“Huwag na matigas ang ulo. May pandemya pa tayo and
clear na clear ang guidelines. COVID-19 is no laughing matter. Kapag nagpabaya or nagpalusot hindi kayo magaling, baka kayo pa ang maging reason kung bakit nag-i-spread and COVID.” Ayon ito kay Secretary Bernadette Romulo-Puyat, ng Department of Tourism (DOT)
Sa gitna ng ating pakikipag sagupaan sa walang tigil na
pagtaas baba ng mga kaso ng nakakahawang sakit na COVID19 sa nakalipas na halos tatlong taon, ang mga tao ay nabuburya na dahil sa pagiging preso nila sa sarili nilang mga pamamahay upang maiwas ang kanilang sarili sa napapanahong sakit. Isa kaba sa pagod na sa paulit-ulit na pagsunod sa mga alituntunin upang maiwasan ang sakit na covid virus? Hindi ka nag iisa, dahil ang mga magigiting nating mga magulang ay ipinaglalaban ang ating kalayaang lumabas ng walang iniisip na pangamba.
Sa labis na paghihigpit ng mga nasa matataas na posisyon sa
lipunan, ang mga tao ay nagrereklamo na dahil sa tila nagiging isang negosyo na ang mga bagay sa paligid, na para bang ang virus ay hindi na totoo at ang mga tao ay hindi na nadadala sa dami ng mga baryant na nadidiskobre linggo- linggo.
Sa kay tagal na tayo ay nasa bahay lamang, ang dami nating
mga nahinuha at napagtanto, sapat na araw upang ang mga bagay-bagay sa buhay ay mapagtuonan ng pansin. Ang pagaaral at pagtatrabaho ay ginagawa na sa bahay, mga tindahan at pampublikong lugar ay napilitang magsarado ng pansamantala dahil sa banta ng sakit. Pamumuhay natin dati, posibleng maibalik pa kaya? O makakasanayan nalang mga bagay na dala ng pandemya?
Tagal ng panahon na tayo ay nakakulong sa isang
dimensiyon, di natin maiwasang maisip ang buhay noon, kung saan tayo ay malayang nakakapunta sa mga destinasyong gusto nating mapuntahan, mga bagay na gusto natin magawa kasama ang ating mga mahal sa buhay. Sa ngayon ay malabo pa natin itong magawa dahil nga sa banta ng virus.
Tayong lahat ay apektado sa pandemyang ito, mapa matanda
man o bata, mayaman o mahirap, tayong lahat ay nasalanta ng mapanghawang sakit na ito, ngunit mas kaawa-awa ang mga walang muwang na bata. Hindi nila alam kung ano ang totoong nangyayari sa labas ng kanilang mga tahanan kung saan sila ay inaatasang manatili lamang at wag lumabas sa kanilang mga kinaroronan.Nakakaawang isipin na madadala ng mga bata ang ala-ala ng pandemya. Nakakalungkot isipin na kailangan nilang maranasan ang lahat na paghihirap na ito. Nagsisimula ng magkaroon ng hinala ang mga tao na ang pandemyang ito ay gawa-gawa lamang upang makamit ang isang hindi malaman-lamang layunin na nais nilang makamit o sadyang gusto lang nilang perahan ang mga tao. Hindi natin masabi kung ano nga ba ang kanilang intensiyon kung bakit nila ginawa yun. Walang makakapagsabi kung kalian matatapos ang di mawala walang virus na ito ngunit ang ekonomiya natin sa bansa ay unti unti ng bumabalik. Ngunit sa tingin mo ba ay maibabalik pa kaya ang dating sigla at saya ng pamumuhay natin noon sa lahat ng napagdaanan nating bagay sa nakalipas na tatlong taon?
Hangad ng mga magulang ay isang kalayaan. Kalayaan na
lumabas at gawin ang mga bagay na nararapat maranasan ng kanilang mga anak. Ngunit sa mapanganib na panahon nga na nito ay hindi madaling pagbigyan ang kanilang gusto. Kung ikaw ang nasa posisyon na magdesisyon, pahihintulutan mo ba silang makalabas at malayang gawin ang mga bagay na kanilang gusto? Oo, bakit hindi, ngunit bago ipatupad kailangan ng masusing pagaaral ang gagawin upang walang aberya sa kalagitnaan ng pagsasaya. Kung ating hihimayin ng maigi ang sensitibong usapin na ito ay masasabi nating hindi lamang isang maliit na bagay. Kailangan ng siyentipikong pananaliksik bago ipatupad dahil ito ay makakaapekto hindi lang sa mga tao, kung hindi ang lahat ng nakapaloob sa bansang ito. Isipin ang kabutihan ng panlahat, huwag ang pansarili lamang.
May parte kung saan sumasang-ayon ako sa mga
nararamdaman ng mga magulang na naghahangad ng kalayaan, ngunit naiintindihan ko rin ang ating mga awtoridad na kailangan nilang pag aralan munang mabuti ang mga hakbang na gagawin upang hindi lumala ang malala nang sitwayson. Alam nating nagtatrabaho sila ng maigi at ginagawa ang kanilang mga tungkulin ng maayos at bilang isang kasapi ng mamamayang Pilipino, sila ay dapat nating tularan. Huwag nating isipin ang pansariling kapakanan, dahil sa huli, tayong lahat ang makikinabang.