You are on page 1of 2

10 katangian ng isang huwarang kabataang pandaigdig:

Magalang -. ang isang huwarang kabataan ay nagtataglay ng napakagalang na katauhan. Siya ay


nagpapakita ng respito hindi lamang sa mga mas nakatatanda sa kanya kundi pati na rin sa mga kasing
edad niya at sa mga mas bata pa sa kanya

Hindi siya pumipili ng mga taong tatanggapin at kikilalanin dahil para sa kanya lahat tayo ay
magkapantay , mayaman man o mahirap .Pinapakita nya ang respito sa iba sa pamamagitan ng
pakikiangkop at pagtanggap sa mga nakagisnan nilang paniniwala at tradisyon.

Matulungin - ang isang huwarang kabataan ay nagpapakita ng awa lalo na sa mga taong
nangangailangan ng pagmamalasakit niya. Ito man ay nasa maliit o malaking paraan, ang pagtulong sa
iba ay nakakapagbigay sa kanila ng walang katapusang kaligayahan.Ang pagiging matulungin ay hindi
lang nakapagbibigay ng ngiti sa iba kundi pati na rin ng pag- asang bumangon sa mga problemang
ikinakaharap nila,kaya naman nararapat itong taglayin ng isang tunay na huwarang kabataan.

Mapagkumbaba- hindi natin kailangang magtapang-tapangan sa harap ng iba para sabihing huwaran
ka.Tandaang ang tunay na modelo ay pagiging likas na mabuti sa kapwa at hindi mo kailangang umarte
para lang hangaan ng iba.Ang napakagandang pagkatao ay nasa puso't isipan at hindi yun mapapansin
ng iba nang dahil lang sa napakagaling mo pagdating sa aktingan.Lagi lamang tayong magpakumbaba
sapagkat alam naman nating sa pamamagitan nun ay iaangat tayo ng Diyos hindi man sa mundong ito na
puno nga kasalanan , kundi sa kanyang kaharian na ang buhay at kasiyahan ay magpa sa walang
hanggan.

Maasahan-kung ikaw ay isang huwarang kabataan,ibig sabihin din nun ikaw ay maasahan. Marami ang
nagtitiwala sayo sapagkat hindi ka ganoong klase ng pabayaang tao. Kapag ikaw ay tunay na kabataang
huwaran, marami ang laging lumalapit sayo sapagkat alam nilang hindi sila makakaranas ng kapabayaan
sa mga kamay mo at alam nilang hindi sila mapapahamak pag nasa tabi mo. Maliit o malaking halaga ng
mga kagamitan ay ipinagkakatiwala sayo , sapagkat sa maliit o malaking bagay man naniniwala ang
karamihan na ikaw ay talaga nga namang maasahan.

Maalalahanin- ang isang huwarang kabataan ay talaga nga namang maalalahanin. Nag aalala sya hindi
lang sa kalagayan ng mga taong nasa paligid nya kundi pati na rin sa nararamdaman nila. Inaalala nya
kung ang ginagawa ba nya ay hindi nakakasakit ng damdamin ng iba sapagkat kung nagkaroon man sya
ng ganoong hindi inaasahang pagkakamali, alam nyang hindi sya matatahimik sa kung ano man ang
naging epekto nito sa iba at dahil dun mag iisip sya ng paraan upang mai-tama ang mga pagkakamali
nya.Sa madaling salita hindi lang sarili nya ang inaalala niya kundi pati na rin ang mga taong nasa paligid
niya.

Pala- kaibigan- ang isang huwarang kabataan ay mahilig makipag kaibigan. Kung para sa iba distorbo
lang at aksaya ang pakikisalamuha sa mga taong kakikilala lamang nila,subalit para sa isang huwarang
kabataan ito ay biyaya o regalong hinding hindi nila tatanggihan. Ang tunay na magaling makipag- usap o
mayroong mga kakayang pang komunikasyon ay nagkakaroon ng mga kaibigan hindi lang sa sariling
bansa kundi pati na sa buong mundo. Hindi sya bumabase sa kayamanan upang makipagkaibigan,subalit
nakabase sya sa kabutihan ng kanilang mga kalooban.

Makakalikasan-ang pagiging huwaran ay pagiging makakalikasan. Kailangang ipakita mo sa iba at


pangunahan mo sila patungkol sa maayos na pangangalaga sa ating kalikasan at iba pang mga likas na
yaman. Ipamulat mo sa kanila ang kahalagan nito at ang katotohanan na hindi lang tayo ang
pinakahuling henerasyon ng tao sa mundo . Isa isip na mayroon pang susunod at kailangan nating
siguraduhin na makikita pa nila si Inang Kalikasan pagdating ng panahon.

May partisipasyon- ang isang huwarang kabataan ay nakikibahagi sa mga gawain sa kanilang barangay o
lipunan tulad na lamang ng mga seminars na nakapagbibigay sa kanya ng dagdag kaalaman sa mga
bagay na maaaring maging solusyon sa mga problema sa kapaligiran. Aktibo din siya sa pagbibigay
komento upang mabigyang daan ang pagresolba sa iba't-ibang mga isyu sa bansa.Sa madaling salita
hindi siya nagbubulag bulagan o nagbibingi bingian sapagkat mulat sya sa mga tunay na nangyayari sa
kanyang kapaligiran.

Nag aaral ng mabuti- bilang huwarang kabataan, hinding hindi mawawala sa isipan mo ang makapag
tapos ng pag aaral.Hindi mo kailangang maging sobrang galing sa paaralan upang matawag na tunay na
huwarang kabataan.Sapat na ang mga salitang nagsisipag kang makapagtapos ,sapagkat alam mong isa
ka sa sinasabing pag asa ng bansa at ang magdadala ng Pilipinas sa tuktok ng tagumpay pagdating ng
araw na ikaw ay nakapagtapos na at napagtagumpayan ang iyong mga pangarap sa buhay .

Makadiyos- pinaka huli at pinaka importante sa lahat ay ang pagiging makadiyos. Hindi sapat na
magaling ka lang sa paaralan, kasi nga aanhin mo naman yang mga problema mo kung wala rin naman
ang Diyos sa tabi mo. Napakahalagang manalig tayo sa Panginoon sapagkat siya lang ang tunay na
makaka ahon sa atin sa mga problemang ikinakaharap ng bawat isa. Kung nawawalan na tayo ng pag
asa, ganang mabuhay at mag aral nang dahil sa dami ng mga pagsubok, laging nandyan ang Diyos,
upang ipaalala sa atin na hindi tayo nag iisa at kailangan pa nating lumaban para sa ating sarili, sa ating
pamilya, at higit sa lahat para sa minimithi nating pangarap.

You might also like