You are on page 1of 2

Iskrip ng Komentaryong Panradyo

Kaugnay ng Paglabag sa Magulang, Nakakatanda at may Awtoridad


Ni Nhamie Kim D. Zabala

Announcer : Mula sa Bulwagang Pambalitaan ng BNHS, narito ang inyong


pinagkakatiwalaang mamamahayag na sina Nhamie Zabala at Michael Zabala at ito ang Radyo
Ekspres.
Michael : Magandang buhay sa inyong lahat mga kapatid!
Nhamie : Maganang buhay, kapatid!
Michael : Kapatid, talaga nga namang nag-iinit ang usapan ngayon dahil sa isang kumakalat na
video tungkol sa isang batang hindi gumagalang sa kanyang guro at ngayon nandito ang kanyang
nakakatandang kapatid para makausap natin siya at matulungan natin siya sa problemang
kanyang kinakaharap. Excited kana ba kapatid?
Nhamie : Oo naman kapatid, sinu ba namang hindi ma papakali sa usapang ito at ngayon
tawagin na natin siya, kapatid John pasok.
John : Magandang buhay po sa inyo.
Michael : Magandang buhay sa iyo kapatid, bago nating simulan ang lahat gusto ko muna
kamustahin ang kalagayan ng iyong nakakabatang kapatid okay lang ba siya?
John : Okay naman na po siya ngayon, salamat po sa pangangamusta.
Nhamie : Mabuti naman, dahil bata pa siya kailangan niyang palakasin ang kanyang kalusugan.
John pwede mo nang ibahagi ang iyong problema.
John : Oki po, gusto ko lang naman po ksing maghingi po sa inyo ng tulong kung paano ko po
matutulungan ang aking kapatid na magbago at hindi niya na po ulitin ang pagkakamali niyang
nagawa dati.
Michael : Napaka bait mo namang kapatid John pero tanong ko lang, kailan ba nag simula ang
ganyang paguugali ng iyong kapatid?
John : Siguro po noong mga limang taon po siya kasi po lumaki po siya sa lola po namin kaya
po siguro na palayawin po siya nina lola. Kaya po yun hindi narin po siya gumagalang sa aming
mga magulang.
Nhamie : Nabalitaan ko rin nga na hindi rin daw siya gumagalang sa tagalinis ng inyong
paaralan?
John : Opo, huhu anu po ba ang magagawa ko para po magbago napo siya at maging isang
mabait at magalang na bata?
Michael : Kapatid ang pagbabago nasa sarili kaya kung ayaw magbago ng iyong kapatid hindi
siya magbabago at ang magagawa mo lang ay tulungan siya na magustohan niya na magbago.
Maari mo siyang hikayatin na magsimba sabi nga nila ‘only on church you will truly change ’.
Nhamie : Pwede mo ring ipaunawa sa iyong nakakabatang kapatid ang pagkakamaling kanyang
nagawa pero iparamdam mo parin sa kanya na mahal mo parin siya para hindi niya masisi ang
kanyang saarili. Sabi nga rin nang iba kapag pinapagalitan mo yung isang tao dahil sa kanyang
pagkakamaling nagawa na walang pagmamahal uulitin niya ulit to, pag naman pinagalitan mo
ang isang tao na may pagmamahal hindi niya na to uulitin.
Michael : Tama kapatid, at kapatid John pwede mo ring ituro sa iyong nakakabatang kapatid
kung paano maging mabuti at magalang na bata sa pamamagitan ng pagiging magandang
halimbawa sa kanya. Sabi nga rin ng iba na ‘ being a good example is the best way of teaching ‘
kaya John lagi ka sanang maging mabuting halimbawa sa iyong nakakabatang kapatid. Nawa ang
mga sinabi namin sa iyo ay maging isang malaking tulong para sa iyo at sa iyong nakakabatang
kapatid.
John : Opo, huhuhu maraming maraming salamat po at ang mga binigay niyo pong payo sa akin
sisiguraduhin ko pong magagawa ko po ito, maraming salamat po.
Nhamie : Walang anuman kapatid John, palaging nandito lang kmi pagnangangailangan kyo ng
tulong o payo.
Michael : Oonga kapatid John, kaya huwag ka mahihiya na humingi sa amin ng payo o tulong,
isang karangalan para sa amin na matulungan namin kayo.
John : Maraming salamat po ulit.
Nhamie : Maraming salamat rin kapatid John sa pagsali sa aming Komentaryong Panradyo at
maraming salamat rin sa mga kapatid na nakikinig sa amin.
Michael : Michael Zabala
Nhamie : Nhamie Zabala nagiiwan ng katagang ‘paggalang ay isabuhay upang magkaroon ng
magandang buhay ‘ at dito na nagtatapos ang aming Komentaryong Panradyo, hangang sa muli.

You might also like