You are on page 1of 2

Pangalan: Disamie O.

Dizon Kurso at Taon: BEED-1

TEORYANG BAYOGRAPIKAL.
Ang layunin ng panitikan ay ipamalas karanasan o kasagsagan sa buhay ng may
akda. Ipinahihiwatig sa mga akdang bayograpikal ang mga bahagi sa buhay ng
may akda na siya niyang pinakamasaya, pinakamahirap, pinakamalungkot at lahat
ng mga “pinaka” na inaasahang magsilbing katuwang ng mambabasa sa kanyang
karanasan sa mundo.

REFLEKSYON: “ANG AKING TALAMBUHAY”.

Sa buong buhay ko nuong ako ay isinilang ng aking ina ang pinakamasayang araw
sa buhay ko nang makita ko ang aking mga magulang at mga kapatid. Ang
pagpapahalaga sa ating karanasan ay isang batayan kung paano natin nabibigyang
halaga ang mga nangyayari sa ating buhay,kaya dapat ating pahalagahan at
pagyamanin ang buhay na bigay sa ating panginoun. Noong december 18, 1994
ako ay isinilang ng aking mapagmahal na ina dito ko nasilayan at nararamdaman
ang kagandahan ng ating mundo. Natatandaan ko pa ang sabi ng aking
pinakamamahal na ina,noong isinilang niya ako ang “lola” ko daw ang nagbigay ng
aking pangalan. Nagsimula akong pumasok sa paaralan bilang kinder 1 noong
ako’y limang taong gulang.Natatandaan ko,pa noon sa silid -aralan ,ay nag aaway
kami ng aking ate kinurot niya ako na naging dahilan ng aking pag-iyak ng
malakas, kahit na palagi kaming nag -aaway ay mahal pa rin namin ang isa’t isa.
Noong ako’y anim na taong gulang, nagsimula ako sa aking elementarya naging
masaya ang panahon sa aking elementarya palagi akong nakatanggap ng mga
award naging kabilang din ako sa naging top achievers sa aming paaralan
hanggang nakatapos ako ng grade six .Sa pag-aaral ko sa high school dito na
nagsimula ang hindi ko inaasahang pangyayari sa buong buhay ko .Masakit man
sa aking kalooban na wala kang magawa kundi umiyak nang umiyak lamang.Sa
pangyayaring ito nag iba ang daloy ng aking kapalaran nawalan rin ako ng gana sa
aking pag aaral ,hindi ko kasi tanggap ang mga pangyayari na naghiwalay ang mga
magulang ko dahil sa pagkasala ng aking ina na umibig siya sa ibang nilalang na
syang dahilan sa pagkawatak watak naming magkakapatid .Matagal na panahon
na hindi ko pinansin ang aking ina lalong lalo na noong nagka anak sila ng kanyang
kinakasama masakit mang isipin siya parin ang ina na nagsilang sa akin at nag
alaga sa akin ng mabuti hanngang lumaki ako sa totoo lng mahal na mahal ko ang
aking ina lalong lalo narin ang aking ama. Heto ako ngayun may sarili naring
pamilya at may isang anak.Nagsusumikap ako ngayun sa aking pag aaral upang
makapagtapos sa aking kursong kinukuha ,nag aaral ako ngayon sa aking kolehiyo
sa BENIDECTO COLLEGE .Kahit may pamilya na ipinagpatuloy ko parin ang pag
aaral na naudlot ko noon, hanggang ngayon patuloy parin akong nangangarap
upang maabot ko ang aking mga pangarap sa buhay at mabigyan ko nang
magandang buhay ang aking anak at lalong lalo na sa aking pamilya.Pangarap ko
talaga ang makapagtapos ng pag aaral upang makaahun naman sa kahirapan at
mabigyan ko nang sapat na edukasyun ang aking anak.

You might also like