unti unti na lang tumulo yung mga luha sa mata ko.

Hinawakan ni Alyssa yung kamay ko. "Ang sabi samin ni Miggy hihintayin ka na lang
daw niya na makabalik dito. Kung mahal mo pa daw siya ibig sabihin lang kayo talaga
para sa isa't isa."

"Cristin tatlong taon kang hinintay ni Miggy. Hindi siya tumingin kahit minsan sa
iba. Mahal na mahal ka pa din niya. Pakiramdam ko namam mahal mo pa din siya kaya
wag mo ng sayangin yung chance na 'to."

Pinahid ko yung luha sa mata ko. Tama si Dante eh, ilang chance na ba meron kami ni
Miggy? Madami na kaming chance na sinayang at baka yung chance na 'to yung huli.
Tumakbo ako sa lugar na kung saan pwedeng nandun si Miggy. Sana nandun siya.

Nakarating ako sa puno na pinag ukitan namin ni Miggy ng pangako namin. Ang Tin-
Miggy forever, kapag nag break dinaya. Eto yung lugar namin ni Miggy. Hindi naman
ako nagkamali kasi andito siya.

Nakatalikod siya sakin, unti unti akong lumapit sakanya tska ko siya niyakap.

"Si-sino ka?"

"Kapag ba sinabi ko din sayong mahal pa din kita, magiging tayo na ulit?" hinarap
niya ko. Gulat na gulat siya na makita ako.

"Cristin.."

"Alam ko na yung lahat ng nangyar nung wala ako. Wala ka bang napapansin?"

"Napapansin?"

Tatlong taon kong niloko yung sarili ko. Pinaniwala ko yung sarili ko na hindi ko
na mahal si Miggy. Tatlong taon akong indenial sa totoong nararamdaman ko. Nag
bulagbulagan ako sa pagmamahal ko kay Miggy. Kahit pala lumipas na yung matagal na
panahon, mahal ko pa din siya.

"Ang dami na nating napag daanan pero sa huli pinagbubuklod pa din tayo ng
tadhana." Lumapit siya sakin, hinawakan niya yung mukha ko.

"Sabi ko sa sarili ko kung tayo, tayo pa din sa huli. Kaya hinayaan kita sa US pero
nag hintay ako kahit matagal at kahit na walang kasiguraduhan yung pag aantay ko.
Tama pala ako, Tin-Miggy forever talaga tayo."

"Miggy I love you, after all this years mahal na mahal pa din kita pudge."
napangiti siya ng malapad.

"Mahal na mahal din kita pudge ko.."


Unti unti niyang nilapit yung mukha niya sakin. Pinikit ko yung mata ko tska ko
naramdaman yung mga labi niya sa labi ko.

Sa lahat ng namiss ko, siya yun.

"Kapag nag break dinaya."

--

May Epilogue pa :)

=================

Epilogue

Epilogue

"Mommy! Mommy! Up! Up!"

Binuhat ko si Princess, nako ang bigat na talaga niya. Mangangawit na naman ako
neto eh pero okey lang loves ko naman siya eh.
"Baby paano kapag nawala na si Mommy? dapat hindi ka na nag papabuhat, big girl ka
na eh." Bigla siyang umiyak. Nako naman, paano ko siya iiwan neto.

"Princess why are you crying? Pinaiyak ka ba ni Mommy Tin mo?" tinignan ko ng
masama si Miggy. Tss anong akala niya sakin papaiyakin ko ang baby girl ko?

"I don't want Mommy to go!" hindi pa din siya tumitigil sa kakaiyak.

"Princess!" tawag sakanya ni Sarah. "Hindi na dito titira si Mommy Tin, dun na siya
sa condo niya." natahimik na siya, tignan ba naman ng masama ni Sarah eh.

"Oh bakla ikaw na mag buhat kay Princess para naman masanay na sayo. Nasanay na
kasi sakin eh." binigay ko sakanya si Princess, sana masanay agad sakanya yung anak
niya. Busy kasi sila pareho ni kuya sa work.

"Minsan bakla nag seselos na ko sayo, mas close pa kayo ng anak ko eh."

"Anong magagawa ko? ang sarap alagaan ni Princess eh. Ang cute cute eh." pinisil ko
yung mala siopao na pisngi niya.

"Naiingit lang yan si Pudge, gusto na din ata magka baby eh. Haha!" psh! loko
talaga 'to si Miggy! baka siya yun. Kung ano ano yung naiisip eh.
"Eh bakit kasi hindi pa kayo gumawa ni Miggy?"

"SARAH!" namula ata ako. Baliw talaga netong hipag ko. Sana hindi mamana sakanya ng
pamangkin ko yung pagkabaliw niya. "Hindi pa nga kami kasal ni Miggy eh."

"Problema ba yun? Eh magpakasal na kayo ni Miggy!" tumingin ako kay Miggy. Kasalan?
nasa isip na kaya yun ni Miggy?

Bigla naman nag salita si Princess. "Mama! Sakin magpapakasal si Miggy!" natawa
kaming lahat kay sakanya. Crush na crush niya kasi si Miggy eh.

"Baby! Si Miggy para kay mommy na okey?" umiyak na naman siya. Ang cute ni
Princess! ma miss ko siya kapag lumipat nako sa condo ko.

"Princess pag laki mo makakakilala ka din ng Prince na para sayo, okey?" sinungitan
lang siya ni Princess. Haha! Nagtampo na sakanya ang baby girl ko.

"San kaya nag mana ng kabaliwan 'tong anak namin ni Ace?" nako Sarah! nagtanong ka
pa! "Seryoso na, wala pa ba kayong balak mag pakasal? mag six years na kayo simula
nung high school tayo."

"Matagal pa siguro yun, babalik na si Miggy bukas sa US para sa business nila dun.
Six months siya dun." ngayong naalala ko yung pag alis niya bigla akong nalugkot.

"Paano kung ayan na kita magpakasal ngayon? Papayag ka na ba pudge?"


Natigilan naman ako dun. Hindi naman siguro ayan yung proposal niya noh? Haha.

"Oo naman, kahit saan at kahit kelan magpapakasal ako sayo."

"Ayieee! Ayun yun eh." hala! kung kiligin akala mo teenager. Baliw talaga oh.
"Miggy!"

May sinenyas sakanya si Sarah pero hindi ko nakita. Ano naman kaya yun?

"Pudge kelangan na nating umalis."

"Teka, hihintayin ko pa sila mama tska si Miguel. Lilipat na ko sa condo ko ngayon


kaya kaylangan makapag paalam ako sakanila." parang nataranta so Sarah.

"Ah Tin kasi si mama at papa mamayang gabi pa uuwi. Si Miguel ayun nag date sila ni
Ella at alam mo naman si Ace mamaya pa dating galing trabaho." san nag punta sila
mama? pagbibigyan ko na nga si Miguel, si Ella naman kasama niya eh. "Mabuti pa
umalis na kayo. Pupunta na lang kami sa condo mo, hehe."

"Sige na nga, paki sabi na lang sakanila nauna na kami ni Miggy ah."

"Sige! ingat kayo ah. Goodluck Miggy!"


"Goodluck?" napa tingin ako sakanilang dalawa.

"Ha? wala sabi ko goodbye. Hehe." ang weird ni Sarah ngayon pati 'tong boyfriend
ko. "Sige na umalis na kayo! Traffic ngayon."

"Okey sige, bye Princess." tulog na pala ang baby. "Ingat kayo ni baby. Tatawag ako
kapag nakarating na kami sa condo."

"Teka Tin, may ipapasuot ako sa inyo ni Miggy."

Binigyan niya kami ng damit pangkasal?! yung dress ko simple lang tska hindi ganun
kahaba. Maganda siya. Si Miggy naman barong tagalog, wow ang gwapo ng pudge ko.

"Para saan naman 'to?"

"Ah kasi may nag aantay sa inyo sa condo mo, friend ni Ace. Kelangan niya kayo
makita na suot niyo yan. Basta hehe."

Ang weird talaga si Sarah ngayon. Sinuot ko na lang baka mamaya importante pang tao
yung nag aantay samin sa condo ko.

Kinuha ko na lahat ng gamit ko pero nagtira pa din ako ng konti if ever


magbabakasyon ako sa bahay. Hays ma miss ko 'tong bahay na 'to.
"Tara na?" tumango ako tska kami umalis. Bye bye house.

Medyo matagal na kaming nasa byahe ni Miggy. Parang hindi eto yung way papunta sa
condo ko? baka naman nag shortcut si Miggy kasi Traffic? pero parang mas natagalan
lang kami eh. Naghintay pa ko baka talagang nag iba lang ng way si Miggy kaso
huminto kami sa tapat ng isang simbaha.

"Anong gagawin natin dito?"

"Naisipan ko lang mag dasal bago ako umalis bukas." ngayon pa talaga niya naisipan?

Bumaba kami, tinignan ko muna yung simabahan. Ang ganda ganda naman, kung
magpapakasal kami ni Miggy dito yung gusto ko. Teka bakit nakasara yung simabahan?

Tumingin ako kay Miggy. "Paano tayo mag sisimba, eh sarado yung simbahan pudge?"
hinawakan niya yung kamay ko.

"Nung una pa lang kitang nakita, may kakaiba na akong naramdaman para sayo."

Teka lang ah? sabi niya mag sisimba kami pero bakit gumaganito siya?

"Ang dami ng problema na dumaan satin. Minsan naisip ko na lang sumuko. Parang ayaw
ata talaga ng tadhana na magkatuluyan tayong dalawa. Alam mo ba kung ano yung bagay
na nag bigay sakin ng lakas ng loob ipag laban kung anong meron tayo?"

Kinikilabutan ako sa mga sinasabi ni Miggy. Bakit ba niya yan sinasabi sakin
ngayon? Bigla siyang lumapit sakin, sa tenga ko.

"Mahal na mahal kasi kita Tin.."

Lumuhod siya sa harap ko. Nanlaki na lang yung mata ko. Wag mong sabihin na..

"Nung umalis ako papuntang US, hindi maganda yung nangyari nung bumalik ako. Kaya
ngayon na aalis ulit ako, hindi na ko papayag na hindi na naman maganda yung
mangyayari pagbalik ko."

May kinuha siyang maliit na box sa bulsa niya. Parang naiiyak na ko. Eto na ba
talaga yun? pero aalis na siya bukas, ngayon pa siya mag po-propose sakin?

"Sabi mo kahit saan at kahit kelan magpapakasal ka sakin. Cristin papayag ka bang
magpakasal sakin now at this place?"

Ngayon na?! at dito? ano bang sasabihin ko? payag naman talaga akong mag pakasal
sakanya eh pero ngayon na talaga?

"Will you marry me?"


Eto na. Eto na talaga yun.

"Yes Miggy, I will. I will marry you. Kahit saan pa yan at kahit ngayon pa."

Binuhat niya ko. Unti unti namang bumukas yung pintuan ng simbahan. Napanganga na
nga lang ako kasi sila mama at papa nasa loob na at nakapang bihis na ng pangkasal.

"Plano mo na 'to?"

"Oo matagal na at lahat sila kasabwat ko. Kaya nga kinakabahan ako kanina baka kasi
i reject mo ko."

Kaya pala ang weird nilang dalawa ni Sarah. Kaya pala pinasuot niya samin yung
wedding dress. Kaya pala wala sila mama dahil andito na sila. Hindi lang sila mama
at papa. Silang lahat na malapit samin ni Miggy. Wow ha, pinag planuhan talaga ni
Miggy 'to. Hindi ko tuloy mapigilan na maiyak sa tuwa.

"I'll go ahead, pupunta dito si mama at papa para ihatid ka nila sakin sa altar."
sabay kindat sakin.

Lumapit sakin si mama at papa. Si mama umiiyak na. Ikakasal na talaga ko? eto na ba
talaga yun?

"Anak, alam ko naman na mahal niyo ni Miggy ang isa't isa. Sa dami ng napagdaanan
niyo alam kong hindi ka niya papabayaan." umiiyak pa din siya, hala yung make up ni
mama. "Pinapaubya ka na namin kay Miggy."

"Anak maging masaya kayong dalawa."

Naiiyak na din ako. Kainis naman, drama much. Araw ng kasal ko 'to dapat maganda
ako at dapat hindi ako umiyak.

Binigay sakin ni Mama yung veil at bulaklak tska kami pumasok sa loob ng simbahan.
Kinakabahan ako na masaya at the same time excited. Ikakasala na din ako, sa taong
mahal na mahal ko.

Unti unti kaming naglakad ni mama at papa papunta sa altar kung saan nag aantay si
Miggy.

Habang naglalakad ako hindi ko napigilan na umiyak. Ganito pala yung pakiramdam na
maglakad papuntang altar. Ang sarap sa pakiramdam kahit na biglaan lang lahat ng
'to. Simple lang yung kasal namin pero lahat ng tao na naging parte ng pag iibigan
namin nandito. Lahat ng mahahalagang tao sa buhay namin nandito. Tama nga yung sabi
nila, sa hinaba haba ng prusisyon sa simbahan din ang tuloy.

Sa dami ng mga problema na napag daanan namin ni Miggy, sinong mag aakala na kami
din pala talaga hanggang dulo? Siguro nga kami talaga para sa isa't isa. Siguro
lahat ng nangyari samin, nakatakda talagang mangyari. Yung unang pagkakakilala
namin, sa ligawan, hanggang sa maging kami.

Nakadating na kami sa pwesto ni Miggy. Ang gwapo niyang groom. Eh kamusta naman
kaya ako?
"Ikaw na ang bahala sa anak namin Miggy."

"Makaka asa po kayo papa at mama."

Dumeretso na kami ni Miggy kay father. Eto na talaga 'to, totoong totoo na. Ang
saya saya ko lang.

Sabi nila ang DOTA daw kadalasang dahilan kung bakit nag hihiwalay yung mag
boyfriend at girlfriend pero sa kaso namin ni Miggy iba. DOTA ang dahilan kung
bakit kami nagkakilala. DOTA ang dahilan kung bakit kami nagkabalikan ulit. Dati
sabi ko sa sarili ko, hindi ako magmamahal ng isang DOTA PLAYER. Akala ko kasi
sasaktan lang nila ko, uunahin pa yung dota kesa sakin. Kaso nung nakilala ko si
Miggy nag bago lahat. Tama nga sila, Basta dota player sweet lover.

"Miggy Rivera, do you take Cristin Arrevalo as your wife? Till death do you part?"

Hinawakan ni Miggy yung kamay ko tska niya ako tinitigan.

"Yes father, I do." hindi ko napigilan na mapangiti.

"Cristin Arrevalo, do you take Miggy Rivera as your husband? Till death do you
part?"
Pinikit ko yung mata ko, eto na yung pangarap ko at tinutupad ko na siya ngayon sa
taong mahal na mahal ko. Wala na akong hihilingin pa.

"Yes father, I do."

Dito na mag sisimula yung TIN-MIGGY FOREVER. Ang pangako na pareho naming binuo at
ngayon ay tinutupad na namin.

END.

=================

Author's Note

After one year, natapos ko na din ang kauna unahang story na ginawa ko sa wattpad.
Huhubells medyo emo emo lang ako ngayon kasi natapos ko na din siya. Mamiss ko
'tong story na ,to

Maraming maraming salamat sa lahat ng sumabaybay sa 'Im Inlove with a Dota Player'.
Sa lahat ng nag abang ng mga updates ko at sa lahat ng mga nag vote at comment.
Super salamat talaga <3

Sa isang taon na yun madami akong nakilala dahil sa story ko na 'to. Ang saya ko
lang talaga na may naka appreciate ng ginawa ko, kahit nga hindi dota player nag
basa pala neto. Sana nagustuhan niyo siya hanggang sa huli. Salamat talaga ng
madaming madami.
Wala pa po akong soft copy kasi iedit ko pa siya. Alam ko madami akong mali sa
grammar at mga typo kaya I'll try to edit it, pag nagka time na ko. Mag post na
lang ako once mag bibigay na ko ng soft copy.

Maraming maraming salamat sa lahat ng sumabaybay sa TIN-MIGGY LOVE TEAM. ^__^

-- Miss Author (tina)

=================

Season 2 -- Chapter 3

Season 2 -- Chapter 3

 .

 .

 .

Miggy's point of view

 .

"Miggy?" Nagkatinginan kami ni Tin dahil alam naming pareho na boses yon ni Ate
Michelle. "Nandyan ka ba?"

 .

Tumayo agad ako tapos pumunta ako sa pintuan. Pagbukas ko pa lang nang pinto,
nakataas na agad yung kilay niya. Ano pa bang bago kay Ate?
 .

"Seems like you want to see me." Pagtataray niya. Napakamot na lang ako nang ulo.

 .

Amp! Wrong timing naman kasi yung dating mo Ate eh.

 .

"Hindi naman Ate, biglaan lang kasi yung pagpunta mo dito." Nginitian ko siya.
"Tara sa loob?"

 .

"Buti naman inaya mo ako sa loob. Akala ko hindi mo ako papapasukin." Nagtaray na
naman siya tapos pumasok siya sa loob nang unit namin.

 .

"Hello Ate Michelle." Bati sakanya ni Tin.

 .

"Oh, nandito ka pala." Nagsisimula na naman siyang magtaray sa asawa ko. Tumabi
agad ako kay Tin.

 .

"Asawa ko si Tin kaya siya at bahay niya din 'to." Sinabi ko yon para ipaalala
sakanya kung sino yung tinatarayan niya. "Masanay ka na Ate na palagi siyang
nandito."

 .

"Fine." Yung tingin niya sakin ngayon parang gusto niya akong sigawan. Alam kong
naiinis siya sa ginawa ko at for sure gera na naman saming dalawa yon. "Wala ba
kayong food dito?"

 .

Nagkatinginan agad kami ni Tin sa sinabi ni Ate. Ayos lang naman yung luto ni Tin
pero alam ko na hindi magugustuhan ni Ate yon at sa pagkakakilala ko sakanya
masyado siyang diretso kung magsalita.

 .

"Sa sarap nang luto ni Tin, naubos ko na Ate. Mag papa deliver na lang ako nang
food para sayo." Tinignan ko si Tin at parang nabunutan siya nang tinik sa sinabi
ko. "Anong food yung gusto mo?"

 .

"No thanks, nawalan na ako nang gana." Tinignan niya nang masama si Tin tapos
dumiretso siya nang sala.

 .

Hanggang ngayon hindi pa din talaga siya nagbabago, pambihira. Hindi ko


maintindihan kung bakit ayaw niya sa asawa ko, after all this years.

 .

Dumiretso na lang din kami ni Tin sa sala. Tahimik lang siya kinakabahan siya dahil
kay Ate Michelle.

 .

"So, may aasahan na ba akong pamangkin sa inyo?" Nagkatinginan ulit kami ni Tin at
hindi kami makasagot. "Wag niyo nang sagutin, alam ko na yung sagot sa tanong ko."
May binulong pa siya pagkatapos non, mahina lang kaya hindi ko din narinig. Ano man
yon alam kong hindi maganda yung sinabi ni Ate. Wag lang sana marinig ni Tin yon.
"The reason why I'm here, is because I want to talk to you Miggy about business."
Tinignan niya si Tin. "If you will excuse us, Cristin."

 .

"Ah, okay Ate." Patayo pa lang si Tin pero pinigilan ko na siya. "Miggy?"

 .

"Mag stay ka dito sa tabi ko. Asawa kita kaya dapat nandito ka din." Hindi
makapaniwala si Ate sa ginawa ko pero wala akong pakialam. Simula nang kinasal kami
ni Tin, iisa na lang kami. "So, ano ba yung sasabihin mo?"

 .
"Ibebenta ko na ang kompanya." Muntik na akong matawa. "I'm dead serious about it."
Seryoso ba talaga siya don?  Hindi ako makapaniwala.

 .

"Ate hindi mo pwedeng gawin yon, alam mong ayan na lang ang ipinama satin ni Dad at
Mom. Hindi ako papayag!" Tumayo siya at parang galit na galit.

 .

"Anong magagawa ko ha?! Luging lugi na yung kompanya natin! Isa pa may tatlong
milyon tayong utang at dalawang milyon lang yung pera ko paramabayaran yon. Kulang
pa din para makabayad tayo." Para akong nanlumo.

 .

"Ibebenta ko ang shares natin sa ayaw at gusto mo. Miggy it's our only choice. It's
either magsasara tayo nang tuluyan o ibebenta natin sa iba yung kompanya." Kahit
papaano napakalma ako don. Naisip ko kasi na tama si Ate. "Gusto ko lang ipaalam
sayo 'to pero desidido na ako."

 .

Hindi ko matanggap na mawawala na sa amin yung kompanya na iningatan at inalagaan


ni Mom and Dad. Ayon na lang yung tanging naiwan at alaala nila samin ni Ate. Hindi
ko kayang tanggapin yon. Kailangan kong gumawa nang paraan.

 .

"Isang bwan Ate, bigyan mo ako nang isang bwan." Umupo siya at nag taas siya nang
kilay. "Babayaran ko yung natitirang utang nang kompanya natin at kapag nangyari
yon, hindi mo na kailangan na ibenta pa yon." Natawa siya.

 .

"Nahihibang ka na ba? Isang bwan? Saan at paano ka makakakuha nang isang milyon sa
loob lang nang isang bwan?"

 .

"Ako na ang bahala. Basta mangako na kapag nabayaran ko yung natitirang utang
natin, hindi mo na ibebenta pa sa iba yung kompanya natin." Natigilan si Ate
Michelle.
 .

Mukhang iniisip niya kung tatanggapin niya ba yung offer ko o hindi. Hindi siya
pwedeng tumanggi dahil hindi ako papayag na mawala samin yung kompanya.

 .

"I'll give you three weeks."

 .

"Fine, three weeks." Seryoso kong sabi. "I'll trust your word Ate."

 .

"Wag kang magpakampante Miggy. One million is one million at hindi mo yan mapupulot
kahit saan." Hinakawan ni Tin yung kamay ko at alam kong nag aalala siya sakin.
"I'll be back here after three weeks." Tumayo si Ate Michelle. "I have to go,
tawagan mo ako kung may kailangan ka. Take care." Niyakap niya ako bago siya umalis
pero hindi man lang niya pinansin si Tin.

 .

Gusto kong magalit kay Ate dahil sa ginagawa niya sa asawa ko pero kahit anong
mangyari kapatid ko pa din siya at wala si mom and dad kaya dalawa na lang kami.
Umaasa pa din naman ako na in time magiging maayos din sila ni Tin lalo na siguro
kapag nagka anak na kami.

 .

"Pudge, saan ka naman kukuha nang ganong kalaking pera?" Nag aalalang tanong ni
Tin.

 .

Hinawakan ko yung kamay niya. "Hindi ko pa alam Pudge pero gagawa ako nang paraan."
Pinilit kong ngumiti sakanya dahil ayoko siyang mag alala sakin. "Hindi pwedeng
mawala samin yung kompanya. Iniwan samin yon nang magulang namin."

 .

"Sabihin mo lang agad kung may maitutulong ako." Tinignan ko siya.


 .

Ang swerte ko talaga sa asawa ko.

 .

"Hindi mo na kailangang problemahin yon Pudge, ako na lang ang bahala sa lahat."
Nag pout siya bigla kaya hinalikan ko siya. Natawa siya sa ginawa ko. "Pudge just
let me handle this."

 .

"Asawa mo na ako. Yung problema mo, problema ko na din." Niyakap niya ako. "Miggy
Rivera, iisa na tayo kaya kahit anong mangyari kailangan andyan ako para sayo."
Hinarap ko siya sakin.

 .

"Alam mo Pudge? Ako na yung pinaka maswerteng lalaki sa mundo dahil naging asawa
kita." Tinitigan ko ulit siya. "I love you Pudge, always and forever."

 .

"I love you too Pudge, always and forever." 

 .

Nilapit ko yung mukha ko sakanya pagkatapos hinalikan ko siya. Binuhat ko siya


pagkatapos dinala ko siya sa kwarto namin. Hiniga ko siya sa kama namin. Tinuloy ko
yung paghalik ko sakanya at nilagay ko yung kamay ko sa bewang niya, siya naman sa
leeg ko. Habang tumatagal mas tumitindi yung paghahalikan namin na pakiramdam ko
umiinit na yung buong katawan ko. Nawala lahat nang yon nung biglang napatayo si
Tin.

 .

Nagmadali siyang pumunta sa may lababo. Biglang bumilis yung tibok nang puso ko
nung nagsuka siya. Pumasok kasi agad sa isip mo na baka buntis siya. Lumapit agad
ako sakanya tapos inalalayan ko siya. Nung maayos na siya, hinarap ko siya sakin.

 .
"Pudge.. pwede bang buntis ka?" Nagkatinginan kami. Bigla na lang siyang naiyak
kaya niyakap ko siya. "Shh.. tahan na. Mag papatingin tayo bukas sa doktor, okay?
Tahan na."

 .

Yakap yakap ko siya at hindi ko mapigilan na mapangiti at the same timw kabahan.

 .

Magiging tatay na ba ako?

 .

 .

 .

 .

To be continued..

=================

Authors note 2

Matagal kong pinag isipan kung itutuloy ko pa ba ang book 3 o hindi.

Mahal ko ang story na ito dahil ito ang unang story na ginawa ko. Ang gulo pa nga
ng pagkakasulat nito pero mahal mo ang story simply because hugot siya sa personal
life ko.

Sobrang busy na ako ngayon dahil sa trabaho, sa anak ko at aaminin ko yung utak ko
nakatuon sa ibang story. Plano ko din i revise ang buong story (minor lang) baka
kasi may chance na ma publish din ito. Kahit anong pilit ko, hindi ko na kayang mag
bigay ng oras pa para sa book 3.

I decided to delete and stop writing the book 3. Hindi na siya mabibigyan ng
justice at ayokong pumanget yung story. Alam ko madaming magagalit sakin pero this
is for the better. Ayokong mag mukhang pinabayaan ko na lang. Mas mabuting matapos
sa maganda yung story. I hope you could understand my perspective.

Sana maintindihan niyo ako.

Salamat sa lahat ng sumuporta sa story nila Tin at Miggy. Mula sa puso ko, salamat.
Sana hindi pa din kayong mag sawang sumuporta sakanila.

Thank you and mahal ko po kayo.

-- blue_maiden

PS: Para hindi kayo malungkot ng sobra, mag lalagay na lang ako ng special chapter
nila Tin-Miggy and their kids. :)

You might also like