You are on page 1of 1

Dahon ng Pagpapasalamat

Ang mga mananaliksik ay nais na iparating ang kanilang taos pusong pasasalamat sa mga taong

tumulong at naging bahagi ng pananaliksik na ito, kundi dahil sa kanilang suporta at patuloy na

pagtitiwala, hindi namin mapapalawak ang aming kaalaman ukol sa paksang nabanggit.

Sa aming propesor sa asignaturang Filipino 2 na si propesor Evelyn Antonio-Punan, kami po ay

nagpapasalamat sa walang sawa na pagtuturo at paggabay sa amin hanggang sa matapos ang

aming pananaliksik.

Sa mga respondante ng aming pananaliksik, ang mga mananaliksik ay lubos na nagpapasalamat

sa paglalaan ninyo ng oras at sa pagbabahagi ng inyong mga karanasan, dahil dito ay mas

naging epektibo ang aming naisagawang pananaliksik.

At higit sa lahat, nais naming pasalamatan ang Maykapal na siyang nagpadala sa mga tao na

nabanggit sa itaas upang tulungan kami na maging matagumpay ang aming pananaliksik. Ang

patuloy niyang paggabay sa amin sa buong proseso ng pananaliksik ay naging motibasyon

namin upang mas lalong pagbutihin pa ang nasabing pananaliksik.

Muli, kami ay lubos na nagpapasalamat sa lahat ng naging bahagi at parte ng aming

pananaliksik.

Mga mananaliksik

You might also like