You are on page 1of 194

Lucky Me! Instant Mommy?

~Superyora Mizian~

©NVLA💋

"Ang tanga-tanga mo naman, Hailey! Bakit ka nagpabuntis? Sa ating dalawa ikaw pa


nga itong mahinhin. Di makabasag pinggan. Ikaw 'yong dalagang Filipina, yeah!"
hindi napigilan ang galit na sita niya sa kakambal.

Problema. Iyon kaagad ang sumagi sa isip ni Callie nang malamang buntis ang ni
kakambal niyang si Hailey. Bukod sa hindi nito masabi kung sino ang tatay ay mahina
ang puso nito, kaligtasan kaagad nito ang naisip niya. Gustuhin man niya itong
sabunutan dahil sa taglay na kagagahan ay hindi na lang niya ginawa. Sa mapaglarong
tadhana, sa kakahanap niya sa Tatay ng anak nito ay natuklasan niyang ang
multimillionaire na si Carter Hyun ang nakadisgrasiya dito. Natagpuan na lang niya
ang sarili na siya na ang Mommy ng baby nito. Magkakasama sila sa iisang bubong,
mapigilan niya kaya kung may pag-ibig na umusbong?

Chapter 1
Callie's POV
"Ang tanga-tanga mo naman, Hailey! Bakit ka nagpabuntis? Sa ating dalawa ikaw pa
nga itong mahinhin. Di makabasag pinggan. Ikaw 'yong dalagang Filipina, yeah!"
hindi napigilan ang galit na sita ko sa kakambal ko. Ilang araw ko na kasing
napapansin na panay ang pagduduwal niya tuwing umaga habang nag- aalmusal kami.
Naghinala na ko kaya kinumpronta ko na kaagad siya at umamin naman siya.
Hindi siya sumagot. Sa halip ay yumuko siya mula sa pagkakaupo habang
nangingilid ang luha.
"S-Sorry.." humihikbing sabi nito pagkalipas ng ilang saglit.
"Sorry? Halos magkandakuba -kuba na nga ako kakatrabaho para mapag- aral,
may ipambili ka ng gamot at may makain tayo tapos magpapabuntis ka lang? Tapos
sorry?
"I-Iyon na nga, eh. Puro na lang ikaw. Simula nang maulila tayo, ikaw na lang
lagi ang kumikilos. Nagpapakapagod. Dahil mahina ako. Kaya noong nagkasakit ka at
natigil sa pagtatrabaho...naisip kong...ako naman ang gumawa ng paraan."
"At ano'ng klaseng paraan ang ginawa mo para magbuntis ka ng ganyan?"
napapaypay gamit ang abanikong tanong ko pa. Palakad-lakad ako sa harap niya
habang nakapamewang.
"Nag..Nag-escort ako."
"Escort?!" bulalas ko. Halos malaglag ang panga ko sa sinabi niya.
"O-00, nay kaklase kasi akong ganoon ang sideline para makapag- aral. Ang
totoo hindi naman lahat ng escort girl gumagawa ng ganoon, eh. Pero mas malaki kasi
ang bayad kapag...ano." hindi na nitO maituloy ang sasabihin kaya umangat na ang
kamay ko para awatin siya. Kahit ako, ayokong pakinggan, eh.
"Oo, malaki pag nagpaano! Nagets ko na. Kaya naman pala hi ndi ka makasagot
kung saan mo kinuha ang pera dahil ipinagbili mo ang sarili mo. Pambihira ka naman!
Sino namang naging customer mo?"
"M-Mabait naman siya, eh. Gwaporin. Ang totoo nagpunta lang kami sa isang
party. Nirecommend lang ako ng isang kaibigan niyang lalaki para maging date niya
doon sa sosyal na party. Hindi siya bastos.."
"Sampalin kaya kita! Ano'ng hindi bastos? Eh, balkit ka natbuntis?" gagad ko.
"Nalasing siya. Tapos..hinatid ko sa condo niya. Kaso noong ilalagay ko na siya
sa kama niya, napatid ako..tapos.."
"Natumba kayo? Tapos nagkatitigan? At dahil attracted kayo sa isa't-isa
naghalikan na kayo? Hindi niyo napigilan and then.boom! Bombo ngayon ang tiyan
mo! Tama?" naniningkit ang mga matang pagpapatuloy ko sa ikukwento niya.
Ang sarap din sapukin ng isang ito. Marupok, eh!
"P-Paano mo nalaman?" maang na tanong niya kaya hinampas ko siya ng
abaniko sa ulo kaya nahimas niya iyon.
Itong kambal kong ito ang tipo ng tao na kapag inapi mo hindi lalaban. Iiyak lang
siya
sa sulokat doon magmumukmok. Kaya ako ang nagsisilbing bato sa aming dalawa.
Hindi ako pwedeng magpaapi dahil wala namang ibang magtatanggol sa amin.
"Natural! Ganyang- ganyan ang mga isinulat ko sa previous novel ko na nareject
dahil sa sobrang cliché!" palatak ko. Frustrated writer din kasi ako. Wala lang
talagang time i-pursue ng todo kaya siguro wala akong maapprove na manuscript
kahit isa.
"Eh, pero iyon naman talaga ang nangyari. May kasalanan pa nga ako. Noong
nagising ako nahiya na kong gisingin siya at kunin iyong bayad kaya..kinuha ko na
lang iyong wallet niya."
"Ano? Nabuang ka na talaga! Bakit pati wallet nun kinuha mo? Eh, kung kasuhan
ka no'n?"
"N-Nataranta na ko, eh. Kailangang kailangan na natin ng pera kaya dinampot
ko na lang wallet niya. Hindi ko naman isusugal ang buhay mo para sa kahihiyan ko."
napayuko ulit na sagot nito.
Napabuntong hininga ako at napatingala. Hindi ako emosiyonal na tao katulad
nitong kakambal ko. Pero dahil sa nalaman ko, hindi ko na mapigilang umiyak na rin.
Nagsakripisyo siya para sa akin. Hindi ako sanay.
"S-Sira ka talaga! Alam mo bang ginawa mo? Sinira mo ang buhay mo! Hindi
tayo pinalaki ng mga magulang natinpara gumawa ng masama," may bumibikig sa
lalamunan na sagot ko. Pinipigil ko talagang wag maiyak, eh.
"M-Masama na kung masama. Pero ayokong mawala ka sa'kin. Masisira lang
ang buhay ko, pero habang humihinga ko may pag- asa pang maayos. Lalo na at
nandiyan ka. Pero ikaw? Kung nawala ka? Mas lalo ng walang kwenta kung mabuhay
ako. Mas lalo akong mawawalan ng pag- asa. Kung di ko ginawa 'yon baka wala ka na
ngayon at mag isa na lang ako. Ayokong mag-isa. Di ko kayang mag- isa. I- Ikaw na
lang ang meron ako, eh,"
Hindi ko na kinaya. Nalaglag na ang mga luha ko at napaiyak, umupo ako sa tabi
niya. Niyakap ko siya at parang mga batang nag- iyakan kami. Kahit mali, ginawa
niya
pa rin para sa akin iyon.
Few months ago, nagkasakit ako ng dengue. Halos wala kaming pera kaya kahit may
mga nararamdaman akong sintomas, binalewala ko. Pumapasok pa rin ako sa trabaho.
Pero hindi na kinaya ng katawan ko. Bumagsak ako sa sahig habang nasa trabaho.
Nakumpirmang may dengue ako at napakadelikadona ng lagay ko dahil medyo late na
ng nadiagnose. Nasa critical phase na ko that time dabil dumudugo na ang gilagid ko
at sumusuka na ng dugo. At halos di na rin makahinga.
Isinugod ako sa ospital kaya nasaid na halos ng tagu-taguan ko. Kaya siguro
nataranta na siya at ginawa ang bagay na iyon kahit mali. Siguro nga kung hindi
niya
talaga ginawa iyon ay wala na ko sa harapan niya.
Sisinghot-singhot kami pareho nang maghiwalay. Pinunasan ko pa ang luha niya
dahil masama rin talaga sa kondisyon niya ang extreme emotions. Mahina ang puso
ng kambal kong ito kaya hinay-hinay rin talaga ko sa pagkastigo sa kanya dahil baka
bigla na lang siyang bumulagta. Para lang akong nananalam in habang nakatingin sa
kanya.
"Paano 'yan? Wala ka ng Bataan. Kabilin-bilinan pa naman sa'tin dati ni Nanay na
wag isuko para sa lalaking hindi karapat-dapat."
"Iintindihin ko pa ba 'yon? Eh, mas mahalaga ka. Saka mas malaki itongproblema ko
kasi nagbunga iyong ginawa kong mali."
"Hay...nandiyan na 'yan. Panindigan na natin. Problema ko na rin 'yan. Pero hoy...
salamat." teary eyed pa rin na sabi ko.
"Wala 'yon, alam mo nanang love na love kita, kambal ko." sabi pa nito at niyakap
ako.
"Love na love rin naman kitang loka ka. Wag kang mag- alala malalagpasan din natin,
to. May awa ang Diyos."
"'Sana nga, Callie.."
MTeka sino nga pala iyong lalaking nakadisgrasiya sa iyo?" naalala kong itanong
"Huwag mo na lang alamin. Tutal hindi rin naman kami bagay..."
"Pero Hailey, dapat malaman niya 'yan."
"Baka hindi lang siya maniwala..."
Napabuntong hininga ko. Alam kong hindi niya sasabihin. Kaya napagpasiyahan kong
ako na lang mismo ang aalan.
Hindi ako dalawin ng antok nang gabing iyon. Iniisip ko ang kumplikadong
sitwasiyon namin ng kakambal ko. Hindi biro magpalaki ng bata. Isa pa, paano kung
hindi kayanin ni Hailey ang panganganak? Kung kami na nga lang minsan kinakapos
pa ang sahod ko. Napatingin ako kay Hailey na tulog nasa tabi ko. Naghihilik pa
siya
kaya alam kong malalim na ang tulog niya. Pasimple akong bumangon.
Tinalunton ko ang cabinet niya na malapit sa pintuan. Maingat akong
naghalungkat sa drawer niya. Sa ilalim ng damitan ay may nakapa ako. Pitaka.
Leather
wallet. Iyon na siguro ang wallet ng naging customer ni Hailey nang gabing isinuko
nito sa isang estranghero ang bayan ng Bațaan.
Ibinulsa ko iyon at lumabas ng kwarto.
Sa sala ko hinalungkat ang laman ng wallet. Samu't-saring cards ang nakita ko.
Pero wala ng pera. Dahil sigurado akong iyon ang ibinayad ni Hailey sa ospital para
makalabas ako.
Nakakita ako ng mga ID's at ilang 2x2 pictures. Halos matutop ko ang bibig ko
nang makita ang picture ng lalaking nakadisgrasiya kay Hailey. Napakapogi ng hudas!
Sobrang gwapo! Tingin ko ay hindi purong pinoy ito dahil sa itsura. Chinito ang
loko.
Kaya naman pala bumigay itong si Hailey.
Pero nawala na rin ang paghanga ko nang maisip ang sitwasiyon namin ngayon.
Binasa ko ang pangalan ng lalaki sa ID.
Isa lang ang naisip ko. Hahanapin ko ang lalaking ito.
"Yari ka sa akin...Carter Hyun," naiusal ko pa.

Chapter 2
Carter's POV
"sir Carter, okay na raw po "yong venue na gagamitin bukas para sa event," agawng
assistant ko sa atensiyon ko, kaya pansamantala akong napatigil sa pagtatype sa
computer ko.
"Sige, thanks for the info Myra. Pakisabihan lahat ng contract authors natin na
dapat mas maaga sila. Lahat ng marshals alerto, para hindi magkagulo ang mga
pupunta."
"Noted po."
Napangiti ako. Sigurado akong kungnabubuhay lang ang yumao kong ina,
matutuwa siya. Dahil napalago ko ng husto ang naiwan niyang negosiyo sa akin.
"Eh, Sir"
Napatigil ito nang tumunog ang telephone ko sa lamesa. Sumenyas ako saglit sa
kanya.
"Yes?" bungad ko.
"Sir Carter, may babae pong naghahanap dito sa inyo sa ibaba," sabi ni Doris. Isa
rin
sa assistant ko. Tatl ong palapag ang building ng publishing company na pagmamay
ari ko.
Sa ibaba ang warehouse ng mga librong iniimnprenta. Second floor ang receiving area
at
opisina ng mga tauhan ko, tulad ng editors, illustrators at iba pa. Dito sa third
floor
ang opisina ko.
"Babae? Sino'ng babae?" maang na tanong ko.
"Eh, ayawpong magpakilala. Hindi naman po natin siya contract author."
"Can you describe her?"
"Maganda naman po. Kaso parang palaban. Kasi kung hindi rawpo kayo makikipag-
usap, magkakagulo dawpo."
Napaisip ako sa sinabi niya. Mukhang may pagkaamasona pa pala itong misteryosang
bisita ko.
"Tl go downstairs. Paalis na rin naman ako."
Nang matapos akong makipag-usap ay lumabas na ako ng silid. May pagmamadaling
bumaba ako.
Sa ibaba ay nabungaran ko ang babaeng pamilyar sa akin. Nakablack slacks ito, white
poloshirt at flat shoes. Hindi na kaligtas sa paningin ko ang nakabadhang
pagkairita
sa mukha niya, habang panay ang paypay sa sarili ng dala niyang abaniko.
Naramdaman niya yata ang presensiya ko kaya lumingon siya.
"Tkaw?" wala sa loob na namutawi sa labi ko nang mamasdan ko siya.
"Mr. Hyun?" paniniguro nito.
"Ano'ng kailangan mo?"
"Gusto mo ba talagang pag-usapan dito ang sasabihin ko" tanong nito pabalik at
gumala ang mga mata kina Doris at Myra na nakatingin sa amin.
"Follow me," utos ko at naglakad na palabas ng building.
Nagtungo ako sa parking lot at sumunod naman siya. Sumandal ako sa kotse ko at
tinitigan siya. Napansin kong hindi siya makatingin ng diretso at umiwas ng tingin.
"Speak," nasabi ko.
"N-Natatandaan mo pa ba ko?" halatang hiyang-hiyang tanong niya.
"How could I forget you? Hailey? Hailey, right? You stole my wallet. At ngayon
nahihirapan ako magparenew ng mga Id's ko. Nasa'yo pa ba?"
"0-Oo. "
"Ibalik mo sa'kin. Take the money. Hindi ko babawiin."
"T-Talaga! Pera lang 'yon. Pero mas malaki ang kinuha mo sa'kin."
"Kinuha sa'yo?"
"Oo. Kinuha mo ang land of Bataan." sabi niya at may hinugot mula sa bag niya.
Iyong wallet ko. Inihagis niya iyon sa akin.
"Nagastos ko na ang laman niyan kaya wala na ang cash mo. Pero iyong ATM at iba mo
pang cards di ko pinakialaman." sabi niya nang sinipat ko ang wallet para tingnan
kung nandoon angmga ID's ko.
Tulad ng sabi ko, walang kaso. Kabayaran ko iyon sa gabing na gserbisyo ka sa
akin."
Napansin ko ang biglang pagkukulay nang magkabilang pisngi niya sa sinabi ko.
"Kung wala ka ng sasabihin mauuna na ko," sabi ko nang mapansing parang wala
siyang balak magsalita. Akmang tatalikod na ako pero hinawakan niya ako sa braso.
Napatingin ako sa kamay niya. Parang napapasong binitiwan niya ko.
"Hindi ka nakikinig, Ang sabi ko mas higit pa sa perang ibinayad mo ang kinuha mo
sa
akin. Kinuha mo ang Land of Bataan," gagad niya.
"Kanina ka pa sa Land of Bataan na 'yan. Diretsuhin mo na nga ako."
"Alam mo na 'yon! Bataan. Iyong sagradong pusa ko."
Napakunot noo na ko.
"Ang gulo mo kausap. Kanina land of Bataan tapos ngayon sagradong pusa?"
"'Nampeste! Iyong virginity ko! Iyong sedula ko! Pinunit mo! Gets mo na?"
Bahagya akong natigilan. Rumagasa ang mga kudlit na alaala nang gabing may
mangyari sa amin. That was 3 months ago. Alam kong ako ang una..
"May kaso ba 'yon sa'yo? Hindi ba trabaho mo naman 'yon?" nanulas sa labi ko.
Wrong move. Sinapak niya ko sa nguso. Tapang naman yata masiyado nito? Ibang-iba
noong gabing naka sama ko siya. Kimi at mahinhin siya noong gabing nakasama ko.
Pero ngayon iba..
"Masakit 'yon, ah! Bakitka ba nananapak?" reklamo ko at napasapo pa sa bibig ko.
Ang lakas nito. Dumugo kasi ng bahagya ang labi ko.
"Gusto mo 'yong kabila naman para pantay?" umangat ang sulok ng makipot na labing
tanong niya.
"Ano ba talagang problema mo? Totoo lang naman ang sinasabi ko. Hindi ba't trabaho
mo 'yon?"
"M-Mali ka. Hindi ako mababang uri ng babae. Ginawa ko lang 'yon dahil.kailangan."
sagot niya at ipinaypay pa ulit ang abaniko sa sarili.
"Nagpunta ka lang ba dito para ipaliwanag ang side mo? Hindi naman kailangan. Wala
naman tayong kaugnayan."
"Dati wala. Dapat nga wala.pero alam mo Carpenter hindi pwedeng wala, eh."
"It's Carter. Not carpenter." pagtatama ko
"Carter or carpenter. Does it matter? Lalo na kung ikaw ang karpintero ng batang
dinadala ko ngayon?" tumigas ang mukhang sabi niya.
Gulat ako sa sinabi niya. Nanlaki ang mga mata ko at napaatras.
"Woah! Woah! Teka! Hindi totoo yan!" napabuga pa ng hanging bulalas ko.
"Ano ba? Hindi to joke time! Buntis ako! Kailangang makipagcooperate ka para
mapalaki ko ng maayos tong..baby natin," sabi niya pa at akmang lalapit pero lumayo
ako.
"Diyan ka lang. Don't even takea single step.
"Ang bakla mo naman! Ano ba? Anak mo 'to!" giit niya.
"Why would I believe you? Hindi porke virgin ka noong nakuha kita,
nangangahulugang akin na 'yang batang dinadala mo. Malay ko ba kung may iba pang
lalaking sumunod sa akin after that night?"
"'Sasapakin kita ulit diyan, eh! Sinabi ko na hindi ako ganoong uri ng babae!
Napilitan
lang ako dahil kailangan! Kung may choice ako di ko gagawin 'yon!"
"Look, hindi ako ganyan kadaling mauto. Ni hindi tayo magkakilala ng personal.
Malay ko ba sa pagkatao mo? 1sipin mo na lang na aksidente ang nangyari."
+20 BONUS
"Aksidente? Wow! May kung ilang minuto nating ginawa 'yon, tapos aksidente? 00,
maaring aksidente na napatid ako sa kama nang alalayan kita, pero aksidente pa ba
nung nagkakatitigan tayo? Noong hinalikan mo na ko? Noong tinanggal mo damit ko
tapos-
"Ididetalye mo talaga lahat?" amused na putol ko.
"Ah basta hindi aksidente yon kamote ka! Di ba dapat pag aksidente, real quick?
Gano'n! Ano'ng akala mo sa atin? Mga sasakyan na nagbanggaan? Aba nakakatakot ka
naman palang makasalubong ano? Nakakabuntis!" bulyaw niya saka luminga -linga.
"Miss!" hatak nito sa babaeng na lumabas ng building. Teenager. Malamang ay isa sa
bagong contract author namin.
"Bakit po?" maang na tanong nito.
"Mag-iingat ka sa lalaking ito. Iwasan mong mabangga siya. Nakakabuntis!" warning
ni Hailey sa teenager kaya nanlaki ang mga mata nito.
Pati ako nanlaki ang mga mnata sa sinabi niya. Ganoon ba ako katulis?
"She's just fooling around. You may go." sabi ko sa teenager nang makabawi ako sa
pagkabigla.
"O-Okay po." anang teenager at umalis na. Inis na bumaling ako sa babae na panay na
naman ang paypay sa sarili na parang tense na tense.
"Kung pwede umalis ka na. Wala akong balak patulan angmga sinasabi mo. Hindi ko
anak 'yan." pirming sabi ko.
"Kita mo nga naman! Kayo talagang mga lalaki, mga wala kayong kwenta! Matapos
mo akong jerjerin ganyanan na? Maniwala ka naman! Anak mo 'to! Tka w lang talaga
yong lalaking umano.basta wala ng iba! Ikaw lang! Kaya sa'yo talaga 'to! Wala ng
ibang pwedeng maging ama kundi ikaw. Nag-iisa kang pumanday ng batang 'to!"
Napakanot na ako sa ulo. Tiningnan ko siya. Sa totoo lang mukha naman talaga
siyang matino. Kahit simple lang gumayak ay maganda naman. Pero hindi pa rin ako
dapat namagtiwala. Sa panahon ngayon nagkalat ang manloloko.
"B-Bakit ganyan ka makatingin?" nailang na tanong niya.
"Sa totoo lang mukłha ka ngang matino."' pag-amin ko.
"See?" nagchin up pa na sabi niya.
"And I admit.you're good. Naenjoy ko rin nanan ang gabing nakasama kita."
Muli na naman siyang nanula kahit nakasimangot.
"Pero hanggang doon na lang iyon. There's no other way that I would believe in
you."
pagtatapos ko kaya nalaglag ang balikat niya.
Sinamantala ko na ang pagka kataon at binuksan ang pintuan ng kotse ko para umalis
na.
"'Sandali lang!" pigil niya nang akmang sasakay na ko.
"Now what?"
"Maniwala ka naman, sa'yo talaga 'to! Maaatim mo bang walang kilalaning ama ang
inosenteng batang dinadala ko? Ano ba talagang gusto mnong gawin ko para maniwala
ka?" pakiusap na niya.
Napapikit ako. Mukhang desidido siya. Napahugot ako ng hininga. Paano nga kung
nagsasabi siya ng totoo? Na ako talaga ang karpintero ng batang dinadala niya?
"Okay. Show me some proof, then."
"Proof? Paano?" maang na tanong niya.
"DNA."
"D-DNA?"
"Oo, alam mo naman siguro yon?"
"0-00, napapanood ko sa mga teleserye, pero di ba mahal 'yon? Wala akong pera."
"Bumalik ka sa akin pag nakapanganak ka na. Ako na ang bahala. Pero sa ngayon,
hanggat wala akong hawakna solidong ebidensiya, wala akong pananagutan sa'yo."
pinal na turan ko at sumakay na sa kotse.
"Hambog! Mabaog ka sana!" dinig kong sigaw niya bago ko pa man pinasibad palayo
ang kotse.
Napailing ako at wala sa loob na napangiti. That girl...Parang mas napukaw niya ang
atensiyon ko ngayon kaysa noong gabing nagkasama kami.

Chapter3
Callie's POV
DNA. DNA daw. Eh, kung dinadagukan ko siya? Panay ang sipa ko sa maliliit na
batong nadadaanan ko habang pauwi sa maliit na apartment na tinitirhan namin ng
kambal kong si Hailey. Inis na inis talaga ako sa Carter the carpenter na iyon!
Apakahambog! Apakayabang! Apakapogi.
Yaks! Ano ba naman iyong huling naisip ko? Hindi totoo iyon. Pero siyempre
totoo talaga iyon. Gwapo nga siya. Chinito ang loko. Matangos ang ilong. Makinis na
makinis din ang mukha. Walang open pores. Matangkad din ito..parang close to
perfect. Brrr. Hindi ko dapat siya pinupuri.
"Cal, ba't ngayon ka lang? ơT?" salutbong sa akin ni Hailey nang makapasok ako
sa loob ng apartment.
"Ah, eh..00. Daming plano, eh. Sumakit nga mata ko kakacomputer," sagot ko at
nagtanggal na ng sapatos at iniwan iyon sa labas ng pintuan.
Isa akong encoder sa isang house and research development. Nakaabot naman
ako ng third year college kaya natanggap ako. Kahit hindi ko gusto angmagdisenyo ng
bahay gamit ang isang APP, pinilit ko na lang dahil kailangan ko ng trabaho, wala
naman kaming ibang source of income, eh.
"Pahinga ka na, nagluto akong ginisang sardinas saka nilagang itlog. Kakain na
tayo mamaya," sabi pa nito habang may kinakaing bayabas.
"Saan ka bumili niyang bayabas?" usisa ko.
"Hiningi ko lang diyan kay Aling Lita, ang laki ng puno nila, eh. Buti binigyan
ako, kanina pa ko nangangasim."
Malungkot a kong napangiti saka naup0 sa maliit naming sofa na yari sa yantok
Tumabi naman siya sa akin, bitbit ang mga bayabas.
"Naglilihi ka na siguro," komento ko.
"Siguro nga, parang tumindi na nung nasabi ko na sa'yo 'yong condition ko.
Papansin na 'tong magiging anak ko kasi hindi ko na siya itinatago."
"Huwag ka ring ma siyadong magpagod, mag-aaral ka pa mamaya. Malapit na finals
niyo di ba? Baka bukas pag nakuha ko na sweldo ko, pwede mo ng bayaran tuition mo."
Fourth year college na ito. Isang sem na lang graduate na. Napansin kong natigil
ito sa
pagkain ng bayabas at bumakas ang lungkot sa mga mata.
'S-Sorry ha..nagpapagod ka sa trabaho tapos gumawa pa ako ng kapalpakan."
"Loka, napag usapan na natin 'yan. Wag mo ng problermahin. Kaya natin 'to,"
"Naisip ko tumigil na lang ako pagkatapos ng sem na 'to, para mas makatipid tayo."
"Hailey, hindi. Isang sem na lang di ba?Tapos ka na," tutol ko.
"M- Maka kapaghintay naman 'yon, eh. Eh, itong tiyan ko, 6 months na lang lalabas
na. Hindi pwedeng ikaw lang kakayod, kurg papasok pa ko, ang daming gastos,
tuition, baon, pamasahe..ang tanga-tanga ko talaga," maiiyak na namang sabi nito.
Bumigat ulit ang dibdib ko. Tama naman siya, eh. Hindi na biro itong sitwasiyon
namin. Lalo tuloy kumulo ang dugo ko kay Carpenter. Although.consensual naman
ang namagitan sa kanila at walang pilitang nangyari, hindi ko pa rin maiwasang
magngitngit.
Tinapik-tapik ko sa balikat ang kambal ko.
Trial lang to. Huwag ka ng masiyadong mag-isip. Nandiyan na yan. Ang importante
hindi ka nag-isa. Nandito ko. Walang iwanan."
"S Salamat talaga kambal. Laham kita.'" sabi niya at niyakap pa ko. Laham,
binaliktad
ng mahal.
"Iyakin ka talaga. Laham din kita. Basta walang iwanan. O sige na magpapalit na ko
ng
damit, para makakain na tayo."
"Sige, maghahain na ko," nakangiti ng sabi nito at nagtungo nasa kusina.
Pumasok na rin ako sa silid namin para magpalit. Tinanggal ko ang pagkakapusod ng
buhok ko at na gsuklay ng kaunti. Napatitig akO sa salamin. Iisa ang mukha namin ni
Hailey. Kaya siguro hindi na nakahalata ang lokong carpenter na iyon na hindi naman
talaga ako si Hailey nang kausapin ko siya kanina.
Hindi ko namang intensiyong magpanggap na si Hailey. Ang kaso wala namang lakas
ng loob itong si Hailey para kumnprontahin ang lalaking iyon tungkol sa kalagayan
niya, kaya naisip kong ako na lang ang kukumpronta. Kahit pa sabihing labas ako sa
namagitan nila, hindi maikakailang ako ang puno't-dulo. Hindi gagawin ni Hailey
iyon kung hindi dahil sa akin. Kaya gagawa ako ng paraan para mapagaan ang
sitwasiyon namin.
Pero naisip ko rin wala naman akong pakialam kay Carter kaya hindi na ako nag-
abalang magpakilala kanina kung sino ba talaga ko. Hinayaan ko na lang na isipin
niyang ako si Hailey. At kung kinakailangang kulitin ko siya araw-araw para
matanggap niya ang anak nila Hailey gagawin ko.
"Tara kain na tayo," nakangiting yakag sa akin ni Hailey nang magtungo ako sa
kusina.
Sa maliit na apartment na iyon magkasama na ang dining nila at kusina.
"Hmmm, ang sarap talaga ng ginisang sardinas at nilagangitlog." bulalas ko at
nagsunod- sunod ang subo. Ginutom talaga ako kakaconvince sa Carter na iyon.
"Callie, napag isip isip ko na habang tigil ako sa pag-aaral magtatrabaho muna ko,"
sabi ng kambal ko kaya napatigil ako sa pagkain.
"Ano'ng trabaho? Bawal ka ngang magpagod di ba?" tutol ko kaagad. Mahina ang puso
niya, kaya nga nang mamatay ang mga magulang namin sanhi ng isang aksidente ako
ang nagsakripisyong tumigil.
"Wala namang pinagkaiba iyon sa pag-aaral ko, eh. Sige na para hindi ko naman
inaaasa lahat sa'yo."
"At kung sakali? Ano namang trabaho ang papasukan mo?"
"Sewer. Si Tiyang Melba tinanong ko kagabi sa chat, may bakante raw. Di ba malaki
iyong patahian niya?"
"Ha? Eh, sa Cavite 'yon, ah? Saka diba masungit 'yon? Hindi naman tayo close sa
kanya, eh."
"Masungit lang yon pero hindi naman siya galit sa atin, ah? Hindi lang kasi natin
siya
nakasama noong maliliit pa tayo. Pero di ba noong namatay naman sina Nanay,
pumunta sila dito at nakiramay?"
"Tbig mong sabihin, luluwas ka pa ng Cavite para lang sa trabaho na 'yan? Ay naku
dito
ka na lang. Magpalakas ka, para makapanganak ka ng maayos. Iiwan mo pa ko?"
"Callie naman..sige na. Isa pa, hindi naman mabigat na trabaho iyon. Tsaka tiyahin
na tin "yon kaya nga sa kanya ako magtatrabaho para mapanatag ka. Mag-iipon lang
ako tapos babalik din ako dito. Isipin mo kapag nakapanganak ako, mas magastos.
Gatas, diaper, check up. Gamot ko pa, upa sa bahay, pangkain araw-araw. Hindi mo
kakayanin.."
"Magdodouble time ako. Magdidecember na, doble ang mga planong darating,
maraming overtime," katwiran ko pa. Ayoko talagang magkahiwalay kami, dadalawa
na nga lang kami, eh, tapos magkakalayo pa?
Mas nagngitngit tuloy ako kay Carpenter. Dahil sa kanya naka kaisip ng mga ganoong
bagay si Hailey.
"Callie, payagan mo na ko. Gus to ko naman kahit paano, mnaramdaman kong may silbi
ako. Na kaya ko ring tumayo sa sariling mga paa ko. Paano ako magiging nanay kung
hindi ko alam at nararanasan ang salitang sakripisyo?"
Natigilan ako. May bumikig na kung ano sa lalamunan ko. Kumurap-kurap ako para
pigilan ang luha ko.
"K Kailangan ba talaga?"
"Saglit lang naman, eh. Sige na. Baka namaya niyan mag-end na lang ang buhay ko ng
hindi ko pa nararanasan kung paano maging independent..."
"Hoy! Ano'ng mag-end ang life? Kilabutan ka!'Wag ka ngang magsasalita ng ganyan,"
saway ko at napakatok sa lamesang kahoy ng tatlong beses.
"Eh, wala namang permanente dito sa mundo di ba? Di natin alam kung ano'ng
pwedeng mangyari bulkas. Kaya habang may panahon pa ako, gagawin ko na 'yong mga
bagay na magbibigay kahulugan sa buhay ko."
Napahimas ako sa batok dahil kinikilabutan talaga ako sa sinasabi niya. Parang,..
tunog namamaalam itong kambal ko.
"Hailey, tama na 'tong usapan na 'to."
"Ah, payag ka na?"
"Pag-iisipan ko pa. Kumain ka na."
"Pumayag ka na. Saka hindi naman habang buhay nakasandal ako sa'yo. Paano kapag
nag- asawa ka na?"
Natawa ako sa sinabi niya.
"Wala sa isip ko 'yan. Magpapayamarn muna ako bago na 'yang love love na 'yan. Saka
ayoko nga."
"Bakit narnan ayaw mo?"
"Ayokong mainlove. Nakakatanga 'yon."
"Grabe ka naman. Ay ate wait lang, may ipapakita ako sa'yo. Diyan ka lang." parang
excited na sabi nito at nagtungo sa sala. Hinintay ko itong makabalik.
May iniabot siya sa aking papel.
"Nagpaultrasound ka?" maang na tanong ko nang makita kung ano'ng klaseng papel
ang iniabot niya.
"Oo! Hulaan mo kung ano'ng gender niya?"n
"Sira! Malay ko diyan. Ang dilim-dilim ng papel na 'yan. Eh, di gumastos ka pa?"
"Konti lang naman. May naitabi ako. Excited lang talaga akong malaman."
"O ano'ng gender iya?" naexcite ko na ring tanong.
"Baby boy!"
"O wow! At least paglaki niya may bodyguard tayo. Pero..wala ka ba talagang balak
ipaalam 'yan doon sa damuhong nakadisgrasiya sa'yo?" nanunubok na tanong ko.
Napansin kong nawala ang ngiti sa mukha niya.
"H-Hindi na lang siguro. Baka itanggi langniya, eh."
Natahimik ako. Tama si Hailey. Kanina nga noong puntahan ko si Carter, kantatanggi
siya, eh. Pero hindi ako papayag, Kailangan niyang panindigan si Hailey. o kahit
iyong
bata man lang.
"Oy..." bati ko kay Carter na akmang pasakay nasa magara niyang kotse.
Pinuntahan ko siya ulit.
"Kabayo!" napatalon ito sa gulat.
Pinigil kong matawa. Sa halip ay pinamewangan siya at nakachin up na hinarap
siya. Here I am nagpapanggap na naman akong si Hailey.
"Nerbiyoso ka pala?" komento ko.
"Ikaw na naman? Saka paanong hindi ako magugulat sa'yo? Sumusulpot ka na lang
bigla."
"Takot na takot ka talaga sa akin 'no?"n
"Hindi ba may usapan na tayo? Hangga't walang DNA wala akong pananagutan sa'yo?
Aaraw-arawin mo bang puntahan ako dito?"
"Lupit mo naman tsong. Alam mo siguro nga, nagsimula tayo sa bayaran pero hindi
naman nangangahulugan na wala ka ng pananagutan. Hindi kasama sa bayad mo na
maging Mommy ako ng baby mo DC."
"DC? Detachment commander?" maang na tanong niya.
"DC as in Daddy Carpenter."
"It's Carter." pagtatama na naman niya.
"Nye, Nye, Nye! O! Kunin mo 'to." abot ko sa kanya ng isang nakatiklop na papel.
"Ano 'to?"
"Buksan mo ng malaman mo."
Kunot noong sinunod niya ako.
"U-Ultarsound?"
"U-UU"panggagaya ko sa tono niya kaya napa tsk ito.
"Seryoso ba 'to?"
"Oo naman! More than three months na tiyan ko. Kaya nalaman ko na ang gender.
Baby boy." napangiti ng sabi ko. 2
Napansin kong natigilan siya at tahimik na pinagmasdan ang ultrasound. Marahil
hindi man niya aminin, naramdaman niya ang lukso ng dugo kahit na nga sa papel
palang niya nakikita ang anak niya.
"'Bakit mo ipinapakita sa'kin to? Nangongonsensiya ka ba?" paratang niya kaya
napabuga ako ng hangin.
"Hindi. Saka ang tanong, meron ka ba no'n? Pero char lang. Di kita kinukonsensiya.
Inaupdate lang kita kasi nga ikaw ang Daddy ng baby. Gets mo na DC? O sige na, kung
ayaw mopa rin maniwala, akin na 'yan. Alis na ko." paalam ko at akmang hahablutin
ang ultrasound paper pero iniiwas niya sa akin iyon.
"Sa akin na lang muna to." seryosong sabi niya at muling tiniklop iyon saka
ibinulsa.
Pinigilan kong mapangiti. Mukhang lumalambot na ang karpintero. Konting halibas na
lang lalambot din 'to.
"Fine. Ge, alis na ko."
"'Saglit lang." pigil nito kaya napalingon ako.
"0
"Number mo?"
"Ha?"
"Number mo. Para may contact ako sa'yo."
"Textmates?"
"Hindi ka ba magtitino? Sige na ibigay mo na."
+20 BONUS
"Oo na. Ito na," sabi ko at idinikta na ang number ko.
"Hailey di ba?" tanong pa niya nang ilalagay na ang pangalan ko sa contacts niya sa
cellphone niya.
"Ah..o-oo. Hailey. Hailey Calingasan." napapalunok na sabi ko.
"Okay..."
"Iyon lang ba? Sige alis na ko. Matatraffic ako pauwi, eh."
"Sumakay ka na. Ihahatid na kita." alok nito.
Sudden change of mood ang loko, ah.
"Ah, eh, wag na! Malayo, eh. Bye DC!" paalam ko at nagmamadaling umalis.
Sa ngayon hindi niya muna pwed eng malaman kung saan ako nakatira hanggat hindi
siya pumapayag na panagutan ang bata. Isa pa walang alam si Hailey sa ginagawa ko.
Kapag sigurado na kong pananagutan niya ang dinadala ni Hailey, saka ko sila
paghaharapin...

Chapter 4
Callie's POV
"Yaks. Kadiri itong mga babaitang ito!" dinig kong reklamo ng baklang kaworkmate at
best friend ko habang nakatingin sa cellphone niya. Coffee break namin kaya nasa
kantina kami ng kumpanyang pinapasukan ko at kumakain ng snacks.
"Ano na naman 'yan Renato?" puna ko at nakisilip sa touch screen phone niya.
Nanonood na naman ito ng mga nagtitiktok tapos mahahighblood.
"Makarenato 'to! Irene!" imbiyernang sabi niya sa akin na may kasama pang pagtulak
sa balikat ko. Sopistikadang bading ito. Makinis at maputi. Alagang kojic.
"Matapon'tong kape ko!" hampas ko sa känya.
wTingnan mo kasi, ang lalaswa nila. Eww lang!" tumirik pa ang mga matang sabi nito.
"Kadiri? Eh, parehas lang naman kayo, oh. Tumitirik din mga mata nila."
"Heh! May bagong challenge na naman kasing uso. Iyong banyo queen ni Andrew E.
Tas patitirikin ng mga babaitang 'to mga mata nila na akala mo ba inaano!"
"Sira ka talaga. Socmed ka nang socmed tapos feeling toxic narnan ang feels mo."
"Ba't kasi ganito mga babae ngayon? Parang mga wala ng respeto sa sarili? Tapos mga
teeners pa. Hubad kung hubad, paalog kung paalog ng dyoga nila, tapos kapag
nabastos, iiyak? Hihingi ng respeto? Eh, sila nga mismo wala sa sarili niyon. So
tanga!
Nabubuhay na lang for fame or gagawin lahat para sa fame. So ewww!"
Natawa ako at napailing.
"G na G ka talaga. Hayaan mo sila. Katawan nila 'yan. Sino bang napapahiya? Eh, di
ba
sila?"
"Oo nga pero di ba kaya tumataas ang crime rate like ra.pe, eh, dahil may mga
nagpapakita ng motibo tulad nila? Kucomment talaga ko dito! Ang lalandi nila.
Gaganda pero mga mukhang cheap."
"Huwag ka ng mamba sh. Di naman nila tayo inaano. Saka alam mo bakla, ganito lang
yan, kung hindi nila kaya irespeto sarili nila tulad ng sinasabi mo, tayo na lang
magbigay. Baka kasi di nila alam 'yon or di pa nila alam kung ano'ng ibig sabihin.
Saka
alam mo kung nasa katinuan talaga ang tao o yung mga lalaki, kahit ano'ng
panunukso diyan di 'yan gagawa ng masama. Sample na lang, iyong mga batang
naaabuso? Di ba wala pa namang mga sexy body mga 'yon pero napapagsamantalahan
pa rin? Kasi wala sa katinuan ang nanamantala," katwiran ko na ikinatahimik niya.
"Sabagay.." mayamaya'y nasabi nito.
"Di ba?" napapangiting aniya.
"Alam mo ikaw Callie, akala ko kadalasan wala kang pake sa paligid mo pero ang
totoo
pala you care.."
"Alam mo kasi beks as long as hindi naman tayo naaano o wala naman silang
natatapakan, wag na natin silang problemahin. Saka loka bilisan mo na diyan 15
minutes lang break natin." natatawang sabi ko at nilagok na ang kape ko.
Pabalik na kami sa kanya-kanyang cubicle nang tumunog ang cellphone ko.
"Una ka na. Sagutin ko lang to." tulak ko kay Irene.
"O bilisan mo. 3 minutes na lang time na," paalala nito kaya tuimango ako.
"Hello?" bungad ko nang masagot ko ang tawag kahit unknown number iyon.
"Hailey?" tanong mula sa kabilang linya. Pamilyar sa akin ang buong-buong boses ng
lalaking nasa kabilang linya.
"Sino 'to?"
"It's DC."
Bahagya akong natigilan. Si D..
"Daddy Carpenter?"
"Who else? Unless may iba ka pang binigyan ng pet name na 'yan?"
"Wala 'no. Ikaw lang naman Daddy ng baby, eh."
"Okay. Whatever you say. But it's Carter," pagtatama na naman niya.
"Whatever din. Mukhang feel mo naman 'yong DC, eh. O napatawag ka?"
"Just wanna make sure if your number really do exist."
Tsk. Bakit naman ako magbibigay ng fake number, aber?"
"Kita tayo.'"
"H-Ha?
"Halaman? Harmony? Hotdog?" pamimilosopo nito kaya naitirik niya ang mga mata.
"Ha? Usto mo hampasin kitang hammer?"
"Ano nga?" sumeryoso na ang boses nito.
"'Ano'ng ano? Labo mo kausap."
"Magkita nga tayo."
"Bakit?"
"Pakipot ka pa. Malamang pag usapan natin tungkol sa baby..."
"Naniniwala ka na?" pigil ang excitement na tanong ko.
"Hindi pa naman. Pero may nalaman ako."
"Ano 'yon?" interesanteng tanong ko.
"Advanced DNA test. I can geta paternity test even you are pregnant. Hindi ko na
kailangang maghintay na manganak ka para malaman ko kung sa akin ba talaga 'yan o
hindi."
"Paano?"
"Pupunta tayong DNA Diagnostic Center."
"Tapos?"
"Kukunan tayo ng sample"
"Ano'ng sample ang kukunin sa akin?"
"For the mother it requires only a blood sample. At dahil ako ang possible father,
simple cheek swab ang kukunin sa akin. Gano'n lang," malumanay na paliwanag niya.
"H-Hindi ba delikado?" nakaramdam ng kabang tanong ko.
Yari. Hindi ko na pwedeng patagalin itong pagpapanggap ko. Dapat talaga pagharapin
ko na sila ni Hailey. Kailangang masabi ko na kaagad kay Hailey.
"The test is completely non-invasive, only a blood sample is required from you.
There
is no risk to your pregnancy. I assure that."
"Teka nga, paanong dugo lang kailangan ang sa akin? Wala ng iba? Hindi na talaga
kailangan na ilabas ang baby?"
"Hailey, DNA from the baby is contained in the mother's blood stream. Kaya nga dugo
lang ang kailangan sa'yo."
"Okay...
MTeka dami mong tanong? Parang ayaw mo? Siguro hindi talaga sa akin yan?"
pagdududa nito.
"Ay hadoy! Sa'yo 'to. Sinisiguro ko lang na hindi papalpak 'yang DNA mo na 'yan.
Tingnan natin kung sino mapapahiya! Ano tara na? Now na!" hamon ko.
"Woah! chill ka lang"
"o kailan nga?"
"Maybe next week. May out of town event akong pupuntahan."
"okay. Tati."
HT'ati?" maang na tanong niya.
Thank you." paglilinaw ko.
"I see..save mo na 'tong number ko. Just keep your line open so we could keep in
touch.
"Oo na. Babu!"
At pinatay ko na ang tawag. Hindi ko mapigilang mapangiti. Mukhang nagbago na nga
ang ihip ng hangin. Masaya ko, masaya ko para kay Hailey. Mukhang nagbunga ang
pangungulit ko at medyo nakukumbinsi ko na ang Carter na iyon. Kapag nagkataon
magiging masaya si Hailey.
Nang makauwi ako ay magaan ang pakiramdam ko, ngiting-ngiti pa nga ako nang
pumasok, eh.
"Hailey?"" tawag ko sa kakambal ko pero walang sumasagot.
"Kambal? Yuhoo.." tawag ko ulit habang nagtatanggal ng sapatOs.
Nagtungo ako sa kusina dahil nauuhaw ako.
"Hailey?" tarantang nilapitan ko siya nang makitang nakadukmo siya sa lamesa.
Hawak ang dibdib.
Itinunghay ko siya at napansin kong parang hinahabol niya ang paghinga. Inalis ko
ang mga buhok na nakatabing sa mukha niya. Namumutla din siya.
"A-Ano'ng nangyari? May masakit ba sa'yo?" kumakabog ang dibdib na tanong ko.
Baka sinusumpong na naman ito ng sakit nito sa puso. May coronary heart disease si
Hailey. Makikipot ang daluyan ng dugo nito sa baga kaya nahihirapan ang puso nito
sa
pagfunction.
"W-Wala. Mainit lang. Medyo napagod din ako sa paglilinis ng bahay."
"Eh, bakit kasi kilos ka nang kilos? Uminom ka na ba ng gamot?"
"U-Ubos na, eh.."
"Ha?! Di ba sabi ko 'wag kang magpapaubos? Teka bibili lang ako sa drugstore baka
bukas pa."
"H-Huwag na, hindi ko pa kasi alan kung pwede pa akong uminom. Baka makaapekto
sa baby ko,"
Natigilan ako at napahilamos sa mukha. Natatakot ako para kay Hailey. Hindi ko kaya
kapag may nangyaring masama sa kanya.
"Magpapacheck up tayo. Maglileave ako bukas."
"Okay lang ako Callie."
"Okay? Eh, halos mamilipit ka na diyan."
"Gastos lang 'yan, eh."
"Kaya nga ako nagtatralbaho para mabuhay tayo, tapos iintindihin mo ang gastos?
Final na. Papacheck up tayo bukas."
"Sige na. Wala na kong sinabi," ngumiti ng sabi nito.
"Magpahinga ka na. Ako na ang magluluto," inalalayan ko na siya papasok ng kwarto
namin.
Binuhay ko ang electric fan at itinutok sa kanya. Nakatulog kaagad siya.
Napabuntong
hininga ako. Kung bakit naman kasi, siya pa ang tinamaan ng sakit na iyon?
Nagtungo na ako sa kusina. Wala namang ibang laman ref namin kundi talong, itlog,
paano ba naman kami magiging healthy nito? Lalo pa si Hailey. Kung marami lang
talaga kaming pera walang problema.
Tortang talong para sa buhay naming hilong talilong!
Patapos na ko magsaing nang maramdaman kong may tao sa likuran ko.
"O bakit bumangon ka na?" usisa ko kay Hailey nang makitang nakatayo na siya.
"Ang kulit kasi nitong cellphone mo, nay tumatawag. DC ang name?" pakita niya sa
akin ng cellphone. Nanlaki ang mga mata ko nang makita nga ang word na DC
calling...
Kinuha ko kaagad sa kanya iyon. Iyon ang inilagay kong pangalan ni Carter. DC.
Akmang pipindutin ko na ang answer key pero namatay naman. Nainip siguro. Kaya
nagcallback ako.
"Sino'ng DC 'yan Callie?" usisa niya.
"Ah, eh..si Do.Dodong Charing," muntik nang mapangiwing sagot ko habang
pinapakinggan na nagriring sa kabilang linya.
"Dodong charing?" maang na tanong niya.
"Oo. New workmate. Dodong charing. Bading to, eh. Haha."
"Hello?" bungad sa kabilang linya. Sumagot na ang magandang boses ni Carter.
"Hello Dodong Charing. Natawag ka?
"Anong dodong charing?" takang tanong ni Carter.
"Saglit lang Dong, choppy ka bakla. Labas lang ako. Hina signal dito"
Sumenyas ako kay Hailey na pakipatay ang sinaing at tumango naman siya. May
pagmamadaling lumabas ako ng bahay.
"Hello? Carpenter?" untag ko.
"Ano'ng tawag mo sa akin kanina? Dodong Charing?"
"Charot lang 'yon."
"Eh, yong bakla?"
"Ewan ko," maang-maangan ko.
"Of all people ikaw dapat naka kaalam na hindi ako bakla, tatawagin mo ba kong DC
kung wala akong kinarpintero diyan sa tiyan mo?"
"Heh! Ano bakit ka tumawag?"
"About sa DNA. Kung sakaling di matuloy ang out of town event na pupuntahan ko,
baka pwedeng bukas na natin gawin?"
"Real quick?"
"Ayaw mo?"
"Hindi no, "
"Eh, kung sakali lang naman hindi matuloy. Para matapos na rin 'to."
"Alam mo 100 percent sure akong sa'yo 'to. Para sakin formality na nga lang ang DNA
na 'yan. Ngayon, kapag napatunayan ko na ng harap-harapan sa'yo na iyo 'to, ano
balak mo?"
"Pakasal tayo..."
"Speedy. Real quick. May lakad? Agad?" muntik ko nang mabi tawan cellphone ko sa
sinabi niya.
Narinig kong napahalakhak siya sa sinabi ko.
"Biro lang. We barely know each other. Pero sa ngayon isa lang ang nasisiguro ko.
Kapag napatunayan kong sa akin talaga ang bata, ibibigay ko ang pangalan ko sa
kanya. Pananagutan ko," seryosong sabi niya kaya napangiti ako nang maluwang.
Kinilig ako para kakambal ko.
Mission accomplished! Magiging masaya na si Hailey!
"Cal! Tara kakain na, lalamig ang talong." tawag ni Hailey mula sa loob.
"0o! Susunod na! Wait," sabi ko habang nakatakip ang kamay sa cellphone.
"Andiyan ka pa?" untag ni Carter.
"Oo. Sige salamat..long live talong," nasabi ko.
"Ano'ng long live talong?"
"L-Long live, mabuhay ka! 'Yon!" paliwanag ko. Jusko naman mali-mali talaga ko.
"Eh, yong talong?" parang aliw na tanong pa niya. Parang nalkikita ko ang malokong
ngisi sa mukha niya.
"Ulam ko 'yon. Ge na babye! Salamat uli!"
Nang matapos ang tawag ay halos patakbo akong bumalik sa kusina. Naghahain na si
Hailey. Hindi ko napigilang yakapin siya at pisilin ang pisngi sa sobrang tuwa!
"Oi bakit?"maang na tanong niya.
"Woo! Mission accomplished ako!"
"Ano'ng mission accomplished ka?"
"Basta! Kung sakaling matutuloy bukas, aayusan kita. Ipapakilala kita kay DC!"
"Sino'ng DC? Si Dodong charing na workmate mo?
"Oo!"
"Eh, bakit aayusan mo pa ko? Wag mong sabihing irereto mo ko, eh, di ba sabi mo nga
bading yon?"
"Basta! Kapag nakita mo siya matutuwa ka."
"Bakit naman?"
"Secret! Surprise!" halos mapatalon ng bulalas ko.
"Naguguluhan ako sa'yo."
"Basta magiging masaya ka. Iyon ang importante.." ngiting-ngiting tapik ko pa sa
ulo
niya.
"Ikaw talaga. Palagi mo na lang a kong iniisip.." may sumungaw na luha sa mga mata
niya.
"Oi wag kang iiyak diyan. Tara na lang kumain ng walang kamatayang talong " hatak
ko sa kanya sa mesa.
"Ang walang kamatayang talong!" sabi pa niya at itinaas ang tortang talong.
"Long live talong!" sakay ko kaya nagkatawanan kami.
Masaya kaming kumain. Makita ko palang masaya si Hailey, masayang-Tmasaya na
rin ako.

Chapter 5
Callie's POV
"Shortness of breath, Feeling faint, chest pain. Mukhang hindi na giging maganda
ang
lagay mo Miss Calingasan. Tatapatin ko na kayo, there is a high riskof dea th
during
pregnancy and child birth for your condition. If you are decided na ituloy ang
pagbubuntis mo, 1Il be honest with you, there's only 50 percent chance that you can
survive," seryosong sabi ng doktorang tumitingin kay Hailey.
Parang kulog sa pandinig ko ang sinabi ng doctor. Nilukob ng kilabot ang buong
katawan ko. Halos tulala naman si Hailey at hindi makapagsalita.
"Doc...sinasabi niyo po ba na possible na iterminate ang pregnancy para
mabuhay ang kapatid ko?" nakuha kong itanongmatapos makabawi sa pagkabigla.
Napabuntong- hininga naman ang doktora.
"Sa totoo lang I don't agree with abortion unless there are very extreme
circumstances, tulad nga nitong sa kakambal mo. Kaya lang imposible 'yan dito sa
batas ng Pilipinas. Abortion is illegal under all cirmcunstances.."
"S-Sinasabi niyo po ba na wala talaga kaming choice kundi maghintay ng 9
months para mailabas ang bata kahit nasa hukay ang isang ng kapatid ko?" kulang na
lang ay manginig na tanong ko.
"I'm sorry all we can do is hope for the best na makayanan niya ang
panganganak."
Napakagat labi ako para pigilan ang mapahikbi. May posibilid ad na mawala sa
akin si Hailey. Gusto kong magwala. Bakit naman ganito? Halos wala kaming kibuan ni
Hailey nang matapos ang consultation. Marahil mabigat din ang kalooban niya dahil
sa gipit na sitwasiyon namin. Naupo kami sa isang bench sa labas ng ospital na
iyon.
Nakatulala kami pareho sa malakahel na kalangitan. Kakatapos lang umulan.
"Hailey, gusto mo bang humanap ako ng..underground doctor?" basag ko sa
katahimikan saka tumingin sa kanya.
"A-Ano'ng ibig mong sabihin?" parang ayaw niyang tanggapin ang sinabi ko.
"Alam mo ang magiging kumplikasiyon kapag isinilang mo ang bata."
"S-Sinasabi mo bang patayin ko ang batang 'to? Ang anak ko. Na pamangkin mo!
Naririnig mo ba ang sarili mo Callie? Kasalanan din sa Diyos ang gusto mong ipagawa
sa akin.'" tumaas ang boses na tanong niya.
Napayuko ako at nangilid ang luha. Ang sama ko. Pamangkin ko pinagbabalakan
ko ng masama?
"S- Sorry natatakot lang ako sa magiging kahihinatnan mo. Paano kung hindi mo
kayanin?P-Paano na ko?"
Natigilan siya at nangilid na rin ang luha. Suminghot siya para pigilan ang pag-
iyak. Nagsisikip ang dibdib ko sa sitwasiyon namin ngayon.
"N-Natatakot rin ako Callie Sino bang hindi? Parang kabuntot ko langsi
kamatayan. Pero di ba sabi naman ni Doc may 50 percent chance pa rin naman na
makasurvive ako? Susugalan ko 'yon. Ayokong ipatanggal ang baby ko. Ayokong
dumating ang araw na palagi kong tatanungin ko ang sarili ko kung ano kayang itsura
niya kung hinayaan ko siyang mabuhay? Ano kayang feeling ng maging Mommy?
Dugo't laman natin siya Callie. Pamilya."
ka!"
"Pero paano kung hindi mo kayanin? Maiiwan akong mag- isa. Ayokong mawala
"Sisikapin kong hindi mangyari 'yon. Sa ngayon mas kailangan ko ang suporta at
pang-unawa mo. Bubuhayin ko siya."
Ako naman ang napasinghot at marahas na pinunasan ng braso ang luhang
umalpas sa mga mata ko. Wala pa man at isipin ko palang ang posibleng malagim na
kapalaran ng kakambal ko parang mababaliw ako.
"'Kung narami lang akong pera, eh.." himutok ko.
"Eh, kaso hindi. Ganito talaga ang buhay, eh. Unfair. Hindi siya makikiayon
sa'tin. Tayo ang mag- aadjust. At ito ang pinipili kong kapalaran Callie."
"B-Basta ipangako mong mabubuhay ka...kayanin mo," sabi ko at hinawakan pa
ang kamay niya.
Bahagyang sumilay ang ngumiti sa mga labi niya.
"Kakayanin ko para sa inyo ng anak ko. Maniwala ka," tugon niya at pinunas an
pa ang luha ko.
"Ang ganda ng rainbow, " turo ko sa bahaghari na gumuguhit sa kalangitan.
"Natatandaan mo noong mga bata pa tayo, kapag sumusulpot ang rainbow
tuwang-tuwa ka. Sabi mo pa nga hope ang ibig sabihin niyan."
Napangiti na ako sa sinabi niya.
"Oo, pag-asa na maging masaya. Kasi makakapaglaro na ulit tayo sa labas.
Hinihintay nating matapos ang malakas na ulan tapos kapag sumulpot na ang
rainbow, nag-uunahan na tayong makalabas ng bahay at magiging masaya na tayo..."
"Siguro sign na rin "to."
"'Sign na ano?" maang na tanong ko.
"Sign na may pag asa pa tayo. May pag asa pa ko. Nandiyan ang rainbow, oh.
Maniwala na lang tayo sa kanya."
"Aasa talaga tayo sa bahaghari? Hindi na tayo bata no."
"00 nga pero wala namang masama, ah. Basta ako nainiwala na hindi ako
pababayaan ni God. Anumang mangyari, bahala na siya sa akin. Lahat naman may
dahílan, eh."
Napabuntong hininga ako at hinawakan ang kamay ng kambal ko.
"Kung pwede lang ako na magbuntis para sa'yo, eh," sabi ko na ikinatawa niya.
"Hindi na kailangan kasi kakayanin ko. Saka ano ka ba? Susunod ka ba sa yapak
ni Virgin Mary?" biro pa niya kaya balhagya na akong napangiti.
"Sorry..."' sa halip ay paumanhin ko.
"Sorry sa?"
"Ang tanga kasi ng idea ko kanina. Nagresort ako sa abortion."
"Okay lang. Gets kita. Ayaw mno lang ako mawala, " nakangiting aniya at tinapik-
tapikpa ang balikat ko.
MTalaga! Bawal mamatay, ah?"
"Oo. Promise mabubuhay ako," iniangat pa nito ang kanang kamay.
Nagyakap kami, naputol lang nang tumunog ang cellphone ko
"Saglit lang," paalam ko at inilagay pa ang hintuturo sa labi ko.
DC calling..
Iyon ang nakita ko sa LCD ng screen ng phone ko. Dagli ko iyong sinagot.
"Hello?" bungad niya.
"O?" maiksing tugon ko.
"Where are you? I'm already on my way..
Ngayon nga pala 'yong schedule na magpapatest sila ni Hailey. Tapos di ko pa
nasasabi sa kakambal ko.
"Hey? Are you there?" untag niya.
"0o! Papunta na rin" halos angil ko dahil bigla akong natense.
"Sungit mo, ah? Naglilihi ka pa rin ba?" tatawa-tawang tanong nito mula sa
kabilang linya.
"Lihi mo mukha mo."
"May gusto kang ipadala sa'kin?"
"Ano'ng ipapadala?"
"Baka lang kako may gusto kang kainin para madala ko, may madadaanan akong
convenience store."
Natigilan ako sa sinabi niya. Medyo thoughtíul pala itong si Carpenter.
Napatingin ako kay Hailey. Nakatingin siya sa akin habang nilalantakan niya iyong
eden cheese na nasa lkahon. Binaon talaga niya. Iyon na yata ang kinahumalingan
niya
magmula nang mabuntis.
"Kung seryoso ka, dala kang keso. Tati. Babu!" paalam ko at pinatay na ang
tawag.
"Sino 'yon?" maang na tanong ni Hailey habang pinapapak ang keso.
HSi DC.
"Dodong Charing?"
"Yup. O sige umayos ka ng upo. Make up-an kita ng konti. Imimeet natin si DC."
ngiting-ngiting sabi ko at inilabas ang press powder ko sa bag at ang aking pinky
lipstick.
"'Bakit aayusan mo pa ko? Bading naman 'yon, ah? Tatalbugan ba natin siya sa
beauty?" maang na tanong niya habang nilalapatan ko ng lipstick ang labi niya.
"Oily ka na ghorl. Basta. Trust me. Matutuwa ka kay DC." umaangat-baba ang
kilay na sabi ko.
"Bigla akong nacurious kay Dodong Charing na 'yan."
"Mamaya hindi ka na makucurious. Tara na!" hatak ko sa kanya patayo.
Sumakay kami ng jeep papunta sa meeting place namin ni Carter.
Teka bakit nasa DNA center tayo?" maang na tanong ni Hailey nang makarating
kami doon.
"Basta. Teka tago!" hinila ko siya sa isang sulok malapit sa gate.
Nakita kO na kasi ang kotse ni Carter na papasok.
"Hoy ang weird mo na. Ano ba kasing meron??" nakakunot noo na si Hailey.
Tìngnan mo kung sino ang bababa sa kotse." nguso ko sa kotse ni Carter.
Eksakto pababa na ang loko.
Kitang- kita kong halos malaglag ang panga ng kakambal ko. Pumitik ako sa
harap niya ng dalawang beses dahil natulala siya.
"Callie, bakit nandito siya? B- Bakit nandito tayo?" banaag sa mukha niya ang
pagkalito.
"Patutunayan mo sa kanya na siya at wala ng iba pa ang Daddy ng baby mo.
Magpapatest ka at siya kaya nandito tayo ngayon. Pero hindi na ako halharap sa
kanya.
Kayong dalawa lang"
"Pero paano'ng nangyari 'yon? Di ba sabi ko hindi na niya kailangang malaman?"
"Ugok. Hindi naman pwede 'yon. Siya ang tatay, eh. Saka mukhang willing
naman siya, eh. Kaya nga humihingi siya ng paternity test para kung sakaling totoo
pananagutan ka raw niya. Saka ko na ipapaliwanag kung paano ko siya nahagilap at
nakumbinsi. Basta harapin mo siya."
"Ibig sabihin siya 'yong kausap mo? Si DC? Dodong Charing?"
Natawa ako at tumango.
"Oo. Ang totoo niyan Daddy Carpenter talaga meaning ng DC. Basta Hailey chill
ka lang. Baka mamaya sa kanya ka pa atakihin." biro ko habang inayos pa ang buhok
niyang sinalipadpad ng hangin kanina sa jeep.
"K-Kinakabahan ako." halata nga ang pagkatense niya.
"Sshhh. Relax ka nga lang-" naputol ako nang tumunog ang cellphone ko.
Iniangat ko ang cellphone ko at iniharap sa kanya. Iniloud speaker ko pa iyon para
marinig ni Hailey.
"Hello?" bungad ni Carter.
"O?"
"Puro ka na lang 0, tipid mo sa hello. Dito na ko, saan ka na?"
"Kita na kita, wait lang." pinatay ko na ang tawag at muling hinarap si Hailey.
Bahagya ko pang iniikot si Hailey papunta sa direksiyon ni Carter.
"Go!" ngiting-ngiting bahagyarng tulak ko kay Hailey papunta kay Carter.
Humakbang siya pero nakakailang steps palang si Hailey nang pumihit siya pabalik sa
akin.
"O bakit? Sige na puntahan-" naputol ako nang bigla niya akong yakapin.
Thank you kambal! The best ka talaga! Di mo alam kung gaano ako kasaya ngayon
Thank you! Thank you! Promise babawi ako sa'yo."
Natawa ko at tinapik-tapik siya sa likuran.
"Huwag ka ng magdrama. Saka na ang bawi-bawi na 'yan, Basta be happy and r'l be
more than happy! Alam kong masaya ka ngayon kasi makakasama mo na ulit daddy ng
baby mo. At masayang-masaya ako para sa'yo. Kaya go ka na. Baka mainip pa yan at
magbago ang isip. Sayang pagigign tulay ko. Text text na lang tayo kapag pauwi ka
na. "
Kumalas siya sa akin at tama ang hinala ko. Umiyak na naman siya. Mabilis kong
pinunasan ang luha niya.
"Sige na. Bilis!" naiexcite na sabi ko kaya lumakad na siya.
Nakangiting kumaway siya kaya nagthumbs up ako.
Goodluck!" ngiting- ngiting sabi ko habang nakatanaw sa kanya palapit kay
Carpenter.

Chapter 6
Carter's POV
Napangiti ako nang makita si Hailey na naglalakad palapit sa'kin.
Di ko maiwasang mapatitig sa kanya.
Kumbinasiyon ng puti at asul ang kulay ng simpleng sleeveless na bestidang suot
niya.
Above the knee lang ang bestida kaya litaw ang makinis at naputing nga binti niya.
Nakaflat shoes naman sa paa.
Sinasalipadpad ng harngin ang nakalugay na buhokniya.
Siya ang depinisiyon ng babaeng simple pero maganda..
"H-Hello. " kimi ang ngiting bati niya sa'kin nang makalapit.
Umangat ang sulok ng labi ko at napangiti.
"Sa wakas narinig ko rin ang matamis mong hello. Alam mo naman pala 'yon." biro ko
pa.
"Ha?" maang na tanong niya.
"Hamburger?"
"H-Hindi naman ako gutom.."
Unti-unting napalis ang ngiti ko, mukhang hindi niya nakuha ang biro ko.
Samantalang dati sumakay siya tungkol sa 'HA' joke.
Hahampasin pa nga niya raw ako ng hammer. Tapos ngayon...
"Nevermind. Halika na," sumeryoso ng yakag ko.
Sumunod naman siya nang lumakad ako papasokng DNA center.
"3-5 days pwede niyo na pong makuha ang resulta ng DNA, Mr. Hyun," nakangiting
sabi sa akin ng nag- assist sa amin ni Hailey.
Nakuhanan na kami ng mga sample ni Hailey.
"Okay. Thank you."
Niyakag ko na si Hailey palabas.
Tahimik siya at parang naiilang pa sa'kin dahil hindi siya makatingin ng diretso.
"Okay ka lang ba?" untag ko.
Ngumiti naman siya. Bagay na hindi niya ginawa sa akin noong mga huling pagkikita
narnin.
Palagi kasi siyang nakasimangot at nakachin up pagkausap ako.
Tapos ngayon parang halamang makahiya. Salang makanti, titiklop.
Naiba yata ang ihip ng hangin at medyo bumait siya sa akin ngayon.
"Oo naman. Okay lang ako," sagot niya.
"May malapit na mall dito, gusto mo munang pumasiyal?"
Napansin kong namilog ang mga mata niya sa sinabi ko.
"H-Hindi pa tayo uuwi?"
"Ikaw gusto mo na ba?"
"Eh, kung hindi diyahe sa'yo, okay lang na magmall tayo?"
"Siyempre hindi. Ako ang nag- aya di ba? Kaya tara na."
Iginiya ko siya papuntang kotse ko.
Pinagbuksan ko siya ng pintuan bago ako pumwesto sa driver's seat.
Magsiseatbelt na sana ko nang may maalala ko.
Dumukwang ako sa likuran at kinuha ang isang supot.
"Ito nga pala 'yong bilin mo," nakangiting sabi ko at marahang inilapag sa
kandungan
niya iyon.
"A-Ano 'to?"
"Keso."
"Bakit ka bumili?
"Ha? Di ba sabi mo kanina noong katawagan kita, keso ang pinaglilihian mo?"
"Ah...o-00 nga! Keso. Si Callie talaga.."
"Ano 'yon?" paglilinaw ko dahil halos pabulong na lang iyong huling sinabi niya.
"W-Wala. Sabi ko salamat. Tingnan ko na, ah?"
"Sige lang," tango ko at pinastart na ang kotse.
"Ang dami nito, ah? 3 kahon tapos iba't-ibang brand?"
"Di ko kasi alam kung ano'ng trip mo kaya kumuha na lang ako ng different brand
para sigurado. May tumama ba?"
"Uhm mneron. Itong Eden. Pero kakainin ko rin 'tong ma gnolia at kraft kasi masarap
din 'to, eh Thank you talaga," ngiting-ngiting sabi niya kaya napangiti rin ako.
"Welcome."
Nang makarating kami sa mall ay pinagbuksan ko ulit siya ng pintuan.
"Sa'n mo gustong magmerienda? SB? Coffee?" tanong ko nang madaanan namin ang
starbucks.
"B-Bawal ako sa kape. Nagpapalpitate ako. Sorry." apologetic na tanggi niya.
"I see. Sige dito na lang tayo. Maraming drinks na pwedeng pagpilian, hindi lang
kape.
"turo ko sa isang resto.
"Café france? Baka mahal diyan. Jollibee na lang."
Napangiti ako.
"My treat. Malayo pa dito yung jollibee. Gutom na rin ako."
"Sige ikaw bahala. Thank you."
Nakahanap naman kami ng bakanteng mesa ni Hailey.
May nag-abot ng menu kaya nagscan na ko ng pwedeng orderin.
"May napili ka na?" untag ko nang makapili na ko.
"Uhm medyo hindi ako familiar sa menu kaya hirap ako pumili.."
"Gusto no ako na lang pumili para sa'yo?"
Ngumiti siya at tumango.
"Masarap 'yong spaghetti bolognese at kani salad nila dito. Okay sa'yo 'yon?"
"'Sige."
Ngumiti ako at tumawag na ng server.
"Okay ba?" usisa ko nung dumating 'yong order namin.
"Uhm tama ka masarap," sagot niya matapos matikman iyon.
"Glad you like it, " sabi ko at sumimsim ng kape.
Hindi ko maiwasang pasimpleng tingnansiya habang kumakain. Kung pagbabasehan
ko ang huling encounter namin at ngayon, masasabi kong parang may iba.
Noong mga huling encounter namin, makaras siya kumilos, parang di babae.
Nananapak pa
Sumakit talaga nguso ko sa kanya. Lakas mambigwas.
Wala ring kalambing-lambing sa boses kurng makipag-usap lalo nasa cellphone.
Palaging nakaangil. Simpleng hello di masabi.
Tapos ngayon, medyo nag-iba ang demeanor niya. Low pitch. Parang hiyang hiya
ding kausapin ako.
Samantalang nung huli, kung talakan ako wagas. Walang filter-filter. From being,
outspoken.. ang hirap na niyang basahin ngayon dahil bihira siyang mgsalita.
Mas naging refined din kumilos. Parang mas naging lady like tulad nung unang bes es
kaming nagkita.
Nahiya na nga akong biru-biruin siya.
Kakaiba din ang isang 'to. Pwedeng maging Maria Clara at the same time amasona.
Wala sa sariling natawa ko nang maalala kong sinapak niya ko sa nguso. Ang tapang.
Pero ngayon parang di makabasag pinggan.
"C-Carter bakit ka natatawa? Mukha ba kong clown?" namumula ang magkabilang
pisnging tanong ni Hailey nang mapunang natatawa ako.
"Hindi, hindi. Natatawa lang ako sa ginawa no dati."
"Ginawa ko dati?" maang na tanong niya.
"Oo. Di ba sinapak mo ko sa nguso Ang tapang mo nun, gigil na gigil ka sa'kin. Wala
ng space 'yong kilay mo dahil sobrang salubong." pigil ang tawang sagot ko.
Mukha kasi siyang angry bird nun. Cute kahit galit.
"G-Ginawa ko 'yon?!"
"Oo. Nakalimutan mo na ba? Hindi ka rin siguro makapaniwala. Well ako rin, by
looking at you now hindi rin ako makapaniwalang gagawin mo 'yon."
"S-Sorry. Gusto ko na ngang kalimutan 'yon."
"Okay na 'yon. Nadala ka lang siguro ng emotion mo, kasi nga akala mo hindi kita
pananagutan."
"Uhm Carter, pwedeng magtanong?"
"Sure thing," sabi ko at ibinaba ang tasa ng kape.
"B-Bakit ka nga pala napapayag na magpatest ngayon? Di ba nung una duda ka na sa
iyo 'to?"
Napabuntong hininga ko bago nagsalita.
"Ayoko kasi ng mga what if's sa buhay Hailey. Ayokong may pagsisihan sa huli. Ayoko
ng mga tanong na walang sagot. Kaya hangga't may pagka kataon na itama ang mali,
bigyang linaw ang malabo, gagawin ko."
Napansin kong ang lawak ng ngiti niya sa sinabi ko.
"Bakit ganyan ka na lang makangiti?" usisa ko.
"Wala lang..nakakatuwa ka kasi. Akala ko talaga hindi mo na ko bibigyan ng chance
na
patunayan sa'yo na anak mo talaga 'tong dinadala ko."
MTo be honest nung nakita ko 'yong ultrasound na binigay mo, parang may
naramdaman ako. Kahit na ultrasound palang 'yon parang may nagtutulak sa' kin na
alamin ang totoo. Iyong sinasabi nilang lukso ng dugo..."
"Ibig sabihin kahit papaano pala naniniwala kang sa'yo 'to?"
"Oo nanan. Kaya nga pumayag ako. Siguro 70-30."
70-30?"
"Yes. 70 percent naniniwala akong, akin 'yan. 'Yong 30 percent na pagdududa ko
ipupulfill ng DNA." diretsong sagot ko.
"Hindi rin naman kita masisisi kung may doubt ka. Siyempre hindi maganda ang
pagkakakilala natin..." napayuko pang sabi niya.
"Sorry kung nagdududa pa rin ako. At nahusgahan kita nung una. Pero naniniwala
akong hindi ka masamang tao. Ginawa mo lang 'yon dahil kailangan..."
Tama ka. Kung may ibang option hindi ko gagawin'yon."
Tell me, what do you do? Imean ano'ng pinagkakaabalahan mo ngayon?" curious na
usisa ko.
Gusto kong makilala tong possible Mommy ng anak ko.
"Student. "
"Sht. Minor ka ba?" halos nanlaki ang mga matang palatak ko.
Natawa siya at umiling-iling
"Hindi. 22 na ko. Dapat last year pa ko graduate. Kaso financial probl emn medyo
patigil
-tigil."
"Ah...good," napatango-tangong reaksiyon ko at napainom pa ng tubig,
Akala ko na kadisgrasiya na ako ng menor de edad. Baby face pa man din ang isang
'to.
"Ikaw? lang taon ka na?" tanong naman niya.
"26. Sino nga palang kasama mo sa bahay? Mahirap para sa kalagayan mno ngayon ang
nag iisa,"
"Sister ko."
"Siya 'yong dahilan kung bakit mo nagawa 'yon di ba.?"
Malungkot siyang ngumiti at tumango.
"Hindi ko kasi siya pwedeng pabayaan, eh. Magmula kasi nang mamatay ang mga
magulang namin, siya na ang sumalo sa lahat. Huminto nga siya sa pag-aaral at
nagtrabaho para makapagtapos ako. Saka na lang daw siya. Ako muna. Lagi niya kong
inuuna sa lahat ng bagay. Kaya nga nung nalagay siya sa alanganin, gumawa ako ng
paraan. Kahit na hindi magandang solusiyon ang naisip ko, basta mailigtas ko siya
at
makabawi naman kahit papaano. Swerte ko kasi siya ang naging kapatid ko."
mahabang kwento niya.
"Actually, you are both lucky to have each other. Kaya niyo kasing magsakripisyo
para
sa isa't-isa." komento ko.
"Maswerte ko kasi nandiyan siya. Siya na lang ang meron ako, eh."
"Sabagay. Ano nga palang pangalan ng sister mo?" hindi mapigilang tanong ko. Para
kasing napakabuting tao nung kapatid niya kung purihin niya.
"Ah si Callie," nakangiting sagot niya.
"Sino'ng mas matanda sa inyo?"
"Ah...ano-"
Naputol siya sa pagsasalita nang tumunog ang cellphone ko.
"Excuse," paalan ko kay Hailey matapos kong dukutin ang cellphone sa bulsa ko.
"Hello?" bungad ko sa unknown number na caller.
"Carter..." isang mahinang tinig pero kilala ko kung sino.
"Krisha?"
"I'm glad kilala mo pa rin ako. I'm sorry..."
Napapikit ako. Girlfriend kong bigla na lang nawala. Di ko alam kung kami pa ba
dahil
wala naman siyang paalam nang umalis siya. Wala rin akong ideya kung nandito pa ba
siya sa Pilipinas. Halos kalahating taon ng wala kaming contact.
Pero naalala ko, nagtext pa siya sa'kin na kalimutan ko na raw siya. Parang lukot
na
papel niya kong itinapon, kaya masama ang loob ko sa kanya.
"Nagparamdam ka?" malamig na bulalas ko.
"Saka ko na ipapaliwanag, Ang gusto ko lang, marinig ang boses mo."
"May problema ka ba?" hindi na maitago ang pag- aalalang tanong ko.
Nahimigan ko kasi ang lungkot sa tinig niya. Malayo sa masiglang Krisha na kilala
ko.
Kaya alan kong may problema siya. We've been together for almost two years kaya
kilałá ko na siya.
Siya lang ang tumagal sa mga naging girlfriend ko kaya masakit sa akin ang bigla
niyang pagkawala.
I tried to find her pero walang makapagsabi sa akin kung nasaan siya. Kaya malaking
surpresa para sa akin ngayon na tawagan niya ko.
"I miss you so much." malayong sagot niya.
Nahimigan ko rin ang pagpiyok ng boses niya.
"Krisha, come on tell me."
"I-I'll call you again. Bye. I-Ilove you..."
"I still love you.." seryosong sagot ko.
Naputol na ang tawag
"'Sorry about that." nahihiyang sabi ko kay Hailey.
Matipid lang siyang ngumiti.
"Girifriend mo?"
"I guess?" alanganing sabi ko. Sa himig ní Krisha parang gusto niyang
makipagbalikan.
"Ah...t-thank you sa merienda, pero kailangan ko ng umalis. Baka mahirapan pa kong
sumakay pauwi, malapit na ang rush hour," paalan niya at tumayo na.
"Ihahatid na kita," volunteer ko habang naglalabas ng pera sa pitaka para pambayad.
"H-Hindi na. Kaya ko na. Baka maout of way ka pa. Salanat uli," bahagya pa siyang
yumuko at nagmamadali ng lumabas ng restaurant na iyon.
Napasandal na lang ako sa upuan at nahabol siya ng tingin.
Napabuga ako ng hangin. Nagmukha na yata akong cheater sa tingin ni Hailey.
Pero technically wala akong girlfriend nang may nangyari sa anin. Iyong nangyari sa
amin ni Hailey it wasn't intentional. Sa sobrang lungkot ko sa pagkawala ni Krisha,
nangyari ang hindi dapat mangyari sa amin ni Hailey.
Ang malupit nagbunga pa. Kung may balikan ngang magaganap sa amin ni Krisha
matanggap niya kaya kung sakaling malaman niyang magiging Daddy na ko? Pero
hindi naman siya ang Mommy?
Hindi ko naman pwedeng talikuran ang bata kapag napatunayan kong akin talaga
iyon. Mas matimbang pa rin ang dugo sa lahat. Bahagi ng pagkatao ko ang magiging
anak ko, kaya hindi ko rin ito basta pwedeng isuko kung gusto man akong balikan ni
Krisha.
Ito talagang si problema kapag dumating, hindi lang isa, madalas kambal-kambal pa.
Good luckna lang sa akin.

Chapter7
Callie's POV
Palinga-linga ako sa glass window ng Mcdonal ds na tinatambayan ko. Ilang saglit pa
nakita ko na si Hailey na papasok, kaya kumaway na ko para makita niya kung saan
ako nakapwesto.
Nasa mall din ako kung saan sila 'nagdate' ni Carter after nilang magpakuha ng
sample for DNA.
"O ano kamusta?" excited na tanong ko at binuksan na ang kanin ng chicken fillet na
inorder ko.
Ginutom ako kakaikot sa mall, kakaantay sa kanila.
"Okay naman," matanlay na sagot niya pagkaupo, kaya napakunot noo ko.
"Ano'ng okay naman? Para kang nalugi diyan, di ba dapat ma saya ka kasi nagkita na
kayo ni Carpenter? Di ka ba pinakain ng mokongna 'yon? O eto, kumain ka. Tapos uwi
na tayo," iniusog ko ang isang tray na may chicken fillet na inorder ko talagapara
sa
kanya.
"Wag na take out na lang natin 'yan, kumain na kami ni Carter. Masarap nga 'yong
carbonara at kani salad na kinain ko,"
"o 'yon naman pala, kumain kayo, eh, bakit nga ganyan ka? Hindi masarap kinain
niyo? The best pa rin 'tong fillet na may unli gravy, yum!" usisa ko pa rin at
nagsimula
ng kumain.
"'Kasi...may girlfriend yata siya, eh."
Napamulagat ako sa sinabi niya. Nginuya ko muna ang kinakain ko. Nahirapan pa nga
akong lunukin dahil halos ga -ulo ng pusa ang laki ng isinubo ko.
"Aba'y ugok pala 'yon, ah? Cheater na Carpenter! Asan na 'yon? Turo mo sa'kin,
sisiknuraan ko lang ng isa!" gigil na sabi ko.
"Callie, ano ka ba? Kapag ginawa mo 'yan mas lalo lang siyang malilito."
"Malilito? Sa'n?" takang tanong ko at isinasawsaw ang fries na order ko sa ketchup
"Eh, kasi kanina parang naninibago siya sa'kin. Parang di pa nga raw siya
makapaniwala na sinaktan ko siya dati. Ginawa mo ba 'yon? Sinuntok mo siya?"
Napalabi ako at alanganing napangiti.
"Nakakaasar siya, eh. Parang ang baba ng tingin niya sa'yo. Ayaw niya talagang
maniwala na sa kanya ang bata kasi nga trabaho mo naman daw 'yon, paano raw kung
may iba pang sumunod sa kanya?" paliwanag ko.
"S-Sinabi niya 'yon?"
"Oo! Kaya nga deserve niyang masuntok sa nguso dahil nakakainsulto siyal Di niya
alam na ginawa mo lang 'yon dahil iniligtas mo ko."
"Kaya pala nagsorry din siya kanina dahil nahusgahan nga raw niya ko nung una."
"'Eh, kasi natauhan. Papagain ko ba naman ang nguso niyang matabil. Hahaha!"
napatawa ng bulalas ko.
Naalala ko kasi ang mukha ni Carter na gulat na gulat nang sinapak ko siya.
"Ui Callie, sobra ka. Kung ako, hindi ko kayang gawin 'yon," naiiling na komento
niya.
"Siyempre, mabait ka. Hindi mo talaga kaya, " nangingising sagot ko.
"Iyon pa pala. Mukhang matalas ang pakiramdam ni Carter."
"Paano'ng matalas?"
"Ilang beses na ba kayong nagmeet ni Carter?" sa halip ay tanong niya imbes na
sagutin ang tanong ko.
Twice."
"Loko ka Cal, nagpanggap ka palang ako?" naiiling na sabi niya.
"Eh, kasi nga ayawmong sabihin sa a kin kung sino umaswang sa'yo. Kaya na gdecide
ako na hanapin siya. Nang mahanap ko, kinulit ko na panagutan dinadala mo, pero di
ko naman intention magpanggap talaga, siya yung unang nag- assume na ako, ikaw.
So pinanindigan ko na. Isa pa wala naman talaga akong interest makilala ang
Carpenter na 'yan kung hindi lang dahil sa'yo, kaya hindi na rin ako nag-abalang
magpakilala. Pero nagbunga naman, eh. Lumambot ang puso niya nang ipakita ko ang
ultrasound mo. Tingin ko malaking factor 'yon kung bakit napapayag siyang
magpapaternal test. High five naman diyan," ngiting- ngiting sabi ko at itinaas pa
ang
kanang kamay.
Natawa na ito at umappear na din.
"So ano nga 'yong sinasabi mo na matalas ang pakiramdam ni DC?" tanong ko pa.
"Ayun na nga, kahit twice palang kayong nagmeet parang napansin na kaagad niya na
malaki ang differences natin. Kaya hindi ko na rin sinabing kambal tayo, baka
mamaya isipin niya pinaglalaruan natin siya."
"Paano mo nasabing nahalata niya ang pagkakaiba nating dalawa?" curious na tanong
ko.
"Eh, kasi parang hindi siya makapaniwalang sinuntok ko raw siya sa kilos ko ngayon
Saka alam mo parang mas kumportable siya sa'yo kaysa sa'kin." parang lumungkot
ang boses na sabi nito kaya bahagya ko siyang pinitik sa ilong
"Hailey naman, hindi kami magkakilala. Paano mo nasabi 'yan?"
"Eh, kasi nung una binibiro pa niya ko. Alam mo 'yon? Parang at ease siya. Tapos
parang may joke siya na hindi ko kaagad nagets kaya nung pahuli ramdam kong
parang nahihiya na siyang kausapin ako. Parang nanibago siyang ewan sa 'kin. Naging
close na ba kayo agad kahit twice palang kayong nagneet?"
Natawa ko at sinundot siya sa pisngi.
"Uyyy..." tukso ko.
"Ano'ng uyyy ka diyan?"
"Nagsiselos ka 'no?"
"Hindi, ah!"
"Sus! Ramdam ko, Hailey. Pero eto, ah, lilinawin ko sa'yo. Wala akong interest kay
Carpenter. Ginawa ko lang lahat ng 'yon para sa'yo at sa pamangkin ko. Nothing
more.
Nothing less. Future bayaw ko kaya 'yang si DC."
"Bayaw ka diyan,'" saway niya pero bigla namang namula ang magkabilang pisngi.
"Yieee! Nagbablush. Gusto mo 'yong idea ko 'no?"
"Heh! Tama na. Pero teka, paano ka ba makitungo kay Carter? Bakit parang hindi kayo
nagkakahiyaan? Di tulad namin kanina, parang ang awkward lang."
"Wala. Natural lang. Di naman ako naiilang sa kanya. In the first place bakit ako
maiilang sa kanya? Casual ko lang siya tratuhin. Parang wala lang. Saka kapag
nagbibiro siya sinasakyan ko lang din o kaya binabara ko. Kaya siguro iniisip niya
na
okay lang biruin ka. Saka alam mo, baka naman hindi talaga awkward. Ikaw lang ang
awkward kasi nga may something ka sa kanya."
"Something? Wala, ah!" kaila niya pa at nakikain na rin sa french fries ko kaya
alam
kong denial to.
"Bakit wala ka ba talagang something sa kanya? Kaya ka nga nahihiya sa kanya, eh.
Saka sa una palang walang mangyayari sa inyong something kung wala ka talagang
something sa kanya," natatawang pabulong na sabi ko kaya lalo siyang nagblush.
Mayamaya lang ay napabuntong-hininga siya.
"Ang toto0, gusto ko talaga siya. Ang gwapo kaya niya. Unang kita ko palang sa
kanya
nung gabing 'yon, pumintig na ng malakas ang puso ko. Akala ko nga inaatake lang
ako
pero hindi pala. Kaya tama ka, may something nga talaga siguro ako sa kanya."
"Kitams? Inamin mo rin. Okay lang'yan. Saka wala kang dapat ipag- alala. Support
ako sa inyo ni Carpenter. Kumbaga sa story ako ang supporting cast at proxy mo
lang.
Kayo ang bida. At kapag may kontrabida, ako ang bubura," umaangat-baba arng kilay
na sabi ko.
"Talaga? Salamat, ah."
"Oo naman. Ikawpa ba? O teka ano ba 'yang dala mo?" usisa ko sa dala rniyang supot.
"Ah, ito? Keso! Binili ni Carter, kasi nagbilin ka. Alam mo ang bait niya. Tingnan
mo
tatlo 'yong binili niya para sa'kin. Hindi niya kasi alam kung ano'ng gusto ko kaya
iba-
iba ang binili niya," excited at tila nangingislap pa ang mga matang kwento nito at
inilatag sa mesa ang tatlong klase ng keso.
Napangiti ako.
"Naks! Ang cheesy pala niyang si Carpenter? Tapos tatlo pa. May meaning 'yan. Kundi
ilove you, i like you," tukso ko.
"Callie, ah, malapit na kong maniwala sa'yo!" tatawa-tawang sabi nito.
"Eh, di maniwala ka. Di naman imposible sinasabi ko 'no? Saka madali na 'yan,
magkakababy na kayo, eh."
"Sana nga. Kaso nga lang, parang may girlfriend."
"Teka linawin mo nga pala sa'kin 'yan. Confirmed na?"
"Hindi pa naman. Kaso kanina may kausap siya sa phone tapos sinabihan pa niya ng I
still love you. Kaya napatanong ako, tapos ang sagot niya 'I GUESS' ang labo. Pero
pakiramdam ko gf niya talaga 'yon. Baka may misunderstanding lang, ewan ko ba."
dismayadong kwento niya.
"Nakakaasar nga 'yan. Hindi ka man legal wife pero hello, astang salawahan siya!
GGSS huh? Namamangka sa dalawang ilog. Lunurin ko, usto mo?" napahawakpa sa
baba na sabi ko.
"Callie, naman!'Wag nga. Kawawa naman baby ko," tutol niya kaagad kaya natawa ko.
"Malakas talaga tama mo sa lokong 'yon. O sige na hands off na ko sa karpinterong'
yon. Basta, ah, kung sakaling awayin ka ng gf niya, tawagan mo agad ako. Ako na
reresbak. Walang pwedeng umaway sa'yo."
MThank you talaga, Cal, ah? Kundi dahil sa'yo, baka hindi ko na makita si Carter.
Laham kita! Muaahh!" nagflying kiss pa siya sa'kin.
"'Kaw pa. O teka, buksan na natin yang isang keso, masarap yan dito sa spaghetti."
"Ay! Ayoko, tatago ko 'to, eh. Papaframe ko pa nga 'to, eh."
Binatukan ko siya.
"Gaga, ano ka highschool na binigyan ng candy ni Crush tapos itatago ang wrapper?
Daga lang sa bahay makikinabang diyan kundi mo kakainin."
"O sige na nga, pero wag mong sirain ang kahon, 'yan na lang itatago ko," napanguso
pang sabi niya kaya napatawa ko,
"Ay naku, nahibang na talaga ang mahal kong kakambal. Kaya ayokong mainlove, eh.
Nakakatanga pala talaga. Hahaha!"
Kinurot niya ko sa braso.
"Aray! Masakit, ah." reklano ko.
Tawa ka diyan. Ikaw din kapag nainlove ka. Mahihibang ka ring tulad ko."
"Asa ka, Hailey. Di ako maiinlove. Taga mo pa sa bato!" bulalas ko.

Chapter 8
"Hoy! Renato! Tulong naman. Kita mo ng ang bigat-bigat nitong dala ko," tawag ko sa
kanya habang naglalakad kami papasok sa mall, bitbit ko sa magkabilang kanay ang
malalaking plastic ng mga beauty soap na ibebenta ko. Magiging certified seller na
ko
ngayon. Kinuha kopa iyon sa Tita ni Renato na may factory ng sabon na iyon. Kaya
nga
kuminis at pumuti ng husto angjoklang ito. Sagana sa supply.
Nilingon ako ni Renato pero umirap siya at nagtuloy-tuloy na ulit lumakad. Maldita
talaga. Alam ko na gusto ng juding na 'to.
"Irene! Irene na Diyosa.." malambing na tawag ko at presto nakangiting lumningon
ang
bwisit.
"Ayan! Kanina ka pa Renato nang Renato. Irene dapat. Akina nga 'yan," kinuha niya
sa'kin ang isang plastic kaya gumaan na ang dalahin ko.
"Bwisit ka talaga. Kundipa Irene itatawag ko sa'yo, di mo ko tutulungan," reklamo
ko
sabay hampas sa braso niya.
"Eh, kasi nga imbyerna ka! Ang chaka ng Renato 'no!O teka andami mo namang gusto
ibenta, gipit na gipit lang 'te?" usisa niya at nagpatuloy na kami sa paglalakad.
"Di ba sabi ko nga sa'yo gipit talaga ko. Kaya nga rumaraket, eh. Ikaw bakit ayaw
mong
tulungan Tita mo magbenta?"
"Naku ha! Model ako ni Tita hindi seller, saka malakas na negosiyo niya.
Nakakapagdistribute na nga sa mga markets, eh. Inilakad larng talaga kita para
makatulong naman ako, 'no. Since sabi mo nga may mabigat kang problema."
"Thank you, ha? Tunay kang friend."
"Ako pa va? O siya wag na tayong magdrama at baka bumaha pa dito. Halika ang
ganda ng dress na 'yon, tingin ko bagay sa'kin," turo niya sa isang botique na nasa
tapat namin.
"Seryoso ka? Magsusuot ka ng ganyan? Bawal sa office 'yan!" saway ko.
"Lady Gaga ka talaga! Hindi 'no. Gagamitin ko 'yan pag rumarampa ako sa gabi! Kaya
dapat pakna pak ang awrahan ko. Sumama ka kasing magbar sa'kin minsan."
"Heh! Ikaw na lang, Hintayin na lang kita dito, napagod ako kakabitbit nito. Go!"
tulak
ko sa kanya matapos kong makaupo sa standby area ng mall na iyon.
"o dito ka lang, tapos sabay na tayong maggrocery, ha? Wait lang mabilis lang
aketch,
" paalam niya at halos patakbo pang nilapitan ang naturang boutique.
Kinuha ko sa sling bag ko ang pamaypay kong de tiklop. Lagi kong dala 'to dahil
Imainitin talaga ko. O kaya pag naiistress alko nagpapaypay ako. Parang naiwawagwag
ko paalis stress.
Kalalabas lang namin galing trabaho, payday kaya nasa mall kami. Well si Renato
para
magshopping, ako naman para mabilhan ng matinong pagkain si Hailey.
Napasulyap ako sa boutique na pinasukan ni Renato. Este Irene pala. May mga
nakadisplay ngang dress na suot ng mga manequin. Kitang- kita ang mga
magagandang damit sa makintab na glasswall.
Tumayo ako para sipatin ang mga iyon. Iniwan ko muna ang mga paninda ko, kung
may kumuha naman niyon mamamalayan ko kaagad. Di naman kalayuan ang
pinagtatambayan ko.
"Ang ganda mo. Bagay ka kay Hailey," parang lokang kausap ko sa isang dress na
kulay peach. Simple lang ang tabas at halatang malambot ang tela.
Kung may extra pera lang ako, binili ko na iyon. Sa amin kasing dalawa si Hailey
ang
mas girly type.
Ako kasi pantalon lang, solve na. Minsan nung nakapagsuot ako nung promn namin,
iritang- irita ko. Feeling ko hubo ako, dahil hinahangin ang baba ko.
Akmang hahawak pa ako sa glasswall nang may mga kamay na tumakip sa mata ko.
"Guess who?" anas sa tenga ko. Pamilyar ang tinigpero wala akong balak
makipagbiruan dahil ginulat ako ng kung sinumang hudyong ito.
Hinaklit ko ang isang kamay niya at pinilipit iyon sabay harap sa kanya.
"Ouch!" halos mapatalon na reaksiyon nito.
"Ikaw lang pala! Ugok ka!" bulalas ko sabay hamnpas sa noo niya nang pamaypay ko.
"Ahh! Nakakadalawa ka na!" reklamo ni Carter at napahimas naman sa noo habang
iniwawagwag ang kamay na pinilipit ko.
"Gusto no tatluhin natin? Buti nga hindi kita naibalibag diyan. Ba't ka kasi
nanggugulat?" pairap na tanong ko at bumalik sa standby area.
Nakakagulat na makasalamuha ko siya dito.
"Hindi ko naman sinasadya. Sinusubukan ko lang kung makikilala mo boses ko. Sabi
ko na, ikaw 'yan, eh. Kaw lang nakita kong tao na namamaypay sa mall, buti na lang
last time hindi mo dala 'yan kundi magmumukha ka ng deboto sa simbahan.
Nakadress pa naman ang pormahan mo last time," natatawang daldal niya.
"Heh! Ano bang ginagawa mo dito?" tanong ko at binitbit na ang dalawang plastic.
Kailangan ko ng makaiwas sa lokong to. Baka mamaya makahalata pa siya na hindi
narman talaga ko si Hailey.
"Mamamasiyal. Sakto nakita kita. Pinagtatagpo yata talaga tayo. Ikaw?"
"Maglalaba! Diyan ka na," iwas ko at nagsimula nang maglakad palayo sa kanya.
Wag sana akong sundan ng Carpenter na to. Ano ba? Sa dami naman ng araw na
pwedeng pumunta ng mall ang kamoteng to ngayon pa?
Bitbit ko ang dalawang malalaking plastic bags ng sabon.
Ang hirap maglakad! Para akong penguin na nagmamadali.
Bahala na. Saka na lang akong mag-i-explain kay Renato kung bakit ako biglang
nagdisappear-appear, one half, one fourth..
Nagulat ako nang sumunod si Carter at hagipin ang mga dala ko.
"Hoy! Ano ka ba? Akinna 'yan," pilit kong inagaw ang mga paninda ko.
"Maglalaba? Sa mall? sino'ng niloko mo? Pauso ka rin, what. Ang bigat pala ng mga '
to, tapos binibitbit mong mag-isa? Baka kung mapaano 'yang baby natin," seryos ong
sabi niya at iniiwas sa'kin ang dalawang plastic.
Pinigil kong matawa. Haba ng hair ni Hailey. Sigurado ako na kung narinig niya ang
sinabi nitong si Carter kikiligin siya.
"Makababy natin, ah? Wala pang resulta di ba? Ikathird day palang magmula nang
magpatest ka."
"Di ba sabi ko sa'yo 70-30 ang paniniwala ko na akin 'yan? Kaya matik may concern
ako diyan. Saka hindi ka naman mukhang sinungaling, kaya kahit papa'no naniniwala
ako sa'yo."
"Ge, bahala ka na. Makulit ka rin," pagsuko ko.
"Sinabi mo 'yan, ah? Ako bahala? Tara," yakag niya kaya napasunod ako. Dala niya
yong paninda ko 'no.
"Ano ka ba? Maramni pa kong gaga win, saan ba tayo pupunta?" usisa ko. Lakad nang
lakad, eh.
"Kakain."
"Ikaw na lang!"
"Bakit ba parang ilag na ilag ka sa'kin? Di naman kita aanuhin, kakain lang tayo
Madam." tatawa-tawang sabi niya.
Nakuu! Kal oka lalaking'to! Paano ko ba tatakasan 'to? Dapat sila ang magkasama ni
Hailey. Hindi ako.
Teka! Bagalan mo naman! Hinihingal ako sa'yo," reklamo ko dahil hindi pa talaga ko
nakakarecover kanina sa pagbibitbit ng mabibigat na plastic bag na 'yon, tapos
palalakarin na naman niya ko. Ang tangkad pa naman niya, dalawang hakbang ko
yata, isa lang sa kanya, eh.
Nagulat ako nang hagipin niya ang kamay ko matapos niyang pag- isahing bitbit na
lang ang dalawang plastic bags sa kanang kamay niya.
"Oi! Ano 'yan? Bitaw," piglas ko.
Aba! Ngayon lang ako nahawakan ng lalaki sa kamay. Nung prom ko nung highschool
di ako nakipagsayaw ng sweet sa kahit na sino, kumain lang ako nun at
nakipagdaldalan, eh.
"'Sanay kasi akong mag- isang maglakad. Laging walang kasabay. Wala inaalalang
maiiwan kaya mabilis akong maglakad," ani Carter habang nakapaloob ang mga
kamay ko sa kamay niyang may mahahabang daliri.
Balbunin. Kinis din. Nagkokojic din kaya 'to?
"Ah..eh, bakit de hawak ka pa diyan. Bitaw!" piglas ko.
Init ng palm. Malambot din ang kamay niya. Parang ballpen at papel lang ang alam
hawakan.
"Para maalala kong may kasabay ako at ng hindi ka maiwan, tara!"
"Ayoko pa rin," palag ko pero lumakad na siya habang hawak pa rin ang kamay ko
kaya napasunod ulit ako.
Naghihilahan tuloy kami habang naglalakad. Jusme ayokong sumama. Baka
makahalata ito na hindi naman ako si Hailey.
Dami ko pa namang atraso dito. Sinapak ko sa nguso, kung sungitan ko wagas,
binansagan ko pa ng kung anu-ano. Carpenter. Dodong charing. Pinilipit ko pa kamay.
Halos bugbog sarado na siya sa'kin.
Ano kayang magiging reaksiyon ng isang ito kapag nalaman niyang kakambal ko si
Hailey?
"Wag kang makulit," tatawa-tawang saway niya. Pinagtitripan yata ako ng kumagna
ito. Parang aliw na aliw, eh.
"Ayan! Nandito na tayo," bulalas niya nang mapatapat kami sa isang eat-all-you-can
na restaurant. Binitiwan na rin niya ang kamay ko. Salamat naman.
Kakagatin ko na sana talaga siya, eh.
Rawr!
Napansin kong korean/japanese ang mga cuisines na isiniserved sa resto. Base na rin
sa mga nakakapit na posters sa glasswall. May flat tv screen pa sa labas kung saan
ipinapakita doon ang mga pagkaing iniluluto. Halatang pangnayaman. Nakakailang.
"A-Ano 'to? Sambok-"
"Sambokojin. Masarap dito. Healthy rin ang mga dish nila. Good for you,"
Teka! Wala akong budget para dito. Ikaw na lang," akmang tatalikod na ko nang
hatakin niya ang collar ng polo shirt ko.
iTara na, sagot ko," at iginiya niya ko sa entrance. May receptionist doon.
"Table for two," ani Carter. Nagtawag ang receptionist ng tao sa loob at iginiya
kami
sa lamesa namin.
Hindi ko maiwasang pagmas dan ang paligid. Ambiance palang sosyal na. Ang ganda
ng chandelier sa taas.
At ang sahig marmol. Pwede ng manalamin. Inilapag ni Carter sa ilalim ng mesa ang
mga dala-dalahan ko. Napansin kong bawat mesa may nakabuilt na sinokeless grill.
Couch ang upuan.
"Ano ka ba? Ano'ng akala mo sa'kin aso?" piglas ko kaya nabitiwan niya ang collar
ko.
"Para kang kiti -kiti, eh. Hyper ka ngayon? Kulit mo, eh. Tara na kasi," ngiting-
ngiting
sabi nito at hinatak naman ako sa braso. Magkatapatan kaming naupo.
Patay. Baka nakahalata na naman 'to na iba ang demeanor ko kay Hailey. Okay.
Kailangang magpakadalagang pilipina..yeah!
Chapter 9
"'Buffet dito. Kaya tayo ang kukuha ng pagkain. Pwede mong kunin lahat, tara?"
yakag
ni Carter
"Adik ka. Malay ko sa pagkain dito? Pangmcdo lang ako."
Natawa ito.
"Sige, ako na lang ang kukuha. Pero dito ka lang. Order ka na ng drinks sa server,
maraming flavors ng fresh fruit shakes, okay 'yon sa inyo ng baby," nakangiting
paalam niya.
Nang makabalik si Carter halos lumuwa ang mga mata ko sa dami ng dala niyang
hilaw na karne.
Sa kaliwang kamay naman ay mga hipon. May kasunod pa siyang waiter na may bitbit
pa na kung ano.
"Mahilig ka sa beef?" tanong niya nang makaupo.
"Ang dami naman niyan, hindi kaya tayo rayumahin?"
Ang lutong ng tawa niya sa sinabi ko.
"Ano'ngakala mo sa'kin uugod-ugod na matanda? Kain na, lutuin ko lang 'to," alok
niya at inilapit sa'kin ang inilapag ng waiter.
Mukhang hipon pero nakabalot sa harina.
"Tempura?"
"Yes tempura 'yan. Sawsaw mo dito, para mas masarap," inilapit niya sa'kin ang
maliit na mangkok na may lamang sauce na parang tubig lang ang itsura.
"Ayos. Dati nakikita ko lang 'to, ngayon totoo na," hindi naiwasang sabi ko at
dinarnpot ang chopstick sa mesa.
Hindi ako marunong gumamit niyon pero iyon lang kasi ang nandun. Ayoko namang
magmukhang engot sa harap niya. Kaya bahala na.
Magkadikit ang chopstick. Pinaghiwalay ko iyon pero mali naman ang hati ko, nabakli
ang isa. Hindi pantay!
Alanganing napatingin ako kay Carter na nag-iihaw na ng karne gamit ang tong sa
built-in na smokeless grill sa table namin. Napansin kong nakatitig siya sa'kin.
Nakakahiya talaga ko.
"Mali ang hati ko, hehe!" ngising asong sabi ko.
Napangiti lang siya at dinampot ang chopstick niya sa mesa.
Swabeng pinaghiwalay niya iyon.
"'Here you go," abot niya sa akin. Alanganing kinuha ko iyon.
Ipinuwesto ko iyon sa daliri ko. Nang subukan kong kunin ang tempura nalaglag ang
isang chopstick.
Napansin kong napatingin na naman sa'kin si Carter.
Argghh! Magpapakatotoo na nga lang ako. Hindi ako makalkakain ng maayos nito. Ano
bang paki lko kung magmukha akong eng- eng sa harap niya?Di ko naman kailangang
magpaimpress.
TSk, wala bang kutsara o tinidor? Hindi talaga ako marunong niyan," napapalatakng
sabi ko na ikinangiti lang niya.
Tumawag siya ng waiter at humingi ng spoon and fork at extrang chopstick.
Dagli niyang iniabot sa'kin ang kutsara at tinidor.
"Soup ka muna. Appetizer," nguso niya sa maliit na bowl na may lamang sabaw na
mala-red orange ang kulay.
Kinuha ko iyon at kumuhit ng sabaw gamit ang kutsara.
"Wew! Ang anghang," komento ko at humigop ulit. Lasang hipon na maanghang.
"Hindi ka ba mahilig sa maanghang?"
"Gusto ko nga, eh. Boring din naman pag walang anghang, eh."
"Pareho pala tayo, mahilig din ako sa maanghang. Eto na 'yong tempura,"
Ipinaglagay niya ako ng tempura sa plate ko na medyo ikinagulat ko. Hindi naman ako
sanay na dinudulutan ng ibang tao.
Tinusok ko iyon at isinawsaw sa sauce niyon.
Napatakip ako sa bibig ko nang manguya ko iyon at malasahan.
"Ayos ba?" tanong niya.
"Uhm ang sarap!Grabe! Walang-wala do'n sa chichirya version na tempura,"
tumatangong sagot ko at sunod- sunod na ang kain ko.
"May chichiryang tempura?"
"Oo naman. Iyong tindahan sa kanto namin may tindang gano'n, tigdodose 'yon,
meron din sa mga grocery stores. Di mo lang siguro napapansin, kasi sosyalin ka o
baka hindi ka talaga kumakain ng junk foods. Masarap iparis 'yon sa malamig na
coke,
tapos "natigil ako sa pagsasalita nang mapansing nakatitig lang siya sa'kin at
parang interesadong pinakikinggan talaga ko.
Ang daldal ko naman! Dalagang pilipina nga dapat ang kilos ko.
"Sorry ang daldal ko," napapeace sign pang sabi ko.
MThat's okay. Gusto ko rin nämang makarinig ng non-related sa trabaho,"
nakangiting sabi niya kaya napangiti rin ako.
Mukhang hindi naman na lugi dito si Hailey. Bukod sa gwapo, eh, medyo gentlenan.
Hindi niya kasi ako tinawanan nang malamang hindi ako marunong magchopstick
Okay na. Pasado ng maging bayaw ko to.
"Bakit? Wala ka bang friends na nakakausap?"
"Meron naman, kaso alam mo na, bihira na lang kaming magkasama -sama.
Kalimitan sa mga ganitong edad, busy nasa kanya-kanyang buhay at career."
"Sabagay," napakibit balikat na sang-ayon ko.
"Luto na 'to, tikman mo," tukoy nito sa marinated na karneng inihaw nito.
Inilagay niya iyon sa plate ko gamit ang tongs. Dagli ko iyong kinain. Manipis lang
ang
hiwa at tamang-tama ang lambot.
"Sarap?" tanong pa nito kaya nakangiting napathumbs up ako.
"Ang sarap! Wala yatang hindi masarap dito,"
Napangiti ito at ipinaglagay pa ako ng marami.
"Damihan mo kain, unli 'yan. Teka, ano nga palang laman nitong mga bitbit mo at ang
bigat naman yata?" usisa nito at kinuha ang plastic niyang dala na nasa ilalim ng
mesa.
Inilapag nito iyon sa tabi nito.
"Mga beauty soap."
"Pwedeng tingnan?"
"Sige lang." tango ko habang panay ang kain.
Nag-i-enjoy talaga ko. Noon lang naman kasi ako nakakain ng ganoon.
"Aanhin mo naman ang mga 'to?" tanong ni Carter habang hawak ang isang piraso ng
kojic soap.
"Tbebenta, para may extra. Sa tingin ko naman, papatok'yan. Marami kasing gustong
pumuti at kuminis,"
"Magkano lahat 'to?" seryosong tanong niya.
Napaisip ako saglit at nagkwenta sa isip.
"Isang piraso 60, times 100, 6000 pesos. Pag nabenta ko lahat may 40 percent ako.
Di
na masama di ba?" daldal ko pa.
Tumango-tango lang siya Napansin kong dumukot siya ng pera sa wallet.
"Hoy! Aanhin ko 'yan?" gulat na tanong ko nang kunin niya kamay ko at isipit ang
ilang lilibuhing pera.
"Ako na bibili. Para hindi ka na mabigatan, baka kung mapaano pa kayo ng baby,"
"'Sira ka ba? Aanhin mo naman 'yan? Mas clear pa niga yata balat mo kaysa sa'kin.
Wag
na," hinila ko ang kamay niya at ibinalik ang pera niya.
"Papagive away ko. Pag may umorder ng mga books online, gagawin kong freebie 'yan,
maaaliw na ang buyer są books, kikinis pa. Kaya kunin mo na," giit niya at
hinawakan
pa ang kamay ko saka ulit nilagay ang pera.
Nakapagitna sa mga palad namin angpera kaya parang naghuholding hands na tuloy
kami.
"Ayoko, parang nililimusarn mo naman ako niyan," tanggi ko pa rin.
Ayoko talaga! Dapat pala hindi ko na sinabi ang halaga ng mga sabon, baka akalain
niya binebentahan ko siya. Daldal ko rin kasi talaga minsan.
"May item na kapalit, oh, bakit mo iisiping limos?
"Ayoko pa rin, baka isipin mo sinasamantala kita," at pilit kong binawi ang kamay
ko
sa pagkakahawak niya.
"Well it doesn't appear that way to me. Huwag ka ng makulit, anniversary na rinng
publishing next week, kaya dapat may pakulo rin kami. Nagbi-brains torming pa nga
kami kanina ng mga staff kung ano'ng magandang give away."
Talaga?"
"Oo, kaya nga nandito rin ako sa mall, eh. Naghahanap ng pwedeng ipagive away, kaya
kunin mo na kasi hindi ko bibitawin ang kamay mo. Not unless gusto mong
makipagholding hands sa'kin?" nakakaloko ang ngiting sabi niya habang umaangat
baba ang kilay kaya dagli kong nabawi ang kamay ko, dala ang pera.
T sk, mapilit ka talaga. Sige na ikaw na bahala, pero salamat. Malaking tulong
'to."
"Welcome," nakangiting sagot niya.
Ang hilig ngumiti ng lalaking 'to. Pati tuloy ako nahahawa kapag nakikita ko 'yong
maputi at pantay-pantay niyang mga ngipin.
"Kumain na tayo." yakag niya.
"Uhm, Carter pwede magtanong?"
"Shoot."
"Di ba may girlfriend ka? Ano'ng reaction niya nung nalaman niyang magkakaanak ka
na?" hindi nakatiis na tanong ko.
Aba dapat ko lang alamin ang status nila, para naman hindi maagrabiyado si Hailey.
"Number 1 wala pa kong sinasabi, wala pa ang resulta. Number 2, di ba sabi ko hindi
naman sigurado kung kami."
"Ang labo mo tsong, ano 'yan M.U.? Dalawa lang naman 'yan 'no. Kayo o hindi kayo,
yon lang 'yon." kunot noong bulalas ko.
"Sabagay. Pero kumplikado kasi."
"Gaano kakumplikado? Kasing kumplikado ba ng algebra? Geometry, calculus? o
kasing kumplikado ng babaeng may menstruation tas papabili ng french fries sa jowa?
Malala nga 'yan"
Bahagya siyang natawa.
"Gusto mo talagang malaman?"
"Siyempre baka mamaya niyan may biglang sumabunot at sumampal sa'kin,
mapagpatol pa naman ako."
"Hindi naman ganyan si Krisha. Wala sa pagkatao niya ang mananakit, mabait 'yon."
"Masama kayang magalit ang mabait, o ano na nga?"
"'Sige, tingin ko naman may karapatang ka ring malaman. Ang totoo 6 months ago
we're happy. Parang walang problema, hanggang sa bigla na lang siyang nawala.
Sinubukan kong hanapin siya, kaso walang makapagsabi sa akin kung nasaan siya.
Napagod din ako kaya tumigil na rin ako kakahanap. At ipinagpalagay ko na lang na
wala na kami. Tapos ngayon nagpaparamdam. Kaya 'yon malabo talaga,'" mahabang
paliwanagniya.
"I see. Malabo nga. Pero nasa'yo 'yan kung babalikan mo pa. Ikaw naman ang lalaki."
"Okay lang sa'yo?"
MT-Teka bakit ako ang tinatanong mo?"
"Plano ko kasi kapag napatunayan ko ng akin 'yan, magpofocus na lang ako sa baby,
sa'yo."
Kinilabutan ako sa sinabi niya kaya napukpok ko siya ng pamaypay na nasa
kandungan ko lang. Useful talaga 'to!
"AW!" reklamo niya at napahimas na naman sa noo.
"Pwede`wag mo kong harutin? Narinig ko sagot mo kay Krisha, sabi mo sa kanya'I
still love you' o ano 'yon? Nangrirebound ka lang?" sumbat ko nang maalala ang
malungkot na kwento sa akin ni Hailey dahil sa narinignitong sagot ni Carter kay
Krisha sa cellphone.
"Ano namang masama kung magfocus ako sa inyo?" tanong niya.
"Ang baby lang ang kargo mo. Hindi ako. Saka ano'ng masama? Masama kung
gagamitin mo lang kami as distraction. Gets? Saka aminin mo, wala sa plano mo
ngayon ang maging ama. Lasing ka no'n. Siguro kung wala ako hindi ka
magdadalawang isip na makipag- ayos sa kanya. Maging honest na lang tayo dito,
pwede?"
"Okay. Sabagay tama ka. Wala naman talaga sa plano ko ang maging tatay hangga't
hindi pa ako kasal, pero nandiyan na 'yan. Wala naman sa personality ko ang
tumalikod sa responsabilidad."
"Eh, ganyan talaga ang life. May mga bagay na hindi natin kontralado kaya may mga
nangyayaring hindi planado..."
Tumango-tango siya at napangiti saka tumitig sa'kin.
"Hoy! Okay ka lang?" untag ko dahil nailang ako.
Kung makatitig nanan ang ugok na 'to, wagas! Hindi ako sanay ng tinititigan!
"Ah..yeah. Sorry. It's just that..thank you, " parang hindi siya magkandatuto sa
sasabihin.
"Ano nga? Ano'ng thank you? Sabihin mo na? Pasuspense ka rin."
"Wala may narealize lang ako sa sinabi mo. Organize kasi akong tao kaya halos lahat
ng galaw ko kalkulado o nakaplano talaga. Ayoko kasi ng magulo, pero dahil sa
sinabi
mo narealize ko na tama ka, hindi ko nga makocontrol ang lahat ng pangyayari. Tulad
ngayon, nagkakilala tayo. Magiging tatay na rin. Nakakagulat lang."
"Di ba nga life is full of surprises? Kaya ako bihira ako magplano, bahala na.
Naniniwala din kasi ako na kung para sa'yo, para sa'yo talaga. Wala namang
masamang magplano. Okay nga 'yon, eh. Kaso lang kapag nagplano ka, may inaasahan
kang resulta na ayon sa expectation mo. Eh, paano kung hindi mangyari? Eh, di
magugulat ka o madidisappoint ka na lang- -teka disappointed ka ba ngayon? Kasi
sabi mo wala sa plano 'to, M
"Nah. I am actually surprised. You're my biggest surprise."malawak ang ngiting sabi
niya.
Kung si Hailey nakakarinig nito, baka namilipit na 'yon sa tuwa. Bakit ba kasi ako
ang
nakakarinig nito ngayon? Wala naman to sa plano. Hays! Kakaguilty tuloy.
"Tumigil ka na nga diyan, harot ka rin, eh." saway ko.
"Ako? Hindi, ah. Loyal kaya ako."
"Sus! Loyal daw, walang gano'n Mars. Sa panahon ngayon, aso na lang ang loyal!"
naibulalas ko.
Napatawa naman siya. Tawang- tawa ang loko.
"'Baka kabagan ka diyan?"
"Nakakatuwa ka, eh. May narealize na naman tuloy ako."
"Ano na naman 'yan?"
"Narealize ko na..mas gusto kita."
Nalunok ng buo ang piraso ng karneng kinakain ko. Jusko tama ba ang dinig ko?
Nakakagulat ang word niya na 'gusto kita' pero mas nagulat ako sa word niyang'MAS!
'MAS GUSTO KITA'
May word na 'MAS' ibig sabihin ba may pinagkumparahan siya?
Alam na ba niyang kambal kami?

Chapter 10
Callie's POV
"'Narealize ko na..mas gusto kita."
Pambingi naman 'tong sinabi ni Carter.
"A-Ano'ng mas gusto mo ko?" tanong ko kay Carpenter nang mahamig ko ang
sarili ko sa pagkabigla.
Ngumiti siya kaya napaiwas ako ng tingin. Ano ba naman ang lalaking 'to? Ugali
ba talaga niyang tumitig at ngumiti nang ngumiti?
"What I mean is...nas gusto kita ngayon. The last time we met you seem so
distant. Di ko alam kung paano kita iaapproach pero ngayon parang mas open ka na.
Hindi na ko masiyadong nangangapa."
"Uhm...ayaw mo ba sa taong mahiyain?" curious na tanong ko. Shy type kasi si
Hailey kaya siguro feeling ni Carter may pader na nakapagitan sa kanila nung nag-
usap sila last time.
"Di naman, iba-iba naman kasi ang personality ng tao, pero sino ba namang tao
ang ayaWmakasana iyong mas madaling kausapin at pakisamahan? Mahirap din kasi
minsan manghula."
"Ah.Carter may sasabihin sana ko?" lakas loob na sabi ko.
"About?"" kaswal na tanong niya at sumimsim ng green mango shake na inorder
niya para sa amin.
Tungkol sa kapatid ko." panimula ko. Wala namang point kung itatago pa. Isa
pa ang hirap naman ng may itinatago.
"Ah, yeah. Nasabi mo nga sa'kin last time na may kapatid ka, ano na nga ulit ang
pangalan niya?"
"H-Hailey." sagot ko na ikinakunot ng noo niya.
"Hailey? What do you mean by Hailey? Hailey?"
"Ako kasi si Call-"napatda ako nang tumunog ang cellphone ko.
Hays! Ano ba aamin na ko, eh! Pagsilip ko sa LCDsi Renato pala. Kaya sumenyas
ako kay Carter na sasagutin ko iyon. Tumango lang naman siya.
"Hello? Irene?"
"Ano'ng hello? Asan ka bang babaita ka? Nahilo na ko kakahanap sa'yo, bigla ka
na lang na gdisappear-appear, one half one -fourth! Di ba sabi ko you wait for me
sa
labas ng boutique? Akala ko naabduct ka na, eh." talak niya kaya natawa ko.
"Sorry beks, may emergency lang. Kita na lang tayo bukas. Ingat ka sa pag-uwi."
"O siya! Ano fa nga va? Sige babu!"
"You were saying?" usisa ni Carter nang matapos ang tawag.
"Ah, iyon nga may kapatid ako. Ang pangalan niya ay Ha-"
Anak ng ina, tumunog na naman cellphone ko.
Hailey Calling...
Speaking of which..
"Hello?"
"Cal, asan ka na? Gabi na di ba dapat kanina ka pa?"
Napatingin ako sa relos ko. 8:00 pm na! Jusko naman kasi itong si Carter
tinangay-tangay pa ko!
"Saka ko na explain pero may sasabihin pala ko sa'yo," seryosong sabi ko saka
napatingin kay Carter na kumakain.
"Okay ano yon?"
"Sakama ko tayta ng kana mo," panimula ko. May secret language kami ni
kambal kapag may pinag-uusapan kaming hindi pwedeng marinig ng iba. Reverse
letter lang naman ng bawat salita.
"S-Si Carter?" paniniguro ni Hailey nang maintindihan ang sinabi ko.
"'Nadale mo! Maya ko explain. Tosgu ko nasa bisahin na balkam yota?"
"Sasabihin mong kambal tayo?"
"Oo, wala naman sigurong masama?"
"Saka na lang siguro Callie, ako na lang ang magsasabi. Baka kasi mamaya
magalit siya, at least kung kasama mo ko, tulong tayong magpapaliwanag." sagot ni
Hailey matapos ang ilang segundong pag- iisip.
"Sigurado ka?" paniniyak ko.
"Oo, next time na lang, Ako na lang ang magsasabi."
"Okay, ikaw bahala. Pauwi na rin ako."
"Sige, ingat ka, ah?"
"Okay bye. "
"Uwi na tayo?" yaya ko pa kay Carter.
"Uhm sige, teka hindi ko na aalamin kung sino 'yong kausap mo, pero curious
lang ako kung ano'ng klaseng lenggawahe o dialect ang ginamit niyo sa pag-uusap?"
Napangiti ako at napailing.
"Ah, 'yon ba? Ang tawag do'n Ferean"
"Ferian?" maang na tanong niya.
"Oo. Ferean as in Feeling Korean," sagot ko at nagfinger heart pa.
Napabungisngis siya dahil parang pinigil niyang matawa, pero di naman niya
nagawa.
"Sari-sari ka na. Ferean alh?"
Tawa ka naman diyan?"
"Eh, nakakaaliw ka naman talaga."
"Sus, gawin ba naman akong clown. Lika na uwi na tayo." nailing na sabi ko.
"Okay, wait." sumenyas ito sa waiter.
Ilang saglit pa may lumapit na para kunin ang bill namin. Nagsipit si Carter ng
ilang lilibuhin.
"T'l just go to the restroom, hintayin mo ko. Ihahatid kita pauwi." bilin niya at
tumayo matapos magbayad.
"H-Ha?'Di bale na lang. Madali na lang magcommute," tanggi ko kaagad.
"I insist. Hintayin mo ko dito." pinal na turan nito saka nagtungo sa banyo.
Napabuntong-hininga ako. Ang bait ni Carter. Kakaguilty tuloy. Luminga ako sa
paligid. Sumenyas ako sa isang waiter at dagli naman itong lumapit.
"Yes ma'am?" magalang na tanong ng lalaki na medyo kulot ang buhok.
"May ipapakiusap sana ko sa'yo. Pwede bang dito ka muna? Kapag bumalik dito
iyong lalaking kasama ko, pwedeng pakiabot mo ito sa kanya? Nager lang siya pero
pabalik na rin. Pakisabi salamat pero hindi ko matatanggap 'to,"' sabi ko at
iniabot ang
isang tissue kung saan nakaipit ang perang ibinigay ni Carter kanina na ipinambili
niya ng mga beauty soap na ibinibenta ko.
Hindi ko kayang tanggapin ang pagmamagandang loob niya lalo na at hindi
naman niya talaga ako kilala. Na may itinatago ako.
"Wala pong problema."
"S-Sige salamat, Jacob, ah?" paalam ko matapos mabasa ang pangalan niya sa
nameplate na nakakabit sa kaliwang dibdib niya.
Nagmamadali na akong tumayo habang bitbit ang nga beauty soap ko. Hay
parang penguin na naman akong nagmamadaling maglakad.
Nang makasakay na ako ng jeep ay tumunog ang cellphone ko. Si Carter. Hindi ko
pa pala nabubura ang number niya.
"O" bungad ko.
"Onion? Oracle? Oranggutan?" pang- aasar niya.
"Ah 'yong huli kamukha mo!" ganti ko na ikinahalakhak naman niya.
"Asa. Gwapo ko para maging oranggutan. Anyway asan ka?"
"Sakay na pauwi."
"Di ba sabi ko ihahatid kita?"
"Wag na. Hassle lang. Nakuha mo ba sa waiter iyong pinaabot ko?"m
"Oo, bakit mo nga pala isinoli? Labo, ah."
"Eh, para naman kasing instant ang nangyari. Di man lang ako nagpawis. Saka di
mo naman ako kargo. Okay lang. Salamat nga pala sa libre. "
"Wala 'yon. Anyway I'll be away for three days. May event ang publishing sa
Davao. After that punta tayo ulit sa DNA center para kunin ang resulta. Okay ba
'yon?"
"S-Sige. Ingat ka, ah." tanging nasabi ko.
"Ikaw rin. Ingat sila sa'yo." tatawa-tawang sagot niya.
"Loko! Sige na babye na. Salamat ulit,"
"Welcome and thank you rin."
"Ha? Thank you ka diyan, eh, ako nga 'yong nakikain."
"Thank you. 'Cause you made my day. Naaliw talaga ko sa'yo."
"G-Gano'n? May ability pala ko maging clown? Sige na babye. Baka masnatch pa
tong phone ko." paalam ko at pinatay na ang tawag
Ipinasa ko sa number ni Hailey ang number ni Carter saka ko blinock at binura.
Ito na ang huling pag-uusap namin. Wala naman kami dapat na ugnayan. Sila
lang dapat ni Hailey ang nag-uusap at nagkakasama. Ewan ko ba naman at
nakasalubong ko pa siya dito sa mall. Well kung magiging bayaw ko siya saka na ko
magpapakita ulit.
Bye for now Carpenter.

Chapter 11
"Paano ba talaga kayo nagkita?" usisa ni Hailey habang nakatambay kami at
nagpapahangin sa malit na terrace ng malit na bahay na inuupahan namin.
Katabi lang namin ang landlady na nasa kabilang pinto. Kaibigan ng mga
magulang naming namayapa kaya hindi kami masiyadong tinataasan sa upa.
Bata palang kami dito na kami nakatira.
"Ayun nga sa mall. Hinihintay ko si Renato tapos bigla na lang siyang
sumulpot. Pero promise sisikapin ko ng hindi kami magkasalubong. Wala naman
ako dapat sa eksena. Pinasa ko 'yong number niya sa'yo. lkaw na magsave at
makipagcommunicate sa kanya, binura ko na kasi 'yan."
"Sige, buti ka pa nakasama mo siya.." napangusong sabi nito.
Natatawang dinanggil ko siya sa balikat.
"Huwag ka ng mainggit diyan, kasi kapag lumabas na ang result pupusta
kong araw-araw na kayong magkakasama. Alam mo kahit sandali ko palang
siyang nakasama, tingin ko responsible siyang tao."
"Kaya maswerte na rin ako. Bigla ko tuloy siyang namiss."
"Oi Hailey, ah? Mukhang tinamaan ka na talaga diyan. Remind lang kita
may gf pa ata 'yon. Ayaw lang kitang masaktan."
"Kaya nga, eh. Hays! Sana ako na lang girlfriend niya."
"Di naman malabo. Lakas ng laban mo te. May baby kayo. Siyempre pag
ipinanganak mo siya madalas na kayong magkakasama ni Carpenter tapos
magkakadeve lopan na kayo. Eh, di happy ending! Uyyy!" tukso ko pa na ikinapula
"Tigilan mo nga ako," saway niya pero ang lawak naman ng ngiti.
"Sus! Kunwari ayaw! Tuwang-tuwa ka naman, 'wag kang mag-alala,
ipagdadasal kong maging kayo."
"Talaga?"
"0o naman, oh, saglit lang, magsasara na 'tong tindahan wala pa kong
kape. Bukas pa ko mamimili." sabi ko at tumayo na.
"Sama ko, gusto ko ng kendi. Dynamite."
Sabay na kaming tumawid. Napansin naming nandoon si Stacey. Kaklase
namin nung elementary. Tagadito lang din siya pero hindi naman kami
nagpapansinan talaga.
"Oi, mga classmates kamusta na? Long time no see!" feeling close sa amin
na bati niya.
Hindi akO sumagot pero ngumiti naman si Hailey dito. Ayaw kong
makipagplastikan sa bwisit na 'to. Apakasipsip niya nung magkakaklase pa kami.
Tagasumbong pa ng maingay. Nakailang tara ako sa hinayupak na to.
"Nag-asawa ka na ba Hailey? Parang ang laki ng tiyan mo, buntis ka ba?"
usisa na naman niya pero hindi naman sumagot ang kambal ko. Sabi ko na. Kaya
niya kami kinakausap dahil gusto niyang tsumismis. Mga tsismosa talaga buhay
na buhay ang dugo kapag may pag-uusapan. Minsan mas alam pa kwento ng
buhay mo kaysa sa sarili mo.
"Lola Anching, apat nga pong hotdog saka dalawang 3-in-1 tas kendi na rin
iyong dynamite, 5 pesos." sabi ko sa matandang may ari ng tindahan at inilapag
"Callie, kita ko 'yong post mo sa f******k. Nag-oonline seling ka na pala." baling
sa akin ni Stacey na panay hithit-buga sa hawak na yosi. Sa pagkakaalam ko hindi
siya nakatapos ng highschool dahil maagang naging ina.
"Oo." maiksing sagot ko. Di ko talaga alam kung paano ko naging friend 'to sa f****
***. Unfriend ko nga to mamaya. Ay wag na. Block ko na lang.
"Maganda ba 'yon?"
"Siyempre kaya nga beauty soap, eh."
"Sino'ng supplier mo sis?"
"Bakit cyst?"
"Wala lang. Para doon na lang ako didirekta. Alam ko namang may patong
kapag sa mga tulad mong reseller, eh."
Nag-init ang ulo ko sa sinabi niya. Hinawakan ni Hailey ang braso ko.
Pahiwatig na huwag ko na raw patulan.
"Hayup ka ceast, di ka kakayanin ng mga beauty soap ko, hindi abot sa
kaluluwa, 'yon, eh. Mahihirapan kang pakinisin at paputiin kahit pa lunukin mo."
"Yabang mo-"
"Teka matanong ko lang, SSS member ka na ba?" putol ko sa galit niya.
"Bakit mo tinatanong?" nakaangat ang kilay na tanong niya.
"Eh, may kumakalat na balita, may serial killer na gumagala. Mga tsismosa
yong target. Kaya kung ako sa'yo magpamember ka at maghulog ng kahit isang
na. Go!" saka ko hinatak si Hailey na tatawa-tawa.
"Loko ka talaga Callie, sabi sa'yo 'wag mo ng patulan, eh."
"Bakit hindi? Tsimosa siya, eh. Saka mahadera."
"Pero, mapagtsitsismisan naman talaga ko, eh. Lalo na kapag lumobo na ng
husto tong tiyan ko," lumungkot ang mukhang sabi niya.
"So? Magtsismis sila. Putulin ko pa dila ng mga yan, eh. Sumbong mo
sa'kin kung sino 'yong mga taong pinagtsitsismisan ka. Saka paki ba nila? Sa
kanila ka ba hihingi ng panggatas? Diaper? Sustento? Hindi di ba? So wala silang
karapatang pag-usapan ka."
"Pero nakakahiya naman talaga, eh. Di ba dapat nagpakasal muna ko?
Tapos sa kaso koni hindi ko nga boyfriend si Carter, eh."
"Wag ka ngang nega diyan. Alam mo, sa susunod na magmeet uli kayo ni
DC, dalhin mo siya dito. Para pag nakita siya ng mga tsimosang 'yan mamamatay
na lang sila sa inggit. Pogi kaya ng future bayaw ko. Saka 'wag mo ikahiya 'yang
pamangkin ko, blessing 'yan saka ganda kaya ng genes natin, dapat proud ka."
"Sige na nga, basta nandiyan ka, taas noo talaga akong maglalakad."
"Kahit wala ako, dapat taas noo ka pa rin. Lalo na kung wala kang
inaagrabiyado, okay?"
Nakangit ing tumango-tango siya at ipinulupot ang braso niya sa braso ko
at saka sumandal sa balikat ko.
"Di ko talaga alam gagawin ko kung wala ka."
"Sira, ikendi mo na lang 'yan, lika na." tatawa-tawang sabi ko at napailing.
Tumigil kami parehas sa paglalakad nang tumunog ang cellphone niya.
Nanlaki ang mga mata niya. Paanong di maiexcite to, eh, si Carter ang tumatawag.
"Sagutin mo bilis!" utos ko dahil parang natulala pa ang loka. Parang
tinawagan ng crush kaya hindi magkaintindihan. Nanginginig pa ang kamay
niyang sinagot íyon, niloud speaker pa nga.
"H-Hello?"
"Hi. Good evening. Sorry ngayon ko lang nabasa ko text mo. Ito na ang new
number mo?" dinig ko ang boses ni Cartėr.
"O-0o pasave na lang. Thank you." ani Hailey. Kung hindi lang ako
maririnig tatawa na ko, eh. Halatang excited na kinakabahan tong kambal ko.
Partida, boses palang ni Carpenter 'yan.
"Okay, noted. It's getting late, 'wag kayong magpuyat ng baby."
"Oo, patulog na nga ako, sinagot ko lang talaga 'tong tawag mo."
"I see, o pa'no IT hang up. Kitakits na lang tayo pag nakuha ko na result."
"S-Sige."
"Okay. Ingat. Sweet dreams..."
"S-Sweet dreams..."
Parang hibang na napangiti si Hailey sa kawalan ng mat apos ang tawag.
"Hoy! Mahipan ka ng hangin diyan." natatawang siko ko sa kanya.
Impit siyang napatili at parang bulateng inasinan na nagpapadiyak pa.
"Ang sweet niya Callie!"
-I-E."
"0o nga, sweet dreams daw, eh.uyyy!" tukso ko pa kayo lalo siy ang kinilig.
"Siguradong masarap ang tulog ko."
"Mukha nga! O siya halika na! Matulog na tayo para mapanaginipan mo
siya."
"Naiexcite na tuloy akong ilabas itong si Harlie."
"Harlie? lyan ang pangalan ng baby?"
"Oo, bagay naman, eh. Kahit maging babae or lalaki siya. Pinagsama ko
pangalan nating tatlo nina Carter."
"Nating tatlo?"
"Oo, Eh di ba H ako tapos si Carter kanya iyong A-R tapos sa'yo yong dulo L
"Aba! Ayos 'yan, ah. Harlie. Tunog prinsipe."
Lumipas ang araw, hinihintay namin ang tawag ni Carter dahil
paniguradong lumabas na ang resulta.
"Ano hindi ka pa ba tinatawagan kung saan kayo magmimimeet?" excited
na tanong ko kay Hailey pagkauwi ko galing trabaho.
"Hindi pa nga, eh. Naiinip na rin ako."
"Sabi niya sa'kin mawawala lang siya ng tatlong araw kasi pupuntang
Davao? Ikafourth day na ngayon. Dapat nakuha na niya yon."
"Kung nakuha na niya bakit hindi pa niya ko tinatawagan kung saan kami
magmimeet?"
"Baka may inasikaso lang. Pero kung wala pa siyang tawag bukas puntahan
na natin sa office niya. Alam ko kung saan yon."
"H-Hindi ba nakakahiya?"
"Ba't ka mahihiya? Anak niyo 'yan ah? Lahat ng karapatan nasa bata."
Lumipas pa ang isang araw pero walang tawag si Carter. Out of reach na
rin ang phone niya. Ano'ng nangyari sa lokong yon? Kaya kahit ayaw ni Hailey
kinaladkad ko siya papunta ng publishing house na pag-aari ni Carter.
"N-Nahihiya talaga ako Callie. Pwede bang dito na lang ako sa labas?"
"Hay naku, ito na naman si Mariang Makahiya. Sige, kung ayaw mo, ako na
lang papasok at siya palalabasin ko dito. Hintayin mo ko dito. Pero sorry kung
masasapak ko siya ulit ah? Baka manlaban, eh."
"S-Sige ikaw na bahala, basta makausap ko lang siya."
Pinapasok ako ng guard. Ay jusko di ko iniexpect na susugod na naman ako.
"Hi magandang buhay, pwede kong makausap si Mr. Carter Hyun?" bungad
ko sa isang babaeng naabutan ko na nakaupo sa isang desk malapit sa entrance.
Siya rin iyong nakausap ko dati.
"Ikaw na naman?"
"Oo, asan na nga po ang boss niyo?"
"Wala."
"Paano'ng wala? Tinatago niyo ba siya?"
"Hindi at kahit ituloy mo 'yong pagbabanta mo dati na mangugulo ka, okay
lang. Wala naman kasi talaga 'yong guguluhin mo dito."
"Di ba nagkaevent kayo sa Davao? Saan na siya nagpunta pagkatapos ng
event?"
"Ha? Ni hindi nga siya nakasama doon. Kami lang mga staff niya ang
pumunta dahil umalis ng walang paalam. At kung itatanong mo kung asan, wala
rin kaming alam. Nag-iwan lang siya ng maiksing e-mail na kami na muna ang
bahala sa lahat."
"P-Pwede kayang ibigay mo sa akin ang email niya?"
"Naku, confidential iyon."
Hindi ko nakumbinsi ang babae kahit ano'ng pilit ko kaya lulugo-lugo akong
lumabas.
"Callie. Si Carter?" hopeful ang mga matang tanong ni Hailey.
"Hindi raw nila alam. Bigla na lang daw umalis."1
Bumagsak ang mukha ni Hailey. Parang maiiyak na nga, eh.
"A-Ayaw niya siguro sa amin." pigil ang iyak na bulalas niya.
"Wag mong isipin yan. Malay mo nagkaemergency? O kaya ano.." wala na
kong maisip na pampalubag loob.
"U-Uwi na tayo." yakag niya at nagpatiuna ng maglakad. Dismayadong
sumunod ako. Nalulungkot ako para sa kanya.
Ilang buwan na ang nakalipas. Malaki na ang tiyan ni Hailey. Kabuwanan
na nga, eh. May kung ilang beses akong nagpabalik-balik sa publishing pero
mukhang hindi naman nagsisinungaling ang mga tao doon. Mukhang wala talaga
silang alam kung nasaan na ang existence ni Carter. Yari sa akin ang lalaking'yon
pag nakita ko siya. Sisikmuraan ko talaga siya ng bongga. Paaabutin ko sa spinal
cord niya kamao ko.
Kung minsan may mga gabing nagigising ako dahil sa iyak ni Hailey. She's
upset. Kahit aluin ko, minsan magiging okay pero madalas nakikita ko siyang
nakatanaw sa kawalan at malungkot. Sino ba namang hindi madidepress? Akala
namin okay na, tapos nagta go ang bwisit na Carpenter iyon. Ginigigil niya talaga
ko.
"Hailey kain na tayo. Masarap 'to. Lechon manok ulam natin." tawag ko.
Hayun nakatanaw na naman sa bintana at tagusan ang tingin.
Lumapit naman siya at umupo na.
"Huyyy, wag mo na siyang isipin. Mahirap hanapin ang taong ayaw
magpahanap. Kaya natin 'to. Approved na iyong loan ko sa SSS at Pag-ibig pwede
na yong pang CS mo."
Tumingin siya sakin at hinawakan ang kamay ko, nalaglag na rin ang luha
niya.
"S-Sorry, naging pabigat pa ako."
"Sshhh. Kaya natin 'to. Hindi natin siya kailangan. Kung ayaw niya 'wag."
alo ko at pinigil maiyak. Awang-awa na talaga ako dito.
"0-0o, magiging okay ako. Oo kaya natin. Kaya kapag bumalik siya
pinapangako kong hinding-hindi niya mahahawakan si Harlie."
"Itatago mo?"
"'Siya naman unang nagtago, elh. Kaya kung iyon ang gusto niya, eh, di
ibibigay ko. Halika na nga kumain na tayo."
Napailing ako at tinapik-tapik siya sa balikat. Nagsisimula na kaming
kumain nang bigla siyang umaray at humawak sa tiyan niya.
"Hailey bakit?"
"A-Ang sakit ng tiyan ko. Parang humihilab." aniya at biglang tumayo sabay
kapit sa lamesa. Humithit buga siya ng hangin.
"M-Manganganak ka na ba? Jusko lord! Wait lang!"
"C-Callie ito na yata, eh.."
Nataranta ako at parang bakang umunga para humingi ng tulong.
"Walangya ka, Carter! Ka salanan mo 'to! Magkapigsa ka sana! Kurikong!
Bakokang! Hailey tara na! Andiyan na yong taxi!" tawag ko kay Hailey matapos
kong isumpa at murahin si Carter.
Juskolord kayo na talaga ang bahala sa amin.

Chapter 12
"Kalma ghorl, upo ka nga, ako naloloka sa'yo. Actually lokang-loka ako sa
nangyayari, paanong nabuntis yang si Hailey?" saway ni Irene dahil pabalik-balik
ako sa hallway ng ospital.
Nagpasama ako sa kanya, hindi ko kayang mag-isa dito. Nasa delivery room na si
Hailey, ceasarian siya. Dahil alam kong hindi niya kakayanin pag normal.
Ilang ta on na rin naman kaming magkaibigan nitong si lrene kaya minsan
nakakapunta-punta siya sa bahay kaya kilala na niya si Hailey.
"Saka ko na i-explain samahan mo na lang muna ko. Kinakabahan ako para
sa kanya."
"Nakakakaba talaga, eh, di ba weak ang heart niy a? Wag naman sana pero
delikado talaga para sa kondisiyon niya ang manganak."
"K-Kaya nga, eh. Mababaliw na ko kakaisip kung ano'ng pwedeng
mangyari. Sana talaga kayanin niya. Siya na lang ang meron ako." maiyak-iyak na
sa kabang sabi ko.
Hours passed. Lumabas ang doctor. Nagtanggal ito ng mask nang
makalapit sa amin.
"D-Doc kamusta p0? lyong kapatid ko? Ang baby?" napapahimas pa sa
brasong tanong ko sa sobrang kaba.
"It's a healthy baby boy, but unfortunately your sister-"
"Doc? Wala na si Hailey? Kawawa naman siya! Hailey!" panic ni Irene at
naglupasay na sa sahig kaya bahagya ko siyang sinipa para magtigil.
"Nagcardiac arrest siya."
"Ha?!" halos sabay pa naming reaction ni Irene nang makatayo siya mula sa
pagiging over acting.
"Don't worry narevived naman namin siya. But right now, she's in coma."
"Po? Eh, kelan po siya magigising?" kinig ang boses na tanong ko.
"Kalimitan ang mga pasiyenteng narevive sa cardiac arrest ay hindi kaagad
nagkakamalay, they may remain in a coma for hours, weeks or even a month.
Pwede ring mas matagal pa or worst 'wag naman sanang mangyari iyong
kinatatakutan natin, na hindi na siya magising, lalo nasa kondisiyon ng kapatid
mo. Depende na lang sa fighting spirit ng pasiyente. Let's hope for the best and of
course prayers is a big help."
Hindi na ako nakapagsalita kaya nagpaalam na ang doctor. Naiyak na lang
ako sa frustrations. Nalagay pa rin sa alanganin ang buhay ni Hailey. At paano na
si Harlie? Ako ang tatayong guardian niya ngay ong walang malay si Hailey. Ano
namang alam ko sa pagiging Mommy? At saka saan ko kukunin ang pambayad
habang nakaconfine sa ospital na ito si Hailey? Hindi ko naman siya pwedeng iuwi
nang nasa ganoong kondisiyon siya dahil baka mas lalo lang lumala.
"Girl kaya mo 'yan, tutulungan kita sa abot ng powers ko. Keri 'yan." alo ni
Irene sa akin.
"Bakla, malaking pera ang gagastusin ko dito, kahit pa siguro kumayod ako
mula umaga hanggang gabi hindi sasapat, may bata pa ko. Wala akong ipapadede.
"Sabagay, mahirap ang flat 'no?"
Sinamaan ko siya ng tingin.
"Joke lang, ito naman. O basta may ipapahiram naman ako sa'yo tapos
kung kapos pa rin, gagawa tayo ng paraan. Problema lang yan 'wag kang patalo."
"G-Grabe namang problema 'yan hindi lang kami pinadadapa, eh.
Inginudngod pa sa lupa," halos ngalngal ko na.
Ang gulo na talaga ng utak ko. Patong-patong naman itong si problema
kapag dumating, hindi ba pwedeng isa-isa lang?
"Kambal, alam ko hindi mo ako iwan, alam kong gigising ka. Nagpapahinga
ka lang di ba?" panimulang kausap ko kay Hailey habang nakaratay siya sa
hospital bed ng ICU ng ospital na iyon. Sa kon disyon niya kailangan ng constant
monitoring. Kapag medyo stable na ang lagay niya ililipat din naman siya sa
regular ward.
May nakakabit pang oxygen sa ilong niya. Hirap siyang huminga.
Pinangiliran ako ng luha habang pinagmamasdan ang kahabag-habag na ayos
niya. Pikit na pikit siya, para ngang hindi na didilat.
"A-Akala ng iba matapang ako pero di nila alam ikaw ang source of
strength ko. Lumalaban ako sa buhay hindi lang para sa sarili ko, kundi para sa'yo
rin. K-Kaya sana lumaban ka rin. Lumaban ka para sa'kin lalo na para kay Harlie,
kailangan ka niya.
Napahagulgol ako dahil sobrang bigat na ng dibdib ko, kailangan kong
mailabas sa pag-iyak, baka sakaling mabawasan.
"K-Kung hindi mo pa kaya sige tulog ka muna saglit, pero'wag masiyadong
matagal, ah? Kawawa naman ang baby mo, alam kong hinihintay ka niya. W-Wag
kang mag-alala hindi ko siya pababayaan habang wala ka."
Bagsak ang balikat na lumabas ako ng ICU, parang hindi kasi ako narinig ni
Hailey. Tinanggal ko na ang hospital gown at mask ko. Lutang ako habang
naglalakad sa hallway ng ospital.
Iniisip ko pa rin kung sino'ng magbabantay sa kanya? May trabaho ako, sino'ng
mag-aalaga kay Harlie? Hindi naman siya pwedeng magtagal dito sa ospital dahil
baka kung ano pang sakit ang makuha niya. Kailangan kong iuwi ang baby. pero
sino ngang titingin kay Hailey? Kung titigil ako sa trabaho wala kaming kakainin at
ipambabayad dito sa ospital. Eh, pero paano nga ako papasok kung walang
magbabantay sa dalawa? Paano ko ba hahatiin ang katawan ko?
"Jusko, hinayupak ka talaga Carpenter, parusa kang talaga! Para kang pusa!
Nilahian mo lang ang kambal ko sabay takbo! Gugulpihin talaga kita pag nakita
kita!" nagngingitngit na bulong ko.
Lumiko ako kung nasaan ang newborn nursery, sisilipin ko ang pamangkin ko.
Kumatok ako sa glass window matapos isulat sa isang papel ang pangalan ni
Harlie.
"Ang pogi mo naman baby Harlie.." napapangiting puri ko sa natutulog na baby.
Ang tangos ng ilong nito at mamula-mula ang balat.
"Kawawa ka naman. Hayaan mo nandito si Tita, tayo muna ang magkasama
habang tulog pa ang Mommy mo. Tutal magkamukha naman kami, kaya
pansamnantala ako muna ang Mommy mo. Okay ba 'yon?" kausap ko pa sa kanya.
Gumalaw ito at parang ngumiti pa kaya napangiti rin ako. Nakakagaan ng
pakiramdam ang ngiti niya.
"Laban lang, kaya natin 'to..."
Doon na ko natulog sa hospital. Nagtext na rin ako sa tiyahin namin sa
niya, papatusin ko na rin.
Iniuwi ko na rin si Baby Harlie.
"Hello baby Harlie. Good bye muna tayo kay Mommy, Hailey promise babalik kami.
pangako ko sa kakambal ko bago kami lumabas ng ospital at umuwi ng bahay.
Naiiyak ako sa presyo ng gatas. Butas na butas na ang alkansiya ko. Pabiro ko
ngang tinanong ang nurse kanina na baka pwedeng tubig na lang ipainom
paminsan-minsan para mas mura, nakagalitan ako, mamamatay daw ang baby sa
gagawin ko. Noon ko lang kasi nalaman na hindi pa pala pwedeng uminom ng
tubig ang baby hangga't wala pang anim na buwan. Maari daw hindi kayanin ng
malit na sikmura nito ang plain na tubig lang.
Napilitan akong iwan si Hailey pansamantala dahil wala talaga akong
mapakiusapan na magbantay. Babalik na lang ako bukas.
Ngumangalngal si Harlie kaya pati ako nakikingalngal na rin. Naiyak kasi ako sa
sitwasiyon naming tatlo. Parang ako ang magkakapostpartum nito kahit hindi ako
nanganak.
"Baby Harlie ito na, dede ka na." kausap ko sa kanya matapos kong magtimpla ng
gatas.
Mukhang gutom ito kaya isinubo kaagad ang tsupon ng bote, kakabili ko lang
niyon sa drugstore saka ko pinakuluan bago ibigay sa kanya. Ingat na ingat ako sa
pagkarga sa kanya, nagpaturo pa nga ako sa nurse kanina bago ko ilabas si Harlie.
"Nagfile na ko ng leave for 1 week habang nag-iisip ako ng paraan kung paano
natin malulusutan 'to. Hayaan mo makakaraos din tayo, kapag nagising si
Mommy mo mas magiging madali na kasi may magbabantay na sa'yo at mas
masusuportahan ko na kayo ng maayos. lyong Daddy mo kasi walang kwenta,
Harlie, wala kasi akong makausap kaya siya na lang.
"Susundin ko talaga bilin ng Mommy mo na huwag kang ipahawak sa kumag na
yon, sorry baby Harlie pero hindi mo siya deserve maging Daddy,
napakairespon sable niya. Pinabayaan niya kayo, pananagutan daw, mukha niya!
Infairness kamukha mo siya, pero wag mo itutulad ugali mo sa kanya, ah?"
Dinadapuan na ako ng antok kaya pagkatapos niyang dumede, natulog na rin ako
matapos ko siyang ilapag sa crib na matagal na naming binili para sa kanya.
Nakatulog ako sa kabila ng nakakapagod na mga problema. Mabait ang bata dahil
hindi ako pinuyat. Pinalitan ko ng lampin at nagtimpla ng gatas bago ako mag-
almusal.
"Dito ka lang, ah? Maliligo lang ako, iyak ka lang kapag may kailangan ka," bilin
ko
sa kanya matapos siyang ilapag sa crib.
Mabilisan lang akong naligo at naghagilap ng maisusuot na pambahay.
"Pambihira, ubos na pala ang malinis na damit ko." palatak ko habang binubulatlat
ang cabinet.
Gabundok na nga pala ang mga labahin namin. Hinagip ko ang wallet ko, may
barya pa. Magpapalaundry na lang ako, hindi na kakayanin ng powers ko ang
maglaba. Singkwenta lang naman per kilo.
"Pagtitiyagaan na lang kita," sabi ko sa sarili ko nang makita ang isang lumang
duster ni Hailey.
Hindi ako mahilig magsuot niyon pero walang choice. Palagi namang walang
choice. Hays.
"Pati panty wala?" reklamo ko pa rin, puro lumang underwear na ang natira. iyong
sira na ang garter at medyo manipis na ang tela kakakusot. Noong college days ko
pa yata ito o highschool? Ewan.
Nahuhubo ang panty kapag hindi hinahawakan. Napailing ako at nagha gilap ng
pardible para ikabit sa duster at ng hindi nalalaglag. Nakakangawit kung palagi
kong hawak at itataas.
Busy ako sa paghahanap ng pardible namg may kumatok. Sino kaya iyon?
"Sandaleee!" sigaw ko dahil parang nagmamadali ang kumakatok. Stress na
bumaba ako dahil hindi pa ako nakakahanap ng pardible kaya hawak ko ang
duster ko para hindi malaglag ang panty ko.
"Sino ba-" natigilan ako nang mapagsino ang nasa labas ng pinto nang mabuksan
ko iyon.
Nabitiwan ko ang duster at nalaglag ang panga ko sa pagkabigla..
Nakashades pa ang hinayupak at iniangat nito iyon sa ulo nito.
"Hello... know you're excited to see me again but please...fix your underwear.
Nagversace on the floor na siya." halatang pigil ang tawa na sabi ni Carter at
bumaba ang tingin sa paanan ko kung saan lumagpak ang panty ko ng hindi ko
namamalayan. 2
Hayop na yan! Nakakahiya.
"Tse! G-Goodbye!" galit at hiyang-hiyang sabi ko sabay talpak ng pintuan pasara
matapos kong damputin ang panty kong walang kwenta!

Chapter 13
Callie's POV
I slammed the door as soon as I..letse napapaenglish tuloy ako. Itinaas ko
na ang panty kong wala ng garter na nalaglag sa harap ni Carter. Nakakahiya!
Baka akalain niya sa sobrang gwapo niya, makalaglag panty na ang dating niya.
Gusto kong burahin ang pagmumukha ko ngayon.
Kipkip ko ang tagiliran ng duster ko, naghagilap kaagad ako ng pardible. Nakakita
naman ako sa sewing box namin at ikinabit iyon sa gilid. Katok nang katok si
Carter sa labas na sigurado akong tinamaan ang tungki ng ilong sa lakas ng
pagkakatalpak ko sa pintuan.
"Hailey, mag-usap tayo," tawag niya mula sa labas habang kumakat ok pa
rin.
"Makipag-usap ka sa sapsap tutal mukha kang kulisap! Tsupi!" sigaw ko
pabalik.
"Just let me explain, 'wag namang ganito."
Inis na napakamot ako sa ulo at nagmamartsang tinungo ko ang pintuan.
Ang ingay ng kulugong to, magigising si Harlie, eh.
"Salam-
"Pasok!" putol ko sa kanya at hinatak ang kwelyo ng damit niya.
"Aw! Ginawa mo kong aso," reklamo niya nang bitawan ko na ang kwelyo ng
"Hindi ka pa ba aso? Ang ingay mo, kahol ka nang kahol diyan sa labas."
"You already gave birth?" bakas ang excitement na tanong niya habang
nakatutok ang mga mata sa tiyan ko. Expected niya siguro na aabutan pa niya si
Hailey na hindi pa nakakapanganak.
"Ang tagal mong nawala, alangan namang hintayin ka pa bago umire?"
sarkastikang sagot ko.
"A-Asan ang baby natin?"
"Makababy natin, teka nga paano mo nalamang dito kami nakatira?"
kastigo ko pa rin, wala naman akong natatandaang binigay ko address namin.
"Nagtext ka few days ago, kahapon ko lang nabasa pagkalapag ng airplane
na sinasakyan ko pabalik dito. Sorry about that."
"Nagtext? Patingin nga." maang na tanong ko.
Iniabot niya sa akin ang cellphone, number ni Hailey ang nandoon. Tinext
niya pala si Carter bago manganak. Mas nalungkot ako para kay Hailey dahil sa
text niya kay Carter.
Hinihintay pa rin kita. Puntahan mo ko sa address na to kung balak mo
pang panindigan ang anak natin.
lyon ang text ni Hailey kasama ang address namin. Sayang hindi sila nag-
abot.
"Tinext pala kita, di ko na maalala." kaila ko.
"Hailey-"
"Teka sabi mo kahapon mo lang naba sa, dahil kahapon lang din lumapag
ang eroplano mo, ibig sabihin wala ka dito sa bansa noong mga panahong naglaho
kang parang bula?"
"Yeah..
"So saang lupalop ka nagsuot?"
"Sa-"
Umiyak na si Harlie na nasa kwarto kaya natigilan si Carter.
""s that our baby?" bakas ang excitement sa boses niya.
Hindi ako sumagot at inirapan lang siya. Walang imik na nagtungo ako sa
kwarto, awtomatikong sumunod naman ang loko.
"'Ssshhh, baby tahan na. Nandito na ko," malambing na kausap ko sa
gwapong baby saka siya maingat na kinarga. lpinaghele ko para tumahan.
Naramdaman kong nasa likuran ko si Carpenter kaya humarap ako.
Para siyang naestatwa sa pagkakatitig kay Harlie.
"A-Anong pangalan niya?" parang nangislap pa ang mga matang tanong
niya.
"Harlie." maiksing tugon ko.
"Harlie..." ulit niya at hinawakan ang maliit na kamay ng baby.
Awtomatikong napangiti ako nang kumapit sa hintuturo ni Carter ang kamay ni
baby Harlie. Mukhang nakilala niya ang Daddy niya.
"Pwede ko ba siyang makarga?"
"Marunong ka?"
Tumango lang siya kaya maingat kong ipinasa sa mga bisig niya si Harlie.
Kumiwal-kiwal pa si Harlie pero mukhang marunong naman talaga si Carter dahil
hindi siya nataranta. Nakarga niya ng maayos si Harlie. Titig na titig siya sa
baby.
Ang perfect ng scenario na to. Gwapong daddy plus cute na baby. Gusto ko tuloy
silang picturan.
"Hindi na ko mawawala sa tabi mo, uuwi na tayo." kausap niya sa bata kaya
napakunot noo ako.
"Ano'ng iuuwi?"
"lsasama ko na siya."
"Teka-teka hindi yata pwede 'yang sinasabi mo," tutol ko kaagad at
maingat na binawi si Harlie sa kanya.
"Ako ang ama ng bata, ano namang masama kung kunin ko siya?"
"Kapal rin ng mukha mo, 'no? Aalis-alis ka ng parang wala lang tapos
babalik ka ng parang wala lang din? Kukunin mo pa si Harlie? Saka ano'ng patunay
mo na sa'yo nga 'tong bata ha?" hamon ko.
Napabuga siya ng hangin at may dinukot mula sa bulsa ng suot niyang
jacket. White envelope at kinuha niya ang lamang papel. Iniharap niya sa akin iyon
matapos buklatin. Hindi ko masiyadong nagets pero may nakita akong 99.99
something.
"Kahapon ko lang din nakuha itong resulta ng DNA tets, 99.9 percent na ako
ang ama ni Harlie. Kaya may karapatan ako, saka bakit ba nagagalit ka? Hindi
lang naman siya ang kukunin ko, ah? Kasama ka."
"A-Ako?" Gulat na tanong ko.
"Siyempre, ikaw ang Mommy, ang sama ko naman kung paghihiwalayin ko
pa kayo?"
"0-0o nga...pero hindi pa rin pwede!" giit ko.
Jusko paano naman akong sasama sa kanya? Eh, hindi naman ako si
Hailey! Hindi ako ang totoong Mommy! Hindi pwe deng ako lang ang magdesi syon
nito. Wala akong karapatan. Dapat silang dalawa ni Hailey ang nag-uusap ngayon.
Hailey, bakit naman ngayon ka pa nacomatose? Ito na, oh! Si Carter bumalik na!
hiyaw pa ng utak ko.
"What? Bakit hindi pwede? May problema ba?" takang-takang tanong niya.
Hindi kaagad ako nakasagot, dapat ko na bang sabihin na hindi naman ako
si Hailey?
"H-Hindi ganoon kadali ang binabalak mo, hindi pa naman talaga tayo
magkakilala tapos patutuluyin mo ako sa bahay at buhay mo? Ano na lang
sasabihin ng pamilya mo?"
"I don't have thOse."
"Ha?"
"Wala akong pamilya."
"Pwede ba 'yon? Ano ka singaw?"
"Meron akong Lola pero nasa ibang bansa, eh. My mother died few years
ago.
"Eh, ang tatay mo?"
"l don't even know where he is and to tell you frankly I don't give a damn."
he said with a straight face.
Natigilan ako, mukhang may gap pa si Carter sa ama niya.
"Pwede ba umalis ka muna? Mag-iisip ako, at balik tayo sa topic bigla kang
nawala. Hindi ko alam kung tama bang hingan kita ng rason pero siguro naman
para kay Harlie, may karapatan akong magtanong at malaman ang totoo, paano
kung ulitin mo 'yon? lwanan mo ulit siya sa ere? May anak ka at napatunayan mo
na yon, kaya hindi na pupwede 'yang pagiging kabute sty le mo, lulubog-lilitaw?"
"Kaya nga ako nandito, itatama ko kung anumang maling nagawa ko.
Pupunan ko ang pagkukulang ko, babawi ako."
"Talaga? Handa ka ng maging Daddy? Talikuran ang pagbubuhay binata?"
"Oo."
"Seryoso ka, ah?"
"Oo naman. Saka kung inaalala mo na hindi pa tayo lubos na magkakilala,
don't worry we have all the time in the world to get to know each other, especially
kapag magkasama na tayo."
Napalunok ako. Wala namang problema sana kung nandito si Hailey. Kung
ako lang, pasasamahin ko na siya kay Carter. Dahil iyon naman talaga ang dapat.
May anak na sila. Dapat lang na buo ang pamilyang mamulatan ni baby Harlie. Eh,
ang kaso hindi naman ako siya. Si Callie lang ako.
"Alam mo pag-iisipan ko 'tong mabuti, hindi kasi talaga ganoon kareal quick
pagdesisyunan ang mga bagay na tulad nito. Sana maintindihan mo."
"Naitindihan ko. At pag-isipan mo ngang mabuti. Kung may sagot ka na
tawagan mo lang ako, I hope you will do the right thing for Harlie, kasi ako
sisimulan ko na. I'm going to take the first step and that is.. a new beginning
with
you."
So help me God. What to do?
"New beginning with me?" paglilinaw ko sa sinabi ni Carter.
"0o. New beginning with you and with Harlie of course," nakangiting paglilinaw
niya.
Itinaas ko ang palad ko para patahimikin siya.
"Bago 'yang mga beginning na 'yan, would you please care to explain first kung
bakit ka nawala few months ago?" o ayan nag-uumingles na naman ako.
Mataas pa emotion ko lalo na kapag naalala ko ang ginawa niyang pag-
aabandona kina Hailey, dahilan para malungkot ng husto ang kambal ko.
Sa totoo lang hindi pa abswelto sa akin ang mokong na ito lalo na at wala pa
siyang ibinibigay na paliwanag.
Natahimik siya. Parang ayaw pa magsalita.
"Hoy hanuna? Maghihintay ba ako ulit ng ilang buwan bago ko marinig explanation
mo? Inuulit ko, saan ka naglungga nang mga panahong nawala ka?" untag ko.
Napaiwas siya ng tingin at bumuntong-hininga.
"I went to U.S."
"Oy sosyal, U.S.! Ano'ng ginawa mo do'n?"
"|-was with..Krisha."
"At sino po itong Krisha na ito?" napaangat ang kilay na tanong ko. Wala pa man
siyang sinasabi pero ramdam ko na agad ang gigil ko.
"My girlfriend..."
Nagtagis ang mga ngipin ko sa sinabi niya. Ngumisi ako at maingat na inilapag si
baby Harlie sa crib niya. Pagkatapos ay muli akong humarap kay Carter saka siya
hinagip sa braso.
"Labas." utos ko at iginiya siya palabas ng kwarto namin ni Hailey.
"Bakit?" maang na tanong niya.
"Ano'ng bakit? Babae ang dahilan kung bakit ka nawala di ba?"
"Oo pero-"
"Ibang klase ka mainlove 'no? Nakakalimot ka? Ang tagal mong nawala hijo! Niha
niho wala kaming narinig sa'yo. Nakakapraning mag-isip alam mo 'yon? Buti sana
kung hindi ka nangako na pananagutan mo ang bata, eh. Okay lang naman kung
ayaw mo sa amin, pero sana nagsabi ka! Hindi yung nagtago ka! Ano'ng akala mo
sa amin? Aso? Maghihintay sa pagbabalik mo tuwing aalis ka tapos kakawag ang
buntot pag bumalik ka? Eh, wala ka palang isang salita, eh! Alis na!" at
pinagtulakan ko na siya palabas.

Chapter 14
"Can you please listen to me first?" tutol ni Carter nang akmang palalabasin ko na
siya ng bahay.
"Wag na. Okay na po. Makakaalis ka na. Shupil" tulak ko pa sa kanya at binuksan
ang pintuan para lumabas na siya.
"I'm the father-"
"Kahit pa ikaw ang moth er. Tsupi! Doon ka na lang sa Krisha mo, okay? lkaw ang
tipo ng tao na kapag nainlove itatapon lahat. Paano kung iutos ng jowa mo na
idispatsa si Harlie? Gagawin mo nga? No way highway! Mamaya apihin pa niya si
Harlie, neknek niyo. Kaya makakaalis ka na hindi ka namin kailangan. Okay na
kami."
Sumeryoso ang mukha ni Carter at matim akong tinititigan, bahagya akong
nailang at napalunok lalo na nang humakbang siya para lapitan ako. Naningkit pa
lalo ang singkit na niyang mga mata.
"Do you think I would give up that easily? Harlie is my son. Kung may karapatan ka
meron din ako." giit niya. Umangat ang sulok ng labi ko at nginisihan siya.
"Inabandona mo kami. Kahit hindi na ko, eh, si Harlie na lang. Kung tot oong may
malasakit ka sana nagsabi ka! Deplano-plano ka pang nalalaman na sabay
kukunin ang DNA. Tapos boom bigla kang naglaho. Ano man lang ba yong sabihin
mong anak alis muna si Daddy, lalandi lang saglit. Yung gano'n! Para at least may
idea kung buhay ka pa diva?"
"Hindi ko kayo inabandona at saka hindi ako lumandi-"
"Shhh! Wag ka na nga mag-explain, umalis ka na lang. Doon ka sa presinto
Natigilan siya at napahimas pa sa baba na parang napaisip. Pagkukwa'y napapitik
siya sa hangin.
"Wow! You just gave me an idea. Presinto? Mas maganda siguro kung sa
husgado."
Nanlaki ang mga mata ko. Pasaway na bibig. Ipapahamak pa ko.
"H-Husgado? Di ba doon ginaganap yung mga paglilitis? Yung may sumisigaw ng
obje ction your honor, sustained at order in the court? Tapos may inihahampas na
maliit na martilyo?" alanganin ang ngiting tanong ko.
"Yeah. What a bright girl!" nakakaloko ang ngiting sagot niya.
"A-Ano namang isusumbong mo do'n?" kabadong tanong ko kahit alam ko na kung
anong magiging sagot niya.
"Siyempre sasabihin kong inaalisan mo ako ng karapatang maging ama sa anak ko
na hindi naman dapat. Lalo na kung may kakayahan naman akong ibigay lahat ng
pangangailangan niya."
"M-magdidemanda ka? Kapal din ng mukha mo 'no? Sapilitan? Hindi mo lang
makuha gusto mo mag-iinaso ka kaagad? Wow! Ang sarap mong sabuyan ng
mainit na sabaw! Saan ka humuhugot ng kapal ng mukha? Wala ka na ngang
naitulong ididemanda mo pa ko para lang makuha ang bata? Galing! Nung
mailabas na si Harlie saka ka nagkukumahog magpakatatay? Alam mo kung ako
sa'yo umalis ka na, mas lalo lang akong nawalan ng tiwala na magiging mabuti
kang amna." galit na hinila ko na siya palabas.
"Saglit lang, kumalma ka nga. Hindi ko naman paaabutin sa gano'n kung aayusin
na natin ngayon. Hailey naman. Nandito na nga ako. Bigyan mo naman ako ng
"S-Saka na. Text text na lang. Bye!" saka ko hinigit pasara ang pintuan.
Kailangan ko muna kasing mag isip kaya pinapalayo ko siya. Aba hindi naman ako
ang dapat na magdecision dito. Tita lang ako. Eh, pero paano nga? Comatose si
Hailey.
Mga ilang minuto na kong nakasandal sa pintuan nang may kumatok.
Napapalatak ako dahil ang kulit nitong si Carter.
"Ang kulit-" natigilan ako nang makitang hindi naman pala si Carter iyon.
Nangatal ang tuhod ko at mga labing napanganga. Paanong hindi ako
makakaramdam ng takot kung kaharap mo ay multo?
"N-Nanay ko po!" sigaw ko nang makita ang yumao kong ina. Magsisisigaw na
sana ako sa takot nang sumulpot si Tiyang Melba.
"Callie, 'wag kang matakot. Hindi siya multo." paliwanag kaagad ni Tiya Melba.
"Po? Eh, si Nanay yan, eh. Paanong hindi magiging multo?" maang na tanong ko
habang hindi nilulubayan ng tingin ang babaeng kamukha talaga ng yumao
naming Nanay ni Hailey. Pero napuna kong mas sopistikada siya kaysa sa Nanay
ko. Parang nakakaangat sa buhay.
Titig na titig rin naman siya sa akin at parang naluluha pa nga.
"Pwedeng sa loob na natin pag-usapan?" hilingni Tiyang Melba.
Niluwangan ko ang bukas ng pintuan at pinapassok ang tiyahin ko pati na ang
mistery osang babae na kamukha ng Nanay Elana ko. Umupo sila sa maliit na sofa
namin.
"Hindi siya ang Nanay mo, Pero siya talaga." ani Tiya Meiba na mas ikinalito ko.
"Po?"
"A-Ako si Elaine. Kakambal ko ang Nanay mong si Elena. Ang kinilala mong Ina."
pakilala ng babae.
"Kinilalang ina?" paglilinaw ko.
"Calie, siya ang totoong Mama niyo ni Hailey. Matagal siyang nawala kaya si
Elena ang kinilala niyong ina. Nang sabihin mo sa akin ang kalagayan ni Hailey
hindi na ako nagdalawang isip na kontakin siya, dahil alam kong malaking pera
ang kakailanganin-"
Teka! Teka lang Tita, bakit hindi namin to alam ni Hailey? Wala namang nasasabi
si Nanay na may kakambal siya nung nabubuhay pa siya lalong hindi niya nasabi
na siya ang totoo naming ina."
"K-Kasa lanan ko, sinabi kong kalimutan na lang nila ko, na mabuhay sila na wala
ako at ituring kayong tunay na anak." sabat ni Elaine na tunay daw naming nanay.
"|-Ibig sabihin ba hindi rin namin tatay ang kinagisnan naming si tatay Calvin?"
"Si Calvin, siya talaga ang totoo niyong tatay. Kaya kung makikinig ka sa
paliwanag ni Elaine mas maiintindihan mo lahat." ani Tiyang Melba.
"Saglit lang po. Time out! Nakakasakit ng ulo itong mga nalalaman ko ngayon.
Kung anuman ang kwento sa likod ng lahat ng ito, wala pa ko sa wisyo para
makinig. Baka hindi ko maabsorb lahat ng sasabihin niyo. K-Kung pwede po sana
maiwan ko muna kayo, kasi kailangan kong puntahan si Hailey. Walang
nagbabantay sa kanya ngayon." windang na bulalas ko.
"I understand. S-Samahan ka na namin sa hospital." prisinta ni Elaine.
"K-Kayong bahala, bili lang ako ng softdrinks tiyang. Dito muna kayo." paalam ko,
para makasagap man lang ng konting hangin. Parang nasosuffocate ako sa mga
nangyayari sa amin nitong mga nakaraang araw.
ldagdag pa itong si Carter na mukhang nagbabanta pa.
"Lola Anching coke nga po, tatlong mismo. lyong malamig na malamig." sabi ko sa
tindera.
"Oh, Callie sumeseksi ka at gumaganda lalo, ah?" bati ni Allan na istambay na
nakaupo sa isang sulok ng tindahan käsama iyong mga tropa niyang lasenggo.
Kay aga-aga alak ang inaatupag.
Puro mga hubad baro pa, mga mukha namang butete ng laot sa lalaki ng tiyan at
ang kakapal ng patay na libag sa likod.
"Ano ngayon?" supalpal ko habang kinukuha ang binili ko.
"Wala ka pala pre! Hahaha!" tawanan ng mnga kasama nito. Tumayo si Allan sa
bangkito at nilapitan pa ko. Umaalingasaw ang baho ng alak sa hininga at
katawan niya.
"Suplada mo naman! Akala mo kung sino ka, eh, disgrasiyada naman iyang
kakambal mong mahinhin kuno! Hahaha!" pang-aalaska niya na pinag-init ng ulo
ko.
Ngumiti lang ako at pasimpleng kinalog ang coke sa bote saka ko iyon binuksan at
pinasirit sa mukha niya.
"P-ta!" hiyaw nito sa gulat. Ipinaltok ko iyon sa mukha niya nang maubos.
Binirahan ko pa siya ng isang sampal!
"GIsing ka na? Ikaw na hayup ka! Kalalaki mong tao tsimoso ka! Akala mo kung
sino ka makapagsalita, ah? Kapal ng mukha mo, akala mo hindi ka nagtae sa short
nung elementary tayo! Tse! Bwisit!" tulak ko pa sa kanya at dali-daling bumalik ng
bahay.
Bakit kaya ganoon ang mga tao? Wala namang nalalaman sa buong storya pero
kung makahusga ganoon na lang? Ang sarap ibalibag!
"Ay ang sarap talaga nito!" bulalas ni Renato habang nanonood sa smartphone
niya habang nakacharge sa powerbank. Sumilip ako at natampal ko siya nang
makitang puro pictures ng mga halos hubad ng mga lalaki ang binabrowse niya.
"Arouch ha!" reklamo niya at naglaro naman. Nasa hospital kami. Sa hallway.
Nasa loob ng ICU si Elaine binabantayan si Hailey, naiilang ako kay Elaine kaya
hindi muna ako sumama sa loob. Ipinahabilin ko muna si Harlie kay Tiyang Melba
na nagpaiwan sa bahay.
"Alam mo bang nakakasira ng buhay kapag pinagsabay mo ang dalawang bagay?"
wala sa sariling sabi ko kaya napatigil siya sa paglalaro.
"Pakiulit mo nga Sis? Alin ang nakakasira?"
"Ayan! lyang ginagawa mo! Nagchacharge ka tapos naglalaro ka, nanonood ka,
nakakasira ng buhay ng battery 'yan! Di mo alam iyong parasitic discharge? Same
amount ng labas at pasok ng kuryente! Nililito mo 'yang battery kung
magbabawas ba siya o magdadagdag! Nakakasira ng buhay kapag pinagsabay mo
ang dalawang bagay! Bakit may mga tulad niyo, ha? Hindi makuntento sa isa!"
halos talak ko na kaya tinakpan niya ang bibig ko dahil napapatingin sa amin ang
mga tao sa ospital.
"Ikaw na babae ka magtapat ka nga! Gigil na gigil ka, ah? May hugot 'yang
pinagsasabi mo, hindi dahil concerned ka sa gadget ko, umamin ka." nakaangat
ang kilay na kastigo niya nang medyo kumalma na ko. Napakamot ako sa ulo at
nagkwento. Napapalat ak ang bading ng malaman ang sentimiyento ko sa buhay
para sa araw na iyon.
"Kaya naman pala, magulo talaga iyang buhay mo. Hindi mo nanay ang kinagisnan
mong nanay. Tapos nalaman mo na pinagsasabay nung Carter si Hailey at gf
niya? Grabe 'no? Kambal-kambal din problema at rebelasiyon."
"Wala pa kong comment tungkol doon sa tunay kong mother. Wala pa kong alam,
eh. Pero alam mo si Carter na two timer? Walangyang 'yon! Kaya pala naglaho
dahil namba bae! Oo nga, hindi sila ni Hailey pero nangako siya. Umasa tuloy iyong
isa. Tapos ngayon nagbabanta pa siya na kukunin niya si Harlie? Kapal! Ano'ng
gagawin ko kung totohanin niya iyon? Ano namang laban ko sa custody ni Harlie?
Tita lang ako. Tatay siya. Eh, comatose pa si Hailey, madali para sa kanya na
kunin si Harlie." napabuga pa ng hangin na hinaing ko.
"Wait girl, alam na ba niya itong nangyari kay Hailey?"
"Hindi pa, ni hindi ko pa nga nasasabi na kambal kami, eh. Akala niya si Hailey
ako.
Natahimik siya saglit at napapitik sa hangin na parang nakaisip ng magandang
solusiyon.
"Ano kaya kung panindigan mo na?"
"Ang ano?" maang na tanong ko?
"Panindigan mo na ikaw si Hailey para maprotektahan mo si baby Harlie."
"Ano? Naloloko ka na ba?" gulat na reaksiyon ko.
"Hindi pa naman. Pero kasi paano nga kung totohanin niya? Tama ka. Ano'ng
laban mo? Saka buti nga kung dalhin sa husgado, eh. At least baka maintindihan
pa ng korte kalagayan ni Hailey saka nasa batas 'yan. Na kung underage pa ang
bata dapat nasa Nanay. Unless, hindi niya kayang suportahan financially or sa iba
pang bagay. Madaming factors yan. Mahabang proseso, eh, paano kung
desperado na si Carter? At itakas bigla si Harlie? Saang lupalop mo siya
hahabulin? Sis, may mga true to life story na ganyan, halimbawa nagloko si lalaki
kay Mrs. tapos nalaman niy ang nagkaanak pa si lalaki kay mistress, kukunin niya
iyong bata at sila ang tatayong magulang, tapos iyong tunay na nanay.
mababalewala. Itatakas nila tapos doon lalaki sa ibang bansa ang bata, tapos
after a year uuwi sila dito, babawi si mistress at babawiin ang anak pero dahil
hindi siya kilala ng bata hindi sasama sa kanya tapos-"
"Tapusin mo na 'yang kakanood mo ng teleserye, kung anu-ano na sinasabi mo."
"Piece of advice lang naman Mars. Sinasabi ko lang iyong mga posibleng
mangyari kapag nalaman niyang comatose si Hailey. Ikaw rin, walang imposible
sa taong desperado. Kawawa naman si Hailey kung paggising niya malalaman
niyang naitakbo na pala ang anak niya. Saka pansamantala lang naman habang
hindi pa nagigising si Hailey."
Napalunok ako. Kinabahan din. Papatulan ko ba itong mga sinabi ni Irene? Kung
kakalabanin ko talaga si Carter, dapat pantay lang kami. At mangyayari nga lang
iyon kung..magiging ako si Hailey.

Chapter 15
Callie's POV
"K-Kung magpapanggap ako, hindi ba delikado? Paano pag nalaman ni
Carter? Ayokong manloko ng tao. Natatakot ako bakla, parang hindi ko keri,"
kontra ko sa suhestiyon ni Irene na magpanggap akong si Hailey para
maprotektahan ko si Harlie.
"Kaya ka nga magpapanggap para kay Harlie di ba? May rason ka. Masama
ba 'yon? Masama ba 'yon? Saka hindi naman niya malalaman, eh. What he doesn't
know won't hurt him."
"Pero kahit na, hindi porque may rason ako, tama na ang gagawin ko."
"Suggestion lang naman 'yan baks. Pwede mong dedmahin, pero para sa
akin iyon na ang best option, mamili ka na lang kung sino'ng gusto mong
mapabuti. Si Carter na hindi mo kayang lokohin o si Hailey na walang malay at
walang kalaban-laban sa sitwasiyon niya para ipaglaban ang baby niya."
Napalunok ako. May punto naman ang bading na ito. Mas malapot ang
dugo kaysa tubig. Hindi mapapalitan ang pamilya. Pero kaya ba ng aking
konsensiya?
"C-Callie, may dala akong sandwich, binili ko sa canteen, kain ka muna,"
alok sa akin ni Elena habang nasa tabi ako ng kama ni Hailey at nagbabantay.
llang araw na rin siyang matiyagang nagbabantay kay Hailey. Mukhang bumabawi.
"Busog pa ko," pormal na sagot ko matapos siyang tapunan ng mabilis na
sulyap. Hindi ko pa kasi alam kung paano ako makikitungo sa kanya. May
awkwardne ss pero hindi ko naman maramdamang may galit ako sa kanya. Okay
naman.
"Ah, okay. Siyanga pala wala ka ng poproblemahin sa gastos dito sa ospital,
ako ng bahala nakangiting sabi niya at tumayo sa kabilang side ni Hailey.
"Salamat," maiksing tugon ko. Kung aalalahanin ko ang itsura ng kinagisnan
kong ina ma sasabi kong malayo ang personalidad nila sa isa't-isa. Simple lang
kasi ang Nanay Elena ko, siya naman ay elegante. Presensiya palang niya
maiintimidate ka na.
"Okay lang ba kung kukuha ako ng assistant para makatuwang natin dito sa
pagbabantay? Uuwi na kasi ang Tita Melba mo bukas, hinahanap na siya ng family
niya."
"Okay lang, hindi ko rin kasi kaya magbantay ng magdamagan dahil may
baby akong inaalagaan."
"Okay will work on that. Ang bilis ng panahon, 'no? Dati karga-karga ko lang
kayo tapos ngayon ang lalaki niyo na. Lola na nga ako, eh. Pero hindi ko
inaasahan nasa ganitong sitwasiyon pa tayo magkikita-kita," may lambong ng
lungkot ang mga mata niya habang nakitingin kay Hailey.
"Ako rin, hindi ko inaasahan na may Nanay pa pala kami."
"l'm sorry kung sa tingin mo pinabayaan ko kayo. Hindi kita masisisi kung
magtanim ka ng sama ng loob. Pero ang totoo-"
"Kung magpapaliwanag ka, wala pa ko sa kondisiyon makinig, hindi ko
maaabsorb. Siguro nect time kapag nagising na si Hailey para sabay kaming
makinig. Nagpapasalamat nga ako na right timing ang dating mo. Walang-wala
ako, eh. Hindi rin ako galit sa'yo, ang totoo parang malayong kamag-anak na
ngayon ko lang nakilala ang dating mo sa'kin. Kiber lang."
Napangiti siya sa sinabi ko at parang nangilid pa nga ang luha. Lumapit
siya sa akin kaya napatitig ako sa kanya.
"'S-Sana mabigyan mo ako ng pagkakataon na maging Nanay sa'yo. Sa inyo
ni Hailey."
"Pwede naman..."
Nagulat pa ako ng yakapin niya ako bigla.
"Matagal ko ng gustong gawin 'to. Ang dami kong pinalagpas pero babawi
ako."
Kahit qulat marahan ko na lang tinapik ang likuran niya. Ramdam ko ang
pangungulilang nararamdaman niya. After all, hindi naman kami naging pariwara.
May magandang rason naman siguro siya, at balang araw magiging handa akong
pakinggan iyon.
tttt
"Sshhh, tahan na. Ito na, ito na magtitimpla na ang Tita." kausap ko kay
Harlie pagkauwi ko galing hospital. Madalas naman sila Elaine ang nagbabantay
sa ospital, hindi kasi ako pwedeng mawala ng matagal dahil kay Harlie. Sabi pa ni
Tita nagliligalig nga raw kapag matagal akong wala.
Parang nakasanayan na ni Harlie na ako ang kasama niya. Umiiyak nga
kanina nung dumating ako, pero nang makarga ko matapos makapaligo tumahan
na. Ngayon lang nag-iiyak ulit kasi gutom na.
"Anak ng siopao!" palatak ko dahil halos wala ng laman ang lata ng gatas ng
bata. Isang timplahan na lang. Tinimpla ko na at pinadede kaagad kay Harlie na
nag-aalboroto.
Napakamot ako sa ulo at napapadiyak. Hinagilap ko ang bag ko, naghanap
ng salapi. 50 pesos na lang pera ko. Ano'ng mabibili ko do'n? Gawgaw? Kape?
Ubos na niloan ko. Sana pala nanghiram muna ako kay Mamshi Elaine. Napapitlag
ako nang tumunog ang cellphone ni Hailey. Dali- dali ko iyong kinuha, dahil sino
namang tatawag sa kanya? Nasa cabinet iyon at doon na nastock mula ng
macoma siya.
"Carter?" basa ko sa pangalan ng caller.
Oo nga pala, iyon na ang alam niyang number ni Hailey.
"Hoy!" masungit na bungad ko nang masagot iyon.
"Kahoy. Hale-halehoy?" patawang sagot niya.
Naitirik ko ang mga mata ko.
"Pwede ba 'wag kang pauso, ano'ng kailangan mo?"
"Buti naman sinagot mo na, kaninang umaga pa ako tumatawag."
"Kailangan mo?"
"Pwedeng pumunta diyan? Gusto kong makita si Harlie."
"Sabi mo see you in cout? Remember last time?"
"Nasabi ko lang iyon dahil 'yon ang last resort ko kapag hindi kita
nakumbinsing sumama sa'kin. Sorry na agad. Uhm ano na?"
"Ano'ng ano? Anonas? Anunsiyo? Ano'ng sayo?" pamimilosopo ko pabalik.
"Kung pwede pumunta diyan?"
Napabuntong-hininga ako. Alangan pagbawalan ko, nakikiusap naman ng
maayos. Saka karapatan naman niya iyon.
"Ge lang.
"Wow! Thank you," bakas ang tuwa sa tinig niya.
"Kelan ka punta?"
"'m on my way."
"Ha? Now na?"
"Oo, sabi mo pwede?"
"O sige tutal mapilit ka, may request ako."
"Spill."
"Di ba sabi mo, gusto mo magpakatatay? Gusto mong alagaan si Harlie?
Makasama siya? Eh, di gagawin mo lahat?"
"Oo naman tinatanong pa ba 'yan? Asan request mo?"
"Bili kang gatas, ubos na, eh. Purdoy na ko, tetext ko sa'yo kung ano brand.
Bye! Mamats." at pinutol ko na ang tawag. Abot pa naman siguro siya sa mga
drugstore, wala pa namang alas otso.
Matapos ko itext ay kinuha ko na ang bote ni Harlie na ubos na ang laman,
nakatulog na rin ito.
"Bait mo talaga, baby pogi." nangingiting sabi ko at hinalikan pa ito sa noo
bago ako humiga sa kama. Antok na antok ako. Hindi ko alam kung gaano katagal
akong nakatulog pero napapitlag ako nang may lumagabog sa kusina. Parang may
Kahit kinakabahan, tumungo ako sa kusina. Walang tao pero basag ang
bintanang jalousie sa bandang taas ng lababo, Wala pa namang screen iyon at
kasiya ang tao. Kinilabutan ako sa naisip. Akmang pipihit ako pabalik nang may
mabangga ako sa likuran ko. Akmang sisigaw ako nang tumakip ang magaspang
na kamay nito sa bibig ko.
"Huwag kang maingay Callie, ako lang to." bulong ni Allan. Ang baho ng
hininga niya. Amoy alak. Nagpumiglas ako.
"Subukan mong pumalag, itatarak ko sa'yo to." galit na banta niya at
naramdaman kong tila may matulis at malamig na bagay na tumutok sa gilid ko.
Sigurado akong kutsilyo iyon.
"A-Ano bang kailangan mo? Pera? Wala ako no'n." pigil ang pangangatal na
sabi ko nang bahagyang lumuwag ang hawak niya sa bibig ko.
"Hindi ko kailangan 'yan! Alam mo bang ipinahiya mo ko sa mga barkada ko!
Kababae mo raw tao pero tiklop ako sa'yo, pwes patutunayan ko sa kanilang hindi.
Tingnan natin kung hanggang saan ang tapang mo, halika!" hinablot niya ako sa
buhok kaya napaigik ako sa sakit.
Nang makita niya ang pintuan ng kwarto ay sinipa niya iyon at ipinasok ako.
"Aba nandito pala ang bastardo ni Hailey ano?" nang-uuyam na sabi niya
nang makitang natutulog si Harlie sa kuna.
Kung naiba lang ang sitwasiy on nasampal ko na siya. Pero saklot ako ng
takot lalo na nang mapansin kong namumula ang mga mata niya. Bali-balita pa
naman na adik ang lokong ito. Sana pala hindi ko na lang siya pinatulan nang araw
na iyon.
"W-Wag mo siyang sasaktan." pakiusap ko dahil natatakot ako para kay
Harlie.
"Siyempre hindi, basta susunod ka sa lahat ng gusto ko," nakangising sabi
niya at itinulak ako sa kama kaya napaupo ako. Mangiyak-ngiyak na ako sa takot.
Wala naman akong laban sa kanya, eh.
"A-Ano bang gusto mo?"
"Hubad. Bibigyan natin ng kalaro ang batang ito."
Jusko sino'ng tutulong sa akin ngayon?

Chapter 16
"A-Ano?" nanlalaki ang mga matang bulalas ko.
"Hubad o uurakan ko siya?" itinutok níya kay Harlie ang patalim.
"T-Teka huwag! Eto nal" naiiyak na talaga ko. Ang pangit niya, tapos masama pa
ugali.
"Ayan! Madali ka naman palang kausap, bilisan mo." utos niya kaya napahawak ako sa
laylayan ng t-
shirt ko.
"Alam mo callie, matagal na talaga kitang kursunada kaso nuknukan ka ng suplada,
pero ngayon
wala ka ng kawala." anito hatbang minamasdan akong itaas ang danit ko. Itataas ko
na talaga iyon nang
may lumatok kaya napalingon si Allan, sinamantala ko ang pagkakataon at ubod ng
lakas na tinadiyakan
ko siya sa harapan.
Napaluhod at napamura siya sa sakit.
"Hailey? Tao po? Tao ka ba?" tawag ni Carter sa labas.
WT-Tulong!" agak ko nang makatayo at aktnang pupunt ahan pa si Harlie para bitbitin
palabas nang may
humatak sa paanan ko.
SI Allan pilit akong inaabot. Nabuwal alko dahil malakas siya. Pilit niya akong
itinayo habang hila ang
buhok ko. Ipinulupot niya ang kanang braso sa leeg ko at itinutokna naman ang
kutsilyo.
"p-tang ina kang babae kal" mura niya at napaigik alko nang lumapat ang patalim sa
leeg ko, ramdam ko
ang hapdi. Nakarinig ako ng pagbalya.
"Hailey?" gulat na reaksiyon ni Carter nang makita kamí ni Allan malapit sa
pintuan. May mga bitbit pa
siya sa magkabilang kamay, isang plastic bag at box ng pizza.
"Hoy ikaw! Kung ayaw mong madamay, umalis ka dito!" sigawni Allan at inlumang pa
ang patalim kay
Carter. Halos masuka ako sa higpit nang pagkakadiin ng braso niya sa leeg ko.
Marahang binitawan ni Carter ang mga dala at tinaas ang dalawang karnay.
"Chill lang brad, wala akong balakmakialam."mahinahong sabi ni Carter kaya
nanggalaitiako sa galit.
"Ano? Pababayaan mo lang ako dito?" hindi maiwasang surnbat ko.
"Pakialam ko ba sa'yo? Ni hindi kita kaano -ano, ang anak ko lang ang conce rn ko.
Alam mo 'yan."
seryosong sagot niya.
"Ang sama mo! Wala kang konse nsiya! sinasabi ko na nga ba hindi ka
mapagkakatiwalaan!" galit na
galit na sigaw ko.
Naparngisi lang siya.
"Pwede ba Allan lkaung papatayin mo ko, pakiuna mo na siyal" gigil na sabi ko.
"P-tal Tarma na nga 'yang kadranahan niyo, ikaw lalaki kung ayaw mong madamay
umalis ka!" ulit
ni Allan.
"Kulkunin ko lang ang anak ko pare, tapos aalis na ko, wala kang maririnig sa akin.
sayo'ng sayo na
siya, inanakan ko larng nanan 'yarn, eh. Kaya pwede ko bang kunin ang anak ko?"
paliusap ni Carter at
binaba na ang mga karnay sa likuran.
"S-Sigel Bilisan mol" utos ni All an habang nakatutokpa rin dito ang patalim habang
nanginginig
pa ang kamay
bigla na lang siyang may isinaboy sa mata nt Allan. Napuwing ang loko laya lunuwag
ang hawakniya sa
leeg ko
wakbo" sigaw ni carter sa akin nang mahawakan niya ang kamay ni Allan na may
patalim, kaya
nakatalkbo ako papasok kahit nangingiig pa ang mga tuhod, pinilipit niya ang kamay
ni Alan sabay siko
sa mukha nito. Pero hindi kaagad nagpatalo ang loko, lunaban ito ng suntukan kay
Carter dahil
nabitiwan na nito ang kutsilyo, Inabilis na nakalailag si Carter sa mga
pinapalkawalan nitong suntok
Mabilis kumilossi Carter aumpara lay Allan, nang muling mahawalkan niya ang kamay
ni Allan ay
Isinalya niya ito sa pader at iniuntog ang ulo doon ng dalawang beses. Tumba tuloy
ito sa lapag. Walang
malay.
Tulala alko. At lalo akong natulala nang hatakin ako ni Carter at yakapin. Parang
umikot ang paligid
ko
"It's okay You're safe now." hingal na bulong niya kaya napatango-tango ako at
napasubsob sa
dibdib niya. Ang bilis ng tibokng puso ko sa sobrang takot. Pero unti-unti
napapanatag ako habang hasa
loob ng mga bisig niya at marahan niyang hinahagod ang likod ko.
Pero nang mahimasmasan ay itinulak ko siya at sinapak sa nguso.
"Aw! Ganyan ka ba magthank you?" reklamo niya.
"Ano'ng thank you? Siraulo! Ang sabi rno wala kang pakialan sa akin? Na inanakan mo
lang ako!
Halikal Tayo naman ang magbarugan!" gigil na hamon ko.
"Ito naman, joke lang 'yon. Tactic! Tingin mo kung hindi ko nilansi ang ugok na
'yan makakakuha
ako ng chance para iligtas ka? I don't think so. Saka ang sama ko naman kung
pababayaan lang kita?"
Taas baba ang dibdib ko sa inis pero napairap na lang ako.
"Eh, di salarnat."
"Yan ganyan." ngiting-ngiting bulalas niya.
Ipinadampot namin sa barangay si Allarn para iturm over sa police stat ion. Masakit
ang leeg ko dahil
nagtamo iyon ng sugat. Mababaw lang naman pero mahapdi pa rin.
"Aray! Dahan- dahan." reklamo ko lay Carter habang nilalapatan niya ng betadine na
may bulak ang,
leeg ko. Magkaharapan kaming nakaupo sa maliit na sofa. Kaming dalawa na lang ulit
ang tao sa bahay.
"Sigurado ka bang ayaw mong magpadala sa ospital?" usisa niya habang seryo song
nakatingin at
nilalagyan ng gasa ang sugat ko.
"Okay na ko, malayo sa bituka."
"Malayo? Pero kung ginilitan ka, patay ka rin. Pasaway" naiiling na sabi niya
habang isa- isang
ibinabalikang mga fist aid kit sa lalagyan.
"Ano nga palang isinaboy mo sa lokong iyon at parang nasilam?" usisa ko.
"Ah 'yon ba? chili flakes" natatawang sagot niya at may hinugot pa sa likuran ng
pantalon niya na
puting pakete.
"Lagi kang may dala niyan?"
"Nah Para sa pizza to, humingi ako ng extra at buti na lang dito ko nailagay sa
likuran ng pantalon
ko. Spealking of pizza, malamig na 'to, sayang, tara kain tayo, " yakag niya at
kinuha ang malaking kahon
ng pizza na nakapatong sa maliit na center table. Katabi niyon ang plastic bag ng
mga gatas ni Harlie.
Thoughtiul naman ang lokong ito, pati ako may pasalubong. Well originally for
Hailey lang iyon.
siya ng tissue at iniabot sa akin ang malaking slice.
"Tikim nga niyang chilli flakes mo, hingi ka nito ng marami sa susunod very useful
pala 'to.
Pantaboy ng impaktong adik"
Natawa kami parehas.
"Seriously, hindi kayo safe dito. Sana pag-isipan mo iyong alokko na sumama na kayo
sa'kin. Hindí
tin ako mapapakali na itwan ko kayo dito. Hindi natin alam, baka balikan ka pa ng
mga barkada niya."
open up niya noong kumakain na kami.
Napakarnot ako sa ulo at isinamual na ang pizza. Natitense ako sa kanya. Pero may
punto naman
siya. Hindi kami safe.
"H-Hindi ba magagalit ang gf mo? Parang ibabahay mo na kami niyan?"
"She'll understand."
"Ha? Sobrang bait naman niya para pumayag sa ganyang set up?
"Yeah, she's really kind. Kaya nga siguro maaga siyarng kinuha dito sa nundong
ibabaw."
"Ha? Ano'ng maagang kinuha?" gulat na tanong ko.
"She passed away. Kaya ako nawala, lumipad ako sa ibang bansa para alagaan siya sa
sakit na cancer. Kaya
pala siya nawalang parang bula, ayaw niyang malkita ko siya sa ganoong sitwasiyon,
ayaw niyang maging
pabigat. Pero siguro nang nararamdaman niyang, hindi na siya magtatagal, kinontak
niya ulit ako. she
wanted to see me and that's her dying wish. How could I say no?" lumambong ang
lungkot sa mga mata
niya.
Hindi ako nakahuma. Patay na pala iyong taong sinisisisi ko sa pagiging miserable
ni Hailey. Kaguilty
naman.
"S-Sorry." tanging nanulas sa mga labi ko.
"Don't. Sinubukan naman niyang lumaban, eh. Kaso lang hindi na talaga niya kaya. At
alam mo bago siya
pumikat, sinabi niya sa akin na dapat daw maging masaya ako kahit wala na siya.
Panindigan ko raw ang
anak ko. Kayong mag -ina. But don't get me wrong, hindi ko gagawin to dahil iyon
ang sinabi niya.
Paninindigan ko kayo dahil iyon ang tama at nararapat. Kaya sana bigyan mo alo ng
pagkakataon na
makasama ang anak ko. Kayo."
Napalunokako. What to do, kangaroo?
"Parindigan mo na ikaw si Hailey para maprotektahan mo si baby Harlie." pumasok sa
isip lko ang sinabi
ni Irene nung huling usap namin.
Aybahala na ngal Natatakot na rin ako sa lugar na 'to.
"S-Sige, payag na ko." napalabing sagot ko.
Osige na, tinatanggap ko na ang pansamantalang kapalaran ko na maging ínstant Mommy
ni Harlie.

Chapter 17
Callie's POV
"Hailey? Di ko alam kung naririnig mo ko o hindi? Papaalam sana ko, mapilit kasi si
Carter sa karapatan niya kay baby Harlie. Kung magmamatigas ako habang tulog ka,
baka
magpaimbestiga siya at malaman na hindi naman talaga ako ikaw. Mas may laya na
siyang gawin ang gusto niya kapag nalaman niyang wala siyang pangingilagan. Kaya
magpapanggap akong ikaw. Okay lang ba?" kausap ko sa kakambal ko habang nakaratay
sa
hospital bed at wala pa ring malay.
Wala akong nakuhang sagot.
"Callie, anak, hindi ba delikado 'yan? Hindi mo naman kailangang gawin 'yan. Kung
sakaling may gawin nga si Carter na hindi maganda, nandito naman ako. Hindi ko kayo
pababayaan." ani Mamshie Elaine na nasa kabilang gilid ni Hailey.
"T-Tulungan niyo kami?"
"0o naman, kaya kung ako sa'yo 'wag mo ng ituloy. Kung mapilit ang Carter na 'yan
sige pagbigyan mo siya. Ibigay mo si Harlie pero sumama ka. Package deal hangga't
hindi
pa nagigising si Hailey."
Natigilan ako.
"H-Hindi po ba magiging awkward kung malalaman niya na hindi naman si Hailey
ang isasama niya sa bahay?"
"Awkward nga pero at least honest ka. Halika, kain muna tayo ng dinner bago ka
umuwi kay Harlie."
On point. Ayoko naman talagang magsinungaling. Hirap kaya 'yon.
Arrggghhh! Bahala na. Napatingin ako sa kanya, ang tiyaga niya ring magbantay kay
Hailey kahit may kinuha na siyang assistant na maging kahalili namin.
"What do you wanna eat?" tanong niya nang makarating kami sa malapit na resto sa
ospital. Umay na raw siya sa mga pagkain doon kaya dito niya ako niyaya.
"K-Kahit ano na lang ho. Di ko alam 'yan, eh." sabi ko. Ang mamahal kasi ng nasa
menu. Shy ako pumili.
"O sige ako na lang." nangingiting sabi niya at nagscan nasa menu. Pagkatapos ay
tumawag na siya ng waiter.
"Good evening mam, can I have your order?" tanong ng waiter.
"Okay uhm I'll have ancho steak and chimichuri buttered sweetcorn, and she'll have
rib-eye steak with mashed potato and Balsamic beans."
Hindi ko naintindihan pinag-oorder niya. Sosyalin talaga arrived nitong si Mamshie.
"A-Ano 'yong inorder niyo? Chimichuwawa?"
Natawa siya, as in legit laugh. Pektusan ko 'to, charot.
"No it's chimichurri."
"Chimichu? Ano nga ulit?"
"Chimichurri," turo niya sa'kin at ako namang si uto parang batang sumunod.
Nagtawanan tuloy kami ng mabulol ulit ako.
"Ano 'yon?" curious na tanong ko.
"It is an uncooked sauce. Made of finely chopped parsley, minced garlic, olive oil,
oregano and red wine vinegar." parang eksperto sa pagkain ng paliwanag niya.
"Ah sus! Sauce lang pala, alam na alam niyo po ah?"
"of course, hindi ako magiging chef kung hindi ko alam." nakangiting paliwanag
niya.
"Chef ka? Kaya pala." amaze na komento ko. Unti-unti nagiging at ease ako sa kanya.
"Oo, iyon ang naging trabaho ko sa Italya, noong una simpleng assist-assist lang,
tagahiwa, tagasalang hanggang sa nakabisa ko na kaya hayun noong nag-apply akong
chef
sa ibang resto doon natanggap ako. Iyon kasi talaga ang hilig ko, eh. Magluto."
"Ako rin trip ko rin magluto, kaso lang simpleng putahe lang, hindi ko alam yung
mga
chumichiwawa na yan."
"Well I can teach you tapos ipagluluto rin kita, kayo ni Hailey pag nagising na
siya."
"Abangan ko 'yan." naexcite na sabi ko at uminom ng tubig.
Natigilan ako nang mapansing nakatitig lang siya sa'kin.
"Bakit ho?" tanong ko nang maibaba ang baso.
"Wala naman. Natutuwa lang ako na nakakausap na kita at nakakatawanan. Sana
maulit 'to."
Napangiti ako.
"0o ba, basta kayo lagi ang magbabayad." biro ko kaya nagkatawanan ulit kami
parehas.
You know what I'm really happy, maganda ang pagpapalaki ni Elena sa inyo, dahil sa
totoo
lang inaasahan ko na mumurahin mo ko, susumbatan ng sobra o kaya hindi man lang
kakayaning titigan sa mata."
"Wala po 'yon, sabi rin kasi nila ni Tatay wala raw kasing hindi nakukuha sa
mabuting
usapan, eh. Ah..ano nga palang nangyari sa inyo noon? Bakit si Nanay Elena ang
nakagisnan naming ina."
"Handa ka ng makinig?" tila nasorpresa pang tanong niya.
Tumango ako kaya napahinga pa ng malalim.
"Ang totoo, magkababata kaming tatlo. Sabay lumaki, lagi kaming magkasama. Halos
hindi
na nga kami mapaghiwalay. Ako, Si Elena at ang tatay niyong si Calvin. Bata palang
kami,
gusto ko na si Calvin. Pero noong nagdalaga na kami, si Elena naman ang niligawan
niya.
Nagalit talaga ako sa kanya noon, inaway ko siya kasi alam naman niya na mahal ko
si
Calvin. Hindi nga niya sinagot si Calvin pero mapursige ang tatay niyo. Napa-0o
niya rin si
Elena. Dahil doon nagkaroon kami ng hidwaan ni Elena. Hindi ko na siya kinakausap.
Hanggang sa mabalitaan ko na lang na ikakasal na sila. At dahil desperada ako,
gumawa
ako ng paraan para hindi sila maikasal."
"Ano'ng klaseng paraan?"
"Well..noong malapit na ang araw ng kasal nila ipinagtapat ko kay Elena na may
nangyari
sa amin ni Calvin."
"May nangyari po ba talaga o sinabi niyo lang 'yon?"
"Totoo, dahil noong mga panahon na 'yon ipinagbubuntis ko na kayo,."
"Ha? Eh, di ba sila ni Nanay? Salawahan si Tatay?" mulagat na reaksiyon ko.
"Hindi. Hindi naman kasi planado ang nangyari sa amin ni Calvin. Nagkaroon kasi
dati ng
away ang dalawang 'yon. Paano kasi gusto ni Elena mag-abroad para umangat naman ang
mga buhay namin. Siyempre ayaw ng tatay niyo na magkahiwalay sila, pero mapilit si
Elena kaya hayun dahil sa sama ng loob laging nag-iinom si Calvin. May nangyari sa
amin
ng isang gabing inihatid ko siya pauwi. Akala niya ako si Elena."
"P-Pumayag po kayo?"
"Mahal ko, eh."
"Marupok po pala kayo. biro ko dahil hindi nakaligtas sa paningin ko ang
pangingilid ng
luha niya.
"Alam mo, akala ko magiging okay na kami. Kasi umalis si Elena. Pero nagalit lang
sa akin
si Calvin. Kalimutan na raw namin ang nangyari. I was heartbroken that time lalo na
noong
nagbalik si Elena makalipas ang dalawang buwan. Hindi niya kinaya sa abroad. Nahome
sick. Sa tuwa ng tatay niyo inalok magpakasal si Elena kaya naiwan akong parang
maruming basahan sa sulok..."
Napalunok ako. Ewan ko ba pero ramdam ko ang hinagpis niya nang mga panahong iyon.
Tapos natuklasan ko pang buntis ako, kaya mas naging desperado akong paghiwalayin
sila. Sinabi ko kay Elena lahat. Nagalit siya. Lalo na kay Calvin. Kambal na sampal
ang
inabot ni Calvin sa kanya. Umatras si Elena sa kasal. Napilitan si Calvin na
pakisamahan
ako pero hindi niya ako pinakasalan, para lang daw sa inyo kaya niya ko
pakikisamahan.
pagpapatuloy niya at pasimpleng nagpahid ng luha dahil nalaglag na iyon.
"Ithought were going to be happy. Pero kabaliktaran ang nangyari. Araw-araw kaming
nag-
aaway dahil hindi ko siya mapilit na mahalin ako. Madalas akong magselos kapag
umuuwi
siyang lasing at panay ang banggit niya kay Elena. Miserable kami pareho. Would you
imagine? Magkasama nga kami sa bahay pero magkahiwalay ng kwarto. Hanggang sa
magdecide ako na lumayo nang maipanganak ko kayo. Iniwan ko kayo kay Calvin. Doon
sa
ibang bansa napagtanto ko na ang lawak pala ng mundo at ang dami-dami ko pa palang
gustong gawin. Buong buhay ko kasi halos umikot sa kanya, eh. Kung paano niya ko
mamahalin. Kaya noong makalayo ako, pakiramdam ko nakalaya ako. Parang noon ko
palang natutuklasan ang mga bagay na gusto ko para sa sarili ko, Kaya nagdesisyon
ako na
hindi na bumalik. Magbagong buhay."
"Na hindi kami kasama?" malungkot na dugtong ko.
I'm sorry. Pero gusto ko ring mapatawad ako ni Elena. Noong mawala ako, nabalitaan
ko
na lang na nagkabalikan sila. Bakit pa ako eeksena kung gusto nila ulit maging
masaya? It
also realized na hindi pala talaga natin mapipilit ang isang tao na mahalin tayo."
Napatango-tango na lang ako at hinawakan siya sa kamay. Naiintindihan ko na siya.
"Huwag kang mag-alala gets ko na kayo Mamshie."
"M-Mamshie?" nangilid ulit ang luhang tanong niya.
"Uhm kasi Nanay tawag ko kay Nanay Elena, eh. Ikaw na lang ang Mamshie para bagay
din
kasi ang sosyal po ng arrived niyo."
Natawa siya at hinawakan din ang kamay ko.
Loka kang bata ka. Pero gusto ko 'yan. Mamshie, ang sarap pakinggan. Salamat.
Nagkangitian kami. Nagkwentuhan pa kami habang kumakain. Nalaman ko na nagkaroon
pala siya ng sariling restaurant sa Italy at meron na ring ilang branch kaya pala
Richie-
richie na rin talaga siya. Somehow I'm proud of her, nasaktan siya pero bumangon at
ngayon handa na siyang punan ang mga pagkukulang niya.
Ang sarap ng ikinain ko ng gabing iyon. Bukod sa masarap ang pagkain, kasama ko pa
Mamshie ko. Well wala namang masama kung ibigay ko hiling niya na maging ina sa
amin.
Wala namang mawawala, eh. Maswerte pa nga kami.

Chapter 18
Tto na lahat ng gamit niyo?" usisa ni Carter nang mailabas namin sa gate ang mga
gamit namin ni
Harlie. Dalawang maleta lang naman. Ngayon niya kami susunduin para lumipat sa
bahay niya.
"Oo."
"Okay, sige sakay na kayo. Dito na lang tayo sa backseat para mas kunportable kayo.
giya niya sa
akin saka niya ipinalagay sa driver ang mga maleta sa compartment ng magara niyang
kotse.
"Let's go? aya niya nang mapansing hindi ako tumalima.
"Eh, Carter...may sasabihin sana ako sa'yo?"
"About?"
"W-Wala ba talagang magagalit kung gagawin natin 'to?"
"Wala. Single ako. Nasa right age. May stable job, company."
"Eh, hindi ba awkward?"
"Bakit magiging awkward?"
"Siyempre hindi naman talaga natin kilala ang isa't-isa tapos patutuluyin mo ko sa
bahay at buhay
mo?"
"Daming time para makilala natin isat-isa. Isa pa, kung iyong mga mag-asawa nga
kinikilala pa rin
ang bawat isa kahit matagal na silang magkasama."
"Eh, pero hindi naman kita asawa." katwiran ko.
"Malay mo." pilyong sabi niya sabay kindat. Kinilabutan ako kaya nahampas ko siya
sa ulo.
"Aw!"
"Seryoso nga!" sikmat ko.
"Seryoso naman, ah? Lika na nga, malapit na ang rush hour. Matraffic pa tayo."
Napilitan na ako sumakay habang karga si Harlie. Katabi ko siya doon dahil may
driver siya.
"Pakarga." nakangiting aniya kaya maingat kong ipinasa si Harlie.
"We're going home little buddy!" kausap niya sa bata. Tuwang-tuwa siya dito,
kitang-kita sa mga
mata niya.
"Hailey bakit nga pala hindi ka nagbibreast feed? Di ba mas mabuti sa bata kung
galing sa Ina ang
gatas?" usisa ni Carter habang nakatingin pa rin kay Harlie, nilalaro niya ito.
"A-Ano kasi, mahina, eh. Halos walang lumalabas." plit itinatago ang kabang tugon
ko.
"Understable naman. malokong sagot niya at nakita ko pa ang nakakaloko niyang
sulyap sa bahagi
ng dibdib ko. Kahit nakablouse ako, pinamulahan ako. Kaya ayun nakatikim na naman
siya ng batok
sa kin. Makapanlait to!
"Aw! Nakakadalawa ka nal"
"Puro ka kalokohan, eh.
"Biro lang.
"Heh!"
"Helicopter? Helmet?"
"Hagu ka!"
Umingit si Harlie kaya natigil kami sa asaran.
"Sshhh, it's okay. Ingay kasi nitong Mommy mo." kausap ni Carter dito at marahang
pinaghele.
"Ako pa talaga?" pairap na sabi ko.
Nakarating kami sa isang matayog na building sa may Alabang. Sumakay kami sa
elevator at huminto
sa ikalimang palapag.
"Dito ka pala nakatira?" komento ko habang iginagala ang paningin.
Ang laki! At ang ganda! Ngayon lang ako nakapasok ng condominium, eh. Sosyal de
aircon.
Karamihan sa gamit niya black and white. Mula sa sofa, wall painting, may malambot
ding alpombra
sa sahig. Masiyado akong amaze kaya para akong batang nawawala kung makalinga-
linga.
"Like it?"
"Uhm ang ganda!"
"That's good to hear. Anyway 2 bed rooms to. So kapag umuuwi-uwi ako dito hindi
natin kailangan
magshare ng room.
"Umuwi-uwi?"
"Yeah. I used to live here."
"Used? Eh, saan ka ba talaga nakatira?
"May pinapagawa kasi akong bahay. Dream house ko. Malapit ng mafully furnish. In
two weeks
pwede na tayo lumipat nakangiting sabi niya.
Napalunok ako. Kaguilty talaga mokong na to.
Carter..may hindi ako sinasabi sa'yo." panimula ko at inilapag si Harlie sa mga
bisig niya.
"Ano 'yon?"
"A-Ano kasi..eto, oh.' medyo nanginig pa ang mga kamay ko ng íabot sa kanya ang
isang litrato na
hinugot ko sa wallet ko.
"May kambal ka pala?" komento niya nang makita ang picture namin ni Hailey.
"0-0o."
"Kamukhang-kamukha mo pala slya, ah. Callie nga ang pangalan niya di ba? Hindi ko
siya nakita sa
bahay niyo."
H-Hindi, si Hailey ang kambal ko. A-Ako si Callie. pigil ang utot na pag-amin ko.
Bigla kasing
sumakit ang tiyan ko sa kaba.
Pamula sa pagkakangiti biglang naging seryoso ang mukha niya, Lalong sumakit ang
tiyan ko.
"Paanong ikaw si Callie?"
C-Comatose si Halley ngayon mula nang ipanganakniya si Harlile. May sakit siya sa
puso. Kaya iyon
ang naging kumplikasiyon. Hindi ko naman intensiyong magpanggap pero-
"Ginawa mo? Ngayon lang ba tayo nagkaharap?" parang naghihinala ng tanong niya.
Noon pa naman
kasi parang napapansin niya ang demeanor ko compared kay Hailey.
"H-Hindi. Mga ilang beses na rin. Ako ang sumapak sa'yo sa mukha at nagsabing
mnagiging ama ka
na. Ako ang nag-abot ng ultrasound sa'yo. Hindi kasi kaya ni Hailey humarap sa'yo
kasi akala niya
hindi mo siya pananagutan, kaya ako ang gumawa ng paraan para mapanagutan mo siya.
Ako ang
nagbansag sa'yo ng DC. Carpenter. Ako rin ang kasama mo sa eat-all-you can na hindi
marunong
magchopstick..
Napansin kong kumunot ang noo niya at napatiim-bagang.
"Alam mo bang ayoko sa taong sinungaling?" halos magkalapat na ang mga ngiping sabi
niya.
Napalunok ako.
"O-0o nga pero may rason naman ako-"
"Get your things. Maluwang ang pintuan."
Bagsak ang panga ko. Yari. Ito na nga ang consequence ng pag-amin ko.
Tuluyan na yata akong hindi makakalapit kay Harlie. At tuluyan na rin akong
napautot.
"What's that smell? Umutot ka ba?" lukot ang mukhang tanong sa akin ni Carter.
Eh, napautot nga kasi ako.
"Sorry, bugso lang ng damdamin. Kinabahan lang talaga ako sa pag-amin ko sa'yo.
pinagpapawisan na ang mga palad na pag-amin ko.
Napapalatak ito at napailing.
"Sinungaling ka na, ututin ka pa." buska niya.
"Aba'l" umangat ang kamay ko para sapakin siya pero kusa ko rin iyong ibinaba.
Kailangan ko pa kasing amu-amuin ang isang ito para payagan niya kong magstay sa
tabi ni
Harlie.
Huminga ako ng malalim. Relax lang self. Kapag pikon, talo.
Sinimangutan niya ako at ipinasok si Harlie sa isang kwarto.
"S-Saan mo dadalhin si Harlie?"
"Sa malayo sayo. Ayoko sa sinungaling. Pwede ka ng umalis," sagot niya at tumalikod
na.
Hindi pwede! Humabol ako sa kanya at wala ng hiya-hiyang lumuhod ako at yumakap sa
binti
niya. Nagulat siya sa ginawa ko.
"Ano ba'ng ginagawa mo? Tumayo ka ngal piglas niya.
"Parang awa mo na Carpenter! Maawa't-mahabag ka naman sa amin! Huwag mo siyang
ilayo
kay Hailey! Makonsensiya ka naman! Comatose na nga ang kambal ko, ilalayo mo pa
baby niya? Hindi
ako aamin sa'yo kung sinungaling talaga ko! Napatagal lang iyong pag-amin ko pero
hindi ko naman
talaga itatago. Sige na. Payagan mo na akong mag-stay sa tabi ni Harlle hangga't
hindi pa nagigising
si Hailey. Promise! Promise! Magpapakabait ako!" ngalngal ko na at mas hinigpitan
ang pagyakap sa
binti niya.
Daig ko pa aso nito. Kaimbyerna. Sarap niyang sapakin sa panga.
Tumayo ka sabi!" utos niya.
"Ayoko! Dito lang ako. Kung gusto mo palagi kitang luluhuran, pumayag ka lang."
"Mas lalo kitang hindi papayagan kapag hindi ka tumayo diyan. banta niya.
Napatingala ako sa kanya.
"T-Talaga?"
"0o nga pag-usapan natin. Saka hindi ka ba natatakot, baka may tumuklaw sa mukha
mo.
Malapit ka nasa bingit," halatang asiwa na sabi niya.
Bahagya akong namula nang mapansin kong nakatapat na pala ang mukha ko sa zipper ng
pantalon niya. May pasantol si kuya. Gee, bastos.
Mabilis akong tumayo at inayos ang sarili.
"Stay," utos niya at ipinasok na nga si Harlie sa kwarto bago ako binalikan.
Hindi pa rin mawala ang kaba ko. Paano kung hindi ko maconvince to? Yari. Nagtungo
siya sa
sala at umupo doon.
"Come here," utos niya at tinapik ang espasiyo ng sofa na kinauupuan niya.
Parang lalabas ang puso ko habang naglalakad palapit sa kanya. Ang seryoso naman
kasi ng
mukha niya habang nakatitig sa kin. Feeling ko may dark aura na nakapalibot sa
kanya.
"Why would i let you stay?" tanong kaagad niya sa akin nang makaupo ako sa tabi
niya na may
dalawang dangkal yata ang layo.
"Eh, kasi ako na lang ang pinakamalapit na relative niya. Gusto kong masiguro na
paggising ni
Hailey na safe pa rin si Harlie."
"He's safe with me, even without you, Pwede mo naman siyang dalaw-dalawin dito.
gagad
niya.
"0o nga safe siya sa'yo, pero hindi naman ako nakakasiguro na hindi mo siya
itatakbo. Sorry,
alam kong kahit paano nagkakausap na tayo noon pero hindi ako sigurado sa takbo ng
utak mo, sa
mga plano mo. Ang gusto ko lang naman kasi paggising ng kakambal ko nandilyan pa
rin si Harlie.
Hindi ka rin naman kasi papayag na ikaw ang dumalaw-dalaw doon sa amin kaya sabihin
mo ng
makapal mukha ko, pero hindi ako aalis dito. Alam ko na lyong side mo pero medyo
traumatic kasi
iyong umalis ka na lang bigla no on. Tapos hindi naman namin alam kung saan ka
hahagilapin. Hindi
kita mahahabol, ni passport nga wala ako, eh."
"So that means wala kang tiwala sa akin?"
"Wala!" diretso kong sagot.
"Wow! Straight forward, ah?" napailing siya at bahagyang natawa.
"Eh, sabi mo ayaw mo sa sinungaling?" pairap na tugon ko.
That's right." napatango-tangong sabi niya.
Panandaliang katahimikan ang nagdaan.
"So that means, dito ka titira? At sasama ka rin doon sa dreamhouse ko kapag nagawa
na?"
"Oo, kung nasaan si Harlie nandoon ako. Hindi naman ako permanente, eh. Proxy lang.
Kapag
nagising si Hailey, eh, di aalis na ko. Siya ipagsama mo dito kagaya ng original
mong plano.
Napabuga siya ng hangin at napaisip saglit.
"Okay..Ilet's not make this difficult to understand. I admire your honesty and
courage so fine. You can
stay."
Talaga?" nanlaki ang mga mata at halos mapasigaw ng tanong ko.
"Shhh. Lower your voice, natutulog si Harlie.
"Ay sorry. Pero super thank you! Promise! Magpapakabait ako!" nakataas pa ang
kanang
kamay na sabi ko.
"In that case you'l have to listen to what will l say.
"'m all ears! Promise hindi ako magiging pabigat. Palagi akong maglilinis dito.
Hahati rin ako sa
electric bills, water bill, utility bil, phone bill, kahit bilbil pa 'yan." tugon
ko habang binibilang pa sa
daliri ang mga bills na dapat makihati ako.
"Bilbil?" maang na tanong niya at bumaba ang tingin niya sa tiyan ko. Naconscious
tuloy ako.
"Tinitingin mo diyang topak ka?" sita ko.
Topak ka rin. Mukha namang wala kang bilbil."
"Sabagay. Lalagyan na lang kitang bilbil. Masarap ako magluto. Pwede mo akong
cook."
"Nah. Don't bother.
"Ayaw mo 'wag mo. Pero deal na? Payag ka na? Dito ako kasama si Harlie? Temporary
lang
naman, eh.: paniniguro ko at inaangat pa ang kamay ko para umaappear siya. Sign na
makikipagdeal
siya sa'kin.
"It's a deal."' seryosong sagot niya at nagulat ako nang hinagip niya ang kamay ko
at
nakipagshake hands.
Very warm at ang lambot ng palad niya, Laki pala ng kamay niya at ang hahaba ng
dalirl.
Kakawiling ka shake hands 'to. Bigla kong nabawl ang kamay ko nang matauhan. Ano ba
naman tong
si Carter! Appear lang dapat.
"T-Thank you."
"That's your room, pwede mo nang ayusin gamit mo do'n. Il just check Harlie. turo
niya sa
isang pintuan.
"Salamat talagal" ngiting-ngiting sabi ko saka tumayo at yumukod pa saka hinagip
ang maleta
ko.
Hays! Jusko! Bawas tinik sa dibdib. Mabuti na lang madali kausap itong si Carter.
Thank you Lord!

Chapter 19
"Wala pa rin ba siyang improvement?" tanong ni Carter nang yayain niya kong
puntahan namin si
Hailey. Parehas pa kaming nakahospital gown.
"Wala pa rin. Malaki kasi talaga iyong impact ng panganganak niya, eh. Delikado
talaga. Pero
alam ko gigising din 'yan. Napagod lang pagpapalakas ng loob na sabi ko. Sa totoo
lang lungkot na
lungkot pa rin ako sa kalagayan ng kambal ko. Nahihiya lang akong umatungal sa
harap ni Carter.
Medyo nagulat pa ako nang hawakan nlya ang kamay ng kakambal ko.
"Hailey, si Carter 'to. I'm back. Please get well soon. Our baby needs you."
masuyong ka usap ni
Carter dito.
Aw. Ang sweet. Nangilid ang luha ko. Parang nanonood ako ng koreanovela. Huhubels.
Engeng
popcorn.
Napapitlag si Carter at nanlaki naman ang mga mata ko nang umangat ang hintuturo ni
Hailey.
"D-Did she just move?"
" think so. I saw it." di patalo sa English na sagot ko.
Tumalon ang puso ko dahil nakumpirmang gumalaw nga ang hintuturo ni Hailey. First
time
yon! Nakakatuwa. Good sign daw iyon ayon sa doctor. May 4 signs daw ng improvement
ang isang
taong nacoma. Parang nasa stage 2 na si Hailey. Early responses. Nagsisimula na raw
magrespond si
Hailey sa mga bagay na nangyayari sa kanya. At sana nga magtuloy-tuloy na.
"Alam mo dapat siguro araw-araw mong hawakan ang kamay ni Halley baka sakaling
tuluyan
na yong magising." ngiting-ngiting sabi ko kay Carter habang palabas kami ng
hospital.
"Bakit first time bang nangyari na gumalaw siya?"
"0o, kaya nga pati ako nagulat, eh. Parang ikaw lang yata hinihintay niya. Iba
talaga ang power
of love, nakakabuhay!" natatawang bulalas ko.
"Power of love? Are you trying to say that she's in love with me?" amuse na tanong
niya.
Nanlaki ang mga mata ko at nawala ang ngiti. Ang daldal ko, parang ibinuko ko na
tuloy si
Hailey kahit na wala pa rin namang inaamin sa akin ang kambal ko. Pero kahit naman
walang sabihin
si Hailey, ramdam ko may tama siya kay Carter.
"Ah, eh, ewan. Wala 'yon! Halika na, uwi na tayo iwas ko at nagpatiuna nasa kotse.
"Carter, papaalam sana ko. sabi ko kay Carter habang karga niya si Harlie at
ipinaghehele.
"Saan ka pupunta?
"Imimeet ko lang sana iyong friend ko bukas ng hapon, kukunin ko sana iyong mga
sabon na
pambenta ko, Tita niya kasi iyong supplier ko. sagot ko habang inaalog ang bote ng
tinimpla kong
gatas.
"Paano si Harlie? Baka gabihin ako bukas pag-uwi. Ang mabuti pa, papuntahin mo na
lang siya
dito."
"Pwede?"
"0o naman. As long as mapagkakatiwalaan 'yan.
"Oo naman, mabalt si Irene. Super!"
"Okay."
"Tulog na tayo, tulog na si bulinggit. Mukhang antok ka na rin. aniya nang mapuna
ang
paghikab ko.
"Thank you
"Teka tabi kayo ni Harlie?" tanong ko nang mapansing ilalabas niya si Harlie sa
kwartong
itinalaga niya sa kin.
"Oo sana, eh. Gusto ko naman siyang makatabi pagtulog.
"Ah okay lang, ito na 'yong dede niya. Baka gutumin mnamaya." abot ko ng bote.
"Jusko! Mars, namiss kitang babaita ka. Grabe naman this girl, nag-alaga lang ng
pamangkin
nagkacondo na. Asensado na." puna ni lrene habang gumagala ang paningin sa condo
nang puntahan
niya ko ng hapong iyon.
"Okay thanks, good night.' nakangiting paalam niya at bahagya pang tinapik ang ulo
ko.
Ginawa pa kong aso.
"Gagil Hindi naman ako permanente dito. Halika nga upo tayo,' hatak ko sa kanya sa
sofa sa
may sala. Inilapag niya ang mga dalang beauty soap na magiging source of income ko.
"Alam na ba ng daddy ni Baby pogi?" usisa niya habang ininom ang juice na tinimpla
ko bago
siya dumating.
"0o, buti nga may itinatagong bait iyon at pinayagan akong magstay dito habang
hindi pa
nagigising si Hailey.*
"Mabait nga Mars, pero hindi ka pa ba babalik sa trabaho? Miss ka na ng mga
officemates
natin."
"Malabo pa, hindi ko pwedeng iwan si Harlie. Kalangang makasiguro ako na nasa tabi
ko lang
siya."
"Sabagay Richie-richie ang Papa niya, baka dalhin sa ibang bansa."
"At iyon ang inilwasan kong mangyari. Kaya nga online business muna ang peg ko
ngayon.
"Mare, ano bang itsura ni Carter? Papable ba?"
"Pwede na. Eh, may picture pala siya dito, oh.' nguso ko sa isang picture frame na
kata bi ng
wireless phone nakapatong sa isang wooden table.
Napatayo kaagad si Irene at hinagip ang picture. Napatill pa ito kaya kinurot ko sa
tagiliran.
"Arouch! Ano ba?"
"Ingay mol Baka magising si Harlie."
"Eh, kasi naman! Di mo sinasabing napakapogi pala ng lalaking ito."
"Pogi na kung pogi pero di mo pwedeng aswangin 'yan. Nakareserve na kay Hailey
'yan.
"Sus! Damot! Pero tingin mo sa ano'ng category siya nabibilang? Maya bird or taga
sesame
street?"
"Maya bird? Sesame street?" litong tanong ko.
"Maya bird means juts. Eh, kasi di ba ang lit ng maya?" nakabungisngis na paliwanag
niya.
"Bastos mo talaga! Eh, ano naman 'yong sesame street?"
"Eh, taga saan ba si Big bird? Di ba taga sesame street? So tingin mo saan?"
"Tse! Tiglan mo nga ako!"
"ito naman! Kailan ka pa naging KJ ha? Ay parang hindi tropa. Dali na. Sasagot lang
naman, eh.
danggil pa niya sa balikat ko.
"0 sige na nga! Tingin ko sa tangkad niyang 'yon, taga sesame street siya.
"Big bird? Ahhhh! tili niya kaya napatili na rin ako sa gulat, Binatukan ko tuloy
siya.
"Ehem. napalingon kami parehas nang may tumikhim.
Nanlaki ang mga mata ko nang makitang si Carter iyon.
"K-Kanina ka pa ba diyan?" pigil ang pagkautal na tanong ko. Kakahiya baka narinig
kami nito.
"No, may dala akong pizza para may mamerienda naman kayo ng kaibigan mo."
"H-Hello! l'm Irene." nagbablush na kaway ng bakla dito.
"Hi. nakangiting tango ni Carter dito.
"Dalhin ko lang 'to sa kitchen." ani Carter.
T-Tulungan na kita. napasunod ako kay Carter matapos kong pasimpleng sabunutan si
Irene.
"How's Harlie?" usisa ni Carter nang mailapag sa kitchen counter ang box ng pizza.
Tumungo siya sa refrigerator at uminom ng tubig.
"Natutulog, kakatapos lang kasing dumede. Teka labas ka na ba sa work?
"No, may nakalimutan lang akong file sa kwarto ko, kukunin ko lang. Teka akala ko
babae ang
kaibigan mo?"
"Babae nga. Sa puso." tawa ko kaya pati siya natawa.
"I see. Sige balik na ako sa office. Uwi rin ako mamaya."
Teka hindi ka ba muna kakain nitong dala mo?"
Hindi na, sa inyo talaga 'yan. I'll go ahead, baka matraffic pa ako diyan sa sesame
street.: malokong
sagot niya at kumindat pa bago lumabas ng kitchen.
Naiwan akong nakanganga. Sht! Narinig niya nga kami! Nakakahiya!
Callie, may dala ko- o ano 'yang kinakain mo?" maang na tanong ni Carter nang
mapansin na
binabalatan ko ang nilagang itog. lyon ang dinner ko. Kalalabas lang niya galing
trabaho. Nahihiya pa
rin talaga ko sa kanya kaya hindi ko siya matitigan ng diretso, Pahamak kasi itong
si Renato. May pa-
maya bird at sesame street pang nalalaman.
"Nilagang itlog. Di ka pa nakakain nito?" maang na tanong ko.
"Nakakain na siyempre. Ano 'yan toyo?" tanong niya nang mapuna ang isang bowl kung
saan
nakalagay ang toyo na isinasabaw ko sa kanin. Umupo siya sa silya na nasa harap ko.
Wag mo ismolin. Di lang basta toyo 'yan. Ginisang toyo 'yan. May bawang, sibuyas at
kamatis.
"Eh, bakit 'yan ang kinakain mo?" habang inilalapag niya ang dala niyang paper bag
na may
lamang kung ano.
"Di pa kasi ako masiyadong nakakabenta, wala pa akong pambili ng karne o isda kaya
tiyaga,
tiyaga muna. At least may nilaga. Itlog nga lang.
Natawa siya. Makatawa to, sungangain ko 'to, eh.
"Eh, bakit hindi ka nagluto may stock naman ako diyang karne."
"Ano ka? Sa'yo kaya 'yon. Di mo naman ako kargo. Thankful na nga ako na pinatira mo
ko dito."
Hindi siya sumagot at binuksan ang dala niyang paperbag na may tatak na Kenny
Rogers. May
kinuha siyang parang bento box pero yari naman sa plastic. Dalawa iyon at iniabot
niya sa akin ang
isa.
"0 'ano 'yan? "Wag na okay na ko dito." tanggi ko kaagad.
"Kaya nga dalawa binili ko, para sa'yo talaga 'yan." giit niya at binuksan iyon.
May roasted chicken, mashed potato at muffin pang kasama.
"Wag na nga sabi."
Hindi siya nagsalita. Kumuha siya ng tinidor at knife, hiniwa ang manok.
"Ahhh. demonstrate pa niya at itinapat sa bibig ko ang tinidor na may laman ng
manok.
"Carpenter, ano ka ba?"
"Kakainin mo 'yan o susubuan pa kita? Remember we have a deal. You have to listen
to what
will l say. Now eat this."
"S-Sige na kakain na. Bawal din tumanggi sa grasiya. Thank you."
"Welcome Callie." nakangiting aniya at nagsimula na ring kumain.
Napangiti rin tuloy ako. Calie. O wow, nabanggit na niya ang pangalan ko. Ang sarap
sa
pakiramdam kasi hindi ko na kallangang magtago. Feeling ko nakalaya ako. Ayos ding
kadeal itong si
Carter. Achieved!

Chapter 20
Nagising ako bandang 5:30 ng umaga. Dali-dali akong nagbangon para kunin si Harlie
sa
kabilang kwarto. Madalas kasi itinatabi siya ni Carter sa pagtulog. Lokong-loko sa
anak niya.
Sabagay, miske nga rin ako aliw na aliw kay Harlie, eh. Para bang kahit buong araw
ko ng kasama
ang batang iyon, hindi ako haiinip o nagsasawa man lang. Mahal na mahal ko na si
Baby Harlie.
Well, so far, so good, mahigit isang linggo na ako sa poder ni Carter at masasabi
kong
mabuting tao naman siya. Responsible father din. Saka hindi naman siya mahirap
pakisamahan.
Pasable ng bayaw 'to.
"Ay, puke!" naisigaw ko dahil natalisod pa ako kung kailan malapit na ako sa
pintuan ng kwarto ni
Carter.
"Asan?" tanong ni Carter na nakalabas na pala pintuan ng silid nito habang karga si
Harlie na kakawag
-kawag. Narinig ako ng loko.
Ang clumsy ko rin talaga minsan. Lalo na bibig ko.
Magulo ang buhok, nakapajama at sandong kulay itim si Carter. May muscle si Koya.
Sana oil pogi or
maganda kahit bagong gising.
"Heh! Bastos!" nag-init ang mga pisnging saway ko.
"Ako ba 'yong nagsalita no'n?" tatawa-tawang tanong niya.
"Ewan! O, anyare sayo? Bakit nangangalumata ka?" puna ko nang mapansing para bang
kulang siya
sa tulog. Medyo nangingitim ang paligid ng mata.
"Medyo nagpasaway siya kagabi. Ayaw matulog kaagad.
"Sana ginising mo ko para ako ang nagpuyat. May pasok ka pa,' sabi ko at kinuha si
Harlie sa kanya.
"Hello, good morning baby. malambing na kausap ko sa bata at hinalikan ito sa noo.
"Okay lang, nakakatuwa din naman kasi medyo nag-iingay na siya. Can't wait to hear
him speak and
say Daddy, ngiting-ngiting sabi ni Carter. Halatang excited. Napangiti tuloy ako.
"Mas maganda kung DC para mas madali."
"Daddy Carpenter? Kagaya ng tawag mo sa kin?" nailing na tanong niya.
"Hindi. DC means dodong charing. napabungisngis na asar ko.
"Nakakarami ka na ng mga pet name mo sa'kin, ah?"
Joke lang, sige na magluluto na ko para makapagprepare ka na pumasok," sabi ko pa.
Okay lang naman sa kanya na ako ang magluto. Ipinapakita ko sa kanya na hindi naman
ako
patabaing baboy dito sa poder niya. Pabor nga raw sa kanya kasi hindi na siya
magmamadali
maghanda.
"Okay thanks, ligo na ko. Saka suklay ka na rin, baka pamahayan 'yan ng ibon,
akalain pugad, tatawa-
tawang puna niya sa buhok kong buhaghag dahil hindi naman talaga ako nagsusuklay sa
umaga.
Tsel" asik ko bago siya tinalikuran.
Kinuha ko ang stroller ni Harlie at inilagay siya doon matapos kong palitan ng
diaper. Hindi na rin ako
nag-abalang magsuklay, hindi naman ako nakoconscious kay Carter. Itinali ko na lang
ang buhok ko
pataas para hindi abala. Sa totoo lang para lang akong nagkaroon ng bagong
kaibigang lalaki.
"Pag nag-one month si Harlie, set na kaya natin ang binyag?" ani Carter nang
dumulog siya sa
mesa.
"Eh, Carter itatanong ko rin nga sana sa'yo 'yan, kasi paano kung hindi pa
nagigising ang
kambal ko? ibinyagan natin slya ng wala ang Mommny niya?" tanong ko habang nilalaro
si Harlie.
"Kain ka na rin," tawag niya at marahan pang tinapik ang kamay ko. Kaya naupo na
ako sa
harap niya.
Napapansin ko na gusto niya sabay kami palagi kakain. Ganoon siguro kapag palaging
walang
kasama. 1
Well, I'm still hoping na magigising na siya. Malay natin, pero kung hindi pa rin
pwede naman
nating hintayin siya." aniya nang kumakain na kami.
"Kaso hindi natin mailalabas si Harlie sa malayo, kasa bihan kasi iyon ng mga
oldies. Pwede
siguro buhos-tubig," suhestiyon ko.
"Buhos tubig?"
"Oo, ginagawa iyon sa mga probinsiya kapag wala pang budget ang parents or may mga
cases
na tulad nga nito. Para lang may basbas ang bata.
"Sabagay, mamaya nga pala dadaanan kita dito. Kayo ni Harlie,"
"Saan tayo punta?"
"Mall, konti palang gamit niya di ba? Medyo maluwag sched ko ngayon. Doon na rin
tayo
magdinner."
"Ah, okay. Tagal na rin akong hindi nakakalabas." napangiting sabi ko.
"Kapag gusto mong mag unwind magsabi ka lang sa kin. Every now and then, we all
need to
spend time alone.
Nakangiting tumango na lang ako.
"Bye, little buddy, be good to MC," nakangiting paalam ni Carter sa anak niya nang
paalis na.
"MC?" maang na tanong ko.
"Short for Momny Callie,"
"Loko ka, mga pakulo mo, ah?"
"Di nga ako nagreklamo nang tinawag mo kong DC, Carpenter at Dodong Charing. Ang
lagay, eh ikaw
lang? Sakaikaw rin naman talaga ang tumatayong Mommy niya diba?" natatawang sagot
niya.
'S-Sabagay, pero 'wag nal Si Hailey lang Mommy niya," kontra ko.
"I know that. Pero ganda pakinggan, eh. DC-MC. Parang duo, B1-B2!"
Narinig naming parang humagikhik si Harlie, parang kiniliti, eh.
"See? Harlie just agreed. 0, sige na, ingat kayo dito. Bye, MCI"
"Ewan! Ingat ka rin sa daan!
Naglinis-linis ako ng condo ni Carter pagkatapos ay naligo, nagbalot-balot ng
online orders at
naghintay ng courier na pipick up habang naghahum pa para maaliw-aliw naman si
Harlie. Nang
maghapon na ay nag-rayos na ko, saktong nakabihis na ko dumating na si Carter.
Jeans at isang tees na may cartoon character lang ang suot ko, pinarisan ko lang
iyon ng doll shoes.
"Gora na?"tanong ko kay Carter habang bitbit si Harlie at ang bag na may lamang
kung ano-ano'ng
gamit ni Harlie. Mommy na mommy nga ang arrive ko.
Pinasadahan niya ko ng tingin matapos kunin sa akin ang bag.
"Oh, bakit?
"Wala naman, cute ka lang diyan sa damit mo. Ano'ng cartoon character 'yan?"
"Doral' pagmamalaki ko. Natawa siya.
"Kamukha mo, may bangs din," komento niya at bahagya pang hinila-hila ang bangs ko.
"Aray! Ge, ako si Dora. Ikaw si Boots, bahagyang tampal ko pa sa kamay niya.
"Gwapo ko para maging unggoy," kontra niya agad.
"Ewan, lika na Boots!"
Lumabas na kami ng building at sumakay sa magara niyang kotse.
"Akala ko sa mall tayo?" usisa ko dahil lumagpas na kami doon.
"May lilinawin lang sana ko. Kaya punta muna tayo sa pub."
Hindi na ko sumagot, nang makarating kami sa Publishing house ay pinababa niya rin
ako.
Teka bakít kasama kami?"
"Basta," aniya at inalalayan na kong bumaba.
Bumungad kaagad sa 'in ang babae na nasa front desk. lyong medyo suplada na hindi
ko matanong
ng husay noon kung nasaan si Carter, noong mga panahong nang-ghosting siya kay
Hailey. Nang
magtama ang mga paningin namin ng babae ay nakita kong nanlaki pa ang mga mata niya
at
napalunok. Parang natakot na ewan.
"S-Sir Carter, akala ko nakauwi na po kayo?" tanong ni Supladita.
"May gusto lang kasi akong linawin sa'yo, Connie,"
"A-Ano po 'yon?" halata na ang pagkabalisa ni girl na hindi ko naman alam kung
bakit.
"Noong umalis ako at nag-out of the country, hindi ba ibinilin ko sayo na kapag may
babaeng
pumunta dito at hinanap ako, ibibigay mo ang emall addrese ko? Ginawa mno ba?"
Y-Yes Sir, medyo kinig ang boses na sngot nlya.
Sinungaling mo naman ghorll tlang hesen kaming nagpabaik-balik dito, sabi mo
confidential, eh
kontra ko, bumangon ang inis ko nang maalala ko ang pagod namin ni Hailey noon sa
pagbabakasakall.
H-Hindi ko po talaga ibinigay, pag-amin niya.
"Eh, iyong pera na plnapaabot ko para kahit wala ako, may magamit naman sila?"
naningkit na ang
mga matang tanong ni Carter.
"H-Hindi rin po,"
"Saan mo dinala?" kalmado pero nakakatakot na ang tono ng boses ni Carter
"N-Nagastos ko po kasi sa birthday ng
"You're fired. Kunin mo na lang bukas sa accounting ang separation pay mo at
maghanap ka na ng
ibang trabaho lyon lang at bahagya niya kong hinila sa braso habang nakanganga,
Ganito pala magalit si Carter.
"Bakit mo naman slya finired?" usisa ko nang makasakay na kami sa kotse papuntang
mall.
"Told you, I hate liars," sagot niya habang nakatutok ang mga mata sa daan.
"Pero tinanggap mo ko?"
"DI ka naman sinungaling, inamin mo nga sakin di ba? And I admire that,'
nakangiting sagot niya at
bahagya pa akong sinulyapan.
"Sabagay, pero hindi mo pala talaga pinabayaan ang mag-ina mo 'no?"
"Yes, nahihiya lang talaga akong magpaalam kahit sa text kaya ibinilin ko na lang
sa staff kong si
Connie, sa pagkakaklala ko kasi sa personality ni Haley, palaban. Kaya alam kong
susugod slya sa
workplace ko, well iyon ang akala ko. Ikaw pala iyong palaban, tatawa-tawang sabi
niya.
"Sayang, hindi niya nalaman 'yan. Akala kasi talaga namin nang-iwan ka na talaga.
Halos isinumpa
na nga kita na sana magkakurikong ka, bakokang, pigsa lahat na!"
"Woah! Grabe! Galit na galit ka, ah?"
"Siyempre, ayoko siyang naaagrabiyado 'no"
"Mahal na mahal mo talaga ang twin slster mo, ah?" napangting komento niya.
"0o naman, kaya nga nandito ko, eh. Tinutulungan ko siyang mabuo ang pangarap
niyang magkaroon
ng sariling pamilya, seryosong sagot ko,
"Ibig sabihin may gusto talaga sa'kin ang kambal mo? Hindi mo ko sinagot last
time,"
"Ah, eh, ano.di ba dapat lang naman? Kasi ikaw ang Daddy ni Harlie, kaya dapat buo
kayo,
para masaya si Harlie,' sagot ko, ayoko ngang ibuking si Hailey.
"Mapwera na lang kung ayaw mo sa kapatid ko? Atmay balak ka pang maghanap ng iba?
Sa
bagay na 'yan wala naman kaming magagawa."
Tingin mo kung maghahanap pa ako ng iba, isasama ko siya sa bahay? Hindi ko pa
lubusang
kilala si Hailey pero naisip ko kung magkaka sama kami sa isang bubong
magkakakilala kami at may
posibilidad na-"
"Mafall ka sa kanya?" napangiting abot-tenga na tanong ko.
"Pwede, lahat naman posible," nakangiti rin niyang sagot.
"Sana talaga magising na siya, excited na kong sabihin na magiging future bayaw
kital"
naeexcite na bulalas ko.
"Gano'n ba, hipag?" sakay niya kaya nagkatawanan kami.
"Yes, bayaw. Baya--wak!' asar ko pa kaya ang sama ng tingin niya sa'kin.
Langya, kinikilig na ko para kay Hailey, tanggap na ko ng loko na maging hipag, oh.
Chapter 21
"Nandito na pala tayo," aní Carter nang makarating kami sa mall.
Medyo maraming tao, dahil labasan na ng mga estudyante at mga galing sa trabaho.
Karga ko
si Harlie, pero kinuha siya sa'kin ni Carter kaya ako na ang nagbitbit ng bag.
"Kapit ka na lang sa braso ko, baka magkawalaan pa tayo."
"Ha?"
"Halaman!" pamimilosopo ng loko at hinawakan na ako sa pulsuhan kaya napasunod ako.
Hindi ko kabisado ang mall dahil noon lang ako nakarating doon at naiwan ko pa sa
kotse ang
mall kaya hindi na ako pumalag. Mawala pa ko.
Sa baby section kami dumiretso, tuwang-tuwa na nakipili ako para kay Harlie.
"Carter, ganda nito, ang pogi niya siguro lalo kapag suot niya 'to," turo ko sa
isang malit na
shorts na fatigue ang kulay, malambot ang tela kaya alam kong magiging kumportable
ang bata.
Yeah, pero siguro mga ilang buwan pa bago maisuot 'yan, pero sige kunin natin sa ka
ito na ri,
" aniya at dinampot ang sando na may printed logo ng superman.
Marami pa siyang binili para kay Harlie, pati nga laruan na panabit sa crib para
maaliw naman
ang bata. Karga ko si Harlie, habang nagbabayad si Carter, napadaan ako sa mga
stuff toy.
"Ang cute, no?" kausap ko kay Harlie at ipinakita sa kanya ang isang panda na nasa
limang
pulgada ang laki. Malambot ang laruan kaya hindi ko mapigilang pisilin. Saka ang
cute ng mata, eh.
Kulay blue na parang nagpapaawa. Gusto ko rin sana kaso hindi naman na ako bata.
Saka baka
pagtawanan ako ni Carter kapag nakita niyang binili ko to.
"Gusto mo niyan?"
"Kabayo ka!' bulalas ko dahil nagsalita si Carter sa likuran ko habang bitbit ang
mga
nabayarang pinamili.
"Gwapo, hindi kabayo. Anyway, kunin natin?" tukoy niya sa pandang hawak ko.
"Medyo malaki para kay Harlie, baka madaganan lang siya."
"Maganda naman, eh. Teka kunin natin," aniya at dinampot iyon.
Hinintay namin siya habang inaaliw ko si Harlie ng ibang stuff toy.
"Let's go?" yakag niya kaya sumunod ako. Sumakit mga paa namin kaya nagyaya si
Carter kumain
para makaupo naman.
"Here." abot niya sakin ng isang paperbag.
"Ano yan?"
"Basta, kunin mo."
Kinuha ko nga at binuklat.
"Teka ito 'yong panda, ah?
"Sa'yo na lang, mukhang type na type mo, eh."
"H-Hindi naman ako bata, ah?"
"Bakit? Bata lang ba pwedeng magstuff toy? Kunin mo na, simple token of
appreciation.
nakangiting sabi niya.
Harlie?
Napangiti na rin ako.
"Hindi naman kailangan, pero thank you! Kanina pa talaga ko cute na cute sa kanya,'
pag-amin
ko at pagigil na niyakap iyon.
"Welcome MC."
"MC ka diyan? Tigil mo 'yan Dodong charing," saway ko.
"Bakit ba? Okay naman, ah. Mommy Callie,"
Tsk, oo na. Mommy ako ni Harlie, pansamantala," sabi ko at uminom ng ice tea,
kakauhaw
talaga gumala.
"Pansamantala? Wala kang balak gawing permanente?" tanong niya kaya literal na
nasamid
ako, inubo ako ng matindi at kumayat pa nga ang iced tea sa bibig ko.
Ano ba naman ang kunehong to? Kung anu-ano'ng sinasabi? Ano'ng permanenteng Mommy
ni
"Oh? Okay ka lang?" tanong ni Carter napatayo pa.
Napailing-iling ako at napahawak sa ilong. Ang sakit sa ilong!
Umupo siya sa tabi ko at tinulungan akong magliis gamit ang tissue. Pinun asan pa
niya ang
gilid ng bibig ko.
"0-Okay na ko,' awat ko at bahagyang lumayo.
"Sure?"
"Adik ka ba? Ano ba'yong mga pinagsasabi mo? Ano'ng permanenteng Mommy ni Harlie?"
kastigo ko.
big kong sabihin, sa future? Wala ka bang balak na magkaroon ng sarling pamilya?
Maging
mommy talaga? Kasi napapansin ko, palaging si Hailey ang iniisip mo, Natanong ko
lang kasi
nacurious ako, kung paano ka na kung sakaling magkaroon ng sariling pamilya si
Hailey?"
'E-Ewan ko, bata pa naman ako para diyan, saka hahanap muna ako ng lalaking matino,
reto
mo ko sa friends mo pag may time. biro ko para maalis ang awkwardness.
Natawa na lang siya at bahagyang tỉnapik ang ulo ko.
"Walang matino sa mga 'yon, tinotopak pwede, halika na, kain na tayo."
Naglalakad na kami papuntang parking lot nang tinopak ang sapatos ko. Bumigay na.
"0 ano'ng nangyari?" usisa ni Carter nang mapansing nalwanan ko ang swelas.
braso.
"Kinulang sa kain ng rugby, ayan nagutom, ngumanga na."
Ang lakas ng tawa niya.
"Nagugutom ahg sapatos? Iba ka rin," parang di maawat sa pagtawang turan niya.
"Sapatusin kita, sige na uwi na tayo, ayaw na niya akong pagalain.
"Hawakan mo muna si Harlie, ibibili kita ng pamalit."
Halos gabi na rin kami nakauwi dahil dumaan pa kami kay Hailey. Nakakalungkot dahil
hindi na naulit
ang pagresponse niya kagaya nung dumating si Carter. Still umaasa ako na gigising
din siya. Alam ko
malapit na.
"Huwag na, okay lang. kaya pa 'to. Lika na uwi na tayo."
Hindi pa ba inaantok ang makulit na 'yan?" nakangiting tanong ko kay Carter na nasa
sala at nilalaro
si Harlie habang karga niya. Kakatapos ko lang kasi maligo kaya siya ang in-charged
kay baby.
"Medyo hyper pa, tawa nang tawa, eh."
Lumapit ako at maingat na kinuha si Harlie, Napainat si Carter. Nangawit yata ang
likod at
Ngumanga.
"Marami akong CD's dito, gusto mong manood?" alok ni Carter habang hawak ang ilang
co's
niya.
Parang gusto ko 'yan" turo ko sa isang CD na may pusang mapungay ang mga mata.
Tipong
mukhang lasing.
"Garfield?"
"0o, noong bata ako gusto ko panoorin 'yan sa sinehan kaso wala naman kaming
datung, kaya
yan na lang." halos kumislap ang mga matang sabi ko. Super cute kasi ng pusa na
'yon.
"All right," nakangiting aniya at isinalang na iyon.
Ipinaghehele ko pa si Harlie habang nagsisimula na ang movie.
"Dito ka, mangangalay ka niyan," tawag ni Carter at tinapik ang space sa tabi niya.
Bahagya akong umatras at naupo nga sa tabi niya habang karga pa rin si Harlie.
Halos kasisimula palang ng pelikula tawa na ako nang tawa kay Garfield. Ang kulit
niya kasi.
Sosyalin pa dahil lasagna ang paboritong food. Pero dahil maghapon kaming
naglagalag ni Carter at
baby Harlie sa mall kahit ano'ng kwela ng movie, bumibigat na ang talukap ko.
Napapahikab na rin
ako ng hindi ko namamalayan.
"Antok ka na yata?" puna ni Carter at kinuha na si Harlie para makanood ako ng
maayos.
"Maya, tapusin muna natin, ang ganda, eh."
Pero habang tumatagal ang movie wala na akong naintindihan. Napapikit na ako.
Next thing I knew para na akong inuugoy. Nagtaka ako dahil parang nasa duyan ako,
feeling na
nakalutang dahilan para magmulat ako ng mga mata, nakanganga pa pala ko kaya
isinara ko pa bibig
ko.
"Carpenter?!" mulagat na tawag ko nang mapagtantong karga niya ko.
Papasok kami sa kwarto papalapit nasa kama.
"Stay put."
"Putput pururot ka diyan, ibaba mo nga ako. Ano bang ginagawa mo?" utos ko at
iwinagwag na
ang mga paa.
Papatulugin ka ng maayos, inabot ka na ng antok sa panonood." parang walang anumang
sagot niya habang namumungay na ang mga mata. Halatang antok na rin siya.
Nailang ako, imagine nakasandal ako sa dibdib niya. Magkadikit kami. Hindi ako
sanay madikit
sa lalaki. Ramdamn ko ang init ng hulab ng katawan niya.
"Bababa na sabi!" piglas ko pa rin.
"Teka lang-" naputol siya nang mag-ekis ang paa dahil hindi nakabalanse.
"Putik!" impit na tili ko dahil akala ko babagsak na kami sa sahig.
Buti na lang kama ang sumalo kundi nabaldog ako. lyong kalahating katawan ko nga
lang ang
nasalo tapos si Carter, bumagsak rin. Kung sa typical na romantic scene sa TV or
book
magkakadaganan at magkakatitigan ang mga bida, kami hindi.
Sa ibabaw ko pa rin naman siya bumagsak, pero iyong mukha niya napasubsob sa dibdib
kol Kinatos
ko siya, kaya gumulong siya paalis.
"Aray!" reklamo niya at napasapo sa gilid ng ulo.
"Kasalanan mo 'yan."
"Mapanakit ka rin, pero mas masakit itong mukha ko, para akong nauntog sa pader.
Ang tigas."
reklamo niya at napahimas pa sa noo at ilong.
Umisa pa uit ako, hinampas ko naman siya sa balikat sabay cross sa dibdib kong
lantaran niyang
nilait. Hayop na 'to.
"Nakakarami ka na. palag niya.
"Sino ba kasing may sabing kargahin mo ko 'no? Si Harlie? nakairap ha tanong ko.
"Nakatulog ka na nga kasi, ayaw na kitang istorbohin, sarap ng tulog mo, nakanganga
ka pa, kaya
binuhat na kita, Si Harlie, ayan oh, tulog na,' nguso niya sa crib na malapit sa
kama ko.
Tulog na tulog nga ang baby, buti hindi nagising sa ingay namin.
"Si Harlie ang baby, hindi ako.
Natawa siya.
"Pero parang baby ka rin naman matulog, eh. Saka hindi naman kita tsinansingan,
wala rin akong
balak, safe ka sa'kin" buska niya kaya napamake face ako.
"Kapal."
"Sige na tulog ka na, good night." nakatawa pa ring sabi niya at piningot ang ilong
ko.
"Kkk. Good night. Mamats. kaway ko at pa simpleng napatawa na rin nang makalabas
siya ng silid.
Lokong lalaki 'to.
Tumayo ako at sinilip muna si Harlie.
"Good night baby, lab you." kausap ko pa rito at hinalikan siya sa noo.
Nahiga na ko at nang makita ko si Panda ni binigay ni Carter, niyakap ko iyon.
Super cute kasi.

Chapter 22
Matuling lumipas ang mga araw, hanggang sa naging linggo at umabot na nga sa ika-
isang buwan ni
Harlie na wala pa ring malay si Hailey, naiistress na ko sa kalagayan niya. Madalas
may mga gabing
hindi ako makatulog, kakaisip sa kanya. Panay ang dalangin ko na sana magising na
siya.
"Madam, ano pong kulay niyang cutex niyo?" halatang interesanteng tanong ni Irene
kay Mamshie
Elaine ko, nasa condo sila,
Tulad ng naag-usapan kung hindi pa nagigising si Hailey, buhos-tubig muna ang
gagawin kay
Harlie. Saka na lang ang mismong binyag kapag nagising na siya. Isa pa celebration
na rin kasi 1
month na si Harlie.
At siyempre, si Irene ang sinuggest kong maging Ninong. pumayag naman si DC. At
dahil first
month ni Baby hindi pumayag si Carter na walang handa kahit paano.
"This is broadway beige, nakangiting sagot ni Mamshie Elaine at ipinakita pa kay
Irene ang
mga daliri niya para mas matitigan ng bakla.
"Ay! Ang taray! Ang sosyal talaga ng Mamshie mo. Parang Lea Salonga ang level.
Broadway
diva. May pabroadway hindi lang basta beige, Mars" hyper na sabi ni Renato kaya
nagkatawanan
kami.
Pati si Mamshie, tawang-tawa sa kanya. Well kapag tulad ni Renato ang kaibigan mo,
riot ang
buhay mo. Kaya nga kahit minsan down na down ako, kausapin ko lang ang bading na
to, napapangiti
na ko. Buti na lang nandiyan siya.
"Why you wanna try this color? l can give you a Dior glowing gardens nail plish.
It's a must try
hun, it has constant shine, deep color and long lasting," nakangiting sabi ni
Mamshie kay Irene.
"Te, magnunose bleed ako sa accent nitong mader mo. Dito mo yata namana na kapag
high
emotion ka napapaenglish ka."
Ang lakas na naman tuloy ng tawanan namin.
"Ah, Callie.' pasimpleng tawag ni Carter na kadarating lang, dala niya ang isang
malaking cake
kaya napatayo ako, ipinasa ko muna si Harlie kay Mamshie.
Nagpaexcuse kami sa dalawa at sinundan si Carter sa kitchen.
You sure about this? Hindi ba parang konti lang?" tanong niya habang minamasdan ang
mga
pagkain na nakahayin.
"Hindi, madami na 'yan tayo-tayo lang naman saka hindi pa naman ito ang binyag
talaga di ba?
May iba ka pa bang inimbita?"
"Wala naman, saka na lang kapag binyag na talaga ni Harlie."
Tumango naman ako, ilang saglit pa nagsimula na kami sa buhos-tubig. Kanya-kanya
kaming
hawak ng kandila. May inimbitang elder na babae si Mamshie na sanay sa buhos-tubig.
"lkaw, Harlie Calingasan-Hyun ay binibinyagan sa ngalan ng ama, ng anak. "panimula
ng
matanda. Nagkaroon pa ng panalangin.
Nang matapos ay nag-aya si Renato na magpicture taking daw, dahil nakita niyang may
DLSR
si Carter. Mabuti na lang maayos-ayos ang damit ko. Bihira akong magbestida kaya
hindi na ako nag-
alangan makipag-picture taking.
Pagkatapos pinalagyan isa-isa sa amin ng cross si Harlie sa noo habang karga siya
ni Carter.
"With gorgeous Mamita Elaine muna." ani Renato kaya maingat na ipinasa ito ni
Carter sa
kanya.
"Ang gwapo talaga ng baby na 'to, ngiting-ngiting sabi ni Mamshie, sabay pose sa
camera.
"Kami naman. Ninang and inaanak." ani Renato kaya ako ang kumuha ng picture sa
kanila ni
Baby.
"O kayo namang dalawa." ani Renato sa amin ni Carter kaya medyo nagulat ako.
"Ha? Kami?" ulit ko pa.
"Oo, 'wag na maarte, kayo ang tumatayong parents ni Harlie ngayon 'no. Alangan
namang wala
kayong pic of memories sa first event ng life ni Baby." mahabang katwiran niya.
"Yeah, he does have a point." sang-ayon ni Carter.
Pumayag na rin ako. Pic lang naman, eh. Karga ko si Harlie habang nasa tabi ko si
Carter.
"Say cheese." utos ng bakla kaya sumunod kami sabay click ng camera.
Nakasimangot si Renato nang matingnan ang picture namin.
"Parang may kulang, medyo malayo kayo sa isa't-isa. Di ba Mamshie?" anito sabay
pakita ng
camera kay Mamshie Elaine.
"Closer pa anak." nakangiting sabi ni Elaine. Hala siya.
Umipod nga si Carter sa mas malapit sa'kin. Nagulat pa ako nang umakbay siya
sa'kin.
Napatingala ako sa kanya, ngumiti lang siya sa'kin kaya aarte pa ba ko?
"Smile for the camera. 1.2.3!"
Nagsmile na rin ako sa camera. And that is a perfect shot. Hindi na nakapagre klamo
si Renato.
"Ay ang ganda! Parang Happy family talaga, oh.' parang bulateng inasinan na komento
pa ng
loko. Pinandilatan ko siya.
"Isa pa wacky!"
Pose ulit kami ni Carter, nilawakan ko ang ngiti ko sabay nagpeace sign ako at
kunwaring
duling, tapos itong katabi ko naka-okay sign at nakapikit ang isang mata habang
malapad din ang
ngiti. Tipong nakakindat.
"Ay ang cute niyo! Awww! Happy motmot rin sa inyong dalawa." malokong bati pa rin
ni Renato.
"Motmot? Monthsary ba 'yon?" tanong ni Carter.
"Uhuh. Happy first month as a parent."
After ng kainan at mahaba-habang kwentuhan tinulungan nila kaming magligpit,
pagkatapos
nagyaya ng umuwi ang mga bisita, may kanya-kanya ng sched.
"Grabe 'no? One month na kaagad si Harlie?" di makapaniwalang sabi ko habang
inaayos ang
mga throw pillow sa sofa sa kulit ni Renato.
Hindi sumagot si Carter aya napalingon ako, napansin kong may kinuha siya sa likod
ng 64
inches na TV. It's a gift. Nakawrapper pa nga.
"oh, abot niya sakin. Bahagya akong natigilan. Hindi naman kasi ako sanay ng
nireregaluhan,
"A-Ano 'yan?"
"Happy Motmot," he said with a playful smile.
Motmot, ugok, tigilan mo nga ako" iwas ko pero hinagip niya ang kamay ko.
"Seryoso, sa'yo nga to." aniya at inilagay iyon sa palad ko.
"Wag na kasi, di naman kailangan."
This is pretty useful. I'm sure you will like it. Come on, open it." nakangiti pa
ring pamimilit niya.
Napakamot ako sa ulo at tinanggap na iyon. Curious din ako sa laman.
"Wag na pala, wala akong regalo sayo, eh.' sabi ko noong akmang pupunitin ko na
iyon.
"T'm not asking, sige na buksan mo na."
Umupo ako sa sofa, tinanggal ko ang balot. Kahon ang laman. Kahon ng sapatos.
"Seryoso ka dito? Pricey 'to, ah? tanong ko pa at binuksan iyon.
Denim blue sneakers.
"Di ba ito iyong iniendorse na sapatos ni Taylor Swift?" tanong ko pa saka siya
tiningnan.
Nakangiti lang siya habang chinicheck ko ang sapatos. Wala akong makitang price
tag. Meron
sa kahon pero kinutkot. Ayaw niyang ipaalam sakin kung magkano iyon. Last time na
tiningnan ko
iyon sa mall, nasa 3k ang price. Kaya atras ako. 0kay na sakin iyong mga class A na
sapatos. lyong
tiglilimang daan.
"Like it?"
"Baka manibago paa ko diyan, hindi sanay sa authentic 'to."
Ang lakas ng tawa niya sabay tapik sa ulo ko.
"Di nga bakit mo ba ko binigyan? Di naman kailangan, eh."
"Gusto ko lang. Ngayon ko lang narealize na hindi naman pala talaga biro mag-alaga
ng baby,
eh. Buti na lang talaga kinulit mo kong sumama ka sa amin dito. Hindi ko pala
kakayaning mag-isa 'to
kung sakali. Thank you for enduring the sleepless night, never-ending supply of
dirty diapers, soiled
clothes, for feeding him every couple of hours. I think it's priceless kaya malit
na bagay lang iyang
regalo ko."
Hindi kaagad ako nakapagsalita. Medy o..swe et na tao pala itong si Carter.
Marunong siyang
mag-appreciate kahit maliit na bagay. Babawian ko 'to. Wait lang siya,
"Oi, wala 'yon. Pamangkin ko naman si Harlie. Saka love na love ko siya. Saka
dalawa naman tayong
umeeffort na alagaan siya.' natouch na sabi ko.
"Kaya nga, Happy 1st month as a parent, MC."
"Happy motmot Dodong charing." pang-aasar ko at natawa.
Natawa rin siya at napailing.
"Gamitin mo 'yan, ah?" request niya.
rOo naman, siguradong matibay to. Hindi na to patay gutom sa rugby. Thank you ng
marami."
Grabe na naman ang tawa niya.
"Kahit pa lumakad ka ng malayuan.I wish you success and nothing but the best in
every step
you take, Callie."
Napangiti ako, kung siguro si Hailey ang nandito at nakakasaksi ng kabaitan ni
Carter baka
bumunghalit na iyon ng iyak sa galak.
"Loko ka, para mo na akong binibigyan ng tribute niyan, ah? Siguro magigising na si
Hailey.
Natigilan kami ng may tumawag sa phone ko.
"SI Mamshie," sabi ko at sinagot na iyon.
"A-Anak Callie, ang kambal mo." kinig ang boses nito kaya sinaklot ako ng kaba at
napatayo.
"B-Bakit po? Ano'ng nangyari?" parang lalabas ang puso ko sa takot.
Rinig ko ang pagsinghot niya kaya alam kong umiiyak siya.
"Nagflat line siya. Tumigil na ang tibok ng puso niya..."

Chapter 23
"She'll be fine. Don't worry," pagkalma sa akin ni Carter habang binabagtas namin
ang daan
papuntang hospital, sakay ng kotse niya.
Hindi ako iyakin pero para akong batang ngumungoyngoy sa tabi niya, iniwan namin si
Baby
Harlie sa unit, pinasamahan namin siya sa tauhang ipinadala ni Momshie Elaine.
"Hush, Callie." alo pa niya at hinawakan ang isang kamay ko.
"K-Kawawa naman siya, hindi pa niya nakikita si Harlie." sisigok-sigok na sabi ko.
Naramdaman ko ang paghaplos ng hinlalaki niya sa likuran ng kamay ko. Alam kong
pinapapayapa niya ko. His warm and soft hand made me feel that everything will be
okay.
"Whatever happens, I'm here." assurance niya.
Nakarating kami sa hospital, halos lakad-takbo kami para makarating agad.
Nakita ko si Mamshie sa labas ng pintuan ng room ni Hailey. She's crying habang
nakadungaw sa
maliit na glass window ng silid.
"A-Ano na pong nangyari kay Hailey?" kabadong tanong ko, nangingilid ang luha.
N-Narevived siya." may ngiti sa mga labing sagot niya kaya nawala ang bigat ko sa
dibdib.
Napalingon ako kay Carter.
"L-Lumaban siya Carter!" tuwang-tuwang bulalas ko at napayakap pa sa kanya sa
sobrang tuwa.
T told you, she'll be fine. She's a fighter. aniya at hinaplos ang likuran ng ulo
ko.
"Ehem."
"Renato?" tawag ko nang tumunghay ako.
Nakapajama lang ang loka. May cream pa sa mukha!
"Nataranta ko nang ngalngalan mo ako sa phone. I thought you needed a friend. Kaya
kara-karaka
akong pumunta dito."
Napangiti ako. Sweet din naman ang loka.
"Kamusta na si Hailey?"
"Narevive naman siya pero mas lalo siyang dapat bantayan dahil mas naging kritikal
ang lagay niya,
sabi ng doctor kung mauulit pa 'to baka hindi na siya makaligtas," nagpapahid ng
luhang sagot ni
Momshie.
"Nakakata kot naman, pero parang mas kinikilig ako sa inyo. Genyen ke be dumamay
Papi Carter?"
pumipilipit ang dilang tanong ni Irene.
Nagkatinginan kami ni Carter, unaware na nakayakap pa pala siya sa kin.
Mabilis kaming nagkalas at patay-malisiyang naglakad papalapit sa pintuan ng silid
ni Hailey at sinilip
siya doon.
"Carter, hindi muna ako uuwi ngayon, babantayan ko si Hailey." paalam ko kay
Carter.
Natatakot akong umalis sa tabi niya dahil baka may mangyari na naman sa kanya.
"Okay lang. wala naman akong pasok bukas, kaya ko ng mag-isa si Harlie.*
"Salamat." matipid ang ngiting sabi ko.
Hindi rin naman nagtagal si Carter at nagpaalam ng uuwi para mabantayan na si
Harlie.
Don't worry too much, if you need anything just give me a call," bilin ni Carter
nung pauwi na siya.
Hinatid ko pa siya hanggang sasakyan.
"Salamat, ingat ka sa daan. Ikaw na mag-explain kay baby kung ba kit hindi ako
makakauwi. Ingat sa
daan." sabi ko pa matapos niyang i-start ang kotse.
"0o ako na bahala mag-explain sa baby natin, bye. Good night: nakangiting paalam
niya bago
pinaandar ang kotse.
Bahagya akong natigilan. May 'baby natin' akong narinig? Kinilabutan ako. Umiling-
iling.
"Hoy!"
"Kabag ka!" hampas ko kay Renato na nasa likuran ko pala.
"Ganda kong maging kabag ha? Excuse me, si Cat woman ang kamukha ko. Not batman,
teka dinig ko
yon!" tukso niya sabay sundot sa pisngi ko.
"Ang alin?"
"lyong sinabi ni Papa Cart. Baby niyo pala si Harlie ha? Ganda mo 'te!"
"Sira! Wala lang 'yon. Hindi ko bibigyan ng meaning. Siguro ano lang...nasanay siya
kasi, baby naman
talaga niya si Harlie at parang baby ko na rin si Harlie kaya technically ganoon
ang nasabi niya. May
"Ases! Pero in fairness mars, bagay talaga kayo."
"Renato, ano ka ba? Forbidden 'yang inisip mo, hindi kami pwede okay? Kilabutan
ka!" saway ko.
"Bakit? Eh, paano kung magkagustuhan kayo? Hindi malabo mangyari 'yon. Dalaga ka.
Binata siya and
take note magkasama kayo sa iisang balur. So ang laki ng possibility!"
"Kahít gaano pa kalaki ang possibility na sinasabi mo, hindi pa rin pwede.
Nakareserve na siya kay
Hailey, saka para naman akong tanga kung mainlove ako sa kanya. Tinutulungan ko nga
si Hailey na
mabuo lyong pamilyang pinapangarap niya tapos ako din ang sisira? No way, Norway!"
matigas na
saad ko.
"Eh, paano kung siya magkagusto sa'yo? Kasi alam mo mars, kanina noong nakita ko
kayong
magkayakap parang alam mo 'yon..affected din siya sa sadness mo. Iba 'yong hagod sa
buhok at
likod mo, it's so nakakakilig!"
Kinurot ko siya sa tagiliran.
"Renato, tigil mo na 'to. Hindi na ko natutuwa."
"KJ mo naman, what if nga lang,eh!" irap niiya.
"Eh, di pipigilan ko! Kung ako o siya man ang mahulog. pipigilan ko. Lalayo pa ako
kung kinakailangan.
Isipin mo na lang Renato, kung sakaling uunahin ko sarili ko? Dalawang tao kaagad
masasaktan ko, si
Hailey at si Baby Harlie, Siyempre kapag lumaki ang bata ini-expect niya na dapat
buo ang family
niya. Ano na lang mararamdaman niya kung mangyayari 'yang sinasabi mo? Tita niya
demonyita? So
big NO! Hindi ako mainlove kay Carter dahil wala akong balak. It's not gonna happen
'cause I won't let
that happen! Understand? Sagot!"
Napahawak siya sa dibdib sa gulat.
"KI Nananakot ka na naman, eh. Makauwi na nga, hmmp!" irap pa niya sa akin at
pinuntahan ang
kinapaparadahan ng motorcycle. Bago iyon kaya hindi ko maiwasang magcomment.
"Oi, bading! Bat ka nakamotor? Machong-macho arrive mo diyan, ah. Di bagay sa'yo.'
asar ko.
"Gaga! Tinest drive ko lang bago ko ibigay.' parang kuminang pa ang mga matang
sagot niya.
"Ibigay? Kanino?" naningkit ang mga matang tanong ko.
"Ah, eh.wala!' iwas niya at akmang sasakay na pero hinagip ko ang buhok niya.
"Callie, aray ko, ha! Ang sakit niyan!" piglas niya at kumawala sa sabunot ko.
"Umamin ka na bakla."
Napapadiyak siya dahil wala na siyang choice kundi umamin.
"Kay Erwin..."
"Ano? Nakipagbalikan ka do'n? Di ba niloko ka lang nun? May ibang bading na
kaharutan kaya ka
nakipaghiwalay?"
"Eh, magbabago na naman daw siya. Saka sis love ko pa rin kasi talaga kaya hindi ko
siya matiis.
Alam mo, ang laki na ng pinagbago niya, hindi na siya nagkikeep ng secret from me.
Pati nga f*
password niya binigay niya sa akin."
"Ewan ko sa'yo, ha? Tapos pag naloko ka ulit ngangalngal ka sa'kin."
"Be happy na lang for me girl, at least naging masaya naman ako at kung sakali,
alam ko naman
nandiyan ka di ba?"
Napailing ako at napabuntong-hininga.
"0o naman, ganoon naman talaga ang magkaibigan, nagtutulungan, basta 'wag mo
sasabihing hindi
kita winarningan. Thank you pala bakla sa pagpunta mo dito. Lagi kang nandiyan. Lab
you! Muaaahhl
nangingiting sabi ko at humalik sa pisngi niya.
"Yuck! Ewww!" nagtatarang na reaction niya sabay punas ng palad niya sa pisnging
hinalikan ko na
parang diring-diri kaya binatukan ko.
"Heh! Sige na uwi ka na, may pasok ka pa bukas."
"Mabuti pa nga, o sige na babye! Text or call kung may kailangan."
"Sige, ingat!" kaway ko nang paandarin na niya ang motor.
Chapter 24
Bumalik ako sa loob ng hospital, mabigat ang dibdib
ko. Nandoon pa rin Mamshie sa room ni Hailey.
Lumapit ako sa kanya saka bahagyang tinapik-tapik
ang balikat niya. Alam ko kung gaano kabigat ito para
sa kanya. Ni hindi pa sila nagkakakilala ni Hailey
tapos makikita pa niya sa ganitong sitwasiyon.
"Tinakot ako niyang kapatid mo, akala ko..."
Nangingilid na naman ang luha niya.
"Hailey, akala ko, ako lang ang pilya sa ating dalawa,
pero maloko ka rin pala kasi tinakot mo kami. Huwag
mo ng uulitin 'yon. ah?" kausap ko sa kanya at
hinawakan ang kamay niya.
Idinikit ko iyon sa pisngi ko, pati ako nangilid rin
ang luha.
"L-Laban ka lang. Nandito pa rin kami, hinihintay
ka. Iyong baby mo parang ang bilis lumaki. Sigurado
ko paglaki niya matangkad siya tapos super gwap0,
hinihintay ka na rin niya. Sana makarga mo na siya at
makasama, !"
Balot man kami ng lungkot wala kaming choice
kundi magpakatatag at magdasal ng taimtim para
hindi kami bitawan ni Hailey.
"Wow! Ang laki naman nito Carter!" sabi ko sa
bahay na nakita ko. Parang hindi na bahay. More like
mansion. Ito ang dream house niya!
Ilang araw na ang nakalipas magmula noong
mangyari iyon kay Hailey. Wala pa rin siyang
pagbabago. Kaya ang bigat sa dibdib. Pero ngayong
nakita ko na ang bahay ni Carter kahit papaano
gumaan-gaan naman ang pakiramdam ko.
"Buti naman nagustuhan mo," nakangiting
aniya habang minamaneho ang kotse papasok ng
matayog na gate.
"0o naman! Taray, may maid ka, ah!" pakli ko
nang makita ang isang babae na nakauniporme pa na
nagbukas ng stainless steel modern gate matapos
niyang bumusina.
"Siyempre malaki na itong place natin,
kailangan ng may magmemaintain."
"Sabagay, pero wag kang mag-alala kasi
tutulong pa rin naman ako," sabi ko habang
gumagala ang paningin sa paligid.
Napakalawak ng bakuran, bermuda grass ang
tatapakan namin. May fountain pa akong nakita,
isang kupido na may hawak na pana. Mga ilang
metro pa ang layo ng bahay sa mismong gate. Mas
nagustuhan ko ang ambiance dahil napapaligiran ng
puno at mga bulaklak ang bahay niya.
"It's not really necessary Callie, just feel at
home."
Napangiti ako sa sinabi niya. Di na masama.
Perks of being an instant. At least kahit paano
naranasan ko tumira sa ganitong kabonggang bahay.
"Thank you! Pero promise, ang ganda.! Feeling ko isa
akong mapalad na housemate na makakatira sa
bahay ni Big brother!"
Natawa siya at napailing.
Excited akong bumaba kahit karga ko pa si baby
Harlie.
"Good af ternoon po Sir, Ma' am." bati ng dalawang
house maid niya sa amin.
"Good afternoon, palagay na lang sa mga designated
rooms nila itong mga gamit, alam niyo na kung saan
di ba?" ani Carter sa dalawa habang ibinababa ang
mga maleta.
"Opo Sir."
"Sige salamat. Doon na lang muna kami sa gazebo, "
ani Carter.
"'sige po Sir, gusto niyo po dalhan namin kayo ng
sandwich at juice?" tanong ng isang mas batang
maid. Mukhang madaldal at nag-i-sparkle pa ang
mga mata habang nakatingin kay Carter.
"Ah, sige okay 'yan. Thanks." ani Carter at
hinawakan na ako sa braso. Dala pa niya ang stroller
ni Harlie.
"Grabe Carter! Ang ganda nitong gazebo mo! Tapos
may swimming pool pa." halos manlaki ang mga
matang bulalas ko. It was a breath taking scenery.
Kinuha niya si Harlie at inilagay sa stroller.
Yari sa rattan ang mga upuang kulay itim. May
hanging hammock cushion swing din sa gitna. May
fairy lights din at bukas na iyon dahil medyo
nagdidilim na.
Asul na asul ang tubig ng malaking kidney shaped
swimming pool. May maliit din sa gilid, halatang
pambata. Hiindi ko mapigilang lumapit at masdan
iyon.
"Alam mo nakakaligo lang kami ni Hailey sa
swimming pool kapag may outing ang barkada
namin tapos may bayad pang 50 pesos para sa
entrance, tapos may bayad din ang cottage, pwede ba
akong maligo dito?"
"Oo naman, just feel at home. Walang sisingil sa'yo
ng 50 pesos kahit na gaano ka pa katagal maligo."
nakangiting aniya at tumayo sa gilid ko.
"Talaga?"
"0o nga.!"
"Pwede rin akong maligo kahit ano'ng oras?"
naiexcite na tanong ko.
"Yup. Kung gusto mo, ngayon na, eh." nakangising
aniya sabay tulak sa akin sa swimming pool!
"Carpenter!" sigaw ko sa gulat.
Lumabusaw ang tubig nang bumagsak ako. Medyo
malalim dahil hindi abot ng mga paa ko ang flooring.
Six feet yata itong lalim tubig. At hindi ako
marunong lumangoy! Hanggang5 feet lang ang kaya
ko, langoy aso pa!
"W-Walangya ka! Hindi ko abot!" talak ko habang
pilit umaangat. Lumubog din ako kahit ano'ng
kampay ko.
Nataranta yata ang loko at biglang tumalon! Mabilis
niyang hinagip ang bewang ko at iginawi niya ako sa
mababaw na bahagi.
Habol ko ang hininga ko habang nakakapit sa
matipuno niyang braso.
"Loko ka! Ba't mo ko tinulak?" hampas ko sa balikat
niya nang makarating na kami sa mababaw na bahagi
ng pool.
"Sorry, akala ko kasi marunong ka lumangoy. Takte,
nabasa pala itong phone ko." napakamot sa batok na
sabi niya nang makapa sa bulsa ng parntalon niya
iyon. Inihagis niya iyon sa damuhan.
Napahalakhak ako.
"Buti nga sa'yo! Karma is real! Bilis, oh!" pang-aasar
ko sabay hampas ng tubig papunta sa mukha niya.
"Callie!" saway niya.
"Oh, ano? Buti nga. Paganti!" sabay hampas ulit pero
gumanti siya.
Kinuha ko ang leeg niya at inulublob siya sa tubig
pero saglit lang naman. Aba! Ang loko hindi
nagpatalo, inulublob din ako! Barugan tuloy kami
sabay tawanan din.
Well being an instant replacement is not that bad.
Nakakasama ko si Harlie. Naging kaibigan ko pa ang
Carpenter na 'to. May downside din dahil alam kong
pansarnantala lang 'to. Hindi habang-buhay
mananatili ako sa tabi nila.
Matagal ko ng tanggap na pansamantala lang ako.
I'm just an instant mommy.
Parang kape at noodles. Pangmabilisan pero hindi
pwedeng pangmatagalan.
Darating din ang araw na darating ang expiration
date ko. Ang araw kung saan matatapos din ang role
ko kapag nagising na si Hailey. My one and only wish.
So this is me, Callie. Signifies the word instant.
Walang panama sa lutong bahay lalo nasa totoong
Nanay..

Chapter 25
"'Are you really sure it's gonna work?" usisa ni
Carter habang nagtatakal ako ng bigas at inilalagay
ko sa isang may kalakihang grapon.
Nakapatong pa ang isang sikO ni Carter sa balikat ko,
pero balewala lang sa akin since kumportable nanga
kami sa isa't-isa.
"I could buy a new one,-"
"Ssshh! Oo, gagana ulit 'yang phone mo. Wag ka na
bumili, sayang." confident na sagot ko saka ko
ibinaon ang cellphone niya doon sa bigas.
Kakatapos lang naming magswimming. At
dahil itinulak niya ko doon, nakasama pati phone
niya nang sagipin niya ko.
"Natry mo na?" usisa niya at umupo nasa high
stool.
Sosyal talaga ang bahay ni Carter. Bukod ang
dining at kitchen. Sa amin kasi magkasama na yon.
"Oo, nalaglag kasi one time phone ko sa bowl
ng cr. Eh, siyempre di naman kami yayamanin na
afford bumili ng bago. Ibinaon ko sa bigas at vo ila,
gumana!"
"At ano'ng ginawa mo sa bigas na ginamit mo?
For sure tinapon mo na 'yon," curious na tanong
niya saka sunimsim ng juice.
"Hindi, sinaing pa rin namin, lumapat naman
sa apoy, eh, patay na germs no'n." bulalas ko.
Nasamid siya.
MThat's gross!" kita sa mukha niya ang
pandidiri kaya napahalakhak ako.
"Joke lang! Ito namnan, paniwala agad,
tangahen!"
"Ikaw tangahen diyan, akala ko talaga isinaing
mo pa talaga, eh!"
"Matipid ako pero hindi naman ako ganoon
kababoy no." depensa ko.
"Pero lumalaki na pisngi mo, papunta ka na rin
do'n." pang- aasar niya at sinundot pa ang pisngi ko
kaya hinuli ko ang hintuturo niya at kinagat iyon.
"Ahhh!" sigaw niya at iwinagwag kaagad ang
kamay nang mabawi iyon. Halatang nasaktan dahil
nakangiwi siya.
"'Hahaha! Ge, asar pa, sino nga ulit baboy?"
nakaangat ang kilay na tanong ko.
"Hindi ka baboy, bampira ka na lang.
Makakagat ka, ah?"
"Ah, bampira? Gusto mo yata sa leeg ang
kagat, eh."
"Okay lang, marunong din naman ako
mangagat, kagatan na lang tayo, rawr!" bulalas niya
kaya nanlaki ang mga mata ko at napalayo sa kanya.
"'Ewan ko sa'yo, ulol! Teka, malapit na dinner
time, ano'ng gusto mong ulam?"
"Magluluto ka?"
"Oo, ako in-charged ngayon kaya chill -chill
muna kayo ni baby,'"
"Huwag ka na magpagod, may maid tayo dito-
"Hindi, okay lang. First night natin dito sa
bahay kaya dapat medyo special ang luto." giit ko.
Gusto ko naman makabawi kahit paano kay
Carter. Lagi na lang siya ang taya pag kainan.
"Ano namang lulutuin mo?"
"Basta, baka sabihin mo naman ginisang toyo
at nilagang itlog lang alam kong lutuin. Mabilis lang
to. 1 hour and fifteen minutes lang. So by 7:00 pm
ready na 'yon."
"Okay, you need a hand?"
"Hindi na, keri na 'to. Laro na lang kayo ni
Harlie."
Tumango naman siya kaya nagprepare na ko.
Kinuha ko ang ground pork, simpleng giniling pero
sisiguruhin kong mapapailing siya sa sarap.
Naghiwa na rin ako ng mga rekado. May mga
maids na nag-alok sa akin ng tulong kaya mas
napabilis ako. Halos malapit ko nang matapos kaya
tinikman-tikman ko ang sabaw. Pumasok si Carter
bitbit si Harlie.
"Amoy na 'yang niluluto mo, amoy masarap."
Napangiti ako.
"Ge, tikman mo 'tong sabaw kung ayos na ang
alat sa'yo."
Itinapat ko sa bibig niya ang kutsara, bahagya
pa siyang yumukod bago isinubo iyon.
"Ayos na?"
"Oo, okay na, masarap!" nakangiting sabi niya.
"Ay ma'am, Sir! Ang cute niyo tingnan, happy
family! Picture nga!" tila kinikilig na bulalas ng
isang maid at bago pa kami makapag react na
picturan na niya kami gamit ang smartphone niya.
Sosyal. Mas maganda pa phone niya sa akin.
"Juanda!" tawag ni Carter.
"P-Po?" tila kabadong tugon ng kasambahay.
"Bakit mo kami kinunan?"
"Eh, Sir ang cute niyo po kasi talaga saka-"
"I-send mo sa akin sa messenger iyang picture.
Hanapin mo ko sa F*, Carter Hyun.'" ani Carter kaya
natawa ko, akala ko magagalit, eh.
"S-Sige po sir! Ah, sir? Pwedeng paaccept na
rin ng FR ko?" shy pang hiling ni Juanda.
"Sure thing." sagot ni Carter kaya lalong
kinilig ang bruha.
Ilang saglit pa naghahapunan na kami.
"Bakit may nilagang itlog?" usisa niya habang
nagsasandok ako ng kanin.
"Iyan talaga ang kapares ng giniling. Nilagang
itlog."
Hindi akO makapaniwala sa dami ng nakain ni
Carter. Halos tumaob ang isinaing kong isang
kaldero.
"Grabe, kahit araw-araw ito ang ulam ko,
hindi akO magsasawa." ani Carter habang
nanghihimagas ng saging.
"Charotero ka."
"Hindi nga, pwedeng-pwede ka maging chef.
Thanks for this delicious meal."
"Gusto ko rin 'yon pero mas may nauna na
akong pangarap na gusto kong matupad."
"Ano naman 'yon?" bakas ang kuryosidad sa
boses niya.
"'Maging author! Makita iyong isinulat ko sa
bookshelve ng mga bookstores nationwide." halos
magningning ang mga matang sagot ko.
"Seryoso?"
"Oo nga."
"Bakit hindi mo ipinursue? Hindi kita
nakikitang nagsusulat."
"Wala kasi akong time, may full time job ako
kaya imbes na magsulat ako inaabot na ako ng antok
sa pagod. Kaya isinantabi ko muna ang dreans ko na
yon, mas kailangan kong magpakapraktikal para
mabuhay kami ni Hailey. Isa pa nawalan ako ng gana.
"Bakit naman?"
"Nareject kasi iyong unang story na isinulat ko
noon, siguro mga3 or 4 years ago? At alam mo kung
ano'ng company 'yon?"
"Ano?
"Hyun pub. Ang publishing company mo."
HTalaga? Hindi ko alam 'yan. Pero sabagay
hindi pa naman ako ang namamahala noon, pero
kung sakali hindi ko rin talaga malalaman, hindi kasi
ako ang nagsasala ng mga manuscript entry."
"Pero okay lang, inisip ko na lang baka hindi
talaga para sa'kin. Saka first time ko lang naman, eh."
"Pero kung itinuloy-tuloy mo, siguro may
published book ka na. Dapat hinasa mo ang writing
skills mo.!'"
"Hindi pa naman huli, eh. Pwede kong simulan
ngayon or bukas or next month, bahala na. Ano bang
patok na genre ngayon?"
"'Romance, of course. Lahat naman 'yan
pinagdadaanan at gustong pagdaanan ng tao. Kaya
never nagfade away ang popularity ng romance
genre. Mas maganda pa kung hahaluan mo ng ibang
genre. Like romance-action, romance-comedy.
Fantasy is also okay. Erotica, well-"
"Parang gusto ko i-try 'yan!" naibulalas ko.
"Ang romance with sub-genre?"
"Hindi! Iyong erotica."
Natawa siya.
"'Sigurado ka?"
"Oo, alam mo noong nagpunta akong NBS dati
may nakasalubong akong babae, ang dami- dami
niyang biniling erotic books! Nalaglag pa nga iyong
dalawa doon kaya tinulungan ko. Tapos ayun nakita
ko na erotic novel pareho iyong pinulot ko. Tapos
may mga pilyang highschool students sa sulok,
nagpaprivate reading. Tapos number 1 bestseller pa.
Kaya tingin ko isusulat ko kung ano'ng trending."
daldal ko.
"Okay, simulan mo ngayon."
"Ha? Ngayon agad? Hindi pwedeng bukas na
lang?"
"Oo, kailan mo pa balak simulan? If you want
to achieve something you must exert an effort. Hindi
kasi lahat ng bagay nadadaan sa madalian, hindi
lahat pwedeng gawan ng shortcut, lalo na 'yang
writing. Walang mangyayari kung maghihintay ka
lang, people must drop their bad habit of BUKAS NA
LANG. MAMAYA NA LANG. Ang grasiya hindi basta-
basta ibinabagsak lang sa harapan mo. Kaya kung
gusto mong magkaroon ng published book, my
friendly advice is to hone your writing skills as early
as now."

Chapter 26
Saglit akong napatunganga sa kanya. Parang hindi si
playful Carter itong kaharap ko, parang isang taong
seryoso talaga sa buhay. Alam niyo iyong
nakakaintimidate na boss?
"S-Sige subukan ko ngayon."
"Pakita mo sa akin draft mo para malaman ko
kung may potential ka nga ba talaga. I'l be waiting."
Bigla akong napressure.
"Hinging typewriting. Doon ako susulat."
Napangiti siya at hinawakan ang braso ko,
hinila niya ako patayo.
"'Saan tayo punta?"
"Basta."
Umakyat kami ng hagdanan, dinaanan ang
may kahabaang pasilyo at lumiko pakanan saka niya
binuksan ang isang pintuan na yari sa solidong narra.
Wow!" halos umulwa ang mga mata ko nang
makita ang loob ng silid.
May malaking mahogany table sa gitna, swivel
chair, computer set, pero hindi iyon ang nakatawag
pansin sa akin, kundi ang mga librong nakapaligid sa
silid na nakalagay sa mga book shelf. I guess ito ang
workplace niya dito sa bahay.
"Ang dami mo namang books, pwedeng
patingin?"
"Suit yourself," nalkangiting aniya kaya may
pagmamadali akong lumapit, tiningnan ang mga
libro.
"Kapag gusto mong magbasa, pwede kang
kumuha sa mga 'yan."
"'Sige next time, teka bakit nga pala tayo
nandito?"
Imbes na sumagot ay lumapit siya sa desk niya
at kinuha ang isang laptop.
"Kapag gusto mo ng magsulat, ito ang gamitin
mo, may spare pa naman alko."
"I-Ipapagamit mo sa akin 'yan?" maang na
tanong ko.
Alam ko kung gaano kamahal ang laptop niya
dahil isang sikat na brand iyon. Iyong mansanas na
may kagat.
"Yeah." sagot niya at iniabot sa akin iyon.
"Ayokong hawakan 'yan, nangulangot ako."
tanggi ko.
Ayoko lang talaga hawakan iyon. Baka masira ko pa.
"Callie, seryoso?"
"joke lang, pero nangungulangot naman
talaga ko, ikaw ba?" biro ko na ikinatawa naman niya.
"Puro ka talaga kalokohan, sige na."
Napakamot ako sa ulo at maingat na tinanggap
iyon.
"Thanks. Wag ka mag- alala ingatan ko 'to ng
bongga.' sabi ko pa sabay taas ng kanang kamay.
Sinimulan ko nga ng gabing iyon ang first
draft ng story ko. Sa kwarto ako nagtype para may
kasama si Harlie na busy sa paglilikot. Kung dati mas
madalas lang siyang tulog, ngayon mas nadadalas
siyang gising, tuwang-tuwa siya sa mga nakasabit na
laruan sa kona niya.
"Ano'ng itinatawa ng baby? Nilalaro ka ba ng
angel mo?" malambing na kausap ko sa kanya nang
mag inat ako mula sa isang oras na pagkakaupo at
kakatype.
"Lika dito." saka ko siya kinarga.
Natawa ako nang sabay pa kaming naghikab.
"Tulog na tayo?" tanong ko pa at hinaplos ang
ulo niya.
Napalingon pa ako nang may kumatok.
Sumungaw ang ulo doon ni Carter kaya tumango ako.
Pumasok naman siya at nilapitan kami.
"'Hindi pa tulog ang bulilit na 'yan?"
nakangiting tanong niya at hinawakan ang ulo ni
baby Harlie.
Hinawakarn ni Harlie ang kamay ng Daddy niya.
Halos wala na tuloy kaming pagitan ni Carter.
Lumapat sa ilong ko ang mabangong amoy ng sabon
na ginamit niya.
Napalingon pa ako sa kanya nang
maramdaman ko ang mainit na hininga niya sa batok
ko. Napatingin din siya sa akin, awtomatikong
napalayo ako ng bahagya nang makitang halos wala
ng isang dangkal ang mga mukha namin. Napalunok
ako. Parang may pumasag sa loob ng dibdib ko.
Lihim akong napabuga ng hangin. Di ko alam kung
bakit bigla akong natense sa presence niya. First
time..
"Okay na kayo dito sa bago niyong room?"
usisa niya at umupo sa kama.
"O0 naman, ang ganda, eh. Parang mas doble
pa iyong laki kaysa sa dating room namin sa condo.
Thank you!" nakangiting sabi ko at bahagya lang
siyang sinulyapan.
nThat's good to hear. Teka? Ito na 'yong story
mo?" tanong niya nang mapatingin sa laptop na
nakapatong sa wooden table na nasa tabi ng kama.
Oo, pero wag mo muna basahin." saway ko
pero makulit ang loko at tiningnan ang itinype ko sa
word.
"Patingin." aniya at kinuha ang laptop saka
inilagay sa kandungan niya.
Tiningnan ko na lang siya, nag-abang ng
magiging reaction niya. Sumeryoso ang mukha niya
at napapakunot no0, pero bigla siyang napangiti at
napailing.
"Bakit ganyan ka mag-react?"
"Pinanindigan mo talaga na erotica, ah? Kaya
lang.."
"Kaya lang?" tanong ko habang ipinaghehele
pa rin si Harlie na inaantokna.
Unang chapter, may fight scene agad sa kama?
Alam kong namula ako sa sinabi niya. Kaya nga
ba ayokong ipabasa, eh!
"'Anong verdict mo?"
"Iyong totoo? Sabaw. Callie, bakit puro anuhan
lang tong story na 'to? If your making a story
lagyan mo ng depth. Although first chapter palang
to pero parang walang kapupuntahan kundi, ahhh!
ahhh! ohhh! ohhh! ugghhh! Mind you, love making
is not all about making noises."
Nanlaki ang mga mata ko ng gayahin niya
iyong mga sinasabi ng mga characters ko. Napailing
siya at nailang ako ng titigan niya ko. Nakapako ang
mga mata niya sa nata ko kaya parang hindi ako
makaiwas ng tingin.
"Nagkaboyfriend ka na ba?" diretsong tanong
niya.
"Hindi pa.'"
"First kiss?"
"W-Wala rin. Bakit ba?" nailang na talaga ko.
"I see.. n
"Ano'ng I see?"
"Strong imagination is a must if you want to
be a writer. Or kung hindi mo naman kaagad
mapagana ang imagination mo, pwede ring iyong
mga napagdaanan mo o ng ibang tao ang ilapat mo
sa pagsusulat. Although hindi naman tayo dapat
palaging magrely ng result sa mga experiences but as
they say experience is the best teacher. What I'm
trying to say is, you failed in using your imagination
dahil hindi nga well detailed. Parang mga wild beast
lang sa gubat itong mga characters mo kung mag-
ano, eh. Punitan ng damit at iyon na kaagad. Tipong
minadali. You also failed using experience since wala
ka pa naman talagang...alam mo na 'yon!"
Eh, p-paano ba?""
"Erotica sinusulat mo. Hindi por.n. Lagyan mo
naman ng konting lambing."
"Lambing?"
"Yeah. Like caressing, hugging, something like
that. Not just the typical ahhh! ohh! ugh! And faster!
" nakasimangot na sabi niya.
"Ulit-ulitan ba?" irap ko nang marinig ko na
panggagaya niya sa mga characters
naman ang
na ginawa ko.
"Callie, ganito lang 'yan tingin ko hindi ka
kumportable dito sa isinusulat mo. Gusto mo lang
kasi, iyon ang uso. Ang trend. Pero hindi lahat ng uso
kailangan mong sabayan. Wag mong isipin na porke
hindi mo kayang sabayan, mapag-iiwanan ka na."
Napanguso ako.
Tama ka. Hindi ko naman talaga trip 'yan."
pag-amin ko.
"'See? Ganito na lang, sino bang target
audience mo? Sino'ng tao ang gusto mong makabasa
ng story na isusulat mo? Bata, matanda, dalaga,
binata, bading, tomboy-"
"Lahat! Gusto ko suitable for all ages."
"Okay, then ang tutumbukin ng genre mo is
fantasy, pwede ring teen fic."
"Sige na nga."
Ngumiti siya saka tumayo.
"Don't worry pwede kitang i-mentor para mas
matuto ka. Wag mo madaliin sarili mo, I'm right
behind you. I'll be the wings to your dreams.."

Chapter 27
Callie's POV
Hindi ko mapigilang mapangiti pero may halong
kaba. After 5 consecutive days nakasulat din ako ng
nobela, pero hindi pa tapos. Nakalimang chapter din
ako, nakakasulat ako kapag tulog si Harlie, kapag
nagbabantay kay Hailey. Basta pag may pagkakataon.
At ngayon nga ipinapabasa ko kay Carter ang initial
chapters na ipinaprint pa niya sa'kin. Napapansin
kong natatawa siya at madalas na napapangiti kaya
feeling kO maganda ang ginawa ko.
"So? Ano na?" hopeful na tanong ko at umupo sa
tabi niya sa sofa sa sala.
Karga ko pa si Harlie na alive na alive pag ganitong
hapon. Parang kiti-kiti, kawag nang kawag.
"Hoy Carpenter! Ano na?" untag ko dahil hindi siya
sumagot.
"Pangit." plain na sagot niya kaya nalaglag ang
balikat ko.
"Pangit? Eh, bakit ka nangingiti at natatawa kung
pangit? Aminin mo na, nagandahan ka.'"
"Hindi porke natawa ko, nagandahan ako. My dear
Callie, always remnember, things are not always what
they appear." malumanay na sagot niya kaya
napairap ako hinampas siya sa tiyan.
"Aw!" reklamo niyang napasapo pa sa tiyan.
"Ba't ka nambubrutal, ha?" reklamo niya.
"Eh, kasi pangit ka rin."
"Ako? Ha? Sigurado ka? Tingin mo kung pangit ako
magkakababy Harlie kami ni Hailey? Nalove at first
sight yata sa'kin kambal mo." pagmamayabang niya
at ipinorma pa niya ang kamay niya as check sign.
Means pogi daw siya.
"Ulol! Pogi daw. Pugita pwede pa."
"Sarap ka sa panlalait, calcal."
"Calcal, kalmutin kita diyan."
Kung tawag ko sa kanya Carpenter, siya nakagawian
na akong tawaging Calcal. Since iyon daw ang initials
ng name ko. Ampangit. Para akong galisin na kalkal
nang kalkal.
"Okay." aniya at nagthumbs up.
"Ano'ng okay? Okay as in?" takang tanong ko.
"Okay, naaliw ako kay Lia." tukoy niya sa lead female
character ko.
"Eh? Sabi mo pangit?"
"Joke lang 'yon, this is much way better compared to
erotica na sinulat mo last time. Pang teen flick ka
pala. Romcom. Nice one, Cal."
"Talaga? Nagagandahan ka sa babysitting the brat?"
naiexcite na tanong ko.
Iyon ang title ng sinulat kong story, Babysitting the
brat.
"Yup. Ang cute ni Lia. Sarap ibulsa, pasaway."
Natawa ako sa comment niya.
'Means may pag-asa maging book 'yan?"
"Oo, malaki potential kaya ituloy mo lang."
Naks! Ang galing ng mentor ko baby," natutuwang
kausap ko kay Harlie at hinalik-halikan siya sa buong
mukha, dahilan para humagikhik ang bata.
Natatawa talaga ko kapag tumatawa siya, eh.
"Parang ang bilis niyang lumaki 'no?" ani Carter at
bahagyang umisod sa tabi ko at nilaro -laro din ang
anak niya.
"Oo nga, eh. Magtithree months na siya, mamaya
lang binata na 'to."
"Kaya dapat doble sipag ako. Mahal na tuition fee
ngayon. Ano kayang bagay sa kanya? Doctor?
Engineer? Attorney?"
"Bagay lahat, pero siguro mas maganda kung siya na
lang misımo pipili paglaki niya."
Napangiti siya.
"Sabagay, basta kahit ano pa gusto niya, basta
makakabuti sa kanya, susuportohan ko."
"'Naks, best father award goes to Carter Hyun!"
nakangiting papuri ko at pinalakpakan pa siya.
"Best Mommy ka rin," nakangiting aniya.
"Loko. 'Wag mong kalimutan yung word na instant.
Kasi walang makakapantay kay Hailey, kasi iyong
isang paa niya nasa hukay na nung nabuo palang si
Harlie." paalala ko.
"I know, we are all hoping for her to wake up and for
the fast recovery, pero basta gusto lang kitang i-
acknowledge."
"Mamats! Teka magluluto pa pala ko-"
"Wag na, sa labas na lang tayo kumain. Medyo
matagal-tagal na rin nung huli tayong lumabas.'"
MTalaga? Sige, wala na rin akong bubble wrap
pambalot ko sa mga orders ko."
"'Ba't kasi nag-o-online business ka pa? Pwede
namang hindi na. Ako bahala sa'yo."
"Ano ka? Halos libre na nga ako sa lahat, pati ba
naman mga basic needs kong load, perfume,
shampoo, conditioner, lotion, feminine wash iaasa
ko pa sa'yo?" tutol ko.
"Ano 'yon? Feminine wash? nakangising pag-uulit
niya.
Pinitik ko kaagad ang nguso niya. Mamaya ko na
pipitikin ang sariling nguso ko dahil sobrang dulas.
"Aray!"
"Bihis lang kami." nagmamadaling paalam ko at
umakyat na karga si Harlie.
"Akin na muna si Harlie para makuha mo kaagad ang
bibilhin mo." ani Carter nangmakapasok kami sa
National Book Store sa pinuntahan naming mall.
"'Ay sige, salamat!"
"Tingin lang ako ng mga Mags." aniya nang maipasa
ko si Harlie sa kanya.
"Okay, thanks."
Nagdiretso na ako sa mga supplies kung nasaan ang
bubble wrap. Kumuha na ako ng marami. Balak ko ng
puntahan si Carter kaya naglakad na ako papunta sa
kanya.
Natigilan lang ako nang mapatapat sa mga libro.
Tumapat ako sa mga romance novel na nakahilera.
Matagal-tagal na rin akong hindi nakakabasa ng mga
ganito. Sa katabing shelf ay puro mga horror na
nobela.
Parang mas trip ko ang horror ngayon, balak ko rin
kasing magsulat ng ganoong genre pag nagkataon.
"Trece Vidas." basa ko sa librong nasa harap ko.
Mukhang interesting.
Iniangat ko ang kamay ko pero may naunang
dumampot. Asar na napalinga ako sa dumampot
matapos kong bitawan ang kamay niya.
"Sorry. Gusto mo ba?" all smile na tanong ng lalaki.
Napakunot ang noo ko mula sa
pagkakas imangot. Matangkad din ito tulad ni Carter.
Fair complexion, medyo wavy ang buhok at bilugan
ang mga mata, katamtaman ang tangos ng ilong at
halatang palangiti siya.
Napapitik ako ng dalawang beses sabay turo sa
kanya.
"Pamilyar ka sa'kin." naibulalas ko dahil
parang nakita ko na talaga siya dati.
"Ikaw rin. Parang nakita na rin kita dati." sang-
ayon niya habang tangan ang libro.
"Di ba? Saan nga ba tayo nagkita?" tanong ko
rin.
Siya naman ang napapitik matapos mag-isip
ng ilang segundo.
"Natatandaan ko na kung saan."
"Oh saan?" curious na tanong ko.
"Welcome to sanbokojin! This way please. "
may hand gesture pang sabi niya.
"Ah! Ikaw iyong server na pinakisuyuan kong
mag-abot ng pera sa kasama ko. Tama ikaw nga 'yon.
Si ano..."
"Jacob Sarmaniego." nakangiting aniya at
iniabot sa akin ang kamay.
Napatitig ako doon. Hindi ko naman iniexpect
na may pa-hand shake pa siya.
"Callie. Callie Calingasan." sagot at finally
iniabot ko na rin ang kamay ko.
Rude naman kung hindi ko papansinin ang
pakikipagshake hands niya. Nagbitaw din kami
kaagad.
"Ganitong genre ang gusto mo?" tanong pa
niya at iniabot sa akin ang libro.
Trip ko lang ngayon kasi gagawin kong
reference.!'"
"Reference? Nagsusulat ka?" tila interesanteng
tanong niya.
"Nagsisimula palang." pag-amin ko, magaan
lang ang dating niya sa akin kaya parang hindi ako
alangan na magkwento.
"I can lend you some tips."
"Talaga? Paano? Writer ka rin ba?"
"Oo, malapit ng maging author. This year na
ang release ng story ko."
Nanlaki ang mga mata ko. Ang galing naman
ng pagkakataon na ito. Nakatagpo ako ng kapareho
ko ang interest.
"Wow congrats!"
"Thanks. F* mo?" tanong niya matapos ilabas ang
smart phone niya.
Agad? Pero sige.
"Callie Calingasan."
"Okay..."
"Callie!"

Chapter 28
Napalingon ako nang marinig ang boses ni Carter na
tinatawag ako. May bitbit pa siyang dalawang
magazine sa isang kamay habang sa kabila buhat
niya si Harlie. Seryoso ang mukha niya.
"Gutom na ko, bayaran na natin sa cashier
iyang kinuha mo." aniya nang makalapit. Hindi man
lang tapunan ng tingin si Jacob.
"Sir Carter?" tawag ni Jacob dito kaya medyo
gulat ako na kilala niya si Carter.
"Have we met? pormal na tanong ni Carter
dito.
"Si Jacob Samaniego po. Isa po sa contract
author niyo. Last week lang po ako pumirma ng
contract sa office ninyo."
"I see." tumatangong ani Carter.
"Thank you nga po pala ulit dahil naconsider
niyo ako." ngiting-ngiting ani Jacob.
"You have a talent, so why no t? Anyway we'll
go ahead, may pupuntahan pa kami ng baby namin."
ani Carter at inakbayan na ko para igiya papuntang
cashier. Makababy namin.
Parang bahagyang napaawang ang labi ni Jacob
pero tumango naman ito.
"sige po ingat." ani Jacob at nginitian pa ko.
Nang makalabas kami ng NBS ay napuna kong
parang bad vibes si Carter.
"'Saan mo gustong kumain?" tanong niya kaya
napangiti ako.
"Pizza!" walang kiyemeng sagot ko.
Sa Yellowcab kami pumunta kaya tuwarng-tuwa
ako.
"oi kain ka na. Grabe ang laki naman ng slice
nito." nasabi ko noong hindi siya kumikibo at
nakatitig lang sa akin. Ipinaglagay ko na siya sa plato
dahil parang ang lalim ng iniisip.
Nasa stroller si Harlie at naghihikab na. Ang cute!
"Callie.!"
"Uhm?" tugon ko dahil namumuwalan na ako
ng pizza.
"IIl be away for three days. May event ang pub
sa Cebu. "
Nilunok ko muna ang gaulo ng asong kinakain
ko saka ako uminom ng juice.
"Ang layo nun, kailan alis mo?"
"Day after tomorrow. Gusto ko nga sana
kayong isama ni Harlie,!"
"Ay masaya 'yan, hindi pa ako nakakarating
doon. Kaso hindi ba mahihirapan si Harlie?"
"Naisip ko na rin 'yan, kaya hintayin niyo na
lang ako,"
"Sige, walang problema."
"Can I ask you a simple favor? Well I mean..if
it's okay with you.'" parang alanganin pang sabi niya.
"Oo nanan, ano ba 'yon?"
"Habang wala ako, 'wag ka munang
makikipagdate? Walang kasama si Harlie, eh."
"Makikipagdate? Ako? Kanino naman?" taka at
sunod-sunod na tanong ko.
"Dun kay Jacob.'"
Natawa ko.
"Ba't naman ako makikipagdate? Second time
ko palang naman siya nameet.'"
"Second time? When was the first time?!!
"Noong kumain tayo doon sa sambo. Siya
iyong pinag-abot ko ng pera mo. Tanda mo na?"
"I see. Kaya pala familiar siya sa akin noong
pumirma na siya ng contract."
"Oo. Tapos kanina coincidence lang na nakita
ko siya doon sa book store tapos date kaagad?"
natatawang turan ko.
Who knows? He might ask you. Anong
isasagot mo kung sakali?" tanong niya at nagsimula
na ring kumain.
"Ewan. Di ko pa naexperience makipagdate, eh.
Saka ang ganda ko naman yata para yayain niya kong
makipagdate sa kanya." bulalas ko.
"Maganda ka naman talaga." seryosong sabi niya
habang matiim na nakatitig sa mga mata ko kaya
nabitin ang gagawin ko sanang pagkagat sa pizza.
Ramdam kong parang biglang nagliyab ang buong
mukha ko. Hindi ako sanay ng pinupuri, 'no!
Pumasag din ang puso ko kaya bahagya pa akong
napapitlag.
"Carpenter ha? Thank you sa papuri pero piso lang
ang pera ko dito," biro ko kahit parang nanuyo ang
lalamunan ko.
Natawa siya at napailing.
"Ikaw na bahala kay Harlie pag-alis ko."
"Oo naman, wala kang dapat ipag-alala. Ako ang
bahala.!"
Dumating ang araw ng alis ni Carter. Bitbit
niya ang isang maleta. Karga ko si Harlie habang
nasa labas kami ng gate para ihatid siya.
"Kapag may problema tawagan mo kaagad ako.
Kung gusto niyong lumabas-labas ni Harlie
magpasama ka sa isa sa mga maid. Pahatid kayo sa
driver. Pwede mo ring papuntahin dito ang kaibigan
mo o kaya si Tita Elaine." bilin ni Carter kaya
natatawang tumango ako.
"Yes Daddy. Ingat po kayo sa biyahe." biro ko
pa sabay mano sa kanya.
Natatawang pinisil niya tuloy ang ilong ko.
Binitiwan niya ang maleta at maingat na kinuha sa
akin ang anak niya.
"My big boy. Daddy will be back. I bet mas
malaki ka na pag-uwi ko. Gwardiyahan mo si MC."
ani Carter at hinalikan pa ito sa noo. Napangiti tuloy
ako. Ang cute nila.
"IIl go ahead." ani Carter matapos ibalik sa
akin si Harlie.
Naghihintay na ang kotse kaya ipinasok na ang
mga gamit niya.
"Oo, wag ka masiyado mag-alala. Okay lang
kami dito. Babye!" kaway ko pa.
Ramdam ko hesitant siya umalis. Eh, paano
ngayon lang naman siya mahihiwalay kay Harlie.
Hinawakan niya ang ulo ni Harlie at muli itong
hinalikan sa noo. Nagulat pa ako nang bumaling siya
sa akin at halikan ako sa noo.
"Please be safe." anas niya saka tuluyang
sumakay sa kotse. Nagulat ako kaya halos
nakanganga pa ako hanggang sa makaalis na siya.
Ano ba yon? Napatingin ako kay Harlie.
"Siguro dapat bawasan ko na ang pag-inom
inom ng kape kasi parang medyo nagpapalpitate na
ko. Tingin mo bebe?" tanong ko sa kanya at
napahawak pa sa dibdib kong naging abnormal ang
tibok.
Napailing na lang ako at pumasok nasa loob.
Inabala ko ang sarili ko sa pag- aalaga kay Harlie at sa
ilang gawaing bahay.
oras, pumapasok sa isip ko si Carter:. Halos
magtatatlong buwan na rin kamning magkasama.
Habang lumilipas ang panahon.
Araw-araw kaming nagkikita. Sa umaga, silang
dalawa ni Harlie ang makikita ko at bago rin ako
matulog sila ang huling nakikita ko.
Siguro mahihirapan akong mag-adjust kung
sakaling dumating na ang araw na hindi ko na sila
makakasama. For sure mamimiss ko sila. Ngayon pa
nga lang namimiss ko na si Carter. Nanlaki ang mga
mata ko sa sumagi sa isip ko. Namimiss ko na kaagad
si Carter kahit kaaalis palang niya? I must be crazy!
Nag-ingay ang cellphone ko. Alas sais na pala
ng hapon. Si Carter. Video call. Ilang saglit pa nakita
ko na siya sa screen ng phone ko. Nakahiga siya sa
kama habang nasa ilalim ng ulo niya ang isang
kanay. Tipong nagchichill na lang siya.
"O?"
"Oregano?"
"Ugok!" pairap na sabi ko kaya natawa siya.
"Kanina pa ko lumapag. Inayos pa namin 'yong
venue kaya ngayon lang ako nakatawag. Musta kayo
diyan ng baby kulit?"
"Ay wait." sabi ko at gumawi kay Harlie na nakahiga
sa crib. Lumuhod pa ako sa gilid para makita siya ni
Carter.
"Say hi to Daddy." nakangiting sabi ko at bahagyang
ikinaway ang maliit na kamay ni Harlie.
Ngiting-ngiti naman tuloy si Carter.
"Ang ganda dito. Sana nandito kayo..." ani Carter.
"Eh, di pag nakakalakad na si Harlie, pwede kang
bumalik tapos isama mo siya."
"Ayaw mong sumama?"
"'Baka magsuka ako sa eroplano." sagot ko kaya
natawa siya.
MMay banyo naman. Doon ka magstay haha!"
Ulol."
Napansin kong napahikab siya. Mukhang pagod na
to.
"Mukhang inaantok ka na?" puna ko.
"Medyo, matutulognga muna ko bago magdinner."
sagot niyang medyo namumungay na ang mga mata.
"Sige pahinga ka na, okay lang kami dito."
"Di nga, next time isasama ko kayo. Grabe halos wala
pang 24 hrs miss ko na kaagad si kulit." aniya at
napansin kong hinaplos niya pa ang screen. Maybe
he's trying to reach Harlie kahit sa video call man
lang.
"Di bale mabilis naman ang araw. Chill ka lang diyan.
"'Sabagay. Pero miss ko na talaga si kulit. Miss na rin
kita.."
Tumayo ang balahibo ko sa batok sa sinabi niya.
Magsasalita pa sana ako pero nagblack na ang screen.
Siguro nakatulog na siya at nabitawan na niya ang
cellphone. Kaya nag-end call na ko.
Miss na rin niya ko? Masama ba kung namimiss ko
rin siya? Ahhh! It can't be!

Chapter 29
Napapitlag ako nang tumunog ang phone ko.
Dali-dali kong tiningnan kung sino ang tumatawag.
Si Irene pala.
O baks?" bungad ko.
"Busy ka?"
Mga tanungan na ganito, mukhang may problema
to.
"Punta ka na lang dito sa bahay ni Carter, dito mo na
lang ingalngal kung ano man problema mo, okay?"
Hinintay ko si Renato, sakto nakaluto na ko kaya may
kasabay akong maghapunan. Nang dumating siya ay
wala man lang kasigla-sigla sa katawan.
"Para kang zombie. Ano ba talagang problema mo?"
puna ko.
Bigla itong ngumalngal na parang baka sa tanong ko.
Sinasabi ko na nga ba, eh!
"si Erwin kasi nag-away kami. Sinangla niya iyong
motor, eh, ni hindi ko pa nga fully paid iyon! Hayop
na 'yon!" gigil na sikmat niya.
"Ano? Eh, bakit niya sinangla?" parang nagkainstant
highblood na react ko.
"'Marami raw siyang utang, naospital daw nanay
niya. Bwisit! Doble babayaran ko. Monthly tapos
tutubusin ko pa! Ahhhh!"
"'Shhh! Ingay mo!" saway ko dahil umingit si Harlie
na nasa stroller. Ayoko kasing iwang mag-isa sa itaas
si Harlie kaya isinama ko.
"Sarreh naman." nagpunas-punas na siya ng luha.
Antanga mo naman kasi. Di ba sabi ko sa'yo "wag ka
makipagbalikan? Kailangan mo ba ng anda?"
"Hindi. Kaya ko namang bayaran. Naiinis lang ako
kasi hindi man lang niya ikinuconsider ang
nararamndaman ko. Ganoon ba talaga pag bakla?
Walang sumeseryoso?"
Natapik ko siya sa balikat sa sinabi niya. Alam ko
naman kaya niyang bayaran iyon. Wala naman kasi
siyang binubuhay na pamilya, eh. May kaya family
niya kaya hindi umaasa ang mga magulang dito.
Tange. Siyempre meron. Kung ayaw mong maloko.
Hanapin mo yong tamang tao, hindi 'yong ugaling
tsonggo. Kung ako sa'yo bakla, hiwalayan mo na
yan. Kain na tayo."
WTama ka sis. Sige na nga kumain na tayo! Mukhang
masarap tong bistek mo ha? Ay wait! Asan si Daddy
Carter?"
"Wala, eh. Nasa Cebu. Nung isang araw pa umalis.
Bukas siguro ang uwi."
"'Ay! Ang lungkot naman ng tone mo! Miss mo na
agad?"" asar niya.
"Heh! Ba't ko mamimiss 'yon?"
"Eh, bakit hindi? Araw- araw kaya kayong
magkasama. Ipupusta ko finger ko kung hindi mo
namimiss iyon."
T-Tingin mo? Normal lang na mamiss ko siya kahit
kaaalis lang niya?"
"Sabi ko na, eh! Namimiss mo siya. Nafall ka na ba?"
ngising-ngising tanong niya.
"Renato, ha? Kaharap mo si Harlie, mahiya ka sa
mommy niya."
"Ito naman joke lang. Pero dear, normal lang yang
nararamdaman mo. Araw-araw nga kayong
magkasama di ba? Tapos all of a sudden
magkakahiwalay kayo. Siyempre feeling kulang ka sa
mga routine na ginagawa mo na kasama siya, kasi
nga wala siya."
"H-Hindi ba masama na mamiss ko siya?!"
"Loka hindi! Namiss mo lang iyong tao masama na?"
"Buti naman ganyan tingin mo, akala ko natatanga
na ko, eh."
speaking of tanga, nagiging habit ko na yata 'yan.
Bakit pagdating sa lalaking iyon nabobobo ako?" at
lumungkot na naman ang boses niya.
"okay lang 'yan baks. Sometimes it's okay to be
crazy especially if you will be happy."
"'Pak na pak talaga 'yang mga advice mo sa'kin. Akin
na nga 'yang kanin, nagutom ako lalo."
Natawa tuloy ako.
"Te ang sarap nitong luto mo, panalo!" papuri
niya nang matikman ang bistek ko.
"Talaga? Pwes uubusin natin 'yan-"
"May iniexpect ka bang bisita?" tanong ni
Irene nang tumunog ang doorbell kaya naputol ako
sa pagsasalita.
"Wala. Sino naman kaya 'yan? Gabi na, ah."
Ngumisi siya.
"Baka si Carter? Hindi nakatiis, napaaga ang
uwi."
"Heh! Titingnan ko lang." saway ko at
napatayo kaagad para tingnan nga kung si Carter
iyon.
Nakaramdam ako ng excitement sa isiping
baka nga si Carter ang nasa labas. Naabutan kong
may pumasok na kotse sa gate paglabas ko sa
maindoor. Pinagbuksan ng maid. Napakunot noo
ako, wala namang lumabas sa amin ng bahay kaya
bakit may kotseng dumating? Bisita kaya 'to?
Hinintay kong makababa ang sakay. Naunang
bumaba ang isang sopistakadang babae sa kabila ng
edad nito. Maiksi ang buhoknito at kapansin-pansin
ang kumikinang na alahas sa tenga at leeg.
Nakadagdag sa intimidating na dating nito ang
manipis na kilay na parang likas na nakaarko. Tantiya
ko nasa mid or late 60's na siya.
May kasunod itong bumaba. Nagpapakita rin
ng karangyaan ang dating ng babae. Seksing-seksi sa
suot na tight fitted red dress na halos hanggang
kalahati lang ng hita ang inabot ng tabas. Mahaba
ang buhok at chinita. Tantiya ko magkaedad kami.
Mukha siyang koreana, hanep din sa puti at kinis ang
kutis niya. Alagang kojic kaya 'to? O brilliant skin?
Belo?
Nginitian ko sila pero umangat lang ang kilay ng
nakababatang babae sa akin.
"Good evening po, sino po sila?" tanong ko kahit
imbiyerna ako.
"Get our luggage and after that itimpla mo kami ng
juice. And also prepare me a hot bath with scented
candles on the side-"
"Eh, hindi po ako maid dito." tutol ko kaagad.
Makautos naman hinayupak na 'to, sunod-sunod,
eh! Pascented scented candle pa, ako nga timba at
tabo lang solve na.
Then who are you?" firm ang boses na tanong nang
mas nakakatanda.
"Ah..eh..." hindi kaagad ako makasagot. Paano ko ba
ipapaliwanag? Saka bakit ba ako ang tinatanong nila?
Eh, sila itong bagong dating!
"Callie, asan ka ba?" boses ni Renato galing sa loob.
Dinig ko din ang iyak ni Harlie.
"O bakit? " tanong ko nang malkalabas siya karga si
Harlie.
"Eh, itong si bagets, umalis ka lang saglit nag-
atyake na" ani Renato habang hinehele -hele ito.
Saka siya napabaling sa mga bagong dating.
"Ay hello po. Sino po sila?" magiliw na tanong ni
Renato sa dalawa.
"Sino ang batang 'yan?" tanong ni taray.
"Ah, ito? Baby ni Carter. Super cute 'no?"
nakangiting sagot ni Renato.
Napansin kong napanganga ang babae at
bumadha naman ang gulat ng may edad.
"Walang nasasabi sa amin si Carter na may
anak na siya." bakas pa rin ang gulat na sabi ng may
edad.
"Ganoon po ba? Pero baby niya po 'to. Uhm
sino nga po ulit kayo?" usisa ko ulit.
Nagbabakasakali na sagutin na nila ko!
"Lola niya ko. Carla, may nasabi ba siya sa'yo
tungkol dito?" baling niya sa kasama.
Oh..future grandmother in-law pala siya ni
Hailey. At Carla ang pangalan nitong si utusera.
"I am his childhood sweetheart. Wala rin
siyang nabanggit sa akin na nagkaanak na siya Lola
Pau." nakabadha ang inis sa mukha nito. Pau?
Paulina siguro pangalan ni Lola.
"Wala rin pong nabanggit si Carter sa akin na
darating kayo. Saka kung duda kayong anak siya ni
Carter, tingnan niyo na lang sa mukha." sabi ko
naman at kinuha si Harlie kay Irene para ipakita sa
kanila.
Saglit na dumaan ang katahimikan dahil pare-
pareho naman kasi kaming nagkagulatan, eh.

Chapter 30
WThis is supposed to be a surprise but it turned out,
kami pa ang nasurprise." napapailing na sabi ni Lola
matapos titigan si Harlie.
"And why would we believe them? Baka modus
lang yan. Akyat-bahay." nakairap na pasaring ni
Carla. Kurutin ko tahong nito, eh.
"Akyat-bahay? Kung akyat-bahay kami, eh, di
sana hindi na namin kayo hinarap? Sana kumaripas
na kami ng takbo. Duh."
Common sense naman. Gusto ko sanang
idagdag kaso baka mayari ako kay Carter kapag
inaway ko tong childhood sWEETHEART niya.
"Hindi ba? Mukha ka rin naman kasing akyat-
bahay. Look at your clothes. So cheap." panglalait
niya sa suot kong shorts na bulaklakin at T-shirt na
may drawing na winnie the pooh.
Aba! Bastusan na 'to.
"Ay gano'n ba? Okay lang. Kaysa doon sa may pinag-
aralan, mayaman pero walang galang."
"What did you say?" palag niya.
"Carla, stop it." saway ni Lola Pau dito kaya
napangisi ako. Belat.
Bahagya pa akong nagulat ng bumaling sa akin ang
Lola daw ni Carter.
"Call Carter. Gusto ko siyang makausap."
"W-Wala po siya dito ngayon, nasa Cebu po."
"See? Wala si Carter, baka nga gimmick lang
to. You know what hindi kami naniniwala sa'yo. Ang
mabuti pa umalis ka na at isama mo ang batang yan.
Hindi naman siya kamukha ni Carter." ani Carla at
hinila pa ako sa braso.
Bahagya pa akong itinulak-tulak kaya
napatakbo kaagad si Irene para alalayan ako. Umiyak
na tuloy si Harlie. Nagpuyos ako sa inis. Gamit ang
isang kamay ay hinampas ko ang kamay niya.
"Ugok ka ba? Bakit ka nanununulak? May dala
akong bata, oh! Pag nadisgrasiya ba 'to papanagutan
mo?" bulyaw ko kaya natameme siya. Kung hindi ko
lang karga si Harlie, inginudngod ko na ang nguso
niyang pulang-pula sa sahig! Kakagigil.
"'Carla, tama na 'yan. Pumasok na tayo sa loob.
" ani Lola.
"Kayo na lang ho, enjoy your stay, sa sama ho
ng loob nitong kasama niyo sa amin ni Harlie, baka
mamaya saksakin na lang niya kami kapag tulugan
na. Kung diskumpiyado po talaga kayo hindi namin
isisiksik sarili namin dito. Si Carter na lang mismo
tanungin niyo. Renato, tara." baling ko kay Irene.
"Irene kaya!" may pagpadiyak pang reklamo
niya kaya pinandilatan ko siya ng mata.
Nakasimangot na sumunod siya sa akin.
"Mamshie, okay lang ba na dito muna kami ni
Harlie hanggang sa makabalik lang si Carter?"
tanong ko sa Momshie Elaine ko. Sa kanya kami
pumunta.
Di pwede kay Irene, kasama niya kasi jowa niya
sa condo niya. Kumukulo rin dugo ko sa taong 'yon
kaya ayokong makasama.
"Oo naman, kung gusto niyo dito na lang kayo.
May kwarto na rin talaga kayo ni Hailey dito. Para
pag nagising siya sama-sama tayong tatlo dito pati
si Harlie." halata ang excitement na sagot niya
habang nakaupo kami sa magarang sofa.
Ang laki ng bahay na nabili niya. Hindi
nalalayo sa bahay ni arter. Makintab ang marmol na
sahig, maliwanag din ang mga chandelier at may
pagkaplantita pala itong si Mamshie dahil ang lalaki
ng mga halaman na nasa loob.
"Ay girlscout si Tita. May guestroom ba kayo
Tita?" sabat ni Renato habang lumalantak ng cake.
"Yes of course. Kung nag-aalangan ka ng
umuwi, pwede kang matulog dito." nakangiting
sagot nito.
Yes namnan! Pero next time na lang po siguro,
hindi ako prepared, eh. Papaalam na rin po ako, it's
getting late na. Thank you sa cake,"
Inihatid namin si Irene palabas saka kami
sinamahan ni Manshie sa mnagiging silid namin ni
Harlie.
"Grabe, Marnshie ang laki ng bahay niyo,
siguradong matutuwa si Hailey kapag nalaman
niyang dito na kami titira."
"I'm glad nagustuhan mo, can't wait na
magising na si Hailey. Alam mo sabi ng doctor
bumubuti na ang lagay niya. Kanina lang gumalaw
ang kamay niya."
T-Talaga po? Pagdating po ni Carter bukas
ako naman po ang magbabantay sa kanya. Siguro nga
po pagising na si Hailey. Gusto ko kapag nagising
siya nandoon ako." napalitan ng excitement ang init
ng ulo ko kanina.
"Let's hope for the best and of course, prayers
is a big help." aniya kaya tumango naman ako bilang
pagsang-ayon.
Sana nga talaga gumising na si Hailey para
magkasama na sila ni Harlie.
"Anak, kung may kailangan kayo ni Harlie, pasabi
lang kayo sa maid, nagpaluto na rin ako for lunch
para hindi ka na mapagod. Mauna na ko, antok na
kasi iyong nagbabantay kay Hailey." paalamni
Mamshie matapos naming mag-almusal, papunta
siya ng hospital para siya ulit ang magbantay.
"Sige po thankies, ingat po sa daan."
"Okay, pakiss muna sa most handsome kong apo."
masiglang aniya at pinangigilang yakapin si Harlie
saka ito hinalikan sa pisngi.
"Marami tong paiiyakin paglaki." komento pa niya
kaya natawa ko.
Tuturuan natin siyang wag maging playboy kasi-"
Natigilan kami nang may kumatok sa pintuan.
Binuksan kaagad iyon ng maid na naglilinis ng sala.
Napatda ako at awtomatikong bumilis ang tibok ng
puso ko nang makitang si Carter ang panauhin.
"Carter.." naiusal ko ang pangalan niya nang
magtama ang mga mata namin.
Halos hindi ko na namalayan na inilang hakbang
lang niya ang distansiya namin. Napaawang pa ang
mga labi ko nang yakapin niya ko.
"Didn'tI tell you to wait for me? Bakit ka umalis sa
bahay natin?" malumanay na tanong niya.
"K-Kasi iyong.."
Hindi na ko makapagsalita. Nagbuhol na ang hininga
ko at panay ang kabog ng dibdib ko. Bahay natin? At
first time kong mayakap ng lalaki. It feel so warm
and comfy..
"Ehem." tumikhim si Mamshie Elaine at umingit din
si Harlie na naipit namin kaya kumalas si Carter.
Alam kong pulang-pula ang mukha ko kaya napaiwas
ako ng tingin.
"Good morning po, Tita." bahagyang nakayukong
bati ni Carter sa Mama ko na parang noon lang niya
napansing nandoon.
"Morning, welcome home." ngumiting tugon nito.
MThank you po. Pwede ko na po ba silang iuwi?"
tanong ni Carter at hinaplos pa ang ulo ni Harlie.
"Ask Callie."
"Callie, ayaw mo na bang bumalik?"
"Eh, ayaw sa akin ng lola mo saka iyong si Carla.
Kaya hindi ko na ipinagsiksikan mga sarili namin
doon."
"Naipaliwanag ko na sa kanila. Nakausap ko na sila
kagabi. Hindi ko namnan kasi alam na uuwi sila.
Nabanggit nga nila sa akin pero walang eksaktong
date. Nagkagulat an tuloy kami. Pero dapat hindi ka
umalis."
"Ayoko kasing makipagtalo, ayaw rin nilang
maniwala. Bakit nga ba hindi mo sinabi na may baby
ka na?"
"'Surprise ko sana. Matagal na kong ipinagtutulakan
ni Lola mag-asawa, eh. Kaya gugulatin ko sana siya
kaso ayun na nga."
"I see..." napatango-tango na lang sabi ko.
"Uwi na tayo?" tanong niya ulit. Ay ano pa nga ba?
"Pero iyong si Carla baka mamaya away- awayin na
naman kami, sorry Carter pero kapag kinanti niya ko
ulit, papahiramin ko siya ng mukha sa ipis." warning
ko.
Natawa siya.
"Don't worry, sinabihan na rin siya ni Lola. So tara?"
"Okay fine."
Ang lawak ng naging ngiti niya.
Nagpaalam na kami kay Mamshie. Medyo kabado ako
bumalik. Feeling ko bruha talaga si Carla, eh.
Mukhang kontrabida.
"Something wrong? Ang tahimik mo." untag ni
Carter habang lulan kami ng kotse niya.
"Wala naman, si Carla pala doon din mag-i-stay?"
"No, kaya ngumiti ka na diyan."
"Sira! Haha! Mukhang nahalata mo na di ko siya trip
no?"
"Medyo kabisado na kita, ilang buwan na rin tayong
magkasama kaya alam ko kapag naiinis ka, I even
know how to make smile.'"
"oh talaga? Paano?"
"Pizza?"
Bigla akong natawa. Alam nga niya iyong favorite
food ko.
"See? Kain tayo, hindi pa ko nakakain ng matino.
Ano'ng gusto mong kainin?"
"Kahit ano.!"
"Kahit ako?" malokong biro niya kaya nagkatawanan
talaga kami.
"Ang baliw mo, ang sabi ko kahit ano. Hindi sino!"
bahagya ko pang sinuntok ang isang balikat niya.
Okay.
"Joke lang. Nakakabato kaya. 3 araw akong walang
maasar. At last I'm home..." nakangiting aniya.
Yeah. Namiss ko nga talaga siya. We're finally home
and we're back on track.

Chapter 31
"We're home," ani Carter matapos akong
alalayang bumaba ng kotse niya.
Nginitian ko na lang siya kahit medyo
kinakabahan ako, iba na kasi ngayon. Kasama na
namin Lola niya. Mukha pa namang masungit. Ayoko
namang tanungin si Carter kung hanggang kailan
mananatili ang Lola niya doon. Diyahe. Bahay naman
niya ito, kaya kahit sino'ng gusto niyang patirahin,
karapatan niya. Kaya quiet lang ako.
"La, nandito na sila." ngiting-ngiting ani Carter
nang madatnan namin ang glamorosa niyang Lola na
nag-i-spray ng mga halaman sa may garden.
Napatingin siya sa amin at itinigil ang
ginagawa. Ngumiti siya kaya nakahinga ako ng
maluwag. Baka pwede naman kaming maging close?
"Hayan na ba siya? Pwede ko bang makarga?"
"S-Sige po," napapangiting sabi ko at iniabot sa
kanya si baby Harlie.
"Kamukhang-kamukha mo siya Carter noong
maliit ka palang." komento ng lola ni Carter habang
nakatingin kay Harlie na naghihikab pa.
"Talaga, 'La?"
"Yes, you look like twins."
Ngayong nandito ang Lola ni Carter, bigla
akong napaisip nasaan ang Mommy niya o Daddy?
Bakit ang lola niya lang? Sa ilang buwang pagsasama
namin ni Carter, iyong ugali lang niya ang nakilatis ko,
hindi ang personal na buhay niya. Maliban na lang sa
kaalamang may pag-aari siyang publishing company.
Pero sa family background niya, wala akong alam.
Hindi naman siya nagkukwento. And I never
had the guts to ask. Hindi ko kasi ugaling mangialam
sa buhay ng may buhay. Unless mag-open up sila.
"La, si Callie nga pala." pakilala sa akin ni Carter
sa Lola niya.
"Good evening po."
"Nice to meet you Callie. Pasensiya ka nasa
nangyari. Nagulat lang talaga ko." paumanhin nito
kaya ang lawak ng ngiti ko. Mabait naman pala ang
Lola ni Carter. Mukhang wala naman akong dapat
ipangamba pa.
"Okay lang poyon, pasensiya na rin sa attitude
ko."
"That's okay, come on." yakag nito kaya
sumunod na kani ni Carter.
Giliw na giliw siya kay Harlie.
"Magiging okay naman siguro kayo ni Lola.
Mabait naman 'yon." ani Carter noong mapagsolo
kaming tatlo nina Harlie. Sleeping time na.
"Sana nga, kasi gusto ko kapag tumungtong
dito si Hailey makasundo siya ng Lola mo."
"Nothing to worry, saka hindi naman mag-i-stay
ng matagal si Lola dito, babalik din siya sa Korea, kasi
doon sila nakabase ng husband niya."
"Lolo mo?"
"Hindi, second husband na iyon ni Lola. Maaga
siyang nabyuda. Parang 49 lang ata siya noon."
"Ang Lola mo, sa mother side o father side?",

"Mother side."
"Ah...eh, asan ang Mama mo?" panimu
lang tanong ko. Curious na kasi talaga ako sa family
background niya.
"She already passed away, 10 years ago pa."
may lumambong na lungkot sa mga mata niya.
"Gano'n? Belated condolence."
Napangiti siya.
"Since she passed away, halos namuhay na rin
akong mag-isa. May iniw an naman siyang trust fund
kaya hindi ako nahirapan financially, kaya lang
malungkot din. Bihira naman kasing makauwi dito sa
Pilipinas si Lola. Gusto niya akong ipagsama sa Korea,
ang kaso, alam ko namang ayaw sa akin ng second
husband niya at ng mga half siblings ni Mama, kaya
dito na lang ako sa Pilipinas hanggang sa nakatapos
na ako ng college. Naitayo ko ulit ang negosiyong
naiwan ng Mama ko. Ang Hyun publishing." kwento
niya kaya napatango-tango ako.
"Hyun ang surname mo, may lahi kayong
Korean?"
"Oo, lyong namayapa kong Lolo."
"Kaya naman pala kahit medyo maedad na,
ganda pa rin ng kutis. Anyway, iyong father mo pala
asan?"
Bigla siyang natahimik. Parang walang balak
sagutin ang tanong ko.
"Ui Carter-"
"Nakalimutan ko, may pasalubong nga pala ako
sa'yo. Kunin ko lang." pang-iba niya sa usap an saka
tunalikod at lumabas ng silid.
Napapakamot sa ulong ibin aba ko si Harlie sa
crib, mukhang may problema siya sa tatay. Halatang
umiiwas, eh.
Pagbalik ni Carter ibinigay niya sa akin ang isang
malaking eco bag.
"Ang dami naman nito?" gulat na re aksiyon ko, halos
di ko mabuhat, eh.
Umupo ako sa kama at sinipat ang mga iyon. May t-
shirt, may cap, mug na puro may nakalagay na I love
Cebu, may mga dries mangoes at kung anu-ano pa.
kaya halos manlaki ang mga mata ko sa tuwa.
"Di kita naisama kaya dinala ko na lang ang Cebu
sa'yo." biro niya kaya natawa ako.
"DC naman, nakakatouch ka. Thank you, naalala mo
ko." nakangiting sabi ko habang binubuksan ang
chicharon.
"Palagi naman kitang naalala."
"A-Ano kamo?" parang nabinging tanong ko. Palagi
niya kong naalala?
"K-Kayo ni Harlie noong nandoon ako."
"Ah oo nga. Uhm..mukhang masarap itong chicharon.
"pigil ang pagkatarantang pakli ko at napakagat sa
chicharon. Sa lutong niyon ay naging malakas ang
tunog. Umingit si Harlie kaya napatakip ako sa bibig.
Baka magligalig na naman, ang hirap pa naman
patulugin.
Natawa si Carter sabay pwesto ng hintuturo sa bibig.
"Bukas ko na lang kakainin." halos pabulong na sabi
ko.
"Good night," paalam niya saka mabilisang hinalikan si
Harlie sa noo.
"Good night. Thank you ulit dito."
Tumango naman siya at saka lumabas ng silid.
Napailing ako at humiga na. Parang may weird akong
nararamdaman ngayong nakita ko na ulit si Carter.
Masaya ko, oo pero bakit parang kinakabahan akong
hindi ko mawari kapag nagtatama ang mga mata
namin?
Ewan ko ba. Ah bakit ko ba isipin 'yon? Wala lang 'yon.
w*at**
"Wow! Danggit." naibubulas ko nang makita ang
nakahaying almusal sa lamesa.
"Oo, nagdala talaga ko dito. Sarap daw ng danggit
Cebu, eh. Tara kain na tayo." yakag ni Carter at
ipinaghila pa ako ng upuan.
"Good morning po Lola Paulina." bati ko sa matanda
nang dumulog ito sa hapag kainan.
"Morning. Carter, paalis nga pala ko, kakausapin ko
iyong mag-oorganize ng party mo." matipid na bati
niya saka bumaling kay Carter.
"La, okay lang kahit tayo-tayo na lang. Hindi naman
kailangan ng malaking party sa birthday ko."
"No way, let me be. Once a year ko nga lang
nagagawa to. Kaya wag ng kumontra."
"Okay fine, you win." nailing at natatawang pagsuko
ni Carter saka ako inabutan ng sinangag.
"Birthday mo?" halos pabulong ko pang tanong.
"Oo, 2 weeks from now. Regalo ko, ah?"
Bigla akong napressure sa sinabi niya. Ano namang
iriregalo ko sa kanya, kung nasa kanya na ang lahat?
"Hello! Good morning everybody!"
Sabay-sabay pa kaming napalingon sa bagong
dating. Si Carla. May bitbit pa siyang coffee box. May
tatlong kape siyang dala.
"I brought some coffee. May nadaanan akong SB
along the way here. Lola Pau, this one is for you.
Thanks for inviting me here." ani Carla nang makalapit
sa elder at humalik pa sa pisngi nito.
"Thank you Carla, you are very thoughtful." ngiting-
ngiting ani Lola Pau. Tapos sa akin parang cold siya.
Akala ko magiging okay kami.
"Of course and for my Carter. Here's your much-loved
coffee, Hazelnut bianco." ani Carla kay Carter at
yumukod ito sabay halik sa pisngi ni Carter. May
muaahh sound pa. Ngii.
"Thank you Carla."
"Most welcome. And this is mine, oh...wait! What's
your name again?" baling niya sa akin nang mapansin
ako.
"Callie."
"Hindi kita nabilhan, akala ko kasi umalis ka na talaga,
sorry." she doesn't really sound apologetic. More like,
nang-aasar.
Don't I deserve to be counted? Pero care ko ba sa
kape? Hindi naman ako timawa. Solve na ko sa 3 in 1.
"Okay lang, hindi naman ako mahilig sa kape."
"Baka naman hindi sanay? l bet hindi ka pa
nakakatikim nito. You can have mine." ngingisi-ngising
aniya saka inuumang iyong kapeng hawak niya sa
akin. Ang sarap sampalan ng danggit sa mukha.
Maasar nga to. Kinuha ko iyong kape niya. Nakita ko
ang gulat sa mukha niya. Akala niya siguro mahihiya
ako kasi hinihiya niya ko. Eh, sorry siya, makapal
mukha ko.
Hindi na masiyadong mainit ang kape kaya nilagok ko
siya ng diretso. Ramdam kong nakatitig sa akin ang
lahat.
"'Sarap nga, ah? Thanks." nakangiting sabi ko nang
maubos, saka ko ibinalik sa kamay niya ang walang
laman na cup. Napanganga pa siya at biglang
bumalatay sa mukha niya ang inis.
"What did you do?" tanong niya noong nagsimula na
akong kumain.
"Ininom kape mo. Sabi mo akin na lang?"
hAHHHHHSShdedA99WWSS
"I was just joking! What makes you think na
ibibigay ko talaga sa'yo 'yon? Close ba tayo? That's
my favourite! I can't eat my breakfast without my
coffee!" halos sigawan na niya talaga ko.
Sa loob-loob ko halos mapahalakhak na talaga
ko sa tuwa. Ang bratinela niya pero pikon naman.
"Eh, sorry, magkano ba 'yon? May bente pa ko
dito, bayaran ko na lang?" chill na sagot ko habang
pinipiraso ang danggit.
"You're so annoying! 20 pesos? How stupid can
you be?"
"Carla, stop it. Wag mo na siyang awayin. Kape
lang 'yan, eh. In the first place, inalok mo siya. Ibabalik
ko na lang itong ibinigay mo sa'kin, here take it." ani
Carter at inilapag sa harap nito ang kape.
"Arrgghh!I already lost my appetite. Sa labas na
lang ako magbibreakfast." mas nag-init ang ulo ng
bruha. Tumalikod na ito at halos magmartsa pa paalis,
"Carla wait, sabay na tayong umalis." habol ni
Lola Paula at tumayo na rin.
"Oh La, hindi ka pa tapos." pigil ni Carter dito.
"Kaya ko nga siya inimbitahan dito kasi
sasamahan niya ko doon sa organizer ng party mo,
Taon-taon niyang ginagawa 'yon di ba? Sige na alis
na ko. Bye." paalam nito at hindi man lang ako
sinulyapan.
Ay oo na. Hindi naman ako manhid. Hindi niya
talaga ko feel.
"Pasensiya ka na kay Carla, may pagkaspoiled
brat kasi lang talaga 'yon, pero mabait naman."
"Sa inyo mabait. Pero 'wag ka mag-alala, di ko
naman siya papatulan, sasayawan ko na lang iyong
tugtog niya, motto ko kasi kapag pikon, talo."
Napangiti siya.
"Yeah. At tingin ko, siya ang talo kanina kasi
napikon siya at nag-walk out, inumin mo ba naman
ang favourite niyang kape. Hahaha! Grabe, hindi
dapat pero natatawa ako sa mukha niya."
"Super close ba kayo?" hindi maiwasang tanong
ko at nagpatuloy na kami sa pagkain.
"Okay lang, magkaibigan naman kami. Kaso
ang kulit niya, eh. Mga bata palang kami nililigawan
na niya ko." walang halong kayabangan na kwento
niya.
"Talaga? Wow, ah! Iba ka." napapatawang sabi
ko.
"Ako pa."
"Oi loko, malilate ka na." paalala ko.
"Uhm, oo nga. Sige alis na ko." nagmamadali pa
siyang tumayo at ibinalik ang upuan.
"Okay ingat."
"Kita-kits na lang mamaya."
Nagulat pa ako nang yumukod siya at halikan ako sa
pisngi. Nakalakad na siya palayo bago pa ako
makapag-react. Napahawak ako sa pisngi ko.
"Kalma! Bakit ka ba ganyan?" kausap ko sa puso kong
bigla na lang nagrigodon.

Chapter 32
Tumayo na ako at nagligpit na ng mga pinagkainan.
"Madam ako na diy an," saway ng isang kasambahay.
"Okay lang, sanay-"
Napatigil ako nang may narinig na doorbel.
"Ako na." sabi ko at nagtungo sa labas.
Binuksan ko ang gate at nakita ang panauhing medyo
may edad na ngunit matikas pa rin ang tindig.
Mukhang mayaman. Nangingintab ang itim na
sasakyan niyang BMW. May nakatayo pang isang
lalaki sa likuran niya na may bitbit na kung ano. Driver
niya siguro.
"Sino po sila?" magalang na tanong ko.
"Nandiyan ba si Carter?" parang atubiling tanong pa
niya.
"May kailangan po ba kayo sa kanya? Ano nga pong
pangalan niyo?" sa halip ay tanong ko.
Ayoko ngang magdisclose ng kahit anong info, baka
mamaya mafia or ano pa ito.
"I'm Alfred Doctolero. I'm his father."
Bahagyang nanlaki ang mga mata ko. Tatay ni
Carter? Ay wow nagsusulputan na mga family
members ni Carter ngayong nalalapit na ang birthday
niya. At puro mga pasurprise effect ang peg nila.
"Hindi po nabanggit sa akin ni Carter na darating kayo
pero tuloy po kayo." anyaya ko matapos siyang
titigan ng tatlong segundo. Kahawig nga siya ni
Carter. Lalo na ang mga mata at hugis ng mukha.
"Pasensiya na kung wala man lang akong pasabing
sumulpot dito. Gusto ko lang naman talaga siyang
makita at makausap."
"Umalis po siya, pumasok na po sa trabaho.
Mamayang hapon pa po ang balik. Kung gusto niyo
pó tawagan ko siya ngayon?" tanong ko nang
makapasok kami sa loob kasunod ang driver niya.
"Sa ibang araw na lang siguro. Baka hindi niya lang
ako kausapin." may himig ng lungkot ang boses niya.
"Sorry po kung mausisa. May problema po ba kayo?"
"Mahabang kwento pero-"
There. Umatungal ng iyak si Harlie. Nakapwesto siya
sa may salas, nandoon ang stroller niya. Balak ko kasi
kaninang ipasiyal-pasiyal siya sa labas para
paarawan, ang kaso nga dumating itong si lolo.
"Aw, bakit naiyak? Nagwiwi? Nagpupoo? O gustong
dede?" kausap ko sa kanya nang makarga siya.
"S-Siya na ba ang apo ko?" parang kumislap ang mga
matang tanong niya pagkakita kay Harlie.
May sumungaw na fondness sa mga mata niya.
"Opo, siya si Baby Harlie. Magtithree months na po
siya."
"Kung ganoon ikaw ang asawa ni Carter?"
Nog-init ang mga pisngi ko sa tanong niya.
"H-Hindi po."
"Eh, bakit hindi pa kayo magpakasal? Gusto mo mag-
sponsor ako sa inyo?"
"Ay hindi po, hindi ko naman po anak itong si Harlie,
anak po siya ng kambal ko. Ako nga po pala si Callie.
Basta po, gaya nga ng sabi niyo mahabang storya.
Ah, gusto niyo po ba siyang kargahin?"
"I thought you'll never ask, thank you!" ngiting-ngiti
siya ng kinuha si Harlie sa akin. Hinaplos niya ang ulo
nito at tinitigan ng may ngiti sa mga labi.
Para bang sabik talaga siyang makita at makasama
ang apo niya.
"Noong nalaman kong may anak na si Carter, gusto ko
siyang puntahan at kamustahin ang apo ko. Kaya
lang hindi ako sigurado sa magiging reaction niya
kaya nag-aalangan talaga ko. Pero ngayong nakita ko
na itong apo ko, lumakas ang loob ko."
"Wag po kayong mag-alala, mabait po si Carter, kung
anuman po iyong hindi niyo napagkasunduan
maaayos niyo rin."
"Salamat Hija."
Hindi na rin nagtagal ang Papa ni Carter at umalis na
rin. Nang makauwi si Carter ay sinalubong ko kaagad
siya sa gate.
"Hi. Ngiting-ngiti ka, did something good happen?"
tanong niya nang makababa.
"Wala naman, alangan namang simangutan kita."
Natawa siya at ginulo pa ang buhok ko. Nagdiretso
kami sa loob, paakyat kay Harlie.
"Musta ang baby ko?"
"Ayun makulit pa rin at medyo maligalig pero super
cute pa rin."
"Nga pala, may writing workshop palang i-oorgan ize
ang pub. Baka gusto mong sumali?"
"Libre?"
"Oo naman. At marami ka ring writing tips na
makukuha. You should go."
"'Sige! Gusto ko rin talaga, eh. Kaso paano si Harlie?"
"Lola can take care of him. Sanay din iyon sa baby.O
kaya doon muna siya sa office ko. Ano game ka?"
"Okay! Sige salamat!" naiexcite na sagot ko.
Kailangan ko talaga iyon, eh. Nang makarating kami
ni Carter sa silid namin ni Harlie ay bahagya pa siyang
natigilan nang makita ang mga gamit sa ibaba ng
kama. Mga diapers, lampin at mga damit na
magagamit ni Harlie kapag lumaki-laki na siya. May
mga gatas nga rin, eh.
"Where did you get all that stuff from? Kay Lola?" may
halong pagtataka ang himig niya.
Umiling ako.
"Pwedeng magtanong?" tanong ko sa halip na sagutin
ang tanong niya.
"Shoot."
"May kilala ka bang Alfred? Alfred Doctolero?"
Napansin kong nangulimlim bigla ang mukha niya.
Parang hindi niya nagustuhan ang pangalang
binanggit ko.
"Saan mo nalaman ang pangalang 'yan?"
"P-Pumunta siya dito kanina. Hinahanap ka nga, eh.
Ang bait niya di ba? Generous Lolo kasi sa kanya
galing lahat ng 'yan. Tuwang-tuwa nga siya kay Harlie
"ipinakita mo sa kanya si Harlie?" seryosong tanong
niya kaya napalunok ako.
"O-0o, Papa mo naman siya, eh. Saka hindi naman
siya nagtagal dito, umalis din."
He gritted his teeth kaya mas sumahol ang kaba ko.
Patay. Galit yata to.
"Dapat tinaw agan mo muna ko bago ka nagpapasok
ng kung sinu-sino!" medyo tumaas na ang boses niya
kaya bahagya akong napaatras.
"O teka chill! Tatawagan naman talaga kita kaso nga
hindi na siya nagtagal. Saka hindi naman kung sino
lang 'yon. Tatay mo 'yon. Eh, kung sinungitan ko 'yon
baka mapalayas na naman kami dito ni Harlie. May
galit ka ba sa kanya?"
"This is something out of your concern, Callie. Don't try
to step in." may warning tone na wika niya.
Dapat tumigil na ko pero itong bibig ko pasaway.
"Pinapasabi niya advanced happy birthday. Parang
gustong-gusto ka talaga niyang makita, eh. Siguro
dapat magbati na kayo kahit para man lang kay
Harlie. Mas masaya kasi kapag-"
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang hampasin
niya ang pintuan.
"I told you to stay out of it! And don't tell me what to
do unless I ask you!" with that he walked away.
Napaawang na lang ang mga labi ko sa tuluyang
pagtaas ng boses niya. Halos nabingi ako. Napako na
lang ang tingin ko sa pintuang nilabasan niya. Hindi
ko namalayang nangilid ang luha ko. Ngayon ko lang
kasi siya nakitang nagalit ng ganoon. At nakakagulat.
Nakakasakit.

Chapter 33
Nakakainis naman ang Carter na 'yon! Hindi naman
ako bingi para sigaw-sigawan niya ko. K. Fine. Naging
insensitive nga siguro ako, naging makulit. Pero tama
bang patalsikin niya ang tutuli ko sa sigaw niya?
Sampigahin ko nguso niya, eh.
Napabuntong hininga ako habang nakatingin
sa nakapinid na pintuan ng silid niya. Ibinaba ko ang
kamay kong akmang kakatok doon. Balak ko sanang
yayaing kumain na siya ng hapunan at magsorry na
rin sa pagiging slight pakialamera ko about sa pudra
niya. Pero 'wag na. Baka isnabin ako ng tukmol at
tuluyan na akong mabadtrip sa kanya.
Sayang nagluto pa naman ako ng giniling. Kasi
alam ko trip niya iyon.
Ganyang mainit ang ulo niya, bahala siya.
Ayokong mabugahan na naman ng apoy. Umalis na
ako sa tapat ng pintuan niya.Baka makulitan na
naman siya sa akin. Inilagay ko na lang ang sarili ko
sa pwesto niya. Kapag mainit din kasi ang ulo ko,
ayoko rin ng may kumukulit sa'kin. Ayoko ng may
kausap kapag may topak ako, kaya itatiming ko na
lang sorry ko kapag lumamig-lamig na ulo niya.
Burmaba na ako. Didiretso na sana ako ng
dining nang mapatingin ako salas, nakaupo sa sofa
ang lola ni Carter at nagbabasa ng isang fashion
magazine. Kahit medyo nailang ako sa kanya, pinili
ko pa ring lapitan siya.
"Lola Paulina, dinner na po. Baka gusto niyo ng
kumain?"
Ibinaba niya ang magazine at dumako ang tingin sa
akin.
"Si Carter?"
"Uhm, mukhang wala pa pong balak kumain, kaya
tayo na lang po ang magsabay. Kung okay lang sa
inyo?"
"To tell you frankly, no."
"Ho?" napalunok na tanong ko.
"Let me get straight to the point. I don't like you, Hija.
I'm just being nice for the sake of my apo."
"Eh, bakit naman po gano'n Lola?" lakas loob na
tanong ko.
"Saan bang lupalop ka nakuha ng apo ko? Hindi ba sa
party?"
"You mean iyong kakambal ko po?"
"Que ikawo'yang kakambal mo, ayoko sa inyo
pareho. Party girl iyang kapatid mo. Ibig sabihin hindi
kayo matino. Walang delikadesa. Mababa ang moral."
tahasang sabi niya.
Ahitin ko kaya ang kilay niyang nagmamataas?
Nakakainsulto ang tanders na to.
"Ouch naman. Naku lola, mali ang mangjudge agad-
agad. Matitino po kami. 99 nga po grade namin
parehas sa GMRC nung elementary kami. Kayo po?
Ano'ng grade niyo?" kalmadong tanong ko.
"Hindi ako nakikipaglokohan sa'yo!" pinandilatan ako
ng mga mata niyang singkit.
"Ako rin po. Wala naman pong luko-luko dito. Kung sa
tingin niyo, eh, mga opurtunista kami or whatever,
wag kang mag-alala dahil hindi kami ganoon. At kung
ayaw niyo naman talaga sa amin, wala nam an akong
magagawa doon. Choice niyo 'yan. Pero ako, malinis
ang konsensiya ko. Wala akong ginagawang
masama, Lola."
"Don't you dare call me Lola! Hindi kita apo, ni hindi
kita kaanu-ano." taas baba ang dibdib niya sa inis.
Ako naiinis na rin. Pero siyempre alanganing patulan
ko siya. Matanda na, eh.
"Ge, noted Paulina." matamis ang ngiting sabi ko bago
ko siya tinalikuran na nanlalaki pa ang mata.
Ang pikon, talo.
Di ako makatulog. Nagugutom ako. Hindi ako
masiyadong nakakain kanina. lkaw ba naman
gaganahan ka, kung alam mong lahat ng tao sa
paligid mo may sama ng loob sa'yo? Parang hindi ko
nalasahan ang kinain ko kanina. Pinaubos ko na lang
lahat sa mga maid nila ang niluto kong giniling, kaysa
masayang. Alam ko namang hindi kakainin ni Paulina
iyon.
Napabangon ako sa kama. Sinulyapan ko si
Harlie. Tulog na ang baby, kinuha ko na ang bote sa
gilid niya. May konti pang gatas. Tinakluban ko iyon at
inilagay sa side table. Napatingin ako sa mga
pasalubong na ibinigay sa akin ni Carter from Cebu.
Kinuha ko iyon sa paanan ng kama at naghalikwat.
May chicharong bagnet. Sarap nito sa sukang
may sill. Plus malamig na coke. Binitbit ko ang
chicharon. Maingat akong lumabas. Bumaba ng
hagdanan. Patay ang mga ilaw pero hindi na ako nag-
abalang sindihan. Kabisado ko naman na ang bahay.
Medyo mainit ang panahon kaya balak ko, sa
poolside ako tatambay at ngunguya habang
nagmumuni-muni. Tumungo muna ako sa kusina,
diretso sa refrigerator. May isang litro ng coke. Kinuha
ko iyon.
"Aba! Sosyal talaga. May soju? Matitikman din
kita!" napapangiting sabi ko at dumampot ng isang
bote.
Dati sa K drama ko lang nakikita iyon. Ibinalik ko na
ang coke at soju na lang ang iinumin ko. Singilin na
lang nila ko kapag napansin nilang may kulang.
Lumabas na ko sa kusina, bitbit ang chicharon.
Sukang may sili na nasa bote at ang aking soju.
Napasinghot ako ng makalabas ng bahay. Buti na
lang medyo mahangin. Malapit na ako sa poolside
nang may matapakan ako. Yumuko pa ako para
damputin iyon.
Kulay green na bote. Soju. At sino namang lumaklak
nito? May mga ilang bote pa sa daraan an ko. Balak ko
sanang umatras nang mapansin si Carter na nakaupo
sa gilid ng pool.
Nakablack shirt at shorts lang siya, habang nakalubog
ang mga paa sa tubig. Naunahan ako ng loko.
Napansin yata niya ang presensiya ko kaya
napalingon siya. Saglit lang nagtama ang mga mata
namin pero umiwas kaagad siya ng tingin at
nagbukas pa ng isang bote ng soju. Deadma ang
bruho.
Bahala nga siya. Tumuloy na rin ako. Pero hindi ko
siya tinabihan. Sa kabilang side ako tumambay.
Snobber na rin ang peg ko. Ang layo ng pagitan
namin. May mga sariling mundo. Umupo ako sa gilid
at inilubog ang mga paa sa malamig na tubig.
Ramdam kong tila nakasunod ang mga mata ni Carter
sa bawat kilos ko, pero hindi ako nag-aabalang
tapunan siya ng tingin.
"Ah...relaxing." napapangiting sabi ko at binuksan ang
chicharong dala ko. Kumagat kaagad ako.
Malinamnam at malutong. Nakakarelax pang tingnan
ang asul na tubig.
"oy, hindi ka ba magsishare ng pulutan?" tawag ni
Carter kaya bahagya pa akong napapitlag.
Namumungay ang mga mata ng loko. May tama na
yata 'to?
"Gusto mo? Luh. Asa ka. Kairita." pang-aasar ko.
Napangiti siya. Pero ngiting hindi umabot sa mga
mata niya. Bahagya akong nataranta nang tumayo
siya at tinungo ang direksiyon papunta sa pwesto ko.
Hindi ako kumibo nang maupo siya sa tabi ko.
"Sorry na.." halos anas niya. Bahagya akong
napatingin sa kanya.
Mukha naman siyang sincere. Ibinalik ko ang tingin ko
sa tubig.
"Bakit kasi ang sungit mo? Natuwa lang naman akong
ibalita pagkagenerous ng pudra mo, nanigaw ka na
kaagad? tanong ko at tinungga na ang dala kong
soju.
Bahagya akong napangiwi nang malasahan ang tila
alcohol na after taste.
"Kulang pa 'yon. Actually hindi ko kailangan. I don't
need anything from him. I don't need him." puno ng
pait na sagot niya at kinuha ang bote ng soju ko saka
siya uminom.
"Akin 'yan! Nang-aagaw ka naman, eh.O eto sa'yo,
mamulutan ka na lang." sabi ko saka ipinasa ang
chicharon sa kanya.
"What do you think of me?"
"Ano namang klaseng tanong 'yan?"
"'Serious question."
Napatitig ako ulit sa kanya. Mukhang seryoso nga siya.
"Well..okay, Malamig?"
"Cold? Mukha ba akong manhid?" kunot noong
tanong niya.
"Malamig. Meaning cool. Kaw naman oh!" bahagya ko
pang sinagi ang balikat niya.
Natawa siya.
"Ows?"
"Oo nga. Noong hindi pa nga tayo nagkakakilala
talaga medyo naiilang ako sa'yo kasi mukha kang
kagalanggalang. Respetadong tao. Ganern."
"Maging ganoon pa kaya ang tingin mo sa akin kung
malalaman mong..."
"Malalaman na ano?" tanong ko. Nakita kong
napabuntong hininga siya at tumitig sa malakrystal
na tubig ng swimming pool. Halatang hesitant siya.
Nararamdaman ko ang bigat ng dinadala niya.
Mas umahon tuloy ang kuryosidad ko kung bakit
ganoon na lang ang pakikitungo niya sa sariling ama?
"Kapag nalaman mong anak lang ako sa
pagkakasala? Na bunga lang ako ng pagkakamali. Na
isinilang lang ako dito sa mundo dahil nagkamali ang
dalawang tao."
Nabitin ang pagnguya ko sa chicharon.
"Ibig mong sabihin...?"
"Son of a bitch. Iyon ang tawag nila sa mga
bastardong kagaya ko. My mother is a mistress.." at
sa wakas naisiwalat din niya ang kinikimkim na sama
ng loob. May nabanaag akong galit sa mga mata niya.

Chapter 34
Speechless ako sa ipinagtapat ni Carter na anak siya
sa labas. Hindi ko alam kung paano magrireact. Pero
sigurado naman akong hindi ako nadismaya sa sinabi
niya.
"Noong bata ako, nagtataka ako kung bakit
hindi apelyido niyang Doctolero ang gamit ko. Tapos
tuwing birthday ko, never nakaattend yang tatay ko.
Kung hindi post celebration, advanced naman. lyon
pala kabirthday ko asawa niya!" kwento niya at
napatawa pa ng pagak.
"Carter..." nakaramdam ng lungkot para sa
kanyang sambit ko.
"Siyempre magtataka ang asawa niya kung
wala siya sa birthday nito, kung pupuntahan niya ko.
Sino ba naman ako para piliin niya? Anak lang naman
ako sa labas. At dahil nga anak ako sa labas, hindi
niya ko tuluyang mapapasok sa mundo niya. Palagi
akong itinatago. Hindi ko pa nga alam noong una na
other fanily lang kami. Akala ko legal kami. Madalas
pa akong magtampo sa kanya noong bata ako, kasi
kapag may family activities sa school, palagi siyang
wala. Si Mama lang."
"Kailan mo nalaman 'yan?"
"Noong sinugod kami ng legal na asawa niya sa
bahay. Siguro naghihinala na siya kaya sinundan-
sundan niya tatay ko. Nag-eskandalo pa nga siya, eh.
Walang nagawa yang tatay ko kahit sinabunutan at
sinampal ng asawa niya si Mama. Nagsorry lang siya.
Pagkatapos noon hindi na siya nakipagkita sa amin.
Takot niya lang siguro sa asawa niya. Tapos ngayon
magpapakita siya? Bakit?"
"B-Baka gusto lang bumawi."
"Alam mo tinanong ko nga ang Mama ko noon kung
bakit siya pumayag? Sabi niya, hindi raw niya alam na
may asawa si Papa noong nanliligaw palang sa
kanya. Noong nalaman naman niya, balak na raw
niyang kumalas. Kaya lang nabuo na ko, bukod pa sa
hindi naman pala talaga niya kayang makipag-
hiwalay. Mahal niya kasi ang lalaking 'yon. Kaya kahit
mali, kahit panakaw na sandali lang, pumapayag na
siya. Ayaw raw niyang lumaki akong walang ama.
Tang inang 'yan!" mura niya kaya napapitlag ako.
Ngayon ko lang narinig na nagmura siya.
"Carter, nanay kasi ang mama mo. Siguro hindi
man tama, inisip niya ang mas makakabuti sa anak
niya. Sa'yo. Kaya naging ganoon ang desisyon niya."
"Kasalanan niya kung bakit nawala ang Mama
ko. Noong pinutol niya ang komunikasiyon niya sa
amin, naging matamlay si Mama. Nadepress.
Bumagsak ang katawan niya hanggang sa
magkasakit at maratay. Lalo na at nalaman na rin ng
mga tao na kerida lang pala siya. Naging tampulan
din ako ng tukso sa school. Anak sa pagkakasala.
Anak ng kabit. Son of a bitch. Kalalaki kong tao pero
umuuwi ako sa bahay na nangingilid ang luha at may
bangas sa mukha. Nakikipagsapakan kasi ako kapag
nakakarinig ng masama tungkol sa Mama ko. Laitin na
nila ko. Wag lang ang Mama ko."
Nagsikip ang dibdib ko nang makitang may
Sumungaw na luha sa mga mata niya. Tumingin siya
sa ibang direksiyon para siguro hindi mapaiyak.
"Tapos noong namatay si Mama, hindi man lang
siya nagpakita. Kaya paano ko mapapatawad ang
walanghiyang 'yon? Nawalan ako ng pamilya dahil sa
kanya. Mas naramdaman kong naging outcast ako.
Halos wala akong kaibigan. Kaya nga noong nalaman
ko ang tungkol kay Harlie na totoong anak ko talaga
siya, hindi na ako nagdalawang isip na kunin siya
kaagad. I don't wan't him to feel what I felt. Ayokong
maramdaman niya na aksidente lang siya.
Pagkakamali. Masakit kasi 'yon. lyong parang extra ka
lang. Saka si Harlie, masasabi kong pamilya ko talaga."
"Siguro ang baba na ng tingin mo sa'kin ngayon?"
tanong niya nang dumaan ang sandaling katahimikan
sa amin.
By instinct hinawakan ko ang kamay niyang
nakahawak sa tagiliran ng pool. Napatingin tuloy siya
sa akin kaya nginitian ko siya.
"Hindi natin mapipili kung sino ang mga
magiging magulang natin. Hindi rin napipili ang anak.
Maliban sa parte ka ng sinasabi mong maling
nakaraan, hindi na rin 'yon importante. Mas mahalaga
ang ngayon. Hindi ka naman naging masamang tao,
ah, kahit masama ang pinagdaanan mo. Wala kang
tinapakan, sinaktan kahit nasa'yo na lahat ng dahilan
para magalit sa mundo. Hanga nga ako sa'yo, eh.
Karapatan mong magalit at magdamdam, pero
naniniwala ako na mapapatawad mo siya balang
araw. May malaking puso ka Carter, hindi ba, binigyan
mo ako ng chance makapagpaliwanag noon kahit na
parang sa tingin mno pinaglaruan lang kita nang
magpanggap akong si Hailey? Hindi mo ako kaanu-
ano pero pinatuloy mo ako sa buhay mo. lyon pa
kayang papa mo?"
"Ewan ko. Basta ang alam ko, ayoko siyang
makita ngayon. Baka may masabi lang akong hindi
maganda. Kaya mas maganda kung dumistansiya na
lang muna siya."
"See? Ang bait mo talaga. Nasaktan ka niya, pero
ayaw mo pa ring maging bastos na anak. Chill ka na
lang. Wala namang nagsabi na patawarin mo kaagad
siya."
Napangiti na siya at tinitigan ako. Hindi ko na naman
tuloy nakontrol ang pagpintig ng puso ko.
"B-Bakit ganyan ka makatingin?"
"1 just wanna say thank you. I'm feeling much better
now. Thanks for listening and for understanding.
Sorry, napasenti ako kahit kalalaki kong tao."
"Ano'ng senti? Hindi 'no. lyang si problema
walang pinipili 'yan. Mapababae, lalaki, bakla,
tomboy. Lahat ng tao, meron niyan. Walang taong
excempted kay problema. Kaya dapat yang si
problema, inihihinga 'yan. Hindi kinikipkip, ipinaparinig
para hindi masiyadong dinidibdib. Saka okay lang
yon. At 'wag mong isiping extra ka. Walang taong
extra, siguro sadyang hindi palang dumarating yung
sarili nilang storya na sila ang bida. Ganyan talaga
ang life, hindi puro tawa. Pero ang importante, 'wag
mong kalimutan maging masaya."
"l keep that in mind. Thanks Callie. Buti na lang
nag-open up ako sa'yo. Feeling ko, mas close na tayo
ngayon. The closer, the better...
"A-Ano 'yan? Close up?" biro ko kaya
nagkatawanan kami.
"Seriousy I'm glad that I have you by my side.."
seryosong tugon niya. At seriously din, hindi na rin
biro itong nararamdaman kong kabog sa dibdib ko.
Napaiwas ako ng tingin.
"So are we good?" tanong pa niya.
"Hindi pa. Bili mo muna kong borger, melkti at
frays."
"What? You're starting to sound like a cute kid.
Hahaha!" ang lakas ng tawa niya.
"Aba bakit? Ganoon iyong napanood ko,
panuyo package 'yon kapag may kasalanan ka. May
kasama pa ngang prutas iyon, eh."
"Sige sige bibilhan kita."
"Joke lang. Ito naman, oh. Pinapatawa ka lang."
"Well thank you..."
"Ikaw naman. Smnall thing." bahagyang tulak ko
sa balikat niya.
"Small thing?"
"Maliit na bagay."
"Ah! Ikaw talaga, oh. Kakaiba." bahagya rin niya
akong tinulak sa balikat.
"Hanga ka!" kantiyaw ko sabay tulak din sa
kanya. Napalakas yata, dahil nalaglag siya sa tubig.
"Callie! Ang lamig! Tulungan mo kong
makaahon dito." reklamo niya sabay abot ng kamay
Sa akin.
"Ay sorry na. Lika." iniabot ko rin ang kamay ko
para matulungan siya.
Pero ang walangya, hinatak ako. Bagsak din
ako sa tubig!
"Hayf ka." sinabuyan ko siya.
"Ang lagay, eh, ako lang?" aniya at gumanti din.
Hindi ako pumayag, sinakyan ko siya sa likod at
inilubog. Siyempre papatalo ba naman 'yan?
Rambulan part 2 tuloy kami sa pool kahit kasagsagan
ng gabi.
Well..that's okay. At least I made him smile.
And that's more than enough!

Chapter 35
"Callie, kain tayo," yakag ni Carter habang abala ako
sa paghuhugas ng bote ni Harlie, kaya napalingon ako.
Kadarating lang niya galing opisina at napansin ko
kaagad ang malaking supot na bitbit niya na may
nakasulat na Hap Chan.
"Uy, ayos 'yan, ano'ng mga dala mo?"
"Marami. Ang baby?"
"Naku kakadede lang kaya hayun inantok."
"Ah. Mamaya ko na lang pupuntahan pag gising na.
Ya, pasalang na lang ng mga baby bottle sa sterelizer,
thanks," ani Carter at hinila na ko papuntang dining.
Inilapag niya doon ang supot.
Inilabas niya isa-isa ang laman na nakalagay sa isang
malalaking transparent na plastic tupperware.
"Ang dami, ah?" puna ko at tinulungan ko na siyang
mag-alwas.
Hindi ako familiar sa mga pagkain na iyon.
"This is one of my favorite Filipino-Chinese restaurant.
l'm sure you'll like it, hindi na tayo magluluto. Ito na
lang ang kainin natin," nakangiting aniya.
"Kaya pala hindi familiar sa'kin. Ano'ng tawag dito sa
mga inorder mo? Tingin palang masarap na."
"This one is diced chicken with salted fish fried rice.
This one is mixed meat canton, buttered chicken and
sauted beef with broccoli!" explain niya habang isa-
İsang itinuturo ang mga pagkain.
Nagutom ako bigla lalo na noong binuksan niya isa-
İsa ang mga takip. Sumimoy sa hangin ang
mabangong aroma ng mga pagkain.
"Ay may chopsticks na kasama!" naibulalas ko dahil
gusto kong matuto nun.
"Sakto. Pwede na kitang turuan kung paano gumamit.
"Sige-sige!" naexcite na sabi ko at naupo na.
Humila din si Carter ng upuan at idinikit sa upuan ko.
Ibinigay niya sa akin ang isang pares ng chopsticks
saka siya naupo sa tabi ko.
"Okay let's start, first step is you just need to pinch the
chopstick somewhere in the middle," first instruction
niya habang hawak ang sarili niyang chopstick para
ipakita sa akin kung paano gagawin.
"Ganito?
"Taas mo ng konti, parang humahawak ka lang ng
lapis," aniya at hinawakan ang daliri ko para itama
ang pwesto.
Nasamyo ko ang amoy niyang nanuot sa ilong ko.
Ang bango ni Carter..
"Now you'll have a hole underneath and just slide the
other stick..."
Parang hindi ako makaconcentrate lalo na at ganito
siya kalapit sa akin.
Magkadikit na ang mga balikat namin dahil chinicheck
niya kung tarna ba ang hawak ko.
Malaya kong napagmamasdan ang makinis niyang
mukha na wala man lang yatang pores.
Ang mga mata niyang may mahahabang pilik.
Ang matangos niyang ilong.
Ang mga labi niyang tila mamula-mula. Halatang wala
siyang bisyo. Kunsabagay ilang buwan na kaming
magkasama pero ni minsan never ko siyang nakitant
nanigarilyo.
Nagsasalita siya, nakikita ko ang buka ng bibig pero
hindi ko naman nawawatasan ang mga sinasabi niya.
Dahil..biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko.
Parang nagslow mo ang bawat kilos niya sa paningin
ko habang namemesmerize ako sa mga ngiti niya.
Sa totoo lang makalaglag panga ang kagwapuhan
niya.
"Callie?" tawag niya at pumitik pa sa harap ko.
"Nakanganga ka. Gutom ka na yata? Kain na nga
muna tayo," nangingiting aniya at namalayan ko na
lang may isinubo siyang pagkain sa bibig ko.
Masarap ang lasa. Pero takte! Literal na napanganga
ba talaga ako sa harapan niya?
Gano'n na ba kalakas ang tama ko sa kanya?
Teka tama? May tama ako sa kanya?
Arrgghh! Tama na!
"O-0o nga. Kain muna tayo,' sang-ayon ko at
bahagyang ipinilig ang ulo.
"Okay ba?" tanong niya noong kumakain na kami.
"Ang sharap!" halos mamuwalan na sagot ko.
Sinubukan kong gamitin ang chopstick. Medyo nagets
ko naman agad ang paggamit.
"Fast learner ka pala Callie. Medyo nagagamay mo na,
puna niya ng mapansing kumakain na ko gamit ang
chopsticks.
"Kaya lang medyo nakakangawit sa kamay."
"Masasanay ka rin. Teka may challenge ako sa'yo."
"Ano'ng challenge naman 'yan?"
"Basta. Pag nagawa mo, bibigyan kita ng 1k. Game?"
"Uy! 1k? Seryoso?" naexcite ako. Gusto ko pa naman
ng tsina-challenge ako aside doon sa 1k na prize.
"Oo nga. You just need to feed me three times, using
this chopsticks without dropping the food. Gano'n
lang. Kaya?"
"Sige!"
"Pero siyempre hindi ganito kalapit. Doon ako sa tapat
mo," aniya saka lumipat ng upuan.
"Hala ang daya!"' kunwang reklamo ko.
"Kaya mo 'yan."
Pumuwesto na si Carter sa kabilang side ng table. Sa
tapat ko. Medyo malayo kaya aangat talaga ang
kamay ko.
"Ah..." ani Carter at ngumanga na.
Kinuha ko ang broccoli. Grabe pagkaipit ko para hindi
malaglag.
"Ayl halos tili ko dahil muntik ng malaglag pero
mabilis kong naishoot sa bibig niya.
"Last two," nakangiting ani Carter matapos ngumuya.
Natatawa ako habang kinukuha ang buttered
chicken. Playful din talaga ang isang ito.
Maayos kong naitawid iyon at naisubo sa kanya.
"Nice. Para mas may challenge, iyong canton ang
isubo mo sa akin."
"Ha? Eh, madulas 'yan saka baka madurog, eh, di
laglag?"
"That's the challenge. The first two is easy. Hard level
naman tayo," hamon niya at ngumanga na.
"Fine," nakangusong sabi ko.
Kinawil ko na ang Canton.
Iniangat ko na ang kamay ko para subuan si Carter.
Malapit na ko nang may umeksenang eksaherada!
"Wow! Ang sweet niyo naman. Nagsusubuan pa kayo?
" ani Carla na bigla na lang sumulpot.
Nalaglag tuloy iyong canton sa baba ni Carter sa
gulat ko.
Talo ako sa challenge kelan malapit na!
"Tikbalang kal" hindi napigilang palatak ko.
"Who?" halos umabot na yata sa second floor ang
kilay sa pagkakaangat na tanong ni Carla.
"Ba't ka ba nanggugulat?" pigil ang pagkaasar na
tanong ko.
"Ako nga ang dapat magulat dahil sa sobrang sweet
niyo. Kayo na ba?"
"Nagkakatuwaan lang. Join us Carla," balewalang
anyaya ni Carter.
Lumapit naman ang intrimida at umupo sa tabi ni
Carter. Ipinulupot pa ang braso sa braso ni Carter.
Parang sawa lang.
"So binili mo 'to?" malambing na tanong niya sa binata.
"Ninakaw siguro," bubulong-bulong na sabi ko at
nagpatuloy ng kumain.
"Oo. Dinner."
"Mukhang sarap na sarap ka diyan Callie? Ganyan
talaga pag libre," puna sa akin ni Carla habang panay
ang ngasab ko.
"Oo sa sobrang sarap parang ayokong i-share. Bili ka
na lang sa'yo?"
Napairap siya sa akin. Care ko ba? Ang lakas niyang
mang-insulto.
"Carter hijo.." tawag ni Lola Paulina na pumasok din
sa dining.
"La, kain na tayo," nakangiting yakag ni Carter sa
aguela.
"Hindi na, sa labas na lang. May bibilhin din kami
nitong si Carla sa mall"
"Oo nga, sa labas na lang kami. Tutal mukhang kulang
pa dito sa kasama mo 'yang dinner," nakakauyam na
sabi ni Carla saka tumayo.
Konti na lang ingudngod ko na 'to.
"Carla," may warning tone sa boses ni Carter.
"Okay fine well go ahead," nailing na paalam nito.
"La, day off si Mang Erning kayo ang magdadrive?"
tanong ni Carter sa Lola.
"Oo naman. Sanay ako magmaneho apo. Nothing to
worry, bye." paalam nito at humalik na sa pisngi ni
Carter.
Hindi naman niya ko pinansin. Alam ko namang di
niya talaga ako feel. Kaya okay lang.
Nang makaalis ang dalawa ay lumipat sa tabi ko si
Carter.
"Sorry about that," paumanhin niya.
"Saan?"
"Sa asal nila sa iyo."
"Wala 'yon. Maiba tayo. Astig ng Lola mo kaya pang
magdrive ng kotse?" pang-iiba ko.
"Oo naman. Very independent iyon, eh."
"Sana all marunong magdrive."
"Bakit hindi mo pa natry?"
"Hindi pa. Wala naman kaming kotse ni Hailey, eh.
Laking commute lang kami."
"Gusto mo turuan kita?"
"Talaga?"
"Yup. Tara, habang tulog pa si kulit," nakangiting
yakag niya at bahagya akong hinila patayo.
Sumama ako sa kanya sa labas ng bahay matapos
niyang magbilin sa maid na bantayan muna si Harlie.
Gumawi kami sa garage.
May ilang kotseng nakaparada doon. May isang
kotseng nakataklob. Tinanggal niya ang takip. Toyota
ang tatak.
"Ito ang first car ko. Manual lang pero umaandar pa."
"Hindi naman mukhang luma, ah. Ang ganda pa, oh.
Kintab," puna ko habang pinapasadahan ng tingin
ang itim na kotse.
"Minemaintain ko pa rin 'to kasi ipon ni Mama ang
pinambili dito."
"Ha? Tapos yan ang ipapadrive mo sa akin? Naku
baka maibangga ko 'yan," hintakot na tanggi ko.
"Hindi 'yan. Tuturuan nga kita, eh."
Hinatak na niya ko papasok.
Siya ang naglabas ng kotse. Pero nung nailabas na
niya sa garahe, nagpalit kami ng pwesto.
Medyo kabado ko.
"Clutch at kambyo pag manual sasakyan mo yan ang
unang mong aalamin," ani Carter.
"Bago tayo umandar naka neutral'yan. Kaya
kailangan mo ilipat sa primera para umandar tayo,"
dagdag pa niya at iniexplain na niya ang mga parts na
kailangan kong matutunan.
Medyo n alilito ako sa dami. Sa loob na lang kami ng
subdivision para safe.
"Yes that's it! Second gear na tayo, Cal," instruction ni
Carter noong nakakapagpaandar na ko.
"Ahl" napasigaw ako nang bumilis ang takbo!
"Second not third!" medyo nataranta si Carter.
Napatapak ako sa clutch and ayun namatay ang
makina.
Nagtatawanang bumalik kami sa mansion
pagkatapos ng halos 1 oras na turuan.
Nag-ayang mag ice cream si Carter sa garden.
Parehas lang kaming nakatanaw sa magandang
gazebo habang kumakain ng ice cream. I felt
peaceful. Sana lagi kaming ganito..
"Thank you, ah? Dami kong natutunan sa'yo.
Chopsticks tapos magdrive. Ang saya!"
"Sarap din ng pachill chill lang. Thanks Callie,"
nakangiting aniya.
"Saan naman?"
"I had a good time just being with you..."
Dug. Dug.

Chapter 36
"There you are. Kanina pa kita hinahanap, bakit
dito ka kumakain?" maang na tanong ni Carter nang
maabutan akong nag-aalmusal kasama ang mga
maid. Kakasimula ko palang kumain.
May sarili kasi silang table na nasa loob rin ng
kusina.
Napakamot ako sa batok. Paano ko ba
sasabihin sa kanya na ayaw naman ng Lola niya sa
akin? Siyempre, dahil nakikitira lang naman ako, ako
ang mag-a-adjust. lwas-pusoy na lang kumbaga, para
walang maging problema. Nakakailang namang
sumubo ng malaki kung iyong kasama mo sa hapag.
eh, may sama ng loob sa'yo. Baka wala akong
kamalay-malay na ipinapanalangin na pala niya kong
mabulunan.
"Uhm, wala. Masaya lang sila kakwentuhan
habang kumakain." katwiran ko at humigop ng kape
sa tasa kong may design pang carto on character na
Tom and Jerry.
"Well then, dito na rin ako kakain." aniya at
inilapag sa mesa ang keychain at cellphone niya.
Napatayo si Juanda na tapos ng kumain. Pati
ang tatlo pa niyang house maid na tapos na rin.
"Dito na kayo Sir, ikukuha ko kayo ng pinggan."
all smile na sabi ni Juanda.
"Thank you." ani Carter at umupo nasa tabi ko.
Mabilis na dinulutan ng placemat, plato at tasa
si Carter. Beef tapa at pritong itlog ang nilutong
almusal. Pagkatapos ay nagsimula na sa kanya-
kanyang gawain ang mga kas ambahay kaya naiwan
kaming dalawa sa hapag.
"Kawawa naman si Pauli--este si Lola Paulina
doon. Mag-isang kumakain." sabi ko.
"Hindi naman. Nandoon naman si Carla."
"Nandito siya?" halos mapasimangot na tanong
ko.
"Oo, kaya nga naiintindihan kita kung ayaw mo
ng kumain doon."
"Sira. Pero hindi mo naman ako kailangang
Sumama sa'kin dito"
"That's okay, walang kaso sa'kin. Let's eat?"
"Sige na nga." napatango at napangiting sabi ko.
"Ready ka na? Mamaya na ang workshop. 1 pm
ang start." paalala niya.
"Oo nga pala 'no? Eh, paano nga pala si Harlie?
Isasama ko na lang."
"Hindi ka makakaconcentrate lalo na kapag
uniyak 'yon. Si Lola na ang bahala."
"O-Okay lang sa kanya?"
"Yup. I already told her. And she said yes. I'l pick
you up."
"Mga ano'ng oras?"
"Before lunch. Kain na lang tayo sa labas."
"M-Magluluto na lang ako. Marami namang
stock diyan. Gagastos ka pa. Kumakain ka ba ginisang
ampalaya at kalabasa? Masarap 'yon ipares doon sa
danggit na dala mo."
"Sounds great. Sige, dito ako maglalunch."
Napangiti ako. Gusto ko namang makabawi
kahit konti sa kanya kahit simpleng effort lang.
Naligo kaagad ako pag-alis ni Carter. Nilaro si
Harlie, nag-linis linis ng silid at pagkatapos ay bumaba
na ako sa kusina para magluto. Tinulungan ako ni
Juanda na maggayat ng mga isasahog.
"Madam, lalong mainlove sa inyo si Sir niyan,
kasi hindi niyo ginugutom." ngiting-ngiting ani Juanda
habang naggagayat ng ampalaya.
Hindi ko alam kung matatawa ako o ano.
Pagkakaalam nga kasi ng mga kasambahay, eh, mag-
asawa kami ni Carter. Well di ko sila masisisi. Bukod sa
baguhan sila, plus factor din na nakikita nilang may
baby at ako ang babaeng kasama ni Carter dito sa
bahay.
"ipinagluto lang, mainlove na?"
"Po? Hindi po ba in love sa inyo si Sir? Di ba mag-
asawa kayo?" takang-takang aniya.
"Hindi kami mag-asawa. Hindi rin kami. Hindi ko
rin anak si Harlie, Pamangkin ko siya. Iyong kapatid ko
ang Mama ni Harlie. Nacomatose lang siya ngayon
kaya ako muna ang umako ng role niya, para hindi
naman kawawa si baby Harlie." kwento ko. Magaan
naman ang loob ko dito kay Juanda.
Mabait kahit medyo madaldal.
"Ay ganoon po ba? Kawawa naman po pala
ang kapatid niyo. Hindi pa ba siya nagigising?"
"Hindi pa, e. Pero sana mangyari iyon. Para
magkasama na sila ni Harlie."
"Hayaan niyo Madam, may awa si Jesus.
Magigising din yan. Pero seryoso madam, akala ko
kayo ni Sir. Paano kasi mukhang strikto si Sir pero pag
nakita na kayo, wagas ang tawa at ngiti niya."
"Loka. Naging close na lang kami kaya gano'n
pero walang halong kaanuhan iyon. Nakares erve na
siya sa sister ko, okie? Saka wag ka ngang Madam ng
madam. Callie na lang."
"Eh, pero Madam."
"Callie." I cut her off.
"Ma'am na lang, di ko keri." giit niya.
"Ay bahala ka na nga-"
"Ehem."
Sabay kaming napalingon ni Juanda sa pintuan
ng kitchen nang may tumikhim. Minamalas ka nga
naman, baka pumait itong luto ko dahil dito kay Carla
na wagas ang pagsimangot. Di pa ba umaalis 'to? Naki
-almusal na kanina, mukhang makikilunch pa.
"I want a glass of water." utos niya.
Umiwas na ako ng tingin. Bumalik na lang ako
sa pagsasalang ng mga rekado sa kaserola. Inilagay
ko na ang kalabasa at amplaya na sinamahan ko pa
ng chinicharong baboy. Tumalima si Juanda at
akmang lalapit sa fridge pero pinigil siya ni Carla.
"Hindi ikaw ang inutusan ko. Gusto ko siya." ani
Carla kaya napalingon ako.
Nakaturo sa akin ang daliri niya.
"Ba't ako?" kaswal na tanong ko.
"Mukha ka rin namang maid." pang-aasar niya.
"Mukha lang kaya ilakad mo 'yang mga paa mo
at ikuha mo ang sarili mo ng tubig dahil wala akong
balak ikuha ka. Ang lapit-lapit lang, eh. Ikaw rin,
masama ang puro utos. Galaw-galaw baka pumanaw.
" all smile na kindat ko sa kanya. Nakita kong nagtagis
ang mga ngipin niya.
Bruhang 'to. Mang-aasar tapos maiinis.
"Ikaw na nga lang!" galit na utos niya kay
Juanda.
Tarantang sumunod naman si Juanda at
inabutan ito ng isang basong tubig.
Ramdam ko ang tila nagbabaga niyang tingin
habang naghahalo ako ng gulay. Nilalagyan ko na
iyon ng asin nang lumapit siya sa tabi ko.
"May kailangan ka ba?" hindi naiwasang tanong
ko.
Imbes na sumagot ay pinasadahan niya ako ng
tingin mula ulo hanggang paa. Ginaya ko nga.
Dumaan ang mga mata ko sa red strappy sandals
niya, sa maiksi at itim na skirt at sa sleeveless niyang
may malalim na tabas sa bandang dibdib kaya kita
ang cleavage niya. Sana lahat pinagpala.
"What are you doing?" mataray na tanong niya.
"Tinitingnan ka rin. Bakit? Ikaw lang ba pwede?"
"Is it fair to say that I really really really hate
your guts! Para kang lintang nakakapit palagi kay
Carter." prangka at matapang na sabi niya.
"At ikaw naman, Iangaw? Aali-aligid. Well
thanks for your honesty. Well appreciated dahil hindi
ka plastik. Hindi naman ako nagulat. Obvious naman.
So what do you want me to feel, should I despise you
as well?" kalmadong tanong ko.
Napansin kong napakurap siya, Parang nagulat
na ewan? Hininaan ko ang apoy para mas makausap
siya ng maayos.
"Hanggang kailan ka ba dito? Know what, this is
not the place for you to linger. You should go and
return to where you belong. Hindi ka bagay dito."
"Alam mo Carla, dapat cool ka lang.
Pagkakaalam ko kasi kay Carter itong bahay. Ngayon,
kung nakapangalan din sa'yo ang titulo ng bahay, eh,
di sige aalis ako. Pero kung wala, maghintay ka na
lang na si Carter mismo ang magsabi niyan. Saka lang
ako aalis. For now dito lang ako. Magtiis ka sa
presensiya ko, dahil hinahabaan ko rin naman ang
pasensiya ko sa'yo. Kaya patas lang tayo." umangat
ang kanang kilay na sagot ko.
"Hindi ka naman kaanu-ano ni Carter pero kung
makaasta ka, gano'n na lang. I'm his friend. You
should show some respect!"
"I'm his friend too, just in case na hindi mo rin
alam. So respect begets, respect. Anyway, did you just
drop by to simply tell me this? Kung wala ka ng
kailangan babalik na ako sa pagluluto."
Hindi na maipinta ang mukha niya. Salubong
ang maninipis na kilay. Malalim din ang paghinga niya
at napansin kong mahigpit ang pagkakakapit niya sa
baso.
"Ah Carla, I was wondering..why do you bear
such a grudge against me? What did I do that was
wrong anyway? Meron ba? 0 dahil may gusto ka kay
Carter at nagsiselos ka? Iniisip mo na karibal mo ko.
Tama ba?"
Napansin kong bahagya siyang napaatras at
napaiwas ng tingin pagkatapos manlaki niyon, pero
dagli ring bumalik ang matalim niyang tingin sa akin.
"Shut up! I just don't like you! That's all. And
don't ask me anything like that again, as if we're close!
" asik niya pero namula naman ang magkabilang
pisngi.
Natawa lang ako. Denial pa ang gaga. Halatang-
halata naman. Ano ba namang ikagagalit niya sa akin
kung wala siyang gusto kay Carter?
"Tm just asking, you don't have to bite my he ad
off." ngisi ko na lalo niyang ikinainis.
Akmang tatalikod na siya nang tawagin ko.
"Teka, may nakalimutan akong ibigay." iniabot
ko sa kanya ang salt cellar.
"Aanhin ko naman 'yan?" nakasimangot na
tanong niya habang nakatingin sa asin.
"Kapag nagluluto ako ng ampalaya, ibinababad
ko muna sa asin para mabawasan ang pait. Kaya
ihalo mo 'to sa bathub na paglulubluban mo pag
naligo ka." malokong sagot ko na mas lalo niyang
ipinagpuyos.
"Are you caling me ampalaya?"
"'Sobra ka naman. Di naman. Bitter lang."
Narinig kong napatawa si Juanda na nasa
sulok. Parang papatay na tuloy ang itsura ni Carla sa
sobrang talim ng tingin niya sa amin.
"Mga bwiset!" galit na galit na bulyaw niya at
nagmamartsang nag-walk out siya.

Chapter 37
Napapalakpak si Juanda nang makalabas si Carla.
"Ang galing mo Ma'am, napaalis mo ang bruha."
tawang-tawa niyang sabi.
"Shhh, loka, marinig ka nun." tawa ko.
"Oh, bakit nakasimangot si Carla? Hindi rin ako
pinansin." tanong ni Carter na biglang pumasok sa
kitchen.
"Ay Ma. Baka may period. Teka nandiyan ka na
pala. Tamang-tama luto na 'to."
kayo."
"Wow, sakto, gutom na rin ako. Tulungan ko na
"Hindi na. Pwesto ka na sa dining, kami na ni
Juanda ang magdadala."
"Sure?"
"Oo, go.
Nagmadali na kaming magprepare ni Juanda.
Medyo kinabah an ako nang makitang nandoon si Lola
Paulina. Nakaupo siya sa gitna. Sana naman
magustuhan niya itong niluto ko. Dala ni Juanda ang
daing at ako naman ang nagbitbit ng ginisang gulay
ko.
Nandoon din si Carla na nasa gilid ni Lola.
Nakasimangot ang bruha. Hay. Pakialam ko ba.
Inilapag na ni Juanda ang kanin at daing.
Malapit na ako sa kanila nang bigla akong mabuwal.
Natapilok dahil parang may napatid ako na kung ano.
Awtomatikong nabitawan ko ang gulay.
"Callie!" napatayong tawag ni Carter nang
makitang natisod ako at tumilapon ang dala ko.
"Ahhh!" sigaw ni Lola Paulina nang bumuhos sa
kanya ang dala ko. Sa bandang balikat. Buti hindi sa
ulo.
Pero kahit na. Mainit-init pa iyon. Kaagad akong
napatayo at nilapitan siya.
"S-Sorry po!" taranta at mangiyak-ngiyak na
dinaluhan ko siya. Kumuha ako ng pamunas at
akmang pupunasan ko siya nang hampasin niya ang
"Papatayin mo ba ko?" galit na tanong ng
matanda.
"H-Hindi po, hindi ko naman po sinasadya.
Napatid po ako kaya-"
"Stupida!" mura niya at napatayo na saka tuloy-
tuloy na umalis ng dining.
Naiwan akong nakaawang ang mga labi at
nakatulala. Ano ba naman iyong ginawa ko? 0
ginawa ng kung sino man?
"Ayan. Tatanga-tanga ka kasi, eh. Pabida!
Hmmp!I lost my appetite. I should eat somewhere
else, kaysa pagtiyagaan ko ang cheap food na niluto
mo." irap ni Carla.
Sumulak ang dugo ko. Alam kong pinatid niya
ko. Siya ang nasa gilid ni Lola Paulina at dinaanan ko
kanina. Akmang tatalikod na siya nang hagipin ko ang
buhok niya. Sinabunutan ko siya ng bongga!
"Awww! Omygosh!" hiyaw niya at humawak sa
mga kamay ko pero mas ko lang hinigpitan ang
pagkakaganot sa kanya.
"Mag-o-my gosh ka magdamag! Bruha ka, bakit
ka namamatid ha? Ayan kainin mo'yan!" gigil na
tanong ko at isinubsob siya sa daing na bangus na
nasa mesa kaya lalo siyang nagtatarang.
"Callie, tama na 'yan!" tarantang hinila ako ni
Carter palayo kaya nakakawala ang bruha.
"Bitch!" sigaw ni Carla na gulo-gulo ang buhok
at akmang susugod pa pero iniharang ni Carter ang
braso niya kaya hindi ako naabot.
"Just go home, Carla!"
"Bakit kinakampihan mo 'yan? Naghahanap pa
siya ng masisisi sa kapalpakan niya!"
"I said just go!" seryosong ani Carter.
Nagsukatan kami ng tingin ni Carla. Kapwa
matatalim ang tingin. May pagbabanta ang mga titig
niya, pero ipinarating ko rin sa mga tingin ko sa kanya
na hindi ko siya aatrasan.
Masama ang loob na tinalikuran niya kami at
lumabas na ng main door.
"Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Carter.
Umiling ako at napahikbi. Sunod-sunod pang
nalaglag ang luha ko. Hindi naman ako iyakin. Pero
ang sama kasi ng nangyari. Bukod sa napahiya ako,
nagalit pa lalo sa akin ang Lola niya. Hindi ko rin
naawat ang sarili ko at nakipagbardagulan pa kay
Carla. Dinig kong napabuntong-hininga pa siya.
"Come here." tawag niya at iginiya ako paupo
sa dining.
Humila rin siya ng isa pang silya at umupo
paharap sa akin. Kumuha siya ng isang basong tubig.
"Drink up." alok niya at itinapat sa bibig ko ang
baso. Sisigok-sigok na uminom ako.
Parang natuyo ang lalamunan ko kaya diniretso
ko ang inom. Medyo nagluwag rin ang dibdib ko nang
masayaran ng tubig.
"Tahan na." alo pa niya habang hinahagod ang
likod ko matapos niyang ilapag sa mesa ang baso.
Gumawi rin ang isang kamay niya sa mukha ko at
pinunasan ng kamay niya ang luha ko.
"s-Sorry..." nasabi ko kahit parang imbes na
tuluyan nang magluwag ang dibdib ko ay parang
sumikip ulit iyon. He's too close. Parang nawalan na
naman ng control ang puso ko at nagpapasag na
parang isdang inalis sa tubig.
Nitong mga nakalipas na araw, napapansin kong
parang kapag nasa malapit lang si Carter, hindi ako
mapakali.
"It's not your fault. Pinatid ka ni Carla."
"N-Naniniwala kang pinatid niya ko?"
"Yes. I accidentally dropped my spoon awhile
ago. Kaya nakita ko sa ilalim ng lamesa na inilabas
niya ang right leg niya nang pulutin ko ang kutsara.
Pagtayo ko nasa lapag ka na."
"P-Pinatid niya talaga ko. Baka matis ko pa
kung nadapa lang ako, ang kaso nadamay pa si Lola
Paulina. Lalo lang siyang magagalit sa akin ngayon."
"Lalo? Bakit? May galit ba siya sa'yo?"
Napayuko ako.
"w-Wag na lang nating pag-usapan." iwas ko.
Ayokong lumabas na sumbungera. Saka less talk, less
mistake.
"Callie." tawag niya saka hinagip ang baba ko.
Nagtama ang mga mata namin.
Dug. Dug. Dug. Anak ng...ano ba! Bakit ba
naging abnormal na tong tibok ng puso ko? Nagiging
timang na yata ako.
"Can you please tell me everything?"
Napabuntong hininga ko.
"Di naman sa naninira ako pero.."
Ikinuwento ko na sa kanya lahat. Kahit iyong
naging sagutan namin ni Carla sa kitchen.
"Tingin ko may gusto talaga si Carla sa'yo. Kaya
niya ko pinag-iinitan. Pero iyong Lola mo,
naiintindihan ko kung bakit hindi niya ko feel. Baka
iniisip niya na baka sinasamantala kita o kung ano pa
man. Okay lang naman sa akin. Nandito lang naman
ako para kay Harlie. Ang hiling ko lang sana, 'wag
umabot sa punto na mag-away kayo ng Lola mo dahil
lang sa akin. Lola mo iyon, eh.
Kaya naisip ko na..baka panahon na para umalis ako.
Tutal may tiwala naman na ako sa'yo na hindi mo
ilalayo sa amin si Harlie. Magkaibigan na tayo di ba?"
tanong ko pa.
Mabuti na rin sigurong umalis ako. Habang maaga pa.
Habang kaya ko pang pigilan ang dapat pigilan.
Nakita kong sumeryoso bigla ang mukha niya.
"You don't have to go. This is my house. Ako
ang magdidesisyon kung sino ang gusto kong
patirahin."
"Pero Carter, baka lalo lang magkagulo kapag-"
naputol ako nang hawakan niya ang kamay ko at
diretso akong tinitigan sa mga mata.
"You'll stay. Harlie, needs you by his side. And I
constantly want you by my side.."

Chapter 38
"You'll stay. Harlie, needs you by his side. And I
constantly want you by my side.."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Carter.
"C-Constantly?" paniniguro ko.
"Yes.pwede naman siguro yon di ba? I really like
being with you." walang kakurap-kurap na sagot niya.
Bigla kong nabawi ang kamay ko na hawak niya.
"-H don't think that's gonna happen.
"You don't want to be with me anymore?" bumakas ang
pagkadismaya sa mukha niya.
Parang gusto kong bawiin ang sinabi ko pero ayokong
lokohin ang sarili ko. Sa totoong buhay kasi hindi palaging
nangyayari ang pantasiya.
"Hindi pwede na magkasama tayo palagi. Alam nating
dalawa na hindi ako permanente dito. Hindi ako
magtatagal. Hiram lang ang mga oras na nandito ko. Kung
hindi lang nacomatose si Hailey, siya dapat ang kasama
mo. Hindi mo naman siguro nakakalimutan 'yon di ba?"
He sighed. Marahang tumango.
"Yeah. Siya dapat ang nandito. Pero masama ba kung
ikaw palagi ang gusto kong nasa tabi ko?"
Napalunok ako. Parang tatalon ang puso ko palabas sa
mga sinabi niya. Baka himatayin na ko kapag may
idinagdag pa siya. Napatayo ako sa katarantahan.
"Uhm malapit nang magsimula ang writing workshop,
kailangan na nating pumunta doon, baka matraffic pa tayo
pang-iiba ko sa usapan dahil ayoko na nitong awkward
atmosphere na lumulukob sa amin.
Ayoko mang mag-assume pero posible bang, tulad ko..
mayroon na ring nagising na damdamin si Carter para sa
akin? Napasapo ako sa ulo. Parang kumirot sa realisasyon
na may nararamdaman na nga ako para sa kanya.
"Okay ka lang?" tanong niya nang makitang napasapo ako
sa noo.
"O-0o, kukunin ko lang ang bag ko tapos alis na tayo?"
Tumango naman siya. Kinuha ko ang isang basong tubig
bago umalis sa dining at nagdiretso na paakyat sa silid
namin ni Harlie.
Napasandal ako sa pintuan bago diretsong ininom ang
isang basong tubig. Parang nagbara talaga ang dibdib ko.
Napatingin ako kay Harlie na gising at naglilikot sa crib
niya.
Marahan akong lumapit at minasdan siya. Inilapag ko sa
side table ang baso bago ko siya kinarga at umupo sa
kama.
"'s Sorry." pinangiliran ng luhang kausap ko sa kanya.
Hindi ko alam kung bakit bigla akong napasorry. Ah oo
nga pala. Dahil guilty ako. Guilty ako sa nararamdaman ko
para kay Carter.
Hindi dapat nangyayari ito kung nagising kaagad si Hailey.
Kung siya ang kasama ni Carter. Baka sila ang
nagkamabutihan.
"Wag kang mag-alala baby, dahil kahit may
nararamdaman ako sa daddy mo, hindi ako magiging
dahilan para masira ang pangarap ni Hailey na mabuo
kayo. Kayo kong kontrolin 'to. Siguro masiyado lang na-o-
overwhelm ang Tita kay Daddy. Bukod kasi sa pogi na
siya, mabait pa. Pero sigurado ko, lilipas din to kapag
wala na ko dito. Tulungan mo kong magpray na magising
na ang Mommy mo ha? Dapat maputol na 'tong
kalokohan ko. Hindi kasi pwede."
Napapikit ako. Now it's clear. Carter, awakened my silly
heart.
"Ang laki pala talaga ng publishing mo, marami ba
kaming aattend ng workshop?" usisa ko habang gumagala
ang paningin sa paligid ng publishing house niya.
Ayokong maging awkward kami kaya dinadaldal kO
siya tulad ng dati. Wala mang aminang naganap pero
pakiramdam ko noong nasa sasakyan kami kanina at
parehas tahimik, parang bigla na lang nagkaroon ng wall
sa pagitan namin. Kaya ako na ang unang bumasag ng
awkward silence ngayon.
"Medyo, by 5 pm tapos na kayo niyan. Sabay na
tayong umuwi." kaswal na sagot niya.
sa'yo."
"'Sige
"Sa labas na tayo magdinner."
"Okay, ako ang taya. Saka may ibibigay rin ako
Parang biglang nagliwanag ang mukha niya.
"What is it?" parang nahimigan ko pa ang
excitemnent sa tanong niya.
"Basta. Secret na lang muna."
"I don't like surprises, but fine, I'll wait. Well here we
are. binuksan niya ang pintuan kung saan gaganapin ang
writing workshop.
Pansamantalang nabura ang mga agam-agam ko
dahil gusto ko talaga lumawak pa ang mga kaalaman ko
tungkol sa pagsusulat. Malawak ang function room, sapat
para sa halos trentang tao na nasa loob. Wala akong
kakilala.
Dumapyo sa balat ko ang malamig na hangin galing sa
aircon. Sa loob ay may ilang pabilog na mesa na
nalalatagan ng puting tela. Bawat mesa ay may apat
hanggang limang plastic na upuan na nakapalibot. May
mini stage sa gitna at malaking screen projector.\
Naupo ako sa isang bakanteng mesa. Hindi pa man ako
nagtatagal nakaupo nang may magsalita.
"May I sit here?"
"Jacob! 0o naman." napangiting sabi ko.
Ngumiti din siya at hinila na ang silya sa tabi ko.
Bagay na bagay sa kanya ang grey sweat shirt at
pantalong maong na suot niya. Casual lang pero malakas
ang dating.
"So kasama ka pala dito."
"0o, alam mo na para mas marami akong
matutunan."
"I see. At least may kilala ko."
"Oo nga, eh. Wala rin akong kakilala dito." tugoń ko.
Nailang ako nang titigan niya ko.
"B-Bakit2"
"'Sorry, I'm just wondering, bakit ka nga pala nagtitiyagang
makisama sa aming mga contract writers? Pwede ka
naman sigurong paturuan ng husband mo privately di ba?"
"Husband ko?" maang na tanong ko.
"Yes. My boss. Si Sir Carter. Dapat pala Ma'am ang itawag
ko sayo kasi-"
"Who says l'm married?" napaenglish talaga na tanong ko.
"Ha? Hindi ba? Kaya nga hindi mo pa inaaccept ang friend
request ko sa f*
"Teka ano namang kinalaman ng friend request mo?"
"Baka nagalit si Sir Carter kaya hindi niya ko pinaaccept
sa'yo.
"Sira, busy lang ako. Teka wait," hinugot ko sa bag ang
cellphone ko.
Ini-on ko ang data ko at nagdiretso sa f******k app.
Iniaccept ko ang friend request niya na ilang linggo na
palang nakapending.
"Bihira akong mag-open, eh. Pero friends na tayo ngayon."
sabi ko at ipinakita pa sa kanya na pinindot ko ang
confirm button.
"Okay lang kay Sir?"
"Oo naman, okay lang sa kanya. Okay lang sa future
brother-in-law ko."
Bahagyang namilog ang mga mata niya at parang
nagliwanag pa ang mukha. Siguro narelieve siya na hindi
na awkward makipag-usap sa akin, knowing na wala
naman siyang dapat pangilagan.
"Ibig sabihin, iyong baby"
"Pamangkin ko. Anak ng sister ko kay Carter."
"Oh..wow!"
"Ano'ng wow?"
"W-Wala, uhm, wala naman palang magagalit kung sakali."
"Sakaling ano?" tanong ko.
"Ah, kung maging magkaibigan talaga tayo.
"Oo naman, I can be friends with whoever I want to be
friends with."
"That's good to hear."
Nang magsimula na ang writing workshop ay parehas na
kaming nagfocus ni Jacob, lalo nasa mga guest speaker
na mga successful authors na.
"Okay pala 'tong workshop na to. May matututunan ka na,
may free merienda pa." ani Jacob habang kumakain kami
ng cheesy spaghetti na may kasama pang mango juice.
"Yup. Busog na sa kaalaman, busog pa ang tiyan." sang-
ayon ko.
"Sandwich po." anang isang staff at naglagay sa gilid ng
table ko ng isang malaking sandwich na nasa foil pa.
Akmang tatalikod na siya ng pigilan ko.
"Miss, iyong sa kanya?" turo ko kay Jacob.
"Ay, wala pong iniabot sa akin si Sir Carter, sa inyo lang
daw po 'yan, eh."
"Carter?
Tumango ang babae sa bandang pintuan ng function
room. Nandoon nga si Carter. Nakasandal siya habang
nakahalukipkip at nakatingin sa akin. Napangiti ako.
"Thank you," I mouthed.
Nakangiting tumango naman siya at lumabas na.
"Hati tayo," alok ko kay Jacob, dahil ang laki nung chicken
and ham sandwich na bigay ni Carter.
"Hindi na. Exclusive lang 'yan sa'yo." tanggi niya nang
hatiin ko ang sandwich.
"Sus, nahiya ka pa. Sige na. Hindi ko rin mauubos to."
inilagay ko sa kamay niya ang sandwich na nasa foil
matapos kong hatiün iyon.
"Sweet ka pala.." napahalumbaba pang sabi niya at
tinitigan pa talaga ko.
"Loko, hindi ko lang talaga mauubos 'yan. Kaya kainin mo
na." umiwas ako ng tingin at nagsimula ng kumain.
"Sweet din sa'yo ang brother-in-law mo."
"Soon to be. Di pa sila married ng kambal ko. Saka
generous lang talaga si Carter."
"Oh, may kambal ka pala. Fraternal or identical?"
"ldentical."
"I bet kasing ganda mo siya. Maganda ka, eh."
Napalunok ako. Appreciative lang ba na tao itong si Jacob
o nagpapahaging?
"Ases naman Callie, nadadalas na ang pagkafeelingera
mo!"kastigo ko sa sarili ko.
"Nice. Ganda ka rin naman." biro ko.
"Ako maganda?"
"Oo, magandang lalaki I mean. Pengeng lima." biro ko
sabay lahad ng palad na ikinatawa niya.
Habang break nag-usap lang muna kami ni Jacob.
Nalaman ko na bread winner pala siya ng pamilya niya.
Lima raw silang magkakapatid, siya ang panganay at
halos tumutustos sa pag-aaral at gastusin ng pamilya
niya. Sayang nga raw at hindi siya nakatapos sa kolehiyo.
Pero nag-iipon lang daw siya at itutuloy na niya ang pag-
aaral. Nastroke daw kasi ang tatay niya at ang nanay
naman niya, naglalabada.
"Sana talaga maachieve natin kahit konti ang mga
narating nung mga author na 'yon, no?" daldal ko pa kay
Jacob nang matapos kami. Palabas na kami ng silid at
sabay na naglalakad.
"Tiyaga lang, kaya din natin yan. Teka, saan ka nga pala
umuuwi? Pwede ba kitang ihatid?" tanong niya at tumigil
kami saglit sa isang tabi dahil hinahanap ko ang cellphone
ko.
"Ah, hindi na kasi-"
"I can take care of her. You may go now, Jacob." ani
Carter na bigla na lang sumulpot sa tagiliran ko.

Chapter 39
"Nakakagulat ka naman." siko ko kay Carter.
"Let's go?" aya niya na wala man lang kangiti-ngiti
Sa mga labi.
"Ah okay. Jacob, mauna na kami. Ingat ka sa daan."
paalam o kay Jacob.
"Sige, ingat din." kaway pa ni Jacob.
Akmang kakaway din ako nang hagipin ni Carter
ang braso ko at hinila na ako palayo.
"Oi, makahatak ka naman, may lakad?" tanong ko
kay Carter habang palabas kami ng publishing house.
"Rush hour na, mahirap matraffic."
"Sabagay." nasabi ko na lang.
Sumakay na kami sa kotse niya.
"Carter, doon na lang tayo kumain kay Mr. Clown,"
turo ko sa McDonalds na nadaanan namin.
Walang imik na itinigil niya ang sasakyan at
nagpark. Sabay pa kaming bumaba, halos manakbo ako
dahil namiss ko talaga si Mcdo.
"Ano'ng trip mong kainin?" tanong ko nang
makapasok kami at pumila nasa counter.
"Anything."
"Sige, ako na pipili."
Umorder ako ng dalawang 2 piece chicken BFF
fries, 2 vanilla ice cream.
"You can eat all that?" halos manlaki ang mga
matang tanong ni Carter.
"Oo naman, saka hindi lang ako. Kakain ka rin."
"Well..okay. Here." iniabot niya sa akin ang pera
pero umiling ako.
"Di ba sabi ko, libre ko?" tanggi ko saka ko iniabot
sa cashier ang 500 peso bill ko.
Si Carter ang nagdala ng mga inorder namin, saka
kami naupo sa bakanteng silya na pangapatang tao.
Magkatapatan kami sa upuan. Sa tangkad ni Carter,
tumatama pa iyong tuhod niya sa tuhod ko sa ilalim ng
mesa.
"Mawawala topak mo diyan." nakangiting sabi ko
habang inisprayan siya ng baon kong alcohol sa kamay.
"At sino'ng may topak?" usisa niya habang nag-
iispray naman ako.
"Ikaw, kanina ka pa kaya nakasimangot diyan. May
problema ka? Kain na."
"Wala, pagod lang siguro."
"Kaya nga, kumain ka na. Nakakawala ng bad vibes
yan. Alam mo dati, kapag nabeburn out na ko sa takbo ng
buhay, niyayaya ko lang si Hailey kumain. Parang stress
eating. Pag may pera, dito kami pupunta, tapos kung wala,
doon kami sa may fishball-an ni Mang turing. Basta kahit
saan okay lang, basta magkasama kami, okay na 'yon.
Opposite nga lang kami nun, ayaw niya kasi ng ketchup.
Ako naman halos isabaw ko nasa fries. Ayaw din niygsa
maanghang, kaya hindi niya trip iyong favourite kong bicol
express. Tapos ayaw na ayaw din nun ng horror movie,
hindi talaga niya ko sinasamahan sa sinehan kapag
ganoon ang papanoorin ko- ay sorry! Ang daldal ko naman
masiyado," awat ko sa sarili ko, nang mapansing nakatitig
lang sa akin si Carter.
"It's okay, it seems like you really really miss your
twin sister."
"Sobra! Tatlong buwan palang siyang wala, pero
parang tatl ong dekada na..sana gumising na siya." nag-
init ang sulok ng mga matang tugon ko. Yumuko pa ko ng
bahagya para hindi matuloy.
"Ay speaking of my kambal, eto pala.." iniabot ko
sa kanya ang isang sobreng puti na kinuha ko sa sling bag
ko.
"What's that?"
"Kunin mo."
Kinuha niya iyon at binuksan. Napakunot noo siya
nang makita ang laman ng sobre.
"Aanhin ko naman 'tong pera?" tanong niya pa nang
makita ang ilang lilibuhing pera. Kulang-kulang na kinse
mil iyon. Kinita ko sa online selling ko.
"Bayad namin ni Hailey."
"Utang? Wala naman kayong pagkakautang sa akin.
Sa'yo 'yan. I won't take it." ibinalik niya ang sobre pero
itinulak ko ang kamay niya.
"Ano ka ba? Amnesia boy? Hindi ba, dinukutan ka ni
Hailey noong gabing magkakilala kayo? Sa akin niya
ginastos iyon para makalabas ako sa ospital. Andiyana
rin ang resibo. Inipon ko talaga 'yan para makabayad.
Thank you na rin kasi, naisalba ang buhay ko noong time
na yon."
"Hindi ako naniningil. Isa pa, worth it naman. You
deserve to live."
"Thank you. Pero kahit na. My twin sister, saved my
life. And I think, I should save her reputation. Iyon man
lang magawa ko. Kahit na tayo-tayo lang naman ang
nakakaalam nun, gusto ko pa ring gawin to. Hindi kasi
ganoon si Hailey. Napilitan lang iyon. Kaya parang awa mo
na, tanggapin mo na 'to."
Napabuntong-hininga siya.
"Okay, for your peace of mind."
Napangiti ako nang kunin na niya ang sobre.
"Ayan! Kain na tayo.
"Thank you pala dito sa treat mo.
"Okay lang. Ikaw na lang lagi, eh. Saka
magpapaalam pala ako sa'yo.
"Hindi pwede."
"Ha? Hindi agad pwede? Wala pa nga akong
sinasabi." natatawang sabi ko habang isinasabaw ang
gravy sa kanin ko.
"Di ba may usapan na tayo? Hindi ka aalis."
"Eh, hindi naman iyon ang ipagpapaalam ko."
"Ano pala?"
"Magpapaalam sana ako kung pwedeng puntahan
ko si Irene? Birthday niya kasi, pwedeng ikaw muna in-
charged kay bebe?"
"Ah..o-oo. 0o naman. Saan ba kayo magkikita,
ihahatid kita."
"Naku 'wag na. Dito na rin ang meeting place
namin. Dadaanan niya ko."
"Okay, once in a while need din nating mag-unwind."
"Yay! Thanks. Ikaw? Napapansin ko parang
homebody ką lang din. Ano'ng outlet mo kapag stress ka?"
"Usually, clubbing with friends. Out of town. Beach,
hiking." tugon niya matapos ngumuya.
"Talaga? Ang active mo naman pala, eh. Eh, bakit
hindi mo na ginagawa ngayon? llang buwan na rin tayong
magkasama pero di ka naman nag out of town, pwera
iyong sa Cebu kasi work related naman iyon."
"Busy, isa pa makita ko lang kayo ni Harlie tanggal
na lahat ng stress ko.
Napatigil ako sa pagsubo. Ano ba! Imagination ko
lang ba 'yong mga titig niyang wagas?
"G-Ganoon daw yata talaga kapag naging magulang
na. Nag-iiba na ang priorities. likot na lang ang buhay sa
anak. Teka sabi mo, hiking? Alam mo, gusto ko rin matry
yan, eh."
"Oh hindi mo pa pala naexperience 'yon? Saya
kaya. Lalo na kapag nasa taas ka na ng bundok. Parang
napapalapit ka na rin sa kalikasan"
"Wala bang mumu sa bundok?" natawa siya sa
tanong ko.
"Wala naman akong naencounter. Aswang pa
siguro, baka meron."
"Naniniwala ka do'n?"
"Hindi rin. Gusto mo hiking tayo? Manghunting tayo
ng aswang."
"Loko! Mahal ko buhay ko, ikaw na lang."
"Duwag." kantiyaw niya.
TILE
"Heh! Kumain ka na nga lang."
Nagkangitian pa kami. And there..my heart almost
explode just by that simple smile of him. This is getting
worst.
"Come to your senses Hailey. You need to wake up now.
You must. Hurry!" hiyaw pa ng utak ko.

Chapter 40
"Naku girl, medyo matagal din tayong hindi nagkita, ah?
Kaya dapat shot ka!" halos pasigaw na ani Irene dahil
hindi kami magkarinigan sa lakas ng sound system sa bar
na pinuntahan namin sa may BGC
"Oo, libre mo naman, eh! Teka asan jowa mo, bakit hindi
mo sinama?" tanong ko saka lumagok ng isang shot ng
kung anumang cocktail drinks 'yon.
"War kami. Kaya tayong dalawa lang, kaya magpakalunod
ka diyan. Hayop na 'yon, di man lang ako naalalang batiin."
himutok niya sabay lagok.
"Ah! Kaya pala dito mo ko niyaya! Magsisenti ka!"
kantiyaw ko.
Usually kasi kapag birthday niya, ililibre niya lang ako ng
food sa resto or fast fo0d o kaya sa bahay niya kasama
family niya.
"Hayaan mo na ko, double purpose ang araw na to."
"Sige, kukunsintihin kita kasi ikaw ang gagasta, pero bakla,
palagi na lang kayong nag-aaway, hindi malabong sa
hiwalayan ang tuloy niyo. Sabi ko naman kasi sa'yo 'wag
mo ng bigyan ng second chance, eh."
"Mahal ko kasi.." teary eyed pang katwiran niya kaya
napailing ako.
"Oh! Oh! Oh! Birthday mo, bawal drama! Magsasaya lang
tayo! Happy birthday bakla! Cheers!" cheer up ko sabay
taas ng mug ko.
"O siya! Cheers! Para sa happiness ko."
"Para sa happiness na deserve mo!" nakangiting sabi ko at
ibinangga ang baso ko sa kanya.
Naghiyawan kami ni Irene nang tumugtog ang booty
music. Nagsayaw na kami kahit parehong kaliwa ang paa
namin. Tulad ng mga tao sa bar, para kaming mga
kabayong nakakawala sa kuwadra. First time ko sa bar
kaya susulitin ko. Talon kung talon, free style step sabay
hagalpakan dahil nagmumukha kaming mga tanga.
Hindi ako lasinggera kaya madali akong tinamaan. Medyo
nalulula ako kapag napapatingin sa mga neon lights na
nasa paligid. Niyaya ko siyang umupo.
"Oi Girl salamat." sabi niya.
"Saan naman?"
"For the friendship, saan pa."
"Ikaw naman, wala 'yon! Kapag ako naman ang down
nandiyan ka rin, eh. Kaya cheers! Happy birthday!"
"Happy birthday to me! Teka maiba, ikaw? Kamusta ka
naman?"
"Okay naman!"
"Really? Pero grabe ka. Ang alam ko instant mommy ka,
eh. Pero bakit parang naging full time housewife ka diyan?"
Bahagya akong natigilan. Muling lumagok sa mug ko.
Bago naglakas loob na sabihin sa kanya ang
bumabagabag sa loob ko.
"Alam mno baks, sa totoo lang nakasanayan ko na itong
sitwasiyon kong ganito. Mag-alaga ng baby. Alagaan si
Carter. Sabayan siyang kumain ng almusal. Ihatid-tanaw
kapag papasok siya sa umaga sa trabaho. Maglinis ng
bahay. Ihele at laruin si Harlie. Magluto ng hapunan at
hintayin ang pag-uwi ni Carter. Parte na sila ng araw-araw
ko..minsan, hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako
ng takot kapag iniisip kong pansamantala lang naman ang
lahat."
Napaawang ang mga labi niya.
"Don't tell me binuhay niya ang natutulog mong
damdamin?" gulat na tanong niya.
Hindi ako nakapagsalita.
"Bakla! Wahhh! Alam kong hindi pwede. Pero kasi.parang
ganoon na nga." ngalngal ko.
"Loka ka Callie. Troutble yan. Di ba sabi mo para lang siya
kay Hailey?" naging uneasy na ang mukha niya.
"Eh, ano'ng gagawin ko? What to do? Before I knew it, I've
grown to love him..so much." pag-amin ko.
"Nainlove ka sa kanya because...?"
"Hayup ka, hindi ko alam kung paano o kung kailan? Basta
bigla na lang tumigidig-tigidig 'yong puso ko kapag
nandiyan siya.
Napainom siya sa mug niya at natutop pa ang bibig,
parang ayaw paniwalaan ang pinagsasabi ko.
"Jusko! Mas complicated na ngayon ang love life mo
kaysa sa'kin! Wala ako sa sitwasiyon mo pero ramdam ko
yong complication. lsipin mo, parang magiging
magkaribal na kayo ni Hailey niyan ngayon, kasi siyempre
kapag nagising siya wala 'yong ibang gagawin kundi buuin
ang pamiyang dapat para sa kanila."
"Kaya nga, eh! Magiging madali lang sana ang lahat Kung
hindi ako ang nakasama ni Carter. Wrong timing talaga
iyong sakit niya sa puso. Pati iyong puso ko ngayon
nadamay."
Napabuntong hininga siya.
"Alam na ba ni Carter iyang feelings mo sa kanya?"
"Siyempre hindi!"
"Eh, siya? May feelings na rin ba for you?"
"Hindi ko alam. Basta, ang sabi lang niya, ayaw niya kong
umalis sa tabi niya, he wants me constantly by his side..."
nakatingin pa sa kawalan na sabi ko habang inaalala ang
pagkakasabi ni Carter niyon sa akin.
"OMG! He already declared his feelings for you! Hindi nga
lang direct pero I think 'yon na 'yon!" siste pa niya.
"A-Ano ka ba? Siguro nasanay lang siyang magkasama
kami. Kaya ganoon."
"Sira! Huwag ka ngang manhid diyan. Alam ko ang kilos
ng mga guys okay?"
"Pero kung ganoon nga, mas malaking problema!"
"Ganito lang 'yan. Mamimili ka na lang kung sino sa kanila
ang kaya mong saktan?"
"Ha? Bakit may sakitan?"
"Girl, siyempre naman! Kapag pinili mo si Carter,
masasaktan si Hailey. Kapag hindi mo naman pinili si
Carter, masasaktan siya. Ang tanong kasi, ano'ng mas
matimbang sa'yo? Ang lukso ng dugo o ang itinitibok ng
puso?"
Napatda ako. Ano nga ba? Pero saglit ko lang
kinuwestiyon ang sarili ko dahil alam ko naman talaga
kung ano ang dapat kong isagot.
"Irene, wala akong ibang ginusto kundi mapabuti si Hailey.
At ngayong narito si Harlie mas dapat akong maging
responsable. Ang pamilya ay pamilya. Napapalitan ang
asawa at boyfriend pero ang pamilya hindi." seryosong
sabi ko.
"At sinasabi mo ngayon na kahit in love ka kay Carter,
hindi siya ang pipiliin mo?"
Napayuko ako at nangilid ang luha saka marahang
tumango.
"H-Hindi kasi pwede. Dalawa ang masasagasaan ko.
Kapatid ko, pamangkin ko. Kung hahayaan kong maging
sila, alam kong kaya ko ang sarili ko. Siguro masasaktan
din ako, pero alam kong makakamove on din ako. Saka
baka infatuation lang 'to o ano kasi palagi kaming
magkasama. Kumbaga parang nadevelop lang ako sa
kanya. Pero alam mo, ang daya naman, eh. Palpak 'yang si
kupido! Pumana na lang, sablay pa! Duling ba 'yon?"
"Siguro nga. Madalas sablay siya. Ang dami kayang tao na
napofall din sa maling tao. Pero sayang kayo girl. First
love mo yang si Carter di ba? Hindi mo talaga bibigyan ng
kahit konting chance man lang? Ang saya kaya mainlove."
"Ah, kaya pala malungkot ka rin ngayon kasi masaya
mainlove?" kantiyaw ko na ikinasimangot niya.
"Tse! Hindi mo kasi alam na pagdating sa love, no pain, no
gain!"
"Ah, bastal Hindi ko kukunsintihin ang sarili ko. Originally
sila naman talaga dapat ni Hailey ang magkakasamá,
extra lang ako dito, eh. Hindi ko kayang
makipagkumpetensiya doon sa mag-ina. Napakasama ko
naman kung uunahin ko ang tibok ng puso ko. Nakaratay
lang si Hailey, eeksena na ko? Kung makikipagmabutihan
nga ako kay Carter, paano na lang kung sakaling lumaki na
si Harlie? Tapos malalaman niya na 'yong Tita niya inagaw
ang Tatay niya sa nanay niya? Di ko kaya! Kaya hindi
talaga pwede. Hindi! Hindi! Hindi! Hind-"
"Oo na! Hindi na kung hindi. Ang pangit nga pala tingnan.
Pero alam mo girl, sa buhay, hindi ka magiging masaya
kung palagi kang makikinig sa sasabihin ng iba."
"Pero hindi nga iba sa akin sina Hailey at Harlie. Kakambal
at pamangkin ko yon! Pamilya ko. Gets mo?"
"Oo nga, alam ko. Ang akin lang naman, paano kaya kung
sakaling dumating na iyong oras na magising na si Hailey,
tapos magkasama na sila ni Carter, pero wala naman pala
talagang nararamdaman si Carter sa kanya? Hindi ba
magiging unfair din kay Hailey na ipipilit niya lang din ang
sarili niya for Harlie's sake? Alam mo naman ang
magulang, kapag palaging nagaaway, anak ang
nadadamay. Kaya ang ending hiwalayan at ang anak rin
ang pinaka-naaapektuhan."
"Teka nga baks, bakit advanced ka mag-isip? Paano mo
naman nasabing hindi maiinlove si Carter sa kanya, kapag
nagsama na sila? Alam mo hindi natin hawak ang isip ni
Carter, eh. Hindi ko rin siya mapipilit na mainlove sa
kapatid ko kung sakali. Bahala na siya kung maiinlove siya
o hindi. Pero ayokong ako ang maging dahilan kung bakit
hindi mabubuo ang pamilyang pinapangarap ni Hailey."
"O sige nandoon na tayo, so ibig sabihin, hindi pa man
nanliligaw si Carter sa'yo basted na?"
"O-0o."
"Hay...sayang talaga kayo. Pero tingin ko, tama rin 'yang
desisyon mo. Mas makakabuti kasi para sa mas
nakakarami. Hayaan mo na, hindi naman ibig sabihin na
natalo ka ngayon, hindi ka na mananalo bukas. You know..
Napatango ako napangiti.

Chapter 41
"Thanks for cheering me up. The best ka talaga Renato."
Umirap siya at bahagya akong tinampal sa braso.
"Okay na sana kaso bakit Renato? Panira ka!"
"Cheers!" angat ko sa baso ko.
And there we went on and on and on. Hanggang sa halos
hindi na kami parehas makatayo sa sobrang hilo.
"Waiter, paorder naman ako. Isang giniling at isang tasang
kanin." senglot ng kausap ko sa waiter.
"Gaga! Ano'ng akala mo nasa karinderya lang tayo?"
saway ni Irene sa akin.
"Bakit ba? Sa qusto ko 'yon, eh! Alam mo ba noong
nagluto ako ng giniling, nagustuhan ni Carter. Best ulam
daw na natikman niya." kwento ko at dumukmo nasa
Counter.
"Ah, giniling, bagay sa puso mong hindi napagbigyan ang
hiling?" pang-aasar niya sabay tawa kaya naman napairap
ako.
"At sa'yo dinuguan para sa puso mong sugatan! Hahaha!'"
ganti ko.
"Ge, tawa ka! Kain ka na lang ng lumpia para sa puso
mong nahopia!"
"Sa'yo nilaga dahil para sa kanya, hindi ka mahalagal"
tawa ko pa.
Pasimple akong sinabunutan ng bading.
"Tse!"
"T-Teka, maiba tayo, ano'ng oras na ba?"
Tumingin siya sa relos.
"Mag-a-alas onse na."
"Ha?! Paalam ko kay Carter hanggang9 lang ako! Saka
baka hinihintay na ko ng Bebe ko." dali-dali akong tumayo.
Huli na para marealize kong pasuray-suray nga pala ang
lakad ko. Plakda ako sa lapag. Bago pa ako makatayo
may dalawang malalakas na bisig na sumaklit sa may
bandang kili-kili ko. Ginawa pa akong bata.
"S-Salamat, DC?" napakapit sa mga braso niyang
pangingilala ko.
"Uwi na tayo."
"K-Kanina ka pa ba dito?"
"No."
"Ba't ka nga pala nandito?"
"I came to pick you up. Sabi mo kasi 9pm nasa bahay ka
na. Akala ko kasi kung napaano ka na.
"Oh..." nasabi ko na lang. Nainform ko nga pala siya
kanina kung saang bar kami.
"Uwi na tayo?" tanong pa niya.
"S-Sige, nahihilo na rin ako, eh."
"Irene, halika na, sabay ka na sa amin. Saan ka ba umuuwi?
" baling niya kay Bading na natulala na naman kay Carter.
"Ay sige, hilo na rin me. Malapit lang ako, hindi ka ma-a-
out of way."
Sumabay nga sa amin si Irene. Ang bruha humilata nasa
likod ng kotse ni Carter kaya sa tabi na lang ako ni Carter
umupo.
"Si Harlie? Sino'ng nagbabantay?" aandap-andap na ang
mga matang tanong ko matapos niyang ikabit ang
seatbelt sa akin. Bukod sa nalasing, inaantok na rin talaga
ko.
"Si Lola, isinama na nga niya sa kwarto kasi sabi ko
susunduin kita."
"Nakakahiya naman sa kanya."
"Okay lang yon. Magaling mag-alaga ng baby si Lola.
Sanay siya sa'kin dati. Anyway, nag-enjoy ka ba?"
Napangiti ako sa tanong niya at sumandal sa upuan.
"Oo, saya, eh. Sana sumama ka, para mas masaya."
nakapikit na sagot ko.
"I'm glad to hear that. Na mas masaya ka kapag kasama
ko."
"H-Ha? Ano kasi..di ba sabi nila the more the merrier?"
katwiran kong napamulat ulit ang mga mata.
"Okay...maybe next time."
Pinaandar na niya ang sasakyan. Sinabi ko sa kanya kung
saan nakatira si Irene. Huminto kami sa isang studio type
apartment kung saan nakatira ang bading.
"Oi! Giseengg!" tampal ko sa braso ng bruha.
"Ako na." bumaba si Carter at nakigising na rin.
Nakamalay naman siya at pagirl pang bumaba.
"Kaya mo ba?" tanong ni Carter at bahagya pa itong
inalalayan tumayo.
"Oo nemen. Kayo ba? Kaya niyo bang magtaguan ng
feelings forever?" malokong tanong ng bakla kaya
naalarma ako. Binato ko siya ng air freshener ng kotse ni
Carter. Sapul sa braso.
"Aray ha! Pasok na nga ako. Thanks Daddy Carter."
maharot na paalam nito ni Carter.
"Welcome, anyway happy birthday." bati ni Carter at
inabutan pa ito ng maliit na box ng cake na kinuha niya sa
compartment ng kotse niya.
"Wow! Buti ka pa ang sweet! Thank you." halos kuminang
pa ang mga matang aniya.
"Good night! Stay happy!" kaway ko pa nang paandarin na
ni Carter ang sasakyan.
Nang makarating kami sa bahay ay nauna na kong
bumaba. Matik nag-ekis kaagad ang paa ko kaya natapilok
ako sa damuhan.
"Callie, intayin mo kasi ako." saway ni Carter nang
makababa ng kotse.
"Kaya ko, teka saan ba galing ang punta mo?" natatawang
tanong ko.
"What? Ano bang sinasabi mo?" kunot noong tanong niya.
"Hindi ko rin alam. Hehe." tatawa-tawang sagot ko kaya
napangiti siya sabay iling.
"Halika na." isinampay niya ang braso ko sa balikat iya.
Ramdam ko tuloy ang init ng katawan niya.
"T-Teka lang naman kuya, masiyado naman tayong close,
baka magkapalitan tayo ng mukha." puna ko dahil hindi
naman ako sanay madikitan ng lalaki.
"Whatever. Let's go." pambabalewala niya at lumakad na.
Since hindi ko na rin kaya sumunod na lang ako. Hawak
niya pa ko sa bewang habang naglalakad kami papasok.
"Bakit kasi nagpakalunod ka?" tanong niya habang
umaakyat kami ng hagdanan.
"Nagkatuwaan lang. Konting kwentuhan na rin ng mga
issues sa buhay. Lam mo na.
"No. Ano bang issues mo sa buhay? Baka makatulong ako.
"Ikaw nga dahilan kung bakit ako naguguluhan." halos
nakapikit nang sagot ko.
"What did I do?" seryosong tanong niya nang makapasok
kami sa kwarto namin ni Harlie.
"W-Wala..."
Nagulat ako nang ipihit niya ko at isandal sa cabinet.
Nakadikit siya sa akin at halos gahibla na lang ang layo ng
mukha niya sa akin.
"C-Carter?"
"Akala mo ba, ikaw lang ang naguguluhan?" halos paanas
na tanong niya habang pinagmamasdan ang mukha ko.
Napalunok ako. Bumilis na naman ang tibok ng puso lalo
na nang ipuwesto niya sa tagiliran ko ang mga braso niya.
"Palagi kitang naiisip. Palagi ko ring tinatanong ang sarili
ko kung sigurado na ba ako? Kung gano'n ka rin kaya
sa'kin?"
Nanlaki ang mga mata ko nang marahan siyang yumukod
at unti-unting tinatawid ang distansiya sa pagitan namin.
"Callie.. think 1-"
"I think kailangan kong magbanyo. Natatae ako!" putol ko
sabay lusot sa mga braso niyang nasa magkabilang gilid
ko.
Kahit nahihilo nakapunta naman ako sa banyo at naglock
sa loob. Hindi naman talaga ako tatae.
Napapikit ako at nagpakawala ng hangin. Dalawang beses
akong napautot. Natense na naman kasi ako. Ang baho.
Nagpunta ako sa sink at naghilamos na rin.
"Callie...I think I-"
Napailing ako. Ano kaya iyong sasabihin niya? Ayokong
marinig. Baka lalo lang magulo mundo ko.
Paglabas ko wala na siya. Napaupo ako sa kama sabay
higa. Ipinikit ko ang mga mata ko. Ayoko na munang mag-
isip.

Chapter 42
Hailey
"Oh, Cal nandiyan ka na pala. Nagluto na ko," nakangiting
bati ko kay Callie na kadarating lang galing trabaho.
Hindi siya sumagot kaya itinigil ko muna ang paghahayin
ko sa lamesa.
Humiga siya şa yantok na sofa namin. Ni hindi na
nakapagtanggal ng sapatos. Pagod, malamang.
"Okay ka lang ba?" usisa ko saka ko siya nilapitan.
"Medyo masama lang ang pakiramdam ko."
Matamlay ang boses niya.
"Namumutla ka. Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ko
at sinalat ang leeg niya.
"Callie? Ano'ng medyo masama ang pakiramdam?I naapoy
ka na ng lagnat! Halika magpalit ka ng damit tapos
magpahinga ka na," inalalayan ko siyang tumayo
papuntang kwarto at tinulungang magpalit ng damit.
Humiga kaagad siya kaya binalutan kO na ng kumot dahil
ginawa na ginaw daw siya.
"Magluluto lang ako ng noodles. Iyon na lang muna ang
kainin mo para makainom ka na rin ng gamot. Tulog ka
muna,' nagmamadaling nagtungo ako sa kusina para
ipagluto siya.
Nang makatapos ay bumalik ako sa silid. Konti lang ang
nakain niya.
"Huwag ka na lang muna kaya pumasok bukas? Ititext ko
si Irene para sabihin sa boss niyo na hindi ka muna
makakapasok," kausap ko sa kanya habang pinupunasan
siya ng basang towel sa magkabilang braso niya at noo
para bumaba ang temperatura niya.
"Hindi pwede, maraming plano. Saka sayang ang isang
araw. Malaki-laki din 'yon," tutol niya kaagad.
Napabunto ng hininga ko. Sobrang sipag niya kaya siguro
nasasagad niya minsan ang katawan niya. Hindi ko naman
siya masisi. Siya lang ang nagtatrabaho para sa aming
dalawa.
"Pero baka kung mapa'no ka na niyan? Di ba kahapon
masama rin ang pakiramdam mo? Parang pabalik-balik na
yang lagnat mo, mas malala nga lang ngayon."
Nag-aalala talaga ko sa kanya.
"Kaya ko Hailey. Bukas okay na ko. Magreview ka na. Di
ba exams niyo na bukas? Wag mo kong alalahanin kaya
ko ang sarili ko."
Napailing na lang ako. Gusto niya makatapos ako kaya
doble sipag talaga siya magtrabaho. Kahit gusto kong
tumulong ayaw niya. Baka raw kasi hindi kayanin ng puso
ko. May depekto kasi.
Napakaswerte ko sa kambal ko. Lahat ginagawa niya para
guminhawa ang pamumuhay namin. Kahit na isinakripisyo
niya ang sarili niya. Tumigil kasi siya sa pag-aaral at
nagtrabaho na lang.
Nagconcentrate ako sa pag-aaral.
Habang nag-l-exam naisip ko siya, nagpilit pa rin kasing
pumasok kahit medyo may lagnat pa siya.
Sakay na ko ng jeep pauwi nang tumunog ang cellphone
ko. Si Callie.
"Hello Cal?"
"Hailey. Si Irene 'to."
Siya ang best friend ni Callie sa trabaho. Isa siyang
magandang binabae.
"Ah Irene, bakit? Saan si Callie?"
"Naku! lyon na nga! Nandito kami sa ospital. Nawalan ng
malay habang nagtatrabaho. Inaapoy ng lagnat, punta ka
na dito ha? Wait kita," halata ang pag-aalala sa boses niya.
Halos tuliro ako. Baka kasi kung ano ng lagay ni Callie.
"O 'wag kang matataranta, ha? Baka kung mapa'no yang
puso mo. May dengue si Callie. Medyo severe kasi ang
baba ng platelet counts niya. Nagnose bleed pa siya
kanina. Ako na muna ang nagdown kasi hindi siya
maiiadmit dito. Alam mo naman ang hospital policy," ani
Irene nang magkita kami.
"Magiging ayos lang ba siya?" naiyak na tanong ko.
"00, pero makoconfine muna siya. Sasalinan pa ng dugo.
Tapos siyempre mayat-maya ang swero kasi pag ganyan
pala sabi ni Doc bumababa ang level ng tubig sa katawan
kaya dapat monitored talaga siya."
"S-Sige salamat. Hayaan mo ibabalik ko sa'yo ang
pinambayad mo dito. May naitabi pa naman kami.'
"Huwag mong isipin' yon. Ang importante gumaling siya.
Aayusin ko na rin muna ang PhilHealth niya para
makabawas sa bills."
Nanlumo ako. Nakaalis na si Irene. Pero halos tuliro ako.
Konti lang naman ang naitabi namin. Hindi ko alam kung
sasapat iyon. Ang dami rin naming bayarin.
"Callie, 'wag kang mag-alala gagawa ako ng paraan. Ako
naman ngayon," nangingilid ang luhang kausap ko sa
kanya.
Natagpuan ko na lang ang sarili ko na lumalapit sa isang
kaklase ko. Si Sunshine.
Medyo close kami at ang alam ko nagtatrabaho siyang
isang waitress kaya magbabakasakali ako na baka
matulungan niya ko.
"Te, maliit lang sweldo sa pagwiwaitress. Sa totoo lang
front ko lang naman 'yon."
"Ano'ng front?" maang na tanong ko.
"Parang sideline. Tutal nadulas na rin lang ako, sige
sasabihin ko sa iyo ang totoong trabaho ko. Pero shut up
ka lang, ah?" aniya kaya mabilis akong tumango.
"A-Ano ba talagang trabaho mo?"
Luminga siya saglit sa paligid. Konti lang ang tao sa
cafeteria at magkakalayo pa ng table.
"Escort ako."
"E-Escort2"
Marahan siyang tumango.
"A-Ano'ng eksaktong ginagawa ng escort? Hindi ba
pareho lang'yon sa..."
Hindi ko maideretso baka kasi maoffend slya.
"Sa pokpok?"
"Sorry."
"Naku okay lang, sanay na ko. Kalimitan, iyan talaga ang
iniisip sa mga kagaya namin. Pero ang totoo mag-a-
accompany lang tayo ng mayayamang kliyente sa mga
social event. Tulad ng mga pulitiko. Eh, di ba puro
payabangan naman alam ng mga 'yon? Kaya kapag may
kasama silang magandang babae, sikat sila."
"H-Hindi ka ba nila gagalawin?"
"Depende sa'yo. Pero alam mo, sa California nga legal ang
pag-i-escort. May license pa ngang ibibigay kapag escort
ka. Bawal doon na galawin ang escort. Maliban na lang
kung magaling lumusot."
"Masisiguro mo bang hindi ako mapapahamak kapag
pumayag ako?" alanganing tanong ko.
"Oo naman. 'Wag kang mag-alala safe 'to. Nasa sa'yo na
lang kung mag-o-all the way ka. May isang event akong
pupuntahan. May kumuha na ng service ko. In fact suki ko
na itong lalaki tuwing may party siyang pupuntahan.
Gentleman. Never niya kong inaya na mag-alam mo na?
May pinapagselos na gf at ako ang ginagamit. Ang sabi
niya may kaibigan siyang iniwan daw ng jowa. Kaya
nagtatanong sa akin kung may maisasama raw ba ako
para maaliw naman iyong friend niya. Ano game ka?"
Napalunok ako. Para kay Callie.
"S-Sige."
Natagpuan ko na lang ang sarili ko na umaattend sa isang
party. Suot ang red dress above the knee at 3 inches heels
habang napapanganga sa mga magagarang sasakyan na
pumaparada sa venue ng event.
Nilagyan niya rin ako ng make up at kinulot-kulot ang dulo
ng buhok ko.
Birthday party pala iyon ng isa sa Senator ng Pilipinas.
"Huy. Ano ka ba, hindi na hahaba iyang suot mo kahit
hatakin mo pa 'yan nang hatakin, saka ang ganda-ganda
mo tonight! Di ko akalain na may itinatago ka palang
ganyang appeal. Kaya be confident 'no!'" puna ni Sunshine
nang mapansing panay ang hatak niya sa damit.
"Hindi kasi ako sanay."
"Alam ko. But you should be. Saka required 'yan. Dapat
pleasant looking. Para kung sakaling magustuhan ka ng
date mo ngayong gabi, eh, di baka i-invite ka ulit diba? 0
kaya naman sa dami ng pulitiko dito, baka isa sa kanila
magustuhan ka. Eh, di mas maganda!"
"O-Okay. Salamat pala ulit, ah?"
"Naku saka ka na màgpasalamat. Kapag bayad ka na.
Hanapin mo kami ni Paul after the event. Siya ang kumuha
ng service mo kaya siya ang magbabayad sa'yo,' tukoy
nito sa suki raw nitong gentleman na customer.
llang saglit lang kaming naghintay nang sikuhin ako ni
Sunshine kaya napalingon ako.
Nakita kong ngumuso siya sa dalawang papalapit na mga
lalaki. Parehas gwapo at nakatuxedo ang mga ito.
"Here they are..." bulong ni Sunshine.
"Hey Shine!" bati ng isang lalaking medyo tanned skin at
humalik sa pisngi niya.
"Hi Paul!" halos magningning ang mga matang bati ni
Sunshine.
Napasulyap ako sa isang lalaking kasama niya na tahimik
lang. Mas matangkad ito kaysa kay Paul. Fair skin.
Matangos ang ilong. Medyo may pagkachinito at sobrang
gwapo..
Para sa akin mas pogi siya.
"ito na ba ang request ko sa'yo?" ani Paul at tumingin sa
akin. Bahagya akong ngumiti.
"She's pretty. I'm Paul," pakilala niya sabay abot sa akin ng
kamay kaya nakipagkamay ako.
"Hailey."
"Nice name. By the way this is my friend. Carter. Ikaw na
bahala sa kanya. Aliwin mo, medyo broken, eh,"
nangingising ani Paul habang nakasulyap sa kaibigan.
"Shut up," saway kaagad nung Carter saka bumaling ang
tingin sa akin.
Nahigit ko ang hininga ko. Biglang kumabog ang dibdib ko.
Kabado talaga ko. Sa aming dalawa ni Callie, ako ang shy
type kaya hindi ko alam kung paano ko ihahandle ito.
Konti nga lang kaibigan ko sa school tulad nitong si
Sunshine, dahil may pagka-introvert talaga ko.
"Let's go!" masiglang ani Sunshine kaya pumasok na kami
sa malaking venue.
Nagkasulyapan lang kami ni Carter. Hindi ko alam kung
paano ko ba siya kakausapin? Sabay kaming umakyat ng
hagdanan papasok.
"Uhm..S-Sir.." halos maumid na tawag ko sa kanya.
"Carter. Call me Carter," kaswal na sagot niya.
Nakahinga ako nang maluwag. Akala ko suplado.
"Hailey po ang name ko," pakilala ko.
"Drop the po and the formality. Hindi ako 'yong Senador,"
bahagya na siyang ngumiti.
Pakiramdam ko nanlambot ang tuhod o. I was
mesmerized.
"Ay kabag!" halos tili ko dahil natikod ako pag-akyat ko
kung kailan malapit na kami sa pintuan ng venue.
"Careful," ani Carter at hinawakan ako sa braso kaya
napatingin ako sa kamay niya.
Ang hahaba ng mga daliri niya at malinis din ang mga
kuko. Kamay mayaman.
Ang init ng palad niya.
"T-Thank you."
Halos malula akO sa laki ng venue.
Napakakintab ng sahig. Air condition din sa loob.
At mistulang ang mga malalaki at maladiyamanteng
chandeliers ang nagbibigay liwanag sa lugar.
Bumabaha ng pagkain at alak.
Magaganda rin ang arrangements ng tables and chairs.
Pinaghandaan talaga. Pabonggahan din ng kasuotan ang
mga nagsidalo.
Naupo kaming apat sa isang table.
"Hindi ba artista yon?" kulbit ko kay Sunshine nang
mamukhaan ang isang sikat na matinee idol.
"Oo. Masanay ka na. Kapag ganitong malalaking event,
magsasawa ka sa artista!"
"Pwedeng magpapicture?"
"Sira! Escort ka ngayon, hindi fan okay?"
Napanguso ako.
"Eh, crush ko kasi 'yon, eh."
"Ay naku, kung hindi siya suplado baka pwede. Pero day
may ilang suplado kasi, nasupalpal na ko one time ng
isang actress. Kaya dala ako."
"Anyone?" alok ni Carter nang lumapit ang isang waiter na
may dalang finger foods.
Nagsikuha sila.
Ipinaglagay ako ni Carter sa isang platito.
"Share na lang tayo dito?" aniya kaya tumango ako.
Ang gentle niya kausap. Ang sarap sa tenga ng boses niya.
Napahawak ako sa labi nang malasahan ang kinain ko.
"Something wrong?" puna niya kaagad.
Mabilis akong umiling.
"Ang sarap lang kasi nito. Ano'ng tawag dito?"
"I think it's Spicy Pineapple Proscuitto tarts."
"Proscuitto?"
"Dry cured ham."
Napatango tango ako. May natutunan ako tonight.
Ang bait niya. Akala ko pag mayaman, mga supladoát di
makausap ng matino lalo na pag di kayo magkalevel.
Nagspeech si Senador Bayla. Pagkatapos noon
palakpakan.
Nagsimula ring tumugtog ang isang live band.
Kumanta doon ang isang singer na lalaki.
"Guys sayaw lang kami, ah? Carter enjoy ka lang diyan!"
kantiyaw ni Paul sa amin kaya naiwan kaming dalawa.
Busy na si Sunshine kay Paul. Dapat lang na gawin ko ang
trabaho ko. Ako dapat ang mas madaldal.
"Carter, kaanu-ano mo si Senator Bayla?"
"Ninong ko."
"Wow. Politician ka rin ba?"
"Nope. Wala akong balak pumasok. Okay na ko kasama
ang mga libro. Walang ingay, marami ka pang knowledge
na mapupulot."
"Meaning?"
"I own a publishing company."
"Publisher ka? lyong kapatid ko frustrated writer. Kapag
nakapagsulat na siya, sasabihin ko sa inyo magpasa. Saka
- ay sorry daldal ko ba? Gusto ko lang kasing wag kang
mabored." medyo nagmenor ako kasi pansin ko nakatitig
lang siya.
"It's okay. I'm just wondering, well..okay lang din naman
kung hindi mo sagutin."
"Ano ba 'yon?" malumanay kong tanong.
"First time kong makipagdate sa..escort? Gaano mó na
katagal ginagawa to?"
"Ah..first time ko. And last na rin. Hindi ko na uulitin,
mabilis kong sagot.
"Why? Bad experienced ba ko?"
"Hindi-hindi! Ang bait mo nga, eh. Kaya lang kasi wala
naman talaga akong balak dapat na gawin to. Gipit lang
kasi ako. Maswerte nga ako, ikaw kliyente ko. Thank you,
ah?"
"Wala 'yon, tara kain na lang muna tayo?"
Tumango ako. Unfamiliar ang mga dishes pero sobrang
sarap.
Pag hindi ko maiwasang magtanong tungkol sa food,
maagap naman ako sinasagot ni Carter.
Ramdam kong humble na tao si Carter.
Wala akong makita ère o yabang sa katawan niya.
Crush ko na yata siya...

Chapter 43
Hailey
Lumalalim na ang gabi. At nag-i-enjoy naman akong
kasama si Carter.
Mayamaya lang ay inabutan ako ni Carter ng isang baso
ng alak.
"H-Hindi ako umiinom, sorry."
"That's okay. Means, two glasses for me," nakangiting
aniya.
Hindi ko na alamn kung saan na nagpunta sina Sunshine.
Ang laki naman kasi nitong venue.
"Sana makatayo ka pa," biro ko dahil hindi ko na alam
kung pang-ilang baso na iyong nainom niya.
"Sorry. Hindi naman talaga ako palainom. It's just that..
feel like l could forget her if.."
"Kung maglalasing ka?" putol ko dahil parang nagbubuhol
na ang dila niya.
Tumango siya. Namumungay na rin ang mga mata niyang
may mahahabang pilik.
"She just left without a word and.. don't know. lIt's not
fair..."
I simply patted his head.
"Okay lang 'yan. Kung iniwan ka baka may ibang nakalaan
para sa'yo
"Sana...hmm would you like to dance?" biglang alokiiya
habang nakatingin sa pares ng mga nagsasayaw sa gitna
ng venue.
"Kung kaya mo pang tumayo, why not?"
Natawa ito.
"Sige medyo tipsy na rin ako. I think I should go home,"
aniya at biglang tumayo.
"O teka! Samahan kita!" medyo nataranta ko.
Lumabas kami ng venue na hawak-hawak ko ang braso
niya. Medyo gumegewang na kasi talaga siya.
Sinubukan kong tawagan si Sunshine pero out of reach.
Bukas ko na lang siya sisingilin.
Ipinasok ko ang cellphone sa purse ko.
"S-Saan ka ba nakatira?" tanong ko kay Carter.
"Diyan lang..." nangingising sagot niya habang
namumungay ang mga mata.
Wala na to. Bagsak na. Hindi ko naman siya pwedeng
pabayaan. Responsibilidad ko siya.
"Ano'ng diyan lang? Saan yon? Magtaxi na lang tayo. Baka
mabangga pa tayo pareho kung magmamaneho ka?"
"Sige. Turo ko sa driver kung saan ako."
Nang makalabas kami ay nakapara naman ako ng taxi sa
daan.
Nalaman kong sa isang mamahaling condo unit pala siya
nakatira nang sabihin niya sa akin ang address, Siya muna
ang ipinasok ko sa taxi.
Nagulat ako dahil pagkaupo ko palang bigla siyang
humilig sa balikat ko.
Nahihilo raw siya kaya pinabayaan ko na lang.
"Carter, pangjeep lang itong pamasahe ko dito, baka
meron ka diyan?" untag ko sa kanya.
"Sa wallet ko, sa bulsa. Kunin mo na lang..." sagot niya at
hindi man lang nag-abalang lumayo sa akin.
Napabuntong hininga ko, umangat ang kamay ko at kinapa
-kapa ang bulsa ng pantalon niya sa harapan.
Wala akong nakapa.
Gumapang ang kamay ko papunta sa likuran niya, sa may
bandang pang-upo niya.
"Uhmm Hailey.it feels good."
Napamulagat ako dahil parang idinaing niya ang pangalan
ko. Baka akalain ng isang ito, kung ano na ang ginagawa
ko sa kanya?
Mabilis kong kinuha ang walet nang makapa ko iyon.
Sa isang matayog na building kami huminto.
Inabutan ko si Manong ng pera saka kami bumaba.
This time mukhang wala na talaga sa wisyo si Carter.
Halos nakasampay na siya sa akin dahil nakaakbay na
siya. Ang laking mama pa naman niya.
6 footer si Carter. At 54" lang ako. Imagine that.
Hirap na hirap akong dalhin siya.
"Hhatid lang kita sa unit mo tapos uuwi na ko. Safe ka
naman na siguro do'n?" sabi ko sa kanya nang makapasok
na kami ng elevator.
"Ay kabag!" tili ko dahil naout of balance ako nang
umandar ang elevator.
Napasandal ako sa haligi at napasubsob sa akin si Carter.
"O-Okay ka lang?" tanong ko.
Nang tumunghay siya ay tinitigan niya ako sa mga mata.
Kumabog ng husto ang dibdib ko. Namumula ang mukha
niya habang namumungay ang mga mata. Parang mas
lalo siyang gumwapo.
Nagulat ako nang sakupin niya ng halik ang mga labi ko.
Nanlaki ang mga mata ko.
Ngayon lang ako nahalikan ng lalaki!
At hindi ko alam kung ano'ng dapat kong gawin?
Hindi ba dapat na itulak ko na lang muna siya?
Pero parang huli na dahil nagsimula nang kumilos ang
mga labi niya.
Feeling ko nalulunod ako pero ayaw ko namang umahon.
Nang marinig ko ang TING' ng elevator ay iniiwas ko na
ang mukha ko.
"C-Carter nandito na tayo," bahagya ko na siyang hinila.
Hindi ako makaramdam ng galit sa ginawa niya.
I was amaze on how it feels to be kissed...
Nabuksan ko na ang pintuan nang makita ko ang unit niya,
kumapa-kapa ako sa gilid para sa switch. Pinagpipind ot
ko na at lumiwanag sa buong unit niya.
Ang ganda sa loob.
"Saan kwarto mo?" tanong ko.
"Right side. First door."
Gumawi kami doon.
Napabuntong hininga ko. Ngayon lang ako napalapit ng
ganito sa isang lalaki. Ramdam ko ang init ng katawan
niya.
Binuksan ko iyon. Nakita ko kaagad ang kama niya.
Maayos naman iyon. Bukas ang aircon kaya sumalubong
sa amin ang lamig niyon.
Lumapit na kami sa kama. Ang kaso ilalagay ko na nga
lang siya, napatid pa ako sa paanan ng bedside table niya.
Nabitawan ko tuloy siya.
Next thing I knew nasa ibabaw na niya ko.
"Ahhhh!" halos sigaw ko dahil pumihit siya kaya hindi
kaagad ako nakabangon.
"C-Carter?" kabadong tawag ko dahil napailaliman na niya
ko.
Nakatitig lang siya sa akin. Hindi ko magawang umiwas.
Namasiyal ang mga mata niya sa buong mukha ko.
Parang tinatambol ang dibdib ko sa sobrang kaba.
"Carter.." tawag ko na para bang sa pamamagitan niyon
ay mababawasan ang kabang nararamdaman ko.
Walang imik na yumukod siya at sinakop ng halik ang mga
labi ko.
Parang namamahikang napapikit ako.
Hinawakan niya ang pisngi ko at ramdam kong lumalim
ang halik niya.
Kahit sa sarili ko nagtataka ko kung bakit hindi ko siya
pinipigilan?
Sa halip ginaya ko ang ginagawa niya.
Hibang na yata ako?
Nang gumapang ang kamay niya sa katawan ko ay wala
akong pagtutol na ginawa. Kahit na noong nagliliparan na
ang mga damit namin kung saan-saan.
Bahala na...
Makalipas ang ilang sandali..
Tulala ako habang nakatitig sa puting kisame.
Napatingin ako kay Carter na himbing na himbing sa tabi
ko.
I can't believe myself..
We just did it.
Ano ba namang kagagahan itong nagawa ko?
Napabangon ako. Nangilid ang luha ko habang nakatitig
sa mga damit at panloob kong nakakalat sa sahig.
Bakit hinayaan kong mawala ang pinakaingatan ko?
Masakit ang buong katawan na nagbangon ako ng kama.
Napaawang pa ang mga labi ko nang mapadiin ang pag-
apak ko sa sahig. Ramdam ko ang sakit sa sentro ng
katawan ko.
Jusko makakalakad ba ako ng matino nito?
Anu't-anuman kailangan ko ng makaalis. Hindi pwedeng
magtagal pa ako dito.
Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Carter kapag
nagising na siya.
Sarili ko nga hindi ko alam kung paano ko haharapin?
Yumukod ako at pinagdadampot ko lahat ng damit kong
ipinaghahagis niya kanina nang tanggalin niya.
Nang makapagbihis, sinulyapan ko siya. Nakadapa siya
habang magulo pa ang buhok.
Dali-dali kong initsahan ng kunot ang katawan niyang
walang saplot. Nakabilad kasi sa paningin ko.
Hindi naman ako ang lasing pero ako ngayon ang
pagewang-gewang kung maglakad. Ang sakit!
Lalabas na sana ako ng pintuan nang mapasulyap akO sa
wallet niyang nakakalat sa sahig.
Dinampot ko iyon.
"Sorry. Kailangan ko lang," sabi ko sa tulog na si Carter
habang nakatitig sa kanya.
Lumabas na ako ng unit niya at wala ng lingon-likod na
lumabas ng building.
Nang makarating ako sa ospital nakita ko si Renato na
natutulog sa tabi ni Callie.
Mabuti na lang napakiusapan ko siya na bantayan muna si
Callie, Nagpaalam ko sa kanya na may raket ako pero
wala naman akong ibinigay na detalye.
"Irene..." kulbit ko sa kanya.
"Ay jusko buti naman nakabalik ka na! Akala ko kung
napaano ka na? Kamusta ang lakad mo? Kanina gising na
itong kambal mo, hinahanap ka nga, eh."
"O-0kay naman. Heto nga pala ang bayad namin," iniabot
ko sa kanya ang ilang lilibuhing pera na ibinayad niya para
mai-admit si Callie.
"Naku hindi naman kita sinisingil."
"Kahit na. Basta kunin mo na 'to. Para kung sakali,
makaulit uli kami," biro ko na lang para tanggapin niya ang
pera.
"'Sige na nga."
"Salamat nga pala uli. Pwede ka ng magpahinga, ako na
dito."
"'Sigurado ka?"
"Oo. Kaya ko na to. Ingat ka sa daan. Salamat ng marami."
"O siya sige. Teka nga pala, may iniwang reseta, kailangan
daw mainom bukas. Bilhin mo na lang kasi hindi na ko
umabot kanina. Sarado na ang botika. 0 siya babu. Alis na
ko! Text me pag may kailangan ka."
Nang makaalis si Renato, umupo ako sa silyang nasa tabi
ng kama ni Callie.
Hinawakan ko ang kamay niya.
"Magiging okay na lahat kambal. Makakabayad tayo sa
mga utang natin."
Ini-withdraw ko lahat ng pera ni Carter sa ATM. Halos
umabot din iyon ng singkwenta mil. Pero hindi ko na
pinakialaman ang iba pa niyang ATM.
Tingin ko tama na iyong nakuha ko.
llang buwan ang nakalipas, tuluyan ko ng kinalimutan ang
nangyari.
Madalas din akong magsimba para humingi ng tawad sa
Diyos dahil alam kong mali ang ginawa ko.
Pero kahit yata ano'ng pilit ko, hindi mangyayari na ibaon
na lang sa limot ang lahat.
Ilang buwan lang matapos ang nangyari ay nakaramdam
ako ng kakaiba sa katawan ko.
"Huy okay ka lang? Ano ba'ng kinain mo?" alalang tanong
ni Sunshine nang tumakbo ako sa cubicle habang
nagriretouch kami sa harap ng salamin.
Nagduduwal ako sa kubeta.
Pinagpapawisan ako ng malamig.
Nang lumabas ako ay kakaiba ang tingin sa akin ni
Sunshine. Parang naghihinalang ewan...
"Magtapat ka nga sa aking bruha ka?"
Napabunghalit ako ng iyak. At ipinagtapat ko na sa kanya
ang lahat ng nangyari ng gabing iyon.
"'Sinasabi ko na nga ba may kakaiba sa'yo. Kaya pala hindi
mo tinanggap iyong ipinaabot na bayad ni Paul. lyon pala
nakadekwat ka na. Buti hindi nagreklamo iyong Carter?
Pero maiba tayo, sinasabi mo bang buntis ka?"
"H-Hindi ko alam."
"Tutulungan kitang alamin."
Bumili kami ng pregnancy test. At nagpositive.
Wala na kong choice kundi magtapat kay Callie.
Noong una nagalit siya pero naintindihan niya ko.
Gumawa rin siya ng paraan para magkita ulit kami ni
Carter.
Sobrang saya ko.
Pero panandalian lang pala. Dahil biglang nawala si Carter.
Hanggang sa maisilang ko ang anak namin.
Halos mapatid ang hininga ko habang isinisilang ang anak
ko. Tumulo ang luha ko sa sobrang hirap.
Unti-unting nagdidilim ang paningin ko.
Pero bago iyon ay narinig ko ang iyak ng anak ko. At kung
ano'ng itsura niya. Pagkatap0s ay walang hanggang
kadiliman ang sumunod...
Wala akong makita pero may iba't-ibang boses akong
naririnig. Kung minsan mas nangingibabaw ang boses ni
Callie.
Ang mahal kong kambal. Gusto ko siyang sagutin pero
hindi ko alam kung bakit wala akong kakayahan.
"Hailey.." dinig kong tawag ni Callie.
Kung minsan may ibang boses akong naririnig na
kumakausap sa akin pero hindi naman ako pamilyar.
kkkk
Callie's POV
"Hailey.." tawag ko sa nakaratay kong kapatid. Tulad ng
dati, wala pa rin siyang malay.
Nagpaalam ako kay Carter ng umagang iyon para
magbantay kay Hailey sa ospital. Kahit nananakit pa ang
ulo ko dahil sa hang over.
"Sorry. Hindi ko naman sinasadya. Bigla ko na lang
kasing naramdaman. Believe me, this isn't the way it
suppose to be.." nangilid ang luhang kausap ko sa kanya.
Hinawakan ko ang kamay niya habang nagsisimula
nang magtaas-baba ang balikat ko dahil sa pag-iyak.
Napayuko ako. Pakiramdam ko kasi tinatrayd or ko siya
dahil sa feelings ko para kay Carter.
"S-Sorry sorry talaga. Hindi ko naman plinano.
Nangyari na lang talaga. Parang magic na bigla na lang
akong may naramdaman sa kanya. Sana gumising ka na.
Please lang. Buuin mo na ang pamilyang para sa'yo. Para
makalayo na rin ako. Nahihirapan na rin ako, eh. Bumalik
ka na kambal..parang awa mo na.
Napatunghay ako nang maramdaman kong tila gumalaw
ang kamay ni Hailey na hawak ko. Napaawang ang mga
labi ko nang unti-unting sumara ang mga kamay niya para
hawakan ang kamay ko.
Nagtayuan ang mga balahibo ko sa batok at braso lalo na
nang makita kong kumikibot ang mga eyeballs niya.
"H-Hailey?" tawag ko, habang dinig ko ang malakas na
tibok ng puso ko.
"C-Callie..." humal na tawag niya at nakita kong may
tumulong luha sa magkabilang gilid ng mga mata niya.
Kasabay niyon ay unti-unting nagmulat ang mga mata
niya...
She's awake!

Chapter 44
"Gising ka na talaga!" hindi maiwasang magpatakan ng
luha ko, matapos check up-in ng doctor si Hailey.
She's out of danger. Pero dahil sa tagal niyang
comatose, asahan daw na maaaring may mga ilang
pagbabago sa pasiyente. Lalo nasa ugali. Kaya may mga
pagdadaanan ring mga treatments si Hailey habang nasa
process Siya ng recovery.
"G-Gaano ako katagal na nakaratay dito, Callie?"
parang batang natututo palang magsalita na tanong niya.
"Magtatatlong buwan na.
May sumungaw na luha sa mga mata niya.
"Ganoon ako katagal na nawala?" confusions was
written all over her face. And it broke me.
"O-0o, kaya sana hindi na ulit mangyari 'yon."
hinawakan ko ang kamay niya at idinikit iyon sa pisngi ko.
Gusto kong maramdaman na gising na talaga siya.
"A-Ang baby ko? Bago ako mawalan ng malay,
narinig ko pa ang iyak niya. Asan siya? Gusto ko siyang
makita." tanong niyang napahawak pa sa tiyan.
"Si Harlie? Nasa bahay ni Carter, paglabas mo-"
"Bakit siya nando'n?!"
Napapitlag ako ng tumaas ang boses niya. Sa
tanang buhay ko, ngayon lang niya ko pinagtaasan ng
boses. Hindi naman kasi siya nagagalit. Kapag masama
ang loob niya, tatahimik lang siya sa isang sulok at iiyak.
"'Sshhh. Relax Hailey, safe si Harlie kay Carter."
"P-Paano akong magrirelax? Tinaguan ako ng
lalaking 'yon, ah? Hindi niya ipinaalam sa'kin kung nasaan
siya? Tapos ibibigay mo na lang basta ang anak ko?" may
halong panunumbat ang tinig niya.
"Doon din ako nakatira ngayon, kaya nakakasiguro
akong safe si Harlie. Saka ko na ikukwento lahat sa'yo,
pero sinasabi ko sa'yo na hindi maaano si Harlie. Carter is
a good father. Hinihintay rin niya ang paggising mo para
makapagpaliwanag sa'yo kung bakit siya nawala."
Natahimik siya at napatingin sa may pintuan.
Nanlaki ang mga mata.
"S-Si Nanay!" bakas ang takot sa mukha niya nang
makita si Mommy Elaine namin na nasa pintuan.
Bahagya akong napangiti sa sinabi niya.
"Kakambal ng Nanay natin."
Napakunot noo siya.
"Ibig niyang sabihin, wag kang matakot kasi hindi
ako multo.' nangingilid ang luhang sabi ni Mommy Elaine
at lumapit sa amin ni Hailey.
"Kambal? Parang kami ni Callie?"
Now Hailey, sounded like a child... Kanina lang galit
siya, ngayon naman parang natutuwa siya. Ang bilis
magshift. I guess ito na 'yong changes na hindi man
naman inaasahan, pero kailangang paghandaan.
"O-0o..." nakangiting ani Elaine at niyakap na si
Hailey.
Hindi naman pumalag si Hailey. Tinapik-tapk pa
nga niya ang likod ni Elaine na humagulgol na ng iyak.
Kahit ako, kulang na lang tumulo ang sipon, lalo na ng
kabigin ako ng Mommy namin at yakapin din ako.
"Sa wakas, buo na tayo.." dinig kong sabi ni
Mommy Elaine.
tttt*t
"Bakit ka nandito?" nakasimangot na tanong ni
Hailey kay Carter.
Naipaalam ko na kasi kay Carter na gising na si
Hailey kaya pinuntahan niya kami. May dala pa ngang
white roses si Carter. Humahalimuyak ang amoy niyon.
"Because I'm happy that you are awake now.."
sincere na sabi ni Carter.
Tiningnan lang siya ni Hailey saka inirapan. Parang
sinasabi niyang hindi siya naniniwala kay Carter. Well |
can't blame her. Inakala niya kasi na iniwan siya ni Carter.
Nagkatinginan tuloy kami ni Carter sa inasal ni
Hailey. Mukhang nagpapasaklolo pa sa akin ang loko,
kaya siniko ko siya na lapitan na si Hailey.
"Bilis na. Magsorry ka." bulong ko pa kaya lalo
siyang naalangan.
"I'm really sorry Hailey." at nasabi na rin niya.
"Saan? Gusto kong marinig." hindi tumitingin na
sabi ni Hailey.
"For making you feel and think that I abandoned
you and our child. Hindi lang ako nakapagpaalam pero
hindi ko naman talaga kayo iniwan."
Lumingon sa kanya si Hailey. Nakasimangot pá rin
siya pero pinangingiliran na ng luha ang mga mata niya.
"Magpapromise ka ba na, hindi ka na ulit aalis ng
walang paalam?" parang paslit na tanong pa ni Hailey.
"I promise." at nakangiting itinaas pa ni Carter ang
kanang kamay.
And right there and then, Hailey smiled. Ang unang
ngiti niya, magmula nang magising siya. Iba talaga effect
ni Carter sa kanya. Napangiti na rin tuloy ako. Gusto kong
makita ulit ang mga ngiti niya. Nakakagaan sa
pakiramdam. And l will do everything to make that smile
stay on her face.
"Mabango ba 'yan?" tanong pa ni Hailey kay Carter.
"Oo naman, kakabili ko lang niyan. Here." iniabot
iyon ni Carter kay Hailey.
Parang nagliligawan lang. Hinila ko na si Mamshie
Elaine palabas para mapagsolo muna ang dalawa. Alam
kong marami sila dapat na pag-usapan.
"I'm so so happy, anak! She's awake. Alam mo ang
dami-dami kong plano para sa inyo. Ikaw, gusto ko
ipagpatuloy mo ang schooling mo. Gusto kong
makapagtapos ka. Ganoon rin si Hailey kung gusto pa rin
niyang mag-aral. Gusto ko kayong ilibot sa mga bansa na
napuntahan ko na, ano sa tingin mo? It'sa wonderful
idea, right?" malawak ang ngiting sabi niya habang
naglalakad kami sa hallway ng hospital.
"Excited na ko."
"Alam ko na rin ang mga paborito niyong ulam,
kaya once na nakalabas na dito si Hailey, iluluto ko lahat
ng gusto niyo, doon na rin tayo sa bahay na binili ko. Sana
-sama tayong apat nina Harlie." full of excitement pa rin
na pakli niya. Saka kami umupo sa isang bakanteng table
nang makarating kami sa cafeteria.
"Mukhang hindi pwede 'yong huling plano niyo,
Mamshie."
"Ang magsama-sama tayo?"
"Opo, kasi di ba, si Harlie sa bahay na ni Carter
nakatira. Tapos sigurado ko na kapag nakarecover na si
Hailey, gugustuhin din niyang makasama si Carter. Kagaya
ng original plan ni Carter."
"Kung ganoon tayong dalawa na lang pala ang
magkasama sa bahay? Sayang naman."
"Okay lang po yon, isipin niyo na lang na nag-
asawa si Hailey kaya kailangan na niya talagang bumukod.
Saglit siyang natahimik. Pagkatapos ay hinawakan
niya ang kamay ko.
"Handa ka na ba?" seryosong tanong niya.
"Saan po?" takang tanong ko.
"For changes. Na makipagpalit kay Hailey. Alam ko
tatlong buwan lang kayo nagkasama ni Carter, pero
siyempre nagkalapit na rin kayo. Magkasama kayo sa
bahay. Nagkikita kayo araw-araw, naging bahagi na ng
buhay niyo ang isa't-isa sa loob ng tatlong buwan, kahit
papaano, mararamdaman niyo ang pagkakalayo niyo.
Being separated to the person-"
"Mamshie, kaya ko. Saka para namang hindi na
kami magkikita-kita kahit magkakaiba na kami ng bahay."
nangingiting aniya.
"Chinicheck ko lang feelings mo, anak."
Mom."
"Wala naman akong feelings kay Carter." naibulalas
ko.
"I didn't mean that. Well, by any chance...meron ba?
"Mamshie naman!"
"Come on, you can tell me everything. I'm your
Napayuko ako. Hindi ko yata kayang aminin sa
kanya. Ayoko siyang maipit sa amin ni Hailey kung sakali.
Isa pa gising na rin naman si Hailey. Bagong chapter na
naman ng buhay ang pagdadaanan namin. At sa bagong
kabanata na iyon, hindi ko na makakasama si Carter. Baka
kapag nangyari na iyon, mawala na rin ang kung anumang
feelings ko. Kaya mas mabuti na siguro na itago ko na
lang.
"Alam niyo po, magkape na lang tayo," nangingiting
iwas ko.
Napakibit-balikat na lang tuloy siya.

Chapter 45
"May mga treatments kang pagdadaanan kaya
dapat magpalakas ka," sabi ko kay Hailey nang
makauwi si Carter.
"Makakalakad ba ulit ako ng maayos?"
tanong niya dahil hindi siya makatayo ng sarili niya
lang.
For three months she's been a coma patient,
kaya naapektuhan din ang paglalakad niya.
"Oo nanman. Basta tiyaga lang tayo. Kain ka na.
akımang susubuan ko siya pero umiling siya.
Kinuha niya sa akin ang kutsara at tinidor.
Tinitigan niya iyon. She looked so confuse. Akala ko
kakain na siyang mag-isa, pero nagulat ako nang
ipaltok niya iyon. Nagkalansingan tuloy sa sahig.
"Hailey!" napatayo ako sa gulat.
"B-Bakit hindi ko maalala kung paano
gamitin yan? Simpleng bagay hindi ko magamit. "
nanginginig ang boses niya.
Kaagad akong nahabag sa kanya.
"Kaya nga susubuan kita. Para maalala mo.
Okay ba 'yon?" mahinahon kong kausap sa kanya.
Tumango-tango siya. Pinunasan ko ang luha
sa mga mata niya.
Hailey suffered a lot. Para siyang bumalik sa
pagkabata...
After a few days nagsimula kaagad ang
therapy na kailangan niya. Pero siyempre bago
iyon, ginawa muna namin ang pinaka-importante
sa lahat. Ang magkita sila ni Harlie.
"I-Ito na talaga ang baby ko?" tanong niya
nang ilapit ni Carter sa kanya si Harlie. Dinala ni
Carter si Harlie sa bahay ni Mamshie Elaine.
Pansamantala sa bahay muna ni Mamshie si
Hailey. Nakakahiya rin naman kay Carter, kaya
pumayag na rin si Hailey na doon muna siya habang
hindi pa niya kayang alagaan talaga si Harlie.
"Gusto mo siyang buhatin?" nakangiting
tanong ni Carter na nasa gilid ng wheelchair na
kinauupuan niya.
"S-Saka na lang, Baka mabitawan ko siya.
Pero gusto ko siyang mayakap." nagniningning ang
mga matang sabi ni Hailey.
"Baby, your Mommy is here.." nakangiting
ani Carter saka pumunta sa unahan ni Hailey at
inilapit si Harlie.
Bahagyang yumukod si Carter at lumapit ng
husto kay Hailey nang abutin nito ang anak. Halos
wala ng espasiyo ang dalawa.
Niyakap ni Hailey si Harlie hab ang karga ito
ni Carter. Nangilid ang luha ni Hailey.
"Nagkita rin tayo, baby...." kausap niya kay
Harlie.
Umingit si Harlie at parang may isip na
hinawakan ng maliit na kamay niya ang mukha ni
Hailey. Hindi ko na namalayan na nangilid na rin
ang luha ko. Sa wakas nagkita na rin sila...
Pero parang may umantak sa loob ko nang
magkatinginan sila Carter at Hailey, saka sila
nagkangitian. Mistulang larawan sila ng isang
buong pamilya. Dagli akong napatalikod at lumabas
ng silid ni Hailey. Feeling ko hindi naman na ako
kailangan doon.
Masayang-masaya ako for Hailey at Harlie,
pero naiinis naman ako sa sarili ko dahil parang
may kumukurot na selos sa dibdib ko. Hindi kasi
tama iyon. Pero alam ko, hindi man ngayon, balang
araw makakalimutan ko rin ang nararamdaman ko
kay Carter.
Mas importante ang pamilya. Hindi kasi iyon
kayang palitan ng kahit sinoman.
Muntik na kong tamaan ng ilang piraso ng
tiles ng scrabble pagpasok ko sa kwarto ni Hailey.
"Hailey naman, ano'ng problema?" tanong
ko habang pinupulot ang mga tiles na ibinato niya.
"Naiinis ako, simpleng word na dog hindi ko
maispell. Pero kanina noong tinuturuan ako,
naaalala ko kahit medyo kumplikado. Ngayon, wala
na! Naging tanga na naman ako." himutok niya at
ginulo pa ang ilang tiles na nasa mesa.
Napabuntong hininga ako. Lately nagiging
bugnutin na talaga siya, mas bugnutin pa sa akin
kapag ako ang may topak.
"Di ba sabi ng doctor, normal naman iyong
makalimutan ng isang nacoma ang kahit simpleng
mga bagay? Siyempre sa tagal mong nakatulog,
naapektuhan ang utak mo. Wag kang mag-alala
hindi mo kailangang madaliin ang sarili mo. Take
your time." kausap ko sa kanya. Saka ako humila ng
upuan at tumabi sa kinauupuan niyang wheelchair.
"Pero gusto ko ng alagaan ang baby ko. Ang
tagal naming nagkahiwalay."
"Alam ko, pero kapag mas lalo mong pinilit
ang sarili mo, mas lalo ka lang mahihirapan. May
perfect time lahat. Sige, spell natin ang Dog ha? D-0
-G." turo ko at kinuha ang tile na nay letter na D, 0
at G. Pinagdikit ko iyon sa table na nasa harap
namin.
Tahimik lang siyang nakamasid. Kumilos ulit
ang kamay ko at pinagramble ang tatlong letra.
"Naalala mo kung ano'ng basa dito? G-0-D."
spell out ko sa binuo kong word.
Marahan siyang tumango at lumambong ang
lungkot sa mga mata niya.
"G-God...God." tila nahirapan pang bigkas
niya.
"'Hindi ba, pag nahihirapan na tayo noon, lagi
tayong tumatawag sa kanya? Kapag wala na tayong
pangrenta at gusto na tayong palayasin ng kasera.
Kapag toyo na lang ang ulam natin. Kapag
naglalakad tayo ng malayo kasi wala tayong
pamasahe. Kapag gusto na nating sumuko sa mga
problema. Di ba sa kanya larng tayo kumakapit? Sa
kanya tayo, tumatawag kasi alam nating makikinig
siya. Hanggang ngayon pinapakinggan niya tayo.
Ibinalik ka niya sa akin, Hailey. Binigyan ka niya ng
pagkakataong mabuhay ulit. Kaya tawag lang tayo
sa kanya, okay? Nakikinig siya...laban lang kambal.
Ngayon ka pa ba naman susuko? Magiging okay ka
rin." tila may bumabara sa lalamunang kausap ko sa
kanya.
Unti-unti siyang tumango kahit
nagpapatakan na ang luha niya. Bigla niya kong
niyakap at umiyak sa balikat ko.
"Basta nandiyan ka, magiging okay ako."
Napalingon pa kami pareho nang may
humawak sa mga balikat namin
"Sali naman ako." nakangiting ani Mam shie Elaine
kaya natawa kami pareho ni Hailey.
Niyakap din namin siya. Alam na rin ni Hailey na
siya ang totoo naming Mommy. Tulad ko hindi na
rin siya nagtanim ng sama ng loob. Masiyadong
maiksi ang buhay para magreklamo. We'll never
what will happen tomorrow.
"Callie. "
Napapitlag ako nang hawakan ni Carter ang
kamay ko. Nakaupo ako sa tabi niya.
"Tulala ka, okay ka lang ba?" tanong niya
saka binawi ang kamay at ibinalik nasa manibela.
"Oo naman, masaya nga ako. Kaso alam mo
na, naaawa ako kay Hailey. Gustong-gusto na kasi
niyang makasama si Harlie."
Truth is there are so many things racing
around my head...
"Itl happen soon. Lalo pa ngayon, she's
getting better day by day."
"'Sabagay. Pag okay na okay na siya, pwede na
siyang tumira sa'yo di ba?"
Hindi kaagad siya sumagot kaya kinulbit ko
pa siya.
"Huy!"
"Ha?"
"Ang sabi ko, pag okay na siya pwede na
siyang tumira sa'yo, para magkasama-sama na
kayong tatlo. Tapos pag nagkamabutihan na kayo,
pwede na kayong magpakasal. Walang pressure, ah?
Idea ko lang naman."
Tila hilaw siyang napangiti.
"Pwede. "
"oy! Parang wala kang energy diyan, ah?
Feeling mo ba pinipikot ka? Relax. Sabi ko nga idea
ko lang naman. Bahala ka pa rin sa buhay mo. Ikaw
lang naman pwedeng magdesisyon diyan. Pero oy
di ka lugi kay Hailey ah? Mas mabait yon kaysa sa
akin. Pasensyosa. At siyempre maganda!"
pangbibuild up ko pa sa kambal ko.
"Maganda ka rin naman."
My heart skipped a beat.
"Kaya nga bagay kayo."
"Do you really want us to be together?"
"Oo naman. Di ba sabi mo dati, gustong-
gusto mo magkaroon ng sariling pamilya. Posible
na 'yon ngayon."
"Paano ka?"
"Ha? Ano'ng paano ko?" kunot noong tanong
ko.
"Imean kapag nakarecover na si Hailey, aalis
ka ba sa bahay?"
Bahagya akong natigilan. For sure mamimiss
ko siya kapag nangyari iyon. Pero wala naman
akong choice.
"Iyon naman ang plano di ba? Si Hailey dapat
ang nandoon. Sabit lang talaga ko kung tutuusin."
"You can stay for as long as you want. You
don't have to leave." seryosong sabi niya.
"Carter, napag-usapan na natin 'to di ba?
Pansamantala lang ako. Saka iyon naman talaga ang
dapat. Isa pa, walang kasama Mamshie ko kapag
umalis na si Hailey. Ang dami ring taon na nawala
sa amin kaya tingin ko, perfect timing na mas
kilalanin pa ang isa't- isa. At ikaw, kapag dumalaw
ulit Papa mo, 'wag mo ng sungitan, ah?"
"Il try..."
"Nice. Uhm lapit na pala birthday mo, ano'ng
gusto mong gift?""
"Just be there and I'll be more than happy."
Hindi ko maiwasang mapangiti at malungkot
at the same time.
Ngayon palang ramdam ko na ang mga
pagbabagong magaganap, ngayong gising na si
Hailey.
Even it's for the better, sometimes changes arethe
hardest thing to do.
Kung pwede lang na habang buhay akong
manatili sa tabi niya. Kaso hindi naman pwede...
Chapter 46
""Il pick you up later. 5 pm sharp." ani Carter
habang naglalakad kami papasok sa bahay ni
Mamshie Elaine. Dito muna ami ni Harlie para
makabonding niya si Hailey. Pumayag naman siya
kaya hinatid niya kami ni Harlie bago siya pumasok.
"Makasharp parang sundalo lang?" biro ko
habang bitbit si Harlie.
"Siyempre, maghapon ko kayong hindi makikita
kaya excited akong iuwi kayo ulit."
"'Strict naman ni Dade!"
Natawa siya at pinisil ang ilong ko.
"Aray!" hampas ko at pinitik ko naman siya sa
ilong.
"Ehem."narinig ko ang tikhim ni Hailey na
kasama si Mamshie Elaine sa gilid. Nakakatayo na
siya at nakakalad na rin, pero hindi pa kaya ng walang
suporta kaya may tungkod pa siya.
Pero tingin ko dahil determinado ang kambal
kong makarecover, hindi na ako magugulat kung sa
mga susunod na araw lang makakalakad na ulit siya
ng normal.
"Hi." nakangiting bati ni Carter kay Hailey at
humalik sa pisngi nito.
"Tita." bati rin Carter at nagbeso sa pisngi nito.
"Nagbreakfast na ba kayo?" tanong ni Mamshie
na nakangiti.
"Yes po, tapos na. Inihatid ko lang sila. Babalik
na lang po ako mamayang hapon para sunduin sila.
Mauna na rin po ako." ani Carter saka humalik sa
pisngi ni Harlie.
"Bye." paalam niya at nagulat pa ako nang
tapikin niya ang ulo ko saka nakangiting tumalikod
kaya inihatid na namin siya ng tingin.
"Ang cute cute talaga ng baby Harlie namin.
Dito ka sa Mamita." ngiting-ngiting ani Mamshie at
kinuha sa akin si Harlie.
Kaagad namang hinalikan ni Hailey ang noo ni
Harlie.
"Tara sa garden, paarawan natin siya?" yakag ni
Mamshie kaya nakangiting tumango ako.
Akmang susunod na ako nang hawakan bigla ni
Hailey ang kamay ko.
"Susunod na lang kami ni Callie, Ma."
"Ah okay. Sunod kayo, ha." nakangiting
pagpayag nito bago tumalikod at nagtungo nasa
garden dala si Harlie. Aliw na aliw sa apo niya.
Seyoso ang mukha ni Hailey nang humarap siya
sa akin. Bahagya akong nailang dahil parang may
sasabihin siyang seryoso sa akin.
"Hailey, bakit?"
Walang imik na naglakad siya papunta sa sofa
at naupo doon. Naupo na rin ako sa tabi niya.
"Excited ka na ba bukas sa birthday ni Carter?"
panimula ko dahil naiilang ako sa ikinikilos niya.
Nakapako lang kasi ang tingin niya sa kawalan
pero seryoso naman ang bukas ng mga mata.
Kunsabagay simula nang magising siya, malaki na
ang ipinagbago niya. Kung minsan hindi ko na siya
maintindihan.
"Ano'ng meron sa inyo ni Carter?" diretsong
tanong niya saka humagkis ang mga tingin niya sa
akin.
"Ano'ng ano'ng meron?" kunot noong tanong ko.
"Gusto mo ba siya?"
Napaawang ang mga labi ko sa tanong niya.
Ano bang dapat kong isagot? Ang totoo o ang gusto
niyang marinig?
"Kanina kasi habang papasok kayo, ang saya-
saya niyo tingnan. Nagtatawanan, nagkukulitan. Kung
hindi pa ako tumukhim, hindi niyo mamalayang may
iba pa palang tao sa paligid. Parang may sarili kayong
mundo. Kung hindi ko kayo kilala, iisipin kong larawan
kayo ng isang masayang pamilya. Si Harlie, Carter at
ikaw..."
"Hailey..." pinagpawisan ang palad ko. Hindi ko
alam kung kaya ko bang itanggi ang nararamdaman
ko.
"Sagutin mo ang tanong ko!" napapitlag ako sa
lakas ng boses niya. Bakas din sa mukha niya ang
matinding pagkairita.
"WWala kang dapat ipag-alala. Hindi ako
makakasagabal sa pangarap mong pamilya."
Nakita ko ang paglukot lalo ng mukha niya. Dinig din
ang pagbuntong hininga niya na parang hindi siya
nasiyahan sa isinagot ko.
"Mahigit tatlong buwan akong walang malay. Bakit
pakiramdam ko, tatlong dekada akong nawala? May
sumulpot na Nanay natin. Tapos magkasama kayo ni
Carter sa iisang bubong at close na close na kayo.
Tapos ang anak ko, minsan ko na nga lang makarga,
iiyakan pa niya ko. At sino'ng makakapagpatahan sa
kanya? kaw! Puro na lang ikaw! Bakit ikaw pa?"
nangingilid ang luhang sumbat niya.
"'S-Sinabi mo bang inagaw ko sa'yo ang lahat?"
nalaglag ang butil ng luhang tanong ko sa kanya.
"Hindi ba?" mapait ang ngiting tanong niya.
Nagsikip ang dibdib ko. Hindi ko akalain na may
itinatago siya sa aking sama ng loob.
Napalunok ako para mawala ang kung
anumang bumibikig sa lalamunan ko. Hinawakanko
ang kamay niya.
"Hailey, sumama lang naman ako kay Carter
para kay Harlie. Hindi ko kasi siya mapagkatiwalaan
noon. Baka kasi itakbo niya si Harlie at hindi na ipakita
sa atin. Hindi ba, bago ka makapanganak, nawala siya
bigla. Hindi natin alam kung saan siya hahanapin.
Ayaw rin naman niyang dalaw-dalawin lang si Harlie.
At dahil siya ang tatay, hindi ko na nakontra ang
desisyon niyang kunin si Harlie sa poder ko. Wala
akong laban. Tita lang naman ako. Ang gusto ko lang
naman kapag nagising ka, makatiyak ako na nandiyan
pa rin si Harlie. Desperado na ko nun, kaya nagpilit na
kong sumama sa bahay niya." paliwanag ko.
"Ang nararamdaman mo ang gusto kong
linawin! Mahal mo ba siya? 0 baka naman
nagkakamali lang ako ng hinala?" matigas ang tinig na
tanong niya.
"Kahit kailan hindi tayo nagtago ng sikreto sa
isa't-isa. At magpapakatotoo pa rin ako sa'yo ngayon.
0-0o! Mahal ko si Carter! Hindi ko man sinasadya
pero nangyari na lang." napayuko at napapahikbing
pag-amin ko.
Hindi ko napaghandaan ang pangyayaring ito.
Wala naman kasi sa hinagap ko na mahuhulog ako
kay Carter. At ang posibilidad na magtatalo kami ni
Hailey dahil parehas ang nararamdaman namin sa
iisang lalaki. Paano ba namin haharapin ito ng hindi
nagkakasamaan ng loob?
"May nararamdaman din ba siya sa'yo?" bákas
ang sama ng loob na tanong niya.
"Hindi ko alam."
Sandaling katahimikan ang namagitan. Dinig
ang mga paghinga namin. Ramdam ang matinding
tensiyon.
"Alam mo naman sigurong pangarap ko si
Carter. Ang mabuo kaming tatlo ni Harlie. Marami
akong utang sa'yo Callie, simula pagkabata natin at
nagpapasalamat ako sa'yo. Pero pangalawang buhay
ko na 'to. Nalabanan ko si kamatayan. Kaya hindi ko
na sasayangin, gagawin ko lahat para maging masaya
ko at ang anak ko. Gagawin ko ang lahat para makuha
ko ang buhay na pinapangarap ko. Sa pinagdaanan
ko, tingin ko kaya ko ng lumaban mag-isa. Kaya ko ng
labanan kahit na sino mang magiging hadlang sa
pangarap ko. Kahit pa ikaw..."
Para akong itinulos sa kinauupuan. Malinaw
ang gusto niyang iparating. Hindi siya
magdadalawang isip na saktan ako kung
kinakailangan. Para sa pamilyang binubuo niya. At
sino ako para lumaban sa kanya? Napalunok ako at
tumayo. Nasasaktan ako sa inaasal niya. Pakiramdam
ko sa isang iglap lang, hindi na kambal ang tingin niya
sa akin. Kundi isang malaking karibal. Ang mga mata
niya, nababanaag ko sa kislap niyon ang pagiging
determinado. Walang makakapigil kahit na sino.
"Ang gusto ko, bukas na bukas din umalis ka
nasa bahay ni Carter. Hindi ka na dapat pumuntgsa
party niya. Kailangan na nating magpalit. Ako naman
talaga dapat ang nandoon hindi ba? Ako dapat ang
kasama niya. Wala ng iba." seryosong utos niya.
"H-Huwag kang mag-alala, dahil kahit may
nararamdaman ako kay Carter, hindi ako makakagulo
sa inyo. Kapatid kita. Kambal pa. Pamangkin ko rin si
Harlie. Hindi ko kayo kayang saktan. Pamilya ko kayo.
Pamilya tayo. Sana hindi mo makalim utan iyon kahit
na may iba ka ng pamilya..."
And with that I walked away..
Naglakad ako palabas ng bahay habang
pinupunasan ang luha kong hindi maampat. Sumakay
ako ng jeep pagkalabas ko ng subdivision. Natagpuan
ko na lang ang sarili ko sa loob ng isang simbahan.
Walang gaanong tao sa loob. Kung meron man
malalayo ang agwat namin. Naupo ako at lumuhod sa
pinakalikuran. Nakayuko ako at tahimik na umiyak.
Bakit kasi sa parehong tao pa kami nainlove?
Juskolord. Bakit?
"Miss, okay ka lang?"
Sisinghot-singhot na nag-angat ako ng tingin
nang marinig ang baritonong tinig. Pinunasan ko pa
ang mga mata dahil nanlalabo sa luha.
"Callie?"
"J-Jacob?" maang na tanong ko nang makita
siyang nakatayo sa harapan ng upuan ko.
"Okay ka lang?" nawala ang ngiti niyang
nakaplaster lang kanina.
Umiling ako at naupo na. Umalis siya sa unahan
ng kinauupuan ko at umupo sa tabi ko. Marahil kanina
pa siya dito pero hindi ko lang napansin na nasa
unahan ko lang pala siya dahil mahahaba naman ang
upuan sa simbahan.
"Here."
Napaangat ako ng tingin nang abutan niya ko
ng panyo. Kulay puti iyon at mukhang mabango.
"W-Wag na lang, masisipunan ko 'yan, eh."
tanggi ko.
Napangiti siya at napailing.
"'Sige na. Nahiya ka pa, eh." alok niya pa rin at
nagulat ako nang hawakan niya ang mukha ko saka
ipinunas ang panyo sa magkabilang pisngi ko.
"Ang ganda-ganda mo, pinapaiyak ka ng
boyfriend mo?" nasa himig niya ang pagbibiro kaya
kahit papano napangiti ako.
"Loko, wala ako nun.
"Ah, wala kasi nagbreak na kayo, kaya ka
umiiyak diyan ngayon?"
"Seryoso, wala nga."
Bahagya siyang natigilan at tumitig sa akin. Sa
sobrang titig niya, nakikita ko na tuloy ang repleksiyon
ko sa itim niyang mga mata na may mahahabang
pilik. Nailang ako kaya iniiwas ko ang mukha ko at
kinuha nasa kanya ang panyo.
Napansin kong pasimple siyang napangiti at
napakamot sa batok.
"Ang lakas ng iyak mo, akala ko minumulto na
ko kanina kaya napalingon tuloy ako."
"M-Malakas ba?" hindi akO aware ah.
"Mas malakas singhot mo, akala ko nga
matatangay ang inuupuan ko."
"OA ka na, ano namang akala mno sa ilong ko,
Super vacuum?"
Natawa siya kaya naman siniko ko siya ng
bahagya.
"Binibiro ka lang. Pero Callie, kung anuman 'yan,
malalagpasan mo rin yan."
"Bakit..kasi ang sakit?"
"Eh, wala namang problemang masaya. Kaya
nga sila tinawag na problema."
"Thank you ha!" irap ko na ikinatawa niya.
"De seryoso, parte na ng buhay natin yang si
problema. Di na mawawala 'yan. Kasing constant 'yan
ng paghinga natin. Iniisip ko na lang na lahat ng
problema may purpose. It's either it will make us
stronger or it will serve some life lessons. Okay lang
masaktan basta hindi mo susukuan ang laban..."
Napamaang ako sa kanya para kasing, kausap
ko lang sarili ko. Boy version ko ba siya?
"Eh, paano kung mali? Lalaban ka pa rin?"
"Depende. Nagiging mali lang naman ang isang
bagay kung hindi kayang panindigan."
That hit me. Now I know what to do. Sabay na
kaming lumabas ng simbahan, hinarang kami ng
isang tindera ng bulaklak.
"Bili na po kayo puting Rose, ate Kuya."
pamimilit ng dalagitang payat at maitim.
"Sige, isa." payag ni Jacob.
"Ibibigay mo sa santo? Hintayin na lang kita
dito." sabi ko.
"Hindi. Para sa'yo talaga to?" nakangiting aniya
at nakangiting iniabot sa akin iyon.
"Ha?" qulat ako. Eh, hindi naman ako sanay na
binibigyan ng bulaklak.
"'Sige na. Kunin mo na. Nhen I was a kid,
whenever my Mom is upset I give her flowers.
Automatic ng ngingiti 'yon. Sayang lang hindi ko na
siya mabibigyan ngayon."
"Bakit? Nasaan na siya?"
"She died three years ago.
"Three years ago? Eh, kung patay na siya, sino
iyong Nanay na kinukuwento mo sa akin na
naglalabada para makatulong sa'yo?" kunot noong
tanong ko. Tandang-tanda ko pa kasi ang kwento ng
buhay niya sa akin noong nagworkshop kami sa
publishing ni Carter.
Hindi kaagad nakasagot si Jacob. Parang
nagulat na ewan.
"S-Step mom ko iyon. Nag-asawa kasi ulit si
Tatay." aniya nang tila makabawi sa pagkabigla.
"Ah...thank you dito sa bulaklak." napatango-
tangong sabi ko na lang.
"Welcome. Halika na?" yakag niya kaya
naglakad na kami.
Bakit nga ba ngayon ko lang napansin? Kung
titingnan si Jacob, hindi siya mukhang ordinaryong
lalaki. Makinis kasi at fair ang complexion ng balat.
Parang hindi sanay maarawan. Matangkad at hindi rin
ordinary ang pagkaguwapo. Kalevel ni Carter.
Matangos ang ilong at papasa ngang artista.
Bahagya akong natigilan. Kung hindi ko kilala
to maiilang akong lumapit sa kanya kasi mukha din
namang alta. Well may mga ganoon nga sigurong tao.
Inborn na gwap0.
Chapter 47
Blangko ang isip ko habang naglalakad papasok sa
bahay ni Carter. Pero naalerto ako nang makita si
Carla na nakatayo sa gilid ng maindoor. Nandito na
naman ang bruha. May hawak pang apple. Feeling
snow white ampucha.
Kunwari wala akong nakikita nang du\maan
ako sa harap niya. Diretso ang lakad ko, hanggang sa
narinig ko ang pag-aray niya. Natapakan ko yata.
"Are you stupid? Why did you step on my foot?" gigil
siya.
"Para ka naman kasing tanga, eh. Haharang-harang ka
diyan. Estatwa lang girl?"
"Aba! Ikaw na nga ang nakasakit ikaw pa ang may
ganang magalit?"
"Makatapak ka ba naman ng tae, di ka magagalit?"
pamimilosopo ko na ikinalaglag ng panga niya.
Iniwan ko Siyang nakanganga doon. Wala ako sa
mood makipagbarugan sa kanya. Tuloy-tuloy akong
umakyat sa kwarto. Nakita ko pa si Carter na palabas
ng kwarto niya, karga si Harlie. Pagkatapos kasi
namin manggaling sa simbahan, inilibre ako ni Jacob
ng lunch. Ayoko nga kasi nahihiya naman ako pero
hindi na ko nakataggi. Ang kulit niya kasi. After nun
naghiwalay na kami ng landas kasi may aasikasyin
pa raw Siya.
Nanood na lang ako ng sine maghapon at nagpalipas
ng oras.
"Hey, saan ka galing? Bigla ka na lang daw umalis ng
walang pasabi sabi ng Mommy mo."
"May inasikaso lang ako."
"Date?"
"Hindi 'no!" kaila ko kaagad.
"So where did you get that?" nakapako ang tingin niya
sa hawak kong puting bulaklak na bigay ni Jacob.
Medyo lanta na nga iyon.
"Ah! Ano sa simbahan!"
"Really?" umangat pa ang kilay na tanong niya.
"0o nga. Nagsimba ko. Makulit iyong nagtitinda doon."
"Okay. Malapit na magdinner."
"Hindi ako sasabay, andiyan si Carla. Baka hindi ako
matunawan." tugon ko at napanguso pa.
"Don't mind her. Dinala lang niya iyong suit ko para
bukas. Ngiti ka na." nakangiting aniya at hinagpos pa
ang ulo ko.
"Bukas na nga pala ang birthday mo."
At bukas din ang alis ko..
"Yup, check your room. I have something for you."
"Ano 'yon?"
"Basta." nakangiting aniya at hinawakan na ako sa
braso saka iginiya papasok sa silid ko.
Napangiti na rin tuloy ako kahit medyo mabigat ang
dibdib ko. Pag ngumiti kasi talaga si Carter,
nakakadala.
"'Ano'ng laman nito?" naexcite na tanong ko nang
makita ang isang kahon na nakapatong sa kama. May
pink ribbon pa nga iyon sa ibabaw.
"Open it."
"Sige." napapangiting sabi ko at akmang hihilahin ko
na ang ribbon pero natigilan ako.
"Teka lang, di ba ikaw ang may birthday? Eh, bakit
parang ako pa 'tong nireregaluhan mo?' nangingiting
tanong ko.
"Just open it Callie, no buts."
"Okay. Okay. Eto na.
Hinila ko na ang ribbon at itinaas ang takip.
"Wow! Ang ganda! Sa'kin to?" halos mangislap ang
mga mata ko nang maiangat ko ang isang Off-the-
shoulder gauzy woven dress.
Above the knee ang haba. Malambot din ang tela at
cute ang kulay. Blush pink. May kapares din na flat
shoes na kakulay din ng dress.
"Okay sa'yo?"
"Oo naman. Thank you!"
"Means isusuot mo siya bukas?" tila nangislap pa ang
mga matang tanong niya.
"Ha bukas?"
Yeah. Aattend ka sa birthday ko."
Paano ko naman kaya sasabihin sa kanyang bukas din
ang alis ko at bawal akong umattend sa party niya?
Magwawala si Hailey pag nagkataon.
"O-Oo."
Hindi ako mapakali. Ang plano ko kasi aalis ako ng
walang paalam. Tulad ng gustong mangyari ni Hailey.
Lumabas ako ng silid pagkatapos magpaalam ni
Carter kasama si Harlie. Nagpalit ako ng damit
pambahay at napaupo sa kama. Wala sa loob na
gumala ang tingin ko sa silid na itinalaga sa akin ni
Carter. Mamimiss ko rin ang kwartong ito.
Pasimpleng pinunasan ko ang luha ko. Tumayo ako at
lumabas ng silid.
Bumaba ako at nagtungo sa garden. Nakita ko si Lola
este Paulina. Kasama ang isang tuta na napulot niya
sa daan noong nakaraang linggo. Muntik na raw
masagasaan kaya kinuha na lang niya. May
itinatagong bait din naman pala ito. Maasar nga saglit
ito. Maasar ang term ko since never siyang natuwa sa
kahit na anong gawin ko. Mamimiss ko rin naman şiya
kahit papaano.
"'Sige na, kainin mo na 'to." dinig kong kausap niya sa
tuta na pinaghalong puti at itim ang kulay. Tagpi.
Tingin ko nasa 5 or 6 months na siya.
"Ayaw pong kumain?" tanong ko kaya napalingon sa
akin.
"Nakakagulat ka naman! At oo ayaw niyang kumain.
Napakapihikan." asik niya sa akin.
"Alam niyo Lola, I mean Paulina dati may alaga
kaming aso, kapag walang gana iyon ibinibili namin ng
manok tapos ilalaga lang, gustong-gusto niya.
Siyempre 'wag niyong ipapakain ang buto, himayan
niyo po." suhestiyon ko saka bahagyang yumukod at
inilapit ko ang kamay sa tuta para ipaamoy sa kanya.
Nang kumawag ang buntot sa akin at dilaan ang
kamay ko ay hinagpos ko na ang ulo niya.
Noon ko pa gustong lapitan ang tuta, kaso nag-
aalangan ako dahil alaga ni Lola Paulina.
"Oh? Dog lover ka rin pala?" tila interesante niyang
tanong.
"'Oo naman. 15 years nga tumagal sa amin iyong aso
naming si Bantay. Halos maloka tuloy kami ng
mamatay iyon." kwento ko na parang hindi ko siya
kaedad. Eh ayawW naman kasi niyang ituring ko siyang
lola kaya ibigay ang hilig.
"Ang tagal naman. Samantalang iyong mga shitzu ko
dati 3-5 years lang ang tinatagal." tila namangha pang
komento niya.
"Maselan po kasi iyong may mga breed, hindi tulad ng
aspins, malakas resistensiya. At mas lalakas siya
kapag pinakain niyo ng nilagang manok o adobong
atay ng manok. Tataba din siya at hahaba ang buhay."
payo ko at napatango-tango naman siya. Mukhang
may pagkakasunduan na kami, ah?1
"Dog food lang kasi ang alam kong ipakain, hindi ko
maasikaso minsan ng personal dahil abala ko, pero
sige susubukan ko iyang suggestion mo."
Napangiti ako.
"Salamat po.
"They say Dogs are the most loyal kaya alam mo, mas
may tiwala ako sa aso kaysa tao, kaya naniniwala ako
na, ang taong mapagmahal sa aso,
mapagkakatiwalaang tao."
Pumasag ang puso ko at napangiti sa sinabi niya.
Does that mean..okay na kami?
"Minsan nga bigyan mo pa ako ng tips, okay?"
Bahagyang nawala ang ngiti ko, paano ko pa
magagawa iyon kung wala na ako dito.
"'S-Sige po, walang problema."
"Okay, let's go Oreo. Magpapaluto tayo ng nilagang
manok para mas maging masigla ka." tawag niya sa
aso at kaagad itong kinarga papasok ng bahay.
Napangiti na lang ako habang habol sila ng tingin.
Sayang.
Naalala ko ang sinabi ni Jacob, magiging mali lang
ang isang bagay o ang isang laban sa buhay natin
kung hindi ito mapaninindigan. At sa kaso ko, hindi ko
kayang ipaglaban si Carter. Kaya malinaw na mali
itong nararamdaman ko.
"'Callie! Let's go, dinner is ready." nakangiting tawag ni
Carter mula sa sala habang karga si Harlie.
Malungkot akong napangiti. Balang araw baka hindi
ko na makita ulit ang mga ngiti niya.
Napahawak ako sa dibdib ko. Ngayon palang masakit
na. Paano pa kaya kung naghiwalay na talaga kami ng
landas?
"See you again..." mahinang usal ko. Kung kailan ulit
kami magkikita? Hindi ko alam. O baka nga mas
makabubuting hindi na lang...

Chapter 48
"Would you like to go outside?" tanong ni Carter kay
Hailey.
Sinasamahan niya itong maglakad-lakad sa garden ng
mga ito habang karga nito si Harlie at pinapaarawan
nila.
"T-Talaga? Lalabas tayo?" bakas ang excitement sa
mukha ni Hailey.
"Yeah. Kahit sa mall lang. Naisip ko hindi pa tayo
nakakapagbonding na tatlo, Saka baka naiinip ka na
rin."
"Medyo. Pero dahil palagi mong dinadala si Harlie
dito, nababawasan ang pagkabagot ko. Pero qusto ko
ring mamasiyal kasama ka."
"Kailan mo gusto?"
"Kahit ngayon na."
"All right, magpapaalam tayo sa Mommy mo at kay
Callie. Tapos doon na rin tayo maglunch. Okay sa'yo
yon?"
Nakangiting tumango si Hailey. Bakas ang
excitement.
Pumasok sila sa loob. Nandoon si Callie at Mamshie
Elaine nito, abala ang dalawa sa pagpili ng kung ano
sa magazine. Magbubukas kasi ng restaurant si
Elaine kaya nagpapasama ito sa anak na bumili ng
mga kakailanganganing gamit doon.
"Tita magpapaalam lang po sana kami ni Hailey.
Ipapasiyal ko lang po sila." ani Carter.
"0 sige. Saan ba kayo pupunta?" nakangiting tanong
ng ina ng kambal.
"'Sa mall po."
"Really? Aayain nga sana namin kayong dalawa ni Cal
sa mall kasi I have to buy some things for my new
resto. And since nagyaya ka na, might as well sabay-
sabay na lang tayong pumunta. Convoy na lang tayo
since you brought your car."
Nagconvoy na nga lang sila. Si Hailey at Harlie ang
kasama niya sa sasakyan. At si Callie naman sa
kabilang sasakyan kasama ang ina.
"May problema ba si Callie?" hindi maiwasang itanong
ng binata kay Hailey habang nagmamaneho.
"Wala naman siyang nakukwento sa akin? Bakit?"
"Wala naman. Lately kasi tahimik lang siya. Hindi ako
sanay."
Nasabi niya. Kanina habang nasa biyahe sila ni Callie
papunta kina Hailey, hindi ito nagsasalita. O kung
magsasalita man pag may itinatanong lang siya.
Parang ayaw pa nga nitong makipag-usap sa kanya.
"Sobrang close niyo na ni Callie, affected ka na kapag
tingin mo may problema siya."'
Napasulyap siya kay Hailey. Tila may himig ng
panghihinayang ang tono nito.
"llang buwan na kaming magkasama sa bahay kaya
medyo kabisado ko na ang kambal mo at siyempre
may concern din talaga ako. Ayaw mo ba no'n
magkaibigan kami ni Callie?" nakangiting paliwanag
niya.
"G-Gusto. Pero sana tayo din maging magkaibigan."
"You're more thana friend to me Hailey."
"T-talaga?"
"You're the mother of my child so I think we should
build a good relationship for Harlie," kaswal na sabi ko.
"Ah.go0d relationship." pag-uulit niya na parang siya
na lang nakakarinig.
Nang makarating kami sa mall ay inalalayan ko siyang
bumaba saka namin inaayos ang stroller ni Harlie.
Nakababa na rin si Tita Elaine at Callie.
"O pa'no ikaw na lang ang maghatid kina Hailey sa
bahay, marami pa kaming bibilhin ni Callie, eh." ani
Tita Elaine.
"Yes Tita. Ako na po ang bahala."
"Okay sige thanks. Anak enjoy," paalam ni Tita kay
Hailey.
"S Sige." paalam sa amin ni Callie at nagmamadali ng
sumunod sa Mommy niya.
Hindi man lang sila halos tingnan.
"Let's go?" yakag niya kay Hailey.
"'Sige!" abot tenga ang ngiting anito.
Sa isang restaurant sila humantong.
"Madalas ba kayoni Callie lumabas?" tanong ni Hailey
habang nag-i-scan siya sa menu ng pwedeng orderin.
"Medyo lalo na kapag nabobored na kami sa bahay."
"Uhm.."
"May napili ka na?"
"Ito gusto ko," turo niya sa ribeye steak na may side
dish na mashed potato at corn cob.
"Alam mo, akala ko talaga nung una isa lang kayo, eh.
Takot na takot pa si Callie nung umamin sa'kin. She
even farted..hahaha." natawa na siya nang maalala
ang eksenang iyon.
"Kapag kasama mo si Callie walang oras na hindi ka
tatawa. That's her charm. She's funny and a team
player. Hindi tulad ko very dul."
"Hey. You don't have to compare yourself to her. You
are completely different from each other kahit
kambal kayo. And it's never fair to compare. Callie is
Callie and you are you."
"Thanks. Hindi ko lang kasi maiwasan minsan.
Tatlong buwan kasi akong nawala. Feeling ko ang
dami kong namiss. Ano kaya kung hindi ako
nakatulog? Ano kaya kung-"
"'Kung?" tanong niya dahil natigilan ito.
"Ano kaya kung hindi mo nakasama si Callie?"
"Bakit mo tinatanong 'yan?"
"Kasi..siguro kung hindi mo siya nakasama baka hindi
siya ang nagustuhan mo ngayon."
Bahagya siyang nabigla sa sinabi nito.
"May gusto ako kay Callie?" paglilinaw niya.
"Wala ba?"
Hindi siya nakasagot.
Wala nga ba siyang gusto sa kambal nito?
"Ano sa tingin mo?" sa halip ay nanulas sa labi niya.
"H-Hindi ko alamn. Sobrang close niyo na kasi. At
nakikita ko naman 'yon. Kaya nga gusto kong
malaman kung may nararamdaman ka ba sa kanya?"
diretsahang tanong nito.
Bahagya siyang napalunok. Hindi niya akalain na
ganito kaprangka si Hailey.
Mas mukhang palaban na ito ngayon. Kunsabagay sa
mga pinagdaanan ba naman nito, malamang ay takot
na itong mag-aksaya ng oras.
"H don't know...all I know is that I am happy being
with her."
"G-Ganoon din ba ang nararamdaman mo kapag ako
ang kasama mo? Tulad ngayon?"
"Yes. Masaya ako na kasama kita ngayon."
Hindi lang niya maiesplika kay Hailey na iba ang level
ng happiness niya kapag kasama ito at si Callie.
Ah.napakakumplikado ng nararamdaman niya
ngayon.
For now, he's certain that he doesn't feel anything
romantic for Hailey. Hindi lang siya sigurado kay
Callie...
"S-Sorry napressure yata kita?"
Bahagya lang siyang ngumiti.
"Okay lang. Let's eat." aniya nang dumating ang order
nila.
Bahagya siyang nakahinga ng maluwag. Sa totoo lang
napressure nga siya sa tanong nito.
Magana naman itong kumain at hindi na nag-ungkat
pa ng tungkol sa nararamdaman niya kay Callie.
Tingin niya kaya siguro tahimik si Callie ay baka
nagkaproblema ang dalawa? Kung sakali siya kaya
ang puno't-dulo?
Hindi niya rin alam ang gagawin kung sakaling siya
nga ang maging dahilan ng pagtatalo ng dalawa.
*_*8*
Callie's POV
"Your hair is out of style na anak. Parang hindi na
pantay itong haba ng buhok mo?" puna ni Mamshie
habang nasa isang department store kami at
nagtitingin-tingin ng mga kakailanganganing gamit
para sa bubuksan niyang resto.
"Okay lang yan Mamshie."
"No it's not okay, remember that hair is our crowning
glory. Kaya mamaya after nating maglunch, pupunta
tayo sa salon, okay? Sabay tayong magbubeauty
treatment," pangungumbinsi nito.
"'Sige na nga Mamsh!" nakangiting pagpayag ko.
"lsama kaya natin si Hailey? Kaso lang medyo hesitant
ako, kasi family day nila ni Carter, eh."
"'S-Sa susunod na lang po siguro kapag hindi na ako
kasama. Isa pa, more than anything else mas gusto ni
Hailey makasama si Carter at si Harlie kaysa
makipagbonding akin..." malungkot na sagot ko.
Napabuntong hininga ito at inakbayan ako, hinaplos
ang balikat ko.
"Sana magkaayos kayo kaagad anak. Nakakalungkot
naman na kung kailan nandito ko, saka kayo
magkakaroon ng misunderstanding. Saka kung sakali
naman na may nararamdaman ka nga kay Carter,
hindi naman kita mapipigilan. Been there done that.
Ang sa akin lang sana, hindi maging rason 'yon para
masira kayo ni Hailey," malumanay na sabi nito.
Nagtapat kasi ako sa kanya na may konting gap kami
ngayon ni Hailey. Hindi nga ako pinapansin ni Hailey
kaya wala ako sa mood. Kaya pati tuloy si Carter
nadadamay. Hindi ko rin kasi siya pinapansin.
Siguro nakakahalata na 'yon. Hindi lang nagsasabi.
Ang hirap naman kasi nitong sitwasiyon ko!
Bakit ba kasi nainlove ako? Hindi ko naman plinano o
sinadya. Basta na lang naramdaman ko. Wala akong
ibang gusto kundi tulungan si Hailey. Pero paano na
ngayon? Kung sarili ko mismo parang nalulubog sa
sarili kong nararamdaman?
"'S-Sana nga po. Hindi naman ako makikigulo sa
kanila, eh. Hindi ko naman siya kayang saktan. Lalo na
si Harlie. Deserve ng bata na buo ang pamilya niya.
Kaya kung anuman itong nararamdaman ko para kay
Carter, wala po akong balak i-push. Hindi ko sila
kayang saktan. Pamilya ko sila. Ako na lang po ang
lalayo."

Chapter 49
Callie's POV
"Wow! You look so stunning! I love your new haircut!"
papuri sa akin ni Mamshie Elaine nang magpahair cut
ako.
Napatitig ako sa salamin. Oo nga bumagay sa akin
ang gupit ng magaling na bading.
Long brunette shag with subtle highlights ang tawag
doon.
Ang dating hanggang likod kong buhok ay ginupitan
ng hanggang balikat na lang at nilagyan ng long side
bangs.
Tuwang-tuwa ang nag-assist sa akin sa laki ng tip na
ibinigay ni Mamshie.
"Ikaw rin Ma, ang ganda ng new hair mo. Mas bumata
ka tingnan. Baka maligawan.." tukso ko na ikinatawa
niya at ikinailing.
"Hay nako tigilan mo ko. Wala akong balak
magboyfriend ano, sakit lang 'yan sa ulo."
"Eh, bakit naman po? Ganda niyo Mamsh. Mukha kang
Reyna kaya dapat meron kang Hari."
"Woah! Parang pinagtutulakan mo na ko, ah? So just
in case na may manligaw sa akin, hindi kayo
magagalit ni Hailey?"
"Bakit naman po kami magagalit? Deserve niyo po
sumaya. Kung hindi niyo nakuha kay Tatay iyong
happiness, malay niyo po sa ibang tao niyo makita.
Baka sa iba talaga kayo nakatadhana. Basta kung
saan ka masaya Mamshie, doon ako. At for sure si
Hailey din."
Nanubig ang mga mata nito.
"Naiiyak naman ako! Alam mo ang swerte ko sa inyo.
Pero kung may darating, may darating. Basta sa
ngayon wala pa akong balak. Kayo ang happiness ko."
"Mamshie baka magkaiyakan na tayo dito. Tara na
bumalik sa dept. store may nakita akong
magagandang kurtina do'n."
Naglalakad na kami pabalik sa department store
nang tumunog ang phone niya.
"Wait lang anak."
Sinagot niya ang tawag. Mayamaya lang ay
sumeryoso na ang mukha niya.
"I have to go to the resto, may konting problema."
"Ano daw po?"
"Eh, iyong isang interior decorator nalaglag sa
hagdanan. Siyempre sagot ko iyon kaya pupuntahan
ko. Tara na? Or you wanna stay, balikan na lang kita?"
"Uhm dito na lang po muna ako. Magrirelease ng
stress. Kaya niyo po ba?"
"Oo naman. Sige "'ll call you kapag pabalik na ko.
Malapit lang naman iyong hospital."
"'Sige po. Ingat."
Nang maiwan ako ay dali-dali akong sumugod sa
favorite place ko sa mall tuwing stress ako.
Ang National Book Store! O kaya sa Booksale!
Book is life!
Ang NBS ang una kong nadaanan. Halos lumuwa ang
mga mata ko sa daming mga bagong released na
libro mula sa iba't-ibang local publisher.
"Ang kapal nito kaso mahal. Ito rin. Ano kayang
bibilhin ko? Lahat na lang aya?"
Natawa ako sa huli kong naisip. Para namang ang
yaman ko?
"Penny for your thoughts?"
"Kabayo!" halos himatayin ako sa gulat sabay
hambalos ng libro sa ulo nang nanggulat sa akin.
"JJacob? Jusko ka. Sorry!" tarantang paumanhin ko
nang makilala ko siya, baka nabukulan ko siya.
"It's okay. It's my fault," nangingiting aniya sabay
himas sa ulo.
Napahawak rin tuloy ako do'n at bahagyang hinaßlos
ang ulo niya. Kaagad din akong bumitaw nang
mapansing nakatingin din siya sa kamay ko.
"Sorry talaga. Ikaw kasi bakit ka nanggugulat?"
"I was just surprised na makita ka dito. So nilapitan
kita kaagad."
"Oo nga. Bakit ka nga pala nandito? Looking for new
books?"
"Nah. I am looking for my own book."
"Own book? You mean???"
"Published na siya! Here!" iniabot niya sa akin ang
isang libro na kinuha niya sa katabing shelf.
"Wow! Published author ka na nga! Congratulations!"
natutuwang bati ko.
"'Awesome right? Tumawag sa akin 'yong isang staff
ng Hyun Publishing. Ang sabi narelease na raw. So|
came here to see for myself. At nakita rin kita."
"Galing!"
"Here. Para sa'yo tong isang copy. Hindi ko pa
nadadaanan iyong complimentary copies ko, eh."
Napangiti ako at kinuha ang librong isinulat niya.
"Thank you! Pero dapat may sign mo. Pirmahan mo
mamaya."
"Sure! Merienda tayo? My treat. " yakag niya.
"Sige. Hindi ako tumatanggi sa libre!" bulalas ko kaya
natawa siya.
"JJacob bakit?" tanong ko dahil bigla na lang siyang
tumitig sa akin.
"I like your new hairstyle. Mas gumanda ka."
"Huuu! Bola! Pero salamat. Halika na, baka magbago
pa isip mo,' yakag ko.
Binayaran niya sa counter iyong book niya at nagulat
ako na pati iyong dalawang librong napili ko kanina ay
binayaran niya rin.
"Jacob, magkano damage ko?" tanong ko dahil nasa
kanya ang receipt.
"You don't pay for gifts," aniya habang palabas kami
sa book store.
"Ha? Ang akala iyong book mo lang na sinulat ang gift
mo sa'kin. Parang sobra naman yata 'to."
"No. That's fine. Come on. So where do you want to
eat?"
"Ah, doon na lang!" turo ko sa Chowking dahil gusto
ko ng halu-halo.
"Teka, si Sir Carter 'yon diba?" turo niya sa glasswall
nang madaanan namin ang Yellow Cab Pizza.
Napatingin tuloy ako. Oo nga. Nandoon si Carter.
Kasama si Hailey at si baby Harlie na nasa stroller.
"Dito na lang tayo kumain," nakangiting yakag niya.
"Ha? Sa Chowking na lang-"
Hindi na ko nakapalag kasi hinawakan na niya ang
kamay ko.
Namalayan ko na lang na nasa loob na kami. Palapit
sa table nina Carter.
"Sir Carter! Good afternoon po," ngiting-ngiti batini
Jacob habang hawak pa rin ang kamay ko.
"oh Jacob, fancy meeting you here...teka Callie?"
tawag ni Carter nang mamukhaan ako.
"H-Hello."
"Eh? Siya 'yong kambal mo?" tanong ni Jacob nang
mapatingin kay Hailey.
"0-0o. Siya si Hailey, twin sister ko. lyong sinasabi kO
sa'yong Mommy ni Harlie. Hailey, si Jacob. Kaibigan
ko," pakilala ko kay Jacob.
Nakangiting tumango naman dito si Hailey.
"'Sir, ang cute po ng baby niyo," purini Jacob.
"Yah mana sa akin," pagmamalaki ni Carter.
"'Sige Sir, kain lang kami ni Callie, nag-greet lang
talaga ko," paalam ni Jacob.
"Why don't you join us? Okay lang ba Hailey?" tanong
ni Carter sa kambal ko.
"Ah, oo naman. Dito na kayo Callie," nakangiting yakag
sa akin ni Hailey.
"Wow. Thanks." ani Jacob.
Baka hindi na siya galit sa akin?
Pahaba naman ang mesa kaya kasiya kami. Ipinaghila
ako ni Jacob ng upuan, katabi ko si Hailey.
Samantalang doon siya umupo sa tabi ni Carter kaya
magkatapatan kami.
"What do you wanna eat?1 love their chicken Alfredo,
it's a must try. Best seller naman nila sa pizza ang
New York's finest natikman mo na ba yon?" tanong
pani Jacob sa akin.
"O-00. Dinalhan ako ni Carter minsan," sagot ko.
"OhI remember that. Lalo na 'yong chilli flakes,"
biglang sabat ni Carter kaya napating in ako sa kanya
at natawa.
"Chilli flakes na ipinansaboy mo kay Allan kaya
naisahan mo siya? Epic yon!" natatawang sagot ko na
ikinatawa rin niya.
"Sinong Allan? lyong kapit-bahay nating adik?" usisa ni
Hailey.
"Oo nakalimutan kong sabihin sa'yo na ipinakulong ko
nga pala siya kasi pinasok niya bahay natin. Buti na
lang dumating si Carter kasi kung hindi baka wala na
kami ni Harlie."
"Grabe naman. Nakakanerbiyos, ah?" reaksiyon ni
Hailey.
"Oo pero nothing to worry kasi wala naman na siya,
eh. Di na makakalabas 'yon kasi patong-patong ang
kaso niya."
"Buti naman. Teka nasaan si Mama?" usisa ni Hailey.
"Pumuntang resto may nadisgrasiyang staff."
"l see. Teka nagpagupit ka?" usisa ni Hailey.
"Ganda di ba biglaan lang, kasi magdidate nga kami.
She wanted to impress me...and she did a great job
kase naimpress talaga ko," ani Jacob.
"Jacob!" saway ko kaya mas lalo siyang natawa.
Kung anu-ano sinasabi ng lalaking 'to.
"Teka kayo ba?" litong tanong ni Hailey.
"Hindi!"
"Hindi pa..." kaswal na sagot ni Jacob
"Jacob?" muling saway ko.
"'Sir, thank you nga pala. Released na ang book ko,
nakita ko sa NBS kanina," ani Jacob imbes na pansinin
ang pananaway ko.
"Yeah. Congrats next week may signing event tayo.
Kaya be ready," pormal na ang mukha ni Carter.
Umorder na si Jacob at tulad ng promise niya. Siya
nga ang taya.
"Ang dami nito, ah. Puro kay Baby?" usisa ko nang
makita ang mga shopping bags na nakalapag sa tabi
ng stroller ni Harlie.
"Oo. Ako ang pinapili ni Carter, enjoy pala
magshopping ng gamit para sa baby." ani Hailey
habang karga si Harlie.
Tapos na kasi silang kumain.
"'See? Nasasanay na siya sa'yo, hindi na umiyak," puna
ko nang mapansing comfortable na sa kanya si Harlie.
Nung mga unang araw kasi kapag kinakarga niya si
Harlie umiiyak pa.
"Kaya nga, eh, buti na lang..."
Nang dumating ang order namin ay halos mahiya ako
dahil grabe kung mag-asikaso sa akin si Jacob!
Ipinaglagay niya ko ng pizza sa plato at siya rin ang
nagbigay sa akin ng knife at fork.
"J-Jacob ako na,' naiilang na sabi ko.
Napansin ko kasing wagas ang titig ni Carter. Si
Hailey naman nangingiting ewan. Alam kong aasarin
niya ko mamaya.
"Sir kain ulit?" alokni Jacob kay Carter.
"No thank you. I'm full."
"Sana Cal sa next signing event ko katabi na kita," fnay
sweet smile na ani Jacob.
"Eh, sana nga. Panalangin mo maapprove first manu
ko" nasabi ko na lang.
Hindi ako halos makakibo sa sobrang busog ng
matapos kaming kumain. Nang magkayayaang mag-
uwian ay sumabay na ako kina Carter para hindi na ko
daanan ni Mamshie Elaine.
"Thanks sa treat. Nabusog ako," sabi ko kay Jacob
nang pasakay na ko ng kotse.
"Mas thank you kasi nag-enjoy akong kasama ka. Sige
text text na lang. Bye," aniya at bahagya akong
nabigla nang yumukod siya at halikan ako sa pisngi.
Matamis ang ngiting kumaway pa siya bago naglakad
palayo.
"Callie, tara na!" tawag ni Hailey kaya dali-dali akong
sumakay sa backseat katabi niya.
"Kambal, mukhang patay na patay sa'yo si Jacob.
Nanliligaw ba talaga sa'yo 'yon?" basag ni Hailey sa
katahimikang namamayani sa loob ng sasakyan.
"Hindi, ah! Nagbibiro lang 'yon."
"Eh, bakit kayo magkasama? Kaw ha nagsisecret ka
na sa akin," kunwang reklamo niya.
"Eh, nakita ko lang siya doon sa NBS. Tapos binigyan
niya ko ng copy ng book niya at may bonus pang
kasamang dalawang book. Nilibre niya ko."
"Wow! Talaga? Patingin."
Excited na binuksan ko ang supot na pinalagyan ng
books.
"Ang kakapal, medyo pricey, oh. Halatang special ka
sa kanya. Ay naku sinasabi ko sa'yo, hindi malabong
manligaw 'yan sa'yo. Bagay din naman kayo kaya 'wag
mo ng pakawalan kung sakali," kantiyaw ni Hailey.
Nagkibit balikat na lang ako.
Nang makarating kami sa bahay ni Mamshie Elaine ay
maaliwalas pa ang mukha ni Hailey na nagpaalam kay
Carter. Bumaba muna ako ng sasakyan para kausapin
si Hailey.
"Pasabi na lang kay Mamshie na nakauwi na ko kina
Carter, ah?" paalam ko kay Hailey.
"Okay."
"H-Hindi ka na ba galit sa'kin?" tanong ko.
"Kung galit ako hindi kita kakausapin. Saka hindi na
dapat ako magalit kasi sabi ni Carter, pwede na kong
lumipat sa bahay niya pagkatapos ng birthday niya.
"Ha? Lilipat ka na?"
"Oo. Magsuswitch na tayo. Dito ka kay Mamshie kasi
wala siyang kasama, tapos ako na doon sa bahay ni
Carter kasama si Harlie, para magkakasama na kami."
"Mabuti naman. O pa'no, una na ko."
Nakangiting tumango naman siya at kumaway.
Kami na lang ni Carter at Harlie sa loob ng sasakyan.
Ang tahimik.
"Nice hair," basag niya sa katahimikan
"S-Salamat. Lilipat na pala si Hailey after your party?"
"Tulad ng sinabi mo, that's the original plan."
"Take good care of her..."
"Of course.kagaya ng ginagawa sa'yo ni Jacob?"
"Teka ba't napasok siya sa usapan?"
"Sobrang sweet niya kasi sa'yo."
"Ewan ko do'n. Alangan namang may gusto talaga
siya sa'kin?"
"Hindi ka naman mahirap magustuhan."
"Eh, siguro galante lang talaga siya sa kaibigan. Kaya
binigyan niya ako ng books."
"Kaya rin kitang bigyan ng maraming books.".
"Uy para ka namang nakikipagkumpitensiya?"
"Hindi ako nakikipagcompete, Callie."
"Eh, ano?"
"Im just simply... jealous."
"JJealous? Selos'yon diba? Ba't ka magsiselos?"
tumatahip ang dibdib na tanong ko.
"Bakit ba nagsiselos ang isang tao?"
"Don't tell me may gusto ka kay Jacob?" biro ko.
"Callie! Nevermind. Nasobrahan ka yata sa pizza,
uminom ka ng tsaa pagdating natin sa bahay. Puro ka
kalokohan," naiiling na sabi niya kaya natawa na lang
ako.
"Sungit Lolo Carter."
"It's hottie Carter," pagtatama niya kaya natawa na
lang ako.
Ayoko ngang isipin na ako ang gusto niya kaya
nagsiselos!

Chapter 50
"Ano pong ilalagay natin sa cake madam?" tanong sa
akin ng babaeng crew na binibilhan ko ng cake. Ang
pulang laso.
"Eto sinulat ko." iniabot ko ang isang papel.
Kinuha niya iyon at iniabot sa isa pang crew na
lalaki. Kitang-kita ko ang matamis nilang ngitian.
"Love, eto pa. Okay ka lang ba diyan?"
malambing na tanong ng babae. Bulungan pa, dinig
ko rin naman!
"Miss, balikan ko na lang, ah?" paalam ko dahil
nabibigatan na ko sa dala ko, tapos tatlo pa iyong
sinundan ko na dedication cake din ang ipinagawa.
"Sige po Ma'am. Receipt niyo po for claiming."
abot niya sa akin ng resibo.
"Thank you."
Naghanap ako nang bakanteng upuan sa food
court na malapit lang ng Pulang Laso. lbinaba ko na
ang mga dala kong mabibigat na supot at inilapag sa
mahabang mesa. Tumunog na rin ang cellphone ko
kaya dinukot ko pa iyon sa bag ko. Si Carter.
"Food court." tugon ko sa kabilang linya.
"Entrance na ko."
"Okay see you!" sagot ko bago pinindot ang end
call. Ibinalik ko na rin sa sling bag ko ang cellphone.
Saka dali-daling pinagtatanggal sa supot ang mga
pagkain na binili ko.
It's his birthd ay. Hindi na ako makakaattend
mamaya sa mismong party niya kaya
napagdesisyunan ko na pasayahin muna siya bago
man lang ako umalis sa poder niya. As a sign of
gratitude na rin sa lahat ng kabutihang ipinakita niya
sa akin. Na kina Hailey si Harlie kaya hindi na ko
nahirapan na umalis. Isa pa naiilang ako doon dahil
hindi naman ako kinakausap ni Hailey. Malamig na
talaga ang pakikitungo niya sa akin. Siguro
magbabalik lang kami sa dati kapag umalis na ako sa
poder ni Carter.
It's already 2:30 pm. By 6 pm ang start ng party
niya. I only have more than 3 hours to be with him
before I bid my goodbye. I want to give him my warm
send off. Nangilid kaagad ang luha ko sa isiping
magkakalayo na kami.
"Cal-cal!" nakangiting bulalas ni Carter nang
makita niya ang kinauupuan ko na malapit lang sa
escalator.
Ang ganda niya talagang ngumiti. Tipong kahit
may mabigat kang dinadala, tingin ka lang sa kanya at
pakiramdam mo gagaan kaagad ang lahat. Napansin
ko na habang papalapit siya sa kinauupuan ko ay tila
naging matiim ang mga titig niya sa akin.
Di ko mapigilang mailang dahil parang naghead to toe
na siya sa akin. Marahil nagtataka siya dahil isinuot ko
na ang ibinigay niyang damit na dapat ay mamaya ko
pa dapat isusuot sa party.
"You look exquisite..."
"H-Ha? Ano yon?"
Ngumiti siya. Ngiting tila nagpanginig sa mga
tuhod ko.
"Means you look beautiful, gorgeous, stunning
and in other words, you look perfect.."
My heart sank..
paupo.
"Heh! Bola." tumawa ako sabay hinila na siya
"Wow! Parang fiesta, ah?" gulat na pakli niya
nang makita ang mga pagkain na nasa mesa tulad ng
3 pirasong hamburger, 2 jolly spaghetti at 2 large
French fries ng Jollibee at may fried chicken pa. May
siomai pa galing kay Chowking. Well favourite ko kasi
iyon kaya binili ko.
"Maniniwala ka bang tigpipiso ko lang sila
nakuha?"
"Really? How? May on-going promo sila?"
"Online doon sa shopee, pinagpupuyatań ko
kapag nagliligalig si Harlie, buti na lang malakas
internet mo sa bahay, sorry kung medyo cheap ah?"
"No, no, no! This is priceless. I'm going to eat all
of this!"
"Wait lang may nakalimutan ako, hintayin mo ko.
Nagmamadaling bumalik ako sa Pulang Laso.
"Miss okay na?" tanong ko sa babaeng crew at
ipinakita ang receipt ko.
"Yes ma'am, thank you po." magiliw na sabi niya saka
iniabot sa akin ang box ng cake.
Napansin kong nakatingin pa rin sa akin si Carter
habang papalapit ako.
"Charan! Happy birthday!" energetic na bati ko
matapos mailapag iyon sa table.
Napahimas siya sa tenga habang ngiting-ngiti. His
ears are red.
"This is so much Callie. But thank you!" tila
nagniningning pa ang mga mata niya sa tuwa.
And I couldn't be happier knowing na napasaya
ko pala talaga siya.
"Ano ka ba okay lang 'yan. Magbublow ka, ah?"
sabi ko habang kinakalas ang ribbon sa kahon sabay
angat ng takip.
"Nice...can you read it out loud for me?" request
niya nang mapunang may nakasulat sa ibabaw ng
chocolate cake.
"'Sige." pagpayag ko saka tumikhim at binasa na
ang nakalagay.
"Happy Birthday to the most awesome person,
Daddy Carter! Thank you for everything! Love Callie!"
tuloy-tuloy na basa ko.
"Really? Mahal mo ko?" nakakaloko ang ngiting
tanong niya na ikinalaki ng mga mata ko sabay tingin
sa nakasulat.
"H-Ha? Wait! Hindi love Callie ang nakalagay
diyan. Dapat From Callie, from lang! Teka babalikan
ko sila-"
"'Sshhh. Calm down." pigil niya sa braso ko
noong akmang babalikan ko ang Pulang Laso.
"A-Ano kasi iyong magjowa doon magcouple
sila!" paliwanag ko na ikinaangat ng isang kilay niya.
"Of course, if the two person have a romantic
relationship then couple nga sila." tatawa-tawang
asar pa niya.
"Ano nga kasi-"
"Joke lang Callie. Chill ka lang. Come here."
bahagya niyang hinila ang wrist ko at pinaupo sa tabi
niya. Kinuha niya ang cellphone at tinapat sa aming
dalawa, lumitaw ang mga mukha namin doon.
"Ano'ng gagawin mo?"
"Picture. Come on, say Callie!" ngiting-ngiting
utos niya.
"Callie? Bakit name ko? Di ba dapat cheese?"
"Just say it. 1,2.." bilang niya at bago pa
makarating ang count sa 3 sabay na kaming
nagsalita. Napansin kong bahagya siyang tumagilid at
idinikit pa niya ang ulo niya sa ulo ko.
"Callie!"
"Callie!"
We formed a big smile as we both mentioned
my name...
"Ang cute natin dito." aniya nang tingnan ang
litrato namin.
Tumango ako, ang cute nga. Ang ganda
tingnan at alam kong palaging ko ring pagmamasdan
ang larawang iyon kapag lumayo na ako ng tuluyan.
"Share it mo sa akin mamaya. Eh, bakit nga pala
Callie? Corny ha. Dapat cheese, eh."
"Callie, because you always make me happy
and just by mentioning your name l can't stop myself
from smiling."
"Carter naman! Para kang ugok. Lika na kain na
tayo. Pero magblow ka muna." pang-iiba ko na lang
dahil parang di ko kakayanin mga titig niya.
Kinuha ko sa bulsa ng bag ang binili kong
lighter matapos itirik ang kandilang binili ko rin, na
may hugis 27 sa ibabaw ng cake
"Happy birthday to you. Happy birthday to you.
"kanta ko nang masindihan iyon.
Nakatingin lang siya at nakangiti sa akin.
Nakangiti rin tuloy ako ng wagas at napapalakpak pa
habang kinakantahan siya.
"Now, make a wish!" utos ko nang matapos ko
siyang kantahan.
"Okay.." pumikit siya ng ilang segundo
pagkatapos ay hinipan na ang kandila.
"Yay! Happy birthday! Ano'ng winish mo?"
curious na tanong ko.
"Sana gumanda boses mo." nakangising sagot
niya kaya bahagya ko siyang sinuntok sa balikat kaya
ang lakas ng tawa ng mokong.
"Ang sama mo! Kinantahan ka na nga, eh."
reklamo ko.
"Joke lang, actually sweet nga ang boses mo.
Pero iyong wish ko, saka mo na lang siguro
malalaman kapag natupad na."
"K. Fine! Halika, kain na tayo. Spaghetti muna
for long life!" yakag ko at inabutan ko na siya ng foods.
"Teka bakit nga pala suot mo na kaagad 'yan?
Mamaya pa ang party." puna niya noong kumakain na
kami.
"Ah, eh wala lang, excited lang! Ganda, eh." dahilan ko.
"Wala bang ibang darating? Tayo lang?" usisa niya pa.
"Oo, kasi mamaya sa party busy ka na, kaya ginawa ko
na 'tong little surprise ko."
"Ah..in short gusto mo kong masolo? Tama?"
umaangat-baba ang kilay na tanong niya.
"Heh! Loko. Kain ka na lang diyan, bukas may bayad
na 'yan." biro ko pa.
"Cal-cal.."
"Hmm?"
"Tumawag sa akin si Dad kanina...
"Talaga? Ano'ng sabi?" namilog ang mga mata ko.
Sana magbati na sila.
"Well he greeted me, gusto niyang mag-usap pa kami,
he's asking for my forgiveness. Kung pwede raw
magkita kami, isama ko raw si Harlie." seryoso ang
tono niya.
"Pumayag ka?"
"Hindi pa."
"Payag ka na. Masiyadong maiksi ang buhay para
magalit. Pero ui, hindi ko naman sinasabing hindi vatid
ang feelings mo pero sana talaga maging okay na
kayo. Mas masaya kapag bati-bati lahat."
"You think so?"
'Oo naman! Matanda na rin Daddy mo 'no, alam na
niya mga pagkakamali niya. At alam nating sobrang
nagsisisi na siya. Isipin mo araw-araw, dala niya sa
dibdib niya lahat ng guilt, paninisi sa kanya, mabigat
kaya 'yon. Kaya kahit pa siguro pilitin niyang sumaya
hindi niya magagawa kasi nga ang daming negative
vibes na humahatak sa kanya pababa. lyong
forgiveness na hinihingi niya sa'yo ang magpapagaan
sa lahat ng 'yon, kasi kahit alam niyang nagkamali siya
meron pa siyang pangalawang tiyansa kapag
pinatawad mo na siya..."
"Thank you Callie, iniisip ko na rin 'yan. Ayokong
dumating ang araw na si Harlie naman ang
magtatanim ng sama ng loob sa akin I want to be the
best Dad for Harlie. At magagawa ko lang 'yon kung
magiging mabuting anak rin ako."
"Tama! Nakakaproud naman this boy." kinuha ko pa
ang kamay niya at tinapik-tapik. Bibitawan ko na sana
nang hawakan naman niya ang kamay ko.
Nagtama ang mga mata namin.
"Do you know how happy l am today?" seryosong
tanong niya.
"Tingin ko, sobra! Kasi kasama mo si Harlie ngayong
birthday mo."
"At siyempre kasama kita..."
Napalunok ako. Gusto ko na talaga tong yakapin.
"Naman! Ako ang hired clown mo for today kaya
sasaya ka talaga. Kain ka na, may mga gagawin pa
tayo master. At saka bubuksan mo pa itong gift ko."
nangingiting sabi ko at binawi ang kamay ko. Iniabot
ko ang isang kahon na may balot na gift wrap.
"I think this is too much. Pero hindi ko tatanggihan.
What's this?" tila naexcite na tanong niya.
"Basta. Buksan mo.
Expected ko sisirain niya talaga pero iyong tape ang
pinagtatanggal niya saka tinanggal ang wrapper.
"Wow! Cool! Thanks Callie."
It's just a white printed shirt na may nakalagay na l'M
CARTER, BEST DADDY EVER.
Gusto kong ipaalam sa kanya na wala ng dapat mas
hihigit pa sa obligasiyon niya bilang ama kay Harlie. At
reminder ko na rin mismo iyon sa sarili ko na hindi
talaga kami pwede.
"Keribels?" tanong ko.
"Keribels. Ang ganda, eh. Susuot ko 'to mamaya sa
party. Balak ko na rin kasing ipakilala sa lahat si Harlie.
"Ayan! The best daddy ka talaga!" natatawang sabi ko
dahil sa pagsasabi niya ng word na keribels.

Chapter 51
"Where to?" tanong ni Carter habang naglalakad kami.
Nag isip alko, kung manonood kami ng sine, kakain iyon ng halos dalawang otas.
Walang masiyadong bonding na magaganap dahil konsentrado kami sa panonood. Gusto
lko
kasing sulitin ang last day ko kasama siya. Iyong parehas kaming mag-eenjoy ng
hindi
nakaupo lang.
"D-Doon! Gusto kong subukan" turo ko sa ice skating rink na natanaw ko.
Lumiwanag ang mukha niya.
"Talaga? Masaya mag-ice skating."
"Marunong ka?"
"Yup! r'l be your personal trainor. Let's go!" hinawakarn niya ang kamay ko at
patakbo kaming nagpuntá doon sa excitement.
Nanigas ang mga tuhod ko nang makatapak sa yelo. Hin di ako makalad ng ayos dahil
feeling ko tutunba ko sa suot kong skates. Medyo narelieve lang ako nang hawakan ni
Carter ang kamay ko.
"Relax Callie, the first step to learm this thing is to march." instruction niya.
"Martsa?"
Yeah, lifting up your knees and walking on the ice. Like this," itinaas niya ang
dalawang karnay sa tagiliran at marahang nagmartsa sa harapan ko papunta sa gitna
ng
rink. Pagkatapos mabilis siyang bunalik sa akin. Ang gwapo niya habang nag-i-skate
pabalik sa akin. Para siyang Ice prince...
Ipinilig ko ang ulo ko. Nagday drearming na naman ako.
"You need to keep your core strong." paalala pa niya at gurnawi sa likuran ko saka
itinaas ang dalawang karnay ko. Tipong nakadipa tulad ng ginawa niya kanina.
"Eh, paarno kung matumba ko?" tanong ko nang pumunta ulit siya sa harapan ko.
"Pupulutin kita." ngisi niya.
"Heh!" irap ko.
"If you ever feel like falling, you just need to put your ams out and grab your
knees.
Copy?"
"Noted Master."
Nagsimula na kami. Manginig nginig pa ang tuhod ko nang humakbang ako At dahil
baguhan, hindi maiwasang sumemplang. Ready na ang pwet kong hmagapak dabit hindi
ako nakahawak sa tuhod ko. Nasa likod ko si Carter, nakaantabay
But suddenly, Carter grabbed ny waist from behind, inikot niya ako at parang
bumagal ang oras nan g iniharap niya ko sa kanya. Napasubsob pa ako sa dibdib niya
Habol
ang hininga ko, hindi alintana na wala kaning distansiya.
"Muntik ka ng lumagpak"
"Nahulog ná nga, eh" wala sa loob na sabi ko.
"What?
"Wala. Ang sabi ko, shunga ako."
Tawanan kami.
"Isa pa." instruction niya kaya sunod naman ako. Nakailang lagapak ako pero palagi
niya akong itinatayo.
Magaling mag- guide si Carter dahil halos wala pang isang oras nakakaya ko nang
magskate nang walang tumbahan.
"Mukhang kaya mo nang makipagkarera, ah?" puna niyahabang nasa gilid ko siya at
inikot namin ang rink. Ang sarap sa feeling ng malarnig na hangin.
"Pustahan tayo?" nagyayabang na hamon ko.
"Ano premyo?"
"Manlilibre ng drinks."
"Game." kasa niya at walang sabi-sabing bumira ng takbo sa rink.
Nagkumahog akong humabol, nililipad na ang buhok ko sa bilis, malapit ko na siyang
abutan pero bigla naman siyang huminto, inikutan ako at turnigil sa tagiliran ko,
nagmenor
ako sa pag-skate n ang hawakan niya ang kamay ko. Malamig ang paligid pero mainit
ang
palad niya. Masarap sa pakiramdam.
"Carter?"t he intertwined our hands...ang bilis na naman tuloy ng heartbeat ko.
"Mas masaya kung sabay at magkahawak kamay.." matarnis ang ngiting aniya.
Napangiti na lang din ako. Parang walang tao sa paligid na nilibot namin ang rink
habang
hawak ang kamay g isa't-isa. Hindi ko naiwasang makipagtitigan sa kanya dahil hindi
naman niya ako hinihiwalayan ng tingin. Pansamantala, tila nakalimnutan ko ang
lahat.
Sobrang saya ng pakiramdam ko at tila nagkaroon ako ng peace of mind. Sana ganito
na
lang palagi.
Pero tumnatakbo ang oras. Ilang saglit na lang at bibitawan ko na ang kamay niya.
Nanubig
ang mga mata ko kaya tumingin ako sa unahan, pakiramdam ko masahol pa ako kay
Cinderella Siya kasi kayang magsaya hanggang alas dose ng gabi pero ako? Halos
dalawang
oras na lang at hindi ko na makakasa ma ang prince charming na alam kong hindi para
sa
alkin.
Kahit talo ako, siya ang nanlibre ng halo-halo sa chowking
"Carter, 'wag mong kainin 'yang yelo, haluin mo mina" natatawang sabi ko nang
makitang kinain na niya ang leche plan sa ibabaw at isununod naman niya ang yelo
"Ha?" tila clueless na tanong niya Dugong bughaw nga talaga 'to
"Ako na," prisinta ko at kinuha ang baso niya.
Napansin kong nangalumbaba siya at tinitigan lang ako. Ano ba 'tong lalaking 'to?
Tititigan na lang ako buong araw? Mag katapatan kami ng upuan kaya hindi ako
makarwas
ng tingin.
"Ganito kasi 'yan, pababain mo muna ang yelo gamit ang kutsara. Saka mo haliuin
para
hindi magkandatap on -tapon" turo ko habang hinuhugot pataas at pababa ang kutsara
sa
baso.
"Nice. Ahhh." ngumanga siya.
Napailing ako at nangingiting sinubuan nga siya. Napangiti siya nang matiknan iyon.
"Sarap?"
"Yup. Isa pa, ahhh. " ngumanga na naman ang loko.
"oi, nawili ka naman, wala kang kamay? Sige na kainin mo na 'yan."
"Damot," parang batang maktol pa niya kaya napatawa ko.
"Si Irene ba pupunta mamaya?" tanong pa niya.
120 BGUS
"Ah..oo. Hindi nga pala ako sasabay pauwi sa'yo kasi dadaanan ko pa siya." dahilan
ko.
"Eh, kung daanan na lang natin siya ngayon?"
"Naku!Wag na, baka pauwi palang iyon ngayon saka kailangan mo ng mauna, ikaw ang
celebrant bawal kang malate. Don't worry kaya ko."
"Sure?"
"Oo nga"
Nang matapos kaming kumain ay ikinuha niya ako ng taxi. Ang alam niya nga kasi ay
dadaanan ko lang si Renato, pero ang totoo kukunin ko lang ang mga gamit ko doon na
ini-
empake ko pa kaninang umaga. Sa kanya ko muna ipinahabilin habang nag-ilsip ako
kung
saan ako tutuloy.
"Manong paki-ingatan." ani Carter habang iniaabot dito ang bayad nang makapasok ako
sa
loob.
"Carter, thank you sa lahat" seryosong sabi ko habang nakadungaw sa bintana
Nagulat ako nang dumukwang siya at halikan ako sa noo
"Ishould be the one to say that...you made me happy, Callie."
Napayuko ako, so this is it..we need to part ways. Sa ayaw man o sa gusto ko.
"See you later. " kaway niya nang paandarin ni manong ang taxi.
Malungkot akong ngumiti. I cannot see him again, ever. Sorry Carter. Pakirandam ko
nay
mabigat na batong nakadagan sa dibdib ko., Pero ito ang tamang gawin. Para sa
ikatatahimik ng lahat.
"Goodbye Carter.." kaway ko sa huling pagkakataon at hindi ko na napigilang pumatak
ang
luha ko.
Chapter 52
3 MONTHS LATER.
"Ma, karnusta na sila?" usisa ko kay Mamshie Elaine nang mnagkita karni sa isang
resto.
Thery're still looking for you anak, magpakita ka na kaya?" himok niya saka
dinampot ang
menu.
Napabuntong- hininga ako. Tatlong buwan na akong parang bulang naglaho sa paningin
nina Hailey at Carter. Noong mga unang buwan para akong baliw na iiyak tuwing gabi.
Hindi
rin ako halos makakain, namimiss ko si Harlie, parang may malaking balhagi ng
pagkatao
ko ang nawala noong hindi ko na sya makarga, minsan natatagpuan ko ang sarili ko
paggising ko sa umaga na nakatingin sa gilid ng kama ko, sa bahay kasi ni Carter
katabi ko
ang crib ni Harlie.
Parang pinatay din ang puso ko nasa tuwing gigising ako, mag-isa na lang ako. Wala
na si
Carter na bukod kay Harlie ay siya ang unang nakikita ko paggising ko.
Idagdag pa na ang tagal naming hindi nagkasama ni Hailey pero hindi ko man lang
siya
nakasama ulit. Pakiramdam ko tinalikuran ako ng mundo kahit na ako naman ang
nagpasiyang umalis. Napasinghot ako. Kinakaya ko lahat dahil iyon ang dapat.
"Hindi na lang po, mas mabuti na to. Si Hailey po? Kamusta na siya sa bahay
Carter?"
"Okay naman. Masayang-masaya siya, noong isang araw nga ipinasiyal daw sila ni
Carter.
Nagsiset up na rin para sa binyag ni Harlie sa simbahan."
"At least masaya na siya. Iyon naman ang importante." malungkot akong napangiti.
Mukhang wala namang kwenta kay Hailey na umalis ako. Natuwa pa.
"Pero alam mo, palagi niya kong tinatanong kung kamusta ka na? Gusto ka nga niyang
makita."
MTalaga?" hindi maiwasang makaramdam ng exciternent na tanong ko.
Turmango naman si Mamshie at hinawakan ang kamay ko.
"Kamusta ka na nga ba talaga?"
"Pinipilit ko pong maging okay. Okay naman po ako sa dati naming apartment.
Bumalik na po ako sa dati kong work."
"Bakit kasi hindi ka pa sa bahay? Mag-isa lang ako doon. Nalulung kot ako, akala ko
kasi magkakasama-sama na tayo." bakas ang lungkot sa boses niya.
"Sorry po. Mas magiging okay sana ang lahat kung hindi kami pareho ng lalaking
minahal."
"Alam mo ba noong mga unang buwan kang hindi nagpakita, panay ang kulit ni Carter
sa
alcin kung nasaan ka raw ba? Bakit bigla ka na lang umalis? Halos lumuhod na siya
sa akin.
Marami pa raw kayonghindi napag-usapan. Hindi man niya sinabi, pero pakiramdam ko
mahal ka rin niya."
"Mas dapat po akong hindi magpakita. Magugulo lang lahat. Ngayon pang mukhang
nagkakalapit na sila ni Hailey. Ayokong makasira sa kanila. Buo na sila"
Narinig ko ang pagbuntong hininga niya.
"Hindi ko inakala na, mauulit sa inyo ang nangyari sa amin noon ng kambal ko. Alam
korng
masakit pero alam kong kakayanin mo."
"Kaya ko po-"
"Sorry to keep yah waiting!" biglang upo sa tabi ko ang humahangos na si Renato.
"You're just in timne.." natatawa at naiiling na sabi ni Marnshie.
"Humabol po talaga ako mamsh kasi sabi ni Callie manlilibre daw kayo ng lunch."
"Ikaw talaga, kaya hindi ka sumisexy, eh." biro ni Mamshie Elaine at bahagyang
kinurot
ang tagiliran nito.
"Arouch ha!"
Tawanan kami.
"Anak, baka gusto mong tulungan ako sa pamamalakad sa resto natin, tapos doon ka na
lang sa bahay." ani Mamshie Elaine. 2 months ago nagsimula ang business niyang
iyon.
"Gusto ko po sana, kaya lang baka makita ako nina Carter doon."
"Taray niyo mare no?" sabat ni Renato habang sumisimsim pa ng mango juice niya.
"Bakit?" takang tanong ko.
"Hindi naging kayo ni Carter pero nagtataguan kayo. Swak na swak sa inyo 'yong
kasabihan
na, HINDI NAGING KAMI PERO NAGKAROON NG HISTORY "
"Oh you mean M.U.?" paglilinaw ni Mashie.
"Yes Tita. MU. Eh, karnusta naman po pala si Hailey? Wala na ba siyang
nararamdaman?"
usisa ni Renato na balak ko rin sanang itanong.
"Iyon na nga, eh. Medyo nag-aalala ko, this past few days nagsabi siya kay Carter
na
sumasakit ang dibdib niya and you know what they found out?"
"A-Ano po?" bumaha sa dibdib ko ang pag-aalala para kay Hailey.
"Hindi masiyadong stable ang puso ni Hailey, the cardiologist even suggested that
she will
be needing a heart transplant..."
"Heart transplant?!" halos sabay na bulalas namin ni Irene.
"Oo, kasi raw medyo nadamage ang pusoni Hailey lalo na nung nacoma siya. So kapag
natake na naman siya na. wag naman sana, baka raw hindi na siya palaring
makaligtas.
Kaya kailangan niya ng bagong puso." nangilid na ang luha ni Marnshie at kahit ako
ramdam kong may tumulo na kaagad luha sa pisngi ko.
"A Ano pong plano?"
"well nasa waiting list na ang pangalan niya. We are just waiting for the right
donor"
Napaawang ang labi ko at napasapo sa noo. Nastress ako bigla. Akala ko tapos na ang
paghihirap ni Hailey, hindi pa pala.
Tita, ibig sabihin po ba balik ospital si Hailey para mamonitor siya doon?"
"She had a check up and there's this specific criteria for her heart status na
nagland sa level
6."
"Ano pong ibig sabihin nun? Malala po ba? Level 6? Parang intensity 6 ng lindol ang
dating,
ah?" gagad ni Renato kaya lalo akong kinabahan.
"She's stable enough to rermain home while waiting for her new heart..."
Saka lang ako medyo nakahinga ng maluwag.
"Tita 'wag naman po sana mangyari ano? Paano po kaya kapag nagkaro on ulit siya ng
heart
failure tapos wala pang heart donor?"
Kinilabutan ako sa tanong ni Renato, gusto ko ring itanong iyon pero hindi ako
makapagsalita dahil natatakot akong marin ig ang sagot. Para tuloy siyang
spokeperson ko.
"She may need a VAD. Ventricular assist device as a bridge to the transplant. This
can
lengthen her time while waiting, Ang disadvantage lang no'n she must heal from the
VAD
implant surgery before she can have a heart transplant."
"Ang sakit sa ilong. Tita, may background po ba kayo medicine?" sapo nga ang ilong
na
tanong ni Renato kaya bahagyang napangiti si Mamshie.
"Just being attentive to details dahil iyon ang sabi ng cardiologist niya."
"Sana nga po makahanap kaagad ng donor."
"We're all praying for that."
Hindi ako pinatulog dahil sa kondisiyon ni Hailey. Kailangan na niya ng bagong
puso.
Otherwise she won't last nearly long enough. And I can't let that happen. Kailangan
siya ni
Harlie.
Umagang-umaga, gulo pa ang buhok ko nang may sunod-sunod na kumatok sa pintuan ko.
Wala akong inaasahang bwisita. Nakabayad na rin ako ng renta. Hawak ko pa ang
tinidor na
may tusok na hotdog nang magtungo ako sa pintuan. Kung makakatok naman ang nasa
labas, wagas!
"Sandaleeel" sigaw ko sabay bukas. Nanlaki ang mga mata ko at laglag ang parnga sa
panauhin.
"Hi" maiksing bati niya saka iniangat ang suot na shades sa ulo niya.
That moment na nagtama ang mga mata namin, hindi na napigilang mangalog ng Mga
tuhod ko, kasabay ng mabilis na pagtibok ng puso ko.
"Is that for me? Timing naman, hindi pa ako kumakain." nakakalokong aniya at
hinawakan
ang kamay kong may tang an na tínidor. Kinagatan niya ang hotdog ko h abang
nakatingin
Sa mga mata ko
"C-Carter...paanong?
"Ihave my ways." simpleng sagot niya at nilagpasan na ko.
"Hoy 'wag kang pumasok!" pigil ko at sinundan siya.
"'Bakit? May magagalit ba?"
"Meron, ako! Kaya uwi." taboy ko kaagad. Muli niya akong hinarap at tinitigan ako
ng
seryoso. Kinabahan ako.
"Nice. Hindi ba dapat ako 'yong magalit? Sino ba 'yong umalis ng walang paalan?
Lupit mo
rin. Pinasaya mo ko nung araw ng birthday ko tapos ano? Aalis ka na lang basta?
Wala
akong mapagtanungan kung nasaan ka? Lahat sila tikom ang bibig. Hindi ko alam kung
bakit ginaganyan mo ko. DidI do something wrong? 'Wag mo naman akong baliwin ng
ganito Callie!!"
Tameme ako. Binabaliw ko siya? Hindi ko alam kung ano'ng sasabihin ko. Hindi ko
napaghandaan ang muling pagkikita narnin, dahil hindi naman ako umasa na magkikita
pa
kami.
"M-Matagal na naman akong nagpapaalam sa'yo di ba? Ikaw lang ang ayaw pumayag, kaya
nga hindi na ako nagpaalam kasi may palagay akong hindi ka nga papayag." dahilan ko
nang makabawi.
"Fine, sige hindi 'yan counted sa atraso mo sa akin. At ano namang rason mo kung
bakit ka
nagtago? Hindi ka kumocontact sa akin,!"
"H-Hindi ako nagtatago, ah? Nakalimutan ko lang tumawag?"
"Pakikwento mo nga sa pagong yang sagot mo. Nakalimot? May amnesia ka o dementia? I
won't buy it Callie, !"
"Di 'wag." irap ko at bumalik nasa upuan. Naupo rin siya sa bakanteng silya at
tinitigan ako.
"Carter, ano ba?" saway ko.
"Hindi pa kita inaano."
"Ano?!"
Umangat ang sulok ng labi niya at napangisi na. Aatakihin ako sa lalaking 'to!
"A-Alam ba ni Hailey na nandito ka?"
"Hindi pa. Hindi naman kasi ako sigurado kung nandito ka nga. Nagbakasakali lang
talaga
ako."
"At ngayong nandito ka na? Ano'ng kailangan mo?"
wTruth is, I kept seeing your face no matter what I did. I simply couldn't get you
out of my
mind."
My heart is aching for him. Pareho pala kami ng nararamdaman. Hindi ko rin kasi
siya basta
Imakalimutan.
HTigilan na natin 'to." nanulas sa mga labi ko.
"Ijust want to ask you something?"
"shoot."
"Did you miss me?"
"Carter, isa!"
"Yeah. Imiss you too..."
"Ay ayoko ng makinig sa'yo!" pairap na sabi ko at tinakpan ko ng mga palad ang
magkabilang tenga ko.
Tinanggal niya ang magkabilang kamay ko sa tenga.
"I have a proposal." seryosong aniya.
"P-Proposal? Ano'ng klaseng proposal?"
Kinuha niya ang isang envelope na kipkip niya kanina pa. May inilabas siya doong
ilang
piraso ng puting papel na nakastapler pa.
"Business proposal, Callie. Your story is circulating online. I didn't know
nagtuloy ka pala sa
pagsusulat, until one of my editors approached me to check your profile on this
writing
plat forn. Malaki raw ang potential mo and she's right. I want you to become our
exclusive
writer.'"
"Ah. Ginawa ko lang libangan this past few months.." nasabi ko. Pagsusulat naman
talaga
ang naging outlet ko this past few months, Kapag kinakain ako ng lungkot nagsusulat
ako.
"So is that a yes?"
Parang nagpopropose naman to ng kasal kung makaasam sa sagot ko.
"Pag iisipan ko."
"Iiwan ko na lang 'to dito. Kung desidido ka na after reading it, punta ka na lang
sa office to
sign a contract." aniya at tumayo na
Napatayo tuloy ako.
T-Teka!"
"Hmmm?"
"Ito lang ang sadiya mo sa'kin?"
Yeah. Are you expecting something else?" nakakalokong tanong niya.
"H-Hindi, ah! Sige pag -iisipan ko. Ikamusta mo ako kay Hailey pati lkay Harlie"
pakiusap
ko at tumango naman siya.
"Il go now."
"O-Okay, ingat."
Tumango naman siya at tumalikod na. Humakbangna siya ng dalawang beses pero bigla
siyang punihit pabalik. Next thing I knew I was trapped in his arms. Sobrang higpit
ng
yakap niya kaya napaawang ang mga labi ko. He's so warm.
"Carter?"
"Stay still. I just want you to feel how much I miss you." and with that mas
naramdaman
kong lalong humigpit ang yakap niya. Tila ayaw na niya akong bitawan. Pakiramdam ko
nakikipag-usap na ang tibok ng puso niya sa tibok ng puso ko.
Halos hindi ako makahinga pero hindi ko naman siya pinigilan. Gusto ko siyang
yakapin
pabalik. And I did. Umangat ang mga kamay ko at niyakap din siya. Nagsisikip na
naman
ang kalooban ko. Bakit ba kasi ganito kahirap? Ako na rin ang kumalas sa kanya.
"sige na, marami pa kong gagawin."
"Please take care of yourself. If you need anything, you know that you can count on
me.
Goodbye Callie."
Tumango na lang ako at tumalikod na dahil nalaglag na ang luha ko na kanina ko pa
pinipigilan.

Chapter 53
Medyo kabadong naglalakad ako papasok sa publishing company ni Carter, hawak
ang business proposal na iniwan niya sa akin last week. Nagtext na ako sa kanya
na darating ako. Lunch time kaya nagbababaan na ang mga empleyado para
kumain.
Halos walang tao akong naabutan sa second floor kung nasaan ang office
ni Carter. Bago iyon ay madadaanan ko muna ang office ng mga editors, nagulat
pa ako nang makitang lumabas doon si Jacob. Parang nagkagulatan pa kami dahil
hindi kaagad siya nakapagsalita. Napansin kong mabilis niyang isinuksok sa bulsa
ng polo ang isang flash-drive.
"H-Hey, Callie!" tila malikot ang mga matang bati niya nang tila makabawi
sa pagkabigla.
"Uy. Ano'ng ginagawa mo diyan? Isa ka na rin ba sa mga editors?" takang
tanong ko.
"Ah, office ba 'to ng mga editors?" tila clueless na tanong pa niya.
"0o, ayan, oh! Restricted area. Authorized personnel lang ang pwedeng
pumasok." turo ko pa sa nakasulat sa may pintuan. Jusko, writer tapos hindi
nagbabasa? Kakaiba.
"Ah, oo nga, akala ko kasi ito na 'yong office ni Sir Carter. May itatanong
lang sana ako sa kanya. Sabi kasi dito rin sa floor na 'to. Walang suma sagot nung
kumatok ako, eh, kaya pumasok na ko." dahilan niya.
"Ah...malamang lunch time kaya walang tao diyan." napatangong reaksiyon
ko na lang kahit hindi ako kumbinsido.
Tkaw? Bakit ka nga pala nandito?"
"May meeting ako kay Carter." sagot ko.
"Magiging author ka na rin ba?"
"Nice! That's good to hear. Makakasama na kita sa mga book signings.
Teka naglunch ka na ba? Tara. My treat, isicelebrate natin ang pagiging author
mo."
"Parang.
"Hinda na, mauna ka na, naghihintay na sa akin si Carter."
"Okay chat-chat na lang. Congrats!' nakangiting bati niya.
"Thank you."
Nauna na siyang umalis. Diretso na dapat ako sa office ni Carter nang may
mapuna ko. May naiwang card? Nakasuksok sa pulang card holder. Driver's
license pala. Nakita ko ang picture ni Jacob. Ano ba namang lalaki 'to, pa baya sa
gamit.
"Callie!" tawag ng isang tinig kaya napaangat ako ng tingin mula sa sana'y
pagbabasa ng detalye ni Jacob sa license.
"Carter." bati ko sa papalapit na binata.
"What took you so long? Sabi mo kanina nasa baba ka na."
"Ah ano kasi-"
"Let's go. Lalamig ang lunch." yakag niya at hinawakan na ako sa braso.
Nagpatianod ako kaya inilagay ko muna sa bag ko ang license ni Jacob.
Mamaya ko na lang ibabalik iyon sa kanya.
Sa loob ng office ni Carter sinalubong kaagad ako ng malamig na hangin
galing sa aircon niya.
Nasa gitna ang mahabang mahogany table. May mga samut-saring papel
sa ibabaw pero maayos naman ang pagkakapatas katabi ng personal desktop
niya.
Dinala niya ako sa gilid kung nasaan pa ang isang pintuan, iyon pala ang
maliit niyang pantry. Nakapwesto ang isang mesa at dalawang silya. Nandoon
ang lunch na inihanda niya. Nilagang baka at may buttered shrimp din.
"Have a sit." aniya at hinila ang isang silya kaya naupo na ko.
"So napag-isipan mo na?" usisa niya nang maupo sa tapat ko.
"Oo, sige payag na ko. Pangarap ko rin naman talaga to noon pa."
Ang lawak ng ngiti niya matapos marinig ang desisyon ko.
"Okay, sige kain muna tayo bago kita papirmahin."
Habang kumakain kami pansin kong panay ang sulyap niya sa akin.
"Carter, may sasabihin ka ba?"
"Meron. Kaso, nahihiya ako, eh."
Napapakamot pa siya sa batok.
"Sus! Tayo ba namang dalawa, eh, magkakahiyaan pa? Sabihin mo na,'
himok ko.
"Mahal kita," walang kakurap-kurap na pag-amin niya.
Nabilaukan ako dahil diretso kong nalunok ang hipong kinakain ko.
Napatayo ako. Nahirapang huminga. Hindi ko alam kung dahil nabulunan
ako o dahil sa sobrang gulat sa sinabi niya. Pareho na yata.
"Callie, okay ka lang?" tarantang tanong niya at akmang lalapitan pa ako
matapos iabot sa akin ang basong may tubig.
Iniangat ko ang palad ko, saying na 'wag niya akong lapitan. Manginig-
nginig pa ang kamay na nilagok ko ang isang basong tubig. Naglagos naman ang
bumara sa lalamunan ko. Habol hininga ako kahit nakatingin sa kanya. Bakas sa
mukha niya ang pag-aalala. Ikamamatay ko pa yata itong confession niya. Nang
makabawi ay dinampot ko na ang sling bag ko at akmang aalis na, nang hagipin
niya ang braso ko.
"Hindi mo ba ko narinig? Ang sabi ko mahal kita!' mas malakas na ang
boses niya. Pumiksi ako.
"Oo! Narinig ko! Malinaw sa'kin. Sana nga hindi ko na lang narinig, eh. Dahil
lalo mo lang akong pahihirapan nito. Bawiin mo na lang pwede?"
"Why would 1? That's the truth! I love-"
"Hep! Wag mo ng ulitin! Utang na galang. Alam mong hindi tayo pwede di
ba? Kaya nga ako lumayo, eh. Dahil ayokong makagulo."
"Pwede kung gugustuhin natin..." lumambong ang lungkot sa mga mata
niya.
"Hindi pwedeng 'yong gusto lang natin ang masusunod, dapat alam mo
yan! Ano'ng plano mo? Pagsabayin mo kami ni Hailey na patirahin sa iisang bahay?
Paano si
Harlie? Ano'ng iisipin niya? Bakit hindi 'yong Mama niya ang pinakasalan ng Daddy
niya? Bakit lyong Tita niya na kakambal ng Mama niya? You came from a broken
family Carter, ikaw dapat ang nakakaalam higit sa lahat, kung ano'ng
mararamdaman ni Harlie kapag nangyari ang gusto mo. Hindi mo ako dapat
mahalin. Hindi pwede..." napayuko ako at nakagat ang ibabang labi dahil
napangingiliran na ako ng luha. Ayokong makita niya iyon.
"1-I'm sorry but I couldn't stop..." his voice cracked.
Sandaling katahimikan ang dumaan.
"Hindi rin madali para sa kin to, Callie. Pero hindi ko masabing mali tong
nararamdaman ko. Masaya ko kapag nandiyan ka, you make me feel alive. Wala'
to sa plano pero hindi ko talaga mapigilang mahulog sa'yo."
"Carter..sa storyang 'to, hindi ako kasali. Hindi ako ang bida. Nagkataon
lang na pinagtagpo tayo, pero hindi naman talaga tayo ang para sa isa't-isa, extra
lang ako-"
"Hindi ka extra dahil mahal kita!" gagad niya.
My tears fell. I can feel the lump in my throat. Kung naiba lang ang sitwasiy on,
aaminin kong masarap pakinggan ang mga sinabi niya, pero mas lalo lang akong
nasasaktan.
Alam ko kasing hindi ko siya pwedeng pagbigyan, lalo na ang sarili ko. He held my
face. Namumula ang mga mata niya. Halatang pinipigilan lang umiyak.
"Bakit gano'n? Ang daya. Bakit pa kita nakilala kung hindi rin pala tayo magiging
masaya?"
"H-Hindi ko alam. Siguro para may matutunan tayo sa isa't-isa, tulad ko,
madiskarte akong tao, kaya kong solusiyunan ang lahat. Kaya ko ang mga
problema, pero nung dumating ka at pilit mong kinukuha sa amin si Harlie. Natuto
akong makiusap. Hindi naman pala masama na makiusap. Ang maging
mapagkumbaba para sa ikabubuti ng lahat. Mas nakilala ko rin ang saril ko, ang
kapasidad kong ipaglaban ang mga taong mahal ko. Ikaw. Hindi ba natuto ka ring
ma gpatawad? Sa Papa mo. Makinig. I think we just needed each other that time
kaya tayo nagkatagpo. Baka nga tulay lang ako para sa taong nakalaan talaga
sa'yo,' mahabang sabi ko.
Matagal ko na ring inisip na baka ng tulay lang talaga ako. Kung hindi ako
nagkasakit noon, hindi maiisipin ni Hailey na gumawa ng paraan. Hindi sana niya
makikilala si Carter. Nakatakda nga talaga sigurong mangyari ang lahat ng ito.
"H-Hindi man magkaroon ng tayo, alam nating hindi titigil ang mundo. Kaya
ituloy mo lang buhay mo. Kahit wala ako. Kahit walang tayo."

Chapter 54
"Tingin mo, wala talaga tayong pag-asa?" tila nahihirapang tanong niya.
Yumuko ako at tumango-tango.
"Tingin ko, kaya wala tayong pag-asa dahil hindi tayo para sa isa't-isa.
Sorry Carter. Hindi pa man kami naisisilang sa mundo ito, magkasama na kami ni
Hailey. Hindi ko siya kayang saktan. Hindi ako karapat-dapat sa'yo dahil hindi kita
kayang ipaglaban."
I walked away as fast as I can. Halos takbuhin ko na palabas. Ipinagpasalamat ko
na lang na hindi na niya ko hinabol.
Naglakad ako sa daan na parang wala sa sarili. Ayaw maampat ng luha ko.
Nanlalabo tuloy ang paningin ko. Sa sobrang sakit na nararamdaman ko,
pakiramdam ko hindi na ko maiinlove ulit.
Kung hindi rin lang si Carter, wag na lang.
"Hailey." tawag ko sa kanya habang nasa garden siya ng bahay ni
Mamshie Elaine.
Tinimbrehan ako ni Mamshie Elaine na nadoon si Hailey. Every weekend
kasi kung dumalaw ang mga ito sa bahay ni Mamshie. Gusto ko na kasi siyang
makita at makausap.
"Callie..." napatayo siya habang karga si Harlie. Gulat ang nakarehistro sa
mukha niya.
Hindı ko napigilang humakbang palapit lalo na noong makita ko si Harlie.
"A-Ang laki mo nal" naiiyak na kausap ko sa bata. He's 6 months now.
"P-Pakarga naman ako please." pakiusap ko.
Akala ko ipagdadamot niya si Harlie pero ipinasa niya sa akin ang bata.
Mahigpit kong niyakap si Harlie. Napaiyak na naman tuloy ako.
Pakiramdam ko napawi ng yakap na iyon ang mga agam-agam ko.
"Kamusta ka na? Ang laki na ng bebe boy ko, ah." hinalikan ko siya sa
namumurok na pisngi.
Miss na miss ko siya. Tatlong buwan mahigit akong tumayong Nanay niya,
kaya napakasakit para sa akin noong mawalay ako sa kanya. Sisinghot-singhot
na hinaplos ko pa ang pisngi niya.
Parang nakakaunawang tumitig naman siya sa akin. My heart melted when
he smiled at me. Lalo na noong sumandal siya sa balikat ko na parang nakilala na
niya talaga ako.
"M-Mukhang namiss ka niya." ani Hailey habang nakatingin sa amin.
"Miss na miss ko rin siya. Lalo ka na..."
Nangilid pareho ang luha namin nang sabihin ko iyon.
"S-Sorry Callie..." bigla niya akong niyakap kaya napaiyak ako lalo. Para kaming
mga lukaret na nag-iyakan. Alam ko namang nabigla lang siya sa mga masasakit
na sinabi niya sa akin noon.
Nakarinig kami ng singhot. Paglingon namin, umiiyak si Mamshie Elaine.
"Ito talaga kambal ko, ang aga-aga pinapaiyak ako. Halinga kayo." tawag ni
Mamshie Elaine at nakiyakap na sa amin.
Now that were okay. I'm hoping that everything will be okay.
Magkakasama kaming kumain ng lunch. Nang magsunset ay tumambay kami ni
Hailey sa bench na nasa garden. Habang nasa loob naman si Mamshie Elaine
kasáma si Harlie.
"Sorry talaga. Hindi ko naman sinasadya ang mga sinabi ko." nakayukong ani
Hailey sa akin habang nakatitig naman ako sa palubog na araw.
"Okay lang'yon, alam ko namang, gusto mo lang 'yong best para kay Harlie di ba?"
sabi ko at hinawakan pa ang kamay niya.
Ang gaan na ng pakiramdam ko ngayong okay na kami.
"Oo, pero ramdam ko naman na ikaw ang mahal ni Carter." bakas ang lungkot sa
boses niya.
"Hindi na mahalaga kung totoo o hindi yang sinasabi mo, ang importante okay na
tayo."
"Callie, kung sakaling wala akong mahanap na donor, ikaw na ang bahala kay
Harlie, ha?"
Napalingon ako sa kanya. Mukhang nawawalan na siya ng pag-asa kasabay ng
paglubog ng araw.
"Hailey, ano ba? Wag ka ngang magsalita ng ganyan. Makakahanap ka. Saka
kung matatagalan, may option naman daw sabi ng doctor di ba? lyong VAD? Kaya
wag kang mawalan ng pag-asa."
"Hindi naman natin masasabi kung hanggang kailan lang tayo mananatili sa
mundong 'to. Mas mabuti ng makapaghanda."
Napabuntong hininga ko, saka ko siya inakbayan.
"Ngayon ka pa ba naman susuko? Nalagpasan mo nga iyong tatlong buwan kang
walang malay di ba? Kaya mo 'yan. Nandito ko. Nandito kami. Darating ang araw
na marire alize ni Carter na kayo ang para sa isa't-isa. Hindi isang aksidente lang
ang pagkakatagpo ninyong dalawa.."
"S-Sana nga. Sana. Gusto ko pa ring mabuhay, eh." parang batang hiling niya at
humilig sa balikat ko.
"Mabubuhay ka Hailey. Mabubuhay ka." paniniguro ko sa kanya.
"Mamshie, kilala mo ba 'yon?" tanong ko kay Mamshie Elaine, matapos
niyang makipag-usap sa isang customer na kumakain sa resto niya. Dumalaw ako
doon isang hapon pagkalabas ko ng opisina.
Kagagaling ko lang sa restroom nang mapansin ko ngang kausap ni
Mamshie iyong lalaki. May dalawang kasama pa ito, puro mga nakabusiness
attire. Siguro business meeting.
"Ah, si Mr. Doctolero? Oo, alam mo tingin ko magiging regular customer na
natin siya. Pang-ilang beses na kasi siyang bumabalik dito, minsan isinama pa
niya iyong anak niyang binata."
"Anak? Si Carter?"maang na tanong ko.
"Carter? Bakit magiging si Carter?" nakakunot noo niyang tanong at hinila
pa ako sa isang mesa at doon naupo. Nakalatag na doon ang mga pagkain.
"Eh, 'yan 'yong Papa ni Carter, eh,' sagot ko at nagsimula ng kumain.
Talaga? Pero bakit hindi niya pinapakilala sa'kin? Grabe small world ha?
Future balae ko na pala 'yong kausap ko!" napapalatak na komento niya.
"0o nga po, 'no? May gap kasi sila ni Carter kaya siguro hindi pa niya
nababanggit sa inyo. Pero ang alam ko medyo okay na sila. Pero sino nga po pala
yong anak niya? Sabi niyo po binata? So may half brother pala si Carter?"
"Mukhang ganoon na nga, 'no? Alam mo anak, gwapo siya. Tingin ko kasing
edaran mo 'yon. At sa tingin ko..bagay kayo" nangingiting panunukso niya.
"Mamshie, ha! Broken hearted pa ko, wala muna sa isip ko 'yan," sabi ko
kaya bahagya siyang natawa.
"Anak, kapag broken hearted ang isang tao, walang ibang sol usiyon kundi
love rin mismo. Someone will fix that broken pieces at hindi mo mamalayan good
as new na ang puso mo."
"Corny ma, ah!"
Nagtawanan kami pero mayamaya lang ay bahagya niya akong siniko.
"He's here. lyong anak niyang bachelor," bahagy ang tango ni Mamshie sa
table nina MR. Doctole ro kung saan papalapit ang isang lalaki na kapapasok lang
sa resto.
Nanlaki ang mga mata ko nang mapagsino iyon.
din. Malayong-malayo sa mga casual clothes na suot niya.
Dali-dali kong kinuha ang bag ko. Nang makita ang license na hindi ko pa
naisosoli kay Jacob ay may pagmamadaling binuklat ko iyon.

Chapter 55
JACOB SAMANIEGO DOCTOLERO
lyon ang pangalan na nakalagay.
Napatayo ako bigla.
"Callie, where are you going?" takang tanong ni
Mamshie pero hindi na niya ko napigilang lapitan ang
table nina Jacob.
"Excuse me, gentlemen." tawag pansin ko sa
kanila.
"Hija! Callie!" lumiwanag ang mukhang tawag
sa akin ng tatay ni Carter nang makilala ako.
"Kamusta po?" nakangiting bati ko pero
napansin ko ang gulat na mga mata ni Jacob nang
mapalingon siya sa akin.
"Tm good, what can I do for you?" magiliw na
tanong niya.
"Ito pong anak niyo? Pwede ko po bang
kausapin?" ngising aso na baling ko kay Jacob na
nagkulay papel na ang mukha.
"You already know each other?"
"Opo, excuse ko lang po muna siya saglit kung
okay lang?' nagpuppy eyes pa ko.
"Sure, sige na Jacob."
Walang nagawa si Jacob kundi sumunod sa
akin sa labas ng resto. Sumandal ako sa isa sa mga
kotseng nakaparada doon. Seryoso ang mukha niya
pero hindi naman ako naintimidate. Walang anumang
inihagis ko sa kanya ang lisensiya niyang napulot ko
the other day.
Nasalo naman niya iyon at tiningnan. Nakita ko
ang bahagyang pagpikit niya at paghugot ng hininga.
It was written all over his face. Buko ang loko.
"Care to explain, Mr. Samaniego? Or should I
say Mr. Doctolero?"
"What do you want?" tanong niya pagkukwan.
"The truth. Kapatid ka pala ni Carter?"
"And so?"
"So what's the catch? Bakit hindi mo ipinaalam
na kapatid ka niya noong pumasok ka sa publishing?
Hindi naman siguro accidentally ang pagkakapasok
mo doon? What are you up to? Are you even a writer?"
punong-puno ng pagdududa na tanong ko.
Nagtagis na ang mga bagang niya. Namayani
ang katahimikan sa pagitan namin. Tanging busina
nang mga maiingay na sasakyan ang naririnig.
Sinalubong ko ang mga mata niya.
Napaangat ang kilay ko nang bigla na lang
siyang tumawa. Baliw ba 'to?
"Okay! Okay! You got me! Since nabuko mo na
rin naman ako, sige aamin na ko. For your first
question, I'm planning to ruin that publishing of his.
Second, hindi aksidente ang pagkakapasok ko doon,
Everything is planned. Kahit iyong unang pagkikita
natin sa resto, noong kasama mo siya. My friend
owned that resto, actually hindi naman sinasadyang
nakita ko kayo doon. l just used that opportunity as a
first step para makalapit sa kanya. Third, I'm not a
real writer. Naghire ako ng ghost writer para kunwari
magaling akong magsulat at makapasok sa Hyun
Publishing. May follow up question ka pa ba?"
nakakauyam ang mga ngiting tanong niya.
Ikinuyom ko ang mga kamao ko dahil baka mamaya
masapak ko to! Inis na inis ako sa kanya. Kaya
pala...may pagkakahawig sila?
"Ano talagang ginagawa mo doon sa office ng mga
editors?"
"Ah, 'yon ba? Pinagbubura ko lahat ng mga files,
specifically iyong mga malapit ng ilabas sa
bookstores. Pinalitan ko ng ibang manuscripts para
kapag naiprint, iba ang laman, maaakusahan ang
publishing niya ng plagiarism. Babagsak ang
publishing. Babagsak si Carter. Okay na ba? Kung
okay na, babalik na ko sa loob," nakangising paalam
niya.
Saglit akong hindi nakahuma. Ibang Jacob itong
kaharap ko ngayon.
"Sandaleee! Diyan ka lang!" sigaw ko sa kanya. Parang
"Bakit sa tingin mo, ikaw lang ang nagdusa? Cafter,
suffered long enough, iniisip niya na bunga lang siya
ng pagkakamali buong buhay niya-"
"Na tama naman! Anak siya ng kerida ng Daddy ko!
Wag mo siyang ipagtanggol na parang siya ang
dehado dito, dahil kahit kailan hindi magiging tama
ang ginawa ng Nanay niya! Kami ang naagawan,
pamilya ko ang nasira. My Dad's nasty little secret
destroyed everything! Palagi kong naririnig ang
Mommy ko na umiiyak. Tinatanong ang sarili kung
ano'ng kulang sa kanya? Walang puwang ang mga
katulad nilang salot sa mundo!" sikmat niya.
"Hindi ko sinasabing tama ang ginawa ng Mama niya!
Ang sinasabi ko, parehas lang naman kayong biktima
dito ni Carter. Hindi kasalanan ni Carter kung naging
anak siya ng Papa mo! Bakit napipili ba ang
magulang? Hindi mo rin kasalanan kung bakit ginawa
iyon ng Papa mo. Desisyon nila yon. Kargo nila ang
mga sarili nila. I understand your pain, where you
coming from. Pero hindi ba magiging nonsense na rin"
tong pagganti mo? Hindi naman na makikita ng
Nanay mo o mararamdaman ng Mama ni Carter ang
tuwa o sakit ng gagawin mo. Parehas na silang wala
dito sa mundong ibabaw! Hindi matatapos ang away
sa pagitan niyo. At saka isa pa nakakasiguro ko, hindi
rin magiging masaya ang Nanay mo sa gagawin mo
kung saan man siya naroon."
"At paano ka nakakasiguro? Medium ka ba?
Nakausap mo kaluluwa niya?" sarkastiko ng balik niya.
"Dahil walang Nanay na gustong lumaking masáma
ang anak niya. Ang gusto nila iyong best para sa anak
nila. Kaya nga Nanay, eh. Gabay sa buhay. Kaya nga
ginagawa nilang lahat para mapalaking tama ang
mga anak nila. Ang anak, ang magiging repleksiyon
ng pagkatao nila. Tingin mo, kapag nakakagawa ng
mali ang bata, sino ang pinuputukan ng sisi? Ang bata
ba? Di ba ang mga magulang. Kaya nga sinasabi
nilang kulang sa aruga ang isang bata, dahil
iresponsable ang magulang. Sa nakikita ko sa'yo,
masiyado kang mapagmahal na anak, ibig sabihin
mapagmahal ang Mommy mo. Napalaki ka niya ng
tama. Sana ituloy mo. Wag kang padala sa galit.
Parehas lang naman kayong inosente ni Carter, eh."
Natahimik siya, tila nililimi lahat ng sinasabi ko.
"Bahala ka kung gusto mong ituloy ang mga plano
mo. Pero sinasabi ko sa'yo ngayon, na may kanya-
kanya tayong problema, pero hindi sapat na rason
yon para manakit ka ng iba."
"Callie..." tawag niya noong akmang tatalikod na ako.
"Jacob, isang tanong na lang, iyong pakikipagkaibigan
mo sa akin totoo ba 'yon o pagpapanggap lang din?"
Sandali siyang hindi nakasagot.
"I was asking for a sign noong magkita tayo sa
simbahan. Masasabi kong hindi ko sinadya ang
pagkikita nating 'yon. That day l was praying intently,
asking for a guidance if I should pursue my evil plans.
Nakarinig ako ng iyak, kaya napalingon ako. Nakta
kita, I was really surprise. It may sound silly pero
mukha kang Anghel na umiyak noon.I was moved. It
could only mean that my intention of befriending you
is real," diretso ang titig sa mga mata kong sabi niya.
Malungkot akong napangiti.
"Salamat kung ganoon, sana balang araw mahanap
mo ang makakapagpasaya sayo. You are having
second thoughts, means your conscience is eating
you. I guess you're not that bad, you've been hurt so I
think it's okay for you to feel that way. Alam kong
mahirap sa ngayon pero sana mapatawad mo sila.
Sometimes we need to forgive someone even
without an apology." sabi ko at tinalikuran na siya.
Hindi ko alam kung dapat ba akong maniwala sa
sinabi niyang itinuring niya akong kaibigan. Lalo na
kung sa umpisa palang ay nagpapanggap na siya.
"'Ang hirap ateng! Ang dami-daming nangyayari
sa buhay ko!" napapaiyak na kwento ko kay Renato.
At siyempre kapag ganitong maglalabas kami
ng mga hinaing sa buhay, sa bar niya ko yayayain.
"Oo! Ang dami talagang ganap. Pati sa life ko.
Alam mo ba, break na kami? Hayup na 'yon!" at mas
malakas pa ang inginalngal niya sa akin.
"Eh, di ba sabi ko naman sa'yo doon ang tuloy
niyo? Ayaw ka lang makinig diyan! Paano nangyari
ang break up?"
"Di ba binilhan ko siya ng motor? Na hanggang
ngayon hinuhulugan ko pa, aba! Ang hayop na yon,
nakita ko kahapon, may kasamang babae, angkas
niya sa motor! Since nakataxi ako, pinasundan ko!
Gamit yong motor papunta sa motel! Walanghiya siya!
"kandaiyak na kwento niya.
Napangiwi ako. Tinatapik-tapik ang heart
broken kong kaibigan.
"Ah, kaya pala 'yang motor na 'yan ang
ipinangsundo mo sa akin.
"Oo, binawi ko kasi! Ano siya sinusuwerte? Ako
na lang ang gagamit! Eh, ikaw, ano ng ganap sa'yo?"
"Ayun, nalaman kong may kapatid pala si
Carter, si Jacob. lyong nakwento kO sa'yo minsan na
writer. Hindi naman pala talaga totoong writer.
Nagpapanggap lang siya para makalapit kay Carter at
masira niya ang publishing." panimula ko. lkinuwento
ko na lahat sa kanya.
"Gosh! lkaw pala talaga ang mahal ni Carter? Tapos si
Hailey kamo, parang nawawalan na ng pag-asa na
makahanap ng donor? At 'yang Jacob na 'yan, user!
Ang dami ngang ganap mars. Akala ko, malaki na
yong problema ko, eh. Mas malala pala 'yang sa'yo."
"Oo, ikaw kahit paano naranasan mong sumaya sa
piling ng ex mo. Eh, ako kahit kailan hinding-hindi ko
pwedeng aminin ang nararamdaman ko. Sana
matapos ng lahat ng 'to. Sana gumaling na si Hailey.
Kung saka-sakaling wala talaga siyang mahanap na
donor, ibu-volunteer ko na lang ang sarili ko"
"Hoy! 'Wag ka ngang magsalita ng ganyan! Eh,
kung ikaw ang magbibigay ng puso, paano ka
mabubuhay? Ang bata mo pa, marami ka pang
pwedeng gawin! Ayokong mawalan ng bff 'no! Kaya i-
erase mo yan sa mind mo, okay? Kinikilabutan ako!"
saway niya.
"Kung sakali lang naman.."
Marami pa kaming napagkwentuhan ni Renato
hanggang sa magkayayaan ng umuwi.
"Sigurado ka bang kaya mong magdrive?"
paniniguro ko nang umangkas ako sa likuran niya.
Medyo groge na ko dahil nakailang shots kami.
"Oo, konti lang naman nainom ko. Oh, suot mo
na," abot niya sa akin ng helmet.
"Wohooo!" sigaw namin pareho nang
paharurutin niya ang motor sa bilis!
"Renato! Magdahan-dahan ka, ang dilim pa
naman sa daan!" paalala ko.
"'Ano'ng madilim? Ang liwa-liwanag nga, ang
daming street lights!"
"Eh, bakit wala akong makita?"
"Gaga! Baliktad helmet mo!" tumatawang sabi
niya.
Natawa ko kaya hinubad ko iyon. Baliktad nga!
Hindi ko pa man naikakabit ng husto iyon ay may
narinig kaming busina.
"Renato!" sigaw ko nang mawalan siya ng giya
sa kasalubong naming van.
Namalayan ko na lang na sumemplang kami
nang subukan niyang iwasan iyon. Tumalsik ang
katawan ko sa kalsada. Ramdam ko ang sakit lalo
nasa bandang ulo ko na nawalan ng helmet.
Nagpagulong-gulong ako sa kalsada.
"-Irene..." tawag ko nang makita si Renato na
pilit tumatayo sa may di kalayuan.
Hindi ko na alam kung saan ako humampas, nang
mapaubo ako ay may lumabas na dugo sa bibig ko.
Nananakit ang katawan ko. Napako ang tingin
ko sa madilim na kalangitan. Few moments later
everything went blurry.
Hindi ko na makita ang madilim na kalangitan,
bagkus ay ang mukha ni Hailey ang nakita ko.
Nakangiti. Napakurap din ako nang makita ang
mukha ni Harlie. Ang mukha ni Mamshie Elaine. At
ang mukha ni Carter...
Bakit nakikita ko sila? Hindi ko na nasagot ang
sariling tanong dahil nagdilim na ang lahat..

Chapter 56
CARTER'S POV
Hindi ako makapagconcentrate sa ginagawa
ko. Hindi maalis sa isip ko si Callie. Nakatitig lang ako
sa laptop ko, pero hindi naman umuusad ang
ginagawa ko.
Nakaamin na ako sa nararamdaman ko, dahil
inakala kong gagaan ang loob ko kapag ginawa ko
iyon, pero mas lalo lang bumigat. Napahilamos ako sa
mukha. Hindi ko na alam ang gagawin.
I love my child. Pero kung susundin ko naman
ang nararamdaman ko, wala rin namang mangyayari.
Tinanggihan na niya ko. Hindi niya kayang saktan si
Hailey at si Harlie.
For the past three months hindi siya nawala sa
isip ko. I love her...
Pero hindi kami pwede.
Hindi nga ba talaga pwede?
"C-Carter..."
Napalingon ako sa pintuan ng private office ko.
Nandoon si Hailey, may bitbit na tray.
Tumayo ako at niluwangan ang bukas ng pinto.
Kinuha ko ang dala niya. Dalawang tasa ang
nakalagay sa tray.
"Coffee and milk?" maang na tanong ko.
"O-0o, hindi ko kasi alam kung magtatagal ka
pa sa ginagawa mo. Kung balak mong magpuyat,
itong kape ang inumin mo. Pero kung matutulog ka
na, mag-gatas ka para masarap ang tulog mo." may
kiming ngiti sa mga labing sabi niya.
Opposite ni Callie na wagas kung tumawa.
Napangiti ako kay Hailey, she's so soft.
Kahit kambal sila, hindi maipagkakailang
magkaiba sila. And l respect that. Kaya naman kahit
dati pa napupuna ko na iyon, noong hindi pa umaamin
sa akin si Callie.
"Thank you," sabi ko at dinampot ang baso ng
gatas sa halip na kape.
Wala na rin naman ako sa mood kaya
matutulog na lang ako.
"N-Namimiss mo ba si Callie?" bigla ay tanong
niya. Hindi kaagad ako nakasagot.
"0-0o, pero masasanay din siguro ako na wala
siya." pag-amin ko.
"Kung namimiss mo siya, pwede mo akong
tawaging Callie..."napayukong aniya.
Napailing ako at iniangat ang mukha niya.
Napansin ko kaagad ang pamumula ng magkabilang
pisngi niya nang magtama ang mga mata namin.
"There's no replacement for the both of you.
Kaya 'wag kang maging unfair sa sarili mo. Callie is
Callie. You are you. Do you understand?" malumanay
na tanong ko.
Cute...
Napangiti siya at bahagyang tumango.
"Halika na, baka hinahanap ka ni Harlie." yakag
ko.
Napansin kong natigilan siya at napahawak sa
dibdib.
"Bakit? May masakit ba sa'yo?" kinabahan na
kaagad ako. Hindi pa kasi siya okay. Nakatakda nga
siya para sa isang heart transplant.
"W-Wala, basta. Parang kinabahan lang ako
bigla." sabi niya.
"Are you sure?"
"0-0o, halika na."
Akmang lalabas na kami nang tumunog ang
cellphone ko. Unknown number.
"Who's this please?" tanong ko kaagad.
"C-Carter...si Callie!"
"Irene?" kunot noong tanong ko nang
mabosesan siya kahit napansin ko ng tila umiyak siya.
"What happened?" takang tanong ko.
"N-Nakitawag lang ako. Naaksidente kami...
I froze for a moment. Bumaha ang kaba sa
dibdib ko. Nakatitig sa akin si Hailey na tila
nakakaramdam ng hindi maganda.
Ibinaba ko na ang cellphone at ibinulsa.
Tahimik kong hinawakan ang braso ni Hailey at iginiya
siya palabas.
"C-Carter? Bakit? Sino ba yon? May nangyari
ba?" bakas ang kaba sa mukha niya.
Marahan akong tumango.
"Callie, met an accident..."
Kitang-kita ko ang gulat, pag-aalala at takot sa
mga mata niya. Nangilid kaagad ang luha niya.
Namalayan na lang namin ang mga sarili
naming halos liparin ang ospital.
Nang makarating kami doon, ay halos hindi
makahakbang si Hailey nang makita naming nakaupo
si Renato, habang may sling sa braso at namamaga
ang mukha. May mga galos din siya sa braso at bakas
ng dugo sa marusing na damit.
Nandoon na rin ang Mommy Elaine nila. Maga
ang mga mata kakaiyak.
"H-How is she?" nakuha kong itanong kahit
parang nawalan ako ng lakas.
"H-Hindi maayos, eh. Nagkainternal bleeding
siya. K-Kasalanan ko 'to. Dapat hindi ko na siya niyaya.
" nanginginig ang boses ni Renato pati na ang
katawan niya.
"M-Mabubuhay ang kambal ko di ba?"
namumutlang tanong ni Hailey.
Walang nakasagot kaya napaiyak si Hailey. I
tried to console her pero hindi siya matigil sa pag-
iyak. Pati ang Mommy niya kinalma siya.
Split seconds, she grabbed her chest. As if she
was in so much pain. Hailey fainted.
Isinugod na rin tuloy siya sa ER.
This is one hell of a nighmare! Parang sasabog
ang ulo ko sa sobrang pag-aalala sa kanilang dalawa.
Naiwan kaming nakaupo sa at naghihintay.
"A-Alam mo, ayoko mang sabihin to pero
parang premonition iyong sinabi sa akin ni Callie
kanina." parang wala sa sariling sabi ni Renato.
"A-Anong sinabi niya?" tigmak sa luhang tanong
ni Elaine.
"K-Kung sakali raw na walang mahanap si
Hailey na donor, willing daw siyang i-donate ang puso
niya.tapos eto naaksidente kami." at mas lalo pang
napaiyak si Renato.
Hindi ako nakakilos sa kinauupuan ko.
Kinilabutan ako sa sinabi niya. Hindi ko yata
kakayanin kung may mawala mang kahit isa sa
kanilang dalawa. Pareho na silang napalapit sa akin.
Makalipas ang ilang minuto, tila nagkagulo sa
ER kung nasaan ang dalawa. May ilan pang nurse na
pumasok. Napatakbo sa amin ang Mommy Elaine nila
na nakaabang doon. Namumutla..
"This is not good.." garil ang tinig na sabi
sa dalawa.
Sa tono niya tila may napahamak na doon
Napatakbo kami palapit doon. Kabog ang
dibdib na sumugod kami doon.
"Oh, God! ll do everything! I'll do anything! Just
let them live. I'll do the right thing. I will give what they
deserve.." paulit-ulit kong dalangin sa isip ko.
Isa. Dalawa. Tatlo. Apat. Lima. Anim na
hakbang at narating ko na ang tuktok ng bundok.
Napahawak ako sa magkabilang tuhod ko. Noon ko
lang naramdaman ang pagod.
Pagod sa pag-akyat. Pagod sa lahat. Humahampas
ang malakas na hangin sa buong katawan ko pero
parang manhid ako tulad ng nararamdaman ko.
Mayamaya pa napatingala ako sa kalangitan. Gabi na.
Nakalatag na ang mga bituin sa madilim na
kalangitan.
"Callie! I know you're up there! I'm sure of that."
gumaril ang tinig na sigaw ko habang nakatingala.
Nangilid ang luha ako. Unti-unting bumibigat ang
dibdib.
"'A-Ang daya mo! Sabi mo sa akin dati, sabay tayong
maghahiking pero nauna ka na diyan sa taas!
Napasobra pa pag akyat mo, umabot ka na diyan sa
kalangitan!"1
Hindi ko na napigilan, sunod-sunod na nalaglag ang
mga luha ko. Nakailang lunok ako dahil ang sikip
talaga ng dibdib ko. Sumasakit iyon na para bang may
sariwang sugat sa loob. At pakiramdam ko maiibsan
lang iyon kapag sumigaw o umiyak ako.
That's it. Do I really have to face this unbearable pain
and accept the fact? The fact that she's gone?
Forever.
She made her departure to the other side.
"Bakit? Bakit kailangan mong umalis? I don't get you.
Talaga bang hindi tayo para sa isat-isa, Callie? Just by
mentioning your name, I can feel all the pain that
you've caused me!" sinisigok na sumbat ko pa.
Halos hindi ko na maaninag ang paligid dahil
nanlalabo iyon sa luha.
Ahhh! Is this a punishment?
"Carter..." tawag ng isang tinig kaya napalingon ako.
Ang mukha ng iniiyakan ko pero alam kong híndisiya
si Callie.
"Hailey.." nanulas sa mga labi ko. Hindi ko alam kung
paano siya nakasunod.
"Iniiyakan mo pa rin pala siya?" nangingilid ang luhang
aniya.
"N-Naiintindihan kita. Masakit. Sa sobrang sakit,
parang hindi ko na rin kakayanin..." napahagulgol na
rin siya.
Naalarma ako nang umatras siya. Malapit nasa
bangin.
"Hailey...d-don't move!" kumabog ang dibdib na
napatayo ako para lapitan siya.
"Alam kong mas magiging masaya ka kung siya ang
natira..I want to see you smile. And I know by doing
this makikita ko na ulit ang mga ngiti mo."
"Hailey!!!" napasigaw ako nang tuluyan siyang nahulog sa ibaba.

Chapter 57 (Finale)
"May mga bagay na hindi natin kontralado kaya may mga
nangyayaring hindi planado..."
Napailing ako nang maalala kong sinabi ko iyon
dati kay Carter. Kaya nga siguro, sa ganito ang ending ng
storyang nasimulan namin kahit hindi sinasadya.
Napangiti ako habang naglalakad papasok sa
simbahan, kung saan magaganap ang isang engrandeng
kasalan...
Halos may isang oras pa bago magsimula iyon.
Inihakdaw ko ang paa ko papasok. Unti-unti palang
nagdadatingan ang mga bisita.
Humalimuyak kaagad ang bango ng mga bulaklak
na nakapaligid sa simbahan.
Naglakad ako sa aisle na nalalatagan ng pulang
alpombra.
Malayo palang ay nakikita ko na siya. Kausap niya
ang kapatid na si Jacob.
Natutuwa naman ako at nagkasundo na sila.
Mukhang close na close na sila, sa nakalipas na mahigit
na tatlong taon.
"Callie.." bagama't may gulat sa mga mata ay
sumilay ang mga ngiti sa labi ni Carter.
"It's been a while." bati ni Jacob sa akin at bahagya
pang yumukod.
"Oo nga," napapangiting sabi ko.
"Maiwan ko muna kayo,' paalam ni Jacob kaya
tumango si Carter.
Nagkatinginan kami ni Carter. Bagay na bagay sa
kanya ang suot na tuxedo.
He's a perfect grOom.
Sabay kaming natawa pagkukwan. Pagkatapos ay
naglakad kami sa altar. Tahimik na tahimik pa ang
simbahan kaya pakiramdam ko, ito ang tamang
pagkakataon para makapag-usap kami, makalipas ang
maraming taon.
"Kumusta?" halos sabay pa naming tanong.
"Masaya. Sobrang saya. Ikaw?" nakangiting tugon
niya.
"Masaya. Masayang-masaya."
"This is strange. I didn't see this coming but I'm
happy for you. Really I am, hindi ko akalain na babagay
sa'yo ang magsuot ng ganyan," aniya at napatingin pa sa
belong suot ko.
"Talaga? Medyo weird ba?" natatawang tanong ko
at napahawak pa sa belo ko.
"No, actually it suits you. Callie..More than 3 years
ago I had a nightmare." biglang kwento niya.
"Ano'ng klaseng nighmare?"
"Nawala raw kayong pareho sa akin ni Hailey, that
was the day when you and your sister had this life and
death situation,"
"And we should thank him na hindi nangyari iyon,
diba?" sabi ko pa at itinuro ang rebulto ni Jesus Christ.
Parang nagkakaunawaan na lumakad kami
papalapit kay Jesus.
"That day, I made a promise to him. I promised to
him that I will do the right thing, everything, anything para
mabuhay lang kayong dalawa. At the best siya dahil hindi
nangyari ang kinatatakutan ko."
"Tama ka. The best siya. Kaya nga ipinagkatiwala
ko ang lahat sa kanya." sang-ayon ko.
Hailey and I survived. Hindi ko na kinailangang
magdonate ng puso. Hailey, managed to surived until she
found the right donor. She will surely live longer now,
without fears.
Muli siyang napatingin sa akin.
"I still have something to tell you," aniya.
"Ano 'yon?"
"Few years ago I had this wish. Birthday wish. We
were together that time."
"At sinabi mo sa akin na irireveal mo ang wish mo
kapag natupad na. So wish granted na ba 'yon? Sasabihin
mo na ba?" nakangiting tanong ko.
Marahan siyang tumango.
"Since it's granted, sasabihin ko na. Hiniling ko
noong mga panahon na iyon na maiharap kita sa altar..."
may simpleng ngiti na sumilay sa mga labi niya.
"Hindi ko nga lang inakala na sa ganitong paraan...
dugtong niya.
"Carter, this is our fate. My calling. Noong bataako,
hindi ako nangarap magkaroon ng prince charming. O rig
knight in shining armour. O ng magiging destiny ko,
nagtataka rin ako. Hanggang sa dumating ang araw na
ipinagkatiwala ko ang sarili ko sa kanya. Ito pala ang
dahilan kung bakit hindi niya ako ítinakda sa kahit na
sinong lalaki, dahil para ako sa kanya.." sabi ko at
ipinakita ang singsing na suot ko.
Tumitig siya sa singsing ko at bahagyang napangiti.
"Kaya nga panatag na rin ako, dahil alam kong
aalagaan ka niya." aniya at sabay pa kaming muling
napatingin sa imahen ni Jesus.
Nanubig ang mga mata ko nang muling magtama ang
mga mata namin ni Carter. Maging siya ay gayun din.
Bagamat may namuong luha sa mga mata namin, hindi
naman kababakasan ng kahit ano'ng pagsisisi o
panghininayang. Luha iyon ng pagpaparaya. Nang
pagtanggap. Nang pagpapasalamat sa isa't-isa.
Tanggap na namin pareho ang mga tinahak naming
daan.
Hindi lang dahil ito ang tama. Kundi dahil ito talaga
ang nakatakda..ang makakapagsaya sa amin. We got
what we deserve.
I deserve the peace that I've wanted.
And Hailey got the love that she desired... 1
And Carter got the happiness that he deserve..
"Thank you, Callie. Thank you for making me realize
what true love is.."
"Thank you for taking care of them. For loving my
sister and Harlie."
Ah..true love. Love is true, if you are able to
sacrifice, kung kaya mong maging masaya kahit hindi ka
na niya kasama. Kahit na hindi ikaw ang dahilan kung
bakit siya masaya.
"Hindi ka na lang basta sister-in-law ko. Literal na
sister ka na nga. " napapangiting aniya matapos muling
tingnan ang suot kong abito.1
Napailing ako at napangiti.
Marami ang nagtaka. Marami ang nagulat dahil
matapos akong magising sa aksidenteng iyon ay
nagtungo ako sa kumbento. Sa tahanan ng Diyos. Doon ko
inilaan ang buhay ko sa nakalipas na mga taon. Pinili kong
maglingkod sa kanya. I searched for my purpose and
gladly I did.
Naging Madre ako.
lyon ang isinisigaw ng puso ko matapos kong
maging nobisiyada ay nagtuloy-tuloy na ang kagustuhan
kong iyon. I distant myself from them noong mga
panahong iyon. Nakamove on ako. Natapos na. Oo mahal
ko pa rin si Carter, pero hindi pagmamahal na katulad ng
dati. Pagmamahal sa isang kaibigan at kapamilya ang
meron ako sa kanya ngayon. lyon ang hindi magtatapos.
"Ingatan mo si Hailey, 'wag na 'wag mo siyang
sasaktan ha? Sige ka, baka lumabas ako ng kumbento at
giyerahin kita kapag nagloko ka." biro ko.
"Hindi ko gagawin 'yon. I love her so much. Tama
ka, hindi siya mahirap mahalin, she's the right girl for me.
Thank you dahil ipinarealize mo sa akin iyon. Palagi
siyang nasa tabi ko. Hindi niya ko iniwan. I wouldn't marry
her twice if we don't feel the same way..."
"Well that's good to hear."
Yes. Pangalawang beses na nilang magpapakasal
ngayon, after Hailey's successful transplant, nagtungo sila
sa States at doon muna nanirahan. They want a fresh
start, nang mga panahong iyon nasa kumbento na ko.
Nabalitaan kong ikinasal sila doon. Sobrang saya ko noon
dahil sa wakas, natupad ang mga dasal ko noon na sana
maging maligaya sila.
At ngayon nga sa simbahan na sila ikakasal. They
only had a civil wedding on their first wedding. Now they
really want to make it official. Hindi lang sa mata ng tao
sila mag-asawa kundi sa mga mata ng Diyos. And I
couldn't be happier.
"Oh. Pa'no? Hanggang dito na lang?" sabi ko pa.
Marahan siyang tumango.
"Hanggang dito na lang. Thank you for everything
Ngumiti lang ako at tumalikod na. Dito na
nagtatapos ang bahagi ng storya namin ni Carter.
"Callie! Salamat pumunta ka!' yakap sa akin ng
kakambal ko nang puntahan ko siya sa bridal car.
Magsisimula na ang kasal. Parehas kaming
mangiyak-ngiyak dahil sa tagal naming hindi nagkita.
"Oo naman! Ano ka ba? Kayo pa ba, kinulit ko
talaga ang Superyora ko para payagan ako. Hindi ko
pwedeng palagpasin to."
"Thank you! Thank you talaga. Nakapag-usap ná ba
kayo ni Carter?"
"Oo, I gave him my blessings and of course medyo
tinakot ko na rin na kapag nagloko siya, lalabas ako ng
kumbento para giyerahin siya," nangingiting sabi ko.
"lkaw talaga!"
"Haha biro lang.." nagtawanan kami.
"Mama, siya si Tita Callie ko?" napalingon kami
nang may magsalita sa gilid ni Hailey.
Si Harlie! He's already 4 years old.
"Oo, hug ka sa kanya." nakangiting ani Hailey.
Niyakap ko kaagad ang bata. Grabe kamukhang-
kamukha siya ni Carter.
"'Sobra kitang namiss Baby boy. Magpapakabait ka
lagi, ah? Babantayan si Mommy."
"Opo! Sabi ni Mama whenI was still a baby you
took care of me. Thank you po," nakangiting aniya habang
nakayakap din sa akin.
"You're very welcome!"
Elaine.
"Ready na ba kayo?" excited na tanong ni Mommy
"Yes Ma,"
Mas lalo kaming naexcite. Bumaba na kami.
Pupwesto pa si Harlie as the ring bearer.
Mangiyak-ngiyak si Hailey nang yakapin ako bago
siya pumuwesto sa pintuan,
"Thank you sa lahat, Callie. Laham na laham kita,"
"Sshhh. Bawal umiyak, you're very much welcome
kambal. Laham din kita, sobra."
"Ay! Ay! Ay! I don't know how to swim, stop crying
okay?" saway ni Irene na sumulpot sa tagiliran ko. Isa siya
sa abay.
"Kamusta ka na bruha? I mean sister Callie,"
biglang kumambyo na aniya nang maalala ang posisyon
ko ngayon.
"Masaya. Masayang-masaya."
"Namiss kita.
"Ako rin!" and we hugged na parang magkapatid rin
na matagal ng hindi nagkita.
"S-Sister Callie.." may isang boses na tumawag sa
akin.
"Carla?" amaze na tawag ko. May baby bump siya.
"-1 just want to say sorry for everything." her voice
is full of sincerity.
"Matagal na 'yon, kalimutan mo na." nakangiting
sabi ko.
"And I want to say, sorry to0..." si Jacob na biglang
umakbay kay Carla.
They're married. Pagkakataon nga naman.
"You are all forgiven." nakangiting sabi ko.
Ganoon naman talaga nagkakamali ka, pero at
least natututo tayong aminin iyon at magpakumbaba.
When the wedding start, taimtim kaming nakatińgin
sa groom and bride. And I couldn't help myself from
smiling. Kitang-kita ko sa mga mata nila ang tinatawag na
Pag-lbig'
Kung minsan, dumadaan lang sa mga buhay natin
ang isang tao para matulungan natin sila sa dapat nilang
patunguhan.
Instrumento lang ako. Para magtagpo sila.
Sila ang nakatakda sa isa't-isa. Hailey and Carter. I was
just one of the bridge...
"Bilib na talaga ko sa'yo," ani Renato habang
pumapalakpak kami nang i-announce ng pari ang word na
you may kiss the bride.
"Bakit naman?" tuloy ang palakpak habang teary eyed
akong nakatingin sa mag-asawa dahil sa saya.
"Sa pagpaparaya mo, para sumaya sila. Ikaw na talaga
ang sister ng bayan!"
Natawa ko.
From a Lucky instant Mommy to Sister ng bayan?
"Why not?" nakangiting sabi ko.
Ito nga talaga ang role ko sa buhay.
TO BE A GOOD SISTER.
This is Sister Callie Calingasan...
Happily Signing off.
WAKAS?
Epilogue
Wakas..
Kakatype ko lang ng word na wakas nang may humablot
sa laptop ko.
Napalingon tuloy ako.
Si Carter pala.
"Kagulat ka naman!"
"Sorry. Just want to check kung okay itong magiging
second novel mo," nakangiting aniya at umupo sa
damuhan sa tabi ko.
Seryoso niyang binabasa ang ending ng manuscript ko na
nilagyan ko ng title na 'Lucky Me, Instant Mommy?'
Napasinghot ako ng hangin at napatingin sa lapidang nasa
harap ko.
May sumilay na malungkot na ngiti sa labi ko nang makita
ko ang pangalang nakaukit doon.
Hindi ko akalain nasa ganito lang ang kahihinatnan niya.
Napakabata pa niya.
Hindi man lang niya naranasan mabuhay ng matagal sa
mundo.
"Seryoso? Ito talaga gusto mong maging ending natin?"
tanong ni Carter kaya nilingon ko siya.
Seryoso ang mukha niyang nakatitig sa monitor.
"Tapos bakit iminatch mo pa si Jacob kay Carla?" foflow
up question niya.
"At ikaw naging madre? So this story is about us?" aniya
nang mapagtantong tungkol sa amin ang isinulat kong
storya.
Napailing ako at natawa.
"Bakit ka tumatawa?" maang na tanong niya.
"Eh, kasi po ang dami mong tanong. Isa-isa lang kasi,
mahina ang kalaban."
"Seriously? Igigive up mo ko?" muling tanong niya.
"Ikaw, kaya mo bang talikuran si Baby Harlie?"
Natahimik siya at napatingin sa lapida.
"I love this kid so much. Kung nandito siya, baka nga
ganito ang ending natin.." may lumambong na lungkot sa
mga mata niya habang nakatitig sa laptop at sa ending
namin na isinulat ko.
Maging ako ay nangilid ang luha.
"Tribute ko 'yan for Baby Harlie. Gusto ko sa kwento ko,
buhay na buhay siya. Walang sakit at magkakaroon siya
ng masayang pamilya. Ikaw, siya at si Hailey.
"Kaya ganyan ang title niyan kasi gusto kong malaman
niya na sobrang swerte ko kasi naging Mommy niya ko
kahit saglit na panahon," dagdag ko pa.
Isinulat ko ang kwento naming apat. Everything that was
written there were true, maliban sa parte kung saan
ipinanganak na healthy baby si Harlie.
Dahil sa reyalidad, ipinanganak na mahina ang puso ni
Harlie. Minana niya kay Hailey.
Sa isinulat kong kwento ay malusog na bata si Harlie pero
ang totoo, halos sa ospital na kami tumira ni Carter para
lang mamonitor ang puso niya. Pabalik-balik kami doon
everytime na masama ang pakiramdam niya.
Ang hirap ng sitwasiyon namin. Comatose si Hailey tapos
si Baby Harlie sakitin din.
Nang magising naman si Hailey totoong nagkaro on din
kami ng pagtatalo dahil sa nararamdaman niyang mahal
ko si Carter.
Lumayo ako sa kanila. Hanggang sa maaksidente ako at
nalaman kong pati si Hailey inatake na naman sa puso
dahil sa nangyari sa akin.
We're both in danger...
Paggising namin halos mayanig kami...
Dahil wala na si Harlie.
Hindi na niya kinaya ang sakit niya.
Pakiramdam nga namin ni Hailey sinalo kami parehas ni
Harlie. Parang nagsakripisyo si Harlie para mabuhay kami
kaya siya ang nawala.
Alam kong isang anghel na si Harlie ngayon. Our innocent
baby...
Nagluksa kaming lahat sa pagkamatay ni Harlie. Lalo na si
Carter. Hindi niya maitago ang nararamdaman. Tahimik
siyang umilyak habang nakatitig sa maliit na kabaong ni
Harlie.
Matapos ang libing, ilang buwang hindi nagpakita si
Carter. Naging tulala naman si Hailey. At ako pakiramdam
ko, nawalan na rin ako ng gana sa lahat.
I had restless nights. Gabi-gabi akong umiyak.
Pakiramdam ko baka karma ko iyon dahil nahulog ang
loob ko kay Carter.
Hanggang isang araw, kinatok ako ni Hailey.
Inaya niya ko sa simbahan. Nahihiya ako sa kanya dahil
Siya na itong mas matatag sa amin.
Sumailalim din siya sa counseling dahil sobrang bigat ng
mga pinagdaanan niya. At palagi kaming nakaalalay ni
Mamshie Elaine sa kanya.
Kung sa kwento ko, ako ang Madre, sa realidad si Hailey
ang nagmadre. At sa kumbento na siya nakatira ngayon
matapos maoperahan.
"Alam mo, ang dami kong pangarap para kay Harlie. Una
na diyan kapag natuto na siyang maglakad, tuturuan ko
siyang magbike o kaya sabay kaming magdiya-jogging sa
umaga. Kaso ang daya, eh. Tapos sa first day niya sa
school gusto ko kasama niya ko. Kaso nawala kaagad
siya," may nalaglag na butil ng luha kay Carter habang
nakatitig nasa lapida ng anak.
Pati ako naiiyak na naman. Mahigit dalawang taon na ang
lumipas pero parang kahapon lang nangyari ang lahat.
"I'm sure kung nasaan man siya ngayon, he's happy. Kasi
Angel na siya. Binabantayan niya tayo Carter."
"At sigurado ko na gusto niya rin tayong sumaya diba?"
"Oo naman," nakangiting sagot ko.
"So kailan mo ko sasagutin para sumaya na talaga ulit
ako?"
Naumid ang dila ko. May apat na buwan na siyang
nanliligaw sa akin ngayon.
"Carter naman..." pigil ang tawa ko.
"Magpapaalam ako sa harap ni Harlie," ani Carter.
Muli siyang tumingin sa puntod at hinaplos ang lapida
doon.
"Son, I hope that you're listening. I'm in love with your Tita.
Noon pa. Pinahalagahan ko rin ang Mommy mo, kahit
hanggang ngayon. We shared a wonderful little Angel and
I will cherish that forever. Mahirap mag-move on pero
kailangan. I need to start all over again. At gusto ko, ang
Tita Callie mo ang makasama ko sa bagong journey ko.
You will be forever in my heart anak and I will always be
your proud Dad. Sana maintindihan mo ang Daddy kung
pagbibigyan ko ang puso ko ngayon.." madamdaming ani
Carter.
Katahimikan. Nagkatinginan kami ni Carter nang biglang
umihip ang malamig na hangin. Napakapit ako sa braso
niya dahil feeling ko may yumakap sa amin.
"Did you feel that? | think it's Harlie. Parang niyakap niya
tayo..."
Napatayo ako bigla. Nagtaasan ang mga balahibo ko sa
batok sa sinabi niya.
"Huy! 'Wag ka ngang manakot!" saway ko.
Natawa siya at hinawakan ang mga kamay ko.
"I think that's the sign of his approval..."
"Approval?" maang-maangan ko.
"Approval niya na sagutin mo na ko..." seryosong sabi niya
habang matim ang mga titig niya sa mata ko.
Sumikdo ang puso ko...
Wala namang nagbago sa feelings ko para sa kanya.
Mahal ko pa rin siya kahit ilang taon na ang lumipas.
"I need to talk Hailey first.."
** *&*&**
"Kamusta ka?" tanong ko kay Hailey nang dalawin ko siya
sa kumbento.
Sumilay ang mga ngiti niya saka siya umupo. Nakaharap
kami sa altar kung nasaan ang Panginoong Hesukristo.
Napakatahimik sa loob.
Nakasuot siya ng abito. Bagay sa maamo niyang mukha.
"Okay naman. Masaya. Kahapon lang may out reach
program kami. Maraming bata akong nakasalamuha.
Alam mo marami silang kwento. Iyong iba nakakatuwa.
Pero kadalasan nakakaiyak. Ikaw kamusta ka? Ano'ng
balita sa labas? Ang Mama dadalaw daw siya sa akin next
week. Kasi busy siya sa resto."
"Okay naman ako. Hailey, sigurado ka na ba talaga dito sa
pinasok mo?"
"Ang pagiging Madre? Oo. Dito ako nagkakaroon ng
kapayapaan ng loob. Natatandaan mo noong mga bata pa
tayo? Kapag tinatanong ako ng mga magulang natin kung
ano'ng gusto ko? Ang isinasagot ko lagi, gusto kong
maglingkod sa Diyos. Gusto ko laging nasa simbahan
palagi. Feeling ko kasi safe ako dito. Medyo nag iba nga
lang noong nagdalaga na ko, pero heto dito pa rin talaga
ako nakatakda."
Hinawakan niya ang kamay ko at nakita kong pinangiliran
siya ng luha.
"Lalo na ngayon. Pakiramdam ko kapag nandito ko, kasa-
kasama ko lang si Harlie. Pakiramdam ko mas
napapalapit ako sa kanya kasi alam ko kasama siya ng
Panginoon natin. Noong una malaki ang galit ko sa kanya.
Marami akong tanong. Tulad ng bakit niya ginawang may
depekto ang puso ko? Bakit niya kinuha sa akin ang anak
ko? Pero alam mo narealize ko, na kaya lang niya ginawa
iyon ay para subukan kung hanggang saan ako
maniniwala sa kanya. At natutuwa ako na hindi ako
bumitaw sa kanya. Kasi kahit naghinanakit ako sa kanya
tinanggap pa rin niya ko sa tahanan niya.."
Nangilid din ang luha ko.
"Mabuti kang tao Hailey, kaya hindi mag-aalangan ang
Diyos na tanggapin ka."
"Pero ikaw? Bakit hindi mo pa sinasagot si Carter? llang
taon na ang nakalipas. Hindi ba dapat maging masaya ka
rin? At alam ko siya lang'yong taong makakapagpasaya
sa'yo ng lubos."
Napayuko ako. Nasabi ko na kasi sa kanya dati pa na
nanliligaw nga si Carter.
"H-Hindi ka ba magagalit?"
Ngumiti siya.
"Bakit ako magagalit? Naniniwala ako na kayo talaga ang
para sa isa't-isa. Kaya bakit ako hahadlang? Hindi mo
dapat tikisin ang sarili mo. Kung alam mo sa sarili mong
mahal mo siya bakit hindi mo sabihin? Bakit hindi mo
aminin?"
Napasinghot ako at niyakap siya.
"Maraming salamat kambal."
"Hangad ko ang kaligayahan niyong dalawa."
3 months later.
"Kinakabahan ako. Ang daming tao!" sabi ko kay Carter
habang nakasilip ako sa backstage.
Book signing ng Hyun Publishing sa isang malaking mall.
First time kong makaattend ng book signing.
"Chill love. Marami naman kayo. Saka andito ko,"
masuyong aniya at hinagod pa ang balikat ko.
Napangiti ako nang marinig na tinawag niya kong love.
Yes we're officially a couple for three months now.
Sinagot ko na siya.
Bakit pa ako magpapakipot?
llang saglit pa nagsimula na ang event. Halos mangalay
ang kamay ko kakapirma. Dalawang book ko ang
narelease. Ang babysitting The Brat at ang Lucky me
instant Mommy.1
"Anak l'm so proud of you!" ani Mamshie Elaine nang
makapagbreak ako.
"Thank you Mamshie. Bili ka ng book ko please," kantiyaw
ko.
"Ay naku umorder na ko. Ipapafreebies ko sa resto kapag
may teenager na customner para mas makilala ka pa."
"Ikaw din Renato!" baling ko sa ever supportive kong
bestfriend.
"Naman! Ako pa!"
"Callie!" tawag ni Jacob.
Okay na sila ni Carter in fact contract author pa rin siya ni
Carter.
"O bakit?
"Balik na tayo, may pipirmahan ka pang malaking-
malaking libro!"
"Malaking libro?" maang na tanong ko.
"Excuse lang Tita, ah?" paalam ni Jacob.
"Go anak!" tila excited na sabi nito.
Pagbalik ko sa table ko may nakapatong ngang libro. Pero
kulay puti at sobrang laki! Parang sinlaki ng isang buong
Manila paper. Pero manipis lang naman.
"A-Ano 'to?"
"Just open it."
Nagkaroon ng komosiyon ng mamatay ang ilaw sa venue.
Pero may isang spotlight na tumama sa akin.
"Callie..."tawag sa kung saan.
Napalingon ako. It was Carter. He's standing behind mne.
"OMGI" sigawan ng mga tao na tila kinikilig na ewan.
Unti-unting lumakad si Carter sa akin palapit.
Lalong nagkaingay dahil tinutukso na kami.
"Can you read it? Loud and clear?" nakangiting pakiusap
niya.
Nahigit ko ang hininga ko. Kahit nalilito, bumaling ako sa
malaking libro.
Binuklat ko iyon.
Unang malaking word na nakalagay sa unang pahina.
"My dearest Callie..." simulang basa ko.
Sa ikalawang page. Naghihiyawan na ang ilan.
"Will you be my..?"
Sa ikatlong page...
"My Eternity?"
Huling basa ko habang tumatahip ang dibdib.
"A-Ano'ng?" pagbaling ko sa likuran para tanungin si
Carter, nagulat ako dahil nakaluhod na siya at may hawak
na singsing!
Halos mabingi akO sa sigawan ng mga teenager na nasa
venue. Halos mabingi rin ako sa lakas ng tibok ng puso ko
nang marealized na nagpopropose siya!
"I love you so much. You're my, eternity Callie. Now will
you be my wife?"
Nangilid ang luha ko. At hinila siya patayo.
"My dearest Carpenter alam mong sa'yo lang ako forever.
And there halos matanggalan na kami ng eardrum sa
sigawan.
Isinuot niya sa akin ang singsing at hinalikan ako sa labi.
Alam ko marami pa kaming pagdadaanan. But who cares.
As long as we have each other we can make it work...
Napatingin ako sa taas.
"Thanks Harlie. I'm the luckiest instant Mommy dahil
natagpuan ko ang aking Prinsipe!"
Wakas...

You might also like