You are on page 1of 1

Basahin ang teksto.

Tuklasin ang mahahalagang konsepto at impormasyon na


nakapaloob dito. Ihanda ang sarili na ibahagi ang mga ito sa klase.

Paghahanda ng Kasuotan Para sa Isang Panayam sa Pag-aaplay sa Trabaho

Alam mo ba na 55% ng nabubuong impresyon tungkol sa isang tao ay batay sa


kaniyang pananamit? Iyan ang sinabi ni Kim Zoller ng Image Dynamics. Kaya naman
mahalagang pag-isipang mabuti ang isusuot tuwing haharap sa mga tao lalo na kung ito
ay isang panayam sa pag-aaplay ng trabaho.
Kinagabihan bago ang araw ng panayam, ihanda mo na ang iyong isusuot bago
matulog. Isaalang-alang kung komportable ba o hindi ang damit na isusuot. Tandaang
mas mahalagang maging komportable sa kasuotan kaysa maging maporma. Maaaring
isukat muna ang damit at pakiramdaman kung makaaapekto ito sa iyong pagkilos
kasama na ang paghakbang. Itaas ang mga kamay upang maramdaman kung
komportable sa bandang kilikili at braso. Ipihit ang baywang ng palda o pantalon upang
malaman kung sapat lang ang sikip o luwag nito.
Sunod na isaalang-alang ang kulay ng iyong isusuot. Para sa kababaihan, mainam
ang mga kulay na hindi matingkad sa paningin. Maaaring ang kulay itim sapagkat
naghahatid ito ng pakiramdam ng pagiging pormal, samantalang malamig sa paningin
ang mga kulay na berde, asul at puti.
Kung magsusuot ng bestida, iwasan ang may mga komplikadong disenyo at
masyadong makulay. Maaaring may isa hanggang tatlong kulay lamang ang isang kaaya-
ayang damit. Kapag ang kasuotan naman ay blusa at palda o pantalon at blusa,
pagparisin ang mga ito ayon sa magkakatambal na kulay mula sa mga pangunahin at
sekundaryang kulay. Maaari ding magsuot ng blazer para magmukhang mas pormal ang
bihis. Para sa kalalakihan, umiikot lamang ang maayos na kasuotan sa pantalon o slacks,
polo na may mahaba o maikling manggas, kurbata, at blazer. Dapat ding isaalang-alang
ang tamang pagtatambal ng mga kulay ng isusuot. Ang mga nabanggit na kulay na
malamig sa paningin ay maaari ding gamitin ng kalalakihan.
Iwasan ang pagsusuot ng masyadong maraming palamuti o aksesorya sa
katawan. Para sa kababaihan, sapat na ang pagsusuot ng hikaw. Maaari ding magsuot
ng relo. Malaking tulong ang relo upang malaman ang oras at hindi mahuli sa oras ng
panayam.
Hindi kompleto ang kasuotan kung walang sapatos. Sa pagpili ng isusuot na
sapatos, sapat na para sa kababaihan ang isa hanggang tatlong pulgadang taas ng
takong. Siguruhing hindi ito masyadong mataas, masikip o maluwag at kayang ipanlakad
nang maayos. Itim ang karaniwang kulay ng sapatos. Kung hindi man itim na sapatos
ang isusuot, maaaring itambal ang kulay nito sa kulay ng iyong gagamiting bag. Para sa
kalalakihan, pormal na sapatos ang dapat isuot. Iwasan ang pagsusuot ng sapatos na
goma. Dapat din itong malinis at komportable sa mga paa.
Matapos magbihis, tumingin sa salamin at tingnan kung maayos ang sarili sa suot
na damit. Tingnan din ang buhok at syusin ito. Nakadaragdag ang pag-aayos ng buhok
sa pagmumukhang propesyunal. Para sa kababaihan, maaari ding maglagay ng make-
up.
Bilang panghuli, huwag kalimutang magdala ng bag upang paglagyan ng iyong
mga damit kasama na ang iyong resume at/o portfolio.

You might also like