You are on page 1of 3

Ang buhay ng tao ay masasabing parang gulong, na kahit anong sama o ganda ng ating buhay ay daraan

ka rin sa iba't-ibang pagsubok na magiging gabay sa susunod na kabanata ng ating buhay ngunit may
mga karanasan sa ating buhay na kay sarap balik-balikan kahit na ito ay mapait na karanasan,
sinusubukan parin nating bumangon at kalimutan ito para bumuo ulit ng panibagong simula.

Ang pinakamasayang araw na nangyari sa ating buhay ay ang araw na tayo'y ipinanganak, kaya dapat
nating pahalagahan at pagyamanin Ang buhay na ipinagkaloob sa atin ng maykapal. Ang pagpapahalaga
sa ating mga karanasan ay isang batayan Kung gaano natin nabibigyang halaga ang mga nangyari sa ating
buhay.

Nagsimulang umikot ang aking mundo nang ako'y isinilang nong ikalabingsiyam ng Hulyo taong 2000, at
simula noon ay aking nasilayan at naramdaman ang kagandahan at kahiwagahan ng ating mundo.
Natatandaan ko pa ang sabi ng aking pinakamamahal na ama't ina na sina Gabriel Corpuz at Rosalina
Corpuz na nanggaling sa salitang “July” ang aking pangalan, kaya naman ang aking pangalan ay Julie Ann
Corpuz na ngayon ay nasa dalawampung taong gulang na. Ako'y ipinanganak sa Barangay Gayong-
gayong Norte, Ilagan Isabela na ngayon ay kasalukuyang nakatira sa Villa Concepcion, Roxas, Isabela.
Apat kaming magkakapagid at ito ay sina Gilbert Corpuz, Michelle Calantoc, Jeffrey Corpuz at ako ang
bunso. May kanya-kanya nang mga pamilya Ang aking mga kapatid at ako nalang ang natitirang nag-
aaral. Ang aking ama ay isang magsasaka at namamasukan rin bilang isang contraction worker, ang aking
ina naman ay tagaasikaso sa akin at sa aking mga kapatid sa bahay.

Tulad ng isang karaniwang tao, ako ay nabuhay ng may simple, masaya at puno ng pangarap. Hilig kong
magtravel, mamasyal, maglaro ng online games, manood ng mga palikula, kumain, matulog, sumayaw at
kumanta.

Nagsimula akong pumasok sa paaralan noong ako'y ika-limang taong gulang bilang kinder I sa Day Care
Center ng Brgy. Gayong-gayong Norte, Ilagan, Isabela. Naalala ko pa ang sinabi sa akin ng aking Ina na
ayaw Kong magpaiwan sa aming paaralan noon dahil natatakot daw ako. At laking papasalamat ko sa
aking ina na nagsumikap na ako'y bantayan hanggang sa ako'y nasanay.

Noong ako'y anim na taon, nagsimula ako sa elementarya sa paaralang Gayong-gayong Norte
elementary school hanggang ako'y tumuntong ng ika-tatlong baitang, isang pangyayaring hinding-hindi
ko makakalimutan ang nangyari sa akin noon. Noong panahon na iyon ay nag-aaway kami ng kuya ko
habang ang mama't papa ko ay abalang-abala sa aming tumana. Hawak-hawak ko ang walis at dustpan
habang ang kuya ko ay hawak-hawak ang isang patalim na kung tatawagin sa Ilocano ay “Kumpay” na
ginagamit sa panggagapas/pang-aani ng palay, nailapit sa akin ito ng kuya ko sa mukha ko at ito'y
nasugat. Sobrang pag-aalala at kaba ang naramdaman ng mama't papa ko noong panahon na iyon.
Gusto nilang ipatahi noon ang sugat sa aking mukha ngunit ayaw ko daw noon kaya ang ginawa nalang
nila ay binilhan nalang nila ako ng gamot pampahilom sa sugat. Ito ang aking karanasan na hinding-hindi
ko makakalimutan sapagkat nagmarka na ito sa aking mukha at sabi nila ito na raw ang nagsisilbing
senyales ko na kahit mawala ako ay mamumukhaan parin daw nila ako.

Taong 2010, kami ay lumipat na dito sa Roxas, Isabela at dito ko na pinagpatuloy ang aking pag-aaral
noong ako'y ika-limang baitang sa paaralang San Pedro-Villa Concepcion Elementary School. Dahil sa
hirap ng buhay, naranasan kong maging “Working Student”, namasukan ako noon bilang isang tindera sa
kamag-anak ko rin at sila na ang nagpaaral sa akin noon hanggang sa ako ay nakapagtapos sa
elementarya. Laking pasasalamat ko sa kanila dahil kung wala sila, hindi ko naipagpatuloy ang aking pag-
aaral.

Noong 2012, tumuntong ako ng Highschool sa paaralang Monico Rarama National Highschool. Tuwa at
kaba ang aking naramdaman noon dahil kinakabahan ako sa mga panibagong mga kaklase at mga guro
nanaman ang makikilala ko, tuwang-tuwa ako sapagkat ito ang aking pinakahihintay dahil sinasabi ng
karamihan ang “highschool life” ang pinakamasaya sa lahat at ako'y sumasang-ayon dito sapagkat dito
ko naranasan ang saya kasama ang barkada na Kung saan kasama sila sa galaan, kasama sa kalokohan,
kainan at sa kanila ko naramdaman ang tunay na kaibigan na kung saan parang magkakapagid na ang
aming turingan. Tunay nga na kaysaya ang dulot sa akin noong akong nasa secondarya, lalong-lalo na
noong una akong isinayaw ng aking ama sa naganap na JS Ball nong Marso 11, 2017 at kasama ang aking
mga kaibigan at mga kaklaseng lalaki. “Highschool life” Dito ko rin nasubukang umubig .

March 21, 2016 naganap ang moving up ceremony bilang completers.

Buwan ng June, Tumuntong ulit ako ng Senior highschool sa paaralan parin ng Monico Rarama National
Highschool. General Academic Strand (GAS) ang aking kunuha noon. Nangangapa parin kami noon dahil
kami Ang kauna-unahang sumalang sa programang K-12. Senior highschool noong nagsimula kaming
mag work immersion sa mga pagawaan ng tinapay tulad ng Panderia Viga, at Roxas Bacery na kung saan
dito ako natutong gumawa ng iba't ibang klaseng tinapay.

Noong April 3, 2018, araw ng aming pagtatapos bilang Highschool at ako ay kabilang sa mga mag-aaral
na with honors. Sa araw na ito, nakaramdam ako ng lungkot at saya, malungkot dahil mahihiwalay na
naman kami ng aming mga kaibigan sa isa’t isa, masaya dahil magkakaroon na naman ng bagong
kaibigan at panibagong buhay na namanang aming tatahakin. Haiy! talagang nakaka miss ang
“highschool life” ang sarapbalik-balikan. Totoo pala talaga na masaya ang hayskul dahil dito nagsisimula
ang lahat at Laking pasasalamat ko sa aking mga magulang noon sa kanilang walang sawang pagsuporta
at sakripisyo sa akin sa aking pag-aaral hanggang sa ako'y makapagtapos at sa Poong Maykapal sa
walang sawang paggabay sa akin sa aking pagkamit ng aking mga pangarap sa buhay.

Agosto 6, 2018 nang tumuntong ako sa buhay kolehiyo, sabi nila ito ang pinaka seryosong bahagi ng pag-
aaral dahil ito ang magiging batayan ng aming tagumpay sa buhay. Nang makapasok ako dito sa “Isabela
State University-Roxas campus” ay masaya ako dahil marami ang nagsasabi na ito ay magandang
paaralan at mataas ang “standard”. Marami akong naging kaibigan at masaya ako na nakilala ko sila
lalong-lalo na ang aking mga barkada na kasama ko sa kalokohan at galaan. Dito ko rin naranasan ang
madurog ang puso dahil sa pagmamahal.

Sa kasalukuyan, ako ay nasa ikatlong baitang na ng kolehiyo at patuloy paring lumalaban sa anumang
dagok ng buhay at pag-aaral. Ako ay walang sawang nag papasalamat sa Poong Maykapal dahil ako ay
biniyayaan niya ng mapag-mahal na mga kaibigan, pamilya at taong nag sisilbing isa sa aking mga
inspirasyon sa aking pag-aaral. Mga taong nag-sisilbing sandigan at malalapitan sa anumang oras ng
aking pangangailangan. Sa ngayon, masaya na ako sa aking buhay at kontento na sa kung anomang
meron ako ngayon. At patuloy akong magsisikap sa abot ng akingmakakaya hanggang sa matupad ko
ang aking mga pangarap sa buhay.

You might also like