You are on page 1of 213

Prologue

ISA

"Buntis ako."

Inabot ko kay Uno ang pregnancy test kit na may dalawang pulang guhit. Hindi niya
ito tinanggap. Sa halip, tiningnan niya lang ako nang nakakainsulto.

"Anong tingin mo sa akin-tanga?"

"Uno..."

"Paano ako makakasiguro na ako nga ang ama ng pinagbubuntis mo?"

Malungkot akong nagtungo ng ulo.

Paano ko nga ba siya paniniwalain na siya ang ama nito?

"I-ikaw ang first ko-"

"But that doesn't mean I'm the only guy who fucks you."

Inosente akong nag-angat ng paningin para makita ang reaction niya. Madilim ang
mukha niya at kahit ang mga mata niya, matalim kung tumitig sa akin.

"Umalis ka na, Isa. Darating ang girlfriend ko at ayaw kong abutan ka niya rito."

Humarap siya sa maliit na bar countertop sa loob ng silid niya at nagsalin ng


mamahaling alak sa baso.

"Uno-"

"Damn it!"

Napasinghap ako sa gulat nang malakas niyang ibato ang hawak niyang baso sa pader
na nasa likuran ko.

"Hindi mo ba ako narinig? Gwen and I just got back together! Ayaw kong magkasira
ulit kami nang dahil lang sa iyo!"

Nangilid ang mga luha sa pisngi ko dahil sa mga salitang pinakawalan niya. "Kung
wala kang balak panagutan ako, sana hindi mo na lang ako ginalaw."

"Malay ko bang bibigay ka agad? Napaka -easy-to-get mo! And how old are you again?
Eighteen? Damn it! Ang bata mo pa pero nagawa mo nang magpagamit sa akin! Bakit?
Dahil mayaman ako?"

"Dahil mahal kita!"

Pinagtawanan niya ako sa sinabi ko. " Mahal? Hindi mo alam ang salitang pagmamahal.
May gatas ka pa sa labi, fuckshit!"

"Kung sa tingin mo, bata pa ako, sana hindi mo ako dinala sa kuwarto mo at
pinabukaka!"

Natigilan siya. Nakita ko kung paanong tumigas ang mukha niya. "Get out, Isa. While
I'm still being nice to you!"
Hinaplos ko ang tiyan ko na hindi pa rin halata sa unang tatlong linggo nito..

"Paano ang bata? Hindi ko kayang buhayin ito nang mag-isa."

"Abort it."

Hindi ako makapaniwala sa mga narinig. Kahit sabihin pang hindi niya ako minahal na
panakip butas lang ako para sa kaniya, anak niya pa rin itong dinadala ko!

"I don't care about that thing inside you. Buhayin mo iyan o ipalaglag mo, wala
akong pakialam. Just get out of my life!"

Lalong bumuhos ang masaganang luha sa pisngi ko. Nasasaktan ako para sa batang ito.
Nasa loob pa siya ng tiyan ko pero isinusuka na siya ng sarili niyang ama.

Pinili kong tumalikod at iwan si Uno. Tinalikuran ko ang lalaking pinagkalooban ko


ng puso't katawan ko na nagresulta sa isang biyaya.

Hindi ko ipalalaglag ang batang ito.

Kahit gumapang pa ako sa lupa, gagawin ko ang lahat upang mabuhay

siya at mapalaki nang maayos.

Pagbukas ko ng pintuan, natigilan ako nang bumungad sa akin ang galit na mukha ni
Gwen. Ang girlfriend ni Sir Uno.

"Ma'am Gwen?"

Naniningkit ang mga mata niyang

nakatingin sa akin. "Malandi ka!"

Halos matumba ako sa sahig nang bigyan niya ako ng malakas na sampal sa pisngi.
Hindi pa siya nakuntento dahil hinila niya ang buhok ko at pinagsasampal ulit ako.

"Anak ka lang ng katulong pero napakalandi mo!"

Sinabunutan niya ako sa buhok at kinaladkad papunta sa hagdan. Nagmamakaawa ako sa


kaniya na itigil niya ang ginagawa dahil buntis ako, pero lalo lang siyang nagalit.
"Lumayas ka rito! Mang-aagaw!"

Malakas akong sumigaw nang itulak niya ako. Nahulog ako mula sa tuktok ng mataas na
hagdan.

Halos mawalan ako ng malay nang bumagsak ang katawan ko sa malamig na sahig.
Pinilit kong abutin ang tiyan ko nang maalala ang bata sa sinapupunan ko.

Nangilid ang mga luha sa pisngi ko nang makakita ng dugo sa pagitan ng mga hita ko.

"Anak ko..."

Sinubukan kong humingi ng tulong kay Uno, pero nakatayo lang siya sa tuktok ng
hagdan. Walang pakialam na nakatingin sa akin.
Chapter 1

ISA

"Anak!" Pabalikwas akong bumangon mula sa pagkakahiga.

Nagising akong pawis na pawis dahil sa masamang panaginip. Nasa sementeryo raw ako
at naghuhukay ng libingan para sa sarili kong anak.

"Sa wakas at gising ka na."

Namilog bigla ang mga mata ko nang makita kung kanino nanggaling ang boses na iyon.
Tumayo ito mula sa pagkakaupo sofa at lumapit sa kamang kinahihigaan ko-si Senyora
Celestia, ang ina ni Uno.

Bakit nandito siya? At ako... nasaan ako? Ginala ko ang paningin ko sa buong
kuwarto. Isang tingin lang sa paligid, alam ko na agad na nasa hospital ako.

"How are you feeling, hija?" "M-medyo maayos na po ang pakiramdam ko, senyora
Celestia. K- kailan pa po kayo nakabalik mula sa business trip n'yo?"

"Kanina lang, at nalaman ko ang lahat mula kay Linda."

Si Linda ang isa sa maraming katulong sa mansion ng mga Cavallaro. Ito lang ang
pinagkakatiwalaan ni Senyora Celestia sa aming lahat. Sinusumbong kasi nito ang mga
nangyayari sa mansion kapag wala si Senyora.

"Alam ko na rin ang tungkol dyan. Bumaba ang paningin niya sa tiyan ko. 11

Umagos ang luha sa pisngi ko dahil sa sinabi niya. Ibig lang sabihin, hindi ako
nakunan sa pagkahulog ko sa mataas na hagdan. Nandito pa rin ang anak ko.

"Senyora, maawa na ho kayo sa akin at sa walang muwang na batang dinadala ko."

Lumambot ang mukha niya sa narinig. Lalo pa siyang lumapit sa akin at hinawakan ako
sa kamay. "Ako ang bahala sa iyo. Uuwi tayo sa mansion at doon ka magpapagaling.
Maaalagaan ka roon."

"H-hindi kayo galit sa akin, senyora?"

Sa totoo lang, inaasahan ko nang magagalit siya sa akin. Matataas na tao sa lipunan
ang pamilyang Cavallaro. Sa kadahilanang ito, ayaw na ayaw ni Senyora Celestia ang
nadidikit ang pangalan nila sa mga katulad kong hampas-lupa.

Galit si Senyora sa mga mahihirap at hindi nila kapareho ng antas sa buhay. Pero
taliwas sa inaasahan ko ang ipinapakita niya ngayon.

"Bakit ako magagalit? Apo ko ang nasa sinapupunan mo. "1

Hindi ko napigilan ang humagulgol. Maraming salamat ho! Napakabuti n'yo, senyora!
Ang buong akala ko, kamumuhian n'yo ako dahil isa lang akong hamak na katulong."

Ngumiti siya. "Magpahinga ka na. Mamaya ay babalik na tayo sa mansion.

***

Nakangiti akong bumaba mula sa magarang sasakyan ni Senyora Celestia. Sabik na


sabik akong makita si Uno. Siguro naman ngayon, matatanggap na niya ako dahil
kakampi ko na ang kaniyang ina.

"Dalhin n'yo na iyan.'

Natigilan ako nang lumapit sa akin ang dalawang bodyguards ni Senyora Celestia.
Pilit akong dinadala ng mga ito sa likuran ng mansion.

"Ano'ng ibig sabihin nito? Bitiwan n'yo ako!"

Nagpumiglas ako at buong lakas na sumigaw pero parang walang naririnig ang dalawang
lalaki.

"Senyora, ano'ng ibig sabihin nito? Maawa ka sa amin ng anak ko! Senyora Celestia!"

Hindi kalayuan mula sa mansion, nakatayo ang isang luma at gawa sa kahoy na bodega
kung saan nakatambak ang lahat ng mga kagamitan para sa pagtatanim. Dito nila ako
dinala.

Itinulak ako ng dalawang lalaki sa loob at pagkatapos ay sinara ang pinto. Nang
subukan ko itong buksan, laking gulat ko nang malamang nakakandado ito mula sa
labas.

"Senyora! Maawa na kayo sa akin! Pakawalan ninyo ako!"

Nangilid ang maraming luha sa pisngi ko habang malakas na pinaghahampas ng kamay


ang pinto. Namaos na lang ang boses ko pero hindi pa rin ako pinapakawalan ni
Senyora Celestia. Tuluyan nila akong iniwan dito!

***

Nakahiga ako sa lupa at yakap ang sarili ko nang marinig ang ingay sa labas.
Mabilis akong bumangon at makitang bumukas ang pinto ng bodega.

Walang ilaw sa loob pero sa tulong ng liwanag ng buwan, nagawa kong makita ang mga
mukha ni Senyora Celestia at ng dalawang bodyguards na nakasunod sa kaniya.

"Senyora, bakit n'yo ako ikinulong dito? Hindi ito ang ipinangako n'yo sa akin sa
hospital!"

"Bakit? Kapag sinabi ko bang ikukulong kita, sasama ka? Tonta!"

"Maawa kayo sa akin! Buntis po ako at apo n'yo ang dinadala ko!"

"Wala akong pakialam kung apo ko o hindi ang batang iyan! Hindi puwedeng malaman ng
ibang tao na pinatulan ka ng anak ko! Masisira ang pangalan namin!"

Pinitik niya ang mga daliri niya. Pumasok sa loob ng bodega ang dalawang katulong
dala ang isang banig, isang unan, at ang lumang bag na dala ko nang pumasok akong
katulong dito.

"Anong ibig sabihin nito?"

"Hindi ka puwedeng lumabas ng bodegang ito hangga't hindi ka nanganganak!"

Pinanlakihan ako ng mga mata sa narinig. Mabilis na binalot ng takot ang dibdib ko.
"Anong ibig mong sabihin? Senyora, hindi mo puwedeng gawin sa akin ito!"

"Alan!"
Lumapit sa akin ang bodyguard niyang si Alan at sapilitan akong hinatak palapit kay
Senyora Celestia. May ibinigay sila sa akin na isang kasulatan. Elementary lang ang
natapos ko pero nakakabasa ako at kahit papaano ay nakakaintindi ng Ingles. At
hindi ko nagugustuhan ang mga nababasa ko.

"Senyora, ano ito? Kukunin n'yo sa akin ang anak ko?"

"Pagkatapos mong manganak, iiwan mo sa amin ang bata. Aalis ka at hindi na muling
magpapakita!"

"Pero senyora, anak ko ito! Hindi n'yo siya puwedeng kunin sa akin!"

Nang-iinsulto niya akong tinawanan. Kabisado ko na ang mga taong katulad mo! Gusto
mo lang naman ng pera, di ba? Huwag kang mag-alala! Makakatanggap ka nang 100,000
pesos kapalit ng batang iluluwal mo!"

"Ayoko! Senyora, hindi bagay o damit na puwedeng ipagbili ang anak ko! Akin siya!
Pakawalan mo ako rito!"

Sinubukan kong kumawala sa

Find a dealer NISSAN TH

pagkakahawak sa akin ni Alan, pero mahigpit akong hinawakan ng dalawang lalaki.


Hindi nila ako hinayaang makalapit man lang sa pinto.

"Mamili ka, tatanggapin mo ang alok ko o iinumin mo ito!" Naglabas siya ng maliit
na bote.

"Ano iyan?"

"Pampalaglag ng bata! Kapag naubos mo ito, mamamatay agad ang bata sa sinapupunan
mo!"

Mabilis na nag-init ang ulo ko sa kaniyang sinabi. Anong binabalak niya? Papatayin
niya ang anak ko?

"Hindi ko iinumin iyan!"

Nginisian ako ni Senyora Celestia. " Hawakan n'yo iyan!"

Nagsimula akong sumigaw at mas lalong nagpumiglas nang makitang binubuksan na niya
ang bote.

Hinawakan niya ako sa panga at muling pinakita sa akin ang bote ng gamot.
"Pipirmahan mo ba ang kasulatang ito o mawawalan ka ng anak ngayong gabi?

Kahit gaano ko kagustong tumanggi, wala akong nagawa kundi pumayag sa gusto niya.
Ayaw kong mamatay ang anak ko.

Iyak ako nang iyak habang pinipirmahan ang kasulatan kung saan nakasaad na
pumapayag akong ipamigay ang anak ko... kapalit ng malaking halaga ng pera.
Chapter 2

ISA

LUMIPAS ang maraming buwan, palaki na nang palaki ang tiyan ko hanggang dumating
ako sa punto na nahihirapan na akong maglakad o maski ang tumayo.

Nakakulong pa rin ako sa bodega, nakahiga sa banig at dinadalhan lang ng pagkain ng


mga katulong ni Senyora Celestia. Paminsan-minsan ay dinadalaw niya ako kasama ang
family doctor nila para matingnan ang kalagayan ko. Katulad ngayon.

"Senyora, maawa na kayo sa akin. Paalisin n'yo na ako dito. Mababaliw na po ako
rito."

"Tonta! Ngayon ka pa magrereklamo? Isang buwan na lang, manganganak ka na!"

"Hindi po ako magsusumbong sa mga pulis. Hayaan n'yo lang akong makaalis kasama ang
anak ko! Maawa na kayo, senyora!"

Umiiyak na ako sa puntong ito, nakaluhod sa lupa at nagmamakaawa sa kaniya. Pero


para siyang walang naririnig. Parang hangin lang ang pagmamakaawa ko sa kaniya.

"Kahit magsumbong ka pa sa mga pulis, sinong maniniwala sa iyo? Kumpara sa akin na


kilala sa lipunan, sino ang maniniwala sa isang katulong lang?"

Mariin akong pumikit pagkatapos ng mga narinig. Marahan kong hinaplos ang tiyan ko.
Anong gagawin ko para makatakas dito?

Muling nag-iwan ng mga bitamina ang doctor na tumingin sa akin bago nila, ako
iniwan..

Pilit akong tumayo at lumapit sa kahoy na pader. Hinatid ko sila ng tingin hanggang
sa mawala sila sa paningin ko. Binalingan ko naman ang mansion na tanaw ko mula
rito.

"Uno..."

Ano bang nagawa kong kasalanan para danasin ito? Nagmahal lang ako. Minahal ko ang
anak ng amo ko, pero bakit ganito ang nangyayari?

Parusa ko ba ito dahil ang katulad kong dukha ay naghangad ng isang langit?

Lumipas pa ang maraming araw, dumating ang isang gabing maulan. Nakabuka ang mga
hita ko at mahigpit na nakakapit ang dalawa kong kamay sa aking unan.

"Sige pa! Ere pa!"

Umiiyak akong umiling. "Ang sakit! H- hindi ko na po kaya!"

Basang basa na ang damit ko sa pawis. Mahigit isang oras na akong umeere pero
hanggang ngayon, hindi pa rin lumalabas ang bata. "Dalhin n'yo na po ako sa
hospital! Maawa kayo!"

Hindi ako binigyan pansin ng nurse na nagpapaanak sa akin. Kahit ang lalaking
nakatayo sa tapat ng pinto at nagbabantay ay walang pakialam.

"Kailangan mong tatagan ang loob mo! Mamamatay ang anak mo kung ngayon ka pa
susuko!"
Mariin akong pumikit nang magsimulang manlabo ang mga mata ko. Nilagyan ng nurse
nang makapal na tela ang bibig ko at muli akong pinaere.

Diyos na maawain, tulungan mo po ako!

"Ere pa!"

"Agghhh!"

"Ayan! Nakikita ko na ang ulo ng bata!"

Marahas akong umiling. "Hindi ko na kaya! Maawa kayo!"

"Isa, kaunting ere na lang! Sige pa!" Humugot ako ng malalim na hangin habang
nakatingin sa kisame. Sumigaw ako at muling umere.

"Ayan na! Isa, malapit nang lumabas ang anak mo! Isang ere pa!"

Buong lakas akong muling umere kahit parang malalagutan na ako ng hininga. "Ahhhh!"

Maya-maya lang ay sumabog na ang ingay ng iyak ng bata sa buong paligid. Nilalamon
ang munting pagtangis nito ng malakas na kulog at ulan sa labas pero malinaw kong
naririnig ang kaniyang boses.

"A-ang anak ko."

Umangat ang kamay ko para abutin ito, pero natigilan ako at lalong nanghina nang
makitang nilapitan ito ng lalaking nagbabantay sa akin at sapilitang kinuha.

"Sandali lang! Hayaan mong mahagkan muna niva ang anak niya!" "Bitiwan mo!" malakas
na bulyaw nito sa nurse na may karga sa anak ko.

Walang nagawa ang nurse kundi hayaan itong makuha ang anak kong sanggol pa lamang.

"Anak..."

Sinubukan kong bumangon pero hindi ko magawa. Hinang-hina ako. Pakiramdam ko ay


nasa hukay na ang kalahati ng katawan ko.

Nang hindi ko makayanan ang tumayo, gumapang ako sa lupa. Buong lakas akong
gumapang para lang humabol sa lalaking may dala sa aking anak.

"Ibalik mo siya... ibalik mo ang anak ko! 11

Ngunit wala akong nagawa nang suungin ng lalaki ang malakas na ulan at patakbong
umalis kasama ang aking sanggol.

"Anak ko! Ibalik n'yo sa akin ang anak ko! Mga hayop kayo!"

Nasa lupa pa rin ako, nakaharap sa bukas na pintuan. Ang kamay ay nasa ere at panay
tawag sa anak kong hindi ko man lang nayakap o n*******n.

"Senyora! Maawa na kayo! Ibalik n'yo ang anak ko-"

Mabilis akong natigilan nang makaramdam ng matinding pananakit ng tiyan.

"Oh, Diyos ko! Isa, may isa pa!" Pinatihaya ako ng nurse at muling ibinuka ang
aking mga hita.
"A-anak ko... "

"Ere, Isa! Umere ka!"

Sinunod ko ang inuutos ng nurse. Buong lakas akong umere habang nakakuyom nang
mahigpit ang mga kamay.

"Ere, Isa! Nakikita ko na ang bata!" Sa huling ere ko bago ako tumingala at
tuluyang sumara ang mga mata, narinig ko ang malakas na iyak ng bata.

"Babae ang isang ito, lalaki ang kanina! Kambal ang anak mo, Isa!"

Chapter 3

ISA

NAKAUPO ako sa isang maliit na silya sa loob ng higanting gift box. Nakasuot ako ng
maskarang tumatakip sa kalahati ng mukha ko.

Kung gaano katahimik ang paligid, ganoon naman kalakas ang tibok ng puso ko.
Pakiramdam ko ay para itong sasabog sa sobrang kaba na nararamdaman ko.

"This is our surprise for you, bro! Parang pinaagang bachelor's party! I'm sure
you'll like it!"

Naghiyawan ang mga lalaki sa labas ng kahon kasunod ng sinabi ng MC. Lalo akong
kinabahan. Kung hindi nga lang malamig dito, paniguradong pagpapawisan ako nang
malapot.

"Make sure of that."

Natigilan ako sa narinig. Imagination ko lang ba o parang pamilyar sa akin ang


boses na iyon?

Habang nagsasalita ang MC, kabado akong sumilip sa maliit na butas ng kahon.
Hinanap ko ang lalaking nakasuot ng all black bow tie tuxedo- ang lalaking may
birthday at siyang sasayawan ko.

But I was too shocked to gasp or even react when I saw the man sitting on chair in
the center of the room.

Diyos ko! Totoo ba ito o nananaginip lang ako? Baka naman dahil sa dilim ng paligid
kaya umaandar nang husto ang imahinasyon ko!

Hindi ito puwede! Ang lalaking matagal kong sinumpa at pinagtaguan- nandito ngayon!
Si Uno!

Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang umalingawngaw sa buong paligid ang
maharot na tugtog mula sa malalaking speaker. 'Anong gagawin ko?" Kabado akong
napahawak sa dibdib ko.

Hindi puwedeng malaman ni Uno na ako ito! Malaking problema kapag nadiskubre niya
na ang babaeng stripper na sasayawan siya ngayon gabi -ay ang ina ng anak niya!
Unti-unti bumukas ang malaking gift box. Shit! I have no choice! Bago pa ako
tuluyang lumantad sa lahat, inayos ko ang maskarang suot ko at pumwesto.

Bumagsak sa sahig ang nasirang kahon. Sinalubong ako ng pumutok na confetti at


makakapal na usok na gumagapang ngayon sa sahig.

Mariin akong pumikit bago sinabayan ng katawan ko ang maharot na tugtugin. Nilamon
ng malakas na hiyawan at pito ng mga lalaki ang buong paligid.

Tila nahayok sa katawan ko ang mga ito at lalong naghiyawan. Natigilan pa sila nang
lalo kong pag-igihan ang paggiling.

Tutok na tutok ang paningin nila sa akin at halos lumuwa ang mga mata nila sa
katawan kong natatabunan lang ng see-through bathrobe. Kapirasong underwear lang
din ang suot ko sa loob. Idagdag pang pang-pornstar ang katawan na mayroon ako.

Iniwas ko mula sa kanila ang paningin ko at mas lalong pinag-igihan ang pagsasayaw.
Nakita kong natigilan sa pag-inom ng alak si Uno sa sandaling nagtama ang mga mata
namin.

Oh, shit! Nakilala niya kaya ako?

Kung kanina ay nakadekuwatro at tila walang gana si Uno, ngayon ay umagos na siya
nang pagkakaupo.

Huminga ako nang malalim at ginawa ang kailangan kong gawin. Lalo kong hinarutan
ang paggiling habang papalapit nang papalapit ako sa kaniya. Kumembot ako sa harap
niya at inikutan ang silya niya bago kumandong paharap sa kaniya. Napuno uli nang
malakas na sigawan ang apat na sulok ng silid.

I tried to smile at him. Hindi ko na kasi makayanan ang mga titig niyang parang
tumatagos sa maskarang suot ko. And then he grabbed me by the waist and pulled me
closer to him.

Shit! Para akong napapaso sa mga hawak niya.

He grinned at me. "You look familiar."

Namilog bigla ang mga mata ko. Sa kabila ng ingay ng sigawan at malakas na tugtog,
nagawa kong marinig nang malinaw ang sinabi niya.

I didn't answer. Takot na takot akong baka makilala niya ang boses ko.

Tumaas ang kamay niya at sinubukang tanggalin ang suot kong maskara. Doon na ako
tumayo at pasimpleng dumistansya sa kaniya.

Hindi niya ako nilubayan ng tingin. Sinundan niya ang bawat galaw at kilos ko
hanggang sa tuluyan kong hubarin ang suot kong see-through bathrobe sa harap nila.

Hinagis ko iyon. Natigilan pa ako nang saluhin niya ito gamit ng isang kamay.

I gulped nervously.

Bumalik na ako sa loob ng kahon matapos ang ilan pang minutong pagsasayaw. Bago ito
tuluyang sumara, nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa mga labi ni Uno habang
nakatingin sa akin.

***
"Mami Madonna, sige na ho.

Kailangang-kailangan ko na talagang umalis," pakiusap ko sa manager ng club na


pinagtatrabahuhan ko.

Hindi kami puwedeng magkita ulit ni Uno! "Hindi pa nga puwede! Ni-request ka ng
mismong may birthday! Gusto ka niyang makausap pagkatapos ng party."

Patay!

Napakamot ako sa batok. Hindi puwedeng magpang-abot ang landas namin dito!

"Mami Madonna naman, alam n'yo naman po ang ayaw at gusto ko, di ba? At saka, kayo
lang ang nakakaalam sa tunay kong sitwasyon. Maawa na kayo sa akin, mami."

Umismid siya pero panay ang sulyap sa akin. Ilan sandali pa, bumubuntonghininga
siyang tumango.

"O siya, siya! Magdadahilan na lang ako mamaya! Sayang ang extrang kita!" Dumukot
siya nang ilang libong piso mula sa cleavage niya at inabot sa akin.

"Nako, salamat, mami! Naiintindihan mo talaga ang kalagayan ko!" Mahigpit ko siyang
niyakap bago mabilis na lumabas ng gate ng rest house kung saan ginanap ang
birthday celebration ni Uno!

Kung alam ko lang na siya ang customer ko, kahit inalok ako nang milyon, hindi ko
tatanggapin ang trabahong ito!

Patakbo akong umalis doon at agad na naghanap ng taxing masasakyan.

"Manong, St. Maria Hospital nga po!" Nakahinga ako nang maluwag nang umandar palayo
ang taxi.

Hindi pa rin ako makapaniwala. Bakit sa dinami-dami ng lugar, dito pa kami muling
nagkita ni Uno? Matagal ko na siyang ibinaon sa limot, maging ang nararamdaman ko
para sa kaniya ay nananahimik na.

Pero ano na naman ito ngayon?

Pinaglalaruan na naman ako ng tadhana? Ngayon pa na isang malaking pagsubok ang


pinagdadaanan ko.

"Alicia!" mabilis kong nilapitan ang kaibigan at kapitbahay kong bakla.

"Mabuti naman at nandito ka na! Saan ka na naman nanggaling? Sa pagsasayaw ulit sa


club?"

"Hindi. May iba akong sinayawan ngayong gabi."

Parang gulat na nagtakip siya ng bibig. 11 Diyos ko, ha! Nagpa-take home ka na,
Isa?"

"Ano ka ba?" Pinalo ko siya nang mahina sa braso. "Hindi, no! Mayroon kasing nag-
birthday, tapos nag-hire sila ng dancer! E, malaki ang offer kaya hindi ako
nakahindi!"

"Malaki? Magkano? 10,000? 20,000?


Sapat ba iyong ganoong halaga para ibuyangyang mo sa harap ng mga lalaki iyang
katawan mo?"

Malungkot akong nagtungo ng ulo. " Alam mo naman na hanggang elementary lang ako,
di ba? Walang disenteng trabaho ang gustong tumanggap sa akin, kaya kapal mukha
akong nagsasayaw sa club para may maipakain ako sa anak ko."

Nabahiran ng awa ang mukha niya habang nakatingin sa akin. "Hay! Oo. na! Paiiyakin
mo pa ako! Pumasok ka na sa loob. Kanina ka pa hinahanap ni Heart."

Napangiti ako nang malapad nang banggitin niya ang pangalan ng anak ko. Mabilis
akong nagsuot ng hospital gown at pumasok sa room ni Heart.

Maluha-luha ako nang lapitan siya. May nakakabit na kung ano-ano machine sa
patpatin niyang katawan. May nakalagay rin sa ilong niya para hindi siya mahirapang
huminga.

"Anak, nandito na si Nay-Nay." Kinuha ko ang kamay niya at hinalikan. Nagmulat siya
ng mga mata at maagap na bumaling sa akin. "Nay-Nay ko?"

"Opo, Heart ko. Nandito na ako."

Hinalikan ko siya sa noo habang walang palya sa pagpatak ang mga luha ko. Ito ang
rason kung bakit nasisikmura kong maghubad sa harap ng mga lalaki... ang anak ko.

Para sa kaniya, nakahanda akong kumapit sa patalim. Kung kailangan kong ibenta ang
kaluluwa ko, nakahanda akong gawin.

Chapter 4

ISA

MATAGAL akong nakatitig sa mukha ng doctor na kumausap sa akin. Hindi ako


makapaniwala sa lahat ng sinabi niya.

"Pero doc, ang akala ko po, normal lang ang sakit ng anak ko? Bakit ngayon,
sinasabi n'yong puwede niyang ikamatay ito?"

"Hija, nagkamali ang huling doctor na nakausap n'yo. Mabuti nga't nadala mo rito
ang bata. Maaagapan pa natin ang sakit niya."

Hindi kumbinsidong umiling ako sa kaniya. "Hindi pa mamamatay ang anak ko, doc!
Bawiin n'yo ang sinabi n'yo!"

"She will not die, pero kailangan niyang sumailalim sa bone marrow transplant. May
rare blood disease ang anak mo, hija. Kapag hindi ito naagapan, manganganib ang
buhay niya.
Wala sa sariling hinampas ko nang paulit-ulit ang dibdib ko nang mahirapan akong
huminga.
"Ang dami nang pinagdaanan ng anak ko! Pagod na pagod na siya."

Naaawang tiningnan ako ng doctor. Hindi ko alam kung anong sakit ang tinutukoy
niya, pero wala akong balak mawalan uli ng anak.

"Doc, iligtas n'yo po ang anak ko!

Nakahanda akong pasukin ang lahat ng klase ng trabaho! Kung gusto n'yong ibigay ko
ang sarili kong buhay, gagawin ko! Mabuhay lang ang anak ko! 11

Tinanguan ako ng doctor. Pinaliwanag niya sa akin ang kalagayan ng anak ko at ang
mga dapat naming gawin.

"The bone marrow produces blood cells that our body needs to survive. In your
daughter's case, her bone marrow is injured and doesn't produce enough healthy
blood cells. We need to find a donor to give her a bone marrow, asap."

"Sinasabi n'yo po bang... hindi kami matched Ing anak ko?"

"Yes, hija. Actually, siblings are much more likely to be matched than parents.
Mahihirapan tayong maghanap ng magiging donor niya. So, kung may kapatid si Heart,
mas mabuti dahil may 30% na chance na matched sila. May kapatid ba ang anak mo?"

Sandali akong napapikit habang pinoproseso ang lahat.

"Opo... " wala sa sarili kong sabi.

"Good. Ang kailangan na lang natin gawin ay mag-conduct ng test para ma- determine
kung talaga ngang match sila."

***

"Bone marrow transplant? Naku naman! Pagkamalas-malasan n'yo namang mag-ina!


Nagkasakit pa nang ganiyan si Heart!"

Napaupo si Alicia sa tabi ko at naiiling na tumitig sa malayo. Alam kong ramdam


niya ang bigat ng loob ko. Hindi ko na alam ang gagawin.

"Magkano naman daw ang lahat ng magagastos?"

"Mahigit kumulang dalawang milyong piso."

"Ano? Diyos ko! Dalawang milyon? Dalawang libo nga, wala tayo!"

Napapikit na lang ako ng mga mata habang iniisip ang mga problema. Mula sa
squatters area naming bahay, naglakad ako papunta sa hospital.

Habang nasa daan, panay balik sa akin ang naging pag-uusap namin ng doctor ni
Heart. Isang bagay lang ang nasa isip ko-ang anak kong kinuha sa akin ng mga
Cavallaro. Hindi ko alam kung saan kamay ng Diyos ako kukuha ng dalawang milyong
piso, pero ang anak ko... si Heart. Kailangan niya ng donor. Kailangan niya ngayon
ang kakambal niya.

***

Sa tulong ni Mami Madonna, nagawa kong makuha ang address ni Uno dito sa Manila. At
ngayon nga, nakatayo ako sa mismong harap ng gate ng mansion nila.

Lumapit ako sa gilid at matagal na tiningnan ang doorbell. Nagdadalawang -isip ako
kung pipindutin ito o hindi. Isa na sa mga dahilan ko si Senyora Celestia. Paano
kung makita niya ako at malaman niya ang totoo? Baka kunin niya sa akin si Heart!

"Ikaw ba iyong mag-a-apply na bagong katulong?"

Gulat akong napalingon sa boses na nagtanong. Ang nakangiting mukha ng isang babae
ang bumungad sa akin. Sa palagay ko, nasa trenta anyos pa lang ito.

Ilang beses akong tumango. "O-opo!"

"Mabuti naman at dumating ka na. Ako nga pala si Edna, tawagin mo na lang akong Ate
Edna. Ako ang magtuturo sa iyo ng mga kailangan mong gawin dito."

"Ako naman po si Isa! Nice to meet you po, Ate Edna!"

Agad akong tinuruan nito ng mga dapat at hindi ko dapat gawin. Kung ano lang ang
puwede kong hawakan at ano ang hindi. At kung saan lang ako dapat tumuntong at kung
saan hindi dapat maabot ng aking mga paa.

"Oh, alam mo na ang mga gagawin, ha? Bawal ka sa itaas. Dito ka lang maglilinis sa
baba."

Inikot ko ang paningin ko sa malaking sala. Kahit parang mansion sa sobrang laki
ang bahay na ito, mukhang hindi naman ako mapapagod sa paglilinis dahil kumikintab
na sa linis ang sahig at mga kagamitan sa loob.

"Bago mag-alas-sais ng umaga, dapat nakahanda na ang breakfast. Hindi umuuwi sa


tanghali si Sir kaya hindi na natin kailangan maghanda ng lunch para sa kaniya. Sa
gabi naman, madalas ay late na siya kung umuwi kaya- nakikinig ka ba?"

Mabilis kong binawi ang paningin ko mula sa pangalawang palapag at tumingin kay Ate
Edna.

"Pasensya na kayo, ate. F-first time ko kasing makakita nang ganitong kalaking
bahay. Parang palasyo."

Tinanguan niya lang ako bago nagpatuloy sa pagsasalita. Ang totoo niyan, hinahanap
ko ang anak ko. Kasama kaya siya ni Uno rito?

"Huwag kang mag-alala. Hindi mahirap ang trabaho rito dahil maliban kay sir, wala
na tayong ibang aasikasuhin."

"Ibig n'yo pong sabihin, walang ibang kasama ang amo natin sa malaking bahay na
ito? W-wala po ba siyang pamilya?"

Umiling si Ate Edna. "Kasama ni Sir iyong pasaway niyang anak. Si Alas."

Malakas na kumabog ang dibdib ko sa narinig. Ang anak ko? Nandito ang anak ko? At
Alas ang pangalan niya?

Hindi ko alam kung paano malalapitan ang anak ko, kaya nang malaman kong naghahanap
ng bagong katulong sina Uno, hindi ko na pinalagpas ang pagkakataon at agad na nag-
apply. Ngayon ay halos maluha ako sa tuwa. Nasa iisang bubungan na kami ng anak ko!

"Wala pang asawa si Sir, pero ikakasal na siya sa susunod na buwan." Napatingin ako
kay Ate Edna sa sinabi niya. "Ikakasal na ho siya?"

"Oo, doon sa long-time girlfriend niya. Si Ma'am Gwen."


Napalunok ako sa pangalang narinig. Isa -isang nagbalik sa akin ang mga hindi
magagandang alaala mula sa kahapon.

"Pero sa tingin ko, baka hindi rin matuloy ang kasal ng dalawang iyon."

"Paano n'yo naman po nasabi?"

"E, kasi itong si Sir Uno, ilang araw nang may hinahanap na babae."

"Babae?"

"Oo. Iyong stripper daw na kinuha sa birthday niya, gusto niyang mahanap."

Chapter 5

ISA

ILANG araw na mula nang magsimula akong magtrabaho bilang housemaid sa mansion ni
Uno, pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin ito nakikita dahil nasa business trip
ito sa ibang bansa.

Ilang araw na rin pero hanggang tanaw lang ako sa kuwarto ng anak ko. Hindi siya
madalas na lumabas ng kuwarto, at kung lumabas man, hindi ko pa rin matyempuhan.
Hindi ko siya malapitan o mahawakan man lang.

Sabik na sabik na ako sa anak ko. Gusto ko siyang mayakap at mahalikan. Tatlong
taon na rin mula nang maipanganak ko sila, pero hanggang ngayon, hindi ko man lang
siya nakikita.

"Bwiset ka talagang bata ka!"

Natigilan ako sa ginagawang paglilinis

nang marinig ang tila galit na boses na iyon. Mukhang si Kuring iyon, ah? Ang yaya
ng anak ko!

"Aray! You're hurting me! Let go!" Sunod kong narinig ang boses ni Alas.

Mabilis kong iniwan ang ginagawa ko at patakbong pumunta sa garden kung saan
nanggagaling ang mga boses nila.

"Masasaktan ka talaga sa akin! Punong- puno na ako sa iyo-"

"Anong ginagawa mo sa bata!" Mabilis ko silang nilapitan at mahigpit kong hinawakan


ang braso ni Kuring para itulak siya palayo.

"Iyang batang iyan, e! Bigla ba naman akong sinampal!"

"That's because you were sleeping! Binabayaran ka ni Daddy to take care of me pero
tulog ka nang tulog!"

"Bwiset ka talagang bata ka! Kaya walang nagtatagal sa iyo dahil diyan sa ugali mo!
Pati ang daddy mo, hindi ka mahal! Magqu-quit na ako!"

"Kuring, sumosobra ka na!" Sumingit ako sa pagitan nila. Bakit ganito siya kung
magsalita sa anak ko?

"Then quit! I don't even like you!" sagot ni Alas.

Malakas na tinapon ni Kuring ang laruan ni Alas at padabog na nagmartsa palayo.


Mabilis ko naman sinipat ang braso ng anak ko.

"Hindi ka ba nasaktan? Ito? Masakit ba? Hinipan ko ang namumulang bahagi

ng braso nito.

"Who are you?"

Napangiti ako nang makitang nakatingin siya sa mukha ko. He's wearing a big dorky
eyeglasses. At ang guwapo-guwapo niya! My baby is so handsome!

"I'm your " Mabilis akong natigilan nang maalala ang sitwasyon ko. "I'm your new
housemaid."

"New housemaid? Kailan pa?"

"Last week lang." Sinuklay ko ang buhok niya gamit ang mga daliri ko.

"Why are you crying?"

Mabilis kong pinahid ang luha ko. "W- wala. Wala lang. Ang guwapo-guwapo mo kasi.
Nakakatuwa ka."

Napangiti siya sa sinabi ko.

"Alas, puwede ba kitang yakapin?"

"Huh? Bakit mo ako yayakapin? Katulong ka lang, di ba?"

Natawa ako sa narinig. Napakadaldal ng anak ko. Prangka rin kung magsalita.
Malayong-malayo sila ng kakambal niyang si Heart na tahimik at mahiyain..

"I'll go back to my room na!" Bigla siyang tumakbo palayo kaya naiwan akong
nakasunod ang tingin sa kaniya. Hindi pa siya nakalalayo, bigla siyang tumigil at
humarap sa akin. Kinawayan niya ako.

Lalong bumuhos ang mga luha ko sa pisngi nang tuluyan siyang mawala sa paningin ko.

"Anak ko..."

***

UNO

My brows furrowed after hearing what Edna said. "She quit?"

"Oho, sir."

I let out an annoying sigh and slumped down in my chair. "What is it this time? 11

Nag-alangan pa siyang sabihin sa akin ang dahilan. "E, kasi po... si Alas, sinampal
daw itong si Kuring habang natutulog."

"Sinampal niya ang yaya niya?" Napapikit si Edna nang magtaas ako ng boses.

I stood up and stormed out of the private library of my mansion. Hindi na talaga
nagtanda ang batang iyon! Panglimang yaya na niya si Kuring ngayong buwan!

Pabagsak kong binuksan ang pintuan ng kuwarto niya. Nilapitan ko siya habang
nakaupo siya sa dulo ng kama.

"Bakit ba napakatigas ng ulo mo? Ano pa bang kailangan kong gawin para magtino ka!"

Hindi ito sumagot. Nanatili itong tahimik at nakatingala lang sa akin.

"Talk to me, goddammit! Hanggang kailan ka ba magiging ganito? Ang tigas ng ulo
mo!"

Nagsimula siyang umiyak. "I hate you, daddy! I hate you!"

Lalong nag-init ang ulo ko sa mga narinig. Lumuhod ako sa sahig at mahigpit siyang
hinawakan sa magkabilang balikat.

"Kung hindi ka magtitino, ipapadala na lang kita sa lola mo sa probinsya!"

"No! No! I don't want to-aray! Daddy, you're hurting me! You're hurting me!"

"Bitiwan mo ang bata!"

Isang kamay ang biglang tumulak sa akin at mabilis na inilayo si Alas. Umiiyak ang
anak ko nang yumakap sa mga binti ng babae. Inis akong tumayo.

"And who the hell are you!" My furious voice echoed inside the room.

Mabilis akong nilapitan ni Edna at pinaliwanagan, "Sir, siya ang bagong katulong-"

'Anong ginagawa ng isang katulong at nanghihimasok dito!"

"Sir Uno, si Isa po ang tumayong yaya at nag-alaga kay Alas mula nang umalis sa
trabaho si Kuring. Kasundo niya ang bata at napalapit na sa kaniya ang anak n'yo."

Sa sandaling marinig ko ang pangalang binanggit ni Edna, hindi ko na inintindi ang


iba pa niyang sinabi. Nakatutok na lang ngayon ang mga mata ko sa babaeng nakaluhod
sa sahig at inaalo ang umiiyak kong anak.

"Stop crying, baby ko. Yaya is here.

Masakit ba?"

Naluluhang tumango ang anak ko sa tanong na iyon ng babae. Lalo ko silang nilapitan
habang titig na titig dito.

"Kawawa naman ang baby ko. Patingin

ako, anak. Hihipan ni Yaya, ha?"

"Isa."

Natigilan siya bigla sa ginagawa. My heart started racing as she slowly turned her
face to me.
Fuck.

It's her.

Chapter 6

ISA

MABILIS akong nagbaba ng paningin nang makita ang matalim na mga mata ni Uno-titig
na titig sa akin.

Kanina pa kami nandito sa loob ng private library ng mansion niya. Hindi siya
nagsasalita pero hindi niya rin ako pinapaalis. Namamawis na tuloy ang mga palad ko
sa sobrang kaba dahil sa mga titig niya.

I bit my lower lip and tried to open my mouth to say something, pero mabilis din
akong natigilan nang tumikhim siya.

"Buhay ka pa pala.

Mariin akong lumunok. Para hindi ako hanapin ni Senyora Celestia noon, pinalabas ng
nurse na namatay ako sa panganganak. Iyon ay para maiwasan na rin na malaman nila
ang tungkol kay Heart. "Tell me, where have you been all these years?"

Nag-angat ako ng paningin dahil sa tanong niya. Halos hindi na siya kumurap habang
nakatingin sa akin ang matatalim niyang mga mata.

Anong dapat kong sabihin? Natatakot akong malaman nila ang tungkol kay Heart. Paano
kung kunin nila sa akin ang anak ko? May sakit siya ngayon. Hindi malayong gawin
nila iyon dahil wala naman akong sapat na pera para sa pampagamot ng anak ko.

"Magsalita ka!"

Napapitlag ako nang magtaas siya ng boses. Nanginig agad ang katawan ko sa takot
dahil sa nakikitang galit sa mukha niya.

"Muntik na akong mamatay," pagsisinungaling ko.

Natatakot ako na baka balikan nila ang nurse na tumulong sa akin. Nagsalubong ang
mga kilay niya. Muntik? I saw your grave. Sigurado akong patay ka na."

Mariin akong pumikit at nag-isip. Naramdaman ko ang pag-agos ng pawis mula sa noo
ko. Hindi ako makapag-isip ng puwedeng idahilan.

"Uno, p-please, hayaan mo akong makasama ang anak ko." Pinili kong ibahin ang
usapan.

Hiling ko lang na sana ay hindi na niya ipagpilitang alamin kung bakit


nagsinungaling ang nurse noon.
Lalong nagsalubong ang mga kilay niya. "You left him for years, and now you come
back and demand to be with my son?"

"Uno, maawa ka na. May karapatan din ako sa anak natin."

"He's only my son!"

"He's also my son!" "Sinong may sabi!" Halos pandilatan niya ako ng mga mata dahil
sa panggagalaiti. "Wala kang karapatan sa anak ko matapos mo siyang abandunahin
nang ilang taon!"

Mariin kong kinagat ang ibaba kong labi sa pagpipigil sa sarili. Bakit? Hindi niya
ba alam ang ginawa sa akin ng ina niya? Kung paano sinira ni Senyora Celestia ang
buhay ko?

Napansin kong lumambot ang mukha niya nang makita ang pag-agos ng mga luha sa
pisngi ko. He looked away as if he didn't want to see my tears.

"Leave."

Natigilan ako bigla. "Ano?"

"Lumayas ka sa pamamahay ko."

"No." Wala sa sariling inilingan ko siya. "You can't do this to me. I'm the mother
of Alas! I have the right to him!"

Alam kong ako ang delikado sa ginagawa kong pagmamatigas, pero hindi ko na
hahayaang kontrolin uli ng mga Cavallaro ang buhay ko! I suffered enough! Sapat na
ang ilang taong nagkalayo kami ni Alas. Hindi ako papayag na hindi makasama ang
anak ko!

"Okay," huminahon bigla ang tinig niya. He leaned back in his chair and calmly
looked at me.

"Seryoso ka?"

"First, tell me where you have been for the last six years. I'll decide after
that."

Matagal na minuto akong natahimik. Nang ibuka ko ang bibig ko, hindi ko na alam
kung ano ang mga salitang lumabas.

"I got married."

Matagal niya akong tinitigan.

"You got married?"

I nodded.
Inis siyang ngumiti. "You got married after leaving your new-born baby."

"Uno, please, hayaan mong makasama ko ang anak ko. Kahit kaunting oras lang."

Matagal kaming nagkatitigan na parang nagsukatan ng tingin. Unti- unting dumilim


ang mukha niya hanggang sa bumalik ang kaninang matatalim niyang mga mata.

"Okay, you can stay."


"T-talaga? Pumapayag ka na?" Malapad akong ngumiti.

"In one condition."

Naglaho ang ngiti sa mga labi ko. "Ano iyon?"

Titig na titig siya sa mga mata ko nang pakawalan niya ang mga salitang nagpatigil
sa akin.

"Warm my bed, be my woman."


Matagal akong natigilan matapos ng mga sinabi niya. Napansin niya siguro ang
paglukot ng mukha ko dahil sa kalituhan kaya muli siyang nagsalita.

"Gusto mong makasama ang anak mo? Gawin mo ang gusto ko."

Kumuyom nang mahigpit ang mga kamay kong nakapatong sa kandungan ko. Pagkatapos
niya akong buntisin at hindi panagutan noon, matapos sirain ni Senyora Celestia ang
buhay ko, ngayon, gusto na naman niya akong gamitin?

"You're sick! Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? I'm married!"

"Which is exactly why I want you to do this. It's exciting, am I right?"

"Gusto mo akong gawing parausan kahit alam mong kasal na ako?"

"Oo!"

Lalong bumuhos ang mga luha sa pisngi ko. "Hibang ka na kung inaakala mong papayag
ako!"

"Then you may leave."

Bigla akong natigilan. "A-ano?"

11 "Ayaw mong maging babae ko? Well then, you cannot stay."

Hindi makapaniwalang tinitigan ko ang nakangiti niyang mukha. Tatlong taon pero
wala pa rin siyang ipinagbago. Basura pa rin!

"Mamili ka, Isa. Maging yaya ng anak ko sa umaga at maging babae ko sa gabi, o
aalis ka ng pamamahay ko ngayon mismo."

Chapter 7

ISA

"Alas, Isa will be your new yaya starting today."

Nakasunod ako sa likuran ni Uno habang papasok ito sa loob ng kuwarto ng anak
namin. Napangiti ako agad nang makitang gising na si Alas at abalang naglalaro sa
ibabaw ng kama niya.
"Really? She's my new yaya?"

Tumingin ito sa akin at malapad na ngumiti. I waved my hand at him.

Kinarga ito Uno at pinatayo sa harap nito. "I need to go to work. I want you to
behave, okay? One call from Edna and you'll be in the province--with your lola."

"But I don't like her!"

"Then behave!" Tumayo na si Uno at bumaling naman sa akin. "Give him everything he
wants, except, don't let

him go outside. Do you understand?"

Agad akong tumango sa mga sinabi niya. Bago umalis ay matagal pa niya akong
tinitigan. Hindi ko sinalubong ang mga tingin niya. I focus my eyes on the ground.

"Kapag may problema, tawagan mo ako.

Nang makalabas siya ng kuwarto, agad kong nilapitan si Alas at niyakap.

"Madalas na tayong magkakasama ngayon, anak!"

He giggled. "Why do you keep calling me anak? I'm not your anak."

Marahan kong hinaplos ang pisngi niya habang nakangiti. Kahit yaya pa ang tingin
niya sa akin, okay lang. Basta makasama ko siya, masaya na ako.

***
Mabilis na lumipas ang oras habang kasama ko si Alas. Ang buong araw ay parang
isang oras lang na dumaan. Hapon na at malapit na rin gumabi.

Malapit nang bumalik si Uno.

Pumasok ako sa playroom dala ang tray

ng cookies and a glass of milk. Tumingin ako sa buong paligid. Punong -puno ng
laruan ang kuwartong ito, may slides, swing at waterbed pa.

Ibinigay talaga ni Uno ang lahat kay Alas. Hindi ko tuloy maiwasang hindi malungkot
para kay Heart. Hindi niya naranasan ang ganito kahit minsan. Hindi ko nga ma-
afford na bilhan siya ng mamahaling laruan.

"Wow! Cookies!"

Binitiwan ni Alas ang robot na hawak niya at saka mabilis na tumakbo palapit sa
akin.

"Oh! It's different from the one I used to eat!" "It's because I baked these
myself, baby. "Bahagya kong pinisil ang pisngi niya.

"Really? You know how to bake?"

"Oo naman! Gusto mo ba, ipag-bake rin kita ng cake?"

Umaliwalas ang mukha niya sa sinabi ko. "Sure! I want caramel cake!"

Hinayaan kong bumalik sa paglalaro si Alas matapos nitong kumain ng snack. Mataman
ko siyang tiningnan bago lumipat sa CCTV camera ang paningin ko. Nasa isang sulok
iyon ng kuwarto- nakakabit sa itaas.

Nakaisip na ako ng gagawin ko. Bago pa man ako pumasok dito, desidido na ako sa
plano ko. I won't let Uno used our son to do whatever he wants. Hindi ko na ulit
sila hahayaan na gamitin ang anak ko para sa pansarili nilang kapakanan.

Sandali akong nagpaalam kay Alas at lumabas ng kuwarto. Pumasok ako sa isang walang
laman na silid at inilabas ang isang mumurahin na china phone saka tinawagan si
Alicia.

"Jesusmiyo! Sigurado ka ba diyan sa binabalak mo, Isa? Nakakaloka ka!"

"Huwag mo na akong ganyanin, Alicia! Nag-usap na tayo tungkol dito! Um-00 ka na!"

"Hindi ko naman alam na seseryosohin mo!"

"Ah, basta! Hahanap lang ako ng magandang tyempo. At pagkatapos, ilalayo ko na rito
ang anak ko at tutulungan mo ako!"

"Isa, maghunos-dili ka! Kidnapping

iyang gagawin mo!"

"Alam ko, Alicia. But he's my son, may karapatan akong kunin siya. And... Heart
needs him."

***

Kabado akong pumasok sa kuwarto ni Uno pagsapit ng alas nuebe ng gabi. Natanaw ko
agad siya sa sala ng silid niya-prenteng nakaupo sa sofa habang hawak ang baso ng
alak sa isang kamay at naninigarilyo.

"Hindi pa natin napag-uusapan ang tungkol sa suweldo mo."

Hindi ako sumagot. Hinintay ko lang na tapusin niya ang sinasabi niya.

"Babayaran kita nang triple sa pagiging yaya mo sa anak ko. You can be with him
anytime you want, but you can't tell him the truth. My son doesn't deserve a mother
like you."

Matagal akong natigilan sa mga narinig. Aaminin kong nagtago ako nang mahabang
panahon sa takot na baka kunin nila sa akin si Heart, kaya may kasalanan din ako
kung bakit hindi ko man lang nakasama si Alas nang ganoon katagal. Hindi ako gumawa
ng paraan para makita man lang siya. "Thank you, Uno. Sa pagpayag mong makasama ko
siya."

Thank you? Siya dapat ang mag-thank you sa akin dahil hindi ko pa sila sinusumbong
sa mga pulis! Pasalamat sila dahil pinanganak silang may gintong kutsara sa bibig.
Makapangyarihan kaya magagawa nilang baliktarin ang sitwasyon.

Nilapag niya ang basong hawak niya matapos patayin ang sigarilyo sa ashtray. "Don't
thank me. Dahil gagawin kong impyerno ang buhay mo dito. Pagsisisihan mo ang araw
na bumalik ka matapos mo kaming iwan."

Matapos ko silang iwan? Ano bang pinagsasabi niya? Siya ang may gustong umalis ako!
Siya ang ayaw managot sa ginawa niya! He told me to abort our baby! Kaya bakit siya
ganito magsalita ngayon?

Ibubuka ko sana ang bibig ko pero


natigilan ako nang itapon niya sa akin ang isang damit. Tumama iyon sa mukha ko.

"Wear that. Ang gusto ko, sa tuwing papasok ka sa kuwarto ko sa gabi, suot mo na
iyan."

Sinipat ko ang damit na ibinigay niya. Natigilan ako nang makitang uniform iyon na
pangkatulong, pero masyadong sexy. Mahalay at parang kinulang sa tela.

"Bakit kailangan ko pang isuot ito?"

"No questions allowed, Isa.'

Tumayo siya at lumapit sa akin. Sa tangkad niya, kinailangan ko pang tumingala para
salubungin ang mga mata niya.

"You will obey everything I say, understand?"

Nagtungo ako ng ulo at tumango.

"Strip."
Mabilis akong nag-angat ng paningin sa narinig. Alam kong halata ang gulat sa mukha
ko, pero seryoso pa rin siyang nakatingin sa akin. Wala akong nagawa kundi sumunod
sa utos niyang demonyo siya.

Makalipas lang ang ilang segundo, hubo't hubad na akong nakatayo sa harap niya.

"Kneel down," he commanded like a powerful king.

I closed my eyes as hard as I could before kneeling down in front of him. Nang
magmulat ako ng mga mata, I saw him unbuckling his belt.

He grinned at me. "Alam mo na ang gagawin mo."

Chapter 8

ISA

"Sir Uno!"

Mabilis na tinakpan ni Uno ang bibig ko na muntikan nang isubo ang banana niya.
Narinig namin ang mga sigaw sa labas. Sinabayan pa ito ng pagkalampag sa pinto.

"Edna?" takang tanong ni Uno nang makilala ang boses nito.

Mabilis niya akong itinayo at isinandal sa pinto. Ramdam ng likod ko ang lamig na
hatid niyon. Nanuot ito sa aking balat.

"Sir Uno, si Alas po!"

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Mabilis akong humarap sa pinto at akmang
bubuksan ito kung hindi lang ako napigilan ni Uno.

"You're still naked," bulong niya. Sa sobrang pag-aalala ko ay nakalimutan ko nang


n*******d pa pala ako. Takot na takot ang boses ni Ate Edna kaya sigurado akong may
hindi magandang nangyari.

Inayos ni Uno ang suot niyang pantalon saka lumabas ng silid. "Anong nangyari? 11

"E, kasi sir, si Alas, kanina pa nananakit ang tiyan! Namimilipit na ang bata sa
sakit."

"What?"

Nanginig ang mga kamay ko sa narinig. Nang umalis sila para puntahan si Alas,
mabilis akong nagbihis at sumunod sa kanila.

"Daddy! It hurts!" Pinagpapawisan na nang husto ang anak ko nang makapasok kami sa
kuwarto niya. Sigaw siya nang sigaw at namimilipit sa sakit-hawak ang kaniyang
tiyan.

Agad namin itong sinugod sa hospital. Pagdating pa lang doon ay limang doctor na
ang sumalubong sa amin para tingnan ang kalagayan ng anak ko.

Isa ang hospital na ito sa mga pag-aari ng pamilya ni Uno. Kaya hindi na ako
nagtataka kung bakit ganito kung asikasuhin nila ang anak namin.

"Anong nangyari kay Alas? Ano raw ang sakit ng anak ko? Malala ba?"

Kalalabas lang ni Uno mula sa private room na pinagdalhan sa anak namin.

"He's fine. May nakain siyang panis kaya walang tigil ang pananakit ng tiyan niya."

"Panis?" Natigilan ako bigla. Ako ang nagbigay ng mga pagkain kay Alas. Anong panis
ang nakain niya at hindi ko man lang napansin?

"We'll talk about this later. Go inside, Alas is looking for you."

Patakbo akong pumasok sa loob ng silid. Madali kong nilapitan si Alas at naaawang
hinaplos ang pisngi nito.

"Yaya?"

"I'm right here, anak. I'm sorry.

Kasalanan ito ni Nanay. Sorry, baby ko." Niyakap ko siya at marahan na h****** n sa
noo.

Masakit lang isipin na pareho pa silang may sakit ngayon ni Heart. Parehong
nahihirapan ang mga anak ko at wala man lang akong magawa para maibsan ang
dinaramdam nila.

"Don't leave me...

"Matulog ka na, anak. Promise, babantayan kita buong magdamag. Dito lang ako sa
tabi mo."

"Promise?"

"Oo, promise."
Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng mga luha ko. Si Heart kaya, kumusta na?
Gising kaya siya ngayon? May kasama ba siyang nagbabantay sa kaniya? Nadudurog ang
puso ko para sa mga anak ko.

***

Isang araw lang ang tinagal ni Alas sa hospital. Bumuti agad ang lagay niya kaya
inuwi na rin namin siya sa mansion.

Panis ang gatas na napainom ko kay Alas. Hindi ko napansin na itatapon na pala ang
mga pagkain na nakalabas mula sa ref noong maghanda ako ng snack para sa kaniya
kahapon. Ang boba ko talaga. Naiinis ako sa sarili ko.

"Don't worry about him. Magaling ang mga doctor na tumingin sa kaniya. My son is
healthy."

"Kasalanan ko pa rin. Hirap na hirap siya kahapon nang dahil sa akin."

Naghihirap din ang kalooban ko para sa

anak ko. Kaya naging mas mahigpit na kami ngayon. Bawat pagkain na binibigay sa
kaniya, inuusisa ni Ate Edna at tinitikman ko muna ang lahat.

Mula kay Alas na abalang naglalaro sa loob ng playroom, nabaling kay Uno ang
paningin ko.

"Bakit ka nga pala nandito pa? Umaga na at dapat nasa trabaho ka na."

He grinned as he turned his face to me." I took a break from work. But don't worry,
everything is fine. I just think I deserve a long rest from working so hard. Isa
pa, I want to keep an eye on my son... and you."

"Me?"

"Paano kita parurusahan sa ginawa mong pang-iiwan kay Alas kung palagi akong nasa
trabaho?"

Siraulo! Tinitigan ko siya nang masama pero hindi na ako sumagot dahil ayaw ko nang
makipagtalo pa sa kaniya. "Tapos ko nang linisin iyan!"

"Hindi pa.

"Tapos na!"

"Ano ka ba rito?" Inarkuhan ako ng kilay ni Uno. Para siyang hari na nakaupo sa
sofa at may hawak na baso ng alak sa kamay.

Nagbaba ako ng tingin at ngumuso. Yaya."

"At ano ako?"

"Boss."

'Ano pang hinihintay mo?"

Kagat-labing bumuntonghininga ako bago nagpatuloy sa paglilinis. Yaya ako, hindi


katulong! Pero heto't naglilinis ako ng playroom na wala naman ni katiting na
alikabok. Trip lang talagang ipalinis ni Uno!
"Once you're done, go to my room. Nanlaki ang medyo singkit kong mga mata. "Bakit
naman ako pupunta sa kuwarto mo?"

"Dahil marumi ang kuwarto ko."

"Walang kasama ang anak-si Alas. Walang kasama si Alas!"

"Son!"

"Yup, daddy?" Tumigil sa paglalaro si Alas at lumingon sa kaniya.

"I'm borrowing your yaya for a few hours. Is that okay?"

Sandaling nag-isip ang anak ko.

Napangiti ako nang makita ang pag- iling niya.

"But I want her here. I don't have anyone to play with."

My baby! I'm so proud of you, anak!

"How about I'll buy you some new and expensive toys?" Biglang lumapad ang ngiti sa
mukha ni Alas. "Really? Alright!"

Aba! Pinagpalit agad ako sa laruan lang?

Inis kong tiningnan si Uno. Nginisian niya ako nang nakakaloko. Nang makapasok kami
sa kuwarto niya, agad ko siyang kinompronta.

"Stop doing that!"

"Doing what?"

"Iyong ginawa mo kanina! Isipin mo na lang kung anong klaseng tao ang anak ko
paglaki niya kapag sinanay mo siya sa ganoon!"

"Walang masama sa ginawa ko."

"Mayroon, Uno! Malaki! Palibhasa, mayaman ka kaya hindi mo nakikita! Huwag mong
sanayin si Alas na bitiwan ang mga bagay na talagang kailangan niya para lang sa
mga mamahaling bagay!" "You have a point, but there's no wrong in wanting to have
expensive things. Mas malaki, mas pagsusumikapan niyang makuha."

"Paano kung mas maging importante na sa kaniya ang pera at kayamanan kaysa sa mga
totoong bagay na dapat na pinahahalagahan niya? Stop it! Huwag mong palakihing
ganiyan ang anak ko!"

Natigilan siya sandali at tumalim ang mga mata. "You have no right to teach me how
to raise my son. Tandaan mo, iniwan mo siya kaya wala kang karapatan sa kaniya
ngayon."

Hindi ko napigilan ang lumunok sa mga sinabi niya. Pakiramdam ko, napahiya ako.

Gusto ko na sana tumalikod mula sa kaniya, pero hinawakan niya ang magkabila kong
pisngi gamit ang mga kamay niya.

I gazed up at him and saw his face softened. Nararamdaman ko ang marahang paghaplos
ng hinlalaki niya sa pisngi ko.
Mariin akong lumunok habang nakatingin sa mukha niya. Ang makakapal niyang kilay,
mga mahahabang pilik-mata, matangos na ilong at maninipis na labi. Ito ang mga
katangian niyang bumihag sa akin noon... papunta sa walang katapusang pagdurusa.

Mabilis akong umiwas ng mukha. Tinalikuran ko siya pero mahigpit niya akong
pinigilan sa kamay.

"Where do you think you're going?"

"Uno, I have work to do. Please, let me

go."

"No!"

"Ano ba-"

Pareho kaming natigilan sa biglang pagtunog ng cellphone ko. Mabilis ko itong


dinukot mula sa bulsa ko nang maisip ko si Heart.

Napasinghap ako nang agawin ni Uno mula sa kamay ko ang cellphone. "Ali. Who's
Ali?"

Si Alicia! Bakit kaya siya napatawag? May nangyari bang masama sa hospital?
Mahabaging Ginoo! Huwag naman sana.

Galit niyang tinitigan ang screen ng cellphone. "Who the fuck is Ali!"

"M-my husband..."

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at sinabi ko iyon, pero nawala na lang
ako sa sarili. Mabilis kong inagaw mula sa kaniya ang cellphone nang malingap siya.

"Don't answer it."

"He's my husband! Wala kang karapatan utusan akong huwag kausapin ang asawa ko-"
Inagaw niya ang cellphone at tinapon ito sa malayo. "Uno!"

"My house, my rules! And as long as you're in my house, you're mine!"

Itinulak niya ako nang malakas sa kama. Padapa akong bumagsak. Mabilis akong
natigilan nang bigla niyang pinunit ang palda ko at hinila pababa ang suot kong
panty.

Chapter 9

UNO

PINAMULAHAN ng mukha si Isa sa sandaling mahubad ko ang pantalon ko at bumungad sa


kaniya ang pagkalalaki ko.
"O, ayan, ginalit mo ang alaga ko. Tatlong taon ka rin hinintay niyan."

She bit her lower lip as I rubbed her pussy from behind. Hinding-hindi ko
makakalimutan ang magaganda niyang biyas. Ang malalaking s**o, bilugan na pang-upo
at ang masikip niyang p**** *a. She was almost perfect.

She's not the only virgin I have ever fucked to be honest, pero ewan ko ba. Sa
kaniya at sa katawan lang niya ako nabaliw noon. Pinagnanasahan ko siya hanggang
ngayon.

"Alam kong na-miss mo rin ito, Isa. 11 Hinimas ko ang katawan ng pagkalalaki

ko sa basang-basa niyang p****a Aminin mong tama ako at na-miss mo rin ang matusok
ng alaga ko?"

Nakita ko ang pagkagat niya ng labi niya na parang nagdadalawang isip sa isasagot,
pero napangiti ako nang tumango niya habang nakapikit. Parang dinadama ang bawat
hagod ng k*****a ko sa mabasang bukana niya.

"Ayoko nang dinadaan sa tango, Isa. I want to hear it."

"N-na-miss ko ang alaga mo."

"I can't hear you."

"Ahh!" malakas siyang umungol nang bigla kong hawakan ang clirotis niya.

Bigla ko siyang pinatihaya. Kagaya ng ginawa ko sa palda at underwear niya, pinunit


ko rin ang suot niyang damit hanggang sa tumambad sa akin ang malulusog niyang
dibdib.

"Uno...
Pulang-pula ang mga pisngi niya habang nahihiyang nakatingin sa akin. Sa sobrang
pananabik na muli siyang maangkin, hinanda ko agad ang sarili ko sa pagitan ng mga
hita niya.

"You look like a pornstar with an innocent face." Natawa ako nang simangutan niya
ako.

Biglang namilog ang mga mata niya nang kubabawan ko siya. Katulad niya ay wala na
rin akong saplot sa katawan matapos kong maghubad nang mabilis. I felt my manhood
pressed against her femininity and its driving me crazy.

Gaddamit! Lalo akong nag-init nang makitang kagat-kagat ni Isa ang kaniyang labi at
napapapikit.

Mabilis kong inangkin ang mga labi niyang bahagyang nakaawang. Para akong batang
uhaw na uhaw habang sinisiil siya ng halik.

Nang humiwalay ako sa mga labi niya ay napatili siya nang bigla kong ipasok ang
k*****a ko. Ako man ay bigla ring natigilan.

I stared at her face with a confused look. It's been three years, but she said she
got married already. Pero bakit parang mas lalo pa siyang sumikip kaysa noong unang
beses na naangkin ko siya? Kaysa noong nagawa kong makuha ang pagkabirhen niya?

When I felt the warmth of her walls, nawala na sa isip ko ang ibang bagay.
Nagpatuloy akong gumalaw sa ibabaw niya at walang habas na naglabas- pasok.
***

"Huwag!"

Mabilis akong nagmulat ng mga mata nang makitang pabalikwas na bumangon si Isa. She
was sweating and breathing heavily.

"Anak!" Nataranta ako nang makitang bigla

siyang umiyak. "Isa? It's okay. It was just a dream."

Inalo ko siya kaya napatingin siya sa akin. Patuloy sa pagbagsak ang mga luha sa
kaniyang pisngi.

"A-ang anak ko..."

"Alas is fine. He's in his room."

Hinapit ko siya sa baywang at niyakap. Nanginginig ang buong katawan niya kaya lalo
akong nag-alala.

"Ano bang napanaginipan mo at parang takot na takot ka?"

Bigla siyang kumalas sa yakap ko. She immediately wiped the tears from her face,
but her body continued to tremble.

"Nanaginip ako... ikinulong daw ako sa bodega. At kinuha sa akin ang mga anak ko."

Mga anak?

Nagbuga ako ng hangin. "Panaginip lang iyon. No one's taking away Alas from you. As
long as you're here... with us, I promise, walang maglalayo ng anak natin sa iyo."

***

Nagsalubong ang mga kilay ko matapos marinig ang sinabi ni Isa.

"What did you just say? I thought I heard it wrong. 11

"Ang sabi ko, hindi puwede itong ginagawa mo! Pinapakialaman mo ang mga gamit ko,
dinadala mo ako dito sa kuwarto mo at-inaano! You're being unfair!"

"Unfair?" Umawang ang mga labi ko. " Ipapaalala ko lang, Isa, ikaw ang nang- iwan-"

"Kaya nga ako nandito! Dahil gusto kong bumawi sa anak ko, hindi sa iyo!"

Lumunok ako sa narinig. Does she have to be so honest?

Palabas na siya ng kuwarto pero mabilis akong humarang sa pinto at padabog itong
isinara.

"Hoy, babae, baka nakakalimutan mong pinaparusahan pa kita? Kung gusto mong
makasama ang-

"Hindi mo na ako puwedeng paalisin! Nangako ka kagabi!"

Matagal akong natigilan sa narinig. Damn this woman! Kailan pa siya tumapang nang
ganito? Hindi naman siya ganito noong huling kita namin. Ah, dahil siguro sa
p*****a niyang lalaki.
"You're in my room, missy. You're mine."

"Sa iyo lang ako sa gabi! E, umaga ngayon! Tirik na tirik ang araw at-"

"At gusto ko rin patirikin ang mga mata mo." "Bastos!" Tinulak niya ako sa dibdib.

I laughed and played with her hair. "Is this what I get from giving you a massive
orgasm last night?"

Umawang ang mga labi niya sa sinabi ko. "Bastos ka talagang bakulaw ka!"

Nalukot bigla ang mukha ko. Bakulaw?

***

"Isa, magluto ka nga para sa amin ni Alas." Pumasok ako sa kusina at naupo sa harap
ng dining table.

Natigilan ako nang hindi mahagilap si Isa sa buong kusina.

"Where the hell is she?"

Lumapit sa akin si Edna. "Nagpaalam kanina, sir. May importanteng lakad raw."

"Importante?" Nag-init bigla ang ulo ko nang malala ang tawag kanina sa cellphone
niya. Mabilis akong tumayo at lumabas ng mansion. Agad kong pinatakbo palayo ang
kotse ko. Naabutan ko siya sa may sakayan ng jeep. Binagalan ko ang takbo ng
sasakyan ko para masundan siya.

Kumukulo na agad ang dugo ko nang maisip na makikipagkita siya sa lalaki niya.
Dammit! Ni hindi siya nagpaalam sa akin!

Ilan sandali pa, huminto sa isang lugar ang pampasaherong sasakyan at bumaba si
Isa. Hindi kalayuan mula sa binabaan niya, pumasok siya sa isang mumurahing kainan.

Umibis ako ng kotse at pumasok din sa loob. Gusto kong makita ang mukha ng
pinagmamalaki niyang lalaki.

Pagkapasok pa lang ay natigilan na agad ako nang makita siyang nakaupo sa malapit
na lamesa. Nakatalikod mula sa akin. "Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko? Muntik
na akong sumugod sa address na binigay mo. Akala ko, nakulong ka na!"

My brows furrowed. Nakatingin ako ngayon sa lalaking kausap ni Isa... kung lalaki
nga ba ito? Mahaba ang straight nitong buhok. At kahit nakadamit panlalaki, maarte
ito kung magsalita at mukhang may makeup pa sa mukha.

"Pasensya ka na. Si Uno kasi-"

"At ano itong sinasabi mo kanina sa tawag na may asawa ka na? Girl, kailan ka pa
ikinasal nang hindi ko nalalaman?

"Alicia, iyon na nga ang dahilan kung bakit ako nakipagkita sa iyo ngayon!"

Alicia? Napangiti ako. Don't tell me, this man is Ali?

"Magpanggap kang asawa ko."

"What! Diyos ko, 'day, ha? Hirap na hirap na nga ako sa buhay bakla ko, dadagdagan
mo pa ang mga problema ko sa buhay?"

"Ali, naman e! Sinabi ko kasi na kasal na ako! Hindi ko na puwedeng bawiin iyon!"

Bumilis ang paghinga ko nang makumpirma ang hinala ko. So, I was right all along?
She never got married. She was just lying!

But why would she lie to me?

"E, bakit mo kasi sinabing kasal ka na? Ano na naman bang dahilan!"

Marahan akong naglakad papunta sa kanila. Hindi ko mapigilan ang hindi ngumiti. "To
make me jealous perhaps?

Natigilan silang dalawa sa sinabi ko. Agad na nag-angat ng paningin sa akin ang
baklang kausap ni Isa, pero siya ay hindi nakagalaw sa kinauupuan. Naupo na ako sa
tabi niya. Nang lumingon siya sa akin ay puno na ng takot ang kaniyang mukha.

"U-Uno?"

"Yes, darling. It's me. So, why did you lie to me?"

Chapter 10

ISA

HINDI ako mapakali habang nakaupo sa gilid ng kama ng anak ko. Kauuwi lang namin ni
Uno at saktong naabutan kong natutulog si Alas.

"Let's talk."

"Ayaw kong lumabas," mabilis kong sabi sabay baling sa anak ko.

Ayoko na dalhin niya ako sa kuwarto niya. Baka anong milagro na naman ang magawa
namin.

Bumuntonghininga siya at saka naupo sa dulo ng kama. Tutok na tutok sa akin. "Why
did you lie to me?"

Pahamak talaga itong si Alicia! At bakit ba kasi kailangang sundan pa ako nitong
Uno na ito? Nabuking tuloy ako.

Wala kong balak sumagot kaya nanatiling tikom ang bibig ko. "Kanina pa kita
tinatanong."

Tiningnan ko a ang mukha ni Uno. Gusto kong makita kung galit ba siya, pero wala
naman akong mabakas na galit o kahit katiting na inis sa mukha niya. He actually
looked... happy?

"Okay, I'll change the question then. May asawa ka ba?"


Kagat-labi akong umiling. Nakakainis! Nakakahiya! Nagmukha tuloy akong kawawa.

"May nobyo?"

Umiling lang din ulit ako.

"May lalaki ka na bang ibang gusto?"

"Ibang gusto?"

Iniisip ba niyang may gusto pa rin ako sa kaniya kaya ganito ang tanong niya? "Wala
pero hindi na ikaw." Inirapan ko

siya. Kaya pala ganoon ang mga tanong niya kagabi habang nag-aano kami. Iniisip pa
rin niyang patay na patay ako sa kaniya! Nag-init ang mukha ko nang maalalang
tumango ako sa tanong niyang bastos kagabi.

Nakakahiya ka, Isa!

"That's enough for me." Tumayo siya mula sa pagkakaupo at lumapit sa akin. Halos
mamilog ang mga mata ko nang bumaba ang mukha niya at hinalikan ako sa mga labi.

***

Sandaling nagpaalam si Uno para pumasok sa trabaho. Pagbalik niya, may dala na
siyang mga pasalubong. Puro pagkain. Cakes, donuts, burger and fries, at ice cream.
Masayang-masaya si Alas habang kumakain ito ng ice cream sa loob ng playroom.

Pinanood namin siya ni Uno, kumakain naman kami ng burger at fries. At pagsapit ng
gabi, ako na ang kinain niya sa loob ng kuwarto niya.

"Talaga, daddy? Lalabas tayo?"

"Yeah, so get ready. Mamamasyal tayo kasama si Yaya Isa."

Halos magtatalon sa tuwa si Alas nang sabihin iyon ni Uno. Mabilis kong tinulungan
sa pagbibihis ang anak namin bago nagpalit ng damit.

Excited rin akong makasamang mamasyal si Alas. First time ito na mangyayari. Sana
sa susunod, kasama na namin si Heart.

"Bakit naisipan mong mamasyal?"

Dumating kami sa isang water amusement park. Mahilig daw rito si Alas kaya dito
niya kami dinala.

"Gusto ko lang."

Hindi naniniwalang tiningnan ko siya. Gusto mo lang? Totoo?"

Why do I have this feeling na may kalokohan siyang gagawin? Ewan ko ba. Dahil sa
nangyari sa nakaraan, natuto akong matakot sa kaniya at sa ina niya. Para sa akin,
isa silang halimaw.

Nilingon ako ni Uno at nginitian. Kinuha niya ang kamay ko saka pinisil ito. "Gusto
ko kayong makasama."

Hindi ko alam kung anong nangyayari o kung anong iniisip ni Uno, pero hindi ito ang
una't huling beses na lumabas kami.

Nasundan pa nang maraming pamamasyal ang unang labas namin. Pasyal sa mall, sa mga
beach, sa mga amusement park, at lagi na kaming kumakain sa labas.

"Lagi n'yo bang ginagawa ito, anak?

Ang pamamasyal?"

Umiling si Alas habang nakaupo kami

sa loob ng isang mamahaling restaurant na isa rin sa pag-aari ng mga Cavallaro.


Dito kami dinala ni Uno pagkatapos ng nakakapagod na pamamasyal sa carnival.

"Hindi, yaya! Laging busy sa trabaho si Daddy. Kaya nga he built the playroom for
me, kasi he don't have time to play with me."

Nalungkot ako para sa anak ko dahil sa mga sinabi nito. Napatingin ako sa labas
kung nasaan si Uno. May kausap ito sa cellphone nito na importante raw. Work.

"Kahit sa weekends or off ni Daddy?

Hindi ka niya pinapasyal?"

Muli siyang umiling. "Walang off si Daddy. Minsan naman kapag may libreng oras
siya, he always spent it with his girlfriend!"

Natigilan ako nang maalala si Gwen. Oo nga pala, ikakasal na sila ni Uno. Bakit ba
bigla akong nakaramdam ng lungkot? Umpisa pa lang naman, alam

ko

nang

ikakasal na sila.

"D-do you like her, anak? Your daddy's fiancée?"

Wala na akong pakialam kina Uno at Gwen, pero magseselos ako kung pati si Alas,
gusto ang babaeng iyon. Nang dahil sa kaniya, muntik na akong makunan noon.

"Gwen? I don't like that woman! I hate

her!"

"Bakit naman?"

"She's bad! Kapag wala si Daddy, lagi niya akong inaaway!"

Marahan kong hinaplos ang buhok niya sa narinig. Kawawa naman ang anak ko. Paano
nagagawang saktan ni Gwen ang isang bata? Wala siyang awa!

Nakangiting lumapit sa table namin si Uno matapos ang tawag nito. Agad siyang um-
order nang maraming pagkain para sa amin.

"Daddy, I need to go to the bathroom!"

+15 BONUS
Binalingan ko si Alas at hinawakan ito sa kamay. "Let's go, anak. Sasamahan ka ni
Yaya."

"What? But I'm going to the men's

room! You can't go there!"

"Just sit down, Isa. Ako na ang sasama kay Alas." Natatawa si Uno nang tumayo ito
at kunin ang kamay ng anak ko. Kinindatan niya pa ako bago sila umalis.

Hindi mo na ako madadala sa papogi mo ngayon! Natuto na ako! Gusto ko sana itong
ipamukha sa kaniya.

Hinatid ko na lang sila ng tingin habang nakangiti. Ilang minuto pa lang mula nang
umalis sila, dumating na ang waiter dala ang mga in-order namin. Nakangiti ito at
talagang marespeto habang isa-isang nilalapag ang mga

pagkain sa table. Nakatanaw naman ang manager sa amin. Ang totoo, lahat ng staff ng
restaurant, naging aktibo nang malaman na nandito si Uno. Asikasong- asikaso nila
kami mula pa sa parking lot hanggang dito.

Hindi pa tapos sa paglalagay ng mga pagkain ang waiter, isang pamilyar na mukha ang
biglang lumapit sa amin.

"What are you doing here? Anong ginagawa ng isang patay-gutom dito?"

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Matagal kong pinagmasdan ang magandang mukha
ni Gwen habang inis na nakatingin sa akin. Puno ng makeup ang mukha niya at
nakasuot siya ng designer's clothes. Pati ang mga kasamahan niya na nakatayo ngayon
sa likuran niya, ganoon din. Mukha silang mga mean girls na hinugot mula sa
television.

Binalingan niya ang waiter habang

nakatingin sa akin. "I thought this is a fancy restaurant, but what is a maid

doing here?"

Hindi nakasagot ang waiter. Parang ito pa ang nahiya sa pinagsasabi ni Gwen.

"Call the manager.

"Pero ma'am-"

"I said, call the manager!"

Mabilis na lumapit sa amin ang manager kahit hindi pa ito natatawag ng waiter.
Nahihiya itong ngumiti sa akin bago tumingin kay Gwen. "May problema po ba?"

"Get this filthy woman out of this restaurant right this instance! Mawawalan ako ng
ganang kumain makita pa lang ang mukha niya!"

"Ma'am, I'm afraid we can't do that. Please, go to your table and-""

"What did you just say? Did I hear you

right?" Tumingin sa akin ang lalaking manager at parang humihingi ng despensang


ngumiti.
"Hindi n'yo ba alam kung sino ako? I'm the fiancée of the owner of this
restaurant!"

Inis na huminga nang malalim ang manager. "But ma'am, she's the wife."

Pareho kaming natigilan ni Gwen sa sinabi nito. I'm the wife? Nino? Ni Uno?

Chapter 11

ISA

NAKITA ko kung paano naningkit ang mga mata ni Gwen matapos marinig ang sinabi ang
mga tao, ng manager. Napasinghap kabila na ako, nang biglang umangat ang kamay nito
at dumapo sa pisngi ng kawawang lalaki.

Naglikha ng malakas na ingay ang sampal na ibinigay niya sa manager ng restaurant.


Buong taong kumakain sa paligid ay nasa amin na ang mga mata, lalo pa't kilalang
tao si Gwen.

"Bobo ka! Gusto mo ba talagang matanggal sa trabaho mo?"

Pulang-pula ang mukha ni Gwen sa galit nang tuluyan nitong lapitan ang manager at
tiningnan ang pangalan nito sa nametag.

"Listen here, Andrew Herrera! Starting today, you're fired! And I won't stop here!
I'll make sure na walang ni isang restaurant sa Pilipinas ang magha-hire sa iyo!"

Gusto kong tumayo pero hindi ko magawa. I know I should stop Gwen from harassing
the manager, pero sa tuwing naaalala ko ang ginawa niya sa akin noon at kung
paanong halos mawala ang aking mga anak sa sinapupunan ko, nawawalan ako ng lakas.
Nanginginig ako sa takot.

Pulang-pula na rin ang mukha ng manager sa galit pero nanatili itong kalmado. "FYI,
ma'am, you don't have the right to do that. Only the boss can fire me. And
according to MY boss, this woman right here is his wife." Tinuro ako nito.

"Boss? Sino bang boss ang tinutukoy mo? Tharap mo sa akin ang nagsabi na asawa niya
ang katulong na iyan! Sino siya!"

"Ako."

Napalingon kaming lahat sa pinanggalingan ng malalim at baritonong boses. Bumungad


sa amin ang madilim na mukha ni Uno at ang matatalim niyang mga mata.

"Uno? What's the meaning of this? Bakit nandito ang babaeng iyan!"

"Stop it, Gwen. Wala ka na ba talagang kahihiyan?" Lumapit siya sa amin at ibinigay
sa akin si Alas.

Mabilis kong tinakpan ang magkabilang tainga ng anak ko. Pinaharap ko rin ito sa
malayo dahil ayaw kong makita niya ang kabaliwan ni Gwen.
Galit na galit na ito. Ang bangis ng anyo at parang mananakmal na. Baliw talaga.

"Tinatanong kita! Habang abala pala ako sa pagsho-shooting, nandito ka't


nakikipaglandian sa isang katulong! Malapit na tayong ikasal!"

"Let's talk outside!" "Goodnight, anak." Hinalikan ko sa noo si Alas matapos itong
kumutan.

"Goodnight, yaya! Goodnight, daddy!"

Mula sa pintuan, nilapitan ni Uno ang anak namin at hinalikan sa noo. "Sleep well,
son."

Bahagya pa niyang ginulo ang buhok ni Alas bago bumaling sa akin.

"In my room, now."

Huminga ako nang malalim bago sumunod sa utos niya. Kauuwi lang namin mula sa mall.
Pagkatapos kumain kanina, namili kami ng mga damit at laruan na parang walang
nangyari.

"Are you okay? You shouldn't let her treat you like that."

"You treated me like that... before." Nakatungo ang ulo ko. Ayaw kong makita ang
mukha niya. Hindi siya sumagot sa sinabi ko pero hinila niya ako papunta sa kama
niya at pinaupo sa dulo. Akala ko, gagamitin na naman niya ako, pero natigilan ako
nang maupos rin siya sa tabi ko.

"Sa ano, sa restaurant kanina. B-bakit ang iniisip nila, asawa mo ako?"

He looked at me and then gave me a smile. "What do you think?"

Nagkibit ako ng balikat. "I don't know. Paano si Gwen? Magwawala iyon. Nakita mo
naman ang reaction niya kanina. Kailangan mong klaruhin ang sitwasyon. Malapit na
kayong ikasal, di ba?"

"No."

"No?"

"The engagement is off."

Nagulat ako sa narinig. Umayos ako ng upo at tuluyang humarap sa kaniya. " Pero
bakit?" "Dahil sa iba na ako ikakasal."

Sandali akong natigilan sa nakuhang sagot. Sa iba na? May iba pa siyang gustong
pakasalan?

"M-may iba ka pang girlfriend? Sino?"

Ewan ko ba kung bakit nakaramdam ako ng lungkot. Dahil ba kay Alas? This is
nonsense. Ano man ang gawin ni Uno, wala na akong pakialam. I'm here for my son and
my daughter.

Inayos niya ang ilang hibla ng buhok sa mukha ko. Inipit niya iyon sa likuran ng
aking tainga. "You."

Matagal akong natulala. Sa ginawa pa lang ni Uno, parang may mga paruparo nang
nagliparan sa loob ng tiyan ko. Pero sa sunod niyang sinabi?
"What? M-me?"

Matagal kaming nagkatitigan bago niya kinuha ang kamay ko. Naramdaman ko ang
marahang pagpisil niya rito bago lumuhod sa sahig.

"Marry me."

M-marry? As in, kasal?

Malamlam ang mga mata niya at may banayad na ngiti sa labi. I got confused so I
remained calm and silent.

He wants to marry me? Is he serious? No. Maybe this is just a show. This can't be
real. Isa, tandaan mo ang mga pinagdaanan mo sa kamay ng mga Cavallaro! Sa kamay
nina Uno at Senyora Celestia.

"Uno, h-hindi ko maintindihan."

"I said, marry me," natatawa niyang ulit. "I want us to get married, Isa."

Naglabas siya ng panyo sa bulsa niya at tinali iyon sa ring finger ko.

"I'm sorry, hindi ako nakapaghanda. Ang balak ko, tapusin muna ang lahat sa amin ni
Gwen kapag nagkita kami sa susunod na buwan. Hindi ko naisip na mapapabilis ang
lahat."

"Pero Uno-"

"Ayaw mo ba?"

Binawi ko ang kamay ko at umiwas ng paningin. "Hindi ba, ikaw ang may ayaw sa akin?
B-bakit ka nagsasalita nang ganiyan ngayon? Nalilito ako."

At nahihirapan. Bakit niya ba ito ginagawa? Ano ang hidden agenda niya?

"Isa, look at me."

Hinawakan niya ako sa pisngi. Binaling niya ang mukha ko sa gawi niya. Nakangiti pa
rin siya habang nakatingin sa akin.

"I've always wanted you."

He always wanted me? Anong ibig niyang sabihin?

"Nasa maling pagkakataon lang tayo noon. But now... nagbago na ang lahat. Kaya na
kitang ipaglaban."

Chapter 12

ISA
"I need some time."

Natatakot ako habang nasa loob ng kuwarto ni Alas at pinagmamasdan itong matulog.

Anong gagawin ko? Paano kung palabas lang ang lahat at may binabalak talaga sina
Uno at Senyora Celestia? Hindi kaya... alam na nila ang tungkol kay Heart?

"Oh, Diyos na maawain, huwag naman po sana..

Marahan kong hinaplos ang buhok ni Alas. Mahimbing siyang natutulog. Sa loob ng
tatlong taon, halos mabaliw ako sa pag-iisip kung nasa maayos ba siyang kalagayan.
Pinagdadasal ko na sana hindi siya sakitin, hindi katulad ng kakambal niya.

Paano kung kunin din nila sa akin si Heart? Hindi ko kakayanin. Baka mabaliw ako o
mapatay ko sila.

"Anak, kailangan na natin umalis dito."

Gagawa na ako ng paraan. Isang pagkakataon lang ang kailangan ko. Isang pagkakataon
na mailabas si Alas, magiging malaya na kami.

***

Todo iwas ako kay Uno pagsapit ng umaga. Hindi ko nilulubayan si Alas kahit saan pa
ito magpunta kaya walang pagkakataon si Uno na makausap o malapitan man lang ako.

Kapag sinusubukan naman niya akong kausapin para utusang pumunta sa kuwarto niya,
nagbibingi-bingihan ako. I did everything to avoid him and I know it's making him
mad. Kitang-kita ko iyon sa mabangis na mukha niya habang mataman na nakatitig sa
akin.

"Isa, dadalhan ko lang ng pagkain ang mga gwardya, ha? Sabay na tayong kumain
pagbalik ko."

Natigilan ako bigla sa ginagawa. "Po? S- sandali lang, Ate Edna! Sasamahan na
kita-"

Nahinto ako bigla sa paghakbang nang pumasok sa loob ng kusina si Uno. Hinabol ko
ng tingin si Ate Edna pero nakalabas na ito ng front doors.

Walang sali-salitang hinila niya ako sa kamay at sapilitang dinala sa kuwarto niya.

"Nasasaktan ako!"

Pilit kong binawi ang kamay ko nang makapasok na kami sa silid niya. Natigilan ako
nang makitang malamlam ang mga mata niya habang nakatingin sa akin.

"Do you hate me that much?"

"A-ano?"

"Ano sa tingin mo ang mararamdaman ko pang iwasan mo ako pagkatapos kong mag-
propose sa iyo!"

Napaatras ako dahil sa lakas niya. "H-hindi kita iniiwasan." ng boses

"Halos buong araw mo na akong hindi pinapansin! Fuckshit! Nababaliw na ako kakaisip
ng rason kung bakit ka umiiwas!"
Napapikit ako nang mariin nang muli siyang magtaas ng boses. Halos manginig ako sa
takot. Muli ko na naman naalala ang mga nangyari sa nakaraan.

"Isa? What's the problem?" Hinawakan niya ako na nagpapitlag sa akin dahil sa
gulat. "Why are you shaking?"

"B-bitiwan mo ako... "

Hindi ko napansin na nanginginig na pala ako habang isa-isang nagbabalik sa akin


ang lahat.

"I'm sorry. Hindi ko sinasadyang

sigawan ka." Bigla niya akong niyakap. Marahan din niyang hinahagod ang likod ko.

"B-bitiwan mo ako... a-ayoko..." 11

"If you don't want to get married for now, it's okay. It's okay. I can wait."

Naramdaman ko ang paghalik niya sa akin sa gilid ng ulo.

Umiling ako habang yakap niya. Hindi ako naniniwala na wala siyang alam sa ginawa
ni Senyora Celestia! Ginagawa niya lang ito dahil may pinaplano na naman sila!

"I can't marry you... I don't want to marry you!" Pilit akong kumawala at itinulak
siya.

Halatang nasaktan siya sa sinabi ko, pero pilit pa rin niya akong inintindi. He had
a soft look on his face.

"Bakit? Kung hindi mo ako bibigyan ng magandang rason, I'm sorry but I will marry
you, Isa." "Bakit? Bakit mo ba ako gustong pakasalan? Ano na naman ang gusto n'yo?
Ano na naman ang balak n'yo ni Senyora Celestia!"

"Si Mama?" Nagsalubong ang mga kilay niya. "Anong kinalaman niya rito? 11

Umatras ako nang umatras hanggang sa maramdaman ko ang malamig na pader sa likod
ko. I hugged myself as I felt the chills in my body.

Nanginginig na naman ako sa takot.

Ganito na lang lagi. Sa tuwing maaalala ko ang mga nangyari noon, kakaibang kilabot
ang nararamdaman ko. Para akong hinahabol ng mga bangungot ng nakaraan.

Napansin yata ni Uno ang reaction ko dahil matagal niya akong pinagmasdan.

"What did she do to you?"

Nakuha niya ang atensyon ko sa kanivang sinabi. Lumapit siva sa akin at mahigpit
akong hinawakan sa mga braso.

"Isa, anong ginawa sa iyo ni Mama? Sabihin mo sa akin."

Matagal ko siyang tiningnan. He doesn't look like he was pretending. Wala ba talaga
siyang alam sa ginawa ng sarili niyang ina?

Lumunok siya nang mariin. "Don't be afraid, Isa. Tell me what happened. Ano ba
talagang nangyari noon?"
Tuluyan akong naiyak. Bumagsak na lang ako sa sahig habang pilit inaalala ang mga
bagay na matagal ko nang pilit kinakalimutan.

"Ikinulong niya ako...

"S-sino? Si Mama?"

Umiiyak akong tumango. "Pagkatapos kong ma-discharged sa hospital, ikinulong ako ni


Senyora Celestia sa bodega. Ikinulong niya ako na parang hayop sa loob nang siyam
na buwan!"

Naramdaman ko ang unti-unting pagluwag ng kapit ni Uno sa akin. Nawalan siya ng


kulay sa mukha nang tuluyan siyang mapaupo sa sahig.

"Ginawa nila akong parang hayop! Pagkatapos kong manganak... kinuha pa nila sa akin
ang anak ko! Ni hindi ko man lang nahagkan si Alas! Ni hindi ko siya nagawang
hawakan. Kinuha ni Senyora Celestia sa akin si Alas! Kinuha niya!" sumigaw ako.
Mariin akong pumikit habang nanginginig ang buong katawan ko.

Masakit na wala akong nagawa. Trinato nila akong parang baboy at nakawan ng anak.
Gusto ko siyang magbayad- gusto kong pagbayaran nila ang lahat!

Bigla akong niyakap ni Uno. Nanginginig ang katawan niya at naririnig ko ang mahina
niyang pag- iyak. Hindi ako naniniwalang wala siyang alam! Ina niya iyon! At
magkasama sila sa iisang mansion! Gabi-gabi akong nananaghoy, humihingi sa kaniya
ng tulong, pero pinili niyang indahin ang pagmamakaawa ko!

"I'm

sorry... wala akong alam."

Bigla akong natahimik sa sinabi niya. "Isa, hindi iyon ang nakarating sa akin."

"Don't lie to me! Alam kong may alam ka!" Tinulak ko siya.

"No, maniwala ka. Wala akong alam, dammit. Hindi ko alam ang ginawa nila sa iyo!
Hindi iyon ang pinangako niya!"

Bigla siyang tumayo. Nalilito ako sa ibig

niyang sabihin. Anong pinangako?

"Dammit! Ang tanga ko!"

Napasinghap ako nang simulan niyang pagsusuntukin ang pader. Nagsimulang


mamantsahan ng pula ang malinis na puting pader dahil sa dugo sa kamao niya.

I stood up and tried to stop him, pero bigla siyang lumabas ng kuwarto. Nakita ko
ang mukha niya bago siya tuluyang nakaalis. He was crying, pero punong-puno ng
galit ang mga mata niya.

Narinig ko na lang ang ingay ng papalayo niyang sasakyan.


Chapter 13

UNO

3 YEARS AGO

"Isa's pregnant. She's pregnant with

my child."

Huminto sa ginagawa nito si Mama, but she smiled while holding her cup of tea.
Nandito kami sa malawak na hardin- sa loob ng kaniyang greenhouse. Madalas siyang
magtsaa rito tuwing ganitong oras ng hapon.

"Then we should dispose her."

"Didn't you hear me? She's pregnant with my own flesh and blood! Ako ang ama ng
batang dinadala niya!"

Mahina siyang natawa habang umiinom ng tea. "Ako yata ang hindi mo narinig. Kung
nagbunga ang pagkakamali mo, mas lalo natin kailangan dispetsahin ang babaeng
iyon!" Matagal akong natigilan. Hindi ako makapaniwala na ganitong klaseng tao ang
babaeng kaharap ko. Ang sarili kong ina. I know she's capable of doing this, but
not to her own grandchild.

"Don't hurt her."

"Too late."

Matalim niya akong tiningnan matapos

ilapag ang tasa ng tsaa.

"Noong pinatulan mo ang pulubing iyon, dapat alam mo na ang mangyayari sa kaniya."

"Ma, please! Nakikiusap ako, don't hurt Isa! Huwag mo siyang saktan-huwag mong
saktan ang mag-ina ko!"

Tinaasan niya ako ng kilay. "I don't give if I can't have something in return."

I brushed my hair in frustrations. "

What do you want? Sabihin mo sa akin

at gagawin ko."

"Marry Gwen." Bigla akong natigilan. "What?"

"She's the daughter of the late Governor Harrison. At mula pagkabata, lumalabas na
siya sa mga telebisyon. May pangalan si Gwen sa industriya, hijo. Siya ang
kailangan mo, isang muchacha." hindi ang

"I don't love her."

"I don't care about who you love. Kung hindi mo ako susundin, sa libingan mo na
makikita ang mag-ina mo."

Kumuyom ang mga kamao ko. Paano niya nagagawang magsalita nang ganito? Para bang
walang halaga ang buhay ng ibang tao? To think that its her grandchild she was
threatening!

"You make me sick."

Humalakhak siya na parang may nakakatawa sa nangyayari. "That's exactly what your
father said before he left us. Mariin akong pumikit bago lumapit sa isang silya.
Pabagsak akong naupo naroon. Paano ko magagawang mahalin ang isang babaeng hindi ko
naman mahal? Pero kung ito ang paraan upang mailigtas ko si Isa at ang anak namin,
nakahanda akong maging sunod- sunuran. Na naman.

"Gagawin ko na. Pakakasalan ko si Gwen, just... don't fucking touch Isa."

Sumilay ang malaking ngiti sa mga labi niya. "I won't hurt them."

"Ipangako mo." 11

"You have my word, hijo." Lumapit siya sa akin at nakangiting kinuha ang kamay ko.
"Alam mo naman kung gaano kaimportante sa akin ang pangalan ng pamilya natin. As
long as our family's name and reputation are safe, I won't hurt anyone ever again."

Nakapikit akong tumango. "She's in the

hospital right now. G-Gwen pushed her and-"

Kumuyom ang mga kamay ko nang maalala kung paano nangyari ang aksidente kanina.
Halos mawala ako sa huwisyo nang makitang nakabulagta si Isa sa sahig at duguan.

"Ako na ang bahala sa kaniya. I'll make sure she gets treated with the best doctor
in the Philippines. I'll bring her here and give her a comfortable life until she
gives birth to your child."

Matagal akong tumitig sa mukha niya. Wala akong tiwala sa mga salita niya at alam
kong alam niya iyon.

"Apo ko pa rin ang dinadala ng babaeng iyon. So, I think I should treat her less
like an animal and more of a human. Pero may kapalit."

"Less like an animal?"

Ngumiti siya bago bumalik sa silyang

kinauupuan niya. "Itong mga patay-

gutom na ito-they disgusts me. Pareho lang sila ng ama mo!"

Nailing ako at hindi makapaniwalang tinitigan siya. Umiikot ang sikmura ko sa lahat
ng salitang lumalabas sa bibig niya.

"I want you to go to Canada with Gwen. Live there for a year."

"Ma!"

"Hindi ko sasaktan ang mag-ina mo. But you need to follow my orders, hijo. Oras na
sinuway mo ako, ipalilibing ko nang buhay si Isabella."

Mariin akong pumikit. Alam kong wala akong magagawa kundi sumang-ayon sa kaniya.
Compared to her, I'm just nothing. I'm powerless. Mistulan akong bulag at pipi sa
lugar na ito. Wala akong magagawa upang iligtas ang taong mahal ko... katulad noon.
Ito lang ang puwede kong gawin para siguraduhin na hindi siya gagalawin ni Mama.

"Sige, gagawin ko na." "It's been a year and we're finally back! Do you want to
stay at my place? I'm sure, Tita Celestia will understand."

Nilingon ko si Gwen nang maramdaman ang pagkapit niya sa braso ko.

"Let go of my arm."

She just laugh and ignored what I said. " You can't do that, Uno. You promised your
mother. Ikakasal na tayo-"

"Kung ayaw mong mapahiya sa harap ng maraming tao dito sa airport, bitiwan mo ako."

Matagal siyang natigilan bago napipilitang binitiwan ang braso ko. Mula sa airport,
diretso akong umuwi sa mansion sa probinsya namin.

Natigilan ako sa bungad pa lang ng living room nang makakita ng bata sa loob ng
asul na crib. "Whose baby is this?" "Oh, look! My son is back!" Nilapag ni Mama ang
tasang hawak at tumayo para lumapit sa akin.

"Kaninong anak ito!"

Natigilan siya pero pilit pa ring ngumiti. "Oh, that? He's yours."

Agad na sumilay ang malaking ngiti sa mga labi ko dahil sa narinig. So, this baby
is mine? Sa amin ni Isa? Mahimbing itong natutulog habang nababalot ng malambot at
pambatang kumot ang maliit nitong katawan.

"His name is Alas."

"A-Alas? Who gave him that name?" Nakangiti kong nilingon si Mama. "Si Isa?"

She just shrugged her shoulders and went back to drinking her tea. Bigla akong
kinabahan habang nakatingin sa kaniya.

"Ma, where's Isa?" Ibinaba niya ang hawak niyang tasa, at pagkatapos ay matagal na
tumitig sa akin. "She's dead."

"W-what... h-how? I don't understand."

Sa halip na sagutin ang tanong ko, nagkibit siya ng balikat na parang wala lang.

"Where's Isa!"

"Hijo, please, you don't have to shout. Wala akong ginawa sa muchachang iyon. If
you want, you can talk to her nurse. Ang nagpaanak sa kaniya noong gabing namatay
siya."

"Namatay?" Hindi ako

makapaniwalang umiling. Did I hear her right? It can't be. Nagkamali lang ako ng
dinig. Alam kong nagkamali lang ako. "Anong ibig mong sabihing namatay, ma? Anong
namatay? Sinong namatay!"

"Namatay! Patay na siya! She's dead, Stefan! That maid is dead!"

"No!" Mabilis ko siyang nilapitan at mahigpit na hinawakan sa kamay. "Ang sabi mo,
aalagaan mo siya! Anong ginawa mo kay Isa!"
"Let go of my hand! Wala akong ginagawa sa babaeng iyon! Namatay siya sa
panganganak!"

Biglang bumukas ang pintuan ng living room at sapilitang pinapasok ng tao ni Mama
ang isang babae.

"That's her nurse! You ask her, damn it! Siya ang nagbalita sa akin tungkol sa
pagkamatay ng katulong mo!"

Mabilis kong nilapitan ang babaeng tila takot at nanginginig na nakaluhod sa sahig.

"What happened? What happened to her!"

"P-patay na siya... namatay po si Isa sa panganganak," hindi makatinging sagot


nito.

Mabilis akong umiling. "Hindi ako naniniwala!"

Sa sinabi ko ay bigla siyang nag-angat ng paningin. Bakas ang matinding takot sa


mga mata niya habang nakatingin sa akin.

"D-dadalhin ko kayo sa libingan niya."

Wala sa sariling kinuha ko ang kamay niya at sapilitan siyang hinila palabas. Hindi
ako naniniwala na wala ka na, Isa. Hinding-hindi ko sila paniniwalaan!

Sa isang pampublikong sementeryo kami pumunta. Sa dulo-malayo sa karamihan ng mga


libingan, isang krus ang naroon. Krus kung saan nakaukit ang pangalan niya.

"H-hindi ko alam ang buong pangalan ni Isa, wala rin siyang pamilya... kaya dito ko
siya inilibing."

Mariin akong pumikit. "Tell me you're lying. H-hindi siya iyan... wala siya

diyan!"

"I'm sorry, sir. Mag-iisang buwan na pong nakalibing dito si Isa."

Nanikip ang dibdib ko sa narinig. Para itong sasabog sa sobrang sakit. Habang nasa
ibang bansa ako, nandito siya... nag -iisa.

"I'm sorry. Isa, I'm sorry. Wala ako sa tabi mo... "Bumagsak akong nakaluhod sa
lupa. "Patawarin mo ako. Wala ako sa tabi n'yo ng anak natin."

Chapter 14

UNO

TUMIGIL sa pakikipag-usap si Mama sa mga kasama nito nang makapasok ako sa malawak
na sala. Agad akong binati ng mga kasamahan niya, pero siya ay sandaling natigilan
sa gulat.
"Oh, look who's here? My son!" Nilapag niya ang hawak na tasa at tumayo. "I thought
I'd never see you again. This is surprising!"

"I have something to talk with you."

"I'm sorry, hijo, but as you can see, I'm

busy-"

"Now."

Natigilan siya nang mapansin ang seryoso kong mukha. Hindi ko siya nilubayan ng
tingin hangga't hindi siya tumatango.

"Excuse us, my amigos & amigas. Mukhang importante ang pinarito ng binata ko,"
nakangiti siyang nagpaalam sa mga kasama niya kahit halata sa mukha na hindi niya
nagustuhan ang ginawa ko.

Nagpatiuna siya sa paglabas.

Nakasunod lang ako sa likuran niya hanggang sa makapasok kami sa loob ng library.
Tumigil siya sa mismong gitna at lumingon sa akin. I locked the door behind me and
walked towards her.

"Pinahiya mo ako sa mga amiga ko! Ano

bang kailangan mo—"

"May kailangan akong malaman."

"May kailangan ka? I thought hindi mo na ako kailangan dahil may sarili ka nang
kompanya at kaya mo nang mag- isa?"

"Anong ginawa mo sa kaniya?"

Tila nauubusan ng pasensya, nagtungo siya sa kaniyang silya at pabagsak na naupo.


"Sinong siya? Sino na naman ang tinutukoy mo!" Lumapit ako sa maliit na bar counter
at nagsalin ng alak. Inubos ko ito sa isang lagok lang.

"3 years ago noong umalis ka, ganiyan na ganiyan ka rin. Is this about that pulubi
again?"

"Don't talk to my child's mother that way!" Marahas kong tinapon sa sahig ang
basong hawak ko.

Nanlaki ang mga mata niya sa gulat. "I am your mother, Stefan!"

"Paano mo nagawa kay Isa iyon? Ina pa rin siya ng sarili mong apo!"

"Ano bang ibig mong sabihin!"

"Alam ko na ang ginawa mo! How could you do something like that, ma? At sa babaeng
mahal ko pa! Sa ina ng anak ko!

Hindi siya nakasagot. Matagal niya akong tinitigan na parang iniisip ang ibig kong
sabihin. Gusto kong matawa at magalit sa parehong oras.

"I-I don't know what you're talking about."


"Stop lying! Damn it! I swear, gagawa ako ng paraan para mapanagot ka sa ginawa
mo!"

"Mapanagot? Ako?" Malakas siyang tumawa. "Even if it's true, wala na rin siya.
Patay na ang muchachang iyon!"

"She's not dead! And this time, hindi mo na ako mapipigilan. Magpapakasal kami!"

***

Itinigil ko ang kotse ko sa harap ng mansion. Malalim na ang gabi nang makabalik
ako sa Manila. Dumiretso ako agad rito dahil gusto kong makita at makasama si Isa..

Tumigil ako sa harap ng gate at ilang oras na tumayo roon nang tahimik. Paano ako
hihingi ng tawad kay Isa para sa ginawa ng sarili kong ina? Walang kapatawaran ang
nagawa namin sa kaniya.

"Uno?"

Natigilan ako sa pag-iisip nang bumukas ang pintuan at sumilip si Isa. Puno ng pag-
aalala ang maamo niyang mukha.

"Salamat naman at nakauwi ka na. Alalang-alala ako. Hinanap ka rin ni Alas-"

Bigla ko siyang niyakap nang tuluyan siyang makalapit sa akin.

"U-Uno? Bakit?"

Binaon ko ang mukha ko sa leeg niya at sinamyo ang mabango at natural niyang amoy.

"May problema ba?"

"I'm sorry."

Nang hindi siya sumagot ay lumuhod ako sa paanan niya. Pinilit niya akong tumayo
pero nanatili ang mga tuhod ko sa lupa.

"Hindi ko alam, Isa. Wala akong alam

sa ginawa nila sa iyo."

She started crying while looking at me. I can see the immense pain in her eyes.
Maraming taon man ang lumipas, alam kong hindi basta-bastang mabubura ang sugat na
ibinigay namin sa kaniya.

Tumayo ako at binuhat siya. Dinala ko siya sa kuwarto at naupo sa kama habang nasa
kandungan ko siya.

Maliit lang siyang babae. Balingkinitan ang katawan. Hindi ko alam kung paano
tinanggap ng katawan niya ang ganoong paghihirap sa loob nang siyam na buwan..

"Saan ka ba nagpunta? Kanina pa kita hinihintay."

"Sa probinsya." Natigilan siya bigla. Agad na nabahiran ng takot ang mga mata
niyang nakatingin sa akin.

"Isa, hindi ka na niya masasaktan. Pinapangako ko, poprotektahan ko kayo ng anak


natin."
I cupped her face and started kissing her. She didn't refuse when I invaded her
lips. Tumugon siya sa mga halik ko pagkatapos humarap sa akin habang nasa kandungan
ko pa rin.

Lumalim ang bawat halik namin.

Naramdaman ko na lang ang mga kamay niyang nakapulupot na sa leeg ko.

Nang magmulat ako, bumungad sa akin ang nakapikit niyang mga mata. Bigla akong
natigilan nang isang eksenang biglang pumasok sa isip ko.

"U-Uno? May problema ba?" tanong niya nang kumalas ako sa mga labi niya.

Mariin akong pumikit bago tumingin kay Isa. Matagal ko siyang pinagmasdan. Titig na
titig ako sa mukha niya bago naalala ang isang babae..

"Ikaw ba iyon?"

"Huh? A-ako ang alin?"

"Ang babae noong gabing iyon? Iyong stripper?"

Natigilan siya bigla sa tanong ko. Hindi ako puwedeng magkamali. Sa loob ng tatlong
taon, hindi ko nagawang lumingon sa ibang babae dahil si Isa pa rin ang laman ng
isip ko.

But when a stripper dance to me that night, bigla akong nawala sa sarili. Ilang
araw at gabi akong hindi pinatulog ng mga mata at ngiti niya.

Ganito rin iyon noon. Nakaupo ang

babaeng mananayaw sa kandungan ko at nakaharap sa akin. Fuck! Was it Isa? Was it


really her? Bakit hindi ko nagawang makilala agad ang babaeng matagal ko nang
pinanabikan?

"Isa, ikaw ba ang babaeng iyon?" Marahan ko siyang hinawakan sa mga braso.

Hindi siya makatingin nang tumango sa akin. Damn it! It was her! All this time, si
Isa pala ang babaeng hinahanap ko!

Chapter 15

ISA

MAHIGIT isang araw na rin ang lumilipas simula nang umuwi si Uno mula sa probinsya.
Isang araw na rin mula nang itanong niya sa akin ang bagay na iyon. Magmula no'n,
iniwasan na niya ako.

"Uno, nagluto ako ng breakfast. Kain ka muna?" Humabol ako sa kaniya sa pintuan.
Pilit akong ngumiti para pagaanin ang mood.
Pero nawala rin ang ngiti sa mukha ko. Hindi na nga niya ako sinagot, hindi pa ako
nilingon. Disappointed at malungkot ko siyang hinatid ng tanaw hanggang sa makalayo
ang sasakyan niya sa mansion.

Nanlumo ako at buong araw na walang gana. Hindi ako sanay na iniiwasan ni Uno, lalo
pa't ang dahilan ay dahil sa naging trabaho ko. Nahihiya na rin ako sa kaniya.
Paano ba kasi niya nalaman na ako ang babaeng naghubad sa birthday niya noon?

Hindi ako proud sa trabaho ko, pero para sa anak ko, nilunok ko lahat. Ngayon na
iniiwasan ako ni Uno dahil sa pagsasayaw at paghuhubad ko sa harap ng mga lalaki,
pakiramdam ko, diring-diri ako sa sarili ko.

"Yaya, did you fight with daddy?"

Natigilan ako sa malalim na pag-iisip nang marinig ang tanong na iyon ni Alas.
Hawak niya ang laruan niya at nakatitig sa akin.

"Ha? Bakit mo naman nasabi iyan, anak?"

"Kasi dati, lagi kayong magkausap ni Daddy. Iba na rin ang mood niya. He looks
happy, but now, old self again." he's back to his

Napangiti ako bago hinila sa kamay si Alas para yakapin. Kahit ang baby ko,
apektado na rin sa nangyayari. Ano bang gagawin ko para bumalik kami sa dati?

***

Malapit nang mag-alas-onse, nasa bungad pa rin ako ng pintuan at naghihintay sa


pagdating ni Uno.

Mas okay nang iwasan niya ako na alam ko ang dahilan kaysa sa buong araw akong
maguluhan dahil wala siyang sinasabi.

"Uno." Agad akong humarang sa pintuan nang makarating siya.

Umiwas siya ng paningin. Hindi man lang siya makatingin sa akin. Diring- diri ba
siya kaya kahit tingnan ako, hindi niya magawa?

"Mag-usap tayo."

Nagbuga siya ng hangin. "About what?"

"Galit ka ba?" "Bakit naman ako magagalit sa iyo?" mababa at malumanay ang boses
niya nang muli akong tingnan.

Hindi nga siya mukhang galit, kaya mas lalo lang akong naguluhan. Kung hindi siya
galit sa akin, bakit niya ako iniiwasan?

"Pinandidirihan mo ba ako?"

Napatitig siya sa akin sa naging tanong ko. Naiiling siyang nag-iwas ng paningin.

"Uno, sagutin mo ako."

"Hindi."

"E, bakit mo ako iniiwasan? Kung hindi ka galit o hindi mo ako pinandidirihan,
bakit umiiwas ka?"
Huminga siya nang malalim. Iniwan niya ako at pumasok sa kusina kaya sumunod ako sa
kaniya. Nagsalin siya ng tubig sa baso, pero hindi naman iyon ininom."Uno-"

"Bakit kailangan mong gawin iyon?"

Natigilan ako bigla. Kahit hindi niya direktang itanong, alam ko kung ano ang
tinutukoy niya, pero hindi ako sumagot. Wala akong lakas ng loob para magsalita.

"Fine, if you don't want to tell me.

Magsabi ka lang ng totoo, nakipag-sex

ka ba?"

Mabilis akong umiling. "Hindi! Ni minsan, hindi. S-sumasayaw lang ako, pero walang
nakagalaw sa akin."

Nagsimula akong umiyak. Lalo lang akong nandiri sa sarili ko habang nagpapaliwanag.
Hindi ko naisip na darating ako sa puntong ito, na kailangan kong magpaliwanag nang
ganito kay Uno.

Hinapit niya ako sa baywang at

mahigpit na niyakap. "I'm sorry. You

have to go all through that just to make a living. I'm sorry."

"H-hindi ka nandidiri sa akin?"

"No, Isa. Hinding-hindi."

"E, bakit mo ako iniiwasan?" Bahagya ko siyang itinulak para makita ang mukha niya.

"Dahil hindi kita kayang harapin. Naghirap ka at wala man lang ako sa tabi mo."

Muli niya akong niyakap. Hinayaan ko na lang siya habang mariin na nakapikit.

***

Matagal na oras kong pinagmasdan ang sarili ko sa harap ng salamin. Simpleng pink
shirt at bulaklaking skirt na hanggang tuhod ang haba. Ito ang suot ko sa date
namin ni Uno ngayong gabi.

"Okay na ito. Wala naman akong ibang maisusuot." Ngumiti ako sa sarili kong
repleksyon. Hindi ko alam kung bakit excited akong lumabas kasama si Uno. I
shouldn't feel this way. Hindi ko dapat kalimutan ang ginawa nila sa akin noon.

Hindi ko alam kung bakit pinagpipilitan ni Uno na hindi niya ginusto ang ginawa sa
akin ni Senyora Celestia, pero ang pagtataboy niya sa akin noon at ang ginawa ni
Gwen? Nakalimutan na ba niya?

Mula sa mansion, pumunta kami sa Cavallaro's Golden Palace-isa sa mga hotel na pag-
aari ng pamilya nila. Dinala niya ako sa rooftop kung saan nakahanda ang candlelit
dinner para sa amin.

"Alas would've loved the view. Dapat sinama natin siya."

"Next time." Ngumiti siya sa akin bago ako pinaghila ng upuan.


Kumain muna kami at pagkatapos, isinayaw niya ako. "Siguro kung ginawa natin ito
noon, baka nagtatalon ako sa tuwa."

Malungkot akong pinagmasdan ni Uno dahil sa sinabi ko. Awkward akong ngumiti. Bakit
ko ba sinabi iyon?

"I'm so naive back then. In love na in love ako sa iyo. Palibhasa, anak ka ng amo
namin. Guwapo, matangkad, tinitingala ng lahat. Sikat sa buong probinsya."

"Bakit? Nagbago na ba ang nararamdaman mo para sa akin ngayon?"

Tumawa ako bago uminom ng wine. First time kong makainom nang ganitong wine,
halatang mamahalin.

"Tatlong taon na rin ang lumipas, Uno. Tumanda na tayo, nag-matured, nagbago."

"Hindi ikaw ang tinatanong ko, kundi ang nararamdaman mo. Nagbago na ba? Mariin
akong lumunok. Gusto kong sabihing oo, na nagbago na ang nararamdaman ko para sa
kaniya. Totoo naman, hindi na katulad noon na patay na patay ako sa kaniya. Handa
akong ibigay ang lahat, buong puso't katawan.

"Oo."

Nakita ko ang paglungkot ng mga mata niya. Matagal siyang nawalan ng imik bago
ngumiti. Inubos niya ang laman ng glass niya at mataman na tumingin sa akin.

"But mine didn't change."

"Uno."

"Mahal pa rin kita."

Mahal... pa rin? Minahal niya ba talaga ako?

"At gagawin ko ang lahat para bumalik sa dati ang nararamdaman mo para sa akin."
Hindi ko napigilan ang paglunok. Malakas na kumabog ang dibdib ko dahil sa mga
sinabi niya. Heto na naman siya. Kung ano-ano ang sinasabi.

Umiwas ako ng mukha, pero tumayo siya at lumapit sa akin. Napatakip ako ng bibig
nang lumuhod siya sa paanan ko matapos maglabas ng pulang kahon.

Bago pa siya makasalita, nakuha ng fireworks sang atensyon ko kaya napatingin ako
sa langit. And I couldn't believe my eyes.

"Marry me, Isa."

Iyon ang mga salitang makikita ngayon sa fireworks. Tumingin ako kay Uno,
naguguluhan, nakabukas na ang kahon na hawak niya. And there's a heart's desire
ring inside the box.

"Uno...

"Please, marry me.

Nagtatalo ang isip at puso ko. Magiging masaya ba ako o maguguluhan? Bakit parang
ang bilis ng mga pangyayari?

Hindi pa ako handa... hindi pa. Marami pa akong dapat na unahin. At si Heart...
kailangan niya ako.
"Uno, I ca-"

"Kapag pinakasalan mo ako, sasabihin na natin kay Alas ang totoo sa mismong araw ng
kasal."

Natigilan ako bigla. Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. "T-totoo? Hindi ka
nagbibiro?"

He nodded with a big smile. " Ipapakilala na kita sa anak natin."

Chapter 16

ISA

"A-ano ang mga ito?"

Natigilan ako sa tuktok ng hagdan ng mansion nang makita ang maraming shopping bags
sa malawak na sala.

Napatingin ako kay Uno sa tabi ko. Matapos niya akong yayain magpakasal noong isang
araw, kung ano-ano na lang ang mga binibigay niya sa akin. Halos hindi na nga siya
pumasok sa trabaho, panay tambay na lang dito kasama namin.

"These are for you."

"Para sa akin?"

Nakangiti niya akong hinila pababa ng hagdan. Hindi makapagsalitang inisa- isa ko
ng tingin ang mga shopping bags sa harap namin nang makalapit. Iba't ibang brands
ng shoes, mga damit, at bags. "Uno, para saan ang mga ito?"

Kinuha niya ang isang shopping bag na may kaliitan. Sa loob no'n, inilabas niya ang
diamond hair clip at inipit sa gilid ng buhok ko.

Tinitigan niya ako na puno ng paghanga. "Babawi ako, Isa. Ngayon na magkasama na
tayo, ibibigay ko sa iyo ang lahat."

Napangiti ako. Marahan niyang hinaplos ang pisngi ko kaya hinawakan ko ang kamay
niya at ngumiti.

This is too good to be true. Bakit parang ang ganda ng lahat ng nangyayari?
Nakakatakot tuloy. Baka ano ang kuning kapalit ng tadhana sa mga magagandang bagay
na nangyayari ngayon sa buhay ko.

Natigilan kami ni Uno nang biglang bumukas ang pintuan ng mansion at pumasok ang
taong hindi ko inaasahan na makikita ko ngayon. "What a wonderful view! I didn't
expect to catch this!"

Si Senyora Celestia!
Nanginig ang buong katawan ko nang matitigan siya. She's here! Talagang nandito na
siya at kaharap ko!

Sa loob ng tatlong taong lumipas, hindi pa rin ito nagbabago. Mamahalin pa rin ang
kasuotan at maraming alahas sa katawan. Puno rin ng pangungutya ang mga mata.

"What are you doing here, ma?"

"Oh, hijo! Hindi mo man lang ba ako iwe -welcome? This is my first time coming
here!"

Napasinghap ako nang makita ang lalaking pumasok sa nakabukas na pintuan at


pumwesto sa likuran niya. Ito ang isa sa mga lalaking nagkulong sa akin noon! Ang
kumuha sa anak ko!

"Isa, are you okay?" Napansin siguro ni Uno ang panginginig ko kaya agad niya akong
pinagtuunan ng atensyon.

"Totoo nga. Buhay ka pa rin. Masamang damo!"

"H-huwag kang lalapit!" hindi ko napigilang isigaw nang makita siyang humakbang
palapit sa amin.

"Ma! Get out!"

Nginisian ni Senyora Celestia si Uno dahil sa sinabi nito. "Bibigyan kita ng


pagkakataon, Stefan. Come back to mama and I will forget everything. Patatawarin
kita."

"No."

"No?"

"Hindi na ako babalik sa puder mo! Noon pa ako dapat umalis, pero nagbulag-bulagan
ako dahil ina kita! Pero ngayon? Hindi mo na ako mahahawakan sa leeg, ma! Tama na!"
Dumilim ang mukha ni Senyora Celestia. Matagal silang nagkatinginan ni Uno bago
niya ibinaling ang paningin sa akin.

"This is because of this woman, right? Sakit ka talaga sa ulo. Dapat noon pa,
dinispatsa na kita!"

"Ma!"

"Nang dahil sa muchachang iyan, tatalikuran mo ako?"

"Huwag mong idadamay si Isa dito! Walang ibang rason kundi ikaw, ma! Sa kasamaan mo
kaya ako mawawala sa iyo. Kaya ka rin nawalan ng asawa."

"Don't bring your father into this conversation!"

"Umalis ka na!"

Halos kapusin ako ng hangin dahil sa takot sa nangyayari. Panay sigawan silang
dalawa, nag-aalala ako para kay Alas. Paniguradong naririnig niya ang lahat ng ito.

"Pagsisisihan mo ito, Stefan. Pagsisisihan mo ang araw na mas pinili mo ang dukhang
iyan! Darating din ang oras, iiwan ka rin ng babaeng iyan! Dahil lahat silang
mahihirap, pare- pareho -mga mukhang pera! Pera lang ang habol sa iyo ng patay
gutom na iyan! 11
Taas-noo itong lumabas ng mansion kasama ang bodyguard nito. Niyakap ako ni Uno
nang maiwan kaming dalawa.

***

Nakangiti akong nakipagbeso kay Alicia nang makarating ito sa karinderya na tagpuan
namin.

"Kumusta ang anak ko?"

"Naku, ayon! Hinahanap ka! Iyak nang iyak! Bakit kasi hindi mo pa puntahan?"

Malungkot akong ngumiti sa mga sinabi niya. "Natatakot ako. Baka may nakasunod sa
akin, baka malaman ng mga Cavallaro ang tungkol sa kaniya."

Napakamot siya ng ulo habang naiiling. "E, ano, iyang isa pang chikiting mo.
Kumusta naman? Talaga bang itutuloy mo ang pagdukot sa kaniya?"

Natigilan ako sa tanong na iyon ni Alicia. Iyon ang plano ko noong una, ang palihim
na kunin si Alas mula kay Uno. Pero nag-iba na ang sitwasyon ngayon.

"Ayos-ayusin mo ang mga desisyon mo sa buhay, Isa, ha? Tandaan mo, habang
tumatagal, lalo rin lumalaki ang gasto sa hospital."

Napatango ako sa narinig. Mabilis kong nilabas ang perang dala-dala ko para sa anak
kong si Heart.

"Pasensya ka na, Alicia. Wala lang

talaga akong ibang mahingian ng

tulong. Salamat sa lahat ng mga tulong mo, ha?"

"Ano ka ba? Inaanak ko iyong si Heart. Syempre, tutulong talaga ako!"

Pinahid ko ang mga luhang naglandas sa pisngi ko. "Gusto akong pakasalan ni Uno."

"What? Seryoso?" Nakita ko kung paano manlaki ang mga mata niya sa gulat.

Pumatak ang mga luha sa pisngi ko habang tumatango. "Natatakot ako."

"Aba'y bakit ka matatakot? Chance mo na iyan para ayusin ang buhay n'yo! Naku
naman, Isa! Gusto kang pakasalan ng tatay ng mga anak mo! Kung ako iyan, grab na
nang grab! Paminsan lang may dumating na ganiyang biyaya!"

"Alicia, hindi mo pa kasi kilala si Senyora Celestia."

"At ano naman ang kinalaman ng matapobreng ina ng jowa mo rito? Kayo lang ni Uno
ang magpapakasal! Hindi

na siya kasali!"

"Wala siyang sinasanto, Ali. Alam mo bang usap-usapan noon sa probinsya na siya ang
nagpapatay sa sarili niyang asawa?"

Umawang ang mga labi niya sa gulat. "

Ha? Girl, serious ba iyan? E, bakit hindi


hinuli ng mga pulis?"

"Hawak niya ang mga pulis. Sa laki ng impluwensya nila, kahit ang mga otoridad,
napapasunod niya. Sa galit niya sa akin, baka pati mga anak ko, idamay niya. Iyon
ang kinakatakot ko."

Matagal siyang natahimik matapos ng mga sinabi ko. Ako man ay hindi rin
nakapagsalita. Iniisip ko ang mga anak ko sa lahat ng ito. Natatakot akong madamay
sila rito.

"E, sandali. Bakit naman niya papatayin

ang sarili niyang asawa? Ano iyon? Trip

niya lang?" Napatingin ako kay Alicia sa tanong niyang iyon. Pilit kong tinandaan
noon ang mga tsismis na naririnig ko sa loob at sa labas ng mansion.

"Nagkaroon ng ibang babae ang ama ni Uno. Nagbunga ang relasyon nito sa iba. Ang
narinig ko, kahit iyong anak ng ama ni Uno sa labas, si Senyora Celestia rin ang
nagpapatay. Hindi ako puwedeng sumugal, Ali. Lalo pa ngayon, alam na niya na buhay
ako."

Chapter 17

ISA

"Saan ka galing?"

Napapitlag ako nang may magsalita mula sa likuran ko. Dahan-dahan akong lumingon
nang makilala ang nagmamay-ari ng boses. Sinalubong ako ng matalim na mga mata ni
Uno.

"Ha? A-ah, sa labas. Nakipagkita ako kay Alicia."

'Alicia? Si Ali?"

"O-00.

Mariin akong lumunok. Bakit ba ako nauutal? Wala naman akong ginagawang masama.
Nakakatakot naman kasi itong mga titig ni Uno. Parang lulunok ng taong buhay.

"Bakit?" tanong ko nang mapansin kong matagal siyang natigilan.

"Ayaw kong lumalabas ka nang hindi ko nalalaman, lalo na kung makikipagkita ka sa


lalaki."

Nagsalubong ang mga kilay ko sa tono ng pananalita niya. "Uno, hindi naman talaga
lalaki si Ali. He's gay. At isa pa-

"Lalaki pa rin siya."


"Pero matagal ko na siyang kaibigan."

At matagal na niya akong tinutulungan sa anak nating si Heart.

Naiiling niyang hinila ang kamay ko patungo sa kuwarto niya. Nang makapasok ay
pinaupo niya ako sa kandungan niya at sinimulang himasin ang mga braso at hita ko.

"Sundin mo na lang ako. Ikakasal na tayo, ayaw ko nang sumusuway ka sa akin."

Umiwas ako dahil sa narinig.

"Isa pa, malapit na ang araw ng wedding. We should be preparing for our big day."

Malapit na? Ibig sabihin, nakapili na siya ng date? Pero kaka-oo ko pa lang sa
kaniya. Ni hindi niya ako kinausap o kinunsulta man lang kung kailan ko gustong
magpakasal.

"K-kailan ba ang kasal?"

He started to caressed my bare shoulder

as if telling me to just go with his plan.

"Sa darating na Biyernes."

"What? But that's four days from now!"

"Kaya nga kailangan na natin maghanda. Marami pa tayong gagawin, sweetheart. I want
to marry you as soon as possible."

***

Matagal akong nakaupo sa dulo ng kama habang iniisip ang mga nangyayari. Apat na
araw mula ngayon, ikakasal na ako kay Uno. Handa na ba talaga ako?

Kung hindi lang dahil kay Alas, hindi ako papayag sa gusto niya. He wants to marry
me in four days. Paano si Heart? Matatali ako sa kaniya habang-buhay. At sa higpit
niyang ito, mahihirapan akong bisitahin ang anak ko.

"What should I do?"

***

"Inasikaso na ng secretary ko ang mga kailangan gawin. Nakahanda na ang lahat."

Mula sa daan ay napatingin ako kay Uno. Nasa gitna na kami ng byahe papunta sa
address ng designer na kinuha niya para sa wedding dress ko. He wants it to be
expensive and gorgeous.

"Handa na ang lahat?"

"Yeah, ayaw ko nang abalahin ka pa kaya agad ko nang pinaasikaso." E, ano na lang
ang gagawin natin?"

"We just have to check if everything is okay. At baka may gusto ka rin ipabago,
gawin natin hangga't malayo pa ang date.

"Malayo? Uno, apat na araw na lang, magpapakasal na tayo."


"Four days is a long time to me, Isa. Tatlong taon kitang hinintay." Nilingon niya
ako nang may banayad na ngiti sa mga labi.

Malakas na kumabog ang dibdib ko. Ito ang dahilan kung bakit hindi ako makahindi sa
kaniya, e. Dahil sa mga linya niya. Lagi niyang tini-tempt ang puso ko.

Isa-isa namin pinuntahan ang mga kailangan i-check para sa kasal. Mula sa simbahan,
sa wedding dress, wedding bouquet, wedding ring, kahit ang reception at mga
invitation cards, inasikaso na rin namin ngayong araw. Wala pang hapon, natapos
namin gawin ang lahat. Paano, handang-handa na. Wala man lang akong nasabi. Dumaan
na lang kami sa restaurant para kumain sandali.

"What about Gwen? A-and Senyora Celestia?"

"What about them?"

"Hindi sila papayag sa kasal na ito, Uno.

"Everything is over between me and Gwen, darling. Hindi ko siya mahal, ni minsan,
hindi ko siya minahal. Si Mama lang ang may gusto na magpakasal kami."

"Kaya ba pinagtabuyan mo ako noon? Dahil utos ni Senyora Celestia?"

Lumungkot ang mga mata niya nang mag-angat sa akin ng paningin. "Yes. And don't
worry about mama, love. I won't let her hurt you, or even get near you." Hawak-
kamay kami ni Uno habang nakatayo sa harap ni Alas. Abala ito sa paglalaro ng game
sa computer, pero nang makita kami ay agad na huminto.

"Anak, may sasabihin si Daddy,"

maagap kong sabi.

Nilapitan ko ito at niyakap matapos dalhin sa harap ng daddy niya. Tumango naman
ako kay Uno hudyat na magsalita na ito.

Kinakabahan ako. Matagal kong hinintay na matawag na anak si Alas. Sabik na sabik
akong mayakap siya nang hindi na nagpapanggap na yaya niya.

"We have something to say, big boy."

"About what?"

"About me and your Yaya Isa."

Lumingon muna si Alas sa akin. Hindi

kasi ako umaalis mula sa likuran niya. "What? The two of you are getting married?"

Nagkatinginan kami sa sinabi ni Alas. Naiiling si Uno nang lumuhod ito sa sahig
para pagpantayin ang mukha nila ni Alas.

"Matalino talaga ang big boy namin."

Binaling ko paharap sa akin ang anak

namin. "How did you know, baby?"

He shrugged his shoulders. "It's pretty obvious, you know?"


"Baby, okay lang ba na magpakasal kami ng daddy mo?"

Sa totoo lang, umaasa akong tatanggi siya para maurong ang kasal. Hindi pa ako
handa. Hindi ko pa naaasikaso si Heart. Siya ang pinakaimportante ngayon.

"Gusto ko sana ang totoo kong mommy

ang pakasalan ni Daddy, pero you're

okay rin, yaya. I like you, actually." Napangiti ako sa narinig. "Talaga, anak? You
like me?"

He just nodded his head to me. Mahigpit ko siyang niyakap at pagkatapos ay binuhat.

Wala nang sasaya pa sa akin sa mga oras na iyon. Parang ako na ang pinakamasayang
tao sa mundo. Pero ang kasiyahang nararamdaman ko, agad din palang mapapalitan ng
takot at pag aalala nang makatanggap ako ng text mula kay Alicia.

"Magkita tayo bukas, Isa! Tungkol ito sa inaanak ko! Emergency!"

Chapter 18

ISA

PALIHIM akong umalis ng mansion matapos magpaalam ni Uno para sandaling pumasok sa
trabaho nito. Kadarating lang kasi ng mga invitation card, kinuha ko ang para kay
Alicia.

Sa totoo lang, pinilit ko talaga si Uno na imbitahan si Ali sa kasal namin. At


first, he was hesitant, pero katagalan ay napapayag ko rin.

Ito ang gagawin kong rason para mapuntahan si Alicia. Kahapon pa ako kinakain ng
takot at kaba. Ni hindi na nga ako nakatulog dahil sa pag-aalala. Gusto ko nang
takasan si Uno kanina pang madaling araw.

"Alicia! Anong nangyari sa anak ko? Kumusta si Heart? M-may nangyari bang masama?
Lumala ba ang lagay niya?"

Mahina niya akong pinalo sa braso. " Hindi! Ano ka ba? Ang sabi ko lang, emergency!
Pero hindi ko naman sinabi na bad news!"

Nagsalubong ang mga kilay ko. "Hindi bad news? Ano ba kasing ibig mong sabihin?
Hindi ko maintindihan, Ali! Mamatay-matay na ako sa pag-aalala mula kagabi!"

"Ay, sorry-sorry! Kasalanan ko! Hindi ko kasi sinabi agad. Ang gusto ko sana, sa
personal sabihin para surprise!"

"Surprise?"

Malapad siyang ngumiti. "Praise the Lord, Isa! May nahanap nang donor ang hospital!
Gagaling na ang inaanak ko!"
"Diyos ko po!" Napatakip ako ng bibig. Agad na napuno ng butil ng luha ang gilid ng
mga mata ko. "Totoo ba iyan? Matched sa anak ko ang donor? May donor na si Heart?"

"Oo! Naku! Alam mo bang muntik akong takasan ng kaluluwa ko kahapon nang marinig
ang magandang balita mula sa doctor niya? Biruin mo, wala pang 5% ang chance na
makahanap tayo ng matched donor para sa inaanak ko, pero heto na! Tinutulungan tayo
ni Lord, Isa!'

Mariin akong pumikit. Hawak ko ang dibdib ko at paulit-ulit na umuusal ng


pasasalamat sa Diyos. Hindi ako makapaniwala! May donor na ang anak ko!

"Isa na lang ang problema natin!"

Napamulat ako ng mga mata sa narinig. "A-ano iyon?"

"Ano pa? E, di datung!"

Matagal akong natigilan. Tama! Pera pa pala ang isa ko pang problema. Kailangan ko
nang mahigit dalawang milyong piso para sa anak ko.

Matagal kaming binalot ng

katahimikan ni Ali. Paano ako lilikom ng ganoong kalaking halaga sa kaunting oras
lang?

"Mars, bakit ba kasi ayaw mo pang sabihin kay Uno ang totoo? Mayaman siya! Wala
lang sa kaniya iyang two million. Barya lang iyan sa mga katulad niyang filthy
rich!"

Umiling ako. "Kung malalaman ni Uno ang tungkol kay Heart, malalaman na rin ni
Senyora Celestia."

"Poprotektahan kayo ni Uno! Mga anak niya at ikaw ang pinag-uusapan dito, girl!"

"Kung wala siyang nagawa noon, paano ako makakasiguro na may magagawa na siya
ngayon? Hindi ko kayang mag- take ng risk, Ali. Ikamamatay ko kapag nawala sa akin
si Heart."

Sunod-sunod sa pagpatak ang mga luha sa pisngi ko. I know Uno is doing his best,
pero sa nakikita ko ngayon, gusto niya lang ng ginhawa. Gusto niya lang na maging
masaya. Pilit niyang pinadadali ang kasal namin kahit alam na niya ang ginawa noon
sa akin ni Senyora Celestia. Wala man lang siyang ginagawa.

Kami ng mga anak niya ang biktima pero parang wala lang sa kaniya. Inuna pa niya
ang kasal. Naiinis ako na ewan. Hindi ko maipaliwanag.

"Alam mo ba? Bago ako dumating, Uno was neglectful to Alas. Pinapabayaan niya ang
anak namin. Ibinibigay niya ang lahat ng gusto, pero wala siya sa tabi nito. Busy
siya lagi sa trabaho, at kung off naman, wala rin siya sa tabi ng anak ko."

Umiiyak kong tiningnan si Alicia. Gusto kong ipaintindi sa kaniya kung saan
nanggagaling ang takot ko. Bilang isang ina, wala akong ibang gusto kundi kabutihan
para sa mga anak ko.

"Lumaki si Alas na walang ibang kasama kundi ang yaya niya. Sinasaktan siya ng
huling yaya niya, Ali. Pero ang nakikita lang ni Uno, ang pagkakamali ni Alas dahil
nag-quit ang yaya nito. Hindi niya man lang tinanong o kinumusta ang anak ko!"

Tila nakakaunawang tinapik ni Alicia ang balikat ko. "Hindi pa rin pala nagbabago."
"Hindi pa siya handa maging ama. Paano ko ipagkakatiwala sa kaniya ang kaligtasan
ni Heart? Kay Alas pa nga lang, bagsak na siya.

Napakamot ng ulo si Alicia. "Oh, anong gagawin natin ngayon? Saan tayo kukuha ng 2
million?"

Matagal akong nag-isip. Alam kong imposible itong pinaplano ko pero ito na lang ang
tanging magagawa ko ngayon.

"May naisip akong paraan, Ali. Hintayin

mo ang tawag ko."

***
"Isa! Bakit ngayon ka lang bumalik?"

Mabilis akong nilapitan ni Ate Edna nang makapasok ako ng mansion.

"Bakit, ate? May problema ba?

Natagalan ang kaibigan ko, e. Idinaan ko na lang sa kanila ang invitation card.
Natigilan ako nang maisip na baka may nangyari kay Alas. Agad akong dinamba ng
kaba. "Bakit po? Tungkol ho ba kay Alas? May nangyari ba sa kaniya?"

Umiling siya. "Si Sir Uno, kanina pa nakabalik!"

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. 30 minutes pa lang naman ako sa labas. Ang
bilis naman ng balik niya?

"Nako, Isa, galit na galit! Kanina ka pa hinihintay. Dalian mo at pumunta ka na sa


library! Nandoon siya ngayon."

Nagpasalamat ako kay Ate Edna bago

patakbong pumunta sa library.

Pagpasok ko pa lang, bumungad na sa akin ang madilim na mukha ni Uno.

"Saan ka na naman nanggaling?"

Lumapit ako sa desk niya. Kabado. "Kay

Alicia."

"Again? Bakit ba ang hilig mong

pumunta sa lalaking iyon?"

"Uno, ibinigay ko lang naman ang

invitation para sa kasal natin."

"Puwede mo naman ipadala!" Inis niyang dinampot ang baso ng alak at ininom ito.

"Ano ka ba? Kaibigan ko iyon. Gusto kong ako mismo ang magbigay sa kaniya ng
wedding invitation natin."

"Ganoon siya kahalaga sa iyo?"


Matagal akong natahimik nang masalubong ang mga mata niya. Nag- aapoy ang mga iyon
sa galit. At ang tono ng pananalita niya, para bang ang laki ng nagawa kong
kasalanan. Mas lalo tuloy ako naging pursigido sa planong binabalak kong gawin.

"Bakit ba kung makapagsalita ka, parang ang laki ng kasalanan ko?" Nag- iba na rin
ang tono ng pananalita ko. Halata na ang inis.

He leaned forward to his desk. Hindi niya pinuputol ang connection ng mga mata
namin. "Alam mo ba kung anong sinabi ni Mama? Sinabi niyang iiwan mo rin ako at
sasama ka sa ibang lalaki! Damn it! Gusto kong patunayan sa kaniya na hindi ka
ganoong klaseng babae, Isa! So please! Don't do anything stupid!"

"Stupid? Matagal ko nang kaibigan si Alicia, Uno! Siya ang nasa tabi ko noong mga
panahong nagdurusa ako dahil sa ginawang pagnanakaw ng ina mo sa anak ko! Siya ang
karamay ko! Hindi ko siya lalaki, para ko na nga siyang kapatid!"

Lumambot ang mukha niya nang makita ang galit kong mukha. Mabilis ko siyang
tinalikuran pero agad niya akong sinundan para pigilan.

"I'm sorry."

"I hate you!" Nilingon ko siya at sinimulang pagsusuntukin sa dibdib. " Ikinulong
ako ng ina mo at ninakaw niya sa akin ang anak ko! Tapos ngayon, sasabihan mo akong
huwag gumawa ng ano? Stupid? Iyang nanay mo ang dapat na pagsabihan mo! In fact,
she should be in jail right now!"

Agad niya akong niyakap at hinagod sa likod. Pilit niya akong pinakakalma pero ang
galit sa dibdib ko, mahirap mawala.

"I know, Isa. I'm sorry. I'm so sorry. Nadala lang ako ng selos."

Pilit akong kumawala sa kaniya at malakas siyang itinulak. "Alam mo, Uno? Kung wala
ka rin lang tiwala sa akin, huwag na natin ituloy ang kasal. Ayoko na.

Chapter 19

ISA

NANLAKI sa gulat ang mga mata ni Uno dahil sa sinabi ko. Mabilis niya akong
hinawakan sa kamay habang umiiling.

"No, baby, please! Don't do this."

"Mauulit lang ang dati! Kung wala kang

tiwala sa relasyon natin, madali lang

tayong masisira ni Senyora Celestia!"

Pinilit kong bawiin ang kamay ko pero

lumuhod siya sa sahig. Matagal na oras


akong natigilan dahil sa ginawa niya.

"Mahal kita. Sobrang mahal lang talaga kita kaya natatakot akong mawala ka ulit sa
akin. I'm sorry, Isa! Please, huwag mo akong iwan."

Nangilid ang mga luha sa pisngi ko habang nakatitig sa mukha niya. Pain was visible
in his eyes. This is my chance to stop the wedding, pero kapag hindi namin itinuloy
ang kasal, hindi ko magagawa ang plano.

"I won't do it again! Mahal, please, patawarin mo na ako. I-if you want, mag-abroad
tayo pagkatapos ng kasal."

Bigla akong natigilan sa sinabi niya.

He smiled at me. "Magbagong-buhay tayo kasama si Alas. Umalis na tayo ng Pilipinas


para makalayo sa gulo, huh?"

"Aalis tayo?"

Mabilis siyang tumango. "Oo, baby. Lalayo tayo. Ilalayo ko kayo sa gulo."

Paano ang anak ko? Paano si Heart?

Natulala ako habang iniisip ang mga dapat gawin. Marahan akong umiling nang maisip
na maiiwan ang anak ko dito. Nag-iisa.

"Ayaw mo ba?"

"Gusto," mabilis kong sagot.

Tumayo siya at nakangiti akong tinitigan. Kinuha niya ang kamay ko saka dinala sa
labi niya.

"Let's forget about everything, Isa.

Pangako, hindi ka na nila magugulo pa."

Forget everything? I was right. Wala talaga siyang balak pagbayarin ang ina niya sa
ginawa nito sa amin. Tama nga ang desisyon ko. Tama ang plano kong gawin ang bagay
na iyon.

Pilit akong ngumiti kay Uno. "Okay, gawin natin. Umalis tayo ng Pilipinas
pagkatapos ng kasal."

***

Nasa loob ng library si Uno at nagtatrabaho. May importante itong kailangan


asikasuhin dahil sa ilang araw na pag-a-absent.

Kanina pa ako pabalik-balik ng lakad sa loob ng kuwarto ko. Ito na ang tamang oras
para kausapin si Uno. Sa makalawa na ang kasal namin, kung ipagpapabukas ko pa ito,
mauubusan ako ng oras.

Lumabas ako ng kuwarto at papunta na sana sa hagdan. Nasa baba kasi ang library
kung nasaan ang private office ni Uno. Natigilan lang ako nang makita ang silid ni
Alas.

"Anak?" Sumilip ako sa loob at hinanap siya. Napangiti ako nang makita siyang
nakaupo sa kama niya.
"Yaya, why are you still awake?"

"Ako dapat ang nagtatanong niyan, e. Bakit gising pa rin ang baby ko?" Mabilis ko
siyang nilapitan at pinanggigilan sa pisngi.

"Stop, yaya! You're hurting me!" natatawa niyang pigil sa akin. Tuluyan siyang
humarap at ngumiti. "Are you excited?"

"Excited?"

"Yes! For the wedding?" Natigilan agad ako sa tanong niyang iyon. Matagal ko siyang
tinitigan. Kinabisa ko niya. ang bawat korte ng mukha

"I know you're not excited, yaya." Ang anak ko, big boy na talaga.

"Mahal na mahal kita, anak."

Matagal niya akong pinagmasdan sa mukha. "You know what, yaya? You're weird."

"Ako? Weird? Bakit naman?"

"Kasi lahat ng yaya ko, ayaw sa akin. But you, you love me so much. You always
calls me anak."

Napangiti ako. "Dahil mahal na mahal naman talaga kita."

Ngumiti lang siya bago bumalik sa paglalaro. Tinanong ko siya kung gusto niyang
patulugin ko siya bago ako lumabas, agad naman siyang tumango. "Love rin kaya ako
ni Mommy, yaya?"

Nakahiga kaming dalawa at nakayakap ako sa kaniya. Nakapikit na ang mga mata niya,
pero nahihimigan ko ng lungkot ang kaniyang boses.

Hindi ko nga pala naitanong kung anong sinabi ni Uno kay Alas tungkol sa akin. Ano
bang alam ng anak ko? Na patay na ako? O baka sinabi nilang iniwan ko siya?

"Of course, baby. Walang ina mahal ang anak nila." ang hindi

"But why did she left me?"

Parang dinudurog ang puso ko sa tanong niyang iyon. Paano ko na magagawa ang plano
ko ngayon? Masasaktan ko na naman ang anak ko.

"Sinong nagsabing iniwan ka niya?"

"Ang mga yaya ko. They said I'm bad, kaya mommy left me."
"No. Hindi totoo iyan. Mahal na mahal ka niya. Mahal na mahal ka namin, anak.
Sobra." Hinalikan ko siya sa noo bago hinele.

I'm sorry, baby. Sana mapatawad mo si Nanay.

***

"Uno?"

"Oh, gising pa ang mahal ko?"

Matulin akong lumapit sa desk niya nang makapasok sa kaniyang office. Nakatutok ang
mga mata ko sa sahig dahil hindi ko kayang salubungin ang mga titig niya.

"P-puwede ba akong humingi ng p- pera? Kailangang-kailangan ko lang talaga ngayon.


Babayaran din kita!"

"Are you okay? You're stuttering and you look pale."

Tumayo siya at nilapitan ako. Pilit akong ngumiti para itago ang kabang
nararamdaman ko.

"Alam mo naman na sumasayaw ako dati, di ba? Kaya ako napilitang gawin iyon, para
kumita ng pera at mabayaran ang utang ko s-sa ospital."

"Hospital? Naospital ka noon?" Agad na nabahiran ng pag-aalala ang boses at mukha


niya.

"Noong pagkatapos kong manganak. Palabas-labas ako ng hospital, e. Hanggang ngayon,


may utang pa rin ako sa doctor na umako sa mga bayarin ko."

"What hospital? Ako na ang bahala.

Gusto kong personal na pasalamatan

ang doctor-"

"No! A-ako na."

Sandali siyang natigilan dahil sa biglang pagtaas ng boses ko. Nakahinga lang ako
nang maluwag nang ngumiti siya. "I wanna go. Can't I come with you?"

"Ako na, Uno. Isa pa, marami ka nang ginagawa. Ipapakilala ko na lang sa iyo ang
mga taong tumulong sa akin bago tayo umalis ng bansa."

May ilang sandali siyang natigilan. Maya-maya ay tumango na siya.

"Ayaw mo bang ikuha kita ng bodyguards para may kasama ka?"

Kinilabutan agad ako nang banggitin nito ang salitang bodyguard.

"Huwag na.. "1

Nakangiti siya ulit nang tumango. "But

promise me, you'll be fine, okay?"

May kinuha siya sa loob ng drawer niya. Nang ibigay niya iyon sa akin, nakita kong
cheque ito. May pirma na niya pero walang nakalagay kung magkano ang iwi-withdraw.

"Ilagay mo na lang ang halagang kailangan mo."

"H-hindi mo ba aalamin kung ilan ang perang kukunin ko?"

"No need." Hinalikan niya ako sa noo bago bumalik sa kaniyang upuan.
Chapter 20

ISA

I INHALED a deep breath and looked myself at the mirror. Nasa loob ako ng suite sa
isang kilalang hotel at inaayusan ng makeup artist ko.

Napangiti ako nang makita kung gaano ako kaganda sa mga oras na ito.

Everyone's waiting for me at the church, but here I am, still having second
thoughts. Sa kabila ng kasiyahang nararamdaman ko, ayaw pa rin mawala ang takot...
at matinding lungkot sa aking puso.

"It's time to wear your wedding dress!" excited na sabi ng makeup artist ko.

Agad nitong nilapitan ang ballgown wedding dress na sa isang tingin lang, masasabi
nang mas mahal kaysa sa akin.

"Nakakainggit ka naman!" saad ng assistant ng makeup artist ko na siyang tumutulong


din sa pagdadamit sa akin. "Mahal na mahal ka talaga siguro ni Mr. Cavallaro! Sa
hitsura nitong wedding gown mo, sigurado akong hindi bababa sa sampung milyon ang
halaga nito!"

"Ano?" gulat ko siyang nilingon. Muntik na akong mabilaukan sa sarili kong laway.
Bilog na bilog ang mga mata ko na parang kwago.

Natigilan sila nang mapansin ang matinding gulat sa mukha ko.

"Shocking, di ba? Pero hindi pa ako nagkakamali sa tantya ko. Sa tagal kong
assistant ng mga sikat na designer, sure ako! Napakamahal nito!"

Umiwas ako ng paningin. Sa price pa lang ng gown na ito, mapapagamot ko na si


Heart!

"Hindi niya nabanggit sa akin kung magkano iyang gown. Ang totoo niyan, wala siyang
nasasabi kung magkano ang lahat ng nagastos niya para sa kasal namin."

Sinabihan ko ang lahat na iwan na ako matapos nila akong ayusan. Tumitig ako sa
salamin-sa sarili kong repleksyon. I now wearing the wedding gown, and I can't
believe it.

"He's waiting for you, Isa. Your first love is waiting." Malungkot akong ngumiti.

Bumaba ang paningin ko sa cheque na nasa ibabaw ng dresser. Kinuha ko ito at


pinasok sa bag ko. Ilang oras akong nag -isip bago huminga nang malalim at tuluyang
tumayo.

***

UNO

Mabilis na humarang ang mga inupahan kong bodyguards nang makapasok si Mama sa loob
ng simbahan. May kasama itong limang bantay na agad na pinigilan ang mga tao ko sa
paglapit sa kaniya.

"What are you doing here, ma? You're not invited in this occasion."

"How rude of you, hijo. I'm still your mother! Hindi ka ba nahihiya sa mga bisita
mo? Sarili mong ina, hindi imbitado sa iyong kasal?"

"Leave now."

Sa halip na umalis, tinawanan niya lang ako saka iginala ang paningin sa paligid.

"I see the wedding haven't started. Bakit? Hindi ka sinipot ng bride mo?"

Nginisian niya ako na parang sinasabi na tama siya kay Isa at mali ako. Hindi ako
nagpadala sa mga sinasabi niya. Nangako ako kay Isa na hindi mawawala ang tiwala ko
sa relasyon namin.

"Sinabi ko naman kasi sa iyo, gold- digger ang babaeng iyon!" "Stop insulting her!"
Lumapit ako sa kaniya kaya mabilis na nagbigay daan ang mga bodyguards ko at mga
tao niya.

"Sinabi niya sa iyo na ninakaw ko ang anak niya three years ago?" Nang- uuyam
siyang tumawa. "Sinabi rin ba niya ang dahilan?"

My brows furrowed. "Dahilan?"

"Pinakitunguhan ko nang maayos ang muchachang iyon, Stefan! I gave her what she
wanted. But what did she repay me? She took you from me!"

"Wala siyang kinukuha! Matagal ka nang nawalan ng anak!"

Tumalim ang mga mata niya sa sinabi ko. Nagsimulang magbulong-bulungan ang mga tao
sa loob ng simbahan. Lalong bumangis ang anyo ni Mama.

"Ayaw mo bang itanong kung bakit niya ipinamigay sa akin ang inyong anak?"

"Ipinamigay?" Damn it. Ano na naman ba ito? Anong ibig niyang sabihin na
ipinamigay?

"Yes! Kusa niyang ibinigay sa akin ang apo ko!"

Matagal akong natahimik. Matagal kong pinakatitigan ang mukha ni Mama. Kung hindi
ko lang alam ang tunay niyang ugali, baka naniwala na ako sa kaniya. Pero alam kong
nagsisinungaling siya at gusto niya lang kaming sirain ni Isa.

"Get out of here, ma. Bago pa ako tumawag ng pulis."

Biglang dumilim ang mukha niya sa sinabi ko. Nilapitan niya ako at malakas na
sinampal.

"How dare you! I am still your mother, Stefan!"

Ngumiti ako. "You failed as a mother, ma. Kahit kailan, hindi ka na makakabawi." "I
failed?" Maririnig sa buong simbahan ang paghalakhak niya. Lalo itong kumuha sa
atensyon ng mga bisita. "You wouldn't be who you are today if it wasn't for me!
Bakit? Sinong pinagmamalaki mo? Ang babae mong muchacha? Siya ba ang mabuting ina?"

Napatingin ako sa paligid nang magsimulang lumakas ang bulong- bulungan ng mga
bisita.
"Kung mabuti nga siyang ina, hindi niya ipamimigay sa akin ang anak niya kapalit
ang isang daan libong piso!"

I furrowed my brows in confusion. " Isang daan libo? Ninakaw mo kay Isa si Alas!
Don't spit lies to my face, ma!"

"Hindi ako nagsisinungaling! Ayaw mong maniwala?"

Ibinigay ng isa niyang bantay ang envelope sa akin. Nag-alangan pa ako noong una,
pero tinanggap ko rin ito. At hindi ako makapaniwala nang makita ang nilalaman ng
papeles.

Kasulatan ito na nagsasabing ibinibigay ni Isa ang anak namin kay mama kapalit ang
100,000 pesos. Magpapakalayo-layo siya at hindi na magpapakita pa sa amin.

"See? Iyan ang patunay na hindi ko ninakaw ang apo ko! Sadyang mukhang pera lang
ang muchachang iyon!"

Nalukot ang mga kasulatan sa kamay ko nang mahigpit ko itong kinuyom. " Nabayaran
mo ba si Isa?"

Natigilan siya. "What?"

"Sabi mo, ipinamigay niya ang anak namin kapalit ng pera. Did you gave her the
money?"

"N-no! How can I give her the money if she was dead!"

"Exactly!" Nilapitan ko siya lalo at ibinalik ang lukot-lukot na kasulatan na


ipinakita niya. "Para mailigtas ang sarili niya, kinailangan niyang magpanggap na
patay na at tatlong taong nagtago! Tell me, ma, ganoon ba ang inang nagbenta ng
anak kapalit ang pera?"

"H-how should I know? E, baliw iyong

mukhang pera na iyon!"

"Kung talagang mukhang pera si Isa, hindi siya aalis nang hindi dala ang pera! Isa
sa inyong dalawa ang nagsisinungaling at hindi si Isa iyon!"

Muli niya akong sinampal. Nilingon ko ang mga tao ko at sinenyasan na paalisin na
si Mama kasama ang mga bantay nito. Bigla naman pumasok sa simbahan ang secretary
kong si Odette. Humahangos itong lumapit sa akin.

"I told you to check on Isa. Bakit bumalik ka agad?"

Huminga ito nang malalim saka may

ibinigay sa akin. Nang kunin ko iyon,

natigilan ako nang makita ang engagement ring na ibinigay ko kay Isa.

"Wala na po si Ma'am Isa nang makarating ako sa hotel, sir. At nakatanggap ako ng
notif mula sa banko. She took 2 million pesos from you."
Chapter 21

ISA

TAIMTIM akong nagdadasal habang nasa loob ng chapel ng hospital. Kasalukuyang nasa
operation room ang anak kong si Heart. Ngayon na siya ooperahan para sa kaniyang
bone marrow transplant.

Hindi ako mapakali. Nahihirapan akong huminga sa takot na baka masamang balita ang
makuha namin sa paglabas ng doctor. Kaya umalis ako at dito nagtungo.

"Diyos naming maawain, iligtas n'yo po ang anak ko. Napakabait niyang bata, pero
puro paghihirap ang mga dinadanas niya. Please, let my daughter live, oh, God.
Gagawin ko po ang lahat, upang maayos na itong problema sa aming pamilya."

Suno-sunod sa pagtulo ang mga luha ko. Alam kong malalagpasan ni Heart ito. My
daughter is strong, and I believe in her. Karapatan niyang sumaya. Karapatan ng
anak kong makatikim ng ginhawa.

Mahigit kalahating oras akong nakaluhod habang nagdadasal. Natigilan lang ako nang
marinig ang humahangos na boses ni Alicia sa bungad ng pintuan ng chapel.

"Isa!"

Hindi ako agad nakapagsalita nang humarap sa kaniya. Hinihintay kong ipagpatuloy
niya ang kaniyang sinasabi.

"Successful, Isa! Ligtas na si Heart!"

"Oh, God!" Napatakip ako ng bibig. Ang anak ko! Ligtas na siya?"

Mabilis akong tumayo at patakbong yumakap kay Alicia. Alam kong malalagpasan ito ng
anak ko, pero maraming maraming salamat sa Diyos! Dininig Niya ang panalangin ko!

***

"Kumusta naman ang anak mo?" Malapad akong ngumiti habang tumatango sa tanong na
iyon ni Mami Madonna.

"Tatlong araw na ang nakalipas mula nang maoperahan siya, mami. Okay na ang anak ko
ngayon. Binabantayan siya ng kakilala namin ni Ali sa hospital."

"Mabuti naman! E, bakit ka nga pala nandito? Babalik ka na ba sa trabaho?"

Napatingin ako kay Alicia sa tanong na iyon ni Mami Madonna. Nagpaalam ito sa amin
na lalabas muna para makapag- usap kaming mabuti ni Mami.

"Nandito ako para sana kunin ang huling sweldo ko, mami. At saka, para magpaalam na
rin."

Natigilan siya. "Aalis ka na?"

Malungkot akong ngumiti. "Kailangan gumaling nang tuluyan ni Heart. Gusto ko sana
siyang dalhin sa probinsya, mami." "Kaya na ba niyang magbyahe? At
saang probinsya naman kayo pupunta?"

Ilang segundo akong natahimik sa tanong na iyon. Matagal ko na itong pinag-isipang


mabuti. Alam kong ipapahanap ako ni Senyora Celestia, kung hindi siya ay si Uno ang
siguradong magpapahanap sa akin. Ilalayo ko na ang anak ko bago pa nila ako
matunton.

"Sa tyahin ko, Mami Madonna."

"Ano? Sa tyahin mo?" Nagsalubong agad ang mga kilay niya. Hindi ko siya masisisi.
Kung hindi lang importante, hindi ko dadalhin doon ang anak ko. " Sigurado ka ba
dyan sa binabalak mo, Isa? Hindi madaling pakisamahan si Lana "

"Tyahin ko pa rin po siya. Alam kong hindi niya magagawang pabayaan ang anak ko."

Matapos namin mag-usap ni Mami Madonna, ibinigay niya sa akin ang huling sweldo ko.
Sapat lang ang dalawang milyon para sa lahat ng gasto namin sa hospital. Ngayon,
kailangan ko na naman ng pera para sa byahe namin papuntang probinsya.

"Hey, Bella!"

Napatingin ako sa taong tumawag sa akin nang makalabas ako ng office ni Mami
Madonna. Si Liam Smith. Isa sa mga suki namin dito sa bar. Madalas siyang nandito
lalo na kapag ako ang sumasayaw.

"Hey, Mr. Smith!"

Lumapit na ako at bumati nang makitang naroon din si Alicia. Kasama ni Smith ang
tatlo pa niyang kaibigan na mga Americano rin. Umiinom sila.

"I heard about your daughter. Congratulations for the successful operation!"
Napatingin ako kay Alicia. Pinanlakihan ko ito ng mga mata.

"Thank you, Mr. Smith!"

'Aren't you going to dance tonight?"

"Oh, no. I quit working here."

Ang mga foreigner naming customer ang dahilan kung bakit kahit papaano ay natuto
akong magsalita nang English kahit hindi ako nakapagtapos. Mas malaki kasi mag-tip
ang mga kano. Hindi pa ganoon kabastos.

"That's a shame. You're my favorite dancer, Bella!"

"I need to take care of my daughter, Mr., Smith."

"Wow. You're beautiful and a good mother," komento naman ng isa na ikinangiti ko.

Magpapaalam na sana ako sa mga ito pero inalok ako ng isang baso ni Smith.
Tumanggi ako, pero nang maglabas siya nang ilang libong pera kapalit ng isang baso
ng alak, napilitan kaming makisama ni Alicia.

"Let's have a drink before you go."

Pumayag kami ni Alicia at tinanggap ang isang baso ng alak na inaalok nila.
Pagkatapos no'n ay inabutan ako nang sampung libo ni Smith. Para daw sa anak ko.
Medyo masama ang loob ko nang umalis kami ng bar. Kahit sa kahuli- hulihang
pagkakataon, damang-dama ko pa rin kung gaano ako karumi. Pero makakatulong ang
perang ito sa amin ni Heart, kaya wala akong karapatang tumanggi.

Kailangan ko ng pera. Kailangan namin ng pera.

******
UNO

"Damn it!"

Malakas kong ibinato ang baso matapos ibaba ang cellphone ko. ng alak Mahigit isang
linggo na mula nang iwan ako ni Isa sa simbahan-mula nang pagnakawan niya ako ng
pera.

Ayaw ko pa rin tanggapin ang katotohanan na magagawa sa akin ni Isa ang bagay na
iyon. Pilit ko pa rin siyang hinahanap para hingan ng paliwanag o rason.

She can't do that to me. I know she can't do that to me without a fucking reason.
There's got to be a reason behind it. Puwedeng naaksidente siya o baka may
emergency kaya kailangan niya nang ganoong kalaking pera.

"Daddy?"

Huminga ako nang malalim nang marinig ang boses ni Alas. Pinapaalala niya sa akin
si Isa kaya sa tuwing nakikita ko siya, umiinit lalo ang ulo ko. Inis ko siyang
binalingan. Napaatras pa

ito nang makita ang naglalagablab kong

mga mata ko..

"What!"

He let out a sigh. "Why don't you go to grandma? To your province? Yaya might be
there."

Natigilan ako bigla sa narinig. Damn it! Bakit ko ba hindi naisip iyon? Nagawang
itago ni Mama at ikulong noon si Isa. Magagawa niya rin dukutin ito ngayon!

Mabilis akong tumayo at nilapitan si Alas. "Ibabalik ko si Isa, baby. Hintayin mo


kami!"

Halos paliparin ko na ang kotse ko papunta sa probinsya namin. I don't wanna see
mama right now but there's a big chance that she took Isa, again. Hindi ko talaga
alam ang magagawa ko oras na nalaman kong siya ang nagtatago kay Isa.
"Where is she!"

Natigilan si Mama sa pag-aasikaso ng

mga halaman niya nang bigla akong

dumating.

"Lower your voice."

"Ilabas mo si Isa! Ilabas mo siya!"

Sandaling nagsalubong ang mga kilay ni Mama, pero mabilis din nag-iba ang reaction
ng mukha niya matapos huminga nang malalim.

Lumapit siya sa glass table at ibinaba ang gunting na gamit niya kanina sa
pagpuputol ng mga patay na dahon.

"This is about that muchacha again?"

"It's been a week and I can't find her! Hindi siya mawawala kung hindi siya
itinago. Ilabas mo si Isa!"

Natawa siya bigla. "Are you sure about that? Baka naman kaya hindi mo mahanap dahil
ayaw magpahanap sa iyo."

Hindi ako nakasagot. Pilit kong binabalikan ang mga huling pag-uusap namin ni Isa
bago ang araw ng kasal. Fuck! I just don't fucking understand! She seemed happy
with me, but why did she left on our wedding day?

"Sinabi ko naman sa iyo, hijo, pera lang ang habol sa iyo ng babaeng iyon. I warned
you about her but you chose that gold-digger over me-your own mother."

"Hindi ganoong klaseng babae si Isa."

"Then where is she right now? Bakit iniwan ka niya pagkatapos kang pagnakawan nang
2 million?"

Kumuyom ang mga kamao ko. "She didn't leave me, you're hiding her!"

Umikot ang mga mata niya. Naupo na siya sa upuan at nagsimulang uminom ng tsaa.
"Keep fooling yourself. Why can't you accept the fact that she's a gold-digger who
only wants your money!"

"Tumigil ka na, ma!"

"Hindi mo ba talaga alam kung nasaan ang babaeng iyon? Do I have to do everything,
Stefan?"

Bigla akong natigilan. "W-what do you mean?"

"Gusto mo bang malaman kung nasaan ngayon ang muchachang iyon?"

She's doing it again. Nag-iimbento na naman siya ng kuwento para paghiwalayin kami
ni Isa. I won't let her fool me again.

"Hahanapin ko siya. Kapag nalaman kong may kinalaman ka sa-"

Bigla akong natigilan sa pagsasalita nang maglabas siya ng isang envelope. May
kinuha siya mula sa sobre at sandali itong tiningnan bago ipinakita sa akin.

"Iyan ba ang babaeng pinagmamalaki mo?"

Hindi ko nagawang sumagot matapos makita ang mga larawan sa harap ko. Hindi ako
makapaniwala sa nakikita. Mga pictures ito ni Isa kasama ang ilang mga foreigner at
umiinom sila ng alak. Nagkakasiyahan.

"That was taken last night. She was in a bar, drinking with some rich and old men.
That's the woman you want to marry, Stefan? How pathetic!"
Chapter 22

ISA

"Anong ibig mong sabihin na hindi ka sasama?"

Halos mag-hysterical na si Alicia nang sabihin ko sa kaniya ang plano ko.


Nakapamaywang siya ngayon sa harap ko at pinandidilatan ako ng mga mata.

"Kailangan kong balikan si Alas."

"E, paano si Heart? Katatapos lang ng bone marrow transplant ng anak mo! She needs
you!"

"Alam ko. Kaya nga sandali lang ako, susunod agad kami."

Umiling siya at napahawak sa noo. Nilingon namin si Heart na ngayon ay abalang


nagkukulay sa kaniyang drawing book.

"Isa, bakit hindi ka na lang namin hintayin? Siguradong malulungkot ang anak mo
kapag nauna kami sa probinsya nang wala ka."

"Hindi puwede, Ali. Baka matunton kayo ni Senyora Celestia."

"Ewan ko sa iyo!"

Medyo napalakas ang boses niya kaya nakuha namin ang atensyon ng anak ko. Ngumiti
lang ito at bumalik din ulit sa ginagawa.

"Sa tingin mo ba, sa ginawa mo kay Uno, makakabalik ka pa sa kanila? Baka nga
ipakulong ka pa no'n! Nagnakaw ka lang naman ng 2 million pesos sa kaniya, Isa!
Diyos ko, day! Stress na stress na ako sa iyo!"

Nagbaba ako ng mukha matapos ng mga narinig. Inaamin ko, nahihiya ako nang dahil sa
ginawa ko. I took 2 million pesos from Uno without him knowing.

Wala siyang ibang ipinakita sa akin

kundi kabaitan pero pagnanakaw pa

ang isinukli ko. At ngavon, binabalak kong bumalik para kunin ang anak namin. Wala
na sigurong mas kakapal pa sa pagmumukha ko, pero alam kong maiintindihan ni Uno
ang lahat pagdating ng panahon.

"I can't! Napaka-selfish mo, day! Magpapahangin muna ako!" lumabas si Alicia
matapos niyang sabihin iyon.

Alam kong hindi ito sang-ayon sa lahat ng mga ginawa at pinaplano kong gawin, pero
hindi niya pa rin ako iniiwan. Napakaswerte ko dahil nandiyan siya. Isang mabuting
kaibigan.
"Nay-nay, lalabas na tayo ng hospital?"

Agad na sumilay ang malaking ngiti sa mga labi ko nang malapitan si Heart. Naupo
ako sa tabi niya at niyakap siya nang mahigpit.

"Oo, anak. Uuwi muna tayo ng probinsya, pero tandaan mo, ha? Bawal kang mapagod at
ang mga gamot, kailangan mong inumin. Tumingala siya sa akin at malungkot akong
tiningnan. "Nay-nay, bilhan mo ako ng manika."

"Manika?"

"Di ba, ang promise mo sa akin, bibilhan mo ako ng manika kapag gumaling na ako?"

Napatingin ako sa mga laruan ng anak ko na nasa ibabaw ng kama niya. Drawing book,
crayons, paper dolls, at maliit na teddy bear. Kasing-liit lang ng kamay ko. Hindi
ko nabibili ang mga gusto ni Heart, wala kasi kaming pera para doon. Laging sapat
sa pagkain at mga gamot niya ang perang kinikita ko.

"O, sige, anak. Bibili tayo ng manika!"

Nalungkot ako nang biglang naalala si Alas. Ang anak kong iyon, napakarami ng
laruan niya. Halos mapuno ng mga toys ang kuwarto niya, pero kung gaano karami ang
kaniyang laruan, ganoon kakaunti ang atensyong nakukuha niya kay Uno. Sana lang,
hindi siya pabayaan

ni Uno ngayon.

Umaliwalas ang mukha ni Heart sa

sinabi ko. "Talaga, nay-nay? Bibilhan

mo ako ng manika?"

"Oo, anak ko. Ibibili kita ng manika, katulad ng promise ko." Hinalikan ko siya sa
noo bago sinimulang ayusin ang mga gamit namin.

Sa kalagitnaan ng pag-aayos, biglang bumukas ang pintuan ng kuwarto at pumasok si


Alicia. Natigilan ako nang makitang habol niya ang hininga niya.

"Ali, may problema ba?"

"Girl, masasabunutan na talaga kita! Sabing Alicia, e! Alicia! Ay! Sandali, may
chika pala ako!"

"Ano iyon? Bakit parang galing ka sa

pagtakbo?"

Hinila niya ako palapit sa pinto.

Iniiwasan yatang marinig ni Heart ang sasabihin niya sa akin.

"Kanina habang pababa ako, nakita kong may mga lalaki sa front desk. Nakakalurkey
ang mga hitsura! Mukhang mga goon!"

"Goon?" Kumunot ang noo ko. Hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin.

"Iyong tipo ng lalaki sa mga palabas! Iyong utusan ng mga kontrabida!"


Natigilan ako nang makapag-isip. Si Senyora Celestia!

"Alicia, hindi kaya mga...

"Oo, day! Iyon na nga! Baka mga utusan sila ng nanay ni Uno!"

Mabilis na kumabog ang dibdib ko sa takot. Para akong hihimatayin. Ito na nga ang
ikinakatakot ko. Kumilos na si Senyora Celestia!

"Ano pang tinutunganga mo? Umalis na tayo!" Mabilis kong tinapos ang pagliligpit.
Bitbit ni Alicia ang lahat ng gamit namin habang buhat-buhat ko naman si Heart sa
mga bisig ko. Walang ingay kaming lumabas at nagtungo sa fire exit. Dito kami
dumaan para makatakas sa mga lalaki sa loob ng hospital.

"Nay-nay, manika," natigilan ako sa pagsakay ng jeep nang marinig ang sinabi ng
anak ko.

Matagal ko siyang tinitigan bago tumango. Ibinigay ko siya kay Alicia at patakbong
lumapit sa nagbibenta ng mga laruan sa tabi ng daan. Pumili ako ng manika at agad
itong binayaran.

"Saan ka pupunta?" Mahigpit akong hinawakan ni Alicia matapos kong ibigay sa kaniya
ang manika na binili ko para kay Heart.

"Babalik ako kay Uno. Kailangan kong magpakita sa kanila para tumigil sila sa
paghahanap sa akin." Chimie 12

"Iiwan mo ang anak mo? Ngayon? Isa, mag-isip-isip ka nga! Baka magalit na sa iyo si
Heart! Katatapos lang ng bone marrow transplant niya!"

"I'm going to do this for her, Ali! Madadamay siya kapag hindi ako umalis!"

"Nay-nay?" Pilit na sumilip si Heart mula sa gilid ni Alicia. Tinatago ito ni Ali
pero narinig pa rin niya ang mga pag -uusap namin.

Natigilan ako nang makita ang naluluhang mga mata ng anak ko. Matagal ko siyang
pinagmasdan. Hindi ako perpektong ina. Marami akong mga maling desisyon, pero wala
akong ibang gusto maliban sa ikabubuti ng mga anak ko.

"Isa, halika na! Paalis na ang jeep at nandyan na ang mga tao ni Senyora!"

Lumingon ako sa pinanggalingan

namin. May ilang mga lalaki ang lumilinga sa paligid na parang may hinahanap.

Naluha ako nang maalala si Alas." Babalikan kita, anak. Babalik si Nanay."

Mabilis akong umakyat ng jeep at

kinarga ang anak kong si Heart. Pinatahan ko ito habang dahan-dahang umuusad ang
takbo ng pampasaherong -sasakyan.

***

"Tatlong buwan na kayong nakatira dito! Hindi kayo mga bisita kaya tumulong kayo sa
gawaing bahay!" Padabog na ibinaba ni Tiya Lana ang mga plato sa ibabaw ng may
kaliitang lamesa.
Lumingon ako sa maliit na kuwartong tinutulugan namin.

"Tiya, nandito naman po ako, e. Ako ang gagawa ng mga gawaing bahay."

"Tatlo kayong nandito, tapos mag-isa mo lang ang tumutulong?" Sinadya nitong
lakasan ang kaniyang boses para marinig ni Alicia sa loob ng kuwarto.

Nahihiya akong lumingon. "Tiya naman, inaalagaan ni Ali si Heart. Isa pa, kaya ko
naman po lahat ng gawaing bahay."

"Hoy, babae! Tatlong bibig kayong pinapalamon ko kaya dapat lang na magtrabaho
kayo! Wala na ngang maitulong iyang anak mo dahil may sakit, pati ba naman iyang
baklang iyan? 11

"Tiya!" Natigilan siya nang magtaas ako ng boses. "Sinasalo ko na po ang lahat ng
gawaing bahay. Halos wala na nga kayong gawin kundi kumain. Nagbibigay pa ako ng
pera kada katapusan ng Linggo. Bakit kailangan n'yo pang obligahin magtrabaho ang
anak at kaibigan ko?"

Tumalim ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. Walang salitang iniwan niya
ako at lumabas ng kusina. Mariin akong pumikit.

"Pasensya ka na sa tyahin ko, Ali. Kaunting tiis pa, ha?"

Tumigil siya sa pagtutupi ng mga damit namin at nakangiting tumingin sa akin.

"Huwag mo akong intindihin. Ang mahalaga, malayo tayo sa gulo."

"Nakokonsensya ako. Ang ayos ng buhay mo sa Manila, pero dinala kita rito."

"Ano ka ba? Alam mo naman na pamilya tayo. Hindi kita iiwan sa mga oras na
kailangan n'yo ako."

Bigla ko siyang niyakap dahil sa mga narinig. Si Alicia lang talaga ang tanging
mapagkakatiwalaan ko. Hindi ko alam kung kakayanin ko o hindi kung wala siya.
"Tiya, mamamalengke po muna ako para sa hapunan natin."

"Kung may extra kang pera dyan, bumili ka nga ng karne. Huwag naman puro isda ang
lutuin mo."

Tumigil ako sa bungad ng pintuan ng bahay at lumingon sa kaniya." Hanggang isda


lang po ang kaya ng pera ko."

"Alam kong may pera kang tinatago. Magluto ka naman ng manok.

Tinutubuan na ako ng kaliskis, e."

Nagbuga ako ng hangin at tumango. Sige po, tiya."

Nagbibilang ako ng pera habang naglalakad pauwi sa amin. Bumili na ako ng kalahati
ng isang buong manok at binabalak magluto ng tinola. Paborito ni Heart ang may
sabaw kaya

ipagluluto ko siya.

"Anak, nagluto si Nay-nay ng tinolang manok! Halika! Kain tayo!" Kinarga ko si


Heart at dinala sa kusina. Nakasunod sa amin si Ali.

Pagdating namin sa hapagkainan, kumakain na si Tiya Lana. Nakangiti pa ito habang


humihigop ng sabaw ng manok.

"O, bakit wala man lang laman ito?" Dismayadong tumingin si Alicia kay Tiya Lana
matapos makita ang sabaw na tanging petchay at sayote na lang ang mayroon.

"Mayroon iyan, para sa inyong tatlo! Tingnan mo!"

Gusto kong mailing nang makitang tatlong maliliit na kapiraso ng manok ang tanging
itinira ni Tiya sa amin. Iyong mga buto-buto pa. Tumingin ako sa lagayan niya ng
sabaw, punong- puno iyon ng mga piraso ng manok na malaman.

"Sana man lang, nagtira ka para sa bata, "inis na saad ni Alicia.

"Nagtira nga ako sa inyong tatlo, e! Ayan, oh! Bulag ka ba?"

"Buto-buto lang ang mga ito!"

"E, anong gusto mo? Inyo itong malaman? E, nakikitira na nga lang kayo!"

"Tama na, Alicia. Okay lang, tiya. Sa inyo na iyan."

Ngumiti ako kay Alicia matapos itong tanguan. Pinakain ko na lang si Heart ng kung
anong mayroon. Hindi naman mareklamo ang anak ko kaya okay lang.

Pagkatapos maghugas ng mga plato at nakapaglinis, lumabas ako ng bahay at sandaling


nagpahangin.

Nandito ako sa labas ng kahoy na gate at nakatingala sa langit. Kumusta na kaya


sina Uno at Alas? I hope they're doing okay. Gusto ko silang makita, at gusto kong
mayakap at mahagkan ang anak ko. Miss na miss ko na sila.

Huminga ako nang malalim at tumalikod. Papasok na sana ako sa gate nang makarinig
ako ng malakas na pagtakbo ng sasakyan. Isang itim na kotse ang nakita kong
paparating. Tumigil ito sa mismong tabi ko at ilang mga lalaki ang biglang lumabas.

Chapter 23

ISA

"Palabasin n'yo ako dito! Maawa na kayo! Palabasin n'yo ako!"

Nakaluhod akong bumagsak sa sahig matapos sumigaw nang paulit-ulit sa loob nang
ilang oras.

Pagkatapos akong dukutin ng mga hindi kilalang lalaki, nagising na lang ako sa loob
ng maliit na space na ito. Madilim. Malamig. Halos dalawang araw na, pero hindi pa
rin nagpapakita sa akin ang taong gumawa nito.

Sino pa ba? Sino pa ba ang makakagawa ng ganitong bagay kung hindi si Senyora
Celestia lang? Siya ang gumawa nito! Siya ang nagpadukot sa akin!
"Pakawalan n'yo ako! Maawa na kayo!"

Muli akong umiyak. Bumuhos ang napakaraming luha sa mga mata ko habang iniisip sina
Heart at Alas... habang iniisip si Uno. Makikita ko pa kaya sila?

***

Nagising ako dahil sa malakas na pagkalam ng sikmura ko. Tatlong araw na akong
nakakulong dito, pero ni kaunting tubig, hindi nila ako binigyan. Uhaw na uhaw na
ako at nagugutom. Papatayin ba ako ni Senyora Celestia sa gutom? Ito ba ang balak
niya?

Tumayo ako at luminga sa paligid. Para akong nasa loob ng built-in cabinet. Sapat
lang ang laki nito para makatayo at makapaglakad ako nang kaunti.

"Buksan n'yo ito! Senyora Celestia! Alam kong ikaw ang may kagagawan nito! Palayain
mo ako!"

Kahit anong sigaw ang gawin ko, halos maubusan pa ako ng boses, pero wala pa ring
nangyayari. Ni wala akong marinig na kahit kaunting ingay sa labas. Nasa probinsya
ba ako nina Senyora Celestia? O ibang lugar ito?

Umupo ako sa sahig habang yakap ang mga tuhod ko. Iniiwasan ko nang sumigaw dahil
mauubos lang ang energy ko sa pagod. Wala na akong kain at tubig na naiinom sa loob
ng halos tatlong araw. Kapag umabot nang isang linggo, siguradong mamamatay ako.

***

Napasinghap ako nang bigla akong makarinig ng kaluskos sa labas. "M- may tao ba
dyan?"

Mabilis akong tumayo at pilit na binuksan ang pinto ng cabinet.

"Buksan mo ito! Naririnig mo ba ako? Pakawalan mo ako!"

Napaatras ako mula sa pinto nang marinig ang mga papalapit na yabag. Hinanda ko ang
sarili ko. Wala akong makitang bagay sa loob na puwedeng ipagtanggol ko sa sarili
ko, kaya tinibayan ko na lang ang aking loob.

Narinig ko ang ingay ng mga susi, sumunod doon ang pagbukas ng pintuan. Napapikit
ako nang bumungad sa akin ang liwanag mula sa labas.

"Isa."

Bigla akong napamulat nang makilala ang boses na iyon. Matagal akong natigilan
habang nakatingin sa mukha niya.

"Hinihintay ka na niya.

Nagbigay daan siya sa akin. Parang may

sariling isip naman ang mga paa ko na bigla na lang itong humakbang. Lumabas ako ng
kuwarto, napag- alaman kong nasa loob ako ng isang walk-in closet na may hagdan
pababa. Paglabas ko, bumungad sa akin ang loob ng isang silid.

"Welcome home, my slut and gold-digger ex-fiancée."

Matagal akong natulala habang nakatingin sa nakangising mukha ni Uno. Nakangiti


siya, pero kitang-kita ko ang apoy sa galit niyang mga mata.

Nanubig ang gilid ng mga mata ko. Ewan ko pero tumindi ang nararamdaman kong
pangungulila sa kaniya kahit na alam kong galit siya sa akin.

"Miss me?"

Oo. Gusto kong sabihing miss na miss ko na siya at gusto ko siyang yakapin.

"I'm sure you don't." Tumayo siya mula sa pagkakaupo.

Ngayon ay kaming dalawa na lang ang nandito dahil sa paglabas ng kuwarto ni Ate
Edna.

"Didn't think I would find you?"

"I-ikaw ang nagpadukot sa akin?" Nagkibit siya ng balikat. "Can't help it. I wanna
see you."

Hindi ko napigilan ang mapangiti sa sinabi niya. Alam kong sa kabila ng mga
salitang iyon, galit pa rin siya sa akin. Alam kong kinamumuhian niya ako ngayon,
pero hindi ko mapigilan ang sarili ko.

Dahan-dahan akong humakbang palapit sa kaniya hanggang sa takbuhin ko na ang space


sa pagitan namin. Pero nang malapit na ako sa kaniya at akma siyang yayakapin,
itinulak niya ako nang marahas.

"Don't dare touch me, slut."

Slut?

"U-Uno..."

Tumalim lalo ang mga mata niya. "You disgusts me."

Hindi ako nakapagsalita agad sa sinabi niya. Ramdam ko ang pagkawasak ng puso ko sa
mga sandaling iyon. Lalong nag-init ang gilid ng mga mata ko. Gusto kong umiyak.

"Uno, ibabalik ko ang pera mo. Pangako, ibabalik ko iyon."

Tumawa siya bago bumalik sa pagkakaupo sa silya niya. "What if I want it now? Can
you give me the two million pesos right now?"

Nagtungo ako ng ulo. Tuluyang bumagsak ang mga luha ko na kanina pa gustong
kumawala. Hiyang-hiya ako sa nangyayari. Hindi ko alam kung paano hihingi ng tawad
sa kaniya.

Pero tama bang pandirihan niya ako para sa nagawa ko? I only did it for our
daughter. Nasasaktan ako ngayon. Para akong dinudurog nang paunti-unti.

"Ano? Wala kang pera? Bakit? Naubos mo na ang dalawang milyon sa loob ng tatlong
buwan?" "Uno, I'm sorry."

"I don't need your fucking sorry!"

Napaigtad ako nang bigla siyang sumigaw. Nanginginig ako sa takot habang nakatingin
sa mukha niya. Para siyang mabangis na hayop na nakahandang manakmal ano mang oras.

"What do you want me to do? Gagawin ko ang lahat para mapatawad mo ako."
"Lahat?" Umarko ang isa niyang kilay.

Tumango ako sa kaniya habang lumuluha. Bigla siyang tumayo at lumapit sa akin.
D*****g ako nang mahigpit niya akong hawakan sa braso. Parang babaliin niya ang mga
buto ko sa higpit nang pagkakahawak niya sa akin.

"Are you sure?"

"Y-yes." Sumilay ang nanunuyang ngiti sa

kaniyang mga labi. "Kneel down."

Kinabahan ako bigla. "Uno?"

"Akala ko ba, gagawin mo ang lahat?"

Matagal kong tinitigan ang mukha niya bago bumaba ang paningin ko sa bagay na
nakabukol ngayon sa loob ng suot niyang pantalon.

Ito ang gusto niyang gawin? Ang babuyin na naman ako?

Mabilis kong pinahid ang mga luha ko sa mukha at lumuhod sa sahig. Hindi na niya
kailangan sabihin ang gusto niyang ipagawa, kusa kong ibinaba ang zipper ng suot
niyang pants at inilabas ang bagay sa loob no'n.

Napalunok ako nang makita ang buhay na buhay at maugat na bagay. Mariin akong
pumikit bago ibinuka ang bibig. Hinayaan kong pumasok sa loob ng bibig ko ang
kaniyang alaga. "Fuck! That's it! Swallow it deep, bitch! "Hinawakan niya ako sa
buhok at lalong itinulak ang ulo ko sa alaga niya.

Halos mabilaukan ako habang subo ang malaki niyang alaga. Nagsimula siyang
maglabas-pasok nang marahas sa loob ng bibig ko. Bigla akong maluha dahil sa
ginagawa niya.

Halos masuka ako nang iputok niya sa loob ang semilya niya. Pero tuluyan akong
naiyak nang itulak niya ako sa sahig at murahin.

"You're going to work for me, and you're gonna keep pleasing me until you pay me
back my 2 million pesos."

Chapter 24

ISA

"Saan mo nakuha ang mga larawang ito?"

Sunod-sunod sa pag-agos ang mga luha sa pisngi ko habang tinitingnan isa -isa ang
mga pictures na ipinakita ni Uno.

He grinned at me. "Akala mo siguro, hindi ko malalaman ang tungkol sa kababuyan


mo?"

"What? What do you mean, Uno? Kababuyan? Naniniwala ka sa mga litratong ito?"
"Ano pa ba? After you took 2 million from me, you went to have fun with those
filthy old men."

"Hindi totoo iyan!"

"Bakit, Isa? Mas masarap ba sila? Mas

napaliligaya ka ba nila?" "Stop it!" Marahas kong tinapon ang mga pictures sa gawi
niya.

Nakita ko ang pagbangis ng mukha niya dahil sa ginawa ko. Bigla siyang tumayo at
lumapit sa akin. Galit niya akong hinawakan at hinila sa buhok. Napadaing ako dahil
sa sakit.

"You filthy bitch! Pera lang pala ang kailangan mo kaya bumalik ka sa akin! Why do
you have to act like you wanted to marry me? Sana umpisa pa lang, sinabi mo na ang
kailangan mo para hindi ako nagmukhang tanga!"

"No! Nagkakamali ka!" Hindi ko napigilan ang hindi umiyak dahil sa mga salitang
lumalabas sa bibig niya.

Ganito karumi talaga ang tingin niya sa akin?

"Mali ako? Nakikita mo ba ang mga pictures na iyan? Mali ba iyang mga iyan, huh?
Mama was right! You are a gold-digger!" "Si Senyora Celestia ang may

kagagawan nito! Uno, sinisiraan niya

ako sa iyo!"

Itinulak niya ako at pagkatapos ay tumawa siya nang malakas. Lumuhod ako sa paanan
niya at halos yakapin na ang paa niya para lang humingi ng tawad.

"Sino ang umalis sa araw ng kasal? Pinilit ka ba, huh? Fuck you, Isa! Minahal kita
pero ginago mo lang ako!"

"Mahal din kita!"

"Fuck!" Muli niya akong hinawakan sa buhok. Napadaing ako nang halos mapunit na ang
mga anit ko sa ulo dahil sa lakas ng pagkakahila niya. "Why do you keep on lying to
my face, you bitch!"

"I'm not lying! Maniwala ka! May dahilan ako, Uno-"

"I don't care about your reasons! Don't give me that shit! You chose to leave me on
our wedding day! Walang pumilit sa iyo, gaddamit! Pinili mo akong iwan pagkatapos
mo akong pagnakawan nang malaking halaga! Mukha kang pera!"

"No! Uno, please, makinig ka muna-"

Mahigpit niya akong hinawakan sa baba. "Stop your lies! Marinig pa kitang
magsalita, paduduguin ko iyang bibig mo! Naiintindihan mo ba!"

Napaigtad ako sa lakas ng boses niya. Sa sobrang takot ay tumango na lang ako.

Nanlalabo pa ang mga mata ko sa dami ng luha nang bigla niya akong kinaladkad
palabas. Napansin kong nasa ibang mansion na kami. Mas malaki ito kaysa sa mansion
niya, pero parang walang tao dahil sa nakabibinging katahimikan.
Kinaladkad niya ako pababa ng hagdan. Halos mahulog ako dahil sa bilis ng mga
hakbang niya. Nang maabot namin ang baba, itinulak niya ako nang malakas sa sahig.

"Ipagawa mo sa kaniya lahat ng gawaing bahay!" dumagundong ang boses niya sa buong
paligid.

Nag-angat ako ng mukha at naabutan si Uno na palabas na ng bahay. Napatingin naman


ako kay Ate Edna sa bungad ng kusina. May awa sa mga mata niya pero nanatili siyang
walang imik.

Pinilit ko ang sarili ko na tumayo, pero natigilan ako nang makita ang malaking
painting na nakasabit sa pader. Painting ng kasal... nina Uno at Gwen.

***

Panay ang pagtulo ng mga luha ko habang nagkukuskos ng puwet ng kaldero. Sa loob ng
tatlong buwan, hindi ko inaasahan na ganito ang dadatnan ko sa muli naming
pagkikita ni Uno. "Uminom ka muna, Isa. Kanina ka pa

nagtatrabaho."

Tumigil ako sa ginagawa at nagpahid ng pawis at mga luha.

"Ate Edna, kailan pa ikinasal sina Uno

at Gwen?"

Nabahiran ng awa ang mukha niya sa narinig na tanong mula sa akin. Nagbuga siya ng
hangin bago ako nilapitan.

"Isang linggo matapos mong umalis, nagpunta si Sir Uno sa probinsya. Pagbalik niya
mula roon, ibang-iba na siya. Ayaw na niyang pinag-uusapan ka namin, at nagagalit
siya kay Alas sa tuwing hinahanap ka ng bata. Isang linggo pa ang lumipas, ikinasal
sila ni Ma'am Gwen."

Matagal akong natigilan sa mga narinig. Just two weeks after I left, ikinasal sila
ni Gwen? Pakiramdam ko, durog na durog ang puso ko sa mga nalaman. Bakit ang bilis
niyang pinakasalan si Gwen?

"Miserableng-miserable si Sir Uno nang iwan mo siya, Isa. Kaya hindi mo siya
masisisi kung binaling niya sa iba ang atensyon niya."

"But why did he married her? Ate, dalawang linggo lang mula nang mawala ako.
Nagpakasal na agad sila?"

"Kinailangan linisin ni Sir Uno ang pangalan niya dahil sa kahihiyang iniwan mo. At
si Ma'am Gwen ang tumulong sa kaniya para malinis ang kaniyang pangalan."

Mariin akong pumikit. Binalik ko na ang atensyon ko sa paglilinis. Alam ko naman,


kasalanan ko. Wala akong karapatan magtanong o masaktan o magalit, iniwan ko si
Uno. Pero akala ko kasi... may babalikan pa ako. Wala na pala.

Matapos kong maglinis ng halos buong mansion, tumulong din ako sa pagluluto ni Ate
Edna. Matapos namin magluto, bumalik na si Uno. Dumilim agad ang mukha nito nang
makita ako.

"Uno, saan mo ako dadalhin?"


Mahigpit niya akong hawak sa braso.

"Ibabalik kita sa kulungan mo!"

"What?" Pilit kong binawi ang braso ko na hawak niya nang mahigpit. "Ayoko, Uno!
Madilim doon, at malamig! Please, huwag mo akong ibalik doon."

"At ano? Hayaan kitang nakakalat dito? Gwen might see you."

Hahawakan niya sana ako ulit pero mabilis akong umiwas. "Ano ngayon kung makita
niya ako? Bakit? Hindi mo ba sinabi sa asawa mo na dinukot mo ako at dinala rito?"

Tumiim ang bagang niya sa narinig. You wanna let her see you? What do you think she
would do if she finds out that you're here? Gusto mong mahulog uli sa hagdan?"

Natigilan ako sa mga narinig. Paano niya nasasabi ito? Alam niyang muntikan na
akong makunan noon sa ginawa ni Gwen. Ngayon, gagamitin niya sa akin ang isa sa mga
masasamang alaala ko para takutin ako?

"Alam mo kung ano ang mga pinagdaanan ko! Bakit kailangan mong gamitin ang mga iyon
para takutin ako, Uno?"

Mariin kong kinagat ang ibaba kong labi para pigilan ang sarili ko na umiyak, pero
kusang dumaloy ang mga luha sa pisngi ko.

Sandali siyang natahimik bago ko nakita ang pagsilay ng nang-uuyam na ngiti sa


mukha niya.

"Don't give me that bullshit!

Nakahanda akong ibigay ang lahat sa iyo noon, Isa. But what did you do?"

Matagal akong natahimik. "I'm sorry." "Sorry? I don't want your sorry. I want you
to be miserable."

Hindi ako makahinga habang umiiyak ngayon sa harap niya. I know I hurt him, pero
sobra-sobrang sakit din ang pinagdaanan ko. I don't deserve this.

"Uno-"

"Hindi na kita mahal, Isa. Ang gusto ko na lang ngayon ay ang magdusa ka."

Chapter 25

ISA

"Hindi ka puwedeng gumawa ng ingay. Oras na narinig ka ni Gwen, masasaktan ka sa


akin!"

Napalunok ako nang maalala ang mga sinabi ni Uno kanina. Ibang-iba na siya. Parang
hindi siya ang Uno na nakilala ko nang makabalik ako sa buhay niya.
Ito ba ang kabayaran ng ginawa ko?

Pinahid ko ang mga luha ko sa pisngi. Wala na akong magagawa kung

kinamumuhian talaga ako ni Uno. Isa pa, nandito naman talaga ako para kay Alas.
Bumalik ako para sa anak ko at hindi para sa kaniya.

Pagsapit ng umaga, katulad kahapon, si Ate Edna ang nagbukas ng cabinet para sa
akin. Wala na sina Uno at Gwen paglabas ko.

"Kumain ka muna. Ilang araw kang walang kain." Nakangiting nilapag ni

Ate Edna ang mga pagkain sa mesa.

Kumalam agad ang sikmura ko nang makita ang mga pagkaing nakahain. Agad akong naupo
para kumain.

"Dahan-dahan lang sa pagnguya. Wala

naman humahabol sa iyo."

"Sorry, Ate Edna. Gutom na gutom kasi ako. Halos apat na araw akong walang kain."

Nagbuga siya ng hangin habang nakatingin sa akin. Ipinagpatuloy ko naman ang


pagsubo, hanggang sa may maalala ako.

"Ate Edna, nasaan nga pala si Alas?

Bakit parang hindi ko siya nakikita rito?

"Nako, nakahiwalay si Alas kina Sir Uno at Ma'am Gwen. Ayaw kasi ni Ma'am sa batang
iyon. Kawawa nga. 11

Natigilan ako sa pagkain dahil sa narinig. Ano? Hiniwalay ni Uno ang anak ko?
Nagsasama sila rito ni Gwen, tapos ang anak ko, mag-isa lang ngayon?

"Nasaan si Alas, Ate Edna? Sinong kasama niya ngayon? Maayos ba ang lagay niya?"

"Nasa dating mansion siya, Isa. Kasama niya ang yaya at mga katulong na kinuha ni
Sir para magbantay at umasikaso sa kaniya."

"Paano nagawa ni Uno ito? Paano niya nagawa sa sarili niyang anak ang iwan na lang
ito sa pangangalaga ng iba? Iniwan niyang mag-isa si Alas!"

May nabuhay na galit sa dibdib ko. Wala talaga siyang kwentang ama! Tama lang na
hindi ko pinakilala si Heart sa kaniya!

"Naisip ni Sir na mas okay na ito kaysa kasama nila si Alas dito. Hindi magkasundo
sina Alas at Ma'am Gwen. Baka saktan na naman ng babaeng iyon ang kawawang bata."

"Saktan?" Hindi ako makapaniwala sa narinig. "Sinasaktan ba niya noon si Alas?"

Hindi agad nakasagot si Ate Edna, pero bago pa siya makapagsalita, bigla naman
pumasok si Uno sa kusina. Pareho kaming natahimik ni Ate nang makita ang inis sa
mukha nito.

Diretso akong nilapitan ni Uno. Walang pag-aalinlangan niyang itinapon ang plato ko
na puno pa ng pagkain.
"Bakit mo ginawa iyon?" inis kong tanong sa kaniya matapos makita ang mga pagkain
sa sahig. Ano bang problema ng taong ito?

"Sinong may sabing puwede kang kumain?"

Hindi ako makapaniwala sa mga

narinig. Seryoso ba siya? Gusto niya

akong alilain pero hindi niya ako pakakainin? Anong gusto niya, mamatay ako sa
gutom?

"Sir, ako po ang nagbigay ng pagkain kay Isa-"

"Who the hell gave you the right to do

that!"

Napaigtad kaming pareho ni Ate Edna

dahil sa gulat.

Bumaling si Uno kay ate. "Sa susunod na gawin mo ito, I will fire you. Do you
understand?"

"O-opo, sir."

"Huwag kang magalit sa kaniya! Naawa lang sa akin si Ate dahil ilang araw na akong
walang kain!"

"Kahit isang buwan ka pang walang kain, wala akong pakialam."

"Gusto mo ba talaga akong patayin? Paano kita mababayaran kung patay na ako!" Hindi
ko na napigilan ang maiyak dahil sa sobrang inis. Tumango-tango siya bago
sinenyasan si Ate Edna na umalis. Nang maiwan kaming dalawa, tinitigan niya ako
gamit ang matalim na mga mata.

"Sige, you can eat. Pero bawat butil ng kanin o patak ng tubig na iinumin mo,
kailangan mong bayaran."

Umawang ang mga labi ko sa gulat at inis. Siya pa ba ang Uno na nakilala at minahal
ko? Bakit ibang-iba na siya ngayon? Sobrang layo na niya sa dating Uno na dapat ay
pinakasalan ko.

"Uno, bakit mo ba ito ginagawa?"

"Huwag mo akong bigyan ng drama mo. Naiirita ako sa iyo."

***

Hindi ko mapigilang hindi mapaluha habang nagpupunas ng sahig. Okay lang naman sa
akin ang alilain niya ako, pero itong mga pananalita at ibang ginagawa niya,
nasasaktan ako nang sobra. Nagkamali ako, pero kailangan bang maging ganito siya sa
akin? Kumpara sa pagkakamali ko, ano lang ba ito sa ginawa ng nanay niya sa akin?
Sa ginawa nila sa amin ng mga anak ko?

"Pagkatapos mo diyan, maglinis ka sa labas. Ayaw kong makita ang pagmumukha mo."
Bumaba siya mula sa kuwarto nila pagkatapos niyang magbihis. Ngayon ay nakaupo na
siya sa malaking sofa at nagsimulang mag-laptop.

"Kung ayaw mo pala makita ang pagmumukha ko, bakit mo pa ako pinadukot?"

"Isn't it obvious? To make you pay for what you did."

Inis akong tumayo at nagmartsa palabas ng mansion. Dito na lang ako sa labas
maglilinis! Inis na inis ako ngayon. Gusto kong itapon sa pagmumukha niya ang
basahang hawak ko!

"Isa!"

"Ate Edna?"

"Gusto ni Sir Uno ng juice."

Nagsalubong ang mga kilay ko sa narinig. "Maraming juice sa ref."

"Gusto niyang ikaw ang magdala para sa kaniya."

Kumuyom ang mga kamao ko sa narinig. Mabilis akong pumasok ng mansion at dumiretso
sa kusina. Nagsalin ako ng juice sa baso saka pabagsak itong ibinaba sa mesang nasa
harap ni Uno.

"Ayaw mong makita ang pagmumukha ko pero uutusan mo akong kumuha ng juice para sa
iyo?"

"You're my slave. Alangan naman iutos ko sa iba ang trabaho na dapat ay ikaw ang
gumagawa?" Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili ko. "May rason kung
bakit kumuha ako ng dalawang milyon sa iyo!"

"May rason ka rin ba sa kalandian mo? You didn't tell me you want it to be dirty,
Isa. Mas gusto mo pala iyong mga matatanda."

"Ano bang tingin mo sa akin, p' ****k? Mali ka ng iniisip tungkol sa mga larawan na
iyon!"

"Fuck you! Pinaiinit mo talaga ang ulo ko!" Bigla siyang tumayo matapos kunin ang
baso ng juice at sinaboy iyon sa akin.

"What's the meaning of this!"

Natigilan kaming pareho ni Uno at napatingin sa may-ari ng boses-si Gwen!

Chapter 26

ISA

KASALUKUYANG nagtatalo sina Uno at Gwen sa kanilang kuwarto. Ako naman ay nililinis
ang natapong juice sa sahig. Pagkatapos kong maglinis, dumiretso ako sa kusina para
tulungan si Ate Edna sa pagluluto.
"Siya nga pala, Isa, nasa kuwarto ko ang uniporme mo. Magbihis ka muna, at puwede
ka rin maligo roon."

"Salamat, ate."

Napalingon kami nang makababa ng hagdan si Gwen. Tumigil ito sa paglalakad at


tumingin sa akin nang masama. Buong akala ko, lalapitan na ako ni Gwen para saktan,
pero dumiretso ito sa pintuan ng mansion at umalis.

Sandali akong nagpaalam kay Ate Edna para pumunta sa kuwarto niya. Naligo na ako at
nagbihis. Habang palabas na ng maid's quarter, iniisip ko si Alas at kung kailan ko
siya mapupuntahan.

"Kanina pa kita hinahanap!"

Napapitlag ako nang salubungin ako ni Uno ng sigaw pagkapasok ko pa lang ng kusina.

"Hindi mo naman kailangan sumigaw.

Bumaba ang paningin niya sa kabuuan ko. "That uniform suits you. Tama nga sila,
bihisan mo man ang basura, aalingasaw pa rin ang baho nito."

Nasaktan ako sa mga sinabi niya, lalo na nang tawagin niya akong basura. I'm still
the mother of his children. Bastos talaga siya!

"Galit ka?" Nilapitan niya ako nang may pang-uuyam sa mga mata. " Matapang ka
talaga. Sabagay, nagawa mo nga akong pagnakawan at sumama sa matatandang-"

Hindi na niya natapos ang sinasabi

niya nang bigla ko siyang sampalin. "

Bastos ka!"

Sapat nang pumayag akong

magpaalipin sa kaniya, pero hindi ko

hahayaang bastusin niya na lang ako.

Sumosobra na siya!

Matagal kaming nagsukatan ng tingin

hanggang sa sumilay ulit ang nang-

iinis na ngiti sa kaniyang labi.

"Edna!"

"Sir Uno?"

"Pack your things and leave."

"Ano po, sir?"

"You heard me."


Napatingin ako kay Ate Edna nang malungkot itong lumabas ng kusina.

"Simula ngayon, ikaw na rin ang magluluto. Start cooking. Dito kakain ng lunch ang
asawa ko."

***

"Dito kakain ng lunch ang asawa ko,' ulit ko sa mga sinabi ni Uno kanina habang
nagmi-make face.

Pinalayas niya si Ate Edna para ako ang magluto para sa kanila ni Gwen.
Pinapahirapan talaga ako ng ungas na iyon!

Pagkatapos kong magluto, hinanda ko na ang lahat ng pagkain sa dining. Nakahanda na


ang lahat nang tawagin ko si Uno.

"Nakahain na po ang pananghalian n'yo, sir."

"Iligpit mo."

Natigilan ako. "Ano? At bakit naman?"

Tumigil sa page-cellphone si Uno saka inis na tumingin sa akin. "Sino ka para


magtanong?"

"Gusto ko lang naman malaman. Pinaghirapan kong lutuin iyon."

"Gwen's busy with her photoshoot. At ayaw kong kumain nang hindi siya kasabay."

Napalunok ako sa narinig. So, sweet na sila ngayon ni Gwen? Did he realize that he
loved her?

Paakyat na si Uno ng hagdan nang sundan ko siya at pinigilan. "May itatanong sana
ako, Uno."

Hindi niya ako pinansin kaya naging matigas ako at hinarangan ang daan niya.

"Kausapin mo ako!"

"Ano bang gusto mo!" Nagtaas siya ng boses na ikinapitlag ko.

Matagal ko siyang tiningnan. Halos magsumamo ako sa kaniya. "Ang anak ko...

Ilan sandali siyang natahimik.

Napansin kong lumambot ang mukha niya, pero ilang segundo lang iyon. Mabilis na
napalitan ng inis ang kaniyang expression.

He grabbed me by the arm and pulled me closer to him. "You want to see your son
after you left him for other men?"

"Uno, hindi..."

"Hindi mo na ulit makikita si Alas! Ilalayo ko siya sa iyo! You don't deserve to be
a mother, you slut!"

Marahas niya akong itinulak sa gilid ng hagdan at mabilis na umakyat. Naiwan akong
umiiyak.
***

Paano ko makikita si Alas? Miss na miss ko na ang anak ko. Natatakot ako. Paano
kung totohanin ni Uno ang banta niya? Ilalayo niya sa akin ang anak ko!

"Well, well, well! The gold-digger is

back!"

Mula sa niluluto ko, nabaling kay

Gwen ang paningin ko nang pumasok ito sa kitchen. Kararating niya lang at dito pa
siya unang nagpunta?

"Ayaw ko ng gulo, Gwen."

"You should have thought of that

before you decided to come back."

"Hindi ko ginusto ang makabalik dito.

Pinadukot ako ni Uno!"

"And you deserved it! Magnanakaw ka! Dapat nga, wala ka rito. Dapat, nasa kulungan
ka ngayon!"

Matagal ko siyang tiningnan sa mukha. Mas gumanda pa siya ngayon, pero hindi
nawawala ang kamalditahan sa kaniyang mukha.

Kung hinayaan ko siyang tapak- tapakan ako noon, hindi na ngayon.

"Kasal na kayo, Gwen, pero hanggang ngayon, insecure ka pa rin sa akin."

"What did you say? Insecure?" Bumangis ang mukha niya. "At bakit naman ako ma-i-
insecure sa katulad mong katulong na magnanakaw?"

"Ewan ko. Why don't you tell me?"

"Ang kapal ng mukha mo!"

Sasampalin niya sana ako pero nagawa

kong saluhin ang kamay niya.

"Hindi na ako papayag na saktan mo ako ulit. Sapat nang si Uno ang nananakit sa
akin dahil sa kaniya ako may nagawang kasalanan. I won't let a lunatic like you
hurt me!"

"Bitiwan mo ako!"

Malakas ko siyang itinulak na ikinadapa niya sa sahig.

Nagsusumigaw siya sa inis habang nakatingin sa akin nang masama. Tinalikuran ko


siya at bumalik sa pagluluto ko.

"Sige lang! Magmatapang ka lang! Tingnan natin kung ganiyan ka pa rin katapang oras
na saktan ko na ang anak mo!"
Bigla akong napalingon sa narinig. Anong sinabi mo?" 11

"Tamang-tama! Inis na inis din ako sa batang iyon, e! Kaya pala! Anak mo siya!"

"Huwag mong sasaktan ang anak ko!"

"Too late! Ginalit mo na ako kaya gaganti na lang ako sa anak mo! But you know
what? Even before you came back, I'm already beating your son!"

Nanginig ako sa matinding galit dahil sa mga narinig. Bigla ko siyang nilapitan at
sinampal nang malakas. Muli siyang natumba sa sahig.

"What the fuck are you doing, Isa!" umalingawngaw sa buong paligid ang boses ni
Uno.

Napahakbang ako paatras nang mabilis nitong daluhan si Gwen.

"Uno! Darling! This woman is hurting me! Pinagbantaan niya akong lalasunin dahil
galit siya sa akin!"

"H-hindi iyan totoo!"

"Darling, look! Namamaga na ang pisngi ko! She slapped me!"

Umangat ang paningin ni Uno sa akin. Galit na galit ang mga mata niya.

"Siya ang nauna, Uno!" pagtatanggol ko sa sarili ko.

Matapos niyang tulungan makatayo si Gwen, bigla niya akong hinila sa buhok at
kinaladkad papunta sa kuwartong pinagkukulungan niya sa akin.

Chapter 27

ISA

MADALI akong sumakay ng taxi at nagpahatid sa dating mansion ni Uno. May dinaluhan
silang occasion ni Gwen at mga dalawang oras pa bago sila bumalik.

Kailangan kong makuha ang anak ko. Ngayon na ang tamang oras para makaalis kami
dito. Ilalayo ko siya sa dalawang iyon!

Pagdating sa mansion, agad akong nag -doorbell. Paulit-ulit pero walang sumasagot o
lumalabas man lang ni isang tao sa gate.

"May tao ba dyan? Alas? Anak! Nandito na si Nanay!"

Gusto kong maluha habang sumisigaw at walang katapusang pinipindot ang doorbell.
Bakit parang walang tao sa loob? Parang wala si Alas? Nasaan ang anak ko?

"Alas! Anak! Nandiyan ka ba? Ako ito,

si Yaya Isa!"
Inabot ako ng halos kalahating oras sa labas. Hindi ako sumuko sa pagsigaw sa
isiping baka ayaw lang nilang ipakita sa akin ang anak ko. Isang katulong mula sa
katabing mansion ang lumabas at nagsabi sa akin na bago lang umalis ang mga taong
nakatira dito.

Sigurado akong sina Gwen at Uno ang may kagagawan nito! Inalis nila dito ang anak
ko para hindi ko siya makuha!

Bumalik ako sa mansion at dito naghintay sa pagbabalik nila. Pero si Gwen lang ang
bumalik sa bahay at wala si Uno.

"Nasaan ang anak ko!" Agad ko siyang nilapitan nang makapasok siya ng mansion. She
grinned at me with a hint of an insult in her face. "Why are you looking for him?
Bakit? Itatakas mo siya?"

Natawa siya nang makitang natigilan ako. Mukhang nakuha niya ang sagot na gusto
niya dahil sa pagtahimik ko.

"Kinuha ko siya at inilagay sa kung saang hindi mo siya mahahanap."

"Anong karapatan mong gawin iyon, Gwen? Anak ko si Alas!" Hindi ko napigilan ang
hindi sumigaw. Pakiramdam ko, sasabog ako sa

sobrang inis sa kaniya.

Humalakhak siya na lalong ikinainis ko. "I have all the right to take him. I'm now
his step-mother. Legally, may karapatan ako kay Alas."

"Pero ako ang tunay niyang ina! Ako ang mas may karapatan sa kaniya!"

"Nakalimutan mo na yatang iniwan mo ang anak mo para sa pera? You did it twice,
noon at ngayon."

Natigilan ako bigla. Noon? Ang tinutukoy niya ba ay noong kinuha ni Senyora
Celestia mula sa akin si Alas?

"Nasaan ang anak ko? Ibigay mo sa akin ang anak ko!"

"Kung gusto mo pang makita uli si Alas, maging mabait ka muna sa akin.

Luhod!"

"What?"

"Lumuhod ka at humingi ng tawad!"

Matagal akong hindi kumilos. Nasaan na ang anak ko? Saan niya dinala si Alas?

"Gusto mo siyang makita, di ba? Lumuhod ka at baka maawa pa ako sa iyo!"

Matalim niya akong tiningnan. Matagal akong nag-isip sa gagawin. Sa huli ay dahan-
dahan akong lumuhod sa sahig at nagmakaawa.

"Please, Gwen, huwag mong sasaktan ang anak ko. Sa akin ka galit. Ako na lang ang
pahirapan mo. Huwag mong idadamay ang bata!"

"Say you're sorry." Malapad niya akong nginitian na para bang tuwang- tuwa siya sa
nakikitang pagluhod ko.
Huminga ako nang malalim at humingi ng tawad, "I'm sorry. Please, ibalik mo sa akin
ang anak ko."

Tinawanan niya ako. Matapos kong lumuhod sa harap niya, kung ano- anong utos na ang
ibinigay niya sa akin. Nangako siyang ibabalik niya sa akin si Alas kapag sinunod
ko ang lahat ng ipag-uutos niya.

"Oops! Isa, natapon ang juice! Linisin mo!"

"Sinadya mong itapon." Masama ko siyang tiningnan.

She arched an eyebrow." Nagrereklamo ka?"

Umiling ako. Wala akong nagawa kundi kumuha ng pamunas at nilinis ang juice na
nagkalat.

"Ikuha mo ako ng prutas. I'm hungry."

Sandali kong iniwan ang nililinis ko bago mabilis na naghiwa ng mga prutas saka ito
dinala kay Gwen.

"I want you to wash the dress I wore

today, with your own hands! Masyadong delicate ang tela ng damit kong iyon. Hindi
puwede ang washing machine."

Matapos magpunas ng sahig, tumayo ako at diretsong umalis. Natigilan ako nang
batuhin ako ni Gwen ng mansanas sa ulo.

"Narinig mo ba ang mga sinabi ko or are you deaf?"


"Narinig ko!"

"Then answer me!"

"Oo na!"

Kapapasok ko pa lang sa kusina, narinig ko na naman ang pasigaw niyang utos.


Nagpapadala siya ng favorite niyang wine at isang wine glass.

Nagtungo muna ako sa wine cellar para kunin ang wine na binili pa raw niya mula sa
England. Umikot ang mga mata ko habang dinadala ito sa kaniya.

Pagkatalikod na pagkatalikod ko, narinig ko ang ng isang bagay. malakas na


pagkabasag

"Anong ginawa mo?"

"Oops! It slipped?" Nang-iinis niya akong nginitian habang nagkalat ang bubog ng
glass sa sahig. "Clean it, now."

Nakakainis! Humugot ako ng hangin. Gusto kong patulan itong immature na pag-uugali
ni Gwen pero pinigilan ko ang sarili ko para kay Alas.

Kinuha ko muli ang panglinis at saka tahimik na nagpunas ng sahig. Habang


naglilinis ako ay panay kuda si Gwen. Kung ano-anong masasakit na salita ang
sinasabi niya, pero pilit ko pa rin pinipigilan ang sarili ko.

She can say whatever she wants to say to me, pero kailangan niyang ibigay ang anak
ko kapag natapos ang lahat ng ito. Kung hindi ay sisiguraduhin kong mananagot siya.

"Kunin mo nga ang remote ng TV."

Tumayo ako para kunin ang remote na nasa tabi lang naman niya.

"Pakihanap na rin ng face massager

ko. I need it now."

"What's this?"

Napalingon ako sa pinto ng mansion, bumungad sa akin ang nagtatakang mukha ni Uno.
Nakatingin ito sa amin ni Gwen.

"Can't you see? Nagpapahinga ako at nagtatrabaho ang kabit mo!"

Napatingin ako kay Gwen sa tinawag niya sa akin. Gusto ko siyang lunurin sa tubig
na nasa sink!

Bumaling ako kay Uno pero hindi niya man lang ako sinulyapan at diretso na lumapit
kay Gwen. Nakaramdam ako ng selos nang makitang naghalikan silang dalawa. Bakit ba
ako

nagseselos? Anong karapatan ko? Ako

ang nang-iwan at ngayon, kasal na

siya kay Gwen!

"Let's talk," maotoridad na utos ni Uno sa asawa nito. Hinawakan nito ang kamay ni
Gwen at hinila ito papunta sa kuwarto nila.

***

UNO

"Bakit inuutusan mo si Isa?"

"Bakit hindi? Katulong siya rito."

"She's mine, Gwen."

I saw how her face hardened. She rolled her eyes and started punching me on the
chest. "May I remind you, I'm your wife!"

"Asawa lang kita sa papel. Wala kang karapatan pakialaman ang mga pag- aari ko!"
Hinuli ko ang mga kamay niya at itinulak siya palayo.

Ayaw mong utusan ko ang kabit mo? Pwes, palayasin mo siya sa pamamahay natin! O
baka gusto mong malaman ni Mama ang pagbabalik niya?"

Bigla akong natigilan. Fuck! Nagiging sakit na naman ng ulo sa akin si Gwen. Kung
bakit kasi dito ko pa dinala si Isa? "Uutusan ko siya hangga't gusto ko! I will
make sure she suffers, Uno! Deserve niya iyon sa lahat ng ginawa niya!"

"Gwen."

"No! Tatandaan mo ito, ako ang kasama mo noong iniwan ka niya para sumama sa ibang
lalaki! Ako, Uno! Ako! I was there to take care of you and love you! Kaya akin ka
rin ngayon! Akin ka lang!"

Chapter 28

ISA

WALA pang alas-sais ng umaga, nasa kusina na ako at naghahanda ng pagkain na


gustong lamunin ni Gwen. Hindi ko alam kung bakit gusto niya ng nilagang kamote at
lecheflan sa ganito kaaga, pero sigurado akong gusto niya lang akong pahirapan.

"Ni hindi nga siya kumakain ng ganitong mga pagkain! Alam ba niya kung ano ang
kamote? I bet not!"

Pagkatapos kong lutuin ang dalawang pagkain, nilagay ko ito sa tray at saka umakyat
na sa kanilang kuwarto.

"Come in."

Binuksan ko ang pintuan at pumasok sa loob. Ganoon na lang ang pagkatigil ko nang
makita si Uno... nakatuwalya lang at basang-basa pa ang katawan ng tubig. Kalalabas
lang nito mula sa shower. "Pinagnanasahan mo ba ang asawa ko? Stop staring at him!"

Ilang beses akong kumurap nang makuha ni Gwen ang atensyon ko. Napahiya ako sa mga
sinabi niya. Nakatungo akong lumapit sa kaniya at ibinigay ang mga pagkain.

Hindi niya tinanggap ang tray na inaabot ko, pero tinitigan niya ako nang masama.
"Malandi."

"Ha?"

"Ha? Don't ha me! Hindi mo na ba mapigilan ang kati mo kaya kahit nakikita ko,
napapatulala ka kay Uno?"

Nagbaba ako ng mukha sa labis na kahihiyan. Bakit ba kasi natigilan ako kanina?
Uhaw na uhaw ba talaga ako kay Uno? Nakakainis ka, Isa!

Sinulyapan ko si Uno. Abala siyang nag -aayos ng sarili pero panakaw siya kung
tumingin sa akin.
"Itapon mo iyan!"

"? Itapon? Itong mga pagkain, itatapon ko?"

"Alangan naman sarili mo ang itapon mo? Sabagay, you're a garbage! Dapat lang sa
iyo ang itapon sa basurahan kung saan ka nararapat!"

"Kung iinsultuhin mo lang ako, sa susunod na may iuutos ka, ikaw na ang gumawa!"
Tinalikuran ko siya at akmang lalabas nang maramdaman ko ang matigas na bagay na
tumama sa likod ko.

"How dare you talk back to me! Isa ka lang basura na uhaw sa pera at sa mga lalaki!
Wala kang karapatan sumagot- sagot sa akin!"

Uminit ang ulo ko nang makitang cellphone ang ginamit niyang pambato sa akin.

"Stop it, the two of you! Kay aga-aga, ang iingay n'yo!"

"Pagsabihan mo iyang marumi mong babae, Uno!" tili ni Gwen bago ito tumayo at
pumasok sa walk-in closet nila.

Naluluha akong tumingin kay Uno. Tinaliman niya lang ako ng mga mata bago bumalik
sa ginagawa niya. Patakbo akong lumabas nila at bumalik sa kusina. ng kuwarto

I cried while preparing breakfast. Kumikirot ang likod ko dahil sa lakas ng pagbato
ni Gwen sa akin. Pero kahit anong sakit ng katawan ko, wala akong magawa at wala
man lang akong mapagsabihan. Wala nang pakialam sa akin si Uno.

"Stop crying."

Napalingon ako nang marinig ang boses na iyon.

"Wala kang karapatan umiyak matapos ng mga ginawa mo." Masama akong tiningnan ni
Uno bago siya lumabas ng mansion.

Mabilis kong pinahid ang mga luha ko. He's right. Ako ang may gusto nito. Ako ang
nang-iwan sa kaniya at ako rin ang pumiling pagnakawan siya ng pera.

Buong akala ko ay aalis na rin agad si Gwen katulad ni Uno nang makababa ito, pero
laking dismaya ko nang utusan niya akong magbihis dahil isasama niya ako sa pags-
shopping niya.

***

"Ano ba? Lumpo ka ba? Ang bagal- bagal mo na ngang maglakad, hindi mo pa madala
nang tama iyang mga shopping bags ko!"

Pagod akong tumingin kay Gwen matapos pulutin ang mga shopping bags nivang bitbit
ko na aksidenteng nahulog.

"Gwen, ang dami-dami nito! Ang bibigat pa!"

"Nagrereklamo ka?" Pinamaywangan niya ako matapos magtaas ng kilay.

Wala akong nagawa kundi umiling. Kung saan-saan store pa kami pumasok para bumili
ng mga walang kakwenta-kwentang bagay. Ginagawa niya lang yata ito para pahirapan
ako sa pagbibitbit, e.

Ang dami nang nabiling mga damit at sapatos ni Gwen, pero kapag may nakita siyang
nagustuhan niya, binibili niya agad kahit isang dosena na ang mga nabili niya.
Higit dalawampung shopping bags na ang bitbit ko, nanginginig na ang mga kamay ko
sa pangangalay.

"Kapag may nahulog ka ni isa pang shopping bag, pababayaran ko iyan sa ivo! Hurry
up! My friends are waiting at the restaurant!"

Dumating kami sa restaurant kung saan naghihintay ang lima niyang mga kaibigan. And
as expected, pinatayo lang ako ni Gwen sa tabi nila. Hindi man lang nag-abalang
paupuin ako matapos niya akong pahirapan.

"Gwen, sa labas na lang ako," bulong ko sa kaniya habang abala silang pumipili ng
o-order-in nila.

"Ang sabi ko, tumayo ka lang dyan! O baka gusto mong bisitahin ko ang anak mo
mamaya?"

Natahimik ako bigla. Tumayo na lang ako dito at hinayaan siya. At least, hindi ko
na buhat ang mga shopping bag niya.

"So, how's living with Stefan Cavallaro?"

Nakuha ang atensyon ko ng isa niyang kaibigan dahil sa tanong nito. "Oh, girls!
He's every woman's wild dreams! He's very sweet to me and he's a gentleman!"

Palihim akong sumulyap kay Gwen dahil sa narinig. Kilig na kilig ang mga kaibigan
niya. If I know, hindi iyon totoo. Hindi siya mahal ni Uno kaya imposibleng sweet
ito sa kaniya.

"At alam n'yo ba, girls? He's so maalaga! Nagkasakit ako one time from overworking,
hindi siya pumasok sa trabaho just to take care of me!"

Napakasinungaling talaga! Nailing na lang ako. Uto-uto naman itong mga

kasama niya!

"You're so lucky, Gwen! From your career to your husband! Nasa iyo na ang lahat!"

"Si Stefan Cavallaro ba naman ang mabinggwit? Of course, she's lucky!"

"E, kumusta naman ang sex life n'yo? We know you, girl! Kung boring sa kama, madali
ka rin magsawa!"

Mabilis akong tumingin kay Gwen dahil sa tanong na iyon. Nakita kong napansin
niyang nakikinig ako kaya plastic siyang tumawa..

"I feel sorry for you, girls. Hindi n'yo malalaman kung paano magpaligaya ng babae
sa kama si Uno! Sigurado ako, kapag natikman n'yo, iiwan n'yo. ang mga asawa at
boyfriend n'yo!"

Nagtawanan ang mga ito nang dahil sa mga sinabi ni Gwen. Lumalim ang paghinga ko
dahil sa inis. Heto na naman ako! Wala na nga akong karapatan pero nagseselos pa
rin ako!

"But does he love you?"

Natigil sa tawanan sina Gwen dahil sa

tanong ng isa pa niyang kaibigan.

"Let's face it, Gwen. Kahit gaano pa kagaling sa kama si Uno, hindi ibig sabihin
no'n, mahal ka niya. I mean, kung hindi siya iniwan ng bride niya, hindi ka naman
talaga niya pakakasalan."

Everyone fell silent with what the woman said. Tumingin sa akin si Gwen at taas-noo
kong sinalubong ang mga mata niya.

Her friend was right. Hindi naman talaga siya minahal ni Uno, at alam kong hanggang
ngayon, hindi pa rin siya mahal nito.

Dumating ang mga pagkain nila kaya iniba na ng mga kasama niya ang topic.
"Get me a glass of water, Isa!" utos niya habang masamang nakatingin sa akin.

Sumenyas ako sa waiter para humingi ng tubig. Ibinigay nito sa akin ang isang glass
ng water na ibibigay ko sana kay Gwen. Subalit napatid ako ng paa ng isa sa mga
kasama niya kaya.

nabuhos ang tubig sa pagkain nila.

"I-I'm sorry! I didn't mean to="

Isang malakas na sampal ang natanggap ko mula kay Gwen na nagpatigil sa akin sa
pagsasalita.

"You worthless bitch! Look what you've done! Tatanga-tanga ka kasi! Dagdag ito sa
babayaran mo!"

Mahinang nagtawanan ang mga kasama niyang babae matapos akong pahiyain ni Gwen.
Kahit ang ibang tao. sa loob ng restaurant, sa amin na nakatingin.

"Wala akong kasalanan." Tumingin ako sa kaibigan niyang pumatid sa akin, parang
wala lang na umiwas ito ng paningin habang nakangiti. Pinatid niya ako!"

"Isisisi mo pa sa iba ang katangahan mo!" Sasampalin niya sana ako ulit, pero
natigilan siya nang may isang lalaking lumapit sa amin.

"Excuse me, girls."

"And who are you?" malditang tanong ni Gwen dito.

Tumabi ako para makapag-usap sila. Nag-iinit na ang gilid ng mga mata ko dahil sa
kahihiyan.

"Gwen, hindi mo ba siya kilala? OMG!"

"Bakit sino ba iyan?"

"God! He's Lucius Santillian, the famous soldier CEO of the Golden Hotel!"

Napatingin ako sa lalaking kausap ni Gwen. Matangkad ito, matipuno, moreno at may
hitsura. CEO ito? Sa totoo lang ay talagang guwapo ito. Kaya siguro halos maglaway
na ang mga kaibigan ni Gwen habang nakatingin sa lalaki. "Oh, hey. I didn't know
you're that famous soldier." Inipit ni Gwen ang ilang hibla ng buhok niya sa likod
kaniyang tainga. Sino ngayon ang malandi? ng

"Actually, dating sundalo. And I happen to see what really happened here awhile
ago.

Natigilan si Gwen. "What really happened?"

"Sinadya n'yong patirin ang kasama n'yo para mapahiya siya." Tumingin ito sa akin
kaya natigilan ako. He saw that?

Hindi nakapagsalita si Gwen pati ang mga kaibigan niya. Para silang napahiya na
nag-iwas ng mga mukha.

"Let me pay for everything."

The guy smiled and took out money from his wallet. Hinagis nito sa mesa ang ilang
libong pera at pagkatapos ay nilapitan ako. Nginitian niya ako bago kinuha ang
kamay ko at hinila ako palayo.

"Why did you let them treat you like that?" Tumigil ito sa paglalakad nang makalayo
kami mula sa restaurant.

"Nagtatrabaho ako kay Gwen."

Tiningnan niya ang kabuuan ko. " Really? Are you her assistant?"

Nagbaba ako ng mukha. "Katulong nila ako. Sino ka nga pala? Bakit ka nakikialam?"

"Oh, I'm sorry. I should've introduce myself first. I'm Dos Santillian." Nilahad
niya ang kamay niya. "Dos?"

Chapter 29

ISA

"Maraming salamat, Dos."

Maggagabi na nang ihatid ako ni Dos sa mansion nina Uno. Ang totoo niyan, gusto ko
sanang mauna nang umuwi kanina pero bilang pasasalamat daw sa nagawa niya, samahan
ko muna siya at sagutin ang ilang tanong tungkol kina Gwen at Uno.

"Next time, you don't have to help me. I can take care of myself."

"I would do it again if I have to, Isa.

Pinakaayoko sa lahat ang mga bully."

Napangiti ako sa narinig. "Dos, iyong totoo? Kilala mo ba sina Gwen at Uno?"

"Bakit mo naman nasabi iyan?"

"Interedasong-interesado ka kasi sa kanila."

Ilan segundo siyang natahimik bago ngumiti. "Kapag sinagot ko ang tanong mo,
sasagutin mo rin ba ang tanong ko?

"Tanong? Anong tanong?"

Itinuro niya ang mansion bago tumingin uli sa akin. "Hindi ka lang basta katulong
sa bahay na iyan?"

Natahimik ako sa narinig. Hindi ko alam ang isasagot ko sa kaniya. Dapat bang
sabihin ko ang totoo kahit pa lang kami nagkakilala? ngayon

"Ano bang pinagsasabi mo?" Peke akong tumawa. "Katulong nila ako."

Tinitigan niya ako nang matagal. Halatang hindi siya naniniwala sa akin. Pero ano
bang pakialam ko? Hindi na kami magkikita ulit kaya hindi na niya kailangan malaman
ang totoo.

"Salamat ulit, Dos. Kailangan ko nang pumasok."

Hindi ko na siya hinintay na makasagot. Gabi na at kailangan ko pang magluto ng


hapunan para kina Uno at Gwen.

Pagkapasok ko pa lang sa mansion, sinalubong na ako nang matalim na mga mata ni


Uno.

"Malandi ka talaga."

"Aray!" Mahigpit niya akong hinawakan sa braso at hinila papunta sa hagdan. "Uno,
nasasaktan ako!"

"Talagang sasaktan kita!"

Pagdating namin sa itaas, nabungaran ko si Gwen, nakatayo sa bungad ng pintuan ng


kuwarto nila at nakangisi.

"What a flirt! Oras ng trabaho pero mas pinili mong sumama sa lalaki? Sige, Uno!
Ikulong mo ang malanding iyan!"

Halos kaladkarin na ako ni Uno papunta sa silid kung saan niya ako ikinukulong.
Pilit akong nagmamakaawa sa kaniya pero para siyang bingi. Walang naririnig.
"Malandi kang babae!"

"Aray!" Malakas niya akong itinulak sa sahig.

Nanginig ako sa takot nang ni-lock niya ang pinto at sinimulang hubarin ang
sinturong suot niya.

"Sino iyon? Sino ang lalaking

sinamahan mo? Isa sa mga lalaki mo,

ha!"

"No, Uno! You don't understand! Pinagtanggol niya lang ako dahil sinadya akong
ipahiya ni Gwen at ng mga kaibigan niya sa restaurant!"

Sandali siyang natigilan mula sa paglalagay ng sinturon sa kamao niya. Inis niya
akong nginitian. "Well, you deserved it. Dahil marumi kang babae!"

"Hindi totoo iyan-ugh!"

Malakas akong d***** g nang magsimulang dumantay ang sinturon niya sa mga braso ko.
"Pinagsisisihan kong minahal kita, Isa! Ito ang totoong ikaw! Isang puta!"

"Mali ka ng iniisip, Uno! Maniwala ka naman! Aray!"

Umiwas ako sa mga hagupit ng sinturon niya. Nakaluhod akong lumapit sa kama at
pilit na isinuksok ang sarili ko sa isang sulok, pero sinundan ako ni Uno at hindi
tinantanan.

Makailang ulit nalatayan ng sinturon ang katawan ko. Halos mawalan ako ng malay sa
sobrang hapdi at sakit, pero hindi man lang niya pinakinggan ang bawat hiyaw at
pagmamakaawa ko.
Nang sa wakas ay tumigil na siya, nakahiga na ako sa sahig at yakap ang sarili.
Tahimik akong umiiyak habang iniinda ang hapdi ng bawat latay ng sinturon sa aking
katawan.

Tila pagod naman na naupo siya nang pabagsak sa dulo ng kama. "Kung hindi mo
ititigil iyang paglalandi mo, mas masahol pa rito ang aabutin mo."

"H-hindi a-ako naglandi...."

"Kaya ka sumama sa ibang lalaki! Sino iyon? Sino ang lalaking sinamahan mo!"

Naniningkit ang mga mata, pinilit kong bumangon habang masama ang tingin sa kaniya.
"Pinagtanggol niya ako sa asawa mo! Pinagtanggol lang ako nung tao! Wala akong
ginagawang masama!"

"Tanga na lang ang maniniwala sa iyo,

Isa!"

"Hindi mo kailangan maniwala sa akin para maging tanga. Dahil tanga ka na talaga,
Uno! Tanga ka!"

Nagdilim bigla ang mukha niya. Bigla siyang lumuhod sa sahig at malakas na hinila
ang buhok ko.

"Ginagalit mo talaga ako!"

"Kung naniniwala ka talaga na masama akong babae, patayin mo na lang ako! Patayin
mo na ako!"

Nagsimulang umagos.ang mga luha sa pisngi ko nang sapilitan kong kinuha ang kamay
niya at pilit itong isinasampal sa sarili ko.

Hindi niya yata inaasahan ang ginawa ko dahil bigla siyang natigilan. Binawi niya
ang kamay niya at kusa siyang lumayo mula sa akin.

"Ano pang hinihintay mo? Saktan mo na ako! Bugbugin mo na ako hanggang sa mamatay
ako!"

Matagal niya akong pinagmasdan. " Nababaliw ka na."

Tumalikod siya at akmang lalabas ng silid, pero mabilis akong tumayo at tumakbo.
Inunahan ko siyang makalabas na ikinatigil niya.

Hindi ako tumigil sa pagtakbo

hanggang sa makababa ako ng hagdan at makalabas ng pintuan ng mansion. "Isa! Get


back here! Isabella Marie!"

Tuloy-tuloy sa pagbagsak ang mga luha ko habang tumatakbo ako sa gilid ng kalsada.
Lumalabo na ang paningin ko dahil sa naipong luha sa mga mata ko pero hindi ako
tumigil.

Aalis na ba ako? Paano na si Alas? Hindi ko na malalaman kung nasaan ang anak ko.
Hindi puwedeng hindi ko siya makuha!

Tumigil ako sa pagtakbo at lumingon dahil sa naisip. Umaagos ang luha sa mga pisngi
ko habang iniisip kung babalik ako. I need to.
"Isa!"

Humarap ako nang huminto ang isang kotse sa harap ko. Natulala ako nang makita ang
driver ng sasakyan.

"Dos?"

"Ikaw na naman? Anong ginagawa mo rito sa labas?" Natigilan siya nang makita akong
umiiyak.

"Are you okay?"

Mariin akong pumikit at umiling. "No."

Dinala ako ni Dos sa pinakamalapit na restaurant. Um-order siya ng pagkain para sa


amin bago ako inusisa sa nangyari sa akin.

I don't know why, pero magaan ang loob ko sa kaniya. Kaya nang magtanong siya ay
sinabi ko na ang lahat, kahit ang ginawa sa akin noon ni Senyora Celestia.

"You need to tell this to the police."

Umiling ako. "Mahirap lang ako, Dos. Sinong maniniwala sa akin?"

"Ako. I believe you, Isa."

Napangiti ako sa sinabi niya. At least, may isang taong naniniwala sa akin kahit
ganito lang ako. "Thank you, pero malaki ang pangalan ng mga Cavallaro. At wala
akong ebidensya sa nangyari sa akin noon. Baka mabaliktad lang ako kapag pinilit
kong ilabas ang katotohanan."

Nakita ko kung paano kumuyom ang mga kamao ni Dos habang nasa malayo ang tingin
niya. Halata rin sa mukha niya ang inis dahil sa mga kinwento ko.

"Kailangan ko nang bumalik, Dos."

"You're going to get back even after what happened? Isa, have you seen yourself in
the mirror? Punong-puno ng sugat ang katawan mo."

"I'm okay." Banayad ko siyang nginitian. "May utang akong dapat bayaran kay Uno. At
ang anak ko, kailangan ko siyang mahanap."

Matagal niya akong tinitigan. Bakas sa mukha niya na hindi siya sang-ayon sa
desisyon ko. "Paano kung saktan ka niya uli?"

"Kaya ko naman ang sarili ko."

He let out a deep sigh before nodding his head. Matagal siyang tumingin sa malayo
bago ibinigay sa akin ang isang calling card.

"Call me when you need anything. At ihahatid kita. Gusto kong masigurong ligtas
kang makakauwi."

Pumayag na akong magpahatid sa kaniya. Ewan ko ba. Sobrang gaan lang talaga ng loob
ko kay Dos. Feeling ko, mapagkakatiwalaan siya kahit bago pa lang kaming
magkakilala.

"I think someone's waiting for you."


Natigilan ako nang matanaw si Uno, nakatayo ito sa labas ng gate at parang may
hinihintay. Itinigil ni Dos ang sasakyan sa mismong tapat nito.

"Huwag ka nang bumaba," pakiusap ko kay Dos.


Ayos lang naman magalit sa akin si Uno, pero ayaw kong madamay si Dos. Napakabait
niya at wala na siyang ginawa kundi tulungan ako.

"It's okay, Isa. I can handle this."

Mariin akong pumikit nang talagang bumaba siya ng sasakyan. Mabilis akong sumunod
sa kaniya.

Pinanlamigan ako ng katawaan nang makita kung gaano katalim ang mga mata ni Uno
habang nakatingin sa akin. Pero nang mabaling kay Dos ang atensyon nito, matagal
itong natulala.

Nagpabalik-balik ang tingin ko sa dalawa nang mapansin na nakatuon lang sa isa't


isa ang paningin nila.

"Uno Cavallaro, nice to see you again. It's been what? Ten years?"

"M-magkakilala kayo?" hindi ko napigilang ibulong. So, magkakilala nga talaga sila.
Tama ako.

" Dos ."

Tumingin ako kay Uno nang sabihin nito ang pangalan ni Dos. Hindi naman ito mukhang
galit, pero ayaw maalis ang tingin nito kay Dos.

"Mauuna na ako, Isa. Take care of yourself," baling sa akin ni Dos bago niya
tinanguan si Uno.

Sinundan ko ito ng tingin hanggang sa makapasok siya ng kotse niya at makaalis.

Nang mawala sa paningin ko si Dos, saka ako tumingin kay Uno. Natigilan ako nang
makitang nakatutok ang malamlam niyang mga mata sa akin. Bumaba ang paningin niya
sa mga braso kong puno ng latay saka ako nilapitan.

"I'm sorry," he said.

Nagbaba ako ng mukha nang biglang mag-init ang gilid ng mga mata ko. Shit. Don't
cry, Isa! Huwag kang marupok!

Natigilan ako sa pag-iisip nang hilahin niya ako sa kamay at niyakap.

Chapter 30
ISA
"Tulog na si Gwen sa kuwarto."

Napangiwi ako nang isa-isang gamutin ni Uno ang mga latay ko sa katawan. May
pinapahid siyang gamot na sobrang mahapdi.

"Sa susunod, ayaw kong sumasama ka sa iba."

"S-sorry."

Tumigil siya sa ginagawa at tumingin sa akin. Wala nang galit sa mga mata niya. At
halata sa mukha niya na nagsisisi siya sa nagawa niya.

"Masakit pa rin?"

Umiling ako. "Hindi na gaano."

"Kung bakit ba kasi kailangan mo pang sumama sa lalaking iyon."

Tumayo siya matapos gamutin ang mga sugat ko. Palabas na siya ng kuwarto nang
hawakan ko siya sa kamay.

"Uno, gusto ko lang makita ang anak ko. Please, hayaan mo akong makita siya, kahit
sandali lang."

Hindi man lang niya ako sinulyapan, pero hindi niya binawi ang kamay niya. Mariin
siyang pumikit bago nagbuga ng hangin.

"Matulog ka na. We'll see him

tomorrow.

Nabuhayan ako ng loob sa narinig. Hindi ako makapaniwala at halos hindi ako
nakatulog noong gabing iyon. Excited na excited akong mag-umaga para makita kong
muli si Alas!

***

Isang oras lang mula noong umalis si Uno para pumasok sa trabaho, agad rin siyang
bumalik. Inabot kami nang halos kalahating oras sa byahe bago nakarating sa isang
villa.
Gwen wanted to hide him from you. Ilang ulit kaming nagtalo dahil sa gusto niyang
mangyari, kaya kinuha ko na si Alas at nilipat dito."

Napatingin ako kay Uno sa mga narinig. Ibig sabihin, hindi nila itinagong dalawa si
Alas? Nilipat niya lang dito ang anak ko dahil ayaw niyang sumang- ayon sa gusto ni
Gwen.

"Yaya?"

Mabilis akong humarap nang marinig ang munting boses na iyon.

"Alas?"

"You're back?"

Mabilis akong tumakbo para yakapin siya. Lumuhod ako sa damuhan at niyakap siya
nang mahigpit.
"Alas, I missed you! Miss na miss kita."

Nakasimangot siya nang kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya at tiningnan siya sa


mukha
"Bakit umalis ka nang walang paalam?"

Bumuhos ang masaganang luha sa

pisngi ko. I'm sorry I can't tell you,

anak. I'm so sorry!

"May kinailangan asikasuhin si Yaya, anak. Pero nandito na ulit ako."

"Yaya na ba ulit kita?"

Muli akong natigilan sa tanong niya. Nilingon ko si Uno, nagmamakaawa ang mga mata
ko.

"Alas, hindi mo puwedeng maging yaya ulit si Isa."

"But why? Siya ang gusto ko! Ayaw ko sa iba! I hate them!"

"Alas-"

"Si Yaya Isa lang ang nakakaintindi sa akin! I want her as my yaya, daddy!"

"Alas, huwag matigas ang ulo!"

"Tama na, Uno!" Pinigilan ko siya bago

kinarga si Alas sa mga bisig ko. Binuhat ko ito papunta sa isang bench at doon
naupo.

Habang naglalaro si Alas sa garden, nagkaroon kami ng pagkakataon na makapag-usap


ni Uno. At si Dos ang naging topic namin.

"Huwag kang sasama uli sa lalaking iyon. Susubukan kong maging mas mahinahon, but
promise me you won't meet with him again."

"Kilala mo ba siya?"

Nilingon niya ako at matagal na pinagmasdan. "Sa pangalan."

"Mukhang kilalang-kilala ka niya. Tanong siya nang tanong tungkol sa inyo ni Gwen
kahapon."

Hindi niya ako sinagot. Mas pinili niyang ibahin ang usapan.

"Avaw kong nakikipag-usan ka sa lalaking iyon. Naiintindihan mo ba ako?

"Pero, Uno-"

"Isa!"

"Oo na! Ang sungit-sungit!"

Hindi kami umuwi agad noong araw na iyon. Dinala kami ni Uno sa mall at pinamili.
Si Alas, pinamili niya ng mga bagong laruan. At ako naman, mga masusuot na damit.
Umuwi lang kami noong dumating na ang gabi. Nagalit pa si Alas dahil ayaw nitong
maiwan, pero wala itong nagawa nang magalit na naman si Uno.

***

Latat na ang dilim nang makauwi kami ni Uno pero wala pa rin si Gwen. Ang alam ko,
abala ito sa shooting niya sa isang action movie na maipapalabas din sa ibang
bansa.

"Thank you. Uno! Thank vou talaga para sa araw na ito!"

Hindi niya ako pinansin. Palapit na siya sa hagdan nang maglakas-loob ako at
niyakap siya mula sa likod.

Kahit pa sabihing kasal na siya at hindi na niya ako mahal, mahal ko pa rin siya.
Si Uno pa rin ang ama ng mga anak ko kaya hindi na mawawala ang nararamdaman ko
para sa kaniya.

"Isa, I'm tired."

Nagsimula akong umiyak. "Maniwala ka, Uno. Hindi ako sumama sa ibang lalaki, mahal
kita.

Matagal siyang natahimik sa sinabi ko. Pagkatapos ay kinalas niya ang kamay kong
nakayakap sa kaniya at humarap sa akin.

"Bakit mo ako iniwan?" He looked at me with sad eyes. Gusto ko siyang yakapin ulit
dahil sa mga tinging iyon. Nasasaktan ako. "May dahilan ako."

"Sabihin mo sa akin! Ipaintindi mo!"

Hindi ko napigilan ang mas mapaluha. Ang hirap lang kasing magsabi ng totoo kung
puno ng takot ang puso mo. Buhay ni Heart ang nakasalalay rito. Hangga't hindi siya
kilala nina Uno at Senyora Celestia, ligtas siya.

"Uno, I-"

Hindi ko na naituloy ang sinasabi ko nang biglang bumukas ang pintuan. Nanlaki ang
mga mata ko nang makita kung sino ang kasama ni Gwen... si Senyora Celestia!

Gwen gave me a smirk. Tumawa naman si Senyora habang mataman na nakatingin sa akin.

"Simula ngayon, dito na ako titira. Kasama n'yo."

Chapter 31

ISA

NAGSIMULA akong manginig sa takot nang makita si Senyora Celestia sa bungad ng


pintuan. Kahit ang ngiting ibinibigay niya ay kinikilabutan ako. Isa-isang
bumabalik ang mga bangungot ko mula sa nakaraan.
"Why are you here?" napatingin ako kay Uno nang itanong niya iyon.

"Hindi mo ba narinig ang sinabi ni Mama? Dito muna siya titira," si Gwen ang
sumagot.

Sa labis na takot ay mabilis akong naglakad papunta sa kusina para makaiwas kay
senyora. Nahihirapan akong huminga dahil sa takot na nararamdaman ko sa presensya
niya.

Anong gagawin ko? Dito na titira si Senyora Celestia? Paniguradong pahihirapan niya
ako! Baka maulit pa ang dati na pagkukulong niya sa akin!

"Isa?"

Napalingon ako nang marinig ang boses ni Uno. Nilapitan niya ako at hinagod sa
likod.

"Uno, natatakot ako."

"Huwag kang matakot. Hindi ka niya masasaktan dito." Lumamlam ang mga mata niya
habang nakatingin sa akin. Nabalot ng pag-aalala ang mukha niya.

Hindi na ako pinagtrabaho ni Uno noong gabing iyon. Pinaakyat niya ako sa kuwarto
nang maaga. At habang nasa silid, rinig ko silang nagtatalo sa baba.

Kinaumagahan, hindi ра sumisikat ang araw, nasa garden na ako at sinusunod ang
lahat ng utos ni Senyora Celestia. Kung ano-ano ang pinapagawa nito sa akin at kung
magkamali man ako, pinupukpok niya ako ng pamaypay niya sa ulo.

"I said I want an omelet! Anong katangahan ito at pancake ang hinanda mo?"

Natigil ako sa ginagawang paghahanda ng pagkain dahil sa mga sinabi ni Gwen.

"Ang bilin ni Senyora Celestia, ayaw na ayaw niya ng omelet."

"Kaya hindi mo hinanda ang mga gusto ko at puro pancake lang ang niluto mo? Umiiwas
ako sa mga matatamis, Isa! I need to control my weight! I told you that! Ang bobo
mo naman! Sino ba ang amo mo, ha!"

"Si Uno ang amo ko dahil sa kaniya ako may utang. Kung mayroon man dapat na nag-
uutos sa akin, siya iyon! At siya lang din ang dapat kong sundin!"
Mabilis na namula ang mukha ni Gwen sa mga narinig. Bigla siyang tumayo at
pinagpipitik ako sa tainga. "Sa tingin mo, sino ako sa pamamahay na ito? I'm Uno's
wife! Ang utang mo sa kaniya, utang mo rin sa akin!"

"Ano ba ito, Gwen? Ang aga, nagtatalo na kayo!"

Mabilis akong umatras nang pumasok sa dining si Senyora Celestia. Taas ang noong
lumapit ito at naupo sa silyang malapit sa akin.

"Ikaw, estupida! Where is my cucumber juice?"

Natigilan ako bigla nang maalala ang cucumber juice na pinagagawa niya. Dahil kay
Gwen ay nakalimutan ko nang gawin!

"Gagawa pa lang po ako-"

"Ano?" Bigla itong tumayo at lumapit sa akin. "Hindi pa sumisikat ang araw,
sinabihan na kita ng mga gusto at ayaw kong makita sa hapagkainan! Pero hindi mo pa
rin nahanda nang maayos ang lahat! Tonta ka talaga!"

Nagbaba ako ng mukha nang simulan niya akong paluin ng pamaypay niya sa mga braso
at ulo. Pilit kong tinatakpan ang mukha ko dahil sa matulis na gilid ng pamaypay
niya.

"Itigil mo iyan!" Biglang pumasok si Uno sa dining at inagaw ang pamaypay ni


Senyora Celestia.

"This stupid woman don't know how to do her job well! Napakatanga niya!"

"Kung gusto mo ng katulong na susunod sa mga utos mo, hire a maid, ma! Personal
kong katulong si Isa. Hindi n'yo siya puwedeng utos-utusan!

Tinapon ni Uno ang pamaypay sa sahig. Hindi nakasagot sina Senyora Celestia at
Gwen, pero masama akong tiningnan ng mga ito. Nakaramdam ako ng takot. Siguradong
mas pahihirapan nila ako kapag umalis na si Uno at naiwan kami rito sa mansion.

"Babalik ako nang maaga," sabi ni Uno nang paalis na ito ng mansion. Agad akong
tumango habang nakangiti.

Pumasok sila ni Gwen sa kani- kanilang trabaho at naiwan kaming dalawa ni Senyora
Celestia sa mansion.

***

"Bilib din ako sa iyo."

Natigilan ako sa pagpupunas ng sahig nang marinig ang sinabi ni Senyora Celestia.
Umiinom siya ngayon ng cucumber juice sa sala habang nanonood ng TV.

"Nagawa mong pagnakawan nang malaking halaga ang anak ko, pero ang lakas pa rin ng
loob mong bumalik. Kanino ka nagmana ng kakapalan ng mukha?"

Mariin akong pumikit. Pinigilan ko ang sarili ko na sumagot sa takot na baka may
masabi ako tungkol kay Heart.

"Kumusta ang mga matandang foreigners? Masarap ba sila?"

"Nagkakamali kayo ng iniisip! Hindi ko sila customers!"

mga

Tumawa siya nang malakas. "Wala akong pakialam sa kung ano ang totoo o hindi. Kung
ano ang sinasabi ng mga larawan, iyon ang paniniwalaan ko."

Hindi na ako nagsalita pa. Binilisan ko na lang lalo ang paglilinis ng sahig para
makaalis na rito.

"Bakit ka nga pala nagnakaw nang 2 million pesos? May sugar daddy ka naman. Saan mo
ginamit ang pera?" May kakaibang himig sa tono ni Senyora Celestia.

Bigla akong nahinto sa ginagawa dahil sa takot. Kinakabahan akong tumalikod habang
patuloy sa pagpupunas ng sahig.

Anong gagawin ko? Bakit ganoon ang tono ng pagtatanong ni Senyora Celestia? May
alam na kaya siya?
"Ah!" Malakas akong tumili nang bigla akong buhusan ni Senyora Celestia ng tubig.
Binuhos niya sa akin ang maruming tubig na gamit ko sa pagpupunas ng sahig.

"Kapag tinatanong kita, sumagot ka!" Pinagsasampal niya ako sa mukha at

pinagbabatukan sa ulo.

Mabilis akong tumayo para dumistansya sa kaniya. "W-wala kang karapatan saktan
ako!"

"At bakit? Anong gagawin mo? Lalaban ka na?"

"Oo! Hindi na ako papayag ulit na saktan mo!"

"Ah, ganoon? At sinong sasaktan ko? Si Alas?"

Nanlumo ako sa narinig. Bakit ba lagi nilang ginagamit ang walang muwang na bata sa
kasamaan nila?

Nginisian ako ni Senyora Celestia. "E, di natahimik ka ngayon?"

Wala akong nagawa nang lapitan niya ako at hilahin sa buhok. Dinala niya ako sa
likuran ng mansion kung nasaan ang swimming pool.

"Bitiwan mo ako, Senyora Celestia! Huwag!" Pilit niyang nilulublob ang ulo ko sa
tubig. Nananakit pa rin ang buong katawan ko sa ginawa ni Uno kaya hindi ko
magawang lumaban sa kaniya.

"Siguro naman, magtatanda ka na ngayon! Boss ako! Nagpapalamon sa iyo kaya matuto
kang rumispeto!" "Ma! Anong ginagawa mo kay Isa!"

Bigla siyang natigilan sa ginagawa niya sa akin nang patakbo kaming lapitan ni Uno.
Agad akong tinulungan nito. Inilayo niya ako kay Senyora Celestia.

"Wala ka na ba talagang ibang gagawin kundi magpahirap sa buhay ng ibang tao, ma?
Hindi ka ba napapagod!"

"Dapat lang sa kaniya ang maghirap! Nakalimutan mo na yata ang ginawa sa iyo ng
babaeng iyan!"

"Kung pahihirapan ko man siya o hindi, nasa akin na iyon! Saktan mo ulit si Isa, I
swear to God, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko!"

Dinala ako ni Uno sa kuwarto ko. Siya na ang nagpunas ng basa kong buhok. Pinunasan
niya rin ang tubig sa katawan ko. "Uno, natatakot ako para sa anak natin. Ginagamit
nila si Alas para bantaan ako. Paano kung saktan talaga nila ang anak ko?"

Dumilim ang mukha niya sa mga narinig. "No, I won't let that happen."

Niyakap niya ako nang magsimula akong umiyak. Naaawa ako sa anak kong si Alas. Wala
siyang kaalam- alam na nadadamay na siya sa problemang ito.

Kami ni Uno ang dapat na sisihin sa nangyayari sa mga anak namin. Malaki ang
pagkukulang namin bilang magulang nila.

Marahang hinaplos ni Uno ang pisngi ko nang kumalas siya sa yakap. I can see the
longing in his eyes. Doon ko napagtanto na may nararamdaman pa rin siya para sa
akin. Na kahit papaano, nag-aalala pa rin siya para sa kalagayan ko. Lumapit ang
mukha niya sa akin hanggang sa unti-unting naglapat ang mga labi namin. Ang tagal
kong pinanabikan uli maramdaman ang malambot niyang labi sa mga labi ko. Ang tagal
kong ginustong malasing uli sa lasa ng kaniyang mga halik, pero mali ito. Kasal na
siya.

Marahan ko siyang itinulak nang bumalik ako sa reyalidad. "Uno."

He looked at me and smiled. "There's no other place I'd rather be than with you,
Isa."

Naluluha akong napangiti. Sa kabila ng pang-iiwan ko sa kaniya, nagagawa niya pa


rin akong mahalin.

Muli niyang inangkin ang mga labi ko. Sa pagkakataong ito, hindi ko na siya
nagawang pigilan. Hindi ko na rin kayang pigilan ang nararamdaman ko para sa
kaniya. I know it's wrong, but I love him. Pagkatapos niyang angkinin ang mga labi
ko, inangkin naman niya ang katawan ko. At malaya ko siyang hinayaan gawin iyon.
Malaya kong ibinigay sa kaniya ang aking.

***

"Uno, hapon na.

Naramdaman ko ang paghalik niya sa ulo ko. Nakaunan ako sa matitipuno niyang dibdib
at pareho kaming hubo't hubad sa ilalim ng kumot.

"Kailangan ko nang maghanda para sa hapunan."

"Stay."

Mahina akong tumawa. "Pero Uno... "

Tumingin siya sa akin. Nakangiti. Ngumiti na rin ako. Ang tagal kong pinanabikan na
muling makita ang mga ngiti niya.

Bumaba ang mukha niya sa akin at muli akong hinalikan sa mga labi. Nasa kalagitnaan
kami ng ginagawa namin nang biglang bumukas ang pintuan ng kuwarto.

"Mga hayop kayo!" Si Gwen!

Chapter 32

UNO

Mabilis akong tumayo at pinulot ang mga damit ko sa sahig. Nakatingin ako sa
naluluhang mukha ni Gwen na masamang nakatingin sa amin.

"Sa sarili ko pang pamamahay! Mga baboy! Ikaw! Hayop kang kabit ka! Puta!" Akmang
susugurin niya si Isa pero agad akong humarang sa harap niya.

"Gwen, stop it!" Pinigilan ko siya at hinila palabas ng kuwarto.


"Bitiwan mo ako! How dare you do this to me, Uno! After everything I've done for
you! Cheater! Cheater ka!"

Itinulak ko siya sa kama nang makapasok kami sa kuwarto. "Tumigil ka na! Naririndi
na ako sa iyo!"

"Hayop ka!" Mabilis siyang tumayo at pinagsusuntok ako sa dibdib ko.

I just let her do what she wants. Kung ano- anong salita ang ibinato niya sa akin
pero hinayaan ko lang siya. "Paano mo nagawa sa akin ito? I did nothing but love
you!" Pagod siyang naupo sa gilid ng kama. Umiiyak.

"Pero hindi kita mahal."

Naningkit ang mga mata niya. "At sinong mahal mo? Ang katulong na iyon? Ang babaeng
iniwan ka pagkatapos kang pagnakawan at sumama sa ibang lalaki? Tanga ka ba
talaga?"

Siguro nga, tanga ako. Gusto kong maghiganti kay Isa sa ginawa niya sa akin kaya
pinahanap ko siya at dinala rito para pahirapan. Pero tanga na kung tanga, heto't
nababaliw na naman ako sa kaniya.

"Tanga ka talaga kung babalikan mo pa siya, Uno! Napakalaki mong tanga!"

Tumayo siya at muli akong sinampal. Katulad kanina ay hinayaan ko lang siya
hanggang sa kusa siyang tumigil dahil sa pagod.

"Tell me you don't love her. Uno, please! Tell me you got over her!" Kung kanina ay
galit na galit siya, ngayon ay para siyang batang nagmamakaawa sa akin. "Hindi mo
na siya mahal! Sabihin mong hindi na!

Hinawakan ko siya sa magkabilang braso. "I'm sorry, but I still love her, Gwen.
Hinding-hindi mawawala ang pagmamahal ko para sa kaniya. Kahit ilang beses pa niya
akong iwan."

***

ISA

Dahil sa nasaksihan ni Gwen, mas lalo lang tumindi ang galit nito sa akin.
Pinapahirapan at sinasaktan niya ako sa bawat pagkakataon na makuha niya. Pigilan
man siya ni Uno ay patuloy pa rin siya sa pananakit sa akin.

"Buksan n'yo ito! Ano ba!"

"Hindi ka makakalabas." Malakas na tumawa si Senyora Celestia habang pinapanood


akong pilit na binubuksan ang pinto ng mansion. "Sinigurado ni Gwen na nakakandado
iyan mula sa labas."

"Hindi n'yo ako puwedeng ikulong dito!"

malakas akong sumigaw. Kinakapos ako ng hangin dahil sa takot ko. Nagbalik sa akin
ang mga sandali noong ikinulong ako ni Senyora Celestia sa basement nila. Natatakot
ako. Diyos ko, tulungan Ninyo po ako.

"Akala mo ba, tanga kami? Paano kung puntahan mo si Alas at kidnap-in? Hindi ka
puwedeng lumabas."

"Nanay niya ako! May karapatan ako sa anak ko!"


Malakas itong humalakhak. "Kaya nga dapat ka lang ikulong dito! Ambisyosa!"

Wala akong nagawa kundi umiyak at bumalik sa pagtatrabaho. Hindi na nila ako
pinapalabas, hindi na rin nila ako pinapakain. Kahit ang kaunting tubig,
pinagdadamot nila sa akin.

***

"Bakit hindi ka tumawag sa akin? Dapat tinawagan mo agad ako sa opisina!"

"Hindi ako makalapit sa telepono, Uno! Binabantayan ako ni Senyora Celestia."

"Fuck!" Akmang pupuntahan ni Uno ang nanay niya pero mabilis ko siyang pinigilan.

"Tama na, please."

"Gusto mong hayaan ko na lang sila sa

ginagawa nila sa iyo?"

"Mas lalo nila akong pahihirapan kapag tinuloy mo ang gagawin mo. Nagkakaganito si
Gwen dahil sa nangyari kagabi. Kasalanan ko."

Doon na siya natigilan. Huminga siya nang malalim at pilit na kumalma.

Hindi ko naman tinatanggi ang malaking kasalanang nagawa ko. Hinayaan kong may
mangyari sa amin ni Uno kahit na alam kong kasal na siya. Hinayaan ko ang sarili
kong maging kabit.

Piniling huwag magtrabaho ni Uno sa mga sumunod na araw para manatili sa tabi ko.
Idinadaan niya sa email o kaya sa secretary niyang si Odette ang mga trabaho na
kailangan niyang tapusin.

***

Nilapag ko ang baso ng tubig sa sidetable ng kamang kinahihigaan ni Uno.

Nakatulog ito matapos magtrabaho.

Marahan kong hinaplos ang pisngi niya bago lumabas ng kuwarto. Kanina pa sumisigaw
si Senyora Celestia at nag- uutos na gumawa ako ng tea.

"Heto na po, senyora-ah!"

"Oh my God! Estupida!"

Umawang ang mga labi ko nang hindi sinasadyang matapunan ko ng tea ang cellphone ni
Senyora Celestia. Pulang- pula ang mukha nito sa galit nang lapitan ako at
sampalin.

"Tanga ka talagang muchacha ka!"

"Sorry po! H-hindi ko sinasadya!"

"Hindi sinasadya? Sinungaling! Sinadya mo ang nangyari para gumanti sa akin!"

"H-hindi!"
Sasampalin niya sana ulit ako pero nagawa siyang pigilan ni Uno sa kamay.
Nakalimutan mo na ba ang sinabi ko, ma? Makakaalis ka na oras na sinaktan mo uli
si Isa."

Bumangis ang mukha ni Senyora sa sinabi ni Uno. Umakyat sila sa kuwarto at doon
nag-usap. O mas tamang sabihin, nagtalo.

Nakatingala ako sa kuwarto nila. Rinig na rinig ko ang pagtatalo nila mula rito sa
baba.

Buong akala ko, si Uno ang magpapahirap sa akin sa pananatili ko rito. Pero siya pa
rin pala ang magtatanggol sa akin. Kung wala siya, hindi ko alam kung anong gagawin
ko.

"Home-wrecker."

Lumingon ako sa pintuan ng mansion nang marinig iyon. "Gwen?"

"Matapos mong iwan si Uno, ngayon, lalandiin mo siya at aagawin sa akin."

"Hindi ko siya nilalandi!"

"E, anong ginagawa mo? Nagpapaawa?"

Umatras ako nang mapansin na papalapit siya nang papalapit sa akin. Halatang galing
siya sa pag-iyak dahil namumula ang mga mata at ilong niya.

Huminga ako nang malalim. "Bakit hindi mo na lang ibigay sa akin si Alas?"

"Ang tingin mo ba sa akin, bobo? Don't make me laugh!"

"Kapag ibinigay mo siya sa akin, aalis na ako, Gwen. Hindi mo na ako ulit makikita.
M-ma... masosolo mo na si Uno."

Tumawa siya. "Bakit ko gagawin iyon? Ang dapat sa iyo, nagdurusa."

"Gwen- "

"Kahit anong gawin mo, mag-asawa na kami ni Uno. Hindi mo na siya makukuha sa
akin."

"Hindi ba kayo puwedeng maghiwalay?"

Naningkit ang mga mata niya sa narinig. What did you just say, bitch?"

"Mahal niya pa rin ako, Gwen. Alam kong alam mo iyon. Oras na lang ang hihintayin
para iwan ka niya. Bago pa mangyari iyon, ibigay mo na sa akin si Alas. At
pinapangako ko, hindi mo na kami makikita ulit."

***

UNO

"Bakit ka ba talaga nandito?"

Mataman kong tinitigan ang mukha niya habang nakaupo siya at nakangiti sa akin.

"Dahil sa muchachang si Isa. I want to... see her."


"Why, ma? Para pahirapan siya?"

"Oo!"

"Are you sure that's your reason? O baka naman dahil nalulugi na ang hacienda, kaya
ka nandito?"

Natigilan siya bigla sa mga sinabi ko.

"Alam ko ang totoo, ma. Kahit nandito ako sa Manila, alam ko ang nangyayari sa
hacienda. Dahil sa pagsusugal mo, nalulugi na ang negosyong iniwan pa ni Lolo!"

"Hindi ko kasalanan iyon! Inutakan ako ni Mrs. Brown! Dinaya nila ako!" "Isisisi mo
na naman sa ibang tao ang pagkakamali mo? You're not welcome here, ma. Bibigyan
kita nang ilang araw para umalis."

"No! How dare you say that to your own mother? Ina mo pa rin ako! Ako ang nagbigay
buhay sa iyo!"

Hindi ko na siya pinansin pa. Lumabas ako ng silid niya at pumasok sa sarili naming
kuwarto ni Gwen.

***

"Kanina pa kita hinihintay."

Ngumiti si Gwen nang makapasok siya ng silid namin. "Really? And why is that? Akala
ko ba, mas gusto mo na si Isa?"

"May kailangan akong sabihin."

"Good. May sasabihin din ako."

Nagsalubong ang mga kilay ko nang magsimula siyang maghubad sa harap ko.

"What are you doing, Gwen?"

Nagtaas siya ng noo at nang-aakit na ngumiti. "Gusto ko nang mabuntis."

"What?"

"Buntisin mo ako!"

Nailing ako sa narinig. "Gwen, don't do this.'

"Kapag hindi mo ako binuntis, sasabihin ko kay mama ang sikreto mo!"

"You already told her about Isa. Dinala mo

pa siya sa pamamahay ko."

"It's not about her, kundi ang sikretong matagal mo nang itinatago... kaya madali
lang sa iyong talikuran siya na sarili mong ina!"

Bigla akong natahimik sa sinabi niya.

Mabilis akong tumayo at mahigpit siyang hinila sa braso. Nagbabanta ko siyang


tinitigan.
Makahulugan naman niya akong nginitian nang makita ang reaction ko. "Make love to
me, Uno."

Tuluyan niyang hinubad ang saplot niya sa katawan.

Chapter 33

ISA

"Make love to me, Uno."

Natigilan ako nang marinig ang sinabi ni Gwen. Nasa loob sila ng kuwarto nila at
hinihintay kong matapos sila sa pag- uusap, pero hindi ko inaasahan ang maririnig
ko.

Inakala kong tatanggi si Uno. Na lalabas ito ng silid nila at pupunta sa akin. Pero
nagsimulang pumatak ang mga luha ko nang marinig ang sunod-sunod na ungol sa loob.

Mga ungol nilang dalawa ni Gwen.

Makaraan ang halos kalahating oras,

lumabas si Uno mula sa kuwarto nila. Naabutan niya akong nakaupo sa sahig habang
patuloy ako sa tahimik na pag- iyak.

Walang salitang kinuha niya ang kamay ko at hinila ako papunta sa kuwarto ko.

"Uno-hmmp!"
Bigla niya akong siniil sa mga labi. Sinubukan niya akong hubaran ng damit pero
mabilis ko siyang itinulak.

"A-ayaw kong maging kabit."

Natigilan siya sa sinabi ko. Mababakas ang awa sa mga mata niya habang nakatitig sa
akin.

Nag-iwas ako ng mukha. Ngayon kapag nakikita ko siya, naaalala ko lang ang mga
narinig ko kanina. Ang sinabi ni Gwen, at ang mga ungol nilang dalawa.

"Mahal mo pa rin ba ako?"

"Uno...

"Answer me.

Pumikit ako nang mariin at tumango. 11 "Oo.

Ngumiti siya sa narinig. Nilapitan niya ako at marahan na hinawakan ako sa kamay.

***

"Nandito na ang cucumber juice." Nilapag ko sa harap ang isang baso ng juice bago
bumaling kay Uno. "Address us properly, muchacha!" pagalit na saad ni Senyora
Celestia.

"O-opo, senyora."

Napasinghap ako nang maramdaman ko ang kamay ni Uno. Hinila niya ako papunta sa
tabi niya.

"Magpahinga ka na. Kanina ka pa nagtatrabaho." Marahan niyang hinahagod ang likod


ko at banayad na nakangiti sa akin.

Pinanlamigan ako ng katawan habang nakatingin kina Senyora Celestia at Gwen. Halos
lamunin ako nang buo ni Senyora, habang walang pakialam naman si Gwen.

Mabilis akong pumunta ng kusina. Hindi ko alam na nakasunod pala sa likuran ko si


Uno.

"Bakit mo iyon ginawa kanina?"

Hinapit niya ako sa baywang at sinimulang halik-halikan sa leeg. "You're mine. Let
me do what I want."

"Pero, Uno-"

"Seriously, hijo? Sa harap pa ng asawa mo?

Mabilis akong kumalas sa yakap ni Uno nang pumasok sa kitchen si Senyora Celestia.

Uno smiled at his mother. Iyong ngiting pilit. "Nakukuha n'yo ang gusto n'yo.
Hayaan n'yo ako sa gusto kong gawin kung ayaw n'yo ng gulo."

Hindi nakapagsalita si Senyora Celestia sa narinig. Bakit niya ba ito ginagawa? Mas
lalo lang umiinit ang dugo ng dalawa sa akin nang dahil sa ikinikilos niya.

"Sumama ka sa akin," biglang pumasok si Gwen sa kusina at sinabi iyon.

"What?"

"Mas gusto mo bang maiwan dito sa mansion?"

Sinulyapan ni Gwen si Senyora Celestia kaya nakuha ko agad ang ibig niyang sabihin.
Tumingin ako kay Uno at tumango.
Salubong ang mga kilay niya habang nakatingin kay Gwen, pero sa huli ay pinayagan
niya akong sumama.

***

Katulad ng inaasahan ko, panay bili na naman si Gwen ng maraming damit at ako ang
tagabitbit. Sa totoo lang, mas okay na ito kaysa ang maiwan sa mansion kasama si
Senyora Celestia.

Pagkatapos niyang mamili, pumunta kami sa isang restaurant. Nagulat ako nang
malaman na hindi niya kasamang kumain ang mga kaibigan niya ngayon, pero mas
ikinagulat ko nang paupuin niya ako sa tapat niya.

"Pumapayag na ako."

"Ha?"
She took the wine glass and started drinking. "Uno's a hard-headed. Kapag may gusto
siya, hindi siya tumitigil hangga't hindi niya nakukuha."

"Hindi kita maintindihan. "1

"What I'm trying to say, ibibigay ko na sa iyo si Alas, pero ang kapalit no'n,
mawawala ka sa buhay namin."

Natigilan ako bigla. Ito na ang gusto kong mangyari, ang mabawi ang anak ko. Pero
paano si Uno?

Biglang napatayo si Uno nang makita niya akong pumasok sa office niya.

"Isa?"

Mabilis ko siyang nilapitan. Nakangiti na agad siya sa akin bago pa ako makalapit.
Dito ako unang pumunta matapos namin mag-usap ni Gwen.

Hinawakan ko si Uno sa magkabilang pisngi at hinalikan sa mga labi.

Nakapagdesisyon na akong pumayag sa gusto ni Gwen. Mahal ko si Uno, pero mas mahal
ko ang mga anak ko. Isa pa, kasal na sila. Wala na akong karapatan sa kaniya.

Matapos kong halikan si Uno, pinaupo niya ako sa ibabaw ng desk niya at doon mismo
may nangyari sa amin.

"Give me more time, Isa." "Anong ibig mong sabihin?"

Nasa ibabaw niya ako habang nakahiga siya sa kaniyang leather sofa. Hubo't hubad
kami at wala man lang takip ang mga katawan namin.

"Hihiwalayan ko si Gwen."

Nag-angat ako ng paningin sa kaniya. " Uno, hindi mo puwedeng gawin iyon."

"At bakit?"

"You married her. Choice mong pakasalan siya."

"At choice ko rin na iwan siya ngayon."

"Bakit madali lang sa iyong gawin iyan? Bakit hindi mo magawang maging responsable
sa mga bagay na pinili mong gawin?"

Inis akong bumangon at isa-isang pinulot ang mga damit ko. Naiinis ako dahil
naaalala ko ang mga nangyari noon. Kung naging responsable lang sana siya, hindi
maghihirap ang mga anak namin.

"Mas gusto mong magsama kami ni Gwen habang-buhay?"

Natigilan ako sa narinig.

"Ayaw mo bang mabuo tayo?"

Mariin akong pumikit. Nilunok ko ang lahat ng sakit na nasa puso ko. "Hindi na
puwede."

"Bakit? Dahil may iba ka nang lalaki?"


"Wala. Wala akong iba. Ikaw lang!"

Tumayo siya at lumapit sa akin. "E, bakit nga?"

"Mahal ka ni Gwen."

At hindi ko makakayang mang-agaw matapos ng nagawa kong pang-iiwan noon sa kaniya.


I left him, and Gwen was there to take care of him. Anong klaseng babae ako kung
aagawin ko siya nang tuluyan mula kay Gwen?

"You don't know her, Isa."

"Uno, please."

Pinaharap niya ako sa kaniya.

" Maghihiwalay kami at magsasama tayo. Please, Isa, huwag mo na akong saktan uli."

Chapter 34

ISA

DUMAAN ang halos tatlong araw na walang nagbabago, pinapahirapan pa rin ako ni
Senyora Celestia. Although hindi na gaano ganoon kasama sa akin si Gwen, dahil
siguro sa usapan namin.

"Kailangan kong mag-shopping. Samahan mo ako."

"Some other time, Gwen. I need this muchacha here to clean my shoes. May party
akong a-attend-an."

Napatingin ako kay Gwen dahil sa sinabi ni Senyora Celestia. Gwen smiled at her but
I can tell that she's faking it.

"I'm sorry, mama. I need her to come with me. Malapit nang matapos ang shooting
namin. May mga events akong kailangan daluhan sa labas ng bansa."

Hindi na niya hinintay na makasagot si Senyora Celestia. Tinalikuran niya agad ito
at umakyat sa hagdan. Mabilis ko namang iniwan ang pagmamasahe kay senyora saka
nagmamadaling umakyat sa kuwarto ko Pagdating namin sa mall, namili kami ng
maraming gamit. Puro kaartehan ni Gwen. As usual, ako pa rin ang tagabitbit niya.

"Stay here."

Tumingin ako sa paligid matapos iyon sabihin ni Gwen.

"Saan ka pupunta?"

"May dapat akong puntahang importante at hindi mo na kailangan malaman!" Inirapan


niya ako bago siya umalis.
"Sandali! Gaano ka katagal?"

Inis siyang lumingon. "Basta't huwag kang aalis diyan! Kahit abutin pa ako ng gabi,
dyan ka lang!"

Hindi ako mapakali nang tuluyang umalis si Gwen. Masama ang kutob ko. Hindi na rin
ako nakatiis at mabilis na tumakbo para sundan siya.

Bakit niya ako iiwan doon kung wala siyang kaduda-dudang gagawin? Kung wala siyang
ginagawang ayaw niyang malaman ko.

Sinundan ko siya hanggang sa makalabas siya ng mall. Nananakit na ang mga braso ko
sa bigat ng mga shopping bags niya, pero hindi ako tumigil sa pagsunod. Natigilan
lang ako nang makita siyang pumasok sa isang hotel.

"Ano naman ang gagawin ni Gwen sa hotel?"

Papasok na sana ako para sundan siya, pero isang pamilyar na mukha ang nakita ko.

"Si Dos ba iyon?"

Sinundan ko si Dos ng tingin. Natigilan ako nang pumasok din siya sa hotel at
lumapit kay Gwen. Pero mas ikinagulat ko ang sunod na nangyari! He kissed her!

Hindi ako makapaniwala sa nakikita! Bakit naghahalikan sina Gwen at Dos? Anong ibig
sabihin nito?

Lalo akong natulala nang makitang nag- check-in sila sa hotel!

"Ang malanding ito! Niloloko niya si Uno!"

Akala ko pa naman, mahal na mahal niya si Uno. But she was cheating on him! Bumalik
ako sa mall kung saan ako iniwan ni Gwen. Matagal akong nakatitig sa kawalan habang
iniisip ang dapat gawin.

Alam kong wala akong karapatang magsalita, lalo pa't ako ang ibang babae ni Uno,
pero hindi ko rin mapapayagan na gawin ito ni Gwen!

At si Dos? Alam niyang kasal sina Uno at Gwen. Bakit siya nakipagrelasyon kay Gwen?
Sino ba talaga siya? Bakit niya ito ginagawa?

***

Tumigil ang sasakyan ni Gwen sa harap ng mismong gate ng mansion. Pareho kaming
walang imik. Hindi rin ako bumaba agad dahil gusto ko siyang makausap muna.

"We're planning to build a family."

Nakuha niya ang atensyon ko sa sinabi niya. "We?"

"Sino pa ba? Kami ni Uno. Gusto na namin magkaanak."

Nahulog ako sa nakabibinging

katahimikan matapos ng mga narinig. Kaya ba may nangyari sa kanila noong isang
gabi, dahil gusto na niyang magka- baby sila?

"We can't start a family if you're still here. 11


Now I get it. Kaya niya biglang gustong ibigay sa akin si Alas, para mawala na kami
sa buhay ni Uno. Ito ang plano niya. Kaya rin siguro hinahayaan niya si Uno na
maging vulgar pagdating sa akin, dahil binabalak na niya akong paalisin.

"Ibibigay ko sa iyo ang address ni Alas. Kunin mo siya at umalis na kayo."

May iniaabot siya sa aking papel. Wala sa sariling tinanggap ko iyon. Nakita ko ang
address ng villa na pinuntahan namin noon ni Uno, kung nasaan ang anak ko.

"Naiintindihan mo ba ako?"

Tumingin ako sa unahan at matagal na nag -isip.

"Damn it! Are you deaf? Sagutin mo ang tanong ko!"

"Ayoko." "What did you just say? May usapan tayo!" Bumaling ako sa kaniya. "Bakit
pumasok ka sa hotel kasama si Dos?"

Natigilan siya at tila nagulat. "You followed me?"

"Niloloko mo si Uno!"

"T-that's not true!" Hindi siya makatingin sa akin. "Huwag kang magsasalita kung
ayaw mong masaktan!"

"Hindi ko na iiwan si Uno. Hindi ko siya maiiwan sa babaeng katulad mo!"

Tiningnan niya ako gamit ang matatalim na mga mata. "Don't try me, Isa!
Pagsisisihan mo!"

Nang hindi ko binawi ang mga sinabi ko ay tinawanan niya ako nang nang-iinsulto.

"E, di lumabas din ang totoo!"

"Ang totoo?"

"Mas mahalaga sa iyo ang lalaki kaysa sa anak mo!"

Mabilis akong umiling. "Hindi iyan totoo! "Nagpapanggap ka pang si Alas ang dahilan
kung bakit ka bumalik? While the truth is, si Uno talaga ang pakay mo!"

"Hindi iyan sabi totoo!"

"Pwes, kunin mo na ang anak mo at iwan

ang asawa ko!"

"Ama siya ng anak ko! Hindi ako papayag

na lokohin mo lang siya!"

Natigilan ako nang makita siyang binuksan ang compartment ng sasakyan at may
inilabas doon.

Nanlaki ang mga mata ko sa bagay na

nilabas niya. "Gwen, bitiwan mo iyan!"

Itinutok niya sa akin ang baril. "Labas!"


Sinunod ko ang utos niya at lumabas ng kotse. Lumabas din siya pero patuloy na
itinutok sa akin ang baril.

"Umalis ka na! Iwan mo na kami ni Uno! Umalis ka na!"

Napatingin ako sa mansion kung nasaan si

Uno. No, ayaw ko na siyang iwan ulit.

Ayaw ko na siyang saktan na naman. "Aalis ka ba o papatayin kita!" Kinasa ni Gwen


ang hawak niyang baril.

Ilang ulit akong napaatras. Muli kong sinulyapan ang mansion bago naluluhang
tumakbo palayo roon.

Chapter 35

ISA

DUMAGUNDONG ang malakas na kulog sa katahimikan ng gabi. Patuloy lang ako sa


pagtakbo habang walang ibang iniisip kundi ang mga anak ko at si Uno.

Sigurado akong mag-iimbento ng istorya si Gwen tungkol sa akin. At magagalit na


naman si Uno. Kailangan ko siyang makausap! Kailangan kong magpaliwanag bago pa
malason ulit ang isip niya tungkol sa akin.

Sa sobrang lalim ng iniisip ko, hindi ko na napansin ang daang tinatahak ko.
Bumalik lang ako sa reyalidad nang biglang may lumabas na kotse mula sa kung saan.
Sa bilis ng takbo nito ay huli na para umiwas ako.

"Hija? Gumising ka."

Unti-unti akong nagkamalay dahil sa mahihinang pagtapik ng kamay sa pisngi ko.


Napabalikwas ako ng bangon nang makita ang mukha ng isang matanda.

"S-sino ka? Nasaan ako?" Iginala ko ang paningin ko sa paligid. Nasa isang hindi
pamilyar na kuwarto ako.. Paano ako napunta rito?

Ngumiti ang matandang babae." Huminahon ka, hija."

Kinuha nito ang tasa sa ibabaw ng tabi ng kama at inabot sa akin. table sa

"Ano iyan?"

"Tsaa ito. Makakatulong para bumuti ang lagay mo. Inumin mo."

Ilang sandali akong nag-alangan bago tinanggap ang inaabot nitong tea. Matapos kong
inumin ang tsaa, gumaan nga ang pakiramdam ko. Parang may mabigat na bagay ang
natanggal mula sa pagkakadagan sa akin.
"Hindi sinasadyang mabunggo ka ng driver namin kagabi, hija, kaya dinala ka namin
dito. May masakit ba sa iyo?"

Umiling ako sa kaniya. "Wala naman pong masakit sa akin."

"Mabuti naman." Nakahinga siya nang maluwag. "Halika sa labas. Nakahanda na ang
pagkain."

Sumunod ako sa matanda kahit na nalilito pa rin ako sa nangyayari. Nang makalabas
ay natigilan ako nang makita ang paligid. Nasa mansion ako na mas malaki pa siguro
kaysa sa mansion nina Uno. Yari ito sa bato at may kalumaan ang style na parang
palasyo.

Pagdating naman namin sa dining, halos umawang ang mga labi ko nang makita ang
mahabang table.

"May occasion po ba kayo? Ang dami ng pagkain. Parang may birthday."

"Wala, hija. Para sa iyo ang lahat nang ito.

Itinuro ko ang sarili ko. "Para sa akin po?"

"Oo, hija. Halika na." Pinaghila niya ako ng upuan.

Nahihiya akong kumain pero dahil sa gutom, hindi na ako tumanggi at agad na naupo.

"Ako nga pala si Manang Trinidad, ang katiwala sa bahay na ito. Magsabi ka lang sa
akin kung ano ang kailangan mo."

Tumango lang ako sa kaniya bago sinimulan ang pagkain. Halos lahat ng klase ng
masarap. ulam nandito na, at lahat ay

Pagkatapos kong kumain, binigyan naman nila ako ng dessert at juice. Alagang-alaga
ako ni Manang Trinidad, lahat ay ibinibigay nito sa akin.

Dinala ako sa garden ni Manang Trinidad pagkatapos kumain. Dito na rin kami nag-
usap.

"Manang, s-sino po ang amo rito? Gusto ko sanang magpasalamat sa kaniya bago
umalis."

Tumigil siya sa paglalakad at nakangiting tumingin sa akin. "Hindi ka puwedeng


umalis."

"A-ano pong ibig mong sabihin? Hindi ako puwedeng umalis?"

Marahan siyang tumango. "Hangga't hindi pa tuluyang bumubuti ang lagay mo,
mananatili ka muna rito." "Pero maayos na po ang pakiramdam ko."

"Ipapatingin ka muna sa doctor, hija. Sana maintindihan mo. Ayaw namin takbuhan ang
responsibilidad namin sa iyo."

Nagbuga ako ng hangin sa mga narinig. Pumayag na lang ako dahil kumikirot din nang
bahagya ang balakang ko dahil sa pagkakabangga sa akin.

Ilang araw akong nanatili sa malaking mansion matapos akong matingnan ng doctor
nila. Ang sabi nito, kailangan ko raw nang isang linggong pahinga.

Sa loob nang ilang araw na pananatili ko rito, ibinigay sa akin ni Manang Trinidad
ang lahat ng kailangan ko. Kahit hindi ko hingin, kusa niyang ibinibigay sa akin.

Pero kailangan ko nang umalis. Sayang ang mga araw na ginugugol ko rito. Sa halip
na kunin ko ang anak ko at kausapin si Uno, nandito ako at parang nagbabakasyon.

"Manang Trinidad?" Pumasok ako sa kusina. Lahat ng katulong doon, binati ako na
para akong amo nila. Ngumiti na lang ako.

Ito pala ang pakiramdam nang may mga katulong. Para kang reyna na pagsisilbihan
nila. Sino kaya ang may-ari ng mansion na ito? Napakayaman siguro. Napansin ko
kasing maraming antique na bagay na naka-display sa paligid. Siguradong mamahalin
silang lahat base

sa hitsura nila.

"Manang, kanina pa kita hinahanap."

Natagpuan ko siya sa garden. Kahit ang hardin nila, ang laki. May sarili pa silang
pond na puno ng mga koi na isda.

"Oh, hija, may kailangan ka ba?

Nagugutom ka? Gusto mong ipaghanda kita ng makakain?"

"Busog pa po ako, manang. Salamat ho."

"Halika, tingnan mo ang mga isda. Ang gaganda, di ba?"

Nakangiti akong tumango. "Manang Trinidad, nagpapasalamat po ako sa lahat nang


nagawa n'yo para sa akin, pero kailangan ko na po talagang umalis." Natigilan siya
sa pagpapakain ng mga koi at napatingin sa akin. Nakangiti siya pero halatang hindi
niya nagustuhan ang sinabi ko.

"Pero hija, hindi ka pa puwedeng umalis. Ang sabi ng doctor, kailangan mo pang
magpahinga."

"Limang araw na po akong nagpapahinga rito. Malakas na ako, manang. Kaya ko nang
umalis."

Naglaho ang ngiti sa kaniyang mukha. " Hindi puwede."

Doon na ako natigilan. Bakit ba parang ayaw niya akong paalisin? Bakit parang gusto
niya akong ikulong dito?

"Manang Trinidad, kailangan ko na talagang umalis-"

"Hindi ka makakaalis sa pamamahay na ito."

***

Isang araw na akong nagkukulong sa kuwarto nag-iisip kung paano makakalaya rito.
Nang ipagpilitan ko kay manang na aalis ako, nagpatawag ito ng mga katulong.
Sinamahan nila ako pabalik sa kuwarto at binantayan.

Ganito na ba ang bagong modus ngayon? Magiging mabait sa iyo at pakakainin ka muna,
pero hindi ka na palalayain?

Nakaramdam ako ng takot. Ano kayang gagawin nila sa akin? Ibebenta ba nila ako sa
black market? Kukunin ang mga laman- loob ko?
Naupo ako sa dulo ng kama at mariin na pumikit. Hindi pa ako puwedeng mamatay!
Paano na ang mga anak ko? Si Alas? Lalo na ang sakitin kong anak na si Heart?

"Hija?" Natigilan ako sa pag-iisip nang pumasok sa loob ng kuwarto si Manang


Trinidad.

Tumayo agad ako at tiningnan siya nang masama. Ang gaan ng loob ko sa kaniya, iyon
pala, ganito ang gagawin niya sa akin?

"Dinalhan kita nang makakain. Mango graham cake at pineapple juice." "Anong kapalit
ng lahat ng pagkain na iyan? Ang kalayaan ko?"

Ngumiti lang siya sa sinabi ko. Lalo akong nainis.

"Wala kayong mahihita sa akin! Hindi ako mayaman! A-at hindi healthy ang mga laman-
loob ko! Sakitin ako!"

Mahina siyang natawa dahil sa mga sinabi ko. Nilapitan niya ako at hinawakan sa
kamay saka hinila para paupuin sa kama.

"Pagpasensyahan mo na kung sa tingin mo, ikinukulong kita. Alam mo kasi, hija,


gusto kang makilala ng amo ko."

"Then let me meet them. Hindi n'yo naman ako kailangan ikulong. May mahalaga akong
dapat gawin."

Tumango siya sa akin. "Pasensya ka na, pero hindi ka maaaring umalis hangga't hindi
bumabalik si Mrs. Brown. Sana maintindihan mo, nasa business trip pa kasi siya
ngayon. Nasa labas siya ng bansa. 11

Nagsalubong ang mga kilay ko sa pangalang binanggit niya. "Mrs. Brown?"

"Ang aking amo."

Wala akong nagawa kundi hintayin ang sinasabi niyang amo niya. Kahit anong
pagpipilit ko naman ay hindi niya ako hinahayaan na makalapit man lang sa gate.
Laking pasalamat ko lang nang dumating si Mrs. Brown makalipas ang dalawang araw.

"Kapag nakilala ko na ba ang amo mo, puwede na akong umalis?"

Nilingon ako ni Manang Trinidad. Nasa labas kami ng mansion at hinihintay na


makapasok ang limousine sa gate kung saan lulan ang amo nito.

Hindi ako sinagot ni Manang pero nginitian niya ako. What does that mean? Oo ba o
hindi?

Lumapit si Manang Trinidad sa backseat ng limousine at pinagbuksan si Mrs. Brown.


Lumabas ang isang babaeng sopistikada. Nakasuot ito ng pang-office na outfit pero
sa isang tingin lang, malalaman agad na mamahalin ang damit at mga gamit nitong
suot sa katawan.

"Sabi na nga ba, sobrang yaman ng Mrs. Brown na ito," nasabi ko na lang sa sarili
ko.

May binulong si Manang Trinidad kay Mrs. Brown, at mukhang alam ko na kung ano iyon
nang makitang tumingin sa akin ang amo niya.

Hindi ko gaanong mamukhaan ito dahil sa malaking shades na suot niya. Natatakpan
kasi no'n ang halos kalahati ng kaniyang mukha. Pero napansin kong matagal siyang
natigilan habang nakatingin sa akin.

"Hija, ipinakikilala ko sa iyo si Mrs. Brown, ang may-ari ng mansion na ito."

Dahan-dahang lumapit sa akin si Mrs. Brown. Nang nakatayo na siya sa mismong harap
ko ay tinanggal na niya ang suot niyang shades. Natigilan ako nang makita ang
dalawang pares ng pamilyar na mga mata.

"Isabella?" Umawang ang mga labi ko nang makilala

ito.

"I-inay?"

Chapter 36

ISA

"Inay? I-ikaw si Mrs. Brown?"

Nagsimulang mangilid ang luha sa gilid ng mga mata niya. Sinubukan niya akong
hawakan pero mabilis akong umatras.

"Hindi. P-paano?"

"Anak, magpapaliwanag ako."

"Ayoko! Huwag kang magsasalita!" Wala sa sariling umatras ako mula sa kaniya.

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Ang mayamang babae na may-ari ng mansion na
ito ay siya? Maraming ulit akong umiling.

Nang makita kong nakabukas ang gate ng mansion, walang pag-aalinlangan akong
tumakbo papunta doon para makaalis. Narinig ko pa ang pagtawag sa akin ni Manang
Trinidad pero hindi ako nag- abalang lumingon. Kailangan kong makalayo. Kailangan
kong makaalis sa lugar na ito!

Hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Hindi... hindi talaga ako naniniwala. Patay na
siya! Patay na si Inay!

Wala akong kapera-pera kaya tumakbo na lang ako papunta sa kompanya ni Uno. Inabot
ako nang ilang oras, kaso pagdating ko roon, dismayado akong malaman na wala siya.

"Nasaan si Uno, Odette? Kailangan ko

siyang makausap."

"Hindi ko alam, ma'am. Ilang araw nang hindi pumapasok si Sir. Kung pumasok man
siya, sandali lang. Umaalis din agad."

Mariin akong pumikit sa mga narinig.

Pabagsak akong naupo sa upuan sa


labas ng office niya dahil sa matinding pagod. Tagaktak na ang pawis sa noo ko at
hinihingal pa ako.

Pinatawagan ko kay Odette si Uno, hindi naman siya sumasagot.

Nagpadala na lang ito ng text na

nagsasabing nandito ako sa office at

naghihintay sa kaniya.

"Nasaan ka you." na, Uno? I need to talk to

Mahigit dalawang oras din akong naghintay sa office, pero hindi siya dumating.
Nagpaalam na lang ako kay Odette na pupunta na lang sa mansion.

Laking pasalamat ko naman dahil nakaintindi sa akin si Odette. Binigyan niya ako ng
perang magagamit ko na pamasahe.

Pagdating ko sa mansion, takot na takot akong pumasok dahil baka sina Senyora
Celestia at Gwen ang madatnan ko. Wala na akong energy para makipagtalo sa kanila.
Nanatili ako sa labas at nagbabakasakaling matyempuhan ko si Uno. Hindi naman ako
binigo ng Diyos.

"Uno!"

Nagliwanag ang buong mukha ko nang makitang palabas na ng gate si Uno. Nang
mapansin niya ako, bigla siyang natigilan.

"Isa!"

Dali-dali siyang lumabas ng malaking gate, subalit bago pa niya ako malapitan,
isang van ang tumigil sa harap ko at sapilitan akong isinakay sa loob ng mga
lalaki.

***

"Bitiwan n'yo ako! Sino ba kayo!" Malakas kong pinagsusuntok angl lalaki sa tabi
ko.

Hindi ito nagsalita, ni hindi niya ako pinigilan sa pananakit sa kaniya.


Nakapagtataka. Nadukot na rin ako noon ng mga tao ni Uno, at kadalasan, nilalagyan
nila ng piring ang mata ko at nagbabanta rin sila. Pero ang mga ito? Ni hindi nila
ako magawang hawakan habang nasa byahe. Parang takot na takot pa nga sila kapag
nagagalit at sumisigaw ako.

"Ibaba n'yo ako! Sino ba kayo, ha? Sinong nag-utos sa inyo na gawin ito!"

"Senyorita, huminahon kayo. Malapit na po tayo."

Natigilan ako bigla sa tinawag sa akin ng lalaki. Anong ibig nitong sabihin,
senyorita?

Nang makita kung saan bahay pumasok ang van, saka lang ako naliwanagan sa
nangyayari. Tumigil ang sasakyan sa harap ng mismong mansion ni Mrs. Brown!

Galit akong bumaba at pumasok sa loob. "Bakit n'yo ito ginagawa? Ano bang gusto
n'yo sa akin!" "Anak, nasaktan ka ba?" Mabilis na lumapit sa akin si Mrs. Brown
nang makababa ito ng malaking hagdan.

"Hindi mo ako anak! Matagal nang patay ang nanay ko!"

Natigilan siya bigla sa mga narinig. Mabilis na nabasa ang gilid ng mga mata niya.

"Hayaan mo akong magpaliwanag, anak. 11

"Don't call me that! Hindi mo ako anak!

"Huminahon kayo. Hija, umakyat ka muna sa kuwarto mo para makapagpahinga. Namumutla


ka na."

Nilingon ko si Manang Trinidad at masamang tiningnan. Kung kausapin niya ako ay


parang hindi ako dinukot ng mga utusan nila!

Nilapitan ako ng dalawang maid at sinamahan na umakyat sa itaas. Sumama na ako nang
makaramdam ng panlalabo ng mga mata. Dinalhan nila ako ng gamot at maiinom para
bumuti ang pakiramdam ko.

***

"Anak, buksan mo ito. Mag-usap tayo."

Mabilis akong bumangon mula sa pagkakahiga nang marinig ang boses na iyon.

Mariin kong tinakpan ang magkabila kong tainga upang hindi marinig ang mga
sasabihin niya. Sa loob nang isang araw, wala akong ibang ginawa kundi magkulong sa
kuwarto na ito. Ayaw ko siyang makausap. Ayaw kong marinig ang mga sasabihin niya.

"Anak, hindi ka puwedeng magkulong na lang dyan."

Hindi ko pa rin pinansin ang mga sinabi niya. Binagsak ko ang sarili ko sa kama at
nanatiling nakatakip ang mga kamay sa tainga. "Manang Trinidad, ang susi!"

Napabalikwas uli ako ng bangon sa narinig. Ilang minuto lang, bumukas na ang
pintuan at pumasok siya.

"Isa, anak."

"Matagal nang patay ang mga magulang ko. Hindi ako ang anak na hinahanap mo!"

Marahan siyang lumapit sa akin habang nangingilid ang luha sa pisngi niya.

"Isa, naiintindihan kong galit ka sa akin. Hayaan mong magpapaliwanag ako."

"Ano pa bang ipapaliwanag mo? Iniwan mo ako! Sumama ka sa ibang lalaki!


Nagpakasarap ka habang ako, minamaltrato ni Tiya Lana!"

"Anak, hindi ko alam."

"Paano mo nga malalaman kung wala ka? Umalis ka at pinabayaan ako!" buong lakas ko
siyang sinigawan. Inilabas ko ang lahat ng galit na matagal ko nang kinikimkim sa
loob- loob ko.

"Patawarin mo ako."

"Alam mo ba ang nangyari sa akin, ha? Hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral! Naging
katulong din ako sa mga Cavallaro para lang may maibigay na pera kay tiya! Nabuntis
ako sa murang edad at ikinulong na parang baboy! Ninakaw sa akin ang isa kong anak,
at para mabuhay kami ng anak kong si Heart, kinailangan kong maging dancer sa bar!"

Naitakip niya ang kamay niya sa bibig. 11 Anak, patawarin mo ako. Patawarin mo si
Nanay."

"Hindi kita mapapatawad! Lumabas ka! Ayaw kitang makita!"

Wala siyang nagawa nang magsimula akong magtapon ng mga gamit para lang umalis
siya. Umiiyak siya nang iwan akong mag-isa sa kuwarto.

Iniwan niya ako kay Tiya Lana noong mga panahong kailangan ko pa ng isang ina para
mag-alaga sa akin. Nabalitaan ko na lang na sumama na siya sa ibang lalaki.
Pagkatapos ngayon, babalik siya na parang walang nangyari?

Matagal nang patay ang nanay ko. Matagal ko nang inilibing sa lupa ang aking mga
magulang!

***

"Ano ang mga ito?"

"Para sa inyo po, senyorita.

Ipinabibigay ni Mrs. Brown.'

11

Ilang sandali akong nakatitig sa mga shopping bags na nasa sahig. Mga kilalang
brands ang tatak ng mga ito.

"Para sa akin ang lahat nang ito?"

"Opo, senyorita." Nang iwan akong mag-isa ng mga katulong, isa-isa kong binuksan
ang mga bags. Puro dresses, shoes at gamit sa katawan ang mga ito.

Kumuha ako ng isang perfume at inamoy. "Ang bango."

I bit my lower lip. Should I accept all of these? Galing ang mga ito sa kaniya.
Siguradong suhol ito para mapatawad ko siya.

Matagal akong naupo sa gilid ng kama habang suot lang ang pink na bathrobe. Nag-
iisip ako sa gagawin ko. Well, I don't have any choice naman. Wala akong damit na
dala kaya wala akong masusuot.

Pero hindi ko magawang kumuha na lang ng isang damit mula sa mga binigay ni Mrs.
Brown at suotin. Feeling ko, kakainin ko ang lahat ng sinabi ko kapag tinanggap ko
ang mga ito. Nakatulugan ko na lang tuloy ang pag- iisip. I woke up in the middle
of the night. Naalimpungatan ako dahil sa isang nakakikilabot na sigaw na narinig
ko.

Marahan akong bumangon mula sa pagkakahiga. I'm still wearing the pink bathrobe.
Tahimik kong pinakiramdaman ang paligid. Maliban sa mga insektong panggabi na
naglilikha ng ingay, wala na akong ibang marinig sa paligid.

"Pero may narinig akong sigaw ng lalaki kanina lang. Imagination ko lang ba iyon?"

Umiling ako at muling nahiga. Baka nga Imagination ko lang, o baka panaginip ko.
Pinilit kong muling makatulog at hindi naman ako nabigo.
Kinaumagahan, suot ko na ang isang purple flower print summer dress na off -
shoulder. I let my hair down and wore a light makeup. Ginamit ko rin ang perfume na
nagustuhan ko ang amoy kahapon. "Anak!" Lumapad ang ngiti sa mukha ni Mrs. Brown
nang makita akong papalapit sa kaniya.

Nasa garden siya at nagbabasa ng kung ano sa kaniyang laptop. Kasama niya si Manang
Trinidad na agad kaming iniwan upang makapag-usap.

"Mabuti't lumabas ka na sa kuwarto mo. Nag-aalala na kaming lahat." 11

Pinaghila niya ako ng upuan sa tabi niya, pero naupo ako sa silyang malayo sa
kaniya. Ayaw ko siyang makatabi.

"Buti na lang, nagkasya sa iyo ang mga damit na pinamili ko. Sa susunod, ikaw na
ang pipili ng gusto mo, huh? Mags- shopping tayo."

Hindi ko pinansin ang mga sinabi niya. Ngayon lang ako makikinig sa paliwanag mo."
11

Tumango siya sa akin nang may ngiti sa mukha. Malamlam ang mga mata niyang
tiningnan ako. Sa loob nang ilang segundo, nakaramdam ako ng pangungulila sa isang
ina. Pero pilit kong pinaglabanan ang kagustuhan kong umiyak sa kandungan niya.

Kapag narinig ko ang paliwanag niya, saka ako magdedesisyon sa gagawin. Masakit ang
ginawa niya but I want to give her the benefit of the doubt.

Matagal siyang nawalan ng imik at para bang nag-iisip. "Hindi ko kinaya ang hirap
ng buhay mula nang mawala sa atin ang iyong itay. Hindi ko alam kung paano ka
bubuhayin. Noon, may kaya ang Tiya Lana mo, kaya naisip kong panandalian kang iwan
sa kaniya."

Hindi ko napigilan ang maluha nang maalala ang araw kung kailan ako nagmakaawa,
isama lang niya ako sa pupuntahan niya at huwag iwan. Hindi ko alam na iyon na pala
ang huling beses na may matatawag akong ina.

"Namasukan akong katulong kay Mr.Brown. Nakuha ko ang tiwala at loob niya. Nang
magtapat siya sa akin ng nararamdaman niya, nakakita ako ng pagkakataon na makaahon
sa hirap, kaya pumayag akong maikasal sa kaniya. Anak, sa maniwala ka't sa hindi,
nagpapadala ako ng pera para sa iyo at sa pag-aaral mo. Kay Lana. Hindi ko alam na
hindi pala nakakarating sa iyo ang lahat."

Bigla akong natahimik sa huli niyang sinabi. "Pero hindi pera ang kailangan ko
kundi ikaw!"

"Anak, may kalakip na sulat ang ng perang ipinadala ko. Ang pagmamahal at
pangungulila ko sa iyo, naroon lahat sa sulat." lahat

"Sulat? Wala akong natatanggap na sulat!"

"Isabella, I'm sorry. Hindi kita dapat iniwan kay Lana. Hindi kita dapat
pinagkatiwala sa kaniya." Bigla akong tumayo at walang paalam na bumalik sa kuwarto
ko. Naninikip ang dibdib ko sa sobrang sama ng loob.

Nagpapadala ng sulat si Inay? Pero ni isa, wala akong natatanggap!


Napakasinungaling ni Tiya Lana!

Inagaw niya sa akin ang pagkakataong makasama ko si Inay dahil sa kasakiman niya sa
pera!
Bigla akong natigilan nang maalala si Heart. Naiwan siya kay Tiya Lana. Kailangan
kong balikan ang anak ko!

***

"Inay."

Natigilan sa seryosong pag-uusap sina Inay at Manang Trinidad nang marinig ang
boses ko. Nasa dining sila at kasalukuyang nagkakape.

"Anak." Mabilis na tumayo si Inay.

"Kukuha muna ako ng makakain. Baka nagugutom ka na, hija." Ngumiti si Manang
Trinidad at nagtungo sa kusina.

Agad naman akong nilapitan ni Inay

nang maiwan kaming dalawa.

"K-kailangan ko ng tulong mo," lakas- loob kong sabi.

Maraming ulit siyang tumango sa akin. "Naiintindihan ko, anak. Gamitin mo ako...
para makapaghiganti ka."

Chapter 37

ISA

BIGLA akong natahimik nang marinig ang mga sinabi ni Inay. Maghiganti?

"Pagbabayaran ni Senyora Celestia ang mga ginawa niya sa iyo."

"P-paano mo nalaman, inay?"

Kinuha niya ang kamay ko. "Bago ko lang nalaman ang lahat. Hindi ako papayag na
hindi sila magbayad sa lahat ng ginawa nila sa iyo, anak. Magbabayad ang mga
Cavallaro!"

Mula sa dining, dinala ako ni Inay sa basement ng mansion. Nasa underground iyon.
Malaki, madilim at malamig, pero ikinagulat ko ang taong nadatnan ko sa loob.

"Inay, bakit nandito ang taong iyan?"

Sinenyasan ni Inay ang isa sa tatlong lalaking nagbabantay sa paligid. Kinuha nito
ang balde na puno ng tubig. saka binuhos sa lalaking walang malay

habang nakagapos ang kamay sa itaas. Patayo itong natutulog.

"M-maawa na kayo! Pakawalan n'yo ako!" sigaw nito nang muling magkamalay. Nang
matuon sa akin ang paningin niya, nanlaki ang mga mata niya nang makilala ako.

Si Gino!

"Inay..."

"Sa kaniya ko nalaman ang lahat, Isa. Kung paano ka ikinulong ni Celestia, at kung
paano kinuha ng lalaking iyan ang anak mo para ibigay sa babaeng iyon!"

Umagos ang mga luha sa pisngi ko nang maalala ang gabing iyon.

Kapapanganak ko pa lang, pero hindi ko man lang nahagkan ang anak ko dahil kinuha
nila ito sa akin!

"Hayop ka! Ikaw ang kumuha sa anak ko! Hayop ka! Wala kayong puso! Ninakaw n'yo sa
akin ang anak ko!" Malakas akong sumigaw hanggang sa nabuwal ang mga tuhod ko at
napaluhod ako sa semento.

Mahigpit akong niyakap ni Inay at pinatahan. Inutusan nito ang tatlong lalaki na
bugbugin si Gino na mabilis naman nilang ginawa.

"Wala akong kasalanan sa nangyari! Inutusan lang ako ni Senyora Celestia! Maawa
kayo sa akin!"

Inalalayan ako ni Inay pabalik sa kuwarto ko. Nanginginig pa rin ako sa pinaghalong
takot at galit sa lalaking iyon. Hinding-hindi ko malilimutan ang mukha niya!

"Siya ba ang narinig ko kagabi?" Hinawakan ko sa kamay si Inay nang akmang aalis na
ito.

"Narinig?"

"May narinig akong lalaking sumigaw. Siya ba iyon?" Walang salita ang lumabas sa
bibig

niya, ngunit tinanguan niya ako.

***

I wore a red off-shoulder dress this morning. Nakapusod rin ang mahaba kong buhok.
Bumaba ako ng malaking hagdan at sinalubong ng mga katulong at tauhan ni Inay.

"Magandang umaga, senyorita!" korus nilang pagbati sa akin.

Ngumiti ako sa lahat bago tumingin kay inay na naghihintay sa akin. Sumakay kami sa
kotse niya kasama si Manang Trinidad at nagbiyahe papunta sa probinsya.

"Minerva? Ikaw na ba iyan?"

Nakaawang ang mga labi ni Tiya Lana habang nakatingin sa amin.

Naningkit agad ang mga mata ko nang makita siya. Naalala ko ang mga pagmamalupit
niya sa akin noon, iyon pala'y ninanakaw na niya ang pera at mga sulat sa akin ni
Inay.

"Ang gara ng suot mo, ah! Mayaman ka na pala, hindi ka man lang dumalaw!"

Nang lapitan nito si Inay ay isang malakas na sampal ang natanggap niya.
"Aray! Ang sakit no'n, ha! Bakit mo ako

sinampal!"

"Dapat lang iyan sa iyo matapos ng mga ginawa mo!"

"Oh, bakit? Ano ang nagawa ko sa iyo para sampalin mo ako, ha! Walang utang na
loob! Hoy! Ako ang nagpalamon sa anak mo nang ilang taon!" Halos manlisik ang mga
mata nito habang sinasabi ang mga iyon.

"Ang kapal ng pagmumukha mo! Malaking pera ang pinapadala ko sa iyo bilang bayad sa
lahat nang naitulong mo sa anak ko! Pero ano ang ginawa mo? Pati pera at sulat na
para kay Isa, ninakaw mo!" "Aba, dapat lang! Dahil kulang pa ang mga pinapadala mo!
Kulang na kulang pa para sa pagkupkop ko sa anak mong walang kwenta!"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at sumingit na sa kanila. "Bawat butil ng bigas


at tubig na iniinom ko, binabayaran ko, tiya! Nagtatrabaho ako sa iyo, pati sa
palengke, nagtatrabaho ako, para lang may maibigay na pera kapalit sa lahat ng
pinapakain mo sa akin!"

Sandali siyang natigilan. "Akala mo ba, sapat na iyon? Hoy! Kulang pa iyon! Kahit
bayaran mo ako nang milyon, kulang pa para sa pagpayag kong tumira ka sa pamamahay
ko!"

"Mukha kang pera! Bayad na ako sa lahat nang naitulong mo! Sobra-sobra pa ang
kinuha mo sa amin!"

Muli siyang natigilan sa mga nasabi ko. "W-wala kang galang!" Umangat ang kamay
niya sa ere para sampalin ako, pero mahigpit itong hinawakan ni Inay.

"Huwag na huwag mong sasaktan ang anak ko kung ayaw mong makalimutan kong kapatid
ka ng namayapa kong asawa!"

Nagpatuloy sila sa pagtatalo pero sa iba na nakatuon ang mga mata ko. Nakuha ng
bata ang atensyon ko nang makita ito sa likuran ng bahay. Umawang ang mga labi ko
nang matanaw ko ang anak kong si Heart, nagbibitbit ng mga maruruming damit.

"Heart! Anak!" Mabilis akong tumakbo para lapitan siya. Nabitiwan niya ang mga
damit na hawak niya na mas malaki pa kaysa sa kaniya.

"Nay-nay!"

"Anak ko!" Lumuhod ako sa lupa at mabilis siyang niyakap. Parang bukas na gripo sa
pag-agos ang mga luha ko nang muli ko siyang mahagkan.

Paano ito nagawa ni Tiya Lana? Alam niyang may sakit ang anak ko!

Mabilis kong binuhat ang anak ko palayo roon. Ibinigay ko siya kay Manang Trinidad
at pinapasok sa sasakyan.

"Wala ka talagang awa! May sakit ang anak ko pero nagawa mo pang utusan!"

"Ano sa palagay mo? Umalis ka nang walang iniiwang pera! Wala akong mautusan sa
bahay! Alanganan naman magbuhay prinsesa siya!"

"Walang hiya ka!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nagawa siyang sampalin.

Mabilis na dumating ang mga tao ni Inay at hinawakan ito sa magkabilang kamay nang
akmang gaganti ito. Dumiretso kami sa police station para magsampa ng kaso sa
kaniyang child abuse. Bumalik kami sa Manila kasama sina Heart at Alicia. Nalaman
kong pinagtatrabaho pala ni Tiya Lana si Ali, at kapag naiiwan mag-isa si Heart sa
bahay, inuutusan niya ito at minsan ay sinasaktan pa.

***

Awang-awa ako habang pinagmamasdang matulog ang anak ko. May pasa ito sa kabilang
braso niya at namumutla na naman ang kaniyang kulay. Diyos ko pong maawain, bakit
kailangan mangyari ito sa anak ko?

"Pinadukot ka ni Uno? Hesusmaryosep! Huwag mo sabihing pinahirapan ka rin niya?"

Naluluha akong tumingin kay Alicia." Galit na galit siya sa akin."

"E, di dapat sinabi mo na ang totoo! Ang tungkol kay Heart! Aba'y sinabi mo ba
naman ba?"

Malungkot akong umiling. "Kung kaya ko, habang-buhay kong itatago sa

kaniya ang anak ko.

"Juice ko, Lord! Bakit ka ba ganiyan, Isa? Dapat sinabi mo na ang totoo!"

"Ali, please, pagod ako. Ayaw kong pag-

usapan iyan ngayon."

"Mahabaging Diyos!"

Naiiling siyang lumabas ng kuwarto para pumunta na sa sarili niyang silid. Nang
masiguro kong tulog na tulog na si Heart, tumayo na rin ako at lumabas.

"Nakahanda na ang isusuot mo, anak."

Pumasok ako sa malawak na living room kung saan naghihintay sina Inay. Sa gitna ay
naroon ang isang mannequin, suot ang ballgown na gagamitin ko ngayong gabi.

"Makikilala ka nila bilang si Bella Brown, ang nag-iisa kong anak at tagapagmana ng
lahat ng aking yaman. Ibinigay sa akin ni Inay ang mask na nasa loob ng itim na
kahon. Puno ito ng diamond kagaya ng ngayon. damit na isusuot ko

Ngayong gabi gaganapin ang masquerade party ni Mrs. Buenaventura, the wife of
Julius Buenaventura. Ang director ng movie ni Gwen na ipapalabas sa ibang bansa.

"I am the biggest sponsor of most of her charities, Isa. Kaya mahalaga ako sa party
na ito. There will be an auction. Do whatever you want, anak. Ipakita mo sa mga
Cavallaro kung sino ang taong binangga nila."

Napangiti ako sa lahat ng narinig.

Inumpisahan kong hubarin ang suot kong damit. Mabilis naman tumalima ang mga
katulong ni Inay para isuot sa akin ang nakahandang ballgown.

"Ngayon gabi mag-umpisa ang paghihiganti ko sa kanila."


Chapter 38

ISA

NAKUHA ko ang atensyon ng mga tao sa sandaling humakbang ako pababa ng enggrandeng
hagdan ng malawak na ballroom ng mansion ng mga Buenaventura.

Bukod tangi ang ballgown na suot ko kaya agaw-pansin ito sa lahat ng naroon. Ang
sabi ni inay, sadya nila itong ipinagawa sa isang sikat na designer mula pa sa
Italy. At si Mrs. Buenaventura, bilang isang kilalang designer mismo dito sa
Pilipinas, alam kong maaagaw nito ang kaniyang pansin.

Malakas ang pagkabog ng dibdib ko habang tinitingnan ang mga tao sa paligid. Taas-
noo akong naglalakad subalit ang puso ko, para nang nakikipagkarera sa mga kabayo
dahil sa bilis ng tibok. Hindi ako sanay sa mga party, lalo na sa ganitong
pagdaraos na puro kilalang tao ang mga imbitado. Ang alam ko ay kilala sa showbiz
industry ang karamihan sa mga nandito, ang iba pa raw ay mga politiko.

"Welcome!"

Natigilan ako sa paglalakad nang makita ang babaeng papalapit sa akin habang may
malaking ngiti sa mga labi. Nakilala ko agad ito dahil wala siyang suot na maskara.
Siya si Mrs. Buenaventura!

"Oh, my! You must be Bella Brown?"

Mariin akong lumunok. Hindi ko kailangan kabahan. Nakasuot ako ng maskara kaya
natatakpan ang mukha ko. At sa gabing ito, hindi ako si Isa Cancio, ako si Bella
Brown. Isang mayaman at sopistikadang babae. Kailangan ko itong panindigan.

"Ako nga. "It's an honor to have you here, hija! The heiress of Minerva Brown! Your
mother has told me so much about you. Welcome to the party!"

"Thank you." Tipid akong ngumiti.

Ang payo ni Inay, hindi ko kailangan magsalita. Kahit tipid na sagot lang ay okay
na. Mas mabuti pa rin daw na manatiling misteryoso ang dating ko.

Isinama ako ni Mrs. Buenaventura at ipinakilala sa mga kaibigan niya. Buong oras ay
hindi siya umalis sa tabi ko at para bang ipinagmamalaki ako sa lahat nang makausap
niya.

Nang magsimula ang party, hinanap

agad ng mga mata ko ang taong pinunta

ko rito. Si Gwen.

"Excuse me," sandali kong paalam nang makita ang hinahanap ko.

Natanaw ko si Gwen hindi kalayuan

mula sa mahabang table kung saan


nakahanda ang mga pagkain. Hawak niya ang maskara niya sa halip na suot kaya nagawa
kong makilala siya agad.

Kausap nito ang ilan sa mga kasama nitong artista sa movie at pati si Director
Julius Buenaventura.

I walked slowly with grace towards them. Pero nang makalapit ako kay Gwen, pasadya
kong binunggo ang balikat niya.

"Hey!"

Tiningnan ko siya gamit ang matalim na mga mata. Nalukot agad ang mukha niya nang
makita ako. Hindi ako nagsalita at nagpatuloy lang sa paglalakad.

Kumuha ako ng isang glass ng champagne at nakangiting nilingon si Gwen. Nakasunod


pa rin sa akin ang paningin niya. Halatang hindi niya nagustuhan ang nangyari.
Nakasuot siya ng dress na lantad ang karamihan sa kaniyang balat. Habang nakatayo
roon ay may ilang mga lalaki ang lumapit sa akin. Nakikipagkilala. Tinanggal nila
ang mga mask nila kaya nakilala kong starlet ang mga ito ng isang kilalang network.

I didn't bother answering their questions. Wala akong panahon sa kanila. Lumapit
ako sa table kung nasaan si Mrs. Buenaventura kasama ang mga mayayaman nitong
kaibigan. Hindi nagtagal, tinawag siya sa stage upang magbigay ng speech para sa
asawa niyang director. Hudyat din ito na magsisimula na ang auction.

Marami silang pina-auction katulad ng mga alahas, mga gamit at mga damit na gawa ng
mga sikat na designer. The last one was a dress made by a very famous designer sa
Pilipinas na namayapa na. Nag-iisa lang ito sa mundo at minsan lang nagamit ng
isang sikat na beauty queen. Pinapa-auction nila ang damit na nagsisimula sa
halagang 500,000 pesos.

"600,000 pesos!" Natuon sa kasama namin sa table ang attention ng lahat. Itinaas
nito ang numero niya saka ngumiti kay Mrs. Buenaventura.

Ang alam ko, lahat ng makukuhang pera mula sa auction ay mapupunta rin sa mga
charity at foundations ni Mrs. Buenaventura.

"700,000 pesos!"

Isang pamilyar na boses ang narinig ko. Nang hanapin ko kung sino ito, nakita ko
ang nakangiting mukha ni Gwen. Nasa malapit lang siya na table.

Mula kay Gwen ay natuon sa lalaking katabi niya ang mga mata ko. The man was
wearing a dark blue tux and a white mask. He's oozing with sex appeal while just
sitting there and doing nothing.

Si Uno. My Uno. "850,000 pesos!" isang may katandaan nang babae ang nagtaas ng
numero nito matapos sabihin ang halagang iyon.

Napainom ako ng champagne nang wala sa oras. Para sa isang dress, mag- aaksaya sila
nang ganoong kalaking pera?

"900,000 pesos!" Nakangiting itinaas ni Gwen ang numero niya.

"1,000,000 pesos!" Halos mamilog ang mga mata ko. Napapalakpak ang ilan sa mga
bisita nang marinig ang halagang iyon. Ako rin.

Tumingin ako kay Gwen at kapansin- pansin ang paglukot ng mukha niya habang
nakatingin sa babaeng nag- offer nang 1 milyon para sa dress. Halatang gusto niyang
makuha ang damit. Napangiti ako.

"1,200,000 pesos!" taas-noong saad ni Gwen.

"1,500,000 pesos!" sabi naman ng babaeng nag-offer kanina. milyon. Ayaw rin patalo.
nang 1

"1,500,000 pesos, going once!" maririnig ang malakas na boses ng speaker sa buong
paligid. "Going twice! And..."

"2,000,000 pesos!" mabilis na agaw ni Gwen sa sinasabi ng speaker.

Nagpalakpakan ang karamihan kabilang na si Mrs. Buenaventura. Nakangiti lang ako.

Proud naman na nakataas ang noo ni Gwen habang nakatingin sa babaeng kakompetensya
nito kanina. Mukhang sumuko na rin ang babae dahil hindi na ito nag-offer pa.

"2 million pesos, going once, going twice-"

"5 million pesos." Itinaas ko ang numero ko at ngumiti sa lahat..

Mahabaging Diyos. Natigilan ang mga bisita at napatingin sa akin. Lalo kong itinaas
ang numero ko bago tumingin kay Gwen. Nang-iinis ko siyang nginitian at alam kong
nakita niya iyon. Naglalagablab lang naman ang mga mata niya sa inis.

Nanghihinayang ako sa pera pero kung kinakailangan kong gumastos nang malaki i para
lang galitin si Gwen, gagawin ko. At isa pa, malalim pa ang gabi. Marami pa ang
mangyayari.

"Thank you so much, Bella! Hindi mo alam kung gaano kalaking tulong ito sa amin!"

"My pleasure, Mrs. Buenaventura." Nakangiti kong ibinigay sa kaniya ang cheque na
may signature ko at nagkakahalagang 5 milyon pesos.

Nang makita kong paparating si Gwen, nagpaalam ako agad kay Mrs. Buenaventura at
naglakad palayo. Nginitian ko pa si Gwen nang madaanan siya, pero mahigpit niya
akong pinigilan sa braso.

"Bella Brown? Ngayon ko lang narinig ang pangalan mo! Sino ka ba?"

Akmang tatanggalin niya ang mask ko pero malakas kong tinabig ang kamay niya.
Kamuntikan na siyang bumagsak sa sahig nang dahil doon. Gulat siyang napatitig sa
akin.

"How dare you!"

Hindi ako puwedeng magsalita dahil siguradong makikilala niya ako. Kaya sa halip na
sumagot, nang-uuyam ko siyang nginitian. Tinalikuran ko siya bago pa man siya
makapagsalita.

Hinanap ko ang comfort room sa mansion na iyon, pero sa sobrang laki ay nawala pa
ako. Mabuti na lang dahil may nakasalubong akong katulong na napagtanungan ko.

"Oh!" Hindi sinasadyang may mabunggo ako habang naglalakad. Mabilis nitong pinulot
ang purse na nabitiwan ko saka ibinigay sa akin. Shit! Kamuntikan na akong mapamura
nang malakas nang nabunggo ko. makilala ang taong

It's Uno!
Sinubukan kong kunin ang purse ko pero mahigpit niya itong hawak. Nag- angat uli
ako ng paningin sa mukha niya. Titig na titig siya sa mga mata ko kaya nag-iwas ako
ng mukha.

Nakilala niya ba ako? No, it can't be! Nakasuot ako ng maskara at halos natatakpan
ang buong mukha ko. Maliban na lang kung makikilala niya ako sa aking mga mata
lang. Which is impossible!

Inagaw ko ang purse ko at tumalikod but gaddamit! Hinawakan niya ako sa kamay na
nagbigay sa akin ng libo- libong bultahe.

"Isa?" Oh, no! He did recognized me! Pero paano?

Pilit kong binabawi ang braso ko at nang magtagumpay ay patakbong umalis. Hindi na
ako nakapunta sa banyo. Mabilis akong tumakbo papunta sa pintuan ng mansion. Aalis
na dapat ako sa party na iyon, pero nakarinig ako ng komusyon galing sa ballroom.
Parang nagkakagulo ang mga tao!

"Ano kayang nangyayari?"

Dahil sa sobrang curiosity, bumalik ako sa ballroom at sumilip mula sa taas.


Natigilan ako nang makita ang malaking screen sa stage kung saan dapat ipapanood
ang trailer ng movie ni Gwen.

Hindi movie niya ang makikita sa screen, kundi video nila ni Dos habang
naghahalikan sa lobby ng hotel! Nakita rin doon ang pag-check-in nila sa mismong
hotel kung nasaan sila. "Oh my gosh! Who did this!" maririnig ang malakas na boses
ni Mrs.

Buenaventura sa buong ballroom sa gitna ng bulong-bulungan ng mga bisita.

Mabilis na hinanap ng mga mata ko si Uno pero hindi ko siya nakita.

Nagdesisyon na akong tuluyang lisanin ang party na iyon.

Chapter 39

ISA

AGAD kong kinompronta si Inay nang makabalik ako ng mansion.

Naghihintay silang lahat sa malawak na living room. Siya, si Manang Trinidad at ang
head Ing security niya, si Tan.

"Inay, ikaw ba ang may kagagawan no'n?"

"Someone from the party told me about what happened but no. It's not me, anak."

Naguluhan ako sa narinig. "Kung hindi ikaw ang may kagagawan tungkol sa video, sino
ang may gawa no'n? Sino pa ang nakakaalam tungkol sa infidelity ni Gwen?"
Tumayo siya at lumapit sa akin. "I don't know."

"Ang sabi mo, may pinaplano ka? Sigurado ka bang hindi mo ito kagagawan?"

"Hindi ito ang tinutukoy kong plano ko. Balak kong bilhin ang palabas ni Director
Buenaventura. I want to cancel it, at pumayag na siya sa halagang napag-usapan
namin. Pero ito? Hindi ako ang may gawa ng tungkol sa video. Hindi ba't mas
makabubuti ito, anak? Masisira ang imahe ni Gwen sa lahat."

"Pero, inay, si Uno..."

Natigilan siya sa narinig. Oo, nag-aalala ako kay Uno higit sa kanino man. Iniwan
ko na siya sa araw ng kasal namin, and now? Nalaman niyang niloloko siya ng asawa
niya.

Matagal akong pinagmasdan ni Inay sa mukha na para bang binabasa niya ang iniisip.
Pagkuwa'y nilingon niya at sinabihan sina Manang at Tan na iwan kaming dalawa.

"Anak, sabihin mo sa akin ang totoo. Mahal mo ba ang anak ni Celestia?" Natahimik
ako sa tanong na iyon. Alam kong wala akong dapat na itago, pero matatanggap ba
niya?

"Opo."

Napapikit siya nang mariin. "Pero Isa, anak siya ng taong nagpahirap sa iyo!"

"At ama siya ng mga anak ko."

"Magkaibang bagay iyon! Hindi mo siya puwedeng mahalin."

Mapait akong ngumiti. Tanggap ko naman noon pa, na ang puno't dulo ng paghihirap
kong ito ay ang puso ko. Nang piliin kong mahalin si Uno, para na rin akong tumalon
sa ilog na puno ng pagdurusa.

"Wala naman ako sa gulong ito kung hindi ko minahal si Uno, inay. Naging tanga ako
sa pag-ibig, kaya nandito ako sa sitwasyon ko ngayon."

"Pero sa kabila ng mga nangyari, mahal mo pa rin siya?"

"Oo," buong tapang kong sagot.

Mahal ko si Uno. Totoong mahal ko siya hindi lang bilang ama ng mga anak ko.

Naiiling na bumaling sa malayo si Inay. Naiintindihan ko kung bakit ganito ang


reaction niya. Dapat ay naghihiganti kami sa mga Cavallaro, pero heto ako't
minamahal ang kaisa-isang anak ni Senyora Celestia.

"Anak, nag-uumpisa pa lang tayo. Marami akong planong paghihiganti sa kanila. Pero
hindi natin magagawa ito kung may pumipigil sa iyo."

"Hindi hadlang ang nararamdaman ko kay Uno para makapaghiganti, inay."

"Pero hindi pa rin maaari. Huwag mo siyang mamahalin, Isa."

***

Katulad noong gabi ng party, nakapusod ang buhok ko habang nakasuot ako ng white
blouse at yellow skirt. Maaga pa lang ay bumyahe na ako papunta sa Villa kung
nasaan si Alas.

"Yaya?"

"Baby!" Mabilis akong lumuhod sa damuhan habang tumatakbo si Alas papunta sa akin.
"I miss you! I miss you so much, baby boy ko!"

Natawa siya habang pinaghahalikan ko siya sa pisngi.

"Wow! What's that?"

"I bought you your favorite ice cream!"

"Cookies and cream?"

"Yes, baby!" Lumapit kami sa bench para pagsaluhan ang ice cream na binili ko.

Hindi ko mapigilan ang hindi ngumiti. Nangangarap ako na sana balang-araw, makasama
ko silang dalawa ni Heart habang kumakain kami ng mga paborito nilang pagkain.
Pinahid ko ang kaunting ice cream sa gilid ng labi niya. "Baby, gusto mo bang
sumama sa akin?"

"Where? To the mall?"

Umiling ako. "Hindi, anak. Aalis na tayo dito."

Sandali siyang huminto sa pagsubo." But why? Where are we going?" 11

Mula sa pagkakaupo sa bench, lumuhod ako sa damuhan para mapantayan ang mukha niya.
Marahan ko siyang hinawakan sa kamay.

"Anak, mag-isa mo lang dito. At sinasaktan ka nila, di ba? Sumama ka na sa akin.


Hindi kita iiwan mag-isa dito."

Natigilan ako nang bawiin niya ang kamay niya at malungkot na tumingin sa akin.

"Alas?"

"Yaya, I don't want to." "P-pero bakit? Ayaw mo rito, di ba?

Sumama ka na sa akin."

"But I don't want to leave daddy. I'm still waiting for him."

Matagal akong natigilan sa mga narinig. Sa kabila ng mga pagkukulang ni Uno, ayaw
pa rin niyang iwan ang daddy niya?

"Anak, hindi kita puwedeng iwan dito. Mag-isa mo lang dito. Hindi ka ba
nalulungkot?"

"Nalulungkot."

"But you're still gonna stay? For your daddy?"

Tumango siya sa akin. "Kahit wala siyang time sa akin, he's still my daddy, yaya. I
love him."

Hindi ko mapigilan ang maluha. Ewan ko kung ngingiti ako dahil sa mga narinig o
malulungkot. Mahal ng anak ko si Uno at hindi siya nagtatanim ng galit sa ama niya,
pero sa kabilang

banda, paano ko na siya makukuha kung ayaw naman niyang sumama sa akin?

"Isa?"

Natigilan ako sa pag-iisip nang marinig ang boses na iyon.

"Daddy! You're here!" Ibinaba ni Alas ang cone ng ice cream at mabilis na tumakbo
kay Uno.

Tumayo ako at marahan na lumingon. Bumungad sa akin ang malamlam na mga mata ni
Uno.

"Uno."

***

Pinapanood namin sumakay sa kotseng laruan si Alas. Nasa amusement park kami para
ipasyal ito, at para makapag- usap na rin.

"I'm very sure it was you last night. Alam kong hindi ako nagkakamali." "Pero
natatakpan ang halos buong mukha ko. Paano mo ako nakilala?"

"Makikilala at makikilala kita, Isa. Dahil kahit takpan mo pa ang mukha mo, kilala
ka na ng puso ko."

Kinuha niya ang kamay ko at pinisil ito. Gusto ko siyang yakapin noong mga
sandaling iyon. Gusto ko na lang manatili muna sa tabi niya at kalimutan ang mga
problema.

"Hindi mo siya puwedeng mahalin, Isa. Kung gusto mong magtagumpay ang plano natin,
kailangan mawala sa puso mo si Uno."

Nagbalik sa akin ang mga sinabi ni Inay kagabi. Mariin akong pumikit at pilit na
nag-iwas ng mukha.

"Bakit bigla ka na naman nawala? At bakit nandoon ka sa party?" Malungkot niya


akong nginitian. "You look.... different."

"Hindi ko gustong umalis, Gwen made me leave."

Nabahala agad ang mukha niya sa sinabi ko. "Anong ginawa niya sa iyo? Sinaktan ka
ba niya?"

"Hindi," natatawa kong sabi, "1 Tinutukan lang naman niya ako ng baril.

"Ano?" Bumangis bigla ang mukha ni Uno sa mga nalaman. Akmang tatayo ito pero
mabilis ko siyang pinigilan.

"Uno, about Dos and Gwen. Ang totoo niyan, alam ko ang tungkol sa-"

"Just wait a little more."

"What?"

Hinawakan niya ako sa kamay. 11 Magkita ulit tayo bukas sa villa."

Hanggang sa makauwi ako ay laman pa rin ng isip ko ang mga sinabi ni Uno. Ano ba
ang dapat kong hintayin? Ang paghihiwalay nila? Bakit parang may ibang ibig sabihin
si Uno?

"Anak!"

Natigilan ako sa hagdan nang marinig ang boses ni Inay. Lumapit siya sa akin hawak
ang cellphone niya sa isang kamay.

"Napanood mo na ba ang video'ng kumakalat ngayon?"

"Video? Anong video, inay?"

"May video scandal na kumakalat ngayon sa social media. Video scandal ni Gwen!"

Chapter 40

UNO

BIGLANG bumukas ang pintuan ng mansion at pumasok ang isang dalagitang nakasuot ng
pink na damit. Lahat ng palamuti sa katawan nito ay kulay rosas, maging ang suot na
sapatos at dalang bag.

"Ate!" parang bata na tinawag nito si Gwen at mabilis na nilapitan.

"Yuji? What are you doing here?"

"Ate, na-watch mo na ba ang video scandal mo? It's all over the internet, oh!
Look!"

Mabilis na nalukot ang mukha ni Gwen sa sinabi ng kapatid niya. Inagaw nito ang
cellphone na hawak ni Yuji at pinanonood ang sinasabi nitong video.

"What scandal are you talking about?" Pumasok sa living room si Mama at nilapitan
sina Gwen at Yuji. Ako man ay dinukot na rin ang cellphone sa loob ng bulsa ko para
makita ang video na tinutukoy nito.

"What's this? Oh my God! Gwen, paano mo nagawa ito! Paano ka nagkaroon ng ganitong
kalaswang video!"

Biglang nabitiwan ni Gwen ang hawak niyang cellphone. Bumagsak iyon sa sahig at
nabasag.

"Ate, my phone! Look what you did! Because of you, its basag na!"

"Get out of here, Yuji!"

Napaigtad si Yuji nang sigawan ito ni Gwen. Halatang ayaw nitong umalis pero nang
ipagtulakan ito ni Gwen ay wala itong nagawa.

"You're always mean to me! Ano bang nagawa kong wrong sa iyo, ate? I hate you!"
Nakita kong tulala si Gwen nang

makaalis ang kapatid nito. "What is the meaning of this? You have

an affair with another man?"

"Mama, I can explain-"

"How dare you do this to my son? Dinumihan mo lang ang pangalan ng aming pamilya!
What a disgrace!"

Tumingin sa akin si Mama. Tanging ngiti lang ang ibinigay ko sa kaniya. Siya ang
may gusto nito, panindigan niya.

"Mama, sandali! Maniwala kayo sa akin! H-hindi ako ang babae sa video!" Nang hindi
ito bigyan ng pansin ni Mama, patakbo siyang lumapit sa akin.

"Uno, maniwala ka sa akin! Hindi ako iyon! Hindi ako ang nasa video! Hindi ako ang
babaeng iyon!" Tumatangis na lumuhod siya sa paanan ko at nagmakaawa.

Pilit niyang hinawakan ang kamay ko. I

took her hand instead and tap her head. "Don't worry, I'll ready the divorce
papers."

ISA

HINDI ako makapaniwala habang pinapanood ang video nina Gwen at Dos. Sadyang malabo
ang video na inilabas pero halatang si Gwen ang babae rito.

"Sino naman kaya ang gagawa nito?"

"Mukhang hindi lang tayo ang kaaway ni Gwen, Isa."

Tumayo ako mula sa pagkakaupo. "Pero inay, masisira si Gwen sa video na ito. Hindi
lang pangalan niya kundi buong pagkatao niya."

"This is not our fault, Isa. Wala tayong kasalanan dito. Kung mayroon man dapat
sisihin, si Gwen iyon."

Matagal kong inisip kung sino ang taong makakagawa ng ganitong bagay. Oo, galit ako
kay Gwen, pero bilang babae, hindi ko nanaisin na mangyari sa kaniya ang ganitong
bagay.

Kinaumagahan, iniwan ko si Heart kina Ali at Inay. Nagmamadali akong pumunta sa


villa kung saan nakita kong naghihintay na sina Uno at Alas pagdating ko.

"Mag-usap tayo, Uno." Hinila ko siya palayo sa anak namin. "Ikaw ba ang may
kagagawan nito?"

Ipinakita ko ang cellphone kung saan naka-play ang scandal ni Gwen.

"Binayaran mo ba si Dos?"

"Binayaran?" Mahina siyang tumawa habang umiiling. "He's a CEO of his own hotel,
Isa."

"Kung ganoon, kusa niyang ginawa ang bagay na ito?"


Hindi siya nagsalita, pero hindi rin niya itinanggi ang tinatanong ko.

"Bakit niya gagawin ito? Sino ba siya? Ano mo ba siya, Uno?"

Nagbuga siya ng hangin bago ako hinawakan sa magkabilang braso. Seryoso niya akong
tinitigan sa mga mata.

"Isa, maghihiwalay na kami ni Gwen. Puwede na tayong magsama."

"Hindi mo man lang iniisip si Gwen? Uno, she's your wife! Sinira mo siya."

"Isa-"

"No! Babae rin ako, Uno! Paano mo nagawa ang bagay na ito sa kaniya!"

"Dahil nagdusa ka nang dahil sa kaniya! Dapat lang na pagbayaran niya ang mga
ginawa niya!"

Hindi ako nakaimik sa narinig. Nalilito ako. Anong ibig niyang sabihin doon?

"Uno, hindi kita maintindihan."

"Sa tingin mo, bakit ko pinakasalan si Gwen? Dahil gusto ko siya? O dahil siya ang
nagsalba sa akin sa kahihiyan nang umalis ka? Hindi, Isa. I married her to make her
pay for what she did to you!"

"Hindi kita maintindihan! Ano bang ginawa niya!"

"Alam niya ang ginawa sa iyo noon ni Mama!"

"A-alam niya?"

"Alam niya at siya ang may kagagawan no'n. Siya ang nagsabi kay mama na ikulong ka
at kunin mula sa iyo ang anak natin!"

Matagal akong natigilan sa mga narinig. Pakiramdam ko ay nablanko ang isipan ko.
All this time, it was Gwen? Kagustuhan niya at ginawa naman ni Senyora Celestia?

"Isa, pagbabayarin ko sila. Si Gwen, at si Mama. But please, sumama ka sa akin.


Lumayo na tayo rito."

Nabawi ko ang kamay kong hawak niya dahil sa mga narinig. Natigilan siya sa
ikinilos ko.

"Isa, ayaw mo bang sumama sa akin?" Gusto... gustong-gusto ko.

Marahan akong umiling kasabay nang pagbagsak ng mga luha ko. "I'm sorry."

Hindi siya nagsalita pagkatapos no'n. Alam kong nasaktan ko na naman siya. Kitang-
kita ko iyon sa mga mata niya, but he chose to smile at me. Pinili niya akong
intindihin.

"Hindi ako titigil... hangga't hindi ko nabibigyan ng hustisya ang nangyari sa


akin."

Matagal siyang hindi nagsalita, pero kalaunan ay nagbuga ng hangin. Bakas sa mga
mata niya ang pag-intindi sa sitwasyon ko.

Kinuha niya ang kamay ko at bumuntonghininga. "Gawin mo ang kailangan mong gawin.
Maghihintay ako."

Chapter 41

ISA

NAKAUPO ako sa harap ng fish pond habang pinapanood maglaro sa damuhan si Heart.
Maraming nagkalat na laruan sa paligid niya. Lahat ay binili ni Inay para sa
kaniya.

"Anak, halika." Patakbo siyang lumapit sa akin. Pinunasan ko ang pawis niya bago
siya sinubuan ng paborito niyang fruit salad. "Enjoy ka ba?"

"Opo, nay-nay! Ang daming laruan! Ang ganda dito!" tuwang-tuwa siya habang sinasabi
ang mga iyon.

"May gusto ka pa bang bilhin natin, anak ko?"

Umiling siya sa akin nang may ngiti pa rin sa mukha. "Wala na, nay-nay! Nandito na
lahat!"

Tumango ako at kinarga siya para paupuin sa kandungan ko. Ngayon ko lang nakita na
naging ganito kasaya si Heart. Sayang lang dahil kailangan namin maghiwalay nang
panandalian.

"Mayaman na tayo, anak. Mabibili ko na ang lahat ng gusto mo. Wala nang aapi sa
atin at makakapaghiganti na tayo sa mga taong nagbigay sa atin ng pagdurusa."

"Nay-nay." Inosente ang mga matang tumingin siya sa akin. Halata sa mukha niya na
hindi niya naintindihan ang mga sinabi ko.

Niyakap ko siya nang mahigpit. Gagawin ko ito para sa kaniya, para sa aming
pamilya.

***

"Ali, hindi kayo puwedeng sumama ni Heart sa amin. Delikado para sa kaniya. liwan
ko kayo rito kasama sina Manang Trinidad. Lahat ng kailangan n'yo, ibibigay ni
Manang."

Hinawakan niya ako sa kamay at nginitian. "Huwag mo na kaming intindihin. Ako ang
bahala sa inaanak ko!"

Mula kay Alicia ay nilingon ko si Heart na mahimbing na natutulog sa kama.


Pagkatapos maglaro ay napagod ito at agad na nakatulog.

"Sigurado ka ba dyan sa gagawin mo, mars?"

"Oo."
"Isa, ito lang, ha? Maghihiganti ka. Magiging dahilan ka ng pagdurusa ng iba.
Nakahanda ka na bang manakit ng kapwa mo? Kilala kita, bakla. Ang manakit ng kapwa
ang hinding-hindi mo magagawa."

Seryoso ko siyang tiningnan matapos ng kaniyang mga sinabi. "Tama na ang pagiging
martyr at tanga, Ali. Para hindi tapakan, kailangan din natin lumaban. Pagbabayarin
namin ang mga taong nanakit sa akin at sa pamilya ko, pagkatapos, babalik ako."

***

Nang makapasok ako sa malaking kuwarto ni Inay, nakalinya na ang mga maid sa
paligid. Lahat sila may mga hawak na damit at mga alahas na mapagpipilian ko para
gamitin.

"Pinuno ko na ng mga damit ang cabinet mo. Nandoon na rin ang lahat ng kailangan mo
bilang si Bella Brown. You need to change everything about you, anak. I want you to
be fiercer and stronger."

Isa-isa kong pinasadahan ng tingin ang mga naglalakihang alahas. Hinimas ko ito
bago tumingin kay inay.

"Handa na ako."

Lumapad ang ngiti sa mga labi niya. Manang Trinidad, tawagan mo si Celestia,
Babalik na tayo sa Hacienda Cavallaro!" ***

"Inay, ipapasyal ko muna si Heart. Gusto ko siyang makasama muna."

Bitbit ko sa mga braso ko ang aking anak nang lapitan kami ni Inay. Marahan nitong
hinagod ang buhok ni Heart.

'Ang apo ko." Kinuha niya ang anak ko 11 mula sa akin at mahigpit na niyakap. "
Huwag kang mag-alala, anak.

Sisiguraduhin ko na mababantayan si Heart at ang lagay niya sa lahat ng oras.

Hinayaan kami ni Inay na mamasyal nang buong araw. Kinabukasan kasi ay kailangan na
namin umalis.

Pumunta kami sa mall kasama si Ali at hinayaan kong pumili si Heart ng mga gusto
niyang bilhin na laruan.

Pagkatapos mamili ay kumain din kami

sa labas. Lahat nang hindi namin

nagawa noon dahil wala kaming kapera -pera, ginawa namin ngayon.

Nang bumalik kami sa mall para mamili ng mga damit, hindi ko inaasahan na makikita
ko ang isang pamilyar na mukha.

"Dos?"

"Isa! Kumusta ka na?"

Mukhang papunta siya sa clothing store na para sa mga babae. May ka-meet kaya siya?

Nakangiti siyang lumapit sa akin na parang walang nangyari. Na parang wala silang
scandal ni Gwen na kumalat. Sabagay, hindi naman siya mamumukhaan sa video dahil
malabo ang mukha niya.

"A-ayos naman.

Mula sa akin ay nabaling ang paningin niya kay Heart. "Sino naman ang cute na
batang ito?" "Ah, anak ko." Malapad akong ngumiti.

Natigilan ako nang mapansin na natahimik siya. Matagal siyang tumingin sa akin.
Nagtataka.

"A-anak... mo?"

"Oo. Bakit parang nagulat ka?" Natawa pa ako. Saka ko lang naalala na magkakilala
nga pala sila nina Uno at Gwen!

Bigla akong kinabahan nang hindi siya magsalita. Pinagmasdan niya lang nang
napakatagal ang anak ko.

"Hello," bati ni Heart dito saka kumaway.

Ngumiti si Dos at marahang hinaplos ang pisngi ng anak ko. "Sino ang ama niya?"

Napatingin ako kay Ali dahil sa tanong na iyon. Kahit ito ay hindi rin makaimik.
Hindi na ako makatingin nang diretso kay Dos dahil sa matinding kaba.

He smiled at me. "Si Uno?"

Nanlaki ang mga mata ko sa pangalang binanggit niya.

Chapter 42

ISA

Hawak ko ang kamay ni Dos at kulang na lang, magmakaawa. Nakatingin siya sa akin
nang may pag-aalinlangan sa mga mata. Sa huli, pinili niyang tumango na nagbigay
kampante sa akin.

"Don't worry, I won't tell anyone. You can trust me."

Nakagat ko ang labi ko at mariin na pumikit. "Salamat."

"She looks a lot like him."

"Him?"

"Yeah, ang anak mo. Kamukhang- kamukha niya."


Bahagya akong ngumiti. "Kamukha ni Uno?"

"Ni Uno at ni Alas. Let me guess, twins? Huminga ako nang malalim saka) tumango.
Minabuti kong baguhin ang usapan upang hindi na siya magtanong pa.

"Dos, iyong tungkol sa video."

"What about it?"

"Ikaw ba ang kumuha ng no'n?"

Tumango siya na ikinatigil ko. "Yeah, naisip namin i-record ang bagay na iyon, but
the video got leaked. Galit ka ba sa akin?"

"Bakit naman ako magagalit sa iyo?"

"Well, she's Uno's wife, and I banged her."

"Anong kinalaman no'n sa akin?"

"You still love him."

"Ha? B-bakit mo naman nasabi iyan?"

"Come on, Isa. It's pretty obvious, the way you talk about him? And he's divorcing
Gwen. I'm pretty sure it's because of you."

Lumabi ako sa mga narinig. Dati ang gaan ng loob ko sa lalaking ito, ngayon hindi
na. Tsismoso siya!

Magsasalita pa sana ako pero natigilan ako nang biglang tumunog ang cellphone na
hawak niya. Nagawa ko pang masilip ang pangalan ng tumatawag.

Si Gwen.

"I have to go, Isa. Nice seeing you here! 11 nakangiti siyang nagpaalam sa akin at
sa anak ko. Nagmamadali pa siyang umalis.

So, hanggang ngayon pala ay may communication ра rin sila? Kahit kumalat na ang
video nila ay nagagawa pa rin siyang tawagan ni Gwen. Ibang klase talaga ang
babaeng iyon. She's still cheating on Uno. Hapon na nang magdesisyon kaming umuwi.
Pagod na rin si Heart sa buong araw na pamamasyal kaya nakatulog na ito habang nasa
byahe kami. Sa halip na dumiretso sa mansion, sinabihan ko ang driver na pumunta sa
isang address.

"Yaya Isa!"

Malapad akong ngumiti nang makalapit sa akin si Alas. Mabilis ko siyang kinuha para
buhatin. Mula sa kinatatayuan ay lumingon ako sa kotse kung nasaan si Ali at
pasimpleng hinarap si Alas. Napangiti ito nang makita ang anak ko.

"Yaya, why are you here? It's almost night. Are you with daddy?"

Ibinaba ko siya at naupo sa malinis na damuhan. "Hindi, anak, e. Hindi ko kasama si


Daddy mo. Nandito ako para magpaalam."

"You're leaving again?" Mabilis na lumungkot ang mukha niya.

Niyakap ko siya saka pinaupo sa kandungan ko. "Sandali lang naman


ako, anak. Babalik din ako agad."

"Really?"

"Oo naman. Hinding-hindi na kita iiwan ulit pagbalik ko."

"Saan ka pupunta?"

"Sa probinsya. May kailangan lang akong asikasuhin."

Matagal siyang hindi nagsalita pagkatapos no'n. Nanatili naman akong tahimik at
nakuntento na lang sa pagyakap sa kaniya.

My baby boy! Sana mayakap uli kita

nang ganito kahigpit nang hindi na

nagpapanggap bilang yaya mo.

Nang sumapit ang alas-cinco ey media, nagpaalam na ako sa kaniya para umalis. Gusto
ko sana siyang ihatid sa loob pero ayaw naman niyang umalis sa kinatatayuan niya.
"Can I ask you something?"

"What's that, baby?"

Nagbaba siya ng paningin bago bumuntonghininga. Marunong nang bumuntonghininga ang


anak ko. May problema na naman kaya ito? Nasaan ba kasi si Uno? Bakit hindi man
lang niya dinadalaw si Alas?

"Why did you leave me?"

Natigilan ako sa narinig. "Ha?"

"Puwede mo naman akong isama, but why did you leave me with daddy? Ayaw mo ba sa
akin?" Nag-angat siya ng mukha. Natahimik ako nang makitang umiiyak na siya.

Oh my God. Alam na ni Alas.

***

Walang tigil sa pagpatak ang mga luha

ko habang pabalik na kami ng mansion.

Hindi ko alam kung paano nalaman ni Alas, pero sigurado akong nasasaktan siya.

Ni wala akong maisagot kanina sa anak ko. Natulala na lang ako hanggang sa bigla na
lang siyang tumakbo palayo.

Hinagod ako ni Alicia sa likod upang patahanin. "Kaya bilisan mo ang pagbalik.
Kailangan ka ng anak mo.

"Ali, nasasaktan ko si Alas. Hindi ko alam kung kailan pa niya nalaman, pero
sigurado akong matagal na. Diyos ko! Kasalanan ko ang lahat ng ito."

"Wala kang kasalanan. Ikaw at si Uno. Biktima lang kayo ng nanay niyang kampon ni
Satanas!"
Mariin akong pumikit at pilit na kinalma ang sarili ko. I need to talk to Uno.
Kailangan na namin pag-usapan ang gagawin kay Alas.

Pagdating namin sa mansion, sinalubong ako ni Inay ng isang balita. "We need to go
now.

"Ngayon na? Bakit biglaan?"

"Naghihintay na sila sa atin. Ang mga Cavallaro."

Hindi na namin napagpabukas ang byahe papunta sa probinsya nina Uno. Tumawag ang
katiwala nina Senyora Celestia at pinaparating na may hinanda silang piging para sa
pagdating namin. No choice tuloy kami kundi umalis agad.

"Isa, are you ready?"

Kinakabahan man pero nakangiti kong tinanguan si Inay. "Yes."

***

Mabilis akong binihisan ng mga katulong ni Inay nang makarating kami sa mansion ng
mga Cavallaro. Naririnig ko na ang ingay ng mga tao sa labas. Mga kilalang tao sa
probinsya na ito na inimbitahan ni Senyora Celestia sa party.

Marahan akong naglakad pababa ng mataas na hagdan habang suot ang red dress na may
mahabang slit sa kanang binti. Nalalantad ang mahaba at mapuputi kong legs sa suot
kong ito. Ganoon na rin ang mga braso ko at bandang dibdib.

Lumapit ǎko sa dalawang malalaki at nakasaradong pinto palabas ng hardin. Naroon


ang dalawang maid na magbubukas nito sa hudyat ni Inay.

"Thank you for this welcome party, Celestia! Really, you don't have to do this."

Sumilip ako sa labas at nakita ang table na nasa pinakaunahan. Ang table kung saan
nakaupo sina Uno.

Ngumiti na may kasamang pagtango si Senyora Celestia sa sinabi ni Inay. Lumayo ako
sa salaming bintana at huminga nang malalim. "But before we start, I want you all
to meet my only daughter."

Halos tumigil sa pagtibok ang puso ko nang sa wakas ay bumukas ang pintuan sa harap
ko.

"The heiress who will soon take over all of my business... and this hacienda."

Nahulog sa nakabibinging katahimikan ang lahat nang sandaling masilayan ako ng mga
tao.

"Bella Brown!"

Taas ang noong ngumiti ako sa lahat ng naroroon, lalo na sa pamilyang Cavallaro na
matinding pagkagulat ang makikita sa mga mukha.
Chapter 43

ISA

LIHIM akong natuwa nang makita kung paano nabigla ang lahat sa paglabas ko. Maging
si Uno ay napatayo habang nakatingin sa akin.

Makalipas ang ilan sandali, nag- umpisang magpalakpakan ang ilan sa mga bisita,
subalit natigilan ang lahat nang marinig ang malakas na boses ni Senyora Celestia.

"Anong ibig sabihin nito!" Galit itong tumayo habang nakatingin sa akin na para
bang isa akong kriminal na nakakatas mula sa bilangguan.

Nginisian ko siya.

"Celestia, what are you doing?"

"Ako dapat ang nagtatanong nyan sa iyo! Anong ginagawa ng muchacha na iyan dito!"

"Muchacha? I beg your pardon!" "Guards? Guards! Kaladkarin n'yo ang babaeng iyan
palabas! Walang karapatan ang isang hampas-lupa na dumalo sa party ko!" Pinagtuturo
niya ako.

Gusto kong matawa. Pinagmukha niya lang baliw ang sarili niya sa harap ng kaniyang
mga bisita.

Dumating ang mga gwardyang nagbabantay sa paligid, pero bago pa man makalapit ang
mga ito sa amin, humarang na ang maraming tauhan ni Inay na pinangungunahan ni Tan.

Hindi hamak na mas marami ang dalang tao ni Inay. Triple ang dami nito kumpara sa
mga bantay ni Senyora Celestia.

Nahawi ang mga lalaki sa daanan ni Inay nang magsimula siyang maglakad papunta kay
Senyora Celestia at malakas itong sinampal sa pisngi.

Gulat ang mababanaag sa mukha ni Senyora habang hawak nito ang pisnging nasampal.
"H-how dare you!"

"I should be the one to say that! Wala kang karapatang insultuhin ang anak ko!"

"Anak mo? Anak mo ang katulong na iyan?" napatingin si Inay kay Gwen nang magsalita
ito.

Naningkit agad ang mga mata ko nang maalala ang mga sinabi ni Uno. Na si Gwen ang
puno't dulo ng lahat!

"She's Bella Brown."

Nang-iinsultong tumawa si Gwen. "No, she's not! Si Isa Cancio ang babaeng iyan! Ang
katulong na kabit ng asawa ko!"

Mabilis na hinawakan ni Uno ang braso ni Gwen. "Shut your mouth!"

"Totoo naman, ah! She's your fucking mistress!" "Kabit? Too big coming from a woman
who had a sex video with another man."
Natigilan si Gwen sa mga sinabi ni Inay. Pinanawan ito ng kulay sa mukha.

Narinig ng mga tao ang lahat ng iyon kaya nagsimulang magbulungan ang mga ito.

"At ikaw, Celestia, nandito ako para makipagnegosasyon sa iyo. Naaawa ako dahil
mukhang mawawala na sa iyo ang lahat. But this is what I get? Ang pahiyain mo ang
anak ko? I won't do any negotiations with you anymore. Get out of here! Get out of
my mansion!"

"Hindi mo puwedeng gawin iyan! Dinaya n'yo ako! Niloko n'yo ako para makuha ang
hacienda ko! Walang bisa ang lahat! Wala!"

"Wala?" sumingit na ako sa usapan.

Nakangiti akong bumaba ng hagdan at lumapit sa kanila. "Gusto mo bang makita ang
kasulatan na pinirmahan mo?" "Pinirmahan? Ma, anong ibig sabihin ni Isa?"
napatingin kami kay Uno sa tanong niya. Mukhang wala itong alam sa pinaggagawa ng
kaniyang ina.

"W-wala!" pagalit na sigaw ni Senyora Celestia bago tumingin ulit sa akin.


Tumahimik ka! Wala kang karapatan sumali rito! Muchacha ka lang!"

Muling sinampal ni Inay si Senyora Celestia. Lalo tuloy lumakas ang bulong -
bulungan sa paligid.

"No one can talk to my daughter that way! One more word against her and I will
throw you inside the jail!" Lumingon si Inay at sumenyas. "Tan! Get this woman out
of here!"

Mabilis na in-escort-an ng mga tao ni Tan si Senyora Celestia. Patuloy naman ito sa
pagwawala kahit papaalis na.

"At kayo, makakaalis na rin kayo!" Humarap si Inay sa maraming tao. This party is
over!" Tumalikod na siya at bumalik sa loob. Naiwan akong nakatingin sa

kinakaladkad na si Senyora Celestia.

***

"Anak, anong gusto mong gawin ngayon?"

May pag-aalala sa mukha ko nang tumingin ako kay Inay. "Legal na ba talagang atin
itong hacienda?"

Ngumiti siya bago kinuha ang tasa ng tea sa ibabaw ng glass table at humigop.
Nandito kami sa garden at nag- aalmusal.

"May pinirmahang kontrata si Celestia. Ibinigay na niya sa atin ang lahat nang
ito."

"Pero inay, hindi ko mapigilang hindi mag-alala. Ano ang sinasabi niyang dinayo
ninyo siya?"

"Hindi niya lang matanggap na wala na

sa kaniya ang lahat. Huwag mo siyang pansinin."

Natigilan kami sa pag-uusap nang lapitan kami ng isang katulong." 11 Ma'am, may
naghahanap po sa inyo."
"Nang ganito kaaga? Sino?"

'Ang mga Cavallaro po."

Nagkatinginan kami ni Inay sa narinig. "They came earlier than I expected."

Pinaakyat ako ni Inay sa kuwarto at mariin na binilinan ang mga katulong na ayusan
ako. Nakasuot lang kasi ako ng pajama na bulaklakin at buhaghag pa ang buhok ko.

Pagdating sa kuwarto ay mabilis akong inayusan ng mga katulong. Ang damit na


susuotin, at pati ang mga alahas at sapatos ay nakahanda na para sa akin.

Isang elegant sleeveless vintage dress ang pinasuot nila sa akin. Tinernohan ito ng
wedges shoes na bumagay ang kulay sa suot kong damit. Nakapusod din ang buhok ko
upang mas malantad ang mga alahas sa tainga ko at ang nakapulupot sa leeg ko.

"Hindi ba parang overdressed?" bulong ko sa isang katulong nang makalabas kami.

Nakangiti itong umiling sa akin. "Bagay na bagay po sa inyo ang damit. Napakaganda
n'yo, senyorita."

Napangiti ako sa sinabi niya. Kahit papaano, na-boost ang self-esteem ko. Bahagya
akong kinabahan nang mapansin na nauna akong bumaba kaysa kay inay. Sa halip na
umatras, nagpatuloy na lang ako hanggang sa makalapit sa kanila sa may malawak na
sala.

Napatingin ako kay Uno nang makitang nakatulala ito habang nakatingin sa akin. I
smiled at him and he smiled back. Nakita siguro iyon ni Gwen dahil bigla na lang
nitong hinila sa braso si Uno. "Balutin mo man ng ginto ang sarili mo, muchacha ka
pa rin," nakaarko ang mga kilay na sabi ni Senyora Celestia.

Sinundan iyon ng tawa ni Gwen. "Tama nga ang sinabi nila, mama. Hindi nabibili ang
class." Tumingin siya sa akin pagkatapos. "By the way, dress doesn't suit you."
that

Napalunok ako sa lahat ng pang- iinsultong ibinigay nila. Nakita kong magsasalita
sana si Uno pero inunahan ko na siya. Hindi ko siya kailangan para ipagtanggol ako.

"Oo, mahirap lang ako, pero sa kabilang banda, hindi ako criminal. Hindi ako
katulad n'yong nagtatago sa likod ng yaman, pero umaalingasaw naman ang baho. Mas
masahol pa kayo sa basura."

Nilapitan ako ni Gwen at mabilis na sinampal. "Punong-puno na ako sa iyo!

Mabilis na kumuyom ang kamao ko. Sinampal ko siya pabalik, hindi lang isa kundi
dalawang beses.

Sa gulat ay hindi siya nakaimik. Hawak lang niya ang isang pisngi niyang nasampal
ko. Dahil doon ay nagalit si Senyora Celestia, sasampalin niya sana ako pero agad
siyang napigilan ni Uno.

"Tama na! Don't hurt her or else!"

Nginisian ko silang dalawa nang makita kung paano ako ipagtanggol ni Uno. Halos
umusok ang mga ilong ni Gwen sa galit. She had the gut to act this way sa kabila ng
infidelity niya?

Tumingin naman sa akin si Uno. "I'm sorry, Isa."


"It's Bella." Ngumiti ako.

Tumango lang siya. "Are you okay?"

Lumapit siya sa akin at sinipat ang pisngi kong tinamaan ng kamay ni Gwen, pero
mabilis naman itong hinila ni Gwen pabalik sa tabi nito. "Ako ang sinampal, Uno!"

"You hit her first."

"Pero-"

"Shut it, Gwen. Kung dadagdag ka lang sa gulo, makakabalik ka na sa Manila."

"Anong ginagawa n'yo rito!" umalingawngaw ang maotoridad na boses ni Inay sa buong
paligid.

Lumapit siya sa amin at marahang hinimas ang pisngi ko.

"What happened to your face?"

"Wala ito."

Mabangis ang mukha nang balingan niya sina Senyora Celestia. "Ano na naman ang
kailangan n'yo? Kung nandito kayo para bastusin uli ko, makakaalis na kayo!" ang
anak

"Mrs. Brown, we're here to negotiate," si Uno ang nagsalita. "Negotiate? I thought
I made myself clear? Hindi na ako makikipagnegosasyon sa pamilya ninyo. 11

"Puwede natin itong dalhin sa korte."

Nakuha ni Uno ang atensyon ko sa sinabi niya. Diretso siyang nakatingin kay inay.
Walang kakurap-kurap. Korte? Tinutulungan niya si Senyora Celestia sa kabila ng mga
sinabi niya sa akin?

"The court?" Tumawa si Inay. "May pinirmahang kontrata ang ina mo, hijo.

"Lasing siya noon. Kukuwestyunin ng batas ang legalidad ng kontratang pinirmahan


niya."

"May mga saksi ako. Marami sila."

"Na puro tauhan mo rin. Questionable din sila pagdating sa batas."

Huminga nang malalim si Inay sa mga narinig. "So, what are you proposing?"

Naupo kaming lahat sa puntong iyon. Nakangiti na si Senyora Celestia habang


nakatingin kay Uno, tila proud na proud na pinagtatanggol siya ng anak niya. Ako
naman ay kanina pa magkasalubong ang mga kilay.

"Since dahil lang sa sugal kaya nawala ang lahat sa amin, I want to take back half
of the hacienda Cavallaro."

"Take back? Don't make me laugh! Sa tingin mo ba, hindi umutang nang milyon-milyon
na halaga sa akin ang iyong ina? Kaya niya pinirmahan ang kontratang ito dahil may
utang siyang malaking pera sa pagsusugal."

"Which I can pay you back using my money.


"Paano kung ayaw ko?"

"Then we'll bring this to the court."

Hinawakan ko si Inay sa braso at


binulungan. Napatingin siya sa akin at saka tumango.

"My daughter suggested an idea. Pumapayag siyang ibigay sa inyo ang kalahati ng
hacienda... nang walang hinihinging bayad."

Tumingin sila sa akin sa sinabi ni Inay. Ngumiti ako.

"What's the catch? Hindi n'yo ibibigay ang gusto namin nang walang kapalit."

Nginitian ko si Gwen sa narinig. "You're right, Gwen," saka ako bumaling kay
Senyora Celestia. "Lumuhod ka."

Chapter 44

ISA

HINDI maipinta ang mukha ni Senyora Celestia matapos kong sabihin sa kaniya ang
kundisyon ko. At katulad ng inaasahan ko, naging hysterical na naman ito.

"Istupida! Nahihibang ka na kung

inaakala mong luluhod ako sa iyo!"

Ngumiti ako at agad na tumayo. "Well, wala pala tayong pinag-uusapan dito."

Humarap ako kay Uno nang taas-noo. Alam kong may dahilan siya kung bakit
pinapanigan niya si Senyora Celestia. Hindi ko man alam kung ano iyon, pero
magtitiwala ako sa kaniya.

"Sige, dalhin natin ito sa korte, at ng lahat ng kasalanan at krimeng ginawa ng ina
mo."

Hindi sila nakaimik sa sinabi ko. Si Senyora Celestia ay parang nakalunok ng santol
sa narinig.

Muli ko silang nginitian bago tumalikod.

"Ano pang hinihintay n'yo? Narinig n'yo naman ang sinabi ng anak ko? Makakaalis na
kayo!"

***

"Magaling, anak! Magaling ang ginawa mo kanina." Nilapitan ako ni Inay habang
nakatayo ako sa valcony ng kuwarto ko at malayang pinagmamasdan ang malawak na
kalupaan ng Hacienda Cavallaro.
Hindi ako makapaniwala. Noon, nagtatrabaho lang ako rito bilang katulong, pero
ngayon, kami na ang may-ari ng buong hacienda.

"Inay, may gusto sana akong itanong. Lahat ng bagay tungkol sa akin ay ipinabago
mo, kahit ang pangalan ko. Pero bakit hindi mo pinapabago sa akin ang tawag ko sa
iyo?" "Bakit? Mas gusto mo ba akong tawaging mama?"

Umiling ako sa kaniya. "Mas gusto ko ng inay."

"Ako rin, anak. Sa tuwing tinatawag mo akong inay, pakiramdam ko, bumabalik tayo sa
nakaraan. Kahit papaano, naiibsan ang pangungulila ko sa ilang taon na hindi kita
nakasama."

Ngumiti ako. Hindi ko alam kung lubusan ko nang napatawad si Inay sa mga nangyari,
pero isa lang ang sigurado, mahal ko siya. At nagpapasalamat akong binalikan niya
ako.

May mga ina talaga na gagawin ang lahat para sa kanilang anak, pero may iba rin na
katulad ni Senyora Celestia, mas mahal ang sarili kaysa sa anak nito. Ganoon ba
talaga ang kaso sa mga mayayaman?

Lumapit sa akin si Inay at mahigpit akong niyakap. "Gagawin ko ang lahat para sa
iyo, anak. Pagbabayarin natin si Celestia."

"Pero inay, paano kung hindi siya pumayag sa kundisyon ko? At saka kung papayag nga
siya, ayos lang ba talaga sa iyo na ibalik Cavallaro?" ang kalahati ng hacienda

Makahulugan niya akong nginitian. 11 Huwag kang mag-alala, umaayon sa plano ko ang
lahat. Isa pa, hindi problema ang pera sa atin. Marami tayo niyan. Kailangan lang
natin mapapayag si Celestia sa mga ilalatag nating kasunduan.

"Anong gagawin natin ngayon?"

"Sa ngayon, maghihintay tayo.

Siguradong hindi sila makakatanggi sa alok natin. Nalalapit na ang pagbagsak ni


Celestia Cavallaro, Isa. Malapit na."

Napaisip ako kung ano ang planong tinutukoy ni Inay. Ang nasabi lang niya sa akin,
maghihiganti kami sa mga Cavallaro. Kukunin namin ang lahat kay Senyora Celestia,
pero ngayon na nasa amin na ang Hacienda Cavallaro, ano pa ang pinaplano ni Inay?

***

Malalim na ang gabi noong mga sandaling iyon. Hindi ako makatulog dahil
binabangungot ako sa tuwing ipinipikit ko ang mga mata ko.

Ang matulog muli sa lugar na ito, ay parang pagbabalik sa masamang panaginip. Dito
ko naranasan ang halos siyam na buwan na pagdurusa. Dito ako muntik mamatay... dito
nawala sa akin ang anak kong si Alas.

"Shit! Damn these vines!"

Nanlaki ang mga mata ko nang may marinig na nagsalita mula sa balkonahe. Mahina
lang iyon pero dahil tahimik ang gabi, malinaw kong narinig ang mga sinabi nito.
Mabilis akong tumayo at nilapitan ang valcony. Sigurado ako kung kaninong boses
iyon!

"Uno!"
Kamuntikan na siya mapatalon nang pabigla kong binuksan ang pintuan. Fuck! Isa, you
scared the shit out of me! 11

"Paano ka nakapasok dito? Maraming bantay sa paligid!"

"Shhh!" Tinakpan niya ang bibig ko bago ako hinila sa loob.

Agad niyang sinarado ang balkonahe. Nang bumaling siya sa akin ay mabilis niya
akong hinalikan.

"Mmp! U-Uno!"

"Na-miss kita." He smiled at me and then kissed me again. Paulit-ulit niya akong
pinaghahalikan sa mga labi ko.

Napangiti ako bago siya pinigilan at hinila paupo sa kama. "Bakit ka nandito? Paano
mo natakasan ang mga bantay sa labas?"

"Isa, my love, dito na ako lumaki. Alam ko kung paano pumasok at lumabas sa lugar
na ito nang walang nakakakita."

Mahina ko siyang hinampas sa braso." Hindi mo ba narinig ang gusto kong mangyari
kanina? Gusto kong lumuhod si Senyora Celestia, ang iyong ina. Hindi ka ba
nagagalit sa akin?"

Hinawakan niya ang kamay ko. "Why would I be angry with you? I'm proud of you,
Isa."

"P-proud ka sa akin?"

"Dahil napakatapang mo na. Ang baby ko noon na matatakutin, mas matapang na ngayon
sa akin.'

Ngumuso ako sa mga narinig. " Matatakutin ba ako?"

"Of course!" Bigla siyang natawa. " still remember how you tremble every time I
take you to my room back then. Takot na takot kang mahuli tayo ni Mama habang may
ginagawang milagro sa kuwarto."

Napangiti ako nang maalala kung paano namin ginawa sina Alas at Heart. Panakaw na
oras lagi kung magkita kami. Sa tuwing pahinga ko o walang taong nakakakita,
dinadala niya ako sa kuwarto niya, minsan pa, sa maisan. Doon kami nag-aano.

"Syempre, katulong n'yo lang ako noon. At nakakatakot magalit si Senyora!"

Nakangiti niya akong pinagmasdan. Inipit niya ang ilang hibla ng buhok ko sa likod
ng aking tainga bago ako h**** **n sa mga labi.

"Don't mind me, Isa. Ituloy mo lang ang mga dapat mong gawin."

"Kahit masaktan ko pa si Senyora Celestia?"

"Kahit masaktan pa ako, kung iyon ang dapat, gawin mo." 11

Pumikit ako nang halikan niya ako sa noo. Hindi niya ako iniwan buong gabi.
Nakatulog ako habang nakaunan sa dibdib niya.

Nakakatawa lang dahil puro bangungot ang nakuha ko simula nang bumalik kami sa
Hacienda Cavallaro. But now that Uno's here, parang bulang naglaho ang mga
masasamang panaginip. Panatag akong nakatulog habang yakap niya.

***

Nakaupo ako sa harap ng mahabang lamesa na puno ng pagkain. Umaga na pero wala
akong ganang mag- breakfast. Nang magising kasi ako kanina, wala na si Uno. Hindi
man lang nagpaalam bago umalis. "Oh, gising ka na pala." Lumapit sa akin si Inay at
hinalikan ako sa ulo.

Katulad ko ay nag-coffee lang din siya kahit maraming pagkaing nakahanda. Wala rin
siguro itong gana.

Naghintay kami sa pagbalik ng mga Cavallaro pero lumipas ang isa, dalawa, hanggang
tatlong araw, hindi sila bumalik. Hindi na ako nagulat. Sa taas ng pride ni Senyora
Celestia, himala na lang kung pumayag itong lumuhod sa harap namin.

"Mukhang hindi na sila darating, inay. Ilang araw na rin ang nakalipas."

"Darating sila, Isa. Mukhang pera ang pamilyang iyon kaya imposibleng hindi nila
tanggapin ang alok natin."

"Pero sa ugali ni Senyora Celestia, parang imposible."

Mula sa mga pagkain, binaling sa akin ni Inay ang paningin niya. "Noon, imposible.
Noong nasa kaniya pa ang lahat. Pero ngayon? Hindi malayo, anak.

"E, paano nga kung hindi siya pumayag? Anong gagawin natin, inay?"

"Puwes, mapapabilis ang lahat. Sa korte natin sila makikita. Don't worry, we have
the best attorneys in the Philippines. Kung hindi natin siya mapapaluhod, kukunin
natin sa kaniya ang lahat, pati ang kalayaan niya."

Nasa kalagitnaan pa kami ng pag- uusap nang hindi inaasahang mga bisita ang biglang
dumating.

"Ma'am, nasa labas Cavallaro." po ang mga

Mabilis akong tumingin kay inay sa sinabi ng maid. Agad na kumabog ang dibdib ko.
Nandito na sila! Ibig sabihin, nakahandang lumuhod si Senyora Celestia para sa
kalahati ng hacienda?

"Papapasukin ba namin, ma'am?" "No! Kami ang lalabas." Nginitian ako ni Inay bago
ito nagpatiuna sa paglalakad.

Nasa labas kami ng mansion, naghihintay sa gagawin ni Senyora Celestia. Halatang


nag-aalangan pa rin ito at nagagalit. Idagdag pa ang mata ng mga bantay at ilang
katulong na nanonood sa nangyayari. Karamihan sa kanila ay katulong pa noon ni
Senyora Celestia. Sigurado akong hiyang-hiya ito sa gagawin niya.

"Ano pang hinihintay mo, Celestia? Pasko? Get on with it! We don't have all day to
wait for you!"

Pinigil ko ang sarili ko na matawa sa sinabi ni Inay. Tumalim ang mga mata ni
Senyora Celestia, pero nakita kong mariin itong pumikit pagkatapos.

Dahan-dahan, lumuhod ito sa semento, bagay na ikinasinghap nang marami ngunit


ikinangiti ko. Hindi siya makatingin sa amin, kuyom ang mga kamay at nanginginig sa
galit.
Gusto kong matawa sa sobrang tuwa. Sa wakas! Ang dakilang si Celestia Cavallaro,
ang taong nagpahirap hindi lang sa akin kundi sa marami pang tao -nakaluhod na!

Chapter 45

ISA

Kulang pa! Kulang na kulang pa ang pagluhod para sa lahat ng nagawa niyang
kasalanan. Gusto kong magdusa siya lalo at gumapang sa putikan!

"Bakit ikaw lang? Kasama iyang dalawang nasa likuran mo!"

Napatingin ako kay inay sa sinabi niya.

Ang tinutukoy niya ay sina Gwen at Uno.

"What? Are you out of your freaking mind! Bakit ako luluhod sa iyo!" pagalit na
siyaw ni Gwen.

"Kung hindi ka luluhod, makakaalis na

kayo!"

"Baliw ka nang matanda ka!"

"Gwen, luhod!" natigilan si Gwen nang utusin iyon ni Uno.

Hindi makapaniwalang tumingin ito kay Uno. "Pero Uno, I'm Gwen Harrison! Don't
expect me to just kneel in front of anyone!"

"Sabihing luhod, Gwen!"

Napaigtad si Gwen nang muli itong magtaas ng boses. Matagal siyang tumingin sa
sariling asawa at napipilitang lumuhod sa semento. Ganoon na rin ang ginawa ni Uno.

Nang-iinsultong tumawa si Inay. " Hindi sincere, pero puwede na. Now, stay like
that for a couple of minutes. Babalikan ko kayo!"

"Ano!" sumigaw si Senyora Celestia. " Gusto mo kaming lumuhod hanggang sa makabalik
ka!"

"Kukuha ako ng kasulatan, Celestian! Ayaw n'yo bang ilipat ko sa inyo ang kalahati
ng hacienda?" Makahulugang ngumiti si Inay bago pumasok sa mansion.

Matagal kong tiningnan si Senyora Celestia. Nagdesisyon akong lapitan ito para mas
mapagmasdan siya nang mabuti.

"Anong tinitingin-tingin mo? Kung inaakala mong nanalo ka na, nagkakamali ka!
Hintayin mo ang paghihiganti ko!"
Inilingan ko ang mga sinabi niya. "Ito pa lang ang umpisa, Senyora Celestia. Marami
ka pang babayarang utang. Sa sobrang dami, hindi ka na makakabangon ulit."

"Walang hiya ka! Muchacha ka lang! Babalik ka rin sa pinanggalingan mo!"

"Tumigil ka na, ma," awat ni Uno.

"Itong babae mo ang patahimikin mo!"

"Don't insult the mother of my child."

Tumingin ako kay Uno sa narinig. Matalim ang mga mata niyang nakatingin kay Senyora
Celestia.

Lumipas ang halos kalahating oras, muling lumabas si Inay dala ang kasulatan.

"Pirmahan mo... hijo." Lumapit si Inay kay Uno at ibinigay ang papel at panulat.

"What? Sa akin mo dapat ibigay iyan! Tanga ka ba!"

"Ikaw ang tanga! Sino ba ang nakahandang magbayad para sa kalahati ng hacienda?
Ikaw ba? Anak mo ang nakipagnegosasyon sa akin, kaya sa kaniya ko ililipat ang
kalahati ng hacienda!"

Matagal akong nakatingin kay inay sa sinabi niya. Ito ba ang planong tinutukoy
niya? Ang ibigay kay Uno, sa halip na kay senyora, ang kalahati ng hacienda?

"Katulad ng napag-usapan, mapupunta sa iyo ang kalahati nito, Uno, pero hindi
kasama ang mansion."

"You can't do that! This mansion is ours! Pag-aari pa ito ng mga lolo't lola ko!"

"Hindi na ngayon," sabi kong pang- iinis sa kaniya. Naningkit ang mga mata niya sa
galit.

"Pero baka naman sabihin mo, Celestia, na masama kami. Puwede naman kayong tumira
dito. Magsasama nga lang tayo sa iisang bubungan. Iyon ay kung gusto n'yo lang
naman. Is that okay with you, anak?"

Ngumiti ako bago tumingin kay Senyora Celestia. "Of course, that would be great!"

***

UNO

"Ayaw kong tumira sa mansion kasama ang mga hampas-lupa na iyon! Dapat umalis sila
sa mansion dahil akin iyon! Akin!"

Nagbuga ako ng hangin bago sumimsim ng alak sa hawak kong kopita. "Hindi na ngayon,
ma. Ipinatalo mo ang buong hacienda sa sugal. Nakalimutan mo na ba?"

"That mansion is still mine! Sinabi ko namang niloko nila ako! Dapat kasi dinala na
lang natin ito sa korte!"

Matalim ko siyang tiningnan sa narinig. "At ano? Ibunyag ang lahat ng krimeng
ginawa mo? Pati ang pagpatay mo sa sarili kong ama at kapatid!"

Nanlilisik ang mga matang tiningnan niya ako. Kulang na lang ay sampalin niya ako
sa galit niya, pero alam kong hindi niya gagawin dahil may pakinabang pa rin ako sa
kaniya.

"Hindi mo kapatid ang bastardong iyon! Anak siya ng ama mo sa labas!"

"He's still my brother! And you killed him-you killed them!"

Mabilis niyang nilingon ang kuwarto kung saan natutulog ngayon si Gwen. Umupa ako
ng maliit na bahay na pansamantala naming tinutuluyan hangga't hindi siya pumapayag
sa gusto nina Isa.

"Oras na lumabas ang baho mo, wala ka nang mahihita sa akin! And may I remind you,
hindi basta-bastang tao ang kalaban mo. She's Minerva Brown."

"Kesyo brown o black man iyan, mga hampas-lupa pa rin sila!"

Naiiling na lang ako sa inuupuan ko at saka ipinagpatuloy ang pag-inom ng alak.

"Paano kaya yumaman ang babaeng iyon? Katulong lang siya noon! At sa dinami-rami
naman ng puwedeng maging anak, ang muchachang si Isa na iyon pa!"

"Don't insult her in front of me.

Masama niya akong tiningnan sa sinabi

ko. "Puwede ba? Magtigil ka nga diyan

sa kahibangan mo! May asawa ka na!" Nilapag ko ang kopita sa mesa bago tumayo.
Nilapitan ko siya at seryosong tiningnan.

"Mananatili tayo rito hangga't hindi natin alam ang gagawin sa mga parte ng
haciendang nabawi natin. At sa ayaw at sa gusto mo, sa mansion tayo titira...
kasama sina Isa at Minerva!"

"No! I'd rather die than live with those wench! Hindi ako papayag!"

"You can't do anything now, ma. Hindi ka na katulad ng dati."

"Ako pa rin si Celestia Cavallaro!"

"Pero wala na sa iyo ang lahat at ang kalahati ng hacienda ay nakapangalan sa akin.
Kung ayaw mong tumira sa lansangan, lunukin mo na ang pride mo at sumama sa akin sa
mansion."

Chapter 46

ISA

DUMATING ang mga Cavallaro pagsapit ng gabi. Hindi makapaniwalang napangiti ako
habang tinitingnan si Senyora Celestia. Taas-noo pa rin itong pumasok na parang
hindi lumuhod sa amin kanina.

Inihatid sila ng mga katulong sa kanilang kuwarto. Nagpahanda naman ng maraming


pagkain si Inay sa chef.

Wala pang limang minuto mula makaupo kami sa harap ng hapag, pumasok sa dining room
si Senyora Celestia at naupo sa kabilang dulo ng lamesa. nang

"Anong ginagawa mo?" Umarko ang mga kilay ni Inay.

Umikot ang mga mata ni Senyora Celestia. "Hindi ba halata? Seriously, Minerva,
akala ko pa naman, matalino ka."

Tumawa si Inay. "Alam kong makapal ang mukha mo, pero hindi ko inaasahan na ganito
na kakapal. Oo nga't pinayagan ko kayong tumira sa pamamahay ko, pero hindi ibig
sabihin no'n, libre ang lahat ng gagawin at kakainin n'yo rito."

Natigilan ito sa narinig. "At anong ibig mong sabihin?"

Sakto naman na dumating sina Uno at Gwen sa dining, kaya narinig ng mga ito ang
lahat.

"Kung gusto mong kumain nang masarap, matuto kang magtrabaho. At isa pa pala, hindi
kayo sasabay sa amin. Baka mawalan kami ng gana ng anak ko! 11

"Ang kapal ng mukha mo!" Padabog nitong ibinaba ang hawak na kutsara't tinidor.

"Bakit? May reklamo ka?"

Agad na nilapitan ni Uno si Senyora para pakalmahin. "Ma, enough. Let's go..
Nakosensya ako nang makitang lumabas ang mga ito ng dining room, hindi dahil naaawa
ako kina Gwen at senyora, kundi dahil kay Uno. Siya ang naiipit sa gulong ito.

***

"Wala ba kayong gagawing mag-ina kundi magchismisan at magliwaliw dito sa mansion?"


Pumasok sa living room si Senyora Celestia habang abala kaming nag-uusap ni Inay.

"Magandang umaga rin sa iyo, Celestia. 11

"Walang maganda sa umaga! Sabagay, mga katulong lang kayo kaya wala kayong alam sa
pagma-manage ng negosyo. Kaya puro kayo chismisan."

"At paanong pagma-manage ang gusto mo? Ang ipatalo ang lahat sa sugal? Ayaw mong
magliwaliw kami, mas gusto mo bang tumambay kami sa pasugalan?" hindi ko na
napigilan ang hindi magsalita. Ang kapal ng mukha niya! Kung magsalita, akala mo
kung sinong malinis. Hindi siya nakasagot sa sinabi ko pero taas naman ang noong
naupo siya sa kabilang sofa.

Hinawakan ako ni Inay sa kamay. 11 Celestia, ikuha mo nga kami ng juice."

Masama kami nitong tiningnan at tumayo. "Ang dami-dami mong katulong, ako pa ang
uutusan mo! Kung gusto mo ng juice, kumuha ka para sa sarili mo!"

"Kung gusto mong may bubungan sa ibabaw ng ulo mo, matuto kang sumunod! O baka
gusto mong mapalayas sa hacienda at tumira sa lansangan!" pagtataray ko sa kaniya.

"Hoy, muchacha! Akin ang kalahati ng haciendang ito!"


"Walang sa iyo, Celestia. Sa anak mo!"

"Ikukuha mo ba kami ng juice o hindi?" sumingit si Inay kaya pinili kong tumahimik
na. Nakakanginig ng laman ang matandang ito!

Pabalik-balik ang tingin niya sa amin ni Inay. Sa huli ay wala itong nagawa kundi
umalis.

Tumayo ako at sinundan siya sa kusina. She's Celestia Cavallaro, taong hindi
puwedeng pagkatiwalaan. Malay ba namin kung lalagyan nito ng inumin? lason ang

Hindi nga ako nagkamali sa hinala ko. Hindi lason pero kumuha siya ng maruming
bagay na nilublob niya sa dalawang baso ng orange juice.

"Heto na ang juice! Enjoy-in n'yo!" Padabog niyang ibinaba ang dalawang baso sa
ibabaw ng mesa, saka siya bumalik sa katapat na sofa. Ngingiti- ngiti pa ito habang
hinihintay na makainom kami.

"Ikaw ang uminom," utos ko.

Nagsalubong agad ang mga kilay niya.

Ano? Nagpapatawa ka ba? Matapos

mong magpakuha ng juice, ako ang paiinumin mo?"

"Malay ba namin, baka nilagyan mo ng kung anong marumi ang inumin. Drink it."

"Wala akong ginagawang ganyan!"

"Then, drink it! Patunayan mong wala ngang ginagawa!"

ka

Matagal itong natigilan. "Mga siraulo kayo!"

Bigla siyang tumayo at akmang aalis, pero mabilis ko siyang pinigilan sa braso.
Kinuha ko ang baso at pilit itong ibinigay sa kaniya.

"Ilayo mo iyan sa akin!" Tinabig niya ito kaya natapon ang baso sa sahig.

Sa sobrang inis ko sa ginawa niya, kinuha ko ang isa pang baso at binuhos sa
kaniyang ulo.

"Oh my God! How dare you! Wala kang respeto! Bastos ka!" Umangat ang kamay niya sa
ere. "Subukan mo lang na saktan ang anak ko at makakatikim ka sa akin!" pigil ni
Inay na ikinatigil nito.

Tinabig ko ang kamay niyang gustong sumampal sa akin. "Wala ka nang maipagmamalaki,
Senyora Celestia. Mahirap ka na lang. Kaya ka nga nakitira kay Uno sa Manila dahil
wala ka nang mapuntahan! Oras na pinalayas ka namin dito, sa tingin mo, tutulungan
ka ni Uno?"

"At bakit hindi? Anak ko siya!"

"Pero mas mahal niya ako." I crossed my arms and smirked.

Natigilan ito. "H-hayop ka talaga!"


"Kung ayaw mong mapalayas, matuto kang lumugar!"

***

"Ito ba ang plano mo, inay? Kaya pumayag kang ibalik ang kalahati ng hacienda?"
"Oo, anak. Para mapahirapan si Celestia. Naupo si Inay sa tabi ko at marahang
hinagod ang mahaba kong buhok. " Ngayon, gawin mo ang kailangan mong gawin.
Iparanas mo sa kaniya ang hirap na dinanas mo. Nandito lang ako para alalayan ka."

Hinalikan ako ni Inay sa noo bago lumabas ng kuwarto. Nang maiwang mag-isa, agad
kong kinuha ang cellphone ko at pinatay ang ilaw sa kuwarto bago nagtungo sa
balkonahe.

"Hello, Ali? Gising pa ba si Heart natin?"

"Nako, katutulog lang! Gusto ka ngang makausap kanina. Iyak nang iyak! Hindi naman
kita matawagan dahil baka busy ka."

Pumikit ako sa mga narinig. "May problema ba? Masama na naman ba ang pakiramdam
niya?"

"Hindi! Ano ka ba? Na-miss ka lang ng inaanak ko!"

Nakahinga ako nang maluwag sa narinig. "Ayos lang na tumawag ka. Ano mang oras na
gusto niya akong makausap, tawagan mo lang ako."

Narinig kong bumuntonghininga siya sa kabilang linya. "Kumusta ka naman diyan?"

"Ayos lang ako."

"E, bakit parang hindi halata sa boses mo na oks ka lang? Sure ka ba?"

"Oo, nami-miss ko lang siguro si Heart

Natigilan ako sa pagsasalita nang maramdaman na parang may tao sa paligid.


Paglingon ko, kamuntikan na akong mapatalon nang makitang nakaakyat na si Uno sa
valcony.

Mabilis kong pinatay ang tawag at itinago ang cellphone sa likuran ko. "K- kanina
ka pa ba dyan?"

"Hindi naman. Sinong kausap mo?"

Nag-iwas ako ng mukha sa tanong niya. "A-ano... "And who's Heart?"

Nanlaki i ang mga mata ko sa tanong na iyon. Pilit kong pinakalma ang sarili ko.
Pakiramdam ko ay tatalon na palabas ng dibdib ko ang puso ko.

"Ah, ano, inaanak ni Alicia! H-halika nga rito! Baka mahulog ka diyan." Hinila ko
siya papasok sa kuwarto ko.

Agad niya akong hinalikan nang makaupo kami sa kama. Mabilis na naglakbay ang mga
kamay niya sa loob ng damit ko.

"S-sandali! May kailangan akong sabihin."

Nahugot ko ang hininga ko nang magawa niyang hubarin ang suot kong damit.
"Can't it wait?"

"It can't. Importante."

Bumuga siya ng hangin bago tumingin sa akin. "Okay, ano iyon?" Umayos naman ako ng
pagkakaupo pagkatapos suotin muli ang damit ko.

"Hindi ko masabi nitong nagdaang araw dahil wala akong makuhang magandang
pagkakataon."

"Tungkol saan ba? You look tense."

"It's about Alas."

Sumeryoso ang mukha niya. "What about our son?"

"Alam na niya." "1

His brows furrowed in confusion. "Alam na niya?"

"Alam na niya kung sino talaga ako."

"What? Paano? Did you tell him?"

"No. Tinanong na lang niya ako kung bakit ko siya iniwan." Mabilis na nangilid ang
mga luha sa pisngi ko. " Napakabata pa niya para maunawaan ang lahat. Paano niya
nalaman ang totoo? Uno, nahihirapan ang anak natin. "It's okay, it's okay."

"Anong gagawin natin?"

"Ako na ang bahala." Niyakap niya ako nang mahigpit.

"What will you do?"

"Sasabihin na natin ang totoo. Kukunin ko siya bukas."

Natigilan ako sa narinig. Itinulak ko siya nang bahagya. "Hindi ba delikado kung
dadalhin mo siya dito? Baka madamay siya sa galit ni Senyora Celestia! Your mother
is capable of doing anything, Uno! Wala siyang pinapalampas kahit bata!"

"Ako ang bahala sa inyo. Ibibigay ko. siya sa iyo, Isa." Mahigpit niyang hinawakan
ang kamay ko. "Oras na para makasama mo ang anak natin."

Chapter 47

UNO

"Is that your son?" Bumungad sa akin ang gulat na mukha ni Gwen nang makapasok ito
sa mansion mula sa garden. "Anong ginagawa ng batang iyon dito!"
I grabbed her by the wrist, halos kaladkarin ko na siya palabas ng mansion.

"Uno! It hurts! Ano ba? Ang kamay ko!" "Bakit mo ginawa iyon?" Tinitigan ko

siya gamit ang matatalim na mga mata.

"Ang ano na naman bang ikinagagalit

mo!"

"Why did you tell Alas about the truth?"

Ilang sandali siyang natigilan sa narinig. Naging mailap ang mga mata niya sa akin.

"Damn it! Sagutin mo ako!"

"He deserves to know the truth! Kawawa naman ang bata, walang kaalam-alam sa
totoo!"

"Huwag kang magpanggap na ginawa mo iyon para sa kapakanan ng anak ko! 11 Mahigpit
ko siyang hinila sa braso. Napangiwi siya sa sakit.

"Oo na! Bitiwan mo ako! Sinabi ko sa kaniya dahil galit ako sa kabit mo! After that
woman left you and your son, siya pa rin ang mahal mo?"

"Bakit mo idinamay ang bata!"

"E, ano ngayon! Hindi puwedeng ako lang ang nasasaktan! Wala akong pakialam kahit
bata pa iyan, if it means I can hurt the both of you, then be it!"

Natigilan ako sa mga narinig. Matagal kong tiningnan ang galit niyang mukha. Alam
kong matigas ang ulo at selfish si Gwen, but I never thought she could be this low.

"Ano? Galit ka na? I don't care, Uno! I'm tired with all your bullshits!". "I've
had enough with this petty attitude of yours, Gwen."

"So, anong gagawin mo? Pababalikin mo ako sa Manila?" Nang-iinis siyang tumawa. She
crossed her amrs in front of her chest and held her head up.

"Isasauli na kita kay tita. The divorce papers are ready."

Bigla siyang natigilan sa sinabi ko.

***

ISA

"Linisan mo iyan," tinuro ko kay Senyora Celestia ang kalat sa sahig nang makapasok
ito sa living room.

"Ako?" parang hindi makapaniwala na tanong niya.

"May iba pa bang tao rito?"

Natawa ito bigla. "Nakakatawa ka talaga, Isa! Mukhang feel na feel mo na ang
pagiging mayaman. Ipapaalala ko lang sa iyo kung sino ako-" "Puwede ba?" Nagkunwari
akong naiirita. "Tumigil ka na sa pagmamalaki sa pangalan mo. Wala nang halaga iyan
ngayon, senyora. Your name can't give you money to feed yourself, or to buy you a
mansion or some expensive clothes. Walang halaga ang pangalan mo kung wala kang
pera. Ngayon, linisin mo iyan kung ayaw mong ako mismo ang kumaladkad sa iyo
paalis."

"Ah, talaga?" Tumaas ang mga kilay niya. "E, di gawin mo! Sige! Tingnan lang natin
kung kaya mo!"

Mariin kong kinuyom ang mga kamao ko. "Tan!"

Bumukas ang malaking pintuan at mabilis itong pumasok. "Senyorita?"

"Pagod nang tumira sa mansion si Senyora Celestia, ihatid n'yo nga siya sa gate.
With force, please!"

Natigilan si Senyora Celestia nang lapitan ito ng mga tao ni Tan at hinawakan sa
magkabilang braso. "Anong ginagawa n'yo? Bitiwan n'yo ako! Hindi n'yo ba kilala
kung sino ako?

Kinaladkad nila ito palabas. Nakasunod naman ako sa likuran ng mga ito. Nakangiti
kong pinapanood kung paano nagpumiglas si Senyora hanggang sa maabot namin ang
gate.

'Anong nangyayari?" Humabol si Uno mula sa likuran. Nakita kong titig na titig ito
sa ina niyang hawak ng mga tao namin.

"Gusto nang lumayas ng ina mo." Mula sa kaniya ay bumaling uli ako kay Tan. "
Palayasin n'yo ng hacienda ang taong iyan! Ayaw kong makikita ang pagmumukha niya!"

"You can't do this! Katulong ka lang! Kahit anong gawin mo, habang-buhay ka nang
katulong! Uno! Uno, help me!"

Tumingin ako kay Uno nang magmakaawa sa kaniya si Senyora

Celestia. Akala ko ay tutulungan na niya ito, pero wala siyang ginawa at nanatili
lang sa kinatatayuan.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at pumasok sa kuwarto.

"Anak."

Nag-angat ng paningin si Alas, pero nang makita niya ako ay ibinalik niya ang
kaniyang paningin sa mga laruan niya.

"Galit ka pa ba sa akin?" Naupo ako sa tabi niya. Nakasunod sa akin si Uno sa


likuran.

Inilingan niya naman ako.

"E, bakit hindi mo ako kinakausap?" Hindi siya umimik sa tanong ko. Nagpatuloy lang
ito sa paglalaro." Anak, I'm sorry."

Nang sa wakas ay nag-angat siya ng mukha, natigilan naman ako sa naging tanong
niya.

"Why did you leave me?" "Hindi ko gustong iwan ka. Anak, inilayo ka nila mula sa
akin. Kinuha ka ng lola mo."

"Bakit hindi mo man lang ako dinalaw? I grew up without a mother. Because of that,
daddy loves me less."
Napatingin ako kay Uno sa narinig. Bakas ngayon ang lungkot at awa sa mga mata
niya.

"Alas, that's not true. Mahal kita."

"But you don't have time for me."

"That's because I'm working... for you.

Para mabili ko ang lahat ng gusto mo."

"Kayo ang gusto ko, pero kayo ang wala.

Naluluha kong sinuklay ang buhok niya. I cupped his face and turned his gaze to me.
"Baby, we're sorry. Mahal na mahal ka namin, Alas. Mahal na mahal kita."

"Really? Totoo ba iyan?"

"Oo naman. Anak, mas mahal kita higit pa sa ibang bagay, higit pa sa sarili ko."
Kayo ni Heart. Mahal na mahal ko kayo.

Nagsimula siyang umiyak. Pilit niyang pinapahid ang mga luha niya pero kusa itong
lumalabas. Mahigpit ko siyang niyakap habang umiiyak din. Walang mapagsidlan ang
kasiyahan ko sa mga sandaling ito. Sa wakas, kilala na ako ng anak ko.

***

Pumasok ako sa kuwarto ko. Nandoon na at naghihintay si Uno. Pagdating ko sa dulo


ng kama kung saan siya nakaupo, hinila niya ako sa kandungan niya.

"Tulog na si Alas?"

"Oo, napagod sa pakikipaglaro kay inay.

Tuwang-tuwa siyang makilala ang lola

niya."

Napatingin ako kay Uno nang mapansin

ang biglang pagtahimik niya. Nakabaon

ang mukha niya sa dibdib ko at nakayakap siya sa akin.

"Iniisip mo ba si Senyora Celestia?"

"Don't be mad at me."

"Ano ka ba? Naiintindihan kita. She's

still your mother."

Bumaling ako sa labas kung saan

umuulan at kumukulog nang malakas.

"May mga kaibigan naman siyang magpapasilong sa kaniya ngayong gabi, di ba?"

"I doubt it. Wala talagang kaibigan si Mama. Marami lang taong nakapaligid sa
kaniya dahil sa pangalan at yaman niya. But without her wealth, her name is
nothing."

Hinagod ko sa buhok si Uno. "Do you wanna find her?"

"No. Hayaan natin siya kahit isang gabi lang. Para matuto."

Nakangiti akong tumango. "Uno, kapag natapos ang lahat ng ito, may sasabihin ako sa
iyo."

"Tungkol saan?" Nag-angat siya ng paningin sa akin.

Tungkol sa anak nating si Heart.

"Saka na... kapag natapos na ang mga problema."

Chapter 48

ISA

KINAUMAGAHAN, paggising ko, kagaya ng inaasahan ay wala na si Uno. Balik na naman


siya sa asawa niya.

Nagbuga ako ng hangin nang makabangon. Paano ba kami nakarating sa ganito? Nasa
iisang bubungan kaming tatlo. Kay Gwen siya sa araw, at sa akin naman sa gabi. Ang
gulo.

Tumayo na ako at naligo. Pumili ako ng maganda at matingkad na damit na susuotin.


Gusto kong maging maganda sa paningin ng anak kong si Alas. Gusto kong maging
maaliwalas ang paligid para sa kaniya.

Nang makababa ako ay nandoon na sina Inay at ang iba pa. Lumapit ako sa kanila para
makita kung ano ang pinagtitipunan nila.

Natigilan ako nang makita si Senyora Celestia, basang-basa at nanginginig ito.


Nakaagapay sa kaniya si Uno na nakatingin naman kay Inay.

"Oh, bumalik ka? Bakit? Wala ka bang kaibigan o kakilala na nagpatuloy sa iyo
kagabi? Akala ko ba, makapangyarihan ang pangalan mo?" nang-iinis na sabi si Inay.

Binalingan ni Uno ang ina nito. "Ma."

Natuon kay Senyora Celestia ang atensyon naming lahat. Hinihintay ang susunod
nitong gagawin.

"H-hayaan n'yo akong... tumira dito."

"Pagkatapos mo akong bastusin kahapon? Wala ka bang sasabihin?" Inarkuhan ko siya


ng mga kilay.
Titig na titig siya sa akin. Mataas pa rin ang pride, pero natahimik ako sa sunod
na nangyari.

"P-patawarin mo ako." Pumatak ang mga luha sa pisngi niya.

Seryoso ba ito? Umiiyak si Senyora Celestia? Umiwas ako ng mukha. "Hindi ko


kailangan ng sorry mo, lalo na iyang luha mo. Luhod."

Mabilis itong tumingin sa akin. Taas- noo naman akong nag-iwas ng mukha.

Unti-unti itong lumuhod sa harap namin. Patuloy sa pagbagsak ang mga luha nito.

"Patawarin mo ako, Isa."

Hindi ko magawang maawa sa kaniya. At kahit siguro isang libong ulit siyang lumuhod
at humingi ng tawad, hindi maghihilom ang sugat ng sakit na ibinigay niya sa amin
ng mga anak ko.

"Okay, pero sa maids quarter ka matutulog."

"A-ano?"

"May reklamo ka?"

"Hindi ako katulong dito! Ako pa rin ang dating may-ari ng lahat nang ito!"

"Dati. Hindi na ngayon. Kung may reklamo ka, bukas ang gate. Puwede ka nang
lumayas. O baka gusto mong ipakaladkad ulit kita?"

Nang hindi na siya umimik, iniwan ko silang lahat at umakyat sa kuwarto ni Alas.
Nagpaakyat na rin ako ng breakfast dito.

"Anak, sorry, ha? Pero puwede mo bang ipangako sa akin na hindi ka lalabas ng
kuwarto mo?"

Nagtaka siya sa sinabi ko. "Why, mama?

Sandali akong natahimik. Hindi ko naman puwedeng sabihin sa kaniya na dahil kay
Senyora Celestia. Siguradong idadamay ng taong iyon ang anak ko kapag nalaman
nitong nandito si Alas sa mansion.

"Dahil delikado." Pumasok si Inay sa loob ng kuwarto at lumapit sa amin

"It's dangerous? Why, lola? Nasa loob naman tayo ng bahay, di ba?"

"Oo, apo. Pero nandito si Celestia, ang ina ng daddy mo. Delikado siyang tao."

"Inay," pigil ko sa kaniya. Ayaw kong malaman ni Alas ang buong sitwasyon. Tatanda
ito at siguradong tatatak sa isip niya ang mga nangyari.

"Dapat lang na malaman ng apo ko para maintindihan niya kung sino ang dapat na
iwasan."

"Pero, inay..."

"Apo, huwag na huwag kang magpapakita kay Celestia. Masama siya at puwede ka niyang
saktan."
"Yes, lola."

Naaawa akong tumingin kay Alas. Matalino ito kaya mabilis nitong maintindihan ang
lahat, pero bata pa rin ang isip nito. Nalilito at natatakot din siya.

"Siyanga pala, anak, May pa-tea party tayo mamaya.

"Tea party?" Tumango sa akin si Inay. "Oo. Makikipagkilala ako sa mga tao dito,
para naman lumawak ang connection natin sa lugar na ito."

Sandali akong natigilan bago ngumiti.

Talaga, inay? Iyon ang dahilan mo?"

Natawa naman siya. Naintindihan niya

agad ang ibig kong sabihin.

"Lahat ng imbitado, mga kaibigan at kakilala ni Celestia. Gagawin ko ito para


ipahiya siya at para ipaalam sa lahat na lugmok na siya sa kahirapan. Ayaw kong may
tutulong sa babaeng iyon."

Tumayo na si Inay para lumabas ng kuwarto, pero huminto siya sa harap ng pinto at
muli kaming nilingon ni Alas.

"Itago mong mabuti ang apo ko. Hindi siya dapat makita ni Celestia."

"Opo, inay."

Hindi natinag si Inay sa kinatatayuan niya. Titig na titig pa rin siya sa mukha ko.
Nagdesisyon akong sandaling lumabas ng kuwarto at kausapin ito.

"May gusto po ba kayong sabihin?"

"Kailan mo ipagtatapat kay Uno ang totoo?"

"A-ang totoo po?"

"Ang tungkol kay Heart."

Huminga ako nang malalim. "Kapag hindi na delikado kay Senyora Celestia ang mga
anak ko, inay."

"Anak, hindi ako boto sa kaniya, pero karapatan ni Uno na malaman ang totoo. Ama
siya ni Heart."

***

Nakasuot ako ng party dress na may katingkaran ang kulay. Paglabas ng sarili kong
kuwarto, dumiretso ako sa silid ni Alas.

"Wow! Ang baby ko, bagong ligo!" Mabilis ko siyang kinarga at pinaghahalikan sa
pisngi.

"Mama, nakikiliti ako," natatawa niyang awat sa akin nang pugpugin ko siya ng mga
halik.

"Nagugutom na ba ang baby ko? May dalang pagkain si Lala."


Tinanguan ko si Lala na dalhin sa kama ni Alas ang breakfast. Ako mismo ang
nagpakain kay Alas. Nang iwan ko siya ay abala na siyang nanonood ng cartoons.

"Lala, huwag na huwag mong iiwan si Alas, ha? Huwag ka rin magpapapasok nang kahit
na sino rito."

"Opo, senyorita.'

Nang makarating ako sa garden, naroon na ang mga bisita. Maraming lamesa sa paligid
at mga balloons na ang kulay ay tinernohan ang tela ng mesa.

Nakahanda na rin ang maraming sweets sa bawat table.

Ngumiti ako sa mga tao. May ilan sa mga ito na mapanuri ang tingin na ibinibigay sa
akin, pero hindi ko sila pinansin. Alam ko naman na kilala ako ng karamihan sa mga
tagarito bilang katulong noon ni Senyora Celestia, But it doesn't matter.
Nagpatuloy lang ako sa pagngiti at sa pagbati sa kanila.

"Salamat sa pagpunta. Ito nga pala ang aking anak, Si Bella," pakilala sa akin ni
Inay sa dalawang taong pamilyar sa akin. Nakilala ko ang mga ito na sina Governor
Reyes at ang kaniyang asawa.

"Napakaganda ng anak mo, Mrs. Brown. "

"Nako, salamat."

Dinala ako ni Inay sa gitna at ngumiti sa mga bisita. "I hope everyone is enjoying.
Gusto ko lang kayong makilala kaya ko kayo inimbitahan. Nagpapasalamat ako sa
pagdalo ninyong lahat."

Bumaling si Inay sa pintuan at tumango bilang hudyat. Maya-maya lang ay lumabas na


ang mga katulong na may dalang mga pagkain at wine. Natigilan ako nang makitang
nasa likuran ng mga ito si Senyora Celestia. May hitbit ding pagkain sa dalawang
kamay.

Natahimik ang ilan sa mga bisita, nag- umpisang magbulungan ang mga ito. Hiyang-
hiya naman si Senyora Celestia habang nakatingin sa mga dating kaibigan nito.

Nalaman ko mula kay Uno na noong araw na pinalayas ko si Senyora Celestia, isa-isa
itong kumatok sa bahay ng mga tinatawag nitong kaibigan, pero ni isa ay walang
tumulong dito. Kaya napilitan itong matulong sa kalsada habang bumubuhos ang
malakas na ulan.

"Masaya na ba kayo? Napahiya n'yo na ako!" galit nitong saad nang makalapit sa
amin.

"Of course, not, Celestia. Hindi kita pinapahiya. Gusto ko lang na magkaroon ka ng
silbi sa mansion."

Masama naman itong tumingin sa akin matapos ng sinabi ni Inay. I just smiled at
her. Maluha-luha itong bumalik sa loob ng mansion. Nagpaalam ako kay inay at
sinundan si Senyora Celestia, pero natigilan ako nang makitang nakatingin ito sa
tuktok ng hagdan. At halos bumagsak ang panga ko nang makita kung sino ang naroon-
si Alas!
Chapter 49

ISA

NILINGON ako ni Senyora Celestia nang may makahulugang ngiti sa mga labi.
Kinilabutan ako sa paraan nang pagtitig niya.

"Nandito na pala ang anak mo. Sinabi n'yo na sa kaniya ang totoo?"

"Wala kang pakialam."

"But he's my grandson. Masama bang

magtanong?"

"Mabuti pang bumalik ka na sa kusina

kung saan ka nararapat!"

Tiningnan niya ako nang masama. Muli

niyang sinulyapan si Alas bago bumalik

sa kusina.

Nagmamadali akong umakyat sa tuktok

ng hagdan. "Bakit lumabas ka, anak?

Nasaan si Lala?"

"Nagpaalam kanina, mama. She's in a

hurry, ihing-ihi na raw siya, e. And I

was curious about the party. Kaya bumaba ako."

Bumuntonghininga ako sa mga narinig. Mabilis ko siyang kinarga at dinala pabalik sa


kuwarto niya.

"Anak, you promised me na hindi ka lalabas."

"I'm sorry, mama. Gusto ko lang naman masilip ang party sa labas, e. Hindi pa kasi
ako nakakakita ng party."

Ngumiti ako sa mga narinig. "Hayaan mo, baby ko, pagkatapos nito, magpapa -party
tayo para sa iyo."

"For me? Talaga?"

"Oo naman! Malaking-malaking party!


"Yey! Party! Kasama kayo ni Daddy, mama?"

"Aba, syempre!"

Pati ang kakambal mo, anak. Kasama na natin siya sa mga oras na iyon.

***

Natigilan ako nang makitang may dalang maliit na maleta si Uno at nakapanglakad din
ito.

"Uno, saan ka pupunta? Gabi na, ah?"

Mabilis ko siyang nilapitan.

"Hindi ko na sana sasabihin sa iyo.

Tutal, babalik din ako agad bukas."

"Saan ka ba kasi pupunta?"

"Sa Manila, may kailangan akong

gawin."

"Ngayon na talaga? Pero gabi na." "Babalik ako agad. Take care of our

baby, okay?"

"Oo naman."

Hinalikan niya ako sa noo matapos haplusin ang pisngi ko. Tuluyan siyang lumabas ng
mansion. Matagal akong naiwang nakatulala sa harap ng pinto..

Ano naman kaya ang sadya niya sa Manila? Bakit parang importante? Sa pagkakaalam
ko, alas-nuebe na ng gabi. Hindi ba puwedeng ipagpabukas? Kailangan talaga, ngayon
na?

Nang marinig ko ang papalayong sasakyan ni Uno, gusto kong buksan ang pinto at
sundan siya. Nahihibang na siguro ako pero parang ayaw ko nang mawalay sa kaniya.
Natigilan lang ako sa malalim na pag-iisip nang marinig ko ang boses ni Alas.

"Anak!"

Mabilis akong tumakbo papunta sa taas at tinungo ang kaniyang kuwarto.

"Let go of me! I don't want to go with you!"

"Huwag kang maingay sabi!"

"You're a bad person, grandma! I don't like you!"

"Sabing tumahimik ka!"

"Senyora Celestia!" sumigaw ako nang makitang umangat ang kamay nito sa ere.
Muntikan na niyang saktan ang anak ko! "Lumayo ka kay Alas!" Malakas ko siyang
itinulak nang malapitan ko sila. Alalang-alala ako sa anak ko kaya nawala na ako sa
sarili.
"Anak, are you okay?"

"Mama!" Umiiyak na yumakap ito sa akin.

"Baby, nandito na ako. Hindi ka na niya masasaktan!"

Inilayo ko siya mula kay Senyora Celestia bago ito hinarap.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo!"

"O bakit? Apo ko naman iyang batang iyan, ah? Bawal ko ba siyang kausapin?"

"Hindi mo siya kinakausap, pinipilit mo siyang sumama sa iyo!"

"Nababaliw ka na naman! Kinakausap ko lang ang apo ko!"

"Hindi iyon ang nakita ko! At muntik mo pang saktan ang anak ko? Pagkatapos ka
namin tanggapin at patirahin dito!" Humalakhak ito na parang baliw. " Aminin na
natin, Isa! Kahit ano pang mangyari, ako pa rin ang tunay na may- ari ng buong
hacienda! Kayong makakapal ang mukha na mga patay- gutom, niloko n'yo ako kaya
nakuha n'yo ang hacienda ko!"

Biglang dumating si Inay sa gitna ng diskusyon namin. "Ikaw ang umutang nang
milyon-milyon para magsugal! Kung hindi ka sana likas na sugarol, hindi mawawala sa
iyo ang lahat!"

Natigilan si Senyora Celestia nang galit itong lapitan ni Inay. Tikom agad ang
bibig nito.

"Anong ginawa mo sa apo ko?"

"W-wala! Overacting lang talaga iyang anak mo!"

"Bakit umiiyak ang bata!"

"Aba, malay ko! E, napakasensitibo masyado ng abnoy na iyan! Kinakausap ko lang


naman!"

Tuluvan akong nawala sa sarili nang marinig ang salitang ginamit nito. Mabilis ko
siyang nilapitan at mahigpit na hinawakan sa braso.

"Anong sinabi mo? Abnoy?"

"Oo! Abnoy!" Binawi niya ang kamay niya. "Mana siya sa iyo na abnormal!"

Bigla ko itong sinampal dahil sa galit. Gulat ang mababanaag sa mukha niya nang
tumingin sa akin.

"W-walang hiya ka-"

Bigla ko siyang sinabunutan sa buhok at buong lakas na hinila palabas ng kuwarto.


"Halika rito! Abnormal, ha? Gusto mo talagang makita kung paano ako mabaliw!"

Mapapalampas ko pa ang mga pang- iinsulto niya sa akin, pero itong pagsalitaan niya
nang masama ang anak ko? Hindi ko mapapayagan!

"Bitiwan mo ako! Hayop ka! Ang buhok ko!"


Nang makalabas kami ng kuwarto ay siyang labas din ni Gwen sa silid nito.
Nakapantulog pa ito at halatang kagigising lang.

"Gabing-gabi na! What this commotion all about-oh my God! Mama! Anong ginagawa mo
sa kaniya!"

Sandali akong huminto at tinitigan siya nang masama. "Huwag kang makikialam dito
kung ayaw mong madamay!"

"Bitiwan mo ako! Hayop kang muchacha ka! Papatayin kita!"

Halos kaladkarin ko na si Senyora Celestia pababa ng hagdan.

Pinagkakalmot niya ang mga kamay ko at pinagsisipa ako, pero hindi ko pinansin ang
hapdi at sakit na dulot ng gawa niya. Lalo kong hinigpitan ang pagsabunot sa
kaniyang buhok.

Nagsilabasan ang mga katulong mula sa kanilang mga quarters. Kahit sina Tan at ang
mga tao nito ay naalerto at patakbong lumapit sa amin. "Huwag kayong makikialam!
Hayaan n'yo sila!" malakas na utos ni Inay mula sa tuktok ng hagdan.

Mula sa mansion ay kinaladkad ko si Senyora Celestia patungo sa malayong basement


sa likuran ng bahay-kung saan niya ako ikinulong noon. Panay banta at mura siya sa
akin pero hindi ako natinag.

Pagdating namin sa basement, buong lakas ko siyang itinulak sa loob saka ko ito
kinandado mula sa labas.

"Buksan mo ito! Walang hiya ka, Isa! Wala kang karapatan gawin ito! Ipakukulong
kita! Hayop ka! Hayop!"

"Tan! Siguraduhin n'yong hindi makakalabas ang taong ito dito!"

Mabilis na lumapit sa akin si Tan. "Opo, senyorita!"

Pagod akong naglakad palayo sa basement, pero muli ko itong nilingon nang marinig
ang mga pagmumura at pagbabanta ni Senyora Celestia. "Pagbabayaran mo ito nang
malaki, Isa! Isinusumpa ko! Magbabayad ka at ang anak mo!"

Chapter 50

ISA

DALAWANG araw hindi umuwi si Uno,

dalawang araw rin nakakulong sa


basement si Senyora Celestia. Sinisiguro kong tubig lang ang nakukuha niya at hindi
nabibigyan ng pagkain. Maranasan man lang niya ang mga dinanas ko noong ginugutom
niya ako habang nakakulong.

Humigop ako ng kape habang nagpapabilad ng araw sa balkonahe. Miss ko na si Uno.


Wala akong makausap kaya mas lalo ko siyang naiisip.

Umalis si Inay kasama si Alis, namili ang mga ito sa bayan at nag-bonding. Inilabas
ni Inay ang anak ko dahil naaawa na raw siya rito, hindi man lang makalabas ng
bahay sa takot namin na idamay ito ni Senyora Celestia.

"Senyorita!"

Natigilan ako sa malalim na pag-iisip nang sunod-sunod na katok sa pinto ang


narinig ko.

Boses iyon ni Tan. Ano na naman kaya ang nangyari?

Mabilis kong nilapitan ang pinto at binuksan ito. "May problema ba? Kulang na lang,
gibain mo itong pinto ng kuwarto."

"Senyorita, sumama ka sa akin sa basement. May nangyari kay Celestia!"

Dagli akong natigilan sa narinig. Unang pumasok sa isip ko si Uno. Mabilis akong
sumama kay Tan papunta sa basement. Ewan ko ba. Kahit malaki ang galit ko kay
Senyora Celestia, kinabahan ako nang maisip na baka namatay na ito sa gutom!

Pagdating namin doon. Sumilip ako sa maliit na butas sa tabi ng pinto. Nakabulagta
sa lupa si Senyora Celestia!

"Narinig na lang ng tao ko kanina ang malakas na pagbagsak ng katawan niya sa lupa.
Hindi namin mabuksan ang pinto nang walang pahintulot mo."

Mariin kong kinuyom ang mga kamay ko. May isang parte sa isip ko na gustong sabihin
na buksan ang basement at dalhin ito sa hospital, dahil iyon ang tamang gawin. Pero
sa huli, nangibabaw ang matinding galit ko sa kaniya.

"Nagdadrama lang iyan! Hayaan n'yo!"

"Are you insane!" Biglang dumating si Gwen dala ang plato ng mga pagkain sa kamay.
"Dalawang araw nang walang kain si Mama! Hindi siya nagdadrama!"

Nilagpasan ako nito. Mabilis niyang nilapitan ang pinto at akma iyon bubuksan, pero
napigilan siya ni Tan.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" Kalmado ko siyang nilapitan.

"Ilalabas ko na si Mama at pakakainin!"

Sinenyasan ko si Tan. Nakuha naman nito agad ang ibig kong sabihin. Mabilis nilang
inilayo si Gwen mula sa basement. "What are you doing, you idiots! Bitiwan n'yo
ako!"

"Hangga't hindi ko sinasabi, hindi lalabas dito si Senyora Celestia!"

Tinalikuran ko na siya. Hindi ko alam na si Gwen pala ang tipo ng tao na caring.
Pero sabagay, pareho sila ng ugali ni Senyora. Sino pa ba ang magtutulungan kundi
sila-sila lang?
"Tumabi kayo kung ayaw n'yong tumawag ako ng mga pulis!"

Rinig kong nagpatuloy ito sa pagpupumilit na makapasok. Nang hindi siya


magtagumpay, ako naman ang pinagbuntunan niya ng kabaliwan niya.

"Hey! Don't you know that what you're doing is a crime! Hindi imo siguro alam dahil
wala ka naman pinag-aralan, pero puwedeng-puwede ka namin ipakulong sa ginagawa
mong ito! Let's just wait until Uno gets back!"

Pakiramdam ko, umakyat ang dugo sa ulo ko. Ayaw ko sana siyang idamay rito dahil
aminado akong mali ang ginagawa namin ni Uno. Pero talagang pinipilit ako ng
babaeng ito!

"Oh, ano? Ikukulong mo rin ako? Let's see!" matapang niyang pahayag nang makalapit
ako sa kaniya.

'Ang kapal naman ng pagmumukha mong gamitin sa akin ang batas! Baka akala mo, hindi
ko alam na ikaw ang nag -utos kay Senyora Celestia na ikulong ako noon dito!"

Natigilan siya bigla. Namilog ang mga mata niya. "I don't what you're talking
about!"

"Huwag ka nang magsinungaling! Alam ko na ang lahat!"

"D-did Uno tell you that?"

"Kung mayroon man dapat na makulong sa atin, ikaw iyon!" Mula sa kaniya ay nabaling
sa platong dala niya ang paningin ko. "Gusto mong pakainin si Senyora Celestia? Oh,
heto!" Kinuha ko ang plato na puno ng pagkain at nginudngod ito sa mukha niya, at
pagkatapos ay sinampal siya nang malakas.

"That's for my children! And this is for

me!" Sinampal ko siya ulit sa kabilang

pisngi.

Sa pangalawang beses ay tuluyan na siyang bumagsak sa lupa. Muli ko siyang


tinalikuran at bumalik na sa mansion. Hindi ko alam na sumunod pala siya sa akin.
Sa sandaling makapasok ako ng pintuan ay bigla nitong hinila ang buhok ko.

"Saan ka pupunta, you freaking bitch!"

Napadaing ako nang maramdaman na halos mapunit na ang anit ko sa lakas nang
pagsabunot ni Gwen. Gumanti ako sa kaniya at nagsabunutan kami.

She was way stronger than I am. Hindi ko inaasahan na marunong pala sa cat fight si
Gwen, kaya nagawa niya akong pagsasampalin at kalmutin sa mukha habang paghila lang
sa buhok ang tanging naiganti ko.

"I've had enough of you, Isa! Malandi ka! Lagi mo na lang inaagaw sa akin si Uno!
Ito ang dapat sa iyo!"

Bumagsak kami at nagpagulong- gulong sa tiles habang nababahalang nakatingin ang


mga katulong na lumabas para makita ang nangyayari. Nagawa akong ibabawan ni Gwen
habang nakasabunot pa rin siya sa buhok ko.

Biglang bumukas ang pintuan ng mansion. "What the... Gwen! Isa!"


Hindi ko nagawang makita kung sino ang bagong dating, pero naramdaman ko na lang na
inilayo nito sa ibabaw ko si Gwen.

"The hell! Get off her!" Malakas nitong itinulak si Gwen sa sahig.

"Isa, are you okay?"

Tinulungan niya akong makatayo, saka ko lang napagtanto na si Uno ito. "Shit!"
napamura siya nang makita ang mukha ko.

Hindi ako nakaimik agad dahil pakiramdam ko, nahihilo ako sa ginawa namin ni Gwen.

Maingat naman naq hinawakan ni Uno ang mukha ko. Alam kong nagdudugo ngayon ang
gilid ng labi ko. Kasing- tulis ng kuko ng tigre ang kuko ng letseng babae na ito!
Mahapdi ang buo kong mukha ko kaya paniguradong marami akong sugat.

"Huwag kang humarang! Dapat lang iyan sa babaeng iyan!" Muntikan akong sugurin uli
ni Gwen, pero mabilis itong hinarap ni Uno at sinampal nang malakas.

Sa lakas no'n ay napasinghap ako pati ang mga katulong na nanonood.

"I told you never to touch her!"

Mabilis na nangilid ang mga luha sa pisngi ni Gwen. Hindi ito makapaniwala sa
ginawa ni Uno. At mukhang natuluyan na itong nawala sa sarili dahil bigla na lang
itong umiyak nang malakas habang ngumangawa.

"Damn you, Uno! Bakit mo ako sinampal! I'm still your wife! Ako ang dapat mong
kampihan sa halip na babaeng iyan!"

"Tumigil ka na!"

"Asawa mo ako! Kasal tayo! Kasal!"

Mabilis na dinampot ni Uno ang briefcase nito sa sahig at may inilabas na envelope.

Nakita ko ang nakasulat sa papel nang ilabas nito ang mga iyon. It's their divorce
papers!

"Pirmahan mo ito!"

Nanlaki ang mga mata ni Gwen sa nakita. "N-no! Ilayo mo iyan!"

Pilit namang pinahawak ni Uno ang ballpen kay Gwen at sapilitan itong pinapapirma.
"Sign it, damn it!"

"No! I won't! Never!" Itinapon ni Gwen sa malayo ang ballpen at sumigaw, "I hate
you! I hate you so much!"

Pinagsasampal niya si Uno at pinagsusuntok sa dibdib. I never thought I would see


her like this. Malayo sa Gwen na sopistikada at puno ng composure ang babaeng
nakikita ko ngayon.

"I did everything for you! Kahit hindi mo hingin, binibigay ko! I was always there
whenever you needed someone! Nagsisisi akong minahal kita! Nagsisisi ako! Damn you,
Uno! Damn you!"

Pabagsak itong naupo sa sahig. Ganoon na lang ang pagkatigil ko nang mag- umpisa
itong umiyak na parang bata na inagawan ng candy.
Chapter 51

ISA

NAPAPANGIWI ako habang ginagamot at hinihipan ni Uno ang sugat ko. Ingat na ingat
ito sa paglalagay ng ointment sa mukha ko na halos bawat lapat ng bulak ay siyang
pag-ihip naman niya.

"I'm sorry, Isa. This is all my fault."

"Hindi naman ikaw ang kumalmot sa akin."

"Hindi kita dapat iniwan."

I swallowed hard with those words. Nakokonsensya na naman tuloy ako sa pang-iiwan
sa kaniya noon. But I don't have to feel this way. I did it for Heart, to keep her
alive. Kahit ano, magagawa ko para sa anak ko.

Napansin kong puno ng pag-aalala ang mga mata niya. Hindi ko tuloy alam kung paano
sasabihin ang dahilan kung bakit kami nagkasabunutan ni Gwen.

"You shouldn't be here. Puntahan mo si Senyora Celestia."

Ibinaba ko ang kamay niya. Nakita ko ang pagkalito sa kaniyang mukha.

"Ikinulong ko siya sa basement."

Natigilan siya sa mga narinig. Hindi siya umimik pero alam kong nag-aalala siya kay
Senyora Celestia. She's still his mother after all. Ano pa man ang mangyari, hindi
niya matatalikuran nang tuluyan ang babaeng nagbigay buhay sa kaniya.

"Go."

"Isa-

"Go!"

Alam kong iniiwasan niya lang na ipakitang nag-aalala siya dahil sa akin. Pero ayaw
ko naman ipagkait sa kaniya ang mag-alala at masaktan para sa kaniyang ina.

Bumuntonghininga siya at tumayo. "I'll be back." "Magdala ka na rin ng pagkain.


Dalawang araw ko na siyang pinagdadamutan ng makakain."

Taas ang noong nag-iwas ako ng mukha. Ayaw kong ipakita na nakokonsensya rin ako.
Hindi ko dapat maramdaman ito dahil kulang pa ang mga paghihirap ni Senyora
Celestia. Kailangan niyang magbayad sa lahat.

Ilang minuto pa lang ang lumilipas mula nang lumabas si Uno, hindi ako matahimik,
so I decided to follow him. Paglabas ko ng kuwarto, natigilan ako nang mapansin na
pababa ng hagdan si Gwen. May dala itong maleta.

Tahimik akong sumunod at pinanood siya mula sa tuktok ng hagdan. Iniiwasan niyang
gumawa ng ingay at parang ingat na ingat na hindi makita ng iba. Ano na naman kaya
ang binabalak nito ngayon?

Sa halip na sundan si Uno, nagdesisyon akong si Gwen na lang ang sundan.

Lumabas siya ng mansion at nagpunta sa pinakamalapit na coffee shop. Buong oras ay


tahimik lang akong nakasunod sa kaniya.

Mahigit kalahating oras na akong nakatayo sa lilim ng puno habang tinatanaw si


Gwen. Nakaupo ito sa isang mesa sa labas ng coffee shop, halatang may hinihintay.
Maya-maya, may dumating na puting kotse.

"Is that... Dos? Dos Santillian?" Nanlaki ang mga mata ko..

Hindi ako makapaniwala. Si Dos ang katagpo niya? Anong ginagawa ng lalaking iyan sa
probinsya na ito?

Hindi ako nagpahalata at mas lumapit pa ako sa kinaroroonan nila para marinig ang
kanilang pag-uusap. Chismosa na kung chismosa, kailangan kong malaman ang pinaplano
nila!

"Gwen, why did call me?"

"Dos, itanan mo na ako."

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. "What?"

"You have no business here, pero nandito ka kasi alam mong nandito ako, di ba?
Sumunod ka sa akin dito dahil mahal mo ako!"

"Gwen-"

"Isama mo na ako. Ayaw ko na rito!"

Ilang segundong natahimik ang dalawa kaya sumilip ako. Nakita kong tahimik lang si
Dos habang nakatingin sa mukha ni Gwen.

Don't tell me, itatanan nga niya ang babaeng iyan? Magsisisi siya! Hindi niya alam
kung gaano kapangit ang ugali ni Gwen!

He smiled at her and nodded. "If you really want to come with me, divorce your
husband." 11

"Ayoko!"

Aba! Napakagaga talaga nitong Gwen na ito! Gustong sumama sa ibang lalaki, pero
ayaw pakawalan si Uno? Huminga ako nang malalim. Pilit kong pinipigilan ang sarili
ko na sugurin si Gwen.

Bumaba ang paningin ko sa mga kalmot sa braso ko. Umismid ako nang maalala kung
gaano kagaling mangalmot ang babaeng iyon.

"Huwag na lang pala," sabi ko na lang bago nakinig ulit sa kanilang usapan.

"Hindi mo ba ako mahal?"


Natigilan si Gwen sa tanong na iyon ni

Dos. "I... I love you."

"Pero bakit ayaw mong i-divorce si Uno? Do you still love him?"

Sandaling natahimik si Gwen. "Dahil gusto kong maghirap sila ng kabit niya!
Hinding-hindi ko siya pakakawalan kaya habang-buhay magiging kabit ang Isa na
iyon!"

Kumuyom ang mga kamay ko sa narinig. That's her reason? Dahil gusto niya akong
manatiling kabit? "If you won't divorce him, I'm sorry, Gwen. I can't take you with
me."

"But Dos!"

"Divorce him."

Napasabunot ng buhok si Gwen habang nakatingala pa rin ito kay Dos. "Ako ba...
hindi mo mahal?"

"Mahal kita, that's why I want you only for myself."

Sa dinami-rami naman ng babae sa mundo, iyong may sayad pa ang gusto ng lalaking
ito? Not to mention that she's married! Ibang klase rin itong Dos Santillian na
ito!

Ngumiti si Dos bago hinaplos ang pisngi ni Gwen. "Divorce him, okay? I'll wait for
you here, tomorrow.

Matagal na natigilan si Gwen. Makalipas ang ilang sandali, tumango ito at


nagdesisyon na bumalik sa mansion.

***

UNO

"You can't take her. Not without Senyorita Isa's permission." Matalim ang mga mata
nang tingnan ako ni Tan, ang head ng mga bodyguards nina Isa.

"Ako na ang bahalang magsabi sa kaniya."

"Hindi nga puwede."

"Tan, right? Tabi."

"You're not the boss of me. Wala kaming ibang susundin kundi si Senyorita Isa at si
Mrs. Brown lang."

Hinawakan ko siya sa kwelyo pero siyang dating naman ni Isa.

"Anong nangyayari dito?"

I let go of Tan's collar and walked closer to the door. Humarang si Isa sa harap
namin ni Mama.

"Anong ginagawa niyan dito?"


Malalim ang paghinga ni Mama nang

mag-angat ito ng tingin at sinimulang bulyawan si Isa. "I've been in that gaddamn
basement for two days! Hindi pa ba sapat iyon!"

"Bakit? Ako? Siyam na buwan! Halos siyam na buwan mo akong ikinulong sa basement na
iyon! Naawa ka ba sa akin? Naging sapat ba iyon para sa iyo? Hindi! Dahil ninakaw
mo pa ang anak ko pagkatapos kong manganak! Ngayon, itatanong mo sa akin iyan? Ang
kapal ng mukha mo!"

My heart broke when I saw tears in her eyes. Kahit ilang taon pa ang lumipas, hindi
ko na mahihilom ang sugat na ibinigay ni Mama kay Isa. Sa katunayan ay dinadagdagan
ko pa ito.

Habang-buhay akong hihingi ng kapatawaran sa kaniya. Hindi ako titigil hangga't


hindi ko naaayos itong problema namin.

"Ibalik n'yo ang taong ito sa basement!"

"Isa," I called her name.

"What, Uno? Pipigilan mo ako?"

Matapang niyang sinalubong ang mga tingin ko.

Ngumiti ako. "No."

Wala akong nagawa kundi hayaan silang kunin si Mama.

"Uno! No! Bitiwan n'yo ako! Uno! Anong ginagawa mo! Tulungan mo ako!

"I'm sorry." 11

Hinatid ko ng tingin ang mga ito hanggang sa makalayo sila sa amin.

"9 months! 9 months, Uno! Buntis ako pero ikinulong niya ako roon for 9 months!
Hindi pa siya nakuntento, ninakaw pa niya sa akin si Alas! Walang hiya siya! Hayop!
Hayop!" Nangilid ang masaganang luha sa mga pisngi niya.

Hinapit ko siya sa baywang at mahigpit na niyakap.

***

Mahimbing nang natutulog si Isa. Tahimik ko siyang pinagmamasdan habang marahang


hinahagod ang buhok niya.

She's been through a lot, but I admire her greatly for overcoming every problem. Sa
kabila ng hirap na pinagdaanan niya, heto't mas nagiging matapang pa siya. I thank
God for bringing her into my life, and for making her the mother of my child.

Masuwerte si Alas dahil nagkaroon siya ng ina na katulad ni Isa. Kung naging ganito
lang siguro si Mama, hindi kami hahantong sa ganito.

I kissed her forehead before leaving the room. Paglabas ko ng kuwarto, bumungad sa
akin ang galit na mukha ni Gwen.

Bigla niya akong sinampal ng isang envelope. "Hayan ang divorce papers mo! Simula
ngayon, hiwalay na tayo!"
Chapter 52

ISA

NATIGILAN ako sa paghakbang nang makitang kalalabas lang ng kuwarto ni Gwen. Taas-
noo itong naglalakad habang hila ang maleta sa isang kamay.

Tumigil siya sandali at tumingin sa akin nang matalim. Walang salitang lumabas sa
bibig niya pero nararamdaman ko ang binibigay niyang vibes. Gusto niya akong
patayin. Taas- noo siya bumaba ng hagdan at umalis.

Nasaan naman kaya si Uno? Hindi ba niya alam na aalis na si Gwen? Dahil sa pagiging
likas na pakialamera ko, sumunod na naman ako sa kaniya nang palihim.

Gusto ko lang naman makita kung anong gagawin nila ni Dos. Kung may karapatan nga
lang ako, gusto kong magbigay ng payo kay Dos na pag- isipan niya ang mga ginagawa
niya. Gwen is a walking redflag. Masisira ang buhay niya kapag sumama siya sa
babaeng ito.

"Senyorita."

Kamuntikan na akong mapatili nang biglang may magsalita sa likuran ko. Paglingon ko
ay bumungad sa akin ang seryosong mukha ni Tan.

"Anong ginagawa mo rito!" mahina ngunit matigas kong tanong.

"You can't leave the mansion without a guard."

"Okay lang ako! Kaya ko ang sarili ko! Shoo!"

"Hinayaan kitang umalis kahapon nang walang kasama. Kapag inulit ko iyon, malalagot
na ako kay Mrs. Brown."

Umikot ang mga mata ko sa narinig. Hindi ako magsusumbong kay Inay! Umalis ka na."

"Hindi puwede. Sasamahan kita—"

"Huwag kang maingay!" Mabilis kong tinakpan ang bibig niya nang maalala si Gwen.

Nandito ako sa pinagtaguan ko kahapon kung saan nagkita sina Gwen at Dos.

Sumilip ako para makita ang nangyayari. Sumilip din si Tan. Matagal na oras ang
hinintay namin. Halos dalawang oras na nga ang dumadaan, pero wala pa rin si Dos.

"Himala. Nakaya yatang maghintay ni Gwen Harrison nang dalawang oras para lang sa
lalaki? Ganoon niya kamahal si Dos?" hindi makapaniwalang bulong ko.

"Bakit mo ba sinusundan iyan, senyorita? Hindi ba dapat, hinahayaan mo na siya?


Hiwalay na sila ni Uno."
Nilingon ko si Tan at katakot-takot na irap ang ibinigay ko. "Napakachismoso mo."

Maya-maya lang, dumating na rin sa wakas ang paimportanteng si Dos. Mabilis itong
niyakap ni Gwen nang makaibis ito ng sasakyan. "Dos! It's over! Napirmahan ko na
ang divorce papers! Malaya na ako. Malaya na tayo!"

Wow? Daig pa nila ang mga bida sa palabas!

Nakita kong hinawakan ni Dos ang kamay ni Gwen. "I'm sorry."

"What? Sorry para saan?"

He let out a heavy sigh. "I can't take you with me."

Nagkatinginan kami ni Tan sa narinig.

"A-ano? A-ano bang ibig mong sabihin? Stop joking around!"

"I'm not joking, Gwen. May iba akong mahal. Bumalik ka na lang sa asawa mo.

Binitiwan ni Dos ang kamay nito at tinalikuran si Gwen. Hindi pa man siya
nakalalayo, hinampas siya ni Gwen sa ulo gamit ang dala nitong bag.

"Gago ka ba? Hiniwalayan ko ang asawa ko para sa iyo! Wala na akong babalikan!

Dos turned to her and smirked. "Well, I'm sorry but I don't care."

Kulang na lang ay umawang ang mga labi ko sa naririnig. Ginusto ko kanina na huwag
ituloy ni Dos ang binabalak nitong pakikipagtanan kay Gwen, pero ngayon na
nangyayari na, hindi ako makapaniwala sa nakikitang asal niya!

"Minahal kita, Dos! Nangako kang hindi mo ako pababayaan! Ang sabi mo, ikaw na ang
bahala sa akin!"

"Hindi ko naman alam na seseryosohin mo ang mga pagbibiro ko."

"Pagbibiro? Wala na akong asawa! Wala na akong career dahil sa letseng video na ni-
record at pinakalat mo! And after everything, iiwan mo ako!"

"I can't be with someone who I don't love." Ngumiti ito na parang walang nangyari.
"See you around." Nailing na lang ako sa mga nasaksihan. What a jerk! Tingnan mo
nga naman ang karma. Nakahanap si Gwen ng katapat niya!

"Get back here, Dos! Bumalik ka!" Hinabol ni Gwen ang kotse nito pero nadapa na
lang siya't lahat, hindi man lang lumingon si Dos. "Baboy ka! Walang hiya ka, Dos!
Baboy!"

Umiyak si Gwen habang nakaupo sa gitna ng daan. Nagkatinginan kami uli ni Tan bago
nagdesisyong bumalik na.

"That's her karma. Sa lahat ng ginawa niya sa iyo, maliit na bagay lang iyon."

Napatingin ako kay Tan sa sinabi niya. Tumango ako. Tama ito, hindi ko kailangan
maawa o ma-guilty. Gwen did that to herself. Karma niya iyon.

"Why are you with him?" Tumayo si Uno mula sa pagkakaupo nito sa sofa nang
makapasok kami ni Tan sa mansion. Natigilan ako nang makita ang masamang tingin ni
Uno kay Tan.
"Sinamahan niya lang ako," paliwanag ko.

"Saan?"

"D-dyan lang. May pinuntahan ako."

Hinila ako sa kamay ni Uno at dinala sa kuwarto. "Sa susunod, sabihin mo sa akin
kung may pupuntahan ka. Ako ang sasama sa iyo."

***

UNO

Pagdating sa kuwarto ay mabilis kong sinibasib ng halik ang mga labi ni Isa. I
kissed her hard and passionately. Inihiga ko siya sa kama at akmang huhubaran pero
pinigilan niya ako.

"Uno, wait."

"Isa, I'm a free man now."

Natawa siya. "I know, but we should go to Alas." "Hm? Ngayon na?"

Pabiro niyang hinila ang tainga ko. " Kaya nagtatampo ang anak mo, e. Iba ang
inuuna mo."

"Hey, that's not true."

"In denial."

Natatawa ko siyang binuhat patayo at hinalikan sa mga labi. "I love you, Isabella
Marie."

"I love you, too, Stefan."

Magkahawak kamay kaming lumabas ng kuwarto at papunta na sana kay Alas. Sinabi niya
sa akin ang mga gusto niyang gawin ngayong malaya na kaming humarap sa ibang tao
nang hindi nahuhusgahan.

"Sir Uno, may naghahanap po sa inyo," ani ng isang katulong nang makalapit kami sa
hagdan.

"Sino?"

Hindi pa man nito nasasabi ang pangalan, umalingawngaw na sa paligid ang malakas na
boses ni Gwen.

"Uno!" Umiiyak itong umakyat sa hagdan at lumapit sa akin.

Naramdaman kong mabilis na binawi ni Isa ang kamay niyang hawak ko.

"What are you doing here, Gwen?"

"Uno, nagkamali ako! Please, take me back."


Chapter 53

ISA

NAGMAMAKAAWA si Gwen sa paanan ni Uno habang umiiyak ito. Alam kong iniwan siya ni
Dos, pero hindi ko alam na makapal ang mukha niya at walang pride para bumalik pa
kay Uno. Sabagay, he's her only option. Malamang, babalik siya rito dahil baliw

siya.

Buong akala ko, ipagtatabuyan ni Uno si Gwen, pero natigilan ako nang magpaalam
siya sa akin at dinala ito sa labas para kausapin.

Makalipas ang ilang minuto, muli silang pumasok sa loob. Hindi na umiiyak si Gwen
at mukhang magkasundo na sila base sa pakikipag- usap nila sa isa't isa.

Tinalikuran ko ang eksenang pag- uusap ang dalawa at mabilis na pumasok sa kuwarto
ni Alas. Sadya ko itong ni-lock upang hindi makapasok si Uno. "Naglalaro ka, baby?"

"Yes, mama, but I'm bored. I wanna go

outside. Puwede ba tayong mamasyal?"

Nawala ang ngiti sa mga labi ko sa tanong na iyon ni Alas. Mamamasyal sana kaming
tatlo ngayon, pero ito naman ang nangyari.

Nasasaktan at naiinis akong isiping nagkaayos na sila agad. Ganoon lang kadali?
Pagkatapos niyang piliting makipaghiwalay kay Gwen, magkasundo na agad sila?

"Isa? Baby? Can you open this door, please?"

Matalim kong nilingon ang pinto. Pairap kong binawi ang tingin ko bago umusog sa
tabi ni Alas. Pinahiga ko siya sa tabi ko.

"Mama, nag-away ba kayo ni Daddy?"

Umiling ako habang hinahagod ang buhok niya.

"Bakit ayaw mo siyang papasukin?"

"He needs to talk to Gwen, anak. Let's give them some time." Pinilit kong ngumiti
nang tingnan siya. "Gusto mo bang matulog?"

"Katabi ka? Yes!" Yumakap siya sa akin

at mabilis na pinikit ang mga mata.

Pinilit ko rin ang sarili kong matulog dahil ayaw kong isipin ang nangyari. Bahala
na kay Uno kung makikipagbalikan siya kay Gwen. So, what? May Heart at Alas naman
ako!
***

MATAAS na ang sikat ng araw nang muli akong magising. Lumabas ako ng kuwarto na
mahimbing pa rin ang tulog ni Alas.

Nakabibinging katahimikan ang sumalubong sa akin sa paglabas ko. Nakapagtataka.


Lagi kong naririnig ang ingay ng mga katulong sa kitchen sa ganitong oras. Tahimik
yata ngayon ang lahat?

Tumingin ako sa kuwarto ni Uno. Nasa loob kaya siya? Wala naman akong marinig na
ingay mula roon. Bumaba na lang ako, pero ganoon na lang ang pagtataka ko nang
walang makitang ni isang katulong sa buong mansion.

Lumabas ako at ganoon din. Maliban sa dalawang bantay sa gate, wala na akong
nakikitang tao ni Tan sa paligid. Laging hindi nawawalan ng tao sa labas ng mansion
dahil mahigpit si Tan. Buong araw alert ito at ang mga tao niya.

Tinawagan ko ito. "Tan, nasaan ka?"

"May pinuntahan kami kasama si Mrs. Brown, senyorita. May iniwan akong dalawang
bantay dyan sa gate at sa basement."

"Sandali, kasama mo ngayon si Inay? Give her the phone. I wanna talk to her."

Sandali silang nag-usap sa kabilang linya pero hindi ko maintindihan ang sinasabi
nila.

"Hija, may mahalaga kaming

aasikasuhin. Babalik din kami agad." "Inay, may problema ba?"

"Wala. Huwag kang masyadong mag- isip. Siyanga pala, pinaalis ko muna ang mga
katulong. Ayaw kong may lalabas na balita tungkol kay Celestia. Babalik din sila
kapag humupa na ang lahat."

Hindi na ako nakapagsalita pa nang bigla itong magpaalam at pinatay ang tawag.
Iginala ko ang paningin ko sa paligid. Bakit kailangan paalisin ang mga katulong, e
ilang araw na ang lumilipas mula nang ikulong ko si Celestia sa basement?

Bumuntonghininga na lang ako.

Pumunta ako sa kusina at kumuha ng maiinom bago dumiretso sa kuwarto. Medyo weird
ang paligid at pati ang pakiramdam ko.

Gusto ko sanang tawagan si Uno, but I decided not to. Mapapahiya at masasaktan lang
ako kapag nalaman kong magkasama sila ni Gwen ngayon.

Uminom ako ng pampatulog bago

humiga sa kama. Binuksan ko ang cellphone ko habang naghihintay ng antok.

I stared at the beautiful face of my Heart. Titig na titig ako sa picture niya.
Miss na miss ko na ang baby ko. I hope she's doing well. Sakitin siya kaya lagi
akong parang nasa dulo ng bangin. Laging takot sa maaaring mangyari sa

kaniya.

"Hintayin mo kami, anak. Sa pagbalik ko, dala ko na ang kakambal at daddy mo.
Sandali akong bumangon para pumunta sa balkonahe. I feel so suffocated in here.
Kung hindi lang dahil gusto kong pagbayaran ni Senyora Celestia ang mga kasalanan
niya, babalik na sana ako ng Manila.

Natigilan ako nang matanaw ang

dalawang lalaking nag-uusap sa may kalayuan. Nakilala ko ang isa na tauhan namin,
pero ang kausap nito? Malayo sila kaya hindi ko masyadong maaninag, pero base sa
tindig at pangangatawan nito, its Dos!

"What is he doing here?"

Sandali lang itong nakipag-usap sa bantay namin, pagkatapos ay naglakad na ang


dalawa papunta sa gate. Hinahanap kaya niya si Uno?

Gusto ko sanang puntahan ang tao namin at magtanong, pero unti-unti nang tumatalab
ang ininom kong gamot. Sa bigat ng talukap ng mga mata ko, pinili kong mahiga na
lang at ipagpaliban ang pagtatanong.

***

"Senyorita! Senyorita Bella!"

Unti-unting bumalik ang malay ko nang makarinig ng ingay sa labas. Matagal pa akong
tumitig sa kisame dahil parang nasa panaginip pa rin ako. Umiikot ang paligid!

"Senyorita! Buksan n'yo ang pinto! Senyorita!"

Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ang mga sigaw at malalakas na katok sa
pinto.

"Nandyan na!"

Inis kong binuksan ang kuwarto ko.

"Bakit ba-" Bigla akong natigilan nang makita ang hitsura ng isa sa mga tao namin.
M-may dugo ito sa ulo!" Anong nangyari sa iyo?"

"N-nakatakas po si Senyora Celestia!"

"Ano? Paano? Hindi ba't may iniwan na bantay sa kaniya!"

Halos hindi ito makapagsalita.

Namumutla na rin ang mukha nito." Tinulungan po siya ni Ma'am Gwen! May ilang
lalaking pumasok at itinakas sila!"

"Si Gwen? Mga lalaki? Oh, God!" Mariin akong pumikit.

Ito na nga ba ang kinakatakot ko!

"Kuya, magpahinga ka na muna-"

Bigla akong natigilan nang maalalang walang tao sa bahay at mag-isa lang ni Alas sa
kuwarto!

"Ang anak ko? Ang anak ko!"

Mabilis kong binagtas ang daan patungo sa kuwarto ni Alas. Nang mabuksan ko ito,
halos panawan ako ng ulirat nang makitang walang tao sa loob.

"Alas!"

Chapter 54

ISA

NAKASABUNOT ako sa buhok ko habang nakaupo sa sofa at hinihintay ang pagdating nina
Inay at Uno. Walang tigil sa pagbagsak ang mga luha ko, para akong papanawan ng
malay sa tindi ng pag-aalalang nararamdaman ko.

Why did I leave him alone? Hindi ko maiwasang hindi sisihin ang sarili ko sa
nangyari. Iba na ang pakiramdam ko kanina pero pinili kong huwag pansinin ito at
nagpabaya!

Halos sabay na dumating sina Uno at Inay kasama ang dalawa naming tauhan. Mabilis
akong nilapitan ni Inay at niyakap.

"It's my fault! It's my fault, inay!"

"Wala kang kasalanan, anak! Huwag

kang mag-alala! Ipapahanap natin sila! Matagal na nanatiling nakatayo si Uno habang
nakatingin lang sa akin. Tulala ito at puno ng pag-aalala ang mga mata.

"Uno, ang anak natin! Dinukot nila si Alas! Saan ka ba nagpunta! Saan ka galing!"
Malakas kong pinaghahampas ang mga binti ko sa pinaghalong inis at takot.

Kapag may nangyaring masama kay Alas, mapapatay ko sina Senyora Celestia at Gwen!

Nilapitan ako ni Uno nang umalis si Inay para pumunta sa kusina. Mahigpit niya
akong niyakap.

"Ikamamatay ko kapag may nangyaring masama sa anak natin. H-hindi ko na kayang


malayo ulit sa kaniya!"

"Sshh. Everything will be fine."

Bumalik si Inay dala ang baso ng tubig para sa akin. Habang iniinom ko ito,
nakatanggap ng tawag si Uno... mula kay Senyora Celestia. Sinagot niya ito at
inilagay sa loud speaker. "Ma, where's my son?"

Mahinang tumawa si Celestia sa kabilang linya. "Oh, don't worry. I have him."

"Ibalik mo sa akin ang anak ko! Walang hiya ka! Huwag mo siyang idamay rito!"
Mabilis kong inagaw ang cellphone mula kay Uno.

"Binalaan na kita, di ba? Ang sabi ko,


magbabayad kayo ng anak mo!"

Nanginig sa galit ang mga kamay ko sa sinabi niya. Halos magdilim ang paningin ko
habang pinakikinggan ang kaniyang boses.

"Anong gusto mo, Celestia? Pera? Sabihin mo kung magkano at ibibigay namin! Ibalik
mo lang nang ligtas ang apo ko!"

"Sure! Hindi kita tatanggihan, Minerva!

"Magkano ang gusto mo!"

"Pumunta kayo sa abandonadong mansion sa loob ng gubat. Maghihintay kami. At huwag


kayong magdadala ng pulis kung ayaw n'yong mamaalam sa pinakamamahal kong apo!"

"Huwag! Celestia! Hayop ka!" Natigilan ako nang bigla nitong patayin ang tawag.
Malakas akong sumigaw at tinapon sa malayo ang cellphone.

Niyakap ako ni Uno upang pakalmahin. Pinainom na rin nila ako ng pampakalma na
kahit papaano ay nakatulong sa akin. Pero ang takot sa dibdib ko para sa kaligtasan
ni Alas ay hindi nabawasan. Lalo lang itong tumindi sa paglipas ng bawat segundo.

"Anong gagawin natin, inay?"

"Pupunta kami, anak."

"Sasama ako!"

"No, Isa. Delikado!" Hinarap ko si Uno sa sinabi niya.

"Huwag mo akong sasabihan sa dapat at hindi dapat kong gawin! Buhay ng anak ko ang
nasa panganib!" Naaawa niya akong tiningnan. Hinila niya ako sa isang tabi at
masinsinang kinausap.

"Please, stay here."

"No!"

"I can't lose you again! Gagawin ko ang lahat para maiuwi si Alas nang ligtas, but
I want you to stay here where it's safe!"

"At ayaw ko rin sumugal, Uno. Sa akin galit si Senyora Celestia! Kung sakaling
hindi sasapat sa kaniya ang pera at gusto niya ng buhay ko kapalit ni Alas,
ibibigay ko! Dapat nandoon ako!"

Mariin siyang pumikit.

"You can't stop me from coming with you. Babawiin ko ang anak ko!"

Matagal niya akong pinagmasdan sa mukha gamit ang mga matang puno ng pag-aalala. Sa
huli, wala siyang nagawa kundi pumayag. "Inay, hindi ba talaga natin ipapaalam sa
mga pulis ito? Natatakot ako para sa kapakanan ni Alas, pero paano kung hindi
tumupad si Senyora? Ang anak ko, inay."

Hinawakan ni Inay ang kamay ko at banayad akong nginitian. "Magiging maayos din ang
lahat. Hindi ko hahayaan na masaktan niya ang apo ko o ikaw. If I have to give up
my life for you and my grandson, I will, anak."

Mahigpit akong yumakap sa kaniya habang nasa loob kami ng van at nasa byahe na.
Napansin ko lang na bumalik si Inay nang walang dalang bodyguards maliban sa
dalawa. Nasaan kaya sina Tan?

Matapos ang mahigit kalahating oras, narating namin ang lugar na tinutukoy ni
Senyora Celestia. Hindi makapasok ang van sa loob ng gubat kaya kinailangan namin
lakarin ang daan para marating ang abandoned mansion na tinutukoy ni Senyora.
Malaki ito at halatang abandoned nga.

Mukha nang haunted mansion.

Maraming baging sa paligid at nagtataasan din ang mga damo sa labas.

Pumasok kami sa pintuan at tumambad sa amin sina Senyora Celestia at Gwen sa hindi
kalayuan. Pinapagitnaan ng mga ito si Alas na nakaupo sa silya at nakagapos, may
takip ang bibig at umiiyak.

"Anak! Ibigay mo siya sa akin!" Tumakbo ako pero mabilis akong niyakap ni Uno mula
sa likuran.

"Isa, calm down, please!"

"Ang anak ko, Uno!"

"Oops! Mamaya na, muchacha! Nagsisimula pa lang ang party!"

Natatawa nitong hinagod ang ulo ng anak ko. Naningkit ang mga mata ko sa galit.

"Don't touch him! Don't touch my son with your filthy hands!" Tiningnan niya ako
nang masama. Huwag kayong magkakamaling gumawa nang hindi ko magugustuhan. Nasa
paligid lang ang mga tao ko. Sa isang pitik ng mga daliri ko, baka biglang sumabog
ang ulo n'yo."

"Hayop ka talaga, Celestia! Wala kang awa sa bata!"

"Oh, Minerva! Hayop is an understatement. Demonyo ako! At ipapakita ko sa inyo kung


paano magalit ang isang demonyo kapag hindi n'yo sinunod ang utos ko!"

Mariin akong pumikit sa mga narinig. Sa muli kong pagmulat, napansin kong
nakatingin si Gwen kay Uno. Bakas ang takot sa mga mata nito.

Tumingala ako kay Uno at nakitang nakatingin din ito kay Gwen. I tried to talk to
her. Nakikita ko naman na ayaw niya sa nangyayari.

"Gwen, please! How could you do this to him? Bata lang iyan! Pakawalan n'yo na ang
anak ko!" Tinaasan niya ako ng kilay. "I'm sorry. Pero ayaw na rin lang akong
balikan ni Uno, mas mabuti pang tapusin na natin ang lahat."

"Anak ko iyan! Wala kayong karapatan

saktan siya!"

"Tumahimik kayo!" sumigaw si Senyora Celestia. "Nakikita n'yo ito? Injection! Alam
n'yo ba na kapag itinurok ko ito sa apo ko, mabilis siyang babawian ng buhay? Lason
ito na walang gamot!"

"No! No! No! Please! Ako na lang! Ako na lang ang patayin mo!" Lumuhod ako sa
maalikabok na sahig at nagmakaawa.

"Ma, don't hurt him! Apo mo pa rin siya!"


Tinawanan niya lang ang mga sinabi namin. Tumingin siya kay inay matapos kunin ang
mga papel mula kay Gwen.

"Heto, pirmahan mo iyan, Minerva!" Itinapon nito ang mga iyon malapit kay

inay. "Ano ito?"

"Wala naman. Kasulatan lang na nagsasabing akin na ang lahat ng ari- arian mo.
Hindi lang ang Hacienda Cavallaro kundi lahat! Walang matitira sa inyo! Babalik
kayo sa pagiging patay- gutom kung saan kayo nararapat!"

"Nababaliw ka na! Hacienda Cavallaro lang ang puwede mong kunin!" sigaw ko.

"Hindi rin naman sa inyo ang yaman na iyan! Sa kano iyan na pinakasalan ng inay mo
para makuha niya ang pera!"

"Si Inay ang nagpalago ng pera ni Mr. Brown! Ang lahat ng negosyong naipundar nila
ay dahil sa sipag at tyaga ni Inay!"

"Wala akong pakialam! Basta akin ang lahat nang iyan!"

Tumingin ako kay inay. Ayaw kong isuko niya ang lahat nang pinagpaguran niya, pero
ang buhay ng anak ko ang nakataya rito. Tinanguan niya ako at nginitian.

Pipirmahan ko ito, Celestia. Huwag mo

lang sasaktan ang apo ko."

"Pirmahan mo na!" Inilapit ni Inay ang

injection kay Alas.

Binuksan ni Inay ang dokumento at pinirmahan ang mga ito. Umagos ang mga luha sa
pisngi ko. Ang ilang taong pinaghirapan ni Inay, mawawala lang sa isang iglap.
Talagang napakasama ng Celestia na ito! Wala na itong pag- asang magbago!

"Ibigay mo sa akin iyan! Dali! Akin na!" Nanlilisik ang mga mata ni Celestia na
parang baliw habang pilit inaabot ang mga papeles.

Inabot naman ito ni Inay sa kaniya, pero bago pa man ito makuha ni Celestia, bigla
itong pinagpupunit ni Inay at itinapon sa ere. "No!"

Chapter 55

ISA

"No! No! What have you done! No!" Halos mag-hysterical si Senyora Celestia sa
galit.
Hindi makapaniwalang tumingin ako kay inay sa ginawa niya. "Bakit mo ginawa iyon,
inay?"

Mahigpit niya hinawakan ang kamay ko. "Huwag kang mag-alala, anak. Hindi niya tayo
masasaktan."

Napatingin ako sa galit na galit na mukha ni Senyora Celestia, sunod kong tiningnan
ang anak kong walang tigil sa pagluha. Halos madurog ang puso sa nakikitang
sitwasyon niya.

"Ah, ganoon? Hindi masasaktan? Ginagalit mo talaga ako! Uunahin ko itong batang ito
at isusunod ko kayo!"

Umiling ako sa mga narinig. "No, please! Ako na lang!" Halos tumigil ang mundo ko
nang makitang biglang itinurok ni Senyora Celestia ang injection sa braso ng anak
ko. Nahigit ko ang hininga ko. Titig na titig ako sa naluluhang mga mata ni Alas
habang nakatingin sa akin.

Hindi ko nakayanan ang nasaksihan at napaluhod na lang ako sa sahig. 11 Huwag!


Anak! Hayop ka! Hayop ka, Celestia! Pati bata, dinamay mo!"

Wala akong tigil sa pagsigaw habang nakatingin sa anak ko. Unti-unting nanlabo ang
mga mata ko kaya mabilis akong sinalo ni Uno..

"Isa! Please, hold it together!"

Maraming beses akong umiling. Hindi ito dapat na nangyari. Marami pa akong pangarap
para sa kaniya. Hindi pa kami nakakabawi ni Uno, at hindi pa sila nagkikita ng
kakambal niya!

"Ang anak ko... Uno... ang anak natin!

Alas!"
Makalipas ang halos isang minuto, nagsalubong ang mga kilay ni Senyora Celestia
nang mapansin na walang nangyayari. Kumawala ako sa mga hawak ni Uno at mataman na
tumingin kay Alas.

"What's happening? Dapat bumubula na ang bibig ng batang ito ngayon!"

Tinulungan akong makatayo ni Inay. Halos bumagsak pa ako dahil parang umiikot pa
rin ang mundo ko habang nakatingin sa aking anak. Ni hindi na ako makapag-isip nang
maayos.

"Anong nangyayari?" Napatingin ako kay Uno. Nakita kong nanginginig ang mga kamao
niya habang direktang nakatingin kay Celestia. Dahan-dahan niya itong nilapitan.

"Magagawa mo talaga ang bagay na iyan sa anak ko... matapos kong gawin ang lahat
para sa iyo!" Unti-unti siyang lumalapit kay Senyora Celestia. "Huwag kang lalapit!
Diyan ka lang!"

Saka ko naman napansin ang ginagawa ni Gwen. Mabilis nitong kinakalas ang tali sa
katawan ng anak ko.

"Gwen, anong ginagawa mo! Itigil mo iyan!"

Binuhat ni Gwen si Alas at dinala ito kay Uno. Agad naman itong kinarga ni Uno at
ibinigay sa akin.

"Anak?" Binuhat ko siya saka mahigpit na niyakap.


Paluhod akong bumagsak sa sahig. Pilit kong tinitingnan ang lagay niya. Kung
bumubula ba ang bibig niya, kumusta ang paghinga niya o kung may masakit sa kaniya.

"He's not poisoned. Don't worry," bulong ni Gwen nang makalapit siya sa amin.

Naluluha kong niyakap muli ang anak ko matapos tanggalin ang tape sa mga labi niya.

"Mama!"

"It's okay, baby! Mama's here! Hindi ka na niya masasaktan!"

"Bakit hindi nalason ang batang iyan! Anong nangyari!" umalingawngaw ang galit na
boses ni Celestia sa buong paligid.

Tumayo si Gwen. "Dahil walang lason ang injection na ibinigay ko sa iyo!"

Napatingin ito sa injection na hawak niya. "Traydor ka!"

"Tama na, mama. Hindi mo dapat idinamay ang bata. Anak siya ni Uno!"

"Walang hiya ka, Gwen! Pagsisisihan mo ito!"

Sumenyas si Senyora Celestia sa paligid kaya mabilis kong niyakap ang anak ko sa
takot na barilin kami ng mga tao nito. Pero lumipas na ang ilang minuto, wala
kaming naririnig ni isang kaluskos.

"Ano pang hinihintay n'yo, mga tanga! Patayin n'yo ang mga hayop na ito!" sigaw ni
Celestia.

Wala pa rin nangyari.

"Ano ba! Nasaan na kayo!"

"Tan!" biglang sigaw ni Inay kaya napatingin ako sa kaniya. Nakita ko ang malawak
na ngiti sa mukha niya na ikinapagtaka ko.

Bigla naman lumabas si Tan at ang iba pa nitong tauhan tulak-tulak ang mga tao ni
Senyora Celestia. Nakatutok ang mga armas nila sa mga ito.

"Ano ito? Paanong... Anong nangyayari!

Napatingin si Senyora kay Gwen. Halos mag-apoy ang mga mata nito sa galit. "Ikaw!
Kasabwat ka ni Minerva!"

Naluluhang umiling si Gwen. "Ayoko na. Gusto ko nang tapusin ang lahat, mama.
Itigil mo na ito." ""Don't call me mama, ipokrita! Traydor ka!"

"Tama na!"

Natahimik kaming lahat sa biglang pagsigaw ni Uno. Lumapit ito kay Senyora Celestia
at kinuha ang injection mula rito, saka binasag iyon sa kaniyang kamay.

"Hindi kita mapapatawad sa ginawa mo sa anak ko. Ang hacienda, kahit kailan ay
hindi na magiging iyo."

"Tumigil ka! Akin ang haciendang iyon, Uno! Akin! Madali ko lang iyon makukuha
kahit nakapangalan pa sa iyo dahil ina mo ako!"
"Pero ako, hindi mo tinuring na anak."

Saglit itong natigilan sa sinabi ni Uno." Ano na naman bang pinagsasabi mo! Lahat
nang ginagawa ko, para sa kapakanan mo! Ikaw lang naman itong matigas ang ulo!
Pumatol ka pa sa "Tama na! Huwag mo nang bilugin ang ulo ko! Matagal ko nang alam
ang totoo, ma! Anak ako ni Papa sa dati niyang kasintahan, pero para makuha ang
hacienda, inako mo ako. Dahil iyon ang nakasaad sa last will and testament ni Lolo,
ang mabigyan mo siya ng apo kapalit ng Hacienda Cavallaro."

Natahimik kaming lahat sa narinig. Kahit si Senyora Celestia ay hindi nagawang


magsalita. Kaya pala... kaya pala parang hindi anak ang turing niya kay Uno, dahil
hindi naman talaga niya ito anak.

"You can't give lolo what he wanted, because you're not capable of conceiving. Baog
ka."

Hindi makapaniwalang umiling ito sa lahat nang narinig. "Kahit hindi kita tunay na
anak, itinuring kitang parang akin!"

"Talaga? Kaya ba madali lang sa iyo ang itakwil ako sa maliliit na pagkakamaling
nagagawa ko?"

"For God's sake, I did loved Anak kita!" you, Uno!

"Hindi ka marunong magmahal! Kaya mo nga nagawang ipapatay si Papa at ang kapatid
ko, dahil wala kang puso!"

Napatakip ako sa bibig sa mga narinig. Kung ganoon, totoo ang chismis na naririnig
namin noon? Senyora Celestia did kill her husband! Pero hindi alam ng marami na may
idinamay pala itong bata! Ang sariling anak ng asawa nito!

Mabilis kong niyakap si Alas. Pilit kong tinatakpan ang mga tainga niya. He's
smart, madali niyang maiintindihan ang lahat.

"He deserves it!" bulyaw ni Senyora Celestia at nag-umpisang umiyak. " Matapos kong
pulutin sa lusak ang papa mo at inako ka, nagawa pa niya akong lokohin! Pumatol
siya sa katulong natin! Kaya dapat lang na mamatay sila ng anak niya sa labas!
Hindi ako nagsisising ipinatapon ko ang katawan nila sa bangin matapos ko silang
pabugbugin!"

Katahimikan ang maririnig sa paligid dahil sa mga sinabi nito. Wala siyang puso!
Pati walang malay na bata, idinamay niya! Hindi kasalanan ng bata ang kasalanan ng
mga magulang! Parusahan sana siya ng langit!

Natigilan ako nang marinig ang mapaklang pagtawa ni Uno. "Kaya kailangan na kitang
ipakulong... dahil kahit lumipas ang maraming taon, hindi mo man lang pinagsisihan
ang ginawa mo.'

"Sinong pinapatawa mo, ako? Hinding- hindi ako makukulong! Ako si Celestia
Cavallaro! Ang pangalan ko ang batas sa lugar na ito!"

Natigilan kaming lahat nang may ilabas

na device si Uno mula sa bulsa niya.

Pinindot niya iyon at narinig namin ang recording ng pag-uusap nila kanina ni
Senyora Celestia. Ang lahat ng sinabi nito, kasama na ang pag-amin nitong pagpatay
sa ama at kapatid ni Uno ay naka-record doon.
"A-ano iyan? Bakit ka may ganiyan!"

"Dahil patibong ito, Celestia."

Nabaling kay inay ang paningin ko nang magsalita ito. Nakangiti siyang lumapit kay
Uno at tinapik ito sa balikat.

"P-patibong? Anong ibig mong sabihin! 11

"Mula nang tanggapin ka ni Uno sa Manila hanggang sa pagpunta n'yo rito -lahat,
nakaayon sa plano namin ni Uno. Good job, hijo!"

Chapter 56

ISA

HINDI ako makapaniwala sa mga narinig. All this time, magkasabwat sina Inay at Uno?
Plano nila ang lahat nang ito?

"Ano? N-nakipagsabwatan ka sa Mineva na iyan! Paano mo nagawa ito sa akin!"

Tumawa si Inay. "Si Uno rin ang nagdala sa akin sa anak ko. Siya ang nagpasok kay
Dos sa buhay nina Isa at Gwen. Sa tingin mo ba talaga, mas pipiliin ka niya kaysa
sa sarili niyang anak at asawa?"

Nagsalubong ang mga kilay ko. "Asawa?

Lumingon sa akin si Uno nang marinig niya iyon. Nginitan niya ako matapos
kinindatan. "Akin ka."

Pakiramdam ko, nag-init ang mga pisngi ko sa sinabi niya. Wake up, Isa! This is not
the right time to blush!

"Actually, Celestia, lahat ng plano ko, hindi lang galing sa akin, kundi sa anak
mo."

Hindi makapaniwalang tumingin si Senyora kay Uno. "Bakit mo ito nagawa! Ako pa rin
ang nagpalaki sa iyo!"

Sinugod nito si Uno at pinagsusuntok sa dibdib.

Napasinghap ako nang itulak ni Uno si Senyora Celestia sa maruming sahig. Huminga
siya nang malalim. "Dalhin n'yo na ito!"

Humigpit ang yakap ko kay Alas nang maglabasan ang mga pulis sa pinagtataguan ng
mga ito. Pinangungunahan sila ni Dos! Ano naman ang ginagawa niya rito?

"Ano ito? Hindi puwede! Huwag n'yo akong hawakan! Hindi n'yo ba kilala kung sino
ako!" Pilit itong lumalayo sa mga pulis.

"Kilala ka namin, at rinig ng mga pulis ang lahat nang sinabi mo," nakangiting sabi
ni Dos nang malapitan nito si Senyora.

"At sino ka naman!"

"Dos Santillian." Ngumiti ito nang taas- noo.

Napansin naming matagal na natigilan si Senyora Celestia. Maya-maya ay namilog na


lang bigla ang mga mata nito habang nakatingin kay Dos.

"Now you remember me?"

"H-hindi puwede! Patay ka na! Pinatay kita!"

Natawa si Dos sa narinig. "Wow! Another confession! Unfortunately for you, my


brother saved me."

"Brother?" naibulong ko. Napatingin ako kay Uno. "How could you do this, Uno! Alam
mo kung anong hirap ang pinagdaanan ko dahil sa kanila! Paano mo nagawa ito!"

"Hindi ko man nailigtas si Papa, nagawa ko naman matulungan ang kapatid ko." Uno
looked at Dos and smiled.

"Thanks, bro," tugon ni Dos dito at tinapik ito sa balikat.

Hindi ako makapaniwala. Magkapatid sila? Sina Uno at Dos? Wala sa sariling
napatingin ako kay Gwen. Tinuhog niya ang magkapatid. Wala rin ba siyang alam?
Nakikita kong nakatulala siya habang nakatingin sa dalawa. Mukhang wala nga.

"Celestia Cavallaro, you are under arrest!"

"Anong arrest-arrest? No! Hindi puwede! Huwag nga kayong lalapit!"

Dinala na ng mga pulis si Senyora Celestia habang nakahawak sa mga braso nito.
Pilit pa rin itong nagpupumiglas at nanlalaban.

"Sandali lang! Sandali! Uno! Gusto mo talagang malaman ang totoo? Yes! I only used
you! Hindi kita minahal, pero hindi rin naman kita pinabayaan! Kaya paano mo
nagawang suklian nang ganito ang pag-aalalaga ko sa iyo! Wala kang utang na loob!"

Hindi na sumagot pa si Uno. Pinanood namin dalhin ng mga pulis ang nagwawalang si
Senyora Celestia kasama ang mga taong binayaran nito.

"Well, that was easy," napatingin ako kay Dos sa sinabi niya.

Easy? Katakot-takot na paghihirap ang pinagdaanan namin at pati siya, tapos easy?

"Salamat sa tulong ninyong dalawa, mapapanagot na natin si Celestia sa lahat nang


nagawa niya," humarap si Inay kina Uno at Dos. "Wala iyon. Isa pa, mahigit sampung
taon namin itong hinintay," tugon ni Dos. Tumingin ito kay Uno, bumaling naman si
Uno sa akin.

"Isa, I want you to meet my brother, Lucius Dos Santillian."

Nakipagkamay ito sa akin kahit na nakatulala lang ako dahil sa sobrang gulat.
Natawa na lang ito habang nakatingin sa mukha ko.

"Uno, anong ibig n'yong sabihin ni Inay kanina?"

Tuluyan akong hinarap ni Uno. Kinuha niya ang cellphone niya at may pinakitang
picture sa akin. Marriage certificate iyon. Marriage certificate namin!

"We're married." He held my chin and gave me a soft kiss.

"Mama! Daddy!" Pilit kaming

pinaghiwalay ni Alas nang maipit ito sa pagitan namin. "I can't breathe!" "Sorry,
my big boy!" Pabirong ginulo ni Uno ang buhok nito.

Ako naman ay litong-lito pa rin sa mga nalaman. "Pero Uno, paano nangyari iyon?"

"Fingerprint. He used your fingerprint while you were asleep, anak."

Napatingin ako kay inay sa narinig. " Inay, alam mo? Kailan pa?"

"Bago ka napunta sa puder ni Inay," si Uno ang sumagot.

Natawa naman si Inay sa tawag ni Uno sa kaniya. Muli niya itong tinapik sa balikat.
Mas lalo akong naguluhan. Imposible.

"Pero kasal ka no'n kay Gwen."

"Walang bisa ang kasal namin ni Gwen dahil peke ang mga dokumento. Kasabwat ko ang
pare at attorney, Isa. It

was all an act to get Celestia." "What did you say? H-how could you... 11
Napatingin kaming lahat kay Gwen. Nangingilid ang mga luha sa magkabilang gilid ng
pisngi nito.

"I'm sorry. Hindi ko kayang magpakasal sa ibang babae. It was always Isa, Gwen. You
know that."

Matagal itong tahimik na nakatingin kay Uno bago bumaling kay Dos. " Everything was
planned, kahit iyong pagkakakilala natin?"

Tanging tango lang ang ibinigay na sagot ni Dos sa kaniya. Muli siyang tumingin kay
Uno, huminga nang malalim at tumango.

"I'm sorry." Bumaba si Gwen at marahang hinaplos ang buhok ni Alas.

Nang paalis na ito ay hindi ko napigilang tawagin siya. "Gwen? Salamat."

Hindi na niya ako sinagot. Hindi na rin siva lumingon pa, nagpatuloy lang siya sa
paglalakad hanggang sa makalabas siya ng abandonadong mansion.

"Akin na ang apo ko. Siguradong gulat na gulat siya sa nangyari." Kinarga ni Inay
si Alas at nagpaalam na rin sa amin na mauuna na. Sumabay na rin dito si Dos.

Nang maiwan kaming dalawa, kinuha ni Uno ang mga kamay ko at dinala ang isa sa labi
niya. "It's over."

Ngumiti ako habang nangingilid ang luha sa pisngi. "Talaga bang... kasal tayo?"

"According to the law, yes. We're married, baby."

"At hindi talaga kayo kasal ni Gwen?"

Inilingan niya ako. "I manipulated everything. How can I be married to another
woman if my heart belongs to you only?"
Hindi ko napigilan ang mapahagulgol. Pinagpapalo ko siya sa dibdib hanggang sa
yakapin na niya ako nang mahigpit.

"Alam mo ba kung gaano kasakit sa akin ang malaman na nagpakasal ka sa iba? Kahit
ako ang umalis, it still hurts! Sobra akong nasaktan!"

"I'm sorry, my love. I'm sorry for hurting you. Lagi na lang kitang pinapaiyak."

Gumanti na rin ako ng yakap sa kaniya. Ngayon ay nakangiti na ako. "Thank you, Uno.
Thank you for everything."

"I told you, mahal na mahal kita, and I will do everything for you."

Kumalas siya sa yakap namin at muli akong siniil ng halik sa mga labi.

"Well, let's go get married at the church? Ipagsisigawan na kita sa buong mundo!"

Natatawa akong tumango. "Yes! I do!"

Chapter 57

ISA

NAKABALIK na kami sa Manila. Ibinenta ni Uno ang lahat ng mansion at villa na pag-
aari niya at saka bumili ng bago para sa amin. Isang linggo na lang din, ikakasal
na kami, pero may isang problema pa na dapat kong ayusin.

"Hello, anak ko! Kumusta naman ang mahal ko? Are you eating healthy foods? Nakatago
ako sa walk-in closet ng kuwarto namin ni Uno at kausap si Heart sa cellphone.

"Nay-nay, wala akong gana."

"Huh? Bakit? Ayaw mo ba ng pagkain? Anong gusto mo?"

"Gusto ko ikaw. Halika na dito, nay-nay."

Nakagat ko ang ibabang labi ko matapos marinig ang sinabi ni Heart. Kawawa naman
ang anak ko.

"Kaunting oras na lang, okay? Kaunti na lang, mahal."

"Isa?"

Napasinghap ako at mabilis na humarap sa pintuan kung saan nakatayo si Uno. Suot pa
niya ang pang- office niya habang salubong ang mga kilay na nakatingin sa akin. I
immediately ended the call.

"Who are you talking to?"

"N-no one!"
Nilapitan niya ako at inagaw mula sa akin ang cellphone na itinatago ko. " Alicia.
Kausap mo si Ali?"

"Y-yeah."

"Why did you call him mahal?"

Natigilan ako sa sinabi niya. Narinig niya iyon? "W-wala." "Isa, ayaw ko nang
naglilihim ka sa akin! Bakit mo tatawaging mahal si Ali? May namamagitan ba sa
inyo?"

Kumunot ang noo ko. "Nababaliw ka na ba? Bakla si Alicia!"

"Exactly! So why are you calling him mahal!"

Mabilis akong lumubas ng kuwarto para

makaiwas sa mga tanong niya. Napakagaga ko talaga! Bakit ba kasi hindi ko masabi
ang tungkol kay Heart? Tapos na ang lahat. Nakakulong na si Senyora Celestia kaya
malaya na ang anak ko pero bakit ganito?

"Ang hirap naman sabihin!"

***

Kumakain kaming tatlo ng hapunan. Hindi ko man lang magawang lunukin ang pagkain sa
loob ng bibig ko dahil sa mga titig na ipinupukol ni Uno sa akin.

"Will you stop that?" "Stop what?" inis niyang tanong.

Umikot ang mga mata ko. "Iyan! Iyang mga tingin mo at inaasal mo."

Nagbuga siya ng hangin bago nagpatuloy sa pagkain. Hindi na niya ako kinibo
pagkatapos no'n. Kung kailan naman malapit na ang kasal, saka pa siya natutong
mandedma. Sasabihin ko na nga, e! Need ko lang mag-ipon ng lakas ng loob!

Matapos kong mapatulog si Alas, dumiretso agad ako sa kuwarto namin para kausapin
si Uno. Nakahiga na siya nang makapasok ako, pero hindi pa naman natutulog.
Nagbabasa siya ng magazine about business.

Nang humiga naman ako sa tabi niya, bigla niyang niligpit ang binabasa niya at
humiga na nang nakatalikod mula sa akin.

"Uno naman!"

Hindi niya ako pinansin kaya niyugyog ko ang balikat niya, pero nagbibingi-
bingihan pa rin siya. Sa sobrang inis ko ay malakas ko siyang pinalo sa braso bago
nagtalukbong.

"Damn it! Kung hindi mo sasabihin sa akin kung bakit mahal ang tawag mo kay Ali,
mabuti pang-"

"Mabuti pang ano!" Bumangon ako at inis siyang tiningnan. "Mabuti pang maghiwalay
na tayo?"

"No! Sa guest room ako matutulog!"

"E, di go!" Muli akong nagtalukbong ng kumot. Kumukulo na ang dugo ko! Subukan lang
talaga niyang matulog sa guest room, lalayasan ko siya!

Ang sabi niya, sa guest room siya matutulog, pero hindi naman niya ginawa. Nahiga
lang siya ulit at natulog. Mabuti naman! Ha! Akala niya siguro masisindak niya ako?

***

Nagising ako sa kalagitnaan ng gabi dahil sa text na natanggap ko. Sunod- sunod
ito, tatlo pero iisa lang ang mensahe.

"Mars, may kaunting sinat si Heart. But don't worry, okay naman siya. Bukas kapag
lumala ang sinat niya, dadalhin na namin sa hospital."

Pabalikwas akong bumangon. Halos mahulog ang puso ko sa nabasang text message mula
kay Alicia. Para akong binagsakan ng malaking bato sa dibdib.

Nag-uumpisa na naman ang pagsama ng pakiramdam ng anak ko. Kapag nagtuloy-tuloy


ito, hihina na naman ang katawan niya.

"Ali, please update me every time." Pagkatapos mag-reply ay binura ko agad ang text
nito. Mahirap na kasi at baka mabasa na naman ni Uno ang pangalan niya.

"Okay, sis! You don't have to worry!" Magre-reply pa sana ako sa huling text ni
Ali, nang makatanggap ako ng panibagong text. I deleted the old one and opened his
recent text message.

"Nay-nay, I love you!"

Mariin akong pumikit at nakangiting nag-reply dito. "Mahal na mahal din kita."

Ise-send ko pa lang sana ito nang may kamay na biglang humablot sa cellphone ko.

"Fuck! Sinasabi ko na nga ba! May relasyon kayo ni Ali!"

Natulala ako nang makita ang galit na mukha ni Uno. Gising ito?

"Ngayon ka mag-deny, Isa!"

"It's not what you think." Marahan akong umiling.

"Goddammit, Isa! Huling-huli ka na nga, nagde-deny ka pa!" Sinubukan kong kunin


mula sa kaniya ang cellphone pero iniwas niya ito. Kinabahan ako nang tawagan niya
si Ali.

"Hello, Ali! Stop texting my wife, damn it! Kapag nalaman kong nakikipag- ugnayan
ka 11 pa sa kaniya, papatayin kita!

"Uno!" Sinubukan kong agawin ulit sa kaniya ang cellphone pero malakas niya itong
tinapon sa malayo.

Masama niya akong tiningnan bago lumabas ng kuwarto.

"Saan ka pupunta!"

Naiiyak kong dinampot ang cellphone ko. Mabuti na lang dahil maayos pa rin ito.
Pumunta ako sa messages at ipinadala pa rin ang reply ko kay Heart.

Hindi ako nakatulog noong gabing iyon. Nangyayari ang lahat nang ito dahil sa akin.
Dahil hindi ko kayang sabihin kay Uno ang tungkol kay Heart. Siguro natatakot lang
ako sa magiging reaction niya, but I know I gotta tell him the truth before our
wedding day.

Bukas na bukas, sasabihin ko na sa kaniya ang tungkol kay Heart. Gagawin ko na!

***

"What! Anong sabi mo, Ali!"

"Nasa hospital kami ngayon! Tumaas kasi ang lagnat ng inaanak ko kaya dinala na
namin dito."

"Oh my God! Papunta na ako dyan!" Mabilis akong nagbihis at lumabas ng kuwarto.
Natigilan ako nang masalubong si Uno sa pasilyo.

"Where are you going?" Malamig ang boses niya.

Wala na akong oras para magpaliwanag sa kaniya. Kailangan ko munang ang lagay ni
Heart. alamin

"Please, ikaw na muna ang bahala kay Alas. Sandali lang ako! Babalik ako agad! 11
Nilagpasan ko siya at nagmamadaling umalis.

Sumakay ako ng taxi at nagpahatid sa hospital. Pagdating doon ay agad akong pumunta
sa private room na kinuha nila para kay Heart.

"Anak! Mahal ko!"

"Nay-nay!" Mabilis siyang bumangon. Sinalubong niya ako ng yakap at iyak nang
makalapit ako.

"Ano bang nangyari, Ali?"

"Na-stress yata dahil wala ka! Napainom na siya ng gamot. Bumaba na rin ang lagnat
niya. Mamayang hapon kapag hindi sumama ang pakiramdam niya, puwede na natin siyang
ilabas."

Pinaghahalikan ko si Heart sa ulo habang yakap ito. "Na-miss mo si Nay- nay?"

"Opo, nay-nay! Huwag ka na alis, please?" Tumango ako. "Hindi na. Hindi na kita
iiwan."

Nginitian ako ni Alicia bago ito nagpaalam na lalabas muna. Mabilis ko naman
tinuunan ng pansin si Heart. Panay tanong ako tungkol sa mga nararamdaman niya at
kung ano-ano pa.

"Nay-nay, may napanood ako sa TV. Fried chicken! Mukhang masarap! Puwede ba tayo
bili? Doon iyon sa may bubuyog na pula! Nagbebenta raw sila sabi ni Lola!"

Napangiti ako nang maintindihan ang tinutukoy niya. "Oo, anak. Kapag lumakas ka,
bibili tayo. Pupunta tayo doon mismo sa kanila!"

"Yey! Bili kami ng fried chicken!"

"Aray!"

Natigilan ako nang marinig ang boses ni Alicia sa labas ng kuwarto. At mukhang
nagkakagulo! Ano kayang nangyayari?
"Anak, dito ka lang, ha? Pupuntahan ko lang ang ninang mo."

Sandali kong iniwan si Heart at

lumabas. Ganoon na lang ang gulat ko nang makitang kinukwelyuhan na ni Uno si Ali!

"Uno! Oh my God! What are you doing!"

Mabilis ko silang nilapitan at tinulak siya palayo kay Ali. Bumagsak ito sa sahig.
Nakapikit na ang mga mata nito at putok ang gilid ng labi.

"Alicia! Ali! Are you okay?"

"Putangina, Isa! Dito pa sa hospital? Umalis ka nang maagang-maaga para makipagkita


sa kabit mo dito sa hospital!"

"Hindi ko kabit si Ali! Hindi mo ba nakikita? Pareho kaming babae!"

"Damn it! Don't give me that crap! Huli na kayo! Bakit mo pa ba itinatanggi!"

Mabilis akong tumayo at hinarap siya. " Uno, naiinis na ako! Kaunting-kaunti na
lang talaga!"

"Ikaw pa ang naiinis? Bakit? Anong gusto mo? Maghiwalay tayo? Iiwan mo ako para
dyan!" Dinuro niya si Ali na wala nang malay. "E, di maghiwalay tayo!"

Natigilan ako bigla sa sinabi niya. Mabilis na nag-init ang gilid ng mga mata ko.
Madali lang sa kaniya ang makipaghiwalay sa akin after everything we've been
through?

Nang mapansin niya ang mga luha sa pisngi ko ay mabilis siyang napahinto. Lumambot
ang kanina'y madilim niyang mukha.

"Nay nay?"

Natigilan kaming pareho nang marinig ang munting boses na iyon. Sabay kaming
napalingon sa pintuan ng silid ni Heart. Naroon siya at nakatayo. Takot na takot
ang mukha habang nakatingin sa amin.

Chapter 58

ISA

"N-nay-nay?"

Mula kay Heart ay bumaling ako kay Uno na titig na titig sa mukha ng anak namin.
Alam kong litong-lito siya ngayon dahil kamukha siya nito at si Alas.

"Anak, mahal, huwag kang matakot. Halika." I kneeled down and extended my arms to
her.
Lukot ang mukha nang balingan ako ni Uno. "Anak?"

Tumakbo naman papunta sa akin si Heart at mahigpit akong niyakap.

"Nay-nay, ba't ka niya away?"

Marahan ko itong hinagod sa likod bago tumayo habang karga ito.

"No, mahal. H-hindi kami nag-aaway. Tinuro niya si Alicia na wala pa rin malay
habang nakasandal sa pader. Tulog na tulog ito. Malamang dahil nasobrahan sa suntok
ni Uno.

"Si Ninang Alicia, nay-nay! Patay na!"

Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi para hindi matawa. "Anak, hindi pa patay si
Ninang Alicia. She's just asleep.

"Asleep?" Tiningnan niya ako gamit ng inosenteng mga mata. Nang tanguan ko siya ay
bumaling naman siya kay Uno. " Nay-nay, bad person ba siya?"

Ngumiti ako sabay iling. "No, anak. He's a good person. And nay-nay loves him very,
very, very much."

Bigla siyang tumingin sa akin at akmang iiyak. "Nay-nay!"

"Pero mas mahal kita, anak ko! Mahal na mahal na mahal kita! 1 million times! "
"Talaga?" Mabilis siyang tumigil at nagpapa-cute na ngumiti sa akin. Nilingon niya
uli si Uno saka kumaway. "Hello."

Buong oras ay walang imik si Uno. Nakatitig lang ito sa mukha ng anak namin na
parang hindi pa rin ito makapaniwala sa nakikita.

"I'll explain everything." Nilingon ko si Alicia. "Tulungan mo muna iyong ninang ng


anak ko. Ipasok mo sa loob."

"Ninang?" Mukhang nahimasmasan na siya.

Mabilis niyang tinulungan si Ali at pinasok ito sa loob ng kuwarto ni Heart.


Pinahiga niya ito sa mahabang sofa.

Nakatayo kami ngayon sa tapat ng pinto habang pinanonood namin maglaro ng manika si
Heart.

"How the hell did this happened?"

"Uno, no curse words. Baka marinig ka ng anak mo."

Gulat siyang tumitig sa akin. "Anak ko?"

"Alangan naman anak ni Ali! Sino bang kamukha niya sa inyo?"

Natulala na naman siya nang ilang segundo bago tumingin uli sa anak namin.

Umirap ako. "Ako ang nagdala nang siyam na buwan, pero ni isa, wala akong kamukha!"

Naluluha niya akong tiningnan. Binuksan niya ang pinto at dinala ako sa labas.

"Please, explain everything to me. Tell me how did I have a daughter! Paanong
nagkaroon ako ng anak na hindi ko kilala!"

Huminga ako nang malalim bago ikwento sa kaniya ang buong katotohanan. Tahimik
siyang nakinig sa akin. "Kaya nang kunin ng tao ni Celestia si Alas at dinala ito
sa mansion, hindi nila nalaman na nanganak uli ako."

Alam kong kahit hindi niya sabihin, may nararamdaman siyang galit sa akin. Pero
kung pagdadaanan ko ulit ang lahat, uulitin ko pa rin ang desisyon na ginawa ko.
Dahil alam kong naging ligtas si Heart malayo sa mga Cavallaro.

"Nilihim mo sa akin ang tungkol sa sarili kong anak?" Natatawa siya na naiiling.

"I'm sorry, Uno. Natakot lang kasi ako noon na baka idamay siya ni Senyora Celestia
o baka kunin mo siya sa akin."

"E, ngayon? Bakit hindi mo pa rin sinabi sa akin! Kung hindi pa kita sinundan,
hindi ko malalaman!"

Hindi ko napigilang lumunok. "Siguro natakot lang ako sa magiging reaction mo. Na
baka magalit ka."

"Of course magagalit ako! Anak ko ito, anak natin! Hindi ko nakasama nang matagal
ang anak ko."

"Iyon na nga, e. Kung kay Alas pa nga lang noon, wala ka nang oras. Paano ko pa
sasabihin sa iyo na may Heart pa tayo!"

"Heart is her name?" Biglang lumambot ang mukha niya. Nangingislap ang mga mata
niya nang muli niyang sulyapan si Heart.

Natigilan ako nang makita nakatingin na sa amin si Heart gamit ang mga matang puno
ng pagtataka.

"It's okay, anak. We're not fighting. Nag -uusap lang kami."

Ngumiti lang siya bago bumalik sa paglalaro.

Tumingin sa akin si Uno. Puno ng luha ang mga mata. "I'm sorry. It's all my fault.
Humantong ka sa ganitong desisyon dahil pinabayaan kita sa kamay ni Mama." Ngumiti
ako at niyakap siya. "Can we please forget about the past? Ayaw ko nang isipin ang
mga bangungot na iyon.

Humiwalay ako sa yakap niya at pinahid ang mga luha niya sa pisngi.

"Isa, bakit nandito ang anak natin sa hospital? May problema ba? May sakit ba
siya?"

Natigilan ako. Hindi ko pa pala nasabi sa kaniya ang tungkol sa naging sakit ng
anak namin.

I held his hand and smiled. "Naalala mo ba noong nagnakaw ako sa iyo ng 2 million?"

"Yeah?"

"It was for Heart.'

Matagal siyang natigilan.

"Di ba, nagkita tayo ulit noong sumayaw ako sa harap n'yo? Naging stripper ako
dahil kailangan ko ng malaking pera para sa pagpapaospital niya."

"Ano bang sakit ng anak natin?"

"Nagkaroon siya ng rare blood disease at kinailangan ng bone marrow transplant.


Bumalik ako kasi nagbabakasakali akong maging matched sila ni Alas. I tried to
kidnap our son to bring him to the hospital. I'm sorry."

Akala ko magagalit siya, pero napuno ng awa ang mga mata ni Uno. I know he'd
understand me. Kahit ganoon ang pakay ko, walang magulang ang gugustuhing mapahamak
ang kanilang anak. I did all that just for Heart to survive.

"Pero nang makahanap nang matched na bone marrow donor ang hospital, I needed 2
million pesos for her transplant operation. That's why I left after taking that
money from you. I'm sorry, Uno. "No. Wala kang kasalanan, ako ang may kasalanan ng
lahat. Wala kayong kasalanan ng anak natin." Hinalikan niya ako sa noo bago
tumingin kay Heart. "Okay na ba siya ngayon? Bakit nandito rin siya sa hospital?"
pa

"Dapat kasi, sasabihin ko na sa iyo ang totoo ngayong umaga. Pero nagkasinat siya
kagabi, at sinugod kanina rito kaya hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon na
sabihin sa iyo ang totoo.

"May lagnat siya?" Naaawang tinanaw ni Uno ang anak namin.

Mahina ko siyang hinampas sa braso." Anak natin ang ka-text ko kagabi. Siya ang ka-
I love you-an ko. Mag-sorry ka sa akin at sa ninang ng anak mo!"

Napatingin siya sa akin at kay Alicia. " I'm sorry."

Inilingan ko siya. "Hindi sapat iyon." Ngumuso ako kaya natawa siya bago ako
hinalikan sa mga labi.

"I'm sorry, alam mo naman na seloso ako."

"Kaya pati anak mo, napagselosan mo tuloy."

"I didn't know, sweetheart. I'm so sorry. "Na-e-excite siyang tumingin kay Heart
bago tumingin ulit sa akin. "I want to meet our daughter."

Pumasok na kami sa loob. Tumayo si Uno malapit sa dulo ng kama at ako naman ang
lumapit kay Heart.

"Anak, remember my story about your tay-tay?"

"Na nasa heaven na siya?"

Pinaupo ko siya sa kandungan ko at niyakap. "Oo. Mahal, nagsinungaling kasi si Nay-


nay. Wala pa sa heaven si Tay-tay."

Tumingala siya sa akin. "Sabi mo, bad ang magsinungaling."

"Yes, anak. Pero kasi, akala ko, hindi na babalik sa atin si Tay-tay. I'm sorry."
Pumatak ang isang luha sa pisngi ko.

"Nay-nay, nasaan na si Tay-tay? Punta tayo sa kaniya!"

"He's here... with us."


Napansin kong nalilito siya sa sinabi ko kaya pinalapit ko si Uno.

"Baby..."

Nilingon ito ni Heart. Sa una ay nahihiya pa itong ngumiti kaya nang lalong lumapit
si Uno, sinuksok niya ang maliit niyang katawan sa gilid ko.

"Baby ko...

Sumilip dito si Heart, saka tumingala sa akin na nagtataka.

"Siya si Tay-tay, anak."

"Heart, my baby." Hindi na nakapaghintay pa si Uno at mabilis nitong kinarga ang


anak namin.

"Nay-nay... "Takot na tumingin sa akin si Heart, pero nang hagkan at yakapin siya
ni Uno, kahit papaano ay gumanti rin siya ng yakap dito.

Hindi ko napigilan ang hindi mapaluha. Itong eksena na ito ang hindi ko inaakalang
masasaksihan ko. And I am so happy that I thank God for everything.

"Baby, ako ang ama mo. Ako ang ama mo, anak!" Naluluhang niyakap ni Uno si Heart.

Nakangiti kong pinagmasdan ang dalawa.

"Isa?"

Natigilan kami nang marinig ang nagtatakang boses ni Ali. Pagtingin namin sa gawi
nito ay gising na ito at nakatingin sa amin.

Tumayo si Uno at nilapitan ito habang karga pa rin si Heart sa mga bisig. "Pare

"Anong pare? Dalaga ako!"

May ilang sandaling natigilan si Uno."

Ali... listen."

Napaatras si Alicia nang subuking lumapit nito.

"Lumayo ka."

"I'm so sorry. Hindi ko sinasadya-"

"Sabing lumayo ka! Kahit guwapo ka, hindi kita basta mapapatawad!" Nagsimula itong
lumuha.

Mabilis akong tumayo. "Alicia, it's all my fault. Sorry."

"Isa ka pa! Sinabi ko na kasing ipagtapat mo na kay Uno ang lahat! Hinintay mo pang
magka-black eye ako! I hate you!" Bigla itong tumakbo palabas habang malakas na
umiiyak. Nagkatinginan kami ni Uno at natawa na lang.

"Love, we need to tell Alas about this."

Sandali akong natigilan at nakangiting tumango.


Chapter 59

ISA

MATAPOS makilala ni Uno si Heart, hindi na siya umaalis sa tabi nito. Uuwi lang
siya sandali, pagbalik, may dala nang pagkain at mga laruan. Papasok naman sa
trabaho, sa breaktime, babalik ulit na may bitbit na namang pagkain at laruan.

Tuwang-tuwa si Heart kaya nakuha niya agad ang tiwala nito. Sa maikling panahon ay
naging close na ang dalawa.

Kinailangan munang manatili ng anak namin sa hospital dahil pahina nang pahina ang
katawan nito kahit wala na siyang lagnat.

"Ganito rin ang sinabi noon ng doctor sa amin. Walang katapusang gamutan ang
mangyayari at baka hanggang sa pagdadalaga niya. Patuloy pa ring manghihina ang
lagay niya kapag nasobrahan siya sa pagod." Hinawakan ni Uno ang kamay ko at
marahan itong pinisil. Tulog na si Heart at pareho namin itong pinagmamasdan.

"She'll be okay. Gagawin natin ang lahat para tuluyan siyang gumaling." He brought
my hand to his lips.

"Bukas na ba natin sasabihin kay Alas ang lahat?"

"Yeah, stay here with Heart for tonight. Ako na ang bahalang magdala kay Alas
dito."

"I hope he'll like her."

"Of course, he'll do. Magkakambal sila. Mamahalin niya si Heart."

***

Kahit na nakasuot ng damit na pang- ospital, inayusan ko pa rin si Heart at inipit


ang buhok nito sa gilid. Siniguro kong maganda ang anak ko sa una nilang pagkikita
ng kakambal niya. Maya-maya lang ay tumawag na sa akin si Uno. Nasa baba na raw
sila at paakyat na sa kuwarto ni Heart.

"Anak, may ipapakilala sa iyo sina Nay- nay at Tay-tay, ha?"

"Sino, nay-nay?"

Ibubuka ko pa lang sana ang ibibig ko, may kumatok na sa pinto ng kuwarto. Agad
itong binuksan ni Alicia. Pumasok si Uno bibit ang basket ng fruits at isang bag ng
laruan, sa kabilang kamay naman ay hawak niya si Alas.

"Mama!"

"Baby!" Patakbo itong lumapit sa akin.

Agad na binuhat ni Uno si Alas at pinaharap kay Heart. Malalim ang paghinga ko.
Kabadong-kabado ako sa mangyayari. Agad ako naupo sa tabi ni Heart at ngumiti sa
dalawa.
"Daddy, she looks just like me!" Halata ang gulat sa mukha ni Alas habang titig na
titig ito kay Heart.

"That's because she's your twin."

Mabilis itong tumingin kay Uno. "I have a twin?"

"Oo, baby," ako ang sumagot. "I'm sorry, mama didn't tell you. Hindi ko siya
naipakilala agad sa inyo ni Daddy."

Tumingin ako kay Heart nang bigla itong yumakap sa akin sabay tago ng mukha sa
gilid ko.

"Anak, mahal ko, huwag kang matakot.

Si Daddy iyan at ang kakambal mo."

"Kakambal?" pabulong nitong tanong.

Binuhat ko siya. Si Alas naman ay pinaupo ni Uno sa ibabaw ng kama.

"Daddy, how come I have a twin? And why is she here? Is she sick?"

"Medyo, baby. Kaya hindi ko siya naipakilala agad sa iyo, kasi lagi siyang nasa
hospital." Matagal na tinitigan ni Alas si Heart bago sumubok na ngumiti. "Hi!"

Mabilis na isinuksok uli ni Heart ang mukha niya sa gilid ko. "Nay-nay."

"Baby, don't be shy. He's your big brother. Naunang ipanganak si Alas nang ilang
minuto bago ikaw kaya kuya mo siya. Di ba, gusto mo ng kuya?" Lumapit si Uno sa
amin.

Muling humarap si Heart at nahihiyang ngumiti. "H-hello."

"I'm Alas! What's your name?"

"H-Heart... "

"Ang cute naman ng pangalan mo. Heart." Bumaling ito kay Uno nang may malaking
ngiti sa labi. "Daddy! Where's her toy?"

Ibinigay ni Uno kay Alas ang binili nilang laruan. Masigla itong ipinakita ni Alas
kay Heart. Tumayo kami ni Uno sa harap ng pinto habang pinanonood sina Alas at
Heart na maglaro. Nanginginig ang baba ko sa pagluha. Natupad na ang isa sa mga
pangarap ko. Ang makitang magkasama ang dalawa kong anak.

"Iyakin." Hinagod ni Uno ang likod ko saka ako niyakap.

"Masaya lang ako."

"Ako rin. Thanks for giving me this happiness, baby. Salamat sa pagbibigay mo sa
akin ng tatlong anghel."

"Tatlo?" Nagsalubong ang mga kilay ko

nang lingunin siya.

"Our children, and you."


Napangiti ako sa narinig. Tumingkayad ako at hinalikan siya sa mga labi.

***

Iniwan namin sina Alas at Heart kay inay at lumabas para mag-lunch kasama si Dos.
Every once in a while, ginagawa namin ito para magkaroon ng bonding time.

Sa totoo lang, kumukuha lang din ako ng tyempo bago tanungin si Dos. Gusto ko
talaga kasing malaman kung hindi ba talaga nito minahal si Gwen.

"After we get back from our honeymoon, I want you to meet someone."

"Who? Is it a woman? Chic ba?"

Nagsalubong ang mga kilay ko sa sinabi niya. Babaero talaga. Pareho lang sila ni
Uno.

"No, but you need to meet him."

"Lalaki? Damn, akala ko may irereto ka na."

Nailing si Uno sa narinig. "Puro babae ang nasa isip."

Natawa ito. Nang mabaling ang paningin sa akin ay bigla itong natigilan nang
mapansin ang mukha ko.

"Bakit masama ang tingin mo sa akin, sister-in-law?"

"Wala naman. I just realized how much of a playboy you are."

Natawa silang pareho sa sinabi ko. Kumain na kami nang dumating ang mga pagkain.
Nag-usap sila sandali nang kumakain na kami ng panghimagas. Nagpaalam naman ako kay
Uno kung puwedeng kausapin sandali si Dos noong pauwi na.

"Hindi mo siya minahal?"

Matagal niya akong pinagmasdan sa mukha bago natawa. Hindi naman sinagot ang tanong
ko.

"Ano nga? Hindi mo ba talaga siya minahal?"

"Isa, marami akong nagawang

kasalanan kay Gwen. Isa na roon ang pagkakalat ng video namin. You think I would do
that to her if I'm in love with her?"

"So, hindi nga? I wanna hear it from you."

Mataman niya akong tiningnan sa mga mata. "Hindi. Wala sa bokabularyo ko ang
magmahal."

"How sad." Nagbawi ako ng paningin at binaling ang mata sa mga bulaklak na nasa
loob ng garden ng restaurant. "It seems that she really did like you."

Natawa lang ito. "I need to go. I have a meeting in 10 minutes."

"Mahahanap mo rin ang para sa iyo!" sabi ko nang makatalikod siya.


Nakangiti niya akong nilingon.

"Remember, love moves in mysterious ways! Darating sa iyo ang pag-ibig in the most
unexpected way." "I doubt that, sister-in-law."

"But I don't!"

Umalis na ako at nilagpasan siya. Bago makalabas ng garden, napansin ko pa ang


dalawang babaeng nagtatago sa gilid ng isang puno. Agaw-pansin ang isa sa kanila
dahil sa hitsura nito. Ang suot na damit, skirt, bag, sapatos at kahit ang
highlight ng buhok ay kulay pink.

"Ayon! Iyon si Dos Santillian!"

Natigilan ako sa paglalakad at napalingon sa dalawa.

"Yuji, sugurado ka ba dito sa gagawin mo?"

"I need to do this for my ate! She left us at nag-fly na papuntang ibang country
because of him! Kung hindi niya in- spread ang video scandal nila, hindi aalis si
Ate Gwen! I need to make him bayad for his kasalanan!"

"E, anong gagawin mo?"

"I will sabi to you later! For now, let's go muna to the drug store! I have to buy
a gamot! Something pampatulog!"

Nilagpasan nila ako at nagmamadaling lumabas ng restaurant. Napatingin ako kay Dos
bago napatingin ulit sa dalawa.

Kapatid ni Gwen? I smell trouble.

Should I tell Dos? But my instinct is telling me not to. Nagkibit-balikat na lang
ako. "

Chapter 60

ISA

"What did you talk about with Dos?"

Ito ang tanong sa akin ni Uno nang sandaling makapasok ako sa kotse niya. Napangiti
ako. Ayaw man niyang ipahatala, pero kitang-kita ko naman ang selos sa mga mata
niya.

"Wala naman. May itinanong lang ako sa kaniya."

"At ano naman iyon?"

"About his feelings with Gwen."


Mula sa daan ay nabaling sa akin ang kaniyang atensyon.

"Bakit kailangan mo pa siyang itanong tungkol doon?"

"Napansin ko kasi na may nararamdaman para sa kaniya si Gwen."

"And?"

"And... iyon lang. Baka lang kasi may pag- asa sa kanilang dalawa." "I don't want
my brother to end up with

her."

Tiningnan ko si Uno sa narinig. "Bakit naman? Tinulungan naman niya tayo, e."

"Isa, baka nakakalimutan mo na. Nag- umpisa ang lahat nang ito dahil sa ideyang
ibinigay niya kay Mama."

Napabuntonghininga ako. Hindi ko nakakalimutan ang kasalanang ginawa sa akin ni


Gwen, but we are only humans. Nagkakamali rin tayo. Kung ang Diyos nga,
nagpapatawad, ako pa ba?

"Kailangan niyang pagbayaran ang pagdurusang pinagdaanan mo." 11

"May mga naging kasalanan din naman tayo along the way."

Muli siyang nagbuga ng hangin. "Let's not talk about Gwen. I just want her away
from us, Isa. Away from you."

Pagdating namin sa bahay, naabutan namin na naglalaro ang mga bata kasama si Inay.
Nagpaalam na rin ito agad dahil kailangan pa nitong asikasuhin ang mga negosyo na
iniwan nito noong ilang araw

kaming nanatili sa Hacienda Cavallaro.

"Why are you always laughing? Lahat ng nilalaro natin, tinatawanan mo."

Nakuha ni Alas ang atensyon namin ni Uno sa sinabi nito. Nakatayo siya sa gitna ng
sala habang nakaupo naman sa furry carpet si Heart at patuloy na naglalaro.

"Masaya lang ako." Tumawa ang anak ko. Nakatingala ito sa kuya niya habang hawak
ang mga manika sa kamay.

"Lagi ka bang masaya?"

"Ngayon lang kasi ako nagkaroon ng kalaro. Hindi ako pinapalabas ng bahay ni Nay-
nay dahil sakitin ako, kaya wala akong mga kaibigan."

Nakaramdam ako ng matinding

kalungkutan sa narinig. Lalapitan ko na sana ang mga ito nang muling magsalita si
Alas.

"Is that so? Don't worry, simula ngayon, lagi na tayong mapi-play. Okay?"

"Talaga?" "Oo! Promise!"

Nakangiting pumalakpak si Heart. Tuwang -tuwa ito sa sinabi ng kakambal. Niyakap


naman ito ni Alas bago sila bumalik sa paglalaro nila.

Uno hugged me from behind and kissed me at the back of my head. "Ang sarap nilang
panoorin."

"Oo nga. 11

Matagal bago siya kumalas sa pagkakayakap sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at
hinila ako papunta sa sala.

"Mga anak, wanna go on a trip?"

"We can go on a trip with you, daddy?" Umaliwalas ang mukha ni Alas.

"Oo naman!"

Bakas ang matinding katuwaan sa mata ng big boy namin. "Where?"

"Uhm, how about Maldives?" Tumingin sa akin si Uno. "Isasama natin sila sa
honeymoon. Is that okay with you?"

"Isasama natin sila?" Tuwang-tuwa ako sa narinig. Sa totoo lang, ayaw ko talagang
iwan ulit sina Heart at Alas dahil nakapangako akong hindi na ako aalis sa tabi
nila. Kaya tuwang-tuwa ako ngayon sa sinabi ni Uno.

"Matagal kong hindi nakasama si Heart, at si Alas, kahit nandito lang sa tabi ko,
wala rin akong naging oras para sa kaniya. Babawi ako at magbabago, love. Simula
ngayon, mas marami na akong oras sa inyo."

Mabilis akong tumango. Kinuha ni Uno ang kambal at kinarga ang mga ito.

Bukas, ikakasal na kami. We're already married pero mas gusto namin na maikasal
talaga sa simbahan. Bukas magsisimula ang happy ending namin. At hindi ako
makapaghintay simulan ito kasama si Uno at ang aming kambal.

***

"Stefan Cavallaro, will you take Isabella Marie Cancio to be your wife?"

Matagal na tumitig sa akin si Uno bago naluluhang tumango. "Yes, I do." "Isabella
Marie Cancio, will you take Stefan Cavallaro to be your husband?"

"Yes, father. I do."

"By the power vested in me by God and man, I pronounce you husband and wife. What
God has joined together, let no man put asunder. You may now kiss the bride!"

Malakas na palakpakan ng mga tao ang maririnig sa loob ng simbahan. Itinaas ni Uno
ang mahaba kong belo saka marahan na hinaplos ang pisngi ko.

"I love you so much, my wife. Ikaw at ikaw lang ang mamahalin ko." He cupped my
face and gave me a long kiss.

Lalong lumakas ang hiyawan ng mga tao nang tumagal nang ilang minuto ang halik.
Natatawa kami ni Uno na humarap sa mga bisita.

Simple lang ang kasal namin. Tanging imbitado ang mga malalapit na kamag- anak at
kaibigan. Napuno ng mga bulaklak ang simbahan lalo na ang gilid ng pasilyo kung
saan ako naglakad. Golden at blushed pink ang theme ng aming wedding at kami lang
ni Uno ang bukod tanging nakasuot ng white.

Palabas na kami ng church nang humabol si Odette, ang secretary ni Uno. "Sir,
emergency phone call from your brother."

Natigilan kami ni Uno sa narinig. Kinuha niya ang cellphone at sinagot ang tawag
nang makapasok kami ng wedding car.

"What? H-how? And to whom?"

Matagal kong tinitigan si Uno. Sandali itong natigilan at bahagyang nanlaki ang mga
mata.

"Okay, let's talk after we get back."

"Anong nangyari?" agad kong tanong sa kaniya nang ibaba niya ang tawag.

"Dos is getting married.

Umawang ang mga labi ko. "What? Kanino? Bakit ang bilis naman yata?"

Huminga siya nang malalim saka umiling. "Let's focus on the honeymoon, first. Are
you ready?" Nagbuga ako ng hangin at pilit na isinantabi ang gulat. "Yes."

Lumingon naman siya sa likuran at malapad na ngumiti. "Ready na ang mga babies
namin?"

"Yes, daddy!"

"Opo, tay-tay!"

Napangiti ako habang nakatingin kina Alas at Heart. Kinuha ni Uno ang kamay ko at
hinalikan ito. He started the car. From the church, we immediately went to the
private plane that would get us to Maldives.

Pagdating na pagdating namin sa aming destination, sandali lang kaming nagpahinga


at kumain, agad na lumusob sa maliit na swimming pool sa bahay na inupahan ang mga
chikiting. Si Uno naman ay naligo na ng dagat.

Naka-yellow bikini ako at nagbilad sa araw kahit hapon na. Ang sarap ng malakas na
simoy ng hangin kahit medyo mataas pa ang sikat ng araw. Nilingon ko sina Heart at
Alas na masayang nagtatawanan sa may pool. Nakasalbabida sila at nakapang- swimming
na damit.

Matapos mag-enjoy buong maghapon at kumain ng seafoods sa gabi, agad na nakatulog


sina Alas at Heart. Hindi ko na kailangan kantahan o kuwentuhan, bagsak na bagsak
ang mga ito sa pagod.

Umawang ang mga labi ko nang lumabas ng banyo si Uno nang nakatuwalya na lang. Basa
apa ang mga buhok niya at dahan -dahang umaanod ang tubig pababa sa mabato-bato
niyang katawan.

Ohhh! Muscles and biceps!

Lumapit siya sa akin. I am only wearing a white bathrobe and a towel on my head.

"Like what you see?"

Hindi ko napigilan ang pagkagat ng labi sa narinig. "Medyo."


"Wanna see something else?" Nang-aakit niyang hinawakan ang tuwalya at nagbabantang
hubarin ito. Napatingin ako sa mga anak namin. Mabilis kong hinawakan ang kamay
niya para pigilan siya. I pulled him to the living area and teasingly stripped in
front of him.

"Pilyo ka. Alam mo naman nasa loob ang mga bata."

"E, di dito tayo." Kinindatan niya ako.

Pinatay niya ang ilaw sa loob maliban sa maliit na lampshade sa tabi ng tinatayuan
ko. Sapat lang ang ilaw mula roon para makita namin ang isa't isa.

"I've been waiting for this, Isa."

"Me too," nakangiti kong sabi. Tuluyan kong hinubad ang bathrobe na suot ko.

Wala na rin arte-arte si Uno. Naghubad siya at mabilis akong inibabawan sa malambot
na sofa.

"Ahhh! Ahhh!" Ilan sandali pa ay umuungol na ako sa ilalim niya. Ni hindi ko na


nagawang tanggalin ang tuwalya sa buhok ko dahil sa panggigigil ni Uno.

Bawat parte ng katawan ko na malapatan

ng palad nito ay parang nagliliyab. Kakaibang init ang pinaparamdam niya sa akin.

Ilang beses na rin niyang tinakpan ang bibig ko upang hindi ako makagawa ng ingay,
pero sa galing niyang dumilig, nakakalimutan kong nasa loob lang ng kuwarto sina
Alas at Heart!

***

After a whole night of making love, we stayed outside and waited for the sun to
rise.

"Sa tingin mo, wala nang problemang darating?" Nakaunan ako sa dibdib ni Uno at
nakatingin sa magandang tanawin sa harap namin.

"Mayroon. Marami pa, pero ang importante ngayon, kompleto na tayo. Lahat, magagawa
natin lagpasan nang magkasama."

Nilingon ko ang silid kung saan mahimbing pa rin na natutulog ang kambal namin.

"Let's grow old together, mahal?" Matamis ko siyang nginitian. Nagpa-cute ako at
mas hinigpitan ang yakap sa kaniya.

"And watch our grandchildren grow up.' He smiled at me before giving me a soft
kiss.

Kinuha ko ang kamay niya at dinala sa tiyan ko. I sweetly smiled at him. Ang
kalituhan sa mukha niya, unti-unting napalitan ng pagkagulat.

Wala na akong mahihiling pa. Sina Uno, Alas, Heart, at ang munting anghel na nasa
loob ng sinapupunan ko ang paraiso na ibinigay ng Diyos sa akin habang nandito sa
mundo. Iingatan at mamahalin ko sila hanggang sa huling hininga ko.
THE END

Shutang inaaaaaaaa, natapos din kitang pungal ka, pinapahirapan mo pa akong mag
balik balik sa pag e edit sau, makakapag fucos narin ako gumawa Ng video sa tiktok
q....

You might also like