You are on page 1of 27

OUR LOVE STORY PART 1

Kung nakakatunaw lang ang pagtitig,


Siguro noon ka pa nalusaw.


Kung nakakamatay lang ang pagtingin,
Siguro noon pa naubos ang mga umaaligid sayong babae.


At kung nasusulat lang ang pinakamagandang love story�
Siguro noon pa tayo magkasama.



Hanggang tingin ka nalang ba talaga sa nangangarap kong mga mata
Habang ikaw ay nagdaraan sa aking harapan�

O balang araw, magiging katotohanan din ang panaginip kong
IKAW AT AKO?


** ** **

How I wish this is true
The quote that I made, for us two.

�Just wait and see.
In the end, it will still be you and me.�


�Jhie ano yan?� Napatalon ako sa gulat at dali daling isinara ang notebook ko.
Jusko naman tong si Zel eh, bigla bigla ba namang susulpot!

�Wa�ala.� Nauutal ko pang sagot at binigyan sya ng isang malapad na ngiti.

�Asus! Wala pa daw, eh nabasa ko nga noh!� Umupo sya sa tabi ko at dumikit sakin,
saka inakbayan pa ako. Bestpren ko yan � at parang kapatid ko na din. Pareho kasi
kami ng blood type eh, AB-normal. Haha!

�N--abasa? Talaga?� Wag naman sanang nabasa nya. Yan ang pinakatatago kong sikreto
eh!

�Oo! Love letter yun dba? Ibibigay mo na ba kay Mr. Taken?�

Umiling ako kaagad� at napangiti na din. Mukhang hindi nya naman nabasa yung
sinulat ko eh. Whew!

�Hindi. Tsaka, Mr Taken? Sino ba yan?� painosenteng tanong ko sa kanya.

�Asus! Denial ka pa din teh? Gusto mo puntahan pa natin sa gym para maalala mo?�
nakangisi nyang sabi at kiniliti pa ako sa tagiliran.�

�Ay ewan ko sayo, di ko sabi kilala yan eh!�


Kilala ko naman talaga ang tinutukoy ni Zel. Kaso, pinipilit kong kalimutan yun.
Base na nga sa codename namin sa kanya� TAKEN na sya.

Crush ko yung si Mr. Taken.�First ever crush.�Nung hayskul ko kasi, di naman uso
sakin ang ganyan eh. Paki ko ba sa mga lalaking yan, eh di ko naman yan makakain
dba?

Kaso, uulitin ko.�Noon yun.

Nakita ko kasi � SYA last sem, �at naging crush din kalaunan. Syempre nakakakilig.
Lalo pa kung makikita ko sya na napapadaan, at napapatingin pa sa kung san kami
nakaupo o nakatambay.

Di ako assuming ha! Yun talaga ang totoo, napapatingin naman talaga sya. Tsaka, di
ko din sinabing� AKO ang tinitingnan nya. Yung pwesto lang namin!

Kaso, sa minalas malas. Nabasag agad ang puso ko sa una palang. May nag mamay ari
na kasi sa kanya. Maganda, sexy, mukhang matalino at mayaman. Ako? Di na kelangang
idescribe, wala din namang panlaban dun eh.


�Hoi! Tulala AGAIN?? Ano ba, akala ko ba di mo kilala? Mukhang sya pa ang nasa
isipan mo ngayon.� Pang aasar nya ulit.

Sinapak ko nga. Adik talaga to, di marunong makainfindi.

It hurts to bring the past back��Oh echos! Haha. Biro lang yun.


�Bahala ka nga dyan. Ayaw mo maniwala edi wag. Tsaka meron na akong akin--� Kusang
nahinto ang dila ko sa pagsasalita.


Kasi� kasi� kasi�


Kadadaan lang nya. Kadadaan lang nya!

Oo sya. Ang bago kong inspirasyon ngayon.

Alam kong anlandi pakinggan� di pa nga ganun na naka move on dun sa isa, may iba na
naman. Hay! Pero crush ko lang din yang pangalawa. Pinagbabalingan ko lang ng
nararamdaman ko para makalimutan yung una. At pangako ko, di ako mahuhulog sa kanya
tulad nung una� kasi panigurado, may nagmamay ari na din sa kanya.

Inspirasyon. Yan lang sya, at para na rin ganahan akong mag aral. Haha! Oh dba
totoo naman??


[Lunch Break]


Sa wakas! Busog na din. Ansarap ng fried chiken!

Kakatapos lang naming kumain sa labas. Mas mura dun kesa dito sa loob ng campus
namin kaya dun na kami kumakain ng tanghalian.

�Jhie may piso ka?�

Tumayo ako ng maayos mula sa pagkakasandal sa pader at dumukot ng piso sa bulsa ko.

�Yan� inabot ko sa kanya ang piso.

�Eto po kuya oh� abot nya dun sa tindero. Nasa isang stall kasi kami ngayon sa loob
ng campus.

Bumili nga tong si Zel ng chichiria. Ritwal na nya yan tuwing matatapos kaming
kumain ng lunch, di pa kasi nabubusog sa kanin at ulam. Nagtataka na nga ako sa
alaga nya dyan sa tyan nya eh! Parang... wala atang kabusogan�!


Mamaya pa ang next subject namin. 1 hour pa.

Umupo kami sa tambayan ng mga estudyante na nasa tabi lang ng stall ng mga
chichiria. Dun lang kami sa gilid na benches naupo. Mahangin kasi.


�May nainterbyu ka na ba para sa Filipino natin?� Inalok nya ako ng chichiriang
binili nya pero umiling lang ako.

�Wala pa nga eh. Wala naman kasi akong kakilalang varsity player at working student
dito.� Paliwanag ko at nakatanaw nalang ulit sa kawalan-- Este, paligid pala. Haha!

�Ah. Ako meron na. Kahapon. Isang swimmer tsaka working student dun sa scholarship
office.� Balita nya at sumubo ulit.

Buti pa sya.

Sa Friday na kasi pasahan nun, at ano na ngayon? Wednesday? 2 days nalang. Tas wala
pa talaga akong nagagawa.

Interbyu lang naman yun eh� kaya madali lang sana. Kaso ang mahirap, ang pag
approach sa kanila.

Nakakahiya kaya. >___< Di ako magaling sa ganyan eh.


�Wag kang mag alala, hahanapan kit����Hindi na naituloy ni Zel ang sasabihin nya
nang mabulunan sya bigla.

�Oh? Uy�! T--eka tubig!� nataranta ako sa paghahanap ng mineral bottle sa bag nya.
Binuksan ko ito, saka ibinigay sa kanya.

Jusme�! Kinakabahan ako ng di oras sa babaeng to.


Uminom lang sya ng konti at agad� agad na nagsalita.


�Si Mr. Taken!� nginuso nya agad ang nasa may kanan ko.


Napatingin naman ako. Amp! Alam kong kung minsan niloloko lang nya ako, pero para
makasigurado nalang din� edi problema bang tignan sya?


�Shet� nabulalas ko nang makitang nakatingin sya dito samin. Nakatayo sya kasama ng
mga katropa nya sa labas ng Male�s CR.


Bumilis ang tibok ng puso ko. AS USUAL. Lageh naman eh. Kaasar na nga!


Tumalikod ako at humarap kay Zel.


�U--malis na tayo� natatarantang yaya ko sa kanya at inayos na ang bag ko.

�Jhie namaaaan!� Tumingin sya sa relo nya at sakin ulit. �San tayo tatambay? 45
minutes pa hihintayin natin ah.�

��Basta!� Sagot ko nalang at tumayo na. �Halika na!� atat na ako.

�Oo na.� �No choice, tumayo na din sya at naglakad na nga kami papunta sa��


DI KO ALAM. Hay! Basta, wag lang dun... kahit san pwede na.


Pramis ko kasi sa sarili ko, di ko na sya tititigan. Iiwasan ko na din sya para di
na ako umasa at mahulog ulit sa kanya.

Buhay oh� kung kelan gusto mong kalimutan, dyan magpapakita. Maasar??


Nasa Administration Building kami ngayon.

Wala lang, patatanaw tanaw dito sa mga bulletin board dito sa Accountancy Dept.
Boring nga eh. 25 minutes pa kasi kelangang hintayin bago ang next class.


�Ang talino neto Jhie noh�? 1. 16 ang gen. average!� Tumingin ako sa tinuturo nyang
pangalan.
Wooh! Grabe lang, antalino! Kung ako yan, di ko kakayanin. Haha!

Nakisali nalang din ako sa pagtingin dun sa dean�s lister last sem ng mga higher
years. Grabeh, parang di ko keri ang mga grades nila. Antataas!


10 minutes ang nakalipas.

Andito na ako sa maliit na bench na nakapwesto sa labas ng Accountancy Dept. As in
katabi lang ng pinto.� Pagod na ako eh. Pero tong isa, hindi pa rin natigil.
Echusera talaga to!

Patingin tingin lang ako sa mga nagdaraan.


Nang biglang bumukas ang pinto.


Di ko na pinansin sana kaso�


*sniff sniff*

Ang bango naman neto! Amoy perfume! Hala! Baka naka downy?

Amoy na amoy ko kasi nga nasa tabi lang ang upuan dito sa mismong pinto.


Pagtingala ko sa lumabas�
Nagulat ako.


T--otoo ba to??


Nakita ko syang nakatingin din sakin. Pero dali dali naman nya itong inalis nang
magtagpo ang aming mga tingin.


At isang malakas na kabog ng puso ko ang narinig ko. Nabibingi ako sa lakas!


Yun ang pinaka unang beses na ganun kami kalapit sa isat isa. At nakita ko pa syang
nakatingin sakin. Jusko! Pwede nyo na akong kunin� waaaaaaah!!! Pero joke lang.
Haha! Wag muna. Sa susunod na lang.


Nang naglakad na sya paalis� sinundan ko lang sya ng tingin hanggang sa nawala.


Napatingin ako sa pintong nilabasan nya.


Ang inspirasyon ko. Alam ko na kung san sya na assign!!! Yipeeee! Haha!


�Oh? Ngiti ka dyan?� nabalik ako sa katinuan ko nang mag snap si Zel sa harap ko.

�W�ala.� Palihim nalang akong ngumiti ulit. Baka asarin ako neto.


Ansaya saya!!! Nakita ko sya. Nakita ko sya! At nagkatitigan pa talaga kami sa mga
mata. Hay� Pwede bang ulitin yun at para macapture ng camera ni Zel� gusto ko kasi
ulit uliting tingnan yun eh!

Nakakaadik ka talaga� Mr. Inspiration.



Kinabukasan, eto na pre-pressure na ako! Pano bang hindi? Eh ako nalang ata ang
wala pang naiinterbyu na isang varsity player at working student!


�Hello Zel? Anong room ulit yung sinasabi mo? Room AB 222? � O sige bye.� Binaba ko
na ang phone ko at dali daling� pumunta sa gym. Andun kasi ang room AB 222, PE room
namin yun.

Ikatatagpo ko kasi yung sinasabi ni Zel na pwede kong interbyuhin na Varsity
Player.

Hindi ko alam kung babae ba o lalaki. Basta, maiinterbyu ko ok na yun!

Pero dumaan muna ako dun sa stall at bumili ng lollipop. Para di ako kabahan. Di
nga kasi ako sanay makipag-usap sa mga di ko kakilala.


Nasa labas na ako ng building. Nagtatatakbo akong pumanhik sa hagdan at naabutan ko
pa nga si Zel na pababa.

Nahinto kaming dalawa sa kalagitnaan ng hagdanan.


�Oh? San ka?� takang tanong ko sa kanya habang may lollipop pa din sa bibig ko.

�Sorry Jhie� di ako makakasama sayo ngayon sa NB (A/n: National Bookstore yan).
Katatawag lang kasi ni Ate, dumating si mama mula sa Davao.�

�Ganun ba? � O sige ok lang. Ingat ha?�

�Sige. God bless din sa paghahanap ng working student na maiinterbyu!� tas ang
lapad ng ngiti at paikindat kindat pa syang nagtatatakbo paalis.

AB-normal nga.

Pero nakakapagtaka lang. Sabi ni Zel sakin noon, tuwing huling linggo lang ng buwan
maaaring makapunta dito sa Cebu ang mama nya. Pero bat ganun? Ikalawang linggo
palang ng buwan ah! Tsaka, sa pagkakaalam ko� dumating din last last week mama nya.
Tas ngayon ulit?

Ay ewan! Baka naman biglaan. Oo nga, biglaan.


Tumuloy na ako sa Room 222 at�


Isang di kaaya ayang tanawin ang nadatnan ko.


Nahinto ako sa may pinto.
Nakaupo sya habang may ka text ata. Di nya ako napansin.


�S--het..�


Bumilis na naman kasi ang tibok ng puso ko! Nakaasar na! Hanggang ngayon� bakit
ganun? Napapabilis nya pa rin ito.


Nilibot ko ang tingin ko sa buong room. Pero walang tao, sya lang talaga.

Ibig sabihin� SYA, ang iinterbyuhin ko?? Takte o!


�Miss--�

Napansin ko ang pagpako ng tingin nya sakin.


Mas dumoble ang pagbilis ng tibok ng puso ko nun. Gusto kong magmura ulit, kaso
walang lumalabas sa bibig ko.

Ganito ba talaga? Ganito ba kalaki ang impact nya sakin? First crush lang naman yun
eh! Pero sabi ni Zel� di lang daw yun crush.�It was beyond that.


HINDI. Ex crush ko lang sya, yun lang yun.


Iisipin ko nalang na di ko sya kilala. Tama. Di ko sya kilala. At ngayon ko lang
sya nakita.


�Ummm� K--uya?� Shet. Wag kang mautal! �Ikaw ba yung kinausap ni Zel?� magalang
kong tanong sa kanya.

Sana naman hindi sya! Mag hindi please??

�Ah oo. So ikaw yung friend nya?� tanong pa nya kaya tumango nalang ako.

Err. ZEL!!! Malalagot ka talaga mamaya sakin!!!


Lumapit na ako sa kinauupuan nya� at naupo na nga.


Hinga Jhie� Hinga.
Kaya mo yan! Wag na wag kang magpapahalata.


�Dyan ka uupo? Anlayo naman. Usog ka nalang, malaki naman tong upuan.� Malaki nga,
bench nga dba? Tss. Tsaka kaya nga minamaximize ko! Err.

Kung nasa Kabilang dulo kasi sya, ako din ay nasa isa pang dulo. Oh dba? Na
maximize ko nga ang space.

Umusog na nga lang ako ng konti. Pero konti lang, bahala sya.


�Takot ka ba sakin? Anlayo mo pa rin. Usog ka pa.� Tas natawa pa sya. Shet. Di ako
tumingin sa kanya. Kasi, yung ngiti nya� nakakalusaw. Na gusto kong i-capture sa
camera.

Pero� hindi! Ano ba Jhie! Mag isip ka, taken na yan. Tsaka remember, DI MO SYA
KILALA.


Nang mahulog ang angry bird na kulay berde na dala dala ko.

Pinulot ko ito kaagad at narinig ko sya ulit magsalita.


�Ako na ang pupunta dyan. Bobo ko talaga, babae pa inutusan ko.� at natawa na naman
sya ulit. Lumipat nga sya sa tabi ko. As in ang lapit lang nya. Tsk tsk. One ruler
lang pagitan namin.

Gustong gusto ko na syang layasan� kaso, para to sa pag aaral ko! Kahit nahihirapan
ako sa paghinga� kakayanin ko!


At sinimulan ko na nga sya interbyuhin.

Yung pangalan nya. Lorenzo. Isang basketball player. Tas course nya� Jersey number
at lahat lahat na kailangan kong itanong, ginawa ko na.

Ang tinanong ko lang ay ang mga kelangan kong alamin ok? Wag nyo ng I expect na
pati birthday nya tinanong ko pa.


At natapos din.


�Pakipirmahan nalang to dito.� Sabi ko habang nag guguhit ng isang pahigang linya
sa papel kung san sya pipirma. �Pakisulat nalang din ng pangalan mo sa bab�a��


Hindi man ako nahinto sa pagsasalita, nautal naman ako nang tumingin na sa kanya.


Eh sino bang hindi? Pagtingalang pagtingala ko mula sa pagsusulat� nadatnan ko
syang nakangiting nakatingin sakin.

Sinasadya nya ba talagang pabilisin ang tibok nitong puso ko? Err.


�Yan.� Abot ko na di tumitingin sa kanya.

Kinuha nya naman pero nabigla ako ng hinawakan nya ang kamay ko.

�Pahiram ha?� kinuha nya pala ang ballpen ko.

Isang malaking TSS. Pwede namang iabot ko lang sa kanya dba? Eh bat hahawakan pa
talaga kamay ko?


Nang matapos sya, inabot nya ulit sakin ang notebook ko at tsaka yung ballpen.

�San ka nakabili nyan?� turo turo nya ang angry birds na dala dala ko habang nag
aayos ako ng gamit ko.

�Dun sa Timezone. Yung laro dun kung san ka kukuha ng stuff toy. Catcher thingy ata
ang pangalan nun. � Di ko sya tiningnan. Kunware busy-busyhan.

�Ah� ano bang pinakagusto mo na kulay nyan?�

Napatingin ako sa kanya. �Yung kulay black. Ang cute kasi eh.� Nakangiti kong
sagot. Basta siguro, pag tungkol na sa mga gusto ko� napapangiti ako.

�Ah�� Tumango tango naman sya at ngumiti din sya.

Shet. First time kong ganito kalapit sa kanya, tas kausap ko pa. Ang gwapo nya pala
talaga sa malapitan� Nakakalula.

Pero hindi. Ano ba Jhie� maghunosdili ka!

Pinatuloy ko nalang ang ginagawa ko. Kunware wala lang.


�Tomboy ka ba?� Out of the blue nyang tanong. At sang lupalop nya naman yun nakuha
ang ideyang yun??

Napataas kilay ko. �Sino may sabi?! Hindi ah!�

�Talaga?� kinamot nya ang batok nya. Shet, ang gwapo talaga. �Napapansin ka kasi ng
mga kasamahan ko sa basketball team. Tas sabi nila, astig ka daw maglakad. Para ka
daw lalaki kung kumilos... naiiba ka daw sa ibang babae dito sa campus. Tsaka,
parang wala ka daw atang interest sa mga lalaki.�

Jusko! Parang umamin na din sya na pinagchichismisan ako. Eh ganun talaga ako
kumilos, bakit may angal sila�?!

�So pinag chichismisan nyo ko? Ganun?� pataray kong tanong.

Napatawa naman sya ulit at tinapik ako sa likod. �Ganun na nga siguro! Eh tanong
ko� tomboy ka ba? Be honest. Umamin ka nalang. Pramis, secret lang natin.�

Asar. Sabi ng hindi eh!

�Di nga! Ang kulet!� inis kong sagot sa kanya.

�So ganun may nagugustuhan kang lalaki?�

�Oo meron.� Diretso kong sagot.

�Sino?�

�Eh bat ko naman sasabihin?� Tsk. Tsaka di pwede. Alangan namang sabihin kong si
Mr. Inspiration at IKAW dba?

�Aaaaahh! Tomboy ka nga. Wala kang mabanggit na pangalan eh.�

�Meron nga! Di ko lang alam ang pangalan nya!� Ayun, napasigaw pa ako.

��Sorry�� hininaan ko na ng konti ang boses ko at di na tumingin sa kanya.


�Ok lang. Kasalanan ko din naman� Di mo alam ang name nya? Gusto mo tulungan kita?�
�So tutulungan mo kong sa sarili mo? Adik ka ba?

�Wag na. Crush ko lang yun. Hanggang dun lang yun. Di ko na kelangan malaman name
nya.� Tumayo na ako at yumuko sa harap nya. �Salamat sa oras kuya.�

�Lorenzo nalang��

�Salamat� L�oren�zo.�

At umalis na nga ako. Nilakihan ko na nga ang mga hakbang ko para mabilis akong
makaalis dito.

Takte talaga. Kahit ba naman sa pagsabi sa pangalan nya... may kakaiba pa ding
nangyayari sa puso ko�?



(Uwian Time)

Thanks God tapos na din akong makainterbyu ng isang working student. Naglakas loob
kasi ako kaninang makipagkilala dun sa isang babae sa teller nagtratrabaho.

Pero� 7:23 na ng gabi.

Pumunta pa nga kasi ako kanina ng NB tas balik ulit sa school nang may makalimutan
akong gawin sa library. Kaya ang labas� nagmumura na ang alaga ko sa tyan�! Gutom
na ako�, as in�!

Malas pa, eh pag ganitong oras... lagi ng puno ang masasakyan kong jeep. Kaya waley
pa din! Tyaga na ang kelangan ko para makasakay.


*drop � drop � rain pouring!*


Waaaaaaaaaahh!!! Ano ba! Maiiyak na talaga ako! Bumuhos pa ang malakas na ulan�!!!
MALAS, MALAS TALAGA!!! Wala pa namang waiting shed dito. Hindi rin ako Girl�s
Scout, wala akong dalang payong. Lord naman! Maawa ka naman sana sakin oh.

Nakita kong nagsitakbuhan na yung ibang mga kasabay ko sa paghihintay ng jeep.
Naghanap ng masisilungan.

YES! Takbo lang kayo! Eto na ang chance kong makasakay, haha! Kahit basang basa na
ako sa pagpapaulan ko, di na ako umalis sa pwesto ko. Uuwi na ako. Basa man o
hindi.

Yung bag ko lang ata ang di nababasa, may parang rain coat kasi sya eh. Buti pa sya
noh?


Nag-abang nalang ako ulit sa susunod na jeep.


�If it is me who came first in your life,
Would it still be her you want to be your wife?

Or would it be already me,
The girl in your future you see?�


Ang emotera ko na. Tsk.

Naramdaman ko ang dahan dahang pagkawala ng pagpatak ng ulan sakin.

Pagtingala ko�

Dalawang payong??


�Miss--�


Napalingon ako. At nagulat ako, dalawa silang nakapayong sakin. Hala! Ano to? Bat
sila andito??


�Miss wag kang magpaulan.� Sabi ni Mr. Inspiration sakin.

Di ko din alam name nya... hindi naman kasi ako stalker ok? Dun sa isa, inaamin ko.
Naging stalker ako. Pero di ko na yun uulitin pramis!

�Oo nga naman. Gusto mong magkasakit�?��napatingin ako sa kanya. Ang Mr. Taken ko.

Teka nga lang! Bakit andito tong mga to??


Magtatanong na ako nang inunahan nila ako.


�Girlfriend mo?� at sabay pa silang nagtanong sa isa�t isa� habang nakaturo sakin.

�Hindi!� ako na ang sumagot.

�Ah�� sabay nilang sagot.


Nanahimik na din sa wakas.

SHEMAY! Ang dalawa ko pa talagang crush ang nakapayong sakin. Kinikilig ako na
ewan. Kinikilig kasi silang dalawa pa talaga ang nakapayong sakin. Pero naiinis ako
sa sarili ko! AB-normal ba talaga ang blood type ko? Eh bat ang tigas nitong puso
ko na itigil na ang sobrang pagbilis ng tibok nya� yan parin, mas lumala pa. Tsk.
Ok lang sana kung dun lang sa isa, pero kasali pa din yung si first.


May huminto ng jeep saka na ako sumakay. Nagpasalamat? Oo, sa kanilang dalawa.

Pagkaaandar na ng jeep ay napatingin pa ako sa kanilang dalawa. Nasa front seat ako
naupo. Kita ko silang sinundan ng tingin ang jeep na sinasakyan ko.

Best day I think??


[Friday morning]

�Imposible! Wala talaga kayong ibang pinag-usapan maliban dun sa interbyu mo?�
�Naglalakad kami papuntang chapel ngayon. Etong si Zel, kanina pa ako kinukulit sa
nangyari kahapon kasama si Mr. Taken. So sinadya nga nya talaga yung kahapon...
TSK.

Napasa na din pala namin ang interbyu chuchu kaninang first sub sa Filipino. Haha.
Oh dba?


�Wala nga. Di kami close ok?�


Pumasok na kami sa loob ng chapel. Nagdip dun sa water at nag sign of the cross.

Naupo na kami. Pero di kami magkatabi. Lagi naman eh. Dun sya pumwesto sa pinaka
unang upuan sa harap... eh ako. Kuntento na dito sa may likod. Nagdasal na ako.


Matapos ng ilang minuto ay hinihintay ko nalang si Zel na matapos.

Nakadungaw lang ako sa bintana dito sa chapel dahil nasa pinakagilid naman ako
nakapwesto.

Mahangin tas maaliwalas. Tahimik. Yan ang gusto ko sa lugar na to.


Napatingin ako sa harap.

Nakatayo na pala si Zel� pero napako ang tingin nya sa isang direksyon. Ano naman
kaya meron? Kaya sinundan ko naman ito ng tingin.


Napangiti nalang ako.

Kahit masakit, pinilit kong ngumiti.

Ang swerte nya talaga� ang swerte nya at sya pa ang minahal ng lalaking � unang
nagpabilis ng tibok nitong puso ko.


�Wag ka na ngang tumingin. Masochista ka bang talaga�? Ang hilig mong saktan ang
sarili mo!���Nasa tabi ko na sya.

Hinatak nya ako papalabas.

Nakatungo man ako... parang kita kita ko pa rin ang lalaking yun. Na ang sweet
sweet sa babaeng katabi nya. Nakaholding hands pa ang mga kamay nila habang
nakaluhod na nagdarasal.

�Jhie--�

�Zel, I�m fine. Di ko na sabi kilala yun dba?� Sinungaling. Isa akong malaking
sinungaling.

Nakita ko ang comfort room.


�Zel, mauna ka na. Natatae ata ako eh!� kunwaring natatawa ako.

�AB-normal ka talaga! Haha! O sha! Bilisan mo.� Nauna na sya sa next room namin�
habang ako, pumasok na sa CR. At sa loob ng pinakahuling cubicle.


Then and there, I started wiping my cheeks with my hands.

Shet na mga luha oh. Jhie... wag ka ngang mag-aksaya ng mga luha dahil lang sa
lecheng nakita mo kanina! Para kang timang eh. Alam ng natural lang sa kanila
yun... syempre, ano ba ang mag syota sayo ha�?

Pero kasi� kasi naiinis na ako sa sarili ko! Sa utak ko�! Lalong lalo na ang puso
ko�!

Hanggang ngayon, bakit di ko pa rin sya nagawang kalimutan�? ASAR�!!! ASAR�!!! At
ang mas nakakaasar pa... ang sakit. Mas lalo kong tumatagos ang sakit sa
kaloooblooban ko! Parang lumalala na ata tong nararamdaman ko� imbes, na mawala.


Buti nalang walang tao. Wala kasing ganun kadaming estudyante sa palapag na to.

Lumabas na ako ng cubicle at naghilamos para di halatang umiyak ako.


Bat pinag-aaksayahan ko ng oras yun? May Mr. Inspiration naman ako ah. Tama, may
Mr. Inspiration pa ako.


�One day I�ll forget about you, I promise.
Someday� it�s not YOU I�m gonna love and miss.

I�m not gonna cry anymore
Even if it is my heart you tore.

Cause I�m not a fool to make my heart bitter
If I know, someday I can have someone better.�



1:30 na ng hapon.
Katatapos lang ng klase namin. Mamaya ulit 3 pm ang balik.

Papunta ako sa tambayan namin. Nauna kasi si Zel since may binili pa ako.

Pakanta kanta ako habang naglalakad. Nakaheadset kasi ako. Feel na feel ko yung
kanta. Ni repeat selected song mode pa: Jetlag by Simple plan.

Nang mahinto ako ng di oras at mapatingin sa lalaking nasa harap ko.

Napatitig ako sa kanya, at sya din naman.


Kinabahan na naman ako!!! Pero� eto na ang chance oh. Eto na. So ano? Mag hi o
hello kaya ako? Makipagkamay? Ngumiti? Mag wave ng kamay?

Nakakahiya naman. Ako pa talaga ang uunang magdada move�


Yumuko na din sya agad at naglakad na ulit.
Nilampasan lang nya ako.


Pero hinabol ko na at hinarangan ang daan nya.


Hindi ako desperada � friendly lang, kasi gusto ko syang maging friend.


�Kuya! Ikaw yung nagpayong sakin kahapon dba?� Sya yun. Pero tinanong ko nalang,
para mahaba ang usapan.

�Ah, oo.�

�Thank you pala Kuya!� at yumuko pa ako.

�Lorenz nalang��


Namilog ang mata ko sa narinig ko.


�L�o� renz?�

�Wag mo na akong tawaging kuya.� Inabot nya ang kamay nya. �Lorenz nga pala. Ikaw?�

�A�h� Lorenz� nabulong ko. Shet, bat magkapangalan pa sila??

�J--hie. Ako si Jhie.� Nag shake hands na kami.

�Nice to meet you Jhie.� Ngiting sabi nya. �Una na ako ha? Next time ulit.�

Tas umalis na nga sya.


Ako. Naiwang tulala habang pinagmamasdan syang paalis.

LORENZ. Yun din ang pangalan nya? Ano ba? Nagkakalokohan ba tayo dito?? Kulang
nalang ng O� pangalan na ni Mr. Taken eh!

Asar! Nananadya talaga??



<<Isang buwan na ang nakalipas>>


Ang patingin tingin noon� naging HI o HELLO na. Nag level up dba? Naging friends na
din kami. Di man ganun ka close� pero nag uusap na kami na walang ilangan. With
whom? Si Mr. Inspiration. Si Lorenz without an O.

Habang yung si Mr. Taken� simula noon, padami ng padami yung beses na nakikita ko
syang nakatingin sa akin. O baka naman� assuming na ako ngayon??

Hala! Bad yan. May syota pa naman yun.

Kaso ngayon, na realize ko� di ko sya kayang kalimutan. SYA lang kasi ang
nagpapabilis ng tibok ng puso ko ng ganito. Kahit si Mr. Inspiration� hinding hindi
uubra.


I�ve just realized� I DO LOVE HIM. Yes, I really do.

Kahit unrequited love man, at least naamin ko sa sarili ko na mahal ko nga talaga
sya.



Gabi na.

Dahil nag praktis kami sa iprepresent namin sa PE namin. Pre mid namin. Sariling
choreograph na dance steps. Wag nyo na itanong kung may nacontribute ako sa steps�
kasi WALA. Wala akong kapag a pag asa sa sayaw sayaw na yan. Tsk.

Nauna na ang mga ka� grupo ko sa pag uwi. May ka callmate pa ako kanina eh, haha.
Si Zel as usual. Tungkol lang naman sa Mr. F4 nya, haha! Uso talaga codename dito.

Lumabas na ako ng gym. Naglakad lakad na.

Wala ng gaanong mga estudyante. 6:45 na kasi. Nagsisimula na ang mga klase by this
time.

Kaya habang naglalakad ako� kinakausap ko nalang ang sarili ko.


�Jhie Jhie Jhie� Baliw ka ba? Bat mo kinakausap sarili mo�? Haha!!!� At ako pa
mismo ang natawa sa sarili ko. Ang adik lang eh!

�Jhie� sinong may mas mabigat na dala? Si Dora o si Doraemon?�

At tawa ulit ako. HAHAHAHAHA�!!! Bakit? Eh wala lang, basta natawa ako. Yun na yun.


�Sino nga?� kunware asar ako sa sarili ko. Haha�! Baliw na nga ata ako.



�Si Doraemon!�


O yan, si Doraemon d�Nahinto ako at napatingin sa kung san galing ang boses ng
sumagot.


S�ya pala.


Nakangiti sya. At sinenyasan akong lumapit.

Tumingin pa ako sa likod ko para masiguradong ako talaga ang tinatawag nya, kaso�
wala akong nakitang ibang tao. Ako lang. So ako nga??

Lumapit ako sa kanya. Nakaupo sya sa gilid nung open room ng PE Class.

May gitara sa tabi nya at isang paper bag na maliit. Yung backpack nya naman� nasa
tabi lang nya.


�Bakit?� tanong ko.�Nakatayo ako sa harap nya.

�Samahan mo ko sa swimming pool, pwede?�

�Ha?�

�Sabi ko, samahan mo ko sa swimming pool� kung ok lang sayo.� Naintindihan ko naman
yung sinabi nya, kaso� bakit?? �Pramis, saglit lang tayo� dagdag pa nya.

Eh sa mabait ako� at di pa naman ako gutom, di na ako nakatanggi.


Nasa likod lang nitong bakanteng PE classroom ang swimming pool. Infairness, hindi
pa sinasarhan kahit gabi na.

Pumasok kami saka pumunta sya dun sa pinakataas na pwedeng maupuan. Edi sumunod na
din ako.

Naupo ako� pero the usual place. Malayo sa kanya.


Tumingin lang ako sa tubig ng swimming pool. Kitang kita kasi dito ang repleksyon
ng buwan. Full moon pa nga eh. At ang buwan lang ang nagsisilbing ilaw dito sa
swimming pool area.


�Takot ka talaga sakin noh?� mahina lang ang boses nya, kaso napakalakas na din
nito para sa tenga ko.


Yung tibok ng puso ko� naging Abnormal na rin!


Anlapit nya kasi. Mas malapit pa kesa sa unang pagkikita namin. Ramdam ko ang
pagdidikit ng balat nya sa akin.

Shet. Ito, napapamura ulit!


�P�ano� mo nasabi?�

�Bakit? Hindi ba? Bakit ayaw mong tumabi sakin?� tas yumuko sya ng konti para
mailapit ang mukha nya saakin� ang taas nya kasi.

�Eh sa� a�yaaaw ko lang. Problema ba yun�?�

Tinawanan lang nya ako.
Ang swerte nya talaga... lagi nya sigurong nakikita ang mga ngiting yan, na kailan
man ay di ako ang magiging dahilan.


�Hinawakan nya bigla ang mukha ko at iniharap sa kanya.


*gulp*


�Friends tayo dba? Sabihin mo naman sakin yung pangalan ng crush mo�� maasar yung
tono nya� pero nababasa ko sa mga mata nya na gusto nya talagang malaman. Grabe
lang, natutunaw na ako sa mga titig nya.


�A--yoko nga.� Shet, nauutal again?

�Ayaw mo? Bakit? Ay alam ko na! Siguro� ako crush mo noh?� Naks! Nakatama pa, tsk.
Halata ba?

�Hindi ah... Asa ka namaaaan!�

�Talaga? Tumingin ka nga ng diretso sa mga mata ko� at sabihin mo na di mo ko
crush.�

�Yun lang pala eh�� Ayan napasubo pa. Ano bang nangyayari sa kanya? Di naman kami
ganun ka close ah!

Nakipagtitigan ako sa kanya. Kahit parang nauupos ako sa mga tingin nya, pero di ko
pinahalata.


�Hindi kita crush� diretsong sabi ko.

�Isali mo ang pangalan ko��

�Bakit pa?�

�Para sigurado.� Sagot nya.

Tss. Mas lalo mo kong pinahihirapan eh. �Lorenzo� hindi kita CRUSH.�


DI KITA CRUSH � KASI MAHAL KITA.


Leche! Ang sarap sabihin nun.�Kung pwede lang sana.


�Haha! Yung apilyido ko din.� ABA!!!

�Ay ayoko na. Inuuto mo na ako.�

Tas tumawa ba naman?!�
Eh sa anong magagawa ko� ganyan lang talaga sya, mahilig tumawa.


Binitiwan nya ako, at saka kinuha ang gitara nya. Ipinwesto nya ito sa may
kandungan nya.

Mag gigitara sya??


�Masama bang magkagusto sa ibang babae, maliban sa girlfriend mo?� nabigla naman
ako sa tanong nya.

�Ha?�

�Di ko naman sinasadya. Kusang naramdaman ko nalang ang pagbilis nito��*hinawakan
nya ang chest nya*�sa twing nakikita ko sya. Lalo na pag� pagnagtatagpo ang mga
tingin namin.�

Tumahimik lang ako.

Naalala ko yung forwarded message na pinasa sakin ni Zel noon.


If a boy tells you about his problems, he just needs someone to listen to him. You
don�t need to give advice.


�I was faithful. Pero noon yun. Hindi ko na alam ang tawag dito sa nararamdaman
ko.�

Nag strum sya once tas nagpatuloy ulit.

�Una ko syang nakita, dun sa classroom namin. Nasa katabing room naman talaga ang
sa kanila, kaso... nadadatnan namin palagi na andun sila sa room namin nagtatambay.
Hindi ko pa sya pansin noon.�She was just part of the rest.�Siguro ang kakaiba lang
sa kanya� yung kilos nya. Yung panlalaki nyang bag� na mukhang mabigat. Yun lang.�
natawa pa sya ng konti, pero may halong lungkot na ito.


�Mas maganda pa din ang girlfriend ko sa kanya. Mas sexy na din. At mas malapit ang
puso ko sa girlfriend ko.� Kaya nga niligawan ko� kasi mahal ko.� Aww. Totoo naman�
kaso, andito ako! Ansakit na marinig yun mula sayo mismo.


�But it all started when I saw her smile.� Napangiti sya dun. ��Nasa labas ako ng
room namin, hinihintay na lumabas sila. At paglabas nila� dun ko napagmasdan ang
ngiti nya. She was smiling looking at her bracelet, tas napatingin pa sya sakin.�
Sumulyap sya sakin ng sandali � tas sa bracelet ko naman.

Naaalala nya kaya yung girl... dahil sa bracelet ko?? Ay, yung bracelet ko pala...
eh yung parang strap ng relo na malalagyan mo ng letters� ang you can form it into
names o kung ano ang gusto nyo. Tulad sakin� gusto ko mang ilagay ang pangalan nya,
pero ang letrang L nalang.


�Alam mo� wala pa yun at first. Akala ko�wala lang. Kaso, simula noon. Lalo na at
nag second sem na, lagi ko na syang nakikita. At nagising nalang ako isang araw, na
sa tuwing andyan sya� bumibilis ang tibok ng puso ko. Nagbabago kilos ko. One time,
I was with my girlfriend. Katatapos lang ng PE nya. Kwento ng kwento ang girlfriend
ko� by those times, dapat sinasagot ko sya. Dapat kwento din ako ng kwento sa
kanya. Pero hindi. Kasi nang nalaman kong andun sya, natatahimik ako bigla. Hindi
ko maiwasang mapatingin sa kanya. Pakiramdam ko, ayokong syang makita akong kasama
ang girlfriend ko.�

He looked at me. Malungkot na malungkot ang mga mata nya. Shet! If only I could do
something� sino ba kasi yang babaeng yan? Hindi ba pwedeng ako nalang?

�Mahal ko ang girlfriend ko� Pero bakit ganun? Pakiramdam ko, sobra akong nagmadali
at di ko hinintay ang babaeng totoong mamahalin ko.�

Hinawakan nya ang kanang kamay ko at nakipagititgan sakin. �Mahal ko sya. Mahal na
mahal ko sya. Pero pano yan? Di ko magawang sabihin kasi committed na ako.�

Yun ang huli nyang sinabi� at di na sya naimik. Tinap ko nalang sya sa likod, kahit
naiiyak na din ako.

Akala ko kasi masaya na sya. Bat ganun? Handa akong magparaya, basta masaya
ka.��Kaya nga pinaraya�kita.�Kaya nga nakuntento nalang ako na pagmasdan ka mula sa
malayo��Pero yun pala, hindi ka masaya sa piling nya.

Sino ba kasi ang babaeng minamahal mong talaga? Bakit ngayon lang sya dumating?
Bakit? Ayan tuloy, nahihirapan ka at nasasaktan.


Nang mag strum sya bigla. Alam ko ang tono na yan�


(A/n: Paki play nung song sa gilid para mas feel nyo XD)


Kumanta na sya.
Grabe, ang ganda ng boses nya. Malamig, nakakapayapa ng damdamin.

Pero yung kanta mismo? Napakalungkot.

Tagos na tagos sa kanya.


? Kung malaya lang ako
Kung malaya lang ako
Ipagsisigawan kong mahal kita.

Kung malaya lang ako
Kung malaya lang ako
Ay ikaw ang tanging pipiliin ko

Sana ay� mahal mo rin ako. ?


Nakatanaw lang sya sa swimming pool habang naggigitara.

Kitang kita ko sa mga mata nya ang sakit�

At sa bawat salitang binibitawan nya, parang nadudurog ako sa pagpatak ng luha nya.


? Kahit dayain pa ang puso at
Isipa�y hanap ka
Bakit nga ba ganyan? ?


Pinunasan ko ng kamay ko ang mga luha na dumadaloy mula sa mga mata nya.


? Kung malaya lang ako
Kung malaya lang ako
Ipagsisigawan kong mahal kita. ?


Kung Malaya ka lang.
Kung Malaya ka lang.

Ipagsisigawan kong mahal kita.


I honestly want to scream his name� and say I how much I love him.
But I can�t.

Kung Malaya lang sana sya� nagawa ko na dapat yun.


? Kung malaya lang ako
Kung malaya lang ako
Ay ikaw ang tanging pipiliin ko

Sana ay� mahal mo rin ako. ?


Naramdaman ko ang pagpunas nya sa mukha ko gamit ng kamay nya. Di ko namalayang,
umiiyak na din pala ako.


�Umiiyak ka? Bakit?� nataranta pa sya� at dali daling kumuha ng panyo. �Ayan oh!
Sorry�� Ang cute. Imbes na maiyak ako, natawa nalang ako.

�Wag ka ng umiyak uie, para kang babae nyan� sabi pa nya habang pinupunasan ang
mukha ko.

Sinamaan ko sya ng tingin at inalis ang kamay nya. �At anong ibig sabihin nun?�

�Dba tomboy ka?� �nakangisi sya. Asar! Eto na naman tayo sa issue na yan.

�Ay bahala kaaa! Uwi na ako.� Sabi ko at tumayo na.

�Teka lang! May naiwan ka!�

�Ha? Ano?� Eh itong bag ko lang ang dala ko dba??


Tinuro nya ang chest nya. �ANG PUSO KO.�


Naramdaman ko na naman ang bilis ng tibok ng puso ko. Shet, ang galing nyang
magpakilig!

��Aish. Joker ka talaga! Alis na talaga ako.� I acted normal� kahit AB-normal na
aang takbo ng puso ko.

�Oi teka lang! May naiwan ka nga.� He insisted at napatayo na din sya. Nahawakan
nya ang braso ko.

�Ano nga?�

�PUSO ko.� ngiting ngiti nyang sagot.

�Ikaw ha! Tumigil ka nga. Eh di naman sa akin yan ah!�



�Ganun? Edi bakit��nakaukit ang pangalan mo?�



Dun ako natulala. Hala! Anong pinagsasabi nito?? Totoo ba yung sinabi nya??



�Hindi joke lang. Eto talaga naiwan mo�� Joke nga, sabi ko nga. �Bumungad sakin
yung paper bag na maliit na daladala nya kanina. �Christmas Gift ko sayo.�

�Christmas Gift??� December 25 pa ang Chistmas dba?

�12 days nalang kasi bago mag Pasko dba?� ngumiti pa sya.


Napakamot ako sa ulo ko. Di nya naman ako kelangang bigyan.

�Eeehh... wala akong maibigay sayo. Wag na!� isinauli ko pero di nya tinanggap.

�Di ko kelangan ng kapalit. Basta sayo na yan.� Kaya tinitigan ko yung paper bag.
Ano kaya laman neto??


�Ep ep ep! Sa bahay nyo mo na yan tingnan.�

�Ganun??� Natatawa na talaga ako sa kanya. Kanikanina lang, emo na emo tas
ngayon... Haha!


�Merry Christmas!�

�Wala pa nga eh, anlayo pa kaya.�

�Ayaw mo nun? Ako ang nauna?��

�Oo na sige na.� yun lang ang nasabi ko. Kinikilig na talaga ako sa kalooblooban...
ang una pa talagang nag greet sakin ay SYA.


�Pero wala ba akong gift mula sayo?� tanong nya

�Akala ko ba--�


Niyakap nya ako bigla. Shet

Ramdam ko ang pag iinit ng buong mukha ko. Panigurado, ang pula pula na ng mga
pisngi ko! Pasalamat nalang, madilim na. Di na nya mahahalata.



Pero teka lang! Baka maramdaman nya� ang bilis ng tibok ng puso ko!!! Wag po.


�Eto lang naman ang hihingin ko.� Mas lalo nya akong hinigpitan sa pagkakayakap.


Napangiti nalang ako. And I hugged him back.
I never thought even in my dreams that I could actually be this close to him.



�Someday I�ll know... why I wasn�t meant for you.�



Kumalas na sya sa pagkakayakap sakin.

�May sinabi ka�?�� tanong ko kasi di ko narinig� murmur nalang kasi ang narinig ko.
Ang alam ko lang� mas bumilis lalo ang kabog ng puso ko.

�Wa--ala.�

�Sure?� tanong ko ulit.

�Oo� nga. Sige na, uwi ka na bata.� Ginulo pa nya ang buhok ko tas naupo na ulit.

Nginitian ko nalang sya... nag wave sa kanya.


�At sa mismong pagtalikod ko sa kanya, tumulo bigla ang luha ko. Parang may masama
akong feeling sa pag alis ko.
Shet.



Pag uwi ko sa amin.

Dali dali akong pumasok sa kwarto ko. Ni lock ko ang pinto saka binuksan ang paper
bag na binigay nya.

Sa sobrang excited ko, di na nga ako nagpalit ng suot pambahay.


�Hahaha! Baliw talaga�� nasabi ko nalang, nang bumungad sakin ang isang angry bird
na stuff toy. Kulay itim. Naalala pa siguro nya yung una naming pag uusap.

Hinug ko pa ito at nagpagulong gulong sa kama ko� Ansaya saya ko!!! Galing pa
talaga sa kanya yung pinaka unang gift na natanggap ko ngayong Christmas.


Isinantabi ko na yung paper bag.
Pero may nahulog mula dito.

Isang sulat??

Isang stationary na pink� HELLO KITTY pa ang design.
Natawa naman ako dun.


Binuksan ko ito.
At ito ang bumungad sakin.


Dear Jhie,
����������� Hello? Hehe. Hindi kasi ako magaling sa ganito. Pasensya ka na ha? Yung
sa sulat kamay ko, pagpasenyahan mo na din. Sinubukan ko talagang ayusin pero� ito
lang talaga ang nakaya ko. :) Tungkol naman dito sa stationary� alam kong ang gay
lang at mula pa to sa isang lalaki. Pero alam ko namang di ka tomboy, kaya sigurado
gusto mo ng kulay pink. Tapos, hello kitty kasi sabi mo sa fb mo na info� si hello
kitty lang ang mahal mo. Alam mo bang nasaktan ako ng konti dun? HAHA
����������� Di ko alam kung pano simulan itong sasabihin ko.� Pero buti nalang sa
sulat ko na dinaan, baka maging blanko at mautal pa ako sa harap mo kung sa
personal. Nakakahiya naman.
����������� Jhie... I�ve always asked you who your crush is. Alam mo bang paraan ko
lang yun para magtanong ka din sakin. Na kung sino ang crush ko� kung sino ang
mahal ko. Pero syempre, di mo yun itatanong. Aside sa mukhang takot ka sakin� alam
mo atang may girlfriend na ako. Jhie� this time, I want to answer those questions,
kahit di mo man itanong sakin.
����������� Sino ang crush ko? Sino ang mahal ko?
����������� Iisa lang ang sagot Jhie� IKAW.

����������� Alam kong anong pumapasok sa isipan mo ngayon. Na kung mahal kita,
bakit di kita niligawan? Bakit di ko hiniwalayan� ang current ko. The answer is
that I CAN�T. Hindi ko masasabi, pero may dahilan kung bakit di ko sya magawang
hiwalayan. It�s about me, her, and our family.
����������� Jhie� yung kinanta ko kanina, it was for you. Lahat ng sinabi ko, para
sayo yun. Wag kang mag alala. I don�t need a reply. Ang sa akin lang ay masabi sayo
ang lahat lahat ng nararamdaman ko.

����������� If I could turn back the time,
����������� And if I only knew�
����������� I would have waited for you
����������� The girl I wish to be called mine.

����������� But I think it is too late
����������� Cause I�m already committed
����������� And it�s just hard for me to break
����������� Even if this love is fake.

����������� I miss you.
����������� I need you.
����������� I love you.

����������� I promise these are true.
�����������
����������� You don�t need to love me back.
����������� I don�t care if you let someone else, in your heart knock.

����������� But as long as I can see you smile
����������� I will be grateful to that guy all the while.

Jhie� hanggang tingin nalang siguro ako sayo mula ngayon. Just be happy, and I�ll
be happy.

I love you.

Forever loving you,�
Lorenzo.


I burst into tears as I folded back the letter. Why? Why only now?


Kinabukasan

NSTP namin.

�Alis muna ako Zel� paalam ko sa kanya.

�Oi AB-normal ka ba? Darating na si ma�am eh!�


�Zel� Mas magiging AB-normal ako, pag di ko sya nakita at masabi ang totoo kong
nararamdaman.�


Nagulat sya sa sinabi ko� pero ngumiti din naman.


�Jhie�� Tinapik nya ako sa likod. �Basta bilisan mo lang ha?�

Tumango ako at dali dali akong lumabas ng room.

Natagpo ko pa ang teacher ko sa� NSTP� pero kunware, di ko sya kilala at
nagdidiretso lang ako pababa.


Dumiretso ako dun sa may gym. Hinanap ko sya sa basketball court.

Pero wala sya.

Sa mga oras na to, may praktis dapat sila eh!


Hinanap ko sya swimming pool area, pero wala pa din. Sa chapel� wala din. Sa study
area, sa canteen� wala!

Asan ba sya??!


Naiiyak na ako� kasi, kasi.. baka umalis na sya. Namaaaan oh!!! Huling araw na to
ng klase eh, tas di ko man lang sya makikita?

Ilang minuto na din akong nagpalibot libot sa kung saan sya pwedeng magtambay� pero
walang nanyari. Ni anino nya di ko nakita.


�Palakad lakad nalang ako� mukhang umuwi na sya. Baka next year ko pa talaga sya
makita.

Haaay� malas.

Niyakap ko nalang ang binigay nyang stuffed toy sakin. Sana sya nalang to.


Sana kahapon� mas tinagalan ko pa ang pagyapos sa kanya.

Sana kahapon� mas hinigpitan ko ang pagkakayakap sa kanya.

Sana� sana kahapon, DI KO NA SYA BINITAWAN PA.


Tumulo na naman ang leche kong mga luha. Asar. Ano bang magagawa nitong pag iyak
ko? Mababago ba ang katotohanang� di pwedeng maging kami?


Nilibot ko ang paningin ko sa kahuli hulihang sandali sa pagbabaka sakaling makita
ko pa sya, nang may masagi ang paningin ko.

Nakaupo. Kasama ang girlfriend nya.


Tumakbo ako papunta doon.� Doon sa volleyball court. Habang sila, naupo sa elevated
area doon.


Napatingala pa ako sa kanila� nagulat pa sya ng makita ako. Pero napangiti din kaya
nginitian ko din sya. Tas yung babae� nakapatong ang ulo nya sa balikat nya.
Mukhang natutulog ata.

Hindi ko alam pero� parang gusto kong pumalit sa pwesto nya. Ang swerte nya.


Ako nga ang mahal, sya naman ang kasama.

�Tumalikod ako sa kanila. Nakaharap ako sa tennis court ngayon. Magkatabi lang kasi
ang volleyball at tennis court dito.


If this is the only way I could say how I feel for you� I�ll do it. At least, I did
try to let you know how I feel. Ayokong magsisi sa huli sa di pa gamin sa totoong
nararamdaman ko.


Itinaas ko ang dalawang kamay ko, as in mataas na mataas. Naramdaman ko pa nga ang
paghampas ng hangin sa mukha ko� ang lamig. Hinayaan ko lang ang buhok ko na
nilipad na ng malakas na ihip nito.


And then I shouted at the top of my lungs,


�MAHAL NA MAHAL DIN KITA!!! NOON PA. DI MO NGA LANG ALAM. �SANA MARINIG MO YUN.
MAHAL NA MAHAL DIN KITA!!!�Lorenzo�� Bulong nalang ang pangalan nya. Di nga pwede
dba?


Huminga ako ng malalim at sumigaw ulit,


�WAG KANG MAG ALAALA. DI MAN MAGING TAYO� SAYONG SAYO LANG ANG PUSO KO. PINAPANGAKO
KO YAN.�

Tumulo na naman ulit ang mga luha ko. Pero hinayaan ko nalang.

Niyakap ko yung stuffed toy ko. Tas napaupo at humagulgol ng iyak.

Sh*t.
Ansakit pala. Mas masakit pa sa isang one sided love!!!


Mahal ka nga. Mahal mo din.
Pero ayaw ng tadhana na maging kayo.


�Jhie�� Niyakap nya ako mula sa likod. ��Sshhh... tahan na.��Sabi pa nya.

Tumingin ako sa kanya. Hinawakan nya ang magkabilang pisngi ko.
�Sinong nagpaiyak sayo�ha?�


I hugged him.
��Lorenz�. �����


Iisipin ko nalang na... SYA si Lorenzo.

�Halika ka na. Maghanap tayo ng mauupuan mo.��

Pinunasan nya ang mukha ko saka inalalayan ako para makatayo. Habang naglalakad
kami, di ko kinayang di mapatingala.

Nakatingin ang girlfriend nya samin. Nagising ata sa ginawa kong pagsisigaw.� Tas
sya naman, sa kanan nya nakatingin. Habang may tinitiklop na papel.

Sinasadya ba nyang di ako tignan??


�Gusto mo dun?� tinuro nya ang pwesto dun din sa elevated area. Pero umiling ako,
ayokong makita silang magkasama ng ganun kalapit.

�Teka hintay ka lang muna, bibili ako ng tubig.�

Nagtatakbo sya papunta dun sa canteen. Naupo nalang ako sa gilid. Nasa may likod ko
lang sila. Malayo layo ng konti.

Niyakap ko lang ng mahigpit tong bigay nya. Kahit wala akong stuffed toy� ok lang.�
Basta ba, mayakap ko sya kahit anong oras na gusto ko.


Nang may maramdaman kong may tumama sakin. Pagtingin ko sa likod, nakatingin sya�
at saka tumingin sa isang direksyon.

Kaya tumingin din ako.

Eroplanong� gawa sa papel?? Ito ba yung tumama sakin?

Tumingin pa ako sa kanya at tumitig lang sya sakin.


Kinuha ko nalang.
May nakasulat. Kaso, may pagkabasa basa pa. Natuluan ng kung ano�


Tumingin ako ulit sa kanya. Ayun, ngayon ko lang napansin. Umiyak pala. Pinupunasan
nya ang mga mata nya, yung panyong ipinunas nya din sakin kahapon.


Buksan mo.


Yun ang nakasulat sa pinakaharap. Kaya binuksan ko.

At nasa loob ang mensahe nya.


Jhie� Masayang masaya akong malaman na mahal mo din ako. Pero Jhie� wag ka naman
umiyak oh, nasasaktan ako lalo na at wala man lang akong magawa. At ang worst, iba
pa talaga ang magpapatahan sayo. It�s unfair. Ako nga mahal mo, wala man lang akong
magawa para ngumiti ka.
Jhie�Nanliligaw ba ang lalaking yun sayo? Makayakap lang sayo� para wala ako dito.
Pagsabihan mo naman yan, wag sa harap ko! Madulas pa ako nyan eh. Pero alam mo
nainggit ako sa kanya, sobra. Kasi kahit sandali� nahawakan nya ang mundo ko.

I love you Jhie.


Tumingin ako sa kanya. Nakatingin din pala sya sakin.


�I love you� he mouthed those words.


And same as he did, I mouthed those sweet yet the most painful three words.
I LOVE YOU.


~o~o~o~o~o~o~

HIS STORY. MY STORY. �OUR LOVE STORY.

This may not be a one sided love
Yet still, it�s a love I can never have.

It may be hard to accept that it�s not just meant for us,
But all we could do is let go for the pain not to last.

Someday� we�ll gonna know the reason why
HE and I can never be no matter how we try.


However, how I wish this is still true
The quote that I made, for us two.

�Just wait and see.
In the end, it will still be you and me.�



~~Our LOVE story
By forbiDDen30~~

You might also like