You are on page 1of 2

Pangalan: Marcus Tyrojne Y.

Ongjuco Petsa:
November 15, 2018
Grade and Section: 8-Bl. Namuncura Filipino: Dagli (
Final )

“LAKBAY“
“Nak, Nak, gising na!, alas-tres na oh, Malayo pa lalakbayin mo! Ma,
sandal lang po babangon na po ako. Yan yung mga salita na gumigising saakin
araw-araw. Anak, ano ba? Papasok ka pa ba? Sigaw ni nanay, walang
magagawa eh kailangan bumangon. Pagkabagon na pagkabangon diretso agad
sa C.R. at naligo. Pagkatapos maligo makikita mo agad ang almusal araw-
araw, “ang mahiwagang nilagang kamote”.
“Ma, eto nanaman? Magtatlong lingo natin to almusal ah, Ma baka
naman mangamote grado ko sa school niyan?”. Tinanong ko sa kanya. “Aba
nak nagkaroon ka pa talaga ng gana mag reklamo? Yung iba nga diyan walang
makain tapos ikaw may pagkain na nga sa harap mo ayaw mo pa kainin. “Edi
pakainin mo yung mga walang makain para may makain na sila”. Binanggit ko
ng pabulong. Patay tayo diyan narinig ata ni mama.” Anong sabi mo nak”?
tugon ni nanay. “Ay wala ma sabi ko po sobrang ganda niyo po, sige ma
papasok na po ako baka po mahuli ako sa klase eh”. “Sige nak mag-ingat ka
ah”!
“Naku naman ang dilim nanaman”. Nagsimula na ang aking tatahakin
papunta sa paaralan tatlong bundok at apat na ilog pa! Hay buhay. Ayan na
naririnig ko na yung agos ng ilog. Tangal ng mga tsinelas at takbo ng mabilis.
“Patay tayo diyan nabasa yung short ko, pagtatawanan nanaman ako sa
school.” Pagkalipas ng dalawang oras ay nalagpasan ko na ang ang tatlong ilog
at isang bundok. Patuloy ang aking lakbay hanngang nasa tuktuk na ako ng
pangalawang bundok nakita ko na ang araw na pa angat.” Naku naman ayoko
na kong ma huli sa klase, sabi ni mam kapag na late ako hindi na ulit ako
makakapag-aral, hindi na ako nakakapasok, lagot tayo diyan kapag nangyari
yun, ang dami na ngang problema ni mama dadagdagan ko pa diba” ?
Biglang lakad ng mabilis patungo sa huling ilog na aking lalakbayin
mag-aalasais ng umaga noong ako ay nakalagpas sa huling ilog, huling bundok
malapit na. noong nakita ko na ang huling bundok tumakbo agad ako ng
mabilis para matawid ang bundok. Malapit na alas-siyete mahuhuli na ako sa
klase na kita ko na ang paaralan ang nakikita ko ang mga estudyante na
tumatakbo sa kanilang mga silid-aralan.”Ayan na magsasarado na ang mga
pintuan, naririnig ko sa ang mga kalampag ng mga “bell” sa paaralan. Habang
ako ay tumatakbo ang aking dibdib ay lumalakas ang tunog, ako’y
kinakabahan baka ma huli sa klase at biglang sumara ang pinto ng aking silid-
aralan at pagkatapos nun may narinig akong mga salita na ang sinasabi ay”
Nak, Nak, gising nab aka mahuli ka sa klase”

You might also like