You are on page 1of 4

Disclaimer

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, events, and incidents are the products of
the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is
purely coincidental.

Please be advised that this story contains, strong language, mature themes, and sensitive


content which are not suitable for very young audiences. Please read at your own risk. 

No part of this book may be reproduced or transmitted in any form or by any means without
express written permission from the author.
Prologue

"Amen." 

Tumayo na ako mula sa pagkakaluhod saka ako lumabas ng simbahan para hanapin si Aalijah.
Nauna na kasi siya umalis sa'kin, hindi makapaghintay na makasama ang boyfriend niya. 

Sa kalagitnaan nang paghahanap kay Aalijah, may naramdaman ako na bumunggo sa likod ko.
Paglingon ko, nakita ko na nakaupo sa sahig ang isang batang babae."Oh my god, sorry baby
girl!" lumuhod kaagad ako saka ko siya nilapitan. "May masakit ba?" tanong ko muli. 

Nagulat ako nang umiyak siya nang malakas. Karamihan sa mga dumadaan napatingin sa amin.
Jusko, nasaan ba mga magulang nito? Paano ba 'to patahanin? "Baby girl, pwede ko ba matanong
kung nasaan ang mga magulang mo?" 

Imbis na sagutin niya ang tanong ko ay ang narinig ko lamang sa kaniya ang salitang "Daddy!"
paulit-ulit niya sinasabi habang walang tigil kakaiyak. 

"Baby girl, gusto mo ba ng candy?" 

Tumahimik siya ng marinig ang salitang candy. Tumango siya ng ilang beses kaya binuksan ko
ang bag ko para maghanap ng candy. Buti may tira pa ako dito, inabot ko sa kaniya ang lollipop.
Tumigil siya sa pag-iyak saka kinuha sa'kin ang lollipop. Sinubukan niya buksan ang balot gamit
ang bibig niya pero hindi niya mabuksan. 

"Hindi mo mabuksan? Sige, si Ate na ang magbubukas." Kinuha ko sa kaniya ang lollipop bago
tanggalin ang candy wrap. Binigay ko sa kaniya ang lollipop ng matanggal ang balot. Natigil
siya sa pag-iyak kaya napangiti ako. 

Gusto ko na sana hanapin si Aalijah kaso hindi ko pwede iwan ang batang ito rito. Baka hanapin
ito ng magulang kapag sinama ko ito sa paghahanap kay Aalijah. Hihintayin ko na lang na
dumating ang magulang nito bago ko hahanapin si Aalijah. Nakangiti ako habang
pinagmamasdan siya na nilalasahan ang lollipop, may kamukha siya. 

"Tine! Anak!" 

Halos umikot ang mundo ko nang marinig ang boses na iyon. Tama ba ako nang pagkakarinig?
Nananaginip ba ako? Nang inangat ko ang ulo ko, nagtama ang tingin namin. 

"Mai." 

 "Justin." 
Tumigil siya sa paglalakad nang makita ako. Wala ako sa sarili na napatayo. Nagulat ako nang
tumakbo ang bata papunta sa kaniya saka siya nito niyakap at tinawag ng "Daddy!" 

"Anak mo?" 

Kinarga niya ang batang babae bago niya ako nginitian. "Oo, anak ko." 
Akala ko pag nakita ko siya, magiging maayos na ulit ang lahat. 
Akala ko kaya ko na siyang harapin matapos ang nakalipas na taon. 

Akala ko wala na akong nararamdaman para sa kaniya. 

Akala ko hindi ko na siya mahal. 

Pero lahat ng iyon ay akala. 

"It's nice meeting you again, Mai."

Chapter 1

"I feel like a failure." 


Dinig ko na sabi ni Justin. Nandito kami ngayon sa loob ng McDonalds. Malakas ang buhos ng
ulan sa labas kaya napagdesisyunan namin na kumain muna para magpalipas ng oras habang
hinihintay na tumila ang ulan. 

Kanina pa nakatitig si Justin sa pagkain na nakahain sa harapan niya, wala raw siya gana kumain
dahil sa nangyari kanina. Matapos kasi malaman ng school publication adviser nila na hindi siya
kasali sa ilalaban sa RSPC (Regional Schools Press Conference) ay iniwan siya nito ng walang
pasabi. Nalaman niya na umuwi na 'yung adviser nila ng subukan niya ito tawagan. 

"'Wag mo sabihin 'yan sa sarili mo. Binigay mo naman ang makakaya mo. Sadyang, hindi lahat
ng gusto mo ay makukuha mo. Cheer up, pumapangit ka tuloy. Ang pogi pogi eh," sagot ko bago
ako kumagat sa burger.

Bigla nawala ang simangot sa mukha niya at napalitan ito ng ngisi. "Pogi ako? Ikaw ah.
Marunong ka pala tumingin ng tunay na pogi. Ako lang 'to lods," may bahid ng yabang ang tono
ng boses niya. Hindi ko mapigilan matawa nang kindatan niya ako habang kagat ang labi.
Sinuklay suklay niya pa ang buhok niya gamit ang kamay. 

"Joke. Binabawi ko na tuloy. Lumalaki ulo mo eh," pangasar ko sa kaniya habang kumakain ng
french fries. 

"Ano muna ang ulo na lumalaki?" Ngumisi siya nang nakakaloko.


Lumaki ang mata ko nang mapagtanto ang tanong niya. "Hoy! Ang dumi ng isip mo ah. Kadiri!" 

"Wala ako sinasabi. Ikaw nag-iisip niyan," tugon niya saka kinuha ang kutsara at tinidor para
himayin ang fried chicken. 

Ngumuso na lamang ako saka tinapos ang pagkain ko. 

You might also like