You are on page 1of 9

TEKSTONG IMPORMATIBO

Ano na ba.ang Sitwasyon ng Cyberbullying sa Pilipinas?

Ayon sa ulat ng Google Trends, ang ikaapat sa mga bansa sa buong mundo kung saan may
pinakamaraming naghanap ng impormasyon ukol sa cyberbullying noong 2013 ay ang Pilipinas. Isa itong
indikasyon na ang isyu ng cyberbullying ay isa nang realidad sa ating bansa. Bagama’t sa kasalukuyan ay
wala pang opisyal na estadistika ang Pilipinas patungkol sa cyberbullying, sa bansang Amerika ay
lumalabas na nasa 9% ng mga mag-aaral sa Grades 6 hangpng 12 ang nakaranas ng cyberbullying noong
2010 at 2011 at noong 2013, tumaas sa 15% ang mga mag-aaral sa Grades 9 hanggang 12 na nakaranas
ng cyberbullying.

Sa sarbey na isinagawa ng www.stopcyberbullying.org, ang sumusunod ang isinasagawa ng mga nagiging


biktima ng cyberbullying:

36% ang nagsabi sa bully na huminto sa pambu-bully niya

34% ang gumawa ng paraan upang mahadlangan ang komunikasyon sa bully 34% ang nagsabi sa mga
kaibigan ukol sa pambu-bully

29% ang walang ginawang anuman ukol sa pambu-bully

28% ang nag-sign-ofiline 11% lang ang nagsabi sa magulang ukol sa nangyayaring cyberbullying

https://www.elcomblus.com/halimbawa-ng-tekstong-impormatibo/

DESKRIPTIBO

ANG MAPAGLARONG NGITI NG ISANG INA

Ang ngiti ay isa sa mga magagandang tanawin na makikita natin mula sa mukha ng isang tao. Mga
mapupulang labing humuhugis arko sa bawat pagkakataon na magkakausap kami at mga matang
nagpapahayag ng mga kaaya-aya at masasayang karanasan na tila nag-uutos sa akingmga labi na
gantihan rin ito ng matatamis na ngiti. Ngunit sa likod pala ng nakahahawang ngiting ito ay may
kumukubling kalungkutan at kahirapan na nadarama ang aking ina.

Sa pagbungad pa lamang sa pintong binabalutan ng putting pinta ng aming tahanan ay


masisilayan na rito ang aming sala. Sa gitna nito ay naroon nakapwesto ang malaking telebisyon
napinaliligiran ng tatlong malalambot na sofa. Ito ang lugar sa loob ng aming bahay kung saan kami ay
sama-samang nanunuod at nagkukwentuhan tungkol sa mga nangyari sa amin sa buong araw. Dito rin
naming paulit-ulit na pinakikinggan ang kwento ng aking ina. Musmos pa lamang ako nang simulang
marinig ito ng aking mga tenga. Sabi nito, simula pa lamang nang malaman niyang dinadala niya ang
panganayna anak nila ni Papa ay labis na kagalakan na ang kanilang nadama, at labis pa itong
nadagdagan nang kaming mga sumunod pang mga anak ay ibiniyaya sa kanila ng Panginoon. Bakas sa
mga mata nito na tunay ang bawat salitang kaniyang sinasambit. Hindi lamang iyon kundi marami pang
ibang masasayang pangyayari ang ikinikwento sa amin na hindi ko na lubos matandaan sapagkat ako’y
napakabata pa nang mga panahong iyon.

Sa loob ng ilang taon simula nang iluwal ako sa sinapupunan ng aking ina, kailanma’y hindi
ko naramdaman na nagkaroon kami ng kahit isa man lang na problema. Ito ay sa kadahilanang sa bawat
pag-uwi naming magkakapatid mula sa aming pribadong paaralan ay sinasalubong kami ng isang
babaeng mula sa malayo ay amin ng natatanaw. Ito ay may tama lang na tangkad, medyo matabang
katawan, maikling mga buhok na nagbibigay hugis sakanyang mukha na nakatayo sa tapat ng aming
trangkahan na may galak at ngiti sa kaniyang mga labi. Sapagbaba ng sasakyang humahatid-sundo sa
amin ay magiliw siyang lalapit upang halikan kami isa-isa sa aming mga noo at matapos ay sasabayan
kaming lalakad papasok sa aming tahanan. Hindi mababakas sa mga mukha nito ang pagod resulta sa
buong araw na paglilinis ng bahay.

Akala ko maayos anglahat, akala ko walang problema, akala ko kami na ang pinakaperpektong pamilya,
ngunit ang lahat ng ito ay isang maling akala lang pala. Isang beses nang mapaaga ang aking pag-uwi,
hindi ko inaasahan ang aking madadatnan. Papalapit pa lang ako ng pinto, narinig ko na ang hagulgol ng
aking ina. Nabalot ng tanong ang aking isipan. Hindi ko alam ang aking gagawin. Binuksan ko ang kahoy
na humahadlang upang makita ko ang hinagpis na nadarama ng aking ina. Bawat hikbi, bawat patak ng
mga luhang sumisimbolo ng kalungkutan na dumadaloy sa maputing pisngi nito ay siya rin ang bawat
kirot na nadarama ng aking puso. Halata sa kaniyang mukha ang pagkagulat nang Makita niya ako. Dali-
dali niyang pinunasan ang likido sa kanyang mukha at sa muling pagkakataon ay nagkaroon na naman ng
hugis ang kanyang mga labi. Muli itong ngumiti na tila wala siyang sakit na nadarama. Ngunit hindi
maitatago ng kanyang bilugang mga mata ang hinagpis sa mga ito. Dito ko nalaman ang balita na
nagpabago ng amingbuhay. Ilang taon na pala nang malaman niya ito at ilang taon na rin siyang
nagdudusa dahil dito. Ni isang beses hindi pumasok sa aking isipan ang ganitong pangyayari sa aming
buhay dahil sa bawat ngiting ibinibigay saamin ng aming ina. Labis akong nasasaktan ng mga oras na
iyon kaya’t siya’y aking hinagkan.

Sa mga pangyayaring iyon ay natauhan ako. Natutunan ko na hindi lahat ng ngiti ay saya, hindi lahat ng
tawa ay tuwa at hindi lahat ng nakikita ng ating mata ay totoo, sapagkat may pagkakataon na puso
lamang ang makakadama nito. Simula noon ay hindi na ako muling nagpalinlang pa sa mga ngiting
ipinapakita ng aking ina. Hanggang ngayon ay ikinukubli niya pa rin ang lungkot sa kanyang mga ngiti
ngunit bago ako maniwalang muli ay tinititigan ko muna ito sa kanyang mga mata. Marahil ito ay kaniya
lamang paraan upang patuloy na maging matatag, ang makita kamingmasaya. Kaya’t para sakaniya, kami
ay magpapakatatag rin.
http://stemafilipino.blogspot.com/2016/11/ang-mapaglarong-ngiti-ng-isang-ina.html

PERSUWEYSIB

Paggamit ng mga hayop sa pananaliksik

Ang paggamit ng hayop van subukan ang mga bagong gamot ay lubos ina nakatulong sa modernisasyon
ng gamot. Mangilan-ngilan na lamang ang nagkakaroon ng polio ngayon dahil sa bakunang sinubukan sa
mga hayop. Ang pagsulong ng antibiotics, insulin, at iba pang gamot ay naisakatuparan sa tulong ng mga
pananaliksik gamit ang mga hayop. Nararapat lamang na ipagpatuloy na paggamit nito dahil walang
malaki ang naitutulong nila sa pagsulong ng industriya ng gamot.

Kung iisipin natin, hindi hamak na matipid ang paggamit sa mga hayop sa mga eksperimento upang
makatuklas ng mga tamang gamot sa mga sakit. Maraming laboratoryo ang gumagamit ng daga upang
sa kanila subukan ang mga tinutuklas na gamot. Hindi rin gaanong kamahal ang magparami ng daga
upang magamit sa kanilang pananaliksik. Tunay nga namang naisasalba ng mga hayop na ito ang buhay
ng maraming tao.

May 99 na porsiyento ng mga doktor ang sumasang-ayon sa pagsubok ng mga gamot sa mga hayop
imbes na sa tao. Hindi nila lubos maisip kung ilang tao ang magbubuwis ng buhay upang malaman kung
epektibo ba ang isang gamot.

Hindi natin matatawaran ang napakalaking tulong ng mga hayop sa pananaliksik ng mga modernong
gamot na tutulong sa pagsagip sa mga tao. Ang tungkulin natin ay pangalagaan ang mga ito at siguruhing
sulit ang kanilang sakripisyo para sa ikabubuti ng sangkatauhan.

NARATIB

ANG KUWENTO NI MABUTI Ni Genoveva Edroza-Matute

Hindi ko siya nakikita ngayon. Ngunit sinasabi nilang naroroon pa siya sa dating pinagtuturuan, sa
walang pintang paaralang una kong kinakitaan sa kanya. Sa isa sa mga lumang silid sa ikalawang palapag,
sa itaas ng lumang hagdang umiingit sa bawat hakbang, doon sa kung manunungaw ay matatanaw ang
maitim na tubig ng isang estero. Naroon pa siya’t nagtuturo ng mga kaalamang pang-aklat, at
bumubuhay ng isang uri ng karunungan sa kanya ko lamang natutuhan.

Lagi ko siyang inuugnay sa kariktan ng buhay. Saan man sa kagandahan; sa tanawin, sa isang isipan o sa
isang tunog kaya, nakikita ko siya at ako’y lumiligaya. Ngunit walang anumang maganda sa kanyang
anyo… at sa kanyang buhay…
Siya ay isa sa mga pangkaraniwang guro noon. Walang sinumang nag-ukol sa kanyang ng pansin. Mula sa
kanyang pananamit hanggang sa paraan ng pagdadala niya ng mga panunugutan sa paaralan, walang
masasabing anumang pangkaraniwan sa kanya.

Siya’y tinatawag naming lahat na si Mabuti kung siya’y nakatalikod. Ang salitang iyon ang simula ng halos
lahat ng kanyang pagsasalita. Iyon ang pumalit sa mga salitang hindi niya maalaala kung minsan, at
nagiging pamuno sa mga sandaling pag-aalanganin. Sa isang paraang malirip, iyon ay naging salamin ng
uri ng paniniwala sa buhay.

“Mabuti,” ang sasabihin niya, “… ngayo’y magsisimula tayo sa araling ito. Mabuti nama’t umabot tayo sa
bahaging ito… Mabuti… Mabuti!”

Hindi ako kailanman magtatapat sa kanyang ng anuman kung di lamang nahuli niya akong minsang
lumuluha; nang hapong iyo’y iniluha ng bata kong puso ang pambata ring suliranin.

Noo’y magtatakipsilim na at maliban sa pabugsu-bugsong hiyawan ng mga nagsisipanood sa pagsasanay


ng mga manlalaro ng paaralan, ang buong paligid ay tahimik na. Sa isang tagong sulok ng silid-aklatan,
pinilit kong lutasin ang aking suliranin sa pagluha. Doon niya ako natagpuan.

“Mabuti’t may tao pala rito,” wika niyang ikinukubli ang pag-aagam-agam sa narinig. “Tila may
suliranin .. mabuti sana kung makakatulong ako.”

Ibig kong tumakas sa kanya at huwag nang bumalik pa kailanman. Sa bata kong isipan ay ibinilang kong
kahihiyan ay kababaan ang pagkikita pa naming muli sa hinaharap, pagkikitang magbabalik sa gunita ng
hapong iyon. Ngunit, hindi ako makakilos sa sinabi niya pagkatapos. Napatda ako na napaupong bigla sa
katapat na luklukan.

“Hindi ko alam na may tao rito”….. naparito ako upang umiyak din.”

Hindi ako nakapangusap sa katapatang naulinig ko sa kanyang tinig. Nakababa ang kanyang paningin sa
aking kandungan. Maya-maya pa’y nakita ko ang bahagyang ngiti sa kanyang labi.

Tinanganan niya ang aking mga kamay at narinig ko na klamang ang tinig sa pagtatapat sa suliraning sa
palagay ko noo’y siya nang pinakamabigat.Nakinig siya sa akin, at ngayon, sa paglingon ko sa
pangyayaring iyo’y nagtataka ako kung paanong napigil niya ang paghalakhak sa gayong kamusmos na
bagay. Ngunit, siya’y nakinig nang buong pagkaunawa, at alam ko na ang pagmamalasakit niya’y tunay
na matapat.

Lumabas kaming magkasabay sa paaralan. Ang panukalang naghihiwalay sa amin ay natatanaw na nang
bigla akong makaalala.

“Siyanga pala, Ma’am, kayo? Kayo ng pala? Ano ho iyong ipinunta ninyo sa sulok na iyo na … iniiyakan
ko?”

Tumawa siya ng marahan at inulit ang mga salitang iyon; “ang sulok na iyon na … iniiyakan natin… nating
dalawa.” Nawala ang marahang halakhak sa kanyang tinig: “sana’y masabi ko sa iyo, ngunit… ang
suliranin.. kailanman. Ang ibig kong sabihin ay … maging higit na mabuti sana sa iyo ang … buhay.”

Si Mabuti’y naging isang bagong nilikha sa akin mula nang araw na iyon. Sa pagsasalita niya mula sa
hapag, pagtatanong, sumagot, sa pagngiti niyang mabagal at mahiyain niyang mga ngiti sa amin, sa
paglalim ng kunot sa noo niya sa kanyang pagkayamot, naririnig kong muli ang mga yabag na palapit sa
sulok na iyon ng silid-aklatan. Ang sulok na iyon,.. “Iniiyakan natin,” ang sinabi niya nang hapong iyon. At
habang tumataginting sa silid naming ang kanyang tinig sa pagtuturo’y hinuhulaan ko ang dahilan o mga
dahilan ng pagtungo niya sa sulok na iyon ng silid-aklatan. Hinuhulaan ko kung nagtutungo pa siya roon,
sa aming sulok na iyong… aming dalawa…

At sapagkat natuklasan ko ang katotohanang iyon tungkol sa kanya, nagsimula akong magmasid,
maghintay ng mga bakas ng kapaitan sa kanyang sinasabi. Ngunit, sa tuwina, kasayahan, pananalig, pag-
asa ang taglay niya sa aming silid-aralan. Pinuno siya ng maririkit na guni-guni ang aming isipan at ng
mga tunog ang aming pandinig at natutuhan naming unti-unti ang kagandahan ng buhay. Bawat aralin
naming sa panitikan ay naging isang pagtighaw sa kauhawan naming sa kagandahan at ako’y humanga.

Wala iyon doon kanina, ang masasabi ko sa aking sarili pagkatapos na maipadama niya sa amin ang
kagandahan ng buhay sa aming aralin. At hindi naging akin ang pagtuklas na ito sa kariktan kundi
pagkatapos na lamang ng pangyayaring iyon sa silid-aklatan.

Ang pananalig niya sa kalooban ng maykapal, sa sangkatauhan, sa lahat na, isa sa mga pinakamatibay na
aking nakilala. Nakasasaling ng damdamin. Marahil, ang pananalig niyang iyon ang nagpakita sa kanya ng
kagandahan sa mga bagay na karaniwan na lamang sa amin ay walang kabuluhan.

Hindi siya bumabanggit ng anuman tungkol sa kanyang sarili sa buong panahon ng pag-aaral naming sa
kanya. Ngunit bumanggit siya tungkol sa kanyang anak na babae, sa tangi niyang anak. .. nang paulit-ulit.
Hindi rin siya bumabanggit sa amin kailanman tungkol sa ama ng batang iyon. Ngunit, dalawa sa mga
kamag-aral naming ang nakababatid na siya’y hindi balo.

Walang pag-aalinlangan ang lahat ng bagay at pangarap niyang maririkit ay nakapaligid sa batang iyon.
Isinalaysay niya sa amin ang katabilan niyon. Ang paglaki nang mga pangarap niyon, ang nabubuong
layunin niyon sa buhay. Minsan, tila hindi namamalayang nakapagpapahayag ang aming guro ng isang
pangamba ang pagkatakot niyang baka siya hindi umabot sa matatayog na pangarap ng kanyang anak.
Maliban sa iilan sa aming pangkat, paulit-ulit niyang pagbanggit sa kanyang anak ay iisa lamang ang mga
bagay na “pinagtitiisang” pakinggan sapagkat walang paraang maiwasan iyon. Sa akin, ang bawat
pagbanggit na iyon ay nagkakaroon ng kahulugan sapagkat noon pa ma’y nabubuo na sa aking isipan ang
isang hinala.

Sa kanyang magandang salaysay, ay nalalaman ang tungkol sa kaarawan ng kanyang anak, ang bagong
kasuotan niyong may malaking lasong pula sa baywang, ang mga kaibigan niyong mga bata rin, ang
kanilang mga handog. Ang anak niya’y anim na taong gulang na. Sa susunod na taon siya’y magsisimula
na iyong mag-aral. At ibig ng guro naming maging manggagamot ang kanyang anak- at isang mabuting
manggagamot.

Nasa bahaging iyon ang pagsasalita ng aming guro nang isang bata sa aking likuran ang bumulong: “Gaya
ng kanyang ama!”

Narinig ng aming guro ang ang sinabing iyon ng batang lalaki. At siya’y nagsalita.

“Oo, gaya ng kanyang ama,” ang wika niya. Ngunit tumakas ang dugo sa kanyang mukha habang
sumisilay ang isang pilit na ngiti sa kanyang labi.

Iyon ang una at huling pagbanggit sa aming klase ang tungkol sa ama ng batang may kaarawan.
Matitiyak ko noong may isang bagay ngang malisya sa buhay niya. Malisya nang ganoon na lamang. At
habang nakaupo ako sa aking luklukan, may dalawang dipa lamang ang layo sa kanya, kumirot ang puso
ko sa pagnanasang lumapit sa kanya, tanganan ang kanyang mga kamay gaya ng gingawa niya nang
hapong iyon sa sulok ng silid-aklatan, at hilinging magbukas ng dibdib sa akin. Marahil, makagagaan sa
kanyang damdamin kung may mapagtatapatan siyang isang taong man lamang. Ngunit, ito ang sumupil
sa pagnanasa kong yaon; ang mga kamag-aral kong nakikinig ng walang anumang malasakit sa kanyang
sinasabing, “Oo, gaya ng kanyang ama,” habang tumatakas ang dugo sa kanyang mukha.

Pagkatapos, may sinabi siyang hindi ko makakalimutan kailanman. Tinignan niya ako ng buong tapang na
pinipigil ang panginginig ng mga labi at sinabi ang ganito : “Mabuti…mabuti gaya ng sasabihin nitong Fe-
lyon lamang nakararanas ng mga lihim na kalungkutan ang maaaring makakilala ng mga lihim na
kaligayahan. Mabuti, at ngayon, magsimula sa ating aralin…”

Natiyak ko noon, gaya ng pagkakatiyak ko ngayon na hindi akin ang pangungusap na iyon, ni sa aking
mga pagsasalita, ni sa aking mga pagsusulat. Ngunit samantalang nakatitig siya sa akin ng umagang iyon,
habang sinasabi niya ang pangungusap na iyon, nadama kong siya at ako ay iisa. At kami ay bahagi ng
mga nilalang na sapagkat nakaranas ng mga lihim na kalungkutan ay nakakikilala ng mga lihim na
kaligayahan.

At minsan pa, nang umagang iyon, habang unti-unting bumabalik ang dating kulay ng kanyang mukha,
muli niyang ipinamalas ang mga nagtatagong kagandahan sa aralin naming sa Panitikan. Ang karikatn ng
katapangan; ang kariktan ng pagpapatuloy anuman ang kulay ng buhay.

At ngayon, ilang araw lamang ang nakararaan buhat nang mabalitaan ko ang tungkol sa pagpanaw ng
manggagamot na iyon. Ang ama ng batang iyong marahil ay magiging isang manggagamot din balang
araw, ay namatay at naburol ng dalawang gabi at dalawang araw sa isang bahay na hindi siyang tirahan
ni Mabuti at ng kanyang anak. At naunawaan ko ang lahat. Sa hubad na katotohanan niyon at sa buong
kalupitan niyon ay naunawaan ko ang lahat.

ARGUMENTATIBO

KASALANAN BA ANG KASAGUTAN?

ni: SAZON, WAYNE FRANCIS

Ang usapin ukol sa Death Penalty o Parusang Kamatayan ay hindi na bago para sa ating mga
Pilipino. Dati na itong pinapairal sa ating bansa mula pa noong panahon ng mga Kastila. Pagdating
naman sa mga Pilipinong naging presidente ng bansa, sa panahon ni Ferdinand Marcos naging popular
ang parusang ito. Sa pagpalit ng administrasyon, sinuspindi ito ni Corazon Aquino, mula 1987 hanggang
1999. Pagdating sa pamumuno ni Fidel Ramos, muling nanumbalik ang parusang kamatayan sa bansa
bago muling itigil noong 2006 sa pamumuno ni Gloria Arroyo. Naging papalit-palit ang pagpasa at
pagbasura sa kaparusahang ito dahil sa mga isyu ukol sa relihiyon, karapatang pantao, at mga di-
inaasahang nangyari, sa loob ng bilibid at sa lipunan, noong pinapairal pa ito.Ang mga pangulo ng
Pilipinas ay may paiba-ibang paniniwala at kinakampihan pagdating sa usaping ito. Sa kasalukuyan,
supurtado at nais ibalik ni Pangulong Rodrigo Duterte ang parusang kamatayan bilang suporta sa
kanyang adbokasiya laban sa krimen at droga ngunit maraming Pilipino ang hindi sang-ayon sa
pagpapanumbalik sa marahas na hustisyang ito.

Isa sa pangunahing rason kung bakit ibinasura ang parusang kamatayan ay dahil sa relihiyon.
Bilang isang bansang may higit sa 80% Katoliko, mahalaga at binibigyang pansin at respeto ang buhay ng
bawat nilalang sa mundo. Isa pang rason sa pagbasura nito ay ang karapatang pantao na nalalabag dahil
sa batas na ito. Sinasabi ng mga nauna at kasalukuyang pangulo na mataas ang lebel ng krimen sa bansa
noong hindi na pinapatupad ang parusang kamatayan. Sinasabi nilang nawawalan na ng takot ang mga
masasamang loob na gumawa ng krimen dahil sa mababaw na kaparusahan para dito. Iniisip nilang ang
pagbabalik ng parusang kamatayan ang sagot sa kanilang problema sa krimen. Ngunit hindi lahat ng
problema ay nadadaan sa dahas kung minsan ay lalo pa lamang nitong napapalala ang sitwasyon. Ang
pag-iisip ng solusyon sa ganitong klase ng problema ay dapat sa ugat nito hindi kung kalian natapos na
ang krimen ay doon pa lamang kikilos.

Ako, kasama na ang karamihan ng mga Pilipino, ay tumututol sa planong pagpapanunumbalik


ng parusang kamatayan. Ang parusang ito ay sumasalamin sa masamang kinahinatnan ng mga tao sa
mundo ngayon. Naiiba na ang kanilang paniniwala sa sarili nila.Ang batas na ito ay hindi makatutulong sa
problema ng mga tao sa kasalukuyan, maaari lamang itong magdagdag ng komplikasyon sa proseso ng
pagkamit ng hustisya. Isang halimbawa na lamang nito ay ang kaso ni Marcial “Baby” Ama na nahatulan
ng kamatayan gamit ang silya-elektrika noong 1961. Si Ama ay 16 na taong gulang pa lamang nang
bitayin dahil sa pagsaksak sa isang lalaki sa isang kaguluhan. Sa mata ninuman, hindi tama ang ginawa ni
Ama, pero tama bang pumatay ng isang menor de edad para sa hustisya?

Ang pagsisintensiya ng kamatayan ay isang desisyong hindi nakaatang sa kamay ninuman. Nasa
Diyos lamang ang pagpapasya sa magiging kahihinatnan ng tao. Ang isang maling pagdedesisyon ay
kapalit ng buhay ng isang tao na kailanman ay hindi na maibabalik. Isang halimbawa nito ay ang nangyari
kay Eduardo Agbayani na ginahasa ang kanyang tatlong anak na babae. Sa araw ng pagbitay sa kanya ay
sinabi ng tatlong biktima na handa nilang patawarin ang kanilang ama at ipatigil ang pagbitay. Agad
itong itinawag ng pangulo noong si Joseph Estrada noong 3:12 ng hapon ngunit hindi na umabot ang
kanyang balita dahil nabitay na ang akusado sa ganap na 3:11 ng hapon. Hindi kailanman magiging
katanggap-tanggap ang ginawa ni Eduardo. Dapat lamang na harapin niya ang kanyang mga kasalanan at
pagsisihan ang mga ito lalo na’t handang magpatawad ang kanyang mga biktima. Ngunit, dahilan na
lamang sa batas na ito, nawalan na siya ng pagkakataong magawa ang mga ito. Hindi na maibabalik ang
mga nakalipas na segundong lumipas.
Ang parusang kamatayan ay hindi naiiba sa krimen na ginagawa ng mga masasamang loob
ngayon. Hindi ito nalalayo sa paraan na pareho itong nagdudulot ng matinding kapahamakan at
kasalanan, hindi lamang sa taong naaagrabyado, kundi pati na rin sa Diyos. Bilang isang bansang binubuo
ng mahigit tatlong-kapat na Kristiyano, kinikilala natin ang mga utos at turo ng ating Bibliya. Ang ikalima
sa “Sampung Utos ng DIyos” ay ang huwag kang pumatay nang kapwa mo tao. Sa pagpanig natin sa
parusang kamatayan, tayo ay sumusuway sa isa sa pinakamahalagang utos ng Diyos para sa atin. Sa
paglabag sa kautusang ito, hindi ba’t nagiging katulad na rin natin sila? Ano ang kinaiba nila sa atin?

Sa kasalukuyan, pinaniniwalaan ng Pangulong Duterte na para sa ikabubuti ng bansa ang muling


pagbabalik ng parusang kamatayan. Inaasahan niyang mapapababa nito ang lebel ng krimen sa bansa,
mababawasan ang laman ng mga congested na mga kulungan, at maibibigay ang hustiya para sa mga
biktima.Matatawag bang tagumpay ang isang panukalang pambansa kung pinapairal ito gamit ang
takot? Makokonsidera bang tamang rason ang dami ng mga tao sa kulungan para isa-isahin sila upang
lumuwag? Mahirap ang proseso ng hustisya, pero kailan nga ba masasabing nakamit na ang hustisya?
Hustisya ba ang maitatawag sa paglabag sa kautusan ng Diyos para lamang makaganti sa ibang tao?
Mapapagaan ba ang kalooban ng biktima kung makikita niyang wala ng buhay ang gumawa sa kanya ng
masama?

Sa lahat ng mga bansang demokrasya sa mundo, ang Pilipinas ay ang pangalawa sa may
pinakamataas na bilang ng nasa death row noon. Sa muling pasusulong ng parusang kamatayan sa
Pilipinas, unti-unti muling lalaganap ang maling pag-iisip ukol sa hustisya.Ang buhay ng tao ay isang
sagradong biyaya mula sa Diyos. Wala sa ating mga kamay ang pagdedesisyon para sa magiging
katapusan nito. Binibigyan ng batas na ito ang tao ng kapangyarihan na hindi kailanman ibinigay sa atin
ng Panginoon. Sa paghahangad ng hustisya, hindi kinakailangang gumawa ng karagdagang kasalanan.
Hindi dapat tumbasan ng kasalanan ang isa pang kasalanan. Ang akdang ito ay sumasalamin sa pagtutol
ko sa muling pagbabalik ng parusang kamatayan sa aking bansa. Mag-uumpisang mawalan ng saysay ang
buhay kung magiging pipi tayo tungkol sa mga bagay na mahalaga.

PROSUDYURAL

PARAAN NG PAGLUTO NG LECHE PLAN

Paghiwalayin ang pula at puting bahagi ng itlog. Ang pula lang ang kailangan sa leche flan.

Sa isang mangkok, paghaluin ang lahat ng pula ng itlog, gatas na kondensada at evaporada.

Ilagay ang katas ng lemon at haluin ng maigi upang maiwasan ang mga bula.

Maaari rin maglagay ng kaunting asin.

Sa isang kawali, paghaluin ang tubig at asukal. Isalang sa apoy at hayaang kumulo hanggang mag-
caramelize ang asukal. Ibuhos ito at ikalat sa mga llanera. Hayaang lumamig.
Unti unting ibuhos ang pinaghalong kondensada at evaporada sa loob ng llanera na may nakabanig na
caramelized na asukal. Huwag punuin ang sisidlan. Maglagay lang ng hanggang 1 ¼ pulgada ang lalim.

Maaring lagyan ng takip na aluminum foil kapag walang dala na takip ang llanera.

Ilagay sa lutuan na iyong napili at i-steam ng 35 hanggang 45 minuto. Kung sa oven naman, i-bake ng 45
minuto sa setting na 370 Celsius.

Kapag naluto na, haungin at palamigin. Palamigin sa loob ng ref – huwag sa freezer.

Bago ilipat sa plato, padaanin ang kutsilyo sa pagitan ng leche flan at ng llanera upang hindi mabiyak ang
leche flan. Ilagay sa plato ng nakabaligtad upang yung bahagi na may caramelized sugar ang nasa
ibabaw.

You might also like