You are on page 1of 1

Tinig ng Nakaraan

Isinulat ni Franches Jam Camba (10-Einstein)

Sabi nga ni kuya Kim - Ang buhay ay


weather weather lang, minsan umaaraw -
minsan umuulan, katulad rin ng ating
buhay, minsan malungkot ngunit mas marami
ang mga araw na tayo ay nagpapakita ng
ating mga ngiti. Tulad na lamang ng aking mga kapalpakan o
kahihiyang naranasan sa buhay at sa tuwing naaalala ko iyon,
hindi ko mapigilang matawa na lang.
Nalala ko pa nga noong ako’y nasa elementarya pa lamang, dahil
nakasemento ang harap ng aming klassroom at nang mga panahon na
iyon ay tag-ulan. Hindi naman masyadong malakas ang ulan ngunit
halos mag-iisang linggo na itong walang tigil kung kaya’t napuno na
ng mga lumot o algae sa ingles. Nang mga panahon na iyon, kailangan
ko pa rin pumasok sapagkat kapag hindi ako pumasok ay mahuhuli ako
sa mga paksang tinatalakay ng aming guro. Ang naaalala ko pa ay
papasok ako noon, at habang naglalakad ako papunta sa aming
klassroom (saktong sa may pinto), bigla akong nadulas. Nasa loob na
ng aming klassroom ang aming guro kung kaya’t nasaksihan nilang
lahat ang aking pagka-tumba (dahil sa harapang pinto rin ako noong
pumasok).
Sobrang hiya ko ng mga panahon na iyon na gusto ko na lang maiyak
at umuwi na lamang sa aming bahay. Napuno nang tawanan ang aming
klassroom pati na rin ang aming guro ay natatawa ngunit marahil ay
pinipigilan lamang niya upang hindi lumala ang kahihiyang aking
naramdaman at ako’y kanyang tinulungan. Nainis ako noon sa aking
mga kaklase sapagkat bakit kailangan nila akong tawanan? Nadudulas
rin naman sila.
Dahil sa nabasa na rin naman na ang aking suot ay pinatawag ng
aking guro ang aking magulang upang magdala ng pamalit ko.
Nagsumbong ako noon sa aking mama ngunit ang sabi niya ay hayaan ko
na lang raw sapagkat normal lang naman ang kanilang reaksyon at
wala naman kaming magagawa dahil nangyari na. Kung kaya’t sa
paglipas ng araw at buwan, pa-unti-unti ko na rin itong nalimutan
at piniling hayaan na lang ang nangyari.

Napakarami nang taon nang nangyari ang nakakahiyang insidenteng


aking naging karanasan. Grade 3 pa lamang ako ng mga taon iyon at
ngayon ay Grade 10 na ako. Sa mga nakalipas na taon, natutunan kong
mag-move on dahil sa wala naman tayong magagawa, nangyari na ang
nangyari kahit pa anong gawin natin hindi na maibabalik pa ang
dati. Natutunan ko ring i-appreciate ang mga bagay na nangyari sa
aking buhay, nakakahiya man o hindi; nakakatuwa man o hindi,
naging bahagi pa rin ito ng ating buhay, hanapin na lang natin ang
mga tawa at iyak na ibinuhos natin sa mga ito.

You might also like