You are on page 1of 1

Mga bayani sa gitna ng pandemya, sino-sino?

Ang pagdating ng pandemya ay talagang isang malaking dagok para sa mga tao sa buong mundo.
Sino ang mag aakala na ang dating masaya, maaliwalas at magandang kalagayan ay mababalot ng takot,
banta at kamatayan para sa lahat? Tunay na napakaswerte natin sa ngayon na tayo ay buhay at malakas
pa. Lingit sa ating kaalaman, mayroong mga bayani ang gumagawa, nagsasakripisyo, at nag-oorganisa
upangh malabanan ang sakit na pandemya, at maisalba ang lahat ng tao na mahulog sa kamatayan. Atin
silang kilalanin.

Sa kabila ng paghihirap at panganib sa kalusugan, milyon milyong mga frontliners ang patuloy na
gumagawa ng kanbilang trabaho. Ang mga bayaning ito ay patuloy na nagpapakain, naglalaan ng
nakapagliligtas-buhay na mga gamot, naglilinis ng kapaligiran, at higit sa lahat, ang mga nagpapanatili ng
kaliogtasan natin. Sa buhay nila, tunay na sila’ý kahanga-hanga dahil sa matututuhan natin sa kanilang
karanasan kung paano hinaharap ang mga pagsubok sa buhay, mga problema nbila sa araw araw, at ang
kanilang pagbabata para sa atin.

Ang mga doktor, nurse, pulis, mga gobyerno, mga facilitator at lahat ng health workers ang ating
mgs tun ay na bayani. May mga hamon silang kinakaharap tulad ng pagsasakripisyo ng kanilang lakas at
oras para sa mga taong nangangailangan ng kanilang tulong. May ibang namromroblema at dumaranas ng
kawalang-katarungan dahil sa “mababa at kapos na sweldo” na ibinibigay sa kanila. Pero ang mga iyon ay
hindi hadlang sa kanila na magligtas ng buhay sa mga tao. Mga pulios na kailangang maging mahigpit at
matapang para aipagtanggol ang kanilang nasasakupan, at para sa mga taong walang disiplina sa
pagsunod sa mga alituntunin. Tunay silang kamangha mangha.

Kaya makikita natin ang matututuhan natin sa kanila. Maipapakita natin at maipaparamdam na
mahalaga sila kung susunod tayo sa kanila, pagbibigay ng dangal at respeto sa kanila, at pagdarasdal na
sinasama natin ang kalagayan nila. Kaya nawa, maging listas at maging mapagpahalaga tayo sa ating mga
bayai, sa panahgon ng pandemya.

You might also like