You are on page 1of 2

Republika ng Pilipinas

PAMBANSANGPAMANTASANNG BATANGAS
The National Engineering University
Alangilan Campus
Golden Country Homes, Alangilan,Batangas City, Batangas, Philippines 4200
Tel Nos.: (+63 43) 425-0139 loc. 2121 / 2221
E-mail Address: ceafa@g.batstate-u.edu.ph | Website Address: http://www.batstate-u.edu.ph

Kolehiyo ng Inhinyero, Arkitektura, at Pinong Sining


BATSILYER NG AGHAM SA INHINYERIYANG SIBIL

GAWAIN 5 – Pagsulat ng Kuwentong Buhay

Panuto : Sumulat ng personal na kuwento ng iyong buhay. Bigyang-pansin ang mga paalala sa
pagsulat ng kuwentong buhay na tinalakay sa yunit at ilapat sa bubuuing kuwentong buhay.
Ang dami ng mga salitang gagamitin ay hindi dapat kulangin sa 500. Sundin ang
pamantayan sa tamang pagsulat ng sanaysay.

“LUBAK”

May bahagi sa ating buhay na kaysarap balikan, mga pangyayaring hindi


malilimutan, kaganapang tila nag-iwan ng bakas sa ating buhay na hanggang sa ngayon ay
humuhubog sa ating buong pagkatao. Ito ang kwento ng aking buhay.

Ako si Paula Diane A. Lustado. Isang dalagang naninirahan nang payak sa bayan
ng Pagbilao, Quezon. Ang aking mga kapatid ay sina Paul Justine, Paula Nicole, at Paula
Kathleen. Ang aking mga magulang ay sina Romeo Lustado at Monica Lustado. Simula
pagkabata ay iminulat na ako ng aking mga magulang sa realidad ng buhay kung kaya’t sa
dalawampu’t isang taong pamamalagi sa mundong ibabaw ay marami na akong karanasan.
Ang aking ama ay nakapagtapos ng pag-aaral kung kaya’t sapat ang nakakain namin sa
isang araw. Ang aking ina naman ay nagtayo ng sariling negosyo upang matustusan ang
aming mga pangangailangan. Simpleng buhay ang aking kinagisnan, naalala ko pa noong
ako ay musmos pa lamang, nakatira kami sa bayan ng Lucena, mahilig akong magtampisaw
sa ulan at makipaglaro sa aking mga pinsan. Masayang buhay na tila walang problema at
sakit na iniinda, gigising sa umaga, mag-aalmusal, maglalaro, tanghalian, laro, hapunan,
laro at saka pa lang aabutin ng antok hanggang sa makatulog at hindi namalayang karga-
karga ka na pala ng iyong tatay. Noong pumasok ako sa paaralan, isa ako sa mga mag-aaral
na kinahihiligan ang pag-aaral kaya naman hanggang makatapos ng elementarya ay
mayroon akong parangal. Isang masayang karanasan na nabibigyan mo ng ngiti ang iyong
mga mahal sa buhay sa simpleng pagtapak ng entablado habang sinasabitan ka ng mga
medalya. Tumuntong ako sa mataas na paaralan na may tiwala sa sarili na kaya kong
malagpasan ang pagsubok sa apat taon na mamamalagi rito. Oh kaysarap balikan,
pangyayaring tuwing umaga ay may nagaganap na kumpulan sa labas ng silid-aralan.
Titingnan ang mga hinahangaang tao hanggang ang buong magkakaibigan ay
magtatawanan at kikiligin sa mga pangyayaring nagaganap. Gayundin ang mga gurong
napamahal na sa akin dahil sa taglay nilang katangian. Naalala ko noong hayskul, dalawang
tao ang nagsayaw sa akin sa Prom Night. Una at huling sayaw ko sila, nagmistula akong
reyna noong gabing iyon, umabot na sa langit ang aking mga ngiti, oh kaysarap balikan.

Sa paglipas ng araw, dumarating na ako sa punto ng tunay na buhay. Nakadepende na sa


akin ang takbo ng aking hinaharap. Dito ko naranasan ang samut-saring emosyon na
hanggang ngayon ay aking dinadala. Dito nangyari ang hindi ko inaasahan, ang punto na
magtatalo ang aking mga magulang dahil sa bagay na mahirap tanggapin pero nangyari na.
Ako pala ang panganay kaya’t bitbit ko ang bigat ng aking pamilya. Noong nag-away sila,
ako ang buhay na saksi sa lahat ng pangyayari. Nakita ko ang pagtutok ng baril ni tatay sa
aking ina. Tinanong ko sa itaas, bakit po nangyayari ito?. Hindi ko nalaman ang tumakbo
sa aking isipan, ako ang pumagitna sa kanila, kung kaya’t naitutok sa akin ang baril na
hawak-hawak ng aking ama. Sa awa ng diyos, humupa ang galit na nararamdaman nila sa
isa’t-isa. Isa iyon sa hindi ko malilimutang pangyayari sa aking buhay , oh kaysakit balikan.

Sa pag-agos ng buhay, patuloy akong lumaban. Hindi nagpainda sa lahat ng nangyari sa


aking buhay. Tumuntong ako ng kolehiyo na tanging bitbit ay aking pangarap. Dito ko
naranasang mamuhay mag-isa sapagkat lumayo ako sa aking pamilya sa kadahilanang nag-
aaral ako sa malayong paaralan. Sa loob ng pitong buwan sa kolehiyo, naramdaman ko na
hindi biro ang pagkamit ng pangarap, kailangan mo pala talagang magsumikap. Sa
kasamaang palad, inabot ako ng pandemya kung kaya’t ang mga pangarap na aking bitbit
ay tila nahilala pababa, ngunit itinuloy ko ang laban ng buhay. Iginipang ang bawat araw
na nagdaan. Ngayon, isang taon nalang sana, at makakatapos na ako ng kolehiyo.
Masusuklian ang paghihirap ng aking mga magulang at magiging ganap na inhinyera. Dito
nagtatapos ang aking kwento, tuloy-tuloy pa ang hamon na kakaharapin ngunit hindi ito
ang dahilan upang sumuko. Nasa atin pa rin ang kapalaran ng buhay. Dito ko nalaman na
hindi tuwid ang daan, kundi isang lubak.

Leading Innovations, Transforming Lives

You might also like