You are on page 1of 109

When the book fell (Chasing Series #3)

by Ginger_Amulet

WTBF

This is a work of fiction. Names, Characters, businesses, places, events, and


incidents are either the products of author imagination or used in a
fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living dead, or actual
events is purely coincidental.

Please expect typo grapichals error, grammatical errors and wrong spellings.
If you're looking for a perfect story, don't read this.

Plagiarism is a crime

Hello po, ngayon lang po ako magsusulat dito kaya sana po ay magustuhan niyo
ang ang kwentong ito. Tatanggap po ako ng mga pagkakamali sa kung ano mang
isusulat ko at itatama ito. Sana po ay suportahan niyo ako, salamat!

P.S. isusulat ko po ito kapag natapos na ang LMDS.

Simula

Simula

Isinarado ko ang libro ko, inalis ko ang reading glasses ko at inayos ang
aking buhok. Naistress talaga ako kahapon sa exam namin. Hindi lang naman ako
pero stress talaga ako.

Kahapon, puro kalokohan ang alam ng dalawang iyon. Mga siraulo at kulang sa
gamot. Si Chelsea Silvestre at Leira Mendez lang naman iyo. Ako lang naman ang
pinakamatino sa lahat

Books are my stress reliever.

Kukuha lang ako ng kukuha ng mga libro na gusto ko ang genre at ng mabasa
pampabawas stress, you know!

Today is a new life, because It's morning! Napagod pa ako sa pag mo-mall
namin

Sabado ngayon. Nadrained ang utak ko sa dami ng mga questions, dumugo pa yata.
Ewan ko doon sa dalawa na pa easy easy, muka lang silang nag aral pero ang
totoo hindi nag aaral yan.

Napailing iling na lang ako saka natawa sa iniisip ko. Nakakabaliw ang
dalawang iyon kapag kasama ko.

Nakakastress sa school ngayon, yeah. Faded jeans at White T-shirt lang ang
suot ko, hinablot ko sling bag ko at saka bumaba

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Mama

"Mall po" sagot ko

"May date?" Pang uusisa ni kuya Gio sa akin

Haynako. Busy ako sa mga libro, sa lalaki pa? Hindi na nasanay sa akin ni kuya
na mas mahal ko pa ang mga libro ko kesa sa mga nagbabalak manligaw sa akin.
Bahala sila sa buhay nila basta masaya ako sa buhay ko

Tinignan ko naman si kuya na 'Seriously?'

"Wala ah" sagot ko na naman

"Dapat lang" nakapamulsang umalis si kuya sa sala, pumunta ng kusina.

"Hindi ka man lang ba mag aalmusal, nak?" Tanong ni Mama sa akin

"Hindi na mama" sagot ko sa kaniya saka tinignan yung oras, baka maunahan ako
sa libro.

"Okay, wag mo kakalimutang kumain" pagpapaalala nito ng humalik ako sa pisngi


niya

"Opo," sagot ko sa kaniya "Kuya Gio, alis na ako!" Sigaw ko saka lumabas na

Mygod. I need some fresh air, mamaya ko na kakausapin si Chelsea at Leira.


Pupunta na din naman ako mamayang gabi kina Leira kaya doon na lamang kami
magtatagpo tagpo, panigurado sa mga oras na ito ay nasa airport na sila Leira.

Sumakay na ako sa kotse na kasama si Manong, magpapahatid na lang ako sa may


entrance tapos itetext ko na lang. Nagvibrate ang cellphone ko at agad kong
kinuha iyon.

From: Leirangot

Don't forget!

Nagreply na lang ako ng 'Okay' at itinago iyon. Sana maabutan ko pa ang last
copy ng libro! Sarap makipagpatayan kapag naubos yon, aga aga kong nagising
ano.

Nang makarating sa mall agad na din akong nagpaalam. Nagbreakfast na din ako,

Kinuha ko ang cellphone ko nang mag ring ito.

Chelstos is calling...

"Hello, Chels." Bati ko dito

Narinig ko pa ang bahagyang paghikab niya, aga niya magising ngayon ha?

[Hmmm. Punta ka ba mamayang gabi?]

"Oo naman"

[Punta ako mall, asan ka?]


"Nandito na."

[Sige, wait mo ako]

Pinatay ko na ang tawag.

naglalakad na ako ngayon

Parang biglang lumayo ang national bookstore sa sobrang pag kagusto ko. Eight-
Thirty na kaya naman tumigil muna ako. Hinahanap ko yung national book store,
hindi kaya giniba kahapon?

Alam ba nilang pupunta ako? Tss.

Naka fierce look lang ako nung makapasok ako sa national book store, agad kong
hinanap ang librong hinahanap ko. Nag iikot ikot ako ng mapako ang tingin ko
sa librong hinahanap ko. Omg!

Kukuhanin ko na sana ito ng bigla itong mawala sa harapan ko. Nanlaki ang mata
ko at hinanap kung saan ito napunta. Napatingin ako sa lalaking naka black
T-shirt at nung nakita ko na hawak hawak niya iyon ay humablot ako ng isang
libro at binato iyon sa kaniya

"Hoy" sambit ko

Bigla itong humarap.

Shit, ang gwapo! Tulaley na ako! Pero shit, shit. Kinuha niya ang libro!

"Are you done eye-raping me, miss?"

Agad nag init ang ulo ko at nakapamewang akong nagsalita, "Excuse me?" Usal ko

Bigla itong umusod, "Dadaan ka?"

"I'm not eye-raping you."

"You are." Nakangisi nitong sagot

Kanina, nakakawala siya ng mood dahil sa napakasungit ng awra niya. At ngayon


naman na nakangisi siya, aaminin kong gusto ko na lang na wag siyang makita.
Mayabang!

"See? You're 2 minutes eye-raping me." Proud na sabi nito

Tinignan ko ang libro niya, "Kasing kapal ng muka mo" turo ko sa librong hawak
hawak niya at gusto kong kuhanin.
Bahagya itong ngumiti at itinaas ang libro, "Gusto mo ba?"

Nagkislap ang mata ko, "Oo" deretsa kong sagot, ang tagal kong hinintay na
mairelease yan!

"Gusto ka ba?" Ngumisi lalo ito

Babatuhin ko sana siya ulit ng pigilan ako nito

"Sa dami ng nagkaka-crush sa akin, ikaw lang ang nanakit sa akin." Madrama
nitong sabi
Crush!? Iw!

"Crush mo muka mo, akin na yung libro."

"May pangalan mo ba?"

"Wala, pero ako ang nauna"

Parang awa mo na, ibigay mo na.

"Ako ang nauna. Hawak hawak ko nga oh" pang aasar nito

"Bwisit." Bulaslas ko

"So cute."

"I'm not cute!" Usal ko sa kaniya

"Crush mo ako?" Tanong nito

Sasagot na sana ako ng unahan ako nito.

"I crush you too." Sagot nito at tinalikuran ako

Gumuho ang mundo ko sa sobrang kakapalan ng muka niya, mga pinagsama samang
pahina ng lahat ng mga libro. Oo, ganoon kakapal!

Kabanata 1

Kabanata 1

_Cal?_

Inirapan ko ang lalaking assuming na iyon na kumaway pa sa akin habang


nagbabayad sa counter. Dala dala ko ang librong ibinato ko sa kaniya dahil
kahit papaano mawawala ang inis ko. Story siya ni Jamille Fumah, gusto ko
tuloy patayin ang lalaking iyon.

Nasa kabilang counter ako ng mang asar na naman ito

"Gusto mo pala 'yan?" Nakangusong tanong nito, kung walang ibang tao dito
hihilahin ko yang nguso na yan

"Hindi, kaya nga bibilhin ko diba?" Mataray kong sagot, bahagya itong tumawa

"Cute"

Umirap uli ako saka inabot sa cashier ang librong hawak hawak ko, "Ugly"

"Woah. Alam ko namang crush mo ak--"

"Shut the fuck up, Mr. Assuming" iritado kong saad sa kaniya, nagpapasalamat
naman ako na ibinigay na sa akin ng cashier yung libro. Inabot ko na din yung
bayad
"Easy, Miss." Itinaas nito ang dalawa niyang kamay na parang sumusuko siya sa
akin

"Easy your face"

"Make it hard."

Nanlalaki ang mata kong tinalikuran siya, what the hell? Anong make it hard!?
Malalaki ang hakbang ko papaalis kahit naririnig ko pa din ang nakakaloko
niyang tawa. Assuming!

Nakailang irap ako pagkalabas ko ng national book store at sumalubong sa akin


ang nakataas na kilay ni Chelsea. Kanina pa kaya siya rito?

"Bagal mo" reklamo nito sa akin

hinila ko na lang siya papalayo doon para hindi kami maabutan ng assuming na
iyon, baka ipagkalat pa na Crush ko siya, kadiri. Hindi ko nga siya kilala
tapos crush? Madaming nag kaka crush sa kaniya, makapag spread nga ng fake
news na masyadong assuming ang lalaking iyon.

"Naagawan ako ng libro." Bulaslas ko pagkaupo namin

Bigla itong tumawa at kinuha ang cellphone niya, "Sent, ibinalita ko lang kay
Leira"

Inagaw ko ang cellphone nito.

To: Leirangot

Naagawan si Grace ng libro, hahaha.

"Alisin mo nga yan" inis kong sabi

"Tanga ka?," umirap ito sa akin "Hindi yan messenger na pwedeng iremove
message!"

"Bakit tinext mo pa?" Tanong ko rito nung inagaw niya na uli ang cellphone
niya sa akin

"Gusto ko lang"

"Bakit nga!?" Reklamo ko rito pero tumawa lang uli ito

"Syempre, for the first time may naka-agaw ng libro sayo. Girl or boy?" Tanong
nito saka itinaas ang kilay

Napabuntong hininga na lamang ako sa inis, "boy."

Tumawa na naman ito kaya hindi ko napagilang umirap. "Pinakuha mo naman?"

"Ofcourse not." Depensa ko

"Weh? Gwapo ba?" Pang aasar nito, porket meron na siyang Damon. Kung hindi
dahil sa amin, hindi naman sila magkakatuluyan.

"Hindi" pagsisinungaling ko, aba hindi ko aaminin na gwapo ang assuming na


iyon
"Yeah, lies" pangungumbinsi nito sa sarili niya

Hindi na lamang ako umimik dahil kung saan lang pupunta ang usapan namin.
Bwisit na lalaki na yun, babalik na nga lang ako sa susunod.

"Anong susuutin mo?" Tanong ni Chelsea

"Dress?" Patanong kong sagot

"Okay"

Nang maghapon na ay umuwi na din kami pareho ni Chelsea. Parehas kaming naka
red, itinext ko na din si Leira na mag red. Chaka, sisterakas ang peg? Ha-ha.

From: Leirangot

Okay.

Kung nawiwierduhan kayo sa nickname naming tatlo, si Chelsea ang may pakana
tss. May tama sa ulo yon.

Pagkauwi ko sa bahay ay agad na akong nagbihis. It's five-thirty, mahaba pa


ang byahe sa baliw na yun. Hindi ko pa din makalimutan ang libro na abot na
abot ko na ay bigla na lang nawala. Kapag nakita ko ang lalaki na yun,
susuntukin ko talaga yon!

"May lakad ka?" Tanong ni Kuya

"Takbo" pabalang kong sagot habang nagsusuklay

Sumama ang tingin nito dahil tinignan ko siya sa salamin, "hehe, peace!" Bawi
ko kay kuya

"Umuwi si Leina?" Tanong nito

"Ayiii, sumama ka na! Umuwi si Ate, paniguradong miss na miss mo na yon. Saka
ikaw ha, ayaw pa uma--"

Biglang may kumalabog na pinto kaya napahagalpak ako ng tawa. Isa siyang
pikon! Kasalanan ba namin na ex niya si Ate Leina? Psh. Hindi man lang talaga
ako pinatapos na magsalita. Bitter!

Nakangisi akong bumaba ng magtama ang tingin namin ni Kuya, sarap asarin ng
kuya kk. Six-twenty na din ako natapos dahil kanina pa ako tawa ng tawa sa
taas. Nakabihis na din si kuya, sus. Sasama din pala, pagdadabugan pa ako ng
pinto

"Tara na" anyaya nito

Lumapit muna ako kay Mommy, wala kase si Daddy. Tss, palagi namang wala. Nasa
isang bansa kase siya ngayon, kaya ayon wala.

"Aalis na po kami" humalik muna ako sa pisngi ni mama at ganoon din ang ginawa
ni kuya.

Nakasakay na kami sa sasakyan ng biglang magsalita si kuya

"Nabili mo ba yung libro?" Tanong nito sa akin


Bigla akong napasimangot, "Hindi"

"Bago yun ah" tinawanan pa ako nito kaya hinampas ko siya sa braso "Kapag tayo
nabangga, tapos masagasaan mumultuhin talaga kita"

Bigla akong napahagalpak ng tawa, "Mag multuhan tayo. Tutal, ghoster ka naman"
pang aasar ko rito

Bigla itong natahimik kaya naman tumahimik na din ako. Baka ibunggo niya pa
ang sasakyan, ayoko namang mamatay ng umaga ano.

Pagkadating namin sa bahay nina Leira, taas noo akong pumasok habang ang kuya
ko naman ay nakapamulsa. The mayabang siblings.

Nag doorbell din kami, maya maya lamang ay nagbukas ang pinto at sumalubong sa
amin ang pagmumuka ng mga kaibigan kong mga nakapula.

"Kuya Gio!" Bati nila sa kuya ko

"Yow, tulad tulad pa kayo"

"Wow, ako hindi papansinin?" Asar na tanong ko

"Nagsawa na ako sa pagmumuka mo" sabi ni Chelsea

"Pwe, kesa naman sayo" bawi ko

"Tara na nga!" Anyaya ni Leira, bigla akong yumuko pagkapasok namin

"Nauna na pala kayo" bigla akong nanigas sa pwesto ko ng marinig ko ang


kapareho na boses noong assuming na iyon.

"Ay Grace, si Cal pala" pagpapakilala ni Leira kaya nanlaki ang mata ko,
tumunghay ako

"IKAW!?"

"YOU!?"

Kabanata 2

Kabanata 2

_Kainin mo ang sinasabi mo_

Bakit naman nandito ang isang assuming na ito? And guess what, dito pa talaga.
Akala ko naman makakalimutan ko na ang libro ng makita ko uli ang lalaking
ito! Nakakainis. Akala mo naman gwapo, pwe!

"So you are?" Tanong nito na ikina irap ko.

Cal huh? Kaldero.

"Grace Miranda." Pagpapakilala ko dito pero masama pa din ang tingin ko sa


kaniya ng ngumisi ito.

Inilahad nito ang kamay niya "Caltrious Gavin Agoncillo"

"I don't do shakehands, baka mahawa pa ako sa kakapalan ng pagmumuka mo,


Kaldero" nakaismid kong sagot, thick face.

"You call me what?" Naningkit ang mata nito sa akin saka muling namulsa

"Kaldero" ulit ko dito, maasar ka please

"Should I call you Miss Grumpy?" Natatawa nitong sabi, hanggang saan aabot ang
kakapalan ng pagmumuka ng kaldero na ito?

"You better not"

"Quits tayo, Miss Grumpy. Nakakasakit ng damdamin na tawagin mo akong kaldero,


alam mo ba na itinatawag sa akin ng mga nagkakagusto sa akin ay--"

"Hindi kita gusto, assuming!"

Umalis na ako doon ng naiinis, nasa likod ko siya na tumatawa pa din hanggang
ngayon. Biglang tumingin sa akin ang dalawa na para bang sinasabi nilang
mayroon dapat akong ikwento

"So.. kamusta kayo?" Tanong ni Ate Leina

"Ayos lang" sagot nina Chelsea at Damon

"Fine" sagot ng dalawang kuya namin

"Great" sagot nung dalawang nagkakagusto kay Leira

Oo, manhid lang ang babae na iyon. Ang lagi niyang sinasabi kaibigan niya ang
dalawa, torpe din naman. Nagmana kay Damon na tinulungan pa namin, tss.

"Same" sagot ni Kaldero

Masama pa din ang tingin ko kay Kaldero na nakangisi lang. Grabe, napakakapal
ng muka. Kung ibinigay niya na lang ang libro, natuwa pa ako sa kaniya. Kaso
masyado siyang assuming, at inaakala niyang may gusto ako sa kaniya. No way!

"Sira" sagot ko

"Happy" ngiting sagot ni Leira

Matapos naming kumain, napagpasyahan ko na sumunod sa paglabas nina Chelsea.


Dumiretso ako sa labas, gusto ko lang magpahangin, bakit ba?

Akala ko naman tatahimik sa labas pero may nakasunod pala sa aking masamang
assuming.

"Yo"

Nag crossed arms lang ako, aba?

"Sungit"

Napairap na lang ako sa sinabi niya, ako masungit? Sa kaniya lang ano!
"Sayo lang" sagot ko

"Why I feel special?" Natatawa nitong sagot

Umismid lang ako at muling itinirik ang mata, "Hindi ka man lang ba
napipikon?" Tanong ko

"Hindi, bakit naman?"

"Ang assuming mo kase"

"Hindi naman" sagot niya

Hindi nga siya napipikon, nagagawa pa nga niyang tumawa at ngumiti. Ako lang
talaga ang napipikon sa kakapalan ng pagmumuka niya, saka bakit ba nandito ang
kaldero na ito? Bagay siya sa kusina.

"Bakit ka nandito?" Tanong ko

"Ayaw mo ba ako dito?" Umakto pa itong nasasaktan

"Napaka OA mo" irita kong sagot, napaka arte

"Pikon," aniya "Kaibigan ako ni Leina"

Tumango na lang ako, "Okay" tipid kong sagot

Pipilosopohin ko sana kaso nakalimutan kong tinanong ko nga pala kung bakit
siya nandito.

"Ikaw?" Tanong nito saka sumandal sa may pader

"Kaibigan ako ng kapatid niya" sagot ko

"Alam mo ang ganda nila" puri nito kaya lumaki ang butas ng ilong ko. Sinasabi
niya bang hindi ako maganda? "Kaso.." tumingin ito sa akin saka tumawa "Ang
pangit mo"

Hinampas ko siya sa braso, "kapal ng muka mo!" Asik ko

"Aray! Sinasaktan mo na ako" nakanguso niyang sabi

"Pabebe" nakangiwi kong sagot, ang laki laki niya na. Pabebe pa masyado, tss.
Tangkad tangkad tapos isip bata, talaga bang kaibigan ito ni ate leina? Kung
hindi, kanina ko pa nabatukan ito.

"Pa baby" pagtatama nito

Inirapan ko na lamag siya, "Hindi bagay sayo"

"Kase bagay tayo" natatawa niyang sagot

"Ako nga eh tigil-tigilan mong assuming ka"

"Bakit? Ayaw mo ba?"

"Ayaw ko nga, hindi nga kita kilala"


"Ako nga si Cal--"

"Kaldero" pang aasar ko rito

Bigla itong namulsa at biglang lumayo sa akin. Natawa naman ako bigla,
mapipikon ka din pala eh. Tss. "Pikon!" Usal ko

"Hindi ako pikon" sabi niya habang nakatalikod

"Aba, eh bakit nakatalikod ka sa akin?" Tanong ko

"Ang pangit mo kasi"

Bigla akong natahimik, hindi ako pangit! Kingina niyaaaa!

"Ikaw ang pikon" bawi niya, "Sayang ka, ganda mo sana"

"Matagal na akong maganda, kahit hindi mo sabihin" nag flip hair pa ako kahit
nakatalikod siya, sino ba siya?

"Talaga?" Humarap ito sa akin, parang sinusuri ang muka ko "Bakit hindi
halata?"

Hinampas ko siya sa braso, "Akala mo naman ang gwapo gwapo"

Sabi ko hindi ko papansinin ang assuming na ito eh! Napairap na lang ako ng
namulsa ulit ito at bahagyang lumayo sa akin

"Gwapo naman talaga ako"

"Weh?"

"Oo nga--"

"Wehtlog" pang aasar ko

"Alam ko namang gusto mo ak--"

Bigla ko siyang hinampas, " Anong gusto kita!? Assuming!"

Ngumisi lang ito at ako naman ay galit na galit na. Ako yung napipikon eh!

"Eh?"

Napatigil ako at nanlaki ang mata kong humarap sa kaliwa. Si Leira at Chelsea!
Magsasalita pa sana ako ng bigla akong hilahin ng dalawa at sumigaw si Leira
"Hiramin muna namin, Cal!"

Nakabusangot lang ako na nakatingin sa dalawa. Si Leira na kumikislap ang mata


at si Chelsea na nakataas ang kilay

"Anong meron sa inyo?" Tanong niya

Bigla akongumirap, "Wala"

"Weh, totoo--"

"Leira!" Napatigil ito sa pagsasalita ng marinig namin ang boses ni Ate Leina
sa loob. Salamat naman
"Hmp, mamaya na ako mangugulit!" Sigaw nito saka umalis

Tatayo na sana ako ng hawakan ni Chelsea ang braso ko at tinaasan ako ng


kilay. Napamura na lang ako ng paupuin uli ako ni Chelsea

"Kakakilala pa lang namin kay Cal, tapos kilala mo na siya?" Tanong nito saka
binitawan ang braso ko

Huminga ako ng malalim, "Nakita ko siya kaninang umaga" pag amin ko

Yung umaga na kinuha niya sa akin ang libro ko, ipinagyabang pa niya talaga sa
akin na nasa kaniya na ang libro kanina sa counter. Plus, crush ko daw siya.
Neknek niya!

"And?"

"Siya yung--"

"Umagaw sa libro?"

"Exactly," sagot ko "saka masyado siyang assuming" pagsabi ko ng tama, aba


kung magsisiraan kami, susulit-sulitan ko na

"Mabait naman siya" ani Chelsea

"Hindi halata" irap ko

"Sus, pa ganyan ganyan ka pa tapos gusto mo naman pala"

"Ako? No way! Mas mahal ko pa ang mga libro kesa sa lalaking iyon!"

"Masamang magsalita ng tapos," ngumisi ito sa akin, tapos tumayo ito "Baka
kainin mo ang sinasabi mo"

Kabanata 3

Kabanata 3

_Miss_ _me_

Nakasimangot lang ako habang papasok. Anong kakainin? Wala naman talaga akong
gusto doon, hindi naman uso sa akin yung love at first sight. Inis at first
sight pa, pwede pa. Kainis talaga si Chelsea

Kung hindi naman tinulungan, wala naman boyfriend. Paano, napakamaldita. Isa
pa itong si Leira, manhid din. Tapos ako? Maganda lang.

"Tara sa kusina" anyaya ni kaldero

Napairap na lang ako habang nakasunod kaming lahat sa kaniya, kasama na sina
Tito at Tita. Pagkapasok namin sa kusina

"Ano namang masama na manligaw ang dalawang ito?" Tanong ni Ate na tinuturo
ang dalawa
Bigla kaming sumabat lahat, ayan ayaw makiramdam eh!

"Hindi ka na kayo torpe?" Tanong ni Damon

"Binata ka na, Lance" dagdag ni kuya David

"Dalaga na si Leira" dagdag ni Kuya

"Haha, umamin din!" Natatawang sabi ni Chelsea

"Woah, buti naman!" Dagdag din ni ko

"Heh!" Tanging nasabi niya na lang ng magsiupuan kami

"Si Grace na lang single?" Tanong ni tito

Bigla akong nanigas sa pwesto ko. Nanlalaki ang mata kong nilingon si Tito na
nakangiti. Malamang single ako! Sasagot na sana ako ng unahan ako ni Chelsea

"Ready to mingle tito" sagot ni Chelsea

"Ha!?" Sigaw ni Leira

"Sabihin ko sayo" hinampas ko si Chelsea

Nagkwentuhan lang kami tapos nag silabasan na din. Nauna na si Kuya Gio sa
sasakyan. Akmang lalabas na ako ng may kumalabit sa akin

"What?" Bungad ko

"Napakasungit mo, umuwi ka na nga" nakangusong sabi nito, parang si Leira!

"Bahay mo 'to? Bahay mo?"

"Hindi, basta umuwi kana" pagtataboy nito

Hinampas ko siya sa braso "Kingina mo, akala mo bahay mo!"

"Napakasadista mo! Hindi naman kita girlfriend para saktan--"

"Iw! Mandiri ka nga!" Irita kong sabi at nagmamadaling lumabas, napaka


assuming ng kupal na iyon! Humalakhak lamang iyon kaya nakatakip ako sa tenga
hanggang makapasok ako sa sasakyan

Nakakunot ang noo ni kuya na tumingin sa akin "Ka ano ano mo yun?"

Inayos ko ang seat belt ko, "Wala"

"You sure?" Paninigurado nito

Kuya and his protective lines, yeah.

"Opo." Sagot ko

Tumango lang ito biglang pag sang ayon sa akin, nakarating kami sa bahay na
nandoon si papa. Agad akong yumakap sa kaniya dahil nga miss na miss ko na
siya, hays.
"Namiss naman ako ng mga anak ko" natutuwang sabi ni papa

"Feeling ghoster ka, pa?" Asar kong tanong

"Haha, mama naghoster ka na diba?" Umakbay naman si kuya kay papa saka taas
baba ang kilay na nakatingin kay Mama

Bigla akong natawa ng magsalita si Mama, "Ghoster papa niyo!"

Natawa na lang kaming lahat at ako naman ay nagpaalam na tataas na, nagpalit
na din ako ng damit at nag tootbrush. Kairita yung gago na yun, panira ng
araw! Nagvibrate ang cellphone ko kaya tinignan ko ito pagkahiga ko

From: Chelstot

Punta tayo kina Leira.

Nag reply lang ako at nahiga na. Napairap na lang ako ng maalala ko na naman
ang kupal na iyon, tss. Hinihiling ko na sana hindi ko na muling makita ang
lalaki na iyon, hindi ko pa din kayang kalimutan na siya ang unang umagaw sa
libro na gusto kong kuhanin.

Nakakastress siya ng bangs, kahit wala akong bangs.

Makatulog na nga!

Six-thirty na ako nagising kaya agad akong ginawa ang morning routine ko.
Naligo na din ako at nag suot ng high-waist short at white blouse. Akala ko
naman makakabasa na ako ng mga libro, nagyaya pa kase si Chelsea eh tss.

Nakasimangot akong bumaba habang dala dala ang wallet at cellphone ko. Mahirap
na kapag hindi ako nagdala, mamaya KKB pala kami tapos wala akong dala tss.

"Saan ka na naman pupunta?" Tanong ni kuya na hindi naman nakatingin sa akin

"Kena Leira" sagot ko at dumiretso sa kusina

Naabutan ko na nagkwekwentuhan sina mama at papa kaya nang istorbo muna ako.

"Pa, Ma, pupunta lang po kay Leira" paalam ko

Tumango lamang sila kaya naman lumabas na ako. Hindi pa man ako nakakasakay sa
sasakyan ng may humawak sa braso ko

"Gusto mo ihatid na kita?" Tanong ni Kuya

Nginitian ko siya at sinundot sa tagiliran "Yii. Mahal talaga ako ng kuya ko,
sige ihatid--"

Inalis nito ang hawak niya sa braso ko at sinamaan ako ng tingin. "Magpahatid
ka na lang" nakapamulsa itong umalis

Napangisi na lang ako sa inasal ng kuya ko. Asus, ayaw pa amining mahal ako!
Nahihiya pa siya sa kapatid niya eh ako lang naman kapatid niya!

"Manong, kena Leira po" sabi ko pagkasakay ko sa sasakyan, kanina ko pa


tinetext si Chelsea pero muka namang nandoon na iyon.

Hindi man lang ako hinintay ng babae na yun, yayayain ako tapos hindi man lang
ako magawang hintayin? Huh! Hindi din siya hihintayin next time! Kung may next
time pa.

To; Chelstos

Walang hiya! Hindi mo man lang ako hinintay

Pagkababa ko ay nagsabi na lang ako kay Manong na mamayang hapon na ako uuwi.
Pagkapasok ko sa may gate, hindi talaga sila nagsasara. Pintuan lang ng bahay
nila ang nakasarado. Tamad sila magsara, kaya ganoon.

Pagkadoorbell ko, napairap na lang ako. Matagal pa ba magbukas ng pinto? Pag


aaralan ko next time na sumipa ng pinto para mabuksan. Mag do-doorbell pa sana
ako ng biglang nagbukas ang pintuan

"Miss me?"

Kabanata 4

Kabanata 4

_The more you hate, the more you love._

Tinignan ko ng masama ang taong nasa pintuan na nakapamulsa at nakangisi sa


akin. Ano namang ginagawa ng assuming na ito dito? Kagabi, hiniling ko na sana
wag ko na makita ang pagmumuka ng assuming na ito pero heto ako ngayon,
nakikita ko ang pagmumuka niya.

Napairap na lang ako nung mapansin kong nakatingin siya sa akin. Agad akong
nagtanong

"Bakit ka nandito?" Umirap uli ako. Kumukulo dugo ko dito, paki-medium ng apoy
baka biglang umawas

"Hindi ba dapat.." humawak pa ito sa baba niya na umaaktong nag iisip, as if


naman may isip siya "ikaw ang tanungin ko?" Nakangiti niyang sagot

"Kase bisita ako, ganyan mo ba itrato ang bisita?" Nakangisi kong tanong,
bakit ba ayaw akong papasukin nito? Feeling kaniya talaga ang bahay. Kagabi,
pinapalayas niya ako. Thick face!

"Hindi naman kita bisita" pabalang niyang sagot

Sa inis ko ay hinampas ko siya sa braso, "sinasagot mo ako ng ganyan?" Inis


kong tanong

"Nililigawan mo ba ako? Sige--"

Hinampas ko uli siya sa braso, "napaka kapal ng muka mo!" Usal ko

Nakakahigh blood ito, saka bakit nga ba nandito ang assuming na ito?

"If that's a compliment, thank you" ngumuso ito kaya pinitik ko iyon,"Awch!"
Daing niya
"Pabebe" bulaslas ko saka siya itinulak para makapasok ako

"Pa baby" he corrected me.

"Hindi ka na naman baby, ang laki laki mo na!" Itinuro ko pa ang katawan niya

"Alam ko namang gusto mo--" bago pa niya maituloy ang sasabihin niya ay
hinampas ko na agad siya.

"Nakakatatlo ka na!" Sigaw niya

Tinawanan ko lang siya at hinarap, "serves you right!" Bawi ko, finally naasar
na din!

"Gusto mo lang ako" kalmadong sabi niya

Bago pa ako makapasok sa garden ay kumunot ang noo ko sa inis at sinigawan


siya,"Hindi nga kita gusto! Shut up!" Iritado kong sabi habang naglalakad
papalapit sa kanila

"Recorded" nakangising sabi ni Chelsea at ipinakita ang cellphone niya kay


Leira. Aagawin ko na sana ng magsalita ito na nakaharap sa akin"Oh, nasira
yata muka mo" pang aasar niya sa akin

Tumawa si Leira ng malakas sabay sabing"Wala akong kasalanan!" Tinaas niya pa


ang dalawang kamay niya.

Inirapan lang ko ng kaibigan lang sila at nakapamewang na humarap kay Lance,


"Oh Lance, naka first move ka na ba?"

Iniisip ni Leira na makapal ang pagmumuka ko base sa reaksyon niya.

"I know" nakangisi kong sabi sa kaniya

Dala dali itong tumakbo sa labas. Magsusumbong pa yata sa kaldero na iyon.


Tss, sumunod ako sa labas ng maabutan ko na parehong nakanguso ang dalawa.
Parang mga bata, eh.

"Sadista yan, naka tatlong hampas sa akin" nakanguso nitong sabi kay Leira at
halos mapailing ako ng ngumuso din si Leira. Wala ng pagasa, pareho ng mga
pato.

"Muka kayong pato" bigla silang napatayo ng tuwid.

"Maiwan ko na kayo!" Nagmamadaling sabi ni Leira kaya naman sinamaan ko ng


tingin ni Kaldero.

"Ako pato? Sa gwapo kong ito" hindi makapaniwalang sabi niya

"Hindi lang pala bagko ang binubuhat mo pati lamesa" inip kong saad

"Talaga, gusto mo buhatin pa kita?" Nang aasar nitong tanong kaya hinampas ko
siya

"Napakasadista mo!" Sabi ni Kaldero, inaasar ako.

"Assuming! Bakit girlfriend mo lang ba may karapatang manakit sayo!?" Angal


ko
"Oo!" Ngumisi siya sa akin, hindi ako makapaniwala sa isang 'to. "Pasalamat
ka nga, hindi ako nagagalit. Gawin na lang kaya kitang girlfriend--" hindi ko
na siya pinatapos dahil hinampas ko na uli siya. Dumaing lamang siya at
magsasalita na sana ng makarinig kami ng mga tikhim.

"Kumain muna tayo." Sabay kaming napalingon kay Leira na kasama si Chelsea at
Lance.

Masama kong tinignan si Kaldero na nakangisi lang sa akin. Napalunok na lamang


ako at malalaki ang hakbang ko na pumasok sa kusina. Pagkaupo ko ay nagsimula
na naman akong asarin ng kaldero na ito.

"Baby, umamin ka na kasi.."

"Ano namang aaminin ko sayo?" Nakataas ang kilay ko. "Tigilan mo nga ako."

"Pikon."

"Ulol."

"Alam ko namang--"

"Shut up!"

"Okay, gagalit ka agad eh."

Inirapan ko siya at akmang magsasalita ako ng magsalita si Chelsea.

"Pwede bang tumahimik kayo?" Suway niya sa aming dalawa.

"Kase--" hindi pa naitutuloy ni Kaldero ang sasabihin niya ng unahan ko na


ito. Naiirita na ako sa boses at pagmumuka ng kaldero na ito.

"Ingay mo." Pinal na sabi ko.

Magsasalita pa sana siya ng bigla kaming senyasan ni Chelsea na lumabas. Yeah,


manliligaw na ang isa sa mga torpe na kilala namin ni Chelsea. Hindi naman sa
ayaw namin kay Martinez pero mas boto kami kay Lance dahil nga sa kaibigan
namin siya.

"Bakit?" Agad na tanong ni Kaldero pagkalabas niya, palibhasa walang alam sa


mundo kundi asarin ako maghapon.

"Secret." Kinindatan ni Chelsea si Kaldero kaya bigla itong humarap sa akin.


Kadiri talaga 'to!

"Uy." Tinalikuran ko lamang siya at mas lalo akong napa ismid ng marinig ko
ang tawa ni Chelsea.

"I'll be back."

"Baby.."

"Tigilan mo nga ako!"

Napasinghap na lamang ako ng may humawak sa braso ko at pilit akong ihinarap


at nanlaki ang mata ko sa sobrang lapit ng muka niya sa akin. Nararamdaman ko
na ang hininga niya
"A-ano ba!"

"Nagseselos ba ang baby ko?" Amoy mint.

"Bakit naman?"

"Kikindatan din kita."

Bigla ko siyang itinulak sa sobrang lapit talaga niya. Inirapan ko na lamang


siya at pumasok na din kami sa kusina nung lumabas na si Lanca at nagpaalam na
mauuna na daw siya. Tumango lamang kami at bumalik na si Chelsea.

Hindi ako makapaniwala sa babaeng ito na sinagot ng 'eh' si Lance. Sinabihan


pa kaming OA ni Kaldero kaya hinampas ko siya. Hinila na din kami ni Chelsea.
Lumaki ang butas ng ilong ko at sinamaan si Kaldero na naglalakad na papalayo.
Nagflying kiss pa ito kaya inambahan kong susuntukin ito ng sikuhin ako ni
Chelsea. Dumating na kasi sila Tito at Tita.

"Uuna na kami" paalam namin kay Leira.

"Okay, ingat" bumeso siya kay Chelsea.

Nangingiting bumeso ito sa akin at saka bumulong na naging dahilan para tumaas
ang balahibo ko. "The more you hate, the more you love."

Kabanata 5

Kabanata 5

_Date_

_The more you hate, the more you love_. Agad akong napailing dahil kanina pa
ako nababagabag sa sinabi ni Leira. Sarap upakan ng babae na iyon, nagugulo
tuloy ako.

Nasa kwarto na ako at pagulong gulong pa ako sa kama dahil hindi talaga ako
makatulog. Nag open na lamang ako ng facebook at tamad na tinignan ko lang ang
mga nag rerequest sa akin. Nakailang irap pa ako habang nag iiscroll.

Napatigil ako sa pag iiscroll at nanlaki ang mata ko ng lumabas ang pangalan
ni Kaldero.

Caltrious Gavin Agoncillo sent you a friend request. Accept or remove.

Hindi na ako nag dalawang isip na iremove ang friend request niya. Hindi ako
tumatanggap ng mga assuming. Tss.

Hindi pa man ako nakakaiscroll ng may nag notif na naman sa friend request. Si
Kaldero na naman. Irap lang ako ng irap habang patuloy ako sa pagreremove ng
request niya. Paano ba naman, eh. Tuwing ireremove ko ay siya namang request
ng request.

Matapos kong iremove ang request niya ay saktong nag notif naman sa messages
ko. Sa message request, agad ko itong sinilip at napaismid na lamang ako ng
pangalan na naman niya ang lumabas doon.

Caltrious: Accept me, baby. 🤔

Caltrious: babyyyyy 😭

Caltrious: don't remove it!

Napairap na lang ako at nag message sa kaniya.

Grace: pwede bang tigilan mo ako?!

Wala pang ilang minuto ng mag reply agad ito.

Caltrious: Accept me first.

Grace: No.

Agad ko nang sinarado ang laptop ko at nahiga sa kama. Walang hiya na lalaki
'yon, gabing gabi panira. Nawala ang antok ko--- hindi naman pala ako
inaantok. Agad kong sinagot ang tawag ng mag ring ito, from unknown number.

"Hello?"

"Baby."

Naitirik ko ang mata ko at agad pinatay ang tawag. Si Kaldero! Napaismid lalo
ako ng tumawag na naman ito, hinayaan ko na lamang ng mag ring ito ng mag
ring. Bigla iyong tumigil kaya nakahinga ako ng maluwag. Maya maya lamang may
tumawag na naman at hanggang sa sinagot ko ito. Wala na akong balak tignan.

"Ano bang problema mo?"

"Grace?"

Nanlaki ang mata ko at agad sinilip ang caller id. Shit. Napasapo na lang ako
sa noo matapos kong makita na si kuya Gio ang tumatawag.

"Bakit kuya?"

"Nothing, kanina pa ako naririndi sa cellphone mo. Rinig ko dito sa kabila


kaya sagutin mo na lang."

Napasimamgot na lamang ako ng pinatay niya ito. Saktong pagkapatay noon ay


tumawag na naman ang unknown number kaya kahit labag sa loob ay sinagot ko
'yon.

"Ano?" Ako ang nagsalita.

"Galit ka na naman sa akin?" Muli kong itinirik ang mata ko, paniguradong
nakanguso na naman ito.

"Paano mo nalaman number ko?"

"Binigay ni Chelsea. Baby--"

Agad ko nang pinatay ang tawag at mariing napapikit. Si Chelsea talaga! Tss.
Bago ko pa mapatay ang cellphone ko ng may mag message sa akin na nakapag
patigil sa akin.
From: 0935******

Goodnight, baby. 😚

\--

Busy ako sa pagbabasa ng libro. Vacant time namin ngayon, suot suot ko ang
reading classes at nakanig na lamang sa pinag uusapan nila.

"Ano na namang problema mo?" Tanong ni Chelsea kay Leira.

"Wala."

"Sabihin mo nga sa akin, naka-date mo din si Lance?"

"Oo."

"Kunwari nahihiya, eh." Sabat ko saka inilipat sa ibang page ang binabasa ko .
Nababadtrip lang talaga ako ngayon dahil hindi ako pinatulog ng mensahe ni
Kaldero, ugh!

"Hindi ah."

"Alam mo na aasarin ka namin kaya hindi mo sinabi sa amin." Inirapan niya

"Yeah, madaya." Dagdag ko.

"Love.." napairap na lamang ako ng marinig ko ang boses ni Damon, Lq sila.


Masyado kasing sweet.

Humarap siya sa amin ni Leira. "Mauuna na kami, take care!" Pahabol niyang
sabi habang hila hila si Damon.

Taas-baba ang kilay ko ni Leira sa akin kaya inirapan ko siya."Wag mo akong


aasarin."

"Yii." Sinundot nito ang tagiliran ko kaya mas lalo akong nainis
"Close kayo ni Kuya Cal." Pang aasar nito sa akin.

Lumingon siya sa pintuan kaya napatingin din ako. "Speaking of the Assuming."
Sabi ko at kinuha na ang bag ko. Ano sa tingin niya ang ginagawa niya dito?

"Mauuna na ako." Paalam ko.

"Ha? Aalis tayo diba!?" Tanong niya.

May pagtatakang tumingin ako kay Leira. Pinanlakihan niya ako ng mata, biglang
umaliwalas ang muka ko. Tama, kailangan ko-- naming tumakas!

Nung lalapit na siya sa akin ay bigla na lamang may humila sa akin.

"Bitawan mo nga ako!" Nagpupumiglas ako. Kailangan ko samahan si Leira.

"May date sila, wag kang epal."

Agad dumilim ang paningin ko at hinampas siya. Walang hiya talaga ang assuming
na ito.
"Kung ako epal, ikaw assuming!"

Inirapan ko na lamang siya at nagpatuloy tuloy sa paglalakad. Uuwi na lang ako


kesa makasama ko ang assuming na iyon.

"Babyyy.."

Napairap na lamang ako nang mahabol niya ako.

"May date sila." Nakangusong dagdag nito habang hawak ang braso ko. Tinaasan
ko lamang siya ng kilay.

"So? Ano namang gagawin ko?"

"Mag date din tayo."

Kabanata 6

Kabanata 6

_Baby_

Naka simangot at naka crossed arms ako na deretso lamang ang tingin sa kalsada
habang ang nagmamaneho naman ay pakanta kanta lamang na nakatingin sa
dinadaanan.

Paano nga ba ako nadala ng lalaki na 'to?

Simple lang, kinaladkad niya lang naman ako papuntang parking lot habang
sinasabi niya ang mga katagang 'epal ka lang dun.' 'Tayo na lang ang mag
date.' 'Baby naman!'

Napairap na lang ako ng bahagya akong napangiti habang naiisip ko ang boses
niya sa isipan ko.

"Someone's happy." Rinig kong saad niya na hindi ko na lang pinansin.

Ako masaya? Masaya bang hilahin?

"Babyyy.."

"Ano ba?" Kahit ako ay napatigil sa sinabi ko. Dang!

"Payag ka na tawagin kitang baby?"

"Wag mo nga akong kausapin." Pinal na sabi ko. Naiinis na naman ako, lakas
talaga mang asar.

"Yes, baby."

Napaismid na lamang ako at hindi na lamang siya pinansin sa huling sinabi


niya. Tama, dapat hindi ko na lamang siya pansinin at hayaang matupad ang
sinasabi niyang 'date' daw namin.

Hanggang sa makababa ay bigla na lamang akong inakbayan ni Kaldero na wala


pang dalawang segundo ay inalis ko agad ito at sinamaan ng tingin si Kaldero
na nakangisi lang.

"Gusto mo?" Ipinakita ko ang kamao ko na susuntok mamaya sa kaniya, makikita


niya talaga ang muka niya na may pasa.

Bigla nitong kinuha ang kamay ko at lumapit sa akin. "Ikaw gusto ko."

Binawi ko ang kamay niya at malalaki ang hakbang ko na pumasok sa entrance.


Shit, yung puso ko nawawala. Joke.

Naka crossed arms ako habang hinihintay ang kaldero na iyon na tuwang tuwa pa
na kinakapaan siya sa katawan. Saang planeta ba galing ang isa na'to?

"Pinaghintay ba kita?" Agad na tanong nito.

Inirapan ko lamang siya. "Hindi.. kadarating ko lang." Punong puno ng sarkasmo


ang sabi ko kaya napanguso na lang siya.

Agad ko iyong pinitik. "Aray." Hinawakan nito ang nguso niya.

Biglang sumama ang tingin nito sa akin at tinalikuran ako. Tinaasan ko lamang
siya ng kilay. Ano na namang gagawin nito?

"Inaaway po ako ng girl--" agad akong tumakbo sa harap niya at tinakpan ang
bibig niya. Nakakahiya! Pinagtitinginan kami ng mga tao dahil pasigaw siya
kung sabihin niya iyon.

Sinamaan ko ng tingin si Kaldero na taas baba ang kilay na nakatingin sa akin


at agad kong inalis ang kamay ko sa bibig niya at agad na hinampas siya.

"Hays.. kung ikaw magiging asawa ko.. kawawa ako.." nakangusong sabi nito.

Asawa? Aswang.

"Asa ka."

"Okay, aasa ako baby."

Inirapan ko na lamang siya. Dinala niya ako sa isang resto at siya na din daw
ang mag oorder at muka naman daw na hindi ako oorder, buti alam niya.

"Patatabain mo ba ako?" Inis kong sabi nang makita ko na ang dami dami niyang
inorder.

"Ang payat mo, baby."

Baby?!

"Tigilan mo nga ako sa baby baby na yan." Inirapan ko siya at muling


pinagmasdan ang pagkaing nasa table. Napaismid na lang ako sa sobrang dami.
Nagsandok ako at akmang susubo na ng mas mainis lalo ako.

"Baby.."

Aish!

"Kainin mo yan.. baby.. ---"


Hindi na ako nakapag pigil at sinubo ko iyon sa kaniya. Masama lang akong
nakatongin sa lalaking nakangiti habang ngumunguya.

"Isa pa, baby. Ah.." kahit labag sa loob ko ay sinubuan ko uli siya.

"Okay ka na?"

"Ikaw naman susubuan ko."

"Ayoko nga!"

"Dali na. Isisigaw ko na--"

"Oo na ito na." Umirap ako bago ko ibinuka ang bibig ko, ngiting panalo na
sinubuan ako ni Kaldero. Psh.

At ganoon nga ang nangyari, nagsubuan kami hanggang sa maubos ang pagkain na
nasa table. Napasandal na lamang ako sa inuupuan sa sobrang kabusugan.

"Tumaba ka ng unti, baby."

Hindi ko na siya pinansin at uminom ng tubig. Sobrang busog ko, ilang order ba
naman yun.

"Baby..."

"Ano ba?"

"Laro tayo.."

"Okay."

Naka labi akong nakatingin kay Kaldero na tuwang tuwa na nag babasketball.
Okay, siya na ang masaya ha-ha.

"Baby.."

Mamaya susuntukin ko na talaga 'to sa muka, kanina pa siya baby ng baby.


Mamaya mapagkamalan pa kaming mag boyfriend at girlfriend. Ako papayag? Sa
assuming na'to? Tss.

"Baby!"

Muntik na akong mapatalon sa sigaw ni Kaldero na nasa harapan ko na ngayon.


Magsasalita pa sana ako ng bigla na lamang akong hinila papalayo.

"Bakit mo ba ako hinila?!" Agad na tanong ko nung makalabas kami sa arcade.


Ano na naman bang problema nito?

"Baby.. nakatingin ka kaya sa isang lalaki!" Para itong bata na nagsusumbong


sa nanay niya.

Nanay niya?

"Eh ano naman?" Hindi ko naman alam na may natitigan na ako, malalim ba talaga
ang iniisip ko? Ang babaw nga nun.

"Nagseselos ako." Nag crossed arms pa ito sa harap ko habang nakakunot ang
noo.
"So?"

"Layuan mo yun."

"Hindi ko naman kilala yun."

"Kahit na."

"Ano ba talagang problema mo?"

"Ikaw."

Sa gigil ko ay hinampas ko siya sa braso, bigla itong napangiwi at tinalikuran


ko naman siya.

"Babyyyy!"

Bigla na lamang akong nahila nito. Nasa sasakyan niya na kami, tahimik lang
ako na nakatingin sa dinadaan na namin. Masyado na din pala kaming nagtagal.
May nadaanan kaming isang resto na nakita ko pa si Leira. Kasama sila Martinez
at Lance pero may isa pa na hindi ko kilala.

Pagkalas ko ng seatbelt ay agad alis ko sa shot gun seat at sumilip kay


Kaldero.

"Bye." Saad ko.

"Goodnight baby!"

Kabanata 7

Kabanata 7

_One_ _month_

Caltrious: Babyyyy!

Seen lang ang ginawa ko at patuloy sa pagreremove ng request niya. Hindi ko


nga kase siya gusto maging kaibigan. Tss.

Caltrious: Accept mo na ako.

Katulad ng ginawa ko ay nag seen lamang ako sa message niya at pinindot ang
profile niya. Naka sando lang siya na black at kitang kita ko ang biceps niya
na ang sarap kurutin.

Daming likes, babaero siguro. Yun lang ang nakita ko kaya nag exit na ako,
wala namang ka istalk istalk sa kaniya.

Balak ko kasing i-stalk?

Nag iscroll na lamang ako ng biglang mag vibrate ang cellphone ko.
From: Assuming

Babyyyy

Papatayin ko na sana ng may humablot dito.

"Kuya!"

Bigla itong may kinalikot sa phone ko at may kausap na siya ngayon. Masama ang
tingin sa akin ni kuya habang nakatapat sa tenga niya ang speaker ng phone ko.

"Hello?" Paused. "Hmm.." paused. "Hindi pa graduate, hintayin mo mag


college.." paused. "Deal."

College? Deal? What?

"Oh." Binigay nito ang cellphone ko sa akin. Itatanong ko pa sana kung ano
iyon ng bigla itong tumalikod sa akin at napapikit na lamang ako ng isarado
niya ang pintuan ng padabog.

Lagot.

\--

"Graceeeeee!"

Agad akong napatingin kay Leira na tumatakbo papalapit sa akin. Nasa school
kami ngayon.

"Oh?"

"Close talaga kayo ni kuya Cal ano?"

"Eh?"

"Ih,oh,uh. Huh!" Inirapan ako ni Chelsea na abala sa pagcecellphone.

Katatapos lang ng klase kaya naisipan namin na magsama samang tatlo. Wala
naman mga asungot kaya kering keri.

"Si Cal oh!" Nguso ni Leira kaya sinundan ko ng tingin iyon.

Kumaway siya sa amin kaya hindi ko mapigilang hindi umirap. Manggugulo na


naman ito.

"Sunduin ko kaibigan niyo ha? Una na kami!"

"Oh, sige."

"Gora!"

Napairap na lang ako habang hawak hawak ni Kaldero ang braso ko at hinihila
ako papalayo.

"Mag date ulit tayo." Saad nito matapos akong pagbuksan ng pinto kaya agad
akong pumasok. Umikot agad ito at pumasok. Pinaandar na niya ang makina

"Na naman?"
"Oo." Ngumiti ito ng matamis kaya inirapan ko na lamang siya.

\--

"Ako ba talagang pinagloloko mo?" Galit kong tanong dito. Nakakainis na talaga
siya!

"Hindi ah, pinapakain lang naman kita."

"Nyenyenye."

"Yung mga bata nga dyan--"

"Oo na, subuan mo na ako." Bigla akong napatigil sa sinabi ko, dapat hindi ko
sinabi yun! Ngingisi ngising nakatingin ito sa akin, mag aassume na naman ito.
Malamang, kaya nga binansagan ko siyang assuming.

"Say ah.."

Nakasimamgot akong ngumunguya ng bigla akong picturan nito.

"Kaldero!" Gulat kong sabi dito pero tinago niya na ang cellphone niya

"Remembrance." Saad nito at sinimulan na naman akong subuan.

Inirapan ko ang mga taong tumitingin sa amin, mapapagkamalan pa kaming mag


boyfriend at girlfriend sa ginagawa namin.

"Ako naman."

Katulad ng ginawa niya ay nag subuan na naman kami hanggang sa matapos. Sabay
kaming naglalakad ngayon papalabas ng mall. Juicecolored.

"Goodnight, baby."

Inirapan ko na lamang siya at bumaba na ng sasakyan. Hindi ko alam kung bakit


alam niya ang bahay namin kahit hindi ko sinasabi ang direksyon patungo rito.

"Bye!" Pahabol niya pero sinarado ko na ang gate.

"Nalelate ka yata ng uwi." Bigla akong napahawak sa dibdib ko nang biglang


sumulpot sa harapan ko si kuya.

"K-kuya.."

"Tss. No boyfriend, okay?" Pinat nito ang ulo ko at iniwan ako ditong
nakatunganga.

Lagot.

\--

Hingang malalim.

Sinagot ko ang tawag galing kay Kaldero.

"Namiss mo ako?" Bungad nito.


"Excuse me?"

"Dadaan ka ba? Alam mo namang--"

"Ulol!"

"Malapit na akong mag one month."

Bigla akong napatigil, one month? Bakit naman niya sasabihin sa akin? Aalis ba
siya? Sus! Eh, ano naman kung aalis siya?!

"Pakialam ko?"

"Wala ka ba--"

"Bye." Sabi ko.

"Baby naman!"

Pinatay ko na ang tawag ko. Maya maya lamang ay nagtext sa akin si Leira.

From: Leirangot

May prom tayo, sa wednesday.

Kabanata 8

Kabanata 8

_Sa puso_ _mo_

"We will be having a prom tomorrow, a masquerade party. No cellphones allowed,


and please cooperate because this is a masquerade party. More surprises, this
is your free time to buy a dress. And yeah, dismiss!" Tuwang tuwang umalis si
maam Ginger na kumindat pa.

So..tama nga ang sinabi ni Leira.

"Hiwa-hiwalay tayo?" Paawang tanong ni leira.

"Malamang." Barumbadong sagot ko saka kumuha ng libro.

"Tse!" Inirapan ko na lamang siya.

"Lalakad ako mag isa, kayo ba?" Tanong ni Chels

"Kasama ko si ate Leina." Sabi ni Leira.

"Solo flight pala tayo, Grace." Saad ni Chels sa akin

"Yeah, mamaya ba?"

"Yep."

\--
Breathe in, assuming out.

Tulad nga ng sabi ni Chelsea ay solo flight kami. Pumunta ako sa isang
botique.

"Maam, tignan niyo po ito." Isang champagne-colored dress ang ipinakita nito
sa akin. Nakuha naman ang atensyon ko noon kaya naman agad ko na iyong dinala
sa counter at binayaran.

Shit.

Kailangan ko ba talaga isuot 'yon?

"Hello?" Irita kong sagot nung makita ko ang caller i.d.

"I miss---"

"Kadiri ka talaga!" Naglalakad na ako palabas sa botique habang nasa kanang


kamay ang cellphone ko at ang printed bag ay nasa kaliwa.

"Sabihin mo na lang na miss mo--"

"Humanap ka nga ng kausap mo."

"Nakita--"

"Aray!"

Bigla kong nabitawan ang dala dala kong bag nang may nabangga ako. Napaupo ako
sa sahig at malayo ang cellphone ko. May naglahad ng kamay sa akin kaya agad
kong kinuha 'yon.

"I'm sorry." Paumanhin ng lalaki na-- no, ayaw ko siyang purihin sa gwapo ng
pagmumuka niya.

"Tapos?" Pabalang kong sagot saka kinuha ang bag ko pati ang cellphone ko.
Magmamarsta na sana ako papaalis.

"I'll treat you." Bigla akong napaharap at inirapan siya.

"Then?"

"Peace offering.I didn't mean--"

"Are you blaming me?" Nagsalubong ang kilay ko. Walang hiya 'to ah, siya nga
bumangga sa akin,eh.

"No. It's not like--"

"Okay, whatever." Tinalikuran ko na siya at umalis na sa mall na masama ang


loob.

"Oh,Anak,Nandito ka na pala!" Salubong sa akin ni mama at papa.

"Opo."

Tumaas na muna ako at ini-hanger ang dress.


Bumaba din ako pagkatapos ang pumunta sa kusina dahil maingay roon.

"Yung kuya Gio mo! Binata na."

"Ha?"

"Ma! Binata na ako!"

"Ay, ako eh, wag mong sisigawan!"

hindi ko na sila pinansin at dumiretso sa tabi ni papa.

"Wala pa bang nanliligaw sayo, nak?"

"Wala pa." Mabilis kong sagot.

"Sigurado--"

*kringgg*

Napapikit ako ng mariin at dali daling pinatay iyon.

"Wala pala ha?" Pang aasar ni papa sa akin kaya sinimangutan ko na lang siya.

Matapos akong asarin ni papa ay nakisali si mama at si kuya naman ay naka


simangot lang sa kanilang pareho. Ang kulit ni mama kapag nandyan si papa,
haynako.

Tumaas na din ako sa kwarto pagkatapos ngayon ko lang narealize.

"Shit. Wala akong mask!"

\--

Matapos kong kulitin sina mama,papa, at kuya na lalabas ulit ako para bumili
ng mask ay pinayagan din nila ako.

7:00 P.M na nung makarating ako sa mall.

"May girlfriend nga ako,eh!" sigaw nung isang lalaki sa babae na paiyak na.

lol, lalampasan ko na sana nila ng biglang may humila sa akin.

"Ito, ito ang girlfriend so stop flirting with me!"

Malalaki ang mga mata ko na nakatingin sa babaeng nasa harapan ko at ang kamay
na nakaakbay sa balikat ko. Mabilis akong umalis at sinampal ang lalaki.

"Kapal ng muka mo! Iyo na yan!" Sigaw ko sa lalaki. Eto yung nakabangga ko
kanina, ah!

Malalaki ang hakbang ko na pumasok sa isang botique. Basta na lamang ako


kumuha ng mask doon at nagmamadaling umuwi ng makasalubong ko ang lalaki na
nakabunggo at pinagmuka akong girlfriend niya.

"Sorry haha." Simula nito pero nilampasan ko lang siya.

"Hey! I said I'm sorry!" Dagdag nito kaya humarap ako.


"Kwento mo sa pagong!"

\--

"Badtrip ka yata, Sis?" bungad ni kuya nung padabog akong umupo.

"Aba kuya. Kanina sa mall,may nakasalubong akong lalaki. Hinila ba naman ako
at sinasabing girlfriend niya ako? Ew!"

"tss." Iniwan ako ni kuya kaya napahagalpak ako ng tawa.

seloso talaga yun.

Tinignan ko ang cellphone nung makita ko na may text si Assuming sa akin.

From: Assuming

Nasaan ka?

To: Assuming

Nasa bahay na.

From: Assuming

Saan ka galing?

To: Assuming

Sa puso mo.

tawa lang ako ng tawa ng bigla itong tumawag. Sinagot ko iyon pero tawa pa din
ako ng tawa.

"Anong puso ko?! Alam mo ba na kinikilig ako?!" Sigaw nito sa kabilang linya
kaya nailayo ko ang speaker sa tenga ko.

"Galing ako sa mall." Pag iiba ko ng usapan.

"tapos?" Tanong nito.

"Tapos na." Pinatay ko na ang tawag at nahiga sa kama.

Naiinis pa din ako sa lalaking pinag-panggap pa akong girlfriend niya. Dagdag


sakit pa sa ulo ko si Cal na pinagtritripan lang ako.

Kabanata 9

Kabanata 9

_The man in the_ _prom_

"Madami yatang magkakagusto sayo doon, madami yata akong masusuntok, Grace.
Magpalit ka nga--" hindi na natuloy ni kuya ng sawayin siya ni mama habang si
papa ay natawa.
"Gio, manahimik ka!"

"Mama madaming--"

"Gio, dalaga na ang kapatid mo." Natatawang sabi ni papa. Parang pinagbasakan
ng langit ang muka ni kuya na nakatingin sa akin.

"Sige na, ihatid mo na kapatid mo." Humalik ako sa pisngi ng dalawa bago ako
kumapit sa braso ni kuya.

"Nagseselos ka lang, eh!"

Minsan iniisip ng ibang tao na hindi kami magkapatid dahil nga laging
nakabantay sa akin si kuya. Sa pamilya namin, normal lang 'yun pero sa ibang
tao tss para kaming mag boyfriend at girlfriend.

"Sa gwapo kong ito? Lahat yata magkakagusto sa akin!" Pagyayabang ni kuya
pagkatapos niya akong pagbuksan ng pinto. Pumasok agad ako habang siya ay
umikot pa.

"Talaga? Bakit hindi kita nagugustuhan?" Pang aasar ko.

"Malamang kapatid mo ako!"

\--

Nung malapit na kami sa venue sinuot ko ang Black and silver laser cut metal
masquarade mask. Masyado namang pang sosyal ito, nagmamadali kasi ako kagabi
na umuwi lol.

"Hoy, Grace." Tawag ni kuya sa akin.

"Hm?"

"Wala munang boyfriend." Pang sampu na sa paalala niya.

"Opo." Napalabi ako.

Kanina niya pa ako pinagsasabihan, muka ba talagang may magkakagusto sa akin?


Mas mahal ko pa ang libro kesa sa mga lalaki na yan. Okay na na libro lang ang
nagpapaiyak sa akin noh.

Pagkababa ko ng sasakyan ay pinasadahan ko ang suot ko. Line sweetheart Neck


beaded Champagne Long dress.

"No cellphone allowed." Sabi noong guard kaya ibinigay ko ang cellphone ko.
For what?

Pagkapasok ko ay isang ingay ang sumalubong sa akin. Mga nakaupo pa ang mga
tao pero wala pang mga nagsasaya, nagkwekwentuhan ay meron. Napansin ko din na
hiwa-hiwalay ang lalaki at babae. Nasa left side ang boys at sa right side
naman ang girls kaya doon ako dumiretso.

Naagaw pansin ko ang babae na naka messy bun sa isang table. At talagang tulad
pa kami ng damit? Pinuntahan ko siya.

"Ganda damit mo ah." Nabosesan ko agad ito kaya napalabi na lang ako.
"Syempre magkatulad tayo eh." Kahit naka mask ito ay inirapan pa din ako nito.
Taray talaga.

Nagkwentuhan pa kami at maya maya lamang ay parehong napaawang ang labi namin
ng may pumasok na naman na katulad namin ang suot.

paglapit ng babae ay saka lang namin na napagtanto. Magkakasama na naman


kaming tatlo.

"Ikaw yan?" Tanong ni Chelsea.

"Bakit tulad tulad tayo?" Dagdag ko.

"Ewan ko ha." Sagot ni Leira.

Magsasalita pa sana kami ng marinig na namin ang sabi ng emcee.

"Good evening, students! It's time to party, go and find your partner!"

Biglang nagkagulo sa loob kaya umupo na lang ako.

"Asan kaya siya?!"

"Nakita niyo ba asawa ko?"

Kapal naman ng muka ng babae na'to, hindi pa nga kami nagraduate may asawa na.
Ewan ko lang si Leira, lol.

Biglang hinila si Leira nung isang lalaki, Si Lance siguro iyon. Pagharap ko
sa kabila ay napairap na lang muli ako nang wala na din si Chelsea doon. Sana
all.

Tumayo na ako kahit nagsisimula na ang tugtog. Nagsalin ako ng wine. Iinumin
ko na sana iyon ng makita ko si Cedrick, halata naman sa kaniya.

"Yo." Bati ko dito.

"Hi."

"Hindi mo isasayaw si Leira?"

"Mamaya na lang siguro.."

"Suko ka na?"

"Haha, ewan.."

Iniwan ko na siya doon at nakihalo sa karamihan na nagsasayaw. She was mine pa


ang kanta kaya nakisayaw muna ako kahit walang partner. Aba, sino ba naman ang
magsasayaw sa akin.

Bakit ba naman kasi pumunta pa ako dito, tss.

Nung malapit na matapos ang kanta ay napatili na lamang ako ng may humila sa
akin. Pinagpapalo ko siya at sinigawan pero mukang wala itong naririnig sa
sobrang lakas ng kanta.

Mahigpit ang hawak nito sa braso ko kaya napapadaing na lamang ako.


Nanlalaki ang mga mata ko nung humarap ang lalaki sa akin. Papaanong..

"Miss me?"

Kabanata 10

Kabanata 10

_Cal's_ _priority_

You're just too good to be true


Can't take my eyes off of you
You'd be like heaven to touch
I wanna hold you so much
At long last, love has arrived
And I thank God I'm alive
You're just too good to be true
Can't take my eyes off of you

"Sure ka hindi mo ako namiss?" Napairap na lamang ako saka ipinatong ang mga
kamay ko sa braso niya habang ang kamay niya ay nasa bewang ko.

"Kapal."

"Ng muka ko?" Tanong nito.

"Oo."

"Meron bang manipis?" Inirapan ko na lamang siya.

Pardon the way that I stare


There's nothin' else to compare
The sight of you leaves me weak
There are no words left to speak
But if you feel like I feel
Please let me know that it's real
You're just too good to be true
Can't take my eyes off of you

"Bakit ka naman nandito? Bawal ka dito ah?" Tanong ko dito na ikinangisi ng


assuming na'to.

"Wala naman silang sinabi na hindi pwede ang outsider dito."

I love you, baby


And if it's quite alright
I need you, baby
To warm the lonely night
I love you, baby
Trust in me when I say
Oh, pretty baby
Don't bring me down, I pray
Oh, pretty baby
Now that I've found you, stay
And let me love you, baby
Let me love you

"Mamaya hulihin ka dito." Nilobo ko ang pisngi ko para pigilan na hampasin


siya.

"Tapos ikukulong ako sa puso mo? Okay papahuli na ako--"

"Aray ha!" Reklamo nito pero patuloy pa din naman akong sinasayaw.

"Ang corny mo, ulol!" Nandidiring sabi ko sa kaniya.

You're just too good to be true


Can't take my eyes off of you
You'd be like heaven to touch
I wanna hold you so much
At long last, love has arrived
And I thank God I'm alive
You're just too good to be true
Can't take my eyes off you

"Hays, hindi ka talaga madadala sa charming ko." Madramang sabi nito kaya
inirapan ko siya.

Hindi ko alam kung saan kumukuha ng kakapalan ng pagmumuka ang assuming na


nasa harapan ko at sinasayaw ako. Nakita ko sa di kalayuan si Leira na ang
kasayaw naman ay si Lance at mukang seryosong nag uusap ang dalawa.

"Tss. Sinasayaw na nga kita pero sa iba ka pa tumitingin."

"Sino bang may sabing isayaw mo ako?" Inirapan ko siya.

"Tss."

"Ano ka si lance? Parang ahas." Sinimangutan ko siya.

I love you, baby


And if it's quite alright
I need you, baby
To warm the lonely night
I love you, baby
Trust in me when I say
Oh, pretty baby
Don't bring me down, I pray
Oh, pretty baby
Now that I've found you, stay
Oh, pretty baby
Trust in me when I say
Oh, pretty baby

"Bakit naman si Lance ang iniisip mo?"

"Tss." Pang gagaya ko sa kaniya.

"Edi psh na lang." Inirapan ko siya at nung matapos ang sayaw ay nagulat ako
na hawak hawak ko ang kamay ni Assuming. Nananatili siyang nakangisi kaya agad
akong napabitaw.

"Chansing ka ha!" Sigaw ko para marinig niya.


"Ikaw kaya humawak." Ngumisi ito at inilapit ang muka sa akin at nung aatras
na ako ay hinawakan nito ang likod ko.

"H-hoy!"

"Naisayaw na kita, uuwi na ako." Bigla na lamang siyang nawala sa paningin ko


kaya napahawak ako sa bewang ko. What the fuck.

Tahimik akong bumalik nung maabutan ko na nagkwekwentuhan ang dalawa kahit


sobrang ingay dito.

"Sabi niya eh.." Leira.

"Hayaan mo na." Chelsea.

"Yow." Bati ko sa dalawa.

"Sino nag sayaw sayo?" Tanong ni Leira na nakangiti. Alam ba nito na pumunta
dito si Assuming? Kukutusan ko 'to eh.

"Wala." Pag iwas ko sa topic na sasabog kapag sinabi ko pa kung sino ang
nagsayaw sa akin.

Napaismid na lang ako kay Leira kahit hindi ko na alam kung saan nakatuon ang
atensyon niya.

Alam niya siguro talaga na si Assuming ang nag sayaw sa akin, argh!

Sarap sipain ni Assuming.

"I gotta go, Girls." Paalam ni Chelsea sa aming dalawa nung mag alas-nuebe na.

"Sige, byee!" Paalam ni Leira bago tumingin sa akin. Tumayo na din ako para
umalis.

"Bye na din!" Paalam niya dito. Tumango lamang ako at tinalikuran ko na siya.

Sa kotse, deretso lamang ang tingin ni Kuya habang nagmamaneho.

"Anong nangyari sayo?" Tanong ko sa kaniya.

"Wala naman. May nag sayaw ba sayo?"

"Wala."

Nung makarating kami sa bahay ay nauna akong pumasok. Nung nilingon ko si kuya
ay nakakunot ang noo nito.

"Nagdadalaga na talaga ang anak natin." Siniko ni papa si mama kaya humagikgik
ito.

"Oo nga."

"Tss."

"Taas na po ako." Paalam ko.

"Sino kaya yun?" Rinig ko ang tanong ni mama pero hindi ko na pinansin iyon.
Pagkadating ko sa kwarto ay napadaan ako sa salamin. Pagtalikod ko ay bigla
akong napabalik sa tapat ng salamin. What the fuck.

May sulat sa likod ko na alam kong isa lang ang may gawa.

'Cal's priority. Hands off, mens.'

"Assuming!"

Kabanata 11

Kabanata 11

_OA_

"Ano na namang kagaguhan ang pinag gagawa mo sa likod ko?" Iritado kong
tanong. Katatawag ko lang ngayon kay assuming, walang hiya!

[Sorry na--]

"Kaya pala hinawak hawakan mo ako sa likod!" Sumisigaw na ako sa kwarto habang
tinitignan ang gusumot na papel sa kama.

[Tss. Gusto ko ako lang ang magsasayaw sayo!]

"Pag mamay-ari mo ba ako ha?"

[Soon.] Kung kaharap ko lamang siya ngayon ay paniguradong kumindat na ang


isang ito.

"Assuming." Inirapan ko siya at tinapon sa trash can ang papel bago nahiga.

[Saka alam mo ba, pinicturan kita kanina!]

"Ano?!"

[Hindi ko ipapakita!]

"Edi wag, pakialam ko sayo."

[Tinatawagan mo nga ako--]

"Edi papatayin ko--"

[Joke lang!]

"Siraulo." Pinatayan ko siya ng tawag.

Hindi pa pala ako nakakapag basa ng libro. Bukas na nga lang.

\--

Pqgkapasok namin ay saka ko lamang naalala na sa isang linggo ay hanggang


biyernes na lamang kami. Graduating na kasi kami. Agad kong nakita doon si
Leira at Chelsea na nagkwekwentuhan nung biglang mag ring ang cellphone ko
kaya lumayo muna ako.

"Ano na namang problema mo?!" Iritang sabi ko.

[Goodmorning.]

"Morning."

[Walang good?]

"Ikaw ba naman ang unang kausapin ko sa umaga. Gaganda ba ang umaga ko sayo?"
Muli kong itinirik ang mata.

[Baka gwa-gwapo kase gwapo ako--]

"Bwisit ka." Pinatayan ko siya ng tawag at saka lumapit kay Chelsea. Kakatapos
lang ng isang subject namin nung si Leira ay tinawag ni Lance.

"Yow." Bati ni Chelsea sa akin.

"Hello Chels!"

"Musta kagabi?" Tanong nito.

"Ayos lang hahaha" haha, pero wala talagang ayos. Yung assuming na yun ba
naman ang first dance ko? Ulol!

"Kainis." Sambit ko nung maalala ko si Assuming--

"Oh, eh, bakit nakangiti ka kung naiinis ka?" Tinaasan ako ng kilay nito.

"Anong hindi naman--"

"Iniisip niya si kuya Cal!" Napatingin ako sa nagsalita, Si Leira. Sinamaan ko


siya ng tingin.

Anong si assuming ang iniisip ko? Never ko siyang iisipin! Over my ahm.. my
books! Yes, books!

"Psh." Padabog akong umupo at kumuha ng libro.

Nag uusap sila ni Chels. Tuwing binabanggit ni Leira ang pangalan ko ay na pa


pa 'tss.' na lamang ako. Para tuloy akong si Lance.

Nung matapos ang klase namin ay nag si-uwian na din kami.

"Bye!" Paalam ko sa dalawa at hindi na hinintay na magsalita.

Paglabas ko ng gate ay lumiko ako para pumunta sa Star bucks nung may sasakyan
na ang bagal ng takbo na para bang sinasabayan ang lakad ko.

Naka fierce lang ako at binilisan masyado ang lakad. Ginagaya talaga ako ng
sasakyan na 'to, eh!

Humarap ako doon sa sasakyan at kinalimutan ang starbucks na nasa likod ko


nung may bumaba sa sasakyan.

"Bakit pinatayan mo ako ng tawag kagabi?"


Itinirik ko ang mata at tinalikuran siya. "Wala kang pakialam."

Umorder ako ng cappuccino at umupo ako malapit sa glass wall.

"Ano namang ginagawa mo dito?" Bungad ko nang maki table siya sa akin. Umorder
siya ng Chocolate Cream Chip Frappupuccino.

"Wala kang pakialam."

"Aba!" Sita ko sa kaniya. Ka asar to.

"Joke lang!" Bawi nito kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Akala ko hindi ko makikita pagmumuka ng isang to, please naman kahit isang
araw lang luya!

[A/N: ayaw ko nga, gusto ko araw araw kayong magkita!]

Napairap na lang ako at hindi na pinansin si Luya at binalik ang tingin sa


lalaking busy uminom kaya ngumiti ako ng pag ka pangit pangit.

"Nababaliw ka na ba?" Tanong nito nang makita niya ang ginagawa kong ngiti.

"Ano bang pakialam mo?" Irap ko sa kaniya.

"Tara na!" Anyaya nito kaya napatingin ako sa kaniya.

"Ha?"

"Hatdog. Tara na--"

"Kingina mo!" Padabog akong tumayo at kinuha ang bag ko. Nauna akong lumabas
sa kaniya. Habol habol niya ako ng bigla akong tumigil.

"Iiwan mo ako?" Pahabol nito pagkapara ko ng taxi.

"Mag pasama ka sa hatdog mo!"

"Matagal ko na siyang kasama--"

Hindi ko na narinig ang mga sinasabi niya dahil sinarado ko na ang pinto ng
taxi.

From: Assuming

Baby!!!

Me:

Ini-off ko ang cellphone ko at nung makauwi ako ay masamang nakatingin sa akin


si kuya na ipinagtaka ko.

"Eh?"

"Mag usap tayo."


Sumunod ako sa kaniya hanggang sa makapunta kami sa garden.

"Grace, hindi ka muna pwede magboyfriend."

"Sino namang may sabi na mag b-boyfriend ako?"

"Ako."

"Ikaw naman kuya, OA ka kasi--"

"Tss. Umakyat ka na nga. Manununtok pa ako bukas."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya pero tumaas na lamang ako. Pagkataas ko ay
nakita ko na naman ang papel na ginusumot ko na nakabuklat sa kama ko.
Napatingin ako sa may pintuan ko saka napailing.

Nakita niya siguro.

Kabanata 12

Kabanata 12

_Aalis_

Tamad akong nakatingin sa mga tao sa room namin. May mga sariling mundo.
Napatawa ako nung makita ko si Leira na tulala.

"Anong iniisip mo?"

Lunes na ulit ngayon.

"Iniisip ko kung bakit nahuli ka." Sabi niya.

"Ah, wala yun." Umiwas ako ng tingin.

Magsasalita pa sana ito nang biglang dumating si Chelsea at Damon.

"Yow." Bati ng dalawa kaya bumati din kami.

"Malapit na talaga tayong grumaduate! Senior na tayo next year!" Tuwang tuwang
sabi ni Chelsea.

"Yes! Pasado tayo kahit hindi nagrereview!" Dagdag ni Leira. Umaasa na lang
talaga kami sa stock of knowledge.

"Kayo lang ano." Singit ko saka ngumisi.

"Bakit nagbagong buhay ka na ba?" Tanong ni Leira sa akin.

Umiling lamang ako at nagbuklat ng libro. Naiinis ako.

"Gala tayo sa sabado!" Anyaya sa amin ni Chelsea na siyang itinango namin.

Sa biyernes na kasi ang graduation at magprapractice na lang kami mamaya.


Magiging mabuting studyante, mana kasi sa akin.
"Goodmorning. Proceed to the ground. Goodmorning. Proceed to the ground."

Sabay sabay na kaming nagtayuan at dumiretso sa ground. Kinawayan ko si Marco


na nasa section 5 kaya nga lang pati si Dylan ay kumaway kaya kinawayan ko na
din siya. Nakita ko din si Lance at Lexi na nasa section 2.

Siniko ako ni Leira.

"Huy." Tawag ni leira sa akin.

Tumingin lamang ako sa kaniya bago kumalas. Ang dami kasing nangyari nung
biyernes..

Natapos ang practice namin at ngayon ay nasa canteen kami. Kasama namin si
Martinez. Bati bati na naman sila.

"Libre!" Kuya David.

"Kami din." Chelsea at Damon.

"Same here." Dagdag ko.

At nagsimula na ngang mag away.

Nung matapos kaming kumain at mag practice ay nagsi-uwian na din kami.

\--

"Ano na naman?" Bungad ko kay Assuming.

"Malapit na kaming umalis."

"O-oh tapos?"

"Hindi mo ako pipigilan?"

Aalis siya? Bakit?

"Bakit naman?"

"Tss."

Iniwan akong tulala nito. Para namang tanga!

\--

Natapos ang mga practices namin nung isang linggo. Nakasuot ako ng simpleng
hight waiat short at white top. Suot ko ang sling bag ko ng mapatingin ako
taas ng salamin.

Idinikit ko doon ang gusumot na papel na may nakalagay ng 'Cal's priority.


Hands off, mens.'

Tuwing itatapon ko iyon ay laging bumabalik sa kama ko, psh.

"Grace! May sundo ka!" Sigaw ni mama sa baba.

"Sino?" Tanong ko pagkababa ko. Wala na din si kuya doon, hindi ko nga alam
kung sino ba ang nililigawan nun.

"Basta!"

Nagmamadali akong lumabas dahil akala ko ay sila Leira ang sumundo sa akin
pero nagkamali ako. Napatingin ako sa muka niya na may pasa. Wala naman yun
nung biyernes ah?

"Anong nangyari dyan?"

"Hop in." Iwas niya sa tanong ko kaya kahit labag sa loob ay pumasok na din
ako.

"May problema ba tayo?" Tanong ko dito. Wala naman, eh. Ako na yata ang nag
aassume ngayon.

"Wala namang tayo."

"Tangina mo."

Akala ko ay tatawa siya at aasarin ako pagkatapos pero wala. Nung makarating
kami ay wala pa sila Leira doon. Si Cedrick lang.

"Yow." Bati ko at ganun din naman siya.

"Ang tahimik niyo ah!" Puna ni Cedrick pero pareho kaming hindi umimik.

Si Cedrick ay hindi na nagsalita. Maya maya lamang ay narinig namin ang boses
ni Leira.

"Andyan na pala kayo!"

"Oo." Si Martinez na ang sumagot. Ganito ang pwesto namin nung pumasok kami sa
isang restaurant.

Lance-Leira-Martinez-Ako
Damon-Chelsea-Cal

"Bakit hindi kayo magtabi?" Tanong ni leira pero hindi ako umimik.

Nagkwekwentuhan sila nung dumating na ang order pero ang ginawa ko lamang ay
kumain ng kumain at hindi na sumali sa kanila.

Iniwan nila kami doon. Saktong pagkalabas nila ay tumayo na ako. Nakakawalang
gana.

"Wait."

Walang gana akong tumingin sa kaniya bago sumagot. "Oh?"

"Hindi mo man lang ba ako papakinggan?"

"Papakinggan? Ngayon nga lang kitang narinig na nagsalita." Inirapan ko siya


saka umupo ulit.

"Dahil ayaw mo akong kausapin--"

"Buti alam mo."


"Damn. Sana alam mo na ang hirap hirap ng ginagawa ko."

"Oh, tapos? Kasalanan ko ba?"

"Dahil para sayo 'to!" Nagulat ako nang hampasin niya ang lamesa pati sa pag
taas ng boses niya sa akin na ngayon niya lang ginawa. Nakaagaw iyon ng
atensyon pero kay Assu-- hindi. Siya na si Caltrious.

Dahil hindi na siya yung assuming na nakilala ko.

"Sinisisi mo ba ako?" Dito na nagsalubong ang kilay ko.

"Tangina, hindi mo ako naiintindihan!"

Pinilit kong maging kalmado kahit gustong gusto ko na siyang sampalin sa pag
tataas ng boses sa akin.

"Pinapaintindi mo ba? Isinusumbat mo sa akin."

"Dahil--"

"Puro ka dahilan!" Tumaas na ang boses ko.

"Malapit na akong umalis!"

"Oh, edi umalis ka!" Iniwan ko siya doon. Nagtext na din ako kay Leira at
Chelsea na umuwi na ako.

Kung aalis siya, ihahatid ko pa siya. Kung aalis siya, umalis na lang siya.
Bakit magpapaalam siya sa akin? Nanay niya ba ako? Putangina, wala akong
pakialam sa kaniya kaya hindi ko maintindihan kung bakit ang laki ng apekto sa
akin nung sinabi niyang aalis siya.

Kabanata 13

Kabanata 13

_The gift._

Graduation day. Text or calls, wala akong natatanggap.

Hindi ko na din siya nakita.

Ang gandang gift naman.

"Omg! I'm so happy for us girls!" Tuwang tuwang sabi ni Chels.

Tumawa naman ako. "Kahit walang review, pasado!"

"Stock of knowledge thank youuuu!" Tumalon talon si Leira. Sabay sabay kaming
tumawa.

"Punta muna ako kina mama." Paalam ko.

Mabagal ang hakbang ko nung makapunta ako kina mama.


"Graduate ka na!" Bungad ni papa saka ako niyakap na binawian ko naman agad.

"Papa, mamaya pa!"

"Advance ako mag isip eh!" Pinalo ni Mama si Papa.

"Sus, may regalo kami sayo mamayaa!"

"Opo ma."

"Congrats, dalaga ka na." Singit ni kuya saka siya sinamaan ng tingin.

"Tapos mag ooverthink ka na--"

"Hindi na." Tinaas pa nito ang dalawang kamay. Natawa lang ako at bumalik na
sa upuan namin.

"Hays! Ang tagal tagal!" Reklamo ni Leira pag upo ko sa tabi niya.

"Sus, hintayin mo." Suway ko sa kaniya.

Nakatingin lang ako sa karamihan ng may mahagip akong lalaki. Siya yung sa
mall ah! Nung tumingin ito sa akin ay inirapan ko siya.

"Miranda, Grace."

Tumaas na ako kasama si mama at papa. Si kuya ay nasa baba lamang para mag
picture. Ngumiti ako habang kinakausap ako ni Papa.

"Papa, dalaga na nga ako."

"Baby ka pa din namin." Umiling ito kaya inirapan siya ni Mama at sinuway.

Doon na ako pumwesto sa mga natawag na at nung aalis na kaming mag trotropa ay
napalingon ako sa tinawag.

"Collado, Draizen Kobe." Mapaglaro ang ngisi nito, siya yung nasa mall.
Halatang mayabang, wews. Tumalikod na ako at sumama kina leira.

"Graduated na tayo!" Sigaw ni Leira.

"Aalis na ako sa school." Sabay na sabi ni Kuya David at Cedrick.

"Matanda na tayo." Singit ni Damon.

"Ikaw lang!" Sabay sabay na sigaw namin kaya nagsalubong ang kilay ni Damon
kaya nagtawanan kami.

"Oh, paano ba yan? Mauuna na kami ni Love." Paalam ni Chelsea.

"Ew!" Sabay na sabi namin ni Leira.

"Mga bitter!" Pahabol ni Chelsea. Bitter niya muka niya.

"Anong-- uuwi ka muna!" Hinabol ni kuya David si Chelsea kaya napatawa ako.

"Una na ako." Paalam ni Cedrick.


"Una na din ako." Paalam ko. Iniwan ko na ang dalawa doon at sumakay sa
sasakyan namin.

"Congratulation nak!"

"Salamat po!"

\--

Pagkarating namin sa bahay ay naligo muna ako at nagbihis.

"Baba ka na dito!"

"Heto na po!"

Pagkababa ko ay madaming handa na nakalagay sa mesa.

"Ang dami naman niyan--"

"Wala yan!" Pagyayabang ni kuya kaya sinimangutan ko siya.

"Yabang!"

"Totoo naman, eh!"

Kumain muna kami ng sabay sabay at nagpaalam na din ako na pupunta na sa taas
at magpapahinga.

Nakatitig ako sa kisame, bakit wala si Caltrious? Wala si Ate Leina? Anong
nangyari?

Tss, iniwan pa ako. Saan naman pupunta yon? Teka, bakit ba iniisip ko siya eh
wala naman akong pakialam sa kaniya. Wala, wala!

Padabog akong napaupo at tinignan ang cellphone ko. Wala pa din siyang text or
calls. Bwisit!

Napairap ako sa kawalan nung may sumigaw sa baba.

"Grace, Anak!"

Pagkababa ko ay may isang kahon na regalo doon. Nakatingin lang si Kuya doon
tapos bigla siyang umalis. Dinampot ko iyon at napatingin sa sulat.

'Congratulations.'

Kinalas ko ang ribbon doon at pagbukas ko ng kahon ay napatanga ako habang


iniisa isa ang mga litratong muka ko ang nakalagay.

nung nasa huling litrato na ako ay lumabas ang librong inagaw ni Caltrious sa
akin. Kung saan kami nagkakilala, kung paano ko siya kina-inisan. Binuklat ko
ang libro at tumakas ang isang luhang kanina ko pa pinipigil.

'Forget me now.'

At tuluyan akong napahagulgol ako nahulog ang libro.


Kabanata 14

Kabanata 14

_Bawal ang aso_

Caltrious Gavin Agoncillo. Accept or decline.

Kanina pa ako nakatitig sa screen kung saan nakikita ko ang profile niya.
Where are you now?

Pinindot ko ang accept, friends na tayo assuming!

Napatawa ako ng pagak bago pinahid ang luha na kanina pa tulo ng tulo habang
nakatingin ako sa profile niya. Isinarado ko iyon. Bakit ba ako apektado? Pwe!

Humiga ako sa kama kahit ramdam na ramdam ko ang pag ka maga ng mga mata ko.
Katabi ko ang box na pinaglagyan ni Caltrious ng libro nung makita ko muli ang
sulat niya sa sticky note.

'Forget me now.'

Maaga akong nagising, gulo gulo ang buhok ko nung mapadaan ako sa salamin.
Para akong luka sa aking itsura pero hindi ko na pinansin iyon. Tumatama ang
malamig na tubig sa aking balat nung mahimasmasan ako.

Wala akong pakialam kay Caltrious.

Yun ang paulit ulit na sinasabi ko bago ako nagbihis at lumabas. Pupunta ako
ng mall ngayon nung makita ko si kuya na pormado.

"Saan ka pupunta?" Sabay na tanong namin.

"Sa mall ako." Sagot ko. "Ikaw?"

"Hmm. Dyan lang sa tabi."

"Sure ka?"

"Oo naman."

"Sabi mo, eh." Tinawanan ko na siya nung magsalita ulit siya.

"Yung sa regalo--"

"Wala na akong pakialam doon kuya." Nagderetso na ako palakad bago napakapit
sa hamba ng pintuan. Para akong nawalan ng lakas tuwing nababanggit siya o
pinapaalala sa akin.

Kung hanggang doon lang pala matatapos ay sana hindi niya na binalik ang libro
sa akin.

Nakasimangot akong pumasok sa mall sa tagal ng pag-kapa sa akin nung guard na


babae. Wala nga akong ka dala dala, kakapkapan pa ako tss.

"Kobe!" Napatigil ako nung may sumigaw na babae. Talagang binangga pa ako.
"Hoy!" Sinigawan ko siya at bahagyang nakalingkis na ito sa lalaking nag
ngangalang Draizen Kobe Collado. Inirapan ko lang ang dalawa saka naka
pamewang na hinarap ang dalawa. "Ang kapal ng muka mo na banggain ako."
Tinaasan ko siya ng kilay.

Thanks kay Chels na laging tumataas ang kilay.

"Miss ano--"

"Shut up." Pagpapatahimik ko sa Draizen na'to. "Say sorry to me."

"Why would I--"

"Because you need to. Just say sorry and end of the discussion."

"Sorry--"

"That's my girl." Tinabig ko ang kamay ni Draizen na pumulupot sa balikat ko


saka siya sinipa.

"Don't touch me, pwe!"

Dumiretso ako sa national book store nung sandali akong mapatingin sa usang
pagkikita namin ni Caltrious pero umiling lamamg ako at pilit inalis siya sa
isipan ko kaya naman kung ano ano na ang binili ko.

"Mahilig ka pala sa libro." May nagsalita sa likod ko, nabobosesan ko ito kaya
umirap ako.

"So?"

"Ang sungit mo naman."

"Pakialam mo?"

Hindi ako natutuwa sa pagbubuntot ng Draizen na ito sa akin. Feeling ko ay may


bodyguard ako. Like ew, I can protect myself. Nagbayad ako sa counter,
dumiretso ako sa Mcdo at nag order.

Hindi pa man ako nakakasubo nung may maglapag ng tray sa table na kinakainan
ko ngayon. Nag angat ako ng tingin at sandaling itinirik ang mata. Hindi ba
ako titigilan nito?

I miss--

Damn.

"Pwedeng maki share?" Iniwan niya ako, wala na siyang babalikan.

"Sure."

Irap ako ng irap nung kanina ko pa napapansin na tingin siya ng tingin sa


akin. Hindi ba talaga ako titigilan nito? Naiinis na ako ha.

"Hi." Panimula nito.

"Oh?"
"Ang ganda naman ng greet mo."

"Kasing ganda ko." Inirapan ko siya.

"Hindi ka ba nagtataka kung bakit ako nandito?"

"Hindi, wala akong pakialam."

"Ouch. Hindi ka ba nagseselos?" Tumaas ang sulok ng labi nito.

"Assu--" agad akong napatigil at hindi agad nakapagsalita.

"Assu?" Nagtatakang tanong ito.

"I mean mulang aso ka." Palusot ko kahit na lumabas iyon na pang aasar.

Assuming, siya lang ang isang tatawagin ko na ganyan at wala ng iba. Si


Caltrious Gavin Agoncillo lamang.

"Sa gwapo kong ito?'

"Kapal." Tumayo na ako nung makita ko na tapos na ako kumain.

Pumunta ako dito para maging payapa tapos may aso lang pala na susunod dito.

"Sama ako."

"Edi wow." Iniwan ko na siya doon.

"Teka lang naman!" Reklamo nito dahil binibilisan ko ang lakad ko.

"Bakit ba nandito ka?" Tanong ko.

"Ay bawal ang tao dito?"

"Bawal ang aso." Pagratama ko sa kaniya. Kita ko ang pag ka asar sa muka ni
Draizen na hinding hindi ko nakita sa mga mata ni Caltrious.

I shook my head.

"Saan ka ba kasi pupunta?" Habol nito.

"Papakamatay, sasama ka?" Alok ko dito ngunit bahagya itong umatras kaya
napalakas ang tawa ko. Hindi ko pinansin ang mga taong nakatingin sa akin
dahil nananatiling nakatingin ako kay Draizen.

"Are you serious?"

"101% tara na?"

"Ikaw na lang!" Umatras ito. Inirapan ko siya at iniwan doon nung kasabay ko
na naman siyang maglakad.

"Akala ko ba ay magpapakamatay tayo?"

"Tanga, pakamatay ka mag isa mo." Asar kong sabi dito.

Hindi ko alam na may mas tatanga pa kay Leira. Napairap na lang ako nung
kulitin na naman ako nito. Damn, can't he see that I'm not buying his jokes?!
Kabanata 15

Kabanata 15

_Bola_

"Magbabakasyon po ako." Sabi ko sa kanila.

Para akong tangang nag m-move on, hindi ko nga alam kung kinalimutan agad ako
ni Caltirous. Wala na, iniisip na naman kita!

"Gusto mo ba na sumama ako?" Tanong ni Kuya Gio. Siya lang ang may alam sa mga
nangyayari sa akin.

"Hindi na kuya." Tanggi ko sa alok niya. Alam ko na madami pa siyang


importanteng gagawin kaya hindi na ako mang aabala pa sa kaniya. At saka,
saglit lamang naman ako sa pupuntahan ko.

Saglit lang kung makakalimot agad ako.

Hinahanda ko ang mga gamit ko nung makarinig ako ng katok sa aking pintuan.
Hindi ko magawang maitanong kay Leira kung may alam siya sa nangyayari pero
katulad ng kay kuya Gio ay ayaw ko na lang din siyang abalahin.

Si Chelsea naman ay paniguradong may ginagawa din iyon.

"Pasok po."

Isinara ko ang zipper ng maleta saka umupo sa kama. Pumasok si mama na


nakangiti.

"Dati naman ay ayaw mong magbakasyon mag isa. Anong nangyari?" Kung alam mo
lang mama kung bakit ayaw ko kayong kasama doon dahil ayaw kong makita niyo na
mahina ako.

"Naisip ko muna po kasing mapag isa, mama." Maka move on din, ngunit hanggang
sa isip ko na lang sinabi iyon.

"Kung ganun ay kailan ka aalis?"

"Ngayon na po."

"Ang bilis naman yata?"

"Hehe hindi po."

Umalis din si mama kaya ako ay nagbihis na din.

"Grace, kailangan mo ba talagang umalis?" Pang limang tanong sa akin ni kuya.


Umaandar na ang sasakyan.

"Kuya, kanina ko pa sinasabi sayo na oo."


"Tss. Susuntukin ko talaga--"

"Ikaw ba ang sumuntok sa kaniya?" Napatili ako ng bahagyang prumeno si Kuya.


Kung hindi ako naka seat belt ay baka tumama na ang aking ulo sa dash board
kaya sinamaan ko ng tingin si kuya. "Papatayin mo ba ako?"

"Sorry. Bakit ba kasi tinanong mo pa yun?!" Pinaandar niya na ulit ang


sasakyan.

"Na curious lang naman--"

"Kung gusto mong maka move on, ialis mo lahat sa isipan mo ang tungkoy kay
Agoncillo. Hindi ka makakaalis sa tinatapakan mo kung patuloy kang hinihila ng
nakaraan, Grace."

"Saan mo hinugot yan? Sa pwet mo?" Pang aasar ko.

"Ewan ko sayo!"

"Pikon, eh?"

"Shut up!"

"Okayyy!"

Sandali kaming natahimik. Nakatingin lang ako sa dinadaanan, namimi-miss ko si


Caltrious. Kung ang patuloy na paghila lamang ng nakaraan ang paraan para
hindi ko siya makakalimutan ay patuloy akong magpapahila.

Ngunit isa lang ang parating tumatatak sa isip ko, ang kagustuhang inutos sa
akin ni Caltrious na kalimutan ko siya kaya kahit mahirap ay gagawin ko.

"Bye na." Pang siyam na paalam ko dahil ayaw pa din akong palabasin ni kuya.

"Ayaw--"

"Kuya naman!"

"Ayaw nga kitang malayo! Pupukpukin ko na lang ang ulo mo para makalimot ka."
Yamot na yamot na sabi nito kaya niyakap ko siya.

"Babalik naman ako kuya."

"Kailan pa?"

"Kapag okay na ako."

Kahit nagagalit siya ay binuksan niya na ang pinto. Hila hila ko ang maleta
saka siya muling nginitian.

"Babalik ako."

Ilang oras na ang lumipas ng makarating ako sa destinasyon na gusto kong


puntahan. Inilapag ko ang maleta sa kama saka napatingin sa loob ng cottage na
ito. Tahimik.

Nag suot ako ng short na hindi lalampas ng tuhod at pinatungan ng blazer ang
suot suot ko na Black Shirt. Sinisipa ko ang mga buhangin saka napatingin sa
alon ng dagat.
Kung kaya ko lang sumabay sa inyo ay baka malayo na ako.

Umupo ako sa buhanginan saka iniayos ang mga binti ko nung tumama ang tubig
dito. Sobrang lamig pero tama lang naman dahil mainit ang panahon ngayon.

Nasaan ka na ba kasi Caltrious?

Nag vibrate ang phone ko kaya agad ko itong kinuha.

From: Chelstot

Where are you?

: I don't know.

Ini-off ko ang cellphone ko at ibinalik ito sa bulsa ng aking short. Tumayo


ako at sandaling napatingin sa mga tao. Sana all masaya.

Bumalik ako sa cottage para ayusin ang mga damit ko. Hindi ko alam kung
hanggang kailan ako tatagal dito kaya mas magandang ayusin ko na lamang ang
mga gamit ko dahil mahihirapan lamang ako magkalkal kapag nasa maleta.

Masaya sana isama dito sila Leira at Chelsea kaya lamang at hindi pa pwede.
Hindi pa ako okay.

Lumabas na ulit ako ng cottage nang may masipa akong bato. Hindi ko alam kung
kanibo tumama iyon ngunit hindi ko na iyon pinansin. Para bato lamang eh,
masakit pa din maiwan.

"Miss!" Parang tumigil ang oras ko nung tumama sa akin ang isang bola.
Napahiga ako sa sobrang lakas ng impact.

"A-aray.." sapo sapo ko ang noo ko nung biglang may bumuhat sa akin.

"Fuck, sorry." Kahit nahihilo ako ay nanlaki ang mata ko. Si Draizen!

"Tangina anong ginagawa mo dito?" Gulat na tanong ko nung magsimula siyang


maglakad.

"Pwede raw ang aso dito."

Kabanata 16

Kabanata 16

_Friend_

Hawak hawak ko ang ulo ko na natamaan ng bola ay masama naman ang tingin ko
kay draizen na nakaupo sa sulok. Kailangan kong mag move on, hindi ko
kailangan ng bukol.

Nung tumingin ito sa akin ay muli kong itinirik ang mga mata ko. Nakakainis!
Dapat ay hindi na lang ako lumabas ng cottage kanina. Hindi na sana ako
nagkabukol at mas lalong hindi ko na sana nakita ang lalaki na'to.
"Sorry na nga." Beach volleyball ang tumama sa akin. Pero kahit na, masakit
kaya yun! Author naman, bakit naman binigyan mo pa ako ng bukol?!

(A/N: ano bang paki moooo?!)

Aba syempre meron! Sabi ko move on lang, wala naman akong nirequest na bukol!

(A/N: pangit ka na!)

Mana sayo!

Sinamaan ako ng tingin nito kaya binelatan ko siya.

"Nababaliw ka na ba?" Tanong nito.

"Hindi." Tumayo na ako kahit masakit ang ulo ko. Inalalayan ako nito pero
tinabig ko lamang ito. Hindi ko kailangan ng tulong ng kahit sino.

"Kaya ko ang sarili ko." Pigil ko sa kaniya bago ako kumapit sa door knob.

"Kaya mo ba talaga?"

"Oo nga!"

Bumalik ako sa cottage na hawak hawak ang ulo. Sumalampak ako sa kama hanggang
sa nakatulog ako.

Pag gising ko ay alas kwatro na ng umaga kaya naisipan kong lumabas at mag
lakad lakad muna. Naka white dress at balabal lang ang suot ko kaya malamig pa
din. Sinisipa sipa ko ang bato nung may tumigil na mga paa sa harapan ko.

"Kumain ka na ba?" Tanong ni Draizen sa akin na hindi ko na pinansin.


Nilampasan ko lang siya, para siyang si Caltirous!

"Hindi pa." Sagot ko. Bakit ba kinukumpara ko pa siya kay Caltrious?

"Tara libre kita."

"May pera naman ako." Itinirik ko ang mga mata ko at nilampasan na lamang
siya.

Nung mag ala sais ay bumalik na uli ako sa cottage para i-uwi ang dala dala
kong balabal at dumiretso sa restaurant. Matapos akong kumain ay pagkalabas ko
ay sumalubong sa akin ang walang pang itaas na damit si Draizen.

Taas baba ang kilay nito sa akin pero nakatingin lang ako sa kaniya. Ano na
naman ang gagawin nito?

"Pinag aagawan ako ng girls doon--"

"So? Gusto mo maki-join pa ako?"

"Oo kung--"

"No thanks. Magpasaksak ka sa mga internal organs nung mga yun dahil wala
akong pakialam." Pagkatalikod ko ay bigla akong hinawakan nito sa braso.

"Please!"
"Ano namang mapapala ko dyan?"

"Titigilan na kita."

Pumayag ako. Hindi ko alam kung ngingiti ba ako or tatawanan ang mga babaeng
kaharap ko ngayon. Magaganda sana kaso tanga naman. Mas madami namang gwapo
kay Draizen bakit siya pa?

"Excuse me, but my boyfriend isn't your boyfriend." Pag eenglish sa akin nung
mestiza.

"So?"

Napaatras ako ng sikuhin ako ni Draizen kaya sinipa ko ito.

"Draizen, balik ka na sa akin!" Napangiwi ako sa babae na morena.

Sayang, ang gaganda pa naman sana.

"Babe! I know you love meeee!"

"I have my girlfriend here." Umirap lang ako ng akbayan ako nito, para hindi
siya pagkaguluhan ay sana umalis na lang siya.

"Iw!"

"Okay, bye!"

"See you later!"

Inalis ko ang akbay sa akin ni Draizen.

"Sayang ang mga yun, ikaw pa ang napili." Umiling iling ako nung hawakan nito
at ang dibdib niya. Umakto siyang nasasaktan.

"Ang ouch sa feelings ha."

"Bakla ka ba?"

"Alam ko na mga teknik niyo girls. Sasabihin niyong bakla ako para makakuha
kayo ng halik sa akin." Unti unti itong lumalapit habang ako ay umaatras.
Sisikmuraan ko na sana ito ng bigla siyang mawala sa paningin ko. Nakita ko na
lang siya na nakahiga.

"Sorry bro. Hindi ko sinasadya." Lumapit sa amin ang isang matangkad na


lalaki.

"Okay lang."

"Wag ka kasing hahawak ng pagmamay ari ng iba."

"Ano yun?" Tanong ko sa lalaki, para kasi siyang may binubulong ngunit
nginitian lamang ako nito at umalis.

"Gago yun ah!"

"Para 'tong tanga, nag sorry na nga tapos nagagalit ka ba."


"Ikaw din naman tinamaan ah!"

"Kahapon pa yun tanga."

"Hindi ka ba nagalit?"

"Malamang nagalit pero hindi ko naman minura."

Hindi ko din alam kung bakit ko kinakausap ang lalaki na 'to. Pero sige na
nga. Pagkakuha ko ng cellphone ay inagaw nito ang cellphone.

"Tangina, anong gagawin mo?"

Kinuha nito ang kamay ko tapos nakita ko na lamang na pinicturan niya ito.
Magkahawak ang kamay namin sa picture kaya ang binawi ko na ang kamay ko. Tawa
lang ito ng tawa sa akin kaya pati cellphone ko ay kinuha ko na sa kaniya.

"Wait lang."

Kinuha nito ang cellphone niya at kung may anong kinakalkal doon nang may nag
notif sa facebook sa cellphone ko.

Draizen Kobe Collado sent you a friend request. Accept or decline.

"Oh?"

"Accept mo ako."

"Ayaw ko--"

Gigil na gigil ako nung inagaw nito ang cellphone. Ngiting aso nitong ibinalik
ang cellphone ko. Amputek, siya na ang nag accept.

"Pati ba naman yan kinatatamaran mo?"

"Ulol."

Ang profile niya dito ay wala ding pang itaas, kung ano ang itsura niya
ngayon. Khaki shorts.

"May friend ka ng aso." Ngiting sabi nito.

Inirapan ko na lamamg siya at nauna nang maglakad sa kaniya.

Kabanata 17

Kabanata 17

_Aasa_

Nakatingin lang ako sa dagat habang naka upo sa gilid ko si Draizen. Akala ko
ba mag m-move on ako? Pwede ba mag move on nang may kasama? Tss. Napailing na
lang ako sa iniisip ko saka kinuha ang cellphone ko.

Tinignan ko ang active status ni Caltrious pero wala nang nakalagay. Wala
naman siyang dineact sa mga accounts niya kampante na ako.

Iniscroll ko ang gallery ko, nakita ko ang mag kahawak kamay namin ni Draizen.

"Ipopost mo?" Tanong ni Draizen.

"Yep, may masama ba dun?"

"Ita-tag mo ba ako?"

"Nah."

"Pwede mag comment?"

"Hindi pwede."

"I-share?"

"Tumahimik ka nga!"

Inilagay ko sa caption ang happy. Maya maya ay nag comment si Chelsea.

Chelsea: Who the fuck is that?

"Sasagutin ko lang 'to." Paalam ko kay Draizen bago lumayo ng kaunti sa


kaniya. Tumatawag si Chelsea.

[Hoy! Sino naman yun?]

"Wala lang." Nagkibit balikat ako kahit niya ako nakikita.

[Pinalitan mo na si Cal?!] Nailayo ko ang speaker sa phone ko sa sigaw niya.

"Anong pinalitan? Ano namang pakialam ko sa kaniya?]

[Kahit na!--]

"Wag mo na siyang banggitin. And about the guy, he's nothing."

I ended the call. Bumalik ako sa tabi ni Draizen ng mag tanong ito.

"Sino yun?"

"Bakit mo naman tinatanong?"

"Gusto ko lang."

"Kaibigan ko."

Lumipas ang oras ay tumayo na din ako at nag pa alam. Pagkapasok ko sa cottage
ay agad akong nagbukas ng laptop.

Leira: sino yan?

Dahil tinatamad akong kausapin sila ay iisa lang ang nireply ko. 'He's
nothing.'

Hindi pa ako nakakahiga nang mag ring ang cellphone ko. Agad ko itong sinagot
at tamad na humiga sa kama.
[At sino naman yun?!] Bungad sa akin ni kuya.

"Wala nga yun kuya--"

[Pero hawak kamay?! Bullshit--]

"Ano bang masama?!"

[Tell me where are you--]

"Kuya, enough. Look, I'm moving on." Kung kaharap ko lang si kuya ay galit na
galit na ito. Pero ano bang magagawa ko? Nangyari na ang nangyari at kahit
paulit ulitin ko ang nangyari ay mangyayari pa din iyon.

[I'll call you again.] He ended the call.

I'm sorry kuya but this is the best way.

Maaga akong naging pero ngayon ay alas singko na. Napag isipan ko munang hindi
lumabas ng cottage at nakasilip lang ako sa bintana nung mahagip ng mga mata
ko ang lalaki na nakatayo sa malayo. Siya yung aksidenteng naka bato kay
Draizen kahapon.

Nakaramdamam na naman ako ng antok kaya humiga na lang ulit ako sa kama.

Pikit mata akong tumayo nung narinig ko na paulit ulit ang katok sa aking
pintuan. Nakakainis! Ang aga aga pa, eh.

"Goodmorning!" Sumalubong sa akin ang bagong ligo na si Draizen. Paano ko


nalaman? Simple lang, dahil basa ang buhok at iba na ang kaniyang damit.

"Ano na namang problema mo?" Humikab ako at sinaraduhan siya ng pinto.


Nakakabadtrip siya ha.

"Buksan mo'to!"

Nainis na ako kaya padabog kong binuksan ang pinto. Mulat na ako kaya nagawa
ko ng itirik ang mga mata ko.

"Ano na naman?"

"Akala ko kasi matutulog ka na naman."

"Ano bang--"

"Pakialam mo? Mag isa ka lang dito."

"Oh tapos? Makikijoin ka?"

"Oo naman--"

"Tumahimik ka nga! D'yan ka muna." Pinagsarhan ko siya ng pinto. Dali dali


akong naligo, simpleng short lang ang aking isinuot tapos white sando.

"Sexy." Sumipol pa ito sa akin pagkalabas ko. Inirapan ko pang siya nung
nagsimula na akong maglakad.

"Gago."
"Akala ko ba hindi mo ako mumurahin?!"

"Akala ko ba ay titigilan mo na ako?"

"Wala naman akong sinabing date at time kung kailan kita titigilan."

Napasapo na lang ako sa noo. Nakalimutan ko na tanga pala ang aso na ito.
Nakakainis. Sarap pugutan ng ulo.

"Wala ka bang boyfriend?"

"Wala."

"Kailan ka mag kakaboyfriend?"

"Ikaw, kailan ka mamamatay?"

"Hoy, grabe ka talaga!"

"Tigilan mo nga ako!"

Iniwan ko siya doon bago pa ako hindi makapag pigil na saktan siya.

"Iniwan mo ako doon. Paano pa kaya kapag naging tayo, madali mo lang akong--"

"Asa ka "

"Okay aasa ako." Napatigil ako sa sagot niya. Parehas sila dati ng sagot ni
Caltrious. Paano ko nga ba siya kakalimutan kung parati ko siyang iniisip?!

Kasama ko ngayon si Draizen ng may tumawag sa kaniya na babae. The girl has a
sexy body. Wews, so what?!

"Nagseselos ka ba?"

Lalong nagsalubong ang kilay ko nung sundutin nito ang aking tagiliran.

"Pwe!" Tinabig ko ang kamay niya. "Asa ka naman!'

"Aasa nga ako!"

"Kadiri."

"Welcome."

Duh? Ano bang sinasabi nito at hindi ko siya maintindihan.

"Bro, yayayain ka sana namin mag laro." Lumapit sa amin yung dating nakatama
ng bola sa kaniya. Sumama lang ako sa kanila hanggang sa magsimula na ang
laro.

Kabanata 18

Kabanata 18
_Seryoso_

Tamad akong nakamasid kay Draizen na kanina pa kindat ng kindat tuwing


nakakapalo ng bola. Tamaan sana ng bola ang gago na 'to.

"GO DRAIZEN!" sigaw nung tatlo na nakausap ko kahapon. Masama ang tingin sa
akin nung tatlo kaya napa labi na lamang ako.

Nanalo ang grupo nila Draizen at talo naman ang grupo nina..

"I'm Kaious Monestrio." Nagpupunas ito ng pawis habang nakanguso si Draizen sa


gilid ko.

Okay, alam niyo na ha. Siya si Kaious Monestrio, gwapo siya, matangkad pero
mas gwapo si Caltrious.

Aish!

"Hindi mo ba ako pupunasan?" Tanong ni Draizen. Sasagot na sana ako ng


magsalita si Kaious.

"Baldado ka ba?"

"Gusto ko, eh."

"Tss. Mauuna na ako."

Napanganga ako ng nagsalubong ang kilay nito bago tumalikod. Hinampas ko si


Draizen nung akmang susugurin nito si Kaious. Totoo naman, eh. Bakit ba
magpapapunas pa siya sa akin e may dalawa naman siyang kamay.

"Tss." Sambit nito, para ding si Lance.

Nung matapos ang pag d-drama ni Draizen sa akin ay nag pa alam ito na
magpapalit muna siya. Hinatid niya muna ako sa cottage. Nanlumo ako nung
tignan ko ang active status ni Caltrious. 1 hour ago? Ito yung oras na
naglalaro si Draizen.

Agad akong tumayo nang makarinig ako ng tatlong katok. Madilim na ngayon pero
nakalimutan ko na buksan ang ilaw kaya binuksan ko ang pinto. Nabigla ako ng
biglang may humigit sa akin. Malalaki ang mga mata ko ng makaramdam ako ng
malambot na labi sa akin.

Sa gulat ko ay itinulak ko siya at nagmamadaling binuksan ang ilaw. Sino yun?!

"Draizen!!!" Sigaw ko.

"Ano?" Inosenteng tanong nito.

"Ikaw ba nanghalik sa akin?!"

"Woah." Napa-atras ito. "Alam ko namang gusto mo ako pero hindi--"

"Gago!"

Kinabukasan, maghapon akong hindi lumabas ng bahay sa sobrang inis. Tangina.

Hindi pa ako kumakain kaya nahihilo ako. Binuksan ko ang pinto, nakita ko si
Draizen na naging dalawa hanggang sa nag dilim na ang paningin ko.

"Ayos ka lang ba?" Pagmulat ko ay bumungad ang muka sa akin ni Draizen kaya
napaatras ako. Tinignan ko ang paligid, nandito na naman ako sa clinic ng
beach resort na ito.

"Ano bang nangyari sa akin?" Hindi ko na pinansin ang tanong niya.

"Nahimatay ka. Kumain ka muna." Tinanggap ko ang mainit na sabaw at napaso pa


ako ng hinigop ko iyon. "Para namang tanga, alam ng mainit eh!" Nabigla ako ng
agawin nito sa akin mangkok.

Tamad lang akong nakatingin kay Draizen na hinihipan ang kutsara na may laman.

"Say ah." Sinubo ko iyon at bahagyang napatingin kay Draizen na abala sa


paghihipan.

Is this a sign that I really need to move on?

Matapos kong kumain ay nakalabas na din ako.

"Bitawan mo nga ako." Inirapan ko siya at tinabig ang kamay niya. Hindi naman
ako lumpo para alalayan lang, nahimatay lang naman ako. OA lang talaga siya.

"Magaling ka na nga." Umiling iling ito.

"Wala naman akong sakit."

"Kulang ka sa kain kaya ka nahimatay."

"Alam ko pero hindi ko naman alam na pwede pala akong mahimatay."

"Tanga."

Sinamaan ko siya ng tingin pero ginulo lang nito ang aking buhok. Agad kong
tinabig iyon. Pang apat na araw ko na pala ito.

"Bakit hindi ka pa umaalis?"

"Pinapa alis mo na ako?"

"Hindi naman." Agad akong umiling, ewan ko ba dito kung bakit ayaw niyang
seryosohin ang mga sinasabi ko.

"Depende kung kailan ka aalis." Nag kibit balikat ito.

Napatingin ako sa labi niya, bumalik ang inis ko. "Sabihin mo nga, ikaw ba
humalik sa akin kagabi?!"

"Anong-- hindi nga ako!"

"Bakit ka sumisigaw?!"

"Sumisigaw ka din!"

"Bakit ginagaya mo ako?!"

"Ikaw eh!"
Parehas kaming nagtawanan. Nakahinga ako ng maluwag, alam ko na hindi si
Draizen iyon. Pero sino? Hindi pwedeng siya dahil kung narito siya ay
ibinalita na iyon sa akin ni Leira kahit hindi ako magtanong.

"Anong iniisip mo?"

"Iniisip ko kung meron ka bang isip." Barumbadong sagot ko sa kaniya.

"Siraulo."

"Buo ulo ko ano." Hinampas ko siya.

"Lagi mo akong sinasaktan!" Puna nito.

"Eh ano naman?"

"Wala lang. Share ko lang happy?"

Tumango ako. Wala talagang kwenta kausap 'to kaya hindi ko malaman kung bakit
kinakausap ko 'to.

"Sa isang taon pa ako aalis." Birong sabi ko.

"Ano?!"

"Hindi ka talaga mabiro!"

"Sineseryoso kasi kita."

Naiwan sa ere ang aking ihahampas sa kaniya nang bahagya akong natigilan sa
sinabi niya.

"Tigilan mo nga ako." Itinago ko ang kamay ko sa likod ko.

Hindi pwedeng magkagusto siya sa akin dahil wala siyang pag asa sa akin kahit
katiting.

"Ayaw mo ba?"

"Syempre."

"Seryoso nga kasi ako."

"Hindi pwede."

"Joke lang!" Tumawa ito at gumulong gulong sa buhanginan. Napasapo ako sa noo
habang pinagmamasdan siya. Nakakainis siya. Wala namang nakakatawa pero ang OA
maka react.

Kabanata 19

Kabanata 19

_Kasama kita_
"Good morning!" Bati ni Draizen sa akin, mag iisang linggo na ako dito bukas
at aaminin ko na hindi na ako masyadong nasasaktan sa pag ka alis ni
Caltrious. Hindi ko alam kung bakit ba ako nasasaktan nung umalis siya.

We have no label. Kaya bakit ako nasasaktan na hindi ko malaman ang dahilan
kung bakit ganun ako ka-apektado sa kaniya. Wala akong pakialam sa kaniya,
hinayaan ko siya at hindi ko siya pinigilang umalis.

Kaya ano namang karapatang magalit ako kung babalik siya? Kung babalik nga ba
siya ay hindi ko na alam.

"Morning." Bati ko dito.

Sabay kaming naglalakad nung napatigil ako ng akbayan ako nito.

"No meaning!" Itinaas nito ang ang kaliwang kamay niya.

Hinayaan ko na siya hanggang sa mag order na ito ng pag kain pag ka pasok
namin sa resto. Unti lang ang kinain ko habang siya ay sobrang dami. Mas
madami pa siyang kinakain kesa sa akin.

"Hindi ka nagugutom sa kinakain mo?"

"Hindi." Umiling ako bago sumubo.

"Sure ka? Ayaw mo maki-share?" Sasagot na sana ako ng dugtungan nito ang
sinasabi niya. "Like and comment?"

"Wag mo akong kausapin." Inirapan ko siya.

"Hindi naman 'to mabiro!"

"Edi wow."

"Edi shing."

Lumaki ang butas ng ilong ko bago ko muling itirik ang mga mata ko. Nakaka
asar na siya.

"Alam mo kasunod ng hello?"

"Ano?"

"Edi hello---"

"Anonas."

"Bastos ka talaga!" Asar na sabi niya.

"Hinipuan kita?"

"Sabihin mo hi po."

"Hi po?"

"Kita mo, sabi mo hipo."

"Gago, corny mo." Inirapan ko siya. Nung matapos kami kumain ay kanina pa siya
kwento ng kwento tungkol sa buhay niya.
Nag iisa daw siyang anak. Gwapo, mayaman at may abs. Hanggang saan aabot ang
kakapalan ng muka ni Draizen?

"Wala akong pakialam sa kwento mo."

"Masama ba?"

"Oo, kamuka mo."

"Edi gwapo pala ang kwento ko."

"Ang hangin!"

"Alam mo ba yung mga mag jowa? Kawawa sila."

"Bakit naman?"

"Kase ikwe-kwento nila yung talambuhay nila tapos iiwan din sila."

"Bakit mo sa akin kine-kwento?"

"Trip ko lang. Feeling mo naman gusto kitang jowain."

"Ulol!"

Puro lang kami asaran hanggang sa napagod na ang bibig ko sa pakikipagtalo sa


kaniya. Nakakapagod makipag usap sa tanga na 'to. Nakakasira ng araw at gabi.

Sa bawat araw na kasama ko siya ay wala siyang ibang ginagawa kundi pag
panggapin akong girlfriend niya tuwing may mga pumupulupot sa kaniya na mga
babae. Patawanan ako at asarin tuwing hinahampas ko siya.

Nakakapagtaka na hindi ko nakikita ang owner ng beach resort na 'to.

"Nakikita mo ba ang owner nito?" Biglaang tanong ko.

"Minsan?"

"Anong itsura?"

"Ouch! Ipagpapalit mo na ba ako--"

"Tigilan mo nga ako."

Tinalikuran ko na siya. Palagi ko naman siyang tinatalikuran tuwing ayaw ko


siyang kausapin. Hindi niya talaga lagi sineseryoso ang mga tanong ko. Palagi
nang puro biro kahit hindi naman.

Parehas lang sila ni Caltrious na hindi marunong mag seryoso. Isang beses lang
naman siya nag seryoso. Yun ang oras na umalis siya.

'Malapit na akong umalis!'

'Oh, edi umalis ka!'

Hindi ko maintindihan kung bakit ibinalik pa niya ang libro sa akin. Palagay
lagay pa siya ng Cal's priority. Sa una lang talaga magaling. Buti pa sa mga
libro, ang sarap maging bidang babae dahil alam mo na may happy ending.
Sa akin lang hindi ako sigurado.

"Ang lalim ng iniisip ah! Sumisid ka na ba?!" Napa atras ako nung sumalubong
ang muka sa akin ni Draizen sabay sundot sa tagiliran ko.

"Draizen!" Hinampas ko siya nung bigla siyang napatigil.

"D-draizen?"

"Ay? Bakit hindi mo ba pangalan yan?"

"Wala lang, ikaw lang kasi ang tumatawag n'yan sa akin."

"Edi wow."

Binara ko ulit siya. Hindi ko nga alam kung bakit hindi siya nagagalit sa akin
tuwing binabara ko siya sa oras na medyo seryoso. Oo medyo lang ay binabara ko
siya. Ewan ko, trip ko lang. Bakit ba?

"Ikaw lagi mo akong binabara."

"Pasalamat ka nga't kinakausap kita."

"Thank you po."

"Gago."

Kinabukasan ay madami ang tao dito sa resort. Siniko ko ang katabi ko na si


Draizen na bahagyang nakatungo. Nag search ako kagabi tungkol sa resort na 'to
pero kahit pangalan ng owner nito ay walang lumalabas. Tanging ang letrang G
lang ang lumalabas.

"Alam mo ba kung anong meron?"

"Hindi ko alam."

"Wala ka naman talagang alam."

"Meron!"

Nag kibit balikat ako. "Ano?"

"Alam ko na kasama kita."

Kabanata 20

Kabanata 20

_Move_ _on_

Nakatingin ako sa mga nagkukumpulan na mga tao. Bakit nga ba ako magtataka ay
resort ito? Magtataka na lang siguro ako kapag puro isda ang mga tao dito.

"Bakit ka nagbabakasyon dito?" Tanong ni Zen sa akin.


Zen na lang para maikli.

I'm forgetting someone. "Bakit, masama ba?"

"Hindi naman. Nakakapagtaka lang kasi na mag isa ka."

"Tatlo ako."

"Weh, payatot ka nga- aray!"

"Hindi ka na tumigil sa pang aasar sa akin!"

"Hindi ka naman nagagalit, eh."

"Napipikon lang!"

"Oo nga, kaya nga inaasar kita para mapikon ka diba?'

"Gulo mo kausap!"

Napatigil kami sa pag uusap nung dumating si Kaious sa harap namin.

"Damn you! Lagi mo lang akong inuutusan." Sumigaw ito sa amin kaya napangiwi
ako.

"Inuutusan?" Nagtatakang tanong ko.

"Oh, I'm sorry. Ikaw kasi!"

"Anong ako?" Turo ko sa sarili ko. Nakatingin lang si Zen sa kaniya.

"Sorry sorry. Tara lunch." Anyaya niya sa amin.

"Sige."

"Okay."

Pagkadating namin sa resto ay ito na lamang ang nag order. Round table ang
kinuha namin. Hindi ko alam kung nababaliw ba si Kaious dahil mukang iritado
ito.

"So.. what's the real score?"

Hindi ako tanga para hindi malaman ang tanong niya.

"Nothing." Ako na ang naunang sumagot.

"She's my girlfriend."

"What?" Tanong ni Kaious na hindi makapaniwala. Pinanlakihan ko ng mga mata si


Zen para bawiin niya ang mga sinabi niya ngunit ngumisi lang ito sa akin. Para
bang sinasabi niya na alam niya ang ginagawa niya.

Issue.

"You heard me right, Monestrio."

"If it's a joke then it's not funny."


"There's no joke. What i've said is true."

Para akong tanga na naka tingin sa dalawa, parehong nagsusukatan ng tingin ang
dalawa nung biglang dumating ang order namin. Parehong walang imik ang dalawa
habang ako ay hindi mapakali sa pag-kain.

Baka mamaya ay magsuntukan pa ang dalawa dito. Sayang ang pagkain at ang sarap
sarap pa naman. Sana sa labas na lang sila magsuntukan dahil gusto ko pa
talagang kumain.

Napalabi na lang ako nung makita ko si Kaois na tango ng tango. Alam ko na may
kausap na siya ngayon pero sino iyon? Tss. Wala nga pala akong pakialam basta
ako ay kakain.

Nasa kalahati pa lang ang pagkain ko nung makarinig ako ng kalabog sa may
entrance ng resto. May basag na baso doon pero wala namang tao doon.

"Sino yun?" Nagtatakang tanong ko dahil tila lahat ay walang pakialam.

"Ewan."

"Wag niyo sabihing wala lang sa inyo yun?" Tanong ko sa dalawa.

"Then I won't tell it to you." Ngumiti si Kaious na hindi ko talaga


nagustuhan.

Curious ako kung sino iyon pero dahil nga ang mga tao dito ay walang pakialam
ay hindi na muli akong nagtanong. Naalala ko na naman ang nagnakaw ng halik sa
akin.

Matapos naming kumain ay nagpasalamat ako kay Kaious na kaka alis lamang. Agad
kong sinamaan si Zen ng tingin.

"Bakit mo naman sinabi na girlfriend mo ako?"

"Is this even real?" Natatawang tanong niya.

"This is real."

"Wala lang, tinanong ko lang."

Lumaki ang butas ng aking ilong at hindi na siya pinansin.

"Aalis na ako sa isang araw." Panimula ko rito.

"Edi goods "

"Edi wow."

"Aalis na din ako."

"Alam ko." Inirapan ko siya.

"Manghuhula ka pala? Pwede paki-hulaan yung future girlfriend ko-- aray!"

Papaano ba namang hindi ko siya hahampasin ay puro kalokohan na naman ang


sasabihin niya. Dati, si Caltrious kapag sinasaktan ko siya ay ang lagi niyang
sinasabi na kung girlfriend niya daw ba ako para saktan ko siya.
"Oh, sumisid ka na naman." Puna nito sa akin na nakapag balik sa huwisyo ko.

"Pakialam mo ba!"

"Ang yabang nung Kaious na yun."

"Paano mo nasabi?"

"Itanong ba naman na nag j-joke lang ako!"

"Bakit mo ako sinisigawan?"

"Kase naiinis ako!"

"Aba, wag dito!"

"Gusto ko dito eh."

"Gusto ka ba?" Pang aasar ko. Napahagalpak ako ng tawa nung hindi ifo
magsalita dahil sinamaan ako ng tingin nito.

But I realized something that make me awake. Hindi ko kailangan mag move on
kay Caltrious dahil kusa ko siyang makakalimutan pag dating ng panahon. Kung
dafating nga ang panahon na iyon.

Kabanata 21

Kabanata 21

_Gweys_

Limang taon ang lumipas lahat ay nagbago na. Makalipas nung tatlong taon na
bumalik ako ay dumalo ako sa kasal kasama si Chelsea. Kahit anino ni Caltrious
ay hindi ko nakita. Hindi rin naman nababanggit ni Leira kung nasaan ba si
Caltrious.

Sa limang taon na iyon ay nag tapos ako ng pag aaral na hindi kasama ang mga
kaibigan ko. Simple lang, lumayo ako kahit hindi dapat. Kahit na sabihin ko na
hindi ko dapat kalimutan si Caltrious ay nilisan ko ang lugar na iyon.

Lahat ng mga pangyayaring na kasama ko si Caltrious ay nilayuan ko.

At ngayon na babalik ako sa lugar na iyon kasama ko si Draizen. Tatlong taon


na siyang nanliligaw sa akin na kahit kailan ay wala akong balak sagutin siya.
Hindi ko alam pero ayaw ko.

"Aalis na ba tayo?" Tanong ni Zen sa akin. Kapapasok niya lang sa condo ko


kaya naman tinignan ko ito.

"Saan ka pupunta? Sa libing?"

"Hindi. Opposite outfit dapat tayo."

"Gago. Magpalit ka nga."


Ano bang masama kung naka all white ako? Kesa naman sa kaniya na naka all
black. Pupuntahan namin yung buntis tapos naka itim siya. Kung hindi ba naman
tanga.

Oo, buntis na si Leira.

"Ang tagal mo naman, Zen!" Katok ako ng katok sa condo niya, hindi ko nga alam
kung bakit kailangan niya pa ngayon i-lock ang pintuan. Hindi ko naman sa re-
rape-in.

"Teka nga! Atat ka makita pagmumuka ko, eh!" Sigaw niya sa loob.

Agad akong napa-ismid. "Bahala ka, mauuna na ako!"

Hindi pa man ako nakakahakbang ay bumukas na ang pintuan. Napasapo na lang ako
sa noo at nag palit na lang ako ng violet top. Gaya-gaya kase si Zen. Pag ka
labas niya ay naka all white din siya.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko sa'yo." Sukong sabi ko pero tinawanan lang
ako nito.

Pagkarating namin kina Leira, syempre nag bukod na sila ng bahay. Si Lance ang
nagbukas nito, naka pang trabaho ito at halatang papa alis na kaya pinadaan
namin siya ni Zen.

"Sorry, mauuna na ako." Paumanhin nito.

"Ayos lang."

"Gusto ko makita si grace!" Narinig ko ang sigaw ni Leira sa loob kaya


nagmamadali akong pumasok. Hila hila ko si Zen dahil mukang walang balak ito
umalis sa labas.

"Anong problema mo?" Natatarantang tanong ko.

Lumapit ito at humawak sa dalawang balikat ko. Namumuo ang mga luha nito bago
ako niyakap nito. "Grace, manganganak na yata ako."

"Leira, tigilan mo nga ako. Isang buwan ka pa lang na buntis." Napa labi ako
ng tumawa si Zen sa likuran ko. Agad kumalas sa yakap si Leira na sumi-singhot
singhot pa.

"Sorry, Excited kasi ako."

"Halata nga." Umismid ako.

Halata sa katawan ni Leira na tumataba ito. Hindi na ako nabigla nung akbayan
ako ni Zen nung pumunta kami sa kusina.

"Are you two ahm.." nanlaki ang mata ko nung may tumulong luha sa mga mata
nito.

"Hindi, hindi." Agad na akong sumagot, ganito lagi ang reaksyon niya tuwing
makikita niya kami ni Zen hays.

"Okay!" Bigla itong sumigla. Anak ng teteng.

Tinulungan ko siya magluto habang si Zen naman ay parang aso, aso pala talaga
siya na sunod ng sunod sa akin. Pag nga tumitigil ako ay may bumabangga sa
likod ko kaya tuwing haharap ako ay tinatapakan ko siya sa paa.

Pag katapos naming magluto ay dumiretso kami sa sala. May kausap si Leira at
halatang tuwang tuwa ito.

"Sige, punta ka bukas!"

"Sino yan?" Tanong ko.

"Wala ah." Lumingon lingon pa ito sa paligid, gusto pa yata mambintang ng


babaita na 'to. "Hehe."

"Tss."

"Ikaw para kang si Lance!" Padabog itong umupo sa tabi ko.

"Eh, ano naman?"

"Wala lang, share ko lang."

"Like and comment?" Napa labi ako nung sumulpot sa kung saan si Zen para
sabihin ang walang kwentang like and comment niya. Ewan ko, ang corny masyado!

"Oo, like and comment!" Nag thumbs up si Leira kay Zen.

"Nagugutom ako. Tawagin niyo nga si Lance." Kinalabit ako nito.

"May trabaho asawa mo."

"Dali na!" May namumuong luha na dito kaya napasapo na lang ako sa noo habang
nag d-dial.

[Hello, Grace.]

"Umuwi ka daw rito."

[What? Sabihin mo may ginagawa ako--]

"Subuan mo ako!" Hinablot ni Leira ang cellphone ko. Halatang galit na galit
na siya ngayon, kawawang Lance. "Sige, mamaya na ako kakain sa gabi." Paused.
"Gusto ko nga ikaw mag subo, eh!"

Paused. "Wag ka ng uuwi!" Inabot nito sa akin ang cellphone ko. Nag crossed
arms ito habang pinagmamasdan ang mga kamay niya. "Wala namang mali sa akin
diba?" Narinig ko ang pag singhot nito kaya napairap na lang ako.

Napaka ng mga buntis.

"Gweys!"

"Letche ka, Zen! It's G-R-A-CE greys. Hindi gweys!" Binato ko ito ng unan pero
sinambot niya lang ito.

"Gusto ko gweys, eh."

"Wag mo nga akong kausapin!"

Biglang bumukas ang pintuan at pumasok dito si Lance na halatang nagmamadali.


Natakot, amp.

"Where's Leira?"

Pinahid ni Leira ang kanyang luha bago tumayo. "Let's eat!"

Lumaki ang butas ng ilong ko at napa irap na naman ako. Papapuntahin ko nga si
Chelsea mamaya ng mapag tripan siya ni Leira. Nakaka sira ng ulo kapag si
Leira talaga ang kasama ko.

Kabanata 22

Kabanata 22

_Kalimutan mo na_

[Grace!] Agad kong nailayo ang cellphone ko sa sobrang lakas ng boses ni


Chelsea. Nasa kusina na yung tatlo pero nag pa iwan muna ako dito sa sala para
hintayin si Chelsea.

"Punta ka dito."

[Asan ka ba?]

"Kay Leira--" pinatayan na naman ako ng cellphone. Walang hiya talaga si


Chelsea. May pag ka bastos talaga ang lola niyo. Oo, lola niyo. Siya pinaka
una, eh.

"Gweys. Halika na!" Sabi ni Zen pag ka pasok ko sa kusina.

Namilog ang mga mata ni Leira. "Halikan na?! Lance, may porn!"

Napa labi na lang ako sa katangahan ni Leira, kahit kailan!

"Leira, enough." Sinusubuan ni Lance si Leira habang tingin ito ng tingin sa


wrist watch niya. Anak ng teteng, si Leira kasi.

"Pinapagalitan *sniff* mo na ako?"

"Kumain ka na."

Hindi ko na pinansin yung dalawa dahil kumakain na din ako. Pasulyap sulyap sa
akin si Zen kaya kinuha ko ang tinidor at itinuro iyon sa kaniya.

"Gusto mo ba tusukin ko yang mata mo?"

"Sabi niya kiss daw." Ngumuso pa ito sa akin kaya sinipa ko siya sa ilalim ng
mesa. "Aray!"

"Buti nga." Inirapan ko siya.

Agad na akong tumayo matapos kong kumain. Nag pa alam muna ako na may
hihintayin ako sa labas. Si Zen ay kasama ko dahil sumunod pa ito sa akin.
Kahit kailan ay buntot ng buntot sa akin ang aso na'to.

"Sinong hihintayin mo?" Tanong nito.

"Si kamatayan, susunduin ka daw."

"Hoy, susumbong kita kay mama!"

"Akala mo naman." Umirap ako.

Biglang may humintong sasakyan kaya lumapit na ako doon. Lumabas si Chelsea na
naka faded jeans, crop top at naka shades pa.

"Tirik na tirik ang araw, ah." Puna ko sa kaniya.

Humalakhak lang ito sa akin nago inalis ang shades niya."Ano ba yan?! Kill
joy!"

"Hi." Bati ni Zen sa tabi ko.

"You are???" Tanong ni Chels.

"Draizen Kobe Collado."

"Ow. Hi, Kobe."

"Tara na sa loob."

Pagkapasok namin sa loob ay umiiyak na si Leira sa sofa habang si Lance naman


ay nag aayos ng damit.

"Nakakainis ka! Hindi tayo bati!" Nag pahid ng luha si Leira. Napa ismid na
lamang ako.

"Leira naman. Papasok na nga ako sa trabaho."

"Edi pumasok ka!"

"Aalis na ako." Humalik ito sa noo. Nagulat ako ng hampasin ni Leira si Lance
sa dibdib.

"Bakit ka aalis?!"

"Damn."

Walang ibang nagawa si lance kundi tumakas sa asawa niyang baliw. Tawa lang ng
tawa si Zen at Chelsea habang ako naman ay nakamasid lamang. Hindi pa pala ako
umuuwi sa amin.

"Uuwi muna ako." Agad na akong tumayo.

"Teka sasama ako--"

Agad ko nang pinigilan si Zen bago pa ito maka tayo. "Babalik naman ako."

Agad na din akong umalis doon. Dumaan muna ako sa condo para magpalit ng
damit. High waist short, black top at sling bag na violet. Tamad lang akong
nagmamaneho hanggang sa nadaanan ko ang dating bahay nila Leira. At nung
nakita ko na ang bahay namin ay ini-park ko ito sa gilid saka ako bumaba.
"Grace!" Sinalubong ako ni mama bago ako niyakap. Ginantihan ko naman ito at
mas hinigpitan pa. "Bakit ngayon ka lang umuwi?"

Matapos kong magbakasyon doon sa beach resort ay nag pa alam ako na hindi ako
dito mag aaral. Pumayag naman sila, si kuya Gio lang ang hindi. Huli akong
umuwi dito nung galing ako sa kasal ni Leira.

Speaking of kuya, nandoon siya sa may sulok nakasandal, at matalim ang tingin.

"Galing po ako kina Leira."

"Ma, mag uusap lang kami." Ramdam ko ang tensyon nung sumingit si kuya sa
dapat ay sasabihin ni mama.

"Sige, maghahanda lamang ako ng pagkain."

Pareho kaming hindi nagsasalita sa sala. Nakatingin ako sa sahig habang


hinihintay na mag salita siya. Lumipas na ang limang minuto pero wala pa din
kaya binasag ko na ang katahimikang bumabalot sa amin.

"Kuya.."

"Where have you been, Grace?" Nabigla ako sa sobrang seryoso ng boses nito.
He's really mad at me.

"Sa--"

"Who's Zen?"

"My friend--"

"He's courting you!"

"Kuya-"

"Damn it. Hindi ako papayag na sasagutin mo yan, may nangako na sa akin."

"Kuya, please.. kaya ko na ang sarili ko.."

"Hindi, eh! Hindi ako papayag."

"Anong nangyayari dito?" Lumabas si papa sa kusina kaya agad akong napatayo.

"Papa." Ngumiti ako ng pilit. Hindi ko maintindihan si kuya kung bakit ganyan
siya ngayon sa akin. Wala akong pakialam kung sino ang nangako sa kaniya dahil
mapapako lang iyon pag dating sa akin.

"Na miss kita." Niyakap ako nito, nagkwentuhan pa kami bago ito nag paalam na
aalis na muna siya.

Napatingin ako kay kuya na nakatayo, naka talikod sa akin at nakakuyom ang mga
kamao.

"Kung sasagutin mo si Kobe, kalimutan mo na may kuya ka pa."

Napakapit ako sa gilid ng sofa. Para akong binuhusan ng malamig na tubig at


naubusan ng lakas sa sinabi ni kuya. Anong problema ni kuya sa akin at kay
Zen?
Kabanata 23

Kabanata 23

_He's back._

Umuwi din ako pagkatapos ko kumain doon. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin
ng sasakyan ko pero natagpuan ko ang sarili ko sa tapat ng isang bar.

"Isang tequila." Umorder ako.

Kung ano anong alak na ang tinikman ko pero hindi pa din ako nahihilo.

Nakihalubilo ako sa mga taong nagsasayawan ng may humapit sa bewang ko at


sinasayaw ako. Papikit pikit pa ako pero tinabig ko ang kamay noon at lumabas
na.

Kinaya ko pa ang magmaneho patungo sa bahay nila Leira. Nakatingin lang ako sa
pintuan nila Leira bago ako kumatok.

Si Zen ang nag bukas ng pinto. Nag aalala ang muka nito pero tinabig ko lamang
siya at pumasok doon.

"Saan ka galing?" Tanong ni Leira.

"Sa labas l-lang *hik*" tumawa ako ng malakas. Nakita ko siya..

"Lasing ka ba?!" Narinig ko ang sigaw ni Zen sa akin pero niyakap ko lang
siya.

"Ako? *hik* gago hindi *hik* ako lasing!"

"Iuwi mo na yan, Zen."

\--

"Sakit ng ulo ko!" Sigaw ko pag ka gising ko. Tinignan ko ang paligid ko at
napa ismid na lang ako ng maamoy ko sa kwarto na ito ang pabango ni Zen.

Ano bang nangyari? Ang alam ko lang ay umuwi ako.

"Uminom ka muna ng gamot tapos kainin mo 'to." Inilagay nito ang tray sa gilid
ko. Aalis na sana ito nang magsalita ako.

"Subuan mo ako."

"Yiee, ikaw ha!"

"Edi wag."

"Edi wow."

Pagkatapos niya akong pakainin ay dito na din ako naligo at nag bihis. Parang
wala na lang naman sa amin 'yun.
"Zen!"

"Ano?!" Sigaw nito galing sa kusina. Tanghali na din kasi at hindi ko makita
ang short ko.

"Asan short ko?!"

"Ikaw na mag hanap!"

Sa inis ko ay short niya na lamang ang isinuot ko. Suklay suklay ko ang buhok
ko nang maamoy ko ang paborito kong ulam. Agad na akong umupo doon at
hinihintay na ilapag niya na lamang sa lamesa iyon.

Hindi ko alam kung totoo ba na nag lasing ako kagabi pero halatang totoo na
nakita ko siya. It's been 5 years..

"Kain na." Alok nito.

"Sabay ka na."

Pagkatapos naming kumain ay bumalik ako sa condo ko. Magkatabi lang naman ito.
Saan pa ba ako hindi nakakapunta? Tama sa national book store. Agad na akong
nag ayos, high waist short at white blouse na lang ang isinuot ko.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Zen pag ka pasok ko sa condo niya.

"Mall."

"Sasama pa ba ako?"

"Kahit wag na."

Nag papa alam ako lagi sa kaniya sa hindi ko malamang dahilan natataranta siya
kapag hindi niya ako nakikita. Ni-request ko nga sa kaniya na ipa-tarpaulin na
lang ang pagmumuka ko para lagi niya akong nakikita.

"Okay, ingat ka."

Lumabas na din ako doon. Pagkapasok ko sa sasakyan ay amoy alak, inayos ko ang
loob nito at sa wakas ay bumalik ito sa dating amoy. Pagkarating ko sa mall ay
sobrang lamig pero tama lang naman.

Sobrang daming tao pero hindi ko na ininda iyon dahil dumiretso ako sa
national book store. Dumampot lang ako ng dumampot hanggang sa makasalubong ko
ang babaeng kulang na lang ay wag na mag damit.

"Hello Gavin Babe?" Paused. Kumuha ako ng libro, Gavin? "I'm here. Buying your
favorate BOOKS." Hindi ko maintindihan kung pinaparinggan ba ako ng babae na
'to.

Pagkatapos kong bumili ay dumiretso ako sa rest room. Pag ka pasok ko cubicle
ay may narinig akong mga nagtatawanan na babae.

"Grabe, ipinamuka mo iyon?!" Girl 1.

"Yes. Gusto ko na malaman niya na akin lang si Gavin." Ito yung babae na
nakasalubong ko kanina.
"Maganda ba?"

"Nah. She's so pangit like ew! Grace ang pangalan niya."

Nanlaki ang mata ko, nakatayo na lang ako dito at nung wala na akong marinig
na ingay ay lumabas na din ako. Hindi ko napigilang hindi itaas ang kanang
kilay ko nang makita ko na nandoon pa din yung babae.

"Hey." Bati nito.

Inilabas ko ang pouch ko at nag retouch. "Hello."

"By the way, I'm Irish Gillian Quenca."

"Grace Miranda." Pagpapakilala ko dito.

Umalis na din siya pagkatapos noon. Tumawag si Leira sa akin kaya sinagot ko
iyon. Dala dala ko ang paper bag na galing pa sa national book store.

[Hello, Graceee. Dinner kayo dito.]

"Bakit?"

[Basta! If you won't go here, hindi na tayo bati!]

Napa labi na lang ako ng patayin na nito ang tawag. Dumiretso agad ako sa
condo, alam ko na may kausap siya kahapon.

I was wearing a yellow casual sheath lace backless dress. Nag ayos talaga ako
dahil paniguradong may bisita si Leira pero hindi ko naman kilala.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ni Zen.

"Kung ayaw mong sumama, edi wag!"

"Ayos na nga ako, eh."

Siya na ang pinagmaneho ko, iniwan ko na lang ang sasakyan ko. Naka faded
pants at white polo shirt si Zen.

Pagkarating naman doon ay naka fierce lang ako. Sino kaya ang bisita?

"Woah. Saan punta niyo?" Tanong ni Leira pag kabukas niya ng pinto sa amin ni
Zen.

"Sa inyo." Inakbayan ako ni Zen na normal na lang naman sa akin.

Pag kapasok namin ay kumpleto ang tropa, hindi pala kumpleto kulang kami ng
dalawa. Kuya David at Kuya Gio. Pero sandaling napako ang tingin ko doon sa
lalaking naka black polo shirt at khaki shorts.

"Ahm.." hindi na nakapag salita si Leira nung humarap ang lalaki sa amin.

My jaw dropped and his jaw clenched.

"Grace.."
Kabanata 24

Kabanata 24

_Bakit mo ako iniwan_

"Caltrious." Ngumiti ako.

Nagulat ako ng pag tingin ko sa gilid niya ay nakita ko si Irish.

"Hi, Grace."

So.. after all ako ang tinutukoy niya.

"K-kase ano.." hindi na naituloy ni Leira ang sasabihin niya ng humigpit ang
akbay sa akin ni Zen.

Pagdating namin sa kusina ay katabi ko si Zen. Lahat pormal ang ayos at mga
mukang tensyonado.

"Draizen Kobe Collado--"

"My boyfriend." Dugtong ko. Hinigpitan ko ang hawak sa kamay ni Zen sa ilalim
ng mesa ng makarinig kami na may nabasag. Napatingin ako sa kamay ni Caltrious
na nag du-dugo.

"Oh my god!" Agad kumilos si Irish kaya hindi ko na pinansin ang mga iyon.

"Woah, so boyfriend mo na talaga siya.." manghang sabi ni Chelsea.

"I'm Cedrick Martinez." Nag shake hands pa sila. Natapos ng gamutin ang sugat
ni Caltrious nung bumalik sila dito sa lamesa.

"Damon Foncio."

"I'm Caltrious Gavin Agoncillo. And she is Irish Gillian Quenca--"

"His Girlfriend." Ngumiti ito sa akin.

"Okay.." napatingin kami kay Leira. "Let's eat."

Matapos naming kumain ay nagkwekwentuhan na sila. Si Chelsea ay isang doctor


while Damon is Architect. Cedrick is a CEO. Caltrious is Attorney. Leira is
designer while I'm a Flight attendant and Irish is a model.

Muka lang akong hindi flight attendant dahil hindi pa naman ako nagsisimula.

"So.. how did you know each other?" Tanong ni Irish sa aming dalawa.

"Kailangan mo ba talaga malaman yun?" Balik kong tanong.

"Nah--"

"Irish, enough." Nag tayuan ang balahibo ko nung marinig ko ang boses ni
Caltrious na nakaupo sa tapat ko. Kanina pa ako hindi mapakali tuwing
tumitingin ito sa akin.
"I'm sorry."

"Hirap mag pa anak, matagal ka pa Leira!" Asar na sabi ni Chelsea kay Leira.

"Manganganak na nga ako!"

"Manahimik kang buntis ka, mag da-dalawang buwan ka palang!"

"Leira." Napatigil si Leira ng yakapin siya ni Lance.

"Hmp."

Humarap na lang ako kay Zen na tahimik lang.

"Zen.." tawag ko dito.

"Hm?"

"Pag uusapan natin 'to mamaya." Tumango lang ito sa akin na naging dahilan ng
pag ka awkward sa loob ng bahay.

"Saan ka pala galing Cal?" Biglaang tanong ni Damon.

Naghihintay ako ng sagot pero wala akong narinig. Pag angat ko ng tingin ay
nabigla ako na nakatingin sila lahat at naka iwas ng tingin si Caltrious.

"What?"

"Mag ex ba kayo?"

"No!" Sagot ko.

"Oh.." pilit nilang kinukumbinsi ang sarili sa sagot ko. Dapat lang! Hindi ko
naman talaga naging ex yan, ano.

"Hihi, gusto ko kayo ninang at ninong!"

"Sige ba."

Napa ismid na lang ako at hindi na lang pinansin ang mga sira ulong mga
kaibigan namin. Sumandal ako sa balikat ni Zen nang mag tama ang mga mata
namin. Agad din siyang bumitaw at tumayo.

"Papahangin lang ako." Sabi nito.

Kukuhanin ko sana ang cellphone ko nung makalimutan ko na nasa kotse pala


iyon. Shit, ayaw ko siyang makasama sa labas.

"Kukuhanin ko lang ang bag ko." Buong tapang akong lumabas sa bahay nila
Leira. Nakita ko si Caltrious na nakatayo lang sa may gilid. Hindi ko na sana
siya papansinin ng bigla itong humarap na galit na galit.

"Ang bilis mo 'kong pinag-palit, ah." Hindi ko nagustuhan ang sinabi niya.

"Eh, ano naman?"

"Grabe."

"Pwede ba? Wag mo akong pakialaman." Kinuha ko na ang bag ko sa kotse at nung
papasok na ako ay hinila ako nito.

"Ano bang problema mo?!" Bulyaw ko sa kaniya.

"Ikaw."

Huminga ako ng malamim at pilit kumukuha ng pasensya dahil kapag naubusan ako
kay Caltrious ay hindi ko magugustuhan ang mga masasabi ko sa kaniya.

"Anong ako?" Tinaasan ko lamang siya ng kilay.

"Ang bilis mo makahanap." Tumango tango ito na halatang nang aasar.

"Ikaw din naman." Itinirik ko ang mga mata ko.

"Hindi ko siya--"

"Alam mo ba na masakit yan? Itinatanggi mo ang girlfriend mo sa harapan ko."


Ngumisi ako.

"Dahil--"

"Tumigil ka na."

"Hindi ka na naman nakikinig." Sukong sabi nito.

"Teacher ba kita?" Nag crossed arms ako sa harapan niya.

"Damn. I can saw your back--"

"Kaya nga backless diba? Umalis ka lang, naging bobo ka na."

"Kailan pa naging kayo ni Draizen?" Tanong nito.

"Kanina lang." Inirapan ko siya.

"Pinagseselos mo ba ako?"

"Yuck. Nung nakita kase kita, I realized na dapat siya na lang."

"Talaga?" He arched a brow.

"Yes."

"You don't love him." Punong puno ng tiwala ang boses niya.

"How do you say so?"

"Because you love me."

"Talaga?"

"Yes."

"Ang.kapal.ng.pagmumuka.mo." madiin kong sabi.

"Mahal kita, Grace."

Nanunuyo ang mga tingin nito pero hindi ako nag padala doon. Hindi na ako
magpapaloko.

"Kung mahal mo ako, bakit mo ako iniwan?"

Kabanata 25

Kabanata 25

_Truth_

"Saan ka galing?" Tanong ni Zen sa akin pag ka upo ko.

Ang kapal sabihin ng muka niyang sabihin na mahal ako. Kung ganun pala ang
pagmamahal niya parang ayaw ko na lang na mahalin niya pa ako. It's just.. I
don't believe in him anymore.

"Kinuha ko nga bag ko."

Matapos akong magtanong kanina ay hindi niya ako sinagot. Natamaan siya dahil
totoo. Hindi ganun ang pagmamahal, hindi yata siya marunong sa salitang iyon.

"Nag leave kami ng 3 days. Get ready guys, mag babakasyon tayo." Sabi ni
Chelsea habang nag titipa sa cellphone niya. Saktong pagpasok ni Caltrious ay
nag tama ang tingin namin na agad akong umiwas.

"Kahit buntis ako?"

"Kahit buntis ka pa."

\--

"May kailangan ka pang ipaliwanag." Seryosong saad ni Zen pag ka rating namin
sa condo. Dito raw muna siya matutulog dahil maaga kaming aalis bukas. Hindi
ako sigurado kung saan kami pupunta dahil si Damon at Chelsea lang ang may
alam.

"I'm sorry but you need to stop." Nakatungong sabi ko matapos kong alisin ang
heels ko.

"Bakit?"

"You need to."

"I won't."

"It's complicated."

Hindi na din siya nagsalita. Nakatitig lang ako sa kisame saka niyakap ang
aking unan. Nasa kabilang kwarto si Zen. Hindi niya pa ako kinakausap matapos
ng mga nangyari kanina.

Pag gising ko ay nag impake na din ako kahit kay Zen ay inayos ko na din dahil
hindi pa din ako nito kinakausap. Nag handa ako ng almusal, kumain kami at
umalis ay wala pa din kaming imikan.
"Ang tahimik niyo, ah!" Puna ni Leira sa amin.

"Tara na!" Anyaya ni Chelsea sa amin. Inilagay namin ang mga gamit namin sa
likod. Van ang gamit namin, kasya naman kami dito. Ang nasa unahan ay si
Chelsea at Damon. Kaming tatlong babae ay nasa gitna at ang mga lalaki ay nasa
likod.

"Huy, may problema kayo ni Zen?" Umiling lamang ako.

"Wala."

Hanggang sa makarating kami sa destinasyon namin ay mag katabi kami ni Zen na


walang imik.

Nung makapasok kami sa room ay magkakasama kaming mga babae. Nag aayos ako ng
gamit nang marinig ko si Leira na natataranta.

"Grace, solo ka ng room."

"Bakit?" Nagtatakang tanong ko.

"Ayoko makita ang pagmumuka mo."

Napaismid na lang ako nang samaan ako ng tingin nito.

"Hayaan mo na Grace. Buntis yan." Singit ni Chels.

"Haha buti nga." Binato ko ng unan si Irish. "Ouch!"

"Arte. Muka ka namang tae." Inirapan ko siya at kinuha na ang bag ko.

"Bye!" Paalam ng tatlo.

"Solo ka dun!"

Nakasimangot ako na pumunta sa kabila, ang katabi ko dito ay hindi na alam


kung sino. Ang kwarto na pinasukan ko kanina ay katabi namin doon ang boys na
nasa kabilang kwarto pero kawawa naman yata ako ngayon dahil mag isa lang ako
ngayon dito.

"What the--" agad akong nagtakip ng mata nung lumabas doon si Caltrious na
naka towel lang sa pang ibaba niya.

Mariin ang pikit ko para hindi makita iyon nung magsalita ito.

"Open your eyes." Utos nito. Ngayon ko lang nakita ang pagbabago niya, from
his clean cut, jaw, face at ang katawan niya na mas naging brusko pa. "You're
now 1 minute eye raping--"

"Bakit ka nandito sa kwarto ko?" Mariing sabi ko.

"Hindi ba.." humawak ito sa baba niya. Damn, deja vu. "Ikaw dapat ang tanungin
ko nyan?"

"Sabi nila solo ako dito."

"Yun din ang sabi nila." Ngumisi ito sa akin, naka short lang ito.

"Aalis na ako--"
"Stay here."

Pagkatapos kong ayusin ang gamit ko sa drawer, lumabas na din ako. Nauna na
kasi siyang lumabas. Naabutan ko sila na parang may hinihintay.

"Grace?!" Bungad ni leira. "Mag swim suit ka nga!"

Napa labi na lang ako at bumalik doon. Naka two piece lang ako saka sinuot ang
robe ko.

"Perfect!" Pumitik si Chelsea.

Naglalagay ako ng sun block nang may humarang sa tinitignan kong dagat. Walong
pandesal po.

"Don't swim."

Inirapan ko ito at tumayo. Inalis ko sa harap niya ang roba ko saka itinaas
ang kilay ko. "Wag mo akong pakialaman." Tinabig ko ito at nilampasan siya.

Nakita ko si Zen doon na nakakuyom ang mga kamao kaya agad akong lumapit
doon.

"Zen?" Tanong ko.

"Mag usap tayo."

"Nag uusap na tayo."

"Sino si Caltrious?'

Hindi agad ako nakasagot sa tanong niya. "Friend."

"But--"

"Mag tatanong-tanong ka tapos hindi ka naman pala maniniwala."

Talagang hindi ka dapat maniwala, Zen. Sabi ng isip ko pag ka talikod ko sa


kaniya.

Saying the truth to Zen won't change anything.

Kabanata 26

Kabanata 26

_Do you still love me_

"Don't swim." Hindi ko alam kung bakit ba sunod ng sunod sa akin si Caltrious.
Parang tanga!

"Pwede ba? Tigilan mo ako."

Lumubog ako sa tubig at nag langoy. Agad umahon nung may matamaan akong
matigas na bagay. Napa ismid na lamang ako ng makita ko si Caltrious.

"Pakisabi sa girlfriend mo na kinukulit mo akong gago ka." Umahon na ako sa


tubig.

"Kinukulit kita."

"Excuse me?" I arched a brow.

Tumabi ito. "Dadaan ka?"

Damn. Deja vu.

I gulped. Hindi ko na siya pinansin, dumiretso ako kay Irish na matalim ang
mga tingin sa akin. Tusukin ko kaya ang mata nito? Unti na lamang ay luluwa na
ito.

"Stop flirting with my boyfriend, bitch."

"Are you referring to your self?"

"What the--" akmang sasampalin ako nito nung unahan ko na ito. Lahat yata ng
tao ay napatigil sa sobrang lakas ng sampal ko sa kaniya.

"Tigilan mo ako, Irish."

Lumayo ako doon ng makasalubong ko sila Leira at Chelsea na nakangiti.

"Nice one, Grace." Chelsea.

"Grabe, gusto ko din!" Singit ni Leira.

"Gusto mo i-try ko sayo, Leira?" Tanong ni Chelsea agad itong lumayo.

"Nasaan na ang babae na hindi nanakit?" Tanong ni Leira.

"Patay na." I shrugged. "Sabihin ba naman sa akin na nilalandi ko si


Caltrious."

"Oh, talaga?!"

"Oo."

"Well, she deserve that." Sang ayon nung dalawa.

"Buti na lang inilayo ka--"

"Speaking of inilayo. Alam niyo ba na kasama ko ang gago na yun?!"

"H-hindi ah." Si Leira ang sumagot.

"Akala ko ba ayaw mo akong makita?"

"Kanina lang 'yun." Umiwas ito ng tingin.

Umirap si Chelsea. "Wala akong alam."

Dumiretso kami sa restaurant. Kasama ko si Zen, hawak hawak ko ang kamay nito
sa ilalim ng mesa habang nag papasahan pa ng pagkain ang mga kasama namin.
Naka ngiti lang si Irish.

Plastic. Sabi ko sa isip ko.

Binitawan ko ang kamay ni Zen para mag sandok ng kanin at pagkain nang
magsimula silang mag kwentuhan. Itong kain namin ay dinner na, wala naman
kaming ibang ginawa kundi lumangoy.

"Gweys.." napatingin ako kay Zen. "Subuan mo ako."

"Aruy!"

"Naks naman!"

"Sana all. Ako din subuan mo love!"

Napa labi na lamang ako hanggang sa matapos kaming kumain. Sinubuan ko si zen
at ganun din siya sa akin. Naka sandal ako sa dibdib ni Zen habang siya ay
naka yakap sa likuran ko.

"Hm?" Sambit ko.

"I miss you."

"Nagkikita naman tayo--"

"I mean yung dati.."

Agad akong napatawa. Ang tinutukoy niya ba dati ay lagi kaming mag kasama?

Agad akong napalayo ng maramdaman ko ang labi niya sa balikat ko.

"Z-zen.."

Magsasalita pa sana ito ng makarinig kami ng boses sa likod.

"Pasok na kayo." Nag tama ang tingin namin kaya agad akong umiwas.

"May hindi ka pa sinasabi sa akin." Seryosong sabi ni Zen na ipinag sa walang


bahala ko na lamang dahil wala naman akong balak sabihin 'yun dahil hindi niya
na kailangang malaman pa ang tungkol sa nakaraan namin ni Caltrious dahil
matagal nang tapos iyun.

"Inom tayo!" Ànyaya ni Chelsea.

"G kami dyan!"

"Leira, hindi ka pwede." Suway ni Lance sa kaniya. Paiyak na naman sana ito ng
bawiin ni Lance iyun. "Manood ka na lang, iiinom na lamang kita."

"Okay!"

Nandito kami sa isang room kung saan pwede mag laro. Reserved na kasi ito para
sa amin dahil tatlong araw lang naman kami. Tinignan ko ang wrist watch ko.
9:11 P.M na.

"Truth or drink."

Ginawa naming bilog ang pwesto namin habang ini-pwesto naman ni Chelsea ang
bote sa gitna.

Inikot ni Chels ang bote at tumama iyon kay Cedrick.

"Nag ka gusto ka na ba kay Leira?"

Lahat kami ay nagulat nung bigla nitong ininom ang alak sa shot glass. Woah,
astig. Sinabi niya dati na joke joke na lamang iyon pero hindi pa din pala.

"Astig!" Sambit ko.

Inikot na ni Cedrick ang bote nung tumama ito kay Damon.

"Hate mo ba si Chelsea dati?"

Lahat kami ay napatawa nung uminom ito. Anak ng teteng, rambulan na 'to
mamaya.

Inikot ni Damon iyon, tumapat ito kay Lance.

"Mahal mo ba ang asawa mo?"

"Oo naman." Inikot naman nito kay Irish.

"Kanino ka may galit dito?"

Ininom nito ang alak kaya napa irap na lamang ako. Inikot nito ang bote at
saktong tumama iyon kay Zen.

"Mahal mo ba si Grace?"

"Yes."

Napatigil ako sa mga iniisip ko nang marinig ko ang sagot ni Zen. Hindi
pwede..

Inikot nito ang bote nung saktong tumama ito kay Caltrious.

"May past ba kayo ni Grace?"

Ininom nito ang alak hanggang sa akin na ito tumama.

"Do you still love me?"

"No."

Kabanata 27

Kabanata 27

_Yakap_

"Bitawan mo nga ako!" Tinabig ko ang kamay na umaalalay sa akin kaya natumba
ako. Napangiti ako nang maramdaman ko na lumulutang ako, kinukuha na yata ako
ni Lord.
Sana all. Napatawa ako sa aking iniisip ng tumama ang likod ko sa malambot na
bagay.

Matapos naming maglaro kanina ay nag inuman na din kami. 11 P.M na kami
nakauwi habang sila ay nag sama sama na. Kami lang ni Caltrious ang humiwalay.
Hindi nga yata nila alam na mag kasama kami.

Napatitig ako sa muka ni Caltrious na nakatingin lang sa akin. Huminga ako ng


malalim bago pumikit. Lasing ka lang, Grace.

"Isa kang gago." Sambit ko kahit naka pikit ako.

"I know."

"Talaga!' Nag mulat ako at umupo. "Gago."

"Stop saying gago."

"Gago." Ulit ko.

"You won't like it when I'm mad.

"Gago."

"Stop."

"Gago."

"Enough."

"Gagooooo!" Hinampas ko siya ng unan pero seryoso din ito.

"Get ready tomorrow."

Kinabukasan pag ka gising ko ay nahulog ako sa kama ng makita ko ang muka ni


Caltrious na sobrang lapit.

"Aray.." daing ko bago napahawak sa aking ulo. Ang sakit din ng ulo ko!

"Ilan nahuli mong palaka?" Inirapan ko lang si Caltrious na nagpipigil ng


tawa.

Pumunta ako sa cr at lahat yata ng dugo ko ay napunta sa ulo ko.

"CALTRIOUS!!!"

Naka crossed arms akong nakaharap kay Caltrious na pagulong gulong sa kama.
Kumuha ako ng balabal at ipinulupot iyon sa aking leeg. Gagong Agoncillo,
nilgyan ako ng chikinini!

"I told you not to swim and yesterday night, you called me gago."

"So what?!"

"Draizen kiss you on your shoulder."

"Ano bang pakialam mo?" Namromroblema talaga ako dahil hindi ko namamalayan na
napapak na pala ako kagabi ni Caltrious. Bakit ba ako nagpakalasing?!
"I do care. It's mine."

"Walang sa iyo, Caltrious." Mariin kong sabi. Kahit kailan talaga ay hindi
mawawala sa kaniya ang kakapalang ng pag mumuka. Nung umulan siguro noon ay
naglalangoy pa siya.

"You're mine. I know you still--"

"Love you?" Natawa ako bago umiling. "Dream on."

"Okay, aasa ako."

"Tss, wala kang kwenta kausap." Tumalikod ako sa kaniya.

"Anong gagawin mo kapag nakita nila yan?" Tukoy nito sa leeg ko.

"Kinagat ng lamok." Kahit hindi ko alam na maniniwala sila doon, hays.


Nakakainis naman, bakit ba nilagyan ako ng hickey ng kupal na'to?!

"Tell them that I did that."

Napaharap ako sa kaniya at hindi makapaniwalang nakatingin sa lalaki na naka


dekwatro habang ang dalawang kamay ay nakatukod sa kama na may nanunuyong
tingin. "Ano ako tanga?"

"Stupidly inlove with me Grace? The answer is yes."

"Kapal!"

Padabog akong lumabas. Naka shirt at short lang ako ngayon dahil kay
Caltrious. Umirap ako nung makita ko si Irish na nag lalangoy. Sana all. Tawa
ng tawa si Leira at Chelsea nung maka upo ako doon.

Si Zen? Hindi ko alam kung nasaan.

"Anong nangyari sa leeg mo?" Tanong ni Leira.

"Nakagat."

"Oh my god!" Napatakip sa bibig si Chelsea.

"Mali ka ng iniisip." Agad kong sinabi, alam ko na sasabihin niya na si


Caltrious ang--

"Ano pa ba ang iba kong iisipin? Hick--" tinakpan ko ang bibig niya habang si
Leira ay hinila ang balabal sa leeg ko.

"Napapak si Grace!" Tumili si Leira kaya hinablot ko yung balabal at muling


iniikot iyon sa aking leeg.

"Kaya pala." Tumango tango si Chelsea.

Napasapo na lamang ako sa aking noo nung marinig ko ang boses ni Zen.

"Grace, mag usap tayo!"

Nag pa alam ako sa kanilang dalawa. Pumunta ako kay Zen na nakapamulsa lamang.
"Sino ba si Caltrious?" Agad na tanong nito.

"Kaibigan nga."

"Kaibigan na mag kasama sa iisang kwarto?" Bahagya akong nagulat, damn.


Posible nga talagang malaman niya na magkasama kami ni Caltrious. Humugot ako
ng malim na hininga bago ko sagutin ang tanong niya.

"Oo."

"Hindi ko alam na ganyan--"

"Tigilan mo ako, Zen."

"Tss."

Hindi ko na siya pinansin dahil lumayo na ako. Bumalik ako sa kwarto kung saan
naabutan ko si Irish at Caltrious na mag yakap. Parang may tumusok na karayom
sa aking dibdib sa naabutan ko.

Agad kong isinarado ang pintuan. Tinawag na din kami para kumain, katabi ko si
Zen ngunit parang hangin lang ito. Lahat sila nagsasalita pero pinaglalaruan
ko lamang ang pagkaing nakalagay sa aking plato.

Hindi ko pa nababawasan ang aking pagkain. Malalalim ang aking hininga.

"Grace?"

"Grace!"

"Anak ng teteng!" Nabitawan ko ang kutsara sa sobrang gulat ko. Hindi ko


napansin na tinatawag pala nila ako.

"Tapos na kami kumain, ikaw wala ka pang kinakain." Sabi ni Chelsea.

"Wala akong gana." Tumayo na ako.

Kabanata 28

Kabanata 28

_Never been yours_

Nakahiga lang ako sa kama. I know I'm being rude to them. Ano ba ang magagawa
ko kung sa wala nga akong gana? Inalis ko ang balabal sa leeg saka itinaas ang
kumot hanggang sa leeg.

Nakapikit lang ako nang may maramdaman akong palad sa aking leeg.

"Wala ka namang sakit.."

Bumigat ang kama sa kabila ko. Magpupumiglas sana ako nung yumakap ito sa akin
nang naalala ko na natutulog pala ako. Ramdam ko ang hininga nito hanggang sa
narinig ko ang boses niya.
"I'm sorry.."

"For not coming back.."

Iniangat nito ang aking ulo at isinandal iyon sa balikat niya. Naka-unan ang
aking ulo.

"Forgive me.."

"For not explaining to you.."

Hapon na nang magising ako. Agad na akong bumangon at tinignan ang aking leeg,
medyo nawala na ito. Sandali akong napatingin sa noo ko, lumapat ang labi niya
dito bago ako maka tulog.

Hindi ko siya maintindihan. Wala akong pakialam kung bakit siya umalis at
kahit mag explain pa siya. Past is past.

"Kumain ka na, Grace."

"Okay."

Napatigil ako sa pagkain dahil kanina pa siya nakatangin sa akin.

"Hindi mo ba ako papakainin?" Ibinaba ko ang kubyertos.

"Pinapakain, hindi ba obvious?"

"Gago."

Matapos kong kumain ay hindi ko na muli siyang kinausap. Kasalanan ng lalaki


na 'to kung bakit hindi ako nakapag swimming ngayon!

"Bakit ang sama ng tingin mo?"

"Pakialam mo ba?' I arched a brow.

"Sungit."

"Wala kang pakialam."

"Boyfriend mo ba talaga si Zen?"

"Girlfriend mo ba talaga si Irish?"

Hindi niya sinagot ang tanong ko kaya hindi ko din sinagot ang tanong niya.
Lumabas na ako kung saan naabutan ko si Zen sa labas ng kwarto namin ni
Caltrious.

"We really need to talk. In private."

Sumunod ako sa kaniya dahil ito ang gusto niya. Andito kami sa labas ng
hotel, nakaupo sa bench habang ako ay naka dekwatro. Pinagmamasdan ang dagat.

"Sino ang may gawa niyan?" Nagulat ako ng paglandasin nito ang daliri niya sa
may bandang leeg ko. Agad akong napa atras dahil pero tumalim ang tingin nito.
"Si Caltrious ba?"
"Mali ka ng--"

"Kung sila ay maloloko mo, hindi ako." Umiling iling ito bago tumawa sa akin.

"Zen, kagat--"

"Ng ano? Ng hayop?"

"Zen-"

"Don't make me stupid, Grace.."

"Hindi ko ginusto na gawin kang tanga, Zen. I'm sorry.."

"I'm sorry.. hindi dapat kita ginaganito.." niyakap ako nito na agad kong
ginantihan. "I promised.."

"Yes.."

This is the best way to make him feel better. Alam ko may pinagdadaanan siya
at dumadagdag pa ako sa mga isipan niya. Kumalas ito sa yakap nago ako halikan
sa aking noo.

"I'm sorry.."

"It's okay.."

Nagpaalam din siya na may pupuntahan lamang siya. Bumalik ako sa kwarto para
sana mag impake na dahil maaga kaming aalis bukas. Naabutan ko si Caltrious na
matalim ang tingin sa akin.

"Where have you been?"

"Nag usap kami ni Zen."

Nagulat ako ng haplusin nito ang aking noo. "He kissed you here. Damn it!"

"So what?" Tinabig ko ang kaniyang kamay. Papasok na sana ako ng magsalita
ito.

"You're mine, Grace!"

"I was never been yours, Caltrious."

Kabanata 29

Kabanata 29

_Iniwan tayo_

Agad kong isinarado ang pinto bago ako sumandal sa pintuan. Mabilis ang tibok
ng aking puso kaya humawak ako doon. Napailing na lang ako saka umayos ng
tayo. Kinuha ko ang maleta sa ilalim ng kama bago ako magsimulang mag tupi ng
damit.

Kumukuha pa ako ng damit sa drawer nang pumasok doon si Caltrious na tahimik.


Natapos ko na lahat ayusin ang mga gamit ko ay wala pa din itong imik.

"Hangin?" Sambit ko habang nakatingin sa kaniya pero nananatili pa din itong


tahimik.

"Caltrious?' Tawag pansin ko dito binuksan lamang nito ang T.V at nilakasan
ang volume.

"Hoy!" Binato ko siya ng unan. Tinignan ako nito.

"Grace naman! Tumatahimik na nga ako, eh."

"Hindi bagay sayo!" Inirapan ko siya bago ako umupo sa tabi niya.

"Bagay tayo."

"Ew."

Tumagal kami sa pwesto na yun hanggang sa unti unti nang bumigat ang talukap
ng aking mga mata.

"Kakain na.." agad kong iminulat ang mata ko at agad akong napabangon. Anong
ginagawa ko sa kama?

"Naka tulog ba ako?"

"Oo. Kaya tara na."

"Ayoko." Nag talukbong ako, inaantok pa ako, eh!

"Isa."

"Nyenyenye."

"Pag ako naka tatlo, lulutang ka Grace."

"Edi wow."

"Dalawa."

"Tatlo-- Caltrious!" Todo ako sa pagpupumiglas pero tawa lang ito ng tawa sa
akin. "Ibaba mo nga ako!" Nagawa nitong buksan ang pintuan habang buhat buhat
ako.

"You made me do this."

"What are you doing?" Narinig ko ang boses ni Irish.

"Carrying her."

"But why?!"

"Because I need to."

Bumaba na din ako nung makalampas kami kay Irish. Agad akong humarap sa
kaniya.
"Hindi mo na sana 'yon ginawa." Panimula ako.

"At bakit?"

"Dahil girlfriend mo siya."

"Grace--"

"Hindi 'to tama, Caltrious."

"Kung kailan totoo na, saka pa hindi naging tama sayo." Napatulala na lamang
ako ng iwan niya ako doon. Then I saw Irish, smiling.

"You can't have him, Grace. He's mine."

"Don't talk to me." Itinaas ko ang aking kaliwang kamay. Ayaw ko ng away.

"Why? Because you can't have--"

"Kayang kaya ko siyang agawin sayo, Irish." Tinalikuran ko na siya. Gabi na


pala, sinabi ko lang 'yon para tumigil na siya.

Pagkadating ko doon ay tumabi agad ako kay Zen. Hindi na din naman ako
mahihirapan dahil uuwi na naman kami bukas. Hindi ko na ulit siya makakasama
at mas lalong hindi na niya ako magugulo.

Babaik ulit lahat sa dati kung kailan wala siya. Wala ang isang Caltrious
Gavin Agoncillo sa aking buhay at paligid.

"Kain na!" Anyaya ng mga ito nung dumating na din si Irish. Masama ang tingin
nito sa akin pero ipinag sa walang bahala ko na lamang ang mga iyon. Kahit
naman magalit siya sa akin ay wala naman akong pakialam.

"Maaga tayo bukas!" Pahabol ni Grace bago ako pumasok sa kwarto namin ni
Caltrious. Nag timpla ako ng gatas sa kusina habang si Caltrious ay nakasandal
lamang doon sa gilid.

"Inaccept mo pala friend request ko." Panimula nito, ibig sabihin ngayon lang
din niya 'yon nabuksan.

"Oo."

"Akala ko ba ayaw mo akong maging kaibigan?"

"Oh, edi sige. I-unfriend na lang kita--"

"Joke lang!"

"Aarte ka pa."

"Hindi ako maarte." Sinimangutan lamang ako nito.

"Wag mo nga akong kausapin."

"Kinakausap mo ako, eh!"

"Aba--"
"Tumigil ka nga."

Binato ko ito ng unan, mang gagaya siya ng line! Hindi ko na lamang siya at
humiga na ako sa kama. Wala pang limang minuto nang maramdaman ko na bumigat
ang kaliwang bahagi ng kama na ang ibig sabihin ay humiga na din siya.

"Goodnight, Caltrious."

"Goodnight, Grace."

Kinabukasan ay alas singko pa lamang ay gising na ako. Agad na akong naligo at


nagbihis. Pumunta ako sa salamin saka nag suklay nang makita ko sa likod si
Caltrious na kagigising lamang. 5:30 A.M na ang oras ngayon.

"Ang aga mo." Bumangon na ito sa kama at dumiretso sa banyo.

Walang imik na kinuha ko ang maleta ko. "Sumunod ka na lang!' Sigaw ko bago
ako lumabas ng pinto. Kumatok ako doon sa kwarto dahil hinihintay ko na buksan
ito hanggang sa may dumating na staff.

"Wala na pong tao dyan, maam. Kaaalis lang po nila kaning five."

Napatulala ako ng iwan ako nito. Umalis?! Agad kong ni-dial ang number ni
leira. Hindi pa nakakatatlong ring ng sumagot na ito. Nakasimangot ako na
hinintay na mag salita ito.

[Graceee!]

"Anong iniwan niyo kami dito?! Naka ayos na kami."

[E-eh kasi a-ano.. nauna na kami]

"Ano?!"

Napatingin ako kay Caltrious na kalalabas pa lang sa pinto. Naka polo shirt
ito at faded pants.

[Nauna na si Zen. Sinabi ko na tulog pa kayo.]

"Kagigising ko lang--"

[Take your time! Mag commute kayo ha? We love you!]

"Leira--'

[Hoy Grace, take condoms okay?]

"Chelsea!" Sigaw ko pero pinatayan na ako ng tawag nito. Naka simangot akong
pinuntahan ni Caltrious.

"Asan sila?"

"Iniwan tayo." Padabog akong lumayo sa kaniya.

Damn, sabi ko after this day wala na si Caltrious sa paningin at paligid ko.
Mukang matatagalan pa nga naman ang sasabihin namin dahil wala kaming
sasakyan. At kailangan pa naming mag commute.
Kabanata 30

Kabanata 30

_We're getting_ _married_

"Buti naman." Sambit ni Caltrious kaya agad ko siyang sinamaan ng tingin.

"Anong mabuti na iniwan tayo?!"

"Makakasama mo ako ng matagal-- aray!"

"Ikaw.. ayaw nga kitang kasama!"

"Sinasaktan mo na naman ako? Girlfriend ba kita--"

"Asa ka!"

"Okay boss. Aasa ako."

Hindi ko na siya pinansin hanggang sa may dumaan na bus. Oo, mag c-commute
kami katulad nga ng gusto ni Leira. Siksikan kami nung makasakay kami sa bus.

"Ano ba yan?! Ang sikip sikip na nga nakidagdag pa!"

"Aray!"

"My shoesss!"

Napairap na lang ako ng hawakan ako ni Caltrious sa braso upang hindi matumba.
"Wag kang malikot."

Pati pag abot ng bayad ay si Caltrious na lamang ang nagbayad. Pawisan ako sa
sobrang init ng punasan ni Caltrious ang aking noo. Napa tanga akong
nakatingin sa kaniya pero parang wala lamang sa kaniya iyon.

Humugot ako ng malalim na hininga hanggang sa hindi na kami siksikan sa bus.


Isang oras na kaming nakatayo nung makaupo na kami sa gilid. Doon ako sa
malapit sa bintana.

"Ayos ka lang ba?" Tanong nito.

"Oo naman."

Tinignan ko ang cellphone ko nung makita ko na may message si Zen sa akin.

From: Zen

Where are you?

; otw.

"Nandyan pa ba ang number ko sayo?" Tanong ni Caltrious sa akin.

"Wala na." Labas sa ilong na sabi ko. Bakit ko aalisin ang number niya sa
cellphone ko? Ano ako, hilo?
"Sigurado ka?"

"Oo nga sabi."

Biglang nag beep ang cellphone ko, agad ko itong binuksan nang hablutin ni
Caltrious ang aking cellphone.

"Akala ko ba inalis mo? Assuming pa din pala ako sayo." Umiling iling ito.
Everything seems so mature now.

"Sinabi ko ba yun?"

"Oo."

Inagaw ko na ang cellphone ko sa kaniya at tinignan ang text niya.

From: Assuming

Baby?

Agad ko iyong itinago dahil pakiramdam ko ay nag init ang aking pisngi.
Kumakabog ang aking dibdib sa hindi ko malamang dahilan. I hope it's normal.

Nung makarating kami sa terminal ay mabilis lamang ang byahe. Sabat na din
kaming kumain. Naghiwalay na din kami ng landas dahil dumiretso na ako sa
condo. Pagkabukas ko ng pinto ay naabutan ko na nakaupo si Zen sa salas.

"Anong oras na?" Tanong nito. Agad kong sinipat ang pambisig relo ko bago ko
siya sinagot.

"10:11 A.M."

"Tss. Kumain ka na ba?"

"Oo."

Lumipas na ang tatlong araw ay guminhawa na aking buhay dahil hindi ko na


nakikita si Caltrious.

"Hahaha, ew!" Sabi ni Chelsea sa kabila ng video chat namin. Kanina lang namin
naisipan na mag usap usap makalipas ng tatlong araw.

"Iniwan na ako ng asawa ko." Pahid pahid ang luha ni Leira ay hindi ko na
pinansin.

"Iniwan niyo talaga ako." Panimula ko bago sumandal sa sofa.

"Hindi naman!" Sabi agad ni Chelsea.

"Tulog ka kasi hehe." Sabi ni Leira na tumigil na sa pag iyak.

"Hirap mag commute." Umirap ako.

"Edi naranasan mo din!" Sambit ni Leira saka pumitik.

"Bye na, punta muna ako sa mall." Umalis na ako sa video chat nila saka ako
nag gayak.
Isang off shoulder at high waist pants lang ang suot ko na may kasama na sling
bag. Doon nakalagay ang wallet at cellphone ko. Kumatok ako sa pintuan ni Zen
pero hindi naman ito nagbubukas.

"Zen?" Naka ilang katok pa ako kaya binuksan ko na ito.

"Holy shit." Napatakip ako sa aking mata. Naka towel lang siya!

"Tss. Tagal mo na namang nakikita 'to-"

"Pero hindi yung bukol! Letse, aalis na ako!" Tumalikod na ako sa kaniya.

"Ingat!" Padabog kong sinara ang pintuan niya. Oh my virgin eyes!

Agad ko nang pinaandar ang makina na ang aking sasakyan hanggang sa


makarating na ako sa mall. Ini-park ko ito at saktong pagbaba ko ay nakita ko
ang kalalabas pa lamang na si Irish.

Hindi ko lamang siya pinansin at nilampasan. Dumiretso ako sa fast food chain
para sana kumain ng tahimik ng makita ko din si Irish. Sinusundan ba ako nito?

One fact about Irish Gillian Quenca is she hates fast food chain.

"Hi." Bati nito. I knew it. Ibinaba ako ang kubyertos na hawak ko.

"Maupo ka."

"I know what to do." Inirapan ako nito.

"So?"

"I just want us to talk."

"Para saan?"

"About Caltrious."

"I don't wanna--"

"You need to know this. Para hindi ka na umasa."

Agad akong napatingin sa aking pagkain. Ako umaasa? Haha? Para saan? Hindi ako
umaasa na babalik siya.

"Anong aasa?"

"Grace--"

Nagulat ako ng biglang may umupo sa tabi ni Irish. It's Caltrious.

"We need to talk, Grace." Panimula nito.

Naguguluhang tumingin ako sa dalawa. Ano ba ang sasabihin ng dalawang ito?

"Ano ba?" Tanong ko.

"Don't listen to Irish, Grace--"


"She needs to know the truth, Gavin!"

"I love you Grace--"

"We're getting married."

Napatulala ako sa sinabi ni Irish. Tila nawalan ako ng lakas sa aking narinig.
Agad akong napatungo at mas lalong hindi ko naintindihan ang sarili ko ng may
pumatak na luha dito na naging sunod sunod pa.

Kabanata 31

Kabanata 31

_You're_ _invited_

Tahimik lang ako na nakaupo sa kama. Tulala at hindi pa kumakain.

'We're getting married.'

'We're getting married.'

'We're getting married.'

May biglang tumulong luha sa aking mata ng marinig ko na naman paulit ulit ang
sinasabi ni Irish na nagpapagising sa akin pero nananatili akong tulog at ayaw
buksan ang aking mga mata.

Galit ako sa sarili ko.

Humiga ako sa kama bago ko niyakap ang unan ko at doon nilabas lahat ng
hinanakit ko. Katok ng katok si Zen sa pintuan ko pero ni-lock ko iyon. Hindi
ako nagbibigay ng susi sa kaniya dahil hindi naman ako nag la-lock ng pintuan.
Ngayon lang.

Hinawakan ko ang ulo ko ng biglang kumirot iyon. Humalakhak na lamang ako saka
binuksan ang cellphone ko.

From: Caltrious.

Let's talk and I'll explain everything.

From: Leira

Graceeeee! You should eat.

From: Chelsea

Damn it, Grace. Dalawang araw ka ng hindi kumakain!

From: Zen

Open the door or else I'll break it.

From: Damon
Kumain ka na.

From: Lance

Nag aalala na kami sayo.

From: Cedrick

Hoy babae. Lumabas ka na dyan!

Umiling lamang ako kahit hindi nila ako nakikita. Tinabi ako ang cellphone ko
ng biglang bumukas ang pinto. Agad akong tumayo ng makita ko si Zen na galit
na galit.

"Fuck it, Grace--"

Bigla na lamang nag dilim ang paningin ko.

"Ayos na ba siya?" Rinig ko ang boses ni Zen.

"Chels!" Leira.

"Ano ba?!" Chelsea.

"Sasakalin ko na si Grace kapag hindi siya gumising!" Leira.

"Leira, enough!" Lance.

"Ang ingay niyo, baka magising pa yan." Damon.

"Yang babae na yan.." Cedrick.

"This is all my fault." Caltrious.

Agad kong iminulat ang aking mga mata ng biglang may sumugod ng yakap sa akin.
Hanggang sa biglang bumigat ay hindi na ako nakahinga.

"T-tangina.. u-umalis kayo!" Nahihirapang sabi ko nang bigla silang umalis.

"Si Leira kasi!" Turo nila kay Leira maliban kay Zen at Caltrious na naka
pamulsa lang.

"Uuwi na ako." Sambit ko nung tumingin sa akin si Caltrious. Ano pa ang


ginagawa niya dito? Ah, we need to talk daw pala.

"Maiwan muna namin kayo." Pipigilan ko pa lang sana sila nang magsarado na ang
pintuan ay lumapit na sa akin si Caltrious.

"I'm sorry.." panimula nito. Nakatingin lang ako sa kamay niya na naka hawak
sa aking kamay. "Dapat sinabi ko na agad sa'yo to.."

"Ano ba?" Kinakabahang tanong ko.

"Umalis ako dahil ayaw ni Dad sa'yo. At ngayong bumalik ako ay kaya na kitang
ipaglaban. I'm weak and useless.." yumuko ito. Hinigpitan ko lamang ang hawak
niya sa kamay ko.

"Hindi yan totoo.."


"It's true. Dad wants to marry me Irish Gillian Quenca. Yung kapatid niya ay
may boyfriend na.."

My eyes widen. "May kapatid siya?"

"Yes. Iris Gillian Quenca."

Napatanga na lamang ako. His daddy hates me while his daddy picks Irish. Ano
ang laban ko dun?

"G-grace.." hindi ko namalayan na may pumatak na palang luha sa aking mata.


Agad kong pinahid iyon at ngumiti. Akala ko ba wala akong pakialam sa kaniya.

"Ayos lang."

"I love you, Grace.."

"Enough." Pagpapatigil ko sa kaniya. Gusto niya lang akong saktan. Bakit


bumalik pa siya dito? Haha.

"Grace, I want to marry you--"

"Irish is there." Pagod na ang mga mata kong tumingin sa kaniya.

"Grace--"

"I'm tired." Inalis ko ang kamay sa hawak niya pero hinuli niya ulit ito at
inilagay sa pisngi niya.

"Are you tired being adult?"

"Yes."

"Be my baby again then." Hindi ko magawang matawa sa kaniya pero ngumiti ako.

'You can't have him, Grace. He's mine.'

Napangiti ako ng mapait. I can't have Caltrious. Tama si Irish.

"Say you love me..please.."

"Hindi kita mahal." Labas sa ilong ang mga sinasabi ko. I can't take it
anymore. Masyado nang masakit..

"I know you're just lying.."

"Hindi nga kita mahal, hindi mo ba naiintindihan?!" Sumigaw na ako.

Pagod na pagod na ako. Ayaw ko siyang makita. Bumalik ba talaga siya dito para
ipaglaban ako o saktan lang ako? Talagang ipinapamuka niya pa sa akin na mahal
niya ako kahit ikakasal siya iba.

Ano kami? Ako yung pinangakuan pero sa iba niya tinupad?

"I love you.."

"Don't." Pigil ko sa kaniya.


"Okay then. You're invited." Binitawan niya ang kamay ko pero nakita ko na
ngumisi pa ito sa akin.

Nung makalabas siya ay isa isang nagpatakan ang luha ko sa mga mata.

Sorry..

Kung sana hindi ako din mahina.. tinignan ko ang card na binibigay sa akin ni
Caltrious. Siguro, hanggang dito na lang Caltrious..

Kabanata 32

Kabanata 32

_Wedding gown_

"Hindi ka pa ba kumakain?" Tanong ni Leira sa akin pero hindi ako umimik. Sa


isang araw na daw ang kasal. Sobrang bilis, excited siguro sila sa honeymoon.
Sana all.

"Wala akong gana."

"Chelsea, oh!"

Narito ako sa condo. Kanina ko pa pinapaalis si Leira dahil nga sa buntis ito.
Si Chelsea naman ay nanonood ng netflix. Isang linggo na ang lumipas. Hindi
siya nagpakita habang si Zen naman ay pawala wala at ngayon inaasikaso pa ako
ni Chelsea at Leira.

Si Leira dapat ang inaasikaso namin, eh.

"Hoy, mag susukat pa tayo aba." Paalala ni Chelsea.

Tumango lamang ako. Tama, hindi ko alam kung bakit para yatang masyadong late
ang pagsusukat namin. Oo, tanggap ko na.

Tanggap ko na.

Kahit labas sa ilong, haha.

"Grace!"

"Anak ng teteng! Bakit ba Leira?!"

"H-ha? W-wala ah!" Nag tago siya sa likod ni Chelsea. Parang tanga, mag kaka
anak na't lahat ay isip bata pa din siya. Hindi ko na binasa ang invitation
card dahil ayaw ko na umiyak.

Sapat na ang 'You're invited.' Para malaman ko na kay Irish siya ikakasal.

"Kapatid pala ni Iris yun!" Pumitik pa si Leira sa aking harapan.

"Kilala mo?" Tanong ko.

"Oo. Sarap niya dating tirisin!" Halata ang inis sa muka nito pero bigla
siyang tumawa. "Tapos joki joki lang pala!"

Pareho kaming napailing. Kumain na din ako ng kaya ko at nagbihis. High waist
pants at white shirt lang ang isinuot ko. Magpapasukat kami ngayon. Iniwan ko
na ang aking sasakyan sa parking lot at kay Chelsea na sasakyan na kami
sumakay.

Dahil nga sa buntis si Leira ay tinatamad din naman ako mag solo. Kakasukat
lang daw ng mga lalaki kanina. Hindi ko pa din nakikita si Zen.

"Nag sukat ba si Zen kanina?" Tanong ko.

"A-ano.. o-oo!" Sagot ni Leira sa tabi ko.

"Sigurado kayo?"

"Yup." Si Chelsea na ang sumagot.

Napanatag na ang aking loob. Gusto ko siyang makita sa araw ng kasal nila
Caltrious. I'm happy for Irish.

"Gaga, umiiyak ka na naman!" Nagulat ako ng punasan ni Leira ang aking mata.

"Ako umiiyak?"

"Oo!" Sigaw ni Leira sa akin.

"Hindi naman, eh."

"Liar." Nag crossed arms sa harapan ko si Leira. Lumaki ang butas ng aking
ilong at hindi na siya pinansin. Hanggang sa makarating kami ay ganoon pa din
ang ayos namin ni Leira.

Hila hila kaming dalawa ni Chelsea.

Biglang ngumiti si Irish nang makita niya kami.

"Buti at pumunta ka." Sambit nito kaya ngumiti na lang ako.

Sana all ikakasal, lols.

"Oh, mauuna na ako." Pumasok na si Chelsea doon sa isang room.

"Ako din!" Pumasok din si Leira sa pinasukan ni Chelsea.

Awkward.

Yan ang meron ngayon dito habang mag kasama kami ni Irish. Maya maya lamang ay
lumabas na ang dalawa na nakangisi. Inaalalayan ni Chelsea si Leira bago umupo
sa aking tabi.

"Anong kulay?"

"White."

"Halika, sasamahan kita." Hinila ako ni Irish. Feeling close, ay? Joke.

"Okay, ito!"
"H-hindi po ako ang bride." Agad akong lumayo doon dahil nakita ko ang
napakagandang wedding gown. Mahaba ito at kumikinang. Tawa ng tawa si Irish na
nakapag patigil sa akin sa pag layo.

"Tulad tulad tayo." Panimula nito.

"Weh?" Hindi naniniwalang sambit ko.

"Oo nga."

Matapos akong sukatan ay lumabas na din ako dala dala ang kahon. Nandun din
ang dalawa na mukang nanghihintay habang nakasunod naman sa akin si Irish.

"Ano, okay na ba?" Tanong ni Chelsea bago tumayo at lumapit sa akin.

"Oo."

"Oh, solo solo ha!"

"Ano?!" Sigaw ko.

"Oo nga, mag pahuli ka na lang." Sambit ni leira. Hindi na ako magsasalita
dahil alam ko na kapag tumutol ako ay iiyak pa ito dito. Nakakahiya.

Napasapo na lamang ako sa aking noo.

"Ahm.. pwedeng maiwan ka muna dito?" Sambit ni Irish ng lalabas na ako sa


pintuan. Tumingin muna ako kina Chelsea na nag thumbs up lang habang si Leira
naman ay kumaway lang.

Bagsak ang balikat ko na humarap kay Irish. Umupo kami sa sofa. Magkatabi pa
lang kami pero ramdam ko na agad ang tensyon sa gitna namin.

"Sorry sa nasabi ko.."

"Okay lang." I smiled.

"Masyado siguro kitang binigla.."

"Slight lang." Tumawa ako para mabawasan ang tensyon. "Tanggap ko na."

"Did you read the invitation?" I heard her gasped. "Oh my god.."

"Hindi ko binasa. Alam ko naman na pangalan mo yun."

"Oh.. good to know that." Tumango tango pa ito.

"Okay?"

"Irish!" Biglang may pumasok-- si Caltrious.

Agad na akong tumayo. "Mauuna na ako. Take your time--"

"Let's talk, Grace."

Kabanata 33
Kabanata 33

_Let's get married._

"So.. mauuna na ako!" Agad na umalis si Irish pero nakatayo pa din ako.
Nakatitig lang kay Caltrious na seryosong nakatingin sa akin.

Napatingin ako sa papalayong si Irish. Bakit nagbago yata ang ihip ng hangin
dito. Napakurap kurap ako ng magsalita si Caltrious na nasa harapan ko na
pala.

"Ako ang nandito, pero iba ang iniisip mo." Umiling iling ito bago ako hinila
papalabas. Wow?

"Sino ba ang iniisip ko?" Bumitaw ako sa hawak niya at nag crossed arms. Bakit
naman ako papasok sa sasakyan niya, duh.

"Sino pa ba ang ibang iisipin mo? Edi si Kobe."

Si Draizen, teka nga. Nagseselos ba siya?

"Nagseselos ka ba?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Anong nagseselos?! Kahit puntahan mo pa siya!" Ramdam ko ang inis sa boses


nito kaya pinigilan ko ang tawa ko. Lobo na ang aking pisngi bago bumuga ng
hangin.

"Okay, bye pupunta na ako--"

"Stay here." Tumawa ako ng malakas nung makita ko na namumula na ang tenga
nito kaya pinisil ko ang ilong niya bago pumasok sa sasakyan niya.

Sinong may sabi na hindi ako papasok dito? Edi ako.

"Tss." Sambit nito.

"Para kang si Lance."

"Eh, tunay naman--"

"Pwede ba na ako muna? Kahit ngayon araw lang."

"Okay, ang drama mo."

Noong una ay hindi ko alam kung saan kami pupunta pero nung makababa kami ay
natagpuan ko ang aking sarili sa Mall. Date ba 'to? Sana all.

Nung hawakan nito ang aking kamay ay agad ko iyong binawi. Ikakasal na siya sa
isang araw. Ano na lang ang sasabihin ng mga tao kapag nakita nila na ang
isang taong ikakasal na ay may kasama pang ibang babae.

"Don't mind them." Kinuha muli nito ang aking kamay. And this time, hindi ko
na iyon nabawi sa sobrang higpit ng hawak niya sa akin. Yung tipong.. parang
ayaw niyang pakawalan.

"Caltrious naman.."
He took a deep breath. "Trust me." Ngumiti ito sa akin.

Nag gala kami, kumain at kung ano ano ang binili namin hanggang sa mag sawa
kami.

"Bye." Kumaway ako sa kaniya, dito na ako nagpahatid sa condo. Alam ko bukas
ay magiging busy na siya kaya pinayagan ko na siya kanina.

"I love you." Pahabol nito na hindi ko na masyadong inintindi. Ano pa ang
silbi noon kung alam ko na hindi na siya mapapa sa akin?

Pag kapasok ko ng condo ay agad akong umupo sa sofa ng mahagilap ko ang


invitation card na ibinigay sa akin ni Caltrious.

'Did you read the invitation?'

Agad akong tumayo at nung lapitan ko iyon agad kong kinuha iyon. Bubuksan ko
pa pang sana ito ng may kumatok sa pintuan.

And the answer is no.

"Zen.." agad ko siyang niyakap.

"Mag usap muna tayo."

"Okay."

Pag ka upo namin ay biglang sumeryoso ang kaniyang muka.

"Aalis na ako pag ka tapos ng kasal ni Caltrious."

My eyes widen. "W-what..?"

"Gweys, babalik ako." Agad akong napasimangot sa paraan na naman ng pag tawag
niya sa akin. Minsan nakakainis talaga!

"Saan ka naman pupunta?" Nagtataka kong tanong. Alam ko na siya yung tipo ng
tao na hindi palaging umaalis. Depende na lang kung stalker siya sa isang tao.

"Sa malayo."

"Iiwan mo na din ako?" Ginulo nito ang aking buhok. Agad ko iyong tinabig bago
umiwas ng tingin.

"Gweys, don't make this hard for me. Babalik naman ako.." maiiyak na sana ako
nung agad ko iyong napigilan dahil sa Gweys na iyan.

"Nag sukat ka ba kanina?" Pag iiba ko sa usapan.

"Oo naman." Tumango ito sa akin.

"Mabuti naman." Niyakap ko siya ng mahigpit na agad din niyang ginantihan.

Napatingin ako sa orasan. "Tara luto." Inaya ko siya sa kusina habang siya ay
nag gigisa, ako naman ay nag gagayat ng mga gulay.

Matapos naming mag luto ay sabay kaming kumain. Nanood din kami ng netflix
hanggang sa mag pa alam na din siya.
"Puntahan mo na lang ako kapag may kailangan ka." Tumango ako sa kaniya bago
isinarado ang pinto. Muli kong sinilayan ang invitation card bago pumasok sa
kwarto.

Nung binuksan ko ang messenger ko ay nag vi-video chat sina Leira kaya agad
akong nakisali.

"Naks! Musta usap niyo?" Bungad ni Chelsea sa akin.

"Oo ngaa! Mag kwento ka naman." Ngumuso sa akin si Leira kaya napilitan akong
sabihin sa kanila iyon.

"Kyahhhhh!" Agad tumili si Leira at agad napangiwim ayan, isip bata kasi.

"Umamin nga kayo, may tinatago ba kayo?" Iritang tanong ko.

"Edi hindi kami aamin?" Balik na tanong sa akin ni Chelsea.

Napasapo na lamang ako sa aking noo dahil ang gulo talaga nila kausap.

"Tinignan mo na ba invitation card mo?"

Umiling lamang ako. Dapat nga titignan ko na iyon kaso dumating nga si Zen
kaya nakalimutan ko na tignan iyon.

"Kailangan ko pa ba tignan?"

"Kahit hindi na."

Agad ko nang pinatay ang call para hindi na sumali sa tawag nila ng mag
vibrate ang aking cellphone.

From: Assuming

Baby.

:Ew!

From: Assuming

Let's

:ha?

From: Assuming

Get

:hatdog.

From: Assuming

Married.

Agad kong nabitawan ang cellphone ko sa huling replt niya. _Nababaliw ba


siya?!_ Agad ko nang ini-off iyon bago nag handang matulog. Ihahanda ko na ang
aking sarili sa araw ng kasal ni Caltrious.
Kabanata 34

Kabanata 34

_His pov._

"Dad. Babalik ako ng pilipinas, I'm with Leina." Kanina pa ako nagpipigil na
hindi tumakas kay papa dahil ayaw akong paalisin nito.

"Date Irish Gillian Quenca then."

"No."

Umalis agad ako doon. Doon kami makikituloy kina Leina. Dumiretso ako sa
national book store ng tinatamad ako mag basa sa cellphone. May nakita ako
doon na isang babae na sa tingin ko ay may hinahanap.

Nung makita ko ang hinahanap ko ay agad ko iyong dinampot. Pag ka talikod ko


ay napatigil ako nung may bumato ng libro sa akin.

"Hoy" sambit nito.

Humarap ako. "Are you done eye-raping me, miss?" Tanong ko. She's beautiful
yet masungit.

"Excuse me?"

Bigla akong umusod, "Dadaan ka?"

"I'm not eye-raping you."

"You are." Nakangisi kong sagot.

"See? You're 2 minutes eye-raping me." Proud na sabi ko.

Tinignan nito ang hawak ko na libro. "Kasing kapal ng muka mo" turo niya sa
libro.

I was amused.

\--

Tumagal ang pang aasar ko sa kaniya at natigilan ako sa sinabi ni Leina.

"That's bawal."

Umalis din si Leira nun.

"Damn it Leina. Ayoko kay Irish." Nag tiim bagang ako sa galit. Kung doon lang
ako ikakasal doon ay hindi talaga ako papayag.

"But yun yung sabi ni Tito--"

"Leina, aalis na din tayo. Hindi na ako mahihirapan."

\--
"Hello, Baby!" Bungad ko sa kaniya. Alam ko na magagalit na naman siya.

[Hello?]

"Gio. Liligawan ko si Grace." Nakapag plano na din ako na kung makukuha ko


siya ngayon ay hindi na ako mahihirapan.

[Hmm..]

"Pumayag ka na."

[Hindi pa graduate, hintayin mo mag college..]

"Deal."

"Oh, edi umalis ka!"

Pinigilan ko ang sarili ko na hindi na lang magsalita sa sinabi ni Grace. I


know, she's mad at me. But what can I do? I can't even fight Grace to dad
because I'm fucking weak and useless.

Nung umalis siya umalis na din ako. Inilagay ko ang libro na kinuha ko noong
una kaming nagkita pati yung araw na ni-picture-an ko siya habang kumakain.
Naglagay din ako ng stick note sa harap na yon.

At sana nga ay kalimutan niya na ako.

"So you're back." Dad smiles at me. I nodded.

"Irish is in the garden, go there and talk to her." Lalampas pa sana ako ng
dugtungan niya ito. "Now."

Wala akong ibang nagawa kundi ang sumunod sa kaniya. 5 years is enough.

"What?" Sikmat ko nung makita ko ang tuwang tuwang si Irish. Irish is my child
hood bestfriend buti nga at hindi pa ako nasisiraan ng ulo para mag pakasal
dati kay Irish nung mga bata pa kami.

"Gavin babe--"

"Stop calling me that. I'm not your babe."

"I'll tell it to your--"

"Go ahead."

\--

Tumagal ang araw ay patakas akong bumalik sa pilipinas. Damn it.

"Kaious!"

"Oo na, ito na nga. Tangina ka talaga, Caltrious!"


Tamad akong nakamasid sa dalawa. Hindi ko alam ang magagawa ko sayo Zen kapag
lumapat ang labi mo kay Grace. Tinamaan ito ng bola at napangiti ako sa sinabi
ni Kaious.

[Wag ka kasing hahawak ng pag mamay ari ng iba.]

\--

Ako ang nag nakaw ng halik kay Grace nung gabing iyon.

"Saan ka galing?" Tanong ni Kaious sa akin.

"Sa tabi lang."

"Oh.." mukang hindi ito kumbinsido kaya hindi ko na lamang siya pinansin.

\--

Nasa resort ko si Kaious Monestrio, ang crime in partner ko. Agad akong
bumalik doon nung sabihin niya na tumu-tuloy si Grace doon.

Alam ko na pasunod sunod sa kaniya si Draizen Kobe Collado kaya bantay sarado
sa akin si Grace nang hindi niya nalalaman.

"Ask them."

[So what's the real score?]

Nasa labas lang ako ng restaurant na ito ng marinig ko ang sinabi ni Kobe.

'She's my girlfriend.'

[What?]

"Damn it."

'You heard me right, Monestrio.'

[If it's a joke then it's not funny.]

'There's no joke. What i've said is true.'

Hindi ko na napigilang hindi pumasok sa restaurant at basagin ang isang wine


glass doon. Agad akong umalis doon.

\--

Umalis ulit ako ng bansa nung araw na umalis si Grace sa resort. Hindi niya pa
din alam na ako ang may ari ng resort na iyon.

Si Dad, iyon pa din ang gusto niya. Ang i-date ko si Irish na araw araw kong
tinatanggihan dahil ayoko sa kaniya at mas lalo na sa kapatid niya na si Iris.

Naka sandal ako sa hamba ng pintuan. Limang taon na ang lumipas at ngayon
handa na akong bawiin si Grace kay Kobe.

"Leina, uuwi na ako." Sambit ko dito pag ka rating niya sa bahay.

"Next time na ako."


Tumalikod na ako at muling pumasok sa bahay nang makasalubong ko si Irish na
may dala dalang maleta.

"I'll go with you."

\--

[Kuya Cal!] Agad akong ngumiti ng marinig ko ang boses ni Leira.

"Leira."

[May dinner kami bukas. Pupunta ka ba?]

"Oo. Pupunta ba si Grace?"

[Oo kuya Cal.]

"Sige."

[Sige, punta ka bukas.]

Kinabukasan ay madami na akong inasikaso para makapunta ako. Umaga na, umalis
na si Irish ewan ko kung saan siya pupunta.

[Hello Gavin babe?]

Napangiwi ako. "I told you not to call me like that. Where are you?

[I'm here. Buying your favorates book.]

"I have none."

Humugot ako ng malalim na hininga. Nauna kaming pumunta kina Leira sa dinner.

"Caltrious." Ngumiti ito sa akin.

She used to call me Assuming..

Gustong gusto kong putulin ang kamay na naka lagay sa kaniyang braso pero
pinigilan ko ang sarili ko dahil pare-pareho lang kaming bisita dito kina
Leira.

"Kung mahal mo ako, bakit mo ako iniwan?"

Gusto kong sabihin na kaya iniwan ko siya dahil mahal ko siya. Tanggap na ni
papa na iba ang pakakasalan ko at hindi si Irish iyon.

\--

"Kaya ba?" Tanong ko. Naunang umalis sa akin si Irish.

Nakatingin lang ako sa labas pero mukang naguguluhan na si Grace.

"Grace--"

"We need to talk, Grace." Sambit ko nung makapasok ako at umupo sa tabi ni
Irish.
"Ano ba?" Tanong nito.

"Don't listen to Irish, Grace--"

"She needs to know the truth, Gavin!"

"I love you Grace--" singit ko para naman masabi ko na kaso nasingitan agad
ako ni Irish.

"We're getting married."

Tulala ito ng umalis habang si Irish naman ay humagalpak sa reaksyon ni Grace.

\--

And today, I'll be one of the happiest man alive.

Wakas

Wakas

Ngayon na ang araw ng kasal nila Caltrious. Inaayusan ako ng isang make up
artist na ipinadala dito ni Irish. Sana all.

"Ang ganda mo, sis. Kalurkey!"

Natawa ako. "Sana all."

"Anong shana all?! Ang ganda mo kaya."

Napatingin ako sa sarili ko. Suot suot ang kumikinang na sabi nila ay tulad
tulad kami na naka wedding gown

Hindi ko na lamang siya pinansin. Late na ako ng 1 minute sa kasal kaya nag
pahatid na rin ako papuntang simbahan.

[Asan ka na?] Tanong ni Chelsea sa akin.

"Paalis na!" Pag ka baba ko ng sasakyan ay wala ng tao. What the ef?

"Maam dito po!"

Kumunot ang aking noo nang suotan ako ng Veil ng isang staff. "Hindi po ako
ang ikakasal."

"Kanina pa po kayo hinihintay."

Naguguluhang itinulak ko ang pintuan ng simbahan habang unti unting nanlalaki


ang aking mga mata. _Shit, naloko ako!_

Hayop.

Nakita ko sa dulo ang mga nakangising si Leira, Chelsea at Irish. Hindi ako
nakalakad pero nung tumugtog ang kanta ay hindi ko napigilang hindi maglakad.
Nakatingin ako sa lalaking nakangisi sa dulo. Nag thumbs up lamang sa akin ang
tatlo kaya napatingin ako kay Irish.

_Bakit ako?_

Napatingin ako sa bulaklak na hawak hawak ko. Kulay puti ito. Nakita ko ang
pamilya ko sa gilid na may kasamang hindi ko makilala.

At nung makalapit ako kay Caltrious. Mas lumaki ang ngisi nito sabay bulong.

"Alam ko na mangyayari ito."

Nag suotan kami ng singsing sa isa't isa. Matapos ang mga madaming sasabihin
ay nabigla ako nang sabihin ng pari na..

"You may now kiss the bride."

Nanlalaki ang mata ko ng hawakan nito ang belo ko at itinaas. Hinawakan nito
ang mag kabilang pisngi ko bago ko maramdaman ang labi niya.

Napakurap ako ng maalala ko ang labi na lumapat sa akin nung nagbabakasyon


ako. Yung first kiss ko!

Nakarinig ako ng palakpakan at sigawan.

"Honey moon na yan!"

"Yesss!"

"Hagis na!"

Papalabas na kami nung bigla akong tumalikod at hinagis ang bulaklak.

"What the fuck?" Nakarinig kami ng tawanan at nung tinignan ko ang babae ay
maganda ito, muka nga lang siyang mataray.

"Paano ba yan?" Nakita ko si Dylan na inakbayan ang babae.

"Dylan!" Sigaw ni Chelsea.

Matapos nang mga pangyayari kanina ay kumakain na kami. Magkasama kami sa


isang table ni Caltrious habang ang mga tao ay busy sa pag kain.

"Dalaga ka na talaga!" Sambit ni mama habang pinupunasan ang luha.

"Wala na akong baby girl." Pinalo ni Mama si papa sa sinabi niya.

"Tumigil ka nga!"

"Totoo naman."

"Kuya mo na ako ulit." Rinig kong sabi ni kuya kaya agad akong tumayo at
niyakap siya.

"Hindi mo talaga ako matitiis!" Kinurot ko siya sa tagiliran kaya lumayo ito
sa akin. Umalis na din sila pagkatapos at hinarap ko naman si Caltrious.

"Did you read the invitation?"


"Hindi. Bakit ba ako ang bride?! Dapat si Irish. Saka asan si Zen--"

"We're married now."

"Asan si Zen--"

"Umalis na siya."

"Saan?!"

"Nakadalo siya sa kasal natin." Hinalikan ako nito sa noo kaya agad ko siyang
hinampas.

"Umamin ka nga. Ikaw ba yung humalik sa akin sa resort?"

"Edi hindi ako aamin- aray!"

"Ikaw kumuha ng first kiss ko!"

"Eh ano naman? Nakuha ko din naman ang second. Napapak na din kita sa leeg.
Saan pa ba ang gusto mo?" Ngumisi ito sa akin kaya bigla akong nangilabot.

Nung makauwi kami ay nagpalit na din ako. Nandito kami sa bahay 'daw' namin.
Hindi ko pa nakakausap si Irish.

Nandito ako sa veranda ng biglang may yumakap sa likod ko.

"Wife."

"Hm?"

"I love you."

"Ew."

"Grace naman!"

"Oo na, I love you na din."

"Napipilitan ka lang naman, eh!"

"Edi wag."

Kinabukasan ay alas sais pa lamang ay gising na ako. Inalis ko ang kamay na


nakayakap sa aking bewang bago ako umupo sa kama. Binuksan ko ang kurtina nang
tumama ang sinag ng araw sa balat ko.

Napalunok ako ng makita ko ang walong pandesal kay Caltrious. Binasa ko ang
pang ibabang labi ko bago umiwas ng tingin doon.

Kanin na lang naman yung ulam.

"Nag lalaway ka na agad." Nag susuklay na ako ng buhok nang marinig ko ang
boses ni Caltrious.

"Ew- Caltrious!" Tinakpan ko ang aking bibig ng halikan niya ako doon.

"Sarap."
"Kadiri ka talaga!" Hinampas ko siya sa dibdib. Humugot ako ng malalim na
hininga bago sumimangot.

"Caltrious ibaba mo ako!" Hinagis ako nito sa kama nang biglang sumalubong
ang muka niya sa akin. Ramdam ko ang halik nito sa leeg ko ng bigla itong
tumawa.

"Next time na. Pag nanganak na si Leira."

Sumimangot ako sa dismaya. "Bwisit ka!" Itinulak ko siya saka ako natawa.

Akala ko ay hindi magiging kami. Sabi nila, kapag limang taon ay mawawala ang
pagmamahal mo dahil merong kasabihan na _When communication fades, feeling
will follow._

Pero hindi ganoon ang akin. Dahil hindi ko talaga siya kinalimutan dahil sa
bawat araw na inaalis ko siya isipan ko ay bumabalik ang mga alaala ko sa
kaniya.

"I love you, Mrs. Agoncillo."

"I love you too, Mr. Agoncillo."

And I'm the happiest woman alive too.

Authors note

WTBF has officially ended.

Thank you for reading this in the last page. Chasing series has ended too.

Hanggang dito na lang ang journey ng mag kakaibigan. Sana nagustuhan niyo!
Please, support me.

More series is coming!

Nagmamahal,
Luya.

End file.

You might also like