You are on page 1of 199

Prologue

Akala mo destiny na kayo, iyon pala false alarm.

Nakatingin lang ako sakanya habang talak siya nang talak sa harapan ko. Pinapakita
lamang niya kung gaano siya kababang babae. Ang dami pa namang tao sa paligid
namin. Hindi ba siya nahihiya sa mga sinasabi niya?

"Did you get it, Keila?" Tanong niya pa.

Umiling na lang ako. Sa dami at bilis ng mga sinabi niya, kahit isa wala akong
naintindihan. Mas naintindihan ko pa ang malakas na bulungan ng tao sa paligid
namin.

"Babe!" Sigaw niya at nakatingin siya sa likod ko kaya napatingin din ako sa likod
at nakita kong papalapit sa amin si Dwayne Lopez, ang boyfriend ko.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko siya. Ganito kalakas ang epekto
niya sakin na kada makikita ko siya ay natataranta ako. Ganito ata talaga kapag
nakikita mo ang taong mahal mo.

"What's up, Krystal?" Cool niyang sabi sabay akbay sa babaeng malapit ko nang
patayin sa isip ko. "Anong problema?"

"Eto kasing babaeng 'to, sabi niya may relasyon daw kayo. Totoo ba?" Pareho silang
napatingin sakin o mas magandang sabihin na napatitig sila sakin na akala mo may
krimen akong nagawa.

Kinakabahan tuloy ako sa sasabihin ni Dwayne. Kilala siya na playboy at heart


breaker sa University. Hindi niya naman siguro ako babaliktarin, boyfriend ko siya
eh. Alam kong jerk siya pero ang sabi niya mahal niya ako. Sasabihin niya kayang
girlfriend niya ako? Oo naman, bakit naman niya ako itatanggi?

"I don't know what she's talking about, Krystal."

Dahan dahang nag echo sa utak ko ang mga sinabi niya. Literal na tumigil ang mundo
ko. Ang sakit and I hate this damn feeling. Pagkatapos ng isang linggong relasyon
namin, itatanggi niya na lang ako sa harap ng madaming tao ng ganon ganon na lang?
mabilis pa sa isang kisap mata.

So tama pala sila, pinaglalaruan niya lang ako.


Hindi dapat ako nag tiwala sakanya. Bulong ko sa sarili ko.

"Kita mo na? Ilusyunada ka!" Sambit ni Krystal na parang nag wagi siya sa kung ano
mang laban. Lumapit siya at sinampal niya ako. "Dwayne will never be yours! Playtoy
ka lang niya. Ako at ako lang ang nag iisang girlfriend niya. Get it?"

Ibinalik ko ang sampal na binigay niya sakin. Sinampal ko siya gamit ang natitirang
lakas na meron ako. Gusto ko pa sana siyang sampalin at sabunutan para lang mawala
ang sakit at galit dito sa puso ko pero may kamay na pumigil sakin.

"Keila stop it!" Suway ni Jenelle ang kapatid ni Dwayne at ang matalik kong
kaibigan. "Ano bang nangyayari ha?" Napatingin siya sa kapatid niya na ngayon ay
naka-akbay na kay Krystal. "Why are you with Krystal?! I thought--" napatingin siya
sa akin at unti unting nag sink in sakanya kung ano ba talagang nangyayari. Mas
kilala niya ang Kuya niya. "You're being a freaking jerk again Kuya!" Sigaw niya
pero parang walang paki-alam si Dwayne.

Mas lalong dumami ang tao sa paligid namin. Para kaming manok panabong na
pinaglalaban at pinagpupustahan. Mga leche sila. Mga chismosa. Ano pa nga bang
maasahan ko? Uhaw sila sa balita tungkol sa mga taong kilala at sikat.

Ako at si Dwayne ay sikat na dancer. Si Jenelle at Krystal ay sikat na modelo.

Eto ang perfect scene para sa isang perfect scandal na paniguradong kakalat sa
buong university bukas. But who the hell cares about it? I'm damn hurting right now
at iyon lang ang importante sakin ngayon. Pakialam ko sakanilang lahat. Kaya ba
nilang tanggalin yong sakit na nararamdaman ko?

Bakit ko sila iisipin? Kapag ba umiyak ako, iiyak din ba sila? Hindi 'di ba? Kaya
wala akong pakialam.

Lahat ng sakit na nararamdaman ko kagagawan ng lalaking minahal ko pero niloko at


sinaktan lang ako. Nakakagago lang.

Ikaw na ang nagmahal, ikaw pa ang nasaktan. Minsan nakabobo at nakakatanga na.

Pakiramdam ko may mga luha nang tutulo sa mga mata ko anytime. Hindi ako
makakapayag na mag mukha akong kawawa at tanga sa harap nilang lahat. Mabuti pa
umalis na lang ako dito.

Sa dami ng tao nahirapan akong makalayo at may isang matangkad na lalaki pa ang
nakaharang sakin.

Sa hindi ko alam na dahilan, nag echo ang mga sinabi sakin ng kapatid ko.

Mapaglaro ang tadhana pero nasa iyo na lang kung makikipaglaro ka ba sakanya o
hindi.

Hinila ko palapit sakin ang lalaking nasa harapan ko. Napanuod ko ito sa paborito
kong movie. Uubra kaya ang iniisip ko?

"Halikan mo ako." Bulong ko sa lalaking nasa harapan ko. Aangal sana siya pero
nagsalita ulit ako. "Hahalikan mo ako o tutuhurin ko ang maselang bahagi mo."
Napaisip pa siya pero hinila niya ako at hinalikan niya ako sa labi ko. Isang
madiin na halik.

Natahimik ang lahat.

Saktong isang minuto, kumalas ako sa halik niya at tinignan ko silang lahat.
Tinitigan ko si Dwayne. Gulat na gulat siya sa ginawa ko. Actually, silang lahat
nakanganga ngayon.

"Dwayne Lopez, if you think you're a fvcking good player.. better meet your coach."
Sambit ko.

Kinindatan ko silang lahat pagkatapos hinila ko ang estrangherong lalaking humalik


sa'kin kanina. Hinila ko siya hanggang sa dulo ng university at kung saan walang
makakakita sa amin. Napahinto ako dahil hingal na hingal na ako kakahila sakanya.
Ang bigat niya ha.

Kung ano man yong nangyari kanina, ang mahalaga, nakaligtas ako sa kahihiyan. Hindi
ko hahayaan na lumabas akong talunan.

"What the hell are you doing?" Iritang tanong ng lalaking hinila ko pagkatapos
inalis niya ang kamay ko sa pagkakahawak sa braso niya. "Baliw ka ba ha?"

"Oo baliw sa pag-ibig." Sagot ko.

"Maganda ka sana kaso tanga ka."

Hinarap ko siya. Tumaas ang kanang kilay ko. Ang kapal niya para sabihin niya yon
sa akin. Hindi naman kami close, noh. Pero tanga nga siguro ako.

"Damn it." Bulong niya. "Late na ako sa practice at kasalanan mo ito. Tsk. Baliw na
babae." Walang kung ano ano, mabilis siyang umalis.

Wala na akong ibang nagawa kung hindi tignan ang likod niya habang naglalakad siya
palayo. Matangkad siya at maganda ang katawan.

Hindi ko man lang nalaman ang pangalan niya. Papasalamatan ko pa nga sana siya sa
pagligtas niya sakin sa kahihiyan. Magkikita pa kaya kami nang estrangherong lalaki
na 'yon?

Hindi ko alam kung may magiging papel ba siya sa buhay ko o wala pero ang alam ko,
lahat ng taong darating sa buhay mo.. destined.

---
This is a stand alone story. You don't need to read my other stories to read this.

Destined
Written by blue_maiden

All Rights Reserved. Copyright © 2015

Chapter 1: Flashback

FLASHBACK -- ONE WEEK AGO.

Mahiwaga ang tadhana, minsan ang inaakala mong walang halaga ay siya palang may
malaking parte sa buhay mo.
"Ganito mo dapat igalaw ang bewang mo." Bulong niya sa tainga ko habang nasa
likuran ko siya. "Magaling kang sumayaw, minsan kulang ka lang sa emosyon."

Dahan dahan niyang hinawakan ang bewang ko na naging dahilan para tumaas ang mga
balahibo sa katawan ko. Parang may kuryente 'yong kamay ni Dwayne. Kuryente na
dumadaloy mula sa parte kung saan ka niya hinawakan papunta sa buo mong katawan.
Ganito ba talaga 'yong epekto niya sa mga babae? "Relax lang." bulong niya muli sa
tainga ko. "Just Relax.. Keila."

Pinikit ko ang mata ko at bumulong na lang ako sa sarili ko. Hindi ako makapag
relax dahil sayo..

"Dwayne!" Sigaw ng isang babae. Napatingin agad ako sakanya at hindi ako nagkamali,
si Krystal nga. Sa tinis pa lang ng boses niya na akala ko isa siyang bruha,
malalaman mong siya na nga 'yon.
Nabitawan tuloy ako ni Dwayne dahil sa lakas ng boses niya. Ayan nalaglaga tuloy
ako sa sahig.

Ang sakit ha, nauna ang pwet ko. Damn it.

"Akala ko ba sasamahan mo ako sa fashion show ko mamaya?" Matinis niyang sabi at


agad siyang pumulupot kay Dwayne na akala mo isa siyang linta. Malanding linta.
Sabagay mukha naman siyang uod eh. Nag init tuloy bigla yung ulo ko sa mga nakita
ko. "Anong tinitingin tingin mo dyan?" Mataray niyang tanong sakin. Umiwas agad ako
ng tingin sakanya. Tusukin ko kaya yong mata niya.

"Alis na ako." Sambit ko habang kinuha ko ang bag ko. Hindi ko na sila tinignan pa
at dali dali akong umalis sa gym. Baka mas lalo akong mainis sa pwede kong makita
at marinig duon. Isa pa hindi ko matiis ang pagmumukha ni Krystal. "Pakshet
talaga." Bulong ko sa sarili ko.

Umupo ako sa bakanteng lamesa sa canteen. Para akong bulkan na gustong sumabog.
Nakakainis talaga ang Krystal na 'yon. Kahit kailan, panira siya ng magandang
moment namin ni Dwayne. Anong radar ba ang gamit niya? Ayon na 'yon eh. Moment na
sana namin ni Dwayne.
Damn her and her fake boobs. "Sayang talaga. Ang lapit na namin isa isa't isa ni
Dwayne eh." dismayado kong sabi.

"Keila!" Sigaw ni Jenelle. Lumapit sila sa akin.

"Ayos ka lang ba?" Bungad naman ni Marion. Isa sa matalik naming kaibigan ni
Jenelle. "Bakit nag sasalubong yang dalawang kilay mo?"

"Oo nga best." Singit ni Jenelle. "Hindi ba kanina ang saya saya mo kasi may one on
one dance lessons kayo ni Kuya? Anong problema?"

Umupo silang dalawa sa tabi ko. "Anong problema ko? yang Krystal na yan. Siya naman
ang palagi kong problema eh. Kapag napapalapit na sakin si Dwayne, sisingit siya
bigla. Nakakainis. Ang sarap niya murderin dito sa utak ko." Pareho silang natawa
at tumango tango sa sinabi ko. "Siya yung klase ng tao na maisip mo pa lang siya
naiinis ka na!"

"High blood lang?" Sabay nilang tanong.

"Oo!" Sigaw ko. Kapag naiisip ko kasi ang mukha nang Krystal na iyon, umiinit
talaga ang ulo ko. "Iinom na lang ako mamaya. Sasama ba kayo?" Tanong ko.

"May thesis akong tatapusin mamaya." Sagot ni Marion. Ano pa nga bang aasahan ko
sakanya eh puro aral siya. Ang nerd niya pero gwapo naman siya. "Sorry, Keila."
Tinignan ko ang tanging pag-asa ko, si Jenelle. "Birthday ni Tatay mamaya. I can't
come." Sagot niya.

"Okay, loner ako mamaya." Napabuntong hininga na kang ako at kinuha ko ang bag ko.
Nag hihintay na siguro sakin si Cloud sa parking. "Jenelle, pakisabi na lang kay
Tito Jeydon, Happy birthday. Alis na ako. Bye."

Dali dali akong pumunta sa parking. Hindi ko makita ang sasakyan niya dito. Nasaan
na ba ang magaling kong kakambal?

"Hey.." Tumaas lahat ng balahibo sa katawan ko nang yakapin ako ng isang lalaki na
sa boses pa lang ay kilala ko na. Si Dwayne iyon. Yakap niya ako mula sa likod ko.
What is he freaking doing? Aware ba siyang niyayakap niya ako? "I'm sorry about
what happened awhile ago." Nakikiliti ako sa boses ni Dwayne. Ang lakas talaga ng
epekto niya sakin. "Are you mad?"

Ako? Hindi. Hindi ka nagkakamali pero kailan ba ako nagalit sayo? bulong ko sa
sarili ko.

"Hindi ako galit. Teka, nasan na si Krystal?" Sambit ko. Hindi ko alam kung bakit
ayan ang unang nasabi ko. Naiinis kasi ako na hinayaan niya akong umalis kanina
para sa uod na yon. Hinarap niya ako pagkatapos tinignan niya ako ng diretso sa
mata ko dahilan para mailang ako. "Ba-bakit?" nauutal kong tanong.

"Tell me, Keila. Do you like me?"

Napalunok ako sa napakastaight forward niyang tanong. Pakiramdam ko nanginginig ang


mga tuhod ko. Bakit siya ganito sa akin?

"Just tell me if you like me.." Mas lalo siyang lumapit sa akin na ikinabilis ng
tibok ng puso ko. "Kasi Keila, I feel that I--" naputol ang sasabihin niya dahil
kay Cloud.

"Keila, come on." Agad na lumayo sa akin si Dwayne. Nag tama ang mata nila ni Cloud
at parang nag papatayan sila sa mga tinginan nila. They are best of friends dati
pero sa hindi ko malaman na dahilan, they are best of enemies now. "Hurry up!"
sigaw ni Cloud.

"I have to go, Dwayne." Nag wave ako sakanya at agad na sumakay sa kotse ng
kakambal ko.

"I told you to stay away from him!" Sermon ni Cloud habang paakyat ako sa kwarto
ko. "Wag mo mong sabihin na hindi kita pinagsabihan." Inis niyang sabi.

Nag patugtog na lang ako sa kwarto ko at sumayaw. Ganito ang ginagawa ko kapag
nalilito ako. Nalilito ako. Nalilito ako sa mga ikinilos ni Dwayne kanina. Ano ba
ang gusto niyang sabihin sa ginawa niya kanina? Bakit niya ako yayakapin?
Nakikipaglaro ba siya sakin? Gusto niya din ba ako?

"I'll borrow your car, Cloud!" Sigaw ko habang palabas ako ng bahay. Pumayag man
siya o hindi gagamitin ko pa din yong kotse niya pero at least nag paalam ako.

Nag park ako malapit sa sea side ng MOA at dumiretso akong Padis. Bumunga agad
sa'kin yung Magbalik na kanta ng Callalily.

Wala nang dating pagtingin


Sawa na ba sa 'king lambing
Wala ka namang dahilan
Bakit bigla na lang nang iwan
Di na alam ang gagawin
Upang ikay mag balik sakin
Ginawa mo naman ang lahat
Bakit bigla na lang naghanap

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Para akong lumilipad habang


nakapikit ako. Nakikinig lang ako sa tugtog ng banda dito sa Padis. Matagal na
akong tambay dito pero ngayon ko pa lang nakita ang banda na tumutugtog ngayon. Ang
misteryoso pa nga ng bokalista nila dahil naka cap ito kaya hindi gaanong maaninag
ang mukha niya.

Tulad ng mundong hindi tumitigil sa pag-ikot


Pag-ibig 'di mapapagod
Tulad ng ilog nh hindi tumitigil sa pag-agos
Pag-ibig 'di matatapos

Tumataas lahat ng mga balahibo ko sa katawan. Sa bawat linya ng kinakanta niya


ramdam mo yung emosyon niya. Ang galing niya kumanta. Alam mong galing sa puso ang
pagkanta niya.

"Give me three more." Order ko sa waiter.

Moderate drinker lang din naman ako. Napapadami lang kapag nalilito ako o sobrang
problemado.

"Bakit ba kasi gustong gusto kita, Dwayne Lopez? Ano bang meron sayo? Playboy ka
naman at isang dakilang bad boy pero gusto pa din kita. Leche kasi yang abs at
ngiti mo, nakakapanghina." Natatawa kong sabi sa sarili ko.

Hay nako. Palagi mo na lang ginugulo hindi lang ang isip ko pati puso ko and you're
already doing it for two years. Dalawang taon akong may gusto sayo pero ang masklap
hindi mo ako gusto. Madami naman nag kakagusto sakin pero ikaw lang ang nakikita
ko. Ano bang meron ka na wala ang iba?
"I'm so into you." Bulong ko.

Naubos ko na ang tatlong bote ng red horse kasama ang isang shot ng tequila. Nag
pasya na akong tumigil dahil baka hindi ko na makontrol ang sarili ko. Panigurado
grounded ako kay Mommy at kay Cloud.

"Want some more?" Alok ng isang lalaki na hindi ko naman kilala. Mukhang may masama
siyang balak sakin, mukha kasi siyang manyak. Tumanggi agad ako at umalis sa upuan
ako pero agad niya akong pinigilan. "Wag mo akong talikuran! Kinakausap pa kita!"
Sigaw niya sakin.

"Sa ayokong makipag usap sayo eh!" Sigaw ko sakanya.

"Ang arte mo naman eh! Tara na!" Pagpupumilit niya. "Tara na babes!" Inalis ko agad
ang kamay niya sa braso ko.

"Babes mo mukha mo!" Sigaw ko at sinipa ko ang maselang bahagi ng katawan niya kaya
ngayon ay nangingisay na siya sa sakit. "Buti nga sayo." Bulong ko at agad akong
tumalikod para umalis.

Bago pa man ako makahakbang palayo, narinig kong nagsigawan ang mga tao kaya
napalingon ako sa likod ko.

Saktong ihahampas na sakin nung lalaki kanina yung bote ng red horse nang humarang
sa harapan ko yung misteryosong bokalista. Hinarang niya ang kamay niya para hindi
ako matamaan ng bote. Napahiga yung manyak na lalaki at agad naman siyang
nilapitang nang security guards ng Padis. Lalapit pa sana ako duon sa bokalista
pero bigla namang may humila sakin.

Habang hininila ako nang kung sino nakita kong may mga dugo sa sahig na galing sa
braso nang misteryosong bokalista. Gusto ko siyang balikan pero ang lakas nang
pagkakahila sakin.

"Bitawan mo ako!" Sigaw ko pero hindo siya nakikinig. "Bitawan mo ako sabi eh!" Sa
pagkalayo layo ng nilakad namin ay binitawan na din niya ako. "Sino ka ba?!" inis
kong tanong.

"What the hell do you think you're doing?" Nanlaki ang mata ko nang makita ko si
Dwayne. "Umiinom kang mag isa?!" Lumapit siya sakin pagkatapos hinawakan niya ang
kamay ko. "Paano kung nasaktan ka don?"

Tinitigan ko siya sa mata niya. Galit nga siya at parang nag aalala pa siya sakin.
Hindi ko siya maintindihan. Bakit sobra siyang mag alala sakin ngayon? Nobody lang
naman ako para sakanya eh.

"Ano bang pakialam mo sakin?" Tanong ko.

"Bulag ka ba?! I care about you, Keila!" Napaatras ako sa sinabi niya pero lumapit
sakin si Dwayne.

"Pero.." hindi ko na naituloy ang sasabihin ko.

Inilapit niyang mabuti ang sarili niya sakin. Sobrang lapit na niya sa mukha ko na
isang galaw lang ay maari na niya akong mahalikan.

"Damn, I like you. I still fvcking like you, Dana."

Hindi ko na inintindi pa kung bakit tinawag niya akong Dana imbis na Keila dahil sa
puntong iyon, hinalikan niya ako sa labi ko.
END OF FLASHBACK

Chapter 2: Confrontation

Napahawak ako sa labi ko. Isang bwan na simula nang gabing yon. Ang gabing halikan
ako ni Dwayne, matagal na din pero hindi pa din iyon nawawala sa isip ko. Kung
totoo lang sana ang lahat, ang saya ko sana ngayon pero hindi eh. Isa lang iyong
kasinungalingan.

Jerks will be jerks. Players will always play and the victims will just cry.
Unfortunately, I'm the damn victim.

Simula nang gabing halikan niya ako, niligawan na din ako ni Dwayne. Tatlong linggo
niya nga niya akong niligawan, eh. Hindi siya nanliligaw ng babae dahil madalas
siya ang nililigawan kaya akala ko talaga, seryoso siya sakin pero it turns out na
isa lang din pala ako sa mga babaeng pinaglaruan niya. Ganon pala talaga ang mga
katulad nila, magaling magpanggap at maglaro. Pwede na nga siyang best actor eh
pero masakit ang ginawa niya sakin lalo na ngayon na mahal na mahal ko na siya.

Masisi niya ba ako na minahal ko siya ng ganito?

Dalawang taon akong nagkagusto sakanya. Die hard fan niya nga ako, eh. Sobrang
crush ko siya na minsan nagiging stalker na ako. Matagal na din naman kaming
magkakilala dahil magkagrupo sa dance group ng University at best friend ko ang
kapatid niyang si Jenelle. Napalapit na din ako sa pamilya nila lalo na sa tatay at
nanay nila, kay Tito Jeydon at Tita Candice. Kaso dahil sa dami ng babae na
nakakasama niya ay hindi niya ako gaanong napapansin noon. Ang alam lang niya, best
friend ako ng kapatid niyang si Jenelle. Ganon pa man, sa tagal ng panahon na yon,
nahulog ako sakanya.. ng sobra.

"Dwayne!!" Sigaw ng mga babae. Aray ko ha. Ang sakit sa tainga ng sigawan nila.
Puro tili at sigaw ang maririnig mo sa labas ng classroom. "Dwayne ang pogi mo
talaga!" Nag suot agad ako ng earphones para hindi ko marinig ang nakakairita
nilang boses.

Daig pa ni Dwayne ang isang artista sa kasikatan niya dito sa school. Gwapo kasi
siya at magaling na dancer. Naisip ko tuloy, aalis na ba ako sa grupo namin
pagkatapos ng lahat ng nangyari samin kahapon ni Dwayne? Bahala na. Destiny na ang
magsasabi kung saan ba ako nararapat.

Pag apak ni Dwayne sa room agad na nagtama ang mata namin. Wala man lang kong
nakitang emosyon nang tignan niya ako. Talagang wala akong halaga sakanya at isa
lang talagang laro ang naging relasyon namin. Teka, talaga bang naging kami? Siguro
para kay Dwayne, wala lang iyon.

Napatingin ako sa bintana ng room at napabuntong hininga. Pagkatapos niya akong


lokohin at itanggi sa buong school kahapon ay mahal ko pa din siya.
Ang pag-ibig talaga, nakakatanga.

May mga sigawan na naman. Sumakit na naman tuloy ang tainga ko. Daig pa ng mga
babaeng nagtitilian sa labas ang tunog sa earphones ko. Leche sila. Andito na si
Dwayne, nag iingay pa din sila sa labas. Anong pinaglalaban nila?

"Kean!!" Sigaw nila.

Tinanggal ko ang earphones ko at nakinig mabuti sa isinisigaw ng mga babae sa


labas.

"Kean!" Sigaw ulit nila. So, hindi pala si Dwayne ang pinagpapantasyahan nila this
time. Sino naman kaya si Kean? "We love you Kean!" Sabay sabay pa nilang sigaw.
Panis ang tilian kanina kay Dwayne kumapara sa tilian nila ngayon duon sa Kean.
Artista kaya siya?

Nagulat ako nang dito din sa room pumasok ang lalaking pinagkakaguluhan nila. Mas
lalo akong nagulat nang mapagtanto ko na ang lalaki na pinagkakaguluhan nila at
tinatawag nilang Kean ay ang misteryosong lalaki na hinalikan ko kahapon. Oh my
Gosh. I am dead?

Pumasok siya sa loob at umupo siya sa tabi ni Dwayne. Lahat kami natahimik. Parang
may kung anong mabigat na aura pumalibot sa buong kwarto. Agad napatayo si Dwayne
sa upuan niya at hinarap niya 'yong Kean. Ang sama ng tingin nila sa isa't isa.
Magkakilala ba silang dalawa?

"Pwede ba, wag kang lumalapit sakin." Inis na sabi ni Dwayne. "Ayokong nakikita
yang pagmumukha mo." Napa 'woah' silang lahat.

"Anong karapatan mong utusan ako?" Maangas na sagot ni Kean "You're nothing
compared to me, Dwayne." Ako naman ang napa 'woah' sa sinabi nong Kean. Hindi ko
akalain na ganyan pala siya.

"Gago ka pala eh! Basura ka lang!" Agad na kinuha ni Dwayne ang kwelyo ng damit ni
Kean. "You're just a piece of shit!" Sigaw niya at sinuntok niya si Kean.
Nagsigawan 'yong mga babae kong classmates.

"Ayan lang ba ang kaya mo?" Tumayo 'yong Kean at sinuntok niya pabalik si Dwayne.
Napatayo ako sa kinauupuan ako at agad akong lumapit sa kanila. Nakakainis naman
kasi eh, wala man lang umaawat sakanila. "Wag mo ulit akong subukang kalabanin
dahil matatalo ka lang!" Sinuntok ulit niya si Dwayne kahit na nakahiga na ito
dahil sa una niyang pagsuntok. Nakita ko sa mukha ni Dwayne at may dugo na ang labi
niya. "Ano?! Lalaban ka pa ha?"

"Tama na!" Pagpipigil ko kay Kean. Lumapit agad ako kay Dwayne. "Tumigil ka na!"
Sigaw ko ulit kay Kean habang tinignan ko siya ng masama. "Ano bang problema mo?!"
Nagtigilan siya nang makita niya ako. Para siyang nakakita nang multo. Hindi siya
makagalaw sa kinakatayuan niya at nakatitig lang siya sakin.

"Keila, wag kang makialam samin!" Sigaw ni Dwayne habang pinipilit niyang tumayo.
"Stay out of this." Saway niyang muli.

"But--"

"Tumigil ka na! You're not my girlfriend so don't act like you are!" Pakiramdam ko
may isang malaking bato ang pumasan sa akin at isang kamay na para bang pumipiga sa
puso ko ngayon. "Pwede ba? Tigilan mo na ako."

Bago pa man tumulo ang luha ko ay kinuha ko agad ang bag ko at tumakbo ako palayo.
Habang tumatakbo ako pinagtitinginan ako ng mga schoolmates kong chismosa. Leche
sila.

"Ang sakit.." bulong ko sa sarili ko habang nakaupo ako sa damuhan sa likod ng


building namin. Hindi ko na napigilan na umiyak. Sa pangalawang pagkakataon,
pinagtabuyan ako ni Dwayne at sa harap pa ng madaming tao. "Lecheng buhay talaga
'to." Sambit ko habang iyak pa din ako ng iyak.

May nag angat ng ulo ko at agad na pumunas sa mga luha ko. "Tumigil ka na sa pag
iyak, nasasaktan ako." Agad akong yumakap sakanya.

"Cloud.. ang sakit pala talaga."

"Sabi ko naman kasi sayo, lumayo ka kay Dwayne. Una pa lang alam ko nang masasaktan
ka lang pero wala eh, matigas ang ulo mo." Sermon niya. "Tiisin mo yang sakit,
ginusto mo yan eh." Dagdag niya pa. "Gusto mo bang kumain?" Alok niya. Umiling lang
ako at humiga ako sa hita niya.

"Matutulog na lang ako dito. Wag kang umalis, ha?" Napabuntong hininga na lamang
siya. "I love you kambal ko." Hindi niya ako pinansin at nag browse na lang siya
gamit ang iPhone niya.

Ilang oras din yata akong nakatulog pero pag gising ko wala na si Cloud at si
Jenelle na ang nasa tabi ko. Palagi na lang talaga akong iniiwan ng magaling kong
kambal.

Inilapag agad ni Jenelle sa harap ko ang iPhone niya. Tinignan ko kung ano ang
nandoon. Facebook page ng Bella Chikas. Ayan ang page ng mga lecheng chismosa sa
university. Mga gossip girl wannabe.

Nagulat ako sa litratong nakita ko. Eto ang litrato ko habang hinahalikan ako ni
Kean kahapon. At what the hell?
"Anong kalokohan ito?!" Sigaw ko.

Kean Marco and Keila Mendoza are now officially dating.

Bitch please.

"Kayo na pala pero hindi mo man lang sinasabi sakin. Parang hindi mo ako best
friend nang dalawang taon. I hate you." Pagmamaktol ni Jenelle.

Napatigilan ako at napaisip sa pangalang Kean Marco. Pamilyar siya at parang alam
ko na kung sino siya. Siya ang sikat na bokalista ng Sky Light. Sikat siya. Oo
sikat nga siya at patay na talaga ako. Double dead pa. Shet naman talaga oh.

"Gulo ata ang pinasok ko." Bulong ko sa sarili ko. "Sa lahat ng lalaking
makakasalubong ko nang panahon na yon, bakit siya pa?" Napabuntong hininga na lang
ako. Ang hilig talaga makipaglaro sakin ng tadhana.

"Alam mo bang mas madami pa ang fangirls nang Kean na yan kaysa sa Kuya ko? Ano ba
kasing iniisip mo?"

"Inutusan ko lang siya na halikan niya ako para mailigtas ako sa kahihiyan kahapon
pero hindi ko siya kilala at hindi ko alam na sikat pala siya." Napabuntong hininga
kami pareho.

"Now you know." Dagdag niya.

"Yes I know and I'm freaking dead." Dadami na naman ang magagalit sakin nito dahil
sa Kean na yon. Ano pa bang pakialam ko? Haters gonna hate nga sabi ni Taylor
Swift. "Nakakainis. Alam mo 'yong broken hearted pa ako tapos may problema pang
dumating?" Hinawakan ni Jenelle ang kamay ko.

"Sorry sa ginawa ni Kuya. I hate him for breaking your heart. Hindi ko nga siya
kinakausap, eh." Niyakap niya ako.

"Hindi mo kailangan na mag sorry sakin. Halos lahat kayo pinag sabihan na ako
tungkol sa pagiging player ni Dwayne pero ako 'tong hindi nakinig eh."

"Kapag nagmamahal ka kasi wala kang ibang pinapakinggan kung hindi ang puso mo
lang."

"Ang puso kong tanga." Wala na akong ibang nagawa sa puntong iyon kung hindi
umiyak.
Pinunasan agad ni Jenelle ang mga luha ko. "Don't worry nandito lang naman kami ni
Marion. Everything will going to be okay. Okay?"

"Thank you best friend." Niyakap ko din siya pabalik. "Pwede bang samahan mo akong
uminom? Please, ngayon lang ulit. I need to unwind."

"Hindi ako pwede ngayon eh. Pupuntahan namin ni Tatay si Uncle Troy sa sementeryo."
Napatingin ako sa phone ko, 26 pala ngayon.

"Oo nga pala, death anniversary niya ngayon."

"I'm sorry best, hindi na naman kita masasamahan. Si Marion nandon na sa sementeryo
kasama ang mommy niya kaya hindi din siya makakasama. Babawi kami next time.
Promise." Tumango ako at nagpaalam na sakanya.

Mag isa na naman akong pumunta sa Padis sa tabi muli ng sea side. Hinayaan ko ang
sarili ko na umiyak nang umiyak. Wala namang nakakakilala sakin dito eh. Wala ang
mga chismosa kong schoolmates. Pwedeng pwede akong umiyak hanggat gusto ko.

Ang sakit pa din kasi talaga. Pagkatapos ng lahat ng kashitan na ginawa sakin ni
Dwayne, mahal ko pa din siya. Kahit na isang linggo lang ang tinagal nang relasyon
namin, hindi iyon naging hadlang para mahalin ko siya nang lubos. Lahat ng pinakita
niya sakin nuon, parang totoo talaga. Pinaramdam niya talaga sakin na mahal niya
ako pero lahat pala 'yon ay puro kagaguhan lang. Gusto kong magalit at mainis
sakanya pero hindi ko magawa kasi nga mahal ko pa din siya.

Too much love will kill you talaga.

Kapag nag mamahal ka para kang nasa ilalim ng isang spell na kahit ano gagawin mo
para sa pag-ibig. Kahit pa masaktan ka.

"Pwede pala talagang mangyari 'yong isang linggong pag-ibig? Damn it." Bulong ko sa
sarili ko at inubos ko na ang pangatlong beer na meron ako.

Narinig ko muli ang magandang boses ng estrangherong bokalista na narinig ko noong


unang pumunta ako dito. Pakiramdam ko lumilipad na naman ako. Ang sarap pakinggan
ng boses niya at pakiramdam ko, gumagaan ang loob ko dahil sakanya. Hindi ko pa din
makita ang mukha niya dahil sa cap na suot niya.

Naka pitong bote na ako ng beer pero nararamdaman ko pa din ang sakit. Umorder pa
ako ng dalawa pang bote, nag babakasakaling mawala ito kapag uminom pa ako. Habang
iniinom ko ang pang walong bote ko ng beer, saktong bumaba ng stage ang
misteryosong bokalista na hanggang ngayon ay hindi ko pa din maaninag ang mukha
dahil sa cap na suot niya.

Hindi ko man lang naidampi ang labi ko sa sa bote na hawak ko dahil pinigilan ako
ng misteryosong bokalista.
"Stop drinking." Hawak hawak niya pa din ang braso ko. "Lasing ka na." Inalis ko
ang kamay niya sa braso ko.

"Sino ka ba? Ano bang pakialam mo sa akin ha?!" Inis kong sabi.

Tinanggal niya ang cap na suot niya at literal akong napanganga. Hindi ako
makapaniwala na siya iyon. Napakaliit ata ng mundo. Pinaglalaruan na naman ako ni
Tadhana.

"Ako lang naman yong lalaking hinalikan mo." Kinindatan niya ako at parang nawala
lahat ng pagkalasing ko. "It's nice to meet for the third time, Keila Mendoza."

Ang misteryosong bokalista na nagligtas sa akin noon ay ang misteryosong lalaki


nagligtas sa akin kahapon. At siya ay si.. Kean Marco.

Dear tadhana,
Itigil mo na ang pakikipaglaro sakin, hindi ka na nakakatuwa.

Chapter 3: Irony
"Kean!"
"Wah! Ang gwapo mo!"
"Kean my loves!"

Tinakpan ko ang dalawang tainga ko. Nakakarindi ang sigaw ng mga babae sa canteen
habang pinagkakaguluhan nila si Kean. Akala ba nila sila lang ang tao dito? Class
girls, class.

"Kean, notice me please?" Pagmamakaawa pa ng isang babae na nasa harapan ni Kean.


Nag salubong agad ang kilay ko sa nakita ko. What the hell?

"They're crazy! Ganyan ba sila ka desperado sa lalaking 'yon?" Pagtataray ko.


"Nakakairita sila." Baka mamaya umabot na sa Mars ang pagtaas ng kilay ko. Masahol
pa sila sa linta, eh.

"Don't get offended Keila pero ganyan ka din naman dati kay Dwayne, eh." Singit ni
Jenelle. "Hindi mo naman sila masisisi eh. Gwapo naman kasi si Kean at sikat pa
siyang bokalista." Paliwanag pa niya.

"I'm not desperate like that!" Protesta ko. "Gwapo nga si Kean pero mas gwapo pa
din naman si Dwayne sakanya." Kinuha ko ang phone ko at nag browse na lang ako sa
Facebook ko. Minsan ayoko ng pagiging prangka ng best friend ko. Napadaan ako sa
page ng Bella Chikas at nanlaki ang mata ko sa bago nilang headline. "Totoo ba
'to?" Gulat kong sabi.

Dwayne Lopez and Krystal Arrevalo are now officially dating.

"Ano ba yan-- What the?!" Napatitig pa sa phone ko si Jenelle dahil kagaya ko hindi
din siya makapaniwala sa headline. "Not that girl! I don't like her." Inis niyang
sabi.
"Who likes that bitch, anyway?" Pinikit ko ang mata ko at huminga ako ng malalim.
"Stress." Sambit ko.

Lahat ng emotion naghahalo na sa puso ko. Alam mo yong heart broken pa nga ako
tapos siya nagpapakasaya na? Masakit ha.

"May nakaupo ba sa tabi niyo?" Minulat ko ang mata ko at nakita ko si Kean. Another
stress. "Paupo ako ah?" Umupo nga siya without even waiting for our reply. Masaya
pa niyang nilapag ang pagkain niya sa mesa.

Pakiramdam ko lahat ng fangirls niya ay nakatingin sa direksyon namin. Nailang


tuloy ako bigla. Nakakainis.

"Hindi mo man lang talaga hinintay ang sagot namin? Paano kung may nakaupo na dyan
ha?" Pagtataray ko. Nagulat siya sa tanong ko at parang hindi niya alam ang
sasabihin niya.

"Kean, sorry ha? PMS lang yan si Keila." Sabat ni Jenelle. "Wala naman nakaupo dyan
eh." Tinignan ko si Jenelle at binigyan ko siya ng 'What the hell is that for?'
Face.

"Hanggang ngayon pala mabait ka pa din, Jenelle." Sambit ni Kean. Natigilan ako.
Wait. Magkakilala sila?

"Do you know this guy, Jenelle?" Tanong ko.

"Uhm, yeah? He's Dwayne's ex-best friend." Alangan niyang sabi.

So, that explains everything that happened between Kean and Dwayne last week. It
looks like they hate each other so much now. I wonder what happened?

"Bakit nag FO kayo ni Dwayne?" Tanong ko.

"Anong FO?" Napataas na naman ang kilay ko. Hindi ba niya alam yon?

"FO means friendship over." Paliwanag sakanya ni Jenelle. "Actually, I also want to
ask you that before but Dwayne's stopping me to talk to you."

"Just tell us." Pag dedemand ko.

"May mga bagay na hindi na dapat pinaguusapan pa lalo na kapag nakaraan na kasi
baka mas lalo lang gumulo yong ngayon." Seryoso niyang sabi. "Alis na ko."

Kinuha niya ang bag niya at umalis na. Hindi man lang niya naubos ang pagkain niya.
Bigla tuloy akong na guilty. Kahit na inis ako sakanya naisip ko pa din na bakit ba
nasobrahan ang pagiging bitchsesa ko sakanya ngayon?

"Look what you did. The guy isn't doing anything and in fact, he saved you but
you're being a bitch to him?" Pagtataray ni Jenelle. "What's happening to you?"

"I don't known. Siguro dahil sa nangyari las week? Para kasing kilalang kilala niya
na ako na porket nahalikan na niya ako? He's being over protective and over caring
to me."

"How?" Tanong ni Jenelle.

"Last week kasi habang umiinom ako sa padis, bigla niya akong pinigilan uminom. Ang
dami niyang sinabi na kesyo hindi naman daw ako ganon, ganito, ganyan. Eh hindi ko
naman siya kilala because technically I'm not his fan at ginamit ko lang naman siya
para hindi ako mapahiya dati." Paliwanag ko. "And the fact na sinuntok niya si
Dwayne."

"Akala ko ba you've moved on? Para saan pa ang paghalik mo kay Kean?" Nagtatakang
tanong ni Jenelle.

"Siya ang humalik sakin." Sambit ko.

"You forced him." Diin ni Jenelle.

"Okay whatever. Escape plan ko lang naman yon eh para makaalis ako sa kahihiyan na
yon." Depensa ko. "I don't want to be involve with him."

"I know him and I know that he's a good guy." Napataas na naman ang kilay ko.

"You know him and yet you didn't even tell me? How dare you." Sambit ko. "Kung
hindi lang kita mahal baka nagtampo na ako sayo."

"Hindi naman kasi kami close. Kilala ko lang siya kasi best friend nga siya ni Kuya
dati at palagi siyang naku-kwento sakin ng kapatid ko. The guy deserves a chance."

"Naisip ko lang ngayon na baka wala lang talaga akong mapagbuntungan ng galit kaya
napasa ko lahat ng galit ko kay Kean. Well, ang sama ko nga." Tinginan ko ang relos
ko at late na pala ako para sa next subject ko. "I need to go, bye besty."

"Bye my bitchsesa besty!" I just rolled my eyes. Not all the time, Jenelle.

Nagmadali akong pumunta sa next subject ko. Dahil late ako, no choice ako sa
magiging upuan ko. Labag man sa loob ko pero makakatabi ko si Dwayne.

Ginawa ko ang lahat para itago ang emosyon ko habang katabi ko siya. Sa totoo lang
hindi pa din talaga ako nakakapag move-on sakanya pero may part na sa sarili kong
gusto ko na. Sa sinabi pa lang niya kanina, alam kong wala talaga akong halaga
sakanya. I'm just a playtime. Masakit man pero wala kang magagawa kasi hindi mo
naman hawak ang puso at isip ng ibang tao.

"Dude, congrats sa inyo ni Krystal. Jackpot ka sa chicks na 'yon." Sabi ni Darren,


isa sa mga tropa niya. "Bilib talaga ako sayo eh, lahat ng naging shota mo,
panalo." Bigla napatingin sakin si Darren. Considered ba ako na shota ni Dwayne eh
sabi nga niya, 'He don't know me'. Bigla akong nainis.

"Dude, girlfriend hindi shota."

Pareho kaming napa 'woah' pero syempre ako sa isip lang. Sinapian ba ng masamang
elemento si Dwayne? For the first time may na consider siyang girlfriend at ang
pinaka nakakainis sa lahat ay si Krystal pa talaga 'yon?

"Guys! Si Dwayne, seryoso kay Krystal. Girlfriend daw eh." Sigaw ni Darren.

Lahat sila nagkantsyawan na. Lahat inaasar si Dwayne at Krsytal. Kinikilig pa


silang lahat. Seriously?

Nainis ako lalo pero hindi ko pa din hinahayaan na makita nila yon. Poker face lang
ako as much as possible. Ayokong mag mukhang kawawa at talunan dahil para lang yon
sa mga mahihina.

Dumating na ang professor namin dahilan para matigil na sila sa paguusap nila. Buti
naman kasi kung hindi baka maibato ko na ang upuan ko palipad sa mukha ni Krystal.
Pagkatapos ng class, inayos ko na agad ang gamit ko para na din makaalis na ako sa
tabi ni Dwayne.

"Hindi mo lang ba ako babatiin?" Lumingon agad ako may Dwayne para makita kung ako
ba talaga ang kinakausap niya at oo ako nga.

"For what?" Sambit ko gamit ang walang emosyon kong boses.

"Me and Krystal." Nakangisi pa niyang sabi. This guy.

"Ah? Sainyo ba ni Krystal? Congrats." Ngumiti ako sakanya as much as possible tska
ako umalis sa room.

Hindi ko alam kung ang plastik ba ng ngiti ko o ano pero mas okay na yon at least
kahit papaano hindi niya ako nakitang sobrang apektado pero deep inside sobra akong
nasasaktan.

At talagang kinausap ako ni Dwayne? para don. Anong pinaglalaban niya? Gusto niya
bang ipamukha sakin kung gaano ako kawalang kwenta sakanya? What a jerk.

Hindi ko na alam kung saan ako pupunta kaya dumiretso na lang ako sa playground ng
University. Wala kasing tao dito madalas kaya masarap mag emote dito.

Umupo ako sa swing. Since wala namang tao dito maliban sakin, kinausap ko na lang
yong sarili ko. "Ayokong magmukha akong kawawa at talunan sa harap ni Dwayne at ng
mga tao pero sa mga pinag gagagawa ko, hindi ba talaga ako nag mumukhang ganon? I
mean, ginago na ako at lahat ni Dwayne to the point na pinapamukha niya na sa akin
na may iba siyang mahal at seryoso siya don unlike sakin na puro kasinungalingan
lang at pangpapanggap pero heto ako, ginugusto pa din siya."

Natawa na lang ako. "Ang tanga ko."

"Buti alam mo." Napasigaw ako sa gulat at muntik na akong mahulog sa swing pero
nahawakan ni Kean ang kamay ko. Nagkalapit ang mukha namin dahilan para mapatitig
ako sa mata niya. Ang ganda. Wait. Magkalapit kami?

"What the hell are you doing?" sigaw ko.

Inilayo niya ako at inupo pabalik sa swing na inuupuan ko. "Thank you ah, niligtas
kita." Sarkastiko niyang sabi. "Thank you talaga."

"First of all, hindi naman ako mahuhulog kung hindi mo ako ginulat at secondly,
bakit ka nakikinig sa mga sinasabi ko?" Inis kong sabi.

"Baliw ka talaga eh." Sambit niya. Napatayo ako sa harap niya at napahawak pa ako
sa baywang ko.

"Ulitin mo nga, ako baliw?" Pagtataray ko.

"Bingi ka na din pala." Dagdag niya pa sabay tawa. "Paano kong hindi maririnig ang
sinasabi mo eh ang lakas ng boses mo. Hindi ko naman siguro kasalanan na napatambay
ako dito at napaupo ako sa swing sa likod mo." paliwanag niya.

"Dun ka sa prisinto magpaliwanag ha. Wala kang maloloko dito. Stalker kita noh?"
Nagulat ako kasi natawa siya ng malakas sa sinabi ko. "Anong nakakatawa ha?!"

"Tingin mo ang isang katulad ko ay magiging stalker mo?" Lumapit siya sa akin
dahilan para mapaatras ako. "You gotta be better than that, crazy girl." Kinindatan
niya ako pagkatapos kinuha niya ang bad niya at umalis habang kumakanta ng stupid
love ng salbakuta. Gosh. Nakakainis siya. Bipolar lang? dati ang caring niya sakin
at protective tapos ngayon nagiging jerk na siya?

At ano?!

Hindi siya stalker sa lagay na yon eh kung nasaan ako ay nandin din siya? Ano yon,
tadhana? Damn this destiny thing.

"Damn you, Kean!" Sigaw ko. "I freaking hate you!"

And I also hate the fact that you're always saving me. What an irony.

Deat tadhana,
I hate you with feelings.

Chapter 4: Revelation

Keila.

"Nakakatawa noh? Nung inaaya kita dito sa Padis dati, hindi ka pwede. Ngayong gusto
mong pumunta dito, wala naman ako sa mood. Nangaasar ka ba Jenelle?" Irita kong
tanong. Tinignan ko siya at parang hindi niya ako narinig dahil busy pa din siya sa
kakatingin sa stage. "Earth to Jenelle!" Sigaw ko.

"Ha?" Inosente pa niyang tanong. Wala ngang narinig ang gaga. "Sorry besty. May
inaabangan kasi ako sa stage."

"Hindi mo na kailangang sabihin, alam ko naman kung sino eh. 'Yong kakambal ko?"
Natatawa ko pang sabi. "Ang sungit at cold naman niyan ni Cloud kaya hindi ko
maintindihan kung bakit patay na patay ka sakanya."

"Gusto ko kasi 'yong ganon eh, 'yong misteryoso. Isa pa, gustong gusto kong
tinititigan ang mukha niya." Sambit niya habang nakatingin pa din siya sa stage.

"Ipapaalala ko lang sayo na kakambal ko si Cloud. Hindi ka ba nagsasawa sa mukha


namin?" Pang aasar ko.

"Besty magkaiba naman 'yon eh." Pagmamaktol pa niya. "Ang tagal naman nila Cloud."
Inip na inip niyang sabi.

"Kaya pala hindi mo mapansin si Marion kasi si Cloud lang nakikita mo." Bulong ko.
"Kawawang Marion, 'yong gusto niya ay may gusto namang iba. Parang ako lang din
pala."

"Ano 'yon, besty?" Tanong ni Jenelle.

"Sabi ko bakit hindi mo sinama si Marion dito?"

"May lakad daw kasi sila ng Mommy niya. Lately nga parang umiiwas na siya sakin.
Hindi ko nga alam kung anong problema non eh." Walang malay niya sabi. Manhid niya
din kasi eh tapos eto namang si Marion ang torpe. Ang sarap nila pag-untugin eh.
"Wait, kakanta na 'yong banda nila Cloud!" Sigaw niya.
Pinagmasdan ko lang habang nagpapantasya si Jenelle sa kakamabal ko. Bakit kaya ako
nakakaramdam ng awkwardness?

Natigilan ako nang mapatingin ako sa harap namin sa bandang kanan. Umiinit na naman
'yong dugo ko. Sa lahat ba naman ng makikita ko, si Dwayne at Krystal pa? Sobrang
liit nga naman ng mundo namin o sadyang gusto lang talaga akong asarin ng lintek na
tadhana na 'to. Damn you, destiny.

"Keila, bakit nag sasalubong yang kilay mo ha?" Itinuro ko kay Jenelle ang pwesto
nila Dwayne. "Oh my, hindi ko alam na nandito silang dalawa." Tinignan niya ako at
sa tingin pa lang niya ay nag so-sorry na siya sa akin sa pagdala niya sakin dito.

"Hayaan mo na." Kahit wala ako sa mood na uminom ay kinuha ko ang beer sa harap ko
at uminom ako. "Sasanayin ko na lang 'yong sarili ko na masaktan palagi baka
sakaling maging immune na sa sakit 'tong tanga kong puso."

Pinagmasdan ko na lang si Dwayne at Krystal at mukha naman silang masaya. Ganyan


din naman kasaya si Dwayne dati nung magkasama kami pero bakit mas pinili niyang
sumama sa Krystal na 'yon? Ayoko naman ikumpara ang sarili ko sakanya dahil alam
kong wala din 'yong magagawa dahil sakanya pa din naman napunta 'yong taong mahal
ko.

Damn that bitch. If I can just kill her twice, I will with all the please.

"Keila!" Bati sakin ni Cloud at umupo siya sa tabi ko. "Anong ginagawa mo dito?
Akala ko wala ka sa mood na pumunta dito?" Tanong niya.

"Inaya kasi ako dito ni Jenelle." napatingin kaming dalawa ni Cloud sakanya. Kitang
kita ko kahit sa malayo ang pamumula ng best friend ko.

"Hi Cloud." Kinikilig pa niyang sabi. "Ang ganda ng pagkakakanta mo ng Lips of an


Angel." Dagdag pa niya.

"Thanks." Tipid na sabi ng kakambal ko. Napaka cold talaga niya. Ibinalik agad niya
ang tingin niya sakin habang ako nakatingin kay Jenelle. Ramdam ko 'yong lungkot na
nararamdaman ni Jenelle ngayon dahil sa ganitong treatment sakanya ni Cloud.
"Finish your drink and we'll go home." Sabi niya. Nagiging bossy na naman siya
sakin.

"Sasamahan ko pa dito si Jenelle." Sambit ko. "Mauna ka na lang, ihahatid naman ako
ni Jenelle sa bahay."

"No." Seryoso niyang sabi. "Ayokong iwan ka dito lalo na't nandito din si Dwayne."
Dagdag pa niya habang nakatingin siya ng masama sa pwesto nila Dwayne. "Hindi mo
ako pwedeng lokohin, alam kong gusto mo pa din siya."

"That's not true." Sagot ko.

Hindi ko siya gusto dahil mahal ko siya. That's a two different things.

"Siguraduhin mo lang dahil maliwanag pa sa bwan na kaya ka lang niya nilapitan dati
dahil naaalala niya sayo si Dana. Hindi ka niya mahal dahil ang totoong mahal niya
ay si Dana at hindi ikaw." Inis niyang sabi.

Teka, sino ang babaeng 'yon? Nagugulahan ako.

"And who the hell is Dana?" Inis ko ding tanong. Tinignan ko si Cloud pero ayaw
niyang magsalita. Si Jenelle naman hindi makatingin sakin. "Someone needs explain
to me what the hell is happening."

"You don't need to know about it. I shouldn't have mention her. Just forget about
what I said." Sagot ni Cloud. "Umuwi na tayo."

"The damage has been done Cloud so you better tell me who the hell is Dana." Wala
pa din siyang balak sabihin sakin kaya mas lalo akong naiinis. "Just tell me!"
Sigaw ko. Sa inis ko nakapagtaas na ako ng boses at wala na din akong pakialam
kahit pag tinginan kami ng mga tao dito.

"He is Dwayne's ex-girlfriend and she looks exactly like you." Pag amin ni Jenelle.
"Para kay Kuya ikaw si Dana kaya ka niya niligawan."

Unti unting nag po-proseso sa utak ko ang mga sinabi sakin Cloud at ni Jenelle pati
na din yong mga nangyari dati. Naalala ko yong sinabi dati sakin ni Dwayne bago
niya ako halikan nuon, 'Damn, I like you. I still fvcking like you, Dana.'

So kaya lang pala ako niligawan ni Dwayne ay dahil kamukhang kamukha ako ng ex-
girlfriend niya na apparently hanggang ngayon ay mahal pa din niya at kaya siguro
siya nakipaghiway sakin dahil na realized niyang hindi talaga ako si Dana. Kaya
pala ganon na lang sakanya na kalimutan lahat ng nangyari samin at kaya pala parang
wala akong kwenta sakanya kasi nakita lang niya sakin yong lintek na ex niya. Wow
ha, ang gandang kwento at punyeta ako at ako talaga ang talo at luhaan sa dulo. Ako
na nga ang ginamit ako pa ang iiyak sa dulo.

"Jenelle, alam mo lahat ng to, 'hindi ba?" Hindi siya makatingin at hindi siya
makasagot sa akin. "Shit. This is all bullsh*t. Alam mo pero hindi mo sinabi sakin?
What kind of friend are you? Oh sorry, best friend I must add." Sarkastiko ko pang
sabi.

"Keila, I'm sorry. Pinagbawalan kasi ako ni Kuya na sabihin sayo ang tungkol don.
Gusto ko naman ding sabihin pero nakita na kita nuon na masaya kay Kuya kaya hindi
ko na nasabi." Paliwanag niya.

"Just shut up." Inis kong sabi. Tumayo ako at umalis. Buti na lang din at hindi
nila ako sinundan na dalawa dahil baka mas lalo lang akong mainis at kung ano pa
ang masabi ko sakanila. "Mag sama silang dalawa." Bulong ko sa sarili ko.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Nanlalabo ang paningin ko dahil sa mga luha sa
mata ko na kanina pa gustong bumagsak. Gabi na at katangahan kung pupunta ako sa
isang madilim na lugar kaya dumiretso ako sa isang coffee shop. Kumuha agad ako ng
pwesto at umorder ng isang malaking kape.

Sobrang sama ng loob ko. I feel like I was betrayed by my own brother and best
friend. How could they do this to me? Of all people sila pa talaga? Sila na nga
lang 'yong inaasahan ko eh tapos sila pa ta-traydor sakin.

They should have told me about it. All the time nag mumukha na akong isang malaking
tanga pero hindi man lang nila naisip na sabihin sakin ang totoo. Ang sakit talaga.

"Palagi na lang ba akong masasaktan?" Bulong ko sa sarili ko. "Kainis. Kailan ba


ako sasaya?"

"Sasaya ka kapag binitawan mo ang mga bagay na nakakasakit sayo." Buti na lang at
hindi ko hawak ang kape ko kung hindi baka natapon ko na yon. Lumingon agad ako sa
taong nasa likod ko. Hindi na din ako nagulat ng nakita ko si Kean. Nangyari na 'to
eh, kahapon lang sa swing. Ganito din yon, nasa likod ko siya. Ngayon niya kaya
sabihin sakin na hindi ko siya stalker? "Napadaan lang ako dito. Hindi kita
sinusundan noh." depensa niya agad.
"Ang mga taong guilty masyadong defensive." pang babara ko sakanya. "Sige na hindi
mo na ako sinusundan kahit na obvious naman." Mataray kong sabi.

"Okay ka sana eh kaso ang taray mo." Sagot niya. "Next time nga hindi na lang kita
kakausapin dahil wala ka naman ibang ginawa kung hindi tarayan ako. Sige alis na
ako." Tumayo siya dala dala ang kape niya pero bago pa siya makaalis ay tinawag ko
siya.

"Sandali!" Ilang segundo din ang lumipas bago siya lumingon sakin. "Pwede mo ba
akong samahan dito?" Tinignan niya ako.

"Hindi kita susungitan, promise." Sambit ko.

Mas maganda kung may makakausap ako ngayon at para na din hindi ako mukhang tanga
dito na kinakausap ang sarili ko.

Umupo si Kean sa harap ko at inilapag niya ang kape niya sa table. Sumandal siya sa
upuan habang nakatingin siya sakin ng seryoso. Medyo nakakatakot pala siya. "Anong
mapapala ko kapag nag stay ako dito?" Nakangisi niyang tanong.

"Ha?" Inosente kong tanong. "Samahan mo ako, ayon lang." Sagot ko.

"Naghihintay sakin ang mga kabanda ko sa Padis. Anong mapapala ko sayo para hindi
ko sila siputin don?" Nakangisi pa din niyang sabi. Nakaramdam na ako ng pagkainis.
Hindi ata magandang ideya na tinawag ko pa siya dito.

"Eh di pumunta ka na don. Wag mo na akong samahan. Iwan mo na lang din ako. Dyan
naman kayo magaling lahat eh." Pagtataray ko. Iniwas ko ang tingin ko sakanya. "Go
away."

"I'll stay here if you'll promise me we'll going to be friends after this." Bumalik
agad ang tingin ko sakanya pero nawala na ang ngisi sa labi niya at mukha na siyang
seryoso. "I'll even help you forget Dwayne."

Nag isip ako. Hindi ko maintindihan kung bakit all of a sudden ay gusto niya akong
maging kaibigan pero mukhang sincere naman siya sa friendship na inaalok niya. Isa
pa siya lang din ang alam ko na makakatulong sa akin ngayon para makalimutan ko si
Dwayne. "Bakit gusto mo akong maging kaibigan at bakit mo ako tutulungan na
kalimutan si Dwayne?" Tanong ko.

"Naiinis kasi ako kapag may nag susungit sakin at naiirita ako kapag may nakikita
akong nagiging tanga dahil sa lintek na pag-ibig na yan." Napangiti ako sa sinabi
niya. Mukhang magkakasundo na kami. Natawa pa ako ng maisip ko kung gaano ako ka
bitchesa sakanya dati. "May nakakatawa ba sa sinabi ko?" Tanong niya.

"Wala naman. Naisip ko lang 'yong mga pagsusungit na nagawa ko sayo. I'm sorry
about that. Siguro mas okay nga na maging magkaibigan na lang tayo kaysa pareho
tayong naiinis sa isa't isa at isa pa kailangan ko din ang tulong mo." Sambit ko.

"Then," inabot niya sa akin ang kamay niya. "Friends?" Nakangiti niyang sabi. In
all fairness, ngayon ko lang nakita ang genuine niyang ngiti at ang gwapo niya pala
talagan

"Okay," inabot ko ang kamay ko at nakipag kamay ako sakanya. "Friends." Sagot ko.
"Para maging magkaibigan na talaga tayo, kailangan mong sagutin ang ten questions
ko at ganon ka din sakin."

"Fine. Ako ang mauuna." Lumapit siya kaunti sa akin habang nakatingin siya sa mata
ko. Na conscious tuloy ako bigla. "Gwapo ba ako para sayo?"

Natigilan ako sa tanong niya. "Anong klaseng tanong yan?"

"Naka isang tanong ka na. Ngayon sagutin mo ang tanong ko." Sambit niya. Pambihira
kakaiba siya. "Answer it."

"Nagmamadali?" Tanong ko. Late ko naisip na nagtanong na naman pala ako. Ano ba
yan. Kinuha ko muna ang kape ko at uminom muna ako. Ayoko mag sinungaling sakanya
dahil ayokong lumabas na bitter ako. "Oo gwapo ka para sakin." Sagot ko at kitang
kita ko ang ngiti niya. Iniwas ko ang tingin ko sakanya. Mabuti pa ako naman ang
mag tanong. "Maganda ba ako para sayo?"

Walang ano ano ay sinagot niya ako. "Oo maganda ka sa mga mata ko." Umiwas agad ako
ng tingin sakanya. Parang namumula pa ang pisngi ko. Ano ba yan. Pakshet. "Anong
gusto mo sa isang lalaki?"

Napaisip ako. Ano nga ba? "Madami akong gusto sa isang lalaki pero ngayon ang gusto
ko na lang sa isang lalaki ay 'yong gusto din ako para naman hindi na ako
nasasaktan ng ganito."

Natawa siya sa sagot ko. Pinagmasdan ko lang siya at habang tumatawa siya ay mas
lalo siyang nagiging gwapo sa paningin ko. Ano bang nangyayari sakin?

"Ikaw, anong gusto mo sa isang babae?" Tanong ko naman.

"Gusto ko 'yong mga kagaya mo." Sagot niya. Napataas ang kilay ko don ha. Mga
kagaya ko? Ibig sabihin ba non, gusto niya ako? "Mahilig ka ba sa music?" Tanong
naman niya.

"Ako?" Tanong ko.

"Pang limang tanong mo na yan ha." Nakangisi na naman niya sabi. "Lima na lang ang
itatanong mo sa akin."

"Teka! Counted ba 'yon?"

"Apat na lang." Sambit niya at kinindatan pa niya ako. Pakshet talaga. Bakit ang
talino niya? "Answer me."

"Oo mahilig ako sa music pero mas gusto ko ang sumayaw. Dancer kasi ako eh." Uminom
muna ako ng kape bago ako mag tanong pabalik sakanya. "May banda ka kaya for sure,
mahilig ka sa music. Ilaw taon ka ng nasa banda?" Tanong ko.

"Limang taon na." Tipid niyang sagot. Matagal ka din pala siyang kumakanta. "Anong
nagustuhan mo kay Dwayne?" Tanong niya.

Natigilan ako. Inisip ko kung ano ba ang isasagot ko kay Kean. Ano nga bang
nagustuhan ko kay Dwayne?

"Nagustuhan ko siya kasi kapag kasama mo siya ipaparamdam niya sayong prinsesa ka.
Kaya niya akong pasayahin kahit na sobrang lungkot ko na. At napapalabas niya ang
tunay na ako." Sagot ko.

"Your turn." Sambit ni Kean habang nakatingin pa din siya sa akin. Para ngang hindi
na niya inalis sa akin ang tingin niya mula pa kanina.

"Paano kayo nagkakilala ni Dwayne?"


"Nang nagpa audition ako para sa magiging drummer ng banda ko, sumali siya don at
duon ko siya nakilala." Sagot niya.

"Naging ka banda mo si Dwayne?"

"Oo at naging best friend ko din siya. Siya at ang kakambal mo." Lumaki bigla ang
mata ko. Pati si Cloud?! bakit parang wala akong kaalam alam sa existence niya sa
buhay ng kakambal ko?

"Ilang taon kayo naging mag best friend ni Cloud? Wala man lang siyang nababanggit
sakin."

"Ipapaalala ko lang na last question mo na yan." Nakangiti niyang sabi. Nakakainis


dapat hindi counted yong iba eh. "Tatlong taon na din ang nakakalipas ng maging mag
best friend kaming tatlo ni Dwayne at Cloud at nasa US ka non kaya hindi niya na
ako napakilala sayo. Isa pa nag FO na din kami ng kakambal mo ng umuwi ka dito. I
think that explains everything." Hindi ko napigilan na matawa dahil sa pag gamit
niya ng salitang FO. Ang cute niya pa kapag sinasabi niya 'yon. "Hindi ka na
pwedeng mag tanon. Sasagot ko na lang sa mga itatanong ko sayo at may pitong tanong
pa ako."

"Okay tanungin mo na ako."

"Tingin mo ba magugustuhan mo ako?" Tanong niya. Napataas ang kilay ko sa tanong


niyang yon. "Answer me."

"May gusto ka ba sakin, Kean?" Pag uusisa ko.

"Wala ka ng turn para mag tanong kaya sagutin mo na lang ako." Nakangisi na naman
niyang sabi. Naisahan niya ako don ha. "Uulitin ko, tingin mo ba magugustuhan mo
ako?"

"Depende." Tipig kong sagot.

"Paanong depende?" Tanong niya.

"Pang limang tanong mo na yan ha. Lima na lang." Pang aasar ko sakanya para naman
makabawi ako. "Kung magkakaroon tayo ng spark baka magustuhan din kita."

Natawa siya. "Kailangan pa palang maging poste ng meralco ang lalaking magkakagusto
sayo para magkaroon kayo ng spark, ng isang malaking spark." Tawa pa din siya ng
tawa. Inubos niya ang kape niya tapos tumayo siya. "Iuuwi na kita, gabi na baka
hinahanap ka na ng kakambal mo."

"May limang tanong ka pa sakin." Sambit ko.

"I'll ask it in the right time. C'mon." Maangas niyang sabi.

Nakangiti akong tumayo at sumunod kay Kean palabas at papunta sa parking.

Naisip ko lang na pwede pala kaming magkasundo ni Kean. Masaya din pala siyang
kasama kahit minsan nakakainis siya. Isa pa kakaiba siya at may pagka misteryoso
din.

Habang naglalakad ako at nakasunod kay Kean, nagulat ako ng bigla akong hilahin ni
Kean palalit sakayan. Nanlaki ang mata ko ng yakapin niya ako. "Anong ginagawa mo
ha?"

"Nakikita mo ba kung sino ang nasa harapan mo?" Tanong niya.


Nasa harapan namin si Dwayne at Krystal na magkahawak pa ng kamay. Biglang bumilis
ang tibok ng puso ko.

"Papayag ka ba kung hahalikan kita sa harapan nila?" Tanong ni Kean.

"Ha? Bakit mo gagawin yon?"

"Keila?" Tanong ni Dwayne. "Ikaw ba yan?"

Hindi na ako nakapagsalita pa dahil bigla ko na lang naramdaman ang malambot na


labi ni Kean sa labi ko.

I felt something weird about this kiss pero ang nasa isip ko lang ngayon ay ang mga
labi ni Kean..

Dear Tadhana,
Minsan pala may nagagawa ka ding maganda.

Chapter 5: Second Kiss


Hanggang ngayon ay nakalapat pa din ang labi ni Kean sa labi ko.

Ano bang nasa isip niya at hinalikan na lang niya ako bigla bigla? Hindi naman niya
ako girlfriend eh at isa pa ngayon pa nga lang kami naging magkaibigan.

Itinulak ko siya palayo sakin pero ayaw niyang lumayo sakin.

"Ayaw mong mag mukhang kawawa sa harap ni Dwayne at Krystal, hindi ba? Sumakay ka
na lang."

Napaisip ako sa sinabi niya. Kalokohan lahat ng 'to pero may punto siya at isa pa
gusto kong ipakita kay Dwayne na kaya kong mag move-on sakanya. Ayokong pumasok sa
isip niya na nasasaktan ako at lalong ayoko na pag tatawanan ako ni Krystal. Isa
pa, para saan pa ang paghalik sa akin ni Kean noon kung makikita niya na miserable
ako ng iwan niya ako.

Sinunod ko si Kean at sumakay ako sakanya. Pumayag akong halikan niya ako.

Halik lang naman 'yon eh, walang halong malisya. Oo wala..

Habang tumagal nawawala na sa isip ko na nasa harap lang namin si Dwayne dahil wala
na akong ibang maisip kung hindi ang labi ni Kean. Sobrang bilis ng tibok ng puso
ko at para bang may kuryente na dumadaloy mula sa labi ko papunta sa buo kong
katawan. Eto na ba ang tinatawag nilang spark?

Dahan dahan kong tinulak palayo si Kean dahil nawawalan na ako ng hininga. Buti na
nga lang at hawak hawak ni Kean ang bewang ko kung hindi ay nawalan na ako ng
balanse.

Tinignan ko agad siya at nakita ko agad ang ngisi sa mukha niya. "That was..
romantic." bulong niya at parang tumaas ang mga balahibo ko sa boses niya, sa husky
niyang boses.

What the hell is that? Did I enjoy the kiss?

"Last mo na yan ha." bulong ko.

Kinuha niya ang kamay ko pagakatpos hinila niya ako paharap kala Dwayne. Kitang
kita ko sa mukha ni Dwayne ang pagkagulat, pakiramadam ko nga para siyang istatwang
hindi makagalaw. Ganon ba siya nagulat sa nakita niya?

"Keila?!" gulat na sigaw ni Krysral. Sobrang taas ng kilay niya habang nakatingin
siya sa magkahawak na kamay naming dalawa ni Kean. "So, it's true that you're
dating Kean Marco?"

Tinignan ko lang siya dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Hinigpitan
naman ni Kean ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

"Kailangan ko pa ba siyang halikan ulit sa harap niyo?" nakangiti siyang sabi. Ang
pilyo niya talaga at akala ba niya papayag ako na halikan niya ulit ako ng ganon na
lang? "Yes we are dating. Wala naman sigurong masama duon?"

Literal na napanganga si Krystal habang si Dwayne ay nakatingin lang sa akin ng


seryoso. Akala mo may nagawa akong masama sakanya.

"Oo walang masama kung alam ni Keila na nakikipaglaro ka lang din sakanya baka kasi
umasa ulit siya kagaya ng nangyari sakanila ni Dwayne." sa puntong yon humakbang
ako at handa na akong sampalin ng kaliwa't kanan si Krystal pero mas lalo pang
hinigpitan ni Kean ang kamay ko na para bang sinasabi niyang siya na ang bahala.

"Tanga na lang siguro ako kung paglalaruan ko pa si Keila." tinignan niya ako
diretso sa mata ko at nakita ko na naman ang natural niyang ngiti. "Ang mga katulad
niyang babae dapat sineseryoso at minamahal ng totoo dahil ang sabi nga nila minsan
ka lang makakakita ng ginto sa basura."

Hindi ko maiwasan na mapangiti kahit na alam kong hindi siya seryoso sa sinabi
niya. May bagay na kakaiba kay Kean pero sa tingin ko gusto ko iyon. Pakiramdam ko,
may tao pa din na kaya akong pahalagahan kahit na isa lang palabas ang lahat.

"Whatever, next time just get a room." Sabi ni Krystal. "Come on Dwayne, nag
aaksaya lang tayo ng oras dito." Napahigpit ang kapit ng kamay ko kay Kean dahil sa
inis ko sa uod na Krystal na to. Ang sarap niya sampal sampalin.

Nang dumaan sila Dwayne samin ay napadaan siya sa tapat ni Kean. Agad na nagtama
ang mata nilang dalawa at anytime parang magsusuntukan na sila. Hinigpitan ko ulit
ang pagkakahawak ko sa kamay ni Kean kaya umiwas na din siya ng tingin kay Dwayne
at hinila niya na ako palayo at papunta sa parking kung saan nakaparada ang motor
niya.

(Now Playing: Beautiful by BTS)

Napahinto kami sandali at tinignan niya lang ako. Sa bawat tinitignan niya ako ng
matagal para akong natutunaw. Ang ganda ng mata niya kaya mahihiya kang tumitig
sakanya.

"Sorry pala." Sabi niya.

"Para saan?" Tanong ko.

"Sorry kasi hinalikan kita. Ayoko lang na mag mukha kang kawawa at tanga sa harapan
nilang dalawa at ang halikan ka na lang ang naisip kong paraan." Paliwanag niya.
Napangiti ako. Hindi ko akalain na mag so-sorry pa talaga siya sa pag halik niya
sakin at nakaka touch na ako talaga ang naisip niya. Nawala tuloy ang inis ko sa
paghalik niya sa akin bigla, natuwa pa nga ako eh kasi mukhang apektado si Dwayne.
"Ang sarap mo lang kasi halikan kaya napatagal ang paghalik ko sayo." Pilyo niya
pang sabi.
"Last mo na talaga yon." Pagtataray ko.

"Sana nga tinagalan ko pa eh." Sambit niya. Hinampas ko siya ng malakas sa braso
niya. "Ouch! Joke lang. Gentleman ako maniwala ka man o hindi."

"Sabi mo eh. Umiwi na tayo." Sabi ko.

Kinuha niya ang extra helmet niya at isunuot niya iyon sakin. "Sumasakay ka naman
ng motor hindi ba?" Tanong niya.

"Do I have a choice?" Tanong ko at natawa siya. "Siguraduhin mo lang na makakauwi


pa ako samin ha." Tumango siya at sumakay kami pareho sa motor niya.

May tiwala naman ako sakanya dahil hindi naman siya mukhang rapist o masamang tao.
Isa pa kilala siya ni Cloud at ni Jenelle. Isa pa, madaming beses na niya ako
niligtas kaya ang weird naman kung may balak siya saktan ako.

"Humawak ka mabuti sa akin baka mahulog ka. Buti sana kung sakin ka mahuhulog eh
hindi eh sa sahig." Hindi ko masyadong narinig ang mga huli niyang sinabi kasi
tumunog ang phone ko.

Tumatawag sakin si Cloud. "Where the hell are you?!" Sigaw niya.

"I'm going home." tinapos ko agad ang call at hinawakan ko ang bewang ni Kean.

Kapag hindi ko binaba ang phone, sigurado madami pang itatanong sakin si Cloud.

Kinuha ni Kean ang kamay ko at iniyakap niya yon sa tyan niya. "Mabango naman ako
kaya yakapin mo na lang ako para hindi ka mahulog."

"Sige na nga. Wala namang malisya to eh."

Pinaandar niya ang motor niya at sa bilis ng takbo namin kailangan ko nga siyang
yakapin mula sa likod para hindi ako mahulog. Mamatay pa ako ng hindi oras at isa
pa hindi naman pwedeng tumakbo kami ng mabagal dahil baka malagpasan kami ng
malalaking sasakyan. Ramdam na ramdam pa ko ang hangin sa magkabilang pisngi ko.
Ang sarap sa pakiramdam para akong lumipad. Sa bawat hinto nga lang namin ay
napapakapit ako ng mahigpit sa tyan ni Kean at hindi naiwasan na mahawakan ang abs
niya. Nailang tuloy ako.

"Ayos ka lang dyan?" Tanong niya.

"Oo ayos lang ako." Sagot ko. "Kean, sorry pala." Sambit ko.

"Para saan?" Tanong naman niya.

"Kasi pinilit kita na halikan ako dati. Sorry." Napangisi na lang siya. "At
pinapatawad na kita sa paghalik sa akin ngayon dahil alam ko naman na gusto mo lang
akong tulungan basta wag mo na ulit gagawin yon ha?"

Tumango siya. "Ibig sabihin lang non, quits na tayo."

Oo quits na nga kami.

Sandali kaming napahinto dahil sa pulang stoplight.

"Kean, pwede ba magtanong?"

"Nagtatanong ka na." Pilisopo niyang sabi. Pinalo ko siya sa braso niya. "Aray ko!"
"Ano ka ba?! Seryoso ako."

Natawa pa siya. "Ano ba yon?"

"Bakit mo ako tinutulungan ha? Hindi mo naman ako kilala tapos ngayon lang naman
talaga tayo naging magkaibigan na dalawa. Okay ka lang ba?"

"May dahilan ako. Hindi naman ako tanga na gagawin lahat ng to para isang
estranghero at hindi ako gagawa ng ganito ng walang mabigat na dahilan."

"Ano naman yong dahilan mo, ha?" Pag uusisa ko pa.

"Wala ka ng tanong na natitira hindi ba? Kung ano man yon sa akin na lang yon."
Hindi na ako nakapagtanong pa kasi umandar na ulit yong motor niya.

"Dyan na lang, ayan na ang bahay namin." Turo ko sa gate namin. Inalalayan niya
akong bumaba sa motor niya. "Thank you."

"Wala yon." Hinawakan niya ang buhok niya para hawiin iyon at napansin ko ang benda
sa kamay niya. "Pumasok ka na." Utos niya.

"Sumama ka sa loob, magpapagawa ako kay yaya ng tea para sayo."

"Wag na uuwi na ako." Nag sad face ako bigla.

"Isang tasang tea lang please? Para makabawi ako sayo tska para mapakilala na din
kita sa mommy ko." Ginamitan ko siya ng pilit powers ko kaya napapayag ko din siya.

"Kean?" Bungad sa amin ni mommy. "Ikaw na ba yan?" Tanong niya. "Ang laki mo na ha
at ang gwapo gwapo mo na ngayon."

"Thank you po Tita Mae." Sagot niya.

"Magkakilala na kayo?" Tanong ko.

"Best friend siya dati ni Cloud. Hindi mo na siya nakilala kasi nasa Amerika ka
anak." Tumango ako. Oo nga pala. "Magkakilala na din ba kayo?" Napahawak si mommy
sa bibig niya. "Wag mong sabihin na boyfriend mo si Kean?"

"Mom, hindi po." Tinignan ko si Kean at nakangiti lang siya. Nakakahiya tuloy
sakanya. "Uuwi na din siya pero papainumin ko lang siya ng tea na dala mo."

"Ganon ba, oh sige. Iiwan ko na kayong dalawa dyan. Bye Kean, dalasan mo ang punta
mo dito ha?" Nakangiting umalis si Mom. Mukhang close sila dati ni Kean ha.

Pagbigay samin ni Yaya ng tea ay pinainom ko na agad siya. Napapatingin talaga ako
sa benda sa kamay niya. Na guilty agad ako dahil ayan yong sugat na nakuha niya
nang harangin niya yong bote na dapat ipupupok sana sakin nung siraulong lalaki sa
padis.

Ang daming beses na niya na akong niligtas pero nakukuha ko pa din siyang tarayan.
Ang sama ko.

"Sorry din pala dyan sa sugat mo na yan." Napatingin siya sa benda niya. "Kung
hindi dahil sakin hindi mo yan makukuha."

"Malayo naman to sa bituka eh. Wag mo na isipin to." Sabi niya. "Salamat sa tea."
"Kulang pa nga yan sa mga ginawa mo sakin na mga tulong. Kapag kailangan ko ng
tulong ikaw yong palaging tumumutulong sakin. Si superman ka ba ha?"

Natawa siya. Kapag tumatawa siya hindi ko maiwasan mapangiti, ganon kalakas ang
epekto ng mga ngiti niya. "Para sayo pwede akong maging superman."

Hindi ko na napigilan ang sarili kong tanungin siya. "May gusto ka ba sakin?"
Tanong ko.

Tumayo siya. "Kung sasabihin ko bang gusto kita, magugustuhan mo din ako?"

Natigilan ako.

"Gabi na, uuwi na ako. Good night babe." Paalam niya.

Nanlaki ang mata ko. Tinawag niya ba talaga akong babe? Girlfriend niya ba ako?
Hindi na ako nakapagsalita pa kasi mabilis siyang nakaalis.

Ang weird ng feeling ko ngayon kasi kanina nag enjoy ako sa kiss namin.. at yong
kuryente na dumaloy sa kawatan ko dahil sa kiss namin. Ibig sabihin ba non, may
spark kami? Posible kaya na magustuhan ko din si Kean? Ang gulo ang alam ko lang
ngayon, masaya ako.

Minsan talaga kahit ikaw, hindi mo mapaliwanag ang nararamdaman mo.

"Are you friends with him?"

"Ay pusa!" Sigaw ko sa gulat dahil kay Cloud. Kung saan saan na lang siya
sumusulpot. "Yeah, I'm now friends with him. Why? Is there a problem?"

"Yes there if you'll get near to him." Seryoso niyang sabi. "Don't go near him,
understand?" Sabi niya gamit gamit ang bossy niyang boses.

Anong problema niya? Best friend naman sila dati. Minsan talaga naiisip ko hindi
kami kambal. Siya yong kuya tapos ako yong bunso. Napaka over protective niya sakin
na minsan OA na.

"Bahala ka Cloud basta gusto ko pa din maging friend si Kean. Isa pa tadhana na ang
gumawa ng way para maging magkaibigan kami." Bulong ko sa sarili ko.

Dear Tadhana,
Akala ko palagi mo na lang akong papaiyakin pero minsan pala nagagawa mo din akong
pasiyahin. Sana ganyan ka na lang palagi.

Chapter 6: Hey babe


Keila.

"Good Morning world!"

Masaya akong bumangon at nag handa para sa class ko ngayon. Simula ng maging heart
broken ako kay Dwayne eto na ang pinaka masaya kong umaga. Hindi ko din alam kung
bakit ganito yong nararadaman ko ngayon pero wala na akong balak alamin basta ang
mahalaga masaya ako.
"I'm sexy and I know it.." pagsabay ko sa kanta sa iPod ko.

Humarap ako sa salamin at hindi na ako mukhang stressed hindi katulad ng mga
nakaraang linggo. Napangiti tuloy ako bigla.

Bumaba ako para kumain at nadatnan ko si Cloud na nakasimangot na nakatingin sa


cellphone niya.

"Anong poblema mo?" Tanong ko habang kumukuha ako ng pagkain. "Ang aga aga
nakasimangot ka dyan."

"Wala." Tipid niyang sagot. "Stay away from Kean. Understand?" Sambit niya gamit na
naman ang bossy niyang boses.

Tumayo siya at aalis na sana siya pero pinigilan ko agad siya. Tinignan niya lang
ako ng masama pero hindi naman ako nagpatalo. Ano yon, siya lang palaging
masusunod?

"Ano bang problema mo kay Kean? Mabait naman yong tao ah." Seryoso kong sabi.
Parang natatawa pa siya sa sinabi ko. May nakakatawa ba don? Baliw din minsan tong
kakambal ko eh. "Best friend pa kayo dati, hindi ba?" Tanong ko pa.

"Siya ang dahilan kaya binusted ako ni Fiona." Irita niyang sabi. Nanlaki yong mata
ko sa sinabi ni Cloud. Ang liit naman ng mundo. "Kaya ayoko na nakikipag usap ka sa
traydor na yon. Naiintindihan mo?" Hindi na niya hinintay yong susunod kong
sasabihin at umalis na siya.

Si Fiona yong babaeng gustong gusto niya kaso ang sabi niya ang gusto daw ni Fiona
ay yong best friend niya na mukhang tinalo pa daw siya. Apparently si Kean pala
lahat ng yon. So nag away sila dahil sa isang babae.

Minsan talaga ang babae, panira ng pagkakaibigan.

"Sad to say babae ako." Natatawa kong sabi.

Napakunot tuloy ang noo ko. Anong gagawin ko nito? Kung makikipag kaibagan ako kay
Kean, magagalit sakin si Cloud. Kaso si Kean lang ang makakatulong sakin ngayon sa
lahat ng problema ko. Para nga siyang Superman in Disguise para sakin eh.

"Aish. Ano bang gagawin ko?" Tanong ko habang nasa kotse ako. Tinignan ko ang
Facebook ko at as usual ang daming notification at message. Nag message sakin ang
mga ka group ko na may practice daw kami mamaya ng sayaw sa gym. Napaisip tuloy
ako, aalis na ba ako sa dance group namin na Royals? "Dyan na lang po." Sabi ko sa
driver namin pagkatapat namin sa gate ng University.

Bumaba ako ng kotse at naglakad sa corridor papunta sa unang class ko.

"Hi Keila."

Bati sakin ng isang senior. Ngumiti lang ako sakanya.

"Hello Keila."
"Good morning miss beautiful Keila."
"Hi KM! Smile naman dyan."

Bati sakin ng mga lalaking nakakasalubong ko kahit mga babaeng nakikita ko. Sa
totoo lang sanay na ako dahil kilala naman talaga ako dito. Hindi ko lang alam kung
anong image meron na ako ngayon pagkatapos ng panloloko sa akin ni Dwayne.
"Hi Keila." Bati ng isang sophomore na babae. "Totoo ba na isa ka na daw sa mga
playtoy ni Dwayne? Kawawa ka naman. Masyado ka kasing ilusyunada." Tumawa siya
kasama ang mga kasama niya. "Akala mo kasi kung sinong maganda porket sikat ka
lang."

Sinara ko ang kamay ko sa galit. Ang kapal ng mukha ng babaeng to na laiitin at


pagtawanan ako sa harap ko pa mismk. Lumapit ako sakanya at sasampalin ko sana siya
pero may umakbay sakin.

"Good morning babe." Sambit ng isang pamilyar na boses. Tinignan ko siya at hindi
ako nagkamali, si Kean.

Hindi ako nakapagsalita. Tinignan niya yong mga sophomore na babae sa harap namin
at kilig na kilig sila kay Kean. Fangirls pala niya yong mga bitchesa wannabe na
to.

"Inaaway niyo ba ang babe ko?" Tanong niya.

"Ha? Siya lang yon." Tinuro nung isang babae yong babae na nagsalita kanina.

"Oo nga Kean, hindi kami yon." Dagdag pa ng kasama niya.

Lahat kami napatingin don sa babaeng nanlait sakin. Hindi nagsalita si Kean pero
ang sama ng tingin niya don sa babae.

"Sorry! Sorry na Kean. Hindi na mauulit." Para siyang maamong pusa ngayon. Ang
plastik niya. Mas mabuti pa kung sinampal ko siya ng kaliwa't kanan eh.

"Kapag inaway niyo pa ang babe ko, ako ang makakalaban niyo. At hindi siya playtoy
ng gagong Dwayne na yon dahil babe ko siya. Naiintindihan niyo?"

Lahat sila tumango sa sinabi ni Kean. Mukhang takot na takot sila.

Hinala niya ako palayo duon.

"Tinawag mo ba ako na babe sa harap nila? Ano bang nasa isip mo ha, Kean? I'm not
your girlfriend!" Protesta ko.

"Tinawag lang kitang babe, girlfriend na agad?" natatawa niyang sabi. "It's just an
endearment, babe."

"Whatever." Pagtataray ko. "Pero salamat sa pagligtas mo sakin sa mga babaeng yon."

"No problem babe." Sambit niya at yong mga ngiti niya abot na hanggang tainga niya.
Para siyang tanga kapag ngumingiti siya ng ganon. Para siyang alien pero at some
point ang cute niya kapag ngumingiti siya ng ganon.

"Anong meron sayo ngayon ha? Parang ang saya mo?" Pag uusisa ko. "Tska tigilan mo
nga ang pagtawag ng babe sakin."

"Masama na pala maging masaya ngayon?" Pilosopo niyang sabi. "Mas madaling sabihin
ang babe kaysa sa Keila. Ganon din naman ang tawag ko sa ibang babae kaya okay na
yon. Wala naman masliya eh." natigilan siya at tinignan niya ako. "Pwera na lang
kung may malisya sayo ang pagtawag ko sayo ng babe." Nakangisi niyang sabi habang
inaangat angat niya yong mga kilay niya.

"Excuse me?" Mataray kong sagot. "Hindi kita gusto." Sagot ko at nag sad face siya
sa sinabi ko.
"Wala ka man lang naramdaman na spark nung hinalikan kita kagabi?" Nagtataka niyang
tanong.

Naisip ko tuloy yong nangyari kagabi. Nakakapagtaka nga kasi meron talaga akong
naramdaman na parang kuryente na dumaloy sa katawan ko ng halikan niya ako. Yon na
ba talaga yong spark na tinatawag nila? Damn literal na kuryente pala yon, ganon?

Ibig sabihin ba nang spark na yon, pwede ko din magustuhan si Kean?

Hindi din.

"Wag mo na nga ipaalala sakin yan." Sambit ko. "Walang spark yong halik mo."

"Ilang volts ba ng kuryente kailangan ko para magkaroon tayo ng spark?" Parang


seryoso pa siya sa tanong niya. Hinampas ko agad siya sa braso niya. Ang lakas niya
ako asarin ha.

"Tawagin mo akong babe kung gusto mo basta walang malisya yon. Isa pa tigilan mo
nga ako sa pang aasar mo ha. Akala ko ba magkaibigan na tayo? Pwes wag mo akong
inaasar."

"Oo nga, oo na. Pinapatawa lang naman kita eh kasi ang aga aga nakasimangot ka
dyan."

"Yong babae kasi kanina eh, kung ano anong sinasabi sakin. Ka imbyerba." Mataray
kong sabi.

"Wag mo kasing hayaan makaapekto sayo ang mga sinasabi nila dahil at the end of the
day ikaw lang ang talo."

Hindi ako nakasagot kasi pagdating ko sa room lahat ng classmates ko biglang


natahimik ng dumating kami ni Kean. "Same subject tayo, babe?"

"Siguro, same tayo ng room eh 'di ha?" Sarkastiko kong sagot. Pambawi lang sa
pagiging pilosopo niya kanina. "Tara duon tayo sa likod." Aya ko sakanya.

Nauna akong naglakad at nadaanan namin si Dwayne at Krystal sa gitna. Pareho silang
nakatingin sakin at pakiramdam ko parang nanlalambot ang tuhod ko. Nakakainis,
bakit nila ako kailangang tignan na parang isa akong basura?

"Babe, dahan dahan lang sa paglalakad." nagulat ako sa sinabi ni Kean pero mas
nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko. "Tara na." Nauna na siya sa akin maglakad
at hinila niya ako sa likod.

"Para saan yong hawak na yon ha?" Bulong ko sakanya. "Sa harap pa talaga nila
Dwayne?"

"Nakita ko kasi kung paano ka nila tignan kanina at ayokong nakikita kang nag
mumukhang kawawa dahil sakanila lalo na kay Dwayne." Seryoso niyang sabi.

"Bakit ba palagi mo na lang akong tinutulungan?" Tanong ko.

"Hindi pa ba obvious sayo kung bakit kita tinutulungan?" Natatawa niyang sabi.

"Hindi, ano ba yon?"

"Pumunta ka mamaya sa Padis, duon ko sasabihin sayo." Nakangiti niyang sabi. May
kakaiba talaga sa ngiti at tawa niya. "Ipapa-reserve na kita ng upuan mamaya kasi
kakanta kami don mamaya."
Hindi ko na siya nasagot kasi dumating na yong professor namin. After three hours,
hindi ko na din napansin na natapos na yong class namin dahil sa pangungulit ni
Kean. Sa loob ng tatlong oras halos napag kwentuhan na namin ang lahat. Buti na nga
lang hindi kami napapansin ng professor namin.

Sa unang tingin napaka seryoso niyang tao pero kapag nakilala mo na siya ng lubos
malalaman mo na sobrang masiyahin niya, palatawa at ang weird niya minsan.

Nag ring na ang bell.

"Ang dami talagang malandi sa mundo noh." Parinig ni Krystal. Hindi naman ako tanga
para hindi ko malaman na ako yong pinaparinggan niya. Damn her. Hindi man lang siya
nahihiya sa mga pinagsasabi niya? "After mong umasa sa boyfriend ko, ngayon naman
umaasa ka na naman sa ibang lalaki at sikat pa talaga. Tindi ha."

Kinuha ko ang gamit ko at lumapit agad ako kay Krystal. "Kapag nagpaparinig ka,
bukod sa dapat malakas yang boses mo meron din dapat pangalan para marinig talaga
ng pinaparinggan mo 'di ba?" Mataray kong sabi. "Anong problema mo ha?"

Hinarap niya ako. Wala na akong pakialam kahit na nasa likod lang namin si Dwayne.
Sumusobra na talaga to si Krystal eh. Ayoko na sana siyang patulan dahil hindi din
naman talaga ako nakikipag away kaso kapag hindi ko pa siya hinarap ngayon sigurado
akong mamimihasa siyang paringgan ako.

"Problema ko? Ikaw! Ang landi mo eh! Pagkatapos ni Dwayne si Kean Marco naman?
Tindi mo ha."

"Wag mo akong tawaging malandi dahil hindi tayo magkalahi." Sinabi ko yon sa
pagmumukha niya. Pakiramdam ko lahat ng galit ko lumalabas na ngayon dahil kay
Krystal. "Nasayo na nga si Dwayne eh, ano pa bang pinaglalaban mo ha?"

"Naiinis ako kapag nakikita kita!" Sigaw niya. Alam ko pareho na kaming nag iinit
ang ulo pero hindi dapat ako magpaapekto sakanya. "Kung pwede nga lang lagyan mo
palagi ng takip yang mukha mo para hindi kita nakikita eh."

"The feeling is mutual." Cool kong sabi. "Kung ayaw mo akong makita eh 'di wag kang
humarang sa dinadaanan ko." Nakangiti ko pang sabi. "Ilugar mo din minsan yang pag
iinarte mo ha."

"Sumasagot ka na ha?!" Susugurin niya sana ako pero iniwat siya ni Dwayne. "Hayaan
mo ako Dwayne, someone must teach this girl a lesson!"

"Enough, Krystal." Seyoso niyang sabi. Ngayon ko na lang ulit siya nakitang ganyan
ka seryoso. "Let's go."

"Mabuti pa nga." Sambit niya na parang nanalo na naman siya laban sakin. "Bye,
loser." Dagdag pa niya.

Isinara ko ang kamao ko. Kung lalaki lang siguro ako nasapak ko na siya. "Buiset."
Bulong ko sa sarili ko.

"Sabi ng tatay ko kapag galit ka o malungkot ka, kumain ka daw ng ice cream para
gumaan ang loob mo." Singit ni Kean. "Ice cream tayo?"

Hindi ako sumagot at tumungo lang ako. Kailangan ko nga talaga ng ice cream ngayon.

"Anong flavor ang gusto mo?" Tanong niya.


"Cookies and cream." Sagot ko.

"Destiny nga naman oh, pareho pa tayo ng favorite flavor." Natatawa niyang sabi at
pumunta siya sa counter para bumili ng ice cream. "Cookies and cream for Keila."
Nakangiti niyang sabi habang inaabot niya sakin ang malaking cup ng ice cream.

Gamit gamit pa din niya yong ngiti niyang parang bata.

"Alam mo ang weird mo minsan." Natigilan siya sa pagkain niya at tinignan niya ako.
"Ang seryoso ng mukha mo pero nakakatawa ka pala. Ang bilis mo magpalit ng mood.
Ang weird mo. Para kang alien."

"Alien?" Tanong niya.

"Oo para kang alien lalo kapag ngumingiti ka na para kang ewan." sagot ko.

"Parang ganito ba?" Ngumiti siya ulit na para siyang ewan. Sobrang laki ng ngiti
niya na kita lahat ng ngipin niya. Mukha siyang tanga pero ang cute niya. "Ang pogi
ko noh?" Tanong niya.

"Hindi, mukha kang alien." Natatawa kong sagot. "Hi alien."

"Ang gwapo ko namang alien." Sambit niya at yong ngiti niya abot hanggang tainga.
"Hi babe, I'm your alien."

Hindi ko na napigilan na matawa. Mukha kaming ewan na dalawa at pinagtitinginan na


kami ng schoolmates namin pero wala akong pakialam sakanila dahil masaya ako
ngayon. Nakakatawa kasi to si Kean eh. Yong weirdness niya pa lang matatawa ka na.
Yonh genuine na tawa.

"Mas maganda ka kapag ngumingiti ka." Sambit ni Kean habang nakatitig siya sa akin.
"Maganda ka Keila kaya nagtataka ako kung bakit hindi mo magawang maging masaya."

"Hindi lahat ng maganda nakatadhana na maging masaya."

"Wag mo kasing gawing miserable ang buhay mo dahil lang sa lalaking nanloko sayo.
Isipin mo siya nagpapakasaya tapos ikaw nagpapakamiserable." Seryoso niyang sabi.
"Kailangan ko ng umalis, may practice pa kami. Pumunta ka mamaya sa Padis. Tutugtog
kami don." tumayo siya at umalis.

Tama si Kean.

Kailangan ko na talaga kalimutan si Dwayne at kailangan ko nang ibalik ang dating


ako. Yong Keila na palangiti at palaging hyper. Ang tanong lang paano ko sisimulan
ang paglimot ko kay Dwayne kung hanggang ngayon ay apektado pa din ako sa presensya
niya.

One text message received.

Dwayne:
Dance practice at 3pm. University gym.

Sabihin niyo nga sa akin kung paano ko makakalimutan ang taong mahal ko ko kung
palagi naman kaming pinagtatagpo ng tadhana.

Chapter 7: Now I know

[Now playing: Let me know by BTS]


Keila.

Binuksan ko ang pintuan ng gym. Bumungad sakin ang mga ka grupo ko at si Dwayne na
seryosong nakatingin sa mga mata ko. Huminto siya sa pagsasayaw niya tska siya
lumapit sakin. Bigla akong kinabahan.

"I clearly said the practice is at 3PM. What time is it, Keila?" Bossy niyang
tanong. Hindi ako makatingin sakanya. "Tatanga tanga ka na lang ba dyan? Pumunta ka
na don at mag practice." Isinara ko ang palad ko at ipinikit ko ang mata ko.

"Ayoko na." Tipid kong sabi.

"What?" Tanong niya. "Ulitin mo nga yong sinabi mo." Utos niya.

"Ayoko na, Dwayne." Pag uulit ko.

"Why?" mabilis na tanong ni Dwayne. "Is it because of me?" Hindi pa din ako
makatingin sakanya. Kinakabahan ako ng sobra at kapag tumingin pa ako sakanya baka
manlabot na lang ako bigla. "Dancing is out of our personal life. You know that,
right? So why are you quitting now? Just because of what happened between us?"

Ganon na lang yon?

Natawa tuloy ako. "Madali lang sayo sabihin yan kasi hindi naman ikaw yong nasaktan
eh, ako." Sambit ko. "Akala mo ba gusto kong umalis sa grupo? Pangarap ko to at
alam mong pangarap ko din na makasali sa National Dancing competition pero dahil
ayokong makita at makasama ka mas gugustuhin ko pang umalis na lang sa grupo."
Huminga ako ng malalim. Ang lakas ng tibok ng puso ko ngayon.

Ilang minutong natahimik si Dwayne.

"Then stay and I'll be the one to leave the group." Nanlaki agad ang mata ko sa
sinabi niya. Tinignan ko siya at seryoso lang siyang nakatingin sakin. Kilala ko
siya at hindi siya marunong mag biro sa mga sinasabi niya. Lahat ng sinasabi niya,
kaya niyang gawin. "From now on, you'll be replacing me." Nakakatakot ang pagiging
seryoso niya ngayon.

Tumalikod siya sa akin pero pinigilan ko siya.

"Why are you doing this?" Tanong ko. "Pwede mo naman akong hayaan na umalis eh.
Hindi mo na kailangan na umalis pa sa grupo para sakin." sambit ko.

Lumingon siya at tinignan niya ako. Lumapit ulit siya sakin, malapit na malapit.
Pakiramdam ko kinukulang ako sa hangin. Tumataas ang mga balahibo ko kapag ganito
siya kalapit sakin.

"I'm not doing this for you. I'm doing this for the group because between me and
you, the group needs you more." Hindi ko maiwasan na manghina sa mga seryosong
tingin ni Dwayne. "Leader lang ako pero kas kailangan ka nila. Ikaw ang
choreographer at ang mood maker ng group. Ako na lang ang aalis."

Bata pa lang gustong gusto nang sumayaw ni Dwayne. Pangarap din niya katulad ko na
makasali sa National Dance competition. Alam ko sa aming dalawa mas napamahal na
sakanya ang grupo kaya hindi ko kayang payagan na umalis siya.

Pumikit ako at huminga ng malalim. Nakikipaglaro na naman sakin ang tadhana.

"Wag ka nang umalis." Sambit ko.


Tinignan niya ako ng diretso sa mata ko.

"They can't afford to lose you." Diin niya. "Kung ako lang ang problema, ako na
lang ang aalis."

"Pareho nila tayong kailangan. We'll both stay." Natigilan siya sa sinabi ko pero
hindi nagtagal nakita ko na ang ngiti sa mukha niya. "Ano? May problema ka ba don?"
Tanong ko pa.

"Hurry up, you're thirty minutes late." Masaya niyang sabi.

Nakakapanibago na makita ko siyang ganito kasaya. Ang saya sigurong isipin na kaya
niya gagawin ang pag alis ay para sakin pero hindi eh dahil ginagawa niya to para
sa grupo namin.

Dali dali akong pumunta sa gitna kung nasaan ang mga ka grupo ko. Lahat sila masaya
akong sinalubong. Kita ko sa mata nila ang saya dahil sa pag stay ko. Naisip ko
tuloy na mas mabuti nga talaga na hindi ako umalis.

"I'm glad you're not leaving us, buddy." Sambit ng kapatid ni Marion, si Trev. "We
need you in the team, you know. Just tell me if Dwayne's being jerk to you again
and I'm going to kick his ass." Pagbibiro niya.

"Salamat buddy pero kaya ko na si Dwayne." Sambit ko. Pareho kaming natawa dahil
pagkasabi ko non ay napatingin samin si Dwayne. "Masaya ako na hindi ako umalis."
Nakangiti kong sabi.

Malapit na ang National Dance competition at isang bwan na lang ang meron kami bago
ang semi finals. Kailangan pa namin mag practice pero kompyansa ako namakakapasok
kami sa finals. Masaya na din ako na hindi ako umalis sa grupo dahil pangarap ko
talaga na makasali sa competition na yon at manalo. After all, napamahal na sakin
ang grupo na to at para ko na silang pamilya. Kailangan ko na lang sigurong harapin
na palagi ko pa ding makakikita at makakasama si Dwayne.

"Thank you guys. See you tomorrow." Paalam ni Dwayne ng matapos na ang three hours
practice namin.

Umalis na silang lahat pero naiwan ako sa gym kasama si Trev at Dwayne.

"Kailangan pa nating magdagdag ng dalawang kanta para sa popping at locking kasi


nalaman ko may malaking points pala yon sa mga judges." Sambit ko.

"Let's do that tomorrow." Sagot ni Dwayne. "I need to go." Dagdag niya pero
pinigilan siya ni Trev.

"I think the both of you need to talk first, Dwayne." Sambit ni Trev. "Bye Keila!
Dwayne be good to her okay?" Umalis siyang nakangiti sa amin. Pasaway talaga siya.

"Tss. Sino ba siya sa akala niya? Pasalamat siya best friend ko siya." Bulong ni
Dwayne.

Ilang minuto na ang lumilipas pero tahimik lang kaming dalawa ni Dwayne na nakaupo
sa bleachers ng gym. Hindi ko alam kung dapat nga ba talaga kaming mag usap dahil
hindi ko din naman alam kung saan kami magsisimula. Nakaramdam tuloy ako ng
matinding pagkailang. Nakakabingi ang katahimikan naming dalawa.

"Why did you stay with me?" Pagbabasag ni Dwayne ng katahimikan. Tinignan ko siya
at nakatingin din siya sa akin. Napakaamo talaga ng mukha niya. "Ayaw mo na akong
makasama at makita, hindi ba? I can just leave."

"Pareho lang tayo ng pangarap, Dwayne. Alam ko na mahal mo ang pagsasayaw at


katulad ko kailangan ka din ng grupo. Isasantabi ko na lang ang nararamdaman ko
para sa grupo."

Natahimik na naman kaming dalawa. Sa sobrang tahimik nga baka marinig na ni Dwayne
at mabilis na pagtibok ng puso ko.

"I'm sorry." Sambit ni Dwayne.

Hindi agad ako nakasagot. Hindi ako sigurado kung tama ba ang narinig ko. Nag sorry
ba talaga siya sa akin?

"Sorry.." sambit muli niya. "Keila, tapos na ang lahat satin kaya mas mabuti kung
kalimutan mo na lahat ng nangyari satin."

"Ang tagal kong hinintay na sabihin mo yan sakin. Ang tagal kong hinintay na
sabibin mong tapos na tayo, na ayaw mo na, na kalimutan na kita. Alam mo bang ang
sakit maiwan ng walang dahilan?"

"Sorry kung hindi ako nagbigay ng closure. Akala ko mas makakabuti sayo kung ganon
ang gagawin ko."

"Hindi, kasi nasaktan mo ako.. ng sobra." Nangingilid na ang mga luha sa mata ko.
Sobrang tagal kong hinintay ang closure na to. "Hindi ko nga alam kung paaasa ka ba
o ako lang talaga yong palaging umaasa."

"Kasalanan ko lahat. Ang laki kong gago para lokohin at saktan ka kaya patawarin mo
ako."

"Buti alam mo, oo malaki ka talagang gago." Sambit ko pero hindi ko na naiwasan na
maiyak. Shet kasi eh. Sa tagal ng panahon ngayon lang siya nag sorry sa akin.
Ngayon ko lang narinig yong mga bagay na dapat dati pa niya sinabi. "Bakit kasi
kailangan mong iparamdam na mahal ko kahit di naman totoo? Niloko mo na nga ang
sarili mo, dinamay mo pa ako." naiiyak ko pa ding sabi.

Inabot niya sakin ang panyo niya.

"Sinubukan kitang mahalin, Keila. Maniwala ka, sinubukan ko pero hindi ko kaya."
Paliwanag niya.

"Hindi mo ako kayang mahalin? Binigay ko naman lahat eh, kulang pa ba yon? Minahal
naman kita eh, bakit hindi mo ako kayang mahalin pabalik?" Tanong ko habang patuloy
na tumulo ang mga luha sa mata ko.

"Hindi exchange gift ang pag-ibig na kapag nagbigay ka kailangan may matatanggap ka
din." Natigilan ako pero patuloy pa din ang pagtulo ng mga luha sa mata ko.
"Masasaktan ka talaga kapag nag expect ka dahil hindi lahat ng tao kaya kang
mahalin pabalik."

"Tama ka eh." Pinunasan ko ang mga luha ko gamit ang kamay ko. "Hindi naman kasi
porket mahal kita automatic mahal mo din ako diba?" natawa na lang ako. Oo para
akong tanga ngayon na umiiyak habang tumatawa pero wala na din akong pakialam.
"Ganon ba talaga ako kahirap mahalin?" Tanong ko. Pinahid ko ang mga luha sa mata
ko.

Langhiyang buhay talaga oh. Nag seryoso naman ako pero nasaktan pa din ako. Madalas
talaga unfair ang pag-ibig.
Tumayo si Dwayne at pumunta siya sa harap ko. Inangat ko ang ulo ko para tignan
siya. Nakakapagtaka na para din siyang nasasaktan ngayon. Alam ko ako lang dapat
yong masaktan 'di ba? Kasi ako lang naman nagmahal sa aming dalawa.

"Hindi ka mahirap mahalin, Keila. Maganda ka at mabait. Ayoko lang maging unfair
sayo dahil sa tuwing nakikita kita, si Dana ang naaalala ko. I'm sorry, Keila."
Kinuha niya ang panyo sa kamay ko at pinunasan niya ang mga luha sa mata ko.
"Kalimutan mo na ang nararamdaman mo sakin. Darating din ang taong magmamahal
sayo."

Naglakad na siya palayo at pinagmasdan ko lang ang likod niya. Pinatong ko ang ulo
ko sa tuhod ko. Hinayaan ko na lang ang sarili ko na umiyak. "Sana hindi lang ako
naging kamukha ng Dana na yon." Sambit ko.

Ang laki talaga ng galit sakin ng tadhana palagi na lang akong pinaglalaruan.

Paano ko pa ba makakalimutan ang nararamdaman ko sayo, Dwayne? Ngayon pa na nalaman


kong hindi mo talaga balak na lokohin ako, na kaya mo ako iniwan ay para hindi ka
maging unfair sakin.

Bumalik ka na naman sa Dwayne na minahal ko. Nakakaloko na talaga tong nangyayari,


bkit kung kailan malapit na kitang kalimutan tska naman bumalim yong mga
nararamdaman ko sayo?

"I hate my life." Bulong ko sa sarili.

Tumunog ang phone ko at sinagot ko agad ang tawag ng isang unknown caller. "Babe,
nasan ka na?" Bungad ni Kean.

"Paano mo nalaman ang number ko?" Tanong ko.

"Sa best friend mo. Ano, nasan ka na? Malapit na kami tumugtog. Halikana dito."
Pangungulit niya. "Gusto mo sunduin kita?"

"Wag na. Ayoko nang pumunta. Wala na akong gana. Uuwi na lang ako." Sambit ko.
Hindi siya sumagot kaya tinignan ko kung naputol ang linya namin pero hindi naman.
Naririnig ko pa din naman ang ingay sa likod niya. "Hello, Kean?"

"Ah.. ganon ba.. okay lang.. sige.. ingat ka na lang ha.. bye." Walang lakas niyang
sagot at ramdam na ramdam ko ang lungkot sa boses niya.

Ginulo gulo ko ang buhok ko. Aish. Nangako nga pala ako sakaya na pupunta ako
mamaya. Hindi ko naman kasi alam na mag uusap kami ng ganon ni Dwayne. Anong
gagawin ko ngayon?

Nagsimula na akong maglakad.

In the end, naisip ko na din na pumunta ng Padis. Naawa talaga ako sa boses ni Kean
kanina. Hindi ko pa siya nakitang malungkot kanina lang habang kausap ko siya.

Ano kayang sasabihin niya sakin?

Umupo ako sa table sa harap. Reserved na daw sakin ang upuan na yon, pina-reserve
daw ni Kean para sakin. Buti na lang talaga pumunta ako. Umorder lang ako ng
pagkain. Hindi pa din kasi ako kumakain kaya mas mabuting kumain na lang ako kaysa
sa uminom.

Habang tumatagal mas lalong dumadami ang tao sa paligid. Mukha hinihintay talaga
nila yong banda ni Kean. Ang daming babae dito na halata namang fangirls ni Kean.
Kapag kasama ko siya minsan nakakalimutan kong sikat siya kasi mukha siyang ewan
minsan.

Naglakad na sila Kean papunta sa stage. Hindi ko na siya msyadong makita dahil may
mga epal na mga babae na tumayo sa harap ko. Hinayaan ko na lang sila, wala ako sa
mood makipagtalo isa pa mukhang fangirls din sila ni Kean dahil sobra sobra yong
tili niya.

"Good evening, we're Sky Light and we'll be performing tonight. Enjoy." Sambit ng
leader at drummer nila. "We'll start with the song, alipin by shamrock."

Nagpalakpakan kami. Si Kean parang wala sa sarili at mukhang may hinahanap siya.
Ako kaya yon? Hindi din siguro.

"One. Two. Three." Panimula ni Kean sabay ng pagtugtog ng gitara. "Para sayo ang
kantang to.. sana nakikinig ka ngayon."

Parang tumayo ang mga balahibo sa katawan ko. Ang lalim ng boses niya.

"Hindi ko man maamin


Ikaw ay mahalaga sa akin
Hindi ko man maisip
Sa pagtulog ikaw ang panaginip
Malabo man ang aking pag-iisip
Sana'y pakinggan mo ang sigaw nitong damdamin.."

Hindi ko alam kung ilusyunada ako o ano pero pakiramdam sinasabi niya yong mga
lyrics sakin.

"Ako'y alipin mo kahit hindi batid


Aamin kong minsan ako'y manhid
Sana at iyong naririnig
sayong yakap ako'y nasasabik."

Ngayon ko lang napanuod si Kean na kumakanta habang wala siyang cap. Kitang kita
ang seryoso niyang mukha. Aaminin ko ang gwapo niya at sobrang lakas ng dating
niya.

"Ayoko sa iba, sayo ako ay hindi magsasawa


Ano man ang iyong sabihin
Umasa kang ito ay diringgin
Madalas man na parang aso't pusa
Giliw sa piling mo ako'y masaya."

Hindi man ako makita ni Kean dahil sa mga babaeng nasa harap ko ay okay lang dahil
nakikita ko naman siya sa pwesto ko. Nakatitig lang ako kay Kean habang kumakanta
siya.

Tatlong kanta lang ng shamrock ang kinanta nila tapos bumaba sila ng stage. Lalapit
sana ako kay Kean sa likod ng stage pero umalis siya agad. Sinundan ko na lang siya
at papunta siyang parking kung saan nakaparada yong motor niya.

"Uuwi ka na?" Tanong ko habang nakatalikod siya sa akin at nakaharap siya sa motor
niya. "Ang ganda pala ng performance niyo kanina."

Nang nilingon niya ako parang gulat na gulat pa siya akala mo nga nakakita siya ng
multo eh. "Nandon ka kanina? pumunta ka talaga?"
"Oo natakpan lang ako ng mga fangirls mo kanina pero nandon ako." Sagot ko.

"Akala ko talaga hindi ka pupunta." Lumapit siya sakin. "Napakinggan mo ba yong


Alipin na kinanta ko?" Tanong niya habang nakatingin siya ng deretso sa mata ko.
Nailang ako kaya tumingin na lang ako sa sahig.

"Oo napakinggan ko, bakit?"

"Para sayo yong kanta na yon." Sambit niya. Hinawakan niya ang kamay ko pero hindi
pa din ako makatinggin sakanya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. "Yong bawat
lyrics ng kanta na yon ang gusto kong sabihin sayo."

"Ha?" Inosente kong sabi at nagkaroon na din ako ng lakas ng loob. "Anong ibig mong
sabibin?"

"Ang slow mo pala noh?" Pang aasar niya sakin.

Tinignan ko siya ng masama. "Sige asarin mo pa ako iiwan kita dito."

Hindi niya ako sinagot agad. Nilapit niya sa akin ang mukha niya. Napalunok na lang
tuloy ako. Grabe sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Napapatingin ako sa mata ni
Kean at parang tinatawag niya ako.

"Makinig kang mabuti.." sambit niya. Nagtaasan na naman ang mga balahibo sa katawan
ko. Ang lalim ng boses niya. "Keila, gusto kita."

Napanganga ako. Ano daw yon?

"I like you so much, Keila."

Napalunok na naman ako.

Si Kean Marco, gusto ako? Shocks. Totoo ba ito? Grabe hindi ako makapaniwala. Hanep
talaga.

Dear Tadhana,
Ang haba ng buhok ko, noh?

Chapter 8: Deal or No deal?

Keila.
[Now Playing: Coffee by BTS]
"Paano mo ako nagustuhan?" Tanong ko agad sakanya. "Parang ang bilis mo naman Kean,
baka naman naguguluhan ka lang." Sambit ko pa.
Lumapit pa siya lalo sa akin. Bumilis na lang ng kusa ang tibok ng puso ko.
"Kailangan bang palaging may dahilan para magustuhan mo ang isang tao?" Tanong niya
at napalunok pa ako dahil sa maliit na distansya sa pagitan namin. "Paano kapag
nawala na ang dahilan kung bakit mo siya nagustuhan? Ibig sabihin ba non, hindi mo
na siya gusto?" Nakangiti niyang tanong sakin.
Sabagay, tama siya. Hindi mo naman talaga kailangan ng rason para magustuhan mo ang
isang tao.
"So nagustuhan mo na lang ako ng ganon ganon na lang at ng walang dahilan?" Tanong
ko pabalik sakanya.
Ngumiti ulit siya pagkatapos naglakad siya papunta sa motor niya. Sumandal siya
duon habang nakatingin siya sakin. Sa totoo lang nakakatunaw na talaga yong mga
seryosong tingin sakin ni Kean. "Let me tell you secret."
Natapaas ang kilay ko. "Ano naman yon?" Parang kinakabahan ako.
Hindi niya agad ako sinagot at tumingala lang siya sa langit na nababalot ng
madaming bituin. Para bang may inaalala siya.
Minsan kapag seryoso si Kean, hindi ko maiwasan na mapatingin sakanya. Siya yong
klase ng tao na gugustuhin mong kilalanin.
"Three years ago nakita ko ang picture mo sa wallet ni Cloud. Gandang ganda ako
sayo, alam mo ba yon?"
Hindi ko alam. Bulong ko sa sarili ko. Ibig sabihin lang, matagal na pala niya
akong kilala? Sabagay, best friends sila dati ng kakambal ko kaya hindi imposibleng
mabanggit ako sakanya ni Cloud.
"Palagi kang kinikwento ni Cloud sa akin kaya kahit hindi pa kita nakikilala ng
personal pakiramdam ko kilalang kilala na kita at duon pa lang tingin ko tinamaan
na ako sayo, Keila."
Pwede ba 'yon? Love at first sight tapos sa picture pa? Ang weir niya talaga.
Mula sa taas ay dumiretso ang tingin niya sa akin. Umiwas ako ng tingin sakanya
dahil pakiramdam ko malapit na talaga akong matunaw sa mga tingin niya. Kakaiba din
ang aura ni Kean kapag nagiging seryoso siya.
"Bago ka pa makauwi dito sa pinas, nag away na kami ni Cloud dahil kay Fiona yong
best friend namin na may gusto pala sakin na gusto din pala niya. Dahil sa away
namin na yon hindi ka na naipakilala pa ni Cloud sakin dahil simula non,
nagkalimutan na kami. Hindi na din ako naglakas ng loob na magpakilala sayo dahil
sa nangyari sa amin ni Cloud kaya nag concentrate na lang ako sa banda ko. Isang
taon ka din nawala sa isip ko pero dahil kilala ang dance group niyo, nakita na din
kita pagkatapos ng isang taon."
Huminto siya pagkatapos lumapit ulit siya sa akin. Seryoso pa din siya sa pagtingin
niya sa akin.
"Unang beses pa lang kitang makita sa personal, alam kong tinamaan na talaga ako
sayo. Simula nuon, nagkagusto ulit ako sayo at alam mo? Dalawang taon na akong may
gusto sayo.. ng palihim." Nakita ko na naman ang mga ngiti niya, isang genuine na
ngiti. "Kaya tingin ko hindi sandali ang dalawang taon."
Akala ko talaga nagustuhan niya lang ako ng basta basta pero hindi pala, dalawang
taon na pala siyang may gusto sakin.
"Sa loob ng dalawang taon, bakit hindi ka man lang nagpakilala sakin?" Tanong ko.
"Ang daming beses kong binalak na magpakilala sayo pero palagi na lang hindi
natutuloy. Kada nanunuod ako ng dance practice niyo sa gym hindi ako makalapit sayo
dahil kay Dwayne. Magkaaway din kasi kaming dalawa eh. Patago na lang akong
nanunuod ng dance practice niyo. Kada makikita naman kita bantay sarado ka kay
Cloud kaya muntik na akong mawalan ng pag-asa kaso isang araw hinila mo ako at
inutusan mo akong halikan ka."
Ang galing lang talaga ng tadhana. Ang galing niya talaga sa mga timing.
Naglakad ako palayo sakanya at palapit sa motor niya. Sumandal ako at napatingin
ako sa mga bitiuin sa itaas. "Nakakatawa naman yong nangyari satin. Pagkatapos ng
tatlong taon tska palang talaga tayo nagkakilala at sa hindi inaasahang sitwasyon
pa. Hindi ko din alam na nuon pa man may gusto ko na sakin. Kaya pala simula pa
lang parang kilalang kilala mo na ko." Lumapit siya at tumabi siya sa akin.
"Nagulat nga ako kasi sa lahat ba naman ng lalaki na pwede mong hilahin at halikan
ng araw na yon, ako pa talaga." Natawa siya. "Hindi mo na naisip na baka
nakatadhana talagang magkakilala tayo?" Natatingin ako sakanya pero nakatingala
lang siya sa langit. Pareho kaming namamangha sa mga nangyari. "Madaming beses na
sana tayong nagkakilala nuon pero palagi na lang may humahadlang sakin pero ang
nakakatawa sa unexpected situation pa tayo nagkakilala."
Kahit ako namamangha. Siguro nga tama si Kean na nakatadhana na talaga na
magkakilala kami. Yon din siguro ang dahilan kung bakit sa dinami dami ng tao na
mahihila ko ng araw na yon ay siya pa. Sa dinami dami ng tao na magliligtas sa akin
palagi si Kean pa.
Napaisip na naman tuloy ako.
Sobrang coincidence ng mga nangyayari sa amin o baka nakikipaglaro na naman sakin
si tadhana?
"Alam mo nakikita ko ang sarili ko sayo, Kean." Sambit ko. "Alam mo bang, dalawang
taon ko na din ginugusto si Dwayne ng patago, katulad mo. Habang nagkakagusto ka sa
akin, nagkakagusto naman ako sa iba na may gusto ding iba." Natawa kaming pareho.
"Tadhana nga naman." Sabay pa naming sabi. Nagkatinginan kami at natawa na naman
kami pareho. "Malupet talaga ang tadhana sa akin." Dagdag ni Kean.
"Sa akin din naman eh." Singit ko.
"Ha?" Nagtataka niyang tanong.
"Alam mo ba na nag usap na kami ni Dwayne kanina at nalaman ko na ang lahat.
Sinubukan niya akong mahalin pero hindi niya kaya kasi kapag nakikita niya ako
nakikita niya din yong ex-girlfriend niyang si Dana. Ang lupit ng tadhana noh? Sa
lahat ba naman ng magiging kamukha ko yong lintek na ex-girlfriend pa niya na mahal
pa niya."
Natigilan si Kean. Para bang may kung ano siyang naisip. Tinignan ko siya, "Ayos ka
lang ba, Kean?"
"Ha? Oo.." Sagot niya.
Ang lupit ng tadhana sa amin pero nakakamangha kung paano niya gawin ang isang
bagay sa buhay namin. Para kaming isang puzzle piece na unti unting nabubuo. Parang
magkakadugtong kaming lahat. What a small word ika nga.
"Kean, alam mo? Ang swerte ko kasi sakin ka pa talaga nagkagusto to think na ang
dami dami babaeng patay na patay sayo dyan. Naisip ko nga eh, kung sino man ang
magiging girlfriend mo panigurado palagi yong nakangiti at nakatawa kasi nakakatawa
ka at masayang kasama. Siguro wala na siyang pwedeng mahiling pa sayo. Ang swerte
swerte ng magiging girlfriend mo." Sambit ko.
"Alam ko na kung saan papunta yan." Sagot niya. Napatingin ako sakanya at
nakatingin din siya sakin. "Sa dami ng sinabi mo ang ending lang non, hindi mo ako
gusto. Tama ba?" Seryoso niyang tanong.
Umiwas ako ng tingin sakanya dahil tama lahat ng sinabi niya. "I'm sorry Kean. Alam
mo naman na may nararamdaman pa ako para kay Dwayne hindi ba? Kagaya niya ayoko din
na maging unfair sayo." diin ko pa. "Nakakainis lang na, kinain ko din pala lahat
ng sinabi ko dati. Nasayang lang din ang pag papanggap natin dati."
Humarap siya sa akin at tinitignan pa din niya ako. "Hindi pa ba malinaw sayo na si
Dana pa din ang mahal ni Dwayne? Sinasaktan mo lang ang sarili mo. Mas mabuti pang
kalimutan mo na si Dwayne."
"Hindi naman ganon kadali yon eh. Hindi ganon kadaling kalimutan ang nararamdaman
ko sakanya." Napabuntong hininga na lang ako. "Kung may switch lang ang feelings ko
para sakanya. In-off ko na. "
Tumayo si Kean at naglakad siya palayo sa akin. Nakatayo siya sa tapat ko at
nakatalikod pa siya. Ilang minuto din siyang hindi nagsalita at ganon din ako.
"Tutulungan kitang kalimutan si Dwayne at kapag nakalimutan mo na siya, papayagan
mo na akong ligawan ka." Humarap siya sakin. "Ano, deal?"
"Kalokohan yang nasa isip mo." Mataray kong tanong. "Nababaliw ka na ba?"
"Oo nababaliw na ako.. sayo."
"Kean!" Suway ko sakanya. "Umayos ka nga!" Sigaw ko.
"Bakit hindi mo subukan?" Lumapit na naman siya sakin. "Wala namang mawawala sayo
eh. Hindi ba gusto mo din naman kalimutan si Dwayne? Sabi ko sayo tutulungan kita
'di ba? Kapag nanligaw ako at hindi mo pa din ako magustuhan eh 'di bustedin mo
ako."
Napataas na naman ang kilay ko. Nahihibang na ata siya. "Naririnig mo ba yang
sarili mo? Kabaliwan lang yang gagawin mo."
"Gusto kita, Keila. Gusto ko din subukan kung magugustuhan mo ako at kung hindi man
ayos lang din, matatanggap ko pero at least may ginawa ako para magustuhan mo ako."
"Magsisisi ka lang sa huli, Kean. Baka nga masaktan ka lang sa huli dahil wala
naman kasiguraduhan na kapag nakalimutan ko si Dwayne eh automatic na magugustuhan
na din kita."
"Mas mahirap pagsisihan ang mga bagay na hindi mo ginawa. Wala na yatang mas
masakit pa sa mga bagay na abot-kamay mo na pero pinalampas mo pa. "
Kinuha niya ang kamay ko at hinawakan niya yon. Parang may kuryente na dumaloy sa
kamay ko. Nagkatinginan kaming dalawa. Hindi ko maipaliwanag yong itsura ni Kean
ngayon pero alam ko na seryoso siya.
"Tutulungan kita na kalimutan si Dwayne at pagkatapos non, papayagan mo na akong
ligawan ka. Ano, deal or no deal?" Tanong niya.
Natigilan ako. Nag echo sa utak ko yong mga sinabi sakin ni Dwayne kanina.
"Kalimutan mo na ang nararamdaman mo sakin. Darating din ang taong magmamahal
sayo."
Hindi ako dapat magpadalos dalos ng desisyon dahil baka mamaya masaktan ko lang si
Kean.
"Pwede bang pag-isipan ko muna?"
Natawa siya bigla. Ang weird niya talaga. Ginamit na naman niya yong mala alien
niyang ngiti. Parang kumomorteng rectangle yong bibig niya habang kitang kita lahat
ng ngipin niya. Mukha siyang alien.
"Ang cute mo din minsan eh." Masaya niyang sabi pagkatapos pinisil niya yong ilong
ko. "Tara na, ihahatid na kita sa inyo, gabi na din."
Tignan ko ang relos ko at alas otso na. Malalagot na naman ako nito kay Cloud.
"Mabuti pa nga." Sambit ko.
Sinuot ni Kean sa akin ang isa niyang helmet pagkatapos inalalayan niya akong
sumakay sa motor niya.
Humawak ako sa bewang ni Kean pero kinuha niya ang kamay ko pagkatapos pinayakap
niya ulit ako sa tyan niya. "Humawak kang mabuti dahil ayokong mahulog ka iba."
Napangiti na lang ako bigla. Ang weird ko na din ata eh? Nahahawa ako kay Kean.
Ramdam ko agad yong hangin sa magkabilang pisngi ko sa bilis ni Kean magpatakbo ng
motor. Ang sarap sa pakiramdam mag stroll lalo na kapag mabilis yong takbo niya.
Para akong lumilipad pero buhay naman akong naiuwi ni Kean sa amin.
"Salamat sa paghatid mo sakin." sambit ko ng makababa na ako ng motor niya.
"Matulog ka na, maaga pa tayo bukas." Isinuot niya ulit yong helmet niya. "Pag
isipan mo yong sinabi ko ha?" Sabi niya tapos kumindat pa talaga siya sakin. "Alis
na ko, bye."
Sinara na niya yong helmet niya pagkatapos mabilis siyang umalis.
Nakatayo lang ako sa harap ng gate.
Kung wala lang akong nararamdaman kay Dwayne posible din naman na magustuhan ko si
Kean eh. Mukha naman siyang mabait at masaya siyang kasama. Hindi din siya katulad
ng ibang lalaki, kakaiba siya sa lahat.
Wala naman sigurong masama kung tanggapin ko ang deal niya. Gusto ko din naman
talagang makalimutan si Dwayne eh at mas madali kong magagawa yon kapag tinulungan
ako ni Kean at anong malay ko pa baka magustuhan ko din si Kean.
Alam ko na ang sagot ko. Sayang wala na si Kean.
*beep*
Mabilis na huminto sa harap ko yong motor ni Kean. "Bakit ka bumalik?" Tanong ko.
"Yong helmet ko." Sambit niya at ngayon ko lang na realized na hawak hawak ko pa
din pala yong isa niyang helmet. Sobrang pre-occupied ko kasi. Natawa tuloy ako.
"May nakakatawa ba?"
"Wala. Eto na." Inabot ko sakanya yong helmet niya. "Ingat ka pauwi."
"Thanks, babe." Sambit niya tapos ngumiti na naman siya na parang ewan. Papangalan
ko na yon na Alien smile simula ngayon. "Goodnight. Muah muah."
Paalis na sana siya pero pinigilan ko siya. "Teka lang, wait!" Sigaw ko.
"Bakit?"
"May sagot na ako sa tanong mo."
Para siyang nabuhayan sa sinabi ko. "Talaga? So is it a deal or no deal?" Masaya
niyang tanong.
"Deal."

Chapter 9: Day 01
Keila.

"Keila!"

Binilisan ko ang pagsuklay ng buhok ng marinig ko ang sigaw ni mama. Bakit na naman
kaya niya ako tinatawag?
Kinakabahan ako. May nagawa ba anong mali?

Agad kong bumaba sa sala at naabutan ko don si Mama na nakatingin sa akin. "Mama,
anong problema?" Tanong ko.

"Si Kean nasa labas at mukhang hinihintay ka." Nanlaki ang mata ko.

"Anong ginagawa niya dito?" Bulong ko sa sarilo ko.

"Mabuti pa papasukin mo na lang siya dito sa loob ng bahay at baka hindi pa siya
kumakain." Muntik ko ng gawin ang sinabi ni Mama pero naisip ko bigla si Cloud.

"Nasan si Cloud?" Tanong ko.

"Wala siyang pasok ngayon kaya tulog pa siya pero pababa na din yon, may band
practice daw sila ng umaga." Napahawak ako sa bibig ko.

Ayaw ako palapitin ni Cloud kay Kean kaya kapag pinapasok ko dito sa loob si Kean
baka makita siya ng kakambal ko at kapag nangyari yon, panigurado magkaka world war
III kami. Ayoko non. Mahirap kaaway si Cloud, parang hindi ko kakayanin.

"Mama, nagmamadali kami kaya next time ko na lang siya papapasukin dito. Babaunin
ko na lang yong breakfast ko ha? Baka kasi malate na kami." Masaya kong sabi.

Dumiretso agad ako sa kusina at nilagay ko sa baunan yong sinangag at hotdog na


breakfast ko sana kung hindi lang sana ako inistorbo ni Kean. Ano ba kasing nasa
isip ng lalaking yon?

"Alis na po ako." Lumapit ako at hinalikan ko si Mama sa pisngi niya. "Ma, wag mo
po sabihin kay Cloud na nag punta dito si Kean, ha? Please?"

"Why?" Nagtataka niyang tanong. "May hindi ba ako alam na dapat kong malaman?"
Pabiro pa niyang pagtataray sakin.

"I'll explain later. Bye Ma!"

Nagmadali na akong lumabas ng bahay. Baka mamaya maabutan pa ako ni Cloud dito. Isa
pa panigurado naman na madami pang itatanong yon sakin si Mama.

Pagdating ko sa labas, hinihingal hingal pa ako kakatakbo.

"Good morning, babe." Masayang bati sakin ni Kean. "Alam mo? Mag damag kang nasa
panaginip ko, nakatulog ka bang mabuti?" Nakangisi niyang tanong.

Hindi ko alam pero automatic akong napangiti. Wala naman kwenta yong pick up line
niya pero napangiti pa din niya ako. Meron talagang something dito kay Kean na
mapapangiti at mapapatawa ka na lang.

"Tumigil ka nga, Kean." Sambit ko. "Sinusundo mo ba ako ha?" Pagtataray ko.

"Hindi, napadaan lang talaga ako dito." Sambit niya gamit ang sarkastiko niyang
boses. "Thirty minutes na kaya akong naghihintay dito. Napadaan lang kasi talaga
ako dito eh. Thirty minutes?" Diniinan pa talaga niya yong pagkakasabi ng thirty
minutes.

"Uso kasi tumawag noh? Malay ko bang nandito ka sa labas ng bahay namin. Tingin mo
sakin manghuhula ha?" Pagtataray ko pa.

"Tinatawagan po kita." Diin niya. "Check check din po ng phone pag may time ha?"
Pang aasar niya pa.

Naalala ko tuloy yong phone ko. Nakalimutan ko pala siya. Naisip ko kung kukunin ko
ba siya o hindi kaso kapag bumalik ako baka makita na ako ni Cloud tapos baka
makita niya din si Kean. Isang subject lang naman ako ngayon kaya hindi ko na lang
siya kukunin.

"Tara na nga sa school baka malate pa tayo." Pag aaya ko. Dapat hindi na kami
nagtatagal dito sa tapat ng bahay dahil baka makita na talaga kami ni Cloud.

"Okay tara na." Sambit niya. Sinuot niya ang helmet niya at sinuot niya din sakin
ang isa pa niyang extrang helmet. "Kumapit kang mabuti." Paalala niya.

As usual ang bilis na naman niyang magpatakbo ng motor kaya napapakapit talaga ako
sakanya. Minsan naisip ko kung sinasadya ba ni Kean na paandarin ng mabilis yong
motor niya para mapakapit ako sakanya.

Wala pang fifteen minutes nasa school na kami kumpara kapag naka kotse na thirty
five minutes. Okay din pala na sumasabay dito kay Kean eh.

Inalalayan ako ni Kean na bumaba sa motor. Pagbaba ko pa lang napansin ko na agad


yong mga tingin ng mga tao samin. Hindi na ako magtataka kung kakalat ang paghatid
sakin ni Kean ngayon. Madali lang naman i deny kay Cloud ang nangyari as long na
wala kaming pictures na magkasama ni Kean.

"Babe, tara na?" Alok niya.

"Ah, mauna ka na sa room. Mag rest room pa ako eh. Sige, bye." Paalam ko.

Hindi ko na hinintay yong sagot niya. Pumunta na agad ako sa rest room. Sa totoo
lang wala naman akong gagawin dito. Ayoko lang na pumasok sa loob na kasama ko si
Kean dahil baka pati ako makaladkad ng mga fangirls niya.

"Hoy Jane!" Sigaw ng isang babae na nasa loob ng cubicle. "Nabalitaan mo na ba? Si
Keila daw at si Kean nag da-date na?" Automatic na nanlaki ang tainga ko ng marinig
ko yong mga pangalan namin.

"Wow grabe. After Dwayne, si Kean naman? Ang landi talaga ng babae na yon. Ang
sarap niya balatan ng buhay." Sagot nang kasama niya sa kabilang cubicle.

Ang kakapal ng mukha ng mga babae na to. Ako pa talaga ang malandi? Humanda sila
sakin. Hindi ko mapapalagapas yong paninira nila sakin.

Hinintay ko silang dalawa na makalabas ng cubicle.

"Keila?!" Sambit nilang dalawa. Gulat na gulat sila at literal pa silang


napangangan.

"Hindi ako malandi, maganda lang talaga ako." mataray kong sabi. "At bago niyo pa
ako mabalatan buhay, ginisa ko na kayo sa kumukulong mantika." Seryoso kong sabi.

Pareho silang natahimik na akala mo pa nakakita sila ng multo. "Ngayon niyo ako
siraan, ngayong nakaharap ako sa inyo. Ano?" Maangas ko pang hamon.

"Sorry na Keila, nadala kang kami ng damdamin. Crush kasi namin si Kean Marco eh."
Para silang mga kawawang pusa ngayon. Tse. Magsama silang plastik.

"Whatever." Pagtataray ko ulit.


Umalis na lang ako don kaysa maaksaya pa lalo ang oras ko. Wala na din naman silang
masabi sakin eh. Napakunot tuloy ako ng noo.

Napapaisip na talaga ako kung bakit may mga taong ang hilig manira ng ibang tao?
Ikakaganda ba nila yon? Ikakasaya nila? Eh nag mumukha lang silang talunan.

"Pathetic." Bulong ko sa sarili ko.

Pagdating ko sa room ang ingay pa din ng mga classmates ko pero natahimik sila ng
makita nilaako. Akala ko kung bakit sila natigilan at natahimik pero dahil pala sa
sabay kami ni Dwayne na dumating sa room.

Ang awkward na nagkatitigan lang kami at hindi kami gumagalaw na dalawa. Ano bang
nasa isip ni Dwayne?

"Babe! Dito!" Sigaw ng pamilyar na boses.

Natauhan ako kaya iniwas ko na ang tingin ko kay Dwayne at dumiretso na lang ako sa
likod kung saan nakaupo si Kean. Tumabi ako sakanya pero ramdam ko pa din yong
tingin ng mga classmates ko sakin.

"Wow naman, may staring contests ba kayo ni Dwayne?" Tanong niya.

"Anong pinagsasabi mo?" Irita kong tanong.

"Kung magtitigan kayong dalawa kanina kulang na lang pareho kayong matunaw." Sagot
niya.

"Selos lang yan." Sambit ko.

"Oo nag seselos ako." Seryoso niyang sabi. Tinignan ko siya pero nakatingin lang
siya sa harap sa direksyon ni Dwayne. "Ngayon ko nga lang nasabi sa sarili ko na
sana, sana ako na lang si Dwayne para ako yong gusto mo."

Natigilan ako. Ramdam ko yong lungkot sa boses ni Kean. Ganon ba talaga niya ako ka
gusto? Natahimik tuloy ako at napatingin na lang ako sa desk ko.

"Joke lang, ayokong maging si Dwayne. Mas gwapo ako sakanya eh." Bigla na lang
siyang natawa.

Napataas ako ng kilay ko. "Abnormal." Bulong ko. Humarap ako sakanya at todo ngiti
siya na para siyang ewan. "Ganyan ka ba talaga magpalit ng mood ha? Kanina ang
lungkot mo tapos bigla ka namang ngingiti ngiti dyan. Yong totoo? Ang weird mo
talaga."

"Hindi ako weird, unique lang ako." Sagot niya habang tumataas taas pa yong kilay
niya.

Hindi ko na lang muna pinansin ang kakulitan ni Kean at nakinig na lang ako sa
professor namin. Buti na nga lang maaga siyang natapos kasi nakaramdam na ako ng
matinding gutom. Nakalimutan ko na kasing kainin yong baon ko kanina.

"Babe, saan tayo?" Tanong sakin ni Kean ng matapos na ang class namin. "Ihahatid na
ba kita sa inyo?" Sasagot pa lang ako kaso natigilan ako.

Napatingin ako kay Dwayne at nakatingin din pala siya sakin. Nung mag tama yong mga
mata namin, bigla siyang umiwas ng tingin pagkatapos umalis niya kasama si Krystal.
Etong Krystal naman na to todo makakapit kay Dwayne. May lahi talaga siyang linta
eh.
"Uy!" Sigaw ni Kean. Napahawak tuloy ako sa dibdib ko dahil sa kaba. "Okay ka
lang?" Tanong niya.

"Okay lang ako, ikaw okay ka lang ha? Bakit mo ko sinisigawan ha?" Pagtataray ko.

"Kanina pa kasi kita tinatawag pero hindi ka naman sumasagot." Kinuha niya bigla
yong bag ko. "Tara na, iuuwi na kita."

Hinabol ko siya. "Sandali!"

"Ano?" Tanong niya. "Ayaw mo pang umuwi? Gusto mo pa bang mag date muna tayo?"
Nakangisi niyang tanong.

"Date? Okay ka lang? Kaya ko nang mag isa kaya akin na yang bag ko."

"Ihahatid na kita." Diin niya.

Tinaasan ko siya kilay. "Ang usapan tutulungan mo lang ako na kalimutan si Dwayne
pero wala sa usapan na aasta kang boyfriend ko."

Hindi siya natinag sa sinabi ko at hinawakan pa niya ang kamay ko. "Darating din
tayo don. Magiging boyfriend mo din ako. Sa ngayon gusto ko lang na malagapasan
yong mga nagawa sayo ni Dwayne dati para mas madali mo siyang makalimutan."

Kakaiba din talaga siya eh.

"Mamaya na ako uuwi! Kakain muna ako!" Sigaw ko kaya sa wakas napahinto na din siya
sa paglalakad.

"Tignan mo, gusto mo din na mag date tayo eh. Kunwari ka pa." Maloko niyang sabi.
"Saan mo gustong kumain? Sa pantry o sa labas?" Masigla niyang tanong.

"Gusto ko sa walang tao." Napahawak siya bigla sa katawan niya na parang gagahasain
siya.

"Bata pa tayo tska virgin pa ako." Sambit niya. Binatukan ko agad siya. "Ouch, babe
ang sakit non ha." dagdag pa niya.

"Ang pilyo mo kasi eh. Ewan ko sayo, maiwan na nga kita dyan." Pagkasabi ko non
tinalikuran ko na agad siya. Mababaliw lang ako kapag kinausap ko pa siya.

"Babe!" Sigaw niya. "Joke lang, tara na nga sa walang tao." sambit niya pero hindi
ko siya pinansin.

Umupo ako duon sa malinis na damuhan malapit lang sa playground na palagi kong
pinupuntahan. Nasa gitna siya ng pre-school buildings. Walang tao dito ngayon kasi
sabado at kapag sabado walang pasok yong mga pre-school students.

"Ang sarap pala tumambay dito, walang masyadong tao." Sambit ni Kean. Umupo din
siya sa tabi ko. "Ang tahimik ng lugar."

"Kapag hapon at weekend lang ganito kasi wala ng mga pre-school students pero kapag
nandito sila, maingay dito pero masaya din naman." sambit ko. "Kakain muna ako kasi
gutom na gutom na ako." Sambit ko.

Tumango lang siya sakin. Nilabas ko ang pagkain ko. Inalok ko si Kean pero busog
daw siya kaya ako na lang ang kumain sa aming dalawa. Tahimik naman siya habang
kumakain ako kaso medyo naiilang ako kasi minsan napapatingin siya sakin. Eh kahit
naman hindi ko nakikita yong tingin niya alam kong nakakatunaw yon.

Pagkatapos kong kumain nakita ko si Kean na nakahiga habang nakatingin sa langit


habang nakalagay sa likod ng ulo niya yong dalawa niyang kamay. Parang ang lalim ng
iniisip niya. "Anong iniisip mo?" Tanong ko.

"Maliban sayo, iniisip ko yong kakambal mo." Sagot niya. "Iniisip ko lang kung
anong magiging reaksyon niya kapag nalaman niya na magkakilala na tayo."

Naisip ko tuloy na sabihib na sakanya yong sinabi sakin ni Cloud.

"Alam na niyang nag uusap tayo at pinagbawalan niya akong makipag kaibigan sayo."
Sambit ko. "Hanggang ngayon, galit pa din siya sayo."

"Loko yon ah. Ilang taon na yong lumipas pero may galit pa din siya sakin." Tumayo
siya sa kinakaupan niya. "Kakausapin ko siya."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Sandali! Sigurado ka ba?!" Pag aawat ko sakanya. "Kakausapin mo talaga siya?"

"Oo." Matipid pero seryoso niyang sabi.

"Talaga? Kakausapin mo ako?" Napalingon agad kaming dalawa ng marinig namin ang
boses ni Cloud. Nanlaki agad ang mata ko at bumilis yong tibok ng puso ko. Patay
na.talaga ako. "Anong pag uusapan natin, ha?" Maangas pang tanong ni Cloud.

May nagbabadyang world war II ah.


Patay na talaga ako.

Chapter 10: Kambal


Cloud.

Nagising ng dahil sa gutom. Hindi na ako nakakain kagabi dahil nakatulog na ako
kaka practice ng gitara. Malapit na kasi yong battle of the bands at hindi kami
pwedeng matalo.

Bumaba ako at dumiretso sa kusina. Nakita ko si Mama duon na kumakain. Umupo ako sa
harap niya at sinaluhan ko siya. "Asan si Keila?" Tanong ko.

"Umalis na siya." Tipid na sagot ni Mama.

Napasilip ako sa labas pero nandon pa din ang kotse namin.Napakunot tuloy ang noo
ko. Palagi naman siyang hinahatid ng driver namin pwera na lang kung susunduin siya
ni Jenelle pero alam ko hindi sila nag papansinan. "Sinong nag hatid kay Keila
papunta school?"

"Ah.." natigilan siya at napatingin siya sa labas. Nagulat siya at natigilan siya
na para bang nag iisip siya ng kung anong isasagot niya sakin. "Ano.." hindi pa din
masagot ni Mama ang tanong ko. Tinignan ko siya at parang hindi siya mapakali.
"Mama, may tinatago ba kayo sakin ni Keila?" Pag uusisa ko.

"Wala ha!" Depensa niya agad sakin. "Sinundo siya ni Jenelle. Oo tama, sinundo siya
ni Jenelle. Teka, may gagawin pa pala ako sa garden. Kumain ka lang dyan." Sambit
niya at nagmamadali siyang umalis.

Nagkakapagduda yong kinikilos ni Mama ngayon. Mukhang may tinatago sakin ang
kakambal ko. Isa pa, ang alam ko hindi pa din ayos si Jenelle at Keila. Bigla na
lang pumasok sa isip ko si Kean. Sana wala siyang kinalaman dito.

Umakyat ako sa kwarto ko pagkatapos kong kumain. Nag practice ulit akong mag
gitara. Pagkatapos ng ilang oras lumabas na ako ng kwarto ko. Nang mapadaan ako sa
kwarto ni Keila, narinig kong tumutunog ang cellphone niya. Agad akong pumasok sa
loob at sinagot ko ang tawag niya.

Si Jenelle?

"Besty, ano? Galit ka pa din ba sakin? Sorry na kasi.. bati na tayo please." Sambit
ni Jenelle.

Natigilan ako.

Anong ibig sabihin nito? Hindi pa din magkaayos si Jenelle at Keila? Ibig sabihin
nagsinungaling nga sakin si Mama dahil imposible na si Jenelle ang susundo sa
kapatid ko. Nakaramdam tuloy ako ng galit.

"Teka, hindi ko maintindihan, wala ka namang hawak na phone ngayon habang kasama mo
si Kean." Agad na natigilan si Jenelle. "OMG! sino tong kausap ko?" gulat na gulat
pa siya.

"Si Cloud 'to." Tipid kong sagot.

"Cloud?!" Gulat pa din niyang sabi. "Bakit nasayo yong cellphone ni Keila?"
"Naiwan niya yong phone niya." Sagot ko.

"Ah? Ganon? Sige sorry."

"Sandali, pwede bang sundan mo si Keila at sabihin mo sakin kung nasaan siya?
Papunta na ako dyan. Wag mo na lang din sabihin sakanya na pupunta ako dyan. Okay?"

"Okay sige." Sagot niya.

Agad akong pumunta sa school. Hindi ko na kinausap pa si Mama dahil gusto kong
mahuli sa akto si Keila na kasama niya si Kean. Ayoko ng magdahilan pa sakin si
Keila at magpatuloy pa yong kalokohan niya na to.

Sa pangalawang pagkakataon, hindi na naman niya ako sinunod. Hindi ako makapaniwala
na nagawa niya akong suwayin. Panigurado si Kean ang sumundo sakanya kanina. Nagawa
talagang mag sinungaling sakin ni Mama at ni Keila?

Hindi ko tuloy maiwasan na mapakapit ng mahigpit sa manibela ko dahil sa pagkainis


ko kay Kean. Alam kong sasaktan lang niya ang kakambal ko. Gago siya. Kapag nakita
ko siya, susuntukin ko agad siya.

Pinuntahan ko si Jenelle at nasa playground siya at sa hindi kalayuan ay magkatabi


si Kean at Keila. Uminit bigla ang ulo ko.

Pinuntahan ko agad sila.

"Maliban sayo, iniisip ko yong kakambal mo. Iniisip ko lang kung anong magiging
reaksyon niya kapag nalaman niya na magkakilala na tayo."

Gago nga siya. Hindi niya alam na magagalit ako? Nakalimutan na ba niya ang
nangyari samin dati?

"Alam na niyang nag uusap tayo at pinagbawalan niya akong makipag kaibigan sayo.
Hanggang ngayon, galit pa din siya sayo." Sagot ni Keila.
Hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala na sinuway niya ako para lang kay
Kean. Naisara ko na ang palad ko sa galit.

"Loko yon ah. Ilang taon na yong lumipas pero may galit pa din siya sakin." Tumayo
siya sa kinakaupan niya. "Kakausapin ko siya."

Aba, mukhang siya pa ang mas maangas sa aming dalawa. Makakatikim talaga siya
saking hayop siya.

"Sandali! Sigurado ka ba?!" Pag aawat ko ni Keila sakanya. "Kakausapin mo talaga


siya?"

"Oo." Sagot niya.

Lumapit na ako ng tuluyan sakanila.

"Talaga? Kakausapin mo ako?" sambit ko. Tinignan ko agad siya ng masama. "Anong pag
uusapan natin, ha?" Maangas kong tanong.

"Ano bang problema mo, Cloud ha?" Tanong niya. "Ang tagal tagal na--" pinutol ko na
ang sasabihin niya.

Sinuntok ko siya ng malakas dahilan para mapahiga siya sa sahig.

"Hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa mong pang aahas sakin." Sagot ko. Lumapit ako
sakanya at kinuha ko ang kwelyo ng damit niya. Hindi ko pinansin ang ginawang pag
aawat ni Keila. "Anong balak mo ha? Bakit lumalapit ka sa kapatid ko? Katulad ka
din ba ni Dwayne? Gago ka kung ganon. Tandaan mo na hindi ko hahayaan na saktan mo
din si Keila." Seryoso kong sabi.

"Cloud tama na!" Sigaw ni Keila.

Binitawan ko si Kean. "Kahit anong gawin mo, hindi mo makukuha ang gusto mo sa
kapatid ko."
Inalis niya ang dugo sa labi niya. Nilapitan naman siya ni Keila at tinulungan pa
niya si Kean na makatayo. Nababaliw na ata tong kapatid ko. Ano bang nasa isip
niya?

Kinuha ko ang kamay ni Keila. "Tigilan mo na yan, tara na mag uusap pa tayo."

Inalis niya ang kamay niya sa kamay ko. Tinignan niya ako ng masama. "Cloud, ano ba
kasing problema mo kay Kean? Mabait naman siya eh at tinutulungan niya ako na
makalimutan si Dwayne. Isa pa, labas na ako sa problema niyo dati kaya pwede ba?
Hayaan mo na ako. Malaki na ako."

Natigilan ako. Ayokong masaktan ko pa si Keila kaya kinalma ko ang sarili ko kahit
na inis inis na ako sakanya. Ganito din yong nangyari samin dati. Pinagsabihan ko
din siya tungkol kay Dwayne pero hindi siya nakinig kaya nasaktan siya. Ngayong
pinagsasabihan ko na naman siya, hindi na naman siya nakikinig sakin.

Napapagod na ako.

"Bahala ka. Sige, malaki ka na 'di ba? Basta kapag nasaktan ka ulit, wag mong
sabihin na hindi kita pinagsabihan."

Tumalikod agad ako at umalis duon.

Aaminin ko, nasaktan ako sa ginawa niya. Para bang mas pinili niya pa si Kean na
kailan lang niya nakilala kaysa sa akin na kambal niya. Halos lahat ng bagay alam
namin sa isa't isa. Tss. Damn it.

Lahat ng effort ko na protektahan siya binabaliwala lang niya. Hindi ko maiwasan na


masaktan sa mga ginagawa niya. Lumaki kaming magkasama at malapit sa isa't isa pero
parang ngayon, baliwala na lang ko sakanya.

Nag drive ako palayo at pumunta ako sa isang coffee shop. Umorder ako ng isang
malaking kape para makalma ko pa lalo ang sarili ko.

"Rebellion blend." abot sakin ng waitress-- si Jenelle pala. Tinignan ko siya at


may suot siya na apron. Natanong ko ang sarili ko, nag ta-trabaho kaya siya dito?
"Cloud?! Anong ginagawa mo dito? Asan si Keila?" Gulat niyang tanong.
"Kasama niya si Kean." Sagot ko. Tinignan ko siya at nakatingin lang siya sakin.
"Sa inyo ba tong coffee shop? Bakit nag ta-trabaho ka dito?" Tanong ko.

"Ah, sandali." Umalis siya at pumunta siya sa counter para alisin ang apron niya.
Bumalik siya agad at lumapit siya sa akin. "Pwede ba akong umupo dito?" Tumango ako
at umupo siya sa harap ko. "Actually sa best friend ng tatay ko tong coffee shop.
HRM kasi course ko kaya sinasanay ko sarili ko sa ganito."

"Ganon ba?" Sambit ko.

Hindi ako makapag simula ng pag-uusapan naming dalawa dahil hindi naman ako close
sakanya. Alam ko namang may gusto siya sakin pero hindi ko siya gusto. Maganda
naman siya pero iba talaga yong mga tipo ko.

"Ano palang nangyari kanina? Nakausap mo na ba si Keila?" Tanong niya.

Hindi ko sinagot ang tanong niya. Tinignan ko siya sa mata niya pero umiwas siya ng
tingin sakin. Madali lang naman basahin kung anong iniisip ni Jenelle at alam ko
hindi niya kayang mag sinungaling sakin.

"Anong tingin mo kay, Kean?" Tanong ko.

"Ha?" Inosente niyang tanong. "Mabait si Kean tska minsan makulit." Natawa ako sa
isip ko, mabait si Kean? Paano niya naloloko ang ibang tao ng ganon? Sabagay ako
din naman naloko niya dati.

"Ang ibig kong sabihin, anong tingin mo kay Kean para sa kapatid ko?" Tanong ko
ulit. "Tingin mo ba, sasaktan ni Kean ang kapatid ko?"

"Sasaktan? I don't think so. Palagi niyang nililigtas si besty eh. Kapag kailangan
ni besty ng tulong, nandyan siya palagi. Sa school, sa Padis. Para siyang
personalized Superman ni Keilan."

Natigilan ako. Alam kong nagsasabi ng totoo si Jenelle pero hindi ko alam kung
exaggerated na yong pagkakasabi niya. "Mag bigay ka ng mga pangyayari na niligtas
ni Kean, si Keila."
Napahawak siya sa labi niya at para bang nag iisip siya. Para siyang bata kapag
tinignan mo siya. Minsan ang cute niya pagmasdan sa malayo pero kahit ganon hindi
ko pa din magawang magkagusto sakanya.

"Nung pinahiya ni Dwayne si Keila, si Kean nagligtas sakanya. Nung may sira ulong
nag aaya kay Keila na makipag inuman sa Padis, si Kean yong nag ligtas sakanya. At
alam ko madami pang beses ililigtas ni Kean si Keila kasi gusto niya si Keila."
paliwanag niya.

Natigilan na naman ako.

Hindi ko alam kung dapat ko nga ba talagang pag hiwalayin si Kean at Keila o hayaan
ko na lang sila. Alam ko naman na gustong gusto ni Kean ang kapatid ko pero kadikit
pa din niya si Dana kaya nag aalangan pa din ako na mahulog din si Keila sakanya
dahil kapag bumalik ang babae na yon, sigurado masasaktan lang siya.

Bahala na. Babantayan ko na lang silang dalawa.

"Jenelle, pwede ba akong humingi ng pabor sayo?" tanong ko sakanya.

"Ano yon?"

"Pwede bang bantayan mo si Jenelle para sa akin? wala pa din akong tiwala kay Kean
kaya pwede ba na bantayan mo siya para sa akin?"

Napabuntong hininga na lang siya. "Kung magiging okay pa kami ni Keila, eh galit
siya sakin eh." malungkot niyang sabi.

"Wag kang mag alala, tutulungan kita na makipagbati sa kapatid ko. Pumunta ka sa
bahay mamayang gabi." sambit ko.

"Talaga?" masigla niyang sabi. "Salamat, Cloud ha?"

Napatingin ako sakanya habang nakangiti siya. Kakaiba yong ngiti niya, nakakahawa.
"Jenelle, sino yang kausap mo?" lumapit siya sa amin at natigilan siya ng makita
niya ako. "Cloud ikaw pala. Nag da-date na ba kayo ng anak ko?" nakangisi niyang
tanong.

"Tatay! hindi po. Nag uusap lang kami." depensa ni Jenelle.

"Sige po, Mr. Lopez. Mauna na po ako."

Ngumit ako at umalis na.

Habang nasa kotse ako ay napatingin ako sa pwesto ni Jenelle. Ang sweet niya sa
tatay niya, nakaramdam ako ng inggit. Kung meron lang din sana akong tatay.

Naisip ko, masyadong inosente si Jenelle.

Iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi ko siya magustuhan.

Chapter 11: Halaga

Keila.

Lumapit si Kean kay Cloud. Bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko. Parang may
mangyayaring hindi maganda.

"Ano bang problema mo, Cloud ha? Ang tagal tagal na--" hindi na pinatapos ni Cloud
yong sasabihin ni Kean. Sinuntok niya na lang agad si Kean kaya napahiga siya sa
sahig.

"Hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa mong pang aahas sakin." Sambit ni Kean.

Kinuha niya yong kwelyo ng damit ni Kean kaya umawat na agad ako sakanila pero
hindi ako pinapansin ni Cloud.

"Anong balak mo ha? Bakit lumalapit ka sa kapatid ko? Katulad ka din ba ni Dwayne?
Gago ka kung ganon. Tandaan mo na hindi ko hahayaan na saktan mo din si Keila."
Seryoso niyang sabi.
"Cloud tama na!" Pag aaway ko sakanila.

Binitawan naman ni Cloud si Kean. "Kahit anong gawin mo, hindi mo makukuha ang
gusto mo sa kapatid ko."

Lumapit agad ako kay Kean pagkatapos tinulungan ko siya na makatayo. Kinuha ni
Cloud ang kamay ko at inilayo niya ako kay Kean.

"Tigilan mo na yan, tara na mag uusap pa tayo." Hinihila niya pa ako palayo pero
hindi ako umaalis sa kinakatayuan ko.

Inalis ko ang kamay ko at tinignan ko siya ng masama. Hindi na tama yong ginagawa
niya.

"Cloud, ano ba kasing problema mo kay Kean? Mabait naman siya eh at tinutulungan
niya ako na makalimutan si Dwayne. Isa pa, labas na ako sa problema niyo dati kaya
pwede ba? Hayaan mo na ako. Malaki na ako."

Natigilan siya. Hindi siya makapaniwala sa mga sinabi ko. Alam kong nasaktan ko
siya pero mali na yong ginagawa niya. Wala namang ginagawang masama sakin si Kean
at isa pa napaka bait niya.

"Bahala ka. Sige, malaki ka na 'di ba? Basta kapag nasaktan ka ulit, wag mong
sabihin na hindi kita pinagsabihan."

Tumalikod siya at tuluyan ng umalis. Nasasaktan din naman na makita siya ganito
pero minsan sumusobra na siya.

Nilapitan ko agad si Kean.

"Ayos ka lang?" Tumango lang siya pero patuloy pa din yong pag-agos ng dugo sa labi
niya. Nanginig ako bigla. Ayokong makakita ng dugo. Umiwas ako ng tingin pagkatapos
hinila ko siya papunta sa clinic. "Hihintayin kita sa labas." Sambit ko.

Nagtataka siya sa inaasal ko pero pumasok na din siya sa loob. Ilang minuto din
akong nag hintay sa labas at pagkatapos ng sampung minuto, lumabas na din siya.

"Samahan mo ako." Bungad niya sakin.

"Saan?" Hindi niya ako sinagot at ngumiti lang siya sakin. "Saan naman kaya kami
pupunta?" Bulong ko sa sarili ko.

Huminto kami sa tapat ng Dairy Queen. Ice cream? Kakain siya ng ice cream eh may
sugat pa nga siya sa labi niya. Ano bang pumasok sa isip niya?

"Kain tayo ng ice cream." Hindi na niya hinintay yong sagot ko hinila na lang niya
ako papasok sa loob. "Cookies and cream?" Tanong niya at tumango na lang ako.
Pagbibigyan ko na siya tutal siya naman yong nabugbog samin eh.

Nilapag niya yong dalawang malaking ice cream sa mesa namin. Napatingin ako
sakanya, sa labi niya. "Sorry talaga sa ginawa ni Cloud." Sambit ko.

Kitang kita sa labi niya yong sugat. Naaawa tuloy ako kay Kean. Napahamak na naman
siya ng dahil sa akin.

"Sigurado ka bang kakain ka ng ice cream? Baka masaktan lalo yang sugat mo."

"Malayo naman to sa bituka kaya ayos lang ako. Kapag nabubugbog ako, kumakain
talaga ako ng ice cream." Sambit niya.

"Nabubugbog? Paano ka naman nabubugbog?" Nagtataka kong anong. Wala naman sa itsura
niya na mahilig siya makipag away. "Palagi ka bang nakikipag away?"

"Palagi kasi akong umaawat sa away ng mga kaibigan ko." Sagot niya habang kumakain
ng ice cream. "Teka nga, concern ka ba sakin kaya panay ka tanong dyan?"

"Ha? Ako concern? Pwede bang nag tatanong lang muna?" Depensa ko.

"Aminin mo na, concern ka sakin. Siguro gusto mo na din ako. Ikaw ha?" Nakangisi
niyang sabi. "Gusto mo na din ako noh?"

"Ako may gusto sayo?" Natawa na lang ako. Alam naman niyang si Dwayne ang gusto ko
eh. "Wala akong gusto sayo noh." Sambit ko. Sumimangot agad siya at nag patuloy na
lang sa pagkain ng ice cream. Nasaktan kaya siya sa sinbi ko? Sana hindi.

Umalis kami don at dumiretso kami sa MOA. May tugtog daw kasi sila Kean mamaya.
Tumambay muna kami sa sea side habang nag hihintay.

"Mahal mo pa din ba si Dwayne?" Biglang tanong ni Kean.

Hindi agad ako nakasagot sakanya. Sa totoo lang palagi ko yang tinatanong sa isip
ko. Mahal ko pa ba si Dwayne? Naiinis lang ako kapag palagi oo ang sinasagot ng
puso ko.

"Mahal mo pa nga siya.." seryosong sabi ni Kean. Napatingin ako sakanya pero
nakatingin lang siya sa dagat. Ang lungkot ng mukha niya. "Sabagay, hindi naman
ganon kadali ang mag move-on lalo na kapag minahal mo talaga siya."

Bigla na lang akong naiyak. Naalala ko na naman kasi yong mga nangyari dati.
Hanggang ngayon, nasasaktan pa din ako. "Ang dami ko ng beses sinabi sa isip ko na
hindi ko na siya mahal, na tama na, na ayoko na pero at the end of the day niloloko
lang pala yong sarili ko kasi palagi pa din akong bumabalik sa katotohan na mahal
ko pa din siya."

Inabot sakin ni Kean ang panyo niya. "Alam mo ang martyr mo." sambit niya.

Pinunasan ko ang luha ko. "Paano ako naging martyr?" Tanong ko.

"Ang pagiging martyr minsan parang paghihiwa ng sibuyas. Naluluha ka na pero


pinagpapatuloy mo pa."

Tama. Martyr nga siguro talaga ako kasi kahit na nasasaktan na ako patuloy ko pa
din siyang mimamahal.

"Sana kaya kong palitan si Dwayne sa puso mo. Sana kaya kong tanggalin ang sakit na
nararamdaman mo." Kinuha niya ang kamay ko. Nagkatinginan kaming dalawa. "Minsan
talaga kung sino pa yong mahal natin, siya pa 'tong palaging nakakasakit satin."

"Kean, hindi ka ba nasasaktan?" Tanong ko.

"Saan?" Tinignan niya ako diretso sa mata ko.

"Minsan nilalagay ko yong sarili ko sa posisyon mo. Kapag nakikita kong may gustong
iba yong taong gusto ko, nasasaktan ako." Sambit ko. "Hindi ka ba nasasaktan na
makitang may mahal akong iba?

Ngumiti siya sa akin pero alam kong may lungkot sa mga ngiti niya. Humarap ulit
siya sa dagat na para bang ang lalim ng iniisip niya.

"May pagkakataon talaga na minsan hinahayaan lang natin na saktan tayo ng mahal
natin."

Natigilan ako. "Mahal?"

"Oo, mahal na kita." Seryoso niyang sabi. Hindi ko alam kung anong magiging
reaksyon ko. Buong akala ko gusto lang niya ako pero mahal niya pala ako. Ganon ba
ako kadaling mahalin at minahal niya ako agad? "Mahal kita pero may mahal ka
namang iba."

Hindi ako makatingin sakanya. Naaawa ako kay Kean dahil alam na alam ko kung anong
pinag dadaanan niya pero wala akong magawa kasi hindi ko naman pwedeng ipagpilitan
na mahalin siya kung si Dwayne pa din talaga ang mahal ko.

Siguro, ganito din ang nararamdaman sakin ni Dwayne, hindi niya din kayang ipilit
sa sarili niya na mahalin ako. Nakakatawa talaga ang tadhana. Masyadong kaming
pinaglalaruan.

"Sorry Kean.." sambit ko.

"Hindi mo kasalanan na iba yong mahal mo at hindi ako. Hindi naman basta basta
nadidiktahan ang puso." Sagot niya. "Kaya kong mag hintay hanggang sa makalimutan
mo si Dwayne. Kaya kong maging panakip butas o rebound. Kaya kong masaktan para
sayo."

"Hindi mo kailangang gawin yan." Sambit ko. "Masasaktan ka lang lalo. Itigil na
lang natin ang deal kasi ayokong nakikita kang nasasaktan ng ganyan." Tinignan niya
ako at napangiti siya.

"Ang sarap sa feeling na naiisip mo din pala ang feelings ko." Napangiti pa siya
lalo. "There's no turning back. Tutulungan kita na kalimutan siya at kapag nangyari
na yon, liligawan na kita at nasasayo pa din kung sasagutin mo ako o hindi."

Tumayo siya at inabot niya sakin ang kamay niya. "Tara na, babe."

Napabuntong hininga na lang ako at inabot ko ang kamay ko kay Kean.

Hindi na ako sigurado sa naging desisyon ko. Tingin ko nagkamali ako na pumayag ako
sa deal namin ni Kean. Ayoko siyang masaktan pero wala na akong magagawa dahil
desidido na siya isa pa kapag kasama ko siya nakakalimutan ko kahit sandali si
Dwayne. Pwede nga kayang makalimutan ko si Dwayne ng dahil kay Kean?

"Babe, malapit na kami tumugtog. Dito ka lang sa harap ah?" Sambit niya. Tumango
lang ako.

Pagkatapos ng sampung minuto umakyat na ang banda nila Kean. Lahat ng tao
nagpalakpakan pati mga tili ng fangirls ni Kean dinig na dinig ko.

"Good evening." Bungad ni Kean. "We will be singing love songs tonight and I would
like to dedicate the first song to the girl I love."

Bigla na lang siyang tumingin sakin. Nanlaki yong mata ko gulat. Agad din niyang
nilayo ang tingin niya. Buti na lang kasi malapit na din akong pag tinginan ng mga
tao.

"Umiiyak ka na naman
Langya talaga , wala ka bang ibang alam
Namumugtong mga mata
Kailan pa ba kaya ikaw magsasawa.."

Ang ganda ng boses ni Kean. Hindi ko maiwasan na mamangha. Kaya siguro ang dami
niyang fangirls. Bukod sa maganda ang boses niya, gwapo pa siya.

"Sa problema na iyong pinapasan


Hatid sayo ng boyfriend mong hindi mo maintindihan
May kwento kang pandrama na naman
Parang pang TV na walang katapusan
Hanggang kailan ka bang ganyan
Hindi mo ba alam na walang pupuntahan
Ang pagtiyaga mo dyan sa boyfriend mong tanga Na wala nang ginagawa kundi ang
paluhain ka."

Nakakarelate ako bigla sa lyrics ng kanta. Kahit hindi ko na boyfriend si Dwayne


nagpapakatanga pa din ako sakanya.

"Sa libu-libong pagkakataon na tayoy nag-kasama Iilangulit palang kitang nakitang


masaya..
Naiinis akong isipin na ginaganyan ka nya
Siguro ay hindi niya lang alam ang iyong
Tunay na halaga.."

Bawat lyrics ng kanta alam kong para sakin yon. Dala na din siguro ng alak na
iniinom ko at ng matinding emosyon kaya napaiyak na lang ako bigla. I can't believe
na nagpapakatanga ako kay Dwayne ng ganito. Siguro na to-touch din ako sa mga
ginagawa ni Kean para sakin. Kahit na sa sandaling panahon lang, napakita niya kung
gaano ako kahalaga sakanya.

Sa puntong yon, hiniling ko na sana makalimutan ko na ng tuluyan si Dwayne dahil


gusto kong bigyan ng chance si Kean. Dahil kung may mas deserving sakanilang
dalawa, si Kean yon.

Unti unti magagawa ko din yon.

Pumikit ako. "Makakalimutan ko din ang nararamdaman ko sayo Dwayne."

Chapter 12: Finally

Keila.

"Nandito na yong sundo mo." Sambit ni Mama. "Bilisan mo na dyan anak, kanina pa
siya nandyan eh."

Napatingin agad ako kay Cloud at nakatingin din siya sakin. Ang sama nga ng tingin
niya eh kasi alam ko na alam niyang si Kean yong tinutukoy ni Mama. Hanggang ngayon
natatakot pa din ako sa magiging reaksyon ni Cloud tungkol sa pakikipag kaibigan ko
kay Kean pero ngayon bigla na lang nawala yong masama niyang tingin at naging
blanko ang mukha niya.

"Alis na po ako." Paalam ko. Kinuha ko agad ang bag ko at umalis. Kilala ko si
Cloud at kapag ganyan siya, hindi mo siya mapipilit na kausapin ka. Mabuti pa
palipasin ko na lang muna yong init ng ulo niya. "Bakit kasi ang komplikado ng
lahat eh." Bulong ko sa sarili ko.

"Anong komplikado?"
"Ay alien!" Sigaw ko at napahawak na lang ako sa dibdib ko. "Nakakainis ka Kean,
ginulat mo ako." Sinamaan ko siya ng tingin.

"Pati ba yang natutulog mong puso, nagising ko?" Nakangisi niyang tanong. Nilagay
ko sa bewang ko yong kamay ko pagkatapos tinaasan ko siya ng kilay. Puro siya
kalokohan. "Babe naman, pinapangiti lang kita eh. Ang aga aga kasi nakasimangot
ka."

"Si Cloud kasi ang cold sakin." Paliwanag ko.

"Sorry dahil sakin nag away kayo." Seryoso niyang sabi. "Hindi ko nga alam kung
paano ako mapapatawad ni Cloud eh." Habang tumatagal mas lalong lumulungkot yong
mukha ni Kean at kahit sino ata hindi maiiwasan na maawa sakanya.

"Ganyan lang yon. Hindi din niya ako matiiis. Tara na?" Pag aaya ko sakanya.

Lumapit agad siya sakin at sinuot niya ang extra niyang helmet. As usual,
inalalayan niya ako sumakay sa motor niya. Nasasanay na ako sa pagiging gentleman
ni Kean.

"May ibibigay pala ako sayo mamaya." Sambit niya habang papunta kami sa school.
"Hintayin mo ako sa uwian ha?"

"Oo na." Sagot ko.

Pag park namin ng motor niya, kinuha agad ni Kean yong gamit ko. Nung una ayaw ko
pang ibigay sakanya pero ang kulit niya kaya binigay ko na din sakanya.

Habang naglalakad kami sa corridor halos lahat sila pinagtitinginan kami ni Kean.
Karamihan sakanila mga babae at panigurado ako na fan girls sila ni Kean.

"Ang hirap pala talaga kapag may kasama kang celebrity." Sambit ko. "All eyes on
you."

"Nagpapatawa ka ba babe? Hindi ako celebrity at isa pa mas mukha ka pang artista
sakin." Natatawa niyang sabi. "Nakatingin sila satin kasi nagagandahan sila sayo."
Pagkasabi niya non bigla na lang namula yong pisngi ko. Alam ko namang binobola
niya ako pero hindi ko pa din maiwasan na mapangiti.

"Whatever, Kean."

Pagdating namin sa classroom, natahimik na naman silang lahat at lahat din sila
nakatingin sakin kasama na don si Dwayne at Krystal. Bigla akong inakbayan ni Kean.
"Don't mind them, I'm here." Bulong niya.

Naglakad kami papunta sa upuan namin sa likod pero hindi ko pa din maiwasan na
marinig ang mga bulungan ng classmates ko.

"Sila na pala ni Kean?"

"Ang landi niya. Dati si Dwayne tapos ngayon naman si Kean."

"Fame whore, palibhasa hindi siya ganon kasikat."

Gusto ko sana silang harapin at pagsasampalin pero nakahawak ng mahigpit si Kean sa


braso ko kaya wala akong magawa kung hindi ang dumiretso sa upuan namin.

"Wag mo na silang pakinggan. They don't know the whole story." Sambit ni Kean.
Napangiti na lang ako. Tama siya. Hindi ko na lang sila papatulan pa. "Mas maganda
ka kapag nakangiti ka." Napatingin ako kay Kean at ang seryoso ng mata niya. Minsan
parang tinatawag ako ng maganda niyang mata. "Baka matunaw naman ako nyan, babe."

Umiwas agad ako ng tingin sakanya. Nakakahiya. Buti na lang dumating na yong
professor namin. Minsan napapatingin ako sa direksyon ni Dwayne at nagugulat na
lang ako kasi nakatingin din pala siya sa amin ni Kean. Kaso bigla na lang pumasok
sa isip ko na hindi ko na dapat siya iniisip para makapag move-on na talaga ako ng
tuluyan.

Nang matapos na ang class lumapit sa amin si Dwayne. Tinulak agad ako ni Kean sa
likod niya. Ang sama agad ng tingin ni Dwayne kay Kean. Feeling ko mag aaway na
naman sila.

"Anong kailangan mo?" Maangas na tanong ni Kean. "Pwede ba, wag ka ng lumalapit kay
Keila."

"Sino ka para diktahan ang buhay niya?" Maangas din na tanong ni Dwayne. "Boyfriend
ka ba niya?"

"Hindi." Tipid na sagot ni Kean. "Pero mahal ko siya at hindi ko siya hahayaan na
masaktan ulit dahil sa gagong katulad mo." Ramdam ko yong tensyon sa pagitan ni
Dwayne at Kean ngayon. Sa boses pa lang ni Kean alam mo nang seryoso siya sa mga
sinabi niya.

"Hindi porket mahal mo siya may karapatan ka ng diktahan ang buhay niya. Hindi mo
siya pag mamay-ari." Seryoso ding sabi ni Dwayne.

"I'm just protecting her!" Sigaw ni Kean.

Natawa naman bigla si Kean. "Come on, don't act like you're Keila's boyfriend
because you're not."

Lumapit si Kean kay Dwayne at kinuha niya ang kwelyo ng damit ni Dwayne. Pumagitna
na ako sakanilang dalawa. Hinila ko agad palayo si Kean kay Dwayne. "Tama na nga,
ano bang kailangan mo Dwayne?"

"May practice tayo sa studio ngayon." Bossy niyang utos. "Come on." Habang
nagsasalita siya kay Kean pa din siya nakatingin. Parang nagpapatayan na sila sa
mga tingin pa lang nila.

Tinignan ko si Kean at parang nag aalala siya. "Hintayin mo na lang ako sa parking
mamaya." Sambit ko.

Bago ako makaalis, hinawakan niya yong kamay ko. "Can I come with you?"

Sa unang pagkakataon ngayon ko lang nakita si Kean na ganito ka lungkot. Ano kayang
problema niya?

"Okay." Sagot ko.

Sumunod kami ni Kean sa dance studio. Pagpasok naming dalawa don nagulat si Dwayne
dahil kasama ko si Kean.

"What is he doing here?" Iritang tanong ni Dwayne. "He shouldn't be here."

"May problema ba kung nandito siya?" Tanong ko.

"He's not one of us." Diin niya.


"So Krystal is one of us?" Mataray kong tanong. "Wag mo ng palakihin ang mga
maliliit na bagay, Dwayne. Sabi mo nga trabaho lang at walang personalan." Ngumisi
ako sakanya. "May problema pa ba tayo?" Nakangisi ko pa ding tanong. Tinignan lang
niya ako at tumalikod na lang siya. "Wala pala eh." Bulong ko sa sarili ko.

"Thank you babe." Sambit ni Kean. Kita ko sa mata niya yong saya. "Hindi ko akalain
na ipagtatanggol mo ako kay Dwayne."

"Wag kang kiligin dyan. Ginawa ko lang yon para quits na tayo. Okay?"

"Ang KJ mo naman. Kinikilig pa lang ako pinatapos mo na agad." Ngumuso pa siya na


akala mo bata siya. "Sige na mag practice na kayo, manunuod lang ako dito." Umupo
siya sa sulok at saktong pag tawag sakin ni Dwayne.

Sinubukan agad namin yong mga bagong steps na nadagdag sa routine namin. Minsan
napapatingin ako kay Kean at hindi niya inaalis yong tingin niya sakin. Bigla na
lang tuloy akong na conscious.

Umupo muna kami sa gilid ni Trevor para mag pahinga habang tinuturo ni Dwayne yong
steps sa iba naming kasama.

"Is he your boyfriend?" Tanong ni Trev sabay turo kay Kean. Buti na lang sa
cellphone na niya nakatingin si Kean kaya hindi niya malalaman na pinag uusapan na
namin siya dito. "He looks fine."

"He's not my boyfriend. He's just my friend." Sagot ko pero tinignan ako ng masama
ni Trev. "Why?" Tanong ko.

"He's just your friend? Really? But I always see you together. Come on, you don't
have to hide that to me. We're brotha, right?" Cool niyang sabi. Ang conyo talaga
ni Trev. Ibang iba siya kay Marion. Sabagay hindi naman talaga sila totoong
magkapatid.

"He's just helping me to forget, Dwayne." Sagot ko. "But we're just friends."
Depensa ko. Ayon naman kasi talaga ang totoo eh.

"Dyan din naman kayo nagsimula ni Dwayne before. Friends. Right?" Sabi niya gamit
yong slang niya tagalog. Ang cute niya tuloy tignan.

"I don't know, Trev. Sa ngayon gusto ka lang muna mag move-on ng tuluyan kay
Dwayne."

"Don't rush things." Seryoso niyang sabi. "Practice na ulit?" Ngumiti ako at
sumunod sakanya. Tumingin ako kay Kean at nakatingin na ulit siya sakin.

Sa loob ng tatlong oras na practice namin napansin ko na hindi na ako masyadong


naaapektuhan kapag malapit sa akin si Dwayne. Dahil na din siguro kay Kean. Dahil
palagi ko siyang tinitignan, kung okay lang ba siya sa kinakaupuan niya. Effective
pala talaga yong distraction na sinasabi nila at sa lagay ko si Kean ang
distraction ko kay Dwayne.

Nagpaalam na ako sakanilang lahat at lumapit ako kay Kean.

"Nainip ka ba?" Tanong ko sakanya. "Pasensya na, inabot na kami ng tatlong oras."

"Okay lang, nag enjoy akong panuorin ka. Ang galing mo sumayaw."

"Thank you." Nakangiti kong sabi. Mababaw na kung mababaw pero ang tagal na din ng
may pumuri sa akin. "Tara na? May ipapakita ka pa sakin, 'di ba?"

"Tara." Kinuha niya ulit yong gamit ko at umalis na kami.

Bago pa kami makaabot sa parking, hinarangan kami bigla ni Krystal.

"Look who's here?"

"Anong problema mo?" Tanong ko.

"Ikaw, ikaw naman palagi kong problema eh." Natawa ako. Pareho lang naman kami eh,
siya din naman palagi ang problema ko. "Masyado ka ng mag mamaganda eh!" Sigaw
niya.

"Ako? Eh sa malayo o malapitan alam kong maganda ako, eh ikaw?" Lumapit ako sakanya
dahil gusto kong marinig niya ang sasabihin ko. "May mga babaeng maganda kapag
malayo pero ikaw malayo kang maging maganda."

"Ah ganon?!" Kinuha niya yong buhok ko tapos hinila niya yon. Hinila ko din yong
buhok niya. Hindi ako papatalo sakanya. "Kakalbuhin kitang malandi ka!" Sigaw niya.

"Ikaw yong malandi satin kaya kalbuhin mo sarili mo!" Sigaw ko naman.

Umawat sa amin si Kean at Dwayne. Binitawan ko siya at ganon din naman siya sakin.
Nagulat ako kasi bigla na lang niyakap ni Krystal si Dwayne. Umiiyak pa siya
kunwari pero halata mo namang fake lang.

"Dwayne si Keila bigla na lang akong sinabunutan!" Nanlaki ang mata ko.

"Sinungaling! Ikaw ang unang sumugod kay Keila." Pagtatanggol sa akin ni Kean.

"Ako? Siya yon! Palibhasa bitter siya kasi mas pinili ako ni Dwayne kaysa sakanya!"

"Hindi bale ng bitter, if being bitter is better." nakangiti kong sabi. Burn bitch,
burn. "Tara na nga Kean."

Hinila ko si Kean palayo don. Hindi ko maiwasan na mapangiti. Hindi ako umiyak sa
harap ni Dwayne at Krystal. Hindi na ganon kalakas ang epekto nila sa akin. Hindi
na ako masyadong nasasaktan kapag nakikita ko silang magkasama na dalawa.

"You know what Kean?" Tanong ko habang hinihila ko pa din siya papapunta sa parking
lot.

"Ank yon, babe?"

"Tingin ko malapit na talaga akong makapag move-on."

Chapter 13: OKS


Keila.

Hinatid na naman ako ni Kean gamit yong motor niya. Habang nakahinto yong
stoplight, hindi ko siya naiwasang tanungin. "Bakit naisipan mong sumama sa pratice
namin?"

"Gusto lang kitang bantayan." Sagot niya.


"Kay Dwayne? Hindi naman ako sasaktan ni Dwayne eh." Natawa siya bigla.

"Nagawa na nga niya eh, nasaktan niya yang puso mo." Hindi pa ako nakakasago
nagsalita na naman siya. "Kumapit ka, aandar na tayo."

Hindi na ako nakapag reklamo. Kumapit na lang ako sakanya. Siguro nga msyado lang
talagang protective to si Kean.

Pag dating namin sa tapat ng bahay at bago ako pumasok sa loob may binigay siya sa
akin na papel. "Para san 'to?" Tanong ko.

"Ginawa ko yan para sayo."

"Para sakin? Anong meron dito?" Tanong ko ulit. "Eto ba yong ibibigay mo sakin?"
Hindi niya ako sinagot pero tumango siya.

"Read it." sagot niya. Binuksan ko ang papel na binigay niya. "Kapag nagawa mo na
lahat yan, masasabi mong naka move-on ka na talaga."

Sign that you've already moved on:


1. Kapag tanggap mo ng wala na talaga at hindi na magiging kayo pa.
2. Hindi na bumibilis ang tibok ng puso mo kapag malapit siya sayo.
3. Kapag nagawa mo ng maging masaya kahit na wala siya.
4. Hindi mo na naiisip ang tungkol sa inyo dati. Kapag hindi mo na siya naiisip pa.

And last but not the least, kapag binuksan mo na ang puso mo sa akin. Hindi, biro
lang.

Masasabi mong nakapag move-on ka na talaga kapag kaya mo ng tumingin sa mata niya
na wala ka ng kung anong nararamdaman pa.

"Seryoso ka dito?" Tanong ko pagkatapos kong basahin. "Seriously?"

"Oo seryoso ako." Seryoso nga niyang sagot. Sandali. Natigilan ako. Slowly
everything is making sense.

Ang tanong lang, kailan?

"Kailan nga kaya ako makakapag move-on? Bukas? the day after tomorrow? Next week?
Next month? Next year? Sana pwedeng ngayon na." Sambit ko.

"Lahat ng bagay na worth it hindi nakukuha ng madalian, you have to earn it."
Seryoso niyang sabi. "Don't rush things, Keila."

"I want to move on but I don't know how to start." Hinawakan ni Kean ang kamay ko.

"Just find your worth and you'll be able to moved on." Nakangiti niyang sabi.
"Basta kapag nakapag move on ka na talaga, ang deal natin papayagan mo na akong
manligaw sayo."

"Oo na."

"Goodnight, babe. Sweet dreams." Ginulo niya ang buhok ko at tumalikod siya papunta
sa motor niya.

"Ingat ka." Sambit ko.

Pagpasok ko sa pintuan ng gate nagulat ako na nasa likod lang pala si Cloud af
feeling ko nakikinig pa siya kanina samin.

"I'll let you be friends with Kean but promise me you'll not gonna fall for him."
Seryoso niyang sabi. Agad agad, ganyan ang bungad niya sakin? Seriously? "I'm just
protecting you Keila, just like what I did before." Nilagay niya yong kamay niya sa
bulsa niya at naglakad siya papasok sa loob.

Ibig sabihin ba ng nangyari ngayon, magkaayos na kami ni Cloud?

Habang nakahiga ako sa kama ko, hindi ko maiwasan na mapaisip. Dapat maging masaya
ako kasi ayos na kami ni Cloud at hinayaan na niya ako na maging kaibigan si Kean
pero pakiramdam ko na may mali. Dahil ba sa sinabi ni Cloud na hindi ako pwedeng
mahulog kay Kean? Bakit ko naman iisipin yon eh wala naman akong feelings kay Kean.
Siguro sa ngayon..

"Keila, nandito si Jenelle!" Sigaw ni mama mula sa labas ng kwarto ko. "Bumaba ka
dyan anak."

Ang tagal ko na din palang hindi nakakausap o nakikita si Jenelle. Andito ba siya
para makipag ayos?

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko pagkababa ko ng kwarto ko.

"Keila, please sana mapatawad mo na ako." Tinignan ko siya at mukha naman siyang
sincere. "I never meant to hurt you."

"You already did." Sagot ko. "And what I hate the most is that of all people, ikaw
pa ang maglilihim sakin. You are like my sister but still you somewhat betrayed
me."

Nagsimula na siyang umiyak. I expected that. Iyakin naman talaga si Jenelle. "Akala
ko kasi--"

"Lintek na akala yan! Kaya madaming nasasaktan dahil sa mga akala na yan kasi akala
nila mas makakabuti pero hindi." Siguro dala ng emosyon kaya napasigaw na ako.
"What done is done, Jenelle." Seryoso kong sabi.

"I'm really sorry and I would understand if you can't forgive me. Maybe our
friendship is really over.."

Umiyak siya lumabas ng bahay. Nakaramdam naman ako bigla ng guilt. Masyado ata
akong harsh kay Jenelle. Sa lahat naman ng tao, siya lang yong pinagkakatiwalaan ko
ng sobra at siya lang din ang tinanggap ako kung ano ako. Siya lang din ang
sumasakay sa mga kagagahan ko sa buhay.

Damn. What am I doing?

Hinabol ko siya sa labas. "Jenelle!"

"Keila?" Tanong niyang habang pinupunasan niya ang luha sa mata niya.

"Fine, I'll give you one more chance but of you'll gonna break it again, our
friendship is really over." Mataray pero pabiro kong sabi. Napangiti agad siya sa
sinabi ko. "Get it?"

"Wah! Besty!" Sigaw niya sabay lapit sa sakin. Niyakap niya ako ng sobrang higpit
na parang hindi na ako makahinga. "I miss you super kahit ilang days pa lang, super
miss na kita!"
"Miss din naman kita. Miss ko na yang maingay na bunganga mo." Pang aasar ko.
Hinarap niya ako tska niya ako hinampas sa balikat ko. "Pati yang hampas mo miss ko
na din ha." Dagdag ko pa.

"Sorry na. Basta wala ng bawian ha? Besty na ulit tayo at pupunta ka sa debut ko
next week ha?" Masigla niyang tanong. Muntik ko na ngang makalimutan ang 18th
birthday niya. Tumunog ang phone niya at sinagot niya agad yon. "Tay? Si Kuya? Okay
po sige. Bye."

Hindi ko naiwasan na maging curious lalo na tungkol yon kay Dwayne.

"Anong nangyari?"

"Pinapauwi na kasi ni tatay si Kuya eh." Tatawag na sana siya kay Dwayne pero na
lowbat ang phone niya. "Besty, favor naman oh? Pwedeng tawagan mo naman si Kuya
Dwayne?" Natawa na lang ako.

"Seriously? Ako talaga pa talaga?"

"Low battery na ako tska importante kasi may family dinner kami, birthday ni Tita
Jaycee at kailang nandon kami lahat. Please?" Pag mamakaawa niya.

"Binura ko na yong number niya eh." Sambit ko. "I don't know his number."

"Pwede ba? Hindi mo ako maloloko, kabisado mo yon." Okay fine. Pasalamat siya
importante to kung hindi, hindi ko to gagawin.

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ko si Dwayne. Sa pangatlong ring may sumagot na


at hindi yon si Dwayne.

"How dare you call my boyfriend?! Until now ba umaasa ka pa kay Dwayne? Moved on
Keila--"

Hindi ko na pinatapos sa pagsasalita si Krystal baka mapalabas ko pa siya sa phone


ng hindi oras para sampal sampalin. She never fails to make me mad.

"Anong sabi?" Tanong ni Jenelle.

"The number you are calling is meron ng ibang kapiling."

"Ano?!" Nagtataka niyang tanong.

"He's with Krystal." Tipid kong sagot. "Mas mabuti pa si Tito Jeydon na lang ang
patawagin mo kay Dwayne para hindi umeepal yong girlfriend niya."

"Thanks besty, pasensya ka na sakin kasi binilin ni tatay si Kuya kaso si Kuya kasi
pasaway eh."

"Ano pa bang bago kay Dwayne?" Tanong ko.

"Actually meron, after three years nakita ko ulit siyang tumugtog ng drums."
Napataas ang kilay ko. Alam ko ayaw na niyang mag drums. "Medyo nag seryoso na din
siya pero slight lang naman." Mas lalong napataas ang kilay ko.

Ang tanong, bakit kaya? Dahil kay Krystal? Parang hindi ko matanggap.

"Mabuti pa pumunta ka na sa family mo. Kamusta mo na lang ako kay Marion."

"Okay besty, basta next week ah, debut ko."


"Okay!" Masaya akong nagpaalam sakanya. Oo masaya ako kasi okay na din kami ni
Jenelle. Hindi ko din naman siya kayang tiisin eh.

Nung napahiga ulit ako sa kama ko nilibas ko yong listanan na ginawa ni Kean.

1. Kapag tanggap mo ng wala na talaga at hindi na magiging kayo pa.

Sabi nga ni Kean, wag ko daw madaliin ang lahat. Ngayon, kailangan ko munang magawa
ang first step.

Tatawagin ko tong, Oplan kalimutan siya, in short.. OKS.

Chapter 14: Step one


Keila.

Nakakainis talaga to si Kean. Bigla na lang siyang hindi makakapunta sa debut ni


Jenelle. Ayan tuloy wala akong kasama ngayon. Late dadating si Trevor tapos si
Marion naman partner ni Jenelle. Bukod kasi sa ayaw ni Cloud na maging partner ni
Jenelle, ayaw din ng tatay niya na may ibang partner yong anak niya bukod kay
Marion. Ngayon loner ako. Hindi tuloy ako mapakali na mag isa ako dito sa table.
Kapag nakita ko si Kean, humanda talaga siya sakin.

"Ang sweet talaga sakin ni Dwayne." Nanlaki agad yong tainga ko nung marinig ko
yong pangalan ni Dwayne tska yong matinis na boses ni Krystal. Sa lahat ba naman ng
uupuan ko sa likod pa ng babaeng to. Pinaglalaruan ba talaga ako ng tadhana? "Alam
mo ba, ilang years na siyang hindi nag du-drums? Simula ng iwan siya ng Dana na
yon. At alam mo ba ang nakakakilig pa non.."

Napahinto siya sa pagsasalita niya kaya napalingon ako. Nagulat ako kasi nakatingin
din pala siya sakin at nakangiti pa siya. Parang inaasar pa talaga niya ako eh.
Gusto niya ata talagang marinig ko yong sasabihin niya. Kaya pala talbog pa ng
boses niya yong lakas ng music.

"Tska lang daw siya tutugtog ulit ng drums kapag nakapag move-on na daw talaga siya
kay Dana at kapag may nagugustuhan na siyang babae. At ako yon." Ngiting tagumpay
niyang sabi. "I'm so lucky right?" Tanong niya kay Stephanie yong bff niya pero
sakin siya nakatingin. Nang aasar talaga eh.

"Ang swerte mo nga, Krystal. Biruin mo, sa dami ng dumaan na babae kay Dwayne, ikaw
ang nagustuhan niya. Ang ganda mo!" Sabi ni Stephanie. Tumalikod na lang agad ako
sakanila. Sige siya na talaga. Ang ganda niya eh. Malapit ko na nga putulin yong
buntot este buhok niya sa haba.

Talo talaga ng malandi ang maganda. Yeah, whatever.

"Good evening everyone." Singit ni Tito Jeydon. "Thank you so much for coming
tonight. I hope you will all enjoy Jenelle's 18th birthday." Nagpalakpakan kaming
lahat. Ang gwapo pa din ng tatay ni Jenelle, hindi halatang 45 years old na siya.
Sakanya talaga nag mana si Dwayne eh pero feeling ko naman hindi siya play boy, bad
boy lang daw sabi ni Jenelle.

Ano ba yan, naisip ko naman si Dwayne.

Lumabas na din si Jenelle at kahit ako napanganga. Ang ganda ganda niya. Ayan ba
yong babaeng inayawan ni Cloud? Nako ang choosy niya talaga, sigurado ako kung
nakikiya niya ngayon si Jenelle magsisisi siya. Sabagay mas bagay naman si Marion
at Jenelle eh. Gwapo din naman si Marion.
Kumpleto sa harap yong pamilya Lopez maliban kay Dwayne. Nasan kaya siya?

"Hey Keila!" Bati ni Trevor sabay akbay sakin. "Sorry I'm late." Sabi niya habang
hingal na hingal siya. Saan kaya siya galing?

Nagpakita ng presentation sa harap. Mga pictures nila Jenelle at Dwayne pati si


Marion at Trevor yong pinakita tska yong pinsan nila si Kuya Skie tska yong kapatid
niya si Kiro. Ang cute nila tignan lalo na si Dwayne ang taba niya. Natawa tuloy
ako.

"Baka matunaw si Dwayne ha." Bulong ni Trevor. Sinamaan ko nga siya ng tingin. "I'm
just kidding. I know you're over him, right?"

Hindi ko siya nasagot kasi sa totoo lang hindi ko din alam kung I'm really over
Dwayne eh palagi ko pa din siyang naiisip. Kailangan ko siguro munang makumpleto
yong listahan na binigay sakin ni Kean.

Nag bigay ng speech si Jenelle pati parents niya tapos may banda na kumanta.

Habang nag lilibot yong mata ko sa paligid nakita ko si Dwayne na papunta sa pwesto
namin. Nagkatama nga yong mata namin eh pero dedma lang siya. Sabagay, wala naman
akong halaga sakanya eh.

Oo na bitter na ako. Being bitter is being better naman eh. At least sinasampal ko
sa mukha ko ang totoo.

"Baby sorry I'm late." Bati niya kay Krystal. Wow baby daw. Mukha bang baby yan si
Krystal? Eh mukha na yang gurang eh. Natawa tuloy ako. Being bitter is better pero
hindi naman talaga mukhang baby face si Krystal eh. "How was the party?" Tanong ni
Dwayne.

Napalingon ulit ako sakanila at nakaakbay si Dwayne kay Krystal habang nakatingin
si Krystal sakin. "It's good. I'm enjoying it." Nakangisi na naman niyang sabi.

Tumalikod na lang ako pagkatapos kumuha na lang ako ng pagkain. Mas mabuti pa ikain
ko na lang to. Mas lalo lang akong maiinis eh.

Nag salita na naman yong emcee tapos tinawag na yong 18 candles. Tumayo ako at
pumunta sa harap dala yong regalo kay Jenelle. Album ni Cloud yong regalo sakanya
dahil matagal na niyang wish sakin yon syempre may damit na din yong kasama at
isang letter.

Pumunta ako sa harap nung turn ko na. "Jenelle, thank you for being my best friend
and my sister. Thank you for always being there for me and for understanding my
bitchy attitude. I love you and I will always be here for you." Lumapit ako sakanya
para ibigay ang regalo at kandila. Nakita ko siyang umiyak kaya pinunasan ko ang
luha niya at niyakap ko siya. "Wag kang umiyak, masisira yong make up mo. Happy
birthday besty."

"Thank you besty! I love you too." Masaya niyang sabi.

Pagbalik ko sa table namin, nagsimula naman yong 18 roses. First dance ni Jenelle
ang tatay Jeydon niya. Ang saya nila habang nag uusap sila at halatang close silang
mag ama. Hindi ko tuloy maiwasan na makaramdam ng inggit. Anak lang ako sa labas ng
daddy ko, kami ni Cloud kaya baby pa lang ako lumaki na akong walang tatay. Hindi
naman namin sinisisi ni Cloud si Mama dahil naiintindihan namin ang sitwasyon niya
at matagal na siyang nagsisi sa mga nagawa niyang kasalanan. Okay na din. Being
bitter is being better. Maayos naman kaming napalaki ni mama at hindi kami nag
rebelde katulad ng iba. Sapat na samin ni Cloud yong pagmamahal ni Mama. Hindi ko
nga lang minsan maiwasan na mainggit. Ano kayang pakiramdam na may tatay ka?

Fourth to the last na nagsayaw kay Jenelle si Trevor. Tapos sumunod si Marion. Sa
mga tingin pa lang ni Marion kay besty alam mo ng gusto niya si Jenelle. Eto namang
best friend ko, hindi ko alam kung manhid o talagang nakatuon lang ang atensyon
niya sa kakamabal ko. Sa totoo lang mag pinsan sila pero hindi sila magkadugo kasi
adopted lang naman si Marion ng tita ni Jenelle. Kaya siguro sila naging close kasi
palagi silang magkasama nung bata sila.

Second to the last dance si Dwayne. Ang nakakatuwa lang kapag nakikita ko silang
magkasama, duon mo makikita na sweet talaga si Dwayne lalo na sa kapatid niya. Para
siyang si Cloud, protective din siya kay Jenelle. Masyado lang talaga siyang
mapaglaro kaya natatabunan yong mga magagandang ugali niya.

Last dance ulit ni Jenelle ang tatay niya. Gusto kasi ni Tito Jeydon, siya ang
first and last dance ng unica ija niya. Ang sweet talaga nila.

Kumain ulit kami pagkatapos non bumukas yong dance floor. Kahit inaaya ako ni
Trevor na sumayaw, humindi ako. Wala ako sa mood kaya nanatili ako sa table ko.
Nagsisi nga lang ako sa huli kasi hindi din pala sumayaw si Dwayne at Krystal kaya
nasa likod ko lang sila at ang masaklap pa nag lalandian pa sila.

Psh. Get a room please. Imbyerna. Wala din akong magawa kung hindi mapakinggan yong
pinag uusapa nila kasi ang lapit lang nila sakin bukod pa yon sa ang lakas ng boses
nilang dalawa. Hindi ko lang kasi makita si Trevor at sila Jenelle kaya hindi ako
makaalis sa kinakaupuan ko.

"How does it feel to use your drum again?" Tanong ni Krystal. Ako naman
pinaglalaruan ko lang yong drinks sa harap ko.

"It feels good." Seryosong sabi ni Dwayne. "Just like how good I feel when I'm with
you, baby." Dagdag pa niya.

Napalingon ako sakanila at saktong sakto pag lingon ko, lumapit di Dwayne kay
Krystal at hinalikan niya yong babaeng yon.

How sweet pero wait, ang sakit eh. Kahit pinipilit ko yong sarili ko na wag
masaktan, hindi ko maiwasan. Damn it. Masakit talaga eh. Para akong sinampal ng
malakas ng katotohanan na wala na talaga kaming pag-asa ni Dwayne. Honestly
speaking, umaasa pa din ako na may fighting chance pa din kami ni Dwayne pero shet,
eto na yong reality. Ang masakit na reality na wala na talaga.

Hindi ko na naiwasan na maiyak. Narinig kong tinatawag ako nila Jenelle pero hindi
ko sila pinansin. Tumayo ako at tumakbo ako palayo at pumunta ako sa fire exit.
Duon ako umupo habang kinakalma ko ang sarili ko.

Maya maya bumukas yong pinto ng fire exit. Nagulat ako kasi sa lahat ng makikita ko
si Dwayne pa yong makikita ko.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.

"I should be the one asking that. What are you doing here? My sister is looking for
you." Sagot niya.

"I just want to be alone."

"Why?" Tipid niyang tanong habang nakasandal siya sa pader at habang nakatingin
siya sakin.
"Don't ask as if you care about me." Inis kong sabi.

"Is it because of me? I thought you're over me. You already had that guy, Kean."
Tumayo ako at hinarap ko siya. "I'm with Krystal and you're just hurting yourself."

Huminga ako ng malalim. Hindi ko na pinigilan na yong sarili ko na umiyak sa harap


niya.

"Wag ka mag alala, ngayon tanggap ko na. Tanggap ko ng tapos na tayo at wala ng
pag-asa na magkabalikan pa tayo. After what I saw and realized tonight, I'm done."

Hindi ko na siya hinintay na makapagsalita. Tumakbo na ako palabas ng hotel


pagakatapos pumunta ako sa park sa likod lang ng hotel na yon.

Umupo ako sa isang bench tapos duon ako umiyak ng malakas. Hagulgol kung hagulgol.
T*ngina eh. Truth hurts talaga.

"Buiset na pag-ibig talaga yan, naimbento pa kasi eh!" Sigaw ko habang umiiyak pa
din ako. "Love sucks."

Wala na akong pakialam sa mga tao dito sa park. Kahit na pinag titinginan na ako ng
iba.

"Kean nasan ka na ba?! Kapag nakita kita, hahampasin kita hanggang sa sumakit ang
kamay ko!" Sigaw ko habang iyak pa din ako ng iyak.

May biglang kumuha ng kamay ko. Pag angat ko ng ulo ko, nakita ko si Kean. Mas lalo
akong naiyak ng makita ko siya.

"Sige, hampasin mo lang ako hanggang sa sumakit yang kamay mo. Hanggang sa mawala
yang sakit na nararamdaman mo. Kahit masakit tatanggapin ko kaya sige lang
hamapasin mo lang ako."

Tumayo ako at hinampas ko nga siya sa dibdib niya. Hinampas ko lang siya ng
hinampas habang umiiyak ako. Lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon, binububos ko
sa bawat hamapas ko kay Kean.

"Bakit wala ka kanina ha? Bakit late ka? Alam mo bang wala akong kasama kanina ha?
Alam mo bang mag isa lang ako kanina? Nakakainis ka eh! Nakakainis sila..
Nakakainis na nasasaktan pa din ako."

Kinuha niya ang kamay ko pagkatapos niyakap niya ako. "Sorry kung late ako. Sorry
kung wala ako kanina nung kailangan mo ako. Nandito na ako at hindi kita iiwan."

"Kean.. wala na talaga eh. Wala na kaming pag-asa.. Ang sakit.. Ang hirap.. pero
kahit papaano masaya na din ako dahil na realized ko ng wala na talaga."

Habang tumatagal na yakap yakap ako ni Kean unti unti din akong tumitigil sa pag
iyak. Masyado na akong komportable kasama si Kean kaya kapag nasa tabi ko siya
kahit papaano gumagaan ang loob ko.

"May iiiyak ka pa ba?" Tanong niya.

"Wala na siguro.." Sambit ko habang inaayos ko ang mukha ko. "Naiyak ko na ata
lahat."

"Para mawala ng tuluyang sama ng loob mo, kumain na lang tayo." Pag aaya niya.
"Kumain ng ano?" Tanong ko.

Hinawakan niya ang buhok ko at inayos niya yon habang nakangiti siya sakin. "Kakain
tayo ng ice cream."

Napangiti ako. Thank you Kean, for saving me again. Konti na lang maniniwala na ako
na ikaw yong knight in shing armor ko.

And oh, tingin ko.. nagawa ko na ang step one.

Chapter 15: Yakap


Kean's Point of View

(For better reading please play, This isn't is by Taeyang -- nasa taas or nasa
gilid yong video.)

Ang lamig ng hangin na pumapalo sa mukha ko pero baliwala lahat ng iyon dahil sa
init ng yakap ni Keila sa akin. Alam ko, wala lang iyon para sakanya dahil
nakayakap lang siya sa akin kasi nakasakay siya sa motor ko at wala din siyang
choice kung hindi gawin yon.
Hindi ko alam pero nang nahulog ako kay Keila, nahulog ako ng malalim sakanya at
ngayon hindi ko na kung paano pa ako babangon.
Nakakamangha.
Oo maganda siya at may bagay na espesyal sakaya pero hindi ko pa din alam kung
bakit nga ba ako nahulog sakanya. Siguro kasi kapag kasama ko siya masaya ako at
nagiging totoo ako sa sarili ko. At gusto ko palagi lang siyang nasa tabi ko.
"Kean! Malayo pa ba?! Kanina pa tayo umiikot ha!" Sigaw ni Keila mula sa likod ko.
"Malapit na!" Nakangiti kong sigaw pabalik sakanya. "Konti pa, nag eenjoy pa ako sa
yakap mo." Bulong ko sa sarili ko. Damn I'm smiling like stupid. Tama ba si Keila?
Nag mumukha na akong alien?
"Anong sabi mo ha?!" Sigaw ulit ni Keila. Sa bilis kasi ng takbo ng motor ko, hindi
na talaga kami masyadong magkakarinigan.
"Wala! Sabi ko ang ganda mo!" Natatawa kong sabi.
"Whatever!" Kahit hindi ko siya nakikita ngayon, naiimagine ko yong mukha niya
habang nag tataray siya. Gustong gusto ko kapag tinatarayan niya ako. "Ang layo
naman kasi non eh! Ang tagal.." Dagdag niya.
Actually malapit lang naman talaga iyong ice cream parlor na pupuntahan namin pero
umikot muna ako para masulit ko na kasama ko si Keila.
"Nandito na tayo." Sambit ko. Inalis ko ang helmet ko at inalalayan ko si Keila na
makakaba. Inalis ko ang helmet niya. Hindi ko maiwasan na mapatingin sa mahaba
niyang buhok. Mas maganda siya kapag medyo magulo ang buhok niya. "Tadah! 24/7
silang bukas kaya mag sasawa ka ngayong gabi sa ice cream." Nakangiti kong sabi.
"Wala na akong pera! Bayaran mo ha?" Sambit niya na para bang inaasar niya ako. "Sa
sobrang dami ko ng naibigay, wala ng natira sakin." Biglang sumeryoso ang mukha
niya at pakiramdam ko maiiyak na siya kaya yumuko na din siya. Ang lalim naman kasi
ng pinanghuhugutan niya.
Ginulo ko agad ang buhok niya. "Problema ba yon? Kung wala ng natira sayo, eto ako
bibigyan kita ng kung anong meron ako."
Inangat niya yong mukha niya at nakita ko yong mga luha na dahan dahang tumutulo
galing sa mata niya. Pinunasan ko agad yon at tinignan ko lang siya sa mata niya.
Kung kaya ko lang kunin lahat ng sakit na meron siya ngayon, gagawin ko.
"Bakit ba ang bait bait mo sakin? Bakit ba ganito ka sakin, Kean?"
Lumapit ako sakanya. "Gusto mo ba talagang malaman?" Napalunok siya dahil sa lapit
namin sa isat isa. Ngumiti ako at hinawakan ko ang pisngi niya. "Obvious naman
hindi ba? Gusto kita. Gustong gusto kita." Ngumiti ako at hinila ko siya palapit
sakin at ginulo ko muli yong buhok niya.
Gustong gusto kong malapit lang siya sakin para kapag kailangan niya ng tulong,
nandon ako. Gusto ko ako ang unang tutulong sakanya, gusto ko ako ang unang nandyan
para sakanya. "Anong flavor gusto mo?" Tanong ko pagtapat namin sa counter.
"Cookies and--" hindi ko na tinuloy pa ang sasabihin niya.
"Dalawang rocky road miss yong big size." Sabi ko sa cashier. "Lagyan mo na din ng
marshmallow."
"I-serve na lang po namin, Sir." Nakangiti niyang sabi. Paglingon ko kay Keila,
nakatingin siya don sa cashier. "Anything pa po?"
"Ah wala na. Thank you." Sambit ko sabay hila kay Keila palayo sa counter. "Bakit
nakatingin ka sakanya?" Tanong ko.
"Kilig na kilig kasi siya sayo eh. Mukhang fan mo ata." Walang gana niyang sabi.
"Nag seselos ka ba?" Pagbibiro ko. Bigla na lang nabuhayan yong mata niya at agad
niya akong tinarayan. "Hindi naman masamang magselos." Pang aasar ko.
"Hindi ako nagseselos at isa pa wala akong karapatan na magselos." Pagtataray pa
niya.
"Eh di bibigyan kita ng karapatan." Bulong ko sa sarili ko. "Kung papayagan mo lang
sana ako.."
"Ha? Ano yon?"
"Wala." Tipid kong sagot.
Tinaasan lang niya ako ng kilay. "Bakit rocky road inorder mo? Tinanong mo pa ako
tapos hindi naman pala yon yong bibilhin mo. Ang abnormal mo talaga." Pagmamaktol
pa niya.
"Alam ko naman na si Dwayne lang naiisip mo sa cookies and cream eh. Kung gusto mo
talagang kalimutan siya, iwasan mo na yong mga bagay na mag papaalala sayo tungkol
sakanya."
Natahimik siya. Hanggang sa dumatung yong ice cream namin ang tahimik lang niya.
Nag aalala na ako. May nasabi ba akong masama?
Hinayaan ko lang yong katahimikan sa pagitan naming dalawa. Tinitignan ko lang siya
hanggang ngayon ang lungkot pa din ng mukha niya. Kapag nakikita ko siyang
malungkot gusto ko siyang pasiyahin. Mas maganda kasi siya kapag nakangiti siya
para siyang anghel.
Hindi na ako nakatiis. "Okay ka lang ba, Keila?" Nag aalala kong tanong.
"Oo, okay lang ako." Walang gana niyang sagot.
Sinungaling.
"Wag kang magkunwaring hindi nasasaktan. Niloko ka na nga niya lolokohin mo pa rin
ang sarili mo? Ganyan ka ba talaga kamartyr para magpaloko ng paulit-ulit? Umiyak
ka kung gusto mo. Mas madaling tanggalin ang luha kapag naging muta."
Sa sinabi kong yon, hinayaan na niya ang sarili niya na umiyak. Pinagmasdan ko lang
siya na ilabas niya yong sama ng loob niya. Wala na kaming pakialam pa kahit
pagtinginan kami ng mga tao dito sa loob.
"Tanggap ko na, tanggap ko ng hindi na magiging kami pa at wala na talaga pero
hindi ko lang maiwasan na masaktan kapag naiisip kong nagpakatanga ako ng ganito
sakanya. I'm so stupid." Pinunasan niya agad yong mga luha niya at sumubo agad siya
ng ice cream. Para siyang bata. "Ang tanga tanga ko kasi eh."
"Lahat naman tayo nagpapakatanga kapag nagmamahal eh, gago lang talaga yung mga
nansasamantala sa pagmamahal natin." Seryoso kong sabi. "Kung tanggap mo na ang
lahat, it's time for you to move forward."
Ngumiti ako at tumabi ako sakanya. Nilabas ko ang phone ko at itinapat ko agad yon
samin. "Selfie tayo, smile!"
"Kean!" Sigaw niya.
Natawa agad ako nang makita ko ang mukha niya. Ako naka smile habang siya
nakasimangot at may ice cream pa sa labi niya.
"Pang wallpaper ko to." Pang aasar ko.
"Wag nga! Ang bully mo! Alam mo ng heart broken na yong tao eh!" Angal niya.
Ginulo ko yong buhok niya at hinila ko siya palabas. "Punta tayo sa bahay namin."
Sambit ko.
"Delete mo muna yong picture!" Pagmamaktol niya. "Kasi naman eh!"
"Sige sumama ka muna sakin."
"Ayoko nga baka pagsamantalahan mo pa ako don." Natawa na lang ako sa sinabi niya.
Seriously? "Delete mo na kasi."
"Ano naman makukuha ko sayo aber? Hindi ka naman sexy. Mas mag kakainteres pa ako
kay Krystal." Sa pag banggit ko pa lang ng pangala ni Krystal, uminit na agad ang
ulo niya. "I'm just kidding."
"Tse! Mag sama kayo ng babaeng yon! Lahat na lang inaagaw niya sakin. Go away!"
Naglakad siya palayo sakin kaya hinabol ko agad siya. "What now?!"
Hindi ako nagsalita. Niyakap ko lang siya. Ayoko siyang nakikitang nagagalit sakin.
"Anong ginagawa mo ha, Kean?"
"Sabi ng nanay ko, kapag malungkot o galit daw ang isang tao, yakapin mo siya para
kumalma siya." Niyakap ko siya ng mas mahigpit. "Kung kaya lang sanang kunin ng
yakap ko lahat ng sakit na nararamdaman mo, sana masaya ka na ngayon."
Tumahimik siya pero alam kong umiiyak na naman siya dahil sa pagkabasa ng damit ko.
"Sana ikaw na lang yong minahal ko. Sana ikaw na lang para hindi ako nasasaktan ng
ganito." Mas humigpit ang yakap niya sa akin. "Ang palpak naman kasi ni kupido eh,
papanain ka na nga lang sa taong sasaktan ka pa."
"Eh di tanggalin mo yong pana tapos panain mo yong taong kaya kang mahalin ng buo,
yong taong hindi ka kayang saktan."
"Sana ganon kadali.." Humarap siya sakin pagkatapos pinunasan niya yong mga luha sa
mata niya. "Tara punta na tayo sa bahay niyo?"
"Sigurado ka ba? Iuuwi na lang kita sa inyo." Nag aalala kong sabi.
"Mas gusto pa kitang kasama, pakiramdam ko kasi mas kumakalma ako kapag nasa tabi
kita." Nakangiti na niyang sabi. "Ano, mukha pa din ba akong ewan?"
"Mas maayos na."
Inalalayan ko siyang sumakay sa motor ko. Dinama ko ulit yong hangin na tumatama sa
mukha ko. Masaya akong marinig na gusto niyang nasa tabi niya ako. Alam ko onti
onti, makakalimutan na din niya si Dwayne at makakayanan na niyang magmahal ulit.
"Magiging maayos din ang lahat, Keila. Kapag nangyari yon, hindi mo na ako
kailangan pa sa tabi mo." Bulong ko sa sarili ko. "Sana.. Sana ako na lang talaga
ang minahal mo."
"Ano yon?!"
"Wala! Sabi ko kumapit kang mabuti sakin dahil ayokong mahulog ka! Kung pwede nga
lang sakin na lang.."
Nilapag ni Keila yong ulo niya sa likod ko at niyakap niya ako ng mahigpit.
"Salamat Kean.."
Napangiti ako.
Salamat din Keila dahil hinayaan mo akong manatili sa tabi mo kahit na ngayon
lang.. Para sa akin sapat na yon.

Chapter 16: Step two

Keila's point of view.

Nasa second floor ang bahay nila Kean at may malaking veranda kang madadaan bago ka
makapasok sa mismong bahay nila. Parang bahay sa mga koreanovelang napapanuod ko.
Ang daming bulaklak sa veranda nila lalo na ang mga orchids. Ang dami ding
christmas lights dito. Ang sarap nila tignan. Parang ang sarap tumira dito.
"Mahilig talaga kayo sa bulaklak?" Tanong ko. "Ang gaganda nila."
"Hardinero kasi si Tatay kaya ganito ang bahay namin." Nakangiti niyang sabi sakin.
"Hailey! Tatay! Nandito na po ako!" Sigaw niya.
Nagulat ako ng biglang bumukas ang pintuan ng bahay nila at may batang babae na
dali daling pumunta sa harap ko. Kamukhang kamukha siya ni Kean. Nakatingin lang
siya sakin. "Ate? Kanina nandito ka lang ha kasama mo si Kuya Kean at Kuya Pogi?
Bumalik ka ulit?" Tanong niya. Nagtaka ako sa sinabi niya kaya tinignan ko si Kean.
"Hailey," sabi niya sabay hila sakanya. "Hindi siya yon. Siya nga pala si Ate
Keila, ang ganda noh?" Nakangisi niyang sabi. Hindi ko maiwasan na mailang.
Nakakahiya kasi. "Keila, nakababata kong kapatid si Hailey."
"Akala ko.." Sagot niya pero hindi na niya tinuloy ang sasabihin niya. "Pero alam
mo Ate Keila? Mas maganda ka sakanya. Pwede ba tayong maging mag kaibigan?" Tanong
niya at inabot niya sakin ang kamay niya.
Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin sa mga una niyang sinabi pero inabot
ko na lang din ang kamay ko. "Oo pwedeng pwede, Hailey."
"Talaga? Yehey!" Tumalon talon siya at niyakap niya ako. "Friends na tayo ha? Ate."
"Hailey, wag mong guluhin ang bisita ng Kuya mo." Singit ng isang lalaki na kung
hindi ako nagkakamali, tatay siya ni Kean. "Good evening Ija, ako pala si Kendrick,
ang tatay ni Kean. Kumain ka na ba? Gusto mo bang kumain muna samin?"
"Wag na po nakakahiya naman."
"Masarap ang ulam namin, sige ikaw din. Isa pa, si Kean ang nagluto niyan." Sabi
niya.
"Oo nga Ate ganda, kapag si Kuya Kean ang nagluto siguradong masarap. Kain ka na!"
Pagpipilit ni Hailey. Tatanggi na sana ako kaso saktong nakaramdam ako ng gutom.
"Okay sige." Sagot ko.
Masaya akong hinila ni Hailey sa loob ng bahay nila. Maganda sa loob at punong puno
ng family pictures nila. Madami ding bulaklak kahit sa loob. Sa gilid ng bahay nila
bago makapunta sa kusina, may nakita akong mga gamot. Parehong gamot na nakita kong
ginagamit ng tatay ni Jenelle dati. Kanino kaya yon?
Pagdating namin sa kusina, ang daming pagkain na nakahain. Mukha pa siyang masarap.
Si Kean talaga ang nagluto nito?
Umupo ako at kumuha ng pagkain. Nagulat ako kasi masarap talaga ang luto ni Kean.
Halos maubos ko na ang pagkain. Nakatingin lang sila sakin habang kumakain ako.
Nakakahiya nga eh.
"Ate ganda, girlfriend ka po ba ni kuya?" Tanong ni Hailey. "Bagay kayo."
Nagkatinginan kaming dalawa ni Kean. Pareho kaming natawa. "Hailey, hindi ko siya
girlfriend." Sambit ni Kean.
"Hindi mo ba siya liligawan Kuya?" Tanong niya.
"May tamang panahon para don, Hailey." Nakangiting sabi ni Kean. "Mabuti pa matulog
ka na at gabi na."
"Sige na nga. Good night ate ganda!" Paalam niya. "Sana ikaw na lang ang girlfriend
ni Kuya para hindi na siya nasasaktan."
"Hailey, matulog na tayo. Halikana." Aya sakanya ni Tito Kendrick. "Keila, maiwan
na namin kayo ni Kean."
"Sige po, good night Hailey!" Sambit ko. Pumasok silang dalawa sa kwarto. Tinignan
ko ang lamesa at halos naubos na ang pagkain. Ang takaw ko. "Ako na ang maghuhugas
ng plato." Sambit ko. Nang kukunin ko na yong mga plato kinuha bigla ni Kean ang
kamay ko.
"Kapag nandito ka sa bahay, prinsesa ka kaya hindi mo pwedeng gawin yan. Tara duon
tayo sa labas?" Hindi na din ako nakapalag kasi hinila na niya ako palabas.
Umupo kami sa gilib ng veranda. Ang sarap siguro tumira dito. Kitang kita mo yong
mga bituin at ang lamig. "Sino pala yong sinasabi ni Hailey na galing dito kaninang
babae?" Tanong ko.
"Wala yon, wag mo na intindihin." Sagot niya. "Masarap ba yong luto ko?" Tanong
niya.
"Oo, masarap." Sagot ko. "Kean, alam mo tingin ko, nagawa ko na yong unang step na
sinabi mo. Natanggap ko na kasing wala na talagang kami ni Dwayne."
"Eh 'di maganda. Basta wag mong madaliin dahil ang pag momove-on, hindi minamadali
kasi ang lahat ng bagay na pilit, pangit ang kinakalabasan." Sagot niya. "Tandaan
mo lang na handa akong maghintay."
"Siguro masaya ako ngayon kung ikaw ang una kong minahal?" Tanong ko habang
nakatingin ako sa langit. "Kaso si kupido, kung saan saan ako pinapana." Natatawa
kong sabi.
"Kaya ka nagmahal ng taong sasaktan ka lang ay para matuto ka na hindi lahat ng tao
pwede mong mahalin pero hindi lahat deserving." Sambit niya habang nakatingin siya
sa mga mata ko. "May mga taong darating sa buhay natin para baguhin ka o darating
para baguhin mo sila."
Natigilan ako. Dumating ba si Dwayne sa bubay ko para baguhin ako o para baguhin ko
siya?
Tumayo si Kean at kinuha niya yong gitara niya. Nakatingin lang ako sakanya.
Pinatugtog niya yong gitara niya at kumanta siya.
(Now playing: Pansamantala - Callalily)
"Siya na ang mayaman
Siya na ang may auto, siya na
Siya na ang meron ng lahat
Ng bagay na wala ako
'Di mo man sabihin
Aking napapansin.."
Sa lahat ng mga narinig ko nang kumanta, kakaiba sa lahat si Kean dahil kapag
kumakanta siya alam mong galing sa puso yong bawat lyrics.
"Kapag nalagay ka sa alanganin
Heto na naman tayo.."
Tumingin na naman siya sa mga mata ko. Hindi ko alam kung bakit pero biglang
tumibok ang puso ko.
"Pansamantalang unan
Sa tuwing ika'y nahihirapan
Pansamantalang panyo
Sa tuwing ika'y nasasaktan.."
Natamaan ako sa mga lyrics na to. Kasi si Kean naman talaga yong nagiging sandalan
ko tuwing nasasaktan ako. Kaya ba niya kinanta to sakin?
"Bakit ba sa akin na lang
Palagi ang takbo
Sa tuwing kayo ay may away
Ako ang lagi mong karamay
'Di naman tayo, hindi
'Di ba't hindi.."
Itinigil niya ang pagkanta niya. Inilapag niya ang gitara niya at hinawakan niya
ang kamay ko. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko.
"Keila, kapag nakapag move-on ka na kay Dwayne, magiging masaya na ako at kahit na
hanggang maging kaibigan mo na lang ako okay lang. Basta palagi mong tandaan na
nandito lang ako sa tabi mo." Seryoso niyang sabi.
"Sino bang hindi mahuhulog sa isang katulad mo Kean?" Tanong ko. "Pero sabi mo nga,
may tamang panahon ang lahat ng bagay kaya baka dumating ang araw na mahulog din
ako sayo. Ngayon ayoko lang na maging unfair sa susunod kong mamahalin, gusto ko
munang masabi na wala na talaga akong nararamdaman kay Dwyane."
"Alam mo ba.. habang tumatagal.. lalo akong nahuhulog sayo.." Sambit niya.
Nagkatinginan kaming dalawa. Hanggang ngayon ang lakas pa din ng tibok ng puso ko.
Unti unting naglalapit ang mukha namin. Sandali akong napapikit dahil akala ko
hahalikan ako ni Kean. Oo hinalikan niya ako sa noo ko. "Gabi na, iuuwi na kita."
Sambit niya.
"Sige, ipagpaalam mo na lang ako sa tatay mo ha."
Habang pababa kami naisip ko bigla si Jenelle. Oh my. Baka mamaya hinahanap niya na
ako. Tinignan ko agad ang cellphone ko at ang dami ngang text ni Jenelle sakin.
"Kean, pwede ba tayong dumaan sa bahay nila Jenelle bago mo ako i uwi?" Tumingin
siya sandali sa akin. "Kailanga ko siyang makausap. Umalis kasi ako sa birthday
niya baka magalit siya sakin eh. Okay lang ba?" Tumango siya.
Bago kami makasakay sa motor niya may napansin akong sticker sa motor niya. Sticker
ng ibat iba niyang aliens ni Ben Ten. Natawa ako bigla.
"Aliens ni Ben Ten? So confirmed? Alien ka nga?" Pang-aasar ko.
"Pwede ba? Wag mo akong asarin." Sambit niya habang nakanguso siya. Para siyang
bata. "Mahilig ako sa alien. Eh ano naman? Ang cool nila eh."
"Simula ngayon, alien na itatawag ko sayo." Natatawa kong sabi. "Alien!"
"Whatever, babe." Masungit niyang sabi. "Tara na nga."
Inalalayan niya ako sa pagsakay sa motor niya. Natatakot akong sumakay sa motor
pero kapag nakasakay ako sa motor ni Kean, nawawala yong takot ko. Pakiramdam ko,
komportable na ako sa tabi ni Kean.
"Dito lang ako, bumalik ka na lang kapag nakapag usap na kayo." Sambit niya pag
dating namin don.
Pumasok ako sa loob. Pinagbuksan ako ng yaya ni Jenelle. Nasa taas pa daw siya at
naliligo kaya naghintay ako sa sala nila.
"Keila?"
Napatayo ako sa kinakaupan ko at nakita ko si Dwayne. Lumapit agad siya sakin.
Natigilan ako. Napatingin lang ako sakanya at ganon din siya sakin.
May kakaiba.
"Anong ginagawa mo dito?"
Hindi ko siya sinagot. May kakaiba talaga.
"Keila? Nakikinig ka ba sakin?"
Wala na. Wala na yong mabilis na pagtibok ng puso ko na nararamdaman ko tuwing
malapit sa akin si Dwayne. Anong nangyayari? Bakit wala na? Wala na akong ibang
maramdaman.
"Keila?"
"Si Jenelle ang pinunta ko dito." Sagot ko. "Walang balak guluhin ka."
"Okay." Tipid niyang sagot. Tumaliko siya sakin at kinuha niya ang cellphone niya.
"Hello, babe?"
Hindi ko na pinansin kung kausap niya si Krystal. Ang nasa isip ko na lang ngayon
yong kakaiba kong naramdaman. Usually, bumibilis ang tibok ng puso ko kapag malapit
siya sakin pero ngayon wala na.
Kinuha ko sa bulsa ko ang papel na binigay sakin ni Kean. Palagi ko siyang dala
dala para maipasok ko sa isip ko na kailangan mong mag move-on.
2. Hindi na bumubilis ang tibok ng puso mo kapag malapit na siya sayo.
Naisip ko tuloy yong sinabi sakin ni Kean, na may tamang panahon para sa mga bagay
at ang mga bagay na pilit ay hindi maganda. Sa puntong to, kusa ko siyang naramdam.
Hindi ko siya pinilit kaya siguro mas magaan sa pakiramdam.
"Besty?" Tawag ni Jenelle. "Anong nangyari, bakit bigla kang nawala kanina?
Hinahanap kita eh."
"Sorry Jenelle. Sorry talaga. Babawi na lang ako sayo." Sambit ko. "May nangyari
kasi kanina kaya umalis ako."
"Dahil ba kay Kuya Dwayne?" Tanong niya. Tumango ako. "Ugh, sorry kung nandon si
Krystal, hindi naman siya invited eh pero nag gate crash siya. Sorry."
"Ako dapat ang mag sorry kasi dapat hindi ako umalis. Wag ka mag alala, okay na
ako." Sambit ko.
"Sinong naghatid sayo dito?" Tanong niya.
"Si Kean."
"Wah! Talaga? Magkasama kayo? Bakit bigla akong kinilig?" Masaya niyang sabi.
"Kapag kailangan mo talaga ng tulong o kapag malungkot ka palaging nandyan si Kean.
Siya talaga yong superman mo."
"Hindi siya si superman, alien daw siya ni Ben Ten." Natatawa kong bulong sa sarili
ko.
"Im happy to see you like this, besty." Sambit niya.
"Like what?"
"You're so much better now. Somewhat I know nakapag move-on ka na. Alam ko na
malaki ang naging part ni Kean sa pag momove-on mo. That's why Iike him for you."
"Oo dahil nga kay Kean. Kaya ang laki ng utang na loob ko sakanya. Sana nga
masuklian ko din lahat ng ginagawa niya sakin."
"I know you will."
"Jenelle!" Tawag ni Dwayne. "Matulog ka na. Gabi na." Lumapit siya samin. "Keila,
umuwi ka na. Ipapahatid na lang kita sa driver namin."
"Hindi na, si Kean na ang maghahatid sakin." Sagot ko. "Sige besty, see you
tomorrow. Happy birthday ulit." Niyakap ko si Jenelle at lumabas na agad ako ng
bahay nila.
"Okay na?" Tanong ni Kean. Tumango ako at sumakay sa motor niya. "Nakapag usap ba
kayo ni Jenelle?"
"Kean, alam mo nagawa ko na yong second step." Sambit ko.
"Ano?"
"Wala sabi ko gwapo ka sana kaso alien ka ni Ben ten." Natatawa kong sabi.
"Whatever, babe."
Habang papalayo kami sa bahay nila Jenelle. Napatingin ako sa side mirror ng motor
ni Kean at nagulat ako ng makita ko si Dwayne na nakatingin sa amin habang nakatayo
siya gate nila.
"Hintayin mo lang Dwayne, malapit na kitang makalimutan at sa araw na yon,
mabubuksan ko na ang puso ko kay Kean."

Chapter 17: Ex best friend

Dwayne's point of view


(Now playing: Love is not over - BTS)

"Tell me, kasama mo ba siya ngayon?" Tanong ko sakanya habang kausap ko siya sa
phone. "Answer me, Trevor." Sinara ko ang kamay ko sa inis. Why cant he just
fvcking tell me if he's with her?
"Yeah, I'm with her--"
"Where are you?!" Sigaw ko. "I need to talk to her!" Hindi ko na ma-kontrol ang
sarili ko.
"Paano ang birthday ni Jenelle? She's waiting for you. C'mon Dwayne. Mas uunahin mo
pa ba siya kaysa sa kapatid mo?"
"Isang taon. Isang taon kong hinintay na makausap ulit siya. Trevor, bakit mo
pinagkakait sakin to? Alam mo naman kung gaano ako nasasaktan 'di ba? hanggang
ngayon." Pinikit ko ang mata ko at hinayaan ko na tumulo ang luha sa mata ko. All
the fvcking pain she left me was still here. "Please.. I'm begging you."
"Dwayne.. nandito kami sa bahay nila Kean."
Natigilan ako. Natatawa ako habang umiiyak ako. Mukha akong tanga. So after this
years, mahal pa din niya si Kean? Sa loob ng isang tao, si Kean pa din yong gusto
niyang makita at makasama? Ano bang meron sa gagong yon at nagawa niya akong
ipagpalit sakanya?
"I'll be there.."
Tinapos ko agad ang usapan namin at nagmadali akong pumunta sa kotse ko. Hindi ko
alam kung mapapatawad ako ni Jenelle sa gagawin ko pero kailangan ko talaga siyang
makausap.
Nag park ako sa malapit sa bahay nila Kean. Gabi na kaya wala nang masyadong tao sa
eskinita nila kaya kitang kita ko siya na kasama si Trevor at nakasandal sa poste
sa tabi ng bahay nila Kean.
Bumaba ako ng kotse at naglakad ako papalapit sakanilang dalawa.
Sa malayo pa lang kitang kita ko na ang maganda niyang mukha. Mas mahaba ang buhok
niya ngayon at kulay blonde. Mas gumanda siya pero alam ko siya pa din yong babaeng
minahal ko.
Huminto ako malapit sakanila.
Nanlaki ang mata niya ng makita niya ako. Para bang nakakita siya ng multo. Akala
ko sa puso niya lang ako pinatay, pati ba sa buhay niya pinatay na niya ako?
Wala pa man siyang sinasabi, nasasaktan na ako. Tignan pa lang niya ako na parang
wala na lang ako sakanya, gusto ko ng maiyak.
"Dana.."
Pumunta ako sa harapan niya. Hinawakan ko ang mukha niya. Nakatingin lang siya
sakin.
"I miss you so damn much.."
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap ko siya ng sobrang higpit. Isang
taon ko siyang hindi nakita. Isang taon ng paghihirap. Gusto ko siyang kausapin,
gusto kong humingi ng second chance o kahit na closure sa relasyon namin dati pero
pinagkait niya sakin yon. Pumunta siya ng Amerika ng hindi niya man lang sinasabi
sakin. Naiwan akong luhaan at nasasaktan.
"Dwayne.. Hanggang ngayon pa din ba, hindi mo matanggap na wala na tayo?" Tanong
niya at tinulak niya ako palayo pero hindi hindi ko siya hinayaang makaalis. Mas
lalo ko lang siyang niyakap. "Please stop this.. I don't want to hurt you anymore."
"Do you know how many times you've hurt me? My fingers aren't enough to count it
but I'm still here waiting for you to come back."
Tinulak niya ako pero ayoko pa din kumawala. "Dwayne bitawan mo ako!"
"Dana please give me a second chance.. I can still make it right. I will give you
everything. Just please.."
"Tapos na tayo Dwayne. Wala na tayo. Si Kean pa din ang mahal ko hanggang ngayon."
"You're kidding me!" Sigaw ko.
"No!"
"Dwayne! Let go of me!" Sigaw niya. "Dwayne please!"
Pumagitna sa amin si Trevor. "Dwayne, that's enough."
Hindi ko na napigilan yong mga luha ko. I've waited for a year just to talk to her
again, to ask for a second chance but this is all I got? What the hell!
"I'm here for Kean, so please just leave." Sambit pa niya. I can't stop crying.
"Kay Kean? Dahil pa din ba kay Kean? T*ngina Dana, isang taon na si Kean pa din
yong dahilan ng lahat!" Pinahid ko ang mga luha sa mata ko. Hindi dapat ako
umiiyak. Hindi ako ganito pero t*ngina. Ang sakit sakit. "Ano bang meron sa Kean na
yan na wala ako ha?!"
"Dwayne, just move-on! Isang taon na eh, ang tagal na panahon na pero bakit hindi
mo pa din magawang kalimutan ako? Wag mo ng pahirapan ang sarili mo."
Tumayo ako at lumapit ako sakanya. Hinawakan ko ang kamay niya at tumingin ako
diretso sa mata niya.
"Isang taon na pero ikaw pa din tong mahal ko. Akala mo ba madali kang kalimutan?
Akala mo ba ganon ganon na lang yon? Kung kaya lang kitang kalimutan ginawa ko na
dati pa pero hindi eh! Mahal pa din kita Dana."
"But I don't love you now.." Sagot niya. "Si Kean.. Siya yong mahal ko."
Sinara ko ang kamao ko. Umakyat ako sa bahay nila Kean.
"Kean lumabas ka dyan! Gago ka!" Sigaw ko. Sumunod sila Dana at Trevor sakin para
awatin ako pero hindi ako nagpapigil. "Kean!"
Bumukas ang pinto nila at lumabas si Kean. Pagbukas niya ng gate, tinulak ko siya
papasok tska ko siya pinagsusuntok.
"Ikaw yong may dahilan ng lahat ng to eh!" Hindi ako tumitigil sa pagsuntok sakanya
kahit na inaawat na nila ako. "Traydor kang hayop ka! Mas pinili pa naman kita
kaysa kay Cloud pero ito lang yong igaganti mo sakin?! Inahas mo yong girlfriend
kong gago ka!"
"Anong pinagsasabi mo ha?!" Sigaw niya at sinuntok niya din ako pabalik. "Wala kang
alam kaya manahimik ka na lang!" Tinulak niya ako palayo.
Lalapit pa sana ako sakanya para suntukin ulit siya pero hawak hawak na ako ni
Trevor. "Let go of me! Let me break his face!"
"Dwayne stop it!" Sigaw ni Trevor. "No matter what you do, she doesn't love you
anymore!"
"Bullsh*t!" Sigaw ko.
"Tama na Dwayne, wag ka ng manggulo dito. Umalis ka na please." Sambit ni Dana.
"Hindi ako aalis dito hanggat hindi ko nababasag yong mukha niyang Kean na yan!"
Sigaw ko. Kumawala ako kay Trevor at lumapit ako kay Kean pero bago ko pa siya
masuntok, tinulak na ako ni Dana palayo.
"Gusto mo ba talagang malaman yong totoo?!" Sigaw niya. "Ayoko ng saktan ka pa
Dwayne kaya ayoko na sanang sabihin sayo ang totoo pero pinipilit mo ako!"
"Ano ba yong totoo?" Tanong ko.
"Dana wag na, tama na!" Pagpipigil ni Kean.
"Hindi, Kean. Kailangan niyang malaman ang totoo!"
"Just fvcking tell me!"
"Si Kean! Siya talaga 'yong gusto ko! Siya talaga yong mahal ko pero dahil best
friend ka niya at dahil mas mahalaga ka para sakanya, mas pinili niyang lumayo
sakin para sayo!"
Natigilan ako. Matagal bago nag proseso sa utak ko yong sinabi niya.
That hits me so hard. Napaupo ako sa kinakatayuan ko. My world literally stops. I
don't even know what to feel anymore.
"Nakiusap siya sakin na kalimutan ko na siya at sa halip bigyan kita ng chance.
Dahil mahal ko siya, ginawa ko yong gusto niya, ganon ko siya kamahal. Kinalimutan
ko siya kahit masakit at mahirap. Binigyan kita ng chance. Hindi ka mahirap
mahalin, Dwayne. Hindi ako nahirapan na gustuhin ka din pero hanggang duon na lang.
I almost loved you but I really can't fool myself. Si Kean talaga yong mahal ko
that's why I decided to break up with you because I don't want to hurt you anymore.
Bumalik ako kay Kean but he doesn't want to see me anymore that's why I left and
flew to US."
"Without even telling me?!" Sigaw ko. "Umalis ka na lang ng wala ka man lang
sinasabing dahilan sakin?! Alam mo ba kung gaano kasakit iwan ng walang dahilan?
Ilang bwan akong nagdusa kakaisip kung ano bang nagawa ko para iwan mo ako, ano
bang pagkukulang ko kahit alam ko naman na binigay naman lahat sayo. Ilang bwan
akong nagpakatanga sayo! Ang tagal kong hinahanap yong dahilan pero p*ta*ngina, sa
ibang tao ko pa nalaman at malalaman kong dahil pa sa best friend ko!"
Hindi ko na naman naiwasan na maiyak. Pakiramdam ko ang hina hina ko ngayon.
"You know what's more painful than being abandoned? Knowing that you're not worth
an explanation." Sambit ko.
"Dwayne, akala ko kapag hindi ko sinabi sayo ang dahilan ko, kakamuhian mo ako at
akala ko kapag nangyari yon, madali mo na akong makakalimutan. Dwayne akala ko
kasi--"
"T*nginang akala yan! Hindi mo ba alam na madaming namamatay dyan?!"
"Dwayne I'm sorry." Sambit ni Dana. "I dont want to hurt you but I cant really love
you.." Nagsimula na siyang umiyak. "Alam mo kasalanan ko lahat ng to, akala ko kasi
magagawa din kitang mahalin pero hindi, all along niloloko ko lang pala yong sarili
ko kasi si Kean pa din yong mahal ko, yong gusto ko."
"Ano ba kasing meron siya na wala ako ha?" Lumapit ako kay Dana at hinawaka kong
muli yong mga kamay niya. "Sabihin mo sakin!"
"Dwayne nasasaktan ako!"
"Tell me!" Hindi ko siya pinansin. "Just fvcking tell me!" Sigaw ko pa.
"Tama na! Nasasaktan na si Dana!" Pag aawat samin ni Kean. "Tumigil ka na Dwayne!"
Hinarap ko si Kean at sinuntok ko siya. Dinaganan ko siya habang sinusuntok ko pa
din siya. "Alam mo yong masakit ha?! Sa lahat ng lalaki na mamahalin niya bakit
ikaw pa?! Para na kitang kapatid eh! Mas pinili ko yong pagkakaibigan natin kaysa
sa pagkakaibigan namin ni Cloud!"
"Dwayne, ayokong saktan ka!" Sigaw niya. Sinuntok ko pa din siya. "Umiwas ako kay
Dana dahil ayokong magkasira tayo!"
"Ang mas masakit sa lahat, yong nagawa mo pa din palang maging matalik na kaibigan
sakin hanggang sa huli."
Binitawan ko siya at tumayo ako. Bumukas ang pintuan at nakita kong lumabas si
Hailey.
"Kuya Kean?" Lumapit agad siya sa Kuya niya. "Anong nangyari sayo?"
"Wala to Hailey. Pumasok ka na sa loob."
Tinignan niya ako. "Kuya Pogi?"
Umiwas ako ng tingin sakanya. Sana hindi na lang niya nakita ang lahat. "I'm sorry
Hailey. Aalis na si Kuya Pogi."
Tumakbo ako pababa. Sumakay ako sa kotse ko at nag drive ako palayo. Hindi ko alam
kung saan ako pupunta pero ayoko munang pumunta sa party ni Jenelle dahil ayokong
makita niya ako na ganito.
Hindi ko pa din maiwasang maiyak.
Oo mapaglaro ako, oo ilang babae na ang nakasama at pinaiyak ko at oo gago ako pero
ang hindi nila alam, bago ako naging ganito nasaktan din ako ng sobra sobra.
Before this, I was fvcking broken..

Chapter 18: First step

Dwayne's point of view.

Hindi ko na alam kung saan ako pupunta. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin.
Napahawak na lang ako ng mahigpit sa manebela ng kotse ko. Wala na akong pakialam
kung mabangga man ako. Ang alam ko lang, nasasaktan ako ngayon.
Naisip kong pumunta sa Padis. Kailangan kong uminom para mawala kahit papaano yong
sakit na nararamdaman ko ngayon. Kailangan kong makalimutan ang nangyari kanina
dahil sa tuwing maaalala ko yon, nasasaktan lang ako.
Pumasok ako sa loob at pumunta ako sa counter para umorder ng isang bucket ng beer.
Kailangan ko pang pumunta sa birthday ni Jenelle kaya hindi dapat ako masyadong
magpakalasing. Ayokong madisappoint ang baby sister ko.
"Isang bucket ng san mig." binigayn ko siya ng isang libo.
"Sir, may one hundred po ba kayo?" tanong ng babae sa counter.
"Buo na yong binigay ko sayo 'di ba? buong buo na pero bakit kulang pa din?" inis
kong sabi. "Saan ba ako nag kulang ha? Binigay ko naman lahat sayo ah?"
Pati ba naman dito, naiisip ko si Dana.
Literal na napanganga yong babae sa counter. Nakatingin lang siya sakin at hindi
niya alam kung anong sasabihin niya. "Sir.. ka-kasi po, wala akong barya. So-sorry
po."
Napabuntong hininga na lang ako. Kinuha ko ang alak ko. "Keep the change." Agad
agad akong umalis at naghanap ng table sa labas.
Sinimulan ko ng uminom. Unti unti, kahit papaano ay nawawala ang sakit pero
bumabalik balik pa din siya sa tuwing maaalala ko ang mukha ni Dana na kasama si
Kean. Sa lahat ba naman kasi ng lalaki na mamahalin niya, bakit best friend ko pa?
Doble lang yong sakit na naramdaman ko.
Napatingin ako sa stage at nagulat ako ng makita ko si Cloud kasama ang banda niya.
Hindi pala talaga siya pumunta sa birthday ni Jenelle. Pinagmasdan ko lang siya
habang umiinom ako. Naalala ko yong banda namin dati, masaya kami at halos kapatid
na ang turing namin sa isa't isa lalo na kaming tatlo ni Kean at ni Cloud.
Nagsimula lang masira ang lahat ng yon ng mas pinili ni Fiona si Kean kay Cloud.
Akala niya inahas siya ni Kean. Tinutulungan kasi ni Kean si Cloud sa panliligaw
kay Fiona pero ayon pala si Kean talaga ang gusto ni Fiona. Umalis si Cloud sa
banda at kinalimutan niya na ang pagkakaibigan nila ni Kean. Bumuo siya ng sarili
niyang banda at sinama niya ako don pero mas gusto kong manatili sa banda namin.
Duon niya na din ako pinapili kung sino sakanila ni Kean ang pipiliin ko. Hindi
niya daw kasi kayang makasama pa si Kean. Dahil mas malapit ako kay Kean, mas
pinili ko siya kaysa kay Cloud. Simula nuon, hindi na niya ako tinuring na
kaibigan. Pathetic.
Oo, pathetic kasi nangyari din siya sakin.
Inubos ko ang natitirang bote ng alak at tska ako pumunta sa kotse ko. Nag drive na
ako papunta sa debut ni Jenelle. Hindi pwedeng hindi ako pumunta don.
Pagtingin ko ng phone ko, bumunga sakin ang mga texts ni Krystal. I almost forgot
her. Pumasok ako sa loob ng venue at hinanap ko agad yong table namin ni Krystal.
Ayoko munang puntahan sila Tatay dahil malalagot ako don kasi late ako.
Sa likod ni Krystal nakaupo si Keila. Nagkatinginan kaming dalawa pero hindi ako
nagpakita ng ano mang emosyon.
I shouldn't be.
"Baby sorry I'm late." Bati ko kay Krystal. Buti na lang pala dito umupo si Krystal
malapit kay Keila. "How was the party?" Tanong ko pagkatapos inakbayan ko siya.
Nilingon ko si Keila pero nakatalikod lang siya sa amin. Nag salita na yong emcee
tapos tinawag niya yong 18 candles.
Isa isa silang pumunta sa harap para kay Jenelle. Tumayo si Keila mula sa likod
namin papunta sa stage.
Sa totoo lang kamukhang kamukha ni Keila si Dana pero may pagkakaiba pa din
sakanila. At si Keila.. napaka amo niya.
I'm hating myself again for hurting her.
"Jenelle, thank you for being my best friend and my sister. Thank you for always
being there for me and for understanding my bitchy attitude. I love you and I will
always be here for you." Lumapit siya kay Jenelle para ibigay yong regalo niya.
Umiyak si Jenelle pero pinunasan naman agad ni Keila yong mga luha sa mata niya. I
honestly salute their friendship. Kung may gugustuhin man akong best friend para sa
baby sister ko, si Keila na yon.
Pagkatapos ng 18 candles, tinawag naman kami para sa 18 roses. Tumayo ako sa table
ko at pumunta ako sa gilid. Tinignan ako ni Mommy at sa mata pa lang niya, alam
kong kakausapin niya ako mamaya kung bakit ako late.
Nang nag sayaw na si Marion at Jenelle, hindi ko maiwasan na mapatingin sakanila. I
know Marion likes my baby sister. Wala naman akong problema don eh but I know,
Jenelle likes someone else and if I'm not mistaken, si Cloud ang gusto niya. Too
bad, He will never like Jenelle.
Turn ko na para isayaw si Jenelle. Lumapit agad ako sakanya pagkatapos binigay ko
ang 17th rose niya. Ang ganda niya ngayon. Palagi ko man siyang inaasar na mukha
siyang siopao, ang totoo naglalambing lang ako sakanya. Mas sanay kasi akong
maglambing na inaasar siya.
"Happy birthday, baby sister." Bati ko sakanya habang nagsasayaw kami.
"Kuya! Hindi na ako baby." Protesta niya. "Malaki na kaya ako!" Pagmamaktol pa
niya.
"Para sakin baby ka pa din, siopao." Natatawa kong sabi. "Hindi ka na bola-bola
ngayon kasi pumayat ka na konti kaya asado ka na."
"Kuya naman, hanggang birthday ko ba naman aasarin mo pa din ako?"
"Naglalambing lang si Kuya." Sambit ko. "Tumatanda ka na kasi baka pag gising ko
isang araw, may boyfriend ka na tapos hindi na kita maaasar pero syempre dadaan
muna samin ni tatay yang boyfriend mo."
Niyakap niya ako. "Thank you Kuya Dwayne. Mahal mo talaga ako. Thank you kasi kahit
bad boy ka, sweet ka pa din sakin."
"Mahal ko kayo nila Tatay at Mommy, tandaan mo yan. Happy birthday ulit." Ngumiti
ako sakanya pagkatapos inabot ko ang kamay niya kay Tatay.
Masasabi ko na daddy's girl si Jenelle. Sobrang protective kasi sakanya ni Tatay at
mas nagkakasundo sila sa mga bagay lalo na sa mga pusa. Ako naman mommy's boy,
siguro dahil spoiled ako kay mommy.
Kumain kami pagkatapos nag bukas yong dance floor. Inaaya ako ni Krystal na sumayaw
pero tinatamad ako. Wala siguro ako sa mood.
"How does it feel to use your drum again?" Biglang tanong ni Krystal.
Napatingin ako sakanya. Hindi ko alam kung dahil ba sa ilaw o ano pero naging
kamukha niya sa mga panahon na yon si Dana.
"It feels good. Just like how good I feel when I'm with you, baby." Sambit ko.
Lumapit ako sakanya at hinalikan ko siya. But I felt something wrong. Ibang labi
ang hinahalikan ko. Hindi siya si Dana. Lumayo agad ako kay Krystal. Ano na naman
bang ginagawa ko?
"Keila!" Sigaw ni Jenelle.
Napalingon ako sa likod ko at nakita ko si Keila na umiiyak. Tumayo siya at tumakbo
palayo. Nakita ba niyang hinalikan ko si Krystal? Kaya ba siya umiyak dahil don?
Shit. What have I done?
"Rest room lang ako." Paalam ko kay Krystal.
Tumayo ako at sinundan ko si Keila. Pumunta siya sa fire exit. Binuksan ko ang
pinto at tumayo ako sa harapan niya habang nakaupo siya. Gulat na gulat siya ng
makita niya ako.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya.
Oo nga, bakit nga ba ako nandito? Bakit ko nga ba siya sinundan?
"I should be the one asking that. What are you doing here? My sister is looking for
you." Sambit ko na lang.
"I just want to be alone." Sagot niya. Ramdam ko yong lungkot sa boses niya. I
can't help care.
"Why?" Tanong ko habang nakasandal ako sa pader at nakatingin ako sakanya.
"Don't ask as if you care about me." Naiinis niyang sabi.
"Is it because of me? I thought you're over me. You already had that guy, Kean."
Tumayo siya at hinarap niya ako. "I'm with Krystal and you're just hurting
yourself." Tinignan ko siya sa mga mata niya.
Just forget about me. Ayokong masaktan ka pa ng paulit ulit dahil sakin. Ayokong
maramdaman mo yong sakit na naramdaman ko.
"Wag ka mag alala, ngayon tanggap ko na. Tanggap ko ng tapos na tayo at wala ng
pag-asa na magkabalikan pa tayo. After what I saw and realized tonight, I'm done."
Hindi na niya ako pinagsalita at tumakbo na siya palayo. Sinundan ko siya hanggang
sa labas. Nakita ko siyang umiiyak na nakaupo sa may bench. Balak ko siyang lapitan
pero nakita ko si Kean na lumapit sakanya.
Anong ginagawa niya dito? Hindi ba dapat kasama niya si Dana?
Hinila niya ni Kean si Keila at niyakap niya ito. For some reason, nasaktan ako.
Tumalikod agad ako at umalis. Bumalik ako sa fire exit at duon ako umupo.
Alam ko sa sarili ko na nasaktan ako ng makita kong niyakap ni Kean si Keila pero
bakit? I know kinda I like her pero si Dana pa din naman talaga yong mahal ko eh
kaya bakit ako masasaktan?
Weird.
Or maybe I thought she was Dana.
Fvck.
Bakit niya ba ako hinahabol? She's always haunting me. Para bang umiikot na sakanya
ang mundo ko.
Sa lahat ng nangyari ngayon, hinayaan ko na lang yong sarili ko na umiyak. "Love
sucks." Bulong ko sa sarili ko.
"Ang ingay sa loo-- Dwayne?"
Ingat mo ang ulo ko at nakita ko si Mommy. Pinahid ko agad ang mga luha sa mata ko.
Aish. I dont want her to see me like this.
Umupo siya sa tabi ko. "Anong problema?"
"Nothing." Tipid kong sagot. Pinisil niya ang pisngi ko. "Mom, wala nga to."
"Wag ako ha Dwayne. Kilala kita at alam kong may problema ka." Sinubukan kong
ngumiti pero hindi ko pala kaya. "Okay lang naman na umiyak eh. Hindi yan ikakababa
ng pagkalalaki mo."
Lumapit ako sakanya at niyakap ko siya. "Mom, after all this years masakit na
makita ko ulit siya para lang ipamukha sakin na wala na talaga kami, na hindi na
niya ako mahal. Umasa pa ako pero umasa lang pala ako sa wala."
"Dwayne, tingin ko panahon na para tanggapin mong wala na talaga. Isang taon na din
eh."
"Ang hirap mom eh.. ang hirap." Sinandal niya yong ulo ko sa balikat niya. "Hindi
ko ata kayang tanggapin ng ganon ganon na lang."
"Kailangan mong tanggapin kasi wala ka ng magagawa. May mahal na siyang iba, ano pa
ba yong laban mo?" Hinawakan niya yong ulo ko na para bang pinapatahan niya ako.
"Move-on. May ibang tao na handa kang mahalin pero hindi mo yon nakikita."
"Alam ko naman mom eh. Si Keila yong best friend ni Jenelle, alam kong mamahalin
niya ako, alam kong hindi niya ako sasaktan pero kada titignan ko siya, naiisip ko
si Dana. Naiisip ko yong mga nangyari samin dati ni Dana na alam kong mali. I don't
want to be unfair to Keila, mom. Nagustuhan ko siya bilang siya pero my past is
still haunting me.. Natatakot ako na baka mas masaktan ko lang si Keila kung
ipagpapatuloy ko pa yong relasyon namin dati so I've decided to end it and to help
her moved on by making her realized that I'm not worth it.." Natawa na lang ako.
"Am I really worth it?"
"Akala kasi natin, isa sa mga pinakamasakit na bagay ang mawala ang tao na
minamahal mo. The truth is, the most painful thing is losing yourself in the
process of loving someone too much.. Forgetting that you are special too." Hinarap
ako ni Mom at tinignan niya ako. "Hindi ako nagpakahirap na ipagbuntis ka ng nine
months para saktan ka lang ng iba. Tandaan mo yan."
Niyakap ko ulit siya. She knows me so well. She knows what to say on the right
situation. She knows how to stop me from crying.
"Dwayne, wag kang bumalik sa nakaraan. Mabuhay ka ngayon para handa kang harapin
yong bukas. What's done is done. Ang pwede mo na lang gawin ngayon ay itama ang
pagkakamali mo. It's either you'll remain miserable or you will choos to be happy
for once."
Unti unti kong inuulit ang lahat ng mga sinabi ni Mom. It all makes sense.
Siguro ngayon, tanggap ko nang wala na talaga kami ni Dana at hindi na magiging
kami pa.
I guess I'm finally moving on.

Chapter 19: Unconsciously


Keila's point of view.
May kung sino ang pumalo sakin ng unan habang masarap akong natutulog sa kama ko.
Nagising ako at napaupo ako. Nakatayo si Cloud sa harap ko at nakatingin siya sakin
gamit yong masungit niyang mukha.
"Bakit?" tanong ko.
"Naghihintay na si Kean sayo sa baba." nanlaki ang mata ko.
Bumaba agad ako ng kama at pumunta ako sa banyo ko. "Paki sabi maliligo lang ako!"
"Okay." matipid na sagot ni Cloud.
Habang nagsasabon ako ng katawan ko, bigla na lang akong natigilan. Tama ba lahat
ng narinig at nakita ko? Ginising ako ni
Cloud dahil naghihintay na sakin sa baba si Kean? What? "Panaginip ba 'to?"
sinampal ko ang sarili ko pero nasaktan lang din ako. "Shocks, totoo nga. Hindi
siya nagalit? May sakit ba siya?" hindi pa din ako makapaniwala.
Binilisan ko ang pagligo at pagbibihis ko. Bumaba agad ako at hinanap ko si Cloud
pero sabi ni Mama, umalis na daw siya. Psh.
Kung kailan gusto ko siyang kausapin tska siya wala. Alam ba niyang tatanungin ko
siya tungkol kay Kean kaya umalis na lang siya bigla?
"Kumain ka muna anak." sambit ni Mama.
"Ma, sa school na po ako kakain. Sorry po, kailangan ko ng umalis nag hihintay na
sakin sa labas si Kean eh."
"Okay sige. Oo nga pala may gusto sana akong sabihin. Kasi mamaya--" naputol ang
sasabihin ni Mama kasi biglang may tumawag sakanya. "Hello? Oh, bakit?"
"Mama, mamaya na lang ha? Nagmamadali na ako eh. Bye! I love you!"
Hindi ko na hinintay ang sagot niya dahil mukhang importante yong tawag na yon.
Paglabas ko ng gate, nakangiti na agad sakin si Kean habang nakasandal siya sa
motor niya. "Good Morning babe." bati niya.
"Good morning, Alien." pang-aasar ko. "Ang aga mo ha?"
"Late ka lang talagang gumising, babe. Napuyat ka na naman noh? Palagi ka ba naman
kasing tumatakbo sa isip ko kahit tulog na ako eh." Sambit niya sabat tawa. I just
rolled my eyes on him. Ayan na naman siya sa mga banat niya pero I consciously
smiled for that.
What is he actually doing to me?
May alien ba si Ben Ten na marunong mang hypnotized? Wala naman 'di ba?
"Whatever, Alien."
Usual routine. Inalalayan niya akong sumakay sa motor niya habang ako nakakapit
sakanya. Habang papunta kami sa school, kanta ng kanta si Kean ng mga
kanta ng callaliy. Kahit nag di-drive siya, ang ganda pa din ng boses niya. Wala
atang babae ang hindi mai-in love sa boses niya.
"Okay na ba yong boses ko?" tanong niya.
Nagpapatawa ba siya? Okay na okay naman yong boses niya kahit hindi na siya
magtanong.
"Medyo sumasakit kasi yong lalamunan ko eh."
"Okay naman hindi halatang may problema ka sa throat, bakit tutugtog ba kayo mamaya
sa may Padis?" tanong ko.
"May audition kami mamaya para sa Music Laban. Kinakabahan nga ako eh baka hindi
kami matanggap mamaya sa audition." ramdam ko nga sa boses niya ang kaba.
Feeling ko mahalaga sakanya tong battle of the bands na 'to. "Punta ka ha? para may
pagkukuhanan ako ng lakad mamaya. Nawawala kasi lahat ng kaba ko kapag nandyan ka
eh."
"Saan ba gaganapin?" tanong ko.
"Sa bar sa may malate. Alam ko kasali din don sila Cloud kaya kung gusto mo sumabay
ka na sakanya. May practice kasi kami
mamaya eh kaya hindi kita masusundo."
"Sige pupunta ako." nakangiti kong sabi.
Dumating kami sa school at pagdating pa lang namin sa lobby, pinagtitinginan na
agad ng mga babae si Kean. Nanliliit tuloy ako
kapag kasama ko siya. Parang artista yong kasama ko. Maya maya bigla na lang
hinawakan ni Kean yong kamay ko. Nagulat ako kaya inalis ko din agad ang kamay niya
sa kamay ko. "Bakit mo hinawakan yong kamay ko?"
"Lumalayo ka na kasi sa tabi ko." sambit niya. Eh ano naman? Kailangan ba palagi
akong malapit sakanya? "Akin na nga yang bag mo." kinuha niya nga yong bag ko at
wala na akong nagawa.
Pagdating namin sa room, natigilan na naman yong mga classmates namin. "Wow ang
sweet naman, dala dala pa ni Kean yong bag ni Keila." comment ng isa naming
classmate.
"Love is in the air talaga oh!" sigaw pa ng tropa ni Dwayne.
"Ayieee!" pang-aasar ng buong class. "Keila and Kean, sitting on a tree, k-i-s-s-i-
n-g." Aba kinantahan pa nila kami.
Mga baliw.
Hindi ko na lang sila pinansin at dumiretso na ako sa upuan ko. Si Kean naman kasi
may padala dala pa ng bag ko. Ayan napag
didiskitahan tuloy kami ng mga classmate namin.
"Absent ata yong ex mo." bulong ni Kean.
Tumingin ako sa upuan niya pero pareho silang wala ni Krystal.
"Baka nag date sila ng girlfriend niya." sambit ko.
Tinignan ako ni Kean na para bang may nasabi akong mali. Meron
nga ba? Wala na naman ah?
"Mukhang hindi ka ata affected?" tanong ni Kean. Natigilan ako.
Oo nga noh, hindi ako affected pero bakit naman ako magiging apektado? Tanggap ko
na naman na silang dalawa na eh, tanggap ko ng wala na talaga kami at wala na din
naman masyadong epekto sakin si Dwayne. I can't help but to smile. This time I
know, I am really moving on.
Hindi na lang 'to basta basta isang salita, talagang nangyayari na siya and what's
good about it ay hindi siya pilit. Kusa ko na
lang siyang naramdaman. Tama si Kean, mas maganda kung hindi pinipilit ang isang
bagay.
Hinawakan bigla ni Kean ang kamay ko kaya napatingin ako sakanya, ang hindi ko alam
malapit na pala sa mukha ko ang mukha niya. Konting distansya na lang, mahahalikan
ko na siya.
Biglang tumibok ng mabilis yong puso ko.
Alam kong nag kiss na kami dati ni Kean pero hindi ko pa din maiwasan na maramdaman
'to sa tuwing magiging ganito siya kalapit sakin. This is the same feeling I have
before for Dwayne.
Anong ibig sabihin non?
"That was close." bulong ni Kean at dahil malapit lang ang mukha niya sa mukha ko,
naramdaman ko ang hininga niya, yong mabango niyang hininga. Lumayo siya sakin at
ngumit siya. "Okay ka lang
ba? Kanina pa kita tinatawag. Mukhang malalim yong iniisip mo."
"Ha?"
"Kumain ka na ba?" tanong niya.
Saktong pagkasabi niya, nakaramdam ako ng gutom. "Hindi pa."
"Kaya pala, kainin mo na lang mamaya yong baon ko. Masarap yon." sambit niya.
Nakangiti na naman siyang parang ewan.
Nag ring na yong bell. End of class. Ako pupunta sa gym para sa pratice namin, si
Kean pupunta sa studio para din mag practice.
"Aasahan kita mamaya." Seryoso niyang sabi. "Gusto kong makita mo ako, para sayo
yong kakantahin namin ng banda ko. Kaya kailangan nandon ka."
"Anong gagawin mo kapag hindi ako pumunta?" Pang-aasar ko.
"Magtatampo ako." Sambit niya. "Please come. I need you.. there."
"I'll be there." Sambit ko.
"Good. Kainin mo yong baon ko ha?"
Bago siya makaalis, hinila niya ako papalapit sakanya the he kissed me in the
forehead. I looked at him and he looked at me straight into my eyes. Slowly he said
this words to me using his deep and husky voice.
"I love you.."
Ngumit siya sakin, hinawakan niya yong labi niya pagkatapos nilapat niya yong kamay
niya sa labi ko. He then, indirectly kissed me. Dahan dahan siyang tumalikod sakin.
Hindi ako makagalaw kaya wala akong ibang nagawa kung hindi ang tingan ang likod
niyang unti unting naglalakad palayo sakin.
"Bakit hindi man lang niya hinintay yong sagot ko? Hindi ba siya interesado don?"
Bulong ko sa sarili ko.
Pumunta na lang ako sa gym. Nagulat ako ng makita ko don si Dwayne. Akala ko wala
siya ngayon dahil absent siya kanina. Lumapit ako sakanya.
"Gagawin na ba natin yong full steps?" Tanong ko. "Kumpleto mo na naman lahat 'di
ba?"
"Yes." Sagot niya.
"Anong oras ba dapat yong practice? Bakit wala pa sila dito? Paano tayo mag
sisimula nyan?" Tanong ko ulit.
Tinignan niya lang ako na wala man lang kahit anong emosyon. Hindi man lang niya
sinagot kahit isa sa tanong ko.
"May sakit ka ba?"
Hindi na naman niya ako sinagot pagkatapos tumalikod pa siya sakin. Ano 'to
bastusan? Nagtatanong ako ng maayos tapos hindi niya ako sasagutin?
Lumapit ako sakanya at hinarap ko siya sakin. "May problema ka ba?"
"Kung sabihin kong meron, may magagawa ka ba?" Sagot niya. Wow. Meron ba siya
ngayon? Ang sungit niya eh. "Wala ka din magagawa kaya pwede wag ka na magtanong."
Eh 'di wag na. Madali naman akong kausap eh. "Tama nga sila, galitin mo na ang
lasing at bagong gising, wag lang ang babaeng naka whisper with wings." Natatawa
kong bulong sa sarili ko. "Hindi naman siya babae pero kung mag sungit siya akala
mo babaeng may menstruation."
Umupo ako sa bench habang nakikinig ng mga kanta na gagamitin. Nakaramdam na talaga
ako ng gutom. Nilabas ko yong binigay sakin ni Kean na pagkain.
Shawarma. Amoy pa lang mukhang masarap na. Alam ko gutom ako pero dahil masarap
talaga siya kaya wala lang limang minuto naubos ko na siya. Masarap talagang
magluto si Kean
"Hey guys! Sorry we're late, kumain pa kami." Bungad samin ni Trevor kasama niya
yong buong group. "Are you done with the steps?" Tanong niya sakin.
"Hindi ko alam, itanong mo dyan kay Dwayne." Sagot ko.
"Yeah, I'm done with it. Pwede na nating i practice ng buo. Ano tara?" Masigla
niyang sabi.
Mood change? Biglang sumigla?
Nag start na kami sa practice. Buo na lahat ng steps namin at kailangan na lang
namin i practice yon. Tatlong linggo na lang bago ang semi finals. Saktong panahon
lang para ma master namin yong sasayawin namin pero hindi ko maiwasan na kabahan.
Matatangap kaya kami sa finals?
"That's for today. Bukas ulit, 3PM dito sa gym." Sambit ni Dwayne.
Umupo muna ako sa bench para magpahinga. Nakakapagod din yong tatlong oras na
practice.
"Hey buddy." Singit ni Trevor. Tinabihan niya ako. "Dwayne is avoiding you. What's
up?"
Tinignan ko si Dwayne habang nakaupo siya malayo samin at nagpapahinga.
"Iniiwasan niya ako? Akala ko kasi may sakit siya kaya lang siya nag susungit sakin
pero iniiwasan niya pala ako? Hindi ko napansin. At bakit naman niya ako iiwasan?"
"You really didn't notice? Halos lahat kami ramdam yong pag iwas ni Dwayne sayo
kanina sa practice. I thought nag away kayo."
Ang huling pag uusap namin ay sa birthday pa ni Jenelle. Nag away nga kami non pero
kinalimutan ko na yon. Isa pa, it's not enough reason para iwasan niya ako. Baka
dahil sa sinasabi niyang problema?
"May problema daw siya. Baka ayon yon." Sagot ko.
"But it is just you that he is avoiding."
Tinignan ko si Trevor. "Anong gusto mong sabihin?"
"Maybe you should talk to him. Maybe you're his problem." Natatawa niyang sabi.
Joke ba yon o seryoso? "Should I leave now?"
Pinigilan ko siya. "Trev, wag ngayon kailangan kong puntahan si Kean. Kailangan
niya ako ngayon. Sa ibang araw ko na lang kakausapin si Dwayne."
"So mas pinipili mo na ngayon si Kean kaysa kay Dwayne?"
"Ano ba dapat?" Tanong ko.
Napangiti siya. "Cheers for finally moving on, buddy. Go now, I'll talk to Dwayne."
Hindi na din ako nag paalam kay Dwayne. Susungitan lang naman niya ako eh.
Nagmadali akong bumalik sa bahay para mah shower at magpalit ng damit. Nag taxi na
lang ako dahil hindi ko din makita si Cloud. Iniiwasan talaga ako ng magaling kong
kakambal.
Bago ako makapasok sa gate, nag text sakin si Kean.
From: Kean
Babe, malapit na mag start. Pumunta ka ha? Our song is for you..
Pumasok ako sa loob at nagulat ako ng bumungad sa pinto si Mama. Mukhang seryoso
siya. "Ma, may problema ba?"
"Keila, kasi.."
"Mae, nandyan na ba siya?"
May lumapit samin na isang lalaki. Siya yong tito ni Trevor at ni Marion. Anong
ginagawa niya dito? Bakit may kakaiba akong pakiramdam?
"Keila." Sambit niya. Lumapit siya sakin at hinawakan niya yong mukha ko.
Nakaramdam ako ng kaba. "Ako 'to.. ang papa mo."
Kusa na lang tumulo ang mga luha ko. Siya yong papa ko? All this time hinahanap ko
siya pero malapit lang siya sakin.
"Anak, kanina ko pa gustong sabihin sayo tungkol sa pagpunta ng papa mo ngayon pero
umalis ka na agad." Sambit ni Mama.
I've waited for him for so long pero naisip ko na oo nga pala, may asawa at anak na
siya. Yong totoo niyang pamilya. Yong legal niyang pamilya.
"Bakit?" Tanong ko. "Bakit nandito ka pa? Hindi ba may pamilya ka na?"
"Keila, let me explain. I want to meet you. I want to say sorry for all the things
I've done. Please, anak."
Pinikit ko ang mata ko. Should I give him a chance? Paano na si Kean? Hinihintay
niya ako? But I've waited for this ever since. Ang tagal kong hinihtay na makilala
ang papa ko at matanong sakanya kung bakit naging ganito kami. Buong buhay ko
pakiramdam ko hindi ako kumpleto dahil sa hindi ko kilala ang Papa ko pero ngayon
nandito na siya sa harap ko.

I'm sorry Kean, sa ngayon mas importante sakin ang Papa ko.

Chapter 20: I choose

Keila's point of view

Nakaupo kaming tatlo ni Mama at ni Papa na magmakaharap. Hindi ko maiwasang titigan


si Papa dahil kamukhang kamukha ko siya. Hindi ko yon napansin dati nung nagkita
kami siguro dahil sandali ko lang siyang nakita nung pinakilala siya sakin ni
Trevor.
Magpinsan pala kami ni Trevor. Ang liit talaga ng mundo. Kaya pala kahit papaano
magaan yong loob ko sakanya dati pa.
"Keila.. masaya ako at nagkaharap na din tayo. Matagal ko ng hinintay yong
pagkakataon na to para makausap ka at para makilala mo ako." Bungad ni Papa. "Alam
ko naman na simula bata ka, hindi mo na ako nakilala pa."
"Mali kayo, matagal ko ng alam na na Travis ang pangalan ng Papa ko pero hindi ko
alam na 'yong tito Travis ni Trevor at kayo ay iisa. Ang liit nga naman talaga ng
mundo." Sagot ko. "Alam ko naman na anak lang kami sa labas ni Cloud pero ang hindi
ko maintindihan, bakit niyo nagawang mahalin si Mama kung may pamilya ka na? Bakit
ginawa mo siyang kabit?"
Napabuntong hininga na lang siya. "Mali ka Keila, hindi ko naging kabit ang Mama
mo."
"Ha? Anong ibig sabihin na hindi mo naging kabit si Mama? Ibig sabihin ba non kami
yong una mong pamilya? Naguguluhan na ako." Pareho ko silang tinignan. "Mama anong
ibig sabihin nito?"
"Keila sorry kung hindi ko nasabi pero.." Sagot niya pero pinutol ni Papa ang
sasabihin niya.
"Una kong naging girlfriend ang Mama mo bago ang naging asawa ko ngayon. Mahal na
mahal ko ang mama mo kahit na gago ako nuon. Siya lang yong minahal ko ng sobra.
Kaso malaman ng lolo mo ang lahat, at pinaghiwalay niya agad kami dahil mahirap
lang ang Mama mo nuon at may ibang babae ng gusto sila Dad para sa akin. Siguro nga
isa talaga akong malaking duwag at tanga dahil hindi ko nagawang ipaglaban ang Mama
mo. Sinunod ko si Dad kahit na mahal na mahal ko si Mae dahil natatakot ako na
itakwil nila ako. Natakot ako na tumayo mag isa sa sarili ko. Natatakot ako na
mawalan ako ng pamilya dahil anak lang din ako sa labas." Nadala na ako sa emosyon
ko kaya pinutol ko siya sa pagsasalita niya.
"Anak ka lang din pala sa labas kaya dapat alam mo na kung anong mararamdaman
namin, alam mo na dapat na masasaktan kami pero bakit mo pa din iniwan si Mama?
Bakit hindi mo siya nagawang ipaglaban? Hindi mo ba kami naisip na anak mo?"
Ayokong umiyak sa harap nila kaya lahat na ng paraan ginawa ko para lang hindi
tumulo ang luha ko. "Anong klase ka bang ama?"
"Keila, wag mong sisihin ang Papa mo." Singit ni Mama. "Ako ang may kasalanan ng
lahat. Tatlong linggo pagkatapos namin maghiwalay, nalaman ko na buntis pala ako sa
inyo ni Cloud, sasabihin ko sana sa Papa mo ang lahat pero huli na pala ako, nung
araw na nalaman kong buntis ako, yon din pala ang araw ng kasal nila ni Danica.
Wala na akong nagawa pa, tinago ko na lang lahat sa Papa mo dahil ayoko ng makagulo
pa sakanila. Hindi alam ng Papa mo na nagkaroon kami ng anak. Nalaman niya lang ang
tungkol sa inyo nung nag seven years old kayo dahil nakita niya tayo."
Ang hirap ipasok sa utak ko yong mga sinabi nila sakin. Masyado ata akong
overwhelmed sa mga nalaman ko. All along iba pala yong alam ko. Akala ko kasalanan
lahat ni Papa pero hindi pala pero hindi ko din naman masisi si Mama. Hindi ko na
alam kung saan pa ako maniniwala.
"Anak, wag mong sisisihin ang Mama mo. Kasalanan ko lahat ng 'to. Dapat nung una pa
lang hindi ko siya iniwan at pinaglaban ko siya. Dapat matagal na akong nagpakilala
sa inyo pero naunahan ako ng takot na baka masira naman ang pamilya ko at baka
ipagtabuyan niyo lang din ako kaya sa malayo ko na lang kayo tinatanaw. Alam kong
malaki akong tanga at gago pero gusto kong itama lahat ng pagkakamali ko. Bigyan mo
ako ng chance punan yong mga pagkukulang ko sayo bilang Ama. Babawi ako anak.
Please."
Natawa na lang ako. Kung humingi siya ng chance sakin parang ganon lang yon kadali.
Nineteen years yong lumipas na wala siya sa buhay ko tapos bigla na lang siyang
lilitaw ngayon at sasabihin niyang magiging Ama na siya samin. Isa pa, matagal na
din pala niyang alam ang tungkol samin pero hindi pa din siya nagpakilala sa amin.
Oo nga pala, syempre mas uunahin niya yong legal niya pamilya kaysa sa amin.
"Pwede po bang bigyan niyo muna ako ng panahon para makapag isip? Medyo naguguluhan
pa din po ako sa mga nangyayari." Sambit ko. Gusto kong maging tapat sakanila
tungkol sa nararamdaman ko. Hindi naman madali yong sitwasyon ko.
"Ayos lang anak, maghihintay ako." Sagot ni Papa. "Kahit anong maging desisyon mo
anak, tatanggapin ko."
Makikita mo sa mata niya na seryoso siya sa mga sinasabi niya pero kailangan ko pa
din mag isip ng mabuti. Ayoko na basta basta na lang ako mag desisyon.
"Kailangan ko pong umalis. Mauna na ako." Maayos akong nagpaalam sakanila.
May galit man ako o inis kay Papa, kailangan ko pa din siyang galangin at
respetuhin dahil kahit anong mangyari, Ama ko pa din siya. Isa pa, maayos kaming
pinalaki ni Mama.
Siguro ngayon, kailangan ko muna ng panahon at oras para mag isip isip.
Tumunog ang phone ko, nag text si Dwayne para iparemind yong practice bukas.
Tinignan ko ang inbox ko. Nag text ako sakanya na hindi ako makakapunta pero hindi
siya nag reply sakin. Kahit si Jenelle, hindi nag te-text sa akin. Siguro, titig na
titig na naman siya kay Cloud.
Naisip ko na baka pwede pa akong humabol sa bar. Nagmadali agad akong kumuha ng
taxi para puntahan sila Kean. Pagdating ko sa labas ng bar, nakita ko ang kotse ni
Cloud pero paalis na sila. Nakatanggap ka din ako ng text kay Jenelle na kakaalis
niya lang din sa bar. Hindi ko na matawagan pa si Kean dahil saktong low battery na
ang phone ko. Ang malas ko naman. Wala na din pala akong aabutan dito.
Nasan na kaya si Kean?
Pumasok ako sa loob ng bar pero mga staff na lang ng bar ang nandon. Nakibalita na
lang ako sakanila kung anong nangyari.
"Alam niyo po ba kung nakapasok sa audition yong banda na Sky Light?" Tanong ko sa
isa sa mga staff duon.
"Ah sila Kean ba? Hindi nga eh. Hindi kasi maganda yong performance ni Kean ngayon
kaya ayon, hindi sila pumasok para sa Music Laban."
Nanlumo ako sa sinabi niya. "Salamat po."
Pakiramdam ko may kasalanan ako kaya hindi sila nakapasok at kaya pangit ang
performance ni Kean. Sabi nga niya sakin, sa akin daw siya kumukuha ng lakas ng
loob pero ako pa 'tong wala sa tabi niya. Kahit ako nainis sa sarili ko. Palagi
niya akong ginagawan ng pabor at palagi niya akong nililigtas pero simpleng hiling
niya na pumunta ako dito hindi ko nagawa.
Bakit pa kasi sila nag sabay ni Papa?
Ang bigat ng pakiramdam ko kaya pumunta ako sa MOA. Balak ko sanang uminom sa Padis
pero mas gusto ko pala na magpag-isa na lang kaya bumili na lang ako ng lata ng
beer at uminom ako sa sea side sa parte ma wala masyadong tao.
Uminom ako para kahit papaano kumalma ako. Pareho kong naiisip si Papa, si Mama at
si Kean.
Gusto kong magalit kay Mama dahil hindi niya sinabi sakin ang totoo. Ang alam ko
lang may ibang pamilya na si Papa at ayon na yon. Pero sa tuwing nilalagay ko ang
sarili ko sakanya, naiintindihan ko kahit papaano kung bakit nilihim na lang niya
samin ni Cloud ang lahat. Ayaw niya siguro kaming masaktan pa dahil kahit naman
anong mangyari, kami pa din ang pangalawang pamilya. Kahit anong mangyari, ang
unang pamilya pa din talaga ni Papa ang pipiliin niya. Hindi ko maisip kung gaano
kasakit lahat ng pinagdaanan ni Mama. Hindi ko na tuloy mapigilan na maiyak habang
umiinom ako ng alak.
Ramdam ko din naman na gusto talaga ni Papa na bumawi sa akin at kay Cloud o baka
pati na din kay Mama pero ang hirap pa din kasing alisin yong sakit at paghihirap
na naranasan namin dati dahil sakanya. Ang hirap lumaki na walang tatay. Ang hirap
din mag decide kung talaga bang papapasukin ko na siya sa buhay ko dahil baka sa
huli masaktan lang ako dahil at the end of the day, duon pa din naman siya sa una
niyang pamilya uuwi. Masaya na din siguro ako kahit papaano dahil nakilala ko na
siya at nalaman ko na talaga yong totoong kwento.
Pero kung may saya man akong nararamdaman ngayon, natatabunan din yon ng lungkot
dahil sa nangyari sa banda ni Kean. Alam kong importante sakanya yong audition na
yon kaya alam ko din kung gaano siya nasasaktan ngayon na hindi sila nakapasok.
Naisip ko, kung nandon ba ako kanina, matatanggap kaya sila sa audition? Magiging
maayos kaya ang performance ni Kean? Napabuntong hininga na lang ako. Sana nandon
ako pero mas importante sakin si Papa.
"Keila?"
Napalingon ako. Nakita ko si Dwayne.
"Anong ginagawa mo dito?" Sabay naming sabi. Natawa pa kami pareho. "Pwede ba akong
tumabi sayo?" Tanong niya.
"Okay lang." Sagot ko. "Basta ba hindi mo ako susungitan eh." Ngumiti siya at
tumabi sa akin.
"Sorry kanina, I was just trying to avoid you but I realized ako lang din pala yong
mahihirapan." Sambit niya habang nakatingin siya sa dagat. Mukhang seryoso siya
ngayon. "Can I ask you something?" Tinignan niya ako. "Kayo na ba ni Kean?"
Natigilan ako. "Hindi pero special siya sakin." Sagot ko.
"Do you like him?" Tanong niya.
Tinanong ko din ang sarili ko at isa lang ang nasagot ko, "Yes I like him."
Natahimik kami pareho. May binulong si Dwayne pero dahil sa hampas ng mga alon
hindi ko na yon narinig.
"Masaya akong makita na finally, nakapag move-on ka na talaga sakin. You're much
better this way." Seryoso niyang sabi. "Maniwala ka man o hindi, I never wanted to
hurt you but I just have to."
"Dwayne, tapos na yon. Sabi mo nga nakapag move-on na ako kaya you don't need to
explain anything. Kung nasaktan mo man ako ayos lang kasi kung hindi, hindi ako
matututo at hindi ko makikilala si Kean." Sagot ko. "Mabuti pa umuwi na ako."
"Ihahatid na kita, gabi na." Alok niya.
Gabi na din at nakakatakot mag taxi kaya pumayag na din ako. Hindi na naman ako
apektado kay Dwayne kaya wala na lang sakin kung ihahatid niya ako.
Bago kami pumasok sa kotse niya, hinarap ako ni Dwayne. Tumingin siya sa mata ko.
"Keila.. pwede ba tayong maging mag kaibigan?" Tanong niya.
Hindi agad ako nakasagot dahil hindi ko alam kung ano ba talaga ang dapat kong
isagot. Wala naman sigurong masama kung maging magkaibigan kami, mag kagrupo kami
kaya kailangan talaga namin na maging magkaibigan isa pa wala na naman akong
bitterness na natataramdamn.
"Okay lang, friends?" Alok ko.
Ngumiti siya. "Thank you."
"Kaya ba hindi ka nakapunta kanina dahil magkasama kayo ni Dwayne?" Napatalon ako
sa boses ni Kean.
Nakapark ang motor niya hindi kalayuan sa kotse ni Dwayne. Nakatingin siya sa aming
dalawa at halatang malungkot at naiinis siya.
"Kean sandali, mali ka ng iniisip." Paliwanag ko. "Kaya hindi ako nakapunta kasi--"
pinutol niya na ang sasabihin ko.
"Save it, I don't need your explanation."
Sinuot niya ang helmet niya at mabilis siyang sumakay sa motor niya. Hindi ko na
siya napigilan pa dahil umalis na siya.
"Gusto mo bang sundan natin siya sa bahay nila?" Alok ni Dwayne.
"Wag na, tatawagan ko na lang siya." Sagot ko. "Tara na?"
Gusto ko man puntahan si Kean sakanila pero nakakahiya kay Dwayne. Favor na yong
ihatid niya ako sa amin at sobra na ako kung magpapahatid pa ako kala Kean.
"Sorry kung nag away kayo ni Kean dahil nakita niya tayo." Sambit ni Dwayne
pagdating namin sa bahay. "Gusto mo bang kausapin ko siya?"
"Wag na. Labas ka dito at wala kang kasalanan kaya ako ng bahala." Tatanggalin ko
sana yong seatbelt pero naunahan ako ni Dwayne. Hindi tuloy maiwasan na maging
malapit siya sakin. "Salamat sa paghatid."
"Wala yon. Good night." Sambit niya.
"Good night, ingat ka."
Bumaba ako at pinagmasdan ko siyang umalis. Pumasok ako sa loob at hinihintay na
pala ako ni Mama at ni Cloud.
"Anak, ayos ka lang ba?" Bungad ni Mama. "Kumain ka na ba?"
"Ayos lang po ako Mama." Sagot ko. Tinignan ko si Cloud at tahimik lang siya. "Alam
mo na ba?" Tanong ko.
"Kung tungkol kay Papa oo alam ko na. Nakausap ko na siya nung nakaraang linggo
pa." Sagot niya. Hindi ko akalain na maglilihim siya sakin. "Keila, sorry kung
hindi ko nasabi sayo. Gusto ko kasing makausap mo muna siya bago ako magsabi."
"Ayos lang. Naiintindihan ko. Nag lihim na din naman ako sayo dati kaya quits na
tayo." Sambit ko. "Gusto ko ng magpahinga. Aakyat na ako." Kita ko ang pag-aalala
nila sakin pero gusto ko na talagang mag pahinga.
Pagakyat ko sa kwarto ko, nag charge agad ako ng phone ko at sinusubukan kong
tagawan si Kean pero nakapatay ang phone niya.
Galit ba talaga siya sakin?
Oo may kasalanan ako sakanya kasi hindi ako nakapunta kanina kahit na nag promise
akong makakapunta ako pero may dahilan naman ako eh. Maiintindihan naman siguro
niya ako pero hindi man lang niya ako binigyan ng chance magpaliwanag. Dahil lang
nakita niya kami ni Dwayne?
Napabuntong hininga na lang ako.
"Kean, sorry na.."
Bulong ko sa sarilo ko at pinikit ko na ang mata ko. Sana bukas maging maayos na
ang lahat, sana malaman ko na ang sagot sa tanong ni Papa at sa hindi na magalit
sakin si Kean..

Dear Tadhana,
Hindi ba eveything has a reason? Lahat ba to may rason? Sana.

Chapter 21: Pagsuyo (Part 1)


(Now playing: Stars by Callalily)

Tahimik lang kami ni Mama at ni Cloud habang kumakain ng umagahan. Alam ko dahil
'to sa nangyari kahapon. Ayoko muna pag-usapan si Papa sa harap ni Mama at Cloud.
Gusto kong i open ang topic about kay Papa kapag handa na ako at kapag alam ko na
ang isasagot ko sa tanong ni Papa.
"Mauna na po ako, Mama." Paalam ko sakanila.
"Nandyan na ba si Kean?" Tanong ni Cloud. "Hindi ko pa narinig yong tunog ng motor
niya." Pag-uusisa pa niya.
Natigilan ako. Galit nga pala sakin si Kean. Panigurado, hindi niya ako susunduin
ngayon. "Busy siya kaya mag co-commute lang ako." Sambit ko. "Alis na ako."
Dumiretso ako palabas ng bahay.
Paglabas ko ng gate, wala ngang Kean na nagpakita sakin. Expected ko na naman 'to
pero naninibago pa din ako na wala siya ngayon, na hindi niya ako susunduin. Dapat
pala hindi ko sinanay ang sarili ko na palagi siyang nandyan.
Naglakad ako papunta sa labas ng village namin. Sumakay ako ng taxi papunta sa
school. Nakakamiss din pala yong hangin sa umaga na pumapalo sa mukha ko sa tuwing
nakasakay ako sa motor ni Kean. Nakakamiss yong magandang boses ni Kean at pati
yong mga banat niya. Nakakamiss din pala si Kean..
Pagpasok ko sa school karamihan ng babae ang sama ng tingin sakin at yong iba
pinagbubulungan pa ako. Ano pa bang bago sakanila?
Dumiretso ako sa room. As usual, natigilan ang mga classmates ko ng makita nila
ako. Nagsitaasan yong kilay ng iba at yong iba nag bulong bulungan pa. Hindi na din
ako nagulat. Ano bang bago sakanila.
Pumunta ako sa upuan ko sa likod pero wala pa si Kean. Asan na kaya siya? Papasok
ba siya? Sa nangyari kagabi, baka hindi na siya pumasok. Nakaramdam na naman ako ng
guilt. Kung nandon siguro ako baka nakapasok sila sa Music Laban.
Dumating na yong professor namin pero wala pa din si Kean. Hindi nga siguro talaga
siya papasok. Nag alala tuloy ako sakanya. Ayos lang kaya siya?
"Okay class, kailangan niyong maghanap ng tatlong group mates para sa project niyo
this semester. I will give you' five minutes para maghanap ng ka grupo." Sambit ng
professor namin.
Nag ingay ulit ang buong klase. Tumayo na yong iba para makahanap ng ka grupo nila.
Nakaupo lang ako dahil hindi ko din naman alam ang gagawin ko at bukod kay Kean
wala akong masyadong kilala sa room, kung meron man may ka-grupo na din siya.
"Ms. Mendoza?" Tanong ng professor ko. "May group ka na ba?"
"Wala pa po Sir." Sagot ko.
Tinignan niya yong list ng mga groups. Mukhang hinahanapa niya ako ng group mates.
"Ah, tamang tama pala. Si Dwayne, Krystal at Kean wala pang group kaya kayong apat
na yong group mates."
Tinignan ko si Dwayne at Krystal at mukhang inis na inis si Krystal sa narinig
niya. Si Dwayne naman nakatingin lang sakin. Hindi nan big deal mung maging group
mates ko sila. Mas big deal pa sakin na magkaayos kami ngayon ni Kean.
"Okay class dismiss."
Kinuha ko ang gamit ko at lumabas agad ako ng room. Dumiretso ako sa second class
ko. Hindi ko classmate don si Kean pero si Dwayne, oo.
Nagulat ako ng tumabi sakin si Dwayne. "Okay na ba kayo ni Kean?" Tanong niya.
"Hindi eh. Galit siya sakin." Sagot ko.
"Sabihin mo lang kung kailangan mo yong tulong ko para magpaliwanag sakanya."
Sambit niya.
Napatingin kami sa isa't isa. Mukhang sincere naman siya sa mga sinabi niya. Sa
totoo lang, may bagay na nagbago kay Dwayne pero hindi ko masabi kung ano yon.
After ng huling klase namin pumunta na kami sa gym para mag practice. Nahuli na nga
kami ni Dwayne eh kasi nandon na sila Trevor.
Lumapit ako kay Trevor at nakangiti agad siya sakin. "Why are you smiling at me
like that?" Tanong ko. Alam na ba niyang mag pinsan kami?
Bigla siyang ngumisi. "It's just good seeing you moved on, ikaw at si Dwayne. Wala
nakikita ko lang sa mata niyo." Tinaasan ko siya ng kilay.
"Si Dwayne? Kanino siya mag mo-moved on?" Tanong ko. "Hindi naman niya ako minahal
so there's no reason para mag move-on."
"It's not actually you Keila. It's Dana." Oo nga pala si Dana nga pala talaga yong
mahal niya. Tumango na lang ako. Well, good in him. "Nasaan si Kean?"
"Galit siya sakin. Hindi kasi ako nakapunta kahapon para panuorin sila sa audition
nila." Sagot ko.
"Kaya pala hindi sila pumasok sa Music Laban."
"Paano mo nalaman?" Tanong ko.
"Sikat na banda ang sky light kaya expected na ng lahat na papasok sila don kaya
nung eliminated sila, nag ingay yon sa lahat. At lahat sila sinisisi si Kean. I
watched their performance and I can say that it's really bad. Kean is singing with
no damn emotion."
Madaming beses ko ng narinig kumanta si Kean at alam kong palaging may emosyon ang
pagkanta niya. Parang automatic na lang akong nainis sa sinabi ni Trevor. Nainis
ako sa mga taong sinisisi siya at nainis din ako sa sarili ko dahil hindi ako
nakapunta. "C'mon, tinatawag na tayo."
Hindi ko na nasabi sakanya na mag pinsan kami. Siguro hindi muna ngayon, tska na
kapag maayos na kami ni Papa.
Habang sumasayaw kami, hindi ko maiwasan na isip sila Kean at si Papa. Parang
lumulutang 'yong utak ko.
"Keila, okay ka lang ba? Parang wala ka sa sarili mo. Hindi ka nakakasabay sa mga
steps namin." Sambit ni Dwayne. "Si Kean na naman ba 'yong iniisip mo?"
"Hindi, wala 'to. Sorry." Sambit ko.
Tinapos lang namin 'yong kanta pagkatapos tinawag na ni Dwayne kaming lahat.
"Guys tapos na 'yong practice natin. Next week na ulit 'yong next session natin.
Mag practice kayo individually para sa mga steps. Okay?"
Umalis na silang lahat pero naiwan ulit kaming tatlo sa gym. Tahimik lang kaming
tatlo habang nag aayos ng mga gamit namin.
Binasag na lang ni Trevor yong katahimikan. "Is there something wrong with you
Keila?"
"It's nothing Trev." Sagot ko. Mukhang ayaw pa niya maniwala sakin. "Maybe I'm just
hungry." Palusot ko.
"Do you want to eat?" Alok niya. "Dwayne, c'mon let's eat." Tumingin samin si
Dwayne at tumango siya. Hindi na ako nakatanggi sakanila kaya pumayag na din ako.
Kumain kami sa malapit na restaurant. Tinawagan ko si Jenelle para samahan kami
kaya pumunta siya agad.
"Besty! Ang tagal na natin na hindi nagkita ha? I miss you." Bungad niya. "Okay na
ba kayo ni Kuya?" Bulong niya sakin.
"Oo, magkaibigan na kami." Sagot ko.
"Talaga? Eh 'di okay." Nakangiti niyang sabi. "Nasaan pala si Kean?" Bulong niya
ulit.
"Galit siya sakin dahil hindi ako nakapunta kagabi sa bar tapos nakita niya ako na
kasama ni Dwayne."
"What?!" Sigaw niya kaya napatingin samin si Dwayne at Trevor. Natawa na lang siya.
"Talaga Keila? Grabe 'yon noh." Pagpapalusot niya.
Dumating na yong order namin kaya hindi ko na naikwento kay Jenelle lahat. Kumain
kami habang nag ke-kwento si Trevor tungkol sa ex-girlfriend niya. Maya maya
hinila ako ni Jenelle sa rest room para lang makwento ko sakanya lahat nang
nangyari kagabi.
"Nag selos 'yon si Kean." Sambit niya.
"Bakit siya mag seselos? Wala naman kaming ginagawa ni Dwayne." Sagot ko. "Hindi pa
niya ako pinagpaliwanag."
"Hindi ka pumunta sa bar kagabi tapos makikita niya pa kayo na magkasama ni Kuya?
Sa point of view niya, magseselos talaga yon lalo na alam niya na may past kayo ni
Kuya Dwayne." Tama si Jenelle. Napabuntong hingi na lang ako. Ano bang gagawin ko?
Bumalik kami sa table namin.
"Jenelle, si Trevor na maghahatid sayo pauwi. May pupuntahan kami ni Keila." Bungad
ni Dwayne. Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. "Aalis na kami." Tumayo siya at
hinila niya ako palabas at papasok sa kotse niya.
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko.
"Kay Kean, magpapaliwanag tayo sakanya." Sagot niya. "Mag seat belt ka na, aalis na
tayo."
Pagsuot ko pa lang ng seat belt ko, pinaandar na niya agad 'yong kotse niya. Hindi
ko alam kung bakit ba 'to ginagawa ni Dwayne. Kung tutuusin labas na din naman siya
sa amin ni Kean eh. Bumabawi ba siya sakin para duon sa mga nagawa niyang mali
sakin dati?
Huminto kami sa tapat ng bahay nila Kean. Saktong sakto bumaba si Kean ng bahay
nila at naabutan niya agad kami. Bumaba agad kami ni Dwayne ng kotse.
"Kean!" Sigaw ko.
Seryoso siyang nakatingin sa aming dalawa ni Dwayne. Nilagpasan niya lang kami pero
hinabol si ni Dwayne. "Kean sandali!"
Tinabig ni Kean ang kamay ni Dwayne. Hindi naiwasan na matumba ni Dwayne dahil sa
lakas ng pagtabig ni Kean. Lumapit ako kay Dwayne para tulungan siyang tumayo.
"Kean ano ba?!" Inis kong sabi. "Nandito kami Dwayne para magpaliwanag."
"Paliwanag ng ano?"
"Kung bakit hindi ako nakapunta kagabi." Sagot ko. "Kean, kasi--" pinutol ni Kean
yong sasabihin ko.
"Wag ka na mag paliwanag Keila. Malinaw
naman sakin lahat eh. Nagkabalikan na kayo ni Dwayne, tama ba?"
"Hindi, hindi kami nagkabalikan." Sagot ko.
"Kean makinig ka," singit ni Dwayne. "Nakita kong mag-isa si Keila kagabi kaya
sinamahan ko siya at nagmagandang loob lang ako na ihatid siya." Paliwanag niya.
"There's nothing going on between us."
Tinignan niya lang ako. "Gusto kong mapag-isa. Ihatid mo na si Keila sakanila."
"Ano? Ganon na lang--" pinigilan ko si Dwayne. "Keila?"
"Ihatid mo na lang ako samin Dwayne." Nagulat si Dwayne sa sinabi ko. "Pagod na
ako, gusto ko ng magpahinga."
Tumalikod agad ako sakanila dahil ayokong makita nilang dalawa yong pag-iyak ko.
Pagpasok ko sa kotse ni Dwayne, pinahid ko agad yong mga luha ko para hindi ako
makita ni Dwayne.
Hindi ko lang mapigilan na masaktan sa inasal ni Kean kanina. Parang bigla na lang
akong walang halaga sakanya. Alam ko naman na may kasalanan ako sakanya, na hindi
ko natupad yong pangako ko na pupunta ako pero sobra naman siya para ipagtabuyan
ako.
Sumakay si Dwayne sa kotse at tahimik niyang pinaandar yong kotse niya. Tinignan ko
si Kean sa side mirror at nakatigin lang siya samin. Sa ngayon, iintindihin ko na
lang siya. Baka nasaktan talaga siya sa nakita niya kagabi at sa nangyari sa banda
niya.
Pagtapat namin sa bahay, hindi ko na napigilang tanungin si Dwayne.
"Dwayne, bakit nag e-effort ka ng ganito para magkaayos kami ni Kean? Kung
tutuusin, labas ka na sa away namin. Wala ka namang kasalanan eh."
Ngumiti siya sakin pero duon siya sa harap nakatingin.
"Hindi ko kasi kayang makita ka ulit na nalulungkot. At alam ko si Kean ang
nagpapasaya sayo. Isa pa, sakin siya nag selos kaya mas mabuti na ako na ang
magpaliwanag sakanya, minsan kasi makitid ang utak niya. "
"Why are you doing me this favor?"
Ngumiti ulit siya at tinginan niya ako. "Gabi na, pumasok ka na sa inyo. Good
night."
Alam ko ayaw niyang sagutin ang tanong ko. Bumaba na lang ako ng kotse at pumasok
sa loob ng bahay. Wala si Mama at Cloud kaya dumiretso na lang ako sa kwarto ko.
Nagbukas ako ng facebook at bumungad sakin ang balita sa pagka eliminate ng Sky
Light sa Musis Laban. Nag log off na lang agad ako dahil ayokong makita pa ang mga
yon. Naisip ko kung gaano kasakit at kahirap ang sitwasyon ngayon ni Kean.
Siguro nahihirapan lang ngayon si Kean kaya naging ganon siya. Siguro tama lang
talaga na intindihin ko siya sa ganitong panahon. Hindi lang naman dahil sakin kaya
siya nagkakaganon. Alam kong importante sakanya yong Music Laban. Kung may magagawa
lang sana ako. Kung kaya ko lang siyang pasayahin ngayon.
Napapikit ako.
"Bakit ba ganito na ang epekto mo sakin Kean.. am I falling in love with you now?"
Bulong ko sa sarili ko.

Chapter 22: Pagsuyo (Part 2)


(Now Playing: Just one day - BTS)
It's been three days. Three days na hindi pumapasok si Kean at three na hindi ko
siya nakikita. Sa loob ng tatlong araw na 'yon, pakiramdam ko palaging may kulang.
Walang bumabanat sakin ng mga pick up lines sa umaga, walang sumusundo sakin kada
umaga sa bahay at walang nag liligtas sakin kapag napapahamak ako. Walang alien na
nangungulit at nagpapatawa sakin. Nakakapanibago pala talaga.
Tulala lang akong nakatingin sa bintana ng room namin. Lumulutang yong utak ko. Una
dahil kay Kean at pangalawa dahil sa Papa ko. Nag set si Mama ng family dinner para
sa aming apat sa bahay bukas ng gabi. Siguro ng panahon na para harapin ko siya.
After all, tatay ko pa din siya at kailangan ko pa din siyang bigyan ng chance sa
buhay ko kahit na alam kong may iba siyang pamilya.
Good terms na din kami ni Mama.
Natahimik na lang bigla 'yong mga classmate ko akala ko dumating na 'yong professor
namin pero iba pala 'yong dumating, si Kean. Naglakad siya papunta sa tabi ko at
bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko.. Nakatingin ako sakanya pero hindi siya
tumingin sakin kahit isang beses. Umupo siya sa tabi ko na parang hindi man lang
niya ako nakita.
Nailang ako bigla. Parang hindi ako makagalaw. Parang ibang Kean na 'yong katabi ko
ngayon. Wala na 'yong aura ng Kean na nakilala ko. Galit pa din ba siya hanggang
ngayon?
Tinignan ko na lang 'yong libro na nasa harap ko. Dumating na 'yong professor namin
pero wala din imik si Kean. Naiilang talaga ako. Parang hindi ako makahinga. Umalis
sandali ang professor namin kaya naglakas loob na akong kausapin si Kean dahil
hindi ko na talaga kaya 'yong ganitong silent treatment niya sakin.
"Galit ka pa din ba sakin?" tanong ko. Tinignan ko siya pero naka headset pala siya
at halatang hindi niya ako narinig. Nainis tuloy ako bigla. "Sorry na nga eh, hindi
mo na ba talaga ako kakausapin? Kung kailan ako nakapag move-on tska ka
nagkakaganyan, eh 'di bahala ka. Wag mo na ako kausapin, hindi na din kita
kakausapin."
Pagkatapos ng klase namin, umalis na ako agad. Hindi ko na nilingon si Kean dahil
naiinis ako sakanya. Nag sorry na naman ako eh kaya kung galit pa din siya sakin,
bahala na siya. Napapagod na akong intindihin siya.
Sabado ngayon kaya pumunta ako sa playground ng mga pre-school students. Umupo ako
sa swing tapos tinginan ko lang yong langit na puno ng madaming kakaibang ulap.
"Sige wag mo na akong kausapin, akala mo ba kakausapin pa din kita? hindi na noh!
Bahala ka na sa buhay mo. Dyan ka na kay Ben Ten, mag sama sama kayo ng mga kalahi
mong alien!" sigaw ko. "Nakakainis ka!"
Napabuntong hininga na lang ako.
"Akala mo ba mami-miss kita ha?" natahimik ako bigla. "Oo, mami-miss kita.. pero
kaya ko naman na wala ka eh. Kaya ko naman sanayin ulit 'yong sarili ko na wala ka.
At sa oras na mangyari yon, hindi na kita hahayaan na pumasok pa ulit sa buhay ko."
Napabuntong hininga ulit ako. "I hate you, Kean Marco!"
"Tapos ka na?"
"Wah!" sa sobrang gulat ko, nalaglag ako sa swing. Nakaramdam agad ako ng sakit sa
paa ko. Mali ata 'yong pagbagsak niya sa lupa. "Aray ko." angal ko. Tumayo sa harap
ko si Kean. "Anong ginagawa mo dito ha?" Tanong ko.
"Tumatambay." sagot niya. "Ikaw lang ba pwede dito?" sarcastic pa niyang sabi.
Nakakainis talaga siya.
Umupo ako pagkatapos sinubukan kong tumayo pero natumba ulit ako dahil hindi ko
kayang tumayo, sobrang sakit ng paa ko. Para akong natapilok. "Ang sakit ha, ouch."
Bulong ko at napaiyak na ako. Lumapit sakin si Kean at binuhat niya ako. "Anong
ginagawa mo? Ibaba mo nga ako! kaya ko na 'yong sarili ko!" angal ko.
"Akala ko ba hindi mo na ako kakausapin?" sarcastic na naman niyang sabi. "Hindi mo
din pala kayang gawin 'yong sinabi mo." inupo niya ulit ako sa swing pagkatapos
lumuhod siya sa harap ko.
"Okay na ako, hayaan mo na ako. Okay?" inis kong sabi.
Hindi niya ako pinakinggan. Nakaluhod pa din siya sa harap ko at inangat niya ang
pantalon ko. Hinawakan niya ang paa ko at tinignan niya kung alin don ang masakit.
Nakita kong namamaga ang kaliwang paa ko. "Kailangan mong madala sa clinic."
"Paa lang 'to, malayo 'to sa bituka. Hayaan mo na nga ako." sambit ko. "Aalis na
ako." sinubukan ko ulit na tumayo pero nakaramdam ulit ako ng matinding sakit sa
paa ko. "Ouch." bulong ko ulit sa sarili ko.
"Ang tigas kasi ng ulo mo." Seryoso niyang sabi. "Makinig ka nga sakin kahit minsan
lang." Binuhat niya ako kaya napasigaw ako. "Wala akong gagawing masama sayo,
dadalhin lang kita sa clinic kaya wag kang sumigaw baka mabitawan kita." Sambit
niya.
Tumahimik na lang din ako. Hindi din naman ako makakalakad kahit ibaba ako ni Kean
at mas mabuti pa nga talaga na pumunta na akong clinic para gumaling na yong paa
ko. Ang hindi ko lang kasi maintindihan dito kay Kean kung bakit niya ako
tinulungan eh 'di ba nga galit siya sakin? Pwera na lang kung, "Hindi ka na ba
galit sakin?" Tanong ko habang buhat buhat niya pa din ako.
"Kailan ba ako nagalit sayo?"
Natahimik ako sa sinabi niya. Tinatanong niya pa kung kailan? Eh 'di ba nga galit
siya sakin dahil hindi ako nakapunta sa bar at dahil sa nakita niya kaming dalawa
ni Dwayne. Ang gulo niya kausap.
Nilapag niya agad ako sa higaan sa clinic. "Miss, pa check na lang po ng paa niya.
Nagkamali ng bagsak eh." Sambit ni Kean.
Todo ngiti 'yong nurse at parang fangirl pa siya ni Kean. Kung ginagamot niya muna
ako bago siya mag fan girl kay Kean, noh?
"Okay na ba ako?" Tanong ko pagkatapos niyang tignan ang paa ko. May nilagay pa
siyang benda sa paa ko, para namang malala 'yong nangyari sakin. "Pwede na ba akong
umalis?" Atat kong tanong.
"Miss, medyo malala 'yang lagay ng paa mo kaya kailangan mo pang mag pa-xray.
Kailangan mo din ng alalay dyan sa paa mo. Eto, ipapahiram ko muna sayo yong saklay
dito." Napanganga na lang ako.
Seriously? Ganon siya kalala na kailangan ko ng saklay? "Sige, salamat." Kinuha ko
ang saklay niya pagkatapos tumayo ako. Masakit pa din siya. Mukhang malala nga yong
lagay ng paa ko.
Wala na sa loob ng clinic si Kean pero paglabas ko muntik na naman akong magulat
dahil kay Kean. Nakasandal pala siya malapit sa pintuan.
"Papatayin mo ba talaga ako sa gulat ha?" Tanong ko. "Tignan mo, napilay pa ako
dahil sa pang gugulat mo sakin."
"Sorry, hindi ko akalain na magkakaganyan ka dahil sa ginawa ko. Wag ka mag alala,
ako na mag aalaga sayo."
"Ano ka nurse? Alam ko singer ka eh!" Pagtataray ko. "Hayaan mo na ako pwede?"
Lumapit siya sakin at kinuha niya ang saklay ko pagkatapos binuhat niya ako.
"Ano na naman ba 'to Kean? Ibaba mo nga ako kaya ko naman 'yong sarili ko eh."
Angal ko.
"Kapag umagal ka pa, hahalikan na talaga kita. Hindi ako nagbibiro Keila kaya
pwede, tumahimik ka na muna. Ihahatid na kita sa inyo." Hindi na ako nag ingay pa
dahil napaka seryoso nga niya. Mamaya nakawan niya ako bigla ng halik.
Inalalayan niya ako na makasakay sa motor niya. Tinali niya yong saklay sa motor at
tska kami umalis. Hindi pa din ako nagsasalita dahil baka mamaya may kung anong
gawin sakin 'to si Kean. Napakapit ako ng maigi sakanya dahil ayokong mahulog sa
motor niya. Injured na ang paa ko tapos madadagdagan pa ang injuiry ko? Hindi pwede
noh, hindi na ako makakasayaw.
Kahit na naiinis ako kay Kean, na-enjoy ko ulit ang pagsakay sa motor ni Kean kahit
na mabagal lang kami. Inaalala niya siguro ako.
Huminto kami sa harap ng bahay. Binuhat niya ako at nag doorbell siya sa bahay.
Binuksan ni Mama yong gate at gulat na gulat siya sa nakita niya.
"Anong nangyari sayo anak?"
"Ma, natumba kasi ako tapos nagkamali ng bagsak yong paa ko kaya eto po." Paliwanag
ko. "Okay na ako, wag ka na mag alala Mama. Tinignan na 'to ng nurse sa school."
"Buti naman hinatid ka ni Kean dito." Ngumiti siya kay Kean. "Kean paki pasok mo na
lang si Keila sa loob." Binuhat ako ni Kean hanggang sa kama ko. Umupo ako sa kama
at pinahinga ko don ang paa ko. Nilapitan ako ni Mama at tinignan niya ang paa ko.
"Anong sabi ng nurse dito?"
"Okay--" sambit ko pero pinutol ni Kean 'yong sasabihin ko.
"Kailangan daw po niyang magpatingin sa doktor dahil medyo malala yong lagay ng paa
niya." Sinamaan ko siya ng tingin. Bakit kailangan niyang sabihin 'yon? Ayokong mag
alala sila Mama eh. "Kung okay lang po sa inyo, sasama po ako sa inyo pagpunta sa
hospital. Ako po kasi may kasalanan kung bakit siya magkaganyan."
Hindi ko akalain na sasabihin niya kay Mama na siya ang may kasalanan. Kung
tutuusin wala naman talaga siyang kasalanan. Hindi naman niya 'to ginusto eh.
"Aksidente ang nangyari Kean, wag mong sisihin ang sarili mo." Sambit ni Mama.
"Maghahanda na ako para makapunta na tayo sa hospital."
"Mama hindi na po kailangan, kaya ko na maglakad mamaya. Pahinga lang kailangan
nito eh." Angal ko.
"Wag matigas ang ulo mo Keila. Baka mas lalong lumala yang paa mo. Kailangan na
patignan niyan agad para hindi lumala, gusto mo bang sementuhin yang paa mo? Paano
ka makakalakad?" Seryosong sabi ni Mama. "Paano ka makakasayaw?"
Natigilan ako. Oo nga, paano ka ako makakasayaw? Malapit na yong semi finals. "Okay
po."
"Kean, samahan mo muna dito si Keila ha? Maliligo lang ako tapos aalis na tayo."
Tumango lang din naman si Kean.
Paglabas ng kwarto ni Mama, umupo sa tabi ko si Kean. "Hindi mo na kailangang
sumama samin, wala ka namang kasalanan eh." Pagbabasag ko ng katahimikan.
"Sabi ko naman sayo, kapag kailangan mo ako, nandito lang ako palagi."
"Hindi kita kailangan." Sagot ko. Dahil sa inis ko sa kanya, ayan na 'yong nasabi
ko. Magagalit galit siya sakin, hindi niya ako papansinin tapos bigla na lang
siyang mag aalala sakin ng bigla? Bigla na lang niya akong kakausapin na parang
walang nangyari? Abnormal pala siya eh. "Galit ka sakin 'di ba? kaya bakit nandito
ka pa? Hindi ba ayaw mo akong kausapin? Hindi ba--" hinawakan niya bigla 'yong
bibig ko kaya hindi ko na natuloy 'yong sasabihin ko.
"Hindi ako galit sayo." Seryoso niyang sabi at hawak hawak pa din niya yong bibig
ko. "Oo, nagselos ako. Oo, nagtampo ako pero hindi ako nagalit sayo. Hindi ko
kayang magalit sayo. Kailangan ko lang mapag isa ng ilang araw dahil nasaktan ako
kasi hindi kami nakapasok sa music laban, gusto kong mapag isa dahil naiinis ako sa
sarili ko kasi nagpabaya ako, kasi hindi ko ginalingan. Kasalanan ko kung bakit
hindi kami nakapasok duon, nabigo ko yong mga kabanda ko. Kasalanan ko lahat."
Inalis na niya yong kamay niya sa bibig ko. "I'm sorry kung nasaktan man kita sa
ginawa ko. I never wanted to hurt you. Sana mapatawad mo ako, Keila."
Pareho kaming natahimik na dalawa. May point naman siya eh. Enough reasons naman
yong binigay niya kaya siya naging ganon sakin. "Sorry din Kean kung hindi ako
nakapunta nung gabi na 'yon, kasi dumating--"
"Ready na ako!" Singit ni Mama. "Tara na?"
Tumango kami pareho ni Kean. Binuhat ulit niya ako papunta sa kotse namin.
Sinamahan ako ni Kean sa likod tapos si Mama 'yong nag drive.
"Bati na ba tayo, Kean?" Bulong ko sakanya. "Papansinin mo na ulit ako ha?" Natawa
si Kean sa sinabi ko. "Wag ka maingay baka marinig tayo ni Mama." Mahina ko pa ding
sabi.
"Babe, hindi naman tayo nag away eh." Nakangisi niya pang sabi. Tss. Eh ano kayang
tawag niya don? "Dapat nga ikaw 'yong tanungin ko nyan eh, papansinin mo pa din ba
ako? Sabi mo kasi hindi mo na ako kakausapin." Pang aasar niya pa.
"Yan na nga eh, kinakausap na kita. Okay?"
"Okay babe." Sagot niya.
Tumingin ako sa rear mirror at nagkatinginan kami ni Mama. Nakita ko 'yong ngiti
niya. Ano na naman kayang iniisip niya?
Pagdating sa hospital, pinaheram kami nila ako wheelchair. Tinignan ng doktor ang
paa ko pagkatapos nag pa x-ray na ako. Meron daw akong ankle sprain. Sabi ng doktor
ipahinga ko lang daw to pagkatapos i compress ng ace wrap habang naka elevate ang
paa ko. Bumalik din daw ako bukas para matignan ulit at kung kailangan ko pa daw ng
therapy. Nakahinga din ako dahil hindi naman daw pala gano kalala at ilang araw
lang okay na ulit ang paa ko at pwede na akong magsayaw.
Bumalik na kami sa bahay at pagdating namin sa bahay, nag hihintay na pala sa bahay
si Cloud. Nagulat din siya ng makita niya ako.
"Anong nangyari sayo, Keila?" Tinignan niya ng masama si Kean. "May kinalaman ka ba
dito Kean?"
"Cloud wala siyang kasalanan. Aksidente lang ang lahat, okay? Pahinga lang daw to.
Wag ka na mag alala." Paliwanag ko. Lumapit siya samin at kinuha niya agad ako kay
Kean.
"Ako nang bahala kay Keila. Makakauwi ka na." Sambit ni Cloud.
"Cloud, wag ka namang ganyan kay Kean. Tinulungan niya ang kapatid mo." Sambit ni
Mama. "Kean, dito ka na kumain ng dinner ha?"
"Hindi na po tita, baka hinihintay na din ako sa amin. Mauuna na po ako." Paalam ni
Kean. "Sige Keila, uuwi na ako."
"Salamat Kean, mag ingat ka." Sagot ko.
Hinatid ako ni Cloud sa kama ko. Dinalhan na lang nila ako ng food at dito na ako
kumain sa kama para daw hindi na ako mahirapan. Puro sermon 'yong inabit ko kay
Cloud pero okay lang naman kasi alam kong nag aalala lang siya sakin. Sanay na
naman ako kay Cloud sa pagiging over protective niya sakin. Hindi ko siya masisisi
kasi parang siya na din yong tumayong Ama sa pamilya namin.
Naisip ko tuloy yong dinner namin bukas kasama si Papa. Sana hindi niya na mapansin
yong paa ko. Sa totoo lang, may nararamdaman akong excitement dahil first time
namin na mabubuo bukas. Ako, si Cloud at si Mama. Although hindi na naman ako
umaasa na mabubuo pa ulit talaga kami dahil at the end of everyday, pangalawang
pamilya lang kami.
Humiga ako sa kama ko pero bago ako makatulog, nag text sa akin si Kean.
From: Kean
Iiwan kita hindi kita mahal.. Keila.
Bago pa ako mainis sa text niya, nag text ulit siya sakin.
From: Kean
Basahin mo ng pabaligtad ha?

Keila.. Mahal kita hindi kita iiwan.

Dear tadhana,
Mukhang sa tamang tao mo na ako ngayon ipapapana kay kupido ha?

Chapter 23: Ice cream


"Keila, anak gising na, tanghali na." Unti unti kong minulat ang mata ko. Nakita ko
si Mama na nakaupo sa tabi ko. "Gumising ka na anak, pupunta tayo ngayon sa
hospital."
Inunat ko ang katawan ko at umupo ako. Medyo masakit pa din ang paa ko pero mas
okay na siya kumapara kahapon. "Good morning Mama. Baba na lang po ako kapag okay
na ako." sambit ko.
"Sigurado ka ba na hindi mo na ako kailangan?" nag aalala niyang tanong. "Baka
mamaya mapaano ka pa."
"Ma, kaya ko na po ito." sagot ko. "Bababa na lang po ako kapag ready na ako. Don't
worry about me."
"Sige, ikaw ang bahala." Paalis na sana si Mama pero biglang dumating si Cloud.
"Hintayin na lang daw natin si Keila sa baba." Sambit niya kay Cloud pero mukhang
masama ang timpla ng mukha niya.
"Hindi mo pa kayang bumaba mag isa. Wag matigas ang ulo mo, Keila. Tawagin mo ako
kapag ready ka na." angal ni Cloud. Serious mode na naman siya ngayon, teka kailan
ba hindi? "Maghahanda lang din ako, sasama ako sa inyo. Just call me when you're
ready, Keila." Umalis siya at pumunta sa kwarto niya.
Kung may award lang sa pagiging best brother, baka nananalo na siya. Kaya mahal na
mahal ko siya kahit na minsan nakakairita na ang pagiging over protective niya.
"Narinig mo ang kakambal mo, sige na anak mag handa ka na." Iniwan ako ni Mama sa
kwarto ko. Ginamit ko ang saklay na binigay sakin ng doktor. Nahirapan akong maligo
pero kaya ko naman.
Nagsuot lang ako ng white t-shirt at black pants. Ayoko ng pahirapan pa sila Mama
kaya hanggat kaya ko pa, hindi ako humihingi ng tulong sakanila. Isa pa ayokong
maging mahina, lumaki akong matapang dahil mula pagkabata, tinanim na namin ni
Cloud sa isip namin na kapag naging mahina ka, ikaw lang din ang masasaktan sa
huli. The odd thins is, hindi siya nag a-apply pag dating sa pag-ibig.
Kahit gaano ka katapang, masasaktan at masasaktan ka talaga kapag nagmahal ka.
Habang nag aayos ako sa harap ng salamin, naisip ko si Papa. May dinner nga pala
kami mamaya, tuloy pa kaya 'yon? Excited pa naman ako na makausap siya. Ito din ang
unang pagkakataon na mabubuo kami kahit na isang gabi lang. Kahit makasama lang
namin siyang kumain masaya na din ako. Naisip ko kasi na hindi na dapat ako mag
umasa sakanya ng malaki dahil una sa lahat, may iba din siyang pamilya at pangalawa
pangalawang pamilya niya lang kami. Isa pa busy siya sa work niya kaya kahit
sandaling panahon lang ang ilaan niya samin alam ko malaking bagay na 'yon.
Tinignan ko ang phone ko at may text galing kay Kean. Aba, buti nagtext na din
siya. Nasa labas na kaya siya ng bahay?
From Kean:
Keila, sorry. Nagkaroon lang ng emergency kaya hindi kita masasamahan ngayon. Sorry
talaga. Pupuntahan na lang kita mamaya.
Na-disappoint ako pero mas nagibabaw samin 'yong pag aalala. Ano kayang nangyari?
Ayos lang kaya siya?
Tinawag ko na si Cloud para tulungan akong bumaba. Pumunta naman agad siya sa
kwarto ko at inalalayan niya ako hanggang sa makasakay ako sa kotse namin.
"Hindi ba pupunta si Kean?" tanong ni Mama. "Sabi niya sasamahan niya tayo, hindi
ba? May nangyari ba?" sasagot pa lang sana ako pero bigla na lang sumingit si Cloud
sa usapan namin.
"Hindi ka dapat umaasa sa Kean na 'yon dahil wala siyang isang salita."
nagkatinginan na lang kami ni Mama dahil sa sinabi ni Cloud. Ang lalim ng
pinanghuhugutan niya. "Minsan kasi, subukan mong makinig sakin." dagdag pa niya.
"May emergency lang sakanila kaya hindi niya ako masasamahan. Cloud, bakit ba inis
na inis ka pa din sakanya?" sagot ko. "Hanggang ngayon ba naman hindi ka pa din
makapag move-on sa nangyari sa inyo dati? Masaya na si Fiona sa iba kaya dapat
ganon ka din." hindi niya ako sinagot at naging tahimik lang siya hanggang sa
makarating kami sa hospital. Nag alala tuloy ako kung may nasabi ba akong
ikinagalit niya. Sinabi ko lang naman ang totoo.
"Hayaan mo na si Cloud, hindi siya galit sayo. Ayaw lang niya sigurong nababanggit
si Fiona." bulong sakin ni Mama pagbaba namin ng sasakyan.
Siguro nga.
Nilagay nila ako sa wheelchair ng hospital. Tingin ko naman hindi ko na din
kailangan ng wheel chair dahil kaya ko ng maglakad. Nag pa x-ray kami at wala naman
nakitang baling buto o mali sa paa ko. Pinalakad ako ng doktor hanggang sa makaya
ko ng maglakad mag isa. Hindi naman pala malala ang nangyari sa paa ko. Kailangan
ko lang mag ingat sa susunod at may kailangan ko din daw ilakad pa ang paa ko para
masanay ulit siya pero overall, okay na siya.
May ilang pang sinabi 'yong doktor kala Mama at cloud. Naghintay na lang ako sa
labas ng room. Tinignan ko ulit ang phone ko pero wala pa ulit text sa akin si
Kean.
Mas nag aalala pa ako sakanya kaysa sa paa ko. Sana okay lang si Kean. Muntik ko ng
tawagan si Kean pero natigilan ako ng makita ko siya habang may kinakausap na
doktor. May inabot sakanyang mga gamot 'yong doktor na kausap niya at kung hindi
ako nagkakamali, siya si Dr. Song, 'yong sikat na Neurologist sa bansa. Bakit siya
nakikipag usap sa isang Neurologist? May sakit ba siya? Yan agad ang unang pumasok
sa isip ko.
"Keila, tara na." sambit ni Cloud paglabas nila ni Mama. "Sinong tinitignan mo?"
tanong niya. Tumingin siya sa direksyon kung saan ako nakatingin kanina. "Si Kean
ba yan?"
"Anong ginagawa ni Kean dito?" tanong din ni Mama. "Bakit may kausap siyang doktor?
May sakit ba siya, anak?" Sasagot pa lang ako pero pinutol na naman ako ni Cloud sa
sasabihin ko."
"Hayaan niyo na siya, umuwi na tayo."
"Mauna na kayo, kakausapin ko pa si Kean." tinignan agad ako ng masama ni Cloud.
"Cloud, sabi ng doktor ilakad ko pa daw ang paa ko kaya hayaan mo na ako."
napabuntong hininga si Cloud pero alam kong hind siya payag sa gusto ko.
"Kagagaling pa lang ng paa mo kaya hindi mo dapat pwersahin, at kung maglalakad ka
ng maglalakad baka masobrahan ka at sumakit na naman yan pagkatapos mas lalong
lumala. Bakit ba kasi ang tigas tigas ng ulo mo? Parang sarili mo na lang 'yong
pinapakinggan mo, Keila." Inis niyang sabi. "Uuwi na tayo."
Hinawakan niya 'yong kamay ko pero pinigilan siya ni Mama.
"Cloud, hayaan mo na ang kapatid mo. Sabi nga ng doktor kailangan pa niyang ilakad
lakad ang paa niya. Hindi naman tatakbo si Keila at isa pa may motor si Kean kaya
pwede niyang ihataid si Keila kapag napagod na siya." sambit ni Mama. Buti na lang
talaga palagi kong back up si Mama kapag sumusobra na sa akin si Cloud. "Hayaan mo
na muna si Keila. May tiwala naman ako sakanya eh, let's go home."
Tinignan ako ni Cloud. Mukhang suko na siya sa pangungulit sakin.
"We still have our dinner later with Dad, make sure you'll not going to be late."
seryoso niyang sabi. "And make sure Kean will bring you home safely because if not,
I will punch him in the face." Ngumiti ako at niyakap ko si Cloud. Kahit gaano siya
katigas at kasungit, minsan hindi pa din niya ako natiiis.
"Thank you Cloud. Promise hindi ako mala-late." masaya kong sabi. "Mama, mauna na
po kayo, uuwi din ako mamaya." paalam ko kay Mama.
"Okay, mag ingat kayo."
Pinuntahan ko si Kean sa clinic ni Dr. Song pero wala na siya dom buti na lang
kakaalis lang daw siya. Pumunta ako sa parking lot at buti na lang nakita ko siya
don. Nakasuot na siya ng helmet niya pero nang makita niya ako, tinanggal niya agad
'yon at hinarap niya ako. "Keila?" gulat niyang tanong. "Sorry hindi kita nasamahan
dito, may nangyari lang kasi kaya hindi kita nagawang samahan ngayon. Sorry talaga
Keila. Pupuntahan na nga sana kita sa bahay niyo."
"Ayos lang 'yon. Ano bang nangyari? tska bakit may kausap kang doktor?" Natigilan
siya sa tanong ko. Parang hindi niya alam kung anong sasabihin sakin at parang
nataranta pa siya. "Kean?"
"Wala, wag mo ng isipin 'yon. Kamusta pala 'yong mga paa mo? Okay na ba? Asan sila
Cloud?" lumuhod siya sa harap ko at tinginan niya 'yong paa ko. "Mukhang mas maayos
na siya kaysa kahapon." Tumayo siya at tinignan niya ako. "Okay na ba yan?"
Mukhang ayaw niyang pag usapan 'yong nangyari sakanya. Hindi ko na lang ipipilit
baka masyado na 'yong personal. "Okay na daw, wala naman bali 'yong mga buto sa paa
ko. Maglakad lakad pa nga daw ako eh sabi ng doktor para masanay 'yong paa ko."
"Asan sila Cloud?"
"Pinauna ko na sila. Gusto mo mag ice cream? Tara punta tayo sa park?" Alok ko.
"Sige ba, basta ice cream hindi ako aayaw." Masigla niyang sabi. Namiss ko 'yong
ngiti niya at 'yong pagiging weirdo niya. "Kumapit kang mabuti sakin ha?"
Inalalayan niya ako makaupo sa likod ng motor niya.
Kumapit ako ng mabuti sakanya. Mabagal pa din 'yong takbo ni Kean hindi katulad ng
dati. Inaalala pa din siguro niya ako.
Bumaba kami sa park malapit sa ice cream parlor na kinakainan namin. Naglakad lakad
muna ako. Masarap ang hangin dito dahil puno pa din ng mga puno ang park na 'to.
Habang naglalakad kami, may nakasalubong kaming isang lalaki at isang babae na naka
uniform. Mukhang high school students pa lang sila.
"Uy ice cream." Biglang sabi ni Kean don sa lalaki na may hawak ng ice cream. Ano
bang ginagawa niya? Nakakahiya, napahinto pa tuloy sila ng kasama niya.
"Oo, ice cream." Sagot naman nung lalaki. Hala, parang pareho sila ni Kean na may
pagka weirdo. Natawa tuloy ako pati na din 'yong babaeng kasama niya. "Gusto mo?"
Pag alok niya bigla na lang natapon 'yong ice cream niya na nasa cone.
"Ay natapon." Sambit ni Kean.
"Oo, natapon." Sagot naman nung lalaki. "Bili ulit tayo, Piper." Sambit niya don sa
kasama niya.
"Seriously Nate? That's your third ice cream." Sambit nung babae. Mukhang rich kid
siya. Parang alam ko kung saan sila nag aaral. "Let's just buy another time."
"Piper, sige na. Mainit kailangan natin ng pampalamig."
"May alam akong masarap na bilihan ng ice cream, gusto niyo sumama samin?" Alok ni
Kean. Kapag tinitignan ko siya parang kasing edad niya lang 'yong dalawa. Para
talaga siyang bata minsan. "Tara Keila."
Pumasok kami sa paborito naming ice cream parlor ni Kean. Umorder siya ng dalawang
rocky road pagkatapos 'yong dalawang kasama namin, umorder ng strawberry. Umupo
kami sa iisang table.
"Ako nga pala si Kean." Sambit ni Kean don sa dalawa. "Eto naman si Keila, ang babe
ko. Kayo, anong name niyo?"
"I'm Piper Yu and this is Nathan Scott but you can call him Nate." Wow ang sosyal
talaga niya sumagot, ang ganda pa niya. "I think you're older that us. Actually
we're just high school students from Kingdom High." Naalala ko na 'yong school
nila. 'Yon yong katabing school ng Xavier na pinasukan namin dati ni Cloud.
"We're from East University." Sagot ni Kean. Medyo natawa ako dahil hindi ako sanay
na nag e-english siya at seryoso pa. "Nosebleed ako dito kay Piper, ikaw na
kumausap Keila." Bulong sakin ni Kean. Natawa tuloy ako pero buti na lang hindi
nila nakita.
"Kuya Kean, girlfriend mo ba si Ate Keila?" Tanong ni Nate. "Bagay kayo."
"Sana nga eh, girlfriend ko na lang siya." Sagot ni Kean. "Bagay ba talaga kami?"
Tanong pa niya. Tumango lang naman si Nate at Piper sakanya. Aba naghanap pa talaga
siya ng kakampi ha.
"Ah--" natigilan si Kean ng may makita siya sa relo ni Nate. "Wow, ben ten!" Sigaw
ni Kean. Ayan na naman siya kay Ben Ten eh. Mas nagmumukha pa siyang bata kaysa kay
Nate at Piper.
"Gusto mo ba yan, Kuya? Sayo na lang yan baka mamaya kapag ikaw na ang gumamit, mag
transform ka na sa mga aliens ni Ben Ten. Kapag sakin kasi walang effect eh, hindi
ata ako ang chosen one."
Napanganga na lang ako sa sinabi ni Nate. Medyo maluwag na din pala ang turnilyo
niya sa ulo katulad ni Kean.
"Thank you Nate. Kapag nakapag transform agad ako, sasabihin ko agad sayo." Sagot
pa ni Kean.
Ano kayang trip meron ang dalawang 'to? Kaya ba sila pinagtagpo dahil pareho sila?
Pareho na mahilig sa alien ni Ben Ten.
"Ate, don't be so surprise coz' Nate is really a weirdo." Bulong ni Piper.
"Si Kean din naman eh. Pareho sila." Natawa na lang kaming dalawa ni Piper.
Habang kumakain kami ng ice cream, ang daming pinag usapan ni Kean at Nate. Kami
naman ni Piper puro mga hollywood crushes ang nagpausapan namin.
"Oh no, we have to go Nate." Sambit ni Piper. "Sorry Ate and Kuya but we have to
go." Paalam niya. "It's nice to meet you two."
"Paano Kuya Kean? Sa susunod ulit ha. Sana magkita pa ulit tayo dito."
"Sure, thank you sa watch ah."
Nagpaalam na si Nate at Piper. Masaya din silang kasama at si Kean mukhang tuwang
tuwa kay Nate lalo na sa relo na binigay ni Nate. Paminsan minsan talaga may
pagkaisip bata at may pagka weirdo si Kean. Sabagay, alien nga pala siya ni Ben
ten.
Naglakad lakad pa kami ni Kean sa park.
Habang tinitignan ko ang relo ni Kean, napagtanto ko na malapit na pala mag six o
clock. Mabuti pa umuwi na ako.
Nakarinig ako ng tunog ng magugutom na tyan at alam ko na kay Kean 'yon. "Sorry
babe, hindi pa pala ako kumakain."
"Alam ko may family dinner kami kasama ang Papa ko mabuti pa sumama ka na samin."
Alok ko.
"Papa? Sabi ni Cloud, hindi niyo daw kilala ang Papa niyo. Nagpakita na ba siya sa
inyo?" Tanong niya.
"Oo at ipapakilala kita sakanya. Magugustuhan ka non. Tara?"
"Sige, mabuti ng ma-meet ko na ang Papa mo para makapag paalam na din ako sakanya."
Tawa siya ng tawa na parang may balak pa siya.
Excited na akong makita ulit si Papa. Magugustuhan niya nga kaya si Kean?
--
Author's Note:
You've read it right, that's Piper Yu and Nathan Scott from The Trouble with the
Rule ni iDangs. Abangan niyo pa sila sa ibang chapters at abangan niyo din sila
Kean at Keila sa TTWTR. Credit to my close buddy, iDangs.
Chapter 24: Her father

Kean's point of view

Pinarada ko ang motor ko sa tapat ng bahay nila Keila. Inalalayan ko siya pababa ng
motor ko. Pumasok kami sa loob kung saan naghihintay ang Papa niya.
Nakaupo sila sa sala.
"I'm home." Bungad ni Keila.
Humarap sila sa amin. Nanlaki agad ang mata ko ng makita ko ang Papa ni Keila.
Totoo ba 'to? Siya ba talaga ang Papa ni Keila? Ibig sabihin, magkapatid sila ni
Dana?
"Sinama ko pala si Kean, sana okay lang." Sambit ni Keila. "Oo nga pala, Papa si
Kean po kaibigan ko. Kean siya yong Papa ko."
Kahit siya gulat na gulat ng makita ako. Kilala na namin ang isa't isa noon pa
dahil kay Dana.
"Nice to meet you, Kean." Sambit niya.
Inabot niya sakin ang kamay niya kaya nakipagkamay din ako. Hindi ko alam pero
nasaktan ako sa paghawak niya.
"Kumain na tayo, nasa taas lang si Cloud at baba na din siya." Sabi ni Tita Mae.
Pumunta kami sa dining room. Tumabi ako kay Keila habang 'yong Papa niya nakaupo sa
gitna katabi si Tita Mae. Bumaba na din si Cloud. "Anong ginagawa ni Kean dito?"
Tanong ni Cloud.
"Sinama ko siya dito." Sagot ni Keila.
"Is he part of our family?" Pagsusungit niya. Umupo siya sa harapan ko. "Para satin
lang 'tong dinner na 'to, Keila."
"Hayaan mo na Cloud. Kumain na lang tayo." Sambit ni Tita Mae. "Let us pray."
Nagkaroon ng isang minutong katahimikan. "Sige kumain na tayo."
Inalalayan ko si Keila sa pagkuha ng mga pagkain. Parehong masama ang tingin sakin
ni Cloud at ng Papa nila. Hindi tuloy ako mapakali sa kinakaupuan ko. Hindi ata
magandang ideya na pumunta ako dito ngayon.
"So Kean, nanliligaw ka ba sa anak ko?" Tanong ni Tito Travis.
"Balak ko po sana." Sagot ko. Lahat sila napatingin sakin. "Kaya nga po hihingin ko
na sana ang permission niyo kung liligawan ko na si Keila."
Nagkaroon ulit ng katahimikan bago sila sabay sabay sumagot.
"Hindi." Sagot ni Cloud at ni Tito Travis.
"Oo." Sagot ni Tita Mae.
"Hindi pwede, Keila napagusapan na natin 'to hindi ba? Pwede ka lang
makipagkaibigan sakanya pero higit pa don hindi na pwede." Sambit ni Cloud.
"Hindi din ako papayag." Sagot naman ni Tito Travis.
Sasagot na sana ako nang nagsalita si Tita Mae. "Bigyan niyo nga ako ng magandang
dahilan kung bakit ayaw niyo."
Nagkaroon ulit ng katahimikan.
"Walang masama kung manligaw si Kean kay Keila. Mabait na bata si Kean at palagi
siyang nandyan para sakanya. I think he deserves a chance."
"Thank you po, Tita Mae." Sambit ko. "Wag kayong mag-alala, hindi ko sasaktan si
Keila. Mahal ko po siya kaya hindi ko 'yon magagawa." Masamang tingin na lang ang
sinagot sa akin ni Cloud at ni Tito Travis.
"Buti na lang kakampi mo si Mama." Bulong sakin ni Keila. "Okay ka lang ba dyan?"
Tumango lang ako at ngumiti sakanya. Hindi talaga ako okay kasi kanina pa ako hindi
mapakali dahil sa tingin ni Cloud at ni Tito Travis pero buti na lang kampi sakin
si Tita Mae.
"Balak kong pumunta sa hongkong next month sa birthday niyong dalawa. At balak ko
sana lahat tayo pumunta." Sambit ni Tito Travis. "Sana pumayag ka, Mae. Minsan lang
naman tayo mag bonding na pamilya."
Hindi ko pa din talaga maintindihan kung paano nangyari na magkapatid sila Cloud,
Keila at Dana. Pangalawang pamilya ba ni Tito Travis sila Tita Mae? pero alam ko
simula nuon hanggang ngayon magkasama pa din si Tito Travis at Tita Danica. O baka
naman, ibang pamilya ni Tito Travis sila Keila? Naguguluhan pa din ako. Wala naman
nasabi sakin si Keila about sa Papa niya. Sana lang hindi kabit ni Tito Travis si
Tita Mae dahil madaming masasaktan isa na duon si Dana at Keila.
"Travis, I think that's not a good idea." Sagot ni Tita Mae. "You know our
situation."
"Excuse me lang po, mag rest room lang ako." Singit ko. "Keila saan ang CR?" Bulong
ko kay Keila.
"Diretso tapaos kaliwa." Sagot niya.
Nagmadali akong umalis. Hindi naman talaga ako gagamit ng rest room. Alam ko kasing
may gusto silang pag-usapan na sila lang at wala ako. Dapat pala hindi na lang
talaga ako sumama. Pero, nakakataba ng puso na naisipan ni Keila na isama ako sa
family dinner nila. Ibig sabihin ba non, importante na ako para sakanya?
After five minutes bumalik na din ako. Mukhang tapos na nilang pag-usapan ang dapat
nilang pag-usapan. Malapit na din kaming matapos sa kinakain namin.
"Kean, pwede ba kitang makausap sa labas?" Tanong ni Tito Travis. Kinabahan ako
bigla.
"Papa, uuwi na po si Kean." Sambit ni Keila.
"Okay lang Keila, maaga pa naman eh." Sambit ko. Mukhang nag aalala sakin si Keila
kaga nginitian ko siya. "Kailangan kong magpaalam sakanya, para kapag nakapag move-
on ka na at liligawan na kita, okay na ang lahat. Well, si Cloud na lang pala ang
problema." Pareho kaming natawa. Nagpaalam ako sakanya.
Sinundan ko si Tito Travis sa labas. Umupo kami sa maliit na table sa garden nila.
May dalawang bote na ng beer duon. Mag iinuman pala kami. Mukha g seryoso ata ang
pag-uusapan namin.
"Hindi ko alam na dito pa talaga tayo magkikita ulit, Kean." Bungad niyang sabi.
"Ang litt naman talaga ng mundo."
"Hindi ko po maintindihan, ibang pamilya niyo ba sila Tita Mae?" Tanong ko. "Paano
sila Dana?"
"Komplikado ang sitwasyon namin. Wag ka na lang makialam Kean. At wag na wag mong
sasabihin 'to kay Dana." Seryoso niyang sabi.
"Bakit hindi?" Pag-uusisa ko.
"Hindi pa nila alam ang lahat ng tungkol dito kaya hindi nila pwedeng malaman sa
iba 'to. Naiintindihan mo?"
"Niloloko niyo sila. Masasaktan si Tita Danica at si Dana sa ginagawa niyo, pati
sila Keila. Alam ba nilang may pamilya na kayo sa iba? Anong klase kayo?" Inis kong
tanong. "They deserve to know."
"I will tell Danica about it pero kailangan ko lang ng oras. Mae, Keila and Cloud
knows all about it."
Alam nila? Hindi ba nasasaktan si Keila dahil sa pangalawang pamilya lang sila ng
Papa niya?
"You better say it as soon as possible dahil mas masasaktan lang si Tita Danica at
si Dana kapag pinatagal niyo pa 'to."
"Why do care so much for Dana? I thought you love my other daughter, Keila. Balak
mo ba silang pagsabayin ha?" Ang sama ng tingin niya sakin.
"Wala ba po akong kinalaman kay Dana, Tito. Magkaibigan na lang po kami." Sagot ko.
Kinuha niya ang bote ng beer niya at uminom siya na halos maging kalahati na ang
bote. "Tito, si Keila po 'yong mahal ko."
"Paano naman si Dana? Mahal ka pa niya." Matahimik ako. Hindi ko alam kung anong
dapat kong sabihin. Baka kasi magalit siya sa sasabihin ko. "Kean, pareho kong anak
si Keila at Dana at kapag nalaman ni Dana na si Keila na ang mahal mo baka magalit
siya sa sarili niyang kapatid dahil lang sa isang lalaki. Ayokong mangyari 'yon."
"Hindi ko po talaga kayang mahalin si Dana." Sagot ko.
"Wag mo na din mahalin si Keila."
"Hindi po ganon kadaling gawin yon at ayokong gawin yon." Sagot ko. Halos maubos na
niya ang alak niya sa tatlong inom lang. "Maiintindihan din po ako ni Dana."
"Ito ang tandaan mo Kean, kapag may isang umiyak sa mga anak ko. Hinding hindi ko
na sila hahayaan na lumapit pa sayo." Inubos lang niya ang alak niya at tumayo na
siya. "Tandaan mo ang sinabi ko sayo."
Pinagmasdan ko lang siya habang papaalis siya. Nagpaalam na siya kala Keila.
Pinagmasdan ko lang si Keila habang nasa malayo ako at mukha naman siyang masaya.
Napangiti na lang ako sa nakita ko. Ito lang naman 'yong gusto ko eh, ang makita
siyang masaya.
"Kean, okay ka lang ba? May sinabi ba sayo si Papa?" Nag aalala niyang tanong.
"Boys talk lang." Sagot ko. "Uuwi na din ako. Thank you sa pag invite sakin dito.
Wrong timing nga ata ako."
"Okay lang, wala 'yon."
Hinatid ako ni Keila sa labas ng bahay nila. Hinarap niya ako at parang may gusto
siyang sabihin sakin na hindi niya masabi.
"Ano 'yon?" Tanong ko at nagulat siya.
"Ha?"
"May sasabihin ka?"
"Kean.. kasi.. Ang totoo.. anak lang talaga kami sa labas ni Papa. May iba talaga
siyang pamilya at duon siya uuwi ngayong gabi." Bigla na lang lumungkot at mukha
niya. "Sorry kung hindi ko agad nasabi sayo."
Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya. "Keila, wala akong paki alam kung anak ka
sa labas o kung ano pa kasi hindi naman 'yon ang magiging batayan ng pagkatao mo.
Kahit na ganyan 'yong sitwasyon mo, naging matapang ka pa din, lumaki ka pa din ng
tama at higit sa lahat hindi ka nagtanim ng kahit na anong sama ng loob sa mga
magulang mo."
Unti unting tumulo ang luha ni Keila. Niyakap niya ako ng mahigpit. "Thank you
Kean. Thank you kasi naiintindihan mo ako at thank you kasi kapag kailangan kita
nandyan palagi."
"Syempre, alien mo ata ako." Pagbibiro ko para tumigil na siya sa pag iyak. "Tahan
na babe."
Hinarap niya ako, pinahid ko ang mga luha sa mata niya. "Alien na pala 'yong
kailangan ko ngayon, hindi na isang superman."
"Oo mas gwapo at mas malakas naman ako kay Superman." Pareho kaming natawa sa
sinabi ko. "Tignan mo, mas maganda ka kapag nakangiti." Sambit ko.
"Oo na. Sabi mo eh. Umuwi ka na, gabi na." Sambit niya. Pinagmasdan ko siya. Nagawa
niyang maging tapat sakin tungkol sa pamilya niya kaya dapat ganon din ako pero
baka mas lalong maging komplikado kapag nalaman na niya agad ang lahat. "May
sasabihin ka ba?"
Lumapit ako sa tainga niya. "I love you." Bulong ko. Hinarap ko ulit siya. "Aalis
na ako, good night babe."
Sumakay ako sa motor ko at bago ko isuot ang heltmet ko, lumapit sakin si Keila.
"Hindi mo man lang ba hihintayin ang sagot ko sa I love you mo?" Nagulat ako sa
tanong niya. "I don't love you yet.. but I do like you."
Bumaba ulit ako ng motor ko at hinarap ko siya. Hinawakan ko ang nagkabilang pisngi
niya tska ko siya hinalikan sa noo niya. Tinignan ko ang mata niya at hindi ko
naiwasan na mapatingin sa labi niya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Gustong
gusto kong halikan ang labi niya pero pinigilan ko ang sarili ko. Kinagat ko na
lang ang mga labi ko. Hindi pa niya ako boyfriend para gawin 'yon. "That's enough
for me, babe."
"Good night, my alien."
"Good night babe, see you tomorrow." Paalam ko.
Sumakay na ulit ako sa motor ko. Habang papalayo ako pinagmamasdan ko si Keila sa
side mirror ng motor ko. "Sorry Keila.." Bulong ko sa sarili ko.
Pinarada ko ang motor ko sa harap ng bahay namin. Umakyat ako sa bahay at patay na
ang mga ilaw. Tulog na siguro si tatay at si Hailey.
Bago ako pumasok sa loob, tumawag sakin si Dana. "Kean, I need you." Sambit niya.
"Anong problema?" Tanong ko. Mukhang nasa bar siya dahil sobrang ingay na hindi ko
na siya marinig pa. "Dana, asan ka ba? Okay ka lang?"
"Nasa padis ako.. sa seaside." Mahina niyang sabi. "I'm really drunk and I can't go
home. Please puntahan mo ako dito."
"Sige, hintayin mo ako dyan."
Binaba ko agad ang phone at pinuntahan ko siya. Hindi ko din naman kayang may
masamang mangyari sakanya.
Pagdating ko don, hinanap ko agad siya. Nakita ko siya sa isang table na puno ng
bote ng alak. "Dana, what are you doing?" Tanong ko. "Ang dami mong ininom. Ano
bang problema mo?"
"Ikaw Kean.. ikaw ang problema ko. I can't make you love me. Kean, ano bang dapat
kong gawin para mahalin mo din ako?" Naiiyak na siya habang nagsasalita pero
halatang lasing na lasing na siya. "Just love me Kean.."
"Dana lasing ka na, umuwi na tayo."
"Sabihin mo munang mahal mo ako." Pagmamakaawa pa niya. "Kean.. please."
"Dana, I can't. I already love someone else." Sagot ko. "Iiuwi na kita."
"No, ayokong umuwi. Dito lang ako at magpapakalasing ako!" Nagwawala na siya. "Iwan
mo na ako!" Ayaw na niyang hawakan ko siya. Hindi na din alam ang gagawin ko.
"Kean," bigla na lang lumapit sakin si Trevor. "Ako na ang bahala kay Dana. Ako na
ang mag uuwi sakanya." Binuhat na lang ni Trevor si Dana papunta sa kotse niya.
Sinundan ko sila dahil duon din nakaparada ang motor ko.
Nang makaalis sila, nagulat ako ng biglang sumulpot si Dwayne.
"Bakit mo siya pinuntahan dito?" Tanong niya. "Do you love her?" Binigyan niya ako
ng masamang tingin.
"Kilala mo kung sino ang mahal ko at si Keila 'yon."
"Then why are you here for Dana?" Pag uusisa pa niya. "Mahal mo siya dahil kung
hindi, hindi ka pupunta dito. Tama ako, hindi ba?"
"Pumunta lang ako dito bilang kaibigan. Hindi ko siya mahal dahil si Keila ang
mahal ko."
Lumapit siya at hinawakan niya ang kwelyo ng damit ko. "Siguraduhin mo lang dahil
sa oras na saktan mo si Keila, malalagot ka sakin."
Inalis ko ang kamay niya sa pagkakahawak sa kwelyo ng damit ko. "Kung makapag
salita ka parang nag aalala ka talaga kay Keila. Hindi ba sinaktan mo lang din
siya, hindi ba niloko mo lang siya kaya anong karapatan mong sabihin yan ngayon?"
"Isang beses ko lang sasabihin 'to sayo kaya makinig kang mabuti." Lumapit siya sa
akin at tinignan niya ako ng napaka seryoso. "Mahal ko na si Keila, at sa oras na
magkamali ka, aagawin ko siya sayo. Tandaan mo yan, Kean."

Chapter 25: Realization

Dwayne's point of view

Nanginginig pa din ang kamay ko dahil sa malakas na pagsuntok ko kay Kean. Isa
siyang malaking gago. Subukan lang talaga niyang saktan si Keila, malalagot siya sa
akin.
I don't want to see her crying and hurting again. I've done that stupid mistake
before and I don't want anybody else do that to her, again.
Hinawakan ko na lang ang paghawak ko sa manibela. Isang oras din akong nagmaneho
bago ako makauwi sa amin. Pagbukas ko ng pinto, nagulat ako ng bumungad sakin si
Jenelle. Gabing gabi na, bakit gising pa siya?
"What's the matter?" I asked as I approached her. "Bakit gising ka pa?"
"Hinihintay kita." Sagot niya. "Palagi ka na lang gabi umuuwi, Kuya. Nag aalala na
ako sayo. May problema ba? Tungkol na naman ba 'to kay Dana? Kuya 'di ba--" hindi
ko na siya pinatapos sa pagsasalita niya.
Ginulo ko na lang ang buhok niya. "Baby sis, okay na ako. It's not about Dana
anymore. And don't worry, from now on hindi na ako magpapagabi. Siguro minsan na
lang." Tumawa ako to assure her I'm fine. Hinala ko siya palapit sa akin at
inakbayan ko siya. "You don't have to worry about Kuya, Jenelle. Remember, ako si
Batman at ikaw naman si Cat woman? Hindi tayo basta basta nagpapatalo. Right?"
Pagbibiro ko pa sakanya. "Now go to your room and sleep. Okay?"
"Okay, Kuya. Basta kapag may problema ka, sabihin mo agad sakin ha? Ayokong
nakikita kang malungkot. Mahal kita kahit palagi mo akong inaasar at kahit minsan
nakakasar yang ugali mo. Good night." She smiled at me before she leaves. Minsan
mas mabuti na sinasarili mo na lang ang problema mo, Jenelle. I know in time
maiintindihan mo ako kung bakit hindi ko ka sinabi pa sayo ang problema ko.
Pumunta ako sa kusina para kumuha ng tatlong lata ng beer sa refrigerator namin.
Dumiretso ako sa pool side at duon ako nag decide na uminom.
Sabi nga ni Tatay, kapag uminom ka diretso dapat sa tyan, wag sa utak pero hindi ko
mapiglan. I want to drink to ease the pain. I want to forget how stupid I am.
"Nasakin na nga, pinakawalan ko pa. Ang tanga ko talaga." Bulong ko sa sarili ko.
"I can't believe how stupid I am."
Isn't ironic how the things we do to feel alive can kill us?
Ito na ba 'yong karma ko? Tama nga siguro sila, Karma strike twice in the
unexpected time and in the most unexpected situation. And it's killing me.
Hindi ko na lang siya basta ginugusto, minamahal ko na si Keila. My world is so
freaking different now because of her.
"Hindi ka man lang nag aaya. Mas masarap uminom kapag may kasama." I looked at him
while he's smiling at me holding his own cans of beer. "Kung ano man yang problema
mo, sabihin mo lang sakin. Tatay mo ako kaya alam ko kung anong gagawin, kung hindi
man, hahanap tayo ng paraan sa problema mo."
Natigilan ako. Should I really open up? Maybe yes. Habang tumatagal mas lalong
bumibigat ang pakiramdam ko.
"Tatay kasi, 'yong babaeng kamukha ni Dana, si Keila. Akala ko dati, nagustuhan ko
lang siya dahil kamukha niya si Dana pero mali pala ako. She may look exactly the
same as Dana but they are total opposite. The odd thing is, I did like Keila more
than Dana. The hardest part now, I think I'm now in love with Keila."
"Paano mo naman nasabi na mas gusto mo nga si Keila kaysa kay Dana? Ikaw na nga ang
may sabi na magkamukha sila, baka naguguluhan ka lang, anak?" Tanong ni Tatay
habang inuubos niya ang unang lata ng beer na dala niya.
"Nung nakita ko si Dana na may kasamang iba, oo nasaktan ako pero nung si Keila
naman ang nakitang may kasamang iba, mas doble pa 'yong naramdaman kong sakit."
Ininom ko ang pangalawang lata ng beer sa harap ko. Kahit papaano, gumagaan na ang
pakiramdam ko dahil nasasabi ko na 'yong problema mo, good thing kay Tatay ko pa
'yon nasabi. I know, he knows what to do. "Akala ko si Dana pa din 'yong ginugusto
at minamahal ko pero all along si Keila na pala yon. It was her all along. Pwede
pala 'yon noh, Tay? Akala mo siya 'yong mahal mo pero iba naman pala talaga."
Nakita kong ngumiti si Tatay. "Then, go ahead and tell her."
"It's too late, nasaktan ko na siya ng sobra at may iba na siyang gusto. Masaya na
siya na wala ako." I sighed. I can't believe how stupid I am. "Ang tanga ko,
Tatay."
"Sila na ba ng gusto niya?" Tanong niya.
"Hindi pa, sa pagkakaalam ko."
"Then don't give up so early, Dwayne." Sagot niya. "Nuong mga high school pa lang
kami ng mommy mo, may iba din siyang gusto. Masakit pero hindi ako sumuko. Hindi pa
din ako umalis sa tabi niya kahit na minsan baliwala na lang ako."
"Do you really think I shouldn't give up when I know from the start that I couldn't
win the fight?" I asked. I'm trying not to cry in front of him.
"If she's worth falling for, the do fight for her. In the end wether you win her
heart or not, you'll not going to regret it." Malalaman mong seryoso na si Tatay sa
mga sinasabi niya kapag nag e-english na siya. Bumalik tuloy ang mga luha ko at
natawa na lang ako. "Hindi naman kasi fairy tale ang love na sa una pa lang may
happy ending na agad. Kailangan mong paghirapan ang happy ending mo. Parang finish
line, madami kayong dapat pagdaanan para makamit niyo ang happy ending niyo."
"Pinaglaban mo ba nuon si Mom, Tay?"
"Oo naman, lumaban ako kahit na alam kong wala akong laban. Hindi ako sumuko. Kapag
mahal mo ang isang tao, makakayanan mo lahat kahit na masaktan ka pa ng sobra."
Tinapik ni Tatay ang balikat ko at ininom ang huling lata ng beer niya. "Minsan
kasi, lumaban ka man o hindi, masasaktan ka pa din."
"Tama ka, Tay. I should fight for her."
"Just know your place, kung sila na nung taong gusto niya then stop. Fight with
dignity and respect, Son. That's what a true Lopez is." We finished our drinks
before we go to sleep. "Tandaan mo lang na kung may problema ka, nandito lang ako,
ang mommy mo at si Jenelle para sayo."
"Thank you, Tatay."
Hindi man ako swerte sa pag-ibig, alam kong ma swerte ako sa pamilya ko.
The next day, maaga akong pumasok sa school dahil maaga ang dance practice namin.
Dumiretso ako sa gym pero wala pa silang lahat maliban kay Trevor.
"Hey bro, you're so early." Bati ko kay Trevor. "What's up? Did you drive her home
safe last night?" I asked.
"Yeah bro, she's safe home." Tinignan niya ako then he smiled. What is he thinking?
"Tell me, you don't love her anymore."
"Love who?"
"Dana, you don't love her anymore because if still you do, you shouldn't asked me
to drive her home last night. Instead you'll be the one to drive her home. That's
gonna be your chance but you still didn't do it. Am I right?"
"Yeah, I don't love her anymore." I said then I sighed. "Matagal na pala akong
nakapag move-on sakanya, I was just blinded. I thought it's her that I love but
it's Keila, bro."
Nagkaroon ng sandaling katahimikan. Siguro nagulat si Trevor sa sinabi ko. "That's
a surprise. You know, I love to see you both together but I think it's too late.
She's with Kean, now."
"I know that." Reality hits me again. Ito na naman 'yong mabigat na pakiramdam na
parang gusto ko na lang umiyak. "Gusto kong bumalik ulit siya sa buhay ko. this
time magiging maayos na ang lahat. This time magiging masaya na siya sakin. Pero,
huli na ang lahat eh, maayos at masaya na siya sa iba."
"Dalawa lang yan, it's either nagmahal ka ng maling tao sa tamang panahon, o
nagmahal ka ng tamang tao sa maling pagkakataon." He patted my back. "Just
remember, if you're destined for each other, you'll fond a way back to each other."
Tumayo siya at nagsimula ng mag practice mag isa. Natulala na lang ako sa
kinakaupuan ko. Nasa huli talaga ang pagsisisi. But I deserve all of this. I've
been a total jerk to her and I do hurt her feelings so much.
"Hi!" Napatayo ako ng makita ko siya. Ito na naman 'yong abnormal na pag tibok ng
puso ko. I hate this feeling. "Ang aga niyong dalawa ha? Anong meron?" Tanong niya
habang papalapit siya sa amin.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Trevor. It feels weird. I can feel him teasing me
with his stare. "Ganado mag practice ngayon si Dwayne. He found a new inspiration."
He's really teasing me huh. I narrowed my eyes at him. He better stop doing that or
I'll kick his ass.
"Talaga? Ano naman 'yon Dwayne?" Tinignan niya ako diretso sa mga mata ko and that
point biglang bumilis ang tibok ng puso ko. "May bago ka na namang chick?"
"Wala!" Depensa ko. Well, I sounded too defensive. Nakakahiya talaga 'to. This is
all Trevor's fault. If he isn't teasing me, I'll not gonna feel so tensed in front
of Keila. "Don't listen to that guy. I just found a new step for us, that's why."
"Eh 'di maganda." Masaya niyang sabi. I stared at her as much as I can, I can't
help it.
"You look good together." Pang aasar pa ulit ni Trevor. Pareho kaming napatingin ni
Keila sakanya. "I mean, it's good to see you talking to each other again. Just like
the old times." Palusot pa niya.
"Ewan ko sayo, Trev. Sandali, magpapalit lang ako ng sapatos."
Pagtalikod pa lang ni Keila, siniko ko agad si Trevor. "Ouch, what was that for?"
He asked.
"That's for teasing me you bully."
"Don't you see, I'm being a cupid for you." Bulong niya. "It's fun to see you so
tense in front of a girl. Tsk. Tinamaan ka nga talaga bro."
Lumayo agad siya sakin thinking na baka sikuhin ko na naman siya. Lumapit siya kay
Keila. I looked at them, specially kay Keila.
Trev was right.
It's the first time I got so tense in front of a girl. What the is happening to me?
After ten minutes, we're all here and we started to practice. I can't help to look
at Keila that's why sometimes I get distracted. Napansin siguro nilang lahat yon
kaya Trev shouted for a break. Lumapit siya sakin looking a bit concerned. "Are you
okay?" He asked.
"Sorry, mag fo-focus na ulit ako." He smiled at me as if he knows what's happening.
"What's with your smile?"
"You're tense in front of her and you're being distracted because of her. Ohh.. my
friend is deeply in love."
"Shut up bro."
We go back to practice. I'm still feeling tense when I'm near Keila and Trevor is
not helping me with his stare that is obviously teasing me.
First time kong matuwa dahil tapos na ang practice. Parang nakahinga ako ng
maluwag. "Hey, may problema ba? Mukhang distracted ka?" Tanong ni Keila.
"Ah, wala 'yon. Puyat lang siguro ako. Sorry about that." sambit ko. "May class ka
after nito?" I asked.
"Mamaya pa after two hours." I stared at her, she's so beautiful. "Ikaw, may class
ka?"
"Uhm mamaya pa. Do you want to eat?" I don't know where the hell did I get the
courage to ask her out. "Maaga pa naman, so may time pa tayong kumain." I said with
a smile. Nagulat ata siya sa tanong ko at parang hindi niya alam ang sasabihin
niya.
"I'm actually.. going out with Kean." Saktong pagsabi niya non, tinawag na siya ni
Kean mula sa labas ng gym. "Well, I have to go. Bye!"
Pinagmasdan ko na lang siya habang papunta siya kay Kean. She look so happy with
him and that breaks my heart so much.
Siguraduhin lang talaga ni Kean na hindi niya si Keila dahil sa oras na mangyari
yon, hindi ko na hahayaang makalapit pa siya kay Keila.
I suddenly remembered what Keila said befere. "If I think I'm a player, she's gonna
be my coach." I smiled. "I should have listened to you before, Keila." Bulong ko sa
sarili ko. "I shouldn't have let you go."
All of a sudden, she changed. She came back a completely different person. The girl
that once cared way too much for me, already stop caring about at all.
It's so hard to see your world falling apart and all you can do is nothing.

Dear Tadhana,
If only I can turn back time, I would love her right and I will never ever let her
go.

Chapter 26: Picnic


Keila's point of view

"I'm actually.. going out with Kean." Sagot ko kay Dwayne. Nakakapag taka na bigla
na lang niya akong aayain na kumain sa labas. May problema ba siya? Narinig ko ang
boses ni Kean mula sa labas ng gym. "Well, I have to go. Bye!" Paalam ko kay
Dwayne.
Nagbihis ba ako pagkatapos lumabas na ako ng gym para puntahan si Kean.
"So, saan tayo kakain?" tanong ko.
"Sa plato." Sagot niya. Tinignan ko siya ng masama. Pinipilosopo niya ako. "Tama
naman ako, sa plato naman talaga tayo kakain." Natatawa niyang sabi. "Saan mo ba
gusto, sa dahon ng saging?" humihirit pa talaga siya ha.
"Wag na lang kaya tayong kumain?" pag tataray ko.
"Babe naman, nag bibiro lang naman ako eh." Sambit niya. "Bakit ba ang sungit mo?"
"Eh bakit ba ang pilosopo mo?"
"Humour ang tawag don, babe." Tinaas taas pa niya ang kilay niya habang sinasabi
niya yon. Bipolar talaga si Kean. Minsan seryoso, minsan abnormal. Oo nga pala,
alien siya ni Ben Ten kaya normal na sakanya ang maging abnormal. "Tadah!" sambit
niya ng makarating kami sa likod ng children's building. Sabado ngayon kaya walang
pasok ang mga bata kaya wala din tao dito ngayon.
"Dito tayo kakain?" tanong ko. Umupo ako sa swing. "May baon ka ba?"
Nilapag niya ang bag niya at may kinuha siyang tela at nilapag niya yon sa may
damuhan. Nilabas niya ang dalawang malaking baunan at dalawang malaking bottle
water. Wag mong sabihin na mag pi-picnic kami dito? "Hindi kasi kita kayang i-libre
sa mga mamahaling kainan kaya dito na lang kita dinala. Mag kasing sarap lang naman
ang mga luto namin." Lumapit siya sakin at hinila niya ako papunta sa damuhan.
"Palaging naiki-kwento ni Cloud sakin na paborito mo ang adobo kaya pinagluto kita
ng Kean's cloud nine adobo." Nakangiti niya pang sabi. Gamit na naman niya 'yong
mala alien niyang ngiti na korteng rectangle na kita na halos ang gilagid niya.
"Anong ibig sabihin ng cloud nine?" tanong ko.
"Ang ibig sabihin non, kapag natikman mo ang adobo ko, para kang nasa cloud nine.
Kaya Kean's cloud nine adobo." Napanganga na lang ako sa sinabi niya. Seryoso ba
talaga siya don? Natawa na lang tuloy ako. Abnormal nga talaga siya. "Anong
nakakatawa don, babe? Seryoso ako." Hindi ko na siya sinagot at ngumiti na lang
ako.
"Patikim nga ako ng luto mo. Nasabi ba sayo ni Cloud na pihikan ako pag dating sa
adobo?" natigilan siya sa sinabi ko. Tinignan niya ako na parang alalang alala
siya. Natawa na naman ako. Actually, nagbibiro lang naman ako eh. "Gotcha." Sambit
ko.
"Ah ganon?" unti unting sumeryoso ang mukha niya. Unti unti siyang lumapit sakin
kaya napaatras ako. "Alam mo ba na masama akong biruin kasi nang hahalik na lang
ako bigla?" hindi ko alam kung nagbibiro ba siya o hindi dahil napaka seryoso ng
mukha niya. "Hindi ba yon nasabi sayo ni Jenelle?" Lumabas na ako sa tela at nasa
damuhan na ako sa kakaatras ko. "You know what? I missed kissing you."
"Stop that." Sambit ko pero hindi siya tumigil sa pag lapit sakin. Seryoso ba
talaga siya na hahalikan niya ako? "Kean!" sigaw ko at tumayo ako palayo sakanya.
Ang laki ng ngiti niya at tumayo din siya. "Seryoso ka ba dyan ha? Walang
nababanggit sakin si Jenelle. Umayos ka nga!"
"You should know na hindi magandang galitin ang mga alien ni Ben Ten." Naglakad na
naman siya papalapit sakin kaya tumakbo ako palayo. "Bakit ka lumalayo sakin?"
nilapitan niya ako kaya tumakbo ako papunta sa likod ng slide.
Hinabol niya ako kaya umakyat ako sa slide at nag slide ako pababa para hindi ako
maabutan ni Kean. Nag habulan kami sa buong park. Nalingat lang ako sandali, hindi
ko na nakita si Kean. Asan na siya? "Kean?" tanong ko. Hinanap ko siya pero hindi
ko siya makita. Susuko na sana ako pero bigla na lang siyang sumulpot sa likod ko.
"Wah!" sigaw ko sa sobrang gulat. "Kean!"
"Gotcha." Natatawa niyang sabi. "Ayan quits na tayo, babe." He said with his
signature smile again.
"Sira ka din eh, noh?" sambit ko.
"Hindi naman kita hahalikan ng ganon ganon na lang. A kiss requires a perfect
timing and now is not the perfect time." Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.
"Why is this not a perfect time?" I asked out of curiosity.
"Kasi.." umpisa niya. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila niya ako pabalik sa
damuhan. "Hindi mo pa naman ako boyfriend kaya hindi kita pwedeng basta basta
halikan lalo na kung wala namang matinding dahilan. I don't want to take advantage
of you kahit na minsan gustong gusto na talaga kitang halikan."
I can't help but to smile. That's so sweet of him. Simula pa lang naman ng makilala
ko siya, napaka gentleman na niya at sobrang thoughtful. Isa 'yon sa mga dahilan
kung bakit ko siya nagustuhan. Oo, siguradong sigurado na ako sa nararamdaman ko.
Ayoko lang madaliin ang lahat sa amin ni Kean kasi gusto ko this time, maging okay
na ang lahat. Slowly but surely. Pagod na akong masaktan.
"Tikman mo na 'yong luto ko. Kapag masarap, makikipag date ka sakin ngayon. Ano
deal?" tanong niya gamit ang makulit niyang boses. Kapag kasama ko siya minsan para
siyang nag aasal bata. Ganito ba siya sa lahat o sa akin lang? "Gusto mo subuan pa
kita, babe?"
"Wag na noh, kaya ko na."
Kinuha ko ang baunan niya. Sa itsura pa lang ng adobo niya mukhang masarap na,
dagdagan mo pa ng nilagang itlog at patatas. Bigla akong natakam. Sa unang tikim ko
pa lang, nasarapan na agad ako. Hindi ako nga ako nagkamali. Masarap talaga mag
luto si Kean. "Ano, masarap ba?"
"Hindi masarap." Pang aasar ko. Kumunot ang noo niya at agad niyang tinikman 'yong
pagkain ko. Hindi pa siya nakuntento, tinikman niya pa ulit 'yong adobo niya.
"Okay naman siya. Masyado bang maasim? Matamis ba? Kulang ba sa sabaw?" seryosong
seryoso siya kay hindi ko naiwasan na matawa. Tinignan niya ako at pinagmasdan.
"Anong nakakatawa, babe?" seryoso pa din siya. Hindi ko maintindihan pero tawang
tawa ako sa itsura ngayon ni Kean.
"Niloloko lang kasi kita. Hindi totoong hindi masarap 'yong luto mo. Masarap siya
at nagustuhan ko."
Para siyang nabunutan ng tinik sa lalamunan. "So, makikipag date ka na sakin
mamaya?" excited niyang tanong. Ang bilis niya magpalit ng mood. Bipolar talaga.
"Sinabi mo na yan, wala ng bawian."
"Oo na, it's a date." Ginamit na naman niya ang signature smile niya. Kung hindi ko
lang siya kilala at kung hindi ko pa nakikita kung paano siya kapag seryoso,
iisipin ko na baliw siya. Para siyang nine years old na tuwang tuwa kasi binigyan
siya ng nanay niya ng ice cream. Weird man pero isa 'yon sa mga nagustuhan ko
sakanya. Gusto ko siya kapag seryoso siya pero mas gusto ko siya kapag nagiging
weird siya.
"Ubusin mo yang baon ko ha? Niluto ko talaga yan para sayo." Masaya niyang sabi.
Hindi ako nahirapan na ubusin 'yong adobo niya dahil masarap talaga. Parang gusto
ko pa nga eh pero nahihiya na akong hingin pa 'yong kay Kean. Pareho kaming nabusog
kaya sumandal muna kami sa enter tree ng park para makaiwas sa matinding sikat ng
araw, bonus pa kasi mahangin dito sa pwesto namin.
"Thank you, Kean sa masarap na food. Tama ka, mag kasing sarap lang kayo ng luto
nang mga mamahaling kainan na napuntahan ko na. Mas masarap pa kumain sa damuhan na
parang nag pi-picnic ka lang. At nag enjoy ako kumain kasama ka." Pareho kaming
nakatingala at nakatingin sa langit pero tumingin sa akin si Kean kaya napatingin
din ako sakanya. "May problema ba?" tanong ko.
"Ang sarap marinig na Masaya ka na kasama ako." Sambit niya.
"Palagi naman akong Masaya kapag kasama kita eh." Natigilan ako. Hindi ko inaasahan
na ganon 'yong lalabas sa bibig ko. Natural na lumabas ang mga salita na 'yon.
Sabagay totoo naman, kapag kasama ko si Kean, Masaya ako. Tinitigan ako ni Kean.
May kung ano sa mga titig niya na para bang nakakapanghina. "Kean, wag mo nga ako
titigan ng ganyan."
"Kaya kitang titigan mag damag ng hindi ako nagsasawa." Bumaba ang tingin niya
papunta sa labi ko. Huminga siya ng malalim at parang pinipigilan niya ang sarili
niya na halikan ako. Napatingin din ako sa labi niya na kasing pula ng isang
mansanas. "Alam mo bang, gusting gusto na naman kitang halikan ngayon pero ginagawa
ko ang lahat para pigilan ang sarili ko." Bulong niya. Bigla na lang bumilis ang
tibok ng puso ko habang unti unti ng naglalapit ang mukha namin. Pinikit ko ang
mata ko. Akala ko lalapat na ang labi ni Kean sa labi ko pero sa noo niya pala ako
hinalikan.
"I'm willing to wait for that perfect timing.. for that perfect kiss." Bulong niya
sakin. Halos tumayo ang buong balahibo sa katawan ko. Kinuha niya ang kamay ko at
nilagay niya 'yon sa dibdib niya. Ang bilis din pala ng tibok ng puso niya.
"Naririnig mo ba kung ano 'yong sinasabi ng puso ko?" tanong niya.
"Hindi, ano 'yon?"
"Sabi ng puso ko, mahal kita." Mas lalo niyang hinigpitan ang paghawak sa kamay ko.
Nilagay niya ang kamay ko sa pisngi niya. "Sa bawat araw na lumilipas at kasama
kita, mas lalo akong nahuhulog sayo.. mas lalo kitang minamahal na pakiramdam ko
kapag malapit ka sakin, sasabog na 'yong puso ko." Hinawakan niya 'yong mukha ko at
hinalikan niya ulit ako sa noo ko. "Tara na? Baka ma late ka sa class mo." alok ni
Kean.
"Saan pala tayo pupunta mamaya?" tanong ko.
"Sa MOA." Inalalayan niya akong tumayo at niligpit niya ang pinagkainan namin..
"Sasakay tayo sa mga rides don tska tutugtog kami din kami mamaya."
"Sige, magkita na lang tayo pagkatapos ng klase ko. Hinatayin mo na lang ako sa
parking lot mamaya."
"Sige, hihintayin kita."
Hindi na ako hinatid ni Kean papunta sa classroom ko dahil magkaiba ang way ng
building namin, baka ma late pa siya sa class niya. Pumasok ako sa room ko pero
bago pa ako makarating sa upuan ko sa likod, binangga na ako ni Krystal. Alam kong
sinasadya niya 'yon dahil malaki ang daan sa gitna kaya imposible na mabangga niya
ako by accident. Ang sama ng tingin niya sakin at maya maya lang, sinampal niya ako
ng napakalakas. Hindi ko 'yon inaasahan kaya hindi ako nakaiwas. "Anong problema
mo?!" tanong ko.
"Problema ko? Ikaw! Ikaw lang naman 'yong palagi kong problema eh. Ikaw 'yong may
dahilan kung bakit nakipag hiwalay sakin si Dwayne! Malandi ka!" hinawakan ako ng
dalawa niyang kaibigan. Sinampal na naman niya ako. "Nilandi mo siya kaya nakipag
break siya sakin! Dahil sayo kaya wala na kami! Anong pang aakit ba ginawa mo
sakanya ha?! Nag hubad ka ba sa harap niya ha?! Sigurado nag pagalaw ka sakanya!"
sinabunutan niya ako at hindi na ako nakapagpigil. Anong karapatan niyang
insultuhin ako?!
Siniko ko 'yong dalawang kaibigan niya kaya nabitiwan nila ako pagkatapos sinampal
ko din si Krystal. "Hindi ako katulad mo!" sigaw ko. Hinawakan niya bigla ang buhok
ko at nagsabunutan na kami.
"Malandi ka! You're a whore! Mang aagaw ka ng boyfriend ng may boyfriend!" sigaw ni
Krystal. Inaawat na kami ng iba naming classmates pero ayaw mag paawat ni Krystal.
Ramdam ko sa sabunot niya ang matinding galit niya sakin. "Kakalbuhin kitang
malandi ka!" sigaw niya. Hindi ako nagpatalo sakanya. Hindi ko gawain na magpatalo
sa iba kapag alam kong nasa tama ako. Hindi niya ako pwedeng api-apihin, Sinabayan
ko siya sa pagsabunot sakin. Napapa aray na siya pero hind iako tumigil. Magbabayad
siya sa pagsampal sakin.
"Akala mo ba aatrasan kita? Ikaw 'yong malandi satin dalawa!" sigaw ko.
Sumenyas bigla si Krystal sa dalawa niyang kasama, bago pa ako makaiwas, sinipa
nila akong dalawa sa magkabilang paa ko kaya na out of balance ako at napahiga sa
sahig. "Humanda ka sakin!" sigaw ni Krystal.
Bago pa niya ako masampal ulit, dumating si Dwayne. Tumakbo siya papunta kay
Krystal para pigilan siya sa pagsampal sa akin. "Tumigil ka na Krystal! Hindi ba
sabi ko sayo, wag mong sasaktan si Keila!" lumapit si Dwayne sakin at tinulungan
niya akong tumayo. "Ayos ka lang ba?" tanong niya. Inayos niya 'yong buhok ko at
hinawakan niya ang pisngi kung saan ako sinampal ng malakas ni Krystal. "Damn, I'm
sorry Keila." Bulong niya.
Inalis ko ang kamay niya sa mukha ko. "Ayos lang ako." Tinignan ko sa mata si
Krystal. "Oh ayan na si Dwayne, isaksak mo sa baga mo ha? Sa susunod na saktan mo
ako, doble pa dyan 'yong sakit na mararamdaman mo." Tinalikuran ko silang dalawa.
Hindi na ako pumasok sa klase ko sa sobrang inis.
Pumunta ako sa cafeteria at bumili ako ng maiinom. Kailangan kong mag palamig ng
ulo. Damn that girl. Kung masamang tao lang talaga ako, pinagsasampal ko 'yong
silicon sa dibdib niya. Tignan ko lang kung hindi siya mamilipit sa sakit. Wag niya
lang talaga akong susubukan.
Sa hindi malayo, nakita ko si Jenelle at Marion na papalapit sa akin. "Besty!"
sigaw ni Jenelle at dali dali niya akong niyakap. "I miss you besty!" umupo sila sa
tabi ko.
"Miss ko na din kayong dalawa, parang ang tagal na natin hindi nagkikita." Sambit
ko. "Bakit ba hindi kayo nag paparamdam sakin?" I said with a pout.
"Paano kami magpaparamdam, masyado kang busy kay Kean." Sagot ni Marion. "Ayaw ka
naman naming istorbohin kapag kasama mo si Kean." Parang nagtatampo pa siya sa tono
ng boses niya.
"Iba naman si Kean, iba din kayong dalawa." Paliwanag ko. "Kamusta naman kayo?"
"Ikaw ang dapat naming tanungin dyan, kamusta ka, besty?" tanong ni Jenelle. "Bakit
bitchesa mode ka na naman ata? Nag away ba kayo ni Kean." I just rolled my eyes.
"Hindi ito dahil kay Kean, dahil 'to kay Krystal. Inaway niya ako kanina at
sinisisi niya pa ako kung bakit sila nag hiwalay ni Dwayne. Matagal na nga akong
walang pakialam kay Dwayne tapos ako pa sisisihin niya? At kung ano man ang dahilan
ni Dwayne, hindi ako 'yon. Ano naman ang kinalaman ko sakanya?" sabay na
nagtinginan si Jenelle at Marion. Parang nag uusap silang dalawa. Mukhang matagal
na nga talaga kaming hindi nagkakasama dahil hindi ko na maintindihan 'yong mga
tinginan nila, eh dati naman tingin pa lang alam ko na ang ibig sabihin. "Ano 'yang
tinginan na 'yan?"
"Kasi dahil naman talaga-" pinutol ni Marion ang sasabihin ni Jenelle.
"Wag mo na lang pansinin si Krystal. Nag hahanap lang 'yon nang pagbabalingan ng
galit." Paliwanag niya. "Tignan mo, namumula na 'yang kaliwang pisngi mo."
Hinawakan niya ang pisngi ko at nakaramdam ako ng sakit. "Gusto mo samahan ka namin
ni Jenelle sa clinic?"
"Wag na, malayo 'to sa bituka. Isa pa, aalis kami ni Kean mamaya."
"Malapit na talaga akong mag selos kay Kean ha. Teka nga kayo na ba?" pag uusisa ni
Jenelle. "Umamin ka na, parang hindi mo naman kami best friend ni Marion."
"Wala akong dapat aminin kasi hindi pa naman kami ni Kean." Depensa ko. "Pero gusto
ko na si Kean-"
"Wah!" tili ni Jenelle. Kilig na kilig siya na parang mas kinikilig pa siya kaysa
sa akin. "Oh my gosh! Ang love team ko, umaariba na! Grabe, kinikilig naman ako."
Kilig na kilig niyang sabi. Nagkatinginan na lang kaming dalawa ni Marion. Hindi
naman halata na kinikilig siya eh.
"Jenelle, hayaan mo muna mag kwento si Keila." Sambit ni Marion. "So ibig sabihin
lang nyan, nakapag move-on ka na kay Dwayne. Tama ba?" tanong niya. Napaisip ako.
Part of me is saying yes pero there'a also a part of me that says no. Siguro dahil
hindi ko pa nagagawa lahat ng nasa listahan ni Kean. "Hindi pa din?" tanong ni
Marion.
"Hindi naman siguro ako makakagusto sa iba kung I'm still into him. I can say yes
nakapag move-on na ako pero there's also a part of me that says no? Basta magulo."
Paliwanag ko.
"Wag mo na lang madaliin besty. Nakikita naman namin ni Marion na masaya ka kasama
si Kean kaya enjoyin mo lang. Ang mahalaga naman masaya ka eh. It's not about the
label, it's about the feelings. Pareho naman kayong single ni Kean so there's no
wrong about what's happening between you and him."
"Kung ano man ang mangyari, nandito lang kami ni Jenelle para sayo. Kapag may
problema ka, tawagan mo lang kami." I smiled. I'm so lucky to have them as my best
friends. "Kailangan na pala namin na umalis, mag start na 'yong class namin."
"Oo nga pala, besty we have to go. Kita tayo bukas, sa coffee shop nila Tito
Marky."
"Okay sige, bye. See you tomorrow!" paalam ko.
May isa't kalahating oras pa ako bago kami mag kita ni Kean. Umalis ako sa
cafeteria pagkatapos pumunta ulit ako sa children's park. Umupo ako sa swing duon
habang nag hihintay kay Kean. Muntik na naman akong mahulog dahil sa pagkakagulat
buti na lang may kamay na humawak sakin.
"Dwayne? Anong ginawa mo dito?" tanong ko.
"Pwede ba tayong mag usap?" Seryoso niyang tanong.
Bigla na lang akong kinabaha. Tungkol saan ang pag-uusapan namin?

To be continued..

Chapter 27: The perfect time

"Keila.." Dwayne said while looking so nervous as he stands in front of me. Weird.
Ngayon ko lang siyang nakitang ganito. Nakakapanibago. Parang hindi ko na kilala
'yong Dwayne na nakatayo ngayon sa harapan ko. "I want to.. I want to tell you
something."
"What is it?" I answered looking a little bit concerned. "May problema ba, Dwayne?"
Tumayo ako para pumantay ako sakanya para makita ko ang mata niya. I know there's
something wrong.
"I'm sorry about Krystal. I warned her not to hurt you but look what happened, I'm
so sorry. It's all my fault. She's just mad I broke up with her." He said. He can't
even looked at me. I can't help to think what Krystal said to me awhile ago. Am I
really the reason for they break up? The question is, why me? "I know she already
told you the reason and yes.. it's because of you." Nanlaki ang mata ko sa narinig
ko. So she's right.
"Ako, bakit ako, Dwayne?" I asked then Dwayne lifted his face to look at me. "What
is it about me, Dwayne?"
Huminga siya ng mamalim. His eyes is still fixed on me. Bumilis tuloy ang tibok ng
puso ko. I'm getting nervous about his stare. Not because I'm attracted to it but
because I know there's something behind that look.
"I know you're happy with him now and I don't want to ruin that. I just want you to
be happy and that's all. Whatever my reason is, leave that everything to me.. just
please don't get mad at me."
I can see the sadness in his eyes. Damn. It's the first time I've seen him like
this. "Dwayne.. why are you saying that?" I asked. I have a clue why but I need to
confirmed it with him. Pagod na akong mag assume dahil sa huli ako at ako lang din
naman ang nasasaktan. Kung talagang gusto na niya ako or kung mahal na niya ako
kaya sila nag hiwalay ni Krystal dapat sabihin niya sakin. Or baka iba ang dahilan,
hindi ko alam. Siya lang naman ang makakapagsabi non.
"I told you, leave everything to me. You don't need to know it. I just want us to
remain friends." He said while trying to fake a smile. I felt something weird. Am I
hurting seeing him like this? "You're not mad at me, right?"
Actually, kay Krystal lang naman talaga ako nagagalit at hindi sakanya. Siguro
nadamay lang siya sa galit ko.
"No, I'm not." I said.
He smiled at me looking more relieved. "We're friends, right?"
I nodded. "Yeah, we're friends."
Tinitigan niya ulit ako. Nakikita ko sa mga mata niya na may gusto pa siyang
sabihin sakin pero hindi ko alam kung bakit ayaw niyang sabihin. I want to know
what it is but I know he wouldn't tell me so it's pointless to ask. Kung gusto
niyang sabihin 'yon o hindi, bahala siya.
"I need to go.. I'll see you tomorrow."
Tinignan ko si Dwayne diretso sa mga mata niya. Wala na akong maramdaman na kahit
ano pa. Hindi katulad dati. Nakakamangha. Nakakapanibago pero ano man 'to masaya
ako. I can now look straight into his eyes without having any feelings for him.
"Okay.. see you tomorrow." I said then he waved and walked away. "What is it,
Dwayne?" Bulong ko sa sarili ko.
May idea man ako kung bakit ako ang naging dahilan ng break up nila ni Krystal
ayoko pa din mag assume. Pwede din naman kasing nakikita pa din sakin ni Dwayne si
Dana kaya akala niya gusto o mahal niya ako at 'yon 'yong ginawa niyang dahilan kay
Krystal. Ang weird nga lang ng inaasal niya ngayon pati ng mga sinasabi niya. May
nga oras talagang hindi ko siya maintindihan.
"Guguluhin mo na naman ba 'yong isip ko Dwayne?" Sambit ko.
"Did he tell you?" Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat. Seriously? Lahat ba
sila gugulatin ako? "Sorry about that." He chuckled.
"No that's okay. What is it that he needs to tell me huh, Trevor?" Nanlaki ang mata
niya at mukhang disappointed siya sa naging sagot. "Can somebody tell me what's
going on with Dwayne? He wouldn't tell me."
"I don't have the right to spoil it so just wait for him to tell you. He's really
stupid when it comes to the one he loves." Hindi ko na halos narinig 'yong huling
sinabi niya dahil pabulong na niya sinabi 'yon. "I'll go now, the crazy girl is
waiting for me."
I nodded. "Okay, be nice to her." I reminded him and I can see him frowned on me as
he walked away.
Alam ko may hindi sila sinasabi sakin. Whatever it is, malalaman ko din yon.
It's almost time. Naglakad na ako papunta sa parking. Hinanap ko agad 'yong motor
ni Kean at pagkatapos ng sampung minuto, dumating na din siya. "Ang aga mo naman."
He said.
"Maaga kaming pinalabas." I lied. Ayokong malaman pa niya 'yong nangyari. "Tara
na?"
He nodded then he put my helmet on. "Kumapit ka ng mabuti." He said.
Mabilis 'yong pagpapatakbo ni Kean sa motor niya kaya no choice ako kung hindi
humawak sa tyan niya. Hindi ko alam kung sinasadya niya ba 'yon o talagang
nagmamadali lang siya. Wala pa atang thirty minutes, nakarating na agad kami ni
Kean sa MOA.
"Are you hungry, babe?" He asked but I said no. "Okay.. so let's go." Hinawakan
niya ang kamay ko at hinila niya ako papunta sa.. Drop tower. I wasn't sure about
this. Wala akong fear of heights pero never pa akong nakasakay sa mga ganito,
siguro amusement park is not my thing.
Sa itsura pa lang ng mga sumasakya dito, mukhang takot na takot sila. Hindi ko na
din maiwasan na matakot.
"Sasakay talaga tayo dyan?" I tried my best to sound cool. Alam ko na aasarin niya
ako kapag nalaman niyang natatakot ako. "Gusto ko duon tayo sa carousel?"
Tumawa siya ng malakas. "Seriously babe? Pang bata lang 'yon eh. Dito na tayo.
Natatakot ka ba?"
"Ako? Hindi ah." Depensa ko. "Hindi ka nagkakamali.." Bulong ko sa sarili ko.
Hinila ni Kean 'yong kamay ko at dumiretso kami sa ticketing booth at bumili siya
ng dalawang ticket. Saktong pagkabili namin, nagsibabaan na 'yong mga nasakay at
kami na. Hinila agad ako ni Kean papunta sa loob at umupo kami sa upuan na katapat
ng dagat.
Shit. This is it. There's no turning back now. I'm so freaking nervous.
"Masaya dito, wag kang matakot." Sambit ni Kean. "Hayaan mo na si Kuya na mag ayos
ng upuan mo para safe." Kinabit ko lang ang belt sa ilalim at hinayaan ko na si
Kuya na ang o-operate mag ayos ng hawakan sa unahan ko. "Ready ka na?" Tanong ni
Kean.
Ngumisi ako. Kung ganito ba naman ka safe, wala naman pala akong dapat ikatakot.
Isa pa mababa lang pala siya. "More than ready."
May tumunog na malakas, signal na ata na aandar na 'yong ride. Humawak akong mabuti
sa railing. Dahan dahan kaming umangat. Ayok na ba 'yon? "That's it?" Cool ko pang
sabi kay Kean.
Tumawa siya. "Just wait.. babe."
Dahan dahan na kaming binababa. So this is it? Ang bagal naman pala-- "Wahhh!"
Sigaw ko.
Pakiramdam ko naiwan 'yong kaluluwa ko sa taas. Sobrang bilis na din ng tibok ng
puso ko. Damn. Nakakatakot pala talaga. Ang yabang yabang ko pa. Bago pa ako maka
recover sa nangyari, umakyat na naman kami ng mabilis pagkatapos walang kung ano
ano, bumaba na naman kami ng mabilis. Sobrang lakas na nang pagkakakapit ko sa
railing. "Sheeet! Kean!" Sigaw ko. "Kean!" Feeling ko mapapatid na 'yong mga ugat
sa leeg ko sa kakasigaw.
"Ano babe? Okay ba?" Sigaw ni Kean habang paakyat taas pa din kami. Dinig na dinig
ko pa 'yong tawa niya. "Mag enjoy ka lang, wag mong isipin na nakakatakot." Sambit
niya habang dahan nang umaandar 'yong upuan namin.
"Mag enjoy? Paano? Eh nakakatakot eh!" Pagkatapos ko pa lang magsalita, bumaba na
naman kami ng mabilis. "Wah! Mama! Ayoko ka! Mama!" Sigaw ko. Halos maiyak na ako
habang nakapikit ako. Ayoko na talaga. Gusto ko ng bumaba.
Nang bumagal 'yong andar namin, hinawakan ni Kean 'yong kamay ko. "Wag kang matakot
babe, mag enjoy ka lang. Nandito lang ako." Nang bumaba ulit 'yong upuan namin ng
mabilis hinawakan ko ng mahigpit 'yong kamay ni Kean.
"Wuhoo!" Sigaw niya. "I love you Keila!" Dagdag pa niya. What is he actually doing?
"Mahal ko si Keila Jin Mendoza!"
Napangiti na lang ako. He's crazy.
"Alien! Alien si Kean Marco!" Sigaw ko at hindi ko na naiwasan na matawa. "Alien
siya ni Ben Ten!"
Nakalimutan ko na 'yong takot na nararamdaman ko. Tawa na ako ng tawa habang
sumisigaw kami ni Kean ng kung ano ano. Ano pa bang aasahan ko sakanya, eh ang
abnormal niya.
Thankfully natapos na din 'yong ride. "Nag enjoy ka ba?" Tanong ni Kean.
"Oo, nag enjoy ako." I said smiling. "Thank you Kean, kung hindi dahil sayo hindi
mawawala 'yong takot ko kanina. It was fun kahit na minsan nakakatakot."
He held my hand while starring at me. Ito na naman 'yong puso, ang bilis ng tibok.
Hindi dahil sa ride kung hindi dahil kay Kean. "Anything for you.. babe."
I got tensed by his stare so I avoided his eyes. Pakiramdam ko anytime matutunawa
ako sa mga tingin niya. "So.. saan na tayo?" I asked, trying to escape his stare.
"Sa bump car. Masaya don." Hinawakan na naman niya 'yong kamay ko at hinila niya
ako papunta don. "Gusto mo bang magkasama tayo o gusto mo mag isa?" Tanong niya.
I've never been to a bump car before. Baka magkalat lang ako. "Can I ride with
you?"
"Oo naman, ang babe ko pa ba?" Masaya niyang sabi. "Tara na!"
Sabay kaming sumakay sa bump car. Siya 'yong mag di-drive. Sinuotan niya ako ng
seat belt. Sanay na ako sa pagiging sweet niya kaya hindi na ako nagugulat pa pero
it still overwhelmed me.
Napansin ko karamihan dito puro mga bata at iilan lang kaming matanda.
"Boom!" Sigaw nung batang lalaki na bumangga samin. "Taya!" Sigaw niya. Siguro
grade school pa lang siya.
"Ah ganon? Humanda ka sakin bata!" Sigaw ni Kean. Pati ba naman bata papatulan
niya? Teka, isip bata nga pala 'to si Kean paminsan minsan. "Babe, kapit ka
mabuti."
Hinabol namin 'yong batang lalaki. Nakipaghabulan siya sa bata all the time. Hindi
ko maiwasan na tumawa sa asaran nilang dalawa. Hindi naman nakakasakit 'yong mga
asaran nila. Nakakatawa pa nga kasi parang bata si Kean kung makipag asaran.
"Kuya ang galing mo." Sambit nung bata. "Next time ulit ha?"
"Sige next time ulit." Ngumiti siya duon sa bata gamit 'yong mala alien niyang
ngiti. Mag high five pa sila bago umalis 'yong bata. "Nakakatuwa 'yong bata na
'yon."
"Nakakatuwa ka din naman eh." Sambit ko. "Tawang tawa ako sa inyong dalawa." Natawa
na naman tuloy ako kapag naiisip ko.
"Nag enjoy ka ba, babe?" He asked once again.
"Oo nag enjoy ako. Ang tagal ko na ngang hindi nakakatawa ng ganon simula nung.."
Hindi ko na tinuloy ang sasabihin ko. Hindi na ako nakakatawa ng ganito simula ng
saktan ako ni Dwayne. "Ngayon na lang ako nag enjoy ng ganito. Salamat Kean. Palagi
mo na lang pinapasaya."
Hinawakan niya ang mukha ko habang nakatigin siya sa mata ko. Nilagay niya ang
buhok sa mukha ko papunta sa likod ng tainga ko. Maya maya may hawak na siyang pink
rose. "Woah, tignan mo nga naman may bulaklak pala dito." Inabot niya sakin 'yong
pink rose. "For you babe."
"Marunong ka mag magic?" Tanong ko.
"Medyo. Lumaki kasi ako dati sa perya." I nodded. Kaya pala may ganito siyang
personality. "Siguro iniisip mo dati akong clown." He said.
I can't help but to laugh at him. "Ikaw ang nagsabi niyan Kean, hindi ako. Wala
naman akong iniisip na ganon eh."
"I just want you to know na seryoso akong tao.." Umiwas siya ng tingin sakin.
"Nagiging ganito lang ako kapag.. kapag kasama ko 'yong taong importante sakin..
Nagiging ganito lang ako sa taong mahal ko." I flustered at his words.
"Nagugutom na ako." Sambit ko. Hindi ko kasi alam 'yong isasagot ko sa sinabi ni
Kean. "Kain tayo?" Tumango siya at hinawakan niya ulit 'yong kamay ko. Hinila niya
ako papunta sa padis.
"Anong gusto mo?" Tanong niya. "Masarap 'yong sisig dito." Tumango na lang ako.
Kahit ano okay lang sakin.
Umorder siya ng pagkain namin. Mas lalo akong nagutom nang dumating 'yong sisig.
Amoy pa lang masarap na.
Naubos ko agad 'yong pagkain ko at ganon din si Kean. Nagutom ata kami dahil sa
rides na sinakyan namin. "May isa pa tayong sasakyan."
"Isa pa?"
"Oo, one last ride." He said smiling.
"Kakakain pa lang natin, Kean." Baka masuka ako kapag sumakay ulit kami lalo na
ngayon na ang daming laman ng tyan ko. "Seryoso ka?"
"Sumama ka na lang."
Kinuha niya ang kamay ko at hinila niya ako papunta sa dulo ng sea side. Bumili
siya ng dalawang ticket para sa.. Ferris Wheel.
I've never been to this before. It's my first time kaya hindi ko maiwasan na
kabahan.
"Ayan ka na naman, natatakot ka na naman." Sambit ni Kean habang nag hihintay kami
para turn namin. "You don't have to say it. Nakikita ko sa mata mo." Dahan dahan
niyang hinawakan ang kamay ko. "Kapag kasama mo ako, hindi ka dapat matakot. Hindi
man ako si superman, may powers pa din naman ako para protektahan ka."
Tinignan niya ako at bumilis na naman ang tibok ng puso ko dahil sa tingin niya.
Pumasok kami sa loob. Air-conditioned pala sa loob kaya nilamig ako bigla.
Hinawakan ko ang braso ko dahil sa lamig. Hinubad bigla ni Kean 'yong sweater niya
at binigay niya sakin 'yon. "Isuot mo 'to." Inabot ko ang sweater niya pero hindi
ko pa din maalis 'yong tingin ko sa katawan ni Kean. Nakasando na lang kasi siya
ngayon.
Ang ganda pala talaga ng katawan niya. Ang laki at mukhang matigas ang braso niya.
Bakat din sa sando niya 'yong abs niya.
"Keila, may dumi ba 'yong katawan ko?"
I shook my head. What am I doing? Nakakahiya nahuli niya akong nakatingin sa
katawan niya. "Wala ah, ahm.. akala ko may dumi wala pala." Palusot ko. Umiwas agad
ako ng tingin.
"Tignan mo 'yon, babe." Tinuro ni Kean 'yong dagat. Mabagal lang ang takbo namin.
Lumingon ako at sakto, may fireworks. Namangha ako sa ganda. Umupo sa tabi ko si
Kean. "Ang ganda hindi ba?" Sambit niya.
"Oo ang ganda.." I said slowly. "It's breathtaking. Thank you for showing me this,
Kean."
"Kahit ano para sayo.. babe."
Hinawakan ko ang dibdib ko. Habang tumatagal mas lalong bumibilis ang pagtibok
niya. All because of him. Pinikit ko ang mata ko.
3. Kapag nagawa mo ng maging masaya kahit na wala siya.
Oo nagawa ko na, nagawa ko ng maging masaya kasama si Kean kahit na wala si Dwayne.
4. Hindi mo na naiisip ang tungkol sa inyo dati. Kapag hindi mo na siya naiisip pa.
Matagal ko ng nakalimutan ang tungkol sa amin ni Dwayne at kahit isipin pa siya.
And last but not the least, kapag binuksan mo na ang puso mo sa akin. Hindi, biro
lang.
Masasabi mong nakapag move-on ka na talaga kapag kaya mo ng tumingin sa mata niya
na wala ka ng kung anong nararamdaman pa.
Nanlaki ang mata ko. Oh my gosh. Nagawa ko na siya. I've made it until the last
step.
Tinginan ko si Kean pero wala na siya sa tabi ko. Nasa harapan ko siya. Nakangiti
siya sa akin at nakatingin siya diretso sa mga mata ko.
(Now Playing: Sanctuary by Callalily)

"I know, I can never be enough


But I'll always be here
I know, that my words are simple and shallow
But I mean everything I say and do.."
The way he looks at me.. parang matutunaw ako. The way he looks at me makes my
heart beats so fast.
"I know, I don't have a diamond ring
To put on your finger
But I will see to it,
That we will always be together.
And I thank you
From the bottom of my heart
Because.."
I've been hurt before and hurts, it hurts a lot. Nasabi ko na nga sa sarili ko na
hindi na ulit ako magmamahal pero bigla na lang dumating sa buhay ko si Kean.
Dumating siya sa oras na kailangan ko ng makakasama. Tinulangan niya ako na makapag
move-on. Tinulungan niya ako na maging masaya ulit. Tinulungan niya ako na buksan
ulit ang puso ko.
"You are my light
You are my home
You are my sanctuary
You are my peace
You give me hope
You are my sanctuary."
Tumigil siya sa pagkanta niya at lumapit siya sakin. Hinawakan niya ang kamay ko
habang nakatingin siya sa mata ko.
"Naririnig mo ba ulit 'yong sinasabi ng puso ko?" Tanong niya.
I shook my head to say no. He smiled at me and he touched my face with his right
hand.
"Sabi ng puso ko.. mahal na mahal ka niya."
Nakatitigan kaming dalawa ni Kean. Halos mabingi ako at parang 'yong tibok ng puso
ko ka lang 'yong naririnig ko. I know I like him. Hindi ko lang alam kung mahal ko
na din ba siya pero after happened today.. I now know.
"Sabi mo, kahit hindi ikaw si Superman may powers ka pa din para protektahan ako."
He nodded. Hindi niya pa din inaalis ang tingin niya sakin. "Kean.. kaya mo din
bang protektahan ang puso ko?"
"Anong ibig mong sabihin?"
"Kean.. I'm falling in love with you." Sambit ko. "Please, saluhin mo ako kasi
hindi ko alam ang gagawin ko kapag nahulog na naman ako at walang sino ang sasalo
sakin."
Ngumiti na naman siya at hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. Unti unting
naglapit ang mukha namin.
I know this is the perfect time.
Nilagay ko sa likod ng leeg niya ang kamay ko. Lumapit pa ako lalo kay Kean at
pinikit ko ang mata ko. Dahan dahan na naglapat ang labi namin. Nilagay ni Kean ang
kamay niya sa likod ko. Pakiramdam ko sasabog na ang puso ko. More than ever,
sobrang bilis ng tibok ng puso ko. It wasn't just a simple kiss. It was the most
romantic kiss I've ever had. It was the best I have.
For me it wasn't just perfect.. it was magical.
"You don't have to ask, I will always be here to love you." Bulong niya. "I love
you so damn much.. Keila."
"I love you too.. Kean."

Chapter 28: Half sister


This story is not just for Dwayne. Silang tatlo ang bida dito, Kean, Keila and
Dwayne. So this story will not just focus on Dwayne. Thanks.
--
Keila.

"OMG!" Sigaw ni Jenelle. Mas mukha pa siyang kinikilig kaysa sa akin. Nakatingin
lang kami ni Marion sakanya dahil ang ganda ng mga ngiti niya. Manang mana siya sa
mommy niya. "You said I love you too, so that means he's your boyfriend now?"
Excited niyang tanong.
"No, he's not." I said trying not be so defensive. "We're not together."
"Ano 'yon? Mahal niyo na ang isa't isa pero hindi pa kayo?" Tinaasan niya ako ng
kilay at lumapit pa siya lalo sakin. Seriously? Sometimes she acts so weird. "Ano
kayo, MU? Or friends with benefits?"
Napatingin na lang kami ni Marion sa isa't isa dahil sa sinabi ni Jenelle.
"Jenelle, kilala mo si Keila. Hindi pa niya sinusuko ang bataan at malayo pa yon
mangyari kaya imposibleng friends with benefits 'yon." Pag tatanggol sakin ni
Marion.
"Ang masasabi ko lang, masaya ako. Alam mo 'yong sobrang komportable ka kapag
kasama mo siya? 'Yong palagi ka lang masaya tska alam mong hindi ka nag iisa.
Siguro in time, magiging kami din." Paliwanag ko.
"Whatever it is, kinikilig pa din ako. Bagay kaya kayo ni Kean." Hindi pa din
maalis 'yong ngiti sa mukha niya. Ironic lang na mas gusto pa niya si Kean para
sakin kaysa sa sarili niyang kapatid. "Ang romantic kaya nang nangyari sa inyo
kanina, alam mo 'yong nasa mga fairy tales at mga romanctic na libro. Nasa ferris
wheel kayo tapos may fireworks tapos.. wah! Nag kiss--" tinakpan ko agad 'yong
bibig niya para hindi siya marinig ni Cloud na ngayon ay malapit na samin. Narinig
kaya niya kami?" "Uhm! Uhm!" Sigaw ni Jenelle sa ilalim ng palad ko.
"Sorry." I said as I removed my hands off her mouth. "He doesn't know."
"Keila." Sambit ni Cloud ng makalapit na siya samin. Narinig kaya niya? "I need to
talk to you later." Gamit na naman niya ang cold at seryoso niyang boses. Patay na,
narinig nga siguro niya.
"Okay, I'll go to your room later."
Walang kung ano ano umalis na siya. Si Jenelle natulala na lang at sinundan pa
talaga si Cloud ng tingin. Mukhang hindi masaya si Marion sa mga nakita niya dahil
bigla na lang siyang sumimangot.
"Sasabihin mo ba sakanya?" Singit ni Marion. Alam kong gusto niyang matigil ang
pagpapatansya ni Jenelle sa kakambal ko. "For sure, magagalit na naman siya sayo."
"Alam ko magagalit siya kaya nga hindi ko pa din masabi pero sasabihin ko din
sakanya in time. Hindi ko naman kayang magtago sa kakambal ko, eh."
"Naiintindihan ko naman si Cloud. He's just being him, overprotective. Nagawa
siyang lokohin ni Kean dati kaya natatakot lang siya na baka lokohin ka din niya.
Well, alam ko naman na hindi gagawin sayo 'yon ni Kean pero iba ang nasa isip ni
Cloud."
Hindi ko alam kung nasasabi niya 'yon dahil gusto niya si Cloud o talaga bang ganon
ang nasa isip ng kakambal ko. Sabagay, may point naman si Jenelle.
"Alam ko maiintindihan niya din ako lalo kapag nakita niya na masaya naman ako kay
Kean." Sambit ko. "Gusto lang naman niya na maging masaya ako. Alam ko 'yon."
"Jenelle, we better go. It's late and your dad might be looking for you." Sambit ni
Marion. "Eline is also waiting for me."
"Bye bestie." Lumapit sakin si Jenelle at niyakap niya ako. "See you tomorrow."
"Bye, ingat kayo." Sambit ko.
Pagkaalis nila Jenelle, dumiretso ako sa kwarto ni Cloud. Nakaharap siya sa
computer niya at naglalaro ng Dota. Kumatok ako kahit bukas ang pintuan niya.
Nilingon niya ako at tumigil siya sa paglalaro. "Sit down." Utos niya. Ito na naman
ang bossy twin ko.
"What is it, Cloud?" I said as I sit on his bed. Medyo kinakabahan ako sa kung ano
man ang sasabihin niya. Tungkol kaya 'yon kay Kean?
"Nakita mo na ba si Dana?" Sambit niya habang nakatayo siya sa harap ng bintana
niua. "We'll going to talk about her." Makakahinga na sana ako ng maluwag dahil
hindi tungkol kay Kean ang pag uusapan namin pero hindi ako mapakali ng marinig ko
ang pangalan ni Dana.
"Anong meron sakanya?" Tanong ko. Ipinakita ko kat Cloud na iritable ako at ayoko
siyang pag-usapan. "Wala na siyang kinalaman sakin. Matagal na akong nakapag move-
on kay Dwayne. If it's because of it then nevermind, I don't--"
"No, it's not." Pagpuputol niya ng sasabihin ko at halatang seryoso siya. Hindi ko
maiwasan na titigan si Cloud. "I need you to calm down and understand our
situation." Hinawakan niya 'yong dalawang kamay ko. Whatever he's doing, I can't
calm down. I starred at him waiting for his words but he can't speak.
Damn, ano ba 'yon?
"Just say it, what is it?" I demanded.
"Keila.." Huminga siya ng malalim at tinignan niya ako diretso sa mata ko. "Dana is
our sister." Literal akong natigilan. Unti unti na akong napaupo sa kama ko habang
nag eecho 'yong nga sinabi niya. He's asking me to calm down, really? How can I
freaking calm down?
Kung hindi lang seryoso si Cloud, iisipin ko na niloloko lang niya ako pero hindi.
Seryoso si Cloud. This can't be a joke, I hope it was but it's not. Well, what a
small damn earth.
Kapatid ko siya. Si Dana. Si Dana na kamukha ko at naging dahilan kung bakit ako
nilapitan ni Dwayne pero siya din 'yong naging dahilan kung bakit hindi ako kayang
mahalin dati ni Dwayne. Si Dana na anak ng tatay ko sa asawa niya. Si Dana na hindi
ko pa nakita at hindi ko alam kung gusto ko pa ba siyang makita.
"Keila I know what's the deal between you, Dana and Dwayne. Wag mo siyang kamuhian
dahil kapatid natin siya." Tumabi sakin si Cloud at hinawakan niya 'yong kamay ko.
"Dad will going to introduce us to her next week."
Hindi ako nakasagot. Hindi ko alam kung handa na ba ako na harapin siya, ang isa
pang pamilya ni Papa. Ang una at legal na pamilay niya. For sure masasaktan lang
ako. Masasaktan lang akong makita sila na masaya for all the years na wala samin si
Papa. She always had our father, I don't. She grew up happy and with a complete
family, I don't. She has everything. Nakakatakot siyang abutin. She's almost
perfect. No wonder nagustuhan siya ni Dwayne. Natatakot din ako na baka hindi niya
kami magustuhan ni Cloud. Anak lang naman kami sa labas.
"I don't think I'm ready for that, I don't know if I will ever be ready for that.
Masaya na ako kahit kay Papa lang." Sagot ko.
"She's a part of you, she's your sister." That words hits me. Cloud's right, I need
to know her. If she'll going to like us or not, I just have to accept it. "I hope
you'll think of it."
Tumayo si Cloud at iniwan niya ako mag isa para na din siguro makapag isip isip. I
want to know her but I'm just afraid.
Humiga ako sa kama ko at tinitignan ko 'yong kisame. Ano bang gagawin ko? Hindi ko
alam kung anong dapat kong gawin, kung ano bang dapat kong maramdaman.
Kaya pala kamukhang kamukha ko siya. Sigurado ako magkaiba kami ng ugali, lumaki
siya sa marangyang buhay at hindi siya lumaki na hinahanap hanap ang tatay niya.
Napaupo ako sa kama ko ng biglang tumunog ang phone ko.
"Hello?" sagot ko.
"Uhm.." Panimula niya. "Nakakaabala ba ako?" Para siyang kinakabahan habang
nagsasalita siya.
"Hindi naman, bakit ka tumawag?"
"Sa friday na 'yong semi finals kaya bukas may last pratice tayo sa gym. 3PM.
Pumunta ka."
"Okay sige, pupunta ako." Sagot ko. Hinintay ko siyang magsalita ulit pero walang
lumalabas sa bibig niya. "Dwayne, may sasabihin ka pa ba?" Tanong ko. Hindi ko din
kasi alam kung anong sasabihin ko.
"Uhm.. wala na.. good night, Keila."
Bago ko ibaba ang phone, naisip ko si Dana. Kilala ni Dwayne si Dana. "Dwayne,
sandali." Sambit ko.
"Ah.. ba-bakit?" nauutal siya? bakit kaya? bakit parang kinakabahan siya? "Ano
'yon, Keila?"
"Pwede ba natin pag-usapan si Dana?" Tanong ko pero hindi siya nagsalita. Mali ata
na tinanong ko 'to sakanya. Ex-girlfriend niya nga pala si Dana at alam ko na mahal
pa din niya si Dana. "Sorry, hindi ko na dapat tinanong pa 'yon."
"Ayos lang." Seryoso niyang sabi. "Ano bang gusto mong itanong tungkol sakanya?"
"Alam mo bang kapatid namin siya ni Cloud kay Papa?" Tanong ko.
"Oo, matagal ko ng alam." Seryoso pa din siya. Hindi ko alam kung talagang ayos
lang sakanya na pag-usapan si Dana pero hinayaan ko na lang siya. Gusto ko talagang
makilala si Dana. "Magpinsan si Trevor at si Dana kaya matagal na silang
magkakilala. Nakikita ko na siya bata pa lang ako tuwing may reunion sila tatay at
mommy kasama ang mga kaibigan nila. Nagagandahan na ako sakanya dati pero hindi ako
nagkalakas ng loob na kausapin siya not until pinakilala siya samin ni Trevor.
Naging close kami. One time pinakilala kami ni Dana kay Tito Travis at kasama non
si Cloud. Sinabi samin ni Cloud ang tungkol sa Papa niyo at duon ko nalaman na
kapatid niyo si Dana."
Hindi ako nakapagsalita agad. Unti unti kong pinapasok sa isip ko ang mga narinig
ko. Una, mag pinsan na din pala kami ni Trevor. Pangalawa, matagal na palang kilala
ni Trevor si Papa at ang panghuli, kaya niya pala ako binalaan kay Dwayne dati ay
dahil alam niya ang tungkol kay Dana, pero bakit hindi niya sinabi sakin? Ang
tungkol kay Papa at ang tungkol kay Cloud?
"Keila, may dahilan si Cloud kaya niya nilihim sayo si Dana. Tingin niya hindi ka
pa handa na makilala sila."
Hindi naman 'yon tungkol sa kung handa man ako o hindi. Naglihim siya sakin ng
ilang taon. Alam ko nag lihim ako minsan sakanya pero hindi ganon katagal at hindi
tungkol sa pamilya. May karapat din naman akong malaman 'yon eh.
"Keila? Ayos ka lang ba?"
"Anong itsura niya? Magkamukhang magkamukha ba kami?" Tanong ko.
Ilang segundo din bago nakasagot si Dwayne. "Maganda siya katulad mo. Magkamukha
kayo pero magkaiba pa din kayo." Sagot niya.
"Alam niya ba na may kapatid siya sa labas?" Tanong ko.
"Hindi, hindi niya alam."
"Tingin mo ba magugustuhan niya kami ni Cloud?" natatakot ako sa sasabihin ni
Dwayne pero kailangan kong malaman. Alam kong siya ang nakakakilala ng sobra kay
Dana.
"I know she will." Sagot niya.
Nakakahinga ako ng naluwag sa isip ko. Now I know that there's a chance. Dapat nga
sigurong makilala ko siya. Tama si Cloud, she's a part of me.
"Mahal mo pa ba siya?" Hindi ko na napigilan ang bibig ko. Hindi ko na dapat
tinanong 'yon. "Sorry, ito na naman ako. Kalimutan mo na 'yon."
"Hindi ko na mahal si Dana." Sagot niya. "May mahal na akong iba, Keila." Nanlaki
ang mata ko. Mahal niya na talaga si Krystal? Akala ko ba naghiwalay na sila? Pero
ano bang pakialam ko? Buhay naman ni Dwayne yon. Wala na naman akong
Keila.. kaya talaga ako tumawag kasi may gusto akong sabihin sayo."
"Ano 'yon?"
"Keila.. kasi.. alam kong hindi ko na dapat 'to sabihin sayo kasi alam kong
sinaktan lang naman kita dati at ang gago ko para gawin yon pero kasi, hindi ko na
kayang itago 'yong nararamdaman ko."
Biglang bumilis 'yong tibok ng puso ko. "Dwayne, just go straight to the point."
"Keila, I love you."

Chapter 29: Rejection


Keila's point of view

(Now playing: Hold me tight - BTS)

"Keila.. I love you."


Natigilan ako sa nga salita na 'yon. Tama ba 'yong narinig ko? Why all of sudden he
would even say that? Is he trying to play with me, again?
"Dwayne, what are you talking about?" I asked sounding so confused.
"Keila, alam ko na mahirap paniwalaan pero mahal na kita. Alam ko na nasaktan kita
dati, na niloko kita pero nagsisisi na ako. Akala ko si Dana 'yong mahal ko pero
hindi, ikaw pala. I know I shouldn't say this. Masaya ka na kay Kean kaya hindi na
dapat ako umeksena pero hindi ko na kayang pigilan 'yong sarili ko."
Nagkaroon ng ilang minutong katahimikan. Hindi ko kasi alam kung ano bang dapat
kong isagot. Dapat ba akong maniwala sa mga sinabi niya pagkatapos ng lahat ng
ginawa niya sakin non? Pero hindi na 'yon ang dapat kong isipin, kung totoo man na
mahal na niya nga ako o hindi, wala na akong kahit ano pang nararamdaman sakanya.
Huminga ako ng malalim. "Dwayne, sorry. May iba na akong mahal at alam mo naman
kung sino 'yon, mahal ko na si Kean."
Nagkaroon na naman ng ilang minutong katahimikan. Nakakabingi. Hindi ko alam kung
magsasalita pa ba ako o mananahimik na lang ako. Binasag na lang ni Dwayne 'yong
katahimikan. "No don't be sorry." Himinto siya sa pagsasalita. Hindi ko alam kung
umiiyak siya ba siya o hindi. "This is all my fault, if I could have just love you
right, you still would be mine."
"Dwayne.. it's too late." Sagot ko.
"I know, it's just hard to accept. I wish I could turn back the time." Huminga ulit
siya ng malalim. "Wag kang mag alala, I won't bother you anymore. Ayokong magulahan
ka pa ng dahil sakin. Just forget about everything I said. Bye Keila."
Binaba niya agad ang phone at wala na akong ibang nagawa kung hindi titigan ang
phone ko. What the heck is that?
Humiga ako sa kama ko.
Bakit kung kailan niya ako minahal, may mahal na akong iba? Pareho ba kaming
pinaglalaruan ng tadhana? Masyado talaga siyang makapangyarihan na kahit saang laro
hindi namin kayang talunin ang tadhana.
Nakita kong tumigil si Cloud sa pinto ng kwarto ko. "Good night, Keila. I hope
you'll think of our dinner with Dana next week." Bago pa ako ako makapagsalita,
umalis na siya agad. Anong meron kay Cloud? Bakit ba gustong gusto niya na
magkakilala pa kami ni Dana?
Napatayo ako sa pagkakahiga ko ng biglang tumunog ang phone ko. "Hello?"
"Hi babe." Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ko ang boses ni Kean.
"Kanina pa kita tinatawagan pero busy. Sinong kausap mo?"
"Ah wala, si Jenelle." Bigla na lang lumabas sa bibig ko 'yon. Hindi ko alam kung
bakit hindi ko sinabi sakanya ang totoo. "Bakit ka pala natapatawag?"
"May wild card kasi kami bukas sa padis sa MOA at gusto kong iparinig sayo 'yong
kakantahin namin. Okay lang ba?" Sambit niya gamit ang malalim niyang boses.
"Oo sige, makikinig lang ako dito." Sagot ko.
"Ahm.. sige ito na. wag mo akong pagtatawanan ha?"
"Oo na, sige na kumanta ka na."
(Now Playing: All I need by Shamrock)
"Kissing you was not what I had planned
And now I'm not so sure just where I stand
I wasn't looking for true love
But now you're looking at me
You're the only one I can think of
You're the only one I see"
Ang lalim ng boses ni Kean. Katulad ng dati, ramdam na ramdam mo 'yong emosyon niya
sa pagkanta niya. Habang pinapakinggan mo siya mararamdaman mo din 'yong
nararamdaman ni Kean.
"All I need..
Is just a little more time
To be sure of what I feel
Is it all in my mind
Cause it seems so hard to believe
That you're all I need.."
Nakapikit lang ako habang pinapakinggan ko siya. Iniisip ko ang mukha niya na
kumakanta sa harapan ko. Gustong gusto kong nakikita si Kean na kumakanta, tingin
ko mas lalo akong nahuhulog sakanya dahil don.
"Ano babe, maganda ba?" Nagaalala niyang tanong. Hindi ko alam kung bakit pa niyang
iparinig at itanong sakin kung maganda ba o hindi dahil kahit sino magsasabi na
maganda. "Babe?"
"Sorry, hanggang ngayon kasi naiisip ko pa din 'yong kanta mo. Oo maganda siya, for
sure matatanggap na kayo sa music laban, hindi, alam kong matatanggap kayo. Malaki
naman ang tiwala ko sayo, eh."
"Salamat babe.. mas lalo lang pinalakas 'yong loob ko. Pumunta ka bukas ha? Ikaw
lang 'yong nag iisang taong gusto kong nandon maliban kala tatay at Hailey. Para
sayo din naman 'yong kanta na 'yon eh." Kusa na lang akong napangiti ng banggatin
niya na para sa akin 'yon. "You're all I need, babe." Sambit na naman niya gamit
ang malalim niyang boses.
Kinagat ko ang labi ko at ngumit na naman ako. Kinikilig ba ako sa sinabi niya?
Siguro nga. Bakit ba ako nagkakaganito? Dahil lang sa isang simpleng salita?
Nababaliw na ata ako.
"Alam mo ba nung araw na hinila mo ako at hinalikan mo ako, aabot na siguro
hanggang bwan 'yong ngiti ko. Pakiramdam ko nga nag slow motion non 'yong oras at
parang tayong dalawa lang 'yong tao non."
Inalala ko ang araw na 'yon. Napangiti na lang ako. Nakakahiya man 'yong ginawa ko
kay Kean, kung hindi ko naman ginawa 'yon, hindi ko siya makikilala ngayon at hindi
ako magiging masaya ngayon ng ganito. Siguro, miserable at luhaan pa din ako.
Simula ng araw na 'yon, niligtas na niya ako mula sa malalim kong pagkakahukay sa
lupa. He saved me from all the heartaches.
"Ganon din 'yong naramdaman ko nung hinalikan kita sa Ferris Wheel kagabi.
Pakiramdam ko huminto ang oras."
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng maisip ko 'yong mga nangyari kagabi, mula
sa pagsakay namin sa Ferris Wheel hanggang sa magtama ang mga labi namin. Parang
may kung anong kuryente na dumaloy sa katawan ko simula lumapat ang labi niya sa
labi ko.
"Iyon na siguro 'yong pinakamatagal na sampung segundo ng buhay ko." Natatawa
niyang sabi. "Kissing you was the most romantic thing for me and if I could kiss
you now, I would."
Tumayo na lang bigla lahat balahibo sa katawan ko. My heart is beating so fast. "I
wish you're here." Bulong ko.
"I need to go, good night babe." Sambit niya. Napatingin na naman ako sa phone ko.
Ang weird na magkasunod na tumawag sakin si Dwayne at Kean.
Nag shower ako pagkatapos nagsuot na ako ng pantulog ko. Wala pa atang kalahating
oras bigla na lang nag text si Kean.
From: Alien
Wish granted.
Napakunot ang noo ko. Anong wish granted? Inisip ko kung ano 'yon at napahawak ako
sa bibig ko ng ma realized ko 'yong sinabi ko kanina. Dumungaw agad ako sa bintana
at sakto ngang nakita ko si Kean. Tumawag siya sa phone ko.
"Narinig mo pala ako kanina pero hindi ko inaasahan na pupuntahan mo talaga ako."
Sagot ko. "Gabi na ha, teka bababa ako--" hindi na niya pinatapos ang sasabihin ko.
"Wag na, gabi na at isa pa nakapang tulog ka na baka mamaya may magnasa pa sayo
dito sa labas. Nandito lang ako para makita ka. Matulog ka na babe, gabi na."
"Okay, umuwi ka na din ha? Mag ingat ka. Good night, alien." Sambit ko.
Hinawakan niya ang dibdib niya. "Naririnig mo ba dyan ang sinasabi ng puso ko?"
"Ano?"
"Sabi ng puso ko, mahal na mahal kita." Binaba na namin pareho ang phone namin. Nag
wave si Kean at nag suot na siya ng helmet. Lumingon ulit siya bago tuluyang
umalis.
"Sabi ng puso ko.. mahal ka din niya Kean." Bulong ko sa sarili ko. Hanggat hindi
pa kami, hindi ko muna 'yon sasabihin sakanya, sasabihin ko 'yon sa araw na
sasagutin ko na siya. "Sweet dreams, alien ko."
--
Ginising ako ng sikat ng araw. Hindi ko sinara 'yong kurtina ng kwarto ko dahil
gusto ko na ang araw ang gigising sakin kada umaga.
Tinignan ko agad ang phone ko at nakita ko ang text ni Kean.
From: Alien
Good morning babe. See you later. Excited na akong mag perform habang nandon ka.
143, babe.
143, Kean.
Pumunta ako sa banyo at naghilamos. Wala akong pasok ngayon pero bumaba pa din ako
para tignan kung kumakain na sila Mama at Cloud. Umalis daw si Cloud sabi ni Mama
dahil kailangan nilang mag practice. Si Mama naman may pinabili sakin sa grocery.
Hindi siya makaalis ng bahay dahil may hinihintay siyang importanteng tao.
Naghatid ako sa driver namin sa malapit na grocery store. Kinuha ko ang listahan at
kinuha ko na ang nga kailangan ko. Pagdating ko sa poultry section, nagulat ako ng
magkasalubong kami ni Dwayne. Naka sando siya at naka short habang may suot na itim
na bonnet at earphones. Nagkatitigan kaming dalawa. Parang feeling ko dalawa lang
kami ng oras na 'yon. Ang lungkot ng mata niya. Bubukas na sana ang bibig ko para
batiin siya pero bigla na lang siyang umiwas sakin.
Hindi na din naman ako nagulat sa inasal niya. Alam ko dahil 'yon sa pinagusapan
namin kagabi. Nakaramda tuloy ako ng pagkailang sa pagitan naming dalawa. Kung
kailan naman magkaibigan na kami tska naman nagkaganito.
Hindi ko na naman siya mahal pero ka-grupo ko siya at isa pa, okay naman kaibigan
si Dwayne. Sayang nga lang nangyari na 'to.
Inalis ko muna siya sa isipan ko at pumunta ako sa kabilang dulo para sa mga mga
gulay ni Mama. Habang pumipili ako, hindi ko alam na may tao na pala sa likod at
nagkabanggaan kaming dalawa. Nahulog 'yong carrots niya kaya agad kong kinuha 'yong
mga nalaglad na carrots.
Pagkaharap niya sakin, litetal akong natigilan. Hindi ako pwedeng magkamali. Siya
nga 'yon. Siya si Dana, 'yong kapatid ko.
Hindi na ako nakapagsalita pero binuksan niya ang bibig niya.
"Ikaw pala 'yon.." Sambit niya habang tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.
"Anong meron sayo na wala ako?" Bulong niya sa sarili niya pero masyadong malakas
kaya narinig ko. "Just remember, I'm always and will always be better than you."
Chapter 30: Don't let me go
Keila's point of view.

(Now Playing: Hug me - Taehyung and J-Hope)


Ang ganda niya at ang amo ng mukha niya. Hindi ako pwedeng magkamali na siya nga si
Dana. Hindi na ako nagtataka kung bakit minahal siya ni Dwayne. Magkahawig nga kami
pero mas maganda siya sa akin.
"I-ikaw ba si Dana?" Nauutal ko pang tanong. Hindi ko din alam kung bakit ako
nagkakaganito pero sobrang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa kaba.
"Yeah, I'm Dana Mendoza and you're Keila right? The girl I hate the most."
Hindi ako makagalaw. Parang hindi ako makahinga ng maayos. Bakit siya galit na
galit sa akin? Anong ginawa ko sakanya? Ngayon ko pa lang naman siya nakita at
nakilala. Hindi pa naman niya alam na half sister niya ako kaya bakit siya
magagalit sakin? "Paano mo ako nakilala at bakit galit na galit ka sakin?" Tanong
ko.
Kinakabahan ako sa isasagot niya. Alam na ba niya na half sister niya ako? "I hate
you because you're the girl he loves." Sambit niya habang nakatitig siya sa mata
ko.
Sino ang tinutukoy niya? Si Dwayne? Mahal pa ba niya si Dwayne? Si Kean na naman
ang mahal ko eh hindi na si Dwayne kaya bakit siya magagalit sakin? "May iba akong
mahal. Hindi ko na mahal si Dwayne kaya sana wag kang magalit sakin."
Nagtaka ako ng bigla siyang tumawa. "Who said it's Dwayne?"
"Huh? Kung hindi si Dwayne, sino?" Nagtataka kong tanong.
"Si Kean, siya 'yong mahal ko."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Nahihirapan akong huminga. Mas lalo kong hindi
maigalaw ang katawan ko. Paanong naging si Kean ang mahal niya? Magkakilala ba
silang dalawa? Wala naman nababanggit sakin si Kean tungkol sakanya. Nalilito na
ako na parang gusto ko na lang umiyak.
"So hindi niya sinabi sayo ang lahat? Hindi man lang ba niya ako nabanggit sayo?"
Hindi. Kahit ano wala. Hindi ako makapaniwala na naglihim sakin si Kean. Mas lalo
lang akong nasaktan.
"Dana!" Nakita ko si Trevor sa likod habang papalapit siya samin. Nagulat din siya
ng makita niya kaming dalawa ni Dana. "Anong pinagusapan niyo?" Tanong niya habang
hingal na hingal siya.
Tumingin siya kay Dana papunta sakin pero hindi ko alam ang sasabihin ko kaya
nanahimik na lang ako. Hinintay namin na magsalita si Dana.
"I just reminded her that she's the girl who stole Kean away from me. She's the
reason why Kean can't love me and the reason for my all heart breaks." May nakita
akong luha galing sa mga mata niya. Damang dama mo 'yong sakit na nararamdaman
niya. Ganon niya ba kamahal si Kean? Kahit na alam kong galit siya sakin, hindi ko
pa din maiwasan na maawa sakanya. Parang ang fragile niya masyado, na hindi mo siya
gu-gustuhin na umiyak at masaktan. Gusto ko siyang yakapin at i-comfort pero galit
siya sakin at masyado din akong nasasaktan ngayon dahil sa mga nalaman ko. "I don't
want to hate her Trevor, I don't want to be mad and bad at her but I can't help
it." Lumapit siya kay Trevor at niyakap naman siya ni Trevor.
"Dana, Keila is not the reason for your heart breaks. She didn't steal Kean from
you, Kean just can't love you because he can't and Keila is not the reason behind
it. Stop crying over him and just move-on, he loves Keila now." Sambit ni Trevor.
Nagkaroon ng ilang minutong katahimikan.
Hanggang ngayon naguguluhan pa din ako sa mga nangyayari. Sumasakit na nga ang ulo
ko dahil wala akong maintindihan. Ang alam ko lang ngayon, galit sakin si Dana at
si Kean ang dahilan non dahil mahal niya si Kean at naglihim sakin si Kean. All
this time, tinago niya sakin ang tungkol kay Dana. Paano niya nagawa sakin 'yon?
Grabe ka talaga tadhana, ang hilig mo talagang paglaruan 'yong buhay ko? Masaya ka
ba kapag nakikita mo akong nahihirapan?Ano ba kasing kasalanan ko sayo?
"We've talked about this Dana. You said you'll not going to be mad at her." Sambit
ni Trevor.
Huminga ng malalim si Dana at tumingin siya sakin. "I'm sorry, Keila. I don't want
to be mean but thinking that you're the girl who Kean loves, makes me so mad at
you." I know, she sounds so sincere but yet it hurts me more. "I hate you so much."
Huminga ako ng malalim. Ang sakit marinig na kinakamuhian niya ako. Kung dati,
hindi ko alam kung dapat ko pa ba siyang makilala, ngayon na nakita ko na siya,
gusto ko na siyang makilala pa lalo pero parang hindi na ata mangyayari yon. Dahil
iisa lang ang lalaking minamahal namin.
"I'll drive you home." Sambit ni Trevor.
"No, I'll go by myself." Pinunasan niya 'yong mga luha niya pagkatapos umalis na
siya.
Huminga na naman ako ng malalim. Napahawak na lang ako sa cart ko dahil pakiramdam
ko nanghihina ako. Nilapitan naman agad ako ni Trevor at hinawakan niya ako.
"Keila, I'll take care of this, go to my car." Tumango na lang ako at kinuha ko ang
susi na inabot niya sakin. Wala na akong lakas para makipagtalo pa kay Trevor.
Binuksan ko ang kotse ni Trevor at pagkaupo ko pa lang sa front seat, hinayaan ko
na 'yong sarili ko na umiyak. Isa lang naman ang dahilan kung bakit ako
nagkakaganito, dahil 'yon kay Dana. Nasaskatan akong malaman na galit siya sakin.
After seeing her makes me want to know her more. Ang tagal ko na din gustong
magkaroon ng kapatid na babae.
After twenty minutes, dumating na si Trevor.
"Are you okay, now?" Tanong niya agad sakin. "Iuuwi na kita." Hinawakan ko ang
kamay niya para pigilan siya.
"Tell me, naging si Dana ba at Kean? Trevor please enlighten me. I'm so confused
and hurt right now." Sumandal ako at pinikit ko na lang ang mata ko habang
nararamdaman ko ang mga luha sa mata ko. "Matagal na bang magkakilala si Kean at
Dana? Alam ba ni Kean na magkapatid kami?"
Tinignan ko siya pero hindi siya makatingin sakin. Ang higpit ng pagkakahawak niya
sa manibela.
"Si Kean talaga ang mahal ni Dana pero dahil alam ni Kean na mahal ni Dwayne si
Dana, tinulak niya palayo at papunta si Dana kay Dwayne. Mas mahalaga sakanya 'yong
pagkakaibigan nila ni Dwayne. They're best of friends before and no one can even
break them not until Dana chooses Kean over Dwayne."
Ngayon naiintindihan ko na kung bakit galit na galit sila sa isa't isa. Dahil pala
lahat 'yon kay Dana.
"Hindi ako makapaniwala na nilihim sakin lahat 'to ni Kean. I've trusted him."
Sambit ko.
"Maybe he has a reason. Talk to him."
Naisip ko bigla 'yong music laban sa MOA. Hindi ko alam kung pupunta pa ba ako don
o hindi na. Pagkatapos kong malaman ang lahat ayoko munang makita si Kean pero
nangako ako sakanya na pupunta ako mamaya. I don't really know what to do now but
maybe Trevor is right, maybe he has a reason. "Can you drive me to MOA?"
I need to talk to him, he needs to give a good damn explanation and I don't want
them to lose again because of me.
Hinatid ako ni Trevor sa MOA. Siya na lang daw ang maghahatid ng groceries sa
bahay. I'm so glad I still have him. He's been a good friend to me. "Just call me
if you need me."
"Thank you Trevor." Sambit ko at bumaba na agad ako ng sasakyan para pumunta ng
Padis.
Nagsimula na sila. Umupo na lang sa likod. Hindi pa tumutugtog sila Kean pero sila
na 'yong kasunod na tutugtog. Mula sa gilid ng stage, nakikita ko si Kean. Hindi ko
alam kung bakit bigla na lang akong naiyak. Hinahanap niya kasi ako at mukhang
hindi siya mapakali. Kahit na naglihim siya sakin, hindi ko pa din kayang makita na
nasasaktan si Kean. All this time, siya ang palaging sumasalo sakin tuwing may
nasasaktan ako. I still can't deny the fact that I love him.
"It's Sky light's turn!" Sigaw ng emcee.
Lahat sila nagpalakpalakan. Hindi pa din mapakali 'yong mukha ni Kean at panay
silip pa din siya sa mga tao. Nagtama ang mata namin at napalitan agad ng ngiti
'yong lungkot na meron siya kanina. Kinawayan niya agad ako at mukhang masayang
masaya siya.
Pinanuod ko sila. Napakaganda pa din ng boses ni Kean. Alam kong para sakin 'yong
kanta niya kaya mas lalo lang akong naiyak.
Pagkatapos nila mag perform, nag stay sila sa stage. Ilang minuto lang ang lumipas,
ia-announce na nila 'yong banda na nanalo sa wild card. Hindi na ako nagdalawang
isip na mananalo sila Kean at tama ako.
"Ang huling banda na papasok para sa semi finals ng Music Laban ay... Sky light!"
Naglakad mula sa likod ko si Dana. Papunta sa stage. Nagulat ako na nandito siya..
para kay Kean.
Nakita kong pababa na si Kean at alam kong pupuntahan niya ako kaya habang madami
pang tao ang nakaharang sa pagitan namin, tumakbo na agad ako palayo.
Gusto kong lapitan si Kean pero ayokong makita kami ni Dana na magkasama. Mas lalo
lang siyang magagalit sakin.
Nakaabot ako sa parking lot at hindi kalayuan, nakita ko 'yong Audi ni Dwayne. Alam
ko 'yong plate number niya kaya alam kong sakanya 'yon. Gusto kong kausapin si
Dwayne dahil sa nangyari samin. I know I rejected him but I still want to
personally say sorry.
Nakabukas 'yong pintuan ng kotse niya. Napahawak ako sa bibig ko ng makita ko si
Dwayne na nakapatong kay Krystal habang nakababa 'yong pantalon niya at habang
walang damit si Krystal.
"Uhh.." Ungol ni Krystal. "Yes Dwayne honey, harder."
I can't believe I saw them making out. Kung pwede ko lang sanang burahin 'yong mga
nakita ko sa isip ko. The weird thing is, I felt betrayed once again. I should have
known. Pinaglalaruan na naman pala ako ni Dwayne. Hindi totoong mahal niya ako.
Hindi na dapat talaga ako naniwala sakanya.
"What the fvck, Keila?!" Sigaw ni Krystal. "Why are you there?"
Tumalikod agad ako sakanila dahil ayoko silang makita na dalawa. Hindi ngayon na
nakahubad sila.
Tumakbo na naman ako palayo. Hindi ko na alam kung saan ako pupunta, kung anong
gagawin ko. Huminto na lang ako pagkatapos umupo ako at umiyak.
"Keila!" Inangat ko ang ulo ko at nakita ko si Dwayne na papalapit sakin. "Keila,
let me explain. I'm just drunk and I'm hurting and I saw Krystal and we.. I'm so
sorry."
Tumayo ako at hinarap ko siya. "You don't have to explain, Dwayne."
"No, Keila. I love you." Hinawakan niya ang kamay ko pero inalis ko yon. "Believe
me."
"How can I believe you if I've just seen you making out with Krystal?!"
"I'm just drunk!"
"That's not an excuse Dwayne. You still know what you're doing. Just stay away from
me." Naglakad na naman ako palayo kay Dwayne pero hinabol niya ako at hinawakan
niya 'yong kamay ko.
"Why can't you love me?!" Sigaw niya. Sinusubukan kong alisin 'yong pagkakahawak
niya sa kamay ko pero hindi ko magawa dahil ang lakas niya. "Mas magaling bang
humalik si Kean kaya mas gusto mo siya?" Hinawakan niya 'yong likuran ko pagkatapos
nilapit niya ako sakanya at hinalikan niya ako.
Hindi ako makapalag dahil ang lakas ni Dwayne. Wala na akong ibang nagawa kung
hindi umiyak. Bumabas ang halik niya papunta sa leeg ko. "Mas magaling ba sa kama
si Kean ha Keila kaya siya 'yong mahal mo at hindi ako?"
"Dwayne, tama na please." Pagmamakaawa ko.
"Bitawan mo siya Dwayne!" Ang bilis ng pangyayari. Ang sumunod ko na lang nakita,
sinusuntok ni Kean sa mukha si Dwayne. "Anong karapatan mong bastusin si Keila ha?!
Hayop ka!"
Sinusuntok niya ng sinusuntok si Dwayne. Tumayo ako para awatin sila. "Tama na
Kean!"
"Hindi ako papayag na bastusin ka lang ng iba, Keila!" Nakita ko si Dana sa malayo
na nakatayo at pinagmamasdan kami. "How dare you, Dwayne!"
Tinulak ko si Kean palayo kay Dwayne. "Tama na Kean!"
"Keila, binastos ka niya! I'm just trying to protect you!" Sigaw ni Kean. Kitang
kita ko sa mata niya 'yong galit. "Bakit parang mas kinakampihan mo pa siya?"
"Bakit sino bang dapat kong kampihan, ikaw? Are you even my boyfriend?!"
Hindi ko alam kung bakit ayon 'yong lumabas sa mga bibig ko. Hindi ko na napigilan
pa ang sarili ko. Siguro dahil sa halo halong emosyon na nararamdaman ko ngayon
kaya ko nasabi ang mga 'yon.
Napaatras si Kean. Nakita ko sa mata niya 'yong sakit. May mga luha na lang na
biglang tumulo galing sa mata niya. Ang sakit na makita siyang ganito. Bakit ko ba
kasi sinabi 'yon?
"Sorry, hindi mo nga pala ako boyfriend."
"Kean--" pinigilan niya ako sa pagsasalita.
"Alam mo bang narinig ko si Dwayne kagabi habang sinasabi niyang mahal ka niya,
sinabi niya 'yon kagabi habang nandito siya sa padis. Hindi ko alam kung anong
sinabi mo dahil umalis na agad ako dahil natatakot ako na baka ma realized mo bigla
na mahal mo pa pala siya. Natatakot ako na baka mamaya bigla na lang ulit akong
maiwan sa ere, bigla mo na lang akong iwan. Nung nakausap kita nagkaroon ako ng
pag-asa na hindi mo ako iiwan na mahal mo ako pero nagkamali pala ako. I should
have known, panakip butas lang naman ako eh. Tama 'hindi ba? Pero ayos lang,
ginusto ko 'to eh." Hindi na napigilan ni Kean na humagulgol sa iyak. "Kaya hindi
dapat ako masaktan ng sobra ngayon kasi tama ka naman eh. Sino ba naman ako sayo?
Wala naman, 'hindi ba."
Pinunasan niya 'yong mga luha niya pero patuloy pa din siya sa pag iyak. Parang
nadudurog 'yong puso ko.
"Wag kang mag alala, hindi na kita guguluhin. Mahal ka na ni Dwayne ngayon. Siguro
naguluhan ka lang kasi ako 'yong palaging nandyan pero siya naman talaga 'yong
mahal mo." Pinunasan na naman niya 'yong mata niya at sinubukan niyang ngimiti.
"Makita lang kitang masaya Keila, masaya na din ako kahit na sobrang nasasaktan na
ako ngayon kasi mahal na mahal kita eh.. tandaan mo yan."
Tumalikod siya sa amin habang dinig na dinig ko pa din 'yong pag iyak niya.
"Kean.. I'm sorry."

--
Dwayne or Kean?

Chapter 31: It's just a show


Krystal's point of view.

"Where are we going Krystal?" Tanong ni Katty. "I thought we're going to Republiq?"
"Shut up Katty, we're going to MOA." I said using my annoyed tone. Sometimes she's
so irritating. "Anya told me she've seen Dwayne drinking at Giligan's."
"Oh c'mon, so it's about him again? Krys! Move on! That guy is so fvcking in love
with that Keila girl." Humigpit lang lalo 'yong pagkakahawak ko sa manibela. Kapag
naiisip ko 'yon, sobrang naiinis ako. Dwayne is mine, just mine.
"You know what? if you'll not gonna shut up I'm going to kick you out of my car."
"Seriously? Just because of him? How bitch of you." She said sounding frustrated
but I don't care. Duh. She should know that, she's my best friend. "Whatever,
you're the Queen B. Queen bitch."
"I know right. And no one can stop me."
Hinanap ko 'yong audi ni Dwayne at duon ako nag park malapit sa kotse niya. Bumaba
agad kami ni Katty at dumiretso kami sa Giligan's.
"Should I leave you now?" She asked.
"Give me some roofies, first." I said. Katty looked so surprised. "Don't worry I'll
just put a little roofies in his drink." She handed me the roofies with a worried
look. "Katty, I love Dwayne so I'm not going to do something bad to him."
"That's just so desperate Krys but yeah, I know I can't stop you with this. Just
call me if you need me, I'll go meet Anya."
"Thanks Katty, you're really my best friend." I hugged her then she left. When I
entered Giligan's, I immediately seen him drinking alone. "Tonight, you'll be mine
honey. I'll make sure you're gonna forget about that bitch." Bulong ko sa sarili
ko.
Nag order ako ng drinks at pinadala ko 'yon sa table ni Dwayne. Lumapit agad ako
sakanya at walang kung ano ano, umupo ako sa tabi niya. Buti na lang sa dulo siya
nakaupo kaya hindi siya agad agad makakatakas sakin.
"Kystal?" Tanong niya at sa boses pa lang niya he sounded so irritated. "What are
you doing here?" Medyo lasing na din siya. It's gonna be easy for me now to seduce
him. I just want him insied of me tonight. After that, I'm sure he'll forget about
Keila.
"Calm down, Dwayne. I'm just here to drink too then I saw you." I wanted to come
closer but I don't want him to go just because I'm being so clingy to him again, to
think we're not together anymore. Thanks to Keila. Kinuba ko 'yonh drinks ko.
"Cheers?"
"I need to go." He said but I stopped him.
"Don't be so hard to me Dwayne. Tanggap ko ng ayaw mo na sakin at wala na tayo pero
at least let's be friend. Trevor told me you're hurting right now, so why don't you
vent out to me huh? Just like before."
Nagkaroon ng ilang minutong katahimikan. I know he's considering my company for
tonight because I know he need someone to talk to and that's just me. Nung broken
hearted siya kay Dana, ako lang din naman ang nasa tabi niya.
"I just can't believe she did that to me. It's the second time that someone
rejected me but you know what? this time it's more painful because I've fallen too
far for her. It hurts to much, Krys."
As much as I don't want to hear this drama, I have no choice. I need to be here
with him. I don't want to see him hurting because I love him. This is all Keila's
fault. I'll make sure she's going to pay for this. "Just forget about her, even
just for tonight."
"I've been trying to do that every night but I always think of her. And it's
fvcking killing me Krys." I saw his tears coming down. It's the first time I've
seen him like this. Ganon niya ba talaga kamahal si Keila? Ano bang meron sa
babaeng 'yon? "I wish I she could love me the way I love her.. I love her so much."
Tinakpan niya ng kamay niya ang mukha niya para hindi ko makita na umiiyak siya.
I've known him so well. Ayaw niyang may nakakakita sakanya na umiiyak. Kinuha ko
ang roofies na binigay ni Katty at naglagay ako ng konti sa drinks ni Dwayne.
"Here Dwayne," inabot ko sakanya 'yong drinks niya. "Daanin mo na lang yan sa pag
inom. Let's drink! Cheers!"
Kinuha niya 'yong drink niya at ininom niya 'yon. Uminom din ako habang
pinagmamasdan ko siya. "How can I make her love me?"
"You know what, just think of me as Keila. By that, mababawasan kahit sandali 'yong
sakit." Lumapit na ako sakanya at hinawakan ko ang braso niya. "Isipin mo na lang
ako si Keila, Dwayne. Kahit isang gabi lang mapapasayo din siya, ayaw mo ba non?"
Inalis niya 'yong kamay ko sa braso niya. "What are you talking about? You will
never be Keila." I wanted to be mad but I calmed myself. I will never be like her
because I'm better than that bitch. "I'm going, pupuntahan ko si Keila."
"Pupuntahan mo siya?! Kasama niya ngayon si Kean. Sasaktan mo na naman ba 'yong
sarili mo ha, Dwayne? You're being stupid just for the love you have for her."
Pinigilan ko siya. Sana pala dinamihan ko na 'yong roofies para mas madali siyang
umipekto. "Dito ka na lang muna at uminom ka."
Umupo siya at parang umiipekto na siya kay Dwayne. Napasandal na lang siya bigla sa
balikat ko. "I'm feeling dizzy, Krys."
"That's okay Dwayne, I'll take care of you."
Inalalayan ko siya palabas at papunta sa parking. Kinuha ko 'yong susi ng kotse
niya pagkatapos binuksan ko siya. Hinila agad ako palapit ni Dwayne papunta sakanya
at hinalikan niya agad ako. "Keila, I love you so much, why can't you love me?" He
said while holding my body. Nag ha-hallucinate na ata siya dahil sa roofies.
"Dwayne, I love you. I want you. I want you to be inside me. Please, I want all of
you Dwayne." I said then I kiss him hard.
I don't fvcking care kung iniisip niyang si Keila ako, I just want him. I want to
own him even just for tonight. I want him to forget the pain. "I want you Keila.. I
love you.. only you babe." Hinawakan niya 'yong mukha ko and I can even feel his
hands shaking showing how much he wants me, no how much he wants Keila.
Hinalikan niya ulit ako habang binaba niya ang pagkakahawak niya sa baywang ko.
Pinulupot ko 'yong kamay ko sa leeg niya at hinalikan ko din siya. Tinulak niya ako
papasok sa kotse. Napahiga ako sa front seat ng kotse niya. Hinubad ko 'yong damit
ko pati 'yong shirt niya.
"I love you Keila.." He said using his husky voice. It did fvcking turned me on.
His voice is so sexy all I'm thinking now is for him to be inside of me. "Please
just love me too.. I'm gonna give you everything."
"I love you too Dwayne.. just you honey."
Nilapit ko ulit 'yong mukha niya. Hinalikan niya ulit ako mula sa bibig ko pababa
sa leeg ko. Umupo ako for him to go down. Napatingin ako sa labas at akala ko
namamalikmata lang ako pero hindi ako pwedeng magkamali sa nakita ko. Papalapit
samin si Keila. Umaayon talaga sakin ang tadhana.
Binaba ko agad ang panton ni Dwayne habang patuloy niya akong hinahalikan sa leeg
ko. "Uhh.." Ungol ko. "Yes, Dwayne honey.. harder."
Tinignan ko ng palihim ang reaskyon ni Keila. Nakahawak pa siya sa bibig niya sa
sobrang gulat. Well, let's make this more exciting. "What the fvck Keila?! Why are
you here?"
Hindi na siya nagsalita at tumalikod na siya sa amin. Napahinto bigla si Dwayne sa
paghalik niya sakin. Nanlaki ang mata niya ng makita niya ako na nakahubad.
"Krystal?! I thought you're Keila! Did we make out?!" Napatingin siya sa baba niya
at nakita niyang nababa na ang pantalon niya. "Did Keila see us?!"
Tumango ako sakanya kahit wala naman talagang nangyari samin. Wala na siyang
maaalala dahil sa roofies kaya kahit anong sabihin ko, wala na siyang magagawa.
"Shit. Shit. This can't be happening." Napalingon siya sa likod niya. "Fvck si
Keila."
"Dwayne, just let her go! I'm here for you! You can have me without you getting
hurt!"
"Dress up." Kinuha niya 'yong damit ko pagkatapos sinuot niya sakin 'yon. "Just
wish na hindi galit sakin si Keila kasi kung hindi malalagot ka sakin."
Nagsuot siya ng damit at tumakbo siya palayo. Lumabas ako ng kotse ni Dwayne at nag
ayos agad ako. Tinawagan ko agad si Trevor para kunin niya si Dwayne. Sakto palang
papaunta na din siya dito para sunduin si Keila.
Sinundan ko si Dwayne. Nakita ko na lang siya na nakabulagta sa sahig dahil sa
suntok ni Kean. Bigla na lang tumalikod si Kean habang umiiyak siya. Lumapit ako
kay Dwayne. Nawalan na siya ng malay, siguro nag collapse na siya dahil sa alak at
sa roofies. "Honey!" Sambit ko habang tinitignan ko ng masama si Keila. "Umalis ka
na Keila, ikaw ang dahilan ng lahat ng problema dito."
"Pero--" hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya.
"Can't you see it?! Ikaw ang palaging dahilan kung bakit nasasaktan ang mga tao sa
paligid mo." Inangat ko si Dwayne. Buti na lang dumating si Trevor.
"What happened? Keila why are you crying?" Bungad ni Trevor.
"Nag collapse siya. Iuwi mo na siya." Sambit ko.
"I'll take care of him from now. Keila, sumabay ka na samin."
Tinignan ko siya ng masama. "No, magpapasundo na lang ako kay Cloud. Iuwi mo na si
Dwayne." Buti naman.
"Are you sure?"
"Don't worry sasamahan mo muna siya dito, sige na umuwi na kayo." Sambit ko. Pag
alis ko hinarap ko agad si Keila. "See what have you done? Kung ako lalayo na ako
kay Dwayne at kahit kay Kean. Akin si Dwayne at si Kean naman ay para kay Dana."
Mataray kong sabi.
Hindi siya nagsalita at naglakad siya palayo sakin. Ngumiti ako. Sakin pa din pala
ang huling halakhak.
"Simula pa lang yan ng paghihirap mo Keila." Kumuha ako ng yosi sa bulsa ko at
nagsindi ako. Pumunta ako sa kotse ko. Tinawagan ko si Katty para samahan ako. "In
time, makakaganti din ako sayo, Keila."
After ten minutes dumating na si Katty. "What happened? Naka score ka ba kay
Dwayne?"
"Almost." I answered. Yeah, I wanted more but that's okay, I've got what I wanted.
"But, I've made it look like we have when Keila saw us."
"She've seen you?"
"Yup and I know she will not like Dwayne now because of that so Dwayne will all be
mine now."
"How about Keila? Titigilan mo na ba siya?" Tumawa na lang ako. "You're so bad,
Krystal."
"I know and Keila will know how bad I am soon. I'll let her pay for all the things
she've done. Hindi ko hahayaan na maging masaya pa siya, tandaan mo yan Katty."
Tumawa ulit ako.
"Bonus pa pala na bumalik na si Dana. Pareho ko silang papahirapan. Humanda silang
dalawa sakin."

Chapter 32: Rivalry

Keila's point of view

Alam kong galit sakin si Kean pero hindi ko pa din inalis sa isip ko na baka nasa
labas lang siya ng bahay namin at hinihintay ako habang nakasandal siya sa motor
niya. Baka nadala lang siya ng emosyon niya kagabi. Baka hindi naman talaga siya
galit sakin. Pero lahat ng 'yon puro baka sakali lang kasi, wala siya.
Pakiramdam ko may kulang sa umaga ko. Nasanay na siguro ako na palaging sinusundo
ni Kean. Nasanay na kasi ako na palagi siyang nandyan.
Napatitig na lang ako sa kalsada ng bigla na lang akong businahan ni Cloud. Binaba
niya ang side mirror ng Montero niya at tinitigan niya ako. "Bakit wala si Kean?"
"Ah, may emergency kasi sakanila." Sagot ko. Hindi pa ako handa na sabihin sakanya
ang lahat, maghahanap pa ako ng tamang oras para don. Isa pa ayokong magalit siya
kay Kean. "Pwede ba akong sumabay?" Tanong ko.
"Sumakaya ka na."
Umupo ako sa likod ng kotse niya dahil baka kabahan ako kapag katabi ko siya.
Ganito ako kapag may mga bagay akong hindi sinasabi sakanya, kinakabahan ako kapag
malapit siya sakin at ang masama don, napapansin niya agad kapag kinakabahan ako.
For all the years kilala na ako ni Cloud kaya hindi mahirap sakanya na basahin kung
anong nasa isip ko.
"Napag isipan mo na ba ang tungkol kay Dana?" Tanong ni Cloud. "I think you should
give it a chance."
Sa nangyari kahapon, dapat pa nga ba niya akong makilala bilang half sister niya?
Papayagan pa ba niya ako na pumasok sa buhay niya? Galit siya sakin kaya malamang
hindi siya papayag. "I don't know Cloud, maybe that's not a good idea."
"Keila--"
"Pwede bang ibaba mo ako sa may coffee shop na 'yon?" Sambit ko. Ayoko ng makipag
talo sakanya. Natatakot ako na masabi ko ang lahat. "Cloud, please?" Wala na siyang
ibang nagawa kung hindi mapabuntong hininga.
"Susunduin kita mamaya pagkatapos ng klase mo. Hintayin mo ako sa parking lot.
Okay?"
"Okay. See you later." Sagot ko.
Sa totoo lang wala naman akong gagawin dito sa coffee shop nila Wynter, kailangan
ko lang umiwas sa usapan namin ni Cloud. "Besty!" Sigaw ni Jenelle. Nakalimutan ko,
nag pa-part time nga pala siya dito.
"Hindi ka ba papasok?" Tanong ko paglapit niya sakin.
"Mamaya pa 'yong pasok ko. Ikaw? Hindi ba may pasok ka? Nandito ka ba dahil kay
Kean? Uy ha, ang sweet mo." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Anong ibig niyang
sabihin? "Upo ka muna. Anong gusto mo?"
"Cappuccino." Sagot ko.
Sinulat niya sa maliit niyang notebook 'yong order ko at binigay niya 'yon sa
counter. Ang laki ng ngiti niya pagbalik niya sa table ko. May kakaiba kay Jenelle
ngayon.
"Alam mo ba kagabi besty, lasing na lasing si Kuya Dwayne tapos may sugat pa siya
sa may labi niya. Hindi ko alam kung anong nangyayari sakanya, mukhang problema
siya masyado. Pero ang nakakagulat don, habang pinapatulog siya ni Mommy kagabi,
binabanggit niya 'yong pangalan mo. May nangyari ba na hindi ko pa alam?"
Tinignan ko si Jenelle. Hindi ko pa nasasabi sakanya ang lahat dahil hindi pa kami
nagkikita mula ng mangyari 'yon. "Uhm.. nung isang araw kausap ko si Dwayne sa
phone at sabi niya sakin na mahal niya ako. Sinabi kong si Kean na 'yong mahal ko.
Tapos.." Natigilan ako. Tingin ko hindi ko na dapat pang i kwento 'yong mga
nangyari kagabi, panigurado magagalit lang siya kay Dwayne kapag nalaman niya ang
ginawa sakin ni Dwayne at pati 'yong pag make out nila ni Krystal. Baka mag iba pa
ang tingin niya sa Kuya niya. Oo galit ako kay Dwayne pero ayokong madamay si
Jenelle sa gulo namin dahil alam ko na mahal na mahal niya ang Kuya Dwayne niya.
"Hindi ko alam kung 'yon ang dahilan kung bakit siya nagkakaganon."
Napahawak si Jenelle sa bibig niya sa sobrang gulat. "Tama nga ako, mahal ka pa
niya. Matagal ko ng nahahalata 'yon kasi palagi ka niyang tinatanong sakin pero
akala ko wala lang. Shocks, bakit ngayon lang? Kung kailan may mahal ka ng iba?"
"Pinaglalaruan siguro kami ng tadhana, Jenelle." Sagot ko. Isama mo pa ang nangyari
samin ni Dana. "Teka, asan na 'yong kape ko?"
"Ayan na!" Sambit niya habang nakatingin siya sa likuran ko.
"Jenelle, ito na 'yong--" napahinto siya sa sasabihin niya ng lumingon ako.
"Keila?"
Napatayo ako sa kinakatayuan ko. Ang bilis ng tibok ng puso. "Bakit nandito ka?"
San dami ng gusto kong itanong sakanya, yan lang 'yong nakaya kong sabihin.
"Hindi pa ba nasasabi sayo ni Kean na nag pa-part time na siya dito? Akala ko naman
alam mo na besty." Sambit ni Jenelle.
"Here's your drink, Keila." Sagot niya at inabot niya sakin 'yong coffee ko. Wala
man lang kung anong emosyon sa mukha niya. Para bang ibang tao na 'yong nasa
harapan ko ngayon. Gusto ko siyang kausapin pero naunahan ako ng kaba. Isa pa
umalis na siya agad na parang ayaw niya na talaga akong kausapin. Umupo ako hawak
hawak ko ang kape ko, hindi ko napigilan na mapapatitig sa labas.
"Ano 'yon? LQ ba kayo ni Kean?" Tanong ni Jenelle. "Anong nangyari? Magsabi ka nga
sakin ng totoo, Keila."
Tinignan ko ang relo ko at malapit na magsimula ang class namin. "Mamaya ko na lang
sasabihin, malapit na mag start 'yong class ko eh. Sige besty, una na ako."
"See you later!" Sigaw ni Jenelle.
Nagtaxi na lang ako papasok. Dumiretso agad ako sa locker ko para kunin 'yong books
ko pero nagulat ako kasi may sticky note akong nakita sa labas ng locker ko.
I'm sorry, Keila.
- Dwayne
May kasama pang isang piraso ng white rose 'yong note niya. Kinuha ko 'yon at
nilagay ko sa bag ko. Kinuha ko agad 'yong gamit ko at tumakbo ako papunta sa room
ko. Napahinto lahat ng mga classmates ko ng makita nila ako. Hindi na naman 'to
bago pero hindi ko pa din maiwasan na kabahan. Ano na naman bang meron at ganyan
sila makatingin sakin?
Dumiretso agad ako sa upuan ko sa likuran. Nadaanan ko si Krystal sa harap at ang
sama ng tingin niya sakin. Nasa likod niya niya si Dwayne pero hindi na ako
tumingin sa mata niya.
May sticky note na naman sa desk ko.
Please forgive me, Keila
- Dwayne
May isang piraso na naman ng puting rosas sa desk. Kinuha ko agad 'yong bulaklak at
note tska ko nilagay sa bag ko. Ito ba 'yong dahilan kaya ganon na lang sila
makatingin sakin?
Napatingin ako sa tabi ko, sa upuan ni Kean. Ang bigat sa pakiramdam na wala siya
sa tabi ko. Teka nga, may pasok siya din siya ngayon pero bakit nandon siya sa
coffee shop? Hindi ba siya papasok para mag work don? Paano 'yong pag-aaral niya?
Nag aalala ako para sakanya. Gusto ko siyang kausapin pero sa mga tingin niya
kanina mukhang galit pa din siya sakin.
"Ms. Mendoza!"
"Kean?" Wait. Shocks. Lumulutang pala 'yong utak ko. "Sir, sorry po." Nagtawanan
'yong mga classmates ko. Yumuko na lang ako sa kahihiyan. Ano ba kasing nangyayari
sakin?
"Ms. Mendoza, kung inaantok ka pa pwede ka nang lumabas ng room. At nabanggit mo na
din naman si Mr. Marco, alam mo ba kung bakit absent siya ngayon?" Hindi ako
makatigin sakanya, sakanila.
"Hindi ko po alam Sir. Sorry po, mag fo-focus na po ako sa class."
"Okay, better focus or you can get out of this class." Tumango na lang ako.
Ang hirap mag focus sa mga sinasabi ng terror na professor ko. Palagi ko kasing
naiisip si Kean. Lahat tuloy ng sinabi ni Sir parang lumabas lang din sa kabilang
tainga ko.
"Class dismiss."
Nagmadali agad akong lumabas ng room. Dumiretso ako sa locker ko. Nilagay ko sa
loob lahat ng binigay ni Dwayne. Wala pa akong oras para harapin si Dwayne lalo
ngayon na hindi pa kami nagkakaayos ni Kean. Hindi ko pa din kasi alam kung
napatawad ko na si Dwayne sa ginawa niya sakin.
"Keila.."
Tinago ko lang 'yong mukha ko sa locker ko. Hindi ko siya sinara para hindi ko
makita si Dwayne. Hindi ko alam kung kaya ko siyang harapin.
"Keila, I'm really sorry about what happened last night. Believe me, I don't want
to say those things, to do those stupid things. Please, I'll do anything for you to
forgive me."
Ramdam ko naman 'yong sincerity sa boses ni Dwayne pero tuwing maiisip ko 'yong mga
ginawa niya parang hindi ko siya kayang patawarin. Binastos niya ako at hindi
excuse ang alak para gawin niya 'yon sa isang babae. "Dwayne, just leave me alone."
"Keila, please--"
Pinigilan ko siya pagsasalita niya. "Hindi ko pa din magawang patawarin ka sa
ngayon, Dwayne. Sa friday na 'yong semi finals at ayokong makaapenkto itong
nangyari sa magiging performance natin so I want us to be civil so pleae, don't
make it hard for us."
Ayoko ng dumagdag pa sa problema ko si Dwayne. I know mapapatawad ko din siya in
time pero matagal na proseso pa 'yon. Hindi pa ngayon na bago pa lang ang lahat.
"I get it. I'm sorry. Basta kahit anong mangyari, nandito lang ako para sayo kahit
pa galit ka sakin at kahit pa ayaw mo na akong makita."
Unti unti siyang naglakad palayo sakin. Sinara ko ang locker ko at napatingin ako
sa likod ni Dwayne. Kahit kailan hindi ko naisip na magagawa ni Dwayne ang mga
'yon. Ganon ko ba siya nasaktan? Hindi ko naman gustong saktan siya eh, alam ko
'yong pakiramdam kung paano masaktan kaya ayokong makasakit ng iba.
Naglakad ako papunta sa cafeteria para hanapin si Jenelle pero wala siya. Nasan na
kaya siya? Nung paalis na ako dahil akala ko hindi na darating si Jenelle, bigla ko
na lang narinig 'yong matinis niyang boses.
"Besty!" Sigaw niya habang papalapit siya sakin kasama niya sa likuran niya si
Marion. "OMG!! Nakita mo na ba?" Mas natataranta ako sa kinikilos ni Jenelle kaysa
sa sasabihin niya.
"Ano ba 'yon, Jenelle?"
Inabot niya sakin 'yong phone niya at nasa website kami ng bella chickas. Nanlaki
ang mata ko ng bumungad sakin ang picture ko habang hinahalikan ako ni Dwayne.
Binasa ko 'yong headline.
Keila Mendoza, tinutuhog nga ba pareho si Dwayne Lopez at Kean Marco?
Lately lang nabalitaan na break na si Krystal Arrevalo at Dwayne Lopez, sa litrato
sa itaas nakumprima na si Keila ang dahilan. Apparently inagaw ni Keila si Dwayne
kay Krystal at ang pasabog pa dito, ginawa niya 'yon habang sila pa ni Kean Marco.
One word of Krystal for Keila: "Malandi ka!"
What the hell is this article?
Tumayo ako para hanapin si Kystal. Sumusobra na siya. Hindi ko na 'to papalagpasin
pa. Magtutuos na kami ng babae na 'yon.
Humanda ka sakin Krystal.

--
Keila or Krystal?
Chapter 33: Stop this

Dalawa kami ni Jenelle na naghanap kay Krystal at nakita namin siya sa field ng
school. Nag pa-pratice sila ng sayaw para sa cheerleading competition. Madaming tao
'yong nanunuod sakanila pero wala na akong paki alam. Punong puno na ako sakanya
kaya ipapakita ko sakanya na hindi ako basta basta magpapaapi sakanya. Hindi ako
'yong klase na tatahimik at iiyak na lang sa tabi. Kaya ko din magpaka bitch sa mga
katulad niyang bitch. Matagal na din naman akong namahimik sa mga pang aaway niya
sakin, panahon na para tuldukan ko 'yon.
"Krystal," Seryoso kong sabi ng makalapit ako sakanya. Nasa likuran ko pa din si
Jenelle at halos lahat sila nakatingin samin pero hindi nila ako masisindak. I
don't care about them. Mas may paki ako may Krystal. "Mag usap nga tayo." Sambit ko
at hinarap niya ako.
"Look who's here," Sambit niya. Nilagay niya sa bewang niya 'yong isa niyang kamay.
Nakangisi siya sakin habang nakataas ang isa niyang kilay. "Keila, bawal ang
malandi dito." Proud pa niyang sabi pero natawa na lang ako sa sinabi niya.
"So bakit nandito ka?" Sagot ko. Lahat sila nagulat sa sinabi ko kahit itong si
Krystal. Akala niya ba talaga magpapaapi na lang ako sakanya ng ganon? Pwes,
nagkakamali siya. "Alam mo nung nag search ako sa google ng 'malandi', pangalan mo
lumabas."
Natawa si Jenelle sa likod ko pati 'yong mga tao sa paligid namin kahit mga
alipores ni Krystal. Si Krystal naman, halos hindi na maipinta 'yong mukha niya.
Alam ko inis na inis na siya sakin ngayon. Sige, mainis ka lang bitch ka. Dapat
malaman mo na hindi mo dapat ako ginagalit. Ipapakita ko sayo na hindi lahat maaapi
mo.
"Alam mo Keila, lahat naman tayo may kalandian sa katawan eh. Kanya kanyang level
lang yan," lumapit siya sakin tapos pinalibutan na kami ng mga chismoso at chismosa
naming schoolmates. Wala na din akong pakialam. Kahit na lumabas pa 'to sa Bella
Chikas, wala akong pakialam. "Ikaw Keila, malandi ka ng sobra. Biruin mo, dalawang
lalaki 'yong tinuhog mo?"
Tinaasan ko siya ng kilay. Natatawa na lang ako sa mga pinagsasabi niya.
"Alam mo, hindi ako barbecue stick para tumuhog ng lalaki. Alam naman nating dalawa
kung sino talaga 'yong tunay malandi dito." Hindi ko inalis 'yong mga tingin ko
sakanya. Ipapakita ko sakanya kung paano ako magalit. "At ikaw, Krystal 'yong
malandi sa ating dalawa."
"Ako? Sino bang nang agaw ng boyfriend ng may boyfriend ha? Inagaw mo sakin si
Dwayne! Malandi ka!"
Hindi ko na napigilan 'yong galit ko. "Una siyang naging sakin! Ikaw ang nang agaw
sa ating dalawa! At hindi ko inaagaw sayo si Dwayne, siya 'yong lumalapit sakin!"
Sigaw ko. Hinawakan ni Jenelle 'yong braso ko pero inalis ko 'yon. "Anong course
mo? BS Kalandian Major in Pang-aahas ba?"
"Oh c'mon bitch, we know that's a lie!" Sigaw ni Krystal. "Alam mo tama sila eh,
talo ng malandi ang maganda kaya nga talo ako sayo eh, kasi maganda lang ako."
Hindi ko na naman napigilan na matawa. What the hell is she talking about?
"Alam mo 'yong kagandahan mo parang Gel, pampatigas lang!" Sigaw ko. "Hindi ko
kailangan makipag sex sa isang lalaki para makuha ko lang siya!"
"Nag sex kami ni Dwayne because he wants me! Nag sex kami dahil nagmamahalan kami!
Tanggapin mo na lang 'yon Keila. Mahal ako ni Dwayne at ikaw? Trip ka lang niya!"
Hindi ko alam nung maiinis ako o matatawa sa mga pinagsasabi niya. He's not making
any sense.
"Alam mo Krystal, kung patay na patay ka kay Dwayne? Sayong sayo na siya dahil
hindi ko na siya mahal. Si Kean, siya na 'yong mahal ko, siya at hindi si Dwayne.
Tandaan mo yan."
Natawa siya.
"Talaga ba? Hindi ako naniniwala sayo. Eh hindi ba may allergy ka sa mga lalaki na
madikitan ka lang, nangangati ka na!"
"Kung makati ako, ano ka pa? Mahihiya pa siguro 'yong salitang allergy sa sobrang
kati mo!" Sagot ko. Hindi niya ako matatalo dito dahil kung meron naman talagang
malandi sa amin, siya 'yon.
"Alam mo naiinis na talaga ako sayo." Sambit ni Krystal. Oo halata naman sa itsura
niya.
"Naiinis ka sakin? Bakit sa tingin mo natutuwa ako sa'yo?" Nginisian ko siya pero
mas lalo lang siyang nainis.
"You bitch!" Sigaw niya at lumapit siya sakin. Hinawakan niya 'yong buhok ko
pagkatapos hinila niya ako papunta sa sahig. "Kakalbuhin kita!"
"Bitawan mo siya Krystal!" Sigaw ni Jenelle habang inaawat niya si Kystal pero
sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa buhok ko. "Tama na!" Sigaw muli ni Jenelle.
Hinawakan ko ang mukha niya at kinalmot ko siya. Narinig ko siya sumigaw pero hindi
pa din niya binitawan 'yong buhok ko. May humawak na lang sa dalawa kong kamay. Mga
alipores ni Kystal. Hinarap ni Krystal 'yong mukha ko pagkatapos sinampal niya ako.
"Ano ha Keila? Akala mo ba kaya mo ako!"
"Kayang kaya kita Krystal." Sambit ko na nakangiti. Mas lalo siyang nainis sakin
kaya sinampal niya ulit ako. "Yan lang ba ha?" Pang aasar ko pa.
Nung sasampalin niya ulit ako may kamay na pumigil sakanya. Nakita ko si Dwayne.
Hinila niya palayo si Krystal sakin at dahil sa lakas ng pagkakahatak niya, natumba
sa sahig si Krystal. Hinawakan agad ni Dwayne 'yong mukha ko. "Ayos ka lang ba,
Keila?"
Inalis ko agad 'yong kamay niya sa mukha ko. "Ayos lang ako."
"Hindi ba sinabi ko na sayo Krystal na wag mong sasaktan si Keila kung hindi ako
ang makakalaban mo." Hinarap niya si Krystal havang nakahiga pa din ito sa damuhan.
"Gusto mo ba talagang patulan kita?"
Tinulungan na si Krystal ng mga alipores niya. Nakatayo na din siya at parang hindi
niya alam ang sasabihin niya. Hinarap ko si Dwayne. "Problema namin 'to ni Krystal
kaya wag ka ng makialam dito, Dwayne."
"Keila, hindi. Makikialam ako dito." Diin niya. Ano bang problema niya? Pagkatapos
ng nangyari kagabi, bigla na lang siyang magiging ganito sakin? Bigla na lang niya
akong pinagtatanggol ng sobra. Eh nung gabi ba na 'yon, nirespeto niya ba ako?
"Keila, I'm sorry--"
"Dwayne, wala ka ng kinalaman sakin. Tanda mo pa ba, ikaw na mismo ang nagsabi na
hindi naman naging tayo dati kaya itigil mo na yang ginagawa mo." Pagpipigil ko sa
sasabihin niya. Sawa na ako sa pabago bago niyang mood. Isang araw gusto niya ako,
sa susunodi biglang parang hindi niya ako kilala pagkatapos biglang mahal na naman
niya ako. Ano bang tingin niya sakin, laruan na kapag iniwan niya pwede niya na
lang ulit balikan na parang walang nangyari? Tinalikuran ko siya at humarap na lang
ako kay Krystal. "Ito tandaan mo Krystal, hindi ako magpapatalo sayo. Sa susunod na
apihin mo pa ako, lalaban at lalaban ako."
Tinignan ko siya ng masama bago ako umalis. Sinundan naman ako ni Jenelle at ni
Dwayne.
"Jenelle, pwede mo ba kaming iwan ni Keila?" Tanong niya ng makarating kami sa
locker ko. Tinignan ko si Jenelle at sinabi ko sa mga tingin ko na wag siyang
umalis. "Please, baby sis. I need to talk to her." Hindi ko napakiusapan ni
Jenelle, aalis pa din siya.
"Okay, see you later besty."
Hindi ko pinansin si Dwayne. Binuksan ko 'yong locker ko pagkatapos nilagay ko don
lahat ng gamit ko.
"Keila, alam kong ayaw mo akong kausapin pero sana i consider mo naman 'yong
apology ko. Hindi mo alam kung gaano ako nagsisisi sa ginawa ko sayo kagabi. Gusto
kong suntukin 'yong sarili ko dahil sa katangahan at kagaguhan na ginawa ko. Keila,
tanggapin mo lang 'yong sorry ko, masaya na ako. Hindi na kita guguluhin."
Natigilan ako. Alam ko sincere siya sa lahat ng sinabi niya. Kung ganon nga lang
sana kasali ang patawarin siya, ginawa ko na pero hindi eh. Hindi ganon kadali lalo
ngayon na dahil sa ginawa niya, nagalit sakin si Kean.
"Dwayne, hayaan mo muna akong mag isa. I want to be civil as possible dahil
magkasama tayo sa iisang dance group at sa friday na ang semi finals kaya kung
hindi naman tungkol yan sa pagsasayaw, pabayaan mo na lang muna ako."
Umiwas siya ng tingin sakin. "I'm sorry, hindi ko lang napigilan na ipagtanggol ka
kanina. Nasasaktan kasi ako kapag nakikita kang nasasaktan. I'll do what you say,
lalayo ako but just take this.." Inabot niya sakin ang isang piraso ng pulang
rosas. "Lahat ng gusto kong sabihin nandyan."
Naglakad siya palayo sakin. Sa itsura niya ngayon maaawa ka talaga sakanya. Ngayon
ko pa lang siya nakitang ganito. Hindi ako manhid. "Bakit kasi kung kailan may
mahal na akong iba, tska ka babalik sa buhay ko?" Bulong ko sa sarili ko.
Tumalikod ako para bumalik sa locker ko pero laking gulat ko ng makita ko si Kean
na nakatayo sa harapan ko. Nakatingin lang siya sakin at rosas na binigay ni Dwayne
sakin. Hindi ko na naman naiwasan 'yong mabilis na pagtibok ng puso ko.
Naglakad siya papalapit sakin na naging dahilan para mas lalong bumilis ang tibok
ng puso ko.
"Kean.." Sambit ko ng malapit na siya sakin pero bigla na lang niya akong
nilagpasan. Hindi man lang siya tumingin sa mga mata ko. Parang may kung anong
kumirot sa puso ko. Tumalikod ulit ako at hinabol ko si Kean. Hinawakan ko ang
kamay niya at hinarap ko siya sa akin. "Kean, mag usap naman tayo please!" Hinarap
niya nga ako pero wala man lang kung anong emosyon ang meron sa mga mata niya.
"Bakit?" Tipid niyang sabi. Nasasaktan ako sa inaasal ni Kean kaya hindi ko na
napigilan na maiyak. "Hindi mo dapat ako iyakan Keila,

Chapter 34: Babe


Keila's point of view

Nag text ako kay Cloud na may biglaan akong pupuntahan. Gusto kasi ni Kean na isama
ako sa bahay nila para kumain at para mapakilala niya ulit ako kay Hailey at sa
Tatay niya bilang girlfriend na niya.
Sumakay kami sa motor niya. Na-miss kong sumakay dito, hindi pa naman ganon katagal
pero parang ang tagal ko nang hindi nakakasakay sa motor niya.
"Kumapit ka ng mabuti babe," paalala ni Kean sakin. Kinuha niya ang kamay ko
pagkatapos nilagay niya 'yon sa tiyan niya. Nahawakan ko na naman ang matigas
niyang tiyan na puro muscles. "Ready babe?"
"Ready." Sagot ko.
Pinaandar niya na 'yong motor kaya napahawak na ako sakanya ng mahigpit. Naramdaman
ko na ulit 'yong hangin na pumapalo sa mukha mo. Ang sarap sa feeling. Na-miss ko
talagang umangkas sa motor ni Kean. Nung napahinto kami ni Kean dahil sa red
stoplight, kinausap ko siya tungkol sa nangyari sa Padis.
"Kean--" panimula ko pero pinutol agad ni Kean 'yong sasabihin ko.
"Babe." Sambit niya. Hinawakn niya 'yong mga kamay ko na nakayakap pa din sakanya.
"Gusto ko tawagin mo din akong babe, ha babe?"
"Okay babe," panimula ko ulit. "Ahm.. Gusto ko lang mag sorry kasi umalis agad ako
pagkatapos niyong manalo sa wild card round. Nakita ko kasi si Dana na papalapit
sa'yo kaya lumayo na lang ako. Ayoko kasing makita niya tayo na magkasama dahil
baka mas lalo lang siyang magalit sakin." Sambit ko at saktong nag green 'yong ilaw
bg stoplight kaya pinaandar na ni Kean 'yong motor niya. Tahimik lang si Kean
hanggang sa makarating kami sa bahay nila. As usual, inalalayan niya akong bumaba
at magtanggal ng helmet niya.
Hinarap niya ako. "Babe, alam ko na importante sa'yo si Dana dahil kapatid mo siya
pero sana wag siyang magiging dahilan ng pag aaway natin. Kung kailangan ko siyang
kausapin gagawin ko para hindi siya magalit sa'yo. Basta palagi mong tandaan na
kahit magkamukha kayo, noon pa man ikaw lang 'yong mahal ko, ikaw Keila Jin
Mendoza." Tumango na lang ako. "Tara na sa taas? Matutuwa si Hailey kapag nalaman
niyang girlfriend na kita."
Hawak hawak lang ni Kean 'yong kamay ko habang papaakyat kami sa bahay nila.
Sinalubong agad kami ni Hailey sa taas. "Kuya!" Sigaw niya pagkatapos niyakap niya
si Kean. Humarap siya sakin at tinignan niya ako. "Ate ganda! Bumalik ka ulit
dito!" Lumapit siya sakin pagkatapos niyakap niya ako.
"Hi, Hailey." Bati ko.
"Tara na sa loob Hailey, kakain na tayo. May sasabihin din kami ni Ate Keila mo,
okay?" Masayang tumango si Hailey sakanya.
"Oh anak, dinala mo na naman pala siya dito." Bungad ng tatay ni Kean. "Ahm.. ikaw
nga si?"
"Siya si Keila, tay." Hinila ako ni Kean palapit sakanya at inakbayan niya ako.
"Kami na nga pala, girlfriend ko na siya." Masayang sabi ni Kean.
"Talaga Kuya Kean?" Tanong ni Hailey habang nakatingin siya samin ni Kean. Parang
kumukislap kislap 'yong mga mata niya. Hindi ko tuloy naiwasan na mapangiti dahil
sa kakyutan niya. "Ang saya ko naman, ang ganda ganda ng girlfriend ng Kuya ko. Ate
Keila, pwede bang maging Ate na talaga kita?"
"Oo naman Hailey." Masaya kong sagot.
"Yehey!" Sigaw niya na para siyang bata.
"Magandang balita yan, anak. Mabuti pa mag celebrate tayo. Buti na lang madami
akong naulito ngayon, tara kain na tayo." Alok ni Tito Kendrick.
Ang dami nga nilang hinandan. Sakto pa talaga 'yong araw. Sinadya ba 'to ng
tadhana?
"Kumain ka ng madami, babe." Sambit ni Kean. "Oh Hailey, ito kain mo 'tong gulay
para naman lumaki laki ka na." Pinagmasdan ko si Kean. Ang sweet niya talagang tao
at mas sweet siya sa kapatid niya. Hindi na ako nagtataka kung bakit madaming
nahuhulog sakanya at isa na ako don.
"Keila, hija, paano ka naman napasagot nitong anak ko? Kwentuhan mo naman kami."
Nagkatinginan kaming dalawa ni Kean. "Tay, wag na. Ang importante naman kami na ni
Keila." Mukhang nahihiya si Kean kaya hindi ko mapigilan na mapangiti.
"Kakaiba po kasi sa lahat si Kean," panimula ko. Hinawakan ko ang kamay ni Kean at
tinignan kon siya. "Siya po 'yong palaging nandyan para sakin at siya din po 'yong
taong palaging nagpapasaya sakin." Sagot ko ng nakangiti.
"Alam mo ba Ate Keila, nung nga nakaraang araw palaging umiiyak si Kuya Kean kaso
ayaw niyang sabihin kung bakit. Tapos kapag tinatanong kita sakanya, ang sabi niya
may mahal ka na daw na iba kaya alam kong ikaw 'yong iniiyakan niya. Kasi palagi
niyang sinasabi sakin na mahal na mahal ka daw niya." Nalungkot bigla si Hailey
pero maya maya sumigla na siya. "Kaya nga ang saya ko kanina nung sabihin ni Kuya
na girlfriend ka na niya kasi hindi na siya iiyak pa, sasaya na ulit si Kuya. Ayoko
kasi siyang umiiyak eh."
"Hailey.." Sambit ni Kean. "Wag ka ng malungkot, masaya na 'ko kaya wala ng dapat
ikalungkot. Hindi ba sabi ko sa'yo bawal kang malungkot?" Alalang alala si Kean
sakanya. Mahal na mahal siguro talaga niya si Hailey.
"Ate Keila, promise mo hindi mo iiwan si Kuya Kean ha?" Nagulat ako sa tanong niya.
Hindi tuloy ako nakasagot agad. "Ayoko na kasing makita si Kuya na umiiyak at baka
kapag nangyari 'yon, wala na ako."
"Hailey!" Sigaw ni Kean. "Alam mo, puro ka korean dramas na 'yang pinapanuod mo
kaya kung ano ano ng iniisip mo. Mabuti ka kumain ka na lang ng madaming gulay
dyan, okay?"
Tinignan ko si Hailey at nginitian ko siya. "Wag kang mag alala Hailey, hindi ko
iiwan ang Kuya Kean mo. Pangako 'yan." Sambit ko.
"Talaga Ate? Pinky promise?" Tumayo pa siya at lumapit sa harapan ko. Inabot niya
sakin ang kamay niya.
"Pinky promise." Sambit ko at nag pinky swear kaming dalawa. "Wag ka ng malungkot
kasi simula ngayon, papasayahin ko na palagi ang Kuya Kean mo, okay?"
"Salamat Ate ganda ko." Niyakap niya ako. "Kaya like na like kita eh." May mga
ngiti na din sa mukha niya.
Pagbalik ko ng tingin kay Kean at kay Tito Kendrick may lungkot sa mga mukha nila.
Anong problema?
"Hailey, ubusin mo 'yang pagkain mo at matutulog na tayo."
"Opo tatay." Masiglang sabi ni Hailey.
Tinapos namin ang kinainan namin at nagpaalam na si Hailey para matulog. Pinilit ko
naman si Kean na ako na ang maghuhugas ng mga kinainan namin. Pumayag naman siya
basta dalawa daw kami.
"Babe, bakit parang nalungkot kayo kanina nung niyakap ako ni Hailey?" Natigilan
bigla si Kean. "May problema ba?"
"Wala 'yon babe." Sagot niya. Pakiramdam ko meron pa pero ayaw niya lang sabihin.
Kung masyado nang personal, hindi ko na siya pipilitin. Kahit naman girlfriend niya
ako kapag usapang pamilya may mga bagay na dapat sakanya lang. "Oo nga pala, sa
isang araw na 'yong semi finals niyo ha? Ready na ba kayo?" Tanong niya.
"Oo nga pala," sambit ko. Medyo nawala ba ako sa sarili ko. "Last practice bukas
pero hibdi ko alam kung anong mangyayari." Napabuntong hininga na lang ako.
"Dahil ba sa nangyari sa Padis?"
"Oo, naiilang pa din ako kay Dwayne at hindi ko pa siya magawang mapatawad sa
nagawa niya sakin kahit na todo effort siya na mag sorry sakin. Kaya lang kailangan
kong maging civil para sa grupo namin." Binanlawan na namin ang mga plato at
pinunasan ni Kean ang mga kamay ko.
"Galit din naman ako sa ginawa ni Dwayne sa'yo dahil kahit saang anggulo, hindi
'yon tama. Lasing man siya o hindi, hindi niya dapat ginawa 'yon pero kilala ko
siya at hindi niya kayang mang bastos ng babae lalo ng ang babaeng mahal niya."
Hinawakan ni Kean ang kamay ko. "Aaminin ko nagseselos ako kay Dwayne kasi siya
naman talaga 'yong una mong minahal pero hindi ko magawang magalit sakanya. Kasi
kahit ganon kaibigan pa din ang turing ko sakanya kahit na minsan nagkakasagutan
kami o nag aaway kami. Para na kasi kaming magkapatid nuon. Kilala mo siya at
tingin ko kailangan natin siyang intindihin. Siguro masyado lang siyang nasasaktan
kaya niya nagawa 'yon."
Hindi ko inaasahan ang mag sinabi ni Kean. Akala ko nga gagatungan at sisiraan niya
pa si Dwayne sakin dahil sa alam niyang mahal din ako ni Dwaybe pero hindi.
Talagang pinapahalagahan niya lahat ng tao na dumadating sa buhay niya, bagay na
nakakamangha kay Kean. Sa bawat araw pala na nakikilala ko siya mas lalo akong
nahuhulog sakanya.
Inaya ko ni Kean sa labas ng bahay nila. Umupo kami sa malaking swing na may
malambot na mga unan. Tanaw dito ang city dahil sa nasa taas ang bahay nila at
mataas ang lugar nila. Ang sarap talagang tumambay sa bahay nila. Nakaupo kami
habang nakasandal ako sa balikat ni Kean.
"Akala ko talaga hahayaan mo na lang akong lumayo sayo pero hindi mo ginawa."
Sambit koz
"Mahal na mahal kita Keila kaya hindi ko hahayaan na lumayo ka sakin." Sambit ni
Kean gamit ang malalim niyang boses. Niyakap niya ako habang nakaupo kami at
nakasandal ako sa balikat niya. "Dito lang ako palagi sa tabi mo, pangako yan."
"Thank you, Kean.. babe." Pinikit ko ang mga mata ko habang yakap yakap ko pa din
si Kean. "Mahal din kita."
Humarap siya sakin at tinignan niya ako sa mga mata ko. Para akong matutunaw sa mga
tingin niya at pakiramdam ko namumula na ang nga pisngi ko. Kakaiba talaga si Kean
kapag napaka seryoso niya.
"May dumi ba sa mukha ko?" Tanong ko. Ngumit lang si Kean at hinawakan niya ang
mukha ko. "Kean?"
"Masayang masaya lang ako ngayon kasi girlfriend na kita. Alam mo ba kung gaano ko
katagal pinangarap na sana mapasakin ka? Akala ko nga hanggang pangarap na lang
'yon eh. Pakiramdam ko tuloy ako na ang pinaka maswerteng lalaki sa mundo." Kakaiba
'yong mga ngiti niya ngayon, halatang masayang masaya siya.
"Masayang masaya din ako ngayon, Kean." Lumapit ako sakanya at niyakap ko siya. "I
love you alien babe."
"I love you too, babe." Sagot niya. Humarap ulit ako sakanya. "You're one of the
best thing that ever happened to me."
Unti unti kong nilapit ang mukha ko kay Kean para halikan siya. Pakiramdam ko may
kuryente na dumaloy sa buong katawan ko ng lumapat ang labi ko sa labi ni Kean.
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko ngayon. Ang tanging nasa isip ko lang ngayon ay
si Kean at ang malambot niyang labi. Kumawala na lang kami sa halik ng isa't isa
nung parang mawawalan na kami ng hangin. Pareho kaming nakangiti. "Narinig mo ba
'yong sabi ng puso ko? Mahal na mahal ka daw niya." Hinawakan niya ang mukha ko at
hinalikan niya ako sa noo ko.
"Sabi ng puso ko, mahal na mahal ka din daw niya, alien babe."
Niyakap ko ulit siya ng mahigpit at pinikit ko ang mga mata ko. Sobrang saya ko
ngayon. Hindi ko pa naramdaman 'tong saya na 'to dati even when I'm with Dwayne
before.
Inalis ko na muna sa isip ko si Dana. Siguro naman after all the heartaches kahit
papaano deserve ko naman sumaya kahit na minsan lang. At ayoko ng pakawalan pa ang
taong mahal ko. Minsan na akong nagpakatanga kaya hindi ko na gagawin 'yon.
"Iuuwi na kita sa inyo. Ayokong mag alala sila sa'yo." Sambit ni Kean. "Handa ka na
bang sabihin sakanila ang tungkol sa'tin?"
"Bigyan mo lang ako ng konting panahon babe. Masasabi ko din kay Cloud ang tungkol
sa'tin. Wala naman akong problema kay Mama eh." Sambit ko.
"Wag kang magmadali, ayos lang sakin." Sambit niya. Inalalayan niya ako na tumayo.
"Tara na?" Pag-aaya niya.
Bago pa man kami makalayo, narinig namin na sumigaw si Tito Kendrick.
"Kean! Si Hailey!" Sigaw niya.
Agad na tumakbo si Kean papasok sa bahay nila. Sinundan ko siya. Pumasok kami sa
kwarto niya at pilit ginigusing ni Tito Kendrick si Hailey pero wala na siyang
malay. Kinabahan ako at parang nanginginig na ang tuhod ko.
"Babe tumawag ka ng ambulansya, please." Pagmamakaawa ni Kean. Umiiyak na siya pati
si Tito Kendrick. Hindi ko na din naiwasan na maiyak. "Hailey, gising! Wag kang
bibitiw please. Hindi kaya ni Kuya kapag nawala ka!"
Nilakasan ko ang loob ko at agad kong kinuha ang phone ko. Tumawag agad ako ng
ambulansya. Hindi ko pa din mapigilan na maiyak. Ngayon alam ko na kung kanino ang
nga gamot na nakita ko dito dati.
"Hailey!" Sigaw ni Kean. Binuhat niya si Hailey. Lumabas na kami ng bahay papunta
sa baba pata hintayin ang ambulansya. "Hailey wag kang bibitiw ha." Sambit ni Kean.
"Anak, kaya mo 'yan." Naiiyak na sabi ni Tito Kendrick.
May kotse na biglang huminto sa harap namin. Hindi ako pwedeng magkamali, kay
Dwayne 'yon. Bumaba siya agad. "Kean, sumakay na kayo sa kotse ko, dali."
Walang kung ano ano, sumakay kami sa kotse niya. Ang mahalaga ngayon ay si Hailey
hindi ang kung anong problema na namamagitan sa aming tatlo.
Hailey, wag ka munang bibitiw.

Chapter 35: Jerk


Keila.

Nakaupo kaming tatlo ni Dwayne at ni Tito Kendrick sa bench sa tapat ng emergency


room habang si Kean naman nakatayo sa labas ng pintuan nito. Hindi siya mapakali at
kanina pa siya palakad lakad. Nilapitan ko na siya kanina pero ayaw pa din niyang
kumalma. Tahimik na lang akong nagdasal para kay Hailey. 'Yon na lang ang magagawa
mo sa ngayon.
Na kwento sakin ni Tito Kendrick na may brain cancer si Hailey pero may treatment
naman siya kaya dapat okay ang lahat pero mukhang nagka seizure siya. Sana ayos
lang siya dahil alam ko masasaktan si Kean ang sobra kapag may nangyari sa katapid
niya. Ayokong makita siyang nasasaktan.
"Dwayne, salamat at dumating ka kanina." Sambit ni Tito Kendrick. "Hindi ko alam
kung paano na napadaan ka sa amin pero nagpapasalamat pa din ako." Tinignan ko
siya.
"Tito, dadalawin ko pa kasi talaga si Hailey. Sakto na nagkaroon pala ng emergency
at buti na lang nandon ako." Sagot ni Dwayne. Nagulat ako sa sinabi niya. Kung
ganon, kahit pala hindi na sila magkaibigan ni Kean, nanatiling mahalaga sakanya si
Hailey. "Kung kailangan niyo po ng tulong sa hospital bills, handa po akong
tumulong." dagdag pa niya.
Hindi ko napigilan 'yong sarili ko na sumabat. "Dwayne, ako na ang bahala don. Wag
ka na mag abala pa." Singit ko.
Tinignan ko siya pero hindi niya ako tinignan. "May shares kami sa hospital na 'to
kaya mas madali ko silang matutulungan."
"Salamat sa inyong dalawa pero alam kong hindi papayag si Kean. Ayaw niyang humingi
ng tulong sa iba hindi dahil sa mayabang siya o ano pero ayaw niyang makaperwisyo
ng ibang tao." Sambit ni Tito Kendrick. "Alam ko na malalagpasan din namin ito." Sa
itsura ni Tito Kendrick, siya 'yong tipo na mahinahon pero makikita mo pa din
sakanya ang pag-aalala na katulad kay Kean. Gusto niya sigurong umiyak na katulad
kay Kean pero pinipigilan lang niya.
Hinawakan ko ang kamay niya. "Tito, andito lang po ako para sa inyo. Alam ko
malalagpasan natin 'to." Pinilit kong ngumiti para sakanya.
"Salamat Keila, alam mo ang swerte ng anak ko dahil ikaw ang naging girlfriend
niya."
"Girlfriend?" Biglang sabat ni Dwayne. "Kayong dalawa na ni Kean?" Tinignan na niya
din ako.
"Oo kami na ni Kean." Sagot ko.
Umiwas agad ng tingin sakin si Dwayne at simula non halos parang ayaw na niya akong
tignan. Naiintindihan ko kung ganito 'yong inaasal niya. Ni-reject ko siya kaya
alam ko na masakit sakanya kung malaman niya na kami na ni Kean.
"Family of the patient?" Tanong ng doktor pag labas niya ng emergency room. "She's
on a stable condition now, ililipat na namin siya sa ICU. Dalawang tao lang muna
'yong papayagan kong pumasok sa loob."
Tinignan ko pareho si Kean at Tito Kendrick, tumango ako. "Sige na babe,
maghihintay na lang kami sa labas ng kwarto ni Hailey." Hinawakan ni Kean 'yong
kamay ko habang nakatingin siya sakin.
"Sigurado ka ba?" Tanong niya at tumango na lang ulit ako. "Salamat babe."
Dinala na si Hailey sa ICU.
"Hintayin mo ako lang ako sa labas, babe." Bago siya makapasok ng tuluyan tinignan
niya si Dwayne. "Dwayne, salamat sa tulong mo."
"Hindi ko 'yon ginawa para sayo, para may Hailey 'yon." Sagot ni Dwayne.
"Sige na Kean, pumasok ka na. Hinihintay ka na ni Hailey." Singit ko.
Umupo kami ni Dwayne sa bench na nasa tapat ng room ni Hailey. Hindi kami
nagpapansinan na dalawa kaya ang awkward ng feeling habang katabi ko siya. May mga
times na napapatingin ako sakanya pero nakatingin lang siya sa ibang direksyon.
Maya maya bumukas na ang pinto sa kwarto ni Hailey. Lumabas si Kean. "Dwayne, pwede
ka ng pumasok." Sambit niya. Agad na tumayo si Dwayne at pumasok siya sa loob.
"Nagkaroon ng seizure si Hailey pero maayos na siga ngayon. Kailangan niya nga lang
uminom ng bagong gamot." Sambit ni Kean. "Gising na din siya." Hinawakan niya ang
buhok niya at halatang stressed out pa din siya.
Hinawakan ko ang kamay niya. "Magiging okay din ang lahat para kay Hailey. Kung
kailangan mo ng tulong nandito lang ako, okay?" Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa
kamay ko tska niya sinansal 'yong ulo niya sa balikat ko.
"Salamat kasi nandito ka sa tabi ko. Mas lumalakas ako kapag nasa tabi kita."
"Palagi lang akong nandito para sa'yo." Sambit ko.
Tinignan niya ako sa mata ko na nagpabilis ng tibok ng puso ko. "I love you babe. I
love you so much."
"I love you too, Kean."
--
Sabi ko kay Kean wag na ako sunduin sa bahay ngayong umaga at bantayan na lang niya
si Hailey sa hospital. Nandon pa din si Hailey kasi may mga tests pa siyang
kailangan pero baka mamaya ma discharge na din siya, sana.
"Kamusta na si Hailey?" Tanong sakin ni Cloud ng makababa ako. Sinabi ko sakanila
ni Mama ang totoo, na galing ako kala Kean kagabi at sinugod namin sa hospital si
Hailey. "Maayos na ba siya?" Nakakatuwa na pati siya nag aalala kay Hailey, ang
espesyal niya talaga. Lahat naman at mamahalin siya
"Okay na daw siya baka bukas ma discharge na siya." Sagot ko. Naisip ko na baka ito
na 'yong tamang time para sabihin ko sakanya at kay Mama 'yong tungkol samin ni
Kean. "May gusto akong sabihin tungkol samin ni Kean." Pagkasabi ko non, tinignan
lang ako ni Cloud at ni Mama. Kinakabahan ako pero nahihirapan na kasi akong
maglihim pa sakanila eh kaya mas mabuti talaga na sabihin ko ka kaysa sa iba pa
nila malaman. "Mama, Cloud.. Kami na ni Kean."
Nagkaroon ng katahimikan. Tinignan agad ni Mama si Cloud dahil alam niya na hindi
magiging maganda ang reasyon ng kakambal ko. Umiwas ng tingin sakin si Cloud,
tumayo siya at tumaliko sakin. "Keila akala ko ba malinaw sa'yo yong sinabi ko na
hindi ka pwede ma-in love kay Kean?"
"Cloud, mahal ko si Kean!" Sigaw ko. Tumayo ako at lumapit ako sakanya. Hinawakan
ko 'yong kamay niya. "Cloud, alam kong hindi kayo in good terms ni Kean pero alam
ko na hindi ako sasaktan ni Kean, mahal niya ako." Paliwanag ko.
"Paano si Dana, Keila?" Bigla kong nabitawan 'yong kamay ni Cloud ng marinig ko ang
pangalan ni Dana. "Mahal ni Dana si Kean at kapag nalaman niya na kayo na,
magagalit siya sayo. Keila kapatid mo pa din siya." Nakaramdam ako ng pagkainis.
Para kasing mas iniisip niya pa si Dana kaysa sa akin. Ayokong isipin na ganon nga
'yon dahil alam kong mahal ako ni Cloud pero sa mga narinig ko para bang mas
mahalaga ang nararamdaman ni Dana kaysa sa akin na kakambal niya.
"Cloud, ilang beses na ba akong nasaktan dahil kay Dwayne? Madaming beses na akong
umiiyak at pagod na pagod na ako. Gusto kong makasundo si Dana pero gusto ko din
naman maging masaya at sa puntong 'to, iisipin ko muna 'yong sarili ko."
Pinunasan ko ang nga luha ko at tumakbo ako palabas dala dala ang gamit ko. Narinig
kong tinawag ako ni Mama pero hindi na ako lumingon pa. Binilisan ko 'yong pagtakbo
ko para hindi na ako maabutan ni Cloud. Ayoko muna siyang makausap. Ang childish ng
ginagawa ko ngayon sa totoo lang pero hindi ko maiwasan kasi sa lahat ba naman ng
tao na dapat umintindi sakin dapat si Cloud 'yon dahil hindi ko lang siya basta
kapatid, kakambal ko siya.
Sumakay agad ako ng taxi pag dating ko sa high way. Dumiretso ako sa school.
Pagtapat ko sa locker ko, nag text sakin si Trevor para ipaalala 'yong pratice
namin mamaya. Huminga ako ng malalim tska ako dumiretso sa classroom.
Pagpasok ko nadaanan ko agad si Krystal, nakangisi siya sakin pero nawala lahat
'yon ng tignan ko siya ng masama. Wala ako sa mood makipagaway sakanya isa pa,
binalaan ko na siya kaya kapag ako ginalit niya, magkakapisikalan na kami.
Nakita ko din si Dwayne sa likod lang ng upuan ni Krystal. May kakaiba sakanya na
hindi ko maipaliwanag pero nakangiti na siya ngayon, good for him.
Wala si Kean ngayon dahil binabantayan niya si Hailey. Medyo malungkot kasi wala
siya ngayon pero naiintindihan ko naman siya. Naisip ko na naman si Hailey, sana
maayos na siya ngayon.
Mabilis lang lumipas ang oras. Tapos na agad ako sa tatlo kong class. Dumiretso na
ako sa gym para sa practice namin, bukas na 'yong semi finals kaya kailangan
perfect na namin 'yong steps ngayon pero kailangan ko din umalis agad para dalawin
si Hailey.
"Keila!" Bati sakin ni Trevor ng makalapit siya sakin. "How's Hailey? I've heard
what happened. Is she okay?" Mukhang nag aalala din siya. Lahat ata sila malapit
kay Hailey.
"Okay na naman siya baka ma discharge na din siya bukas. Mamaya after practice,
dadalawin ko siya. Gusto mo bang sumama?" Tanong ko.
"Sure, wala naman akong ibang gagawin. Si monkey girl galit na naman eh." Inis
niyang sabi. "Bakit ba kasi ang sensitive niyong mga babae?" Tanong niya out of the
blue.
"Nag away na naman kayo?" Tanong ko.
"Kailan ba kami hindi nag away ng babae na 'yon? She's crazy and sensitive and
ugh.. Sometimes I can't handle her." Natawa na lang ako, ilang beses na siyang
nagrereklamo sakin about her pero hanggang ngayon palagi pa din silang magkasama.
"Ayaw niya nga akong kausapin eh."
"Don't worry kakausapin ko siya for you." Sambit ko.
"Really?" Parang kumislap bigla 'yong mata niya. "Thanks bud, you're the the best
friend I have."
"I'm not just your friend now, I'm your cousin, remember?" Nakangiti kong sabi.
"Medyo weird pa din na all along mag pinsan pala tayo."
"For me that's fine, I'm glad about it." Ngumiti siya sakin pagkatapos may nilingon
siya sa likod ko. "Dwayne! Are we going to start? Who's that?" Nilingon ko siya
Dwayne at nakita ko siyang may kaakbay na babae.
"This is Leona, my girl." Nilapit niya 'yong bibig niya sa tainga nung Leona tapos
may kung ano siyang binulong sakanya. "Yes we will start now. Boo, I'll just pick
you up later, okay?" Sambit niya.
Umalis na 'yong babae at natinginan na lang kaming dalawa ni Trevor. Then it hits
me. Ito pala 'yong bagay na napansin ko kanina kay Dwayne. Bumalik na naman siya sa
dating siya, 'yong dakilang playboy ng campus.
"C'mon, we don't have much time." Sambit ni Dwayne at pumunta siya sa gitna kasama
'yong ibang members.
"I don't like what's going on with him. He's the old Dwayne we know and I don't
like it." Bulong sakin ni Trevor habang naglalakad kami papunta sa gitna.
Sa buong pag pa-practice namin, dalawang beses lang ata nagtama 'yong mata namin ni
Dwayne pero hindi ko na lang pinansin. Ganitong ganito din naman siya sakin dati.
'Yong parang wala lang ako. Siguro mas okay na 'yong ganitong set up para iwas
gulo.
"Keila, ano bang problema mo? Walang kwenta 'yong performance mo ngayon." Sambit ni
Dwayne pagkatapos mag play ng last song namin. Lahat kami nagulat sa sinabi niya
kahit na ako kasi alam ko sa sarili ko na okay naman 'yong performance ko ngayon.
Binibigay ko naman 'yong best ko kahit na practice pa lang 'to. "Are still with us?
O lumilipad 'yang utak mo kung saan?" Nagkatinginan kami ni Trevor.
"What are you talking about?" Irita kong tanong.
"Mukha kasing puro 'yang boyfriend mo lang 'yang iniisip mo." Sambit niya.
Nakaramdam agad ako ng galit. How dare him say that in front of the group? Okay
lang naman sana kung totoong lutang nga 'yong isip ko habang sumasayaw kami pero
hindi eh, lahat ng best ko ginagawa ko. Isa pa naiisip ko lang si Kean kada mag be-
break kami.
"You're getting personal Dwayne! What the hell is your problem?" Sigaw ko.
Hinawakan ni Trevor 'yong kamay ko para pigilan ako. "Labas na 'yong personal na
buhay ko dito, okay? At hindi ko alam kung anong pinagsasabi mo, I'm trying my damn
best here."
"Keila, calm down." Singit ni Trevor. "Guys, break muna tayo."
Umalis na 'yong group mates namin tapos naiwan kaming tatlo sa gitna.
"Dude what's your problem? Keila is doing great." Sambit ni Trevor.
"She's not focused, Trev. Someone is distracting her." Sagot ni Dwayne. "Keila, is
Kean distracting you?"
"Dwayne I don't know where this is going. Leave my boyfriend alone!"
"Wait, kayo na ni Kean?" Gulat na tanong ni Trevor. "So that's why--" hindi na niya
natuloy 'yong sasabihin niya. "Both of you just take a break. Keila, I'll just talk
to Dwayne."
Umupo ako sa bleachers para magpalamig ng ulo. Hindi ko alam kung anong nangyayari
kay Dwayne. Hindi naman siya ganito kahit na dati pa. Ganito ba 'yong treatment
niya sakin dahil galit siya? If he's mas at me he could at least be civil to me.
Gusto kong tawagan si Kean pero hindi ko magawa dahil nasa practice pa ako. Ang
dami na niyang text sakin nangangamusta, sabi ko na lang magkikita din kami
mamayang six ng gabi.
Umabot ng twenty minutes 'yong break namin bago kami bumalik. Kalmado na naman ako
at si nag sorry na din si Dwayne pero halatang pilit, siguro sinabihan siya ni
Trevor.
Buti na lang despite what happened, maayos namin natapos 'yong nga steps.
"Hey Dwayne, we're going to the hospital later to visit Hailey, do you want to
come?" Tanong ni Trevor kay Dwayne.
Natigilan si Dwayne at inabot ng ilang minuto bago siya nakasagot agad. "We're
extending the practice until tonight. Bukas na 'yong semi finals dapat perfect na
lahat." Lahat kami nagulat sa sinabi ni Dwayne.
"But Dwayne you said hanggang six lang ang practice? I need to go, Kean is waiting
for me." Sambit ko with my disappointed voice.
"Madali lang naman yan Keila, it's either the group or your boyfriend. Mamili ka na
lang. And don't say I'm being cruel, matagal na tayo nag e-extend ng practice." Sa
tono ng boses niya para siyang hindi magpapapigil. "C'mon, let's go back."
"Sorry Kei, I know he's being a jerk again. I'll try to talk to him." Sambit ni
Trevor pero pinigilan ko na lang siya.
"That's fine, I'll just text Kean." Pinilit ko na lang ngumiti. He has a point,
disappointed lang ako na hindi ako makakapunta agad sa hospital. Hindi lang naman
si Kean ang naghihintay sakin pati si Hailey. "Tara na." Pag aaya ko.
Well, I guess I have to deal with the new Dwayne now. The playboy and Jerk Dwayne
Lopez.
Chapter 36: Langit at Lupa
Kean's point of view.

(Now playing: If you by Bigbang)

Natanggap ko 'yong text ni Keila na mamaya pa siya makakapunta sa hospital dahil


nag extend daw si Dwayne ng practice. Sinabi ko na lang sakanya na sa bahay na lang
siya dumalaw bukas dahil gabi na at ayokong mapahamak siya. Buti na lang pumayag
siya. Lalabas na din naman si Hailey bukas ng umaga, pagkakuha ko ng sweldo ko sa
coffee shop nila Mr. Lim mababayaran ko na 'yong mga utang dito sa hospital.
"Hailey, aalis lang sandali si Kuya. Babalik din ako agad kaya magpahinga ka lang
dyan para bukas maaga tayo makalabas dito." Hinawakan ko ang kamay niya at ngumiti
ako. "Okay ba 'yon?"
Ngumiti siya sakin. Mas malakas na siya ngayon kumpara kanina at para akong
nabunutan ng tinik sa lalamunan dahil maayos na siya. Hindi ko siguro kakayanin
kapag pati siya, mawala pa samin ni Tatay.
"Si Ate ganda, dadalawin ba niya ako, Kuya?" Tanong niya. "Gusto ko siya makita."
Nagkatinginan kami ni Tatay at ako na ang nagpaliwanag sakanya kung bakit wala si
Keila.
"May importanteng ginagawa kasi si Ate Keila kaya wala siya dito pero bukas
dadalawin ka niya sa bahay natin." Ngumiti ako sakanya at parang nagkikislapan
'yong mga mata niya. "Uuwi na din tayo bukas Hailey, ayos ba 'yon?"
"Talaga Kuya? Promise ba 'yon?" Tanong niya.
"Oo naman," dahan dahan kong ginulo gulo ang buhok niya. "Promise yan ni Kuya Kean
kaya magpahinga ka na ha?"
"Oo Kuya." Ngumit siya tska ako nagpaalam sakanila ni tatay.
Bumalik ako sa accounting para i double check ang dapat kong bayaran. Fourteen
thousand pesos. Sakto lang sa sahod ko na seven thousand plus 'yong one month
advance na hiniling ko sa manager namin. Hindi na lang muna ako kakain ngayon para
makapagtipid ako ng pera.
Nagmadali akong pumunta sa coffee shop. Nadatnan ko agad 'yong manager namin. "Kean
buti dumating ka na, kanina pa kita hinahanap eh." Mukhang hindi maipinta 'yong
mukha niya. Bigla na lang akong kinabahan pakiramdam ko nagkaroon ng problema about
sa sahod ko, sana wala.
"May problema po ba Sir James?" kabado kong tanong. "Tungkol po ba 'to sa sahod
ko?"
"Oo Kean, hindi kasi na approve 'yong request natin. Sabi kasi ng general manager
natin masyado pa daw maaga kung babale ka na, na kung tutuusin wala ka pang isang
bwan dito."
Natigilan ako. Sa puntong yon, gustong gusto ko nang umiyak. Parang unti unting
dinudurog 'yong puso ko. Paano na 'yong pangako ko kay Hailey?
Yumuko ako dahil ayokong makita ng manager namin 'yong nagbabadyang luha sa mga
mata ko. "Ganon po ba? Ayos lang po Sir James. Naiintindihan ko naman 'yong
dahilan. Pasensya na po sa abala." Nag bow ako at agad akong naglakad palabas ng
shop.
Sinuot ko ang helmet ko at pinaandar ko agad 'yong motor ko. Hindi ko na napigilan
'yong sarili ko. Umiyak na ako.
Hindi naman ako nagagalit sa general manager namin, tama naman siya eh. Bago pa
lang ako don kaya dapat hindi agad ako bumabale. Naiinis ako sa sarili ko dahil
hindi ko agad naisip 'yon at hindi ako nakagawa ng ibang paraan para makakuha ng
pera para kay Hailey. Bakit ba kasi ang tanga ko.
Pumunta ako sa MOA. Hindi ko kayang bumalik sa hospital na kulang ang pera ko.
Nangako ako kay Hailey eh. Kailangan ko siyang malabas ng hospital bukas.
Tinawagan ko 'yong mga kabanda ko. Alam ko matutulungan nila ako sa problema ko.
Nung nagkita kita kami, sinabi ko agad 'yong tungkol sa nangyari kay Hailey. Sakto
nga dahil sabi nila may tugtog daw ngayon kaya pumunta agad kami sa Padis. Binigay
ko 'yong best ko sa pagkanta baka kasi bigyan kami ng tip ng manager o kaya ng nga
customer. Alam ko kasing kulang pa din 'yong ibabayad nila samin dito.
"Kean kunin mo na lahat ng binigay satin ngayon at kung kulang pa ito oh," sambit
ni Kiel, 'yong gitarista sa banda namin. "Nag ambagan kaming apat dyan. Sana
makatulong sayo." Inabot niya sakin 'yong pera pero hindi ko kayang tanggapin.
Binigay na nila 'yong parte nila sa pagkanta namin ngayong gabi kaya parang hindi
ko ata kayang tumanggap pa sakanila. Sobra sobra na yong tulong nila sakin.
"Bro, sobra sobra na 'to." Sagot ko pero inabot pa din niya sakin 'yong pera na
pinag-amabagan nila.
"Magkakapatid na tayo dito kaya hindi tanggapin mo na yan. Kung gusto mo bayaran mo
na lang kapag maluwag ka na. Okay ba? Ang mahalaga ngayon bro, makalabas si Hailey
sa hospital." Gusto ko na talaga maiyak pero ayokong makita nila akong umiiyak kaya
pinigilan ko 'yong sarili ko.
"Salamat ng madami nga bro, malaking tulong 'to." Sambit ko.
Sakto na 'yong pera ko at sobra pa nga. Pangbili ko na lang 'to ng gamot at pagkain
ni Hailey. Buti na lang talaga nandito 'yong banda ko.
Paalis na sana kami ng may biglang humarang samin. Nagulat ako ng makita ko siya
ulit. Anong ginagawa niya dito?
"Kean? Pwede ba tayong mag usap?" Tanong niya sakin. "'Yong tayong dalawa lang
sana."
"Bro, chicks mo na ba ngayon si Ms. Carla? mag da-date ba kayo?" Bulong ni Henry,
'yong drummer namin. Sinamaan ko na lang siya ng tingin. "Sabi ko nga hindi eh."
Napakamot na lang siya ng ulo.
"Sige Kean, mauna na kami. Balitaan mo na lang kami ha?" Paaalam ni Kiel. Ayoko man
silang umalis pero ayoko din nilang marinig ang pag uusap namin ni Carla.
Umupo kami sa isang table sa Padis. Umorder siya ng madaming pagkain. Natakam ako
bigla dahil hindi pa ako kumakain. "Kumain ka muna, halatang gutom ka na. Sige na
wag ka na mahiya." Sambit niya.
Dahil kumakalam na ang tyan ko kaya kumain na din ako. Nakakahiya man sakanya pero
mas nakakahiya na habang nag uusap kami palaging tumutunog ang tyan ko dahil sa
gutom.
"Ano bang pag-uusapan natin?" Tanong ko pagkatapos namin kumain. Alam ko tungkol na
naman ito sa utang ko at sa kontrata na inaalok niya pero mabuti na ang magtanong.
"Kean, alam mo naman kung bakit kita kakausapin ngayon." Sambit niya. Kinabahan ako
bigla. Nag decide na ba silang kunin ako? Pero konting panahon na lang naman 'yong
hinihingi ko. "Kean, nabalitaan ko 'yong nangyari sa kapatid mo, sinabi sakin ni
Cloud ang tungkol don. Malaking pera ang kailangan mo sa pag papagamot niya at alam
nating dalawa na hindi na sapat ang pag ba-banda banda mo para sa sakit niya. Sakit
ng mayayaman ang cancer, Kean."
Bigla akong nainis sakanya. Bakit kailangan niyang idamay ang kapatid ko dito? Alam
ko malaki ang makukuha ko kung mag so-solo act ako pero hindi ko pwedeng iwan ang
banda ko. Alam ko kaya ko pang maghanap ng ibang paraan para kumita ng malaki at
makabayad sa utang ko sakanila. Kapag nanalo kami sa music laban, mananalo kami ng
one million pesos at sobra pa yon sa kailangan ko.
"Carla, hindi ba napag usapan na natin 'to dati pa? Ayokong mag artista, mas gusto
ko ang mag banda. Ito ang buhay ko hindi ang pag aartista." Paliwanag ko.
"Kung mag so-solo act ka at mag aartista ka, triple pa ang makukuha mong pera kaysa
ngayon. Kailangan mo ng malaking pera Kean, isa pa naiinip na kami. Hindi naman
pwedeng basta basta ka na lang pahiramin ng Polaris entertainment, kailangan may
babalik sakanila in return." Ang seryoso na din ng mukha niya.
"Carla, nangako naman ako na babayaran ko din 'yong two hundred thousand na utang
ko pero bigyan niyo lang ako hanggang sa matapos ang music laban."
"Kean time is running out, you have to make your decision. Hindi na makapag antay
'yong mga boss. Pero alam ko na hindi ka papayag not unless matapos ang music laban
so sige, after ng music laban dapat may desisyon ka na and by that time kung hindi
mo pa din mababayaran ang two hundred thousand you don't have a choice but to sign
the contract."
Kailangan ko talagang manalo sa music laban. Kapag hindi kami nanalo at hindi namin
makuha ang one million, mawawala sakin ang lahat.. kasama na don si Keila.
"I understand Carla. Salamat sa pag intindi sakin." Sambit ko. "I have to go."
"Ito iiwan ko na lang sayo 'yong kontrata para makapag isip ka ng mabuti." Kinuha
ko na lang din 'yon tska ako umalis ng tuluyan.
Sumakay ako sa motor ko at naisipan kong daanan si Keila. Gusto ko siyang makita
kahit ngayong gabi lang. Gusto ko siyang yakapin kahit sandali lang para kahit
paano gumaan ang loob ko.
Nang malapit na ako sakanila, napahinto ako ng makita ko ang sasakyan ni Dwayne.
Huminto siya tapat ng bahay nila Keila at nagulat ako ng bumaba si Keila sa kotse
niya. Mukhang hinatid ni Dwayne si Keila.
May kung anong kumirot sa puso ko. Nag seselos siguro ako. Hindi naman ako seloso
pero hindi ko maiwasan na mag selos kay Dwayne dahil alam ko na mas higit siya
sakin. Mahal na talaga niya si Keila. Mas gwapo at mas mayaman siya kaysa sakin. Sa
totoo lang kung may bagay man kay Keila, si Dwayne 'yon at hindi ako.
Nag decide na lang muna ako na umalis pero nakita ako ni Dwayne. Bumaba agad siya
ng kotse niya. "Kean, pwede ba tayong mag usap?"
Bumaba ako sa motor ko. "Anong pag uusapan natin Dwayne?"
"Kamusta si Hailey? Maayos na ba siya? Kailangan mo ba ng pera?" Maangas niyang
tanong.
"Maayos na siya at wag kang mag alala may pera na ako pang bayad sa hospital
bills." Sagot ko. "Ayon lang ba ang pag uusapan natin?"
"Meron pa, tungkol kay Keila."
"Anong meron sa girlfriend ko?" Tanong ko. Alam ko na mahal niya si Keila kaya
kailangan kong ipaalala sakanya na ako ang boyfriend ni Keila. "May problema ba?"
Seryoso kong tanong.
"Don't flatter yourself too much, Kean." Natatawa niyang sabi. "You being her
boyfriend will not last, I know that. Hindi ka nababagay sa mundo ni Keila. Mayaman
siya at mahirap ka lang. Isa pa, nakakasagabal ka lang sa mga pangarap niya."
Sinara ko ang kamao ko sa inis. Pinipigilan ko 'yong sarili ko na sapakin siya
dahil nirerespeto ko pa din siya.
"What do you mean?"
"Pangarap namin ni Keila na maging isang sikat na dancer. You being her boyfriend
is distracting her. Ano na lang mangyayari kapag hindi niya naabot 'yong panagarap
niya dahil sayo?" Nakatingin lang kami sa mata ng isa't isa at halatang seryoso
siya. Hindi ko naisip na magiging distraction ako kay Keila. Talaga bang
nakakasagabal ako sakanya? "Ayoko man idamay si Hailey dito pero alam natin na
kailangan ng matinding atensyon ang kalagayan niya kaya malaki ang chance na
mapabayaan mo lang si Keila. Tulad ngayon, wala ka sa tabi niya para ihatid siya,
ako pa ang gumawa ng responsibilidad mo." Natamaan ako sa sinabi niya. Sinara ko
muli ang kamay ko dahil sa inis sa sarili ko. "Kean, hindi ka bagay sakanya. Hindi
mo kayang ibigay ang luho niya, mayaman si Keila kaya sanay siya sa bubay mayaman.
Hindi mo nga lang siya madala sa mamahaling kainan eh. Magkaiba ang hilig niyo,
siya dancing ikaw music. Nakikita mo ba? Para kayong langit at lupa at hindi
pwedeng maglapit ang langit at ang lupa hanggang walang nag sasakripisyo. Sino sa
tingin mo ang gagawa ng sakripirsyo sa inyong dalawa ni Keila? Siya hindi 'ba?"
Huminga ako ng malalim para ikalma ang sarili ko. Ayokong mag away kami ni Dwayne
kahir na gustong gusto ko na siyang suntukin kanina pa. Para sakin kaibigan ko pa
din siya. "Sinong bagay sakanya, ikaw?" Tanong ko.
"Oo mas bagay ako sakanya kung ikukumpara sayo." Nakangisi niyang sabi. "But that's
not my point. My point is, kung mahal mo talaga siya, mas iisipin mo kung anong mas
makakabuti para sakanya." Ngumisi na naman siya bago siya tumaliko sakin. "Think of
it, Kean." Sumakay siya sa kotse niya at umalis.
Natulala ako sa mga sinabi niya. Tumingin ako sa bintana ng kwarto ni Keila. Inisip
ko lahat 'yon bago ako umalis at napagtanto ko na.. tama siya.
Nag drive ako pabalik sa hospital.
Naisip ko si Keila habang nag di-drive ako. May future kaya siya sa akin? Mahirap
lang kami. Umaasa lang kami sa mga projects ni Tatay at sa pag babanda ko. Scholar
ako kaya ako nakakapag aral. Tama si Dwayne, hindi ko kayang ibigay ang mga luho ni
Keila. Duon pa lang nasasaktan na ako.
Pagdating ko sa hospital, nadatnan ko si Tatay at Hailey na tulog na tulog. Hindi
ko alam kung bakit pero nalungkot ako ng makita ko silang pagod na pagod lalo na si
Tatay.
Nag bayad ako sa accounting at kahit papaano nakahinga ng malalim ng ma cleared
kami sa hospital.
Uminom muna ako ng kape tska ako umupo sa bench sa labas ng kwarto ni Hailey. Gusto
kong basahin muli ang kontrata pero ayokong magising sila Tatay dahil sa ilaw kaya
sa labas na ako nagbasa para maliwanag.
Polar entertainment contract.
Isang taon valid ang contract. Kapag nagustuhan ka nila as their artist may
panibagong contract na pipirmahan na valid until five years. Sila na ang tatayong
manager mo. Meron silang thirty percent sa lahat ng kita mo. Magiging solo artist
ka at kasama na don ang pag arte, meaning papasok ka sa showbiz. Meron silang
right na kontrolin ang kilos at desisyon mo kapag nakita nila na nakakasira na 'to
sa career mo. After signing this contract you will be given, one million pesos
initial payment only. This will not include your payment per project.
Nakakaakit naman talaga 'yong kontrata na 'to lalo na sa mga katulad ko na
nangangailangan ng malaking halaga ng pera pero hindi ko kayang iwan ang banda ko
at isa pa, may part sa kontrata na 'to na hindi ko kayang gawin.
Malaking distraction ang relasyon sa career mo lalo na kung may ka love team ka.
You need to be single after signing this contract.

Chapter 37: Semi Finals


Keila's point of view

(Now Playing: Sofa - Jungkook)

Mas pinaaga 'yong call time namin para sa semi finals kaya hindi na ako nakadalaw
sa hospital para kamustahin si Hailey. Sabi naman ni Kean, lalabas na din daw si
Hailey maya maya. Medyo gumaan na 'yong loob ko ng malaman kong maayos na siya.
Hindi ko alam pero gusto kong makita si Kean mamaya habang sumasayaw kami pero alam
kong mas kailangan niyang unahin si Hailey. Kapag nandyan kasi siya, lumalakas
'yong loob ko. Siguro kaya niya din gusto na nasa paligid lang ako kapag tumututog
sila dahil pareho kami ng nararamdaman.
"Keila," Biglang sabi ni Dwayne habang nakaupo kami sa likod ng stage. "Kung ano
mang distractions meron ka ngayon, alisin mo muna yan. Ayokong matalo ang team
dahil lang sa distracted ka, you're better than that." Seryoso niyang sabi. Tumayo
siya at umalis. Naiwan naman akong tulala sa kinakatayuan ko.
Ayokong matalo ang team dahil sakin. Tama si Dwayne, dapat siguro hindi ko muna
isipin si Kean baka mas lalo lang akong hindi makapag focus. Graduating na kami
kaya last chance na namin 'to para manalo sa championship. Hindi ko pwedeng biguin
'yong mga ka grupo ko.
Nilagay ko sa tainga ko 'yong earphones ko tapos pinakinggan ko 'yong mga kanta na
sasayawin namin habang iniisip ko 'yong bawat steps. Hindi ko din natapos 'yong mga
kanta dahil naisip ko na naman si Kean. Nakauwi na kaya sila sa bahay nila? Gusto
ko siyang tawagan pero bigla na lang bumalik si Dwayne kasama si Trevor.
Bago mag start 'yong program, isa isa kaming mag pa-practice sa mismong stage
habang nanunuod 'yong ibang teams. Sa labing tatlong grupo, last kami na sasalang.
Habang pinapanuod namun 'yong mga unang team, bigla akong kinabahan. Ang gagaling
nilang lahat at lima lang ang makukuha para lumaban sa finals. Inisip ko na lang
'yong mga paghihirap namin para makapunta dito para hindi ako panghinaan ng loob.
"You look very nervous." Bulong ni Trevor sakin. "Relax bud, we're better than
them. I know we can do it." Ngumiti siya sakin pagkatapos hinawakan niya ang
balikat ko. Kahit papaano mas lumakas ang loob ko.
"Okay team, we're next. Isipin niyo lang lahat ng paghihirap natin para lang
makarating dito. Just do your best!" Paalala ni Dwayne.
Kami na 'yong sumalang. Pumwesto kami sa stage at ng makita ko 'yong mga teams na
kalaban namin na nanunuod samin, bigla na lang bumilis 'yong tibok ng puso ko. Sana
nandito si Kean para kahit papaano, mawala 'yong kaba ko.
Nag play na 'yong music.
Kahit na kinakabahan ako, maayos namin naitawid 'yong dance practice. Mag bi-break
lang ng isang oras pagkatapos mag start na 'yong semi finals.
"Good job team," sambit ni Dwayne. "Keila, good job." Ngumiti siya sakin at ngumiti
na lang din ako sakanya. Naging okay na naman kami kagabi, humingi ulit siya sakin
nang sorry pagkatapos hinatid niya kami ni Trevor pauwi.
Kumain kami ni Trevor sa isang resto malapit sa University habang break. Nagulat
kami kasi sumunod pala samin si Dwayne.
"Hindi man lang ba kayo mag aaya?" Masigla niyang sabi. Nagkatinginan na lang kami
ni Trevor. Ang bilis talaga magpalit ng mood ni Dwayne. Kanina, masungit, naging
seryoso tapos ngayon mukhang masaya siya. Alam ko hindi naman ganyan si Jenelle,
saan kaya siya nag mana? "Nagugutom na din ako kaya kakain na din ako." Tumingin
bigla si Dwayne kay Trevor.
"Bro, just tell me if you still want me here or you me to leave the both of you."
Sambit ni Trev, tinignan ko siya pero nakangiti lang siya. "I'm just kidding, I
won't leave. I'm hungry too." Sambit niy na para siyang bata.
Tumingin ako sandali sa cellphone ko at nakita ko 'yong text ni Kean.
From: Alien Babe
Good luck babe. Sana nandyan ako para i cheer ka pero kailangan ako ni Hailey. Sana
maintindihan mo ako. I love you, Keila Jin.
Napangiti ako. Sapat na sakin 'yong text na 'to. Kahit na may pinagdadaanan siya,
hindi pa din niya ako nakakalimutan. Lumakas tuloy bigla 'yong loob ko.
"Your boyfriend is so sweet, Keila." Singit ni Trevor. Nakatingin din pala siya sa
phone. "Now I know why you love him so much." Nakangisi niyang sabi.
"There's so many reason why I love him, Trev. Him being sweet is just one of it."
Sagot ko. "Alam mo, minsan lumabas tayong apat kasama si Elline." Sambit ko.
"Psh, I don't want to be with that girl. You know she's crazy." Sagot niya pero
mukhang kinikilig naman siya narinig pa lang niya 'yong pangalan ni Elline.
"Ipapaalala ko lang na may kasama pa kayo dito." Biglang singit ni Dwayne.
Nakalimutan kong nandyan pala siya. "Kumain na lang tayo." Sambit niya nang
dumating 'yong pagkain namin. Bigla na naman siyang nag sungit. Sabagay kasalanan
naman namin ni Trevor, nakalimutan namin na nasa harap pala namin siya.
Kumain kami ng madami para madami kaming energy mamaya. Pagkatapos namin kumain,
nag aya si Trevor na bumalik pero nag paiwan si Dwayne para mag yosi. Kailan pa
siya nag yosi ulit? Alam kaya 'yon ni Jenelle?
"Are you nervous?" Tanong ni Trevor.
"Uhm, not anymore." Sagot ko.
"Is that because of Kean?" Nakangisi niyang tanong sakin. Inaasar na naman niya ako
but he's right, it's because of Kean. "To be honest, I'm routing Dwayne for you but
the way Kean looks at you, damn he's so in love with you buddy. You're lucky to
have him as he's lucky to have you."
"I know, Trev." Sagot ko. "I'm so lucky to have him."
"C'mon." Biglang singit ni Dwayne. Minsan para siyang kabute, bigla bigla na lang
siyang sumusulpot. "Guys, manalo o matalo okay lang basta ibigay lang natin 'yong
best natin. Last chance na natin 'to kaya ibuhos niyo na lahat ngayon. Okay?"
Tanong niya. One thing I can't deny is Dwayne's a good leader.
Nag practice ulit kami habang nag iintay sa turn namin. Sabi nga nila practice
makes perfect. Halos isang oras din kami nag practice.
"Rest room lang ako." Paalam ko ng matapos kami sa practice. May isa pa namang team
bago kami kaya may oras pa naman akong tumakbo papunta sa rest room. "Babalik agad
ako."
Pumunta agad ako sa rest room. Binilisan ko na lang dahil baka matapos agad 'yong
naunang team samin. Pabalik na ako ng makita ko sila Krystal. Napatingin sila sakin
pero hindi ko sila pinansin, naglakad lang ako. The next thing I know, nadapa ako o
mas magandang sabihin na pinatid ako ni Krystal. "Oh, nadapa ang prinsesa." Sambit
niya. Nilapitan nila ako at abot langit 'yong ngiti sa mukha niya. "Gusto mo ba ng
tulong, Keila?" Inabot niya sakin 'yong kamay niya pero hindi ko kinuha 'yong kamay
niya.
Tumayo ako mag isa at pagkatayong pagkatayo ko pa lang, sinampal ko agad si
Krsytal. "Para yan sa pag-patid sakin." Mataray kong sabi. Gulat na gulat siya sa
ginawa ko. "Sa susunod na gawin mo pa yan sakin, makakadalawang sampal ka na
sakin." Pagtalikod ko hinila niya ako pabalik. Sasampalin niya sana ako pero
napigilan ko agad siya. "Hindi na lalapat yang kamay mo sa mukha ko, tandaan mo
yan."
Sinamaan ko siya ng tingin bago ako tuluyang umalis. Serves her right. Pagod na ako
magpaapi sakanya. I'm not worth it to be treated like that.
"Buti dumating ka na, turn na natin." Sambit ni Dwayne. "Tandaan mo 'yong sinabi ko
Keila. Alisin mo lahat ng distractions dyan sa utak mo." Tumango ako. Alam ko 'yon.
Ayokong magkamali dahil ayokong matalo kami ng dahil lang sa kapabayaan ko.
Umakyat kami sa stage.
Kagaya ng sinabi ni Dwayne, this is our last chance kaya binigay ko na lahat.
Matagal ko ng pangarap na makasali sa isang dance group at makasali sa national
dance battle, ito na 'yong chance ko.
Maayos namin nasayaw 'yong mga unang steps pero nung malapit na 'yong huling kanta
na, bigla na lang akong nakaramdam ng sakit sa paa ko. Buti na lang nakaupo 'yong
position namin bago 'yong final song. Pinikit ko na 'yong mata ko dahil sa sobrang
sakit. Pinipigilan ko na lang na maiyak. Bakit ngayon pa?
"Keila, anong nangyari sayo?" Bulong sakin ni Dwayne. "Anong masakit sayo?" Hindi
na ako nakapagsalita, tinignan niya 'yong paa ko at mukhang na gets na naman niya
'yong problema. Mukhang namamaga na din kasi 'yong paa ko "Umupo ka lang, wag ka
nang gumalaw okay? Ako na bahala." Tumango na lang ako. Hindi na ako makapagsalita
dahil sa sobrang sakit ng paa ko.
Tumugtog na 'yong last song. Kagaya ng sinabi ni Dwayne, hindi ako gumalaw at
tingin ko hindi ko din kakayanin na gumalaw pa. Pinagmasdan ko sila. Buti na lang
madali nilang na gets 'yong nangyari sakin. Ayoko silang maging distracted sila
dahil sakin.
Natapos 'yong number namin. Lahat sila nagpalakpakan pero hindi ko na naiwasan na
maiyak. Pumalpak ako. Hindi ko mapapatawad 'yong sarili ko kapag natalo kami dahil
sakin.
"Keila, what happened?" Alalang tanong ni Trevor. "What's wrong?"
Nagulat ako ng bigla akong buhatin ni Dwayne. "Dadalhin ka namin sa clinic." Hindi
na ako nakapalag pa dahil masakit na din talaga 'yong paa ko.
Pagdating namin sa clinic, tinignan agad nang nurse 'yong paa ko. Ito din 'yong
part na natapilok nuon sa playground ng kasama ko si Kean. Akala ko okay na talaga
'yong paa ko pero hindi pa din pala. Tingin ko sumakit ulit siya dahil sa
pagkakapatid sakin ni Krystal kanina.
"Trev, go back. They will announce the top five, we need someone there. I'll stay
here with Keila." Sambit ni Dwayne.
"Okay," sagot niya sabay tingin sakin. "Get well buddy." Sambit niya pagkatapos
umalis na siya. Naiwan kami ni Dwayne sa clinic.
"Kailan mo pa yan naramdaman? Bakit hindi mo man lang sinabi sakin? Paano kung
lumala 'yan?" Kalmado lang siya sa pagsasalita pero kitang kita sa mukha niya na
naiinis siya. "Keila, we're still friends right?" Tanong niya at tumango ako. "Kung
may problema ka, sabihin mo sakin hindi 'yong sinosolo mo lang." He looks very
frustrated.
"Sorry. Bandang huli ko na lang din naman kasi naramdaman na sumakit 'yong paa
ako." Hindi ko na naman napigilan na maiyak. Naisip ko na naman kasi 'yong
competition. Paano kung matalo kami? "Ayokong matalo tayo dahil sakin." Sambit ko.
Nagulat ako ng punasan ni Dwayne 'yong luha sa mata ko. "Don't say that. It's not
your fault."
"Hi," bati ulit ng nurse. "Try ulit natin igalaw 'yong paa mo maya maya ha? Kapag
okay na, pwede ka ng umuwi at magpahinga pero kailangan mong mag wheel chair tapos
bukas magpatingin ka ulit sa doktor mo. Okay?" Tumingin siya kay Dwayne. "Ikaw ba
'yong boyfriend niya?"
"Hindi." Sabay naming sabi.
"Ah, okay?" Nalilitong sambit ng nurse. "Sayo ko na lang din iiwan si Ms. Mendoza,
ikaw na ang bahala sakanya ha? Or pwede mong tawagan ang family mo para sunduin
ka." Tumango kaming dalawa ni Dwayne pagkatapos bumalik sa desk niya 'yong nurse.
"Tatawagan ko na lang si Cloud." Sambit ko pagkatapos kinuha ko 'yong phone sa bag
ko. "Hello? Cloud, pwede mo ba akong sunduin dito sa clinic ng University? Wag ka
mag alala, ayos lang ako. Basta sunduin mo lang ako dito, okay?" Sambit ko
pagkatapos binaba ko 'yong phone.
"Bakit hindi mo tinawagan si Kean?" Tanong ni Dwayne.
"Ayoko siyang guluhin ngayon dahil alam kong busy siya kay Hailey. Isa pa, madami
ng problema si Kean, ayoko ng dumagdag pa." Sagot ko.
Nagkaroon ng sandaling katahimikan pero nagsalit ulit si Dwayne. "Mahal mo ba
talaga siya, Keila?" Seryoso niyang tanong.
"Oo.. mahal na mahal." Sagot ko.
Hindi na nagsalita si Dwayne hanggang sa dumating si Trevor. Huli ko na naisip na
dapat pala hindi ko na lang sinagot 'yong tanong ni Dwayne dahil baka nasaktan siya
sa sinabi ko. Hindi ako sigurado kung gusto pa din niya ako o hindi, after all what
happened.
"Guess what?" Bungad ni Trevor. "We're on top five!" Masaya niyang sabi.
Lahat ng lungkot na meron ako ngayon, biglan na lang nawala. Pakiramdam ko bigla na
lang nawala 'yong sakit ng paa ko dahil sa saya. "Wala ka ng dapat ipagalala, hindi
tayo natalo." Sambit ni Dwayne. Ngumiti siya sakin pero bakit pakiramdam ko hindi
siya masaya.
Ginalaw ko ang paa ko at medyo maayos na siya. Instead na wheel chair, sabi ko sa
nurse saklay na lang gagamitin ko, pumayag naman siya. Inalalayan ako ni Trevor at
ni Dwayne palabas.
"Keila! Ayos ka na ba?" Bungad sakin ng team. "Pasok tayo sa finals!" Masaya nilang
sabi.
"Sorry sa nangyari guys. Masaya ako na pumasok tayo kahit na hindi ako nakasayaw sa
huli." Sambit ko.
"Keila that's okay, we understand." sambit ni Trevor. "We should take you home. You
need to take a good rest."
Nagpaalam ako sakanila. Unfortunately, hindi ako makakasama sa celebration ng team
mamaya.
"Okay na ako dito, nandito na din si Cloud." Sambit ko sakanilang dalawa nang
makarating kami sa parking lot, saktong pagdating din ni Cloud.
Pagbaba pa lang ni Cloud, tumakbo na siya papunta sakin. "Keila! Anong nangyari?"
Nag aalala niyang tanong. Ang sama ng tingin niya kay Dwayne. "Anong ginawa mo sa
kapatid ko?"
"Cloud, stop it. Wala siyang kasalanan. Nadapa ako kanina kaya sumakit ulit 'yong
paa ko. Umuwi na lang tayo, okay?" Sambit ko. Humarap ako kay Dwayne at Trevor.
"Salamat sa pag alalay sakin. I'll see you both soon. Congrats satin." Tumango na
lang silang dalawa sakin.
Pagpasok namin sa kotse, tinignan agad ako ni Cloud. "Masakit pa din ba 'yong paa
mo?" Tanong niya.
"Konti na lang. Sabi ng nurse, kailangan ko daw bumalik sa hospital bukas para
ipatingin ulit 'to." Sagot ko.
"Nasan 'yong magaling mong boyfriend? Bakit wala siya dito?" Irita niyang sabi. "Si
Dwayne at Trevor pa talaga 'yong tumulong sayo imbes na si Kean."
"Cloud, may sakit 'yong kapatid niya. Cancer to be exact and you expect him to be
here? Sometimes, you're being so unreasonable." Inis kong sabi. "Try to respect our
relationship."
Hindi na kami nag usap na dalawa hanggang sa makarating kami sa bahay. I should be
happy but I can't help to be sad. Naisip ko si Kean, sana nasa tabi ko siya ngayon.
Sinabi ko kay Mama lahat ng nangyari at hinayaan na nila akong magpahinga sa kwarto
ko.
May nakita akong text galing kay Kean.
From: Alien babe
Congrats! I'm happy for you and I hope you're okay now. Sana nandyan ako sa tabi mo
ngayon. I'm sorry... :-(
Teka, paano niya nalaman na nakapasok kami sa top five? At paano niya nalaman na
may nangyari sa paa ko?
Tinawag mo agad siya. Sinagot niya 'yong tawag ko pero hindi siya nagsasalita.
"Kean?"
"Babe.." Sambit niya. "Okay ka na ba? Kamusta 'yong paa mo?" Tanong niya.
"Paano mo nalaman?" Tanong ko.
"Nandon ako kanina para panuorin ka." Nanlaki 'yong mata ko sa sagot niya. Nandon
pala siya kanina pero hindi man lang niya sinabi sakin. "Ang galing mo sumayaw
kanina.."
"Bakit hindi mo sinabi na nandon ka? Bakit hindi mo ako nilapitan?"
"I wanted to surprise you." Natahimik siya sandali bago siya nagsalita ulit.
"Gustong gusto kitang lapitan kanina. Gusto kong ako 'yong magbuhat sayo pababa ng
stage at papunta sa clinic. Gusto ko ako 'yong nasa tabi mo at nag aalalay sayo.
Gustong gusto ko pero hindi ko alam kung bakit hindi ko nagawa. Nung nakita ko si
Dwayne sa tabi mo pakiramdam ko, hindi mo na ako kailangan pa. I'm really sorry
Keila. Napaka wala kong kwentang boyfriend." Hindi niya na natago sakin 'yong pag-
iyak niya. "I want to be the best for you but I guess I can't."
"Shut up, Kean." Sambit ko. "You're the best thing I ever had."
"Keila.. tingin mo ba talaga, bagay tayo?" Bigla niyang tanong. Hindi ko alam kung
bakit niya ako tinatanong ng ganito. "Hindi kita masasakay sa magandang kotse.
Hindi kita madadala sa mamahaling restaurant. Hindi ko maibibigay lahat ng oras ko
sa'yo dahil sa kalagayan ng kapatid ko. Keila, ang komplikado ng buhay ko, tingin
mo ba talaga, nababagay ka pa din sakin? Naisip ko lang kasi.. langit ka at lupa
ako."
Natigilan ako sa mga sinabi ni Kean. Ramdam ko sa boses niya 'yong lungkot. Hindi
ko alam kung bakit niya biglang naisip 'yong mga bagay na 'to. Dahil ba sa nakita
niya kami ni Dwayne na magkasama kanina?
"Kean.. wala akong pakialam kung dyan mo lang ako sa motor mo isakay. Wala akong
pakialam kung sa turo turo mo lang ako dalhin. Wala akong pakialam kahit na minsan
lang tayo magkita. Kean wala akong pakialam kahit na langit ko at lupa ka.. ang
importante mahal kita."
Umiyak na naman siya. Gusto ko siyang yakapin sa mga oras na 'to. "Keila. Mahal na
mahal kita."
"Stop crying, babe. Naiiyak na din ako eh. Wag ka na mag isip ng kung ano ano,
okay?" Sambit ko. "Kamusta si Hailey?" Tanong ko.
"Maayos na siya, natutulog na siya sa bahay."
"Nasan ka?" Tanong ka.
"Nasa tapat ng bahay niyo." Bumangon agad ako sa pagkakahiga ko. Kinuha ko 'yong
saklay ko pagkatapos tinanaw ko siya sa may bintana. "Hello babe." Sambit niy ng
magtama ang mata namin. "Wag ka nang bumaba, ayos na ako na makita ka lang dito.
Mag pahinga ka na."
"Gusto kitang yakapin ngayon pero sige, bukas na lang." Sambit ko. "Kanina ka pa ba
dyan?"
"Oo, sinundan na kita nasa University ka pa lang. Gusto ko kasi palagi akong nasa
tabi mo, kahit na nasa malayo lang ako pinagmamasdan ka." Sambit niya at ngumiti
siya sakin. "Ang ganda mo, babe." Sambit niya. Bigla na lang namula 'yong pisngi
ko. "Ang swerte ko talaga sa girlfriend ko."
"Pwede ba Kean?" Sambit ko. "Sige na nga magpapahinga na ako. Natutunaw na ako sa
mga titig mo eh." Sambit ko. Tumawa siya habang nakatingin pa din sakin. Sa totoo
lang nakakatunaw talaga 'yong nga tingin ni Kean.
"Good night, babe." Sambit niya. "I love you sobra sobra." Hindi ko na napigilan na
mapangiti sa sinabi niya.
"I love you too, alien."
Sa puntong 'yon, natakot ako. Natakot ako kasi na realized ko, sobrang in love na
ako kay Kean. Kung iiwan niya ako, baka hindi ko na kayanin pa. Pero hindi naman
niya ako iiwan, hindi ba?

Chapter 38: I'll be here


Keila's point of view

Umaga pa lang dinalaw ko na si Hailey sa bahay nila kahit na wala don si Kean. Nung
nakita ko siya mukhang maayos na naman siya. Tuwang tuwa siya ng makita niya ako at
ganon din naman ako. Malapit na siya sakin kahit na sandaling panahon pa lang
kaming nagkakasama. Ang bait niya kasi tska mukha siyang anghel.
Nag taxi lang ako papunta sa school kasi nasa coffee shop pa nila Wynter si Kean
madaling araw pa lang nandon na siya. Nag pre-shift daw siya ngayon dahil ayaw
niyang umabsent sa class mamaya. Dean's lister kasi si Kean kaya hindi niya pwedeng
mapabayaan ang pag-aaral niya. Hindi ko man sinasabi sakanya pero naaawa talaga ako
sakanya. Alam kong konti pa lang ang tulog niya dahil sa pag aalaga kay Hailey pero
maaga pa din siyang pumasok sa trabaho niya. Sa totoo lang, humahanga ako kay Kean.
"Besty!" Sigaw ni Jenelle. Niyakap niya agad ako ng makita niya ako. "Congrats sa
inyo nila Kuya Dwayne!" Sambit niya. Umupo muna kami sa may bench malapit sa field,
maya maya pa naman mag start 'yong class namin.
"Salamat," sambit ko. Naisip ko na din sabihin sakanya ang tungkol samin ni Kean.
Ayoko kasing sa iba pa niya malaman, baka magtampo pa siya. "Oo nga pala Jenelle,
may sasabihin ako sayo. Kami na ni Kean."
"What?! Kayo na ni Kean?!" Sobrang lakas ng boses niya kaya halos lahat ng tao sa
paligid namin nataptingin sakanya. "Ay sorry. Nagulat lang kasi ako." Sambit niya.
"Omg! Besty! I'm so happy for you!" Excited niyang sabi.
"Thank you besty."
Napahinto siya sandali. "Wait, alam na ba ni Cloud 'to?"
"Oo alam na niya pero ayaw pa din niya kay Kean," natigilan ako. Naisip ko din ang
tungkol kay Dana. Hindi pa pala alam ni Jenelle na kapatid ko si Dana. "May isa pa
pala akong sasabihin sayo. Apparently, kapatid ko pala sa ama si Dana. At ang
nakakagulat pa, mahal din pala niya si Kean. Kaya ayon, galit si Dana sakin dahil
ako ang mahal ni Kean. 'Yon 'yong dahilan kaya ayaw pa din ni Cloud kay Kean kasi
feeling niya kasalanan ni Kean kung bakit hindi kami magkasundo ni Dana pero alam
ko naman na walang kasalanan si Kean don." Natulala na lang si Jenelle sa mga
sinabi ko. Hindi ko siya masisisi. Ganyan din naman 'yong reaction ko ng malaman ko
ang tungkol don. "Alam ko, napaka komplikado ng sitwasyon namin. Parang
pinaglalaruan nga kami ng tadhana eh."
Matagal tagal din bago nakapagsalita si Jenelle. Nahirapan ata siya i process sa
utak niya 'yong mga pinagsasabi ko. Sino bang hindi?
"Kaya naman pala magkamukha magkamukha kayong dalawa," napataas ang kilay niya at
bigla niya akong hinawakan sa kamay ko. "Wait, sabi mo 'di ba galit siya sayo? OMG!
Kanina kasi nakita ko siya sa lobby tapos kausap niya si Krystal." Nagulat ako sa
sinabi niya.
Mag kaibigan ba silang dalawa? Bakit bigla akong kinabahan? Knowing Krystal may
possibility na siraan niya ako kay Dana. Bigla tuloy akong nainis. "Dito na ba nag
aaral si Dana?" Tanong ko.
"I don't think so. Visitor's ID lang naman 'yong meron siya." Sagot ni Jenelle.
Hindi ko alam pero nakahinga ako ng malalim dahil sa sinabi niya. Ayokong magkita
kaming tatlo ni Dana at Kean palagi dito sa University. "Hindi ba may dinner dapat
kayo ni Cloud kasama si Tito Trevor at si Dana? What happen to that?"
"I didn't say yes yet," sagot ko at naisip ko din ang tungkol don, buti napaalala
ni Jenelle. Masyado kasing na focus ang utak ko kay Kean. "But I think, I need to
say yes already. Umaasa pa din ako na baka pwede pa kaming magkaayos."
"So, gusto ko siyang maging friend?" Confused niyang tanong.
"Nung una, ayoko na sana siyang pumasok pa sa buhay ko. I want to ignore her but
when I saw her, it makes me want to know her more, to get close to her."
"Baka ayan na 'yong lukso ng dugo?"
"I don't know, maybe. If we can only have a good start." Hindi sana 'yong ganito ka
komplikado.
"You can try, Keila. Hindi ko siya ganon kakilala kasi minsan lang naman siya
dalhin ni Kuya Dwayne sa bahay pero I think mabait naman siya." Kahit papaano
gumaan ang loob ko sa sinabi ni Jenelle.
At least hindi lang ako ang nakakaramdam na mabait si Dana. Baka nasaktan lang
talaga siya kaya siya galit sakin. Feeling ko kasi mahal niya talaga si Kean kaya
ganon 'yong inaasal niya. Hindi ko naman siya masisi. Sabi nga niya, ayaw din naman
niyang magalit sakin. Kung kaya ko lang sana i give up si Kean para sakanya pero
kahit ilang beses kong subukan, hindi ko magawa kasi mahal ko din si Kean.
"I need to go besty, my class will start now." Paalam ko kay Jenelle.
"Okay, see you later!" Masigla niyang sabi. Bigla kong naisip, bakit hindi niya
kasama si Marion? Nag away ba sila?
Pumunta na ako sa class ko. Alam kong nakatingin sakin si Krystal at Dwayne pero
hindi ko na lang sila pinansin. Bago dumating ang professor namin dumating si Kean.
Dumiretso siya agad sa likod at tumabi sakin. "Hi, babe." Bati niya. "Did you miss
me?" Tanong niya habang nakangisi siya.

"Slight lang." Sagot ko.


"Sige na nga, at least na miss mo pa din ako," Ngumiti siya sakin habang nakatingin
siya sa mata ko. "Alam mo babe, inaantok ako. Wala pa akong tulog." Sumandal siya
sa balikat ko. Mukhang antok na antok nga siya.
"Hindi ko kasi dapat pinipilit ang sarili mo, Kean. Baka mamaya mapano ka naman."
Paalala ko.
"Kailangan eh, wag kang mag alala sakin. Malakas ako kaya hindi ako magkakasakit."
Hinawakan niya ang kamay ko kaya bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko. "Basta
nadyan ka lang sa tabi ko, ayos na ako." Hindi ko mapigilan na mapangiti. Hinawakan
ko ng mahigpit ang kamay ni Kean.
"Dito lang ako sa tabi mo, hindi ako aalis."
Nang dumating ang professor namin, pinilit ni Kean na makinig kahit na antok na
antok na siya. Madalas akong nakatingin sakanya pero kada lilingunin niya ako
ngingiti lang siya sakin. Sabi niya hawakan ko daw 'yong kamay niya buong klase
para kapag inaantok na siya, pipisilin ko na lang 'yong kamay niya. Determinado
talagang matuto si Kean. Sabagay, mag the-thesis na kami.
"Class dismiss." Literal na nakahinga ng malalim si Kean sa sinabi ng professor
namin.
"Babe, mamaya pa naman 'yong isa pa nating klase. Samahan mo naman ako sa
playground, antok na antok na kasi ako eh."
Sinamahan ko si Kean. Sabado ngayon kaya walang klase ang mga bata, tamang tama
para makatulog si Kean. "Sumandal ka lang sa balikat ko. Gigisingin na lang kita
kapag mag start na 'yong isang klase."
Sumandal siya sakin at hinawakan niya ang kamay ko. "Thank you babe.."
Nakatingin lang ako sa langit habang nakasandal sakin si Kean. Ang gaan sa
pakiramdam kapag kasama ko siya at kapag malapit siya sakin. Pakiramdam ko ligtas
ako palagi. Sapat na sakin kahit hindi kami mag usap at kahit na magkatabi lang
kami.
"Kean.." Bulong ko. "Hindi ko alam kung bakit ang bilis kong nahulog sayo. Tuwing
kasama kasi kita, iba 'yong saya na nararamdaman ko at sobrang bilis ng tibok ng
puso ko. 'Yong tibok na masarap maramdaman. Ang hirap i explain eh pero parang araw
araw nagkakaroon ako ng dahilan para mas lalo akong mahulog sayo. I never felt this
way before.. masarap pala talaga sa pakiramdam na ayoko ng matapos pa 'to.. kaya
kahit nahihirapan ako ngayon sa sitwasyon natin, ipaglalaban kita kasi ikaw 'yong
isa sa mga bagay na tama sa buhay ko."
Humigpit 'yong pagkakahawak sakin ni Kean. Tinignan ko siya at unti unti niyang
diniliat ang mata niya. Ngumiti agad siya sakin at niyakap niya ako.
"Ang sweet ng mga sinabi mo, Keila Jin." Hinarap niya ako. "Kaya mahal na mahal
kita eh. Pangako, kahit anong mangyari hinding hindi kita iiwan. Andito lang ako
palagi sa tabi mo. Hindi ba super hero mo ako?"
"Promise mo yan ha?"
"Promise, cross my heart," nag sign pa talaga siya ng cross sa dibdib niya.
"Promise mo din ha, na hindi mo ako iiwan?"
"Promise, cross my heart." Ginaya ko ang ginawa niya.
Hinawakan ni Kean ang mukha ko at dahan dahan niyang nilapit sakin ang mukha niya.
Maya maya lumapat na sa labi ko ang labi niya. Ito na naman. Ang bilis na naman ng
tibok ng puso ko. Ang lambot ng labi niya. Sa bawat paghalik niya sakin, ramdam ko
'yong pagmamahal niya sakin.
"You're so irresistible but we still have our next class," sambit niya habang
nakangisi siya. "You're so damn beautiful, Keila Jin." All I can don is smile,
speechless na kasi ako.
What Kean can do to me is unbelievable. That's why I love him.
Papunta na kami sa next class namin at habang nag lalakad kami sa may corridor,
nakasalubong namin si Dwayne na kaakbay 'yong Leona. Nang magkasalubong kami,
nagulat ako ng bungguin niya si Kean. Sa gulat ni Kean, napaupo siya.
"Ano ka ba Kean?" Inis na sabi ni Dwayne. "Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?
Tinulungan ko agad si Kean na makatayo. Hindi ko na naiwasan na mainis sa ginawa ni
Dwayne. Alam ko naman na sinadya niya 'yon dahil lumalit pa talaga siya kay Kean.
Ano bang problema niya? Akala ko ba okay na kami? Nagpalit na naman ba siya ng
mood? Hindi na nakakatuwa. "Ano bang problema mo?" Irita kong tanong kay Dwayne.
"Hey, he's my boyfriend!" Singit nung Leona. "Stop talking to him like that!" Sigaw
niya. Sinamaan ko siya ng tingin. Wala akong pakialam sakanya.
"I'm not talking to you," humarap ako kay Dwayne. "Anong problema mo Dwayne?"
Inawat naman ako ni Kean.
"Babe tama na, okay lang naman ako." Sambit ni Kean. "Tara na." Hinila niya ako
pero hindi ako umalis sa pwesto ko.
"Akala ko ba friends na tayo ha, Dwayne? Bakit ginaganito mo 'yong boyfriend ko?"
"Keila you're my friend, not him. And I don't mean to hurt him." Depensa niya pero
hindi ako naniniwala na hindi niya 'yon sinasadya. "I'm sorry, okay?"
"If you want to be friends with me then respect my boyfriend." Seryoso kong sabi.
"Let's go babe." Sambit ko at hinila ko si Kean palayo don.
Hindi ko talaga kaya kapag nasasaktan 'yong nga taong mahal ko.
Pagupo namin sa upuan ni Kean, hinawakan niya 'yong kamay ko. "Thank you sa
pagtatanggol sakin."
"Kulang pa yan sa lahat ng pagtatanggol na ginawa mo sakin. Isa pa, ayokong
nakikita ka na nasasaktan."
Dumating 'yong professor namin kasabay si Dwayne. Tumingin siya samin pero agad din
siyang umiwas. Hindi ko na tuloy alam kung paano ko ulit papakisamahan si Dwayne.
Okay na saka kami pero bakit kailangan niya pang gawin 'yon kay Kean? Sana man lang
irespeto niya 'yong relasyon namin.
"I would like to remind you about the project I assigned to you. Work on your group
mates now because you will present that to me next week." Sambit ng professor
namin.
Naalala ko, si Dwayne at Krystal pala ang group mates namin ni Kean. Oh great.
Natapos na din ang klase namin at pagkatapos na pagkatapos non, nilapitan kami ni
Dwayne at Krystal.
"What about the project?" Tanong ni Dwayne. "Paano natin gagawin 'yon?"
"What if we go to your house, Dwayne?" Alok ni Krystal. "We just need to finished
that in one day para naman isang beses lang din natin makakasama ang isa't isa."
Halata ang pagkairita sa boses niya.
"I'm good with that," sagot ni Kean. "Babe, okay ka ba don?" Tanong niya. Ngumiti
lang ako at tumango.
"Okay, pumunta na lang kayo sa bahay sa monday." Sambit niya pagkatapos tinalikuran
niya agad kami.
Tumalikod din agad samin si Krystal at umalis. Hindi ko na tuloy naitanong sakanya
kung bakit niya kinausap si Dana. Okay na din, mukhang wala akong makukuhang
magandang sagot galing sakanya.
Naglakad kami ni Kean papunta sa parking. Pinagtitinginan kami ng mga tao lalo na
ng mga babae na halatang kinikilig kay Kean. Hinila naman ako papalapit ni Kean
sakanya at inakbayan niya ako na para bang pinagsisigawan niya na girlfriend niya
ako. Simple lang pero ang sweet.
"Iba na talaga kapag sikat ang boyfriend mo, palagi kayong pagtitinginan." Bulong
ko sakanya.
"Ayos lang na pagtinginan nila tayo, gusto ko din naman na malaman na nila na ikaw
'yong babaeng mahal ko." Nakangiti niyang sabi. "Basta, dito ka lang malapit
sakin."
Pagdating namin sa parking lot, biglang tumawag si Cloud. Nag excuse ako kay Kean.
"Hello?" Bati ko sakanya.
"Keila, gusto ko lang sabihin sayo na may dinner tayo mamaya ni Dad at ni Dana.
Alam kong undecided ka pa din pero kasi aalis na bukas si Dad, mag wo-work na ulit
siya sa Singapore at matatagalan pa ang pagbalik niya kaya kailangan ng ituloy
'yong dinner ngayon. Hindi kita pipilitin pero sana makapunta ka.."
Natigilan ako. Kailangan ko ng mag decide ngayon o baka mawalan na ako ng chance.
Hindi pa din alam ni Dana na kapatid niya ako. Alam ko hindi dapat ako umasa na i
co-consider niya ako kapag nalaman niyang kapatid niya ako. Galit siya sakin. But I
need to try. "Sige, pupunta ako. Sunduin ko ako dito sa school."
It's now or never.
Bumalik ako kay Kean. "Kean, mamaya na 'yong dinner namin ni Dana at ni Dad kasama
si Cloud. Mabuti pa, dumiretso ka na sa coffee shop nila Wynter tapos nagpasundo na
ako kay Cloud."
Hinawakan niya 'yong dalawang kamay ko. "Kaya mo na ba?" Nag aalala niyang tanong.
"Oo. Wag kang mag alala sakin." Sagot ko.
Umalis na siya at pumunta na sa coffee shop. Gusto niya kasing mag overtime ng
kahit dalawang oras. Hindi ko naman siya mapigilan. Basta sabi ko sakanya pag uwi
niya matulog agad siya at pumayag naman siya.
Nakakamangha si Kean.
Ilang minuto lang dumating na si Cloud. "Ready?" Tanong niya.
Huminga ako ng malalim. "Ready na ako."
Hindi ko ma explain 'yong kaba na nararamdaman ko ngayon.. sana maging maayos ang
lahat.

Chapter 39: Reunion


Keila's point of view

Nakaupo na kami ni Cloud sa table namin. Wala pa man sila Papa at Dana pero hindi
ko na maipaliwanag 'yong kaba na nararamdaman ko ngayon. Malalaman na ni Dana na
kapatid niya ako at natatakot ako sa magiging reaskyon niya. Matatanggap niya ba
ako o mas iirial 'yong galit niya sakin?
"Relax, Keila." Sambit ni Cloud.
"I want to but I can't," sagot ko. "Naiisip ko na ngayon pa lang 'yong magiging
reaksyon ni Dana at alam kong hindi maganda 'yon."
"Don't think that way. Everything will going to be alright." Paalala niya. "Kung
hindi man, nandito lang ako." Ngumiti siya sakin at dahil don kahit paano, gumaan
ang pakiramdam ko.
"Thank you Cloud. Sana maging maayos ang lahat." Sambit ko.
Sa totoo lang, alam kong hindi magiging maganda ang tagpo namin. Gayon pa man,
gusto ko na matapos ang lahat. Gusto ko na siyang harapin bilang kapatid niya sa
ama.
After ten minutes, dumating na din si Dana at si Papa. Papalapit pa lang sila sa
table namin, kita ko na agad ang nagsasalubong na kilay ni Dana. Mas lalo akong
kinabahan.
"Dana, take a seat." Utos ni Papa.
Kahit na halatang nalilito siya, umupo pa din siya. Hindi maalis 'yong tingin niya
sakin at ako naman halos hindi ako makatingin sakanya. "Wait Dad, I thought--"
"Let's take our order first, waiter!" Pagpuputol ni Papa sa sasabihin ni Dana. Nag
order kaming apat. Tahimik lang kaming dalawa ni Cloud dahil hinihintay namin na
magsalita si Papa. Si Dana hindi mapakali. Tinignan na din kami ni Papa at ngumiti
siya sa amin.
"Dana, yes we are going to meet your siblings and here I want you to meet your,
brother and sister." Walang paligoy ligoy na sabi ni Papa.
Nanlaki ang mata ni Dana at literal siyang napanganga. Gulat na gulat siya na para
bang ayaw niyang maniwala sa lahat ng mga narinig niya. Kanina pa ako kinakabahan
sa mga nagiging reaskyon niya.
"Sila 'yong kapatid ko?" Sambit niya. "Why does it have to be her?" Sambit niya
habang nakatingin siya sakin. "Dad, you know that she's the girl who stole Kean
from me." Mas lalong bumilis 'yong tibok ng puso ko sa sinabi niya. Ito na 'yong
kinakatakutan kong reaksyon niya. "I can't believe this!"
Hindi ako makapagsalita dahil hindi ko na din alam kung ano bang sasabihin ko.
"Anak, it's not her fault. She didn't steal Kean from you." Pagtatanggol sakin ni
Papa. Nagulat ako sa ginawa niya. Hindi ko akalain na ipagtatanggol niya ako sa
harapan ni Dana. "I thought we're through about this?"
"Dad.." Sambit ni Dana.
"Dana, don't ruin this dinner for us." Seryosong sambit ni Papa. "You need to
accept her. She is your sister. Madami pang lalaki sa mundo Dana pero nag iisa lang
ang mga kapatid mo. And this is all you want right? To have a sister?"
"Yes I want a sister kahit pa half sister lang pero ang hirap tanggapin na 'yong
sister ko pa 'yong karibal ko sa taong mahal ko." Tumayo siya. "I can't do this
Dad. I'm going home. Tumayo siya, pinigilan siya ni Papa pero ayaw niya magpapigil
at naglakad siya palabas. Gusto ko siyang sundan at kausapin pero alam ko walang
magagawa 'yon.
Hindi na pinigilan ni Papa si Dana at napabuntong hininga na lang siya. "I'm sorry
about that. Dapat sinabi ko na kanina pa lang 'yong tungkol sa pagkikita niyo.
Natatakot kasi ako na baka mas lalo siyang hindi sumama kapag nalaman niya agad but
it still turns out bad."
Hindi ko maiwasan na ma guilty. Kasalanan ko lahat ng 'to. "Papa, sorry po. Nasira
ko 'yong dinner natin."
"Keila anak, wala kang kasalanan." Ngumit siya sakin kahit na alam kong pilit lang.
"Kailangan lang siguro ni Dana ng konting panahon, hayaan na lang muna natin siya.
Mag dinner na lang tayo kahit wala siya."
Ang awkward. Parang hindi ako makagalaw. Buti na lang dumating na 'yong order
namin. Dinaan ko na lang sa kain 'yong kaba na nararamdaman ko. Expected ko na
naman 'yong ganong reaksyon ni Dana pero hindi ko pa din maiwasan na masaktan. Kung
pwede lang sana, hindi na lang si Kean 'yong minahal niya para mas malaki 'yong
chance na maging maayos kaming dalawa.
"Keila, I know this is too much too ask pero kaya mo bang layuan si Kean?"
Natigilan ako sa tanong ni Papa. Parang hindi ako makagalaw. Hindi ako
makapagsalita at hindi ko din alam ang sasabihin ko.
"Papa, mahal po ni Keila si Kean at ganon din si Kean. Tingin ko po hindi tama na
palayuin niyo si Keila sa boyfriend niya para magkabati sila ni Dana." Nanlaki ang
mata ko sa sinabi ni Cloud. Akala ko isa siya sa mga taong tututol sa amin ni Kean
pero hindi. "Hindi naman po kasalanan ni Keila na siya ang minahal ni Kean. Isa pa,
madami nang masasakita na pinagdaanan si Keila at ngayon ko na lang ulit siya
nakitang masaya kaya ayokong mawala 'yon."
Natahimik kami panandalian. Hindi alam ni Cloud kung gaano ako kasaya sa mga sinabi
niya ngayon. It just shows how much he loves me.
"Kayo na ni Kean? pero tama ka Cloud. I shouldn't take this against them."
Napabuntong hininga ulit si Papa. "I'm sorry."
"Papa naiintindihan ko po. Sorry din po kung hindi ko nasabi sa inyo na kami na ni
Kean." Sambit ko.
"Ayos lang 'yon anak, sana isang araw magkausap kami, sabihin mo sakanya na gusto
ko siyang makita."
"Sige po, sasabihin ko kay Kean."
May mga napagusapa pa kami at pagkatapos namin kumain, umuwi na kami. Kahit papaano
masaya pa din ako kasi nakasama namin si Papa. Hindi ko lang talaga maiwasan na
malungkot dahil kay Dana. Pagkauwi namin, kinamusta ni Mama ang nangyari sa dinner
namin. Minsan naiisip ko, mahal pa din ni Mama si Papa hanggang ngayon. Nakikita ko
'yon sa mata niya at hindi ko maiwasan na malungkot kasi kahit na mahal din siya ni
Papa, hindi na sila pwede dahil may asawa nang iba si Papa
Dumiretso ako sa kwarto ko at humiga ako sa kama ko. Naghahalo halo ang mga naiisip
ko. Si Papa at si Mama, si Cloud, si Dana at si Kean. Bakit kasi kailangan pang
maging komplikado ng lahat? Minsan na nga lang ako maging masaya, nagkakaroon pa ng
hadlang.
Nag ring ang phone ko at tumatawag si Kean. "Hello?" Bati ko.
"Kamusta 'yong dinner niyo?" Ramdam ko sa boses niya na nag aalala siya.
"Okay naman." Sagot ko.
"Okay as in okay lang kahit may hindi magandang nangyari o okay kasi maganda ang
kinalabasan?" Hindi ko alam ang isasagot ko. Ayokong maglihim sakanya pero ayoko
siyang mag alala at baka sisihin niya ang sarili niya sa pag aaway namin ni Dana.
"Babe?"
"Alam na ni Dana na kapatid niya ako kaya natural lang na malito siya. Kailangan
lang ni Dana ng panahon. Magiging okay din ang lahat." Sagot ko. Sinusubukan kong
ngumiti pero nahihirapan ako. "Wag mo ng isipin 'yon. Kamusta si Hailey?" Pag iiba
ko ng usapan.
"Maayos na naman siya. Hinahanap ka niya pero sabi ko may ginagawa ka. Mukhang
gustong gusto ka niya." Sambit ni Kean. "Kuya si Ate ganda ba yan?" Singit ni
Hailey. "Oo, gusto mo ba siyang kausapin?" Tanong ni Kean.
"Hello Ate ganda, kailan ka po ulit pupunta dito? Miss na kita. Miss na miss ka na
din ni Kuya Kean kanina ka pa niya kinikwento sa akin."
"Hailey!" Sigaw ni Kean.
"Sige na Ate ganda, nagagalit na si Kuya Kean. Basta gusto ko lang sabihin na thank
you kasi pinapasaya mo ang kuya ko. Ngayon ko na lang ulit siya nakitang masaya at
dahil 'yon sayo Ate ganda." Kusa na lang akong napangiti dahil sa sinabi ni Hailey.
"Good night Ate ganda."
"Good night Hailey. Sweet dreams." Sambit ko.
"Pasensya ka na kay Hailey kung ano ano na lang 'yong mga sinasabi niya. Mabuti pa,
mag pahinga ka na din." Sambit ni Kean. "Magkita na lang tayo sa school, mag du-
duty pa ako ngayong gabi."
"Sige, wag ka magpakapagod ha?" Sambit mo. "Good night babe, I love you."
"I love you too.. babe." Parang nag init ang pisngi ko. Nakaka in love ang malalim
at husky na boses ni Kean.
Pinikit ko na ang mata ko at hinayaan ko ang sarili ko na matulog.
--
Dana's point of view.

"What are you doing here?" Tanong ko nang makita ko siya sa gate namin.
"I want to talk to you." He said.
"What for?" I asked. Anong oras na at gusto niya akong makausap. "Is it that
urgent?"
"You want Kean, right? I know how you can get him." He said while smiling at me.
He's acting strange. "Now, caw we talk?"
"Fine, come in." I said.

--
Kean's point of view.

Bago ako pumasok sa coffee shop, dumaan ako sa bahay nila Dana. Kahit hindi sabihin
ni Keila alam ko na nasasaktan siya dahil sa nangyayari sakanila ni Dana at ayoko
siyang nakikita na nasasaktan.
Pumarada ako malapit sa gate nila at may pamilyar na sasakyan akong nakita. Maya
maya lumabas si Dwayne at Dana sa gate. Nagulat ako sa nakita ko. Nagkaayos na ba
silang dalawa?
Umalis na si Dwayne kaya lumapit agad ako kay Dana. "Dana wait." Nilingon niya ako
at halatang nagulat siya ng makita niya ako.
"What are you doing here, Kean?"
"Dana, gusto sana kitang kausapin." Sambit ko.
"Is it about my sister?" Tanong niya at tumango ako. "Okay, come in." Pumasok ako
sa bahay nila at dumiretso kami sa garden. "What is it all about?"
"Dana, alam kong may issue between us pero sana wag mong idamay si Keila don. Hindi
naman niya kasalanan na siya ang minahal ko. Gustong gusto ka niyang makilala.
Matagal na niya gustong magkaroon ng kapatid na babae sana bigyan mo siya ng
chance. Matagal mo na din gustong magkaroon ng kapatid, hindi ba?"
Hindi siya agad nakapagsalita. Para bang may malalim siyang iniisip.
"Mahirap lang kasing tanggapin na siya 'yong babae na minahal mo at hindi ako. But
honestly, I want to know her too. Nung nalaman ko na kapatid ko siya nainis agad
ako kasi deep inside, I want to know more about her even though I hate her and the
fact that you love her makes me mad. Nahihirapan din ako, Kean."
Iniintindi ko si Dana sa lahat ng paraan. Siguro minahal niya lang talaga ako kaya
siya nagkakaganito. "I'm sorry, kung meron mang may kasalanan nito, ako 'yon.
Pinigilan ko naman mahalin si Keila dahil naisip ko na baka magalit ka sakanya
kapag nalaman mo na siya 'yong babaeng mahal ko pero hindi ko na napigilan 'yong
sarili ko na mahalin siya. Ang balak ko lang naman talaga noon, tulungan siyang
makalimutan si Dwayne at pagkatapos non, iiwan ko na din siya. Kaso hindi ko na
kayang lumayo sakanya dahil mahal ko na siya."
Natahimik kami. Maya maya natawa na lang si Dana. "Tama si Dad eh, madami pang
lalaki sa mundo pero nag iisa lang si Keila at Cloud. Maybe I should give them a
chance."
"Talaga? Kakausapin mo na siya?"
"Well, hindi agad agad. First, I need to move-on completely para wala na akong
kahit anong galit na maramdaman towards her. And second, I need to fix myself."
Ngumiti siya sa akin. "Kung meron nga lang din tutulong sakin makapag move-on
kagaya mg ginawa mo kay Keila, baka maging mas madali ang lahat."
"Dana, you're beautiful and I know you're a good person. Meron at meron din
magmamahal sayo." Sambit ko.
"Bakit kasi hindi na lang ikaw 'yon?" Tanong niya at bigla na lang siyang tumawa.
"I know I look so desperate, right? Masyado ko nang binaba 'yong sarili ko para
sayo at pagod na ako kaya panahon na siguro para kalimutan na kita."
"Dana.. I'm sorry."
"Wag kang humingi ng sorry, hindi mo kasalanan na hindi ako 'yong minahal mo. I
guees karma ko 'to sa ginawa ko kay Dwayne. At least ngayon, naramdaman ko na din
'yong naramdaman niya dati at masakit pala talaga. Kailangan ko na din sigurong
humingi ng sorry kay Dwayne. Kung siya na lang kasi ang minahal ko sana hindi ako
nasasaktan ng ganito pero mahirap diktahan ang puso, hindi ba?" Seryoso niyang
sabi. "Don't worry Kean, one of these days, kakausapin ko na din si Keila.
Kailangan ko pa ng konting oras."
"Thank you Dana, salamat talaga."
"Just make sure na hindi mo siya iiwan dahil ayokong masayang lahat ng luha at
sakripisyo ko." Pagtataray niya.
"Hinding hindi ko siya iiwan."
Umalis ako sa bahay nila na nakangiti. Masaya ako kasi nagkaroon na nang chance nag
makabati si Keila at Dana. Sana talaga maging okay na sila, ayoko nakikitang
nahihirapan si Keila.
Dumiretso na ako sa coffee shop. Twenty four hours bukas 'yong shop kasi madaming
call center establishments na nakapalibot samin. Buti na lang nga pwedeng mag work
sa gabi para sa umaga makapag aral ako. Isang taon na lang naman at graduate na
ako. Inaalala ko lang 'yong thesis ko. Minsan napapagod na din ako pero wala naman
akong magagawa. Hindi naman ako pinanganak na mayaman.
"Ang aga mo ha, Kean. Eleven pa ang call time mo pero ten nandito na ka na."
Masayang sabi sakin ni Sir Marky, 'yong may ari ng coffee shop. "Ang sipag mo
talaga."
"Kailangan po Sir eh." Sambit ko.
"I would like to see your promotion soon." Kinindatan niya ako at tumayo siya.
"Sige mauuna na ako, may boys night out pa kaming apat. See you around, Kean."
Umalis siya at nakita ko pa siyang sumakay sa isang kotse. Tinignan kong mabuti
kung sino 'yong nag di-drive at si Tito Jeydon pala, 'yong tatay ni Dwayne at
Jenelle. Malapit na magkakaibigan pala silang apat, kasama 'yong daddy ni Skie at
Trevor.
"Kean."
Muntik na akong mapasigaw sa gulat dahil sa boses niya. Nilingon ko agad siya at
nagulat ako ng makita ko siya dito sa ganitong oras.
"Anong kailangan mo, Cloud?" Tanong ko.
"Alam kong nasa work ka kaya hindi na ako magpapaligoy ligoy pa." Seryoso niyang
sabi. Hindi ko maiwasan na kabahan. "Pumapayag na ako sa relasyon niyo ng kapatid
ko, basta tandaan mo lang na wag na wag mo siyang sasaktang kung malalagot ka
sakin."
Hindi na siya nagsalita pa ang naglakad na agad siya palabas ng shop.
Lahat ng pagod ko nawala. Masaya ako na lahat ng bagay ay nagiging maayos na. Sana
wala lang biglang dumating na problema kasi hindi pa ako handa.

---
#Last20Chapters!

Chapter 40: Disappointed

Keila's point of view.

"Sumabay ka na sakin pagpasok." Sambit ni Cloud habang kumakain kami ng breakfast.


"Nasa trabaho pa si Kean, hindi ba?" Tanong pa niya. Nagkatinginan pa kami ni Mama
dahil sa biglaang asal niya. Parang wala na lang sakanya kahit banggitin niya 'yong
pangalan ni Kean. Hindi na ba siya galit kay Kean?
"Mauna ka na. Pupuntahan ko pa kasi si Kean sa coffee shop." Sagot ko.
"Idadaan na lang kita don." Sambit niya habang nakangiti sakin. Nananaginip ba ako?
Bakit hindi umangal si Cloud at parang masaya pa siya? Anong nangyayari sakanya?
"Bilisan mo na kumain dyan baka ma late tayo." Tumayo siya at lumabas ng bahay. Nag
sungit na naman siya pero may mga ngiti na sa mukha niya. Nakakapanibago siya pero
nakakatuwa.
"Mama, ano meron kay Cloud?" Tanong ko. "Bakit ganon 'yon?"
"Umiibig na ata kaya ganyan. Maging masaya ka na lang anak ha?" Nakangiting sabi
sakin ni Mama. Anong umiibig? May girlfriend na siya? "Sige na bilisan mo na at
baka mag bago na naman 'yong mood ng kakambal mo."
Inubos ko na agad ang pagkain ko dahil ayokong sungitan na naman ako ni Cloud.
Pagkatapos naming magpaalam umalis na agad kami ni Cloud sa bahay. Nakaupo ako sa
harap. Napaisip ako dahil sa mga sinabi ni Mama kanina.
Umiibig na si Cloud? Kanino?
"In love ka ba ngayon?" Tanong ko out of nowhere. Gusto kong malaman kung in love
nga siya at kung meron man, gusto kong malaman kung sino 'yon. Kung may babae man
akong gusto para sakanya, si Jenelle 'yon. "Iba kasi aura mo ngayon eh." Tinignan
ko siya at nakangiti siya sakin. Oh my gosh? Seryoso? In love nga siya?
"Kailan ka naging interesado sa love life ko? Pagkatapos kong makipag hiwalay kay
Fiona, never ka na nag tanong sakin about dyan." Sagot niya. Madali lang naman
sagutin 'yong tanong ko, hindi ba? Oo o hindi lang. Bakit hindi niya masagot agad
agad? Dahil ba guilty siya? "Whatever you are thinking right now, that's not true.
I'm not in love. Or maybe I'm not yet there."
"Ang daya mo naman eh. Ayaw mo sabihin sakin." Pagmamaktol ko. "Ako naman sinabi ko
sayo 'yong about samin ni Kean kahit na alam kong magagalit ka."
Ngumit na naman siya. Huminto kami pagtapat namin sa coffee shop. Tinignan ako ni
Cloud at mukhang may seryoso siyang sasabihin sakin. Kinakabahan ako.
"About you and Kean," panimula niya. Mas lalo pa akong kinabahan. "Pumapayag na ako
sa relasyon niyo dahil nakikita ko naman na masaya ka sakanya. Ang ayoko lang,
makita na umiiyak ka na naman. Kapag sinaktan at pinaiyak ka niya, ako na mismo
maglalayo sa inyong dalawa."
Natigilan ako sa sinabi ni Cloud. Seryoso siya sa bawat salita na sinabi niya.
Napangiti ako dahil sa tuwa. Masaya ako na okay na siya sa relasyon namin ni Kean
at masaya ako dahil siya ang naging kapatid ko.
"You know why I'm like this to you, right?" Tanong niya. "Keila, you're important
to me that's why I don't want to see you hurting. I just want what's best for you."
"I know, Cloud. Thank you for being the best brother to me. Siguro kung wala ka,
hindi ko na alam ang gagawin ko."
"He's waiting for you. I'll see you later, twin." Bumaba ako na may malaking ngiti
sa mukha ko. Feeling ko nakahinga ano ng maluwag dahil sa pagiging okay ni Cloud
kay Kean.
Pumasok ako sa coffee shop at umupo agad ako sa table malapit sa counter. Nakita ko
si Kean na nag se-serve ng food. Mukhang pagod na siya at inaantok. Pagbalik niya
sa counter, nagulat siya ng makita niya ako. "Babe, anong ginagawa mo dito?"
"Gusto kitang makita eh."
Tumayo siya sa harap ko at nakangiti siya sakin ng napaka lawak. "Gusto din kita
makita babe." Parang namumula 'yong mga pisngi niya. Kinikilig ba siya? "Hindi ako
pwedeng makipag usap sayo ng matagal dito babe, nasa duty pa kasi ako. Mamaya na
lang tayo mag usap." Ang laki pa din ng ngiti niya.
"I know, dumaan lang ako para makita ang boyfriend ko." Lumapit sakin si Kean at
hinawakan niya ang kamay ko.
"Thank you babe. Nawala na lahat ng pagod ko dahil nakita kita ngayon." Hinigpitan
niya ang pagkakahawak sa kamay ko. "Kung pwede lang kita halikan dito, ginawa ko
na." Sa sinabi ni Kean, umiti ang mga pisngi ko.
"Naughty boy. Sige na, papasok na ako." Tumayo ako. "See you later, alien."
"See you babe."
Umalis na ako sa shop at nag taxi ako papunta sa school. Hinarang agad ako ni
Trevor sa hallway. "Hey buddy! We have practice later for the finals." Hindi ko
alam kung ano ire-react ko. Hindi kasi kami in good terms ni Dwayne dahil sa
nangyari kahapon. "What's the matter?"
"Nothing," sagot ko. Ayokong magkaroon ng awkwardness sa group dahil samin ni
Dwayne. "Sige mamaya pupunta ako."
Pumunta ako sa class ko. Medyo lumulutang pa din 'yong isip ko dahil sa mga
nangyari kahapon. Naiisip ko pa din si Dana. Magkakayos pa kaya kami? Hindi pa nga
niya alam na kami na ni Kean, galit na galit na siya sakin, paano pa kaya kung
malaman niya? Baka isumpa na niya ako. Napabuntong hininga na lang ako habang
nakatingin ako sa may bintana.
After ng dalawa kong klase, pumunta agad ako sa class kung saan classmate ko si
Kean. Pagdating ko don, nakaupo na siya sa likuran. Nakapikit 'yong mga mata niya
at mukhang natutulog siya. Tahimik akong umupo sa tabi niya para hindi ko siya
magising. Pinagmasdan ko siya. Ang tangos ng ilong niya at ang haba ng mga
pilikmata niya.
"Wag mo nga akong titigan babe, natutunaw ako eh." Sambit niya habang nakapikit pa
din siya. "Kuhanan mo na lang ako ng picture tapos duon mo ako titigan." Unti unti
niyang dinilat 'yong mga mata niya.
"Hindi naman kita tinititigan eh?" Palusot ko.
Hinawakan niya 'yong kamay ko pagkatapos tinignan niya ako. Parang ako pa 'yong
matutunaw sa mga tingin niya eh. "Ikaw, pwede ba kitang titigan?"
"Tingin mo pa nga lang natutunaw na ako, sa titig mo pa kaya?" Natawa siya sa
sinabi ko at mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko.
"Bakit 'yong mga pictures mo kahit ilang beses at gaano ko katagal titigan, hindi
naman natutunaw."
"May mga pictures ako sayo?" Tanong ko.
Nilabas niya ang wallet niya at may picture don ang pamilya niya at nagulat ako ng
makita ko mga pictures ko don. Nasa U.S. pa ako sa iba kong pictures. "Ganyan ako
tinamaan sayo, pati pictures mo meron ako." Natatawa niyang sabi.
"Ang pangit ko kaya dyan, tanggalin mo na yan." Pagmamaktol ko.
"Ayoko nga. Palitan mo muna." Sagot niya.
"Sige bukas bibigyan kita ng pictures ko."
Ngumiti siya at sumandal siya sakin. Hindi na ako nagsalita dahil ramdam ko ang
antok ag pagod niya. Gumising na lang siya nung dumating na 'yong professor namin.
Hawak hawak niya lang 'yong kamay ko all throughout ng class. Sabi niya kasi kapag
hawak niya 'yong kamay ko, nawawala 'yong antok niya.
After class, nag presenta agad si Kean na ihatid ako sa bahay pero sabi ko na lang
may practice kami at mas maganda kung umuwi na siya at matulog. Mukhang antok na
antok na talaga siya. Buti na lang at pumayag siya.
Dumiretso ako sa gym at nandon na silang lahat. Nag tama ang mata namin ni Dwayne
pero umiwas agad siya ng tingin sakin. Lumapit na lang ako kay Trevor. "Hey Trev,
what's up?" Tanong ko.
"Hey, good thing you're here. The songs are good and we just need the steps. Dwayne
is waiting for you." Sagot niya. "Here listen to it." Binigay niya sakin 'yong iPod
niya tapos pinakinggan ko 'yong mga kanta namin. Good thing ito din 'yong mga kanta
na suggested ko kaya may mga steps na ako para dito, transition na lang problema
namin.
"Boo!" Sigaw ni Leona habang papalapit siya kay Dwayne. "I'm gonna watch your
practice, okay?"
"Sure boo, duon ka na lang sa bleachers." Sagot ni Dwayne. Napatingin silang pareho
sa direksyon ko. "Just wait for me okay?" Lumapit lalo si Dwayne kay Leona
pagkatapos nilagay niya 'yong kamay niya sa bewang nito at hinalikan niya si Leona.
Umiwas na lang ako ng tingin pagkatapos kinuha ko 'yong cellphone ko. Nakita ko
'yong text ni Kean sakin.
From: Alien babe
Matutulog na ko, babe. See you sa panaginip ko. I love you.
Hindi ko napigilan na mapangiti. Kahit na pagod na siya nagawa pa din niya akong i
text. Kahit mga simpleng efforts lang na 'to, natutuwa na ako.
"C'mon guys, let's start!" Sigaw ni Dwayne. Tumayo ako at lumapit sakanila. "Keila,
show us the steps." Utos niya.
Tinuro ko sakanila 'yong nabuo kong steps. Nakabisado naman agad nila kaya hindi
kami nahirapan. Medyo hindi lang maganda 'yong mga reactions ni Dwayne. I know
we're not in good terms right now pero kailangan ko siyang kausapin. This is not
for me. This is for the team and I care for them.
"May mali ba sa mga steps ko?" Deretso kong tanong. "Mukhang hindi ka masaya."
"I don't know, I don't actually feel it." Hinawakan niya ang buhok niya. Ganyan
siya kapag frustrated siya. Anong malinsa steps ko? Anong kulang? "Actually, Leona
is also a choreographer, what if we ask her for some help?" Hindi agad ako
nakasagot sa sinabi niya. Para bang sampal sakin na hihingi pa kami ng tulong sa
iba. Parang may kung anong kumirot sa puso ko. "Don't take this negatively Keila,
sometimes we need help from others."
"Yeah, yeah.." tumalikod agad ako sakanya. Pakiramdam ko kasi anytime tutulo na
'yong luha ko. "I just need some freash air."
Tumakbo ako palabas ng gym. Pumunta ako sa rest room at pumasok agad ako sa isang
cubicle don. Tahimik akong umiyak. Siguro nga nasaktan talaga ako sa mga sinabi ni
Dwayne. Sa loob ng tatlong tao, ako lang 'yong gumagawa ng steps namin at never
kaming himingi ng tulong sa iba. Siguro kaya ako nasasaktan kasi disappointed ako
sa sarili ko tska siguro ganito 'yong nararamdaman ko dahil natapakan 'yong ego ko.
Ginawa ko naman 'yong best ko pero bakit hindi pa din sapat?
"I've heard Polaris will introduced a new artist next week and as I've heard, Dana
daw ang pangalan niya." Sambit ng isang babae sa labas cubicle. "You know something
about it?"
"Oh well, we'll in the coming days." Sagot ng isang pamilyar na boses, si Krystal.
"And as what I've heard, kinukuha din ni Carla si Kean. Kaso ayaw niya." Hindi ako
sigurado na si Kean nga 'yong pero masama 'yong kutob ko. "I just hope pumayag
siya, I can't wait to see Keila's reaction." Biglang bumilis 'yong tibok ng puso
ko. Si Kean nga 'yong sinasabi nila pero bakit walang nababanggit sakin si Kean
tungkol don?
Pumasok silang dalawa sa cubicle. Nagmadali akong lumabas ng rest room. Ayokong
makita pa ako ni Krystal. Kumain muna ako pagkatapos naglakad na ako pabalik sa
gym. Medyo wala pa ako sa sarili dahil sa mga narinig ko kanina. "Kei, I've been
looking for you. Are you okay?" Nag aalalang tanong sakin ni Trevor. Pinilit ko na
lang ngumiti. "Don't force a smile, kilala na kita. I don't know why did Dwayne do
that but I think it's really just for the group. For me your steps are good."
"Thank you Trev. Never mind that, siya naman 'yong leader natin kaya siya ang
masusunod. I know he just wants what's best for us."
Lumapit kami kala Dwayne. "Hey Keila, we just add some steps but your original
steps are still there." Sambit ni Leona.
"Okay." Tipid kong sagot. "Let's just finished this." Sambit ko. Gusto ko na kasing
umuwi.
Tinuro niya samin 'yong steps na nilagay nila ni Dwayne. Okay naman, maganda nga
talaga kaso hindi ko pa din maiwasan na malungkot. Hindi na ba ako ganon ka
effective na choreographer para sa group namin? I'm so disappointed with myself.
"Thank you guys, see you tomorrow." Sambit ni Dwayne at isa isa na silang umalis.
"Boo, wait for me in the parking, okay?" Lumabas na din ng gym si Leona at naiwan
kaming tatlo ni Trevor at Dwayne sa gym.
"I'll go home," Sambit ko. Pinilit ko ulit na ngumiti. "See you tomorrow."
"Keila, please don't take my actions personally. I know you did your best and it's
actually good but there are things to improve." Hindi ko na nilingon si Dwayne.
Hindi ko na kayang ngumiti kahit ka pilit pa.
"Okay lang," Tipid kong sagot. "Para sa grupo naman natin 'yon kaya okay lang."
Nagmadali akong lumabas pero hindi ko naiwasan na madaanan si Leona. "How does it
feel that your steps are not good enough?" Tanong niya. "Does it hurt, Keila?"
"Anong problema mo?" Inis kong tanong.
"Wala naman, naiinis lang kasi ako dyan sa pagmumukha mo kaya gusto kitang asarin.
In fairness nag e-enjoy ako." Ngumiti ako. Pinipigilan ko lang 'yong sarili ko.
Ayoko siyang patulan lalo wala ako sa mood.
"Sige enjoy ka lang." Sagot ko.
Tinalikuran ko siya at naglakad na ako palayo. Bago ako makalabas ng gate, nagulat
ako ng makita ko si Kean. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.
"Hindi ka ba masaya na makita ako?" Tanong niya. "Gusto lang kitang makita."
Napabuntong hininga na lang ako. Ano ba 'tong inaasal ko sa harap ni Kean?
"Sorry babe, wala lang ako sa mood ngayon." Lumapit ako sakanya at niyakap ko siya.
Sa mga ganitong panahon kailangan ko lang ng taong masasandalan. "Pero buti nandito
ka, kailangan ko 'to." Niyakap ako ni Kean ng mahigpit.
"Kung ano man 'yong problema, nandito lang ako. Pwede mo ako yakapin mag damag."
Hinarap niya ako at tinignan niya ako diretso sa mata ko. "Gusto mo bang mag date
ngayong gabi? Wala akong pasok sa coffee shop."
"Nakatulog ka na ba ng maayos?" Tanong ko.
"Oo kaya wag ka na mag alala sakin," hinawakan niya 'yong kamay ko at hinila ako
papunta sa motor niya. "Mabuti pa kumain ulit tayo ng ice cream." Masaya niyang
sabi.
Inalalayan niya ako para makasakay sa motor niya at siya na din ang nag suot ng
helmet ko. Habang nasa byahe kami, naalala ko 'yong sinabi ni Krystal kanina. Gusto
kong itanong kay Kean ang tungkol don pero hindi ko magawa. Alam ko kay dahilan
siya kung bakit hindi niya pa sakin sinasabi ang tungkol don. Siguro hihintayin ko
na lang na sabihin niya sakin.
Pumasok kami sa loob. Cookies and cream 'yong flavor na inorder namin.
"Ano bang nangyari at wala ka sa mood, babe?"
"Hindi kasi okay 'yong mga steps na ginawa ko kanina." Sagot ko.
"Ginawa mo naman 'yong best mo, 'di ba?" Hinawakan niya 'yong kamay ko. "Ayos lang
yan babe. May mga pagkakataon talaga na ganyan. Isipin mo na lang kung paano ka mag
i-improve next time."
"Thanks babe."
"Ngumit ka na dyan." Sambit niya. Ngumiti ako pero lumabas pa din talaga na pilit
'yong ngiti ko. Nagulat na lang ako ng bigla akong pahiran ni Kean ng ice cream sa
mukha. Kinuha niya 'yong phone niya tapos kinuhanan niya ako ng picture. "Ang cute
mo dito oh." Pinakita niya sakin 'yong picture ko na para akong bata na may ice
cream sa mukha. Ang pangit ko don dahil nakasimangot ako. "Gagawin ko 'tong
wallpaper ng phone ko."
"Wag! Ang pangit ko dyan!" Reklamo ko. "Akin na buburahin ko!"
"Ayoko nga," nilayo niya sakin 'yong phone niya. "Ang cute mo kaya dito." Natatawa
pa niyang sabi. Inaasar niya talaga ako eh.
"Hindi kaya! Akin na!" Lumapit ako sakanya para kunin 'yong phone niya pero ang
lakas ni Kean tapos nilagyan na naman niya ako ng ice cream sa mukha. "Kean!" Sigaw
ko. Wala na akong paki alam kahit madaming tao sa paligid. "Gusto mo ng ganyan ha?"
Pinahiran ko din siya ng ice cream sa mukha. Nagulat siya sa ginawa ko at buti na
lang naka ready agad 'yong phone ko at nakuhanan ko din siya ng picture. Mukha din
siyang bata dito at ang cute niya. "Gagawin ko din 'tong wallpaper ng phone ko."
Natatawa kong sabi.
"Aba gumaganti ang babe ko." Hinila niya ako palapit sakanya. "Pero masaya akong
makita yang mga ngiti mo na hindi pilit."
"Alam na alam mo kasi kung paano ako papangitiin."
"So hindi mo lang pala ako boyfriend, clown mo na din pala ako, ganon?" Nag pout pa
siya kaya natawa ako lalo. "Tss. Pagkatapos kitang pasiyahin, tatawanan mo pa ako.
Ang bad girl mo."
"Mukha ka kasing alien."
"Gwapong alien naman." Ngiti niya. 'Yong signature smile niya na para siyang alien,
'yong square smile niya. "Buti pumatol ka sa isang alien."
"Oo nga eh, anong spell ba ginamit mo sakin?"
"Spell ng pag-ibig." Natatawa niyang sabi. Lumapit siya sakin at inakbayan niya
ako. "Say cheese." Tinaas niya 'yong phone niya at nag picture kami.
Napangiti ako ng makita ko 'yon. Para kaming ewan sa picture pero kitang kita na
masaya kami. Isa 'to sa mga memorable na date namin.
Paglabas namin ng ice cream shop, nakita ko 'yong parents nila Jenelle na papasok
sa ice cream shop. Ano kayang gagawin nila don? Mag da-date ba sila? Sabagay mukha
pa naman bagets sila Tito Jeydon at Tita Candice.
"Iuuwi na kita, may gusto ka pa bang puntahan?" Tanong niya.
"Wala na, tara umuwi na tayo." Sambit ko.
Mahigpit lang akong nakayakap kay Kean mula sa likod habang nasa byahe kami. I
can't explain how happy I am when I'm with Kean. Madali niya akong napapasaya kahit
na down ako. Ang sarap kapag nasa ganitong klase ka ng relasyon, 'yong napapasaya
niyo 'yong isa't isa sa simpleng bagay lang.
Huminto si Kean sa tapat ng gate namin.
"Good night, babe. See you tomorrow," hinawakan niya 'yong mukha ko habang
nakatingin niya sa mata ko. Kinuha ng isang kamay niya 'yong kamay ko at nilagay
niya 'yon sa dibdib niya. "Sabi ng puso ko, mahal na mahal ka niya."
Ngumiti ako. Humakbang ako para makalapit sa mukha niya. Inangat ko ang paa ko para
mahalikan siya sa labi niya. "Mahal na mahal din kita, Kean."
Nagkatinginan kaming dalawa at kitang kita ko sa mata ni Kean 'yong pagmamahal niya
sakin. Sana nakikita niya din 'yon sa mga mata ko.
May narinig akong pagsara ng pinto ng kotse. Akala ko si Cloud pero hindi.
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

"Dana.."

Chapter 41: Settled

Keila's point of view.


"Dana.." Bulong ko. Ang lakas at ang bilis ng tibok ng puso ko. Nakatingin kasi
siya sa amin pareho ni Kean pero hindi ko mabasa kung anong nasa isip niya. Dahan
dahan siyang naglakad papalapit sa amin. "Dana, a-anong ginagawa mo dito?" Tanong
ko.
"Gusto sana kitang maka usap," sagot niya. "Okay lang ba? Hindi ba ako makakaabala
sa inyo ni Kean?" Tanong niya. Nagkatinginan kami ni Kean at ngumiti naman siya
sakin.
"Pauwi na din ako. Mabuti pa iwan ko na kayo," humarap sakin si Kean. "Bye, see you
tomorrow."
Hindi na gumawa ng sweet gestures si Kean bago siya tuluyang umalis. Siguro pareho
kami ng iniisip. Ayaw niya din na maging sweet sakin sa harap ni Dana dahil baka
masaktan lang namin siya at ayokong mangyari 'yon. Mahirap man pero ayoko ng
dagdagan pa ang galit sakin ng kapatid ko.
"Tara pasok ka sa loob." Alok ko.
"Ayoko na sana na makita pa ako ng Mama mo, so kung okay lang sa labas na lang tayo
mag usap?"
"Sige, walang problema sakin," Sagot ko. "Saan mo ba gustong pumunta?"
"Sa coffee shop na lang, ihahatid na lang kita pabalik dito." Ngumiti siya sakin na
nakakapagtaka. Gusto ko sanang isipin na baka hindi na siya galit sakin pero
imposible 'yon. Ayokong paasahin ang sarili ko. "Okay lang ba?" Tanong niya at
tumango ako.
Sumakay kami sa kotse niya at pumunta kami sa coffee shop malapit sa amin.
Actually, pwede ko na siyang lakarin na lang pauwi mamaya. Pagpasok namin sa loob,
tinanong agad ako ni Dana kung anong gusto kong inumin. Caramel macchiato ang
inorder ko at siya naman, espresso lang.
"I know this is a little bit awkward lalo na hindi maganda 'yong inasal ko nung
dinner natin but I just want to make things right," panimula niya. "I won't lie, I
still don't like you but I don't hate you anymore. I think that's still a positive
sign and maybe a good start, right?" Tanong niya. Kalmado na siya at tama siya wala
na akong makitang bakas ng galit sa mukha niya. Nakahinga ako ng maluwag dahil don.
"Dana, gusto ko lang naman magkaayos tayo kaya kahit ano gagawin ko.. wag lang si
Kean." Sambit ko. "Dana mahal na mahal ko kasi si Kean eh." Naisip ko na mas
mabuting alam niya din kung ano ba talaga ang nararamdaman ko para kay Kean. Baka
kahit papaano, maintindihan niya ako. "Sorry kung--"
"Don't say sorry, it's not your fault. Hindi mo naman kasi pwedeng pigilan ang puso
mo eh. Kung pwede lang 'yon sana matagal ko ng nakalimutan si Kean." Tumingin siya
sakin at ngumit ulit siya. Weird but I know it's a genuine smile. "Kinausap ako ni
Krystal, sinabi niya sakin na boyfriend mo na nga si Kean and na confirmed ko lang
'yon kanina nung nakita ko kayong magkasama."
Bigla akong nakaramdam ng inis sa sinabi ni Dana. Lahat na lang talaga gagawin ni
Krystal para masira ako at ang masama pa don, sa kapatid ko pa. Inuubos talaga niya
ang pasensya ko.
"Siniraan ka niya sakin pero hindi naman ako ganon kababaw para maniwala agad
sakanya. I know you're a good person. Ako lang naman talaga 'tong may problema eh.
Ako lang naman 'yong may issue dito," napabuntong hininga siya. "Ako 'yong dapat
mag sorry sa atin. Sorry Keila. Sorry for being mean to you. Hindi dapat ako
nagagalit sayo lalo na kapatid kita." Hinawakan niya ang kamay ko. Parang may
kuryente na dumaloy sa mga katawan ko dahil sa pagkakahawak niya. "I want to start
again. I want to know you more." Sambit niya at literal akong natigilan dahil
hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala na okay na kami. Okay na nga ba kami
"Si-sigurado ka ba dyan, Dana?"
"Walong taon pa lang ako, alam ko nang may dalawa akong kapatid kasi narinig ko
sila Daddy at mommy na nagtatalo tungkol don. Hindi nila alam na may alam na ako.
Kahit na anak kayo ni Daddy sa ibang babae, hindi ako nainis. Natuwa pa nga ako
tska na excite kasi magkakaroon na ako ng kasama at kalaro. Mahirap kasing maging
only child tapos babae pa ako. Sobrang higpit sakin ni Dad nung bata ako, wala nga
akong kaibigan non, nagkaroon lang ako nung high school na ako," Natigilan siya at
parang may inaalala siya. "Ngayon ko nga lang din na realized kung bakit okay na
okay lang kay Daddy na maging friends kami ni Cloud kasi nga kapatid ko siya.
Sayang lang nga, never kitang nakilala kasi nasa US ka non."
Buti pa si Cloud nakilala na niya si Dana nuon pa. Siguro kung nakilala ko siya ng
mas maaga, hindi magiging masama ang una naming pagkikita baka magkaibagan na din
kami ngayon.
"Sayang nga hindi kita nakilala nuon pa," sagot ko. "Pero pwede pa naman tayo mag
simula ulit, hindi ba? Hindi ko alam kung paano lalo ngayon na kami na ni Kean.
Alam ko na awkward sayo 'yon." Tumawa siya.
"Don't worry, wala na naman awkwardness sa aming dalawa ni Kean. I think naman,
nakapag move-on na ako but just give me some days. After non, I'll be asking you
out on a date, a sister date. Isn't that great?"
"I'm looking forward for that day." Masaya kong sabi. "Thank you Dana. Thank you
kasi you're making an effort para magkaayos tayo. I really want to be your sister."
Hinawakan ni Dana ang kamay ko. "Me too, I want to be your sister." Ngumiti siya sa
akin.
Pakiramdam ko lumulutang ako sa sobrang saya. Hindi ko akalain na magiging okay
kami. Ang sarap sa pakiramdam.
Nag kwentuhan kami tungkol sa hobbies and interest namin. Pakiramdam ko tuloy
kilang kilala ko na siya. May mga bagay din kaming pinagkakasunduan.
"You know what, napatunayan ko lalo na mabuti kang tao, Keila. I thought magiging
mean ka din sakin pero hindi. Inintindi mo ako at hindi ka nagalit sakin. Thank you
and I hope maging close pa tayo, ikaw ako at si Cloud." Hinawakan niya ulit ang
kamay ko. "Thank you for everything, sis."
Nakatingin lang ako sakanya at nakangiti. Masyado akong overwhelmed sa mga sinabi
niya lalo na nung tinawag niya akong sis. "Thank you din, Dana."
"It's getting late. Mabuti pa ihatid na kita as inyo. Tara?" Alok niya at tumango
ako.
Hinatid niya ako sa amin. Pagpasok ko sa loob nakita ko si Mama.
"Mukhang masaya ka," bungad niya sakin. "Anong meron, Keila Jin?"
"Ma, nag usap kami kanina ni Dana and okay na kami."
Tuwang tuwa si Mama at niyakap niya ako. "That's good. Masaya ako para sayo, anak."
"Masaya din po ako, Ma."
"Okay na ba siya sa sitwasyon niyo ni Kean?"
"Sabi naman niya, nakapag move on na siya at alam na niyang kami na ni Kean.
Humingi lang siya ng konting oras. Alam ko mahirap para sakanya ang lahat. Mahirap
makita ang lalaking minahal mo kasama ang kapatid mo."
Lumapit ulit sakin si Mama at niyakap niya ako. "Bata ka pa pero malawak na ang pag
intindi mo at you handle things with maturity. I'm so proud of you anak."
"Ganito ako kasi pinalaki niyo ako ng maayos. Kung ano ako ngayon dahil 'yon sayo
Ma." Niyakap ko din pabalik si Mama.
"Masaya ako na napalaki ko kayong dalawa ni Cloud ng mabuti. Kahit na lumaki kayo
sa isang broken family, naging mabuting anak pa din kayo sakin." Hindi na naiwasan
umiyak ni Mama at ganon din ako. Basta usapan tungkol sa pamilya, pareho kaming
emosyonal ni Mama. "I love you anak."
"I love you too, Ma."
--
Medyo late na akong nagising ngayon. Ang sarap kasi ng tulog ko. Siguro dahil
magaan na 'yong pakiramdam ko dahil sa nangyari sa amin ni Dana. Hindi pa din ako
makapaniwala hanggang ngayon pero masaya ako.
"Sinabi na sakin ni Mama ang nangyari," Biglang singit ni Clous. Napahawak ako sa
dibdib ko sa gulat. "Masaya ako na okay na kayo ni Dana." Sambit niya at umupo siya
sa tabi ko.
"Masaya din ako Cloud."
"Andyan na si Kean sa baba kaya mabuti pa maghanda ka na." Napatayo agad ako. Ang
aga naman ni Kean? "Pinapasok na siya ni Mama at kumakain na siya sa baba."
Naligo agad ako at nagbihis pagkababa ko, nakita ko si Kean na nakatingin at
nakangiti sakin. Biglang nag init 'yong pisngi ko.
"Good Morning babe." Bati niya.
"Ang aga mo naman?"
"Late ka lang nagising. Mag start na nga 'yong klase natin eh." Tinignan ko 'yong
relos ko at thirty minutes na lang mag start na 'yong class namin. "Kumain ka na
muna."
"Hindi na, magbabaon na lang ako," kumuha ako ng sandwich at binalot ko na lang
siya sa plastic. Nag paalam kami kay Mama at hinila ko na si Kean palabas.
Nauna nang umalis si Cloud kaya wala na 'yong kotse niya. Siguro naiilang pa din
siya na kasama si Kean kaya umalis siya agad. Alam kong okay na siya sa relasyon
namin ni Kean pero hindi ko alam kung pati kay Kean, okay na din siya. Sana..
"Kamusta 'yong pag uusap niyo kagabi?" Tanong ni Kean nung makadating kami sa
school. "Maayos naman ba?" Kinuha niya ang bag ko at hinawakan niya ang kamay ko.
Medyo nagulat pa ako sa ginawa niya kasi hindi ako sanay na ginagawa niya 'to.
"Girlfriend kita at responsibilidad ko na dalhin 'tong bag mo at ang alalayan ka."
"Hindi na naman ako bata noh tska paano pag aalalay ang paghawak sa kamay ko?" Pang
aasar ko.
Mas hinigpitan pa niya ang paghawak sa kamay ko. "Gusto ko kasi palagi ka lang nasa
tabi ko at gusto kong ipakita sa lahat na sakin ka lang. Gusto kong maging selfish
pag dating sayo." Nag init na naman 'yong mga pisngi ko at alam ko na namumula ako.
Cliche man pero kinikilig pa din ako sa mga sinasabi ni Kean. Siguro kasi alam mong
totoo 'yong mag sinasabi niya, alam mong galing sa puso.
"Sayo lang ako, Kean." Sagot ko.
Huminto siya sa paglalakad kaya napahinto din ako. Lumapit siya sakin at nagulat
ako ng yakapin niya ako. Lahat ng tao sa paligid namin sa amin lang nakatingin pero
parang walang paki alam si Kean kahit na madaming tao. "Mahal na mahal kita,
Keila."
"Yieeee!" Sigaw ng mga tao sa paligid namin. Psh. Mga tsismosa. "Sweet nila oh!"
Pang aasar pa nila. "Nilalanggam na kayo!"
"Mahal na mahal din kita, Kean." Sagot ko.
Hinarap niya ako pagkatapos hinalikan niya ako sa noo ko. Ginawa niya lahat ng yan
sa harap ng madaming tao. Syempre natuwa ako kasi kaya niyang ipagsigawan sa lahat
na mahal niya ako at proud siya sakin.
"Besty!" Sigaw ni Jenelle. "Ang aga aga ang sweet niyo ha." Pang aasar niya.
"Si Kean kasi eh." Sagot ko.
"Masanay ka na, Jenelle." Singit ni Kean. "Hindi mo ba kasama si Marion?"
"Hindi eh, lately umiiwas siya sakin. Hindi ko naman alam kung bakit pero okay lang
naman, may nakakasama naman ako. Ikaw kasi Kean eh, busy na si Keila dahil sayo
ayan tuloy hindi na kami palaging magkasama." Pagmamaktol niya. Mukhang bata si
Jenelle pero nakakatuwa siya dahil napaka inosente niya. "Sige na, pasok na ako.
See you later!"
Dumiretso na din kami ni Kean sa room namin. Wala si Krystal at si Dwayne. Sa
monday na nga pala kami pupunta sa bahay nila para sa project. Bahala na. Kahit
awkward, kasama ko naman si Kean.
Habang nag di-discuss 'yong professor namin, hawak hawak lang ni Kean 'yong kamay
ko. Minsan nakatingin siya sakin pero hindi ko magawang tignan siya pabalik kasi
for sure, matutunawa ako sa mga tingin niya.
Pagkatapos ng tatlong class namin, sinamahan ako ni Kean papunta sa gym para sa
practice namin. Nakaupo lang kaming dalawa sa bleachers habang hihinitay sila
Dwayne.
"Keila, may gusto sana akong sabihin sayo," biglang sambi ni Kean. Malakas ang
pakiramdam ko na tungkol sa narinig ko kahapon kala Krystal ang sasabihin niya
sakin. "Kasi babe--" naputol ang sasabihin niya ng dumating sila Dwayne.
"Keila, anong ginagawa niya dito?" Inis na tanong ni Dwayne. "You can't have any
distractions." Gusto kong mainis sa inaasal ni Dwayne pero kinalma ko ang sarili
ko. Aalis din naman si Kean dahil may work siya sa mamaya coffee shop.
"Babe, sige na pumunta ka na sa work. Magpapasundo na lang ako kay Cloud mamaya."
Ngumiti ako sakanya kahit na halatang naiinis din siya kay Dwayne. "Dadaanan na
lang kita mamaya, okay?"
"Sige babe, see you later." Lumapit siya sa akin at hinalikan niya ako sa noo ko.
"I love you, Keila Jin." Sambit niya at umalis na siya.
"Okay na ba?" Sarkastiko kong tanong kay Dwayne. "Sana 'yong no distraction policy
na yan, nag a-apply sa lahat, hindi lang sakin." Pagtataray ko.
Hindi ko na hinintay 'yong nagiging reaksyon niya. Pumunta na ako sa gitna. I don't
have time to argue with Dwayne, useless lang naman dahil alam ko na hindi siya
nagpapatalo sa lahat ng bagay.
Nag start na kami ng practice. As much as possible iniiwasan kong kausapin si
Dwayne kaya kay Trevor ako palaging nakadikit. Buti na lang at na gets agad ni
Trevor ang sitwasyon ko kaya palagi siyang namamagitan samin ni Dwayne.
"Thank you guys, konting araw na lang finals na. Let's do our best para tayo ang
mag champion. Last chance na 'to dahil graduating na tayo lahat kaya dapat manalo
tayo. I'll give you some rest kaya we'll resume the practice after three days."
Sambit ni Dwayne.
Bumalik ako sa bleachers para kunin ang gamit ko. Magpapasundo na lang ako kay
Cloud or baka mag taxi na lang ako papunta sa coffee shop.
"Hey buddy, gusto mo sumabay ka na sakin?" Alok ni Trevor. "Si Elline lang naman
ang kasama ko."
"Wag na okay lang, papasundo na lang ako kay Cloud."
"Okay, ingat ka," sambit niya pagkatapos lumingon siya sa likod ko. "Una na ako
Dwayne! See you tomorrow!"
Naiwan kami ni Dwayne sa gym pero hindi ko na din siya kinausap. Parang gusto niya
akong kausapin pero nilagpasan niya lang ako at tuluyan na siyang umalis.
Hindi na ako nag pasundo kay Cloud dahil baka busy siya, sa pagkakaalam ko todo
practice na sila para sa finals ng music laban.
Nag taxi na lang ako papunta sa coffee shop kaso napaaga ata ako masyado kasi wala
pa si Kean don. One hour pa pala bago 'yong shift niya pero nag decide na din ako
na mag stay na lang dito at hintayin siya.
Habang nakaupo ako at nag hihintay, may isang babae na lumapit sa akin. "Hi, ikaw
ba 'yong girlfriend ni Kean?" Tanong niya.
"Oo, bakit?"
"I just want to have some talk with you." Sambit niya. "I'm Carla by the way.
Handler sa Polaris Entertainment."

Chapter 42: Contract

Keila's point of view

"Anong kailangan mo sakin?" Deretso kong tanong. Umupo siya sa harap ko. "Anong pag
uusapan natin?" Ngumiti siya habang nakatingin sakin. Sa mukha niya mukhang mas
matanda lang siya ng tatlong taon sakin.
"Keila, may utang na two hundred thousand sa Polaris si Kean. Let's be honest,
hindi kayang bayaran ni Kean 'yong ganon kalaking halaga, idagdag mo pa 'yong
gastos niya sa kapatid niya," panimula niya. Hindi ko gusto kung saan man papunta
ang usapan na 'to. "Alam mo naman siguro na may sakit ang kapatid ni Kean at
kailangan niya ng malaking pera."
Hindi ko maiwasan na mainis sakanya dahil sa pagdamay niya kay Hailey sa usapan.
"Pwede bang deretsohin mo na lang ako? Ano ba talaga ang kailangan mo sakin?"
Ngumisi siya sakin na mas nagpainis sakin lalo. "I want you to break up with Kean."
Natigilan ako sa sinabi niya. Gusto niyang makipag hiwalay ako kay Kean? Natawa
tuloy ako. "Ano yan joke?"
"Seryoso ako Keila. Gusto kitang kausapin para makipaghiwalay kay Kean." Nagbago na
'yong itsura niya. Nawala na ang mga ngisi niya at napaka seryoso na niya. "Gustong
kunin ng Polaris si Kean bilang new artist nito. We already have the contract at
pirma na lang ang kailangan ni Kean. The contract is worth one million pesos at sa
amount na 'yon, bayad na si Kean sa utang niya sa amin at magkakaroon pa siya ng
pera para sa pagpapagamot ng kapatid niya. Magiging artista si Kean at mas madami
pa siyang kikitaing pera. Keila, this is a big opportunity for Kean." Isang minuto
ko din prinoseso sa utak ko ang mga sinabi niya. Tama siya, malaking opportunity
'to para kay Kean at nakakapanghinayang kung hindi niya 'to kukunin.
Sandali, anong kinalaman nito sakin? Bakit ko kailangang makipaghiwalay kay Kean?
Tumaas ang kilay ko. "Hindi ko pa din maintindihan." Sambit ko.
"Keila, kailangan single si Kean kapag pinirmahan niya ang contract na 'to. That's
the reason why I'm asking you to break up with him."
"Why? Anong kinalaman ng relasyon namin sa contract na yan?"
"First, he can't have any distractions and we're considering you as one of it.
Second, we will pair him with another artist. Magkakaroon si Kean ng love team,
that's how the industry work nowadays. Kailangan may love team ka para mas mabilis
ka sumikat. And people will not route for the love team kung merong ka relasyon si
Kean. Did you get it?"
Hindi agad ako nakapagsalita. Tama naman si Carla, hindi pwedeng magkaroon ng
distractions si Kean at lalo na sa love team nila. Naiintindihan ko na kung bakit
gusto niyang makipag hiwalay ako kay Kean. "I get you point, Carla."
"Good, hindi ka naman pala mahirap kausap." Nakangiti niyang sabi. "So, are you
breaking up with him?"
"No." Seryoso kong sabi. "Hindi ko basta basta isusuko ang relasyon namin ni Kean.
We can hide out relationship, hindi naman mahirap 'yon. Pipilitin kong wag maging
distraction kay Kean."
"You still don't know this industry, Keila. Walang nakakalusot sa media. Malalaman
at malalaman nila ang tungkol sa inyo ni Kean. Trust me on that. At kapag nalaman
ng tao na may girlfriend pala si Kean, i ro-route pa ba nila si Kean at 'yong ka
love team niya? Hindi na. Lalabas pang sinungaling si Kean and people don't like
that. That will be the end of his career. And we will not invest a large amount of
money para lang sa wala. At the end of the day it's still business. Kailangan namin
makasigurado na babalik samin 'yong pera na nilabas namin."
Hindi ako nakasagot. I get her point. Tama naman siya eh, mas maganda kung single
si Kean kung papasok siya sa showbiz. Mas madaming opportunity sakanya at wala
siyang kahit anong distractions pero.. hindi ko kayang iwan si Kean. Mahal na mahal
ko siya at ayokong maghiwalay kami. Sa puntong 'yon hindi ko na alam kung ano bang
dapat kong gawin.
"Carla?" Inangat ko ang ulo ko at nakita ko si Kean sa tabi ko. "Anong ginagawa mo
dito? Bakit mo kinakausap si Keila?" Dinig ko sa boses ni Kean 'yong pagkainis
niya.
"Kinakamusta ko lang siya," sagot ko Carla. Tumayo siya at nag bow sa amin. "Mauuna
na ako." Umalis siya agad pero iniwan niya sakin 'yong calling card niya
Umupo sa harap ko si Kean. Mukhang nag aalala siya. "Babe, anong sinabi niya sayo?"
Tanong niya.
"Sinabi na niya sakin ang lahat," Pinilit kong ngumiti para ipakitang hindi ako
galit. Hindi naman talaga ako galit kay Kean, nalukungkot lang ako. "Ang daya mo
ah, bakit hindi mo man lang sakin sinabi?"
"Sorry babe," hinawakan niya ang kamay ko habang nakatingin siya sakin. "Sasabihin
ko na dapat sayo kanina pero dumating si Dwayne. Sa totoo lang ayoko na din naman
sabihin sayo kasi hindi din naman ako interesado sa offer nila."
"Kean, sa totoo lang malaking opportunity 'yon sayo at isa pa paano 'yong utang mo
sakanila? Tska malaking tulong sana yon sa pagpapagamot kay Hailey," hindi ko na
naitago sakanya 'yong pagkalungkot ko. "Pero kapalit non, kailangan natin
maghiwalay.."
Biglang humigpit ang pagkakahawak sakin ni Kean. "Hinding hindi kita isusuko. Kahit
mahirapan ako ng sobra para lang makapag bayad sa utang ko at para makaipon sa
pagpapagamot ni Hailey, ayos lang basta hindi kita iiwan."
Hindi ko mapigilan na maiyak. Siguro sobrang touched lang ako sa mga sinabi ni
Kean. Kahit ano palang mangyari, hindi niya ako kayang iwan. Ako din, hindi ko
kayang iwan siya pero ayoko siyang mahirapan.
"Tignan mo ako," sambit niya habang pinupunasan niya ang luha sa mata ko. Tumingin
ako sa mata niya na puno ng pag aalala. "Papayag ka ba na maghiwalay tayo?" Hindi
ako nakapagsalita agad kahit na alam ko naman kung anong isasagot sakanya. "Keila,
mahal mo ba ako?"
"Mahal na mahal kita Kean.. ayoko din iwan ka, gusto kitang ipaglaban pero alam
mong ayokong nahihirapan ka."
"Babe, may music laban pa at malaking pera 'yong pwede namin mapanalunan don kaya
wag ka na mag alala," umiwas siya ng tingin sakin. "Kung matalo man kami, hahanap
na lang ako ng ibang paraan basta wag lang ang iwan ka.. okay?"
"Ayoko din na magkahiwalay tayo.. Kean." Tumayo siya at hinila niya ako palabas ng
coffee shop. Pumunta kami sa likod sa parking at pumunta kami sa motor niya. "Anong
ginagawa natin dito?"
Hindi siya nagsalita pero niyakap lang niya ako ng mahigpit. "Hindi kasi kita
pwedeng yakapin sa loob kasi makikita ako ng manager namin kaya dito na lang.
Kanina pa kita gustong yakapin." Mas lalong humigpit 'yong pagkakayakap niya sakin.
"Pangako, kahit anong mangyari, hindi kita iiwan. Ikaw din babe, wag mo akong iwan
ha?" Hinarap niya ako at tinitigan na naman niya ako sa mga mata ko. "Mangako ka
sakin."
"Pangako, hindi kita iiwan Kean."
Hinawakan niya ang mukha ko at unti unti siyang lumapit sakin. Pinikit ko ang mata
ko at naramdaman ko ang labi niya. Madaming beses na akong hinalikan ni Kean pero
hindi nawawala 'yong kaba sa tuwing hinahalikan niya ako. 'Yong bilis at lakas ng
tibok ng puso ko. Kung may hiling man ako 'yon ay sana wag nang matapos 'to.
--
"Keila, gising na."
Unti unti kong minulat ang mata ko. Mukha ni Cloud 'yong una kong nakita. Minsan
para akong nananalamin kapag nakatitig ako sakanya. "Good morning kambal."
"Alam mo ba kung anong oras na?" Tanong niya at as usual ang sungit ng mukha niya.
"Tanghali na kaya gumising ka na dyan."
"Wala naman pasok ngayon kaya okay lang kahit tanghali na ako magising."
Pagmamaktol ko. "Aalis ka ba?"
"Aalis tayo." Poker face niyang sabi. "Mag ready ka na, okay?"
Hindi pa ako nakakapagsalita, umalis na agad siya. Psh. Paano kung ayokong sumama
sakanya? May choice ba ako? Minsan tingin ko mas matanda sakin si Cloud kasi kung
umasta siya para ko siyang Kuya eh sa totoo naman, ako 'yong unang nilabas ni Mama.
Naligo ako at nagbihis. Nasa sala si Mama kasama 'yong tita ko. Binati ko sila
pagkatapos kumain ako ng almusal. Tinatamad talaga akong umalis ngayon, pakiramdam
ko kasi kulang na kulang na ako sa tulog kaya gusto kong bumawi ngayon. Sinabi ko
na din 'yon kay Kean kaya sabi ko sakanya, mamaya na lang kami magkita.
"Keila, come on." Utos ni Cloud.
Tinapos ko ang kinakain ko at sabay kaming nagpaalam ni Cloud kay Mama at kay Tita
Faye.
"Ano ba kasing gagawin natin at saan tayo pupunta?" Tanong ko ng makaalis na kami
sa bahay. Sinama sama niya ako dito, at least sabihin man lang niya sakin saan ba
kami pupunta. Wala na din naman akong choice eh. Meron ba?
"Magpapatulong ako sayo." Sagot niya.
"Magpatulong saan?"
"Bumili ng mga damit pambabae." Tumaas bigla 'yong kilay ko tapos napatingin ako
kay Cloud. "Don't give me that look, Keila Jin."
"Para kanino yan?" At the back of my mind, gustong gusto kong marinig ang pangalan
ni Jenelle. "Sabi ko na eh, may love life ka na." Pang uusisa ko pa.
Napabuntong hininga siya. "Fine, I'll tell you about it but don't tease me, okay?"
Biglang bumilis 'yong tibok ng puso ko. Naisip ko agad si Jenelle. Ang lakas ng
feeling ko na siya nga. "I'm courting someone."
"Sino?" Excited kong sabi. "Dali na, sino?"
"Her name is--" naputol ko na 'yong sasabihin niya sa sobrang excitement na
nararamdaman ko.
"Sabi ko na eh! Una pa lang alam kong bagay na kayo ni Jenelle! Grabe ang saya ko."
Halos mapunit na 'yong labi ko dahil sa ngiti ko. Nakatingin lang ako kay Cloud
pero bigla siyang natahimik at nakatingin lang siya sa harap, halatang iniwasan
niya ako ng tingin. "Anong problema?"
"Her name is Julienne, not Jenelle."
Natahimik ako. May kung anong kumurot sa puso ko. Ever since na aminin sakin ni
Jenelle na may gusto siya kay Cloud, siya na 'yong babaeng gusto para sa kapatid ko
kahit na alam kong hindi katulad ni Jenelle 'yong mga tipo niya. How I wish it was
Jenelle.
"Ah, ganon ba?" Ayokong ipakita kay Cloud 'yong disappointment sa mukha ko pero
hindi ko kayang itago. Ngumiti ka lang ako kahit na pilit. "Taga saan naman siya?"
"She's a movie actress," napanganga ako. Kilala ko siya dahil sikat siya pero hindi
ko akalain na magugustuhan siya ni Cloud, well may mga qualities siya kagaya kay
Fiona. Tinignan ko si Cloud at nakangiti siya. "She's so hard to reach but I still
like her.. so much."
Nasaktan na naman ako for Jenelle. Strike two. Hindi ko alam pero nawawalan na ako
ng pag-asa para sakanila pero at the end of the day, ang mahalaga pa din naman
sakin ay kung saan sasaya si Cloud. Siguro hindi lang talaga meant to be si Cloud
at si Jenelle.
"Kaya ba todo effort ka for her?" Tanong ko, still trying to hide my
disappointments. "I know her and you're right, she's so hard to reach. Are you sure
about this? Baka sa huli masaktan ka lang."
"Kung totoo 'yong feelings mo, masasaktan at masasaktan ka talaga," sambit niya.
"I'm willing to take the risk for her." Mukhang desido talaga siya. Hindi ko pa
siya nakitang ganito ka pursigido sa isang babae, kay Fiona siguro pero hindi
ganitong mag ta-take siya ng risk.
"Kung saan ka masaya Cloud, susuportahan kita," kahit na si Jenelle ang gusto ko
para sayo, bulong ko sa isip ko. "Katulad mo, ayoko lang na makita kang
nasasaktan."
"I know, twin." Ngumiti ulit siya. Mukhang masaya talaga siya. In love na kaya
siya? Tska lately palagi na niya akong tinatawag na twin. Ganya siya kapag masaya
talaga siya or in love. "Kung ano man ang mangyari, masaktan man ako, hindi ako
magsisisi kasi I know she's worth the pain. In time, makikilala mo din siya."
"Kung magiging girlfriend mo man siya, kailangan ko talaga siyang makilala noh.
Kilala ko naman ang taste mo at alam kong magugustuhan ko siya, right?" Ginulo niya
ang buhok ko.
"Yes, I know you will." Ngumiti siya ulit sakin. Nakakapanibago na palagi na siyang
ngumingiti, eh dati parang once in a blue moon lang siya ngumiti. "Tara?"
Dumiretso kami sa mall tapos hinila ko si Cloud sa boutique ng Mommy ni Trevor.
Maganda 'yong mga damit don tska palagi akong may discount kapag nandon si Tita
Tiffany.
Pagpasok na pagpasok pa lang namin ni Cloud, bumungad na samin si Tita Tiffany.
"Keila!"
"Hi Tita, good day po." Niyakap niya agad ako. Halos lahat ata ng ka-close ni
Trevor close din ata ni Tita. "Si Cloud po, kakambal ko."
"Yes kilala ko siya, napakilala na siya sakin dati ni Trevy. Anong klaseng dress ba
bibilhin mo? And for what occasion?"
"Hindi po para sakin, para po sana sa isang movie actress, if you know Julienne
Sy?"
"Oh yes! Suki ko siya dito sa shop. I've heard malapit na 'yong birthday niya. Is
that your gift?" Tumango na lang ako. Feeling ko kasi hindi pa komportable si Cloud
na i open 'yong panliligaw niya kay Julienne sa iba. "May dress siyang gustong
gusto eh and good thing last piece na siya so hindi na ma dodoble. Medyo pricey nga
lang. Do you want to see?"
Sumunod kami ni Cloud kay Tita. Isang tight red dress siya na puno ng Swarovski sa
upper part ng dress. Ang ganda niya kaso mahal lang. Binili pa din namin siya ni
Cloud, syempre pera niya although kuripot siya still binili pa din niya. Curious na
tuloy ako sa Julienne na 'yon. Gusto ko na siyang makilala.
"Thank you for your help, Keila." Sambit ni Cloud. "Ano, iuuwi na ba kita or
idadaan kita kala Kean?" Tanong niya.
"May practice sila Kean ngayon eh so bukas na lang kami magkikita. Okay na din na
hindi kami araw araw magkita para naman ma miss ko siya." Masaya kong sabi pero
naka poker face na si Cloud. "What's with the face?" Tanong ko.
"Nothing, hindi lang ako sanay. Kung saan ka masaya, hindi na kita pipigilan,"
dumiretso kami sa kotse niya pero hanggang don poker face pa din siya. "Sana naman
hindi lang si Kean ang suportahan mo sa Music Laban, remember kasali din ang banda
ko don."
Muntik ko na makalimutan. Magkalaban pa pala sila ni Kean. Syempre pareho ko silang
susuportahan pero this time mas i ro-route ko sila Kean para manalo, hindi dahil
mas matimbang si Kean sa puso ko, dahil may mas malalim akong dahilan.
Ang pagkapanalo nila Kean sa Music Laban ang tanging dahilan para hindi niya
pirmahan 'yong contract. Kung matatalo man sila, hindi lang si Kean ang mahihirapan
dahil for sure pati ako sobrang maaapektuhan, ayokong iwan niya ako pero sa totoo
lang.. mas pipiliin ko na wag siyang mahirapan.
Ganon ko siya kamahal..

Chapter 43: Why?

Keila's point of view.

Maaga akong nagising ngayon. Mag jo-jogging kami ngayon ni Mama. Matagal na din
kaming hindi nakakapag bonding na dalawa. Busy siya sa business namin at ako naman
naging pre-occupied kay Kean. Ever since si Mama na 'yong naging kasangga ko sa
lahat, siya at si Cloud pero syempre mas malapit pa din ako kay Mama. Alam niya
lahat tungkol sakin dahil never ako naglihim sakanya. Siya ang pinaka
pinagkakatiwalaan kong tao dahil alam ko kung may taong hindi ako kayang saktan,
siya 'yon. Kahit kailan nga daw, hindi kayang tiisin ng magulang ang anak nila.
"Upo muna tayo, nak." Pag aaya ni Mama. Umupo kami sa bench sa park. "Nakakapagod,
ang tagal ko na kasing walang exercise." Punong puno na nga ng pawis ang katawan ni
Mama. Inabutan ko siya ng towel.
"Ma, tungkol sa contract na inalok ni Kean," panimula ko. Paulit ulit siyang
tumatakbo sa isip ko at alam kong si Mama ang higit na makakatulog sakin. "Tingin
mo ba, dapat niyang tanggapin 'yon?"
"Sa totoo lang anak, malaking opportunity na 'yon para kay Kean. Kaya nga lang may
kapalit at ang mahirap don, ikaw ang kapalit ng contract na 'yon," hinawakan ni
Mama ang kamay ko. "Alam ko kung gaano ka kamahal ni Kean, nakikita ko 'yon. Alam
ko din na hindi siya papayag na iwan ka dahil sa contract, hahanap at hahanap siya
ng paraan para lang hindi ka niya i-give up. Ngayon pa lang anak, pinaglalaban ka
na ni Kean dahil kung tutuusin, pwedeng pwede naman niya pirmahan 'yong contract at
tapos lahat ng problema niya pero hindi niya ginagawa dahil mahal ka niya at ayaw
niyang maghiwalay kayo."
"Alam ko po 'yon Mama pero nasasaktan kasi ako tuwing nakikita ko si Kean na
nahihirapan at ang mas masakit don wala man lang akong magawa." Tumulo na lang
bigla ang mga luha sa mata ko. Ayokong umiyak sa harap ni Mama dahil ayoko siyang
mag alala sakin pero hindi ko na napigilan. "Naguguluhan talaga ako Mama."
"Anak, kung kaya mong ipaglaban si Kean, ipaglaban mo siya dahil ayokong magsisi ka
sa huli katulad ng nangyari sa akin, hindi ko pinaglaban ang Papa mo at nagsisi ako
ng sobra dahil don. Ayokong mangyari 'yon sayo. He's fighting for you so you should
do the same thing." Niyakap ako ni Mama.
Masaya ako na close kami ni Mama. Masaya ako kasi siya 'yong naging Mama ko.
Pagkauwi namin sa bahay, naligo ka agad ako at kumain. Maagang umalis si Cloud.
Todo practice na sila para sa music laban, naisip ko tuloy si Kean. Paano sila
makakapag practice kung nag wo-work at nag aaral siya.
"Keila, nasa labas si Kean. Pinapapasok ko siya pero ayaw niya. Hihintayin ka na
lang daw niya sa labas." Napatayo ako sa kinakaupuan ko dahil sa sinabi ni Mama.
"Sige na anak, pumasok ka na."
"See you later Ma! I love you!" Sigaw ko.
Lumabas agad ako ng gate at nakita ko si Kean na nakasandal sa motor niya. Ang alam
ko may shift pa siya ngayon at maya maya pa siya matatapos kaya nga hindi ko
inaasahan na nandito siya.
"Hi babe, good morning." Bati niya.
"Bakit nandito ka?" Tanong ko.
Nag pout si Kean. "Ayaw mo ba akong makita? Hindi mo man lang ba ako na-miss,
babe?" Para siyang bata. Lumapit ako sakanya pagkatapos kinurot ko 'yong pisngi
niya. "Mashaket babe."
"Ang cute mo kasi babe para kang bata," natatawa kong sabi. "Akala ko kasi nasa
work ka pa kaya nagulat ako na nandito ka."
"Malapit na kasi 'yong finals ng music laban kaya nag part time na lang ako sa
coffee shop, four hours na lang ako mag wo-work don para makapag pratice kami ng
bandmates ko." Napangiti ako sa sinabi ni Kean. Masaya ako na hindi niya inaabuso
'yong sarili niya. "Tara na?"
Dumiretso na agad kami sa school. Pagdating namin don, sinalubong kami ni Jenelle.
Mukhang malungkot siya. Bakit kaya?
"Hi Kean, hi Besty!" Bati niya pero hindi pa din matago sa mukha niya 'yong
lungkot. Alam na kaya niya 'yong tungkol sa panliligaw ni Cloud kay Julianne? "Sabi
ni Kuya pupunta daw kayo mamaya sa bahay?"
"Oo besty, gagawa kami ng project." Sagot ko. Humarap ako kay Kean. "Babe, mauna ka
na sa classroom. Kakausapin ko lang si Jenelle sandali." Ngumit siya at nagpaalam
samin. Hinarap ko si Jenelle at hinila ko siya papunta sa bench katabi ng soccer
field. "May problema ka ba?"
Bigla na lang siyang umiyak tapos niyakap niya ako. Alam na niya nga siguro 'yong
tungkol kay Cloud at kay Julianne.
"Besty.. ang sakit sakit kasi eh," hindi pa din siya tumitigil sa pag iyak kaya
niyakap ko na lang siya ng mahigpit. "Nag tapat na ako ng feelings kay Cloud kagabi
pero sabi niya never daw niya akong magugustuhan." Iyak pa din siya ng iyak. Ramdam
mo na nasasaktan talaga siya ng sobra. Ganon niya kagusto si Cloud.
"Jenelle, kalimutan mo na kasi si Cloud. Madami pa naman iba dyan eh. Maganda ka at
hindi ka dapat umiiyak dahil sa isang lalaki. Sambit ko. Sakto naman dumating si
Marion.
"Jenelle," sambit niya. "Itigil mo na yang pag iyak mo. Hindi worth it si Cloud
para sa mga luha mo." Lumapit siya samin at tumabi siya kay Jenelle. Kung alam lang
sana niya kung gaano siya kagusto ni Marion.
"Akala ko ba ayaw mo akong kausapin ha, Marion? Why are talking to me now?"
Pagtataray ni Jenelle. "Akala ko pa naman best friend kita pero hindi pala, iniwan
mo lang ako sa ere." Pagmamaktol pa niya.
"May dahilan ako, Jenelle. Sorry na. Kung ano man 'yon, wala na 'yon at nandito na
ako para sayo. Kaya sige na, tumahan ka na."
"Ganon ganon na lang 'yon ha?" Pagtataray naman niya ngayon. "Sorry lang sasabihin
mo?"
"Ano pa ba 'yong gusto mo? Ililibre na lang kita ng ice cream. Tara na, papasukin
mo na si Keila baka ma late pa siya."
"Sige na nga," sambit ni Jenelle. Humarap siya sakin at niyakap niya ulit ako. "Bye
besty! See you later sa bahay!"
Umalis na sila ni Marion at ako naman pumunta na sa room namin. Pagpasok ko pa lang
ang sama na ng tingin sakin ni Krystal. Ano pa bang bago? Si Dwayne naman busy sa
phone niya. Si Kean, ayon nakatingin sakin. Naging conscious tuloy ako bigla.
Nakakatunaw 'yong mga tingin niya.
"May dumi ba sa mukha ko?" Tanong ko nang makaupo ako sa tabi niya.
"Wala naman." Sagot niya.
"Eh bakit ganon ka tumingin sakin?"
"Gusto lang kitang tignan," Nakangiti niyang sabi sakin. Hinawakan niya ang kamay
ko. "Kahit kailan hindi ako mag sasawang tignan ka." Napalunok na lang ako dahil sa
mga titig ni Kean. Ang bilis tuloy ng tibok ng puso ko. Buti na nga lang dumating
'yong professor namin kung hindi natunaw na ako sa mga tingin niya.
After ng dalawang class namin, pinuntahan kami ni Krystal at Dwayne.
"Alam mo naman 'yong bahay ni Dwayne 'di ba? Sumunod na lang kayo." Sambit ni
Krystal. "Come on Dwayne." Tinignan lang kami ni Dwayne at hindi na siya nagsalita
pa.
Sumunod kami ni Kean sakanila. Pagpasok namin sa bahay nila Dwayne, sinalubong agad
kami ni Tita Candice. "Hi Keila!" Bati niya sabay yakap sakin. "I miss you, ang
tagal mo ng hindi pumupunta dito." Ngumiti siya sakin pero nung nakita niya si
Kean, gulag na gulat siya. "Kean? Nandito ka ba talaga?" Nagtataka pa niyang
tanong.
"Mom, we have a project that's why he'a here. Please don't ask him anything,"
Masungit na sabi ni Dwayne. "Duon tayo sa taas." Tumalikod siya at agad na umakyat
sa taas.
"Sorry ha, bad mood ata ang Dwaynie ko. Kean sana makapag usap tayo ulit sa ibang
araw," Sambit ni Tita Candice. "Sige, umakyat na kayo sa taas."
Hindi na pinansin ni Tita si Krystal kaya tuloy ang sama ng tingin niya sakin.
Hindi ko siya papatulan lalo na nasa ibang bahay kami. Iisipin ko na lang para sa
project to. Ayoko na din naman ng gulo dahil madami na din akong problema at ayoko
nang dagdagan 'yon.
Lahat kami Bachelor in Communications. Kailangan namin gumawa ng cinematography. Si
Dwayne at Krystal nasa computer at kami ni Kean nasa laptop ko. Kung pwede nga lang
sana na gawin 'to na hindi na kailangan mag sama pa kami pero hindi pwede. Mas
unified kasi kapag sabay namin gagawin para mas mabilis at hindi magulo. Sa Friday
na din naman ipapasa 'to.
"Dwayne?" Lumingon ako sa pintuan at nakita ko si Tita Candice na may dala dalang
tray na puno ng pagkain. "Kanina pa kayo dyan, kumain muna kayo."
Nag break muna kami at kumain. Kitang kita ko sa mata ni Tita Candice na gusto
niyang makausap si Kean. Dating mag best friend si Dwayne at Kean kaya hindi
imposibleng palaging nandito si Kean. Kaya lang nga matagal na silang friendship
over. Kaya din siguro nagulat si Tita Candice na makita siya ulit dito.
Nag ring ang cellphone ni Kean. "Hello pre? Hindi pa kami tapos dito, pasesya na.
Hahabol ako sa inyo. Sorry talaga." Binaba niya 'yong phone at nagulat siya ng
makita niyang nakatingin ako sakanya.
"Mga ka banda mo ba 'yon?" Tanong ko. Tumango si Kean at ngumiti ng bahagya. "Gusto
mo mauna ka na, kaya ko na naman tapusin 'yong part natin." Sambit ko.
"Babe, hindi kita iiwan dito. Hahabol na lang ako sakanila mamaya, okay?"
"Kean, mamaya pa tayo matatapos. Nag hihintay sila sayo at alam ko konti na lang
ang time niyo para mag practice kaya sige na, puntahan mo na sila." Hinawakan ko
ang kamay niya at ngumiti ako para na din ma assure siya. "Wag kang mag alala, wala
naman mangyayari sakin."
"Sigurado ka ba talaga babe?"
"Oo, magpapasundo na lang ako kay Cloud mamaya. Sige na babe, puntahan mo na 'yong
mga kabanda mo." Sambit ko.
"Thank you babe."
Nagpaalam si Kean kala Dwayne at pumayag naman sila na mauna na siya. Bumalik kami
sa taas para tapusin 'yong project. Inabot na kami ng gabi sa kakagawa pero natapos
naman namin bago mag 8 ng gabi. Hindi kami agad pinauwi ni Tita Candice. Pinakain
muna niya kami ng dinner. Hanggang ngayon wala pa din si Jenelle. Siguro nag enjoy
siya kasama si Marion. Buti na lang para mabilis siya makapag move-on kay Cloud.
Paalis na kami ni Krystal pero hinarangan ako ni Tita Candice. "Keila, pwede ba
muna tayong mag usap?" Tanong niya.
"'Mom?" Sambit ni Dwayne.
"Dwayne, I just want to talk to her. There's nothing wrong with that right?" Tita
said with a tone of authority. Medyo nakakatakot siya minsan. "Ihatid mo na si
Krystal."
Hinila na ako ni Tita papunta sa garden nila.
"Tita, ano po bang pag uusapan natin?" Tanong ko. "May problema po ba?"
"Wala naman Keila, gusto lang kita kamustahin. Balita ko kayo na ni Kean. Well,
masaya ako na masaya ka na ngayon after my son broke your heart." Hinawakan ni Tita
'yong kamay ko. "I'm sorry about that Keila. Alam ko na nasaktan ka talaga ni
Dwayne nuon at bilang ina niya, ako na ang humihingi ng sorry sayo. Alam ko na
hindi naging maganda ang nangyari sa inyo Dwayne pero believe me, pinagsisisihan na
niya 'yong ginawa niya sayo. I like you for my son pero hindi ko na hihingin na
balikan mo siya dahil sinaktan ka na niya at alam ko masaya ka na kay Kean pero
sana maging magkaibigan pa din kayong dalawa."
"Tita sa totoo lang po, hindi kami okay ni Dwayne ngayon pero baka in time maayos
din ang lahat. Thank you po sa concern niyo sa akin at hindi niyo po kailangan mag
sorry. We both learned our lesson. Pinatawad ko na din po si Dwayne sa ginawa niya
sakin."
"Thank you Keila." Niyakap niya ako ng mahigpit. "I hope to see you again."
Nang bumalik si Dwayne, pinahatid ako ni Tita Candice sakanya. Hindi na din ako
makatanggi kaya hindi ko na tinawagan si Cloud.
Pagdating namin sa bahay, nagpasalamat ako kay Dwayne pero bago pa ako tuluyang
makababa ng kotse, pinigilan ako mo Dwayne.
"Keila wait," sambit niya. "Can we talk?" Tanong niya. Pinagbigyan ko siya kaya nag
stay ako sa loob ng kotse niya.
"Anong problema Dwayne?" Tanong ko.
"Do you really love him?"
Nagulat ako sa tanong niya kaya hindi agad ako nakasagot. "Yes I love him, Dwayne."
"Paano kung iwan ka niya, pwede ba akong bumalik sa buhay mo?"
Napahawak ako ng mahigpit sa bag ko. Hindi ko alam pero na offend ako sa sinabi ni
Dwayne. "Dwayne, pwede ba? Wag mong idamay ang relasyon namin ni Kean. Iwan man
niya ako o hindi, matagal na tayong tapos."
"Why? Why can't you love me back Keila?"
"Dahil mahal ko na si Kean. Si Kean, 'yong sumalo sakin nung iniwan mo ako. 'Yong
palaging nasa tabi ko at hindi ako iniwan. Si Kean na minahal ako ng buong buo."
"Kean, Kean, puro na lang kayo Kean!" Sigaw ni Dwayne. Ginulo niya ang buhok niya
at napasandal siya sa upuan. "Lahat na lang inagaw niya sakin! 'Yong banda, si Dana
tapos ikaw. Palagi na lang akong second best pag dating sakanya! Siya na lang
palagi ang bida! Alam mo ba kung gaano na kalaki 'yong galit ko sakanya?" Galit na
galit 'yong mukha ni Dwayne pero dahil siguro napansin niya 'yong takot sa mukha ko
kaya kumalma siya.
"Dwayne, hindi ako inagaw ni Kean sayo. You had your chance. Minahal kita nuon ng
sobra sobra pero biniwala mo lang 'yon at sinaktan mo ako. Si Kean 'yong tumulong
sakin para makapag move-on sayo at hindi siya mahirap mahalin. Kaya please wag mo
siyang sisihin sa mga nangyari. Kung hindi mo ako sinaktan nuon, hindi ko siya
makikilala at hindi ko siya mamahalin ngayon."
Napabuntong hininga siya. "I know, it's all my fvcking fault. I'm so stupid. I am
really stupid. I wish I can go back in the time you still love and I'll make sure I
will never let you go."
"Dwayne, it's too late.." Sambit ko. "Please just move-on."
Pakiramdam ko umiiyak siya kaya ayaw na niyang tumingin sakin. "Okay Keila, I'll
let you go.. just go."
Bumaba na ako ng kotse niya. Hinintay ko na makaalis siya bago ako pumasok sa loob
ng bahay.
Maybe we're not really destined for each other.. Dwayne.

Chapter 44: Half Sister


Keila's point of view

After ng pag-uusap namin ni Dwayne, ang awkward na ng lahat. Nag uusap na lang kami
kapag kailangan sa practice. Hindi ko naman siya masisisi kasi in some way na
reject ko siya. Kaso lang habang tumatagal nahihirapan na ako dahil simula din non,
hindi na niya pinapakinggan 'yong mga suggestions ko about sa steps namin. Buti na
lang nandyan si Trevor para mamagitan samin.
"Finals na next week. Are you nervous?" Tanong ni Trevor after ng practice namin.
"I've heard sabaya daw ang music laban and our finals, so what's your plan?"
"Yes I am nervous because this is our last chance, Trev." Napabuntong hininga na
lang ako ng maisip ko ang tungkol sa music laban. "Gustong gusto kong suportahan si
Kean pero wala akong choice. I can't give up the finals night." I said sounding
frustrated.
"That's okay Kei, I know Kean will understand you and just like you I know he also
wants to support you."
"I know Trev. I also wish he will be there at the finals."
"I need to go, are you okay here?" Tanong niya ng makita niya si Elline. "If you
want you can come with us."
"Hindi na, hinihintay ko din si Dana." sagot ko. Lumapit samin si Ellien at nag
hello siya sakin. Umalis din agad sila ni Trevor.
Sa loob ng three weeks, pitong beses na kami lumalabas labas ni Dana. We're really
getting to know each other. Masaya ako ngayon kasi kahit papaano medyo close na
naman kami. Pareho kami ng mga gusto at palagi kaming nag fa-fangirl kay Zac Efron
kaya siguro madali nag get along. May isang araw pa na kasama namin si Kean na mag
bowling. Ayoko muna na isama si Kean dahil baka magkaroon ng awkward moments pero
nag insist si Dana na isama siya. Ayaw niya daw kasing magkaroon ng gap between the
three of us. Gusto niyang maging komportable kaming tatlo habang magkakasama. Alam
niya na busy ngayon si Kean kaya ayaw din niyang kunin 'yong time ko with him para
sa bonding namin kaya sinabay na lang niya which I found sweet kasi iniisip din
niya pala talaga 'yong feelings ko.
Busy ngayon si Kean para sa Music Laban pero palagi niya naman ako sinasama sa mga
practice nila. Pinakilala na din niya ako sa buong banda nila. Malakas 'yong
feeling ko na mananalo sila. Naniniwala naman ako sa talent ni Kean at ng mga
kabanda niya. Sana nga lang pwede ko siya puntahan sa finals night nila.
"Kanina ka pa?" Bungad ni Dana. "Sorry, may sinundo pa kasi ako, tara?" Kinuha niya
ang kamay ko at hinila niya ako palabas ng gate.
Pagpasok ko sa kotse niya, napatingin agad ako sa driver at nanlaki ang mata ko ng
makita ko si Papa. "Surprise surprise!" Masayang sigaw ni Dana. "Sinama ko so Daddy
ngayon at sasamahan niya tayo sa date natin. Isn't it great sis?"
"Thank you Dana." Grabe ang mga ngiti ko ngayon. Medyo matagal na din kaming hindi
nagkikita ni Papa at ngayon makakasama ko pa siya. "Hello Papa." Bati ko.
"Hi anak, masaya ako na makakasama kita ngayon at masaya din akong okay na kayong
dalawa ni Dana," pati si Papa ang laki ng mga ngiti. "So, kumain muna tayo sa isang
Korean buffet. Let's go? Tanong ni Papa at tumango kaming dalawa ni Dana.
Naisip ko na sana nandito din si Cloud ngayon para kumpleto kami. Minsan lang 'to
mangyari dahil super busy ni Papa at minsan hindi siya makatakas sa asawa niya.
Hindi ko alam kung hanggang kailan 'to tatagal kaya bawat araw na kasama ko sila,
sinusulit ko na.
Pagdating namin sa Korean Buffet na kakainan namin, nagulat ako ng makita ko si
Cloud. "Hi twin." Nakangiti niyang bati sakin.
"Paano mo nalaman na nandito kami?" Tanong ko.
"Sinabi sakin ni Dana." Sagot niya. Napatingin ako sakanya. So this was all
planned.
Kumain kaming apat. Nag usap usap about sa school, sa music laban, sa dance finals
at pati sa contract ni Dana sa Polaris.
"I already signed with them. I have a TV commercial and a photoshoot for a magazine
tomorrow. I'm so excited!" Sambit niya. Mukhang masayang masaya nga siya. "Keila,
why don't you try to audition?" Tanong niya.
"Wag na, okay na akong ganito lang."
"How about you Cloud?" Tanong ni Papa.
"I'm thinking about it," Sagot niya. Mukhang alam ko na naman 'yong dahilan niya
kung bakit gusto niyang mag artista. Para lang naman 'yon kay Julienne. "But I want
to."
"Sa Music laban, may mag scout na taga Polaris. I'm sure mapapansin ka nila."
Sa puntong 'yon naisip ko si Kean. 'Yong contract ng Polaris at 'yong Minsan kasi
kapag nakagawa ka ng isang pagkakamali, 'yon at 'yon na lang ang makikita nila,
hindi na nila maiisip 'yong magagandang nagawa mo. Gusto niya dito. Alam ko naman
na malaki ang chance niya na manalo pero hindi ko pa din maiwasan na kabahan. Til
now hindi ko pa naiisip kung anong mangyayari kung hindi siya mananalo. Parang
ayoko na ngang isipin 'yon.
"Keila, how about Kean?" Tanong ni Dana.
Natahimik kaming lahat. Kahit ako parang hindi ko alam kung anong sasabihin ko.
"Uhm.. ayaw niya." Yan na lang ang nasagot ko. "Mas gusto niyang tumugtog."
"Okay, sayang naman."
Pumunta kami ng Star City after. Game naman si Papa. Sumakay kami sa halos lahat ng
ride pero si Papa takot sumakay sa roller coaster. Pati mga game booth, sinubukan
namin. Nag aya na si Papa na umuwi dahil gabi na din. Hinatid nila kami sa bahay.
Masayang masaya ako ngayon. Sana maulit pa 'to at alam kong kabaliwan 'tong iniisip
ko pero sana makasama din namin si Mama.
Nag text sakin si Kean. Sabi niya tapos na daw ang practice nila pero tutugtog daw
sila ngayon sa MOA kaya hindi siya makakapunta dito. Pakiramdam ko sobrang miss ko
na siya kaya bumangon ako sa pagkakahiga at hiniram ko 'yong kotse ni Mama.
Nagpaalam ako sakanila na pupunta akong MOA para puntahan si Kean at buti naman
pinayagan nila ako.
Pag dating ko sa MOA naglakad agad ako papunta sa Padis. Wala pang mga banda na
tumutugtog at hindi ko pa din nakikita sila Kean. Ayoko siyang i text dahil gusto
ko siyang i surprise. Kaya umupo na lang ako sa may gilid at umorder ako ng
pagkain. Hindi pa nga pala ako kumakain. Umorder ako ng sisig at rice. Tamang tama
pala para may magagawa ako habang hinihintay ko sila Kean.
"So tell me," muntik na ako mabulunan nang marinig ko ang boses ni Krystal.
"Nandito ka ba dahil kay Kean?" Uminom ako ng tubig pero muntik ko na naman maibuga
'yon dahil naman sa boses na pamilyar sakin.
"Oo dahil nga kay Kean. Ano naman sayo?" Hindi ako pwedeng magkamali, si Dana 'yon.
"Why are you even talking to me?" Irita niyang sabi.
Sandali lang, nandito din siya at kung tama ang narinig ko nandito siya para kay
Kean. May kakaiba akong naramdaman pero baka naman sinusuportahan lang niya si Kean
bilang kaibigan. Friends na naman sila eh.
"I thought we're friends, Dana? What happened?" Natatawang tanong ni Krystal.
"Porket ba friends na kayo ng half sister mo?" Sarcastic niyang sabi.
"Wag mong idamay dito si Keila." Sagot niya. "My sister has nothing to do with the
fact that I don't like you."
"Wow, sister. Strong words ha? Sister nga ba o pinaplastik mo lang siya? Paano mo
magugustuhan ang isang taong mahal na mahal ng taong mahal mo?"
"Oo mahal ko pa din si Kean pero wala nang kinalaman si Keila don. Pwede ba?
Lubayan mo na ako." Ramdam ko sa boses ni Dana ang pagkairita.
"So mahal mo pa nga si Kean. Anong feeling kapag nakikita mong magkasama si Keila
at Kean? Masakit ba?" Tumawa si Krystal. "Pero alam mo, kung totoong kapatid ang
turing sayo ni Keila, mas pipiliin ka niya kaysa kay Kean. Hindi mo ba nakikita na
selfish siya? Na hindi na niya inisip 'yong feelings mo, hindi man lang sumagi sa
isip niya na masasaktan ka? Tapos you're defending her. Isn't funny?"
Gustong gusto ko na talagang sugurin si Krystal ngayon. Hindi ko lang magawa dahil
ayokong gumawa ng gulo dito. Ayokong mapahiya si Kean dahil sakin at isa pa ayoko
naman maging warfreak. Pinigilan ko 'yong sarili ko.
"It's not her fault kung siya 'yong minahal ni Kean." Sagot ni Dana. "Kung
nasasaktan man ako, wala ka na don. Kaya pwede ba? Wag mo na akong guluhin."
"Dana, I'm your friend. I'm not your enemy. Naaawa nga ako sayo dahil alam ko kung
anong nararamdaman mo. Masakit makita na may mahal na iba ang taong mahal mo lalo
na ang mahal niya ay ang kapatid mo. Sumagi ba minsan sa isip mo kung isusuko ni
Keila si Kean para sayo? Hindi 'di ba? Kasi hindi niya 'yon gagawin, kasi hindi ka
naman talaga mahalaga sakanya. Mas mahalaga sakanya si Kean. Pero look at you, nag
sacrifice ka para sakanya. May nagawa na ba siyang sakripisyo para sayo? Wala 'di
ba? Dapat nakipag hiwalay na lang siya kay Kean dahil alam naman niyang masasaktan
ka eh pero hindi niya ginawa."
Natigilan ako. Hindi ko alam na nasasaktan pa din hanggang ngayon si Dana dahil
buong akala ko wala na siyang nararamdaman kay Kean. Tama nga kaya 'yong sinabi ni
Krystal na selfish ako? Na sarili ko lang 'yong inisip ko? May kung anong kumurot
sa puso ko. Oo nag sakripisyo si Dana pero ako, wala ba talaga akong sinakripisyo
para sakanya? Anong gagawin ko ngayong alam ko nang mahal pa din pala niya si Kean?
Naguguluhan na talaga ako.
"Mahalaga na din sakin si Keila ngayon kaya kung ano man 'tong nararamdaman ko kay
Kean, mawawala din 'to. Umalis ka na bago pa kita masampal." Sambit ni Dana.
Narinig kong gumalawa ang upuan ni Krystal at naglakad siya palayo. Buti hindi niya
ako nakita. Maya maya tumayo na din si Dana at naglakad siya papuntang parking lot.
Uuwi na ba siya?
Tatayo sana ako pero nasa stage na sila Kean. Umupo ako at pinanuod ko na lang
sila. Hanggang ngayon nalilito pa din ako. Hindi ko alam kung anong dapat kong
gawin. Akala ko maayos na ang lahat pero hindi pa din pala. Akala ko tuluyan na
akong magiging masaya.
Sa pangalawang verse pa lang ng kanta nakita na agad ako ni Kean. Nanlaki ang mata
niya pero patuloy pa din siya sa pagkanta niya. Kahit kailan, hindi ako magsasawa
na pakinggang ang boses ni Kean.
"Babe," bati sakin ni Kean pagtapos nilang kumanta. "Hindi ko alam na pupunta ka
ngayon." Hinawakan niya ang kamay ko. "Sinong nag hatid sayo dito?"
"Nag drive ako mag isa dito." Sagot ko.
"Para lang makita ako?" Gulat na gulat niyang tanong. Tumango ako at hinila niya
ako papalapit sakanya pagkatapos niyakap niya ako ng mahigpit. "Thank you babe.
Miss na miss na miss na kita, alam mo ba 'yon?" Hinarap niya ako. "Pagkatapos ng
lahat ng 'to babawi ako sayo, promise yan."
Lumapit ako at niyakap ko ulit siya. "I love you Kean.. palagi kong tandaan yan."
Hinila niya ako papunta sa sea side. Umupo kami don at pinagmasdan ang mga bituin.
Na miss ko 'to. 'Yong uupo kami dito at pagmamasdan lang namin 'yong mga stars at
'yong dagat. Nakasandal lang ako sa mga balikat ni Kean habang hawak hawak niya
'yong kamay ko. Gusto ko munang kalimutan kahit ngayon lang si Dana pero hindi ko
magawa. Kapag naiisip ko na hanggang ngayon ay mahal pa din niya si Kean, sumisikip
'yong dibdib ko. Ayokong masaktan si Dana pero ayoko din naman saktan si Kean.
Ayoko siyang iwan dahil mahal na mahal ko siya.
"Kean.." sambit ko. "Kahit anong mangyari, palagi mong isipin na mahal na mahal
kita." Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko.
"May problema ba, babe?" Tanong niya. Hinarap niya ako at hinawakan niya ang mukha
ko. "Anong problema?"
Pinipigilan kong umiyak. Madami ng problema si Kean at ayoko ng dagdagan pa 'yon.
"Wala, gusto ko lang sabihin 'yon sayo." Sambit ko.
Ngumiti sakin si Kean pagkatapos unti unti niyang nilapit sakin 'yong mukha niya.
Pinikit ko ang mata ko at naramdam ko ang mga labi ni Kean. Gusto kong umiyak pero
inalis ko muna lahat ng pag aalala ko. Inisip ko lang si Kean. 'Yong pagmamahal ko
sakanya..
Tadhana na lang ang makakapagsabi kung kami nga ba talaga o hindi..

Chapter 45: Ultimatum

Keila's point of view.


"Okay let's take a break!" Sigaw ni Dwayne. Humarap siya samin ni Trevor. "Keila,
can I talk to you?" Nagkatinginan kami ni Trevor at tumango lang siya sakin bago
siya umalis.
"Anong problema?" Tanong ko. Sa totoo lang may ideya na ako kung bakit niya ako
kakausapin. "Dwayne, kung tungkol 'to sa performance ko, aminado ako na hindi ito
'yong best ko. Sorry, hindi ko lang maalis sa isip ko 'yong problema ko ngayon."
"Keila, bukas na 'yong finals. Kung ganyan ka pa din bukas, panigurado na matatalo
tayo. Ikaw 'yong palaging nasa harap at ikaw 'yong sinusundan nila. Hindi lang
naman 'to tungkol sating dalawa, tungkol din 'to sa buong group," hinawakan ni
Dwayne ang balikat ko kaya nanlaki ang mata ko sa gulat. Ilang linggo na siyang
cold sakin tapos bigla siyang magiging ganito. "Kung ano man 'yong problema mo,
ayusin mo na. Kung may maitutulong ako sabihin mo lang."
"Thank you pero kaya ko na 'to. Wag kang mag alala, bukas okay na ako." Ngumiti
siya at inalis niya ang kamay niya sa balikat ko. "Sige magpapahinga lang ako."
Hindi ko na hinintay 'yong isasagot niya. Naglakad ako papunta sa bleachers.
Tinabihan ko si Trevor.
"What did he say?" Tanong niya.
"It's about my performance today and about the finals tomorrow," nilagay ko ang
dalawa kong kamay sa mukha ko. Frustrated ako sa mga nangyayari. Kung kailan finals
tska pa ako nagkaganito. Naiinis tuloy ako sa sarili ko. "Hindi ko mapapatawad ang
sarili ko kapag natalo tayo dahil sakin."
Pinatong ni Trevor 'yong kamay niya sa balikat ko. "Don't be so hard on yourself.
What you need to do is to get rid of what's bothering you. You could share it me,
maybe I could help?"
"Si Dana kasi.. mahal pa pala niya si Kean. All along akala ko hindi na, akala ko
okay na lahat sakanya pero hindi pa pala. Nasasaktan pa din pala siya til now at
ako naman nagpapakasaya. Ang sama sama ko eh pero mahal ko si Kean. Hindi ko na
talaga alam 'yong gagawin ko."
Pareho kaming natahimik ni Trevor. Siguro pati siya naguguluhan na din. Napaka
komplikado kasi ng sitwasyon ko. "I think you should talk to her. That's the only
thing you can do." Sagot ni Trev.
Bumalik kami sa practice. Medyo okay na naman ako pero naiisip ko pa din si Dana.
Buti na nga lang hindi na nagalit sakin si Dwayne. Kailangan ko na nga talagang
kausapin si Dana kaya after ng practice tinawagan ko agad siya para ayain na
lumabas.
"Keila?" Umupo siya sa harap ko. "What's up? Bakit urgent naman 'yong pag tawag mo?
May problema ba?" Nakangiti siya sa akin at parang hindi siya nasasaktan.
"Dana.. hindi ko sinasadya pero narinig ko 'yong usapan niyo ni Krystal nung isang
linggo. Narinig ko na mahal mo pa pala si Kean," nakatingin lang ako sakanya at
agad nawala 'yong ngiti sa mukha niya. "Bakit hindi mo sinabi sakin? Akala ko ba
okay na ang lahat?"
"Keila, ayoko lang na makagulo pa ako sa inyo ni Kean. Isa pa tanggap ko na naman
na ikaw ang mahal niya at hindi ako. Mahirap lang talaga kalimutan 'yong feelings
ko sakanya ng ganon ganon na lang. Sorry pero wag mo nang isipin 'yon. Ang mahalaga
masaya ka." Hinawakan niya ang kamay ko.
"Paano ka? Ayokong nasasaktan ka. Dana pareho kayong mahalaga sakin ni Kean."
"Keila, mawawala din 'tong feelings ko kay Kean. Wag mo na akong isipin," ngumit
siya pero hindi ko alam kung totoo 'yon o pilit lang. "Hindi muna ako magpapakita
sa inyo ni Kean para na din makalimutan ko na lahat ng feelings ko sakanya at para
hindi mo na din ako intindihin, okay?" Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay
ko. "Keila, mas importante ka na sakin kaysa kay Kean kaya mas papahalagahan ko ang
pagiging magkapatid natin. Sa totoo lang kakausapin din talaga kita ngayon. Matagal
ko na 'tong napag isipan. Pupunta muna ako ng US. Babalik ako kapag okay na ang
lahat."
Tumayo ako at niyakap ko si Dana. Hindi ko na din naiwasan na maiyak. Ang bait
niyang kapatid at sana masuklian ko lahat ng ginagawa niya para sakin. "Kailangan
mo ba talagang umalis?" Tanong ko.
"Oo kailangan ko 'to Keila. Wag ka na mag alala sakin okay?"
"Bumalik ka agad ha? Mag ingat ka don. Ma miss kita, Dana." Hinarap niya ako at
pinahid niya ang mga luha ko. Ngayon pa lang na mi-miss ko na siya. "I love you
Dana."
"I love you too sis. Aalis na ako next week pero pwede pa din tayong mag skype
duon. Wag mong kalimutan tumawag sakin ha?" Niyakap niya ulit ako ng napaka higpit.
"Ma miss ko kayo ni Cloud."
"Ako din Dana. Sana bumalik ka agad."
Nagpaalam na kami sa isa't isa. Hindi ko alam kung kailan ko ulit siya makikita
pero sana naman hindi ganon katagal. Ngayon, kahit papaano nawala na 'yong pag
aalala ko. Sana maging maayos na ako bukas lalo na finals na namin. Naisip ko din
si Kean. Busy siya sa pag pa-practice ngayon pero ayos lang naman sakin. Matagal na
kaming hindi nakakapag date na katulad ng dati although palagi niya pa din akong
hinahatid sundo sa bahay.
Pumunta ako sa coffee shop nila Wynter. Dito kami magkikita ngayon ni Kean. Nasa
practice pa siya pero papunta na din siya maya maya.
Umorder ako ng kape at habang naghihintay ako napansi ko si Carla, 'yong taga
Polaris. Nakita niya din ako at napangiti siya ng makita niya ako. "Hi Keila!"
"Hello." Walang gana kong sabi. Sa totoo lang ayoko siyang kausapin. "Anong
kailangan mo?" Hanggang ngayon nakangiti pa din siya sakin na halos hindi mo alam
kung nang aasar ba siya o ano.
"Gusto ko lang kitang makausap," ngayon nakangisi na siya sakin. Nagsisimula na
akong maasar sakanya. "Finals na bukas at bukas na din natin malalaman kung pipirma
ba o hindi si Kean sa contract namin."
"Anong pinagsasabi mo?"
May nilabas siyang papel galing sa bag niya. "Ito ang memo ng management, if ever
na hindi pa din makakapagbayad si Kean sa loob ng limang araw, magsasampa na kami
ng kaso against him. Kaya dalawa lang ang choice ni Kean, it's either pumirma siya
sa contract or makukulong siya. For sure ayaw mo non, hindi ba?" Sa puntong 'yon
gustong gusto ko nang sampalin si Carla. Ayokong magalit sakanya dahil inuutusan
lang naman siya ng management ng Polaris pero nakakaloko na din siya minsan eh.
"Bakit ba lahat sinasabi mo sakin? Ano ba talagang agenda mo ha? Sabihin mo na lang
ng diretso sakin." Inis kong sabi.
"Sige ganyan ang gusto eh," tinago niya 'yong papel sa bag niya. "Dati ko pa naman
sinasabi sayo 'to, hindi ba? Makipag hiwalay ka na kay Kean habang maaga pa. Ikaw
lang naman ang nagiging hadlang kung bakit ayaw pumirma ni Kean sa inaalok namin na
kontrata."
"Paano ka naman nakakasigurado na kapag nakipag hiwalay ako sakanya eh, pipirma na
siya dyan sa contract niyo?"
Tumawa siya na mas lalong nagpainis sa akin. "Wala na siyang choice Keila.
Makukulong siya at hindi na niya matutulungan ang kapatid niyang may sakit. Kaya mo
bang makita si Kean na nasa kulungan at nahihirapan? Not unless may malaki kang
pera para bayaran kami at para ipagamot si Hailey." Nanginginig na 'yong kamay ko
sa inis. Kung meron nga lang sana akong ganon kalaking pera matagal ko nang
sinampal sa pagmumukha niya 'yong pera. "Kung mahal mo talaga siya papakawalan mo
siya at hindi mo siya hahayaan na mag hirap."
"Hindi pa tapos ang Music Laban. Malaki ang pag-asa na mananalo sila at kapag
nangyari 'yon, may maipangbabayad na si Kean sa inyo at pagtutulungan na lang namin
ang pagpapagamot kay Hailey."
Tumayo siya at nginisian na naman niya ako. "Sige, hahayaan kitang umasa sa wala.
Basta wag mo lang kalimutana ng sinabi ko sayo." Umalis na siya bago pa man ako
makapagsalita.
Nakaramdam ako ng matinding takot. Takot sa mangyayari bukas. Paano nga kung hindi
manalo sila Kean bukas? Saan kami maghahagilap ng malaking pera pang bayad sa
Polaris at para sa pagpapagamot ni Hailey? Bakit parang siguradong sigurado na si
Carla na matatalo sila Kean bukas?
"Babe," halos mapatalon ako dahil sa boses ni Kean. "Ayos ka lang ba? Anong
problema?"
"Ha? Wala. Nagulat lang ako sayo," umupo siya sa tabi ko at sumandal siya sa
balikat ko. Mukhang pagod na pagod na siya. "Ayos ka lang ba babe? Kumain ka na
ba?"
"Oo, napagod lang ako sa practice pero wala 'to. Pagkatapos ng music laban, mag da-
date tayo ulit. Babawi ako sayo. Pero sa ngayon, pareho na tayong magpahinga kasi
pareho tayong may finals bukas," humarap siya sakin pagkatapos tinignan niya ako sa
mata ko. "Good luck bukas babe, for sure mananalo kayo. Sana nga lang nasa music
laban ka din bukas pero kahit ganon, gagawin ko ang lahat para manalo. Para kala
Hailey at syempre para sayo." Lumapit siya sakin at hinalikan niya ako sa noo ko.
Gusto kong umiyak pero pinigilan ko 'yong sarili ko. Hindi ako pwedeng umiyak sa
harap ni Kean. Mag aalala lang siya at baka maapetuhan pa 'yong performance niya
bukas.
"Basta palagi mong isipin na nasa tabi mo lang ako," niyakap ko si Kean ng
mahigpit. Natatakot ako sa mga pwedeng mangyari bukas. "Manalo ka man o matalo,
mahal na mahal pa din kita Kean."
Hinarap niya agad ako at mukhang nag aalala siya sakin. "May problema ba?" Tanong
niya.
"Wala, walang problema." Pinilit kong ngumiti sa harap niya. "Mabuti pa umuwi na
tayo para makapag pahinga na tayo pareho."
"Okay babe." Ngumiti siya sakin na para na naman siyang alien. Ngayon pa lang,
parang hindi ko na makita ang sarili ko na wala si Kean. "I love you."
"I love you din.. Kean."

---
3rd person point of view

Nakaupo lang siya habang naghihintay. Nag yosi muna siya para mawala ang pagkainip
niya. Ang pinaka ayaw niya sa lahat ay ang pinag hihintay siya. Pagkatapos ng
kalahating oras ay dumating na ang hinihintay niyang tao, si Carla.
"Nakausap mo na ba siya?" Tanong niya.
"Oo, nasabi ko na lahat ang dapat kong sabihin. Mukha namang papayag din siya sa
sinabi ko pero hindi pa din tayo pwedeng magpakasiguro." Sagot ng dalaga. "Anong
gagawin mo kapag pumalpak 'to?" Ngumiti siya at nag sindi ulit nang panibagong
sigarilyo.
"Wag kang mag alala, madami akong plano para mapaghiwalay natin sila. Isa pa lang
yan sa plano ko pero mas maganda sana kung dyan pa lang, maghiwalay na sila."
"Nababaliw ka na nga talaga." Bulong ni Carla. May inilabas na papel si Carla at
inabot niya ito sa kausap niya. "Pirmahan mo na yan para bukas."
"Naka ayos na ba ang lahat para bukas?" Tanong niya kay Carla. "Ayokong pumalpak
tayo bukas, importante ang mga mangyayari bukas at sa totoo lang excited na akong
makita ang mukha niya kapag nalaman niya ang lahat. Makakaganti na din ako
sakanya."
"Ganyan ba talaga kalaki 'yong galit mo sakanya?" Tanong ni Carla.
"Hindi lang naman 'yong galit ko sakanya ang dahilan nito eh, gusto ko din na
makuha kung ano ang dapat sakin. Alam mo naman 'yon, hindi ba, Carla?" Ngumiti siya
bago niya tuluyang patayin ang sindi ng sigarilyo niya. "Pinagkakatiwalaan kita sa
lahat. Alam kong walang makakalabas na kahit ano sakanila pati ang pagkatao ko."
"Oo naman, makakaasa ka sakin boss."
"Sige na, bumalik ka na sa office. Ngayon pa lang, mag ce-celebrate na ako para
bukas." Napailing na lang si Carla.
Umalis na siya duon at dumiretso siya sa office ng Polaris.
Sa totoo lang ayaw naman niyang gawin ang lahat ng 'to pero wala siyang choice
dahil agaw niyang mawalan ng trabaho. Malaki ng pinapasweldo sakanya ng boss niya
lalo na dito sa pinapagawa nito. Naawa na lang siya kay Kean at Keila dahil
kailangan nilang pagdaanan ang mga bagay na 'to.
Pinagmasdan niya ang kontrata at kung siya lang ang masusunod, susunugin niya 'to.
"Sana mapatawad niyo ako.." Bulong niya sa sarili niya. "Sana gumawa ang tadhana ng
paraan para sa inyong dalawa."
--
Last 5 chapters! :)

Chapter 46: Finals


Keila's point of view.

Maaga pa lang sinundo na ako ni Kean sa bahay namin. Parehong maaga ang practice
namin kasi ngayon 'yong finals night naming dalawa. Mas lalo akong kinakabahan sa
mga pwedeng mangyari pero hindi ko pwedeng dalhin 'to hanggang mamaya. Hindi kami
pwedeng matalo dahil lang sakin.
"Good luck babe," sambit ni Kean. Nandito na kami sa school. "Kapag maaga kaming
natapos, dadaanan kita dito. Sana nga maabutan pa kitang sumasayaw sa stage."
Nakangiti sakin si Kean na para bang wala siyang inaalala. May tiwala naman ako
sakanya eh. Alam kong ipapanalo niya 'yong music laban para sa pamilya niya at para
sa amin.
Hindi ko na napigilan 'yong sarili ko. Niyakap ko ng mahigpit si Kean. Wala pa mang
resulta ay kinakabahan na ako. Ayokong mawala sakin si Kean. Ngayon pa lang ako
nagmahal nang ganito sa buong buhay ko kaya ayoko ng mawala pa si Kean sakin. Mahal
na mahal ko siya pero hindi ko kayang makulong siya at mahirapan. "Babe, may
problema ba?" Tanong niya.
"Gusto lang kitang yakapin." Sagot ko.
Nilayo niya ako para maiharap niya ako sakanya. Ayokong umiyak sa harapan ni Kean.
Ayokong mag alala siya sakin lalo na mamaya na 'yong music laban. "Alam ko nag
aalala ka na baka matalo kami mamaya. Kung mangyayari man 'yon, wag kang mag alala.
Hindi ako pipirma sa conract, hindi kita isusuko, ipaglalaban kita. Sanay na akong
mahirapan Keila pero hindi ko kakayanin kapag mawala ka sakin." Lumapit siya at
niyakap niya ako. Kahit papaano, gumaan 'yong loob ko. Dapat kong ipaglaban si Kean
katulad nang ginagawa niya para sakin.
"Mahal na mahal kita.. Kean." Ngumiti ako at pinisil ko ang pisngi niya. "Kaya mo
yan babe!"
"Para sayo, kakayanin ko."
Umalis na si Kean. Hindi niya pwedeng itago sakin na kahit siya, kinakabahan. Sana
lang talaga manalo sila.
"Besty!" May yumakap sakin mula sa likod at hindi ko pa man siya nakikita alam kong
si Jenelle 'yon. "Good luck mamaya ha? Hindi kita mapapanuod, sa Music Laban kasi
ako pupunta eh. Sorry na ha? Alam ko, ayaw sakin ni Cloud at pinagtatabuyan niya
ako pero gusto ko pa din siyang suportahan mamaya." Tinignan ko na lang si Jenelle.
Bakit ba ang martyr niya? Sabagay, naging ganyan din naman pala ako dati kay
Dwayne.
"Hindi ka na naman magpapaawat eh. I cheer mo din sila Kean para sakin, okay?"
Sagot ko.
"Ay oo nga pala! Sige! Thanks besty! I love you! Sige na! Aalis na ako!" Niyakap
niya ulit ako at bigla bigla na lang siyang umalis. Sobrang hyper ngayon ni
Jenelle.
Nung isang araw lang sobrang broken hearted niya tapos ngayon ang sigla sigla na
niya. Saan kaya niya nakukuha 'yong energy niya na 'yon?
Dumiretso na lang ako sa gym. Buti na lang dito na sa school gaganapin 'yong finals
kaya hindi hassle sa grupo namin. Nandon na silang lahat at nag re-ready.
"Okay ka na ba?" Bungad sakin ni Dwayne. "I hope you're okay now."
"Wag ka mag alala, hindi ko hahayaan na matalo ang group dahil sakin." I tried to
smile but it all fades ng hawakan ni Dwayne 'yong kamay ko. "Why?"
"It's not just about the competition. You're still a friend to me that's why I
still care for you." Inalis ko agad 'yong kamay niya. Papaparating na din 'yong
girlfriend niya at ayoko nang gulo. "Keila--"
"Hi boo!" Sigaw ni Leona. "What's up with you and Keila?"
Mukhang nagulat si Dwayne. Hindi ba niya inaasahan 'yong pagdating ng girlfriend
niya? "Hi boo. We're just talking about the finals later."
Sobrang sama ng tingin sakin ni Leona. As if aagawin ko sakanya si Dwayne. Hindi ko
ma gets kung bakit may mga tao na sobrang seloso. Wala ba silang tiwala sa
karelasyon nila? "Oh okay. I baked a cake for you. C'mon let's eat?" Pumulupot siya
kay Dwayne na para siyang linta. Kung pwede lang akong gumawa ng malaking banner na
"hindi ko aagawin ang boyfriend mo" ilalagay ko 'yon sa ulo ko.
Hinanap ko na lang si Trevor. Sa lahat ng tao dito, siya lang nakakasundo ko at
siya lang din 'yong madalas makaintindi sakin. Minsan mas okay pa talagang ka
barkada ang mga lalaki. Less drama. "Hey Trev!" Tawag ko.
"Oh buddy, how are you?" Tanong niya. Siya na 'yong kusang lumapit sakin. "I hope
you're good now. You need to be at your best coz' everybody is looking after you."
"I know, Trev." Kinalam ko 'yong sarili ko. Hindi ito 'yong oras para kabahan o
pang hinaan ng loob. It's now or never. Kailangan namin manalo mamaya. "May tiwala
naman ako sa grupo natin. Alam kong mananalo tayo mamaya. Fighting!" Sigaw ko.
"Yeah! That's the spirit!" He said while laughing. "Is he gonna be here later?
"As much as I wanted to but he can't. It's also their finals tonight. I hope
they'll win and we can celebrate together tonight." I forced a smile.
Hinawakan ni Trevor ang balikat ko at bigyan niya ako ng re-assuring na smile.
Kahit papaano, gumaan ang loob ko. This is exactly why I wanted to talk him.
"Win or loose, we'll celebrate later at our club. You should come."
Sabi nila save the best for last. 'Yon na lang 'yong gusto kong isipin kaya kami
ang huling sasalang sa stage. Hindi ko alam kung advantage ba 'to or disadvantage
pero mas lalo lang akong kinabahan, idagdag mo pa 'yong dami ng tao na nanunuod.
"Don't be so nervous, they might see it. Just relax, Keila." Bulong ni Dwayne mula
sa likod ko. Tama siya.
"Keila, kaya natin 'to!" Cheer sakin ni Margie at Keziah, mga ka grupo ko. Ngumit
ako sakanila at ganon sila. Hindi ko sila pwedeng biguin.
Sumalang na kami at nakakabingi ang palakpalakan at sigawa ng mga tao. Pero hindi
ngayon, hindi ako pwedeng magpakita ng kahit na anong kaba. Ito na 'yong chance na
matagal ko ng hinihintay at ayokong mawala siya ng dahil sa kapabayaan ko. Hindi
naman kasi lahat ng tao, nabibigyan ng second chance. Kaya dapat sa unang
pagkakataon pa lang gawin mo na ang lahat ng makakaya mo.
Nag start na 'yong music. Binigay ko lahat ng best ko. Wala akong ibang nasa isip
kung hindi ang sumayaw, sumayaw habang nag e-enjoy. Inalis ko muna sa isip ko si
Kean, si Dana at ang contract. Nakahinga ako ng maluwag ng matapos na kami. Matalo
o manalo, wala na akong paki alam kasi nakita ko na lahat kami ginawa 'yong one
hundred and one percent best namin pero sa lahat ng tao alam ko si Dwayne ang
pinaka nagbigay ng best at siya rin ang pinakamasaya sa aming lahat. I know hindi
pa din kami ganon nagkakaayos pero masaya ako na makita siyang ganito. After all,
naging parte din siya ng buhay ko kaya siguro hindi na mawawala na mag alala ako
sakanya.
"Good job guys!" Sigaw niya sa amin. "Wala na akong paki alam kung manalo pa tayo o
matalo, para sakin panalong panalo na tayo!" Siguro nga jerk siya o minsan bad boy
pero hindi ko maikakaila na magaling siyang leader. Tumingin siya sakin. "Good job
Keila, You did your best."
"Thank you Dwayne."
Tumingin ako sa relo ko at malamang kanina pa nag start ang music laban. Nag text
din sakin si Jenelle at sabi niya patapos na daw ang finals at malapit na din i
announce ang winner. Sayang hindi na ako nakaabot pa at hindi na din ako napanuod
ni Kean. Nakaramdam ako ng kaba hindi para sa group namin kung hindi para kala
Kean. Hanggang ngayon tinatanong ko pa din sa isip ko kung mananalo ba sila o
hindi.
Maya maya nasa stage na ulit 'yong dalawang emcee at ia-announce na nila 'yong
winners, mula sa third place hanggang sa grand winner.
Hinawakan ni Trevor ang balikat ko at tumingin siya sakin. "Relax, Kei."
Ngumiti na lang ako. Hindi ko ata kayang mag relax. "I will try." Sagot ko.
Wala kami sa third, second at first place kaya mas lalo akong kinabahan. May chance
kami na manalo pero pwede din na wala. Hinawakan ko ang kamay ni Trevor sa sobrang
kaba. Habang tumatagal mas lalong bumibilis 'yong tibok ng puso ko.
"And our grand winner is..."
Dahil sobrang ingay ng mga tao para akong nabibingi. Pinikit ko ang mata ko.
Bigla na lang nagtatatalon sila Margie at Keziah. Bakit? Kami ba ang nanalo?
"Keila! We're the winner!" Sigaw ni Trevor.
Sa sobrang kaba ko hindi ko na narinig na tinawag ang grupo namin. Lahat sila
masayang masaya. Unti unti na din nag sink sa utak ko na kami ang nag champion ng
tawagin kaming lahat. Hinawakan ni Dwayne ang kamay ko at hinili niya ako papunta
sa harap para tanggapin ang trophy namin. Pagkatapos ng lahat ng pagsisikap, nanalo
na din kami. Ilang araw din kaming nagpuyat at nagpagod. Sobrang saya ko talaga.
Naiyak na ako. Tears of joy.
"Party na tayo sa club niyo Trevor!" Sigaw ni Joe Francis. "Wuhoo! Panalo tayo!"
"Congrats satin, Keila." Bulong sakin ni Dwayne. "Hindi mo kami binigo." Masaya
niyang sabi sakin.
"Ikaw din Dwayne, hindi mo kami binigo." Parang lahat ng awkwardness na meron sa
amin ni Dwayne nawala sa punto na 'to. "Congrats satin."
Namagitan samin si Trevor. Inakbayan niya kami pareho ni Dwayne. "So let's go
celebrate?"
"Yeah, c'mon Keila." Aya ni Dwayne.
"Pupuntahan ko pa si Kean. Susunod na lang ako." Sambit ko.
"Okay, pwede mong isama si Kean kung gusto mo." Sambit ni Dwayne. Napataas agad
'yong kilay ko. "Keila, gusto kong maging magkaibigan tayo at na realized ko na
kailangan kong maging okay kay Kean para mangyari 'yon. Isa pa, may pinagsamahan
naman kami dati."
I don't know if it's a bad thing or a good thing but I'm happy. At least, nagiging
okay na sila ni Kean. Mas madali nang pakisamahan si Dwayne.
"Sige, see you later."
Umalis na sila. Pumunta ako sa locker ko para kunin 'yong damit ko. Biglang nag
beep 'yong phone ko, text galing kay Jenelle.
Oh my! Besty nanalo sila--
Hindi ko na natuloy 'yong susunod na linya kasi bigla na lang may kamay na
pumulupot sakin mula sa likod ko. "Hi babe." Si Kean.
Humarap ako sakanya. Nakangiti siya sakin at mukhang masaya siya. Oh my gosh!
Nanalo nga sila katulad ng text sakin ni Jenelle. Kusa na lang akong napangiti.
"Nanalo daw kayo ha, congrats." Nakangiti pa din niyang sabi. Hindi ko na napigilan
ang sarili ko. Lumapit agad ako sakanya at niyakap ko siya. "Bakit babe? May
problema ba?" Tanong niya pero umiling lang ako.
"Kahit na ilang oras pa lang tayong hindi nagkikita, miss na miss na kita Kean."
Mas lalo kong hinigpitan 'yong pagkakayakap ko sakanya. "Ang saya saya ko dahil
nananlo kami! Mag ce-celebrate kami sa club nila Trevor. Sumama ka na, mag
celebrate din tayo ng pagkapanalo niyo!" Masaya kong sabi.
"Keila--"
"Sandali lang," pagpuputol ko sa sasabihin niya. Tumatawag kasi si Jenelle. "Hello,
besty!"
"Besty, nanalo sila Cloud!" Sigaw niya. "Sayang hindi nanalo sila Kean, alam ko
papunta na siya dyan eh. Sorry ah." May kung anong kumurot sa puso ko. Binaba ko na
lang agad 'yong phone ko.
Kusa na lang pumatak 'yong mga luha sa mata ko. Niyakap ko agad si Kean. Ang
insensitive ko. Dapat tinanong ko muna siya kung nanalo ba talaga sila bago ako
nagtatatalon sa tuwa sa harapan niya. Bigla kong naramdaman 'yong lungkot na
bumabalot kay Kean, ayaw niya lang ipakita 'yon sakin kasi ayaw niya akong mag
alala sakanya.
"Kean, sorry.. hindi ko alam na natalo kayo." Sambit ko. Mas lalong humigpit 'yong
pagkakayakap sakin ni Kean. Hindi siya nagsasalita pero ramdam kong gusto niyang
umiyak. "Kung gusto mong umiyak, umiyak ka lang."
Mahina siyang umiyak sa balikat ko. Isang beses ko pa lang siyang nakita na umiyak
kaya ngayon na umiiyak siya sa balikat ko, sobra akong nasasaktan. "Ginawa ko naman
lahat ng makakaya ko pero hindi pa din pala sapat.. gusto kong manalo para kay
Hailey, kay tatay, sa mga kabanda ko at para sayo pero natalo kami."
"Alam ko ginawa mo 'yong best mo at kung hindi nila nakita 'yon, hindi mo na 'yon
kasalanan." Ramdam ko kung gaano kabigat 'yong nararamdaman ngayon ni Kean. Hindi
ko alam kung paano ko ba papagaangin 'yong loob niya. "Kean, ayos lang 'yon.
Nangyari na ang lahat. Ang importante, binigay mo ang best mo. At isa pa, para
sakin kayo pa din 'yong nanalo."
Humarap siya sakin at pinahid niya ang mga luha sa mata niya. "Salamat babe..
magiging maayos ang lahat basta nasa tabi kita." Hinawakan niya ang kamay ko. "Alam
kong iniisip mo 'yong contract pero wag kang mag alala, hindi ako pipirma don.
Maghahanap ako ng paraan para makabayad sakanila. Wag ka nang mag alala, okay?"
"Hindi naman ako nag aalala don, alam kong malalagpasan natin 'yon."
Nagsinungaling ako. Nag aalala ako ng sobra para kay Kean. Mukhang hindi pa niya
alam na balak siyang sampahan ng kaso ng Polaris. Parang gusto ko ulit na umiyak
pero ayokong ipakita 'yon kay Kean. Ayokong dagdagan 'yong problema niya.
"Sige na, pumunta ka na sa party niyo. Kailangan nandon ka para i celebrate ang
pagkapanalo niyo." Sinubukan niyan ngumiti pero alam kong napipilitan lang siya.
"Okay na ako, ayokong mawala ka don. Inaasahan ka nila don. Keila, hindi porker
natalo ako, hindi ka na pwedeng magsaya. Nanalo kayo eh."
"Hindi kita iiwan. Isa pa hindi ko din kayang mag celebrate habang ang boyfriend ko
eto malungkot." Hinila ko siya. "Alam mo mas mabuti pa, kumain tayo ng ice cream.
For sure gagaan 'yong loob mo."
Pumunta kami sa paborito naming ice cream house malapit sa school. Umorder ako ng
dalawang malaking cookies and cream. Sabi nga niya, isang bagay na pwedeng
magpagaan ng loob mo ay ang ice cream.
"Tadah! Ayan favorite natin."
Nakatulala lang si Kean at parang maiiyak na naman siya. Hindi ako sanay na ganito
siya. Palagi ko siyang nakikita na masaya kaya kapag malungkot siya, that means a
lot.
Pinahiran ko siya ng ice cream sa ilong. "Huy! Tulala ka dyan? Ano ka ba? Cheer up
babe! Nanalo sila Cloud ng one million, uutang ako sakanya at tadah makakabayad na
tayo sa Polaris. Kaya wag ka na mag alala ha?" Sambit ko. Sa totoo lang hindi ako
sigurado kung papahiramin ako ni Cloud ng ganon kalaking pera pero kung hindi man,
hahanap pa ako ng ibang paraan. "Smile ka na dyan."
Ngumiti siya kahit na pilit. Hindi pa din ako sanay na makita siya nang ganito.
"Hindi mo na kailangang problemahin 'yong problema ko. Ako nang bahala dito, babe."
Kinuha ko ang kamay niya at hinawakan ko 'yon. Tinignan ko siya sa mga mata niya.
"Kean, girlfriend mo ako. Kung anong problema mo, problema ko na din 'yon. Okay?
Tutulungan kita dito sa problemang 'to."
Ngayon ngumiti na siya na hindi pilit. Kahit papaano gumaan 'yong loob ko.
"Thank you babe. Pagkatapos ng lahat ng problema natin, babawi ako sa lahat ng
pagkukulang ko sayo."
"Matatapos din 'to, okay?"
Pagkatapos namin kumain, pumunta muna kami sa MOA. Sumakay kami sa Ferris Wheel.
Nakasandal ako sa balikat ni Kean habang hawak hawak niya ang kamay ko.
"Sana may video sila nung sumasayaw kayo. Gusto kong makita.." Sambit ni Kean.
"Kung nandon lang ako, todo cheer siguro ako sayo."
"Meron kami, ipapakita ko sayo bukas. Teka, ano palang kinanta niyo?" Tanong ko.
"Medley siya. Huling el bimbo tska ligaya. Alam ko may video si Jenelle kaya
makikita mo din 'yon."
"Excited na ang akong makita eh, for sure maganda 'yong performance niyo. Baka nag
dala pa ako ng malaking banner don." Tumawa kami pareho pero pagkatapos non,
natahimik na kaming dalawa. Ramdam ko pa din na hindi okay si Kean. "Iniisp mo pa
din ba 'yong nangyari sa Music Laban?" Tanong ko. "Malungkot ka pa din ba?"
Mas lalong humigpit 'yong pagkakahawak niya sa kamay ko. "Ayokong magsinungaling
sayo. Oo malungkot pa din ako pero mawawala din 'to. Basta nandyan lang kayo ni
Hailey at ni Tatay sa tabi ko, alam ko makakaya ko lahat ng 'to."
Humarap siya sakin at hinawakan niya ang mukha ko. "Basta, ipangako mo sakin na
hindi mo ako iiwan kahit anong mangyari. Hindi ko kakayanin kung pati sayo,
matatalo ako. Mahal na mahal kita Keila."
"Mahal na mahal din kita Kean.. pangako, hindi ako aalis sa tabi mo."
Ngumiti siya at unti unti niyang nilapit ang mukha niya sakin. Hinalikan niya ako.
Nilagay niya ang kamay niya sa bewang ko habang ako hinawakan ko ang likod niya. It
was intimate. Kissing him is one of the most romantic thing for me. I know it was
full of love.

Dear Tadhana,
Sana hayaan mo akong tuparin 'yong pangako ko kay Kean. Sana kahit ngayon lang, wag
kang makipaglaro sakin.. Please.. hayaan mo lang ako sa tabi ng lalaking
pinakamamahal ko.

Chapter 47: Is it the end?


Keila's point of view

"Anong pag uusapan natin?" Seryosong tanong ni Cloud. Kinakabahan pa din ako
hanggang ngayon. "Tungkol ba 'to kay Kean?" Tumango agad ako. Hinawakan ko ang tasa
sa harapan ko. Kailangan ko ng mahahawakan.
"Cloud, may utang kasi na two hundred thousand si Kean sa Polaris, nag kasakit kasi
nuon si Hailey kaya kinailangan niya ng pera--" bigla na lang sumingit si Cloud.
"Keila, anong kinalaman ko dyan?"
"Okay, hindi na ako magpapaligoy pa. Cloud, mangheheram sana ako sayo ng two
hundred thousand. Kapag hindi kasi nakabayad si Kean sa Polaris within this week,
ipapakulong siya ng Polaris. Alam mo naman na walang wala din sila Kean dahil
kakapagamot pa lang nila kay Hailey. Kaya please naman." Kinuha ko 'yong kamay
niya. "Ibabalik ko din sayo."
Nakatingin lang sakin si Cloud na mas lalong nagpakaba sakin.
"Hindi mo dapat iniintindin 'yan. Problema yan ni Kean eh."
"Cloud girlfriend niya ako! Kung anong problema niya, problema ko na din 'yon!"
Hindi ko na naiwasan na mapasigaw dala ng matinding emosyon. Pinipigilan ko na nga
lang umiyak sa harapa niya. "Ayokong makulong si Kean. Nakikiusap ako Cloud. Ngayon
na lang ako hihingi ng malaking pabor sayo." Hindi ko inalis 'yong tingin ko
sakanya.
"Sige pero one hundred thousand lang 'yong mapapaheram ko sayo. Yon lang 'yong
nakuha ko dahil madami kaming nag hati sa pera." Nakahinga ako ng maluwag.
Lumapit ako kay Cloud at niyakap ko siya. "Thank you kambal!"
"Sabihin mo kay Kean, fifty percent interest niyan." Mukha siyang seryoso pero alam
kong nagbibiro siya. "Saan ka pa kukuha ng kulang?"
"Hindi ko pa alam, pag iisipan ko pa 'yon."
Kinuha ni Cloud 'yong cheque niya na worth one hundred thousand. Ibalik ko na lang
daw kapag may pera na si Kean. Alam kong kaibigan pa din 'yong turing ni Cloud kay
Kean kahit na hindi sila gaanong okay ngayon.
Humiga ako sa kama ko.
Ngayon, kailangan kong isipin kung kanino ako mangheheram para sa kulang. Naisip ko
agad si Mama pero nahihiya ako. Never pa akong nangheram sakanya. Kaso naisip ko si
Kean. Kakapalan ko na lang muna 'yong mukha ko para sakanya. Gusto ko na din
matapos ang problema namin.
Bumangon ako at pumunta ako sa kwarto ni Mama. May ginagawa siya kaya nagdalawang
isip ako na lapitan siya pero nakita niya ako kaya pinalapit niya na din ako.
"Anak, may sasabihin ka ba?" Huminga ako ng malalim. Nahihiya ako kay Mama pero may
dahilan naman ako eh. "May problema ba?"
Umupo ako sa tabi niya. Sinabi ko kay Mama lahat. Tungkol sa utang ni Kean, sa
contract sa Polaris at kay Dana. Ang daming nangyari this part few weeks kaya hindi
ko pa nasabi kay Mama ang tungkol don pero buti na lang nasabi ko na ang lahat
kahit papaano gumaan ang loob ko.
"Naipasok ko na sa business natin 'yong pera ko anak pero may fifty thousand pa ako
dito. Sorry Keila, 'yon lang talaga ang maibibigay ko sayo." Ngumiti ako at niyakap
ko si Mama. Malaking bagay na 'yong ibibigay niya.
"Thank you Ma, okay na po 'to. Malaking tulong na din 'to. Kapag may pera na si
Kean, ibabalik ko agad 'yong pera sa inyo." Sambit ko. Tinignan ako ng seryoso ni
Mama at hinawakan niya ang kamay ko. "Bakit po?"
"Gaano mo kamahal si Kean, anak?" hindi agad ako nakasagot dahil nabigla ako sa
tanong ni Mama. Bakit bigla niya 'yon natanong?
"Lahat gagawin ko para sakanya kahit na mahirapan pa ako, ayoko po siyang nakikita
na nasasaktan at nahihirapan. Mahal na mahal ko siya." Seryoso kong sagot. Totoo
naman eh, mahal na mahal ko si Kean. "Bakit mo natanong Ma?"
"Natatakot lang kasi ako na hindi maging sapat 'tong ginagawa mo para kay Kean. Oo,
nabayaran niyo na 'yong utang niya sa Polaris pero paano 'yong pagpapagamot ni
Hailey? Paano kung isang araw, kailangan ni Kean na pumirma sa contract? Paano kung
kailanganin niyang makipaghiwalay sayo para sa contract?" Hinawakan ni Mama ang
dalawang kamay ko. Grabe 'yong pag aalala sa mga mata niya. "Anak, ayoko lang
masaktan at mahirapan kayong dalawa ni Kean."
Hindi agad ako nakasagot dahil may punto lahat ng sinabi ni Mama. Sa totoo lang
hindi sumagi sa isip ko 'yong mga bagay na 'yon. Nakaramdam ako ng takot. Paano nga
kung kailanganin ni Kean na iwan ako para sa contract?
"Anak, alam kong mahal na mahal mo si Kean pero ito ang tandaan mo, ang tunay na
nagmamahal kayang magparaya." Pinunasan ni Mama ang luha sa mata ko. Umiiyak na
pala ako unconsciously. "Ang pag-ibig hindi makasarili, ang pag-ibig mapagpalaya.
Kung anong makapagpapasaya sa taong mahal mo ibibigay mo kahit pa ang palayin
siya."
Niyakap ako ni Mama. Kahit hindi sabihin ni Mama, naintindihan ko kung anong gusto
niyang sabihin sakin. Importante sakin lahat ng mga sinasabi ni Mama dahil alam ko
lahat ng mga 'yon ay para din sakin. Kahit kailan naman hindi ako pinahamak ni
Mama.
Malapit nang mag gabi pero wala pa din text at tawag si Kean simula kaninang
tanghali pero ayos lang sakin. Alam kong busy siya sa paghahanap ng pera kaya ayoko
siyang istorbohin pero nag text naman siya kaninang umaga na magiging busy nga siya
ngayon. Feeling ko nga wala pa siyang tulog simula kahapon. Nag full time kasi siya
sa coffee shop. Mas lalo akong naging determinado para makumpleto ko 'yong pera na
kailangan ni Kean.
Fifty thousand. Fifty thousand na lang, maayos na ang problema namin.
Huminga ako ng malalim at binuksan ko ang drawer ko. Fifty thousand na 'yong laman
ng piggy bank ko. Iniipon ko 'to para sana makapag aral ako sa isang sikat na
pastry school pero siguro, ipagpapaliban ko na lang muna 'yon. Kinuha ko ang piggy
bank ko at binasag ko 'yon. Masakit man pero mas importante si Kean sakin.
Pagkatapos non napahiga na lang ulit ako sa kama ko.
Nag echo sa utak ko 'yong mga sinabi ni Mama. Sapat na nga ba lahat ng 'to? Oo,
makakabayad nga si Kean sa Polaris pero paano 'yong pagpapagamot ni Hailey? Paano
'yong opportunity na binigay kay Kean?
Pinikit ko 'yong mata ko. Sana matapos na lahat ng 'to. Gusto ko ng bumalik sa dati
na masaya lang kami at walang iniintindi.
--
"Ayan, two hundred thousand." Inabot ko kay Carla 'yong cheque. "Pwede ko na
sigurong pirmahan 'yong papers?" Nagulat ata siya kaya hindi niya agad naiabot
sakin 'yon.
Pinirmahan ko 'yong kasulatan na bayad na si Kean sa lahat ng utang niya sa
Polaris. Mas maganda na may ganito para sigurado ako na wala na silang habol kay
Kean.
"Ilang bwan na kayo ni Kean?" Tanong niya. Napataas ako ng kilay kaya nagsalita
agad si Carla. "Curious lang naman ako."
"Mag six months." Sagot ko.
"Saglit pa lang pala kayo pero hanga ako sayo. Kahit sa sandaling panahon, kitang
kita sayo na mahal na mahal mo si Kean." Ngumiti siya sakin pero feeling ko may
double meaning 'yong pagkakasabi niya.
"Wala naman 'yon sa tagal ng relasyon. Nasa pagsasama niyo 'yon at isa pa, hindi
naman mahirap mahalin si Kean." Ngumiti din ako sakanya. "Tingin ko okay na tayo.
Wala ka na naman ibang kailangan kay Kean, hindi ba?" Sinusubukan kong wag maging
mataray sakanya dahil sa huli ginagawa lang naman niya 'yong trabaho niya.
"Wala na pero may gusto lang sana akong sabihin sayo," Uminom siya ng kape
pagkatapos tinignan niya ako ng napaka seryoso. "Hindi ko na pipilitin pa si Kean
dahil alam kong kapag sinabi niyang hindi, hindi talaga pero ikaw bilang girlfriend
niya sana maisip mo kung gaano kalaking opportunity 'yong pinapalagpas ni Kean para
sayo. Sayang kasi eh. Hindi lahat nabibigyan ng ganitong opportunity at hindi sa
lahat ng panahon may ganitong chance na kakatok para kay Kean. Bata pa kayo, madami
pang pwedeng mangyari Keila. Isa pa, sayang 'yong pera na pwedeng kitain ni Kean sa
Polaris, pwede na sanang pang pagamot kay Hailey." Huminga ng malalim. "Sana maisip
mo lahat ng yan habang hindi pa huli ang lahat. Sige, mauuna na ako."
Tumayo siya dala dala ang suitcase niya tska siya tuluyang umalis. Hindi na ako
halos nakapasalita pa. Dahan dahan nag si-sink in sa utak ko 'yong mga sinabi niya.
Habang tumatagal, mas lalong bumibigat 'yong pakiramdam ko. Tama ba talaga na
nireject ni Kean 'yong contract?
Hindi ako makatayo sa kinakaupuan ko. Isa lang 'yong nasa isip ko, bakit ang hirap
ng sitwasyon namin ni Kean? Ang gusto lang naman namin maging masaya kami pero
parang palaging may hadlang.
Okay na 'yong problema eh pero parang may mali pa din.
Tumunog 'yonh phone ko at nakita ko ang pangalan ni Kean.
"Babe?" Sagot ko.
"Hi babe, nasan ka? Gusto kitang makita." Mukhang pagod na pagod na siya.
"Pupuntahan kita."
"Magkita na lang tayo sa bahay niyo. Gusto ko din dalawin si Hailey eh. Malapit
lang naman ako so maglalakad na lang ako."
"Sige, mag ingat ka. I love you.. babe."
Naglakad na ako papunta kala Kean. Nag take out ako ng pagkain para kala Hailey.
Pagdating ko don nandon na 'yong motor ni Kean. Umakyat ako at pagkakita pa lang
sakin ni Kean, niyakap na niya ako ng sobrang higpit.
"Hayaan mo lang akong yakapin ka kahit limang minuto. Pakiramdam ko miss na miss
kita kahit isang araw pa lang tayong hindi nagkikita."
Hinayaan ko lang siyang yakapin ako. Tama, isang araw pa lang pero miss ko na din
siya. "Miss na din kita, Kean."
Hinarap niya ako at tinignan niya ako diretso sa mga mata ko. Mukhang pagod na
pagod na siya pero ang gwapo pa din niya. Inayos ko ang buhok niya. Wala siyang
pinag bago maliban sa pumayat siya ng kaunti.
"Ano 'yang dala dala mo?" Kinuha niya sakin 'yong bitbit ko. "Wow mukhang masarap
ah? Kumain ka na ba?"
"Hindi pa. Sabay na tayong kumain."
Pumasok kami sa loob. Lumapit agad sakin si Hailey. "Ate ganda!" Niyakap niya agad
ako. Una kong napansin 'yong naglalagad na buhok niya. May nagbabadyang luha sa
gilid ng mata ko pero pinigilan ko agad 'yon. "Bakit ngayon ka lang pumunta dito?
Miss na kita."
"Miss na din kita, Hailey." Ngumiti ako sakanya. "May dala akong pagkain. Tara kain
tayo?"
Masaya niya akong hinila papunta sa mesa. Hinanda ni Kean 'yong plato namin at
masaya kaming kumain. Nakakamangha na kahit na ganito 'yong lagay ni Hailey,
nagagawa pa din nilang maging masaya. Habang tinitignan ko si Hailey, lalo akong
humahanga sakanya. Hindi mo makikita sakanya na may iniinda siyang sakit. Para sa
isang bata, ang lakas ng loob niya.
Hindi ko din maiwasan na mapatingin kay Kean at kada titingin siya kay Hailey,
mahahalata mong nasasaktan siya at kagaya ko pinipigilan lang din niyang umiyak.
Paano kaya kung nasa kalagayan ako ni Kean? Pakiramdam ko, iiyak lang ako ng iiyak
at hindi ako makakatingin ng diretso sa harap no Cloud dahil mas lalo akong
maiiyak. Alam kong nasasaktan din ngayon si Kean pero habang kaya niya itatago niya
'yon sa lahat kahit na sakin pa. Isa sa mga bagay kung bakit mahal na mahal ko
siya.
"Hailey, matulog na tayo." Aya ni Tito.
"Good night Ate Ganda," lumapit siya sakin. At may binulong siya sakin. "Ate,
salamat dinalaw mo ako ha, kahit papaano nawala 'yong sakit sa ulo ko. Sana palagi
kang pumunta dito."
Niyakap ko na lang siya ng mahigpit. Gustong gusto ko nang umiyak pero hindi sa
harap ni Hailey.
"Palagi akong pupunta dito para sayo. Good night, Hailey."
Lumabas kami ni Kean. Umupo kami sa malaking upuan na nakaharap sa mga ilaw ng
city. Half moon ngayon at ang daming stars. Sumandal ako sa balikat ni Kean habang
hawak hawak niya ang kamay ko.
"Pinayagan na ako ni Mr. Lim na mag advance ng Fifteen thousand, papakiusapan ko na
lang si Carla na huhulugan ko na lang 'yong utang ko."
"Kean, nabayaran ko na 'yong utang mo sakanila kaya wala ka ng dapat ipag alala.
'Yong pagpapagamot na lang ni Hailey 'yong kailangan nating intindihin." Humarap
sakin si Kean at halatang hindi siya makapaniwala sa mga sinabi ko. "Nangheram ako
kay Cloud at kay Mama ng pera. Bayaran mo na lang daw sila kapag may pera ka na."
"Keila bakit mo ginawa 'yon? Nakakahiya sakanila at sayo. Hindi mo naman kailangang
problemahin 'tong problema ko."
"Kean, kung hindi ka makakabayad sakanila sa loob ng tatlong araw, ipapakulong ka
nila. Ayokong mangyari 'yon kaya gumawa na ako ng paraan." Mas lalong nanlaki 'yong
mata ni Kean. Mukhang sakin lang sinabi ni Carla ang tungkol don. "Ang mahalaga
okay na 'yong problema mo sa Polaris. Hindi naman nagmamadali si Mama at Cloud eh."
Niyakap ako bigla ni Kean. Umiyak na siya sa balikat ko. "Hindi ko alam kung anong
gagawin ko kung wala ka sa tabi ko."
"Nandito palagi sa tabi mo Kean."
"Salamat babe. Pangako, babayaran ko din lahat ng yan." Ngumiti siya sakin. Matagal
ko ng hindi nakikita 'yong ngiti niyang 'yon. Masaya ako na makita siyang ganito.
"Sorry din kung ang dami ko nang pagkukulang sayo. Naging busy ako nang mga
nakaraang linggo pero pangako babawi ako." Unti unti siyang lumapit sakin at
hinalikan niya ako. "Mamaging maayos na din ang lahat sa atin. Pangako yan babe."
Sana nga kasi naghihirapan na din ako sa ganitong sitwasyon Kean pero dahil mahal
na mahal kita, lumalaban pa din ako pero sana tama na. Gusto ko lang naman na
maging masaya.. kasama ka.

--
It's been six months..

Next week graduation na namin. Ang bilis ng panahon parang kailan lang, tinuturuan
pa ako ni Mama ang alphabet tapos ngayon magtatapos na ako ng pag-aaral.
Madami din naman nangyari sa loob ng six months.
Bumalik na si Dana galing US at nag start na siya ng career niya dito at may
gagawin siyang movie next month. Nakapag move-on na siya ng tuluyan kay Kean at
maayos na kami. Si Papa madalas na kaming magkita kasama si Cloud. Tuwing weekend
lumalabas kaming ni Dana at ni Cloud kasama si Papa. Si Mama may nanliligaw sakanya
pero last week parang hindi ko na nakikita 'yong guy.
Si Cloud, ayon pumirma na siya ng contract sa Star entertainment, same sila ng
company ni Julianne. May mga commercials na siya at alam ko pagtatambalin sila ng
Julianne kaya nga masayang masaya siya ngayon. Well, masaya naman ako na makita
siya na masaya.
Si Jenelle, ayon hanggang ngayon umaasa pa din siya kay Cloud although sinasabi
niyang hindi na pero action speaks louder than words. Sana nga makahanap na lang
siya ng iba na magpapahalaga sakanya.
Si Marion, nagulat kami ng malaman namin na nagkaroon pala siya ng girlfriend si
Rylie pero hindi ko na alam kung sino na ngayon ang girlfriend niya kung si Rylie
pa din o si Summer. All along akala ko gusto niya si Jenelle well alam kong
nagustuhan niya si Jenelle, siguro hindi lang siya kasing martyr ni Jenelle. Sana
nga mag move-on na din si besty sa kakambal ko.
Si Trevor, ngayon malapit na ang graduation, mag fo-focus na daw siya sa racing
dahil graduate na din siya sa soccer team at sa pagsasayaw. Ang alam ko, nag uusap
na ulit sila ni Bettina pero lately hindi ko na nakikita si Elline.
Si Krystal, ewan ko sa babaeng 'yon.
Si Dwayne, okay na kami. Nag usap kami one month after ng finals. Nag sorry siya
sakin at sinubukan niya din na makipag ayos kay Kean. Hindi man bumalik 'yong
dating pagkakaibigan nila, mas civil na sila ngayon sa isa't isa. I think mas
better na siya ngayon at masaya ako para sakanya. Nagulat lang ako ng makipag break
siya kay Leona, akala ko seryoso na siya sakanya. Ang sabi niya sakin, hindi na daw
kasi sila madalas magkasundo. After graduation mag try siyang mag send ng resume sa
Elle magazine sa New York.
Si Kean? Ayon promoted na siya bilang manager ng coffee shop kaya unti unti
nababayaran na niya 'yong utang niya kay Mama at Cloud at the same time nagagawa pa
niyang bayaran 'yong maintenance ni Hailey. Sabi ng doktor bumubuti naman daw siya
pero hindi pa din daw kami pwedeng magpakasigurado. 'Yong tatay ni Kean nakakuha ng
part time job na home base kaya kahit papaano hindi na sila gaanong nahihirapan.
Minsan tumutugtog pa din sila sa Padis sa MOA.
Kami ni Kean?
Tinupad niya 'yong pangako niya na babawi siya. Talagang bumawi siya sakin. Araw
araw pinaparamdam niya na para akong prinsesa. Wala na akong mahihiling pa sakanya.
Habang tumatagal mas lalo ko siyang minamahal. Everything seems to be perfect. Well
that's what I thought..

"Babe, ubusin mo na 'yong ice cream mo! Matutunaw na oh!" Sigaw ko kay Kean na busy
sa paglalaro ng ben ten sa phone niya. "Mukha ka ng ben ten eh!"
"Babe, napustahan kami ni Nate, pataasan ng score dito kaya hindi ako pwedeng
manalo. Ticket sa enchated 'yong prize sayan eh." Mukhang determinado nga talaga
siya. Natawa na lang ako dahil ito na naman siya sa moment niya na para siyang
bata. "Ayan na! Ayan--" naputol 'yong sinasabi ni Kean nang tumunog 'yong phone
niya.
Tumatawag 'yong tatay niya. Hindi ko maintindihan pero bigla na lang bumilis 'yong
tibok ng puso ko.
"Tay, ano pong problema?"
Pagkatapos ng dalawang minuto, binaba ni Kean 'yong phone at tulala siya.
Nanginginig 'yong kamay niya. Sana walang nangyaring masama. "Babe, anong
problema?"
May mga luha na unti unting tumutulo galing sa mata niya. "Si Hailey.. inatake daw
siya at kailangan na daw niya ng operasyon."

Minsan talaga akala natin okay na ang lahat pero hindi pa pala. Akala mo magiging
masaya na kayo ng tuluyan pero palaging may way ang tadhana para paghirapan kayo,
ang paghiwalayin kayo..

Dear Tadhana,
Hanggang kailan mo ba ako paglalaruan?

--
Last 3-4 chapters.
Bumilis siya kasi may book 2 pa. Yes may book 2 pa, kaya tiwala lang. ;))))

Chapter 48: Save her


Kean's point of view

(Now Playing: I won't give up - Jason Mraz)


"Tay, asan si Hailey?" Sa sobrabg kaba ko hanggang ngayon, sobrang bilis pa din ng
tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag may nangyaring masama
kay Hailey. "Anong nangyari?" Nilalabanan ko ang pag-iyak ko. Ayokong umiyak sa
harap ni Tatay. Kailangan ako 'yong maging matatag para sa amin.
Huminga siya ng malalim. "Kailangan na daw niya ng surgery, kailangan nilang
tanggalin 'yong ilang tumor cells niya. Nasa operating room siya."
Sinara ko ang kamay ko. Sana ako na lang 'yong nandon sa operating room, sana ako
na lang ang may sakit at hindi si Hailey. Ang bata pa niya para pagdaanan lahat ng
ito. "Pumayag sila na operahan siya kahit na wala tayong binigay na pera?" Tanong
ko.
"Nakausap ko si Mr. Song, siya na daw ang bahala don pero kailangan natin mag bigay
sa loob ng isang linggo." Kahit paano, nakahinga ako ng maluwag. "Anak, kakausapin
ko 'yong boss ko kung pwede akong mangheram sakanya ng pera."
Naisip ko na naman 'yong boss niya na walang ubod ng sama. Hindi ko hahayaan si
Tatay na bumalik pa don. "Wag na tay, ako na po ang bahala sa lahat. Paki bantayan
na lang po si Hailey." Hinawakan ni Tatay ang balikat ko.
"Salamat anak," hindi na niya naiwasan na maiyak. Isa 'to sa mga bagay na ayokong
makita dahil nadudurog ang puso ko tuwing nakikita kong umiiyak o nasasaktan ang
taong mahal ko. "Patawarin mo ako anak kung napaka walang kwenta kong tatay sa inyo
ni Hailey. Gusto kong makatulong pero--"
"Tay, wag niyong sabihin yan. Alam ko lahat ginagawa niyo para sa amin ni Hailey at
sapat na 'yon. Binuhay niyo kami na mag isa at duon pa lang, napatunayan niyo nang
napakabuti niyong ama sa amin." Niyakap ako ni Tatay. Lahat naman ng sinabi ko
totoo, wala kami dito kung hindi dahil sakanya. "Gagawa po ako ng paraan."
Humarap ako kay Keila. "Dito ka ka lang muna, maghahanap lang ako ng pera,"
Nakikita ko sa mata niya na gusto niyang sumama sa akin at gusto niyang tumulong
pero pinigilan ko siya. "Hayaan mo na ako Keila. Ikaw na ang gumawa ng paraan dati
kaya ngayon ako naman. Magtiwala ka sakin." Tumango lang siya at niyakap niya ako.
Nang makita ko siya agad kong pinahid ang mga luha sa gilid ng mata niya.
"Basta kung kailangan mo na ako, tumawag ka sakin ha?" Sambit niya. Tumango ako
kahit na wala akong balak na tawagan siya dahil ayoko na siyang mag alala pa sa
problema ko. Hiyang hiya na ako kay Keila. "Ingat ka."
Pumunta ako sa accounting para tignan kung magkano ba ang kailangan namin bayaran,
one hundred fifty thousand na 'yong running bill namin. Basta makakuha ako ng
kalahati okay na, babayaran ko na lang pa unti unti 'yong iba.
Nagmadali akong pumunta sa main office namin. Nandon ang general manager namin at
alam ko na matutulungan niya ako. Sa ganitong panahon dapat lahat ng pride na meron
ka, lulunukin mo na pero hindi ko magawang heraman ng pera ulit sila Keila dahil
may utang pa ako sakanila. Alam ko makakahanap pa ako ng iba paraan.
Pagdating ko sa office, saktong nandon si Mrs. Ong. Pinapasok naman agad ako ng
secretary niya.
"Kean, anong ginagawa mo dito?" Tinuro niya ang upuan sa harapan niya. "Maupo ka."
Utos niya.
Umupo ako pagkatapos tinignan ko siya. Mukhang naiinip na siya. "Mrs. Ong, hindi na
po ako magpapaligoy pa. Nandito po ako para sana humeram ng pera. One hundred
thousand po to be exact. Kunin niyo na lang sa sahod ko at lagyan niyo na lang po
ng interes."
Tumaas ang kilay niya. "Wow, hindi ba newly promoted ka pa lang? And then you're
asking me this? Ito na nga ba 'yong sinasabi ko kay Mr. Lim, dapat pinagisipan niya
muna ng mabuti bago ka i-promote." Ngumisi siya sa akin na parang bang minamata
niya ako.
Sinara ko na lang ang kamay ko para pigilan 'yong inis ko. Hindi niya alam 'yong
sitwasyon ko ngayon. Kung hindi ko lang talaga kailangan ng pera, hindi ako lalapit
sakanya pero para 'to sa kapatid ko. "Mrs. Ong, nasa operation room na ngayon 'yong
kapatid ko at kailangan namin ng pera pang bayad sa operation. Kailangan na
kailangan ko po ng pera, sana maintindihan niya ako."
"Kean, one hundred thousand? Ang laking pera niyan. Anong akala mo sa kompanya,
charitable insitution?"
"Nakikiusap po ako Mrs. Ong. Sabi naman po ni Sir Marky ayos lang mag cash advanced
or mangheram sa kompanya ng pera. Alam ko po na sobrang laking bagay ng hinihingi
ko pero wala na po talaga kasi akong malapitan. Lulunukin ko na lahat ng hiya ko
ngayon, please po." Hindi ko na naiwasan umiyak. Ayokong isipin niya na nagpapaawa
ako kaya ako umiyak. Hindi ko na lang talaga mapigilan.
"Mabait si Mr. Lim kaya sana wag mong abusuhin. Totoo, pwedeng mag cash advanced at
mag paheram ang kompanya pero Kean, ang laking halaga ng kailangan mo. Hindi yan
pwede." Sa itsura niya mukhang wala talaga siyang balak na pahiramin ako ng pera.
"Umalis ka na, wala na tayong pag-uusapan pa."
Hindi pwede, kailangan ko ng pera. Para kay Hailey.
Lumapit ako sakanya at tska ako lumuhod sa harapan niya. Kahit ano gagawin ko para
sa kapatid ko, hindi ko hahayaan na mawala siya sa amin. Nangako ako kay Nanay na
aalagaan ko siya. Hindi siya pwedeng mawala. "Nakikiusap po ako, Mrs. Ong. Parang
awa niyo na po. Buhay po ng kapatid ko ang nakasalalay dito. Sana maintindihan niyo
ako."
Tinignan niya ako ng matagal pero umiling siya. "Sorry pero hindi talaga pwede.
Mabuti pa umalis ka na sa office ko."
Kusa na naman tumulo ang mga luha sa mata ko pero naisip ko na wala na din saysay
kung magtatagal ako pa ako dito. Tumayo ako at pinunasan ko ang mga luha sa mata
ko. "Pasensya na po sa abala Mrs. Ong. Mauna na po ako."
Umalis agad ako sa office niya. Wala akong karapatan na magalit kay Mrs. Ong dahil
hindi naman nila obligasyon na pahiramin ako ng pera. Naiintindihan ko naman siya
kung bakit ayaw niyang maglabas ng ganong kalaking pera.
Kanino ako mangheheram ng pera?
Pumasok sa isip ko si Dwayne. Hindi ko alam kung talaga bang okay na kami. Wala
naman akong problema sakanya pero hindi ko sigurado kung nakalimutan niya na ang
mga nangyari samin nuon. Kahit naman siguro hindi kami okay basta si Hailey ang
pinaguusapan, makikinig siya. Mas may chance pa siguro na pahiramin niya ako ng
pera.
Nag drive ako papunta sa bahay nila. Sinalubong ako ng katulong nila at buti na
lang nasa bahay siya.
"Anong ginagawa mo dito, Kean?" Tumayo siya sa harapan ko. "May kailangan ka ba?"
"Dwayne, hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. Nasa hospital ngayon si Hailey,"
nanlaki agad ang mata niya at bakas ang pag aalala niya. "Pumayag sila na operahan
siya kahit wala pa kaming binabayad sakanila pero kailangan namin na magbayad sa
loob ng isang linggo. Wala na akong ibang malapitan," lumuhod ako sa harapan niya.
"Nakikiusap ako, tulungan mo naman ako Dwayne. Kahit para kay Hailey."
Kinuha niya ang kamay ko at tinayo niya ako. "Hindi mo na kailangan lumuhod sa
harapan ko, Kean. Alam mo naman na malapit sakin si Hailey kaya kahit anong tulong
ang hingin mo para sakanya, ibibigay ko."
"Salamat Dwayne." naiyak na naman ako. Siguro dahil sa saya dahil sa wakas may
tutulong na sa kapatid ko. Nagiging emosyonal talaga ako kapag pamilya ko ang pinag
uusapan. "Tatanawin ko 'tong malaking utang na loob."
"Wag mo na isipin 'yon. Tara na."
Imbes na sumakay siya sa kotse niya, sumabay siya sa motor ko. Buti na langlagi
akong may extra helmet. Sanay na sanay na naman si Dwayne na sumakay sa motor ko
dahil palagi siyang nakikisabay sakin. Mas gusto pa daw niya sa motor ko kaysa sa
kotse niya. 'Yon ang mga panahon na halos kapatid na ang turing namin sa isa't isa.
"Dwayne?" Nagtatakang tanong ni Keila. "Bakit ka nandito?"
"Sakanya ako nakaheram ng pera."
"Dwayne, hindi ko alam kung paano pa ba kita papasalamatan. Ang dami mo ng
naitulong sa amin lalo na kay Hailey." Sambit ni Tatay. "Salamat anak."
"Wala 'yon Tatay Ken, malapit na kayo sakin lalo na si Hailey kaya maliit na bagay
lang 'to." Tumingin sakin si Dwayne. "Kahit na nagkaroon kami ng away ni Kean,
hindi ko kayo kinalimutan kahit si Hailey."
"Salamat, Dwayne." Sambit ko. "Makakabayad din ako sayo."
"Wag mo munang isipin 'yon. Mahalaga maging maayos 'yong kalagayan ni Hailey. Sige
pupunta muna akong accounting."
Napangiti ako dahil pagkatapos ng lahat, pinapahalagahan pa din pala niya 'yong
pamilya ko. Duon ko na realized na, kaibigan pa din ang turing sakin ni Dwayne.
Hindi na nga lang katulad ng dati pero alam ko magkaibigan pa din kami.
"Kakain na muna ako anak, babalik din ako." Paalam ni Tatay.
Umupo kami ni Keila sa tapat ng operating room. Hinawakan niya ang kamay ko.
Sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya. Pakiramdam ko pagod na pagod ako.
"Masaya ako na nakahanap ka na ng paraan. Hindi ko inaakala na si Dwayne pa 'yong
tutulong satin."
"Nung una hindi ko siya naisip, siguro nahihiya din ako sakanya pero nakalimutan ko
na kung may tao man na nagmamahal ng lubos kay Hailey maliban samin ni Tatay, si
Dwayne 'yon," bumabalik sa alaala ko 'yong nga panahon na palaging nasa bahay si
Dwayne at palagi silang maglalaro ni Hailey ng chess o kaya babasahin ni Dwayne si
Hailey ng libro. Hindi ko din alam kung bakit ganon na lang sila kalapit sa isa't
isa. Siguro dahil sa matinding pagkakaibigan namin nuon, kaya lahat ng mahalaga
sakin ay mahalaga na din para sakanya. Ganon si Dwayne, ganon siya magpahalaga sa
isang tao. "Kung pwede ko nga lang sana ibalik ang dati, gagawin ko. Isa siya sa
mga pinakamahalagang tao sa buhay ko."
"Maayos ang lahat. Paunti unti babalik din ang lahat sa dati o kung hindi man,
kahit na maging magkaibigan na lang ulit kayo."
Sana nga. Sa totoo lang, miss ko na si Dwayne. Silang dalawa ni Cloud.
Naayos na lahat ni Dwayne ang babayarin namin hanggang sa makalabas si Hailey sa
hospital. Tapos na din ang operasyon sa kapatid ko at nakahinga kami ng maluwag
dahil maayos na ang lagay ni Hailey. Nilipat na siya sa isang private room pero
hanggang ngayon wala pa siyang malay. Sabi ng doktor hayaan na daw muna namin
siyang magpahinga.
Kumain muna kaming tatlo sa canteen habang si tatay ang nagbabantay kay Hailey.
"Dwayne, salamat sa pagtulong kay Kean." Sambit ni Keila.
"Wag niyong isipin 'yon," naging seryoso bigla ang mukha niya. "Kean, okay na
ngayon si Hailey pero kailangan mong maging handa. Kailangan mag hanap ka nang
pangmatagalan na solusyon sa problema na 'to. Wag kang ma offend sa sasabihin ko
pero hindi naman pwedeng palagi ka na lang mangheheram sa iba. Kailangan mong
isipin 'yong future ni Hailey at ni Tatay Ken."
Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi ko pa naisip ang mga 'yon dahil sobrang gulo pa
ng utak ko pero tama si Dwayne. Hindi pwedeng ganito na lang palagi. Hindi sa lahat
ng oras matutulungan niya ako.
Pagkatapos namin kumain, nagpaalam na din si Dwayne sa amin. Dadalaw na lang daw
siya bukas. Pinatulog ko na din si Tatay sa sofa na katabi ng kama ni Hailey. Alam
kong wala pa siyang pahinga simula kanina.
"Kean.. naisip ko 'yong sinabi ni Dwayne. Habang sinasabi niya 'yon, naisip ko
bigla 'yong Polaris. Sa puntong 'to, sila lang makakatulong sayo." ayoko man aminin
pero may punto si Keila. "Alam ko na ayaw mong pumirma don pero mas isipin mo si
Hailey. Kailangan niya 'to. Isa pa, malaking opportunity na 'to para sayo."
Ayokong pumasok sa showbiz. Masaya na ako sa banda ko pero kung ganito na kailangan
namin ng malaking halaga ng pera, wala na akong choice. Kaya naman namin itago ni
Keila 'yong relasyon namin.
"Papayag ka ba kung pipirma ako don?" Ngumiti si Keila pero nakikita ko sa mukha
niya ang pag aalala. "Hindi ko susundin ang nasa kontrata. Hindi ako makikipaghiway
sayo. Itatago natin 'yong relasyon natin." Niyakap ko siya. "Keila, nangako ako
sayo hindi ba? Hindi kita iiwan kaya gagawin ko lahat para mapanatili 'yong
relasyon natin kahit na under na ako ng Polaris."
"Gawin mo 'to para kay Hailey," mas humigpit ang pagkakayakap niya sakin. "Okay
lang ako Kean. Maiintindihan ko ang lahat at kahit na patago lang ang relasyon
natin, ayos lang sakin basta alam kong mahal mo ako, sapat na 'yon."
Hindi ako nagkamali na siya ang minahal ko. Alam ko na magiging maayos pa din ang
lahat sa amin kahit na maging patago man ang relasyon namin.
"Basta palaging mong tandaan Keila, mahal na mahal kita.. pangako yan."
--
"I'm sorry about what happened to your sister but I'm glad na nakapag isip ka na ng
tama. Sayang ang opportunity na 'to Kean." Sambit ni Carla. "Wag ka mag alala,
after two weeks, ready na ang cheque mo amounting to one million at kami na ang
bahala sa kapatid mo, sa medication niya at sa pagpapa radio therapy niya."
Binasa ko ulit ang contract. Valid siya for five years at kung gusto kong i
terminate ang contract na 'to magbabayad ako ng five million pesos. Sa oras na
kumikita na ako kailangan ko lang mag ipon ng para kay Hailey at para makaalis sa
Polaris. Para bumalik kami ni Keila sa dati.
"For sure bago ka pumirma dito, nakipaghiwalay ka na kay Keila. Tama ba ako, Kean?"
Hindi agad ako nakasagot sakanya. Dito na magsisimula ang pagsisinungaling namin ni
Keila. Kahit na anong mangyari, alam naman namin ang totoo na lahat ng 'to para
lang sa contract. "Oo, wag kang mag alala. Nakipag hiwalay na ako sakanya kahapon."
Ngumiti sakin si Carla dahilan para mainis ako. Ganito ba sila sa lahat ng artist
nila? Masyado nilang ginagawang alila. Kung hindi lang dahil sa pera, hindi ako
magpapaalipin sakanila.
Pinirmahan ko na ang kontrata. Inabot sakin ni Carla ang kamay niya.
"Welcome to Polaris Entertainment, Kean Marco. I hope mag enjoy ka sa bagong
journey mo with us. Soon makikilala mo din ang boss ko but for now, we'll arrange
trainings for you bago ka namin ipakilala sa public."
Nakipagkamay ako sakanya at pinilit ko ang sarili ko na ngumiti.
"Thank you, Carla."
"I'll go now, I need to process your initial payment. Ito pala, bago mong phone,"
inabot niya sakin 'yong box na may lamang iPhone6. "Andyan na 'yong number ko at
naka line na yan so wala ka nang dapat intindihin. I'll orient you about everything
tomorrow. Okay? See you tomorrow."
Nung umalis siya, kinuha ko 'yong phone ko at tinawagan ko si Keila.
"Okay na babe, nakapirma na ako." Sambit ko. "Simula ngayon, hindi na tayo pwedeng
makita ng iba na magkasama at magiging busy na ako. Alam ko mahirap 'to para sayo
pero pangako magiging okay na din ang lahat. Konting tiis lang."
"May tiwala naman ako sayo eh. Wag ka mag alala, mas lalawakan ko pa 'yong pang
unawa ko. Although mababawasan na 'yong time mo para sakin pero ayos lang.
Maghihintay ako sayo. Hihintayin ko 'yong panahon na babalik din tayo sa dati."
"Wag mong kakalimutan, mahal na mahal kita kahit anong mangyari, ikaw lang ang
mahal ko wala ng iba.."
"Mahal na mahal din kita, Kean."
Sa totoo lang, kinakabahan ako sa mga pwedeng mangyari pero lalaban ako para kay
Hailey, kay Tatay at para kay Keila.

Dear Tadhana,
Alam ko na pinaglalaruan mo na naman kami at alam ko na madami pa kaming pagdadanan
pero sana kahit anong mangyari.. Sana kami pa din ni Keila ang tinakda mo hanggang
sa huli..

Chapter 49: Graduation

Keila's point of view

(Now Playing: Love is not over - BTS)

Sa wakas, pagkatapos ng lahat ng paghihirap ko sa kolehiyo ay graduate na ako.


Sobrang sarap sa feeling. Naaalala ko pa 'yong mga pinagdaanan ko. 'Yong araw araw
ka magdadala ng mabibigat na libro, 'yong sunugan ng kilay na pag re-review kapag
malapit na 'yong mga exams, 'yong kailangan mong bumangon ng sobrang aga kada umaga
kahit na minsan antok na antok ka pa, 'yong pagharap mo sa malalakas na ulan na
akala mo waterproof ka, 'yong sakit sa ulo na thesis, 'yong masusungit at terror
mong professors, 'yong mga projects sa bawat subject at pati na din 'yong mga bagay
na hindi related sa academics, kagaya ng heartaches, friendship overs, away dito at
kung saan at iba pa. Overall, masasabi ko na masaya naman ang college life ko at
masasabi ko na worth it ang lahat.
Tama nga si Mama, tiisin ko lang lahat ng paghihirap sa college kasi kapag
nahawakan ko na 'yong diploma ko, lahat ng paghihirap ko mapapalitan ng saya.
"Congratulations sa inyong dalawa!" Bati ni Mama pagkatapos niyakap niya kaming
dalawa ni Cloud. "Masayang masaya ako para sa inyo." Bakas nga sa mukha niya na
masayang masaya siya. Napangiti ako dahil sa nakita ko. Kakaiba talaga 'yong
pakiramdam na makita mo 'yong magulang mo na masaya. "Proud na proud ako sa inyong
dalawa."
"Para sayo 'tong diploma namin, Mama." Sambit ni Cloud. "Thank you po sa lahat."
"Thank you Mama. Kung hindi dahil sa inyo, hindi namin makukuha 'tong diploma na
'to." Naiiyak ako pero ayokong mag drama sa harapan nila. Nag group hug ulit kaming
tatlo. "Wah! Nagugutom na ako, saan tayo kakain?" Tanong ko.
"Ako ang mang ti-treat sa inyo ngayon kaya sa Vikings tayo. Okay ba 'yon sa inyo?"
Tanong ni Mama. Pareho kaming tumango ni Cloud. "Tara na?"
"Mama, pwede po bang mauna na kayo sandali? Hahanapin ko lang po si Jenelle. Saglit
lang po ako."
"Okay, hintayin ka namin sa kotse."
Tinignan ako ng seryoso ni Cloud. "Keila, don't do something stupid. Madaming
matang nakatingin sa inyo." Paalala niya. I know what he's talking about.
Hinanap ko si Jenelle. Nakita ko siya kasama ang family niya pero nung nakita niya
ako, lumapit siya agad sakin. "Besty! Congratulations sa inyo ni Kuya Dwayne! Iiwan
niyo na ako dito sa university."
"Salamat Jenelle. Wag kang mag alala, hindi pa naman graduate si Marion eh kaya may
kasama ka pa din dito." Bigla siyang nag make face. "Oh bakit?"
"Si Summer na palagi niyang kasama, 'yong bago niyang girlfriend." Nanlaki 'yong
mata ko. So, wala na sila ni Rylie? "Sana gradudate na din ako." Pinisil ko na lang
'yong pisngi niya.
"Take your time, baka kapag nag work ka na, ma-miss mo bigla ang mag aral." Kinuha
ko agad sa bag ko 'yong gift ko para kay Kean. Ayokong mag hintay ng matagal sila
Mama. "Jenelle, hihingi sana ulit ako ng favor sayo eh. Pwede bang paki bigay 'to
kay Kean? Hindi ko kasi siya makita tska alam mo naman na hindi na kami pwedeng
makita na magkasama in public. Gusto ko kasing ibigay sakanya agad 'tong graduation
gift ko, baka kasi may bigla siyang lakad mamaya kaya baka hindi na din kami
magkita mamayang gabi." Kinuha naman agad ni Jenelle 'yong gift ko.
"Don't worry besty, ako na ang bahala."
Bago pa man ako makaalis, lumapit samin si Dwayne. "Hey Keila, congrats."
"Congrats din, Dwayne. Sige, I have to go." Paalam ko. Nagmadali akong lumabas ng
auditorium. Sa hallway, ang daming nagtitilian na mga babae. "Ouch!" Nabangga ako
ng isang babae na patakbo sa mga nagkukumpulan.
"Keila?" Narinig ko 'yong boses ni Trevor. "Ayos ka lang ba?" Tinulungan niya akong
tumayo. Ngumiti na lang ako sakanya.
Natigilan ako ng dumaan sa harapan namin si Kean. Pinagkakaguluhan pa din siya ng
mga babae at kasama niya si Carla, si Hiromi, 'yong personal assistant niya at
stylist tska si Arkin 'yong body guard niya. Tumigil siya sandali sa harap namin at
napatingin siya sa mata ko. May kung anong kumurot sa puso ko. Gustong gusto ko
siyang kausapin at sabihan ng congratulations, gusto ko siyang yakapin ng mahigpit
pero hindi ko magawa dahil hindi pwede.
"Kean? We have to go." Paalala sakanya ni Carla. Nang magtama ang mata namin ni
Carla, tinignan niya ako ng masama. Ang alam niya wala na kami ni Kean pero alam
kong naghihinala pa din siya samin. "Come on."
Umiwas ng tingin sakin si Kean at naglakad na sila paalis. Hindi ko kayang magalit
sakanya dahil alam ko naman na kahit ganito ang set up namin, mahal niya pa din
ako. Kailangan lang talaga namin gawin 'to para sa contract, para sa pamilya niya
lalo na kay Hailey.
"Are you okay?" Tanong ulit sakin ni Trevor. "You know it's just for the show.
Don't be bothered." Paalala sakin ni Trevor.
Si Mama, si Cloud, si Trevor, si Marion at si Jenelle lang ang nakakaalam ng
tungkol sa set up namin ni Kean.
Pinakilala na ng Polaris si Kean bilang new artist nila. Isang linggo pa lang pero
sikat na agad si Kean, kilala na din naman kasi siya dati pa dahil sa Sky Light,
mas naging sikat nga lang siya ngayon. Madami nang matang nakatingin sakanya lalo
na si Carla.
Aaminin ko, mahirap na ang sitwasyon namin ni Kean. Dalawang linggo na simula ng
pumirma siya sa contract ng polaris at sa loob ng panahon na yon, tatlong beses pa
lang kaming nagkita dahil busy siya ngayon sa mga trainings at presscon pati sa
phone niya may control si Carla pero buti na lang napapakiusapan ni Kean 'yong mag
boyfriend na si Hiromi at Arkin na itext lahat ng gusto niyang sabihin sakin. Alam
nilang dalawa ang set up namin ni Kean pero pareho namin silang pinagkakatiwalaan.
Nagkikita kami ni Kean sa condo unit ni Hiromi, hindi kasi pinaghihinalaan ni Carla
kapag duon pumupunta si Kean. Kapag nandon kaming dalawa, lumilipat na lang sila sa
unit ni Hiromi na katabi lang din ng unit ni Arkin.
Mahirap talaga pero kinakaya naman namin ni Kean eh kasi mahal namin 'yong isa't
isa. Dadating din naman 'yong araw na babalik kami sa dati. Kailangan ko lang
talaga mag tiis ng konti pang panahon.
"Besty!" Lumapit sakin si Jenelle. "Umalis na daw si Kean, paano na 'yong gift mo?"
"Ako na lang siguro magbibigay sakanya, Jenelle. Pasensya na ha." Inabot sakin ni
Jenelle 'yong gift at nilagay ko agad 'yong sa bag ko. "Sige mauna na ako ha,
hinihintay na ako nila Mama at Cloud."
Tumalikod agad ako sakanila dahil ayokong makita nila akong umiiyak. Naiiyak ako
kasi nasasaktan ako. Nasasaktan ako kasi ngayon lang biglang nag sink in sakin kung
gaano kahirap 'yong sitwasyon namin ni Kean.
Pambihira naman kasi, bakit ba kasi hindi ko magawang maging masaya kahit na sa
sandaling panahon lang. Pati ba ang maging masaya, mahirap nang abutin?
Pumunta ako sandali sa rest room bago ako pumunta sa parking lot. Inayos ko muna
'yong sarili ko. Ayokong sirain 'yong moment naming pamilya dahil lang sakin.
Masaya si Mama at Cloud kaya hindi ko dapat sila pagalalahanin. Masaya dapat 'tong
araw na 'to.
Pagdating ko sa parking lot, nagulat ako ng makita ko si Papa. "Congratulations
anak!" Bati niya. Lumapit agad ako sakanya at niyakap ko siya. "Sorry ha, late na
ako."
"Salamat Papa! Wag niyong isipin 'yon, ang mahalaga nandito kayo ngayon para batiin
kami ni Cloud."
May kinuha si Papa na kung ano sa bulsa niya at isa 'yong remote key ng isang
kotse. "This is my gift for you, a new car." Napahawak ako sa bibig ko. Lumapit si
Papa sa itim na honda civic at binuksan niya 'yon. "Do you like it?" Tanong niya.
Tumango ako at niyakap ko ulit si Papa.
"Ang ganda po Papa! Thank you po!"
"Si Cloud may sarili ng kotse kaya condo unit na lang 'yong binigay ko sakanya.
Masaya ako at pareho niyong nagustuhan 'yong regalo ko sa inyo."
"Salamat po ulit Papa!"
Nawala din agad 'yong lungkot na nararamdaman ko. Hindi naman ito tungkol sa
materyal na bagay na binigay ni Papa, masaya ako kasi nakapunta siya sa graduation
namin at nag abala pa siya na regaluhan kami ni Cloud. Naramdaman ko na kahit anak
lang kami ni Papa sa labas, mahal niya pa din kami ni Cloud. Ang tagal kong nag
hanap ng pagmamahal ng isang ama at ang tagal na parang may nawawala sa pagkatao
pero ngayon, pakiramdam ko buo na ako at alam kong may ama akong nagmamahal sakin.
"Tara mag celebrate na tayo." Pag aaya ni Mama. "Madami dami tayong kakainin at pag
uusapan." Kahit siya bakas sa mukha niya 'yong saya.
Sumakay si Cloud sa kotse namin at ako naman sumakay sa bago kong kotse pero si
Papa ang nag di-drive. Hindi kasi ako marunong mag drive ng manual, sanay kasi ako
sa automatic.
Pumunta kami sa Vikings at tama nga si Mama, ang dami namin nakain at ang dami din
namin napag-usapan lalo na 'yong pagpasok ni Cloud sa showbiz. Masaya ako para kay
Cloud dahil makikita naman na ito ang gusto niya at dito siya masaya. Ako? After
graduation mag a-apply ako sa Summit media baka palarin akong makapasok don.
Gustong gusto ko kasi 'yong mga magazines nila. 'Yong pangarap ko na bake shop?
Baka hanggang pangarap na lang muna 'yon sa ngayon. Ayoko naman na humingi pa din
ng pera kay Mama kahit sabihin na may pera naman kami. Nahihiya kasi ako dahil
graduate na ako at isa pa gusto kong magawa 'yong bake shop gamit 'yong sarili kong
pera at syempre kapag natapos ko na 'yong couse ko sa baking. Mag iipon na lang
muna ulit ako.
Hinatid kami ni Papa pauwi at pinark namin sa tabi ng kotse ni Cloud 'yong kotse
ko. Hanggang ngayon, hindi pa din ako makapaniwala na may sarili na akong kotse.
Kailangan ko na talaga sigurong mag aral mag drive sa manual.
Umalis din agad si Papa dahil may family dinner din sila nila Dana. Kahit konting
oras lang ang ibigay samin ni Papa, masaya na ko don.
Nag pahinga na ako sa kwarto ko. Nakatitig pa din ako sa phone ko, hinihintay ko
'yong text ni Kean pero wala. Sa sobrang pagtitig ko sa phone ko, muntik ko na
siyang mahulog dahil nagulat ako nang marinig ko ang boses ni Cloud.
"Busy na siya ngayon kaya wag ka masyadong mag expect ng text sakanya," Umupo siya
sa tabi ko. "Hindi mo man sabihin sakin pero alam kong nahihirapan ka na sa
sitwasyon niyo."
Niyakap ko si Cloud at tska ako umiyak. Kahit ilang beses kong subukan na maging
matapang darating pa din pala talaga sa puntong bibigay ako. Gusto ko lang ng
masasandalan sa ganitong panahon at alam ko isa sa mga 'yon si Cloud.
"Umiyak ka lang, nandito lang ako. Kahit papaano gagaan yang pakiramdam mo
pagkatapos mong umiyak.." Hinaplos niya ang buhok ko. Kagaya lang ng dati nung mga
bata kami sa tuwing pinapatahan niya ako kapag umiiyak ako. "Alam kong mahirap.
Hindi naman sa lahat ng oras madali ang umibig. May oras na iiyak ka at masasaktan
pero parte 'yon ng pag mamahal."
"Gusto ko lang naman maging masaya Cloud pero bakit palaging pinagkakait sakin
'yon?" Pinahid ni Cloud ang luha sa mata ko. "Mahal na mahal ko si Kean pero bakit
ganito, ang sakit sakit. Hindi ko man lang siya makausap o mahawakan. Ang hirap,
Cloud."
"Ipaglaban mo siya hanggat kaya mo pa," hinarap niya ako at pinunasan niya ulit
'yong luha sa mata ko. "Tama lang na ipaglaban mo 'yong taong mahal mo pero kapag
hindi mo na kaya 'yong sakit at sobrang nahihirapan ka na, bumitaw ka na. Minsan
hindi palaging masaya ang buhay mo pero hindi din palaging malungkot. Palagi kang
may choice sa buhay, it's either magiging masaya ka or magiging miserable ka."
Niyakap niya ulit ako. "Pag isipan mong mabuti ang sinabi ko, Keila. Ayokong palagi
na lang kitang nakikita na ganito kasi pati ako nasasaktan."
"Salamat Cloud.."
Saktong pag alis ni Cloud, nakatanggap ako ng text message kay Kean.

Babe, sorry kung hindi na kita nalapitan kanina kasi bantay sarado sakin si Carla.
Mas lalong tumindi 'yong pagdududa niya satin. Sorry din kung ngayon lang ako
nakapag text, pati kasi cellphone nila Hiromi kinuha kanina ni Carla pero buti na
lang binalik din siya ngayon. Congratulations! Sana masaya ka ngayon at sana nasa
tabi mo ako. Sorry ha, nandito kami sa Antipolo para sa show. Babawi ako sayo
pangako yan. Sige na baka makita pa ako ni Carla. Wag na wag mong kakalimutan na
kahit anong mangyari. mahal na mahal kita, Keila. Hinding hindi kita iiwan, pangako
yan.

Hindi ko na naman napigilan na maiyak. Madaming beses ko nang gustong sumuko pero
hindi ko pa din magawa dahil sa pagmamahal ko kay Kean. Siguro kahit gusto nang
sumuko ng puso mo kapag may pinanghahawakan kang pangako at pagmamahal, pipilitin
mo pa din lumaban.
"Keila, may bisita ka!" Sigaw ni Mama.
Bumaba agad ako at nanlaki agad ang mata ko pagkakita ko pa lang sakanya. Anong
ginagawa niya dito?
"Hi Keila, pwede ba kitang makausap? Tungkol ito kay Kean."

Dear Tadhana,
Hanggang kailan mo ako papahirapan?

---
Last chapter will be posted on Thursday! Thank you. Enjoy reading!
Chapter 50: The last ride
This is the last chapter. Thank you dahil umabot kayo hanggang dito. Will post the
epilogue soon.
--

Kean's point if view

"Kuya, anong sinusulat mo?" Tumingin ako kay Hailey at ngumiti ako. "Para ba yan
kay ate ganda?" Lumapit siya sakin para mas lalo niyang makita 'yong letter na
ginagawa ko.
"First anniversary kasi namin ni ate Keila mo kaya ito ginagawan ko siya ng love
letter." Tinapos ko lang ang huling linya pagkatapos inabot ko 'yon kay Hailey.
"Tingin mo ba matutuwa siya dyan?" Hindi agad siya nakasagot dahil binasa niya pa
ang sulat ko.
"Ang ganda ng love letter mo kuya kaya sigurado ako magugustuhan 'to ni ate ganda."
Ginulo ko ang buhok niya pagkatapos binuhat ko siya pabalik sa kama niya. "Kuya,
naninibago pa din ako sa bahay natin. Grabe ang laki para akong nasa palasyo."
Malaki talaga 'yong bagong bahay na binigay ng Polaris pero hindi naman talaga siya
kasing laki ng isang palasyo, lumaki lang talaga si Hailey sa maliit na bahay.
Kahit na dito na kami nakatira, binabalikbalikan pa din namin 'yong dati naming
bahay. "Maganda dito pero mas gusto ko pa din sa dati. Tanaw mo don 'yong city at
ang daming ilaw."
"Ako din Hailey mas gusto ko don pero mas makakabuti sayo kung dito tayo tumira.
Malapit lang 'tong bahay sa hospital at sa work ko. Isa pa, mas maaliwalas dito at
malaki ang garden para mas madaming maitanim na halaman si Tatay."
Kumatok 'yong nurse ni Hailey dala dala ang pagkain at gamot niya. "Good morning
Sir Kean, good morning sa alaga ko. Breakfast time."
"May kailangan pang puntahan si kuya. Magpakabait ka dito ha. Hailey?" Tumango siya
at ngumit. Bago ako tuluyang makatayo, niyakap ako ng mahigpit ni Hailey. "May
problema ba, Hailey?"
"I love you kuya Kean."
"Mahal na mahal din kita Hailey."
Nang baby pa si Hailey, ang sabi sakin ni Tatay namatay daw si Nanay sa isang
aksidente at hindi na nakita ang katawan niya. Naniwala ako sa sinabi ni Tatay pero
nang mag labing limang taon gulang ako, nakita ko si Nanay sa isang mall na may
kasamang lalaki at isang baby. Akala ko kamukha lang ni Nanay o baka namamalikmata
lang ako pero nang sumunod na araw nakita ko na naman siya at tinawag siya ng
lalaki gamit ang pangalan niya. Hindi ko sinabi ang lahat kay Tatay dahil naisip ko
agad kung anong meron sa sitwasyon namin.
Nagtaksil si Nanay kay Tatay. May iba na asawa at anak. Alam ko hindi sinabi samin
'yon ni Tatay dahil ayaw niyang kamuhian namin si Nanay pero nagkamali si Tatay
dahil galit na galit ako sa Nanay ko. Hindi lang siya nagtaksil sa tatay ko pati
samin ni Hailey. Simula nang sabihin ni tatay na namatay siya hanggang ngayon hindi
man lang siya nagpakita samin. Siguro talaga tinalikuran niya na kami. Hindi na din
naman ako umaasa. Panigurado, kinalimutan na niya kami. Kaya simula nang malaman ko
ang totoo, pinangako ko sa sarili ko na aalagaan at po-protektahan ko si Hailey at
si Tatay.
"Kean?" Tinignan ako ni Carla at ang sama ng tingin niya sakin. "Are you even
listening?" Sa sobrang pag iisip ko kay Keila, naging masyad na akong naging pre-
occupied. "Pwede ba? Mag seryoso ka kapag kinakausap kita." Ngumiti na lang ako.
"Sorry, Carla. Wala lang akong tulog. Ano nga 'yong sinasabi mo?" Tinaasan niya
lang ako ng kilay niya. Mukhang masama ata ang araw niya. "Carla, don't be so hard
on me. Akala ko ba friends na tayo?"
"We're talking about business Kean. I'll give Hiromi your schedule for tomorrow.
Mas okay nang siya ang mag remind, tutal hindi ka naman nakikinig sakin. Sige na,
you can take your day off and you know what to do." Tumayo siya at inayos niya ang
damit niya. "Don't do something stupid, okay? I need to go. Bye." Paglabas niya
bumaba na din ako sa parking lot kung saan naghihitay sakin si Arkin.
"Nabili niyo ba 'yong pinapabili ko?" Tanong ko ng makapasok ako sa kotse.
"Kailangan perfect lahat ngayon."
"Wag ka mag alala dala na namin ang pang disguise mo. Cap, sunglasses at mask."
Inabot sakin ni Arkin 'yong paper bag. "Sinundo na din ni my loves si Keila at
papunta na silang EK. Ito na din 'yong ring na pinabili mo at pati 'yong bulaklak."
"Salamat bro. Sana maging okay lahat mamaya. Sana magustuhan niya 'yong surprise
ko."
Nag drive kami ni Arkin papuntang EK. Matagal ko nang plano 'to. Gusto kong bumawi
kay Keila. Alam ko naman kung gaano siya nahihirapan sa sitwasyon namin. Ako din
naman nahihirapan pero mas nangingibabaw sakin 'yong pagmamahal ko sakanya. Minsan
natatakot ako na baka isang araw, bumutiw at sumuko na lang siya. Pinanghahawakan
ko na lang 'yong pangako niya na hindi niya ako iiwan.
"Mukhang malalim ang iniisip mo ha." Tumingin ako sa rear mirror para tignan si
Arkin. "Si Keila ba iniisip mo?"
"Oo siya. Nag aalala lang ako."
"Hindi ka dapat mag alala bro, inayos na namin lahat 'to ni my loves. For sure
magugustuhan 'to ni Keila. Wag ka na mag alala dyan." Tumango na lang ako.
Pagdating namin sa EK sinalubong agad kami ni Hiromi. Iniwan niya si Keila sa isang
bench sa hindi malayo. Bago ako lumabas ng kotse, nagsuot ako ng coat, cap,
sunglasses at mask. Simula ng pumirma ako sa Polaris, hindi na ulit kami nakapag
date ni Keila sa labas, palaging sa unit lang ni Arkin. Ngayon gusto kong bumalik
ang dati paunti unti. Ayokong palagi na lang nahihirapan si Keila sa relasyon
namin. Alam ko gusto lang niyang maging masaya at 'yon din naman ang gusto ko, ang
maging masaya siya. "Sige na Kean, lapitan mo na siya." Sambit ni Hiromi.
Lumabas ako ng kotse at so far wala naman nakakilala sakin. Naglakad ako papunta
kay Keila at umupo ako sa tabi niya. Inipit ko ang boses ko, "Hi miss, dagat ka
ba?" Tumingin agad siya sakin at kahit siya hindi agad ako nakilala.
"Bakit?"
"Palalim na kasi ng palalim 'yong pagmamahal ko sayo.."
"Alam mo, hindi ka pa din nagbabago. Puro ka pa din kalokohan." Tinarayan niya ako
at ngumiti siya. Oo ngumiti siya pero parang may kakaiba sa ngiti niya. Hindi ko na
lang 'yon pinansin.
Ngumiti ako, lumapit ako sakanya at niyakap ko siya. Kahit ilang araw pa lang
kaming hindi nagkikita parang sobrang tagal na. Sobrang miss ko siya. Sa tuwing
yayakapin ko siya ng ganito pakiramdam ko sasabog 'yong puso ko sa sobrang
pagmamahal ko sakanya. "I miss you so much." Hindi ko agad siya pinakawalan. Kung
pwede nga lang habangbuhay kaming ganito, ayos lang sakin. Basta kasama ko siya.
"Bakit mo ako dinala dito? Anong meron?" Wag mong sabihin na nakalimutan niya na
anniversary namin ngayon? O baka nagkukunwari lang siyang hindi niya alam
pagkatapos may surprise siya sakin. "Hindi ka ba naiinitan sa suot mo?"
"Mainit pero kailangan mag disguise para hindi ako makilala ng mga tao. Pogi pa din
naman ako 'di ba?"
Ngumiti siya pero parang may kakaiba sa tingin niya. "Mukha kang alien."
"Alien naman talaga ako, eh. Pero poging alien, 'di ba?"
Tinarayan niya ako. "Oo na pogi ka na pero alien ka pa din. Tara na nga, sumakay na
lang tayo sa mga rides." Tumayo siya at hinila niya ako.
May kakaiba sakanya ngayon pero hindi ko na lang din pinansin. Baka kasama 'to sa
surprise niya sakin. Tama baka ayon nga 'yon. Isa pa, imposible naman na
makalimutan niya ang importanteng araw na 'to.
Una namin sinakyan 'yong roller coaster. Habang nakasakay kami don, nakatingin lang
ako palagi kay Keila at mukha naman nag e-enjoy siya. Pagkatapos namin don, nag
bump cars kami. Siya ang may control at ako nasa tabi lang niya. Katulad sa roller
coaster, pinagmasdan ko lang din siya habang nandon kami. Tawa siya ng tawa at para
siyang bata pero katulad kanina may kakaiba pa din sakanya. Sinakyan namin halos
lahat ng rides dito pero kahit na nakikita ko siyang nakangiti at nakatawa, may
kakaiba pa din sa mga mata niya na parang bang nasasaktan siya. May problema ba
siya?
Pumunta kami sa foodcourt para kumain. Bumili ako ng dalawang burger, fries at
drinks. Habang kumakain kami, hindi ko na napigilan na tanungin siya. "Babe, may
problema ba? Kanina ko pa napapansin na may kakaiba sayo." Natigilan siya sa
pagkain. Hindi agad siya nakasagot sakin. So, may problema nga? "Kung ano man 'yon
alam mo naman na pwedeng pwede mong sabihin sakin."
"Wala 'to, hindi lang maganda ang pakiramdam ko pero ayos lang ako." Gustuhin ko
man maniwala, hindi ko magawa. Kilala ko siya at alam kong may hindi pa din siya
sinasabi sakin. "Wag mo akong intindihin, andito tayo para mag enjoy, okay?"
Ngumiti siya pero ngayon kitang kita na pilit na ngiti lang 'yon.
"Uminom ka na ba ng gamot?"
"Oo, kaya wag ka nang mag alala dyan. Kumain ka na, baka magutom ka mamaya."
Hinawakan ko ang kamay niya at tinignan ko siya diretso sa mata niya. "Kean,
ayokong mag alala ka sakin kaya please ayos lang talaga ako."
Pagkatapos namin kumain, naglaro kami sa mga booth don. Tuwang tuwa si Keila at
ngayon wala na 'yong lungkot sa mata niya. Masaya ako tuwing nakikita ko siyang
masaya. Sana palagi kaming ganito.
Lumayo muna ako kay Keila para pumunta sa lugar na walang tao. Kanina pa ako
pinagpapawisan kaya inalis ko muna 'yong mask ko at sunglass ko para punasan ang
mukha ko.
"Omg! Is that Kean Marco?!" Nataranta ako nang may nakakita sakin. Tinawag niya
agad 'yong mga kasama niya at nakita nila ako. "Si Kean nga!" Tumakbo sila
papalapit sakin kaya tumakbo din ako palayo sakanila. Dinaanan ko si Keila at
hinila ko agad siya palayo. Habang hawak hawak ko siya bigla na lang siyang tumawa.
Nung wala na 'yong mga babae na humahabol samin, huminto kami sa isang bench. Nag
suot agad ako ng glasses.
"Grabe, nag enjoy ako don." Sambit ni Keila. Natatawa pa din siya hanggang ngayon.
"Ang saya pala tumakbo palayo kasama ka.." Nakatingin lang ako sakanya. Habang
tumatagal nawawala 'yong ngiti sa mukha niya. "Uhm.. sasakay ba tayo sa Ferris
wheel?" Tanong niya.
"Oo, that's out last stop." Ngumit ako. "Tara na, babe?" Inakbayan ko siya papunta
don. Gusto ko malapit lang siya sakin. Minsan pakiramdam ko nagiging possesive na
ako pagdating kay Keila.
Nasa baba pa lang kami binati ko na siya ng happy anniversary at ganon din si
Keila. Tama naman ako, hindi niya nakalimutan 'yon.
Paakyat na kami kaya hinanda ko na 'yong singsing. Nagsimula na din akong kumanta.
(Music: Prinsesa - 6cyclemind)
Nakaupo s'ya sa isang madilim na sulok
Ewan ko ba kung bakit
Sa libu-libong babaeng nandoon
Wala pang isang minuto
Nahulog na ang loob ko sayo
Madami na akong nakilala pero kay Keila lang ako nagkaganito. Sa tuwing hahalikan
ko siya pakiramdam ko first kiss ko 'yon. Sa tuwing yayakapin ko siya pakiramdam ko
sasabog ang puso ko. Sa bawat araw, na i-in love ako sakanya sa iba't ibang
dahilan.
Gusto ko sanang marinig ang tinig mo
Umasa na rin na sana'y
Mahawakan ko ang palad mo
Gusto ko sanang lumapit
Kung di lang sa lalaking kayakap mo
Nang una hindi ako umasa na mamahalin niya din ako dahil alam kong mahal na mahal
niya si Dwayne. Kaya ang saya saya ko nang minahal niya din ako.
Dalhin mo ako sa iyong palasyo
Maglakad tayo sa hardin ng iyong kaharian
Wala man akong pagaari
Pangako kong habangbuhay kitang pagsisilbihan
O aking prinsesa, prinsesa, prinsesa, prinsesa..
Mabagal lang ang pag ikot namin. Nang nasa pinakataas na kami, huminto sandali ang
Ferris wheel, kasama talaga 'to sa mga plano namin. Maya maya nagkaroon na nang
fireworks display na sinet up ni Hiromi. Alam kong gusto ni Keila ang mga
fireworks. Nakatingin lang siya sa mga 'yon habang ako lumuhod sa harapan niya at
nilabas ko ang singsing.
Humarap sakin si Keila at nakahawak siya sa bibig niya sa sobrang gulat. "Kean,
anong ibig sabihin nito?" Lumuhod ako sa harap niya at kinuha ko ang kamay niya.
"Keila, alam kong bata pa tayo at maaga pa para dito pero gusto ko lang na bigyan
ka nang panghahawakan para sa tuwing maiisip mo na hindi mo na kaya na gusto mo
nang sumuko na nahihirapan ka na, maiisip mo na mahal na mahal kita na magiging
maayos din ang lahat na babalik tayo sa dati na alam mong papakasalan kita. Keila,
ayoko nang mawala ka pa sa buhay ko. Hindi ko na makita 'yong sarili ko sa iba kung
hindi sayo lang.. Keila, mahal na mahal kita. Papayag ka bang maging fiancé ko at
kapag okay na ang lahat, papakasalan na kita." Binuksan ko ang box kung saan
nakalagay ang singsing. Kinuha ko ang kamay niya. "Will be my fiancé and marry me
when the time is right?"
Umiyak siya. Hindi 'yon tears of joy. Kitang kita ko na nasasaktan siya. May nagawa
ba akong mali? Bakit siya nasasaktan nang ganito? Nag aalala na ako ng sobra. Baka
hindi pa siya handa. Masyado akong nagmadali. "Keila, kung hindi ka pa handa ayos
lang sakin. Hindi naman kita pinipilit. Makakapag hintay ako sa oras na handa ka
na." Tumayo ako at pinunasan ko ang luha sa mata niya. Nasasaktan ako kapag
nakikita ko siyang umiiyak. Niyakap ko siya pero tinulak niya din ako. "Keila, may
problema ba?"
"Kean.. I'm sorry." Umiyak na naman siya. Umupo siya at tinakpan niya ang mukha
niya. "Kean sorry.. Sorry."
Tumabi ako sakanya at hinawakan ko ang kamay niya. "Keila, bakit ka nag so-sorry?
Ano ba talagang nangyayari sayo?"
"Kean.. matagal ko na 'tong napag isipan at buo na 'yong desisyon ko." Kinabahan
ako ng sobra. Alam kong hindi maganda ang sasabihin niya at para bang ayoko na
siyang pakinggan pa. "Kean, I'm breaking up with you."
Parang nag e-echo sa isip ko 'yong huli niyang sinabi. Nananaginip ba ako? Hindi ko
maintindihan kung anong nangyayari. "Babe, wag ka ngang magbiro nang ganyan. Hindi
yan nakakatuwa."
Tumayo siya at lumayo sakin. "Kean seryoso ako. Kean, ayoko ka. Kean, tinatapos ko
na ang lahat satin. It's over."
May mga luha na kusang tumulo sa mata ko. Sinampal ko ang sarili ko baka sakaling
nananaginip lang ako pero hindi. Totoo ang lahat ng 'to. Hindi ko maintindihan.
"Babe, ano bang nangyayari sayo? Hindi kita maintindihan." Lumapit ako sakanya pero
tinulak niya ako palayo sakanya. "Babe, please tigilan mo na 'to."
"Kean, pagod na pagod na ako sa set up natin. Hirap na hirap na ako. Ang gusto ko
lang naman sumaya ako pero habang nandito ako sa relasyon na 'to palagi lang ako
nasasaktan. Ayoko na." Napaka seryoso ng mukha niya kaya mas lalo akong nasaktan.
"I'm breaking up with you."
Ganon na ba kahirap ang sitwasyon namin para sumuko na siya? Ganon na ba siya
nasasaktan? Bakit biglaan? Bakit ngayon ko lang nalaman ang lahat? Buong akala ko
okay kami pero hindi pala.
"Keila, baka nabibigla ka lang. Pag usapan na natin 'to. Kung nagkulang man ako,
sorry. Babawi ako sayo. Kung nahihirapan ka, gagawin ko lahat para lang wag mo
akong iwan." Lumuhod ako sa harapan niya. "Please Keila. Wag mong gawin sakin 'to.
Nakikiusap ako.. Wag mo akong iwan.. Please."
"Kean, buo na ang desisyon ko. Ayoko na talaga. Tama na. Tapos na satin ang lahat."
Hindi pwede. Hindi pwedeng matapos ang lahat ng ganon ganon na lang. Mahal namin
ang isa't isa kaya hindi pwede 'to. Saan ba ako nagkamali? Anong dapat kong gawin?
"Keila, konting panahon na lang naman eh at matatapos na ang contract. Babalik na
din ang lahat sa dati. Konting panahon lang naman ang hinihingi ko sayo." Wala na
akong pakialam kahit basang basa na 'yong mukha dahil sa mga luha ko. Gusto kong
makita ni Keila kung gaano ako nasasaktan baka sakaling maawa siya sakin at hindi
niya ako iwan. "Keila, nagmamakaawa ako sayo.. Wag mo akong iwan.. hindi ko kaya.."
"Kean, tama na. Tumayo ka na dyan kasi buo na talaga 'yong desisyon ko. Ayoko na."
Tinalukuran niya ako. Malapit na kaming bumaba. Dito na lang din ba matatapos ang
lahat?
Halos hindi na ako makahinga sa sobrang pagiyak. Sobrang sakit nang nararamdaman ko
ngayon. Parang unti unting dinudurog ang puso ko.
Tumayo ako at hinila ko si Keila papalapit sakin. "Lahat gagawin ko wag mo lang
akong iwan Keila.. Kaya kung kinakailangan na umalis ako sa Polaris, gagawin ko."
Nanlaki ang mata niya.
"Nahihibang ka na ba? Makukulong ka!"
"Pero hindi ko kayang mawala ka sakin, Keila. Hindi ko kaya eh.." Napaupo na lang
ako habang hawak hawak ko ang kamay niya. "Keila.. ano bang dapat kong gawin para
wag mo lang akong iwan."
"Kean, itigil mo na 'to." Umupo din siya para maging ka level niya ako. "Ang totoo,
may mahal na akong iba kaya ako nakikipag hiwalay sayo. Yon ang totoo kaya kahit
anong gawin mo, hindi na ako babalik sayo."
"May mahal ka nang iba? Sino?! Sino 'yon?" Hindi ko inalis ang pagkakahawak ko
sakanya. "Keila, sino?!"
"Si Dwayne! Mahal ko pa din pala siya Kean! All this time, akala ko nakalimutan ko
na siya pero hindi pala. Simula nang pumirma ka sa Polaris, si Dwayne 'yong
palaging nasa tabi ko kapag hindi ka nakakasipot sa usapan natin kapag busy ka.
Narealized ko don na mahal ko pa pala siya. Kean siya pa din pala 'yong mahal ko."
Tumawa ako habang umiiyak. Para na akong baliw pero wala akong pakialam. Nababaliw
naman na talaga ako kay Keila eh. Nababaliw na ako sa sakit na nararamdaman ko
ngayon.
"Nagsisinungaling ka. Hindi yan totoo. Ako pa din 'yong mahal mo. Keila, ano bang
kalokohan 'to? Itigil mo na 'to kasi nasasaktan na ako ng sobra." Sinubukan kong
tumayo para matitigan ko ang mata niya. Alam ko hindi kayang magsinungaling ng mata
niya. "Tumingin ka sa mata ako tapos sabihin mong hindi ko na ako mahal, duon lang
ako maniniwala. Keila, mahal ko pa din ako. Sabi mo mahal mo ako 'di ba?"
Tumingin siya ng diretso sa mata ko. Halos hindi ako makahinga dahil sa mga tingin
niya. Kinakabahan ako sa kung anong sasabihin niya.
Mahal mo pa din naman ako, hindi ba? Sabihin mo na mahal ko pa din ako.
"Kean, hindi na kita mahal. I'm sorry. We're over so just forget about me."
Walang emosyon 'yong mata niya. Parang nadudurog na naman ang puso ko. Wala nang
pagmamahal sa mga tingin niya. Hindi na ito na 'yong mata na madalas kong titigan.
'Yong mata na nagsasabi sayo kung gaano ka niya kamahal. Wala na 'yon.. hindi na
nga talaga niya ako mahal.
Bakit Keila? Bakit nawala na 'yong pagmamahal mo sakin? Ano bang ginagawa ko? Ano
bang kasalanan ko?
"You don't deserve me, so just move-on Kean. Wag mo nang pahirapan 'yong sarili mo.
Kalimutan mo na ako dahil simula ngayon, kakalimutan na din kita."
"Paano na 'yong pangako mo? Sabi mo hindi mo ako iiwan, sabi mo dito ka lang sa
tabi ko. Keila nangako ka eh! Asan na 'yong pangako mo?!"
"Some promises are meant to be broken." Sinabi niya 'yon nang hindi man lang siya
tumingin sakin. Hindi man lang niya ako nilingon. "Just forget about me and all of
my promises."
Pagbukas nang pinto naglakad na siya palayo sakin. Wala na akong ibang nagawa kung
hindi titigan ang likod niya habang unti unti siyang naglalakad palayo sakin.
Dito na ba talaga kami magtatapos? Sa isang iglap lang tapos na kami. Sinabi niya
lang na ayaw na niya, natapos na agad ang lahat. Kaya ba kanina pa may mali
sakanya? Kaya ba nang mga nakaraan na araw malamig na siya sakin pero hindi ko lang
kayang i-admit sa sarili ko 'yon.
Hindi ako makapaniwala. Ayokong maniwala na tapos na kami at may iba na siyang
mahal pero si Dwayne 'yon eh. Si Dwayne na unan niyang minahal, si Dwayne na andyan
para sakanya, si Dwayne na kayang pasayahin siya na walang problema.
Habang pumapatak ang luha sa mata ko siya na man ding pagbuhos ng malakas na ulan
pero wala na akong pakialam kung mabasa man ako. Wala na akong pakialam kahit may
makakita pa sakin dito.
Ang sakit. Sobrang sakit. Minahal mo siya ng sobra sobra na halos gawin mo na lahat
para sakanya pero sa isang iglap tatapusin na lang niya ang lahat. Natapos ang
lahat na wala ka man lang kalaban laban. T*ngina. Para akong sinasaksak ng ilang
beses. Gusto kong umiyak hanggang sa mapagod ako. Hanggang sa maubos na lahat ng
luha ko.
Nakatulala lang ako na pumasok sa kotse. Kinakausap ako nila Arkin pero hindi ko
sila maintindihan. Humiga ako sa likod ng kotse. Niyakap ko ang tuhod ko pagkatapos
umiyak ako ng umiyak. Minsan kapag sobra kang nasasaktan, wala ka nang ibang
magagawa kung hindi umiyak na lang.
Hindi ako umuwi samin, ayokong makita ako ni Tatay at ni Hailey na ganito. Umuwi
ako sa unit ni Arkin. Iniwan nila don. Magdamag akong umiyak. Umiyak lang ako ng
umiyak..
Kahit na ang sakit sakit umasa pa din ako na nagkamali lang si Keila na babalik pa
din siya sakin na sasabihin niyang ako talaga 'yong mahal niya pero tatlong buwan
na ang lumipas pero hindi pa din siya tumatawag sakin o kahit magpakita man lang.
Gabi gabi nasa tapat ako ng bahay nila, umaasa na baka makita ko siya pero kahit
isang gabi hindi ko siya nasilayan. Wala araw na hindi ko siya naisip. Walang araw
na hindi ko siya iniyakan. Umasa ako pero sa huli, umasa lang ako sa wala.
"Kean?" Tumaas ang kilay niya. "Wala ka na naman sa sarili mo. Tatlong buwan ka
nang ganyan. Pwede ba, umayos ka? Malapit nang mainis sayo ang managemeng. May
press conference ka pa at hindi ka pwedeng humarap sa press na ganyan ka."
Napabuntong hininga ako. Tama si Carla. Kailangan umayos ako. "Babalikan kita
mamaya."
"Don't you think it's time para mag move on ka na? Bro, hindi na siya babalik. It's
been three months. Pinapahirapan mo lang yang sarili mo." Sambit ni Arkin. "Alam
kong mahal na mahal mo siya pero mahal ka pa din ba niya? Siya na mismo ang may
sabi, may mahal na siyang iba."
"Kean, alam namin ni my loves na mahirap mag move on pero mag focus ka na lang sa
career mo. Isipin mo si Tatay Ken at si Hailey. Kapag nawalan ka ng career paano na
sila? Paano na 'yong pagpapagamot ni Hailey? Tandaan mo, sikat ka na pero madami ka
pang kakainin na bigas dito sa industriya na 'to. Pag-isipan mo yan."
Iniwan nila akong dalawa sa dressing room. Hanggang ngayon mahal na mahal ko pa din
si Keila pero baka tama nga silang lahat, kailangan ko na siyang kalimutan. Hindi
ko kakayanin kung pati si Tatay at Hailey mawala pa sakin.
Kinuha ko ang singsing na sana ay ibibigay ko kay Keila. Tumayo ako at tinapon ko
'yon sa basurahan. Binura ko lahat ng litrato niya at litrato namin sa phone ko.
Simula ngayon, kakalimutan na kita Keila.
Pumunta ako sa press conference. Pinakita ko sakanila na masaya ako. Pinakita ko
sakanila 'yong Kean na nagustuhan nila. Magsisimula ulit ako dito.
Kapag gusto mo ang isang tao dapat ipaglaban mo sila pero ko na kapag sobrang sakit
na kailangan mo na ding bumitaw.

Dear Tadhana,
Naniniwala ako na isang araw, may darating din para sakin. Isang tao na kaya akong
buuin muli.. kaya akong tanggapin at kaya akong pasayahing muli.

Epilogue
(For better reading please play, Kung wala ka by Hale)

After three months..

Patapos na ang shift namin ni Alyanna. Dalawa na lang kami dito at nililinis na
lang naman 'yong counter pagkatapos uuwi na din kami. Dapat nandito pa 'yong
manager namin kaso may lakad daw siya kaya ayon umalis na agad. Ever since hindi ko
na gusto ang ugali niya. Nakaupo ako sa bar stool habang pinapanuod ang interview
ni Cloud sa TV. Masaya ako para sakanya dahil masasabi kong kilala na din siya at
isa pa si mukhang si Julianne 'yong ginagawang love team niya.
"Wait lang Kei ha!" Kinuha ni Aly 'yong remote at nilipat niya agad sa kabilang
channel 'yong TV. Natigilan ako bigla nang makita ko si Kean. Nasa interview siya
kasama si Dana. Biglang bumilis 'yong tibok nang puso ko. Gusto kong tumalikod pero
hindi ko maigalaw ang kamay ko lalo na nang halikan ni Kean si Dana sa pisngi. May
namumuong mga luha sa mata ko. Pumikit ako at tumakbo papunta sa comfort room.
"Keila!"
Sinara ko muna ang pinto. Umupo ako pagkatapos pinatong ko sa tuhod ko 'yong ulo
ko. Hinayaan ko na lang 'yong sarili ko na umiyak nang umiyak. Akala ko okay na
ako.. hindi pa pala.
Pagkatapos nang nangyari sa amin nang gabing 'yon, hindi ko na ulit siya nakita.
Ayoko na siyang makita. Palagi kong pinipigilan 'yong sarili ko na panuorin siya sa
TV o kahit ang marinig ang boses niya sa radyo. Alam ko masasaktan lang ako lalo
kapag patuloy ko pa siyang inisip kaya tumigil na ako. Akala ko okay na ang lahat
pero masakit pa din pala.
Aaminin ko minsan hindi ko pa din maiwasan na isipin siya kaya nga nagagalit ako sa
sarili ko kasi alam ko naman sa simula pa lang tapos na ang lahat sa amin, na wala
na siya.
Ang hirap kasi talaga magdis-attach sa isang taong nakasanayan mong laging
nandiyan.
"Keila! Okay ka lang ba?" Katok siya nang katok pero wala akong lakas na pagbuksan
siya ng pinto. Gusto ko munang mapag-isa. "Kei, may nagawa ba ako? Okay ka lang ba?
Magsalita ka naman oh! Nag aalala ako sayo eh."
"Ayos lang ako.. gusto ko lang muna mapag-isa." Kahit ilang beses ko pang punasan
ang mga luha ko hindi ko pa din maiwasan na maiyak. "Sorry, Aly." bulong ko sa
sarili ko.
The thing is, I can't get over him. Kahit ilang beses ko pang ipamukha sa sarili ko
na tapos na ang lahat hindi ko pa din magawang kalimutan siya.
I need to let him go but I just can't.
"Sabihin mo Kean, paano ako makakapag move-on? Hindi ba ikaw 'yong tumulong sakin
dati para makapag move-on kay Dwayne? Pwede bang.. tulungan mo ulit ako na makapag
move-on sayo?" bulong ko sa sarili ko. "Buti ka pa.. mukhang masaya ka na." Tumayo
ako at tinignan ko ang sarili ko sa salamin.
Nagkalat na ang eye liner sa mukha ko. Oo, mukha akong kawawa. Isang kawawa g babae
na hindi kayang makapag move-on sa ex-boyfriend niya.
Tinakpan ko ang bibig ko. Ayokong marinig ni Aly ang paghagulgol ko. Mas lalo
siyang mag aalala sakin.
Why do we keep on chasing the things that can only hurt us?
Palagi ko yan tinatanong sa sarili ko. Bakit nga kaya? Hanggang ngayon hindi ko pa
din alam.
Inayos ko ang sarili ko at lumabas na ako nang comfort room. Nakakahiya kay Aly
kung siya lang mag isa ang magliligpit nang lahat. Inayos ko ang mga upuan
pagkatapos lumapit ako kay Aly. "Pasensya na Aly."
"Ayos lang naman pero pwede ba, sabihin mo sakin kung anong problema? Ang hirap
kasi na palagi na lang akong walang nagagawa kapag umiiyak ka." Lumapit siya lalo
sakin at niyakap niya ako. "Keila, alam kong tatlong bwan pa lang tayong
magkakilala. Alam ko na classmate mo lang ako sa pastry school at workmate mo dito
pero para sakin, best friend na kita. Alam mo naman na ikaw lang kaibigan ko dito
sa Philippines eh. Pwede mo akong sabihan nang mga problema mo." Hindi ako
nagsalita at niyakap ko lang si Aly. Sa totoo lang close na din siya sakin hindi ko
lang masabi 'yong tungkol kay Kean dahil ayoko na i open up pa 'yong bagay na 'yon
kahit kala Mama.
"Thank you ha, Aly. Wag kang mag alala, simula ngayon iku-kwento ko na sayo lahat."
Humarap ako sakanya at pinilit kong ngumiti. "Tara, mag sara na tayo."
Sabay kaming umuwi ni Aly. Sa same village lang kami nakatira kaya para makapag
usap pa kami nag decide kami na maglakad na lang mula sa gate. Hindi pa naman ganon
ka late. Sakto nga hindi ko dala 'yong kotse ko. Half Japanese half filipino si
Aly. Anak mayaman siya pero sobrang down to earth niya kaya akala mo simpleng tao
lang siya. Nakatira 'yong family nila sa Japan. Medyo magulo sakanila dahil sa
yakuza kaya umalis siya don. Nakilala ko siya sa pastry school na pinasukan ko at
kasama ko siyang nag apply sa Conti's, isang sikat na bakeshop and restaurant. Nag
dediced akong mag work don para magkaroon ako ng experience pagkatapos non baka
magkatayo din ako nang sarili kong bake shop.
"So.. bakit ka umiyak kanina? Pakiramdam ko ako kay kasalanan eh."
"Si Kean Marco, ex-boyfriend ko siya." Kitang kita sa mukha ni Aly 'yong pagkagulat
pero hindi siya nagsasalita, hinihintay niya lang 'yong susunod kong sasabihin.
"Nag break kami three months ago. Akala ko okay na ako. Akala ko nakapag move-on na
pala ako pero hindi pa pala. Nang makita ko siya kanina parang bumalik lahat ng
feelings ko dati sakanya at nang halikan niya si Dana Mendoza na apparently half
sister ko, nasaktan ako."
"Hay. Ganon pala 'yong nangyari. Kaya pala umiyak ka kanina. Sorry ah, may
hinihintay kasi akong TV show kanina akala ko palabas na pero hindi pa pala tapos
ang masama pa non, nakita mo pa tuloy si Kean Marco. Sorry talaga Kei."
Nakarating agad kami sa bahay kaya pinapasok ko na lang siya sa loob. Kilala na
siya ni Cloud at ni Mama.
"So.. Anong nangyari? Bakit siya nakipag break sayo?"
"Hindi siya 'yong nakipag break.. ako." Nagtataka si Aly sa sinabi ko pero kagaya
kanina, hindi siya nagsalita at hinintay lang niya ang sunod kong sasabihin.
"Ginawa ko 'yon kasi yon ang makakabuti para sakanya. Kung hindi ako nakipag break
sakanya baka nasa kulungan na siya ngayon."
"Ha? Bakit siya makukulong?"
"Kasama sa contract niya sa Polaris na hindi dapat siya makipag relasyon dahil
magiging sagabal lang 'yon sa work niya at pati sa love team na bubuohin nila para
sakanya."
"Sabagay karamihan naman ng artista ngayon mas sumisikat kapag may ka love team.
Eh, bakit hindi niyo na lang tinago? Pwede pa din naman siguro 'yon as long na
walang makakaalam."
"Ganon 'yong ginawa namin nung una. Tinago namin 'yong relasyon namin kahit na
sobrang hirap akala namin magiging okay din ang lahat kaso nalaman 'yon ng anak ng
may ari ng Polaris. May ebidensya siya about sa secret relationship namin kaya
inutos niya na makipaghiwalay na ako nang tuluyan kay Kean kung hindi ipapakulong
nila si Kean dahil sa paglabag ng kontrata. Kilala ko din siya at hindi siya
titigil hanggang hindi niya nakukuha ang gusto niya kaya mas pinili kong palayain
na lang si Kean kahit napaka hirap."
Lumapit sakin si Aly at niyakap niya ako. "Sobrang hirap pala talaga nang
pinagdadaanan mo, Kei. Grabeng sakripisyo 'yong ginawa mo para sakanya."
"Ganon ko siya kamahal, Aly. Mahal na mahal ko siya."
Halos nasabi ko na kay Alyanna ang lahat. Simula nang maging kami ni Dwayne
hanggang sa nangyari nang gabing naghiwalay kami ni Kean. Masarap din pala kapag
may napagsasabihan ka ng sama ng loob. Hindi na kami madalas magkita ni Jenelle
dahil busy ako sa work. Bigla ko siyang na miss. Si Trevor din hindi ko na madalas
makita, busy din siya sa school. Si Dwayne naman balita ko nag wo-work siya sa
Hallyu magazine kasama si Krystal.
Natulog na ako dahil kailangan kong bumangon ng maaga bukas. May event daw na
gaganapin sa shop kaya dapat maaga kami.
Sa bawat gabi na matutulog ako, hinihiling ko na sana makalimutan ko na siya. Ayoko
nang umiyak at masaktan.

--
(For better reading please play, If you by BigBang)

"Balita ko, ipapakilala daw ng shop natin 'yong bagong endorsers nila at sikay ma
artista daw kaya may presscon pa." Bulong ni Aly. Nasa kitchen kami pareho. Buti na
lang kasi ang daming tao sa labas. "Si manager kasi ayaw pa sabihin kung sino 'yong
dalawang artista. Ang sungit talaga non, palibhasa matandang dalaga." Pareho kaming
nagtawanan. Minsan may pagkamaldita din 'ton si Aly.
Maya maya mas lalong umingay sa labas. Tinawag kami ni manager, kami na daw muna
mag assist sa labas. Pareho kaming lumabas ni Alyanna. Puro flash ng camera.
Sumilip ako para makita kung sino ba 'yong bago naming endorser.
Pakiramdam ko nanghihina ang mga tuhod ko. Buti na lang nahawakan ako ni Aly.
After three months, ngayon ko na lang ulit siya nakita sa personal. Ibang iba na
siya ngayon. Tumaba na siya konti at napakulay na siya ng buhok. May hikaw na din
siya sa kaliwang tainga niya. Napakaseryoso na ng mukha niya. Pakiramdam ko ibang
Kean na 'yong nakikita ko ngayon.
"Gusto mo ba, duon ka na lang sa kitchen tapos ako na lang dito?" Umiling ako.
Hindi ko siya pwedeng iwanan mag isa. Napakaselfish ko naman kapag ginawa ko 'yon.
"Sigurado ka ba?"
"Ayos lang ako." Oo ayos lang ako, pinilit ko. "Mag work na lang tayo."
As much as possible hindi ako nagpapakita kala Kean. Malaki naman ang shop at
nandon lang sila sa isang part ng cafe. Habang mag a-assist kami ni Aly. Hindi
namin maiwasan marinig ang tanong ng press kay Kean at Dana.
"Kean, may pag-asa ba na maging kayo ni Dana sa totoong buhay?"
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Natatakot ako sa pwedeng isagot ni Kean.
"Hindi mahirap mahalin si Dana kaya oo, pwedeng maging kami sa totoong buhay."
Tuwang tuwa ang press sa sinagot ni Kean na halos napapatili pa sila sa kilig. Para
namang may kumurot sa puso ko. Naiiyak ako pero pinipigilan ko lang.
Madaming tanong ang press. Pinagusapan nila ang tungkol sa gagawing TV show ni Dana
at Kean pati ang gagawin nilang album na magkasama. Habang pinagmamasda ko sila sa
malayo, mukhang masaya naman si Kean. Kakaiba 'yong mga tingin niya kay Dana.
Parang 'yong mga tingin lang niya sakin dati.
Pumasok ako sandali sa kitchen. Bago kami mag break ni Aly, nilinis ko muna 'yong
isang table. Hindi ko sinasadya na mabangga si Dana. Buti na lang isang plato lang
'yong nabasag at buti na lang malapit kami sa comfort room kaya wala masyadong tao
sa lugar namin.
"Keila? Oh my gosh. I'm so sorry." Tutulungan sana ako ni Dana sa pagpulot ng
nabasag na plato pero pinigilan ko siya. Sa kakamadali ko, nasugatan ako dahil sa
bubog. Nanginginig ako dahil sa dami ng dugo sa kamay ko. "Keila, anong nangyari?"
Lumapit sakin si Dana at halatang nag aalala siya sakin.
Pinunasan ko 'yong kamay ko pero dumudugo pa din.
"Dana, what's wrong?" Mas lalo akong nanginig dahil sa boses ni Kean. Hinila niya
si Dana patayo. "Okay ka lang? Nasaktan ka ba?" Alalang alala siya kay Dana.
"Ayos lang ako pero si Keila, nasugatan siya." Nagkatinginan kami ni Kean.
Walang kahit na anong emosyon 'yong mga mata niya habang tinitignan niya ako. Para
bang hindi niya ako kilala. Para bang hindi ako naging importante sakanya. Ang
sakit na ayoko na siyang tignan.
"Sa susunod tumingin ka sa dinadaanan mo para hindi ka nakakabangga ng customers
niyo." Hinawakan niya si Dana sa kamay. "Come on Dana, the press is waiting for
us."
"Kean, Keila is hurt!"
"No, Dana. I'm fine. Just go." Pinilit kong ngumiti sakanya kahit na may namumuo
nang luha sa gilid ng mata ko.
Pagkaalis nila sakto dumating si Aly. "Oh my gosh Kei! What happened?" Lumapit agad
siya sakin pagkatapos tinulungan niya ako. Nilagyan niya ano ng first aid kaya
medyo okay na din 'yong kamay ko. "Ang jerk naman pala ng ex mo! Hindi ka man lang
niya tinulungan? Grabe siya. Buti nakipag break ka na sakanya."
"Aly, nasaktan ko siya kaya hindi ko siya masisisi kung ganito na siya makitungo
sakin."
"Kahit na, ayoko pa din sakanya."
May kinuha lang si Aly sa locker niya bago kami lumabas para mag break.
Nakita ko si Krystal sa malayo at turn niya na para magtanong. Writer siya sa
Hallyu Magazine kaya kasama siya sa press.
"Kean, totoo ba na nagkaroon ka ng girlfriend bago ka pumasok sa showbiz? Sa
pagkakaalam ko, Keila ang pangalan niya. Totoo ba?" Gustong gusto ko siyang sugurin
ngayon at sampalin. Sa lahat ng pwedeng itanong, iyon pa talaga at dinamay pa niya
ang pangalan ko. "Come on, past na naman 'yon so pwede mo naman sabihin samin."
"I don't know what you're talking about."
Parang isang deja vu ang lahat ng ito. Dati kay Dwayne. Hindi ko akalain na
mangyayari ulit 'to. Gustong gusto talaga akong paglaruan nang tadhana.
Masyado na akong nasasaktan. Hindi ko na nahintay si Aly. Naglakad na ako palabas
ng shop.
"Okay good to know," sambit ni Krystal. "May gusto ka ba kay Dana, Kean? I want you
to kiss if it's a yes." Napa "oh" ang mga tao pero halatang excited sila sa
magiging sagot ni Kean.
Ayokong lumingon pero nang mag ingay ang mga tao, hindi ko napigilan ang sarili ko
na tumingin.
Hinalikan ni Kean si Dana sa cheeks. Ibig sabihin.. gusto niya si Dana. Ibig
sabihin nakalimutan na talaga niya ako. Ibig sabihin lang non, kailangan ko nang
tigilan 'tong katangahan ko. Tapos na kami at may gusto na siyang iba. Ang sakit.
Ako naman ang may gusto nito pero bakit ako ang nasasaktan?
Hindi ako makagalaw sa kinakatayuan ko. Kusa na lang pumatak ang mga luha sa mata
ko. Ang sakit sakit. Wala na akong pakialam kung may makakita pa sakin habang
umiiyak ako ngayon.
Habang tinatanong si Dana, napatingin sakin si Kean. Masaya ba siya ngayon na
nakikita niya akong umiiyak at nasasaktan?
Hindi ko na nakita pa 'yong mukha niya dahil may bigla na lang humawak sa kamay ko
at hinila ako palabas ng shop.
Pinunasan niya ang mga luha sa mata ko. "Tahan na, wag ka nang umiyak." Hinila niya
ako palapit sakanya pagkatapos niyakap niya ako. "Nandito na ako, Keila. Hinding
hindi ko hahayaan na umiyak at masaktan ka ulit."
Mas lalo akong naiyak pero kahit papaano nabawasan 'yong sakit na nararamdaman ko
ngayon. Niyakap ko din siya ng mahigpit na mahigpit.

"Salamat.. Dwayne."

END OF BOOK 1
To God be the glory.

--
Book 2 is posted entitled, Dear Tadhana. You can go to my profile to see it.

Author's note
Ito na po ang mga sagot sa tanong niyo so please read. Sa baba na lang yong
talagang Author's note ko.

May book 2 po ba?


- Meron.

Anong title?
- Dear Tadhana
(Makikita sa profile ko or punta kayo dito sa link: http://w.tt/1OPj7GR)

Sila pa din ang bida?


- Yes, continuation lang.

Meron po bang story ang ibang characters ng Destined?


- Yes meron sila, Cloud at Jenelle, Marion and Trevor. May sarili silang story.
Trevor's story is now posted. Ang title ay "Crazy in love with you" nasa profile ko
siya.
'Yong story ni Cloud/Jenelle at Marion hindi pa po posted.

Sinong bida sa Destined?


- Kean, Keila and Dwayne. Silang tatlo ang bida hindi lang si Dwayne.

May special chapters ba?


- Meron about sa ibang characters ng Destined. Kung kailan ko ipo-post? Hindi ko pa
alam.

May bagong characters ba sa book 2?


- Meron :)

May iba pa kayong tanong? Comment na lang po gagawa ako ng seperate chapter for FAQ
(Frequently asked questions) Thank you!

---

Gusto ko lang magpasalamat sa inyong lahat sa pagmamahal at suporta niyo sa


Destined. Masaya ako kasi nakatapos na naman ako ng isang story. Sana nagustuhan
niyo siya hanggang sa dulo at pangako na gagalingan ko pa sa book 2. Alam ko 'yong
iba sa inyo nagtataka bakit ganito o ganyan 'yong nangyari pero lahat ng yan may
dahilan, sabi nga ni Jeydon Lopez "Everything happens for a reason" kaya tiwala
lang. Ayon lang. Salamat lang talaga sa pagtatyaga niyo sa paghihintay ng mga
updates at sa mga comments niyo. Palagi ko 'yon binabasa kasi nagiging motivation
sakin 'yon. Salamat din sa walang sawang suporta sa mga characters ng story na ito.
Salamat ng madami!
At maraming salamat kay God dahil ginawa niyang posible ang lahat ng ito.

Matthew 5:16: Make your light shine so that the others will see the good that you
do and will praise your father in heaven.

See you sa book 2! :)))

You might also like