Professional Documents
Culture Documents
Talumpating Impormatibo
Nais kong malaman ang kalagayan ninyo. Kumusta kayo? Kayo na ay na sa mabuting
kalagayan? Kung gayon nagagalak kong marinig ang inyong mga tugon.
Ang balita ay isang uri ng lathalain na tumatalakay sa mga kasalukuyang kaganapan sa labas at/o
loob ng isang bansa na nakatutulong sa pagbibigay-alam sa mga mamamayan. Ito ay
napapanahon at makatotohanang paglalahad ng mga pangyayaring nagaganap, magaganap o
naganap na. Ang balita ang nagsisilbing kasangkapan upang makakalap ng mga impormasyon
maaaring sa kung ano ang mga kaganapan na nangyayari sa ating bansa mabuti man o hindi. Ang
balita ay nakakatulong upang maging maalam ang bawat isa at maging mulat sa mga isyu mula
sa ating komunidad, lipunan at iba pa.
Magpatuloy sa Buhay
Saan ako makakakuha ng tulong? Paano ako makakabangon ulit? Ano ang gagawin ko? Ito ang
mga linyang madalas kong marinig ngayon. Kamusta kayo? Inaasahan kong kayo ay na sa
mabuting kalagayan. Ang pangalan ko ay Grace Jobel De Jesus at nandito ako upang magbigay
ng talumpating manghikayat.
Milyun-milyong tao sa buong mundo ang apektado ng COVID-19 pandemic, naging hadlang ito
sa tagumpay at layunin ng mga tao. Malaki ang epekto nito sa kalusugan, pag-aaral, karera,
trabaho at maging ang maliliit na negosyo ay napilitang magsara. Ilan sa inyo ay magtataka kung
paano makakatulong ang isang indibidwal kung siya ay kabilang sa mga apektado, ang ilan sa
inyo ay nagtataka rin kung paano makakabangon ang isang tao nang walang tulong ng iba. Dahil
sa mga tanong na bumabagabag sa iyong isipan, makakatulong ang aking ihahayag sa mga
sitwasyon na maaaring naranasan o nararanasan ng lahat.
Nagtataka ako kung bakit sa edad kong ito ay nararanasan ko ang sitwasyon o problema na hindi
ko pinaghandaan. Napagtanto ko na hindi ko masasabi kung gaano ako katapang kung hindi ko
ito naranasan. Dahil sa pandemya na ito, nalaman kong wala akong magagawa kung hindi dahil
din sa sarili ko. Ngayon, sa kabila ng mga pinagdaanan ko nalaman ko ang dahilan kung bakit
ako nabubuhay, ito ay ang mag bigay payo, motibasyon, at hikayatin na lumaban ang bawat isa.
Ang pagtanggap sa sarili, pagmamahal sa sarili, at labanan ang problema ay kailangan. Huwag
tayong magpatinag sa iba, patuloy tayong maniwala sa sarili dahil ang sarili natin ang kasama
natin sa lahat. Inihahambing ko ang buhay o buhay natin sa isang hagdanan, kailangan nating
humakbang upang hindi manatili sa ating lugar at sumulong patungo sa tagumpay. Tandaan
lamang na hindi ka nag-iisa, lahat ng bagay ay may layunin, ang iyong pinagdadaanan ay may
kapalit, at hayaan ang ating mga kahinaan na maging inspirasyon upang patuloy na lumaban.
Grace Jobel S. De Jesus Grade 12 STEM-A
Talumpating Okasyonal
Alas Dose
“Bagong Taon, Bagong Buhay”. Kaliwa’t Kanan ayan ang naririnig ko. Piccolo, Kwitis,
Sinturon ni Judas at Pla-pla ay karaniwan sa ating naririnig tuwing sasapit ang bagong taon.
Nariyan na sa hapag ang mga bilog na prutas, pera sa ibabaw ng bigas, swerteng kulay sa bagong
taon at isusuot ng bawat pamilya pag sapit ng alas dose. Nariyan din ang aking mga kaibigan na
may dalang paputok upang makisabay sa aming mga kapitbahay. Nariyan din ang mga maiingay
na motor na akala mo’y may paligsahan sa pinakamaingay na motor. Bilang isang mabuting
mamamayan ng Pilipinas, kaldero, boses at torotot na lamang ang ginamit ko upang iwas
disgrasya. Hindi rin mawawala ang mga pamahiin tulad ng mag ingay pagsapit ng alas dose
upang umalis ang kamalasan sa loob ng bahay. Ito ang naiisip ko habang nagpiprito ng hamon at
hindi ko napansin na sunog na pala ito. Bagong taon na naman sana matupad na ang mga
pangarap ko inihain ko na ang mga pagkain sa hapag at malapit na sumapit ang alas dose, inayos
ko na ang mga gagamitin, ang disenyo ng lamesa at dekorasyon sa pader. Tatlumpong minuto na
lamang ang natitira at bagong taon na nakaramdam ako ng antok isa sa New Year’s Resolution
ko ang tumangkad kaya naman tatalon ako mamaya. Ako ay nag alarm ng 12 upang makagising
at makatalon. Naaamoy ko ang isang napakabagong hamon at tila’y nagluluto pa ang aking ina.
Hindi ako mapakali at biglang tumunog ang aking orasan. “Alas Dose na!” sigaw ko.
Pagkabangon ko ay maliwanag na sa labas tinignan ko ang aking orasan at ang nakalagay ay
12:00 PM. Nainis ako at nalungkot dahil maghihintay na naman ako ng isang taon para
makatalon lamang sa bagong taon.