You are on page 1of 2

Dektriptibong Sanaysay:

Wala Akong ‘Wamport’

Balik-tanaw sa nakasanayang sistema ng pag-aaral, face-to-face class, ay ang madalas kaganapan sa


silid-aralan. Doon, ay makaririnig ng sabay-sabay na pagbati ng— “Good morning, Ma’am!”—minsan
matamlay ngunit madalas nama’y may buhay. Masisilayan ang pabukakang ngiti mula sa pagbati ng aking
mga kaklase. Ang iba ay mamasa-masa pa ang mga buhok madalas ng aking mga kaklaseng babae sabay ng
paglapat ng kumakalat na Johnson’s baby powder. At habang bumabati ay pinapantay ang mapulang liptint
hindi lang sa labi ngunit pati rin sa pisngi. Nandiyan din ang aking mga kaklaseng lalaki na kumpol-kumpol
alasyete pa lang ng umaga. Nakakatuwa nga minsan at sabay-sabay silang nag-aaral ngunit dahil lang pala sa
di nagawang takdang-aralin at sama-samang pinagpyepyestahan ang kasagutan—one for all; all for one. Ano
pa man ang mga istorya mula sa aming klasrum, masasabi kong ang mga kaganapang ito ay isa sa mga rason
kung bakit ang nagpapatuloy mabuhay. Sa loob ng silid-aralan ay ang trahedyang hindi mo nais bitawan.

Tanaw ko pa, hindi lang ang luntiang kapaligiran, mapusyaw na mga bulaklak at nakabibighanang
sinag ng araw sa labas ng aming klasrum ngunit pati narin ang araw na minsang magpa-quiz ang aming guro
sa Philosophy. Biglang tumahimik ang aming nakabibinging silid at umayos ang aming mga tindig. Nagsimula
ng magsalita ang aming guro— “Get a one-fourth sheet of paper!”—sabay bilang ng sampung segundo
habang inaayos ang kanyang bagong-plantsang uniporme. Natapos na ang pagbibilang at wala parin akong
papel. Buti na lang at naalala kong may isinuksok pala akong papel sa aking kwaderno, dali-dali ko itong
hinanap at nanginginig na nagsimula. Sa oras pa lang na banggitin ang unang tanong, alam ko na hindi ako
papasa. Sinabi ko sa sarili ko sa oras na iyon na mag-aaral at makikinig na talaga ako sa klase. Sabay ng
aming dismayadong silid ay ang biglang pagsingaw ng isang hindi kanaisnais na amoy— “bakit parang may
amoy tae”—wika ng aming guro. Dali-daling lumabas ang isa naming kaklase at nagpaalam na magbabanyo
raw saglit; alam na naming kung sino at ano ang dahilan. Masyado yata siyang kinabahan at hindi na
nakapagpigil. Gayunpaman, siya ang nakakuha ng pinakamataas na puntos mula sa quiz na iyon. Iba-iba man
ang ekpresyon sa mukha ng aking mga kaklase, may di mapinta, may nakangiti, tulala at mangiyak-ngiyak
habang nakatingin sa kani-kanilang ‘wamport’ at gaano man kabaho ang bungad sa amin ng umaga ay
masasabi ko paring iba ang saya kapag sama-sama. Hanggang matapos ang taon ay magpapatuloy at
magsusumikap parin kami sa pag-aaral.

Ang sarap balikan ang mga ala-alang nakasanayan. Kung alam ko lang na ‘huli na pala ang mga iyon’
ay nilubos-lubos ko na. Sana, nagdala na ako ng ‘wamport’. Sana hindi na ako nakipag-agawan ng electricfan
sa aking mga babaeng kaklase na nagpapatuyo ng buhok at pumayag na lang ako na lagyan nila ako ng liptint
sa labi. Nakipaglaro narin sana ako sa aking mga lalaking kaklase noong inaya nila ako ng rank game sa ML
(mobile legends). Kung alam ko lang, mabuhay ko sanang binati ng “good morning maam/sir” si teacher at
nakinig sa bawat sasabihin nila. Ano-ano pa man ang mga iyan, marami akong gustong gawin at nais
maranasan na hindi ko na magagawa pa. Habang buhay ko na lamang tatanawin ang mga masasasayang
alaala bago mag-pandemya.

Sa aking mapanglinglang na ensayo at pagkatuto sa distance learning ay ang mga laban at sakit sa
ulong hamon sa buhay na unti-unti ko ng nasisilayan. Bumabangon akong walang inspirasyon sa buhay;
walang pag-asang pinanghuhugutan. Sobrang tahimik habang ako ay lulan-lulan ng aking magulog higaan at
pinagmamasdan ang maalikabok na kisame. Pagkagayunpaman, umaasa parin ako na balang araw ay
maisusuot ko muli ang aking uniporme at makaririnig ng— “class, get a one-fourth sheet of paper’”.

You might also like