You are on page 1of 11

BIONOTE

Si Jose Rizal ay ang Pambansang Bayani ng pilipinas. Si Jose Rizal ay


nakapagtapos ng Batsilyel sa agham sa Aneteo de Mania na may mataas na
karangalan. Ipinagpatuloy ni Jose Rizal ang kanyang pag-aaral sa Unibersidad
Central De Madrid hanggang matapos si Rizal ng sabay ang medisina at
pilosopia. Natuto rin si Rizal na bumasa at sumulat ng ibat ibang wika kabilang
na ang latin at grego. Natapos ni Rizal ang kanyang masteral sa Paris at
Heidelberg. Ang dalawang nobela na ginawa ni Jose Rizal na ‘’ El Filibusterismo
‘’ at ‘’Noli Me Tangere’’ ay naglalahad ng mga pang-aabuso ng mga prayle sa
mga Pilipino at mga katiwalian sa pamahalaan ng kastila. Si Dr.Jose Rizal ay
isang pilipinong manunulat ,doctor at dalubwika na itinuturing na pambansang
bayani ng pilipinas . Ang Ateneo Municipal de Manila ang pinagtapusan ni Dr.
Jose Rizal at dito siya nakakakuha ng sobresaliente na grado at nakapagtapos
ng Batsiler ng Artes noong 1877.Nagpatuloy siya ng kanyang pag-aaral sa
Ateneo upang makakuha ng lisensya sa Agsukatlupa . Sa Unibersida ng Santo
Thomas nag-aral si Dr.Jose Rizal noong 1877upang kumuha ng kursong
medisina, naging maganda ang marka ng kanyang grado. 22 lengwahe ang alam
ni Rizal . Nagsulat siya nag nobela tungkol sa pangaabuso nga mga dayuhan
sating bansa . Ang mga naging parangal naman niya ya analo ang kanyang
sinulat sa isang kompetinsyon na Juventud Filipina at siya ang nakakuha ng
premyo at iba. Ito ang pinakamahalagang parangal na natanggap nya ay
dineklara siya na Pambansang Bayani.
POSISYONG PAPEL

Nganong panahon lahat ng bagay ay dinedepende ng mga tao sa


teknolohiya upang mas mapadali ang pang araw-araw na ating Gawain . Ang
teknolohiya ay isang makabagong pamamaraan kung saan mas mapadali o
mas mapabilis ang mga bagay,halimbawa nito ay ang mga ginagamit natin na
gadgets. Mayroon itong magandang naidudulot kung gagamitin ito ng tama at
wasto. Bilag mag-aaral, nakakatulong ang cellphone at computer o maging ang
ilang mga gadgets sa mas mabilis na paggawa ng mga proyekto at asignatura
lalo na sa komunikasyon. Sa mas malinaw na paliwanag, ang teknolohiya ay
nakatutulong para mas mapalawak,mapagaan at madagdagan pa an gating
kaalaman . Mas mapapabilis pa nito ang pagkomnikasyon sa ibang tao na nasa
ibang lugar , maaari itong gamitin upang ipahayag o maibahagi ang nga
impormasyon sa mabilis na paraan, ngunit mayroon din namang hindi maganda
. Maari itong libangan kung nababagot .Sa internet na kung saan tayo
kumukuha ng mga impormasyon ,nagagamit ito sa pornograpiya kung saan
paniguradong mga kabataan ang naimpluwensyahan . Isa pa ang social media ,
ditto natin kadalasanng ipahayag ang ating mga pinagdadaanan sa buhay kung
saan maraming tao ang nakakakita nito at maari nilang malaman ang
kaganapan sa iyong buhay at ang iyong pagkatao. Maari dito magsimula ang
pagtulong nila sa iyo sa anumang pinagdadaanan mo o ang pagsuporta nila sa
magagandang kaganapan sa buhay mo .At isa pa sa mabuting dulot nito ay mas
madali mong masasabi sa tao kung may emergency sa pamamagitan ng pag
tawag o pag chat, dahil doon mas mabilis ka nilang matutulungan.Maari itong
maging sanhi ng pagtaas ng grado ng estudyante sa paaralan dahil sa paggamit
ng internet kung saan magkakaroon sila ng kagardagang kaalaman. Sa
kalusugan maari matulungan an gating mamamayan sa pamamagitan ng
pagsasaliksik kung ano ang mga mabuti na ating dapat gawin.
REPLEKTIBONG SANAYSAY
‘’ Tahanan’’
Bawa’t isa sa atin ay may isang lugar na nagbabalik ng mga magandang ala alas a
nakaraan at itong lugar na ito ay isang espesyal na lugar para sa atin dahil ito ay
nagbibigay ng aliw at kaayusan sa atin.Ito ay ating tinawag na tahanan. Ito ay pang
habang buhay nasa ating mga isipan kahit ito ay hindi perpekto pero para sa atin ito ay
ideyal .Ang tahanan ay nababalik ng mga ala alas a atin tungkol sa mga taong nakasama
natin at mga pangyayaring naganap sa ating uhay na nagbigay kulay at kalayaan sa ating
mga buhay. A ng salitang tahanan ay may iba’t ibang konsepto. Ito ay kultura, relihiyon
at lugar kung saan kasama natin an gating mga pamilya, kaibigan , kapitbahay,sariling
pag mamayari, Kapaligiran at iba pa.Ang tahanan ay ang lugar na kung saan dapat tayo
mayroong kalayaan,kaligtasan at nagbibigay kaayusan sa atin dahil andito lahat ng mga
kailangan natin.

Noong pag graduate ko ng elementary , ako ay dinala ng aking ante sa tiniwisan


upang doon ako manirahan at mag-aaral .Ako ay naninibago pa sa lugar na yon at
kaagad gustong bumalik sa aking lugar.Ako ay wala pang gaanong kaibigan at kilala dahil
bago pa lamang ako sa lugar iyon at mayroon pang dalawang buwan bago mag simula
ang pasukan ng eskwelahan ko doon .Ako ay nasa loob lamang ng aming bahay at
hinding hindi ako lumalabas dahil naninibago pako sa kultura,lugar at mga tao doon.
Lumipas ang dalawang buwan,nagsimula na ang aming pasukan doon. Noong mga
unang panahon ko pa doon, hindi ako masyado makausap ng aking mga kaklase dahil sa
sobrang mahiyain ko. Lagi akong tinatalo ng aking hiya kaya medyo nahirapan ako
makisama sa mga tao .Pero, naisip ko na nasa ibang lugar na ako at kailangan ko
baguhin at ayusin ang sarili ko para sa mga tao. Natutunan ko ding makisama sa mga tao
at nagkaroon ako ng maraming kaibigan .Nakag ‘’ adjust’’ din ako sa lugar na yon at
natutunan pang irespeto at mahalin lalo ang kanilang kultura.Noong malapit na kami
magtapos ng high school, ako ay nalungkot dahil alam ko na hindi ko na gaano
makakasama ang aking mga kaibigan doon pagtapos naming mag graduate.Kahit hindi
ako lumaki ng lugar na iyon malaki at madaming kulay ang binigay sa akin nito.Marami
akong mga tao at memorya na kahit kalian hindi mawawala sa aking mga isipan.

Para sa akin , hindi man ao lumaki sa lugar na yon , may mga bagay parin na ayw
kong mawala sa aking buhay kagayang mga dinulot sakin ng lugar na yon .Sa loob ng
daming pangyayari sa buhay ko doon , talagang binigyan ako ng saya ng mga taong
nakasama ko doon at madami akong natutunan sa aking buhay dahil sa kanila.Talagang
naging tahanan na sa akin ang lugar na yon lagi ko iniisip na babalik ko lagi doon dahil
gusto ko ulit maramdaman at makasama yung mga tao doon . Gusto ko rin balikan ang
masarap na pagkain doon at yung eskwelahan kung saan ako nagsimula magbago.
LAKBAY SANAYSAY
Isang araw na puno ng kasiyahan at mga ala ala. Noong ika 30 ng disyembre sa
taong 2019,isang napakagandang paglalakbay mula sa aming dinanas. Sa aking
paglakbay mula sa aming bayan sa kinamlutan patungo sa isang lugar sa isang siyudad sa
Panabo city aking natuklasan ang bawat ganda ng kapaligiran sa lugar na aking
nadaanan.May mga ibat ibang mga tanim , sasakyan at mga tao na minsan mo lang
makikita ang kakaibang handog nila,mga ngiti ,ganda at kulay ng kapaligiran , at ibat
ibang desinyo ng sasakyan.Sa pagdating ko sa isang syudad ng panabo aking naikumpara
ang ganda ng bukid at ng isang siyudad .May malaking pagkakaiba sa dalawa, na kung
saan may mga bagay bagay na iyong nais isipan at ingatan .Masaya lang sa pakiramdam
at isipan na kahit merong pagkakaiba, pero meron naming pagkakahalitulad, pareho
kung natuklasan amg saya ng mga tao, kahit merong pagkakaiba sa takbi ng
pamumuhay. May malaking building , mall at iba pang mga kakaiba sa siyudad na wala
sa bukid, pero pareho naming namumuhay ng payak at parehong saya ng nadarama ng
bawat isa.Aking repleksyon sa aking paglalakbay, kahit merong pagkakaiba, meron
naming pagkakahalintulad, na dapat pahalagahan ng bawat isa ang mga na kung ano
ang meron ay dapat tanggapin at pahalagahan na hindi labag sa kalooban . Di dapat
sirain ang mga magagandang tanwin na binigay sa atin . Tayo ay napakaswete dapat
nating ingatan ang lahat ng bagay, magmahalan at higit sa lahat pahalagan ang
pagkakaiba para maging maayos kagaya ng pagkakatulad.
TALUMPATI
Magandang araw sa lahat! Ang aking talumpati ay tungkol sa KALIKASAN nais kung
ipaalan sa inyo na ang kalikasan ay napakahalaga sa ating buhay. Pero hindi natin
nakabara sa mga kanal na nagdudulot ng pagbaha. Wala na halos pipigil sa pagbaha
dahil halos kalbo na ang kagubatan. Kasi ang daming nagpuputol ng mga puno at
nagmimina sa kagubatan. Alam ko na lagi na nating naririnig sa mga programa sa
television tungkol sa mga problema sa kalikasan .Kung paano nagsimula ,nanatili at
nasira ang mga likas na yaman. Mayroon ding mga programa na naghahatid ng
magagandang pamaraan upang maslusyunan ang isyu. Pinapakita nito kung gaano
kahalaga an gating kalikasan .Lalo na sa mga susunod pang henerasyon. Hindi tayo
magtatagal sa ating mundong ito kung hindi dahil sa ating kalikasan . Ang kalikasan ay
may malaking papel na ginagampanan sa ating ganoon din tayo sa kalikasan . Sa
madaling salita, di tayo mabubuhay kung walang sumusuporta sa ating mga
pangangailangan at kagustohan . Ginawa ng may kapal ang mga magagandang
puno,halaman ,bulaklak at marami pang iba. Ginawa niya ito napakamagandang para sa
atin upang ito’y ating mapakinabangan. Napakamalaking tulong ang naibigay nito sa
atin. Ang mga hilaw na materyales o sangkap na galling o nanggagaling sa mga yamang
likas ay pinoproseso ng mga paktorya na iba’t ibang kompanya. Ginagawang produkto at
ibinebenta sa merkado. Napakamalaki tagala ang naitulong ng kalikasan sa atin .Kung
saan ito ay tumulong sa halos lahat n gating mga pangunahing pangangailangan . Ngunit
nang ito’y nagpatuloy ,naging hindi maganda ang reslta. Nasira ang ating kalikasan unti-
unti.Dahil sa abusing paggamit nito. Kapag may puputol ng punong-kapoy, hindi ito
pinapalitan na nagreresulta sa Deforestation. Tinatapunan ng mga basura ang katubigan
na nag resulta ng water pollution. Madami pang mga problema ang naidulot ng tao sa
ating kapaligiran. Balewala parin kung isa-isahin ang mga problema dahil wala ring
magbabago sa mga masasamang Gawain ng tao. Kya mahalagang pagtuonan natin ng
pansin an gating pinakamamahal na tirahan. Huwag hayaang mas lumala pa ang mga
problemang kinakaharap natin ngayon. Isang magandang paraan ang ginagawa ng ilang
organisayon . Dapat magtanim tayo uli ng mga punong-kapoy para mapanatili ang
kagandahan ng kalikasan . Kung tayo ang sumira , tayo rin ang babalik sa kaayusan at
kagandahan ng mga likas na yaman. Sama-sama tayong gumawa ng magandang Gawain
upang maibalik at maipatuloy pa ang mga yamang ito. Tayo ay may iisang tirahan, iisang
kapaligiran at iisang atmospera. Kaya dapat natin itong tigilan, magtapon ng basura
kahit saan saan, pagpuputol ng mga puno kahit walang dahilan at pagmimina para
makakuha lamang ng kayamanan? Anong klaseng dahilan yan ? Ibalik ang kagadahan sa
ating inang kalikasan ! Taus puso akong hinihingi ang inyong kooperasyon sa paglilinis
sa ating kapaligiran para maibalik ang kagandahan ng inang kalikasan!
Kagawaran ng Edukasyon

Caraga Administrative Region

Dibisyon ng Lungso ng Butuan

Kagawaran ng Mataas na Paaralan

T.Sanchez St.,Butuan City

Panukalang Proyekto

Pamagat: ‘’Pagbibigay sa mga bata ng Barangay Kinamlutan sa paraan ng wastong kaalaman sa Pagturo
sa kanila malinis sa katawan at kapaligiran.’’

Petsa: Ika- 2020 ng Enero 31

Proponent ng Proyekto: Pangkat Heraclitus

Kategorya ng Proyekto: Seminar

Rasyonal: Tinutukan ang proyektong ito upang ang mga bata ay mas matutunan pa nilang maging
malinis sa katawan at magsisilbi silang palatandaan upang hindi nila makalimutan ang maging malinis
na bata sa pamayanan.

Diskripsyon ng Proyekto: Nais nitong mabigyan ng paraan upang maging malinis ang kanilang
pangangatawan at kapaligiran upang malayo sila sa mga sakit na dulot ng mga dumi sa paligid.

Budget: A. Kagamitan na kailangan

 Speaker, Mikropono,Projector,Upuan , at mga gamit pang demo………………………….6000

B. Pagkain / Snacks………………………………………………………………………………………………………2000

Kabuuang gastos…………………………………………………………………………………………………….....8000

Pinagkukunan ng Pundo : Baitang 12 Heraclitus

Inihanda ni: Cecille L. Sagunday / Mag-aaral

Inaprobahan ni: Bb. Francis Caumpay / Guro


Agenda

Saan: AGUSAN NATIONAL HIGH SCHOOL- Campus Covered Court

Kailan: Biyernes ng Alas Singko ng Hapon

Ang ating adyenda para sa ating pagpupulong sa araw na ito sa organisasiyon ng


readers Achievers Club.

Paghahanda para sa selebrasiyon ng Book Month ngayong Oktuber

Pag-uusap ukol sa kung ano ang gagawing aktibidad para sa simula ng Book Month
tulad ng nasaad sa ibaba.

1.Pagsasaayos ng pagkasunod-sunod ng aktibidad ayon sa abiso ng ating tagapaggabay


ng organisasyon.

2.Pagkwenta ng mga kakailanganing material sa paggawa ng aktibidad at kung saan


kukuha ng pera para dito.

3.Pagtalaga ng araw para sa pagpupulong ng mga pangulo bawat seksyon

4. Pagsangguni sa punong guro ng paaralan tungkol sa naging pagpupulong sa nasabing


aktibidad.

5.Pagsasaayos ng gabay at opinion ng punong guro tungkol sa aktibidad at pagusapan sa


susunod na pagpupulong.

Maraming Salamat sa inyong Kooperasyon!


Memorandum

hhj
Abstrak

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay ang malaman at mabatid kung ano ang
mga pinagdadaan ng mga batang ina sa anim na aspeto: emosyonal, espiritwal,
mental, pinansyal, relasyon at sosyal. Ang sinabing pananaliksik ay sumailalaim
sa quantitave method at ginamitan ng nonrandom convenient sampling , kung
saan ang mga respondent ay pinili ng mga mananaliksik base sa
‘’convenience’’. Ang bilang ng mga respondent ay tatlumpot lima na batang ina
na may edad na labing dalawa hanggang labing-walo na naninirahan sa
Kinamlutan Butuan City. Ang lumabas na resulta ay walang pagkakaiba ang
mean score ng anim na salik kapag grinupo sa antas ng huling pag-pasok, edad
ng unang panganganak at kapag igrinupo sa pagkakakilanlan,kung ito ay tumigil
o ipinag patuloy ang kanilang pag-aaral at mayroong pagkakaiba sa mean score
sa emosyonal at sosyal na salik kapag igrinupo sa estadong marital.

You might also like