You are on page 1of 4

MABUHAY, MGA MODERNONG BAYANI!

Hindi man ako kilala at magaling na makata

Ngunit taos-puso kong ikinatha itong tula

Na mga modernong bayani ang paksa

Sapagkat taos-puso rin ang aking pasasalamat

Na nararapat malaman ng lahat

Sa mga doktor, nurses, health personnels, at iba pang medical staff

Salamat sa pagiging matatag,

Buhay at kalusugan nyo’y walang kasiguraduhan

Pero kayo’y naging mapursigi at matapang

Upang mapagaling lahat ng nadapuan

Hindi alintana ang pagod, puyat, at pangungulila

Para matapos lang itong pandemya

At maligtas sa kamatayan ang masa.

Lahat ng mga scientists at mananaliksik

Akala mo lang sila’y tahimik o walang imik

Ngunit talino’y kanilang ginagamit

Upang bakuna’y makamit,

Matalo virus na nagdudulot ng sakit.

Pati pulis, mga militar, at guwardya


Sila ang susi para tayo’y maging disiplinado muna

Lalayo rin sa kani-kanilang pamilya

Sapagkat uunahin ang tungkulin sa bayan

Kahit mga pasaway ang karamihan

Pasensya’t pag-iintindi nila’y hinahabaan.

Syempre mga pati mga janitor at basurero

Sa paningin mo man sila’y mababang tao

Kaya ika’y hindi interesado

Ngunit sila’y dapat din bigyan ng saludo at irespeto

Gamit na may virus kanilang lilinisin, itatapon, at liligpitin

Kalinisian at seguridad kaya nilang panatilihin

Upang ito’y di na mapunta sa atin.

Opisyal ng gobyerno pati mga tanod

Ikaw man sa kanila’y hindi sumunod

Ngunit lahat ginagawa nila para batas maitaguyod

Naiinis man sa tigas ng inyong ulo

Pero patuloy na nagbibigay serbisyo

Para Covid cases ng inyong probinsya, syudad, at barangay maging zero.

Journalist at reporter

Marumi’t delikadong lugar ay kanilang sinusuong

Upang makatotohanan, bago at tunay na impormasyon ay maibalita

Virus ay di inaalintana, para ang kalagayan ng mundo ay mapakita.


Isali na rin natin ang mga cashier, manufacturer, donors pati na rin mga sponsors

Dahilan kung bakit tayo may ginagamit at kinakain

Pasalamatan ang kanilang pagkamabuti sa’tin

Sila ay mga biyaya na nagbibigay ng kanilang mga blessings.

At syempre mga contact tracers

Na buong araw sa harap ng laptop o computer

Pipigilan nila pagkalat

Ng virus sa ating lahat

Sa pamamagitan ng paghanap

Ng ibang tao

Na nakasalumuha ng nagpositibo.

At sa lahat na hindi ko pa napasalamatan,

Maraming salamat po sa inyo

Sa pag trabaho ng todo

Lalo na sa sakripisyo upang virus ay masugpo

Ako po sa inyo ay saludo, yan ang totoo

Kaisa kami sa inyo!

Ikaw, ako, tayo

Oo, tayo’y mga simpleng tao

Simpleng tao na may maitulong sa mundo

Upang virus madali nating mapatay, maalis, at matalo.


Kung tunay kang naaawa sa ating mga modernong bayani

Bakit hindi mo gawin ang kaisa-isa nilang bilin?

Ang kaisa-isa nilang hinihiling.

Na sana, na sana ay inyong sundin.

Iyon ay manatili ka sa iyong tahanan

‘Wag lumabas naman kailangan.

Saludo ka nga sa kanila pero bakit?

Bakit wala lang sa’yo ang iniinda nilang hirap at sakit?

Bakit? Bakit?

Tama na muna ang pagsabong

Tama na muna ang inuman

Tama na muna ang pagbingo

At higit sa lahat tama na droga

Magpakita naman tayo ng pasasalamat at respeto

Respeto na nagpapatibay ng kanilang loob at pagkatao

Respeto na kanilang hinihinging sukli

Sa hirap na kanilang iniinda’t kinukubli

Upang patuloy na lumaban para sa bayan

At makamtam ang ating inaasam na kalayaan

Mula sa kalaban ng sangkatauhan

Ang Coronavirus na dulot ay sakit at kamatayan.

You might also like