You are on page 1of 7

“ANG KALUPI”

Ni: Benjamin P. Pascual

Mataas na ang araw nang lumabas si Aling Marta sa bakuran ng kanilang


maliit na barung-barong upang mamalengke. Nang dumating siya sa
panggitnang pasilyo at umakmang hahakbang na papasok ay siyang paglabas
na humahangos ng isang batang lalaki, na sa kanilang pagbabangga ay
muntik, na niyang ikabuwal. Ang siko ng bata ay tumama sa kanyang
kaliwang dibdib.

"Ano ka ba?" bulyaw ni Aling Marta. "kaysikip na ng daraanan ay patakbo ka


pa kung lumabas!"

"Pasensya na kayo, Ale," sabi ng bata. Hawak nito ang isang maliit na
bangos. -tig-bebente, sa loob-loob ni Aling Marta. Ang bata ay takot na
nakatingin sa kanya. "Hindi ko ho kayo sinasadya. Nag mamadali ho ako, e."

"PASENSYA!" sabi ni Aling Marta.

Agad siyang tumalikod at tuloy- tuloy na pumasok. . Dumating siya sa


tindahan ng tuyong paninda at bumili ng isang kartong mantika. Pagkaraan
ay dumukot sa bulsa ng kanyang bestido upang magbayad. Wala ang kanyang
kalupi! Napansin ng kaharap ang kanyang anyo.

"Bakit ho?" anito.

"E. . .e, nawawala ho ang aking pitaka,"

"Ku, e magkano ho naman ang laman?"

"E, sandaan at sampung piso ho."

Mayamaya ay parang kidlat na gumuhit sa kanyang alaala ang gusgusing


batang kanyang nakabangga. Sa labas, sa harap ng palengke na
kinaroroonan ng ilang tindahang maliliit. Nakatayo ito sa harap ng isang bilao
ng kangkong at sa malas niya ay tumatawad. Maliksi siyang lumapit at
binatak ang kanyang liig.

"Nakita ring kita!" ang sabi niyang humihingal. "Ikaw ang dumukot ng piataka
ko, ano? Huwag kang magkakaila!" "Ano hong pitaka?" ang sabi, "Wala ho
akong knukuha sa inyong pitaka"

May luha nang nakapamintana sa kanyang mga mata at ang uhog at laway ay
sabay na umaagos sa kanyang liig. Buhat sa likuran ng mga manonood ay
lumapit ang isang pulis, na tanod.

"Iho ano ang pangalan mo?" ang tanong niya sa bata.

"Andres Reyes po." "Saan ka nakatira?" ang muling tanong ng pulis.

Sa bahay ng Tiyang Ines ko sa Blumentritt, kapatid ng nanay ko rito sa


Tundo. Inuutusan lang ho niya "kong bumili ng ulam, para mamayang
tanghali."

Naalala ni Aling Marta ang kanyang dalagang magtatapos, ang kanyang


asawa na kaipala ay naiinip na sa pag hihintay.
"Tinamaan ka ng lintik na bata ka!" Sabi niyang pinanginginigan ng laman.
Angbisig nito ay halos napaabot ni Aling Marta sa kanyang balikat sa likod.

"Napahiyaw ang bata sa sakit."

Halos mabali ang kanyang siko at ang nais lamang niya ay makaalpas sa
matigas na bisig ni Aling Marta. Siya ay humanap ng malulusutan at nang
makakita ay walang habas na tumakbo, patungo sa ibayo ng maluwag na
daan.

Bahagya nang umabot sa kanyang pandinig ang malakas na busina ng isang


humahagibis na sasakyan. Sa isang sandali ay nagdilim sa kanya ang buong
paligid. Wala siyang makita kundi ang madidilim na anino ng mga mukang
nakatunghay sa kanyang lupaypay at duguang katawan. Hindi siya makapag-
angat ng paningin.

Pagdating ng pulis, ayaw pa muling nag mulat ito ng paningin at ang mga
mata ay ipinako sa maputlang muka ni Aling Marta.

"Maski kapkapan nyo ako, e wala kayong makukuha sa akin." sabing pagatul-
gatol na nilalabasan ng dugo sa ilong." Hindi ko kinuha ang iyong pitaka!"

Ilang pang sandali pa ay lumangayngay ang ulo nito at ng pulsuhan ng isang


naroon ay marahan itong napailing. "Patay na" Naisaloob ni Aling Marta sa
kanyang Sarili." "Patay na ang dumukot ng kuwarta ninyo, " Matabang na
nagsabi ang pulis sa kanya.

"Makaka alis na po ako?" Tanong ni Aling Marta. "Maari na" sabi ng Pulis.

Naalala nya ang kanyang anak na ga-graduate, ang ulam na dapat na naiuwi
nya sanay nai- uwi na.

Tanghali na sya ay umuhi. Sang ka kumuha ng pinamili mo nyan, Nanay?

E. . . e, Hindi magkantuntong sagot ni Aling Marta. Nag ka tinginan ang mag-


ama.

"Ngunit Marta" ang sabi ng kanyang asawa

"Ang pitaka mo, E naiwan mo" Kanina bago ka umalis ay kinuha ko iyon sa
Bestido mo at kumuha ako ng pambili ng Tabacco. Pero nakalimutan kong
isauli. Saan ka kumuha ng ipangbili mo nyan?"

Biglang-bigla anki'y kidlat na gumuhit sa karimlan, Nag balik sa gunita ni


Aling Marta ang isang batang payat, "Duguan ang katawan at natatakpan ng
dyaryo. Umikot ang kanyang paligid. At tuluyang nawalan ng malay."

Lumalabong salitang: Bakit Kaya? Bakit Kaya?


Kuwento ni Mabuti

Ni Genoveva Edroza-Matute

Hindi ko siya nakikita ngayon. Ngunit sinasabi nilang naroroon pa siya sa dating pinagtuturuan, sa
walang pintang paaralang una kong kinakitaan ng sa kanya. Sa isa sa mga lumang silid sa ikalawang
palapag, sa itaas ng lumang hagdang umiingit sa bawat hakbang, doon sa kung manunungaw ay
matatanaw ang maitim na tubig ng isang estero. 
Naroon pa siya't nagtuturo ng mga kaalamang pang-aklat, at bumubuhay ng isang uri ng karunungang
sa kanya ko lamang natutuhan. Lagi ko siyang inuugnay sa kariktan ng buhay. Saan man sa kagandahan;
sa tanawin, sa isang isipan o sa isang tunog kaya, nakikita ko siya at ako'y lumiligaya. Ngunit walang
anumang maganda sa kanyang anyo. at sa kanyang buhay. Siya ay isa sa mga pangkaraniwang guro noon.
Walang sinumang nag-ukol sa kanya ng pansin. Mula sa pananamit hanggang sa paraan ng pagdadala
niya ng mga pananagutan sa paaralan, walang masasabing anumang pangkaraniwan sa kanya. Siya'y
tinatawag naming lahat na si Mabuti kung siya'y nakatalikod. Ang salitang iyon ang simula ng halos lahat
ng kanyang pagsasalita. Iyon ang mga pumalit sa mga salitang hindi niya maalala kung minsan, at
nagiging pamuno sa mga sandaling pag-aalanganin.
Sa isang paraang alirip, iyon ay nagiging salaminan ng uri ng paniniwala sa buhay. "Mabuti," ang
sasabihin niya, "ngayo'y magsisimula tayo sa araling ito. Mabuti nama't umabot tayo sa bahaging ito.
Mabuti, Mabuti!" Hindi ako kailanman magtatapat sa kanya ng anuman kung di lamang nahuli niya
akong lumuluha nang hapong iyon, iniluha ng bata kong puso ang pambata ring suliranin.
Noo'y magtatakipsilim na at maliban sa pabugso-bugsong hiyawan ng mga nagsisipanood sa
pagsasanay ng mga manlalaro ng paaralan, ang buong paligid ay tahimik na. Sa isang tagong sulok ng
silid-aklatan,pinilit kong lutasin ang aking suliranin sa pagluha. Doon niya ako natagpuan. "Mabuti't may
tao pala rito," wika niyang ikinukubli ang pag-aagam-agam sa narinig. "Tila may suliranin, mabuti sana
kung makakatulong ako." Ibig kong tumakas sa kanya at huwag nang bumalik pa kailanman. Sa bata
kong isipan, ay ibinilang kong kahihiyan at kababaan ang pagkikita pa naming muli sa hinaharap,
pagkikitang magbabalik sa gunita ng hapong iyon. Ngunit, hindi ako makakilos sa sinabi niya pagkatapos.
Napatda ako na napaupong bigla sa katapat na luklukan. "Hindi ko alam na may tao rito . . . naparito ako
upang umiyak din." Hindi ako nakapangusap sa katapatang naulinig ko sa kanyang tinig. Nakababa ang
kanyang paningin sa aking kandungan. Maya-maya pa'y nakita ko ang bahagyang ngiti sa kanyang labi.
Tinanganan niya ang aking mga kamay at narinig ko na lamang ang tinig sa pagtatapat sa suliraning sa
palagay ko noo'y siyang pinakamabigat. Nakinig siya sa akin, at ngayon, sa paglingon ko sa pangyayaring
iyo'y nagtataka ako kung paanong napigil niya ang paghalakhak sa gayong kamusmos na bagay. Ngunit
siya'y nakinig nang buong pagkaunawa, at alam ko na ang pagmamalasakit niya'y tunay na matapat.
Lumabas kaming magkasabay sa paaralan. Ang panukalang naghihiwalay sa amin ay natatanaw na ng
bigla kong makaalala. "Siyanga pala, Ma'am, kayo? Kayo nga pala? Ano ho iyong ipinunta ninyo sa sulok
na iyon na iniiyakan ko?" Tumawa siya nang marahan at inulit ang mga salitang iyon; "ang sulok na iyon
na . . . iniiyakan natin. . . nating dalawa." Nawala ang marahang halakhak sa kanyang tinig: "Sana'y
masabi ko sa iyo, ngunit ang suliranin. . . kailanman. Ang ibig kong sabihin ay . . . maging higit na mabuti
sana sa iyo ang. . .buhay." 
Si Mabuti'y naging isang bagong nilikha sa akin mula nang araw na iyon. Sa pagsasalita niya mula
sa hapag, pagtatanong, sumagot, sa pagngiti niyang mabagal at mahihiyain niyang mga ngiti sa amin, sa
pagkalim ng kunot sa noo niya sa kanyang pagkayamot, naririnig kong muli ang mga yabag na palapit sa
sulok na iyon ng silid-aklatan. Ang sulok na iyon. . . "Iniiyakan natin," ang sinabi niya nang hapong iyon.
At habang tumataginting sa silid namin ang kanyang tinig sa pagtuturo'y hinuhulaan ko ang dahilan o
mga dahilan ng pagtungo niya sa sulok na iyon ng silid-aklatan. Hinuhulaan ko kung nagtutungo pa siya
roon, sa aming sulok na iyong. . . aming dalawa. At sapagkat natuklasan ko ang katotohanang iyon
tungkol sa kanya, nagsimula akong magmasid, maghintay ng mga bakas ng kapaitan sa kanyang mga
sinsabi. Ngunit, sa tuwina, kasayahan, pananalig, pag-asa ang taglay niya sa aming silid-aralan. Pinuno
nya ng maririkit na guni-guni an gaming isipan at ng mga tunog ang aming mga pandinig at natutuhan
naming unti-unti ang kagandahan ng buhay.

Bawat aralin namin sa panitikan ay naging isang pagtighaw sa kauhawan naming sa kagandahan at
ako'y humanga. Wala iyon doon kanina, ang masasabi ko sa aking sarili pagkatapos na maipadama niya
sa amin ang kagandahan ng buhay sa aming aralin. At hindi naging akin ang pagtuklas na ito sa kariktan
kundi pagkatapos lamang ng pangyayaring iyon sa silid-aklatan. Ang pananalig niya sa kalooban ng
Maykapal, sa sangkatauhan, sa lahat na, isa sa mga pinakamatibay na aking nakilala. Nakasasaling ng
damdamin. Marahil, ang pananalig niyang iyon ang nagpakita sa kanya ng kagandahan sa mga bagay na
karaniwan na lamang sa amin ay walang kabuluhan. Hindi siya bumabanggit ng anuman tungkol sa
kanyang sarili sa buong panahon ng pag-aaral namin sa kanya, Ngunit bumabanggit siya tukngkol sa
kanyang anak na babae, sa tangi niyang anak. . . nang paulit-ulit. Hindi rin siya bumabanggit sak amin
kailanman tungkol sa ama ng batang iyon. Ngunit, dalawa sa mga kamag-aral namin ang nakababatid na
siya'y hindi balo. Walang pag-aalinlangan ang lahat ng bagay at pangarap niyang maririkit ay nakapaligid
sa batang iyon. Isinalaysay niya sa amin ang katabilan niyon. Ang paglaki ng mga pangarap niyon, ang
nabubuong layunin niyon niyang baka siya ay hindi umabot sa matatayog na pangarap ng kanyang anak.
Maliban sa iilan sa aming pangkat, paulit-ulit niyang pagbanggit sa kanyang anak ay iisa lamang sa mga
bagay na "pinagtitiisang" pakinggan sapagkat walang paraang maiwasan iyon. Sa akin, ang bawat
pagbanggit niyon ay nagkakaroon ng kahulugan sapagkat noon pa man ay nabubuo na sa aking isipan ang
isang hinala.
Sa kanyang magandang salaysay, ay nalalaman ang tungkol sa kaarawan ng kanyang anak, ang bagong
kasuotan niyong may malaking lasong pula sa baywang, ang mga kaibigan niyong mga bata rin, ang
kanilang mga handog. Ang anak niya'y anim na taong gulang na. Sa susunod na taon niya'y magsisimula
na iyong mag-aral. At ibig ng guro naming maging manggagamot ang kanyang anak at isang mabuting
manggagamot. Nasa bahaging iyon ang pagsasalita ng aming guro nang isang bata sa aking likuran ang
bumulong: "Gaya ng kanyang ama!" Narinig ng aming guro ang sinabing iyon ng batang lalaki. At siya'y
nagsalita. "Oo, gaya ng kanyang ama," ang wika niya. Ngunit tumakas ang dugo sa kanyang mukha
habang sumisilay ang isang pilit na ngiti sa kanyang labi. Iyon ang una at huling pagbanggit sa aming
klase ang tungkol sa ama ng batang may kaarawan. Matitiyak ko noong may isang bagay ngang mali siya
sa buhay niya. Mali siya nang ganoon na lamang.
At habang nakaupo ako sa aking luklukan, may dalawang dipa lamang ang layo sa kanya, kumirot ang
puso ko sa pagnanasang lumapit sa kanya, tanganan ang kanyang mga kamay gaya ng ginawa niya nang
hapong iyon sa sulok ng silid-aklatan, at hilinging magbukas ng dibdib sa akin. Marahil, makagagaan sa
kanyang damdamin kung may mapagtatapatan siyang isang tao man lamang. Ngunit, ito ang sumupil sa
pagnanasa kong yaon; ang mga kamag-aral kong nakikinig ng walang anumang malasakit sa kanyang
sinasabing, "Oo, gaya ng kanyang ama," habang tumatakas ang dugo sa kanyang mukha. Pagkatapos,
may sinabi siyang hindi ko makakalimutan kailanman. Tiningnan niya ako ng buong tapang na pinipigil
ang pagnginig ng mga labi at sinabi ang ganito: "Mabuti.. mabuti gaya ng sasabihin nitong iyon lamang
nakararanas ng mga lihim na kalungkutan ang maaaring makakilala ng mga lihim na kaligayahan."

"Mabuti, at ngayon, magsimula sa ating aralin". Natiyak ko noon, gaya ng pagkakatiyak ko ngayon na
hindi akin ang pangungusap na iyon, nadama kong siya at ako ay iisa. At kami ay bahagi ng mga nilalang
na sapagkat nakaranas ng mgan lihim na kalungkutan ay nakakilala ng mga lihim na kaligayahan. At
minsan pa, nang umagang iyon, habang unti-unting bumabalik ang dating kulay ng mukha niya, muli
niyang ipinamalas sa amin ang mga natatagong kagandahan sa aralin namin sa panitikan. Ang kariktan ng
katapangan; ang kariktan ng pagpapatuloy anuman ang kulay ng buhay. At ngayon, ilang araw lamang
ang nakararaan buhat nang mabalitaan ko ang tungkol sa pagpanaw ng manggagamot na iyon. Ang ama
ng batang iyon marahil ay magiging isang manggagamot din balang araw, ay namatay at naburol ng
dalawang gabi at dalawang araw sa isang bahay na hindi siyang tirahan ni Mabuti at ng kanyang anak. At
naunawaan ko ang lahat. Sa hubad na katotohanan niyon at sa buong kalupitan niyon ay naunawaan ko
ang lahat.
Paglalayag sa Puso ng Isang Bata

Genoveva Edroza Matute (1947)

Binata na siya marahil ngayon. O baka ama na ng isang mag-anak.Ito ay kung


nakaligtas siya sa nakaraang digmaan…. Ngunit ayaw kong isiping baka hindi. Sa akin,
siya’y mananatiling isang batang lalaking may-kaliitan, may kaitiman, at may walong
taong gulang,.
Pagkaan ng daan-daang tinuruan, mga sumipot, nanatiling saglit, at lumisan
pagkatapos, pagkaraan ng mga taong ang ila’y nagdumali, ang ila’y nagmabagal at ang
ila’y nakintal sa gunita, buhay na buhay pa sa aking isipan ang kanyang mukha at ang
kanyang pangalan. Ngunit ang buhay sa lahat ay ang isang bagay na itinuro niya sa
akin isang araw nang siya ang aking maging guro at ako ang kanyang tinuturuan.
Isa siya sa pinakamaliit sa klase. At isa rin siya sa pinakapangit. Ang bilog at pipis
niyang ilong ay lubhang kapansin-pansin at tingnan lamang iyo’y mahahabag na sa
kaniya ang tumitingin. Kahit ang paraan niya ng pagsasalita ay laban din sa kaniya.
Mayroon siyang kakatuwang “punto” na nagpapakilalang siya’y taga-ibang pook.
Ngunit may isang bagay na kaibig-ibig sa munti’t pangit na batang ito, kahit sa
simula pa lamang. Nagpapaiwan siya tuwing hapon kahit na hindi siya hilingan ng
gayon. Siya rin ang pinakuhuling umalis: naglibot muna sa buong silid upang pulutin
ang mga naiwang panlinis.Lihim ko siyang pinagmamasdan habang inaayos niya ang
mga ito sa lalagyan, ipinipinid, at pagkatapos ay magtutungo sa likod ng bawat hanay
ng upuanupang tingnan kung tuwid ang bawat isa. At sa pintuan, lagi siyang lumilingon
sa pagsasabi ng “Goodbye, Teacher!”
Sa simula, pinagtakhan ko ang kanyang pagiging mahiyain. Nakikita ko siyang
Gumagawa ng tahimik at nag-iisa—umiiwas sa iba. Paminsan-minsa’y nahuhuli ko
siyang sumusulyap sa akin upang bawiin lamang ang kaniyang paningin. Habang
tinatanaw ko sa tuwing hapon, pinakahuli sa kanyang mga kasamahan, ay naiisip kong
alam na alam niya ang kanyang kapangitan, ang nakatutuwang paraan ng kanyang
pagsasalita.
Unti-unti kong napagdugtong-dugtong ang mga katotohanan tungkol sa kanyang
buhay. Payak ang mga katotohanan: siya’y isang munting ulilang galing sa lalawigan,
lumuwas sa malaking lungsod bilang utusan. At kalahating araw siyang pumapasok sa
paaralan upang may makasama sa pagpasok at pag-uwi ang anak ng kanyang
panginoon.
Nadama ko ang kakaibang kalungkutan. Nais kong makita siyang
nakikipaghabulan sa mga kapwa-bata. Umaakyat sa mga pook na ipinagbabawal at
napapasuot sa kaguluhang bahagi ng buhay ng bawat bata. Kahit na hindi siya
marunong, maging kanya lamang sana ang halakhak at kaligayahan ng buhay-bata.
Tinatawag ko siya nang madalas sa klase. Pinagawa ko siya ng marami’t
mumunting bagay para sa akin. Pinakuha ko sa kaniya ang mga tsinelas ko sa
pinakuhuling upuan sa silid. Naging ugali niya ang pagkuha sa mga iyon, ang
paghihiwalay sa mga iyon upang itapat sa aking paa. Ang pagbili ng aking minindal sa
katapat na tindahan, hanggang sa hindi ko na kailangang sabihin sa kanya kung ano
ang bibilhin. Alam na niya kung alin ang ibig ko, kung alin ang hindi ko totoong ibig.
Isang tahimik na pakikipagkaibigan ang nag-ugnay sa munti’t pangit na batang
ito sa akin. Sa tuwing ako’y mangangailangan ng anuman, naroon na siya agad. Sa
tuwing may mga bagay na gagawin, naroon na siya upang gumawa. At unti- unti kong
nadamang siya’y lumiligaya—sa paggawa ng maliliit na bagay para sa akin, sa
pagkaalam na may pagmamalasakit ako sa kanya at may pagtingin sa kanya. Nahuhuli
ko na siyang nagpapadulas sa pagitan ng mga hanay ng upuan hanggang sa
magkahiga-higa sa likuran ng silid. Nakikita ko na siyang nakikipaghabulan, umaakyat
sa mga pook na ipinagbabawal. Nagkakandirit hanggang sa tindahang bilihan aking
minindal. At minsan o makalawa ko siyang nahuling nagpapalipat-lipat sa pagtapak sa
mga upuan.
At kung ang lahat ay wala na, kinakausap ko siya at sumasagot siya nang
pagaril sa Tagalog. At sa mga ganoong pagkakatao’y nagmumukha siyang maligaya at
ang kanyang, “Goodbye, Teacher,” sa may-pintuan ay tumataginting. Sa mga ganoong
pagkakatao’y naiiwan sa akin ang katiyakang siya’y hindi na totoong napag-iisa at hindi
na totoong nalulumbay.
Isang mabagal na paraan ang pag-akit na iyon sa kanya at ang pagtiyak na
siya’y mahalaga at sa kanya’y may nagmamahal.
Napasuot na siya sa mga kaguluhang bahagi ng buhay ng bawat bata.
Nanukso na siya sa mga batang babae. Lalo siyang naging malapit sa akin. Lalo siyang
naging maalala at mapagmahal. Maligaya na siya.
Isang araw, nangyari ang hindi inaasahan. Sa paglingon ko sa mga taong
nagdaa’y naamin ko sa sariling ang lahat ng iyo’y aking kasalanan. Mainit noon ang
aking ulo, umagang-umaga pa. At ang hindi ko dapat gawin ay aking ginawa—
napatangay ako sa bugso ng damdamin. Hindi ko na magunita ngayon kung ano ang
ginawa ng batang iyon na aking ikinagalit. Ang nagugunita ko lamang ngayon ay ang
matindi kong galit sa kanya, ang pagsasalita ko sa kanyang ipinanliit niya sa kanyang
upuan. Nalimutan ko ang kanyang pag-iisa , ang kanyang kalumbayan, ang mabagal na
paraan ng pag-akit at pagtiyak sa kanyang siya’y mahalaga at minamahal.
Nang hapong iyo’y hindi siya nagpadulas sa pagitan ng mga hanay ng upuan.
Ngunit siya’y nagtungo sa huling upuan upang kunin ang aking tsinelas, upang
paghiwalayin ang mga iyon at itapat sa aking mga paa. Nagtungo siya sa tindahang
katapat upang bilhin ang aking minindal at nagpaiwan siya upang likumin ang mga
kagamitan sa paglilinis at upang ayusin ang mga iyon sa lalagyan sa sulok.
Pinagpantay—pantay din niya ang mga upuan sa bawat hanay, gaya ng kanyang
kinamihasnan. Ngunit hindi siya tumingin sa akin minsan man lamang nang hapong
iyon.
Naiisip ko: napopoot siya sa akin. Sa munti niyang puso’y kinapopootan niya
ako ng pagkapoot na kasintibay ng pagmamahal na iniukol niya sa akin nitong mga
huling buwan. Ang isa mang batang namulat sa pag-iisa at sa kalumbayan ng pag-iisa’t
kawalan ng pagmamahal ay makaaalam din sa kawalan ng katarungan. Ngayo’y paalis
na siya, ang naiisip ko nang may kapaitan sa puso.
Tumagal siya sa pagpapantay sa mga upuan. Na tila may binubuong
kapasiyahan sa kanyang loob.
Nagtungo siya sa pintuan at ang kanyang mga yabag ay mabibigat na tila sa
isang matandang pagod.Sa loob ng maraming buwan,ngayon lamang siya hindi
lumingon upang magsabi ng, “Goodbye, Teacher.” Lumabas siya nang tahimik at ang
kanyang mabibigat na yabag ay lumayo nang lumayo.
Ano ang ginagawa kong ito? Ano ang ginawa kong ito? Ito ang itinanong ko nang
paulit-ulit sa aking sarili.
Napopoot siya sa akin. At ito’y sinabi ko rin nang paulit-ulit sa aking sarili.
Bukas…… Marahil , kung pagpipilitin ko bukas…..
Biglang-bigla, ang maitim at pipis na mukha ng bata’y nakita ko sa pintuan. Ang
mga mata niyang nakipagsalubungan sa aki’y may nagugulumihanang tingin.
“Goodbye, Teacher,” ang sabi niya. Pagkatapos ay umalis na siya.
Nagbalik siya upang sabihin iyon sa akin.
Kung gaano katagal ako noon sa pagkakaupo, ay hindi ko na magunita ngayon.
Ang tangi kong nagugunita’y ang pagpapakumbaba ko sa kalakhan ng puso ng munting
batang yaon, sa nakatitinag na kariktan ng kanyang kaluluwa. Nang sandaling yaon,
siya ang aking naging guro.

You might also like