You are on page 1of 3

Jamaica Rose B.

Baclayo

Novie Jean L. Acala

BAHID NG KAHAPON AT NGAYON

Jamaica: Ako ay Baby Boomer kung tawagin. Isinilang mula sa taong 1946-1964, na kung
saan matapos ang pangalawang pandaigdigang labanan ay siya ring paglobo ng aming
populasyon. Matanda man kung kami ay tawagin ngayon ng makabagong henerasyon,
hindi maipagkakailang mas mainam naman ang henerasyong aming kinagisnan
sapagkat ang pagbibigay galang ay hindi naming nakakaligtaan. Ngayon sa makabagong
henerasyon, maging ang pagbati at pagmano ay nawawalan na nang halaga.
Nakalulungkot lamang isipin na ang kultura’t asal ng nakaraan na sana’y pamana namin
sa kasalukuyan ay hindi pinapahalagahan. Nakakatawa, minsan nga’y ang mga asal na
ito’y naihahalintulad na lamang nila sa relasyon ngayon ng mga kabataan, na kung saan
PANANDALIAN at MAY HANGGANAN.

Novie: Ako ay isang milenyal na kilala rin sa katawagang Ingles na Millennial,


Generation of Miracles, Generation Me, Kuruko, at Peter Pan Generation. Nagsimula ang
una naming bilang noong dekada labing siyam walumpu’t dalawa hanggang sa
katapusan ng dekada dalawang libo. Kung pag-uusapan ang pagbati sa aming
henerasyon ngayon ay idinadaan na lamang naming ito sa pagbeso-beso o di kaya’y
isang simpleng “Hi” and “Hello”, kung ang kausap lang naming ay mga kaibigan namin
o di kaya’y kakilala lamang. At yong sinasabi mong ang pagbati at pagmamano namin
ay nawawalan na ng halaga, puwes wag mong lahatin, dahil kung pagmamano ang pag-
uusapan ay hindi rin kami magpapaawat sa henerasyon ninyo. Marunong din kaming
magmano at magsalita sa nakatatanda ng po at opo. Nakakatawa nga ba ang asal namin
pagdating sa relasyon na sinasabi mong may hangganan? Eh, anong tawag ninyo sa
aming mga magulang? Friends with benefits lang?

Jamaica: Kung pag-ibig lamang ang pag-uusapan, walang makatutumbas sa pag-ibig ng


henerasyong aking kinagisnan. Ang panliligaw at pakikipagtipan ay isang sagradong
pangako na kailangan ng basbas ng magulang. Kung pagsisibak ng kahoy at pag-iigib ng
tubig ng isang binata ang siyang paraan upang maipakita niya sa magulang ng dalaga
na ang kanyang pag-ibig ay makatotohanan, ngayon, umabot ng isang taon, dalawa, tatlo
hanggang lima ang kuno’y kanilang pagmamahalan ay hindi pa rin alam ng magulang.
Magugulat ka na lamang sapagkat anak mo’y uuwing luhaan, sapagkat iniwan matapos
buntisan. Noo’y milya man ang layo at buwan man ang pagitan upang maipaabot ang
mga sulat ng pagmamahalan, maghihintay pa rin hanggang sa muling magkakitaan.
Ngayon, nalingat lang ng isang Segundo ang iyong kasintahan, may nakita na agad na
nais ding gawing katipan. Kung ang laro naming noon ay patintero’t habulan,laro naman
ninyo ngayo’y pag-ibig, ligawan, at iwanan.

Novie: Oo, tama ka nga sa puntong iyan na kung nagkakarelasyon kami ay hindi
diretsahang nalalaman ng aming mga magulang. Alam niyo ba kung bakit? Kasi istrikto
kao pagdating sa pag-boboyfriend o pag-gigirlfriend naming. Yun bang sasabihin
ninyong ‘bawal yan baka mabuntis ka’ o hindi kaya’y ‘hindi ka makakatapos kasi
hadlang sila sa pag-aaral mo’. E, hindi naman lahat, nauuna kasi yong pag iisip niyo. Yun
bang tawag sa amin ay advance mag-isip. Sa panliligaw naman, oo, chat lang sa social
media kasi madali lang. walang hassle. Kaysa naman sa old ways, mamapagod kappa, e
paano kung ibabasted ka lang pala, masakit diba? Hindi gaya sa amin na masasabing
slight lang yung sakit kasi chat lang e. At oo, masasabi kong medaling pumalit ng
boyfriend o girlfriend, o di kaya’y mas madali lang kung makapag move-on, pero inuulit
ko, WAG MONG LAHATIN! Ako nga, matagal na niyang iniwan pero siya pa rin. Siya
pa dito oh! Alam mo, lahat nalang ng bagay pinapakialaman nyo, pati ba naman sa
pananamit namin?

Jamaica: Sa panahon ngayon, kung saplot lamang sa katawan ang pag-uusapan, ay wag
na tayong mag-usapan. Sapagkat kung kami noo’y mayroong Maria Clara, kayo naman
ngayo’y mayroon ding Maria…Maria Ozawa. Isang imahe ng kasagwaan at modelo ng
kabastusan, na syang lagging laman ng gallery ng mga kabataan. Pornograpiya
kumbaga. Palda naming noo’y mula beywang hanggang paa, suot naman ninyo ngayo’y
kita maging hita. Kung kami pumaroon sa bayan ay halos hindi maaninag ang siko at
kurba n gaming katawan, ngayon, backless ang suot, bibili lang pala ng mantika sa
tindahan. Tapos kayo nagyo’y magrereklamo, kung bakit talamak ang rape sa lipunan,
eh kasuotan ninyo nama’y tila naghahamak ng gahasaan.

Novie: Naghahamon daw kami ng gahasaan dahil sa suot naming at bistida. Bakit
nagawa pa ring gahasain ni Padre Salve si Maria Clara? Yang mga sinabi mong
naghahamon kami ng rape, hindi ba pwedeng for your eyes only? Hindi sa lahat ng
panahon yan ang intension ng pananamit naming. Ang tawag kasi dyan fashion. Ayaw
naming maiwan sa latest na style. Matatawag kaming baduy dyan e. nag-aadjust lang
kami upang lumawak ang pananaw namin at dahil na rin sa ditto kami nagkatuto ng
panibagong kaalaman patungkol sa pananamit namit na nababagay rin sa taste namin.

Jamaica: Ano man ang henerasyong ating kinagisnan, iisa lang naman an gating
patutunguhan. Mas mainam na lamang na tayo’y nagtutulungan imbes na maglaitan at
magbangayan. Ang mahalaga’y ating nagagampanan an gating papel sa lipunan.

You might also like