You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

Region IV-A CALABARZON


Division of Calamba
Kapayapaan National High School

SURING PAMPELIKULA SA FILIPINO

Every Child is Special


Sa Direksyon ni: Aamir Khan

Ipinasa ni:
Faye P. Calinagan
STEM 1-A

Ipinasa kay:
G. Leonardo Patinio
Pagsusuri

A. Uri ng Panitikan: Pelikula


B. Pamagat o Titulo: Every Child is Special: Taare Zameen Par
C. Mga nagsiganap o Tauhan
Mga Pangunahing Tauhan:
1. Darsheel Safary bilang Ishaan Nandkishore Awasthi
- Isang walong taong gulong na batang lalaki na may karamdaman o sakit
na tinatawag na dyslexia.
- Isang batang walang interes sa pag-aaral sa kadahilanang nahihirapan
siya sa lahat ng mga asignatura pero ang kanyang kaloobang mundo ay
puno ng hiwaga, mahika na puno din ng kulay at mga animasyon na
mga hayop.
- Isa syang manlilikha ng sining na may talentong kakaiba na hindi pa
nakikita ng lahat
2. Aamir Khan bilang Ram Shankar Nikumbh (“Nikumbh Sir”)
- Siya ang naging guro ni Ishaan sa panibago nitong paaralan.
- Siya ang unang nakatuklas na may karamdaman si Ishaan na dyslexia.
Nalaman niya ito sapagkat dati ay may karamdaman o sakit din siya na
katulad sa nasabing bata.
- Siya rin ang nagbigay oras para tumulong sa bata upang malabanan ang
sakit na ito.
3. Tanay Chheda bilang Rajan Damodran
- isang batang may kapansanan, siya ay isang lumpo. Siya ang unang
naging kaibigan ni Ishaan sa bago nitong paaralan sa New Era High
School.
4. Sachet Engineer bilang Yohaan Nandkishore Awasthi (“Dada”)
- Nakakatandang kapatid ni Ishaan.
5. Tisca Chopra bilang Maya Awasthi (“Maa”)
- Ang Ina nina Ishaan at Sachet Engineer. Sinuko ang kanyang karera sa
trabaho para sa kanyang mga anak upang maalagaan ang mga ito.
6. Vipin Sharma bilang Nandkishore Awasthi (“Papa”)
- Ang strikto, at dominanteng Ama ni Ishaan.
Iba pang mga Tauhan:
1. Girija Oak bilang Jabeen- katrabaho ni Nikumbh
2. Bugs Bhargava bilang Sen Sir- Guro sa New Era High School
3. Shankar Sachdev bilang Tiwari Sir- Guro sa New Era High School
4. M.K. Raina bilang Punong Guro ng paaralang New Era High School
5. Lalita Lajmi bilang sarili nya
II. Sino ang manunulat ng iskrip?
- Ang sumulat ng iskrip nito ay si Amole Gupte.
III. Direktor- Sino ang nag direk ng pelikula?
-Si Aamir Khan ang direktor na nasa likod ng palabas na ito.
Responsibilidad niya ang buong prodaksyon at siya rin ang tumulong sa mga tauhan
para mas mabigayang kulay at buhay ang palabas. Ang kaniyang tungkulin ay sobrang
halaga kaya naman taos puso akong nagpapasalamat sa pilikulang ito sa pagkat may
mga naiambag silang mga aral na napulot ko sa istoyang ito.
IV. Sinematograpiya/ Musika
Ang pelikulang ito ay parang musical. Madaming kanta ang nakapaloob dito.
Halimbawa nalang nito ay nung ipinkita na sa pelikula si Ram Shankar Nikumbh ang
bago nilang guro sa paaralan. Napuna ko rin na pati sa pagpasok palang ng pelikula ay
mayroon ding musika.. Ang kulay at graphics nito ay masasabi kong maganda at hindi
masakit sa mata ang mga kulay na ginamit. Maayos ang sinematorapiya dahil ipinakita
dito ng maayos kung ano ang mahihinuha nating aral sa istoya.

V. Mga Teoryang Pampanitikan


Nagpapahayag ito ng teoryang realsimo na nagpapakita ng katotohanan sa buhay
patungkol sa mga problemang nangyayari sa luob ng isang pamilya at mga
kinakaharap ng mga batang kinakaharap ang sakit na dyslexia. Teoryang Imahinasyon,
ginamit itong teoryang ito sa pelikulang ito, ipinapakita dito ang mga nakikita ng bidang
si Ishaan na mga imahe tuwing siya ay nalulungkot, masaya at kung ano ano pang
damdamin ang nararamdaman kabilang dito ang guro na si Nikumbh dahil sa kaniyang
aking galing sa pagpinta at mga bagay bagay, naipapakita nya na agad sa ibang bata
ang mga imahe na nais niyang iparating dito.
VI. Bisang Pampanitikan
A. Isip
Nagbubukas ito ng malawak na kaisipan na kung saan ang mga
manonood ay maaaring mag replekta sa kung ano ang kanilang napanood. Sa pagkat
isang asyano ang gumawa kaya mas mararamdaman natin ang mga damdamin na
gusto nilang iparating. Maaari ring ito ay makapagbigay ng linaw sa mga mamamayan
tungkol sa sakit na nasabi

B. Damdamin
Ipinararamdam dito ang mga paghihirap, pagmamahal, pagtanggap,
kasiyahan, lungkot o pighati. Lahat ng emosyon na ito ay naramdaman ko sa pelikula,
ito ay patunay na ang bawat emosyon na ipinamalas ng bawat tauhan ay naging
epiktibo at makatotohanan sa lahat ng anggulo.

C. Kaasalan
Ang ilang eksena sa napiling pelikula ay nagpapakita ng maganda at
hindi magandang kaasalan. Sa kanyang pamilya may kadalasan na ipinakikita na
masaya at may pagmamahal sa kanila, may pagaaruga din silang nararamdaman sa
kanilang magulang subalit minsan may mga bagay na hindi nagkakatagpo ang isip ng
isang tao, minsan ay nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan lalo na kung ang
ipinapairal ay ang galit o sama ng loob. Sa paaralan naman ay ganun din, dahil sa hindi
pagkakaunawaan ng istudyante at guro ay lumalala na pala ang karamdaman ng bida.
Nagkakaroon na ito ng Trauma.
D. Lipunan
Ang lipunang ating kinagagalawan at kinatatayuan ay tunay na
maraming kinakaharap at kakaharaping problema. Lahat ng problema ay
kinakailangan ng solusyon kaya tayo ay nagiisip minsan kung ano ang posibleng
maging solusyon nito. Ang lipunan ay binubuo ng mga tao, ang mga tao ay nahahati
base sa industriyang kinapapalooban nya. Sa pamamagitan ng media nakakatulong ito
upang makapagpabukas isp sa mga tao kung ano nga ba ang promblemang
kinakaharap ng lipunang ito.
E. Pang-moral
Kung ihahalintulad ito sa ibang pelikula, ito ay kapupulutan din ng mga
aral. Katulad na lang ng pagpapahalaga sa pamilya,pag-aaral at iba pa.
VII. Buod
Ang pelikulang “Every Child is Special” ay tungkol sa isang batang may
edad na walong taong gulang na nagngangalang Ishaan Awasthi na may sakit na
dyslexia. Ang dyslexia ay isang sakit kung saan nahihirapang magsulat ng mga
lengguahe, lalong lalo na ang magbasa ng mga latra. Kahit ganun pa naman ang
kanyang karamdaman may mga talento syang hindi taglay ng mga ibang bata
katulad ng malikhain pag pinta gamit ng kanyang imahinasyon. Dahil sa kanyang
mga maling bagay na ginawa, hindi napagtu-unan ang kanyang special ng
pangangailangan. Sa kadahilanang iyon nagpasya ang kanyang ama na ipasok sya sa
isang paaralang panlalake kung saan kailangan niyang matutong maging independent
kahit na mahirap sa kalooban ng kanyang ina at mapalayo sa isat-isa sa mura niyang
edad. Wala silang magawa sa desisyong ginawa ng kanyang ama.
Sa paaralang panlalake kung saan siya iniwan nagbago ang kanyang pag uugali, ayaw
niyang makipag halubilo sa ibang mga studyante at tinalikuran nya na rin ang kanyang
abilidad sa pag guhit. Pakiramdam nya walang may gusto at nagmamahal sa kanya kaya
siya iniwan doon sa kanyang bagong paaralan. Nahihirapan siyang mag adjust sa kanyang
bagong kapaligiran. Sa kanilang Art Class nagkaroon sila ng bagong guro (Ram Shankar
Nikumbh), ang unang ginawa ng guro para ipakilala ang kanyang sarili ay nagsagawa siya
ng awit at sayaw para makuha ang atensyon, maingganyo at mapukaw ang interest ng mga
studyante kung saan ay nagtagumpay siya ngunit habang kumakanta at sumasayaw siya si
Ishaan Awashti ay tahimik na nakaupo lamang sa kanyang upuan. Pagkatapos ng
mahabang pagpapakilala, binigyan sila ng bagong guro ng isang bond paper para e-drawing
ang gusto nilang e-drawing. Habang naglilibot ang guro napukaw ang kanyang atensyon kay
Ishaan na hindi man lamang ginalaw ang kanyang art materials na kung saan ang kanyang
mga kaklase ay tapos na. Sa pagpukaw ng kanyang atemsyon tiningnan nya ang mga
record ni Ishaan sa guidance office, pagkatapos niyang tingnan naging interesado siya sa
buhay ni Ishaan at nagdesisyong bumisita sa mga magulang ni Ishaan. Binisita ni Mr. Ram
ang principal ng nasabing paaralan para humingi ng permiso na maging tutor si
Ishaan. Tinulungan nya itong e’improve ang kaalaman sa pagbasa at pagsulat sa
pamamagitan ng kanyang pamamaraan hanggang sa nagkaroon ng improvement. Si Mr.
Ram ay nag organize ng isang art fair para sa mga studyante at guro. Sa araw ng
kompetisyon maagang nagising at umalis si Ishaan at bumalik ng nagsisimula n gang
kompetisyon. Masaya ang lahat ng kasali sa kompetisyon at dahil si Ishaan ang nanalo ang
kanyang painting ang nagsilbing front cover ng kanilang school yearbook habang ang mukha
ni Ishaan na painting ni Mr. Ram ang naging back cover. Proud na proud ang kanyang mga
magulang lalong- lalo na nang sabihin ng kanyang mga guro kung gaano ka talino at
talentado ang kanilang anak. Nang pasakay na sa sasakyan si Ishaan para umuwi kasama
ang kanyang mga magulang upang umuwi, napalingon ito sa kinatatayuan ni mr.
Ram. Nagtapos ang storya sa pagbuhat ni mr. Ram kay Ishaan sa ere.
VIII. Mensahe
Bawat bata ay espesyal. Bawat bata ay may sariling personalidad.
Bawat bata ay sinusubukang pagsikapan at tumuon ng pinakamahusay sa kanyang
buhay. Unang-una , bawat bata ay may sariling mga pangarap. Ngunit ang
pangunahing salik na dapat nating pag-isipan ay, para sa atin na maunawaan natin
ang kanilang mga pangarap. Ang pinakatutuhanan sa lahat ay kulang ang pamilya
ng katatagan , pasensya at pag-unawa at higit sa lahat ay ang pagiging
maalalahanin . Sa mundong ito hindi natin maiiwasan na may makaharap tayong
iba’t ibang suliranin na minsan ay gumagawa ng isang pagbabago sa ating buhay.
Madalas pagnananaliksik tayo sa kahanga-hangang mundong ito dito lang natin
malalaman ang kahalagahan ng buhay.

IX. Reaksyon
May iba’t ibang reaksiyon at rebyu sa pelikulang ito. Ang ibang manonood ay
nag karoon at hindi nagkaraoon ng sapat na kuntento sa kabuuan ng palabas.
Ngunit kailan nga ba nakuntento o makukuntento ang isang tao? Kahit sino ay hindi
makakasagot ng tanong nayan maliban nalang sa iyong sarili.
A. Sarili
Ang pelikulang ito ang nakapagbukas ng aking diwa sa mga taong may mga
kapansanan na ganito. Iminulat din sakin ng pelikulang ito ang mga bagay na dapat kong
malaman. Naibukas din nito ang mga suliranin na nagaganap sa lipunan o kapaligiran.

B. Pamilya
Naipakita ng pelikulang ito ang mga kagandahang asal na dapat ay mayroon
ang isang pamilya, katulad ng pagmamahalan, pagbibigay oras at pagbibigay importansya.

C. Komunidad
Ang istoryang ito ay nakapag bubukas isip sa mga taong nasaloob ng
komunidad tungkol sa mga suliranin na maaaring kaharapin ng isang komunidad.

D. Bansa
Sa pelikulang ito, ipinapakita dito na dapat sa loob ng bansa bilang isang
mamamayan kailangan magkaroon tayo ng pagtutulungan sa mga taong nagagailangan nito.

E. Daigdig
Sa mundo ng sining pelikula, kahanga hanga ang istoyang napapaloob sa loob
ng pelikula. Ito ay naging epektibo sa paglalahad ng mga aral na dapat matutunan ng bawat
isa sa atin. Nakapagbigay ito ng inspirasyon sa mga kabataan lalo na sa mga kabataang
may karamdaman na tulad sa nasabing pelikula.

You might also like