You are on page 1of 2

Sa punto na to, gusto kong malaman mo na hindi mo naman talaga kailangan ng ibang tao para masukat

ang halaga mo

Hindi mo kailangan ng mga rosas tuwing pebrero, mas lalong hindi mo kailangan magpakalunod sa
papuri ng ibang tao

Hindi mo kailangang ipagsiksikan ang sarili mo sa iba

Hindi mo kailangang patunayan na mahalaga ka

Sa panahon ngayon para ka nang nakatira sa isang zoo na may mga ahas, buwitre at buwaya

Mga taong sumasamantala sa mga kahinaan ng iba, nanglilimos ng atensyon kase hindi sila masaya

Palagi mo sanang tatandaan na

Palibutan mo man ang sarili mo ng mga pilak at ginto, hindi nito matatakpan ang alingasaw ng
nabubulok mong pagkatao

Wag kang magpapakasasa sa mundo

Wag kang maniniwala sa mga kasinungalingang hatid nito

Ngayon kung nagtatanong ka pa rin kung gaano ka kahalaga

Tandaan mong kahit ang pinakamagandang anghel ay nainggit nung nilikha ka

Na ang bawat landas, ang bawat talampas na binabagtas ng namamangha mong mga mata'y nilikha
muna bago ang pinakamagandang obra

At oo, ikaw yon

Kaya wag ka nang magtaka, wag mo ng kwestyunin kung gano ka kahalaga

Dahil kahit ang pinakadalisay na batis, kahit ang pinakapitagang kapatagan at ang mismong karagatan ay
inilaan, para sa pinakamamahal Nyang nilalang

Kung nalulungkot ka, kung sa tingin mo hindi ka kamahal mahal dahil walang taong nagmamalaki sayo sa
facebook, twitter at instagram

Kung naiinggit ka, kung sa tingin mo hindi ka kumpleto kung hindi ka napapaligiran ng samo't saring mga
luho

Kung pagod ka na, hindi na makagalaw ang manhid mong katawan at mas pinipili mo ng sumuko kesa
magpatuloy sa paglaban

Bumilang ka hanggang dalawa at pagsapit ng tatlo huminga ka

Hayaan mong kumawala lahat ng nagpapabigat sa loob mo, ilabas mo ang nakatagong ginto sa loob ng
matigas na batong bumabalot dito

Makinig ka sa mga katagang sasambiyin ko


Kahit ang pinakamaruming putik sa paningin ng iba ay maaaring maging isang napakagandang obra
maestra

Hinga

At sa susunod na haharap ka sa salamin, wag kang magkibit balikat, pumikit o mag iwas man lang ng
tingin

Pakinggan mo ang mga salitang sinasambit ng hangin

Ang halaga mo ay hindi kailanman kayang sukatin kahit pagsamasamahin ang bawat bitwin, ang bawat
butil ng buhangin at isa isa mo silang bilangin

Mas matimbang ka pa rin

Wala sasapat na salita para ipaliwanag kung gaano ka kahalaga

Ang tanging tanong lang ay, handa ka na bang maniwlaa?

You might also like