You are on page 1of 1

Pasasalamat

Taos-pusong pasasalamat ang ipinapaabot ng mga mananaliksik sa mga sumusunod na


indibidwal at iba pang mga naging bahagi ng pag-aaral dahil sa walang humpay na suporta,
tulong at kontribusyon upang maisakatuparan at maging matagumpay ang pag-aaral na Ito.

Sa aming mahal na guro G. Jackson Parchamento, na siyang gumabay at nagturo sa amin sa


tamang pamamaraan sa paggawa ng pananaliksik, at sa pagbabahagi ng mga kaalaman na
malaking tulong upang maisagawa ang pag-aaral.

Sa mga tagapamahala at may-ari ng mga kainan sa Old Market, na lubos na tumanggap at


nakibahagi sa aming pag-aaral na nagsilbing daan upang tuluyang makalap ang mga datos na
aming kinakailangan.

Sa mga mag-aaral ng CLSU, na nagsilbing respondente sa pananaliksik. Sa oras, tulong at


partisipasyon na ibinigay sa amin upang magsagot ng talatanungan na naging instrumento sa
pag-aaral.

Sa aming mga magulang, na lubos na sumuporta sa pangpinansiyal, moral, emosyonal at


ispiritwal na aspeto na naging malaking bahagi sa katagumpayan ng aming pananaliksik.

Sa aming mga kaklase sa BSAC 1-1, na aming naasahan bilang respondente at nahingan namin
ng tulong sa mga tanong na nagbigay ng kalituhan sa paggawa ng papel ng pananaliksik.

Sa pamunuan ng CLSU, na nagpahintulot sa amin upang isagawa ang pag-aaral sa loob ng


unibersidad .

Higit sa lahat, ang papuri at pasasalamat ay sa Diyos na siyang gumabay at nagprotekta sa amin
mula simula hanggang matapos ang pananaliksik, at sa pagbibigay ng sapat na karunungan
upang matapos ng maayos ang pag-aaral.

You might also like