You are on page 1of 2

Ang corona virus disease 2019 o COVID-19 ay isang nakakahawang sakit na dulot ng isang matinding

acute respiratory syndrome (corona virus 2) na kumakalat sa buong mundo. Ito ay isang hindi
masasamang sakuna na kinakaharap ng mundo. Nagulantang ang mundo dahil sa isang iglap ay ang mga
saya ay bigla na lamang napalitan ng lungkot. Ang dating maingay na bayan naging isang tahimik na
lamang.Ang Covid-19 ay kumuha at pumatay ng napakaraming buhay at nagbigay kalungkutan sa mga
mukha ng bawat indibidwal. Marami ang nagsasabing malapit nang dumating ang araw na
pinakahihintay ng lahat, marami rin ang nagsasabing matatapos na ang mundo ngunit ang tanong ay
anong nanyayari? ,bakit ito nangyayari?
Ang pandemyang ito ay isang napakalaking kalabang hindi nakikita ngunit kung umatake ay libo libo ang
buhay na matatamaan. Nababalot na ngayon ng dilim, takot at hinagpis ang ating mundo.
Gayunpaman, sa mga panahong ito ng sakuna ay hindi pa rin tinanggal ng Panginoon ang kanyang pag-
ibig sa atin dahil binigyan niya tayo ng mga taong handang sumulong sa panganib, isakripisyo ang
kanilang buhay sa kabila ng epekto ng coronavirus. Ang mga frontliners ay mga bagong tagapagligtas ng
ating henerasyon, kung wala sila ang mga tao ay nasa rurok na ng kamatayan.

Ang pagiging isang frontliner ay hindi madaling trabaho, nangangailangan ng lakas ng loob, pagtitiyaga
at pasensiya sapagkat sa anumang oras maaari silang mahawaan. Sila ay nagtatrabaho araw-araw at
walang pahinga. Wala silang oras upang makapiling ang kanilang mga pamilya, mga anak , at mga
kaibigan, inuuna nila ang iba bago ang kanilang sarili. Kahit sa una pa lamang ay alam na nila na ang
kanilang mga buhay ay nakagapos na sa tali ni kamatayan. Sila’y tumungtong sa isang
napakakumplikadong trabaho. Mga Nurse at Doctor na araw - gabi nasa hospital nagbabantay at
nakikisalamuha sa mga pasyenteng may Covid-19 na maaaring sa isang iglap ay sila naman ang
babantayan, Mga Sundalo’t Pulis na mula umaga hanggang gabi’y naglilibot sa paligid, natutulog sa mga
daanan, at nakikiusap sa mga taong makikitid ang ulo na pilit sumusuway sa batas, mga informal setlers
na walang tigil na nagbebenta at nagbabantay sa mga department stores para lang mayroon tayong
pagkain na mabibili at maisubo at ang ating gobyerno na gumagawa ng paraan upang mayroon lamang
tayong makain, maiinom at may maipakain sa ating mga pamilya sila ay ang ating kailangan sa mga oras
na ito, sila ang ating sandigan at kaagapay.
Ang pandemyang ito na kinakaharap ng buong mundo ay hindi lamang nagbigay ng delubyo, takot at
kumuha ng napakaraming buhay kundi mayroon din itong mabuting bagay na ibinigay sa mga
mamamayan, mga aral at repleksiyon. Tinuruan tayong bumalik loob sa Panginoon, pinatibay ang ating
pananampalataya na sa panahong ito ng pandemya ay dapat huwag natin siyang kalilimutan sapagkat
siya lamang ang makapagliligtas sa atin. Tinuruan tayong mahalin ang ating mga pamilya na ang
presenya ng pamilya at hindi lamang magbibigay kaligayahan kundi magbibigay sa atin ng lakas ng loob
upang labanan ang kinakaharap nating pagsubok. Tinuruan tayong maging matatag, maging matibay na
sa anumang darating na sakuna ayvdapat tayong handa, wag mawawalan ng pag asa sapagkat sa likod
ng ulap ay may araw, may liwanang na darating at lahat tayo ay magbubunyi. Ang Covid – 19 ay isang
paghahanda para sa ating lahat.

Marami na ang namatay dahil sa pagiging makasarili at kakitidan ng mga ulo. Mga taong walang inisip
kundi ang kanilang mga sarili lamang, mga taong walang ibang ginawa kundi hilaing pababa ang kapwa,
hindi iniisip ang kapakanan ng iba.Ang mga bayaning nasa unahan ay binabato ng mga masasakit na
salita, pinagtutulakan na hindi man lang muna inalam ang kanilang pinagdadaanan at sakripisyong
ibinagay para lamang mapanindigan ang trabaho, para lamang matulongan ang kapwa mamamayan at
sinisi dahil lamang sa pansarili nating mga problema. Dahil lamang hindi nabigyan ng ayuda ang mga
mamamayan na ay nagrereklamo at nagwawala sinasabing ang gobyerno ay walang ginawa kundi
umupo sa malalambot nilang upuan, magsaya sa hawak nilang pera, maglabas ng mga saloobing hindi
naman nakakatulong sa problema na kinakaharap ng mundo sila lamang ay nagdadagdag ng pasakit,
problema at sakit ng ulo.Imbes na manahimik na lamang manatilibsa tahanan, magpasalamat sa tulong
na natatanggap. Tandaan natin na kung wala ang ating mga frontliners ay nakahandusay na tayo sa
kalsada at unti-unti nang namamatay dahil sa gutom at sakit. Nagpapalaboy laboy na sa lansangan dahil
walang makakain at matutuluyan, Nilalangaw sa baho dahil walang tubig na mapanliligo at gamit na
makakatulong sa katawan upang maging masigla. Gayunpaman, sa mga panahong ito ng pandemya
dapat tayong tumulong sa isa't isa sa ating mga maliliit na paraan, magkaisa bilang mga mamamayan ng
mundo dahilan sa laban natin ito, hindi sa kanya, hindi sa’yo kundi para s a ating lahat walang sinumang
makakatulong sa atin kung hindi ang ating mga sarili at mga kasama lamang. Sundin ang mga
palatuntuning ibinahagi sa atin ng ating gobyerno’t mga Doctor—Ugaliing maghugas ng kamay, palaging
sundin ang social distancing sa anumang oras, manatili sa tahanan upang malimitahan ang pagkalat ng
sakit at iba pang precautionary measures na ibinahagi g ating mga frontliners. Dagdag pa rito napakalaki
ang tulong sa atin ngayon ng social media at tamang mga impormasyon, bilang tulong narin natin sa
ating mga kababayan at frontiners iwasan nating magsiwalat ng mga pekeng impormasyon o datos, sa
katunayan magsiwalat tayo ng mga impormasyong magbibigay saya, alindog, lakas ng loob at pag asa sa
ating mga minamahal na mamamayan huwag na nating dagdagan ang takot na nararamdaman ngayon
ng ating mga kababayan. Sa halip ay kung meron tayong naitabing kahit kunting pera o pagkain ay sana
makapagbigay rin tayo sa ating mga kababayan tandaan natin mas mabuti ang nagbibigay kaysa sa
nabibigyan. Sa kaalaman ng nakararami ang mga frontliners ay ang totoong kahulugan ng salitang
bayani. Sa katunayan pinaglilingkuran nila ang mundo nang may pagmamahal, dedikasyon at
katapangan. Sila ang mga bayani na wika ni Dr. Jose Rizal dahil buong puso nilang minamahal ang inang
bayan at handang mamatay para sa kapakanan ng saling lahi dahil ang tunay na bayani ay hindi
nasusukat sa laki ng kanyang lakas ngunit sa pamamagitan ng lakas ng kaniyang puso. Ang
pakikipaglaban natin sa pandemyang ito ay naging mas madali dahil sa kanila. Ipugay natin ang ating
mga kamay at magbigay saludo sa ating mga bayaning nasa unahan. Sila ay inspirasyon at dapat nating
tularan , tayo ay manghikayat na gawin din ang pabor sa mga nangangailangan. Sabay nating isigaw ang
ating pasasalamat sa ating mga frontliners. Katulad ng ating mga naunang bayani na nagbigay ng
kanilang mga buhay sa kapakanan ng nakararami at ng ating mundo ay bigyan din natin ng isang
masigapong palakpakan ang ating mga bagong bayani. Bagong bayani tagapagligtas ng saling lahi. Sa
lahat ng frontliners na kaakibat ng mundo sa sakunang kinakaharap natin ngayon ay hindi masusukat
ang aming lubos na pagmamahal sa katapangang inyong inialay sa ating mundo. Tunay nga na kayo ay
tawaging Bagong Bayani. Tunay ngang sa paglilingkod sa mundo walang edad, kasarian, rango sa lipunan
ang magsasabing daoat kang tawaging bayani sapagkay ang pagtulong sa kapwa ay hindi nasusukat sa
lakas, sa talino at sa laki ng pera kundi sa pusong may paninindigan at pagmamahal sa Inang Bayan.
Frontliners ang bagong bayaning kinikilala ng buong saling lahi. Mabuhay ang ating mga bagong bayani.

You might also like