You are on page 1of 283

FALLEN (GIMME 5 FANFIC STORY)

A/N: Ang istoryang ito ay naglalaman lamang ng mga eksenang galing sa imaginations
ng author, kathang isip lang po ito!! Lahat po ng mga nangyayari dito eh, hindi po
totoo salamat po!! :))) _________________________________

Minsan kahit nan-tritrip ka lang, Di mo namamalayan NAIINLOVE kana pala. In other


Words Biktima ka ng sarili mong kalokohan.

CHAPTER 1

Kristle's POV

Ako nga pala si Kristle Nolasco or "Tala" Ewan ko nga kung bakit nila ako tinatawag
na tala. Basta daw nung pinalabas ung Kristala na palabas yun, tala na daw yung
ginawa nilang nickname ko. Tsk, baduy. 15 years old na ako Junior na ako ngayon,
Pero ngayong patapos na ang school year eh mags-senior na rin ako. Sa Southeast
High ako nagaaral. May kapatid ako tatlo at ako naman yung bunso.

Nandito ako sa classroom at kasalukuyan na nakikinig sa music, Masyado kasing


maingay sa classroom. Tsaka wala ako sa mood mag-ingay, kulang pa nga tong ingay na
to eh. Wait niyo lang darating nadin yung limang SIKAT na lalake na nagaaral dito
sa school namin.

"BEB! MALAPIT NA SUMMER! can't wait!"-sigaw ni Mafe at tinggal yung earphones ko.

Mafe delgado nga pala bestfriend ko. Sobrang Kalog niyan tapos adik na adik dun sa
limang yun.

Halos nga mabatukan ko na tong bestfriend ko kasi ang daming tinatalak tungkol sa
limang yun, si ganto si ganyan. psh, pake ko sakanila.

"Ano ba Beb ang ingay mo! February pa lang eh! Atat na atat ka! hay nako! di ba
pwedeng valentines muna?"-Sabi ko naman

"Sorry Na! Edi ganto, MALAPIT NA VALENTINES WOOH! bibigyan ko ng card si grae!"-
Sigaw niya

JUSKO JUGIGO! ang ingay ng bestfriend ko, mas maingay pa sakin!

"Mafe Delgado! Ang ingayy mo! Talak ka ng talak!"-sabi ko naman

"Sorry Titigil na po."-sabi niya at umupo sa tabi ko

Maya maya biglang may sumigaw dahilan para magsigawan lahat ng babae sa campus at
magtilian kahit si mafe tumili nagsilabasan mgakaklase ko karamihan babae kahit
lalake yata lumabas din ng classroom namin eh Kahit si mafe lumabas din ng
classroom, at naiwan akong mag-isa. Binalikan ako ni Mafe at hinatak palabas ng
classroom.

"KYAHHHH!!! Nandyan na yung Gimme5!"

"I LOVE YOU NASH!!"

"AKIN KA NA LANG BRACE!!'

"MAHAL KITA JOAQUIN!"

" ILOVE YOU JOHN!!!"


"MARRY ME GRAE!"

"MAHAL NA MAHAL NAMIN KAYO!"

"JUSKO JUSKO ANG PUSO KO!"

Halos araw araw eto ang kaganapan sa Southeast High, Ang Tilian ang mga lalakeng
to.

Ang tilian ang Grupo nilang GIMME 5.

Nagsimula silang mag-aral dito nung Sophomore ako, Minsan ko na ding nabangga yung
lalakeng may dimple na wala akong intensyon na kilalanin dahil sa sobrang yabang.
Gwapo sila aaminin ko, Malakas ang appeal, Matalino at May talent. Pero sadyang
hindi nila ako Fan. Tsaka, hindi ba nagsasawa mga estudyante dito? Eh ang tagal na
nilang nag-aaral dito tapos di parin nagsasawa sa pagmumukha nila? Jusko. Daily
Routine na nila yan eh, ang tilian ang Gimme 5.

Hinila ko si Mafe na halos patulo na ang laway kakatitig kay Grae, Oo kilala ko na
yung 3 jan. Yung John, Grae tsaka si Nash. Oo naman! Si nash, Siya kaya pinakauna
kong nakilala sakanilang lahat. Eh simula bata ata ako kilala ko na yan eh. Duh?
Nasa Goin' Bulilit kaya yan.

JOKE! Kilala ko silang lima, yung dalawa nga lang kilala ko sa apelyido. Kadalasan
din kasing wala sila dito sa school kasi lam mo na, artista. Reyes at Arquiza yun!

Halos di na ako makadaan pabalikng classroom dahil sa sobrang dami ng tao, Juskong
buhay ito! Eh kahit yata yung limang yun di na makakadaan eh. Pero sa awa ng Diyos
may pumuntang 5 guard doon at nakadaan sila ng maayos, teka nga naman! ano bang
pake ko sakanila? Inisipko muna kung pano kami makakadaan ni Mafe pabalik sa
classroom,Hinila ko si Mafe at dali dali kaming nakipagsiksikan sa mga tao doon
makapasok lang ng classroom, Tumingin ako sa likod ko at nakita ko na nandun pa si
Mafe sa gera! Hay nako! edi hinila ko yung kamay niya pagkahila ko na-out balance
ako kaya naman natumba ako napapikit nalang ako, Napadilat ako bigla at nakita ko
na nakapatong ako sa ibabaw netong lalake na to, Wala akong marinigna ingay.

Lahat sila Natahimik bigla.

Bakit nga ba sila natahimik bigla? Eh kasi nakapatong ako sa isang miyembro ng
Gimme 5! Basta ang alam ko may dimple siya. Ayun arquiza! Ano nga unang pangalan
nito? Sino nga ba to? Brae? Jae? Race? Ewan ko, Nabanggit lang sakin ni Mafe.
Itutulak niya na sana ako pero tumayo na ako agad, Tsk.

"O-okay, Uh? Sorry?"-patanong na sabi ko ang awkward tahimik parin talaga.

"Stupid! Bat di ka kasi nag-iingat ha?!"-sigaw niya naman

ABA?! stupid pa talaga ha?!

"WOW! Stupid?! Kasalanan ko ba na pinagkakaguluhan kayo dito tapos tinutulungan ko


lang yung bestfriend ko na makaraan sa sandamakmak niyong fangirls?! SORRY HA?
Sorry!"-sigaw ko naman sakanya i know yari ako sa mga fangirls niya mamaya kaya
tatakbo nalang ako. Madali nalang yun!

Bumalik ako sa kinauupuan ko at nagsialisan na yung mga Fans nila, Si Nash naman
pumunta na ng Classroom niya. Senior na kasi siya. Nilapitan ako nung Reyes basta
yung chinito na gwapo.

"Pag pasensyahan mo na si Brace, Ganun talaga yun."-sabi niya at umalis at


tinabihan sa upuan si Race ba yun?

FIRST TIME YUN AH? Nilapitan talaga ako nung Chinito. Wow!

"Tsk, kapal ng mukha mong ganunin si Brace."

Nung tumingin ako sa likod napansin ko si Ashley Torres ang mean girl sa Campus may
mga kasama pa siya nasa ibang section nga lang 5 sila. Si Noemi, Patricia, Kaye,
Julia at siya. They are called "Mean Girls " ng Campus.

Masyado din silang papansin sa Gimme 5, Ang alam ko kasi Dati Girlfriend ni Joaquin
si Noemi? Tapos si Grae nalilink dito kay Ashley yun tapos may isa pa eh. Ewan ko
bahala sila!

"Oh? Bat naging kasalanan ko?"-sabi ko naman

"Duh? You're So Stupid! Malamang madami silang Fangirls kasi sikat sila at may
talent at gwapo pa! Kasalanan pa ba niya na di makadaan yang Si Delgado?"-sabi niya
naman

"Oh? So anong gusto mong gawin ko? Lumuhod sa harapan ng lalakeng yon?"-
sarksatikong sabi ko

"You son of a b!tch!"-sigaw niya

Sasampalin niya sana ako ng bigla kong nahawakan ang kamay niya.

"Wow? Coming from you? Sayo pa talaga nanggaling yang B*tch na word na yan? Don't
call me bitch, You Slut!"-sabi ko at ako na mismo ang sumampal sakanya

ONE POINT FOR KRISTLE!

Wala akong pakealam kung nakakakuha na kami ng atensyon dito,Tsk.

Wala pa namang teacher eh.

Sasampalin niya na sana ako ng pigilan siya nung Grae. Napa-gasp naman si Mafe.

"Stop it both of you, Tapos na yun! And you ashley, Tama na yan! Tsk."-sabi ni Grae
at bumalik sa kinauupuan niya.

"Di pa tayo tapos tandaan mo yan!"-sabi ni ashley at padabog na lumabas.

Umupo na ako sa upuan ko at tinabihan naman ako ni Mafe.

"Galing mo naman beb! Wooh! Ikaw na!"-sabi naman ni Mafe

"alam ko. "-sabi ko at binatukan naman ako ni Mafe

Nagbell na at sign na yun na magstastart na ang Klase.

"Time na."-sabi ko at nilabas ang notebook ko at libro.

"Okay Good Morning Class!"

"Good Morning Sir Martinez!"

"Okay get your book open it on page 201"


Hay nako! Eto nanaman tayo, Klase nanaman.

Nagstart na magturo yung teacher namin at ako halos walang maintindihan sa klase,
Hindi ko nga alam kung bat Section B ako eh. Halos tamarin na nga akong mag-aral
eh. Atat na Atat rin akong magcutting. Oo nagcutting ako 2 beses na, Syempre kasama
ko lagi si Mafe. Yung pangalawa nga lang nadetention ako. Epal kasi si Ashley,
Nagsumbong kala mo naman kung sinong santo eh nagcucutting din yan para lang
makasama kaibigan niya at maghanap ng bagong boylet. Tsk! Oo, wag niyo ko tularan
hehe!

Makalipas ang 2 oras nagbell na at Sign na Snack na namin.

"Saved by the bell!!"

sigaw ng isa kong classmate Si Mark Rayola

"Okay class we will continue this tommorrow! Goodbye class"

"Goodbye Miss Marilou!"

"Snack na din jusko salamat!"- Mafe

"Ayy Sige una ka na may aayusin pa ako. Kita na lang tayo sa Canteen Save Mo ako
seat ha."- ako

"Sige beb Bye!"- Mafe

"Bye!"-ako

Nang naayos ko na ung Gamit ko kinuha ko na rin wallet ko pagkatapos nun Lumabas na
ako sa pintuan. Alangan, Alangan naman sa Bintana diba? Yung tanga Pwede Lumabas sa
Bintana yung hindi Ginagamit utak. Lumabas na ako ng Classroom at nakita ko na
pinagtitinginan ako ng mga tao, Oo yung nangyari kanina yun yung dahilan kung bakit
nila ako pinagtitinginan tapos yung mga kaibigan ni Ashley tinitignan din ako ng
masama. Wala akong pake sa mga kaibigan ni Ashley actually, nahihiya lang ako sa
mga tao na nakakita don sa kahihiyan ko kanina, Sabihin nangyari yun kasi
nagpapansin ako dun sa Brae na yun! Brae ba o race? EWAN KO!

Yumuko nalang ako at dahil sa nakayuko ako may nabangga ako. Nays one kristle!

**

CHAPTER 2

Kristle's POV

*BOOGSH*

"Ano ba?!"

Sigaw ng isang lalake aray ko po yung pwet ko, HA?!

"Pwet ko shet."-bulong ko naman

"Tumingin ka kasi miss sa dindaanan mo"-sabi niya naman

"Sorry."-sabi ko at tumayo

"S- teka! Ikaw yung kanina ha?"-sabi niya naman


SI RACE! RACE ARQUIZA!

"Sorry na nga Diba?"-Ako

"Ikaw pa yung galit eh ikaw na nga tong nakabangga."-sabi niya naman

"Ako galit? Eh ikaw nga yung galit eh nagsorry na nga diba?"-sabi ko naman

"Tsk, syempre magagalit ako! Natapon yung Juice na iniinom ko! Ang clumsy mo naman!
Kakaaasar ka na eh!"-sabi niya naman

Tsk, pake ko?

"Ano gusto mong gawin ko ngayon? Tsk,"-sabi ko naman

"Bat ba ang sungit mo? Tsaka wow nirealtalk mo kanina si Ashley ha?"-sabi niya
naman napansin ko na natapon yung juice sa damit niya pero wala parin akong pake.

"Oh anong pake mo?"-sabi ko naman

"Hey, i'm trying to be nice here."-aniya

"Sinabi ko ba na maging mabait ka sakin?"-sabi ko

"Bat ba kasi ang sungit mo? Tsk."-sabi niya naman

"Tantanan mo na nga ako! Kala mo naman kung sino!"-sabi ko aalis na sana ako ng
hatakin niya ako

"Di mo ba ako kilala?"

"Baket sikat ka ba?"- ako

"OO. ako lang naman si Brace Henry Arquiza Hearthrob ng campus member ng Gimme 5,
Gwapo, Ma-appeal, Magaling Sumayaw at Pinagkakaguluhan ng Babae "-sabi niya naman

YABANG! Napairap ako bigla. Ay wait, Brace pala akala ko Race heheheh! nakulangan
ng B Lmao.

"At Potpot tawag nila sakin."-sabi niya pa kaya naman napatingin ako bigla sakanya

POTPOT..

Napatulala lang ako bigla, si potpot. Yung bestfriend ko na mahal ko hanggang


ngayon. Yung bestfriend ko na iniwan nalang ako bigla ng walang pasabi. Naiiyak
nanaman tuloy ako bwisit. Katulad ng mayabang na to, may dimple din yun.

Pano kaya pagkatapos ng ilang taon eh bumalik siya, tapos magkita kami anong
gagawin ko?

"Hoy!"-bigla akong napatingin sakanya

"Ano?"-reklamo ko naman

"Bat bigla kang natulala?"-Tanong niya

"May naalala lang ako."-sabi ko naman


"Sus, pinagpapantasyahan mo lang ako,"-Aniya

Ay grabe!

"Kapal mo dun ka nga!"-sabi ko naman

"Ano ba kasi yon?"-tanong niya

"Naalala ko lang childhood bestfriend ko oh sige na layas na!"-sabi ko

"School to! Nagaaral ako dito tanga!"-sabi niya naman

Sakit naman nun! Na-tanga ako?!

Nakakakuha na kami ng atensyon kaya naman tinulak ko na siya paalis.

"Sino ba kasi yon?"-tanong niya naman

"Di tayo close wag kang feeling close kaya wag mo ng alamin yun! Sige na layas
tsk."-sabi ko naman

"Edi wow!"- Brace

Aba! Kakaurat tong Mayabang na to'!

Pinagtitinginan na kami ng tao kaya tumingin ako sa mga tao, Siguro naman napansin
niya rin yun kaya naman tinignan niya ako.

"Alis na ako Panget!"-Sabi niya

"Edi Umalis ka! Mukha bang may pake ako?"-sabi ko naman at tumalikod na

"Tsk, Bye Stupid!"-sabi niya tumingin naman ako bigla pero tumatakbo na agad siya
at pinaghahabol na ng mga fangirls niya.

Umalis na ako, Kakaasar yun! Yabang yabang tapos lakas na tawagin akong stupid? Ng
mahanap ko si Mafe padabog akong umupo sa tabi niya at nagulat naman siya

" JUSMIYO NAMAN! oh beb bat ngayon ka lang binili na kita food libre ko na."-sabi
niya na nakangiti saya neto ah?

"Anong meron? Omg akin tong large fries tsaka smart c ha?"-sabi ko naman at kinuha
yung large fries at smart c na lemon squeeze

"Sure beb, tsaka anong meron na pinagsasabi mo jan?"-sabi niya naman

"Eh, Pag goodmood ka lang naman ng lilibre duh?"-ako

"Di ah."-sabi niya na parang nagpipigil ng kilig

Kilala ko to'ng bruha na to eh! Alam ko may di to sinasabi sakin.

"Sasabihin mo o hahampasin kita ng kaldero?"-sabi ko naman

"K fine, nakausap kasi ako ni Grae"-sabi niya naman

Napatingin ako sakanya habang umiinom ng smart C.

Damn, Seryoso ba siya?


"oh? Seryoso ka?"-tanong ko

"OO BEB! sobrang kinikilig ako jusko!"-sabi niya naman

"Tapos? Anong nangyari?"-tanong ko naman

"Tinanong niya kung may labpartner na ba daw ako."-sabi

"ano sabi mo?"-ako

"wala pa."- mafe

"Ano meron na diba? ako kaya."-ako

"Bakit niyaya ka ba niya na maging ikaw na lang lab partner niya?"-dagdag ko

"oo, Sige na pleaseee??"-mafe

"oo na. eh sino na partner ko?"-ako

"Si Brace."

Nabuga ko yung iniinom ko. ANAK NG?

Brace POV

Nakakainis naman yung Kristle na yun. Oo kilala ko siya, Malamang kaklase ko yun. 5
beses ko ng nacheckan yung papel niya at Nagrerecite din siya tapos may attendance
so nakikilala ko siya, Tapos ako di niya kilala? Ganda naman nun! Pumunta muna ako
sa locker ko at kumuha ng P.E Tshirt ko, Pero nung sinabi niya yung Childhood
Bestfriend niya, Bigla din akong napaisip. Naisip ko yung kababata ko. Si Pachi.

Nagbihis nalang ako at lumabas na ng locker room at dumiretso sa Cr.

Mageearphones na sana ako ng may tumawag saakin.

"Tol!"

Tumingin ako sa likod at nakita ko si Grae pati na rin si Nash.

"Tol!"- ako

"Saan ka galing?"- Grae

"Locker room."sabi ko at tinignan nila ako

"Hinahanap ka kanina ni ano--"di na natapos ni Grae yung sasabihin niya ng tinignan


ko na siya ng masama.

"Ayos yung kaklase niyo ha? HAHAHA!"sabi ni nash

"Ah oo, Rinig ko galing daw nun kumanta ah? Bakit type mo? Hahahahaha yun lang ata
walang gusto sayo dito sa campus eh, Kita mo kanina sinigawan ka pa, Inaway ka
pa."-sabi naman ni grae

"pare, Crush rin ako nun. Di lang niya pinapahalata tignan mo."-mayabang na sabi ko

"Feeling ka nanaman bro."-sabi ni nash


"Tol, di na pala tayo lab partners ha?"-sabi naman ni grae kaya napatingin ako
sakanya

"Teka tol, Wtf?! Bakit?"-tanong ko

"May problema ba kay Brace tol? Nababakla ka na ba?"-sabi naman ni Nash

"Siraulo! Hindi, May iba kasi akong kapartner eh!"-sabi niya naman

"SINO?!"-tanong naman namin ni nash

"Si Mafe."-sabi niya sabay ngiti

Leche, Tinamaan na tong isa.

"Lintek pare! Inlove ka na?"-sabi naman ni Nash

"Siraulo! Hindi!"-sabi naman ni grae

"Lul, Wag mo kaming niloloko! Delgado ka pala ha?"-sabi ko naman

"Tinamaan na si Grae! Yiee Inlove! Pano naman na si John, Grae? Pano na siya?"-pag
iinarte ni Nash

"Pano siya magmomove-on?! Pinagpalit mo na siya! Wala kang puso!"-pagiinarte ko


naman

"Mga loko! Paguntugin ko kayo jan eh! Kapartner mo pare si Kristle ha?"-sabi naman
ni Grae

Nanlaki naman bigla mata ko.

"YARI KA SAKIN PUTEK KA!!!"Sigaw ko at tumakbo na si grae at hinabol ko naman

Pag talaga nahuli ko tong si totoy malilintikan to sakin!

______________________________________________________
EDITED!! :)

A/N: Ang istoryang ito ay naglalaman lamang ng mga eksenang galing sa imaginations
ng author, kathang isip lang po ito!! Lahat po ng mga nangyayari dito eh, hindi po
totoo salamat po!! :)))

3
Kristle's POV

Eto ako ngayon naglalakad mag-isa si Mafe daw kasi kailangan magCr. Ayun nauna na
ako pumunta sa Classroom, mag-isa nanaman ako.. Sanay na ako

Nga pala, Isang linggo na din nakalipas nung nakilala ko yung brace na yun, ngayon
nga pala yung sa Science Lab hays.

Pagpasok ko sa classroom tinawag agad ako nung unggoy, wow! first time to ah?

"Hoy Panget!"

"Bakit nanaman ba alien ano nanaman ba kailangan mo?"-ako


"Diba ikaw lab partner ko?" -brace

"Nasabi na pala saiyo ni Grae."-ako

Alam na rin pala niya, Malamang Tle Bestfriend niya si Grae diba malamang sasabihin
na yun ni Grae sakanya, Nako naman Tala! Isip isip din pag may time.

"Nagtatangahan ka ba o sadyang tanga ka lang talaga? Obvious ba? Edi sana kung diko
pa alam di ako lalapit sayo." - Brace

"Ikaw na! Malay ko ba."- ako YABANG TALAGA! tsk

Nakakabadmood tong unggoy na to! Bwiset! PIGILAN NIYO AKO!

"Nakakabadmood ka! Bwiset!"- ako

Leche kasi eh. Nagpapabadmood sa Araw ko! isang linggo na niya akong binabadtrip!

"Buti nga bad mood ka kasi ako nagiging Goodmood Pag BV ka."-Brace

"Leche ka! Ang sarap mong ibitay ng patiwarik alam mo yun?"- ako

Nakakabwiset kasi siya! Mapapatay ko to nako!

"Ginagawa kasi yun noh?"- Brace

"Papatayin kita nakoooooo!!"- ako

Nagbell na kaya umalis na siya habang inaasar parin ako, Nako pag ako naasar ng
bongga bongga na dito ipapabugbog ko to sa tambay jan sa kanto!

"Oh Beh bat ganyan mukha mo anyare sayo?"- tanong ni Mafe, nakabusangot kasi ako.

"Bwiset kasi yung unggoy na Yun."-tanong niya naman at umupo na sa upuan niya.

"Sino?"- Mafe

"Sino pa ba Edi si Brace"- ako

"Sus. Kilig ka naman,"- Mafe

"Gaga ka! Kundi lang dahil sa libre mong one month na snack di ako papayag eh!"-
ako

"Bagay kaya kayo"- Mafe

"patayin kita gusto mo?" ako

NAKOOOOO! Kami bagay ni Brace?! Nagpapatawa ba tong kaibigan ko?

Tinignan ko lang si Mafe ng masama ng dumating na yung science teacher namin.

"Good Morning Class!"

"Good Morning Mam!"

"Okay alam niyo na diba yung gagawin Ngayon diba may experiment tayo ngayon diba at
nasabi ko na rin kung paano yung gagawin diba?"
"Yes mam!"

"Okay now go to your partners."sabi naman nung teacher namin, Jusko ayokong kasama
to'ng unggoy na to. Yung iba tinitignan pa ako na parang sobrang swerte ko na
kapartner ko si Brace, kung alam lang nila handa akong makipag palitan ng partner
malayo lang sa Brace na to.

"Hoy! Diba partner mo ako kaya lika na!"- Brace

"Wala pa nga sinasabi si mam eh!"-sabi ko naman

Totoo naman eh Wala pa naman sinasabi eh.

"Tsk."-brace

"Okay class let's go to the lab."

"Oh Diba? Kaya Halika na!"- Brace

Hahawakan niya sana kamay ko kaso nilayo ko. Pinagtitinginan kasi ako ng mga fans
niya jusko! baka mamatay ako ng maaga neto.

"Oh bakit ayaw mo pumunta sa lab?"- Brace

"Ha? Ano kasi,Uhmm. Wag mo na hawakan kamay ko, kasabay mo naman ako eh."- ako

"Bat naman ano masama?"- tanong niya

"ano kasi basta lika na."- ako niyaya ko na siya baka magtanong pa eh.

Brace POV

Arte netong panget na to ah? Brace Arquiza na oh! Tsk.

"Okay Class you may start your Experiments! GO!"Sigaw naman saamin nitong masungit
na science teacher namin.

"Oh Lika na! Doon tayo. "- yaya niya

"Dito na lang"-tamad kong sabi

mas malapit dito eh tsk, dami din kasing arte neto ni panget eh!

"Hindi Doon na lang!"sabi niya naman at nagpout medyo natigilan ako ng kaunti.

She's cute. Lah? Ano daw?

"Dito"sabi ko na parang naiinis na.

"Doon"sabi niya naman habang tinitignan ako ng masama

"Dito"

"Doon"

"Dito nalang kasi kulit mo!"

"Doon nalang kasi! Isa ka din eh!"


"Mr.Arquiza Ms. Nolasco! What seems to be the problem huh? Naiistorbo niyo mga
kaklase niyo ano ba?"sabi saamin ni Maam

Lahat nakatingin na saamin, Napansin ko na nakayuko na to'ng panget na to.

"Maam, ano po kasi--"

"Kung magaaway lang kayo Dahil sa place kung saan kayo mageexperiment , I rather
Choose na dito nalang kayo."-sabi naman ni Maam tumango nalang kaming dalawa at
nagsorry.

"Sabi ko na sayo, dito nalang tayo."sabi ko naman

She's really annoying! tsk. Di ko talaga maintindihan mga babae!

"Ako nanaman? Tsk! Eh mas okay don eh! nakatapat yung aircon! Tsaka ang init init
kaya!"-sabi niya

TSK STUPID.

"Stupid, kakabukas palang nung aircon malamang di pa yan ganun kalamig! mamaya
lalamig din yan tss!"- sabi ko naman

Tinignan ko naman siya tumingin siya saakin saglit at umirap nalang.

"Edi ako na may kasalanan, tsk."sabi niya at hinablot sakin yung test tube.

Natapos ang science period pero ni isang salita manlang galing sa bibig ni Kristle
eh wala, pag may ipapaabot ako inaabot niya lang. What the f*ck ano ng gagawin ko?!

Hahabulin ko sana siya ng bigla nalang siyang tumakbo palabas ng makapag paalam na
kami sa teacher namin.

Kristle's POV

Nakakainis! NAKAKAINIS TALAGA SIYA!

Pagkatapos ng Science Period tumakbo na agad ako palabas ng Science Lab, Stupid
Jerk! Kairita. Ano araw araw nalang ba talaga niya akong bwibwisitin?!

"Beb!"-narinig ko ang boses ni Mafe liningon ko na siya at ngumiti.

"Oh beb? Kamusta kayo ni Grae?"-tanong ko naman

" Masaya ako Beb sobra! Kinikilig parin ako hanggang ngayon! tinuruan niya din ako
beb tapos tapos hinawakan niya kamay ko jusko beb! mamatay na yata ako!"-Sabi ni
Mafe habang pinaghahampas hampas ako. Masakit jusko!

"Obviously? kinikilig ka eh!"sabi ko

"Eh ikaw? Okay ka lang ba? inasar ka nanaman ba ni brace?"tanong niya sakin

Ngumiti lang ako, yung FAKE.

"Okay lang naman, tss isang linggo na niya akong inaasar duh? NAKAKAINIS nga lang
siya! BWISIT!"reklamo ko

"Oh easy ka lang naman! Easy lang easy! hinga ng malalim."pagpapakalma naman sakin
ni Mafe.

"Ehem."

Tinignan namin kung sino iyon at nakita ko sila at siya.

________________________________________

4
Brace POV

"Tol! Ano nangyari sainyo ni Kristle? bat napagalitan kayo ni mam?"tanong ni Grae

"Nagaway malamang, tas ayun nagalit bigla."sabi ko naman

"Ikaw naman Kasi alam mo naman na babae eh!"- Joaquin

"Brace,nagtampo o nagalit?"-nash

aba malay ko ba na magagalit na siya, kingina.

"Eh hindi ko naman alam na magagalit na siya eh."-sabi ko naman sakanila

"Pare loko ka ba? Babae yun huy! Ikaw naman kasi, Lagi mo inaasar."sabi naman ni
John

"Alam ko naman yun kaso lang-DAMN! Takte ano papaguiltyhin niyo ko lalo?"-sabi ko

"Kaso ano? Alam mo tol magsorry ka doon."-sabi naman ni nash

"Oo na."-sabi ko

"Tanga! Bagay lang yan sayo! HAHAHAHAH!"sabi nila saakin

"Wait! may idea ako!"-sabi naman ni Joaquin

"Oh c'mon what now?!"-reklamo ko

May binulong siya samin at tinignan naman nila ako.

WHAT THE F*CK?! anong klaseng plano to?

"ayos yun tol! oh Brace! alam mo na ha?"sabi ni nash at inakbayan ako

"WHAT THE HECK MEN?! no way! di ko gagawin yun! Ang baduy!"sabi ko

"Parang di mo naman ginagawa nung Kayo pa ni pat?!"-sabi naman ni grae kaya naman
binatukan ko

"wag mo ngang binabanggit pangalan nun! Nababadtrip ako eh!"-sabi ko

"woah, easy ka lang brace! labyu! kiss nalang kita!"-sabi naman ni grae

"layo nga! kadiri ka!"-sabi ko

"ano game ka ba brace?"-tanong ni John

"Wtf?! i can't believe i'm doing this stupid sh*t."-sabi ko


"Halika na nga! "- Joaquin

URGH! sana naman patawarin niya na ako sa gagawin ko'ng to.

Kristle's POV

wow, may gana pa talaga to'ng mokong na to na kausapin ako?!

"Anong Ginawa mo este niyo dito?"-tanong ko

Ano nanaman ginagawa nitong mayabang na to?! At sinama pa talaga barkada niya.

"Hi Kristle!"-bati ng mga kaibigan niya ngumiti ako at kumaway sakanila

"May itsura pala tol eh."-narinig kong bulong nung John ba yun?Namula naman ako
bigla, AKO DAW MAY ISTURA? Wow.

"Ayy hahaha salamat!"sabi ko naman

"Hahah,di kasi kita masyadong napapansin sa classroom, alam mo na pinagkakaguluhan


kami kaya ayu-"naputol yung sinasabi ni John ng magsalita si brace

"She gets it."-sabi ni brace

Tsk, BASTUSAN?! Nagsasalita eh!

"Ayy nga pala Kristle, may sasabihin sayo si Brace."-sabi naman nung Nash oo kilala
ko yan.

tinignan ko si unggoy at hinihintay ko siyang magsalita.

Siniko naman siya nung mga kaibigan niya.

napansin ko na pinagtitinginan na kami ng mga tao at pinagkakaguluhan.

"Sorry kanina, Ang sama ko sayo. Sana mapatawad moko di ko sinasadya. Below the
belt na ako di ko inisip nararamdaman mo nun sorry. Medyo Na-badtrip lang ako nun,
I'm Really Sorry!"-nakatingin lang ako sakanya.

NAG-SOSORRY BA TALAGA SIYA?! JUSMIYO MILAGRO HO!

Tumingin ako sa paligid at halos ata ng estudyante eh naka-tingin sa direksyon


namin.

Biglang kinurot ni Mafe yung tagiliran ko.

"Swerte mo gurl! kala mo girlfriend ka ni Fafa Brace oh?"sabi niya saakin

Sobra naman akong namula, ano bang nangyayari sakin?!

Nakita ko na pinagbubulung bulungan kami ng mga tao dito. JUSKO! makikita niyo
nalang yung katawan ko lumulutang lutang sa pasig river.

Wala parin di parin ako nagsasalita. Nagulat ako nung lumuhod si Brace. Nanlaki
mata ko, Ano bang nasa isip niya?! baka sabihin nila girlfriend ako ng unggoy na
to?!

"Tumayo ka nga! Hay nako!"-sabi ko at tinulungan siyang makatayo.


"SILA NA MGA BRO!!"-Sigaw ni Nash at nagapiran sila

Tinignan sila ng masama ni Brace.

"Shut up!"-sabi niya at humarap ulit sakin at ngumiti.

Yung ngiting magmemelt ka nalang.

Tsk, whatever!

"Sorry ulit."sabi niya may magagawa pa ba ako? tsk.

tumango ako at nagthumbs up, ibig sabihin okay na.

"Okay na pala mga tol eh! Oh siya, okay na tapos na po palabas! Thank you sa mga
nanood!"sabi ni John

"Nice one Bro!"sabi naman ni Grae at tumabi kay Mafe

Ang Bestfriend ko naman kinikilig.

"Nice, Papapizza yan mamaya hahahaha joke! alis muna kami, may aayusin daw si Nash
sa auditorium."sabi ni Joaquin

"Oo, ako pinapaayos nung sound effects don, Tsk. Una na kami bahala na kayo jan
bye!"nagpaalam na sila tinignan ko naman si Ma- TEKA?! asan si Mafe?!

"Bye beb!"-sabi niya at tinignan ko naman ayun hila hila pala siya nung classmates
namin.

Naiwan ako dito kasama si Brace.

"May kukunin lang ako sa locker ko."-sabi ko

Tumango naman siya kaya naman nagsimula na akong maglakad kaso hinila niya ako kaya
napalapit ako sakanya.

"Wala naman akong sinabi na hindi ako sasama sayo diba? Tara?"sabi niya

WOAH. Eto nanaman yung puso ko.

ano bang meron sakanya?!

5
Brace POV

Nakarating na din Kami sa locker niya, nakaramdam ako na parang naiihi ako kaya
nagpaalam muna ako sakanya na iihi ako.

"Cr Muna ako."sabi ko at tumango naman siya.

Habang nasa Cr ako, iniisip ko bat nga ba ako pumayag sa plano nila joaquin kanina?
At bat ko naisipan na lumuhod sa harapan niya? Ganun baako ka desperado para lang
mapatawad niya ako?

Crap Ano bang nangyayari sakin? Sobra ba akong naguilty? Dammit! Para naman akong
loko Tapos sinamahan ko pa siya sa Locker niya? Damn.
Napailing nalang ako, Binalikan ko si Panget at nakita ko siyang sinampal ng isang
pamilyar na babae.

Napamura ako ng mali sa oras.

It's Her.

"Dammit."i cussed at tumakbo papunta sa direksyon nila.

"Stay Away From Brace! Di ka nababagay sakanya! Sino ka ba ha?! Feelingera!"bago


niya pa ituloy yung pagsampal niya kay Kristle pinigilan ko na siya.

"B-Brace.."sabi niya

"Dammit Patricia! Wala ka bang magawa sa buhay mo?!"sigaw ko sakanya.

Yes, Patricia.

"P-pero Girlfriend mo ako!"-sigaw niya

I cussed.

"Girlfriend?! HAH! EX-GIRLFRIEND Kita."-sabi ko

"EX?"-gulat na tanong ni kristle

Tumingin ako sa direksyon niya. Tumango naman ako at tinago siya sa likod ko. Wala
na masyadong tao dito sa corridor dahil sa mga nasa klase na ata sila?
Unfortunately, dapat nasa klase na kami neto kaso tsk, nandito si patricia.

"Anong kailangan mo Patricia?"-tanong ko

"Ikaw! Ikaw brace yung kailangan ko. Alam ko ako ang nakipagbreako sayo pero,
Pinagsisisihan ko na yun!"- Patricia

"Pinagsisisihan? HAHAHAHA nagpapatawa ka ba?! That's bullsh*t Pagkatapos mong


sabihin saakin na di moko minahal?! Na pinaglaruan mo lang ako?! Na pinagtripan
p*tangina naman! Ginamit mo lang naman ako diba?! Tapos iniwan mo nalang basta?!
Minahal mo ako kasi kelangan mo ako diba?! DIBA?! Kaya ngayon okay na wala na akong
nararamdaman para sayo tantanan mo na ako! Kasi ayoko na sayo! Hindi na kita
mahal!"-sabi ko

DRAMA KO TSK.

"Siya ba? Siya ba? Kaya ka nagkakaganyan ha?"- Tinuturo turo niya si Kristle

Kelangan bang idamay pa yung inosenteng tao?!

"Patricia walang kinalaman si Kristle."-sabi ko pero too late bigla niyang hinila
si kristle.

HOLY HELL.

Kristle's POV

SI BRACE EX SI PATRICIA? ayy wow!

Ngayon ko lang nalaman ha? Sabagay, Dati palang naman talaga wala akong pake
sakanila eh. Kelangan ko ng popcorn ngayon parang movie yung pinapanood ko eh. Kaso
bigla akong hinila nung Patricia.

Ay kasali pala ako? Hehe.

"Talaga lang ha?"-sabi ni patricia at tinignan ako ng masama.

Bigla niya akong tinulak ni Patricia dahila para madulas ako. Nyemas na buhay nga
naman ito oo!

Ay bwiset! Buti na lang nakahawak ako ngayon sa May bakal! Ina netong babae na'to
sasali pa ako sa gulo eh!

"Are you okay?! Sh*t wait! humawak ka lang!"-sigaw naman ni Brace

"Anong klaseng tanong ba yan brace?!Malamang hindi ako okay! Magiging okay pa ba
ako eh mamatay na ako pag nalaglag ako dito! Tulungan moko!"-sigaw ko

"Akin na yung isang kamay mo."-sabi naman ni brace

"Brace hayaan mo siyang malaglag jan!"-sabi naman ni Patricia

LECHUGAS! subukan mo lang akong hayaan na mamatay dito mumultuhin ko kayong


Dalawa!!

"SHUT UP! IKAW YUNG NAKIPAGBREAK!"- sigaw ni brace kay patricia

Medyo Ouch. Pero Huhu JUSMIYO JUGIGO! mamatay na ako!

"Brace.."-naiiyak na sabi ko takot ako sa heights takte

"Trust me, Just Trust me."-sabi niya

Ayun, Inabot ko na sakanya yung kamay ko, wala akong ibang choice mamatay na ako
tapos papabebe pa ako?! NAKO NAKO! inalalayan ako bigla ni brace. At eto nanaman
yung puso ko.

ANO BANG MERON SAYO PUSO HA?!

"Ano bang iniisip mo Patricia?! Muntik na siya mamatay! URGH crap! TAMA NA! IKAW
YUNG NAKIPAGBREAK IKAW YUNG NANG IWAN! IKAW DIN YUNG NANAKIT KAYA PWEDE BA?!
TANTANAN MO NA AKO!I DON'T LOVE YOU ANYMORE."-At sa salitang binitawan ni brace
nagulat ako ng buhatin niya ako na parang bagong kasal at iniwan si Patricia na
umiiyak.

Naawa ako kahit papaano kay Patricia. Ang sakit kaya nung ga salitang binitawan
neto ni Brace.

Pero yun na nga buhat buhat ako neto ni brace eh kaya ko naman maglakad mag-isa!
pinagtitinginan tuloy kaming mga tao na kakalabas lang ng classroom.

"Kaya ko maglakad."sabi ko

"tsk, wag ng maraming sinasabi Brace Arquiza na nagbubuhat sayo ayaw pa? arte mo!"

"sinabi ko ba kasing buhatin mo ako?! lechugas to!"reklamo ko

"tsk."sabi niya nalang


SUPLADO NETO TSK.

Pinaupo niya naman ako sa isang bench dito sa may school namin, Kadalasan dito
tumatambay yung mga estudyante tuwing uwian.

Pero dahil sa hindi n kami nakaattend ng last subject namin dito nalang kami
tumambay.

Pero napahawak ako sa may tuhod ko. Medyo mahapdi hala baka may sugat ako.

Biglang lumuhod to'ng unggoy na to sa harapan ako at tinignan yung sugat ko.

"Bat di mo sinabi na may sugat ka?!"-sabi niya

"Tinanong mo ba?!"-sabi ko naman

"Sh*t it's bleeding!"-sabi niya

Napasapo ako sa noo ko.

"MALAMANG DUMUDUGO YAN SUGAT EH!"-Sigaw ko

"Your voice is so annoying! Wag ka ngang maingay jan!"-sabi niya naman taray
makaenglish ni kuya oh?!

"Jan ka lang muna may kukunin lang ako sa locker ko."sabi niya at iniwan ako as i
was saying, sanay na akong maiwan.

Pero mga ilang minuto din nakalipas eh dumating na siya na may dalang alcohol at
band-aid at cotton.

Nanlaki naman agad mata ko ng makita ko yung alcohol.

"Takot ka sa alcohol?"tanong niya at napasmirk bigla

"hindi!"-sabi ko naman

"You sure?"-tanong niya

"Oo!"-matapang na sabi ko

"Okay, linisin na natin sugat mo."-sabi niya naman

Bigla akong napatayo ng di oras.

"Boss okay lang ako! wag mo na akong pansinin uuwi na ako bye!"-sabi ko tatakbo na
sana ako ng hilahin niya ako.

"Stay or i'll kiss you?"-nanlaki naman bigla ang mata ko at napaupo ako bigla.

"Good girl!"-sabi niya at ginulo ang buhok ko ano ako aso?!

"ano ba?!"reklamo ko

malapit na niyang idikit yung cotton sa balat ko hahahahahaha IDIKIT tsk okay, Yun
malapit na niya sanang lagyan ng alcohol yung sugat ko ng ipikit ko yung mata ko,
Hinawakan niya yung kamay ko.

Napadilat ako bigla.


"I'll be gentle."parang bumerde saglit utak ko don, Ano ba yan kristle?!

Dampi dampi lang at inihipan niya yung sugat ko para daw di masakit.

Nang matapos na niyang gamutin yung sugat ko nilagyan na niya ng bandage.

napangiti nalang ako bigla..

Tsk, ewan ko ba sa sarili ko nababaliw na ata ako.

"Ano bang nangyari sainyo ni patricia?"tanong ko napatingin naman siya saakin


bigla.

"Since Freshmen gusto ko na siya, Nung malapit na magend yung school year nagtanong
ako kung pwede manligaw sinabi niya okay daw. buong summer halos araw araw
nagkikita kami, Kasi Nagwork shop siya sa star magic. Kaya Kadalasan nagkikita
kami. Bago magpasukan sinagot na niya ako, Masaya kami masyado. Hanggang sa umabot
sa punto na parang wala na siyang gana sa relasyon namin, hanggang sa sumuko na
siya at ako nalang ang lumalaban. Yun, isang araw nakipagkita siya sakin at Sinabi
niya na di niya na kaya at may iba siyang mahal, Sobrang sakit. Lalo na't sinabi
niya na di niya ako Minahal, Pinaglaruan niya lang daw ako. Bullsh*t nga eh. Kasi
sobrang sakit nung naramdaman ko nung araw na yun. Ginawa ko yung lahat para lang
bumalik siya pero wala na eh. Wala na talaga. Hanggangsa naisipan ko na mag-move on
nalang, Kaya eto."-sabi niya

"Nakamove ka na ba talaga?"-tanong ko

Tumango naman siya.

"Wag na natin pagusapan yon, Tara hatid nakita!"sabi niya

"Hindi okay lang."sabi ko

"Tss."sabi niya at pinasan ako sa likod niya

Yung puso ko... Ang lakas ng tibok.

6
Brace POV
Nasa tapat na ako ng bahay namin, Salamat naman makakatulog na ako!
Pag pasok ko nakita ko si Mama na nakaupo sa sofa, Inaantay ata ako.
"Hay nako anak, pasensya na hindi kita napasundo kay Manong may dinaanan pa kasi
kami."pagod na pagod na talaga ako wooh.
"Okay lang po yun ma, Papahinga na po ako loveyou ma!"sabi ko at hinalikan ko na si
Mama sa pisnge, papasok na sana ako ng kwarto ng makita ko si Jeanne na nakatambay
sa may tapat ng pinto ko, Anong ginagawa neto dito?
"Jeanne, bat nanjan ka?"tanong ko naman
"Inaantay ka kuya."
"Bakit?"
"Masama bang sabihin na namimiss lang kita? Siguro pinupuntahan mo nanaman si Ate
Patricia noh?!"sabi niya
To talaga kahit kailan ayaw na ayaw kay Patricia.
Umiling naman ako at hinalikan ko yung buhok niya.
"Goodnight!"sabi ko at pumasok na ng kwarto.
Pagod na pagod talaga ako, nagcommute lang kasi ako.
Inon ko na yung AC at nagbihis at naghilamos na, humiga na ako sa malambot kong
kama at tintigan ang kisame.
Napakalampa talaga tsk.
Stupid hah.
Napakalampa talaga ni Kristle, hays.
Pinikit ko na ang mga mata ko at nakatulog nalang ako.
Kristle's POV
"Hoy! Bangon na!!"
"Gising na huy!!"
"Bangon na kristle!!"
Ingay, natutulog pa ako eh!!
"BABANGON KA JAN O BUBUHUSAN KITA NG MAINIT NA TUBIG?!"napatayo naman ako agad.
Seryoso yan eh, alam ko pag di ako bumangon tototohanin niya yan.
"Eto na, Liligo na nga eh!!"sabi ko naman
Antok na antok pa ako putek.
Habang nagccr ako, pinikit ko pa mata ko antok pa ako eh!!!
"MALIGO KA NA!!"at napamulat nalang ako ng mata ko.
Jusko mga te, inaantok pa ako!!
Wala akong ibang nagawa edi naligo nalang ako.
**
Nasa school na ako at hindi ko mahanap yung earphones ko, kala monaman talaga
nakikipagtaguan ako sakanya!!
"Lalabas ka o hindi?! Asan ka ba?!"sabi ko naman habang nagkakalkal sa bag ko
"Pabebe to masyado!! Hide and Seek ganon?!"asan na ba kasi earphones ko?!
Habang halungkat ako ng halungkat sa bag ko, hindi ko alam na may nabangga na pala
ako.
Tanga ka kristle, isang dakilang tanga.
_________________________________________________________
EDITED!! :) Maikli lang siya sorry!!

7
Kristle's POV
May nabunggo ako babae. Aishhh! Ano ba yan Kristle?! Kabobohan mo 101
"Sorry"- paumanhin ko
"Miss sa susunod kasi tumingin ka sa dinadaanan okay?"-sabi niya naman
"Sorry po talaga."sabi ko naman
"It's Okay Wag ka kasing magbabasa habang naglalakad. Okay? Btw, My name is
Kryzshel"
"Ahh, Ako nga pala si Kristle Nolasco."
"Oh, Ikaw Yung GF ni Brace."
WHAT?! GF? AKO NI BRACE? HAHAHAHAHAHAHAHAHAHHHAHAHAHAH! Kala ko joke.
"HA? hindi, hindi ako yung Gf ni brace."
"Ha?Eh sabi kasi nung mga kasection mo at classmates ko kayo na daw ni brace."
KILL ME NOW! NAKO! AKO?! At ako pa talaga naging Girlfriend ng lalaking yon ha?
"Nako Kryzshel hindi, hindi ako yung Gf niya."
"Ahhh, Baka gawa gawa lang nila yun, Btw, Just call me Kry."
"Okay!"
"I'll call you Tle nalang. Ang haba kasi ng Kristle eh. Okay ba yun?"
"Tala na lang."-ako
"STAR! HIHIHIHI! CUTE!"
"So, anong section mo?"tanong ko
Pero di siya sumagot at nakatulala lang siya. Anyare dito?
"Huyyy, Kry?"pagtatawag ko sakanya
"Ha? Ah oo."sabi niya ano daw?
"Sino ba tinitignan mo?"tanong ko naman
Pagtingin ko GIMME 5. Okay fan siya.
"FAN ka rin nila?"-ako
"Ha? Ah eh oo,"-ako
Pag sikat ka nga naman eh noh?
"Bakit ikaw di mo ba sila nagugustuhan ang gwapo kaya nila lalo na si Joaquin."-
siya
"Well, Tama ka Gwapo sila. Pero sadyang di nila ako fan."-ako
At yun, Biglang pumunta sa Direksiyon namin yung Gimme 5.
mga tao makatingin samin kala mo kakainin na kami ng buhay eh.
"Asan si Mafe?" Sino pa ba yung magtatanong nun malamang si Grae walang ibang
mukhang bibig si Mafe. Hayyy.
"Ganda ng pambungad ah. Wala man lang GOOD MORNING?"-ako
"Good Morning!"- Bati ni Brace
Kinilig naman ako. Hahhahah! Charot! Joke lang di ako kinilig noh.
[Weh??? Di nga? ]
Oo nga hindi nga.
[SUS, aminin mo na gusto mo siya]
Ano ba to? Bat ko kinakausap sarili ko. mukha akong gag*
"Tehe, Morning Rin."-ako
"Ah. Kristle, Sino tong kasama mo?"- Joaquin
"Ah kanina kasi habang naglalakad ako nagkabungguan kami,"-ako
"Kanina?"-John
"Ay hinde, Kahapon, Unli lang. Diba kanina sabi ko."-ako
"Galit agad?"-John
"Edi, Sorry na!"-ako
"Ahh, Miss ano po Pangalan mo?"- Joaquin
"Uhmm, I-im Kryzshel"-sabi ni kryzshel
"Nice to meet you! Im Jo-"
"Joaquin Lucas Reyes."-shel
"Kilala mo ako?"-Joaquin
"Tol, Malamang Sa Gwapo nating to, itong mukhang to hindi pa tayo makikilala?"-Sabi
naman ng buwisit na si brace at inakbayan si Joaquin.
"Sus, Ang hangin sobra. Di niyo ba napapansin yun.?"-sabi ko naman sabay tinignan
si Brace
"Tss, Aminin mo na kasi GWAPO AKO."-Brace
"Ang Hangin mo Grabe!"-ako
"Tigilan niyo na nga yan, oh ayan na pala si Mafe eh."- Nash
"Hi Guys! Good Morning sorry late ako ah! Woah, Nandito kayo?!"-Gulat na tanong ni
Mafe
kahit naman ako di makapniwala na nilalapitan kami ng Limang Tukmol na to.
"Obvious ba?"-sabi naman ni Joaquin
"Ay sorry nga pala late ako!"-sabi naman ni Mafe
"Okay lang."-Grae
"Pasok na tayo sa loob, Tayo na lang nasa labas eh."-Nash
"Ah sabay ka na kryzshel!"sabi ko naman
"okay. Hi!"sabi niya kay Mafe atyun nagchikahan na sila. silang lahat! pano? fan
tong dalawang babae ng gimme 5 oh kasama pa namin yung gimme 5 edi nagkasundo sundo
sila.
"Iniimagine mo nanaman kung gano ako ka-gwapo?"sabi naman netong panira ng araw ko.
"Tsk kapal mo ah!"sabi ko naman
"weh? aminin mo na kasi, isa ka din sa mga babaeng nagkakandarapa sakin."sabi niya
at nilapit yung mukha niya sa mukha ko. Nyemas!
"umiwas ka nga leche mandiri ka!"sabi ko naman
"Oyy Kapal Mo!"sabi niya naman
"mas makapal ka tsk!"sabi ko at tumakbo na bahala sila jan lechugas na Brace Henry
yan panira ng araw ko!
Brace POV
"Okay Class, Today is MAPE period Right?"-Sir
"Yes Sir!"-kaming laht
"Okay Go to the board and find Your partners"-Sir
Ha? Ano nanaman to?
Mark-Sherryl
Godwin-Ashley
Benedict-Apple
Kyle-May
Cj-Aprille
JB-Miles
Grae-Mafe
Andrew-Anna
Kobi-Annie
Jude-Fiona
Joaquin-Megan
John-Darlene
Brace-Kristle
Takte, Kapartner ko pa siya. Ganda naman, ganda talaga! Putek talaga to.
"Okay Let's Go to the Gym."-sabi naman ni sir
I glanced at her, nakatingin din siya saakin napasmirk ako. Hah! Huli ka balbon!
Kala mo ha?
Ng makarating kami sa Gym pinapwesto na kami ni Sir sa pwesto namin.
"Okay class, Face your partner. Boys, Hold the waist and the hand of your partner
Then Dance."-Sir
Putek, ANO DAW ANO?! ANONG SAYAW TO MGA PRE?! ANOOOOOO?!
"Hoy! Rough yung kamay ko so, baka maartehan ka. Arte mo pa naman!"-sabi niya
Tsk.
Hinawakan ko yung kamay niya at hinawakan ko siya sa may bewang at nilapit siya
saakin. Nagulat naman siya at tinignan ako, napakiller smile naman ako.
"Stop doing that!"-reklamo niya
"Yung alin?"-patay malisya kong tanong
"That!"-sabi niya
Gets ko naman yung pinapahiwatig niya, Inaasar ko lang siya i don't know, I mean
she's really cute.
SERIOUSLY BRACE?!
"So, may GT kami sa Sm North wanna come? Niyaya na ni Grae si Mafe obviously."-sabi
ko naman
"Tinatamad ako."-simpleng sagot niya
WHAT?!
"seryoso ka ba?!"-sabi ko naman
tumango naman siya.
"C'mon?! Wag ka namang kill joy!"-sabi ko
Tumawa siya, I don't know pero napangiti ako.
Hindi parin natatapos yung kanta at sumasayaw parin kami.
"Tsk, ayaw kitang kasama pero game!"-sabi niya naman
Tsk, ayaw ako makasama? Sus.
Pagkatapos nung period sa MAPEH
Nagrecess na din kami, God napagod ako don! Wala akong hilig pag mga gantong beat
yung kanta eh.
Nagpractice pa kami, nakailang ulit pa.
May Mini Concert kasi kami dito sa school, napagusapan namin na magbebenta kami ng
tickets. Tsk, Madali nalang yan.
Habang kinukuha ko yung towel ko napatingin ako sa direksyon ni Kristle At Mafe.
Mags-snack din ata sila?
"Beb, Lika na sabay na tayo, Tsaka nagaantay si Kry sa labas."sabi ni Mafe
"Ah sige wait lang ayusin ko lang tong gamit ko."sabi niya naman, sinusundan ko
lang siya ng tingin.
"Tol, Sabay na tayo sakanila."sabi naman ni Grae kaya tinignan ko naman siya
"Ayoko noh! May nahanap na yun na upuan sila Nash."sabi ko
"Ayun sila sa labas oh."sabi naman ni Grae
At nakita ko sila nagaantay saamin, Hays mga pre! Dapat naghanap na kayo ng upuan
doon!
"Bahala ka sa buhay mo ayoko."sabi ko naman
"Libre kita."
"Tara!"sabi ko naman, nagtitipid ako ngayon eh. HAHAHAH!
"Uhmm, Mafe pwede ba makisabay sainyo?"-Grae
"Sure!"-Mafe
Habang si kristle naman parang nagbibigay ng Death Glare kay Mafe Problema nito?
Nang makalabas na kami ng classroom
"Tol, Sabay tayo sakanila ah."-sabi naman ni Grae
"Ano?!"sabi naman nila Nash
"Bat ka naman pumayag Brace?"-John
"Libre niya eh!"-sabi ko
"Pucha! Libre mo rin kami ah!"-Joaquin
"Ano?! Damn. Ubos na allowance ko!"-Grae
"Magtiis ka! Ikaw nagpasimula eh!"- Kaming Apat
"HAY, Pasalamat kayo 3000 allowance ko every 1 week"-Grae
"Guys, Sasama ba talaga kayo?"-tanong ni kry
"Lika na,"-yaya ni Joaquin
"Excited ka ah."-nash
"G-gutom n-na k-kasi ako."-Joaquin
"Nauutal ka men ah!"-sabi ko
"Halika na nga, Nagugutom na ako."- John
Nang makarating kami sa Cafeteria naghanap na agad kami ng upuan, nag-ingay sa
cafeteria since andito na kami. Ang GIMME 5
"Eto may upuan dito."-Grae
At doon na kami umupo, May arrangements pa. Tsk di nalang umupo kahit saan.
tinry kong wag kami magtabi na dalawa pero wala eh, lumipat ng upuan tong si Nash
tss.
"Oh ano order niyo?"-nash
"Treat daw kasi ni Grae."-Joaquin
Nanlaki mata ni Grae at tinignan kami ng masama, Kasalanan niya eh!
"Diba Grae?"-John
"Bat nanlaki mata mo Tol, Sabi mo diba ililibre mo kaming lahat."-Sabi ko
Nagpipigil ako ng tawa ngayon.
"Sigurado kayo? Nagugutom na kami eh."-sabi naman ni Kristle
"Oo naman."-sabi ni John
"Ha? G lang. "- Grae nagbigay saamin ng Death Glare at Naglabas ng Pera sa Wallet
"Ano Order Niyo?"-Ako
"Fries at Chocolate Mousse."-sabi ni kristle
"Sakin naman, Sundae and Burger."-sabi ni Mafe
"Kryzshel ano sayo?"-tanong ni joaquin
"Cake and Sundae lang."-sabi niya
"Sayo Brace?"-John
"fries tsaka milktea."-ako
"Okay."-John
"Tol, kami na lang yung magoorder."-kaming apat kay grae
"Hindi tayo nang 5."-grae
habang papunta na kami doon nagsalita si grae
"langhiya kayo! ubos na allowance ko! wenesday palang ngayon! What the hell mga
tol!"-grae
"sorry naman tol ikaw kasi eh!"-john
"at least nalibre mo sila."-joaquin
"pucha naman kayo! Tss. pasalamat talaga kayo kaibigan ko kayo,kung hindi! ewan ko
na lang."-grae
"Ang sabihin mo, gusto mo lang talaga ilibre si Mafe."-sabi naman ni Nash
Tumawa kami, napatingin ako sa direksyon kung saan nakaupo sila kristle.
Pinagtitinginan sila ng mga tao, kadalasan din kasi dun yung upuan namin kung saan
kami kumakain nila Nash.
Tss, bahala na.

8
Hello Guys! Ineedit ko po siya ngayon para di na masyadong jeje HAHAHAHA tapos para
maano nadin yung typos. :)
_______________________________________________________
Brace POV
Mini Concert Na. 2 Days Ago, Naglalakad ako mag-isa ng nakaearphones.
Pinagtitinginan ako ng mga tao, Why? Cause i'm Brace Henry Arquiza. Sanay na ako na
tinititigan nila, Tapos lalo na pag kaming lima pa yung naglalakad kala mo
nagmallshow lang kami dahil sa sobrang ingay ng mga fans namin.
Hanggang ngayon di parin ako makagetover sa mini concert namin, Ginanap siya sa
Theater namin.
It was a blast! Masaya siya, Sobra.
She has a really great voice. Nagtataka kayo kung sino? Si Panget, Kristle.
*FLASHBACK*
Mini concert na namin ayun, Prod Number Namin ang mauuna.
Pagkatapos naman nung may Dance Number yung ibang group at magpeperform kaming
Gimme 5 kaya ayun, nung nalaman nila yun Sumugod yung mga tao dito, Kahit taga
ibang school Pumunta talaga sa Southeast High para lang makita kami.
Yung Prod namin ngayon eh buong Star Section. Section A-D. Kaya naman marami rami
kami.
Nung sumayaw kami nakatayo si Kristle sa upuan, Eh yun talaga yun sabi nung trainor
namin eh.
Nung nagstart na yung music, Narinig ko agad ang tilian ng mga tao. 4/5 ng miyembro
ng Gimme 5 nandito.
Biglang bumaba sa upuan si Kristle dahil sa tatanga tanga si panget nabigla ata
yung pagkakababa niya kaya muntik na siyang ma-out balance. Nahawakan ko naman siya
sa Braso.
"Klutz, Mag-ingat ka nga! Madidisgrasya ka ng mali sa oras eh."-bulong ko sakanya
Tss, Why am i even concern?
"Sorry naman."-Siya
Pero may part doon kung saan naipit yung paa niya shit! Buti nalang may oart na
tatakpan siya ng mga classmates at schoolmates namin, nakagalaw din siya pero
paika-ika kaya naman tinulungan ko siya.
Hinawakan ko yung kamay niya at tinulungan siyang makatayo at makabalik sa dating
posisyon niya.
Tinignan ko naman siya at yung paa niya, Okay lang kaya siya? Damn, eto nanaman ako
sa pagiging concern ko.
Pagkatapos nung prod namin, Pumunta muna kami sa Aming Dressing Room
Syempre hiwalay babae sa lalake, Ano iniisip niyo? na magkasama? Haha loko!
Sa dami dami ng sinayaw namin sumunod na yung Kantahan.
Unang nagperform yung classmates ko at si panget, Ginrupo kasi sila. Habang
nagpeperform siya Nakatingin lang ako sakanya. Magaling din pala siyang kumanta.
Pero napansin ko na nung naglalakad siya medyo paika-ika.
Ano ba BRACE? Concern na concern ka?! matigilan ka nga! di mo naman gusto yang
panget na yan!
Tapos pagkatapos nilang kumanta syempre nagready na ako.
Yung grupo na namin yung magpeperform kaya naman nagready na ako.
This is going to be fun!
Lumabas na kami at nagperform na, Masaya ako na napapasaya namin yung mga Fans
namin dahil lang sa Simpleng Ngiti namin at Pagkaway. Nakita ko naman agad ang mga
sumusuporta saakin.
Ang BU.
Nandito sila para lang makita ako. Para lang makita idol nila..
Pagkatapos namin magperform, sumunod naman yung ibang estudyante na magpeperform ng
sayaw or kanta.
Tinawag ang pangalan ni Kristle hindi ko alam pero parang napalabas ako ng dressing
room at parang gusto ko siyang makita na magperform mag-isa. Oo, may solo piece
siya.
Kakantahin niya yung "Kiss Me" By: Ed Sheeran
May naguiguitara at si Joaquin yun, may iba pang tumutugtog ng instruments.
Habang kumakanta siya, Sobrang lakas ng tibok ng puso ko.
What the heck?! ano ba naman to'ng nararamdaman ko?
Napakalakas, Tapos habang kumakanta siya bumibilis yung tibok niya akala mo
nakipagkarera ako.
Dammit, Hindi HINDI PWEDE.
Umalis na muna ako doon at bumalik sa dressing room sabay upo sa upuan.
Habang inaayos ng stylist namin yung buhok namin Nakaearphones ako, At iniisip ko
yung kaninang naramdaman ko.
BAWAL.
Tinawag na kami para sa duet, nasabi ko na ba iyon? Namay duet kami? Siguro hindi.
Tinawag na kaming magkakapartner.
Grae-Mafe
Ako-Panget (Kristle)
Joaquin-Kryzshel
John-Anna
Alam niyo ba naman Yung Anna? kapartner ni John nahimatay nung nagprapraktis kami
dahil sa sobrang kagwapuhan naming taglay at hotness namin. partida kasama niya
kami tapos kapartner niya pa si John. Bwhahahahaha dami ngang nainggit sa mga
kapartner namin eh. Aba syempre! mga miyembro ng gimme 5 na oh?
Pili lang naman kasi nakakagulat nga kasi kapartner ko siya.
Kakantahin nga Pala namin Ligaya By EraserHeads.
Ayan, Pumunta na kami sa stage. Ang Init damn.
Pagpasok ko Kami palang pala na boys yung nanndito, Well Tutal di pa naman
nabubuksan yung Curtain, May curtain kasi , Bubuksan lang pagnakaready na lahat.
"Tol, Wala pa sila?"-Grae
"Tol, Bulag ka ba? Nakita mo na nga na boys pa lang nandito, Sige edi andito na
sila."-ako
"Tol, Ayan na sila."-Grae
At nung tumingin ako bigla naman nanlaki mata ko, FUDGE! bat ang ganda niya sa suot
niya, Bat di siya si Panget? si Panget na panget talaga?
Ang simple lang light make-up lang siya oo basta ganun tapos basta! Nagmukha siyang
tao! nakadress,tapos nakawedge ba yun? basta ang ganda niya. Naasar ako! baket?
Kasi ang bilis ng Tibok ng puso ko! papa check up nga ako ina! baka may sakit na
ako sa puso! to'ng piggypanget na to! Nung makita ko siya ngayon grabe,
di talaga ako makapaniwala na sasabihin ko to pero,ang ganda niya talaga
"Oh, tol, sara mo bibig mo bka makakain ka nang langaw"-joaquin
"Di ba kayo nagagandahan sakanya?"-ako
"Kanino?'-john
"Si kristle."-ako
"Woah brace? iba to."-grae
"MAFE ka diba?"-ako
"Sus, gusto lang talaga sakanya si Kristle."-grae
"Ewan ko sayo! ngayon lang yan mga loko! Tsk, siya parin naman si Panget na Baboy
na inaasar ko lagi."-ako
"Sus! yan ka nanaman brace tapos mamaya maiinlove ka diyan!"-sabi naman ni joaquin
"Ulol!"-sabi ko
nilapitan ko na si Kristle at Tinignan ko siya.
"Himala Panget, Nagayos ka. realtalk nagmukha kang tao."sabi ko at ngumiti ng
nakakaloko para maasar siya
"tsk! buwisit ka talagang lechugas ka!"sabi niya naman
Tumawa nalang ako ng Tumawa,ang sarap asarin netong panget na to.
She's cute when she's mad.
pagbukas nung curtain, andito na kami pati si kristle at yung iba pa na girls.
At, nagsimula na magplay yung music girls muna maauna actually line by line na yun
sa girls.
Hinawakan ko yung kamay niya, alam ko nagulat siya. Kahitnaman ako nagulat sa
ginawa ko. Tapos bat ako kinakabhan? Ngayon lang ba ako humarap sa maraming tao?
Hindi naman diba? pero bakit ako kinakabhan ako? This is stupid!
Syempre, Lakas ng mga hiyawan.
pagkatapos nung Concert umuwi na kami syempre naman!
tapos bigla kong nakasalubong si Kristle at eto nanaman yung puso ko, Seriously?
This is not funny anymore.
"Huy!"-siya
"Ha? Ano?"-cold na sabi ko kunghari lang na cold ako sakanya.
"Wow ilan yelo nilunok mo?"-siya
"Bakit ba?"-ako
"Wala naman sige, Una na ako, Wala na naman akong pake ge bye!"
at umalis na siya.
Brace naman! ang tanga mo!
Luh! Bat tanga! Hay nako,makauwi na nga.
Teka, Parang nagtampo hayys, mapuntahan nga tong panget na to daming alam!
"Huy teka!"-ako habang hinabol siya
"Oh, bakit? akala ko ba galit ka?"-siya
"Huh?"-ako
"Diba galit kasaakin?"-siya
"Hindi pagod lang talaga kasi ako."-ako
"Ahh."-siya habang naglalakad bigla siyang natumba
"Aray!"-siya
bigla naman akong pumunta para lapitan siya.
"Oh, anong nangyari sayo?"-ako
"Wala."-siya
Wala daw tsk, Lampa.
Tatalikod na sana ako ng sa hindi ko inaasahang pangyayari lumingon ako at Sobrang
lapitna pala ng mukha namin sa isa't isa, onting onti nalang eh maglalapat na labi
namin.
"Uhmm, Ah Brace?"-naiilang na sabi niya.
"Ah oo nga pala, Sabay ka na saakin, Delikado na."-sabi ko naman
"Wag na, susunduin naman ako ni Manong eh."-sabi niya
Tinignan niya yung paa niya, Holy Sh*t namamaga!
Ewan ko pero nagalala ako bigla. Nilapitan ko siya at lumuhod para macheck ko yung
paa niya.
Namamaga nga f-ck.
"Wag mo nang hintayin yung driver mo, Sakay."-sabi ko
"Sakay saan?"-tanong niya
Wala pa naman akong sasakyan, Nagaaral palang ako magdrive pero kaya ko na din kasi
nagdrdrive naman ako ng paikot ikot sa village namin. Tapos si Manong cannot be
reached, Hay nakong buhay to. Magtataxi na nga sana ako eh kaso nakita niya ako.
Dami kong sinabi. Tsk.
Kinuha ko yung bag niya at pinasan ko siya, Nagulat siya oo alam ko, Pero Namamaga
na kasi yung paa niya.
"Okay ka lang ba?"-tanong ko
"Ikaw dapat tinatanong ko niyan. Salamat nga pala kanina tinulungan moko."-sabi
niya
Napangiti ako bigla. Ewan ko kung bakit?
"Wala yun, Klutz ka kasi eh! Tsk."-sabi ko
Habang naglakad ako at siya nakapasan sakin, Nagyaya siya na magtaxi nalang daw
kami, nung unaumayaw ako pero yun, tumawag si Dada at pinapauwi na rin ako dahil sa
may mallshow din kami bukas at magpapahinga pa ako.
Maya't maya nakatulog siya sa may balikat ko. At eto nanaman yung bilis ng tibok ng
puso ko.
What the heck? Ano ba to? Bawal eh.
BAWAL.

9
Brace POV

Nasa Rooftop ako ngayon, Inaantay yung Apat. Babagal kasi eh! Lintek anong oras
na?!
Naiinip na ako hays, Habang nagkikinig lang ako ng music sa phone ko habang
nakaearphones ako, Naisip ko si Kristle. Sino Nolasco Hahahaha! Ewan ko, 3 linggo
na rin nakalipas nung sa mini concert na yun. 3 linggo wala paring nagbabago samin,
Nagbabangayan lagi. Barahan, Tawagan gamit sa apelyido, At 3 linggo na din akong
naguguluhan dahil sa nararamdaman ko.

Takte Nolasco! Anong ginagawa mo sakin?!

"PARE!"-panggugulat ni Joaquin

"lintek naman pare! Kelangan talagang gulatin ako?!"-reklamo ko

"Laro tayo pare!"-sabi naman ni Nash at umupo sa tabi ko

"Anong laro?"-tanong ko naman

"JACKSTONES!"-sabay sabay na sabi nilang apat

Nagkatinginan naman kaming lima. At sabi ko game ako jan.

Ano mga babae lang pwede maglaro ng ganun?

Habang naglalaro si Grae kasi siya na sunod kay Joaquin sunod naman ako sakanya.

Iniisip ko parin si Nolasco, Takteng Buhay to! Bat ko ba siya iniisip?

Ano bang nangyayari sakin?! Sabi ng bawal eh!

"HOY! IKAW NA OUT NA SI GRAE!"-bulyaw naman ng apat na ugok na to

Naglaro naman ako, Exhibition na pala ako! Yes maabot ko na si boss nash!

HAHAHAHAHAHAHAHA PWE BOSS NASH! bwisit.

"HOY HOY MADAYA KANG HAYOP KA! ILO-ILO KA PALANG! HOY! WAG KANG MADAYA UGOK TO!
AMIN NA AKO NA SUNOD!"-sabi naman ni John oo madaldal yan! Gulat kayo noh?

"Oh lintek saksak mo sa bagang mo!"-sabi ko naman at binigay sakanya yung bola

"Ako parin lead jan ha?!"-sabi naman ni Nash

"Lagi naman eh! ako lagi talo!"-sabi ni John sabay pout

"Bwisit! tantanan mo nga kami sa kakaganyan mo, di ka cute oy!"-sabi naman ni


Joaquin

"WAH! OUT KA NA BRO! AKO NA ISA NALANG TO TAPOS PANALO NA AKO!"-sabi naman ni Nash

Naglaro na siya at BOOM! Panalo nanaman si Nash.

"PANES NANAMAN KAYO SAKIN! gwapo ko talaga!"-sabi naman ni nashhabang sumasayaw

"Tantanan mo kami!

"Alis na ako, Tsaka may iniisip ako."-sabi ko naman

"Alam ko yan!"-sabi naman ni John

"Ano oh?"-sabi ko naman


"Si Ano yan si Nolasco mo!"-sabi naman ni Joaquin

"Oo nga yieeee! Si Nolasco yan!"-sabi naman ni Grae

Tinignan ko naman si Nash.

"Ano mang-aasar ka rin nashie boy?"-tanong ko

Nilapitan niya ako at niyakap

"Ang sakit naman nun Pot, Pinagpapalit mo na ako! Porket Gragraduate na ako Next
week?! Pano na tayo?! Yung Pinagsamahan natin?!"-sabi niya naman

Natawa nalang ako, Oo Graduate na tong si Ugok next week, Iiwan niya na kami. Tsk,
Nanjan lang yan sa kabilang building HAHAHAHAHA!

"Drama mo lul! Nanjan ka lang sa kabilang building eh!"-sabi ko naman

"Sige na, Layas na Puntahan mo na si Forever mo!"-sabi naman ni John

"Forever mo mukha mo! Walang ganun!"-sabi ko at kinuha ko na yung bag ko at umalis


na.

Umalis na ako at iniwan sila, Nakinig nalang ulit ako sa music. At iniwip ulit Yun,
Insip ko ulit Siya. Ano bang nangyayari sakin?! Sabi ng bawal eh!

Habang naglalakad ako syempre pinagtitinginan ako ng mga babae, Wala eh pogi talaga
ako. yung iba nagpapapicture, yung iba binibigyan ako ng cookies etc. hanggang sa
may nabangga ako

*BOOOGSH!*

sino naman to'ng hindi tumitingin sa dinadaanan?

Kristle's POV

Nakikinig lang ako sa music, at nagbabasa ng notes namin kasi may long test daw
mamaya sa Math. KELANGAN KO MA MEMORIZE YUNG FORMULAS! Teacher pa naman namin
matalas mata, Di ako makakakopya nun kay Mafe.

Dahil nga sa naglalakad ako at nakaearphones at isa't kalahating tanga may nabangga
ako. At ang mas masakit don, Ako yung natumba.

*BOOGSH!*

Solid yun ha?! Masakit! TUMAMA PWET KO EH!

lagi talaga to'ng nangyayari saakin.

kabobohan ko din eh!

Pagkatingin ko, si Arquiza pala.

At eto nanaman yung PUSO ko. Ang bilis nanaman ng tibok, ANO BA TO?! nakakainis na
eh!

"Ay sorry."-sabi ko naman madaming tao eh, Mamaya pag binatukan ko tong si Arquiza
Dito sa harapan ng maraming tao edi sinugod ako.
"Nolasco, Napaka clumsy mo talaga hays!"-reklamo niya naman

Tinignan ko naman siya ng masama at nagsimula ng pulutin yung mga nahulog kong
gamit.

Di ko sila nasalo, Sakit naman nun.

"Tulungan na kita."-Aniya

"HA? Nakakahiya naman sayo Arquiza wag na."-sarkastikong sabi ko

"Tampo ka na niyan Nolasco, HHAHAHAHAHA amin na!"-sabi niya at siya na nagbuhat ng


bag ko na siya namang kinagulat ko.

ANG DAMING NAKATINGIN NA TAO TAPOS SA HARAPAN PA NG MARAMING TAO NIYA BUBUHATIN BAG
KO?! siraulo ba siya?!

tumkabo ako papunta sakanya.

"ANO BANG TRIP MO?!"-pasigaw kong sabi medyo mahina nga lang

"Binuhat ko na nga bag mo ayaw mo pa?"-aniya

"Oh edi ikaw magbuhat sabi mo eh!"-sabi ko at nauna ng maglakad

Papabebe pa ba ako?! Yoko nga. Tsaka ewan ko ba pero bigla akong napangiti. May
sira na ata utak ko.

Naglakad lang ako ng naglakad habang nakikinig sa music ko, ganun din siya. Tahimik
lang kami tapos biglang nagplay yung kanta nila.

Oo, may kanta nila ako sa cellphone ko, Maganda naman eh.

Lalo na yung Aking Prinsesa na kasalukuyang pinapatugtog ko ngayon.

(Play song at multimedia)

Ng makarating kami sa kadalasang tambayan namin ni Mafe at umupo ako at kinuha ko


sakanya yung bag ko. Akala ko aalis na siya pero tumabi siya sa tabi ko.

Na kinagulat ko naman, Anong trip neto?!

"Pumunta ka na sa pupuntahan mo, Magrereview pa ako. Tsaka hihintayin ko pa si


Mafe."-sabi ko naman

"Wala naman akong ibang pupuntahan eh."-sabi niya at tinignan ako napaiwas ako ng
tingin bigla.

Kinikilig ako ewan ko kung bakit!

Pinikit niya yung mata niya at tinitigan ko naman siya, Ang gwapo niya pala talaga.
Ang puti tapos sobrang kinis. Tinalo pa balat ko.

"Wag mo akong titigan nolasco, Baka matunaw ako!"-sabi niya naman napaiwas naman
ako bigla ng tingin.

GISING PA PALA SIYA?!


"Tsk, Di kita tinititigan noh! asa ka naman arquiza! May dumi lang talaga sa mukha
mo! Tse! Magrereview na nga ako!"-sabi ko naman

Napakagat ako ng labi ko, Jusme nakakahiya eh!

"Review sa Math?"-tanong niya

"Oo."-sabi ko

"Di na ako magrereview,tutulog nalang ako. Madali naman yan eh, Tsaka pagod na ako
sa mallshows namin."-sabi niya

"Tinanong ko ba?"-sabi ko naman natahimik siya bigla

"Joke lang!"-sabi ko ulit at nagreview na napansin ko na nakatulog na siya kasi


pinipisil ko yung pisnge niya pero di siya nagigising. Wala namang umiintriga samin
dito kasi sa likod na ng campus to, Kaya naman wala masyadong tao na nagpupunta
dito. Kami lang yata ni mafe may alam dito eh.

Pero yun, tulog na tong ugok kaya hinayaan ko nalang. Nagreview nalang ako at
chineck ko sa wrist watch ko kung anong oras na at napansin ko na 11:45 palang,
1:30 pa naman sunod naming klase, ewanko nga kung bat ganung oras eh yun yung sabi
eh. Tagal naman ni Mafe! Halos makabisado ko na tong formulas eh!

Hindi ko nalang napansin na nakaramdam ako ng antok kaya naman nakatulog din ako.

Mafe's POV

Napatagal yata ako sa Auditorium hindi ko nacheck kung anong oras na. Ayan tuloy!
Late ako! Yari ako kay Kristle neto! Sandamakmak na sermon nanaman aabutin ko neto
galing sakanya.

Habang tumatakbo na ako kasi nga 1:00 na wala pa akong review, Eh may nabangga ako.

"Hay nako kuya sorry po! Sorry po talaga aalis na ako nagmamadali po kasi ako
Babye!"-sabi ko pero bag pa manako tumakbo hinatak na niya ako at laking gulat ko
ng makita ko si Grae.

Yung puso ko! Jusko po!

"San punta mo? Lab partner?"-tanong niya

"A-ah sa tambayan namin ni Kristle."-sabi ko

"Tara samahan na kita."-at hinatak na agad ako ng makarating kami don Nanlaki mata
ko, AS IN!

Si Brace at Kristle tulog, Tapos si Kristle nakapatong yungulo niya sa balikat ni


Brace, Okay Forever na sila.

"Tara hayaan mo na sila."-sabi ni Grae

"Eh teka Magtitime na!"-sabi ko naman

Napangisi nalang si Grae, anong binabalak neto?

"Okay lang yan hayaan mo na sila, Tara pasok na tayo sa classroom."-sabi niya naman
bago pa man ako prumotesta wala na hinila niya nanaman ako.
Big Time ako neto kay Kristle!

10
Grae's POV
Lakas makagalawan ni Brace eh, HAHAHAHAHAHA! Sabi na eh, May gusto na yun kay
Kristle. Napansin ko lang yan nung Mini Concert, Kung pano niya titigan si Kristle
at halos nga araw araw bukambibig niya yang si Kristle. Na ganto si Kristle masyado
siya ganun ganun ganun hay nako!
Tinamaan na si Asiong! Kami nila Nash halatang halata na eh!
Pero wag nanatin pag-usapan yang si Pot, Ako naman.
Balak ko na kasi sanang umakyat ng ligaw dito kay Mafe. Since Sophomore kami, Crush
ko na siya. Nahihiya lang ako at walang time para malapitan siya. Ngayon lang,
Nagkataon lang. Tsaka matagal na din kaming nagkakasama. Kaya siguro okay na
ligawan ko siya, sabi naman ni Kristle kapag nagaasaran kami eh gusto ako ni Mafe
kaso ayoko naman masyado maging assuming. Kaya naman, tatanungin ko nalang siya pag
nagkataon.
Pasimple lang akong tumititig kay Mafe habang kausap niya yung mga kaklase namin,
tapos kami naman nila Joaquin dito eh pinagkakaguluhan ng mga fangirls namin.
Hihintayin nalang namin magtime. Teka nga?! Gising na kaya yun si Brace at Kristle
napasmirk ako, Okay lang yan.

Brace POV
Minulat ko ang mata ko at napansin ko na wala pala ako sa kama ko, Naalala ko lahat
nakatulog pala ako. Oo nga naka-WHAT THE FCK?! Nakatulog ako?! Tinignan ko yung
taong nakapatong yung ulo sa may balikat ko, At nakita ko siya.
Si Kristle. Nakatulog siya. Napangiti ako bigla..
Pinagmasdan ko lang siya, At habang pinagmamasdan ko siya napagtanto ko, Kasi
naramdaman ko nanaman yung mabilis na pagtibok ng puso ko.
Wow, No way.
Bawal eh. Pero bakit?
Bakit? Wala namang masama diba? pero, galit siya saakin eh. Naasar halos araw araw,
God! Ang hirap naman neto.
Kristle's POV
Minulat ko ang mata ko, At paggising ko nakita ko ang pagmumukha ni Arquiza na
nakatingin saakin.
Ang Awkward naman, Napatayo ako bigla at inayos ang buhok ko. Saka ko lang
napagtanto na nakatulog pala ako, Woah!
"Nakatulog ka ng maayos?"-tanong niya
"ANONG GINAWA MO SAKIN?!"-Sabi ko naman at tinakpan ng bag ang dibdib ko
tinignan ko naman ang damit ko, May damit pa ako mukhang hindi naman niya ako
inano.
"Feeling ka naman, Hoy nolasco! Wala akong intensyon ma galawin ka tsk. Kala mo
naman talaga!"-sabi niya naman
Binato ko naman siya ng notebook at sapul naman.
"HAHAHAHAHAHA BOOM SAPUL!"-Sabi ko habang tumatawa
"Tsk, Sakit nun! Hoy Buti naman nagising ka na! Bigat ng ulo mo noh?!"-reklamo niya
"Edi sorry!"-sabi ko nalang
tinignan ko ang wrist watch ko at nanlaki naman bigla mata ko, Nak nang alas tres
na?!
"Kanina ka pa gising?!"-sigaw ko
"Oo naman."-sabi niya
WAHHH BABATUKAN KO TO LATE NA KAMI SA KLASE! sobrang late!
"B-bat di mo sinabi?! Late na tayo oh?! ANONG ORAS NA?! jusko naman! CUTTING NA
TAYO EH!"-sabi ko
Lintek na Arquiza to!
"Parang di ka pa naman nakakapagcutting?"-sabi niya
"Sorry na! May test kasi baka mapagalitan tayo! Tapos wala pang special test yun."-
sabi ko naman
"Hayaan mo na yan!"-sabi niya
"Tara May pupuntahan tayo."-sabi niya ulit
"saan?"-tanong ko
"Bahay namin."-sabi niya
Nanlaki naman mata ko
BAHAY NILA?!
"Ha?! anong bahay niyo? Hoy! T-AHHHHHH!"-sigaw ko pano binuhat ako na parang sako
JUSKO LORD! jusko po!
At ayun, Nakalabas na kami ng campus. Ano ba naman kasing gagawin namin sa bahay
nila?! OMG! hmm, Ang utak kristle ang utak.
Ng makalabas na kami ng campus tinitigan ko siya ng masama.
"SAN BA KASI TAYO PUPUNTA?!"-sigaw ko naman
"SA MALL! jinojoke ka lang kanina eh!"-sabi niya naman
"Anong gagawin natin doon?"-tanong ko
"Wala naman, Tinatamad na kasi akong pumasok. Tsaka next week eh Graduation na nila
Nash diba? Kaya punta muna tayo mall."-sabi niya naman
Pero bat ba kasi kami pupunta ng mall?!
"Tara na!"-sabi niya at hinila ako nagpara na siya ng taxi at sumakay na kami. Maya
maya eh nakarating na din kami sa mall.
Hinila niya ulit ako papunta sa isang shop ng mga pang lalake at pumasok kami doon.
"Anong gagawin natin dito?"-tanong ko
"Bibili ng damit ko, Para sa mallshow at sa susuotin ko send off party sa
graduation ni Nash."-sabi niya naman
"Parang ikaw naman tong Gragraduate jan! Wag ka nang bumili tara na!"-sabi ko naman
Hinila niya naman ako ulit.
"Ikaw pumili ng isusuot ko bilis."-sabi niya aba! Lakas niya naman?
"Ayoko nga! Tara na Arquiza! Iuwi mo nalang ako sa bahay namin!"-sabi ko
"Hindi, Pili mo na ako ng damit bilis!"-aniya wala na akong nagawa.
Pumili na ako ng damit niya para sa susuotin niya sa send off party pagatapos ng
graduation ni Nash. Casual Lang naman eh. Tapos Tinulungan niya ako sa pagpili ng
damit niya sa Mallshow.
Nakailang palit siya sa susuotin niya sa Mallshow, Arte niya kasi eh! Tsaka hehe,
nagrereklamo din ako minsan sa suot niya.
At ayun din nakapili na rin kami.
"Teka nga, bat ba kailangan isama mo pa ako dito? Pwedeng ikaw nalang bumili eh!"-
sabi ko
"Eh gusto kitang kasama eh."-sabi niya at hinila ulit ako bigla ata akong natulala
sa sinabi niya.
"Teka! Nagugutom na ako!"-sabi niya pero di parin ako nakakapagsalita.
"Teka, Bili muna tayo ng cap. Baka makilala nila ako eh."-sabi niya ulit
Nakajacket naman siya na may Hoodie eh!
Sinuot ko sakanya yung hoodie niya.
"Meron ka niyan diba? Sayang ka lang sa pera! Yan nalang gamitin mo, Bibili ka pa
eh!"-sabi ko naman at ngayon ako na yung humila sakanya
"Arquiza! Bili tayo sa DQ!"-sabi ko
"Oo na eto na eto na!"-sabi niya dumating na kami sa May DQ at umorder na siya.
Napansin ko na may mga nakatingin sakanya, napapansin siguro nila na Si Brace yun.
naglakad na siya papunta sakin kaya tumayo na ako at hinawakan ko na yung pinamili
niya.
Hinila ko na siya bigla at tumakbo na kami, Kasi naman nakilala na nila si Brace at
nagsitilian na yung mga nakakakilala sakanya.
Jusko Padami sila ng padami. Tumakbo kami papunta sa isang store at nagtago sa may
mga damit. Good Thing di na nila kami Nakita.
"Wooh, Sikat nga talaga grupo niyo. Jusko!"-sabi ko naman at inayos yung sarili ko
"Oh DQ mo."-sabi niya at kinuha ko naman napansin ko na dala dala ko pa pala yung
mga pinamili niya kaya naman inabot ko sakanya
"Oh Arquiza! Pinamili mo."-sabi ko
Nilibot ko yung mata ko at nakitako yung mga gamit na tinitinda nila.
COUPLE SHIRTS?!
Teka, COUPLE STORE TO HA?!
May lumapit na saleslady samin at nginitian kami.
"Good afternoon ma'am and sir! Would you like to try our new arrival na couple
shirts po?"-tanong niya saamin
Nanlaki naman bigla yung mata ko. COUPLE SHIRTS?!
"Nako hindi p-"
"Yea, Gusto naming i-try."-sabi ni Arquiza kaya napatingin ako bigla sakanya habang
kumakain ng ice cream
HALA SIYA!
"This way ma'am and sir."-sabi nung saleslady
Siniko ko naman siya at tinignan ng masama.
"Anong trip mo?! Mamaya kumalat pa to sa internet mapagkamalan pa akong girlfriend
mo!"-bulong ko naman sakanya
"Okay kaya yun."-sabi niya naman
Nanlaki naman mata ko ano bang iniisip niya?!
Nakarating kami sa may mga Couple Shirts at nacute-an naman ako. Lalo na yung
Couple Shirts na 'KING AND QUEEN'. Cute lang
(Picture at multimedia)
"Anong gusto mo BABE?"-tanong niya BABE? Siraulo talaga to! Inemphasize niya pa
talaga?
Tinignan ko siya ng masama.
"Wala."-sabi ko
"Fine, ako pipili."-sabi niya
"I want that one."-sabi niya at nanlaki naman mata ko ng makita ko yung pinili
niya. Yung Couple Shirts na 'KING' and 'QUEEN'
"YAN TALAGA GUSTO MO?!"-Sigaw ko naman kaya naman nagulat ako sa ginawa mo kasi
halos lahat ng tao nakatingin samin
"Sorry po."-paumanhin ko naman
"Bakit? Ayaw mo?"-tanong niya
"Gusto."-bulong ko
"Okay good, Sukat mo na."-sabi niya narinig niya pa yon?
Tinulak niya na ako papunta sa may fitting room at binigay niya yung Shirt.
Napakagat ako ng labi ko, Hays no choice edi suotin KASO NAMAN! Nakapalda ako! Bago
pa man ako magbihis at ilock yung pinto ng fitting room may inabot naman siya.
"Oh Nolasco!"-sabi niya at inabot sakin yung isang pantalon na kulay black?
"Eto pa."-sabi niya at inabot sakin yung isang doll shoes na color white. Sinara na
niya yung pinto at nagsalita ulit
"Magbihis ka na bilis!"-sabi niya
Tsk, Atat na atat naman to.
Nagbihis naman ako at sinuot ko na yung t-shirt at Pantalon.
Okay naman siya, Kasya din naman siya saakin. Inayos ko yung buhok ko at sinuklay.
Edi Tapos!
Inayos ko yung uniform ko at nilagay sa bag ko. Lumabas na ako ng fitting room at
nakita ko siya.
DAMN ANG GWAPO NIYA.
hindi, seryoso ang pogi niyang tignan.
"Wag ka nang tumulala jan, Alam kong pogi ako."-sabi niya
Tsk, Yabang. Oo na, pogi na.
Tinignan niya naman ako sa suot ko. At hinawakan niya ang kamay ko at pinaikot ako.
Ako tong gaga at umikot naman.
"Bagay sayo."-sabi niya
Binayaran niya na yun at hinatak niya naman ako palabas ng store. Pinagtitinginan
kami ng mga tao.
"Wear This."-sabi niya at inabot ang hoodie niya saakin.
Hinampas ko naman siya ng bag ko.
"Nakakainis ka noh?! Sino ba kasing nagsabi na bumili tayo neto?"-sabi ko naman
"Ang cute kaya! Bagay din sayo!"-sabi niya naman inabot ko sakanya bag ko
"Oh ikaw magbuhat lintek!"-sabi ko
"Suotin mo na rin yang hoodie mo, Ikaw yung artista dito hindi ako!"-sabi ko naman
Naglibot libot lang kami, Naglaro sa timezone kumain ng kumain ng kumain.
Hanggang sa naupo kami sa isang bench sa may tapat ng fountain dito sa may mall.
"Hoy Arquiza! Anong oras tayo uuwi?"-tanong ko
"Maya maya nalang siguro."-sabi niya
Tahimik lang kami ng may lumapit na isang babae saamin.
"Omg! sabi na nga ba si Brace ka! Pwede pa-picture?"-tanong niya tumango naman si
Brace at ngumiti na sa camera.
"Thank you! Fan na fan mo ako! BU din ako!"-sabi nung girl ngumiti si Brace at
niyakap nalang yung girl.
"OMG! niyakap mo ako! OMG!"-Sabi nung girl na halos mahimatay na.
"Ayy girlfriend mo brace?"-tanong nung girl
"Nope, But she's my date."-sabi niya at hinawakan ni Brace kamay ko. Tinanggal ko
naman agad.
"Ayy ate! Wag po kayong maniwala sakanya, Kaibigan niya lang po ako."-sabi ko
"Kaibigan? I don't think so, Look! Naka couple shirts kaya kayo. Ang cute kaya!
Bagay din kayo, Don't worry maiintindihan naman yan namin, After all happiness lang
naman ni Brace ang importante samin."-sabi nung girl WOW, talagang mahal nila si
Brace.
"Talagang Fan niya kayo noh?"-sabi ko naman
"Yes. Ayy aalis na ako, Thank you talaga Brace ha? Ayy pwede pa-hug ulit tapos pa
pirma ako ng notebook ko."-sabi niya at inabot yung notebook kay Brace ngumiti si
Brace at pinirmahan iyon at niyakap ulit yung girl at parang may binulong.
"Oo naman Brace, Ako na bahala. See you GT niyo or next mallshow! Bye Brace
Labyu!"-sabi naman nung girl
"Loveyoutoo!"-sabi naman ni Brace at kumaway
Yung babae sobrang saya. Napangiti naman ako kasi kahit ganun lang kasimple yung
gawin ni Brace eh sobrang napapasaya na niya yung Fangirls niya. Tapos sobrang
babait pa ng fans niya, Tapos naiintindihan pa nila yung mga ganung bagay na pag
may dinate si brace or pag may nagustuhan eh susuportahan parin nila si Brace.
"Tara na hatid na kita?"-sabi naman ni brace
Tumango naman ako.
"Tara."-sabi ko at hinawakan niya yung kamay ko na siyang kinagulat ko.
"Wag mo ng alisin, Ngayon lang yan."-sabi niya edi hinayaan ko.
Hinayaan ko lang kasi i feel warm and secure. Nung hinawakan niya yung kamay ko.
Yung parang bang nanjan siya lagi sa tabi ko at parang pinapahiwatig niya na
proprotektahan niya ako kahit na ano mang mangyari.
Di ko alam kung tama ba tong nararamdaman ko o kung tama ba na sabihin ko to pero,
I Think I'm Falling For this guy already.

11
Kristle's POV
4am. Alas kwarto na ng madaling araw pero gising na gising parin ang diwa ko,
Iniisip ko yung mga nangyari kanina, Yung kanina.
YUNG KANINA.
Ibang iba yung kinikilos niya kanina eh, Jusko. Tapos sinasabi niya Ka-date niya
ako?
ANO BA TO?!
Muntik na akong malaglag sa kama ko ng tumunog ang phone ko.
May tumatawag pala.
Calling Unggoy...
Gantong oras gising na siya? Oh sadyang gising pa siya?
Sinagot ko naman
"Oh?"
[Wow, Gising ka pa pala.]
"Sasagutin ko ba yung tawag mo kung tulog ako arquiza?"
[Sungit mo nanaman.]
"Ano bang kelangan mo?"
[I Can't Sleep.]
"Oh problema ko pa ba yun?"
[Nolasco, Madaling araw eh ang sungit sungit mo.]
"Ano ba kasing kailangan mo ha?"
[Date ulit tayo?]
Nanlaki naman mata ko. Anong Date NANAMAN?!
"Anong date nanaman ka jan?! Hindi tayo nagdate kanina noh!"
[Date na yun, HAHAHA hindi yayain sana namin kayo na Mag mall tayo mamaya, Gala
ganun. Game ba kayo?]
"Okay."
[Okay sige, Tulog ka na ulit Nolasco, Susunduin kita mamaya bye!]
"T-" bago ko pa man sabihin yung sasabihin ko binabaan niya na agad ako ng phone
BASTUSAN? Pero kinikilig ako! Hala ka Landi mo kristle.
Nakatitig lang ako sa kisame at hanggang sa nakatulog ako.
Brace POV
Hindi na ako nakatulog,
Iniisip ko lang kunganong mangyayari mamaya sa gala namin.
Iniisip ko rin kung nakatulog ba siya ng maayos kanina, Kung gising na ba siya
ngayon.
8am na kaya, Oo 4 na oras din akong nakahiga sa kama ko, Nanonood lang ako ng Tv.
At ngayon, Tumayo na ako at naligo, Nagbihis na ng pangalis ko at kumain,
Hinihintay ko nalang mag text sila nash. Nagtwitter nalang muna ako at nagtweet ng
nagtweet.
Gusto ko munang pasayahin mga fangirls ko, At nakita ko na nagtweet siya.
@kristleisdaname: jwu
Magrereply sana ako kaso,parang napaisip ako. Wag na muna siguro. Finavorite ko
nalang yung tweet niya at niretweet. Madaming Nagreact, Lalo na nung kumalat yung
picture?
Tinignan ko yung picture at nakita ko na yung babae pala na fan ko yung nagpost.
@imsoritz: "Kaibigan "DAW" ni brace guys, lol joke magkaibigan lang talaga sila!
Mabait si ate :) *insert picture here*
Napangiti naman ako, Natuwa ako sakanya at finollowback ko siya.
Kaso, issue nanaman to. Kaya naman nagtweet ako para ipaalam sakanila na wala
silang dapat ipagaalala, Magkaibigan lang kami at nagbibiro lang ako na ka-date ko
si Nolasco. Para din kasi to kay Kristle, Baka mamaya ibash siya ng ibang fangirls
ko. Oo natuwa ako doon, sa pinost nung fan ko pero para kay kristle to, ayokong
siraan siya ng mga tao.
Baka mamaya, Awayin pa siya sa school.
Nakita ko na di-nm ako ni Nolasco kaya napangiti ako. Shit, Tinamaan na ako.
@kristleisdaname: woy!
@ItsBraceArquiza: woy ka din!
@kristleisdaname: badtrip ka! :-( binabash ako kanina nung ibang fangirls mo! tsk.
@ItsBraceArquiza: okay naman na diba?
@kristleisdaname: Oo okay na nga kaso naman, Nakakahiya!
Napangiti naman ako don, Anong nakakahiya?
@ItsBraceArquiza : Anong nakakahiya?
@kristleisdaname : kilala na nila ako eh.
@ItsBraceArquiza: Oh? Okay naman ha?
@kristleisdaname : Hindi okay yun, Hay nako! Wag na nga natin pag-usapan yun! Bye
na nga!
At yun, Hindi na ako nagreply. Nagayos nalang ako ng sarili ko at nagpadrive ako sa
driver ko papunta sa bahay nila Kristle.
Pagdating ko sa bahay nila, Kinakabhan ako syempre. Pero bago pa man ako
makadoorbell bumukas na yung pinto at hinila na ako neto.
Wow.
Nawala kaba ko dun. Woah! Buti nalang hinila niya ako. nakatayo lang ako doon at
pinapanood siyang pumasok nalang bigla ng kotse.
"Ano sakay na? HAHAHAHAHAHA!"-sabi niya at sumakay na ako bigla.
WOAH!
**
Maya maya eh nakarating narin kami sa mall.
Hinila ko na agad siya.
"San tayo punta?"-tanong niya
"Sa may sinehan."-sabi ko
"Anong gagawin natin don?"
"Puntahan lang muna natin sila nash."sabi ko at hinila ulet siya.
Ng makarating kami sa sinehan nakita namin sila nash na pinagkakaguluhan ng mga
babae. FANS actually, Ng makita nila ako may mga babaeng pinagkaguluhan ako at
nagpapicture saakin.
Hinawakan ko ang kamay ni Kristle kasi padami ng padami yung tao baka mahiwalay
siya sakin.
Hinawakan ko lang ng mahigpit, Hoping na sana wag siyangbumitaw.
Pero dahil sa maraming tao at sinubukan ko ring lumapit kila Nash ayun, mas lalong
dumami yung tao at nabitawan ko yung kamay niya.
Madaming nagpaautograph at nagpapicture saamin kaya medyo natagalan kami, Buti
nalang nga eh may dumating na guard.
Hirap Talaga pag gwapo ka.
Ng matapos yung nangyari kanina, hinanap na namin sila Kristle.
Nandun sila bumibili ng popcorn.
Nilapitan naman namin sila.
"Oh? Baka mamaya niyan pati sa sinehan pagkaguluhan kayo?"-pagbibiro ni Kryzshel
"Grabe ang kasikatan niyo noh?"-sabi naman ni Mafe
"Ay, oo nga pala binilhan na namin kayo ng tickets para sa papanoorin niyo."-sabi
ni kristle kaya tinignan konaman siya.
"T-teka hindi ka manonood?"-tanong ko
Umiling naman siya.
"Bakit?"-tanong ni Nash
"Ayoko lang, Punta nalang akong fully booked. Itext niyo nalang ako."-nakangiting
sabi niya
Ayoko namang hayaan na mag-isa lang siya.
"Ah, ako din."-sabi ko kaya naman napatingin silang lahat saakin
"Nak ng! Bakit pre?"-sabi naman ni John
"Alam mo na kasi to'ng si Brace, Hindi kayang iwan mag-isa si Kristle."-sabi ni
Joaquin at tinignan ko naman siya ng masama.
"Tsk, Basta di na ako manonood. Tago niyo nalang yang ticket ko. Samahan ko nalang
to, sige na manood na kayo! Magtext nalang kayo pag tapos na aalis na kami!"-sabi
ko at hinila ko na ulit siya.
"San mo gustong pumunta?"-tanong ko
"Bat di ka sumama sakanila?"-tanong niya naman sakin
"Wala ayaw kong manood."-palusot ko gusto ko siyang samahan kaya naman eto,
Sinamahan ko.
"Tsk, Okay. Timezone tayo! May gusto akong mapanalunan dun eh!"-sabi niya
"Okay, May dala akong card."-sabi ko
"Tara! Paloadan na natin!"-masayang sabi niya at pumunta na kami sa timezone at
nagpaload.
"Gusto kong mapanalunan jan yung Unicorn!"sabi niya saakin
Tinignan ko naman yung gusto niyang mapanalunan. 3600 points siya, kaya yan.
"Tara!"-sabi ko hihilahin ko sana siya ng siya na mismo ang humila sakin.
"Basketball tayo!"-pag-aaya niya kaya naman tinignan ko siya.
"Seryoso ka ba?"-tanong ko
"Mukha bang nagjojoke ako?"-sabi niya
wow, she's damn serious about this.
"No. Tara!"-sabi ko
at nagstart na kaming maglaro.
So ayon, I win! HAHAHAHAHA
"Hala ka! Ang daya mo naman! Isa pang game!"-sabi niya
May naisip ako, parang masaya to eh.
"Gusto ko may consequence!"-sabi ko
"Hala!"-sabi niya
"Masaya yun! Malay mo manalo ka."-sabi ko
Hindi siya mananalo, Peksman!
"G! Babawi ako! Anong pusta mo?"-sabi niya i smirked.
"Pag nanalo ka, Ibibili kita ng VIP concert ticket ni Ariana Grande with Backstage
pass!"-sabi ko alam ko medyo mahirap yun pero okay lang yan! Yun kasi unang pumasok
sa utak ko, tsaka nabanggit niya sakin dati na idol niya si Ariana.
"Ariana?! Eh wala pa namang nagsasabi kung kelan siya magcoconcert dito eh. Kay
Daniel Nalang!"-sabi niya si Kuya Daniel? game! So Basic!
"Game, Dali dali eh!"-sabi ko
"Talaga! VIP TICKET HA?!"-Masayang sabi niya
"Oo naman, pero pag ako nanalo magdadate tayo."-sabi ko at nilapit ang mukha ko
sakanya dahilan para umatras siya ng kaunti at kitang kita ko sa mukha niya na
gulat na gulat siya.
Cute.
"ANONG DATE KA JAN?! I-date mo sarili mo! AYOKO!"-sabi niya naman at umirap bigla
Arte naman neto, samantalang pag ibang babae jan eh di na ako tatanggihan!
Pero napangiti rin ako, Shit this feeling! I'm falling for her already.
Siguro kaya ko siya nagugustuhan kasi iba yung trato niya sakin, Parang kung
tratuhin niya ako eh parang wala siyang pakealam kung sikat ako kung
pinagkakaguluhan ako ng mga tao, parang yung pagtratrato niya sakin parang simple
lang.
Damn, Hulog na ako.
"Kaya nga kung matatalo mo ako edi walang date!"-sabi ko naman habang naka smirked
parin ako.
Takte di ko hahayaang mangyari yun, Official Real Date din namin yun!
I mean hindi din, kasi parang dare yun eh.
"Game! Ano start na!"-sabi niya naman
I swiped the card at nagready na ako, Tinignan ko ulit siya na nakatingin saakin.
WOOAH POGI KO TALAGA!
Eto na, LET'S GET IT ON BABY!
Kristle's POV
JUSMIYO FLAMINGO! Di ko kaya to! pero hindi, kelangan kong talunin si Brace!
Hindi to pwede! Si Daniel Padilla yun! malapit na yung concert niya!
Tinignan ko yung score niya JUSKO KOPIKO! 8 Palang ako tas siya 26 na agad?! Kada
shoot niya pumapasok sa basket! Madaya! gumagalaw na nga yung basket tapos shoot
parin?!
tinuon ko nalang pansin ko sa paglalaro ako kada shoot ko minsan waley minsan
havey!
Shoot lang ako ng shoot pero wala! Ayaw talaga!
Hindi kona muna pinansin yung score ni Brace at shoot lang ako ng shoot.
Nagulat nalang ako at bumilis yung pintig ng puso ko ng hinawakan ni Brace yung
kamay ko at tinulungan ako sa pagshoot ng bola, tapos parang nakayakap pa siya
saakin, eh dali sa medyo kinapos ako sa height nakapatong baba niya sa ulo ko at
tinutulungan akong ishoot yung mga bola.
Sobrang Nadidstract ako.
Hanggang sa natapos yung laro at dahil sa distracted pa ako at wala sa sarili ko
tumalikod ako at nakaharap ko na siya ngayon.
"You Okay?"-tanong niya
"I-ahh oo. Panalo ka."-sabi ko
"Yeah, 54 score mo habang ako naman eh-"sabi niya pero naputol dahil umiwas ako ng
tingin at tinignan ko yung score niya para di ako mailang, Nakatingin lang kasi
siya saakin tapos sobrang lapit pa ng mukha namin sa isa't isa.
"128."-sabi ko
Talagang panalo siya, buti na nga lang tinulungan niya ako kanina eh.
Nagkatitigan kami sandali at ginulo niya bigla buhok ko. Ano ako aso?
"Pano ba yan? Magdadate tayo?"-sabi niya
"Hindi ngayon."-sabi ko
"Okay, Daya mo!"-sabi naman niya
"Sino kayang mas madaya satin?"-Sabi ko
Tumawa naman siya. "Sadyang Magaling lang talaga ako!"-pagmamayabang niya
"Tara na nga! Kelangan natin mapanalunan yung unicorn!"-sabi ko at hinila na siya
Naglaro langkami ng naglaro halos buong araw, Pumunta sila Nash dito at tinulungan
rinkami maglaro. At sa huli, NACLAIM KO YUNG PRIZE SI FLUFFY BRACE HAHAHAHAHAHA!
Ako nagpangalan, pinagtritripan ko lang si Brace. Yung 5 kasi halos nagpanalo
netong unicorn, Laro sila ng laro ng basketball. So ayon, madami kaming nagastos.
Magg-gt na nga pala sila, Sasama nga pala ako. Tapos makakadate ko pa si Brace?
Woah this life!
Habang naglalakad kami papuntang parking lot, pasimpleng hinawakan ni brace kamay
ko na siyang kinagulat ko at dahilan para tumingin ako sakanya.
"Kukunin ko sana to'ng unicorn, Sige na! Sakay na sa kotse!"-sabi niya at kinuha
yung unicorn ko.
Sumakay nalang ako at umupo sa tabi ni Kryzshel.
Hindi manlang ba siya magrereklamo nung hinawakan niya yung kamay ko na rough?
Pero, nung hinawakan niya talaga naramdaman ko nanaman yung parang alam kong
propeotektahan niya ako, at alam kong magiging okay ako pag nanjan siya.
GOD BRACE! Anong ginagawa mo sakin?
____________________________________
:)) EDITED!

12
Joaquin's POV

Okay, This is cool! May Point Of View na ako. Let's Get it on Baby!

Kakagising ko lang, And i'm really bored. Naks english umaasenso! Tapos, ang aga
aga ko pang nagising. 10am Oo para saakin maaga pa yan.

Damn, i'm so bored. English ulit! Improving!

Itetext ko nalang si Brace, Basketball kami ganon O kaya naman skate sa moa.

TO: Brace
-Pare, Punta tayo kila Nash? Bored ako pare Basketball tayo? O kaya naman punta
tayong moa? Ice Skating?

FROM: Brace
-Seriously pare? Anong punta kila Nash? Anong ice skating? okay ka lang? Asan ka
ba? Lintek, bilisan mo na.

Anong pinagsasabi ng mokong na to?

Tatawagan ko nga to, Naguguluhan ako eh.

Brace Calling....

Oh lintek, Sabi ko ako tatawag.

Sinagot ko nalang yung tawag niya

"Pre, Ano-"

[Gt pare! Asan ka na ba? Putek, wag mong sabihin na nasa bahay ka pa ninyo?]

"Ay Pre, Gt ba ngayon?"

[HOY! BILISAN MO NA REYES! KANINA PA KAMI NANDITO SA SB SA ABS! KILALA MO AKO


BABATUKAN KITA PAG WALA KA PA DITO NG 2 ORAS! SINABI KO NA KAGABI NA MAAGA TAYO
NGAYON EH!]

Sermon ni Aguas.

"Nakalimutan ko eh! Pagod na pagod tayo sa rehersals kahapon eh! Nakalimutan ko


tuloy!"

[Bilisan mo nalang! Papunta na din sila Kryzshel dito, Nako naman kasi pre eh!]

"Sorry na mga tol, Bibilisan ko na hindi din kasi pinaalala ni Mama saakin eh."

[Sige ingat ka!]

Tumayo na ako at naligo na't lahat lahat. Nakalimutan din daw kasi ni Mama na
sabihin saakin at nalate din daw siya ng gising sa sobrang pagod. Binilisan nalang
namin makapunta sa studio at salamat din at hindi masyadong traffic.

Dumiretso agad ako sa SB at nakita ko sila Nash doon kasama sila Kryzshel, Ngumiti
naman ako.

"Yow!"sabi ko naman

"YES NANDITO NA SIYA! LORD SALAMAT!"sabi naman ni John parang ano eh.

"Yes! Wooh! Tara na!"sabi naman ni grae

"Let's go!"sabi ni Brace

Ako nalang pala talaga inaantay.

*FAST FORWARD*

Nang nakarating kami sa SM North eh medyo nagutom ako bigla. Nandito lang naman
kami para kumain muna, Tutal malapit narin dito yung Venue para sa gt.

"nagugutom na ako."sabi naman Kristle

"lagi ka naman gutom beb eh."sabi ni Mafe binatukan siya ni Kristle kaya natawa
kami.

"ehhh, sa gutom na talaga ako."sabi naman ni Kristle

"san mo ba gusto kumain?"tanong ni mokong woooh simplehan.

Tinignan ko naman si Kryzshel, Tahimik lang siya.

"Ah kryzshel, Okay ka lang?"tanong ko

"Ha? ah oo, medyo nahihiya lang. Kasi di ako makapaniwala na makakasama ako sa Gt
niyo wooh."sabi niya at tumawa

Tinitigan ko lang siya, Damn she's pretty.

"Ah, Okay lang yun. Wag kang mahiya! Magkaibigan naman na tayo eh."sabi ko

"Talaga? Ayos yun ha?"sabi niya

"Talagang Si kristle lang? Edi kayo nalang kumain."sabi naman ni John kaya naman
tumingin kami sa direksyon nila
"Drama mo naman john! Oh san TAYO kakain?"pageemphasize naman ni Brace nung TAYO.

"Mcdo na lang!"sabi ko namam

"Sige!"sila at dumiretso na kami sa mcdo, medyo natagalan ng onti kasi may mga fans
na nagpapicture saamin.

Brace POV

Habang kumakain kami nahagip ng mata ko si nolasco.

"Hoy! Kumain ka nga! Wala ka ng ginawa kundi magbasa! Tsk."sabi ko tutok na tutok
kasi siya sa binabasa niya.

"Tala, Kumain ka nga!"sabi naman ni kryzshel

"Hoy! Beb, kumain ka huy!"sabi naman ni Mafe

Hindi niya kami pinapansin, Tsk.

"Nolasco, kumain ka nga!"sabi ko

Pero imbis na pansinin niya ako, Sinubo niya yung sandamakmak na fries sa bunganga
ko, Seriously? Tsk.

"Shhh! Ingay niyo, Ang sweet na nga ni Augustus Waters eh!"sabi niya naman what?

What? Sino si Augustus?

inubos ko muna yung fries sa bunganga ko at nginuya ng nginuya. The heck, ang hirap
kainin sandamakmak sa bibig ko eh.

"What the? Ano ba yang binabasa mo?"tanong ko

"Ha? The Fault in our stars."sabi niya

"Yan lang naman pala, Tsk."sabi ko

Naiinis ako putek. Nakakaasar kayang subuan ka ng sandamakmak na fries dahil lang
jan sa binabasa niya, Mas tinutuon niya pa atensyon niya kaysa sakin.

"Selos ka na niyan?"bulong ni Nash saakin kaya tinignan ko siya ng masama.

Ako nagseselos? Bat ako magseselos? Kami ba? May karapatan ba ako? Napailing nalang
ako sa mga iniisip ko.

"No! Tara na nga! Tapos na din naman kayo kumain eh sila mamabaka nagaantay na doon
sa venue! Kaya Tara na!"sabi ko

**

Nandito na kami sa venue namin, Kung saan gaganapin yung GT,

Nakikita ko na agad yung mga Fans namin sa loob. Nagready na kami, Wooh! Sila
Kryzshel naiwan sa SM NORTH.

Magshoshopping Daw sila, Dapat nga di sasama sakanila si Kristle eh yun hinila na
ni Mafe, Basa lang kasi ng basa. Nakakatampo na yun, Simula nung nasa van kami
papuntang SM eh hindi niya manlangako kinakausap.

Tsk, wala naman akong ginawang masama.

Bahala na nga, Tsk.

Kryzshel's POV

So ayon, Nagpaiwan na kami dito sa mall kasi wala naman kaming gagawin doon nila
Kristle, Nandito kami sa may ice cream parlor.

Nagshopping narin kami, Madami kaming nabili ni Mafe, Pero si Kristle 4 lang
pinamili, Masyadong Busy kakabasa.

Nagselos tuloy si Brace HAHAHAHA oo, nagseselos yun. Juk

Pero, Oo naman ha? Halata naman.

Ginawa ko tinusok ko tagiliran ni Kristle ayun, nagulat tinignan ako ng masama.


Malakas kasi kiliti niyan. Kahit na ilang araw palang kami nagkakilala eh madami na
din akong nalaman tungkol sakanila.

"Buti naman pinansin mo na kami, Nakakatampo ka na! Tinutuon mo lang buong atensyon
mo jan sa TFIOS!"sabi ko

"Oo nga, Nagseselos na si Brace."sabi ni Mafe dahilan para isara niya yung libro at
tinignan kami.

"Ano? Nagseselos? Seriously?"sabi niya naman

"Hindi, Joke time lang! Tsk, Oo nagseselos yun."sabi ni Mafe

tumawa naman si kristle, Buang ah?

"nagseselos saan? Sa libro?"tanong niya

"Duh, Bobo! Eh halos buong biyahe natin yan lang tinuan mo ng pansin, Baka
naninibago siya na hindi kayo nag-aasaran! Tapos ugh! Ewan ko sayo kristle!"sabi ko
naman

Kaibigan ko ba to? Bat ba di niya ma-gets o ma-feel manlang na may gusto sakanya si
Brace? Eh kahit ako ilang araw ko palang sila nakakasama eh halatang halata na
gusto na ni Brace si Kristle.

"Yung totoo? Beb, Gusto mo naman si Brace diba?"tanong ni Mafe

Tinignan ko si Kristle, at nag-iba yung expression ng face niya.

"Yes, I do.. But i can't."sabi niya at tinignan niya kami

BOOM.

Kristle's POV

"Anong You Can't ka jan?! Nako te! Brace Arquiza na yun oh?"sabi ni Kry saakin

I can't..

Oo, Hindi ko maitatanggi na iniiwasan ko si Brace. Kasi, Natatakot ako. Na once


umamin ako eh baka masaktan lang ako. Isa pa, Sikat siya artista siya! Pano nalang
pag nalaman nila na may nililigawan na idol nila? Edi maraming puso ang mawawasak?
Hay nako.

At isa pa, Si Pot.

Pano na si Potpot? First Love ko yun eh.

Pano nalang kung bumalik siya diba? Tapos, pano pag...

Basta bawal.

"I can't tsaka, tss di ako gusto ni Brace noh?"sabi ko naman sakanila at kumain ng
ice cream

"I can't mo mukha mo! Tsaka huy te! Gusto ka ni Brace, bulag bulagan ka
lang eh!"sabi naman ni Mafe

"Pinapaasa niyo naman ako, wala naman siyang sinabi na gusto niya ako. Tsaka tignan
niyo naman ako, Hindi ako ideal girl nun."sabi ko naman

"Beb, maganda ka. Tanungin mo kaya si Brace, Tanungin mo siya kung gusto ka rin ba
niya diba? In that way, Baka mapaamin siya sa tunay niyang nararamdaman,Kasi alam
mo kaming lahat eh alam namin na gusto ka ni Brace. Siguro naghihintay lang si
Brace ng tamang panahon para umamin siya sayo."sabi ni Mafe

"Wag niyo kong paasahin, tsaka mafe alam mo naman na hihintayin ko si Pot
diba?"sabi ko

"Tsk, Bat ba kasi umaasa ka pa jan kay Potpot? iniwan ka na niya beb, Hindi pa siya
nagpaaalam sayo, Beb, Nanjan na si Brace. Siya nalang sige na siya nalang."sabi ni
Mafe

Bakit? Hindi ko naman nga alam kung sasaluhin ako ni Brace eh.

Nakakainis naman kasi, Bat kasi kay Brace pa?

Kay Brace na walang kasiguraduhan kung sasaluhin ba ako o hindi?

Bat ba sinasabi nila na si Brace nalang? umamin ba sakanila diba hindi?

Brace POV

Tapos na ang GT namin at pinauna na namin umuwi yung mga parents namin, Si Nash
nagdridrive ng Van ngayon papuntang SM NORTH para sunduin sila Kristle.

Kristle...

Kanina ko pa siya iniisip, Habang naggt kami halos lagi siyang nasa isip ko,
Kelangan namin mag-usap. Kailangan ko ng tong aminin nararamdaman ko. Pero paano?

Damn, This is Hard.

"Aminin mo na kasi pare."sabi ni Joaquin

"Mahirap tol, Baka masaktan lang ako."sabi ko

"Uso kasi yung salitang TRY."sabi ni John


"Pare, kayo lang mahihirapan jan sige ka."sabi ni Grae

"Alam mo pare, gusto mo na siya diba? Aminin mo na, Malay mo nag-aantay lang siya
na ikaw yung gumawa ng first move kasi parang pag siyang gumawa nun parang ang
pangit tignan. Pare, As soon as possible sabihin mo na, Aminin mo. Wag kang
matakot, Wag kang matakot na masaktan. Kasi Parte naman yun ng pagmamahal yung
masaktan. At least tinry mo, kung natatakot ka nabaka matulad kayo sa nangyari
sainyo ni patricia atleast naging masaya kayo kahit papaano, Try mo kasi pare malay
mo worth it naman pala yang pagamin mo."words of wisdom ni nashie boy.

TRY? Wooh, wala naman sigurong masama pag nagtry ako.

Pero pano na si Pachi?

Pano na siya? Babalikan ko pa kaya siya ngayong may gusto na akong iba?

Nang makarating kaming Sm, tinext na ni Grae si Mafe na nasa parking lot kami.

At ayun, maya maya nakita na namin silang papunta sa may van, Lumabas ako at hinila
ko si Kristle papasok ng mall.

Wooh, wala ng atrasan to. Masaktan na kung masaktan.

"Hoy, Arquiza! Galing palang ako dito tapos hihilahin mo ulet ako? Ang sakit na
kaya ng paa ko!"reklamo niya

"Wag ka munang magsalita please?"sabi ko

Damn, yung puso ko. Kinakabhan ako, and pinagpapawisan ako!

"Look, Kanina aaminin ko-"

"I'm sorry."pagpuputol niya sa sasabihin ko.

"Ha?"

"I'm sorry hindi kita pinapansin kanina, I-Busy kasi ako kanina kakabasa i'm really
sorry."sabi niya

"Okay lang yun."sabi ko tumingin ako paligid. Maraming tao, At marami naring
nakakakilala saakin.

"Ah ano nga pala sasabihin mo?"tanong niya

"Hindi to yung tamang place para sabihin ko sayo,Hawakan mo kamay ko."sabi ko

"Rough ka-"bago pa siya magsalita may sumigaw na isang fan

"OMFG SI BRACE!"dahil sa kakatapos lang ng gt kanina pumunta siguro yung ibang fans
dito and boom marami rami pa sila!

ngumiti ako at kumaway sakanila sabay hinawakan ko na kamay ni Kristle at hinila na


siya papuntang parking lot.

"TARA NA MAY MGA FANS HAHAHAHAHA!"Sabi ko at sumakay na kami ng van

May ibang naabutan kami bago umalis kaya kumaway kami at sumigaw kami ng "WE LOVE
YOU INGAT SA PAGUWI!"
iba talaga pag gwapo.

Tinignan ko si Kristle, wag na muna siguro ngayon.

Sa susunod nalang,Pag handa na kaming dalawa.

13
John's POV
Point of view ko na to walang eeksena babarilin ko na putek!
Okay, Simulan na natin ang alamat.
Noong unang panahon, may isang batang poging nagngangalang John Bermundo may mahal
siya pero sa kasamang palad, hindi siya minahal nito pabalik. At dito nagtatapos
ang ating kwento mga kababayan!
Hindi, masaya lang talaga ako na may Point of View na ako.
Nandito kami sa hindi ko alam, malay ko dito kay Grae. Aakyat na ata ng ligaw tong
si Totoy kay Mafe eh!
Kanina pa kami nandito, nagaayos ng surprise ni Grae para kay Mafe, di pa nga kami
kumakain nababanas na ako! Nagkakaroon na ng gera sa tiyan ko eh!
"Hoy Grae! Di pa ba tayo kakain? nagwoworld war 3 na tiyan ko eh! Sige na kain na
tayo!"sabi ko naman
"Tara kain na tayo jan, tulungan na kita!"sabi ni Kristle at kumuha na ng Lays at
Dip at umupo na kami.
"Tanong ko anong naitulong mo don ha?"tanong ko sakanya
"Ano, sakin yung idea na magkaroon ng fireworks mamaya."sabi niya
"Yun lang?"
"Tumulong din ako noh! Wag ka ngang ano jan John! Masyado to!"sabi niya
"Binibiro lang kita bituin."sabi ko
"Tse, kain nalang tayo."sabi niya at lumamon ulet
Si Brace nakatingin sa direksyon namin, takte baka nagseselos si pare Papatayin ako
neto mamaya.
"RELAX KA LANG HOY! SAYONG SAYO SIYA!"sigaw ko kaya napatingin sila saaking lahat
"Shut up."sabi nalang ni Brace
Nilapitan ko si Kristle at may binulong sakanya, pansin ko parin titig ni Brace
saamin hahaha, selos siya oh?
"Bituin, tulungan mo na si Brace magdecorate doon! HAHAHAHA"Bulong ko
"Ha? Kaya niya na yun!"
"Bituin puntahan mo na kung ayaw mo na gawin kitang Araw!"sabi ko
"Tse! Tantanan mo nga ako sa Bituin mo! TALA AKO TALA O KAYA NAMAN KRISTLE!"Sabi
niya at umalis na pinuntahan niya si Brace at eto nanaman sila, nagaasaran at
nagbabangayan.
Di ko talaga maintindihan si Brace. Pero ano kayang mangyayari mamaya sa suprise ni
Grae?
Sana umulan HAHAHAHA joke lang!
Grae's POV
Wooh, i really nervous right now
Pano kung di niya ako sagutin?
At eto nakita ko na pinark na ni Nash yung kotse niya kung saan kasama niya si Mafe
at Kristle.
Kinakabhan talaga ako! Please, sana magustuhan niya ito.
Nang makita ko siya na bumaba na ng kotse, Napatitig nalang ako sakanya.
Ang ganda niya, She's Perfect.
Mafe's POV
Okay, hindi ko talaga alam kung nasaan ako.
Parang ewan tong si Kristle at Kuya Nash. Bigla nalang ako pinabihis ng dress tapos
pagakatapos ko hinila agad ako kasi daw may pupuntahan kami, Sabadong sabado!
Nakakatamad kaya!
Tapos nakapiring pa ako, Anong pakulo nanaman ito mga tsong?!
"andito na tayo."-sabi ni Kuya Nash
"San tayo?"tanong ko
"Sikretong Malupet!"sabi ni Kuya Nash
"San nga?"tanong ko
"Basta, daming tanong! Tara na beb!"paghihila saakin neto ni Kristle
Nakablindfold parin ako hanggang ngayon kaya nahihirapan ako maglakad kase wala
talaga akong makita.
Tumigil kami sandali, Kaya eto para akong tanga na nakatayo tapos walang alam sa
nangyayari.
"stay ka lang dyan."- sabi ni Beb tapos inalis yung blindfold ko.
Ano ako aso?
"T-"naputol yung sasabihin ko ng may nakita akong balloons na pinalipad nila.
WOW! Tapos, nakita ko siya. Si Grae
Jusko po! Kinikilig ako ng bongga dito! Kasi, wow. Talagang wow!
"Hi Mafe."
REALTALK: Ang Pogi po ni GRAE
"Anong meron?"tanong ko
Nilapitan niya ako at hinawakan ang kamay ko.
"Mafe Delgado, I-grabe kinakabhan ako- It's just that, gustong gusto kita."sabi
niya
I just died.
"Seryoso ka? walang halong biro? "tanong ko
"Mukha bang nagbibiro ako? I really Like you, and gusto kitang ligawan."sabi niya
BOOM, HAHA LIGAW? nako te, saluhin niyo po ako jusko!
"ligawan? ako? baka naman joke time to ha?"
"Joke Time? Seryoso ako hoy! Seryoso ako, sa ayaw at sa gusto mo i'll court
you."sabi niya at nilapit ang mukha niya saakin
WOOH! jusko po! Yung pintig ng puso ko grabe!
"Hah, pano naman kasi ako? Liligawan mo? Sa lahat ng baba-"
Napatulala nalang ako, Langhiyang Fernandez! Hinalikan niya ako!
FIRST KISS KO YUN MGA TSONG!
"F-first kiss ko yun.."sabi ko
"Hahaha talaga? Cute mo."sabi niya
HAYOP! kinikilig ako!
"Maganda ako noh? Di ako cute!"sabi ko
"I know baby, i know."sabi niya
BABY DAW JUSKO!
"I really Like you mafe, i really do Sana naman gusto mo rin ako."sabi niya
"Gusto din naman kita eh, Gustong gusto. Matagal na kaso hah, di mo naman ako
napapansin. Isa lang naman ako sa mga thousands of fangirls mo, Di ako nagassume na
mangyayari to grabe! I mean, ako? Ako pa talaga?"sabi ko
"Yes you, I like you. Matagal na kitang napapansin, Matagal na din kitang
sinusundan. Ewan ko pero bat pagdating sayo dati sobrang natotorpe ako, Ngayon lang
talaga ako nagkaroon ng pagkakataon na makausap ka at maging ka-close. Tapos naisip
ko, Baka ito na yung tamang oras para sabihin sayo na gustong gusto kita. I like
you, please bigyan moko ng chance na iparamdam sayo na seryoso talaga ako
sayo."sabi niya
"Wow, Sa tingin mo? I rereject pa ba kita?"tanong ko
"Pogi ko talaga!"sabi niya naman
"KAPAL MO!"Sabi ko at binatukan siya
"Aray hahahaha, sorry na iloveyou!"sabi niya
"Tse! HAHAHAHA payakap nga!"sabi ko okay galawan.
Niyakap niya naman ako, yieee
"Good!!"-sabi ko
"May balak ba kayo na palabasin kami?"-at ayon, mga kasabwat ni Grae
"Huh? bat di pa kayo lumabas?"-tanong ni grae
"Sabi mo kasi, magsisignal ka!"-sabi ni joaquin
"Ayy pare, sorry!"sabi naman ni Grae
"Oh tutal, pinayagan ka na niya pare oh bilis pakainin mo na kami! Nagugutom na
talaga ako!"sabi ni Brace
"Oo nga, Wala pa tayong kain na maayos! Puro chips!"nakapamewang na sabi ni Kristle
"Buti nga kumain ka kahit chips eh kami? Tsk, pasalamat ka di choosy si Mafe!
nagustuhan mo naman mafe diba?"tanong ni Brace
"Oo naman, napakaganda kaya! Kayo nagkabit nung mga christmas lights?"natatawang
tanong ko
"Yup."sabi ni kuya nash
"Sagutin mo na beb, alam ko namang yun patutunguhan niyo eh! Effort effort na
oh?"sabi ni Kristle epal nanaman tong babaeng to! Sasaksakin ko nato! Joke, mahal
ko yan oy!
"Tse, magdate nalang kayo ni Brace!"sabi ko tinignan naman nila ako ng masama
"Hehe, joke lang! To naman!"sabi ko
"Hoy! Ikaw nga magbibit ng camera!"sabi ni Kristle at inabot na kay brace yung
camera
"Dala dala pa kasi eh! Tapos di naman gagamitin?"sabi ni Brace
"if my eyes can take photos di ko yan dadalhin! Tsaka oh edi kung ayaw mo amin
na!"sabi ni Kristle

"Teka lang."sabi ni Brace at binuksan yung camera, magbrobrowse ata ng photos.


"Hoy! Amin na yan! Wala kang dapat makita jan!"sabi ni Beb ay inaagaw yung camera
kay Brace, ayon naghabulan na parang bata yung dalawa.
"Tsk, gusto nga nila yung isa't isa."sabi ni Joaquin
"Halata naman, pabebe lang talaga sila. Nagkakahiyaan pa eh!"sabi ni Kry
Ang Cute nilang tignan, Parang couple lang rin sila.
"HOY! tigilan niyo na nga yan! Nagugutom na ako eh!"sigaw ni John kay Brace at
Kristle na nagaagawan sa camera
"TAKTE! Hoy! Tigilan niyo na kasi yan!"sabi ni nash at inawat na yung dalawa
JUSKO!
"Pasalamat ka inawat tayo ni Nash kung hindi, nakita ko na sana mga pictures ko
jan!"sabi ni Brace
"Wah! kapal mo uy! asa ka naman! Panget mo kaya!"sabi ni Kristle
"Pogi kaya ako, Macho pa!"sabi ni Brace
"KAPAL! mukha kang manok! tse!"sabi ni Kristle
Napailing nalang ako eh.
"Meron ng mga pagkain na nakahanda, May Table for two narin para saating
dalawa."sabi ni Grae saakin
Napangiti nalang ako, wala eh. Kinikilig ako.
Thank you lord, di ko inaasahan to Sobrang Saya ko .
Kristle's POV
Okay, ang sweet na ni Mafe at Grae. Eto seperate kami ng table sakanila, Ang saya
ko lang para kay Mafe. Tapos ang saya saya niya rin ngayon wow.
"Teka, anong oras na pala?"tanong ni Kry
nagkatinginan kami sa isa't isa nagbibigayan ng eye contact
"Uh guys teka! natatae ako! Aalis muna ako ha bye!"sabi ko at hinila na si Kry
"NAJIJINGLE KAMI SIGE BYE!"Sabi nung apat at umalis na rin
"Woah, okay ba palusot namin?"tanong ni joaquin binatukan ko naman
"Najijingle kayo ng sabay sabay? Sa tingin niyo hindi magtataka yon?"sabi ni Kry
"Wala kaming maisip na palusot eh! Dapat nga ako magsasabi nung natatae ako eh
inagaw mo naman! Mangaagaw!"sabi naman ni Brace
Ako pa talaga sinabihan ni Brace na mangaagaw ha?
"Pigilan niyo ko sasapakin ko na tong baboy na to!!"sabi ko at hawak hawak na ni
Joaquin at Kry yung braso ko, ready na ako hampasin ng plato yang si brace eh!
"Wow, look who's talking."sabi niya naman
"IKAW TALAGA SUMUSOBRA KA NA HA?!"Sigaw ko susugod na sana ako ng pigilan ako nila
kuya nash
WAG NIYO AKONG PIGILAN PAPATAYIN KO NA TONG SI BRACE!
"Bitawan niyo nga ako!! Nakakainis na tong Brace na to eh! Yabang yabang!!"sigaw ko
habang nagmamaktol ako doon binitawan nila ako bigla at yon, sumemplang ako.
"Bat niyo ako binitawan?!"reklamo ko
"EH SABI MO BITAWAN KA! ano ba talaga?"tanong nila
"Hawakan niyo nalang ulit ako."sabi ko
"Teka nga, ayusin na natin yung Fireworks, mamaya na kayo mag-away jan!"sabi ni
kuya nash
Tinignan ko nalang ng masama si Brace, tsk. yabang!

Niready na namin yung fireworks, pag-7pm na kasi magpapaputok kami ng Fireworks


kasama sa surprise ni Grae na idea ko. Mahilig kasi si Mafe sa mga fireworks, so
ayun naisip ko na baka magustuhan lalo ni Mafe.

Hinintay namin mag-7pm at ng mag-7pm na pinaputok na namin yung Fireworks.


"Ang ganda!!!"-sabi ko habang tinitignan yung fireworks.
Kasi ano, yung isa sa mga fireworks may nakalagay na "I LIKE YOU MAFE!" sobrang
sweet lang.
Ang ganda tignan nung fireworks.
Brace POV
Pinagmamasdan ko lang siya..
Habang tinitignan niya yung mga fireworks, I'm sorry kristle..
Sorry kung hindi ko maamin sayo, Sorry kung lagi kang naiinis saakin, Sorry kung
kinamumuhian mo na ako..
Damn, ang torpe ko masyado.
"Titig pa pare."sabi ni Joaquin at inakbayan ako
"So Close yet so Far ba?"sabi naman ni Nash
"Aww, wawa."pangaasar ni John saakin
"Layo nga! Tinititigan ko pa eh!"sabi ko
"YON MGA PARE!! HAHAHAHAHA SO CLOSE YET SO FAR NGA MGA TOL!! TAPOS WOOH, INLOVE
SIYA PRE! S-ASDBFHDGWN"daldal ni joaquin
"Pre, ang daldal mo!"sabi ni Nash
"Ingay neto, di pa nga alam nila Kryzshel at Mafe eh!"sabi ko
"Anong hindi ko alam? Duh, di ako manhid noh!"muntik na ko ng masapak si Kryzshel
dahil sa gulat.
Nasa likod ko lang naman pala siya, takte tong sila Nash di manlang ako
winarningan!
"Di namin napansin na nanjan siya."sabi ni joaquin
"Ah, Hi Kry!"sabi namin
"Oo, Hi!"sarkastikong sabi niya
"Hello Kry!"sabi ulit namin
"Kelan niyo pa ba balak sabihin sakin?!"at eto, alam na niya.
"Bro, feeling ko alam na niya."sabi ni John takte sasapakin ko to!
"Obvious ba?!"sabi ni Nash
"Ang aano niyo eh noh? Kala niyo di ko mahahalata? Tsk, manhid nalang di
makakahalata nun."sabi ni Kry
"Siya nga di mahalata eh."sabi ko
"Kasi, ang alam niya naiinis ka sakanya kaya at the same time ganun na din iniisip
niya. Duh? Nako, aminin mo na yan malay mo diba? May gusto din pala siya sayo."sabi
niya
"Ano ako aasa?"sabi ko
"Ang nega mo masyado! Iniisip niyo kasi agad yung mga negative things! Nakakabanas
kayo! Basta, aminin mo na yang feelings mo! Baka pag naging torpe ka maunahan ka
pa!"sabi ni Kry at pumunta na kay Kristle
"Oh narinig mo sabi ni Kry? Aminin mo na, baka pag naging torpe ka maunahan ka pa!
Tandaan mo si Brace Arquiza ka! Miyembro ka ng Gimme 5, kaya mo yan tol! Uso kasi
sa pilipinas yung LIGAW eh!"sabi ni Nash
WTF? ano ako liligawan siya eh di ko pa nga siya tinatanong!
"Kahit di siya pumayag na magpaligaw basta alam mong may chance ligawan mo na!"sabi
niJohn
Should i court her? OF COURSE.
"Tatanungin ko nalang siya kung pwedeng manligaw soon."sabi ko
"KELAN PA?! PAG NAG END OF THE WORLD?"sabi nilang apat
"Chill lang kasi, ako na bahala. Kaya ko to Promise! Ata?"sabi ko
Kaya ko to, Liligawan ko siya. At sa date namin dun na ako aamin ng nararamdaman ko
para sakanya.
____________________________________________________________
EDITED! :)

14
Kristle's POV
Wooh, Sobrang sakit na ng Braso ko mga te!
"Alam mo isa pang hampas! Ikaw na hahampasin ko!!"reklamo ko naman
Lintek, Pag ang kaibigan mo kinikilig..
Humanda ka sa hampas niyang automatic!
"Pero, Grabe beb! Ako na yata pinakaswerteng babae!! Tignan mo? Nililigawan na niya
ako ngayon, Jusko! Kaloka! Hindi ko keri!!"sabi niya
HALA SIYA OH?
"Nako Mafe ha? Sinasabi ko sayo, ngayon na alam na ng buong sambayanan yang
nililigawan ka na ni Grae, humanda ka sa mga fans niyan! wawarlahin ka nila ng
bonggang bongga!"sabi ko
"Inggit lang sila!"sabi niya habang nakapamewang
"Ayy oh? Taray mo te! Nung nalilink siya ka Ashley, todo bash yung natanggap niya
diba? Oh isa ka nga sa mga nangbash sakanya diba? Kahit sa school inaaway siya,
pero ang totoo wala namang namamagitan sakanila non, eh binash talaga siya ng
bongga! Oh eh ngayon na totohanan na to, Sa tingin mo di ka mababash?"sabi ko
"Wala naman akong pake sa mga pangbabash nila, basta alam ko Gusto ko si Grae at
Gusto niya ako."sabi niya
TARAY FOREVER!
"Oh eh alam na ba yan nila Tito?"tanong ko
Umiling naman si Bruha, ayy hala siya oh?
Binatukan ko naman.
"Aray ko beb!! Masakit!"reklamo niya
"Alam mo isa kang dakilang baliw! Bat di mo sinabi sakanila?!"sabi ko naman
"Eh pag nalamanbanila matutuwa ba sila? Hahayaan ba nila akong maging masaya? Hindi
diba? So bat ko pa sasabihin sakanila?"sabi niya naman
"Nandito lang ako, Basta sabihin mo nalang sakin kung anong problema ha?"sabi ko
naman
Niyakap ko naman siya, Alam ko yung tungkol kay Tito, Strikto kasi parents ni Mafe
katulad narin sakin pero mas strikto yung sakanya, Halos nga di na siya palabasin
ng bahay dahil na din sa pagiging overprotective ng parents niya eh.
"Ganito nalang mall nalang tayo okay?"sabi ko naman
"Okay sige!!"sabi niya naman
nagbihis na muna kami ng pangalis namin, Nasa bahay ko ngayon si Mafe tsaka may
damit din siya dito na iniiwan, Kung sakaling magiisleep over siya dito ganun,
Baliw kasi tinatamad umuwi ng bahay nila eh ilang lakad lang yon galing samin!!
Habang sinsuklayan ako ni Mafe biglang sumigaw ate ko.
"May Bisita kayo Kristle!!"sigaw niya edi bumaba kami para tignan yon, At nanlaki
ang mata ko ng makita ko pagmumukha nila.
ANONG GINAGAWA NILA DITO?!
Brace POV
Summer, Yep! Summer na ngayon and i'm so bored! Sila Dada kasi Umalis, Sumama mga
kapatid ko iniwan ako kasi tulog ako at sila maaga nagigising, Buti nga si Sacha
nagising ng maaga eh ako hindi!
Di ko na kaya to! Kelangan ko umalis ng bahay!
Tinext ko muna sila Nash.
To: Nashie Boy
Skate tayo bro?
From: Nashie Boy
Can't nasa palawan kami ngayon, Family Outing.
To: Joaquin
Bro, Date tayo?
From:Joaquin
Ayoko nga!! Hahahaha lol, Bawal akong gumala ngayon eh nasa Batangas kami.
Seriously? Date? Wtf dude!
To:John
Bro, skate tayo?
From:John
Wrong Timing bro, nasa cebu kami. Sorry bro!
To:Grae
Wag mong sabihin na may outing din kayo at sila Nashie Boy lahat sila nasa outing.
C'mon pare hangout tayo?
From:Grae
Sakto pare!! Samahan moko!!
To: Grae
Saan?
From:Grae
Papunta sa puso ni Mafe yiee!!
To: Grae
Cheesy! Ew, Wth bro?
From: Grae
stfu!! Hahaha samahan mo nalang ako, masaya to promise!
To:Grae
Promises are meant to be broken. San ba kasi talaga?
From: Grae
Sa bahay nila, Wala lang i just wanna visit her.
To:Grae
K.
From:Grae
dude, seriously? Mama ko lang nagrereply ng K. okay?
To:Grae
Okay, kita tayo mamaya.
From: Grae
G. Sa may park sa village nila.
Wooh, Third Wheeling nanaman ako mamaya!
**
Nasa may park na ako at inaantay ko nalang si Grae, Ang tagal niya damn.
20 minutes na akong nagaantay dito.
Maya maya, nakita ko siyang bumaba sa kotse niya FINALLY!
"Sorry bro late ako, nagayos pa kasi ako eh! Okay ba?"sabi niya
Tumango nalang ako.
"Tara!"pagyaya ko
at naglakad na kami papunta sa bahay nila Mafe, nadaanan namin bahay nila Kristle
kaya napahinto ako.
"Bro, wag kang magalala, pupuntahan natin yan mamaya!"sabi ni grae at hinila na ako
"Di ko naman siya hinahanap or iniisip, Para naman tong tanga!"sabi ko
"Wala naman akong sinasabing ganon eh! Napaghahalataan ka pot ha?"sabi niya naman
binatukan ko nalang ang loko, daming alam.
Nang malapit na kami sa bahay nila Mafe, Tinignan ko si grae na bigla nalang
nagdoorbell. Nakita ko naman na may lumabas at nakita kami ni grae.
"Magandang Hapon po! Si Mafe po?"tanong ni grae
"Ayy pogi mo naman kuya! Manliligaw ka po niya?"tanong ni ate
"Ah-"
"Ikaw din ba kuya?"tanong niya saakin
"No! Si Grae lang!"sabi ko agad
May iba akong gusto okay?
"Ayy shet!! Gimme 5!"sabi ni ate
"Haha, si mafe po?"tanong ni grae
"Papicture po muna."sabi ni ate nagkatinginan kami ni Grae, ngumiti kami at
tumango.
Nakailang picture din at pagkatapos naman nun, Tinanong na namin kung nasan ba
talaga si Mafe.
"Ah nasaan po ba si Mafe?"at ako na ang nagtanong.
"Ayy, Nandun kila Kristle yon, Dun din kasi siya natulog kagabi eh. Nanjan lang
bahay ni Kristle oh?"sabi naman ni Ate kaya tumango nalang kami at ngumiti.
"Jusko Mga Kuya!! Nakakalusaw yang ngiti niyo, Sige puntahan niyo na sila Baka
agawin ko kayo kay Kristle at Mafe hihi! Bye!"sabi niya at sinara na gate.
"Tara na bro!"sabi ni Grae at naglakad na kami papunta sa bahay nila Kristle, Damn
makikita ko nanaman siya.
Ewan ko parang naexcite ako!
Nagdoorbell na si grae at may nagbukas ng pinto, At hindi si Kristle yon. Kamukha
niya lang
Ate niya ata?
"Sino po sila?"tanong nung ate ni kristle
"Ah, Hinahanap po namin si Kristle at Mafe Nanjan po ba sila?"tanong ni Grae atat
na atat makita si Mafe tsk.
"Ahh, oo nandito sila teka? Bakit niyo sila hinahanap? Sino po ba kayo?"tanong niya
"Grae Fernandez po, Kaibigan po ni Mafe at Kristle."sabi ni Grae tumingin naman ako
sakanya
Kaibigan daw ni Mafe? Sus, Sapak.
"Ah, Brace Arquiza po, Kaibigan din po nila Mafe at Kristle."sabi ko naman tumingin
naman si Grae sakin, Babatukan ko to eh!
"Ahh! Kayo pala yung miyembro nung Gimme 5! Oo, laging bukambibig ni Mafe. Sige
pasok kayo."sabi naman ng ate ni Kristle
Pumasok naman kami, At umupo na din sa couch.
"May Bisita kayo Kristle!!"sigaw ng ate ni Kristle at maya maya nakita namin si
Kristle At Mafe.
Eto nanaman ako, Di mapigilan ngiti ko.
"Iwan ko na muna kayo ha?"sabi nung ate ni Kristle kaya naman tumango kami.
Pagkaakyat nung ate ni Kristle, Bumaba naman sila at tumingin saamin.
"Anong Ginagawa niyo dito?!"tanong nung dalawa
"Tara Date tayo!!!"pagyaya ni Grae
"Date?!"sigaw naming tatlo
Putek di ko alam yon ha?!
"Tara na!!"sabi ni Grae at Hinila na si Mafe
Nagkatinginan kami ni Kristle.
"Ah, Kunin ko lang gamit namin ni Mafe, Nasa taas kasi."sabi niya tumango nalang
ako
Kristle's POV
Putek, Nadala ko lang cellphone ko!
Si Grae kasi, Umakyat pa talaga ng kwarto at hinila agad ako! Nakalabas na kami ng
bahay, At napansin ko na wala silang dalang kotse.
"San tayo punta?"tanong ko
"Secret!"sabi ni Grae
"Dito lang ata tayo sa village eh! Lilibutin lang!"sabi naman ni Brace
"Okay lang yon, Tara na!!"sabi naman ni Mafe at yon, naglalakad yung dalawa holding
hands while walking, Napabuntong Hininga nalang ako.
Tahimik lang kami ni Brace habang naglalakad.
"Ah, Bat nga pala pumunta kayo ng bahay?"tanong ko
"Ano, Kasi si Grae gustong makita si Mafe."sabi niya naman
"GUYS! double date to ha?!"sabi naman ni Grae
"DOUBLE DATE MO MUKHA MO!!"Sigaw naming dalawa
"Can you believe it? Daming alam ni Grae."sabi ko
"Bakit ayaw mo bang magdouble date?"sabi niya
Double date? tapos siya makakadate ko? Jusko, di ko ata keri to.
"Ayaw."sabi ko napansin ko na medyo nalungkot siya.
Bakit naman siya malulungkot?
"Ah, Pwede din."sabi ko
Ngumiti nalang siya bigla, Grabeng Ngiti yan mga tsong!!
"Tara!!"sabi niya
**
Nandito kami ngayon sa may fishball stand, tapos tong dalawang lalake, Hinihila
kami papuntang Mcdo eh ang layo layo pa nun dito sa village, buti nalang kung
nagdala sila ng kotse, eh nagugutom na kami!!
"Tara na masarap to!!"sabi ko hinihila ko na silang dalawa
"Ayoko nga! Matagal na kaming hindi kumakain niyan!"sabi ni Grae
"Ang arte niyo naman sasapakin ko kayo!!"sabi ko
"Ayaw!"sabi ni grae putek!!
"Mafe, Tulong!!"sabi ko lumapit naman si mafe at siya na nagpumilit kay grae, at
habang ako eto na, pipilitin si brace.
"No! Ayoko, matagal na akong di nakakakain niyan!"sabi niya at tumakbo
PUTEK! FISHBALL LANG NAMAN YAN EH!!
Hinabol ko nalang rin si Brace.
"Hoy! fishball lang to, di ka papatayin niyan!"sabi ko at bigla nalang nawala.
Lah? Asan na yun?
"Hoy Brace!!"sigaw ko
"Asan na ba yun?"tanong ko naman sa sarili ko
Lumingon nalang ako, at laking gulat ko ng nandun siya sa likod ko tapos sobrang
lapit pa ng mukha niya saakin.
Sobrang lapit....
Halos maamoy ko na yung hininga niya.
"Nahanap mo na din ako."sabi niya
Tulala parin ako, Sobrang lakas ng tibok ng puso ko, Parang sasabog na.
Nahulog na ako...
Nafall na ako kay Brace Henry Arquiza.
____________________________________________________
EDITED!!!! :)) thank you!!!

15
Kristle's POV

"Nahulog na talaga ako.."bulong ko sa sarili ko

"Nahulog na talaga ako.."

"Na- HAAAAA!!"sigaw ko

Nalaglag lang naman kasi ako sa higaan ko, kasi may tumawag lang naman sakin,
Jusko! 4 na ng umaga tatawagan pa ako!

Tinignan ko naman yung caller id at si Brace pala.

Napangiti ako bigla, BAKIT? Kasi nga nahulog na talaga ako..

Pwe, dami mong drama kristle. Sinagot ko nalang para walang problema.

"Hello?"

[Hey, uh ngayon na yung date natin.]

"Ngayon? Teka, Kahapon nagdate naman tayo ha?"

[Weh? Sabi mo nung pauwi na kasi nagbago isip mo, sabi mo hindi date yun! Tsaka
kasama sila Mafe, sabi ko diba dapat tayong dalawa lang?]

"Bat ba napakaimportante nun sayo?"

[Kasi makakasama kita, Masosolo..]


Natameme ako dun, Bakit ba siya ganito?! Sobrang hirap na ng nararamdaman ko! Wag
na siyang magpaulan ng libo libong motibo kung di niya lang naman ako sasaluhin
diba?!

"Psh, Drama mo! Okay sige, payag ako sa date natin! Ng tayong dalawa lang, Oh sige
na tutulog na ako."

[You haven't slept yet?]

"Di pa, Hindi kasi ako makatulog."

[Kantahan kita gusto mo?]

Napapangiti talaga ako!

"Wag na-"

pero nagstart na siyang kumanta, omfg.

Brace POV

I started singing, gusto ko na makatulog siya ng mahimbing kahit na alam kong, di


kagandahan boses ko.

Kinuha ko din yung gitara ko, Oo marunong akong magitara. Dadalhin ko ng to mamaya
sa date namin eh.

Habang kinakantahan ko siya, Iniisip ko kung nakakatulog na ba siya ngayon.


Hanggang sa matapos ko yung kanta, Nakatulog na kaya siya?

"Hey.."

Pero wala ng sumasagot, Tulog na nga siya.

"Hey, I like you Sleep Tight!"

At binaba ko na yung tawag. Aminin ko na kaya tong nararamdaman ko para sakanya?

Hindi ko na kasi kaya, I really really really like her.

I do, I really like her.

Yea, I should tell her.

**
1pm, Oo nakatulog ulit ako nagising ako ng 12 at naligo, Nagbihis na muna ako at
tinext ko si Kristle na 5:30 ko siya susunduin sakanila.

Nandito ako ngayon sa kwarto ko hihiga sana ako at iisipin ko ano yung mangyayari
mamaya at kung ano magandang gawin para sa date namin ng bigla akong hilahin ni
Mama.

"Nak, Tara! May Surprise kami saiyo!!"sabi ni mama saakin

"Ano po yun?"tanong ko

"Basta kuya, tara na!!"hinila naman ako ni Sacha oh siya, maghilahan nalang tayong
lahat!!
Nakarating kami sa garage at nagtaka naman agad ako, Nandun si Kuya Ed at Dada.

"Ano bang meron?"tanong ko

"Alam naming may date ka ngayon! Kaya eto!"sabi ni Kuya Ed at binuksan ang garahe
at nanlaki naman mata ko.

HOLY COW! Maserati Car.

"Akin to?!"tanong ko

"Oo naman nak, Surprise namin yan dahil sa pagsisikap mo, Keep it up anak!!"sabi ni
Mama

"Eh wala pa naman akong license, Next Week pa makukuha."sabi ko

"Napaaga pagkuha namin, Tsaka alam ko naman na gusto mo na magkaroon ng sarili mong
kotse."sabi ni Dada

Sobrang Saya ko ata ngayon, Niyakap ko nalang sila.

"Salamat Po!"sabi ko kiniss ko naman sa Cheeks si mama.

"Welcome anak!"

"Ingatan mo yan, Nagpacar wash pa kami kahapon ni Dada para jan!"sabi ni Kuya Ed
tumango nalang ako at hinagis ni Kuya Ian yung susi at sinalo ko naman.

"Magready ka na ng surprise mo mamaya sa date mo!"sabi ni Jeanne

"Date? Sinong ka-date mo anak?"tanong ni Mama

"Si Ate Kristle."sabi naman ni CJ kaya tinakpan ko bibig

"Naks Naman Pot! Binata na, Oh siya mag-iingat kayo mamaya! Enjoy!"sabi ni Dada

Tumango naman ako, Saya neto!

**

"Mga Tol, tulungan niyo ko!"sabi ko nandito kasi sa bahay ko sila Nash, nung
nalaman agad nila tungkol sa Kotse ko, sumugod agad sa bahay ko lintek! Itry daw
namin, kahit libot lang sa village.

"Sa Date niyo ni Kristle?"tanong nila

"Oo."sabi ko

"Mga Tol, may idea ako!!"sabi ni Joaquin

"Bilis na Bradah!"sabi ko

"Lapitan niyo ang gwapo."sabi niya kaya naman binato namin ng unan

"Mga loko! Eto na nga, lumapit kayo sakin sasabihin ko peste!!"sabi naman ni
Joaquin

"Ano ba kasing balak mo brace?"tanong ni john


"Aamin na ako."sabi ko

"Aaminin mong tayo na?!"sabi naman ni Nash kaya binatukan ko

"Tantanan moko nashie boy ha! Basta nga, Aamin na ako."sabi ko

"Oh, eto bro! Dalhin mo siya dun sa Burol!"sabi ni Grae

"Wag na, ayoko samin lang yun ni Patchi eh!"sabi ko

"Eh, maganda nga dun eh!!"sabi naman ni John

"Oh sige, tapos doon na ako aamin?"sabi ko

Tumango namam sila

"Tapos, doon na papasok plano ko."sabi ni Joaquin at binulong na saamin yung plano.
Nagagree naman kaming lahat.

"Binata ka na bro! Tara bili na tayo ng mga kakailanganin mamaya!"sabi ni Joaquin

"Gamitin natin bago mong kotse!!!"sabi nilang lahat at yon, nagunahan palabas ng
pinto eh di naman sila kasya, Mga Baliw!

Natatawa nalang ako eh.

Kristle's POV

5pm na, nandito si Mafe sa bahay. Nung nalaman niya kasi na may date kami ni Brace,
ayon kumaripas ng takbo papunta sa bahay jusko!

Ang gaga, inayusan ako. Nilagyan ng Facial, Nagpamanicure pa kami kanina, tapos
nagkalat pa sa kwarto ko kakahanap ng masusuot.

Jusko, Pagod na pagod na ako! Ngayon naman, kinukulot na niya dulo ng buhok ko,
Nilagyan niya ako kanina ng light makeup, tapos kakaunting lipgloss.

Sabi ng hindi kasi ako marunong magayos eh!! Kasi kanina, nagaayos na ako ng sarili
ko. Kaso hindi ko alam kung paano sisimulan magmakeup, Nung pinapapunta ko palang
si Mafe, nagtry ako ayun sabog! Nagkalat makeup ko. Mukha akong Aswang.

"Magdredress ka ba?"tanong niya

"Hindi!"sabi ko

"Eh anong susuotin mo?"tanong niya

"Pants and Sweatshirt."sabi ko

Napasapak nalang siya ng noo niya.

"Bakit?"tanong ko naman

"Beb, It's a date! DATE! Date yon okay? Dapat maayos yung suot mo!"sabi niya

"Maayos din naman yun eh!"sabi ko

"Pero beb, Si Brace yung makakadate mo okay? Brace Henry Arquiza yon!"sabi niya
"Oh edi mag dress!!"sabi ko naman

"Buti naman naisipan mo na magdress ugh!"sabi niya

"Tse!"

Pagkatapos niyang kulutin yung dulo ng buhok ko, Pumunta ulit siya sa closet at
naghanap nanaman ng maisusuot ko.

Kinuha ko nalang yung bagong bili sakin ni Ate na Dress galing Bayo atForever 21 at
hinagis ko sakanya.

"Ikaw na pumili jusko ka! Aayusin mo mga damit ko mamaya ha? Loveyou!"sabi ko

"Tse! Ayy! Eto nalang beb! Maganda to!"sabi niya

At tinignan ko naman, ayos na! Pumunta na ako ng Cr at Nagbihis.

Tinignan ko naman sarili ko, Grabe ibang magic yung ginawa ni Beb! Nagmukha akong
tao.

Grabe, ako ba to?

"Nolasco! Labas na tagal mo! 5:20 na!"sabi niya

Lumabas na ako at napanganga siya at nalaglag yung sandals na dapat siguro susuotin
ko.

"Grabe! Kabogera ka oh? Ganda mo te! Ngayon lang yan, chusera oh?"sabi niya niyakap
ko naman siya

"Thank you!"

"Welcome!! Oh? Bruha ka, suotin mo na tong sapatos! Sabi ko kasi sayo, magayos ka
lang ng kaunti kabog na beauty mo eh! Hayaan mo, tumalab naman may Brace eh
hehe!"sabi niya kaya naman hinampas ko

Humiga muna ako sa kama dahil sa inaantok na ako at tumingin sa orasan, 5:25 na.

Tumayo nalang ako at humarap sa salamin, Casual Dress lang naman suot suot ko, pero
mukha talaga akong tao.

Ayoko naman kasi talagang Magdress eh! Tsk.

Bumaba muna si mafe, kinuha ko naman yung cellphone at wallet at panyo ko. Hindi na
ako magdadala ng purse.

Maya maya, nakarinig nalang ako ng sigaw galing kay mafe.

"DITO NA KADATE MO BABA NA!!"lakas talaga ng boses, daig pa ako.

Ng maglakad ako, muntik na akong matumba ng dahil sa heels ko, ilang inches ba to?!
Hinubad ko at tinignan ko, jusko! 5 inches?

Bwisit, di ko keri to! Mamaya maglakad lang kami ni brace, edi napagod ako?
Pinalitan ko nalang ng White Gladiator Shoes ko, Since bagay naman siya sa suot ko
na white and skyblue na dress, Bumaba na din ako kasi 5:35 na.
Tinignan ko naman agad si brace, shet! ang hot jusko.

Nakaleather jacket siya and shirt na black and white stripes with hoodie and black
pants tapos white shoes, damn he's hot!

"Oh? Mamaya na kayo magtitigan, Layas na! Enjoy!!!"sabi ni Mafe at hinila na ako
sabay tinulak papunta kay brace.

"Ah- Let's go?"pagyaya ni brace, at nagoffer na ng hand niya.

"Ah tara!"sabi ko mauuna na sana akong maglakad ng hilahin niya ako at hawakan ang
kamay ko, ininterwine niya naman ito.

Haba ng hair ko mga te oh?

Nakita ko naman yung kotse na nakapark sa may tapat ng bahay namin, Teka Maserati
to ah?

"Sayo to?"tanong ko

"Yep."sabi niya

"Cool!!"sabi ko naman tumawa siya at pinagbuksan na ako ng pinto.

"Salamat."sabi ko

Sumakay na din siya ng kotse at pinaharurot na ito.

"Ah, san tayo?"tanong ko

"Secret, You look good."sabi niya

Pigilan mo kilig mo kristle, jusko!

"Ah, salamat ikaw din."sabi ko

At napuno na ng katahimikan. Ewan ko ba, kinakabhan ako.

"Okay, magsalita ka naman ang tahimik mo."sabi niya

"Hah? sorry, kinakabhan kasi ako."sabi ko

Tumawa naman siya, juskong tawa kasi yan! Sarap pakinggan.

"Wag kang kabahan, Date lang to."sabi niya

"Oo date to, Official Date sabi mo diba?"sabi ko naman

"Yep, pero wag kang kabahan okay? Tsaka, i have to tell you something. Mamaya pag
nakarating na tayo sa pupuntahan natin."sabi niya

Tumango nalang ako, nagpatugtog nalang siya.

Maya maya nakarating narin kami sa pupuntahan namin.

Napansin ko na nasa park kami.

"Anong gagawin natin dito?"tanong ko


Pero walang sumasgot.

"Brace?"lumingon ako at paglingon ko wala na siya, pati yung kotse.

TSANGGALA INIWAN AKO?!

Bigla nalang may lumapit na babae saakin. Batang babae.

"Hi Ate! Pinapabigay po ni Kuya Pogi."sabi niya at binigyan ako ng white rose.

Kuya Pogi? Sino yun?

"Sinong Kuya Pogi?"tanong ko

"Basta po, Si kuya pogi! Tara ate sama ka saakin."sabi niya hinila nalang ako
bigla.

"Ah, sino ba si kuya pogi?"tanong ko habang naglalakad kami

"Bawal po ate sabihin eh, oh siya ate eto na po yung makikita mo na si kuya pogi.
Yieee! Bye ate!"sabi niya at umalis na yung babae, nakita ko na burol to.

Ano aakyatin ko nyemas?! May natatanaw ako puno, at may ilaw din dun kasi maliwanag
eh. Kinuha ko phone ko at nagsilbi siyang ilaw ko ngayon, ng makarating ako doon.
Napansin ko na sobrang pamilyar ng burol na to.

Tinignan ko naman iyon, at ang ganda kasi may christmas lights, Nakita ko din yung
kotse ni Brace.

Ayy, alam ko na. Gets ko na.

Nakita ko na sa may kotse niya, may picnic basket at kumot pati narin unan,
nakaayos na siya, tapos may mga pagkain na rin. (picture at the multimedia)

Naiiyak ako sa tuwa.

Bigla nalang may tumakip ng dalawang mata ko.

"Miss moko noh?"nilingon ko siya at hinampas ko bigla

"Aray!"reklamo niya

"Anong miss ka jan?! Miss missin mo mukha mo! Iniwan moko doon sa park, tapos
makikita ko nalang dinala ako sa burol nung bata tapos naglakad pa ako pataas?!
Tapos, makikita ko nalang dito may surprise ka pala, grabe! Naiiyak ako sa tuwa
peste!"sabi ko at niyakap ko nalang siya bigla.

"You're welcome."sabi niya

Bumitaw ako, at tinignan ko ng maige yung puno at swing doon.

Pamilyar siya..

Nanlaki ang mata ko ng maalala ko ang lugar na ito.

Si Pot...

Si Potpot..
Dito kami nagkakilala.

Dito yung lagi naming tambayan.

Hinarap ko si Brace at tinignan siya.

"Pano mo alam tong lugar na to?"tanong ko

"Uh, Wait mamaya ko nalang ssagutin yan. May sasabihin lang ako importante."

Naluluha na ako.

"Sagutin mo muna yung tanong ko, Pano mo alam tong lugar na to?"

"Ah eh kasi, may nakilala akong isang batang babae 10 years ago, nabangga ko kasi
aiya kasi naglalaro kami ni kuya ed ng frisbee, tapos nalaglag ice cream niya, Iyak
ng siya iyak. Kaya naman dinala ko siya dito, tapos binili ko siya ng bagong ice
cream. Simula nun naging magkaibigan na kami, Lagi kaming nagkikita dito. Tapos,
naguusap tungkol sa mangyayari paglaki namin tapos nangako kami sa isa't isa na
paglaki namin, Liligawan ko siya at magiging girlfriend ko siya, Kaso isang araw
dapat pupunta ako dito, kaso biglang inatake si Lolo kaya dinala namin siya sa
ospital, Kelangan daw gamutin sa ibang bansa si lolo, ayoko siyang iwan pero
kailangan, ni hindi ko na ngang nagawa magpaalam sakanya eh, simula noon di ko na
siya nakita, hinanap ko lagi akong pumupunta dito, umaasa na makikita ko ulit siya
kaso hindi, hindi ko na siya nakita. Siguro ngayon nakalimutan na niya ako, baka
siguro may mahal na siyang iba ngayon, Okay lang naman naiintindihan ko,
naiintindihan ko na galit siya saakin, at may gusto na siyang iba. Okay lang
kasalanan ko, pero kung may mahal na siyang iba tanggap ko, dahil may gusto na rin
akong iba, pero kahit kailan di siya nawala sa isip ko. First Love ko siya eh,
first love ko si Pachi."

At ng marinig ko yung huling sinabi niya, tumulo na yung luha ko.

Nandito na siya, Hindi mali, nandito lang pala siya..

Sa harapan ko, Yung taong gusto ko at yung taong hinahanap ko matagal na, nandito
na siya.

Nakita ko na siya.

Hindi ko napigilan yung luha ko sa pag agos.

"Hey, why are you crying?"tanong niya

"Bumalik ka na, Nakita na kita.."sabi ko

"Pachi."sabi niya hindi manlang niya tinanong kung ako ba talaga si pachi, kusa
niyang sinabi yon, niyakap niya ako bigla kaya umiyak na talaga ako ng bonggang
bongga.

"I'm sorry, I'm really sorry!"sabi niya

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, sobrang saya ko.

Nandito na siya, Nasa harapan ko mismo.

"Nandito ka na.."sabay na sabi namin kaya tumawa kami parehas.

Bumitaw na kami sa isa't isa, bigla nalang siyang yumuko.


Anong problema niya?

Tumingin siya saakin at nagulat ako kasi umiiyak siya, Umiiyak siya sa harapan ko..

"Sorry."sabi niya

"Okay lang yun!"sabi ko

"Promise hindi na kita iiwan."sabi niya

"Promise?"

"Promise."sabi niya

Niyakap niya ulit ako.

"Ayy oo nga pala, may sasabihin pa ako sayo."sabi niya habang papunta kami sa may
kotse niya para umupo at kumain, Nagpatutog din siya bigla kasi may dala siyang
beats pill.

"Ano yun?"tanong ko habang binubuksan yung nutella.

"I-"naputol yung sasabihin niya ng pahiran ko siya ng nutella sa mukha.

Natawa ako bigla tawa lang ako ng tawa at paglingon ko pinahiran niya rin ako.

Hanggang sa naghabulan kami at nagpahiran ng nutella.

Hinawakan niya ako sa braso at binaba niya yung hawak hawak kong nutella, at
nilagay niya yung dalawang braso ko sa leeg niya, cinircle niya yung kamay niya sa
waist ko, sumasayaw kami ngayon habang pinapatugtog ang Hey Girl.

"So, ngayon na hawak hawak na kita di ka na makakawala kaya sasabihin ko na yung


dapat kanina ko pa sasabihin."sabi niya at inilapit ang mukha niya sa mukha ko

"Ano yon?"tanong ko

"I really like you, Gustong gusto kita. Bago ko pa malaman na ikaw si Patchi,
Gustong gusto na kita. Nagising nalang ako isang umaga, narealize ko na gusto na
pala kita, Aaminin ko na sana sayo nung nasa SM Tayo kaso wrong timing ata, Tapos
siguro inaatake ako ng pagkatorpe ko kaya di ko agad maamin sayo, Please? Bigyan mo
sana ako ng chance na ipakita sayo, na gusto kita. Kahit di mo ako payagan na
ligawan ka, Wala akong pakialam basta liligawan kita. Yun sinabi ko na, Gusto kita,
Gusto mo rin ba ako?"tanong niya

Hindi na ako magpapaligoy ligoy, Brace Arquiza na yan oh?

"Pano pag sinabi ko din na gusto rin kita?"nakangiting sabi ko

Ngumiti siya.

"So, papayagan mo ako na ligawan ka?"tanong niya

Tumango naman ako, Niyakap niya ako bigla.

"Amoy nutella mukha mo."sabi niya at nilapit mukha niya saakin at ninose to nose
niya ako, Haha kulet!
"Liligawan na kita simula bukas."sabi niya

"Okay pot."sabi ko

"I love you."sabi niya ngumiti nalang ako at niyakap siya.

Best Day Ever.

Tumingin ako sa langit at nakita ko na andamint bituin, May shooting star akong
nakita kaya naman nagwish ako agad.

Wooh, Thank you lord!

__________________________________________________________

EDITED!!! :))

16
Mafe's POV
Galing ko talaga! Kabogera si Beb oh? Nahanap na si Potpot, Tapos nililigawan na ni
Fafa Brace! San ka pa? Kabogera lola niyo! Tapos, si pot at brace iisa lang pala
aba'y wow!
Gusto ko ng chocolate!! Tapos maraming maraming pagkain! Grabe, ang sakit talaga!!
Nagkumot nalang ako ng magvibrate phone ko SINO NANAMAN YAN?!
Grae Calling...
Bat tumatawag to ha? Hahahaha, joke! namiss ko na to, sinagot ko naman syempre yung
tawag niya.
[Goodmorning Bebelabs!]
ANO DAW? Bebelabs? pwe, anong- ewww!!!
"Bebelabs?!"
Narinig ko naman na nagchuckled siya, Damn that laugh.
[C'mon, ayaw mo ba ng bebelabs?]
"Well, i like it! Hahahaha hi Graebebelalabs ko!!"
[Woah, Dinugtungan mo talaga oh sige tawag ko siya Babylalabs ko?]
"Babylalabs ko? Eww, Mafemaganda nalang!"
[I know you're pretty baby, but no, Babylalabs tawag ko sayo!]
"Fine, Ugh! Babylalabs eww!!"
[Arte mo naman Babylalabs ko!!]
"Eh kasi naman Gr-"
[Graelalabs ko?]
"Kasi!! Di mo ako pinapatapos i hate you!!"
[Awww, I'm sorry Babylalabs ko!! May uhmm, period ka ngayon?]
"ANO BA NAMAN YAN GRAELALABS KO?! OO MERON AKO BAKIT?!"
[Nagtatanong lang n-]
"BREAK NA TAYO!"
[Wh-]
"WALA NANG TAYO GRAE FERNANDEZ GOODBYE!!"
GUSTO KO NG CHOCOLATE!
Grae's POV
Woah, BREAK? Eh wala pa ngang kami.
Girls on the period agh.
Tinatawag ko siya pero hindi sinasagot, Damn!!
Grabe, Halatang galit yung Babylalabs ko!
Dinial ko number ni Kristle at sinagot niya naman agad.
[Ow! Bakit Graebebelalabs HAHAHAHA!!]
"Pano mo naman nalaman yan?"
[Nandito forever mo sa bahay ko, sumugod nalang basta basta, jusko! Niluwa nalang
bigla ng pintuan ko inaaway mo daw!]
"No, Hindi ko siya inaaway noh!"
[Eh sabi niya eh, Break na nga daw kayo HAHAHAHAHA!]
"Wala pa ngang kami eh."
[SO AYAW MONG SAGUTIN KITA?! BAHALA KA SA BUHAY MO I HATE YOU! DI MO NA AKO MAHAL!]
Seryoso ba siya?!
[FYI, Si mafe yon di ako!]
"Babylalabs ko, Wag ka na magalit please? I love you so much!"
[Tse! Bahala ka sa buhay mo!]
[LINTEK! magusap na nga muna kayo kukuha ako ng makakain sa baba!]
"Baby, Usap tayo!"
[BABY MO MUKHA MO! DI AKO SANGGOL NOH?! BAHALA KA TSE!]
Damn, Bakit ba kasi sila nagkakaroon ng period?!
"Baby, magusap na kasi tayo."
[SIRAULO KA BA?! NAGUUSAP NA TAYO NGAYON! BAHALA KA NGA JAN! oh kristle, kausapin
mo yan sabihin mo break na kami, ayoko na sakanya!]
"Ba-"
[Grae, pag pasensyahan mo na, meron kasi yan ngayon pero pag napagtanto niya mamaya
mga pinagsasabi niya tatawagan ka agad nun HAHAHAHAHA! Dalhan mo nalang ng Pringles
na plain, Ferrero tapos lays na plain lang tapos snickers tapos Jagabee!]
"Sure?"
[Yep, punta ka sa bahay! Ako na bahala nasa may garden lang yung gagang yon,
Nagdradrama!]
"Thanks kristle!"
[Welcome Graelalabs!! Hahahaha, bilisan mo!]
bago pa man ako magsalita, pinatay na niya yung tawag at dumiretso ako sa malapit
na 7/11 dito sa may sub namin at nagpahatid na ako sa driver ko, Sa birthday ko pa
makukuha license ko, pero may kotse na ako.
pagkabili ko na ng lahat na kelangan, nagpahatid na ako sa bahay nila Kristle,
nagdoorbell na ako at si Kristle ang nagbukas ng gate.
"Nasa Garden forever mo, paiyak na jusko! puntahan mo na nga pala amin na yan!"sabi
niya at kinuha yung pringles at ferrero
"Asan yung lays?"tanong niya
"Walang lays, Pringles nalang din binili ko."
"Okay, puntahan mo na siya salamat din pala dito hahahahaha!"
Wala na akong nagawa, pinuntahan ko nalang si Mafe.
Nakita ko siyang nakaupo doon sa may swing sa may garden nila kristle.
Nakayuko siya kaya naman nilapag ko sa wooden table yung pagkain na dala ko at
humarap ako kay mafe, yumuko ako ng kaunti para magkalevel kami at inangat ko yung
mukha niya gamit ng kamay ko, i cupped her face.
"Hey Babylalabs ko.."sabi ko tapos nakita ko nalang siyang umiiyak
Dammit. Anong nangyari?!
Anong ginawa ni kristle dito?
"Graelalabs ko..."
"Babylalabs ko bakit? anong nangyari? Bakit ka umiiyak?"sabi ko habang pinupunasan
yung luha niya na panay sa kakatulo
"You happened."sabi niya kaya napatingin ako direkta sa mga mata niya
What?
"Anong ako? kakarating ko lang ha? Ano nanaman ginawa ko?"sabi ko naman
"Sorry Graelalabs ko!!"sabi niya at niyakap ako, bigla nalang ako napaluhod ng wala
sa oras habang yakap yakap niya ako, iyak siya ng iyak.
"Ayoko namang makipagbreak eh, Wala pa ngang tayo eh! Tsaka ang babaw ko kung ganun
ganun nalang yun, Ayokong iwan moko, Ayokong mawala ka ganto lang talaga ako pag
may period ako laging maintin ulo tapos sobrang babaw ko, mabilis akong magalit,
umiyak, mainis kaya ayun sorry na Graelalabs ko!!!"
"Wag moko iwan..."At yun, yun na yun dun ko lang narealize na hindi ko pala gusto
tong babaeng to.
Mahal ko na pala to...
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko, Kailanman hindi ko pa to naramdaman, i love
her..
I'm inlove with her already....
**
Holding hands while walking kami ngayon, ihahatid ko na sana siya pauwi ng
magpresenta siyang pumunta daw muna kami sa park. Gabi na, Maraming bituin..
Nagniningning nanaman si Tala. Tumingin ako kay Mafe, napapangiti nalang ako habang
hawak hawak niya kamay ko.
Hinayaan ko nalang siya, Ayaw niyang bitawan ko ang kamay niya.
Kaso biglang nagvibrate ang phone ko.
Hawak hawak ko yung mga pagkain na binili ko kanina kasi di niya naman nakain, kaya
naman bumitaw muna ako.
"He-"bago ko pa man matapos sasabihin ko pinutol na ito ni Mafe
"Sabi mo di ka bibitaw?"paiyak niyang sabi
Damn, eto nanaman tayo.
"No, baby i-"
"My Baby ka ng iba?! Sino siya? Mas maganda ba siya kaysa saakin?! Maputi? Makinis?
Isa sa mga nalilink sayo sa showbiz?! Grabe naman Grae! Sana sinabi mo nalang diba?
Ang sakit naman nun!!"sabi niya at umiyak na siya, tumakbo siya palayo
LORD BAKET?!
"Tawagan nalang kita Bro mamaya."sabi ko at pinatay na ang tawag hinabol ko si mafe
at nakita ko siyang umiiyak na nakaupo sa gutter sa may park.
Nilapitan ko siya at inangat ko ang ulo niya.
"Babylalabs, si John yun okay? Hindi kita iiwan, Hindi ako bibitaw ha? Ikaw lang
naman, Iloveyou please stop crying. Iloveyou."sabi ko at hinalikan siya sa forehead
"Natatakot lang naman ako, Sorry graelalabs ko!"sabi niya
Ngumiti nalang ako
"Iloveyou."sabi ko
"Wag kang bibitaw ha? Di moko iiwan ha?"
"Promise hindi."sabi ko at niyakap siya
Mafe's POV
Grabe, nakakahiya kay Grae mga pinagagawa ko! Papasok na ako ng bahay at pinauwi ko
na siya, iba talaga pag meron ako. Binuksan ko nalang yung Snickers na bili ni Grae
para saakin at para akong batang gutom na gutom kung kumain nito ngayon, BAT BA?!
Binuksan ko na ang pinto at nalaglag ang mga dala dala kong pagkain ng makita ko
kung sino ang nasa loob ng pamamahay namin.
Si PAPA...
"Pa?"nilingon niya ako at ngumiti siya, tapos niyakap niya ako.
"Ah, Finally! Nandito ka na!"sabi niya
May nakita akong mga kasama ni papa, bisita niya siguro.
Tatlo sila, at ang puputi.
Yung Babae, hindi mo masasabi kung Matanda na ba kasi yung mukha niya parang bata
pa, 29 years old ganun.
Tapos yung lalake, ang puti chinito tapos maapeal yung mukha tapos halatang
business man.
Tinignan ko naman yung isang lalake na halos kasing edad ko lang siguro, mukha
niyang pang artista, sobrang gwapo maputi, chinito, basta! FAFA!
Eh pake ko ba? Basta kay Graebebelalabs na ako!
"Sino sila papa?"tanong ko
"Ahh anak, upo muna tayo."kaya naman umupo kami
pagkaupo ko, tinabihan ako nung lalakeng kasing-edad ko lang.
"Hi!"sabi niya
Ngumiti naman siya kaya naman ngumiti ako pabalik.
Bait baitan hehe!
"Hello po!"sabi ko naman
Pogi ngumiti naman neto, makalaglag ayy- nakakatunaw nalang pala.
"Nakakatunaw yung alin?"tanong niya
Wow, sinabi ko ba yun sa harapan niya?
"Ano nakakatunaw yung basta! Hahaha, ah pa? ano bang meron?"tanong ko kay papa para
maiba topic
"Hija, Fixed Marriage."diretsang sabi ng babae na maputi.
I guess nanay yun netong lalakeng katabi ko.
PERO WAIT WHAT?
"P-po?!"
"Papa naman anong sinasabi niya?!"di makapaniwalang tanong ko
"Rico, ang sabi mo alam na ito ng anak mo? Pagusapan niyo muna yan, We need to go!
Kelangan niyang pumayag or else."sabi nung lalake at umalis na sila
"Papa anong Fixed Marriage? Ikakasal ako kanino?"tanong ko
"Kay Mark anak, Yung lalakeng katabi mo."sabi ni Mama na malungkot ang tono ng
boses
ANO-PAANO?!
"PAPA NAMAN! bakit?! Ayoko, PAPA AYOKO!!"di ko mapigilan na di umiyak, ikakasal ako
sa lalaking hindi ko kilala at wala akong alam sa buong pagkatao niya, Anong
gagawin ko?
"Papa naman, Wag naman ganito! Ayoko po, papa ayoko."sabi ko
"Anak, napagdesisyunan na namin, nagusap na kami ng Mama mo."sabi ni Papa
"Sana manlang tinanong niyo kung gusto ko to?! Papa, di naman yang Mark na yan yung
gusto ko eh! Gusto ko si Grae, ayaw ko dun sa lalakeng yun! Hindi ko alam any buong
pagkatao niya!"sabi ko
"Anak, Mabait na bata si Mark."sabi ni Mama
"Sinasabi mong mabait siya kasi yun yung sabi niya sayo?! Mama, wag naman pong
ganito! Kayo na mismo nagsabi na dapat tapusin ko pagaaral ko bago magpaligaw o
kung ano man, pero ano?! KASAL agad?"
"Sinuway mo parin kami! Sinong grae?! Taga-saan siya?! Ha?!"galit na sabi ni papa
"Papa.."
"SINONG GRAE?! yung artista na nagaaral na eskwelahan mo?! Mafe, kung ako sayo
hiwalayan mo na siya!! Walang magandang maidudulot yang ginagawa mo!! Ako na mismo
ang nagsasabi UMIWAS KA NA SAKANYA!"Galit na galit si papa, hindi ko na alam ang
gagawin ko.
Gusto ko munang umalis...
"HAWAK MO BA PAPA BUHAY KO?! Papa, sinusunod ko lahat ng utos mo, pero yung iwasan
si Grae?! Papa hindi, hindi ko magagawa yun. Tinry ko lahat papa, bawal bang maging
masaya? Papa, gusto ko si grae, siya ang gusto ko. Anak mo lang ako papa, Hindi mo
hawak buhay ko. Papa, mahal kita pero napakalaki naman na ata netong favor na
hinihiling mo, Commitment yon papa, Panghabang buhay na akong nakatali kay Mark
nun, ayokong makasal sa taong di ko mahal."
Isang sampal..
Mainit na sampal ang natanggap ko kay papa, dahilan para mapaiyak ako ng sobra at
wala akong nagawa kundi dumiretso nalang ng kwarto.
Pain...
Yun lang ang tanging nararamdaman ko.
Ayoko kay Mark, ayaw ko.
Hindi siya yung gusto ko, si Grae..
Si Grae ang gusto ko.
Gusto kong tawagan si Beb o kaya naman si Kry, lalong lalo na si Grae pero parang
hindi ko yata kaya? Wag na muna siguro, ayoko munang isipin to. Ayoko muna
Pinikit ko nalang ang mata ko at unti unti nalang akong nakaramdam ng antok.
____________________________________________________________
EDITED! :)

17
Nash's POV
Nagising ako dahil sa may yumuyugyog saakin, Sino ba to?
Minulat ko yung mata ko at Nakita ko na si Chloe at Alexa pala. Bakit naman nandito
si Alexa?
"Alexa? Bat ka nandito?"tanong ko at kinusot ang mata ko
"Well, Si Chloe kasi tumatawag sabi di ka pa daw nagigising. Eh anong oras na oh?
Akala ko ba magkikita kita kayo nila Brace? So hurry up na!"sabi niya at hinila ako
patayo.
"Ang aga pa naman kasi not eh!"reklamo ko, Bestfriends kami ni Alexa at hindi naman
siya pinagbabawalan ni Mama na pumunta dito sa bahay. Tsaka close sila ni Chloe eh.
Kadalasan yan ang alarm clock ko dito hays jusko.
"Ligo na!"sabi niya at tinapon saakin ang tuwalya ko, sakto pa sa gwapo kong
pagmumukha!
"Etong mukha to pa talaga alexa yung tinamaan mo ha? etong mukha to?"sabi ko sabay
dinuro duro yung gwapo kong mukha
"Wag ako aguas ha? Don't me!"pabirong sabi niya nilapitan ko naman siya at kinurot
ang magkabilang pisnge niya
"Ang cute cute talaga ng bestfriend ko!"sabi ko
"Ano ba? hindi ako cute, maganda ako okay? MAGANDA!"Sabi niya at umalis na ng
kwarto ko
napailing nalang ako habang tumatawa at naligo na, pagkatapos ko maligo at magbihis
bumaba na ako at naabutan ko si Alexa at Chloe na nanonood mg Sofia The First.
"Isasama ko nga pala-"naputol yung sasabihin ko ng biglang nagring ang phone ko
Sinagot ko ito ng hindi na nagabalang tumingin sa Caller ID.
"Hello?"
[BRO! miss na kita!!!!]
"Shar? uyy, kumusta?"
[Okay naman bro, eh kayo ni beh? Yiee, kayo na ba?]
"Sira, hindi kami. Eh kayo ni jai?"
[Ahh bro, ang totoo kasi niyan..]
"Ano?"
[KAMI NA NI JAI, NASH!!]
"Talaga? Congrats bro!! Inatayin ko imbitasyon sa kasal niyo! HAHAHAHAHAHA!"
[Siraulo! Ayy siya nga pala, ikumusta mo nalang ako kay beh! kitakits nalang sa
taping! Bye Bro!]
"Sige bro!"at binaba na niya ang tawag
Nakakatuwa naman na sila na ni Jai.
"Si beh ba yun? Hindi niya kasi sinasagot mga tawag ko or text manlang! nakakatampo
na not!!"sabi niya
"Not, hayaan mo na sila na kasi ni Jai eh! Magkikita naman tayo sa taping
eh!"natatawang sabi ko
"Kfine, i'll go ahead na muna! ingat kayo ni chloe later! Bye!"
"hatid kita."sabi ko
"Okay."sabi niya at ngumiti at lumabas na kami ng bahay
Hinintay ko si Alexa na makasakay sa kotse niya bago ako pumasok sa loob ng bahay,
nakarecieve naman ako ng text mula kay Pot.
FROM:Potpotpotpot
-3pm mamaya malapit sa may park sa subdivision nila Kristle, ingat kayo ni chloe.
nagreply nalang ako ng Okay at tinignan ko si Chloe na busy na sa pagkukulay
ngayon.
"Let's go na baby?"tanong ko
"Nandun ba sila Ate Star?"nakangiting sabi niya at tumango naman ako dahilan para
magtatalon talon siya.
Close din kasi siya kay Kristle, Kry at Mafe. Kasi minsan na din sikang nagkita,
magaan yung loob sakanila ni Chloe kaya yun.
Sumakay na siya sa kotse at nasa backseat pa, ako nanaman ang driver. Hindi na muna
ako nagpadala ng yaya dahil ayaw ni Chloe na magpasama na muna sa yaya niya dahil
daw sa Hindi na siya bata, pero bata pa siya eh. She's my little sister at kahit
kelan di magbabago yun.
Ng makarating na kami sa park, nagshades ako pati narin si Chloe. Para di kami
makilala, medyo madami din kasi ang tao dito ngayon.
Habang naglalakad kami at hinahanap namin sila Joaquin, tumakbo nalang bigla si
Chloe.
"Chloe!"sigaw ko pero may mga tao din kasi dito, sh*t san ko hahanapin yung batang
yun?
Hinanap ko muna si Chloe ng may mabangga ako.
"Nako, pasensya na po! hindi ko po sinasadya!"pagpapaumanhin niya tutulungan ko na
sana siyang pulutin yung mga gamit niya kanina kaso, bigla nalang siyang umalis.
Mukhang nagmamadali.
Napansin ko na may naiwan siyang keychain, pinulot ko ito at tinignan. Teka?
paanong pangalan ko ang nakasulat dito? Buong Pangalan ko actually.
Aeign Zackery Nash V. Aguas.
"Kuya!"nung tinawag ako ng isang pamilyar na boses nakita ko si Chloe na hawak
hawak na yung kamay ni Kry.
Agad ko namang niyakap si Chloe. "Pinagaalala mo naman si Kuya eh! Wag mo nang
gagawin ulit yun ha baby?"sabi ko naman
"Yes kuya, nadistract lang naman po kasi ako dito sa mga swings and slides sa
park."tumango nalang ako at niyakap ulit siya
"Oh san tayo?"tanong ni Grae
"Sandali, may inaantay kasi ako dito eh. Sabi niya, dito daw kami magkita kita
sandali
lang talaga to."sabi naman ni kristle nginitian lang namin siya at sinabing okay
lang naman saamin yun.
Nagusap usap muna kami at lahat kami napalingon sa kung sino ang tumawag sa
pangalan ni Kristle, Ah! Baka yun na yung inaantay ni Kristle
Nanlaki ang mata ko sa nakita ko, siya yung babaeng nabangga ko kanina.
Niyakap niya bigla si Kristle ng Sobrang higpit. "Grabe namiss kita! kumusta ka
na?! Alam mo bang halos araw araw usapan ka sa school?! Kahit sa social media!
Napakaswerte mo! Grabe-"naputol yung sasabihin niya ng makita niya kaming lima.
"Y-yung AY JUSKO PO! Grabe na talaga ito lord!!!"masayang sabi niya
Nagkatinginan kami nila Pot nagpalitan ng mga tingin, Yep. FAN
Pero medyo kinabhan kami ng tinignan niya ulit ako tapos nilapitan ako tapos
nahimatay nalang siya bigla..
"Roselle!! Jusko, Kuya Nash ano dalhin mo na siya sa Malapit na Hospital! Susunod
kami!"natatarantang sabi ni Kristle, halos lahat yata kami dito natataranta na,
Pano ba naman kasi bigla nalang siya mahihimatay! Binuhat ko na agad yung babae
tapos tinignan sila Joaquin.
"Pare, kayo na muna bahala kay Chloe itetext ko nalang sainyo kung saang hospital
ko siya dadalhin. Ingat kayo!"sabi ko at dinala na agad tong babae sa kotse.
Ano bang nangyari dito?
Kristle's POV
Jusko naman kasi yun si Roselle! Nakakagulat! Lahat tuloy kami dito natataranta.
"I want to come!!"sigaw ni Chloe sa kuya niya pero mukhang hindi siya narinig nito,
Hinirap ko si Chloe saakin at kinarga siya.
"Baby, susunod naman tayo kay kuya okay? Maghahanap lang tayo ng taxi, okay?"sabi
ko at niyakap siya
"But, gusto ko kasama si Kuya!"paiyak niyang sabi
"Eh baby kasi, yung girl nakita mo? Si ate roselle yun. Nahimatay siya okay? So,
kelangan dalhin siya sa ospital susunod naman tayo."at ayun, umiyak na at
nagtantrums na.
"Amin na."pabulong na sabi ni Brace tumango naman ako.
"K-kuya dimple! Let's go na! Please?"sabi niya at umiyak nanaman jusko.
"Okay okay, pupunta na tayo. Magaantay lang tayo ng taxi ha baby? Stop Crying
na."sabi ni Brace
"Kuya left me kasi! Iniwan ako ni kuya! Papaluin ko siya mamaya!"sabi niya habang
pinupunasan niya ng luha niya.
Cutie.
"Tara na mga pre!"sabi ni John kaya naman nagantay na kami ng Taxi.
Sana naman may taxi dito, kelangan namin ng 2 taxi.
**
Magiisang oras na kami dito, Nakarecieve na kami ng text kay Kuya Nash at sinabing
nasa St.Lukes sila, medyo may kalayuan yun mula dito sa park.
"PUNYETA! Asan na ba mga taxi dito?! Naiinip na ako!!"sabi ni Joaquin
"Nagbook ka na ba sa Grab Taxi Kry?"tanong ni John kay Kry
Tumango naman siya, Eh asan na?!
"KANINA PA YUN DIBA?! Asan na yung taxi?!"reklamo naman ni Grae
"Putek! Naiiihi na ako leche!"sabi naman ni John
"Umihi ka jan sa may puno! problema pa ba yun? magtago ka kung kinakailangan!"sabi
naman ni Brace
"Traffic daw si Manong, galing Cubao eh."sabi naman ni Kry
"ASAN BA MGA KOTSE NIYO?!"naiinis na tanong ni Mafe
"N-nasa bahay, Nagtaxi lang kami bebelalabs and eh."sabi naman ni Grae
"BEBELALABS?! HAHHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAH! BAT-BAT BEBELALABS?!"Tawa ng tawa tong sila
Brace
Tatawa na sana ako ng mapansin ko na si Chloe tulog pala. "Shh! Tulog si Chloe ano
ba?"saway ko naman sakanila kaya natahimik silang lahat.
"Saglit! May alam akong shortcut papunta doon, tara!"pagaaya ni Mafe
"San naman?"tanong ko
"Ipapacancel ko na tong pinabook ko okay?"sabi naman ni Kry at tumango nankaming
lahat, tinext ko muna si Kuya nash at sinabing papunta na kami.
"Okay, Lakad Gaming!"sabi ni Mafe
"Nagantay pa tayo ng matagal doon, Meron naman palang shortcut batukan kita jan
mafe eh!"sabi ni Brace habang karga karga si Chloe, kanina pa niya karga yang si
Chloe. Baka mamaya nabibigatan na yan kay Chloe.
"Pare, wag mo naman Batukan sasapakin kita pag ginawa mo yun."sabi naman ni Grae
"Loko lang."natatawang sabi ni Brace tinignan ko naman siya habang naglalakad kami.
Napansin ko na kami na pala yung nasa likuran
"May problema ba?"tanong niya umiling naman ako at ngumiti sakanya
"Hindi ka ba nabibigatan kay Chloe?"tanong ko
Umiling naman siya, sigurado ba siya? Kanina niya pa karga yung bata.
"Ako naman magbubuhat."sabi ko
"Ayaw."
"Hala bakit?!"reklamo ko naman
"Basta ayaw."sabi niya
NAPAKADAYA!
"Gusto mo lang atang ikaw yung nagbubuhat kay Chloe."sabi ko naman habang nakacross
arms
"Hindi naman sa ganon."
"Eh ano?"
"Ayoko lang na nahihirapan ka okay? Wag ka na magtampo."sabi niya at tinignan ko
naman siya at tumango naman ako
Napangiti nalang ako bigla. Bat ba? Kinikilig ako eh!
Roselle's POV
Nagising ako at puro puti ang nakikita ko, Oa naman kung patay na ako eh huling
natandaan ko natumba nalang ako bigla. Bumangon ako at hinawakan ko ang sintindo
ko, Nahihilo ako.
"Mabuti naman at gising ka na."napamulat ako ng mata ko at tinignan ko ang
nagsalita muntikan na akong malaglag sa kama ng makita ko kung sino ang nasa
harapan ko.
Si Nash! SI NASH TO MGA INENG! Lumapit ako at tinitigan siya mata sa mata,
napakagwapo niya talaga!
"Totoo ba tong nakikita ko? Ikaw ba talaga yan nash?!"di makapaniwalang tanong ko
Tumango naman siya.
OMG! Napaatras ako bigla at napabalik sa higaan ko, SIYA TALAGA YUN! Tapos
nilapitan ko pa siya?! nakakahiya!
"Ano nga palang pangalan mo?"tanong niya tinuro ko naman yung sarili ko.
"Hindi yung pader, tinatanong ko kung anong pangalan nung pader tsk, oo ikaw
malamang!"natatawang sabi niya
"Ah, Roselle. Roselle Pangalan ko."nakangiting sabi ko
"Ah-"di natapos ni Nashmyloves yung sasabihin niya ng may mga niluwa ang pintuan at
nanlaki ang mata ko, Si Kristle!!!
"OMG KRISTLE!"masayang sabi ko
"Roselle buti naman at okay ka na!"sabi ni Kristle
"Ano ka ba? Okay lang ako! di kasi ako nagbreakfast kanina, excited kasi akong
makita ka."sabi ko naman at tinignan ko yung mga kasama niya, KASAMA NILA SI CHLOE
OMG!
"Chloe!!"masayang sabi ko
"Hello, are you okay na po ba?"tumango naman ako, grabe! ang Swerte ko ata ngayon!
Nasa iisang room kami, kasama ang Gimme 5 pati si Patchi.
sobrang saya ko...
SOBRANG SAYA KO TALAGA!
___________________________________________________
EDITED! :) Sorry po, ineedit ko yung FALLEN SORRY PO DIN SA MGA BAD WORDS! :
( Pasensya na po!

18
Kristle's POV
Kakauwi lang namin, at kakahatid lang saakin nila Brace, napahiga ako agad sa kama
ko. Wala pala sila Ate, San kaya yun? Ako lang kasi mag-isa sa bahay, day off din
kasi nung mga katulong.
Ang sama ng pakiramdam ko. Feeling ko matutumba nalang ako anytime. Bumaba ako at
kumuha ng tubig, habang umiinom ako bigla nalang may nagsalita dahilan para masamid
ako.
"Hi."napatingin ako sakanya, anong ginagawa niya sa bahay ko?!
"Anong ginagawa mo dito? kakahatid mo lang sakin nandito ka na agad?"sabi ko naman
habang binabalik ang pitchel sa ref, ang sakit talaga ng ulo ko.
Lumapit siya saakin at hinipo ang noo ko. "Kingina, may sakit ka?"tanong niya kaya
tinignan ko siya, sabay alis ng kamay niya.
"Okay lang ako, ano nga ginagawa mo dito?"matamlay na tanong ko, bigat na ng
katawan ko. Gusto ko ng bumagsak nalang bigla.
"Wala naman, Sinigurado ko lang kung okay kalang dito. Mag-isa ka pa naman."sabi
niya sabay pitik sa noo ko naparay naman ako at tinignan ko siya.
"Hindi ka naman okay, may lagnat ka. Ano bang pinaggagagawa mo sa buhay mo ha,
Nolasco?"sabi niya ulit at pinitik ulit ang noo ko.
Trip ba nito noo ko?
"Trip mo noo ko? Sampalin kita jan."sabi ko sakanya pero sobrang hina non, ang sama
talaga ng pakiramdam ko.
Hinalikan niya ako sa noo, at tinignan ko naman siya.
"Oh ano, kilig ka? Pogi ko eh, Umakyat ka na papunta sa kwarto mo. Ako na bahala
sayo, aalagaan kita. Nilalagnat ka na eh."sabi niya at hinawakan ang balikat ko
sabay tinulak ako ng mahina paakyat ng hagdanan, wala na akong nagawa kaya
dumiretso nalang ako sa kwarto ko.
Nagpalit muna ako ng pajama at tshirt, tapos humiga at nagtalukbong ng kumot.
Wooh, lamig.
Habang nasa kalagitnaan ako ng tulog ko, nagising ako bigla at tinignan ko si Brace
na nakatingin lang rin saakin, Ngumiti siya bigla at tinignan ko lang siya at
ngumiti din saglit.
"Buti naman gising ka na, kain na."sabi niya at umupo naman ako, at sumandal sa
headboard.
"Bat ka ba kasi nilagnat bigla eh, oh kain."sabi niya habang iniihipan yung sopas.
Tinitignan ko lang siya, wala eh pogi eh.
Habang pinapakain niya ako ng sopas, nakangiti siya saakin kaya kitang kita yung
dimples niya.
Leche, nakakaakit. Umiwas ako ng tingin at tinuon ang pansin ko sa sopas.
Huhuhuhu, Jusko paano lord?!
"Kinikilig naman ako, kristle. Pogi ko noh? titig ka ng titig saakin
kanina."natatawang sabi niya
Tinignan ko naman siya at tinaas ng kilay "Ang kapal ng mukha mo, Psh."sabi ko
"Pogi naman."sabi niya kaya hinampas ko, ubod ng kayabangan si loko.
"Kapal naman."sabi ko at inirapan siya
Pagkatapos ko maubos yung sopas, pinunasan niya yung bibig ko gamit yung tissue at
kumuha ng wet wipes para punasan at mukha pati kamay ko. Kinuha niya din yung tubig
at gamot sabay pinainom saakin, pagkatapos pinunasan niya ulit yung bibig ko. Hehe,
Alagang Brace Arquiza ang ate mo kristle!
Pagkatapos pinahiga niya ako at kinumutan, sabay hinalikan ang ulo ko.
"Goodnight."sabi niya aalis na sana siya ng hawakan ko yung kamay niya, wow. pirs
taym to! Hiyang hiya pa naman ako kasi magaspang ang kamay ko.
"Ah hehe, Dito ka na muna."Sabi ko at umubo
Ngumiti siya at umiling.
"Sabihan mo lang kung gusto mong dito ako matulog, madali naman akong kausap."sabi
niya sabay taas baba ng kilay at ngumiti binato ko naman ng unan.
"Layas na nga! Kalimutan mo nalang sinabi ko, Sanay naman na akong nag-iisa!"sabi
ko sakanya
Hehe, drama ko.
Umupo siya sa may kama kaya tinalikuran ko, kinuha niya ang kamay ko at hinalikan
ito.
"Dito lang ako."sabi niya
Brace POV
Mahina lang ang volume ng TV habang nanonood ako, tulog na kasi si kristle. Ayoko
namang magising, Hinipo ko ulit ang noo niya. Mainit parin siya, pero di na katulad
nung kanina.
Kinuha ko ang basin at kumuha ng bimpo sa cabinet niya, Binasa ko ang bimpo tinupi
at nilagay sa noo niya.
Habang pinagmamasdan ko ulit siya, biglang tumawag si Grae.
"Yo pre!"
[Yo, san ka?]
"Bahay ni kristle, nilalagnat."
[Nilalagnat daw, hehe, sus. Gamit proteksiyon ha?]
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya, gag*ng to.
"T*ngina mo."
[Loko lang pre, sige sige! Alagaan mo.]
"Gesge."
Pinatay na niya ang tawag at nanood ulit ako ng TV, Hanggang sa nakatulog ako.
**
Nagising ako sa sinag ng araw, at nakita ko na may kumot na palang nakapatong
saakin. Napansin ko na wala na si Kristle sa kwarto niya kaya bumababa na ako at
nakita ko siyang nagluluto.
Napansin niya siguro ako kaya nilingon niya ako, at ngumiti siya.
"Goodmorning!"masayang bati niya
"Morning, okay ka na?"sabi ko sakanya sabay gulo ng buhok ko lalo.
Tumango naman siya, "Wala ka paring kasama dito?"tanong ko umiling naman siya.
Umupo ako sa upuan at nakita ko ang niluto niya, Bacon, Eggs at hotdog.
"Kain na!"sabi niya at umupo narin, kumuha na ako ng pagkain at kumain na.
"Anong lasa?"tanong niya tinignan ko naman siya at kumain ulit, kumain ako habang
nakatingin sakanya.
"Luh, ano ba namang titig yan? Pa-fall!"sabi niya
"Weh? eh nahulog ka na nga."sabi ko habang kumakain parin ng nakatingin sakanya
umiwas siya ng tingin kaya natawa ako.
Ng matapos ako kumain, hinugasan ko na iyon nakikipagtalo pa nga eh, sabi niya siya
na daw maghuhugas di na ako pumayag. Kakagaling niya lang sa sakit eh, Habang
naghuhugas ako sabi niya maliligo daw siya tutal okay naman na daw siya kaya
tumango nalang ako. Tinawagan ko si Kuya Ed at sinabing magpadala ng damit ko, ng
makuha ko ng ang damit ko dumiretso ako sa guest room at doon sa cr non naligo.
Pagkatapos kong maligo, dumiretso na ako sa kwarto niya.
"Oh? oks ka na?"tanong ko sabay pulupot ng kamay ko sa bewang niya, tinapik niya
naman ito.
"Tumawag si mafe, sabi niya punta daw tayo ng park."sabi niya, tumingin ako saglit
sakanya at humarap sa salamin niya sabay ayos ng buhok ko, humarap naman ako
sakanya
"Oh tingin tingin mo jan? Crush mo'ko?"pagbibiro niya
"Opo ate."sabi ko at tumawa, hinila na niya ako at kinuha ko na ang car keys ko
"Tara na!"sabi niya at hinila ako, pinigilan ko siya at ininterwine ang daliri niya
sa daliri ko, nakita ko naman siya nagpipigil ng ngiti.
"Tara na."sabi ko
_____________________________________________________________
EDITED! :)

19
Mafe's POV
Napakaboring talaga sa bahay, Lagi nalang ni Papa pinapaalala saakin yung arrange
marriage na punyetang yan!
Asar na asar ako, lagi ko nga lang silang tinatakasan eh hehhehehe. Pero namimiss
ko na talaga si Grae!
MISS KO NA YUNG KAPAL KILAY NA YUN!
Ako lang pala tao dito. Si kuya may Date, Si ate may aasikasuhin daw. Sila Mama may
appointment.
BANAS!!
*tok tok*
"Ate sab, kumakatok sa pinto."-sabi ko kay ate sab,katulong namin. 21 palang siya.
Ulila na kaya tinulungan ni Mama.
"Ayy, Mafe hindi try mo sa bintana."-sabi ni ate sab
Pilosopa? Sipain ko to papuntang milky way eh!
"Pwede rin naman diba? Ikaw nga minsan kumakatok ka sa bintana,tsk."-sabi ko
"Oo na, sige bubuksan ko na."-sabi ni ate sab
"Ayy nako hindi, sige hayaan mo lang tsk."-sabi ko sabay irap sakanya
Hindi na sumagot si ate sab, Ewan ko ba kung baket ang init ng ulo ko. Uminom muna
ako ng tubig.
"Psst. Mafe, May naghahanap sayo. yung pumunta dito nung isang araw."-sabi ni ate
sab
Nabuga ko naman yung tubig na iniinom ko.
Anong ginagawa nila dito?!
"Sh*t, anong ginagawa nila dito?!"-bulong na sabi ko kay ate sab
"Aba malay ko. Di naman pinagbabawal ang pagtatanong Mafe diba? Kung tanungin mo
kaya sila."-sabi ni ate sab
Kung ihulog ko kaya to sa kanal?
"Sarap mong ihulog sa kanal! Kung ako lang nagpapasweldo sayo, nako! Matagal ka na
sanang wala dito!"-sabi ko sabay irap ulit sakanya
"Tsk, bilis na hinahanap ka na dun."-sabi niya sabay tulak sakin.
"Baket ba?"-tanong ko
"Binge ka ba? Kailangan paulit-ulit unli lang? hinahanap ka na nga diba? Tsaka
lilinisin ko pa tong kalat mo."-sabi niya
"Sakit mo naman magsalita! Maghintay ka, Ipapatapon kita sa Dapitan!"-sabi ko sabay
alis
Hinga ng malalim, Breath in, Breath out slow down, slow down.

Corny mo delgado leche ka!


Basta, Hinga na ng malalim. Andyan na yung witch,lucifer kasama yung anak nilang
Halimaw!!
Bwiset talaga!! Kairita.
"Hi babe!"-sabi ni Halimaw
"Wag mo nga ako matawag tawag na babe! Pakyu. anong ginagawa niyo dito?"-sabi ko
habang crossed arms
"Tsaka, wala dito sila Mama. Kaya kung pwede umalis na lang kayo. Wala akong
panahon sainyo!"-dagdag ko
Banas na banas na akoooooo!!!!
"My Future daughter-in-law wag kang ganyan."-sabi ni witch
Aba! pakshet lang! Future daughter-in-law?!
Anak ng TOKWA!!!
NEVER AKO MAGIGING ISANG MARTINEZ! BWISIT YAN!!!!
Sarap manapak!!!
"Oo nga. tsaka ikaw talaga ang gusto namin makausap, Alam mo ba kung bakit ka
naarranged marriage?"-sabi ni lucifer
Baket nga ba?
"Hindi pa, Ano ba kasi nagawa namin sainyo? wala naman kaming atraso sainyo ah!"-
sabi ko naman
Wala nga ba, Mafe?
Narinig ko siyang tumawa kaya umirap ako.
"Hindi pa nga nasasabi sayo ni Rico.I pity you, Okay, Ieexplain ko. Para sayo my
future-daughter-in-law."-sabi ni lucifer
Bwiset lang! Gusto ko magsuka.
"May utang ang pamilya mo na 500 billion pesos, Dahil sa muntik ng malugi ang
kumpanya niyo, Since hindi kaya bayaran ng Papa mo ang ganung kalaking halaga ng
pera, Naisipan ko na Iarrange Marriage kayo ng anak ko. Una, Hindi pumayag ang
tatay mo. Pero, ayaw niya naman na mamatay kayong pamilya niya diba? So, napapayag
ko siya. At ngayon, gusto kong palitan yung napagkasunduan namin."sabi nung Lucifer
Nagulat ako, naiiyak ako. Bakit hindi to sinabi agad ni Papa?
Tinignan ko siya ng masama, Kingina niya!
"Anong yung kundisyon?"-tanong ko
"Kailangan mo magpakasal kay Mark, Agad agad. Gusto ko din na hiwalayan mo yung
boyfriend mo, Hindi siya bagay sayo. Si Mark ang bagay sayo. Pag hindi ka pumayaga,
mamatay silang lahat kasama ang mga kaibigan mo. Layuan mo sila Mafe, ang kaibigan
mo pati narin ang Boyfriend mo, kawawa naman kung mamamatay sila diba?"nakangiting
sabi ni Lucifer
Walanghiya!
"Mga wala kayong puso! Mga walang hiya! Mamatay sana kayo! di ako papayag!!!!"-
Sigaw ko
"Di ka papayag na magpakasal sakin? Gusto mo mamatay mga pinakamamahal mo? pag di
ka pumayag, Uunahin namin na papatayin ang pamilya mo. isusunod namin ang mga
barkada mo. At ang huli, ang pinakamamahal mo na Si Grae Fernandez"-sabi ni Halimaw
sabay Tawa
Wag..
"MAAWA KAYO! WAG NIYO NAMAN GAWIN TO SAKIN!"-pagmamakaawa ko. Di ko namalayan na
umiiyak na pala ako.
"Wala ka nang magagawa mafe,Pagisipan mo na. Magpapakasal ka sa anak ko o hahayaan
mo na mamatay na lang mga mahal mo sa buhay?"-sabi ni Witch
Iyak na ako ng iyak, wag... Wag naman ganito.
"Mga napakawalang hiya niyo! Wala man lang kayong awa!!"-sabi ko habang patuloy pa
rin pagiyak ko
"Choose Mafelyn, Mamili ka na habang may pasensya pa ako."sabi nung Lucifer
Ayaw ko makasal kay mark, Gusto ko si grae. Pero ayoko siyang mapahamak ng dahil
sakin. Ayoko na mahihirapan ang buong barkada ng Dahil Sakin! Ayoko na mamatay sila
ng Dahil sakin. Pag hindi ako pumayag, Mamatay sila kasama na rin ang pamilya ko.
Sa gagawin ko, mukhang di nila ako mapapatawad.
"Ano na? ano ng desisyon mo??"-tanong ni Lucifer
Alam ko na magagalit sakin ang buong barkada,Pero ginawa ko to para protektahan
sila.
"Payag ako, pero wag na wag niyo silang sasaktan."sabi ko
"Madali ka lang naman palang kausap Mafelyn, Okay simula ngayon, gusto naming nakay
Mark nalang ang Atensyon mo."sabi nila
"Ano ba ang tingin mo sa Demonyo mong anak? artista? at kailangan na nasakanya ang
atensyon ko? para sabihin ko sainyo, Hindi ako Robot na pinaguutos utusan lang!"-
sabi ko habang pinipigilan luha ko,Please naman mga luha Makisama kayo kahit ngayon
lang, Kailangan ko maging malakas ngayon.
"Wag mo kong pagsabihan ng ganyan! Papatayin ko ang mga kaibigan mo?!"sabi ni Mark
Tinignan ko siya ng masama.
"Payag na ako diba? Umalis na kayo, tapos na ang usapang to. Get the f*cking hell
out of my house!!"sigaw ko
"Huh, Ihahatid ka ni Mark mamaya. Ito na ang huling paguusap niyo ng mga kaibigan
mo, Mafelyn. Ihanda mo na sarili mo."sabi nung Witch
Hindi na ako sumagot umakyat na lang ako sa kwarto at padabog na sinara.
Patuloy pa rin ako sa pagiyak. Parang di ko kakayanin to! mas lalong di ko
kakayanin na mawala sila,lalong lalo na si Grae pati na rin ang pamilya ko.
Bwiset na Buhay to oh! Ang hirap hirap...
tatawagan ko muna si Grae,Para malaman niya na pupunta ng park.
Hinga ng malalim Mafelyn. Hinga.
Kailangan isipin ko muna na masaya ako. Kahit ngayon na lang.
Grae's POV
namiss niyo ba ang gwapong nilalang sa storyang to??
HAHAHAHAHHA! JOKE!
namimiss ko na si bebelabs ko!
Di ko siya matawagan kanina kasi wala akong load.
Hindi ko kasi inunli, HAHAHAHA XD
Baby Calling...
"Hi mahal ko!"
[mahal ko ka diyan! Sapakin ko kaya mukha mo. Gusto mo?]
"Grabe naman bebelabs ah! sakit mo magsalita!"
[Hheheheh! Joke lang!]
"I miss you."
[ I miss you too.]
"Naks, kilig ako."
[Hahahhaha Iloveyou.]
Napangiti ako, Ano ba yan pinapakilig ako eh!
"Ilovyoutoo."
[Naks, hahahahaha i need to tell you something.]
Nawala agad ngiti sa labi ko.
"Ano yun?"
[itigil mo na pangliligaw mo sakin.]
Parang tumigil yung pagikot ng mundo ko.
"What the fuck?! Seryoso ka?!"
[HAHHAHAHAHAHAHAH! HAHAHHAHAA! JOKE! ]
T*ngina, kinabhan ako.
"Ikaw talaga! ieend call ko na nga to!"
[Teka lang. Joke lng naman eto naman oh!]
"Psh. T*ngina naman Mafe eh."
[Sorry, Iloveyou.]
"Mas mahal kita, wag ka na pumalag."
[Bhosx walang titibag, lol Kita tayo sa park. 4:30 okay ba?]
"Okay."
[okay rin bye. Uhmm Grae i love you. Magiingat ka ah!]
Pwede rin naman sa Lalake ang kiligin diba? Wala naman sa Law na pinagbabawal na
kiligin ang isang lalake.
"I love you too.. "
[I love you Forever and always!]
Bat ba ang sweet nya ng sobra ngayon?
"Mafe? Ano nakain mo?"
[Ha? Baket?]
"kumain ka ba ng chocolates? Or something sweet??"
[Hindi. Baket???]
"Ang sweet mo kasi ngayon. Kinakagat na tuloy ako ng Langgam."
[basta. Tandaan mo Mahal na mahal kita!]
"I love you too. Mahal ko!"
[Sige na. Babaye!]
"bye!"
Lakas namin makapagiloveyou sa isa't isa kala mo naman talaga kami na, Hahahaha!
Wala wala, okay na yon kinikilig nga ako eh.
Tinext ko sila John at sinabing magkita kita kami sa Park, nagokay naman sila,
Hinintay ko nalang na Mag 3:30 at nilibang ko muna sarili ko, Maya maya Nagbihis na
din ako.
Nagbihis na ako ng pangalis ko, Tapos sumakay na sa kotse namin,
andun na sila lahat except kay Mafe.
"Tol!"-sabi ni brace sabay bro hug sakin ganun din kami nila Nash. Binuhat buhat pa
nga ako ng mga siraulong to kasi ako pinakamagaan sakanila!
Naghi at hello naman kami sa isa't isa nila Kristle, Tinanong ko sila kung nasaan
si Mafe pero nakatingin sila sa ibang direksyon, Tinignan ko ito at nakita kong Si
Mafe na
kakababa lang sa kotse.
"Mafelindaaaaaa!!!!"bati ni kristle sakanya, Nagbatukan naman sila. Natawa naman
kami, Nagyaya sila na sa burol na lang kami, kasi marami ng nakakakilala saamin.
Ang lakas ng simoy ng hangin, Pagdating namin doon. Sarap tumambay, hehe.
"May dala akong pagkain."-sabay na sabi ni roselle at nash
"Naks, sabay!"sabi namin nila Brace
"Forever na ituuu!"pagbibiro ulit namin
Binigyan naman kami ng masamang tingin ni Boss kaya nanahimik nalang kami.
"Okay!"sabi ni Kry at kumuha na ng pagkain
"Pwede dun muna kami?"tanong ni mafe dun sa may swing at puno at hinawakan ang
kamay ko.
"Luh, eh pupunta kami--"di natapos sasabihin ni Brace ng takpan na ni kristle yung
bibig niya
"Ha? Wala, Sige Go! Dun na kayo. Dito lang kami"-sabi ni Kristle
"Thanks beb!"-sabi ni mafe
Nakatingin lang ako doon sa kamay naming dalawa na hanggang ngayon, hindi niya
parin binibitawan. Ang hirap magpigil ng ngiti mga tsong! Hihihihihi!
"Namiss kita."-sabi niya
Nagulat na lang ako ng bigla niya akong niyakap, Napakagaan sa pakiramdam.
Binaon niya ang mukha niya sa dibdib ko, at naramdaman kong nababasa na ang damit
ko. Pinaharap ko siya sakin at nakita kong umiiyak siya.
Pinunasan ko naman agad yung luhang panay tulo, at tinignan siya.
"Okay lang yan, Nandito lang ako."sabi ko sakanya at niyakap ulit siya, Hinayaan ko
lang siyang umiyak ng umiyak.
"Mahal kita."sabi niya nginitian ko naman siya at hinalikan ang noo niya.
"Mas mahal kita, pinapakilig moko hahaha!"sabi ko sakanya at kinurot ko pisngi niya
"Mamimiss kita."seryosong sabi niya.
Nagtaka naman ako syempre, Nawala din yung ngiti ko sa labi ko.
"Aalis ka?"-tanong ko
"Ah, Hindi ah."sabi niya saakin
"Eh bat parang nararamdaman kong aalis ka? Na iiwan mo ako?"sabi ko
"Dito lang ako huy, drama mo! HAHAHAHAHA!"sabi niya
Dinadalaw ata ito, Kanina panay iyak ngayon tawa ng tawa.
"Ikaw kaya tong nagdradrama jan!"sabi ko
"Maganda kasi ako grae,HAHAHAHAHA!"sabi niya sabay pisil ng pisngi ko.
"Alam ko."sabi ko sabay kinurot din pisngi niya.
"I love you my first and last love. Di pa nga tayo, lakas na natin makapagiloveyou
sa isa't isa."natatawang sabi ko
"HAHAHAHAHA! Baliw to, Hindi ko na kasi magagawang sabihin pa ulit yan sayo."sabi
niya, may sinabi pa siya na kadugtong pero di ko na narinig.
"Sabi mo?"tanong ko
"Sabi ko, Iloveyoutoo!"sabi niya
"Bilis wala akong naintindihan!"sabi ko
"Kupal."
"Aguy!"sabi ko naman na parang nasasaktan
"Sabi ko, I love you too."sabi niya at napangiti ako lalo, kinikilig ako mga tsong!
Mafe's POV
"Asan yung First and last love?"-tanong niya sabay pout.
First and last love?
Baka di na yun mangyari Grae, Baka hindi ko na masabi yun sayo. Nagbabakasakali
nalang ako.. Sana pag wala na ako sa tabi mo, Makahanap ka ng taong magmamahal sayo
ng sobra, Sinusulit ko nalang ang natitirang oras na kasama ka Grae..
Patawad Grae...
Hindi ko kayang iwan si Grae, Hindi ko kayang iwan ang mga kaibigan ko. Pero ano
pang silbi ko sa mundong ito, kung mamatay sila?

Ang hirap hirap ng buhay, Sa istorya namin ni Grae. Ito na ang huling kabanata,
Iiwan ko lang siya ng basta basta..Pero ito ay hindi happy ending, Sa totoong buhay
kaso wala namang happy ending, aasa pa ba jan?
From:0927*******
hey babe! alam mo na kung sino ako. Yung plano ah. Gusto ko ngayon mo na sabihin
sakanya. gusto ko makita kung anong reaksyon ng Gago mong Boyfriend, Pagkatapos mo
sabihin lahat. Hihintayin kita sa park. I love you Babe!
Bwiset yan!
To:0927*******
Alam ko Hindi naman ako tanga, wag mo na akong sunduin. Umalis ka na lang! Bwiset
ka! gusto ko mapagisa pag uwi. Umalis ka na lang pwede?
from:0927*******
oww. Babe naman! wag ganyan!
to:0927*******
Tarantado ka! umalis ka na lang pwede! nakakabanas ka!
from:0927*******
as you wish babe!
Hindi na ako nagreply sakanya, Napahawak ako ng mahigpit sa kamay ni Grae at
kinagat ang labi ko, Tinignan niya lang ako ng puno ng pagtataka, kaya ba kitang
iwan?
Makakaya ba kitang saktan?
Nginitian ko lang siya at pinipigilan ang sarili kong umiyak. Hindi ko kaya eh..
Hindi eh..
"Pwede bang iwanan niyo muna kami ni Grae? May paguusapan lang kami."sabi ko habang
pinipigilan ang sarili ko sa pagtulo ng luha ko.
"Sure!"sabi nilang lahat except kay Grae at umalis na sila.
Tinignan ko si Grae, Kaya mo to Mafe.
Sa mga oras na to, kailangan mong maging matapang, Kaya mo to.
Grae's POV
"Ano yun?"tanong ko sakanya
"Itigil na natin to."sabi niya habang nakaiwas ng tingin saakin at binitawan ang
kamay ko.
Nagulat ako sa sinabi niya, Wala akong marinig. T*ngina ano daw?
"Tss, Ano bang sinasabi mo?"
Naguguluhan talaga ako, Masaya pa kami kanina eh. Masaya pa kami..
"Hindi mo ba ako naiintindihan? Ang sabi ko, itigil na natin to."sabi niya at
ngayon, nakatingin na siya saakin.
Ngumiti ako ng mapakla at tinignan siya, Kagag*hang to! Hindi na ako natutuwa.
"Hindi ako naniniwala, Mahal mo ako diba?"mahinang tanong ko sakanya, Masakit eh.
P*ta masakit.
"Hindi ibig sabihin na sinabi kong Mahal kita, eh maniniwala ka na. Ang tanga mo
pala noh? Naging bulag ka. Hindi kita Mahal, Grae. Lahat ng yon palabas, PALABAS!
Naiinitindihan mo ako?"sabi niya
Yumuko ako, at umiyak..
Hindi kita mahal.
T*ngina naniwala ako eh, naniwala ako.
"Naniwala ako Mafe, Pinaniwala mo ako. Bakit mo to ginawa sakin?! Mahal kita!
Please sabihin mo ding mahal mo ako..Parang awa mo na."sabi ko at lumuhod
"Ano ba?! Hindi nga sabi kita mahal! May iba akong mahal! Pinaikot lang kita!
Pinaikot lang kita sa isang kasinungalingan! Ikaw naman tong tanga at naniwala ka
agad, kasalanan mong magkagusto saakin! Hindi ko kasalanan na nageffort ka pa at
naniwala saakin! Napakadesperado mo! Tinignan mo sarili mo! Artista ka! Tapos
ganyan ka?! Wow."sabi niya, ang sakit sakit.
Sa bawat salitang binitawan niya, sobra akong nasaktan. Gusto kong bawiin niya
lahat ng sinabi niya, pero t*ngina, wag na pala, Magmumukha lang akong desperado.
Ayokong maniwala eh, ayoko.
Tumayo ako at pinagpagan ang pantalon ko, at nakayuko parin hanggang sa ngayon.
"Sige, Itigil na natin. Ako lang pala nagmamahal saating dalawa eh, Stay strong
kayo nung mahal mo."sabi ko
"Sorry, si Mark kasi ang mahal ko. Buti naman, naiintindihan mo."sabi niya
"Hindi ako naniniwala sayo, Mafe. Kilala kita!"nakita kong lumapit na sila Kristle
saamin, Nilapitan ni kristle si Mafe at hinawakan sa braso.
"Mas kilala ko ang sarili ko! Pwede ba?! Wag ka ng mangialam! Mahal ko si Mark,
Okay?! At kayo, ayoko ng makipagkaibigan sainyo! Lalo ka na kristle, tama na
to."sabi ni Mafe at tinulak si kristle.
"Pabitch ka ha?! Kala mo kung sino ka! Edi okay, ayaw mo samin?! Edi umalis ka,
t*ngina mo, di ka namin kailangan!"galit na sabi ni Kry
"Yan gusto mo? Sige, itigil na din natin pagkakaibigan natin. Itatapon mo yung
pinagsamaham natin? Sige lang, Magaling ka jan eh."sabi nalang ni Kristle, hindi na
ako makapagsalita at hinayaan ng siyang maglakad palayo saamin.
Ang sakit sakit.
Nakaramdam nalang ako na tinatapik na nila Nash yung balikat ko.
"Okay lang yan pre."
"Maghihilom din yang sakit."
"Tara pizza nalang tayo!"pagpapagaan ng loob nila saakin pero umiling ako at
tinignan si mafe, hindi pa naman siya nakakalayo kaya tumakbo ako at niyakap siya
sa likod.
"Please, wag naman ganito oh?"sabi ko
"Ano ba?! Tayo ba?! Hindi naman diba?! Hindi naging tayo! Tama na, ayoko na! Ayoko,
hindi nga kasi kita mahal!!"sigaw niya at tinulak ako, Pagkatapos nun tumakbo siya
at naiwan ako doon, bumuhos na din yung malakas na ulan.
Tama na grae, awat na.
All along It was just a lie.
Ako nagmahal ng totoo. Habang siya.. Pinaglalaruan lang ako? Mukha ba akong laruan
sakanya?
Siya lang ang minahal ko ng Ganto.
At ang sakit sakit malaman na niloko niya ako, na pinaglaruan niya lang ako..
"Pare! Tara na! Ang lakas ng ulan oh?"sabi ni Nash saakin at hinila ako.
Sumilong kami sa kubo, Basang basa na kaming lahat, Napasandal ako sa may kahoy at
napaupo, ginulo ko ang buhok ko.
"Ayos lang yan pre."sabi nila Brace saakin
"nakita namin si Mark."-sabi ni Roselle
"Kasama niya si mafe"-sabi ni John
Tumango lang ako at umiyak.
Nagpakatanga ako..
"Basa na tayo,Lika na umuwi na lang tayo."-walang gana kong sagot at tumayo na
Gusto ko ng kalimutan na nangyare pa itong araw na ito.
Tumigil na din yung ulan at dumiretso na kaming sumakay sa kotse, walang
nagsasalita ni isa saamin.
Mafe's POV
"Ang sama sama mo, Mafe."
"Walanghiya ka, nasaktan mo silang lahat."
"Panindigan mo yan, ginusto mo eh."panay iyak lang ako, habang sinasabi ko mga ito.
Kamumuhian na ata ako ni grae, aasa pa bang patatawarin niya ako? Iyak lang ako ng
iyak ng biglang bumuhos yung malakas na ulan.
Nakikiramay yan sa sitwasyon ko, leche.
Tatawid na sana ako ng biglang may humarang na sasakyan sa harapan ko.
"Hindi ka ba tumitingin ha?! Nagsign na nga ako na wait diba? BROKEN ako ngayon
kaya pwede ba ha wag ka ng makisama pa sa problema ko!!"-sigaw ko
"Chillax babe! sumakay ka na!"Halimaw pala eh, kaya napaatras ako bigla.
"Ayoko.."sabi ko lumabas siya ng kotse at pinayungan ako, Bobo neto basa na nga ako
papayungan pa, tanga.
"Lika na."-sabi niya at inalalayan ako papasok ng kotse
Pumasok nalang rin ako, wala na akong gana makipagtalo, Hinang hina na ako. Pagod
na ako.
"Bat andyan ka?"-tanong ni halimaw sa passenger seat kasi ako sumakay.
"Pinapasakay mo ako tapos ngayon magtatanong ka kung bat nandito ako? Leche."sabi
ko sakanya
Bwisit, epal.
"Lumipat ka sa Shotgun seat."-utos ni halimaw
"Dito ko gusto."sabi ko
"Lumipat ka!"-sabi niya
"AYOKO NGA SABI EH!"-sigaw ko di na ako nakapagpigil
"Bat ba ayaw mo dito?"tanong niya tinignan ko siya na parang 'Bobo mo, tinatanong
pa ba yan?'
"Simple lang, ayokong malapit ako sayo."sabi ko
"Bakit?"
"Kumukulo ang dugo ko pag nakikita kita, Panira ka ng buhay. Kayo, ng pamilya
mo."sabi ko
"Ah."sabi niya nalang at pinaandar na ang sasakyan niya at nagdrive.
Umiyak ulit ako, wala akong pakialam kung nanjan pa tong Mark na to, masakit eh.
Kasalanan niya rin naman to eh, hindi ko na kaya.
_____________________________________________________________
ayan edited na hahahah

20
Kristle's POV
Iritang irita ako, Iritang irita ako sakanya!
Ano bang pinagsasabi niya? Hindi ako naniniwalang hindi niya gusto si Grae, kilala
ko siya. Bakit bigla bigla nalang magiging ganito yung sitwasyon?
Ilang beses ko na siyang tinawagan, tinadtad ng text, pumunta pa ako sa Bahay nila.
Pero lagi daw wala si Mafe sabi ni Ate sab, sarap sabunutan ni ate sab, Napaka
waley umacting. Jusko, alam ko namang ayaw lang magpakita niyan saakin ni Mafe eh.
Pero ang tanong ko lang naman, Bakit?
Tutulungan ko naman siya, Tutulungan naman namin siya.
Mafe's POV
Tatlong araw, tatlong araw na akong nagkukulong sa kwarto ko. Ayoko ng lumabas,
gusto ko dito nalang ako habang buhay, Ang sakit eh. Sobrang sakit..
Si Ate Sab, sabi niya pumupunta daw sa bahay si Kristle, feeling ko galit na galit
na saakin yun. Tanga ko kasi eh, Pero nagdesisyon na ako, wala nang atrasan to.
Iyak lang ako ng iyak, Ni isang text o tawag wala na akong natanggap kay Grae. Aasa
pa ba Mafe? Sinaktan mo eh, ginagag* mo siya eh. Tapos ngayon magaantay ka ng tawag
k text sakanya, Eh kung sampalin kaya kita jan?!
Napatingin ako sa Cellphone ko ng magvibrate ito, pinunasan ko ang luha ako at
ineexpect na kay Grae manggaling ang text pero nabigo lang ako, Halos mabato ko ang
cellphone ko sa galit ko ng Malaman ko kung sino yung nagtext.
From:Mark
Hey, wanna hang out?
Ang sarap murahin ng lalaking to, yung sobrang lutong na mura ng tagos sa buto
niyang hinayupak siya!
To:Mark
Hayop, bat di ka pa mamatay?
Masama na kung masama, may mas sasama pa ba sa ugali ng pamilya niya? Sinira niya
buhay ko, Sila ng magulang niya.
From:Mark
Lumabas ka na nga kwarto mo, Nasa labas ako ng bahay niyo. Masamang pinagaantay ang
gwapo.
Taas ng confidence ng isang to, gigil na gigil ako.
To:Mark
Ayoko makita pagmumukha mo, Sinira mo buhay ko.
Nagulat nalang ako ng may nagbukas ng pinto at binato saakin ang Duplicate Key at
hinila ako palabas ng bahay.
Sinakay niya ako ng kotse niya kahit todo hampas at suntok na ang natanggap niya,
Bwisit!
Nanahimik nalang ako buong byahe, ng makarating kami sa pupuntahan namin, binuhat
niya ako na parang sako.
"Ay jusko! Ibaba mo ako ano ba!! Rapist! Kidnapper! Tulungan niyo po
akooooooooo!"sigaw ko pero walang pumapansin saakin hanggang sa makapasok na kami
sa loob ng mall at binaba na niya ako. Sinamaan ko lang siya ng tingin at nauna ng
maglakad, tumulo bigla luha ko. Hindi ko alam kung bakit, sobrang lungkot ko
talaga.
Grae's POV
"AYOKO TRAGIS NA YANNNNNNNNN IBABA NIYO KO UTANG NA LOOB!!!"sigaw ko paano, buhat
buhat ako ng apat na to. Hintayin niyo pag ako talaga tumaba, dadaganan ko tong mga
to!
"Utang na loob din Grae lumabas ka na ng lungga mo, takte ilang araw na!"reklamo ni
Joaquin
"At tol, broken hearted kalang naman eh! Bat parang nakalimutan mo na din pati pag
ligo? Pucha, naliligo ka ba?!"sabi naman ni Brace sakin
Naliligo ako noh, Sadyang dumating sila hindi pa ako naliligo.
"Tulad mo pa ako sayo, tanga."sabi ko naman
"Tara na kasi tol!"sabi ni Nash saakin at binato ako ng unan sakto sa mukha ko,
tsanggala.
Tinignan ko naman si John na tahimik habang kumakain ng pringles.
"Ano? may sasabihin ka din ba?"tanong ko sakanya umiling lang siya at kumain ng
pringles.
May naalala ako sa pringles, humiga ulit ako sa kama ko at nagtakip ng unan.
Naiiyak ako eh, kingina.
Naramdaman ko nalang na hinila nila paa ko kaya nahulog ako.
"Ang sakit nun hayop kayo!"reklamo ko at pinagbabato sila ng unan.
"Masakit talaga yan, lalo na ngayon sariwa pa yung sakit diba? Tapos hah, yung
sinabi niyang gusto ka niya tas palabas lang pala lahat, masakit talaga yan grae.
Sariwang sariwa pa yung sakit Pati sa mga simpleng bagay naalala mo siya?"sabi ni
John habang tinatapon sa basurahan yung lalagyan ng Pringles na wala ng laman.
"HALA GAG*! Humugot ba si John?"di makapaniwalang sabi ni Nash
"Hala shet, iba to!"sabi ni Brace
"Bebe John okay lang ba u?"tanong ni Joaquin habang niyayakap si John
"Don't me ha? Don't me!"sabi ni John nagtawanan sila, pero ako di ko magawang
tumawa. Tinignan nila ako at hinila ang braso ko para makatayo ako.
"TUMAYO KA NA NGA JAN GUNGGONG KA SHASHARRINGGANIN KA NAMIN!"sigaw nila, Wow sabay
sabay.
"Ayoko nga!"sabi ko
"TAE NAMAN KASI!!"sigaw ulit nilang apat, choir na choir ang mga tropa ko ngayon
ha?
Natawa naman ako, mga gunggong na to.
"Ona!"sabi ko at nagsisitalon naman sila, Mga baklang to. HAHAHAHA!
Pinalabas ko na sila ng kwarto ko at naligo na ako, nagbihis at bumaba na. Naabutan
ko yung mga gunggong kumakain.
Mga walang hiya sarap na sarap sa kinakain oh?
"Bruh,Khain kha nah! Ang tsarap ng ulamh oh!"sabi ni Brace habang puno ng pagkain
yung bibig
"Don't talkh when your mouth ish full bruh!"sabi naman ni Joaquin
Di halatang mga artista tong mga to noh? Kung kaya ko lang sakyan trip ng mga to
ngayon eh.
Kaso, wala ako sa mood.
Kumain lang kami ng kumain, pagkatapos dumiretso na kami sa mall kung saan
magkikita kita kami nila Kristle.
Ng makita na namin si Kristle at Kry, sinalubong agad ni Brace si kristle ng yakap
tas kinurot naman siya sa tagiliran ni kristle, si Joaquin yayakapin sana si Kry ng
lumiko siya tas bumalik sa tabi ko at ako yung niyakap, gag*.
"Hindi pa tayo."sabi naman ni Kristle kay Brace
"Aguy!"sabi nila Nash
"PA, hindi pa so may pag-asa?"sabi ni Brace, luh asado to.
"Wala."sabi naman ni Kristle
"First Blood!"pangaasar ulit nila Nash kaya nagbatukan yung mga gunggong.
"Hoy joke lang brace!"sabi naman ni Kristle at tinusok tusok yung dimple ni brace,
walang forever guys lmao.
Tinapik naman ni Kry yung kabilang balikat ko at pati narin ni Kristle.
"Kaya mo yan."sabi lang nila kaya tumango lang ako.
Kaya ko ba?
Habang naguusap usap sila, tumitingin lang ako sa paligid tapos dalawang tao ang
nakapukaw ng atensyon ko.
Si Mafe kasama niya yung Mark na sinasabi niya.
Nakaakbay lang sakanya yung Mark, mukhang masaya pa sila.
Ang sakit.
"Uwi na tayo."sabi ko sakanila, mukhang nakita nila yung nakita ko kaya tumango
sila.
Dumiretso kami sa bahay nila Nash, nagpadeliver nalang sila ng pizza, Nakaearphones
lang ako. Masakit, takte. Nanonood naman sila ng movie, mukha namang hindi sila
interesado kasi nagkwekwentuhan sila. Kinuha ko ang panyo ko at tinakpan ang mukha
ko gamit ito. Kabakla.
Ganun ganun nalang yun, Mafe?
Joaquin's POV
"Patingin nga!"sabi ko sabay hablot ng cellphone ni Kry, Tsk di naman gwapo! Mas
gwapo parin ako.
"Di naman gwapo eh, pangit pangit niyan! Sino ba yang mga yan?"tanong ko naman
sakanya.
Nakakaselos mga prends.
"Mas pogi to sayo joaquin, okay?"sabi niya naman
Aray.
"Akala ko ba crush moko?"sabi ko habang nakanguso tinignan niya naman ako
"Dati yon, tong si Harry At Luke mahal ko to, okay?"sabi niya naman
"FIRST BLOOD!"sabi nila Brace
Weh? porket may lablayp tong si Brace, sampalin ko to sa mukha eh.
"Ako kaya crush mo!"sabi ko naman kay Kry
"Hindi na nga kasi ikaw!"sabi niya
"DOUBLE KILL!"sabi ulit ng mga mokong na to, maliban kay grae.
Mga pare, suporta ang kailangan ko suporta.
"Papipiliin kita, Yang Harry Styles na yan o Ako?"tanong ko sakanya
"Syempre..Harry!"sabi niya at tumawa
Tumawa din ng malakas sila Nash "M-M-M-MONSTER KILL!!"sigaw nilang tatlo tumawa
lang si kry, sakit nung mga brad.
Bwisit na Harry Styles, gwapo mo naman po.
"Tss, mas gwapo ko jan!"sabi ko
"WOW MEN YOU BLEW US AWAY!"sabi nila nash, pigilan niyo ko babatukan ko tong mga
to.
Tinignan ko lang siya habang nagiistalk dun sa twitter nung harry styles niya.
Tss, takte gustong gusto ko siya.
Gustong gusto ko si Kryzshel.
__________________________________________________________________
Edited! :)

21
Roselle's POV
"Asan na ba yun?! Hoy, hindi ko trip makipag hide and seek ngayon ha? Seryoso ako,
Huhuhu!"sabi ko habang kinakalkal ang mga gamit ko.
Tinali ko ang buhok ko dahil init na init na ako, Hot ko kasi eh, Hehehehe, Luh.
PERO YUNG KEYCHAIN KO, MGA PRENDS! Tinignan ko ang kwarto at nanlaki ang mata ko,
Jusko Panginoon! Ang kalat ng kwarto ko.
Ipapatapon ako ni Mama sa Manila Bay pag nakita niya itong kalat ko.
Syempre inayos ko yung kalat ko, Matagal tagal bago ko machieve ang hinahangad kong
matapos na itong paglilinis ko sa kwarto, Pinapatunayan ata ng kwarto ko at mga
kalat ko na may Forever. Luh?
Pagkatapos kong maglinis, napahiga agad ako sa kama ko. "Yes, tapos na."sabi ko at
pinikit ang mata ko.
Maya maya, biglang nagring ang Cellphone ko kaya kinuha ko ito at tinignan kung
sino ang tumatawag, Bago ko sagutin yung tawag Nagtatalon talon muna ako at ilang
beses kinurot ang sarili baka kasi nananaginip ako, Hihihi.
Nash na Gwapo Calling...
Guys, KINIKILIG AKO HIHIHI luh, Okay chill. Wag kayo, si Nash nagpangalan niyan sa
Contacts ko, Close na kaya kami kaya nga HEAVEN ang nararamdaman ko ngayon.
Pinakalma ko muna ang sarili ko bago ko sagutin ng boom boom pow ang tawag ni
Nashie.
"Hello?"
[Punta tayo mall, sunduin kita ha? Sige see you bye!]
"Teka lang n--"
Wala na, pinatay na ang tawag.
Ay ang galing galing 2 claps for you nash, Grabe! BAT NIYA AGAD PINATAY YUNG
TAWAG?! Huhuhu, gusto ko pa siya makausap mga prends. Luh?
Syempre wala na akong nagawa kundi magayos nalang ng sarili ko, Naligo at nagbihis
tapos habang pinapatuyo ko yung buhok ko habang kumakanta kanta pa with matching
sayaw don sa kanta nila Nash, napasigaw ako ng biglang may bumusina.
Hala, hindi pa ako tapos magayos! Dali dali ko ng sinuklay ang buhok ko at naglagay
ng Lip Gloss tapos dire diretso ng bumaba. Nagpaalam na ako kay mama at lumabas na.
"Bat ang tagal mo?"tanong agad ni Nash habang nakapamulsa at nakasandal sa kotse
niya.
Oa neto, nagmamadali na nga ako eh!
"Nagmamadali na nga ako oh?"sabi ko naman sakanya
"Joke lang! Tara na."sabi niya naman at umakbay saakin
Grabe prends, kilig na kilig ako.
Sumakay na kami ng kotse at pumunta sa bahay nila Kristle, nandun daw kasi sila
Kryzshel kaya naman pupunta muna kami doon, pagdating namin dun pinagbuksan ako ng
pinto ni Nash at inakbayan ulit.
Papasok palang sana kami ng makita namin sila na palabas na ng bahay nila Kristle.
"KAYO NA?!"tanong nilang lahat
Umiling naman ako "Hindi, bakit?"tanong ko
tumingin sila kay Nash at tumingin sakin.
Tumango nalang sila at narinig ko na nagaasaran sila Nash sa likod at ako naman,
Hinila na ni Kry at Kristle.
Napansin ko rin na dala dala nitong mga lalaki yung mga kotse nila, Mga ritz kedz
joke.
Sasakay na sana kami sa kotse kaso may nakita kami.
Grae's POV
Iniwas ko agad ang tingin ko, Papasok na sana ako ng kotse ng magsalita yung kasama
ni Mafe.
"Mga kaibigan mo tong mga to, Baby diba?"tanong nung Mark kay Mafe.
Mukha bang sanggol si Mafe parang tawaging Baby? Tss.
Luh, Parang di mo naman tinatawag na baby si Mafe, Grae?
Napailing nalang ako sa mga pinagiisip ko.
"Ah, oo."sabi niya tinignan ko siya, Na parang 'Kaibigan mo pa pala kami?'
"HAHAHAHAHAH, Weh? Kaibigan mo pa pala kami? Kala ko ba hindi na? Pabitch ka diba?
Paninindigan mo."sabi ni Kry, inawat naman siya ni Joaquin.
Nakayuko lang si Mafe at tinignan ako nung Mark.
"Ex mo pala to baby?"sabi niya kay Mafe at tinuro ako.
"Hindi naman naging kami."sabi niya
Napakunot ang noo ko, T*ngina?
"Mafe, magusap tayo."sabi ni Kristle sakanya
"Wala na tayong dapat pagusapan."sabi niya naman napatss nalang si Kristle at
parang hindi siya makapaniwala.
"Ano bang nangyayari sayo ha?! Wag ka ngang ganyan, Ano nilason na ni Mark yang
utak mo?! Mafe ano ba?! Bakit mo ba to ginagawa?! Hindi mo ba alam kung gaano
kasakit sa parte ni Grae to ngayon?! Tapos yung pagkakaibigan natin itatapon mo
lang?! Ganyan ka ba talaga?! Nakakairita na kasi eh, Ano bang gusto mong mangyari?!
Yun ba talaga?! Yung mawala pinagsamahan natin? Mawala si grae sayo? Mawala kami?
Okay, sige."sabi ni Kristle sakanya
"Ano bang pakialam mo ha?!"sigaw niya at nilapitan si Kristle
"Brace, ano gagawin natin?"tanong ko kay Brace
"Hayaan mo na muna, Nagagalit lang si Kristle kaya ganyan, aawatin nalang natin pag
sumobra na."sabi ni Nash
"Kaibigan kita kaya may pakialam ako, Pero ngayon dahil ganyan naman inaasta mo,
Mas mabuti pang mawalan nalang kami ng pake sayo! Tutal ganun ka rin naman
diba?!"sabi ni Kristle
"Hala, aray."sabi ni Roselle
"Tle, Tama na."pagaawat namin kay Kristle
"Sorry."sabi ni Kristle bigla kaya napatingin si Mafe sakanya, kitang kita ko sa
mukha niyang gusto na niyang umiyak. Gusto ko siyang lapitan, yakapin. Pero
pinipigilan ko ang sarili ko.
Masakit na kasi eh.
"Wag ka magsorry, wala naman talaga akong pakialam sainyo. Tara na mark."sabi ni
Mafe at hinila na yung Mark at nilagpasan kami.
"Nakakaasar, Napakawalang hiya niya."galit na sabi ni Kry
Napansin kong pinunasan ni Kristle yung luha niya at humarap saamin.
"Tara, alis na tayo."sabi niya at ngumiti, peke.
Niyakap siya bigla ni Brace. "Okay lang yan, Iiyak mo lang yan."sabi ni Brace
sakanya umiyak siya saglit at pinunasan lang rin luha niya at ngumiti saamin,
Ngumiti nalang rin kami. Kahit peke din lahat ng ngiti namin ngayon.
"GUYS, CHILL LANG KAYO OH ETO JUDGE."sabi ni Joaquin at binigyan kami ng tigiisang
judge, Siraulong to.

"Tara, Dun tayo sa Cafe namin!"sabi ni Roselle kaya tumango namin kami.
Dumiretso na kami sa Cafe nila Roselle at nagorder na, kahit papaano gumaan na
pakiramdam namin.
"Selle, nahanap mo na Keychain mo?"tanong ni Kristle
Nash's POV
"Selle, Nahanap mo na Keychain mo?"tanong ni Kristle kay Roselle kaya napatingin
ako sakanya
"Hindi pa, mukha na ngang naambush kanina yung kwarto ko Kakahanap sa keychain na
yun kaso wala talaga eh."sabi niya
Nasa kotse ko yung keychain niya, Siya pala yung babaeng nabangga ko. Hanggang
ngayon di ko parin nababalik sakanya, Bat ko ba nakalimutan?
Nasa kotse ko lang yun, Pano kaya kung kunin ko? Luh, malamang Nash kunin mo ng
maibalik mo na.
"Alam ko na!"kaya napatingin naman kami sakanya

"Oh san?"tanong ni Kry


"Sa park, nandun yun panigurado! Puntahan ko lang. Itetext ko nalang kayo!"sabi
niya at tumayo na hinawakan ko naman siya sa may pulsuhan niya kaya napatingin siya
saakin
"Naks naman tol."bulong saakin ni Joaquin pero hindi ko na pinansin.
"Alam ko kung nasaan keychan mo, Tara."sabi ko, para namang nagliwanag yung mata
niya sa sinabi ko.
Cute.
"Talagaaaaa?!"sabi niya habang papunta kami ng parking lot, Natatawa naman ako sa
reaksyon niya.
"Oo nga."sabi ko at tinignan kung san kami nakapark. E1, naalala ko yung nakita ko
sa Facebook.
Dito, nagpapark ang mga taong naE1, HAHAHAHAHAH EKSDI.
(A:Sa snapchat talaga yun guys, haha lol eksdi)
Sumakay na kami ng kotse at nagdrive lang ako papuntang park, hinila ko siya at
dinala ko na yung keychain.
"Asan ba keychain koooo?"tanong niya saakin
Binigay ko naman sakanya agad, nanlaki mata niya at niyakap ako.
"HALA, YES! BUHAY KEYCHAIN KO! THANK YOU LORD!!!!"masayang sabi niya, Natutuwa ako
sa reaksyon niya.
"Bat pala nasayo to?"tanong niya saakin
"Ah, ako kasi yung nakabangga mo dito. Tapos, nakalimutan kong isauli saiyo."sabi
ko sakanya tumango lang siya at pinasalamatan ako
Nagusap lang kami ng nagusap hanggang sa bumuhos yung Malakas na ulan, naghahanap
kami ng masisilungan pero wala, didiretso na sana kami sa kotse kaso nasa kabila
ako nagpark.
Tatawid na sana siya ng may biglang may paparating na sasakyan.
"Roselle!"sigaw ko at hinatak siya agad agad kasi mabilis din magpatakbo yung
nagdridrive ng kotse.
Kinabhan ako, Gunggong yung driver nun ah?!
"Okay ka lang ba?"tanong ko kay Roselle ngumiti lang siya at tumango
Tumawid na kami at sumakay na ng Kotse, basang basa na kami kaya dumiretso kami sa
Bahay nila Joaquin kasi nandun daw sila. Si Kristle at Kry, inuwi na nila. Kaya
naman inuwi ko na din si Roselle, pinapatuloy niya sana ako kaso umiling nalang
ako, Dun na muna ako kila Joaquin.
Dumating na ako doon at pinapasok na ako ng bahay nila. Dumiretso ako doon sa
Guestroom, kasi nandun sila.
"BAT KA BASA?!"sabay sabay na tanong nitong mga ugok
Ano to choir? kailangan sabay sabay?
"Nagshower tss, Malamang nabasa ng ulan!"sabi ko
"Luh, beastmode si Boss."sabi ni John
Uupo na sana ako sa couch ng pigilan ako ni Joaquin at inabutan ako ng tuwalya pati
narin damit.
"Basa ka, wag kang umupo jan. Babatukan kita! Maligo ka na don bilis!"sabi niya at
tinulak na ako papasok ng CR
Syempre, naligo na ang gwapo. Ako yun hehehe, Pagkatapos ko nakita kong nanonood
ang mga ugok ng Avengers. Habang nagaasaran, mga gunggong.
John's POV
Panahon na para maghagsik ng lagim, HAHAHAHAHA LUH
Busy na busy ako sa paglalaro ng flappy bird ngayon, Binebeat ko kasi yung
Highscore ko na 10, HAHAHA
So ayon, nafall si Bird kaya nabanas ako. "Ang duga ng Flappy Bird na to! ANG HABA
HABA KASI NG NGUSO AH?! Maduga to! Kailangan ko ng hustisya! Kailangan!!!"sigaw ko
tapos binato ako ni Grae ng coke in can na walang coke kasi inubos na niya.
"Bumili ka ng pizza brad!"sabi nila Saakin
Tinignan ko naman sila, na parang 'AKO NANANAMAN BIBILI?!'
Badtrip naman eh!
"Ako nanaman bibili?! Bat di si Joaquin o Si Brace?! Kayo naman, ako nalang lagi
eh!"sabi ko at ngumuso
"Tanga, wag kang ngumuso hihilahin ko yan magagaya ka jan sa flappy bird na
nilalaro mo!"sabi ni Brace
"BAKIT KASI AKO BIBILI MGA TSONG?! AKO NALANG LAGI! KAILAN BA AKO MAGIGING
ANAK?"oh, ayos kiko na kiko HAHAHAHA
"Luh, Hindi mo magagaya si Kuya Daniel huy!"sabi ni Nash saakin
"Luh, inaano ba kita?! Binubully niyo nanaman ako!"sabi ko
"Nasan bang planeta ka ha?! Pinapabili kalang ng pizza eh!"sabi nila saakin
"Bat di kasi kayo bumili?"sabi ko
"Wag kang kakain ha!"sabi nila
"Eto na nga mga pre eh, Bibili na nga kahit naulan."sabi ko sakanila
"San payong pre?"tanong ko sakanila
Muntik ko na silang pagsasampalin sa mukha ng makita ko kung anong payong ang
binigay nila saakin, SOFIA THE FIRST MGA TSONG!
"Yiee, ganda ganda ng payong ni Bebe John."sabi nila Saakin
"Papalitan niyo to o papatayin ko kayo?"sabi ko naman sakanila
"Kuya wag pooooo!"pangaasar pa nila
"ASAN BA YUNG MGA INANG PAYONG NA YAN?!"sigaw ko
"HAHAHAHA, pre wala ng ibang payong. Sa pamangkin ko yan eh, Go pre! Pushhhh!"sabi
ni Joaquin saakin
"Hindi niyo talaga ako sasamahang mga gunggong kayo?!"tanong ko umiling sila at
tinulak na ako palabas ng bahay. Ang lungkot ng buhay ko. Naglakad na ako at ng
makarating ako doon nagorder na ako ng pizza.
Pansin kong tingin ng tingin si Ate saakin, Saakin o sa Payong na gamit ko?
"Miss, ano pong problema?"tanong ko sakanya habang nagpipigil ng tawa
"Wala po."sabi niya
"Ano nga po yun?"tanong ko
"Sir, bakit po ganyan payong niyo?"tanong niya
"Bakit niyo ba kailangan tanungin? Heheh, oorder na ako? Oks na ba yun?"sabi ko at
tumango nalang siya, Hinintay ko na yung Pizza.
Pagkatapos nun, Hindi ko maiwasang hindi mabanas kay Ateng Hindi ko Kilala na
pinagtawanan ako, Napakagwapo kong nilalang tapos hays, iniisip niya siguro bakla
ako! Naisipan kong maglakad lakad muna sa Park, tamad pa ako umuwi. Bahala sila
magutom jan heheheh!
Naglalakad na ako papuntang park, Umuulan pa rin Eto ako, Pinagtitinginan ng mga
tao.
Mga bulungbulungan.
"Diba si john yun?"
"Pogi!!"
"Papicture tayo. Bilis!"
"Wagna ano ka ba! mukhang badtrip eh."
"Tignan mo yung payong niya oh!"
"Ayy oo sofia the first hahahhaha!"
"Cutieeee!!!"

Nakakaiyak, Napansin pa talaga nila yung payong ko. Kahihiyan prends! Habang
naglalakad lakad ako, Napansin ko yung Isang babaeng umiiyak. Nilapitan ko ito, at
nilabas ko yung panyo.
"Eto oh, Panyo."sabi ko sakanya at inabot ang panyo
"Ay hindi na, salamat. Okay na ako!"sabi niya at pinunasan ang Luha niya.
"Sumilong ka nga, Basang basa ka na oh."sabi ko at pinayungan siya
"Nako hindi na, Okay lang ako. Okay lang kung magkasakit ako, Sanay naman na akong
nahihirapan at nasasaktan eh."tinignan ko siya syempre, hugot na hugot.
"Punasan mo luha mo."sabi ko at inabot sakanya yung panyo
at yun na nga, tinaggap niya.
"Pwede humingi ng Favor?"tanong niya saakin
Tumango nalang ako
"Pwede payakap? Kailangan ko lang kasi ngayon."sabi niya hindi na ako nagsalita at
ako na mismo yumakap, BH si ate eh. Iyak lang siya ng iyak, Halos mabasa na ngs
tshirt ko, kakaiyak niya eh.
Kung yung pizza at payong tinatanong niyo? yung pizza natatakpan ng payong Para di
mabasa.
"Oks lang yan."sabi ko sakanya
"Salamat, Ann De Guzman nga pala."sabi niya saakin
"John Bermundo, wag ka na umiyak. Sayo na panyo ko!"sabi ko at ginulo buhok niya
kahit basa.
"Salamat."sabi niya saakin tumango lang ako at nagpaalam na aalis na ako.
Dumating na ako sa bahay nila joaquin at dumiretso sa Guest Room.
"Yung pizza?"-tanong nila
Ayos tong mga to, Di manlang tanungin kung bat ako basa.
"Ayan, Lamunin niyo saksak niyo sa Baga niyo."sabi ko sabay lapag ng pizza
"Bat ka pala basa pre?"tanong ni Nash
"Wala atang kwenta si Sofia the First na payong awwww."sabi ni Brace
"Namo."sabi ko
"Wag mo ubusin Sabon namin ha?! Imported yan! Wag mo din lamunin ikamamatay
mo!"sabi ni joaquin kaya binato ko ng sapatos ko, pasalamat siya nakailag siya.
Naligo nalang rin ako, pagkatapos nagbihis at dumiretso na sa kung nasaan yung mga
ugok at nakikain na din ng pizza.
_____________________________________________________________
EDITED BRUH'S HAHAHAH

22
Kristle's POV
Nalaglag ako sa kama ko ng marinig ko ang tunog ng alarm ko. Tamad akong tumayo
pero tumayo parin ako.
First Day of School! Lah, kunwari masaya kunwari okay lang. Lol daming alam! Nako,
tatawagan ko sana si Mafe ng maalala ko na di na nga pala kami magkaibigan, Natawa
ako ng sarkastiko.
Umiling nalang ako at kinuha ang tuwalya ko niready ko na din ang uniform ko,
papasok na sana ako sa CR ng may tumawag kaya naman tinignan ko kung sino tumatawag
Henry Danger Calling...
Natawa naman ako agad ng mabasa ko ang pangalan niya sa Contacts ko, Si Brace yan.
Kasi nagaasaran kami nung last last week kung ano ano pinapangalan niya sa Contacts
ko kaya ayan nilagay ko wala share ko lang Hehe.
"Hello!"masayang bati ko sakanya
[Hey, nakaenroll na ba si Grae?]
"Ha? Bat saakin mo tinatanong? Hindi ko alam."
[Okay bye, Magready ka na susunduin kita.]
Bago pa man ako makasalita binaba na niya yung tawag, nalungkot naman ako.
WALA MANLANG I LOVE YOU?! Lah, tumahimik ka nga kristle para namang nakapagi love
you too ka na. Natawa nalang ako sa mga iniisip ko, Wala na nababaliw nanaman ako.
Tumawag ulit siya kaya naman sinagot ko.
"Bakit?"
[I love you Boss.]
Natahimik ako saglit at pinipigilan ang ngiti binaba ko na yung tawag ang
nagtatalon talon ako dahil sa kilig, Grabe! Maliligo na nga muna ako.
So ayon, naligo na ako at nagbihis at nagayos na ng mga gamit ko at bumaba na,
Nagalmusal at inantay na si Brace na sunduin ako, Pero wala. Nakailang tawag na din
ako sakanya pero di niya sinasagot dumating na yung Driver ko at kaya naman ang
nagpahatid na ako kay Manong sa school.
Pagdating ko sa School nakita ko si Kry at sinalubong niya naman ako.
"Tagal mo, kanina pa ako nagaantay."sabi niya naman
"Sanay ka naman na magantay."savbi ko at tumawa kaya naman binatukan ako.
"Nga pala, magkaklase na tayo!"sabi niya kaya naman nanlaki ang mata ko.
"Weh?!"tanong ko tumango naman siya kaya naman sobrang saya namin.
Habang naguusap kami ni Kry nakita namin si Joaquin at John na nagmamadali kaya
naman hinarangan namin.
"San punta niyo?"tanong ni Kry sakanila
"Onga, san si Brace?"tanong ko din
"A-ahh, Najejebs na kami sige alis na kam!"sabi ni Joaquin tumango tango lang si
John
Pinaningkitan namin sila ng mata.
"Weh?"
"Joke lang! Hinahabol kami ng mga 1st Year sige na oh! Nagmamadali na talaga
kami!"sabi naman nila na parang nagmamadali nga edi tumango nalang kami at umalis
na sila.
"Naniniwala ka ba?"tanong ni Kry saakin.
"Siguro naman, tsaka oo nga naman baka nga hinahabol sila ng mga freshmens."sabi ko
nagkibit balikat naman si Kry at nagyaya ng pumasok na kami ng Classroom dahil sa
malapit ng magsimula ang klase.
Pero bago kami makapasok sa Classroom namin nabangga namin si Mafe kasama si Mark.
"Watch it! Ano ba?!"reklamo ni Mark
"Lah, Eh papansin Girlfriend mo eh luwag luwag ng daanan sisiksik pa dito sa
dinadaanan namin ni Kristle."sabi naman ni Kry
"Eh gusto ko ditong dumaan eh paki mo ba?"mataray naman na sabi ni Mafe at binangga
ako bago umalis
AKO. OO AKO!
Tatanggalin ko na sana sapatos ko kaso pinigilan ako ni Kry, Bakit ba siya ganyan?!
Kairitang Mark, mapapatay ko yung lalakeng yan malaman ko lang na dahil sakanya
kaya nagkakaganyan si Mafe!
Dumiretso nalang kami ng Classroom at napansin ko na Wala yung Apat, Oo
magkakaklase na kami. Asan ba yung mga yun?
Brace POV
"Kinakabhan ako pre."sabi ko kay Grae habang naglalakad ng pabalik balik.
"Di yan, Chill pare."sabi naman niya at tumingin sa Malayo
"Tol!"at dumating na sina John at Joaquin
"Buti nandito na kayo, Joaquin tulungan moko!"sabi ko naman
"HAHAHAH! Chill, tama na yun! Napractice mo na kagabi eh!"sabi niya sabay upo sa
upuan.
Nasa lumang gym kami, isusurpresa ko si Kristle. Feeling ko nga galit yun sakin
ngayon kasi hindi ko na siya nasundo, Nalowbat din ako kaya hindi ko siya matext o
matawagan wala pang nagdala ng charger samin.
"Pre, nakasalubong namin si Kristle. Hinahanap ka! Baka na nagtataka na yun
eh."sabi ni John
"Onga, feeling ko galit na yun! Oks lang."sabi ko
Nagusap usap lang kami ng tinignan ko ang wrist watch ko.
"Mga Pre.."sabi ko at tinignan naman nila wrist watch nila at nagunahan pa kaming
lumabas ng pintuan ng gym.
Tumakbo na kami papunta ng Classroom.
"PUTEK LATE NA TAYO!"sabi ni Grae
"Obvious ba?! Bilisan na naten!"sabi ni John
"Diba pag nagsimula na klase maglalakad lakad na Guidance Counselor natin
dito?"tanong ni Joaquin mas binilisan pa namin takbo namin kasi pag nahuli kami ng
Guidance Counselor namin yari kami.
Buti nalang kung hindi First Day of School! Lintik bat ngayon pa kami nalate?!
Nakita namin yung Guidance Counselor namin na naglalakad kung saan kami dadaan kaya
naman umikot pa kami at nagtago.
"Hala! Ayun na siya!"sabi ni Joaquin habang tumatakbo
Pag daan naman namin sa Kabila nandun Prinicipal namin, Pakshet!
"SI PANOT!"sabay na sabi namin mahina lang kaya naman naghanap ulet kami ng
malulusutan.Umikot ulit kami at wala na yung Guidance Counselor namin kaya naman
dire diretso na kami sa Classroom namin. Tumigil kami saglit at nagkumpulan.
"Ako kakatok, Kayo babati."sabi ko sakanila
"Duga mo! Kami nalang ka--"
"Wala wala, kayo na!"sabi ko at kumatok na binuksan ko naman pintuan at lahat sila
nakatingin saamin.
Okay, awkward.
Nakatingin saamin si Kristle at Kry ngumiti kami ng tipid at nagsitilian naman mga
babae. Hindi nila kami nginitian at tumingin lang sa malayo.
"Paktay ka tsong, galit si boss mo."bulong saken ni Joaquin
Alam ko pre, alam ko.
"Sorry we're late. May emergency lang po."sabi naman namin tumango naman teacher
namin.
"It's okay, Just be sure na next time wag na kayo malalate okay boys? May
arrangement na ng Seats. Mr. Reyes seat beside Ms. Baclig, Mr.Fernandez seat next
to Ms. Torres and Mr. Arquiza seat beside Ms.Nolasco an--"napayes ako sa isipan ko
ng marinig ko na katabi ko si Kristle pero naputol sasabihin ni Ma'am ng may
kumatok sa pinto at may pumasok na isang mestiza na babae.
Kristle's POV
Alam ko naman na katabi ko si Brace eh, kasi sinabi na yun ni Ma'am nung wala pa
sila. Bakit kaya late to'ng mga to? Anong emergency?
Dumating yung isang babaeng mestiza. Yung mga kaklase ko namang lalake napatigil
sila sa mga ginagawa nila ng Makita nila to'ng mestiza. Ganda kasi.
Kahit nga sila Brace napatingin sakanya, edi yan ligawan mo! TSS.
"Excuse me po, Section B po ba to? Transferee po kasi ako, Klase po ba ito ni
Ms.Rodriguez?"tanong niya Ganda niya, RIP Self-esteem lol.
"Yes, This is Section B and I'm Ms. Rodriguez. Okay ah, Mr. Bermundo siya yung
Makakatabi mo. You must be Ms.De Guzman."sabi naman ni Ma'am tumango na yung
Transferee at umupo na sila.
"Ah, Ms. De Guzman Please introduce yourself first."sabi ni Ma'am
Tumayo siya at nagpakilala na.
"Hi Ann De Guzman 16 years old."sabi niya at umupo na, Nagsimula na ulit magsalita
teacher namin at nakinig naman ako. Orientation palang naman.
Habang nagsasalita yung Teacher namin,Bigla akong kinausap ni Brace.
"Sorry late kami, Sorry din kung hindi kita nasundo emergency kasi talaga. Nalowbat
pa ako, Wag ka ng magalit. Emergency talaga--"naputol yung sasabihin niya ng kinuha
ko yung notebook niya at nagsulat doon sa likod ng notebook niya.
"Ang ingay mo!"
Binigay ko yun sakanya at binasa niya naman tinuon ko ulit pansin ko doon sa
sinasabi nung teacher namin.
"Sorry na kasi."
Nagsulat ulit ako, at binigay na sakanya.
"Okay lang, emergency yun eh. Naiintindihan ko. :)"
Napansin kong ngumiti siya habang binabasa yun, kinuha ko ulit notebook niya at
nagsulat.
"Oh? Kilig ka nanaman hehe. Chill ka na ha? Kaya wag ka ng magulo jan. Sabay tayo
magrecess ha?"
Napansin ko ulit na ngumiti siya at nagsulat.
"Okay po BOSS!"
"Bakit ba Boss?"
"Gusto ko eh. HAHAHAH, wala wala! Basta gusto ko niyan! :p"
"Kulit mo."
"Gwapo naman! Hehehe :P"
"Ay grabe ang presko sapakin kita jan."
"Wag mo naman saktan crush mo. HAHAHAHAH!"
Tinignan ko naman siya habang pasimpleng tumatawa, pigilan niyo ko sasapakin ko to!
Joke.
**
Recess na namin at nawala nanaman yung apat na parang bula. Asan nanaman sila?
"Hoy, hindi pa ba tayo kakain? Nagugutom na ako!"sabi naman ni Kry saakin
"Saglit lang, Hanapin natin sila Brace sabi niya kasi sabay kami Magrerecess."
"Ah so ano, Third Wheel ako sainyo? Ayos ha?"sabi naman ni Kry
May tumakip ng mata ko gamit yung kamay. Sino naman to? Epal ha?
"Miss mo agad ako? Saglit lang ako nawala eh."sabi niya naman
"Miss mo mukha mo! Ano ba ginagawa niyo?"tanong ko naman
"Secret."sabi niya
"Lika na! Magrecess na tayo, gutom na ako!"sabi ni Joaquin, aalis na sana kami ng
may humarang saamin.
"Hi boys!"bati ni Noemi kasama sila Patricia
"Taena naman! Gutom na ako eh!"narinig kong sabi ni Joaquin saamin
"Alis, gutom na kami."sabi ni Grae
"Aww, bakit ka ba ganyan baby? Oh let me guess kasi pinagpalit ka na ni Mafe sa
isang random guy?"sabi ni Ashley bunganga talaga nito kahit kailan.
"Hindi, nakita ko kasi pagmumukha mo kaya naiinis ako. Tabi"sabi ni Grae sa tono ng
boses niya halatang nagagalit na siya.
"Fine, Fine. Chill will you?"sabi naman ni Ashley
Tumingin ako kay Patricia na kasalukuyang tinitignan ako.
Ako nga ba o si Brace? Katabi ko kasi si Brace eh.
Biglang hinawakan ni brace yung kamay ko na kinagulat ko. Tumingin naman si
Patricia doon.
"So kayo na pala brace?"tanong ni Kaye
"Yep, she's my girl."sabi ni Brace napatingin naman ako sakanya.
Hindi ko pa naman siya sinasagot ha?
"Oh."sabi naman ni Patricia
"K, Alis na kami. Bye!"sabi ni Kaye sabay hila na sa mga kaibigan niya
"Ano yun?"tanong ko
"May gusto parin yung si Patricia sayo Brace."sabi ni Kry
"Hindi naman na siya gusto ko."simpleng sagot ni Brace
"Tara kain na tayo!"pagiiba ng topic ni John
John's POV
Hindi ko maalis yung tingin ko kay Ann kanina pa dito sa canteen. Siya yung babaeng
nakita ko sa park.
Awkward nga lang kanina, kasi hindi kami naguusap.
"John!"pagtatawag saakin ni Kristle, nilingon ko naman siya
"Bakit?"tanong ko
"Wala ka bang balak na kumain jan?"tanong niya naman napansin ko na konti palang
nababawas sa Pagkain ko.
"Ah, Kristle alis muna kami."sabi ni Brace bigla
TEKAAAAAAA! Hindi ko pa nakakain pagkain ko!!!!
"Saglit pr--"
"Tara na John!"Sabi nila
"San kayo pupunta?"tanong ni Kristle
"Importante Kristle, Joaquin ikaw na muna sumama sakanila."sabi ni Brace
"Wag!! Ako na sasama sakanila, Hindi pa ako tapos kumain eh!"sabi ko naman
"Oh sige alis na kami."at tumakbo na sila palabas ng canteen
"John, ano ba talagang emergency yun?"tanong ni Kristle
"Ahh, emergency."sabi ko
"Ano ba kasi talaga yun?"tanong ni Kristle
Nilabas ko ang judge ko sa bulsa at binigay ko sakanya
"Oh ayan, Judge chill ka muna nga! Importante yun."sabi ko
Bumuntong Hininga nalang siya at tumango nalang.
Natapos na akong kumain at nagpaalam muna si kristle at kry na magccr muna daw
sila.
Naglakad lakad muna ako dito habang recess pa naman at nakasalubong ko si Ann.
"John!"bati niya nagulat naman ako at ngumiti
"Oh Ann."sabi ko naman
"Buti naman Kaklase kita, wala pa naman kasi ako masyadong kaibigan dito."sabi niya
Sakto lumabas na ng CR si Kristle at Kry at nilapitan ako.
"Ah eto, Si Kristle at Kry. Mabait sila!"sabi ko naman
"Hi!"bati nung dalawa mukhang nagkakasundo silang tatlo at sobrang naoop na ako.
Bumalik na kami ng Classroom at dahil sa Orientation pa lang naman ngayon ginawa ng
Vacant ng teacher namin yung natitirang oras.
Nakasimangot na ngayon si Kristle kasi wala parin sila Brace, si loko naman hindi
manlang magtext. Nagusap usap naman muna sila nila Kry at Ann oo, close na din
sila. Bilis noh?
Habang nagmumuni muni ako, Biglang tumunog ang Cellphone ko at sinagot ko naman. Si
Joaquin pala yung tumatawag.
"Pre?"
[Pre! Okay na, Punta na kayo. Brace to pare, Salamat!]
"Ge pre!"
"Teka si Brace ba yan? Tanungin mo kung nasan na sila at kung ano ba yung emergency
na yan."sabi naman ni Kristle
[Wag pre! Sige na punta na kayo.]
Binaba na niya yung tawag.
"Wala na eh, binaba na tawag."sabi ko
"Lah!"
"Tara may pupuntahan tayo, suotin mo tong panyo."sabi ko kay Kristle sabay labas ng
panyo ko
"Ayoko!"
"Sige na kristle!"sabi ko
"Oo na oo na!"sabi niya naman at piniringan ko na siya.
Naglakad na kami papunta ng lumang gym.
"San ba tayo?"tanong ni Kristle
"Kanina pa tayo naglalakad ha?"sabi nya ulit
"Alam niyo na kung anong mangyayari diba?"bulong ko kay Kry at Ann. Tumango naman
sila
"Ano? Anong mangyayari?"tanong ni Kristle
"Secret!"sabi namin
Binuksan ko na yung pinto at nakatayo na don si Brace may hawak hawak na Gitara.
Oo, tutugtog at kakanta siya mga tsong. Baduy noh? HAHAHAHHH joke lang!
Kinuha na ni Brace yung kamay ni Kristle at tumayo na kami sa gilid, kami lang ang
nandito walang ibang tao.
"Ay, Hoy! Saan niyo ba ako dinala? Luh sino to? Bat mo hinahawakan kamay ko? Kry,
ikaw ba yan? Bat ang laki ng kamay mo? Baka naman si John to? Pero hindi eh! Ano
baaaa? Sino ba to? Kuya, pwede paalis ng kamay mo? Rough kamay ko. Pwede pakialis?
Nakakailang eh."sabi ni kristle
Di kami sumagot, Tumatawa lang kami ng mahina.
"Anak ng tokwa! Asan na ba yung mga kasama ko?! Huhuhu, Hoy John, Kry, Ann! Mga
kaibigan ko! Asan na ba kayo? Kuya, alisin mo na kamay mo! Boyfriend ko lang pwede
humawak niyan. Bubugbugin ka nun tignan mo! Luh, di talaga tatanggalin niyan! Ay
saglit, AY!"sabi ni kristle, mukhang gets na niya kung anong nangyayari.
Binitawan na ni Brace yung kamay ni Kristle at tinanggal na ni Kristle yung piring.
Nagsimula ng tumugtog si Brace.
Kristle's POV
Okay, sabi ko na nga ba.
Parang natunaw na ata ang puso ko dahil sa kumakanta sa harapan ko ngayon si Brace.
Aaminin ko, Hindi ganun kaganda ang boses niya. May pagka sintunado. Pero sobra
saya ko kasi nagagawa niya tong gawin sa harapan ko.
Nung nagstrum palang siya ng guitara alam ko na kung anong kanta ang tutugtugin
niya.
You and I Tonight ng Faber Drive.
Grabe, hindi ko na alam. Gusto kong umiyak dahil sa sobrang saya ko. Never ko pang
naranasan ito.
At sobrang thankful ako na si Brace pa ang gumagawa ng mga ganito para saakin.
Hindi ko inaakala na ang isang tulad niya na Sikat, Gwapo at Magaling Sumayaw eh
gagawin ang ganitong mga bagay para sa isang tulad ko.
Natapos na siya sa pagkanta at pagtugtog nilapitan niya agad ako kaya naman
hinampas ko agad siya.
"Aray!"reklamo niya
"Eto yung emergency?"tanong ko
"Oo, hehe. Nagustuhan mo?"tanong niya naman
Kinurot ko siya sa tagiliran at ngumiti.
"Aray, nagustuhan mo noh?"tanong niya naman sabay ngiti at hinila ako palapit
sakanya
"PDA!"sigaw nila John
Ngumiti ako at tumango.
"Yes! HAHAHAH, may pagka sintunando ako eh, pero ayos naman?"tanong niya
Tumango ako ulit at kinurot siya sa tagiliran, niyakap niya naman ako.
"Kinikilig ako kanina, sabi mo may Boyfriend ka! HAHAHAHA!"sabi niya habang
tumatawa kaya naman kinurot ko ulit sa tagiliran
"Aray! Speakless ka nanaman noh? HAHAHAHAH!"sabi niya ulit
Nangaasar eh. Speechless talaga ako promise. LOL
"Speakless mo mukha mo."sabi ko naman
"Di pero speechless ka talaga?"sabi niya naman
"Ewan ko sayo!"sabi ko
Kinikilig ako bakit?! Lumayo ako ng kaunti sakanya at hinawakan ang magkabilang
pisngi ko, ang init ng mukha ko nyeta!
"HAHAHAHAH! Kinikilig ka nanaman saakin!"sabi niya

"Ewan ko sayo!"sabi ko naman


"Di, namiss kasi kita, Last Week kasi sobrang busy ko diba? Hindi tuloy tayo
nakapadtae."sabi niya
"Date mo mukha mo!"sabi ko naman
"AGUY!"sabi niya naman
"Thank you."sabi ko at ngumiti
"Welcome Boss Bituin!"sabi niya at kinurot ang magkabilang pisngi ko
"Okay, labas muna kami PDA eh!"sabi naman nila Joaquin at lumabas nga
"Boss Bituin?"tanong ko
"Boss kasi kita, Bituin kasi Tala nickname mo diba? Wala lang trip kong Bituin
itawag sayo."sabi niya naman
"Ang Baduy!"sabi ko naman
"Kwento mo naman sa Henry Danger mo!"sabi niya kaya naman tumawa ako
"Gumaganti lang ako Boss Bituin! HAHAHAHAH! Nasa Contacts ko siya."sabi niya at
pinakita saakin at contacts niya na Boss Bituin nga at picture ko na nakawacky na
parang ewan.
"ANG BADUY NAMAN NIYAN HENRY DANGER!!"sabi ko
"HAHAHAHHAH BOSS BITUIN XD HART HART!"pangaasar niya
"Ano ba burahin mo yannnnnnn!!!!"reklamo ko
"Ayoko nga!"sabi niya at tumakbo na, bwisit tong henry danger na to!
Hinabol ko naman, sobrang namiss namin isa't isa noh? Sobra talaga!
________________________________________________________________________________
EDITED PRENDS :)

23
Grae's POV

Napailing ako habang iniisip ko yung mga sinasabi ng ibang tao saakin. Alam kong
napapansin narin yun nila John na ganito na ang nagiging ugali ko simula nung
nangyari yung araw na yun. Alam kong napapansin nila na sobrang lamig na ng
pagtrato ko sa ibang tao, hindi na ako masyadong nangeentertain. Pwera nalang kung
para sa fans. Hindi nalang siguro sila nagsasalita at pinapagaan ang loob ko. And i
thank them for that.

Pero taena, sa tuwing naiisip ko yun masakit..

Ang hirap hirap magpanggap na okay lang saakin makita siyang may kasamang iba. Ang
hirap hirap magpanggap na okay lang saakin na hawak hawak na siya ng iba.

Ang hirap pigilan yung sarili ko na higitin siya palayo sa gunggong na mark na yun.
Ang hirap.

Naglalakad lakad lang ako dito sa hallway, iniwan nanaman kasi ako nung 3 na
gunggong. Tahimik lang akong naglalakad hanggang sa di ko namalayan na dinala na
pala ako ng mga paa ko sa Rooftop. May napansin akong nakaupo na babae dun gusto ko
pa naman sanang mapagisa. Pero parang pamilyar saakin kung sino yun. Nagkibit
balikat nalang ako at tumalikod na, Aalis na sana ako ng marinig ko ang sigaw niya.

"F*CK BAWAL NA BA MAGING MASAYA?! BAWAL NA BANG MAGING MASAYA KASAMA SIYA? KASAMA
SILA? Ang hirap na eh. Ang hirap hirap na!"

Aalis nalang ako, waste of time.

Umalis nga ako doon, nung naglalakad lakad naman ulit ako at hinahanap sila Brace
nakasalubong ko siya. Para akong nakipagkarera sa sobrang bilis ng tibok ng puso
ko.

Ayoko na ng ganito. Ayoko ng gantong pakiramdam.

"Grae, Kamusta ka na?"tanong niya saken

May gana ka pa palang kamustahin ako?

Kumunot ang noo ko sa tanong niya sakto dumaan si Ashley bahala na. Hinila ko siya
at niyakap ko.

"Hey babe! namiss kita. San ka ba nagpunta?"tanong ko sakanya habang yakap yakap pa
rin siya. Ayokong gawin to' pero.. Gusto ko na kasi siyang kalimutan.

"Huh?"nagtatakang tanong ni Ashley

"Di mo ba ako miss babe?"tanong ko sabay kalas sa yakap niya

Napangiti si Ashley at nagcling siya sa braso ko.

"Na-miss kita babe. Love kaya kita, pano kitang hindi mamimiss?"sabi ni Ashley
sakin.

Napansin ko ang titig saakin ni Mafe. Tinignan ko siya at nagiwas siya ng tingin,
oh bat ka nagiiwas ng tingin? Naapektuhan ka ba?

"Uhmm, alis na ako."sabi niya at mabilis na naglakad papalayo tinignan ko naman


siya.

I miss her so damn much.

Napansin ko na nakacling pa rin sa braso ko si Ashley kaya bigla kong inalis,


Dahilan naman ng pagkagulat niya.

"What's Your Problem?!"sigaw niya sakin

"You, ginawa ko lang yon para umalis na si Mafe, Kaya ikaw umalis ka na din sa
harapan ko."sabi ko

"Ugh! Anong bang meron sa bitch na yun at gustong gusto mo? Pwede namang ako?"sabi
niya at tinignan ko siya

"Don't You Dare Call Her that!"sigaw ko

"So.. i see, Gusto mo siya pero iba ang gusto niya. Aww, poor Grae."sabi niya sabay
alis

Mafe's POV

Araw araw nalang ba akong iiyak dahil sa pagpapanggap ko na okay lang saakin ang
lahat? Bumalik ako sa rooftop at umiyak ulit. Ang hirap. Ang sakit..

Bakit Grae? Bakit kailangan mokong saktan harap harapan?

Wow, kapal ng mukha mo Mafe. Ikaw nga unang nanakit eh. Sa mata niya ikaw yung
nanloko ikaw yung nagpaasa. Kaya tama na..Karapatan mong masaktan ng ganyan kasi
sinaktan mo siya ng sobra.

Karapatan niyang pagselosin ka, karapatan niyang saktan ka at karapatan niyang


magalit sayo.

Iyak lang ako ng iyak. Tinakpan ko na ng kamay ko ang bibig ko, hindi ko na kaya.
Ang sakit sakit na.

"Mafe?"nagulat ako sa nagsalita. Mas lalo akong napaiyak sa narinig kong boses. Si
beb.

Galit na rin to saakin ngayon at hindi ko siya masisisi. Tinaboy ko siya, kahit nga
si kryzshel galit saakin. Pinunasan ko ang luha ko at hinarap siya.

"Oh? What are you doing here?"mataray na tanong ko

"Nagpapahangin lang. Balak ko na ding umalis wag ka magaalala, Bakit ka umiiyak?


Pinapaiyak ka ba ni mark?"tanong niya

Hindi Kristle.. Hindi.

"NONE OF YOUR BUSINESS!"sigaw ko at tumakbo na papalabas. Ayan nanaman mga luha ko.
Panay nanaman ang tulo.

Di ko na kaya to' nahihirapan na ako. Sobra na! Ayoko na..

Brace POV

Hinahanap ko si Kristle kanina ko pa tinatawagan pero di sinasagot yung tawag.


Malapit na magtime pero wala parin siya.

"Nakita mo ba si Boss?"tanong ko kay Joaquin

"Naks boss, pinanindigan talaga kotongan kita eh! Pero, Hindi eh. Kanina pa nga
hinahanap ni Kryzshel."sabi naman ni Joaquin

*KRINGGGGGGG!*

"Attention all students please evacuate the school immediately!"pagaannounce nung


Guidance Counselor namin

Anong meron?

"Tol, anong nangyayare?"tanong ko kay John

"May Sunog!"sigaw nung isang estudyante

Sunog?! Papaano?!

"Mga students labas na po tayo ng Campus. Bilisan niyo at may sunog."sigaw nung
principal namen

Nang Makalabas kame nila Joaquin Napansin kong wala si Kristle.

Teka lang, Si Kristle?! Tumakbo ako pabalik ng campus at narinig kong sumisigaw
yung principal namen pero di ko sila nilingon. Kailangan kong mahanap si Kristle.
Taena, kinakabhan ako.

Tae naman eh, asan ba siya?!

Kristle's POV
Hindi ko mapigilan ang pagiyak ko sa pagsigaw ni Mafe saakin. Ganyan ka na ba
talaga ngayon? Anong nangyari sayo? Umupo muna ako sa sahig kinalma ko muna ang
sarili ko. Papalabas na sana ako ng biglang may naglock ng pinto. Hala pano ako
makakalabas neto?!

"Tulong! Tulungan niyo ko! Nastuck ako sa may rooftop! Tulungan niyo ako! Parang
awa niyo na. "sigaw ko pero feeling ko walang nakakarinig saken. Narinig Ko na lang
na biglang Tumunog yung bell, Yung bell na sign na may Sunog.

Teka SUNOG?! MAY SUNOG?! pano ako makakalabas neto. eh nakalock nga yung pinto.
sumigaw ulit ako ng sumigaw hanggang sa mapagod ako. hala! ano ng gagawin ko.

"TULUNGAN NIYO KO!"sigaw ko ulit naiiyak na ako. Ano?! mamatay nalang ako dito? at
sa school pa talaga? lord naman, wag ngayon oh! Lord! Hanggang sa tumulo na yung
luha ko. Pano na to?!

"SAKLOLO! TULUNGAN NIYO AKO. NATRAP AKO SA ROOFTOP! TULONG!!!"sigaw ko ulit.

Kung tumalon na lang kaya ako? Umakyat ako sa may side bars at nakita kong andun
yung mga estudyante.

"Ms. Nolasco? Stay there. Just keep calm. tatawag kami ng nga bumbero!!stay calm
just stay calm."sigaw nung principal namen mula sa baba ano ng gagawin ko? pano
kung dumating yung mga bumbero eh patay na ako ng dahil sa sunog?

Tsaka paano ako kakalma huhuhuhu Mama!!! Ayoko pa mamatay! Mahal ko pa buhay ko!

"Taena! Wag kang gagalaw kristle ha!"sigaw ni joaquin saakin

Para na nga akong naistatwa sa kinatatayuan ko.

"Kalma lang kristle!"sabi ni Grae

"Wag kang magpanic diyan kalang!!"sigaw naman ni kry

Sinubukan kong wag gumalaw at baka pag gumalaw ako isang mali ko lang eh malalaglag
ako. Gusto kong bumaba doon sa side bars tanga ko rin kasi at umakyat pa ako dito.
Pero wala akong lakas, talagang naistatwa lang ako doon.

"Asan ba si brace?!"rinig kong sigaw ni Joaquin

Tinignan ko ang mga estudyante, lahat sila nakatingin saakin. Lahat sila
natataranta, pero hinahanap din ng mata ko si brace.

"Brace asan ka ba?"tanong ko habang umiiyak hindi ko na alam kung pano ko ikakalma
ang sarili ko sa pagiyak.

Nagulat ako ng biglang may bumukas ng pinto titignan ko sana kung sino ng bigla ako
ma- out balance.

"KRISTLE!"sigaw ni brace? JUSKO LORD! Buti na lang nakakapit pa ako. pero feeling
ko di ko makakayanan ng matagal. Pati na rin yung mga ibang estudyante na nasa baba
napasigaw na din sa gulat. Mas lalo akong naiyak. Lord, wag ngayon. ayoko pang
mamatay. Asan na ba kasi yung mga bumbero?!

"Kristle, tumingin kalang saakin. Wag kang titingin sa baba ako lang tignan mo
makinig ka magiging okay ka lang. Akin na yung isang kamay mo."sabi ni brace agad
ko namang binigay at yun nakaahon na ako. Iyak pa rin ako ng iyak. Di ko alam kung
ano ng mangyayari saken kung di dumating si Brace.
"Shh baby, don't cry. Sorry sorry dapat di ka na lumingon tahan na okay ka na.
Nandito na ako."sabi niya habang niyayakap ako.

Hindi ko alam kung pano ako titigil sa pagiyak,iyak lang ako ng iyak. Hinarap niya
ako sakanya at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

"Okay kalang? Ha? Wag ka na umiyak. Kristle, tumingin ka saakin. Okay na. Okay
ka.."sabi niya

"Brace!"sabi ko sabay yakap sakanya at umiyak ng umiyak. Grabe yung takot ko. Pano
na lang kung di dumating si Brace? Edi, nalaglag na ako?! wala pa naman yung mga
bwisit na bumbero.

"Shhh. Hush now. okay ka na?"tanong niya sakin habang nakahawak pa rin siya sa
magkabilang pisnge ko

Umiling ako at umiyak ulit. natatakot pa rin ako. Lumabas na kami agad agad ni
Brace at dali daling pumunta sa Principal. Nang makarating kami dun agad akong
nilapitan nila Kry at niyakap ng mahigpit. Ang sakit ng ulo feeling ko anytime
babagsak ako.

"Okay ka lang?"nagaalalang tanong sakin ni kry

"okay lang ak--"at bumagsak nalang ako bigla

_______________________________

EDITED PRENDS :---))

24
Brace POV

Binuhat ko agad si Kristle papunta sa kabilang building which is Sa Building 1. May


Clinic dun at Doon na namin siya dinala. Bigla na lang kasi siyang nahimatay. Dali
dali ko siyang dinala na Clinic. Takte, sobra sobra na akong nagaalala.

"Ano nangyari sakanya?"tanong nung nurse saamin."Nahimatay po kasi siya." sabi ko

"Di naman kayo mga taga Building 1, Nasa bagong Building kayo diba? Anong
nangyayari doon?"tanong nung nurse ulit saamin.

"May sunog daw po."sabay sabay na sabi namin "Ano?! Jusko Bakit may Sunog?! Okay
lang siya. napagod, natakot. Okay naman siya. Papagpahingahin niyo na lang muna
siya dito."sabi nung nurse saamin

"Okay po salamat."sabi namin "Brace, Babalik muna kami sa Bldg.2 kaw muna magbantay
kay kristle ah."sabi sakin ni kry

"Andun na daw yung mga bumbero sabi ni John."sabi bigla ni Joaquin. Si Joaquin at
Kry lang kasi ang sumama sakin. Naiwan na lang dun sila Grae.

"Okay, ako ng bahala kay kristle."sabi ko

"Okay tol."sabi ni joaquin at umalis na sila ni kry

Tinitigan ko lang muna si Kristle. "Putek, pinagalala moko ng sobra sobra."sabi ko


Kristle's POV

Nagising ako at puro puti ang nakita ko. Hala! Patay na ba ako?! Daming alam
kristle.

Pero seryoso asan ako? Napansin ko na may nakaupo sa gilid ko at nakita ko na si


Brace, Nagbabasa siya. Ano ba nangyari? Teka, Parang di naman to clinic namen. yung
Clinic kasi namin yung kulay nung curtains green. Dito kasi all WHITE!

Napansin ni Brace na nakatingin ako sakanya kaya natigil siya sa pagbabasa at


ngumiti.

Namula ako bigla at bumilis ang tibok ng puso ko, paano na te?!

Ngumiti ako pabalik kay Brace.

"Okay ka na ba? May masakit ba sayo?"nagaalala niyang tanong saakin

Umiling ako "Thank you, buti nalang dumating ka."sabi ko at ngumiti ulit umupo
naman ako sa higaan dito sa clinic.

"Welcome, Dumating na daw yung mga Bumbero. May nasunog daw kasi sa may laboratory
room habang nageexperiment yung ibang estudyante. Buti naman hindi masyadong malaki
yung apoy."sabi ni brace tumango tango naman ako

"Eh yung malapit sa Rooftop? diba may nakalagay doon na CCTV? yung malapit sa may
pintuan? May naglock kasi ng pinto."sabi ko kay brace

"Yun na nga yung problema eh, Yung mga CCTV doon. Sira lahat. Bihira lang naman
kasi may pumunta na mga estudyante sa Rooftop. Kaw kasi ano ba ginagawa mo
doon?"sabi niya sakin

"Ha? Wala naman nagpapahangin lang."sabi ko

"Pwede ka namang sa Field nalang magpahangin. Sige na pahinga ka na muna."sabi niya

"Teka lang naman. kakapahinga lang, pahinga ulit?"sabi ko

"Kain ka muna."sabi niya at naglabas ng Fries at Burger. Lumiwanag agad ang mukha
ko. Kukunin ko na sana ng itinaas niya iyon para di ko maabot. Tinignan ko siya ng
masama pero ngiti ngiti lang siya.

"Nako, amin na!!!"sabi ko habanh inaabot, tumayo na ako galing sa pagkakaupo ko sa


kama at inabot ang pagkain.

Kasi naman huhuhu kanina pa nagwawala mga alaga ko sa tiyan!

"Abutin mo muna!"sabi niya

"Kasi naman!"sabi ko at nagpout kala mo naman talaga kung sinong cute. Lol

"Eto na oh, inaasar lang kita."sabi niya at pinitik ang noo ko kinuha ko agad ang
paper bag at kumain na.

Kain lang ako ng kain. Habang napansin ko na si Brace nakatingin lang sakin. Ano
problema neto?

"Gutom ka na rin ba?"tanong ko pero umiling lang siya, nakatingin parin siya sakin
habang nakangiti. Anong problema ng isang to? Nagaadik ba to? Pinagpatuloy ko na
lang ang pagkain ko. Biglang tumayo si Brace at Lumapit sakin.

Papalapit ng papalapit ng papalapit, hindi ko alam ang gagawin ko. Natataranta ako,
sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

Ngumiti siya at kumuha ng tissue sabay pinunasan ang kung ano man na dumi ang nasa
may gilid ng labi ko.

"May Ketchup sa gilid ng labi mo."sabi niya habang nakangiti pa rin siya

Lutang ako, feeling ko lahat yata ng dugo sa katawan ko umakyat papunta sa mukha
ko.

"Okay ka lang?"tanong niya sakin at hinipo ang noo ko.

"Di ka naman mainit, Okay ka lang ba?"tanong niya ulit umiling ako at hindi ako
makatingin sakanya.

"Okay ka lang ba talaga?"natatawang sabi niya tinignan ko naman siya ng masama

"Tantanan moko ha! Sasarguhin kita!"sabi ko naman

"Wag, mababawasan ng gwapo sa mundo."sabi niya at kinindatan ako.

"Presko grabe."sabi ko at tumawa

**

At dahil nga sa insidente kanina, dinismiss ng maaga ang klase namin. Ayaw pa naman
namin umuwi kaya naman naisipan nilang pumunta nalang kami sa cafe nila Roselle.

Nitext ko na si roselle na pupunta kami sa cafe nila, sabi niya naman oks na daw.
Pero wala siya kasi may klase din. Kahit si Nash. Kaya kami kami lang.

Wala masyadong tao pagdating namin doon, Kilala na kami ng mga nagtratrabaho doon
kaya naman alam na din nila kung anong inoorder namin. Habang nakaupo kami,
nagaasaran lang tong 4 na ugok.

"Mga pre, may knock knock ako."sabi ni Brace na parang sobrang excited

"Walang pinto."pambabara ni Grae dahilan para matawa kami

"Sampalin kaya kita ng tsinelas ni korina!"sabi naman ni brace

"Weh? Barado kalang eh!"sabi naman ni John

"G*go ba u?! Mukha ba akong inidoro?"sabi naman ni brace

"Oh teka, kalma lang. Ingay niyo!"sabi ko at tumawa

"Kristle, knock knock!"sabi naman ni brace balak ko sanan barahin ng pitikin niya
ako sa noo

"Sige sige! Subukan mo akong barahin jan!"sabi niya naman

"Oh sige who's there?"natatawang sabi ko

"Yemen."
"Nako sinasabi ko sayo kristle magsisisi ka pag pinagpatuloy mo yan!"sabi ni
joaquin

Tumawa ako at tinignan ko si brace. "Isa din naman yang corny eh! Kaya nga siguro
meant to be HAHAHAHA lol."sabi naman ni Kry

"Oh ano yemen who?"

"What do YEMEN? When you nod your head yes but you wanna say no what do ye-aray ko
takte!"pano binatukan ni joaquin

Walang tumawa sa Knock Knock Joke niya kaya tinignan niya kami.

"WALA MANLANG BANG SUPORTA?!"tanong niya

Nagkatinginan kami ni Kry.

"Kry, suporta daw."sabi ko nilabas namin ang phone namin at nagsulat sa memo ng
pagkalaki laking SUPORTA.

Pinakita namin ito sakanya at ngumiti kami.

"Ayan Henry Danger, suporta."sabi ko at tumawa kaming lahat maliban sakanya

"Sumbong ko kayo kay mama bully kayo!!"pagdradrama niya tumawa lang kami, tinignan
naman niya ako.

At nilapit ang mukha niya sa mukha ko. Katapat ko lang siya kaya nagulat ako, wala
ng tao. Kami kami nalang pero kabado ako kasi nandito sila Joaquin.

"Tong maglove birds na to!"sabi naman ni John

"Trip moko ha."sabi niya at ngumiti tapos umayos ulit ng pagkakaupo.

Sobrang lakas ng pintig ng puso ko. Lecheng brace ito!

Dumating na ang order namin at nagkwentuhan lang kami. Hinatid naman kaming dalawa
ni Kry nila joaquin.

Nakarating na kami sa bahay at napansin kong sumama si brace sa pagbaba sa kotse.

Tinaasan ko naman siya ng kilay. "Ano di pa ba kayo uuwi?"tanong ko

"Bawal mag goodnight?"tanong niya

"Hahahaha, goodnight."sabi ko naman papasok na sana ako ng hilahin niya ako at


hinalikan sa noo

"Goodnight."sabi niya at pumasok na din ng kotse nila.

_____________________________________

EDITED PRENDS

25
Roselle's POV

Kanina pa ako nagaantay sa driver ko at init na init na ako dito. Asan na ba si


manong?! Malalate na ako nito eh!!

Napatalon ako ng biglang may bumusina sa likod ko. ANG LAWAK LAWAK NG DAANAN TAPOS
MAGBUBUSINA KA?!

Bumaba siya ng kotse at napansin ko na si Nash pala. Naginit bigla ang mukha ko.

"Bat nandito ka?"tanong niya

"Ah bahay ko to? Eh ikaw nga dapat tinatanong ko niyan eh."sabi ko naman

"Sinusundo ka."chill niyang sabi

Oo guys, chill lang siya niyan pero ako halos magtatalon at magharlem shake dito
dahil sa tuwa.

Pero syempre, kunwari chill pa ako. Kunwari lang. Kasi kailangan ko ng taong may
mahahampas. Huhuhu, omayghad!

"Parehas naman tayo ng University na pinapasukan. Pareho din ng course oh tsaka


wala driver mo. Ano tara na?"

Napakagat labi na lang ako at tumingin kay nash tumango nalang ako.

Grabe na pong blessing ito lord thank you po HAHAHAHA!

*FAST FORWARD*

Nakarating din kami sa SE University. Malapit lang ito sa Southeast High na


eskwelahan nila Kristle. Bumaba na kami at sinalubong agad si Nash ng mga babae.

Hiyang hiya akong bumaba, ayokong mapagusapan sa campus na ito. Nagulat ako ng
pagbuksan ako ni Nash ng pinto.

"WE LOVE YOU NASH AGUAS!!!"

"ASAN SI ALEXA?"

"OMG! ALAM MO BA? MAY NAKITA AKO MAY PINAGBUKSAN SIYA NG PINTO. BABAE!"

"Baka naman pinsan niya lang or friend."

"Echoserang palaka. Di naman maganda! Mas bagay si Alexa sakanya."

"oo nga! NLEX FOREVER!!!"

Ray ko beh ha?! Syempre, dahil sa ayoko ng gulo umalis nalang ako at nagulat ako ng
hilahin ako ni nash.

Si NASH?!

Bigla siyang nagsmile sa mga Fans niya at naglakad na kaming sabay di ko namalayan
na nakahawak na pala siya sa kamay ko. Jusko! Namamawis kamay ko.

"Pinagpapawisan kamay mo. Hayaan mo na lang sila. Nasanay na kasi silang kasama ko
palagi si Alexa kaya ayun. Alam mo naman ka loveteam ko siya."sabi niya

"Okay, bakit mo sinasabi to saakin?"nagtatakang tanong ko


"Wala baka kasi magselos ka."sabi niya at nauna ng maglakad naiwan akong naistatwa
sa kinatatayuan ko. Ano daw?

Nash's POV

Tinitignan ko ang reaksyon ni Roselle habang papasok ako ng room. Ang cute lang
tignan.

Kinagat ko ang labi ko dahil sa may kakaiba akong naramdaman. Di normal yung
pagtibok ng puso ko. Kala mo nakipagkarera.

Umiling ako at hinila si Roselle na nakatulala parin.

"Pasok na tayo. Nakatulala ka lang diyan eh."sabi ko kay roselle tinignan niya lang
muna yung kamay ko at tumango at pumasok na kami ng room. Actually, kami yung
nagkatabi eh. Umupo na kami at sakto, dumating na yung Prof namen.

"Good Morning, I'm Mr.Aguirre."sabi nung prof namen. Nagstart na siya magturo

*FAST FORWARD*

Natapos na din yung klase namen at free time na namen. 5:00 pm na ng hapon. 6:00 pm
yung susunod na klase namen. Napansin ko na papalabas na si Roselle kaya sinundan
ko.

"San ka na pupunta?"tanong ko sakanya

"Library lang. Bakit?"tanong niya

"Sama ako."nakangiting sabi ko pansin ko ang pamumula ng pisngi niya.

Napangiti ako sa pamumula niya.

"T-tara na?"tanong niya tumango ako pero nauna siyang maglakad kaya hinawakan ko
siya sa Braso. Hinarap niya ako at mas lalo siyang namula.

Cute.

"B-bakit?"tanong niya

"Nangangamatis ka. Hahahaha! Tara na!"sabi niya at hinila na siya.

Joaquin's POV

Babatukan ko sila Brace pagdating na pagdating nila dito. Kanina pa ako nagaantay
dito sa may Rooftop. Sila nagaya tas wala sila. Kainip. Makakabente ata akong batok
sa 3 ugok na yun! Tagal. Kanina pa uwian.

"Joaquin, dito ka din?"bigla akong napalingon para tignan kung sino yung
nagsasalita

Parang tumigil yung pagikot ng mundo ko. Lah? Ano daw?

Tumango ako sakanya at hindi pinahalata na sobrang nahihirapan ako ngayon dahil sa
sobrang bilis ng pintig ni heart heart naks.

"Ginagawa mo dito?"tanong niya at umupo sa tabi ko.

Natutulog. Sleep talk. Kunwari tulog ako habang kausap mo. Yun sana sasabihin ko
kaso baka magalit.

"Inaantay ko kasi si Brace, bagal."sabi ko naman

"Di bale, sanay ka naman ng maghintay."sabi niya at tumawa, tumawa nalang rin ako.

Oo, maghihintay ako. Maghihintay ako sa panahong pwede ng maging tayo. Yun oh!

"Ikaw bat ka nandito?"tanong ko

"Wala naman, papahangin."sabi niya at nginitian ako.

Kryzshel, wag kang ganyan.

Kumuha siya ng libro at nagbasa. Habang tahimik lang siyang nagbabasa hindi ko
maiwasang hindi mapangiti habang tinititigan siya.

"Balak mo talagang titigan ako buong araw ng ganyan?"sabi niya at nilingon ako.

Ngumiti ako at nilapit mukha ko sakanya na kinagulat niya. "Kung pwede lang. Cute
mo eh."sabi ko Galawang Joaquin Reyes.

Kryzshel's POV

Para akong natulala habang nakatingin sakanya. Napahawak ako sa may dibdib ko.
Sobrang bilis kasi ng pintig ng puso ko.

Hindi pa sana ako magiiwas ng tingin ng biglang may tumawag.

Kristle Calling...

Sinagot ko naman iyon.

"Hello?"

[Kry, sorry umuwi na agad ako. Kasama ko si Brace pumunta kasi sa bahay pinsan ko
eh.]

"Ahhh, okay lang yun! Sige bye!"

[Bye Kry! Bawi nalang ako next time.]

Binaba ko na yung tawag at tumingin kay Joaquin.

"Anong sabi?"tanong ni Joaquin

"Busy. Pumunta daw kasi sa bahay nila Kristle pinsan niya eh."sabi ko

"Kasama si Brace?"tanong niya at tumango ako bumuntong hininga kami parehas.

San kami nito? Uwi nalang kaya ako?

"Tara kain tayo."pagaaya ni Joaquin at pinagpagan ang slacks niya.

"San?"tanong ko

"Basta."sabi niya at naglahad ng kamay kaya tinaggap ko.

*FAST FORWARD*
Nasa may stall kami ng mga Street Foods. Ano naman gagawin namin dito? Malamang
kakain kayo Kryzshel.

"Oh."sabi bigla ni joaquin at inabot sakin yung isang stick na may fishball at
kikiam.

"Salamat." sabi ko at nagsimula ng isaw-saw sa sauce. Kinagat ko na ng biglang..

"Teka-ANGHANG! TUBIG TUBIG! JOAQUIN! WOOH!!"sabi ko habang pinapaypayan ang dila ko


gamit ang kamay ko.

Bat di ko tinignan yung sawsawan kung matamis ba o maasim?! Kahiya!

"Ale, pabili po palamig!"sabi din ni joaquin

"Oh hijo."sabi ni Manang at inabot kay Joaquin at inabot naman saakin at ininom ko
agad yun.

"Salamat."sabi ko at kumain ulit. Pagkatapos namin kumain naisipan na naming umuwi.

Nakarating na kami sa Bahay ko, papasok na sana ako ng hawakan ni Joaquin Braso ko.

"Uhmm, Kry ano kasi.."sabi niya sabay hawak sa may batok niya.

"Hmm? Bakit?"tanong ko

"Ah wala wala. Sige! Kitakits nalang bukas!"sabi niya at ngumiti

Tumango ako at nagpaalam na ng makapasok ako sa bahay napasandal ako sa may


pintuan.

Shemay! Nakakahiya talaga yung kanina! Tapos napahawak ako sa dibdib ko. Sobrang
lakas ng tibok ng puso ko.

____________________________________

EDITED PRENDS.

26
Ann's POV

Kanina pa vibrate ng vibrate ang Cellphone ko at hindi ako makapagbasa ng maayos.

Andito ako ngayon sa Fully Booked Mag-isa. Unica Hija kasi ako ng pamilya namin, Si
Mama at Papa always wants me to be PERFECT. edi sana di na Ann ang pangalan ko.
PERFECTA na lang sana. Taena! They always want me to be on top.

Nakakapagod na rin pag ganun, Ang hirap hirap. Wala naman kasing taong perpekto.
Lagi naman nila sakin sinasabi na..

"Mayroong taong perpekto Ann, Kung gugustuhin."

Hinahanap nila ako at tinatanong kung asan ako ngayon pero hindi ko sinasabi ang
totoo. Ang sabi ko nagattend ako ng piano lessons ko. Pero siguro nalaman na nilang
nagsinungaling ako kaya eto, bingo nanaman ako kay Mama panigurado.

"Dito ka din pala?" napalingon ako kung sino yung nagsasalita at si John pala.
Hindi ko maiwasan ang pamumula ng aking pisngi.

Naalala ko nung niyakap niya ako sa Park. Alam ko medyo close na din kami nung
nakaraang araw pero hindi maalis sa isip ko yung kahihiyang ginawa ko.

Niyakap ko lang naman ang isang John Bermundo! Artista te artista!

"Anong binabasa mo?"tanong niya at tumabi saakin sa pagkakaupo

"Uh..Looking for Alaska."sabi ko at tinignan niya naman

"Ah, eto sakin."sabi niya at pinakita saakin ang libro na kinuha niya.

The Power of Six. Naks.

John's POV

"Cool."sabi niya habang tinitignan niya ang napili kong libro.

"Napanood mo na ba yung Movie na I am number Four?"tanong niya tumango naman ako

"Actually mas maganda yan."sabi niya ulit tumango lang ako habang tinititigan siya.

Ganda kasi. Tapos mahilig pang magbasa.

Ann's POV

"Si John Yan diba??"sabi nung babae at ang dami ng nakatingin kay John

"Shemms, oo nga papicture tayo. Goshh!"

"John! Papicture kami!"

"may kasama yata?"

"Ganda nung girl."

"Nilalandi lang niyan si John"

"Malanditera, halata naman na mas maganda ako."

Hard ha?

"Uh, sorry pero kaibigan ko yung kasama ko. Hindi magandang pagsalitaan niyo siya
ng ganyan."sabi ni John

"Sorry John!"

*FAST FORWARD*

Naglalakad lakad kami ngayon ni John habang kumakain ng Ice cream.

"Bat nga pala mag-isa ka ngayon?"tanong ko

"Ah, kasi mga tamad sila Brace. Hahaha! Di trip ko lang magsolo ngayon. Kaw
ba?"tanong niya

"Well, wala pa naman akong maaaya dito since wala pa naman ako masyadong friends sa
school."sabi ko
"Sila Kristle?"tanong niya

"Hindi ko nakuha number nila, tsaka nahihiya akong imessage sila sa social media
accounts nila. Malay mo busy pala sila."sabi ko

"Dapat sinabihan moko, edi sana nasabihan ko sila. Walang FC FC dun! Dapat niyaya
mo na."sabi niya pero tumawa nalang ako

"Nga pala, bakit ka umiiyak nung nakita kita sa park?"tanong ni John saakin.
Natigilan ako.

Naramdaman ko nanaman yung sakit..

Naalala ko yung mga pangyayari nung araw na iyon.

"Niloko kasi ako nung boyfriend ko."sabi ko

Bestfriend ko na naging Boyfriend ko. Akala ko over na siya sa past niya, di pa


pala. Umaasa lang ako. isa lang akong REBOUND. kaya naman pala ganun trato niya
sakin, trinatrato niya ako katulad ng pagtrato niya sa past niya, Si Kyla Gomez.
Ang sakit lang, na lagi lang siyang lalapit sayo pag may kelangan siya.

Rebound lang ako.. ginawa niya akong rebound. Siya nalang yung meron ako, siya yung
napapagsabihan ko ng lahat ng problema ko. Lahat lahat, pero siguro nagsawa siya.
Nagsawa siya sa kadramahan ko sa buhay.

Napaupo ako sa bench. At tumulo ang luha ko.

"Hoy hala, sh*t."sabi bigla ni John

Pinunasan ko yung luha ko at nginitian siya. Nagulat siya ng nginitian ko siya.

"Okay lang ako. Hehe!"sabi ko sakanya

"Di, okay lang na umiyak ka ngayon. Umiyak ka sa harapan ko. Okay lang, sabihin mo
lahat ng gusto mong sabihin para sa ex mong gunggong na walang kwenta."sabi niya

"Masakit John. Masakit iwan. Masakit maging rebound. Masakit lahat."sabi ko

"Okay lang yan. Gunggong yun! Nandito ako. Umiyak kalang. Nandito ako."sabi niya

Brace's POV

"BRACE KASI!"reklamo niya, natatawa ako. Sarap asarin.

"Iisa nalang yan nako wag mong kakainin yan uupakan kita!"sabi niya

"Sweet mo naman talaga!"sabi ko

"Kasi naman last nalang yan eh!!"sabi niya nasa bahay nila ako nagdala ako ng
chocolates, sakto pagpunta ko nandito parents niya. Nalaman nilang nililigawan ko
anak nila.

Una ayaw nila, dahil bata pa raw kami. Pero sa huli napapayag ko naman sila. Walang
imik si Kristle buong paguusap namin. Hindi ko alam kung bakit. Basta daw pagaaral
ang pinaka top priority namin at makapagtapos kami. Wag magmamadali.

"Pano di magiging last yan? Nagdala ako ng isang pack naka 4 lang ako tas ikaw
halos lahat sayo, bigay mo na sakin to oh?"sabi ko habang nakapout

"Hilahin ko nguso mo! Huhuuhu! Kasi brace, amin na yan!"sabi niya ibibigay ko naman
talaga to sakanya eh. Inaasar ko lang.

"Sweet mo talaga kaya gusto kita eh!"sarkastikong sabi ko

"Naman!"natatawang sabi niya

"Kasi brace ibigay mo na sakin!"sabi niya ulit

"Kiss muna."sabi ko naman

"Sampal nalang kaya!"sabi niya naman tumayo siya at pumunta sa kitchen natatawa ako
habang tinitignan siya.

Binuksan ko yung kitkat at nagulat ako ng kunin niya iyon at kinain agad.

"KITKAT KOOOOOOOOOOO!!!!"sabi ko naman

"Hehehehe!"sabi niya lang

"Kitkat ko yun eh!"sabi ko naman

Nanliit mata niya. "Kitkat o ako?"sabi niya at tumawa

Natawa naman ako. "Syempre ikaw."sabi ko

"Nagpadeliver ako pizza hehe."sabi niya

After 20 mins...

*ding dong*

"Manang andyan na po ba yung pizza delivery?"tanong ni kristle habang pinupunasan


ko luha niya

Pano umiiyak dahil sa pinapanood namin, napapangiwi na nga lang ako sa buong movie.

Hindi ko type. A walk to remember ba? Oo yun.

"Manang sainyo na po yung isang box."sabi ni Kristle

"Dalhin ko na ba dyan hija?"tanong ni Manang

"Ako na lang po kukuha manang. "sabi niya at naglakad na papuntang kusina. Kinuha
ko muna yung cellphone ko at nagtwitter.

Nag-Post muna ako.

Yow.

tweet sent

syempre dami Comments and retweets.

Nireplayan ko syempre yung iba habang di pa dumadating si Kristle

After ilang minutes nakabalik na si Kristle na may dala dalang pizza at juice
syempre as suitor niya tinulungan ko.

Kumain kami habang nanonood

*FAST FORWARD*

Nakadalawang movie kami, Yung A walk to remember at White Chicks. Ngayon, uuwi na
ako kasi gabi na at yari ako kay mama.

"Uwi ka na gabi na."sabi niya

"Pinapauwi mo na ako?"tanong ko

"Oo, gabi na. Kailangan mo ng umuwi. May rehersal pa kayo bukas!"sabi niya naman

"Sus, tinataboy mo lang ako eh."sabi ko

"Arte mo naman! Kailangan mo na nga kasing umuwi, pagagalitan ka ni Tita. Nga pala,
magpahinga ka na din pagkauwi mo. Kasi may rehersals pa kayo kinabukasan okay?"sabi
niya hindi ko mapigilang hindi mapangiti.

"Aye aye babe!"sabi ko tinulak niya naman ako palabas ng bahay nila

"Goodnight na byeeee!"sabi niya saakin

"Wag moko itaboy!"sabi ko naman

"Hindi kita tinataboy pinapauwi lang kita baliw"sabi niya

"Goodnight baby."sabi ko at pinitik siya sa noo

"Aray ha?"sabi niya naman kaya hinalikan ko sa forehead

"Kilig ka na niyan? Goodnight! Alis na ako."sabi ko at umalis na.

Kelan niya kaya ako sasagutin? Tanungin ko na kaya siya?

Kristle's POV

"Grabe."sabi ko at napawalling nalang.

Shems, puso ko kumalma ka.

Jusko! Pag talaga tinanong ako ni brace lalabas nalang siguro sa bibig ko agad.

Oo.

Oo nalang ata agad masasabi ko.

___________________________________

EDITED :)

ANNOUNCEMENT
Hi! Oh kabog pati to inedit ko, hays so ayon na nga guys! Major major major major
major ng bonggang bongga to the highest level ang pageedit ko ngayon sa FALLEN 44
HAHAHAHAHA CHAR!
Ineedit ko guys kasi yun na nga magulo, jejemon ang pagkakatype, madaming typos.

Pero i'm doing my best (wow pak english) na maging maayos ang takbo ng buhay lol
hindi maging maayos ang takbo ng storya na ito.

So may mga binago akong scenes at sorry kung may bad words huhu patawarin niyo ko!
Sana wag kayo malito. Batukan niyo nalang ako pag nalito kayo o kaya pahuli niyo ko
sa pulis lol joke wag pero yun na nga sana magustuhan niyo yung inedit ko sana guys
plezzz pero maraming salamat kasi binabasa niyo parin FALLEN yun lang thank u guys!

mwa

Hi

Skip niyo nalang to kasi papansin author niyo nung mga panahon na ito, hahahaha!

So yun nakalagay kasi dito bago ko inedit is HAPPY 4.79K reads ba yun?

Basta yun! So maraming salamat ulit! Maraming maraming salamat to the highest
level!

thank u ulit lol hahahah sige bye papansin na ako

27
Kristle's POV

Nagising ako dahil sa alarm clock ko. Walang pasok ngayon at sobrang saya ko,
dumiretso agad ako sa banyo at naligo. Nagbihis at inayos ang kama ko.

Tinignan ko ang mga notebook ko at bumuntong hininga. Pakshet baka may assignment!
Nagdasal ako ng 5 ama namin at pinapanalangin na sana wala. Hehe tamad ako gumawa
eh!

Tinignan ko at wala naman, natuwa ako at humiga sa kama ko.

Tinignan ko ang cellphone ko at may text si kry doon.

FROM: Kry

-May mallshow mamaya sila Brace, punta tayo!

Nagreply naman ako. Oo nga pala, ngayon na pala yun.

"Okay, wait sunduin mo ako!"

[Batukan kita jan, ako sunduin mo! O kaya magkita nalang tayo sa mall.]

"Okay sige."

Hindi na siya nagreply, mamaya pang 5pm ang mallshow nila Brace kaya naman nilibang
ko muna ang sarili ko.

Hindi ko na muna tinext si Brace, de joke. Nagtext ako pero isa lang. Ayoko maging
masyadong clingy.
"Hi, goodluck sa mallshow! Pupunta kami mamaya ni Kry. :)"

Hindi siya nagreply, siguro busy. Syempre naman mallshow nila eh.

Nagbasa nalang ako at nanood ng movie. Hanggang sa hindi ko namalayan na malapit na


mag4pm kaya nagayos na ako.

Hanggang sa nakatapos ako at nagpahatid sa driver namin papuntang mall.

Pagdating ko doon nagkita kami ni Kry sa may pinkberry.

Dumiretso na muna kami sa Forever 21 at Mango pati nilibot na muna namin yung buong
mall lol.

Nagaantay lang kami ng text nila Brace na kung nandun nakarating na ba sila Dito.

Kasi sa backstage daw kami mamaya habang ginaganap ang mallshow nila.

Maya maya nakatanggap na si Kry ng text galing kay Joaquin. Nagtaka naman ako kung
bakit hindi ako nakarecieve ng text kay Brace.

"Kristle, nandun na daw sila. Sabi nila punta na daw tayong backstage. Pero, pwede
pag nagsimula na mallshow nila makihalubilo tayo sa mga fans nila?"tanong niya
tumango naman ako.

Okay lang naman kung nandun kami mamaya manonood kasama yung mga fangirls nila.

Pumunta na kami ng backstage at nakita ko yung mga fans nila. Parami na ng parami.

Nakita ko sila Tita Alma at pinapasok naman nila kami. Syempre kinausap muna namin
sila Tita bago kami dumiretso doon.

Pagdating namin doon sa may backstage nakita na namin silang nakaready na.

Nakita ko si Brace at nginitian niya lang ako sabay pitik sa noo ko.

"Goodluck!"sabi namin ni Kry

"Hahaha! Oo naman."sabi nilang lima

Nilapitan naman ako ni Brace at hinawi ang side bangs ko.

"Goodluck!"sabi ko sakanya tumango lang siya at ngumiti

Umalis na kami doon sa backstage at nakihalubilo na sa fangirls na todo sigaw na


para sakanila.

Pag kalabas nilang lima sobrang nagkagulo na ang mga fans nila. Umingay lalo, at
sobrang saya ng mga fans nila habang nakikita nila yung mga idol nila sa stage na
nagpeperform.

Nakita ko ang titig ni Brace saakin. Nagthumbs up naman ako.

Sobrang saya ko habang nakikita ko si Brace na nagpeperform sa stage ng ganito


kasaya.

Madaming nangyari. May laro, may mga pinili silang babae na haharanhin nila.
Kukunin sana ako ni Brace ng umiling ako at tumawa.
Tumawa nalang rin siya at pumili ng iba. Ng makapili siya nakatingin lang siya
saakin.

Natapos ang mallshow at ng matapos iyon, may humila saamin ni Kry sa backstage.

Nakita namin na si John at Brace yun.

"Galing niyo kanina naks!"sabi ko sakanila

Tumawa lang si Brace, may hinagis sakanya na susi si Tito at hinila na niya ako.

"San tayo pupunta?"tanong ko habang tinitignan sila Kry

"INGAT!!!"sabi nila saamin

Nakaball cap siya at ako naman sinuotan niya ng hoodie. "Tara!"at hinila ulit ako,
nakarating kami sa may parking lot ng mall at pumasok agad kami sa kotse.

Tinignan ko ang kotse niya. Sedan to ha?

"Kotse mo to?"tanong ko sakanya

Tumango naman siya. "Dapat kay kuya Ian yan, kaso sabi ko palit kami. Sakanya
mesarati ko akin sedan niya. Payag naman siya kaagad."sabi niya at nagdrive na.

Tumango nalang ako at tinignan siya habang nagdridrive. Kinakagat niya ang labi
niya kaya nakikita ko ang dimples niya.

Nagiwas ako ng tingin, pogi kasi ah.

"Saan tayo pupunta?"tanong ko

Nagpatugtog naman siya. New York ni Ed Sheeran.

Napansin kong hininto niya ang kotse sa may tapat ng isang resort.

Nagtaka ako. "Ano gagawin natin dito?"

"Nganganga, de joke manonood tayo ng fireworks. Maganda dito manood ng


fireworks."sabi niya naman

Edi ayun, napansin ko yung mga tao maraming naliligo sa indoor pool pero dumiretso
kami sa may beach.

Umupo kami don sa may kahoy at inantay yung fireworks.

Tahimik lang kami sinandal ko yung kamay ko dun sa may kahoy. Dahan dahan na
pinatong ni Brace kamay niya doon.

Hindi ko mapigilan ang kilig ko. Jusko mga te paano?

Umubo siya saglit at tinignan ang bonfire.

"May tatanong sana ako."paninimula niya

Tumango naman ako at tinignan siya."ano yun?"tanong ko

"Tae, kinakabhan naman kasi ako."narinig kong bulong niya kaya natawa ako
"Ano nga yun?"tanong ko hindi ko mapigilan ang ngiti sa labi ko.

"Nakakakaba p*ta."rinig ko ulit na bulong niya at pumikit siya at tumawa ulit ako.

"Alin ba yun?"tanong niya

Bumuntong hininga lang siya, maya maya may nagpaputok na ng fireworks.

Ang ganda grabe. Nakatitig lang ako doon sobrang ganda. May sinabi siya pero hindi
ko marinig dahil sa ingay ng fireworks.

"Ano?"tanong ko

Nagulat ako ng nilapit niya ang mukha niya saakin at may binulong siya.

"Can you be my girl?"tanong niya natigilan ako. Naginit ang mukha ko.

Tinatanong na niya ako kung pwede na niya akong maging girlfriend...

Bumilis ang tibok ng puso ko.

Tinignan ko siya at nakatingin siya saakin.

Ngumiti ako at dahang dahan na tumango.

"TALAGA?"tanong niya

Binatukan ko naman siya.

"Oo nga."sabi ko habang nagpipigil ng ngiti.

Tumayo siya at tumayo naman ako. Nakangiti siya saakin at pinitik niya noo ko.

"Ano ba?! Lagi nalang noo ko trip mo! Sinagot na nga kita tapos pipitikin mo parin
no--"natigilan ako sa pagsasalita ng yakapin niya ako ng sobrang higpit.

Hindi ako makahinga pero okay lang. Okay lang talaga. De joke, okay lang. Syempre.

"I dig you."bulong niya saakin

Dig? Ano yun?

"Ibig sabihin nun mahal kita. Gusto kita."bulong niya ulit

(Please play the song New York by Ed Sheeran.)

Hindi ko mapigilan ang pag ngiti ko. Hindi ko na alam.

"I dig you too."sabi ko naman sakanya

___________________________________

Edited Hihi

28
Kryzshel's POV
Masaya ako na si Kristle At Brace na. Pero hindi ko maiwasan na hindi batukan ang
dalawang ito dahil sa sobrang nagmumukha akong Third Wheeling!

Pag nasa labas kami nako! Buti na nga lang di sila masyadong PDA sa school.

"Daming ginagawa, pagod na ako."sabi ni Brace at hinilig ang ulo niya sa balikat ni
Kristle na nagbabasa.

"Alam mo naman kasing may taping kayo, eh pumapasok ka pa. Pwede naman kayong
magpaexcuse eh."sabi ni Kristle

"Ayoko magpamiss sayo eh. Naks."sabi ni Brace

Iniwas ko nalang ang tingin ko sakanila at umiling. Ang hirap talaga maging third
wheel.

Asan ba yung 3 ugok? Napaayos ako ng upo na may tumakip ng mata ko.

"Gwapo to."sabi niya kilala ko na to. Nagyayabang nanaman eh, panigurado si Joaquin
to.

Tinapik ko ang kamay niya at tinanggal na niya ito sabay umupo silang tatlo kasama
si Ann.

Bigla nalang silang nagheads down at nagsipikitan ang mata nila.

"Kingina pagod na pagod na ako!"sabi ni Joaquin

"Gusto ko ng umuwi."sabi ni Grae

"Gusto ko ng matulog."sabi ni Brace na pinipikit na ang mata

"Toooooooooool, umuwi na muna kasi tayo! Si Nash nga di na pumasok eh!!"sabi naman
ni John

"Loko ka ba? Hindi pumasok si Nash kasi may taping nanaman siya."sabi naman ni
Brace umayos sila apat ng pagkakaupo.

"Pre, umuwi na tayo utang na loob!!"sabi naman ni Grae at tumayo na

"Uwi na kasi kayo. Halatang halata na pagod na pagod kayo."sabi ni Ann

"Oo nga!"sabi ko naman

"Ayoko, tapusin nalang natin to. 2 subjects nalang naman eh."sabi ni Brace

"Tae, bagsak agad ako nito sa kama ko."sabi ni Grae at umupo ulit.

**
Natapos din ang klase at halatang pagod na pagod na talaga tong apat.

Natatawa na nga lang kami sa itsura nila eh!

"Naks naman! Brace at Grae highest! Papapizza na yan yieeee!!"pangaasar ni Joaquin

Nagkaroon kasi ng Long Test kanina, Highest si Brace at Grae samantalang si


Kristle, ako at john eh sumunod sakanila.
"Pano inspired yung isa, yung isa nagaaral ng mabuti yieee!!"sabi naman ni John

"Kami pa ba?"sabi naman ni Grae at inakbayan si Brace

"Tara kain!!"sabi naman nila John at pumunta kami ng Canteen kahit tapos na klase
namin.

Nasa canteen na kami at umoorder sila Joaquin nabigla kaming tatlo nila Ann ng may
bumuhos saaming tatlo ng juice.

Napatayo agad ako, wtf?!

"That's for all of you b*tches."sabi ni Noemi at tinaasan kami ng kilay

"Mga Papansin kayo kila Brace! Dapat sainyo tinuturuan ng leksyon!"sabi ni Patricia

"You Whores! Malalandi kayo!"sigaw nila saamin

Nabigla ako ng sinampal ni Ashley si Kristle pati kami ni Ann.

Gusto kong magmura ng malutong.

"Ganyan ba yung larong gusto niyo ha?!"tanong ni Kristle

"Edi b*tch na kung b*tch, okay na yun. Kaysa naman sa slut."sabi ko dahilan para
mapatingin lahat ng taong nandito sa may Canteen.

"You f*cking b*--"sasampalin na sana ako ni Noemi ng pigilan ni Joaquin.

"Ano nanaman ba to patricia?!"sigaw ni Brace tinago ni Brace si kristle sa likod


niya.

Nakakaagaw na kami ng atensyon dito sa canteen. Pasalamat nga at uwian na wala


masyadong tao.

Lagkit ko na lintik.

"Anong kami brace?! Eh sila tong tumawag samin ng slut?! Hindi tama yon
diba?!"sigaw ni Patricia

"Oh b*tch please, sino bang nagpasimula? Ano santa santita ka jan? Paawa
ganun?!"hindi ko mapigilan ang galit ko dahil sa limang to. Pagbabarilin ko to eh!

"You shut up!!"sabi ni Noemi

"They started it Brace! Hindi kami nagpasimu--"

"Woah woah woah missy, kami pa ha? Sa tingin niyo papatulan namin kayo? Napakalow
class nga ng gawain niyo tapos sa tingin niyo papatol kami? C'mon!"sabi ni Ann

Tinignan siya ng masama ng kasama ni Patricia

"See? Tignan mo naman kung anong pinagsasabi nila samin?! Tignan mo! Ano brac--"

"Stop being so immature."sabi ni Kristle

"Okay ka lang?"tanong ni Joaquin saakin tumango lang ako.

"You b*tch!"lumapit si Patricia sakanya pero humarang si Brace


"Don't you dare."sabi ni Brace

"Noemi, ano ba? Kelan niyo pa ba balak itigil to?! T*ngina hindi ba kayo
nagsasawa?! Puro kayo gulo! Tama na pwede ba?"sabi ni Joaquin natigilan silang lima
sa sinabi ni Joaquin.

"Brace.."pagtatawag ni Patricia

"Patricia, babae ka. May respeto ako sayo. Kaya itigil mo na to, ayokong saktan
ka."sabi ni Brace

"You used to treat me as your princess too brace."sabi ni Patricia

Bumuntong hininga si Brace.

"Dati yun. Dati yun, nung tayo pa. Ngayon, wala ng tayo. At masaya na ako sa kung
anong meron ako ngayon."sabi ni Brace at hinila na si Kristle kahit ako hinila din.

Pero bago pa man kami makalabas ng canteen, dumating na principal namin.

"What's the commotion all about?!"at ayun, principal's office kami.

Suspended sila Ashley at kami naman naatasan na papaglinisin ng Field.

Eh ang dami pa namang kalat lagi doon dahil sa dun lagi gusto tumambay ng mga
estudyante.

Badtrip! Sarap pagbibigwasan ng limang yun!

Ashley's POV

Those bitches! I will make them pay.

Suspended pa tuloy kami.

"Ang bobo naman kasi ng ideya mo Julia, gustong gusto mo talaga ng atensyon eh
noh!"sabi ko naman

"What?! Bat ako sisisihin niyo eh pumayag rin naman kayo!"sabi niya

"Alam niyo, itigil niyo na to. At ikaw patricia bakit hindi mo nalang tanggapin na
wala ng gusto sayo si Brace? Damn girl, nagmumukha kang desperada!"sabi naman ni
Kaye

"Shut the f*ck up b*tch. Babalik din naman kay Patricia si Brace kung hindi niya
lang nakilala yung Kristle na yun!"sabi naman ni Noemi

Nakipaghigh five naman ako kay Noemi.

Noemi's Right. May point siya.

"Eh kasalanan din naman talaga ni Patricia! Kung hindi niya pinili si Francis edi
sana masaya sila ngayon ni Brace! Masyado din kasi to! Nalaman lang na bumalik na
si Francis hiniwalayan agad si brace!"sabi ni Julia

"Oo na! May kasalanan na ako! Pero ano ba?! Tulungan niyo naman ako!"sabi ni pat

"Don't worry. Magbabayad sila."sabi ko


"Desperada na ko.. please tulungan niyo ko. Gusto ko talagang bumalik ulit saakin
si Brace."sabi ni Pat

Habang naglalakad lakad ako dito sa hallway nakita ko si Grae, kaya tinawag ko.

"Baby!!"

Lumingon siya at kumunot ang noo ng makita ako, nakita niya si Mafe na nasa likod
ko kaya ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko.

"Hi baby."malamig na sabi niya pero binalewala ko iyon.

Tinignan kami ni Mafe at sa kamay naming dalawa ni Grae. Ha! That's for you mafe!
Ipapakita ko sayo na mas deserve ko si Grae kaysa sayo!

Naglakad nalang palayo si Mafe ng mabilis. Bigla nalang binitawan ni Grae kamay ko.

"Baby!"tawag ko at nilingon niya ako

"T*ngina, wag mokong tawaging baby! Una hindi ako sanggol. Pangalawa, hindi kita
gusto."sabi niya

"Bakit? Sinong gusto mo yung mafe na yun?! May paki ba siya sayo? Diba wala?! Bakit
ba you care for her? Eh wala naman siyang paki sayo?! Ay oo nga pala, mahal mo pa
siya. Well wake up grae! Hindi ka na niya mahal! Oh wait, hindi ka niya minahal!
Pinaasa ka niya! Pinagmukha ka niyang tanga ano ba?! Para kang tanga alam mo ba
yon? Oo nga iniiwasan mo siya, telling everybody na hindi mo na siya gusto. Being
that cold human being pero that doesn't change everything! Halatang halata ka!
Halatang halatang nagpapakatanga ka parin sakanya! Walang kayo grae! Walang naging
kayo! Iniwan ka niya! Sinaktan ka niya! Niloko ka! Wake up!!"sigaw ko at umalis na,
nakakainis.

Nakakainis siya, napakag*go niya. Napakatanga niya.

Grae's POV

Those f*cking words suddenly hit me.

Nagpupulot kami ng kalat dito sa field at puro asaran sila pero ako hindi ko
magawang ngumiti.

"Hoy tsong! Y u sad?!"tanong ni Joaquin saakin

Umiling lang ako. "Wala."

"Pre, ang pogi pogi ko."sabi ni joaquin

"HAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAH
AHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHHAH Kala ko
joke."natatawang sabi ni Brace

"Pre, pwede ka na sa funny juan!"sabi ni John

Wala pa sila Kristle dahil sa nagbihis sila. Natapunan kasi sila ng Juice kanina.

"Pre, ano tong balita na nagdadate kayo ni ashley?!"tanong ni John saakin at


pinagbabatukan naman nila ako
"Gunggong na ba u?!"sabay sabay na sabi nila

"Wala yun."sabi ko sakanila

"Pre, tatampalin kita ng tsinelas na sira!"sabi ni Joaquin

May tinitignan si Brace at pumunta siya doon sa may likod ng field kung san may
kanal.

"Ano maliligo ka?!"pangaasar nila habang sinusundan namin si brace

"Mga gunggong! Tinapon ko yung basura tapon niyo na din sainyo!"sabi niya habang
tinatapon basura sa garbage bin.

Pumunta kami doon at tinapon na rin namin, maya maya habang nagaasaran kami may
lumabas na ipis sa may kanal.

Tinignan naman namin iyon. "Hoy ikaw!"sabi ni John sa ipis

May lumabas na tatlo pero di naman kami takot.

"Hoy kayo!"sabi namin sa apat na ipis at pinangkitan ng mata ang mga iyon.

Nagulat kami at napatakbo ng wala sa oras ng lumipad sila.

"KINGINA ANTONIO WALANG GANYANAN!!!!!!!!!!"Sigaw naming apat at tumakbo papuntang


field naabutan naman namin sila Kristle na namumulot ng basura

"Anyare sainyo?"tanong nila

Umiling nalang kami at nagpatuloy sa pagpulot ng mga basura. Nabadtrip ata si


Antonio and friends saamin.

Nagkatinginan kaming apat at tumawa, paulit ulit naming ginagawa yun. Hindi kasi
namin makalimutan na naduduwag kami sa ipis pag lumilipad yun.

Tinitignan naman kami nila Kristle at gulong gulo ang ekspresyon nila dahil samin.

Natutuwa nalang ako kase napapatawa ako ng tropa ko.

____________________________________

Edited :)

29
Kristle's POV

Sinarado ko na ang ikalawang librong natapos ko ngayong araw. Sobrang bored ako at
walang magawa.

Ayoko namang istorbohin si Brace, dahil baka busy siya. Ayokong maging clingy na
girlfriend. Nagusap naman na kami kanina eh.

Pero tinignan ko ulit ang cellphone ko. Wala siyang text. Humiga ako sa kama at
tinignan ang kisame.
Maya maya bigla nalang nagring ang telepono ko kaya tinignan ko kung sino ang
tumatawag. Napangiti agad ako.

Henry Danger Calling...

"Hello?"

[Hi babe!]

"Babe mo mukha mo!"

[Kilig kalang eh.]

"Kapal mo naman po kuya!"

[Di sadyang gwapo lang at nagsasabi ng totoo.]

"Grabe brace, masasampal kita."

[Kiss nalang!!]

"Kiss kissin mo mukha mo sa pader!"

[Hahahaha, kanina ka pa ganyan ha? Namimiss na nga kita eh! Ganyan ka naman eh.]

Natawa ako sa sinabi niya. Kulit eh!

"Hahahah drama mo, oh miss din kita! Dami mo nanamang alam eh!"

[Untog kita sa abs ko eh!]

"Abs? Wala kang ganun baby."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ko. Tinawag ko siyang baby!

[Hahahaha! May abs ako baby! Gusto mo makita?]

"Ewan ko sayo!"

[Sunduin kita. May pupuntahan tayo.]

"Saan?"

[Basta, see you babe! Love you! Naks, kinikilig na yan hihihi!]

"Hala arte!! Ewan ko sayo!"

[Aguy wala manlang i love you too?]

"Iloveyoutoosigebye!!"

Binaba ko na agad ang tawag. Natatawa ako sa sarili ko. Nahihiya kasi ako kay
Brace, alam ko kami na pero iba parin eh. Nahihiya nalang ako bigla tas magiinit
ang mukha pag nagiilove you siya ganun.

Napansin kong tumatawag ulit siya kaya sinagot ko.

[Bilis nun ha? Hahaha, love you boss.]


Binaba niya naman agad yung tawag. Sobrang nagiinit ang mukha ko ngayon. Tumayo ako
at nagharlem shake char!

Naligo na at nagbihis, pagkatapos ay kinuha ko ang blower at nagpatuyo ng buhok.

Umupo muna ako and itetext ko na sana si Brace ng Bigla siyang Tumawag.

"Itetext pa lang sana kita."

[Miss mo na ako yun nalang sabihin mo.]

"Ewan ko sayo. San ka na?"

[Nasa labas.]

"Okay baba na ako."

I hunged up the phone at kinuha ko na yung bag ko tas bumaba na ng hagdan at


lumabas na.

Pag labas ko nakita ko agad siya. Nakasandal siya sa kotse niya habang yung dalawa
niyang kamay nasa magkabilang bulsa niya.

Ngumiti siya sakin at nilapitan ako. Pinulupot niya ang kamay niya sa baywang ko,
bigla niya akong pinitik sa ilong.

"Namumula ka nanaman."sabi niya eh

"Gwapo mo kasi eh."sarkastikong sabi ko kahit na ang totoo ay sobrang gwapo niya
naman talaga.

Hinalikan niya ang ilong ko at tumingin saakin. "Alam ko."

Tumawa ako at pumasok na ng kotse niya, pero siya pumunta muna sa bahay at kinausap
si manang. Humikab ako at kinuha ang cellphone ko, maglalaro muna ako.

Brace POV

Pumasok na ako ng kotse at napansin kong nakatulog na siya, nilagay ko sa likod ang
gamit niya.

Pupunta kami ng Subic at doon matutulog. May pent house kasi kami doon.
Kinaumagahan eh susunod lang rin sila Nash saamin.

Bago ko paandarin ang kotse tinignan ko muna siya habang natutulog, medyo nadismaya
ako kasi tulog siya habang bumabyahe wala tuloy akong makakausap.

Tinignan ko ang cellphone niya at kinuha ito sa kamay niya na malapit ng mahulog.
Nakita ko na lockscreen niya pala ang picture naming dalawa ngumiti ako at nilagay
sa dashboard ang cellphone niya at nagdrive na.

**

Naisipan kong magdrivev thru nalang sa Mcdo. Habang tahimik akong nagaantay ng
order napansin kong nagising na siya.

"Hi."bati ko sakanya sabay ngiti umayos siya ng pagkakauupo at ngumiti rin, sabay
tumingin sa may bintana.
Hiya ka nanaman saakin eh boyfriend mo na ako.

"Saan tayo pupunta?"tanong niya sakto dumating na order namin at nagdrive na ulit
ako, binigay ko sakanya pagkain namin.

"Subic."simpleng sagot ko at ngumanga para humingi ng fries. Nanlaki ang mata niya
ng tinignan niya ako.

"SUBIC?! Siraulo ka ba?!"natatarantang sigaw niya tumawa ako at tinignan siya.

"Relax, maayos akong nagpaalam sa parents mo."sabi ko

"Sigurado ka?! Baka magpa search and rescue operation yun."sabi niya

Tumango ako at ngumanga ulit. Binigyan niya naman ako ng fries.

"Uuwi din ba tayo?"tanong niya pero umiling ako kaya hinampas niya ako

"Hey hey hey!! Baby nagdridrive ako!!"sabi ko at tumawa

"Bwisit to! Sinong kasama natin doon?"tanong niya naman

"Wala tayong dalwa lang." sabi ko Nanlaki ulit mata niya at Binatukan ako.

"Aray naman babe!"reklamo ko, nagdridrive ako mga prends oh?!

"Uwi na tayoooo!!! Ayoko mapagalitan!!"sabi niya at tumingin sa daanan na parang


nagtatantrums.

Cute.

"Chill lang kasi! Isang araw lang yun. At sabi ko nga, nagpaalam ako ng maayos.
Susunod din sila Nash okay?"sabi ko naman kaya tumango nalang siya.

Nakarating din kami sa subic at ng makababa kami, hinawakan niya ang braso ko.
Tumingin ako sakanya lalayo na sana siya ng hawakan ko kamay niya. Tinaasan niya
ako ng kilay kaya tinaasan ko rin siya ng kilay.

Magtaasan tayo ng kilay dito babe.

"Sino nga kasi kasama natin dito?"tanong niya habang nakatingin sa pent house

"May dalawang maid dito. Kaso, hindi ko alam baka umuwi sila ngayon."sabi ko kaya
tinignan ko ang reaksyon niya, ngumiti lang siya at tumango.

Dumiretso na kami sa loob ng pent house

Kristle's POV

"Oh? asan yung mga maids?"tanong ko

"Good Afternoon po."bati nila samin ni Brace at mukhang paalis na nga sila. Jusko,
kami nga lang dalawa ni Brace dito!!

"Uhmm, aalis po kayo?"tanong ko tumango sila pinulupot ni Brace ang kamay niya sa
baywang ko kaya naginit bigla ang mukha ko.

Leche, Brace.
"Aalis po kayo ngayon?"tanong ni Brace

"Pano na yan?"tanong ko kay brace huminga siya ng malalim at nagpaalam na ang


katulong saamin.

Ng makaalis na ang katulong tinignan niya ako at pinitik noo ko.

"Aray!"reklamo ko kahit di naman gaano masakit, oa ko din eh.

"Alam mo, panget ka kaya wala akong balak--aray!"reklamo niya dahil sinapak ko.
Kabanas eh! Bigwasan ko to eh.

"Joke lang! Matutulog lang tayo dito. Tsaka pupunta din sila Nash dito kinabukasan.
Gusto lang kita makasama kaya dinala kita dito. Chill lang kasi."sabi niya at
inakbayan ako tumango ako at tumingin sa labas.

Parang gusto ko tuloy maligo sa dagat.

"Brace--"

"Tara!"sabi niya at hinila ako palabas ng pent house. Dumiretso kami sa dagat at
napansin ko ang suot suot ko. Wala akong dalang damit panligo! Nakalong sleeves pa
ako oh? Sana naman kasi pinaalam saakin ni Brace to hays. Tinignan ko ulit ang suot
ko at medyo manipis naman ang suot kong long sleeve.

Hinubad niya ang puting tshirt niya at nakita ko agad ang hubog ng katawan niya.
Napaiwas ako ng tingin, bwisit.

"Magtshirt ka nalang!!"sabi ko habang nakaiwas parin ng tingin.

"Hahahaha! Kita mo lang abs ko eh!"sabi niya naman hinarap ko siya at tinaasan ng
kilay.

Tinaas niya din ang kilay niya. "Abs? Tabs kamo!!"natatawang sabi ko nagulat ako ng
tumakbo siya papunta saakin at binuhat ako ng parang sako

"HOY BRACE!! BABA MO KOOO! ANO BA?!"sigaw ko habang pinagsusuntok yung likod na.
Partida Wala pa tshirt.

"Hoy ibaba moko sabi eh!"sabi ko sakanya

"Edi ibaba babe."sabi niya at laking gulat ko ng nilaglag niya ako sa dagat umahon
ako at napapikit ng mata.

Bwisit sakit sa mata! Tinignan ko siya ng masama at tawang tawa pa si loko hilahin
kita jan eh pachill chill kalang jan sa may bato habang nakaupo ha!

"Bat mo ako binaba?!"Sigaw ko sakanya tawang tawa parin siya.

"Babe, sabi mo baba kita eh."sabi niya at kinindatan ako inirapan ko siya

"Bat moko nilaglag?! Ayan tuloy basa na ako! Kita mong nakalong sleeves
ako!"reklamo ko naman

"Sinusunod ko lang utos mo babe."natatawang sabi niya aba loko to!

"Maghihiganti ako tamoooo!!!"sabi ko at umahon tumakbo ako sa may direksyon niya at


sakto tumayo siya tinulak ko siya kaya nalaglag siya sa dagat.
"Bat mo ako binasa?!"pagrereklamo niya

"Babe, gumanti lang."sabi ko at pumunta sa may buhangin at umupo ako doon tinaasan
niya ako ng kilay habang pumupunta siya sa direksyon ko.

"Ano?"tanong ko sakanya alam ko may binabalak to eh.

Pinulot niya ang tshirt niya at sinuot ito tumayo ako. Lam ko na, takbo na ako.

"HOY! Kristle Bumalik ka dito." sabi niya at hinabol na din ako.

Para kaming mga Bata na naghahabulan.

"Huli ka!"sabi niya at binack hug ako

Nagasaran lang kami ni Brace at masasabi kong naenjoy ko ito. Pero parang may
nararamdaman akong kakaiba..

Sumasakit yung tiyan ko, tiyan nga ba talaga? Ano bang araw ngayon? Shet, wag naman
sana.

**

Bumuntong hininga ako at tumayo sabay tumingin sa short ko. Mahigit 30 minutes na
akong nandito sa CR.

Wrong timing kaasar. Bakit ngayon pa? Hinalungkat ko na bag ko pero wala akong
nakita. Hindi naman kasi ako nagdala.

*TOK TOK*

"Bakit?"tanong ko pero di ko parin binubuksan yung pinto.

"Kanina ka pa diyan sa CR. Ano nilamon ka na ng inidoro?"tanong niya napairap ako


sa sinabi niya. Kundi ko to mahal napektusan ko na to eh.

"Hoy Kristle! Okay kalang ba jan?"tanong niya

"Ha? Ah, oo! Actually hindi."sabi ko

"Takte ano bang nangyari ha?"tanong niya

"Ah ano kasi.."

"Kasi ano?"naiiritang tanong niya

"Dinatnan ako."nahihiyang sabi ko

"HA?! may extra ka ba?"tanong niya

"Wala."tipid ko na sagot

"Ano kelangan?"tanong niya

"Napkin."tipid kong sagot

Brace POV

Napabuntong hininga ako sa sinabi niya.


Taena kelangan niya ngayon non, kinuha ko ang car keys at lumabas ng pent house.
Nagpaalam ako sakanya na bibili ako.

"Pano na to?" tanong ko sa sarili ko at dumiretso sa kotse. Pumasok ako at tumingin


sa manebela.

"Hay bahala na nga."sabi ko at nagdrive sa pinakamalapit na grocery dito. Nagball


cap ako at lumabas na ng kotse.

Pumasok na ako ng grocery at tumingin sa paligid. Tae, ano nga ulit tawag dun?

Bumuntong hininga ako, Alam ko may kapatid akong babae pero di pa nila ako
napapabili ng ganun.

Teka. Ay takte ano nga yon?! Kinapa ko ang bulsa ko at naalala kong nasa pent house
nga pala yung cellphone ko at nasa CR si kristle.

"Taena."bulong ko sa sarili ko, kundi lang talaga para sakanya.

Lumapit na lang ako sa sales lady at nang makita niya ako bigla nanlaki yung mata
niya. Gwapo ko talaga diba miss?

"Gosh si Brace!!"pabulong na sigaw niya

"Uhm, pwede po pakihinaan ng boses ah may itatanong lang po ako. Emergency po kasi
eh!"sabi ko

"Pwede pa picture?"Tanong niya pumayag naman ako at pagkatapos nun tinanong ko na


siya.

"Miss, Meron po ba kayo nung--"hindi ko matapos tapos ang sinasabi ko dahil sa


hindi ko na maalala kung anong tawag dun.

"Nung alin po?"tanong niya

"Yung Band Aid po na malaki."sabi ko kingina ano? Band aid na malaki?

"Band-aid na malaki? Meron ba nun?"nagtataka niyang sabi parang ako din di


makapaniwala na Band-aid na malaki yun.

"Miss, yung sumasalo po ng dugo. Yung ginagamit ng babae. Yung may pakpak din diba
meron nun?"sabi ko ng sinabi ko iyon parang nagpipigil ng tawa yung sales lady.

Kahihiyan p*ta.

"Napkin po."sabi niya at ngumiti ng pagkalaki laki.

Ayon napkin. Tumingin siya saakin na para bang nagtataka kung bat ako naghahanap ng
napkin.

"Emergency kasi miss."sabi ko nalang tumango siya at tinuro saakin kung nasan yung
napkin.

Band aid na malaki?! Damn, Brace!

Tinignan ko ang mga napkin isa isa. Nagtataka talaga ako kung bat may pakpak ano
yun pinapalipad nila dugo? Hahaha, gunggong.
Anong purpose ng may pakpak? Matanong nga mamaya si Kristle.

At dahil sa hindi ko din naman alam kung anong ginagamit niya binili ko yung may
mga pakpak at yung ibang wala.

Hiyang hiya pa ako habang nagbabayad dahil ang dami kong binili. Hay para sakanya
to. Chill.

Nagdrive na ako pabalik ng pent house at binigay agad sakanya yung mga napkin.

"Bat ang dami neto?"tanong niya

Sumandal ako sa pinto. "Malay ko ba kung anong ginagamit mo jan. Ah Kristle?"

"Hmm?"tanong niya

"Para san yung pakpak sa napkin? Pinapalipad ba nila yung dugo? Lumilipad ba yang
napkin na yan?"tanong ko

Kailangan ko ng kasagutan.

Narinig ko ang tawa niya galing sa CR.

"Hindi lumilipad ang napkin at mas lalong hindi nagpapalipad ng dugo to."simpleng
sagot niya

Tumango nalang ako, ano ba namang tanong yon brace?

"Diba may kapatid kang babae? Si Sacha bakit hindi mo alam yung mga napkin?"tanong
niya

Lumingon ako at sinandal ko ang ulo ko sa pinto. "Hindi naman kasi nila ako
pinapabili ng ganun. Ngayon lang ako ng bumili ng napkin. Pag nagrogrocery kasi
sila Mama lang di ako sumasama."sabi ko naman

Ngumuso ako dahil sa ang tagal niya lumabas pinikit ko ang mata ko dahil sa
nakakaramdam ko ng antok. Pero mukhang nawala agad bigla yung antok ko ng binuksan
niya ang pinto.

Shit.

Nahalikan ko siya.

____________________________________

Edited sabaw

30
Kristle's POV

Balik eskwela nanaman at ilang araw na ding sumasagi lagi sa isipan ko yung
nangyari sa CR.

*FLASHBACK*

Shet. Shet nalang ang masasabi ko, humiwalay ako kahit siya at nagiwas siya ng
tingin. Napahawak ako sa labi ko, first kiss ko.
"Uh, sorry. Hindi ko sinasadya!"sabi ni Brace saakin at tumingin saakin

"Ah.."yan lang ang lumalabas sa bibig ko.

"Shit, sorry."sabi ni Brace tumango lang ako at nginitian siya. Nagulat siya ng
ngumiti ako.

"Oks lang heheh."sabi ko at ngumiti ng tipid.

Tumalikod ako at hinila niya naman ako sabay pinitik ang noo ko.

Alam kong smack lang yun, pero dammit it was enough to left me shocked and
dumfounded. Para akong tanga kundi niya lang ako hinila at pintik ang noo
nakatalikod ako pero iisipin ko parin yun.

END OF FLASHBACK

"Hoy! Nakikinig ka ba?"bumalik ako sa realidad ng sinigawan ako ni Kryzshel

"Ha? Bakit ba?"tanong ko at tinignan siya, hinawi niya ang buhok niya at tumingin
saakin.

"Ang sabi ko gusto ko na si Joaquin."nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

Pak na pak mga ate, eto na ba yun?! Eh gusto din ni Joaquin si Kry eh.

"SERYOSO?!"sigaw ko

"Luh, ingay niya ah? Wag kang maingay babatukan kita."sabi niya hindi ko pinansin
ang sinabi niya.

"Pakshet kelan pa?!"at yun, nabatukan ako.

"Bwisit brutal oh? Kelan pa nga?"tanong ko

"Hindi ko alam. Siguro nung nagkasama kami? Nung hinatid niya ako? Ewan."sabi niya
at nagkibit balikat

"KRYZSHEL!"

"KRISTLE!"

Lumingon kaming dalawa ni Kry at napahawak ako sa may dibdib ko.

*tug tug tug tug tug tug*

Kalma puso. Kalma. Kingina kalma.

"Hi Bab-" naputol yung sasabihin ni brace kasi bigla na lang ako hinila ni
Kryzshel.

Problema neto?

"Huy, San kayo pupunta?"tanong ni joaquin

Si Brace at Joaquin lang naman magkasama,Aba malay ko kung nasaan napadpad si Grae
at John.
"CR muna kami."sabi ni kryzshel at hinila nanaman ako.

"Kelangan niyo na ba talagang Mag CR ngayon?"naiinis na tanong ni Brace

"Oo sige na bye!!"sabi ni Kry at hinila na ako papuntang CR

"Problema mo?"tanong ko

"Kingina parang ewan yung puso ko kanina kala mo nakipagkarera sa sobrang bilis ng
pintig eh."sabi niya

"Akala ko ako lang nakakaramdam nung pagdating nila kanina. Ikaw din pala
hahahaha!"sabi ko

"Ayoko ng ganito. Hindi pwede to, fuck."sabi niya

"Bakit hindi pwede?"tanong ko

"Hindi ako gusto niya gaga ka ba?"aniya napatingin ako sakanya at umiling.

"Sigurado ka?"tanong ko at tinignan niya ako, alam ko. Alam kong gusto ni Joaquin
si Kryzshel. Love at First Sight si totoy kaya ayan.

"Nagpapatawa ka ba kristle? Aasa pa ba?"tanong niya

Huminga siya ng malalim. "Hahaha, chill lang."sabi ko nalang

Mas maganda pag si Joaquin nalang magsabi. Magusap sila.

Kryzshel's POV

Umupo ako sa bleachers dito sa may oval. Tinitignan ko ang mga nagsosoccer at
nagtratrack and field sa oval.

"Kinginang feelings to."bulong ko

Habang nakatunganga lang ako sa oval may tumakip sa mata ko.

Amoy niya palang alam ko na, nung nagsalita siya nakumpira kong siya nga.

"Guess who?"sabi niya ngumiti ako ng tipid at nagsalita.

"Joaquin."sabi ko inalis niya ang kamay niya at umupo sa tabi ko, nakangiti pa
siya.

Mapapamura nalang ako sa nararamdaman ko.

"Kryzs-"bago niya matapos sasabihin niya pinutol ko na agad.

"CR muna ko."sabi ko at kinuha ang gamit ko sabay mabilis na naglakad palayo sa
Oval.

"Wait Lang Kryzshel!"narinig kong sabi ni Joaquin pero Tumakbo na ako ng mabilis at
pumasok na ng CR.

Sinarado ko ang cubicle at sumandal don.

Paano na Joaquin paano na?


Joaquin's POV

"Problema nun?"tanong ko at pumikit ako sabay gulo ng buhok ko.

Naiirita ako sa sarili ko.

May Problema ba kami? Oks naman kami ha? Tae, ano bang nagawa ko?

Bat iniiwasan niya ako?

"Tol? Problema mo?"napalingon ako sa nagsalita at si Brace pala kasama sila John,
Ann at Kristle at Grae.

"Ha? Wala pre."sabi ko nalang

"Wala daw hahahaha! Baka wala."sabi naman ni John at umupo sa tabi ko

"May Problema ba kayong Dalwa?"tanong ni Ann

"Wala naman eh, okay pa nga kami nung magkasama kami last week nung di ako sinipot
ng tatlong gunggong na to."sabi ko sabay tingin kila Grae

"Inlove ka na tol."sabi ni John tinignan ko siya at umiling sabay tsk.

"Luh? Tanggi pa. Torpe kalang eh!"sabi naman ni Brace

"Deny pa tol! Kala mo naman talaga di namin alam."sabi naman ni Grae

"Oks lang yan tol, bili na red horse."sabi ni John

"Laslas na pre."sabi ni Grae

"Oh lubid pre, bigti na."sabi ni Brace

Oo eh kingina niyo bigwasan ko kayo.

Napansin ko si Kristle na naglalaro lang sa Cellphone ni Brace kaya tinuro ko siya


gamit ang nguso ko. Tumingin silang lahat kay Kristle, at napansin ni Kristle na
nakatingin kami sakanya kaya tinignan niya kami.

"Ano ba namang mga titig yan kase?! Nakakailang ah."sabi ni Kristle saamin

"Babe, May alam ka ba tungkol dito?"tanong ni Brace

"Pag issue si Kry ako agad? Wala akong alam ha! Hindi ba pwedeng si Ann muna
tanungin niyo?"sabi niya naman

"Hala ako pa? Hahaha! Ikaw mas close kay Kry!"sabi naman ni Ann

Nakatingin siya saamin at tinignan si brace.

"Hoy, ako kampihan mo ako girlfriend mo! Hinohot seat ako ng mga kaibigan
natin!"sabi ni Kristle pero umiling lang si Brace at nalaglag ang panga ni Kristle.

"Aba aba! Wala nga kasi akong alam. Ewan ko sainyo, pinagkakampihan niyo ko pasaga
ko kayo sa pison! Bahala kayo jan!"sabi niya at nagmamadaling umalis nagkatinginan
kaming apat

"May alam siya."sabi ni Ann


"HOY KRISTLE!"Sigaw namin at hinabol siya.

Kristle's POV

TSANGGALA NGA NAMAN! Mukha akong magnanakaw dito na hinahabol ng mga pulis oh?
Pagod na ako jusko! Traydor si brace!

Kala ko kakampihan ako leche.

Tumigil muna ako dahil sa pagod na ako, tae ang bibilis nilang tumakbo. Asan ba si
Kry?!

Nagulat ako ng may nagbuhat saakin na parang sako.

"WAH IBABA MOKO HOY DRUGLORD TO MAMA LORD TULUNGAN NIYO ADIK TO ADIK!!! RAPIST TO!
HOY ANO BA IBABA MOKO SABI TRAYDOR KA WENGYA HOY NAKAPALDA AKO ANO BAAAAA HELP MAMA
KO!!!!"nakakahiyang sumigaw dito sa may malapit sa Gym pero wala namang estudyante
so ayon.

"Ingay. Shh!!!"pagsasaway niya

ABA ABA IPAPASAGA KO TO SA PISON GUYZ IPAPASAGA KO SA PISON IDOL NIYO SERIOUSLY.

"GRABE HA PAGKATAPOS MO KONG BUHATIN NA PARANG SAKO TAPOS NANGTRAYDOR KA PA


MAGREREKLAMO KA PA NA ANG INGAY INGAY--"tinakpan na niya bibig ko.

Grabe yung amoy nung kamay niya, grabe ang bango.

"Sabihin mo na kasi Kristle."sabi ni Grae sakin

Tinignan ko sila ng masama at tinanggal ang kamay ni brace. Bwisit ka!

"Ano ba?! Hindi ko nga kasi alam diba?"naiinis na sabi ko

Kapagod tumakbo nyemas.

Tinignan nila ako kahit si Brace nakatingin saakin tinaasan ko siya ng kilay.

"O-" naputol yung sinabi ko ng may nagsalita.

"Ano meron? Hahahaha!"lumapit ako sakanya at nagtago sa likod niya.

Anghel ko heheheh!

"Peste ka, hinabol habol nila ako para lang sabihin ko sakanila totoo. Ikaw na
bahala jan te!"bulong ko sakanya

Lumayo ako at nilapitan naman ako ni Brace.

Tinulak ko siya. "Lumayo ka nga saakin!"naiinis na sabi ko

"Hala, sorry na babe."sabi niya naman

"Ewan ko sayo."sabi ko

"Hala i love you."sabi niya bigla

Kalma puso. Tae, utang na loob hinawakan ko ang panga ko. Wag kang ngingiti utang
na loob wag kang kiligin.

"Sorry naaaaaaa~"sabi niya

"HAY BUHAY PAANO?!"bigla kong sabi

Tumawa nalang si Brace at hinila na ako palayo don kila kry. Sumunod din sila Grae.

"Tara kain!"pagaaya ni John at tumango naman kami.

Kryzshel's POV

Galing naman ng mga kaibigan namin. Iniwan kami, iniwan ako.

Paano na to?

"Aalis mun--"

"Stay."sabi niya at hinawakan ang braso ko dahilan para magkaroon ng paru paro sa
tiyan ko.

"MagCCR lang ak--"

"So lagi mong excuse para iwasan ako is going to that damn restroom?!"sabi niya

Bakit ba siya nagagalit?

"Ha? Anong iniiwasan?"tanong ko naman

"Tingin mo di ko napapansin na iniiwasan moko buong araw?"sabi niya at lumapit


saakin kaya lumayo ako.

T*ngina Joaquin.

"Bakit mo ba ako iniiwasan? May ginawa ba akong masama na kinagalit mo? Sabihin mo
naman saakin."sabi niya at nilapitan ako sabay pinatong ang ulo sa balikat ko.

Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Parang tambol ang pagtibok ng puso ko.

"H-hindi kita iniiwasan ano ka ba?"sabi ko naman inangat niya ang tingin niya

"Yung totoo?"tanong niya

"Oo nga. Hindi kita iniiwasan. Sorry kung yun yung napapansin mo."sabi ko tumango
naman siya at pinatong ulit ang ulo niya sa balikat ko.

Tatanggalin ko sana ulo niya ng hawakan niya kamay ko.

"Wag mong tanggalin. Ganto muna tayo, saglit lang."sabi niya hinawakan niya ang
kamay ko at pinaglaruan, tatanggalin ko na rin sana yung kamay ko ng hinawakan niya
iyon.

"Saglit lang kry..."sabi niya

Okay, saglit lang..

Saglit lang talaga, kasi grabe hindi ko na alam. Hindi ko na alam.

___________________________________
Pak edit

NEW CHARACTERS!!!
Hi!!! may mga bagong characters so sana abangan niyo nalang sila

ACRONYMS nalang muna guys

1.DW

2.GV

3.GEL

4.MLC

(inedit ko din kasi ito so hindi sila yung mga una kong nilagay jan pero yang mga
yan eh lalabas sa fallen)

Patayin si author napakagulo! Sorry na wag kayo magalit labyu

Yun lang hehe

31
Grae's POV

"PREEEEEEEEEEE!!!!!!"sigaw ng tatlong gunggong at pinagbabatukan ako.

Iingay gugulo pa.

"Ingay niyo hays!!"sabi ko naman

"Luh sorry na papi."sabi naman ni Brace

"Kiss nalang kita!"sabi naman ni Joaquin at lumapit para halikan ako pero tinapik
ko pisngi

"Manahimik ka!"sabi ko naman

"To naman! Kalma lang kasi! Take it easy!"sabi naman ni John

"Tara na nga, KJ nanaman tong si Totoy eh!"sabi naman ni Joaquin kaya umalis na
kami.

**

Kaasar yung tatlong yun! Nagyayang magiiskate board tapos nangiwan! Iniwan ako!

Skate lang ako ng skate dito ng may nakita akong babaeng nagbabasa at sobrang
daming dala.

"TABI!"sigaw ko

Graciella's POV

Atat na atat na akong umuwi dahil sa sobrang sakit na ng mga braso ko at wala akong
kasama para tulungan ako nito.
Bakit ba kasi sobrang daming Libro naman nito?! Asan ba yung pinsan ko?!

Naglalakad lakad ako habang nagbabasa ng bigla may sumigaw.

"TABI!"

Pero hindi ako nakatabi, kaya sa huli napaupo ako sa sahig at natamaan pa ako ng
libro. Hinayupak!

Tinignan ko yung lalaki, kakatayo niya lang rin at pinagpagan ang slacks niya sabay
nagsimula ng maglakad papalayo.

Aba ayos tong si kuya! Di manlang magsorry! Ano ka si Kenji Delos Reyes ganon?! May
paskate board ka pa jan! Batuhin kita eh!

Kinuha ko ang librong malapit saakin at binato ko sakanya, sapul! Buti yan sayo
bwisit ka!

Hinarap niya ako at nanlaki ang mata ko ng makilala ko siya. Anak ng tokwa naman
oh! Si Grae Fernandez to!

Hindi ako Fan ng Gimme 5 pero kilala sila dito sa school! At ang mas malala,
kamiyembro niya yung boyfriend ng pinsan ko!

Nagulat ako ng nilahad niya ang kamay niya saakin, pabalik balik ang tingin ko sa
kamay niya at sakanya.

Syempre nakakahiya naman pag di ko tinaggap kaya kinuha ko ito at tinulungan niya
kong tumayo.

"Libro mo nga pala."sabi niya

Di pa rin ako nagsasalita.

"Sa susunod, tumabi ka sa daanan para di ka mabunggo at para narin hindi ka mainis
at batuhin yung ibang tao ng libro. Sa susunod rin, huwag kang magbibitbit ng
maraming libro kung hindi mo kaya. Tsk."sa sinabi niya nalaglag ang panga ko.

"Oo! Tatandaan ko, huwag karin kasing pacool at paskate skate ka pa dito sa school.
At school to, nagaaral dapat mga estudyante dito gets mo?"sabi ko naman, wala akong
pakialam kung artista siya.

Yabang yabang kala mo naman talaga!

"Anong sabi mo?"sabi niya naman

Natamaan ko ba pride mong leche ka?!

"Kelangan ko pa bang ulitin ha?"sabi ko naman

"Tsk. You don't know me."sabi niya naman

"Ano? Kilala kita. Sikat ka sa campus diba? Artista ka eh. Pero sana naman utang na
loob, pag school pagaaral atupagin mo. Wag kang paskate skate jan pwede?"sabi ko at
inirapan siya

"Ikaw tong di tumitingin sa dinadaanan at ikaw tong clumsy jan. Bat ako sinisisi mo
bat pati pagiiskate ko papakialamanan mo?"sabi niya naman
May attitude si koya.

"Ang akin lang, uso magsorry."sabi ko at pinulot ang mga libro ko.

"Why would i say sorry? Ikaw kaya tong clumsy dyan at sinabihan mo pa kong
pacool."sabi niya

Kairitang lalaki to!

Hinampas ko siya bigla ng libro.

"WHAT THE HECK?! What was that for?!"sigaw niya sakin

Kinuha ko mga gamit ko at tinignan siya ng masama.

"Supladong to! Yabang mo ha?!"sabi ko naman

"Tsk. Ano ba pake mo?!"sigaw niya

"Baka siguro babae ako, kelangan ko ng respeto at ikaw siguro yung nakabangga sakin
noh?!"sarkastikong sabi ko

Sama sama ng ugali ah? Sarap pasagasa sa pison eh.

"Sino ba naman kasi yung babae na nagbabasa habang naglalakad? Tapos di pa


tumitingin sa dinadaanan?! Tapos di manlang gumagawa ng paraan para mabawasan yung
dalang gamit niya?!"sabi niya

"Anong gusto mong gawin ko?! Lamunin ko yung ibang libro para umonti dala ko ganun
ba?! Tsaka for your information, wag ka kasing nagiiskate sa school. Alam mong
eskwelahan to tas nagiiskate ka?!"sabi ko naman

"Tsk, ewan ko sayo."sabi niya naman

"Bahala ka nga leche! Kainis!"sabi ko at umalis na don

Bwisit na Grae Fernandez yon!!!!!

**
Padabog kong sinara ang pintuan ng bahay kahit na andami dami kong dala. Wala akong
pake, bwisit ako.

Nadatnan ko si Kristle na nagaaral pero napatigil siya dahil sa nagulat siya dahil
sa padabog kong sinira ang pinto.

"Bwisit ka! Ginugulat moko! Bat andami ng dala mo?"sabi niya at tinulungan na ako.

"Alam mo naman, may mga pinapadala saakin na Gamit since transferee ako at
kailangan ko to dahil sa andami naming assignment."sabi ko at umupo sa sofa

"Kamusta naman sa School?"tanong niya at inabutan ako ng tubig.

Uminom muna ako saglit at hinarap siya.

Magpinsan kami ni Kristle, pinsan sa tuhod. Pero close kami sa isa't isa. Kaya
naman naisipan ng magulang namin na palipatin ako ng School at dito ako sa bahay
muna nila titira.
"Badtrip kanina may nakabangga ako. Kaasar din, di manlang nagsorry."sabi ko

"Ha? Sino? Tara pasapak natin kila Brace."sabi niya tinignan ko naman siya.

Kung alam mo lang Kristle.

"Sira, bat mo ipapabugbog sakanila eh kamiyembro nila."sabi ko

Nanlaki ang mata niya at nilapitan ako. "OMG! SINO?!"sigaw niya tinakpan ko lang
tenga ko.

"Sino nga?!"sigaw niya ulit.

"Si Grae."maikli kong sagot

"Si Grae? Nagsorry ba sayo?"tanong niya pero umiling ako.

"Nagaway pa nga kami eh. Napakasuplado."sabi ko, naiisip ko palang naiirita nanaman
ako.

"Suplado? Sigurado ka?"tanong ni kristle at umupo sa sofa.

"Oo nga, kakainis nga eh!"sabi ko naman

"Hindi naman ganung tao si Grae ah? Nagsosorry agad yun."sabi niya kaya tinignan ko
siya

"Sino ba kakampihan mo? Ako o Siya?"tanong ko naman

"Wala kong kinakampihan sainyo, Graciella. Ang akin lang, kaibigan ko si Grae. At
kilala ko siya, kilala ko ang pagkatao niya. Nagkataon lang na nagiging ganyan siya
dahil don sa past niya."sabi ni Kristle

Naks, may pag PAST.

"Ano bang nangyari?"oo na, curious ako.

"Kilala mo si Mafe diba?"tanong niya kaya tumango ako.

Bestfriend ni Kristle si Mafe. Sobrang Close nila, nagkita narin kami dati nung
bumisita ako. Pero, sa tingin ko ngayon di na sila naguusap.

"Siya yung gusto ni Grae. Niligawan siya ni Grae, tapos malalaman namin parang laro
lang daw kay Mafe lahat ng yun. Mahirap paniwalaan kasi alam kong hindi totoo yun.
Pero may part din saakin na nainis sakanya kasi mali yun."sabi naman ni Kristle

Kaklase ko si Mafe pati yung Boyfriend niya na si Mark. Nakakainis nga yung Mark
kasi halos maging buntot na ni Mafe. Hindi ba nasasakal si Mafe?

"Ahhhh, So si Mark na boyfriend niya yun yung pinalit ni Mafe kay Grae?"tanong ko

"Hindi ko nga maintindihan kasi hindi ko naman kilala yung Mark. Hindi binabanggit
saakin ni Mafe ni minsan. Pag magkasama kami kahit na di pa kami nagkakasundo ni
Brace laging bukambibig niya si Grae. Nakakapagtaka kung bakit biglang naging
ganon?"sabi naman ni Kristle

Kumunot ang noo ko at nagisip. Ano to? Drama ganun? May something na nangyari tapos
magiiba takbo ng kwento?
"Baka naman may rason si Mafe? Baka may kinalaman yung Mark na yun sa pagbabago ng
ugali ni Mafe? Baka naman--"

"Sana sinabi niya. Sana pinaalam niya. Edi sana natulungan namin siya, hindi sana
masisira pagkakaibigan namin. Hindi sana magkakaganto si Grae."sabi naman ni
Kristle

"Makakamove on din yan si Grae. Babalik din siya sa dati."sabi ko naman

"Kung babalik sakanya si Mafe, kung babalik sakanya si Mafe may possibility na
bumalik si Grae sa dati. Binigay na kasi ni Grae ang buong atensyon niya kay Mafe.
Kumbaga, Siya na yung mundo ni Grae. Si Mafe na yung mundo ni Grae."

"Babalik? Eh pano kung may dumating na bago?"tanong ko naman out of nowhere.

Tumingin naman saakin si Kristle pinaningkitan niya ako ng mata.

"Ano?"tanong ko naman

"Wala, pero yung sagot ko dun sa tanong mo hindi ko alam. Siguro kung may darating
na bago, Posibleng magkagusto nga si Grae pero ay ewan! Hindi ko alam!"sabi nalang
ni Kristle

"Malay mo, pag may dumating na bago maging mas better na si Grae. Matututo na siya
diba?"sabi ko naman

Tumingin ulit sakin si Kristle. "Crush mo ba siya?"tanong niya tumingin ako sakanya

"Ano?! Nababaliw ka na ba? Narinig mo ba lahat ng sinabi ko? Na napakasuplado at


nakakainis siya?"sabi ko naman

"Oo at narinig ko din yung sabi mo na pano kung may dumating na bago. Paano kung
ikaw yung bago na yun? Anong gagawin mo?"tanong niya

Seryoso ba siya?

"Ewan ko sayo, dami mo nanamang alam!"sabi ko nalang

**

Andito na ako sa Guest Room, ito yung kwarto ko sa ngayon. Kinuha ko na ang libro
pati ang pagkain ko. Kumakain ako ng Doritos habang nagaaral.

Hindi na ako nakakapagpakilala dahil don sa Grae na yon! Sakit sa bangs.

Ako si Graciella Erika Lavapie, Tinatawag nila akong "Heart" at hindi ko din alam
kung bakit. Si Kristle "Tala" ang tawag sakanya.

May kapatid ako isa at Star ang nickname niya.

Basta yun na yun, nagaaral lang ako dito ng biglang nagvibrate ang cellphone ko.

Unknown Number.

[Hey Clumsy.]

Clumsy? Aba sino naman to? Binalewala ko at nagaral ulit.

Maya maya, nakatanggap ako ng text.


[Ayos, ayaw mamansin. Nasa lahi niyo ba talaga pagiging masungit?]

Binalewala ko ulit.

[Seryoso ka ba? Hoy!]

Parang kilala ko na kung sino to. Tumayo ako at lumabas ng guestroom.

"TALA!!"sigaw ko at nakita ko siyang nasa labas ng pinto tumawa muna siya at


sinarado bigla ang pintuan.

"Leche ka Kristle! Anong ginawa mo?!"sigaw ko

"Wala akong ginawa. Pinilit niya ako!"sabi niya naman

"Buksan mo tong pinto! Wag mong antayin na ako pa magbukas nito!"sabi ko naman

"Sino tinakot mo? Kahit buksan mo pa yan eh HAHAHAHAHA!"

Aba nakuha pang mangasar leche to! Kinuha ko ang duplicate key sa baba at pagbukas
ko, naabutan ko siyang nagbabasa.

Tinignan niya lang ako at tinuon ulit ang atensyon sa pagbabasa.

"KRISTLE NAMAN!"sigaw ko

"Ano?! Wala naman akong ginagawa. Hiningi lang ni Grae yung number mo edi binigay
ko."natatawang sabi niya

"Bakit mo binigay?"tanong ko naman

Hindi niya ako sinagot umiling nalang ako.

"Dito nalang ako magrereview."sabi ko at kinuha yung mga libro ko sa guest room at
pumunta sa kwarto ni Kristle

Tinignan ko Cellphone ko at may 8 missed calls and 25 unread messages

Karamihan kay Grae nanggaling.

HOY CLUMSY!

Hiningi ko number mo kay Kristle.

HAHAHHA. I can't believe na pinsan ka pala niya. Akalain mo yun?

HOY! SUMAGOT KA NAMAN.

HOY! CLUMSY!

HOY!

Sorry pala kanina, Gago ko nun. Pasensya na.

Hindi ko alam pero ngumiti ako doon sa Huling message ni Grae saakin.

"Aba aba, may pangiti ngiti ka ng nalalaman jan ha?"sabi naman ni Kristle
"Luh? Wan ko sayo dami mo nanamang alam eh!"sabi ko

"Marunong magsorry yan. Lahat naman ng tao marunong eh."sabi nalang ni Kristle

Nagpatuloy na lang kami sa pag-aaral. Pagkatapos namin mag-aral natulog na kami. Sa


kwarto muna ako ni Kristle natulog. Natamad na ako umalis eh. Kahit nasa kabila
lang naman yung guest room.

**

Nakarating kami sa School ni Kristle at medyo maaga aga kami. Didiretso na sana ako
sa Classroom pero sabi ni Kristle sumama muna daw ako sakanya.

Nagulat ako ng biglang may umakbay sa Pinsan ko, si Brace pala.

Nagkita na kami nito last last week, pogi nga eh.

"Hoy Kristle!"tumingin kami sa nagsalita at may dalawang babae na nandun. Maganda


sila.

"Uy!!!"sabi naman ni Kristle

"Sino to kasama mo?"tanong nung isang babae na maputi.

"Ha? Guys eto nga pala si--"naputol yung pagpapakilala saakin ni kristle ng may
nagsalita.

"Hoy!"nilingon namin at si Grae pala nagulat ako ng may hinagis siya kaya sinalo ko
naman.

Maliit na box?

Binuksan ko at may crumpled na paper doon.

"Basurahan na ba ako ngayon?"naiinis na tanong ko

"Tanga tanga ka? Buksan mo yan. Basahin mo hays."sabi niya naman sinamaan ko naman
siya ng tingin.

Binuksan ko yung crumpled paper at may sulat niya.

Sorry, Mali ginawa ko kahapon. Gago ko nun. Sige Bati na tayo ha?

-Gwapong Grae

Tinignan ko naman sila Kristle.

"Ayos pala magkakilala na sila ni Grae?"sabi naman nung Chinito ang alam ko si
Joaquin to.

"Onga, naunahan pa tayo dapat ngayon palang natin makikilala pinsan ni Kristle
eh."sabi naman nung John ba?

"Nakilala ko na si Graciella last week."sabi naman ni Brace tumango naman ako.

"Ah Hi Kryzshel nga pala. Kry nalang!"sabi naman nung babaeng morena na maganda

Nakipagkamay naman ako.


"Hi! Ann nga pala!"sabi nung babaeng maputi.

"Graciella pero pwede naring Heart itawag niyo saakin."sabi ko naman

"Joaquin."sabi naman nung Chinito na si Joaquin nga.

"John."sabi nung isang pogi.

Actually lahat sila Pogi eh.

"Wala si Nash, College na yun eh."sabi naman ni Kristle

Tumango nalang ako. Nilapitan naman akp ni Grae at naglahad ng kamay.

"Grae is my name."sabi niya tinangnan ko siya at nakipagkamayan ako.

"Graciella."sabi ko naman

____________________________________

EDITED

32
Ashley's POV

Punyetang buhay to! Suspended na nga ako tapos may malalaman pa ako na may
nakilalang babae si Grae?!

Nakakaasar! I really want to go back to school. Kaklase pa nila Julia tong Babaeng
nakilala ni Grae.

"Graciella Lavapie."sabi ko habang binabasa ang text saakin ng isang estudyante sa


school.

Syempre kahit suspended ako, hindi pwedeng mawalan ako ng news tungkol sa school.
Lalo na kay Grae.

Pero nakakabwisit na malaman na may nakilala siyang Babae! At mukhang


nagkakamabutihan pa sila.

Nakakainis ugh! Tignan lang natin, that bitch.

Nash's POV

2 linggo, 2 linggo na kaming hindi nagpapansinan ni Roselle. Anong problema niya?


Bakit iniiwasan niya ako? Wala naman akong ginawa ah.

Naglalakad ako dito sa hallway ng makasalubong ko siya, hinawakan ko ang dibdib ko.
Yung puso ko, kala mo nakipagkarera eh.

"NASH!"sigaw niya at niyakap ako.

"Saya natin ngayon ah?"sabi ko naman, kumalas siya sa yakap.

Masaya ako, masaya rin ako na masaya siya at pinansin na niya ako ngayon.

"Loko ka ba? Eh birthday mo eh! Wag mong sabihing nakalimutan mo?"sabi niya naman
Oo nga pala, birthday ko pala ngayon.

"Ay, dami ko kasing iniisip eh hahaha!"sabi ko naman

"Busy ka na nga sa Showbiz life mo dami mo pang iniisip, sige nga! Tulad ng
ano?"sabi niya

Tinignan ko naman siya, diretsong tingin.

"Ikaw. Iniisip kita."diretsong sagot ko

Hindi ko alam pero parang nabagsakan ako ng langit at lupa ng mawala ang ngiti sa
labi niya.

Roselle's POV

2 weeks have passed simula nung di kami nagsasama ni Nash,I've been so distracted.
May nanliligaw kasi sakin. Jake Gonzales.

Hindi ko din alam. Magkakilala na kami nito dati pa. Mas nauna ko siyang nakilala
kaysa kay Nash.

Pero bakit ganun? Naguguluhan ako. Parang ang weird ng nararamdaman ko..

Buti nalang nagkita na kami ngayon ni Nash, 2 linggo din yun oh? Tsaka gusto ko na
din sabihin sakanya na may nanliligaw na saakin.

"Nash?"

"Ano yun?"tanong niya

"May nanliligaw na sakin."sabi ko tumingin muna siya sakin at yumuko

"Ahhh, ano pangalan? Baka naman loko loko yan ha?"sabi niya at hinarap ako.

"Ah, Nash.."hindi ko alam kung bat parang nabara ang lalamunan ko.

Kung bakit parang ayaw kong magsalita ng maayos.

"Buti naman sinabi mo yan saakin, kasi may sasabihin din ako. May balak akong
ligawan si Alexa. Matagal ko na sanang sasabihin sayo, kaso di mo naman ako
pinapansin. So ayun, liligawan ko nga si Alexa."sabi niya at nginitian ako.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, parang may kirot akong naramdaman. Parang
feeling ko bubuhos nalang ang luha ko biglaan.

Pero bakit? Bakit?

"Oh."sabi ko nalang

**

Nandito na kami sa bahay ni Nash, nauna akong umalis pagkatapos ng paguusap namin
ni Nash. Hindi ko alam pero hilo ako, hindi ko alam kung ano bang dapat na
maramdaman ko.

Pero yun na nga, dahil narin sa birthday ni Nash nandito kami para surpresahin
siya. Kasama niya sila Joaquin habang kami nila Kristle dito eh nagpreprepare para
sa surprise kay Nash.
Tumutulong na kami dito ngayon kay Tita Neth kasama ang Mamang ni Nash at Chloe.

"Selle,Okay ka lang?"tanong bigla ni Kristle saakin.

Tumango naman ako at nginitian siya.

"Sure?"tanong ni Graciella, nagmeet na kami kanina lang. Kanina lang kami nagmeet
pero Close na din kami agad, mabait siya. Madaling Pakisamahan.

"Roselle!"sigaw ni Kry na dahilan ng pagkagulat ko.

"Ha?"tanong ko

"Lutang ka nanaman! Ano bang problema kasi?"tanong naman ni Kristle

"Pwesto na! Andito na sila!"sabi naman ni Tita Neth

Pinatay na namin ang ilaw, at pumwesto na kami. Narinig na namin ang pagbukas ng
pintuan.

"Ma?"pagtatawag niya, hindi ko alam pero sobrang bilis ng pintig ng puso ko.

"Pre?"

"Ayos naman kayo mga brad!"

"Ma? Chloe?"

"Mga friendship!"halos matawa ako dun sa sinabi niya.

"Pr--"di na namin siya pinatapos at sinurprise na.

"HAPPY 18th BIRTHDAY NASH!"sigaw naming lahat, Si Mokong Gulat na gulat.

"Para sakin to?"tanong niya

"Nako, Nash hindi. Para kay Chloe yan! 18 na kasi si Chloe eh!"sabi naman ni
Kristle

"Nangbabara ka nanaman."sabi naman ni Brace

"Di inidoro si Nash, bat siya mababara?"sabi naman ni Kristle

"Teka kalma!"sabi namin sakanya

"Happy Birthday Nash!"sabi ni Tita Neth at Niyakap si Nash sumunod si Mamang.

"Happy Birthday Kuya I love you!"sabi ni Chloe at Niyakap si Nash.

"Thank you Baby."sabi niya at hinalikan si Chloe sa pisnge.

Lumapit naman sila John at nagready ng party poppers.

Pinaputok nila to kaya nagkalat sa bahay nila Nash.

"PRE BINATA KA NA!"sabi ni John

"SO HAPPY FOR YOU BOY!"sabi naman ni Joaquin


"HAPPY BIRTHDAY PRE WE LOVE YOU!!"sabi nila Brace at dinaganan si Nash kaya ang
gulo gulo nila sa sala

"ANG BIBIGAT NIYO AYOS NGA!"sabi ni Nash umayos naman sila ng tayo.

"Pre, ang swesweet niyo sarap niyong pagbabatukan isa isa!"sabi ni Nash at tumawa
kami

"Happy Happy Birthday Nashie Boy!!"sabi ni Kristle

"Happy Birthday!"bati ni Graciella

"Happy Birthday Nash!"bati ni Ann

"Happy Birthday Nash!!"bati ni Kry at niyakap naman sila ni Nash

"Di mo ko babatiin?"tanong niya naman

"Binati na kaya kita kanina!"sabi ko naman

"Pwede pakiulit nalang?"sabi niya

"Ayoko."sabi ko naman

"Ganyan tayo eh."sabi niya at tinalikuran ako

"Happy Birthday Aeign Zackery Victoriano Aguas!!"bati ko ngumiti siya at niyakap


niya naman ako

"NAKS MAY PAG BATI NG FULL NAME!!"sabi nila brace

Habang nagkakatuwaan kami may Biglang Dumating.

"BRO!"napatingin kami at sila Sharlene pala! Grabe, ang puti puti niya.

Magkakasama sila Sharlene, Alexa, Mika, Jairus at Kobe.

Nagpakilala sila saamin, Close na pala si Kristle, Kry at Ann pati si Graciella
kila Sharlene. Wala manlang silang binabalita.

Ako naman kasi tong di nagparamdam sakanila Roselle.

Hindi ko din chineck social media accounts nila. Hays.

Nabigla ako ng nilapitan ako ni Alexa at niyakap.

"Hi Roselle! Alexa nga pala, Lagi ka saaking nakwekwento ni Nash!"sabi niya naman
at nginitian ako.

"Hi! Nice meeting you! Ang ganda ganda niyo po pala talaga sa personal!"sabi ko
sakanya

Totoo naman kasing maganda siya, grabe.

"Hahaha, Ano ka ba! Sayang nga last week nagkita kita na kami! Hindi ka kasama.
Anyway yun na nga lagi kang nakwekwento ni Nash saakin. Alam mo bang may H--"hindi
natapos ni Alexa ang pagkwekwento niya ng takpan ng kamay ni Nash ang bibig niya.
"Not naman! Nagsasalita ako eh!"sabi ni Alexa

"Not kasi ganto yan, may sasabihin ako. Dun tayo tara!"sabi ni Nash at hinila na si
Alexa papunta sa dulo.

Parang tinutusok ng ilang karayom yung puso ko, Di naman talaga ako magtataka kung
bakit imposibleng hindi magkakagusto si Nash kay Alexa.

Una, loveteam sila hindi imposibleng magkaroon sila ng Chemistry.

Pangalawa, madami sila fans na naniniwalang mayroong namamagitan sakanila.

Pangatlo, maganda si Alexa. Matalino. Nabanggit nga saakin dati ni Nash na Ideal
Girl niya si Alexa.

Pero bakit masakit? Bakit ako nasasaktan?

Fan lang ako na naging kaibigan niya.

"Huy!"

"Ah bakit?"tanong ko kay Kristle

"Alam mo isang titig pa dun kila Alexa at Nash, iisipin ko na talagang nagseselos
ka at totoong gusto mo si Nash!"sabi niya saakin nalaglag ang panga ko at nanlaki
ang mata.

"Ha?! Nababaliw ka na ba?! Ako?! Ako pa talaga?! Hahahahah! Ano ba namang iniisip
mo?! HAHAHAHAHAHA!"hindi ko napansin na napalakas na pala ang boses ko at lahat ng
tao dito nakatingin na saakin.

Tahimik sila at lahat sila nakatitig saakin.

"Ah Sorry!"sabi ko nalang at nginitian sila.

"Tsk, halata. Tara nga!"sabi niya at hinila ako

Nandito kami sa may pool nila Nash, binabad ko namin ang paa namin.

"Bat dito kayo?"tanong ko at yun nagsidatingan na sila Brace bukod kila Nash na
kasama sila Alexa.

"Lumabas kayo eh."sabi ni Joaquin

"Ano meron kanina dun?"tanong ni Brace at umupo na din sila.

"Pano, nagseselos siguro tong si Roselle."sabi naman ni Kristle

Magsasalita na sana ulit ako ng pigilan niya ako.

"Ano may sasabihin ka pa? Eh halatang halata ka nako naman!"sabi niya

"Diba may nanliligaw na sayo?"tanong ni Graciella at tumango ako.

"Ano ba pangalan nun?"tanong ni Grae

"Oo nga di ka nagkwekwento eh."sabi ni John

"Spill."sabi ni Ann
"Ah si Jake Gonzales."sabi ko

"Okay, kung may nanliligaw na sayo at pinayagan mo bakit ka nagseselos jan?"tanong


naman ni Kry

Tumingin ako sakanila, inaantay nila yung sagot ko at ako? Hindi ko alam kung anong
isasagot ko.

"Hindi ko alam!"sabi ko naman

"Kasi, may gusto ka naman talaga kay Nash."sabi nila

"Wala nga."sabi ko naman

"Kahit anong tanggi mo huli ka na. Halata ka na."sabi naman ni Grae

"Wag mo ng itanggi. Wag ka ng magpanggap."sabi ni John

"Hulog na ako."sabi ko bigla at tumingin sakanila

Tumango naman sila.

33
Ashley's POV

I'm back. This bitch is back.

Naglalakad ako ngayon papunta ng Gym. May laro ngayon sa Basketball.

Cheerleader si Kaye at Julia. Naglalakad lakad ako habang nagtetext ng may mabangga
ako.

"What the hell?!"reklamo ko.

Well well, pogi.

"Tangina? Kaw na nga tong naglalakad habang nagtetext jan tapos magagalit ka dahil
sa nabangga kita?"sabi niya

May attitude si kuya.

"Wow kuya, ang kapal ng mukha mo. Anong karapatan mo? Anong karapatan mo para
murahin ako?"sabi ko naman at tinaasan siya ng kilay.

"May karapatan akong murahin ka dahil Una, ikaw tong may mali jan. Pangalawa, wag
kang nagtetext habang naglalakad tas ikaw pa tong magagalit. Pangatlo, di ka
maganda."sabi niya at nilapit ang mukha niya sakin.

Muntik ko na siyang sampalin sa mukha at sipain ang junior niya sa inis dahil sa
sinabi niya saakin kaso umalis siya.

Kinuha ko ang isa sa mga pet bottles dito na nagkalat sa hallway. Kahit diring diri
ako tinapon ko yon. At dahil sa may laman pang tubig yon tumama sa ulo niya.

Nilapitan niya ako na may halong galit sa mukha.

"What the fuck was that huh?!"galit na sabi niya


"Tandaan mo to! Una, maganda ako. Pangalawa, panget ka. Pangatlo, don't mess with
this bitch okay?!"sabi ko at tinulak siya.

OMAYGHAD THAT GUY I HATE HIM SO DAMN MUCH!!!!!!

Kairita, punyemas.

**

Nagstart na ang game, at iritang irita parin ako.

Luminga linga ako at kahit ang daming estudyante dito sa Gym nakita kong lumabas si
Kristle at Kryzshel.

"Girls, Lets go."aya ko sakanila

"Ash, later na. I can totally see Brace. Mamaya na."sabi ni Patricia

"Ang bobo mo. Ginagamit mo ba utak mo? Lumabas na nga sila Kristle eh."sabi naman
ni Noemi.

Sasagot sana si Pat ng magsalita na ako.

"Oh wag ka ng pumalag jan. Tara na."masungit na sabi ko, pano ang ingay ingay tapos
ambabaho pa. Nagsama sama na mga amoy eh.

Umalis na kami doon sa Gym at magCCR muna sana kami ng makita namin yung dalawa na
pabalik ng Gym, may dala dala silang Juice at sinadya kong bungguin sila at natapon
iyon.

"Ano bang problema niyo?!"sigaw niya

Napaharap naman ako sakanila.

"Wow, eh tanga tanga ka. Kasalanan ko bang tatanga tanga ka?"sabi ko naman.

"Wow rin! Eh ikaw tong sinadyang bungguin kami. Wag kang ano jan girl, Puro pabitch
lang alam mo."sabi naman nitong isa

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya, this bitch.

"Naiinis ako sainyo."sabi ni Noemi

"Luh? Oh gagawin namin ngayon?"

Kristle's POV

Kairita tong mga papansin na to.

Mukhang nainis sila sa sinabi ko kaya nilapitan nila kami ni Kry at bigla akong
sinampal ng malakas.

"Bwisit na bwisit ako sayo alam mo ba yon?!"sigaw ni Patricia saakin pagkatapos ako
sampalin.

Hinarap ko siya at sinampal ko na rin.

"Alam mo din bang bwisit na bwisit din ako sayo?!"sigaw ko


"YOU SON OF A GUN!!"sigaw nila saakin at pinagtulungan ako.

Pinipigilan sila ni Kry kaya kahit siya nadamay na din sa gulo.

"Isa karin! Anong karapatan mo para tawagin akong pabitch ha?!"galit na sabi ni
Ashley at hinila na kami na Kry sa kung saan.

Ang sakit ng pagkakahila nila sa Buhok ko, feeling ko mawawalan na ako ng buhok.

Dinala nila kami sa isang Abandoned Building sa tabi ng School. At pagdating namin
doon, todo sipa sampal ang natatanggap ko.

May lubid silang dala at tinali nila ako sa may upuan. At nagsimula ulit nila
kaming saktan.

Hawak hawak ni Ashley at Noemi si Kry. Todo ang pagpupumiglas ni Kry pero hindi
siya makaalis.

"Malandi ka! Lahat nalang inagaw mo! Lahat nalang! Si Brace nalang meron ako! Pero
anong ginawa mo?! Kinuha mo siya! Malandi ka!"sigaw niya at sinabunutan ako.

"ANO?! Naririnig mo ba sarili mo?! Ha?! Wala akong inagawa sayo Patricia! Wala! At
ako?! Inagaw ko sayo si Brace?! Teka, diba wala ng kayo! Diba hindi naman na kayo?!
So bat nagagalit ka?! Hindi ko inagaw sayo si Brace. At hindi ko aagawin sayo si
Brace kung kayong dalawa. Kung may relasyon kayo. Hindi ako ganung tao! Bakit ka ba
ganyan ha?! Grabe, ganyan ka kadesperado?!"sigaw ko sakanya

Natahimik siya saglit. Nanlaki ang mata niya sa mga sinabi ko.

"HOW DARE YOU! WALA KANG ALAM!"sigaw ni Ashley at binitawan si Kry sabay sinampal
ako ng pagkalakas lakas.

Napapikit ako sa sakit.

"Napakadaldal mo! Wala ka talagang kwenta!"sabi ni Ashley at sinabunutan ulit ako

"Hayop ka! Bitawan mo ako ano ba?!"sigaw ni Kry inangat ko ang tingin ko para
makita ko kung okay lang ba siya, Hawak hawak siya ni Patricia ngayon pati ni
Noemi.

"You son of a bitch! Wala kang kwenta! Dapat sayo pinapahirapan ng ganito! Kulang
pa nga ito eh! Lahat nalang! Simula nung dumating kayo sa buhay nila Grae naging
ganto na sitwasyon! Mga epal kayo sa buhay nila!!"sigaw ni Ashley at sinampal ako
ng paulit ulit at tinatadyakan na rin.

Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Ang sakit na ng buong katawan ko.

"Hayop ka Ashley! Tama na yan ano ba?!"sigaw ni Kry

Pero hindi, todo ang pagsasampal saakin ng paulit ulit ni Ashley. Palakas ng
palakas. Wala na akong magawa, ang sakit na ng buong katawan ko.

Bigla nalang ako naluluha.

"Tama na!!"sigaw ni Kry tumigil si Ashley at bumuntong hininga

"Ikaw!"sigaw ni Ashley at inangat ko ang tingin ko, sinampal ni Ashley si Kry.


"Napakadaldal mo! Wala ka bang magawa sa buhay mo?! Buti nga di ikaw tong
nasasaktan ng todo jan eh! Tsk."sigaw naman ni Ashley

"Oh sige! Ako tong saktan mo! Sige! Kaya mo?! Diba jan ka magaling! Gawin mo bilis!
Gawin mo?! Oh bat di mo ginagawa?! Takot ka?"panghahamon ni Kry

Gusto kong ngumiti pero bigla nalang tumatakas ang mga luha ko. Gusto kong ngumiti
dahil kayang kaya ni Kry protektahan ang sarili niya.

Walang nagawa si Ashley at tinignan ako nilapitan niya ulit ako.

"Ano?! Hina ka na ngayon? Tsk."sabi niya at sinampal ulit ako ng mas malakas.

Napapikit ulit ako. Inangat ko ang tingin ko, tinaasan niya ako ng kilay at
sinabunutan.

Ang sakit sakit na.

"Ashley tama na! Tama na!"sigaw bigla ni Patricia

"What?! Are you crazy?! Anong tama na?!"sigaw ni Noemi na parang di makapaniwala

"You're not serious right?"sabi naman ni Ashley

"Seryoso ko. Mukhang bugboh sarado na yan. Tignan mo naman, Dami dami ng pasa. Tama
na."sabi ni Patricia bigla niyang binitawan si Kry sabay lumapit sa pwesto ko at
tinaggal ang lubid na nakatali sa kamay ko kanina pa.

Pagkatapos nun tinignan ko lang siya. Hinang hina na ako.

"Umalis na tayo dito. Hayaan na natin sila dito. Tara bilisan natin bago pa may
makakita saatin!"sabi ni Noemi at tumakbo na sila paalis.

Nilapitan ako ni Kry. "Sorry wala akong nagawa. Kailangan na kitang dalhin sa
clinic. Teka, may asan yung phone mo? Nasa bag yung cellphone ko kailangan natin
tawagan si Brace--"di ko na siya pinatapos umiling agad ako.

"W-wag.."sabi ko ng mahina

"Pero--"

"P-please.."pagmamakaawa ko, ayokong magaalala si Brace.

"Hindi. Tatawagan ko na siya!"sabi niya saakin at kinuha ang cellphone sa bulsa ko.

May pasa din si Kry sa pisngi niya, sinubukan kong tumayo habang nakatalikod si Kry
saakin at sinusubukan tawagan si Kry.

Hirap na hirap akong tumayo, nanghihina tuhod ko.

Ng makatayo ako hinang hina akong dumiretso kay Kry kinuha ko ang Cellphone.

"Kristle ano ba?! Kelang--"naputol ang sinasabi ng Kry ng may nanghampas ng Kahoy
sakanya natumba siya agad.

Bigla nalang may nanghampas ng kahoy saakin dahilan para matumba ako at mawalan ng
malay.

Aira Mae's POV


Lumabas na ako ng Gym dahil sa hindi ko na kaya ang ingay sa gym kahit na kanina
isa din ako sa mga todo cheer.

Naglalakad lakad lang ako dito sa South East High.

Nga pala, Ako si Aira Mae Layug. First Year College sa SE University. Kaklase ko si
Nash sa isang subject.

Masaya ako halos magtatalon talon ako nung sa Hallway ng malaman ko na kaklase ko
si Nash sa isang subject.

Kaso ang pagkakaalam ko, May kakclose siyang Babae. Si Roselle.

Akala ko nga girlfriend niya yun. Pero di daw pala, Fan ako ni Nash.

Since bata ata ako Crush na crush ko na yang si Nash kaya naman sobrang saya ko nga
nung kaklase ko siya.

Dati din akong nagaaral dito sa South East High.

Hindi ko alam na dinala na pala ako ng aking munting paa sa Abandoned Building.
Medyo nakakatakot tong Building na to. Pero hindi ko alam kung bakit pumasok ako sa
Building na yun.

Nalaglag ang panga ko ng makita ko kung anong meron don.

Halos mapamura ako sa nakikita ko.

Nilapitan ko agad kung sino yung dalawang babae na nakahiga doon at puno ng pasa.

Si Kryzshel at Kristle!

"Teka Anong nangyare--P*ta!!! Tulong! Tulungan niyo po ako!"natatarantang sigaw ko,


hindi ko alam gagawin ko.

"TULONG PO!"sigaw ko hindi ko alam kung pano ko sila dadalhin sa clinic eh iisa
lang akong tao at ang payat payat ko pa!

Natataranta na ako ng biglang may nagsalita.

"Anong nangyari?!"

Brace POV

Tarantang taranta na kaming lahat dito. Hindi namin alam kung nasaan sila Kristle.
Kanina pa sila umalis.

Kakatapos pa lang ng Game ngayon at kanina pa kami libot ng libot dito pero wala
sila.

"Nacheck niyo na ba sa music room?"tanong ni Graciella

Galing kami ni Joaquin sa Music Room pero wala.Galing na din kami ng Canteen,
Classroom, Stock Room, Locker Room pero wala talaga.

Tumawag si Kristle kanina pero hindi ko nasagot. At nung tinry ko naman ng tawagan
hindi na sila sumasagot.
"Asan ba kasi yung dalawang yun?!"sabi naman ni Ann

"Kinakabhan na ako."sabi ni Graciella

Andito kasi kami ngayon sa may Hallway. Eh sa kanina pa kami libot ng libot. May
Program pa naman sa susunod na araw.

"Tol, Try namin hanapin sa Social Hall baka nandun."sabi ni Nash nandito din si
Nash dahil pwedeng manood ng game ngayon ang mga taga SE University.

Kami kami ni Graciella, John at Joaquin ang naiwan dito.

Si Grae, Ann, Roselle at Nash ang naiwan para hanapin sila.

"There you are!"sabi ng SSG president namin.

"Bakit Annika?"tanong ni Graciella

"Kelangan ko kasi ng kahit dalawang lalaki lang na pumunta don sa Lumang Gym sa
Abadoned Building para kunin dun yung ibang upuan at decorations para sa Halloween
Social Ball natin. Pwede bang Kunin niyo? Nawawala kasi sila Elfer at Kurt
eh."pagpapaliwanag niya

"Annika, Importante kasi tong hinahanap namin eh."sabi ko naman

"Ha? Eh kasi Brace madami pa tong kailangan ayusin don sa Ball. Importante din to.
Kailangan na kasi ng mga Upuan tsaka wala ng ibang decorations na nandoon sa Stock
Room."sabi niya

"Pero Annika mas importante to."sabi naman ni Joaquin

"Please?"pagmamakaawa niya Wala naman kaming nagawa napaoo nalang kami.

"Pano na yan?"tanong ko naman sakanila

"Bilisan niyo nalang tapos hanapin na ulit natin sila. Hintayin namin kayo
dito."sabi naman ni Graciella tumango naman kami at tumakbo na papuntang Abandoned
Building.

"TULONG PO!"binuksan agad namin yung pintuan

"Ano nangyayare dito?!"sigaw ko

Shit.

Nakita ko agad si Kristle at Kryzshel na walang malay doon at madaming pasa at


pawis na pawis.

Nilapitan ko agad si Kristle.

"Kristle! Kristle Gising!!!"sigaw ko natataranta na ako at mas lalo akong nataranta


makita ko na andami dami niya pang pasa sa mukha.

"T*ngina."sabi ko at binuhat na si Kristle.

"Anong nangyari sakanila?!"tanong ni Joaquin at tumakbo na kami papunta sa Clinic

"Hindi ko alam, Basta naabutan ko nalang sila dito sa Abandoned Building habang
naglalakad ako."sabi naman ni Ate
Nakasalubong naman namin sila Graciella.

"Anong nangyari?!"tanong naman ni Graciella

"Hindi ko alam, Dalian na natin tol! Graciella, Tawagan mo sila Nash papuntahin mo
ng Clinic."sabi ko at tumango naman si Graciella

Pagdating namin ng Clinic nanlaki agad ang mata ng Nurse.

"Anong nangyari sa dalawang ito?! Bakit andaming pasa?!"natatarantang tanong niya

"Hindi po namin alam. Natagpuan nalang po namin sila Abandoned Building."sabi ni


Joaquin

Tinignan ko si Kristle na walang malay habang nakahiga sa kama.

"Jusko! Kami na muna ang bahala dito. Sige na, sa labas na muna kayo."sabi niya
saamin

Hindi ko magawang lumabas, kinuyom ko ang kamao ko.

Lumabas nalang ako at sinapak ang pader.

"Brace!"sabi naman ni Nash

"T*ngina! Sinong gumawa nun sakanila?!"galit na sabi ko

"Hindi ko alam. Hindi ko talaga alam. Natagpuan ko nalang sila doon."sabi ni Ate

"Walang alam si Aira, kilala ko siya pre. Kaklase ko siya."sabi ni Nash

"Pero bat nandun ka?"tanong ni Joaquin

"Galing akong gym, ewan ko bigla nalang akong pumunta doon."sabi ni Aira

"Baka naman--"

"Pre ano ba?! Wag mong pagbintangan si Aira! Wala siyang kasalanan! Buti nga
natagpuan niya pa si Kry at Kristle doon!"sigaw sakin ni Nash

"Wala talaga akong alam. Kaibigan ko si Kry. Si Kristle din nakilala ko na siya ng
pinakilala siya saakin ni Kry. Wala akong alam sa nangyari."sabi niya bumuntong
hininga ako at humingi ng pasensya dahil sa inakala kong may kasalanan siya.

"May hula ako."sabi ni Grae bigla agad kumuyom ang kamao ko.

"Hindi kaya sila yon?"tanong ni John

"Sila yon."sabi ko bigla at tumakbo palayo.

Maguusap kami. Kailangan na naming magusap ng maayos. Hindi ko gusto tong ginawa
niya.

____________________________________
Edited :)

34
Brace POV

Pagdating ko sa bahay nila, nakita ko agad siya doon na nagaantay sa may gate.

"Sabi ko na nga ba babalik ka din saakin."sabi niya yayakapin niya sana ako ng
hawakan ko ang magkabilang braso niya.

"Anong ginawa mo?! Ha?!"sigaw ko

"Brace ano ba nasasaktan ako.."sabi niya binitawan ko siya bigla

Hinawakan niya ang kamay ko ng tinabig ko iyon.

"Bakit mo ginawa yung Patricia?! Hindi mo ba naiintindihan lahat ng sinabi ko sayo


ha?!"sabi ko

"Ano din bang hindi mo mainitindihan sa sinabi kong I want you back! At gusto parin
kita. Na mahal parin kita."sabi niya saakin

"Pero hindi na kita mahal."diretsong sabi ko

"Ano bang nagustuhan mo sakanya?!"sigaw niya

"Kailangan pa bang sagutin yan?! Tama na to Patricia. Tigilan mo na to. At sa


ginawa mo hindi kita mapapatawad! Ganyan ka ba kadesperado?! Hindi na kita mahal
naiintindihan mo ako?! Wag mo na kaming guluhin. Andami daming nagkakagusto sayo
tapos pinagsisiksikan mo sarili mo saken?! Habang maaga pa at habang may respeto pa
ko sayo itigil mo na to dahil baka masaktan lang kita. Hindi mo alam kung gano kita
kagustong saktan ngayon. Pero hindi ko kayang gawin yun kasi babae ka. Kaya habang
pinipigilan ko yung sarili kong saktan ka itigil mo na to. Hindi ko nagustuhan
ginawa mo. Hindi na kita mahal. Okay? Tama na itigil mo na to."sabi ko

Natigilan siya sa sinabi ko yumuko lang siya.

Umalis na ulit ako doon at bumalik ng school, baka kasi gising na si Kristle.

Sumakay na ako ng Taxi at dumating din agad sa School dahil malapit lang bahay ni
Patricia sa School.

Pagdating ko doon, Wala ng mga estudyante dahil uwian na kaya naman dumiretso
nalang ako sa Clinic.

Nakita ko sa labas sila Nash na nagaantay.

"Okay na ba sila?"tanong ko

"Asan ka galing?"tanong ni John pero umiling nalang ako.

"Okay na ba sila?"tanong ko ulit

"San ka muna galing?"tanong naman ni Joaquin

"Kay Pat."sabi ko

"Pre.."

"Kailangan alam na niya. Kailangan malaman na niyang di ko na siya mahal. Actually


ilang beses ko ng sinabi pero ayaw niyang maniwala, mas maganda ng magkaliwanagan
kami. Hindi ko gusto ang ginawa niya. Mali yon brad. Mali tong ginawa niya. Pano
nalang kung mas malala pa nangyari kay Kry at Kristle?"sabi ko

Tumango nalang sila, Nagusap usap muna kami saglit at kinausap din namin si Aira.
Maya maya sinabi ng Nurse na gising na daw sila Kristle.

Pagpasok namin ng Clinic nakita ko silang dalawa na nakahawak sa magkabilang


pisngi.

Gusto ko siyang yakapin, baka sakaling gumaan ang pakiramdam niya. May pasa siya sa
magkabilang pisngi at sa may labi.

Ng makita niya kami ngumiti agad siya na parang walang iniindang sakit.

Damn.

"Uy!"bati nilang dalawa saamin

"TAENA KAYONG DALAWA!"sabi bigla ni Aira

"AIRA!"sabi naman ni Kry si Kristle kumaway at tumawa naman nilapitan ko siya

Ngumiti siya saakin. Hindi ko magawang ngitian siya pabalik. Nagaalala ako.
Pinagaalala niya ako.

Hinawakan ko ang kamay niya.

"You okay?"tanong ko

Tumango siya at nginitian ako.

"Okay, sige para sainyo ieextend namin ng isa't kalahating oras tong oras sa Clinic
bago magsara ha? Lalabas muna kami."sabi nung Nurse at nginitian kami, ngumiti
naman kami pabalik at nagpasalamat sakanila.

"Pinakaba niyo kami!"sabi ni Graciella

"Bibili muna kami pagkain okay?"sabi naman ni Nash kaya sumama na si John at Ann
pati roselle sakanila.

Di ko nga magets kung bat andami nilang bibili ng pagkain.

Nagusap usap muna sila Kry kaya tinignan ko si Kristle na nakikipagusap muna
sakanila.

"You hungry?"tanong ko sakanya habang pinaglalaruan ang kamay niya.

"Y-yeah.."sabi niya ng mahina at ngumiti hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya ng


umaray siya.

May pasa pala siya. "Sorry."sabi ko

"Okay lang hehe."sabi niya

"Hindi ka okay. Andami mong pasa. Hindi dapat mangyari to sainyo. Kasalanan ko
to."sabi ko sakanya

Natahimik sila sa sinabi ko.

"Hala, okay lang yun. Haha, hindi na sana namin sasabihin kung sino gumawa nito
eh."sabi niya

"So ililihim niyo pa?"sabi naman ni Graciella

"Siya lang may gusto nun. Gusto kong sabihin sainyo kase grabe kaya ginawa nila
saamin. Lalo na kay Kristle."sabi ni Kry

"Sinaktan ka nila baby."sabi ko

"It's okay."sabi niya naman

"T*ngina tle? Anong okay doon?! Sinaktan ka nila! Kasalanan nila kung bat may pasa
ka ngayon! Grabe yung ginawa nila sayo kanina!"sabi ni Kry

"Okay lang."sabi niya

"Nako te! Wag ako! Susugurin ko yun! Napakadesperada makuha lang atensyon ng limang
to! Hindi tama yan! Hindi okay yan!"sabi ni Graciella

Hinarap naman ako ni Kristle tumango naman ako.

"Okay nga lang."sabi niya umiling ako.

"Hindi, hindi okay yun. Nahihirapan ka ngayon dahil sakanila. Andami dami mong pasa
dahil sakanila. I'm sorry. Kasalanan ko to."sabi ko

"Hindi nga, hindi mo kasalanan yun."sabi niya naman

"Buti nalang wala sila Tita. Kundi yari tayo jusko."sabi naman ni Graciella

"Okay lang, wag nalang natin sabihin sakanila."sabi ni Kristle

Pinaglaruan ko ulit kamay niya, I feel bad.

Dahil saakin nahihirapan siya, Alam kong iniinda niya lang yung sakit.

"Hay, Eto nalang kalimutan na muna natin yan ngayon."sabi ni Graciella

"Oo, tas bukas resbakan natin."sabi ni Grae

"Oo tama yan bestie!"sabi naman ni Graciella at nagapir sila

"Grabe, ilang oras ba tayo nawalan ng malay Kry? May pabestie bestie na tong si
Graciella at Grae!"sabi naman ni Kristle

"Manahimik ka nga! Usap nalang kayo ni Brace maguusap kami ni Bestie!!!"sabi naman
ni Graciella kaya tumawa kami kahit papaano.

Nagusap muna si Joaquin at Kry at nagasaran naman si Grae at Graciella.

Tumingin saakin si Kristle. Ngumiti ako.

"Sigurado ka? Okay kalang?"tanong ko

Tumango siya. "Okay nga! Strong to."sabi niya

**
Hinatid na namin sila sa bahay nila. At ngayon siguro nagpapahinga na siya.
Hindi sila papasok ni Kry bukas dahil sa mahina pa sila at sobrang dami pa nilang
pasa.

Nagagalit talaga ako sa ginawa nila Patricia. Hindi tama yun.

Tumingin ako sa Wall Clock ko. Tawagan ko kaya siya?

10:30 pm.

Nagtext nalang ako.

Hey.

Maya maya nagreply din siya.

From: Babe

- Hey hehe.

To: Babe

-I'm sorry.

From: Babe

-Sira ka talaga! Okay nga lang! Wala kang kasalanan.

To: Babe

-Kasalanan ko.

From: Babe

-Kulit mo rin boy! Hindi nga!

To: Babe

-I love you.

From: Babe

-Sweet niya naman, sarap iuntog sa pader eh! Loko lang. Syempre naman alam mo na
sagot!

To: Babe

-Ano ba sagot?

From: Babe

-Hala! Alam mo yan syempre!

To: Babe

-Ano? Hindi ko pa alam eh.

From: Babe
-Yan tayo eh.

To: Babe

-Ano nga?

From: Babe

-Hala, Alam mo na yun. Sige na masakit na likod ko. Papahinga na ako. Bye.

To: Babe

-Teka lang hoy!

From: Babe

- zzzzzzzz

Bumuntong hininga ako, tatawagan ko na sana siya ng bigla siyang tumawag.

Iba to ah? Sinagot ko naman agad.

[I love you! I love you! I love you too!!!!! Sige na goodnight!]

Binaba na niya agad yung tawag, tinawagan ko siya ulit pero hindi na sinagot.
Nagtext nalang ako.

-I love you more.

____________________________________

Edited weh

AUTHOR'S NOTE!
HELLOOOOOOOOO PATI ITO INEDIT KO ISKIP NIYO NALANG HAHAHAHAHA

Walang kwenta yung note ko na ito:---((( nakakahiya

Pero yun na nga iskip niyo to guys kasi walang kwenta to! Maraming salamat!

35
Graciella's POV

"Wag mo na akong sundan!!!"sigaw ko sakanya

"Luh! Di kita sinusundan!"sabi niya

"Grae naman eh!"sabi ko

Oo guys, Si Grae. Papansin nanaman kasi eh!

"Luh, Kapal mo. Parehas tayo ng dadaanan sa Principal's Office."sabi niya

Aray ko beh nakapalzoned ako.


Oo nga pala, Nalaman na ng Principal namin ang buong pangayayari. Dahil syempre
sinabi namin! Ano ipapawalang bahala namin yon?! Sapakin ko yung mga desperadang
mga babae na yun eh! Leche.

Sasapakin ko na sana tong si Grae dahil bigla bigla nalang akong hihilahin kaya ang
dami daming nagbubulungan.

"Sila na ba?"

"Gosh! Sila na yata! ang landi naman ng babaeng to."

"Pangit. Di naman maganda."

"Mas maganda ko."

"Luh tanga kapal mo."

"Mas bagay kay Grae si Mafe."

"Oks na rin yan, kaysa naman kay Ashley diba?"

"Eh, Pangit. Laki ng ilong oh?!"

Hindi ko na sana papatulan kaso namemersonal na eh! Dinamay pa ilong ko eh


nananahimik tong ilong ko! Ganda ganda ko eh!

"Teka lang ha? Bago niyo ko husgahan alamin niyo muna buong pagkatao ko. Kilala
niyo ko? Hindi diba? Pag kasama agad ako nito Girlfriend agad? Tas nanahimik ilong
ko dadamay niyo? Palit kaya tayo posisyon, Ikaw lait laitin ko tas tignan natin
kung di kayo mairita noh?! Ano ba namang paguugali yan?!"inis na sabi ko

Nakakairita mga bes. Nanggiggil ako.

"Sorry po Ate! Akala po kasi namin Girl--"

"Eh hindi nga ako Girlfriend nitong Grae--"

"Uhh Girls, She's my Girl."sabi ni Grae

Oo nga girl--ANAK NG PATATAS NI SARAH! AKO GIRLFRIEND NIYA?!

"Teka po, Akala ko po Hindi?"tanong nung may mahabang buhok

"Dinedeny niya kasi alam niyang ganyan gagawin niyo. Mali yan kaya sana tigilan
niyo. Wag kayong gumawa ng issue o kung ano ano man sa loob ng Campus or sa Social
Media. Hindi magandang gawain yan. Wag niyong pangunahan."sabi niya

"Sorry Grae Tsaka Ate."sabi nila

Tumingin ako kay Grae, leche ka!

Nginitian lang ako tas inakbayan.

"Sorry po talaga! Aalis na po kami. Pasensya na po."sabi nila at umalis na nga.

Nagkatinginan kami ni Grae, Tinanggal ko ang braso niyang nakaakbay saakin at


sinapak ko na punyeta.
Syempre sa braso lang.

"Aray!"reklamo niya

"ANONG NASA ISIP MO HA?! GUSTO MO BANG MAGWORLD WAR 3 DITO HA?! NANAHIMIK AKO--"

"Daldal ni Girlfriend."sabi niya habang tinatakpan ang bunganga ko.

"Do me a Favor?"sabi niya ulit

Tinignan ko siya at buong pwersa kong tinanggal ang kamay niya.

"Favor mo mukha mo leche ka!"sabi ko

"Please?"

"Bwisit, Wag ako Fernandez ha? Masasapak kita kaliwa't kanan tamo."sabi ko

"Dalawang Buwan lang."sabi niya

Hinarap ko siya at tinignan.

"I beg to disagree! Kapal ng mukha mo anong dalawang buwan ka jan?! Dalawang buwan
ko pagtitiisan pangbwibwisit mo?!"sabi ko

"Baka gusto mong 5 months?"sabi niya

Halos mapamura ako sa sinabi niya, Seriously?! No way.

"Kelangan ko lang mapatunayan kay Mafe na nakamove on na ako. At ipapamukha ko


sakanya na sana di niya nalang ako niloko at sinaktan--"

"Drama mo. Di mo na kailangan yan. Di ka pa nga makamove on eh."sabi ko

"Badtrip to. Panira eh. Sige na, dalawang buwan lang please?"

Bumuntong hininga ako. "Fine 2 months."sabi ko at nakipagshake hands

"May Rules ako."sabi ko

"Kelangan pa ba niyan?"tanong niya

"Humihinga ka ng pabor diba? Eto gusto ko eh. Aangal ka?"sabi ko umiling nalang
siya.

Naglabas ako ng papel at ballpen.

RULES

1. Bawal ang Endearment

"Luh? Anong bawal endearment? I beg to disagree!"sabi niya

"Sampalin kaya kita jan! Manahimik ka! Ayoko ng may Endearment naiintindihan
moko?!"sabi ko

Kinuha niya yung ballpen ko at pinalitan.

1.PWEDE ang Endearment.


2. Pwede ang akbay at Holding hands.

3.Wag makikipaglandian sa iba. Kasi ang alam nila TAYO.

4.Maging sweet sa isa't isa.

"Aba aba! Sobra na ata yan! Ayoko nga ng Endearment tas grabe! Ayoko! Ayoko!"sabi
ko

"Dalawang buwan lang! Pag may mga tao lang, Tsaka pag nandyan lang kaibigan
natin."sabi niya

"Bawal malaman nila Kristle?"tanong ko

Umiling siya at magpatuloy sa pagsusulat.

5.Pwede magdate.

6.Bawal mainlove sa isa't isa.

Napatingin siya sakin.

"Problema mo?"tanong ko umiling lang siya.

"Okay na?"tanong niya at pinakita saakin ang sinulat niya, tumango ako.

"Kontrata na natin to. Pirmahan mo sa baba."sabi niya pinirmahan ko nga at siya


naman pinirmahan rin.

"Dalawang buwan lang ha?"sabi ko

"Dalawang buwan lang."sabi niya kinuha na niya ang bag ko at siya na ang nagbitbit.

Nagsimula na kaming maglakad papuntang Principal's Office. Tinignan ko siya habang


naglalakad.

Sana naman wag akong magsisi sa pinili kong Choice, Dalawang Buwan lang Graciella.

Dalawang buwan.

Wag kalang mahuhulog kay Grae sa loob ng dalawang buwan. Yun lang..

Grae's POV

Pumasok na kami ng Principal's Office

At nakita namin na umiiyak na sila Ashley, Iyak iyak kayo jan eh kasalanan niyo
naman?

"You're late Mr.Fernandez and Ms.Lavapie go on, Take your seat."sabi nung Principal
umupo na agad kami at napapagitnaan ako ni Ashley at Heart.

**

Tapos na ang usapan sa Principal's Office. Naexpelled si Patricia, Ashley at Noemi.


Nandito pa sila Kaye at Julia dahil sa hindi naman sila sangkot sa gulo.

Nandito kami sa may field ng School at nagpapahangin lang. Dahil sa maraming


inaasikasong events ngayon maagang nagpadismiss ang SSG President namin.

"San tayo?"tanong ni Ann

"Cafe nila Roselle?"tanong ni Kry

"Ah may pupuntahan kami ni Graciella."sabi ko tumingin naman silang lahat saakin.

"Aba aba, Iba to? Parang nung nakaraang araw palang kayo nagkita ha?"sabi ni
Joaquin habang busy na naglalaro ng di ko alam.

"Hahahaha, basta pre una na kami!"sabi ko

"Uwi mo ng buhay yan ha!"sabi ni Kristle tumawa nalang ako at hinila na si


Graciella

"Kelan natin sasabihin sakanila na Tayo na?"tanong niya tumingin ako sakanya,
nanlaki ang mata niya dahil siguro sa napagtanto niya na sinabi niya.

"I mean ang ibig kong sabihin ano--"

"I don't know baby, Bahala na. Masyado pang maaga ngayon."sabi ko

Pumunta kami sa may mga food stalls medyo malapit sa may school at kumain.

Sobrang daming binili nitong si Heart.

Heart ang itatawag ko sakanya dahil ang haba ng Graciella, tsaka mas okay yon
Heart.

Heart daw ang nickname niya eh.

Kinakain ko ang kikiam na binili ko habang si Heart kumakain ng Kwek Kwek. Meron pa
siyang Fries at Fishball may Gulaman pa.

Pinagmamasdan ko lang siya habang kumakain.

"Mahiya ka nga, Dumi dumi mong kumain sa Harapan ng gwapo mong boyfriend."sabi ko
at kumuha ng tissue para punasan ang nagkalat na sauce sa may labi niya

"Luh, Sayo? Ako? Mahihiya?"sabi niya naman

"Oo, Gwapo ng Boyfriend mo oh! Artista pa."sabi ko naman

"Artista ka nga, Pero ewan. Kakain nalang ako. Hahahahaha!"walang kwenta niyang
sagot

"Kumain ka na nga lang."sabi ko at luminga linga

Habang tumitingin tingin ako sa paligid nakita kong magkasama si Mafe at Mark,
Kumakain sila ng Barbeque.

Lumingon si Mafe sa direksyon ko at saktong nagtama ang tingin namin, ako ang unang
nagiwas ng tingin at tumayo na sabay kinuha ang bag namin at hinawakan ang kamay ni
Heart.

"Teka hindi pa ako tapos kumain!!"reklamo niya

"Tara na, kailangan na nating umalis. Nasasaktan ako sa nakikita ko."sabi ko bigla
lumingon siya at napansin kong nakita niya na si Mafe kaya nagpahila nalang siya.

Putek Mafe, Ang sakit sakit parin.

____________________________________

Edited

36
Brace POV

Ilang linggo na din lumipas matapos yung Issue na yun.

At ngayon, gusto ko na talagang kausapin ng maayos si Patricia, yung maayos na


talaga para malinaw na sakanya.

Paalis na sana ako ng may tumawag.

"Hello?"

[Panget!]

"Sorry wrong number!"

[Aba aba, Ewan ko sayo! Ano ginagawa mo?]

"Hahaha, may pupuntahan ako."

[Ha? Saan?]

"Secret yun."

[Aba! Nakuha mo pang maglihim saken! May iba ka ng babae noh?! Aba! Iba na yan!
Makikipagbreak ka na?! Ano?! Sabihin mo agad!]

"HAHAHAHAHA! Nagdrudrugs ka ba?! Basta may pupuntahan lang ako, Wag ka magtampo o
magselos jan tsk."

[Kairitang to! Subukan mo lang talagang maghanap ng ibang babae o lokohin ako nako!
Ililibing kita ng buhay!]

"Hahahaha, I love you baby."

[Ah..]

Kilig ka nanaman saken.

"Yan tayo eh! Di nalang magi love you too!"

[Tsk, Wag mo kong binibigla sa ganyan bwisit ka! Hahahaha!]

"Kilig ka lang eh."

[Oh eh bat ka ba?]

"Hahaha, Sorry na!"

[Punta ka Amusement Park mamayang 4pm ha? Saktong 4pm ha! Pag late ka sisipain kita
papuntang Mars naiintindihan moko?]

"Yes Babe, 4pm. Bawal malate."

[Good! Sige na, Bye!]

"Bye i love you!"

[Iloveyoutoosigebye!]

Binaba na niya ang tawag kaya natawa ako. Bibilisan ko lang kausapin si Patricia.

Kinuha ko na ang Car Keys at diretso na sa bahay nila Patricia.

Dahil di naman ganun kalayo ang bahay nila saamin nakarating agad ako.

Nagtaka ako dahil nakabukas ang gate ng bahay nila.

Pumasok ako doon. "Tao po?"

"Patricia, Magusap tayo."

"May tao--t*ngina."

Nanlaki ang mata ko sa nakita ko, nakahiga sa sahig si Patricia at walang malay.
Nagdudugo yung ulo niya.

Anong nangyari dito?!

Wala akong ibang nagawa kundi ang buhatin siya at isugod sa ospital.

Kristle's POV

"Walang Forever."sabi saakin ni Ann at tumawa naman ako.

"Gunggong. Sige na bye!"sabi ko at kumaway na ako sakanila, Hinatid kasi ako nila
John dito sa Amusement Park.

Dito ko aantayin si Brace, Eh kasi wala kong maisip para sa First Monthsary namin.
Gusto ko sana siyang isurprise kaso nagbago na isip ko.

Enjoy nalang kami dito sa Amusement Park, tsaka may regalo ako sakanya.

Malapit na Mag4pm. Napaaga nga ata ako ng kaunti pero keri na yan. Tiis ganda, ano
daw?

Umupo muna ako sa may Bench at inantay si Brace na dumating. Tinext ko na din siya
at ayun nagaantay nalang talaga ako dito.

Darating yun, Brace yun eh.

**
Mahigit isang oras na akong nagaabtay dito. Tinadtad ko na rin siya ng text pero
wala parin.

Wala parin si Brace, pumasok na ako ng Amusement Park at parang kating kati na
akong itry yung rides pero inaantay ko siya.

Tumambay nalang muna ako dito sa food court, kanina pa ako nagaantay pero wala
parin siya.

Kalma lang, darating yun.

Natraffic lang yun. Oo, traffic lang.

Darating yun.

Monthsary namin eh, Syempre darating yun. Di niya makakalimutan yun.

Chineck ko ulit phone ko, Di din daw matawagan nila Joaquin si Brace.

Asan na kaya siya?

Darating yun.

**
Dalawang Oras na akong nagaantay dito, wala parin siya.

Wala.

Tinatawagan ko na pero hindi sinasagot yung phone. Hindi din nagrereply. Hindi ko
alam kung ano bang dapat na maramdaman ko. Magaalala, Magagalit, Maiinis?

Ano na Brace? Ano?

Tumayo na ako, aalis nalang ako.

Uuwi nalang ako.

Nakalabas na ako at magaabang na sana ng taxi ng bumuhos yung malakas na ulan.

Wala pala akong payong, tumakbo ako papuntang waiting shed.

Asan ka na Brace? Okay ka lang ba?

Brace POV

"Umusad ka naman utang na loob!"sigaw ko

Kakaalis ko lang sa Hospital kung san ko dinala si Patricia. Pinasok daw ng


magnanakaw ang bahay nila at siya lang tao, Nagreport pa ako nun sa Pulis halos 3p
minutes ako doon sa Hospital tapos pumunta pa ako ng Police Station.

Saka ko lang naalala na kailangan ko pa palang puntahan si Kristle kaninang 4pm sa


Amusement Park.

Eh anong oras na?! Nandun pa kaya siya? Malas pa at nalowbat ako.

Traffic pa.

Ng umusad na at wala ng masyadong traffic binilisan ko na ng kaunti ang


pagpapatakbo ng kotse dahil sa kanina pa siguro siya nagaantay doon.

Dumating din ako at nagpark ng kotse, pagkalabas ko biglang bumuhos yung malakas na
ulan.

"Putek."sabi ko at tumakbo na ng mabilis, wala pa akong payong badtrip talaga.


Nandito pa kaya siya?

Kristle's POV

"Lamig."sabi ko basang basa na ako ng ulan pero wala parin si Brace.

"Tagal."sabi ko at luminga linga nagbabakasakali na makita ko siya.

Umiling nalang ako, Hindi na darating yun.

Umalis na ako doon sa waiting shed. Tumakbo na ako kahit na nababasa na ako dahil
sa lakas ng ulan. Wala na akong pakialam, basa narin lang ako bat di pa ulit mabasa
lalo?

Habang tumatakbo ako at naghahanap ng taxi napatigil ako sa pagtakbo ng may tumawag
saakin.

"Kristle."aniya lumingon ako at nakita ko siya, basang basa narin siya.

Parehas na kaming basa at walang dalang payong.

"Sorry.."sabi niya

Tinry kong ngumiti pero may tumakas na luha galing sa mata ko. Hindi ko pinunasan
yon dahil ayokong mahalata niyang umiiyak ako.

Buti na nga lang umuulan, Hindi niya mahahalatang umiiyak ako.

"Okay lang."sabi ko

"Hindi, Sorry."sabi niya naglakad siya papalapit saakin pero umatras ako.

Hindi ko alam, aaminin ko nagagalit ako.

Anong ginawa niya para hindi niya ako mapuntahan sa tamang oras? O kaya late ng
kahit ilang minuto.

Ilang oras akong naghintay, Buti nga pumunta pa siya eh.

"Baby.."pagtatawag niya

Panay parin ang tulo ng luha ko.

"San ka pumunta?"tanong ko

"Kay Patricia."sabi niya napatingin ako sakanya.

Grabe, Patricia Dela Vega? Dun siya pumunta? Sa ex niya? Kaya siya nalate?

"Sana sinabi mo nalang na di ka sisipot tas magtatagal ka dun kay Patricia para di
na ako nagantay."sabi ko

"Kristle kakausapin ko--"

"Wala ka manlang bang naalala ngayon?"tanong ko

Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang pagiyak ko lalo ng makita ko palang sa
mukha niya na hindi niya maalala kung anong meron ngayon.
"Teka nga, bakit ba ganyan ka umasta? Kristle naman, gusto kong kausapin si
Patricia para itigil niya na yung panggugulo. Lalo na sayo, para tigilan ka na
niya. Minsan din sana wag mong iniisip yung ibang bagay tulad ng may iba akong
inuuna may iba na akong babae ganon ganon. At hindi naman importante tong araw--"

"Grabe naman Brace! Sorry ha? Sorry po! Hindi naman ako magagalit ng ganito kung
yan pala intensyon mo dun kay Patricia. Tsaka binibiro lang kita don sa Babae
ganyan ganyan may tiwala ako sayo! Pero alam mo yung nakakainis don?! Naiinis ako
sayo, nagagalit ako sayo dahil hindi mo manlang maalala kung anong araw ngayon! At
importante tong araw na to Brace.."sabi ko

"Monthsary natin ngayon! Ayan pinaalala ko na, Obvious naman kasi na nakalimutan
mo. Sorry ha? Parang naging kasalanan ko pa kasi. Kasalanan ko na nagantay pa ko
dito ng ilang oras tas di mo naman pala maalala kung anong meron ngayon! Happy
Monthsary ha?"sabi ko at binigay sakanya yung regalo ko.

Tinalikuran ko na siya at tumakbo papalayo. Tumila na ang ulan. Pero iyak parin ako
ng iyak.

Akala ko hahabulin niya ako, Akala ko magsosorry manlang siya.

Akala lang pala.

Pumara na agad ako ng Taxi at sumakay.

___________________________________

Lame pagkakaedit :--((

37
Brace POV

Badtrip, taena. Sobrang nababadtrip ako.

Sobrang nababadtrip ako sa sarili ko! Ako na nga tong nakalimot tas ang kapal kapal
pa ng mukha kong saktan yung nararamdaman niya?!

Ilang beses ko na siyang tinawagan pero mukhang sinadya niyang patayin ang
cellphone niya para umiwas lang saakin. Gunggong ka naman kasi Brace hays.

Pag si Graciella tatawagan ko hindi din sinasagot.

"HAY BADTRIP!"sigaw ko at padabog na tumayo.

"Tae naman, Problema mo? Ingay ingay nanonood yung tao eh!"reklamo ni Kuya Ed

"Badtrip."sabi ko lang

"Tsk, Kung badtrip ka wag ka magdabog dito. Dun ka sa kwarto mo wag sa kwarto ko.
Istorbo."sabi niya naman

Umupo ako sa swivel chair ni Kuya at tumingin sa pinapanood ni Kuya.

Tumingin si Kuya Ed saakin at pinatay ang TV sabay binato ako ng unan.

"Ano ba yon?! Problema mo?"naiiritang tanong ko


"Kaw nga dapat tinatanong ko niyan, Anong nangyari?"tanong niya

"Nagaway kami."sabi ko

"LQ? Haha, Bakit?"

Naiisip ko palang ulit naguguilty ako. Mali yung ginawa ko.

"Nakalimutan ko Monthsary namin."sabi ko naman

Binato ulit ako ng unan ni Kuya Ed kaya tinignan ko ng masama.

"Kapatid kita pero ang siraulo mo eh noh? Bat mo ba nakalimutan? San ka pumunta
nun?"

"Kay Patricia."

"Oh loko loko yan tayo Brace eh. Kala ko ba wala ka ng nararamdaman kay Patricia?
Ph eh bakit ka nakipagkita sakanya? At sa mismong araw pa ng Monthsary niyo ng
Girlfriend mo. Tsk tsk!"sabi ni Kuya Ed at umiling iling pa

"Loko ka din Kuya! Eh lilinawin ko na nga lang kasi lahat kay Patricia. Gusto kong
tigilan na niya ako. Lalong lalo na si Kristle. Nahihirapan siya dahil saakin,
Dahil gusto ni Patricia na maging kami ulit. Kaso, may aksidenteng nangyari.
Naabutan ko si Patricia don walang malay kaya dinala ko sa Hospital. Halos ilang
oras din ako doon tapos pumunta pa ako ng Police Station kasi ninakawan pala bahay
nila Patricia. Saka ko lang naalala na pinapapunta pala ako ni Kristle sa Amusement
Park. Late na nga ako dumating nakalimutan ko pa na espesyal yung araw na
yun."pagpapaliwanag ko

"Yun naman pala, Oh eh bat sakin mo pinapaliwanag lahat ng yan? Bat di dun kay
Kristle? Tutunganga kalang jan? Tas sisigaw ka bigla na badtrip ka? Layas na.
Bilis. Puntahan mo na."sabi niya at inon ulit ang TV sabay nanonood ulit.

Umalis na ako ng Kwarto ni Kuya Ed at dumiretso na sa Kwarto ko. Magbibihis na sana


ako ng pangalis ko ng biglang may tumawag kaya sinagot ko.

Grae Calling....

"Yo?"

[Brace!!]

"Sino to?"

[Grae to! Dejoke lang! Si Dyosa to.]

"May pupuntahan pa ko Grae."naiinip na sabi ko sa kabilang linya

[Luh, Si Graciella to. Galit agad!]

"Graciella! Asan si Kristle?"

[Yun na nga kaya ka nga tinawagan. Magkikita kami mamaya sa SB. Sige na! Sunod ka
ha!]

"Oo sige papunta na ko!"

[Luh teka, On the way pa nga lang kami ni Grae eh!]


"Oh sige basta kita nalang tayo."

[Sige, Papansin na tong si--Teka nga kasi! Kausap ko si Brace-Wait nga! Grae!]

"Ah baba ko na?"

[Bro? Bro? Naririnig moko? Tae Graciella Iloud speaker mo!]

"Gulo niyo. Baba ko na!"

Bago pa man magsalita ang isa sakanila, binaba ko na ang tawag.

Kailangang maayos ko to.

Graciella's POV

"Kainis ka naman eh! Kausap ko pa nga si Brace!"reklamo ko

Papansin tong Grae na to! Sakalin ko to eh!!

"Woy woy woy! Crush mo si Brace noh?!"sabi niya saakin

Automatic na nalaglag ang panga ko sa sinabi niya, Nagdrudrugs ba to?!

"Ano? Gunggong ka ba? Tapatin moko, Nagdrudrugs ka noh?!"sabi ko naman

"Eh bat nagrereklamo ka na inagaw ko sayo Cellphone habang kausap mo si


Brace?!"galit na tanong niya

"Teka nga! Bakit ka ba nagagalit?!"

"Oh eh pake mo ba?"

"Luh, Oh edi wow!"sabi ko

"Pero Crush mo si Brace?"

"Tungaw! Anong crush ko si Brace?! Labo mangyari nun siraulo ka talaga! Gusto ko
siyang kausapin kasi mukhang nagaway sila ni Kristle! Kagabi mugtong mugto mata
nung bruha!"sabi ko naman

"Ahh kala ko crush mo siya.."sabi niya naman

"Tsk."

"Ako lang dapat crush mo ha?! Nagseselos ako eh."sabi niya

At automatic akong napairap. Mga banat na ganyan eh. Sarap banatan sa mukha eh!

"Gunggong. Dami mong alam! Bilisan mo na sa pagdridrive!"sabi ko nalang

**
Nakarating kami sa SB at nakita naming nandun na si Kristle. Pumasok na kami ng
Starbucks at nakita namin siyang nakaearphones.

Binatukan ko ang gaga at tumawa ako.

"Jan na pala kayo."sabi niya


"Di, standee lang!"pamimilosopo ko

Umupo na kami at tatabi sana ako kay Kristle ng hilahin ako ng Grae.

May binulong naman siya saakin. "Darating pa si Brace diba?"bulong niya

Oo nga pala.

Nagkwentuhan muna kami ng ibang bagay. Ayoko sanang iopen yung topic about dun sa
pagaaway nila pero curious ako.

"Ano palang--"hindi natapos ang sasabihin ko ng umepal na si Brace.

Hinila niya agad si Kristle patayo. "We need to talk."sabi niya

Aba, English yan mga peeps! Hinila niya agad si Kristle palabas ng SB.

"Ano order na."sabi ko kay Grae

"Luh bat ako?"

"Alangan ako?"

"Bato bato pick dapat!!"sabi niya naman

"Wala wala, Be gentleman!"sabi ko naman

"Ay pusang kinalbo naman talaga oo!!"reklamo niya at nagorder na

Bait naman. *sarcastic tone here.*

Kristle's POV

"Ano ba Brace! Bitawan mo ko!!"reklamo ko sakanya nakalayo na kami sa SB at pansin


kong sumakay kami ng elevator pababa papuntang parking lot.

"Kelangan natin magusap."sabi niya naman Tsk, tinagalog mo lang sinabi mo kanina
nung nasa SB eh!

Nakarating kaming Parking Lot ang hanggang ngayon hawak hawak niya parin ang
pulsuhan ko.

"Sakay."sabi niya inirapan ko siya at sumakay sa kotse sabay sinarado.

Hindi porket sumakay ako ng kotse mo ibig sabihin bati na tayo bwisit ka!

Sumakay siya ng kotse at pinaandar niya na ito.

Tahimik lang kami, Walang nagsasalita. Tanging ang musika lang sa radyo ang
naririnig namin.

Tumingin ako sa malayo.

"Pansinin mo naman ako."sabi niya saakin pero hindi ako nagsalita

Aba! Mataas pride ko ngayong araw leche ka! Manigas ka jan kala mo!

"Babe."pagtatawag niya pero di parin ako nagsasalita


"Baby.."

"Tae naman oh? Di mo ba talaga ko papansinin?"

Ay grabe! So nagagalit ka na ha? Bahala ka talaga jan.

"Tle."pagtatawag niya hindi ako nagsalita, Tumigil na rin siya sa pangungulit


saakin. Parang nadismaya nga ako dahil gusto kong kinukulit niya ako.

Luh? Tapos di mo rin naman papansinin? Anong kashitan yan?

Tahimik na nga kami buong byahe. Maya maya bigla nalang siyang nagsalita

"Nandito na tayo."sabi niya tinignan ko naman kung saan niya ako dinala.

Sa Amusement Park. Nanlaki ang mata ko ng may handcuffs kami.

Nakahandcuffs kaming dalawa.

"Babawi ako. Ieenjoy natin to. At hanggang sa hindi pa tayo nagbabati, Hindi ko
tatanggalin tong handcuffs na to."sabi niya saakin.

Hindi ko alam ang dapat na irereaksyon ko. Basta ang alam ko sobrang bilis ng
pintig ng puso ko. Korni ba? Hindi ko alam. Hindi ko alam.

Hinayaan ko siya, at hanggang sa makapasok kami sa loob ng Amusement Park hindi ako
nagsalita.

**
"WOOH ANG SAYA!!!"sigaw niya pagkababa namin

Tinignan ko ang itsura ko, siraulo to! Tamo basang basa ako!

"Loko ka! Basang basa na nga tayong dalawa eh!!"reklamo ko, Madami na kaming natry
na rides. Halos lahat nga ata ng Rides dito eh nasakyan na namin.

At ang huli naming sinakyan ay ang Anchors Away. Kaya eto, basang basa kaming
dalawa.

Kinuha niya ang susi at tinanggal ang handcuffs namin. Automatic akong napaangat ng
tingin sakanya.

Bakit na niya tinatanggal? Teka nga, okay naman na tanggalin niya ha? Tutal ang
hirap hirap kanina. Nakahandcuffs kami sa isa't isa.

Pero bat parang ayaw ko nung ginawa niyang pagtanggal ng handcuffs.

Tumingin siya saakin. "Magbihis ka na muna. Basang basa ka."sabi niya at may kinuha
sa bag niya sabay tinapon saakin.

"Tshirt ko yan. Sige na bihis na!"sabi niya at tinulak na ako papuntang Girls
Restroom.

Pumunta na ako doon at nagpalit ng Plain White Tshirt ni Brace. Bango ng damit niya
pakshet.

Lumabas na ako at grabe, sobrang bango talaga ng Damit niya.


Binato niya ang hoodie niya saakin. "Suot mo rin yan."sabi niya napansin kong
nakapalit na rin siya ng damit niya.

Tumango ako at sinuot ang hoodie. Tahimik ulit kami walang nagsasalita..

Ilang oras din kami dito at aaminin kong nagenjoy ako. Aaminin kong nakabawi talaga
siya. Sobrang saya ko ngayon.

Naramdaman ko na unti unti niyang pinagsisiklop ang kamay naming dalawa.

"Gutom ka na ba?"tanong niya at tuluyan na niyang hinawakan ang kamay ko.

Umiling ako. "Hindi, Pagod na ako. Uwi na tayo?"tanong ko

Totoong pagod na pagod na ako. Kahit na ayoko pang umuwi, Gusto ko ng magpahinga.

Tumango si Brace at lumabas na kami ng Amusement Park. Magkahawak kamay parin kami
habang naglalakad papunta sa Parking Lot.

"Nagenjoy ka ba?"tanong niya

"Oo. Sorry nga pala sa inasta ko kahapon."sabi ko

Tumigil siya sa paglalakad kaya nabitawan ko ng kamay niya nauna akong maglakad
pero tumigil ako dahil tumigil siya nagulat ako ng hilahin niya ako at kinulong sa
bisig niya.

"Ako dapat magsorry. Kingina, ako dapat. Ako may mali eh. Sorry. Sorry talaga!
Hindi ko alam gagawin ko at ito lang ang naisip kong paraan sana nga nagenjoy ka
talaga, Sorry talaga."sabi niya habang yakap yakap ako

Niyakap ko siya pabalik. "Okay lang yun. Oks lang."sabi ko

"Sorry hindi ko talaga sinasadya."sabi niya ulit

"Okay lang! Wag mo ng ulitin! Bibigwasan kita!"pagbibiro ko

"Di na po."sabi niya naman

"Good!"nakangiting sabi ko

"I dig you."sabi niya bigla tumango ako at ngumiti.

I dig you too.


____________________________________

Dig you digs. Charr

sabaw ang edit

38
Ann's POV

"Psst pansinin mo na ako!!"sabi niya, kanina pa nga eh. Kita ng nagbabasa ako.

Sinara ko ang libro at pintik ang ilong niya.

"Papansin ka, Nagbabasa ako eh!"sabi ko naman


"Mas importante na pala yang pagbabasa mo kaysa sa paglaan mo ng oras at atensyon
saakin!"sabi niya naman napatingin ako kaagad sakanya.

"Drama mo."sabi ko

"Edi okay."sabi niya at tumayo

"Hoy Joke lang eto naman Sorry na!!"sabi ko sakanya ngumiti siya at tinignan ako.

"Kelan moko sasagutin?"tanong niya

"Kung kelan moko tatanu--"

"Will you be my girlfriend?"nabigla ako sa tanong niya

Binatukan ko naman. "Siraulo ka! Nagbibiro lang ako! Alam mo namang bawal pa
diba?"sabi ko

Tumango naman siya. "Alam ko, Magaantay lang ang gwapo hehe."sabi niya kaya natawa
ako.

Ilang buwan na ang nakalipas at halos isang buwan na akong nililigawan ni John.
Hindi pa alam nila Grae. Saka nalang daw namin ipapaalam pag kami na.

Sa ngayon, kahit gusto kong sagutin si John hindi pwede. Kahit na gusto ko na siya
at gusto niya ako hindi pa pwede na sagutin ko siya.

Ayaw kasi ni Mama na magboyfriend agad ako kahit ng Papa ko, Kaya magandang hindi
ko muna sagutin si John.

Mutual ang Feelings namin so Mutual Understanding ang stage namin ngayon.
Nililigawan niya rin ako.

Naguusap lang kami dito ni John ng biglang naisip kong icheck ang Cellphone ko may
tumatawag naman kaya sinagot ko kung sino ang tumatawag.

"Hello?"

[Ann! Where are you?! Kanina pa kita tinatawagan!]

"Mom? Nasa mall ako."

[You need to go home ASAP!]

"Pero ma?!"

[Anak, You need to pack your things.]

Tumayo ako at lumayo ng kaunti kay John para makapagusap kami ng maayos ni Mama.

"What? San tayo pupunta?"

[We are leaving Ann.]

Para akong naistatwa sa kinatatayuan ko. Anong aalis?

"You're kidding right? San naman tayo pupunta Ma? Pano pagaaral ko? Vacation lang
ba yan?"
[Sa California, at dun na tayo titira for your own good.]

"No way. I'm staying here."

[We need to talk about this Ann. Nakaayos na ang mga papers para sa transferee mo.
Inayos na din ng Dad mo ang application form mo sa bagong School mo doon.]

"Mom! Hindi ako sasama sayo! No way!"

[LISTEN TO ME ANN! Kailangan natin umalis! Nakabook na ang ticket natin! Matagal na
nating napagusapan to!]

"At matagal ko na rin sinabi sayong hindi ako sasama. No way Mom, Hindi ko iiwan
ang mga kaibigan ko lalong lalo na si John."

Binaba ko na ang tawag. Pumasok ako sa loob ng Cafe na tinatambayan namin ni John
at pinuntahan na si John.

"Tagal mo."sabi niya

"Sorry."sabi ko

"Si Tita ba?"tanong niya tumango naman ako.

"Anong sabi niya?"tanong niya ulit, tumingin lang ako saglit sakanya at ngumiti
sabay iling

"Tara na?"pagaaya ko

Hinila ko na siya at lumabas na kami ng Mall. Sumakay na kami ng Kotse niya at


pinaandar na ito.

"San tayo?"tanong niya

"Just Drive, Kahit saan."sabi ko at nginitian siya.

Tahimik lang ako, iniisip ko na baka nga matuloy kami at maiwan ko ang mga kaibigan
ko pati si John dito.

"Tell me, Ano ba talagang napagusapan niyo?"tanong niya

"Wala lang yun."sabi ko at ngumiti

"Ann sabihin mo saakin, Anong problema?"tanong niya bumuntong hininga ako at


kinagat ang labi ko.

"Stop the Car."sabi ko

"Ann ano bang--"

"Please! Stop the Car!"sabi ko

Hininto niya ang sasakyan at lumabas ako. Narinig kong tinawag niya ako pero hindi
ko siya nilingon.

Tumulo ang luha ko, hindi ko na alam.

"Ann!"hinatak niya ako ng malakas at naramdaman kong niyakap na niya ako.


"Okay ka lang?"tanong niya umiyak ako at umiling.

Iyak lang ako ng iyak. Kahit anong gawin ko alam kong isasama ako ni mama.

Hindi ko kayang iwan si John. Hindi ko kaya.

**
"Sure ka bang okay ka na?"tanong niya tumango ako. Nasa tapat na kami ng bahay.

"Okay, pasok ka na."sabi niya at tinanggal na niya ang seatbelt ko.

"Wait lang."sabi ko at niyakap siya bigla

"Naks may pagyakap."sabi niya naman

Tumulo nanaman luha ko.

Humiwalay siya at tinignan ako.

"Oh? Bakit ka umiiyak? Ayaw mo ng mahiwalay saakin? Di mo pa nga ako sinasagot


eh."sabi niya habang pinupunasan ang luha ko.

Ngumiti naman ako. "Kung pwede nga lang na wag na mawalay sayo eh!"pagbibiro ko
naman

"May kakaiba sayo ngayon. Parang-- Parang ay basta! May iba sayo ngayon."sabi niya
naman

"Huh? Anong kakaiba? Masamang maglambing?"sabi ko

"Hindi, natutuwa nga ako eh! Wag ka ng umiyak. Magkikita naman tayo bukas eh!"sabi
niya tumango ako

"Magkikita pa tayo! Bukas, Sa makalawang bukas, Forever and ever! Hahahaha!


Baduy!"sabi niya habang tumatawa

"Oh sige na! Gabi na! Baka magalit pa si Tita sayo, babyahe ka pa!"sabi ko naman
habang pinupunasan ang luha ko

"Wag ka ng umiyak. Bakit ka ba umiiyak?"tanong niya at pinunasan ulit ang luha ko

"Wala to! Kaw kasi, pogi mo naiiyak nalang ako!"sabi ko naman

"Hahahaha! Tulog mo na yan! Date tayo bukas ha?"sabi niya naman

Hindi ako sumagot, ngumiti lang ako.

"Paalam, John."sabi ko at tumulo ulit ang luha ko

Pinunasan niya ito bigla. "Wag paalam, Pangit. Parang tuluyan ka ng mawawala sakin.
Bye lang para medyo chill tayo! O kaya hanggang sa muli diba?"sabi niya

Ngumiti ako at tumango. "Hanggang sa muli, John. Bye!"sabi ko at nginitian siya.

Lumabas na ako ng kotse, nakita ko ang pagkaway niya. Pinaandar na niya ang kotse
at umalis na.

Umiyak ulit ako at napaupo sa may gutter sa may tapat ng bahay. Ang sakit sakit..
"Paalam na, John."sabi ko

Pagkatapos kong makalma ang sarili ko pumasok ako ng bahay at nakita ko agad si
Mama.

"I told you na umuwi ka ng maaga Ann! You never listen to me!"sabi naman ni Mama

Hinarap ko siya at nakita niyang namumula ang ilong at mata ko.

"Anak.."

"Ma, please? Ayokong sumama sayo."sabi ko

"Anak ano ba! Dahil ba sa John na yun?! For Heaven Sake naman Ann! You're just 16!
Ang bata bata mo pa! Bat ba yung lalaking yun ang inuuna mo?! Isipin mo naman
ang--"

"Ma! Hindi lang naman si John ang hadlang kung bakit ayaw kong sumama sayo! Ang
point ko is ayaw kong iwan silang lahat dito! Ano nalang ang babalikan ko Ma?! Ma,
please."pagmamakaawa ko

"God! Oh my god Ann! Isipin mo ang tatay mo doon Ann! Isipin mo ang mga problema
dito sa pamilya natin! Bakit ba napakaselfish mo?! No its and buts! Aalis tayo!
Sasama ka sakin! Whether you like it or not!"sabi ni Mama

Umakyat ako at nagkulong sa Kwarto ko.

Maya maya, narinig ko ang pagkatok ni Mama.

"Anak.."

"Ma, Ayokong umalis."sabi ko naman

"Anak kailangan eh."sabi naman ni Mama

"Why?"

"Our Company's going down. Nabankrupt ang kumpanya natin. Kailangan ng daddy mo ng
tulong natin. We have to sell this house, Dun na tayo maninirahan."sabi ni mama

Para akong nabagsakan ng langit at lupa sa narinig ko. So yun, Alam ko na. Iiwan ko
na nga talaga siya.

**
Nakaimpake na ako at ready na ako sa pagalis namin. Iyak lang ako ng iyak kagabi,
Pinatay ko ang cellphone ko at nagdeactivate na rin ako sa mga social media
accounts ko.

Ayaw kong malaman nila John kung saan ako nagpunta. Ayaw ko ng malaman pa ni John.

Humiga ako sa kama ko, Tinignan ko ang Cellphone ko at binuksan ito.

Madaming unread messages at missed calls. Tinignan ko ito at halos lahat galing
kila John.

Binasa ko ang iilan sa mga messages nila.

"Ann! Wer r u?"-Kry


"Ann? Kanina ka pa namin tinatawagan bat ayaw mong sumagot?"-Roselle

"Ann? May problema ba? Bat di ka macontact?"-Kristle

"Ann? Okay ka lang ba? Sumagot ka naman sa mga text o tawag namin. Bakit ka
nagdeactivate?"-Graciella

"Ann? Where the hell are you? Nagaalala kami."-Grae

"Ann? Please answer."-Nash

"Ann? Bakit di ka macontact?"-Joaquin.

"Ann? Sumagot ka naman sa mga tawag or texts namin. Bakit di ka matawagan?"-Brace

Napabuntong hininga ako sa mga nababasa kong texts nila Roselle.

Pero ng buksan ko ang text ni John, may nakawala agad na likido galing sa mata ko
at tumulo ito.

"Hey Goodmorning! Kita tayo mamaya ha? Wag ka ng umiyak. I love you, naks. Tatawag
ako mamaya. Kain ka na! :)" -John

Pinatay ko agad ang Cellphone ko ng makita kong tumatawag si John. Tinakpan ko ng


unan ang mukha ko at umiyak.

Habang nagdradrama ako dito may nagbukas nalang bigla ng pinto.

"Leche! Bakit hindi ka nagrereply?!"napabalikwas ako ng makita ko kung sino ang


nandito sa loob ng kwarto ko.

Sila Kry.

"Ano ba yan! Hindi ako nakaplan or nakaunli noh?! Naubos load ko sayo kagabi at
kanina kakatext at kakatawag sayo!"reklamo ni Roselle

"Bakit ka ba hindi sumasagot?"tanong ni Kry

"Bakit ka din nagdeactivate sa Social Media accounts mo?"tanong ni Graciella

nginitian ko lang sila ng tipid, niyakap ko sila bigla.

"Luh? Drama ni inday!"sabi ni Kristle

"Oo nga, teka bat may malet--"

"Aalis ka?"sabay na tanong nila

Tumango ako.

"San punta?"tanong ni Kry

"Matatagalan ka ba?"tanong ni Roselle

"Vacation lang?"tanong ni Graciella

"Teka? Bat may panty kang Frozen?"tanong ni Kristle


Nakatanggap naman siya ng mga batok galing kila Kry.

"To panira to eh!"sabi naman ni Graciella

"Hindi kasi ayan oh! Frozen, Elsa!"sabi niya at tumawa

Napansin niya siguro na siya lang natawa kaya sumeryoso na siya.

"Sorry, Aalis ako. Pupunta akong California. Doon na ako magaaral."sabi ko sakanila

"Kaya ba iniiwasan mo mga tawag at texts namin kasi ayaw mong malaman namin na
aalis ka?"tanong ni Kristle

Dahan dahan akong tumango.

"Kelan ka babalik?"tanong ni Roselle.

"Hindi ko pa alam. Basta matatagalan ako."sabi ko naman

Niyakap nila ako kaya naiyak ako, pakshet.

"Daya mo! Bat ka aalis?!"sabi naman ni Graciella

"Kelangan eh."sabi ko naman

"Pano na si John?"tanong ni Roselle

Bumuntong hininga ako at pinunasan ang luha ko.

"Maganda siguro kung wag niyo ng ipaalam na umalis ako? Please?"pagmamakaawa ko

"Pero--"

"Please?"

"Alam mong malalaman niya yan."sabi ni Roselle

"Alam ko, pero mas maganda na malaman niya pag nakaalis na ako. Baka di ko kayanin
pag nakita ko siya ngayon. Baka di na ako tumuloy."sabi ko naman

"Sabi mo eh. Pero sigurado ka na jan?"tanong nila at tumango ako

"Oo. Kaya ko to."sabi ko naman

Nash's POV

"Ano? Anong sinasabi niyo?"tanong ko naman

"Luh? Ewan ko sayo tol, nakikinig ka ba? Kakasabi lang nila na--"

"Sira! Naiintindihan ko, ang di ko lang maintindihan bat pumayag sila Roselle doon
at bat ganun yung naisip ni Ann."sabi ko naman

"Eh Nash, kailangan talagang umalis ni Ann."sabi naman ni roselle

"Naisip manlang ba ni Ann yung mararamdaman ni John?"sabi naman ni Grae

"Naisip niya yun. At masakit para sakanya yun, Maiintindihan naman ni John to
eh."sabi naman ni Graciella
"Pero mali parin--"

"Nash, alam ko at alam namin na mali si Ann pero may iba pa bang option? Kailangan
ng tatay ni Ann ang Mama niya pati siya. Kailangan nilang umalis."sabi ni Roselle

"Pero dapat bang umalis siya at iwan si John ng wala manlang maayos na
pamamaalam?"sabi ko naman

"Alam nating lahat na gusto nila yung isa't isa. Kaya mali tong mangyari na iiwan
nalang ni Ann si John ng walang paalam. Pano kung magtanim ng galit sa puso yang si
John? Diba? Tas bumalik si Ann? Pano nalang?"sabi naman ni Joaquin

"Pre, Ang sabi ni John kanina pupunta siya dito."sabi naman ni Brace

"Hoy! Anong sasabihin natin?"sabi naman ni Graciella

"Bahala na."sabi ko naman

Bumukas nalang bigla yung pinto at nakita namin si John.

"ASAN SI ANN?!"sigaw niya

"Pre--"

"KINGINA MGA TOL ASAN?!"sigaw niya ulit

"Kumalma ka nga!"sabi naman ni Kristle

"Narinig ko lahat! Anong iiwan niya ako?! San siya pupunta?!"sigaw niya ulit

"Pre, kalma."sabi naman ni Grae, hinarap siya ni John at kwinelyuhan.

"Hoy t*ngina naman kasi John tigilan mo na yan!"sigaw ni Brace at inawat si John at
Grae

"Pano ko kakalma?!"sigaw ni John

"Pre, ikalma mo muna yang sarili mo pwede ba?!"sigaw ni Joaquin

"Pre, Sasabihin naman namin. Kumalma ka lang."sabi ko

Kumalma naman siya at tinignan kami. "Asan siya?"

Nagkatinginan kaming lahat. Bumuntong hininga ako at tinignan siya.

"Pre, umalis na siya."sabi ko

"Hah! Anong aalis? San naman nagpunta? Hindi! Kung aalis siya magsasabi siya
saakin!"sabi naman ni John

"Pre, Umalis na siya."sabi ko ulit

Umiling lang si John. Alam ko na alam niyang aalis na talaga si Ann, narinig niya
diba?

Hindi niya lang talaga matanggap..

Tumakbo siya palabas ng bahay kaya sinundan namin siya.


"JOHN!!"sigaw namin pero hindi niya kami nilingon manlang, sumakay agad siya ng
kotse at pinaharurot ito.

"Tara! Hahabulin nun si Ann! Pupunta yun ng Airport!"sabi ko naman

"Ha?! Eh wala na siyang aabutan! Ngayong oras na flight ni Ann!"sabi naman ni


Roselle

Wala kaming nagawa, sumakay na kami ng sasakyan at hinabol si John.

John's POV

"Bakit?!"sigaw ko habang nagdridrive

Binibilisan ko na ang pagpapatakbo. Kailangan ko siyang makita.

Kailangan ko ng kasagutan.

Malapit na ako sa Airport pero traffic.

"Hay buhay!!!!"sigaw ko at bumusina

Halos ayaw umusad. Tinignan ko ang wrsit watch ko at lumabas ng kotse. Tumakbo na
ako hanggang sa marating ko ang Airport.

Papasok na sana ako ng harangin ako ng mga gwardiya.

"Papasukin niyo ko! Kailangan ko makita girlfriend ko!"sabi ko

Oo, hindi pa kami. Wala pang kami.

"Sorry Sir, bawal po kayong pumasok."sabi naman nila

"Kuya, Please kailangan ko makita Girlfriend ko."sabi ko

"Sorry po talaga Sir! Bawal po talagang pumasok!"sabi naman nila

Nakita ko siya, nakita ko siya dala dala ang mga gamit niya. Walang pagaalinlangan
na pumasok agad ako doon.

Hahabulin sana ako ng guard ng makita ko na kinakausap na sila nila Brace.

Hinawakan ko ang braso niya at nagulat siya ng makita ako.

"John anong ginagawa--"

"Bakit ka aalis? Bakit moko iiwan? Bakit bigla bigla to?"tanong ko pero umiwas lang
siya ng tingin

"Ann, We need to go."sabi naman ng mama niya

"Ann, sagutin mo mga tanong ko!"sabi ko

"Ann, Let's Go!"

"Ma! Mamaya pa naman tayo aalis diba? May isang oras pa. Ma, please? Kailangan
namin magusap."sabi ni Ann
Bumuntong hininga lang ang Mama ni Ann at tumango.

"30 minutes. I'll give you 30 minutes Ann."sabi niya at umalis na

"Ann, Bakit?"tanong ko agad

"We need to stop."sabi niya

Para akong nabugbog ng ilang beses.

"Ha? Aalis kalang ititigil na agad natin to? Ganun ganun nalang yun?"

"John, hindi mo naiintindihan!"sabi niya naman

"Kaya nga ipaintindi mo! Naggagaguhan ba tayo dito? Bakit bigla bigla ka nalang
aalis? Bakit bigla mo nalang akong iiwan? Ang daya mo naman eh!"sabi ko

"John, Magulo. Magulong magulo! John, Matatagalan ako doon. Kailangan kami ni Papa,
Hindi ko pa alam kung kailan ako babalik."sabi niya naman

"I'll wait."sabi ko

"John.."

"Aantayin kita okay?! Aantayin kita."sabi ko

"John No.."

"Kung ayaw moko magantay then stay. Please Stay."sabi ko at niyakap siya

Humiwalay siya agad at tinignan ako.

"Please don't make this hard for me. Nahihirapan akong iwan ka."sabi niya

"Wag ka ng umalis."sabi ko

"John, Bata pa tayo. Marami pang mangyayari Marami pa tayong makikilala. John, ang
point ko is hindi ko alam kung kailan ako babalik at sa pagbabalik ko hindi ko alam
kung babalik pa ba tayo sa dati. Marami ng magbabago nun John. So please? Let me
go. Itigil na natin to."sabi niya

"No. Aantayin kita."sabi ko

"Let me go John."sabi niya

Hindi ko alam pero tae ang sakit pala. Ang sakit sakit manggaling sakanya na
pakawalan ko na siya.

"Alam ko, Hindi naging tayo pero alam kong pareho tayo ng nararamdaman. Hindi man
kita sinagot pero ramdam ko na parang may tayo. At alam kong nararamdaman mo yun.
Just please, Let me go. Magmahal ka ng iba. Wag na ako."sabi niya

"Kala mo ganun lang kadali yun? Kung pwede nga lang gagawin ko agad. Pero hindi,
hindi ganun kadali yun."sabi ko naman

"John, Kung talagang mahal moko You will set me free."sabi niya at hinawakan ang
magkabilang pisngi ko

Umiling ako at tinanggal ang kamay niya.


"At kung talagang mahal mo rin ako, Hindi mo ko hahayaang pakawalan ka ng basta
basta at iwan ng ganito."sabi ko

"John, Wag ka namang magpakaselfish oh? Pamilya ko to John. At alam mong pamilya ko
ang pipiliin ko."sabi niya

Niyakap niya ako, Tama siya John. Wag kang selfish.

"I'm sorry."sabi ko

"Fine, 1 year. Wait for me. At kung sa isang taon na hindi parin ako bumabalik, Let
me go."sabi niya

Tumango ako. "Fine, Please take care."sabi ko

Isang taon? Kahit ilang taon pa yan magaantay ako. Kakayanin ko.

____________________________________

Sabaw ang edit prends :---(

39
Graciella's POV

Pasukan nanaman at kailangan kong pumasok kahit na ayaw na ayaw ko. Masama
pakiramdam ko. Gusto ko nalang matulog.

"Oh, Hey Bitch!"napairap agad ako ng makita ko kung sino yung humarang sa
dinadaanan ko. Tumalikod at aalis na sana ng hilahin niya ang buhok ko.

"Aray ko! Ano ba?! Bitawan moko!"reklamo ko

Punyetang to, mabitawan lang talaga nito buhok ko ito kakalbuhin ko!!

"Bwisit kayo! Mga epal kayo sa buhay! Dahil sainyo naexpelled sila Ashley!"sabi
niya buong pwersa kong hinila rin ang buhok niya kaya nagsabunutan na kami dito.

Pakshet, ang talim ng kuko niya nakalmot ata ako.

"Hoy tigilan niyo nga yan!"bigla nalang may umawat saamin at tinignan ko kung sino

Si Julia pala.

"Ano ba?! Sana tumulong ka nalang sa pananabunot dito sa malanding to! Pati sj Grae
ginawa ng boyfriend! Malandi talaga!"sabi ni Kaye

Oo, Kalat na sa Campus na kami na ni Grae. Sinabi narin namin kila Brace kaya
ngayon, alam na nilang lahat.

"Ano? Malandi? Ako? Teka lang ha? Kung ako malandi? Ano tawag sainyo?"sabi ko naman
at lumapit kay Kaye

"Graciella, Stop."sabi naman ni Julia

"Ano ba? Bat ba parang ayaw mong saktan tong babaeng to Julia?! Eto na oh!"sabi
naman ni Kaye
Hinila ni Kaye yung Buhok ko, inaawat naman kami ni Julia. Bigla nalang may humila
saakin at tinago ako sa likod niya.

"Ano bang problema mo Kaye ha?!"sigaw niya

Si Grae.

"Ano? Kami nanaman?! Hindi mo ba nakitang sinabunutan niya ako?! Kasalanan niya rin
Grae! Ang landi landi niyan!"sabi niya

"Ano? Si Graciella Malandi? Teka, Edi kung malandi siya edi sana hindi ko siya
naging Girlfriend diba? Kaya nga hindi ko nagustuhan si Ashley kasi ayaw ko sa
malandi diba? So back off. Itigil mo na to pwede ba?!"sigaw niya, natahimik lang si
Kaye. Humanap na ng tyempo si Grae para hilahin ako papalayo doon.

Napahawak ako sa may braso ko. Namumula.

Hinarap niya ako at inayos niya ang buhok ko. "Okay ka lang?"tanong niya

Umiling ako. "Hindi! Pero salamat."sabi ko naman

Tinignan niya ang braso ko na namumula dahil sa pagkakakalmot ni Kaye. Haba haba
kasi ng kuko leche!

"Si Kaye may gawa nito?"sa tono palang mg boses niya alam kong nagagalit siya.

"Okay lang. Wala to!"sabi ko naman

Bumuntong hininga lang siya at inayos ulit ang magulo kong buhok.

Mafe's POV

Nasa sasakyan ako kasama si Mark papauwi na din kami.

Tahimik walang nagsasalita. Sanay na ako. Ganto naman kami palagi.

"Mafe?"nagulat ako ng magsalita siya

"Hmm?"

"May kailangan tayong pagusapan. Manong, Sa may malapit na Cafe po."sabi niya

"Anong paguusapan natin?"tanong ko

"Basta."sabi niya kaya hindi na ako nagsalita.

Hindi din nagtagal nakarating kami sa Cafe. Naghanap na ako ng upuan at siya naman
nagorder.

Habang nagoorder siya binuksan ko muna yung tablet ko at kinuha yung earphones
sabay nagpatugtog ng kanta.

~Minsan oo minsan hindi

Minsan Tama Minsan Mali

umaabente umaatras kilos mong namimintas

Kung tunay nga ang pag-ibig mo


Kaya mo bang isigaw

Iparating sa mundo~

Nakakamiss yung araw na FAN na FAN ako ni Grae, Yung inaasam ko lang na sana balang
araw ako. Ako yung Girlfriend niya.

~Tumingin sa'king mata

Magtapat ng nadarama

Di gusto ika'y mawala dahil handa akong ibigin ka

Kung maging tayo sayo lang ang puso ko~

Pero anong ginawa ko? Pinakawalan ko siya. Pinakawalan ko ang taong mahal ko.

~Walang ibang tatanggapin

ikaw at ikaw parin

May gulo ba sayong isipan?

Di tugma sa nararamdaman

Kung tunay nga ang pag-ibig mo~

Ang isang GRAE CAMERON FERNANDEZ na minahal ako ng sobra sobra. Sinaktan ko. Iniwan
ko. Pati mga kaibigan ko sinaktan ko.

~Tumingin sa'king mata

Magtapat ng nadarama di gusto ika'y mawala

Dahil handa akong ibigin ka kung maging tayo~

Swerte ko nga kasi ako nagustuhan ng Isang Grae Fernandez. Pero, Yun na nga. Hindi
lahat ng relasyon may nakukuhang Happy Ending. Alam ko bata pa kami, Pero sa murang
edad naranasan ko na agad yung ganitong pakiramdam.

~Kailangan ba kitang iwasan

Sa tuwing lalapit ay paalam

ibang anyo sa karamihan

iba parin ang tayo,iba parin pag tayo lang.~

Yung pakiramdam na ituturing kang Prinsesa, Ikaw yung gagawing mundo niya, Kahit
ilang beses mong awayin okay lang sakanila. Ipaparamdam sayo na nanjan lang sila.
Pero wala eh, Iniwan ko. Ngayon, masaya na siya.

Masaya na siya.. Guguluhin ko pa ba?

~Tumingin saking Mata

Magtapat ng Nadarama
Di gusto ika'y Mawala

Dahil handa akong ibigin ka

Kung maging tayo

Sayo lang ang puso ko~

"Mafe?"bumalik ako sa realidad ng magsalita si Mark

"Oh andyan ka na pala! Sorry nadala ako sa kanta eh. Haha."sabi ko naman

Tinanggal ko na yung earphones ko at inoff ko na yung ipad at nilagay sa bag.

Nagsimula na kaming kumain at nabalutan nanaman kami ng katahimikan.

Panay lang ako sa paginom ng Frappe. Habang siya nakatingin lang sakin.

"Mahal mo pa talaga siya noh?"sa sinabi niyang iyon napatigil ako sa pag-inom at
tinignan siya ng diretso.

"Huh?"

"Ang sabi ko, Mahal mo pa talaga siya."

"Sino?"

"Wag ka nang mag-maang maangan Mafe. Alam kong siya parin ang nilalaman niyan."sabi
niya

Hindi ako makapagsalita. Mahal? Mahal ba talaga? Eh ang bata bata ko pa.

"Di mo ba talaga ako kayang mahalin tulad ng pagmamahal ko saiyo?"

"Huh?"

"Mafe, Mahal kita. Mahal na mahal kita. Noon pa. Pero yun nga, Torpe ako. Sa
pagiging torpe ko....Naunahan na ako."sabi niya sabay fake smile

Halatang halatang Fake iyon.

"Gago ko noh? Hinayaan pa kitang saktan yung taong nakakapagpasaya sayo. Akala ko
kasi matatapatan ko siya eh. O kaya maangatan manlang? Pero olats. Siya parin
talaga gusto mo kahit na ilang buwan na nakalipas. Hindi ko na kayang makita kang
ganyan."sabi niya saakin

"Bat mo to sakin sinasabi Mark?"naguguluhang tanong ko

"Thank you for being with me for the past few months. Pero ayaw kong nakikita kang
ganyan. Ayaw kong nakikita kang ganyan na pinipilit mo lang maging masaya saakin.
Kahit kelan hindi ko siya mapapantayan. Kahit kailan hindi ko sila
mapapantayan."sabi niya

"Ano bang sinasabi mo?"

"I'm setting you Free."sabi niya

"Setting me free?"
"Yea, Hindi ka nga nakakulong sa literal na kulungan pero parang kinukulong na rin
kita dahil sa ginagawa ko. I'm sorry Mafe. Sorry sa lahat!"

"No, It's okay. Ako dapat magsorry, Sobrang sama ko saiyo. Hindi ko naisip na ganun
pala yung pinapahiwatig mo kaya ginawa mo ito. Pasensya na rin Mark, Pero siya ang
gusto ko."sabi ko naman

"Kaya nga puntahan mo na siya ngayon na."

"Talaga? Seryoso ka Mark?"

Tumango siya kinuha ko na ang bag ko pero bago ako makalabas ng Cafe niyakap ko si
Mark ng napakahigpit.

"Thank you Mark."

"Welcome! And Sorry parin. I hope na maayos niyo to, At pag kailangan mo ng tulong
Call me."sabi niya naman

"Okay! Thank you talaga!"sabi ko aalis na sana ako ng tawagin niya ako

"Ihahatid na kita. Alam ko kung nasan sila ngayon!"sabi niya naman tumango ako at
tumakbo na papuntang kotse ni Mark dahil naeexcite ako.

Naeexcite na kinakabahan.

Sana lang talaga pakinggan nila ako. Pakinggan nila ang explanation ko.

Sana rin, Mapatawad nila ako. Lalo na ni Grae.

____________________________________

Edited

40
Mafe's POV

Pagkababa ko ng Kotse, Kinakabhan ako at nanginginig ang mga paa ko.

Nakita ko agad ang mga kotse nila na nakapark. Kaya alam kong nandito nga talaga
sila.

Tutuloy ko pa ba?

Huminga ako ng malalim at dumiretso sa paglalakad, nakita ko agad silang


nagtatawanan kaya naman nagtago ako sa may likod ng puno.

Nagtatawanan sila at Nagaasaran. Para silang mga walang Problema.

Naalala ko nung nabalitaan ko ang nangyari kay Beb. Gusto kong sampalin kaliwa't
kanan yang sila Ashley.

Pinagmasdan ko lang sila, Sobrang saya. Tinignan ko naman si Grae sa nakita ko


pakiramdam ko para akong sinaksak ng libo libong beses.

Ang saya niya, Masaya siya sa piling ng iba.

Balak ko na sanang bumalik, Pero sayang naman kung palalagpasin ko pa.


Hindi ko pa kaya..

Tumalikod ako at nagsimula ng maglakad palayo. Nagulat ako ng may tumawag sa


pangalan ko.

"Mafe?"lumingon ako, Lahat sila nakatayo at nakatingin na saakin.

"Anong ginagawa mo dito?"cold na tanong ni Grae

Para akong naistatwa sa kinatatayuan ko.

"Uh--Ano may g-gusto sana akong sabihin sainyo."sabi ko na parang nauutal

"Ano sasabihin mo? Kagaguhan? Kasinungalingan?"naiiritang tanong ni Grae

Grae naman, Makinig ka.

"Huy Pre! Pakinggan mo muna kasi."sabi ni Nash

"Tss, wala kong oras para pakinggan yan. Aalis na ako."sabi niya at naglakad
papalayo

"Graciella sundan mo!"sabi naman ni Roselle at tinulak si Graciella

"Hala? Bat ako?"tanong niya

"Girlfriend ka diba? Oh pumunta ka na dun! Sundan mo na yun!"sabi naman ulit ni


Roselle

"Tinotopak nanaman kasi. Kaimbyerna!"sabi ni Graciella at sinundan na si Grae

"Ano pala yung sasabihin mo?"tanong ni Kristle

"Sorry sa lahat."sabi ko at yumuko

"Sorry? Kala ko ba--"naputol ang sinasabi ni Kry ng magsalita ako.

"Pakinggan niyo muna ako."sabi ko naman

"Nakikinig kami."sabi naman ni Brace

Inangat ko ang tingin ko at tumulo agad ang luha galing sa mata ko.

"Sorry, Sorry sa lahat! Sana mapatawad niyo ako. Hindi ko gustong sabihin lahat ng
yun sainyo hindi ko ginustong itaboy kayo. Hindi ko ginustong saktan ang damdamin
ni Grae. Lahat ng yun may dahilan kung bakit ko ginawa - Nakaarrange Marriage ako.
Nakaarrange Marriage ako kay Mark. Hindi naman ako pumapayag eh, Pero sa lahat ng
sinabi niya isa lang ang nakapagpapayag saakin. Papatayin nila kayo, Ipapapatay
nila Magulang ko Kapatid ko pati narin kayo. Ayokong mawala kayong lahat saakin.
Importante kayo eh. Sobrang sakit at hirap ng ginawa kong desisyon. Pero
maprotektahan lang kayo, Gagawin ko. Maprotektahan lang si Grae pati pamilya ko
gagawin ko. Kaya patawad, Patawad sa mga ginawa ko."sa bawat salitang binitawan ko
panay ang tulo ng aking luha

"Hindi ko naman yun ginusto eh. Maniwala kayo, Araw araw akong nagdudusa. Ang hirap
hirap. Kahit na nagkakasalubong tayo sa School walang pansinan kaya parang ang layo
ko na sainyo. Sana mapatawad niyo ako."sabi ko
Yumuko ako at tinakpan ng kamay ko ang mukha ko. Hindi ko na kayang pigilan ang
pagiyak ko.

Pero mas lalo akong naiyak ng yakapin ako ni Kristle at sumunod na sila isa isa.

"Okay lang. Okay lang Mafe."rinig kong bulong saakin ni Kristle

Grae's POV

"Alam mo Grae tigilan mo na kaya yan!"reklamo niya

Pinagsisipa sipa ko na yung mga bato dito sa sobrang inis ko.

"Aray taena."sabi ko naman at napahawak sa may ulo ko. Bigla nalang kasi akong
binato dito ni Graciella. Syempre yung maliit na bato lang.

"Para ka kasing tanga! Kagigil ka jusko! Sarap mong bigwasan. Ano bang problema
mo?!"

"Baka EX ko."

"Luh? Ex? Big Word. Bakit naging kayo ba?"tanong niya naman tinignan ko naman si
Graciella.

Oo nga pala, Niligawan ko lang pala.

"Hindi."sabi ko at umupo sa may damuhan sa tabi niya.

"Oh? Di naman pala bat ganyan ka magreact?"tanong niya naman

"Mahal ko pa eh."sabi ko naman

"Mahal agad?"tanong niya kaya naman napatingin ako sakanya

"Don't get me wrong ha? Pero, Mahal ba talaga agad yang nararamdaman mo para
sakanya? Hindi ba pwedeng gusto muna? I mean, Parang ang bilis naman pag mahal
agad. Diba?"

"Wala naman kasing pinipiling panahon o edad pag nagmamahal."sabi ko naman

"So pag halimbawa 7 years old ka tas may nakilala ka tas nahulog ka sakanya mahal
agad? Ganun ba yun?"sabi niya naman

"Alam mo ikaw napakabitter mo."sabi ko naman

"Huh? Hindi naman sa bitter ako, Ang akin lang parang puppy love lang siguro yan.
Or gusto mo siya. Pero hindi pa mahal. Masyado pang maaga, Masyado pang maaga sa
ganyan ganyan diba? Pero Opinyon ko lang naman to. Pero siguro tama ka naman, Pero
kailangan bang mahal agad? Kailan mo ba masasabing mahal mo na isang tao?"sabi niya
naman

"Nararamdaman yan Graciella. Ikaw naman makakaalam niyan eh, Nararamdaman yan."sabi
ko lang

"Pano mo masasabing true love nga talaga yan?"tanong niya

Nagkibit balikat ako. Mahal ko si Mafe, pero hindi ko alam kung true love na ba to.
Tama naman si Graciella eh, Bata pa kami.
"Graciella.."pagtatawag ko

"Oh?"

"Bat ang pangit mo?"tanong ko

"Eh ikaw? Bat mukha kang tsonggo?"tanong niya naman

"Grae?"napalingon kami sa kung sino yung nagsasalita at nakita namin na si Mafe.

Tinignan ko si Graciella na kasalukuyang nakatingin sakin.

"Pwede ba tayong mag-usap?"tanong ni Mafe

Tumayo si Graciella at tumingin saakin at kay Mafe.

"Aalis muna ako, Usap muna kayo. Pupuntahan ko lang sila Kristle."sabi niya tumayo
ako at tumango siya saakin aalis ja sana siya ng bigla ko siyang hinatak ng malakas
at hinalikan sa Pisngi.

Hindi pala, Malapit sa may labi.

Kitang kita ko ang gulat na mukha ni Graciella na nakatingin saakin. Sasapakin na


niya sana ako ng tinulak ko na siya ng mahina.

"Bye! Love you!"sabi ko sakanya

Graciella's POV

"Lecheng Grae yan! Kaimbyerna talaga! Bakit niya yon ginawa?! Ang kapal kapal ng
pagmumukha!"sabi ko naman at dahil sa sobrang inis ko dito tinatanggal ko na ang
mga damo kung saan ako nakaupo.

Nakakainis! Bakit niya ginawa yon?! Alam kong para pagselosin si Mafe pero anak ng
tinapa bat kailangan sa may labi ko pa?!

MY VIRGIN LIPS OMG!

Luh, Di naman sa lips eh. Malapit lang.

Pero kahit na! Nakakaimbyerna talaga!

"Te, Maawa ka naman sa mga damo oh? Makakalbo mo na."

Lumingon ako sa kung sinong nagsalita. Maputi siya, Maganda rin. Pero pak mas
maganda ko wag papatalo charot!

"Ay sorry."sabi ko naman

"Hahaha! Bakit saakin ka nagsosorry? Dapat jan sa mga damo, hahaha! Ano bang
problema mo?"tanong niya naman

"Ay wala wala po."sabi ko naman

"Ah, Danika pala. Danika Wilson."pagpapakilala niya

"Ay, Graciella Lavapie."sabi ko at pinapagan ang kamay ko at nakipagkamay

Nagusap lang kami ng iba't ibang bagay. Di din naman siya nagtagal. Mga sampung
minuto lang siguro ang paguusap namin.

Pagkatapos non, Kinalbo ko na ulit yung mga damo sa sobrang inis ko sa Grae na yun!

**

Lutang parin ako hanggang sa makauwi ako sa Bahay. Hindi ko na kinausap si Grae,
Kakainis yun.

Hanggang ngayon nandito parin ako Nakatira sa bahay nila Kristle. Meron naman
kaming bahay pero dahil wala sila Mama doon at ang kapatid ko dahil sinama nila
dito muna ako.

Wala din naman kasi ang Parents ni Kristle. Hindi pa umuuwi sila Tita. Kaya, naisip
namin na dito muna ako.

Halos 30 minutes din ako nakatunganga dahil sa hindi talaga maalis sa isip ko yung
ginawa ni Grae kanina.

"Huy! Kanina ka pa nakatunganga jan! Ano te? Walang balak sagutin Cellphone mo?
Ingay ingay eh!"napabalik naman agad ako sa realidad ng pukpukin ako ng Cellphone
sa ulo ni Kristle.

"Aray ko nyeta ka!"reklamo ko

"Sagutin mo kasi Cellphone mo!"sabi niya naman

Nakita ko sa Caller ID na si Grae yung tumatawag kaya hindi ko na sinagot sabay


pinatay ang Cellphone ko. Kakaimbyerna.

Manigas ka jan bwisit ka!

"Luh? Ano meron? LQ?"tanong naman ni Kristle

"LQ ka jan? Baka LQ!"sabi ko naman

"Pabebe nito oh! Ano bang problema bat kayo nagaway? Dahil kay Mafe?"tanong niya

Hindi dahil kay Mafe! Dahil dun sa ginawa niya ng dumating si Mafe! Kakainis!

"Ah Hehe."

"Hala, Selos ka?"tanong niya

Selos? Hah! Baka selos.

"Di, Ewan. Oo?"sabi ko naman

Very Wrong Graciella. Napakasinungaling mo! Joke lang.

"Ayun naman pala! May pagselos selos na nalalaman! Wala ng gusto si Grae dun.
Nagagalit lang siguro dahil sa ginawa ni Mafe dati."sabi niya naman

Walang gusto? Jusko, kung alam mo lang.

"Ganun ba? Pero pano kung Gusto niya parin hanggang ngayon? Paano kung rebound lang
ako?"tanong ko

"Luh, Baliw ka ba? Hindi ka rebound. Kita mo saya saya nga ni Grae pag kasama ka
eh. Masaya siya sayo, sadyang may galit lang talaga siya kay Mafe. Pero mawawala
rin yun, magbabati din sila. Pero ikaw na nga Girlfriend niya diba! Oks na yun. Wag
ka na mamroblema."sabi niya naman

Bat ko naman proproblemahin yun? Eh fake relationship lang naman lahat ng to. Bat
naman ako maapektuhan?

**
Magaalas cinco na pero gising parin ang diwa ko.

Lecheng Fernandez hindi maalis sa isip ko!

I mean, yung ginawa niya kanina. Very wrong talaga yun.

Bat ganun? Bat parang ang laki ng epekto saakin? Ano ba to? HAHAHA.

Napahawak ako bigla sa kung saan niya nahalikan ang pisngi ko malapit sa may
bandang labi ko.

Ramdam na ramdam ko yung paglapat ng labi niya malapit sa may labi ko.

Nakaramdam ako ng kuryente. Parang bumilis takbo ng oras.

Parang nagfast forward.

Sumigaw ako at sinampal kaliwa't kanan ang pisngi ko.

"Utang na loob Graciella! Ang galaw galaw mo na nga para kang kiti kiti ang ingay
mo pa! Matulog ka na jusko!"reklamo naman ni Kristle

Katabi ko siya ngayon. Dito na ako natulog sa kwarto niya dahil tinamad na akong
pumunta sa Guest room. Nagmovie marathon pa kasi kami.

Mawawala din ito. Mawawala din ito.

____________________________________

Edited

41
Joaquin's POV

"Luh? Papansin ka nanaman! Ibaba mo nga ako!"sabi niya naman

Ibaba kita pero ayaw kong makita na nahihirapan ka. Naks.

"Daldal mo."

"Maganda naman."

Oo, ganda mo talaga. Sobra. Isa sa mga dahilan kung bat nagustuhan kita ng sobra
sobra. Naks ulit.

"Talino mo kasi eh! Maglalakad ka na nga lang di pa mapapansin na basa Hay


nako."sabi ko at ibinaba siya sabay pinaupo sa bench
"Sorry naman."sabi niya

Umupo muna siya at tinignan ko siya. Lumuhod ako sa harapan niya at hinulot ang paa
niya.

Christmas Party namin ngayon, Sabay kaming pumasok dahil sinundo ko siya. Hindi
niya napansin na basa sa dinaanan namin kaya nadulas siya.

Maaga aga pa naman. Siguro wala pa naman sila Brace.

"Ang sakit talaga."sabi niya

"Wag ka makulit. Hinihilot ko nga eh!"sabi ko naman

"Wag diyan sa part na yan masakit!"

"Dito ba?"

"Dahan dahan lang."

"Ha? Wait ayan okay lang?"

"Jan, Yan! Y-yan."sabi niya

"Ayos ba?"

"Oo."sabi niya

Hinilot ko ulit yung paa niya at binuhat ukit siya nung sinubukan niyang tumayo.

"Hoy! Ibaba moko Joaquin bwisit ka!"sabi niya pero hindi ako nakinig binuhat ko
lang siya at pagdating namin sa Classroom lahat sila eh nakatingin saamin.

"Naks! May pagbridal style! Kasal niyo na?"sabi naman ni John

Siraulo din talaga to eh.

Binaba ko si Kry at nilapitan sila John pinagbabatukan naman ako.

"Naks improvement dumadamoves ka na!!"sabi nila saakin umiling lang ako.

"Uso kasi sa Pilipinas ligaw tol!"sabi naman ni Brace napatingin naman ako sakanya

"Wow! Parang dati patorpe torpe ka din diba? Tsk, Sampalin kita sa mukha eh!"sabi
ko naman

"Pero seryoso pre, Ligawan mo na."sabi naman nila

Tumingin naman ako sa direksyon nila Kry, kausap niya sila Kristle.

Umiling nalang ako sabay tingin ulit sakanya.

Kryzshel's POV

Pansin ko mga titig saakin ni Joaquin, at sa bawat pagsulyap niya hindi ko alam ang
dapat kong maramdaman.

Ano bang dapat kong maramdaman? Dapat bang umasa ko? Lol asa naks.
"May pagbuhat ng nalalaman si Joaquin ha?"sabi naman ni Kristle

"Luh, wala yon. Nadulas ako kanina!"sabi ko naman

"Oh talaga ba?"pangaasar niya pa

"Batukan kita jan! Ewan ko sayo."sabi ko nalang

"Aminin mo na kasi Kry!"sabi niya naman at tinusok tusok tagiliran ko

"Parantanga ka, Wala nga!"sabi ko naman

"Luh, kakasabi mo nga lang dati na gusto mo siya."sabi niya naman

Oo nga pala.

Bumuntong hininga ako at tinignan si Kristle.

"Walang kami, Pero sobrang espesyal niya para saakin. Special siya para
saakin."sabi ko

"Yun naman pala."sabi niya at tumawa

"Tama ba tong nararamdaman ko? Itigil ko na kaya?"tanong ko naman

"Luh gaga ka! Pano mo mapapatigil yan? Hahah, Wag. Antay kalang! Malay mo worth it
pala."sabi niya naman

"Tut mo! Hahaha!"pagbibiro ko nalang

"Luh, Sampalin kita jan!"sabi niya naman

"Sige nga!"sabi ko naman

**
Natapos na ang Christmas Party namin at didiretso na kami sa mall para manood ng
Sine.

Nakaupo na kami at ready ng manood. Medyo tahimik ako kasi katabi ko si Joaquin.

Nagstart na ang Movie at mukhang maeenjoy ko naman.

Habang nanonood kami pansin ko ang pagtitig saakin ng isang lalaki na katabi ko.
Nakashorts kasi ako, tapos kahit madilim ramdam ko ang pagtitig niya saakin.

Hindi pala, Pagtitig sa legs ko.

"Pre, Lam na."rinig kong bulong niya dun sa kasama niya

Tumingin ako sakanila at nakita kong nakatingin sila saakin. Yung tingin manyak.
Inirapan ko nalang gusto ko ng matapos ang palabas ng makaalis na kami dito.

"Tae."bulong ko dahil sobrang kinakabhan ako, papalapit na kasi yung kamay nung
lalaki sa legs ko.

Umusog ako sinubukan kong tanggalin yung kamay nung g*go. Hinawakan ko bigla kamay
ni Joaquin.

Nagulat ako ng may nagtanggal ng kamay ng lalake na papalapit na sa legs ko.


Tinanggal ni Joaquin at Jacket niya at pinatong sa legs ko.

"Pre, Usap tayo sa labas."sabi ni Joaquin at tumayo sabay tinulak yung lalaki.

"Pre--"naputol yung sasabihin ni Brace ng nagsalita si Joaquin.

"Mabilis lang to."sabi niya at tumingin sa paligid. Halos lahat kasi ng tao
nakatingin na saamin.

Yung kasama naman nung lalakeng manyak kusa ng tumayo kaya tumayo narin sila Brace.

"Sama kami."sabi naman nila

Tinignan ako ni Joaquin at parang nawala lahat ng kaba sa katawan ko.

Joaquin's POV

Kinuwelyuhan ko agad yung lalaking nagbalak na humawak sa legs ni Kry.

"Anong karapatan mong bastusin yung babaeng katabi ko ha?!"sigaw ko

Nasa parking lot kami at sobrang nanggigigil ako sa tukmol na to.

"H-hindi ko hinawakan yung l-legs--"

"Pero sinusubukan mo diba?! T*ngina di mo ba alam kung gano ko kagustong sapakin ka


ha?!"galit na sigaw ko at kinuwelyuhan parin tong manyak na to.

"S-sorry.."

"Sorry? Tandaan mo to, Wag na wag mong subukan na hawakan o bastusin o kung ano man
na binabalak mo sa Girlfriend ko kasi pre tignan mo, Hospital abot mo."sabi ko at
tinulak siya ng malakas

"Lumayas na kayo bago pa magbago isip ko. Yang sira niyong mukha masisira pa lalo
yan."galit na sabi ko

Tumakbo na sila paalis at tinignan ko naman yung mukhang adik na manyak na yun.

"Pre kalma."sabi ni Grae

"Manyak amp*ta."sabi ko

Kumalma na ako at bumalik na kami sa Sinehan. Sakto patapos na rin naman yung
palabas kaya nagantay nalang kami na lumabas sila.

Maya maya nakita na namin silang palabas ng sinehan kaya sinalubong na namin.

Naunang maglakad sila Kristle kaya nasa hulihan naman kami.

"Jacket mo nga pala."pagaabot niya kinuha ko ito at pinulupot sa baywang niya.

"Ay."sabi niya lang

"Wag mong tatanggalin yan. Ayokong makita pa yan ng iba baka makasapak na talaga
ako."sabi ko naman

"Nahalata mo pala yun?"tanong niya


"Oo, Nanggigil na nga ako kanina pa. Nagtitimpi lang ako. Manyak nung tukmol na
yun."naiiritang sabi ko

"Kalma lang hahah!"sabi niya

"Tawa ka jan eh muntik ko na ngang masapak yung gunggong na yun dahil hinahawakan
niya legs mo. Wag ka na kasing magshort! Kainis to!"sabi ko naman

Di ko talaga mapigilan mainis. Ayokong magsuot siya ng ganyan. At alam kong alam
niya naman siguro kung bakit.

"Di ko naman kasi alam na ganun, Sorry."sabi niya

Tae, isang sorry lang walang wala na buong inis ko sa tukmol na yun. Kung talagang
di ko napansin yun ewan ko nalang.

"Basta, Wag ka ng magshoshort. Ayokong nagshoshort ka."sabi ko

Ayokong nakashort siya. Basta ayoko. Ayokong nakikita ng ibang tao yung kutis niya.
Ayokong nakikita ko yung ibang tao na nakatingin sakanya dahil maganda siya at
sexy. Basta ayoko.

**

Ilang linggo na din nakalipas simula nun, Malapit na rin ang Christmas.

Balak ko na rin sigurong ligawan si Kry.

"Pustahan Pre olats yan!"sabi ni Brace habang naglalaro ng Wii Nintendo.

"Olats mo mukha mo gunggong!"sabi ko sabay bato ng unan

"Torpe ka eh! Malamang olats na talaga!"sabi naman ni Grae na naglalaro rin

"Busy ako. Wala kong masabi."sabi naman ni Nash habang nageedit sa laptop

Tinignan ko si John na tahimik lang.

"Push lang pre!!!"sabi niya naman kaya natawa kami.

"Tara na may idea ako!"sabi ni Grae

Naks, may idea si totoy.

Ilang minuto din kaming nagisip isip at meron na kaming mga napagusapan.

Tinawagan namin sila Kristle para masabihan namin.

Sana talaga maging okay lang to.

Kry's POV

"Tara na Kry bagal!!"reklamo ni Kristle

Luh, Atat masyado.

"Luh, Magantay ka! Inaayos ko pa to!"sabi ko sabay tingin sa salamin


"Masyadong nagaayos may pupuntahan lang naman tayo!"sabi ni Graciella

Tinignan ko naman sila. "Excuse me, Kilay is life noh?"sabi ko at inayos ang
pagkikilay ko.

Wala na silang nasabi kaya inantay nila ako hanggang sa matapos ako.

Ng matapos ako pumunta na kami sa kung saan man, Hindi ko kasi alam kung saan kami
pupunta basta nagaaya daw sila Joaquin.

Nakarating naman kami sa pupuntahan namin habang naglalakad lakad kami iniwan ako
ni Kristle at Graciella sa may Gazebo.

Oo iniwan ko. Hindi ko alam kung nasaan na sila. Basta sabi nila, Babalikan nila
ako. Sasama na nga sana ako ayaw naman.

Umupo lang ako dati sa Gazebo at inantay ang pagbabalik nung dalawa. Nagulat ako ng
may umupo sa tabi ko at tumugtog ng ukelele.

Si Joaquin.

"Uy anong ginagawa mo?"tanong ko nagsimula na kasi siyang magtugtog.

Nagsimula na siyang kumanta.

Para bang natunaw ang puso ko sa bawat salitang binibigkas niya habang kumakanta.

Damn, Joaquin Why are you..

Pinanood ko lang siya habang kumakanta. Napakaganda ng boses.

Natapos siyang kumanta at tinignan niya ko.

"Di ko alam kung ano bang dapat na sabihin ko I can't find the right words. Kahit
na sobrang simple lang ng dapat sabihin ko sayo pero sobrang nahihirapan ako."sabi
niya naman

Sobrang lakas ng pintig ng puso ko.

"Damn, I'm crazy about you."sabi niya bigla

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at napangiti. Hindi ko alam ang dapat na gagawin
ko.

Sasabihin ko bang gusto ko siya? Na espesyal siya saakin?

Ngumiti lang ako. Ngumiti rin siya pabalik.

"Guess the feelings mutual."sabi niya at tumawa ako

"Baliw ka! May pagkanta kanta ka pa jan!"sabi ko naman

"Syempre naman."sabi niya at tumawa rin

Nagusap lang kami at nagasaran.

"Gusto mo pala ko?"tanong niya habang naglalakad kami ng magkahawak ang kamay

"Ikaw nga gusto mo rin ako!"sabi ko naman


"RIN so ibig sabihin nga gusto mo ako!"sabi niya kaya tumawa ako

"Oo na, Gusto nga kita."sabi ko

Tumingin lang siya saakin at ngumiti.

Damn, Joaquin..

___________________________________

Pak Ganern tapos na edit haha

42
SORRY GUYS MEDYO MAY BAD WORDS STORY KO. :---((((
_________________________________

Brace POV

Gumising ako ng maaga, 6am palang gising na ako.

Mamaya pala may rehersals kami para sa Mallshow next week.

Kinuha ko muna yung Phone ko at Tinext si Kristle.

To:Babe

Sleepyhead gising na! :)

Pagkatapos nun nag-ayos na ako ng hinigaan ko. Tumayo na at dumiretso na sa banyo.

Naalala ko nanaman nung Birthday ko, Nagcelebrate lang kami sa restaurant pero
masaya.

Kasama ang Pamilya ko mga Kaibigan ko pati na rin si Kristle.

Tapos may surprise party pang ginawa yung Fans ko. Kaya sobrang thankful ako.

Pagkatapos ko maligo, Nagbihis na ako at diretso baba.

Pagkababa ko, Nakita ko agad si Kuya Ian, Jeanne pati narin si Mama at Dada sa may
sala.

"Goodmorning Kuya!"bati ni Jeanne

"Goodmorning rin, Bat pala ang Aga niyo?"

"Surprise Bi--"naputol yung sasabihin ni Kuya Ian ng Takpan ni Jeanne yung bibig
niya.

"Ano? Surprise?"tanong ko

"Ano anak, Surprise maagang nagising mga kapatid mo!!!"sabi ni Mama

Kumunot naman ang noo ko.

"Huh? Ma, Okay lang kayo?"sabi ko sabay diretso kusina at kumuha ng Tubig sa ref.
"Okay lang si Mama, Ikaw ba? Bat ang aga mo magising?"tanong ni Kuya Ian

"Wala naman, Trip ko lang."sabi ko sabay inom ng tubig

"Yos yun."sabi niya naman

"Ano ba talagang meron?"tanong ko

"Wala yun, Sige na magayos ka na. May rehersals ka pa mamaya. Gigisingin ko na sila
Sacha."sabi ni Dada at umakyat na papuntang Kwarto nila Sacha.

**

Pagkatapos ko mag-almusal diretso muna ulit ako sa kwarto. 10am pa naman yung
Rehersal.

Tinignan ko ang Phone ko at nakita ko yung wallpaper ko.

Kami ni Kristle.

Tinitignan ko lang mga Pictures namin ng biglang nakatanggap ako ng text.

One message recieve.

From:Joaquin

Pre, Manlilibre ako! Punta ka na dito! HAHAHA

Ayos tong gunggong na to! Porket naging sila na ni Kryzshel eh! Hahahaha!

9am na at nagbyahe na kami papuntang Abs-Cbn. Kelangan daw kasi Maaga sabi ng
Manager.

Lahat kami nandito na pero si Joaquin wala parin. Asan nanaman kaya yun?

"Tagal ni Singkit."sabi ni John

Maya maya may nagbukas na ng Pintuan at dumating na si Joaquin na nakaball cap.

"Tagal mo."reklamo ko

"Pinuntahan ko pa si Kry Sorry!"sabi niya tumango nalang kami at nagstart na ang


rehersals.

Natapos narin ang rehersals at napansin ko na kanina pa ako iniiwasan ng 4 na ugok


na to.

Ano problema nila? Nagstart lang yung rehersal eh kung maka-tingin sa cellphone
nila parang may hinihintay palagi na text.

Kada segundo laging may hinihintay na text. Kaya ang ginawa ko rin kinuha ko
cellphone ko at napansin ko nagtext pala si Kristle.

From: Babe
Miss mo agad ako? Naks naman charot! Sorry ngayon lang ako nakapagreply. Galingan
mo sa rehersals! Kain ka on time. :)

Ngumiti ako na parang nababaliw na at napansin kong 11am niya pala ito sinend.
Tinignan ko ang oras at 12:45 na pala. Nireplayan ko naman agad.

To: Babe
Pinapakilig moko yiee haha! Kumain ka na ba?

From: Babe
Naman! Hahaha, Ikaw?

To: Babe

Yea. Kumain na ako :)

Bigla ko nalang siyang tinawagan.

Dialing Babe...

[Hi!]

"Miss mo na ako?"

[Hala baliw! Baka ako miss mo.]

"Miss mo? Diba sa coke yun? Coke Mismo?"

[Napakacorny Grabe!!]

"Haha, I miss you."

[Baliw ka! Kry asan na yung ibang--Hala nyemas!]

"Anong nangyayari? Asan ka?"

[Ha? Ay magkakasama kasi kami nila Kry may ginagawa lang hehe!]

"Ah, Anong ginagawa niyo?"

[Ay jusko! Brace, Mamaya nalang ha? Sorry, Busy talaga. I love you!]

Bago pa man ako magsalita binaba na niya ang tawag. Tinignan ko muna ang Cellphone
ko.

"I love you too.."bulong ko

Tumingin ako kila Joaquin, Nakatingin na din pala sila saakin ang lalapit pa ng mga
pagmumukha nila.

Nang makita na nila akong nakatingin sakanila lumayo naman sila.

"Problema niyo? Tae, Ano bang meron? Naguguluhan naman ako eh!"sabi ko

Kasi sobrang naguguluhan na talaga ako sa mga kinikilos ng gunggong na to.

"Wala naman Pre! Chill oh eto judge!"sabi ni Nash at inabot saakin ang Judge

"Katext ko si Kry. Bakit miss mo agad kami?"tanong naman ni Joaquin

"Luh, Kapal ng apog mo."

At nagtawanan naman sila. Ang bababaw netong apat na to. Sarap pagsasampalin sa
mukha eh

Natapos na rin yung Rehersals. Pagod pero ayos lang.

Sumakay na kami ng Kotse ni Nash at siya ang nagdrive.

Naguusap usap lang kami ng Bigla akong dalawin ng antok.

**

Nagising ako ng walang makita. Hayop anong nangyari?

"P*TA! TOL! ASAN AKO?! HOY! ASAN KAYO?!"sigaw ko

"Gago! Easy kalang! Nandito kami. Tagal mo magising kingina."sa boses palang alam
ko na si Nash

"BAT WALA AKONG MAKITA?! BULAG NA BA AKO?! NAAKSIDENTE BA TAYO?!"sigaw ko ulit

"Hindi tayo naaksidente gunggong! Naka-blindfold ka!"sabi ni Grae

"Hayop Bakit?!"sigaw ko ulit

"Wag ng maraming tanong pre!"sabi naman ni John

"Kingina niyo pag di ko to nagustuhan na ginagawa niyo ha!"sabi ko naman

"Kalma kalang! Mas maganda kanina nung tulog ka pa!"sabi naman ni Joaquin

Hinila na nila ako at naglakad na kami maya maya tumigil kami.

"Nandito na ba tayo?"tanong ko

Wala manlang nagsalita at naramdaman ko na may humawak sa kamay ko.

"Puta! Ano ba to?! Hoy John! Ano bibigay ka na?!"sigaw ko naman

"Hoy sagutin niyo ko!!"

"Luh, Hayop pre! Asan ba ako?!"

"Ina niyo bente mga pre!"

Asan ba ako dinala ng mga ugok na to?! Pagsasapakin ko talaga yung mga yon.

Nakaramdam nalang ako na inalis na yung blindfold at pagdilat ng mga mata ko nakita
ko sila.

Bigla silang nahalagpakan sa tawa as in tawang tawa. Natawa nalang rin ako na
parang naguguluhan na ewan.

"HAPPY BIRTHDAY BRACE!"sigaw nila at tumawa ulit sila Joaquin.

Hinarap ko naman siya at binati niya sabay ngiti.

"Happy Birthday."sabi niya at ngumiti saakin.

"LT ka pre! Anong mukha yun bentang benta!!"sabi ni Joaquin at nagtawanan nanaman
sila
"Sama mo pre! Nakailang mura ka tsk tsk!"pangaasar ni John

Hindi ko nalang sila pinansin at tinignan si Kristle.

"Hirap magpigil ng tawa sayo kanina! HAHAHA!"sabi niya at nagsimula ng mangasar.

"Lika nga dito."sabi ko naman at niyakap siya.

Hayop mga pre, Kinikilig ako.

"LUH LUH WALANG FOREVER!!"sigaw ni Grae

"LUH LUH ANO YAN ANO YAN?!"sigaw naman ni John

"KWENTO NIYO!"sigaw ko nalang at tumawa

Nagulat ako ng lumabas sila Mama kasama ang Magulang ni Kristle. Nagusap usap muna
kami at maya maya nagyaya na kakain na raw.

"Kainan na!"sigaw ni Joaquin

"Gutom ka nanaman!"sabi ni Kryzshel at nagunahan pa sila papuntang Pent House.

Nasa Subic kami. Dito pala ako dinala ng apat na ugok.

Pumasok na silang lahat sa Penthouse at naiwan kami ni Kristle dito.

Magsasalita na sana ako ng sumigaw si Grae galing penthouse.

"NGA PALA! DITO TAYO MATUTULOG NG DALAWANG ARAW!!!"sigaw niya

"Thank you Baby.."sabi ko at ngumiti naman ako

"Welcome."sabi niya naman

"Pinapakilig mo naman ako naks! HAHAHA!"sabi ko naman

"Hala ka diyan! HAHAHAH! Nagpatulong din ako kila Nash pati kila Tita."sabi niya
naman

Tumango tango nalang ako.

Nagusap lang kami habang nakatingin lang sa langit. Pinapanood lang namin yung
Sunset.

Sobrang sarap sa pakiramdam. Sobrang nakakatuwa. Hindi ko alam natutuwa talaga ako.

"Thank you ulit."sabi ko at hinila siya papalapit saakin, hindi ko na siya inantay
magsalita.

Hinalikan ko na siya... Humiwalay din agad ako kitang kita ko ang paglaki ng mata
niya at tinignan ako at binatukan.

"Aray!"

"Bakit mo ginawa yun?!"tanong niya

"Luh, Nagpapasalamat na nga eh!!"sabi ko naman


"Pero bat kailangan mo--"

"Wag ka na magsalita daming may gusto na halikan ko eh. Pasalamat ka nakajackpot


ka!"sabi ko at binatukan ulit ako

"Kapal naman pala ng mukha mo."sabi niya naman sabay hinampas ang braso ko

"Aray! Biceps ko babe."

"Aba aba! Asan? Bat di ko maramdaman?"

"Ganyan ka naman eh, Manhid ka kasi."sabi ko naman

"Oy Excuse me--"

"Pwede ka ng dumaan."

"Gusto mo na bang mamatay ha?"

"Matagal na akong patay eh. Patay sa pagmamahal mo yiee!!"

Inirapan naman ako at tinalikuran ako sabay lakad papalayo.

Pikon hehe.

"Huy huy!! Teka lang naman, Joke lang! Ay hindi totoo naman pala yun! Wag ka na
maasar."sabi ko naman

"Oo nga pala, Ikaw pala may Birthday dito. Hindi to oras para magtampo so bukas
nalang."sabi niya at ngumiti

Abnormal mga pre.

Bigla ko nalang siyang inakbayan at pinanggigilan ang pisngi niya.

"Araaaaayyyy!!!! Sakit huy!!"reklamo niya naman kaya binitawan ko at hinalikan siya


sa pisngi

"I hate you! Pangit mo!"sabi niya naman kaya natawa ako

"I love you too!"sabi ko naman

___________________________________

Edited

43
Graciella's POV
"Lahhh! porket kasi wala si grae lalabs mo ganyan ka na! Hoy! nung isang araw
palang sila umaalis."sabi sakin netong pinsan ko
"Uyyy, namumula na siyaaaaa!"pangaasar si Brace
"Tse! Bahala kayo jan! Maglambingan kayo sa gusto niyo!"sabi ko at dumiretso
papuntang kwarto. andito na nga ako sa kwarto ko.
inaantay kung may text yung si MOKONG. 4 weeks narin kaming MAG-ON daw.
MAG-ON? ANO YAN?! MAY SWITCH?! Sige Graciella. -_- Suminghot ka pa ng katol!
"GAHHHHH!" sigaw ko ano ba nangyayari sakin?! At saka bakit ba ako nagaantay ng
text nun?! jusko Graciella!!!
"Anak, ano ba nangyayare sayo?!"nagaalalang tanong ni mama na iniluwa ng aking
pintuan.
"Ma, Ano po ba yung feeling kapag inlove ka na?"anak ng tukneneng bat ko ba to
tinatanong sa nanay ko?!
"Jusko kang Bata ka! ano ba nangyayari sayo? wag mo sabihing inlove ka na?!"sabi
saakin ng mader ko.
"Nako! Hindi po aa? Nagtatanong lang po."sabi ko
"Lokohin mo na ang lahat, Wag lang ako anak. Kilala kita.. Kilalang kilala.
Kaya.sabihin mo na."sabi ni Mama
"Ma, May nagugustuhan na po yata ako?"di ko siguradong sabi
"Jusko itong anak ko. Dalaga na! Sino ba yan?"tanong ni Mama
"Si Grae Po. Si Grae Fernandez."sabi ko
"Yun ba yung nakita ko nung isang araw? Ang gwapo naman pala ng batang yun. Ang
payo ko lang sayo anak. Kung may nararamdaman ka na talaga para sakanya, Sabihin
mo. Hindi yung naduduwag ka. Bakit? Naduduwag ka ba kasi ayaw mo masaktan? ayaw mo
mareject? Anak, Hindi naman masamang I-try ang mga bagay bagay. Malay mo, Yung
taong gusto may gusto rin sayo. Wag kang Nega, Think Positive."wow! Nanay ko ba
ito? Kung makapagpayo pang teenager. May pa nega nega pang nalalaman.
"Eh ma, Iba naman yung gusto niya."sabi ko
"Sigurado ka ba?"
"Ma, Nagpapanggap lang naman kaming may relasyon para pagselosin yung taong gusto
niya. Panguna nga, ayaw ko pumayag. Kasi kung sakaling ma-fall ako sakanya ano
nalang gagawin ko? katulad ngayon."
Napahawak nalang ang nanay ko sa noo niya at parang hinihilot.
"Mga kabataan nga naman ngayon noh? Ang babata niyo pa para jan. Pero anak, Mahirap
pigilan yang nararamdaman mo. Sooner or Later.. Malalaman at malalaman niya rin
yan." sabi ni Mama
*****************
Grae's POV
"TOL!"sigaw ni Joaquin
"Taena ang ingay niyo!"sigaw ko
"Oh galit ka na niyan?"sabi ni John
"Easy kalang kasi!"sabi naman ni nash
Nandito kami ngayon sa bahay SM. Naisipan namin na Pumunta sa Cafe ni Roselle. Eto
naman kasing si Nash! gusto daw bisitahin si roselle. ewan ko dun kay roselle. Di
na nagpaparamdam. Kadalasang Wala pag aalis kami.
Nagpaparamdam? MULTO DAW.
"Guys!"narinig ko tawag sa likuran namin kaya lumingon kami.
"Oh si Mafe pala"sabi ni Joaquin
"Hindi, Si Graciella."sabi ko
"Sus. Miss mo lang ee."Sabi ni John
Lumapit naman samin si Mafe.
Tsk.Naguna ako ng paglalakad. Waste of time
"Grae! bumalik ka dito."sabi ni Nash pero di ko siya pinakinggan at diretsong
naglakad papuntang Cafe nila Roselle.
Bat ba kasi kelanganpang makita ko siya dto?
Nakarating na kami ng Cafe. Naisipan muna ni Nash at Joaquin na mag-order ng
pagkain namin. At si John naman kausap sa telepono si Ann kaya lumabas.
Kaya ang resulta...Kasama ko siya.
Naalala ko nga pala. Di ko pa natetext si Graciella. Sayang wala siya, Miss ko na
rin yun.
Teka..Sinabi ko ba na namimiss ko siya? ang ibig kong sabihin. Miss ko nang asarin
yun.
Kaya kinuha ko cellphone ko at tinext siya.
To:Ms.Clumsy ♥ (May heart daw kasi nga, GF ko daw diba?)
Psst, heart. ♥
From:Ms.Clumsy ♥
Yes? Buti naman naisipan mo magtext. Nag-aalala na ako sayo.
Napangiti naman ako dun. Nag-aalala pala aa?
"Why are you smiling Grae?"tanong ni Mafe
"Why do you Care?"
"Im just asking"
"Then stop doing it. Stop Bothering me."
Di siya sumagot. Kinuha niya nalang ipad niya. Kaya ako nireplayan ko nalang si
Graciella.
To: Ms.Clumsy ♥
Alala pala aa? Yiee. Okay langpo ako. Miss mo lang ako ee.
From:Ms.Clumsy ♥
Ha-Ha! Di aa?! Miss ka diyan!
To:Ms.Clumsy ♥
pakipot ka pa? Kiss nalang kita. :*
From:Ms.Clumsy ♥
Ikiss kiss mo mukha mo sa pader! tse!
To:Ms. Clumsy ♥
I miss you tooo. :*
From:Ms. Clumsy ♥
pwe! yakss! ewww.
To:Ms. Clumsy ♥
Lah! kala mo namantalaga!
From:Ms. Clumsy ♥
Joke lang! galit ka na niyan ee!
To:Ms. Clumsy ♥
HAHAHHAHAHAHA! :*
"Ngiti ngiti mo Grae?"nakabalik na pala sila Joaquin at Nash pati na rin si John
"Hulaan ko, Graciella yan noh?"sabi ni Joaquin
"Yieee. Umiibig ka nanaman!"pangaasar ni John
Napansin ko na ang tahimik ni Nash at Mafe
"Tahimik mo nash?"i didn't bother asking mafe. Waste of time.
"Wala daw kasi si Roselle ee."malungkot na sabi ni Nash
"Awwww."sabi naman namin
"Tigilan niyo nga ako. Palapa ko kayo sa aso ni Joaquin ee!"sabi nya
"Di naman ako kakagatin ni Bruce. Ako may ari ee!"sabi ni Joaquin
"Tahimik mo Mafe?"tanong bigla ni John
"nothing. Don't bother."sabi ni mafe
***************
Mafe's POV
Nandito ako sa Cr. Nakatingin sa salamin. Naririnig ko ang bulungbulungan.
"Omg! Si Mafe yan diba?"
"Yah. It's her! Angpangit niya naman."
"I can't believe sinaktan niya si Grae! kala mo naman kagandahan!"
"Ikr. Masokay pa si Graciella. Hindi tulad niya. Slut! siguro nag-away sila nung
mark kaya bumalik siya kay Grae. Ang landi niya noh?"
Yan ang mga naririnig ko na bulungan netong dalawang katabi ko.
"Ehemm."i clear my throat and looked them in the eyes

"FYI, Hindi ako slut! Hindi niyo ako kilala at hindi niyo din alam ang nangyari!
Hindi nyo alam kung gaano ang pinaghirapan ko! Kaya Don't Judge me! you don't know
anything about me! Hinusgahan ko ba kayo?! Diba hindi! So know your limitations
BITCHES! Kasi hindi niyo pa ako kilala! Oo, Di ako kagandahan! Pero wag niyo akong
huhusgahan through my physical apperance! wala kayong alam sa nangyare!"sabi ko
sakanila at nagsimulang naglakad paalis at sinara ang pinto ng Cr ng pagkalakas
lakas.
Gusto kong Umiyak. Ganun ba ako kasama? Para saktan siya ng ganun? Ganun ba ako
kadaling kalimutan? at napalitan niya agad ako?
Naglakad ako habang umiiyak. Wala akong pake sa mga nakakakita sakin.
Ang gusto ko lang umuwi.
Hindi ko na inalam kung nasaan sila Joaquin. Papara nalang sana ako ng taxi ng
biglang may humila sakin at tinakpan ang ilong ko ng panyo. Para may nilagay dun ng
dahilan ng pagkahilo ko. Unti unting nagblur ang paningin ko. Nakita ko na lang na
yung guard parang may pinaputukan na baril at sinakay ako bigla sa puting van.

Nakita kong lumabas sila Grae ng Mall at wala na akong naalala sa mga nangyare pa.
Nagising ako na medyo masakit ang ulo ko. Napansin ko na lang na nakagapos ako at
bigla nalang may nang sabunot sakin.
"ARAYY! MASAKIT!!"reklamo ko. Eh sino ba naman masasaktan eh halos mapunit na anit
ko sa pagsabunot niya
"MASAKIT BA BITCH?!"sa boses palang na yun kilala ko na kung sino
"Ashley?"
"Yes slut! Bakit kapa bumalik?! Para kunin si Grae?! ANG LANDI MO TALAGANG GAGA KA!
Si Graciella na nga lang problema ko sumunod ka pang Hayop ka! Kaya eto. ikaw muna
uunahin ko at isusunod ko rin yung malanding yun."sabi niya at sinampal ako ng
malakas
"Tangna mo ashley! wala kaming ginagawang masama sayo! Ikaw ang Hayop! AHAS KA!
MAMATAY KA NA! Masyado kang Desperada! kala mo naman sayo! GAGO! MAMATAY KA
NA!"sigaw ko sakanya and i spit on her.
"YOU SON OF A BITCH! KINAKALABAN MO TALAGA AKO AA?!"sigaw niya ibang iba si ashley.
Hindi siya yung ashley na kilala ko dati.
Ngayon masyado siyang nakaredlipstick, High heels, Leather jacket na black, black
sando, and black pants.
IBANG IBA SIYA.
Then suddenly she slapped me harder.
Ang hapdi na ng Pisngi ko. Bigla nalang may tumulong likido galing sa mga mata ko.
"OH ANO BITCH?! MASAKIT BA?! TANGNA MO! WALA KA PALA SAKIN! MASYADO KANG
NAGMAMAGALING!"sabi niya at sinabunutan ako
"Ashley tama na pleaseee?"sigaw ko
"YOU ASSHOLE! Ano tingin mo sakin?"sabi niya at pinagsasampal sampal ako.
"SON OF A GUN! NAG MAMAGALING KA!"sigaw niya
Di ako makalaban, Isa pa nakagapos ako sa upuan. sinipa niya ako bigla at dahilan
ng pagkatumba ko sa sahig.
tumama ang ulo ko at dahilan ng pag-dugo neto.
Umiiyak na ako. All i feel is pain.
Why do i desrve this?
"TUMAYO KA! MASYADO KANG TALUNAN!"sigaw niya at tinayo niya ako habanh hinihila ang
braso ko
"Tama na ashley...."pagmamakaawa ko
"Aww, Bakit? Masakit na ba bitch?"tanong niya

Grabe na angpag-iyak ko. Ang sakit na ng pisnge at ulo ko.


"Tama na pleaseee. Nasasaktan na ako"pagmamakaawa ko
tinggal niya ang pagkagapos ko at pinabuhat niya ako sa isa sa mga tauhan niya
naghihina na ako. Nagblublur na ulit mga paninginko.
"Dalhin natin siya sa ospital."narinig kong sabi ni ashley
Nananaginip ba ako lord?
"Pero boss sabi niyo-"
"Wag ka nang sumatsat!"sabi niya at wala na akong naalala pa sa mga nangyare.
Ashley's POV

Oo! Naawa ako sa mga ginawa ko sakanya! HAPPY?! Naawa ako, I DON'T KNOW! Siguro
kasi sa pagmamakaawa niya?
Ngayon lang to! Pero im not guilty! I guess? Okay maybe!
Lalo na nung ginawa ko kay kryzshel at kristle
PERO SHUT THE EFFIN F!
Im still a BITCH!
but still...
I have a heart.
Ughh! Why do i get this feeling na i'm getting into the good side?
SHUT it ASH.
_________________________
Hey! maikli po ba? Im so sorry! T^T kakatapos lang ng test namin ee. :3 pero babawi
ako. promiseee cross my heart hope to die!
sino sasama sa GT? Taas kamay?
Ako? TEAM BAHAY nanaman! :'(
Di ako pinayagan ee. Masyado daw kasing malayo. :(
Anyways, Si Ashley may kabaitan rin pala? She also felt guilty sa ginawa niya kay
kristle at kryzshel? May pagkakataon kaya na magbago na siya?
Si Mafe at Grae kaya may Chance pa? pano na si Graciella? Diba nahulog na siya kay
Grae? pano kung mas lumalim pa? Edi boom heartbroken si Inday!
So Comment and Vote! Labyuuuu! :*
-AuthornamayBRACE

44
Mafe's POV
"Grae... Patawarin mo na ako."sabi ko habang umiiyak at kasabay noon, Ang malakas
na pagbuhos ng ulan.
Bakit ganun? Ganun ba talaga kasakit yung pinadama ko sakanya?
"I'm sorry mafe.May mahal na akong iba."sabi niya at nag simula nang maglakad
paalis.
Hinabol ko siya at niyakap siya sa likod ng mahigpit
"Pleaseee....Dito ka nalang. Mahal kita Grae. Mahal na mahal."sabi ko habang
umiiyak
Tinggal niya ang pagkakayakap ko sakanya at humarap saakin.
"Listen. Hindi na kita mahal. may iba na akong Mahal."
"Sino Grae? Grae pleasee. Wag mo namang gawin to sakin. Ayokong iwan mo ako."sabi
ko
"Siya."at tinuro niya...
Niya.....
Si Graciella
Lumapit siya kay Graciella habang bumubuhos ang malakas na ulan. Kahit Blur na ang
paningin ko dahil sa pagpatak ng aking mga luha....
Walang pumigil sakin at hinawakan ko si Grae sa Braso.
"Grae wag mo naman to gawin sakin. Diba sabi mo? Ako yung mahal mo. Ako yun diba?
Grae ako yun. At alam ko na ako.parin hanggang ngayon."sabi ko pero inalis niya
yung kamay ko sa braso niya.
"Hindi na mafe. Siya na. Siya na yung mahal ko. Sana matanggap mo yun."sabi niya at
kumaripas na siya ng takbo kay Graciella na nakatayo at may hawak hawak na dilaw na
payong.
Tinignan ko sila. Kung gano sila kasaya habang naglalakad. Nakaakbay si Grae kay
Graciella
"GRAE!"sumigaw ako
"GRAE!"sigaw ulit
"GRAE MAHAL KITA!"sigaw ko ulit
Tumakbo ako para habulin sila nang may narinig akong busina ng kotse.
*BOOGSH!*
Napansin ko sumasakit na ang buong katawan ko. At nang hawakan ko ang ulo ko puno
ng dugo.
*************
"GRAE!"sigaw ko at paggising ko napansin ko na nasa ospital pala ako
"Bakit?! Okay ka na ba? ano masakit sayo? Tngna sagutin mo ako!"sabi niya habang
nag-aalala
It was just a Dream.
No, Erase that.
It was Just a Stupid NIGHTMARE.
And i saw him. I couldn't help myself and i hug him. So tight.
I missed him.
Bigla naman siyang kumalas.
"Let go Mafe."sabi niya
"Why?"
"Ayokong lokohin ang girlfriend ko."he said
I almost forgot.
Parang sinasaksak nanaman ako ng paulit ulit.
"Ano nangyare?"i asked
At nagsipasukan naman sila Kristle
Andito na agad sila?
"Hey, You okay?"she asked i missed her. Pero... Iba na yung pakikitungo niya sakin.
Mas close na siya sa pinsan niya... kesa sakin
"Maybe?"i said at hinawakan ang ulo ko na may benda.
"Ano nga ba nangyare?"tanong ko ulit
"You were 3 weeks uncounscious."sabi ni graciella
3 weeks? Ang tagal aa. Kaya pala andito na sila.
"Dito ka na rin nagBagong Taon. Habang Tulog."sabi ni Aira
"Oh. Kawawa naman ako!"malungkot kong sabi
"Stop whinning! Ano magagawa mo?"sabi ni grae
"Bat ba ang init ng ulo mo?"inis na sabi ko
"Ah oa mo kasi masyado! buti nga binuhay ka pa ni ashley!"sabi niya
"ANO BA PROBLEMA MO KUNG BINUHAY NIYA AKO?!"sigaw ko
"BUTI NGA MAY PAKE PA SAYO EE! TAS PAG DI KA PINANSIN TODO KA SA
PAGPAPAPANSIN?!"sigaw niya sakin kaya sinampal ko siya
"Di ko kelangan ng atensyon mo!"sabi ko
"Tama na ano ba?!"reklamo ni Kristle
"Away nalang kayo ng away! grae naman kasi! patawarin mo na!"sabi ni brace
"Brace, Kung para sainyo madali siya patawarin sakin hindi! kasi kung kayo
nasaktan, mas doble pa yung akin!"sabi niya at lumabas ng kwarto
"Pagpasensyahan mo muna siya Mafe aa? PMS yata."sabi ni Graciella at sinundan si
Grae
Ganun ko ba talaga siya nasaktan? mas doble??
Nabigla ako sa mga sinabi niya. May tumulong likido na galing sa mata ko.
GANUN BA TALAGA KASAKIT YUNG NARAMDAMAN NIYA?
"It's okay. stop crying."sabi ni kristle
Grae's POV

"Sht!"sigaw ko sabay sipa ng bato sa park.


"Drama mo talaga eh noh?"sabi ni Graciella
Nandito kami sa park malapit sa ospital.
"Eh pano, masyado siyang..."
"Masyadong ano? Drama mo punyeta!"reklamo niya
"Tss. Galit ka na niyan?"sabi ko
"Ang akin lang, Papagexplainin mo kasi yung tao."
"Tss."sabi ko at umupo sa tabi niya.
"Oh? Bat ka tumabi?"
"Masama bang tabihan ang girlfriend ko."sabi ko sabay kindat at dahilan para
kiligin siya.
Tumawa naman ako.
"Oh? Bat ka tumatawa?!"reklamo niya
"Namumula ka kasi, Ang cute mo lang."sabi ko at kinurot yung pisnge niya
"Masakit aa!!!!"reklamo niya at pinalo palo na ako.
"Arrr- masakit! aray!"reklamo ko
"Kaasar ka ee!"sabi niya at sinuntok ako sa braso sabay tayo
"Hahahahaha. Sorry na!"sabi ko
"..."
"Huy."
Di niya parin ako pinapansin, Lahhh. Di ko naman siya inaasar aa.
Tss. pero ang sweet nga nung asar ko diba?
Nilapitan ko siya at bigla niya akong tinapunan ng mga bermuda grass.
-_- Atup. sakto pa sa bunganga ko.
"HAHAHAHHHAHAAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAH!"tawa siya ng tawa.
"Sigee, tumawa ka pa!"
Tawa parin siya ng tawa.
Ginawa ko pinitik ko yung noo niya.
"Ayy? Masakit aa!"reklamo niya
Inasar ko siya buong magdamag, Hanggang sa maghabulan kami dito.
Buti nalang, Dahil sakanya ang gaan na ng loob ko.
Pero... Di ko siya mahanap! Malay ko ba kung san nagsusuot yun?
"Graciella!"pagtatawag ko skanya
wala naman nagsasalita. -_- san ba nagsusuot yun?
"Gracie-"naputol yung sasabihin ko ng may tumakip ng dalwang mata ko.
"Teka sin-"naputol ulit yung sasabihin ko dahil nung humarap ako saktong...
Tumama ang labi ko sa labi niya ulit.
Oo, ulit.
Bigla siyang humiwalay sakin ng may gulat na expression. Kahit naman ako nagulat.
GULAT NA GULAT.
"Graciella..."paninimula ko
Oo, Si Graciella nga. Pangalawang halik na namin to. panguna, smack.
Sunod eto. Smack rin siya pero matagal.
atup. Grae! bat ka ba kasi humarap sakanya.
Eh malay ko din ba na malapitan lang agwat namin.
"Gago! Ikaw na nga nakakuha ng first kiss ko, Pati ba naman yung pangalawa?! ano
yung pangatlo naman ganon?! sht, ano ba-"naputol niya yung sasabihan niya ng
yakapin ko siya.
Di ko alam kung bakit ko ginawa yun. Pero parang may nag-force sakin, para gawin ko
yun.
"I'm sorry. Di ko sinasadyang mahalikan ka. Sorry kung nakuha ko yung first kiss
mo. Also yung second kiss mo."sabi ko
"i-itss.. o-okay."nauutal na sabi niya
Natahimik kami saglit at nang may biglang tumawag. Unknown yung number niya.
Calling 09*********
accept decline
ACCEPT
"Who's this?"
[CAMERONNNNNNNNNNNN!]
"What the hell? Who's this?"
[Di ko alam na ganyan pambungad mo sakin.]
"Wait-Who are you?"
[Cam naman ee, ako to! si Nikay!]
Sht. Si Nikay?
"NIKAY?! Kamusta ka na? kanino mo nakuha number ko?"
[You're mom gave it to me.]
"Asan ka ngayon? Nasa airport ka ba? C'mon tell me, i'll pick you up."
[Nah. Actually, nasa starbucks ako.]
"Starbucks?"
[Ayy hinde, Nasa bulsa mo nagkakape. Try mo icheck baka nandyan lang ako]
"Di ka parin talaga nagbabago."
[Bakit magbabago? Nag-transform ba ako? Diba hindi?]
"Tss. Sige na babye na, puntahan nalang kita."
She hunged up the phone already at nakita ko si Graciella na nakaupo sa bench.
lumapit ako sakanya and lend her my hand
"Tara?"
"Saan naman tayo pupunta?"tanong ko
"May imemeet tayo."sabi ko
"Bat kelangan kasama ako?"
"Gusto ko makilala niya Girlfriend ko."
"Tumigil ka nga! Fake lang kaya to!"
"Oo na. Nagbibiro lng ee."
Nagsimula na kami maglakad papunta kung saan nakapark yung sasakyan ko.
Graciella's POV

Tahimik lang kami bumabyahe. naalala ko yung First kiss namin. este second kiss.
HUTA!
Asar! Bakit ba sakanya lagi? :( Nakakainiss naman.
Pero nung hinalikan niya ako. Naramdaman ko nanaman ulit yung malambot niyang labi.
Those lips....
WTH? Graciella okay ka lang?
Ayy, Oo nga pala. Nagugustuhan ko na.siya.
Correction:Gusto ko na pala siya.
Ayy, Hindi! Infatuation ko lang talga to.
Simply means: I have a crush on him.
Simply Crush that's all.
Diba? Huhu naman kasi ee.
"Tahimik mo yata, Problema mo?"tanong niya sakin
"Ha? Wala wala. Sino nga pala tumawag?"
"Bakit? Gusto mo malaman, Love?"tanong niya sakin
At sa mga oras na yun namula naman ako bigla.
Holy Sht. Srsly? He called me Love.
LIKE LOVE. Who does that?
Yah, Uhmmm. I know it's an endearmeant but wth?!
"Bwisit ka! ano ba trip mo?!"sigaw ko sakanya
"Ano nanaman problema mo? eh kung ibang babae diyan, Gustong gusto na tawagin ko na
love, Tas ikaw tatanggi ka pa?"
"Tse! Kala mo naman talaga. Lul."sabi ko nalang tumawa naman siya bigla
"Baka nasa rules na pwede ang endearment"
OH, I ALMOST FORGOT.
Nasa punyaterang RULES pala yun.
"Oo na, so? Sino nga yung tumawag?"i asked
"It's my Bestfriend. Also my First."sabi niya
Huh? Anong FIRST? pinagsasabi neto?
"huh?"
"My First" sabi niya ulit
punyaterang FIRST yan!
"Alam mo kung di mo sasabihim yang first first mo na yan, bibigwasan na kita
punyeta!"
"Okay chill, She was my First Crush, First Girl Bestfriend and also my First Love."
AHHH. Kaya pala FIRST. Maka-FIRST.
"Bakit ba Love?"tanong niya at bigla naman uminit yung pisnge ko.
"Ano ba naman yan grae! Love ka ng love!"
"Bakit ayaw mo?"
Napag-isip isip naman ako. Aba syempre! Grae Fernandez tawagin kang love? Oh
syempre kung isa ako sa mga fans niyan agree agad ako.
"Fine."di ko alam kung bakit biglaan nalang yun lumabas sa bibig ko.
"Good! I love you, Love."he said
Napatingin naman ako sakanya. His eyes are still on the road.
"Good! I love you, Love."
"Good! I love you, Love."
"Good! I love you, Love."
Replay ng replay yung mga sinabi niya sa utak ko.
"Andito na tayo, Love?"sabi niya
"Ahh, Sige tara na!"sabi ko
Pagpasok namin ng starbucks biglang may kumaway samin.
"ayun si nikay."pagtuturo niya dun sa nikay.
Lumapit na kami at narecognized ko na yunh mukha niya.
Siya?!
siya si nikay?!
"Ikaw?!"sabay na sabi namin
*itutuloy*
___________________
Hey guys! thank you sa mga nagbabasa ng Fallen. Nikaaa! andito ka na sa story ko.
pwede mo na siyang basahin and also comment amd vote.
Nagustuhan niyo ba guys tong chapter na to? Just Vote and Comment guys. iloveyouuu!
:* Sana may magvote and comment na rin.

So? Magkilala na pala si nikay at graciella? kelan? magkakasundo kaya sila? swerte
naman ni nikay. siya first love ni grae.
Anyways, Sorry kung bitin. Get ready sa chapter 45. Labyuu guys. comment and vote
-AuthornamayBRACE

45
Danika's POV
Hi! Ako nga pala si Danika B. Wilson kilala bilang Nikay. Galing akong California.
Naisipan ko lang umuwi ng Pilipinas dahil gustong umuwi ng Parents ko. I was also
excited, Bakit?
Kasi makikita ko nanaman si Grae.
Ayos yung Mokong na yun! Sikat na pala?
Ayun, naisipan ko na makipagkita sakanya.
Gusto ko rin kasi makilala yung bias ko. Si Joaquin. Hihihihi. Bakit ba? Crush ko
yun ee.
Akin lang yun! sakin lang si Joaquin. Pwede na rin si Grae. Hahahahhahaa! Basta!
Crush ko sila parehas.
Landi ko shet!
Oyy, Joke lang! Fan lang ako noh!
"Huy Danika!"sabi sakin ni Gavrielle
Si Julien Wilson nga pala, Ate ko. Ate ko na panget.
Choss! Joke ko lang yun. Maganda si Ate. Pero di hamak na mas maganda ako kesa
sakanya
"What?"mataray kong sabi
"Aba, Kala mo naman talaga!"sabi niya
"Tss. Alis na chupi! may imemeet pa ako."sabi ko kasama ko kasi siya sa starbucks.
"Sus.excited kalang mameet si First mo."
"Ulol!"
"Oh talaga tol?! Umuwi ka mag-isa! Di kita ipapasundo kay manong!"sabi niya at
nagsimula ng maglakad paalis
"Hala! Ate naman ee! walang maghahatid sakin!"
"umuwi ka mag-isa mo! kundi magpahatid ka kay grae!"sabi niya at nagsimula nang
maglakad.
"ATE!"sigaw ko ginawa nang bruha binelatan lang ako.
Pano na ako uuwi?
magpahatid ka kay grae!
magpahatid ka kay grae!
magpahatid ka kay grae!
Replay ng replay sa utak ko yun. lumawak naman yung ngiti ko.Bat di ko naisip yun?
"Ano nanaman iniisip mo?"sabi namn netong katabi ko.
Si Gavrielle Villamor may-ari ng Villamor Air Base! JOKE LANG. Model siya sa
California. Close Friend ni Ate.
"Akala ko aalis ka na rin?"sabi ko
"Edi aalis."sabi niya at umalis nga ang gaga.
Naiwan tuloy ako. Bahala na nga!
"Uuwi ka talaga mag-isa!"sabi niya at lumayas na siya.
10 minutes later nakita ko siya balak ko sanang salubungin ng yakap pero nakita ko
ang isang pamilyar na mukha.
Omg! Bat siya kasama ni Grae? Magkaholding hands pa aa?
"ikaw?!"sabay na sabi namin
"Magkakilala kayo?"tanong ni grae
"Obviously."sabi ko
"Hi Danika!"sabi nung girl.
Oo kilala ko siya. pano ko di magiging kilala ee ako pa nga yung kumausap sakanya
at nagpakilala.
"Sorry nga pala di ko nasabi pangalan ko nung dating nagkita tayo."sabi nung girl
"Hahah.Okay lang yun. Ano nga pala pangalan mo?"tanong ko
"Graciella Lavapie." (A/N:Yung lavapie pronounce as "pye" )
"Ahhh. Nice to meet you."nakangiti kong sabi
"Magkakilala kayo?"tanong ni grae
"Malamang sa malamang."sabi ko
Nagusap usap lang kami buong nagdamag. Nang maisipan na naming umuwi.
"Ahh, Hatid ka na namin?"tanong ni grae pero nakahawak parin siya sa kamay ni
Graciella
Namin? Ano bang meron? Sila ba?
"Mag-tataxi nalang ako."sabi ko
"Ha?"sabay na tanong nila
"Sabi ko magtataxi nlng ako."sabi ko ulit
Paalis na sana ako ng hawakan ako ni Grae sa braso.
"Wag. Sasama ka saamin. Kung kelangan kitang buhatin na parang sako gagawin ko.
Sumama ka saamin."sabi niya at lumapit sakin kaya lumayo naman ako. Bigla nalang
siyang may binulong.
"Babatukan ako ni Graciella pag di ka sumama samin."
"D-Diretso m-muna ako sa kotse."sabi ni Graciella
"Amin na susi."sabi ni Graciella ulit.
"Ha?"sabi ni grae
"Pano ko mabubukusan yung kotse?"tanong niya
"Oh."hinagis ni grae kay graciella at tinarayan naman ni graciella si grae
"Sungit, Ingat ka dyan baka matisod ka!"pangaasar ni grae
"Tse!"sabi ni graciella sabay irap kay grae
Tumawa naman si Grae napatingin naman ako sa kamay na grae na kasalukuyang
nakahawak sa braso ko.
Napangiti naman ako.
"Tara na kasi!"sabi niya
"Ayoko, Magtataxi na nga lang ako."
"Amin na bag mo."
"Ayoko!"
"Amin na kasi! sumama ka na please?"
Wala na ayan nanaman siya sa tono niyang nagbibigay kuryente saakin.
"Oo na."sabi ko at nauna ng maglakad
"Yes, di ako mababatukan."sabi niya
"May relasyon ba kayo?"tanong ko
Grae's POV
"May relasyon ba kayo?"tanong ni nikay
Oo meron. Pero Fake.
"Oo meron."
"meron?"
"Oo."
"Ilang months na kayo?"tanong nya
Ilang months na nga ba kami?
"No need to ask okay."palusot ko.
"Okay."nang makarating kami sa kotse pinaandar ko na to at hinatid sila papauwi.
Graciella's POV
Ng nasa tapat na kami ng bahay namin, Bumaba na agad ako ng kotse niya.
Nagsimula na akong maglakad ng bigla nya akong pigilan, At hinawakan ang braso ko.
"May problema ba?"tanong niya
"Wala. Uwi ka na."sabi ko
"Di ako uuwi hangga't di mo sakin sinasabi kung ano ang problema."sabi niya
"Wala nga. Sige na uwi ka na."
"Graciella..."
"Sabi ng uwi na ee!!"
Natameme naman kami sa pagsigaw ko. oo, Kami. dahil kahit ako di ako makapaniwala
na masigawan ko siya.
"Ayoko. Di ako uuwi."
"Grae, Walang problema. Masakit lang ulo ko. yun lang."sabi ko
"Ahh, ganun ba. Sige pahinga ka na. Text nalang kita bukas."sabi niya at nagsimula
ng maglakad paalis ng pigilan ko naman siya.
"Sorry pala nasigawan kita."sabi ko humarap naman siya sakin at nilapitan ako sabay
gulo ng buhok ko
"Okay lang yun, Sige na pahinga ka na. Love."sabi niya at hinalikan at sa forehead
sumakay na siya ng kotse at pinaharurot na ito.
*******
"WALANGHIYA KA TALAGA GRAE FERNANDEZ! MAHAL NA KITA SOBRA GAGO KA!"sigaw ko
kasalukuyang nasa kwarto ako ngayon sigaw ng sigaw.
"Ano ba naman yan ate! Ang ingay mo."reklamo ng kapatid ko na iniluwa ng aking
pintuan
"sorry na."sabi ko
"Grae Fernandez? Hahahahhaa. Yan yung nasa notebook mo diba? Este diary?"Nanlaki
naman mata ko. Punyeta tong batang 'to! binabasa pala diary ko!!!
"Binasa mo diary ko?!"sigaw ko tumango tango naman tong kapatid ko
"STAR!!"sigaw ko nagsimula naman siyang tumakbo palabas ng kwarto ko at hinabol ko
naman leshe! walanjo itong batang to!
Pigilan niyo ako! Nako!!!!! kung di ko ito kapatid matagal ko na tong binigwasan!
Huhu! Binasa niya diary ko!!
Mafe's POV
Nakahiga lang ako dito sa hospital bed. Sila mama, Bumili muna ng pagkain.
Kaya eto ako mag-isa.
Naisip ko nanaman yung nangyare kaninang umaga.
Bakit ganun? Bakit ba ang hirap sakanya na mapatawad niya ako?
Bigla nalang may pumasok sa kwarto at laking gulat ko na siya yung pumasok.
Bat siya nandito? Bigla naman akong nabuhayan ng loob dahil sa nakikita ko ngayon.
May dala pa siyang prutas para sakin.
"Pinapabigay lang 'to nila Brace at kristle. May pinuntahan kasi sila. Di ako
nakasama kaya naman ako na yung pinadala nito sayo."sabi niya
Ngumiti naman ako sakanya
"Thank you."sabi ko
Ngumiti siya ng mapakla kaya naman nawala yung mga ngiti ko.
"Oh siya, Aalis na ako."sabi niya at tumalikod na siya ng hawakan ko siya sa braso.
"Please, Come back to me Scooter."i sincerely said
"Stop it Mafe."sabi niya at inalis ang kamay ko sa pagkakahawak sa braso niya.
Nagsimula na siya maglakad ng magsalita ako.
"Does the world will end dahil sa nasaktan kita noon?! Grae, Dati na yon! Sa tingin
mo ba ikaw lang nasaktan?! kayo lang ng barkada?! Grae ako din! Nasaktan din ako!
Lalo na nung nalaman ko na may iba ka nang Girlfriend! Grae labag sa kalooban ko
yun! Pero di ako nagreklamo! Dahil sa kung saan ka masaya dun ako! Pero punyeta!
Ikaw ba yung nagsakripisyo?! Ginawa ko yun para lang PROTEKTAHAN ko kayo! Walang
taong perpekto! walang tao hindi nasasaktan! Grae naman! Kahit ganun yung nangyari
di kita nakalimutan!!"at eto nanaman yung mga luha ko! Traydor talaga!
nagsibagsakan nanaman sila!!! >_< Nakakainis naman ee!
Bat di niya ba naiintindihan?!
"Bat di mo sinabi?"
"Dahil ayoko ko kayong masaktan!"
Di siya sumagot at lumabas na ng kwarto.
At dun bumuhos nanaman ang luha ko.
Di ko naman sinasadya lahat ng yun ee. Nasaktan din naman ako
Pero para sa kaligtasan lang nila ang iniisip ko.
Mali nanaman ba ako?
Mali nanaman ba?
Masakit ba talaga?
Sa tingin niya siya lang nasaktan?
Ganun ba ako kadaling makalimutan?
Mahal parin kita, Grae Cameron Fernandez. Mahal na Mahal.
Kristle's POV
"San mo nanaman ako dadalhin aa?"tanong ko sa lalaking ito. paano?
Nagdrive siya papuntang penthouse at tinakpan yung mga mata ko gamit yung panyo
niya. Ano nanaman pakulo ng lalakeng ito?
"Hoy! Pakulo mo ba?"tanong ko sakanya ulit
"Basta. Wait and see."sabi niya
Napansin ko unti unti niyang binibitawan yung kamay ko kaya naman kinabhan ako
bigla.
Hello? Nakablindfold kaya ako.
Baka may kamay ka. Pwede mong alisin?
Tumigil ka diyan utak!
"Wag mo aalisin yung blindfold saglit lang."sabi niya at pinaupo niya ako sa swing.
Naramdaman ko na swing iyon.
Ilang minuto din ang nakalipas ng marinig ko ulit yung boses niya.
"Ready ka na?"tanong niya
Tumango ako
"Tanggalin mo na yang blindfold."sabi niya kaya naman tinanggal ko na.
Ng matanggal ko yung blindfold nakita ko siyang nakaluhod sa harapan ko at may
hawak hawak na box.
Magpropropose ba siya? Charaght lang.
Malaki yung box pano magiging Ring yan? Tanga Kristle!
"Ano 'to Brace?"
Binuksan niya yung isang box at nakita ko ang isang kumikinang kinang na infinity
shape na necklace.
Napakaganda niya. Sobra ♥
"Para sakin?"tanong ko
"Yep. sana magustuhan mo."sabi niya naman
"Nagustuhan ko siya sobra."masaya kong sabi
"Gusto mo isuot ko sayo?"
"Oo naman."sabi ko kaya umupo siya sa tabi ko at sinuot ito.
"Ang ganda."sabi ko
"Wag mo yang tatanggalin aa? Ibabalik mo lang yan sakin pag nagbreak tayo."sabi
niya
"Bakit? Magbrebreak ba tayo?"malungkot kong sabi
"Bakit gusto mo?"tanong niya
"Brace naman ee! Syempre ayaw ko!"sabi ko at pinalo ko yung braso niya tumawa naman
siya
"Loko ka talaga! adik!"sabi ko
"Belat! Adik ako sayo!"sabi niya
Brace POV
May ibibigay pa pala ako sakanya, Aside sa necklace. Syempre pang bawi ko lang to
sakanya.
"Brace, May ibibigay din ako sayo."sabi niya kaya naman tinignan ko siya
"Mmm? Ano yun?"tanong ko
"Eto."at inabot niya sakin yung knot braceley na kulay itim pati narin yung watch
na kulay blue at pillow na captain america at t-shirt na captain america ulit.
"Dami naman. Thank you."sabi ko at hinalikan siya sa forehead
"Nagshopping kasi kami ni mama kahapon. Naisipan ko na bilhan ka. Nagustuhan mo
ba?"tanong niya
"Syempre naman. Bigay mo ee."sabi ko
"kahit kelan talaga napaka bolero mo!"sabi niya tumawa naman ako
"di aa!"sabi ko naman
"Tse!"sabi niya
"May ibibigay din ako sayo."sabi ko
"Mmm? Ano yun?"tanong niya inabot ko sakanya ang pinaghirapan kong scrapbook.
Naglalaman ng mga memories at mga pictures namin. Wala namang masama kung gagawa
ako ng scrapbook diba? Basta para sakanya gagawin ko ang lahat, Sabihin niyo ng
Corny? Wala ee. Nabulag na yata ako.
Joke lang! Hahahha. Mahal ko tong Babaeng to. At alam ko na siya na ang babaeng
mamahalin ko. Hanggang sa huling hininga ko. Siya ang babaeng kasama ko sa altar.
At ang babaeng PAPAKASALAN ko. Siya ang FOREVER ko.
Diba? Dahil sakanya napaka-corny kong tao. -_- lakas ng tama ko sa babaeng to.
"Ang ganda naman Brace! ikaw lang gumawa? Oh nagpatulong ka pa kay jeanne at
sacha?"tanong niya
"Di aa! ako lang niyan lahat!"sabi ko
"weh? Peksman?"paninigurado niya
"Opo.Peksman hope to die."sabi ko
"Thank you."she said
She Cupped my Face at hinalikan niya ako sa labi.
Napangiti naman ako ng bumitaw siya.
"Natututo ka na niyan aa?"pangaasar ko
"Kanino ba ako natututo?"sabi niya naman
"Minsan lang kita halikan sa labi noh."sabi ko naman
"Ahh talaga?"sabi niya sa tono niya alam kong nangaasar siya.
Nako, Kung di ko talaga to mahal. Kanina ko pa to nahulog sa dagat.
"Hihihi. Joke lang!"sabi niya ulit sabay peace sign ngumiti naman ako at hinawakan
ang kamay niya.
Kahit rough yan, Okay lang. Wala akong pakealam. Mahal ko siya. Ano man diperensya
niya, Mahal ko siya. Kahit may Asthma at Skin Asthma siya. Wala akong pakealam.
Kahit isip bata siya minsan, Wala akong pakealam.
Basta Mahal ko siya.
Siya lang ang babaeng Minahal ko ng ganto.
Siya ang FOREVER ko.
Tumingala siya sa langit kaya tumingala na rin ako.
"Ang ganda ng stars."sabi niya habang nakangiti
"Tulad mo diba?"sabi ko
Tumingin naman siya sakin ngumiti siya.
"Bolero!"sabi niya ayaw maniwala oh?
I cupped her face.
"Di ako nagbibiro. Maganda ka, okay? I love you Kristle."sabi ko and i kissed her
passionately.
*****************
5pm na at naisipan narin naming umuwi.Malayo pa kasi ang byahe. Mahirap na
Holding Hands While Walking kami.
Pagpasok namin ng kotse biglang may tumawag.
Joaquin Calling
ACCEPT DECLINE
Accept
"Tol?"
[Tol! Asan ka?]
"Kasama ko si Kristle sa Subic bakit?"
[Tol, Ang layo naman niyan! May Biglaang Recording tayo mamayang 9pm.]
"Ha?! Badtrip naman! Bakit biglaan?"
[Sabi kasi ng manager natin kelangan natin magrecord ngayon dahil magiging busy
tayo this week para sa mga Mallshows tapos may GT pa tayo.]
"Sht naman."
[ Oo nga ee, Nagdadate kami ni Kryzshel biglaang tumawag si Grae. Sige tol mamaya
nalang. Magtext ka pag malapit na kayo. layo naman kasi ng pinuntahan nyo. Pag may
alam kang shortcut dun kanalang dumaan. Mahirap na tol! Papagalitan ka pag late
ka!]
"Sige sge. Hatid ko muna si Kristle tapos diretso na ako diyan"
[Sge bye]
i hunged up the phone already
"Bakit daw?"tanong ni Kristle
"May biglaan kaming recording para sa album namin. Kelangan muna kitang ihatid bago
ako pumunta ng Studio okay?"
"Okay." nagsimula na akong magdrive.
Ng nasa kalagitnaan na kami ng Byahe biglaang traffic. Nagshort cut na kasi ako
kaya medyo napabilis. eh dito sa daanan na to walang shortcut kaya traffic. Malapit
na rin sana kami kaso naman dito pa kami na traffic.
"Badtrip, Dito pa tayo natraffic."sabi ko
"Malapit na rin naman tayo. Okay lang yan. 7:30 palang naman."sabi niya
Medyo malayo pa naman dito yung studio. Bawal ko naman iwan.girlfriend ko mag-isa.
"Mag overtake nalang kaya ako? Yung iba nago-over take oh?"sabi ko naman
"Ano ka ba? Delikado yan."sabi niya.naman
"Alam ko to Babe. Okay?"
"Pano kung maaksidente tayo?"
"Wag ka mag-alala okay?"
Nagsimula na akong magover take ng biglang may nahulog sa may paanan ko.
"Ako na kukuha."sabi ni kristle
"Ako na."sabi ko
"Eyes on the road brace! Baka mabangga tayo!"sabi niya kaya naman sinunod ko naman
Nang makuha na niya tinignan ko siya
"Brace! May truck!"
tumingin naman ako pero di ko makita ng maayos dahil sa nakakasilaw yung ilaw.
*BEEEEEEEEEEEEEEP!*
*BOOGSHH!*

46
Joaquin's POV
Kanina pa kami dito. Nagaantay ng Resulta.
Oo, Nasa Hospital kaming Lahat. Kahit sila Tita Alma nandito. Sila Tita Au nandito
rin.
Naaksidente si Brace at Kristle nung pabalik sila ng Manila.
Sana naman okay lang sila.
Kung sasabihin mas maraming tama si Kristle kesa kay Brace.
Di naman namin masampaanan ng Kaso yung Driver ng Truck dahil sila Brace ang
nagovertake.
"Easy kalang Joaquin."sabi ni Kryzshel at hinawakan ako sa kamay.
Bigla nalang lumabas yung Doctor.
Tumayo na ang mga Magulang ng Dalwa at nagsimula na ang mga tanungan.
"Doc, Okay lang po ba ang mga anak namin?"tanong ni Tita Alma
"Doc, Ano na pong nanyayare?"tanong naman ni Tita Au.
"Kayo po ba ang mga Pamilya ng dalwang pasyente?"tanong ng Doktor
"Mga kaibigan po kami ng Dalwang Pasyente. Ano na pong nangyari sakanila?"tanong ko
"Sa kasalukuyan pong si Mr.Arquiza ay stable lang ang kalagayan niya. May sprain
lang ang kanyang kaliwang paa pati narin ang kanyang kaliwang kamay. Marami rin
siyang sugat kaya kelangan niyang magpagaling."sabi ni Doc
"Eh sa Anak ko po doc? Kay Kristle Nolasco ano na pong nangyari?"tanong ng Daddy ni
Kristle
"As for Ms.Nolasco..."biglang napatigil ang Doctor kaya naman nakaramdam kami ng
kaba dahil sa bigla akong hinawakan ni Kryzshel ng Mahigpit at ang mga kamay ko
naman nanlalamig.
"Ano po sa kapatid ko doc?"tanong naman ng ate ni Kristle
"I'm sorry Mr and Mrs. Nolasco pero po malakas ang pagka untog ng ulo ng pasyente
sa bintana dahilan ng pagka comatouse nito. Nabali din ang kanang kamay niya at
madami din itong sugat. Ipagdasal nalang natin na sana magising pa ang pasyente.
"sabi ng doktor
Comatouse? Si Kristle?
Bigla nalang umiyak si Tita Au.
At ako? Napaupo. Bakit? Bakit kelangan mangyari to saamin? Okay na diba? Wala naman
nang problema.
Masaya na kami. Pero bakit nagkaganto pa?
"Tita, ipagdasal nalang muna po natin sila."sabi ni Nash
Bakit biglang Gumulo? Bakit kelangan magkaganto?
"Mr. and Mrs. Arquiza? Pwede niyo na pong bisitahin si Mr. Arquiza sa kwarto.
Habang Si Ms. Nolasco naman po ay ililipat muna namin sa private room. Excuse
me."sabi ng doctor
"Eh doc, Kelan po namin pwedeng bisitahin si Kristle?"tanong ni Aira
"We'll just report you. Ang mas mabuti pa ngayon magpahinga muna kayo."sabi muli ng
doctor at tuluyan ng umalis.
"Au, Bibisitahin muna namin si Brace ha?"sabi ni tita alma
Tumango lang si tita au kaya naman pumunta na kami sa private room ni Brace.
Nakita namin siyang natutulog at may benda ang kaliwang kamay at paa niya. may
sugat din siya sa ibang parte ng mukha niya.
Ano na kayang kalagayan ni Kristle ngayon?
Malamang na coma nga diba? Wag ka na ngang magbiro Joaquin.
"Kung ano man yang iniisip mo, Ipagdasal mo nalang na sana maging okay lang si
Kristle at Brace."sabi naman ni Kryzshel ngumiti nalang ako ng mapakla.
Kryzshel's POV

Nakakainis naman! Bat kelangan pang mangyari yun?


[Kinakabhan ako kila Kristle.]sabi ni Aira sa kabilang linya.
Pinauwi muna kami para magpahinga. Bukas bibisitahin na rin namin si Kristle.
Di muna siya samin pinabisita ni Tita Au. Bukas nalang daw. Dahil kami na rin yung
magbabantay kay kristle bukas.
"Oo nga ee, Bat ba kasi kelangan mangyari 'to?"
[Di ko din alam ee. Basta bukas bisitahin na natin sila.]
"Ra, Pano kaya kung sa paggising ni Kristle may mangyaring masama?"
[Huh? Pinagiisip mo shel?]
"Wala lang. Iba kasi pakiramdam ko ee. Ra, Pano kung.."
[Kung ano? Ang Oa mo masyado. Tigilan mo nga yan! Itulog mo nalang. Masyado kang
nagaalala.]
"Bat ikaw hindi?"
[Syempre oo! Sinong Hindi diba? Pero matulog na tayo. Inaantok na ako ee.]
Binaba ko na yung cellphone at humiga sa kama.

Bat ba di ako mapakali? May mangayari kayang masama?


Ano ka ba naman Kryzshel?! Tama! Itutulog ko na lang to. Kung anu-ano pinagiisip
isip ko.
John's POV
Maagang-maaga nandito na agad kami sa Ospital ng Gimme 5, Este Gimme 4. Atat na
atat naman kasi tong mga taong to. Di na muna namin sinama yung sila Aira. Mamaya
naman pupunta sila dito.
Lahat kami dito kinakabhan. Ikaw ba naman? Maaksidente yung dalawang mong barkada
tapos yung isa na-coma pa.
Yun na nga, Nandito kami malapit sa pintuan ng kwarto ni Brace.
Kawawa naman si Kristle. Napapabuntong hininga nalang ako ee.
*Saan ka man naroroon ikaw ay laging nandito saking puso,
Kahit saan mapatingin mukha mo'y lilitaw parin laging uso,
Huwag mo lamang akong iwanan, 'Wag na 'wag mong bibitawan,
'San ka man ay sasamahan, O hindi mapipigilan*

Tita Alma Calling


Accept Decline
ACCEPT
"Hello po Tita?"
[Gising na si Brace. Pumunta na kayo dito.]
"Ahh okay po."
At pumasok na agad kami ng kwarto. Nakita namin si Brace. umiiyak?
Oo nga, Umiiyak siya. Parang alam ko na ang dahilan kung bakit.
"Brace?"sabi ni Nash
"Nak, Lalabas muna kami para bumili ng pagkain. Maiwan muna namin kayo."sabi ni
Tita Alma
"Kayo na munang bahala sakanya."sabi naman ni Tito Camper
"Tol?"paninimula ko
"Asan siya?"tanong niya
"Tol.."sabi naman ni Grae
"ASAN SIYA?!"nagulat naman kaming lahat sa pagsigaw niya.
"Tol, kumalma ka muna."sabi naman ni Joaquin
"Kumalma?! Tol, Gusto ko makita yung Girlfriend ko!"sigaw niya pa
"Brace, Pano mo siya makikita kung ganyan ka?! Pre naman umayos ka! Sa tingin mo ba
magigising si Kristle sa kakaganyan mo?! Tol umayos ka!"sabi naman ni Nash at dahil
naman dun natigilan si Brace
"Magising? Anong nangyare sakanya?!"
"Tol, na-coma si kristle."nakayukong sabi ni Grae
Brace POV
Parang tumigil yung pag-ikot ng mundo. Wala kaming naririnig na ingay.
Na-Coma? Si Kristle?
"Na-Coma siya?"tanong ko
"Tol, Yung pagkaaksidente ninyo, Tumama yung ulo na sa bintana ng malakas at
dahilan ng pagka-comatouse niya. May pilay din yung paa niya at kamay. may ilang
sugat din siyang natamo. Di naman namin masampaan ng kaso yung driver ng truck
dahil kayo yung nag-overtake."pagpapaliwanag sakin ni Joaquin
Kasalanan ko 'to. Dahil sakin kaya siya nagkaganto.
"Gusto ko siyang makita."sabi ko
"Pero pre-"
"Gusto ko siyang makita!"sigaw ko
Dinala nila ako sa kwarto ni Kristle gamit ang wheelchair at nakita kong nandun si
Tita Au,Siya lang mag-isa.
"Oh Brace ikaw pala. Mabuti naman gising ka na."sabi sakin ni tita au
"Tita, Pasensya na po."sabi ko at yumuko at pinipigilan ang luha kong malapit ng
tumulo.
"Nako Brace, Di mo yun kasalanan. Walang may kasalanan. Ang maganda eh yung okay
kayong Dalawa."sabi ni tita au at ngumiti ng mapakla
"Dapat ako po yung nasa kalagayan niya."sabi ko
"Nako naman Brace, Wag mong sabihin yan. Alam kong mahal mo ang anak ko Brace kaya
nga di kami tumutol sa relasyon niyo kahit na alam ko na bata pa kayo para sa mga
gantong sitwasyon. Pero sa tingin mo ba brace kung ikaw ang nasa kalagayan ng anak
ko matutuwa ba siya? Diba hindi? At alam mo bang sasabihin niya rin yang mga
salitang sinasabi mo ngayon? Brace, Alam kong sinisisi mo ang sarili mo. Pero di mo
kelangan gawin iyon. Ang mas mabuti eh yung ipagdasal nalang natin na magising na
agad ang anak ko."sabi ni tita au at niyakap ako di ko napigilan ang sarili ko
Kaya may biglang tumulong likidong galing sa mata ko.
"Maraming Salamat po tita! Napakabait niyo po. Kahit na ganto na yung nagiging
sitwasyon namin sinusuportahan niyo parin kami. Maraming salamat po, Patawarin niyo
rin po sana ako tita."sabi ko
"Nako, Okay lang yan. Masyado pa kayong bata para mag-alala sa mga ganyang bagay."
"Pasensya na po talaga"
"Okay lang yun. Oh siya sige, Maiwan muna kita rito at bibili lang ako ng makakain.
Ha?"sabi ni Tita at tuluyan ng lumabas ng kwarto.
Nilapitan ko si Kristle at hinawakan ang kamay niya.
At tuluyan akong umiyak.
"I'm Sorry."sabi ko habang patuloy paring umiiyak.
"Hindi ka dapat nahihirapan ng ganto. Kasalanan ko ito ee. Kung nakinig kasi ako
saiyo, Edi sana okay pa tayo. I'm sorry. Patawarin mo sana ako. Ayokong nakikita
kang nahihirapan. Dahil sakin naaksidente tayo at na-coma ka pa. I'm Sorry Kristle,
Ayokong Mawala ka. Ayokong Maiwan. Ayokong Iwanan mo ako. Ano nalang mangyayari sa
Forever natin? Alam mo bang Dahil sayo naniniwala na ako dun? Please? Sana gumising
ka na. Miss na kita. Mahal na Mahal kita. Hayaan mo, Lagi kitang babantayan dito,
24/7 pa. Kasalanan ko naman to ee. Kung di sana ako nag-overtake at kung nakinig
ako sayo edi sana di magkakaganto. Iloveyou Babe. Gising ka na ah? Hihintayin ko
pagmulat mo. At sisiguraduhin ko na ako ang unang makikita mo sa pagmulat mo. I
love you" hinalikan ko siya sa labi at pinunasan ang luha ko na kanina pa tumutulo.
Tinignan ko siya ng maige habang natutulog. Naramdaman niya kaya yung paghalik ko
sakanya?
Basta sa mga sinabi kong iyon:
This is I Promise to you Babe.
Di kita Iiwan.
Handa akong bantayan ka 24/7
Hihintayin ko paggising mo.
At sa paggising mo, Sisiguraduhin ko na Na-Miss mo ako.
This is i promise to you.
___________________________
Hey, Alam niyo bang habang ginagawa ko ito naiiyak na ako. Seryoso, Sorry pala ang
tagal ko lagi mag-UD lagi kasi akong Busy ee.
Tapos nakakainiss pa yung Week ko nung nakaraan. Nag-away kasi kami ng friend ko.
Galit parin siya sakin hanggang ngayon ee. Ginagawa ko naman lahat para magbati
kami. Pero siguro galit talaga siya sakin
Pero, Sana naman malaman nya na hindi ko sinasadya lahat ng yun. Alam niya naman na
madaldal ako ee.
Sorry ha! Nagshashare ako ng Off topic sainyo. Miss ko lang talaga na kasi siya ee.
Anyways, Yun kawawa naman sila. Akala nila okay na lahat noh? Akala niyo din noh?
Hahahha. @beaumakvillzapata akala mo din noh? Ayan na nag-UD na ako.
Ayan sana magustuhan niyo. Vote and Comment guys! Labyuuuu. :*
SORRY NA SA FRIEND KO at sa PAGSHARE KO TUNGKOL DUN MGA READERS. Miss ko lang kasi
yun ee.
Basta yun na
Nvrmind niyo na lang okay? sana magustuhan niyo tong chapter na 'to
-AuthornamayBRACE

47
Roselle's POV
3 months Later....
"Anak, Inumin mo muna itong gamot mo."sabi ni Mama sakin kaya sinunod ko naman.
Pagkatapos nun umupo si mama sa may kama ko.
"Nak, kamusta na pakiramdam mo okay ka na ba?"
"okay lang ma."
"Anak, kelangan mo magpalakas. Nak, sabihin mo na kaya kila Nash tungkol diyan sa
kalagayan mo."
"Ma, Ayokong magalala sila sakin."
"Pero kahit na, Kelangan nila malaman kalagayan mo."
"Ma, Okay na yung wag nila malaman."
"Kesa naman sa hindi sinasabi na may sakit ka diba? mahigit isang buwan mo na rin
yang tinatago."
"Ma..."
"Oh siya sige. Ilalagay ko muna ito sa kusina. Magaasikaso na rin ako ng kakain
para mamaya."sabi ni mama at lumabas na ng kwarto ko.
Oo. May sakit ako, At wala pang nakakaalam ni isa kila nash. 5 buwan ko nang alam
na may sakit ako.
At si VMiguel? Wala yun. Kaibigan ko lang siya. Oo, Niligawan niya ako, pero hindi
di nagtagal tumigil na dinsiya. Siyarin kasi yung tumutulong sakin. Siya yung
sumasama pag pupunta ako ng ospital. May Brain Tumor pala ako. At ilang buwan
nalang kukunin na ako. Mahigit 3 na buwan na akong di nagpapakita sakanila.
Ayokong makita nila itong kalagayan ko. Ayokong kaawaan nila ako sa itsura ko na
nakabonet,maputla at lahat lahat. Lalo na si Kristle at Nash.
Sa tuwing naiisip ko iyon, Bigla nalang akong napapaiyak. Hindi ko akalain na
mangyayari ito saakin. Na magkakaroon ako ng Brain tumor.
Lagi akong tinatawagan ni Nash. Itetext ako at aalamin kung ano na nga ba yung
kalagayan ko kung ano ng nangyayari sakin.
Pag nagoopen ako ng Twitter at Instagram siya lagi Bungad ng Notifs ko.
Namimiss ko na nga siya ee. Hindi ko pa nasasabi kung gaano ko kagusto.
Minsan nga sabi ni Mama pumupunta daw yun. Pero sinasabi ko na sabihin kay nash na
nasa ibang bansa na ako. Kadalasan lahat ng Fans niya nagagalit na saakin. Bat daw
ako ganun? pinapaasa ko lang daw si Nash. Malandi daw ako.
Pano naman ako naging Paasa eh, Nililigawan niya nga si Alexa. Sila na kaya? O baka
naman hindi pa.
Gusto ko sanang umamin, Kaso yun na nga, Nililigawan na niya si Alexa.
Napapabuntong Hininga nalang ako.
Bigla nalang akong Tumayo para kunin yung libro ng biglang sumakit ang ulo ko ng
sobra. Napahiga nalang ako sa sahig.
Sobrang Sakit....
Eto na ba talaga?
katapusan ko na ba?
"AHHHHHH!"
Nash's POV
"Nash, Breathe okay? Everything will be fine."sabi ni Alexa sakin.
Kanina pa kasi ako di mapakali. Si Roselle kasi Sinugod sa Ospital. Bakit niya ba
ito nilihim sakin? Samin?
5 buwan na pala niyang alam iyon. Bat di niya manlang sakin sinabi?! Nakakainiss
kasi bat niya kelangan ilihim. Eh ni isang Balita lang wala kaming alam sakanya.
Tapos ngayon eto pa maririnig kong balita galing sakanya sa loob ng 3 buwan na ni-
anino niya manlang di siya nagpakita.
Yun pala may sakit na siya.
"Nash, Easy lang."sabi naman ni Aira
"Pano ako eeasy? Sinugod lang naman sa ospital yung taong mahal ko"sabi ko sakanya
bigla siya natigilan
Parang biglang nagbago yung expression ng mukha niya.
"Ahh, Sorry. Di ko naman sinasadya ee."sabi niya sabay yuko.
"Tara Aira, Labas muna tayo."sabi ni Kryzshel at hinigit na palabas ng ospital si
Aira.
"Tsk. Wrong move bro"sabi nman ni Grae
"Notnot naman ee! Napaka mo!"sabi ni Alexa
"Ano nanaman sakin?"sabi ko
"Tsk. Manhid"sabi ni John
"Huh? Ano?"sabi ko naman
"Tol, Ewan ko sayo! Tinalo mo pa bato!"sabi ni Joaquin
"Tsk. Isipin mo nga Nash. Aalis na muna ako, Bibisitahin ko lang si Kristle."sabi
ni Brace at umalis na
"Ano bang pinagsasabi niyo?"tanong ko naman
"Hay nako Notnot! Uuwi na nga muna ako!"sabi ni Alexa at umalis na rin
"Ano aalis rin kayo?"tanong ko naman sa 3 ugok
"Tsk. Oo! Babalik nalang kami mamaya."sabi ni Joaquin at umalis na
Edi sana naman sabay sabay nalang silang umalis diba? hindi yung pag-alis nung isa
mga 30 segundo na nakalipas susunod sila. Tsk.
Pero sana talaga okay lang si Roselle. Balak ko pa naman na Magtapat sakanya ee.
Ano bang nangyayari? What the Hell just Happend?
Brace POV
"Hi Babe."bati ko sakanya habang sinasara yung pinto
"May dala akong prutas para sayo."at tumabi ako sa may tabi niya
"Alam mo bang sinugod sa Ospital si roselle? May Brain Tumor pala yun di manlang
nagsasabi saatin."
Ngumiti ako sakanya at hinawakan siya sa kamay.
"Kelan ka gigising Babe? Alam mo bang miss na miss na kita?"
"Gising ka na please oh? 3 buwan ka ng tulog. Sobra na yan. Nangangayayat ka na
oh?"Hinawi ko naman yung ilang hibla ng buhok niya
"I miss you, Taba."
"Naasar ka na ba? Hahaha. Miss na talaga kita ee."
"Siguro ngayon nabatukan mo na ako noh?"
"Gising ka na pleasee?" sabi ko ulit sakanya at hinalikan ko ang kamay niya.
Kung tutuusin para akong tanga ditong kausap yung babaeng mahal ko na tulog at
walang alam sa mga nangyayare ngayon.
Mahigit 3 buwan na din ang nakalilipas simula ng nangyari ang trahedyang iyon.
Tatlong Buwan na din si Kristle na tulog at walang alam sa mga nangyayari ngayon.
Miss ko na siya. I miss everything about her. Yung Mata niya, Yung Buhok niya, Yung
mga Ngiti niya, Yung tawa niyang malakas. Pero kahit na malakas nagpapatunay iyon
na simple siya at walang arte, Yung mga Yakap niya, Yung paghawak niya sa kamay ko,
Yung mukha niya kapag nagagalit, At yung mga halik niya.
Kelan kaya siya gigising noh?
Namimiss ko na siya.
"Sorry talaga babe ha? dahil sakin nandito ka sa ospital nakahiga at wala nang alam
sa mga nangyayare. kung nakinig lang kasi ako saiyo ee."
"Gising ka na oh? please? miss na kita, miss na kitang yakapin at asarin."
"Alam mo bang Sobrang miss na kita."sabi ko ulit at sa mga oras na yun di ko
napiligan ang mga luha ko at tuluyan na silang tumulo.
"Sobrang miss na kita. Kasalanan ko kung bakit ka nagkaganito. kasalanan ko.
Namimiss ko na yung kaingayan mo, kabaliwan mo, pag ngumingiti ka, yung boses mo,
itsura mo pag kinikilig ka. I miss everything about you, Gising ka na please?"sabi
ko habang umiiyak parin.
"Brace?"at may pumasok bigla sa kwarto
"Anong kelangan mo dito?"
"Brace, I'm here to say sorry."
"Sorry? Sa ginawa niyo dati kay kristle sa tingin niyo patatawarin pa kita?"
"Brace, please patawarin mo na ako. I promise to you di na ako manggugulo pa."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Aalis na ako. I'm going back to Canada. Mas okay na siguro yun diba?"
"Bakit ka ulit aalis?"
"I caused too much trouble and pain. Isa na rin ako sa mga taong nanakit sa taong
mahal mo. Yes, I believe you now na siya ang mahal mo. I can see it, At alam ko na
mahal mo talaga siya. I just hope na magising na siya. I'm really sorry Brace."sabi
niya at umiyak
"Its okay. At salamat kasi naiintindihan mo na rin ngayon."sabi ko sabay gulo ng
buhok niya
"You do really love her right?"
Tumango ako.
"Ngayon nalang kasi kitang nakitang umiyak ee. Simula nung umalis ako at nagpunta
ng Canada yun na yung last na nakita kitang umiyak ee."sabi niya
Ngumiti nalang ako at tumingin kay Kristle.
"I must be going brace. Wag mong pababayaan ang sarili mo. I heard araw araw
kanalang daw nandito. Take Care also of yourself."sabi niya at aalis na sana siya
ng pigilan ko siya
"Sila Ashley pala?"tanong ko natigilan siya at humarap sakin sabay ngumiti ng
mapakla
"I never heard about her. Simula kasi nung ginawa namin kay Kristle at Kryzshel
umalis na ako ng school at di na rin ako nagpakita sakanila. I heard mas lalo
siyang naging masama."sabi naman niya
"Okay thanks. Ingat ka sa pag-alis mo."tumango nalang siya at tuluyan ng lumabas ng
kwarto.
************************

"Brace, umuwi ka na muna. Kelangan mo nang magpahinga." Hinawakan ni Tita Au ang


balikat ko.
Halos 2 linggo na akong di umalis sa tabi ni Kristle. Gusto ko kasing paggising na
paggising niya ako ang makikita niya.

"Tita, Ayoko pa po. Gusto ko po na ako yung unang makikita ni Kristle paggising
niya." Napabuntong hininga nalang si Tita Au. Hanggang ngayon di ko parin inaalis
ang kamay ko sa kamay ni Kristle.
Ayoko siyang iwan. Gusto ko na dito lang ako sa tabi niya.
"Okay sige, Pagbibigyan kita. Pero siguraduhin mo na bukas uuwi ka muna para
magpahinga. Halos 2 weeks ka nang nandito para bantayan lang ang anak ko."sabi ni
Tita
"Ganun ko po siya kamahal ee."
"Bilib din ako sa iyong bata ka. Pinapatunayan mo talagang Mahal mo ang anak ko.
Pero sana naman wag mo kalimutang kumain Brace."sabi ni Tita Au
Minsan kasi hindi ko narin naiisipang kumain ng maayos dahil gusto kong bantayan si
Kristle. Mas gusto ko na ako ang nasa tabi niya.

"Oh siya sige, aalis muna ako. Bukas Brace ako naman ang magbabantay sakanya ha?
Sige na bukas naman."sabi ni Tita at lumabas narin ng kwarto.
Napangiti nalang ako habang nakatingin sa Chubby Nakahiga ngayon.
Babe, Magagalit ka ba sakin kasi hindi na ako umuuwi ng Bahay namin 2 linggo na?
Binibisita naman ako nila Mama at Dada dito pati narin nila Cj at Jeanne kasama
sila kuya Edward.
Pumikit ako at iniimagine ko kung ano magiging reaksyon mo pag ganto na hindi na
ako umuuwi ng bahay.
Hoy Arquiza! Umuwi ka naman oh? Gusto mo bang magkasakit? ako kasi ayaw ko na
magkasakit ka. Sige ka! di kita aalagaan!
Habang iniimagine ko iyon, Napapangiti nalang ako. Masisisi mo ba ako Babe? Kung
mas gugustuhin ko na makasama ka at ako ang unang makita mo sa pagmulat mo, Kesa
nasa bahay nga ako nakatunganga walang gagawin? Tapos ikaw lang lagi nasa isip ko?
Mabibigyan mo pa kaya ako ulit ng mga yakap mo? Miss na miss na kita.

Kristle naman kasi! Nakakainiss ka na! Ang tagal mo nang tulog dyan! Sobra ka na sa
tulog! Lampas sa 8 hours na yan! 3 buwan ka nang tulog oh? Gumising ka naman na oh?

Biglang may bumukas ng Pinto, Akala ko ba aalis na si Tita Au?


"Tol!"sabi netong Gimme 4 at pinagyayakap ako kasama nila sila Kryzshel, Aira, at
Graciella
"Ano ba'yan! mamaya pagselosan pa kayo neto ni Kristle."pagbibiro ko
"Tulog parin pala siya hanggang ngayon."sabi ni Joaquin
"Pinsan!!! Gumising ka na! Miss ka na ni Star!"sabi ni Graciella si Star yung
nakababatang kapatid ni Graciella
"Hoy! Sobra na tulog mo! kaya ka tumataba ee!"pagbibiro naman ni Kryzshel
"Gumising ka na! Ililibre mo pa ako!"sabi naman ni Aira
"Wag nga kayong ganyan sa mahal ko!"sabi ko at hinawakan ang kamay niya ng hawakan
ko itong bigla akong nagulat dahil biglang gumalaw ang mga daliri niya.
Dahil sa kaba ko pinatawag ko sila Joaquin ng Doctor.

Lord please, Please wag. Kelangan ko pa siya. Bigla namang umiyak sila Kryzshel at
Si Graciella Tinatawagan na sila Tita Au.
Pagdating nila tita Au sobra na ang pagpanic ni tita.
"Sir, Mam labas muna po kayo."at lumabas muna kami.
Umiiyak narin si Tita Au. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Napaupo nalang ako at di
ko namalayan na may tumulong likido galing sa mata ko.

Ilang Minuto din ang nakalipas dumating na ang Doctor.


"Doc, Ano na pong nangyayari?"tanong ni Tita
"Good News Mr and Mrs. Nolasco, The patient is awake."sabi ng Doctor ng marinig
kong sinabi iyon ng doctor sobrang saya ko.
"Joaquin, Batukan mo nga ako."sabi ko
"Ha? Bakit?"
"Basta Gawin mo nalang."sabi ko
Aray! Masakit yun aa! Naramdaman ko yung sakit di ako nananaginip! Gising na nga
siya!
Dali dali kaming dumiretso sa kwarto at nakita ko siya.
"Yung Bunso ko."sabi ni Tita at Niyakap si Kristle
Yung Mahal ko, Gising na.
"GISING KA NA!!!"sabay sabay na sabi namin na may malaking ngiti
"H-hi? Sino kayo? I assume nanay ko siya. Eh kayo? " sa mga sinabi niyang iyon
nawala ang mga ngiti sa mga labi namin at napilitan ng pagkalito.
Anong Nangyayari? Anong Sinasabi niya?
"Wag ka namang magbiro ng ganyan."sabi ko
"Di ako nagbibiro. Sino kayo? " sabi mga sinabi niya parang sinasaksak ang puso ko
ng paulit ulit.
Di niya kami maalala?
Bakit?
Anong Nangyayari?
_________________________
Sorry for the LONG UPDATE. Napakatagal magupdate ni Author noh? Sorry na. :(( Busy
sa school eh.
@Husky_Babe yow! Sa next kanalng aa? Hihihihihi. labyuu :*
Anong nangyari? Bat di maalala ni Kristle si Brace pati narin ang Friends niya
including ang Parents niya?
ABANGAN niyo yan! Guys wag niyong kalimutan mag Comment and Vote! iloveyouuu. :*
-AuthornamayBRACE

48
Brace POV
Parang tumigil yung pag-ikot ng mundo ng sabihin niya ang mga salitang yun
Natulala ako bigla. Walang lumalabas na kahit anong salita galing sa bibig ko.
Anong nangyayari?
Bat di niya kami maalala?
Bat di niya Ako maalala?
"Couz naman, wag ka ngang magbiro ng ganyan!"sabi ni graciella na malapit ng umiyak
"Huh? Couz?"tanong ni kristle
Biglang pumasok ng kwarto yung Doctor kaya bigla kaming tumingin na lahat sakanya.
"Doc, Bat walang maalala ang anak ko?"tanong ni tito
"Malala ang pagkatama ng ulo ng pasyente nung araw ng aksidente, Dahilan din ng
pagkacomatose niya then leads on having an Amnesia."sabi ng Doctor
Amnesia?
"Po? May amnesia po yung kaibigan namin?"tanong ni John na parang di makapaniwala
"Yes, There's a possibility na mangyari yun, hijo. I'm sorry. If you'll excuse
me."sabi muli ng doctor at lumabas na ng kwarto
"Sorry kung wala akong maalala. Pwede bang magpakilala muna kayo?"sabi ni Kristle
"Excuse me."sabi ko at lumabas muna ng kwarto.
Tumakbo ako ng tumakbo hindi ko alam kung san ako dadalhin ng mga paa ko.
Hanggang sa namalayan ko na nagpunta na pala ako sa may garden sa likod ng ospital.
May tumulong likidong galing sa mata ko. Umiiyak na pala ako.
"AHHHHHHHHHH!"sigaw ko
Bakit ganun?! Bakit kailangan magka-amnesia pa siya?! Bat kailangan di niya kami
maalala?!
"AHHHHH!"sigaw ko ulit bigla nalang akong napaluhod at umiyak ng umiyak.
I miss her, i really do.
I know i should be happy dahil gising na siya, Pero bakit ganun?
i've waited 3 months. Ganito ba igaganti niyo sakin?
Bakit siya pa? Bakit kelangan siya pa? Yung taong mahal na mahal ko,
Nakalimutan lang ako.
"Hey.."nilingon ko kung sino yung nagsalita and i saw her.
Nakaupo siya sa wheelchair. pinunasan ko yung mga luha ko at ngumiti sakanya.
"Paano mo ako nahanap?"tanong ko sakanya
"May narinig kasi akong sumisigaw. Sabi kasi nung Joaquin susundan ka daw niya.
Sabi ko naman sasama ako, Di sana sila papayag pero nagpumilit ako."sabi niya
"Bakit? Dapat sinunod mo nalang sila."
"Hindi ko din alam. Parang yung mga paa ko kasi, nagpupumilit na tumayo kahit na di
pa kaya masundan ka lang. Eh hindi nga kita matandaan."
Hindi ko alam pero bigla ko nalang siyang niyakap ng mahigpit.
Namiss ko na siyang yakapin.
Bumitaw ako at tumingin sakanya.
"I'm Brace Henry Arquiza."
"Ahh. Sabi nila Kristle Daw pangalan ko."
"Oo nga. Kristle Marie Nolasco. My Girlfriend."
"G-girlfriend?!"
"Oo, Bakit?"sabi ko
"May B-boyfriend ako na gwapong katulad mo?!"di makapaniwalang sabi niya
Tumawa ako ng malakas. Namiss ko na talaga siya.
"Nagbibiro lang siya."napalingon kami kung sino ang nagsalita at nakita ko na ate
pala ni Kristle kasama niya si Joaquin
"Joaquin, pwedeng dalhin mo muna si Kristle sa kwarto niya?"sabi ng ate ni kristle
Tumango nalang si Joaquin at lumapit kay Kristle
"Naguusap pa kami ate, Saglit lang. Ah joaquin diba? Pwede wait lang?"sabi ni
Kristle
"Sige na kristle, Okay lang. Maguusap muna kami."Sabi ko
"Pero-"
"Kristle, Sundin mo naman muna kami ano ba?!"sabi ni Ate kaya lahat kami nagulat.
"Tara na muna kristle."sabi ni joaquin kaya wala nang nagawa si Kristle at umalis
nalang sila.
Sa totoo lang, ayoko pa siyang umalis. Ayoko pa siyang mawalay sakin. Gusto ko
magkausap lang kami, gusto ko matagal pa siyang nasa tabi ko. Pero feeling ko kasi
importante yung kailangan naming pag-usapan.
"Brace.."
"Po? Ano po yun?"
"May sasabihin lang ako na importante."
"Ano po yun?"
"Kailangan niyo muna maghiwalay."
Sa sinabi ni ate janette, Nabigla ako. Maghihiwalay? Kami? Bat ngayon pa? Wala na
nga siyang maalala maghihiwalay pa?
"Po? Alam niyo naman po na hindi ako papayag."
"Hindi yung magbrebreak, Kailangan kasi namin Pumunta ng Canada. Please brace,
Kailangan niya pumunta."pagmamakaawa ni Ate Janette
Pumunta ng Canada? Bakit pa?!
"Po?! Ate Janette, Bakit pa? Okay na po oh, Gising na siya. Ang problema lang naman
eh wala siyang maalala."sabi ko
"Brace, sabi ni daddy kailangan niya muna pumunta ng canada.Babalik din siya.
Pansamantala muna siyang nasaCanada.Walang sinabi na dahilan amg Daddy namin pero
ang sabi niya pansamantala lang. Please brace, pumayag ka na."
Papayag? Ako? Bakit? Bakit kailangan niyang umalis?
"Sorry ate, Pero parang hindi ko kaya. Hindi ko kayang mawalay sakanya, Pasensya
na."sabi ko at nagsimula ng maglakad papalayo
Selfish na kung selfish, Pero yun talaga yun eh. Naghintay ako. At ngayon na
nagising na siya, Ngayon na may amnesia siya, Hindi ko alam kung gusto ko pa siya
pakawalan. Kung gusto ko pa siya ilayo sa piling ko.
Habang naglalakad ako nakasalubong ko si Joaquin.
"Tol?"paninimula niya
"Ilalayo siya, Sakin."sabi ko napaupo ako sa may bench sa garden dito sa may
ospital.
"Tol, Intindihin mo muna kaya."
"Pre naman, ayoko na siyang mawalay sakin. Ayoko! Pre, alam mo naman siguro itong
nararamdaman ko diba?! Ayoko na sa isang hidlap mawawala nalang siya ng tuluyan
sakin."
Naiiyak na ako. Ewan ko ba pero ang gusto ko lang, Eh umiyak.
"Pre, alam ko nararamdaman mo. At alam ko na mahirap din sayo. Pero sana intindhin
mo din siya. Kasi pre, Wala siyang maalala eh. Kung mahirap para satin na matanggap
na may amnesia siya, pano pa kaya siya diba? na walang maalala kahit isa."and those
words hit me. Nakalimutan ko, puro nalang kasi kaligayahan iniisip ko. hindi ko
naisip na may mangyayaring ganito.
Papayagan ko ba siyang umalis o hindi?
****************
Papasok na ako ng kwarto ni kristle. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin.
Tama na ba itong napili ko?
Itong Desisyon ko? Siguro tama na din to.
Pumasok na ako ng kwarto at napansin ko na wala ng tao. Gabi na rin kasi. Nakita ko
lang siya mahimbing na natutulog.
Kumuha ako ng upuan at umupo sa may gilid niya. Hinawakan ko yung kamay niya.
Gusto ko dito nalang siya sa tabi ko.
Tama na ba talaga to? Parang ang hirap. Ang hirap tanggapin.
Di ko alam pero umiyak nalang ako. Ang alam ko lang na gawin ngayob eh yung umiyak.
"I love you, Kristle. Mamimiss kita."i said at hinalikan ko yung kamay niya.
Oo, Pumayag na ako na umalis siya at pumunta ng ibang bansa. Napagisip isip naman
kasi ako.
Makakabuti din ito para sakanya. Kahit na masakit para sakin, Wala akong magagawa.
Para din naman to' sakanya. Para sa taong minamahal ko.
Umiiyak parin ako hanggang ngayon. Mamimiss ko siya. Kung pwede lang na huwag na
siya umalis.
Kung pwede lang na dito nalang siya sa tabi ko.
Binaon ko ang mukha ko sa may gilid ng higaan niya. At patuloy akong umiiyak. Hindi
ko kasi kaya.
Hindi ko kaya na wala na ulit siya saakin.
Noong araw na Na-Comatose siya, Feeling ko wala siya sa tabi ko kahit na alam ko na
malapit lang siya sakin. Pag binibisita ko siya, Feeling ko ang layo layo ko
sakanya.
Ngayon na gising na siya, Nagkaroon pa siya ng amnesia at iiwan na niya ako.
"Psst, Bat ka umiiyak?"nagulat ako ng magsalita siya kaya umayos ako ng pagkakaupo
"Wag ka nang umiyak. Sorry na wala akong maalala."sabi niya at pinunasan niya ang
luha ko using her thumb
Ngumiti ako sakanya.
"Wag ka mag-alala. Pag bumalik na alaala ko sasabihin ko agad sayo. I'll try to
remember you okay?"dagdag pa niya
"Mamimiss lang kita. Promise mo yan ha! alalahanin mo ako!"
"Oo naman! Wag ka na malungkot okay? Sabihin niyan pinaiyak kita."
"Totoo naman eh. Pinapaiyak mo ako."
"Huh?"
Bigla ko siyang niyakap ng mahigpit. Mamimiss ko talaga sya.
Sobrang mamimiss ko siya. Ewan ko kung kaya ko pa siyang pakawalan.
"Okay ka lang ba talaga?"
"Oo okay lang ako. Ah sige na, Pahinga ka na ha? Bibisita nalang ako bukas. Bye
na."sabi ko tatayo na sana ako ng pigilan niya ako
"Dito ka nalang please?"
"Kristle.."hinawakan ko ang magkabilang pisnge niya at dinampi ang labi ko sa labi
niya.
Alam ko na nagulat ko siya. Kahit naman ako nagulat sa ginawa ko. Oo dapat di ko
ito ginagawa, Dahil wala siya naalala pero, Mamimiss ko talaga siya. Ito nalang ang
huling beses na mayayakap at mahahalikan ko siya.
Damn, I'm gonna miss her like Crazy.
Humiwalay na ako at baka di ko mapigilan ang sarili ko mapatagal pa ang halik ko
sakanya.
"Para san yun?!"natatarantang sabi niya
"Wala, Sige na. Magpahinga ka na. Bibisitahin nalang kita bukas saka mo nalang ako
batukan. bye! I loveyou."sabi ko hindi ko na siya hinintay magsalita at lumabas na
ako agad ng kwarto niya
Kung may bukas pa Kristle, Kung may bukas pa.
God I'll miss you kristle.
Wala nang atrasan. Eto na ang desisyon ko.
Papakawalan muna kita sandali Kristle ha?
Just wait a few years. Be patient
I'll be waiting for you.
I love you.
Sumakay na ako ng kotse at pinaharurot na ito.
___________________________
SONG FOR THIS CHAPTER:
Amnesia by : 5 Seconds of Summer
Hi Guys! Happy Valentines Day! :* :* Kamusta kayo? May ka-date? Ako wala eh.
HAHAHHAH! Anyways, Sorry ang tagal ng ud ko. Busy ako para sa foundation day namin
eh.
Hala! Paano na yan?! Aalis na si Kristle, Pumayag na din daw si Brace?! Omg! Sorry
pala maikli siya.
Busy talaga ako ee.
Abangan niyo nalang kung ano mangyayari ha!
FOLLOW ON TWITTER:
@KristleArquiza
IG:
@kristleisdaname
COMMENT AND VOTE! LABYU GUYS. HVD! :* ♥♥♥
-AuthornamayBRACE

49
Kristle's POV
Feeling ko minanyak ako ng lalaki na yun na hindi ko naman maalala! Ano ba kasing
nangyari? Bat ako nagkaroon ng amnesia?
Tsaka anong pinagsasabi ng Brace na yun na Boyfriend ko siya?!
2 linggo na din ang nakalipas simula ng makalabas ako ng ospital.
Buti na nga lang nakalabas na ako eh! Di keri ng stomach ko yung pagkain sa
ospital.
2 linggo na din sila Graciella na nasa bahay at lagi akong binibisita.
At yung 5 lalaki na yun sikat pala? Nakita ko sila sa TV nag guest na isang TV
show. My God! Ang swerte ko pala kaibigan ko yung mga mokong na yun.
Tapos si Kryzshel boyfriend pala si Joaquin.
Ngayon wala na rin yung cast ko, Kakatanggal lang kahapon.
Kaya okay na ako! Okay na nga ba?
Mahigit 2 linggo na din kasi hindi nagpaparamdam yung si Brace ba? Oo, Yun nga! Si
Brace.
Si Brace na hinalikan ako sa labi.
Hindi ko alam kung ano yung naramdaman ko nung hinalikan niya ako. Napakalakas ng
tibok ni heart heart.
Ang kinalulungkot ko lang, Sabi niya bibisitahin niya ako pero hindi na siya
bumisita hanggang sa makalabas ako ng ospital.
Pag tinatanong ko naman sila Graciella ang sagot nila, Busy.
Bakit ba ako nalulungkot?! Eh hindi ko nga iyon matandaan.
Makapagimpake na nga lang!
Ayy oo nga pala, Bukas na yung flight ko papuntang canada kasama yung pinsan ko na
si Graciella. Nauna na yung pamilya ko dahil sa may mga business pa silang
kailangan asikasuhin.
Yung mga magulang naman ni Graciella nauna na din dahil sa business. Kami lang
naman yung aalis. Ito naman na mga kaibigan ko "daw" mamimiss daw kami.
Eh totoo naman "DAW" naman talaga! Eh sa wala nga akong maalala eh!
"KRISTLE!"sigaw nila at pumasok silang lahat.
Sila Joaquin,Grae,John,Kryzshel,Graciella,Mafe
"Asan sila Aira at Nash?"tanong ko
"Binisita yung kaibigan natin sa ospital."sabi ni Joaquin
"Ahhh, Sino yun?"tanong ko
"Si Roselle. Kaibigan natin yun."
"How come di ko siya nakita?"
"Kasi nga may sakit siya."sabi ni grae
"Ahhh. bat di ko siya maalala?"tanong ko
"KASI MAY AMNESIA KA!"sabay sabay na sabi nila
"Ayy, oo nga pala. pasensya na."sabi ko sabay kamot ng ulo kahit wala namam akong
kuto.
"Si Brace nga pala?"tanong ko
"A-ahh a-ano uhmmm B-busy naman siya. Oo busy!"nauutal na sabi ni mafe
"Busy nanaman?"tanong ko
"Oo."maikli na sabi nila
"Ahh."sabi ko nalang
"Bakit miss mo?"tanong nila
"H-hindi ah!"ano ba yan! Nauutal ako!!
"Nauutal siya!!"pangaasar nila sakin
"Tss. Tigilan niyo nga ako."sabi ko
"Aalis na ba talaga kayo?"tanong bigla ni joaquin
"Oo naman, Bakit? Anong problema?"tanong ko
"Tol, Pano na si Brace?"bulong ni John kay Joaquin
"Anong pano si Brace?"
"Rinig mo parin yun?"tanong nilang lahat
"Baka may tenga ako diba?"pamimilosopo ko
"Wala yun, Kunwari wala kanalang narinig."sabi ni Grae
"Ahh sge."sabi ko nalang
"Magiimpake muna ako ha? Hintayin niyo nalang ako sa baba mamaya."dagdag ko tumango
nalang sila at lumabas na ng kwarto
Ano bang alam nila na hindi ko alam tungkol kay Brace?
Totoo ba talaga na Boyfriend ko si Brace? Bat di siya nagpapakita samin? Ni-anino
niya manlang di magpakita. Ang dami kong gustong itanong sakanila.
Hinayaan ko nalang yun at pinagpatuloy ang pag-impake ng gamit ko.
Ready na ako, Ready na akong umalis ng pilipinas.
Brace POV
"Nak, kumain ka na muna."sabi ni Mama sabay pasok ng kwarto ko
"Nak, halos isang linggo ka nang di kumakain tapos di ka pa lumalabas ng kwarto.
Nak, alagaan mo naman yang sarili mo."sabi ni mama sabay upo sa gilid ng kama ko
"Mama, Ayoko po. Wala po akong gana."sabi ko
"Pe-"naputol yung sinabi ng mama ko ng may magbukas ng pintuan
"BRACE!"sigaw niya at tumingin sakin
"Anong ginagawa mo dito?"tanong ko
"Tinawagan ko siya nak. Sige na, Ikaw na muna bahala sakanya. Pakainin mo siya kung
pwede."sabi ni Mama at umalis na
"Akala ko ba umalis ka at pumunta ka ng ibang bansa?"tanong ko
"Hindi pa, Kelangan ko pang mag-sorry kay kristle. Pero nung tinawagan ako ni tita
bigla nalang ako napasugod dito. Ano bang pinagsasabi ni tita na di ka na daw
kumakain?!"
"Wala akong gana."
"Ano ba naman Brace?! Umayos ka nga, Sa tingin mo ba pag nakita ka ni kristle ng
ganyan ngingiti ba siya? Hindi diba? Diba sabi ko sayo alagaan mo yang sarili mo?
Kahit si kristle ganun din sasabihin sayo!"
"Patricia, wala nga siyang maalala eh!"
"May maalala man o wala may pake parin sayo yung taong yun!"
"Aalis na siya okay? Kaya pwede ba? Tama na."
"So ganun?! Hihiga ka lang diyan? iiyak? Hihintayin na tawagan ka ng mga kaibigan
mo para sabihin na umalis na yung taong mahal mo? Brace dapat nga tinutulungan mo
siya maalala yung dati eh. Hindi yung nakahiga ka lang diyan at walang gagawin.
Make a move arquiza! If you want your relationship to work make a move! kelangan
ikaw muna yung gumawa ng paraan dito dahil si kristle walang maalala gets mo ba?!
kasi ayokong matulad yung relasyon natin dati sa relasyon niyo ni kristle ngayon!
Arasso?"sa sinabi niyang yun hinila ko agad siya papunta sa kotse ko
"HOY! San tayo pupunta? ang gulo ng buhok mo noh? Tsaka pwede ba magpalit ka ng
pants ano pupunta ka dun nakapajama?"nakapamewang niyang sabi tinignan ko yung
orasan
3:30pm na tapos yung flight niya 4:00pm kelangan ko humabol
Kelangan ko siyang mahabol.
Nagbihis agad ako at nagsuklay madali hinila ko ulit itong kasama ko at nagdrive na
ako agad agad.
"HOY! ANG BILIS NG PAGDRIVE MO! PAPATAYIN MO BA ANG ISANG MAGANDANG NILALANG NA
TULAD KO?!"reklamo netong kasama ko kahit kelan talaga di siya nagbabago
Pinagpatuloy ko na lang ang pagdridrive.
"ANO BA BRACE?! AABOT PA BA TAYO DUN NG BUHAY?! LECHE BAKA MAMAYA MAMATAY NA TAYO
NETO EH!!"natatarantang sigaw ni pat
"Chill, Kelangan natin mahabol si Kristle okay?Tsa-Oh shit."naputol yung sinasabi
ko dahil sa nakikita ko ngayon
"TRAFFIC?!"sabay na sigaw namin ni patricia
Pano ko pa siya hahabulin?
Ah alam ko na! Dali dali akong bumaba ng kotse at tumakbo ng napakabilis kelangan
ko siya mahabol. Kelangan ko siyang makita.
"HOY BRACE! TEKA LANG WAIT! ANO BA?!"sigaw ni patricia pero di ko na siya nilingon
patuloy lang ako sa pagtakbo.
Takbo lang ako ng takbo Kelangan ko siyang maabutan. Ayoko siyang mawala sakin.
Kristle's POV
"Ano ba naman yan beb! Aalis ka na! iiwan mo na kami!"mangiyak iyak na sabi ni Mafe
"Hehe, Ano ka ba naman mafe! Babalik ako noh?"sabi ko
"Siguraduhin mo yan! Madami pa kami sayo ipapaalala."sabi ni Joaquin sakin tumango
ako malapit na kaming umalis.
Sandali nalang tatawagin na kami. Nagpaalam na kami sa isa't isa. Mamimiss ko sila
kahit di ko sila maalala. Syempre kahit ilang weeks lang yun, Madami na din akong
nalaman tungkol sakanila.
Magaan naman pakiramdam ko sakanila kahit papaano eh.
Habang naguusap usap kami bigla nalang pumasok sa isip ko si Brace.
Totoo ba talaga na Boyfriend ko siya? Ano ba siya sa past ko? Meron ba kaming
nakaraan? Bat di siya nagpakita sakin?
Arghh, Naasar ako ang dami kong tanong na gusto kong masagot.
Maya maya tinawag na kami at aalis na.
"Lahh, Aalis na sila!"sabi ni Aira
"Hindi Aira, Babalik kami."sabi ni Graciella
"Loko ka talaga Graciella!"natatawa na sabi ko
"Magiingat kayo dun ha? Kristle?"sabi ni roselle
Oo, Nandito na din si roselle nakawheel chair nga lang siya. Kanina lang kami
nagusap. Nagulat nga ako kasi may sakit pala siya pero nagpumilit na pumunta dito
makita lang ako.
"Ingat kayo ah!"sabi nila
"Opo!"Sabi namin ni Graciella
"Oyy! Magtext kayo pag karating niyo!"sabi ni nash
"Guys, pakisabi nalang kay brace na umalis na ako ha?"sabi ko at yun na nga
naglakad na kami papalayo sakanila.
"Ready ka na couz na iwan itong pilipinas pansamantala?"tanong ni Graciella
"oo naman. Wala pa naman ako masyadong maalala eh. Dapat nga ikaw tinatanong ko
niyan eh."sabi ko
"Bukod sakanilang lahat, may mamimiss pa talaga ako."malungkot na sabi niya
"Sino? Si Grae?"pagkasabi ko nun tumingin agad itong babaitang ito.
"Pano mo alam?"
"Wag kang ano jan! May amnesia ako hindi problema sa mata noh!"
"Pano si Brace?"
"Ano bang meron kay Brace ha?"
"Ahh wala wala."
"Wala akong matandaan diba? Kaya pwede ikwento mo sakin?"
"Wala na yun, okay na. tara na? maiiwan pa tayo ng eroplano eh."
"Ahh sige na nga."
Tama ba na palagpasin ko na lang to? na hindi malaman kung ano ba talaga ang
kaugnayan ni Brace sakin? Kung bakit niya sinasabi na boyfriend ko siya?
Nakasakay na kami ng eroplano. Ilang taon din akong mawawala. Ilang taon ko din
itong di makikita.
Pero babalik ako.
At sa pag balik ko sisiguraduhin ko na masasagot na ang mga tanong ko.
Paalam muna Philippines,
Paalam muna sa mga barkada ko,
Paalam na din muna sayo Brace.
Brace POV
"TOL! Bat di mo siya hinabol?!"galit na tanong ni Nash
"Tol sayang yun eh! Kung alam lang namin na hahabulin mo siya edi sana pinigilan
muna namin sila!"sabi naman ni Nash
"Tol, Naalala niyo ba yung sinabi ni Tito?"tanong ko sabay inom ng alak
"Tol, Wag kang uminom pwede ba?"sabi ni Grae at kinuha ang bote na hawak hawak ko
Nasa bar kami ngayon, Eto ako umiinom.Gusto ko kalimutan nalang muna itong problema
ko. Kahit ngayon lang.
"Tol, Kung mahal mo talaga siya dat gagawa at gagawa ka ng paraan."sabi ni John
"Wag na tol. Di niya rin naman ako maalala eh."sabi ko sabay kuha ng isang bote ng
alak at uminom ulit.
"ANAK NG TUPA NAMAN TOL OO! Oo nga di niya tayo maalala! Pati ikaw di niya maalala
pero sana naman tol gumawa ka ng paraan para maalala ka niya diba? tol kahit ilang
linggo lang yun na kasama niya kami may mga nalaman din naman siya tungkol samin
eh. kung sana di ka nagkulong sa kwarto mo at sumama ka samin okay lang naman eh.
Edi sana hindi siya nagtatanong halos araw araw kung nasaan ka? bat di ka daw
kasama? Umayos ka naman tol oh!"sa sinabi ni Joaquin natauhan ako.
"Hinahanap niya ako?"
"OO! HINAHANAP KA NIYA! HALOS ARAW ARAW!"sabay sabay na sabi nila
Ang tanga ko, Sobrang tanga ko.
NAPAKA TANGA MO BRACE! PINAKAWALAN MO YUNG TAONG MAHAL MO.
Pano pa ako neto?
"Ang tanga ko, pinakawalan ko siya."sa sinabi ko na iyon di ko na napigilan pero
napaiyak nalang ako.
Kanina hinabol ko siya, Pero napaisip ako. Bat ko pa siya Hahabulin? Kung di niya
naman ako maalala?
Tsaka ang sabi ng magulang niya layuan ko na daw ang anak nila pansamantala.
Napapahamak na daw kasi siya simula nung maging kami eh.
Sa mga fans ko, Sa online pati fans inaaway siya, tas ngayon yung wala pa siya
maalala.
Nung maisip ko iyon, Umatras nalang ako at bumalik sa kotse ko. Hinatid ko na si
Patricia at dumiretso sa bar. Tinawagan ako ni joaquin kaya nila nalaman kung
nasaan ako.
Pero ang tanga ko eh. Kahit nagka-amnesia siya may naalala parin siyang Brace Henry
Arquiza na humalik sakanya sa ospital at nagpakilala bilang boyfriend niya.
Naguguluhan siguro kayo noh? Nagka-Amnesia tas naalala nya?
Tss. Ang gulo ng Mundo.
Eto na ba ang huling pagkikita namin?
Eto na rin ba yung huling paalam niya?
Please Lord, Wag naman sana.
"Alam ko na!"sabi ni grae kaya lahat kami napatingin sakanya.
"Ano?"sabay sabay na tanong namin
"pag may time tayo, Pupunta tayo ng Canada. Hahanapin natin sila Kristle."sabi ni
Grae
"Bakit pag may time?!"sabi ko
"Tol! Tandaan mo artista ka, madami ng projects, mallshows, at kung anu-ano pa. Pag
may nakuha tayong slot. Pupunta tayo ng canada. Susundan natin sila okay?"sabi ni
Joaquin
Tinapik ni Nash yung balikat ko "Tol, Wag ka mag-alala magiging okay din yan.
Balang araw makikita mo na din siya. Pansamantala, tiis ka muna."sabi ni nash
Pansamantala, Magtitiis muna ako.
Hintay ka lang Kristle magkikita din ulit tayo.
PANGA-KO-SAYO.
Di pa to yung huling paalam ko sayo. Mamahalin pa kita ng buong-buo.
Magkikita din tayo...
Balang Araw
___________________
Okayyy! Sorry kasi ang tagal ko talaga magupdate! pasensya na. Heheheh.
Oh? Magkahiwalay muna daw sila. Abangan niyo nalang next chapter guys. wala na
akong masabi. Anyways? Comment and Vote lavyahh! ;)

-AuthornamayBRACE

50
Brace POV
"Nak!! Bumaba ka na! Bilisan mo na may mallshow pa kayo! Malalate na tayo!"Sigaw ni
mama
"Opo ma! Eto na po!"sabi ko kinuha ko na yung shades ko at cap ko.
Dire-diretso akong bumaba ng hagdan namin sabay labas ng bahay at dire-diretso na
akong pumasok ng kotse.
"Ang bagal mo kuya."sabi ni sacha sakin
"Sorry na."sabi ko nalang pinaharurot na ni dada ang kotse.
Uminom muna ako ng coke kahit papaano.
"Wow, trending nanaman si ate kristle sa twitter."sabi ni sacha dahilan para mabuga
ko yung iniinom ko
Kristle.....
I already miss her.
"Ano ba naman yan Brace?!"reklamo ni kuya ian
"Sorry."sabi ko
"Bakit nga pala trending nanaman siya?"tanong ni kuya ed
"Release na kasi yung bago nilang album."sabi ni jeanne
"Ahhh."sabi ko nalang
"Bakit? Miss mo na siya nak noh?"sabi ni mama
"Sobra ma. Sobra"sabi ko sabay tingin sa malayo
3 taon na ang nakalipas pero yung pagmamahal ko sakanya hindi pa rin nagbabago.
Dahil sa dumami na ang mga
projects namin ng gimme 5 wala na kaming time para makapunta sa canada.
Sobrang miss na miss ko na siya.
"Nak, Alam mo ba na may ticket ako dito papuntang canada?"sabi ni mama dahilan para
magulat ako at mabuhayan ng loob
"Po?!"
"Pot, Alam namam namin na miss na miss mo na siya kaya kinuhaan ka na namin ng
ticket at pinaayos na namin yung sched. mo. Kayo ng barkada mo pupunta kayo ng
Canada."masayang sabi ni Dada
Kami?! Pupunta ng Canada?!
"Sigurado po ba kayo?!"tanong ko
"Oo, Eto na yung Passport mo pati na rin yung address nila Kristle. Susunduin nila
kayo dun."sabi ni Sacha
"Oh, magdiwang ka na kuya makikita mo na siya ulit!"masayang sabi ni cj
Ang saya ko. Makikita ko ulit siya
After 3 years.
Magkikita na ulit kami
Kristle's POV
"Okay! That's a wrap. Great job in recording guys. 30 mins. Break!"said Mr. Bailey
"Hey, Kristle. Kain muna tayo?"aya ni Gavrielle
Gavrielle Villamor The Leader Of The Group
"Sure Go ahead. Susunod ako."sabi ko
"C'mon Kristle Get Up!" sabi naman ni Julien
Julien Wilson my Friend also member of the group.
"Oo nga, Sige na Couz tayo na!"pagaaya nila sakin
"Oyy, Ate Julien! Ayos na yung gamit mo kanina?"sabi ni Danika
Danika Wilson sister of Julien also a actress pero di member ng group. Also my
Bestfriend. lahat naman sila close friends ko eh. Friendly ako eh.
"Let's Just Go. Nagugutom na ako eh!"pag-aaya ni Marille Lynne
Marille Lynne also member of the group one of my closest
"Okay fine."sabi ko at tumayo na
And Finally Me, Kristle Nolasco Also Member of the Group
What Group? Isa lang naman siyang Teen Sensation Girl Band Group Called
THE FAB 5.
Nabuo ang groupo namin a year ago. Guess what mga filipina kaming lahat. At etong
si Gavrielle ang nakaisip ng pangalan ng group namin.
Nagpeperform lang naman kami sa school when we were discovered at eto.
Naging sikat na kami.
Guess What? Si Danika,Julien at Gavrielle Kilala pala nila si Grae? Small World nga
naman kababata daw eh.
Speaking of Which, Kamusta na kaya sila sa Pinas?
Kamusta na kaya siya?
3 years have passed..
Sabi nila pupunta sila dito, Pero NO. Hindi sila bumisita. Sabi nila ang daming
projects and i totally understand
Pero, Hanggang ngayon my life is still INCOMPLETE.
Bukod sa wala akong maalala, Gusto ko makita si Brace.
I don't know why. Nung hinalikan niya ako nakaramdam ako na ang gaan gaan ng
pakiramdam ko sakanya. Nung hinalikan niya ako, feeling ko sasabog na yung puso ko
dahil sa lakas ng tibok.
I don't really know why. Pag naiisip ko siya pag nakikita ko pictures niya, This is
all i hear
~tug tug tug tug tug tug tug tug tug tug~
Di ko maintindihan itong nararamdaman ko. It feelis like, Matagal ko na talaga
siyang kilala.
Pero sabi ng papa ko, He was not my Boyfriend. He just made that up. Sabi naman ng
barkada ko totoo yun
So anong paniniwalaan ko? Papa ko o Barkada ko?
Pag gusto ko namang kausapin si brace nawawalan ako ng lakas ng loob. Urghh! And i
hate that! it suffocates me.
And i have to admit, Namimiss ko na siya. At Gusto ko siya maalala.
Atat na atat ako na maalala ko ang past ko, What am i supposed to do?!
Oh, nakalimutan ko nga din pala sabihin
Wala na si Roselle. She died a month ago. Akala namin mabubuhay siya dahil sa
inoperahan siya pero no, she didn't. Namatay siya dahil sa operation gusto naming
umuwi pero concert din namin nung araw na yun. Sobrang lungkot ni nash. Para siyang
nabagsakan ng langit at lupa. At syempre kaming lahat malungkot din. Kahit di ko
siya maalala, Di ko padin mapigilang umiyak. Kahit di ko siya maalala napamahal din
siya sakin at alam ko iyon.
And also, Kryzshel and Joaquin? Break na sila dahil sa simpleng selos and because
of that stupid witch na si Noemi.
Umalis na si Kryzshel at pumunta dito. Nag-stay din siya kinuwento ang lahat at
umalis na din at sabi na pupunta nalang siya ng California to be with her mom.
Nakakalungkot lang kaya ngayon parehas silang single sayang din yung 2 years nila.
Wow! Ang dami nangyari noh? Ang gimme 5 din sikat na sikat na. Madami na silang
Projects at mga offers na natatanggap.
Kaya nga wala na din silang time pumunta dito eh. Kami din wala na din time. Bakit?
Sikat din kasi ang Fab 5 at madami na din kaming projects at mga offers at iba pa
kaya wala na din kaming time.
I guess madami talaga nangyari sa 4 years.
"Earth to Kristle!"nagulat ako ng magsalita si julien
"You were saying?"
"Ang lalim ng iniisip mo malulunod na kami."sabi ni gav
"Tss. Whatever gav!"sabi ko sabay kagat ng donut
"miss mo na sila noh?"sabi ni graciella
"Sobra Graciella. Sobra."sabi ko
"aww, okay lang yan kristle. Hintay ka lang kasi malay mo dumating sila diba?"sabi
ni marille lynne
"Like that's gonna happen."sabay ko sabay sip ng iced coffee ko
"Malay mo lang naman eh!"sabi ni Gav
"Oh? PMS lang?"sabi ni danika
"Tsk. oyy, may taping ka pa alis na! malate ka pa eh!"pagtataboy ni gav
"Alam ko! alam mo ate, Ang bait mong kapatid eh noh?"sarkastikong sabi ni danika at
padabog na umalis
"Loveyoutoo!"natatawang sabi ni Gav at Kumaway pa na parang gaga
"Yowww!"muntik ko nang maibuga sa mukha ni Julien yung kape na iniinom ko dahil sa
dumating itong apat na to.
"Ayy Leche!"reklamo ni Gav umiinom din kasi siya ng mainit na kape tapos muntik ng
matapon
"Sorry."paumanhin nila
"Leche kayo, late nanaman!"sabi ni Marille Lynne
"Ito kasing si Fer, eh Bagal kumilos!"sabi naman ni DonC
"umayos nga kayo ano ba?"reklamo ko
"Sorry po mam."sabi ni elfer
Papakilala ko nga pala sainyo yung 4 na ugok naming kaibigan ng Fab 5.
Si Don Carlo Tabago nakilala namin dito sa Canada. Matalino din, late palagi,
mabait, at taken na.
Si Hans Casiver naman ewan ko ba dito. Di ko nga alam kung bakit ko yan naging
kaibigan wala eh. Hahahha. Mabait din naman siya, minsan nga lang mukhang gago.
Si Christian Fontamillas Lamces maypagka-baliw din na ewan. malakas din mangtrip.
Halos siya lagi napapagalitan sa klase, pero mabait din.
Si John Elfer Sacdal masasabi ko na matino pa kesa sa 3 niyang kaibigan. Mabait isa
din sa mga ka-close ko sakanilang apat.
Gwapo din sila, Katok nga lang pero masaya sila kasama. Lahat sila nakilala namin
ni Graciella sa Canada.
"Oh ano? Tara na? Hatid na namin kayo may recording pa kayo diba?"tanong ni
Christian
"Ahh sige sige tara."sabi ni Julien habang dala dala nanaman ang bag niya na halos
laman lahat ay Popficition books.
BOOKWORM BE LIKE.
*********************
Gavrielle's POV
"sige sige, Anong oras ba kayo susunduin?"tanong ko
[Ewan ko hahahaha. Basta pag nagland na yung airplane abangan niyo nalang kami.]
"Ano iisa isahin namin yung mga eroplanong darating? at sa tingin mo ba di kami
pagkakaguluhan?"
[Ehhh, Disguise kayo.]
"Bahala na nga. Okay sige sige."
[Kamusta mo ako kay nikay at graciella ah?]
"Di ba alam ni Graciella to?"
[Kayo lang nila Nikay ang nakakaalam. Sila Kristle at Graciella walang alam tungkol
dito na darating kami ng canada.]
"Ahhh. Idea nino?"
[Joaquin.]
"Okay sige ingat kayo sa byahe niyo?"
[Okayy. ingat din kayo.]
Binaba ko na yung telepono at humiga sa kama ko.
Nakalimutan ko nga palang magpakilala. Ako nga pala si Gavrielle Mharie Masbate
Villamor.
Leader ng Fab 5. Barkada kaming lahat.
Kababata ni Danika si Grae kaya naman Close na kami simula bata pa.
20 years old na ako. Tanda ko na noh? Pero maganda pa din ako. huehue
May Boyfriend na din ako. Wala eh, Maganda kasi ako. ♥
Pangalan ng Boyfriend ko Edward Tejada Quijano.
Okayyy So, Tapos na ako magpakilala.
Pero sa totoo, Masaya ako na magkikita kita ulit sila.
After 3 Years..
Magiiba na ulit ang ikot ng storya at mundo nila.
At Masaya ako sa kalalabasan nun.
****************
Brace POV
"Nak, Magiingat ka dun ah!"payo sakin ni mama
"Kuya, Kung kelangan mo ng tulong tawagan mo lang kami."sabi ni Sacha
"Bro, Magiingat kayo dun."Sabi ni Kuya Ian
"At Tol, Sana naman ingatan mo na din si Kristle na maalala na niya lahat wag mo na
pakawalan."sabi ni kuya ed
"Oo nga kuya, naalala mo yung dati may gusto manligaw sakanya pero binusted
niya."sabi naman ni Cj
"Kasi kahit nabura lahay ng alaala niya pot, Sa puso niya brace ang tinitibok nuon
okay ba?"sabi ni Dada habang nakathumbs up
Niyakap ko silang lahat mamimiss ko sila sobra sobra.
"Opo susundin ko po lahat mg utos niyo."nakangiting sabi ko
Ilangang segundo eh, Tinawag na kami at aalis na daw. Kailangan na namin magpaalam
sakanila.
"Oyy! bro, yung payo namin!"pahabol ni kuya ed
"oo na! Sige ingat kayo!"sabi ko habang kumakaway sakanila.
"Tara na tol?Let's Welcome Canada na!"sabi ni Grae habang nakahawak sa kamay ni
Mafe
"Oyy! Mamaya pag nakatulog ka para di sumakit yang likod mo patong mo nalang ulo mo
sakin."sabi ni nash kay aira
"Opo!"sabi naman ni aira
Ewan ko ba dito kay aira at nash, Alam naman namin ng tropa na gusto ni aira si
nash eh si nash kaya? Siguro di pa siya naka move on kay Roselle.
Pero buti naman kahit papaano nakikita pa namin na ngumingiti si nash dahil kay
aira minsan din dahil kay alexa.
Pero si Kristle...
Di na ako makapaghintay na makita siya. Miss na miss ko na siya.
Kailangan ko siyang tulungan, Kailangan maalala na niya yung lahat. Dahil gustong
gusto ko na bumalik na kami sa dati yung walang problema.
Di ko na to palalagpasin, Di na ako magiging katulad ng dati na naging duwag at
hinayaan siyang umalis..
Mahal ko siya at ipaglalaban ko siya.
At alam ko sa puso't isipan ko siya na ang mamahalin ko at pakakasalan ko. At di ko
hahayaan na mawalay pa ako sakanya at siya mawalay sakin katulad ng paghihiwalay
namin ng 3 taon.
Maghihintay ako kahit gaano katagal maalala mo lang ang lahat. Maalala mo lang ang
lahat.
Maalala mo lang talaga Kristle.

51
Mafe's POV
3 years...
At ngayon..
Ngayon ang ANNIVERSARY namin.
1year na kami ni Grae.
At ngayon na nakarating na kami ng barkada sa canada.
"Baby, gising na.."paggigising ko kay Grae tulog pa kasi siya eh malapit na magland
yung plane na sinasakyan namin.
"Hmm?" inaantok na sabi niya
"Baby, Gising ka na."sabi ko
Pero di siya sumagot
"Baby.."
Ano ba yan? Antok na antok talaga itong boyfriend ko na to'.
"Baby?"tanong ko pero wala siyang kibo kaya nilapitan ko yung mukha niya tinignan
ko siya ng maige.
Ang gwapo pala talaga niya. Lord, thank you po binigyan niyo ako ng pag-asa na
maging kami ulit.
"Ganun na ba ako ka-gwapo para titigan mo ng ganyan katagal?"bigla naman akong
nagulat ng bigla siyang magsalita

"Kapal mo!"
"Hahaahaha, Goodmorning Baby."sabi niya sabay hinalikan ako ng mabilis sa labi.
"Namumula ka nanaman baby?"tanong niya
"Tsk. Tumigil ka nga."sabi ko
"Ang cute mo baby."
Nga pala, Di niya pa ako binabati ah?
"Baby, Wala ka bang naalala ngayon?"
"Hah? Ano bang meron ngayon baby?"tanong niya napatingin ako bigla sakanya ng hindi
makapaniwala.
Seryoso ba siya?!
"Baby? seryoso ka ba?"
"Oo naman baby. Ano bang meron?"
"Wahhh, Baby naman eh! Wag ka ngang nagbibiro!"pagmamaktol ko
"Hahahahha. Happy 1st Anniversary Baby! Ang Cute mo talaga!"aniya
"Akala ko naman nakalimutan mo na baby."
"Hahahahhahaha, ako? Makalimutan? Wag ka ngang magjoke baby."sabi niya
"I love you Grae."sabi ko at hinalikan siya sa labi.
Mahal na mahal ko itong lalaki na ito.
"Ehemm."lumayo ako kay grae at napansin ko si Joaquin
"Para sabihin ko sainyo nasa Canada na tayo. Nakaland na ang eroplano kaya tara
na."sabi ni joaquin at sinuot na ang shades niya
Nagkatinginan kami ni Grae.
"Bitter be like."sabay naming sabi at nagsimula ng maglakad.
Brace POV
Sa wakas, nasa canada na din kami.
Sa wakas, makikita ko ulit siya.
Naglalakad na kami dala dala yung mga gamit namin ng biglang kumaway si Grae.
"Ayun na sila oh!"pagtuturo ni aira
Linapitan namin sila napansin ko na Gavrielle at Danika.
Walang alam sila Graciella at Kristle dito.

"Nasaan na yung dalawa?"tanong ni John


"Nasa Mall, Sinamahan sila ni Marille Lynne at Julien. Magkitakita tayo sa
restaurant nila Gav okay ba?"sabi naman ni Danika
"Bakit san kayo pupunta?"tanong ko
"Wala sasamahan namin kayo sa Resto. Magkikita kita tayo nila Kristle sa Resto.
Nakahanda na din yung surprise niyo para sakanila."sabi ni Gav
"Ahhhh."sabay sabay na sabi namin
"Tara na?"aya ni Danika tumango kami at dumiretso na sa kotse. Pero bago kami
makarating sa may parking dinumuog kami ng Fans.
Grabe, Kahit pala dito sikat na kami?
Nang matapos na iyon, Dumiretso na kami at sumakay na sa may kotse.
"Grabe, Kung dinudumog ang Grupo namin pano pa kaya pag kasama pa kayo?"sabi ni gav
sabay tanggal ng shades
"I'll drive."maikling sabi ni joaquin
"Alam mo ba yung way?"tanong ni danika
"No. So tell me."
"Tsk. Sungit"
"Just show me the way."
"Edi okay."
Pinaharurot na ni Joaquin yung kotse. As usual, Ang sweet ni Mafe at Grae pati si
Nash at Aira.
Kinakbhan ako na excited. Gusto ko ba talaga siyang makita. Gustong gusto.
Siya kaya magugustuhan niya kaya na makita ako? Nung ginawa kong di pag papakita
sakanya? Magagalit kaya siya?
At siya na din ang mang-iwan sakin? Lord, Sana wag. Takot lang naman ako nung araw
na iyon.
Sana Lord, Wag siya sakin magalit.
Kristle's POV
"Hoy!"sabi ko sa dalwang kasama namin ni graciella kanina pa kasi kalikot ng
kalikot ng cellphone nila.
Nakakaasar ha?
"Ha?"sabay pa na tanong nila
"Ano ba yang pinagkakaabalahan ninyo?"tanong naman ni graciella sabay sip ng iced
coffee niya.
"Wala naman a-ano lang nagtext kasi si gav. Pudsy naman wag ka ngang ano jan!"sabi
naman ni Pengs si Julien yon.
"Oo n-nga naman relax lang kayo."sabi naman nila magsasalita pa sana kami ng may
bigla tumawag sakanila at sabay pa silang lumabas at may kinauasap sa telepono.
Nagkatinginan nalang kami ni Graciella
"Ano bang meron?"tanong ni Graciella i just shrugged.
Nagtataka nga din ako. Ano nga bang meron?
*************
Mahigit 30 minutes na kami dito ni Graciella sa parking lot nag-aantay sakanila
pero walanjo!
Wala pa rin sila!!! Nakakainiss naman asan ba sila?
"Ms.Kristle and Ms. Graciella?"tanong ni Kuya Eric yung Driver namin ng Fab 5.
"Yes? What seems to be the problem kuya?"tanong ko
"Si Ms.Marille Lynne and Ms.Julien po kasi sabi nila Mauna na daw po tayo."sabi
niya
"Kuya Wag niyo na kami i-Ms. Call us by our names okay?"sabi ko
"Okay."sabi naman ni kuya eric
"Urghhh. Ano bang meron ngayon? Okay lang ba sila? Dapat tayong Fab 5
nagshoshopping ngayon diba? Nakasanayan na natin to. Nakakainiss naman sila eh.
Let's just go kuya eric take us home."sabi ni graciella pumasok na ng kotse si Kuya
Eric at nagsimula ng mag-drive
Habang Nagdridrive si kuya eric napansin ko na mali yung direksyon na dinadaanan
namin.
"Ahh? Kuya Eric mali po ito. Papunta po ito sa restau-"naputol ang sasabihin ko ng
may makita kami ni Graciella na Fireworks galing sa likod ng restaurant nila Gav.
Nakalagay pa naman sa Fireworks
"I LOVE YOU."
Para kanino yun? Ayy? Baka pakulo ni Edward para kay Gav.
Ng Tinitigan ko yun bigla akong napahawak sa ulo ko. Bigla kasi siyang sumakit.
Parang may nagflaflashback sa utak ko na ewan. Blurred siya di ko makita ng maayos.
"Couz, Okay ka lang?"nagaalala na tanong ni graciella
"I'm Okay."sabi ko habang nakapikit
"Okay. Kuya, Bat tayo nandito?"tanong ni Graciella
"Sabi po kasi ni Ms. Gavrielle dito daw po kayo dalhin. Sinunod ko lang po
sila."sabi naman ni Kuya
"Kuya sabi ko sainyo wag niyo na kaming ganyanin. Call us by our names wag na may
Ms."sabi ko
"Ahh okay, Kristle "sabi ni kuya eric
Bumaba na kami ng kotse at pumasok sa restaurant. Napansin namin na nakapatay ang
mga ilaw.
"Graciella?"tanong ko
"Graciella?"pagtatawag ko
"Asan ka ba? Di maga-AHHH!"sigaw ko bigla kasing may tumakip ng mga mata ko
nanginginig na ako sobrang bilis na ng tibok ng puso ko.
Lord, KIDNAPPER BA TO'?
Napansin ko na pinaupo nila ako sa isang upuan.
Nakakatakot. Buong katawan ko nanginginig.
Naramdaman ko na may humawak ng kamay ko at may nagbigay saakin ng bouquet of
roses? Ha?
Sigurado ba ako dito? Inamoy ko siya at tama nga ako.
Bulaklak nga.
Unti unti akong nakarinig ng footsteps at naramdaman ko na unti unti iyon lumalapit
papunta saakin.
JUSKO MARIMAR! Ano ba ito?
Nakarinig ako ng pagstrum ng guitar.
~ Hey Girl simula nung makilala ka, 'Di maipaliwanag sa sarili mundo ko ay nag-iba
~
Yung Kantang yun. Pamilyar na pamilyar.
Parang Lagi ko na siyang naririnig.
~ Hey girl simula nung makilala ka, Ang araw araw maganda, Napuno ng kulay at saya.
Kaya salamat sa'yo, Ang puso ko'y iyo lamang sana wag kang malito, Dahil hindi ako
nagbibiro.
Hey Girl~
Yung Boses na iyon, Hindi ako nagkakamali. Siya Ba talaga yan?
Sila ba talaga yan? Lagi ko silang naririnig sa radio.
~ Hey Girl ikaw lang ang aking iniibig, Sa
pagpikit at sa pagmulat ng mata, Ikaw
ang nasa isip, Hey Girl pinapangako ko
sa'yo, Na ikaw lang ang nilalaman, Ng
puso kong ito, Sana Maniwala ka, At'
wag magtataka kung bakit ako, Ganito~
Lumapit siya saakin at hinawakan ang kamay ko. Inilapit niya ako sakanya at
niyakap.
Siya Ba Talaga ito?
~Hey girl hindi mo ba napapansin, Na
ako'y may tinatago na lihim na
pagtingin? Hey Girl hindi mo lang alam
kung gaano, mo pinapakilig ang puso kong ito~
Gusto ko ng tanggalin ang piring sa mata ko para malaman ko kung sila nga ba ito o
hindi pero nakahawak kasi yung isa niyang kamay sa isa kong kamay.
May dala dala din akong bouquet of roses that's why.
~ Kaya salamat sinta, Ang puso ko'y
sayo lamang, Sana wag kang malito,
Dahil hindi ako nagbibiro.
(Repeat Chorus)~
Niyakap niya ako ng mahigpit.
At sa yakap na iyon, Nakaramdam ako ng pagbilis ng tibok ng puso ko. At naramdaman
ko din ang bilis ng tibok ng puso niya.
Parang ang gaan ng loob ko sakanya. Hindi ko masabi kung bakit, Baka totoo nga.
Baka totoo na matagal ko ng siyang kilala? Pero paano kung hindi talaga?
Ang gulo pa rin.
~Simula nung makilala ka, Di
maipaliwanag sa sarili mundo ko ay
nag-iba, Hindi mo ba napapansin, Na
ako'y may tinatago na lihim na
pagtingin sa'yo
Hey Girl ikaw lang ang aking iniibig, sa
pagpikit at sa pagmulat ng mata ikaw
ang nasa isip ko!
(Repeat Chorus twice )~
Pagkatapos nilang kumanta unti unti niyang tinaggal ang piring sa mata ko and there
i saw him.
Staring at me and smiling widely.
I saw his dimple.
Nakita ko din ang Gimme 5 pati narin ang Fab 5 si Graciella na may hawak na roses
at malungkot? Sila Aira at Mafe.
At siya ulit.
I still can't believe this we meet again.
We actually meet again.
"Hi Patchi."
Ng sabihin niya iyon, Napahawak ako sa ulo ko. Ito yung naramdaman ko kanina. Pero
mas masakit ito.
"AHHHH!"sigaw ko nakita ko sa mga mukha nila ang sobrang pag-aalala lalo na si
Brace.
"Kristle! Anong nangyayari sayo?"nagaalala na tanong ni Brace
"Kanina nangyari din yan sakanya."sabi ni graciella
"tumawag kayo ambulance bilis!"sabi naman ni Gav
Sobra sakit may nagflaflashback nanaman sa utak ko. Blurred siya, Ang nakikita ko
lang bata na may hawak hawak na panyo.
Hindi ko masyado makita yung mukha nung bata.
Ang sakit ng ulo ko.
Bigla nalang akong natumba at unti unting nagdilim ang paningin ko.
_______________________________
Song for this Chapter : Hey Girl by Gimme 5
Wow! Nagkita na ulit sila. Ano na kayang mangyayari sa love story nila?
Eh pano na si Graciella? Pano na sila ni Grae? Pano pa kaya pag nalaman ni Grae na
nahulog na sakanya si Graciella?
Hi Guys! kumusta kayo? Ako, As usual ang bagal mag update. Sorry naa! Kilala niyo
naman na ako diba?
Sino pumunta ng baguio? Masaya ba? Enjoy kayo! :* Ayan, Sana magustuhan niyo update
ko. pasensya na pala di ako nagpopost ng photos and videos. Pag tapos ko na fallen
mag lalagay ako. hahahh nakakatamad eh.
Ayan COMMENT AND VOTE LABYAA! :*
-AuthornamayBRACE
twitter account
@KristleArquiza Followmeee!
@kristle_mieko

52
Kristle's POV
Nagising ako at napansin ko na hindi ko agad kwarto ito hindi ko makapa yung aso ko
na si Mochi eh.
Agad akong napabangon nang mapansin ko na may nakahawak sa kamay ko.
Nakita ko si Brace nakatulog sa may gilid.
Biglang lumakas si puso, Napakalakas
Ano bang meron sa Brace na to'? Nung nakita ko siya kanina, Sobrang lakas ng
Heartbeat ko. Tapos para bang namiss ko siya?
Namiss ko na ba talaga siya?
Napangiti ako. Tumingin ako sa paligid at si Brace lang pala at ako ang nandito sa
kwarto. Asan yung Barkada?
"Gising ka na pala."sabi niya dahilan para magulat ako.
"Ano ba yan? Papatayin mo ba ako sa gulat?"sabi ko naman
"Hahaha sorry. Okay ka na ba?"tanong niya naman
"Oo hahahaha, Pasensya na pinagalala pa kita. Hinintay mo pa akong magising."sabi
ko sabay yuko
"Okay lang yun, Pahinga ka muna ha?"sabi niya
"Ha? Eh kakapahinga ko lang. Ikaw naman magpahinga."sabi ko
"Ha? Wag-"
"Sige na. Ako naman magbabantay sayo."sabi ko tumayo ako dahil kanina nakahiga ako.
Hinila ko siya at pinahiga sa sofa.
Wag kayong magisip ng kung anu-ano.
"Diyan ka na muna. Babantayan kita. Galing ka sa byahe diba? Matulog ka na
muna."sabi ko tatayo na sana ako ng hawakan niya ako sa braso para pigilan.
"Akala ko ba babantayan mo ako? Bat aalis ka?"
"Sabi ko nga, Dito lang ako."umupo ako sa may sofa at nagulat ako ng pinatong niya
yung ulo niya sa lap ko at pinikit na niya ang mga mata niya.
Di ko alam pero parang ayaw na matanggal ng mata ko sa mukha niya. Gusto ko lang
siyang titigan.
Ang titigan siya ng titigan.
Ang gwapo niya myghad, Ang puti. Kung ikukumpara ko siya Three Years ago.
Mas lalo siyang nagmature at naging gwapo. Tumangkad na din siya.
Hinawi ko ang buhok niya. Ang bilis ng tibok ng puso ko.
Speaking of Puso ano na kayang ginagawa ni Heart?
Graciella's POV
"Heart, wag ka na kasing ganyan."sabi naman ni marille lynne
"Oo nga, Mukha kang gago."sabi ni danika sabay kagat ng chips
"Sus. Kita mo lang si joaquin kanina eh."natatawang sabi ni Gav
"Ulol! Ang kapal ng mukha nun. May itsura nga mukha namang gago. Ang sungit
sungit."sabi naman ni danika
ANG SAYA SAYA NAMAN NILA. HABANG AKO ETO NAGLULUKSA.
Sila na pala :(
"Heart kasi wag ka nang umiyak."pagtatahan ni Julien
"Bat di ako iiyak? Eh sila na pala di manlang niya sinabi! ANNIVERSARY PA
NILA!"umiiyak na sabi ko sabay kuha ng tissue
"Hayy Heart."sabi ni Julien
Hayst! Buhay nga naman life :'(
Bakit kailangan ko pa kasi ma-FALL sa isang GRAE CAMERON FERNANDEZ!? </3 Ang sakit
sakit :'(
"Uy, Maglalakad-lakad lang muna ako ah?" Sabi ko sakanila
"Sure ka bang okay ka lang Heart?" Nag-aalalang tanong ni Gav
"I'm fine, gusto ko lang magpahangin." Sabi ko sabay alis.
Pumunta ako sa nearest playground na alam ko, I've been here for like 3 years?!
Hanggang ngayon , di ko pa din siya nakakalimutan :'( Ganun ba talaga pag IN-
LOVE ?!
hayst! Buhay nga naman ng umaasa, punta na nga lang ako ng Studio .
*********************
Nasa studio na ako ano naman gagawin ko dito?
I'll sing na nga lang pampabawas Stress
:'3 ..
(Little Do You Know-Alex And Sierra)
~Little do you know how I'm breaking while you fall asleep.
Little do you know I'm still haunted by the memories .
Little do you know I'm tryin' to pick myself up piece by piece.
Little do you know I need a little more time.
Underneath it all, I'm held captive by the hole inside
I've been holding back for the fear that you might change your mind
I'm ready to forgive you, But forgetting is a harder fight
Little do you know i need a little more time~
Ayan na naiiyak nanaman ako, Traydor itong mga luha na to' Kaasar! :(
Lalabas na nga lang ako Pupunta ng park, Gulo ko noh?
Naglalakad lakad ako ng may nakita akong isang pamilyar na lalake na nakaupo sa
swing.
That sends me some fireworks.
Siya..
Nandito siya
Tumayo siya at napansin niya na nandito ako kaya nilapitan niya ako, Ngumiti siya.
Yung mga ngiti niya.
"Oh? Baka matunaw na ako sa titig mo na yan."sabi niya sabay tawa
Eto nanaman itong puso ko, Sasabog na sa sobrang kaba. Bigla nalang akong yumuko.
"Uy, kinakausap kita Heart." Sabi niya
"Bat ka pa bumalik?" Sabi ko
"Diba nga matagal nang hindi nagkikita si--" Sabi niya
"I mean, bakit kailangan mo pa bumalik sa BUHAY KO?! GRAE hinintay kita! Pero ano?!
Malalaman ko nalang na kayo na ni Mafe?! UMASA ako! Nagpaka-tanga ako Grae , nang
dahil sayo! At oo inaamin ko GUSTO KITA GRAE! Oo, Siguro nga may contrata tayo na
after two months, Pero di mo manlang ba napansin?"Pag putol ko sakanya , habang
umiiyak .
"Graciella alam mo naman na gi-"
"Oo! Oo alam ko na ginawa natin to para kay mafe, Para pagselosin siya. Napaka-
tanga ko bwisit! Bat kasi sayo pa?! Sayo pa na alam kong di pwede. 3 years na
nakalipas Grae! Simula noong umalis ako gusto na kita! Sana sinabi mo nalang sakin
agad agad na kayo na! Hindi yung aasa ako! Malalaman ko nalang kayo na?! At
anniversary niyo pa?! Sinurprise mo ako nung araw na pagdating niyo? Haha, Oo!
Sobrang nasurprise ako! SOBRA!"patuloy na umiiyak na sabi ko
"Graciella i'm sorry."nakayuko niyang sabi
"Bat ka nagsosorry? Ako yung umasa diba? At yung sweet moments natin at yung first
kiss ko na nakuha mo, Lahat lang yun palabas. Palabas para pagselosin yung taong
mahal mo. Yun naman talaga yun eh, Ako lang naman kasi yung kaibigan mo. Na
nagmamahal sayo. Hindi ka naman paasa eh, Kasi lahat nga ng yun palabas Kaya walang
meaning yun para sayo. Pero, Grae para saakin meron. Kasi nga Gusto na kita, MAHAL
NA KITA!"pagtatapat ko
Ang sakit fre! </3 putspa naman itong feelings ko eh, bat kailangan pa maging
complicated :'3 ..
"Sobrang sakit Grae." Sabi ko habang umiiyak
"Heart, Sorry talaga." Sinabi niya habang nakayuko pa rin
"Okay lang Grae, masasanay at masasanay naman ako." Sabi ko , putspa tong luha ko!
traydor ampts! :'(
Nagsimula na akong maglakad papalayo.
"Heart saglit."hinawakan niya ako sa braso dahilan para maiyak pa ako ng sobra.
Tinanggal ko yung pagkakahawak niya at humarap sakanya.
"Tama na.."
"Heart.."
"Grae ano ba?! Tama na! Ayoko na umasa! May mahal ka ng iba diba?! Kaya pwede! Iwas
na muna! Awat na! TIME-OUT NA MUNA!"sigaw ko at tumakbo ako ng tumakbo di ko alam
kung saan ako pupunta pero ang gusto ko lang ang maka-iwas sakanya.
Masyado ng masakit.
Yung magmamahal ako ng taong, Hindi ako kayang mahalin.
Masakit talaga yun eh, Yung magmumukha kang tanga.
Bat kasi di ko napansin yun?! Naguusap usap naman kami sa Skype ha? Pero bat di ko
napansin yun?
Ano nililihim nila?! ABA P*TA!
Tapos eto naman ako, Mukhang gago. Umaasa.
Ang sakit sobra para bang sinasak sak ako ng paulit ulit.
Napansin ko na bigla akong dinala ng mga paa ko sa isang fountain na may bench.
Mukha na siyang luma may mga street lights din naman. Umupo muna ako sa bench at
nagpahinga.
Di ko parin mapigilang hindi umiyak.
Ang sakit ng nararamdaman ko ngayon.
Umasa ako, Pinaglihiman niya ako, Nagmukha akong tanga.
It Feels like I'm Falling to pieces.
"You Okay?"napatingin ako sa nagsalita and then one thing i know inabutan niya ako
ng panyo.
"I'm okay."sabi ko kinuha ko ang panyo sakanya at pinunasan ko ang luha ko.
"Broken or something?"
"Broken."malungkot na sabi ko
"Hush now. Stop crying, Masama yan."napatingin ako sakanya
"Fi-"
"Yep Filipino ako. Hi Graciella! RE by the way."sabay niya sabay abot ng kamay para
makipagshake hands.
"Kilala mo ako?"
"Sinong hindi makakakilala sayo eh Miyembro ka ng FAB 5."nakangiti na sabi niya
Gwapo siya, Maputi at matangkad.
"RE lang talaga pangalan mo?"
"Yep. Parang sunod sa R E."
"Ha? Gulo."
"Hahahhahaha Basta yun na yun."sabi niya
"Uuwi na ako ha? Nice meeting you."sabi ko tatayo na sana ako ng hawakan niya ako
sa braso.
"Delikado na, Gabi na. I'll take you home."sabi niya
"Alam mo ba bahay ko?"
"Show me the way."
"Okay."sabi ko
Nagsimula na kaming maglakad.
Nagkwentuhan din kami kahit papaano. Fan na fan pala kasi yung kapatid niya ng Fab
5 kaya kilala niya ako. He is a photographer at 20 years old na pala siya. 19 ako
eh.
Di ko parin maiwasan na isipin si Grae. Hayy, Bahala na nga hahayaan ko na muna
iyon.
Hahayaan ko na lang muna na masaktan ako ng todo.
Kasi yung naman talaga eh
First place nag mukha akong tanga.
Pero wala na eh nakapagtapat na ako.
Yun na nga din nakapagtapat nga ako wrong timing naman. Anniversary pa nila.
BAD GRACIELLA BAD.
Urghh! Lord! Bat kelangan complicated ang lahat?!
________________________________________
Song For this Chapter :Little do you know
Guys pabasa ng bagong kong story:
-THAT THING CALLED FOREVER? (Hype Five Fanfic Story)
THANK YOUU! :*
COMMENT AND VOTE LABYAA ;)
-AuthornamayBRACE

FOREVER AKONG PANGEEEEEEEET! TANDAAN NIYO YAN!


PANGIT AKO!!!!!!!!!!! HINDI AKO MAGANDA KUNDI PANGEET

53
Joaquin's POV
Nagising ako ng madaling araw ng nakaramdam ako ng pag-ihi.
It's been 2 years..
2 years na kaming hindi nagkikita ni Kryzshel.
Bat kasi ng dahil sa simpleng selos mauuwi sa hiwalayan. Nakakagago naman eh.
Tapos iiwan niya ako?
Pagkatapos ko umihi lumabas na ako ng Cr nagbihis ako at nagcoat sabay pumunta sa
labas ng Apartment namin at nagpahangin.
Tulog pa naman sila Brace kaya naisipan ko lumabas ng apartment at maglakad lakad.
Nakakaasar din yung babaeng yun kanina, Yung Danika masyadong masungit.
Nagoffer lang naman ako na ako na magdrdrive tapos yung sa direction biglang..
Ay ewan ko ba, Mga babae kadalasan di ko maintindihan. Nakakabagot.
"HOY!"muntik na malaglag ang puso ko ng may manggulat saakin.
Lumingon ako at nakita ko si Danika.
"Ang aga pa ah? Bat nandito ka na?"tanong ko
"Baliw! Baka malapit lang dito yung bahay namin sa apartment niyo."sabi niya naman
"Okay. Bat ba ang aga mo maglakad lakad delikado ano ba."
"Mas okay kasi kung maglalakad lakad ako ng ganitong oras. Walang cameras at
paparazzi."
"Tsk. Di ka pa nasanay."sabi ko
"Alam mo ang antipatiko mo."sabi niya naman.
Naglakad lakad na kaming dalawa ng sabay at nagusap.
"Alam mo ba."
"Di ko pa alam."sabi niya naman at tumawa siya.
-_- Haha!
"Basag ka noh?"sabi niya naman
"Basag? Gripo ba ako?"
"Bobo! Salamin yun! May nakita ka na bang nabasag na gripo?"natatawang sabi niya
"Tsk."
Lakas din ng trip neto eh.
Danika's POV
HAHAHHHAHAHA
Di ko alam kung ano bang sasabihin ko. Basag siya eh.
Gripo daw? Tangna galing neto magjoke.
Tawa ako ng tawa . Naglalakad kami ni Joaquin malamang alangan naman gumapang haha.
Hindi namin napansin napadpad na pala kaming Starbucks.
"Tara Joaquin kape tayo hindi pa naman ako nag aalmusal eh " sabi ko habang hila
hila siya nakihila naman siya.
Starbucks*
Nasa loob na kami. Nag hahanap ako ng mauupuan habang siya naman nag oorder ng
coffee namin . Mabilis naman ako nakahanap ng mauupuan na for two. Pinag titinginan
ako ng tao sana hindi nila ako makilala kasi naka salamin naman ako at cap ehh .
Dumating na siya habang hawak hawak ang tray na may coffee na dala.
"Eto na Coffee mo" nakangiti ang loko.
"Thank you " labas sa ilong kong sabi.
Habang umiinom kami ng coffee ay ang daming nakatingin samin.
"Ahmm Joaquin kilala ba ako sa suot ko ??" maayos kong sabi
"Oo panget ka naman eh bakit akala mo ang ganda mo? haha." naasar naman ako kaya
inirapan ko siya nilabas ko nalang yung salamin ko sa bag. Tinignan ko yung mukha
ko maganda naman ako ah!! Ito ba ang panget tss bulag lang siya .
"Tsk. Ikaw, Kala mo din ang gwapo mo."
"Ako? Di gwapo? Aga mo magbiro."
"ako pa maaga magbiro?"
"Oo. Gwapo ko kaya."pagmamayabang na sabi pa nito
"KAPAL."
Naubos ko na ang coffee ko at tumayo na ako.
"Oh san ka pupunta?"
"Aalis na. Pake mo ba? Thanks sa treat mo! Kita nalang tayo antipatiko bye!"sabi ko
at nagmadali ng umalis.
"HOY! DI YUN LIBRE! BABAYARAN MO AKO!"narinig ko na sabi niya pero di ko na siya
nilingon
Nakakaewan din yun eh noh. Gwapo sana masungit naman.
Nash's POV
Ngayon, Ngayon na ang araw para magprepare.
Wala na akong papalampasin, Nawala na dati ang isa sa pinakamahalaga na tao sa
buhay ko.
Pero itong isang ito, Di ko na siya pakakawalan pa.
Sa araw na to, Wala na akong palalampasin at didiretsuhin ko na siya.
Roselle, Siya na nga ba talaga yung para saakin?
~Flashback
Nasa tabi kami ng lake ngayong Dalawa. Pinasyal ko siya dito para magpahangin siya.
Tinitigan ko lang ang mukha niya na maputla pero kahit ganon, Ang ganda niya parin.
Nakatitig lang ako sakanya habang nakangiti.
"Why are you staring me like that?"
"Wala lang, Masama ba?"
"No."
"Ang ganda mo."
"Bolero!"
"Totoo naman eh."
"Nash, May tanong ako."
"Ano naman yun?"
"Kung sakali na hindi ako yung THE ONE mo. Please pag nahanap mo na siya, Wag mo na
siyang pakawalan. Wag mo siyang iwanan and please, Take care of her."sabi niya
naman
Ano bang pinagsasabi niya?
"Di ko maintindihan, Ano bang pinagsasabi mo?"
"Nash, Alam mo na hindi na ako magtatagal. Malay mo sa isang hidlap mawala nalang
ako ng tuluyan."sabi niya at ngumiti siya yung alam ko naman na peke.
"Ano? Ano bang pinagsasabi mo Roselle? Di ka mawawala okay? Pagkatapos ng operasyon
alam ko na magiging okay ka. Mabubuhay ka okay?"sabi ko di ko mapigilan na hindi
umiyak.
Bat niya ba kailangan sabihin to'?
"Nash."sabi niya at hinawakan niya ang magkabilang pisnge ko, Pinunasan niya ang
luha ko.
Tinitigan ko siya at hinalikan ko siya sa labi. Naiintindihan ko, Naiintindihan ko
na baka nga sa isang hidlap mawala na siya saakin.
At baka hindi ko na ito magawa ulit. Humiwalay na siya at niyakap ako.
"Alam ko na naiintindihan mo ako nash. Sana naman matanggap mo yun. Alam mo na
critical na ang stage ko. At baka di pa ako ma-save ng operasyon. Pero kung
mangyari man iyon, Nash yung bilin ko sayo ha? Ingatan mo yung para sayo. Yung
pamilya mo, At yung mamahalin mo ng buong buo. Mamahalin mo ng buong puso. Nash,
Alam ko na hindi ako yan. Siguro oo, Mahal mo pa ako ngayon. Pero ngayon lang, Nash
alagaan mo yung mga taong nandyan lagi para saiyo. Lalo na si Aira, Nash, Lalong
lalo na siya. Wag mo siyang pababayaan. Alam mo ba na napansin ko na, Siya yung
laging nandyan para saiyo? Nash, Tandaan mo to' wag mo siyang pababayaan, Ingatan
mo siya. Kung pwede lang, Mahalin mo na siya. Para mo nang awa." sa sinabi niya mas
lalo akong naiyak.
"Di totoo yan, Di ka mawawala. Mabubuhay ka, Magiging okay ang lahat. Okay? Nangako
ka diba? Magpapagaling ka?"sabi ko naman
"Nash, Pl-"bigla nalang siyang nanghina at nawalan ng malay. Bigla akong nataranta
at kinabhan binuhat ko agad siya at dinala sa kotse ko.
Lord, Wag ngayon.
Mahal ko siya Lord.
Ayoko siyang mawala.
Maya maya Nandito na kami sa Ospital. Kinakabhan na ako sobra na. Ayoko siyang
mawala lord. Nandito na din sila Joaquin at Ang Parents ni Roselle. Ano ng gagawin
ko?
Lord, Please wag ngayon.
Nandito na kami sa labas ng ER. Nagaantay na ng resulta tungkol sa operation.
Eto ako nagaabang sa resulta. Namalayan ko nalang na may tumulong likido sa mata
ko.
Ayoko siyang mawala. Wag ngayon.
Mahal na mahal ko siya, Please wag.
Naisipan ko muna na dumaan sa Chapel.
Lumuhod ako at nagdasal. Nagdasal na sana wag siyang mawala saakin.
"Lord naman, Please wag siya. Wag po siya. Nagmamakaawa po ako, Sobrang mahal ko
siya. Lord, Wag po."di ko mapigilan na di maiyak ng sobra dahil sa nangyayari
ngayon.
"Nash, Okay lang yan. Magiging okay din si Roselle, Tiwala ka lang."sabi niya naman
sakin alam ko na pinipilit niyang ngumiti.
"Thank you Aira. Lagi kang nandyan para saakin."
"Ano ka ba? Alam ko naman na nahihirapan ka na. Lalo na ngayon na nasa critical
yung kondisyon ni Roselle."
"Aira, Paano kung mamatay siya sa operasyon?"
"Di yan. Roselle pa, Nangako siya sayo diba?"
Di ko mapigilan pero kusang gumalaw ang katawan ko para yakapin siya.
*After 5 Days
"Hi. Kamusta ka na? Siguro masaya ka na jan noh? Bat ba kasi lagi kang tama.
Manghuhula ka ba? Bat kailangan tama yung sinabi mo tungkol doon. Bakit kailangan
mo akong iwan?"sabi ko sakanya
"Everything happens for a reason? Nakakaewan naman yan eh. Bat ikaw pa kailangan
mawala sa buhay ko?"
Umupo ako at inalis ko ang mga tuyong dahon sa puntod niya.
Oo, Sa puntod niya. Namatay siya sa Operasyon. Bakit kailangan niya maging tama?
Grabe, Sobrang lungkot ko ng araw na iyon. Dapat ba talaga siyang mawala sa piling
ko?
Noong mga araw na yun, Hindi umalis yung isang tao sa tabi ko.
Si aira.
Lagi siyang nasa tabi ko para alagaan ako, Minsan naman binibisita ako ng Gimme 5
minsan si Alexa at Ella.
Lagi lang akong nakakulong sa kwarto. Pero ngayon, Naisipan ko na oras na para
makalimot.
Pumunta ako sa libing ni Roselle. Di ko kayang makita na wala na siya.
Pero may nag bibigay ng lakas ng loob eh.
Naalala ko ang sinabi saakin ni Roselle 'Lalo na si Aira, Lalong lalo na siya. Wag
mo siyang pababayaan.'
Susundin ko yan roselle. Kung yun nga ang gusto mo. At siguro baka dumating ang
tamang panahon at ako na ang mahulog sakanya ng tuluyan.
Pag nahulog ako sakanya, Sisiguraduhin ko na di ko na siya pakakawalan pa.
~End of Flashback
Siguro nga eto na yun. Eto na yung araw na nahulog ako sa babaeng iyon.
Eto na yung tamang oras at tamang panahon para magtapat na ako sakanya.
Kahit sa maikling panahon lang yun, Hindi ko mapigilan na di mahulog sakanya.
Hindi naman siya mahirap mahalin eh, Masaya nga siyang kasama eh.
"Oy."sabi niya pinaharap niya ako at inayos ang neck tie ko.
"Oy din."sabi ko naman sakanya
"Ang saya ko para sayo."nakangiting sabi niya
"Thank you."nakangiti na sabi ko
"I can't believe na magmamahal ka ulit."sabi niya
"Hahaha baliw ka alexa."
Oo nga, Si Alexa.
"What? I'm just saying. I'm just so happy for you."
"And ngayon, I accept the fact na hindi talaga ako yung one and only mo. That will
serves as your infinity and beyond." Dagdag niya pa.
"Sorry."
"Nash, It's okay. bestfriends pa din naman tayo."
Nung namatay kasi si Roselle, Umamin na saakin si Alexa. Nung libing naman ni
Roselle at umiinom ako sa bar pagkatapos nung libing nagtapat naman si Aira saakin.
magulo ang isip ko nun. Di ko alam kung ano ang dapat kong gawin.
"You look good today Notnot."nakangiting sabi niya
"Ikaw din."
May bigla pumasok sa kwarto ko. At si Joaquin pala.
"Ready?"tanong niya
"Yep, Tara na Alexa?"
Tumango nalang si Alexa, Bumaba na kami at nakita ko na andun ang gimme 5 nakaready
na para sa surprise ko para kay Aira.
Nandun din Ang Fab 5 maliban kay Graciella at Gavrielle sila yung kasama ni aira .
Nandito din si Danika, Kumakain.
"Yea, Ang gwapo mo naman ngayong araw ha?"pagpupuri ni Kristle saakin
"Siya lang?"sino ang nagsalita? Si Brace lang naman.
"Hehe, Kayong lahat syempre."sabi naman ni Kristle
"Oh tol? Pinuri ka na magsaya ka na. "Natatawang sabi ni John
"Sabi niya lahat. Di pa din ok yun."sabi ni Brace
"HAHAHHAHA. Okay sige sige, Ang gwapo mo today."sabi naman ni Kristle
Ngumiti naman si Brace ng malapad. Mukha din tong ewan eh noh?
"masyado tong si Brace eh noh?"sabi naman ni Joaquin nagtawanan nalang kaming
lahat.
Maya maya dumating na yung kotse at si grae ang nagdrive.
Sumakay na kami ng kotse at pumunta na sa Hotel.
Kinakabhan ako na ewan, Sana magustuhan niyan itong gagawin ko para sakanya.
Aira's POV
"Ano ba itong surprise niyo?"tanong ko eh pano nakapiring ako.
Pinabihis ako ng dalawang to' tapos pinasakay ako sa kotse sabay piniringan ako
pagkababa na pagkababa ko sa kotse.
Mga Lokong to. Di ko alam kung anu-ano pinaggagawa neto sa buhay nila.
Si Shel naman, Di daw makakapunta. :(( Nakakaasar naman. Bat pa kasi sila nagbreak.
WALA KASI TALAGANG FOREVER. Hahahahahha joke.
Pansin ko na wala ng humahawak sa kamay ko kaya kinabhan ako bigla.
Put*ngina ng mga taong to'. Iwan ba naman ako? Ah sige, Ganyan naman sila sakin eh.
Nangiiwan nalang bigla.
"HOY! ASAN NA BA KAYO?!"sigaw ko naman nakapiring pa din ako.
"Ahh oo, Kausap ko kayo eh."sabi ko ulit
"Ang ganda kasi eh noh? Iiwan niyo ako bigla ng hindi ko alam kung nasaan ako.
Ganyan naman kayo eh."
Alam niyo ba yung feeling na hindi mo alam kung anong nanyayari?
Bahala na nga, Aalisin ko na sana yung piring ng mata ko ng may umalis neto at
napansin ko na sobrang dilim at wala akong makita.
Ano ba meron?
Biglang may humigit saakin at hindi ko alam kung sino. Eto naman ako, nagpahila
nalang.
Napansin ko na dinala niya ako sa rooftop at iniwan. Ayy, ganun iiwan nalang ako
mag-isa?
Ang ganda ng view ng titigan ko ito. Habang tinititigan ko ito, may narinig akong
tugtog.
(PLAY AKING PRINSESA).
~Wala akong pera, Walang magarang sasakyan,
At kung sasabihin ako ay simpleng tao lang,
Alam ko namang sadyang magkalayo ang ating mundo,
pero aking maipapangakong, araw gabi, Kaya kitang pagsilbihan
Hatid at Sundo, ako ay lagi lang nandyan, Pangako sayo ay di kita iiwanan.~
Kumakanta siya sa harapan ko. Lumapit siya saakin, At ngumiti Nakita ko pa yung
dimples niya.
~Mahal kitang labis, susubukan ko kahit,
Wala 'kong palasyo, Na abot hanggang langit,
At sa bawat araw na tayo'y magkasama, Dala ko ay ligaya, Oh aking prinsesa.~
Natapos siya sa pagkanta, Tinitigan niya ako di ko mapigilan sa sobrang saya ko
niyakap ko siya.
Kinikilig ako sobra.
Sino ba namang hindi kikiligin? Eh may humaharana sayo. Ang gwapo niya omg.
"Nagustuhan mo ba?"nakangiting tanong niya
"Oo naman."sabi ko
"Aira, Will you be my girlfriend?"
Sa mga oras na to' sobra na yung kakiligan na nararamdaman ko.
Sasagutin ko ba siya o hindi?
"Yes, I will be your girlfriend."nakangiting sabi ko
"Talaga?"
"Oo nga, ayaw mo pa?"
"Syempre gusto ko."niyakap niya ako ng mahigpit
"Di mo alam kung gaano mo ako pinasaya."sabi ko naman
"Sorry kung dati si Roselle nalang lagi nasa isip ko, Di kita napansin. Ikaw lang
naman lagi yung nandyan para saakin, Di ko din napansin na Nagugustuhan na pala
kita. Simula ng mawala si Roselle mas lalo kang hindi umalis sa tabi ko, Siguro dun
ko narealize na ikaw na nga talaga, Sorry sa pagiging bulag ko at manhid ko. Di ko
naisip na nasasaktan ka na pala. Isa din akong tanga, Di ko din namalayan na
nahulog na pala ako saiyo ng tuluyan, Sana naman mapatawad mo ako dun."sabi niya
ngumiti ako sakanya sabay sabing "It's ok."
"I love you, Aira."sabi niya sabay hawak sa magkabilang pisnge ko
"I love you too, Nash."nakangiting sabi ko at unti-unti niya nalang ako hinalikan.
Sa noo..
Niyakap niya ako, ng bumitaw na siya hinawakan niya ang kamay ko tumingin siya
saakin.
"May isa pa akong surprise para sayo."sabi niya naman.
"Ano yun?"tanong ko
Unti-unting may lumabas na babae at yung Fab 5 pala yun kasama ang gimme 5 alexa,
mafe, danika.
May nilabas silang cardboards at ang nakasulat doon.
MAHAL KITA AIR-
Ng makita ko iyon gustong kong maiyak. Ang effort niya, Sobra.
Pero napansin ko na kulang ng isang letra.
"Nash, Bat Kulang ng isang letra?"tanong ko naman
Di nagsalita si nash at may tinuro gamit ang labi niya. Nguso ganern
Tumingin ako sa direksyon kung saan nakatingin si Nash at nakita ko si Kryzshel.
Siya yung may hawak ng A.
Napaiyak nalang ako bigla.
nilapitan ko si Kryzshel at niyakap siya ng mahigpit
"namiss kita."sabi niya sakin at niyakap ako pabalik
"Asar ka, Di ka na nagpakita sakin. Namiss din kita alam mo ba yun?"sabi ko naman
habang umiiyak parin tumawa nalang siya
"Sorry, Babawi nalang ako. Magtatagal din naman ako dito nga 2 weeks."
"2 weeks lang?"
"yep, bawal ako mag-stay eh. May mall tour lang naman ako para sa photoshoot."
"Hayaan mo na muna yang pagmomodel mo. Matagal ka din nawala eh."sabi ko
"nandyan naman si nash para alagaan ka,binilin na kita sakanya."natatawang sabi
niya
"Loko ka."sabi ko naman
Ang saya ko ngayong araw, Mahal na ako ng taong mahal ko nakita ko pa ulit yung
bestfriend ko.
John's POV
May Forever nanaman silang lahat. habang ako, nagaantay parin sakanya.
Babalik pa kaya siya? Magkikita pa kaya kami?
"John."lumingon ako para tignan ko sino yung tumawag saakin at nakita ko si Marille
Lynne.
"Uyy, Bakit?"tanong ko naman
"Mag-isa ka, May problema ba?"
"Na-mimiss ko lang naman kasi yung girlfriend ko. Di pa siya nagtetext or tumatawag
simula nung dumating kami dito eh."sabi ko
"Ahhh. Baka busy lang, Na-try mo na bang itext or itawag?"
"Yep, Halos 100 times ko na siyang tinawagan di naman sumasagot."
"Tiwala ka lang. Tatawag din yan."
Nagkwentuhan lang kami hanggang sa tumawag si Joaquin saakin.
"Oh tol?"
[Tara na, papaputok na fireworks mamaya. Punta ka na dito tayong dalawa
magpapaputok diba?]
"Ah sige sige. Kasama ko si Marille Lynne."
[Ahh sige, Kasama ko si Danika umiiwas ako kanina kay kryzshel eh.hinila ko nalang
tong panget na to.]
"Loko ka talaga red."
[Ako pa, Sige na. Bilisan niyo na naiinip na kami dito eh, Ang ingay pa ng kasama
ko.]
"AHH sige."
Inend ko na yung call at hinila na si Marille Lynne.
"Teka, San tayo pupunta?"
"Basta, Sama kanalang sakin."
Nakarating na kami sa may likod ng hotel at nakita ko na si Joaquin at Danika na
nagaagawan sa posporo. -_-
"Hoy! Ano ba yang ginagawa niyo?"tanong ni marille lynne
"Pano tong mayabang na to, di binibigay yung posporo saakin."sabi ni danika
"Alangan naman payagan kitang ikaw yung magpaputok diyan?"sabi naman ni joaquin
"Eh bat ba? May problema ka?"
"Delikado nga."
"Pake mo ba?"
"Tigilan niyo na nga yan."sabi ko naman pero ayaw magpaawat.
LORD, ANO BANG MAGANDANG GAWIN SA DALAWANG TO?
Marille Lynne's POV
Asar tong si Danika at joaquin ha?
Kanina pa sila nag-aaway.
Nga Pala, Marille Lynne Cezar. 20 years old miyembro ng Fab 5. Bestfriend ni
Kristle at Danika tumatayong ate ng Fab 5.
"Amin na kasi Joaquin!"sabi naman ni danika
"Delikado nga kulit ng lelang mo."
Sisindihan na sana ni joaquin ng habulutin ni Danika yung posporo. Tumakbo ng
Tumakbo ang gaga at hinabol naman as usual ni pula.
"HOY! ano ba naman kayong dalawa? Tinalo niyo pa si Kristle at Brace dati eh."
Napansin ko na may handcuffs ako sa bag ko kinuha ko iyon at tinignan ako ni John.
Nakuha ni Joaquin yung posporo at tinaas niya yung kamay niya para di maabot ni
danika.
"Ano ba naman yan joaquin!! Amin na kasi ako nalang magsisindi."sabi naman ni
danika habang inaabot niya yung posporo
"Ayoko bleh!"sabi ni Joaquin
"Ikaw na nga lang magsindi napapagod na ako eh."sabi ni danika sinindihan na ni
joaquin yung Fireworks at pumutok na siya tinitigan ko iyon, Ang ganda nila.
"Ang ganda nung fireworks noh?"tanong ni john saakin
"Oo nga eh, May kelangan ka pa palang asikasuhin"sabi ko sabay tingin sa dalawa
"Ah oo nga pala."sabi niya at pinakita saakin yung handcuffs na binigay ko sakanya
"BAT IKAW NAGSINDI?!"sigaw na tanong ni danika kay joaquin
"SABI MO EH!"
"NANIWALA KA NAMAN?!"
"ANAK NG TUPA KAYONG DALAWA KANINA PA KAYO!"sigaw naman ni John at hinandcuffs si
Danika at Joaquin
"Ano to?!"sabay na tanong pa nila natatawa nalang ako sa mga itsura nila
"Handcuffs."sabi naman namin ni John
"B-bakit?!"tanong ni Danika saakin
"Para naman magusap kayo ng maayos."sabi ko naman
"Di kasi kayo mapagkasundo eh."sabi ni john
"Sa tingin niyo ba pag nakahandcuffs kaming dalawa eh maguusap na kami ng
maayos?"sabi naman ni joaquin
"OO! Aalis na kami babaye ingat kayo!!"Sabi naman namin habang nagsisimula ng
umalis
"Teka paano kami neto uuwi?!"sabay na sabi nila
Hindi na namin sila pinansin at naglakad na.
"Bat ka pala meron ng ganun?"
"Ewan ko nga din eh, nakita ko nalang sa bag ko."
"Nandyan sayo susi?"
Kinapa ko ang bag ko at napansin ko na wala akong susi nun.
Lintik.
"Ano meron ba?"tanong niya kinagat ko ang labi ko at umiling
"ha?! Pano yung dalawang yun?!"
"ang alam ko nasa bahay yun, kasi si Papa lang ang meron nun, May mga ganun din
kasi si papa. Hihingiin ko nalang bukas wala si papa sa bahay ngayon eh."
"Pano yung dalawang yun mamaya?!"
"Hayaan na muna natin silang magsama ngayong araw para naman magkaayos sila.
Maghahanap nalang ako ng paraan."sabi ko
"Okay, Tara iuwi na muna kita ng makahanap na tayo ng susi."sabi niya saakin
"Okay sige. Baka may susi si Mama ng office ni papa"sabi ko at nagulat nalang ako
bigla ng akbayan niya ako at binitbit niya na ang bag ko.
Nakaramdam ako bigla ng matinding fireworks sa katawan ko.
Bigla lumakas ang heartbeat ko.
Ano bang nangyayari saakin?
_____________________________
Hello! NAG UPDATE AKO NGAYON!!! YEHEYYY! Kamusta naman kayo? Malapit na summer.
Sinong excited?
Yiee si nash na at aira! Pero paano na si Joaquin at Kryzshel may nararandaman pa
ba kaya sila sa isa't isa? Eh si marille lynne? May nararamdaman na kaya siya kay
john kahit sa maikling panahon lang?
Eh si Brace at Kristle? Si kristle kaya may maalala na? Si danika at joaquin?
magkakaayos pa kaya sila? Woooh, ang daming tanong.
COMMENT AND VOTE GUYS. LAVYAA AS ALWAYS :*
Pakibasa na din ng story ng bestfriend ko si danika KittyBlack00
-CRUSH NG BAYAN
Pakibasa din ng THAT THING CALLED FOREVER new story ko yan please support! Iloveyou
guyss! :*
DON'T FORGET COMMENT AND VOTE!
-AuthornamayBRACE

54
Kristle's POV
"Teka, San mo ba ako dadalhin?"tanong ko sa lalakeng kasama ko
"Basta."sabi niya naman
Hinila niya ako ng Hinila. Nasa Hotel na kasi kami sa Groundfloor. Kumakain ng
Bigla akong Hilahin neto.
Nagstairs kami. Nakakapagod ha?
"Teka, Nakakapagod na."sabi ko at pinatong ang kamay ko sa tuhod ko.
Nakacocktail dress ako na Violet. Tapos nakaheels pa ako.
Sinong di mapapagod?
"Tara na, Isang stair nalang."sabi niya saakin maglalalakad na sana siya ng bigla
ko siyang hinigit.
"BAT KASI DI TAYO NAGELEVATOR?"naiinis na sabi ko
"Mas okay pag nagstairs tayo."cool niya pang sabi kahit na pawis na pawis na siya.
Okay lang ba tong lalakeng to?!
"Nagiisip ka ba?! Ano bang trip mo?! Kakaltukan na kita!"sabi ko naman habang
nakapamewang na
"Gusto lang naman kitang makasama eh."seryoso niyang sabi
Gusto niya akong makasama?
natameme ako bigla. Gusto niya akong makasama?
"Ano bang sinasabi mo? Eh buong araw magkasama na tayo."sabi ko naman bigla niya
akong niyakap ng mahigpit napaatras ako at napasandal sa pader.
"Gusto kitang ma-solo."bulong niya sa tenga ko
Na nag-send saakin ng goosebumps.
"Gusto ko na ako yung makakapag-paalala sayo ng lahat."sabi niya ulit saakin
Habang sinasabi niya iyon, Yung feeling na yung puso ko parang sasabog na.
Ano ba tong nararamdaman ko?
"Brace.."
"Oo alam ko, Wala kang maalala. Naguguluhan ka na nga eh. Pero sana paniwalaan mo
ako, Gustong gusto kitang makasama."
Humiwalay siya sa pagkakayakap at hinila na ulit ako papunta rooftop?
Kung saan ka galing kanina? Anong pakulo neto?
Ng Makarating kami doon, Napansin ko kung gaano kaganda ang view dito.
Napakaganda.
"WOOHHH!"sigaw niya at tinaas ang dalawang kamay niya napatingin ako sakanya.
Nakapikit ang mga mata niya at finifeel niya yung hangin.
I did that too. Pinikit ko ang mga mata ko. Nakaramdam nalang ako ng pagdampi ng
labi niya sa noo ko.
Nagulat ako, Kaya napatingin ako sakanya pagkatapos niyang gawin iyon.
"I'm sorry."sabi niya nalang
"No, It's okay."sabi ko nalang
Umupo siya sa rooftop. At Tinitigan ang mga building napakaganda nilang tignan.
"Ang ganda ng view noh?"tanong niya
"Oo nga eh."sabi ko naman
Sandali din kaming natahimik.
"Brace, Help me To Remember everything."sabi ko.
Oo, Gusto ko ng maalala ang lahat.
At gusto ko na si Brace, Ang isa sa mga tumulong para maalala ko ang lahat.
Brace POV
"Brace,Help me To Remember eveything."sabi niya saakin
Seryoso ba siya sa sinasabi niya?
Tinitigan ko siya, Hanggang sa napansin ko na suot suot niya.
Yung Necklace.
Yung binigay ko sakanyang necklace 3 years ago.
Napatitig lang ako dun sa necklace.
Hanggang ngayon suot suot niya, and it suits her.
Bumalik ulit saakin yung mga pangyayaring iyon 3 years ago.
Biglang lumakas yung tibok ng puso ko.
" Brace? Bakit?"natauhan ako ng magsalita siya.
"Yung necklace, sino nagbigay nyan sayo?"
"Ha? Eto ba?" Sabi niya at hinawakan niya yung kwintas.
"Oo. Sino nagbigay?" Sabi niya nagbabakasakali ako. Oo, nagbabakasakali ako.
"Sabi ni Dad, Bigay daw to sakin ng isang tao na mahalaga saakin."
"Kilala mo ba kung sino yung taong yun?"tanong ko
" No, Dad never told me. He just said that I should keep it or wear it always."
"Bat di ko siya nakitang suot suot mo nung nagkita tayo?"
"Tinatago ko, Naisipan ko lang na suotin ngayon."
"Pachi.."
"Ha?"
"Pachi.." Sabi ko ulit
Bigla siyang nanghina at bigla along kinabhan.
"Brace, ang sakit ng ulo ko!" Sabi niya saakin kinakabhan ako.
"Kristle Okay ka lang ba?" Nagaalalang tanong ko
"Hahahahhahaha! Joke lang!!" Natatawang sabi niya
What the?!
"Ano ka ba naman? Kinabhan ako. Paano kung may nangyari ngang masama sayo?"
Nagaalalang tanong ko.
Kinabhan talaga ako dun.
"Sorry. I'm just kidding lang naman eh."
Napabuntong Hininga nalang ako.
"Sorry din."
"Tutulungan mo akong maalala yung lahat ha?"
"Ha? Paano? Eh lahat ng dapat Kong ipaalala sayo nasa pilipinas."
"Then we will go home." Nakangiti pa na sabi niya
"Ha?! Eh kakarating lang namin eh."
"Come on Brace." Pagmamakaawa niya
Matitiis ko ba siya?
"Fine. Para din naman to sayo." Sabi ko
"Thank you." Sabi niya at niyakap ako
Namiss ko to.
"You owe me."
"I owe you what?" Tanong niya
Tinuro ko ang labi ko.
"Ha-ha! Funny Brace." Sabi niya
"What? I'm serious."
"Tse! Tara na nga!" Bumaba na siya dirediretso.
Finally, kahit papaano na-solo ko din siya.
Pero, uuwi na agad kami ng pilipinas?
Parang may naiisip ako bago kami umalis ng Canada.
"saglit lang Kristle!" Pagtatawag ko sakanya
Danika's POV
Kakabili lang namin ng apple ko. Nagugutom na ako eh!! Di kami pumasok sa loob.
Bakit? Ayaw netong kasama ko!! Kanina pa ako nagugutom! Hanggang ngayon nakaposas
parin kami!
Kakagat na Sana ako ng apple ng tumayo siya sa pagkakaupo niya.
Ayun, nalaglag yung apple ko.
Galaw siya ng galaw! Paano ako kakain?! Di na ako nakakain!
Ako hila-hila niya kasi nakaposas ako.
"JOAQUIN! Ano ba naman yan?! Kanina ka pa! Nakakaasar ka naman eh!! Kanina ka pa
eh! Di na tayo pumasok di na ako nakakain hinulog mo pa yung apple ko kakaltukan na
kita eh!" Nagmamaktol na sabi ko
"Sa tingin mo ako di nagugutom? Gutom na din ako noh!"
"Bat kasi galaw ka ng galaw?"
"Di nga ako mapakali."
"Bakit?!"
"Dahil.."
Anak ng patatas! Sa lahat ayoko ng binibitin ako eh!!!!!!
"Ano ba?! Bakit?!"
"saglit lang!!" Sabi niya
-,- ano ba kasi yun?
Humawak siya sa pantalon niya at tinitigan ko. Oh no! Wag mong sabihin
"Hindi! Ayoko! Bahala ka kung sumabog na yang pantod mo!!" Sabi ko sabay irap
Ayoko nga! Ano ako? Papasok ng boys cr?!
"Sige na oh!!!" Pagpupumilit niya
"Asar ka naman Joaquin!"
Tumakbo na siya ng tumakbo ako? Nagpahila nalang.
Nakarating na kami sa may boys cr. Wag lord! Wag!!!!
Tinitigan ko ng masama si Joaquin
"You owe me!!!" Singhal ko sakanya
"Takpan mo nalang yang mga Mata mo." Sabi niya saakin
Tinakpan ko nga ang mga Mata ko.
My virgin eyes!
"Wag ka ngang painosente. Parang di ka pa nakakita ng cr ng lalake."
"Tsk. Para sabihin ko sayo di ako katulad ng iba dyan!"
"Okay na."sabi niya lumabas na siya ng cr kasama ako.
" Salamat naman! Buti nalang walang masyadong tao."sabi ko
"So nanonood ka? Ikaw ha!!" Sabi niya naman
"Hoy! Hindi ahhhh! Wag ka ngang ano Jan!!!!" Sabi ko naman
Tumawa lang siya ng tumawa, asar talaga!!! Pumunta siya sa dati naming pinuntahan
kanina para tumambay.
"Bakit nga pala ulit ayaw mong pumunta sa loob? Nagugutom na ako noh!!" Sabi ko
naman
"Dahil.."ayan nanaman siya,bibitinin nanaman ako netong hayop na to.
" asar ka bakit ba?!" Naasar na tanong ko
"DAHIL ANDYAN YUNG EX KO!" singhal niya saakin
Ahh, andyan yung ex niya?
"So kryzshel ex mo?"tanong ko umupo siya sa bench kaya ako napaupo din. =,=
Nakakaasar naman tong handcuffs na to.
Kaltok yung pag wala na sakin tong handcuffs Na'to. Kaltok to sakin so John at
Marille Lynne.
I-posas ba naman ako sa antipatikong gwapo na to?
Sinabi ko bang gwapo siya? Edi wow!
" oo, ex ko so kryzshel."
"Bat kayo nagbreak?"
"Dahil sa simpleng selos."
"Ha?"
"Nagbreak ka-" naputol yung sasabihin niya ng dumating si Marille Lynne at John.
"nakuha na namin!"sabay na sabi nila habang tumatakbo papunta saamin.
" yung alin?"sabay pa na tanong namin ni Joaquin
"Yung Susi." Sabi ni Marille Lynne
"Oh sige na." Sabi ni Joaquin ng matanggal na ni John yung hangcuffs saamin
napatingin ako Kay Joaquin.
Cool lang siya.
"Tara na?" Pagaaya ni John saamin tumango nalang kami
"Kayo nalang pumasok sa loob." Sabi ni Joaquin
"Tol naman eh." Sabi ni John
"Sige na, kayo nalang. Hintayin ko nalang kayo sa apartment. Bye." Sabi niya
"Tol!" Pagtatawag ni John lumingon si Joaquin at hinagis ni john yung car keys Kay
Joaquin.
"Salamat." Sabi niya nalang at sumakay na siya ng kotse
"Tara na ulit?" Aya ni Marille Lynne
"Tara." Sabi ni john at sumama nalang ako sakanila
Siguro, Minahal talaga ni Joaquin si Kryzshel kasi kung hindi, Hindi siya
maapektuhan ng ganto. Cool lang siya ganun pero Hindi eh. Kitang kits sa mata niya
na sobra siyang nasaktan.
Hanggang ngayon kaya mahal niya pa si kryzshel?
Hayss, Bahala sila Jan. Masaya na ako sa buhay ko.
Masaya nga ba talaga ako?
____________________________
Hello!! Happy Sunday sainyo! Ate ko masyadong minamadali ang pagupdate ko. -_-
Kaya eto. Sana nagustuhan niyo!
COMMENT AND VOTE! :* ILOVEYOU GUYSSS!!
Support niyo yung story ng kaibigan ko
-Crush ng Bayan
Support niyo din story ko vote and comment din kayo
-Suddenly its magic (hype 5ive fanfic story)
Maraming salamat! Labyuu
©AuthornamayBRACE

55
Nash's POV
2 linggo na ang nakalipas simula ng maging kami ni Aira.
*Knock Knock!*
Pagkakatok ko sa pintuan niya, Maaga akong nagising Para masurprise ko siya.
Pa-simple akong pumasok sa kwarto niya.
Nakita ko siya mahimbing na natutulog, Ang ganda niya pagmasdan.
Tinititigan ko lang siya.
"Ang cute mo matulog."sabi ko sakanya
"Talaga? Gano kacute?" muntik na akong malaglag sa kinauupuan ko sa gilid niya
dahil sa nagsalita siya.
"G-gising k-ka p-pala?"nauutal na sabi ko
"Hindi, Hindi talaga eh tulog pa talaga ako, SleepTalk to."pamimilosopo niya
"ahh ganun?"sabi ko kiniliti ko siya ng kiniliti hanggang sa mahulog siya sa kama.
Tawa lang ako ng tawa.
Tutulungan ko sana siya makatayo, Ng i-offer ko sakanya yung kamay ko hinila niya
ako pababa.
At ang posisyon namin ngayon?
Nakapatong ako sakanya. Ang lapit lapit ng mukha niya sa mukha ko.
Onting-onti nalang talaga mahahalikan ko na siya.
Saglit din kaming nagkatitigan ng may nagbukas ng pintuan.
"Go-OMG!"bigla akong napaayos ng posisyon namin ng biglang may pumasok ng kwarto ni
aira.
Si Julien pumasok ng kwarto.
"He-anong nangyayari dito?"tanong ni Kristle
"Uyy? Anong nangyayari dito?"tanong naman ni Marille Lynne.
"Para sabihin ko sainyo, Hindi ito ang tamang oras para gumawa ng kung anu-ano.
Jusko! Ang babata niyo pa!"singit naman ni Julien
"ANONG KAGANAPAN ANG NANDYAN?!"singit naman ni Gavrielle
"May ginagawa yata kayo noh?"sabi naman ni Mafe
"Ayy, Ikaw aira ha!"sabi naman ni Graciella
"KAY BABATA PA NINYO YAN KAUMA-UMAGA IBA NA INAATUPAG NIYO."sabi naman ni Danika
Ano bang iniisip nila? -.-
"MGA BALIW! WALA KAMING GINAGAWANG MASAMA NAHULOG LANG AKO SA KAMA KO, PINAGTRIPAN
KO LANG SI NASH! TO' KUNG ANU-ANO PINAGIISIP EH."malakas na sabi ni aira
"Ayy yun naman pala edi wow."sabi ni kristle at umalis na silang lahat.
"Mga kaibigan nga naman eh noh?"sabi ko naman
"HAHAHHAHA, Ewan ko ba sakanila lakas mangtrip. Tara na nga!"aya niya
"Nga pala, Aalis tayo ngayon."sabi ko naman
"Ha? Saan pupunta?"
"Basta."sabi ko nalang
"Sige, Mag-aayos muna ako ng dadalhin ko. San ba kasi tayo pupunta?"
"Out of town."sabi ko naman
Julien's POV
Di nagsasabi magoout of town pala. -,- Dali dali tuloy kaming nag-impake ng mga
Gamit namin.
Porket ako nalang walang lovelife sakanila! Hmp, Tatampalin ko sila ng talbos diyan
eh!
Huhuhu, Ayan tuloy! Di ko nadala yung ibang libro ko. T-T
"Julien, Dala mo ba yung ibang sleeping bag?"tanong saakin ni Gav
"Opo!"
Nagbabasa lang ako ng nagbabasa, Habang napansin ko na si Brace wala pa.
"Asan na ba yung si Brace?"tanong naman netong ni Pudsy si Kristle.
Tsk, Isa din to! Bat kasi di niya maalala yung lahat! naguguluhan tuloy siya sa mga
bagay bagay. -_-
"Yiee, Hinahanap."pangaasar naman namin sakanya
"Kayo talaga kung anu-ano pinagiisip niyo kaltukan ko kayo isa isa diyan eh!"sabi
niya naman
"Papunta na yun, Na-late lang kasama naman si joaquin eh."sabi naman ni John
"asan na ba kasi yung dalwang yun?"sabi naman ni Mafe
"Nako, Wag kayong umasa dun kay Joaquin kahit kelan ang bagal talaga nun."sabi ni
Kryzshel
Mga 10 minutes din kaming nag-antay nakakabagot na.
Maya maya biglang dumating si Brace at Joaquin.
"ANG TAGAL NIYO!" sabay sabay na sabi pa namin
"Pasensya na, Bagal kasi kumilos netong si Joaquin eh."sabi naman ni Brace
"Tsk. Nagdeposit ka pa!"sabi naman ni Joaquin nagtawanan naman kami, Alam niyo
naman siguro kung ano yung ibig sabihin ni Joaquin doon?
"Tara na nga!" pagaaya ko sakanila
Sumakay na kami ng Van namin na usually ginagamit ng FAB 5.
Umupo ako sa favorite seat ko. Ang nagdridrive ng van ay si Grae.
Yung Kotse naman ni Nash nandun si Kryzshel,Aira at Nash.
So ito yung arrangement ng seat:
Grae - Mafe
Joaquin-Danika-Gavrielle-Edward
Brace-Kristle-Me-Graciella
Si Edward yung Boyfriend ni Gav.
Habang bumabyahe kami napansin ko na nag-aaway nanaman si Joaquin at Danika -_-
Onting-onti nalang bibingo na to saking dalwa dahil sa kaingayan eh.
Kita ng nagbabasa yung tao! Habang si Gavrielle at Edward inaawat yung dalwa.
Eto namang si Brace at Kristle nag-uusap tapos si Brace todo maka-asar kay Kristle.
Habang si Graciella nakatingin lang sa bintana.
Anong problema ng babaeng to'?
Ayy, Alam ko na. Baka nanaman yung Tungkol kay Grae.
Tsk, Nako naman! Mga Tao nga naman.
"Huy, Okay ka lang?"tanong ko naman kay Graciella
"Ha? Okay lang naman."
"weh? Tungkol nanaman kay Grae noh?"pabulong ko
Di siya sumagot. Sabi na eh
Tumingin si Gav sa direksyon namin at nakarecieve ako ng text from gav.
From: Gav Maganda
Ano daw? Baka tungkol nanaman yan kay Grae noh? Sabihin mo mag-uusap kami mamaya.
As usual, Si Gav naglagay niyan sa contacts ko. -.-
Nagreply naman ako.
To: Gav Maganda
Oo, Halata naman. Sige sige sasabihin ko
~SENT
"Mag-usap daw kayo ni Gav mamaya."sabi ko naman
Hayssss, Buti pa ako walang ka-proble problema jan sa mga lovelife na yan. Forever
ko nalang tong mga libro ko.
Graciella's POV
Mahigit 2 linggo na din kaming Hindi nag-uusap ni Grae. Si RE? HAHAHAHHA.
Kaibigan ko lang yun, May Girlfriend na yun ano ba kayo?
Kaya eto, Hanggang Ngayon siya parin ang iniibig ko.
Ang sakit makita na kung gaano sila ka-sweet ni Mafe sa isa't - isa.
Pinipigilan ko na nga lang na tumulo itong luha ko eh.
Nang mag-stop over muna kami nakaramdam ako ng pagka-ihi kaya naisipan ko na
pumunta muna ng cr at umihi.
Paglabas ko ng cubicle nakita ko si Mafe naghuhugas ng kamay niya.
Nginitian ko siya at naghugas din ng kamay.
"Mahal mo pala talaga si Grae?"nabigla ako ng tanungin niya ang bagay na iyon.
"A-anong s-sinasabi m-mo Mafe?"nauutal na tanong ko sakanya
"Mahal mo si Grae hanggang ngayon, Di nga ako nagkakamali."
"Mafe, I'm sorry. Di ko naman sina-"
"I know, Hindi mo sinasadya na ma-fall sa isang tao katulad niya na hindi mahirap
mahalin. Alam ko yan Graciella, Hindi naman ako galit sayo eh. Alam ko kung ano
yang nararamdaman mo okay?"
Di ako makapaniwala sa sinasabi niya. Hindi siya galit?
"Hindi ka galit?"tanong ko
"Bat ako magagalit? Bat pa nga din pala ako umextra sa buhay niyo? Kung tutuusin
simula ng Mangyari yung arrange arrange marriage na yan nawala na ako sa paningin
ni grae."
"Mafe, Anong ibig mong sabihin?"
"I shouldn't be saying this, He Should. For the meantime, Bigyan mo muna siya ng
oras alam ko na nalilito pa siya."
Ano bang pinagsasasabi niya?! Ako na yung naguguluhan eh.
"siguro, Naguguluhan ka din. Pero believe me, Malalaman mo din yan sooner or later.
Pag ako na ang gumawa ng move, You'll know."sabi niya at umalis na siya ng CR
naiwan akong nakatulala.
Anong ibig niyang sabihin?
Mafe's POV
Nang Makalabas ako ng Cr di ko mapigilan na di umiyak.
Ang sakit ng nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung tama ba ito o mali, Pero
feeling ko tama na itong gagawin ko.
I know i'm doing the right thing. Masaktan na kung Masktan, Pero kelangan kong
gawin ito.
Ayokong pagtalian yung sarili ko sa taong hindi na ako gusto.
Alam ko na naguguluhan pa si Grae pero ako alam ko na.
Alam ko na hindi na ako ang mahal niya.
Kelangan ko ng magparaya para sa kaligayahan niya.
Kahit naman One Year lang iyon, Masayang masaya ako na minahal ko ang isang Grae
Fernandez at Minahal ako ng isang Grae Fernandez. Ni isa don wala akong
pinagsisihan.
Nang malapit na ako sa Van pinunasan ko ang mga luha ko, At Nag-ayos ako jg sarili.
Sa Likod ako dumaan kaya ng eksakto na pabalik na ako, Nakita ko na pabalik na din
si Graciella.
Nakita ko kung paano titigan ni Grae si Graciella.
Di nga ako nagkakamali, May gusto na siya kay Graciella.
The way Grae looks at Graciella, Yun na yung nag-proprove na gusto niya nga talaga
si Graciella.
Gusto ko'ng umiyak pero pinipigilan ko.
Lumapit ako kay Grae at Niyakap siya.
"Tagal mo yata baby sa CR?"
"Baby, Pumunta pa ako ng 7eleven. Bumili lang ng Oreo."pagsisinungaling ko
"Ha? Eh akala ko may dala kang oreo?"
"Wala baby eh."pagsisinungaling ko ulit
"Okay."sabi niya at hinalikan ako sa forehead
Mamimiss ko 'to. Lagi akong Malas haysss. :(
Tinignan ko nalang si Beb at Brace mukhang ang saya nila.
Masaya na din ako para kay Beb, Kahit na wala siyang maalala lagi parin nandyan
sakanya si Brace.
Brace POV
Nakarating na din kami sa Forest ewan ko ba kung bakit sa forest pa.
Magcacamping daw kami?
Ang sabi ko magbeach nalang kami, Ayaw naman. tsk kalokohan talaga neto ni Nash.
Nakita ko si Kristle na naglalaro ng Volleyball kasama si Aira at Mafe pati na din
si Kryzshel at di ko mapigilan na hindi ko siya pagmasdan.
Bukod sa pumayat siya ng onti at Gumanda, Nagmature wala parin nagbabago sakanya.
Habang pinagmamasdan ko siya bigla akong kinausap ni Julien
"ikaw ha! Gustong gusto mo talaga si Pudsy!"pangaasar ni Julien
"oo, Gustong gusto ko talaga siya kahit tatlong taon na ang nakalipas di parin
nagbabago yung pagmamahal ko sakanya."sabi ko
"Woah, Ang Drama!"singit ni Graciella
"Tumigil ka nga! Wala ka lang lovelife eh."sabi naman ni Julien
"Tse!" sabi ni Graciella at umalis
"Hoy Heart! Wait lang!" sigaw naman ni Julien at sumabay na kay Graciella sa pag
alis.
"Baka naman matunaw na si Kristle niyan ah!"
"Oh Marille Lynne! Kaw pala yan"
"Hindi! Hindi talaga ako to ee" Biro ni Marille Lynne
"Hahahahha! Oh bakit ka nandito?" tanong ko
"Masama ba? Aalis na nga lang ako." siya
"Joke lang hahahahaha" biro ko
"Hayyy buhay nga naman parang Life"
"Bakit?" tanong ko. Mukhang may problema ee
"Wala naman. Dami na kasing nangyayari eh." siya.
"Huh?"
"Katulad nalang ng, Di parin maka-alala si Kristle. Pero alam mo, bilib rin ako
sayo ee kasi kahit ilang taon na ang nakalipas na di ka parin niya maalala di mo
parin binibitawan si Kristle."sabi ni Marille lynne
"Ganon talaga pag mahal mo ang isang tao, lahat talaga gagawin mo. Katulad ko
nalang kahit na ang hirap para sakin na hindi parin niya ako maalala, lahat
ginagawa ko para lang bumalik ang alaala niya at bumalik yung dating kami."sabi ko
naman
"Tiwala lang Brace! babalik rin ang alaala niya at kung hindi man bumalik ang
dating kayo, marami pa namang panahon para gumawa ng mga memories na dadalhin niyo
hanggang sa pag tanda niyo eh. Tiwala ka lang at ang wag na wag mong kalimutan na
nandiyan si God, gagawa at gagawa rin siya ng paraan para maging masaya at maayos
ang relationship niyo."
"Thank You Marille Lynne! Hinding hindi ko kakalimutan yang sinabi mo" sabay ngiti
ko sa kanya
"Ano ka ba Brace! wala yun noh! Kabarkada kita kaya dapat lang na tulungan kita"
siya sabay ngiti.
Pag katapos sabihin yun ni Marille Lynne, pumunta na kami sa kung nasaan sila Nash.
Si Marille Lynne daw pupuntahan sila Kristle.
"Oh tol? San ka galing?" tanong ni Joaquin sakin
"Ah doon lang, nagpahangin lang." sabi ko naman
"Ahh, Oh tara na plano na!" sabi naman ni Grae
"Huh? Anong plano?" sabay sabay naming sabi except kay Grae
"Plano sa sorpresa natin sa mga girls at para makapag usap na din kami ni
Graciella" sabi ni Grae
"Sige para makapag usap na rin kami ni Kristle."sabi ko naman
"Oh ikaw joaquin, Wala ka bang balak na kausapin si Kryzshel?"tanong naman ni John
Joaquin's POV
Ako? May balak na kausapin si Kryzshel?
Siguro oo, Siguro Hindi.
Hindi pa ako Handa.
Basta basta niya nalang akong iniwan ano gusto niyong gawin ko?
Mag-saya? Sa loob ng 2 taon lagi nalang akong malungkot.
Nung nalaman ko na nakauwi na pala siya? Hindi ko alam kung ano ba dapat magiging
reaksyon ko.
"Ano na ba magandang gawin?"tanong ni John
"Tol, Kelangan ko na talaga tulungan si Kristle para makaalala naman siya."sabi ni
Brace
"Bakit?"sabay sabay na tanong namin
"Tol, Nangako ako sakanya. Nangako ako na hindi ko siya iiwan sa ere. Na hindi ko
siya pababayaan, Kaya eto please naman tol gumawa kayo ng paraan."sabi ni Brace
"Teka nga tol, Eh diba? Lahat ng memories na nangyari kay Kristle nasa
Pilipinas?"tanong naman ni Nash
"Oo nga, Kaya nga pagkatapos netong out of town natin uuwi na tayo ng
pilipinas."sabi niya
AGAD AGAD?!
"Anak ng kutsara't tinidor naman Brace! Kakarating lang natin tapos uuwi agad?"sabi
ko
"Eh kesa naman sa wala parin naalala si Kristle hanggang ngayon?"sabi ni Grae
"Sige na tol, Tulungan niyo ko'!"pagmamakaawa ni Brace
Ano pa nga bang magagawa namin?
"Sige tutulungan ka namin."sabi ko
"ALAM KO NA!"sabi ni nash
"Anong alam mo na?"
"Alam ko na gagawin mamaya!"
"Ano?"sabay sabay na tanong namin kay nash
"Treasure Hunt!"
"ANO?!"
Treasure Hunt? SERYOSO BA SIYA?!

56
Kryzshel's POV
Tagal kong nawala! -_- Buti nalang sakto yung pag-punta ko ng Canada naging si Aira
at Nash na.
Sa di inaasahang pagkakataon nagkita ulit kami.
Oo, Kami.
~FLASHBACK
"Sonny, Stop The Car." sabi ko sa driver ko na si sonny.
"Why Madame?"
"I Have a Meeting here. So Just stop the car i'll just text you when you need to
pick me up."sabi ko
"Okay Madame. Please Take Care, Your Mother will be furious when something bad
happend to you."
"I'll Be Fine, Bye Sonny!"i waved and smiled at him as he started the engine and
drive.
At Last, Binigay kasi saakin ni Mafe ang Location kung nasaan sila ngayon.
At kinuwento na din saakin yung surprise ni Nash para Kay Aira.
Ang saya ko lang para kay Aira, Sa wakas sila na din.
Aira tumanggi? asa pa. Nash aguas na yan! Tatanggihan niya pa?
Habang naglalakad ako bigla akong may nakabangga.
WTF?!
"WHAT THE-?!"sabay naming sabi at naputol yun dahil sa sabay din kaming nagulat
SIYA.
Totoo ba to'?
"Joaquin?"di makapaniwalang sabi ko
"What are you doing here?"cold niyang sabi
Cold siya saakin? Sabagay, Ako nang iwan.
"Kelangan ko pumunta dito dahil importante to'ng araw na to."sabi ko
"Wow! Oo nga pala, Bestfriend mo pala yun."
"What's your problem ano ba?!"naiirita na tanong ko nakakaasar na eh!
OO NA AKO NG NANG-IWAN AKO NG NAKIPAGBREAK DAHIL SA SELOS AKO NA LAHAT LAHAT!
"Tsk. Nevermind! Just come with me."sabi niya at nagsimula ng maglakad
GUSTO KO NAMAN DIN MAG-SORRY KAYA AKO PUMUNTA DITO EH.
~END OF FLASHBACK
Hayyss, Di ko alam pero nung nakita ko ulit siya bumalik yung nararamdaman ko para
sakanya 2 years ago.
Bat ganun? akala ko Naka-move on na ako? Pero bat ganto nararamdaman ko?
Ewan ko ba lalabas nalang muna ako para magpahangin.
pagbukas na pagbukas ko ng kwarto mukha agad ni aira sumalubong saakin.
kingina naman neto, Parang kabute!
"KRYZSHEL! TARA MAY GAGAWIN DAW TAYO MAGLALARO TARA TARA!"masayang sabi niya
INGAY NETO. Pero namiss ko yung kaingayan niya.
"Ha-"bago pa ako matapos sa sasabihin ko hinila agad ako. -_- Kaltok to sakin eh!
wawarlahin ko to'! Joke langgg!
Nandun na ang buong barkada.
Tumabi si nash kay aira at hinawakan kamay neto.
Pasimple din to! -_- Eto wawarlahin ko eh!
Tatabi sana ako kay Joaquin ng biglang may hinila siya. Si Danika
"Kami nalang ni Panget ang mag kasama!" sabi ni Joaquin. Ano bang meron sa kanila?
Danika's POV
Nakakaasar bwisit tong panget na toh! Kami daw mag kasama nagbibiro ba siya?!
"Okay! Guys Mag gagabi na kaya may laro tayo! It called Treasure Hunt okay ito ang
mag kakasama!"
"John atMarille lynne
Joaquin at Danika
Brace at Kristle" hindi na natapos ni Nash kasi nag salita si Kristle.
"Lah bat kami! At bat siya pa?" sabi ni Kristle.
"Wag ka na choosy!" sabi ni Brace.
"Lah lah lah!! Pwede naman babae eh at tsaka sawa na ako sayo ilang araw na tayong
mag kasama eh!" asar ni Kristle sakanya.
"Edi wag!" sabi ni Brace at tumakbo sa forest.
"Pikon naman yun inaasar ko lang eh haha!" sabay tawa niya.
"Okay!"
"Gav and Edward
Grae and Ma--" di nanaman niya natapos haha yung mukha ni nash tae haha.
"Sorry kuya bawal ako may hika ako eh! Dito nalang ako" sabi ni mafe
"Ako din, maiiwan nalang ako. Tinatamad ako eh!"sabi nama ni julien -_- kahit kelan
talaga to!
"Okay ito na talaga!! patapusin niyo muna kasi ako! anak naman kayo ng teteng
eh!"sabi ni nash
"Grae at Graciella kayo na lang ha? ikaw Kryzshel sama ka nalang samin wala kang
partner eh. Ang matalo may dare sa lahat ng mga kasali okay !" sabi ni nash
napatingin naman ako sakanya. Nakatingin siya sakin.
"Ahm wag nalang dito nalang ako kasama ni Mafe" sabi niya
"Kryzshel wag na sumama ka nalang samin hindi kami kasama ni Nash sa play kasi alam
namin kung saan nakalagay yung mga tinago namin eh" sabi ni Aira tumungo nalang
siya.
"Okay na !! Game na go !! Good Luck!" sabi ni John. Hinila naman ako ni Joaquin
papuntang forest.
"Ano bang problema mo?!Bat ba ako yung pinili mo ?! Pwede naman ako sumama sa
bestfriend ko si Kristle waa--" naputol yung sinabi ko kasi tinakpan niya bunganga
ko.
"Ang ingay mo!! Tumahimik ka okay" sabi niya at binawi yung kamay niya.
Habang nag lalakad kami at hinahanap yung bwesit na Treasure ek ek na yun. Hinihila
ko yung mga bushes bwisit! bwisit!
Kristle's POV
Kanina pa ako nasa likod ni Brace hindi niya ako pinapansin. Ano bang ginawa ko
wala naman diba!? Inaasar ko lang siya eh.
"Hoy Brace!!" pag papapansin ko kay brace ang loko hindi ako pinapansin.
"Hoy!"
"Pansinin mo nga ako!!" sabi ko.
Sumusunod sunod na lang ako sakanya kanina pa ako nag papapansin pero hindi niya
ako pinapansin.
"Hoy pansinin mo nga ako!!" wa epek .
HAYYSSS
"Brace..."
".."
"ANO BA BRACE?"
"..."
Ayaw mo ha?!
"BRACE HENRY ARQUIZA!!!!" sigaw ko hindi ko napansin na may bangin pala doon.
"WAAAAAAHHHH!!!" sigaw ko mahuhulog na ako sa bangin buti nalang nakahawak ako sa
branches pero mapuputol na ata eh.
"Brace help!!" napatigil naman siya.
"kristle!!"narinig ko na sabi niya
"Brace.."naiiyak na sabi ko
"Ibigay mo sakin yang kamay mo."sabi niya natatakot ako naiiyak na ako di ko alam
kung anong gagawin ko any minute feeling ko malalaglag na ako
"Baka ilaglag mo ako eh! galit ka pa diba?"tumingin ako sa baba at nakita ko kung
gaano kataas yung bangin pag nahulog ako dun jusko! patay ako syempre!
"Di ko kayang gawin yon! ayoko mapahamak ka!"nagaalala na sabi niya binigay ko
sakanya yung kamay ko at inahon niya na ako sa bangin di ko mapigilan na di maiyak
"Ang kulit mo kasi!"sabi niya.
Umiiyak lang ako habang niyakap ako ni Brace.
"Sorry! Sorry talaga! hindi ko naman sinasadya na magalit ka! inaasar lang naman
kita eh! pasensya na. sorry talaga!!!" sabi ko habang umiiyak parin
"Di naman ako galit eh" sabi niya.
"Galit ka kaya" sabi ko.
"Hindi ang kulit, nagtampo lang."sabi niya
"Bwisit patampo tampo ka pa kasi eh" sabi ko habang hinahampas siya.
"Aray ko! hoy tigil na!" tumigil naman ako.
Tinignan niya ako, Maglalakad na sana ako ng may mahapdi akong naramdaman sa tuhod
ko.
"Ang hapdi."sabi ko habang nakahawak sa tuhod ko
"Ha? May sugat ka?"nagaalala na tanong niya kaya napatingin ako sakanya
"Hayaan mo na hindi naman masyado masakit eh" sabi ko.
"Sigurado ka?" tumungo naman ako.
Nag lalakad na kami nang bigla akong natumba.
"Ayan ano hindi masakit?" sabi niya.
"Sabi sabi na ouch tapos hindi masakit?"dagdag niya pa
"Sakay na nga."sabi niya
"Ha?"
"sakay sabi ko."
San ako sasakay? Tsk. Okay lang ba to'ng si Brace?
"saan ako sasakay?"
"tsk."nagulat ako ng i-pasan niya ako.
"Ang bigat mo!"reklamo niya
MABIGAT PALA HA?
"aray!"reklamo niya naman binatukan ko eh. Haha.
"Brace, pano na yung treasure hunt?"tanong ko
"hayaan mo na muna yun. Ang mas importante magamot yang sugat mo."sabi niya
"sigurado ka?"
"Mas importante ka kesa doon."
Mas importante ka kesa doon.
Ayan nanaman yung puso ko, Ang lakas lakas ng tibok.
Brace, ano bang ginagawa mo sakin?
Gusto na ba kita?
Mahal na ba kita?
Ewan ko.
Siguro nga, siguro gusto na kita.
Grae's POV
Ang awkward.
Oo, ang awkward naming dalwa.
Walang nagsasalita saamin.
Ni hindi ko nga alam kung nasaan na ba kami.
NASAAN NA NGA BA KAMI?!
Gabi na pero wala pa din.
"Hey, pansinin mo naman ako?"sabi ko sakanya
".."
Wala pa din?
"Heart!"pinigilan ko siya
"Ano nanaman?!"naasar na tanong Niya
Huminga muna ako ng malalim
"Pansinin mo kasi ako!"
"Paano kung ayaw ko?"
"Heart ano ba?"
"Grae ano ba?! Nasasaktan ako alam mo ba yun?! Nasasaktan ako! Hanggang ngayon
masakit parin! Bakit? Kasi kasama kita! Grae, dapat ako yung di sumama eh! Grae pag
nakakasama kasi kita mas lumalalim eh! Lalo na ngayon!"
"Heart."di ako makapagsalita
Sa sinabi niya alam ko na nasaktan ako.
"Ano?! Sasabihin mo din ba na mahal mo ako?! Grae naman! Ang sakit na eh! Sobra!
Al-"nagulat siya sa ginawa ko kahit ako nagulat.
Hinalikan ko siya.
Di ko alam pero parang may tumulak saakin na gawin ko nalang iyon. Ng halikan ko
siya lumakas yung tibok ng puso ko.
Ano ba to'?
Tinulak niya ako at naramdaman ko na lang yung kamay niya sa pisnge ko. Ang sakit
sinampal niya ako.
"ano ba?! Papaasahin mo nanaman ako? Grae tama na! tama na pwede ba?!"sabi niya sa
sinabi niya bumuhos ang malakas na ulan.
Nababasa na kami kaya sumilong muna kami sa parang kubo sa forest.
Di ko na alam kung saan kami napadpad.
Basang basa na siya.
Di ko alam kung kakausapin ko ba siya o hindi.
Brace POV
Anak naman ng tinapay! Nababasa na kami ng ulan!!!
"Brace, ibaba mo na ako. Babasang basa ka na nahihirapan ka na din!"sabi niya
saakin
hindi pwede, hindi ko siya pwedeng pabayaan.
"Hindi! diyan kalang."sabi ko naghanap ako ng sisilungan
nakita ko yung kubo. May Dalawang tao din duon.
"Tol?"sila grae at graciella nandito?
"N-ni-nilalamig n-na a-ako."sabi ni kristle
"Couz, Easy kalang ano ba nangyari?"tanong ni Graciella
"Nabasa din kasi kami ng ulan kita mo basang basa kami."sabi ko
"Pasensya naman na! Basa din ako."sabi naman ni Graciella
Tinignan ko si Kristle namumutla na siya, nag-aalala na ako sobra!
"Maghanap ka ng signal bilis!"sabi ni graciella kay grae chineck ni grae yung phone
niya.
"walang signal!"sabi ni grae
hinawakan ko yung noo ni Kristle inaapoy siya ng lagnat.
Sht! Anong gagawin ko?
"May cabin dun! Tara tara!"sabi naman ni Graciella binuhat ko si kristle na bridal
style.
"Eto tol, jacket takpan mo siya para di siya masyadong mabasa."sabi ni Grae binigay
niya kay Graciella at tinakpan niya si Kristle nung jacket.
Nang makarating kami sa may cabin kumatok agad si Graciella.
Nanginginig na si Kristle. Saglit lang kristle saglit
Biglang may bumukas ng pintuan. Babae matanda na siya 60 years old na yata?
"Omy goodness! why on earth are you soaking wet?!"gulat na tanong ni lola
"Excuse me, grandma can we stay for a while? We just need a place for us to stay.
We got lost."paliwanag ni Graciella
"Sure Dear, you can come in! Why wouldn't I let you come in? You're soaking wet!
Joshua! Will you please get some towels upstairs?"sabi ni lola pinapasok niya kami
at pinaupo sa sofa hiniga ko si kristle sa sofa basang basa siya namumutla na.
Ng maibigay saamin nung Joshua yung towel imbis na asikasuhin ko sarili ko
inasikaso ko yung taong mahal ko. Pinunasan ko siya gamit yung tuwalya
"May I ask? Are you filipinos?"tanong nung joshua
"Yes we are why?"sabi ko
"SALAMAT NAMAN! Nakakanose bleed mag-english eh! Lola! Filipino po sil!"nagulat
kami ng magsalita siya ng tagalog
"Filipino ka?"tanong ni Grae
"yep. Nagbakasyon lang kasama si Lola. Teka? Ikaw si Graciella diba? Miyembro ka ng
FAB 5 diba?"masayang tanong niya
"Ahh, oo!"sabi naman ni Graciella
"Grabe, crush ko dun si Julien. Ang ganda niya pwede pa picture mamaya?"sabi niya
naman
"Pwede makahingi ako ng basin tsaka ng mainit na tubig tapos tuwalya?"sabi ko
"Hijo, eto na."abot ni lola saakin
Pinigaan ko na yung tuwalya at pinunasan si Kristle.
putlang putla na siya.
"Si kristle?! 2nd crush ko yan! Sunod ikaw graciella!"sabi naman ni Joshua at
lumapit para titigan si Kristle.
-_- BACK OFF BOY!
"Hijo, kami nalang muna mag-papalit sakanya ng damit ha? Buhatin mo nalang dalhin
mo sa kwarto doon. Tara na hija"sabi ni lola kaya sinunod ko siya pinagbuksan ako
ni graciella ng pintuan hiniga ko si Kristle sa kama at ramdam ko na ginaw na ginaw
siya.
"D-dito k-ka l-l-lang."sabi niya sa sinabi niyang iyon lumakas yung tibok ng puso
ko.
"Sige na brace, dun ka muna sa labas. Kelangan na niya magpahinga okay?"sabi ni
Graciella tumango nalang ako at lumabas na ng kwarto
Nakasalubong ko si lola.
"Hijo, wag ka mag-alala magiging okay din girlfriend mo okay? Ako na bahala
sakanya. Pansamntala, magpahinga muna kayo meron na kayong damit duon. Bigay ng apo
ko, ewan ko lang kung kakasya yun sayo ha?"sabi ni lola at pumasok na ng kwarto
Dumiretso ako sa sala at kinuha ang damit na binigay ni joshua naligo ako at
nagbihis.
pagkatapos nuon inisip ko si Kristle, May sugat pa pala siya. Hayss, tampo tampo pa
kami Brace.
Tumingin ako sa bintana tumigil na yung ulan. Kamusta na kaya sila? Nakuha na kaya
nila yung treasure hunt? May nanalo kaya?
*DING DONG!*
Binuksan ni Joshua yung pintuan at nakita namin si Joaquin at Danika.
Basang basa din ng ulan.
"tol?!"sabay na sabi naming tatlo habang si Danika
"Bat kayo nandito?! Okay lang kayo?!"sabi niya naman
Nagkasundo kaya to'ng dalwang to? Mukha sila okay eh.
__________________________
Hello guys! @kittyblack00 eto na nagud na ako!
Sana magustuhan niyo! Wala na kasi akong masabi eh!
Pano yan? Naguguluhan si grae sa nararamdaman niya pano na si Mafe?
Inaapoy naman ng lagnat si Kristle! Eh si Joaquin at danika? Magbabati pa kaya
sila? Eh si kryzshel?
VOTE AND COMMENT GUYS! ALAVIO! ♥♡♥♡♥♡
-AuthornamayBRACE .

57
Joaquin's POV
Basang basa kaming pumasok sa Cabin kung saan kami mag-stastay ni Danika.
Laking gulat namin na nandito din sila Grae at Graciella pati na rin si Brace at
Kristle.
Si Kristle naman nilalagnat daw nabasa kasi ng ulan. Hayss, wrong timing naman kasi
to'ng ulan na to! Nagbihis kami at Naligo. Binigyan ako nung joshua ng damit si
Danika at Graciella naman binantayan muna si kristle.
Nag-usap usap muna kaming mga lalake kasama si Joshua. Pasalamat nga kami may
signal dito sakanila. Tinext namin sila nash at sinabi kung nasaan kami at magsta-
stay muna kami dito, Bukas pupuntahan nila kami.
Si Brace naman di mapakali eh sabi naman namin magiging okay lang siya.
"Tol, kalma ka lang kasi."sabi naman ni Grae
"Oo nga, Easy ka lang! try mong huminga!"sabi ko
"Alam mo Brace, Magiging okay lang yang girlfriend mo. teka, Girlfriend mo ba
talaga si Kristle?"sabi ni Joshua
"Nagka-amnesia si Kristle 3 years ago, Dinala siya dito ng papa niya, Sa three
years na yun di ko alam kung anong gagawin ko.Sinisisi ko palagi yung sarili ko
kung bakit siya nagka-amnesia. Kung nakinig lang ako sakanya First Place palang,
Hindi siya magkakaganto. Hindi siya mahihirapan dahil sa wala siyang maalala. balak
ko sanang sundan siya kaso dumami yung projects namin, di ko naman pwedeng
tanggihan yun. Hanggang sa lumipas yung ilang taon, Di ko na siya nakita ulit.
Hanggang sa nalaman ko na pupunta pala kami ng Canada. Sobrang saya ko nun, Dahil
makikita ko ulit siya. Nakita ko nga siya at nung pagdating ko dito, Mas lalo ko
siyang minahal. Nangako ako sakanya, na ipapaalala ko sakanya lahat kaya nga
pagkatapos na pagkatapos netong out of town namin uuwi na kami ng
Pilipinas."pagkwekwento ni Brace
Bilib din talaga ako dito kay Brace, Sa loob ng matagal na panahon na nagkahiwalay
sila di parin nawala yung pagmamahal niya para kay Kristle.
"Wow! Crush na kita Brace! Hanga ako sayo! ilabyuu!"sabi ni Joshua dahilan para
matawa kami ni Grae
"Mag hulos dili ka nga! Nababakla ka nanaman sa kagwapuhan ko!"pagmamalaki nanaman
ni Brace
"Tsk! ako bakla? asa ka naman! sa gwapo ko'ng to? sabi ko lang naman bilib ako
sayo! Kasi kahit na ganun ginagawa mo yung lahat maalala lang niya lahat."sabi ni
Joshua
"Tol, wala ka namang kasalanan kung bakit naaksidente kayo. Okay? di niyo kasalanan
na ma-traffic at biglaang pag recording."sabi ni grae
"oo nga, Tsaka tol! Okay na yun kung wala na talaga maalala si Kristle pwede naman
kayo magsimula ulit diba?"sabi ko naman
Habang naguusap usap kami, Biglang may bumukas ng pintuan. Si Lola Alicia tsaka si
Graciella at Danika lumabas ng kwarto.
"Tara na mga Hijo, Kakain na tayo ng dinner."sabi naman ni Lola Alicia.
"Ahh Tara na! kain na tayo!!!"pag-aaya ni Joshua.
"Ah sige po, Titignan ko lang si Kristle."sabi ni Brace
"Ahh Hijo, Medyo okay na siya. Eto oh hijo, pakainin mo na muna siya. Ha? Mainit pa
yan eto na yung gamot niya."pagaabot ni Lola kay Brace ng pagkain.
Sakto paglingon ko napatingin ako kay Danika.
Inirapan ako bigla, Galit pa din siya?
Brace POV
Dinala ko na yung pagkain ni Kristle sa kwarto niya.
Pagpasok ko ng kwarto niya, Napatingin ako bigla sakanya. Okay na siya di katulad
ng kanina.
Hindi ko mapigilan na hindi mag-alala. masyado na siyang nahihirapan.
Hinipo ko yung noo niya. Medyo okay na din siya kelangan niya nalang ng pahinga.
Hinawakan ko yung kamay niya.
"pangako ko sayo na tutulungan kitang maalala ang lahat. Pangako."sabi ko
"Brace?"nabigla ako ng magsalita siya.
"Gising ka na pala?"
Tumango siya at ngumiti. Maputla pa din siya pero di na katulad kanina na sobrang
putla.
"Brace, I'm sorry."sabi niya saakin
"Ha? Bakit?"
"Dahil saakin, nahihirapan ka. Dahil saakin, nasasaktan ka. Brace, kinuwento saakin
ni Graciella ang lahat. brace bat di mo sinabi na ikaw yung nabigay ng necklace?"
"Ayoko magulo yang buhay mo. Nangako lang naman ako na ipapaalala ko yun lahat."
"Brace, pag naalala ko yung lahat syempre maalala din kita! Bat di mo nalang kasi
sabihin na totoo pala talaga na naging boyfriend kita?! Brace, nahihirapan na ako
sa nararamdaman ko! Di ko alam! Di ko ma-explain! Ang hirap!"naiiyak na sabi niya
tatayo na sana siya ng pigilan ko siya
"Mahina ka pa, kelangan mo pang magpahinga."
"kaya ko na."lumabas siya ng kwarto kaya naman sinundan ko napansin ko na lumabas
siya ng cabin.
DELIKADO NA? Baka mapano pa yun?
"Brace, sundan mo yun! Baka mapano yun!!!"sabi naman ni danika
Susundan ko talaga yun!
Lumabas din ako ng cabin at nakita ko siya. Di naman pala siya lumayo.
Andun lang siya sa wooden bench sa may forest,katabi ng bench yung lake.
Umupo ako sa tabi niya.
"Why didn't you tell me? Oo alam ko na sinabi mo na boyfriend kita nung nasa
ospital tayo pero di ko alam kung totoo ba yun. Brace, sabi ni papa ko di daw totoo
yun. Pero brace, feeling ko totoo eh. pinalipas ko yung nararamdaman ko, hanggang
sa dumating ka ulit. At nakita kita, Brace aaminin ko na-miss kita. Sa tuwing
nakikita kita, sa tuwing kasama kita feeling ko kilalang kilala kita. Feeling ko
nga totoo yung sinabi mo na boyfriend kita. pero di naman ako nakakasigurado diba?
Eh 3 years na nakalipas. Ngayon brace aaminin ko mahal na nga yata kita.di ko
maintindihan nararamdaman ko, pag nakikita kita o nakakasama ang saya saya ko tapos
ang lakas pa ng heartbeat ko pag nandyan ka para tulungan ako sa lahat ng bagay mas
lalo akong napapaisip, gusto ko na nga ba siya? "Sabi niya biglang lumakas yung
heartbeat ko.
Corny man pero yung nararamdaman ko parang kinukuryente ako na ewan. Sa 3 taon na
nakalipas ngayon ko nalang ulit yan narinig. 'MAHAL KITA'. Hinawakan ko yung kamay
niya at pinaharap ko siya sakin tinitigan ko yung labi niya at tumingin sakanya.
"Mahal din naman kita eh. Di naman nagbago yun. Oo, Boyfriend mo ako wala ka pang
amnesia hanggang ngayon oo, hindi ko sinabi sayo nung dumating kami dito dahil sa
nangako din ako sa mga magulang mo na wala akong ipagsasabi. Pinapalayo nila ako
sayo dahil Kasalanan ko kung bakit ka nagka-amnesia. Naaksidente tayo nun. Dahil sa
nag overtake ako. Kamalasan na-coma ka at nagkaroon ng amnesia. I can't risk losing
you. Lagi akong nasa tabi mo. Di kita pinabayaan nung gumising ka at wala kang
maalala pakiramdam ko nabagsakan ako ng langit at lupa. Para kang nawala bigla.
Nung umalis ka at pumunta dito, wala akong nagawa kundi ang mag-mukmok sa kwarto.
Sabi ng magulang mo layuan muna kita pansamantala para din sayo kaya sinunod ko.
Sinunod ko dahil alam ko na makakabuti din yun para sayo. Para makalimutan mo na
ako, pero Pakiramdam ko nung nawala ka sakin, parang wala nang nagpapasaya sa buhay
ko."sabi ko napansin ko nalang namay tumulong likido galing sa mata ko.
Umiiyak na pala ako.
"Ginawa mo yun? Brace, sa tingin mo ba pag lumayo ka saakin may mapapala ako?
Brace, three years na pero halos araw araw simula nung dumating ako dito ikaw nasa
isip ko. Di ko alam kung bakit."
"Oo ginawa ko yun.para din naman sayo. Mahal na mahal kita tandaan mo yan. Kaya
nung nagkita ulit tayo nangako ako sayo na di kita iiwan, pasensya na kung wala
akong nagawa nung mga oras na yun."sabi ko
"BAKIT SINUNOD MO SI DAD? Brace bakit? Brace, alam mo ba yung pakiramdam na sabihan
ka ng isang tao na di mo maalala na boyfriend mo siya, tapos sa isang hidlap iiwan
ka nalang ng basta basta?! BRACE NAMAN! Hirap na hirap din naman ako kung alam mo
lang! Mahirap sa pakiramdam ko na parang may nawawala parin kahit anong gawin ko!
Ni hindi ko nga alam buong pagkatao ko! Brace sana naman di ka pumayag! Sana naman
diba? Sana di ka pinangunahan nang takot! Brace hirap na hirap ako at litong lito,
hindi ko alam kung sinong paniniwalaam ko."umiiyak na sabi niya di ako
makapagsalita.
Tama siya, bat first place palang di ko ginawa yun?!
natakot ako aaminin ko, natakot ako.
Napanghinaan ako ng loob.
Tumakbo siya papasok ng cabin habang umiiyak. Kasalanan ko nanaman to.
napansin ko na may tao sa gilid na nag-iingay. at si Joaquin at Danika pala.
"Hehe, sorry."sabi ni danika
"Narinig niyo?"tanong ko tumango sila
Ano ng gagawin ko?
Pumasok nalang muna ako ng cabin.
Pag-iisipan ko kung paano to aayusin.
Danika's POV
Asar si joaquin! Yan tuloy! Nakita na kami. Naiwan kaming dalawa dito ni Joaquin
tsk. Kakaltukan ko to eh!
"Ang ingay mo kasi!"
"Wow! Nanisi ka pa?"sabi ko naman
"Di naman kasi tayo mabubuking kundi dahil sayo."sabi niya
URGH! ASAR TALAGA!
"Edi wow! Ako nanaman?!"
"Tsk. Di kita sinisisi masyado ka kasi. Ang arte arte pa! Dapat di kita naging
partner naiinis ako sayo masyado kang maarte dami pang drama! Nakaasar nga eh! Kayo
nalang palagi kelangan respituhin pano naman kami?! Under nalang palagi ganun?!"
Nasaktan ako dun.
"Excuse me?! Para sabihin ko sayo? Di mo pa ako kilala joaquin! Nakakasakit ka na
ng dadamin ha?! Wag mo ibuhos saakin lahat kung bakit dumating pa ulit si Kryzshel
sayo! Kaya siya nakipag- break siguro di dahil sa simpleng selos dahil din siguro
sa ugali mo! Respeto?! Kelangan ka bang respetuhin joaquin?! Kung sa inaasta mo
palang sa mga babae sa tingin ko di ka kelangan ganunin!"sabi ko at tumakbo papasok
ng cabin.
pumasok ako ng cabin at pumunta sa kwarto.
Di ko napigilan na di maiyak, Ang sakit niya magsalita! Nakakainiss ka talaga
joaquin!
Graciella's POV
Tulog na silang lahat habang ako eh gising na gising pa! T^T
Bat ba ayaw kong makatulog? Dahil sa halik niya?
Graciella wag ka ngang kinikilig! Hayysss.
"wag kang kinikilig graciella pwede ba?"sabi ko sa sarili ko
"Eiii! Di ko mapigilan!!!!"sabi ko ulit
Mukha akong tanga noh? kausap sarili ko?
Napatigil ako ng may sumagi sa isipan ko.
May girlfriend nga pala siya.
Hayysss :'(
Eto nanaman ako nasasaktan nanaman?
Kelan ba ako titigil?
Umaasa ako sa wala.
Nasasaktan ako dahil di ako ang mahal niya.
tama na graciella wag mo nang saktan ang sarili mo.
TIME-OUT NA MUNA.
Time-out na nga ba talaga?
Susuko na ba talaga ako?
Napaiyak nalang ako dahil sa sakit na nararamdaman ko.
Sabi na eh, ito kinakatakutan ko.
Ang mainlove kay Grae Cameron Fernandez.
__________________________
8 chapters to go!! Sana magustuhan niyo guys!
Iloveyou all!
VOTE AND COMMENT! ALAVIO! :* Maraming salamat kasi binabasa niyo yung FALLEN.
ALAVIO SO MUCH!
Pabasa na din po ng
-SUDDENLY ITS MAGIC? (Hype 5ive fanfic story) pagkatapos ng fallen yan naman
pagkakaabalahan ko.
Follow me on twitter:
-@KristleArquiza
-AuthornamayBRACE

58
Mafe's POV
Haysss, nakaimpake na ako.Yung mga gamit ko pala nasa bahay nila Kristle dito kasi
sa apartment nakastay yung mga lalake. Kaming mga babae sa Bahay nila Kristle.
Mga 1 linggo na din yung nakalipas simula ng mag out of town kami.
Ang out of town namin na nawala sila Kristle at Brace, Danika at Joaquin pati na
rin Graciella at Grae.
pansin ko na hindi naguusap usap yung 3 simula ng makarating sila.
Anong nangyari? Si brace di pinapansin ni Kristle. Si Joaquin at Danika cold sa
isa't isa.
Lalo na si Grae at graciella.
Pagbukas ko ng pintuan sumalubong saakin si Grae.
napangiti ako bigla
Niyakap niya ako at hinalikan ang forehead ko.
Mahal ko talaga siya.
"Hi Baby!"masayang bati niya
"Hi baby."walang ganang sabi ko at kumalas sa pagkakayakap niya.
"oh? Bakit?"sabi niya
"Wala naman, Baby bat di kayo nag-uusap ni Heart?"tanong ko
Sandali siyang natahimik. ano ba talaga nangyari sa treasure hunt chuchu na yan? At
naging cold sila sa isa't isa?
"Oo nga! 1 linggo na kayong di nagpapansinan ni Graciella! pati sila Brace hindi
din!"muntik na akong mapatalon sa gulat ng magsalita si aira.
"Ano ba naman yan aira?! Usong kumatok ha?"sabat naman ni Julien. Kasama ko kasi
siya sa kwarto.
"Baka di nakasara julien, san kami kakatok? Hoy Tol! Magkwento ka kasi! Ayaw
magkwento nung dalawa ehh!"sabi naman ni Nash.
"Edi kayo ng lahat nandito! Oh ano tol? Tawagin mo pa sila John para
masaya!"sarakastikong sabi ni Grae
"sabi ko nga, aalis na kami. Tara na aira!"sabi ni Nash hinila na niya si Aira
hinila naman ni Aira si Julien
EDI MASAYA Maghilahan nalang tayong lahat! -_-
"Hayss, barkada nga naman natin."sabi ko nalang
"Hayaan mo na sila. Tara na baby? Punta na tayo sa Baba?"pag-aaya niya hihilahin
niya sana ako ng pigilan ko siya.
"Hep hep hep! Grae, ano ba? Bakit ba kayo nag-away ni Graciella?"sabi ko
"I can't tell you."sabi niya
Hinila ko siya pababa at napansin ko na kumakain na sila. Si Nash at aira pati na
rin si John at marille lynne lang masasaya. Yung iba? Hayss, wag na umasa.
"H-hoy! San kayo pupunta?"tanong ni julien
Pero di ko siya pinansin.
Lumabas na kami ng Apartment. Sumakay kami sa kotse at ako ang nagdrive.
"San ba tayo pupunta?"tanong niya
Nagdrive lang ako ng nagdrive hanggang sa nakarating kami sa May bridge dito.
Medyo malayo to' sa apartment namin.
"Bat ba tayo nandito?"tanong niya
"Tell me grae."maikli kong sabi
"I told you I can't tell you!"pasigaw na sabi niya
nagulat ako pero ni ano mang expression di ko pinakita kay grae nagagalit ako. Oo!
Nagagalit ako dahil ayoko na pinaglilihiman niya ako lalo na kung tungkol na sa
nararamdaman niya!
"BULLSHIT GRAE! Stop with this nonsense!!!"sigaw ko sakanya
Natigilan siya
"Mafe ano bang gusto mo malaman?!"
"I WANT TO KNOW ABOUT YOUR BULLSHIT FEELINGS!"
"About my Bullshit feelings?! O tungkol nanaman kay graciella?!"
"oh for pete's sake grae! BOTH!!! Kasi alam ko na hindi na ako yang nilalaman ng
puso mo!"singhal ko sakanya kaya natigilan siya
Natameme siya, sa expression niya palang alam ko na.
Sabi ko na nga ba eh, kilala ko si grae kilalang kilala ko siya.
"Ano bang sinasabi mo Mafe? Mahal kita alam mo yan."
"stop it grae! Wag mo na akong paasahin!!!"naiiyak na sabi ko
"THEN WHAT DO YOU WANT ME TO SAY?!"
"Alam ko naman kasi na hindi ako na yang gusto mo! Oo alam ko! Oo ramdam ko! Oo
nasasaktan ako! Pero ano gusto mong gawin ko?! Ipagpilitan ko yang sarili ko sayo?!
Fvck that grae!"
"Mahal kita alam mo yan! Kung hindi kita mahal bakit tayo nakaabot ng ganto
katagal?"
At eto na, eto na yung luha ko. Tinaryador nanaman ako!
"Oo umabot tayo ng one year! Oo alam ko yon! Pero simula ng magkita kayo ulit ni
graciella, I can see the way you looked at her! At alam ko na gusto mo na siya!"
"Gusto? Mafe di ko siya gusto, at alam ko na di niya ako gusto! Di mo ba nakikita
na halos isumpa na niya ako?!"
"DO YOU EVEN HEAR YOURSELF?! Grae? Di ka niya gusto kasi MAHAL ka niya! God's sake
grae! Manhid ka ba?! Mahal ka niya matagal na! At alam kong mahal mo din siya! Kita
mo? Nung tinanong kita tungkol sa kung anong nangyari sainyo ni heart sa forest you
said na di mo pwedeng sabihin?! grae, alam ko na gusto mo na siya."
Nilapitan niya ako at hinawakan ang magkabilang pisnge ko.
"No, hindi ko siya gusto. Ikaw ang gusto ko, ikaw ang mahal ko mafe."sabi niya
"No, naguguluhan ka pa grae. Kilala kita, alam ko na gusto mo siya. You're
confused. Sundin mo ang puso mo grae, sundin mo. Wag lagi yang utak mo."sabi ko
habang umiiyak ako
Grae's POV
Sundin mo ang puso mo grae, sundin mo. Wag lagi yang utak mo.
Hindi, alam ko na wala akong gusto kay Graciella.
Si mafe ang gusto ko oo si mafe.
Pero bat ko siya hinalikan nung nasa forest kami?
"Grae, okay lang naman na masaktan ako. Sanay na ako Grae."
"Stop it Mafe! Ikaw ang gusto ko."
"Grae, hindi ako! Si Graciella ang gusto mo hindi ako."
"I can't-" di niya ako pinatapos at hinawakan ang dalawang kamay ko.
Umiiyak na ako. Di ko mapigilan ang nararamdaman ko.
"I should let you go, I should set you free, I want to see you happy."
"No, masaya na ako sayo Mafe oo, masaya na ako sayo."
"Someday grae, you will realize na siya talaga ang mahal mo. Naguguluhan ka pa
grae, stop crying okay?"pinunasan niya ang luha ko using her thumb.
Totoo ba talaga to'ng sinasabi niya? humiwalay siya saakin.
"Don't do this. Please don't."
"Ayokong gawin to, pero ayoko na ipagpilitan ang sarili ko sa taong hindi na ako
gusto. grae, tandaan mo I'll always be here. As a friend okay? Mahal kita tandaan
mo yan. Siguro ngayon, naguguluhan ka pero grae try to clear things up. Alam ko na
siya na ang mahal mo. Halatang halata grae."
Natameme ako sa sinabi niya.
"Mauuna na akong bumalik ng Pilipinas. I'm sorry kasi di ko sinabi sayo. Ngayon ako
aalis. May ticket na din ako, kasabay ko si Mama."sabi niya
Niyakap ko siya ng mahigpit. Pagkatapos nun may pumaradang kotse sa may tapat
namin.
"Well, I guess this is goodbye grae. Always remember to call me, I love you so
much. And always remember na, sa 1 year natin di mo alam kung gaano mo ako
pinasaya. Alagaan mo siya okay? Love her, okay? Mahalin mo siya higit pa sa
pagmamahal mo saakin. At pakisabi sa barkada na nauna na ako umalis. We can still
see each other when you arrive in tje philippines. I love you grae tandaan mo yan.
Naniniwala naman ako na minahal mo ako. Pero alam ko na siya na talaga ang mahal
mo."for the last time, naramdaman ko ulit yung halik niya sa labi ko.
sumakay na siya ng kotse, tinignan ko nalang yung kotse na sinasakyan niya na
humarurot papaalis.
May tunulong likido galing sa mga mata ko.
I'll miss her.
Sumakay na ako ng kotse at pinaharurot ito.
Thanks for the memories Mafe.
Habang nagdridrive ako napaisip ako, nung hinalikan ko si Graciella sa Forest.
Bat ko yun ginawa?
To shut her up?
Or to give a sign that I have a feelings for her?
I still don't know.
Sa tuwing hinahalikan ko siya, inaasar, napapangiti, nakakasama.
lumalakas tibok ng puso ko.
Maybe I do like her.
No, maybe I do LOVE her.
but I still need to figure this things out.
To make sure, na siya na nga talaga.
Graciella's POV
BAT BA DI AKO MAPAKALI?!
Kanina pa to ah?
Oo, kanina pa!
simula nung umalis si Grae at Mafe.
Nagseselos ba ako?
Tanga ka Graciella! Bat ka magseselos eh sila nga?!
Wala kang karapatan okay?
Wala!
Eiii, masakit beh!
Straight to the Heart!
Huhu, kawawa ako!
Paasa ka Grae! Hahalikan mo ako tapos may Girlfriend ka! Laglag kita sa septic tank
ehhhh!!!
"AHHHHHHH!!"sigaw ko habang sinasabunutan ang buhok ko
"hoy! problema mo? Nakadrugs ka ba?"natatawang sabi ni Gav
"Haha, nakakatawa!"sarakastikong sabi ko at umupo sa kama ko.
"Nako heart, masakit umasa tama na!"sabi niya
"Ewan ko ba gav, para kasing sinasabi ng lintik na puso ko at punyetang utak ko na
Go lang! May resulta yang pagmamahal mo kay grae! Eh sa totoo naman WALA!"naaasar
na sabi ko
"Malay mo diba? Meron?"
"jusko marimar naman gav! Kanina sabi mo masakit umasa ngayon? Hayss, ewan ko sayo!
Ikaw pa yata nakadrugs eh."
"Malay mo lang heart. Gusto kana din niya pabalik, malay mo isa araw kaya na niyang
suklian pagmamahal niya sayo."
"Ewan ko! bahala na!!!"sabi ko
Maya maya lumabas nalang siya bigla ng kwarto. Ayyy, anong trip netong bestfriend
ko?
Balang araw kaya masusuklian na niya pagmamahal ko sakanya?
"WAG KANG ASSUMING GRACIELLA!"sigaw ko sa sarili ko.
John's POV
Inaasar ko si marille lynne habang nandito kami sa pool binababad yung paa namin.
napakasaya ko nanaman, ngayon ko nalang ulit naramdaman to'ng gantong feeling.
Nakakaramdam na ako ng sobrang saya, at katulad ng naramdaman ko kay Ann Three
years ago.
kahit na sandali pa lang kami magkakilala ni Marille lynne. Di ko maitanggi na May
gusto na ako sakanya. Naalala ko si ann sakanya.
Inaasar ko siya ng biglang may tumawag.
unknown number?
Sino naman to'?
Sinagot ko naman.
"Hello? Who's this?"
[John! I missed you so much! Finally, after 3 years narinig ko ulit boses mo!]
"Sino ba to'?"
[C'mon John! di mo ba ako maalala?]
"Mukha ba akong magtatanong kung hindi kita kilala?"
[It's me John, Your Girlfriend, Ann.]
parang nabagsakan ako ng langit at lupa sa narinig ako at hindi ako nakapagsalita
bigla.
Si Ann ba talaga to?
__________________________
Song for this Chapter : Mess we've made by Aj Rafael feat. tori kelly
break na si Grae at mafe, bumalik naman si ann?
Gulo nanaman to
VOTE AND COMMENT Alavio guys! 7 chapters to go at tapos na ang FALLEN. Huhu
Please do read my other story :
-SUDDENLY ITS MAGIC? (hype 5ive fanfic story)
-AuthornamayBRACE

59
John's POV
Nakauwi na kami ng Pilipinas.
Dala dala na namin yung mga gamit namin.
Hanggang ngayon, walang nagpapansinan ni isa sakanila.
Si Nash At Aira lang at Si Marille Lynne at ako ang nagpapansinan pati narin si Gav
at Si Edward di din nagpapansinan,Nag-away ata sila eh.
Ako at Si Marille Lynne ang nanalo sa Treasure Hunt kaya kami ang maguutos sa mga
natalo. Bukas nalang siguro namin sasabihin sakanila kung ano yung consequence.
the rest? iwasan, tarayan, at kung anu-ano pa.
ginagawan naman namin ng paraan pero, wala eh.
"Kain muna tayo guys ano?"pag-aaya ni Julien
"uwi nalang muna tayo. Pagod ako eh."sabi ni Kristle
"Kumain nalang muna tayo tel! Ayoko talaga ng pagkain sa Eroplano nakakasuka
eh."sabi ni Danika
"Oo nga!"sabay sabay na sabi namin maliban kay Kristle
"Easyhan niyo nga! Huhu nakakaiyak naman kayo ehhh! Oo na eto na nga ehh! Kakain
muna tayo oo eto na!"sabi naman niya
Nagpasundo kami sa Driver nila Nash gamit yung van habang papunta kami doon
pinagkahuluhan kaming lahat.
Ayy oo nga pala, mga sikat magkakasama.
Madaming nagpapicture kaya naman nahirapan kaming makaalis.
Ng matapos na, sumakay na kami ng kotse at umalis na.
tahimik walang nagsasalita.
"Ang awkward magsalita nga kayo!"sabi ko naman
"magsalita ka mag-isa."sabi ni Grae
pag Broken nga naman. -_-
Nakwento niya saamin na nagbreak na sila ni Mafe.
May pagka-manhid din kasi itong si Grae.
Nandyan na kasi sa tabi niya di pa mapansin. -_-
Pati Si Mafe napansin na, tapos siya pa din.
Nakarating na kami sa Restaurant at nagsimula ng mag-order.
Ng makarating na yung mga inorder namin, Tahimik lang kami kumakain.
Nabuga ko yung kinakain ko ng bigla may yumakap sakin galing sa likuran.
"Kadiri ka tol!"reklamo ni Brace
Napatingin ako sakanila gulat na gulat silang nakatingin sa likuran ko.
"NAMISS KITA!"sabi niya at hinalikan ako sa pisnge.
Nandito siya. Nandito nga talaga siya.
She's Really Back.

Ann is Back.
Pero bakit ganto? Parang wala na akong nararamdaman para sakanya?
Si Marille Lynne na nga ba talaga?
Marille Lynne's POV
"Matigilan ka nga Marille Lynne."
"Bat ba kelangan ko mag-aalala?"
"May karapatan pa ako?"
"WAHH!"
"Leche! Nakakaasar na! Ano ba naman marille lynne!!!"
Kanina pa ako nagsasalita dito sa kwarto ko. Paggulong gulong ako sa kama ko.
Nakakaasar ano ba to'ng nararamdaman ko?
"Alam mo ang ingay mo."sabi ni Kristle at pumasok sa kwarto ko.
"Sorry."sabi ko nalang
"Ano bang problema?"singit ni Gav
Nandito kasi kami kila Kristle nakikistay-in lang kami.
Hayss, Nakauwi na din kasi kami.
Lakas maka-kapit nung Ann na yun kay John. Tsk kala mo naman talaga.
"Wala sige na. Layas na!"sabi ko naman
"Guest room to' syempre magkakasama tayo dito diba?"sabi naman ni Gav
ayy oo nga pala, medyo malaki din kasi itong Guest Room. Kasama ko sila Gav at
Julien dito sa Kwarto habang sa Kwarto naman ni Kristle dun si Graciella at Danika.
Sa Baba nga lang sila Natutulog. Syempre sa kama si Kristle sa sahig yung dalawa.
Kawawa silang Dalawa noh?
Pati ako.
Hayss, Asar!! Nakakainiss talaga yung Ann na yun!
Teka nagseselos ba ako?
Tsk. Ewan ko sayo Marille Lynne!
Bahala na nga!
Danika's POV
Ang daldal nila! Oo nila. nakakaurat na
Si Graciella kasi tapos si Kristle kasama ko sa kwarto.
Nagcecellphone ako tapos si Kristle at Graciella nag-uusap tungkol sa nangyari sa
Forest.
Haysss -_- Naalala ko nanaman yung nangyari nung nasa forest kami.
"ARGHHHHHHH!!"sigaw ko
"Oh problema mo?"tanong nilang dalawa
"Kayo kasi pinaalala niyo pa yung sa Forest!!"naasar nanaman na sabi ko
"Lah, nanisi ka pa?"sabi ni Kristle
"ano bang nangyari sainyo ni Joaquin?"tanong ni Graciella
At ayun kinuwento ko sakanila lahat.
Hanggang sa tumayo ako at nagpaalam na lalabas muna ako bigla.
Lumabas muna ako at naglakad lakad. Gabi na pero naisipan ko pa na lumabas.
Namiss ko din to'ng pilipinas.
Two weeks pa kami dito kila Kristle. Hihintayin pa kasi namin na makauwi yung
parents namin dito. inaasikaso nalang nila Mommy yung Company kaya pinauna na nila
ako at pinasabay kila Kristle.
Napaka-Wrong Timing ng lahat ngayon.
Wrong Timing na dumating yung Ex ni John.
Wrong Timing na mag-away at Magbreak si Gav at Edward.
Wrong Timing na magbreak si Mafe at Grae.
Wrong timing na mag-away si Grae at Graciella.
Wrong timing na di nagpapansinan si Kristle at Brace.
Wrong timing din na masaktan ako sa sinabi ni Joaquin.
Naasar ako sakanya! Pero bat parang namimiss ko siya?
nako naman danika! Matigilan ka nga!
Nakwento ko din to kanina kay Kristle at Graciella.
Ano bang nangyayari saakin? Napaupo ako sa bench sa may Park.
May malapit na park kasi Dito sa subdivision nila Kristle.
Na-mimiss ko ba talaga siya?
"NAKAKAASAR!!!"sigaw ko ako lang naman kasi yung tao sa park eh.
Kung alin mas kelan ng tulong ng bestfriend ko para makaalala dun pa sila nag-away
ni Brace.
"Napaka-wrong timing noh?"muntik na akong mapatalon sa gulat ng may magsalita.
Anong ginagawa niya dito?!
"Tsk. Anong ginagawa mo dito?"
"Nandito ako kasi malapit lang yung bahay namin kay Kristle."
Napairap nalang ako. Oo nga pala, malapit lang pala bahay niya dito.
Bobo Danika. -_-
"Uuwi na ako."sabi ko tumayo na ako at nabigla ako ng hilahin niya ako.
"Sorry."
Totoo ba to'?
"Ha?"
"Ayoko ng ulitin."
"Edi wag!"sabi ko sabay irap
"Okay, Okay Fine. Sorry na."sabi niya
Gulat na gulat ako.
Wehh? Nag-sosorry siya?
"Lokohin mo lelang mo Joaquin."sabi ko naman
"Se-"naputol yung sasabihin niya ng may umeksena.
"Joaquin.."
Isang malaking WRONG TIMING lang ang masasabi ko sa nangyayari ngayon.
Brace POV
Ang wrong timing.
Bakit kelangan magalit siya saakin?
Bakit wala akong magawa?
Tinatawagan ko siya pero di siya sumasagot.
Nakailang dial na ako ng number niya wala.
Simula nung nangyari sa forest todo iwas na siya palagi saakin.
Hayss.
Nagulat ako ng magvibrate ang phone ko.
Akala ko siya pero ibang tao pala.
Calling Patricia Dela Vega....
Accept Decline
ACCEPT
"Sup?"
[So, How's it going? Kung may Goodnews ka sabihin mo. Mat sasabihin din ako eh. Bad
news nga lang.]
"Nag-away kami. So Bad News yun "
[I said good news. Bakit kayo nag-away?]
"Long story. Ano sasabihin mo?"
[Ashley's Back. So Better protect your Girl.]
Natulala ako sa sinabi niya.
Si Ashley?
ISANG MALAKING WRONG TIMING TALAGA.
_____________________
6 chapters to go!
so, summer vacation na namin kayo?
Isang malaking wrong timing talaga ang nangyayari ngayon.
Di pa nga sila Bati, Bumalik pa si Ann tapos ngayon si Ashley?
May gulo nanaman ba?
VOTE AND COMMENT GUYS ALAVIO. <3
Support my Bestfriend's Story :
-Crush ng Bayan
Please do read my other story:
-Suddenly its Magic? (Hype 5ive Fanfic Story)
VOTE AND COMMENT LABYAA
-AuthornamayBRACE

60
Ashley's POV
So good to be back.
To continue my revenge.
"So, What's The plan?"tanong niya saakin
"Just go with the flow. I wanna make their life miserable."
"I like that. Pero seryoso ka na ba dito?"
"Always, My Friends already bailed on me. Ayoko na ng nakatunganga lang ako dito!
Kaya ikaw! Gumawa ka ng paraan makalapit ulit sakanila at para masira ang buhay
nila! Those Fucking arseholes will pay!"sigaw ko sakanya
"Okay chill. Ako na ang bahala, Napalapit na ulit ako sakanila. I'll make a way
ash."
"Good, alam mo ng kahahantungan ng buhay mo. Ako nalang ang kakampi mo
diba?"nakangiting sabi ko
"Because you killed my family bitch! Wala akong magagawa kundi ang kampihan
ka!"sigaw niya sakin at sinampal niya ako.
No, she didn't.
I looked at her. I was so Furious!
This Bitch!
"You wanna die bitch?!"singhal ko sakanya sabay tutok ng baril sa ulo niya
"I'm sorry ash."sabi niya nalang
"Good to know, Pretty Cousin."sabi ko at tinap ang balikat niya umupo ako sa upuan
ko.
Nagsindi ulit ako ng Sigarilyo.
Those Fucking Bitches will pay.
I will make them pay!
Ayokong ako ang talo!
Papatayin ko sila isa isa.
Wala akong pakialam kung magkamatayan man kami! Makulong man ako o kung ano.
I'm a daughter of a Mafia.
Kung tatay ko, kayang pumatay ng Tao.
Mas lalo ako.
Wait and see.
Wala na akong pakialam sa nararamdaman nila. STUPID LOVE! Masasaktan kalang jan!
I'd rather see them suffering and dying.
The Bad Girl's Back.
Kristle's POV
"Danika naman kasi nakakaasar!"sabi ko sabay tapon sakanya ng unan
"Aray ko punyeta!"reklamo niya naman
Kami lang ni Danika ang nandito at Graciella. Si Graciella nasa Cr naliligo. Kami
ni Danika tapos na kaya eto nag-uusap kami. Sila Gav ayun pumunta ng mall kasama si
Aira at Kryzshel.
"Tsk. Nakakaasar naman kasi siya! Bat di niya ako pinaglaban sa pamilya ko? Kung
talagang mahal niya ako, Di niya ako hahayaan na pumunta ng canada! Ano ako iiwan
niya nalang basta basta? Sasabihin niya na boyfriend ko siya tapos ano? Di na agad
siya magpapakita?"sabi ko naman
"Nako naman tel, Syempre kung ako ganun din gagawin ko. Nahihirapan din siya
syempre. Wag mo din naman kasi isipin lang yang sarili mo."sabi niya saakin.
Those words hits me.
Oo nga, parang iniisip ko nalang lagi yung sarili ko.
Mahal ko siya. Pero bat ako ganto?
kelangan ko mag-sorry.
"Oh ano? Napagisip mo na ba?"tanong ko
"Oo. Napagisip isip ko na. Kelangan ko mag-sorry."
Tumango siya.
"Nga pala, Kayo ni Joaquin. Nag-bati na ba kayo?"tanong ko naman
"Tsk. Yun? Kami Magbati? Asa!"sabi niya naman
Biglang lumabas si Graciella ng Banyo.
"Oh? Ano ng napagusapan niyo?"tanong naman niya
"Tungkol sa nangyari kay Kristle at Brace."sabi naman ni Danika
"Ahh."sabi niya at humiga sa kama ko
"Ano nanamang problema mo?"tanong ko
"Si Grae nanaman yan."sabi naman ni Danika
"Hinalikan niya ako sa Forest."
"ANO?!"
"Oh bigla yata kayo?"sabi niya naman kaya binatukan namin
"Panget mo! Wala kang sinasabi saamin!!!"reklamo ko
"Pasensya naman na."sabi niya naman
Nag-usap lang kami ng nag-usap hanggang sa naisipan namin na lumabas muna at bumili
ng pagkain sa convienient store.
Pagkalabas namin biglang may humarang na puting van saamin at 5 lalake sila.
Nakakatakot sila.
Tinakpan nila yung ilong namin gamit yung panyo. Pinipilit kong pumiglas pero di ko
kaya.
Parang may ewan na gamot na nakalagay duon sa panyo kaya naman nakaramdam ako ng
hilo.
Bigla nalang nandilim ang paningin ko.
Brace POV
Papauwi na kami. Galing kasi kaming ABS.
Nasa sasakyan na kami ng biglang may Tumawag.
Calling Gavrielle....
Accept Decline
ACCEPT
[BRACE!!]
"Tol! Loudspeak mo."sabi naman ni Grae
"Ang sakit sa tenga gav! Bakit ka pala napatawag?"
[Sila Kristle nakidnap!!]
"Ha?! Asan sila?!"
[Di nga namin alam eh! Brace, kelangan niyong pumunta dito! Nag-aalala na kami!]
"Ha? Oh sige sige pupunta na kami!"
Binaba ko na yung telepono at pinaharurot na ni Nash yung van.
"Anak ng teteng! Sinong may gawa nun?"tanong naman ni Nash
"Diba tol, Kanina sa bahay niyo Grae may Note duon?"sabi ni.Joaquin
"Oo."
"Sino ba nun may Gawa?!"tarangtang tanong ko
"Hindi kaya.."
"Si Ashley."sabay sabay na sabi namin
Maya maya nakarating na din kami sa Bahay nila Kristle naabutan namin dun sila Gav
at Aira.
Niyakap ni Nash si Aira at naabutan namin na natataranta silang lahat.
"Brace, Nakidnap sila!"sabi naman ni Julien
"Pagdating namin sabi nung maids kinidnap sila!"sabi ni Gav
Magsasalita pa sana kami ng may kumatok sa pintuan. Binuksan ni John yung pintuan
at si Ann pala.
Niyakap ni Ann si John at lahat kami nagulat.
"I heard the news john. I'm here to help you."sabi niya
"Di namin kelangan yun."bulong naman ni Marille Lynne
"What did you say?!"galit na sabi ni Ann mag-aaway na sana yung dalawa ng awatin ko
"ANO BA?! Kelangan niyo ba mag-away ngayon?! Nawawala sila! Mas importante ba yung
mag-away kayo ngayon kesa sa hanapin nalang natin sila?!"sigaw ko
Natigilan naman sila.
"I know the address."sabi ni Ann
"Pano mo nalaman?"
"Basta. Alam ko kung saang warehouse sila!"sabi niya
"Sigurado ka diyan?"
"Oo! Ano sasama ba kayo saakin o ano?"sabi niya
"Tara na tol!"aya ni Grae
"Aira, Dito nalang kayo ha. Ayoko mapahamak ka."sabi ni Nash at hinalikan ang
forehead ni Aira
"ha? Sasama kami!"sabi ni Julien
"Wag na. Dito nalang kayo baka mapahamak pa kayo."sabi ko
"Pero-"
"Hephep. Marille Lynne wag na kayo sumama okay? Ayoko mapahamak kayo lalo ka
na."sabi naman ni John
"Stop with the Chitchat lets go!"paghihila ni Ann kay John kaya naman umalis na
kami.
"I'll drive."sabi naman ni Ann
"Bakit ikaw?"pagtataka ko
"Eh ano malamang ano, Alam ko yung address."sabi niya
"Teka, pwede namang ituro mo nalang diba?"pagtataka na tanong ni Nash
"No. Baka maguluhan lang kayo. Warehouse yun tsaka liblib yun."sabi niya naman
hinayaan nalang namin iyon.
Sumakay na kami habang nagdridrive siya walang nagsasalita saamin.
Napansin ko na, Ang dilim ng paligid. Talaga bang nasa tama kaming direksyon?
"Ah, Ann nasa tama ba talaga tayong direksyon?"tanong ni Joaquin
"Oo naman. Sinundan ko sila kanina kaya wag kang mag-alala."sabi niya pinark niya
yung van at bumaba siya.
Pagka-baba namin may mga nakaabang saamin na mga lalake at may mga hawak na tubo.
Holy Shit.
Syempre hinanda namin yunh sarili namin.
Sumugod yung isa kaya naman nakipagbakbakan kami.
"Tol? Asan si Ann?!"tanong saakin ni John
"Di ko alam."sabi ko ng mapatumba na namin yung mga lalake kinuha na namin yung mga
tubo.
"WOW! Ang ganda niyong tignan! Nakikipagsapakan!"pamilyar yung boses na yun
"Ashley! Asan sila?!"sigaw namin
"Wow! Sabay."sabi niya at tumawa
Ibang iba na siya. Kung titignan siya ibang iba siya. Di siya tulad ng dati.
"Ashley ano ba?! Nasaan sila?!"sigaw ni Grae
"Aww, na-miss kita grae!"sabi niya
"Fvck you! Nasaan sila?!"sigaw ni Grae
"Sila ba?"at doon nakita ko sila.
At nakita ko siya.
"Brace Okay lang kami!"sigaw niya saakin
"GRAE!"sigaw ni Graciella
"Siguraduhin mo joaquin na maliligtas niyo kami dito! Hindi pa tayo bati!"sigaw ni
Danika
"Awww. Napakasweet niyo! Ang sarap niyong patayin isa isa!"singhal ni ashley at
humalakhak
"Bat mo ba to ginagawa?! At nasaan si Ann?"sigaw ni John
Madaming nakabantay. Madaming Alagad si Ashley.
Mahihirapan kami. Lima lang kami 15 silang lahat.
"Ako ba John?"
"Ann?"
John's POV
"I planned all of this John."nakangiting sabi niya
"IKAW MAY GAWA NG LAHAT NG TO?!"
"Yes Dear. Wala naman na kasi akong silbe sa mundo pati na din sayo so Eto sinakyan
ko ang laro ng pinsan ko."sabi niya
Bakit? Bakit kelangan siya?
"Traydor kang hayop ka!"singhal ni Kristle
"Shut the Fvck up bitch!"
"Sino ka para pagsalitaan siya ng Ganyan?!"sigaw naman ni Danika
"Wanna Die Bitch?!"tinutukan ni Ann si Danika ng Baril
"I planned the notes, Plano ko na ipakidnap yang sila Kristle. Halos lahat plano
ko!"sabi niya
"So ano ng magandang gawin sakanila Couz?"tanong ni Ashley
"Mas okay siguro kung makikita ni Brace, Joaquin pati na din ni Grae na mamatay
yung taong mahal nila sa harapan nila."sabi ni Ann
"Ann at Ashley please, Wag mo tong gawin sakanila."
"I'm not a saint! Gagawin ko lahat ng gusto ko!"singhal ni Ashley
Parang nagbigay ng signal si Ashley sa mga alagad niya at sumugod saamin.
Hindi namin sila Nakayanan kaya napatumba nila kami.
Nandilim ang paningin ko.
Brace POV
Napatumba nila kami. Masyado silang madami.
Nagising ako at Napansin ko na nakagapos at nakataas ang dalawang kamay ko.
Kahit si Grae at Joaquin ganun din ang posisyon nila.
Nasaan si Nash at John?
"Tol! gising."sabi ko sakanilang dalawa nagising naman sila.
"Anong nangyari?"Tanong ni.Joaquin
Nakita ko sila Kristle nakatulog din sila.
"Tol, kelangan natin gumawa ng paraan."sabi ko
Nakagapos din sila Kristle.
"Kelangan nating makaalis dito."sabi ni Grae
"Paano?"sabi naman ni Joaquin
"Awww gising na pala kayo? Good to know. Alex, alisin sila sa pagkakatali."sabi
naman ni.Ashley
Anong trip ng hayop na to'?
"Bat mo kami pinapakawalan?"tanong ni Grae
"Oras na para pahirapan kayo."sabi niya
"ASAN SILA NASH?!"sigaw namin
"WALA NA KAYONG PAKIALAM SAKANILA!"
Di na kami nakagapos. Susugurin ko na sana si Ashley ng Suntukin ako sa tiyan ng
isa sa mga alagad niya.
"Brace!"narinig ko na sabi ni Kristle nagising na pala sila
"Bat ba kelangan mo kaming pahirapan ng ganto?!"sigaw ni Grae
"Nararapat lang yan sainyo!"sigaw niya
Sumugod kami at nakipagsapakan sa mga alagad ni Ashley.
Padami sila ng Padami.
Tinamaan nila kami ng Tubo. Dahilan para mapatumba kami at mapahiga.
"Ashley ano ba?! Tama na!"sigaw ni Kristle
"Alisin niyo muna yang 4 na yan."sabi ni Ashley at tinutukoy niya sila Joaquin.
Naiwan kaming dalawa dito ni Kristle kasama si Ashley at yung mga alagad niya.
Sinusubukan ko na lumapit kay Kristle pero kada lapit ko tinatamaan nila ako gamit
yung tubo.
"Ano ba?! Nasasaktan na siya!"singhal ni Kristle
"Subukan niya pang lumapit papalapit sayo. Talagang masasaktan siya!"sabi ni Ashley
"Brace, Wag ka nang lumapit please lang."pagmamakaawa niya
Hindi, Gusto ko siyang lapitan kahit na gaano man kasakit tong nararamdaman ko.
Kristle's POV
Lapit parin si Brace ng lapit.
Kaya naman sa kada lapit ng nasasaktan siya.
"Mukhang ikaw nlang brace yung laging nasasaktan. Gawin naman nating ikaw
Kristle."sabi ni Ashley at naramdaman ko nalang yung palad niya sa mukha ko.
Paulit ulit niyang ginagawa iyon.
"STOP IT ASHLEY!"sigaw ni Brace
Nasasaktan na ako gustong gusto ko ng umiyak pero ayoko na makita at mahalata ni
Brace na nasasaktan ako.
"Gusto niya pa ata eh."sabi ni Ashley
"Don't you dare touch my Girl."sabi ni Brace at pinilit niyang tumayo.
Sa kalagayan niya, Ang dami na niyang pasa. Dumudugo na yung sa may gilid ng kilay
ni Brace.
Nang hihina na siya. Naawa na ako sakanya.
"Brace okay lang ako."sabi ko sakanya
"Okay lang ba pag ginawa ko to sayo bitch?"sabi niya at sinabunutan ako.
"Hawakan niyo ng mabuti si Brace. Wag na wag niyong hahayaan na makatakas yan."sabi
ni Ashley
"I said let go of my girl!"sigaw niya kitang kita sa mukha ni Brace yung pag-
aalala.
Kahit ako nag-aalala na sakanya. Ang dami na niyang pasa.
Mas hinigpitan ni Ashley ang pagkakahawak sa buhok ko. Gustong gusto ko ng umiyak.
"Ano bang gusto mo ashley?!"sigaw ni Brace
"Kayo. Gusto ko kayong maghirap at magdusa."
"Di pa ba sapat yung wala na siyang maalala?!"sigaw ni Brace
"Wala akong kasalanan dun. Kaya di yun sapat!"sigaw niya
"Ilapit niyo siya saakin."utos ni.Ashley
Kahit anong pilit ni Brace na kumawala sa mga nakahawak sakanya wala siyang nagawa.
Nilapit ang si Brace papunta saamin. Kitang kita ko sa mata niya na natatakot siya.
Okay lang ako Brace okay lang.
"Pagmasdan mo'ng mabuti ang gagawin ko."sabi ni Ashley
Tinignan niya ako at ngumiti siya saakin na dahilan para matakot ako. Hindi
nagtagal naramdaman ko na yung mainit na kamay niya sa pisnge ko. napayuko ako sa
sobrang lakas, malakas at masakit.
"KRISTLE! MAGBABAYAD KA ASHLEY!"kahit nakayuko ako alam ko na galit na galit siya
at puno na ng pag-aalala.
"Umpisa palang yan Brace."
"Bitawan mo siya!"
Mahina ako alam yan ng lahat. Kahit na wala akong maalala, Alam ko na bitch na
to'ng hayop na ashley na to. ayokong makitang nasasaktan si Brace. Madami na siyang
nagawa para saakin.
Inangat ko yung mukha ko para makita sila. Hindi ako umiyak Gustong gusto kong
umiyak dahil sa sakit pero hindi ko yun ipinakita sakanila. Ngumiti ako at tinignan
si Brace.
"Yan lang ba ang kaya mo Ashley? Ni hindi nga ako nasaktan."nagulat silang lahat sa
sinabi ko kaya naman sinampal niya ako ulit.
"Kristle! wag ka ngang magsalita!"nakangiti akong tumingin sakanya
"Patchi Please?" PACHI ? Yung word na yun. Parang may nag Deja vu.
"Brace, wag ka ngang OA jan!"tumawa ako,tumawa ako kahit na ang sakit sakit na ng
pisnge ko.
"Wag mo'ng hayaan na saktan ka nila."sabi ko sakanya
"Sino bang nagsabi nun?"sabi niya at ngumiti saakin.
Graciella's POV
"Graciella..."sabi niya saakin at hinawakan ang magkabilang pisnge ko.
"Grae.."
"Sorry, I'm here love."sabi niya saakin
Hinang hina na ako sobra na.
Nakatakas kasi kami kila Ann. Nahiwalay kami ni Grae kila Danika.
"Grae..."hinang hina na sabi ko. Natatakot na ako.
"I'm here. I'll be here."huling narinig kong sinabi niya at binuhat niya ako na
parang bagong kasal at nawalan na ng malay.

61
Danika's POV
"Joaquin saglit.."hingal na sabi ko
I'm barely catching my Breath.
"Tara na! Baka maabutan nila tayo! kelangan pa natin tulungan sila Kristle!"sabi
niya
Hinihila niya na ako pero di ko na kaya, natumba ako.
"Danika! Okay kalang ba? Sorry sorry."kitang kita sa mata niya yung sobrang pag-
aalala.
"O-okay lang."sabi ko
"Tol tara na!"sabi ni Nash kay Joaquin
"Saglit pagod na si danika nahihirapan na siya."sabi ni Joaquin
Nag-aalala siya saakin? Bakit?
"Buhatin mo na siya tol! Kelangan na ng tulong nila Kristle!"sabi ni Nash
Kaya binuhat ako ni joaquin na parang bagong kasal.
nakaramdam ako ng kuryente sa buong katawan ko. butterflies sa stomach ko.
Ano ba to'ng nararamdaman ko?
"Magiging okay ka lang ha? Easy."sabi niya saakin
"Tol! Si Ann! Magtago tayo!"sabi ni John kaya naman kinabhan nanaman ako.
"COME OUT COME OUT WHEREVER YOU ARE!"sigaw ni Ann nagtago kami sa may mga halaman
sa likod ng warehouse.
Sinilip ko kung asan siya. Kinasa na niya yung baril na hawak niya.
I gasped.
Pano nalang kung may mabaril saamin?
natatakot ako.
Sobrang takot.
Lord, Mahal ko pa buhay ko.
"aww, John? Asan kayo? gulat ba kayo?"sabi ulit ni ann
Napansin ko na may tinetext si nash.
Dumaan kami sa likod papuntang forest para di niya kami makita.
Habang naglalakad kami biglang may nagsalita at may nagpaputok ng baril.
Bigla akong napasigaw sa takot.
Tinignan ko mga kasama ko, Buhay pa naman sila.
Sino tinamaan?
"Ano haharap kayo o tatama na to sainyo diretso?"sabi ni Ann
"Wag kayong lilingon."bulong ni Nash di kami lumingon maliban kay John.
"talaga bang bobo kayo?! Sinabi ko lumingon kayo bat si john lang?! Lumingon kayong
mga hampas lupa!"sigaw niya saamin
"Ann please tama na."sabi ni John sakanya
"TAMA NA?! Bullshit! Sabi mo maghihintay ka! Sabi mo ako lang! Anong nangyari?!
Nagmahal ka na ng iba?"
"Naghintay ako ann! Naghintay din ako! Sinong di mapapagod?! 3 taon ann! Sabi mo
tatawag ka! Ni text nga lang wala eh! Simula ng umalis ka lagi kitang tinatawagan
chinachat pero ano?! Wala kang reply ni isa! Kasalanan ko ba kung may mahal na
akong iba?!"
Wow. As in WOW nalang masasabi ko.
"John.."sabi ni Ann at binaba ang baril na hawak niya
Ann's POV
What the Fuck am I even thinking?!
Bat ba ako umasa na magiging ako pa?
Tatlong taon akong di nagparamdam sakanya.
All things changes.
"John.."sabi ko at binaba ang baril na nakatutok sakanila kanina.
Wala na akong pakealam kung patayin man ako ni ashley.
Wala na akong mga magulang. pinatay niya! Ano pang silbe?!
"Ann, tama na. Intindihin mo nalang na wala na talaga."sabi ni Nash
At doon, sa sinabi niyang iyon tumulo ang mga luha ko.
Bakit kelangan maging ganto?
Bakit kelangan na mahirapan ako?
"Bat mo kami trinarydor?"tanong ni Joaquin
"Bakit ka kumampi kay ashley?"tanong ni Danika
Napaupo ako sa damuhan.
"Pinatay ni Ashley mga magulang ko."
"Ha?! Bakit?!"sabay sabay na sabi nila
"I don't know. Dahil sa utang? Sa pera? Hindi ko alam. Nung libing nila kinausap
ako ni ashley at sinabi na kelangan niya ako para matuloy ang plano niyang
paghihiganti sainyo. Panguna, Hindi ako pumayag. Pero sa huli napilitan ako dahil
sa papatayin niya ako."sabi ko habang umiyak.
Nakaramdam nalang ako ng yakap, yung yakap na matagal ko ng hindi nararamdaman
galing sakanya.
I badly miss him.
"Ano yung sinasabi ni ashley na magpinsan kayo?"tanong ni nash
"Magpinsan kami oo. Di lang namin pinaalam dahil sa mga magulang namin."sabi ko
"Sorry ann."sabi nila
"I'm the one who should be sorry. Di ko kayang pumatay ng tao alam niyo yan. I'm
really sorry lahat gagawin ko mapatawad niyo lang ako."sabi ko habang umiiyak
"No, okay lang."sabi ni John
Ang bilis nila magpatawad kahit na trinaydor ko sila.
"Saglit, sila kristle! Ann pwede mo naman ata kaming tulungan diba?"sabi ni Nash
Tama! Sila kristle pala! Malamang hindi pa yun nakakatakas kay ashley.
"Sila grae nasaan?!"sabay na tanong ni joaquin at danika
"Okay na sila. Nakarecieve ako ng text. Guys, Nandun yung mga Hypertension."sabi ni
Nash
"hypertension? Cool bro! Buti naman naalala pa nila yung leader nila dati."sabi ni
Joaquin
"Member ka ng gang group nash?"tanong ko
"leader pa?!"namamangha na sabi ni Danika
"Dati yun. Oo leader ako dati. Kasama ko na din nun sila joaquin doon kami
nagkakilala at nung umalis kami doon na din kami nadiscover at naging sikat."sabi
ni Nash
"So, pwede wag muna tayong magkwento? Delikado na buhay nila."sabi ni john
At yun na nga, nag-usap usap na kami ng plano hanggang sa okay na at nakaplano na
ang lahat.
Bahala na kung anong mangyari. Kelangan ko'ng bumawi sakanila.
Kahit papaano.
Kristle's POV
"Ano gusto pa ba ng eksena kristle at brace? Natutuwa na ako eh."tumatawang sabi ni
ashley
"Sabi ko ng bitawan mo siya diba?!"sigaw ni Brace
"Awww, ano ako utusan?!"sabi ni Ashley
"Ashley, nahihirapan na siya. Tama na!"sigaw ko
"How dare you bitch! I don't take orders from you!"at naramdaman ko yung mainit
niyang kamay sa mukha ko
"ASHLEY TIGILAN MO NA YAN!"napatingin kaming lahat sa kung sinong nagsalita
Si Ann.
Kasama si John.
"Wow! John! Surprise! Nakita mo na mga kaibigan mo na naghihirap!"nakangiting sabi
ni Ashley
nasaan yung iba?
"Bat kelangan mong gawin to?!"sabi ni john
"None of your shitty business my. friend."sabi ni ashley at umupo habang nagsisindi
ng sigarilyo.
"Ako ng bahala sakanila couz."sabi ni Ann at nilapitan si john at ginapos ang mga
kamay nito. nagsimula ng maglakad si Ann papunta saakin. Nakaramdam ako ng kaba.
Tinulak ng isa sa mga alagad ni ashley si brace sa harap ko.
Nasa harapan ko na siya ngayon, Hinang hina at puno na yung mukha niya. Hinawakan
niya yung magkabilang pisnge ko.
"Kristle, sorry wala ka nang maalala kung sino sila at kung bakit ka nandito't
nahihirapan."di ko napigilan na di maiyak. Nahihirapan ako, Nasasaktan ako.
"Sorry talaga, Hush now you'll be fine. Hindi ko hahayaan na saktan ka nila Babe."
Babe? yung tawag na yun.
"Tahan na okay? I love you. I'm sorry di pa tayo bati tapos eto na agad naabutan
mo. I'm sorry."sabi niya at hinalikan ako sa pisnge.
"Brace, Okay lang kahit wala na akong Maalala. Eto nalang tandaan mo. Mahal kita.
At naniniwala ako na mahal mo din ako."ngumiti siya ng sinabi ko iyon. Nilapag niya
yung ulo niya sa tuhod ko. hirap na hirap na siya.
"ANG CORNY NIYO KUNG ALAM NIYO LANG!"sabi naman ni ashley
Dinala nung isang alagad ni ashley si Brace malapit kay John.
Alalang alala si John.
Nilapitan ako ni Ann at lumuhod sa harapan ko tinutok niya yung baril sa may leeg
ko. Kinakabhan ako at nanginginig. Nabigla nalang ako ng may binulong siya saakin
na sobrag hina.
"Maawa ka naman Ann sakanya!"narinig kong sigaw ni Brace
"Nasa loob ng warehouse sila Nash. May mga kasama sila. Siguro, di mo kilala yun
pero sila John kilala yun."napakahina nun kaya kaming dalawa lang ang nakakarinig.
Pagkatapos niyang sabihin yun, nakita ko sila Joaquin sa may dulo nagtatago may
dala dalaang tubo.
"Kapag lumabas na silang lahat kaylangan niyo ng umalis nila John. Kami ng Bahala.
dumiretso kayo sa may van nandun sila Danika."
napatingin saamin si ashley, mukhang nagtataka siya saamin kaya sinabunutan ako ni
ann.
"ANO BITCH?! NAALALA MO NA BA AKO?!"sigaw niya
"Gusto ko na patayin mo na siya Ann."sigaw ni ashley
"Couz, pwede bang pagtabihin natin silang tatlo?"
"why?!"
"Gusto mo ng magandang show right? Maganda to promise!"
"Okay I can count on you! siguraduhin mo lang kundi mamatay kang hayop ka kasama
nila!"
nilapit nila saakin si John at brace. Tumayo si ann at umupo sa isang sulok malapit
kay ashley.
Habang nag-uusap sila tinignan ako ni John. Alam niya na talaga ang plano.
"URGH! I WANT THE FVCKING SHOW ALREADY! ASAN NA?!"sigaw ni ashley
Tumayo si Ann at tinignan ako at kinindatan ako. Senyales na ata yun ng sinasabi
niya. Unti unti kong naaninag na may mga galaw sa likod.
Nakita ko sila Nash at yung ibang nga lalake na kasama niya. Madami sila, hinanda
na namin ni John yung sarili namin. Pasimple na inalis ni john yung pagakakagapos
saakin. Teka? nakagapos to kanina diba?
"Let the show begin Baby."
Binaril ni Ann ang isa sa mga alagad na malapit kay Ashley. Nagsimula na silang
magbakbakan.
"Tara na Kristle!"tumayo ako, kinuha ko yung kanang kamay ni Brace at Nilagay sa
balikat ko. Habang yung kaliwang kamay ni brace nasa balikat ni John.
Hinila na namin si Brace papunta sa may van. Kelangan na namin makapunta agad ng
hospital. Hinang hina na si Brace.
Ng makarating kami duon sinalubong na kami nila Gav.
"Myghad! Tel kinabhan kami sayo!"sabay sabay na sabi nila
"Si Brace, dalhin na natin siya sa ospital. Tara na!"sabi ko
"Okay sige. Ako na magdridrive!"sabi ni John
"Walang mangyayaring masama sakanya okay?"sabi ni danika at niyakap ako.
Ang sakit na ng buong katawan ko.
Sasakay na sana kami ng kotse ng makarinig kami ng sigaw.
"KALA NIYO MAKAKATAKAS KAYO SAAKIN?!"nilingon namin iyon at si ashley
Duguan na yung mukha niya at may hawak siyang tubo.
"ashley.."sabi ni danika
"Oh? Hi Bitch! Nakatakas ka palang hayop ka! Well, uunahin na kita! Don't worry.
Nasaktan naman ni ann si Graciella eh. I can live with that."sabi niya at tumawa
tinignan ko si brace, nakahawak siya sa kamay ko.
"Don't move a muscle. kilala ko si ashley."mahina na sabi niya
"DAPAT KAYO MAMATAY NA LAHAT!"sigaw niya bago pa man niya matamaan ang isa saamin
Binaril na siya.
Binaril na siya ni Ann...
"I'm sorry. Pero ayokong mabuhay tulad mo. Ayokong magaya sayo!"sigaw ni Ann kay
ashley.
Dumating na din sila Nash.
"I'm sorry guys..."sabi ni ann
"Kelangan na namin kayong dalhin sa ospital ni Brace. "Sabi ni gav
"kami ng bahala dito. Una na kayo."sabi ni Nash sumakay na sila ng van pasakay na
sana ako ng magsalita si brace
"Okay ka lang babe?"tanong ni brace
babe? Yung tawag na yun.
Bago pa man ako magsalita nakaramdam ako ng sakit ng ulo at nagblur na ang paningin
ko.
Paulit ulit kong naririnig yung Babe.
Ang sakit na ng ulo ko.
Bigla nalang akong natumba at nandilim na ang paningin ko.

62
Ashley's POV
Nagising ako and I noticed na nasa ospital ako.
I'm still not dead.
"You're awake..."sabi niya
"Stupid, kita mo na ngang nakamulat ako noh?"sabi ko
"Pasalamat ka binuhay pa kita."
"Wow! Binuhay? Tinarydor mo nga ako!"sigaw ko
"Ashley, stop this nonsense. Nananakit kalang ng tao."
"This is me, This is who I am Ann. Wala ka nang pakialam."sabi ko
"Learn to Change Ash. Wala namang masama."sabi niya
"Change? Wow! Di pa ako tapos maghiganti."
"Stop it Ashley! Nahihirapan sila! Buti nga nabuhay ka pa! Ashley! Sinugod si
Kristle at Graciella sa Ospital! Hinang-hina yung katawan niya! Kahit si Brace
sinugod din! Look what you've done!"sigaw niya saakin
What do I even care?
"So?"
"Bullshit ashley! Gusto ka nilang sampaan ng kaso!"
"Oh? Bakit di nila gawin?"
"Kasi ayaw niya!"
"Sinong may ayaw?"
"Si kristle!" Natameme ako sa sinabi niya.
"You've gotta be kidding me?"
"Totoo yun! Kung alam mo lang, labag sa kalooban nila John yun! Kita mo? Yung taong
di ka maalala yun pa yung ayaw mang sampa ng kaso sayo?"
Di ako makapagsalita.
Sa kabila ng lahat ng ginawa ko,
siya pa ang ayaw mangsampa ng kaso?
"Enough of this already! Ashley! Tama na."
"kelangan ko'ng makulong."I said
kitang kita sa mukha ni Ann na nabigla siya.
Right, I should pay.
Lahat ng ginawa ko sakanila kelangan ko'ng pagbayaran.
simula highschool dahil sa matindeng selos eto ang nangyari.
I should.
"What? Di ka na nila sinampaan ng kaso! Are you even insane?"
"No! Kasalanan ko to'ng lahat ng to! I should pay! Kelangan ko'ng makulong ann!
kelangan kong mag-sorry sakanila."
Oo, siguro tama na. Siguro TIME-OUT na.
Nakakapagod na.
At oo, Nakakasakit na ako ng tao.
"Same Hospital lang kayo na-confine na tatlo. I think-"
"Yep. We need to."sabi ko
Tinawag niya ang nurse at nagpadala ng wheelchair.
Dinala nila ako sa room ni Kristle.
"Nandyan sila Lahat. Including Brace and Graciella."sabi niya tumango ako at
tumingin sa pintuan.
saktan man nila ako o murahin I deserve it.
Kumatok si ann at pumasok ng Room.
Ang mga ngiti nila kanina, bigla nawala sa mga labi nila.
"Ashley?"sabi ni Grae
"Anong ginagawa mo dito ashley?"tanong ni Joaquin
As usual, may galit sa tono ng boses nila.
"Well, I think ashley wants to say something."sabi ni Ann at hinawakan ako sa
balikat.
"Wow! Gising ka na pala tapos may kaya ka pang pumunta dito?!"galit na sabi ng
kaibigan nila na si gav
"Ano? Para saktan at pahirapan naman sila?! Hoy! Para sabihin ko sayo ang dami na
ng atraso mo sa bestfriend ko! Papalapa na kita ng buhay!"sabi naman nung Danika
"buti nga di na tinuloy yung pagsasampa sayo!"sabi naman nung julien
"Okay! I can please just say something? Ano magsasalita pa kayo?"sabi ko naman
"Lakas ng loob mo ha! Tsk FYI, may atraso ka!!"sabi naman nung marille lynne
UGHH! Kung bitchy pa ulit ako sa kwentong to sasapakin ko tong mga kaibigan nila
Nash.
"Papagsalitain niyo kaya muna."sabay na sabi ni Graciella at Kristle
"Ano yung sasabihin mo ashley?"tanong ni brace madami pa din siyang pasa. Nakaupo
din siya sa wheel chair. Tatlo kaming may wheel chair. Graciella, Brace and me.
Naawa ako sa ginawa ko sakanila.
Ang sama ko'ng tao.
"Well, I caused too much pain and trouble -"
"Talaga! masyado mo kaming tinakot at pinagalala kung makakatakas pa ba sila!"sabi
naman ni Gav
"Oo nga! Akala ko katapusan ko na nung araw na yun! Mahal ko pa buhay ko! Tsaka si
J-"naputol yung sasabihin ni Danika ng magsalita ako
"I get it already okay! Urghh! Oo alam ko na magiging kayo ni joaquin! Jusko
lord!"I said and rolled my eyes kaya naman nagkatinginan si Joaquin at danika
"Ha? Etong danika na to? Jusko naman Ashley! Sasampaan na kita ng kaso 2!"sabi
naman ni Joaquin
"Wow! Kala mo papatol ako sayo? Maghulos dili ka nga!"sabi naman ni danika
"Alam niyo, pasalamat kayo wala na si kryzshel at pumunta na ng ibang bansa! Okay
na siya naka move-on na ata siya! pero makakahanap din yun! Pakipot pa kayo!"sabi
naman ni aira
"Okay, this is not my point why I came here."sabi ko
Magsasalita sana si John at Brace ng putulin ko na.
"For pete's sake ano ba?! Pa-pagsalitain niyo naman ako! Ano?"sabi ko kaya naman
tumahimik na sila
"I here to say sorry. Okay lang kung ituloy niyo na yung kaso. Bagay naman yun
sakin. Sa kabila ng lahat ng ginawa ko, I think I deserve it. Bitch ako, di niyo
maalis yan sa pagkatao ko. May karapatan kayong magalit saakin. pero kahit na ganun
ako, May kabaitan pa naman ako. Nagsimula lahat dahil sa selos. Dahil sa inggit at
selos. Bakit? Dahil dati na saamin lang ang atensyon niyong 5. Ngayon nasa kanila
na, nagalit ako dahil sa nasasaktan si Ashley. Kilala mo ako grae, Kahit ano
gagawin ko makita ko lang na masaya ang kaibigan ko. I'm really sorry. Napakasama
ng ginawa ko sainyo.Gusto ko lang naman ng atensyon noon."sabi ko ako yung tipo ng
tao na bitch pero may karapatang umiyak.
Sa mga oras na to', hindi ko napigilan at umiyak na ako ng tuluyan.
"Ayokong sampaan ka ng kaso, Bakit? kasi alam ko na magbabago ka. Ashley, di mo
naman kasi kelangan gawin to eh. We can be friends. Bakit kelangan umabot sa ganto
diba? Ashley, look around. Anjan pa naman si ann."sabi ni kristle saakin
"Why are you like this? Bitch ka na ewan. Wala parin nagbago sayo."sabi ko
"Well, kahit naman kasi wala na akong maalala I'm still me. Ashley, We forgive
you."sabi niya
"Hep hep hep!! Insan naman, agad agad?"tanong ni graciella
Ngumiti ako sakanya, Masaya naman pala sila kasama eh.
Nagkamali ako, alam ko kaya ngayon sisiguraduhin ko na di na ulit mangyayari yun.
Siguro yun na din yung dahilan kung bakit trinaydor ako ni ann. Kasi alam niya na
mabuting tao sila Grae.
"Okay lang kung magalit ka saakin. Kayo? Okay lang."sabi ko sakanila
Nilapitan ako ni Graciella habang nakawheel chair at nagulat ako sa ginawa niya.
Gulat na gulat na halos napaiyak ulit ako.
Di ko naramdaman to matagal na panahon na.
Yung taong kinaiinisan ko sa lahat na pinabugbog ko kay Ann at pinahirapan sa
harapan ni grae nung araw na nasa warehouse kami
Ay Niyayakap ako.
"Oh? Bakit ka umiiyak? Alam mo kahit na ayaw na ayaw ko sayo dati gustong gusto
kitang makilala."sabi niya at pinunasan ang mga luha ko.
"Ngayon ko nalang kasi naranasan na mayakap ulit."sabi ko at umiyak
"I'm really really sorry. Ang bait bait niyo saakin."sabi ko at umiyak
"Kahit na pinabugbog mo ako, mapapatawad parin naman kita eh. Basta magpromise ka
na magbabagong buhay ka na."sabi ni Brace may benda yung kaliwang kamay niya.
"Pasensya na brace."sabi ko at umiyak
"Ashley, promise mo di ka na magiging ganun ha?"sabi ni Ann
"I think kelangan niyo talaga akong sampaan ng kaso."sabi ko
"NO!"sabi nilang lahat
"teka nga, akala ko ba galit kayo sakin?"turo ko kila Danika
"Onti nalang, pero sa araw na gawin mo ulit yon! Nako!! Ipapasalvage na kita!"sabi
ni Julien
"So okay na?"tanong ni Nash
Tumingin ako sakanila tinignan ko si Kristle.
"I'm really sorry."sabi ko
"Okay lang yun ashley! and I think magkakasundo sundo tayo ng Fab 5. "sabi niya
"Why? And no need. I am not part of your 'circle of friends'"sabi ko
"Bitch ka duh! Ano ba ashley! Wag kang ma-drama okay?"sabi ni kristle
WOW.
"Okay na yung Kristle ko! Masungit nanaman eh."sabi ni Brace
"Wow! Kristle ko? Ughh."sabi ko
"Hoy! Kakabati lang natin!"sabi ni Marille Lynne
"Don't blame me. attitude ko na to!"sabi ko
"Ashley, kung matagal na kitang kilala nako nagkasundo sana tayo!"sabi ni Gav
Wow! I think I'm starting to like them.
"So, okay na tayong lahat?"tanong ni Aira
"Yep! Okay na!"sabi ni joaquin
"Bat ang bilis niyo akong patawarin?"tanong ko sakanila
"Here we go again."sabi ni Ann kaya tinitigan ko siya ng masama
"Ashley? Okay na diba? Wag mo nalang uulitin yun diba? Friends na tayo!"sabi ni
graciella
"lapitan niyo nga akong lahat."sabi ko
"Wow! So ano ako? Baka nakahiga ako ashley diba?"sabi ni Kristle
"Malapit lang siya sayo duh!"sabi naman ni Danika
Nilapitan nila ako.
"Can you please hug me?"sabi ko sakanilang lahat
"As in group hug?"tanong ni Julien
"ano ba naman yan ate? kapatid ba kita?"sabi naman ni danika kaya binatukan nung
julien
Niyakap nila ako si Kristle niyakap niya din ako dahil sa pinilit niyang tumayo.
Wow, Nakakaiyak. Feeling ko secured ako sakanila.
Matagal ko na to'ng di naransan.
Grabe, ang laki ng pagsisisi ko na sinaktan ko sila ng ganun.
Well, now na okay na.
I need to make a change in my life and start a new.
Kasama ko naman si Ann since wala na ang mommy ko and ang daddy ko busy.
Kasama ko din ang bago ko'ng kaibigan.
I'm so lucky na pinatawad pa nila ako.
"Hey, kasama ka sa 'circle of friends' namin kung alam mo lang."sabi ni Nash
"I know. And thank you! I guess pupunta nalang muna kami ni ann sa-"
"Let's just stay couz. Kay ninang mia okay?"sabi niya
tumango nalang ako.
I guess I'll just stay.
I really owe them.
Di na ako babalik sa dati.
Danika's POV
"Hoy! Tulungan na kita diyan."sabi niya Saakin at binuhat ang mga gamit na dala
dala ko.
It's been 3 weeks simula ng mangyari yung sa ospital.
Okay na kaming lahat. Masaya na ulit kami at Balik sa normal
Kami ni joaquin, medyo okay na din. MEDYO lang.
nag-grocery kasi ako.
Ako lang muna kasi yung tao sa bahay ngayon. -_- hindi ko alam kung nasaan yung FAB
5. T_T
"Uhmm, Joaquin alam mo ba mung nasaan sila Kristle?"tanong ko
"Si Kristle at Brace alam ko kung nasaan nasa Subic sila. Yung iba? Hindi ko
alam."sabi niya
"kahit sila Grae di mo alam kung nasaan?"tanong ko pero umiling lang siya.
"Nga pala, tara may pupuntahan tayo."sabi niya
"Ha? Saan?"tanong ko
"Wag nang maraming tanong."sabi niya at hinila na ako sinara na niya yung pintuan
at nilock. Hayaan mo may mga kanya kanyang susi naman yung mga babaeng yun.
Pinasakay niya ako sa kotse niya at pinaharurot na to.
Sa park?
Bumaba na ako ng kotse at hinila niya ulit ako.
Sa Hill? Burol?
"Wow, di ko alam may burol pala malapit sa park."sabi ko at may swing din at may
isang puno.
"Dito ang tambayan namin nung highschool kami nila Kristle. dito din sila kristle
at brace noong bata pa sila."sabi niya at umupo sa damuhan kaya nama tumabi ako
sakanya
Palubog na ang araw.
"Dito sila nagkakilala?"tanong ko
"Nung bata sila oo."sabi niya
"Simula bata sila?"
"Si Pachi ang first love ni Brace. Si Brace at kristle hindi nila alam na magchild-
hood bestfriend sila. Unang pagkikita nila di maganda nag-away sila pero nagbati
din. Hanggang sa dinala ni Brace si Kristle dito. Ayun, nalaman nila na nasa
harapan lang pala nila yung matagal na hinahanap nila."pagpapaliwanag ni Joaquin
"Ikaw joaquin? Bat ka ganyan?"tanong ko
"ano kung bakit ako gwapo?"
"Wow kapal! I mean, bat ang sungit mo at ang cold mo pagdating sakin?"tanong ko
"Wala naman, Mas gusto ko na ganun tayo. Masaya ka naman kasama ehh. "Sabi niya at
ngumiti saakin dahilan para lumakas yung heartbeat ko
"Ikaw? Bat ang sungit mo? Mas malala ka pa kay kristle."sabi niya
"Eh sa nakakaasar ka tsaka simula palang man-hater na ako maliban kay Grae.
Childhood bestfriend ko ehh Tapos sayo."sabi ko napatingin naman siya saakin
"Ha? Okay kalang? Eh halos ipasalvage mo na ako. Kakasabi mo nga Lang naasar ka
saakin."sabi niya at tumawa
His laugh..
Makes my heart skip a beat.
Bumabalik nanaman yung dating nararamdaman ko nung mga araw na fan niya ako.
"Fan mo ako dati, naasar lang ako sayo kasi masyado kang ganyan! Ni ayaw mo na
maniwala sa happy endings and love."
Tumingin siya saakin at ngumiti.
"Pano kung sabihin ko sayo na ngayon naniniwala na ulit ako doon?"
___________________________
'Paano kung sabihin ko sayo na ngayon naniniwala na ulit ako?'-Joaquin
Okay, ayos na. Masaya na ulit! Okay na bati na sila ashley!
3 chapters to go and tapos na ang FALLEN! Maraming salamat sa mga reads and votes
and comments. Hayaan niyo may Book 2 naman eh!
So, yun! MAY BOOK 2 ANG FALLEN WIIIHHH!! Hahaah alavio guys! :*
Follow me on twitter:
-@kristleisdaname
-AuthornamayBRACE

63
Kristle's POV
1 buwan na din yung nakalipas..
Okay na din kami.
Nakakasama na din namin sila ashley. As usual si Gav at Graciella pari na din si
Ashley at ako nagkakasundo,Sama mo pa si Danika.
Wala nang problema.
Siguro, hindi na din saakin importante yung nakaraan ko.
Masaya na ako sa buhay ko ngayon.
Di ko man maalala yung past ko.
At least gumagawa ako ng bagong memories.
Nung dinala ako ni Brace sa subic, parang may naalala ako.
Pero wala eh, ang gulo pa din sa isipan ko.
Sinabi ko kay brace na masaya na ako kahit na di ko na maalala yung dati. Ang
importante okay na ang lahat. Mahal ko naman siya eh, At alam ko na mahal niya din
ako.
Madami din nangyari sa 1 buwan na iyon.
Nag-kakaayos na si danika at Joaquin.
Sinurpresa namin si aira kasi gusto siyang surpresahin ni Nash.
Si Marille lynne naman at John nagkaaminan na, na may gusto sila sa isa't - isa.
Ayun? Nililigawan na ni John si marille lynne.
Pumayag na din si ann. Masaya na din daw siya para kay John.
Si mafe naman? Busy sa pagmomodeling niya.
Si Grae at graciella, ewan ko ba sakanila. Di pa nagkakaaminan. Pero okay na din
sila kahit papaano, Masaya ulit sila. Kung makapagaalala nga si grae kay graciella
susko.
Halata naman na may gusto talaga si grae kay graciella.
Kami ni brace? Well eto, sabi niya magtatry parin siya na tulungan ako maalala yung
lahat. Eh sabi ko naman okay na nga, na kami na.
Ang loko gustong gusto talaga na ipaalala saakin lahat. Kasi daw nagpromise saakin
hayss hinayaan ko nalang. Matitiis ko ba siya?
Nandito kami ngayon sa hindi ko alam. -_-
Surpresa daw. Anong pakulo nila?
Eto kaming mga babae, nakapiring ang mga mata maliban kay Gav, Julien, ashley at
ann.
So ganun?
Ano ba talagang meron?
"Wag mo muna tatanggalin yang piring sa mata mo." Sabi ni Brace at binitawan ang
pagkakahawak sa kamay ko.
"Peste kayo! Ano bang pakulo to?"sabi ni graciella
"Leche ka John! Ano ba to'?"sabi ni marille lynne
"Yaan niyo na sila, Hoy teka nga joaquin! Bat ba ako nakapiring ha?"sabi naman ni
Danika
"Nash! Mahal kita alam mo yan. Surprise ulit?"tanong ni aira sa tono ng boses niya
ang saya saya niya.
"Ahh brace? ano ba meron?"tanong ko
"Eto na wait lang kasi."sabi ni Nash napansin ko na unti-unti nilang inalis yung
piring sa mata namin at wow.
As in Wow!
Hot Air balloon? Tinignan ko si Brace at niyakap siya.
"Thank you."sabi ko naman
"Welcome. Tara? Sakay tayo."pag-aaya niya kaya sumakay na kami
Tig-iisa kami ng hot air balloon.
So bale 2 sa isang hot air balloon maliban kay gav, ashley, at julien.
Loka loka nga tong mga babaeng to. Ang saya saya nila.
habang nasa hot air balloon kami as usual ang saya saya ko.
"Sino nakaisip neto?"tanong ko
"Kami. Kasi ganto pinaamin namin si Grae tungkol sa nararamdaman niya kay
Graciella. Kahit si Joaquin, pinaamin din namin."sabi niya habang nakahawak sa
kamay ko at nakatingin sa mga ulap.
"Oh tapos?"sabi ko naman habang nakatingin sakanya
"Napaamin nga namin, ayun gumawa kami ng plano para naman makapagtapat na si Grae
kay graciella kaya eto."sabi niya naman
"Eh pano si Danika at joaquin?"tanong ko
"Turns out na may gusto din si Joaquin kay Danika simula nung nasa warehouse tayo.
Natatakot lang siya na baka iwan ulit siya katulad nubg kay kryzshel."sabi niya
Ano bang nangyari sakanila? Ang alam ko lang nagbreak sila at umalis si kryzshel.
"Ahh.."yan nalang ang sinabi ko
"Kristle, wag mo akong iiwan ha?"sabi niya kaya naman tumingin ako sakanya at
nakatingin din pala siya saakin.
Ngumiti ako at hinawakan ang magkabilang pisnge niya.
"Di kita iiwan, kaya wag mo nang problemahin to'ng amnesia ko. Masaya na ako kahit
na wala na akong maalala sa past ko. Mahal kita brace okay? Mahal na mahal."sabi ko
"I love you till the sun dies."sabi niya saakin
"I love you too."nakangiting sabi ko
"Suot mo pala yung necklace."nakangiting sabi niya
"Oo naman, Importante to saakin."sabi ko
Ngumiti siya saakin and he cupped my face. Nakita ko ang malalim niyan dimples.
Tinitigan niya ako simula mata hanggang labi.
He grabbed my waist.
"I've" he kissed my forehead
"Fallen"kissed my nose
"For" kissed my left cheek
"You"kissed my right cheek
Tumigil muna siya at tinigan ang mga labi ko. Ngumiti siya
"Kristle."naramdaman ko nalang ang malambot niyang labi sa labi ko.
Napakalakas ng heartbeat ko, feeling ko anytime sasabog na to'ng puso ko.
Tapos parang may kuryente akong naramdaman sa katawan ko. Hindi ko alam pero ang
nasa isip ko lang, Mahal ko siya. Mahal na mahal
Wala nga akong maalala sa past ko..
I can still make new memories...
With my family, my friends and with him.
Si Brace Henry Cantos Arquiza.
Danika's POV
Tahimik lang ako habamg pinagmamasdan ang view sa baba.
Ang ganda pala.
"Hoy! Bat ang tahimik mo?"tanong niya
Tumingin ako sakanya na blankong expression.
Nagkamali ako, nagkamali talaga ako sa lahat.
binaling ko nalang ang atensyon ko sa pagkalikot ng cellphone ko.
Hinablot niya iyon at kinuha ang braso ko dahilan para mapalapit ako sakanya at
dahil sa sobrang lapit..
Nagdikit ang labi naming dalawa.
Parehas kaming gulat, walang gumagalaw sa katawan ko.
Pero no, tinulak ko siya at tinignan siya ng masama.
"Ano bang problema mo?!"singhal niya
"Problema ko? kinuha mo lang naman ang first kiss ko!"sabi ko sakanya
"Masama ba?"
"Joaquin oo! Masama yun! first kiss ko yun eh! Ano ba?!"
"Ano bang nangyayari sayo?!"sabi niya
"Joaquin! Tama na pwede ba? kung hindi mo lang naman ako sasaluhin wag na!"
"Ano bang pinagsasabi mo?"
"Joaquin! gusto na kita! Gustong gusto na kita! ewan ko simula nung binuhat mo ako
nung nasa warehouse tayo at nung dinala mo ako sa burol hindi ko alam kung anong
nararamdaman ko! Nung nakilala kita sa personal, inis na inis ako sayo! parang
nagsisisi ako na naging crush kita simula't sapul palang! Pero ano? Bumabalik
nanaman yung pagkagusto ko sayo nung fan mo ako! Yung pag-aalala mo saakin, yung
pagiging caring mo nung nakaraang araw lalo na nung dinala mo ako sa burol.
Joaquin, tama na! Wag mo na akong paasahin kung hindi mo lang nama ako
sasaluhin."sabi ko sakanya pinipigilan ko lang yung sarili ko na umiyak.
Ayokong makita niya ako na umiiyak.
Yumuko nalang ako at tumalikod.
"Sa tingin mo ba pinapaasa kita? Sa tingin mo ba di ko kayang suklian yang
pagmamahal mo? Danika oo, asar na asar ka saakin alam ko yan. Pero aaminin ko,
gusto kita simula nung nasa warehouse tayo. Hindi ko alam pero sobra yung pag-
aalala ko sayo. Nung nag-away tayo. Hindi ako makatulog kakaisip sayo. Halos
mabaliw na ako nung araw na nag-away tayo. Wala akong maasar, walang nagpapasaya
saakin, walang bumubuo ng araw ko. Di mo manlang ba naisip na, siguro gusto na
kita. Siguro wala ng kryzshel na sumasagabal sa isip ko? Danika ikaw na yun eh.
Ikaw na lagi yung iniisip ko. Danika, maniwala ka. gustong gusto na kita."paliwanag
niya
G-gusto niya ako? Tumingin ako sakanya at napansin ko na may tumulong likido galing
sa mga mata niya.
"Bakit di mo agad sinabi?"tanong ko nilapitan niya ako at hinawakan ang magkabilang
kamay ko.
"Natatakot ako, natatakot ako na baka pag umamin ako sayo di mo suklian yung
pagmamahal ko. Natatakot din ako na baka sa isang hidlap mangyari yung nangyari
saamin ni kryzshel dati."sabi niya at tinitigan ako.
"Hindi mangyayari yun,Di kita iiwan joaquin."sabi ko
"So tayo na?"tanong niya
papabebe pa ba ako? Joaquin Reyes na to'?
Tumango ako at ngumiti siya ng pagkalapad lapad. Mukha siyang ewan.
"Talaga?!"
"Oo tayo na."sabi ko habang nakangiti niyakap niya ako at tumingin diretso sa mga
mata ko.
" I love you."sabi niya saakin at ngumiti siya
"I love you too Joaquin Reyes."sabi ko tinitigan niya ako sa mata at labi
Nilapit niya ako sakanya, this is it! Ngumuso naman ako syempre.
Nagulat ako ng hinalikan niya ako sa noo.
"Ngunguso ka pa ah? Talagang gusto mo sa lips hayaan mo, ikikiss kita diyan."sabi
netong lokong to habang tumatawa
Nakakahiya ka Danika! Hinampas ko siya sa braso ng mahina
"Loko ka! Pahiya ako dun ah!"sabi ko at tinakpan ang mukha ko gamit ang dalawang
kamay ko.
"Hayaan mo na. Gusto mo kiss kita?"sabi niya
"Loko!"sabi ko
Tinanggal niya yung kamay ko at one thing I knew.
Hinalikan niya na pala ako sa labi.
Ang lakas ng tibok ng puso ko, bigla nalang nangatog yung tuhod ko kaya humawak ako
sa leeg ni joaquin.
"Oh okay na ha? Ako nama ikiss mo."sabi niya sabay nguso
"Ikiss kiss mo mukha mo sa pader!"tumatawang sabi ko
"Di hamak naman na mas cute akong ngumuso kesa sa girlfriend ko."sabi niya at
binatukan ko
"Joke lang naman! Nga pala."sabi niya at inabot saakin ang flowers at chocolates na
may kasamang bracelet?
" Bracelet?"sabi ko ang ganda nung bracelet.
Para siyang lucky charm.
"Yep. Binili ko siya kahapon. Walang kwentang pumili sila brace lalo na si grae eto
pinili. Sabi niya mas gusto mo daw yung mga ganyan.Nagustuhan mo ba?"sabi niya
Niyakap ko siya at ngumiti.
"Gustong gusto ko joaquin! Thank you!!!"sabi ko at hinalikan siya sa cheeks
halatang nabigla siya. Kahit ako nabigla sa ginawa ko.
"diskarte mo ah!"nakangiting sabi niya
"tsk. Minsan lang yan!"sabi ko
Niyakap niya ako at hinawakan ang kamay ko.
Turns out na, okay pala.
Akala ko, di niya masusuklian pagmamahal ko sakanya. Mali pala.
Graciella's POV
"Graciella, may aaminin ako."sabi niya saakin at hinawakan ang kamay ko.
Masasaktan nanama ba ako lord?
"Ano yun?"tanong ko
"Mahal na kita."sabi niya at ngumiti saakin.
Sandali akong natulala.
Mahal na kita.
Sinasabi ba talaga to ng taong mahal ko?
Sa harapan ko?
"H-ha?"sabi ko
"sabi ko mahal na kita."sabi niya
"Mahal mo ba talaga ako? O rebound lang?"tanong ko
Ayaw ko ng masaktan.
Baka kasi rebound lang niya ako.
"Ano bang pinagsasabi mo?"
"grae, alam ko na mahal mo pa si mafe."sabi niya
"Hindi ko na siya mahal. Ikaw na!"
"Tama na grae! Eto nanaman tayo eh! Masasaktan nanaman ako! Sabi ko na nga ba eh!
Grae wag na tama na! ayoko na!"eto nanaman yung mga luha ko, tinatraydor ako
"Nagbreak kami ni Mafe dahil alam niyang it was you all along. Na ikaw yung mahal
ko. Graciella, ikaw yung mahal ko. Siguro bulag pa ako nung araw na yun. Graciella
sinigurado ko na ikaw na talaga. Kung hindi ikaw, mag-aalala ba ako ng ganun nung
nasa warehouse tayo, mag-aalala ba ako ng ganun kung hindi kita mahal? Graciella,
nung hinalikan kita sa forest nakaramdam ako ng pagtibok ng puso ko. Tawagin mo na
kong corny anong magagawa mo? Graciella, sorry nagkamali ako. Sorry kung nasaktan
kita sorry kung napamanhid ko. Graciella, mahal na kita. "Sabi niya umiiyak ako sa
harapan niya
Nakikita niya akong umiiyak sa harapan niya.
Pinunasan niya ang luha ko using his thumb.
Pinagdikit niya ang noo namin ang pumikit siya.
"I love you always remember that."sabi niya
"mahal din kita."sabi ko at niyakap siya
"I'm sorry dahil sinaktan kita."sabi niya at humiwalay ako sa yakap niya.
"It's okay. I forgive you."sabi ko at ngumiti
"I love you love."sabi niya
Love..
Yung tawag na yun.
dahilan to make my heart skip a beat.
Dahilan para mahulog ako sakanya ng tuluyan.
"So, love liligawan na kita."sabi niya
"No need love, dahil tayo na."masayang sabi ko
"Talaga?!"
Tumango ako at niyakap niya ako ng mahigpit.
Tinignan niya ako at hinalikan niya ako sa forehead.
"Mahal na mahal kita."sabi niya at hinawakan ang kamay ko.
"Mahal din kita grae."sabi ko at sumandal sa balikat niya
"Oh, nga pala."sabi niya at inabot saakin ang magandang necklace.
A heart shaped necklace.
"Ang ganda."sabi ko
Sinuot niya saakin ito at ngumiti siya saakin
"Heart? Heart kasi I love you. Heart? heart kasi yun din ang tawag sayo. heart?
heart kasi mahal mo ako."sabi niya at niyakap ako.
"I so dig you."sabi ko at hinalikan ko na siya sa labi.
Aira's POV
"Aira.."sabi ni nash at hinawakan ang kamay ko.
"Hmm?"tanong ko
"I love you."sabi niya at ngumiti nakita ko ang dimples niya
Those dimples.
At naramdaman ko na ang lakas nanaman ni heartbeat.
hayss aira, mahal na mahal mo na nga talaga to'ng Nash aguas na to.
"I love you too."sabi ko
"Promise?"sabi niya at he grabbed mg waist dahilan para mapalapit ako sakanya
"Promise ko."sabi ko sakanya habang nakangiti
"Mahal na talaga kita to infinity and beyond."sabi niya
"Mahal din naman kita eh. Nash, thank you sa lahat. Thank you kasi ang effort mo,
ang caring mo, maalalahanin ka, napasweet mo, napakabait mo, at higit sa lahat
minahal mo ang isang tulad ko."sabi ko at ngumiti ulit sakanya hinalikan niya ako
sa cheeks
"Aira, thank you kasi dumating ka sa buhay ko. At binago mo ako."sabi niya saakin
dahilan para tumibok si puso ng todo todo
"I love you nash."sabi ko
" I love you aira. tayo ha? Hanggang forever."sabi niya
"Opo boss."sabi ko at ngumiti siya saakin
Tinignan niya ang labi ko at naramdaman ko ang labi niya sa labi ko.
Those soft lips..
Dati, nutella lang ang forever ko.
Ngayon nutella at nash aguas pa.
Mahal ko talaga to'ng AEIGN ZACKERY NASH VICTORIANO AGUAS NA TO.
"Walang forever mga guys!"sigaw ni gav
"Meron gav! Utas ka! maghintay ka wag kang atat!"natatawang sabi ni nash
tumawa nalang kami at nag-usap usap. Magkakalapit lang naman kasi kami lahat ng hot
air balloon eh.
Si grae at graciella na nga kahit si joaquin at danika ehh.
Mga 4 inches lang ang layo namin.
Basta ang magtangka na paghiwalayin kami ni nash.
Babarilin ko kayo! Ayy?
Marille Lynne's POV
"Marille lynne, kelan mo ako sasagutin?"tanong ni john saakin
Kelan nga ba?
"Gusto mo ngayon na?"
"Aba ako tanggihan pa yun? Nagbibiro lang, makakapaghintay naman ako eh. I can
wait."sabi niya
"Paano kung sagutin na nga kita ngayon?"tanong ko naman
"Sinasagot mo na ba ako?"tanong niya at halata sa itsura niya na ang saya saya niya
"Oo na. Sinasagot na kita!"masayang sabi ko
Niyakap niya ako.
"Di mo alam kung gaano mo ako pinasaya."sabi niya
"Di naman ako magsisisi kung sasagutin kita diba?"tanong ko
"Nope, you'll never regret that."sabi niya
"Well yan tayo na."nakangiting sabi ko
"WHOO! TOL! SINAGOT NA AKO NI MARILLE LYNNE!"sigaw ni john kila brace
"Ayos tol! Congrats!"sabi nila joaquin
Tumingin siya saakin at ngumiti.
"I love you marille lynne."sabi niya
"I love you too."sabi ko at hinalikan niya ako sa forehead.
"EDI KAYO NA MAY FOREVER!"sabi naman ni julien
"Guys? Hayaan niyo makakahanap din tayo. Let's just be happy for them already!"sabi
naman ni ashley
"Wag ka! May nagyaya saakin!"sabi naman ni gav at nakangiti
"Sino naman?!"sabi namin
"Aba! malamang secret! Magsaya nalang kayo."sabi ni gav kaya naman nagsitawanan na
din kami.
Ang saya ko, ngayon na Kami na at masasaya na din mga kaibigan ko.
Okay na ang lahat.

64
Brace POV
"Tol, ano na?"tanong saakin ni John.
"Anong ano na ba pinagsasabi mo kanina pa."sabi naman ni Nash
"Ano na yung plano mo brace?"tanong ni grae
Ano nga ba plano ko?
"Wala pa akong naiisip."sabi ko sabay kamot ng ulo ko. Wala akong kuto ah! Wag
kayong ano jan!
nakita ko silang sabay sabay na nagpoker face sabay sabay akong pinagbabatukan.
Masakit.
"Ano ba naman yan tol! Dalawang araw mo na yang pinagiisipan wala pa din?
Kakaltukan na kita eh!"sabi naman ni nash
"Binatukan mo na ako. Wag ka ngang ano jan!"sabi ko naman
"Eh tol, ano ba kasing plano mo?"tanong naman ni Joaquin
"Wala pa nga akong naiisip."sabi ko at umupo ng maayos.
Nandito kasi kami sa ABS. Kakatapos lang namin ng ASAP.
"alam na namin!"sabay na sabi ni john at grae
"ano?"sabi naman namin nila Nash
Sinimulan na namin pag-usapan ang naisip ni John at Grae at sa tingin naman namin
okay yun kaya nag-approved naman ang lahat.
Sana magustuhan niya.
Kristle's POV
"Nak!!!!"
"Hoy gising na insan!"
Sigaw lang naman yan ni Mama at ni Graciella.
Sila danika at sila gav nagsiuwian sa bahay nila dito malapit saamin.
Nandito na din si Mama. Si mama lang, si Papa kasi may inaasikaso pa kasama yung
mga kapatid ko para sa company namin kaya si mama lang ang nakauwi. Eto si
Graciella, binisita ako agad agad wala pa nga sila Gav. -_-
"Po?"sabi ko naman at binuksan ang pintuan ng kwarto ko.
"Maglinis ka ng kwarto mo!"sabay na sabi nila
"Ha?!"tanong ko naman
"Oh bakit? Maglinis ka na anak, di ka pa naglilinis simula nung dumating ako."sabi
naman ni Mama
"Pe-"naputol yung sinasabi ko ng takpan ni graciella yung bibig ko.
"Maglinis ka! Pagkatapos mo maglinis ng kwarto mo, sumigaw ka ng pretty kong
pangalan at aalis tayo."sabi naman niya
binatukan ko ang gaga.
"Pretty? Gusto mo'ng kaltukan ulit kita?"sabi ko naman
"Joke lang naman eh! Oh siya! Bilisan mo na jan!"sabi niya naman
"Usong tulungan ako."
"Ayy? Wala sa dictionary ko yan."
"I hate you!"
"I love you! Sorry, may pupuntahan kasi ako."
"Ha? San naman?"
"A-ah a-ano may pupuntahan ako saglit lang. magkikita kami ni grae."sabi niya naman
magsasalita pa sana ako ng bigla nalang siyang umalis.
"Ma..."sabi ko naman
"Hindi, lilinisin mo na yang kwarto mo. Sige na."sabi ni mama at bumaba na din ng
hagdan iniwan na nila saakin yung mga cleaning materials.
Ma, may hika ako bawal akong maatake ng hika. Hayss, nanay why?
Hayss, may magagawa pa ba ako?
Nagstart na akong ayusin yung kama ko. pinalitan ko na yung bedsheets, yung pillow
cases and things.
Inayos ko din ang study table ko, pati na din mga sapatos ko.
This is gonna be a very very long day.
************************
Well, pagod na pagod na ako. grabe ang kalat pala ng kwarto ko.
Isa nalang ang lilinisin ko.
Ang old closet ko.
I wonder kung anong meron dito.
Ay ang bobo Kristle Malamang yung nga lumang damit. Urghh!
Binuksan ko nalang yun at nakita ko yung mga lumang damit ko.
habang inaayos ko yun at inoorganize biglang may nakapukaw ng atensyon ko.
Isang Teddy bear.
Kinuha ko ito at pinagmasdan.
Biglang may parang nag-flashback sa utak ko.
FLASHBACK
" Patchi! May ibibigay nga pala ako sayo."sabi niya sabay abot ng teddy bear saakin
"Wow thank you!"
"itago mo yan ha? importante yan saakin."
"Yes I will always keep it."
END OF FLASHBACK
Isang batang babae na nakaupo sa ilalim ng puno at pinagmamasdan ang nga ulap.
Bigla siyang nilapitan ng isang batang lalaki.
Bigla akong nakaramdam ng hilo kaya naman pinagpatuloy ko nalang ulit ang pag-aayos
ng closet.
Sino si patchi?
Ako ba yun?
Eh sino yung nagbigay nung teddy bear kay pachi?
Hindi ko nalang pinansin at pinagpatuloy ang paglilinis.
At may isa pang mas nakapukaw ng atensyon ko.
Isang scrapbook..
OUR LOVESTORY TOGETHER
Yan ang title ng scarpbook.
Ng buksan ko iyon, naglalaman ng pictures.
Pictures namin ni Brace, biglang nagflashback lahat.
Lahat sila.
Nakaramdam ako ng sobrang sakit ng ulo ko.
Tumayo ako at sanang bubuksan ang pintuan pero di ko kayang maabot yung door knob.
sobrang sakit.
napasigaw nalang ako at napaupo ulit.
Hanggang sa natumba ako at nandilim ang paningin ko.
Brace POV
Okay na ang lahat, settled na.
6pm na ng gabi. At balak ko na siyang surpresahin.
Si danika, gav at graciella ang susundo kay kristle habang si Marille Lynne at
Julien,Aira, Ashley at Ann naiwan dito.
Nandito kami ngayon sa burol. Sa lagi naming tambayan.
Naisip kasi ni John at Grae na surpresahin si Kristle ng lanterns.
And it was a perfect idea.
Habang nakaupo ako sa damuhan at umiinom ng chuckie bigla akong nilapitan nila Ann
maliban kay Nash.
Asan si Nash?
Kitang-kita sa mata nila ang pag-aalala.
Anong nangyayari?
"Tol.."pagsisimula ni Joaquin
"Anong problema niyo? Tsaka asan si nash?"tanong ko sakanila at tumayo.
"Brace si Kristle.."sabi nama ni Aira
Bigla akong nakaramdam ng kaba.
"anong nangyari sakanya?!"di ko na napigilan ang sarili ko na mag-alala
"Tol kumalma ka."pagkakalma saakin ni Grae
"Asan ba siya? Anong nangyari sabihin niyo!"sabi ko sakanila
Sandali silang nagkatinginan.
"Nasa ospital siya."sabi ni Ashley
Para akong nabuhusan ng malamig na tubig.
Anong nangyari sakanya?! Bat siya nasa ospital?!
"Bat siya nasa ospital?!"
"Tol, tinext nalang ako ni danika na bilisan daw natin pumunta ng ospital. Sumakit
daw yung ulo ni kristle parang yung nangyayari sakanya pag may naalala siya sa past
niya."pagpapaliwanag ni Joaquin
"Puntahan na natin siya tara na."sabi ko
"Teka Brace, paano to'ng surprise mo?"tanong ni Ann
"Wala namang kwenta yan kung yung taong dapat susurpresahin ko nasa ospital."sabi
ko
"nauna ng pumunta si nash ng ospital."sabi ni aira
"Joaquin yung kotse mo?"tanong ko
"Tol, dinala ni Nash iisang kotse lang dala natin."sabi naman ni Joaquin
Napasabunot nalang ako ng buhok ko.
"Papara ako ng taxi."sabi ni marille lynne
"Ikalma mo nga yang sarili mo brace! magiging okay din siya."sabi ni Ashley
"Walang taxi brace."sabi ni Marille Lynne
"Bakit ngayon pa?!"sigaw ko
"Walang magagawa yang pagsigaw mo dyan! I told you okay lang siya!"sigaw saakin ni
ashley
"pano mo naman nasabi na okay lang siya? Nakita mo ba siya? Diba hindi!"
"Paano kung nakikita na niya ako ngayon pot?"
Liningon ko kung sino yung nagsalita.
She's okay.
At tinawag niya akong pot?
Kasama niya sila gav. Mukha siyang okay at parang di siya dinala sa ospital.
Linapitan ko siya at niyakap ng mahigpit.
"Akala ko mawawala ka ulit sa piling ko."sabi ko habang yakap yakap parin siya
"Never gonna happen."sabi niya
"Teka paano mo nalaman yung potpot?"tanong ko
"Naalala ko na ang lahat brace."nakangiting sabi niya
Di ko alam kung anong irereaksyon ko, maiiyak ba ako dahil sa tuwa o tatawa ang
malakas. Hindi ko maiexplain.
"Pinapaglinis kasi siya ni graciella at ni Tita au ng kwarto niya then, nakita niya
yung teddy bear na bigay mo nung bata pa kayo and-"naputol yung sinasabi ni danika
ng takpan ni joaquin yung bunganga niya.
"Ang ingay mo naman baby, wag ka nang umeksena sa moment nila."sabi ni Joaquin
"Tara na nga! Sagabal kayo eh!"sabi naman ni Julien
"Oo nga, malapit na akong maniwala sa forever eh."sabi ni Gav
"Forever mo mukha mo gav."natatawang sabi ni Ashley at umalis na din sila.
"At nakita ko to'ng scrapbook na binigay mo nung nasa subic tayo."sabi niya saakin
at pinakita yung scrapbook na binigay ko sakanya 3 years ago na naglalaman ng
memories namin.
"I am so lucky to have you brace."sabi niya saakin at niyakap niya ako
"pero dinala ka sa ospital?"tanong ko
"Oo dinala ako, pero i am okay. Nagmadali akong pumunta dito dahil alam ko na pag
nalaman mo na nasa ospital ako mag-aalala ka."sabi niya
"I'm sorry, I can't risk losing you again."sabi ko
"thank you for not giving up on me."sabi niya
I'll never will Kristle.
Kristle's POV
Ngumiti ako sakanya at ganun din ang ginawa niya, kaya ngayon kitang-kita ko na
yung malalim niyang dimples.
It makes my knees wooble.
"Ano palang nakalagay sa scarpbook na yun?"tanong niya saakin.
"Nakalagay doon na, 'I may forget the memories we had but my feelings for you will
always stay the same Babe.' "Sabi ko sakanya
Oh memorize ko pa yan.
napangiti siya saakin at ganun din ang ginawa ko.
"I"sabi niya at hinalikan ang forehead ko
"Love"kissed my nose
"You."tumingin mo na siya saakin then his soft lips pressed into mine.
Humiwalay na kami at bigla nalang may dumamba saamin at nag group hug.
"Aww? Ang sweet niyo. Pero hanggang sa wala pa kaming boyfriend nila Julien wala
paring forever."sabi ni Gav
"damay mo pa ako sa kahibangan mo gav!"sabi naman ni julien
"Oo nga gav, wag kami pwede."sabi ni ann habang nakagroup hug padin kami
"Ohhkay? I can't breathe please let go already."sabi ni ashley kaya naman bumitaw
na kami.
Nagcelebrate nalang kami at pinagmasdan kung gaano kaganda ang lanterns.
I finally remember everything already.
____________________________
Finally ariel happened to me! Chosss. Hahaha!
1 chapter to go! Ilavyuu guyss!
Mamimiss ko kayo. Ayy? Hahaha thank you sa reads and votes and comments niyo.
Lovelots. Bibigyan ko kayo ng bear hug!
Please vote and comment alavyuuu :*
-AuthornamayBRACE
Hi nga pala sa mga B.U na mga nakakabasa neto! Sino sasama sa anniv.? Oyy ingat
kayo ahh! Teambahay ako ehh. :(
Song for this chapter : May I trading yesterday (hindi ko alam kung bakit ito yung
song.)

65
Kristle's POV
~ 3 weeks later...
Mas nauna pa ako sa alarm clock ko na nagising dahil sa sobrang excited ako.
Birthday ko eh, hihi.
Nakaligo na din ako at nakatingin sa cellphone ko. Inaantay ko kasing magtext yung
mga kaibigan ko.
Lalo na si Brace.
7am na din ng umaga. Ang alam ko lang kasi ako at si Danika lang ang tulog mantika.
Mag bestfriends talaga Kami. HAHAHA!
Habang nag-aantay ako ng text nila o kaya naman tawag Nagdecide ako na magtwitter
nalang muna.
As usual, FLOOD ako.
Hahahaha I mean, Sabog Interactions ko.
Ang daming nag-greet sa twitter ko at nireplyan ko din sila pampalipas oras.
Nakakaover whelmed lang dahil sa naalala nila birthday ko, I really love them.
Eh yung mga kaibigan ko kaya?
Si Mama kaya?
Naalala kaya nila?
*BZZT!*
Biglang nag-vibrate ang phone ko kaya naman tinignan ko kung sino nagtext.
FROM : Ate Jannette
-Happy Happy Birthday baby sister ko! Baby ka pa ba? Hindi na. Hahahah tanda mo na!
But always remember ikaw pa din yung cute na lil sis ko. Ingat ka jan ha? Sorry
wala ako sa birthday mo. :( Busy si ate eh! Hayaan mo babawi ako, si mama ha?
Alagaan mo tapos bantayan mo ha? Ingat kayo jan! Pag-uwi ko nalang gift mo.
Iloveyou! :*
Nakakatats :">
*BZZT!*
FROM : Kuya Jay-ar
-Hello kristle! Happy Birthday! Sorry wala si kuya jan. Busy eh, Pag-uwi ko nalang
gift mo. Si Mommy ha? Ingat kayo jan.
*BZZT!*
FROM : Kuya Brian
-Happy birthday! Ingat kayo ni mommy jan. tanda mo na baboy! Hahahah ingat kayo ha?
Yan yan lang mga narecieve ko na mga text.
Si papa tumawag kagabi, Binati na niya ako.
He also said he can't come. Di parin daw tapos yung inaayos sa company. :(
Well, atleast I have my mom.
teka nga, asan ba nanay ko?
Lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa baba.
Nakita ko si Mama nagluluto.
lumingon siya saakin at nginitian ako.
I love how my mom smiled at me.
"Happy birthday anak! I'm sorry di kita napuntahan sa kwarto mo. Busy kasi ako
magluto eh."sabi ni mama niyakap ko naman siya.
"Thank you mommy! I love you so much!"sabi ko naman at hinalikan siya sa pisnge.
"I love you too bunso. Oh sige na, kain na ikaw."sabi naman ni Mama
Umupo na ako, at dahil sa masarap ang pagkain lumamon na ako ng lumamon.
Sabi ko din na ako nalang ang magwawash ng dishes.
Pagkatapos nun, chineck ko ulit phone ko.
Wala :(
Walang messages galing sakanila.
Yung iba sa manager namin ng Fab 5, staffs, and other people na may alam ng number
ko yung mga texts lang nila ang narecieve ko.
Eh yung mga kaibigan ko pati boyfriend ko wala pa.
tawagan ko kaya sila?
Ahh magandang idea yun.
Dialing Gav Maganda :3 ... (siya naglagay ng name na yan sa contacts ko.)
[YOW?]
"Ah gav! Goodmorning!"
[Goodmorning! Bat ang aga mo atang tumawag? Ano bang meron?]
Ha? Wala ba talaga siyang alam kung anong meron ngayon?
"Ha? Sigurado ka? Wala kang alam kung anong meron ngayon?"
[Sabado ngayon. Ahh? Kristle sige may gagawin pa ako eh. Mamaya nalang ha? Bye
labyu!]
Bago pa ako magsalita inend na niya yung call.
AHH si Julien!
Dialing Pengs Julien :3...
"Pengs!"
[Hi pudsy! Goodmorning!]
"Goodmorning! Wala ka bang alam ngayon?"
[AHH OO NGA PALA!]
salamat naman may nakaalala!
[Mag-lilinis pala ako ng kwarto ni hannah ngayong araw!]
-_-"ayy?
"Wala na bang iba?"
[Ayy oo pala!]
Na-excite ulit ako.
[Papaliguan ko pa yung aso namin! Thank you pudsy! Ilabyuu! Bye!]
"Ha? Okay sige."malungkot na sabi ko
seryoso ba siya? Wala na siyang maalala bukod doon?
Dialing Marille Lynne...
[Istle!]
"Marille Lynne! Goodmorning!"
[Goodmorning bat ka napatawag? May nakalimutan ka?]
I should ask you the same thing my friend.
"Ha? Ikaw? May naalala ka ngayon? Wala naman akong nakalimutan."
[Ha? saturday ngayon.]
"wala na bang iba?"
[Ha? wala na. Ah sige mamaya nalang ha? May pupuntahan kami ni John eh. Bye istle!
Labyuuu!]
"Ha? Okay love you too."
pati din siya? :( si Heart kaya?
Dialing Graciella "heart"...
[Yoww!]
"May naalala ka ba ngayon?"
[Saturday ngayon.]
"Eiii! Bukod doon!"
[Ha? Ayy, wala na. Bakit?]
"Ha? W-wala. Sige bye na."
[Okay. Ano ba talagang meron ngayon?]
"Ha-ha! sabado lang naman."
[Okay, labyuu.]
Inend na niya yung call.
Hayss, wala ba silang maalala?
Ano? Sila na may amnesia ngayon?
napahiga nalang ako sa kama ko.
I closed my eyes.
Ahh! Alam ko na! Sila Joaquin! Baka naalala nila!
Dialing Joaquin Reyes...
[ Sup Kristle!]
"Yow Joaquin! Wala ka bang naalala ngayon?"
[Ha? March ngayon.]
"OO! March ngayon!"
[Easy! HAHAHA oh? March ngayon ano?]
"Ha? Baka may birthday ngayon yung isang tao diba? Batiin mo."
[BAT DI MO SINABI NA MAY J-LOVER NA MAY BIRTHDAY NGAYON?]
"TEKA NAMAN WAG KANG SUMIGAW! HINDI J-LOVER YUN!"
[Ayy? Sorry. Wala naman akong alam na may birthday yung kakilala ko ngayon sa
march. This week ba?]
"This day."
[Ha? Sige may pupuntahan kami ni ate inna. bye Kristle!]
At inend na niya yung call.
Si Nash kaya?
Dialing Nash Aguas...
[Hi Kristle! Bat ka napatawag?]
" Nash? May naalala ka ba ngayon araw?"
[sabado ngayon.]
Urghhh! Di ba talaga nila maalala?
"Ahh, oo nga pala! Sige sige. Thank you sa pag-papaalala!"
[Ahh sige! welcome!]
Ako na mismo yung nag-end ng call.
Tinawagan ko si john.
Dialing John Bermundo...
[Yow Kristle!]
"May alam ka kung anong meron ngayon?"
[ wala akong alam. ]
"Ahh, sige sige mag-date nalang muna kayo ni Marille Lynne."
[Ha? Anong d-ayy! Oo! Hahaha sige sige!]
Mukhang ewan si john. Inend ko na yung call at tinawagan si grae.
Di pa din ako sumusuko malay mo may makaalala ni isa sakanila.
Dialing Grae Fernandez...
[Yow!]
"May naalala ka ba ngayon?"
[Ha? Wala eh. bakit?]
"Ha? Wala naman. Sige thank you!"
[Okay. Sige sige!]
Si danika tawagan ko kaya, imposibleng makalimutan niya yung birthday ng bestfriend
niya.
Dialing Danika Maganda :3...
[Yow!]
"Wala ka bang naalala ngayon?"
[Ayy, lagi ko'ng natatandaan yan.]
"Talaga?"
[Oo! Yung maganda ako. Alam ko na yan matagal na.]
"Tsk. Ewan ko sayo! Seryoso nga."
[Ano pa ba?]
"Wala. Sige na bye!"
Inend ko na yung call.
tsk. Bakit si danika di din maalala?
Calling Brace ♥
Accept Decline
ACCEPT
"hmm?"wala na akong gana magsalita.
[Punta ka mamayang park. Mga 5pm]
"Ha? Bakit?"
[Basta punta kanalang.]
Magsasalita pa sana ako ng iend na niya ang call.
WTH? Ni hindi manlang siya nag-i love you?
Nakakaasar naman to'ng araw na to! Utas! Utusan ba naman ako? Eh hindi niya nga
maalala yung birthday ko.
19 na ako kung alam niyo lang! Urghh!
Bigla ulit siyang tumawag at sinagot ko naman.
[I love you.]
Magsasalita pa sana ako ng iend na niya yung call kahit papaano napangiti ako.
Pero nalungkot ulit ako.
They forgot my Birthday?
Did they actually did?
Hayss Itutulog ko nalang ito.
*************************
Nagising ako ng saktong 5pm.
Nagbihis nalang ako ng pang-alis which is white t-shirt na plain, long sleeve na
checkered at black pants + black shoes.
tinali ko yung long sleeve kong checkered sa bewang ko.
Bumaba ako at napansin ko na wala si Mama.
Asan si mama?
"Manang, asan si Mama?"
"Ayy? Nak, may mga pinamili lang."sabi ni Manang at lumabas ng bahay para magtapon
ng basura.
"Ahh manang aalis muna po ako ha?"
"Ha? O sige mag-iingat ka."sabi ni Manang
Parang wala ngang handa eh! Huhu T_T
Di na ako nagkotse papuntang park. I have my own car you know.
trip ko lang maglakad.
nakarating ako sa park ng 5:25 since malapit din naman to saamin.
Umupo ako doon at nag-antay.
Kanina pa ako nakaupo dito at gabi na din. 6:30 na pero ni-anino ni Brace wala!
Bigla nalang may lumapit saakin na bata at may inabot saakin na Isang rose.
"Ate ate, happy birthday!"sabi niya saakin at ngumiti
"Alam mo na birthday ko?"
"Opo."sabi niya at gumilid siya.
Bigla ulit may lumapit saakin ulit na bata at binigayan ako ng rose at binati ulit
ako.
hanggang sa isa ulit
Isa ulit hanggang sa nakabot ng 10 roses.
Hinila ako ng isang batang chubby na babae. Actually ang Cute niya.
"Ate, Pwede po bang sumama kayo saamin?"tanong niya
"Ha? Bakit?"tanong ko sakanila
"may pupuntahan po tayo. Utos po ni kuya Pogi."sabi naman nung isang bata
"kuya pogi?"
"Opo si kuya pogi."
sinong kuya pogi?
"Sino yun?"
"Sabi niya po wag sabihin sayo."
"Ha?"
nakakaewan to'ng kuya pogi na to!
habang lalakad kami may nag-abot saakin na 4 na roses.
14 na lahat ng dala ko.
Nakarating na din kami, pagdating namin iniwan ako ng mga bata maliban kay chubby
na baby girl.
"Ate, ang cute niyo po pala."sabi niya saakin
"Thank you, pero mas cute ka."sabi ko
Teka? Bahay ko na to ah? Bat di ko napansin?
"teka, baby bahay ko to ah?"tanong ko
"happy birthday ate! Mahal ka ni kuya pogi."sabi niya at umalis na.
That's it?
Pumasok nalang ako ng bahay.
pagopen ko napansin ko na madilim at nakapatay ang ilaw.
When I turned on the lights..
I was shocked...
They didn't forget my birthday.

66
Kristle's POV
Di ko alam kung maiiyak ako sa sobrang tuwa.
"HAPPY BIRTHDAY!"sigaw nila
"Nandito kayong lahat? Hindi niyo nakalimutan."sabi ko
"Bat naman namin kakalimutan diba?"sabi naman ni Aira
"Sorry na kung nagsinungaling kami na di namin maalala kung anong meron
ngayon."sabi naman ni julien
"So you all planned this?"tanong ko
"Oo, di nga namin alam kung anong irereaksyon mo pag sinabi namin na di namin
naalala birthday mo."sabi naman ni gav
"Sorry na kristle!"sabay sabay na sabi nila
"Ano ba kayo okay lang."sabi ko naman
Nag-group hug naman kami.
Niyakap ko din si mama. Kasabwat din pala to'ng nanay ko.
"May pupuntahan pa pala tayo."sabi naman ni Nash
"Guys, asan si Brace?"tanong ko
"Para makita mo siya sumama ka saamin."sabi ni ashley
"Teka lang, suotin mo muna to. " sabi ni ann at inabot saakin yung magandang
ocktail dress.
Bat kelangan kasi magsuot pa neto? Eh pwede naman na to'ng suot suot ko ah?
"Teka nga lang, bat kelangan ko mag-suot ng ganto?"tanong ko naman
"Syempre celebrant ka kelangan magmukha kang tao kahit ngayon lang."sabi naman ni
joaquin kaya binatukan ko.
"Tse! Ewan ko sayo! Parehas lang kayo ng girlfriend mo."sabi ko naman
"Kaya nga meant to be!"sabi naman ni joaquin
"Ululin mo to joaquin?"natatawang sabi ko
Pagkatapos nun, tinulak ako nila gav sa cr sa taas at sa kwarto ko pa talaga at
pinagpalit ng cocktail dress.
Ng buksan ko ang box, nakita ko na may sulat pa dun.
Galing kay Brace.
Hi Babe! Sana magustuhan mo yang dress na binili ko para sayo. Wear it okay? Sila
Joaquin na muna bahala sayo. Iloveyou Happy Birthday!
Sa nabasa ko'ng iyon mas lalo akong natouch.
Wow just wow!
Napaka-effort niya sobra.
Sinuot ko na yung dress saakin at lumabas na ng cr ng kwarto ko. Si Gav at
Graciella pati na rin si danika
sila lang ang nasa kwarto.
Hinila ako ni danika at nagsimula ng ayusin yung buhok ko.
"Ano to'?"tanong ko
"Malamang aayusan ka!"sabi naman ni gav
"Buhok lang?"
"Malamang lalagyan ka din ng make-up."sabi naman ni Graciella
"Hayss! Light lang ah?"sabi ko naman
"Opo!"sabi naman ni gav at graciella
"Kristle, kukulutin ko sa dulo yang buhok mo ha?"sabi naman ni danika kaya naman
tumango nalang ako.
Pagkatapos nila akong ayusan bumaba na ako at nakita ko silang nakangiti saakin.
"Ang ganda mo ngayon! Galing talaga natin heart!"sabi ni gav
"Ngayon lang, joke!"pahabol niya
"You look stunning ey'?"sabi naman ni Ashley at niyakap ako
"Pretty mo istle!"sabi ni marille lynne
"Yep! Ganda mo!"sabi naman ni graciella
"Ganda mo! May pinagmanahan ka talaga anak!"sabi naman ni mama
"Pretty ni puds!"sabi ni julien
"Ang ganda mo yiee!"sabi naman ni danika
Pinuri naman ako nila Joaquin at sinabing sila ang pumili ng dress.
HAHAHAH! ewan ko ba sakanila.
Sumakay na kami sa kotse at pinapagblind fold ako ng mga to. -_-
Hindi ko alam kung saan nila ako dadalhin at kung anong surpresa nanaman to'ng
pakulo ni Brace.
"Nandito na tayo!"narinig ko na sigaw ni Aira inalalayan nila ako na makababa ng
kotse at lakad lang kami ng lakad hanggang sa naramdaman ko na may bumitaw ng kamay
ko.
"G-guys?"nanginginig na tanong ko pero walang sumagot.
Leche Flan naman!
Tanggalin ko na kaya to'ng piring sa mata ko?
Kaya naman tinggal ko na talaga.
Ng tanggalin ko ang piring sa mata ko wala akong makita. Sobrang dilim.
-_- horror movie ba to brace?
Hanggang sa may narinig akong tugtog.
~ Heart beats fast colors and promises~
~ How to brave, how can i love when i'm afraid to fall ~
"Bata palang tayo ng Magkakilala tayo. Ikaw si Pachi ako si Potpot. Nagkabunggan
tayo at nalaglag ang ice cream mo. Umiyak ka ng umiyak kaya naman binilhan kita ng
bago at doon nagsimula ang pagkakaibigan natin. Pero isang araw, bigla nalang akong
umalis ng walang paalam."yung boses na yun. Alam ko'ng si brace yun. May tumupat
saakin na ilaw.
~But watching you stand alone ~
~All of my doubt suddenly goes away somehow~
"Hanggang sa nagkita ulit tayo, hindi nga lang maganda yung unang pagkikita natin
dahil sa napaka sungit mo."sabi niya at nakita ko na siya.
Bigla siyang ngumiti saakin, those smile.
~One step closer, One step closer~
~I have died everyday waiting for you~
"Hanggang sa nagkasundo tayo at di akalain na mahuhulog nalang ako sayo at
sasaluhin din pala ako. Di ko din inakala na si Patchi eh nasa harapan ko lang
pala."
~Darling don't be afraid i have loved you~
~For a thousand years, i love for a thousand more ~
"Pero ang mas di ko akalain ay yung Mahalin kita ng sobra higit pa sa sarili ko
kristle."
~Time stand still, beauty in all she is~
~I will brave, i will not let anything take away~
"Hanggang sa ayun, naaksidente tayo. Na-coma ka ng tatlong buwan. Sobrang nagsisi
ako dahil sa di kita sinunod nung araw na yun."
~What's standing in front of me~
~Every Breath, every hour has come to this~
~One step Closer~
"Hanggang sa Nagising ka, sobrang saya ko pero yun nga, wala kang maalala."
~I have died everyday, waiting for you~
~Darlin' don't be afraid i have loved you~
"nilayo ka ng pamilya mo saakin, nagalit ang papa mo saakin. Nung araw na paalis
kayo ni Graciella, Pumunta ako ng airport kasama si Patricia, Balak sana kitang
pigilan pero naalala ko ang sinabi ng papa mo saakin."
~For a thousand years ~
~I'll love you for a thousand more.~
"Wala akong nagawa umiyak nalang ako habang nakikita ka'ng naglalakad papalayo.
Pinangako ko sa sarili ko na gagawa ako ng paraan magkita lang tayo ulit."
~ And all along i believe i would find you~
~time has brought your heart to me i'll love you for a thousand more~
"Tatlong taon ang lumipas at nagkita ulit tayo. Ansaya ko nun. nangako ako sayo na
ipapaalala ko ang lahat. Hanggang sa balak sana kitang surpresahin ng malaman ko na
dinala ka sa ospital. Sobrang nag-alala ako saiyo akala ko mawawala ka nanaman sa
piling ko, at yun naalala mo na pala ang lahat."
~One step closer~
~One step closer~
"Napakasaya ko dahil sa naalala mo na ang lahat. Hanggang sa birthday mo na at
inakala mo na nakalimutan namin ang birthday mo."sabi niya at di ko namalayan na
nandito na pala siya sa harapan ko.
~ I have died everday waiting for you~
~Darlin' don't be afraid i have loved you~
"We'll never forget you're special day babe, lalong lalo na ako di ko makakalimutan
ang special day mo."
~For a thousand years, i'll love you for a thousand more~
~And all along i believe i would find you~
"Naghiwalay tayo dati, so i'm here to ask you again." Sabi niya bigla siyang
lumuhod sa harapan ko napakalas ng heartbeat ko. Sobra
~Time has brought your heart to me i'll love you for a thousand more~
" Kristle Nolasco will you be my girlfriend again?"
"Yes."masayang sabi ko niyakap niya ako at hinalikan sa forehead.
Bumukas ang ilaw at nakita ko si Mama, Sila tita alma, pati narin sila Joaquin.
Nilapitan ako ni Mama at niyakap.
Palapit na sila Joaquin saamin ng matapilok si Julien.
mahal na mahal namin si julien pero, hindi namin pigilan na matawa.
"Ang bait niyo naman, salamat ha!"sarkastikong sabi niya tinulungan siya ni ann na
makatayo.
Ng makatayo si Julien ang gaga tawa ng tawa sa kabobohan niya kaya naman natawa din
kami.
Tinignan ko si Brace, nakangiti siya at halatang ang saya saya niya.
Kahit naman pagtawanan namin ang kabobohan ng isa saamin o kaya naman problema, sa
huli tutulungan padin namin sila.
"may pagkain na ba?"tanong ni graciella
"wala pa, kita ng meron! Ako pa nga nakipagusap sa mga chefs kanina diba?"pambabara
ni ashley
"Sorry naman!"sabi naman ni Graciella
"tol, asan na yung roses na inorder namin?"tanong ni brace at joaquin pati na din
ni Nash kay john
"A-ahh eh nasa flower shop?"sabi ni john kaya naman binatukan siya nila nash
Sa barkada namin, uso ang sakitan at barahan. Walang ibang may karapatang manakit
ng isa saamin kundi kami kami lang din ng barkada.
pumunta kami sa garden ng building, may garden pala dito sa likod?Nilabas ni Ann
yung monopod at cellphone niya sa bag niya.
"tara guys picture tayo!"sabi ni danika na sanang hihilahin ako pero dahil sa
nakahawak si brace sa kamay ko si joaquin nalang yunh hinila niya.
Habang nakangiti kami at nagseselfie.
Napaisip ako, madami din nangyari saamin, Sinubok na kami ng panahon, hinamon na
din kami ng pagkakataon, pinaglaruan na din kami ng tadhana. Pinaghiwalay kami ni
brace, pero hanggang sa huli nagkita pa rin kami. May mga nakilala din kaming
bagong kaibigan. At ang dating kaaway namin ngayon, kaibigan na din namin siya.
Ang barkada namin, marami mang problema pero hindi kami papatumba. Marami mang
pagsubok pero kayang kaya namin yang lagpasan. Hindi lahat ng tao nakakahanap ng
tunay na mga kaibigan. Karamihan ngayon sa mundo halos plastic na. Sobrang swerte
ko dahil sa nakilala ko sila. Isa sila sa mga tunay kong kaibigan. Hindi pala isa,
madami pala sila.
Napakaswerte ko lang talaga.
May boyfriend akong mahal na mahal ako at kaibigan na masayang kasama.
14 na magkakaibigan at masayang masaya pag nagsama sama.
Perfect lang talaga ang lahat ngayon.
May pagka-sabog man, may pagka baliw, madami man flaws wala na akong pakialam.
Masaya ako sa barkada ko.
Masayang masaya.
The End.
__________________________
Hello guys! Dumagdag ako ng isang chapter. So last na to :)
Sana magustuhan niyo!
Abangan niyo nalang yung FALLEN 2: ALMOST PERFECT
Iloveyouguys all!
Salamat sa suporta niyo sa fallen!
-AuthornamayBRACE

Author's Note ♥
Hello Guys! Sad ako kasi tapos na yung FALLEN :'( Pero okay lang.
Gusto ko lang magpasalamat sainyo! Sa pagvote niyo ang comment! :)

Pasensya na kung may mga bad words T-T. Tapos yung wrong grammars lalo na yung
panguna ng fallen masyadong Jeje. Sa phone lang kasi ako nag-uud so mahirap.

Laptop ko sira eh :(

Maraming maraming salamat guys! Sana suportahan niyo yung FALLEN 2: ALMOST PERFECT
Ipupublish ko na siya mamaya. :)

Kaso working palang ako ng chapter one. Prologue palang meron eh.

Basahin niyo din sana guys yung

-Suddenly it's Magic (hype 5ive fanfic story)

Maraming maraming salamat guys sa lahat! I love you all!

Hayaan niyo guys, aayusin ko yung mga typo's dun sa ibang chapter :)

Suportahan niyo guys yung fallen book 2 ha?

-AuthornamayBRACE

KAEEK EEKAN NI AUTHOR


Hi Guys! Miss niyo na ako? Hahaha wow miss! BIG WORD. K corny ko, so guys Yung
Fallen UnderConstruction siya. May mga inaayos akong mga scenes jan. Wag kayo mag-
aalala di din naman kayo maguguluhan. Dinagdagan ko lang yung mga sasabihin nila
Chuchu like that. haha masyado kasing JEJE eh realtalk na.

Nirerealtalk ko po ang aking sarili. kasi Guys minsan nakakalito akong magtype ang
sarap ko ngang sapakin eh. nakakalito magtype -_- kaya inaayos ko siya. so Yun sana
may nagbabasa ng FALLEN BOOK 2 pero satingin ko meron hahha.

Maraming salamat guys! Sinuportahan niyo yung FALLEN 2. Sorry talaga kung mabagal
si Author nagupdate. Hahahahah pero i'm making it sure naman na magugustuhan niyo.
So kadalasan natatawa ako sa comments niyo. Ang saya lang so Yun abangan niyo
nalang yung mangyayari sa BOOK 2 okay?

Basahin niyo na din po guys yung


-Suddenly It's Magic ayan. Hahaha maraming maraming salamat talaga guys!

Don't Forget na suportahan yung FALLEN BOOK 2 at sana sa mga hindi pa nakakabasa ng
FALLEN yan Basahin niyo na kung gusto niyo hahaha. So bye na guys nagugutom na ako.
HAHAHAHA BYE MWA :* Kung sino man Bias niyo sa Gimme 5 mahal nila Kayo.

sa mga B.U jan? HELLO! B.U AKO! MWA GUYS!!! BYE NA GUTOM NA TALAGA AKO.

-AuthornamayBRACE

You might also like