You are on page 1of 8

Panayam

Petsa: Hulyo 18, 2019


Oras:

Kalahok blg. 14
Babae

M- Mananaliksik
K- Kalahok

M: Naranasan nyo na po bang mangutang?


K: Opo

M: Kanino po kayo nangungutang o saan kayo nangungutang?


K: Nung ano, sa pinsan ko kase sya ang mayroon noong time na yun naghahanap ako ng
trabaho.

M: Sa pinsan lang?
K: Oo.

M: Sa mga kapatid?
K: Wala naman kasi akong kapatid.

M: Sa iyong mga tiyahin?


K: Hindi kasi wala din naman akong mahihiram sa kanila eh kasi wala namang trabaho eh.

M: Sa bangko?
K: Hindi po ako nakapagtry sa bangko.

M: Bakit ayaw mong magtry sa bangko?


K: Wala, parang ano, wala lang, nakakatakot mangutang sa bangko.

M: Bakit nakakatakot, hindi mo pa nga nasubukan?


K: Syempre ang daming hinihinging requirements, pano kung hindi ko sya mabayaran nang
time na yun, di po ba?

M: Eh sa bumbay, bat hindi ka nahiram?


K: Eh ayoko, ang laki ng tubo ng bumbay.

M: Bat? Alam mo bang i-compute?


K: Hindi naman. Eh sabi nga nila eh 5-6 edi syempre mas malaki ang tubo ng bumbay diba.

M: Kahit minsan, hindi mo pa hiniraman?


K: Hindi.

M: Diba may mga nagpapautang din na parang bumbay? Hindi ka nanghiram dun?
K: Sa inyo mam, yun lang.
M: Wala ka nang ibang nahiraman bukod sa pinsan mo?
K: Wala

M: Kaibigan? Kahit nung ikaw ay college, high school.


K: Wala

M: Kay manager, hindi ka nahiram?


K: Hindi pa

M: Wala nang ibang loan? Yung sinabi mo kaninang loan?


K: Sa loan lang, yung salary loan namin dito.

M: Bakit salary loan ang pinili mo?


K: Kasi nung time na yun, pede namang magsalary loan dito, eh kailangang kailangan ko na,
kaya ayun.

M: Ah dahil pwede?
K: Oo

M: Bat hindi sa SS, Pag-IBIG?


K: Eh nung time na yun ay parang di pa ako pwede gawa walang panghulog.

M: Pero ngayon, pwede na?


K: Pede na.

M: Nagloan ka na? SS?


K: Oo. SS.

M: Pag-IBIG?
K: Nakapagloan na din ako dun kasi sabi nga nila eh kailangan mo magloan don para lumaki pa
yung ano mo.

M: Nasa magkano naman ang iyong hinihiram? Halimbawa dun sa pinsan mo.
K: Pinakamataas na ang 1k pag kulang sa budget o kaya ay may kailangan lang bilhin.

M: Pag dun sa SS, magkano?


K: Depende po sa inaapprove nilang first loan, ganun.

M: Pag sa salary loan, kung magkanong buong salary?


K: Isang buwan na sweldo, ganun.

M: Ano ang dahilan ng iyong pangungutang? San mo ito ginagamit?


K: Pag kinakapos, pag talagang kailangang kailangan.

M: Ano yung kailangang kailangan?


K: Yung halimbawa’y may emergency na kailangan may ganto, ganyan.

M: May nangyaring ganan?


K: Meron naman po.
M: Ano yung emergency?
K: Pag ka yung na-ospital ang lola ko nang biglaan, na hindi inaasahan, na kailangang bumili
ng ganto, ganyan.

M: Nakapanghiram ka?
K: Oo

M: Sa pinsan mo din?
K: Hindi, dito na. Yun ngang salary loan.

M: Paano ka nagsasabi pag mangungutang dun sa pinsan mo?


K: Ano, in a nice way.

M: Mas matanda sayo?


K: Oo.

M: Harapan?
K: Oo ganun. Sasabihin ko eh ate baka naman may extra ka dyan, baka pedeng makahiram,
ibabalik ko sa gantong araw

M: Pabiro o seryoso?
K: Parang ano naman, paseryoso naman. Pag ka kailangang kailangan mo na, edi paseryoso.

M: Ano namang sabi ng ate mo?


K: Pag ka naman ano, hindi naman natanggi sakin yun. Hindi naman sya natanggi sakin pagka
meron. Nagpapahiram naman sya.

M: Madali ka bang makahiram o nahirapan ka?


K: Hindi naman. Madali namang manghiram kasi parang ganun din ako pag ka meron ako,
napapahiram ko din sila. Parang balik lang din.

M: Pero minsan ka lang talaga nanghihiram?


K: Minsan lang pag kulang talaga o kailangang kailangan.

M: Ibig mong sabihin, nanghihiram din yung pinsan mo sa iyo?


K: Oo. Pag ka yung kailangan din nya.

M: Kaya madali lang din syang tawagan?


K: Oo, madali syang lapitan.

M: Bakit sa kanya ka nanghihiram, nangungutang?


K: Kasi sya ang may tarabaho, malaki ang sinusweldo. Tapos sya yung tipong wala masyadong
pagkakagastusan kasi wala naman syang anak. Dalawa silang magasawa nagtatrabaho, malaki
income nila.

M: Nung time na yon, wala ka pang trabaho?


K: Nung time na yon, nag iis-start pa lang ako sa trabaho, wala pang sweldo, talagang zero pa.

M: Close ba kayo nyang pinsan mo?


K: Oo naman, close.
M: So isang dahilan yon kung bat sa kanya ka nalapit? Eh marami ka namang mga ibang
pinsan. Bakit sa kanya ka lumapit?
K: Kasi sabi ko nga, sya nga kasi yung meron. Sya yung nalalapitan ko.

M: Yung ibang pinsan mo wala?


K: Yung iba kasi may pamilya na at kulang pa sa kanila, eh sya kasi madaling malalapitan
pagka kailangang kailangan mo na. Nakakagawa sya ng paraan.

M: Ano ang sinasabi nya kapag binigay ang pera na inutang mo?
K: Wala, basta iaabot lang nya

M: Walang reminders o ganto mo bayaran, walang ganon?


K: Wala naman, nagsasabi lang sya na pag kailangan ko na, sasabihin ko sayo ganon.

M: Ano naman ang sinasabi mo kapag natanggap moa ng pera?


K: Nagpapasalamat

M: Wala kang pangako?


K: Minsan sinasabi ko ay basta magkaroon agad ako, ibabalik ko din agad sa kanila.

M: Naranasan mo na ban a tanggihan ka sa pangungutang?


K: Siguro dun sa iba kong pinsan ganon

M: Anong pakiramdam kapag tinanggihan ka?


K: Nakakalungkot

M: Bakit kaya sila tumanggi?


K: Siguro kulang din kasi yung kanilang perang pang gastos at wala silang extra.

M: Paano mo naman tinatanggap ang kaniang pagtanggi?


K: Edi pasalama na lang kung meron o wala, ganon na lang.

M: Ano ginagawa mo kapag tinanggihan ka?


K: Wala, edi gumagawa ng paraan kung saan ako pwedeng magkakaroon ng gantong halaga,
paano ako kikita upang maprovide ang kailangan ko ganon.

M: Paano mo binabalik yung perang inutang mo?


K: Sa sweldo, o kaya pag ka may extra income ako, nagkakapera ako edi ayon

M: Direkta mong binibigay sa kanya?


K: Di ko na pinapatagal kapag meron ako

M: Ano ang sinasabi mo kapag binalik mo na ang perang hiniram?


K: Nagpapasalamat kasi napahiram nya ako noong mga panahong kailangan ko.

M: May interest ba yon?


K: Wala

M: May inutangan k aba na may interest, maliban sa pinsan mo?


K: Wala naman
M: Natutupad mo ba sa takdang oras ang perang inutang?
K: Oo naman

M: Ano ang pakiramdam kapag di mo agad naibalik ang perang hiniram? May pagkakataon ba
na ganon?
K: Minsan po. Hindi mapakali kasi iniisip mo na may utang kang perang di mo pa naibabalik.
Nakakahiya ganon.

M: Kahit pinsan mo sya?


K: Oo naman

M: May dagdag bang interest yon?


K: Sa pinsan ko, wala po

M: Anong sinasabi mo kapag hindi mo agad maibabalik?


K: Nahingi ng pasensya. N agsasabi kung bakit hindi agad naibalik

M: Personal, tinetext mo?


K: Minsan text kapag hindi ko agad nabibigay sa kanya.

M: Ano naman ang sagot nya, reaksyon nya?


K: Wala naman, basta pag daw meron na ay ibigay ko daw agad sa kanya/

M: Kapag kulang pa yung pambayad mo, ano ginagawa mo?


K: Ginagawan ng paraan.

M: Anong paraan ang ginagawa mo?


K: Naghahapit magkaroon ng extra income

M: Sa tingin mo may utang na loob sa pangungutang ng pera?


K: Sa akin kasi, oo naman, kasi pag nangutang ako, lalo na’t kakilala at kamag-anak ay
syempre nahihiya ako kaya tinatanaw kong utang na loob sa kanila ayon kasi pag time na
kailangang kailangan ay napapahiram ka

M: Ano ba ng ibig sabihin sayo ng utang na loob?


K: Yung pag may nagawa silang magnda sayo, tinatanaw mong utang na loob.

M: Sa tingin mob a nababayaran ang utang na loob?


K: Hindi

M: Pero paano mo nasusuklian ang pinakitang kabutihan ng taong pinagkakautangan mo ng


loob?
K: Pinapakitahan ko din ng kagandahang loob

M: Sa paanong paraan?
K: Halimbawa, may kailangan silang usap ganto, ganyan
M: Dun sa pinsan mo, may nangyare bang ganyan?
K: Pagka may nahiram ako sa kanya, tatawagan nya ko na uy pwede bang pagawa ng ganto
ganyan, pupunta agad ako, syempre nahihiya ako na may utang na loob ako sa kanya na nung
panahong kailangan ko ay nakakahiram ako .

M: Pag humihingi ng pabor?


K: Oo yon, binabalik ko lang din.

M: Pero ayon walang usapan na dahil don? Automatic na yon?


K: Wala, sa isip ko ganon na lang para makabawi ako

M: Ano para sa iyo ang kahulugan ng utang?


K: Ang utang ay panghihiram ng pera, parang hinihiram mon a din yung tiwala ng taong
inuutangan mo, kasama ang tiwala.

M: Ano ang tingin mo sa pangungutang ng mga Pilipino? Masama ba, mabuti o ayos lang?
K: Depende, mayroong nakakasama.

M: Kelan nakakabuti?
K: Nakakabuti kasi natutulungan sa mga panahong kailangan mo, nakakasama pag di mo
nabayaran sa tamang oras.

M: Ano bang dahilan kung bat hindi nababayaran sa tamang oras?


K: Siguro gipit din o wala talagang mapagkukunan.

M: Ano ang tingin mo sa mga taong nagpapautang?


K: Mayaman, mapera, Hindi naman, sakto lang, yung tipong sakto lang, nakakaangat sya kaya
asya ang tinatakbuhan ko kapag wala masyadong napagkakagastusan kaya sya ang nilalapitan
lagi.

M: May nagbabago ba sa iyong pakikitungo sa kanya, sa inutangan mo?


K: Wala, mas lalo kaming nagiging close

M: Dati hindi naman?


K: Hindi

M: Naranasan mo na ring magpautang?


K: Oo naman po

M: Magkano naman pinapautang mo?


K: Depende po sa mangungutang, yung halagang kaya ko lang.

M: Sino ang iyong mga pinapautang?


K: Minsan ay kaibigan, kumara, pag kailangang kailangan ganon pag may extra ako

M: Bakit mo sila pinapautang?


K: Pag nagsasabi sila na kailangang kailangan nila para sa ganong bagay.

M: Anong sinasabi mo sa kanila?


K: Wala naman
M: Wala kang tinatanong?
K: Kasi bago naman sila mangutang sakin, sinasabi nila kung saan nila gagamitin

M: Hindi ka pa nagtatanong?
K: Hindi naman po

M: Ano ang pakiramdam pag nabigay mo yung perang inuutang? Kapag nakapag pautang ka
anong pakiramdam?
K: Masaya at nakatulong ako sa taong nanghihiram

M: Ano naman ang reaksyon ng taong pinautang mo?


K: Natutuwa

M: Naranasan mo na bang tumanggi?


K: Malimit, pagka iyon talagang gipit ako at walang mapapahiram.

M: Ano ang sinasabi mong dahilan?


K: Sasabihin ko lang na gipit din ako sa mga panahong ito, may pagaggamitan ako o may
babayadan.

M: Anong pakiramdam pag di mo sila napapahiram?


K: Wala nakakaguilty, lalo na pagka kakaibigan mo, kumare o malalapit sayo, syempre
nakakahiya.

M: Paano mo sinasabi o pinapakita ang iyong pagtanggi?


K: Sinasabi ko lang ng maayos na wala akong mapapahiram talaga.

M: Paano mo naman sinisingil ang iyong pinautang?


K: Hinahayaan ko na lang na magkusa kasi nahihiya akong maningil.

M: Paano pag hindi nagkukusa?


K: Edi itetext ko na lang na kahiya hiya man ganon

M: Anong pakiramdam kapag hindi makasingil ng pautang?


K: Nakakadismaya

M: Bakit?
K: Yung tipong kailangan mo din pero wala kang masingil

M: Anong ginagawa mo kapag ayaw nyang magbayad?


K: Wala naman ako magawa kasi kung wala talaga syang ibabayad eh mag intay na lang
talaga kung kelan sya magkakapera at makakapag bayad.

M: Naranasan mo na bang matakasan ka? Di mo alam kung saan hahanapin?


K: Hindi naman

M: May natutunan ka ba sa pagpapautang?


K: Oo naman
M: Anong natutunan mo?
K: Natutunan ko na yung tiwala mo sa kanya ay sobrang laki na tipong di nya sisirain ang tiwala
mo pero may time din talga na nakakawala din ng tiwala na pautangin kasi ganto pala ang ugali
nito.

M: May nangyareng ganon?


K: Dati meron

M: Nasingil mo pa?
K: Hindi na, tas may time na kailangan mo na ay wala talaga syang maibigay saakin at kung
ano ano pa naririnig ko, parang ako ang lumalabas na masama.

M: Inaaway mo ba?
K: Hindi, bahala na sya

M: Eh sa pag utang, anong aral sa buhay ang natutunan mo?


K: Yung matutuong ibalik ang perang hiniram, para hindi masira ang tiwala sayo ng taong ito

M: Ano ang maipapayo mo sa mga taong nahihirapan magbayad ng utang?


K: Wag na silang manghiram kung hindi nila kayang ibigay

M: Paano kung kailangang kailangan?


K: Edi pwede naman, gawan na lang nila ng paraan na lumapit sila at magkaroon ng extra
income para makabayad.

You might also like