Professional Documents
Culture Documents
MM 2C
*Ama
Magsilbing haligi at gabay ng pamilya sa lahat ng oras
*Ina
Pagiging mabuting ina sa kanyang mga anak, bilang isang magandang ehemplong tutularan ng
kanyang mga anak at pagpapaunawa sa tama at maling gawain at salita. Pagdalo sa simbahan
at pakikinig sa mg salita ng Diyos na ituturo naman niya sa kanyang mga anak.
*Kawani ng pamahalaan
Pagiging tapat sa kanyang trabaho at mga pinaglilingkuran, nararapat na siya ay may prinsipyo
at dignidad para sa kanyng sarili at desidido sa kanyang trabagong ginagampanan. Siya ay nagt
atatag ng mga batas at proyektong naaayon sa kalooban ng Diyos. Hindi nagnanakaw sa bayan,
hindi nagsisinungaling sa kanyang mga ginagawa at hindi tamad sa kanyang tungkulin.
*Mag-aaral
Pagiging mabuting tao sa pangkalahatan, mayroong malawak na pangunawa at pagiisip sa mga
bagay bagay. Siya ay sumusunod sa mga batas sa loob ng paaralan at sa buong bansa. Pinagaar
alan at isinasabuhay ang mga salita ng Diyos sa pagaaral at pakikisalamuha sa nakararami.
10. Paano naipapakita ang pagmamahal sa bayan?
*Kawani ng pamahalaan
Siya ay may totoong pagmamahal sa bayan na desididong malutas ang mga problema at maibig
ay ang mga pangangailangan ng kanyang nasasakupan upang makamit ang mapayapa at payak
na pamumuhay. May mataas na ambisyon na makamit ang pag babago, at kumikilos gamit ang g
awa hindi ng salita. Siya rin ay nagpapatupad ng mga batas na makakatulong sa mga mamamay
an. May pagpapahalaga sa likas na yaman ng bansa, pagpapahalaga sa mga wika at kulturang
naririto at paghikayat sa mga tao ang pagiging makabayan at pagtangkilik sa sariling atin.
*Guro
Tinuturuan nya ang kanyang mga estudyante ng may pagmamahal at katapatan, sapagkat sila
ang magsisilbing gabay ng bawat estudyante sa paghubong ng kanilang mga sarili.
*Mag aaral
Nag aaral ng mabuti upang maging magandang produkto ng kanyang bayan. Bilang isang mama
mayan ng kanyang bansa kailangan nyang maging makabayan, makadiyos, at makatao.Siya rin a
y may respeto sa kanyang kapwa at hindi ngaungutsa ng iba, kalooban nya ang sumunod sa batas
ng bansa at tumulong ng walang kapalit.
*Magulang
Tinuturuan ang mga anak ng magagandang asal, pinapangaralan ng tama at pinapalaking may tak
ot sa Diyos. Sila mismo ay magsisilbing unang ehemplo sa kanilang mga anak ng mga mabubuti
ng asal at Gawain. Maipapakita nila ang pagmamahal sa bayan sa pamamagitan ng pagpapalaki s
a kanilang mga anak ng tama at may takot sa Diyos dahil sa tahanan nagsisimula ang lahat.
11.Gaano kahalaga ang kursong kinuha mo?
Ang kursong kinukuha ko ay ang unang hakbang ko para sa pangarap ko.
A. Lipunan
Bilang isang marketer mabibigay ko sa mga mamimili ang mga totoo at subok ng produkto na na
rarapat para sa kanila at sa perang binayad nila. Mahalaga ang kurso ko sa lipunan dahil maga
gabayan ko ang mga mamimili sa mga produktong ligtas at epektibo para sa kanila.
B. Bayan
Ang kursong kinuha ko ay mahalaga dahil makakapag ambag ako sa bansa sa pamamagitan ng
pagiging produktibong mamamayan. Ang pagkakaroon ng produktibong mamamayan ay susi rin
sa pagunlad ng bansa, ang kursong kinuha ko ay nasa business field kaya malawak ang maaari
kong pasukang trabaho. Sa mga negosyo, kumpanya at maging sa ibang bansa ay maaari akong
makatulong.
12. Ba't nandito ka sa TSU?
Una sa lahat nandito ako para sa edukasyon, para sa pangarap, para sa pamilya at para sa saril
i ko. Nandito ako para madagdagan ang aking kaalaman at mapaunlad ang aking mga kakayaha
n para sa aking kursong kinukuha ngayon. Napaka espesyal sa akin na naririto ako at nakakapa
sok dahil ang Tarlac State University ay nag bibigay ng high quality education at saksi ako roon
, karangalan kong magtapos sa unibersidad na ito dahil dito rin nagtapos ang mga taong hinaha
ngaan ko.
13. Problema ng mga magulang?
Isa sa mga problema ng magulang ay ang panahon nila sa kanilang mga anak, sila nga ay nagta
trabaho ng maigi ngunit nawawalan naman sila ng oras para sa pamilya. Dahil dito nagrerebel
de ang kanilang mga anak at lumalabas na hindi naman sila nagagabayan at napagtutuunan ng
pansin pag sila ay may mga problema. Hindi sapat na naibibigay lang ang gusto at pangangaila
nagn ng mga anak higit na pinakamahalaga parin ang panahon ng mga magulang para sa kanil
a, para makinig sa kanilang mga kwento, pangaralan, para malaman kung sino ng mga nakakas
alamuha at nagiging kaibigan nila.