You are on page 1of 5

Sino nga ba

ako?
Ipinasa ni: Charlie G. Gementiza Jr.
Ipinasa kay: Gng. Reshiel E. Cabezas

Maraming tao ang nag sasabing kilala na nila ako ngunit hindi nila alam kung sino
nga ba ako. Ano nga ba ang aking naging simula?

Ako si Charlie Guliban Gementiza Jr. Ang aking mga kapatid ay sina Cheryl
Gementiza Betonio at Joash Guliban Gementiza. Bunga kami ng pagmamahalan
ng aming mga magulang na sina Charlie Ybañez Gementiza Sr at Crestisam
Guliban Gementiza. Ang aking ama ay isang konsehal sa aming lugar at ang aking
ina naman ay isang simpleng may bahay. Ipinanganak ako ng madaling araw
noong Oktubre labing pito, dalawang libong pito ng Miyerkules sa Bishop Joseph
Regan Memorial Hospital. Sa aking pag silang, bagamat hindi ako ang panganay sa
aming magkakapatid ay nag hatid ako ng kasiyahan sa aking mga magulang at
mga kapatid.

Lumaki ako sa pangangalaga ng aking ama at ina. Lumaki ako kasama ang aking
pamilya. Naranasan kong maglaro kasama ang aking mga kaibigan, mag laro ng
bahay-bahayan, tagu-taguan hanggang mapagod at maligo sa ulan. Naranasan ko
ang simpleng buhay ng isang bata. Isa sa pinakamasayang ala-ala ang aking
pagkabata. Naalala ko ang pag akyat sa puno kasama ang aking mga kalaro at mga
kaibigan, pag papalipad ng saranggola sa kalsada, pag lulutu-lutuan, pag lalaro ng
mga larong kalye kasama ang mga batang hindi ko kilala at mamingwit ng isda sa
ilog kasama ang aking mga pinsan. Ang aking bayang kinalakihan ay biniyayaan ng
magagandang tanawin. Ang aking ina ang unang naging guro sa akin siya ang
nagturo sa akin kung paano bumasa at sumulat noong ako ay bata pa.

Sa pagpasok ko ng eskwelahan bilang isang kinder ay kasama ko ang aking pinsan


na si Khent Brian Braga Guliban. Sa bayan ding ito ako nag aral sa unang baitang
ng elementarya sa Sto. Niño Central Elementary School. Inienroll ako ng aking
mga magulang sa eskwelahang iyon. Isa itong malaking pagsubok sa aking
sapagkat wala pa akong alam sa dapat kong gawin. Subalit ganun pa man
napatunayan ko sa sarili ko na kaya ko. Nagkaroon ako ng maraming kaibigan at
siya kong nalalapitan pag ako ay malungkot at may problema. Sa unang araw ng
pasukan maraming mga bata ang aking nakikita, iba't ibang mukha mga iba't
ibang ugali may mga batang mabait, palakaibigan at mga pilyo at pilyang mga
bata. Sa loob ng classroom, una sa lahat ang gagawin ng teacher ay mag roroll call
para sa attendance at para narin malaman kung sinu-sino pa ang mga wala kong
kamag aral. Inarrange kami alphabetically, hindi ko na matandaan kung saan
akong row noon. Pagkatapos noon ay ang taon taong self-introduction. Marami
ang nahihiyang pumunta sa harapan upang magpakilala ng sarili. Bago mag simula
ang klase tuwing lunes, pumupunta kaming mga estudyante at pati narin ang mga
teacher sa may ground sa tapat ng Principal's Office upang mag flag ceremony,
umawit ng Lupang Hinirang ang ating pambansang awit. Pagkatapos noon ay
manunumpa ng panatang makabayan at panunumpa sa watawat ng Pilipinas na
ang tawag ngaun. Sunod ang pag kanta ng Davao Region Hymn at Davao del Norte
March. Tanda ko pa noon pag katapos ng flag ceremony ay kasunod na nito ang
pag eehersisyo. Bago mag simulang magtuturo ang aming guro, may kunti muna
siyang activity, yun yung parang may intermission number muna ang isang
estudyante pakakantahin, pasasayawin,o ipapakita ang talentong meron sila. Buti
nalang hindi ako tinatawag ng aking guro para mag ganun sa harapan. Araw araw
ang sakit ng aking kamay dahil sa kakasulat ng mga lectures at halos makuba na
ko dahil sa pag dadala ng marami at mabibigat na libro na hindi naman
masyadong ginagamit. Sa umaga pag katapos ng ilang subjects ay ang favorite
subject ng bawat estudyante ang recess o break time. Ang mga iba kong kaklase
ay may dalang pagkain samantalang yung iba naman na katulad ko ay nabili na
lamang sa canteen, wala na kasing panahon ang aking ina na mag handa pa ng
aking babauning pagkain sa school. Pagkatapos ng break time ay isang subject
nalang at uwian na. Binibigyan kami ng isang oras para kumain, umuwi at gawin
ang aming gustong gawin. Noong grade one ako ay hindi na ako hatid sundo ng
aking magulang dahil nasa tapat lang ng bahay namin ang pinapasokan kong
paaralan, tumatawag at sisigaw na lang ako pag ako ay tatawid sa daan. Malimit
kaming pasulatin ng parag essay at isa na doong ang pinamagata na "My
Ambition" at ang pangarap ko naman noon ay maging engineer, doctor, nurse,
teacher at marami pa akong pangarap na maging dati. Pagkatapos ng Filipino (ang
paborito kong subject), science, at english ay uwian na pero hindi mawawala ng
assignment sa araw-araw. Bago ako umuwi ay dapat mag linis kami ng aming silid
aralan kasama ang aking mga kagrupo. Habang ang ibang bata naman ay
naglalaro pa habang nag aantay ng kani-kanilang sundo. Ako naman pag katapos
mag linis ay sasali ako sa mga kaklse kong naglalaro sa labas ng bahay kubo,
tumbang preso, at iba, kaya pag uwi ko ng bahay amoy pawis ako.

Tuwing Holiday Vacation o kung anu pa mang vacation basta walang pasok ay
tuwang tuwa ako. Hindi kailangang gumising ng maaga at gawin ang iba ko pang
daily routines. Pero pag balik sa school ang laging pinapagawa ng aming guro ay
isang pag lalahad ng aming mga ginawa ng buong bakasyon. Sa pag tatapos ng
bawat school year ay hindi nawawala ang pag papasulat sa amin ng aming mga
natutunan sa buong taon ng aming pag aaral take note 100 words and above
dapat.

Nag tapos ako ng elementarya sa Sto. Niño Central Elementary School, sa pag
tuntong ko sa mataas na paaralaan sa katabi lamang ng aming school ako
pumasok. Sa Sto. Niño National Higg School, isang pampublikong paaralan. Sa
gulang na 12 ay tumuntong ako ng sekondaryang lebel. Dito ko naranasan ang
pinakamasayang parte ng aking buhay ko na kailanman ay hindi ko malilimutan.
Dahil dito buong klase ay mag kakaibigan. Dito ko natagpuan ang aking taong
hinahangaan. Dito ko rin naranasang mag sayaw sa harap ng ibang tao. Ang pag
gawa namin ng doxology, pag sasadula ng ibong adarna at ang hindi ko
malilimutang nutri jingle. Nag bunga ng maganda ang aming pag kakaisa. Nakuha
namin ang unang pwesto sa Food Display at nag champion kami sa naganap na
Nuri Jingle. Naging masaya ang aming pag lalaro sa naganap na mini olympics ang
pag sali namin sa badminton,volleyball at basketball. Hindi ako naging masyadong
naging aktibo sa iba pang mga gawaing pampaaralan.
Kailanman ay hindi ko ipagpapalit angbmga karanasan ko dito. Lubhang
napakalaki ng naging papel ng eskwelahang ito sa aking pag hubog bilang isang
tao. Dito ko nakilala ang mga kaibigan kona handang dumamay sa kasiyahan at
kalungkutan, ang mga taong naging inspirasyon ko. Sa eskwelahang ito nabuo ang
aking prinsipyo , lakas ng loob, at mga pangarap, dito ko natutunan ang
pakikipagkapwa at pakikisama sa mga ibang estudyante. Bilang isang estudayante
at anak na nag aral sa abot ng aking makakaya, sinikap kong maging magaling na
mag aaral.

Sa aking nalalapit na pag tatapos sa Junior High sa darating na Hunyo ay lubos


akong nagagalak dahil nakakatuwang isipin na ako ang batang dating walang
muwang sa mundo ay makakatapos na ng Junior High. Itong aking pag tatapos rin
ang aking magiging pinakamalungkot na bahagi ng aking buhay. Hindi ko
inaakalang sa ikalawang pag kakataon ay mahihiwalay akong muli sa aking mga
naging kaibigan. Hindi ko matatawag ang aking sarili bilang isang simpleng tao.
Marami akong pangarap na maaring sa iba ay malayo sa riyalidad. Nais kong mag
ligtas ng buhay. Naniniwala akong hindi kailangang mamuno para mag silbi, ang
bukal sa loob na pag tulong o paglilingkod ang mas mahalaga. Lahat ng mga
karanasang ito ay itinuturing kong yaman ng aking buhay at parte ng aking
pagkatao.

Ito ako sa iyong pag babasa ng aking maikling talambuhay ay may nalaman ka
tungkol sa akin. Ngunit sa kasamaang palad ay kakaunti pa lamang iyan. Kung
ako'y pakikisamahan marahil sa pag kakataong iyon ay tunay mo akong makikilala
at ganoon din ako sa iyo.

You might also like