You are on page 1of 1

ANG AKING BUHAY

Ang aking buhay ay parang klima.Opps ay mali, tapus na pala tayu dun!! Akala ko kasi ikukumpara ko
naman ang aking buhay,hindi pala ,hayys. Pagud naku sa kakasulat n malulungkot na kwento kaya ma iba
naman tayu.Tungkol ito sa aking buhay pero dun tayu sa may leksyon at pagiging responsable sa ating mga
sarili, pero lagyan natin ng medyo may kunting kaaliwan.Imbis na ang buhay ko ay parang klima gawin
nating ,Ang aking buhay ay punong puno nang sermon ni mama.

Sa bahay kasi walang araw na hindi ako sesermonan ni mama,mapa araw man o gabi may sermon ka talagang
maririnig mismo galing sa aking pinaka maganda kong ina.At hindi lang basta yun, yung tipong may nabasag
kang pinggan at nalaman nang mama mo .Sinasabi ko sayo ihanda mona ang iyong tenga sa isang linggong
sermon. Dahil araw araw nyang babanggitin ang iyung pagkakamali sa isang bagay,at araw araw mong
maririnig ang pabalikbalik na sermon.Kaya minsan parang naiinip naku kakarinig sa kanyang sermon.

Pero napagtanto ko na kaya araw-araw ako na sesermonan ni mama dahil araw-araw din akung gumagawa ng
mga bagay na ikakagalit nya.At napagtanto korin na lahat ng sermon na galing sa ating mga ina ay paradin sa
ating mga sarili kung panu tayu maging responsable sa buhay. Sinesermonan tayu ng ating mga magulang para
itama natin ang isang pagkakamali at maiwasan ang pagsisi. Kaya kapag napatanong tayu sa ating mga sarili
kung ,Mahal ba tayu nang magulang atin. Lagi nating tandaan ang kanilang mga sakripisyo at walang sawang
pagmamahal sa atin.

You might also like