You are on page 1of 2

Ang Aking Talambuhay

(Arnulfo U. Sanchez)

Maraming tao ang nagsasabing kilala nila ako ngunit hindi nila alam kung sino
nga ba ako sa kabila ng kanilang nakikita. Ano nga ba ang aking naging simula?

Ako ay si Arnulfo Ubay Sanchez Jr, labing-siyam (19) na taong gulang,


ipinanganak sa Barangay San Juan, Ormoc City sa ika-2 ng Marso taong 1999. Ako
ay nakatira sa Barangay San Juan, Ormoc City. Ang aking mga magulang ay sina
Arnulfo Sanchez Sr. at Editha Ubay. Ang aking ama ay nagtatrabaho bilang isang
magsasaka at ang aking ina ay ang kaniyang katuwang sa trabahong bukid. Ako ay
nagsimulang nag-aral noong ako’y 7 taong gulang, napaka kulit ko daw na bata at
malikot. Noong nagsimula na akong mag aral ng elementarya sa San Juan
Elementary School sa edad na 7 na taon. Doon ay marami akong nakilalang bagong
kaibigan na madalas ko namang nakakasama para maglaro at gumawa ng asignatura.
Mukang napakasaya nga maging bata nung panahon ng elementarya dahil sunud na
sunud ang gusto mo dahil sa bata pa at walang kang iintindihin. Nung ako ay nag High
School ako ay nag-aral sa Margen National High School sa edad na 12, kasama ang
aking mga kaibigan kahit na nag kahiwahiwalay kami ng seksyon ay nag kakasama pa
din kami dahil mahilig kaming maglaro ng basketball sa tuwing kami ay walang klase
pero minsan tinatamad akong sumama sa kanila. Natutulog ako paminsan minsan sa
klase.

Noong nagtapos ako ng high school naging emosyonal ang aming pagtatapos
pero para sa akin ay parang wala lang kasi parang simula palang ito sa aming layunin
sa buhay. Ang aking pangarap pagkatapos ng sekondarya ay pumasok at makapag
aral sa kolehiyo sa kursong Bachelor of Science in Criminology sa kagustuhan na rin ng
aking mga magulang at dahil na rin sa aking pagpili. Alam kong isa ito sa mahirap na
parte ng pag-aaral ngunit gagawin ko ang aking makakaya para masuklian ang lahat
nga suporta na aking mahal sa buhay at para na rin mapatunayan ko na hindi ko
sasayangin ang buhay na ipinagkaloob sa aking ng Panginoon.

Ang aking hilig ay ang maglaro ng Volleyball. Ang aking paboritong pagkain ay
ginisa o pritong karne na luto ng aking ina. Ang paborito kong actor ay mga action star.
Ang paborito kong kulay ay puti at itim at ang paborito kong “subject” ay science.
Payak lamang ang pamumuhay ng aking pamilya: masaya, sama-sama, at tulong-
tulong ngunit hindi maiiwasan ang mga problema na talagang susubukin ang isang
pamilya pero ang kaylangan lamang ay pagmamahal, pagtutulungan at pananalig sa
Diyos upang malampasan ang lahat ng iyon.

Sa aking karanasan naman sa buhay ang hindi ko malilimutan ay noong


bagyong Yolanda. Ako ay simple lamang: mapagmahal, mabait ngunit kung minsan ay
mag pagka “moody”. Bilang kaibigan naman ako ay mapag biro at siyempre may
pagpapahalaga ako sa mga kaibigan ko at madalas ay inaalala ko muna ang kanilang
mararamdaman bago ko magsalita.
Sa tuwing ako ay may problema madalas akong nagdarasal sa Panginoon upang
ako ay gabayan niya. Sa kanya ko lahat sinasabi ang aking mga problema, sama ng
loob, kasiyahan at paghingi ng tawad sa lahat ng aking kasalanan. Sa kanya din ako
humihiling kapag ako ay may nais makamtan. At sa kanya din ako humingi ng gabay.

Ang aking karanasan naman sa buhay na hindi ko malilimutan ay noong


bagyong Yolanda. Ako ay simple lamang: mapagmahal, mabait ngunit kung minsan ay
may pagka “moody”. Bilang kaibigan naman ako ay mapag biro at siyempre may
pagpapahalaga ako sa mga kaibigan ko.

Ang mithiin ko sa buhay ay masuklian ang paghihirap ng aking mga magulang,


paglingkuran ang Diyos habambuhay, maging matagumpay sa buhay, at magkaroon ng
asawa at anak sa tamang panahon. Ngayon ay sisimulan ko to sa pag-aaral, pagsisikap
at pananalig sa Diyos.

Naniniwala ako na ang kabataan ang pag-asa ng bayan. Magagawa koi to sa


pamamagitan ng pag-aaral nang mabuti, at pag-iwas sa bisyo o sa anumang
masasamang Gawain katulad ng sugal. Pipilitin ko rin maging isang mabuting
halimbawa sa mga kapwa ko kabataan. Lubong akong naniniwala na ang mga simple
at maliliit na paraan kong ito ay isang malaking tulong sa pagpapa-unlad ng bansang
aking kinabibilingan. Kahit anong hirap ay kakayanin ko huwag mawalan ng pag-asa sa
bawat pagsubok bilang isang estudyante maraming tao talaga ang hihilahin ka pababa
ngunit tiwala lang sa sarili ang kailangan, sipag, tiyaga, at huwag na huwag kalimutan
ang pananampalataya sa ating Mahal na Panginoon tutulungan niya tayo at gagabayan.
Mabilis nalang ang taon sa panahon nganyon magsikap lang tayo bilang isang mabuti
at masipag na estudyante hindi natin mamamalayan na tayo ay makakapagtapos na sa
pag-aaral at balang araw magtatagumpay tayo sa buhay na ating haharapin.

Lubos ang aking pasasalamat sa mga taong naging malaking parte ng aking
buhay. Ang aking mga kaibigan na laging nandyan para sa akin, mga guro, kamag-
anak, pamilya at higit sa lahat ay sa Panginoon. Sa huli, masasabi ko na tanggap ko
kung ano at sino ako sa paningin ng ibang tao ngunit pinipilit kong maging mabuti sa
lahat.

You might also like